loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
A Little More Like Him (University Trans Series #2)

A Little More Like Him (University Trans Series #2)

SGVnssa · 1 chapter · 4,012 words

Prologue

This story is purely fictional. The characters, places, events , and situations are created for entertainment purposes. Any similarities to real people or events are purely coincidental.

Please remember that this is a work of fiction, and some parts may not reflect real-life experiences or situations.

TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STORY

——————————————————————————

Nakayuko lang ako habang pilit na pinakikinggan ang bawat salitang sinasabi ng Principal. Naramdaman ko ang malamig na pawis sa aking mga kamay, kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa sarili kong kandungan.

Nasa likod ko sina Mommy at Daddy—mararamdaman ang mabigat at tahimik nilang pag-aalala. Sa harapan naman namin ay nakaupo si Primo kasama ang kaniyang mga magulang.

Hindi ko kayang isalubong ang aking mga mata sa kanila. Ayokong makakuha ng anumang pansin o maging dahilan pa ng mas malaking gulo.

My parents were so worried about me, dahil ayaw na ayaw ko nang pumasok sa school. Bata pa kami noong time na ’yon—Grade 7 pa lang—pero ramdam na ramdam ko na ang bigat araw-araw.

I have been bullied by him for consecutive years. Mula sa mga panlalait at pang-aasar dahil sa pagiging tahimik, mahinhin na pananalita, at malambot na kilos ko, hanggang sa mga salitang pilit kong kinakalimutan gabi-gabi.

“Noelle, hijo…” mahinang tawag sa akin ng Principal.

Bahagya akong nag-angat ng tingin. Naramdaman ko ang maingat na paghawak ni Mommy sa balikat ko para bigyan ako ng lakas. Saglit na dumaplis ang tingin ko kay Primo—nakasandal lang siya sa kaniyang upuan na tila walang anumang bakas ng pagsisisi, habang ang kaniyang mga magulang ay nakatingin sa akin.

“P-P-Po?”

“Kailan ka pa binu-bully ni Constantino?”

Nahihirapan akong lumunok ng laway. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Mommy sa balikat ko, at ang maingat na paghawak ni Daddy sa kabilang bahagi ng upuan ko.

“Anak,” si Mommy na ang nagsalita habang lumuluhod nang bahagya sa tabi ng upuan ko para pantayan ang mukha ko. Puno ng pag-aalala at panginginig ang kaniyang boses. “Mag-salita ka na, please… Huwag ka nang matakot. Nandito na kami ni Daddy.”

Hindi ako agad nakasagot. Napatingin ako sa aking mga kamay na lalo pang nanginginig sa ibabaw ng aking kandungan. Bawat minuto sa opisinang iyon ay parang sumasakal sa akin.

“M-Mula pa po noong Grade 5…” halos pabulong na sagot ko, sapat lang para marinig ng Principal. “A-Araw-araw po niya akong tinutukso… tinatago po ’yung mga gamit ko, tsaka…” Napapikit ako nang mariin dahil sa biglang pag-init ng mga mata ko. “…tsaka sinasaktan po kapag walang nakakakita.”

“What?!” mabilis at mariing singit ng ina ni Primo, halatang hindi nagugustuhan ang naririnig. “Mr. Golosino, option ba talagang paniwalaan agad ang batang ito? Primo has always been a good student! Baka naman masyado lang siyang sensitibo—”

“Mrs. Constantino, please,” seryoso at malamig na pagputol ni Daddy sa kaniya, na mas lalong nagpahigpit ng hawak sa balikat ko. “Hayaan niyong matapos magsalita ang anak ko.”

Lalo akong yumuko. Mas gusto ko na lang maging hangin para hindi nila maramdaman ang kaba at takot na halos pumutok na sa dibdib ko.

“Ano pa, hijo?” malumanay pero seryosong tanong muli ng Principal, bahagyang gumagalaw ang panulat niya sa ibabaw ng papel.

Nanginig nang bahagya ang mga labi ko. Pilit kong iniiwas ang mga mata ko sa kinalalagyan ni Primo, pero nararamdaman ko ang malamig at matalim niyang titig sa akin mula sa harapan ko.

