Stories Tagged:phr
phr
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang kalutasan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience-sa anumang paraan.
Anim na taon na ang nakalipas, si Ivan at ang dalawang kasama niya-all of them international agents of high caliber-ay iniligtas si Nayumi Navarro mula sa tangkang pag-kidnap dito. Hindi nakilala ni Nayumi ang tatlong taong nagligtas sa kanya. Pero nanatili sa isip at puso niya ang pinuno ng mga ito, kahit na hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito. She was not fatalistic. Pero isang araw ay nagtagpo sila. Muli siyang iniligtas ni Ivan sa muntik nang pagkapahamak.
Now her fantasy... her knight in shining armour had a face-a handsome, hardened man, with no interest in loving a woman. And if there was one thing he wanted from her-it was sex with a capital S. "Don't fall in love with me, Nayumi. Trust me, I always say good-bye.
Madaling-araw na pero nasa deck pa rin ng pag-aaring yate si Renz Navarro, tired and bored to death. He had just made love to his current girlfriend and found no satisfaction. Nang mula sa kung saan, nakita niyang sumampa sa railings ng yate ang isang... babae! His yacht was more than a thousand yards away from Manila Bay. Ang magkaroon ng hindi inaasahang bisita mula sa madilim na karagatan sa ganoong oras ay bahagi lang ng pagkamangha niya. What took his breath away was the fact that the woman who climbed up to his deck was wearing nothing but seawater dripping down her body!
Sino meron na nito mga beshie?
Kristine Series 20 - My Wild Heiress
By Martha Cecilia
"And did you think I want to marry someone like you?" ani Jace. "Heaven's sake, Andrea Monica, a playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats!" Ipinagkasundo si Andrea Monica ng ama na ipakakasal kay Leandro, anak ng kaibigan ng pamilya, isang lalaking ni hindi pa man lang niya nakikilala. At upang ipakita ang rebelyon sa ama na hindi siya pakakasal sa lalaking gusto nito para sa kanya ay inalok niya ang hunk and gorgeous at substitute pilot ng Learjet na si Jace del Mare, na pakasalan siya at babayaran niya ito sa anumang halagang gugustuhin nito. Hantaran niyang nilait ang pagkatao ni Leandro sa harap ni Jace. Na si Leandro ay isang oportunista at ang mamanahin lamang niya ang hangad nito. Para lang malaman na ang lalaking hindi niya gustong pakasalan at ang lalaking inalok niyang bayaran upang pakasalan siya'y iisang tao.
"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if he was the only man on earth..." Chantal indulged Quinn when she listened to his story about his superhero brother. Subalit hindi siya naniniwala rito. Ang James Navarro na ikinukuwento ni Quinn sa kanya'y produkto lamang ng imahinasyon nito... dahil naniniwala siyang ang ikinukuwento nito'y ang pagkatao na gusto nitong maging. But never in her wildest dreams that she would soon meet the man himself. Subalit may nakaligtaang ikuwento si Quinn sa kanya-James Navarro was also arrogant, rough, a bully, and the devil personified.
"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks against his back, her eyes closed. Hindi magawa ni Karl na magsalita. Nasasamyo niya ang hininga ng estranghera, like a soft wind brushing his ear. Her breasts on his back radiated warmth. Ang mga kamay nito sa loob ng mga bulsa ng shorts niya ay ilang pulgada na lang mula sa hindi nararapat. And they were in the middle of the ocean, on a starry night, stranded on her fishing boat!
Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito sa ospital and found out that she couldn't remember anything about herself, maliban sa sariling pangalan-Samantha. She was a looker even without makeup, and gorgeous kahit roba ng ospital ang suot. And Aidan had this unwanted feeling of protecting her and he hated himself for that. Dahil kung ang karanasan niya sa mga babae ang pag-uusapan, he was a lousy judge of character. He easily fell for a vulnerable act. At si Samantha'y gayon. Fragile, vulnerable... and very much terrified. Terrified? Why? He intended to know.
Dana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at buwan. Subalit hindi tamang taon. She was in her grandmother's house in Binondo in the year 1928! Back in time, she met the young Leon Fortalejo, bilang si Isabelita. And she fell in love with the handsome Spaniard. Pag-ibig na hindi nagkaroon ng katuparan kahit noong panahon ng kanyang Lola Isabelita. At nasa 1928 siya upang maisakatuparan iyon. Could she change history?
