loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxB

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxB

sojuniverse · 16 chapters · 36,717 words

Prologue

Prologue

Soju started narrating. “So, there’s this person who’s cute, attractive, neat and smart at higit sa lahat mapagmahal siya. I really really really like this person and yet hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kaniya na gusto ko siya.”

Because of what he said, I could feel my heart sink. He had a crush on someone. And the way he portrayed that individual seemed to be fortunate.

“I had exes. And this is different: when I first saw that person, I had an indescribable feeling. Sa kaniya ko lang talaga naramdaman ang pakiramdam na yun.”

Nilagok ko lahat ng laman ng canned beer ko. Bakit pa ako nagtanong, pukingina. Nagsisi tuloy ako na tinanong ko yun.

Yung taong gusto mo may iba rin palang gusto. Pero buti nalang at hindi ako nag confess kay Soju patungkol sa nararamdaman ko sa kaniya. Panigurado, magiging komplikado ang lahat.

“Tapos ano na kuya Soj?” ani Chan. Halatang curious rin siya sa kung sino man ang taong tinutukoy ni Soju.

Soju just giggled. Enjoy na enjoy siyang sinasalaysay ang mga magagandang katangian ng taong gusto niya. Habang ako, nilalamon na ng ingit. Ang masasabi ko lang sa taong nagustuhan ni Soju ay: sana all.

Kung sino ka man, lagutan ka sana nang hininga.

Chapter 1: Lawrence siblings

Chapter 1:

Lawrence

siblings

S H U N

“Shun, I really like you. I know you’re aware of that. I don’t go a day without seeing you. And I know you like me too. I’m hoping you’ll make my heart yearn for you. Would you like to go on a date with me and be with me in the rest of my life?” He then held my hands. I really see desire and love thru his beautiful dark brown eyes.

“I would love to, but…” I sincerely replied to him.

“Ano ba ang bumabagabag sa isipan mo, Shun…? Palayain mo ang iyong sarili sa kung ano man ang bagay na bumabagabag sa iyong isipan.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko nalulunod na ako sa maganda at nangugusap niyang mga mata. Dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo ko at hinarap ko ang magandang tanawin dito sa bukid. Kitang-kita ko kung gaano kalawak ang bukirin ang ganda pagmasdan ng mga magsisitaasang mga puno at ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mainit niyang katawan mula sa likod ko. At hinagkan niya ako.

“Masyado ata kitang minadali. Ayos lang sakin na mas pag-isipan mo pa ang desisyon mo.”

I faced him as I snaked my arms around his neck, he also held my waist. “Masyadong malupit sa atin ang tadhana. Napa-isip tuloy ako na hindi ituloy ang nasimulan nating pag-iibigan.”

He cupped my face and he look at me sincerely. “Ilang beses ko bang dapat sabihin sa’yo na huwag mong alalahanin ang mga sinasabi ng ibang tao sa’tin. Hayaan mo sila kung anong gusto nilang sabihin sa atin… Ang mahalaga ay tayong dalawa.” A warm nervous feeling fills my heart as a result of the words he omitted.

I held his wrist. And he slowly brought his face closer to mine.

I was taken aback when I heard my brother yell. And I gave him a stern look. He was just next to my seat. “Ano ba problema mo, Chan?!”

“Wow! Coming from you, kuya. Kanina ka pa diyan at hindi mo pa nauubos ang pagkain mo.”

“Ah… Eh…”

“Baka nakakalimutan mo kuya na may trabaho ka pa.”

“Wow! ’Tay, ikaw ba ’yan?”

He heavily sighed and he crossed his arms. “Nagdi-daydream ka na naman sa crush mo na security guard dito sa subdivision noh?”

At heto na naman po kami. Umagang-umaga nagbabangayan ng kapatid kong ito. Ampunin niyo nalang po ito, please lang.

“Ano bang pakielam mo kung crush ko siya?” I let my tongue at nagpatuloy ulit ako sa pag kain.

“Ano nga name niya?”

“Soju.”

“Soju, diba alak yun? Yung kulay green pa nga ang kulay nang bote niyon eh, noh?” Tumango-tango lang ako habang ngumuya ng pagkain. “Sa dinami-rami ng tao dito sa subdivision na tinitirhan natin, bakit siya pa?”

“Pwede ba, Chan tumahimik ka? Eh, gusto ko siya eh, bakit ba? Wala ka ng pakielam dun.”

“Tinatanong lang naman kita ah. Bahala ka nga diyan.” Saka siya umalis sa stool ng island counter. At pinagpatuloy ko nalang ang paglantak sa breakfast ko.

Speaking of Soju. Ewan ko ba kung bakit gusto ko siya. Well, aside sa may itsura siya mabait rin siya. Yun lang ang masasabi ko sa kaniya. Basta hindi ko talaga alam, like I just like him—so much. Hindi naman siguro required na dapat may gusto ka sa isang tao ay may rason, di’ba?

“KUYA, PUPUNTA KA BA SA SCHOOL NGAYON?!” Pasigaw na tanong ni Chan mula sa living room.

“Malamang Chan. Teacher ako eh. Gamitin mo nga yang utak mo. First year college ka na, jusko!” Sabi ko at inubos ko na ang pagkain ko at hinugasan ko sa sink yung plato na pinagkainan namin ni Chan. Grabe talaga ’tong batang ’to, hindi nalang hinugasan ang plato at baso na ginamit niya. Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis na.

Formal attire lang ang required ng Rainbow University para sa mga teachers nila. Pati rin mga students walang uniform, naka civilian lang. Pero ayos na rin kasi yung ganito kasi mas na-e-express ng mga estudyante yung sarili nila. Kaya mag enroll na ka’yo sa Rainbow University.

Pagdating ko sa living room ay napansin kong nanlaki ang mata at nakabuka ang bibig ng kapatid ko na naka-upo sa sofa.

“Wow kuya. Ang gwapo natin ngayon ah. Naka trouser na color beige, light blue long sleeve at white sneakers with sling-bag. Ibang-iba awra mo ngayon ah.”

“I’ll take that as a compliment. Kaya tumahimik ka diyan, para kang ngayon lang ako nakitang ganito ang suot.” Baliw talaga ’tong kapatid ko.

“Ibang-iba ka talaga ngayon kuya. Ang ganda ng mood mo at nakakahawa tsaka istitik ang dating mo kuya.”

Napakamot nalang ako ng batok ko. Jusko, ampunin niyo talaga ’tong kapatid ko. “Aesthetic yun. Sira ka ba?” Tumawa lang ang baliw.

Habang tumatawa siya ay hinagis ko sa kaniya ang car key. “Ikaw magmaneho ng sasakyan.”

Sinalo naman niya ito at daling nawala ang tawa niya. “Bakit ako?”

“Ikaw magmamaneho o hindi ko babayaran ang tuition mo. Sige mamili ka.” Eto lang ang pinaka-effective na panakot sa kaniya.

Agad naman siyang tumayo, “Ikaw naman kuya, hindi ka na mabiro.”

Simula nung namatay sina nanay at tatay ako na ang tumayong ina at ama ni Chan. My parents died because of a car accident— so cliché, right? Teacher na ako nung mangyari ang hindi namin inaasahang aksidente at si Chan ng mga panahon na yun ay Junior High School na.

Nang mangyari ang aksidente na yun, nagbago ang takbo ng buhay naming dalawa ni Chan. Naging pabaya sa pag-aaral si Chan, napa barkada and he even used drugs. Lagi ko siyang pinagsasabihan ’pag umuuwi siya sa bahay na itigil na niya ang ginagawa niya pero ayaw niyang makinig sakin. Alam ko kung ano ang rason kung bakit naging ganun si Chan, malaki ang epekto nang pagkawala ng magulang namin sa kaniya.  Dahil hindi ko na talaga kaya ang ginagawa ni Chan sa sarili niya ay dinala ko siya sa rehabilitation center. Until he came back to his normal life.

Malaki rin ang epekto sakin ng pagkawala ng magulang namin. Gabi-gabi akong umiiyak. Iniisip ko kung bakit nangyari samin ’yun, bakit ang magulang ko pa? Andaming tanong ang bumabagabag sa utak ko ng mga panahon na ’yun. Hindi ko pinapahalata kay Chan na nasasaktan rin ako sa nangyari, kasi kung ipapakita ko sa kaniyang nasasaktan ako, sino na ang tatayong malakas sa aming dalawa?

“… good morning, sir Shun.” Napakurap ako sa pagbabalik tanaw ng marinig ko ang boses na yun.

Napatingin ako sa bintana ng driver’s seat. “Magandang umaga rin sa’yo, Soju.” I smiled genuinely at him.

He smiled back at me. F#ck that smile! Nakakakilig yung ngiti niya. Parang gusto kong magwala.

“Mukhang malalim ang iniisip mo sir ah.”

“Ganyan talaga siya kuya Soj. Lagi ka kasi niyang ini—” hindi ko na pinatapos sa pagsalita si Chan dahil agad kong tinakpan yung bibig niya gamit ang palad ko.

I awkwardly laughed at Soju, “Marami talaga akong iniisip kagaya ng: papaano ko papatayin itong kapatid ko. Sige Soju mauna na kami.” I awkwardly said to him. I raised an eyebrow on Chan.

He laughed a little, “Oh siya sige. Baka ma late pa kayong dalawa.” Aniya at itinaas ko ang door glass ng driver’s seat habang yung isang kamay ko ay nasa bibig pa rin ni Chan. Nang maitaas ko ito ay kinuha ko na ang kamay ko sa bibig ni Chan at dali-dali kung kinuha ang hand sanitizer sa bag ko saka pinaharurot ni Chan ang sasakyan.

Hinarap ko siya habang naka cross arms ako at masama ko siyang tinignan habang nagmamaneho.

“Oh kuya, anong problema?” Tanong niya habang nakatuon ang pansin sa kalsada.

“Ikaw ang problema kong bata ka! Kung anu-ano pinagsasabi mo kay Soju—”

“Aysus… Totoo naman eh. Totoo naman na siya ang iniisip mo. Alam mo kuya, I love you, I really do even if you bat on the same way. There’s nothing wrong about it, kuya. Lagi mong isipin na andito lang ako palagi sa’yo dahil kapatid kita at ikaw ang nagbabayad ng tuition ko. Pero…” napatingin siya sa gawi ko at binalik ulit ang tingin niya sa daan,

“ayokong nakikita kitang umiiyak dahil sa pag-ibig na ’yan. Sawang-sawa na akong nakikita kang naglalasing dahil sa broken-hearted ka.”

Nakakagulat kasi paminsan-minsan talaga bigla nalang nagsasalita ng matalinghaga na mga salita itong kapatid ko.

Umayos ako ng upo.“Wow naman, Chan. I feel so flattered.”

“As you should, kuya. Tayu-tayo lang naman ang nagkakaintindihan at nagdadamayan.”

Ito talaga ang pinaka nagustuhan ko sa kapatid ko: ang pagiging supportive niya sakin—even if I bat on the same way.

Sa parents ko muna sinabi na I’m not into girls. And gladly, they accpted me wholeheartedly. At nung sinabi ko kay Chan yung totoo kung pagkatao, hindi niya ako pinandirian bagkus sinuportahan niya ako kagaya ng mga magulang namin. Hindi naging mahirap pag-out ko sa kanila.

At kapag nalaman ni Chan na hiniwalayan ako ng ex-boyfriends ko pinapagalitan niya ako kesyo ganyan-ganun. Oh diba? Instead na i-comfort niya ako, ako pa yung napapagalitan.

Naalala ko pa yung last heartbreak ko isang taon na ang nakalipas. Umuwi akong namumugto ang mga mata tapos tinanong niya akong kung bakit namumugto ang mga mata ko.

FLASHBACK

“Oh kuya? Anong nangyari sa’yo? Ba’t namumugto ang mga mata mo? Pinaiyak ka ba ng mga estudyante mo?” Sunod-sunod na tanong niya sakin ng makapasok ako sa bahay. Akala ko tulog na ’tong batang ’to. Andito lang sa sala hinihintay akong makauwi.

“Wala ’to. Napuwing lang ako,” kinusot ko ang kanang mata ko.

Tumayo siya at lumapit sakin, “Napuwing?” Napayuko ako sa kinatatayuan ko. “Sigurado ka bang napuwing ka lang o hiniwalayan ka na naman.”

Hindi na ako nagsalita at nakayuko akong  humakbang patungo sa hagdan ng bahay dahil naiiyak na naman ko. Hindi ako binigo ng mga luha ko, bigla nalang silang tumulo. Bwisit na luha ’to, ayaw makisama!

“Kuya, please lang! Ipahinga mo nga muna ang puso mo diyan sa pag-ibig na ’yan! Mabubuhay ka naman kahit wala kang boyfriend eh. Kuya, kung hindi ka naawa sa sarili mo, pwes, ako ang naawa sa’yo. Stress ka na nga sa mga estudyante mo tapos madadagdagan pa dahil diyan sa pag-ibig na ’yan!”

Tama naman kasi siya eh. Lagi nalang akong sawi sa pag-ibig. Mukhang hindi nga para sakin ang pag-ibig na ’yan.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga pesteng luha ko dahil sa kanila humihikbi na ako sa mga sandaling ito.

Napansin ko nalang bigla na may yumakap sakin. Mas lalo akong naiyak dahil sa yakap ni Chan.

“Iiyak mo lang ang sakit na nararamdaman mo, kuya. Andito lang ako para sa’yo kahit na anong mangyari.”

Kinaumagahan ay inaya niya akong mag breakfast. Sinadya niya talaga akong gisingin habang natatulog ako kasi gusto niyang sabay raw kaming kakain, eh ayokong pumasok sa trabaho ngayon kasi wala akong gana.

“Hindi. Ako. Nagugutom.” May diin sa lahat ng salitang binitawan ko.

“Ayan ka na naman eh. Magmumukmok ka dito sa kwarto mo at hindi ka kakain tapos hindi ka papasok para magtrabaho. Kapag nagkasakit ka, ako mapiperwisyo dahil instead na papasok ako sa school, eh babantayan kita sa ospital. Tapos kapag nagkasakit ka, mababawasan ang sweldo mo at hindi na sapat ang para pambayad ng mga gastusin sa bahay, at higit sa lahat hindi mo na makikita si Soj—”

“Oo na! Tama na!” Gigil na tugon ko sa kaniya dahil nagsisimula na akong mainis sa kaniya.

“That’s my kuya,” he let out mischievous grin.

“Ewan ko sa’yong bata ka.” I frowned.

Sinamaan niya ako ng tingin, “Alam ko kuya na wala ka talagang gana eh kaya susubuan nalang kita, diba yun naman lagi kong ginagawa kapag heartbroken ka?”

“Pwede ba, Chan? Tigil-tigilan mo ako sa mga kalokohan mong ’yan?!”

Agad siyang umalis sa kama ko at tinawanan niya ako. “I love you, kuya.” Tapos lumabas siya sa kwarto habang tumatawa.

END OF FLASHBACK

“Kuya, sa tingin mo ba hindi straight si kuya Soj?” Dahil sa biglaang tanong niya patungkol kay Soju, naubo ako. Tumawa lang ang sira.

Dali-dali kong kinuha ang bottled water ko  sa sling bag ko habang nauubo pa rin. Ininom ko ang laman niyon at nang mahimasmasan ako ay dun lang ako sumagot sa kaniya. “Ewan ko! Ba’t mo sakin tinatanong ’yan? Alam mo naman na hindi kami close nun.”

“Kahit na hindi kayo close, kuya. Gusto mo siya kaya dapat alam mo yun at higit sa lahat dapat mafi-feel yan ng ‘gaydar’ mo.” Seryoso niyang tugon sakin habang nakatuon lang ang pansin sa pagmamaneho.

I frowned at him. “Aba’t— oo nga, gusto ko siya. Pero paano ko malalaman eh pareho kaming busy sa trabaho namin. Atsaka, hindi naman siguro required na dapat alam ko kung straight ba siya o hindi. Ano ako investigator?”

He sighed. “Boto naman ako sa inyong dalawa, kuya. Kaya dapat i-seduce mo siya para mapasayo siya, ganun! Tapos kapag naging kayo, dapat hindi ka niya papaiyakin, kundi lagot siya sakin. Nagkakaintindihan ba tayong dalawa, kuya?”

I just lightly hit my forehead with my palm. Nakaka-stress talaga ’tong kapatid ko. Like, literally.

“Tumigil ka sa kagaguhan mo, Chan. ’Pag ako hindi nakapagpigil maglalakad ka talaga papuntang eskwelahan. Kung anu-anong lumalabas sa bibig ko, kailangan mo yang isara ng maigi.” Umayos nalang ako ng upo.

Ano naman kung straight siya? Edi ayos nga yun eh. Ayos lang naman sakin na hindi siya magiging akin. Saka alam ko naman sa simula pa lang na wala talaga akong pag-asa sa kaniya. Pero sayang rin kung hindi ako mapapasakaniya kasi hindi niya mararanasan ang mahalin ng isang Shun Lawrence. If he bat on the same way like me, edi mas mabuti kasi matitikman niya ako—este mararanasan niyang mahalin ng isang katulad ko.

“San mo gustong mag-lunch?” Tanong ko sa kapatid kong baliw.

“Kahit saan, basta libre mo.”

“Jusko! Saan ba napupunta yang allowance na binibigay ko sa’yo, ha? ’Wag mo sabihing pinanglibre mo sa girlfriend mo o sa mga kaibigan mo?”

“I’m saving money for my birthday, you know. Atsaka, wala akong girlfriend at higit sa lahat may kaniya-kaniyang pera mga kaibigan ko. Siya nga pala kuya, i-reto mo naman ako sa isa sa mga estudyante mo oh.”

“Baliw ka, masyadong busy ang mga ’yun. Alam mo, dapat unahin mo yang pag-aaral mo kaysa sa girlfriend-girlfriend na ’yan, walang magandang maidudulot sa’yo yan.”

“Hala siya—”

Hindi ko siya pinatapos sa pagsalita dahil sinimangotan ko siya, baka ano na namang mga salita ang lalabas sa bibig nang batang ’to.

“Siya nga pala, kuya. Nung time na nakita ko si kuya Soj parang pamilyar siya sakin I mean parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko maalala. Sa magazine ata?”

“Sus… ayan ka na naman eh. Gumagawa ka na naman ng storya.”

“Hindi ah, seryoso kaya ako. Basta nakita ko na talaga siya dati.”

Hindi na ako sumagot pa dahil maiistress na naman ako. Lunes ngayon kaya dapat positive vibes lang. And dapat maging productive ako throughout the whole week. Para sa’ming dalawa ni Chan at para sa future rin namin ni fafa Soju.

Chapter 2: Recall

Chapter 2: Recall

S H U N

“Sigurado ka bang magandang subdivision ang lilipatan natin, kuya?” Tanong ni Chan nang makasakay kami sa sasakyan ko.

Binuhay ko agad ang makina ng sasakyan at nagmaneho na ako patungo sa destinasyon namin, “Oo naman. Co-teacher ko ang nag-recommend sa subdivision na ’yun at nakita ko misko ang disenyo ng mga bahay dun. Napaka-ganda talaga. Rent-to-own ang policy nila, pero kapag ikaw ay estudyante ay pwede ring mag-renta, pero hindi rent-to-own. At isa pa pala, balita ko gwapo daw yung security guard ng subdivision na yun. At isa pa ulit, rainbow ang kulay ng mga kabahayan.” 

Naguguluhang napatingin si Chan sakin. “A-anong sabi mo? Rainbow?”

“Oo. Yung isang bahay ay pula tapos yung kasunod na bahay naman is orange and so on.” Focus lang ako sa pagmamaneho dahil excited talaga ulit akong makita yung magiging bahay namin. Pinili ko yung blue na kulay ng bahay kasi wala lang.

“Hindi naman siguro masakit sa mata yung mga kulay di’ba?”

“Oo naman noh, sabi sakin nung assistant nang may ari ng subdivision na maselan daw sa kulay yung may ari mismo ng subdivision.” I frowned.

“Ang ganda siguro pagmasadan ’pag—”

“At isa pa pala, Chan. May second floor ang bahay tapos dalawang kwarto lang, ayos rin naman yun di’ba kasi tayong dalawa lang naman. Actually, andaming options eh. May bahay na apat ang kwarto, meron ring tatlo lang. At higit sa lahat, dahil yung bahay natin ay may dalawang kwarto lang naman so, affordable lang yung monthly payment.”

“Ah ok.” Umayos na lang siya ng upo at nginitian ko lang si Chan.

Ang rason kung bakit napagdesisyonan naming lumipat ay gusto naming pareho ni Chan na magsimula ulit. Masakit pa ring isipin at tanggapin ang pagkamatay ng mga magulang namin. Pero ganun pa man ay tuloy lang ang takbo ng buhay namin, patuloy pa rin sa pag-aaral sa kolehiyo si Chan habang ako naman ay mas pinagbutihan ako ang pagiging teacher.

Ganun talaga ang buhay eh, may mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin aakalaing mangyayari pala at magiging dahilan para mas maging malakas tayo sa mga taong mahal natin. At dahil hindi naman na maibabalik ang buhay na nawala, kailangan nalang naming tanggapin ang katotohanan at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang mga magulang namin.

Matagal-tagal rin naming pinag-isipan ni Chan na lumipat. I did some research sa mga subdivisions around the city and Arcoíris Subdivision really caught my attention. Good thing ay ni-recommend din ito ng co-teacher ko kaya I did some background research sa Arcoíris Subdivision. And I felt strange when I went there, but I truly like how it feels like home and inviting. So I didn’t delay, I took precautions, and I signed the proper paperwork right away, and here we are.

“Kuya, ba’t di mo sinabi sakin na—wait! Rainbow Subdivision? Don’t tell me, Arcoíris Subdivision?!” Napatingin ako sa kaniya saglit at binalik ko ulit ang pansin sa pagmamaneho dahil natatawa ako sa mukha niya. He looked puzzled.

“Oo, Chan. Doon nga. Why?”

“No way, kuya!”

I frowned at him. “Anong no way ka diyan!”

“I mean, yes! Pakshet, may nakapagsabi rin sakin na maganda raw talaga ang mga bahay diyan eh.”

I giggled, “Buti naman at nagandahan ka rin.”

“Ba’t antagal na proseso ng utak ko yung sinabi mo? Like, nagtanong-tanong rin kasi ako sa mga kaklase ko kung saan may magandang subdivisions. Eh, nakalimutan ko ring sabihin sa’yo ang tungkol sa Arcoíris Subdivision at buti nalang din at dun na tayo titira.”

“Well… Eto na tayo. Papunta na tayo dun!” I smiled at him and he smiled to me as well.

Nang makarating kami sa gate nung subdivision ay lumapit yung guard galing sa guard house sa driver’s side kaya ibinaba ko yung window ng driver’s seat.

“Hi po kuya… Umm… Gusto ko lang malaman kung—

“Ah opo, sir. Kayo po ba ang bagong lilipat?”

“Oo kuya.”

“Sige sir, bubuksan ko lang yung gate.” Aniya saka dali-daling niyang binuksan yung gate ng subdivision.

Nang mabuksan ni kuya guard yung malaking gate ay ipinasok ko na ang sasakyan ko sa loob ng subdivision at hinanap ko kung saan banda yung bahay na napili ko. Agad ko nakita ang isang puting moving truck at may mga tao na busy sa pagbubuhat ng mga box at pati na rin mga appliances. Kaya inihinto ko sa di kalayuan nung truck ang sasakyan ko at lumabas na kaming pareho ni Chan para tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit namin. Nang matapos kami ay agad rin namang umalis yung moving truck.

I was taken aback because I was going to close the gate to our house when someone unexpectedly spoke to me.

“You’ve just moved into the neighborhood.” Napako ang tingin ko sa taong nagsalita. May baritonong boses siya na bagay sa kaniya at kapansin-pansin rin ang kisig ng katawan niya pati na rin ang taas at higit sa lahat maamo ang kaniyang mukha saka bagay rin sa kaniya ang uniform ng… security guard dito sa subdivision?

“W-well… Halata naman siguro, di’ba?” I awkwardly laughed. Ano ba ’to, gwapo sana may pagka-slow lang. Tsk.

“Oh, by the way. Welcome nga pala sa neighborhood.” A sweet smile stretched on his lips. Ang gwapo niyang ngumiti! Patay, delikado ako dito. Weakness ko ang ganyang ngiti. Napukaw niya ang tinatago kong kabaklaan.

“S-S-Salamat.” Pinilit ko ring ngumiti para di halatang kinikilig.

“Kuya!! Tulungan mo naman ako dito sa loob! Sumasakit na ang likod ko sa kakabuhat ng mga gamit natin!” Pasigaw na tugon ni Chan sakin habang nasa loob siya ng bahay. Oras ko na ’to para makaalis na dahil delikado talaga ko sa taong ’to.

“OH SIYA—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumabat itong poging guard.

“Tulungan ko na kayo. Mukhang marami-rami rin ’yang gamit niyo eh.”

“N-No, it’s o-ok. W-Wag ka nang mag-abala—”

“No, I insist.”

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Kulang nalang eh lumabas na siya sa katawan ko. What worries me more now is that I felt a warm nervous feeling as I stared at this man’s handsome face. Only now have I felt like this.

“Pwede ba akong pumasok?”

Hindi ako pwede basta-basta nalang magpapasok ng tao. He’s a stranger to me. Pero nakasuot siya ng uniform na pang security guard dito sa subdivision eh. Mapagkakatiwalaan naman siguro ang gwapong guard na ’to eh, di’ba? Kahit na gwapo siya, dapat maging mapanuri ako.

“Ah… ehh…”

“Wag kang mag-alala. Hindi ko kayo nanakawan.” He then smiled genuinely to me. Ayan na naman eh. Nanlalambot na tuhod ko dahil sa ngiti niya.

“Wala naman akong sinabing magnanakaw ka eh.”

“Halata kasi sa mukha mo na nag-aalangan ka eh.”

Ok, ako na halata. Pinagbuksan ko siya ng gate at pumasok rin naman siya tapos sinamahan ko siya papunta sa loob ng bahay. Tumambad sa sala ang mga box na pinaglagyan ng ibang mga gamit namin, buti nalang yung mga appliances ay nasa tamang pwesto na. Pati si Chan busy rin sa pagwalis ng mga kalat.

“Sino—” ani Chan nang makita niya itong gwapong guard na kasama ko.

I introduced him, “Ah, this is my little brother. Chan Lawrence.”

“Nice to meet you, Chan. I’m Soju.” They shooked their hands.

Soju pala ang pangalan ng security guard na’to. Ngayon lang ako naka-encounter na ang pangalan ay hinango sa alak. Unique.

“Nice to meet you too.” Chan smiled.

“Hala!” Napatingin ako kay Soju. “Kanina pa tayong dalawang nag-uusap tapos hindi man lang ako nagpakilala sa’yo. Pasensya ka na, nakalimutan ko talagang ipakilala sa’yo ang sarili ko.” Napakamot nalang siya sa batok niya. Cute.

“Ayos lang. Your name is Soju and I am Shun, Chan’s older brother.” Inabot ko sa kaniya ang kanang kamay ko at tinaggap niya naman ito at nag shake hands kami.

“Ang lambot nang kamay mo, Shun.” Agad kong binawi ang kamay ko dahil sa sinabi niya. And I just smiled at him awkwardly.

“Ahmm… Kuya Soj. Anong ginagawa mo pala rito?”

Napatingin si Soju kay Chan. “Ah yeah, sinabi sakin ng may ari ng subdivision na kailangan niyo raw ng tulong sa pag-aayos ng mga gamit niyo sa bahay.”

Nagkatitigan kaming dalawa ni Chan.

∞∞∞

“Dito ka nalang mag dinner, kuya Soj.” Ani Chan nang makababa siya galing sa taas.

Nasa sofa si Soju nagpapahinga, “Naku, huwag na. Nakakahiya sa inyo.”

“Dito ka nalang mag dinner, tutal tinulungan mo naman kami sa pag ayos nga mga gamit eh.” Sabat ko habang nagva-vacuum clean.

4:30 PM kami nagsimulang mag ayos natapos kami mga bandang 6 PM. Andami ba naman ng gamit namin. Nagpapasalamat talaga ako at mabait itong may ari ng subdivision— pogi rin daw ’yon pati yung anak niyang lalaki pogi rin daw— at nagpadala siya ng taong pwedeng tumulong dito.

Dali-dali kong tinapos ang ginagawa ko at tinungo ko ang kitchen area at hinanda ko ang ingredients na kakailanganin ko at nagluto na ng uulamin namin at nagsaing na rin ako. Pagkatapos kong magluto ay inimbitahan ko ang dalawa para kumain na.

“Ansarap!” Komento ni Soju ng matikman niya ako—este yung ulam na niluto which is chicken afritada.

“Masarap talaga magluto ’yang si kuya.” Komento rin ni Chan.

“Oo alam ko masarap akong magluto. Kaya dapat niyo ubusin yang kinakain niyo kasi isipin niyo may ibang tao nawalang kinakain sa mga sandaling ito tapos—”

“Yes sir.” They both uttered the same thing at the same time.

Hindi na ako umimik pa at nagpatuloy na lang sa paglantak ng kinakain ko. Habang kumakain ay panay rin ang komento ni Soju sa ulam habang si Chan ay mahinang napapatawa. Nang matapos kaming kumain ay pinaghugas ko ng plato si Chan habang kaming dalawa ni Soju ay magkaharap na  umupo sa stool ng island counter.

“Anong trabaho mo, Shun?”

“I’m a Senior High Adviser particularly, Genral Academic Strand sa Rainbow University.”

“Wow! Seriously? Ang talino mo siguro.”

“Pfft. Matalino nga, bobo naman sa pag-ibig.” Sabat ni Chan sa usapan namin ni Soju habang hinuhugasan niya ang pinagkainan namin.

“Isa… Chan. Pag-umabot ang bilang ko sa tatlo, yari talaga sakin.” Tumawa lang ang kumag at pati na rin itong gwapong katabi ko nakikitawa rin.

“Bakit naman—”

Alam ko na yang tanong na yan.

Sinagot ko agad si Soju. “Ewan. Di ko alam. So, ikaw what do you do for living?”

Soju composed his body. “I’m a security guard of this subdivision.”

Nang marinig ko ang sinabi niya, para akong nabingi at tila napako ako sa kinauupuan ko sa mga sandaling ito. I just look at him with a straightface.

He giggled. “Bakit?”

“Confirmed. Isa ka nga sa security guard dito dahil sa suot mo. Ganiyan rin kasi ang uniform ng guard dito eh.”

“Well… yeah.” He proudly said.

A few more seconds before what he said dissolved in my brain. “Guard. S-s-seryoso ka ba talaga?”

