Tag: navarro
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang kalutasan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience-sa anumang paraan.
Anim na taon na ang nakalipas, si Ivan at ang dalawang kasama niya-all of them international agents of high caliber-ay iniligtas si Nayumi Navarro mula sa tangkang pag-kidnap dito. Hindi nakilala ni Nayumi ang tatlong taong nagligtas sa kanya. Pero nanatili sa isip at puso niya ang pinuno ng mga ito, kahit na hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito. She was not fatalistic. Pero isang araw ay nagtagpo sila. Muli siyang iniligtas ni Ivan sa muntik nang pagkapahamak.
Now her fantasy... her knight in shining armour had a face-a handsome, hardened man, with no interest in loving a woman. And if there was one thing he wanted from her-it was sex with a capital S. "Don't fall in love with me, Nayumi. Trust me, I always say good-bye.
"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto sa paanyaya ng gagamba na gumapang sa sapot nito. And this man wasn't an ordinary spider. He was a wolf spider. A predator. But come to think of it, she didn't have anything against wolf spiders. "Okay... I'll have one or two shots," she said boldly, wise or foolish, so let it be. Benedict grinned devastatingly. And she stopped breathing.
Madaling-araw na pero nasa deck pa rin ng pag-aaring yate si Renz Navarro, tired and bored to death. He had just made love to his current girlfriend and found no satisfaction. Nang mula sa kung saan, nakita niyang sumampa sa railings ng yate ang isang... babae! His yacht was more than a thousand yards away from Manila Bay. Ang magkaroon ng hindi inaasahang bisita mula sa madilim na karagatan sa ganoong oras ay bahagi lang ng pagkamangha niya. What took his breath away was the fact that the woman who climbed up to his deck was wearing nothing but seawater dripping down her body!
Kristine Series 20 - My Wild Heiress
By Martha Cecilia
"And did you think I want to marry someone like you?" ani Jace. "Heaven's sake, Andrea Monica, a playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats!" Ipinagkasundo si Andrea Monica ng ama na ipakakasal kay Leandro, anak ng kaibigan ng pamilya, isang lalaking ni hindi pa man lang niya nakikilala. At upang ipakita ang rebelyon sa ama na hindi siya pakakasal sa lalaking gusto nito para sa kanya ay inalok niya ang hunk and gorgeous at substitute pilot ng Learjet na si Jace del Mare, na pakasalan siya at babayaran niya ito sa anumang halagang gugustuhin nito. Hantaran niyang nilait ang pagkatao ni Leandro sa harap ni Jace. Na si Leandro ay isang oportunista at ang mamanahin lamang niya ang hangad nito. Para lang malaman na ang lalaking hindi niya gustong pakasalan at ang lalaking inalok niyang bayaran upang pakasalan siya'y iisang tao.
"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks against his back, her eyes closed. Hindi magawa ni Karl na magsalita. Nasasamyo niya ang hininga ng estranghera, like a soft wind brushing his ear. Her breasts on his back radiated warmth. Ang mga kamay nito sa loob ng mga bulsa ng shorts niya ay ilang pulgada na lang mula sa hindi nararapat. And they were in the middle of the ocean, on a starry night, stranded on her fishing boat!
A virgin widow. At gusto niyang takasan ang bayaw na naghahangad sa kanya. Mula Houston, Texas, Kristine was swept into a savage paradise sa isla ng mga Navarro sa Quezon Province. Si Alvaro, ang panganay na anak ni Franco Navarro, was a handsome devil na walang balak magpatali sa kasal. Kristine suited him. A sexy widow. Pero ang malamang virgin pa ito ay isang bonus.
Dalawang buwang sanggol pa lamang si Bea nang mangako ang sampung taong gulang na si Franco Navarro sa kanyang ama na pakakasalan siya sa pagsapit ng ikalabing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang nakalampas matapos ang eighteenth birthday niya. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Bea ay makakaharap niya si Franco Navarro upang ipatupad dito ang pangakong binitiwan. Si Franco Navarro ay walang balak na magpakasal sa kahit na kaninong babae. Pero determinado si Bea and she was holding on to his promise once upon a time.









