Stories Tagged:vricen
vricen
Those Who Last Series 1 (Collaboration with VricEN)
BL
Suplado, mailap sa tao, sa anak lang mabait, at hindi man lang mautangan-ilan lang iyan sa mga sinasabi ng mga tao tungkol kay Mac. Wala naman siyang pakialam sa mga iyon. Wala nang ibang mahalaga sa kaniya kundi ang kaniyang anak-at ang karinderyang bumubuhay sa kanilang mag-ama.
Normal at paulit-ulit na lang ang mga nangyayari sa buhay niya hanggang sa guluhin iyon ni Estong, isang guwapong construction worker. Buong akala ni Mac ay katulad lang ito ng iba na madadaan niya sa pagtaboy at pagsusungit, pero nagkamali siya. Hindi basta matinag si Estong sa panliligaw sa kaniya... Ngunit desidido rin si Mac. Masyado siyang maraming kailangang gawin at unahin sa buhay, at wala nang puwang pa ang pag-ibig doon.
Pero kahit anong pagtulak niya kay Estong, tila puso na rin niya ang lumalaban sa kaniyang sarili. Unti-unting binuo ni Estong ang pagmamahal sa puso ni Mac na inakala niyang hindi niya kailanman kakailanganin.
Hindi akalain ni Mac na mabubuo pa sa puso niya ang isang pagmamahal na magtatagal at mananatiling matibay-kahit paghiwalayin pa sila ng tadhana, at kahit ilang taon pa ang lumipas.
βββββ‘πβ―πβπ ΛβΉβ‘ββββ
Started: September 9, 2026
Finish: ---
Si Gabriel ay bagong dating sa kanilang probinsya upang manatili muna sa kanyang Lola Sonya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon na pagsundo sa kanya ng kanyang Tito Chris ay doon niya nakilala ang isang ka-akit-akit na nilalang.
Isang lalaki na may paa ng isang kabayo ngunit may alindog na hindi mo basta-basta ma-babaliwala. Ang batang tikbalang na si Wenrry.
Paano hahamakin ni Gabo ang kanyang buhay ngayo'y napagalaman niya na ang buhay ng kanyang pamilya ay hindi basta-basta?
Binabalot na misteryo, katanungan, at nilalang. Ngunit paano kung ang isang nilalang na babalot sa kanyang kwento ay merong...GINTONG BUHOK.
DISCLAIMER: The story was written in TagLish.
Instead of actual Tikbalang features, we made it the look of a Centaur instead.