“P-Pinipunit po niya ’yung mga notebook at drawing sheets ko kapag wala pong nakatingin…” halos walang boses na patuloy ko. Pumatak na ang isang butil ng luha sa aking kandungan. “T-Tinatawag din po niya akong… bakla… at salot sa klase. Pagkatapos po, sasabihin niya sa iba na huwag akong tatabihan kasi nakakahawa daw po ako…”

Narinig ko ang mabilis at napasinghap na paghinga ni Mommy sa tabi ko. Lalo niyang niyakap ang balikat ko habang sinusubukang pigilin ang sarili niyang luha.

“That’s enough!” mabilis na tayo ng ama ni Primo, sabay hampas nang bahagya sa mesa ng Principal. “You’re accusing my son of hateful language over baseless stories! Baka gawa-gawa lang ’yan ng bata dahil hindi siya makasabay sa klase!”

“Hindi sinungaling ang anak ko!” sagot ni Daddy, tumayo na rin siya habang nananatiling protektado ang likod ko. “Kita niyo ba kung gaano siya nanginginig? Hindi ito gawa-gawa lang!”

“My son kept this for years! From us! Ayaw na niyang pumasok at halos magmakaawa na sa amin gabi-gabi!” sigaw ni Mommy, tuluyan nang pumutok ang galit at luha sa kaniyang boses. “Lagi naming itinatanong kung bakit may mga pasa siya, kung bakit sira-sira ang mga gamit niya… pero nanahimik siya kasi natatakot siya sa anak niyo!”

Dahil sa taas ng mga boses nila, lalo kong itinungo ang aking ulo at pilit na ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng dibdib ko na parang kukulangin ako sa hangin. Ayokong marinig ang sigawan. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit nagkakagalit ang mga nakatatanda.

“Enough! Please, everyone, calm down!” mariing boses ng Principal habang tumatayo at pumapagitna sa dalawang pamilya.

Ipinatong ng Principal ang dalawang kamay sa kaniyang mesa at tumingin nang diretso kay Primo, na sa unang pagkakataon ay bahagyang nagbago ang reaksyon at tila nabawasan ang yabang sa mukha.

“Mr. Constantino, misbehaviour and bullying are zero-tolerance offenses in this school,” seryosong pahayag ng Principal. “Dahil sa bigat ng mga akusasyon at sa mga patunay ng pag-absent ni Noelle dahil sa takot, we will conduct a formal investigation, and Primo will be placed under preventive suspension starting tomorrow.”

“Suspension?!” gulat at galit na apela ng ina ni Primo. “You can’t do this without concrete proof!”

Pero hindi na ako nakinig sa mga kasunod pa nilang pagtatalo. Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga pisngi gamit ang aking nanginginig na kamay, habang hawak-hawak pa rin ni Mommy ang aking balikat. Ang tanging gusto ko na lang nung sandaling iyon ay ang makauwi na at magtago sa loob ng aking kuwarto—malayo sa mga matang nakatingin sa akin, at malayo kay Primo.

“I want him suspended, Mr. Golosino,” matigas na utos ni Daddy sa Principal, ang boses ay puno ng awtoridad at galit. “Hinding-hindi na kami papayag na pumasok ang anak ko habang malayang nakakagalaw ang batang iyan sa paligid niya.”

“I won’t allow this! I will move my son to a different school if that’s what it takes!” sigaw ng ina ni Primo habang mabilis na inilalagay ang kaniyang shoulder bag sa balikat at tinititigan kami nang masama. “Hindi nararapat ang anak ko sa paaralang ito kung basta-basta na lang kayong naniniwala sa mga walang bases na akusasyon!”

“I did bully him,” biglang sabi ni Primo, kaya natigilan ang lahat sa loob ng silid.

Bahagya akong nag-angat ng tingin dahil sa gulat. Maging ang kaniyang ina ay napatitig sa kaniya, nanlalaki ang mga mata at tila hindi makapaniwala sa narinig.

Nakasandal pa rin siya sa kaniyang upuan, pero sa pagkakataong ito, nakatingin na siya sa ibabaw ng mesa—iwas ang mga mata sa akin at sa kaniyang sariling mga magulang.

“Lahat ng sinabi niya… totoo po.”

