Tag: man2manlovestory
Matinding karibal para kay Jericho Gonzales si Gerome Almeria kung pag-uusapan ang trabaho at atensyong nakukuha nito. Magmula nang dumating si Gerome sa kanilang kompanya mahigit isang taon na rin ang nakalilipas, lahat ng proyekto maging sa iba pang aspeto ay nawala sa kanya. Kinasusuklaman niya si Gerome at hindi binigyan ng pansin kahit minsan sa loob ng halos dalawang taon.
Isang gabi na nagkakasiyahan silang magkakatrabaho mula sa iisang departamento, isang sikreto rin ni Gerome ang nadiskubre ni Jericho -- habang nasa CR si Gerome, nakatitig ito sa isang poster. Ang poster na iyon ay larawan ng sikat na grupong Asyano na puro lalaki ang miyembro. Nakababa ang kanyang pantalon; Ang isang palad niya ay nakalapat sa pader na nasa kanyang tapat; At ang kagimbal-gimbal at karumal-dumal na nasaksihan ni Jericho ay ang makitang pinaglalaruan ni Gerome ang naghuhumindik nitong alagad.
Habang pinapanood ni Jericho ang tagpong iyon, isang ideya sa isip nito ang pumasok -- ideyang siguradong makasisira sa magandang imahe ni Gerome.
Ito na kaya ang pagkakataong hinihintay ni Jericho upang mabawi ang titulong nasa kanya noon? Gagamitin niya ba ang kanyang natuklasan tungkol kay Gerome upang maibalik ang nawala sa kanyang mga proyekto at atensyon?
[ Note: Ang kuwentong ito ay una kong inanunsiyo na may titulong 'POSITIVE'. ]
Synopsis:
Sa buhay ng tao, ang mga pagkakamali ay normal lamang. Ito rin ang mabisang daan upang tayo ay makakuha ng aral.
Pero paano kung ang resulta ng mga pagkakamali sa nakaraan ay madadala na natin habang-buhay?
Isang halimbawa na lamang ang nangyari kay Rex. Dahil sa pagiging mapusok at mapaglaro ay nakuha nito ang isa sa mga itinuturing na pinakamatinding sakit sa mundo. Hindi niya ito matanggap. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas. Pinili na lamang niyang sumuko lalo na at tinalikuran na siya ng lahat.
Ngunit sa kalagitnaan ng pakikibaka niyang iyon, dumating naman ang isang taong handa siyang tanggapin sa kabila ng kanyang kondisyon ---- si Alexis. Ano-ano pa kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Rex?
Sinadya ba ito o itinadhana? Pinagtagpo ba sila upang may mabuksang isipan? Nangyari rin ba ang pagkikita upang ang isang pangarap ay mabigyan ng katuparan?
Tunghayan ang isang kuwentong maaaring magmulat sa atin sa reyalidad. Alamin ang pinagdadaanan ng mga taong nabibilang sa itinuturing ng marami na nasa ibang komunidad. Kilalanin sila at bigyan ng pagkakataon na sarili nila ay maihayag.
COMPLETED: MAY 2018
PUBLISHED: AUGUST 12, 2018
Tatlong taon - sa mahabang panahon na ito ay nagkukulong lamang si Jam sa sariling mundo nila ng kanyang nobyo. Sa bawat araw na lumilipas, iisa lang ang uri ng pamumuhay na mayroon ito. Paulit-ulit. Walang nagbago.
Ngunit, sino si Kim na biglang papasok sa buhay ni Jam bago sumapit ang Pasko? Ano ang magiging papel nito sa buhay ng bida nitong kwento? Si Kim ba ang magbabago sa pananaw ni Jam? Si Kim ba ang magiging dahilan para iwan ang kanyang nakasanayan?
Kung ganoon nga ang kaganapan, paano ni Jam pakakawalan ang nobyo niyang si Sam? Magagawa niya bang kalimutan ang kanyang kasintahan? Ang kanyang kasintahan na matagal na niyang hinihintay na mayakap at mahagkan?
Tunghayan ang isang kwento na magbibigay kulay sa ating Pasko. Kilalanin ang tatlong tao na tanging pagmamahal at inspirasyon ang magiging hatid sa inyo.
**** This story luckily took the first spot and declared as the grand winner from the writing contest of Wattpad LGBTPh in the year 2016.
Ano ang gagawin mo sakaling gumising ka isang araw na nasa ibang bahay ka na? Ano rin ang gagawin mo kung sa paggising mong iyon ay may dalawang bata na ang tumatawag sa iyong 'Papa'? Higit sa lahat, ano ang gagawin mo kung sa paggising mo ay mayroon ka nang asawa? At ang nakakakilabot pa, hindi isang babae kundi kapwa mo lalaki ang umaangkin sa 'yong asawa ka niya?
Ito ang nangyari kay France. Marami ang naging pagbabago sa kanyang buhay simula nang magising siya mula sa mahabang pagkakatulog niya.
Ano kaya ang magtutulak kay France para magpanggap bilang asawa ni Doctor Oliver na ngayon niya lang nakilala? Hanggang kailan niya itatago ang sikretong hindi siya ang tinutukoy na tao ng pamilyang bumungad sa kanya?
Samahan si France kung paano niya tuklasin ang nagtatago sa kanyang totoong pagkakakilanlan. Tunghayan din natin kung paano niya paninindigan ang pagiging...
...SUBSTITUTE HUSBAND.
|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito.
Paano maibabalik ang pagmamahal ng taong lubusang nasaktan? Paano tatanggalin ang pilat na iniwan ng nakaraan?
Paano kung ang akala mong taong kinalimutan ka na ay magbabalik sa buhay mo para muling ipadama ang pagmamahal n'ya?
**** Book 2 po ito ng story nina Xander at Tom. Bago n'yo po basahin ito, basahin n'yo muna po sa profile ko ang Book 1. Thanks guys!
WARNING: Karamihan sa mga chapters na inyong mababasa ay drama. Kaya kung hindi n'yo po gustong maluha kahit isang beses, pag-isipan n'yo po muna kung itutuloy n'yo pa. Maraming salamat po!
*MAY 2016 - NOVEMBER 2016*
HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #154