“Oo, bakit may masama ba sa trabaho ko?”

Umupo si Chan sa kabilang stool ng island counter. He seems curious as well.

“No, I mean walang masama sa trabaho mo. Na ano lang ako kasi—”

“Ah yeah, alam ko na ang gusto mong sabihin: na pwede akong maging model dahil sa gwapo at kisig kong ’to, tama?”

Gulat na napatango-tango kaming pareho ni Chan. And what Soju did is just laughed at us.

Chan snapped his fingers while I was thinking about the past, I didn’t finish a flashback and had to bring my attention back to the present.

“Kanina pa kita pinagmamasdan, kuya. Ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?” Nag-aalalang tanong ng kapatid ko.

“Ah wala ’to. Iniisip ko lang yung quiz ko para mamaya… tapos ka na bang kumain?”

“Kanina pa ako tapos kumain, kuya.”

“Ba’t di mo agad sinabi sakin para makaalis na tayo.”

“Eh, ang lalim ng iniisip mo eh, baka ’pag inistorbo kita eh malilintikan mo ako.”

I just frowned at him. “Tara na. Andami ko pang gagawin,” Isinukbit ko na sa balikat ko ang strap ng slind bag ko, “ay siya nga pala, samahan mo akong mag grocery mamayang hapon, ok?” Agad rin naman siyang tumango at umalis na kami sa Jollibee at sumakay sa kotse ko papuntang Rainbow University.

I’m on the hallway tinatahak ang daan papunta sa faculty office with my sling bag. Kanina ko pa talaga napapansin na may sumusunod sakin at pamilyar talaga ako kung sino dahil sa pabango niya na lagi niyang ginagamit. Huminto ako sa paglalakad, paglingon ko sa likod ko ay hindi nga ako nagkakamali.

“My boo, how was your lunch?” he said and smiled seductively at me.

Kinikilabutan talaga ako pag naririnig ko ang endearment na ’yan. Gustong-gusto niya akong tawagin nang ganiyan at nakakainis na talaga.

He has a looks, matangkad, matalino at higit sa lahat he’s a f#cking straight! Straight as a ruler!

“Please lang Rain. Tigilan mo na ako, pwede ba ’yun?” I said with a straight face.

“Wala naman akong ginagawamg masama sa’yo ah.”

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at sumabay siya sakin sa paglalakad.

“I’d like to invite you to dinner; are you available tonight?”

“May pupuntahan ako mamaya, Rain.”

This guy is an ABM Adviser. Gustong-gusto talaga ako ng lalaking ito. After nang confession niya sakin dati hindi na niya ako tinigilan pa. Kaya ako nalang ang umiiwas dahil ayoko talaga sa kaniya. I know he doesn’t bat on the same way. Gusto niya lang akong paglaruan.

“My boo is dating someone. May I know the name?”

Huminto ulit ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

“Rain, it’s not as if you’re bothered. You know I don’t like you and will never like you, so quit wasting my time! Please! These nonsense irritates me. I’m sure you realize how much I dislike you!”

He raised his hands a little as if he’s under arrest. “A-ah… Sorry… I just want to have a moment with you.”

“Pwes! Gusto mo pero hindi ko gusto!”

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at pumasok na sa faculty office, naabutan ko ang co-teachers ko na busy rin sa mga ginagawa nila saka ko nilagay sa table ko yung sling bag ko at umupo na ako sa swivel chair ko.

Napahilot nalang ako sa sintido ko. “Lunes ngayon, kaya hindi dapat ako magpadala sa mga bad vibes sa paligid.”

Napansin kong pumasok si Rain sa loob ng Faculty Office at kinindatan niya ako. Sh1t! Nakakakilabot!

Chapter 3: Evening Meal

Chapter 3: Evening Meal

S H U N

Half past four o’clock when I dismissed the class. We’re on our way to the school’s parking lot, together with Chan.  Sasamahan niya akong mag grocery. Paubos na kasi ang stock namin sa bahay.

Naalala ko tuloy yung mga panahon na every sunday ng hapon: buong pamilya kaming bumibili ng mga grocery, nakakamiss ang mga panahon na yun.

“Inilista mo ba ang mga bibilhin natin, kuya?” Tanong ni Chan habang tutok ang atensyon sa cellphone niya.

“Oo naman, ako pa ba. Mamaya na yang cellphone mo, baka madapa ka diyan.”

Agad niyang ibinulsa ang cellphone niya. “Ba’t ba kasi ang laki ng university na’to. Tsaka, ang layo pa ng parking lot. Kanina pa sumasakit ang paa ko sa kakalakad.” Pagmamaktol ni Chan pero di ko nalang siya pinansin.

Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay agad kami sa sasakyan ko at pinaharurot ito palabas ng shool.

Pagpasok namin sa super market kumuha ako ng push-cart at ganun rin sa Chan.

“Sundin mo lahat ng mga inilista ko para sa’yo ah.”

“Sige kuya,” sagot niya at naghiwalay na kami ng landas habang tulak-tulak ko ang push cart.

Pumunta ako sa kung saan nakalagay yung de-carton na gatas. Oo, malaki na ako pero umiinom pa rin ako ng gatas, milk is an excellent source of calcium and other essential nutrients.

Sinubukan kong abutin yung de-carton na gatas pero di ko maabot!

“Ano ba yan, ba’t ba isa nalang ang natira at sa pinakmataas pa ng estante nakalagay!” Pagmamaktol ko dahil hindi ko talaga ito maabot. Itong brand lang ng gatas ang gusto ko at wala ng iba.

Sinubukan ko pa rin itong abutin pero napansin kong may kamay na kumuha sa gatas ko kaya agad kong hinarap kung sinong hinayupak ang kumuha ng gatas ko. And to my surprise… My cheeks turned pink.

Soju handed me the container of milk with a real smile on his face. I’m still in a state of shock. And as a result, my heart continues to race.

“S-salamat…” Ang tangi ko lang nasambit. And he patted the top of my head.

“You’re welcome. You better drink more milk for you to grow taller.” He smiled again. Oh God. His smile it really makes me crazy.

“Uh-huh, mas matangkad ka lang talaga sakin.”

He giggled. “Kaya nga, tignan mo hanggang balikat lang kita.”

I frowned at him. He just laughed at me.

“Cute mo, Shun.”

“Ulol, wag mo’ko kausapin.”

Actually, kapansin-pansin ang gwapo niya sa OOTD niya ngayon. Gray T-shirt tapos black above the knee shorts at white sneakers.

“Hala siya. Ay. by the way, ikaw lang ba mag-isa, Shun?”

“A-ano… kasama ko si Shun.”

“Ah ganun ba. Samahan ko nalang kayo mamili. Tutal tapos na rin naman akong mag grocery,” saka iya itinaas ang cart niya na may lamang kung anu-ano.

“Wow kuya. Andami nang laman ng push cart ko tapos—oh! Hi kuya Soj.” Ani Chan nang makita niya kaming dalawa ni Soju.

“Hi Chan. Naabutan ko kasi ang kuya mo na nahihirapang abutin yung carton ng gatas kaya—”

“Chan! Buti pa tulungan mo nalang ako, pwede?” Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Ba’t ba kasi mas inuna mo pa yang gatas mo? Alam mo naman na ang liit-liit mo tapos—”

I just gave Chan a stern look. “Ay, sorry kuya.”

Soju also giggled. “Hindi ako maliit. Sadyang matangkad lang talaga kayo, kaya huwag niyo nang pag-usapan ang height ko. At isa ka pa, Soju eh.”

“Kuya, andito tayo para mag grocery hindi para mag-away, ok?”

Nagkakaintindihan na ang dalawa ’to. I sighed.

∞∞∞

Pagkatapos naming magbayad sa cashier ay agad rin kaming lumabas bitbit ang pinaglagyan ng mga pinami namin. Dalawang malaking tote ang bag ang pinagsidlan nang mga pinamili namin. Gusto ko talaga ma-grocery dito kasi eco-friendly sila.

“Mauna na kami sa’yo, Soju.”

“Ah… kuya Soj. May sasabihin daw si kuya sa’yo.”

“Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?”

“Dali na, sabihin mo na kasi. Wag ka nang mahiya.”

“Aba’y—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko lubos akalain ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

“Kuya Soj, sa bahay ka na raw mag dinner sabi ni kuya Shun.” Parang napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Chan.

“Sure, I would love to.” He then smiled at us. Ba’t ba ang gwapo niyang ngumiti? Bakit?

“Sige, mauna na ako.”

“Kuya Soj, sumabay ka nalang samin. Tutal, iisang subdivision lang naman tayo nakatira.”

Wag kang sumang-ayon, Soju. Please wag!

“Naku, wag na. Nakakahiya sa inyo.”

Yan goods yan. Wag ka na sumabay samin.

“Ano ba ka, kuya Soj. Ayos lang yun kasi crush—” Agad kong nabitawan ang pinamili namin at dali-dali tinakpan ang bibig ni Chan.

“S-sumabay ka nalang samin.” I awkwardly smiled at Soju.

“Ok.”

Pwede bang mawala saglit?

Pagdating namin sa bahay ay nilagay agad namin ni Chan sa kitchen cabinet yung ibang grocery na pinamili namin.

“Leche ka talaga, Chan. Ipapahamak mo pa ako sa kaniya eh.”

“Totoo naman na crush mo siya eh.” Sagot ni Chan habang hawak-hawak niya ang de-carton na gatas na kinuha ni Soju para sakin.

“Oo, totoo nga. Pero… Hindi pa ngayon ang panahon para sabihin ko sa kaniya yun. Gets mo?” Inagaw ko sa kaniya ang de-carton na gatas at nilagay at ni-arrange ko ito sa kitchen cabinet.

“Suit yourself, kuya.” Umupo na siya sa stool ng island counter.

Habang busy ako sa paglagay ng mga groceries sa kitchen cabinet ay nagtanong ako kay Chan kahit alam ko na hindi rin naman niya alam ang sagot. “Ano kaya ang paboritong ulam ni Soju noh, Chan?”

“Ewan. Magluto ka nalang kahit anong gusto mo. Hindi naman siguro mapili sa pagkain yun eh.”

Napakamot ako ng ulo ko. “Ikaw kasi eh! Wala naman kasi akong sinabi na ganun! Tingnan mo tuloy.”

“Sus kuya. Kung hindi ka mag-f-first move edi hindi magiging kayo ni, kuya Soj.”

“Nye nye.” Tinawanan lang ako ni Chan. Batang to talaga masyadong pakielamero. Mukhang kailangan ko na talaga siyang ipa-ampon. Amponin niyo nalang kaya siya. Para wala nang pabigat sa buhay ko.

“Magluto ka na, kuya. Gutom na ako eh.”

“Oh, tapos ikaw diyan lang sa stool ng island counter makikipagtitigan sa cellphone mo.”

“Alangan namang mukha mo ang titigan ko. Ampangit mo kaya.”

“Aba’t—”

“Joke lang kuya.” He chuckled and did a peace sign. “Tutulungan kita, siyempre.”

Tumayo na siya sa pagkakaupo at tinulungan niya akong ihanda ang mga kakailanganin ko sa chicken adobo.

Nilagay ko na sa island countertop ang niluto kong chicken adobo. Habang si Chan ay inihanda na ang mga plato at kubyertos.

The doorbell rang, si Soju na ata to.

“Tapusin mo na yan at ako na ang magbubukas ng gate.” Sabi ko kay Chan at lumabas na.

Paglabas ko ng bahay ay tinungo ko ang gate. Naabutan ko si Soju na nay malaking ngiti sa labi. Hindi ba siya aware na nakakakilig ang ngiti niya?

I opened the gate. “Halika, pasukan mo’ko ay este— pasok ka na sa bahay.”

A genuine smile on his lips. “Sure.”

“You know, you’re just right in time, kakatapos lang naming mag handa for our dinner.” Nginitian lang niya ako.

Tumingala ako sa taas. Wala akong nakitang mga bituin. Uulan na naman ngayon.

Pumasok na kaming pareho sa loob ng bahay. “Waah! Naamoy ko ang adobo na niluto mo, Shun.”

“Ganiyan talaga ’yang si kuya. Masarap magluto at masarap pa magmahal, try mo kuya Soj.” Hirit ni Chan nang makapasok kami ni Soju habang nasa stool ng island counter.

“Tumigil ka nga diyan, Chan.” Sabi ko at tinawanan lang ako ng kapatid ko. Baliw

Outside, the rain is pouring so hard while we enjoyed our dinner. Panay rin ang papuri ni Soju sa niluto ko. Naalala ko tuloy yung time na bagong lipat lang kami dito at tinulungan kami ni Soju tapos dito rin siya nag dinner. That was the first time I felt the warm feeling of nervousness.

Nang matapos kaming kumain ay sinabihan ko si Chan na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin buti nalang at pumayag siya saka niya ako ningitian ng nakakaloko.

“Gusto ko magkaroon kayo ng quality time, kuya. Kaya, doon kayo sa sala mag-usap. Ok? Ayokong marinig ang usapan niyong dalawa. Tsaka, pagkatapos ko dito pupunta rin naman  agad ako sa kwarto ko kaya, good luck. Malakas pa naman ang ulan sa labas.”

“Baliw ka talagang bata ka.” Sinimangutan ko siya habang nilagay ko sa sink yung pinggan.

“Puntahan mo na sa sala yung future jowa mo. Mag-usap muna kayo don. At kung gagawin niyo man yung ano, please lang, wag sa sala dun kayo sa kwarto mo, kuya. Okez?”

Hindi na ako sumagot pa. Batang ’to talaga. Napakamot nalang ako sa batok at pinuntahan ko si Soju sa sala na nanonood ng movie sa flat screen TV namin. Tumabi ako kay Soju sa sofa. Nakatuon lang ang pansin niya sa television.

Pagkaupo ko ay biglang kumulog ng malakas at dahil sa gulat ay napayakap ako sa katabi ko at napayakap rin siya sakin.

Sobrang lapit nang mga mukha namin. Ganito pala ka gwapo si Soju sa malapitan. Bagay na bagay sa kaniya ang bagong usbong na bigote sa mukha niya.

Shit! Dali-dali akong umayos ng upo, “S-sorry… Na-nagulat ako e-eh.”

“Ayos lang yun. May phobia ka ba sa kulog?” May pag-aalala ang tono ng pananalita niya habang nakatitig sakin.

“Wa-Wala naman. Sadyang nagulat lang ako. Ano… ahmm… kailangan patayin yung TV kasi kumukulog eh, baka ano…”

“Ah sige. Ayos lang.” He turned off the TV.

“Kuyas, tulog na ako. Kayo na bahala dito.” Chan smiled at us. Alam ko ang ngiting yan, ano na naman kaya ang tumatakbo sa isipan nitong batang ’to.“

Soju just smiled back at Chan hindi ko na pinansin ang kapatid ko.

“Mukhang dito ka ata matutulog ngayong gabi, kuya Soj.”

“Oo nga eh. Sobrang lakas ng ulan. Parang kanina lang ang init-init tapos ngayon  sobrang lamig dahil sa buhos nang ulan.” Mahinahon niyang sagot kay Chan.

“Sa kwarto ka nalang ni Chan—”

“Kuya Shun, hindi pwede. Hindi ko pa napalitan yung beddings ko.”

“Ayos lang, Shun at Chan. Dito nalang ako sa sofa matutulog.” Ani Soju at ngumiti pa siya.

“Hindi pwede. Malamig dito sa sala,” napakamot ako ng ulo, “sa kwarto ko nalang—”

“Buti pa nga, kuya.” Ani Chan. Sinimangutan ko lang ang kapatid ko. Kanina pa talaga to siya eh.

Aakmang magsasalita si Soju pero pinigilan ko siya sa pagsalita. “Wag ka ng magsalita pa. Alam kong aangal ka.” Soju just chuckled.

“Geh, matutulog na ako, kuyas. Goodnight.” saka ngumuso si Chan at umakyat na sa taas.

∞∞∞

Lumalalim na ang gabi at hindi pa rin tumitila ang ulan. Wala namang ibinalita na may bayo ah. Soju is on the other side of the bed, sleeping peacefully. While me, gumagawa ng lesson plan dito sa study table ko.

I stretched my back.

“Ba’t hindi ka pa natutulog, Shun. Gabing-gabi na ah.”

I was shocked and fell into my seat after hearing someone speak abruptly.

“Hala Shun, sorry. Nagulat ba kita?” Ani Soju at lumapit siya sakin saka niya ako inalalayang makatayo.

“Aray… ang sakit ng pwetan ko.”

Pinaupo niya ako sa kama ko.

“Sorry talaga, Shun.” May pag-aalala sa tono ng boses niya. He really felt sorry.

“Ano ka ba, nagulat lang ako,” I laughed.

“Wag kang mag sorry, hindi mo kasalanan.”

He smiled.

“Hindi ko pa tapos yung lesson plan ko eh.”

“Bukas mo nalang tapusin yan. Malalim na ang gabi at wag ka masyadong magpagod. Lalo na’t katawan mo lang ang puhonan mo.” I look at him intently.

May tama nga naman siya. Lumapit ako sa study table ko at ni-off ko na yung laptop ko pati na rin yung study lamp. Tanging lamp shade na nasa side table nalang ang nagbibigay liwanag sa madilim kong kwarto.

I hop on my bed.

“Hindi ka pa ba matutulog ulit?” tanong ko kay Soju na nakatitig lang sakin.

Without saying a word we both lie down on the bed. We both just stared at the ceiling, hinting at who wanted to speak. We could both hear the rain pouring down.

A thunder roar and I—again—suddenly hugged Soju ot of nowhere. It took me a couple of seconds before I pulled myself up.

Shit! Pangalawa na ’to! This is so embarrassing! I could feel my face heating up.

“S-sorry…” I immediately lie down on my side with my back to him.

Mygad! Yung crush ko inimbitahan kong mag dinner sa bahay at ngayon dito siya sa kwarto ko matutulog ngayong gabi at katabi pa niya ako! Pigilan niyo ako baka ma rape ko ’to ng wala sa oras.

Without saying a word, he hugged me and at the same time said, “I’ll just hug you so you won’t be surprised by the thunder.” He pulled me close to his body. Ghad! I could literally feel his hot body on my back!

And I literally froze on my bed. I’m having a mixed emotions right at this moment, ’cause what the hell is really going on? And my heart is beating so fast!

Chapter 4: Soju’s home

Chapter 4: Soju’s home

S O J U

Ako ang nakatoka ngayon sa guard house. Simula 8 AM hanggang 6 PM lang ang shift ko ngayon. At kanina pa ako nababagot dito sa loob ng guard house. Wala akong pakielam sa mga taong naglabas-pasok dito sa subdivision. May isang tao lang akong kanina ko pa gusto makita.

4 PM na pero di pa rin nakakauwi sina Shun at Chan. Siguro, busy ata sa school si Shun kaya ganon.

Dahil  wala naman akong magawa ay uminom nalang ako ng kape. This is my 4th cup of coffee.

Habang busy ako sa pag-inom ng kape nakikipagtitigan rin ako sa CCTV Footages dito sa computer. Napansin kong may pamilyar na kotse ang papalapit sa gate ng subdvision. Agad kong nilagay sa mesa yung kape ko at dali-dali akong lumabas ng guard house at binuksan ko ang gate.

Nang mabuksan ko ang gate ay pumasok na ang kotse niya. At huminto ito sa harap ko saka ibinaba ang bintana ng kotse ni Shun. Lumapit agad ako sa kaniya. Wala si Chan, asan kaya ang batang ’yun?

“Dinner tayo sa bahay mamaya, are you g?” I asked him and I smiled genuinely.

“A-ah… E-eh..”

“Busy ka ba mamaya? Sa susunod—”

“No! I mean… wala. Ay! Oo, pupunta kami mamaya. I mean… sige” Shun replied to me. I can see his cheeks turned red. Cute.

“Ay wait! Hindi ko alam kong saan banda ang bahay mo eh.”

“Eh? Paanong di mo alam eh, hinatid niyo pa nga ako sa bahay ko noong time na sabay tayo nag grocery eh.”

“Well… wala ako sa sarili ko that time at marami akong iniisip. Hindi ko na napansin nakauwi na pala kami that time.”

“Alam naman ni Chan ang bahay ko ah.”

“Yun lang, hindi ko alam kung anong oras pa yun uuwi, hindi ko siya nakita sa school eh, hindi rin nag text sakin.”

“Ah ganun ba, susunduin nalang kita mamaya sa bahay niyo. Since, di mo naman alam kung saan banda ang bahay ko. Ok?”

“O-okay.” And he awkwardly smiled to me.

Itinaas na niya ang bintana ng kotse niya at pinaharurot niya ito palayo sa pwesto ko.

Napapansin ko talaga na nauutal siya kapag kausap niya ako. Ano bang meron sa akin at ganun siya?

Naalala ko tuloy kaninang umaga. Pagbaba ko galing kwarto ni Shun ay naabutan ko si Shun na nagluluto ng breakfast namin. Habang si Chan ay nasa stool lang ng island counter naghihintay na matapos sa pagluto ang kuya niya.

“Good morning, kuya Soj.” Masiglang bati ni Chan sakin.

“Ma-maupo na ka sa stool, Soju. Dito ka na mag breakfast.”

Tumabi ako kay Chan.

“Alam mo kuya Shun. Para tayong one big happy family.” Saad ni Chan. Agad na napatingin si Shun sa kinaroroonan ni Chan.

“Pinagsasabi mo diyan? Wag mo’kong simulan, Chan. Please lang.”

“Alam mo yun, ikaw ang mama tapos si kuya Soj ang papa at ako naman ang anak.” Saka bumuhakhak ng tawa si Chan dahil sa sinabi niya.

Nagkatitigan kami saglit ni Shun at ibinalik agad niya ang atensyon sa niluluto niyang hotdog, ako naman ay napakamot nalang ng ulo.

Hanggang sa matapos kaming mag agahan panay pa rin ang kantsaw ni Chan sa kuya niya patungkol sa pagtulog ko sa kwarto ni Shun. Ang cute nila pagmasdang magkapatid. I wish I had a little brother.

I really admire their brotherhood. The way they treat each other, kahit na binunully ni Chan ang kuya niya mahahalata pa rin na mahal siya ng kuya niya.

Kahit na minsan nag-aaway ang dalawa. Mararamdam mo na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. One of the reasons I’m already smitten with Shun is because of this.

Also, they are not with their parents, which I noted. What is the reason for this?

Pumasok na ako ulit sa loob ng guard house para inumin ang kape ko at iintayin na ko na lang mag alas sais. Excited na ako para mamaya.

∞∞∞

Tinikman ko ang pork menudo na niluto ko para masigurado akong masarap na at sakto na ang malambot ng karne. “Wow! Masarap na at sakto na ang lambot ng karne! Kailangan ko na silang puntahan para makakain na kami.”

I turned off the stove and I covered the pan with its lid and hurried out of the house to go see Shun and Chan.

Nang makarating ako sa gate ng bahay nila ay agad akong nag doorbell. Ilang saglit lang ay bumukas ang main door at lumabas siya dito saka tinungo niya ang gate nila at binuksan niya ito.

“Soju, hinihintay ko pang umuwi si Chan—” napansin kong nagulat siya sakin.

“Ah ganun ba?”

Napahilot siya sa sintido niya. “Wala ka bang napapansin sa sarili mo?”

“Huh? Napapansin? Aside sa gwapo ako, wala nang iba.”

He had an impersonal expression on his face when he glanced at me.

“Ano?”

“You only have your apron on when you leave the house.”

As I cautiously raised my arm to cover my body, as my eyes widened.

“Oh ano ka ngayon?” Ani Shun at tumawa lang ako.

Hobby ko na talaga na kapag nagluluto ako wala akong pang-itaas na suot at isusuot ko ang apron ko. Kaya lang, ito talaga ang una na lumabas ako sa bahay na nakaganito lang. Nakakahiya! Masyado akong na excite.

“Tara na nga, asan ba si Chan?”

“Wala si Chan, pero na text ko na siya na sa bahat mo kami magdi-dinner.”

“That’s good to hear. So, let’s go?” He smiled at me saka niya isinirado ang gate.

Habang naglalakad kami ay may tanong na biglang pumasok sa isipan ko.

“Shun, pansin ko lang. Ba’t di niyo kasama ang parents niyo? Nung bagong lipat lang kayo dito, kayong dalawa lang talaga ni Chan at hindi niyo kasama parents niyo.”

Biglang napahinto sa paglalakad si Shun. Kata nagtaka ako at hinarap ko siya. Nakayuko ang ulo niya.

“My parents died because of a car accident. Few years ago.”

“O-oh, I-I’m sorry to ask about it.” Hindi ko lubos akalain na ganun pala ang nangyari sa mga magulang nila. Kaya pala ganoon nalang niya kung pahalagahan ang kapatid niya. Now, I understand. They had a traumatic experience.

Itinaas niya ang ulo niya, “No it’s ok. Matagal naman na yun.” He then smiled sweetly to me. As if he was unaffected by what had occurred.

“Please, don’t pity me as well as Chan. I don’t want people pity on what happened to our family.” In an instant, I hugged him tight.

“It’s ok. I understand the suffering you’ve had in the past. Sana hindi nalang ako nagtanong pa, pasensya ka na.”

Ilang sandali ay kumalas na siya sa pagkakayakap ko sa kaniya. “Anyway… Pork menudo ang ulam natin ngayon. And for sure magugustuhan ninyo ni Chan ang niluto ko kaya bilisan na natin ang paglalakad.”

I grabbed his wrist and then I heard drumming. It’s night already and someone is playing drums? And it’s like it came on my chest. All I did is just ignored it and we continued to walk while I pulled Shun’s wrist.

Naabutan namin si Chan na nasa gate ng bahay ko. May dala pa siyang bag. “Uy Chan, you’re just in time.” Panimula ko.

“Saan ka ba galing at ngayon ka lang umuwi? Batang ’to talaga oh.” Ani Shun na may pag-aalala sa boses niya.

Hindi sumagot si Chan pero tinitigan niya lang kaming dalawa ni Shun. At napunta ang tingin niya sa kamay ko sa pulsuhan ni Shun. Dahil dun ay binitawan ko ito.

“Pasok na tayo para makakain na.” I said with a smile on both of them.

Nang makapasok kami sa bahay ay nagtanong agad si Shun sa kapatid niya kung saan siya galing, bakit ginabi siya ng uwi, sinu-sino ang mga kasama niya.

Sinagot naman ito ni Chan ng tapat.

Shun sat on the stool of the island counter at tumabi rin si Chan sa kuya niya.

Agad akong sumandok ng ulam sa kawali at nilagay ko ito sa counter top. At kumuha na rin ako ng mga plato at kubyertos.

“Hay naku talaga. Nag text ka sana kung gagabihin ka ng uwi. Nag-aalala ako sa’yo eh. Paano kung may masamang mangyari sa’yo?”

Chan just chuckled, “Kuya, may project lang kaming tinapos ng mga ka groupmates ko tsaka safe naman kami sa bahay nila. At… na deadbatt ang cellphone ko, kaya sorry kung hindi ako naka text sa’yo.”

“Kahit na… naki text ka nalang sa ka groupmate mo.”

“Alam mo, kuya. Wag ka nang mag-alala, andito na ako, I’m safe and sound.”

Ngayong nalaman ko na ang rason kung bakit sila nalang dalawa ni Chan ay napagtanto ko na kung bakit ganun nalang ang pag-alala ni Shun sa kapatid niya. Si Chan nalang ang meron siya at si Chan nalang ang kasama niya sa buhay. Kahit na may pagka matigasin nang ulo nitong nakakabatang kapatid niya.

Tumikhim ako para maagaw ko ang atensyon nilang dalawa. “Dinner’s ready. Let’s eat?” I said and they both nod.

∞∞∞

We had dinner together as a trio. It was entertaining to hear the two of them admire my cooking. And to think, this is my first time preparing food for others. It’s also therapeutic in certain ways.

“Hala kuya Shun, mukhang may naka beat na ng record mo sa pasarapan ng luto,” ani Chan at sumubo ulit.

“You’re biased,” sagot rin naman ni Shun, “sige ah, dahil gusto mo ang luto ni Soju. Dito ka na titira simula ngayon,” dagdag niya.

“Well…” napatingin si Chan sakin at kay Shun, “ayos lang naman sakin yun.” And Chan laughed.

“Aba’t—”

Their conversation made me chuckle. “Uy, kumain na nga lang kayo. Baka magpatayan pa kayong dalawa sa harap ng pagkain.” Sabi ko sa kanilang dalawa at tumigil naman sila sa pagpapalitan ng salita.

After dinner. I invited them to have some beer. Sumang-ayon naman ang dalawa kaya dali-dali akong naghugas ng plato saka ako nagsuot ng pang-itaas. Pagbaba ko ay kumuha agad ako ng tatlong canned beer sa fridge pati na rin chichirya.

Nilagay ko sa coffee table sa living room ang beer at chichirya. Binigyan ko silang dalawa at umupo ako sa sahig bago ko binuksan ang canned beer. Umupo rin sila sa harap ng sofa saka nila binuksan ang canned beer nila.

“Wag mong gawing hapunan ang pulutan ah?” ani Shun sa kapatid.

“Hala siya, di ako ganyan noh? Baka ikaw.” Nagtawanan kaming dalawa ni Shun dahil sa sinabi ni Chan.

“Cheers tayo.” I said I hold my canned beer.

“Cheers!” Shun and Chan said in unison and we take a few sips.

“Ang sarap talaga ng beer kapag malamig, noh?” ani Shun saka ako tumango bilang sagot.

“May tanong ako sa inyong dalawa. Bakit Shun at Chan ang ipinangalan sa inyo? May lahi ba kayong Japanese or trip lang ng parents niyo?”

Nagkatitigan saglit ang magkapatid.

“May lahi kaming hapon.” ani Shun at tumango-tango lang si Chan.

“Ah, kaya pala.” Sagot ko.

“Pero ayaw namin ni kuya sa side nina mama kasi napakasama ng ugali.” Ani Chan saka niya uminom ng beer.

“So, yung mama niyo is half japanese.”

Tumango si Shun.

∞∞∞

“Tapos ang liit-liit pa ng putotoy ni Chan noon,” saka kami nagtawanan ni Shun.

“Malamang. Baby pa siya noon.” Nagtawanan ulit kami.

Kanina pa sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa dahil sa mga pinagsasabi ni Shun patungkol kay Chan noong baby pa siya. Una, kinwento niya sakin yung nangyari kay Chan noong time na namatay ang mga magulang nila hanggang sa napunta ang usapan namin noong baby pa si Chan.

