Tag: sweethearts
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon.
She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home.
Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya.
She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael.
Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin,
ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince.
Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman.
Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali
pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito.
Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?