“Bakit mo ’to ginawa, Atreus!” Dumagundong ang boses ng kaniyang ama sa buong silid, dahilan para mapatalon ako nang bahagya sa gulat at napahawak ako sa mga kamay ni Mommy.

Gulat at ’di makapaniwala ang mukha ng kaniyang ina habang nakatitig kay Primo, samantalang ang kaniyang ama naman ay halos mamula sa galit. Pero nanatiling nakatitig si Primo sa mesa, hindi nagsasalita at hindi dumidipensa.

“Sir, Ma’am, please calm down,” singit ulit ng Principal habang inaayos ang kaniyang mga papeles. “Dahil sa pag-amin mismo ni Mr. Constantino, final na ang desisyon ko. He will be suspended effective tomorrow, and we will process the disciplinary record accordingly.”

“No! We will pull him out of this school immediately!” sigaw ng kaniyang ina habang mabilis na nililigpit ang kaniyang mga gamit, namumula ang mukha sa matinding hiya at galit. “I’m not letting my son stay in a place that humiliates him like this!”

Kinuha ng kaniyang ama ang braso ni Primo at mahigpit siyang itinayo mula sa upuan. Napatungo na lang si Primo, hindi man lang makatingin sa kahit kanino sa amin.

Iyon ang huling beses na nakita ko siya noong Grade 7…

I blinked a few times nang marinig ko ang bahagyang pagkaluskos ng papel sa tabi ko, instantly pulling me back to reality.

I let out a soft, quiet sigh and carefully tucked a few strands of my hair behind my ear. Nakatitig na pala ako sa blangkong tracing paper sa drafting table ko rito sa loob ng Architecture studio.

At twenty years old, and as a trans woman slowly finding my own place in this course, pilit ko nang ibinaon ang matatakuting batang iyon. I’ve come a long way since Grade 7. Kahit na mahiyain, tahimik, at malumanay pa rin ako magsalita, I’m not that helpless kid anymore who would just cry in the corner.

I always thought I’d forget everything—na mawawala rin ang lahat ng takot na iyon kapag lumaki na ako. But memories have a strange way of lingering, quietly creeping back whenever the room gets a little too silent.

“Excuse me… is this seat taken?”

Naalimpungatan ako nang bahagya sa boses ng isa kong blockmate na nakatayo sa tabi ng mesa ko habang hawak ang kaniyang T-square at drafting bag.

Napatingin ako sa kaniya, and I gave a small, polite smile before answering in my usual soft voice. “A-Ah, hindi naman po… free naman po ’yang chair.”

“Salamat! Ang hirap kasi maghanap ng puwesto sa harap, eh,” tugon niya habang maingat na inilalapag ang mga gamit niya sa katabing table.

I nodded gently and turned back to my own workspace. I picked up my mechanical pencil, took a deep breath, and finally drew the first line on my tracing paper—focusing all my energy on my plates, far away from the ghost of my past.

Growing up, I learned to always be open to my parents. Ayaw na nilang mangyari sa akin ’yung tulad noong Grade 7—’yung sosolohin ko mag-isa ang lahat hanggang sa hindi ko na kaya.

They made sure I felt safe with them, and that’s why I survived those years. Kahit ngayong bente na ako at nasa kolehiyo na, constant pa rin ang communication ko sa kanila.

Umamin na rin ako sa kanila na… bakla ako noon. Or at least, that was how I understood myself back then when I was still trying to figure things out. But as time went by, I realized it went deeper than that. Through their endless love and support, I eventually found the courage to embrace who I truly am—a trans woman.

Naisip ko dati na baka magbago ang pagtingin nila sa akin, or baka mahirapan silang tanggapin ako. But Mommy and Daddy proved me wrong. They held my hands, listened to me without any judgment, and reassured me that their love would never change no matter what.

My mother helped me with the consultation for my transition, endlessly supporting me as I slowly stepped into the woman I am today. Sila ni Daddy ang naging sandigan ko sa bawat hakbang, constantly reminding me that I am loved and valid.

Nagsimula ako mag-take ng HRT noong ako ay tumuntong ng eighteen. It was a milestone I prayed for, a turning point where my body finally began to align with my soul.

Inilipat ako nila Mommy sa Chinese school pagkatapos ko ng Grade 7 sa dati kong eskuwela. They wanted a fresh start for me—a safe space far away from the shadows of my past and the trauma Primo caused.