Pulang-pula na ang mukha ni Shun sa mga sandaling ito pero umiinom pa rin ng beer. Ako parang tubig lang sakin yung beer. Nakaubos na kami ng sampung canned beer, tig-apat kami ni Shun tapos si Chan dalawa lang ang naubos at knock-out na.

Dinikit ni Chan ang kanyang noo sa coffee table.

“Alam mo, kailangan na naming umuwi ng kapatid ko.”

“Dito nalang kayo matulog,” suhestiyon ko kay Shun.

“Nakuw, wag naaa. Kaya ko pa naman at hindi ako lashing noh?! Hindi agad ako natutumba sa inuman.” I just giggled on what he said. ’Cause his so cute.

Shun and I were stunned to speak because since Chan pressed his forehead on the coffe table, he suddenly raised his head and said, “My brother liked you so much kuya Soj. He had his eye on you for a long time.” Chan said in a drunk tone of speech.

Shun and I just stared on each other. I can’t say anything because of that and I feel like I’m stuck in my seat.

Shun awkwardly laughed, “Wag kang maniwala sa kapatid ko, Soju. Lasing lang siya.”

“Ano?! Ako lasing?! Hindi ako lasing!?” Pasigaw na tugon ni Chan sa kuya niya.

“Tsk. Uwi na tayo, Chan. Nakakahiya kay Soju mga pinagsasabi mo.” Inalalayang tumayo ni Shun ang kapatid niya at tumulong rin naman ako sa pag-alalay.

Inalalayan naming dalawa si Chan palabas sa bahay ko.

“Ano baaaa, kaya kong maglakad!” Ani Chan nang nasa gate na kami ng bahay ko.

“Umayos ka nga, Chan!”

Inalalay namin ni Shun papasok sa kwarto niya. Nang masiguro ni Shun na komportable na ang kapatid niya ay umalis na kaming dalawa sa kwarto ni Chan at bumaba na.

“Salamat sa dinner, Soju. Ang sarap mo pala—este ang sarap mong magluto. At salamat rin sa pag-alalay mo kay Chan.” Pagpapasalamat ni Shun habang pulang-pula ang pisngi niya dahil sa alak.

“You guys are always welcome.” A smile stretched on my lips.

“By the way… Yung sinabi kanina ni Chan. Hindi yun totoo… Ganun talaga siya kapag lasing, kung anu-ano pinagsasabi.” He awkwardly laugh.

When he said it, my heart skipped a beat. “Ah… Ayos lang yun. Walang kaso sakin yun. Sige mauna na ako.”

“Ah hatid na kita sa labas.”

Lumabas kaming pareho at hinatid niya ako sa labas ng gate nila. “Mag-ingat ka pauwi.” I smiled as a reply. And I made my way to my house.

I was a little far from Shun’s house when I took my cellphone out of my pocket and dialed Enzo’s number…. Fortunately, he answered the call immediately.

“Hi paps, good evening. Napatawag ka?” Panimula ni Enzo sa kabilang linya.

“Hindi ka ba busy?”

“Hindi naman. Andito lang ako sa kwarto ko nananood ng movie kasama si Kane.”

“Ah ok. May itatanong lang sana ako eh.”

“Sure, ano yun?”

“I-loud speak mo, babe. Curious ako sa tanong ni kuya.”

I burst out laughing. “Ikaw talaga, Kane.”

“Good evening, kuya. Sige, magtanong ka na.”

“Have you ever felt like you were in charge of another person? You want to bring him joy and care for him for the rest of his life. That kind of sensation. I’m not sure why I’m feeling this way. It’s also something I’m unfamiliar with. For example, I want to dedicate my entire life to that person, and I want to protect him for the longest time possible together.”

“Ang lalim naman, kuya.”

“To summarize, you’re deeply devoted to that someone. What makes you think that? I’m not sure, and there’s no need for me to explain. I want you to be able to independently answer such questions.”

“Ano ka ba, Enzo! Wag mo namang pahirapan si kuya Soju.”

“Ano ka rin, matanda na yang si paps. Kaya niya na yan.”

Tumawa nalang ako sa palitan nila ng salita. “Maraming salamat sa inyong dalawa. Anlaki talaga ng tulong niyo sakin.”

“I’ll take that as compliment, paps.”

“Oh siya, babye na.”

“Baliw ka talaga, Enzo.”

“Bye ~ “ They both said in unison.

Napa-isip ako sa sinabi ni Enzo. “So… I’m in love. Kung sa kaniya nalang man pala ako maiinlove edi tatanggapin ko siya ng buong-buo. Ganiyan naman ang pagmamahal diba? Tatanggapin mo siya kahit na hindi maganda ang nakaraan niya dahil mas importante ay ang kasalukuyan.”

Chapter 5: Birthday

Chapter 5: Birthday

S H U N

Nang makaalis si Soju, dali-dali akong pumasok sa loob para puntahan ulit ang magaling kong kapatid.

Nakatihaya itong natutulog at pawisan. Jusko. Kumuha ako ng damit sa cabinet niya para mabihisan ko siya.

“Ikaw bata ka. Plano mo ba akong ibuko kay Soju? Ha?” I said as I took off his clothes. “Totoo naman na gusto ko siya, pero pwede ba? Tigil-tigilan mo yang pagka matabil ng bibig mo? Naiistress ako sa’yo Chan sa totoo lang.” Sinuotan ko na siya ng damit. “Plano ko naman sabihin sa kaniya kaya lang… Nag-iintay ako ng magandang tiempo. Kaya mag intay ka lang diyan. Wag ka masyadong excited.”

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ni Chan. “Grabe ka talagang bata ka, andaming kalat sa kwarto mo! Yung mga damit mo kung saan-saan mo lang nilalagay.” Umalis ako sa kama at kinuha ko sa sahig ang mga damit at nilagay ko ito sa laundry basket niya.

“College kana Chan pero para ka pa ring bata. Piniperwisyo mo talaga akong bata ka.” Nakapameywang akong nakatingin sa kaniya habang nakatihayang natutulog. “Lagot ka talaga sakin bukas. Hindi kita bibigyan ng allowance tandaan mo yan.”

Lumabas na ako sa kwarto niya at pumasok naman na ako sa kwarto ko para tapusin ang lesson plan ko. Parang hindi lasing si Shun.

Kinaumagahan maaga akong nagising. Trabaho na naman. Nakaka stress talaga maging teacher, you need to be an efficient. A good teacher foresees difficulties with children, parents, administration, and other teachers and has a plan in place to deal with them before they occur. That’s why effeciency is important.

Nagluto agad ako ng pang agahan namin ni Chan. Habang busy ako sa pag prito ng hotdog ay napansin ko si Chan na papalapit siya sa stool ng island counter na magulo ang buhok.

“Buti naman at nagising ka pa.” Panimula ko.

He heavily sighed. “Paano tayo nakauwi kagabi, kuya?”

Hinango ko na sa pan ang hotdog at nilagay ko ito sa plato saka ko ito nilagay sa counter top. “Inalalayan ako ni Soju para buhatin kang bata. Alam mo naman na madali ka lang malasing uminom ka pa rin.”

Napakamot siya ng ulo niya at humikab siya. “Ansakit ng ulo ko.” He said and he pressed his forehead on the island counter.

“Alam mo bang pinahiya mo’ko gabi kay Soju? Sinabi mo sa kaniya na gusto ko siya at buti nalang hindi siya kombinsido.”

“Nakakahiya!” Pasigaw na tugon niya habang ang noo niya nasa island counter pa rin.

“Hay nako, sa susunod hindi na kita papainomin. Ipapahamak mo pa ako eh. Tsaka, wag ka na muna pumasok sa school ngayon, bukas na nalang. Ako na bahala sa mga teachers mo. Magpahinga ka muna at uminom ka ng gamot para sa hang-over.”

“Hindi pwede, malapit na final exams.”

“It’s twoo weeks from now. Hello? Malayo-layo pa yun, may time ka pang mag-review at mag comply ng mga requirements mo.”

“Ansakit talaga ng ulo ko, kuya.”

Lesson learned. Wag papainomin ang kapatid mong mahina ang tolerance sa alak.

S O J U

“Two hundred fifty pesos lahat, kuya pogi.” Ani nung cashier dito sa 7-Eleven na malapit lang sa subdivision. Binigyan ko siya ng tatlong one-hundred peso bill at sinuklian naman niya ako ng fifty peso bill at kinuha ko na sa counter yung pinamili kong chichirya at softdrinks.

“Ba’t andami mong biniling chichirya, kuya pogi?”

“Wala akong trabaho ngayong araw kaya magmo-movie marathon ako ngayon.” Sagot ko sa kaniya.

“Ah… Ganun ba? Pwede—”

“Sige alis na ako.” Dali-dali kong tinahak ang pintuhan ng 7-Eleven. At lumabas na, agad ko rin namang tinahak ang daan pabalik sa subdivision.

Wala akong trabaho ngayon kasi sunday and whick means day-off ko ngayon. Kaya susulitin ko nalang ang araw na’to sa pagmo-movie marathon.

Bubuksan ko na sana ang gate ng bahay ko ng makarinig ako ng mga taong nagkakantsawan. Agad na napako ang tingin ko kay Shun at sa lalaking umaakbay sa kaniya.

“Ano ba Rain! Wag ka nga umakbay sakin!”

“Aysus… Ayaw pero deep inside gustong-gusto.”

Kilig na kilig rin naman ang ang dalawang babae at yung dalawang lalaki na kasama nila.

Grabe, kitang-kita naman na hindi komportable yung tao pero pinipilit niya. Isa rin itong mga kasama nila halata na ngang hindi komportable si Shun, tuwang-tuwa pa sila.

Speaking of Shun. Matagal-tagal ko ring hindi siya nakita pati na rin si Chan. Ewan ko kung bakit, everytime na ako ang nakatoka sa guard house hindi ko sila napapansing umaalis o pumapasok dito sa subdivision. Hindi naman siguro nila ako iniiwasan eh, di’ba? At ang last naming pagkikita ay yung nag dinner sila sa bahay ko and that was weeks ago.

Napansin kong papalapit si Shun sa kinaroroonan ko at napansin ko rin na ang sama ng tingin sakin nung Rain.

Lumapit si Shun sakin na may ngiti sa labi. “Punta ka sa bahay mamayang hapon… birthday ni Chan.”

“Oh, talaga? Hala, wala akong birthday gift sa kaniya.”

“Nah, it’s ok. As long as dadalo ka masaya na ’yun.”

I giggled. “Sige, pupunta ako.”

“Sige, aasahan kita, ok?” Aakmang tatalikod na si Shun sakin pero pinigilan ko siya.

“Shun… Iniiwasan niyo ba ako ni Chan?” Mahinahon kong tanong sa kaniya.

“Iniiwasan? Hindi ah. Ba’t ka naman namin iiwasan?”

Hindi ako umimik at nakatingin lang ako sa kaniya.

“Alam mo, medyo naging busy lang ako at si Chan last few weeks kasi final exams na kaya ayon.”

“Ah ganun naman pala.” I smiled at him at bumalik na siya sa mga kaibigan niya at nagsimula na silang maglakad papunta sa bahay nina Shun.

Akala ko talaga iniiwasan na nila ako. Sighed. Hindi pala, hindi tama ang hinala ko. Buti nalang rin at nakita ako ni Shun.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay at nilapag ko sa island counter ang mga pinamili ko.

“Anong magandang iregalo? How about, mug. Ay wag. Masyadong common. Picture frame?” Napasabunot ako sa sarili ko. “Ano ba yan, Soju. Christmas party lang?”

Mamayang hapon pa naman eh, may oras pa akong bumili ng pang regalo. Nakakahiya naman kung pupunta ako dun na wala akong dala. Baka ano pa sabihin ng mga bisita ni Chan.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 2:45 PM.

Napatingin rin ako sa supot na nasa counter top. “Mamaya nalang ako magmo-movie marathon. Bibili nalang muna ako ng pangregalo at cake.”

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis na. Simple ang OOTD ko. Plain black oversized T-Shirt, above the knee shorts na skin toned at two strapped birkenstock sandals. Pagkatapos kong magbihis ay agad kong kinuha ang wallet ko sa sidetable at umalis na ako ng bahay at tinungo ang bus stop.

∞∞∞

Kanina pa ako naglilibot dito sa loob ng mall. Sumasakit na ang binti ko sa kakalakad. Wala akong mahanap na maganda at pwedeng ipang regalo. I even texted Kane pero hindi pa siya nag reply busy pa ata yun, pati rin si Enzo hindi rin nag reply sa text ko.

Pumasok ako sa isang shop na puro mga bag ang mga binibenta; may panlalaki at may mga pangbabae saka iba-iba rin ang mga disenyo. May pagka vintage ang vibe, what’s more, that’s much better.

May sales lady na lumapit sakin, “Hi sir, how may I help you?”

“For my friend’s birthday, I’m looking for a gift. I’m looking for some great bags, so could you perhaps recommend any?”

“Are these bags for men or women, sir?”

“For men.”

“Okay sir. This way please,” She said in a nice tone of voice. She then led me to the shelves of vintage men’s bags.

Wala akong masabi sa ganda ng mga disenyo ng mga bag. Sobrang ganda nang pagka vintage at affordable pa.

Bago pa ako makapili ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

Kane Calling…

Agad ko namang sinagot ang tawag.

“Kuya, I’m sorry di agad ako nakapag-reply… busy lang.”

“Ayos lang. Siya nga pala, andito ako sa isang shop ng mga bags at grabe ang gaganda ng mga bag nila dito.”

“Ay oo nga pala! Tama! Bag na lang ang iregalo mo, kuya. For sure, mas maappreciate yan ng pagbibigyan mo.”

“Kaya nga eh. Feeling ko kailangan na niya kasi ng bagong bag. Ano ba magandang kulay?”

“Para sakin, mas nice yung light brown to brown colors lalo na’t vintage yung bag. Ganun.”

“Ah sige, Kane. Salamat.”

“Sige kuya. Bye.”

“Bye.”

I ended the call.

“Sir, have you made up your mind about the color and design yet?”

I smiled to the sales lady. “Yes miss.”

I quickly went to Shun’s place after purchasing the bag and the cake. Pagdating ko ay kapansin-pansin andaming tao sa labas ng bahat. Expected na andito ang mga kaibigan at katrabaho at classmates ni Chan. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Yung sala ay punong-puno ng birthday designs, may mga balloon rin sa sahig. Yung mesa ay may mga pagkain. Nilagay ko nalang ang cake.

Nahagilap agad ng mata ko si Chan na may kausap malapit sa hagdan kaya agad akong lumapit sa kaniya.

He apologizes to the person with whom he had a conversation. Chan also approached me.

“Happy birthday, Chan.” I said excitedly. “I bought a gift for you.”

“Ano? Birthday ko? Eh, matagal pa birthday ko.”

I’m now confused.“Huh? Eh, kaninong birthday ba’to?”

Napakamot siya sa ulo niya. “Si kuya talaga. Hindi ba niya sinabi na birthday niya ngayon?”

“Hindi. Ang sinabi niya lang sakin na birthday mo raw ngayon, ayun lang.”

“Hay naku. Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ng taong yun. Sige kuya, hahanapin ko na muna ang kapatid ko. Oh, by the way, nice to see you again.” Agad rin naman siyang umalis sa harap ko.

Ilang saglit lang ay may lalaking biglang lumapit sakin. Magkasing-tangkad lang pala kami, but, I don’t like his aura.

“Hi mate.”

“Hi.” I replied with uninterested tone of voice.

Naalala ko na kung sino siya! Siya yung Rain na umakbay kanina kay Shun.

I’m curious as to what he’s up to.

“I heard that you’re a security guard on this subdivision. Is it really true?”

“Ah yeah… That’s true. Why’d you ask?

“Well… You know.

“Despite the fact that you have a face, you have decided to work as a security guard—”

“Why do you care? As far as I know this is an honorable work. Kung ito lang rin naman ang pag-uusapan natin mas mabuti ng aalis na ako. Excuse me.”

“Wait mate.” He chuckled. “

“I was just having some fun. It’s not something to be taken seriously.”

I looked at him intently. Ano ba ang problema ng taong to?

“How are you related to my Shun, in any case?”

My Shun? Are they in a relationship? Kung maka ‘my Shun’ akala mo pag aari niya si Shun.

“Your Shun and I are just close friends.”

“Oh really…? You know, hindi kaibigan ang turing sa’yo ni Shun.” He gave me a cold stare.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi mo talaga napansin kanina habang nag-uusap kayong dalawa sa labas ng gate mo? He looked so happy talking to you, and it seems like he’s really into you. Makaalis na nga lang.”

Hindi ko gets pinagsasabi niya. Pagkaalis niya ay hinanap ko si Shun sa loob ng bahay pero hindi ko siya nakita. Mga bisita lang niya ang mga andito kaya lumabas ako at nakita ko siya sa may gate na may kausap sa telepono. Agad akong lumapit at na shock pa siya ng makita niya ako.

“Ok po… Sige… Salamat.” He then ended the call. “You came.”

“Well, definitely I would come because it’s ‘your’ birthday.” I emphasized the word ‘your’. “Nag-usap kami ni Chan and I found out from him.”

“Oh,” he then giggled. “Sorry… Inisip ko kasi kapag sinabi kong birthday ko baka hindi ka pumunta.”

“Ako? Hindi pupunta? Magkaibigan kaya kita. Pupunta talaga ako.”

He smiled, “Yeah, magkaibigan lang tayo.”

“Oh,” inabot ko sa kaniya yung paper bag na pinaglagyan ng gift na binili ko kanina.

Kinuha naman niya yung paper bag at tinignan ang laman, “Hala! Thank you, Soju!”

“You’re welcome.”

“Ito yung sling bag na gusto kong bilhin noong nakaraan pa eh. Maraming salamat talaga, Soju. I really like it.” He smiled sweetly to me. He’s really happy.

“Buti nalang pala at napadpad ako doon sa shop na yun at bumili rin ako ng cake. At siya nga pala, may bayad yan.” I joked.

He looked puzzled, “What do you mean?”

“Ah, nevermind.” I gave him a bright smile.

“So… tapos na ba kayong mag-usap na dalawa?”

Napatingin kaming pareho ni Shun sa nagsalita, si Chan na pinagkrus ang mga braso niya.

Napatawa nalang ako kay Chan.

“Hinahanap ka na sa loob kuya Shun.” ani Chan.

“Ay sorry naman. Sige pupunta ako.” Sagot ni Shun sa kapatid niya at napatingin agad si Shun sakin. “Tara na? Alam ko gutom ka na.”

“Yeah. Kanina pa ako talaga ko nagugutom.” Nagtawanan kaming tatlo at pumasok na sa loob ng bahay.

Pagpasok ni Shun ay sinalubong agad siya ng yakap at greetings mula sa kaibigan at katrabaho niya.

“Maraming salamat at nakadalo kayo sa kaarawan ko. Maraming salamat talaga. Since gumagabi na, kainan na!! Kumuha lang kayo ng pagkain diyan sa mesa, ok? Enjoy lang kayo!” Naghiyawan ang mga tao sa loob ng bahay at nagsimula na silang kumuha ng plato at kubyertos.

Napansin kong masama ang tingin sakin nung Rain—he’s just sitting on the sofa—kanina pa rin kumukulo ang dugo ko sa’yo.

“Hindi ka ba kakain?” Nabaling ang pansin ko kay Shun na nasa harapan ko lang.

“Mamaya na ’pag wala na masyadong tao na kumukuha ng pagkain.”

“Sige, maupo na ka muna sa sofa. Aasikasuhin ko na muna yung mga bwisita ko.”

“Ah sige, kukuha nalang muna ako ng maiinom.”

“Sige.” Umalis na siya at nakipaghalubilo sa mga bisita niya.

When I got canned fruit juice, I went out. Before I could get out of the door, my clothes were drenched in juice from the person I wanted to punch.

“Oh… sorry.”

I didn’t accept his apology, but since I’ve been warming my blood with him earlier, I have no excuses for punching him on the face.

Napaupo siya sa labas ng pintuan at agad siyang tumayo at gumanti siya ng suntok. Tinamaan niya ang mukha ko. I grabbed his collar and pushed him on the floor, and there I punched him tirelessly.

“SOJU!”

“Pigilan niyo sila!”

“Oh my God!”

Wala akong pakielam sa mga taong nakapalibot samin ang gusto ko lang ay mailabas ko ang galit ko sa taong ’to.

“SOJU, TAMA NA!” May humablot sakin at napatayo ako. Inilayo ako ni Shun habang inalalayan ni Chan na makatayo yung Rain.

“Ano bang problema niyong dalawa at nagsuntukan kayo?!”

“Eh ito kasing kaibigan mo eh. Namimihasa na eh!” Tugon ko kay Shun.

“Ikaw kaya nga tong—”

“Rain tumahimik ka nga!” Pasigaw na tugon niya. “Chan, gamutin mo sa kwarto mo si Soju ako na bahala kay Rain.”

Lumapit sakin si Chan at inalalayan niya ako papunta sa kwarto niya.

Pinaupo niya ako sa sofa ng kwarto niya at kumuha sa ng first aid kit.

“Buti naman at nakahanap na nang katapat yung Rain na yun. Buti nga sa kaniya,” Ani Chan nang makaupo sa tabi ko dala ang first aid kit.

“A-anong ibig m-mong sabihin?”

“Sobrang inlababo nung Rain na yun kay kuya Shun. Pero ayaw ni kuya kay Rain. Kahit na sinasabihan ni kuya na tigilan na ni Rain ang pangungulit niya kay kuya pero, eto pa rin si Rain.”

“Teacher rin pala yung Rain na yun?”

“Oo, kuya Soj.”

Naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang siya kung makaasta kanina. Akala niya pag-aari niya si Shun.

“Gamutin ko na yang sugat mo. Buti nalang at daplis lang yan.” Sabi Chan at dinampi niya ang bulak na may betadine sa gilid ng labi ko pati na rin kaliwang bahagi ng mukha ko.

“Nahihiya na ako sa kuya mo, Chan.”

Patuloy pa rin siya pagdampi ng bulak sa mukha ko. “Oh, bakit naman?”

“Kasi—”

“Huwag mo na alalahanin si Kuya—”

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita. “I like your brother.” Napatigil si Chan sa paglagay ng ointment sa sugat ng mukha ko. Nakatitig lang siya sakin na parang inoobserbahan niya ang buong pagkatao ko.

“Is that a joke?”

“N-no! I’m serious.”

What I stated made me feel relieved.

“Oh… ok. You and my brother must talk about it. Labas na ako ako diyan.”

Does this mean he’s OK with me for his brother?

“Alam niyo, matanda na kayo. Kaya niyo na yan. Hindi ko kayo pipigilan alam ko diyan lang kayo sasaya. Basta ang akin lang ay huwag mong sasaktan si kuya—”

I joyfully hugged Chan after hearing what he said.

“Buti naman kung ganun. Wag kang mag-alala akong bahala sa kuya mo.”

Pag-iisipan ko ng maigi kong papaano ako magco-confess kay Shun. And hopefully, hindi ako ma reject. Kung i-reject niya ako, ayos lang yun. Hindi ko nalang siya pipilitin kung ganun.

Chapter 6: Kiss

Chapter 6: Kiss

S H U N

“Bakit mo kasi ininsulto yung tao? Wala namang ginawang masama si Soju sa’yo ah. Alam kong mabuting tao siya.” sabi ko habang ginagamot ko ang mga pasa sa mukha ni Rain. Buti nalang at hindi masyadong dumugo ang mukha niya. Kung hindi lang rin dahil sa kaniya, hindi sana magiging ganito ang mukha niya.

Palibhasa… papansin.

“So, kinakampihan mo yung security guard na yun?! Alam mo bang nagselos ako sa kaniya kanina kasi habang kausap ka niya sobrang saya mo, pero sakin—”

I cutted his words. “Wala kang karapatang magselos in the first place. Alam mo kung bakit? Walang tayo, Rain. Kasi ayoko sa’yo! And I know you’re aware of that. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw naman sa’yo at the end of the day, sarili mo lang ang kawawa. Know your worth Rain! Andaming babae riyan, Rain. Bakit sa katulad ko pa?”

Napatitig ako sa mga mata niya. Nag-iwas naman siya ng tingin. Nilagyan ko ng band-aid ang pasa sa mukha niya.

“Bakit kasi di nalang ako? Bakit iba pa? Bakit si—”

Mahina kong hinaplos ko ang mukha niya dahilan para mapatitig siy sakin, “kasi hindi tayo pwede, Rain. Not as a lover, but as a friend, that’s what I see. Rain, you have a slew of admirers. Allow your eyes to open and take in everything that is going on around you. Perhaps you’ll be able to find someone to accompany you.”

Matapos kong sabihin yun napansin ko na nanunubig ang gilid ng mga mata niya, dahil rin siguro roon ay umalis na siya sa kwarto ko.

Inaamin kong masakit sa damdamin yung sinabi ko kay Rain. Pero para rin naman sa kaniyang ikakabuti yun. Ayokong pag-aksayahan niya ng panahon ang taong hindi naman siya ang gusto.

Pagkatapos kong ilagay sa box yung natirang band-aid at ointment ay bumaba na ulit ako para makipaghalubilo sa mga ‘bwisita’ ko. Mga teacher at kaibigan lang naman ni Chan ang mga bisita ko.

Hindi na sana ako mag-celebrate ng birthday eh, kaso pinilit ako ni Chan. Siya na daw ang bahala sa catering service at sa lahat-lahat na. Pero yun ang akala ko na siya na ang bahala sa lahat, akala ko pera niya gagamitin, pero pera ko pala. Akala ko wala akong perang ilalabas sa birthday ko, akala ko lang pala yun.

“Shun,” lumapit ako sa co-teacher ko na babae habang may hawak siyang canned beer.

“Oh, kumuha pa kayo ng beer.” Sagot ko sa kaniya.

“Salamat,” she smiled to me. “Siya nga pala, kaanu-ano mo yung pogi na sumuntok kay Rain kanina? Ang gwapo niya ah. May girlfriend na ba yun?”

Speaking of Soju. Nawala saglit sa isip si Soju. Ginamot naman siguro siya ni Chan, di’ba?

“Ah… Si Soju. He’s my friend.”

“Close ba kayo ng pogi na yun?” Tanong niya ulit sakin.

“Ah… Oo, bakit?”

“Reto mo naman ako sa kaniya oh.” Kilig na kilig niyang tugon sakin.

I awkwardly replied. “H-huh? Ah… Ano kasi…” Hindi ko inasahan yun ah. Potragis ka Soju. Ba’t ba kasi ang gwapo mo?

Napakamot siya ng ulo niya. “Wag na nga lang, baka may girlfriend na yun. Sabihin mo sakin ah kapag naghahanap siya ng girlfriend andito lang ako.” She cheerfully said to me. I awkwardly laughed as a reply to her.

“Enjoy ka lang ah,” saad ko at umalis na. Pumunta agad ako sa kwarto ni Chan. Pinihit ko agad ang door knob.

“Chan?” Bungad ko nang makapasok ako sa kwarto niya.

“Kuya, nasa CR pa ako.” Sagot niya.

“Si Soju?”

Lumabas na siya ng CR. “Ah… umalis na kuya eh, bakit? Hindi mo ba namalayang umalis siya? Ayiee… hinahanap niya boyfriend niya.”

“Boyfriend ka diyan. Hindi ko pa siya boyfriend uy, wag kang ano diyan.”

“So… may pag-asa bang maging kayo?”

“Meron kapag—ay ano ka ba, Chan! Tumigil ka nga!”

Tinawanan niya lang ako. Batang ’to talaga. Inyo na ’tong kapatid ko, please lang.

“Ginamot ko na yung pasa sa mukha niya kuya, wag ka nang mag alala diyan. Ok na yung jowa mo.”

“That’s good to hear.”

∞∞∞

“Bye Chan, bye sir Shun. Salamat nga pala sa pag-imbita.” Ani kaibigan ni Chan.

“Bro, mag-ingat kayo sa daan ah. Malay niyo may chicks kayong makita paglabas niyo sa subdivision.” Hirit naman ni Chan sa mga kaibigan niya.

Tumawa yung dalawang kaibigan ni Chan. “Sige Chan. Sir Shun, happy birthday ulit.” Sabi noong isa ring kaibigan ni Chan.

“Mag ingat kayong dalawa ah, mag ingat kayo sa daan. Huwag na kung saan pa pupunta. Dumerecho na agad kayo sa bahay niyo, naiintindihan niyo ba ako?” Paalala ko sa kanilang dalawa.

“Yes sir!” sabay nilang sabi. At lumakad na sila papalayo sa bahay namin.

Isinirado naman ni Chan ang gate at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Gusto ko nang matulog, saka may lesson plan pa akong gagawin. Nakakainis kasi ’tong kapatid ko eh.

I sighed and let out a yawn. “Sinabi ko naman sa’yo na hindi na lang ako mag celebrate ng birthday eh.” Sabi ko kay Chan nang makapasok kami sa loob.

“Napaka-KJ mo talaga, kuya. Once in a year nga lang ’tong occasion na ’to eh.” Sininangutan pa niya ako. Siya pa may ganang sumimangot ah.

“Oo nga, naiintindihan ko naman na once a year lang. Ang akin lang kasi ay, gagastos pa tayo ng malaki para lang ipakain natin sa mga bwisita. Tapos tayo pa yung i-ba-backstab kasi hindi masarap yung pagkain. Ang kakapal ng mga mukha, kakain na nga lang.” Marahas akong napakamot ng ulo. “Pwede naman na tayong dalawa lang ang mag-celebrate eh.”

“Alam mo kuya, wala at tapos na, ok? Ang mabuti pa ay linisin na lang natin itong mga kalat. Tsaka isa pa pala, nag enjoy ka naman di’ba? Ang mahalaga ay nag enjoy ka.” Kumuha siya ng walis at sinimulan na niyang walisin ang mga kalat dito sa living room. Eto rin ang isa sa rason, pagkatapos ng birthday celebration ay sangkatutak na kalat. Tumulong narin ako para mapadali ang trabaho dahil inaantok na ako.

“Kuya, ba’t mo sinabi kay kuya Soj na birthday ko? Anong rason ba’t mo sinabi yun?”

“Wala talaga sana akong plano imbitahan siya. Eh, dahil sa’yong kakulitan kaya ayun. Inisip ko talaga kasi na baka hindi siya pupunta. At kung hindi ko sana siya inimbitahan, hindi rin sana masisira ang gwapong mukha ni Soju.”

“Ang tanga mo talaga kuya, promise.”

Sinamaan ko siya ng tingin habang nilagay ko sa garbage bag yung mga basura.

Napahinto sa pagwalis si Chan at hinarap ako. “Gusto ka raw niya, kuya.”

I had a bewildered expression on my face as I stared at him. “Gusto ako nino?”