"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie nang itanggi ni Romano na anak nito ang kanyang dinadala and accused her of having an affair with another man. Binigyan siya ng pag-asa ni Kendal Quidd, isang negosyante, at isinama sa La Crouix, isang isla sa Caribbean. When she thought she was almost over him, muli silang nagkaharap ni Romano, threatening to take her son away.
Kurt La Pierre-ex-CIA. Ruthless, crude and vulgar. He was literally and figuratively dangerous. Lahat ng bagay na kinasusuklaman ng isang babae ay taglay nito. Except that this mysterious man had hypnotic eyes and lethally attractive. Para kay Kurt, basahan lang ang mga babae, dekorasyon sa kama at taga-satisfy ng biological needs nito. At hindi naiiba ang socialite na si Jade Ann Fortalejo de Silva. What made him hate women? Kapeng barako at krema. Iyon ang comparison kay Jade at sa bodyguard niya. Jade was totally out of Kurt's league. Ang kagaspangan nito ay nagpapanindig ng kanyang mga balahibo, lalo na ang mga sexual exploit ng lalaki. But she loved him... she loved him. Kaya ba niyang tunawin ang yelong nakapalibot sa puso ni Kurt?
"...I have a better idea, sweetheart." Nanunudyo ang mga mata ni Romano nang sabihin iyon sa masungit na estranghera. "Ditch your lover and take up with me instead." Sa ikalawang araw matapos gawing pormal ni Derick ang engagement nila, natuklasan ni Bobbie ang kataksilan ng fiancΓ©. At sa mismong araw din na iyon, she met the most irritating but exceedingly handsome man. Pero wala siyang intensiyong makipagkilala rito. Hindi niya type ang mga lalaking nagtataglay ng maraming R. Romano. Rugged. Rough. Rude. Rich. In that order. Oh well, may isang R na gusto si Bobbie. Romantic. At hindi si Romano iyon who was so brutal in telling her na iisa lang ang gusto sa kanyaΒ-bed partner.
When Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco Navarro. Minutes after the forced wedding, dinala siya nito sa kaibigang tattoo artist and to her horror, Lance branded her for life. At bago siya nawalan ng malay, she saw cruelty imprinted in his eyes. Iyon ang huling pagkakita niya kay Lance for he left her on the same day he married her. At sa loob ng tatlong taon, tinaglay ni Erika Rose sa tapat ng puso ang tatak ng kalupitang iyon.
Mula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya MontaΓ±ez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulungan ang babaeng namatayan ng baterya ang kotse sa gitna ng ilang at bumabagyo-only to be shocked by the intense pull he felt when their skin touched. Something long dormant stirred deep inside him. Tulad ng pinsang si Kiel, marahil ay may pag-asa pang maging maligaya uli si Luke. That is, if he could keep her alive from her stalker.
Angeli found her boyfriend murdered in his office. Subalit walang gustong maniwala sa kanya. Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay si Dirk. Nagbakasyon siya sa isang bayan sa norte upang malimutan ang trahedya. Doo'y nakilala niya si Hanz Belleza, a gorgeous fisherman, whose smile melted her knees. But he owned a black Honda Civic. At iyon mismo ang sumusunod kay Angeli sa daan nang patungo siya sa San Nicolas. At ang humahabol sa kanya nang gabing mamatay si Dirk ay ang itim ding Honda Civic. At natitiyak niyang may lihim sa likod ng pagkatao ni Hanz. Was she risking her life as well as her heart by falling in love with him?
Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise..." sagot naman ni Matt. Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane. Iisa lang ang kanyang puso at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang-panahon.
Bernard. Ibinigay niya ang pangalan at pag-ibig sa iisang babae. And blamed himself that she died. Nawalan ng direksiyon ang buhay niya and he thought that Diana could bring back his sanity. Diana. Pinakasalan niya si Bernard dahil mahal niya ito, dahil akala niya ay kaya niyang tanggapin na kalahati ng puso nito ay hindi kanya. And she was so wrong. Lance. He fell in love with a woman whose exotic beauty could make the gods swoon. She had coal-black eyes which he thought held so many passionate mysteries. The Black Diamond. Para sa kanya, iisa lang ang kahulugan ng buhay-si Bernard. She died and lived again for only one man. Feel the pain, the heartaches, the anguish and the magical love that defied time and death.
