Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxB
sojuniverse · 21 chapters · 50,835 words
Prologue
Pinagtitinginan na kaming dalawa ni Gray dito sa lobby ng agency. “Gray, bakit di mo ’ko pinapansin?”
Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari… kahapon pa. Parang noong isang araw lang maayos kami tapos ngayon bigla nalang siyang hindi namamansin.
Lumingon na siya sa kinaroroonan ko. “Gusto mong malaman?” May galit sa tono ng pananalita niya. Ngayon ko lang nakita na ganito siya.
“Oo! Gusto kong malaman. Parang noong isang araw lang nag celebrate tayo tapos ngayon naging ganito lang bigla?”
Matulis siyang nakatingin sa akin, parang pinaghalong inis at pandidiri.
“You know, you were so drunk the other night. And you were talking nonsense, Alec! And there’s this phrase that really pinned in my mind,” he looked at me intently. “You said you liked me… a lot and more than friends. And you… want us to date.”
Hindi ako naniniwala na nasabi ko ’yung mga salitang ’yun! Hindi talaga!
“I’m—”
“Well, I don’t like you more than friends, fag. And I don’t want to date someone like you,” he then walked out on the lobby. As his steps away, my heart sinked. My heart sinked because of the words that he said and it feels like my heart torns into tiny pieces.
What the hell!
Chapter 1: Mr. Engineer
Chapter 1:
Mr. Engineer
A L E C
Unti-unti kong iminulat aking mga mata. Umaga na naman, panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Kitang-kita ko ang sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko. Napakamot nalang ako ng ulo.
Gusto ko pa talagang matulog kasi pagod na pagod ako. Pagod ako sa kaka-cheer dahil sa saya kasi may ginanap na KPOP Masterz dito sa Pilipinas. Magpapahuli pa ba ako? Siyempre, hindi!
Di ko pinalagpas na umattend kasi sa wakas ay makikita ko na ang pinakapaboritong KPOP Boy Group na TREASURE. Well, of course. VIP Standing ang ticket na binili ko, kaya naman medyo malapit ako sa stage at kitang-kita ko talaga kung gaano sila ka gwapo. Sayang lang talaga kasi hindi kompleto ang miyembro nila, naka hiatus kasi ang dalawang member nila. Pero di naging hadlang iyon para hindi mag cheer sa performance nila.
So much for that, bumangon na ako para maligo na dahil may trabaho pa ako. Sabon doon, sabon dito. Scrub diyan, scrub doon. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.
Agad kong tinungo ang kitchen area para magluto na nang pang-agahan. Nagsaing na ako sa rice cooker, binuksan ko ang fridge at kumuha ako ng dalawang itlog at bacon naman sa freezer nito.
Habang busy ako sa pagluluto ng sunny side up egg ay nagulat ako. May biglang tumahol sa likod ko. Kaya agad akong napatingin sa kinaroroonan niya.
“Good morning, Milo. Wait ka lang ah, tatapusin ko lang to.” Tumahol ulit siya. “Oo, alam kong gutom ka na kaya sit ka lang diyan.” Agad rin naman siyang umupo. Pinagpatuloy ko na ang pagluto ng ulam.
Nang matapos ako sa pagluto ay nilapag ko na ang plato na pinaglagyan ng ulam sa dining table. Dali-dali akong kumuha ng dog food sa cabinet ni Milo. At lumapit ako sa kainan niya at sinalinan ko ito ng dog food.
Milo is a golden retriever. He’s now two years old. Lagi ko siyang iniispoil kapag nandito lang ako sa bahay. Pero ’pag wala ako, si Tatay naman ang kasama niya rito. Puppy pa lang siya nung inadopt namin siya, tsaka ang cute pa niya noon. Tapos ngayon ang laki na niya at siyempre cute pa rin. Siyempre, pinalaki ko ng maayos eh.
Hinagod-hagod ko ang likod niya habang kumakain siya.
“Morning, ’nak… Morning, Milo,” napatingin ako sa nagsalita… si Tatay pala. Halatang kakagising lang niya dahil ang gulo-gulo pa ng buhok niya.
“Morning ’Tay. Kain na,” agad akong tumayo at umupo na sa silya para sabayan kumain ang Tatay ko.
Sinalinan ko ng kanin at ulam ang plato niya. “Kumusta ang event kagabi?” panimulang tanong niya.
Pakiramdam ko kumikislap ngayon ang mga mata ko. “Sobrang nag enjoy po talaga ako. First time kong makita ang favorite KPOP Idol ko eh. Tapos… basta wala talaga akong masabi.” Kilig na kilig kong tugon sa tanong niya. “Tsaka, nakabili rin ang ng mga merchandise, grabe. Nakaka satisfy ng kaluluwa.” Natawa nalang ako sa sinabi ko.
He chuckled. “Punong-puno na ng merch ang kwarto mo, Alec.” Narinig naming tumahol si Milo. “Oh, nag-agree si Milo sakin.”
“Hayaan mo na ako, ’Tay,” nagsalin na rin ako ng kanin at ulam sa plato ko. “Atleast, yung pinambili ko ng merch eh, pinaghirapan ko talaga. I mean, sariling pera ko naman.”
“Sabagay. Support naman ako diyan, as long as hindi mo napapabayaan ang trabaho mo. At huwag kang masyadong ma addict diyan sa KPOP, nakakasama ’yan.” Sumubo na siya ng pagkain.
“Hindi naman nakakasama ang KPOP eh.” Narinig na naman namin si Milo na tumahol. “Agree rin si Milo sakin, ’Tay.” Pareho nalang kaming natawa.
“Balimbing talaga ’yang si Milo eh.” Sabi ni Tatay at napansin kong bigla nalang umalis si Milo na hindi man lang naubos ang pagkain niya.
“Hala ka, ’Tay. Nagtampo si Milo sa’yo.”
“Susuyuin ko nalang siya mamaya, busy pa ako.” He chuckled.
Masaya ang munti naming pamilya kahit na kami lang tatlo ni Tatay at Milo. Kung hindi lang rin sa Tatay ko, siguro naghirap kami ngayon. Balo na si Tatay, namatay kasi ang Nanay ko dahil sa heart disease. Nakita ko kung paano naging miserable si Tatay noong namatay ang Nanay ko. Samantalang ako noong mga panahon na ’yun, hindi ko pa talaga naiintindihan ang mga nangyari sa paligid ko. Imagine, sampung taong gulang pa lang ako non. Wala pa talagang kamuwang-muwang sa mundo.
Nang nasa saktong pag-iisip na ako ay doon ko na naintindihan ang nangyari sa pamilya namin. At naging lakas ko ito para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. At ipagpatuloy ang buhay ko na kasama ang Tatay ko. All throughout the years, naging masaya ang pamumuhay namin.
Napakurap ako sa pagbabalik tanaw ng nakaraan ng biglang magsalita si Tatay. “Alec Martinez, kumain ka diyan, baka ma-late ka pa sa trabaho mo.”
“Ah oo.” Kinain ko na ang pagkain na nasa plato ko.
“’Tay, if ever na buhay pa si Nanay siguro magkakasundo kami dahil si Mama ay Engineer, tapos ako Architect,” a huge smile flashed in my lips.
“Oo, parang ganun na nga, anak. Pinangarap niya talaga na sana maging Architect ka habang pinagbubuntis ka pa niya. At di mo nga siya binigo.” He smiled to me. “Naaalala ko pa noong bata ka pa. Puro ka drawing, lahat ng makitang papel sinusulatan mo. Pati na rin yung dingding ng kwarto mo dati sinusulatan mo.”
“’Tay, huwag mo na ipaalala sakin yun.” Tawang-tawa lang si Tatay.
“Hindi ko lubos akalain nang sinabi mo sakin noong nag enroll ka sa college na Architecture ang kukunin mong kurso.”
“Well… As result, ako ang isa sa mga outstanding Architecture student sa Rainbow University, tapos, isa rin ako sa nag disenyo ng University noong ni-renovate ito. At Topnotcher pa sa board exam.” Proud na proud kong tugon sa Tatay ko.
“Alam kong proud na proud sa’yo ang Nanay mo.”
“Ako pa ba, ’Tay? Eh pareho kayong matalino ni Nanay eh. Kanino pa ba ako magmamana?” Pareho kaming natawa. “Anyway, mauna na ako sa’yo at may trabaho pa ako. Tsaka, si Milo, kailangan mo pa ’yung suyuin, ’Tay.”
“Oh, sige. Alis ka na, ako na bahala dito sa bahay.”
Dali-dali akong tumayo at nag toothbrush tapos bumalik na ulit sa kwarto ko para kunin yung briefcase ko na naglalaman ng mga blueprints. Balik na naman ako sa dining table.
“’Tay, kotse mo muna ang gagamitin ko. Di pa kasi tapos ayusin yung kotse ko eh.”
“Oh sige. Nasa office table ko nilagay yung car keys. Kunin mo nalang dun,” agad kong pinuntahan yung opisina ni Tatay dito sa bahay namin. Nang makuha ako ang car keys ay lumabas na ako at bumalik na naman sa dining table.
“Bye, ’Tay. See you tonight.” I kissed his cheeks.
“Bye, ’nak. Mag ingat ka sa pagmamaneho.”
“Yes po.”
Lumabas na ako ng bahay at tinungo ang garahe at sumakay na sa kotse. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at inimaniobra ko ito palabas ng gate, pinaharurot ko ito papuntang gate ng Subdivision.
The weather is so nice today. Maaliwalas ang mukha ng mga tao dito sa Arcoíris Subdivision na nadadaanan ko. May nagja-jogging, yung iba nagmamadaling lumabas ng gate dahil may trabaho pa. May mga estudyante na naglalakad papuntang gate ng Subdivision—may Saturday class sila. Damang-dama ako ang good vibes sa paligid. Dapat good vibes lang palagi para gumanda ng tuloy-tuloy ang araw mo.
Huminto ako sa guard house sandali. At ibinaba ko ang car glass. “Morning, Alec. How are you last night?” Panimulang tanong ni Ninong Soju.
“Morning, Uncle Soju. It was a really great experience at hinding-hindi ko talaga makakalimutan ’yun.”
“Wow naman. Buti naman at may energy ka pa para magtrabaho.”
“Ganun talaga, Uncle eh. Gusto ko pa talagang matulog pero kailangan kong kumayod para may pambili ako ng mga merchandise at para may pang kain ako ni Milo.”
“Sabagay, tama ka nga naman diyan.” A smile flashed on his lips. Kapansin-pansin na mas naging pogi si Uncle ko ah. Ibang-iba ang aura niya ngayon, para siyang in love or inspired na magtrabaho. Kung sa bagay, may itsura naman talaga si Uncle at maraming nagkakandarapa sa kaniya. At isa pa pala, malabong wala siyang pinopormahan ngayon.
“Oh? Ba’t parang nag iba ata ang kotse mo? Sa Tatay mo’to eh, diba?”
“Oo, di pa tapos ayusin yung sasakyan ko eh. Siguro bukas ayos na yun. Hindi pa nagbigay ng update yung mekaniko eh.”
“Ah ganun ba? Oh siya sige. Layas na baka ma late ka pa sa trabaho mo.” Pagtaboy niya sakin.
“Bye, Uncle.” I waved my hand.
“Bye, Alec. Ingat ka sa pagmaneho.”
“Opo,” sagot ko at itinaas ko na ang car glass at pinaharurot ko na ang sasakyan paalis ng Subdivision.
Dapat good vibes lang ako ngayon kasi Sunday na bukas. Meaning day-off namin. Matutulog talaga ako buong maghapon para makabawi ng lakas.
Nang makarating ako sa agency ay dumiretso ako sa parking lot. At lumabas na ako sa sasakyan ko bitbit ang briefcase at tinungo na ang entrance nitong agency.
Pagdating ko sa lobby ay sinalubong agad ako ng ‘Good morning, Sir’ ng mga empleyado. Until now hindi pa rin ako sanay na ginaganiyan nila ako. I mean, pantay-pantay lang naman kami at pareho lang naman kaming nagtatrabaho dito para sa sarili at sa pamilya.
Sakto at nakita kong nakaupo lang sa sofa ng lobby yung matalik kong kaibigan. Nakatalikod siya kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya.
“Morning, Kleo-patra.” Bumungad ko sa kaniya.
Agad siyang napatingin sa kinaroroonan ko. “Bushet ka, Alec! Ginulat mo naman ako!” Agad niyang tugon sa akin.
“Parang di ka naman nagulat eh,” I chuckled at him. Umupo ako sa tabi niya.
“Ang lalim ang iniisip ko, bakla. Kaya nagulat talaga ako at nakatalikod pa ako. Pero anyway, kumusta ang event na pinuntahan mo kagabi?”
Tumabi ako sa kinauupuan niya. “Well, super saya talaga. As in. Hindi mapagsidlan ang tuwa ko habang iwinawagayway ko ang light stick ko habang nagpo-perform sila ng mga sikat nilang kanta. Aside sa TREASURE may iba ring music artists ang nag perform.” Taimtim naman na nakinig si Kleo sa akin.
“Yeah, halata nga sa mga mata mong kumikininang-kinang eh. At kanina pa kita hinihintay,” agad siyang tumayo at binitbit niya ang sling bag niya. “Hindi ka pa ba tatayo diyan?” Tumayo na ako at pareho naming tinungo ang elevator.
Nang bumukas ito at agad kaming pumasok at pinindot ko ang 5th Floor kung saan nandoon ang opisina naming mga Architect.
Kleo is my college bestie. Siya lang talaga ang naging kaibigan ko sa college. Simula first year hanggang makapagtapos kami sa pag-aaral. Hanggang ngayon kaibigan pa rin kami at magkapit-bahay lang kami.
“Well, kumusta naman ang pagiging anak ng may ari ng Arcoíris Subdivision at nitong agency na pinagtatrabahohan natin?”
Napakamot ako ng ulo. “As you can see. Ayos naman, masaya. Pero ayoko lang na tinatawag nila akong ‘Sir’ ng mga empleyado ng Tatay ko.”
“Yeah, kasi sa paningin mo ay pantay-pantay lang tayong lahat dito.”
“Oo, anak man ako ng may ari ng agency dapat di nila ipapamukha sakin na mataas ako sa kanila.”
“Alam mo, naiintindihan kita. Pero kailangan mo nang masanay or kausapin mo ang Tatay mo tungkol diyan sa concern mo.”
Napabuntonghininga nalang ako sa sinabi ni Kleo.
Bumukas na ang pintuan ng elevator at tumambad sa amin ang tatlong empleyado, as usual, ‘Good morning, Sir Alec’ ang narinig ko kaya todo ngiti naman ako as a sign of respect. Ang Team Architect ay hindi nila ako tinatawag na may ‘Sir’ at alam nila ang reason ko. Same goes to Team Engineer.
Lumabas na kaming dalawa ni Kleo at tinungo na namin ang opisina namin. Tumambad rin sa amin ang hindi magkamayaw na mga Architect. Hindi sila mapakali at yung mga babaeng Architect ay todo retouch pa.
“Kleo, anong meron?” Bulong ko sa katabi ko.
“Aba! Ewan ko rin,” masungit na sagot niya sakin.
Tinungo nalang namin ang working station namin. Magkatabi lang ang working station namin ni Kleo para madali akong makasagap ng chismis galing sa kaniya.
“Kuya Alec, pwede ba patulong nitong design ko?” Napatingin ako sa nagsalita… si Jona pala.
“Sure,” sagot ko at ipinakita niya sakin ang design niya.
“Okay lang kaya ’yan, Kuya Alec? Pangatlong revision ko na ’yan.”
Interior design ng isang bar ang ginagawa ni Jona. Maganda naman ang pagkakagawa niya pero may kulang. Ayos na ang lahat at talagang may kulang ito.
Kinuha ko sa kaniya ang drafting paper at nilapag ko ito sa table. “Maganda ang pagkakagawa mo, Jona. Pero may kulang eh.” At isa-isa kong pinoint-out ang sa tingin ko ay kulang sa design niya.
“Masyadong maliit ang space ng VIP Section. I suggest dagdagan mo ito ng space. At pwede rin naman na lagyan mo ng tatlong room for the you know para sa mga ‘kakabalaghan’.” Napatawa kaming dalawa. “Tapos, para sa normal costumer, masyadong malaki ang space nila. Tsaka, bawasan mo ang pintuan. Pwede lang naman na dalawa lang eh para entrance at exit. At itong bar counter, I prefer ilagay mo ito sa gilid. Tapos yung lights dapat sapat lang kasi alam mo na mas gusto nila yung medyo madilim eh. And that’s it. You’re good to go.”
“Wow! Maraming salamat, Kuya Alec! Nasabi mo talaga ang mga kulang at mali,” she said happily.
“You’re welcome, Jona,” sagot ko sa kaniya at ibinalik ko sa kaniya ang drafting paper. Bumalik naman na sa working station niya si Jona para irevise na naman ang design niya. Ito talaga ang nakakainis sa pagiging Architect eh, kapag may maarte kang kliyente, naku! Ewan ko nalang talaga.
Ilang sandali pa ay biglang pumasok ang Team Manager namin na si Sir Zack. Pumalakpak siya ng tatlong beses para tawagin ang atensyon ng mga tao dito sa loob ng opisina.
“Alright. Everyone, listen. I have a very important announcement,” ani Sir Zack na seryoso ang tingin sa amin.
Nakinig lang kaming lahat sa kaniya at naghihintay kung ano pa ang sunod niyang sasabihin. Yung iba nakatayo at yung iba naman ay nakaupo lang.
“I am happy to announce that we have a new Engineer. He was the Topnatcher in his batchs’ board exam.”
“Wow, may Topnatcher na katulad mo, friend,” pabulong na sabi ni Kleo sa akin.
“Ano ba, nagkataon lang na ako ang Topnatcher ng batch namin,” sagot ko sa kaniya at ngumiti lang siya sakin.
“Please do welcome. Gray Ignacio,” tumingin si Sir Zack sa pintuan. “Come in, Mr. Ignacio. Please introduce yourself too.”
Gray Ignacio.
Ilang saglit lang ay pumasok na ang isang matangkad na binata. Nakasuot ito ng light blue longsleeves na nakatupi sa braso. He’s fit. Kapansin-pansin ang ganda ng pangangatawan niya. He’s also wearing a light gray trouser and black shoes.
Mukha siyang artista sa porma niya. Shuta, ang gwapo pa nang mukha niya. Full-package ang lolo niyo! Pakiramdam ko napako ako sa kinauupuan ko. Bushet, ang lakas ng tibok ng puso ko.
“Hi everyone,” panimula niya. F#ck, ang boses niya ay baritono. He then smiled. Pero mas lalong lumaki ang ngiti niya nang magkatinginan kaming dalawa.
“I am Gray Ignacio,” he said to us—or me in particular. “Nice to meet you.” He f#cking stares ferociously at me. F#ck, he’s so gorgeous.
I felt a kind of emotion all of a sudden. I’m unsure if this is an act of love or affection. And if those two statements are accurate, I’m doomed.
Chapter 2: Welcoming Party
Chapter 2:
Welcoming Party
A L E C
Napansin kong kilig na kilig ang mga kasamahan kong babae—except kay Jona. Parang hindi siya interesado sa bagong Engineer.
Kaya pala nung pagpasok namin ni Kleo kanina ay hindi sila magkamayaw kasi alam nila na may bagong Engineer. Mga babaeng to talaga.
Well, gwapo siya, fit, matangkad at higit sa lahat siya ay… straight. Eww.
“Hoy Alec! Kumakain ka pa ba?” Napakurap ako ng magsalita si Kleo.
“Huh? Bakit?” Nagtatakang tugon ko sa tanong niya.
“Mygad, saang planeta ba napunta ang isip mo at para atang wala ka sa sarili mo?” Tanong niya sakin at sumubo na ng pagkain niya.
Napabuntonghininga lang ako at sumubo na ng pagkain ko. Andito kami ngayon sa canteen ng agency, kasama namin kumakain rito ang Team Engineer at ibang team. Well of course, di kami sabay kumakain sa kanila kasi iba ang circle nila as well the Architects.
Dual purpose ang agency ni Tatay ko: Engineering and Architecture Services, basically, kung may gustong magpa renovate ng bahay or magpaggawa infrastractures. Pwedeng-pwede kayo rito. Ang Architect na ang bahala sa design at ang Engineer ang magpapatayo. Kung pwede lang rin ipa renovate ang ugali ng mga kamag-anak mo eh, pwede.
“May iniisip lang,” wika ko at sumubo ulit ng pagkain.
“Si Gray ang iniisip mo noh?”
“Hoy! Hindi ah!” Agad kong tugon sa kaniya, napasimangot ako.
“Aysus, deny pa eh. Alam kong crush mo siya. Tsaka, napansin ko rin kanina na nakatitig siya sa’yo or should I say… nagtitigan kayo.”
That really caught me off guard. Aside sa kilala na talaga ako netong si Kleo ay may pagka-nosy rin siya eh.
Sighing, we really had an eye contact earlier, and it feels like there are butterflies on my stomach. Oh my, I’m really doomed.
“Speaking of the devil. Andito ang Team Engineer, Alec,” dagdag pa ni Kleo sa sinabi niya kaya napatingin ako sa likod ko. Nakita kong papalapit sila sa table na pang maramihan at kaniya-kaniya silang umupo sa mga silya. Kasama nila si Gray. Close na agad sila nang bagong Engineer?
Actually, kami lang ni Kleo ang taga Arki department ang kumakain ngayon, kasi busy yung mga kasamahan namin.
Napansin kami nung isa sa mga Engineer at kumaway siya sa amin ni Kleo. Napansin rin ito ng mga kasamahan niya kaya naging dahilan para lahat ng Engineer ay kumaway sa’min. Kumaway rin naman kami pabalik. At itinuon na namin ang pansin sa pagkain namin.
“Gwapo yung bagong salta na Engineer noh?” Tanong ni Kleo. Heto na naman kami. Pinagmasdan ko lang siya. “He’s fit. Halatang suki sa gym. Malaki rin kaya ang—” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita.
“Kleo!”
“What?” Halata sa mukha niya na nagtataka siya.
“Tumigil ka na nga diyan.”
“Ano? May nasabi ba akong masama? Itatanong ko lang sana kong malaki ang puso niya para ibigin ka niya.”
Napairap nalang ako sa sinabi niya. “Siraulo ka talaga.”
“Uh-huh? Ikaw ah. Iba yang nasa isip mo eh. Pero malay mo malaki nga.” Tinawanan niya lang ako. And as for me, I fake a laugh to him. Ba’t ba naging kaibigan ko pa tong baklang ’to? Tinuon ko nalang ang pansin sa pagkain ko.
“Kumain ka nalang diyan. Marami pang pagkain sa tray mo oh. Di yung kung anu-ano iniisip mo, baklang ’to,” tinawanan niya lang ulit ako. Sira talaga.
“Oh… someone’s coming,” napatingin ako kay Kleo at kitang-kita ko na kumikinang ang mga mata niya at namumula pa ang pisngi. Luh, anyare sa taong ’to?
Napansin kong may umukopa sa silya na katabi ng inuupuan ko. “Hi, cutiepies. Are you guys free tonight? May pa-welcome party kaming mga Engineer para sa bagong salta. Baka gusto niyong sumama at mag walwal. Well, Engineers got your back, kami na ang bahala sa drinks and foods. Just your presence is enough.” Ang sarap sa teynga ng mga english words niya. Ang ganda pakinggan like parang sanay na sanay siyang mag english.
“Really, West?” Oh, Kleo looks like interesting.
Napatingin ako sa katabi ko. West Ryle Barcelo. One of the best Engineer on this agency. May itsura rin itong taong to, no wonder andaming nagkakandarapa sa kaniya. Pareho sila ni Gray, halatang suki sa gym.
“Yup!” West replied with a smile to Kleo. Napatingin ako kay Kleo. Kumikinang pa rin ang mga mata niya na nakatingin kay West. Ano bang meron sa baklang ’to at nagbago bigla ang aura niya.
“Sama tayo, Alec. Tutal, Sunday naman bukas eh.”
Sunday bukas at day-off naming lahat. Why not sumama nalang rin kaya ako. Matagal-tagal naman na akong hindi nakainom ng alak eh, at isa pa, wala naman akong gagawin eh.
“Oh, sige. Sasama ako.” Naging maaliwalas ang mukha ni Kleo at sobrang laki ng ngiti niya.
“Nice ka, Alec! Pakisabi na lang rin sa ibang Arki, para naman may kasama kayo. Kung ayaw nila sumama edi ’wag niyo nalang pilitin,” ani West at tumayo na sa pagkakaupo niya.
“Okay, West. Noted!” Kleo winked at him.
West just chuckled at bumalik na siya sa mga kasamahan niya.
Masama kong tinignan si Kleo. “Huwag kang masyadong pahalata, Kleo. Jusko,” sumimsim ako ng juice ko.
“Ano ba, dapat ganun para mas mapansin niya ako. This is what you call…. para-paraan.” Kilig na kilig siyang tumawa sa sarili niya.
“Baliw, what if di pala siya gay and his straight as f*ck! For goodness’ sake, Kleo.”
“Edi aray. Inom tayo ng empi,” saka siya bumahakhak ng tawa kaya napatingin samin yung ibang empleyado na kumakain rito sa canteen.
“Hoy! ’Yang bunganga mo!” Tumawa lang siya ng mahina. Nakaka stress talaga ’tong kaibigan kong siraulo.
“Pero seryoso… punta tayo ah?” Sumimsim siya ng juice niya.
“Sus, sasama ka lang naman kasi andun si West eh. Wag ako, Kleo, kilala kita.”
Sumubo na siya ng pagkain bago nagsalita. “Of course, at pupunta rin si Gray na crush mo. Kaya sumama ka na,” he really emphasized the word ‘crush’, dahilan para mapakamot ako ng ulo ko.
Mahina siyang natawa. “Totoo naman, friend eh. Aminin mo na kasi.”
I just rolled my eyes at him. I continue eating my food. Kanina pa kami rito sa canteen at hindi pa namin natatapos itong kinakain namin. Ganito talaga kami kapag may chismis or may bina-backstab kami ni Kleo.
After an hour, natapos na kaming kumain at bumalik na kaming dalawa sa working station namin.
Kinahaponan ay ni-announce ni Kleo sa Team Arki na may pa-welcome party ang Team Engineer at sino raw ang gustong sumama ay sabihan lang siya. Yung iba hindi makakasama kasi nga busy sa paggawa ng design nila, yung iba naman ay sasama since gusto raw nila mag unwind.
∞∞∞
The welcoming party went well along with the beer and pulutan. Dalawang table ang naukopa namin sa bar na pinuntahan namin. Yung isa ay sa Team Engineer at yung isa naman ay saming Team Arki.
Enjoy na enjoy sila sa pag-inom habang ako nasa gilid… chill lang. Umiinom ako ng alak in a moderate. Magmamaneho pa ako pauwi at sasakyan ni Tatay ang dala ako, ayokong mapagalitan niya ako dahil nasira ko ang sasakyan niya.