“Si kuya Soju.” He looked at me straight to my eyes.

I was giggling uncontrollably at him. What a nice joke!

“Ang corny ng joke mo, brother. You know?” I laughed again.

“Hala… totoo kaya ang sinabi ko—”

I patted his head. “Maglinis ka nalang, ok? He doesn’t bat on the same way, Chan. At alam ko sa sarili ko na hindi siya mapapasakin. Alam mo, dala lang ata yan ng kabusugan mo eh.” Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglagay ng mga basura sa garbage bag.

“Totoo naman kasi ang sinabi ko eh.” Chan spoke in hushed tones, like if I wasn’t paying attention.

Speaking of Soju, kailangan ko pala siyang kausapin patungkol dun sa nangyari. Hihingi rin ako ng pasensya sa kaniya. Nakakahiya kay Soju. Kapag ni-provoked mo ang mabuting tao, naku ewan ko nalang talaga. Walang ginawang masama sa’yo yung tao tapos ginalit mo. Iba rin talaga ’pag napikon yung mabait na tao. Hindi sana masusuntok si Rain kung hindi siya naging baliw.

“Tulala ka na naman, kuya.” Napatingin ako kay Chan na halatang nag-aalala habang bitbit niya ang garbage bag.

“May iniisip lang. Oh siya, ikaw na muna dito at ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan ng mga bwisita natin.” Ngumiti lang ako sa kaniya at tinungo ko na ang lababo na punong-puno ng mga hugasin.

Kunti lang naman ito eh. Marami siya kung titignan kasi hindi naka arrange ng maayos, pero pag na arrange ko na ang mga ito kunti lang talaga to.

∞∞∞

Maaga akong gumising para magluto ng agahan namin ni Chan. Typical ulam for breakfast lang ang niluto ko, sunny-side up eggs, hotdogs, corned beef at tocino. Saka may natira pang lechon kahapon, ginawa ko itong paksiw. Masaya na si Chan niyan. Pagkatapos kong magluto ay nilagyan ko rin ng lechon paksiw ang transparent tupperware, na dadalhin ko sa bahay ni Soju. Tinakpan ko na ang tupperware na may lamang lechon paksiw at isinilid ko ito sa paper bag. Saka ako lumabas ng bahay at tinungo ang daan papunta sa bahay ni Soju.

Habang nasa daan ako ay may nakakasalubong ako na taga subdivision na nagja-jogging, meron ring nagba-bike.

“Hi sir Shun, magandang umaga.” Napahinto ako sa paglalakad at napatingin ako sa likod ko. Naka pang sports attire siya.

“Oh ikaw pala Maye. Magandang umaga rin, kumusta ka?”

“Ayos lang naman. Jogging-jogging lang ’pag may time.” Tumawa kaming dalawa.

“Mabuti nga yan eh. Kumusta ka naman sa pagiging assistant?”

“Well, ayos lang naman. Grabe yung boss ko sir Shun. Napaka macho jusko tapos ang gwapo pa, pati rin yung anak niyang lalaki ubod ng gwapo, sir! Jusko, kunin niyo na po ako.” Tinawanan ko siya dahil sa reaksyon niya. Babaeng to talaga, napaka hilig sa gwapo.

Si Maye ang assistant ng may ari ng Arcoíris Subdivision. Siya rin ang isa sa mga tumulong sa mga papeles para makatira kami ni Chan dito.

“Buti ka pa, nakita mo na yung may ari ng subdivision.”

“Naku sir Shun! Mababaliw ka talaga sa kagwapohan niya at isa pa pala, si Soju. Diba kilala mo yun? Magkaibigan sila, sir! OMG talaga.”

“Oh? Talaga magkaibigan sila? Ngayon ko lang nalaman yan ah.”

“Malamang sir, ngayon lang ulit tayo nagkita kasi busy ako eh.”

“Oo nga naman.” Tumango-tango dahil sa sagot niya.

“At isa pa sir Shun. Yung anak ng may ari netong subdvision, may jowang lalaki—”

“Hoy! Hinaan mo nga yang boses mo.” Ganito ba talaga siya kapag may nagbabagang chismis.

Tinawanan niya lang ako. “Yun lang ang chismis ko, sir Shun. Naku talaga. Hindi maganda ang relasyon ng mag-ama ngayon. Kawawang bata.”

“Ewan ko sa’yong babae ka. Mag jogging ka na dun.”

Tumawa siya. “Sige sir Shun. Babush! Kita ulit tayo sa susunod.” Nagsimula na siyang mag jogging papalayo sakin. At ako naman ay nagsimula nang maglakad ulit.

“SIR SHUN!” Nabaling ang pansin ko kay Maye na medyo nakakalayo na dahil sa sigaw niya.

“OH? ANONG SA’YO?!” Pasigaw rin na tugon ko sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya dahil huminto siya sa pag jogging, “Sa akin ka na bumili nga RTW kasi straight from South Korea ang mga damit na binibenta ko!”

Napatawa nalang ako. “Wow! Talaga? May mga trouser ka ba diyan?”

“Aysus, yan lang ba hanap mo? Marami ako niyan.”

“Sige, sasabihin ko sa’yo kung kailan ako bibili, ok?”

“Alam mo, sa akin rin bumibili ng damit si Soju, alam mo yung mga trending outfits ngayon? Sus, bagay na bagay talaga sa kaniya yung mga damit na binili niya sakin!”

“Ah, ganun ba? Kahit anong suotin ni Soju bagay naman talaga sa kaniya eh.”

“Hay naku, mauna na nga ako sa’yo, sir Shun. Babush! Text mo lang ako, sir Shun.” Sabi niya at nag jogging ulit siya.

Ngumiti lang ako bilang sagot.

Ganiyan ang taong madiskarte, suma sideline!

Nakakainggit naman yung babaeng yun. Noong time na pumirma ako para sa bahay ay si Maye lang ang andun wala yung may ari mismo ng subdivision. Tinanong ko si Maye tungkol dun, pero ang sabi niya lang ay pribadong tao daw yung boss niya.

And this is the second time na nagkita kami, una ay yung pumirma ako para sa bahay.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa bahay ni Soju ay napaisip ako na baka tulog pa ata siya. Alas sais ’y medya naman na ng umaga ah, gising na ata siya.

Pagdating ko sa gate ng bahay ni Soju ay nag doorbell ako.

“Antagal namang lumabas nung poging yun. Baka tulog pa talaga siya.”

Nag doorbell ulit ako pero wala pa ring Soju ang nagpakita.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko at kinuha ko ito. I clicked the message icon.

From: Soju Pogi

’ Pumasok ka lang.’

Pati yung typings mahahalata mo talagang gwapo eh.

Sinunod ko siya. Binuksan ko ang gate at siyempre sinirado ko agad ito at tinungo ko ang main door.

Pipihitin ko na sana ang door knob nang bigla itong bumukas at tumambad sakin ang matipunong pangangatawan ng isang taong nakatapis ng tuwalya ang baywang.

Napalunok ako. His broad shoulders and that rock-like abs and his wet hair. God! He is so damn sexy and yet handsome! I couldn’t keep my gaze away from his enticing physique.

He wrapped his shoulder on my waist and that caused me to shock. He literally let me in. And I leaned against the back of the door. He closed the door as he hold my left arm. And he drew his face closer to mine as time went on, till we put our lips together.

Nakadilat lang ang mata at nanlamig ang buong katawan ko nang gumalaw ang mga labi niya. Sh1t! Napakalambot ng mga labi niya.

I didn’t realize that I was closing my eyes, I responded to his lips in a moment. A warm nervous feeling filled my senses, when I first saw this person, I had this feeling. I bloomed like a flower at the contact of his lips, and the incarnation was perfect.

Soju forced back his lip away from mine. Because of that kiss, I’m not sure how I should feel.

He stared at me with his worried eyes. I don’t know why he looked worried. “S-sorry,” he said.

He placed his palm on the door and rested his forehead on my shoulder. It caused my heart to race and my cheeks to flush in an instant.

“S-Soju… ano… Gusto ko sanang ibigay itong ulam na niluto ko. Tsaka, gusto ko rin sanang humingi ng tawad d-dahil sa g-ginawa ni R-Rain sa’yo.”

Our faces are now facing one other since he elevated his head. It’s only now that I’m aware of how lovely her eyes are. Just by looking at his eyes, it’s as if he can read my thoughts.

“Ilagay mo nalang diyan sa sofa ang paper bag.” Buong awtoridad niyang sabi. Nakakapanibago ang awra niya sa mga sandaling ito.

Nang mailagay ko na yung paper bag sa sofa na nasa gilid lang ay agad rin na akong umalis. Hindi na ako lumingon pa at dere-derecho lang akong lumabas ng gate.

Hindi ko talaga alam kong ano ang dapat kong maramdaman. Magagalit o magiging masaya. Magagalit kasi bigla nalang niya akong hinalikan pero, dapat maging masaya ako dahil hinalikan ako ng taong gusto ko. Shit!

———

A/N:

All people should be treated equally, regardless of who they are and who they love. You are valid. Hindi ka sayang!

#HappyPride 🏳️‍🌈

Chapter 7: Truth or Dare

Chapter 7: Truth or Dare

S H U N

Tinatahak ko ngayon ang daan papunta sa unang klase ko ngayong umaga. I’m still bothered on that damn kiss. Hindi talaga siya mawala sa utak ko. Ang malambot na labi ni Soju na gumagalaw sa labi ko—

“No!” Pasigaw na tugon ko. Napatingin sakin yung mga estudyanteng dumadaan, they appeared stunned.

“Sir, are you ok?” sabi nung babaeng estudyante na lumapit sakin. God, nababaliw na ata ako.

“No—I mean, yes. I’m ok,” I flashed a wide smile on my face. She just replied a smile to me and she walked away.

Pukingina ka talaga, Soju.

Nagsimula na ulit akong maglakad. Nang makarating ako sa classroom ay naabutan ko ang mga estudyante na nagkakagulo. At nang makapasok ako ay dali-dali silang umupo sa kani-kanilang mga upuan.

Nilagay ko sa teachers table ang bag ko pati na rin ang laptop. “Good morning class.”

“Good morning, sir Shun!” They said in unison.

“Today we’ll be—”

“Sir Shun, are you sick?” tanong nang isa kong estudyante.

“No, I’m not. Why do you say so, miss Severino?”

“Because you look unwell, sir.” She said.

“I’m totally fine, ok? Don’t worry,“I smiled to them. “Anyway, shall we start our discussion for today?”

My classes went off without a hitch, as expected. My co-teachers and I were on the cafeteria having our lunch. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakasabay na kumain sa kanila. Nag-text na ako kay Chan na sabay kong kumain ang mga co-teachers ko. At sinabi ko rin sa kaniya na sabay kaming uuwi mamayang hapon.

Andaming tanong nang mga co-teachers ko dahil ba’t daw absent si Rain, may nag tanong rin kung bakit para akong nalantang gulay, may sakit ba ako. With all honesty, sinagot ko lahat nang mga tanong nila tapos sinabihan ko sila na hindi na nila ako tatanungin ulit kasi sumasakit ang ulo ko.

∞∞∞

“Alam mo kuya, kanina ka pa tulala habang hawak-hawak ’yang labi mo.”

I heavily sighed at ibinaba ko ang kamay ko, “Wala ’to. Magmaneho ka na nga lang diyan.”

“Something happened to you, kuya. Am I right?”

Tinignan ko siya nang masama habang nakatuon ang pansin sa pagmamaneho niya ng sasakyan. “Sabi nang wala eh! Ang kulit-kulit mo!”

“Oh chill ka lang, kuya. Eh kanina ka pang umaga eh, alam mo yun? Pagbaba ko sa kwarto ko at dumiretso agad ako sa sala at naabutan kitang hawak-hawak mo yang labi mo habang naka-upo ka sa sofa,” napatingin siya sakin saglit at itinuon ulit ang pansin sa pagmamaneho. “Tapos hanggang ngayon ganun pa rin. Don’t tell me someone kissed you?”

I was taken aback by that. “Halata ka kasi kuya eh, you know?”

“Alam mo tigil-tigilan mo ako sa pagiging chismoso mo ah. ’Pag ako hindi nakatiis sa’yo, isang buwan kitang di bibigyan nang allowance.” Pagbabanta ko sa kaniya.

“Hala siya! Joke lang yun kuya. Eto naman di mabiro. Pero seryoso, may humalik talaga sa’yo?”

“Bilisan mo na nga lang pagmaneho dahil gabi na at bibili pa tayo ng uulamin tsaka magluluto pa ako. At pwede ba? Tumigil ka na sa halik-halik na ’yan. Naiirita na ako.” I frowned at him.

“K.”

Masyado ba talaga akong halata? Nakakainis na ah. Buong araw akong bothered sa nangyari tapos– ay nako! Nakakainis na talaga! Pero bakit ba ako maiinis? Tutal, crush ko naman si Soju eh. Siya na mismo ang humalik sa’kin. Dapat nga maging masaya ako. Tsaka ’pag nalaman ni Chan na si Soju ang humalik sakin, ano kayang magiging reaksyon niya? Baka ’pag sinabi ko sa kaniya yung totoo, baka magalit pa siya kay Soju dahil nga ninakawan niya ako ng halik. Napaka overprotective pa naman niya pagdating sakin at sa lovelife ko.

“Naglista ka ba ng mga bibilhin?”

“As usual, para kang hindi pa sanay.” Sagot ko sa kaniya at hindi naman na umimik Chan habang nagmamaneho.

Pagdating namin sa parking lot ng supermarket ay sinabihan ko si Chan na siya nalang ang bibili ng mga ingredients kasi pagod na akong tumayo. At buti nalang at pumayag siya na siya nalang ang bibili, kung hindi siya pumayag sigurado na ang consequences na mararanasan niya.  Charot!

Nang makabalik siya ay agad rin naman kaming umuwi para mag luto na ng dinner.

“Wow kuya! Ang sarap mo talagang magluto!” Sambit ni Chan nang matikman niya ang mainit-init na sabaw ng tinolang manok. “Parehong-pareho talaga kayo ng timpla ni Mama. Naalala ko bigla sina Mama at Papa.”

“Well… You know, it runs in the blood.”

“It runs in the blood ka diyan! Eh bakit ako, hindi marunong magluto pero marunong lang kumain?” Tumawa ako dahil sa sinabi niya.

“Namana ko kay Mama ang pagiging masarap mag luto tapos ikaw, namana mo kay Papa ang—”

“Oh tumigil na ka na nga diyan. Kami na ni Papa ang hindi marunong magluto.” He frowned.

Tumawa ulit ako dahil sa sinabi niya at sumubo na dahil nagugutom na rin ako.

The meal is something we both appreciate. Sa mga ganitong pagkakataon naaalala namin sina Mama at Papa. Kung buhay pa sana silang dalawa, malamang sa malamang lagi kaming sabay na kakain. Nakaka-miss yung mga panahon na kompleto pa kaming kumakain sa hapag habang masayang ibinabahagi ang mga nangyari sa buong araw sa eskwela at trabaho.

Gusto ko talagang maulit ang mga sandali na ganun, pero wala na eh. Wala nang saysay pa dahil wala na sina Mama at Papa. Si Chan nalang meron ako kaya kay Chan ko nalang binubuhos ang pagmamahal ko. Kahit na minsan napapagalitan ko siya, inaapproach niya pa rin ako.

“Kuya…” Tawag ni Chan sakin kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

“Hmm?” I hummed as an answer.

“Bakit ka umiiyak?” Dali-dali kong hinaplos ang pisngi ko.  Shocks, umiyak ako?! Pinunasan ko agad ang luha ko.

“Ah… Wala ’to.” Sagot ko sa kaniya pero alam ko hindi siya kombinsido sa sagot ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi nga talaga siya kombinsido.

“Ang sarap kasi ng niluto ko eh kaya tumulo ang luha ko. Wag kang mag overreact diyan, kapatid.”

“Alam mo kuya, marami talaga akong napansing pagbabago sa sarili mo simula nung lumipat tayo dito sa Arcoíris Subdivision. At alam ko na alam mo yun.” He look at me straight to my eyes.

Anong ibig niyang sabihin?

“Lagi kang tulala—”

We both heard the door bell rang.

“Ako na magbubukas,” sabi ko at agad akong tumayo para puntahan kong sino man ang nag doorbell.

Baka parcel delivery. Ay hindi naman siguro, wala naman akong inorder ah, baka si Chan meron. May magdi-delivery pa ba? Gabi na ah.

Pagdating ko sa gate ay agad kong binuksan ito at tumambad sakin ang lalaking nakatalikod. Sino ba ’to?

“Hi, magandang gabi—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil humarap siya at laking gulat ko dahil hindi ko akalain na pupunta siya rito.

I should act normal as if nothing happened this morning. “Oh Soju. Naparito ka?” Panimula ko. Bushet na ’yan.

“Ah… kasi… ano… Gusto ko lang isauli ’tong pinaglagyan mo ng ulam na binigay mo kanina.”

“Ah yeah,” he then handed me the paper bag with a tupperware inside.

“Ang sarap mo talagang mag luto, Shun. Grabe, nakaka-inl—”

“I cooked with love, that is why.” I said as I let out an awkward laugh.

He giggled. “Ah Shun… about kanina. Yung tungkol sa… halik.”

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at parang lumubog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Act normal, Shun!

“Gusto ko sanang humingi ng paumanhin dahil dun.” Dagdag niya

“Ah yun ba. Aysus, wala lang yun. Wag mo nang isipin yun,” I laughed, “walang kaso sakin yun, Soju.”

“A-ano… k-kasi…”

“Hay naku. Ano ka ba. Kung iisipin mo yun magiging awkward talaga tayong dalawa. Just let it slide.” And a smile stretched on my mouth.

Wala lang daw yun? Pero halos mabaliw ako sa kakaisip kaninang umaga dahil hindi ko naman talaga expected yun. At isa pa, dapat magalit ako sa kaniya kasi bigla niya nalang akong hinalikan. Pero pasalamat ka Soju dahil crush kita.

“Anyway, nag dinner ka na?”

“Yeah—” Agad kong hinablot ang pulsuhan niya at pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay. “Kakatapos ko lang mag dinner, Shun.”

“Sino ba may sabi na papakainin kita?”

“Ay?”

Pinaupo ko siya sa sofa dito sa sala. “Dito ka lang muna kasi mag-iinuman tayo pagkatapos kong kumain, ok?”

Bumalik ako sa island counter at kumain. Sinabihan ko rin si Chan na andito si Soju at mag tatagay kami. Tinignan niya lang ako ng masama.

“Oh? Bakit ka ganiyan makatingin sakin?”

“May balak kang halayin siya noh?”

“Baliw ka ba? Halayin ka diyan. Eh kung papalayasin kaya kita dito sa bahay.” Pagbabanta ko sa kaniya. Etong si Chan talaga napakalawak ng imagination, jusko. Ba’t pa naging kapatid ko pa ’to?

He just laughed at me. “Anyway, tapos na rin naman akong kumain. Ikaw na maghugas ng plato. Sabayan ko na muna si kuya Soj dun.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit?”

“Wala. Umalis ka na nga lang.” sagot ko sa kaniya.

∞∞∞

“Ah? Ako na naman?” Nagtawanan sina Chan at Soju.

“Oo kuya, ikaw na naman.” Tumawa ulit siya. “Ako na magtatanong sa’yo, kuya. Truth or dare?”

Habang nag iinuman kami ay naisipan kong mag laro nang truth or dare gamit ang bote na pinapaikot para naman may twist at para masaya itong inuman namin. Kanina pa ako naiinis kasi ako palagi ang natuturo nung bote.

“Dare.” Sagot ko sa kaniya. Puro Truth kasi ako kanina. Napaka random ng mga tanong nila sakin like walang thrill.

“Ok. I dare you to kiss kuya Soju’s cheek.”

“Ano?!”

“Oops. Bawal mag reklamo, kuya. Dare lang naman yan, wala lang yan, kapatid.” Saka siya bumuhakhak ng tawa. Habang si Soju naman ay may ngiti na nakatingin sakin.

Lumapit ako sa kinauupuan ni Soju. Naka indian sit lang siya habang naghihintay. Grabe ka Soju, hindi ka ba nakaramdam ng pag alinlangan?

Nang makalapit ako sa kaniya ay nag indian sit rin ako sa harapan niya. “Go ahead.” Soju challenge me.

I frowned at him. “Wag mo akong ma go ahead diyan, Soju. Labag sa kalooban ko itong gagawin ko sa’yo.”

Tumawa lang si Chan habang nakatingin saming dalawa ni Soju. Mamaya ka lang talaga.

Habang unti-unti kong inilapit ang labi ko sa pisngi ni Soju ay naramdaman ko na naman ang mainit na nakakabang pakiramdam, pati ang puso ko sobrang bilis ng tibok nito. Parang gusto niyang kumuwala sa katawan ko.

At nang malapat ang labi ko sa pisngi ni Soju ay agad rin akong bumalik sa pwesto ko.

“Yun na yun, kuya Shun?”

Sinamaan ko ng tingin si Chan. “Ay sabi ko nga.” Tinignan niya si Soju, “kuya Soj, are we cool?”

Sumagot naman siya, “Yeah. Let’s continue.”

“Ok!” Pumalakpak siya ng dalawang beses. “I’ll now spin the bottle,” ani Chan.

Pinaikot na ni Chan ang bote, and this time tumapat kay Soju ang ulo ng bote.

“Ok, kuya Soju. Kuya Shun will ask you.” sabi ni Chan at kinuha niya ang bote sa sahig.

“Truth or dare.” Sabi ko.

“Truth naman this time, puro kasi ako dare kanina eh.”

“Ok, truth.” Nag isip muna ako. Actually, matagal na akong curious sa love life niya eh. So, this is my chance to ask about it. “May nagpapatibok ba nang puso mo ngayon?”

Napansin kong nanlaki ang mata ni Chan dahil sa tanong ko. While Soju just smiled at me… he seems confident.

Soju started narrating. “So, there’s this person who’s cute, attractive, neat and smart at higit sa lahat mapagmahal siya. I really really really like this person and yet hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kaniya na gusto ko siya.”

Because of what he said, I could feel my heart sink. He had a crush on someone. And the way he portrayed that individual seemed to be fortunate.

“I had exes. And this is different: when I first saw that person, I had an indescribable feeling. Sa kaniya ko lang talaga naramdaman ang pakiramdam na yun.”

Nilagok ko lahat ng laman ng canned beer ko. Bakit pa ako nagtanong, pukingina. Nagsisi tuloy ako na tinanong ko yun.

Yung taong gusto mo may iba rin palang gusto. Pero buti nalang at hindi ako nag confess kay Soju patungkol sa nararamdaman ko sa kaniya. Panigurado, magiging komplikado ang lahat.

“Tapos ano na kuya Soj?” ani Chan. Halatang curious rin siya sa kung sino man ang taong tinutukoy ni Soju.

Soju just giggled. Enjoy na enjoy siyang sinasalaysay ang mga magagandang katangian ng taong gusto niya. Habang ako, nilalamon na ng inggit. Ang masasabi ko lang sa taong nagustuhan ni Soju ay: sana all.

Kung sino ka man, lagutan ka sana nang hininga.

“Hala, napaka swerte naman nang taong yan, kuya Soj. May isang gwapong guard ang nagkagusto sa kaniya, sana all!” Komento ni Chan.

Soju just smiled at Chan.

“Gusto ko na talagang mag confess sa kaniya, pero hindi ko talaga alam kong paano. Nag-iisip ako kung anong magandang surprise para sa kaniya.”

“Mahilig ba sa surpresa ang nagugustuhan mo, kuya Soj?”

“I dunno, actually. Baka magalit sakin yun ’pag gagawin ko yung plano ko.”

“Hindi naman siguro magagalit yun sa’yo, kuya Soj.”

“Sana nga hindi.”

“Tapos na ba kayong mag-usap? Inaantok na kasi ako eh.” Humikab ako.

“Ah, oo nga pala. Alas nuwebe na nang gabi, maaga pa ako bukas sa trabaho ko. Sige, mauna na ako sa inyong dalawa, Shun at Chan.” Dali-dali tumayo si Soju at pinagpag niya ang shorts niya.

“Ah sige kuya Soj, hatid na kita sa labas.” Agad rin namang tumayo si Chan at hinatid niya palabas si Soju.

I’m in such a sour mood right now since I know he has a plan to surprise the person he likes. He didn’t say if he preferred males or women. What’s more, why should I give a damn about it? I know his straight as f*ck; all I care about is that he likes someone else.

“Kuya.” Napatingin ako kay Chan na papalapit sa kinauupuan ko at umupo siya sa tabi ko.

“Ano na gagawin mo? Eh may gusto palang iba si kuya Soj eh. Sabi pa nga niya sakin nung birthday mo na gusto ka niya pero ngayon—”

I let out a long sigh. “Anong gagawin ko? Edi iinom, basic. Tsaka, hindi ako naniniwala sa’yo na sinabi niya na gusto niya ako. At isa pa, dahil may gusto naman pala siyang iba, edi magpakasaya sila. Alangan naman na ipilit ko pa ang sarili ko sa taong wala naman akong pag-asa, di’ba?” Sagot ko kay Chan, he seems worried about me.

“Kuya, totoo naman talaga na sinabi niya na gus—”

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita. “Kung totoong gusto niya ako edi sana sinabi niya sakin mismo! Eh, hindi naman ako yung gusto niya eh. Wala na akong magagawa dun.” Agad akong tumayo at iniwan si Chan sa sala na nakaupo sa sahig.

Sana totoo yung sinabi ni Chan sakin. Sana nga. Sana ako nalang yung gusto ni Soju. Sana ako nalang.

Half-baked affection hurt more than rejection.

Chapter 8: Upset

Chapter 8: Upset

S H U N

“Kuya, ayos ka lang ba?” Tanong ni Chan sakin ng makababa siya sa kwarto niya at umupo siya sa tapat ng stool sa kinauupan ko.

“Hindi. Ako. Okay.” Mahinahon na sagot ko sa kaniya.

“Para kang nalantang gulay na nakaupo sa stool ng island counter habang nakatuon ang pansin sa pagkain.” Inilapat niya ang palad niya sa noo ko. “Hindi ka naman nilalagnat. Ano ba nangyari sa’yo, kuya?”

“Wala lang ’to, Chan. Stress lang talaga ako these past few days dahil na rin sa mga pasaway kong estudyante,” matamlay na sagot ko sa kaniya. Alam ko na hindi siya kombinsido sa sagot ko.

“Ay naku, kuya. Pati yung suot mong long sleeve polo ay dark blue. Eh, hindi ka naman nagsusuot ng ganiyang kulay eh. Mostly, mga light colors lang ang sinusuot mo. ’Wag ka kaya muna mag trabaho. Magpahinga ka muna dito sa bahay,” suhestiyon niya.

Idinikit ko sa counter top ang noo ko, “Hindi pwede, may activity ako sa mga estudyante ko.”

“Grabe ka kuya. Kakatapos lang ng final exam, may pa activity ka? Hindi ka ba naawa sa kanila?”

“Chan, ayokong magalit sa’yo, ok? Wag mo akong simulan.”

“Owkey. Maliligo na muna ako tapos kakain na. Ikaw rin kumain ka na diyan, may trabaho ka pa. Baka bigla ka nalang mahimatay habang nasa corridor ka.”

“Oh,” matamlay kong tugon habang nakadikit pa rin ang noo ko sa counter top. Ang aga-aga stress na ako.

                               ∞∞∞

Pagdating ko sa faculty office ay naagaw ko lahat ng atensyon nila. Lahat ng co-teachers ko nakatingin sakin nang makapasok ako sa loob ng faculty.

“Sir Shun? Are you ok? You look pale.”

“May lagnat ka, sir Shun?”

“Broken-hearted ka ba, sir Shun?”

Samot-saring tanong ang ibinato nila sa akin ng maka-upo ako sa swivel chair ko. Hindi ko sila pinansin lahat. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanila. Inihanda ko na ang gamit ko.

I just sighed heavily.

Nang makarinig kami na nag ring ang bell. Hudyat iyon na magsisimula na ang first subject ngayong umaga.

Lumabas na ako sa faculty office bitbit ang class record at laptop ko pati na rin pala chalk. At tinungo ko na ang advisory classroom ko.

As usual, nagkakagulo ang mga estudyante ko sa loob ng classroom. At nang makapasok ako ay dali-dali silang umupo sa kani-kanilang upuan.

“Good morning class.” Matamlay na panimula ko.

“Good morning, sir Shun!” They said in unison.

“How was the exam?” Pagtanong ko ay hindi sila magkamayaw. Nag-rereklamo sila dahil daw mahirap ang final exams.

“Ok. Settle down, now. Alam ko na nastress kayo sa final exams kaya today we will not have our class. But, I’ll be giving an activity, this’ll be your final output on this semester. I want you to write your reflection about your experience on my class. Write it on a short bondpaper. Of course with your name.”

Nag reklamo na ulit sila dahil sa sinabi ko. Mga batang to talaga.

“Sir, kailan ’to ipapasa?” Tanong ng isa sa mga estudyante ko.

“Today is… Wednesday, so, you will pass it on Friday. May araw pa kayong mag procrastinate, di’ba? Anyway… before ako aalis, let’s check your attendance first.”

Nag taas ng kamay ang isa kong estudyante,“Yes, Mister Casinto, do you have a question?”

“Sir, you appeared sick yesterday and now you appear to be even sicker. We are worried of you, sir.”

I akwardly laughed. “Someone is making me anxious. So, I like someone, but he doesn’t like me in return.”

“Ouch, sir. It really hurts like hell.”

“Anyway… Let’s check your attendance.”

I started calling their family names to check who’s present. Pagkatapos ay binilinan ko ang class president na siya na muna ang bahala sa mga kaklase niya habang hinihintay nila ang susunod na teacher.

DISSMISSAL. Ako nalang ang tao dito sa loob ng faculty office. Umuwi na yung mga kasamahan ko. Tinapos ko na muna ang pag check ng mga exams nang mga estudyante. At gusto ko rin muna mapag-isa para hindi ako ma-anxious at para naman makapag isip-isip. Nang matapos kong i-check lahat ay sinandal ko ang likod ko sa swivel chair. Hinihilot-hilot ko ang leeg ko.

Sobrang apektado ako sa sinabi ni Soju kagabi. Why am I so impacted by the fact that he liked someone else? At bakit ako naiinis kahit na may gusto siyang iba?

Napasabunot ako ng ulo.

