Ako at si Prinsipe Yago BOOK 2 (2018)
Ai Tenshi · 8 chapters · 9,355 words
TOP COMMENTS AND REVIEWS
AKO AT SI PRINSIPE YAGO BOOK 2 (COMPLETED)
TOTAL CHAPTERS: 36
GENRE: ROMANCE









NOTE
Book Cover by: JohnLloyd Berzuela
Author’s Note:
June 18, 2014 noong ginawa ko ang kwento ni Ned at Yago. Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa mga mambabasa. Mayroong mga nagandahan, mayroong ding napangitan at hindi nalang itinuloy ang pagbabasa. Ito yung kwento na ginawa ko noong ako ay nag sisimula palang, siguro ay hindi pa ako ganoon ka sanay noon kaya’t kung ano nalang ang maisulat ko ayos lang. Kung nabasa mo ang book 1 nito, maaaring isa ka rin sa nauuhaw na mag karoon ng ikalawang libro ang kwento ng mga tauhan.
April 11, 2018 nag karoon tayo ng isang maliit na botohan sa FB page ko kung ano sa mga libro ko ang nais nilang mag karoon ng book 2.

Nais ko ibigay sa mga kaibigan ko dito sa wattpad ang kapangyarihan kung ano ang nais nilang mabasa sa susunod. At sa huli nga ay nanalo itong kay Yago..

Makalipas ang apat na tao ay muli kong bubuksan ang libro nina Yago at Ned upang ituloy ang kanilang kwento. Maaaring hindi ito ganoon ka kaperpekto ngunit siguro naman ako na mag bibigay ito ng mahalagang aral at inspirasyon sa inyong lahat. Sa librong ito makikita ninyo ang pag kakaiba ni Ai Tenshi noong 2014 at ngayong 2018. Siguro ay sapat na rin ang apat na taon upang maitama ko ang mga pag kakamali kong nagawa sa book 1. At katulad ng parati kong sinasabi sa inyo, hindi baling huwag na kayo mag paramdam sa akin, kahit walang vote, walang comments, walang follow basta happy kayo ay happy na rin ako.
P.S mag ingat lang sa pag bibigay ng negatibong komento, hindi ako makikipag talo sa inyo. Muted agad kayo, so kapag hindi na kayo kapag post sa akin, alam na this! Wahahaha. Hindi ko na nga kayo inuubligang ilike ako e, huwag kayo umepal. Yun lang, and I…………. Thank You!!
Thank You: Marlouiella Nosucuano TheCrystal para sa cover. Mabuhay ka!!
Part 1
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Author’s Note: 2014 noong ipublished ko ang Book 1 ng kwentong ito. Makalipas ang ilang taon, ngayon 2018 ay nag karoon ako ng pag kakataon na bigyan ito ng ikalawang yugto.
Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
AiTenshi
April 15, 2018
Patuloy na bumabagsak ang talulot ng mga bulaklak sa sanga ng punong kahoy kung saan ako naka higa. Pilit kong nilalaban ang sakit na dumadaloy sa aking kalamnan.
Patuloy ang pag tulo ng dugo sa aking dibdib habang ang aking kamay ay pilit na pinipigil ito. Damang dama ko ang mahigpit na yakap ni kamatay sa akin. Tila wala siyang balak na bumitiw hanggang hindi ito nag tatagumpay na kitilin ang aking hininga.
Sumasagi sa aking isipan kung isang malaking pag kakamali nga ba ang pumasok ako sa ganitong sitwasyon ngunit sa tingin ko ay huli na ang lahat para doon.
Tahimik..
Napatingin ako sa itaas ng puno kung saan may isang dahon na nalagas mula sa sanga nito.
Marahan itong bumagsak sa aking kinalalagyan at kasabay nito ang unti unting pag pikit ng aking mata..
Dito ay muli nag balik sa aking ala-ala kung paano nag simula ang lahat.
Hindi lahat ng tama ay masaya at hindi lahat ng masaya ay tama..
Part 1
Habang bumabagsak ang ulan sa kalangitan ay dahan dahan akong nag lakad sa tulay kung saan natatanaw ko ang palasyong dati kong tinitirhan. Damang dama ko ang init ng luha na dumadaloy sa aking mukha bagamat malamig ang pag buhos ng ulan. “Dito ko na tinatapos ang lahat…“ang bulong ko sa aking sarili at ipinikit ko ang aking mga mata..
Tahimik..
Nag padala ako sa ihip ng hangin hanggang sa unti unting bumagsak ang katawan ko pahulog sa tulay. Naramdaman ko nalang ang pag bulusok ng katawan ko pababa sa malalim na tubig at iyon na ang huling natandaan ko..
Damang dama ko ang pag kapatid ng aking hininga at kasabay nito ang pag balikwas ko ng bangon.
Hingal at pawis na pawis ang aking buong katawan.
Halos paulit ulit na nag babalik sa aking isipan ang eksenang iyon na pag talon ko sa ilog upang wakasan ang aking buhay. Maraming taon na ang lumipas ngunit patuloy pa akong minumulto ng nakaraan. At kahit anong gawin ko ay para itong isang anino na naka sunod sa akin.
Agad akong bumaba sa aking higaan at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Pag katapos noon ay nag tungo naman ako sa balkunahe ng aming munting tirahan upang mag pahangin.
Mula dito sa aming tirahan ay natatanaw ang mga ilaw sa palasyo na naroon pa sa malayong bundok. Halos ilang taon na rin ang lumipas mag buhat noong tumapak ako sa lugar na iyon. Isang magandang panaginip ngunit nag bago rin ang lahat sa hindi inaasahang pag kakataon. Sa mga nag daang taon ay pilit kong ibinalik sa normal ang aking buhay. Paki wari ko ba ay tumatakbo ako sa araw araw upang makatakas sa memoryang masasakit at nag dadala sa akin ng ibayong kalungkutan.
Ngunit sa kabila ng lahat ay nahanap ko ang kaligayahan sa aking anak at sa aking asawa. Ngayon ay simple ang aming buhay, mayroon kaming maliit na sakahan na aming ginagamit upang masustentuhan ang pangangailangan ng aking pamilya, partikular ang aking anak.
“Ayos ka lang ba?” ang tanong ni Beth noong makita akong naka tayo sa balkunahe
“Nag papahangin lang ako. Nasaan si Lucio?” ang tanong ko.
“Natutulog doon sa kanyang silid. Masaya nga ako at natutunan na niyang isulat ang kanyang pangalan.” ang naka ngiting wika niya
Natawa rin ako. “Maganda ang pangalan ng ating anak. Ang Lucio ay isinunod sa pangalan ng iyong yumaong ama. At ang Yago naman ay galing sa isang malapit na kaibigan.” ang tugon ko
“Lucio Yago, maganda. Kahit parati kong sinasabi na medyo mayabang ang dating.” biro ni Beth sabay tawa.
Maya maya ay tumingin siya sa akin at niyakap ang aking braso. “Huwag kana mag isip ng kahit na ano. Kung may gumugulo sa iyong isipan ay maaari mo itong sabihin sa akin.”
Niyakap ko siya at kapwa kami napatingin sa liwanag ng bundok sa di kalayuan. “Wala namang gumugulo sa akin. Maayos ang lahat.” bulong ko habang naka lingkis ang kamay sa kanyang bewang.
Hindi pa rin nag babago si Beth, siya pa rin ang pinaka mabait, maalaga at walang kasawa sawang umuunawa sa akin sa lahat ng oras. Pangarap kong bigyan siya ng magandang buhay, pangarap kong palakihin ang aking anak ka kumpleto ang edukasyon upang makasigurado na magiging maayos ang buhay niya kahit dumating ng panahon na wala kami sa kanyang tabi. Iyon lang ang yaman na maaari kong ipamana sa kanya.