“Everyone, listen!” Napatingin kami sa nagsalita. Nakatayo si Sir Jian—ang team manager ng Engineering Department, nasa table siya ng mga Engineer. “Dahil may bago kaming salta sa Team. I will give the chance to Gray Ignacio to have a toast,” ani Sir Jian, mukhang lasing na rin ata siya. Pulang-pula na ang mukha niya eh tsaka yung leeg niya.
Narinig kong naghiyawan ang lahat ng Team Engineer. Agad na tumayo si Gray na may ngiti sa labi habang hawak niya ang baso niya na may lamang beer.
“Maraming salamat sa pag-welcome niyo sa akin sa Team. Sir Jian, maraming salamat. Maraming salamat rin sa Team Arki. Maraming salamat sa inyong lahat at bukal sa loob niyo akong tinanggap.”
Paulit-ulit ka pre? Nakakasawang pakinggan ang pasasalamat mo. Wala bang ibang speech? Lasing na ata ang kumag na ’to.
Gray raised his glass. “Cheers!” he said in a cheerful voice. Everyone raised there glass as well and said, “Cheers!” in unison. At sumimsim sila ng alak. Agad na naghiyawan ang Team Engineer pati na rin yung ibang kasamahan ko. Umupo na si Gray at ni-entertain siya ng mga kasamahan niya.
Ayon lang? Pasasalamat lang? Wala man lang message sa mga kasamahan niya or what.
“Alec, ayos ka lang ba? Wala ka ata sa mood, hindi ka sumabay sa pag cheers.” Sabi ni Kleo na katabi ko lang. “Gusto mo pang uminom?” Dagdag na tanong niya
“Ayos lang ako, friend. Sila lang naman ang nag-eenjoy eh. Tsaka, tama na ’tong alak, magmamaneho pa ako eh. Wait lang, restroom lang ako.”
“Balik ka kaagad ah?”
“Ay, alangan. I just need to pee. Kung matagalan man ako, alam mo na may ka-ano ako sa cubicle. Charot,” mahina akong natawa sa sinabi ko. Jusko, dala lang to ng alak. Kung anu-ano pinagsasabi ko. Hindi ako lasing, isang malaking baso ng beer lang naman ang ininom ko eh. Pampawi ng uhaw.
“Siraulo,” saka siya tumawa. Tumayo ako at tinahak ang daan papunta sa restroom ng bar.
Nang makita ko ang restroom na ‘panlalaki’ ay pumasok na ako. May mga kalalakihan na nakaukopa sa urinal bowl. Eww. Agad akong dumiretso sa cubicle. Ayoko talagang mag pee sa urinal bowl like what the fck! I just hate it. Di ko maimagine ang sarili ko na mag pee doon. Nilabas ko na ang sawa ko sa pants at voila. So fcking satisfying.
Pagkatapos kong mag pee ay siyempre ibinalik ko sa loob ng brief ko ang sawa. Inayos ko ang pants at belt ko at ni-flush ko na yung pee ko at lumabas na ng cubicle. Of course, naghugas ako ng kamay. At inayos ko naman ng unti ang buhok ko. Ako at yung isang lalaki na nasa urinal bowl na lang ang andito sa loob ng restroom.
Napansin kong may nanalamin na lalaki na nasa tabi ko. Ilang sandali lang ay naghugas rin siya ng kamay niya.
“Hi.” Isang baritonong boses ang narinig ko dahilan para manginig ang buong pagkatao ko. Napatingin ako sa salamin at nakita ko si Gray na nakangiti sakin. Ang gwapo pala talaga niya sa malapitan tapos ang bango pa.
“Hello.” Kalmado kong sagot sa kaniya habang hinuhugasan pa rin niya ang kamay niya.
“Napansin kong hindi ka masyadong uminom,” nakatingin siya sa gawi ko mula sa salamin.
“Well, hindi ako pwede uminom ng sobrang alak kasi magmamaneho pa ako pauwi at sa Tatay ko pa ang sasakyan na gamit ko ngayon.” F*ck! Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon! Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang puso ko!
“Oh, I see.” Mahinahon niyang sagot at kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang kamay niya. “You’re cute, by the way.”
That makes me stutter. “A-Ah… D-Di naman,” ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko ngayon! Please, lamunin na sana ako ng semento!
He chuckled. “Cute.”
“Lasing ka lang eh.”
“Ako? Lasing? Hindi ah. Hindi ako ganon kadali malasing noh?” Wow, mataas kumbaga ang alcohol tolerance niya.
“Weh? Talaga ba?”
“Oo nga.”
“Ok, sabi mo eh. Anyway, balik na tayo. Baka nagtaka na yung mga kasamahan natin kasi di agad tayo nakabalik.” He let out a giggle. Sh!t, ang sexy ng giggle niya. Alec, maghunos-dili ka!
Nauna siyang lumakad sa akin at hindi ko inasahan na pagbubuksan niya ako ng pintuan. “After you, cutie.”
Naramdaman kong nanghihihina ang tuhod ko sa sinabi niya. Pokingina, ano bang meron sa taong ’to at ganun nalang ang epekto niya sa akin?
Nauna na akong lumabas sa pintuan at nang makalabas siya ay pinagsabihan ko siya. “Don’t you ever call me ‘cutie’ or else—” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang nagsalita.
“Kiss me?”
“Hah! Malayong kamag-anak mo ata si Joker eh, hindi kasi nakakatawa ang joke mo.” Sarkastikong wika ko at iniwan ko na siya sa labas ng restroom. The hell! Hindi ako makapaniwala sa nangyari. May pagka-mahangin pala ’yung taong ’yun? F*ck!
Talaga ba? Joke ba? Sus, kinikilig ka nga eh. Pokinginang konsesnya ’to ayaw makisama.
Bumalik na ako sa pwesto ko. I heavily sighed. Nakakainis ang lalaking yun, bwisit siya! Akala mo kung sino! Pakshet!
“Oh? Anyare sa’yo? Bakit ganiyan ang mukha mo?” Nagtatakang tanong ni Kleo ng makaupo ako sa pwesto ko na katabi niya. Bwisit na ’yan!
“Well, may impakto na nakapasok sa restroom kanina,” napansin kong nakabalik na si Gray sa pwesto niya kanina. Napatingin siya sa kinaroroonan ko at kinindatan niya pa ako. Nag-iwas agad ako ng tingin. What the hell!
“Spill the tea,” saka uminom ng alak si Kleo at ganun rin ako. Inubos ko na ang lamang ng baso ko dahil sa inis.
Sinabi ko kay Kleo lahat-lahat ng nangyari at sinabi ni Gray kanina habang nasa restroom kami kanina. Pero ang bakla, akala ko maiinis, kinikilig siya sa mga sinabi ko.
“Oh really? Ang cute niyo naman. Feeling ko… bagay kayong dalawa sa isa’t-isa. And he’s interested in you,” seryosong sabi niya.
“Isa ka pa eh,” inirapan ko siya, tumawa lang siya sa sinabi ko.
“Pero seryoso, feeling ko crush ka rin niya.”
“Friend, lasing ka lang eh.”
He laughed. “Sus, aminin. Umaasa ka na sana crush ka rin niya,” I gave him an emotionless face. At tumawa lang ulit siya. Natanong ko na ba kung bakit ko pa naging kaibigan itong si Kleo Madrigal?
Kinuha ko ang baso niya at uminom ng kaunti sa alak niya. “Kleo, kanina ko pa napapansin na nakatingin si West sa’yo.”
Napatingin rin si Kleo sa pwesto ni West. Katabi lang niya si Gray. West just raised his glass and so as Kleo.
“Ang gwapo ni West, noh?”
“Yeah, gwapo siya. At halatang hindi mapapasaiyo. Pero huwag ka masyadong mahulog sa karisma niya.”
“Sir, don’t overthink. Alam ko ang ginagawa ko.”
“Sabi mo eh,” sumimsim ulit akong alak sa baso ni Kleo.
Habang lumalalim ang gabi ay mas naging exciting ang inuman dahil nalasing na yung ibang kasamahan namin. Lumabas na ang mga hinanakit sa trabaho pati na rin sa buhay nila na matagal na nilang kinikimkim. Yung iba rin naman tulog na dahil sa kalasingan. May iba naman na maayos mo pang makakausap.
I sighed. These people must drink responsibly.
Chapter 3: Dead Drunk
Chapter 3: Dead Drunk
A L E C
Enjoy na enjoy pa rin sila sa pag-inom. Habang ako nasa gilid lang, nasa mukha ko ang palad ko habang nakapatong ang siko sa mesa. I sighed. Pati si Kleo enjoy na enjoy pa rin. Yung dalawang Team Manager ay kanina pa natumba sa kalasingan.
Napatingin ako sa wrist watch ko, it’s already 12:10 PM. Di ba sila aware sa oras? Grabe talaga. Iba talaga ’pag kasama mo lasinggero, walang pakielam sa oras. Yung iba naming kasamahang babae ay nauna nang umuwi kasi lasing na. Kanina ko pa talaga gustong umuwi eh, ayaw pa akong pauwiin ni Kleo.
Napakamot ako ng ulo ko. “Kleo, gusto ko na umuwi. Gabing-gabi na oh.” Ipinakita ko sa kaniya ang oras.
Nagulat siya. “Oh sige. Ubusin ko lang ’to,” saka niya inubos ang laman ng baso niya at nang maubos niya ang laman ay agad siyang tumayo at naunang umalis.
“Guys, mauna na kaming uuwi ah. Malalim na ang gabi eh,” wika ko sa mga kasamahan ko at sumang-ayon naman sila.
Dali-dali akong sumunod kay Kleo. “Hindi ka pa ba lasing, Kleo? Andami mo kayang nainom,” seryoso kong tanong sa kaibigan ko. Tumango lang siya bilang sagot.
Nang makalabas kami sa loob ng bar ay naabutan namin sina West at Gray. Ang braso ni Gray nasa balikat ni West.
“Oh? Akala ko ba, mahirap siyang itumba sa inuman? Eh, anong nangyari?” Sarkastikong tanong ko kay West nang makalapit kami sa kinaroroonan ng dalawa.
“Nagsuka nga ito kanina eh,” sagot ni West. “Alec, ikaw na kaya maghatid sa kaniya. Medyo malayo pa kasi ang pupuntahan ko eh,” dagdag pa niya.
“Dis-oras ng gabi may pupuntahan ka?” Nakakapagtataka naman.
Hindi sumagot si West sa tanong ni Kleo pero nakatitig lang siya kay Kleo. May something talaga sa dalawang to eh. Mga pakshet na ’to.
I heavily sighed. “S-Sige, West. Ipasok mo na siya sa passenger’s seat. Ihahatid ko nalang ang hayop na ’yan sa bahay nila.” Ayan kasi, palasing-lasing tapos yung kaibigan pa ang mapiperwisyo.
“Grabe ka naman sa kaibigan ko, Alec. Bago pa lang siya sa team namin tapos ginaganiyan mo na.” Nag-alalang wika ni West. Napatawa nalang ako sa sinabi niya.
“Ang OA mo, West. Ipasok mo nalang kaya siya sa passenger’s seat para mahatid na yan ni Alec.” Pagtanggol ni Kleo sakin. Kaya agad na ring ipinasok ni West si Gray sa passenger’s seat at isinirado na niya ito. Buti nalang at malapit lang ang sasakyan ko sa kinaroroonan naming apat.
“Saan ba ang bahay ng hayop na ’yan?” Tanong ko kay West. Nang maipasok niya si Gray sa sasakyan.
“Sa condo unit daw siya nakatira sa pagkakatanda ko” nag-isip siya saglit. “… sa Pleasure Place.”
“Teka, paano mo nalaman na dun nga siya nakatira?” Tanong naman ni Kleo. He raises his eyebrows questioningly.
“Eh magkatabi kaya kami kanina sa loob, tapos sabi niya di niya dinala ang sasakyan niya tsaka, gusto niya rawng ihatid ko siya. Kaya nagtanong ako kung saan siya nakatira,” sagot ni West kay Kleo.
“Oh, chill lang. Wag ka namang umiyak. Nagtanong lang naman ako eh.”
West just smirk at him.
“Pleasure Place. Ah! Madadaanan ko lang yan papuntang Arcoíris Subdivision eh.” Ngayon ko lang naalala na sikat ang Condo na yan. Marami rin ang nakatira diyan kasi nga maganda ang interior design ng unit at sabi pa nila… affordable raw. Eh kung tutuusin mas affordable ang Arcoíris Subdivision eh. Kaya kung naghahanap kayo ng bahay na matitirhan abot-kaya sa bulsa at masayang neighborhood. Huwag na kayong mag-atubiling mag-inquire sa Arcoíris Subdivision.
“Ganun ba, Alec? Buti naman kung ganun. Pasensya ka na ah, naabala pa kita.”
“Buti alam mo na naabala mo ang kaibigan ko,” sabat ni Kleo sa usapan namin ni West. Napakamot nalang ako ng batok.
“Tumahimika ka nga, Kleo,” suway ko sa kaibigan ko. “Wala lang yun, West. Ayos lang. Wag kayong mag-alala, iuuwi ko siya sa condo niya na buhay at humihinga pa,” nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ko. Responsibilidad ko si Gray kasi anak ako ng may-ari ng agency. At sa agency siya magtatrabaho. “Oh, ikaw Kleo. Hatid na rin kita,” dagdag ko pa.
“Naku, wag na. Mag ko-commute na lang ako, Alec.”
“Eh, anong oras na oh, malalim na ang gabi. Wala nang masyadong sasakyan ang dumadaan—”
“Ayos lang nga ako. Sige na. Ihatid mo na si Gray. I’ll text you kapag nakauwi na ako sa subdivision.”
Ano na naman kay ang pumasok sa utak nitong baklang ’to at ayaw sumabay sakin pauwi. Libre na nga siya ng sakay eh, tinanggihan pa niya.
“Okay ~ Mag-ingat kayong dalawa sa pag-uwi ah. Kita nalang tayo sa Lunes. Bye.”
“Bye, Alec”
“Bye friend, mag-ingat ka sa pag maneho.”
Sumakay na ako sa driver’s seat at nimaniobra ko na ang sasakyan papunta sa Pleasure Place.
Alam kong may binabalak yung dalawang yun eh. Naku, ang friendship ko lumalandi na. Hindi naman siya ganiyan before eh. Anyway, buhay niya yan. At matanda na si Kleo, alam na niya ang tama at mali kaya shut up nalang ako. Pero ’pag di niya sasabihin sakin kung anong nangyari sa kanila ay lagot siya sakin. Char.
Tumingin ako saglit sa rear view mirror ng sasakyan. Tinignan ko kung maayos lang ba ang tao sa passenger’s seat. Fortunately, ayos lang siya. He’s sleeping soundly. Sana naman hindi niya sukaan ang sasakyan ng Tatay ko kundi papatayin ko talaga ang taong ’to. Char lang ulit.
Itinuon ko na ang atensyon ko sa kalsada. Ayokong madisgrasya kasi mahal ang pambayad sa ospital.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay napansin kong bumangon siya sa pagkakahiga at kinusot-kusot niya ang mga mata niya. Cute.
“Nasaan ako? Sino ka?”
“Humiga ka lang diyan at papunta tayo sa condo mo. Higa ka lang para hindi lalong umikot ang mundo mo at masukaan mo ang sasakyan. Tsaka, huwag kang mag-alala iuuwi kita ng kompleto pa ang parte ng katawan mo,” sagot ko sa kaniya. Napatingin ako saglit sa rear view mirror at nakita kong nahiga ulit siya. Ibinalik ko na ulit ang pansin sa kalsada.
“Ayan kasi, alam mo naman sa sarili mo mababa ang tolerance mo sa alak, edi sana hindi ka nalang uminom ng sobra. Mahirap raw itumba sa inuman, sus. Tignan mo nga sarili mo para kang nalantang pechay, ambaho mo pa dahil sa suka mo. Yucks! Mygad, Gray Ignacio!”
I heared him groan. Dahilan para mapakamot ako sa batok ko. The way he groaned is so fcking sexy! Nakaka turn-on. Fck, I’m really doomed. It’s just a groan how much more when he moans! Oh my God! No way! Grabe na ang pagnanasa ko sa kaniya. Di na to maganda, please lang, bago pa lang siya sa agency at ganun na agad ang nasa isip ko, hindi naman ako ganito before eh.
Talagang niyanig niya buong pagkatao ko! Kung anu-ano na iniisip ko. Potragis na ’yan. Jusko, ang landi-landi ko! Nakakahiya.
Nang makarating kami sa parking lot ng Pleasure Place ay ginising ko na siya. “Hoy! Gray! Gising!” Sinusundot-sundot ko ang mukha niya. He just groaned. “Andito na tayo sa bahay mo. Tayo ka na diyan. Tanga. Paano tatayo ’yan eh lasing na lasing yan eh. Para na ngang nalantang pechay ’yan. Asan utak mo, Alec?” Sabi ko sa sarili ko.
Bumaba na ako ng sasakyan at binuksan ko ang pintuan ng passenger’s seat at inalalayan ko siyang makabangon. “Ang bigat-bigat mong hayop ka!”
Nilabas ko na siya sa sasakyan at pinaakbay ko siya sa balikat ko. “Sa susunod, Gray. Wag ka nang mag-inom masyado!” Nagsimula na kaming maglakad papunta sa front desk ng condo. Buti nalang at may tao sa front desk sa mga oras na ’to.
“Good evening, Miss. Anong floor nakatira si Gray Ignacio?” Panimulang tanong ko sa clerk.
“Good evening, Sir. How are you related to Sir Gray?” Bushet na yan, nagtatanong pa. Di ba niya napapansin na nahihirapan ako?
“I’m his damn cousin.” May galit sa salita ko. Kalmado lang siyang napatingin sa taong nakayuko ang ulo habang ang braso niya ay nakaakbay sa balikat ko.
Nag type siya sa computer niya. Parang may hinahanap siya sa computer niya kung saang floor ata ang unit ni Gray.
“4th floor, Sir. From the elevator, on your right then the third door.”
“Thank you, Miss. Good night.” She just smiled at me. Bwisit siya. Sarap niyang sampalin.
Dali-dali kaming sumakay ng elevator at pinindot ko kaagad ang floor kung saan ang unit ni Gray. Pinaupo ko na muna siya sa sahig ng elevator.
“Ang bigat mo, Gray. Sobra,” sabi ko habang inaayos ko ang suot ko. Minamasahe ko ang balikat ko dahil nangangalay na ito. Bushet na Gray ’to. Sa susunod talaga hindi ko na siya ihahatid sa condo niya. Bahala na talaga siya buhay niya. Malaki na siya. Dapat sa kwarto ko na siya iuuwi. Just kidding.
Nang bumukas ang elevator ay inalalayan ko na naman siyang tumayo at pinaakbay ko sa balikat ko ang braso niya. Lumabas na kaming pareho sa elevator.
“From my right. Then, the third door. Hay jusko!” Agad kong tinungo ang pangatlong pintuan sa kanan ko. Isinandal ko sa gilid ng pintuan si Gray at umalis na. Charot!
Marahas akong napakamot ng ulo. “Hoy paano ko ’to bubuksan?” Tanong ko sa kaniya. Nag door bell ako, sana naman ay may tao sa loob o may kamag-anak siyang gising pa sa mga oras na ’to.
Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pintuan at tumambad sakin ang taong may gwapong mukha na may pagkahawig kay Gray. He’s tall and charming. I think he’s on his early forty’s. His wearing an eyeglass that suits to him well.
“Sino sila?” Tanong niya ng mabuksan niya ng malaki ang pintuan.
“H-Hi Sir. Katrabaho ako ni Gray—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko, dahil bigla niyang nakita si Gray na nasa gilid habang nakaupo sa malamig na sahig. Inalalayan niyang makatayo si Gray.
“Naku, lasing ka na naman anak,” sabi niya at ipinasok niya sa loob ng unit si Gray.
“Anak, pasok ka muna,” sabi niya at pumasok naman ako sa loob. Grabe, ang bilis ng pangyayari ah.
Pagpasok ko ay bumungad sakin ang napakagandang interior design ng unit ni Gray. Minimalist ang theme ng interior. May idea na naman ang pumasok sa isip ko.
Umupo ako sa sofa habang hinihintay kong makabalik yung lalaking umalalay kay Gray.
“Sorry sa abala, anak ah,” napatingin ako sa likod ko ng may biglang magsalita.
“Ayos lang po,” umupo siya sa kabilang sofa.
“Anong pangalan mo, ’nak?”
“Alec po. Alec Martinez. Anak po ako ng may ari ng Martinez Engineering and Architect Services.”
“Hala, nakakahiya naman. Ikaw pa talaga ang naghatid ng anak ko rito.”
I smiled to him. “Ayos lang po. May pa welcome party po kasi ang Team Engineer eh. Kaya nagkayayaang uminom,” sabi ko sa kaniya. Para akong nakikipag usap kay Gray, may pagka hawig si Gray sa Papa niya.
“Oh ganun ba? Ibig sabihin ay natanggap siya sa agency niyo?”
“Opo, ganun na nga po,” I let out a smile again.
Napakamot siya sa batok niya. “Pero ’nak, buti nalang at andito ako.”
“Oo nga po eh. Di ko alam kong paano bubuksan ’yung pintuan. Kaya nag doorbell ako at nagbabakasakali kung may tao ba rito sa loob.”
Napansin ko lang, si Papa ni Gray at siya lang ang andito. Single dad ba ang Papa ni Gray? Ay, baka naman natulog na yung Mama niya.
“Buti nalang rin at hindi pa ako natulog, hinihintay ko kasing makauwi ’yong pasaway kong anak eh. Kukumustahin ko sana siya kung natanggap ba siya sa agency na gustong-gusto niyang apply-an.” We both laugh.
Talaga lang ah, gusto niya talagang magtrabaho sa agency namin. Wise choice, Gray. Hindi ka nagkamaling mag-apply sa agency.
Namana ni Gray ang kagwapohan niya sa Papa niya. Ang swerte talaga ng mapapangasawa ni Gray, gwapo na nga at mahina lang ang tolerance sa alak.
“Matatanggap po siya kaagad kasi Topnotcher eh. Tapos charming pa. Isang kindat niya lang siya sa interviewer ay tanggap agad siya,” we both laugh again. Alam kong korni ang joke ko Sir.
“May punto ka nga naman diyan, anak. Ang swerte ko nga kasi ang anak ko ay Engineer. May ka duo na ako,” he genuinely laugh.
“Oh? So, Arki ka po?” Napatanong ako.
Tumango lang siya bilang sagot habang may ngiti sa labi. “I’m an Architect and a interior designer. Ako ang nag desinyo ng unit ni Gray. Ayos ba?”
“Opo! Sobrang nakaka-amaze nga po eh. Nang pagkapasok ko naramdaman ko kaagad ang comfort, hindi rin masakit sa mata nung mga kulay ng mga gamit at ang kulay ng pintura tapos basta! Napakaganda ng interior po.”
Totoo talaga ang sinabi kong maganda ang interior design. Para siyang makikita mo lang sa mga magazine na interior designs, parang ganun. Basta ang hirap ipaliwanag.
He chuckled. “Thank you, ’nak. Pareho kayo ng reaksiyon ni Gray nung ipakita ko sa kaniya itong unit niya.”
“Ganun po ba?” Napatawa ako ng mahina. Tumingin ako sa wrist watch ko. “Mukhang kailangan ko na pong umalis dahil ala una na ng madaling araw po,” sabi ko at tumayo na ako.
“Sige anak. Saan ka ba nakatira para ihatid na lang kita,” offer ng Papa ni Gray pero tinanggihan ko siya.
“Naku po, huwag na. Malapit lang naman ang bahay namin dito eh. Ilang minuto lang ay makakarating agad ako,” I answered with a smile.
“Sige ’nak.” Agad na akong lumapit sa pintuan at binuksan ko ito. “Mag-ingat ka pauwi ah. Salamat nga pala sa paghatid mo sa pasaway kong anak.”
Napatawa ako dahil sa sinabi niya. “Walang ano man po. Sige po, alis na ako,” lumabas na ako sa unit ni Gray. At pumasok na sa loob ng elevator.
Ang bait ng Papa ni Gray. Di man lang siya nag-offer ng maiinom. Char. Tsaka, sweet rin siya kasi tinawag niya akong anak kahit di naman niya ako anak. I feel so moved. Tapos yung tingin niya parang naa-amaze siya sakin. Yun bang gusto niya akong kilalanin. Weird. Siguro may naalala siya sakin kaya ganun siya.
Nang makarating ako sa Ground Floor ay tinahak ko na ang daan papunta sa parking lot. Grabe, nakaka stress ang araw na ’to. Gustong-gusto ko nang matulog sa malambot kong kama. Buti nalang at Sunday bukas at pwede akong matulog mag hapon.
∞∞∞
Nang makarating ako sa gate ng bahay namin ay agad kong binuksan ito at iginarahe ko na ang sasakyan ni Tatay.
Pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong agad ako ni Milo. Lumuhod ako para salubungin siya ng yakap.
“Milo, ba’t di ka pa natutulog? Gabing-gabi ah.” Hinagod-hagod ko ang balahibo niya. Tumayo na ako at bumalik naman sa higaan niya si Milo.
Lumapit ako sa kaniya at hinagod ko ang ulo niya. “Good night, Milo.”
Umakyat na ako sa kwarto ko. Ni-on ko ang lamp shade. Hinubad ko ang suot kong long sleeve polo at trouser. Saka ako nagsuot ng pambahay na damit at sumalampak sa malambot kong kama.
Pinatay ko na ang lamp shade. At nagpadalaw na ng antok. Expected na buong araw akong matutulog neto. I sighed. Kukunin ko pa pala ang sasakyan ko. Bukas ko na aalahanin yun, matutulog na ako dahil pagod na pagod talaga ako sa mga nangyari kanina.
Chapter 4: Project with him
Chapter 4: Project with him
A L E C
Yung isang araw na day off ay andali lang. Alam mo yun? Sabagay, isang araw lang naman ’yon. ’Yon nga, ang bilis ng panahon. Kulang talaga ang isang araw na pahinga sa mga taong nagta-trabaho. Pero pasalamat na rin ako kasi nakapagpahinga, nakatulog ako ng maayos at nakahinga ng maluwag kahit isang araw lang. Isang araw ka lang walang iisiping trabaho kaya sulitin mo na!
Pero ang ginawa ko buong araw ay natulog lang. Bawing-bawi ko na ang energy ko simula noong umattend ako ng event for my favorite KPop Boy Group. Kaya naman work, work, work ako ngayon.
Pumasok na ako sa loob ng elevator at pinindot ko ang floor kung saan ako patutungo. Himala at ako lang mag-isa sa loob ng elevator. Nang makarating ako sa floor namin ay agad na akong lumabas ng elevator at tinahak ang hallway papunta sa opisina namin.
Nang makapasok ako sa opisina namin ay lahat ng mga Arki ay nakatingin sakin. Woah, what’s happening? “May dumi ba sa mukha ko?” Nagtatakang tinuro ko ang mukha ko.