Doong sa bagong school, I was able to breath again. Kahit na tahimik pa rin ako at mahiyain, people there treated me with gentleness and respect. Nobody called me names, and nobody made me feel like an outsider.

It was during those high school years that I truly bloomed, surrounded by teachers and friends who allowed me to grow at my own pace until I was ready to take on college here in Architecture.

“How was school, anak?” tanong sa akin ni Mommy nang makauwi na ako sa bahay.

Nasa may kitchen counter siya, maingat na nagpapatuyo ng mga platong kapupunas lang. As always, her warm smile instantly welcomed me, dissolving whatever stress I brought home from campus.

I walked over to her and gave her a gentle kiss on the cheek before setting my drafting tube and bag down on the dining chair.

“Okay naman po, My,” I replied, smiling. “Kakatapos lang po ng consultation namin para sa floor plan plates. A bit exhausting, but overall good naman po.”

Lumapit din si Daddy mula sa living room habang hawak ang kaniyang eyeglasses at isang libro. “Hindi ka ba nahirapan sa commute? Malakas ang buhos ng ulan kaninang hapon, ah.”

“Hindi naman po, Dy. Nagpasundo po ako kay Ahia sa lobby bago tuluyang bumuhos ’yung ulan,” I gave them a small, reassuring smile.

Kahit na parehong may dugong Chinese sina Mommy at Daddy, they were never rigid or traditional.

Unlike other traditional Fil-Chi families na may napakairal na lumang paniniwala at expectations, my parents raised us with so much open-mindedness and compassion.

Still, they made sure na hindi rin namin malilimutan ang aming kultura at pinagmulan. We still spoke basic Hokkien at home, celebrated Chinese New Year, honored our ancestors, and lived by values like respect, family solidarity, and xiao (filial piety)—pero sa paraang puno ng pagmamahal at hindi pinipilit.

I know how to speak Hokkien, Mandarin, Tagalog, and English. Growing up in a Chinese school really helped me master those languages, especially Mandarin and Hokkien na madalas naming ginagamit sa bahay at sa mga relatives namin, or other Fil-Chi business owners and friends we interact with daily. Learning them felt so natural, a gift from my parents.

Habang nasa kuwarto ako, nakikinig ng music at dino-drawing ang paborito kong Anime character ay napatingin ako sa mirror ng vanity table ko.

I paused my pencil, gently resting my chin on my hand as I caught my own reflection.

Singkit ang mga mata ko, maliit at cute ang ilong ko, my lips were plump and pinkish, and my fair skin softly glowed under the warm lights of my room. My long, dark hair cascaded gently over my shoulders, framing my soft features.

I used to hate my features because I got bullied for looking too soft, too feminine, and too delicate for a boy. Dati, tuwing titingin ako sa salamin, galit at takot lang ang nararamdaman ko—lagi kong itinatanong sa sarili ko kung bakit ako kailangang asarin at ipahiya dahil lang sa mukha kong ito.

At dahil na rin sa singkit ang mga mata ko, lalo pa akong ginagawang target ng mga panunukso at pambu-bully noong Grade 7. They used to make fun of my Chinese heritage alongside my soft demeanor, making me feel like I didn’t belong anywhere.

Every slur and cruel joke felt like a heavy weight crushing my spirit…

Inayos ko ang salamin na nakapatong sa ilong ko. I used to wear thick glasses back then to hide behind them, hoping nobody would notice me. Pero ngayon, as I adjust my reading glasses, it’s just a normal part of my everyday routine as an Architecture student.

Pero bata pa lang ako, malabo na talaga ang mga mata ko. Ako lang sa pamilya namin ang nakasalamin, making me stand out even more back then. Kaya paunti-unti, mas nasanay na lang ako sa pagsuot nito at mas natutunan kong alagaan ang paningin ko.

In fact, may appointment ako sa optometrist bukas para sa fit checking ng new set ng contact lenses ko.

Ever since I started wearing lenses, mas naging convenient para sa akin kapag nag-aabot ako ng madaling-araw sa pag-ddraft ng plates. Hindi na nakakaharang ang frame tuwing nakayuko ako sa drafting table.

