Tag: sea
Si Rafael Sarmiento ay isang binatang nagbakasyon sa Sitio Mabaya kasama ang kaniyang pamilya. Napadpad siya sa isang abandonadong mansion kung saan nakilala niya ang isang misteryosong lalaki na si Maxence. Tuwing dapithapon, nagtatagpo sila sa gitna ng dalampasigan gamit ang bangka.
Lihim nila ang isa't isa.
Sa bawat gabi na sumasapit, nagliliwanag ang buong mansyon. Nababalot man si Pael ng kutob at pagdududa, nanatili siyang tikom tungkol dito, sapagkat ang pagkikita nila ni Maxence ang pinakamahalaga para sa kaniya.
Maraming lihim na sila lang ang nakakaalam.
Si Maraja ay isang babaeng sea creature na may itsura na katulad ng sa siyokoy. Lumaki siyang maganda at kakaiba sa lahat ng mga uri ng sirena sa ilalim ng dagat. Isa ang merman na si Aegeus sa mga humahanga sa kanyang kagandahan. Inggit na inggit kay Maraja si Muirgen, isang magandang sirenang may gusto kay Aegeus.
Subalit may ibang pangarap si Maraja. Gusto niyang maging tao at pumunta sa mundo sa ibabaw ng karagatan para hanapin ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso, ang guwapong si Dylan.

![Cover of Rendezvous (Pagtatagpo) [BxB, SPG]](/story-covers/rendezvous-pagtatagpo-bxb-spg_288838182.webp)