Hindi sila sumagot kaya dumiretso nalang ako sa working station ko. Nilapag ko sa mesa ko ang sling bag ko at umupo na sa swivel chair at nagbasa ng magazine.
“Kuya Alec,” napatingin ako sa nagsalita—si Jona. Agad kong nilapag sa mesa ang magazine at napatingin sa kaniya.
“Oh? May maitutulong ba ako?”
“Kuya… ano kasi… Pinag-uusapan ka nila dahil sa paghatid mo raw kay Kuya Gray noong Saturday,” halata ang pag-alala sa boses niya.
I chuckled and I let out an reassuring smile. “Ayon lang ba? Akala ko kung anong pinag-uusapan nila.”
“Eh? Usap-usapan kayong dalawa sa dalawang Team, lalong-lalo na sa Team Engineer.”
“Actually, walang kaso sa’ kin ’yon. Wala naman kaming ginawang masama. As the matter of fact, hinatid ko lang siya sa condo niya, wala naman kaming ginawang kababalaghan. Siyempre, katrabaho natin siya eh at may malasakit ako sa tao. So, what’s the fuss?” I sighed folding my arms across my chest.
“Anong nangyayari dito, Alec?” Napatingin ako sa kanan ni Jona. Si Kleo pala na kakadating lang.
“Usap-usapan raw kasi ’yong paghatid ko kay Gray,” napakamot nalang ako ng ulo.
“Ay, jusmeyo marimar. Parang yun lang? Jusko! Mga tao talaga parang timang, noh? Grabe maka issue, halatang walang magawa sa buhay!” Sobrang lakas ng boses ni Kleo ng sinabi niya ’yon.
Napahilot ako ng sintido ko. Eto talagang si Kleo walang kinatatakutan at walang inaatrasan. Masama ang ugali niya sa masama rin ang turing sa kaniya. Pasalamat na rin ako na may kaibigan ako ni Kleo na maldito.
“Kuya Kleo, kalmahan mo lang,” mahinang natawa si Jona sa mga sinabi ni Kleo.
“Hayaan niyo na lang ’yang mga sabi-sabi na ’yan, Kleo at Jona. Lilipas din ’to. Trust me,” kalmado kong sabi sa dalawa. Nagkatinginan pa ang dalawa bago umupo sa swivel chair si Kleo.
Kung papatulan mo kasi ang mga sabi-sabi. It’s either maaapektuhan ang trabaho mo or makakahanap ka pa ng gulo. Kaya as long as alam mo sa sarili mo ang katotohanan, then, hayaan mo sila. Huwag mo na lang patulan ang mga makikitid ang utak. They’re not relevant in your life.
“Balik ka na sa working station mo, Jona-bels. Tapusin mo na lang ’yong project mo para wala ka nang po-problemahin,” ani Kleo at ngumiti naman ni Jona saka siya bumalik sa working station niya.
Now, Kleo faced me. “Spill the tea, my friend.” Matulis na nakatingin si Kleo sakin, gustong-gusto niya talagang malaman ang mga nangyari noong nakaraan.
“Well,” sumandal ako sa swivel chair. “Hinatid ko siya tapos andoon pala ang Papa niya sa condo. Inaantay niya raw si Gray na makauwi para kumustahin. Ang nakakapagtataka ay kahit malali na ang gabi ay inintay niya pa rin ang anak niya. After that nagkausap kami saglit at umuwi na rin naman ako at natulog na,” pagsalaysay ko sa mga nangyari noong nakaraan. Diba, wala namang nangyari?
“Ay, ang boring naman.”
“Ano bang dapat kong gawin? Pokingina ka.”
Napatawa siya. “Well, you know.” He whispered. “Mag make-out kayo ng Papa ni Gray.”
“The fck, Kleo!” Tumawa lang ang baliw. Grabe, nakakagulat yung binulong niya, the fck! Omg, hindi ko maimagine na mag-ano kami ng Papa ni Gray! Bushet na Kleo ’to.
“Or nag take advantage ka sana kay Gray, diba?” Tinaas-baba pa niya ang kilay niya.
“Ano bang nakain mo ngayon at ganiyan ang nasa isip mo? Hindi ako ganiyan, friend. Please lang. Kaya ka ganiyan kasi may nangyari sa inyo ni—nevermind. Anyway, kayo ba ni ano?” Now, I turned the table.
Napansin kong namula ang mukha niya at halatang kinikilig. “Wala ~”
“Anong wala? Sure ka bang wala? Sus, ang landi mo na talaga.”
“Huy, slight lang naman.”
“Ganoon na rin ’yon. Pero seryoso, may ginawa kayong kababalaghan, noh?”
“Wala ah. Nag sleep-over lang ako sa apartment niya,” hindi niya napigilang ngumiti dahil sa kilig.
“Sleep-over lang ba talaga?”
“Oo naman noh? Hello? We’re exclusively on a talking stage.” Tama nga ang hinala ko.
“Wow, may ka dating stage pala ang kaibigan ko. At bakit ngayon mo lang sinabi sakin ’yan? Parang noong isang araw lang ay nagpapansin ka sa kaniya.”
Kilig na kilig ang hinayupak. “Eh, baka ma-jinx eh. You know, ayokong ma-jinx,” napatawa ako sa sinabi niya. Bushet na ’yan!
“Siraulo ka!”
“Ang ingay niyong dalawa, Alec at Kleo,” napatingin kaming dalawa ni Kleo sa nagsalita, si Sir Zack pala—nasa pintuan siya. Hindi ko napansing bumukas yung pintuan. “Alec, I need you in my office, now,” ani Sir Zack na may seryosong mukha.
“F*ck,” mahina kong sabi kaya napatingin ako kay Kleo.
Bumulong rin siya. “F*ck talaga, bading.”
Lahat ng Arki ay nakatingin sa akin. Nangliliit ako ngayon. Sh!t, nakakahiya. Never pa akong pinatawag nang ganito ka seryoso ang mukha ni Sir Zack.
Tumayo na ako at nauna nang lumabas si Sir Zack. Pagkalabas ko ng opisina ay sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang labag sa rules ng agency eh. Marangal akong nagtatrabaho kahit na anak ako ng may ari ng agency. Sir Zack, baka tungkol ’to kay Gray. Pokingina, tulog na nga kayong dalawa ni Sir Jian nang umalis na kami eh. Pero Sir, wala naman po kaming ginawang masama, Sir. Please, maniwala ka. Hinatid ko lang siya sa condo niya, yun lang yun, Sir Zack! Please.
Naunang pumasok si Sir Zack sa opisina nila bago ako. Pagkapasok ko ay gulat ang nangibabaw sa buong pagkatao ko, dahil andito rin sa loob ng opisina si Gray kasama si Sir Jian. Iisa lang ang opisina ng dalawang Team Manager.
Nakaupo sa sofa si Gray habang sa kabilang sofa naman ay si Sir Jian. “Tumabi ka kay Gray, Alec,” ani Sir Zack nang makaupo siya sa tabi ni Sir Jian.
Umupo naman ako sa tabi ni Gray. Nang makaupo ako kay tinitigan ko siya ng masama. Agad siyang nagtaka at tinanong ako sa mababang tono ng boses. “Ano? May nagawa ba ako?”
Hindi na ako sumagot at inayos ko nalang ang upo ko para makinig sa dalawang Team Manager na nasa kabilang sofa.
“You two are both Board Exam Topnotchers on your batch,” panimula ni Sir Zack.
“Malaki ang tiwala ng agency sa ’yo, Alec. At alam kong alam mo rin ’yon,” ani Sir Jian.
Okay? What the hell. What’s the meaning of this? I’m really confused in my seat.
“This’ll be your project, Alec and Gray,” sabi naman ni Sir Zack.
Palipat-lipat ang tingin namin ni Gray. Bushet, dapat isa nalang sa kanila ang nagsalita hindi yung salitan sila. Jusko.
“Ang kliyente natin mismo ang nagsabi na gusto niya na Topnotcher ang Architect at Engineer,” sabi naman ni Sir Jian.
“Sir, would you please go straight to the point?” Nababagot na sabi ni Gray. Tama nga naman siya. Nagpatango-tango nalang ako bilang pagsang-ayon.
“Ok. Let’s get to the point. Poo Qui Estate, yan ang pangalan ng subdivision. And the owner of the Poo Qui Estates will have a subdivision here in our city. At tayo ang unang nilapitan nila at gusto nila na tayo ang gagawa ng design at magpatayo ng subdivision dito. And bigatin ang client natin ngayon dahil he owns a five subdivisions,” napatingin ng seryoso si Sir Zack sakin. “Alec, alam kong kaya mo ang project na ’to. Marami nang kliyente ang na satisfied sa mga gawa mo. I’m rooting on you! Fighting!”
“At ikaw, Gray. Ikaw ang Engingeer ng project na ’to—this is your first project. Alam ko rin na kaya mo ’to. Kaya mo ang project na ’to!” ani Sir Jian.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Inaabsorb pa ng utak ko ang lahat ng mga sinabi nila Sir Zack at Sir Jian.
Ako at si Gray ang naatasan sa malaking proyekto na’to? To be honest, simple lang proyekto na gagawin ko. At alam kong madali lang ’to.
Si Gray, bago pa siya sa agency at haharap agad siya sa hamon. Pero alam kong kaya niya ’to! Kaya namin!
“Alec?” tinawag ni Sir Zack ang pangalan ko. “Are you fine?”
“Yes, Sir! Definitely. Inaabsorb ko pa ang lahat ng mga sinabi mo. To think na bigatin ang may ari ng Poo Qui Estate at sa atin sila gustong magpaggawa. It is really an honor. And I’ll do my best!”
“That’s the spirit, Alec!”
Napatingin ako sa katabi ko. Halata sa mukha niya ang gulat pero kapansin-pansin rin ang determinasyon niya. Aba, dapat lang.
“Sir Jian, sure na po ba talaga ang may ari ng Poo Qui Estate na ako ang—”
“Sino pa ba ang Topnotcher sa board exam na Engineer ang andito sa loob ng opisina?” Hindi ko alam kong sarcastic ba ang pagkasabi ni Sir Jian.
Medyo umawang ang labi ni Gray sa narining niya. “O-Ok, Sir. I must do my best as well!”
“Good,” ani Sir Jian. “Ok, ito ang gusto ng kliyente natin.” Isinalaysay na ni Sir Jian at Sir Zack kung ano nga ang gusto ng kliyente. And after that, pinabalik na kami nila sa working station namin.
Lumabas kaming pareho ni Gray sa opisina. Shocks, I feel pressured. Pero dapat chill lang. Kaya ko ’to. Ako pa ba?
Hindi kami nag-usap ni Gray nang makalabas kami, dumiretso lang rin siya sa opisina nila. Ayokong makausap siya baka masuntok ko siya sa mukha.
Pagdating ko sa working station ko, tinanong agad ako ni Kleo kung anong dahilan ba’t ako pinatawag ni Sir Zack sa opisina niya. “May project kami ni Gray,” walang buhay kong tugon sa kaniya.
Halata ang pagkagulat niya. “Really?”
“Oo nga, kakasabi ko nga lang eh, di’ba?” Sarkastikong tugon ko naman.
“Oo nga. Anong project ba ’yan? I mean, sino ang kliyente niyo?”
“Isang subdivision tapos ang pangalan ay Poo Qui Estate, magkakaroon sila ng subdivision dito sa city natin and kami ni Gray ang pinili niya para sa design at pagtatayo nito,” I sighed folding my arms across my chest as I leaned on the swivel chair.
Mukhang may kakompetensiya si Tatay nito ah. Pero alam kong mas maganda pa rin ang subdivision namin.
Natakpan ni Kleo ang bibig niya habang nanlaki ang mga mata. “Hala! Good luck!”
“Hindi ito madadala ng good luck kasi by Friday ay dapat tapos na, ganun ka excited ang kliyente namin. Para siyang nagmamadali, akala niya siguro ay ganun kadali. And by tommorrow, may meeting ako with the client, sinabi lang sakin nina Sir Jian at Sir Zack ang gusto ng may ari and mas prefer ko talaga na makausap siya ng harap-harapan,” pagmamaktol ko kaya napatingin ako kay Kleo. “Nauuhaw ako. Punta muna akong café. May ipabibili ka?”
“Iced Matcha Latté”
“Eww… damo.”
“Hala parang sira ’to.” Tinawanan ko lang siya. Ewan ko ba kung anong meron sa Matcha at gustong-gusto nila ’yan. Actually, never ko pa na try na mag iced matcha latté, sabi nang mga nakatikim lasang dahon daw eh. Ewan ko ba.
“Maakalis na nga lang,” tumayo na ako sa swivel chair ko at lumabas na ng opisina. Tinahak ko na ang daan papunta sa elevator at sumakay na ako papunta sa ground floor at lumabas na sa agency.
Walking distance lang naman yung café kaya nilakad ko na lang. Gusto ko rin naman maglakad-lakad. Exercise ba.
∞∞∞
Pinindot ko ang floor number ng opisina namin at unti-unti nang sumara ang pintuan ng elevator. Pero nagulat nalang ako ng biglang may apat na daliri ang pumigil sa pagsara ng pintuan ng elevator. Nang bumukas ito ay pumasok na si Gray. Hindi na siya nag pindot ng numero dahil parehong nasa fifth floor ang opisina namin.
Inayos niya ang suot niya. Actually, ang gwapo niya today, gustong-gusto ko ang outfit niya. “Salamat nga pala, Alec sa paghatid mo sa ’kin sa condo ko noong nakaraan.”
Ngayon ko lang narinig na tinawag niya ang pangalan ko. With his baritone voice it feels like I’m going crazy, and my heart beats so fast at this moment.
“Ang bigat mo nga eh. Plano ko nga sana na iwan ka sa labas ng unit mo. Pero may konsensya ako at kakatanggap mo palang sa agency kaya ayon,” sagot ko naman sa kaniya.
“Pasensya ka na ah. Sinabi sakin ng Dada ko na hinatid raw ako ng kaibigan ko kaya napaisip ako kung si West, pero sabi niya hindi raw. Ikaw raw ang naghatid sakin. Pasensya na.”
“Sabi mo pa nga sakin na hindi ka madaling matumba sa inuman eh.”
Napakamot nalang siya ng batok niya.
“Hindi kasi na condition ang katawan ko niyon eh. Pasensya na talaga at hinatid mo ’ko.”
The way he speaks is so cold. Is he an introvert? Or this is just the way he talk to people. Ibang-iba siya noong nasa restroom kami, parang he’s more confident.
“Ayos lang. At least may utang na loob ka sakin.”
He chuckled. “Dahil may utang na loob ako sa ’yo, why not mag dinner tayo sa condo ko tonight.”
“Oh sorry, Gray. May dinner rin kami ng Tatay ko eh. Maybe, next time.”
“Oh, okay. Sabihin mo lang sa ’kin kung kailan mo gusto. Siya nga pala, nagkausap raw kayo saglit ni Dada, wala naman siyang sinabi na tungkol sakin, di ’ba?”
Napaisip ako saglit. “Hmm… wala naman. Tinanong niya lang ako kung anong trabaho ko ganun-ganun. Tapos, tinawag pa nga niya akong anak.”
He giggled. “Si Dada talaga.”
Bumukas na ang pintuan ng elevator at pareho kaming lumabas dito at tinahak ang hallway.
“Ay, Alec. West expressed his regards for Kleo,” seryosong sabi ni Gray nang bubuksan ko na sana ang pintuan ng opisina namin.
Napatingin ako sa kaniya. “Oh? Really? May binabalak na naman ata ang dalawang ’yon,” napatawa kaming dalawa ni Gray. “Sige Gray, pasok na ako,” sabi ko at pinihit ko na ang door knob.
Pagpasok ko sa opisina, pumunta agad ako sa working station ko, nilapag ko sa table ni Kleo ang Ice Matcha Latté niya at binigyan ko siya ng straw. “Thanks, my friend.”
Umupo na ako sa swivel chair ko saka ko nilapag sa mesa ang Caramel Macchiatto ko. “West sends his regards to you.”
Napatigil sa pagsipsip ng iniinom si Kleo. “Nagkasabayan kami ni Gray kanina sa elevator,” sabi ko at sumimsim na ng Caramel Macchiatto.
“Aysus, kayo ah. May something na kayo ah. Ayieee.”
“Anong kami ni Gray? Baka kayo ni West? Parang sira ’to.”
Tinawanan niya lang ako. “We’re on a talking stage nga di ’ba? At sasabihin ko naman sayo ’pag naging kami talaga.”
“Imposibleng maging kayo,” ngayon ako naman ang tumawa.
Imposible talaga. I think he doesn’t bat the same way.
Typical na gay romance. Maiinlove sa straight na lalaki blah blah. I’ve been there, I already experience that kind of shit way back on my college years. And I know, lilipas rin ’to. Lilipas lang ’tong nararamdaman ko kay Gray.
Chapter 5: Meeting
Chapter 5: Meeting
A L E C
Abot langit ang inis ko ngayon. Isa siya sa mga nagbibigay ng stress sa buhay ko at ang laki ng tanong ko; bakit naisipan ni Tatay na imbitahan si Kleo na dito sa bahay siya mag dinner? In the end, ako ang pulutan ng usapan nilang tatlo-andito rin si Ate Maye ang Assistant ni Tatay. Napaka-unsual na inimbitahan ni Tatay si Kleo, sanay na kami na bigla-bigla nalang siyang susulpot dito sa bahay.
“Hoy, tama na nga ’yan. Baka umiyak pa si Alec,” ani Ate Maye. Si Ate Maye ang Assistant ni Tatay sa agency as well as dito sa subdivision. Sa kaniya unang sumasalang ang gustong mag-inquire ng bahay. Mabait naman si Ate and she’s hardworking.
Nagtawanan lang ang dalawa-si Tatay at Kleo. Pinag-usapan na naman nila ang mga embarrasing moments ko.
“Pero seryoso, Tito Wade. Crush ni Alec yung bagong Engineer ng agency mo. At Topnotcher siya ah. Bagay sila ni Alec, puro matatalino.”
“Nabalitaan ko nga, matalino ’yong batang ’yon. At di ko pa nakita ang batang ’yon sa agency. Pero Alec, huwag masyadong magpadala sa bugso ng damdamin baka mangyari na naman ang kinatatakutan mo,” naging seryoso ang mukha ni Tatay. He’s concerned about my love life kahit noon pa man.
“You know, Tito. My instincts says that this guy is umm… closeted gay, but! I don’t really think he’s gay or maybe he’s bi or… pansexual.” Parang ewan pinagsasabi netong baklang ’to. Kaya nga ayoko na andito siya minsan eh, nalalason niya utak ni Tatay.
Pinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko habang nakikinig ako sa walang kwentang usapan nila. Kanina pa talaga ako naiirita sa mga pinag-uusapan nila. Kung pwede lang isubsob ko sa mangkok na may adobo ang mukha ni Kleo eh.
“Ano ka ba, Kleo. Wag mo nang pag-usapan ’yong tao. Di naman natin alam kong ano ba talaga ang gender identity niya. Unless, sabihin niya sa inyo mismo,” sabat naman ni Ate Maye.
“May punto si Maye. Hayaan mo nalang ’yong tao, Kleo,” komento rin naman ni Tatay.
“Malay natin di ’ba, Alec?” napatingin ako kay Kleo sa tabi ko, may nakakalokong ngiti sa labi niya.
“Ewan ko sa ’yo. Hindi ako gaydar. Kumain ka na nga lang diyan, andami mong alam,” masungit kong sabi. Kaya bumuhakhak nalang ng tawa si Tatay at Kleo habang si Ate Maye ay napahilot na lang ng sintido niya.
“Dalian niyo na lang kumain, para mahugasan ko na ang pinagkainan niyo,” wika ni Ate Maye.
“Ate, huwag na. Si Kleo na lang ang maghuhugas ng pinggan,” sabi ko kaya napahinto sa pag kain si Kleo.
“Oh? Ba’t ako?”
“Ayos lang, Alec. Good mood ako ngayon kasi day off ko eh,” sabi naman ni Ate Maye.
Natawa lang si Tatay. “Hayaan mo na lang Ate Maye mo, Alec,” tumingin si Tatay sakin at ibinaling niya naman ang tingin kay Ate Maye. “May report ka pa na di mo naipasa sakin, Maye.”
“Yes, Sir. By Friday morning, Sir matatapos ko na ’yon. Dadalhin ko ba dito sa office mo, Sir? Or doon sa agency?”
Napaisip saglit si Tatay. “Puno ang schedule ko that day, Maye. May pupuntahan akong meetings… Ah! Just email me those reports, ayos ba ’yon?”
“Okay, Sir. Noted,” ngumiti naman si Ate Maye.
Napaka-considerate talaga ni Tatay sa mga empleyado niya. Hindi niya minamadali ang mga reports and everything. Binibigyan niya ng tamang panahon ang paggawa ng reports ng mga empleyado niya. Strikto naman siya, pero ewan ko ba sa kaniya. Kaya nga siguro maraming gustong mag-invest sa agency niya eh kasi maayos ang pamamalakad niya.
“Tito Wade,” tawag ni Kleo kay Tatay. Tapos nang kumain ang kumag. Napatingin naman si Tatay kay Kleo. “Alam mo na ba na may project si Alec at iyong bagong Engineer?”
“Oh, really? Ang alam ko lang is may project si Alec pero hindi ko alam na ang Engineer pala ay ’yong bago.”
“Now you know, Tito,” Kleo winked at my father. Ewan ko ba kung bakit nag click ang ugali ng dalawang ’to.
Napatingin si Tatay sa ’kin habang umiinom ng tubig nang matapos siyang uminom ay nagsalita siya. “Good luck, ’nak. Alam kong kaya mo ’yan. Ikaw pa ba?”
I let out a sigh as I stuff food on my mouth.
“Ok, since tapos naman na kayong kumain. Ilagay niyo na sa sink ’yang pinagkainan niyo. At tigil-tigilan niyo na si Alec,” ani Ate Maye at kinuha na niya ang plato ni Kleo at Tatay. “Naiistress ako sa inyo,” natawa kaming tatlo sa sinabi ni Ate.
Buti pa si Ate Maye, she’s always on my side ’pag pinupulutan ako ng dalawang kolokoy. Sanay naman na ako sa tandem nilang dalawa pero nakakainis pa rin talaga.
Minsan talaga kawawa ako kapag wala si Ate Maye. Walang magtatanggol sa akin kaya wala akong magawa kundi ang umiyak nalang. Char! Pumapatol ako sa kanila minsan.
Pagkatapos kong kumain ay tinulungan kong maghugas si Ate Maye, nag-usap kami saglit patungkol sa project ko. Nakaka pressure talaga kasi madalian eh. Pero dapat chill lang para makabuo ako ng magandang disenyo para sa project namin ni Gray.
Pagkatapos naming maghugas ng plato ay pumunta kami sa living room at naabutan namin si Tatay at Kleo na nanonood ng palabas sa TV.
“Sir Wade, mauna na po ako. Salamat po sa hapunan,” ani Ate Maye habang bitbit niya ang bag niya tsaka ’yong cardigan. May lakad kasi siya kanina kaya naka formal attire siya.
“Walang anuman, Maye. Maraming salamat rin sa ’yo,” sagot ni Tatay habang nakatutok pa rin ang pansin sa TV. Lumapit ako sa kinauupuan ni Tatay at tumingin ako sa TV.
“Ang tanda-tanda niyo nang dalawa nanonood pa rin kayo ng Spongebob?!”
“Shut up, b1tch,” sagot ni Kleo sakin at tumawa kaming dalawa ni Ate Maye.
Hindi na ako sumagot at hinatid ko nalang si Ate sa labas ng gate. Dito rin sa subdivision nakatira si Ate Maye kaya alam kong safe siyang uuwi sa bahay niya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at ganoon pa rin ang tumambad sa ’kin sa living room. Tutok pa rin sa TV yung dalawa kolokoy.
“Hoy bading, umuwi ka na sa bahay niyo. Hinahanap ka na ng Mama mo,” sarkastikong sabi ko habang nakapameywang.
“Ulol. Pakyu!” Yan lang ang natanggap ko kay Kleo. Tumawa nalang ako.
Diba? Ang sweet namin?
Umakyat na ako sa kwarto ko para matulog na. Marami-rami pa akong gagawin bukas at kailangan nasa condition ang katawan at utak ko.
∞∞∞
Nagdaan ang mga araw at heto na kami ngayon ni Gray. Ngayon ang araw na magmi-meeting kami no’ng kliyente namin-informal meeting, para sa consultation ng design and everything. Kaba ang nangibabaw sa buong pagkatao ko, habang si Gray ay kalmado lang dito sa loob ng sasakyan ko. Ewan ko ba kung bakit sumama pa siya. Sana all.
Pagdating namin sa kompanya ng kliyente namin ay dumiretso kami sa front desk at ako na mismo ang nag-inform na may appointment kami ng may ari ng kompanya.
“Yes, Sir. Our beloved CEO is expecting your presence in his office. May I lead the way, Sir?” her voice is calming, she lead the way to the office of the CEO. We entered the elevator.
Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay lumabas na kaming tatlo doon and she lead the way. Nang makaharap kami sa isang pintuan ay kumatok siya ng dalawang beses at binuksan na niya ang pintuan.
“You may come in, Sir,” imporma niya sa aming dalawa ni Gray nang mabuksan niya ang pintuan.
“Thank you, Miss,” sagot ni Gray. Pumasok na kaming dalawa sa opisina at nakita naming busy sa pagpirma ng kung anong papeles ang CEO.
“Good morning, Mr. Tee T. Co,” natawa ako ng mahina at ganun rin si Gray.
Oh shoot! We should act professional!
“Good morning, you two. Have a seat,” patuloy pa rin siya sa pag pirma ng mga papeles sa table niya. Umupo na kaming dalawa ni Gray sa sofa dito sa opisina. “Just wait a bit, guys. Tatapusin ko lang ’tong mga papeles.”
Ilang minuto pa ang nakalipas bago niya natapos ang pag pirma niya sa mga papeles at ako ay inaantok na.
“Sorry about that. Ok, let’s get straight to the point,” sabi niya nang makaupo siya sa kabilang sofa.
Kinuha ko sa tabi ng briefcase ko ang drawing tube at kinuha ko na ang drafting paper na dinrawingan ko ng design para sa bahay niya. Nilapag ko ito sa coffee table at kinuha niya ito.
Ngayon, taimtim niyang pinagmasdan at inobserbahan ang gawa ko. Una niyang kinuhang drafting paper ay yung may design ng bahay, habang naiwan sa coffee table ang floor plan na gawa ni Gray.
Ibinaba niya ang drafting paper at seryoso siyang napatingin sakin. “You’re the son of the owner of the agency, right?”
“Yes, Sir,” I replied with pride.
“I’m disappointed on your work,” pakiramdam ko gumuho ang mundo ko sa salitang narinig ko. Gusto ko nalang magpalamon sa semento ngayon. Pakiramdam ko nabingi ako sa salitang binitawan niya mula sa bibig niya.