Ang hirap talaga kapag nagkagusto ka sa straight eh. Bakit hindi ko matanggap na may gusto siyang iba? Marami namang ‘gay guy’ sa mundo ah. Marami na akong naka relasyon, pero ito lang ang unang pagkakataon na para akong mabaliw sa kakaisip. Kapag nakipag hiwalay ang mga naging karelasyon ko ay iiyak lang ako, mag momukmok at pagkatapos ay balik na ulit sa dati na parang walang nangyari. Pero ito, nagkagusto lang ako pero para akong mabaliw sa kakaisip! Overthink malala si bakla.

Napatingin ako sa table ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan ko kong sino ang nag text.

From: Chan Poncan

‘Brother, where are you? Andito na ako sa parking lot ng school.’

‘May tinapos lang ako, pupunta na ako diyan. Antayin mo’ko.’ I replied.

Dali-dali kong nilagay sa sling bag ko ang yung cellphone at laptop ko. Kasyang-kasya sa sling bag na bigay ni Soju yung laptop ko at matibay yung bag. Nung binigay sakin to ni Soju, ito na ang ginamit ko. Ikaw ba naman bigyan ng regalo ng crush mo tapos yung binili niya ay yung gusto mong bilhin, di’ba? Abot langit talaga ang kilig.

Lumabas na ako ng faculty office habang nakasukbit sa balikat ko yung strap ng sling bag ko. Wala ng gaanong estudyante dito sa hallway. Dali-dali kong tinungo ang daan papunta sa parking lot ng University.

Nakakainis talaga kasi sobrang laki ng University na’to. Aabutin ka talaga ng ilang minuto bago ka makarating sa parking lot. Pagdating ko sa parking lot ay agad kong nahagilap si Chan na nasa hood ng sasakyan ko.

“Umalis ka sa hood ng sasakyan, Chan.” Nang mapansin niya ako ay agad siyang umalis sa hood ng sasakyan at hinarap ako habang bitbit niya ang bag niya.

“Kuya…” Hinagis ko sa kaniya ang car key.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob ng sasakyan, umupo ako sa shotgun seat. Umupo rin naman siya sa drivers seat at nag seatbelt.

“Kuya, alam kong apektado ka sa sinabi ni kuya Soju, pero totoo talaga yung sinabi niya na gusto ka niya. Sinabi niya sakin nung ginamot ko siya sa kwarto ko nung nagsuntukan silang dalawa ni sir Rain.”

Walang buhay akong tumingin sa kaniya, “sana nga totoo ’yan. Sana hindi mo gawa-gawa ang storya na ’yan.”

His persuading me about ‘Soju said that he likes me’, I just can’t believe it. And I wouldn’t believe it. He’s straight as f*ck!

“Kuya, totoo lahat ng sinabi ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit… bakit sa ibang tao siya—”

“Chan, tama na. Please.” Mahinahon kong tugon sa kaniya.

“Kuya…”

I patted his head.“Hindi natin pwedeng ipilit si Soju para sakin. Kung may gusto siyang iba, edi masaya na ako doon. Susuportahan ko siya sa kung anong desisyon niya sa buhay niya,” I smiled genuinly at him, “kaya, huwag na nating pag-usapan si Soju, ok?”

“Pero…”

“Chan, please. Para sa ikabubuti  ko at sa ikabubuti rin ni Soju. ’Yan na lang ang isipin mo, ok? Love you.”

May pag-alala sa mga mata nita. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip ng batang ’to ngayon: kailangan ko ng comfort at makakausap.

He smiled to me. “Dahil malungkot ka ngayon. Ako na magluluto ng dinner natin.”

I laughed. “Naku talaga! Ayusin mo lang talaga ang timpla dahil lagot ka talaga sakin.”

“Aye sir!” We both laughed.

Binuhay na ni Chan ang makina ng sasakyan at tinahak na namin ang daan palabas ng University.

Habang tinatahak namin ang kalsada pauwi sa Arcoíris Subdivision ay napa-isip ako bigla. Paano kong totoo yung sinabi ni Chan sakin na gusto rin ako ni Soju? Kung totoo man ’yon, magiging masaya talaga ako. Dahil sa may jowa ka nang pogi, marunong magluto at sweet. Panigurado araw-araw talaga akong kikiligin.

“If there is one, I don’t think I can win against her. I mean, I’m a guy, and the only thing I can give Soju is my affection. Even I am aware of my imperfections. So to go against a woman who can give him everything. I can’t… it’s scary to think about it.”

“Kuya… Stop tormenting yourself with that idea.” Sagot niya habang nakatuon ang pansin sa pagmamaneho.

“Totoo naman ang sinabi ko ah. Wala talaga akong kalaban-laban kahit na babaligtarin ang mundo.”

“Kakausapin ko nalang siya patungkol sa sinabi niya—”

“Chan please! Ayokong lumala ang sitwasyon at isa pa, baka ano pa masabi niya sakin.” Agad akong napayuko.

“But…”

“I’m your older brother, Chan. Please listen to me.”

“Yes, you are older than me. And the fact that I can’t afford seeing you sad because of that damn love! I care for you, kuya. I just want you to be happy. I must’ve talk to kuya Soju.”

I looked at him. While he’s still driving. “If you really care about me, then… don’t talk to Soju, just let him be.” And now he looked pissed.

Inihinto ni Chan ang sasakyan sa gilid ng kalsada. He looked at me dryly. “Are you insane, kuya? I just want to talk to him and I want him to clarify things!” Pinagtaasan niya ako ng boses.

“Chan, pwede ba! Palagi ka nalang nakikialam sa buhay pag-ibig ko! Pwede ba kahit ngayon man lang pabayaan mo ako?! Pabayaan mo akong malungkot dahil ginusto ko ito!”

“Palibhasa kasi puro lalaki ’yang nasa isip mo!”

Yung galit ko ay napalitan ng pagkagulat. Hindi ko inexpect na ganung salita ang lalabas sa bibig niya. Sa dinami-rami na nang pinag-awayan namin ni Chan, ngayon lang niya ako nasabihan ng ganiyang mga salita.

Walang pag-alinlangan akong lumabas ng sasakyan habang bitbit ko ang sling bag ko at naglakad na palayo sa pinaghintuan ni Chan. Nagpaubaya ako sa mga paa ko kung saan nila ako dadalhin.

Sasamantalahin ko na ang sitwasyong ito para makapag-isip at makahinga sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari nitong mga nakaraan.

At dahil sa lalim ng iniisip ko. Hindi ko namalayan na napadpad ako sa dagat. Ang ganda pagmasdan ng papalubog na araw. Isang araw na naman ang matatapos.

Pumunta ako sa puting buhanginan. Kapansin-pansin ang mga tao na nag-e-enjoy sa pagligo sa dagat. May ilan rin na naglalakad lang kasama ang mga kaibigan o kapamilya nila. Napansin ko rin na may isang binata na nakatayo at yung isa naman ay nakaupo sa buhanginan. Halata talaga na seryoso ang pinag-uusapan nila. Tapos ilang saglit lang ay biglang tumayo yung isang binata at hinagkan niya yung binatang nakatayo. They appear to be romantically involved.

Nilapag ko sa buhanginan ang panyo ko at inupuan ko ito. Pinagmasdan ko lang ang araw na papalubog at biglang may tanong na pumasok sa isip ko: kailan ang huli pagkakataon na nakapag me time ako? Actually, hindi ko na matandaan. Puro kasi ako trabaho eh.

“Hi.” Napatingala ako sa nagsalita.

“Hi.” I replied to him.

“Are you alone, sir?”

“Well… sort of.”

This guy looks like his on his mid twenties, he is handsome, tall and fit. Halatang batak sa gym ang batang ’to.

“You appeared to be having a huge problem.” Iyon agad ang naobserbahan niya? Batang ’to masyadong mapag-obserba kahit na ngayon lang kami nagkakilala.

Tumabi siya sa kinauupuan ko.

“Well… yeah.” Sagot ko sa kaniya. Parehong nakatuon ang pansin namin sa dalampasigan.

Wala ni isa sa aming dalawa ang gustong magsalita. Pero binasag niya ang katahimikan sa aming dalawa.

“I have a boyfriend, but his family, specifically his father, is not fond of me. I’m not sure why, as if he truly despises me.”

Napatingin ako sa gawi niya. Kalmado lang siya at mahahalata mo talaga na balat-kayo lang ang pinapakita niya.

“And his father stated that he does not want me to date his son due to my surname. I have no idea what’s going on between my family and theirs.” Marahas na pinunasan niya ang luhang umagos mula sa mga mata niya. “I-I’m s-sorry, I… I… suddenly went out of my thoughts.”

“N-No… It’s ok. It’s fine.” Hinagod-hagod ko ang likod niya.

“I knew you had a problem, too. I just want to reassure you that we can get through this difficult time.” He smiled genuinely to me.

I smiled as well and replied, “I know we’ll gonna overcome this sh1t happening to us. Just keep holdin’ on!”

Chapter 9: Abduct

Chapter 9: Abduct

S H U N

Pagbaba ko galing sa kwarto ko ay tinungo ko agad ang island counter. May nakahanda ng ulam: sunny side-up, tocino, hotdogs at pancit canton. Naalala ko tuloy yung issue about sa pancit canton na may ethylene oxide. Maagang umalis si Chan kaya siya nagluto ng ulam.

Hindi muna ako papasok sa trabaho ngayong araw kasi hindi pa talaga maayos ang pakiramdam ko. Dapat maayos na ako eh kasi nailabas ko na ang mga hinanakit ko kahapon sa isang estranghero na tumabi sakin kahapon sa dalampasigan.

Speaking of that stranger. Hindi ko naitanong yung pangalan niya. Anlaki ng tulong niya sakin kasi kahit papaano ay naibsan ng kaunti ang iniisip ko. Hindi ko rin siya napasalamatan dahil nagmamadali siya nang tumawag sa cellphone niya ang Dad niya.

Bumuntong hininga ako nang kumuha ako ng plato. “Anong gagawin ko rito sa bahay? Ay, oo nga pala, yung lesson plan ko, kailangan ko pa yung tapusin.” Sumandok ako ng kanin sa rice cooker at umupo na sa stool ng island counter. Kumuha na ako ng hotdog at tocino at nilantakan ko na ito.

“Bibisitahin ko sila mamayang hapon.” Sabi ko sa sarili ko habang ngumunguya ng pagkain.

Productive rin naman pala ang araw na’to eh kasi may gagawin naman ako. Nilantakan ko na ulit ang pagkain ko. Kailangan ko ng lakas dahil sasabak ako mamaya sa laban. Kung iniisip niyo na madali lang gumawa ng lesson plan, well, diyan kayo nagkakamali. Kailangan mo ng maraming idea sa utak mo para maging efficient and effective sa klase mo yung ituturo mo sa mga estudyante.

Kaya kung gusto mo maging teacher o passion mo ang pagtuturo. Go! Chase that dream and passion of yours, not people.

Pero bago ang lahat, dapat mong isiping maigi ang desisyon mo, dahil baka hindi pala talaga sa iyo ang pagtuturo. Habang nasa Senior High ka pa lang, isipin mo na talaga ng maigi dahil sa kolehiyo: pera, panahon at pagsisikap ang kakailanganin mo o sa madaling salita ay puhunan para maka survive ka.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko kaagad ang pinagkainan ko. “Grabe  ka Chan, di mo man lang hinugasan pinagkainan mo. Gusto mo talagang ako pa mismo ang maghuhugas. Tsk.”

Nang matapos akong maghugas ng plato ay dumiretso na ako sa study table ko para sumabak sa laban.

∞∞∞

Nilagyan ko ng tig-iisang palumpon ng bulaklak sa itaas ng lapida nina Mama at Papa. Magkatabi lang kasi ang puntod nilang dalawa.

“Ma… Pa… I really missed you so much. Alam kong nasa maayos na kayong kalagayan ngayon. Huwag po kayong mag-alala samin ni Chan dahil maayos lang po kaming dalawa. Naging Adviser na ako, Ma… Pa… Hindi kagaya dati na subject teacher lang. Sapat lang ang sweldo ko sa pang araw-araw na gastusin sa bahay. Kahit papaano ay nababayaran ko ang tuition fee ni Chan. Speaking of Chan, after nung nangyari sa kaniya, sobrang tuwa ko kasi naging mabuti na ulit siya. Tsaka po, anlalaki ng grades niya ngayon dahil sinabihan ko siya na kapag hindi siya nag-aral ng mabuti hindi ko babayaran ang tuition fee niya.

“Pero minsan nag-aaway kami tapos magkakabati kaagad, pero ngayon, hindi kami okay,” napabuntong hininga ako habang inaalala ko ang nangyari kahapon, “pinipilit niya sakin na gusto rin ako ng natitipuhan ko, pero kahit anong pilit niya sakin hindi talaga ako naniniwala. Kaya sabi niya kakausapin daw niya yung natitipuhan ko tapos sabi ko sa kaniya na huwag na kasi baka ano pa sabihin niya sakin. Nakaka stress talaga, tanggap ko naman sa simula pa lang na hindi talaga ’yon magkakagusto sakin. Pero ewan, nasaktan talaga ako nung ilarawan ng natitipuhan ko ang mga katangian ng nagugustuhan niya. Sana buhay pa kayo para may yayakapin ako kapag may problema ako.”

Isang malamig na hangin ang para bang yumakap sa akin. Tila binigyan niya ako ng comfort sa mga sandaling ito.

“Wala kasi akong mapagsabihan ng mga nangyayari sakin, Ma… Pa… Kaya sinadya ko talagang puntahan kayo rito, pagpasensyahan niyo na ang cute niyong anak. Sabagay miss na namin kayo ni Chan, na miss namin pareho yung mga panahon na sabay tayong kumakain. Isang pamilya tayong nag-go-grocery tuwing Sunday. Na miss namin ang panahon na magkasama tayong magpamilya.”

Pinahiran ko ang mga luhang kanina pa pumapatak. “Mahal po namin kayo pareho ni Chan, Ma… Pa…” saka ako tumayo sa pagkakaupo pagkatapos kong haplusin ang lapida nilang dalawa. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon.

Naalala ko pa dati kapag stress na stress ako ay kinakausap ko silang dalawa. Saka ko ilalabas ang mga hinanakit ko tapos iko-comfort nila ako tapos bibigyan nila ako ng advice. Sariwa pa sa utak ko ang mga sandaling ’yon. Good old days.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay agad kong binuhay ang makina at imaniobra ko ang sasakyan palabas ng sementeryo.

Naghahalo na ang dilim at liwanag sa kalangitan nang makarating ako sa bahay. Naka-off ang ilaw ng bahay, sinyales na hindi pa nakakauwi si Chan. Asan kaya si Chan sa mga oras na’to at gabi na di pa siya umuuwi. Iginarahe ko ang sasakyan ko at pumasok na sa loob ng bahay. Kinapa ko sa gilid ng dingding ang switch para i-on ang ilaw. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kitchen area at inihanda ko na ang kakailanganin ko sa pagluluto, habang busy ako sa pag-chop noong manok ay laking gulat ko dahil may dalawang lalaki ang biglang pumasok sa loob ng bahay!

“S-Sino k-kayo?” Lumapit sila sa kinaroroonan ko. “Bakit?! Anong kailangan niyo sakin?!” Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako magalaw!

Nang makalapit silang dalawa sa akin ay agad na hinawakan nung isang lalaki ang mga kamay. “S-Sino ba k-kayo?!” Nagpumiglas ako pero walang saysay dahil sinuntok ako sa tiyan nung lalaking humawak sakin. Napahiga ako sa sahig habang iniinda ang sakit.

Nilagyan ako ng blindfold noong isa pang lalaki tapos duct tape naman ang nilagay niya  sa bibig ko. Tinalian rin ang mga kamay at paa ko.  Abot langit na ang kaba ko sa mga sandaling ito. Nakakapanghina. Naramdaman ko na lang na isinukbit ako sa balikat. Nagpumiglas ako!

“Tumigil ka! Gusto mo bang lagyan ko ng gripo yang tagiliran mo?!” Tugon ng bumitbit sakin. Dahil dun ay hindi na ako nagpumiglas pa, baka totohanin pa niya ang sinabi niya.

Nakarinig ako ng malakas na pagsarado ng pintuan.  ‘Chan! Tulungan mo ako!’

Ilang saglit lang ay nakarinig na ako ng pagbukas ng sasakyan tapos naramdaman ko nalang na humiga na ako sa sasakyan. Pinakiramdaman ko ang paligid. Nasa backseat ako ng sasakyan.

‘Lord, kung ito na ang katapusan ng buhay ko, sana naman hindi sa ganitong paraan!’

Isinirado na niya ang pintuan ng sasakyan dito sa backseat at pumasok ulit siya sa sasakyan. Ilang sandali lang ay naging buhay na ang makina at narinig ko na parang may pumasok sa sasakyan. Abot langit na ang kaba ko sa mga sandaling ito habang nakikiramdam lang dito sa backseat ng sasakyan.

“Yes, boss. Andito na siya sa backseat ng sasakyan,” sabi nung isa sa mga kidnapper. May kausap ata siya sa telepono. “Grabe, boss. Ang cute naman nito. Tsaka, ang liit-liit, mas matangkad pa kaming dalawa kesa sa kaniya. Kaya ayun, isinukbit ko siya sa balikat ko na parang isang sako ng bigas,” dagdag pa niya.

Potragis na compliment yan. ’Pag ako talaga nakalabas dito, ipapa-salvage ko talaga kayong dalawa mga yawa kayo!

“Ay sorry, boss. Ang cute kasi talaga niya eh tapos nag pumiglas siya kaya sinuntok siya nitong katabi ko. Tapos nilagyan ko agad ng blindfold at duct tape ang bibig niya.”

Nangigigil talaga ako! Literal.

“Hala, sorry boss. Sorry talaga. Gusto ka raw kausapin ng katabi ko.”

“Hello, boss? Sorry talaga… Hindi ko naman alam eh, walang sinabi sakin si— sorry talaga boss… Sige pupunta na kami diyan.”

“Hindi raw natin sasaktan iyang taong yan,” dagdag nung isang kidnapper na panay ang sorry sa boss nila.

“Malamang… Tayo pa papatayin ni boss. Pero parang ikaw lang ang malalagot dahil sinuntok mo sa tiyan eh.”

“Aysus, di ’yan. Close kami ni boss eh.”

“Close ka diyan. Ngayon ko lang narinig ang galit na boses ni boss.”

“Ako nga rin eh, nakakatakot.”

Nakinig lang ako sa usapang ng dalawang kidnapper. Ina-annalyze ko ang usapan ng mga yawa na ’to. Ako ang laman ng usapan nila. Kapag nakaharap ko talaga ’yang boss ng mga kidnapper nito; duduraan ko talaga ang mukha niya. Wala akong pakielam kong babae pa siya. Ano naman ang atraso ko sa kaniya para ipa kidnap ako?

“San natin to dadalhin?”

“Malamang sa meeting place natin.”

“Ah okay, sabi ko nga.”

Mas lalo akong kinabahan nang humarurot ang sasakyan. Anong gagawin nila sakin? Ibebenta ba nila ang mga organs ko? Potragis na ’yan. Wag naman sana. Baka isasama nila ako sa bakasyon! Ay bwisit.

Ilang sandali lang ay biglang huminto ang sasakyan at naging dahilan para ito para mahulog ako sa pagkakahiga ko.

Punong-puno na talaga ako! Potragis, ang sakit ng braso ko! Gusto ko na talaga silang pag mumurahin. Wala akong nagawa dahil nilagyan nila ng duct tape ang bibig ko at nakatali pa ang mga kamay ko sa likod.

“Hoy! Patay talaga tayo kay boss nito. Ba’t mo biglang hininto ang sasakyan? Tignan mo tuloy… nahulog. Masyado ka kasing malakas magpatakbo ng sasakyan eh.”

“Hala patay.”

Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan ng sasakyan.

“Tumayo ka diyan.” Anak ng demonyo ka. Eh kung alalayan mo kaya ako para makatayo, diba? Kita mo naman siguro na nakatali sa likod ko ang mga kamay ko. Bwisit na yan. Tanga moments.

“Alalayan mo siyang tumayo uy, sira ka ba? Kita mong nakatali sa likod yung kamay niyan eh.” Sabi nung isang kidnapper na hula ko nasa loob pa rin ng sasakyan.

“Sorry naman di’ba?” Pinaupo niya ako sa sahig ng sasakyan at hinila niya ako. Saan ba nila ako dinala ng mga yawa na to?! Naramdaman ko nalang na isinukbit niya ako sa balikat niya. Ito na naman ako, anong akala niya sakin? Isang sako ng bigas?! Mga wala kayong puso!

Hindi ko maintindihan kong bakit nila ako kinidnap. Wala naman akong atraso kahit kanino ah. Maayos akong nagta-trabaho. Tsaka, yung manok ko! Baka kinain na ’yun ng pusa. Sana naman mahalata ni Chan yung kalat dun at sana naman mapansin niya na nawawala na ang kuya niya.

Nakaramdam ako ng matigas na bagay sa pwetan ko. Naka-upo pala ako sa isang silya. Hindi pa rin nila kinalas yung tali sa mga kamay at paa ko. Pati yung blindfold, hindi rin nila kinuha. Sumusobra na talaga itong mga hinayupak na’to!

Naramdaman ko na parang ako lang mag-isa dito. Hindi ko namalayan na wala na pala yung dalawang lalaking nag kidnap sakin. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yapak na papunta sa kinaroroonan ko.

Naramdaman ko na hinaplos niya ang mukha ko. Tsaka niya dahan-dahan na kinuha ang duct tape sa bibig ko. Pero bago pa ako makapag salita ay idinampi niya ang daliri niya sa bibig ko.

“I know you’re curious what the hell is happening right now.”

Pakiramdam ko sinabuyan ng malamig na tubig ang buong katawan ko matapos kong marining ang boses niya.

Kilalang-kilala ko ang may ari ng boses na ’yun. Hindi ito maaari. Bakit mo ba ’to ginawa sakin? Wala akong kasalanan sa’yo! Nagkamali ako sa’yo, Soju.

“Patawad kong sa ganitong paraan ko ginawa ang bagay na matagal ko ng gustong gawin sa’yo,” he said as his finger on my lips.

I shook off my head. “Anong ibig mong sabihin?! Akala ko ba mabuting tao ka! Ano ba kailangan mo sakin?!”

He heavily sighed. Inalalayan niya akong makatayo habang nakatali pa rin ang mga kamay at paa ko.

“You just misunderstood everything, Shun.” He said as he took slowly took off my blindfold and untie my hands as well as my feet.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. “Wag mong kusutin mga mata mo.” Sabi niya at hinawakan niya ang mga kamay ko. Saka siya tumingin sakin.

“Could you read what’s on the back of the car?”

“Huh? Wala namang car dito eh.”

“Tumalikod ka.” Sabi niya saka niya ako inalalayang tumalikod.

Laking gulat ko dahil tumambad sakin ang trunk ng isang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko. May magagandang desinyo ito: may balloons na kulay puti at pula sa ibabang bahagi ng trunk pati na rin sa itaas nito, may LED lights rin. Sa gitna ay may bouquet ng bulaklak at katabi nito ang human-size teddy bear, may banner pa na nakasabit sa pinaka gitna. Kaya binasa ko ito.

“I Like You, Shun.”

Napatingin ako sa likod ko at abot hanggang tenga ang ngiti ni Soju sakin. “A-Anong ibig s-sabihin nito, S-Soju?”

“I tried to hold it back, but I’ve given up. I can now tell you. I desire to love… you.”

Pakiramdam ko umurong ang dila ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko lubos akalain ang mga salitang binitawan ni Soju mula sa bibig niya. Is this some kind of… prank?

Chapter 10: Confession

Chapter 10: Confession

S H U N

A warm nervous feeling filled my senses as Soju look in front of me.

“Really, I’m worried. I’ll tell you these words after that. We might not be able to smile as much as we once did. I must, however, share this with you. Shun, I like you.”

He likes me…? What the f#ck!

Hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi at ang nangyayari ngayon! Ano to gaguhan lang? He likes someone else, for goodness sake!

“But if you don’t feel the same. You just need to tell me ‘I’m sorry’ and I’ll be fine.” A genuine smile flashes on his lips. Those mesmerizing smile of his’ really suits him well.

“I-I-I don’t understand. Sa pagkakaalam ko may iba kang gusto and probably it is a she.”

“A-Anong ibig s-sabihin?” Now he looks confuse on what I told him.

“Naalala mo pa ba nung nasa bahay ka at nag inuman tayo, tapos nag truth or dare tayo. Saka tinanong kita kong may nagpapatibok ba sa puso mo ngayon at ayun nga diniscribe mo samin ni Chan. You described her by her characteristics. And to think you don’t bat the same way.” Napakamot nalang siya habang ipinaliwanag ko sa kaniya ang sagot sa tanong niya.

“Katangian mo yun, Shun.” Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko parang masusuka na parang natatae ako.

“A-Ano?” Mahinahon kong tugon sa kaniya.

“Diniscribe ko ang mga katangian mo. Which means, ikaw ang tinutukoy ko that time. I mean, ikaw ang nagpapatibok ng puso ko.”

Now I looked puzzled. “So, totoo yung sinabi mo ‘kuno’ kay Chan na gusto mo ako?”

Napakamot siya sa batok niya, “Well… uh… yes.” May galak sa boses niya kaya napasabunot nalang ako ng ulo ko dahil sa inis.

“Uy, bat mo sinasabunutan sarili mo—”

Napatigil ako sa pagsabunot at tinitigan ko siya ng masama. “Alam mo, dahil sa sinabi mo kay Chan.  Hindi kami bati ngayon.”

“A-Anong ibig mong sabihin?”

“Pinilit niya akong maniwala sa kaniya na totoo yung sinabi mo sa kaniya na gusto mo ako. And to think na pinagti-trippan lang niya ako edi hindi ako naniwala sa pinagsasabi niya,” halata ngayon sa mukha niya na nagulat siya sa narinig niya. “Kaya sinabi niya na ika-clarify niya sa’yo yung sinabi mo. Sinabi ko na huwag na kasi baka ano pa masabi mo sakin at ayun, nag-away kami dahil di talaga ako naniwala sa kaniya. In other words, nag-away kami dahil sa’yo, Soju.” Dagdag ko pa.

He held my arms. “Look, I’m so sorry—”

“You don’t have to say sorry. Ako dapat humingi ng tawad dahil na misunderstood lahat ng sinabi mo kay Chan.”

Napakamot siya sa noo niya. “Asan ba si Chan ngayon? Baka masuntok ako nun. Lagot talaga ako nito. Pero—”

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita dahil ninakawan ko siya ng halik. Dahil dun ay napansin ko na biglang nanlambot ang mukha niya.

“What was that for?” Tanong niya habang hawak niya ang ibabang labi.

“Wala lang, I just want to kiss you. Matagal ko nang plano—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niyang hinawakan ang magkabilang mukha ko at idinampi niya ang labi niya sa labi ko.

Nagulat ako dahil biglang may sumabog na… confetti? Kaya napahiwalay kami sa isa’t-isa. “Wow! Ang ganda ng view. May naghahalikan, masarap ba… Paps Soju?” Sabi nung binata na nagpa-confetti.

“Dapat malaki ang talent fee ko dito, Ginoong Soju.” Walang buhay na tugon rin nung cute na binata na may bitbit na kahon ng cake.

“I’m so happy for you, kuya. Sa wakas ay nasabi mo na rin.” Saka ngumiti yung binata na may bitbit rin ng box ng pizza.

“Salamat sa inyong tatlo,” sabi ni Soju habang nasa balikat ko ang braso niya.

“Hindi mo pa nababayaran talent fee namin, tsaka yung renta ng kotse ko, Paps. Nangangailangan talaga kaming tatlo ngayon, kaya bayaran mo na kami.” Pagmamaktol nung binata na may mahaba ang buhok. Siya rin yung nagpa-confetti.

Walang kung anu-ano ay sinapak siya nung binata na may bitbit ng pizza. “Siraulo ka talaga, Enzo. Kita mong nagmo-moment pa yung dalawa tapos ikaw–hay naku!”

“Aray naman, babe. Ansakit ng pagkakasapak mo sakin.” Sagot nung Enzo ang pangalan.

“Sila yung tumulomg sakin sa pag-set up nito at sa kanila rin ako humingi ng idea for the surprise.”

“Ah ganun ba? Ang ganda ng decorations at grabe nakakakaba ang sorpresa mo.” I fake a smile.

“Siya nga pala, Shun. Ito si Enzo,” tinuro niya yung binata na may mahabang buhok at nag-wave siya sakin. Ngumiti lang ako. “Ito si, Kane.” Lumapit siya sa binatang may bitbit ng pizza at hinawakan ang braso nito. Nginitian niya ako at ganun rin ako sa kaniya. “Tsaka, ito si Haje.” Lumapit siya sa binatang may bitbit nung cake at ginulo ang buhok nito. Kaya dahil dito ay sinamaan niya ng tingin si Soju at tumawa lang ang kumag.

“Nice to meet you all. I’m Shun… Shun Lawrence.” I waved my hands.

“Hello po,” they both said in unison.

“Ang cute niyo namang tatlo. Para kayong minions.” Sabi ko kaya tinakpan ko kaagad bibig ko gamit ang palad ko. Ba’t ko yun nasabi?

“I like him, Paps.”

“Yeah.”

“I-add ko na siya sa GC natin, Haje.”

Napatingin ako kay Soju. “Na-offend ko ba silang tatlo?”

Inakbayan ulit ako ni Soju. “Hindi. Ibig nilang sabihin approve ka nila para sakin.”

“A-Ahh. Ganun b-ba?”

“Nag-aaral ang tatlong iyan sa Rainbow University.” Nagulat ako dahil sa sinabi niya.

“Oh? Talaga? College na kayo, kids?” Tanong ko sa tatlong binata.

Sabay na tumango ang tatlo. Para talaga silang minions tsaka yung amo nila ay si Soju.

“Ah, ganun ba. Teacher nga pala ako sa Rainbow University. Nagtuturo ako sa Senior High Students.” And a genuine smile flashed on my face.

“Hala, teacher ka po pala? Sorry po,” sabi ni Enzo.

“Nice to meet you, sir.” Kane and Haje said in unison. And I smiled to them.

Humarap ako kay Soju at tinignan ko siya ng masama. “Oh, bakit ganiyan ka makatingin sakin?”

“Akala ko na-kidnap na ako! Abot langit ang kaba ko, alam mo ba yun?!”

“Sabi ko naman sa’yo, Ginoong Soju na ibang paraan nalang eh,” sabi ni Haje.

“Ilabas mo yung dalawang alipores mo! Gusto kong bugbugin yung nagbitbit sakin! Binitbit niya ako na parang isang sako ng bigas!”

Tawang-tawa si Soju sakin. May saltik ata sa utak ’tong taong ’to. Gwapo nga, may saltik naman ang utak.