Alas 8 ng umaga noong ako ay magising, tanghali na ito kumpara dati na lumalabas ako ng bukid bago pa sumikat ang araw. Katulad ng dati ay ginising ako ng aking anak, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Ang kanyang ngiti ay ang nag sisilbing panimula para sa akin. Makita ko lang ito ay kumpleto na ang aking araw.
Tuwing umaga ay naka gawian ko na ang bumisita sa aming bukirin. Ang totoo noon ay namana lang ito ni Beth sa kanyang magulang at ito na rin ang nag taguyod sa amin. Halos lahat naman ng kababayan namin dito ay bukid lang din at ilang maliit na lupain ang ikinabubuhay. Kaya napaka halaga nito sa aming naninirahan dito.
“Uy, tinanghali yata tayo pareng Ned.” ang bati ni Kenny, siya ang aming kapit bahay at pinsan ni Beth.
“Madalas kasi akong dinadalaw ng masamang ala-ala sa gabi kaya’t hindi agad ako dinadalaw ng antok.” sagot ko naman dahilan para matawa siya “Ang sagot diyan ay romansa sa iyong asawa. Siguro ay kinukulang lang sa niig.” biro niya.
Tawanan..
“Sa palagay ko ay magiging maganda nanaman ang ating ani. Malayo pa ang tag ulan kaya’t makasisigurado tayo na magiging maayos ang mga pananim.” ang wika ni Kenny habang nag lalakad kami sa bukirin.
“Simula yata noong dumating ako sa bayang ito ay parating maganda ang ani. Wala pa akong karanasang sumablay ito.” tugon ko na may halong pagka mangha.
“Syempre pare, alam mo naman na ang bayang ito ay ang may pinaka mayaman at pinaka matabang lupa sa buong bansa. Noong unang panahon daw kasi ay ginawa itong tambakan ng mga patay na tao at hayop ng mga malalapit na kaharian. Naagnas ang mga laman ng tao at naging mahusay na pataba ng lupa. Kaya nga ang pangalan ng lupaing ito ay “Balangkay” pinag halong “balangkas ng yaman” na galing sa mga “patay.”
Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lupaing ito ng Balangkay. Basta ang alam ko lang ay inanod ako ng pag kakataon patungo dito noong mga panahon nag tangka akong takasan ang pag hahabol sa akin ng nakaraan. Mga ala alang paulit ulit na bumabalik sa aking isipan sa gabi kapag ako natutulog o kahit simpleng sandali lamang.
Tahimik..
Mahangin sa paligid, kahit naka suot ako ng damit na may mahabang manggas ay nanonoot pa rin ang lamig sa aking balat.
“Pare ayos ka lang ba?” tanong ni Kenny sabay abot sa akin ng tinatapay at kapeng inumin. “Almusal muna tayo.”
“A-ayos lang ako. Salamat.” naka ngiti kong tugon.
Palay, prutas at gulayan ang karaniwang makikita sa lupaing ito. At dahil malamig ang klima ay magandang mag patubo ng mga pananim dito. Iyon nga lang ay nagiging problema ang mga insekto at surot na sumisira sa mga dahon kaya naman todo bantay kami dito.
Maganda ang pamumuhay sa aming lupain, marami maaaring pasukan ng trabaho kaya’t kapag tag ulan at nakatapos nang umani ay maaari kang mag negosyo o mamasukan sa mga ito.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay narinig ko nalang na may tumatawag sa aking pangalan. “Papa! Paaa!” ang wika nito.
“Aba, si Lucio! Sipag ah.” ang natutuwang wika ni Kenny noong makita ang aking anak na may hawak na bote ng inumin at tinapay. Sa kanyang likuran ay ang mga pinsan ni Beth na mag babantay rin sa bukid.
“Oh bakit nandito ka? Alam ba ng mama mo na sumama ka sa kanila?” tanong ko habang sinasalubong ito.
“Naku, pinigilan na iyan ni Beth, ngunit talagang matigas ang ulo. Gusto niya ay mag bantay rin kasama mo.” sagot ng pinsan ng aking may bahay.
Ngumuso ang aking anak na wari’y nag tatampo kaya naman ginusot ko ang kanyang buhok at kinandong ito sa aking mga hita. Humarap siya sa akin at ngumiti..
“Anak nakita mo ba ang maluwang na gulayang iyan? Balang araw ay ipamamana namin iyan sa iyo. Pero mas gusto ko na makapag tapos ka ng pag aaral at abutin mo ang nais mong abutin. Maging malaya sa pag abot ng iyong pangarap lalo na kung pasasayahin ka nito.”
Humarap sa akin ni Lucio at ngumiti. “Ang sabi ni mama ay magiging doktor ako. Pero ayoko naman non, kasi gusto ko maging heneral sa palasyo.” ang naka ngising wika nito sabay pakita sa kanyang laruang sundalo.
Natawa ako at mas lalo siyang niyakap ng mahigpit. “Kahit ano ang gusto mo anak. Basta nandito lang si papa na laging naka suporta sa iyo.”
“Pero mahirap ang maging heneral dahil parating nasa panganib ang buhay mo. Handa ka ba doon?” singit ni Kenny dahilan para mapaisip ang bata “Hindi ko po alam.” ang tugon niya dahilan para matawa ang mga tao sa aming paligid.
Napatingin ako sa malayong bundok kung saan naaninag ang palasyo nila Yago. Ito ang lugar kung saan naka tira dati.
Halos hindi pa rin naalis sa aking isipan ang bawat eksena habang masaya akong tumatakbo sa bulwagan ng palasyong iyon. Ngunit dahil masyado akong binalot ng matinding saya ay hindi ko na namalayan na ang aking tinatakbuhan pala ay puno na ng mga basag na baso.
Nag kasugat tuloy ako at kahit ilang taon na rin ang nakakalipas ay nananaliti pa rin ang lahat.
Itutuloy..
Part 2
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
AiTenshi
April 18, 2018
Part 2
“Araw ng linggo ngayon bakit hindi mo dalhin si Lucio sa plaza? Manood kayo ng mga palabas at mamili ng mga laruan. Matagal tagal na rin hindi nakakalibot ang bata doon.” ang wika ni Beth habang abala ito sa pag hahanda ng pag kain.
“Masyadong matagal ang byahe patungo doon. At isa pa ay masyadong matao ang lugar na iyon dahil ang mga taga palasyo ay doon rin dumadayo para malibang.” ang tugon ko naman.
“Kung sabagay nabalitaan ko na ang lupaing kinatitirikan ng plazang iyon ay pag aari pala ng kahariang Hokunya. Mabuti nalang at hindi sila pinag babayad ng buwis nina Prinsipe Yago at ng hari. Balita ko ay madalas rin doon ang prinsipe kasama ang kanyang anak.”
“Nakalilibang kasi talaga ang circus at ibang palabas doon. Marahil ay pinag huhusayan nila ang pag eensayo upang hindi mapahiya sa kanilang espesyal na panauhin.” tugon ko bagamat ang totoo noon ay ayoko nalang talagang mag tungo doon dahil umiiwas na ako kay Yago. Doon rin kasi kami muling nag kita makalipas ang ilang taong pag hihiwalay.
FLASH BACK
Ilang minuto rin akong nakaupo sa gilid ng kalsada hanggang sa mapadako ang aking paningin sa palasyo kung saan ako dating nakatira. Kitang kita ito mula rito sa aking kinalalagyan bagamat may kalayuan ay wala pa ring pinag bago ito. Muling nag balik sa aking ala ala ang unang beses na tumuntong ako sa lugar na iyon, para akong isang inosenteng bata na salat sa bagay bagay sa aking paligid. Muli ko ring sinariwa ang masasayang araw namin ni Yago na mag kasama. Bagamat nalimot ko na ang mukha nito ngunit ang pakiramdam ay ganoon pa rin. Kung sabagay 20 anyos pa lamang ako noon at labing walong taon na rin ang lumilipas. Marahil ay hindi narin nila ako naalala pa. Pero ayos lang, ang mga ala alang iyon ay nakaukit na sa aking puso at isipan.
