Stories Tagged:lihim
lihim
Masasabi bang ang sugat na natuyo ay tuluyan nang naghilom kung ang kinailaliman nito ay may kaunti pang pagnanasa? Paano kung muling magtagpo ang kanilang mga pusong minsan ring nangulila? Patuloy pa rin ba kaya nila itong ipagsawalang-bahala o hahayaan nalang na kusang gamutin ito ng tadhana?
Ang buong akala ni Delio ay naibaon na niya sa hukay ang mapait na nakaraan kasama ang totoong katauhan at ng kanyang pinagmulan. Mapapadpad siya sa bayan ng San Diego kung saan ipapaalala sa kanya ang lahat at may makatutuklas sa lihim na kay tagal niyang iningatan. Ngunit paano kung ang lihim na ito ay magtutulak sa kanya upang magising sa sariling kamalayan? Kaya ba niya itong labanan kung ang pawisang isip ng ibayong sarap ay magdudulot sa kanya ng kakaibang uhaw mula sa nililikhang malalapot na katas?
"Secrets and lies kill relationships. No matter how careful you are, you will get caught." - Anonymous