“Noelle, anak, kakain na tayo!” tawag sa akin ni Mommy mula sa baba, gently cutting through my thoughts.

“Opo, My! Pababa na po!” I called back.

I set my glasses down on the vanity table and headed downstairs with a light heart to join my family for dinner.

Kinabukasan, pagkatapos ng morning class ko sa Architecture building, dumaan agad ako sa eye clinic para sa appointment ko. The cool air conditioning and the faint smell of antiseptic welcomed me as I stepped inside the clinic.

“Good afternoon, Miss Alano!” bati sa akin ng receptionist with a warm smile. “Nakahanda na po ang room para sa contact lens fitting ninyo kay Doc.”

“Good afternoon po, thank you!” I replied gently, taking a seat while waiting for my turn.

Looking at the optical charts and frame displays around the room, I couldn’t help but reflect on how far I’ve come. Dati, pumupunta ako sa optical clinic para pumili ng pinakamalaking frame na makakatago sa mukha ko.

Hindi ko mapigilan ang matawa nang mahina nang maalala ko kung gaano kakapal at kalaki ang mga lumang eyeglasses na pinipili ko noon.

“Miss Alano? You can come in now po,” tawag ng assistant mula sa pintuan ng consultation room.

Inayos ko ang sling bag ko, stood up gracefully, and gave the staff a soft smile before walking inside. The doctor greeted me warmly, asking me questions about my current lens prescription, how many hours I usually wear them, and if I experienced any dryness or strain in general.

“Kamusta naman po ang mata ninyo, Miss Noelle? No redness or irritation after hours of drawing?” tanong ni Doc habang inaayos ang phoropter sa harap ko.

“Okay naman po, Doc. Medyo natutuyo lang po paminsan-minsan kapag buong araw hanggang madaling-araw akong nakatitig sa plates at screen, pero I always make sure to use lubricating eye drops,” I answered him.

Doc nodded approvingly, jotting down a few notes on my chart. “That’s good to hear. Important talaga ang drops, especially with your heavy workload in Architecture. Let’s do a quick fitting and check if we need to adjust your grade.”

As the optometrist carefully adjusted the lenses to test my vision, I looked through the machine with complete ease. The blurry letters on the chart instantly snapped into crisp, clear lines.

Pagkatapos akong suriin at matapos ang buong fitting, inabot sa akin ni Doc ang reseta kasama ang bagong supply ng aking contact lenses at moisturizing eye drops.

“Everything looks great, Miss Alano. Just stick to your normal lens hygiene, and don’t forget to take short breaks whenever you’re drafting for long hours!” payo ni Doc habang nakatutok ang kaniyang tingin sa aking chart.

“Thank you so much po, Doc,” I replied politely with a light smile, safely placing the lens cases inside my sling bag before standing up.

Pagkalabas ko ng consultation room, dumaan muna ako sa reception desk para mag-settle ng bill.

Dumaan muna ako sa Watsons para bumili ng karagdagang multipurpose contact lens solution at pakete ng lubricating eye drops. Always good to have extra spares sa bag ko, lalo na ngayong 3rd year Architecture student na ako—mas naging demanding ang major design plates, structural concepts, at late-night 3D renders.

Kumuha na rin ako ng paborito kong lip balm at a small pack of wet wipes before heading straight to the counter. The air inside the store was cool and smelled cleanly of soaps and lotions. As the cashier scanned my items, I checked the time on my phone.

Magkikita kasi kami ngayon ni Solana. Ang nag-iisang kaibigan ko na trans din.

Dahil Sabado ngayon, pareho kaming walang pasok kaya naisipan naming mag-catch up over lunch. Magkaiba kami ng paaralan dahil Fashion Design ang kinukuha niyang kurso sa kabilang university, habang ako naman ay nasa Ateneo nag-aaral ng Architecture. High school pa lang ay magkasama na kami, at kahit magkaiba na kami ng campus ngayon, sinisigurado pa rin naming may oras kami para sa isa’t isa.

Speaking of Solana, magkaibang-magkaiba kami ng ugali. Siya ’yung tipong bold, loud, at walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

But despite our contrasting personalities, our bond is unbreakable. Kung ako ang tubig na nagpapakalma sa kaniya, siya naman ang apoy na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob tuwing kinakapos ako ng tapang.