“Anak halika na. Uuwi na tayo” ang sabi ko sabay buhat sa aking anak na si Yago at tinahak namin ang daan palabas ng tarangkahan nang hindi ko inaasahan na makita si Yago doon dala rin ang kanyang anak na lalaki at labis ko itong kinabigla. Bumilis ang tibok ng aking puso at tila huminto ang oras lalo na noong nakatingin ito sa akin at parang nangungusap. Walang nag bago sa itsura nito bagamat alam kong nasa 38 anyos na rin ito. Dati pa rin ang kanyang mukha na parang hindi tumatanda. At ang hubog ng kanyang katawan na mas lalo lang hinulma sa perpektong pag kakalilok sa pag lipas ng panahon.
tahimik..
Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin ngayong magkaharap na kami.
Tumingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Nag tama ang aming paningin. Tila nakaramdam ako ng kakaibang saya dahil muli kong nakita ang taong nag silbing inspirasyon ko. Kaya naman unti unting umukit ang isang ngiti sa aking labi at yumuko ako tanda ng pag pupugay sa kanya bilang isang
makapangyarihang tao.
Ngumiti rin ito sa akin..
Unti unting humakbang ang aking paa pasulong hanggang sa matapat ang aming kinatatayuan. Muli akong nag bitiw ng isang ngiti at humakbang pasulong hanggang sa makalayo ako sa kanya kinatatayuan. “sige lang Ned lakad lang at huwag kanang lumingon pabalik” ang bulong ko sa aking sarili ngunit sayang pasaway ang aking katawan kaya muli akong lumingon sa kanyang kinatatayuan at doon ko napansin na suot pa rin nito ang kwintas na ibinigay nya akin.
End of Flash back (Scene from Book 1)
Kung sa bagay ay pareho nang iba ang buhay namin ngayon, parehong pamilyado at may kanya kanyang pangarap para sa mahal namin sa buhay. Siguro sa ngayon ay iyon ang pinaka mahalaga.
Kinahapunan, nag karoon naman ng pag pupulong sa bayan para sa magaganap na pista. Taon taon itong pinag diriwang kaya naman maaga palang ay pinag hahandaan na. Ngayong taon ay kabilang kami ni Kenny sa namumuo rito kaya’t naroon kami sa bawat pag pplano.
“Narito ang mapa ng ating bayan. Siguro ay makatutulong ito para malaman natin ang ruta kung saan maaaring ganapin ang ating mga parada at ibang paligsahan.” ang wika ni Kenny sabay kadkad ng isang malaking mapa kung makikita ang eksaktong lokasyon ng aming bayan.
“Ayos ah, teka bakit parang naka gitna tayo sa dalawang bundok?” tanong ko naman.
Natawa si Kenny “Ngayon mo lang ba ito nakita? Pambihira ka naman pareng Ned. Ang bayan natin ang pinaka masaganang lupain sa mapang ito. Dahil naka gitna tayo sa dalawang bundok na pinalilibutang mga ilog. At sa dalawang bundok na iyan ay mayroon mag kaibang kaharian.
Nasa Hilaga ay ang kaharian nina Prinsipe Yago ang Hokunya Palace. At sa Timog na ay ang kaharian ng mga taga Beranda. Ang dalawang kahariang ito ay ang natitira sa apat na kaharian sa mapa.“ paliwanag ni Kenny
“Teka, bakit apat? Akala ko dati ay sila Yago lamang ang may kaharian?” pag tataka ko.
“Apat na kaharian iyan tol. Sa Hilaga ay ang kina Prinsipe Yago ang Hokunya. Sa Timog ay kaharian ng Beranda. Sa Silangan ay ang Marunduran. At sa kanluran naman ay kaharian ng Sumahir. Iyon nga lang ay nabura na sa mapa ang kaharian ng kanluran at silangan matagal na panahon na ang nakalilipas.
Paano nabura? Dahil ang kaharian ng Sumahir sa kanluran ay sinakop at pinag bagsak ng kaharian nila Prinsipe Yago sa hilaga. At ang kaharian naman ng Marunduran sa Silangan ay bumagsak naman sa kamay ng Beranda sa Timog. Sa ngayon, ang dalawang kaharian na lamang ng Hokunya at Beranda ang nanatili sa mapa.“ ang paliwanag pa ni Kenny na aking kinamangha.
Matagal akong nanatili sa palasyo nila Yago ngunit ngayon ko lamang ito nalaman. Marahil hindi lamang ako nag tatanong noon dahil wala akong ibang inatupag kundi ang mapabuti ang relasyon ko kay Yago at sa mga tao sa palasyo. “Kung ganoon ay mas makabubuti siguro kung doon na lamang tayo dumaan sa ruta na madaling lakaran at mas maganda ang daan. Karamihan kasi sa mga rutang ito ay hindi patag ang kalsada at hindi pa ganoon ka kaayos.” ang mungkahi ko sabay lagay ng guhit sa daan na maaaring pag dausan ng parada.
“Kailangan ay gandahan natin ang parada para matuwa sa atin ang patron, pasasalamat na rin ito sa taon taong magandang ani.” wika ni Kenny.
Katulad ng mga pista sa iba’t ibang bayan ay nakaugalian na namin ang mag handa upang ipag diwang ito. Nag hahain kami ng iba’t ibang putahe upang ipakain sa mga bisitang parating, kamag anak o malalapit na kaibigan. Taon taon ring napupuno ng masisiglang kulay ang buong lupain, nag sasabit kami ng makukulay na banderitas sa daan upang mas madaling mapansin ang walang kapantay na saya sa aming bayan.
Sa gabi ay nagiging atraksyon rin ang iba’t ibang palabas sa entablado na nag bibigay aliw at saya sa mga manonood. Ang mga nag tatanghal ay ipinadala naman ng palasyo nina Yago, bilang regalo at pakiki isa sa kasiyahan.
“Papa! May bisita ka!” ang wika ni Lucio habang tumatakbo at sumasalubong sa akin.
Agad ko siyang kinarga at hinagkan sa pisngi. “Bakit ka dusing mo? Saan ka ba nag suot?” tanong ko naman.
“Nag kipag laro po ako sa bukid.” ang sagot niya habang naka yakap sa aking leeg.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag dating ng isang lalaki sa aking harapan dahilan para mapahinto ako sa pag lalakad
Hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli..
“Kamusta? Matagal tagal na rin tayong di nag kikita.” ang bati nito.
“Abel! Kamusta? Eto maayos naman ako. Unti unting nasasanay sa masaya at simpleng buhay dito sa bukid. Kamusta sa palasyo?” tanong ko naman.
Maraming taon kong hindi nakita si Abel, sa ngayon ay siya ang isa sa may pinaka mataas na tungkulin sa mga kawal doon. Dati pa rin ang kanyang anyo, bagamat nag kaedad ito ng kaunti. Halatang alaga pa rin ang kanyang katawan dahil mas lalo pang lumaki ito. Ang huling pag kikita namin ay noong mga nakakaraang taon pa kung saan isa isa niyang isinasauli sa akin ang mga gamit na naiwan ko doon sa palasyo.
“Mabuti at naisipan mo akong dalawin. Kumain kana ba?” tanong ko ulit.