I had sleepless nights to create that f*cking design and the audacity of this asshole. Alam ba niya na hindi ganun kadali ang trabaho ko? Potangina niya.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo. “Sir, if you’re disappointed on my design then, I’m disappointed on you as well. Did you know, that I had sleepless nights for this goddamn project? Kasi atat na atat kang makita ang design kaya naging dahilan ito para madaliin ko ang gawa ko. Edi ikaw nalang sana nag-architect! Sa lahat ng kliyente ko, ikaw lang nagsabi na nadisappoint!”
Umawat si Gray usapan. “Tama na, Alec.”
Matalim kong tinignan si Gray. “Anong tama na? HINDI!” Ngayon, matalim kong tinignan si Mr. Tee T. Co. “At least man lang diba inappreciate mo ang effort ko! Hindi yung nagsabi ka kaagad ng negatibo. Alam kong alam mo kung gaano kahirap ang Architecture!” Kinuha ko sa kaniya ang drafting paper, matalim ko siyang tinignan sa mga mata niya. At walang pasabi kong pinunit ang drafting paper sa harap niya.
Galit na galit ako. Nag-aalburuto ako sa galit dahil sa critique niya.
“Disappointed ka? Edi wow,” marahas kong tinapon sa mukha niya yung pira-pirasong papel. Nagulat rin siya dahil sa naging asal ko.
Alam kong nagulat si Gray sa nakita niya.
Sa lahat ng kliyente na dumaan sakin. Ngayon lang ako nakatanggap ng gano’ng salita. Ilang taon na ako sa agency at ito ang unang pagkakataon na nagalit ako sa kliyente ko. At hinding-hindi ko mapapalipas ang araw na ’to.
Marahas akong napailing sa eksena na nasa utak ko. Pokingina, grabe yun ah.
“Are you ok, Mr. Martinez?” tanong ni Mr. Tee T. Co habang may pag-alala sa mukha niya.
Napatingin ako kay Gray at ganun rin siya. Napatingin ulit ako kay Mr. Co.
“I… I… I’m fine. Can you please continue, Sir?” sagot ko naman sa kaniya.
“Ok, I like the design, Mr. Martinez. It’s just that may kulang eh.”
“Yes, Sir. Can you point out what you think is lacking?”
Without further ado, nilapag niya ulit sa coffee table yung drafting paper at pinoint out niya ang sa tingin niyang kailangan ma-revise. Nag suggest rin siya ng idea niya-again.
Nakinig ako ng mabuti sa kaniya. Napatingin ako kay Gray at nakatingin ng seryoso sa akin. Ano kaya ang tumatakbo sa utak ng taong ’to ngayon? Binaling ko na lang ang pansin ko sa mga pinagsasabi ng kliyente namin.
“I think that’s it,” ani Mr. Tee T. Co.
“Ok, Sir. I’ll revise this as soon as possible,” I let out a genuine smile. Para naman di magmukhang galit ako sa kaniya.
“Your design is great, Mr. Martinez.”
Agad kong nirolyo ang dalawang drafting paper at nilagay sa drawing tube.
“And your Engineer is handsome as well. You guys are dating?”
“No, Sir!” Sabad ko kaagad sa tanong niya. Napatingin ako kay Gray, walang emosyon sa mukha niya ngayon.
Anong nakain niya at natanong niya ’yon? It seems like there’s a question mark in my head right now.
“Oh, hindi nga,” napatawa siya.
“Anyway, Sir. I will apply what you suggested to the design as I revise this,” I then smile from ear to ear.
“Thank you!” Maligalig na tugon niya.
“Mauna na ho kami, Mr. Co,” ani Gray.
∞∞∞
“Alam kong nagalit ka kay Mr. Tee T. Co,” napatawa si Gray. “Ba’t gano’n ang pangalan niya?” Bumuhakhak na siya ng tawa. Hindi ako natawa dahil mas nanaig sa akin ang galit. Disappointed raw siya tapos ilang sandali lang your design is great. Dual sim yarn?
“Anong oras na?” Tanong ko sa taong nakaupo dito sa shotgun seat ng sasakyan.
“Oras na para bumili ka ng relo,” he cracked a joke.
“Well, it’s not funny, Mr. Ignacio.”
“Ay sorry.” Napatingin siya sa wrist watch niya. “It’s already four in the afternoon. Malapit na uwian natin or uwian na ata,” tinuon ko nalang ang pansin ko sa kalsada.
I’m so f#cking drain right now. Kulang pa ako sa tulog. Ilang ulit kong na-revise yung gawa ko dahil naubos ang idea sa utak ko. Knowing, ilang araw lang ang meron kami ni Gray. Hindi ko na nga napa-critique kay Sir Jian o kay Sir Zack man lang.
Pagdating namin sa agency ay naghiwalay na agad ang landas namin ni Gray. Pagpasok ko sa opisina bitbit ang briefcase at ang drawing tube ay agad akong umupo sa swivel chair ko, ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
Alam kong busy si Kleo sa paggawa ng design niya at ayoko muna siyang kausapin. “Friend, grabe. Ang pangit ng aura mo ngayon.”
“Alangan naman, ikaw ba naman sabihan ng ‘I’m disappointed on your design’ tapos ‘your design is great’, tangina! The duality.”
Ibinuka ko na ang mga mata ko. At napatingin ako sa gawi ni Kleo. “Grabe naman ’yan. Ayos lang sa ’kin na masabihan ako ng ganiyan pero ikaw? Naku!”
“Hayaan mo na. Ganiyan naman talaga eh. Hindi naman palaging sumasang-ayon sa atin ang panahon,” napabuntong-hininga nalang ako.
“Sabagay. Pero friend… magdi-dinner raw kaming dalawa ni West.”
Napaayos ako ng upo dahil sa narinig ko. “Oh, really? Balitaan mo ako sa mga mangyayari ah.”
“Sureness,” sabi niya nang may ngiti sa mga labi. Mukhang nagkakamabutihan na nga ang dalawa. Pero sana nga.
Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Naabutan ko sa island counter na nag-uusap sina Uncle Soju at Tatay. Kumakain pala ang dalawa. Si Milo busy rin sa paglantak ng dog food niya sa ibaba ng island counter.
“Promise, mabait siya tapos cute,” ani Uncle Soju sabay tawa.
Lumapit ako sa island counter at tumabi ako kay Uncle Soju. Si Tatay ay nasa kabilang stool. “Sinong mabait at cute, Uncle?” I raised my eyebrows questioningly.
Agad na napatingin sakin si Uncle Soju. “Wala. Oh, ba’t stress na stress ang mukha mo?” Sumubo siya ng pagkain niya.
“Kulang ako sa tulog at disappointed pa ’yong kliyente ko sa design ko,” napabuntonghininga nalang ako.
“Uy, grabe naman ’yong disappointed, ’nak. Kumain ka na muna para magkalaman ang tiyan mo,” kumuha si Tatay ng plato at kubyertos. Siya na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko.
“Grabe naman ’yang kliyente mo, Alec. Disappointed talaga?” Tumango-tango lang ako kay Uncle habang sunod-sunod na paglantak ko sa pagkain.
“Huwag na lang nating pag-usapan itong project ko, please? Naiinis ako.”
Napansin ko ang pag-aalala ni Tatay. “’Nak, huwag kang masyadong paka stress sa trabaho. Nag-aalala ako sa’yo.”
“Ayos lang po ako, ’Tay. Sadyang nagmamadali lang talaga ’tong kliyente namin eh. Tsk.”
“Kumain ka na lang diyan, Alec. Tapos magpahinga ka na,” ani Uncle Soju at ginulo niya ang buhok ko.
Isang ngiti lang ang ginanti ko sa kanila at kumain na ulit. Kailangan kong kumain ng marami kasi nakakagutom talaga ang trabaho ko. Ginusto ko maging Architect eh, kaya dapat kong panindigan ito. Nakakapagod man pero ganoon talaga.
Laban lang!
Chapter 6: Architect Martinez
Chapter 6: Architect Martinez
A L E C
Sunday Morning. I roll myself on the side together with my blanket. Ugh! Gusto nang bumangon ng katawan ko.
Kinuha ko sa side table ang cellphone ko at ni-on ko ito. 10:23 AM na. I stretched my body before I hop off on my bed and went right away on the bathroom. After that, I walk myself downstairs. Of course, I dressed up.
Pagdating ko sa living room ay naabutan ko si Milo na nilalaro niya ang teddy bear niya. Cute.
“Morning, Milo,” lumapit ako sa kaniya at hinagod-hagod ko ang ulo niya habang nasa bibig niya yung teddy bear niya. “Nakatulog ka ba ng maayos?” Tumayo na ako para makakain na, nagugutom na ang dragon sa loob ng tiyan ko.
Dali-dali akong nagluto ng ulam. I wonder kung kumain na ba si Tatay, malamang kumain na ’yon at nasa opisina niya dito sa bahay. Mamaya hahatiran ko siya ng snack.
Pagkatapos kong magluto ng ulam ay kumain na ako. Dalawang hotdog at bacon lang ang ulam ko, tapos milk. Busog na si bakla.
Pagkatapos ko kumain ay gumawa ako ng clubhouse sandwich. At tinahak ko na ang daan papunta sa opisina ni Tatay. Napatingin ako sa paanan ko dahil sumusunod pala si Milo.
Kumatok ako ng dalawang beses at binuksan ko na ang pintuan. Naabutan ko si Tatay na busy sa pagtype sa laptop niya. Napansin ko na sa gilid ng laptop niya ay may tasa ng kape.
“’Tay, snack ka muna,” sabi ko at nilapag ko sa gilid katabi no’ng kape ang plato na may clubhouse sandwich.
Napatigil sa pagtype si Tatay tinignan niya ako saka siya ngumiti. “Thanks, ’nak.”
“’Tay, maggo-grocery ako. Tapos, may kanin pa naman sa rice cooker kasya na ’yon sa ’yo. Sa labas na ako kakain. Gusto ko muna mag-unwind.” Gusto ko mag me-time saglit. Stress na stress ako this week. After neto balik na naman ako sa project ko, unting adjustment na lang at matatapos ko na. At ipapakita ko pa kay Gray para mapag-aralan niya ito.
“Sure ’nak,” saka siya ngumiti sakin. “Me-time?”
I chuckled before I answer. “Stress na stress na po ang junakis niyo.”
“I feel you, pero sige lang. Tapos mo naman na ’yong design mo, di ’ba?”
“Unting adjustment lang naman ’Tay at ok na.”
“Buti naman kung gano’n.”
I heavily sigh. “Sige ’Tay. Alis na muna ako.”
“Sige, salamat pala sa sandwich,” he genuinely smiled to me.
“You’re welcome, Tatay. Si Milo nasa ilalim ng mesa mo, wag mong kalimutang pakainin ah?”
“Sus, andaming bilin. Alis na!” Napatawa nalang ako sa sinabi niya.
Umalis na ako sa opisina niya at tinungo ko na ang garahe saka ako sumakay sa sasakyan ko, tinungo na ang daan paalis sa subdivision.
∞∞∞
Punong-puno ang cart ko ng groceries dahil hindi ako naglista ng mga bibilhin ko kaya eto. Epekto ’to kanina nang pagiging lutang ko, kaya eto ako ngayon. Sabagay, card naman ni Tatay ang gamit ko—hindi ko pa ’to naibalik sa kaniya—kaya ayos lang. Well, hindi naman siya magagalit as long as iwawaldas ko sa mga mahahalagang bagay.
Nagbayad na ako sa cashier. “Do you have a cash or card, Sir?”
Dinukot ko sa tote bag ko ang wallet ko at kinuha ang card ni Tatay saka ko ito binigay sa cashier, siya na ang nagswipe sa machine at ni-type niya kung magkano ang mababayaran ko. And the bagger did his job.
Nang makalabas ako sa super market na bitbit ang dalawang malalaking plastic ay agad akong napatingin sa likod ko dahil may tumawag sa pangalan ko.
“ALEC!” Potragis na unggoy ’to.
Pinagtitinginan siya ng mga customer sa loob. Shocks! Nakakahiya.
May bitbit rin siyang malaking plastic bag.
Sa dinami-rami ng taong pwede kong maencounter si Gray Ignacio pa talaga?!
Nang makalapit siya sakin ay agad siyang umakbay sakin. “The f#ck, Gray! Kailangan mo talagang sumigaw? Nakakahiya ka,” I frowned at him.
Tumawa lang ang baliw. “Hayaan mo sila. Are you free? Let’s grab a drink.”
“Would you please pull off your arm around my shoulders? Can’t you see I’m holding two bags of groceries.” Now, I’m angry.
He immediately pull off his arm. “Oh, sorry.”
Nagsimula na ulit akong maglakad at tinungo ko ang kotse ko para ilagay ko sa passenger’s seat itong mga binili ko. Pagkatapos kung ilagay ang mga pinamili ko ay nakita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko.
“Let’s grab a drink, my treat,” aniya habang ’yong isang kamay niya ay nasa bulsa ng pants niya. He’s just wearing a oversized plain beige shirt and a black shorts that above the knee, his slippers is from Birkenstock. He’s so f#cking handsome, his outfit suits him well.
“So titignan mo lang ang katawan ko?” Napabalik ako sa isip ko nang magsalita siya.
“Uh… Let’s grab a drink. May gusto rin akong itanong sa ’yo patungkol sa project natin.”
“Ok, Gray Café,” agad siyang tumalikod at pinuntahan niya ang kotse niya. Wow, may kotse pala siya? Akala ko wala, baka sa Dada niya ’yan. Ay potragis, anong paki ko?
Wait, did he just say… Gray Café?
Pagdating ko sa café ay agad na nahagilap ng mga mata ko ang kamay ni Gray na kumakaway. Agad akong lumapit sa table na napili niya.
“Have a sit,” aniya. Umupo ako sa kabilang silya. “Anong gusto mong inumin or kainin? Wag lang ako.”
I gave him a stern look. “Really?”
He giggled. “Just kidding.”
“Caramel Machiatto”
“That’s it? Dessert?”
“Strawberry cheesecake.”
He knod. Agad niyang pinuntahan ang barista, ilang sandali lang ay bumalik naman siya sa kinauupuan niya.
Nilibot ng paningin ko ang buong café. Hindi pa rin ito nagbabago.
“This is my café,” nabingi ako sa sinabi ni Gray. Ano raw sabi niya?
Napatingin ako sa kaniya na may pagtataka. “C-Come again?”
“Gray Café is mine. Ako ang may ari nitong café. Isinunod ko sa first name ko,” he then smiled proudly to me.
I really looked dumbfounded when he repeat his words.
THIS CAFÉ IS OWNED BY GRAY IGNACIO?!
Paboritong tambayan namin ’to ni Kleo noong college pa kami and up to this day, like dito kami gumagawa ng assignments sa laptop. Dito rin ako nag confess sa crush kong straight. Eww. Dito rin kami ni Kleo nangba-backstab ng mga kinaiinisan naming classmate or prof. Andami naming memories ni Kleo dito sa café na ’to tapos malalaman ko na si Gray pala ang may ari nito!?
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Please lang. “Oh my gosh.”
“What?” he giggled.
“Andami kong memories dito sa café mo—hanggang ngayon rin naman. Tapos sa iyo pala ’to? Oh my gosh talaga.”
“Oh? Really?” Napatawa siya. “Actually, ikaw pa ang nasabihan ko tungkol dito.”
“Luh.”
“Oo nga!”
“Okay, dahil ako lang ang nakakaalam na sa ’yo pala ’tong café, dapat libre na drinks and dessert namin ni Kleo ’cause suki na kami dito sa café mo since way back on our college years,” napakamot siya ng ulo dahil sa suggestion ko.
“Okay. Just use the secret code,” inilapit niya ng unti ang mukha niya at tinakpan niya ang gilid ng labi gamit ang palad niya. “Just use the secret code na… GRAY POGI.”
Naging letter ‘O’ ang labi ko nang marinig ko ang secret code. “Seryoso ba ’yan?”
“Oo naman noh?” aniya at umupo na siya ng maayos.
“Here’s your Caramel Machiatto and strawberry cheesecake, Sir Alec,” nilapag ng poging barista ang order ko sa table namin. “Iced Matcha Latté and carbonara for Sir Gray,” nilapag niya na rin ’yong kay Gray. “Enjoy!” Ngumiti siya sa amin.
“Thank you,” sambit ni Gray at umalis na ang barista.
“Yucks, umiinom ng damo tsaka kumakain ng maputlang spaghetti,” sabi ko at sumimsim na ng inumin ko.
“Hala siya. May problema ka ba sakin?”
Natawa ako sa reaksyon niya. “Wala naman. Pareho kayo ni Kleo, umiinom rin siya ng ganiyan.”
“Masarap naman talaga ah.”
“Lasang damo, dati ka bang baka?” Tinignan niya lang ako ng masama kaya bumuhakhak ako ng tawa.
“Pero seryoso, Alec. Anak ka pala ng may ari ng agency na pinagtatrabahohan natin? Gusto ko sanang itanong noong nakaraan, kaso bad mood ka baka masuntok mo ako ng wala sa oras.”
“Oo, Tatay ko ang may ari ng Martinez Engineering and Architecture Services. And my Tatay also owns a subdivision, which is the Arcoíris Subdivision.”
“Wow! Ang yaman niyo pala,” sumimsim siya ng inumin niya.
“Hindi kami mayaman. Sakto lang. Dahil kasi sa pagsisikap ng Tatay ko kaya maayos ang pamumuhay namin.”
“Ah! Tatay pala ang tawag mo Papa mo?”
“Oo, isn’t nice?” Tumikim ako ng dessert ko.
“Super nice, actually.”
“Ang sarap talaga ng cheesecake niyo.”
“Yes, masarap talaga ang dessert namin dito kaya pabalik-balik kayo dito—”
Nalukot ang noo ko sa sinabi niya. He just chuckled.
“Anyway—”
“Teka lang, Gray. Can you tell me more about your life?”
Tumikim muna siya ng carbonara niya. He moaned while chewing his dessert. Napangiwi ako sa kaniya. Yucks.
He laughed a little.
“My Dada is an Interior Designer and an Architect, his one of the members of the City Architect in our city. While my Mama is a Librarian in Rainbow University.”
“Wow.” Yan lang ang nasabi ko dahil wala akong ibang masabi sa nalaman ko. Maayos naman pala ang trabaho ng Mama at Dada niya, edi goods.
“I studied at Rainbow University.”
“Oh, same.”
“And… I am the only child.”
“Really? Pareho pala tayo eh,” nagtawanan kaming dalawa.
With that, we both shared our exes, hobbies, likes, dislikes and embarassing moments as well as too personal questions. Habang kausap ko siya ay pakiramdam ko ay mas lalo ko pa siyang nakilala at mas lalong lumalim ang pagtingin ko sa kaniya. At sana gano’n rin siya sakin.
For goodness’ sake, I shoudn’t expect anything in return to someone when it comes to love!
“Natulala ka, Alec?” napakurap ako ng magsalita si Gray.
“Huh? Ah… Wala. Ano… May iniisip lang,” sagot ko.
“Huwag mo nang isipin ang trabaho para sa project kasi nakahanap na ako ng mga trabahante at alam ko na magugustuhan na ng kliyente natin ang design mo.”
“Manifesting,” walang buhay kong sagot. Sa totoo lang, pagod na talaga ako. Masyadong nagmamadali itong kliyente namin eh.
Nag text sakin si Sir Zack na sa Wednesday next week dapat tapos na ’yon. So, ilang araw pa ang natitira, mag-unwind na muna ako tapos mamayang gabi sasabak na ulit ako sa laban.
“Kung ako ang tatanungin mo, Alec. Maganda ang design mo.”
“Bolero,” saka ko inubos ang strawberry cheesecake sa plato ko.
“Hindi ah. Totoo kaya ang sinabi ko na maganda tsaka nakagawa na nga agad ako ng floor plan eh. Ay… siya nga pala, sina Sir Zack at Sir Jian na raw ang haharap sa kliyente natin ’pag natapos mo na ang design at floor plan ko.”
“Bakit daw?”
“Ewan ko sa kanila.”
I just frown at him.
Ayaw ata ako makita ng kliyente namin. Napagtanto niya ata na mali ’yong salitang binitawan niya. Disappointed mo mukha mo, pakshet ka! Akala mo ganun kadali ang gumawa ng design ng bahay para sa subdivision niya?!
∞∞∞
Mabilis na lumipas ang mga araw. Tapos ko na ang design at gano’n rin ang floor plan. Gumamit na rin ako ng AutoCad para mas ma-emphasize pa ’yong buong building.
Pina-critique ko na rin kay Tatay ’yong gawa ko at sabi niya ayos na at pwede nang simulan ang pagtayo ng bahay. As usual, ganiyan naman ang sinasabi niya sa mga gawa ko.
“Kinakabahan ako, Kleo,” sabi ko habang nakadampi sa dibdib ko ang palad ko.
“Chill ka lang, bakla. Alam kong magugustuhan na ng kliyente niyo ’yon,” ani Kleo habang hinahagod-hagod ang likod ko.
“Sana nga para naman worth it ang pagod namin ni Gray.”
’Yong sinabi ni Gray na ang Team Manager na ang haharap sa kliyente ay binalewala ko. Ako ang Architect eh, ako ang nag design. Wala silang karapatan na diktahan ako. Naintindihan ko sila na baka ano ang masabi ko sa kliyente namin kapag nagkataon, well, sinabi ni Gray sa kanila kung ano ang behaviour ko noong nag meet kami ng client.
Kakagaling ko lang sa conference room. I presented my design in front of the two Team Managers and to our client as well as the other engineers who are involved on building it. Ngayon, mas confident na ako. Pagkatapos ko ay si Gray naman at ni-explain niya ang parte niya sa mga materyales sa pagtayo ng bahay, estimated cost ng bahay at iba pa.
Hindi ko alam kong anong nasa isip ni Mr. Tee T. Co habang pinipresent namin ang project namin. Pero tanga nalang talaga siya pag ayaw pa niya sa gawa ko.
Napansin kong may taong lumapit sa table ko kaya napatingin ako rito. May ngiti sa labi niya na bagay na bagay sa kaniya. Mas lalo siyang pumopogi ’pag nakangiti, kitang-kita ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin.
I want to kiss him.
“Alec, punta raw tayo sa conference room.”
Napabuntonghininga ako bago tumayo.
“Goodluck, guys!” ani Kleo. Ngumiti ako sa kaniya.
“Let’s go,” sabi ko kay Gray at umalis na kami sa opisina at tinahak na ang daan papuntang conference room.
“Kanina pa ako kinakabahan, Alec,” ani Gray ng makarating kami sa labas ng conference room.
“Ako rin naman eh,” nagkatinginan kami sa isa’t-isa, agad ko rin namang binawi ang tingin ko.
Pinihit ko na ang door knob pabukas at pumasok na kaming dalawa. Wala na ang client at ’yong ibang engineer.
Sinalubong kaming pareho ni Gray ng Team Manager namin ng yakap.
“A-Anong n-nangyari sa inyong dalawa?” Tanong ko kay Sir Zack habang yakap-yakap niya ako.
“Nagustuhan ng kliyente ang design mo at by next week ay sisimulan na ang pagtatayo ng bahay,” sabi ni Sir Zack na may excitement.
“Oh my God! Really?” Gulat ang nangibabaw sa buong pagkatao ko at gano’n rin si Gray.
Kumalas na si Sir Zack sa pagkakayakap niya sa ’kin.
“Seryoso ba ’yan, Sir Jian, Sir Zack?” tanong ni Gray.
“Yes! Ikaw Engineer, sabihan mo na ang tauhan mo na ready nang ipatayo ang subdivision,” ani Sir Jian kay Gray.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Gray dahil sa gulat. At dahil sa tuwa ay napayakap ako sa kaniya. Walang mapagsidlan ang tuwa ko, dahil sa wakas!
Agad ko rin namang nabawi ang sarili ko.
“S-Sorry,” ’yan lang ang nasabi ko.
“Congrats to the both of you,” ani Sir Zack.
“Congrats, kids! You did a great job!” ani Sir Jian.
“Maraming salamat po!” Gray and I said in unison.
“Hindi kayo dapat magpasalamat sa ’min. Pasalamatan niyo ang isa’t-isa dahil kung hindi dahil inyo ay wala tayong bigating kliyente,” sabi ni Sir Zack at nginitian niya kami ni Gray.
Ngumiti ako kay Gray at gano’n rin siya. Ngiting tagumpay!
After the announcement ay nauna na kaming lumabas ni Gray sa conference room.
“Let’s grab a beer to celebrate!” aya niya at halata sa kaniya na excited siyang uminom. “Later at my condo. After work.”
Tumango ako bilang sagot.
“Good job, Architect Martinez,” a smile flashed on his lips.
“You too, Engineer Ignacio.” I replied to him with a duchenne smile on my lips as well.
Now that we tend to convinced our client, it is time to walwal! Pambawi sa pagod namin ni Gray. Masasabi kong worth it ang pagpupuyat ko ng ilang gabi. Gusto kong umiyak sa saya dahil sa wakas! May infrastructure na naman na ako ang nag-design. Napaka-fulfilling talaga.
Chapter 7: Hangover
Chapter 7: Hangover
A L E C
Something’s wrong. Groggy, I open my eyes to slits. Lifting my lids takes unbelievably hard effort. And my head hurts as hell. My eyes roamed the room as I hold my head. Gulat ang nangibabaw sa akin nang nilibot ng paningin ko ang buong kwarto.
“What the—Ah! Ang sakit ng ulo ko!” Nagpagulong-gulong ako sa kama at nagpatihaya na lang.
Andito pala ako sa condo ni Gray. At sa kama niya ako natulog, ang kapal ng mukha ko!
Agad na napatingin ako sa night stand katabi ng kama ni Gray. Napansin kong may sticky notes, gamot at tubig na nakapatong do’n. Dahan-dahan kong kinuha ’yong sticky notes at binasa ang nakasulat.
‘Drink the medicine, para mawala ang hangover mo.’
I looked puzzled. Wow, he’s concern with me.
I immediately swallowed the medicine with water.
Napaisip ako kung bakit ’di man lang ako ginising ni Gray. I just shrugged on my thought.
Tumayo na ako at humarap sa malaking salamin. Napaka-haggard ng mukha ko atsaka T-Shirt ni Gray ang suot ko. Tangina, binihisan niya ako kagabi habang lasing ako?! Hindi ko napigilang sabunutin ang buhok ko.
Actually, wala akong naalala sa mga nangyari kagabi. Wala talaga, as in! Ang naalala ko lang ay nag-inuman lang kami tapos binackstab pa nga namin si Mr. Tee T. Co, dahil sa wakas ay sisimulan nang itayo ang bahay. Ilang canned beer ba ang nainom ko at parang gano’n na lang ’yon?
Lumabas na ako ng kwarto niya at pinuntahan ang sala, agad na nahagilap ng mata ko ang sticky notes na nasa dining table.
‘I prepared breakfast for you. Eat it. And lock the door when you leave.’