Jenny Navarro. Socialite princess. Habang ang ibang anak ng mayayaman ay nasa ballet and piano lessons sa murang gulang, siya'y nasa ibabaw ng stallion. At nang magdalaga, habang ang mga kasinggulang niya'y nasa disco at social functions, siya'y dalubhasa sa martial arts at pagpapalipad ng helicopter and a markswoman. Zandro Fortalejo. Sa kanyang palagay ay si Jenny ang kabuuan ng babaeng hindi niya type. Wild, rich, and spoiled. Pero bakit niya tinanggap ang suhestiyon ni Franco that he tamed the wild heart?
Alaina loved and adored Nick mula pa nang unang makita ang lalaki. Pero nanatiling isang panaginip lamang iyon. Isang trahedya ang dumating sa buhay ng mga Gascon and Nick didn't only take refuge in Sto. Cristo, he took her innocence as well. Ang masakit, hindi iyon alam ni Nick. Ang higit pang masakit, ibang pangalan ang tinatawag nito while he made love to her. At ang pinakamasakit, sa mismong araw at oras na iyon ay binayaran siya ni Franco Navarro para huwag nang makipagkita pa kay Nick.
A virgin widow. At gusto niyang takasan ang bayaw na naghahangad sa kanya. Mula Houston, Texas, Kristine was swept into a savage paradise sa isla ng mga Navarro sa Quezon Province. Si Alvaro, ang panganay na anak ni Franco Navarro, was a handsome devil na walang balak magpatali sa kasal. Kristine suited him. A sexy widow. Pero ang malamang virgin pa ito ay isang bonus.
"Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan, Diana. I have loved a woman once, perhaps love her still. But I broke to pieces when she died. Hindi ko na gustong maranasan pa ang pangyayaring iyon. I will marry you because I desire you at dahil kailangan ko ng asawa," walang emosyong sabi ni Bernard.
Hindi kailanman itinanggi ni Bernard na hanggang sa mga sandaling iyon ay mahal nito si Jewel. Pero inalok nito ng kasal si Diana nang dahil lang sa physical attraction nila sa isa't isa. Walang emotional attachment.
Ano ang gagawin ni Diana? Nahahati siya sa pagitan ng panganib na nakabadya sa kanya at sa pag-ibig niya kay Bernard.
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama ang lalaking naghagis ng pera sa mga holdaper. Wala siyang maaaring pagkatiwalaan. Subalit hindi siya pinakawalan ni Bernard na nangangakong ilalayo siya... but there would be a price to pay at kumapit siya sa patalim. And Diana didn't even know his name but he promised safety. Pero ligtas ba siya sa mga matang kasing-itim ng gabi? Ligtas ba siya mula sa mga labing nangangako ng langit? At paano ang literal na panganib na nagbabadya sa kanya?
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong Amerika with a broken heart.
After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si Bernard ay malaya na ngayon.
After years of loneliness and miseries, muli silang nagkasundo at nagpasyang magpakasal.
Pero taglay ni Leon Fortalejo ang lihim ng pagkatao ni Bernard na nakatakdang sumira sa pag-ibig ng dalawa.
Magtagumpay kaya si Leon sa ikalawang pagkakataon?
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya.
Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda.
Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya.
Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?
"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay."
Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama.
Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang an payat at matangkad na Emilio noon ay isang guwapong "hunk" na ngayon?
Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon.
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya.
"Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng papa, Nick! Buong pait niyang sinabi. " I cannot imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya.
Sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "...at hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!"
Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng papa niya ay hindi siya makaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?
"You may have an enchanting smile and eyes that look deep into a man's soul but I am immune to the likes of you, Judy..."