“Pinapunta ko muna sa bahay niyo yung dalawa. ’Wag kang mag-alala babalik rin naman sila.”

“Mamaya na kayo mag-away diyan, lovebirds. Buti pa’t pumunta na tayo sa bahay ni Paps Soju para kainin na natin ’tong dala ni Haje at Kane,” sabat ni Enzo sa usapan namin ni Soju.

Nauna na maglakad ang tatlong binata palabas nitong open court. Habang papalayo sila ay hindi na muna kami sumunod sa kanila.

Soju kissed my cheek. “May naalala lang ako, Soju.”

“Hmm-mm?” Saka siya lumapit sa trunk ng sasakyan ni Enzo at kinuha ang bouquet ng bulaklak.

“Nung time na hinalikan mo’ko. Yung pumunta ako sa bahay mo para hatiran ka ng ulam.”

“What about that?”

“Gusto mo na ba ako nung mga panahon na ’yun?”

Humarap siya at ibinigay niya sakin ang bouquet ng bulaklak.

“The first time na nakita kita. I felt something indescribable feeling inside me like it’s a warm nervous feeling. And I told myself that ‘lilipas lang ito’. Pero nagkamali ako. Mas lalong lumalim ang pagtingin ko sa’yo, Shun. Lagi na kitang iniisip, hinding-hindi ka mawala sa isip ko. Bukod sa hindi ka mawala sa isio ko ay gustong-gusto rin kitang halikan, alagaan at pagsilbihan. At lagi kong natatanong sa sarili ko na baka hindi mo rin ako gusto.”

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Matagal niya na rin pala akong gusto. And to think na nahirapan rin siyang mag-confess sakin.

“The feeling is mutual, Soju.” I smiled genuinely at him.

Without further ado. He kissed me passionately on the lips.

∞∞∞

Habang nilalantakan namin ang pagkain na dala nina Haje at Kane ay napatingin ako sa dalawang lalaking kakarating lang sa loob ng bahay ni Soju.

“Boss, grabe talaga.  Galit na galit yung tao sa bahay ni—” hindi niya natapos abg sasabihin niya dahil tinitigan ko nang masama ang dalawa.

“Hala,” sabi ng lalaking katabi nung unang nagsalita.

Tumayo ako sa pagkakaupo at hinarap ko silang dalawa habang naka-krus ang braso. “Sino sa inyong dalawa ang bumitbit sakin na parang isang sako ng bigas.”

“Siya,” sabay na tugon nila habang tinuturo ang isa’t-isa.

“Sino?!” Pasigaw na tugon ko sa kanila.

“Siya.” Tinuro niya yung lalaking nasa kaliwa niya. Siya yung nagsabi ng ‘Hala’.

“Ah, ikaw pala. Anong feeling nang pagbitbit mo sakin na parang isang sako ng bigas?” Hindi siya sumagot at napayuko nalang siya.

Napatingin ako sa taong nagsalita sa kanan niya. “Ah Sir. Ano… Kasi… Acting lang talaga namin ni Boss yung kanina na parang nagalit siya sa’min. To sum up, act—”

“Ganun ba? Alam niyo ang ganda ng prank niyo.” Ngayon, napatingin ako kay Soju habang busy na kumakain ng pizza.

“B-Bakit?”

Walang anu-ano ay sinugod ko siya pero mas mabilis siya sakin kaya napatayo siya agad at tumakbo siya sa kusina niya kung saan may pintuan rin doon na pwedeng labasan. Patakbo akong sumunod sa kaniya.

“Hinding-hindi talaga kita mapapatawad sa ginawa mo sakin, Soju! ’Pag naabutan kita lagot ka talaga sakin!”

Nakalabas na siya sa kusina niya at sumunod rin ako sa kaniya. “Sorry na, Shun! Wala kasi akong ibang maisip na paraan na exciting eh,” sagot niya habang habol-habol ko siya. Nauna siyang nakalabas ng gate bago ako. Kaya mas binilisan ko ang takbo ko.

“Lagot ka talaga sakin na kumag kaaaa!” Pasigaw kong sabi habang hinahabol siya. Tumatawa lang siya habang tumatakbo.

“Bilisan mo ang takbo mo!” Pasigaw niyang tugon sakin kaya napahinto ako at naghabol ng hininga. Bushet, ang bilis niyang tumakbo.

Nakalabas na ako ng gate ng bahay niya at di ko na siya nakita pa. Asan na kaya yung taong yun. Grabe, ang bilis niyang nawala. Nang ayos na aking hininga ay naglakad nalang ako papunta sa bahay namin baka sakaling doon siya nagpunta.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa amin. Habang tinatahak ko ang daan pauwi ay napa-isip ko kung nakauwi na ba si Chan sa bahay. Nakauwi na siguro yun, anong oras naman na.

Pumasok na ako sa gate at tinahak ko ang daan papunta sa main door. Pinihit ko kaagad ang door knob pabukas. Naabutan ko si Chan na kumakain sa island counter habang kinakausap siya ni Soju. Napatingin sa gawi ko si Chan. Agad siyang tumayo at lumapit sakin. “Kuya…” saka siya yumakap sakin ng mahigpit.

“Bakit ka umiiyak, Chan? Anong nangyari?”

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin. He wiped his tears. Kaya hinawakan ko ang magkabilang braso niya.

“Bakit ka umiiyak? Inaway ka ba ng isa diyan?”

Narinig kong mahinang natawa si Soju. Umiling-iling lang si Chan bilang sagot sa tanong ko.

“Sorry kuya sa mga salitang binitawan ko. Nadala lang ako nang emosyon ko.”

“Aysus. Ano ka ba. Wala yun, naiintindihan naman kita kung bakit mo nasabi yun. Ako dapat humingi ng tawad kasi inakala ko na hindi totoo yung sinabi mo—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

“Kuya, hindi na tayo dapat magsisihan pa.”

Ngumiti ako saka ko siya niyakap.

“Sinabi sakin ni kuya Soju na totoo talaga yung sinabi niya sakin na gusto ka niya at sincere siya sa’yo.”

Kumalas siya sa pagkakayakap ko at tinignan ko ng masama si Soju na nasa stool ng island counter naka-upo. Lumapit ako sa kaniya. “Speaking of the devil, hindi pa ako tapos sa’yo!”

Tumawa si Soju pati na rin si Chan.

“Wow, tawang-tawa kayong dalawa ah,” sabi ko.

Tumingin si Chan kay Soju. “Bakit sa ganung paraan mo pa kasi naisipang mag confess kuya Soju, ayan tuloy.”

“Gusto ko kasi may thrill eh, alam mo yun para may excitement,” saka siya bumuhakhak ng tawa. Siraulo talaga tong poging guard na’to.

Hinila niya ang kamay ko kaya napalapit ako sa katawan niya. Saka niya niyakap ang katawan ko.

“Sorry na, Shun. Hindi mo na ba ako mapapatawad? You know, pagod na pagod ako sa trabaho ko.”

I heavily sighed. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Parang nanlalambot ang puso ko nang marinig ko na pagod na pagod siya sa trabaho niya.

“Pag-iisipan ko muna kong papatawarin ba kita.”

“Hala siya,” aniya habang nakayakap pa rin sa katawan ko.

“Huwag kang magreklamo diyan. Kasalanan mo rin naman eh.”

“Patawarin mo na ako, please. Cute ka naman eh.”

“Hindi ganun kadali magpatawad, Soju. Lalo na yung prank mong nakakakaba. At alam kong cute ako kaya di mo ako madadala sa ganiyan-ganiyan mo.”

“Okidoki, lovebirds! Baka nakakalimutan niyo na andito pa ako. And in front of my food?!”

Napatawa ako sa sinabi ni Chan kaya kumalas na si Soju sa pagkakayakap niya sakin saka ko ginulo ang buhok ni Chan.

“Buti naman at niluto mo yung manok,” sabi ko.

“Oo kuya, gulat na gulat ako kanina kasi mga dalawang lalaki ang nagpunta dito—”

“Anyway, kumain ka lang diyan at ako ay matutulog na. Naiistress ako sa mga nangyari ngayong araw,” sabi ko at nagsimula nang lumayo sa kanila.

“Shun, please. Patawarin mo na ako,” pasigaw na tugon Soju.

“Please forgive me mukha mo,” pasigaw ko ring tugon sa kaniya nang nasa hagdan na ako.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Ano ganun-ganun lang yun? Paglalaruan ko muna siya dahil deserve niya yun! Awayin niyo na ako at wala akong paki! Papunta palang tayo sa exciting part.

Chapter 11: Stressed

Chapter 11: Stressed

S H U N

“Alam niyo naman na hindi mabuti ang mang-backstab eh. Pero bakit mo naman ginawa yun, Chin?”

“Totoo naman kasi na slow siya eh,” ani Chin.

“Aba! Edi ikaw na fast learner. Ikaw na! Nakakainggit ka naman!” Pasigaw na tugon niya kay Chin kaya napatingin sa amin ang ibang teachers dito sa faculty office.

“Prim, calm down. We’re on the faculty office. Please, minimize your voice.” Sabi ko kaya umayos ng upo si Prim. “So, ang puno’t-dulo nito ay; binackstab mo, Chin si Prim kasama ang mga kaibigan niya. Tapos, sinabi sa iyo, Prim ng kaibigan mo na nakasabayan ni Chin ang tungkol sa’yo. Kaya sinabunutan mo itong si Chin,  dahil sa galit,” tumango-tango lang si Prim.

Napahilot na lang ako ng sintido ko. Nakaka stress ang mga kabataan ngayon. Please lang!

Bakit pa ba sinabi ng kaibigan ni Prim yung pang backstab ni Chin. Kung alam ng kaibigan ni Prim na away ang patutunguhan nito. At bakit sa kaibigan pa ni Prim sinabi ni Chin yung pagka slow kuno ni Prim. Jusko, mang backstab na nga sa kaibigan pa talaga ng bina-backstab.

“Girls, listen. Backstabbing is a childish action. Pwede rin naman na kausapin mo nalang siya eh na ganiyan-ganito, hindi mabuting paraan ang pang backstab. Prim, nung nalaman mo na binackstab ka, hindi ka sana nagalit agad. Bagkus ay kinausap mo muna si Chin ng masinsinan. At ikaw, Chin. Kinausap mo rin sana si Prim. Hindi sana aabot sakin itong issue na’to eh kung marunong lang kayong mag-usap ng mahinahon at hindi init ng ulo ang pinairal niyo.”

Napayuko ang dalawang dalaga, “Sorry Sir Shun.” Sabay nilang sabi.

“Hindi kayo dapat mag sorry sa akin, humingi kayo ng tawad sa isa’t-isa.” Mahinahon kung tugon sa dalawang dalaga.

“Sorry, Chin.”

“Sorry rin, Prim.”

“Kung may tao kayong hindi niyo gusto, wag kang mag-atubiling kausapin siya. Mag heart-to-heart talk kayo. Hindi iyong idadaan niyo sa pang backstab. Always remember, communication is the key.”

“Kung communication is the key, Sir Shun. Edi nasaan ang lock?” Seryosong tanong ni Chin.

That caught me off-guard.

“Hoy Chin. Pinagsasabi mo diyan. Sira ka talaga.” ani Prim.

“Nagtatanong lang naman ako, Prim ah. Masama ba magtanong?”

“Kung ako sa iyo, Chin. Umalis na kayo bago pa magdilim ang paningin ko. Ok?”

“O-Okay, Sir Shun.” They both said in unison.

“Ok, you can go now. ’Pag may nabalitaan na naman akong hindi maganda sa classroom. Ewan ko nalang sa inyo.”

Tumayo sa pagkakaupo ang dalawa. “Sige, Sir Shun. Mauna na kami,” ani Chin.

“Bye, Sir.” Ani Prim at sabay na silang lumabas ng faculty office.

Pinaikot ko ang swivel chair ko paharap sa table ko. At hinilot-hilot ko ang sintido ko. Sumasakit ang ulo sa mga nangyari ngayong araw, jusko.

“Sir Shun! Wow! Ngayon lang kita nakitang seryoso ah.”

“Ano ka ba, Sir Fred. Nakakagulat ka naman.” Bigla kasi siyang sumulpot sa gilid ng table ko.

“Ay sorry naman. Pero seryoso, nakakatakot ka pala ’pag nag seryoso, noh?”

“Lagi mo kasi akong nakikitang masaya eh.”

“Sabagay, tama ka naman. Oh! Siya nga pala. May naghahanap sa’yo sa labas I mean, may gwapong lalaki ang naghihintay sa’yo sa labas ng office.”

“G-Gwapo…?” Sino naman ang maghahanap sakin? Tsaka, gwapo raw?

“Sigurado ka ba na ako ang hinihintay nung taong yun?”

“Oo nga, ikaw lang naman ang nag-iisang Shun Lawrence na kilala ko eh. Dismissal naman na, Sir Shun. You can go home na.”

Tinignan ko lang siya ng seryoso. As if ini-examine ko siya.

“What?”

“Nothing.” Dali-dali kong inayos ang mga papel sa table ko at nilagay ko sa bag ko yung cellphone ko at umalis na sa faculty office.

Paglabas ko sa faculty office ay bumungad sakin ang kumpulan ng mga estudyante. Anong meron at nagkukumpulan sila? Para silang sardinas na nagsisiksikan sa lata.

“OMG! Napakagwapo naman niya!”

“Are you a Kpop Idol?”

“Sino po ba hinahanap niyo?”

“Kuya pogi! Buntisin mo ako!”

Na alarma ako sa mga pinagsasabi ng mga estudyante! Jusko! Anong klaseng behaviour yan!

“Excuse me.” Sabi ko at nakipag siksikan ako sa kanila. At laking gulat ko nang makita ko ang rason ng kumpulan ng mga estudyante sa labas ng faculty office.

“W-What the hell are you doing here, Soju?”

“Oh, there you are. I came here to fetch you.” Lumapit siya sa akin at hahawakan sana niya ang kamay ko pero inilayo ko sa kaniya ang kamay ko.

Nagtilian ang nga estudyante dahil sa sinabi niya.

Sinimangutan ko lang siya. “Nag text ka sana na pupunta ka dito.”

“Eh, na excite kasi akong puntahan ka eh.” Nagtilian ulit ang mga estudyante. “Buti nalang at nakita ko yung isang teacher at sinabi ko sa kaniya na hinahanap kita.”

“Grabe ang gwapo niya talaga! Tao pa ba siya?

“Bes! Ang gwapo talaga niya, nasa heaven na ba ako?”

“Kuya pogi, anong pangalan mo?”

Aish! Mga batang to.

Humarap ako sa nagkukumpulang estudyante. “Would you please stop this non sense? It’s already dismissal time and yet you are here making fuss of someone’s business. If I were you I’d rather go home now and make my homework.”

Ilang sandali lang ay unti-unti na silang nag-alisan sa kinaroroonan namin.

“Huwag mo namang pagalitan ang mga bata,” sabi ni Soju sa likod ko. Humarap ako sa kaniya saka niya hinawakan ulit ang kamay ko.

Ilang saglit ko siyang tinitigan ng masama at hinila ko siya palabas ng building. Nagpahila lang rin naman ang kumag.

Huminto kami sa hallway at hinarap ko siya. “Ano ang nakain mo at pumunta ka rito?”

Napayuko siya at yung kamay niya ay nasa likod ng ulo niya. “Kasi… Na-miss kita. At hindi mo pa ako napapatawad.” He said in a low voice. Ang cute niyang tignan. Para siyang bata na napagalitan. So adorable.

“Alam mo… Mas lalong hindi kita mapapatawad kasi bigla-bigla ka nalang pumunta sa school at hindi ka man lang nag text, ayan tuloy pinagkaguluhan ka ng mga estudyante.”

“Sorry na kasi.”

“Anong sorry? Bahala ka diyan. Manigas ka.”

“Ano ba ’yan,” he then pouted his lower lip.

For goodness’ sake! Nate-tempt akong halikan siya. He’s so cute and adorable. Bushet ka, Soju!!!

“Ba’t ang gwapo ng ayos mo ngayon? May lakad ka?” Pag-iiba ko ng usapan.

Bagay na bagay sa kaniya ang suot niya na; blue polo shirt and paired it with light gray trouser and to complete his look he wore white sneaker.

San kaya pupunta ang kumag na’to?

Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay at nagsimula kaming maglakad. “May lakad tayo,” a genuine smile draw on his lips.

Ito ang isa sa rason kung bakit ko nagustuhan si Soju. He’s so warm-hearted person, kind, and he’s a cheerful person. Naalala ko pa dati na tinanong ako ni Chan kung ano ang nakita ko kay Soju at wala akong naisagot sa kaniya. Pero ngayon, may maisasagot na ako. Habang tumatagal ay mas nakilala ko siya.

“T-Tayo?” Tanong ko habang hila-hila niya ako. Hindi siya sumagot, pero alam ko ang lapad ng ngiti niya ngayon. “A-Ayoko, Soju. M-Masakit ang ulo ko eh.”

Biglang huminto si Soju at hinarap niya ako. Pero bago pa siya makasagot ay biglang may nagsalita sa likod niya. Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Hindi ko inaasahan na makikita niya kaming dalawa ni Soju dito sa school.

“Get a room guys,” yan ang salitang binitawan ni Rain. Dahil sa sinabi ni Rain ay tinago ako ni Soju sa likod niya.

“Oh, hi mate,” sagot niya kay Rain.

“Oh, ba’t mo tinago si Shun?”

“Well, alam mo na… maraming ahas sa gubat. Ayokong matuklaw si Shun ng ahas.”

“Ah, that’s kinda wild though—”

“Yes, it is.”

“I bet you guys are enjoying each other’s company. Ah, sana all.”

“Ganun talaga kapag mahal niyo ang isa’t-isa. Komportable talaga kami sa isa’t-isa kasi nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay. Tsaka, ganun naman talaga dapat, di’ba?”

Tumingin ako kay Rain, kapansin-pansin na nasaktan siya sa mga sinabi ni Soju. Kanina ko pa naramdam na parang napako ako sa kinatatayoan ko habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

Ramdam na ramdam ko rin ang tensyon nilang dalawa.

Rain chuckled a bit. “Well, definitely. Oh, I gotta go.”

“Oh? Di diyan ang daan papuntang gate ah.”

“Ah, kasi babalik ako sa faculty office. May naiwan akong importanteng bagay… ang paki ko,” Rain just smiled at Soju and he stared at me in a second then he left with his sling bag on.

“Siraulo pala yung taong yun eh.”

“Ano ba pinagsasabi mo, Soju?” May galit sa boses ko kaya hinarap niya agad ako.

“B-Bakit?”

“Tsk. Wala!” At nauna na akong maglakad sa kaniya.

“Shun, punta tayong food court! May alam akong kakabukas lang na food court!” Pasigaw niya sabi habang papalayo ako sa kaniya.

∞∞∞

“San ba banda?” tanong ko sa taong nasa shotgun seat.

“Diyan lang sa malapit. Malapit lang sa flower shop ni Kane.”

“Ay, ayun nakita ko na yung food court.”

“Yey! I’m so excited!”

Para kaming timang kanina sa parking lot ng school kasi nagbabangayan kami. Ayoko kasing kumain gusto ko lang sana magpahangin sa plaza, tapos si Soju gusto niya raw kasing kumain. Ilang minuto rin kaming nagsagutan. Kung hindi lang tumawag si Chan baka nasuntok ko na siya sa mukha.

“Mauna ka nalang umuwi, Chan. May pupuntahan ako ngayon.”

“San kuya?”

“Plaza.”

“Ikaw lang mag-isa?”

“Hindi. Kasama ko si Soju.”

“Alam mo kuya… May bagong bukas na food court. Feeling ko masasarap pagkain nila. Mag take-out ka kaya kuya para sakin.”

Napahilot ako sa sintido ko.

“Sige na kuya, please.”

Tinignan ko ng masama si Soju. Tinignan niya rin ako na parang nagtataka.

“Owkey.”

“Yes! Thanks, kuya. Babush. Enjoy kayo.”

Chan ended the call.

“Panalo ka na. Sa food court tayo. Gustong mag take-out ni Chan.”

Tuwang-tuwa si Soju sa sinabi ko kaya pumasok na ako sa kotse ko at ganun rin siya.

After I parked my car. We immediately hop out on my car and we hurriedly went to the entrance.

Pagpasok namin ay kapansin-pansin ang ganda ng ambiance dahil sa lightings. Ang gaganda ng mesa at upuan nila na nasa gitna habang yung food stall ay nasa gilid lang.

May ilan nang kumakain at yung iba ay nasa food stall pa para bumili. May mag-anak, magkaibigan at mag jowa na kumakain.

“Anong gusto mong kainin, Shun?” tanong ni Soju sakin.

“Ang gusto kong kainin ko ay… ikaw.”

“A-Anong i-ibig mong sabihin?”

“Huh? Ah, wala. Tara na nga mamili na tayo ng kakainin.” Agad kong pinuntahan yung nagbebenta ng churoz, tapos sa milktea at donut. At may isang food stall ang nakakuha ng atensyon ko. KOREAN FOODS STALL. Walang pag-aatubili akong pumunta sa stall.

“Hi, Sir. Good evening,” saka ako binigyan ng menu nung nagtitinda.

Mukhang mag-eenjoy talaga ako ngayon. Magpapapakabusog ako ngayong gabi. Thanks Chan at tumawag ka kung hindi ka tumawag edi di nasa plaza lang ako ngayon nagpapahangin. Hinanap ko sa menu yung korean food na matagal ko ng gustong kainin.

“One bowl of cheesy tteokbokki, tsaka two pieces of classic corndog at isang bowl ng black noodles.”

“Ok Sir. Maupo na muna kayo, Sir. Ihahatid po nalang namin ang order niyo,” he then smiled to me.

“Sige,” sagot ko nalang. Shocks, natatakam ako.

“Sigurado ka ba diyan, Shun?” Andito pala si Soju sa likod ko.

“Oo, bakit?”

“Mabigat na sa tiyan yung black noodles tapos may churoz, milktea at donut ka pa.”

“Edi kainin mo rin itong binili ko. Bumili ka na rin ng gusto mong kainin, tsaka, bumili ka na rin ng panulak natin.”

“Sige, ikaw na maghanap ng pwede nating maupuan,” saka siya umalis at humanap na ako ng mauupuan na medyo malapit lang sa stall nung Korean food stall.

Habang naghihintay ay nilalantakan ko ang churoz ko. Ilang minuto lang ay dumating na si Soju dala ang churoz at dalawang box ng donut.

“Ba’t dalawang box ng donut?”

“Sa akin yung isang box tapos bibigyan ko sina Haje, Kane at Enzo. Tsaka, yung drinks natin ay drinks ay fruit juice. Ihahatid raw nila maya-maya.”

“Ahh ok.”

“Here’s your order Sir.” Saka nilapag nung lalaki ang bowl ng tteokbokki, corndog at yung bowl ng black noodles. “Enjoy your food, Sir.”

“Kamsahamnida,” sagot ko at ngumiti lang siya.

Tinikman ko agad yung tteokbokki gamit yung chopsticks. “Wow! Kaya pala.”

Ang sarap ng lasa niya. Hindi pa ako nakakatikim ng ganitong lasa. It’s like a pasta type of taste. The texture is a big rice. I love the chewiness. Kaya nilantakan ko na ang tteokbokki ko.

“A-Akala ko ba hindi ka gutom, Shun?” Hindi ko na pinansin si Soju at nagpatuloy lang ako sa pag kain. Nakatikim na ako ng corndog at black noodles before, pero itong tteokbokki pa ang hindi. Sulit na sulit ang pagpunta ko dito.

S O J U

Sarap na sarap siya sa pagkain niya kanina, ngayon ang lalim ng tulog niya shotgun seat ng sasakyan niya. Nakasandal ang ulo niya sa bintana ng sasakyan. Nakatulog dahil sa kabusogan. Andami niyang kinain kanina, nag stress eating ata to eh. Inakala ko na hindi siya gutom pero akala ko lang pala yun.

Nang maubos niya ang yung mangkok ng tteokbokki ay nilantakan niya agad yung black noodles. And guess what? Siya lang kumain. Nang maubos niya ang black noodles ay dun naman siya sa corndog, binigay niya sakin yung isa.

FLASHBACK

“Ang sarap talaga nitong corndog,” wika ni Shun habang ngumunguya.

Kumagat ako ng unti at nginuya ito. “Hindi naman masarap eh.”

Sinamaan niya ako ng tingin.“Edi akin na lang yan.”

Hindi na ako sumagot at kinain nalang yung corndog na bigay niya.

“Dito ka lang, magti-take-out lang ako para kay Chan,” sabi niya at agad rin naman siyang umalis at pinuntahan ang Korean food stall.

Napatingin ako sa table namin. Naubos niya lahat ng binili niya—except sa milktea. Jusko, Shun.

“Let’s go?” ani Shun nang makabalik siya na may bitbit na dalawang itim na sando bag.

Binitbit ko ang corndog ko tsaka sa kabilang kamay ko naman ay yung dalawang box ng donut. Tinungo agad namin ang parking space.

“Ikaw na magmaneho,” hindi na ako umimik at binigay niya sakin ang car keys. Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng sasakyan after that I immediately hop in in the driver’s seat at nagmaneho na ako pauwi.

END OF FLASHBACK

Ilang minuto nang huminto ang sasakyan ni Shun sa tapat ng bahay nila pero hindi ko siya kayang gisingin. He’s sleeping peacefully like an angel.

“Hindi! Hind pwede!” Pagalit na wika niya habang nakapikit ang mata. Mukhang nananaginip siya. “Hindi pwede!”

“Shun, nananaginip ka!” Inalog-alog ko ang magkabilang braso niya.

“Hindi pwede!” Ngayon ay pinaghahampas niya ako. Gising na siya.

“Shun, tumigil ka nga!”

“Taksil ka!”

“Huh? Ako?”

“Umalis ka na nga! Mas dinagdagan mo pa ang kasalanan mo sakin!”

“T-Teka—”

“ALIS!”

Napakamot ako sa batok ko. Naguguluhan man ay kinuha sa passenger’s seat yung dalawang box ng donut saka ako lumabas ng sasakyan.

Lumabas rin si Shun sa sasakyan niya bitbit ang itim na sando bag at dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

What was that? Hindi ko alam kong anong nagawa ko sa kaniya. “What the hell is going on with you, Shun?”

Chapter 12: Make love

Chapter 12: Make love

S H U N

Pagkatapos kong mag take-out ay bumalik agad ako sa table namin ni Soju.

“Let’s go?” sambit ko at agad rin naman siyang tumayo bitbit yung corndog na bigay ko at sa kabilang kamay niya ay bitbit niya ang dalawang box ng donut. Hindi po siya nahihirapan, opo. Tinungo na namin ang parking space ng food court.

“Ikaw na magmaneho,” binigay ko sa kaniya ang car keys. Inubos na niya ang corndog niya. Hindi lang siya umimik saka pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Nang makapasok ako ay nilapag ko sa passenger’s seat yung tinake-out ko.

Sumakay na rin si Soju sa loob ng sasakyan at nilagay niya rin sa passenger’s seat yung dalawang box ng donut.

Diet ata si Soju kasi churros, corndog at yung fruit juice lang ang nilantakan niya. Ano ba pakielam ko, katawan niya yan. Basta ako, busog na busog ako.

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot niya ito pauwi sa Arcoíris Subdivision. Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Nakikiramdam kung sino sa aming dalawa ang gustong magsalita. Iniisip ko pa rin yung mga kinain ko. OMG, ang sarap.

Nakapasok na kami sa Subdivision at tinungo na namin ang bahay ko. Kapansin-pansin na may lalaki na nakatayo sa labas ng gate namin. And he really looks so familiar to me.

“R-Rain? Anong ginagawa niya sa labas ng bahay namin?”

Agad na huminto ang sasakyan sa di kalayuan sa pwesto ni Rain tapos walang pag-alinlangan na lumabas ng sasakyan si Soju at pinuntahan niya si Rain saka niya ito mapusok na hinalikan…?

Nakatalikod sakin si Soju habang naghahalikan sila tapos yung mata ni Rain ay parang nangungutya!

“Hindi! Hindi pwede!” Pakiramdam ko ay napako ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw! “Hindi pwede!”

Matapos ang ilang segundong paghahalikan nilang dalawa ay pareho silang tumingin sa kinaroroonan ko saka ngumiti silang dalawa ng matamis sa akin.

“Shun, nananaginip ka!” Inalog-alog ako ni Soju dahilan para magising ako.

“Hindi pwede!” Saka ko pinaghahampas si Soju.

“Shun, tumigil ka nga!”

“Taksil ka!”

“Huh? Ano?”

“Umalis ka na nga! Mas lalo mo pang dinagdagan ang kasalanan mo sakin!”

“T-Teka—”

“ALIS!”

Napakamot siya ng batok niya saka dali-dali niyang kinuha yung dalawang box ng donut sa passenger’s seat at lumabas na ng sasakyan ko.

“Pokinginang panaginip yun,” dali-dali akong lumabas ng sasakyan ko dala-dala ang sando bag na pinaglagyan ko ng take-out at tinungo na ang bahay namin.

Naabutan ko si Chan sa sala na nakaupo lang sa sofa at tutok sa cellphone niya. “Chan…” saka ko nilapag sa coffee table ang sando bag. “Ayan na tinake-out ko.”

Nabaling agad ang tingin niya sa sando na nasa coffee table saka siya tumingin sakin. “Kuya, anong nangyari sa’yo? Para kang pinagtaksilan ni—”

“Huwag mo na tapusin ang sasabihin mo, please lang.”

Chan looked puzzled. “P-Pero ano ba nangyari at ganiyan ang mukha mo?”

“Stress lang ako, brother. Nothing to worry about.”

“Ba’t ka masi-stress eh nag date—”

“Chan,” mahinahon na tugon ko sa kapatid ko.

“S-Sorry, kuya.”

“Kainin mo na lang yang korean foods na tinake-out ko. Masarap ang mga yan at alam kong pamilyar sa’yo ang mga putahe na yan,” may ngiti siya labi habang binitbit niya patungo sa island counter yung dalawang sando bag na may lamang pagkain.

Umakyat na ako sa kwarto ko, nilapag ko sa study table ko ang sling bag ko nagpatihaya na sa kama ko.

Nakaka-stress ang araw na’to. Grabe na talaga. Gusto ko nalang maglaho, pero hindi pwede. Wala nang bubuhay kay Chan at wala nang magka-crush kay Sojubels.

Sighing. Speaking of Soju, hindi ko alam kong may label kami eh. He just confessed his feelings to me. Mas lalo akong naiistress, jusmeyo. Isa pa yung panaginip akala ko totoo. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sasakyan ko. 

