Tag: martha
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang kalutasan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience-sa anumang paraan.
Kristine Series 20 - My Wild Heiress
By Martha Cecilia
"And did you think I want to marry someone like you?" ani Jace. "Heaven's sake, Andrea Monica, a playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats!" Ipinagkasundo si Andrea Monica ng ama na ipakakasal kay Leandro, anak ng kaibigan ng pamilya, isang lalaking ni hindi pa man lang niya nakikilala. At upang ipakita ang rebelyon sa ama na hindi siya pakakasal sa lalaking gusto nito para sa kanya ay inalok niya ang hunk and gorgeous at substitute pilot ng Learjet na si Jace del Mare, na pakasalan siya at babayaran niya ito sa anumang halagang gugustuhin nito. Hantaran niyang nilait ang pagkatao ni Leandro sa harap ni Jace. Na si Leandro ay isang oportunista at ang mamanahin lamang niya ang hangad nito. Para lang malaman na ang lalaking hindi niya gustong pakasalan at ang lalaking inalok niyang bayaran upang pakasalan siya'y iisang tao.
"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if he was the only man on earth..." Chantal indulged Quinn when she listened to his story about his superhero brother. Subalit hindi siya naniniwala rito. Ang James Navarro na ikinukuwento ni Quinn sa kanya'y produkto lamang ng imahinasyon nito... dahil naniniwala siyang ang ikinukuwento nito'y ang pagkatao na gusto nitong maging. But never in her wildest dreams that she would soon meet the man himself. Subalit may nakaligtaang ikuwento si Quinn sa kanya-James Navarro was also arrogant, rough, a bully, and the devil personified.
"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks against his back, her eyes closed. Hindi magawa ni Karl na magsalita. Nasasamyo niya ang hininga ng estranghera, like a soft wind brushing his ear. Her breasts on his back radiated warmth. Ang mga kamay nito sa loob ng mga bulsa ng shorts niya ay ilang pulgada na lang mula sa hindi nararapat. And they were in the middle of the ocean, on a starry night, stranded on her fishing boat!
"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie nang itanggi ni Romano na anak nito ang kanyang dinadala and accused her of having an affair with another man. Binigyan siya ng pag-asa ni Kendal Quidd, isang negosyante, at isinama sa La Crouix, isang isla sa Caribbean. When she thought she was almost over him, muli silang nagkaharap ni Romano, threatening to take her son away.
Kurt La Pierre-ex-CIA. Ruthless, crude and vulgar. He was literally and figuratively dangerous. Lahat ng bagay na kinasusuklaman ng isang babae ay taglay nito. Except that this mysterious man had hypnotic eyes and lethally attractive. Para kay Kurt, basahan lang ang mga babae, dekorasyon sa kama at taga-satisfy ng biological needs nito. At hindi naiiba ang socialite na si Jade Ann Fortalejo de Silva. What made him hate women? Kapeng barako at krema. Iyon ang comparison kay Jade at sa bodyguard niya. Jade was totally out of Kurt's league. Ang kagaspangan nito ay nagpapanindig ng kanyang mga balahibo, lalo na ang mga sexual exploit ng lalaki. But she loved him... she loved him. Kaya ba niyang tunawin ang yelong nakapalibot sa puso ni Kurt?
"...I have a better idea, sweetheart." Nanunudyo ang mga mata ni Romano nang sabihin iyon sa masungit na estranghera. "Ditch your lover and take up with me instead." Sa ikalawang araw matapos gawing pormal ni Derick ang engagement nila, natuklasan ni Bobbie ang kataksilan ng fiancΓ©. At sa mismong araw din na iyon, she met the most irritating but exceedingly handsome man. Pero wala siyang intensiyong makipagkilala rito. Hindi niya type ang mga lalaking nagtataglay ng maraming R. Romano. Rugged. Rough. Rude. Rich. In that order. Oh well, may isang R na gusto si Bobbie. Romantic. At hindi si Romano iyon who was so brutal in telling her na iisa lang ang gusto sa kanyaΒ-bed partner.
Mula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya MontaΓ±ez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulungan ang babaeng namatayan ng baterya ang kotse sa gitna ng ilang at bumabagyo-only to be shocked by the intense pull he felt when their skin touched. Something long dormant stirred deep inside him. Tulad ng pinsang si Kiel, marahil ay may pag-asa pang maging maligaya uli si Luke. That is, if he could keep her alive from her stalker.
Angeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a gorgeous fisherman, whose smile melted her knees. But he owned a black Honda Civic. At iyon mismo ang sumusunod kay Angeli sa daan nang patungo siya sa San Nicolas. At ang humahabol sa kanya nang gabing mamatay si Dirk ay ang itim ding Honda Civic. At natitiyak niyang may lihim sa likod ng pagkatao ni Hanz. Was she risking her life as well as her heart by falling in love with him?
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra.
Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?












