Stories Tagged:gayfriend
gayfriend
Soulmates pero platonic? Pwede ba 'yun?
Sa loob ng maraming taon, iisa lang ang mundo nina Charlie at Jake. Sabay nangarap, sabay nadapa, at sabay hinarap ang bawat hamon ng buhay. Pero habang nagbabago ang lahat sa paligid nila, may isang bagay na pilit itinatago ni Charlie: ang pag-ibig na hindi na kasya sa salitang "best friends." Sa gitna ng kaguluhan ng pagpasok sa bagong yugto ng kanilang buhay, kakayanin ba ni Charlie na bitawan ang nakaraan para sa isang kinabukasang hindi niya tiyak?
Chasing Charlie (2026)
Sa San Pascual de Almas, walang estudyanteng naglalakad nang hubad ang mukha; bawat isa ay may suot na mapanlinlang na maskara.
Pumasok si Bill sa unibersidad hindi upang mag-aral, kundi upang maningil sa pagkamatay ng kapatid niyang si Alejandro. Ngunit sa kanyang pagtapak sa San Pascual, may ibang nagising-isang mapusok na init na matagal na niyang itinatago.
Sa mundo ng mga fraternity at lihim na ritwal, ang panganib ay humahalo sa pagnanasa. Habang hinahanap ang may duguang kamay, matatagpuan ni Bill ang sarili na nalulunod sa mga nakaw na tingin at mainit na dampi ng balat. Sa gitna ng mga lalaking misteryoso at mapang-akit, kailangang timbangin ni Bill ang tawag ng hustisya at ang bawal na sarap na inaalok ng gabi.
Sa paaralang ito, ang paghihiganti ay may presyo-at ang bawat maskarang nahuhubad ay kapalit ng isang gabi ng kasalanan.
The Ghost of Alejandro (2026)
BL-Taglish Romance
Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a shadow of its former self.
Win's best friend, Warren, sees the unnoticed pain and struggles, but he's battling his own flaws. Without honest communication and mutual understanding, their love risks fading into heartbreak.
True love demands more than passion-it requires courage to speak, listen, and rebuild what's been lost. Will they find their way back, or will silence be their undoing?
Date started: August 09, 2024
Date finished: January 10, 2025