Wala sa sarili akong bumangon at nagbihis ng pantulog tsaka humiga na ulit sa kama ko hanggang sa dalawin ako ng antok.

∞∞∞

Naramdaman ko na may sumusundot sa ilong ko dahilan para imulat ko ang mga mata ko. Madaling araw na pala. Hay naku, ayaw ko na muna bumangon. I stretched my body and something is really poking my nose. Napatingin ako sa gilid ng kama ko at laking gulat ko nang makita ko si Soju na nakahiga sa kama ko. His smiling from ear to ear.

I rubbed my eyes. Maybes this is just a dream. And to my surprise, hindi siya nawala sa paningin ko, so,  totoo pala talaga na andito siya…?

“Anong ginagawa mo dito? Tsaka—” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya lang bigla ang noo ko.

“I got up early because I need to speak with you about what happened yesterday. But before that…” Inilapit niya ang katawan ko sa katawan niya at niyakap niya ako at naging unan ko ang maskuladong braso niya.

“Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso mo, Shun,” he then kissed my head. Wala akong masabi dahil pakiramdam ko umurong ang dila ko sa mga sandaling ito, pati ang pagtibok ng puso sobrang lakas.

“Alam kong nagtataka ka kung paano ako nakapasok dito sa bahay niyo. Well, may spare key ako sa mga kabahayan. Security guard ako eh.”

“Kaya pala, ba’t ko ba nakalimutan ang trabaho mo?”

He just chuckled. “Ba’t ka ba biglang nagalit sakin kahapon? Nagalit ka ba dahil ginising kita? Eh, nanaginip—”

Tumingala ako ng unti para makita ko ang mukha niya. At nakita kong nag-aalala siya. “Galit ako dahil: una, yung kidnap prank niyo. Hindi pa rin ako naka-move on don. Pangalawa, hindi ka nag text sakin kahapon na pupunta ka pala sa school, edi pinag piyestahan ka ng mga estudyante. Pangatlo, yung nag-usap kayo ni Rain habang nasa likod mo ako. Inisip ko na baka mag patayan kayo sa loob ng campus, di mo nalang sana pinansin ang taong yun. At ang pang-apat, nanaginip ako na naghahalikan kayong dalawa ni Rain sa labas ng gate.”

Then he started laughing at me. Dahil sa mga sinabi ko ay napatihaya siya habang tumatawa pa rin.

Walang emosyon akong nakatingin sa kaniya habang naka unan pa rin ang braso niya sa’kin. Tawang-tawa talaga ang kumag.

“Care to share what’s funny?” Mahina kong sinuntok ang tiyan niya. Tumigil na siya sa pagtawa at nakipag titigan na sa kisame ng kwarto ko.

“So, hindi ka mag so-sorry?” Tanong ko sa kaniya.

“Teka lang, natatawa pa rin ako sa pang-apat,” tumawa na naman siya.

“Tsk. Umalis ka na nga lang!”

Laking gulat ko dahil bigla siyang pumaibabaw sakin at hinawakan niya ang magkabilang pulsuhan ko.

“Sorry na Shun,” he sincerely said to me and he kissed my forehead.

“I won’t pardon you.”

“Sorry, Shun,” he kissed my cheeks.

Hindi ako umimik at tumingin lang ako sa mga mata niya. “Sorry, Shun.” He now kissed the tip of my nose.

He look at me seductively as he slowly pressed his lips to mine. Our bodies crushed against each other, our lips squeezed together, and we breathed heavily. His lips were pillowy against my own, gentle and almost velvety. As we breathed each other in, I could feel the warm tickle of his breath against my nose, as my fingers caressing through his hair.

As we struggled to take off each other’s garment, I could feel the thump of our united heartbeat. And we make love.

We’re both naked. We simply cuddled under my blanket after our early makeout session. As I embraced Soju, his arm continued to serve as my pillow.

“Soju…”

“Hmmm,” he simply hummed as he looked at me.

“Where are your parents?” Agad siyang nag-iwas ng tingin. “Sorry to ask about it.”

“N-No… It’s fine,” he genuinely smiled to me. I smiled back to him.

“I grew up on a orphanage. Ang bahay-amponan ang nagpa-aral sakin hanggang High School. Sixteen lang ako nung nakatapos ako nang High School at walong taong gulang ako nung napunta ako sa bahay amponan. Sabi sakin ng tiyohin ko sa pagkakaalala ko rin; maagang nabuntis ang mama ko at dahil na rin sa kapos rin siya sa pera ay binigay niya ako sa nakakatandang kapatid niya. Ang tiyohin ko ang nag-alaga, nagpa-aral sa elementarya at nagpalaki sakin. May asawa ang tiyohin ko pero wala silang anak.

“Dahil rin sa bisyo niyang pag-iinom ng alak lagi siyang umuuwi sa bahay na lasing. Kapag uuwi siya ay ako palagi ang napagbubuntunan ng galit niya sa mama ko. Bunga raw ako ng panggagahasa. Hanggang sa hindi ko na kaya ang pambubugbog niya at umalis ako sa pamamahay nila. Wala rin namang pakielam ang asawa at anak niya sakin. Isipin mo, mga damit lang ang dala ko nang mapadpad ako sa bahay amponan.

“Naging masaya ang pagtira ko sa bahay amponan. Nagpatuloy ako sa pag-aaral ko. Pero abot langit rin ang inggit ko sa mga batang naaampon. Dahil sa wakas ay mararamdaman na nila ang pagmamahal at kalinga ng isang magulang kahit na hindi sila magkadugo. Hanggang sa nagtapos ako ng High School na andun pa rin sa bahay amponan nakatira. Pero nagbago ang lahat nang mag-apply ako bilang model sa isang clothing line. Tinanggap agad ako dahil sa karisma ko at maganda rin kako ang katawan ko. At naging maayos ang trabaho ko, marami ang kumukuha sakin bilang model ng men’s underwear, clothing line, men’s magazine. Kumikita na ako ng malaki dahil sa pag momodelo ko. Kaya nagdesisyon ako na umalis na ng bahay amponan at tumira na mag-isa. Tumira ako sa Subdivision na ’to. Nakakabayad ako sa bills ko at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

“Sa di inaasahang pagkakataon ay pinatalsik ako sa kompanyang pinagta-trabahohan ko. At di ko alam kung anong dahilan basta-basta nalang nila akong pinatalsik. Likas na talaga sa tao ang pagiging inggetero. May nakapagsabi sakin na siniraan daw ako ng kasamahan ko sa modelling agency. Pumunta ulit ako sa kompanya para linisin ang pangalan ko pero ang sabi lang nila ay may matibay raw silang ebidensiya na ginahasa ko raw ang isa sa mga babaeng modelo sa agency. I really don’t get them. Pero wala na akong nagawa para linisin ang pangalan ko. Hindi nila ako ipapakulong kung aalis ako sa agency. Umuwi ako na parang pasan ko ang buong mundo. Habang nasa bus stop ako na malapit sa Subdivision ay nakita ako ng may ari ng Subdivision. Tinanong niya ako kung anong nangyari at sinabi ko ang nangyari sa kaniya. And he offered me a job—to become his Assistant. I rejected his offer, ano ba ang alam ko diyan eh High School lang ang natapos ko. And then he told me to become a security guard on the Subdivision.”

Pagkatapos kong marinig ang storya ng buhay niya hindi ko mapigilang mapaluha.

“Oh… Ba’t ka umiiyak?”

“Kasi… Kasi…” mas lalo akong humagolhol.

Habang humagulhol ay naramdaman ko ang mainit niyang bisig. “Huwag ka nga umiyak. Sige ka, papangit ka niyan.” He gently caressed my head. “Tsaka, nung nabalitaan ko na patay na ang mama ko ay agad kong tinanong ang tiyohin ko kung saan nakalibing ang mama ko. At paminsan-minsan dumadalaw ako sa puntod niya. Gustong ko man na magalit sa kaniya dahil sa ginawa niya, pero wala naman na akong magagawa dahil wala na siya. At hindi pa rin nagbabago ang tiyohin ko. Lasinggero pa rin.”

“Pareho pala tayong ulila na sa magulang. Pero mas grabe pala ang naranasan mo.” I sniffed. “Ang sama naman ng katrabaho mo. At isa pa, bakit pumayag ka kaagad na maging Security Guard?”

“Mmm… Naging mabuti rin naman ang buhay natin kahit wala na sila. Kaya nga nung nalaman ko rin ang tungkol sa magulang mo. I suddenly realized that I want to take care of you. Ganun naman talaga ’pag feeling nila sa’yo ay threat ka kaya sisiraan ka. As for me being a Security Guard, wala lang, gusto ko lang. Alam mo, dahil na rin sa karisma ko maraming nang nakatira dito sa Subdivison natin.”

“Sus, naaawa ka lang sakin eh kaya ganiyan ka sakin. Tsaka, ang hangin mo rin eh noh?” He wiped my tears on my cheek.

“Eh? Hindi ah!” He chuckled. “Hindi ko man naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya atleast sa’yo ipaparamdam ko yun. I’ll be your boyfriend, your brother, your daddy… Joke lang yung daddy.” He then chuckled again.

Kumalas ako sa pagkakayap niya at tinitigan ko siya. “Thank you, love.”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Soju. “A-Anong sinabi mo?”

“Sabi ko… Thank you.”

“Aside from that.”

“Huh? Thank you lang sinabi ko ah.”

Sinimangutan niya ako. “Hala siya. Di bagay sa’yo ang nakasimangot, Soju.”

“Ano nga kasi yung sinabi mo?”

Napakamot ako ng ulo at bumangon na sa pagkakahiga.

“Love,” napabangon rin si Soju. “Thank you and I love you, love.”

Napansin kong namula ang pisngi niya. Pero bago ko pa sabihin sa kaniya na namula ang pisngi niya ay niyakap niya ako ng mahigpit.

“I love you more, Shun.”

As if there’s a warm nervous feeling filled my veins as he said those words. I can now say that I really really really love this man. I won’t be in a relationship again after this.

Gaya nang sabi niya, I want to take care of him as well. For the both of us to grow more as a person.

Chapter 13: Fear

Chapter 13: Fear

S H U N

Hindi ko lubos akalain na ganun pala ang nangyari kay Soju. He is a happy-go-lucky person and yet he had a traumatic experience in the past, that doesn’t deserve to happen to him.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya saka ko hinaplos ang makinis at gwapo niyang mukha. “Soju…” He looked at me flatly. “Why are you so handsome?”

He just chuckled at me, “Well, I don’t know either.”

I smiled to him kaya kinuha ko na ang kamay ko sa mukha niya. “Anong oras out mo mamaya?”

“Gabi na, mga seven na, bakit?”

“Tanong ko lang, kasi may ipapakilala ako sa’yo eh,” mahinahon na sagot ko sa tanong niya.

“Eh ngayon nalang kaya.”

“Hindi. Bukas nalang, kasi day-off mo naman eh. Sunday bukas, remember?”

“Oh… Ok,” I smiled to him. “Magbihis ka na, Soju. May trabaho ka pa.”

“Hmm.” He just hummed as an answer.

“Dito ka nalang din mag breakfast. Magluluto ako ng agahan natin, anong ulam gusto mo?”

“Well… Kahit ano, basta ulam. Pero mas prefer ko talaga ikaw.” Ngumiti siya ng nakakaloko.

“Sira ka. Hindi ako pagkain.” Tumawa lang siya.

Tumayo na ako at kinuha sa sahig ang underwear at sinuot ito pati na rin ang shorts ko saka ako lumabas ng kwarto at pumunta na sa kitchen area para magsaing at makapagluto na ng agahan namin.

Habang busy ako sa pagluluto ng sunny side up egg ay nagulat ako dahil bigla nalang may taong nagsalita sa likuran ko.

“Ba’t ka walang suot na pang-itaas?”

“Potragis ka, Soju. Nakakagulat ka naman. Kita mong nagluluto ako eh,” sabi ko habang nakatuon pa rin ang pansin sa itlog na niluluto ko.

“Ay. sorry, love.”

Hinango ko na ang itlog sa pan at nilagay ito sa plato.

“Ano itong narinig kong love? Sino si love, kuya Soj?”

Bigla nalang yumakap sa likod ko si Soju. “Sino si love? Edi, si kuya mo.”

Dahil dun ay bigla akong nanigas at napatingin nalang ako kay Chan na gulong-gulo ang buhok habang nakaupo sa stool ng island counter, halatang bagong gising ito.

Matagal siguro siyang natulog, nanood ata ito ng movie sa netflix eh. Lalo na’t may pagkain akong dala kagabi edi mas lalong gaganahan siyang manood ng movie.

“Bakit love, kuya? Andami kayang cute japanese endearment.”

“Oh? Anong konek?”

“Kuya, owmaygad. May lahi tayong hapon kaya—”

“Tumigil ka na nga diyan. Ikaw na magluto dito.”

“Ay, ano ba yan. Inaantok pa ako eh.”

“Ikaw na magluto nitong tocino at hotdog.”

Kumalas sa pagkakayakap sakin si Soju at pareho kaming umupo na sa island counter.

“Magluto ka na para i-reto kita sa isa sa mga estudyante ko para magamit yang cute japanese endearment na nasa isip mo.” Naiinis talaga ako kay Chan minsan kasi kailangan talaga may kapalit ang serbisyo niya. Hay naku.

“Ako na kukuha ng mga plato at kubyertos,” ani Soju at dali-daling tumayo.

“Ang aga mo ata ngayon, kuya Soju,” ani Chan na busy sa pagluto ng tocino.

“Wala lang. May pinag-usapan lang kami ng kuya mo,” wika ni Soju ng mailagay niya sa counter top ang mga plato at kubyertos.

“Shun, you want milk?”

“Oh, yes please.” Sagot ko sa kaniya at agad rin naman niya akong pinagtimpla ng gatas.

“May pinag-usapan or—”

“Chan, would you stop being nosy?” Sabat ko.

“You know, kuya. I’m just kidding. Oh, luto na’tong tocino. Ihahain ko na’to.”

“Kumuha ka muna ng plato dun tsaka mo ilagay sa plato.”

“Kuya! Ano ba yan!”

“Eh, kaya mo na yan. Malaki ka na, Chan.”

Inirapan lang niya ako at pinatay ang stove tsaka kumuha ng plato para dun ilagay ang tocino na niluto niya. Nilapag ni Soju sa tabi ng plato ko yung gatas na tinimpla niya. So sweet.

Nang matapos iluto ni Chan ang ulam na gusto ko ay kumain na kaming tatlo. Panay rin ang tanong ni Chan patungkol sa aming dalawa ng kuya Soju niya.

“Last na talaga ’to. Kailan ang kasalan?”

Nabugahan ko ng gatas si Chan dahil sa tanong niya. Napaka-random ng tanong niya sa totoo lang.

“Ano ba, kuya!” Reklamo ni Chan habang pinupunasan niya ang mukha niya ng tissue. Tumatawa lang si Soju sa tabi ko.

“Fresh pa ang relasyon namin, kapatid. Wala pa sa isip namin ’yan. Tsaka, wala pa nga kaming label eh.”

Napatigil sa pagpunas si Chan at napatingin siya sakin ng seryoso. “So, you mean… MU pa kayo. Mukhang unggoy, ganun?”

Mahinang natawa si Soju saka nagpatango-tango siya. Kaya agad na napatingin ako sa kaniya.

“What?” tanong ko sa kaniya.

“Nothing,” he smiled at itinuon na ang pansin sa pagkain niya.

“Malungkot si kuya Soj, kasi MU pa kayo.” Sabat ni Chan.

“Hindi naman ako malungkot. We’re just on the first level of our relationship. Getting to know more each other. Hindi naman kailangang madaliin ang isang relasyon eh.”

“Aww… Nakaka-touch naman yun, kuya Soj.” Soju smiled to Chan.

“By the way, sa bahay na kayo mag dinner,” imbita ni Soju habang kumakain, habang ako ay nakikinig sa pinag-usapan nila.

“Oh? Bakit kuya Soju? Ano bang meron?”

“Uhh… Wala naman. I just want you guys and my friends to have a dinner together.”

“May kaibigan ka pala, kuya Soj?”

“Meron naman kahit papaano.”

“May kaibigan ka bang babae?”

Tumingin ako kay Soju. Nakatingin siya sakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

“Actually, wala… They are all guys.”

“Ah ok.”

“Gusto mo ipakilala kita sa mga kaibigan ko?”

“That would be great, kuya Soj.”

Kumain lang ako habang nakikinig sa kanila. Nagpapaplano na sila kung anong magandang ulamin mamayang gabi pati na rin dessert. Kung maka-suggest si Chan akala mo siya gagastos eh.

Nang matapos kaming kumain ay umalis na si Soju para magtrabaho na. He kissed my forehead before he left.

“Kuya,” sambit ni Chan sa pangalan ko habang nakaupo pa rin sa stool ng island counter.

“What?” Sagot ko sa kaniya bago ko ininom ang gatas ko.

“Mutual understanding pero nag sex kayo…?”

Hindi ako umimik. Pero ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Sh1t ka Chan!

“Omg, so, nag sex na talaga kayong dalawa?” Dagdag na tanong niya.

That caught me off guard. “Alam mo, Chan. Other people call it casual sex that occurs outside of a romantic relationship, with no strings attached, no expectation of commitment, and no expectation exclusivity.”

“I thought you guys are really into a serious relationship. Kilig na kilig ka pa nga nung crush na crush mo pa siya eh, pero ngayon, parang nag iba ata ang ihip ng hangin ng relasyon niyo, kuya.”

“Well, kahit naging crush ko siya dapat rin naman na mas kilalanin ko siya. Hindi yung basta-basta nalang. Tsaka, maghihiganti ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.”

“Sabagay, may punto ka nga naman sa sinabi mo. Matanong ko lang, anong ginawa niya sa’yo para maghiganti ka?”

“Limot mo na ba? Limot mo na ba yung kidnap prank niya?”

“Wow kuya. Grabe ka naman kay kuya Soj.”

“Bahala siya. MU pa muna kami. Maghihintay siya kung kailan na ako handa.” Actually, ready naman na ako. Gusto ko lang muna mas kilalanin pa siya ng lubusan.

“MU, eh kung paano kong makahanap siya ng mas better sa’yo? Paano ka na? Kung ako sa’yo maglalasing talaga ako at mag drunk call.” Naisip ko rin ’yan: baka humanap siya ng iba ganiyan-ganun. Pero, as long as willing siya maghintay so, ano pa ang dahilan para humanap ng iba? Kung mahal mo ang tao, willing ka rin naman sigurong hintayin siya diba?

“Baliw ka. Edi bahala siya sa buhay niya… Just kidding. Wag naman sana, ayoko siyang mawala sakin. Hindi ko papakawalan si Soju. Nag-iisa lang siya sa mundo!”

Napakamot siya ng ulo niya. “Ewan ko sa’yo, kuya. Magdamit ka nalang kaya.”

I grinned at him. “Actually, napatawad ko naman na siya. Kaso, di niya alam na napatawad ko na siya. Kaya magti-take advantage ako sa nangyari.”

Chan heavily sighed with a straight face. “Ewan ko sa’yo, kuya. Kaya mo na yan, matanda ka na eh.  Basta ang akin lang ay hindi ka niya papaiyakin at sasaktan kundi lagot talaga siya sakin,” pagkasabi niya ng mga salitang iyon uy umalis na siya sa stool ng island counter.

“Hey, brother. Sino ang nagsabi sa’yong pwede ka nang umalis? Hugasan mo muna yung mga pinggan bago ka umalis kung saan mo gustong pumunta.”

“Kuya naman, pupunta lang ako sa kwarto ko para maligo. Huwag kang mag-alala hindi ako aalis dito sa bahay,” sagot niya.

“Good to hear that,” saka niya tinungo ang hagdanan at pumunta na sa taas. Ininom ko na lahat ng gatas na nasa tasa ko.

Wala akong gagawin ngayong araw, tapos ko naman na yung lesson plan ko.

Tumayo ako at nilagay sa sink yung tasa ko tapos pumasok na sa kwarto ko at napaupo nalang sa kama. Now I’m facing the wall of my room.

“Wala na akong gagawin dito sa bahay. Baka pwedeng istorbohin ko si Soju dun. Ay, huwag nalang.” Umalis ako sa kama ko agad kong binuksan ang closet ko. “Kailangan ko na pala talagang bumili ng mga bagong damit.” I sighed.

Dali-dali kong kinuha sa side-table ang cellphone ko at hinanap ko sa contacts ko ang pangalan ni Maye.

“Hi Sir Shun? Good morning. Anong atin?” Bungad ni Maye sa kabilang linya.

“Busy ka ba today?”

“Ahmm… Hindi naman. Alas dyes ’y medya pa ang trabaho ko kasi yung boss ko eh nag—”

Pinutol ko na ang sasabihin niya. “Gusto kong bumili ng RTW mo, Maye. I need a new shirts and pants on my wardrobe.”

“Oh! Sige sir Shun! Pagkatapos ko rito ay pupuntahan agad kita diyan sa inyo.”

“Ocakes! Text mo nalang ako ’pag pupunta ka na rito, okez?”

“Sige, sir Shun. Understood.”

“Ok. Bye.”

“Bye sir.”

∞∞∞

“Luto na ito, love.” Sabi ko kay Soju ng matikman ko ang lambot ng karne ng pork adobo na niluluto namin.

“Kukuha lang ako ng malaking mangkok para lagyan natin ng ulam natin,” dali-dali siyang kumuha ng mangkok sa kitchen cabinet niya.

Pinatay ko na ang apoy. “Ba’t ba wala kang suot na pang-itaas kapag nagluluto ka? Na e-expose ang muscles mo.”

Napatingin ako kay Soju nang mailagay niya sa island counter ang malaking mangkok. Kaya dahan-dahan kong isinalin mula sa kawali yung ulam patungo sa mangkok.

“Nasanay na kasi ako eh. Tsaka, ako lang naman ang andito sa bahay kaya okay lang na ma expose ang muscles ko.” Ibinalik ko na sa stove yung kawali.

“Suit yourself.”

Kumuha na si Soju ng mga plato at mga kubyertos.

“Tawagin mo na ang mga bata,” ani Soju at umupo na sa stool ng island counter. Tumabi ako sa kaniya.

“Bakit ako? Eh, ikaw nalang.” He then smiled sweetly to me.

“Calling the attention of the kids on the living room playing tong-its. Saan niyo mas prefer kumain? Dito sa island counter o diyan nalang sa living room?”

“Wow, kuya Soju. Kung maka-kids ah. Ano niyo kami mga anak?” Sabat ni Kane.

“Kaya nga eh.” Sumang-ayon si Haje sa sinabi ni Kane.

“Ano ba kayo, Haje at Kane. Pasalamat nalang nga tayo dahil inimbitahan tayo ni paps Soju na dito mag dinner eh.” Sabi ni Enzo sa dalawa.

Dahil sa sinabi ni Enzo ay nagbangayan na sina Enzo at Kane. Habang si Haje ay tutok lang sa cards na hawak niya.

“Dito nalang tayo sa living room, kuya Soj.” Ani Chan. At ngumiti pa siya samin.

“Ok, tapusin niyo na muna yang tong-its niyo bago tayo kakain, maaga pa naman.”

“Para mo silang anak.” Komento ko at ngumiti lang siya sakin.

“Gawa na tayo ng baby.”

“Baliw. Ayos lang ba na diyan tayo sa living room kakain?”

“Ayos lang yan. Eh, alangan naman dito sa island counter eh, dalawa lang ang stool dito.” Sagot niya habang nakatuon pa rin ang pansin sa mga binata na naglalaro ng tong-its.

“Ok, sabi mo eh.”

“Tignan mo si Chan. Nasasabayan niya ang trip nina Enzo.” Saka siya mahinang natawa. Pinagmasdan ko lang ang kapatid ko na naglalaro ng tong-its. Aliw na aliw ang apat sa nilalaro nila. “Magkasing-edad lang silang apat eh diba?” dagdag pa ni Soju.

“Sina Haje at Chan ang magka-edad,” sagot ko sa tanong niya. Ang bilis nag click ng kabaliwan nina Enzo at Chan, so, friends na agad sila.

“Ah, kaya pala. Ano kaya ang feeling ng may anak noh?” Bigla akong nanlamig sa kinauupuan ko at napatingin ako kay Soju. “Yung feeling na may batang sasalubong sa’yo galing kang trabaho, tapos may tatawag sa’yong Papa saka may aalagaan ka. Gah, so sweet.” I can feel his sincerety on his voice as he said those words. Pakiramdam ko tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko sa mga sandaling ito. Parang hindi ako makahinga dahil sa narinig ko.

Ilang saglit na pakiramdam ko umurong ang dila ko at nagbitaw ako ng mga salita. “Gusto mo pala ng magkaanak eh, edi hindi nalang sana ako.” Sabi ko sa kaniya at agad akong tumayo saka ako lumabas ng bahay niya.

Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng gate.

“Punyeta, ba’t ba ako umiiyak?! Wala namang nakakaiyak eh!” Marahas kong pinahiran ang pisngi ko habang naglalakad ako. Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng mga paa ko. Nagpaubaya lang ako sa kanila. “Ang sakit ng mga binitawan niyang mga salita. Alam niyang hindi ko siya mabibigyan ng anak at pagmamahal lang ang maibibigay ko sa kaniya.”

Ito talaga ang kinatatakutan ko. Nagparamdam na ang kinatatakutan ko. Ito ang usapan na pinaka iniiwasan ko. Magkaroon ng anak. Ako ang kawawa sa aming dalawa: Paano ’pag nagbago ang isip niya? Paano ’pag makahanap siya ng babae at mabubuntis yung babae? Ano na mangyayari sakin?

Hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa basketball court ng Subdivision. Walang katao-tao rito. Pero buti nalang at naka on ang lights dito, agad akong humanap ng pwesto na uupuan. Nang makaupo ako lahat ng sakit na naramdaman ko ay nilabas ko sa pamamagitan ng pag-iyak.

Chapter 14: Fondness

Chapter 14: Fondness

S O J U

“Tignan mo si Chan. Nasasabayan niya ang trip nina Enzo.” Saka ako mahinang natawa. Pinagmasdan lang namin ang apat na naglalaro ng tong-its. Aliw na aliw ang apat sa nilalaro nila. “Magkasing-edad lang silang apat eh diba?” dagdag ko pa.

“Sina Haje at Chan ang magka-edad,” sagot ni Shun sa tanong ko.

“Ah, kaya pala. Ano kaya ang feeling ng may anak noh?” Naiimagine ko na may anak kami ni Shun. “Yung feeling na may batang sasalubong sa’yo galing kang trabaho, tapos may tatawag sa’yong Papa. Yun bang may aalagaan ka.” Pero kahit ganun pa man ay ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking responsibilidad. Naiimagine ko pero hindi ko rin kaya na may anak. At isa pa, hindi pa naman namin napag-usapan ni Shun ang tungkol dito.

“Gusto mo pala ng magkaanak eh, edi hindi nalang sana ako.” Sabi niya at agad siyang tumayo sa pagkakaupo niya sa stool at dali-daling lumabas ng bahay.

Naguguluhan man ay tinawag ko ang pangalan niya. “Shun! Teka lang!” Malakas niyang isinirado ang pintuan.

“Anong nangyari kay Sir, kuya Soju?”

Dali-dali akong lumapit sa apat. “Dito lang kayo at may aasikasuhin lang ako. Mas mabuting mauna na rin kayong kumain. Wag niyo nalang kaming intayin, ok?” Kapansin-pansin na parang naguguluhan ang apat na binata.

Hindi ko na sila inantay na makasagot pa kaya dali-dali kong hinubad ang apron ko tapos kinuha ko sa stool ng island counter ang T-shirt ko saka ko ito sinuot at lumabas na ng bahay.

“Shun!” Tawag ko sa kaniya ng makalabas siya sa gate. Putek! Ano ba nangyari sa kaniya?

Lalabas na sana ako ng gate ng may narinig akong sumigaw kaya agad akong napahinto. “Kuya Soj! May tumatawag sa cellphone mo!” Napatingin ako sa sumigaw; si Chan, bitbit niya ang cellphone ko.

“Sino raw?”

“Si Boss, iyan ang naka phonebook eh.”

Marahas akong napakamot ng ulo. Bushet! Bakit ngayon pa! Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni Chan at kinuha ang cellphone ko saka ko sinagot ang tawag.

“Boss… May gagawin ako bukas… Day-off ko kaya… Sa susunod na buwan pa uy… Ok! Basta libre mo. Ok sige. Bye.”

“Ano ba nangyari kay ku—”

Binigay ko sa kay Chan ang cellphone ko. “Mamaya na tayo mag-usap at hahanapin ko pa ang kuya mo.” Hindi ko na siya hinintay na makasagot at dali-dali akong lumabas ng gate.

Tumingin ako sa kaliwa’t-kanan ko. Putek! Asan na si Shun?! Saan ba siya nagpunta?

Dumiretso ako sa kaliwa ko. Pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila. Magbakakasakali na andun siya. Andaming tanong ang bumabagabag sakin dahil sa biglaang pag-alis niya.

Nang makarating ako sa gate ng bahay nina Shun ay nag doorbell ako. Nakailang pindot ako sa doorbell pero walang tao na nagpakita.

Nag text ako kay Chan na papasok ako sa bahay nila. Ayokong makasuhan ng trespassing. Ilang saglit lang ay nagreply siya. “Akala ko andiyan si Kuya? Hay naku. Sige lang kuya Soj. Pasok ka lang.”

With his consent, I opened the gate and made my way to the main door. At nang nasa pintuan na ako ay pinihit ko ang doorknob pabukas. Buti nalang at naka on ang ilaw. Walang katao-tao sa living room.

“Nasa kwarto ata siya,” sabi ko at umakyat na sa taas. Nang mabuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Shun ay sobrang dilim nito,  kaya kinapa ko sa gilid ng dingding ang switch at ni-on ko na ang ilaw.

Yung akala ko na andito si Shun at tulog. Akala ko lang pala. I immediately turned off the lights and have my way down to the living room. Naupo ako sa sofa at napahilamos gamit ang palad ko.

Naguguluhan talaga ako sa nangyari. Bakit biglang umalis si Shun? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? O may nasabi ba akong hindi niya dapat marinig? Shun, where the hell are you?

Napasabunot nalang ako ng ulo ko.

Gulong-gulo talaga ang utak ko! Kani-kanina lang ang saya naming nag-uusapap tapos bigla nalang siyang nagtampo at umalis. Napakamot ako ng batok habang may ngiti sa mga labi. “Hay naku, Shun. Gusto mo lang ng lambing eh,” umayos ako ng upo. “Ang tanong ngayon ay, nasaan ka…?”

