Tag: genggeng
Sanay si Reese Salcedo na makuha ang lahat ng gusto niya. Growing up rich, spoiled, at palaging nasa sarili niyang mundo, she always finds a way to get what she wants-kahit pa minsan may ibang taong kailangang magtakip sa kasalanan niya.
Kaya nang dumating sa Manila si Hermideo, a 21-year-old guy from Bicol with a dark and messy past, hindi niya maiwasang pagdudahan ito. He was a former drug user, a troublemaker, a womanizer, at puno ng kaguluhang hindi niya maikuwento nang buo. But despite his dangerous reputation, Reese's father believes in second chances, kaya pinag-aral niya ito sa Manila to give him a fresh start.
Determined to prove he hasn't changed, nagdesisyon si Reese na lapitan siya. She becomes his friend, watches his every move, at inaalam kung tunay nga ba siyang nagbago. It was supposed to be a simple plan. But as the days go by, unti-unting nahuhulog si Reese sa lalaking una niyang pinagdudahan.
She fell first-but Hermideo fell harder.
Dahil sa likod ng pagiging spoiled at makulit ni Reese, Hermideo sees the real version of her na hindi ipinapakita sa iba. As they slowly break down their walls for each other, matutuklasan nilang minsan, ang taong pinipili mong bantayan ay siya ring taong pinakamahirap mong iwasan.
In Reese's world, trouble has always been beautiful. At si Hermideo ang magiging pinakamaganda niyang disaster.
At eighteen, halos buong buhay ni Hermideo ay lumaki sa paniniwalang galit lang ang lengguwaheng naiintindihan ng mundo. Pinalaki ng kapabayaan, pinatigas ng kalye, at pinalibutan ng mga taong akala'y katumbas ng karahasan ang katapatan, he became exactly what everyone expected him to be-a rebel with nothing left to lose.
Samantala, si Reese, twenty-one, ay namuhay sa kabaligtaran ng paniniwala. Naniniwala siyang walang kabutihang nasasayang, kahit hindi ito napapansin o nasusuklian. She chooses patience over pride, compassion over retaliation, at hangga't maaari, umiiwas siya sa gulo. Ngunit gaano man siya kaingat lumayo, tila ang gulo mismo ang laging naghahanap ng paraan para habulin siya.
Ngunit nang isang hindi inaasahang pagkakataon ang magtagpo sa kanilang landas, unti-unting naglaho ang distansyang matagal nilang iningatan. Behind Hermideo's defiance is a boy who has never been given the chance to be understood. At sa likod ng tahimik na katatagan ni Reese ay isang taong matagal nang natutong buhatin ang sarili niyang mga pasanin nang walang hinihinging tulong.
Habang unti-unting nagiging malabo ang hangganan ng obligasyon, katapatan, at damdamin, pareho nilang matutuklasan na may mga sugat na hindi kailanman kayang itago habang-buhay. At may mga taong dumarating sa buhay natin hindi para iligtas tayo, kundi para ipaalala na kaya pa rin nating iligtas ang ating mga sarili.
Because every rebellion leaves behind a scar.
And every scar tells the story of someone who once believed they were beyond redemption.