“Kumain na ako doon sa plaza. Nag libot kasi si Prinsipe Yago at ang kanyang anak doon. Kaya naisipan kong dalawin ka rito.” tugon niya
Naupo kaming dalawa sa ilalim ng puno ng mangga kung saan nag lagay ako ng upuang kahoy bilang panhingahan. “Kamusta sila? Kamusta ang palasyo?” tanong ko ulit.
“Madalas nag aaway si Prinsipe Yago at ang kanyang asawa. Alam mo iyon, pareho kasi silang may attitude problem kaya hindi nila matagalan ang isa’t isa. Bwisit si Yago at bwisit rin si Yumi. Para silang dalawang batong nag aapoy na nag sasalpukan doon. Ikaw lang yata ang nakapag patino kay Yago e. After 18 years? Balik nanaman ito sa normal ngunit masasabi ko na responsableng ama naman siya sa kanyang anak.” ang natatawang wika ni Abel
Natawa rin ako..
“Nahirapan nga rin ako noong pakisamahan si Yago, magaspang talaga ang ugali nito at punong puno ng kayabangan ngunit batid kong nag bago naman siya at naipakita niya sa akin ang kanyang kaaya ayang ugali. Teka, ikaw? Kamusta ka? Ang iyong anak?”
“Ako? Abala ako sa pag sasanay sa mga kawal doon sa palasyo. Kaunti na rin kasi ang bilang namin. Ang iba kasi umalis na at nag asawa na sa iba’t ibang lugar kaya bumaba ang bilang ng sandatahang lakas ng kaharian. Ang aking asawa ay sumama doon sa isang kawal at binitbit niya ang aking anak. Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin sila.” ang wika ni Abel
“Kailan pa ito?” tanong ko
“Noong nakaraang taon pa, ngunit patuloy ko pa rin silang hinahanap. Pati si Prinsipe Yago ay tumutulong sa akin upang makita sila at mabawi ang aking anak.”
“Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo Abel.”
“Wala iyon, natutunan kong sumakay sa mapag larong agos ng buhay. Minsan talaga ay hindi natin ito kontrolado at hindi rin aayon ang lahat sa nais mo. Pero ganoon siguro talaga, kapag natalo ka ay matuto kang tumayo ulit, kapag iniwan ka ay maging malakas ka at mag simula ng panibagong yugto. Hahamunin ka lang ng buhay, pero hindi ka niya maitutumba.” tugon ni Abel.
Natahimik ako at panandalian napako ang aking tingin sa kalayuan. “Hindi ako sumabay sa agos nito. Umalis ako at iniwan ang lahat. Pero tama ka, kapag lumakad ka palayo ay tiyak na makapag sisimula ka ng bagong yugto sa iyong buhay.”
“Pero sa tingin ko ay hindi na mahalaga ang kung iniwan ka, umalis ka, o tumakbo ka palayo noon. Ang mahalaga ay masaya ka ngayon, sa kung anong mayroon ka.” naka ngiti niyang tugon.
Ngumiti rin ako at napatingin ako sa aking anak na noon ay masayang tumatakbo sa aming harapan. “Masaya ako ngayon. At siya ang nag papasaya sa akin. Sa kanya umiikot ang aking buhay..”
Marami pa kaming pinag kwentuhan ni Abel, mukhang hindi sapat ang buong mag hapon para dito. Para kaming bumalik sa panahon na parehong pangangarap na mag karoon ng magandang buhay. Sadyang mabilis lamang lumipas ang panahon at bago ko pa mamalayan, ang lahat ay nag bago na.
Itutuloy..
Part 3
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
April 20, 2018
Part 3
Lumipas ang ilang linggo at dumating ang pinaka aabangang araw ng pista. Ang lahat ay abala sa pag hahanda para sa kani kanilang panauhin. At tulad ng napag planuhan, umaga palang ay inilabas na namin ang patron upang iparada sa buong lugar. Kasama na rito ang mga tao at ilang musikero na nag bibigay ng ibayong sigla sa aming ginagawang prosisyon.
Bandang tanghali noong matapos ang parada. Bago pa ipasok sa simbahan ang patron ay nag kagulo na sa buong paligid dahil dumating ang hari at ang kanyang anak na si Yago upang maki isa sa nagaganap na pistang bayan.
Ang lahat ng tao ay sabik na sabik sumalubong sa kanila upang makamayan o mag pakuha ng larawan. Kaibahan naman sa akin na pilit ikinukubli ang mukha sa sulok upang hindi nila ako makita. Kung sa bagay ay hindi ko rin naman alam ang sasabihin kung sakaling mag kaharap harap kami.
“Pare bakit hindi ka lumapit doon kila Prinsipe Yago? Grabe, ang gagarbo ng kanilang kasuotan. Lalo na yung hari, may diyamante pa sa kanyang damit. Yung Prinsipe naman ay mukhang mamahalin ang suot na kwintas.” ang namamanghang wika ni Kenny habang itinuturo si Yago sa kalayuan. Naka suot lamang ito ng pantalong maong, sapatos at tshirt. Ngunit ang kanyang datingan ay dati pa rin, gwapo at mas lalo pang lumaki ang kanyang katawan.
“Natural ay magarbo silang manamit dahil nakatira sila sa palasyo at malaki ang ari arian nila doon. Halika na, umuwi na tayo dahil baka mag datingan ang mga bisita natin sa bahay.” pag yaya ko naman.
“Pre bakit ba nag aapura kang umuwi. Sayang naman pa picture muna tayo kay Prinsipe Yago at sa Hari!”
“Huwag kana. Masama raw ang ugali ng Yagong iyan, baka ipapatay pa niya tayo.” pananakot ko naman.
“Parang mabait naman siya pre.”
“Hindi. Akala mo lang iyon!” pag pupumilit ko pa dahilan para matawa ito.
Katulad ng set up, agad kaming nag tungo pauwi sa aming bahay. Tiyak na nag hihintay na rin sa akin ang aking anak dahil pinangakuan ko siyang ibibili ng laruang de gulong. “Patay! Nakalimutan ko yung laruan ni Lucio.”
“Nakup, bakit kasi nag aapura kang umuwi e. Lagot ka ngayon sa anak mo. Teka, gusto mo bumalik tayo doon sa plaza?” tanong niya
“Hindi na, heto na tayo sa harap ng bakuran. Isasama ko na lamang so Lucio mamaya doon upang makapamili siya ng laruang nais niya.”
Pag bukas ko pa lamang ng kahoy na tarangkahan ay agad na akong sinalubong ng aking anak. Batid kong kanina pa ito nag hihintay sa aking pagdating. “Papa! Nasaan na yung laruan ko?” ang tanong niya
Natingin ako kay Kenny “Naku, sarado pa yung tindahan anak. Mamayang gabi ay isasama kita doon upang ikaw na mismo ang makapamili ng laruang gusto mo.” ang naka ngiti kong tugon.
“Oo nga naman bunso. Sarado pa kasi ang tindahan kaya hindi kami naka bili agad.” pag suporta naman ni Kenny,
Nag simulang umasim ang mukha ni Lucio at maya maya ay umiyak na nga ito. “Hindi mo na makakasundo iyan.” ang wika ko habang binubuhat ito ngunit nag pupumiglas na dahil inatake ng asar at sumpong.
“Ganyan talaga ang mga bata kapag hindi natupad o nasunod ang gusto.” natatawang wika ni Kenny.
Natawa nalang ang mga bisita dahil sa lakas ng iyak nito. Wala tuloy nagawa si Beth kundi ang lumabas at kunin ang sinusumpong na anak. “Ikaw naman kasi, bakit nakalimutan mo yung laruan?” tanong niya
“Eh sarado pa nga kasi.” pag dedeny ko pa.