Feeling ko naririnig ko boses ni Gray sa utak ko. His baritone voice that so appealing.
Kinuha ko na yung pantakip ng ulam. At naglaway ako sa ulam na nasa plato; katawan ni Gray at hotdog niya. Charot.
Hotdog, scrumbbled egg at tocino ang ulam na niluto niya. Kumuha na ako ng plato at kutsara saka ako nagsalin ng kanin at ulam sa plato ko. Saka na ako kumain para magkalaman ang tiyan ko.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at umalis na sa condo niya. May trabaho pa akong aatupagin.
∞∞∞
“Hoy Alec! Saan ka ba galing at ganiyan ang itsura mo?” Bungad na tanong ni Ate Maye sa ’kin ng makapasok ako sa bahay. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa na mag-isa habang nakasuot siya ng formal attire. Pupunta ata siyang agency.
“Ah… Ano… Niyaya ako ng katrabaho ko na mag-inuman sa condo niya tapos ayon,” I laughed a little.
“Naku, alam ba yan ng Tatay mo?” Nagpalingo-lingo ako bilang sagot.
She heavily sighed. “Mabuti pa na umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis na. Pupunta kami sa agency ngayon ng Tatay mo dahil may meeting siya sa mga Board of Directors. Kaya magmadali ka na diyan bago pa mapansin ng Tatay mo na ngayon ka lang nakauwi.”
“Oh sige, Ate. Pero ’pag nagtanong siya sabihin mo na lang na pumunta ka sa kwarto ko at tulog pa,” sabi ko at dali-dali na akong umakyat sa kwarto ko. Hindi na ako naligo kasi mabango naman na ako. Naghilamos lang ako tsaka nag ayos ng buhok, nagsuot lang ako ng semi-formal attire like the usual. At nabili ko lang ’to kay Ate Maye sa murang presyo, well, may sideline si Ate Maye ng pautang na RTW, oh diba? ’Yan ang masipag!
Pagbaba ko sa sala ay sinalubong agad ako ni Milo. Hinagod-hagod ko ang balahibo niya. Wala na rin si Ate Maye sa sofa, umalis na sila ni Tatay.
“Milo, hindi ako nakauwi kagabi kasi lasing ako. Nagpakabait ka ba kay Tatay? Kumain ka na? Dapat lang na kumain ka para gumwapo ka. Okay? Now, roll over,” sumunod siya sa utos ko. “Sit, Milo,” umupo siya at nilabas pa niya ang dila niya. “Good boy, Milo!” kumuha na ko sa cabinet niya ng treats at binigay ko sa kaniya. At kinain niya ito.
“Sige na, mauna na ako, Milo. Busy pa ako eh. Babawi ako sa ’yo, later ok?” Tumahol siya ng malakas. Tumawa ako dahil sa ka cute-an niya.
I kissed his forehead.
Kinuha ko na sa sofa ang sling bag ko pati na rin yung car keys at dali-dali kong tinungo ang garahe. Inimaniobra ko na ang sasakyan palabas ng subdivision.
Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na rin sumasakit ang ulo ko. Buti nalang at naisipan ni Gray na bigyan niya ako ng gamot sa hangover, kung hindi baka iniinda ko pa rin ngayon ang sakit ng ulo. Gusto ko talagang magmura, wala talaga akong maalala.
Nang makarating ako sa agency ay as usual sumalubong sa ’kin ang mga empleyado na ‘naggo-good morning, Sir.’ Dali-dali akong sumakay sa elevator at pinuntahan ko kaagad ang opisina ng dalawang Team Manager. I really expect na nandito sila as of the moment and sad to say… wala sila. Asa’n kaya ang dalawang ’yon?
Since wala naman sila sa opisina nila, dumiretso na lang ako sa opisina naming mga Arki. Pagdating ko ay umupo agad ako sa swivel chair ko habang tinitignan ko lang ang mga kasamahan ko na busy sa mga ginagawa nila.
Napatingin ako sa gilid ko. Seryoso ang mukha ni Kleo habang nakatingin siya sa ’kin. Napansin ko na gumagawa siya ng design, may project na naman siya? Sana all.
“You looked haggard, you know?”
“I know, I didn’t take a bath today, and you didn’t even notice that I was late?” saad ko at sumandal sa swivel chair ko.
“Spill the tea.”
Napabuntonghininga na lang ako bago nagsalita. “Nakalimutan kong sabihin sa ’yo no’ng nakaraan na nilibre ako ni Gray sa café niya.” Now, Kleo looked puzzled.
“C-Café?”
“Hmm… ’Yong paborito nating café noong college and up until now,” seryoso ang sagot ko sa kaniya.
“Wait… What?”
“Yeah, Gray Café. He f#cking owns it. And on the bright side, ’pag pupunta tayo do’n ay wala na tayong babayaran as long as gamitan lang natin ng code ’yong barista, siya na mismo ang nagsabi no’n.”
Napatakip ng bibig si Kleo dahil sa gulat niya nang marinig niya ang patungkol sa Gray Café. “No way!”
“Yes way, my friend. Gulat na gulat rin ako nang malaman ko ’yon,” saka ako tumawa.
Halata sa mukha ni Kleo ang pagkagulat. Hindi siya makapaniwala na all these years ang café na ’yon na paborito niya at ang may ari no’n ay andito sa agency nagtatrabaho bilang Engineer.
“Anyway, ano ba nangyari sa ’yo kahapon at bakit late ka ngayon?”
“Ayon na nga,” he immediately sit on his swivel chair and a hand on his chin. “Ni-present namin ni Gray kahapon yung project, di ’ba? Tapos after work ay pumunta ako sa condo niya,” nanlaki ang mga mata ni Kleo dahil sa narinig niya. “It’s not what you think.”
He chuckled. “Okems, continue.”
“Sabi niya kasi sa ’kin after kami pinatawag sa conference room ay mag-inuman raw kami sa condo niya to celebrate our success. And since, this is his first project, so, we celebrated,” nagpatango-tango lang si Kleo.
“After mga ilang canned beer, hindi ko na naramdaman ang dila ko tapos pakiramdam ko para akong lantang gulay. Alam mo ’yon? Tapos ang init-init nang pakiramdam ko at ininom ko pa ’yong natitirang laman ng canned beer ko, inagaw pa nga ni Gray ’yong beer ko, pero nawala na siyang nagawa pa at nainom ko na ang laman ng canned beer. Tapos ilang segundo lang ay na-block out na ako. Pagkagising ko kaninang umaga, ang suot ko na ay ang T-shirt ni Gray. At wala siya sa condo niya pagkagising ko. Nag-iwan lang siya ng note na inumim ko raw ang gamot sa hangover at kumain na ako ng breakfast. ’Yon lang.”
“OH MY GOD!” Napatingin sa pwesto namin ang ibang Architect dahil sa lakas ng boses ni Kleo.
“Sorry guys, hayaan niyo lang itong si Kleo. Ipagpatuloy niyo lang ang mga ginagawa niyo,” mahinahon kong sabi sa kanila at ngumiti ako ng matamis sa kanila. Napansin kong tawang-tawa si Jona sa working station niya habang nakatingin sa amin ni Kleo.
“Seriously, Kleo?” seryoso ko siyang tinignan habang ang kamay niya ay nasa bibig niya. Nag peace sign siya sa kabilang kamay niya. Dali-dali kong hinila ang kamay niya at tumayo agad siya kaya pareho naming nilisan ang opisina namin. Sa lobby nalang kami magsi-spill ng tea.
Nang makaupo kami sa sofa dito sa lobby ay di pa rin nawala ang malaking ngiti ni Kleo. “Now what?” tanong ko kaagad sa kaniya.
“You know, I don’t know what to say to be honest. Ang bilis ng mga pangyayari, friend. Hindi ko masundan.”
Napasapo nalang ako sa noo ko. “Ewan ko nalang talaga.”
“Pero friend, nagkasalubong kami nina Gray kanina at ng dalawang Team Manager dito sa lobby.”
“Ba’t ngayon mo lang sinabi ’yan? Kanina ko pa sila hinahanap eh.”
Napasimangot si Kleo. “Pinagsasabi mo diyan? Hindi ka rin naman nagsabi o nagtanong sakin eh.”
Hindi nalang ako umimik pa at tumingin na lang ako sa kaniya. “Pupunta ata sila sa site, bakla. Tapos itong si Gray, napansin kong nakasimangot siya. At mahahalata talaga sa aura niya na bad mood siya.”
“Talaga—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may biglang nagsalita sa likod ko. Oh God, akala ko ba nasa meeting sila? Ba’t andito si Ate Maye sa lobby?
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Ate Maye na may hawak na clipboard. Eh?
“Anong ginagawa niyo rito? Ba’t wala kayo sa opisina niyo?”
I awkwardly chuckled. “Ano… Kasi…”
“Ah! Alam ko na. May pinagchi-chismisan kayong dalawa, ’noh?” Tumingin siya kay Kleo.
“Tumpak ka diyan, Madam!”
“Jusmeyo, buti na lang at ako ang nakakita sa inyo dito hindi ang Tatay mo, Alec.” Ngayon, napatingin si Ate Maye sakin. “Nasa conference room ang Tatay mo at may ka-meeting siya. Kung ako sa inyong dalawa, bumalik na kayo bago pa kayo makita ng may ari nitong agency.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Kleo bago ako tumingin ulit kay Ate Maye. “Pakisabi kay Tatay na ilibre niya kami ni Kleo ng lunch sa cafeteria,” napatawa ako sa request ko. Since andito naman si Tatay mas mainam na mag take advantage ako. Ang galing ko diba?
“Seriously, Alec?” wika ni Kleo.
“Oh siya sige. Sasabihin ko sa kaniya. Balik na kayo sa opisina niyo. At ako naman ay babalik na sa conference room. May inutos lang si Tatay mo, Alec.”
Ngumiti kang ako kay Ate Maye at tumayo na kaming dalawa ni Kleo para bumalik na sa opisina namin.
Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sinabi ni Kleo na bad mood si Gray. Ano naman ang dahilan niya para ma-bad mood siya? Dapat nga maging masaya siya kasi bago pa lang siya sa agency at may project na agad siya. But, I want to know what’s the reason of him being in a bad mood. Maybe, I am the reason why, ’cause I was drunk last night and I tend to sleep on his beloved bed. At alam niya na late na akong gigising at ’yong gamot tsaka ’yong pinagluto niya ako ng agahan ay labag pala sa kalooban niya. OMG.
“Huwag kang mag-overthink diyan, bading,” napatingin ako kay Kleo na busy sa paggawa ng design niya. Kilalang-kilala niya talaga ako. Napabuntonghininga nalang ako.
Wala naman na akong gagawin dito sa opisina. So boring.
“Magbasa ka ng magazine,” ani Kleo. Ayokong abalahin si Kleo sa ginagawa niya. Pero siya na mismo ang nagpaabala sa sarili niya. Chismoso kasi.
Lunch time came. Pagpunta naming dalawa ni Kleo sa cafeteria ng agency ay naabutan naming kumakain si Gray na mag-isa. Asan mga kasamahan niya?
May ngiti sa labi ko habang papalapit ako sa table niya.
Nang makalapit ako sa kaniya ay agad siyang umalis bitbit ang tray niya, dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko. Napansin ko sa mukha niya na wala siya sa mood at nakasimangot siya. Iniiwasan ba niya ako? Ba’t niya naman ako iiwasan? May nagawa ba akong hindi maganda sa kaniya? Pokingina.
Naramdaman ko na may kamay balikat ko. Napatingin ako; si Kleo pala.
“Hayaan na muna natin siguro siya, Alec. Kausapin mo na lang siya ’pag nasa mood na siya. Wala ka naman sigurong masamang ginawa sa kaniya, di ’ba?”
Napaupo ako sa silya na inupuan ni Gray at napalumbaba sa mesa. “Ewan ko, Kleo. Parang kahapon lang maayos naman kaming dalawa.”
Umupo na rin si Kleo sa kabilang silya. “Hay naku! Kailangan niyo talagang pag-usapan ’yan, friend.”
“Mamaya na lang nating pag-usapan ’yan, Kleo. Punta ka nalang sa tindera ng cafeteria at tanungin mo kung sinabihan ba siya ni Tatay na libre tayo ng pagkain ngayon,” napabuntonghininga ako. Nakakastress! Akala ko ba stress free na ako ngayong kasi nga tapos ko na ang project ko.
Umayos na ako ng upo at tinignan si Kleo. “Bakla, you really looked wasted,” wika ni Kleo saka tumayo para puntahan yung tindera ng canteen.
Sinong hindi magmumukhang wasted kung ilang araw akong walang maayos na tulog. Tapos may hangover pa ako. At isa pa ’yong Gray na ’yon. Bushet siya!
After lunch ay papunta na sana kami ng elevator, pero pumunta muna kaming dalawa ni Kleo sa lobby nitong agency dahil ando’n ang dalawang Team Manager. Kapansin-pansin na busy sila sa pag brainstorm about sa design ko na naka-drawing sa drafting paper.
Nakapwesto lang ako sa harapan nila. “Hoy mga baliw! Dapat kami ni Gray ang magbi-brainstorm niyan dahil gawa ko ’yan. Tsaka, pumunta ako sa opisina niyo kanina, wala kayo doon. Tapos, nabalitaan kong ando’n pala kayo sa site,” napatingin sa akin ’yong dalawang Team Manager.
“Late ka na pumasok eh kaya kaming dalawa ang sinama ni Gray sa site kanina,” ani Sir Zack at nirolyo niya ang drafting paper saka niya isinilid sa drawing tube.
“Siraulo pala ’yang Gray na ’yan eh. Buti at hindi na lang ako pumunta dahil ando’n rin naman kayo. Anong gagawin ko ro’n?” sabi ko. Hinagod-hagod ni Kleo ang likod ko.
“Alec, gusto ni Mr. Tee T. Co na kayong dalawa ni Gray ang pupunta bukas sa site. At gusto ka raw niyang makausap at pasalamatan,” ani Sir Jian.
Napatingin ako kay Kleo na may ngiti sa labi niya. Napatingin ulit ako kay Sir Jian. “Talaga?” I giggled.
Tumango-tango lang ang dalawa.
Ok, dahil kami ni Gray ang pupunta sa site bukas ay kailangan ko na siyang makausap. Para magkaalaman na. Hindi ’yong para akong tanga sa kakaisip kung may nagawa ba akong masama sa kaniya.
Sana lang ay kausapin niya ako bukas, kung hindi… edi ouch.
Chapter 8: Conflict
Chapter 8: Conflict
A L E C
The weather is so nice today. Good vibes ako ngayon, kasi wala lang, feel ko lang. Ayokong ma-bad vibes kasi baka masapak ko ’tong kliyente namin na si Mr. Tee T. Co.
Actually, napapaisip talaga ako kung totoong pangalan ba niya talaga ’yon o hindi. It’s really funny yet discouraging.
“Sir, totoong mo ba talagang pangalan ang Tee T. Co?” nagpigil kaagad ako ng tawa. Please, wag kang matawa! Baka mapahiya mo ang kliyente mo.
Oo, napaka sudden ng tanong ko pero ilang araw rin talaga akong nag-ipon ng lakas ng loob para tanungin siya.
Biglang napatigil sa pagsalita si Gray at napatingin siya sakin habang hawak-hawak niya ang drafting paper, at napatingin rin sa gawi ko si Mr. Tee T. Co.
He really looked puzzled.
Naging seryoso ang mukha niya. “May problema ka ba sa pangalan ko, Mr. Martinez?” seryosong tanong niya sa akin.
Oh my… Na offend ko ata siya. Eh kasi naman di ’ba?
“Uh… No, I mean, none. I’m just curious,” I let out a fake laugh. ’Yong tanong ko sinagot rin ng tanong.
“Good,” sagot niya at sinenyasan niya si Gray na magsalita ulit. They were talking about the house that is currently building by the construction workers. Ni-revise ni Gray ng unti ang floor plan na gawa ko at eto sila ngayon.
Andito kami ngayon sa construction site. Napakalawak ng lote na nabili ni Mr. Co. Nag-usap na raw sila sa isang Geodetic na safe daw na pagtayuan ng subdivision ang lupa.
Unti-unti na nilang nasimulan ang bahay na ang nag design ay yours truly. Napaka-busy ng mga construction workers; naghahalo ng grabas at cemento, may nagbubungkal rin ng lupa.
Grabe, sobrang init ng araw at nakaya nila ang trabaho na ’to. Proud na proud ako sa kanila.
Napansin ko na nirolyo ni Gray ang drafting paper at nagsalita si Mr. Tee T. Co. “You know, ang ganda ng design mo, Mr. Martinez. At ikaw rin Mr. Ignacio nakakasiguro ako na maayos at matibay ang bahay na itatayo dahil sa materyales na gamit. To sum up, ang ganda ng collaboration ninyong dalawa,” Gray and I smiled sweetly to our client.
“Mr. Alec, maganda naman talaga ang unang design mo. Sadyang hindi gano’n ang expectation ko na outcome and sinadya ko talagang sabihin na na-disappoint ako kasi, gusto kong i-revise mo ’yon at para mas pagandahin mo pa lalo ang design na gawa mo. And yet, hindi mo nga ako binigo,” dagdag pa na sabi ni Mr. Co.
“Ayos na sana ’yong compliment mo eh. Pero yung iba mo pang sinabi… tsk. tsk. Alam mo bang ilang gabi akong walang tulog dahil diyan kasi masyado ka kasing atat makita ’yong design eh. Tapos sinabi mo lang na na-disappoint ka at ni-revise ko pa ’yong pinaghirapan ko, though, konti lang ang na revise. Hindi ako galit, pero parang do’n na rin papunta ’to,” I let out my sweetest smile to our client.
He giggled. “Well, sorry about that, Mr. Alec. And as you can see, the construction workers are busy building it to real life. I know it’s all worth it naman.”
“Yeah, it’s all worth it. And I can’t wait to see the outcome,” sabi ko at napatingin ako kay Gray at nag-iwas agad siya ng tingin.
“Maiba ako Mr. Gray and Mr. Alec,” I can sense he’s curious into something. He crossed his arms around his chest questioningly. “Are you guys… you know…? In a relationship.”
That… really caught me off guard. I didn’t expect his damn question! Napatingin ako kay Gray at gano’n rin siya sa ’kin. Agad kaming nagbawian ng tingin. I know, he didn’t expect that question as well.
As the matter of fact, I can’t speak. And as if my tongue is stuck inside my mouth.
The atmosphere got awkward as well.
Gray waves his hands. “N-No, Sir. W-We’re just colleagues,” he stutters as he answered Mr. Co’s question. As if he’s disgusted.
Tumaas ang magkabilang kilay ni Mr. Tee T. Co habang nakatingin siya kay Gray. “Oh really? Sayang, you guys are bagay pa naman for each other,” he literally emphasized the word ‘bagay’. For goodness’ sake, it’s so f*cking awkward in here!
“Oh,” Mr. Co laughed. “Sorry about that, I mean sorry for my random question,” he laughed again. “Pagpasensyahan niyo na talaga ako, ganito talaga ako minsan eh, kung anu-anong mga tanong ang lumalabas sa bibig ko.”
Now, I fake a laugh while Gray is just emotionless. Seryoso lang niyang pinagmasdan ang mga trabahante.
Tangina ka, Mr. Tee T. Co. Sinadya niya talaga ’yong tanong na ’yon para makaganti sa tanong ko sa kaniya kani-kanina lang.
“Why are you looking at me like that, Mr. Alec? It seems like you’re ready to attack me any moment,” aniya habang medyo itinaas niya ang kamay niya na parang inaaresto.
I let out my sweetest smile to him… again. “Well, you might be hallucinating, Sir. You know amidst of your age. You’re experiencing hallucination,” inis na inis ako pero dapat hindi halata, dapat chill lang. Baka siraan pa ako niyan, lagot na. At sana hindi na magtagpo ang tadhana namin.
“Oh, by the way, you two should date. Malay niyo kayo talaga ang sa isa’t-isa, ’di ba?” Now Gray faked a smile as an answer and I didn’t reply to his banter. “Napansin ko lang rin kanina na parang bad mood siya, ay hindi lang pala kanina, kahapon rin pala and I thought you guys are in LQ. You know what I mean?”
That makes me out of words, nananadya ata ’tong taong ’to eh. Ano bang problema niya?
Na-triggered ba siya sa tanong ko kanina? Well then, hindi na lang sana niya nilagay kaming pareho ni Gray sa sitwasyon na ’to! Dapat kinausap na na lang niya sana ako.
Speaking of Gray, hindi niya pa rin ako pinapansin simula no’ng dumating kami rito sa site. Gustong-gusto ko na siyang kausapin pero walang timing kasi nagsu-survey siya sa mga ginagawa ng mga trabahante niya kasama itong kliyente namin kanina, ngayon ay nagpahinga siya saglit kasi naiinitan daw siya.
After nang pagbisita namin sa site ay bumalik na kami ni Gray sa agency. Well, sumakay siya sa kotse niya. Kung hindi, baka nasakal ko na siya dahil sa pag-iwas niya sa akin. Char lang.
Nang nasa lobby na kami tinawag ko ang pangalan niya pero hindi siya lumingon, nagpatuloy lang siya paglalakad. Tinawag ko ulit ang pangalan niya. “Gray! Ano ba! Pangalawang araw na ngayon na hindi mo ako pinapansin. May nagawa ba akong masama sa ’yo?” Huminto siya sa paglalakad pero hindi man lang lumingon sa’kin.
Pinagtitinginan na kaming dalawa ni Gray dito sa lobby ng agency. “Gray, bakit di mo ’ko pinapansin?”
Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari… kahapon pa. Parang noong isang araw lang maayos kami tapos ngayon bigla nalang siyang hindi namamansin.
Lumingon na siya sa kinaroroonan ko. “Gusto mong malaman?” May galit sa tono ng pananalita niya. Ngayon ko lang nakita na ganito siya.
“Oo! Gusto kong malaman. Parang noong isang araw lang nag celebrate tayo tapos ngayon naging ganito lang bigla?”
Matulis siyang nakatingin sa akin, parang pinaghalong inis at pandidiri.
“You know, you were so drunk the other night. And you were talking nonsense, Alec! And there’s this phrase that really pinned in my mind,” he looked at me intently. “You said you liked me… a lot and more than friends. And you… want us to date.”
Hindi ako naniniwala na nasabi ko ’yong mga salitang ’yon! Hindi talaga!
“I’m—”
“Well, I don’t like you more than friends, fag. And I don’t want to date someone like you,” he then walked out on the lobby. As his steps away, my heart sinked. My heart sinked because of the words that he said and it feels like my heart torns into tiny pieces.
What the hell!
Umagos ang likidong kanina ko pa pinipigilan. Luha nang dahil sa sakit na sinabi ni Gray.
Nagtataka na ang ibang empleyado kung anong nangyari sa amin ni Gray. Nakakahiya!
Dali-dali na akong umalis sa lobby. Pagdating ko sa opisina namin ay napansin ko na nagulat ang mga kasamahan ko. Dali-dali akong lumapit sa working station at kinuha ko na ang bag ko sa swivel chair.
May pagtataka rin sa mukha ni Kleo. “Friend, a-anong nangyari?” tanong niya pero ngumiti lang ako sa kaniya habang umaagos pa rin ang mga luha sa mga mata ko.
Nilisan ko na ang opisina namin at pagdating ko sa lobby ay wala na ang kumpulan ng mga empleyado.
Siguro naman ma-realize ni Gray kung gaano nakakainsulto ang sinabi niya.
It is extremely disparaging and offensive for me as a gay man. That word has been used to make gay men ashamed of themselves. We’re in fact, there’s nothing to be ashamed of being gay.
And the worst part is that, someone I like called me ‘fag’ and it really breaks my heart. I’m not gonna forget this moment.
Bumalik na naman ang kinatatakutan ko noong college pa lang ako. Alam ni Kleo ’yon. Pagod na ako. Bakit sa lahat ng tao sa mundo, sa straight pa ako nagkagusto. Palagi nalang talaga, and the fact that hindi talaga mapigilan ng puso ko na magkagusto sa straight na lalaki. Knowing that it’s just a waste of time and it’s not worth it!
Pagdating ko sa parking lot ng agency ay agad akong pumasok sa driver’s seat at binuhay ko ang makita at nimaniobra ko na ang sasakyan paalis ng agency.
“Pesteng luha ’to,” marahas kong pinahiran pisngi ko habang ’yong kabilang kamay ko ay nasa manibela. “Ba’t ayaw niyong tumigil sa kakaagos, bwisit!” Dahil hindi talaga magpapigil ang luha kong umagos, huminto ako sa gilid ng kalsada. Sinasapak ko ang manibela dahil sa galit. Galit ako sa sarili ko!
“Bwisit na ’yan! Sana noong maaga pa itinigil ko na ang nararamdaman ko sa kaniya!” Mas lalong umagos ang mga luha ko at humagulgol na ako. Naninikip ang dibdib ko nang bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Gray.
Well, I don’t like you more than friends, fag. And I don’t want to date someone like you.
Well, I don’t like you more than friends, fag. And I don’t want to date someone like you.
Well, I don’t like you more than friends, fag. And I don’t want to date someone like you.
Tangina! Palagi na lang sa straight na lalaki nahuhulog ang loob ko.
It’s so f#cking traumatizing.
’Pag nalaman nilang gusto mo sila, pandidirian ka nila na para bang ang dumi-dumi mo, gaya nang ginawa sa ’kin ni Gray. Gano’n rin ang nangyari sa akin before. Life is so f#cking unfair, really! Tao rin naman ako at umiibig. Umibig nga pero sa maling tao naman.
Nang makarating ako sa gate ng subdivision ay huminto muna ako sa guard house, ibinaba ko ang car glass. “Uncle, dumaan ba si Tatay?” tanong ko kay Uncle Soju.
“Oh? Anyari sa mga mata mo? Ba’t namumugto ’yan?” nagtatakang tanong niya.
“Wala po ’to. May pinanood kasi akong angst na movie eh kaya ayun grabe ang iyak ko, hindi pa nga rin ako naka-move on sa bida na namatay eh,” palusot ko sa kaniya, pero base sa reaksyon ni Uncle Soju ay parang hindi siya kombinsido sa alibi ko.
“Oh okay, well, hindi ko napansing umalis ang Tatay mo. Baka andun lang siya sa private office niya. You know, maraming nag-inquire dito sa subdivision natin kasi gusto nilang tumira dito,” he excitedly said.
“Oh talaga? Mabuti naman kung gano’n. Ang ganda naman kasi ng design and interior ng mga bahay dito eh, at abot kaya pa ang bill mo every month. And the best part is that, it’s rent-to-own, di ba Uncle Soju?” I chuckled.
“Yeah, tsaka sana naman taasan ng Tatay mo ang sweldo ko, di ba?” nagtawanan kaming dalawa ni Uncle. Hindi ko alam kung magkano ang sweldo niya pero alam kong hindi ’yon sapat sa pang-araw-araw niya, nagtataasan na kaya ang mga bilihin sa merkado.
