Stories Tagged:preciousheartsromances
preciousheartsromances
"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie nang itanggi ni Romano na anak nito ang kanyang dinadala and accused her of having an affair with another man. Binigyan siya ng pag-asa ni Kendal Quidd, isang negosyante, at isinama sa La Crouix, isang isla sa Caribbean. When she thought she was almost over him, muli silang nagkaharap ni Romano, threatening to take her son away.
When Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco Navarro. Minutes after the forced wedding, dinala siya nito sa kaibigang tattoo artist and to her horror, Lance branded her for life. At bago siya nawalan ng malay, she saw cruelty imprinted in his eyes. Iyon ang huling pagkakita niya kay Lance for he left her on the same day he married her. At sa loob ng tatlong taon, tinaglay ni Erika Rose sa tapat ng puso ang tatak ng kalupitang iyon.
Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise..." sagot naman ni Matt. Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane. Iisa lang ang kanyang puso at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang-panahon.
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong Amerika with a broken heart.
After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si Bernard ay malaya na ngayon.
After years of loneliness and miseries, muli silang nagkasundo at nagpasyang magpakasal.
Pero taglay ni Leon Fortalejo ang lihim ng pagkatao ni Bernard na nakatakdang sumira sa pag-ibig ng dalawa.
Magtagumpay kaya si Leon sa ikalawang pagkakataon?
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya.
Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda.
Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya.
Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?
"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay."
Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama.
Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang an payat at matangkad na Emilio noon ay isang guwapong "hunk" na ngayon?
Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon.
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya.
"Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng papa, Nick! Buong pait niyang sinabi. " I cannot imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya.
Sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "...at hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!"
Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng papa niya ay hindi siya makaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra.
Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon.
She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home.
Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya.
She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael.
Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin,
ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince.
Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman.
Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali
pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito.
Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr. Bakit ginawa iyon ni Alyssa gayong taglay niya sa sinapupunan ang bunga ng pag-iibigan nila ni Jim?
"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever."
Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa sa kasalanang bagaman hindi niya ginawa ay inako niya.
Isa lang ang alam niyang solusyon upang matahimik na silang pareho, ang magpakasal kay Arnel.
"Shut up, Moana, I don't kiss little girls with braces!"
Moana Marie was fifteen and had this stupid crush on Vince Saavedra, cool and drop-dead gorgeous. But her feelings for him was way out of line. Walong taon ang tanda nito sa kanya, may girlfriend, apprentice sa kompanyang pag-aari ng daddy nya, higit sa lahat: Hindi nito pinapansin ang panunukso niya.
Pero bakit laging naroon si Vince sa tuwing kailangan niya ito that she became dependent on him? When Vince left, it broke her heart. Now, he was back after four years. CEO and general manager ng bangkong pag-aari ng mga magulang niya. Hindi lang ang bangko ang hinahawakang tungkulin ni Vince sa pagbabalik nito.
He also assured his role as her self-appointed big brother.
What now? Nawala nga ang crush niya rito, nahalinhinan naman ng mas malalim. She was falling in love with him.
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva.
At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon.
Si Anya - ang thirty-nine-year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kanyang pagkatao?
Si Nadja - ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping.
Silang tatlo, caught in a web of love, deceit, and vengeance.




