Halos ilang minuto ring iyak ng iyak ang bata hanggang sa makatulog nalang ito. Ako naman ay nag asikaso ng mga kaibigan na bumibisita sa aming bahay. Ilang taon na ako sa bayang ito, ang nakakatuwa ay taon taon rin akong nag tatago sa tuwing darating ang araw ng pista dahil madalas rin bumibisita si Yago at ang tauhan ng palasyo. Si Abel lamang ang bukod tanging nakaka alam ng aking tirahan at hindi niya ito pinag sasabi kahit kanino.
Bandang alas 3 ng hapon, habang abala ako sa pag liligpit ng gamit at ibang kasangkapan ay siya namang pag tawag ni Kenny sa akin mula sa aming bakuran.
“Pareng Ned! Inuman na! Aba tara na para makarami!” ang pag tawag nito.
“Sandali lang, nandiyan na ba kayo?” ang sagot ko naman mula sa kusina.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay nag tatakbo si Lucio sa kusina kung saan ako naroroon. Masayang masaya ito at may dalang isang laruan de gulong. Bukod pa roon ay may hila hila rin itong isang kahong laruan iba iba ang klase.
“Oh saan nang galing iyan?” ang tanong ko naman.
“Doon po sa mama sa labas.” ang wika nito
“Pareng Ned! Aba ang tagal mo naman!” ang pag tawag pa ni Kenny kaya naman lumabas ako.
Pag labas ko sa sala ay nag kakagulo na ang mga bisita doon, ang mga babae ay kilig na kilig at ang matatanda naman ay maluha luha pa.
Dito ay nakita ko si Yago na nakatayo sa aming bakuran habang abala sa pag papakuha ng larawan sa mga bisita at sa mga kapit bahay namin. “Pare, binisita tayo ni Prinsipe Yago! Swerte! Mag kikipag inuman siya sa atin!” ang wika ni Kenny sabay akbay kay Yago na feeling close agad.
“Ang swerte natin! Tayo ang naisipang bisitahin ng prinsipe!” ang wika ng mga kapit bahay habang masayang nag titipon sa harap ng panauhin.
“Papa siya yung nag bigay ng maraming laruan sa akin!” ang wika ni Lucio.
“Nag pasalamat kana ba sa Prinsipe? Naku mahal na prinsipe pasensiya na po sa aking anak. Makulit talaga ito.” ang wika ni Beth.
Naka ngiti naman si Yago at naka tingin sa aking anak. Maya maya ay ginusot niya ang buhok nito at saka binuhat. Samantalang ako naman ay tila napako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala na ang taong iniwasan ko ng maraming taon ay nandito ngayon sa aking harapan at ang masaklap ay alam na niya ang aking tinitirhan. Kaya sa tingin ko ay wala nang rason para ako ay mag tago pa.
Kumakabog ang aking dibdib at tumatagaktak ang pawis sa aking katawan. Dito ay muli nag balik sa akin ang lahat, ang masasayang araw na kasama ko siya. Ang mga gabing pinag saluhan namin ng mag kasama, ang mga oras na napaka perpekto at walang kapantay na ligaya. Ang mga araw na nag aalab at hindi matitibag. Buong akala ko ay perpekto na ang lahat, ngunit hindi pala..
Halos nakikita ko pa rin ang aking sarili na unti unting nahuhulog sa tulay kung saan pinag tangkaan kong wakasan ang aking buhay. Ang lamig ng tubig ay patuloy pa ring nanunuot sa aking kalamnan at magpa sa hanggang ngayon ay damang dama ko pa rin ito.
Si Yago, siya ang aking kabiyak noon.. Siya rin ang taong nag bigay ng malaking sugat s aking pag katao.
Tahimik..
Agad ring nanumbalik ang aking ulirat..
“Uy pareng Ned, ano pang tinatayo mo diyan? Naiinip na ang prinsipe!” ang wika ni Kenny.
Noong mga sandaling iyon ay wala akong ibang nagawa kundi ang kumilos ng normal at umarte na mayroong amnesia. Kunwari nalang ay wala na akong matandaan sa loob ng maraming taon. Limot ko na ang lahat at nabura na ang mga pangyayari sa aming nakaraan.
Lumapit ako sa kanilang kinalalagyan at pag tapat ko kay Yago ay yumuko ako at nag bigay galang sa kanya. Buhat pa rin niya ang aking anak habang naka ngiti siya. “Ang sweet ng anak mo.” ang wika niya.
“Pasensiya na po. Makulit talaga iyan.” ang tugon ko sabay kuha kay Lucio.
“Ingatan mo ang mga toys mo ha.” wika ni Yago at muling ginusot ang buhok ng aking anak.
Hindi ako komportable noong mga sandaling iyon, gusto ko nalang pumasok sa loob ng aming bahay para mag kulong ngunit wala naman akong ibang pamimilian kundi ang makisama at kumilos ng normal.
Nag lagay kami ng lamesa at nag paikot ng bangko sa ilalim ng puno kung saan kami mag iinuman. Kasama namin ang ilang kalalakihan sa bayan. Umiwas ako at piniling huwag tumabi kay Yago Pero tumayo siya sa kinauupuan at lumipat sa pwestong mas malapit sa akin.
“Kamusta pala itong bayan ninyo?” ang tanong ni Yago
“Mabuti naman po mahal na Prinsipe. Maraming salamat at pinakabitan nyo na kami ng kuryente. Ngayon ay nakaka panood na kami ng mga balita at palabas sa tv.” ang masayang wika nila.
“Mabuti naman, ang totoo noon ay hindi ako nakakapunta sa lugar na ito. Hindi na kasi ito sakop ng aming kaharian dahil nasa pagitan ito ng Hokunya at Beranda.” ang sagot ni Yago.
Walang kuryente ang lugar na ito noong dumating ako. Malayo ito sa kabihasnan at tanging bukirin lamang ang aming ikinabubuhay. Kaya naman pala wala silang kaalam alam tungkol sa amin ni Yago. Madalas kaming ibinabalita noon sa telebisyon ngunit dahil walang supply ng sapat enerhiya dito sa bayan ay hindi sila naging updated sa mga kaganapan. Ngunit ang lahat ng tungkol sa amin noon ay mananatili lang sa nakaraan. Ngayon ay nag bago na ang lahat.
“Doon ka nakatira?” tanong ni Yago habang naka tingin sa aming maliit na tahanan.
“Opo mahal na prinsipe.” ang sagot ko.
“Bakit ganyan ang tawag mo sa akin?” tanong niya
“Pag papakita iyon ng pag galang sa mga dugong bughaw na katulad mo.” ang sagot ko naman sabay iwas ng tingin sa kanya.
“Pero dati ay hindi mo naman ako iginagalang diba? Madalas pa tayong mag kasama noon.” naka ngiti niyang hirit.
“Dati? Hindi ko po alam ang iyong sinasabi. Baka ibang tao iyon. Sa tingin ko ay nag kakamali kayo.” sagot ko naman.
Natawa rin siya at napatingin sa aking mukha.
Maya maya ay kinuha niya ang alak at itinaas ito. “Cheers!” ang wika niya.
“Cheers!” tugon naman ng lahat..
Malamig ang hangin noong gabing iyon, ngunit ako ay pinag papawisan ng husto. Hindi ako komportable sa aking kinauupuan lalo’t napapansin ko si Yago na naka tingin sa akin at minsan ay tila binabasa pa niya ang mga bagay na nasa aking isipan. “Excuse me, mag babawas lang.” ang wika ko sabay tayo sa aking kinauupuan.
Agad akong lumakad palayo sa kanila at nag tungo sa tabing bukirin kung saan mas makakahinga ako ng maluwag. Mas malamig sa parteng ito bukirin at medyo maliwanag ang paligid dahil bilog ang buwan na siyang tumatanglaw sa aming kinalalagyan.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Habang nakatanaw sa kawalan..
Tahimik..
Tanging ang tunog ng mga kuliglig lamang ang nag sisilbing musika sa aking paligid..