Labing anim na taon si Judy nang ipagtabuyan siya ng ina at ng stepbrother sa Hacienda Esmeralda pabalik ng Maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Makalipas ang anim na taon ay dumating muli sa buhay niya si Jose Luis Esmeralda, ang panganay na anak ng lalaking muling pinakasalan ng ina niya. Pinilit siya nitong iuwi ng Hacienda Esmeralda dahil sa isang trahedyang kinasangkutan ng ina. Para dito ay isa siyang masamang babae. Iyon ang pagkakilala ni Jose Luis sa kanya kahit noong panahonng siya'y dalagita pa lamang. Pero bakit nais nitong pakasalan siya sa kabila ng pagkakaalam niyang kinasusuklaman siya nito?
Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero. Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga.
Hanggang kay Daniel...Ang kaisa-isang lalaking hindi niya mapayuko. Sa halip ay binigyan siya nito ng "dose of her own medicine." Mga latay mula sa sarili niyang latigo.
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra.
Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight."
Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid.
Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..."
Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy niya na malapit na siyang maging old maid at dapat nang mag-asawa ay hindi siya nababahala.
Until Gregorio.
Nagising siyang katabi ito sa kamang hindi sa kanya. At pareho silang walang maalala kung paano sila nakarating doon. At kung paanong sa loob lang ng isang gabi ay mag-asawa na sila. Hindi siya ang uri ng babae na magpapakasal sa isang estranghero. Ngunit dahil sa tila makatwirang argumento ni Greg, napapayag siyang bigyan ng tsansa ang di-inaasahang kasal.
Magtagumpay kaya ang pagsasamang walang matibay na pundasyon?
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda.
Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentΓ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?"
Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay.
Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish.
Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?
Mavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdadalang-tao at sugatan sa dibdib at ng isang lalaking binubuhat ito at dinala sa ospital na siya ring pinagdalhan sa kanya noong panahong naaksidente siya.
Limang taon ang nakalipas, nagbalik siya sa lugar na pinangyarihan ng aksidente niya. Then she met the gorgeous Rolf Montilla. And the moment she set eyes on him, she felt a certain attachment and longing--the kind of longing that made her want to weep, that somehow they'd met already.
May kinalaman ba si Rolf sa mga nangyayari sa kanya?
Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya. At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay Cholo nang araw na handa na niyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan.
Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?
Kina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best friend na si Sol.
Bukod sa pisikal na kakulangan ay literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng hirap ay nagawa nilang mabuhay ng maayos ngunit ng iwan sila ng kanyang ama ay tuluyan ng bumagsak ang lahat sa kanya.
Sa lahat ng bigat at lungkot sa buhay niya ay isang boses lamang ang kanyang kinapitan. Ang boses na iyon na sa tuwing naririnig niya ay parang magic nalang na nawawala ang lahat ng mga problema niya.
Her young and innocent heart fell in love with the soul of his silvery voice. Na kahit hindi niya nakikita ang kabuuan ng bokalista gawa ng maskarang nakaharang sa mukha nito ay hindi natigil at nabawasan ang wagas niyang pagmamahal para rito.
Naniniwala siyang si Uno ang soul mate niya at gagawin niya ang lahat para patunayan 'yon sa lalaki pero bakit isang araw ay naramdaman niyang parang hinihigop ang lahat ng pagmamahal niya rito nang lalaking kinamumuhian niya?
Zackreus Tobias Venavidez, a ruthless, arrogant and obnoxious man that she needed to tame. Ito na yata ang lalaking pinakamasama sa lahat dahil talagang magaspang ang ugali pero bakit kahit na sukdulan ang iritasyon niya rito ay hindi niya magawang tumanggi sa lahat ng utos nito?
Bakit sa kada kibot ni Zeto ay parang may kung anong hinahalukay sa puso niya? Bakit sa tuwing tumatagal ang titig nito sa kanya ay parang nawawala sa utak niya ang lalaking ipinangakong mamahalin habang buhay?
Makakaya niya pa nga kayang baguhin si Zeto o siya at ang puso niyang para lang kay Uno ang unang mababago nito?
-
Masked Gentlemen Series 1 : A series collaboration with Miss Belle Feliz of Precious Hearts Romances.
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon.
She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home.
Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya.
She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael.
Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin,
ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince.
Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman.
Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali
pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito.
Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr. Bakit ginawa iyon ni Alyssa gayong taglay niya sa sinapupunan ang bunga ng pag-iibigan nila ni Jim?
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?













































