Stories Tagged:tenshi
tenshi
Makalipas ang apat na tao ay muli kong bubuksan ang libro nina Yago at Ned upang ituloy ang kanilang kwento. Maaaring hindi ito ganoon ka kaperpekto ngunit siguro naman ako na mag bibigay ito ng mahalagang aral at inspirasyon sa inyong lahat. Sa librong ito makikita ninyo ang pag kakaiba ni Ai Tenshi noong 2014 at ngayong 2018.
Base sa Korean BL na Night Flight
Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing ganap kang tao. Kinakailangan mong matalo upang manalo, maging mahina upang maging malakas, malungkot upang maging masaya. Ang konsepto ng "Both Sides" ay sumasalamin sa bawat sulok ng ating buhay, tungkol sa reyalidad at kung anong uri ng pag mamahal ang naka himlay sa bawat bahagi na ating ginagalawan. Ang bawat tauhan sa kwentong ito ay kumakatawan sa kung anong uri ng tao ang mayroon sa ating paligid, mga taong nag babaka sakaling mahalin at makahanap ng pag mamahal. Mga taong nag pupumilit lumaban kahit natatalo paminsan minsan. Mga taong matapang, takot, mahina at malakas.
Samahan natin si Juno sa kanyang pag lakad sa mag kabilang sulok ng buhay. Tiyak na mag bibigay siya ng aral at inspirasyon sa ating lahat. Sa huli ng kwentong ito ay inaasahan na mas lalawak ang papanaw ninyo tungkol sa ating mga sarili at ganoon rin sa ibang tao.