“Matagal kitang hinanap, alam mo ba iyon?” ang boses ni Yago sa aking likuran.
“Bakit hinahanap mo ako?” tanong ko.
“Dahil hindi mo sinagot ang sulat kong ipinadala noon. Bakit umalis ka doon sa dati mong tinitirhan at nag tago ka sa liblib na lugar na ito?” tanong niya
Dito nag balik sa aking isipan ang eksenang pag dating ng sulat ni Yago sa aking dating tahanan..
FLASH BACK
Isang linggo ang nakalipas buhat noong huling mag krus ang landas namin ni Yago ay may dumating na sulat sa akin, batid kong galing ito sa palasyo dahil may selyo ito ng espadang simbolo ng kaharian. Nag tungo ako sa tabing ito upang basahin ang sulat at laking gulat ko na galing pala ito kay Yago.
Dear Ned,
Masaya akong muli kang makita. Kung alam mo lang ang tagal kitang hinahanap. Halos labing walang taon akong nangungulila sa iyo kaya naman halos sumabog ang puso ko noong masilayan ko ulit ang iyong mukha. Hanggang ngayon tol ay naaalala ko pa rin ang masasayang araw na pinag samahan natin, kung paano mo ako binago at minahal ng walang kapantay. Araw araw kitang ginagawang inspirasyon para mag patuloy ako sa hamon ng buhay bilang hari ng palasyo at kahit nasaan ako hinahanap hanap pa rin kita.
Nga pala tol, ipinangalan ko sayo ang aking anak dahil siya ang nag papa alala sa akin na minsan ay dumaan ka sa buhay ko. Alam kong sa pamamagitan ng aking anak ay hindi tayo muling mag kakahiwalay pa. May isang sikreto nga pala akong nais aminin sa iyo. Gusto kong malaman mo tol na minahal na kita noong unang palang kitang makita, ewan ko ba kung bakit napaka torpe ko at ang pag lalambing ko sa iyo ay nauuwi lagi sa pang aasar. At naalala mo ba noong unang beses kitang hinalikan sa harap ng publiko? Gusto kong malaman mo na totoo ang halik na iyon at iyon ang pinaka masayang araw sa buhay ko.
Ps.
Mahal na mahal kita Ned, at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling tibok ng puso ko..
Nagmamahal,
Yago
End of flash back (Scene from Book 1)
Noong matanggap ko ang sulat na iyon ay nag pasya na akong umalis nalang dahil batid kong natunton na ni Yago ang aking kinalalagyan. Gusto ko ng tahimik na buhay, malayo sa kanya at malayo sa masasakit na alalang naganap noong kami pa. Lumipat kami sa liblib na lugar na ito upang dito mag simula ng tahimik na buhay.
“Hindi ko na maalala ang laman ng sulat na iyon, ngunit batid kong puro kasinungalingan lamang ang laman nito.” ang tugon ko.
“Binasa mo ba?” tanong niya
“Hindi..” ang sagot ko
“Kaya hindi mo alam na mahal pa rin kita. At mahal pa rin kita hanggang ngayon.” ang wika ni Yago sabay yakap sa akin.
Agad niyang sinunggaban ng halik ang aking labi dahilan upang mapako ako sa aking kinatatayuan.
Itutuloy..
Part 4
Credits to SophisticatedArogant WP. Maraming salamat!
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
AiTenshi
“Binasa mo ba?” tanong niya
“Hindi..” ang sagot ko
“Kaya hindi mo alam na mahal pa rin kita. At mahal pa rin kita hanggang ngayon.” ang wika ni Yago sabay yakap sa akin.
Agad niyang sinunggaban ng halik ang aking labi dahilan upang mapako ako sa aking kinatatayuan.
Part 4
Ramdam na ramdam ko ang kanyang mainit na labi na naka sugpong sa aking labi. Kapwa kami amoy alak ngunit ang kanyang halik ay hindi pa rin nag babago. Masarap pa rin ito at nakapang hihina ng tuhod. “Ngunit, mali ito at hindi na maaari ang ganito!” ang sigaw ko sa aking isipan sabay tulak sa kanyang palayo sa aking katawan.
Naalis ang pag kakasugpong ng aming mga labi..
“Bakit? Bakit hindi mo sabihin sa akin na mahal mo pa rin ako?” tanong niya
Ngunit hindi na ako sumagot. Agad akong nag lakad pabalik sa aming upuan at pilit na ikinalma ang aking sarili. Kumilos ako ng normal at naupo sa tabi ng aking mga kaibigan. Samantalang si Yago naman ay naka sunod lang akin at hindi mabakbak ang kanyang seryosong tingin.
Pinilit kong mag deny ngunit hindi ko rin natiis na sumagot dahil paunti unting bumubugso ang aking emosyon kaya hindi ko napigilan ang aking dila na mag salita.
“Ayos ka lang ba pare Ned? Mukhang lasing kana ah.” ang biro ni Kenny sabay akbay sa akin.
“Ayos lang ako.” tugon ko naman habang iniiwas ang tingin kay Yago.
“Naku mukha ang prinsipe Yago ay lasing na.” ang wika ng iba kong kaibigan noong makita si Yago naka pikit na tila nahihilo.
Kasabay noon ang pag punta ni Beth sa aming lamesa, may dala itong mga tasa ng kape. “Nakup, lagot kayo sa hari. Nilasing ninyo ang prinsipe!” ang wika nito.
“Ang mabuti pa ay ubusin na natin ito para makapag pahinga na tayo.” wika ni Kenny
“At mas mabuti rin siguro kung alalayan nyo muna ang prinsipe at ipasok doon sa munti naming tirahan. Doon muna siya mag pahinga.” ang wika ni Beth
“Bakit doon?!” ang gulat kong tanong dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. “Ang ibig kong sabihin ay bakit doon sa atin? Baka hindi siya sanay sa maliit at matigas higaang papag.” ang sagot ko
“Sanay ako doon.” ang sagot ni Yago sabay ngisi sa akin ng palihim. Mukhang umaarte lang ang gago. Naalala ko tuloy dati na umarte rin ito na nawawala ang kanyang kwintas at dalang dala naman ako doon kaya tinulungan ko siya. Manloloko talaga.
“Ayun naman pala. Mabuti nalang at napaka humble at hindi maarte itong si Prinsipe Yago. Dahan dahan ang pag alalay sa kanya.” wika ni Beth
“Mabuti pa ay ipahatid nalang natin siya sa mga kawal niya doon sa palasyo nila. Baka hindi siya sanay matulog sa matigas na papag at baka mag kasakit siya kapag kinagat siya ng lamok. Alam nyo naman ang mga dugong bughaw masyadong maselan sa kanyang paligid. Baka mapatay pa natin siya dito kapag nadapuan siya ng bacteria.” ang pag pigil ko.
“Ned, ano ka ba? Bakit ba sinasabi mo iyan? Baka mag mana sa iyo ang anak mo ha. Huwag mong ipapakita sa kanya ang ganyang ugali mo. Pasensiya na po kayo prinsipe Yago, ganyan lang talaga si Ned.” wika ni Beth.
“Ayos lang. Bitter lang iyan.” ang wika ni Yago at doon ay marahan itong nag lakad patungo sa aming maliit na tirahan.
“Madali palang malasing ang prinsipe.” wika ni Kenny
“Eh pare baka hindi siya sanay sa mumurahing alak. Buti hindi sumasakit ang kanyang sikmura.” hirit ng isa
“Mura nga ang alak na ito pero maitindi itong sumipa! Hik! Cheers!” ang sagot ni Kenny.
Tuloy ang happy happy nila. Ako naman ay walang nagawa kundi ang sundan si Yago na noon ay umaarte nalasing.