“Huwag kang mag-alala, Uncle. Sasabihan ko si Tatay about sa concern mo. Sige, mauna na ako, Uncle. Marami pa kasi akong gagawin eh.”
“Buti pa, inistorbo mo pagkakape ko.”
“Ay sorry naman,” saka kami nagtawanang dalawa. “Sige na, babye na,” hindi ko na inantay ang sagot niya at isinirado ko na ang car glass ng driver’s seat, humarurot na papunta sa bahay namin.
Iginarahe ko na ang sasakyan ko at pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan ko sa living room si Tatay na may babae. Charot. Naabutan ko siyang sinalinan niya ng dog food ang kainan ni Milo.
“’Tay, aalis ka?”
Napatingin siya sa gawi ko. “Oh? Ba’t andito ka, di ba dapat nasa construction site ka ngayon?”
Umupo ako sa sofa at nilapag ko sa coffee table ang bag ko. Lumapit si Milo sakin kaya hinagod-hagod ko ang ulo niya. “Nagpunta na kami kanina doon.”
Pagkatapos salinan ni Tatay ng dog food ang kainan ni Milo ay umupo siya sa kabilang sofa. “Oh tapos? Anong problema at maaga ka ata umuwi. Pupunta sana akong agency para sunduin ka at mag lunch tayo sa labas, medyo matagal na rin nang kumain tayo sa labas eh.”
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. “T-Tay…” tumulo na ulit ang luha ko.
“Oh? Anong nangyari sa’yo, ’nak?” lumipat si Tatay sa sofa na kinauupuan ko.
Pinahiran ko ang pisngi ko. “I’m in love with a f#cking straight guy.”
Ipinatong ni Milo ang baba niya sa tuhod ko. Parang naiintindihan niya ang nararamdaman ko ngayon.
Walang pag-alinlangan akong niyakap ni Tatay at naging dahilan ito para mas humagulgol ako.
“’Nak, hindi natin kayang diktahan ang puso kung dapat kanino tayo magkagusto. Pero huwag nating kalimutan na gamitin rin ang utak. Huwag puro puso, anak. Hindi lahat ng pagkakataon tama ang dinidikta ng puso. Kagaya ngayon, alam ng utak mo na mali ito, pero mas nagpadaig ka sa puso mo, kaya ang resulta; umiiyak ka ngayon.”
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. “Nagkausap kami kanina at sinabi niya sa ’kin kung ano ang mga sinabi ko noong time na lasing ako. Nag-inuman kaming dalawa sa condo niya, that time. Wala talaga akong maalala sa mga sinabi ko dahil sa sobrang kalasingan. Pangalawang araw na ngayon na hindi niya ako pinapansin kaya kinausap ko siya at ’yon nga.”
My Father heavily sighed as he held my hands. “Sinabi ko naman sa ’yo dati pa na kilalanin mo muna ang taong natitipuhan mo. Naulit na naman ang nangyari sa ’yo noon eh. Alam mo naman na hindi ko gustong umiiyak ang nag-iisang anak ko,” he held my face and smiled to me.
Mahigpit ko siyang niyakap at umiyak sa bisig niya. “Sige lang, anak. Iiyak mo lang ’yan. Magiging ayos lang rin ang lahat,” umiyak ako sa bisig niya, iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
Nang mahimasmasan ako ay pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis na. Pinagmasdan ko ang mga poster na nakadikit sa dingding ng kwarto ko. Poster ng Kpop idol ko.
Ang ga-gwapo talaga ng mga hinayupak na ’to at mas bata pa sa ’kin. Oh well, alam nila na nag-eexist ako kasi perfect attendance ako no’ng online fansigning event last comeback nila.
Napatingin ako sa bookshelf ko. Hindi libro ang nasa shelf kundi mga album ng TREASURE and TRUZ merch. Kompleto ko na ang lahat ng album na meron sila.
Tumingin ako sa study table ko, ando’n rin ang official light stick ko kasama yung mga libro ko no’ng college. Ang kalat ng study table ko.
Why not mag focus nalang ako sa pagiging fan, di ba? Kesa naman sa taong walang pakielam sa ’kin.
Bumaba na ako para mag lunch at naabutan ko sa island counter si Kleo na busy sa paglantak ng pagkain.
“Hoy bakla, anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya ng makalapit ako. Tumawa lang si Tatay sa kabilang stool ng island counter.
Nilunok muna ni Kleo ang kinakain. “Bakla ka, pinag-alala mo ako. Anong nangyari sa ’yo kanina? Usap-usapan ka sa buong agency,” umupo ako sa tabi ng stool na kinauupuan ni Kleo.
Hindi na ako nagtaka na ako laman ng usapan. “As you can see, ayaw sa ’kin ng crush ko.”
“Edi kakausapin ko siya.”
Sumeryoso ang mukha ko. “Please, no. Hayaan mo nalang siya.”
Agad niya akong niyakap. “I love you, friend,” wika niya.
“I love you,” kumalas ako sa pagkakayakap niya.
Napatingin ako kay Tatay. “I want to have a leave for seven days.”
Hindi nagsalita si Tatay at Kleo. Pareho lang silang nakatingin sakin. Alam kong nag-aalala sila sa ’king pareho. Pero ’pag nakita ko pagmumukha ni Gray bukas, baka hindi ako makapagpigil ay baka basagin ko mukha niya.
I want to have some time for myself.
Chapter 9: Remorse
Chapter 9: Remorse
G R A Y
Saturday na at nakakapagtaka na isang linggo nang hindi pumapasok si Alec sa trabaho. Hinahanap siya ng mga kasamahan ko at pati na rin kay Mr. Tee T. Co. Bumibisita ako paminsan-minsan sa site para kumustahin ang paggawa ng construction workers. Noong Wednesday lang pumunta ako doon at andoon rin Mr. Co, napansin niyang hindi ko kasama si Alec at ang sagot ko lang ay nagkasakit si Alec.
I even tried calling his phone number but he didn’t even answer my calls and even my texts.
Isang linggo ko na rin kinukulit si Kleo na matalik na kaibigan ni Alec na pakisabi na sagutin ang tawag ko. Pero ang sinasabi lang niya ay: “Busy sa ibang bagay si Alec,” o “Ayaw ka niya raw kausapin.”
Wala akong napala sa pangungulit ko kay Kleo. Inaamin ko naman na nagkasala ako sa kaniya at ang gusto ko lang ay hihingi ako ng paumanhin sa nasabi kong makakasakit na mga salitang binitawan ko.
Kanina ko pa hinihintay si Kleo dito sa lobby na lalabas galing sa opisina nila. Kukulitin ko na naman siya, pero ngayon kasama ko si West. Alam kong may something sa dalawang ’to eh. Sinadya ko talagang isama si West kasi gusto kong kausapin niya rin mismo si Kleo. Alam ni West kung gaano ako nagsisisi sa nagawa ko kay Alec.
“Hindi ako makakasiguro na makakausap ko si Kleo para sabihin niya rin kay Alec. Matigas ang ulo no’n eh. At sabi pa niya na gusto niyang protektahan ang kaibigan niya, Gray,” ani West na kumakain ng sandwich sa kabilang sofa dito sa lobby.
Napabuntonghininga ako at sumandal na lang sa sofa. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang, pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa mga sandaling ito.
Naghintay pa kaming dalawa ni West na bumaba si Kleo.
Napatangin sa likod niya si West at sinubo ang natitirang sandwich. “Andito na si Kleo, Gray!” Agad siyang umayos ng upo at ngumunguya pa.
Nilapag ni Kleo ang bag niya at tumabi siya kay West. “Ba’t mo ako hinahanap—” hindi natapos ang sasabihin ni Kleo nang dumapo ang tingin niya sa kinauupuan ko.
“Seriously, West?” seryoso ang mukha niya na tumingin kay West. Si West ay ngumunguya pa rin ng sandwich niya.
“Kleo, please. Makinig ka muna sa sasabihin ko. Pareho nating kaibigan si Alec—”
“Di ko inexpect na pinagkakaisahan niyo ako!” Masama pa rin ang tingin ni Kleo kay West. Napalunok si West sa sinabi ni Kleo. Ngayon, tumingin sa ’kin si Kleo.
“Alam mo, punong-puno na talaga ako sa ’yo, Gray Ignacio. Alam kong alam mo ang dahilan. Pero please lang. Tigil-tigilan mo na ako kasi naiirita na talaga ako sa’yo!”
“Gusto ko lang naman sanang humingi ng paumanhin kay Alec, Kleo.” Mahinahon kong wika sa kaniya.
Napahilot siya sa sintido niya. “My godness, Gray! Kung gusto mong humingi ng paumanhin sa kaniya edi kausapin mo siya sa personal or puntahan mo siya sa kanila. Please lang, gamitin mo rin naman utak mo, mag-effort ka naman, hindi ’yong hanggang phone call ka lang. Gwapo ka nga, tanga lang!” Pagkatapos sabihin ni Kleo ang lahat ng iyon ay umalis na siya sa lobby na bitbit ang bag niya.
“Pre, may punto naman si Kleo. Sana naman may nakuha kang idea sa mga sinabi niya,” agad rin naman na sumunod si West kay Kleo.
May punto talaga si Kleo. Duwag akong makita si Alec. Pero ang tanong ngayon ay saan ako magsisimula? I bit my lower lip, feeling anxious.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at isinukbit ko na sa balikat ko ang sling bag ko atsaka ako pumunta sa parking lot. Hinanap ko kaagad ang sasakyan ko at sumakay na sa driver’s seat at nimaniobra ko ang sasakyan paalis ng parking lot.
These past few days, hindi ako nakakatulog ng maayos kasi nababagabag ako kay Alec. Iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kaniya, anong ginagawa niya, kumusta na kaya siya, ano kaya nangyari sa kaniya noong nasabihan ko siya ng mga masasakit na salita na hindi ko talaga sinadya.
∞∞∞
Lunch time. Hindi ako sumabay sa mga kasamahan ko. I mean, humiwalay lang ako ng upuan sa kanila. Sa tapat ng inuupuan ko ay si West, sasabayan raw niya ako sa pag kain kasi may importante daw siyang sasabihin sa akin. At hindi raw pwede na ipagpabukas na.
Sumubo ako ng pagkain at gano’n rin si West.
“Pre, nagkausap kami ni Kleo kahapon,” ani West, dahilan para mapatingin ako sa kaniya. “Wow, nagliwanag ang mukha mo ah. Anyway, sinabihan ni Kleo si Alec na gusto mong makipag-usap sa kaniya. Gusto na raw kasi ni Kleo na hindi na pumagitna sa issue niyong dalawa kaya pinuntahan ni Kleo si Alec sa bahay nila kahapon. At ang sabi pa ni Kleo ay napakatigas raw talaga ng ulo ni Alec.” Nagpalingo-lingo nalang si West at sumubo na ng pagkain niya.
Ngumiti ako ng unti. “Naintindihan ko si Alec kung bakit gano’n ang inasal niya kay Kleo. Alam kong hindi niya ako gano’n kadaling patawarin.”
Halata sa mga mata ni West na nag-aalala siya. “Ba’t mo ba kasi nasabi ’yon?”
“Ewan… ano… basta! Huwag mo na nga lang itanong ’yon.”
“Sus, gusto mo rin siya eh, noh?”
I gave him a emotionless look.
“Nakakakilabot ang mukha mo, pre.” Hinahagod-hagod niya ang magkabilang balikat niya na parang giniginaw. Nagpatuloy na siya sa pag kain.
Napatawa ako dahil sa reaksyon niya.
Simula noong natanggap ako sa agency nina Alec, si West ang naging una kong kaibigan. First day ko pa lang sa trabaho pero nag click na agad ang ugali naming dalawa. Masaya siyang kasama katulad ni Alec. Pero kung tutuusin mas magaan kasama si Alec. Parang kapatid ko na rin sa ibang magulang itong si West.
“So, huwag mo sabihing gusto mo na rin ako, pre,” napakurap ako nang magsalita si West.
“H-Huh?”
“Kanina mo pa ako tinitignan eh.”
“A-ah, ang pangit mo kasi, pre.
He laughed out loud. “Wow, coming from you.” Nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Baliw talaga ’tong si West kahit saan mo ilagay.
“Kumain ka na lang diyan. Ililibre mo pa ako ng dessert sa café eh, di’ba?”
“Luh, sino nagsabing ililibre kita? Desisyon ka boy?”
“Eh kung magsuntukan kaya tayong dalawa dito sa cafeteria?”
“Ay, ito naman di mabiro. Joke lang naman ’yon eh.”
“Ayun naman pala eh, buti nang nagkakaintindihan tayong dalawa. Para hindi bumanak ang dugo dito.” Bumalik sa paglantak ng kinakain niya si West.
“Tumahimik ka nga, napaka-exaggerated ng mga sinasabi mo.” Tumawa lang siya, sanay na ako sa mga ganiyan niya. Napapaisip na lang ako kung bakit ko pa ba naging kaibigan taong ’to.
Nagpatuloy na lang ako sa pag kain ng lunch namin. Habang kumakain kami ay todo flex pa si West patungkol kay Kleo, patay na patay talaga siya charms ni Kleo.
“Tumahimik ka na, Kanluran. Baka magbago pa ang isip ko at bawiin ko ang sinabi kong ililibre kita ng dessert.”
“Sabi ko nga. Akin na tray mo ako na magsauli niyan,” aniya at kinuha ang tray ko at tumayo na para isauli yung tray sa cafeteria.
Nang makabalik siya ay may ngiti ito sa labi. “Arat na, pre.”
I smirked at him. “Gustong-gusto mo talaga ’yong nililibre ka eh, noh? Pero ’pag kasama mo si Kleo ikaw nagbabayad.”
“Ibang usapan ’yon, pre. Arat na kasi, tayo ka na diyan.”
“Alam mo ni-isang beses never mo akong nilibre kahit street foods man lang.”
Napakamot siya ng batok. “Nagtitipid ako, pre.”
“Sus, ’yan naman lagi mong palusot eh.”
Tumawa siya ng mahina tapos nag peace sign.
Tumayo na ako at lumakad na paalis sa cafeteria. Sumunod naman si West sakin. Nang makarating kami sa parking lot ay hinanap ko kaagad ang sasakyan ko at sumakay na sa driver’s seat at sa shotgun seat naman si West.
Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at nimaniobra ko na ito paalis ng parking lot.
Actually, walking distance lang naman yung café ko sa agency eh, tinatamad akong maglakad. Aside from that, sobrang init ng araw.
Nang ma-park ko na ang sasakyan ko sa parking area ay lumabas na ako sa sasakyan at ganoon rin si West. Pumasok kaming pareho sa café ko at humanap na ng pwedeng maupuan. Himala at wala gaanong tao sa café ngayon.
“Really, Gray? Walking distance lang naman ’tong café tapos—”
I cutted his words. “Nakakapagod maglakad lalo na’t sobrang init ng araw.”
“Sabagay.”
“Order ka na kung anong gusto mo, tapos sabihin mo Gray Pogi at balik ka kaagad dito.”
“A-Anong ibig mong sabihin?” He looked puzzled.
“Basta. Punta ka sa barista tapos sabihin mo kung anong gusto mong drinks at dessert tapos sabihin mo Gray Pogi, simple as that.
He gave me a suspicious look. And I just laughed at him. “If you don’t use the key word ‘Gray Pogi’ you wouldn’t get a free drink and dessert. Just trust me, West.” I gave him a reassuring smile, I hope this would work to him.
Tumayo na siya. “Hmph!” Pinuntahan na niya ang barista. Sinundan ko talaga ng tingin si West. Nang nakausap niya ang isa sa mga barista ay napatingin siya sakin at ganoon rin ang barista, I waved my hand to them. Nginitian lang ako ng barista at itinuon na niya ang pansin kay West.
Ilang sandali pa ay bumalik na si West sa kinauupuan niya. “Tangina ka, Gray!” sabi niya na may seryosong mukha na nakatingin sakin.
“Oh, bakit? May nagawa ba akong masama?”
“Ba’t di mo sinabi na sa iyo pala ’tong café na’to?!”
Napatawa ako dahil sa sinabi niya. “Kaya nga diba sabi ko na gamitin mo yung ‘Gray Pogi’ ’pag oorder ka, kasi secret code ’yon nga mga VIP customers dito sa café ko. At isa ka na sa VIP,” I winked at him.
“Talaga lang ah. So, ibig sabihin libre na ’yong dessert at yung coffee?” Nagpatango-tango ako sa sinabi niya. “Sabihin mo nga sakin, hindi lang ako ang nakakaalam na ikaw ang may ari ng café na ’to, noh?”
I nod again at him as an answer to his question.
“Oh okay. Pero ba’t nagtatrabaho ka pa sa agency kung may business ka naman na…?”
“Here’s your order Sir West,” nilapag na ng barista sa table namin ang macaroons at caramel macchiatto.
“Thank you, mister.” Ngumiti lang yung barista bilang sagot niya kay West at umalis na. “Now, tell me, Gray.”
“To make the story short—” hindi ko natapos ang sasabihin ko sana dahil biglang nag-ring ang cellphone ni West na nasa mesa lang.
Agad niyang kinuha ito at sinagot ang tumatawag. “Hello, Sir? Opo… Okay… Pauwi na po kami.” Binaba na niya ang tawag at tumingin sakin na parang nag-aalala.
Ano kayang problema neto?
“Hinahanap na tayo ni Sir Jian.”
Agad rin naman na nabaling ang pansin ko sa wrist watch ko. “Shoot! It’s already 1:20 in the afternoon!”
“Shuta! Kailangan na nga nating bumalik! Baka pagalitan pa tayo ni Sir.”
“I-take out mo na lang ’yang dessert, West,” sabi ko at dali-dali siyang pumunta sa counter at binigay niya ang plato na may dessert. Pagkatapos ay dali-dali na kaming bumalik sa agency.
∞∞∞
“Wala pa rin ba si Alec, Mr. Gray?” Napakurap ako nang magsalita si Mr. Tee T. Co. Ni-rolyo ko na ang drafting paper at hinarap siya.
“Sir, baka this Monday pa siya papasok,” ani ko. Andito ako ngayon sa site para bisitahin ang project ko. Hindi ko expected na andito rin pala si Mr. Co kaya nagkausap kami. Bumalik na kaming pareho sa bang house ng mga construction worker habang bitbit ko ang drafting paper kung saan naka-drawing ang design ni Alec.
Estimate ko nasa fifty percent na ang natapos ng pinakaunang bahay na ginagawa. Sobrang busy ng mga construction worker ngayon kahit sobrang init ng araw. May nagbubungkal, nagmamasa ng cemento, may nagli-labor ng hollow blocks at iba pa.
“Ah gano’n ba? Kawawa naman siya. Sana gumaling na siya, noh?”
“Opo, siya nga po pala. Mauna na ako sa inyo at may gagawin pa ako sa opisina, Sir,” wika ko at tumango-tango lang siya. Gusto ko lang makita kung ano na nangyayari dito kaya naisipan kong bumisita saglit.
May ilang bahay na rin pala ang unti-unti nang nasisimulan na sinunod sa disenyo ni Alec.
Nang makasakay ako sa sasakyan ko ay pinaharurot ko ito paalis sa site at pumunta ng supermarket. Alas kwatro na ng hapon at alam kong wala gaanong tao sa supermarket ngayon.
Ubos na groceries ko na pang-isang buwan. At hindi pa ako nakakasweldo kaya tipid-tipid muna ako. Pero laking pasalamat ko kay Dada kasi pinahiram niya ako ng pera pang grocery at babayaran ko nalang daw ’pag nakasweldo na ako. For sure, hindi ko ’to mababayaran kasi ibabaon ko na lang to sa limot. At hindi rin naman naniningil si Dada, kaya ayos lang siguro.
Nang makarating ako sa parking area ng supermarket ay lumabas na ako sa sasakyan at pumasok na sa loob ng supermarket, tinungo ko kaagad ang kung saan nakalagay ang mga prutas at gulay. Healthy living ako, kaya importante sa’kin ’to. Simple yet healthy diet ako since suki ako sa gym. Pagkatapos ko sa veggie and fruit section ay nagpunta agad ako sa meat section and so on.
After I bought what I needed, I immediately went to the cashier and she did her job.
Nang mailagay ko sa passenger’s seat yung mga pinamili ko ay nahagilap ng mga mata ko ang sasakyan ni Alec sa di kalayuan. Ibig sabihin… andito rin si Alec…?
Ilang saglit lang ay dumating nga si Alec at nilagay niya sa passenger’s seat ang mga pinamili niya. Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya sa kinaroroonan niya.
“Alec…” tawag ko sa pangalan niya. Isang linggo ko rin siyang hindi nakita.
Sinirado na niya ang pintuan ng passenger’s seat at parang hindi niya ako narinig na tinawag ko ang pangalan niya at binuksan niya ang pintuan ng driver’s side.
“Alec, please. Pakinggan mo naman ang side ko.” Pagmamakaawa ko sa kaniya pero halata sa kaniya na hindi siya interesado.
Humarap sa ’kin si Alec, halata rin sa mukha niya na galit siya sa ’kin. Walang buhay ang mga mata niyang tumitig sa ’kin.
“If you’re here to apologize then, I won’t accept it. Why? It’s not that easy to forgive as what you think. You rejected me, plus the hurtful words that came out on your mouth is just so fucking painful—”
“I know, Alec. I’m so sorry… I—”
“Sorry?” Tumawa siya ng mapakla. “Kung ang Diyos ay marunong magpatawad pwes, ako hindi! Ay hindi pala ako naniniwala sa Diyos na ’yan.”
Nararamdaman ko na nangigilid ang mga luha ko sa mga sandaling ito. “Alec, I regret it a lot. I really really regret it. It’s just that it is so hard on my part as well—”
“Well, I don’t f*cking care, Gray! At pwede ba? Tigilan mo na ang pangungulit kay Kleo? Huwag mo siyang gamitin para mapatawad kita.” Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay pumasok na siya sa sasakyan niya at binuhay ang makina at nimaniobra niya ito paalis sa kinaroroonan ko.
Naiwan ako sa pwesto ko na tumutulo ang luha.May karapatan siyang magalit sa akin dahil may kasalanan ako sa kaniya. I feel so guilty, and it’s killing me.
Sa ilang araw na nakalipas ay kinokolekta ko pa rin ang mga salitang gusto kong sabihin kay Alec, pero hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para mapatawad niya ako.
Chapter 10: Love
Chapter 10: Love
G R A Y
Pag-uwi ko sa condo ay naabutan ko si Dada na nagtitimpla ng kape. Kapag kasi siya lang mag-isa sa bahay ay dito siya sa condo ko tumatambay, busy kasi si Mama sa trabaho niya kaya wala siyang kausap ’pag day-off niya.
Nilapag ko sa countertop ang mga pinamili ko at naupo na sa stool ng island counter.
“What’s with the face, ’nak?” tanong ni Dada at umupo siya sa kabilang stool ng island counter.
“Nakausap ko si Alec kanina sa parking area ng supermarket,” wika ko at napahilot ako ng sintido.
Sumimsim si Dada ng kape niya bago siya sumagot. “What’s the fuss?”
“I’m so fucking frustrated, Da. And the guilt is killing me. But Alec didn’t listen to me, I mean I apologized and he didn’t accept it,” I brushed my fingers on my hair frustratingly.
“’Nak, listen to me. I understand what you feel right now, I’ve been there. But, the least thing you do is let him be mad at you. For the mean time and after several days or weeks, talk to him. Apologize to him, sincerely. I know it’s kinda hard for you. But, please bear with it. May I know why did you say those words to him?” Dada looked at me questioningly.
“I… I… I don’t know. It just came out from my mouth.”
“Gray, ngayon nasaktan mo ang damdamin ni Alec, kailangan mo talagang bawiin ang mga sinabi mo. Dahil kung hindi sayang rin ang friendship na nabuo niyong dalawa.”
“Actually Da, I have a plan. Day off namin bukas, pwede kong gawin itong pinaplano ko. And hopefully magparticipate itong mga kukuntsabuhin ko.” I immediately explained to my Dada what I had been planning.
After Dada heard my plan, he’s convinced that Alec will talk to me.
“That would be great, ’nak. Pero bukas na agad? Di ba pwedeng ipagpaliban mo nalang bukas?” may pag-aalala sa kaniya. Nag-aalala siya na baka hindi gumana ang plano ko.
“Da, these past few days hindi ako mapakali at hindi ako nakakatulog ng maayos dahil sa guilt. Sana gumana itong plano ko. Anyway, ilalagay ko na sa kitchen cabinet at ref itong mga pinamili ko. Tapos magluluto na ako ng ulam natin, Da. Salamat nga pala sa pera na pinahiram mo,” nginitian ko siya.
“Walang ano man, basta bayaran mo ah. At ’wag mo nang ipilit sarili mo na magluto ng ulam. Ako na ang magluluto, at gumawa ka na ng salad diyan.”
“Pero—”
“Walang pero-pero. Alam kong marunong kang magluto pero… hindi ka marunong magtimpla.”
“Eh, Dada naman eh.”
“Hoy Gray, dapat marunong ka magtimpla ng niluluto mo, paano ’pag nag live in kayo ni Alec.”
Napatawa ako sa sinabi niya. “Anong kinalaman nito kay Alec, Da? Marunong naman sigurong magluto si Alec eh. Edi siya na lang magluluto para sa aming dalawa, tutulong lang ako. At hindi pa sure kung diyan nga ang bagsak.”
Sumimsim ng kape si Dada bago nagsalita. “Ilagay mo na nga lang sa kitchen cabinet itong mga pinamili mo. Sige na, Gray, baka magdilim pa paningin ko sa ’yo. Pagkatapos kong magluto ng ulam ay uuwi rin ako kasi gabi na, si Mama mo lang doon sa bahay at magtataka ’yon kung ba’t ako wala doon.”
“Pero bago ka umuwi, Da. Magdala ka ng ulam ah at ipatikim mo kay Mama, tapos sabihin mo na ako ang nagluto.
“Baliw. Alam niya kung paano ako magluto, di mo mabibilog ulo niya.”
Napatawa ako sa sinabi ni Dada. Totoo talaga sinabi ni Dada na alam ni Mama kung paano magluto si Dada, ewan ko ba sa dalawang ito. Tumayo na ako at nilagay sa ref ’yong karne at gulay na binili ko kanina at yung iba namang grocery ay nilagay ko sa kitchen cabinet.
∞∞∞
‘Naka order na kami,’ text message ng kakonstaba ko sa plano ko.
‘Okay. Papasok na ako diyan,’ I replied and hurriedly enter my café. Nakita ko silang tatlo na nakaupo sa malapit sa counter. Nakatalikod si Alec.
Agad na tumayo si West at may sinabi siya kay Kleo at Alec. Lumakad si West sa kinaroroonan ko. He patted my shoulder. “Good luck, pre.”
“Salamat,” tanging sagot ko. Alam ko kung saan ang punta niya—parking area.