Lumabas ako ng bahay nina Shun. At nagpaubaya nalang sa mga paa ko kung saan nila ako dadalhin. Alam kong hindi siya babalik sa bahay. Asan ka na ba kasi, Shun?

Pwede naman nating pag-usapan ang hindi nating pagkakaintindihan eh, hindi yung bigla-bigla ka nalang aalis.

Hindi ko namalayan na nasa basketball court na pala ako. Naalala ko bigla yung confession ko sa kaniya. Sobrang saya ko talaga nung gabing iyon. Sobrang saya kasi sa wakas ay nailabas ko na ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya. Ok na sakin na hindi niya rin ako gusto, basta ang mahalaga sakin ay makapag confess ako sa kaniya. Mas lalo akong sumaya ng malaman ko na gusto niya rin pala ako. Malinaw pa rin sa utak ko ang sinabi ni Shun na abot langit ang kaba niya dahil sa prank ko. Sa totoo lang, wala talaga akong ibang maisip na magandang prank eh. Kaya nag-isip ako at kinuntsaba ko yung mga kakilala ko pati na rin sina Haje, Kane at Enzo. Well… It really worked out very well. Nasunod namin ang plano ko. Pero, mukhang hindi pa ako napapatawad ni Shun na nangyari, edi susuyuin ko ulit siya para mapatawad niya ako.

Pumasok na ako sa basketball court at agad na nahagilap ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa bleachers. Agad akong lumapit sa kaniya kung saan siya nakaupo.

“Shun,“tawag ko sa pangalan niya ng makalapit ako sa kinauupuan niya.

Mula sa pagkakayuko ay itinaas niya ang mukha niya napatingin siya sa mga mata ko. Halata sa kaniyang mga mata na umiiyak siya dahil medyo namumugto ang mga ito.

“Anong ginagawa mo rito?” May galit sa pagbigkas ng mga salita niya.

Tumabi ako sa kinauupuan niya. “Love.”

Naging matulis ang tingin niya sakin. “Wag mo akong matawag-tawag sa endearment na yan,” agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Buti nalang at agad kong nahawakan ang pulsuhan niya.

“Shun, ano ba nangyari sa’yo? Ba’t bigla ka nalang umalis? May nagawa ba akong masama o nasabi na hindi mo nagustuhan?”

Tumutulo ang luhang napatingin siya sakin. “Ask yourself, Soju.”

My heart sinked on what I hear from him. Tumayo ako habang hawak-hawak pa rin ang pulsuhan niya. “Shun, please… Sabihin mo sa akin. Hindi ako manghuhula. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan. Please, Shun. Tell me,” pagmamakaawa ko sa kaniya.

“Sige, gusto mo talaga malaman…? Alam natin pareho na sa simula palang; pag-ibig lang ang kaya kong ibigay sa’yo. At alam mo rin na hindi kita mabibigyan ng anak!”

“A-Anong i-ibig mong sabihin?”

“Mygad, Soju! Gwapo ka nga pero sabaw ka. Hindi mo na naalala yung mga sinabi mo kanina sa bahay? Masaya mong pinagmamasdan sina Chan habang naglalaro sila. And you said—no, you asked, ‘Ano kaya ang feeling ng may anak noh?’ I don’t know, Soju. I really don’t know. Kung gusto mo pala magkaroon ng anak edi naghanap ka nalang sana ng babae. Babaeng mamahalin ka ng mas higit pa sakin at… mabibigyan ka ng anak.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Yun pala ang dahilan niya. “Shun, please. I’m sorry. I-I’m just being insensitive. Alam kong di pa nating napag-usapan yun… But please. I’m so so so sorry about that. Di ko alam na nasaktan ka pala sa mga sinabi ko kanina. I was just happy because they’re also happy. I didn’t mean anything about it what I said earlier. I swear.” I answered him with all my honesty.

He still looked me in my eyes. This is the first time I saw him being angry. And it’s kinda scary to be honest. I don’t want him to be angry. And the fact that, it really breaks my heart.

Now, I could feel a tight knot on my throat. But before my tears fall down on my cheeks, I immediately pull him into my body and I wrapped my arms around his back. “Alam ko ang ginagawa ko, Shun. Alam ko na hindi tayo magkakaanak.” My tears fall down from my eyes down to my cheeks. “Walang kaso sakin yun sa totoo lang. Ayos na ako sa pagmamahal mo, Shun.” I sobbed. “Ang gusto ko lang naman ay maging masaya tayong dalawa. I don’t mind if what other people say to us. All I want is you and you alone. Again, I’m sorry if I make you sulk.”

Ilang sandali lang ay kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kaniya. He then cupped my face. “You know… It was just a prank.”

“What?!”

“Sinubukan lang kita kung totoong may pakielam ka sa nararamdaman ko.” He said as he still cupped my face.

“Ako? Walang pakielam sa’yo? Eh, sana hindi—” he cutted my words through a kiss—it’s just a smack.

“Pero seryoso, gusto mo talaga magkaroon ng anak?” Tanong niya na may pag-alala ang boses.

“Well… Hindi naman sa gusto ko. I mean, naiimagine ko na may anak tayo pero, isang malaking responsibilidad yan para sa ating dalawa. Tapos, andaming ganap sa mundo natin, ang tataas ng presyo ng mga bilihin, sapat lang ang sweldo natin sa pang araw-araw na gastusin sa bahay. Tapos mag-aanak pa tayo? Naku, wag nalang. Nakaka stress,” pagsasalaysay ko sa mga naoobserbahan ko.

“Sabagay, may punto ka nga naman sa mga sinabi mo. Nakaka stress na nga na kami lang dalawa ni Chan eh.” Totoo ang sinabi niya. Nakita ko kung gaano siya nasi-stress minsan sa kapatid niya.

“Tsaka, isa pa. Malaki ang gagastusin natin ’pag nagpa-surrogacy.”

“Eh, na inlove ka sa walang matris eh. Paano ba yan? Iiwan mo na ako?”

Kinuha ko ang mga kamay niya sa mukha ko at hinawakan ko ito. “Wala akong pakielam kong wala kang matris. Hindi naman kailangan sa isang relasyon ang pagkakaroon ng anak eh, I mean, wala naman sa batas yun eh, diba? Para masabi mo na mahal na mahal niyo ang isa’t-isa. As long as we’re together and happy of what we have right now. At wala tayong inaapakan na tao. Tuloy lang ang buhay,” pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay agad kong nilapat sa noo niya ang mga labi ko.

“That’s so cheesy, Soju.”

Mahina akong napatawa sa sinabi niya. “Cheesy ka diyan, eh totoo naman ang mga sinabi ko ah.”

“Pero, what if magbago ang isip mo at gusto mo talaga ng babae.”

“Pinagsasabi mo diyan?”

“Naalala ko lang, di mo na mention na nagka-jowa ka nung kabataan mo.”

“Yeah. Since, naka focus lang ako sa pag-aaral noong mga panahon na ’yun. Nagpa-plano nga ako na mag-college eh.”

“Oh! That would be great!”

“Yeah, I guess so. Nagpa-plano rin ako na magtayo ng Modeling Agency eh.”

Natakpan bigla ni Shun ang sariling bibig gamit ang palad niya. “Wow, Soju! Kailangan mo talagang matupad ang mga pangarap mo, please lang!”

Napakamot ako ng batok. “Oo nga eh,” saka ako mahinang natawa.

“Pero gusto mo talaga magka anak.” May malaking ngiti ang nakaguhit sa mga labi niya.

“Ayan na naman tayo eh.”

Tumawa siya. “Joke lang, ito naman oh. You grew up on an orphanage. At naiintindihan ko ang ibig mong sabihin. Ayaw mong maging kagaya mo ang mangyari sa kaniya. Kaya gusto mo siyang i-spoil ng pagmamahal at kalinga na pinagkait sa’yo ng panahon. At ikaw na rin ang nagsabi na wala kang plano. Wala rin naman akong plano eh.”

I laughed at him as I pinched his cheek. “Ang cute mo talaga.”

“Ayos ba prank ko?”

“Prank ba yun? Parang true to life na yun eh.”

“I’ll take that as a compliment,” saka pareho kaming natawa.

“Alam mo, alalang-alala ang mga bata sa’yo. Lalong-lalo na ang kapatid mo. Bumalik na tayo sa bahay para makakain na. Gutom na ako eh.”

“Ako rin, kanina pa gutom.” Sabi niya habang nakadampi ang palad sa tiyan niya.

∞∞∞

Pagdating namin sa bahay ko ay naabutan namin ni Shun na naglalaro pa rin ng tong-its ang apat na binata na naiwan sa bahay ko. Hindi raw sila kumain dahil gusto nila sabay daw kaming kumain.

Kaya naman ay nagsimula kaming kumain lahat dahil pareho kaming gutom ni Shun.

“Kuya, kailan ang kasalan?” Nabilaukan ako sa tanong ni Kane. Buti nalang at may tubig sa table at dali-dali kong ininom iyon. Nagtawanan lang sila.

“Babe, ano ba.”

“Nagtatanong lang naman ako Enzo ah.”

Nagkatitigan kaming pareho ni Shun. “Wala pa sa isip namin ang magpakasal, pero kung magpasakal ay oo. Just kidding. Kailangan namin ng malaking pera para diyan, Kane. Lalo na’t sa abroad kami magpapakasal. Tsaka isa pa, hindi natin sure na sa kasalan ang patungo nitong relasyon namin,” ani Shun at sumubo na ng pagkain niya.

“Uy, Sir Shun. Wag ka namang ganiyan. Wag kang mag-isip ng masama. Mabuting tao kaya itong si Paps Soju.” Pagtatanggol ni Enzo sakin.

“Kasalan agad? Eh, balita ko wala pa silang label—” pinutol ko kaagad ang sasabihin Haje.

“Uy, kumain lang kayo ah. Alam kong masarap ang ulam na niluto namin para sa inyo. Tsaka, may spaghetti  dun sa ref, Haje at Kane. Alam kong paborito niyo yun.”

“Alam mo Ginoong Soju. Ayos lang na wala pa kayong label, kami nga dati ni Sage eh walang label pero nag se—” hindi na naman natapos ni Haje ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Kane.

“What?! Nag-sex na kayo ni Sage, Haje? OMG.”

“Shooked yarn babe? Eh tayo rin naman ah.”

“Kids, mamaya na kayo mag-usap ng ganiyan, kumakain pa kayo.”

Napatingin ako kay Chan na katabi lang ni Shun. Tawang-tawa siya sa mga naririnig niya. Batang to, mukhang nakaka relate siya ah.

“Tapos na kayong kumain? Dapat may space pa ang tiyan niyo dahil may spaghetti at ice cream pa.”

Dali-daling inubos ni Haje at Kane ang laman ng plato nila. Tawang-tawa lang kaming pinagmamasdan ang dalawang ubusin ang pinagkainan nila.

“Ang maunang matapos sa inyong dalawa ay siya ang maghuhugas ng plato,” sabi ko at matulis na tingin ang sagot sakin ni Kane.

“Wow ah, sinadya mo talaga, kuya ah. Akala ko ba pamilya tayo dito?”

Nagtawanan na naman kami dahil mas naunang natapos si Kane sa pag kain niya. “Ayan kasi, sabik na sabik kumain ng spaghetti.”

Gah!  Hindi ko man naranasan na magkaroon ng pamilya noong bata pa ako. May mga kaibigan naman ako na itinuring akong pamilya, kahit na hindi kami magkadugo. Hindi naman talaga kailangan na magkadugo kayo para matawag na pamilya kayo eh, di ba?

Ngumiti sakin si Shun na katabi ko lang. Ngumiti rin ako sa kaniya. Yung ngiti na abot teynga talaga.

I could say I’m head over heels with this guy beside me. I see my future with him. Being with him makes me happy and forget my worries. I really love this man. If we didn’t meet then, I don’t think I could be this happy. I love Shun, soooo much!

Chapter 15: Assurance

Chapter 5: Assurance

S H U N

Nakakasilaw ang sinag ng araw dahilan para magising ang diwa ko. Wala na akong magagawa dahil umaga naman na, bumangon na ako sa pagkakahiga. Isa pa ’tong katabi ko, yung braso niya nasa baywang ko. Dahan-dahan kong hinawi ang braso niya sa baywang ko, hinawi ko na rin ang kumot at tumayo na.

I stretched my body. Sooo satisfying.

Yes, sa kwarto ni Soju ako natulog. Mind you, walang nangyari sa aming dalawa, well, kiss-kiss lang. Nothing more, nothing less.

Nang makababa ako ay dumiretso na agad ako sa ref ni Soju at binuksan ito, naghanap nang pwedeng ulamin.

“Hotdogs, eggs and hams for breakfast,” sabi ko at inihanda ko na ang mga ito para lutuin. Prito-prito lang. Pagkatapos ng ulam ay ginawa kong fried rice yung natirang kanin kagabi. Nag diet ata ’tong mga kasama ko kagabi eh, hindi gaanong nabawasan ang kanin sa rice cooker, pero ubos ang ulam.

Nang matapos ako sa fried rice ay isinalin ko na ito sa malaking mangkok. Inihanda ko na rin ang mga plato, kutsara at tinidor.

Bumalik ulit ako sa ref ni Soju para tignan kung may fresh milk ba siya, buti nalang at meron pa,  bumalik ulit ako sa island counter at nagsalin na sa mug.

“Morning, love,” he hugged me from my back.

“Morning,” nilapag ko sa countertop yung mug at yung fresh milk.

“Ang aga mong nagising ah.”

He kissed my back. “Alangan, nagising ako sa sinag ng araw sa kwarto mo eh.”

He kissed my neck. “Ginising mo na lang rin sana ako para matulungan kita sa paghahanda ng agahan natin.”

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ibinalik ko na sa ref ang fresh milk at humarap ako kay Soju. “Sira, ayos lang. Wala namang kaso sakin ’yun eh, kain ka na,” umupo ako sa stool ng island counter at umupo rin siya sa kabila. Sinalinan ko ng fried rice at ulam ang plato niya.

“Thanks,” he said with a smile. I smiled back as an answer.

“Si Haje?” tanong niya nang makasubo siya ng pagkain.

“Hindi pa gising eh, alam ba ng parents niya na lasing siya kagabi?”

“Ako ang nagpaalam sa mga magulang niya na sa bahay siya magdi-dinner. Pero hindi nila alam na lasing si Haje kagabi. Tumawag na rin ako kagabi na dito sa bahay siya matutulog at sumang-ayon naman ang parents niya.”

“Hala! Pano ba ’yan, di alam ng parents ni Haje na uminom siya.”

“Edi kakausapin ko parents niya, ano pa nga ba?”

“Buti naman kung ganun, pero maiba ako… damang-dama ko ang sakit na naramdaman ni Haje.”

“Kaya nga eh, sinabi ko naman na huwag na siyang uminom. Pero mapilit ang bata eh.”

Nagsalin na ako ng fried rice sa plato ko. “Kung hindi lang sana siya nagpumilit edi di niya mailalabas ang mga hinanakit niya sa ex boyfriend niya.”

“Sa pagkakaalam ko, matagal na niyang tinatago ang hinanakit na ’yun, pero masasabi kong mabuti na rin ’yun kasi, kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman niya. I mean, nasabi niya kung anong gusto niyang sabihin kay Sage.”

Lasing na lasing si Haje kagabi. Actually, wala sa plano namin na mag-inuman. Idea kasi ’yun ni Chan eh.

Sa grupo namin ang lasing lang talaga ay sina Enzo at Haje.

“Kane, buti pa tawagan mo si Sage,” napatigil kaming lahat nang magsalita si Haje. Namumula na ang buong mukha niya dahil sa alak.

“Haje, gabi na. Matulog ka na,” sagot ni Kane habang nasa balikat niya ang ulo ni Enzo.

“Pagbigyan mo na siya, babe. Pakengshet! Umiikot ang paningin ko!” ani Enzo. Hindi na siya pinainom ni Kane dahil lasing na siya.

Walang imik kaming tatlo ni Chan at Soju habang pinagmamasdan silang tatlo.

Haje slammed his palm on the table. “Say, Kane. May tinatago ka ba sakin tungkol kay Sage?”

“The f#ck, Haje! You have his phone number, and you already know his social media accounts. Why don’t you just contact him directly!”

Naging matulis ang tingin ni Haje kay Kane. Ramdam na ramdam ko ang tensyon dito sa living room. Nasabi na sakin ni Soju na ayaw ni Haje kay Kane, kahit si Soju ay hindi alam kung anong dahilan dahil hindi naman nagsabi si Haje tungkol dun.

Ininom ni Haje yung canned beer niya. “Haje, tama na ’yan, lasing ka na,” dali-daling kinuha ni Soju ang canned beer.

“Ginoong Soju, buti pa ikaw na lang mag contact kay Sage. Gusto ko siyang makausap,” pagmamakaawa ni Haje kay Soju.

Soju just heavily sighed. “Ipangako mo sa akin na hindi mo aawayin si Sage,” puno ng awtoridad ang boses ni Soju. Nagpatango-tango lang si Haje bilang sagot.

Kinuha ni Soju ang cellphone niya at nakita kong nag chat siya kay Sage na gusto raw ni Haje makipag videocall thru Facetime. Nag reply agad si Sage na ‘Sure, Kuya Soju. Hindi naman ako busy.’

Ilang saglit lang ay nag ring ang cellphone ni Soju at agad niyang ni-click ang green button para sagutin yung Facetime. At ibinigay niya agad ang cellphone niya kay Haje.

Itinaas ni Haje ng unti ang cellphone ni Soju para mas makita ang mukha niya. “Hi Sage,” may saya sa boses niya.

“Hi Haje. What happened you look wasted. Uminom ka?”

“Buti pa Haje lumabas ka muna saglit para may privacy kayong dalawa ng kausap mo,” suhestiyon ni Chan. Inalalayan ni Chan na makatayo si Haje at lumabas na muna sila ng bahay.

“Kuya Soju, Sir Shun. Mauna na kami ni Enzo, lasing na lasing na’tong kasama ko eh.”

“Oh sige, Kane. Alalayan na kita,” suhestiyon ko.

“’Wag na, Sir. Kaya ko na ’to,” ngumiti siya sakin. Inalalayan niyang makatayo si Enzo. “Enzo, tumayo ka nang maayos bago pa magdilim ang paningin ko sa’yo at ibalibag kita!”

Umayos ng tayo si Enzo at umakbay siya sa balikat ni Kane at nagsimula na silang maglakad palabas ng bahay. Bumalik na si Chan sa pwesto niya bago uminom ng beer.

“S-Si Kane b-ba ’yun? Grabe ang terror niya ah,” hindi ako makapaniwala sa nakita at narinig ko.

“Oo, ganun talaga si Kane, masungit siya minsan kay Enzo pero mabait naman talaga ’yun,” saka sumimsim ng beer si Soju.

Kumuha ako ng pulutan na chichirya at kinain ito. “Yung tungkol pala kay Haje—”

“Ah, yun ba? Well, komplikado ang nangyari sa kanila ni Sage.” Isinalaysay sakin lahat ni Soju ang mga nangyari sa relasyon nina Sage at Haje.

Pagkatapos kong marinig ang lahat, hindi ko mapigilang maawa kay Haje. He doesn’t deserve that pain!

“Grabe naman yun, Soju. Hindi ko tanggap yung ending ng love story nila. Pero sana bigyan ni Haje ng isang chance si Sage, di’ba?”

“Well, na kay Haje ang desisyon.”

“Sabagay, may punto ka nga naman.”

Naapatingin kaming tatlo ni Chan at Soju sa taong humihikbi na papalapit sa pwesto namin. Umupo siya sa pwesto niya na tumutulo ang luha sa mga mata.

“Sage is so f#cking selfish!” ani Haje saka pinunasan niya ang luha niya habang humihikbi.

Lumapit si Soju sa pwesto ni Haje at niyakap niya ito. “Tahan na, Haje. Hayaan mo na lang si Sage, I guess you guys aren’t for each other. Ayaw na talaga ng tadhan na pagtagpuin ang landas niyong dalawa.”

Mas humagulhol si Haje sa mga sinabi ni Soju. “He said he will come here when summer comes. I really missed him. After a long time, nakausap ko siya. Sana hindi ko nalang—”

“Haje, please. Huwag ka na umiyak. Tapos na… nangyari na, Haje. Maawa ka naman sa sarili mo, unahin mo muna ang sarili mo ngayon, please,” ani Soju habang yakap-yakap si Haje.

Umaagos pa rin ang luha ni Haje. Luha dulot ng sakit ng kahapon. Nakikita ko ang sarili ko kay Haje nung college pa ako. Martyr sa pag-ibig, takot maiwan ng taong mahal ko. Eww.

“Morning kuyas,” ani Chan ng makaupo siya sa stool ng island na katabi ng kinauupuan ko.

“Buti naman at wala kang hang-over,” sabi ko at sumubo na ng pagkain.

“Wala naman, unti lang naman ang ininom kong alak eh. Si Haje may hang-over ’yun. Bababa na ata ’yun maya-maya.”

“’Pag bumaba na siya; pakainin mo Chan. Bibili ako ng gamot pagkatapos kong kumain,” sabi ni Soju.

Tumango-tango lang si Chan bilang sagot habang sumasandok ng fried rice.

∞∞∞

“Ayos lang kaya si Haje? Hindi kaya siya napagalitan, Chan? Hindi rin daw nag text si Haje kay Soju kung ayos lang siya,” sabi ko kay Chan nang makaupo ako sa gilid ng kama niya habang pinupunasan ko ang basang buhok ko, naka bath robe pa ako.

“Ayos lang siguro siya, hindi naman halata na may hang-over siya eh,” sabi ni Chan habang nakaupo lang sa kama niya na kaharap niya ang laptop niya.

“Sa labas kami ni Soju magdi-dinner, Chan. May pupuntahan kami mamaya.”

“Enjoy.”

Napatigil ako sa pagpunas ng buhok ko at hinarap ko si Chan. “Kailan last visit mo kila Mama at Papa?”

Napatigil siya sa pag laptop niya at seryosong napatingin sa akin. “Last week lang. You know, Kuya. I really missed them… so much.”

“Ako rin naman.”

Napatingin kaming pareho ni Chan sa kumatok sa pintuan ng kwarto niya kahit nakabukas ito. Dapat na talaga kaming masanay na bigla-bigla nalang pumapasok si Soju sa loob ng bahay namin. Nakakagulat na may bigla nalang pumapasok sa dito sa bahay.

“Let’s go?” ani Soju na nakasandal sa pintuan at nakapameywang pa. Pormang-porma ang lolo niyo ngayon. Nakasuot siya ng light blue long sleeve polo and a black shorts na above the knee and a Nike sneakers. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niya. Para siyang leading man sa isang romance movie genre.

“Poramang-porma ah,” sagot ni Chan kay Soju, ngumiti lang naman si Soju.

“Hindi pa ako naka bihis eh,” sabi ko at tumayo na para lapitan si Soju.

“Magbihis ka na, gusto mo ako pa magbihis sa’yo?” he then kissed my lips.

“My goodness. Dun nga kayo sa kwarto mo, Kuya. Naiirita ako sa inyong dalawa,” nagtawanan lang kaming dalawa ni Soju. Umalis na kami sa kwarto ni Chan. Binuksan ni Soju ang pintuan ng kwarto ko, I smiled to him. Pumasok na ako sa kwarto ko at ganun rin siya.

Umupo agad siya sa gilid ng kama ko. “Magbihis ka na.”

Nakapameywang akong humarap sa kaniya.

“Ang cute ng lips mo noh?” he asked out of nowhere, his question caught me off guard.

“Sus, gusto mo lang ng kiss eh,” I gave him an emotionless look. Tumawa lang siya.

Tumayo siya at unti-unting lumapit sa akin. He held my waist, he then slowly come closer to me. I immediately wrapped my arms around at the back of his neck. I slowly close my eyes as his lips touches my forehead, down to the tip of my nose and finally to my lips. Perhaps time stood still when his lips touched mine, but the flutter only became stronger. The weaker my knees became, the faster my heart beats in my chest. All I could think of how smooth he is in my mouth and how completely he had taken over my senses.

Soju broke the kiss. “Magbihis ka na, bago pa saan mapunta ’to,” he said as he still holding my waist.

I just chuckled at him. “Ikaw nagpasimuno eh.”

Umupo na siya ulit sa kama ko. “Sige na, aalis ba tayo o hindi?”

I rolled my eyes to him. “Oo na, Mr. Pogi. Magbibihis na.”

Hinarap ko na ang aparador ko at kumuha na ng komportableng T-shirt atsaka shorts pati na rin underwear. Nagbihis ako sa harap no Soju. Well, nakita naman na niya ang buong katawan ko, kaya wala nang malisya.

After kong magbihis ay bumaba na kaming dalawa at tinungo ang sasakyan ko na nasa garahe at nimaniobra papunta sa pupuntahan namin.

Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Ano kayang iniisip nitong katabi ko ngayon?

“Saan ba tayo pupunta, love?” pagbasag ni Soju sa katahimikan.

“Malalaman mo maya-maya. Actually, malapit na tayo eh.”

“Oh okay,” hindi na ako sumagot at nagpatuloy na sa pagmaneho.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa paroroonan namin. Ni-park ko ang sasakyan ko sa kung saan pwede.

“Anong gagawin natin dito sa sementeryo?” may pagtataka sa boses niya.

“Well, basically. Ililibing kita ng buhay. Charot lang, love,” tinignan niya lang ako ng masama at tinawanan ko lang ang reaksyon niya.

Lumabas na kaming pareho sa sasakyan ko. Kinuha ko sa passenger’s seat yung dalawang kumpol ng bulaklak na binili ko kanina sa dangwa. Nauna na akong naglakad kay Soju at sumunod naman siya.

Agad kong nahanap ang puntod ng mga magulang ko, agad ko rin namang nilagay sa uluhan ng lapida ang bulaklak.

Umupo ako sa damuhan at ganun rin si Soju. “Hi Ma, Pa. Andito na naman ang cute na anak niyo. Pero ngayon may kasama ako,” napatingin ako kay Soju at ganun rin siya sa akin. Agad kong binawi ang tingin ko.

“Si Soju po, siya po yung kinuwento ko sa inyo dati na crush ko,” napatawa ako. “Well, actually po, misunderstanding lang po ang lahat ng nangyari. Well, as you can see, we have a mutual understanding and I really thought he would asked  me to be his boyfriend that time when he confessed to me. I mean, you know.”

Napatingin ako kay Soju at ang talim ng tingin niya sa’kin.

“Ba’t ganiyan ka makatingin sakin?” sabi ko habang wala ring emosyon ang mukha ko.

Napatingin si Soju lapida sa nina Mama at Papa. “Tita, Tito, inaaway ako ng anak niyo oh.” Tiwanan ko lang siya. Soju cutie. Nag stay muna kami saglit at nang gusto ko nang umalis ay umalis na kami.

Kinagabihan ay pumunta kami sa tabing dagat. Kakatapos lang naming kumain sa isang fast food chain. Nakaupo lang kami sa isa sa mga bench dito. Sobrang liwanag ng buwan ngayon at ang ganda pagmasdan ng dagat dahil sa liwanag na dahil ng buwan.

“I’m really disappointed with you. I’m really dis—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong hinalikan.

“Alam ko ang nasa isip mo,” he smiled sweetly to me. “Shun Lawrence, will you be my boyfriend?” a genuine smile flash his lips as he said those words. Words that caught me off guard. All along he really know what’s inside my mind.

Dahil sa sinabi niya ay mahina kong nasapak ang maskuladong dibdib niya habang tumatawa.

“Mas nauna pa ang endearment kesa sa label. Wow!”

“Eh kaya nga tinanong kita eh. Will you be my boyfriend?”

Pakiramdam ko pumalakpak ang teynga ko sa sinabi niya. Nararamdaman ko na umiinit ang teynga ko. Namumula na talaga ’to for sure.

May ngiti ngayon sa labi ni Soju habang hinihintay niya ang sagot ko. Ang gwapo talaga ng taong ’to, he’s oozing with sex appeal. Kahit saang anggulo mo siya tignan, kahit galit, ngumingiti o umiiyak gwapo talaga siya. Aside from that, he as a good heart that I really admire the most.

“Yes, Soju. I want to be your boyfriend,” a smile flashed on my lips. Without him saying a word, he eventually hug me so tight.

“I love you, Soju,” a tears fall down on my cheeks.

“I love you more, Shun,” he said in between our embrace. A warm nervous feeling filled my senses once again. I really like this feeling when I’m with him.

Kumalas si Soju sa pagkakayap sakin. “May ibibigay ako,” aniya at tumayo siya saka may kinuha sa bulsa niya. Hindi ko masyadong nakita ang kinuha sa bulsa niya.

Umupo ulit siya. “Akin na kanang kamay mo,” nilahad ko sa kaniya ang kamay ko. “This ring serves as a symbol of my commitment and affection for you, Shun,” a sweet smile formed on his lips. Naguguluhan ako sa nangyayari ngayon. Ano raw? Ring?

Nilagay niya sa palasingsingan yung singsing na kinuha niya sa bulsa niya. Nanglaki ang mga mata ko. The f#ck!

“Ayan, sakto lang ang sukat sa’yo. Tignan mo ang ring, may pangalan na nakaukit diyan,” aniya at tinignan ko naman yung singsing na nasa palasingsingan ko. Naka-font pa ito.

‘Soju ♡’

Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang saya. Dahil sa saya ay niyakap ko siya ng mahigpit at bigla nalang tumulo ang luha ko at napahikbi.

Hinagod-hagod niya ang likod ko. “Ba’t ka ba umiiyak?” he chuckled. Wala akong masabi sa mga sandaling ito, wala talaga. I’m just genuienly happy.

“I-ano mo naman itong isang singsing,” aniya kaya  kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Binigay niya sakin yung isang singsing, nilahad niya naman ang kanang kamay niya. Patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko.

“This ring represents my assurance and love to you, my Soju,” hinalikan ko ang singsing saka ko nilagay sa palasingsingan niya ang singsing.

Yung singsing may pangalan ko na nakaukit.

‘Shun ♡’

The vow of dedication may be implied when your lover presents you with a ring on your right hand. We were both beaming broadly. At the moment, we are ecstatic.

I kissed him with all my heart right away.

I had been a lot of same-sex relationship, but ended up leaving me. But when I saw this handsome security guard oozing with sex appeal, I felt a warm nervous feeling within me.

In an instant, I knew I had taken a like to him. But the problem is that this security guy is in love with someone else. And based on how the adjectives the handsome security guard gave to the man, I could say that the man was lucky.

And that man is me.

Shun Lawrence.

END


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.