Pag pasok sa bahay ay agad nilang inihiga si Yago doon sa aking papag. “Bakit diyan sa higaan ko?” ang tanong ko
“Syempre, doon nalang tayo sa kabilang silid. Saka bakit ba ganyan ang ipina kikita mo sa prinsipe? Baka isipin niya ay magaspang ang ugali mo.”
“Mas magaspang ang ugali niyan, ang ibig kong sabihin ay basta dugong bughaw ay maselan.” sagot ko naman.
“Huwag ka maingay dahil natutulog na ang anak mo doon sa kabilang silid. Shhhh.” pag bawal ni Beth.
Binigyan niya ang kumot at unan si Yago, saka ito hinayaang naka higa sa aking papag. Ako naman ay naka tingin lang sa kanya at inaabangan itong dumilat. Hindi naman siya malalasing ng ganoon kadali e.
Nakahiga lang ito at naka pikit..
Ganoon pa rin ang kanyang itsura, hindi ito tumanda at mukhang hindi man lang siya nakaranas ng hirap sa buhay. Syempre prinsipe nga siya kaya ang lahat ay sadyang madali para sa kanya.
“Oy, dumilat kana. Ano bang kailangan mo?” ang tanong ko sabay sipa sa hita nito.
“Arekup, huwag mo nga akong sinisipa, prinsipe pa rin ako kaya dapat ay galangin mo ako.” ang wika niya
Sinipa ko siya ulit. “Tumigil kana. Ano bang gusto mo? Tahimik na ang buhay ko.”
“Hindi naman kita ginugulo. Nais ko lang malaman kung maayos ang buhay mo dito.” ang seryosong wika niya.
“Maayos naman. Maayos at tahimik.”
“Ako? Magulo.. Hindi masaya.” ang sagot niya.
“Bakit? Hanggang ngayon ba ay nag dudusa ka pa rin sa pag kakamali mo?” tanong ko
“Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay hindi ako masaya.” ang sagot niya sabay balikwas ng bangon.
Tahimik..
“Galit ka pa ba sa akin?” tanong niya
“Oo, ngunit nag hilom na ang lahat. Halos 18 taon na rin iyon. Limot ko na ang mga bagay na mayroon tayo. Kasabay ng pag lipas ng panahon ang tuluyang pag kupas ng mga ala alang iyon.”
“Kung ganoon ay hindi kana galit sa aking ngayon? Nabalitaan kong tumalon ka raw sa tulay at inanod kung saan.”
“Matagal na panahon na noong mangyari iyon. Heto at buhay pa naman ako.” tugon ko
“Alam mo ba tumalon rin ako doon sa ilog na iyon. Gusto ko kasing maranasan ang hirap ang sakit na inabot mo ng dahil sa akin. Nag baka sakali ako na anurin rin ako sa lugar kung saan ka dinala ng agos nito. Ngunit bigo ako dahil bumalik lang ako sa lugar kung saan ako nag simula.” ang seryoso niyang wika.
“Iyon ang senyales na hindi kana maaaring sumunod pa sa akin. Na tayong dalawa ay mga taong pinag hiwalay ng mapag larong agos ng buhay. Sana ay kalimutan mo na ang nakaraan at ituon mo ang iyong pansin sa hinarap. Sa iyong asawa at anak.” sagot ko dahilan para matahimik siya.
“Ned, mukhang mahirap yatang kalimutan ang nakaraan. Dahil ang mga ala alang iyon ang tanging nag papa ligaya sa akin. Pipikit lamang ako at iisipin kung paano mo ako binago bilang isang tao ay napapangiti na ako. Kung aalisin mo sa akin ang bagay na iyon at kung pipilitin mo akong kalimutan ang nakaraan ay para mo na rin akong inalisan ng karapatang lumigaya at ngumiti.” sagot niya
“Masyadong mabulaklak ang dila mo mahal na prinsipe. Tila yata mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo.”
“Hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ang mga sinasabi ko. Nais ko lang na mag karoon ka ng ideya ukol sa nararamdaman ko.”
“Kung mag karoon ba ako ng ideya ay mayroon bang mababago?” tanong ko naman.
“Wala, pero nainam na yung malaman mong may nag mamahal pa rin sa iyo.” ang wika niya sabay tayo.
Agad niyang tinungo ang pintuan at lumabas sa aming bahay. “Saan ka pupunta?” tanong ko
“Doon sa plaza, naroon ang aking ama. May dala akong sasakyan kaya’t madali lamang akong makakarating doon.” ang sagot niya.
Hindi naman ako kumibo at hindi na rin ako humakbang para samahan siya. Tila yata lalo pang gumulo ang aking isipan. Nasa hustong edad na kaming dalawa ni Yago ngunit ang isipan niya ay ganoon pa rin, mapag laro at mahusay mag bitiw ng matatamis na salita. Hindi ko maunawaan kung totoo ba o hindi ang kanyang mga sinasabi.
Gayon pa man ay nangangako ako sa aking sarili na hindi na muling mahuhulog sa kanyang patibong kahit na ano ang mangyari.
Itutuloy..
Part 5
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
AiTenshi
April 22, 2018
Part 5
“Biruin mo hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na naka inuman natin si Prinsipe Yago. Hanep! Dugong bughaw iyon pero abot kamay natin noong gabing iyon. Siguro ay senyales iyan na mas magiging maswerte pa ang ating lupain sa mga susunod buwan at taon.” masayang wika ni Kenny habang abala kami sa pag iikot sa bukirin.
Natawa ako “ang swerte ay wala sa kahit kaninong nilalang sa mundo. Ito ay nasa pag sisikap natin. Kung maalalagaan nating mabuti ang ating mga pananim ay tiyak na muli tayong aani ng maganda.”
“Nag tataka lang ako pare, bakit parang matagal na kayong mag kakilala ni Prinsipe Yago?”
“Siguro ay lasing lang ako noong gabing iyon kaya hindi ko na napigilan ang aking dila na maging masungit sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay pinaplastic lamang niya tayo. Alam nyo naman ang mga dugong bughaw.”
“Hindi naman siguro pare. Pero sayang hano, hindi man lang siya nag iwan ng kaunting kayaman sa atin.” natatawang biro ni Kenny.
“Tado.”
Tawanan..
Habang nasa ganoong posisyon kami ng aking kaibigan ay may napataan kaming apat na lalaki na nag lalakad rin sa bukid. At ang nakakabigla ay napansin naming tinatapakan nila ang aming mga pananim kaya naman agad kaming tumakbo upang suwayin ang mga ito. “Anong ginagawa ninyo?” sigaw ni Kenny
Noong maka lapit kami sa mga ito ay nakita namin na sila ay mga kawal ngunit ang kulay ng kanilang uniporme ay iba. “Ipinag utos ng hari na suriin namin ang lupaing ito” ang wika ng isang kawal.
“Mga tauhan iyan sa kaharian ng Beranda. Ang kulay ng kanilang kalasag ay berde at ginto.” ang bulong ni Kenny.
“Bakit? Anong mayroon sa aming lupain?” ang tanong ko.
“Balak ng hari na kuhanin ang iyong lupain upang pag tayuan ng mga gusali. At upang mawala na rin ang mga bulok na pananim na ito.” ang wika ng isang mayabang na kawal sabay sipa ang aming mga tanim.
“Hindi niya pag aari ang aming lupain kaya’t wala kayong karapatang kuhanin ito!” ang sigaw ni Kenny
“Pwes ang utos ng hari ay hindi mababali. Mag paalam na kayo sa mga bulok na halaman ninyo!” ang wika pa ng isa sabay bunot sa aming mga tanim kaya naman nag dilim ang aming paningin sa matinding pag kainis.