Lumapit na ako sa kinaroroonan nina Kleo at Alec. Nag-uusap ang dalawa habang nilaro-laro ni Alec ang straw ng inumin niya. Wala anu-ano ay ni-blindfold ko si Alec gamit ang palad ko. Dahan-dahang tumayo si Kleo sa kinauupuan niya at binitbit niya ang inumin niya at kay West.
I immediately mouthed at him. “Thank you, Kleo.”
Tanginging ngiti lang ang sinagot ni Kleo at umalis na.
“Really, West? Kakagaling mo lang sa restroom tapos—” hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita.
“Hello Alec, you were greatly missed.” I whispered to his ear. I withdraw my palm and I immediately sit on Kleo’s chair.
Tinapunan niya ako ng masamang tingin bago siya nagpatingin-tingin sa paligid niya—hinahanap niya kaibigan niya—pero wala siyang nakitang bakas nina Kleo at Alec.
“The fuck, nasa’n ka ba, Kleo?!”
“May date silang dalawa ni West.”
Napatingin siya ulit sa ’kin ng masama. “I’m not talking to you!”
“Well, you’re now talking to me.”
He rolled his eyes in defeat.
Biglang nag ring ang cellphone ni Alec sa mesa, dali-dali niyang kinuha niya ito.
Mahina niyang binasa ang text message at halata sa mukha niya na naguguluhan siya. “Sorry friend, this is just for your own good. Kinuntsaba lang kaming dalawa ni West. At concern lang kaming dalawa sa iyo—hindi, sa inyong dalawa ni Gray. Please friend, sana pakinggan mo na sana ang side ni Gray this time. Love you, Alec.”
He stared at me madly. “Really, Gray? Kaya pala atat na atat ’yong dalawa na gumala at dinala pa ako dito sa café mo para—”
“Yes, Alec. You got it right. Kinuntsaba ko silang dalawa para dalhin ka dito at para makapag-usap tayo. Please, pakinggan mo naman ang side ko,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi ko na talaga kaya ’tong nararamdaman ko.
I can see that his boiling with anger right now by the look on his face— his eyebrows scrunch together as he stares at me.
“I’m so sorry about what I said, Alec. I didn’t mean anything about it. It’s just that—”
“Would you please go straight to the point.” He crossed his arms on his chest as he lean his back on the chair.
Napabuntonghininga ako bago sumagot. “Kaka-out ko lang sa family ko as bisexual. And bago lang sa ’kin ang feeling na ’to—ang magkagusto rin sa kapwa ko lalaki. I dated a lot of girls back then and… way back when I was in college, I was attracted to this guy and I want to date him, pero natatakot ako. At isa pa, naging duwag ako, mas pinairal ko ang kaduwagan. At dahil na rin sa kaduwagan ko ay noong nakaraan lang ako naglakas loob na mag-out sa family ko.”
Alec’s lips have slightly widened, showing that he is surprised. He tensed up in his seat, which I also observed.
“Therefore, w-what do you m-mean?”
“Alec, I also like you. Hindi ko talaga alam kong anong iisipin noong nalasing ka at nag confess ka. Dahil doon ay hindi ko naintindihan ang sarili ko at naging dahilan para masaktan kita. I didn’t expect that you like me as well—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumawa siya ng mapakla. Alam ko na hindi siya kombinsido sa mga sinabi ko.
“Such a nice joke, Gray.”
“Alec…”
“You know, if hindi ka nag-aya na mag-inom, edi sana hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Ang tanga ko lang sa part na um-oo agad ako kesyo crush ko mismo ang nag-aya eh,” seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ang kayumanggi na mga mata niya ay napaiyak ko ng dahil sa kagagawan ko.
“It is what it is. I will accept your apology but not how you feel about me.” He promptly got out of his seat after saying those words. He left me and took his drink with him as he exited my café.
Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko. I think I deserve this shit happening to me from the very beginning. Masyado akong nagpadaig sa kaduwagan at takot na kausapin si Alec patungkol sa nararamdaman ko sa kaniya ng makita ko ulit siya.
Since wala naman na akong gagawim sa day off ko, mas mabuti pa na tumulong na lang ako dito sa café ko, andaming customer ngayon dahil Sunday at walang pasok ang mga estudyante kaya expected na.
Gabi na nang makauwi ako sa condo ko. Naabutan ko sina Mama at Dada na kumakain sa dining table.
“Good evening to the both of you,” wika ko ng makalapit ako sa dining table at agad na napatingin ang dalawa sa ’kin.
“Alec, buti naman at nakauwi ka na. Halika, sabayan mo kami maghapunan,” ani Mama kaya umupo na ako sa silya at binigyan niya ako ng plato at kubyertos.
“You appeared worn out, young man,” wika ni Dada at ngumiti lang ako ng unti at sumagot.
“Yeah, tumulong ako sa café since wala naman akong gagawin dito sa bahay buong maghapon, might as well maging productive.”
“What about, Alec? Have you guys talked?”
“Yeah—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Mama.
“Wait. Who is Alec? What about that person? Uh-huh! May tinatago ba kayong dalawa sa ’kin?” Palipat-lipat ng tingin si Mama sa aming dalawa ni Dada, nakataas pa ang isang kilay niya.
Napakamot ako ng batok at napatingin kay Dada at kay Mama. “Katrabaho ko si Alec… he’s a guy. He’s an Architect at anak siya ng may ari ng agency na pinagtatrabahohan ko ngayon. Na-meet na niya si Dada and Dada likes him to be my boyfriend. And also, I have a crush on him at nagkasala ako sa kaniya, pero napatawad naman niya ako at nag-confess ako sa kaniya, pero hindi niya tinanggap ang feelings ko.”
“Nag-confess ka sa kaniya? Diba wala naman sa plano mo yan—” Hindi natapos ni Dada ang sasabihin niya dahil nagsalita agad si Mama.
“Ok, kumain na muna tayo tsaka na natin pag-usapan ang tungkol sa Alec na ’yan,” wika ni Mama saka siya ngumiti sa ’kin.
∞∞∞
Napakamot na lang si Mama nang matapos niyang marinig ang dahilan kung bakit nagalit sa akin si Alec. Magkatabing umupo si Mama at Dada sa sofa habang ako naman ay sa isahang upuan na kaharap nila.
“Really, Gray? Sa dinami-rami ba naman ng mga salita na pwede mong sabihin sa kaniya ay ’yon pa talaga? Syempre, na-offend mo siya dahil sa sinabi mo. Magpalit kaya kayo ng sitwasyon ni Alec.”
“First time kasi sa ’kin na may nag confess na lalaki, Ma eh at lasing pa siya no’ng mangyari ’yon. Pero nag-sorry naman na ako sa kaniya and he accepted my apology.”
“Yes, you apologized and he accepted it. Now that you told him you felt that way. How would you respond in this situation where he rejected you?”
“Ayra, huwag ka namang harsh sa anak mo,” sabat ni Dada sa usapan.
“Isa ka pa eh,” tinignan ni Mama ng masama si Dada.
“Pinagsabihan ko naman anak mo eh, pero di ko alam na may ganoong plano pala siya, ang sabi niya lang sa ’kin ay hihingi siya ng dispensa sa nangyari sa kanilang dalawa ni Alec.”
Napabuntonghininga si Mama at tumingi sa ’kin. “Anak pa talaga ng agency na pinagta-trabahohan mo, Gray.”
“Oo, anak nga siya ng may ari ng agency pero mabait na bata ’yon tsaka mahahalata mo talaga na maayos ang pagpapalaki ng mga magulang niya,” ani Dada. Proud na proud talaga siya kay Alec. Kahit noong una nilang pagkikita, sinabi niya sakin na boto siya kay Alec para sa ’kin.
Napatingin ng masama si Mama sa ’kin. “Really, Gray? Ginanon mo lang si Alec? Kung ako ikaw hindi ko siya gaganunin.”
“Ma, if ayaw niya sa ’kin edi di ko siya pipilitin. Pero I’ll try to persuade him, pero kung ayaw niya talaga edi… huwag. Ang mahalaga sa akin ay napatawad na niya ako at nakapag-confess na ako sa nararamdama ko sa kaniya,” napayoko na lang ako. Nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon, bwisit!
“Anak, nararamdaman namin ng Dada mo na nasasaktan ka rin sa mga nangyari. Pero paano kung hindi na magbago ang isip ni Alec at tuluyan na siyang lalayo sa ’yo dahil hindi ka agad nag first move.”
May punto si Mama sa sinabi niya. Paano kung huli na ako para kay Alec. Paano kung mabalitaan ko na lang sa mga kasamahan niya na may jowa na pala siya. Mas magpapaapekto pa ba ako sa kaduwagan ko?
“Ayra, ano ba. Tignan mo anak mo, nag overthink tuloy,” ani Dada.
“Hayaan mong i-absorb niya ang mga sinabi ko.”
“Gray…” tawag ni Dada sa pangalan ko. “’Wag kang mag-aalala, magiging ayos rin ang lahat.”
Lumapit ako sa kanilang dalawa at tumayo silang pareho at niyakap ko sila. Hinagod-hagod ni Mama ang likod ko, it feels so comforting when I embrace my parents.
“I love you, ’nak.”
“I love you, young man.”
“You two are also loved,” sagot ko sa kanilang dalawa.
Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanilang dalawa.
“Honey, don’t be too hard on yourself,” ani Mama at hinawakan niya ang kamay ko. Nagpatango-tango bilang sagot.
“Sige na, mauna na kami. Kasi gabi na at may trabaho pa kami bukas,” sabi ni Dada. He patted my shoulder. “Mahal ka namin ng Mama mo, tandaan mo ’yan. At andito lang kami para sa ’yo.” Isang matamis na ngiti ang ginanti ko kay Dada.
“Kung saan ka masaya, doon rin kami ng Dada mo. Kung sino pa ’yang iibigin mo, as long as hindi ka nakakasakit ng tao, go lang!” Niyakap ko ulit silang dalawa, sobrang saya ko ngayon. ’Yong lungkot ko ay napalitan ng saya dahil sa mga magulang ko.
Ang swerte ko sa parte na tanggap ako ng mga magulang ko kahit ganito ako, mahal na mahal pa rin nila ako.
∞∞∞
Sana ganito ang mindset ng ibang magulang na kahit miyembro ng LGBTQIA+ Community ang anak nila ay tanggap pa rin nila ito ng buong-buo. Dahil kahit pagbabaliktarin ang mundo ay anak pa rin nila ito. Anak na pinalaki, binihisan, pinaligo at inalagaan nila noong sanggol pa.
Sa panahon ngayon, may magulang pa rin ang ‘close minded’ sa usaping ito. Pero kahit ganoon pa man ay darating at darating ang araw na maiintindihan rin nila ang anak nila.
Sa mga taong nakapag-out sa pamilya nila na walang kahirap-hirap, masaya ako sa inyo. Sa mga tao naman na nakapag-out pero hindi tanggap ng pamilya nila, masaya rin ako sa inyo dahil naging matapang kayo, tinapangan niyo ang sarili niyo na sabihin sa pamilya mo ang totoong ikaw.
Sa mga taong hindi pa nakapag-out dahil sa takot; ayos lang ’yan, huwag mong madaliin ang sarili mo—take baby steps. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon pero masaya ako dahil kahit araw-araw ang kalbaryo—nagagawa mo pa ring ngumiti at maging masaya sa harap ng ibang tao kahit na sa loob mo ay gustong-gusto mo na makaalis sa closet.
I want to give y’all a big and warm embrace. You are valid, babe!
Love, Alak 🍻
Chapter 11: Rose
Chapter 11: Rose
A L E C
Nag-text ako kay Kleo kanina na pumunta dito sa bahay dahil may kailangan siyang ipaliwanag sa akin. Hindi pwede na ipagpabukas ko pa ’to kasi nanggagalaiti talaga ako sa galit kanina. At alam na ni Kleo kung ano ang pag-uusapan namin.
Habang naghihintay sa dumating si Kleo ay nag-scroll-scroll lang ako sa Twitter gamit ang laptop ko. Nakiki-update sa kung ano na nangyayari sa Treasure.
Napakamot ako ng ulo dahil nababagot na ako kakahintay kay Kleo, pagdating talaga ng baklang ’yon bubugbugin ko talaga siya.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng biglang may kumatok dito, bumukas ang pintuan at niluwa nito ang taong kanina ko pa hinihintay. May bitbit pa siyang plato.
“Hi friend, kain tayo,” sabi niya nang makapasok siya sa kwarto ko at umupo sa kama ko.
Nilapag ko sa gilid ko ang laptop ko. “Sige lang, friend,” sagot ko naman sa kaniya atsaka ako umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama ko.
“Ba’t mo pala ako pinapunta dito?” he asked questioningly, he then slurp his spaghetti.
Naging seryoso ang mukha ko. “So, kinuntsaba pala kayong dalawa ni West sa kumag na ’yun.”
Agad na napatingin sa akin si Kleo, nilunok niya muna ang kinakain niya bago sumagot. “Alam mo friend, pumayag lang naman kaming dalawa ni West dahil concern lang kaming dalawa sa inyo ni Gray. Deserve naman ni Gray na patawarin mo siya-”
“Desisyon ka, girl?”
“Ay, potangina ka pala eh!” Inirapan niya agad ako.
“Ito naman ’di mabiro,” pagbawi ko sa sinabi ko at inagaw ko sa kaniya ang tinidor saka ako tumikim sa spaghetti na dala ni Kleo.
“Alam kong abot langit ang galit mo sa kaniya, kaya nga gustong-gusto ka niyang kausapin. At nahiya na rin ’yon sakin kasi lagi na niya akong kinukulit na kausapin kita. At nagkausap naman na kayo kanina. Now, tell me what happened to you guys earlier today.”
Umayos ulit ako ng upo. “He confessed his feelings to me after being forgiven, but I didn’t accept it.”
“Sabi na eh! Tama talaga hinala ko.”
“A-Anong ibig m-mo sabihin?” Nagtaka ako sa sinabi ni Kleo. Bakit? Anong meron?
“Wala… I mean, ibig kong sabihin gusto ka rin niya at halata na matagal na. Now, sabihin mo sa akin kung gusto mo pa rin siya hanggang ngayon.”
I glanced at him questioningly. “Really, Kleo? Matagal na niya akong gusto? Pfft. Siraulo.”
Napakamot ng ulo si Kleo at nilapag niya sa night stand ang plato na may spaghetti. “Friend, magco-confess kaya ’yong tao sa iyo ’pag di ka rin niya gusto? Siraulo ka, think logically, bitch!”
“Aba malay ko sa kaniya. Problema na niya ’yan. Huwag niya akong idamay.” Pinagkrus ko ang braso ko at tinaasan ko si Kleo ng kilay.
“Pero… sagutin mo muna ang tanong ko; gusto mo pa rin ba siya regardless of the damage he has caused you?”
I gave him a stern look. “Fuck off.”
“You’ll answer it by yes or no. What’s the fuss?”
“I don’t know, Kleo. Okay? Ayoko munang magpaka stress sa kaniya.”
“Sabi mo nga. Pero, papasok ka na ba bukas? Hinahanap ka na ng mga kasamahan natin at lalo na ng mga Team Engineer.”
Napabuntonghininga ako at kinuha ko sa gilid ko ang laptop ko pinatong ko ito sa kandungan ko. “Oo, papasok na ako simula bukas. Nakapagpahinga naman na ako ng sapat.” Ni-on ko na ang laptop ko at nag log in ulit sa Twitter.
“Mabuti naman kung ganoon. Ready ka na bang makita ulit si Gray?” Napatingin ulit ako sa kaniya. His raising his eyebrows up and down and draw a playful smile on his lips.
“Well… To tell you honestly, I’m working for myself not for him,” binalik ko na ulit ang atensyon ko sa laptop ko.
“Ano ba, baks! Nagtatanong lang naman ako ah. ’Yang anger issues mo talaga, jusko!”
I chuckled on his reaction. “Sorry naman, friend,” sagot ko habang nakatuon pa rin sa laptop ang atensyon ko. Nag-aaway na naman ang fandom namin sa isang fandom, jusmeyo. Palagi na lang talaga.
“Alam mo, nagtataka ang ilang Arki kung bakit ka nawala, tapos ang sabi ko lang is nag trip to South Korea ka.”
Bumuhakhak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Kleo. Ano raw? “Pakshet na palusot ’yan. Sana all!”
Seryoso ang mukha niya na nagpatuloy sa sasabihin niya. “Tapos ang sabi nila, “Wow naman, nakakainggit.” Hindi ko alam kong sarcastic ba o hindi, friend,“ natawa rin siya sa sinabi niya.
“Baliw ka talaga.”
Even me, I don’t know if it’s a sarcasm or not. Well, andaming ayaw sa ’kin sa agency, kaya expected na may hater ako.
Kinuha ko sa night stand ang plato na may spaghetti at kumain ulit. “Ang sarap ng spaghetti mo, Kleo.”
He gave me a stern look. “Ako pa ba?” he then pointed himself.
“Mag-aaway talaga kayong dalawa ni Gray kasi ayaw niya sa spaghetti pero gustong-gusto niya ’yung maputlang spaghetti. Ano nga tawag no’n?”
Agad na napasimangot si Kleo sa sinabi ko, para siyang nandidiri. “O.M.G, gusto ni Gray ang carbonara? Eww, so gross!”
Binigay ko sa kaniya ang plato at sumubo rin siya sa spaghetti niya.
“Yeah, ang sarap ng kain niya noong last time na nagpunta kami sa café niya.” Kleo gave me a disgusted look while there’s a food on his mouth.
“What?” I looked puzzled.
He whispered. “Red flag.”
Dali-dali siyang umalis sa kama ko at binuksan ang pintuan ng kwarto ko at umalis na.
“Siraulo, anong red flag doon?” I sighed. “Hindi mo man lang sinirado ang pintuan!” sigaw ko pero wala akong narinig na bakas ni Kleo na papunta sa kwarto ko. Siraulo talaga.
Nilapag ko sa kama ko ang laptop at ako na lang ang nagsara ng pintuan ng kwarto ko. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama.
Gusto mo pa rin ba siya regardless of the damage he has caused you?
Gusto mo pa rin ba siya regardless of the damage he has caused you?
Gusto mo pa rin ba siya regardless of the damage he has caused you?
Bwisit! Nagpabalik-balik sa utak ako ang tanong ni Kleo!
Sa totoo lang hindi ko alam! Pinatawad ko na siya and that doesn’t mean gusto ko pa rin siya. Sobra akong nasaktan tapos ganon-ganon lang? I mean… Ewan! Di ko alam. Hindi ko alam kung gusto ko pa rin siya.
Pakshet ka, Kleo! Mas lalo mo tuloy ginulo ang isip ko!
∞∞∞
Nang magising ako kinaumagahan ay naligo na ako at nagbihis na pang semi-formal attire. Yung mga ligt colors lang ang sinuot ko; beige polo at beige trouser and a white sneakers and I’ll be using my light brown cross body bag. I feel so handsome and confident right now.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at pumunta sa island counter.
“’Tay, di ko alam na may alaga pala tayong gorilla dito sa bahay,” wika ko nang makaupo ako sa stool ng island counter. At agad na binaba niya ang news paper na binabasa at nagtataka siyang tumingin sa ’kin.
“Huh? Sinong gorilla? Eh si Milo lang naman ang alaga natin ah,” Tatay looked puzzled as he sipped his cup of coffee.
“Oh? Sino pala ’yang nasa harap mo? Akala ko may bagong alaga tayo at sumabay pa talagang kumain sa ’yo,” agad na hinawakan ko ang balikat ng kasabay kumain ni Tatay. Nagpipigil akong tumawa.
Nagpalingo-lingo na lang si Tatay at binalik ang atensyon niya sa news paper na binabasa niya kanina.
Napahinto siya sa pag kain at tinignan niya ako ng masama. “Talaga ba, Alec? Happy? Nakakatawa ’yon?”
“Hala! Nagsasalita pala itong gorilla mo, ’Tay?” mahina akong napatawa.
“Sira ka talaga, Alec. Huwag mo nga ginaganiyan si Kleo,” suway ni Tatay sa akin.
“Ay? Si Kleo pala ’to, ’Tay?” saka ako bumuhakhak ng tawa, hindi ko na napigilan ang tawa ko.
“Tawang-tawa ah. Nakakatawa ’yon, bakla?”
Umupo na ako sa kabilang stool ng island counter. “Tawang-tawa ako sa reaksyon mo, Kleo. Para kang galit na galit na gorilla,” bumuhakhak ulit ako ng tawa. Bwisit, tawang-tawa talaga ako kay Kleo, ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa.
“Tito oh, inaaway ako ng pangit mong junakis,” napahinto ako sa pagtawa at napatingin ako kay Kleo.
“Anong sinabi mo?”
Napatingin siya kay Tatay. “May sinabi ba ako, Tito?”
Hindi sumagot si Tatay at nagbasa lang ng news paper.
“’Wag mo ma-Tito si Tatay ko. Hindi ka niya pamangkin.”
“Para kang timang, Alec. Ang aga-aga nang-aasar ka,” sabi ni Kleo at inirapan pa ako. Kumain na ulit siya ng pagkain niya.
I patted his back. “Ito naman di mabiro, kain ka lang diyan at may trabaho pa tayo,” sabi ko tsaka ako nagsalin ng kainin at ulam sa plato ko.
Dinogshow nila akong dalawa ni Tatay noong nakaraan, ako naman ang mang-dogshow ngayon. Salitan lang ’yan eh.
Nagsimula na akong kumain. Napaisip ako kung bakit dito nag breakfast si Kleo, well, once in a blue moon lang siya dito nagbi-breakfast. Nasanay ako na dito siya sa bahay nagdi-dinner eh.
“Kleo, ba’t dito ka nag breakfast? Sino nagsabi sa ’yo na dito ka kumain?” Pang-aasar ko sa kaniya.
Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. “Pork chop ka, Alec. Tinatamad lang ako magluto ng agahan ko eh, buti na lang at naabutan ko Tatay mo na busy sa pagluluto ng agahan tapos sinabi ko sa kaniya na dito na lang ako magbreakfast at pumayag naman siya. Syempre, ikaw lang hindi papayag.”
Nasanay na kami ni Tatay na bigla-bigla na lang siyang susulpot dito sa bahay, kaya wala nang problema sa ’min ’yon. Makikita ko nalang na may hinahalungkat siya sa ref namin or kumakain siya sa island counter o ’di kaya’y nagmo-movie marathon sa living room, oh di’ba?
Lalong-lalo na si Uncle Soju, pero hindi ko na napansin na nagpunta si Uncle dito sa bahay. ’Yong dito siya nag dinner, ’yon ang last na nagpunta siya dito.
“Sabagay,” I chuckled. “Kung tapos ka na kumain, hugasan mo ’yang pinagkainan mo.”
“Yes, sir!” Agad siyang tumayo habang bitbit niya ang plato at baso saka niya hinugasan ang mga iyon sa sink.
“Napakain ko na si Milo, Alec,” sabi ni Tatay at sumimsim siya ng kape niya habang hawak-hawak niya ang dyaryo. “Tsaka, malapit na maubos ang dog food niya.”
“Pwede ikaw muna ang bumili ng dog food niya, ’Tay? Wala pa akong sweldo eh.”
“Okay, nasa sa ’yo naman ang card ko eh. Di mo sinauli sa ’kin.” I laughed a little.
Aware pala siya na di ko sinauli ang card niya, though di naman siya galit kaya ayos lang.
∞∞∞
“Magugulat talaga ang Team Arki kasi papasok ka na at alam kong matutuwa rin si Gray,” napatingin ako sa katabi ko at agad kong binalik sa pagmamaneho ang atensyon ko.
“Anong ibig mo sabihin na-what the fuck! Hindi naman niya alam na papasok ako ngayon ah. Don’t tell me sinabihan mo si Gray?!”
Nagkibit-balikat lang si Kleo. “Well, na miss ka no’ng tao eh. Ano ka ba?”
“Eh kung sipain kaya kita palabas netong sasakyan!” sabi ko habang nakatuon pa rin ang pansin sa pagmamaneho.
“Huwag ka namang ganiyan, friend. Minsan na nga lang ako makisabay sa’yo eh,” he smiled to me.
Napabuntonghininga na lang ako sa sinabi niya. Ewan ko na lang talaga kung bakit naging kaibigan ko pa ’tong taong ’to. Jusmeyo, mas nauna pa magdesisyon sakin.
“Bumili ka kaya ng sasakyan mo, di ba? Marami ka namang pera eh, tsaka wala ka namang binubuhay,” lagi ko na sinasabi sa kaniya na bumili na ng kotse pero di siya nakikinig sa ’kin.
“Huwag na muna, nasanay kasi akong laging nagko-commute eh,” napatawa siya sa sinabi niya.
“Ikaw bahala, buhay mo naman ’yan.”
Naoatawa ulit siya. “Ay friend, si West nagsabi kay Gray na babalik ka na. Wala akong kinalaman doon, ang aking konsensya ay clear.”
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Mukhang may haharapin na naman akong bagong problema dahil kay Kleo at West. Ewan ko na lang talaga sa dalawang ’to. Gusto kong pag-untugin ang ulo nilang dalawa sa pader.
Nang makapasok kami sa building ay sinalubong agad ako ng ‘Good morning, Sir,’ ng mga empleyado-as usual. Na-miss ko rin kahit papaano na tinatawag nila akong Sir, isang linggo rin kaya akong nawala.
Pumasok kaming dalawa ni Kleo sa elevator kasama pa ang ibang empleyado ng agency. Nang bumukas ang pintuan ng elevator sa floor namin ay agad rin kaming lumabas at tinahak ang hallway papunta sa opisina namin.
Agad na binuksan ni Kleo ang pintuan at opisina namin. Nauna akong pumasok at dire-diretso lang akong lumakad papunta sa work place ko na parang hindi nawala ng isang linggo. Di ako na-bother sa tinginan ng mga ibang Arki na nasa loob ng opisina.
Nang makaupo ako sa swivel chair ay nilapag ko kaagad sa table ko ang sling bag at hinagod-hagod ko ang table ko. Na-miss ko ’tong table ko ng sobra.
“Kuya Alec, ayos ka lang ba?” Napabalik ako sa reyalidad ng biglang may nagsalita sa harap ko.
Napaayos ako ng upo. “Hi Jona.”
“Para kang timang Kuya, ang laki ng ngiti mo habang hinahagod-hagod mo ang table mo. Anyway, pasalubong naman diyan.” Maligalig na wika niya.
“Huh? Pasalubong? Ano ba ako, OFW?” sarkastikong tugon ko sa kaniya.
“Huh? Eh sabi ni Kuya Kleo nag Korea ka daw eh.”
Napatingin ako sa baklang kakaupo pa lang sa swivel chair niya. “Kasalanan mo ’to, Kleo!” Nag peace sign siya sakin habang nakangiti. Tumingin ulit ako kay Jona. “Hindi ako nag Korea, Jona. Nasa bahay lang ako at nagpapahinga, masyado akong napagod last week. Ililibre na lang kita ng lunch mamaya, ok ba ’yon?”