“Oh my gosh! He’s so pogi talaga pero may boyfriend pa ako! Should I break up with him?!”

Bungad agad sa akin ni Solana pagkalapit na pagkalapit niya. Napapailing at napatawa na lang ako nang mahina habang kinukuha niya ang dalawang kamay ko para yakapin ako nang mahigpit.

Bumaba ang mga mata ko sa suot niya. As expected from a CSB Fashion Design student. She was rocking an oversized tailored blazer over a crisp, fitted inner top, a sleek micro-mini skirt, and classic kitten heels—accented with delicate gold jewelry that added just the right amount of sparkle.

“Grabe ka, Sol! Kakakita lang natin, ganiyan agad ang bungad?” natatawang sabi ko sa aking malumanay na boses habang gumaganti sa yakap niya. “Sino na naman ba ’yang pinag-uusapan mo?”

“Sis, don’t look at me like that! I’m genuinely having an existential crisis here,” simangot niya sabay haplos sa kaniyang mga pisngi, complete with a dramatic sigh and a playful pout as she looped her arm through mine. “Pero joke lang, of course! You know I’m completely devoted to my boyfriend. Na-excite lang talaga ako to tease you! I missed you so much, Noelle!”

“I missed you too!”

Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko habang sabay kaming naglalakad patungo sa paborito naming café.

“Solana, paano kung marinig ka ng boyfriend mo sa mga hirit mong ’yan? Isn’t he going to feel hurt or insecure?” tanong ko sa kaniya, my voice softening with genuine concern.

Alam kong biro lang para sa kaniya ang lahat, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. She values her relationship so much, at ayaw kong magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil lang sa mga ganitong pabirong hirit.

“Aw, sis… don’t worry, okay?” mahinang sagot niya sa kaniyang sweet, elegant tone. “We talk about everything, and he knows how much I love him. I would never actually do anything to break his trust.”

But I know her too well. Kapag may ginawa ang boyfriend niya na hindi niya nagustuhan, ganiyan siya magparating ng inis—sa pamamagitan ng mga pabirong hirit at palihim na pagpapansin para iparamdam dito na pwedeng-pwede siyang mawala kapag pinabayaan.

“Anyway! How was your visit to the doctor? Did you get your new lenses already? Show me!”

Napailing at napangiti na lang ako habang binubuksan ang tote bag ko para ilabas ang maliit na Watsons paper bag at ang bagong lens cases.

“Oo, nakuha ko na,” sagot ko sa kaniyang malumanay at tahimik kong boses. “Everything’s good. Na-adjust na ’yung grade para mas comfortable mag-draft at mag-render hanggang madaling-araw—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang paliko pa lang kami sa pasilyo ay biglang may sumagi sa aking balikat. Dahil sa gulat at kawalan ng balanse—dahilan para mabitawan ko ang maliit na Watsons paper bag at gumulong ang mga bagong lens cases ko sa sahig.

“Fuck!” a baritone voice grunted sharply as a tall figure stumbled back from the impact, almost losing his balance as well.

“Hey! Watch where you’re going!” matapang at mabilis na sita ni Solana habang agad niyang hinawakan ang braso ko para alalayan ako.

“Sol, okay lang…” mahinang pakiusap ko sa kaniya sa aking malumanay na boses, dahan-dahang yumuyuko para pulutin ang mga gamit kong kumalat sa malamig na sahig ng mall.

“Shit! Ang lagkit nung kape!” reklamo nung lalaking nakabangga sa akin habang mabilis niyang itinataas ang kaniyang baso. Half of his iced coffee had spilled over his hands and onto his dark oversized hoodie, dripping down onto his jeans.

Inangat ko ang mga mata ko sa mukha nito at para akong nalagutan ng hininga nang mamukhaan ko kung sino siya…

Alam kong bata pa kami noon nung huling pagkikita namin, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon.

It was Primo…

Mas tumangkad na siya at mas lumapad ang mga balikat, pero naroon pa rin ang pamilyar na yabang at talas sa kaniyang mga mata. He looked older now, and a bit sharper despite having angelic features—the same face that tormented my younger years with relentless teasing and cruel pranks.

“Primo…”


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.