“Itigil mo iyan!” ang sigaw ko sabay suntok ng malakas sa mukha ng kawal dahilan matumba ito. Si Kenny naman ay nakipag babag rin para protektahan ang aming mga gulayan.
Nakipag buno kami sa apat na kawal. Pilit namin silang itinaboy upang hindi nila masira ang aming mga pinag paguran..
Habang nasa ganoong pakikipag buno ay ay bigla na lamang may isang putok ng baril na umalingawngaw sa buong paligid at kasabay nito ang pag dugo ng aking balikat.
BANG!!
Tinamaan ako at napasadsad sa lupa..
“Tigas kasi ang ulo mo e! Sa susunod ay tutuluyan na kita! Wala kayong magagawa sa utos ng aming hari kaya ngayon palang ay mag balot balot na kayo ng inyong mga gamit!” mayabang na banta nito.
Ako naman ay napahiga sa lupa. “Ned! Tulong! Tulungan nyo kami!!” nag sigaw ni Kenny.
Paulit ulit siyang sumigaw
“Tulong!!!”
“Saklolo!! Dito!!!”
Hanggang sa may mga taong lumapit sa amin at agad akong inalalayan upang dalhin sa pinaka malapit na pagamutan. Hindi naman ako napurohan dahil balikat lamang ang aking tama ngunit ramdam ko pa rin ang init ng balang naka baon dito kaya halos balutin ako ng matinding kirot. Hindi naman maitago ni Beth ang labis na pag aalala noong ako ay masaktan at siyempre ay walang patid na iyak rin ang ginawa ng aking anak habang ako ay ginagamot. Ang akala siguro niya ay mamatay na ako kaya’t ganoon nalang ang kanyang emosyon.
“Ayos lang ako huwag na kayong mag alala. Hindi naman ganoon kalala ang tama sa akin.”
“Bakit ba kasi ang tapang ninyong dalawa, anong laban ninyo sa mga kawal na iyon? Napahamak ka pa tuloy.” sermon ni Beth
“Sinisira nila ang ating pananim. Hindi ko papayagang mangyari iyon.”
“Kahit masira na, basta walang mangyayaring masama. Iyon ang mahalaga.” patuloy niyang sermon kaya’t hindi na ako lumaban pa, niyakap ko nalang ang aking anak na noon ay iyak pa rin ng iyak.
Noong mga sandaling iyon ay naging usap usapan na sa aming lupain ang tangka ng kaharian ng Beranda. At dito naman napag alaman na mas malala pa pala ang kanilang ginawa sa ibang bukirin dahil sinunog nila ang mga ito at sinira ng walang pag aalinlangan. Nag karoon rin ng gulo sa ibang lugar, maraming nasaktan at marami ring nag buwis ng buhay. Kumbaga ay hindi pa ganoong kalala ang nangyari sa aming bukirin, hindi katulad sa iba na halos maabo na ang buong kabuhayan.
Nabahala ang lahat ng tao dahil sa tangkang pag angkin ng kahariang Beranda sa aming lupain. Tahimik ang aming pamumuhay noon, ni minsan ay sumagi sa aming isipan na maaaring mag bago ang lahat. At masaklap ay dumating ang pag babagong iyon kung kailan hindi kami nakahanda.
“Saan tayo pupulutin kapag nawala ang ating lupain? Ang ating tirahan?” ang pangamba ng mga matatanda.
“Nilapitan ko na ang punong gabay sa ating lupain. Ngayon ay nakikipag usap na siya sa hari ng Beranda. Sana ay maging matagumpay kung ano man ang kanilang mapag kakasunduan.” ang wika ni Kenny.
“Maliit na lupain lamang ito ngunit masagana ang lupa kaya’t ang ating mga ani ay talagang magaganda ang tubo. Ito na lamang ang natitirang lupain na may matabang lupa.” ang wika ni Beth
“Kaya nga gagawin natin ang lahat upang hindi nila ito makuha.” sagot ni Kenny. “At may naisip na akong paraan, ngunit mapangahas ito.” dagdag pa niya
“Ano naman iyon?” tanong ko
“Ang lumaban, mag sanay tayo upang maging malakas. Sa pag kakataong ito ay may pag asa tayong pigilan ang binabalak ng kaharian ng Beranda. Mainam nang lumaban kaysa matalo nang wala tayong ginagawa.” ang wika niya
Napaisip ako “Wala na tayong ibang lugar na malilipatan. Ito ang ating tirahan kaya’t sa tingin ko ay wala rin tayong pamimilian.” ang wika naman ng ilan sa naka tatanda.
“Sa tingin ko naman ay hintayin natin ang hudyat ng ating punong gabay, bago tayo gumawa ng isang mapangahas na desisyon.” sagot ko naman
“Kung sabagay ay tama ka doon pareng Ned. Kung ano man ang maging resulta ng negosasyon ng ating naka tataas na pinuno ay dapat tayong maging handa.” ang tugon ni Kenny.
Noong araw ding iyon ay maraming nag hintay ng balita tungkol sa negosasyon ng aming punong gabay sa kaharian ng Beranda. Maraming umaasa sa positibong balita na kanilang dala ngunit sa kasamaang palad ang balitang iyon ay hindi na nakarating pa. Isang kagimbal gimbal na pangyayari ang tumambad sa aming lahat noong dalhin sa bayan ang bangkay ng punong gabay kabilang na ang kaniyang mga tauhan. Lahat ng mga ito ay walang awang binaril, pinugutan ng daliri, at mga paa.
Malupit at nakaka suklam ang kanilang ginawa. Ang lahat ay nag luksa dahil sa malagim na kaganapang iyon dahilan para mas lalo pang matakot ang lahat ng mamayang naninirahan sa aming lupain.
“Pinaslang nila ang ating pinunong gabay! Napaka walang awa nila!” ang iyak ng ilang matatanda habang pinag mamasdan ang mga bangkay.
“Sino na ang tatayong haligi natin?” tanong ng iba
“Sa ngayon ang kailangan natin ay sapat na lakas at pwersa upang makalaban mula sa marahas nilang pamamaraan. Kung mag kakaisa tayo ay makakabuo tayo ng malakas na alyansang pipigil sa kanila.” ang wika ko naman.
“Sana ay ganoon kadali iyon tol, takot na ang lahat. At ang ilan sa mga mamamayan natin ay lumikas na dahil sa takot na mapahamak. Sinong aasahan nating tutulong sa atin?” tanong ni Kenny na hindi maitago ang labis na pag aalala.
Tahimik..
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla nalang naming nakita ang mga kabayong parating sa aming kinalalagyan. Lahat sila armado ng mga baril at patalim.
Mabilis ang kanilang pag takbo dahilan para lahat kami ay balutin ng matinding takot. Ang aking malamig na pawis ay pumapak sa aking patilya at dito ay nag simula nang mag kagulo ang lahat.
Itutuloy..
ANNOUNCEMENT!
WHAT HAPPENED HERE?
Ang kwentong “ AKO AT SI PRINSIPE YAGO BOOK 2 “ ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “FOLLOW” button. Maraming salamat po.

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.
PLEASE READ THE DETAILS BELOW:
PAANO ANG GAGAWIN?
Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com
Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.
Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

O maaari niyo ring click ang link na ito at diretso na kayo sa aking account. Maaari niyo akong ifollow upang maging update kayo sa iba pang surprise story na ilalabas ko doon ng LIBRE. Huwag kayong matakot dahil hindi naman lahat ng story doon ay may bayad. Si Ai_Tenshi ang author kaya’t mag tiwala kayo.
Eto ang tip, kailangan basahin niyo na agad bago mag lock (though months pa naman ang hihintayin bago mag lock). Kaya huwag na mag hintay pa ng matagal..
P.S Mag lalabas rin ako roon ng mga new story kaya dapat naka follow kayo sa akin…
-Ai_Tenshi