“Si Kuya Kleo talaga napakasinungaling. Pero sige Kuya Alec, ayos na ako diyan,” tsaka siya ngumiti. Lumapit sa akin ng kaunti si Jona at bumulong. “Alam mo Kuya, pinagchismisan ka ng ibang Arki, kesyo di ka na raw babalik kasi nga ni-reject ka ni Kuya Gray noong nakaraan. Tapos ang sabi pa ay nag-resign ka na raw tapos kami ni Kuya Kleo ay todo defend kami para sa iyo.” Tumayo na ng maayos si Jona.
Grabe, laman pala ako ng usapan habang wala ako. Jusko mga marites nga naman. Satisfied ang mga kaluluwa nila kasi may issue ako.
I patted my chest. “Awww. Ang sweet niyo naman. Deserve mo malibre ng lunch for one week.”
“Ay, gusto ko ’yan!” sabi ni Jona.
“Ako ba, friend?” he then pouted his lower lip.
“Wala akong pakielam sa ’yo. Gumawa ka pa ng storya na nag Korea ako. Edi naloka ang mga marites sa paligid!” sinadya kong medyo lakasan ang boses ko sa last part ng sinabi ko.
“Ay, may iniwan na letter at bulaklak si Kuya Gray sa drawer ng table mo,” I puzzledly turned to gaze at Kleo and Jona.
Dali-dali kong binuksan ang drawer ng table ko at tumambad sa ’kin ang isang puting rosas at kulay blue na papel tapos may nakasulat pa dito. Agad kong kinuha ang bulaklak at ’yong papel tsaka ko binasa ang nakasulat dito.
“I’ve always believed that happiness began with H. All this time, I had no idea that it began with U.” Nakatuon lang ang pansin ko sa papel habang napalunok ako.
“Potangina, ang corny!” komento ni Kleo tsaka ito bumuhakhak ng tawa.
“Hala, Kuya Alec!” Nagpipigil rin ng tawa si Jona sa narinig niya.
“Ewan ko kung matatawa ba ako or maki-cringe,” komento ko at binalik na sa drawer ang papel.
Gray, anong nakain mo at ganiyan ka?
Pero na appreciate ko ang flower. I had boyfriends before but ni isa, wala akong natanggap na bulaklak. Kahit na pinitas man lang sa gilid-gilid.
It is my first time na mabigyan ng bulaklak. And honestly, ang ganda sa pakiramdam at feeling ko ang saya ko at white rose pa ang binigay niya. Ano kaya pumasok sa isip niya at binigyan niya ako ng bulaklak? This is suspicious. Nawala lang ako ng isang linggo may pakulo na ang lolo niyo.
Chapter 12: Care
Chapter 12: Care
A L E C
Lunch break. Sabay kaming kumain ng Team Arki, tahimik lang akong kumakain habang sina Jona at Kleo ay nakikipagdaldalan sa iba naming katrabaho. Ayokong makipagdaldalan sa mga plastic na katrabaho.
Sa kabilang table ay andoon ang Team Engineer. Halata sa kanina na ang saya-saya nilang kumakain. Napatingin ako sa kinauupuan ni West sa di kalayuan ng table namin, itong si West may atraso pa ’to sa ’kin eh. He smiled to me and I smiled back, syempre plastic lang. Tinuro niya ang katabi niya gamit ang hinlalaki niya, dumapo ang tingin ko sa katabi niya.
He mouthed. “Hi.”
Tinignan ko lang si Gray na walang emosyon at hindi ako umimik. Itinuon ko na ang pansin ko sa kinakain ko. Pinagkakaisahan talaga ako ng mga baliw na ’to.
Nang matapos akong kumain ay binalik ko na ang tray sa kusina at dumiretso na sa restroom. Naghugas agad ako ng kamay at inayos ko ang buhok ko, nang okay na ako ay hahakbang na sana ako paalis sa sink, bago pa ako makahakbang paalis sa sink ay laking gulat ko nang makita kong kakapasok rin ni Gray, at papalapit siya sa pwesto ko.
“H-Hi, Alec.”
I faked a smile and replied. “Hello.”
“Can I talk to you for a sec?”
“I’m sorry, I’m in—”
Hinawakan niya ang kanang braso ko. “Please, Alec. May sasabihin lang akong importante sa ’yo.”
“Busy ako, Gray. Kung gusto mong kausapin ako ay mamaya na lang,” sagot ko. Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang ’yon ay humakbang na ako paalis sa restroom. Totoo naman na busy ako. Kakabalik ko lang at may nagpaggawa na ng design sa ’kin.
“Oh, okay. Rooftop after nang trabaho mo,” pahabol na wika niya. Hindi ko alam kung ano pa ang pag-uusapan naming dalawa. Kung ang pag-uusapan namin ay ’yong tungkol sa bulaklak at ’yong corny niyang banat, syempre magpapasalamat ako kasi na appreciate ko ang effort niya sa banat niya at ’yong bulaklak.
Pagdating ko sa lobby ng agency ay naabutan ko sina Kleo at West na nag-uusap sa sofa. Ano na naman kaya ang pinag-uusapan ng dalawang ’to? O baka bina-backstab nila ako?
Umupo ako sa kabilang sofa na kaharap lang ng inuupuan nila at napatigil sila sa pag-uusap ng mapansin nila ako.
“Andiyan ka pala, Alec,” ani West at umayos ng upo.
“Oo, andito ka nga rin eh. Anyway, ano ba pinag-uusapan niyo at parang napakaseryoso niyong dalawa?”
“Wala naman. Ano lang… tungkol sa project ni Gray. Yeah, tungkol nga doon,” sambit ni Kleo na parang kinakabahan pa.
I glared to the both of them. “Hindi ako kombinsido. Pinag-uusapan niyo talaga ako eh.”
“Hindi ah. Hindi ka nagkakamali,” ani West. “Joke lang, Sir Alec.”
“’Yong totoo…”
“Hindi nga sabi, ang tigas ng ulo neto,” ani Kleo at napasimangot pa siya dahil sa pangungulit ko.
I sighed as I fold my arms across my chest.
“Alec, kumusta ka na pala. Isang linggo ka ring nawala at nagtaka ’yong ibang Engineer kung ba’t ka raw wala. Nawala ng parang bula ang anak ng CEO ng agency,” he chuckled a bit.
Napabuntonghininga ako bago sumagot. Naalala ko na naman ang nangyari noong nakaraan. “Ayos naman na ako, nakapagpahinga na ako ng maayos. And here I am… I’m back to work.”
“Sinabi sa ’kin ni Kleo na napatawad mo na siya at ni-reject mo siya.”
“Yeah, at sinabi rin sa ’yo ni Kleo na babalik na ako at sinabi mo rin kay Gray. Ano to, chain message lang?”
Napatawa ang dalawa sa kabilang sofa.
“Sus, nakita ko pa nga siya kanina sa opisina namin na may dalang rosas eh. Sabi niya para sa ’yo daw ’yon,” ani West.
Nagtinginan ang dalawa. “Kilig na kilig pa nga ’yan kanina eh nang makita niya sa drawer ng table niya ang bulaklak,” bumuhakhak ng tawa si Kleo.
“Oh really?” nakitawa rin si West. Tawang-tawa ang dalawa sa pangdo-dogshow sa ’kin. Makakaganti rin ako sa dalawang ’to.
“Sira ulo kayong dalawa,” sabi ko sa kanila pero tumawa lang lalo ang dalawa. “Hoy! May tanong ako sa inyo.”
Napahinto sa pagtawa si Kleo. “Ano ’yon, Alec?” sambit ni Kleo.
“Ano na score niyong dalawa?” sabay pa na ngumiti ang mga kumag. Mga baklang ’to, ang lalandi talaga.
“Nanliligaw pa ako sa kaibigan mo, Alec. You know, getting to know each other, maghihintay ako kung kailan na handa itong si Kleo,” sagot ni West at kinurot niya ang tagiliran ni Kleo na naging dahilan para sapakin ni Kleo ang braso ni West.
“Alam niyo, naiinis ako. Sabi ni Kleo sa ’kin noong nakaraan pa na crush ka niya talaga tapos ngayon nililigawan mo na pala si Kleo. So, sa madaling salita, sinikreto niyong dalawa sa akin ang ganap sa relasyon niyong dalawa. At matagal ka na talaga nanliligaw kay Kleo nagpa-as if lang si Kleo na crush ka niya. Tama ba ako?” Tinignan ko ng masama ang matalik kong kaibigan.
Nag peace sign siya bago sumagot sa tanong ko. “Well, yeah,” he then chuckled.
Napatingin ako ngayon kay West. “So, sa tingin ninyong dalawa… nakakatuwa ’yon?” halata sa mukha niya na guilty rin siya sa nagawa nila.
“Hindi,” ang sagot ni West.
“All this time, akala ko talaga—”
“Sorry naman, friend. Eh, di pa ako ready sabihin sa ’yo ang totoo ng mga panahon na ’yon eh. Tsaka, naging busy rin naman ang buhay natin kaya nakalimutan ko rin na sabihin sa ’yo.”
“Matagal ko na nililigawan si Kleo, Alec.”
Umuwang ang labi ko nang marinig ko ang sinabi ni Gray. “Really?”
“Ganito kasi ’yan, friend—”
“’Wag na, Kleo. Tama na. Ayoko nang marinig ang sasabihin mo,” walang pag-aatubili akong tumayo at iniwan ko ang dalawa sa lobby.
Masaya naman ako kay Kleo kasi may nanliligaw sa kaniya. Ibig sabihin ay may nanunuyo sa kaniya para ibigin ito. At bilang kaibigan ay susuportahan ko siya sa kung ano ang makabubuti sa kaniya.
Since college magkasundo na kami sa mga bagay-bagay pero pagdating sa lovelife hindi kami ganoon nagkakasundo. Nagkakasundo lang kami ’pag hinihiwalayan siya o ako, tapos pareho naming iga-gaslight ang isa’t-isa—mga siraulo.
Hindi ako galit na ngayon lang talaga nila sinabi sa ’kin ’yong about sa relationship nila. Desisyon nila ’yon and I must and should respect them. Hindi pa sila ready sabihin sa ’kin kahit na matalik akong kaibigan ni Kleo, naguguluhan ako sa kanila, pero bahala sila. Buhay nila ’yan at matanda na mga ’yan eh.
Pagdating ko sa opisina namin ay walang katao-tao. Kumakain pa ata ’yong ibang kasamahan ko. Agad na nahagilap ng mga mata ko ang isang puting rosas at isang papel na nasa working table ko, umupo agad ako sa swivel chair ko at kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat.
“Keep in mind that we need to talk, and we’ll catch up on the roof top later. -Gray.”
“Luh, um-oo ba ako sa ’yo kanina? Hindi naman ah. May pa-letter at pa-bulaklak ka pa,” napairap ako sa papel. Nilagay ko na sa drawer ang papel tsaka ko pinagmasdan ang puting rosas.
Saan naman kaya niya pinitas itong rosas na ’to? ’Wag naman sana sa gilid-gilid lang. Tinanim nga diyan tapos pipitasin mo? Hindi pwede ’yan. Infairness ah, walang tinik itong rose na binigay niya.
Pagdating ko talaga sa bahay mamaya ilalagay ko ’to sa vase para medyo tumagal pa buhay nito tapos itatanim ko sa flower pot.
Nilagay ko na sa loob ng drawer ang rosas katabi ng isa pa na binigay ni Gray kanina.
Kinuha ko sa gilid ng inuupuan ko ang drawing tube, kinuha ko ang takip nito at kinuha ang drafting paper. Nilapag ko ito sa table ko at pinagpatuloy ko na ang pagdesign na nasimulan ko kanina.
Habang busy ako sa paggawa ng design para sa isang residential house, namalayan ko na umupo si Kleo sa swivel chair niya.
“Friend, galit ka ba sa ’min ni West?” napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin ako sa kaniya.
He looked so worried. “Sira, hindi ako galit. I’m just happy to the both of you,” I flashed a sweet smile.
“Eh, ba’t ka biglang umalis kanina sa lobby? Tapos parang galit na galit ka nga eh.”
“Eh kasi naman, friend. Next week ko na ’to ipapakita sa client itong design ko, kaya kailangan ko talagang tapusin ’to. At naggalit-galitan lang ako, ’wag kang ano diyan.”
“Talaga ba?”
I gave him a stern look.
He chuckled. “Hindi ka nga galit.”
Humarap ako sa kaniya tsaka ko hinawakan ang mga kamay niya. “Pero Kleo ah, lagi kong sinasabi sa ’yo. Kilalanin mo muna nang mabuti ’yang si West. Ayoko lang na masaktan ka.”
Nagpatango-tango siya. “Oo naman, friend. Ano pa ba ang saysay nitong ginagawa namin, di ba?”
“Siguraduhin mo lang ’yan, friend ah. Ang haba talaga ng hair ng kaibigan ko!” nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinabi ko.
“Syempre, ako pa ba?” nagtawanan ulit kami. Baliw talaga ’tong kaibigan ko.
Humarapa ako sa table ko. “Mamaya na tayo mag-usap. Alam kong busy ka rin, kaya gawin mo na ’yan,” sabi ko at kinuha ko na ang lapis ko at nagsimula na ulit sa ginagawa ko.
“Yeah, sunod-sunod ang project ko and guess what?”
Napahinto ulit ako at tumingin sa kaniya. “What?”
“Engineer ko si Gray ngayon. Noong nakaraan ay si West, ngayon naman ay si Gray.”
“So, kilig ka na niyan. Nakita ni West ang design mo tapos siya pa ang magpapatayo ng gawa mo.”
“Aba’y syempre naman, noh? Hello? Manliligaw ko ang magtatayo ng design ko. Gandang-ganda nga siya sa design ko eh, kung nakita mo lang itsura niya noong first time niya nakita ang design ko, ang cute ng mukha niya nang ma-shock siya.”
Mahina akong natawa sa narinig ko. Inlababo nga naman, kahit ano nalang talaga ’pag inlove ka, lahat cute sa paningin mo. ’Pag nagkahiwalay, mari-realize na ang pangit pala, mygad.
∞∞∞
“Kumusta ang pagbabalik mo sa trabaho after mo mawala ng isang linggo?” tsaka siya sumimsim sa black coffee niya.
“Kakabalik ko lang tapos binigyan agad ako ng project ng Team Manager,” pagmamaktol ko kaya tumawa si Tatay.
“Deserve mo ’yan.” Pang-aasar pa niya. Tatay ko ba ’to?
“’Tay naman, di ka ba naaawa sa anak mo? Isang linggo akong nagluksa, char. Tapos trabaho agad—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si Tatay.
“Kung hindi ka magta-trabaho, wala kang pambili ng merchandise at pagkain mo kay Milo.”
“Tama ka naman diyan, ’Tay pero—”
He gave me a stern look.
“Sabi ko nga magtatrabaho ako. Ginawa ko kaagad ’yong project na binigay sa ’kin, before Friday dapat tapos na ’yon,” sabi ko tsaka ako sumimsim sa inumin ko.
Andito kami ngayon ni Tatay sa café ni Gray. Nagulat na lang ako kanina kasi biglang pumasok si Ate Maye sa opisina namin at sinabing pinapatawag daw ako ni Tatay, gusto niya raw ako makausap. Nang makapasok ako sa opisina ni Tatay ay sinabi ko na nagki-crave ako ng Caramel Macchiato at andito kami ngayon sa café ni Gray.
“Himala ’Tay at binisita mo ang agency mo,” sabi ko, napasandal ako sa upuan ko.
“Kinuha ko lang ’yong report ng Team Managers at gusto ko rin na kumustahin ang mga empleyado ko. Kaliwa’t-kanan mga meeting ko kaya ’di ako masyadong nagsi-stay dito sa agency, minsan tinatamad ako sa bahay na lang ako nagta-trabaho.” Nakapa-hardworking talaga ang Tatay ko, wala naman siyang binubuhay pero todo trabaho pa rin siya. Ayos na rin ’yon para may pagkaabalahan siya, you know… balo na si Tatay.
“Eh sana naman nagpakain ka sa mga empleyado mo, di ba? Minsan ka na nga lang magpakita eh.”
Mahinang natawa si Tatay. “Nasa isip ko ’yan, ’nak. Pero nasa sa ’yo ang isa kong card eh.”
Ngayon ako naman ang natawa. “Matagal na ’tong na sa ’kin, ’Tay, at buti naman naalala mo pa.”
“Bumili ako ng bagong wallet kay Ate Maye mo, tapos nilipat ko ang mga card ko at ayon naalala ko ulit na hindi mo pa pala nasasauli sa ’kin.”
“Alam mo ba, ’Tay? May nagbigay sa ’kin ng bulaklak kanina,” pag-iiba ko ng usapan.
“Di mo ako ako madadala sa ganiyan, Alec. Huwag ako,” he gave me a playful smile, I smirked at him.
Kinuha ko na sa likod ng pants ko ang wallet ko tsaka ko kinuha ang black card at inabot ko ito kay Tatay. Kinuha na niya ang card sa ’kin at nilagay niya sa bagong wallet niya. Mukhang mamahalin ’tong wallet ni Tatay ah.
“Huwag ka mag-alala, ’Tay. Hindi ako gumastos sa mga bagay na gusto. Gumastos ako para sa mga kakailanganin natin sa bahay,” sambit ko. Agad siyang napatingin sa ’kin.
He doesn’t look convinced. “Wow, defensive.”
“Hindi naman sa ganoon, ’Tay pero totoo kaya ang mga sinabi ko,” I tried convincing him.
“At dahil diyan ay kailangan mo na bumalik sa agency at tapusin ang ginagawa mo,” a playful smile flashed on his lips.
“Sabi ko nga,” tsaka ako tumayo at binitbit ang caramel macchiato ko at lumabas na ng café. Dumiretso na ako sa parking area ng café at pumasok na sa driver’s seat, ilang sandali ay pumasok na rin si Tatay sa shotgun seat na may bitbit na box. Nag take out pa talaga siya ng dessert.
“Bigyan mo si Kleo ng dessert ah,” sabi niya, nilagay niya ang box sa passenger’s seat ng sasakyan ko.
“Huwag mo na bigyan ’yon, may pera naman ’yon pambili eh,” sabi ko sa kaniya, napasimangot siya sa sinabi ko.
“’Wag ka nga, Alec. Binubully mo na naman kaibigan mo eh.”
Hindi na ako sumagot at nagseatbelt na. Binuhay ko kaagad ang makina ng sasakyan at nimaniobra ko ito paalis sa parking area at pinaharurot na papunta sa agency.
Tahimik lang kami ni Tatay sa biyahe at pagdating namin sa parking lot ng agency. Binasag niya katahimikan at nagbitaw siya ng salita.
“’Nak, saan mo gusto mag dinner? Matagal-tagal na rin noong nag dinnder tayo sa restaurant eh,” I faced him calmly.
Matagal na rin talaga nang huli kami nag dinner sa isang restaurant. Hindi ko na nga naaalala kung kailan at saan kami nag dinner noong huli.
Sabi ni Tatay sa ’kin noong bata pa ako; kumakain raw sa isang mamahaling restaurant silang dalawa ni Nanay noong nanliligaw pa si Tatay, hanggang sa dumating ako sa buhay nila, ganoon pa rin ang ginagawa nila; kumakain sa isang restaurant once in a while. Kumbaga, naging kagawian na namin magpamilya.
Isa raw sa dahilan ay hindi naranasan ni Tatay ang kumain sa mga mamahaling restaurant noon dahil mahirap lang daw ang pamilya nila dati. Kaya ngayong may kaya na siya sa buhay ay gusto niyang iparanas sa akin ang hindi niya naranasan noon.
Chapter 13: Kiss
Chapter 13: Kiss
A L E C
“Nasarapan ka ba sa steak mo, ’nak?” tanong ni Tatay sa ’kin ng makalabas kami sa restaurant na kinainan namin. Sa isang sikat na restaurant kami nagdinner ni Tatay since matagal naman na kaming hindi kumain sa labas. At syempre, siya ang nagbayad. Gusto ko sana na ako na magbayad pero, mapillit si Tatay eh.
“Oo naman po, matagal na rin kasi akong hindi nakakain ng steak eh,” binuksan ko na ang passenger seat at pumasok na. Gano’n rin si Tatay sa shotgun seat. We both fastened our seatbelt.
“Dessert, gusto mo?” tanong ni Tatay.
I gave him a stern look. “Really, ’Tay? Hindi ka pa nabusog sa kinain mong dessert?”
He chuckled. “I was just askin’, kiddo. Bili na lang tayo ng ice cream sa isang shop na malapit sa subdivision. May kakabukas na shop do’n eh, I wanna try their ice cream.”
“Tatay naman eh.”
Ngayon ay tumawa na siya. “What?”
“Busog pa ako ’Tay, ano ka ba?”
“May sinabi ba akong bibilhan kita ng ice cream?”
Napakamot ako ng batok. “Sabi mo bibili tayo—ay, nevermind. Ayokong makipagtalo sa ’yo.”
Ang ginawa lang ng Tatay ko ay tawanan ako. Parang sira rin kasi ’to minsan eh, minsan naman ay napaka-seryoso sa buhay. Ano na kaya ang pumasok sa isip ng Tatay ko at naging baliw ’to ngayon.
Binuhay ko na ang makina at nimaniobra ko na ito paalis sa parking area ng restaurant na kinainan namin ni Tatay.
Habang nagmamaneho ako ay busy rin sa pagku-kwento itong katabi ko. Kinuwento niya ang mga nangyari sa kaniya ngayong araw, naging busy siya kasi kaliwa’t-kanan ang mga meetings niya. Puro trabaho lang naman ang kuwento niya. At ang tanging ginawa ko lang ay tango lang. Wala naman akong kailangang sabihin eh.
Nang makarating kami sa ice cream shop na malapit sa subdvision ay bumaba na si Tatay sa sasakyan ko at bumili nga siya ng ice cream.
Habang hinihintay ko si Tatay ay napatingin ako sa cellphone ko gilid ko dahil bigla itong nag-ring. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta agad sa message icon, ni-click ko ang message namin ni Kleo.
‘Alec, where are you?’
May nangyari ba kay Kleo? Ba’t niya ako hinahanap?
‘I’m on my way home,’ I replied. I immediately put down my phone.
I saw my father having his way towards my car, he has a plastic with galloon inside it, I guess?
He opened the shotgun door and hop in. He put the plastic at the backseat of my car. “They have a promo ’cause they’re on their first week of service. I bought three galoons of ice cream,” he then chuckled.
“Kakainin mo lahat ng ’yon ngayon?”
“Hindi ah. I’ll have it when I have free time, I want to relax or I’m working at home.”
Hindi na ako umimik pa at nimaniobra ko na ang sasakyan ko papunta sa gate ng subdivision. Hindi si Uncle Soju ang nakatoka ngayon bilang guard, kukumustahin ko sana siya. Matagal ko na siyang hindi nakikita.
Mabilis lang naman kaming nakarating sa bahay namin kaya ginarahe ko na agad ang sasakyan ko. Lumabas na kaming pareho ni Tatay sa sasakyan at nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Ni-on ko ang switch pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto ko at nahiga na.
Pagod na pagod ako ngayong araw na ’to. Parang walang kwenta ’yong leave ko ng isang linggo. Nakapagpahinga na ako ng isang linggo kaya dapat productive ako, naging productive naman ako pero naubos lahat ng energy ko sa trabaho.
Laking gulat ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko na hawak ko. Tinignan ko kaagad ang screen ng cellphone ko at sinagot kaagad ang tawag dahil pangalan ni Kleo ang naka-flash sa screen.
“What’s up, bitch,” bungad ko sa kaniya at napahikab ako.
“What’s up, bitch mo mukha mo! Halika dito sa bahay ko.”
“Bakit? Bukas na Kleo inaantok na ako eh, pagod na pagod ako ngayong araw na ’to.”
“’Wag ka muna matulog, punta ka muna dito. May away kami ngayon ni West—”
“Hay naku, maliligo lang ako at pupunta na ako diyan. Punyeta ka.” Narinig kong tumawa lang si Kleo sa kabilang linya kaya pinutol ko na ang tawag. Pumasok na ako sa banyo ng kwarto ko at naligo na.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako, sinalubong ako ni Milo kaya hinagod-hagod ko ang likod niya.
“Hindi kita nakita kanina no’ng pumasok ako, Milo. Kakauwi mo lang ba galing sa shelter?” Kapag kasi walang tao dito sa bahay ay sa pet shelter muna namin iniiwan si Milo. May pet shelter kasi dito sa loob ng subdivision tapos tatawagan lang namin ang nag-aalaga kay Milo na andito na kami atsaka nila ihahatid si Milo.
Dumiretso ako sa opisina ni Tatay, kumatok ako at binuksan ang pintuan. Naabutan ko siyang may binabasang papeles. “’Tay, alis lang muna kami saglit ni Milo. Pupunta kami sa bahay ni Kleo.”
Napatingin si Tatay sa gawi ko. “Oh sige lang ’nak.” I smiled to him and closed the door.
Hinarap ko si Milo. “Let’s go, Milo,” sabi ko at tumahol pa siya. Halatang excited lumabas ang baby ko.
∞∞∞
Nag doorbell agad ako ng makarating ako sa labas ng bahay ni Kleo. Ano kaya ang dahilan ng mga ’yon para mag-away silang dalawa? Jusko, sana hindi malala ang away nila.
Ilang sandali lang ay nakita kong papalapit si Kleo sa gate ng bahay niya. He looked wasted.
“Anong nangyari sa ’yo? Para kang binugbog ah,” bungad kong salita ng makalapit siya sa gate. Binuksan na niya ang gate. Nauna nang pumasok sa loob ng bahay si Milo
“Wala ’to uy, may inaasikaso lang ako sa loob. Pasok ka, nauna nang pumasok si Milo hindi man lang ako pinansin.”
Nagtataka talaga ako sa nangyayari kay Kleo ngayon. ’Pag nalaman kong binugbog ni West si Kleo ay ako talaga ang bubogbog sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang bugbugin si Kleo.
Naunang pumasok si Kleo dahil titignan niya raw ang niluluto niyang ulam. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay tumambad sa ’kin ang isang pigura na pamilyar sa ’kin. Nakatalikod siya habang nakaupo sa single sofa at umupo pa si Milo sa harap niya.
“G-Gray?” tawag ko sa taong nakaupo sa sofa. Ilang sandali lang ay nilingon niya ako, hindi nga ako nagkamali.
“Alec…”
“A-Anong ginagawa m-mo dito?” Napansin kong lumapit sa ’kin si Milo.
“As you can see, I’m here for you,” a genuine smile flashed on his lips.
What the hell is just happening?!
May isa ring tao ang lumabas mula sa kusina, may bitbit pa siyang tasa. “Oh? Andito ka na pala, Sir Alec. Good evening. Hala ang cute ng doggy mo, Alec!”
“W-West?”
“Yeah, it’s me,” isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya. Lumapit sa kaniya si Milo at hinagodhagod ni West ang ulo ni Milo.
“Ba’t kayo andito sa bahay ni Kleo?” Nakita ko na lumabas rin si Kleo sa kusina.
“Ay naku friend, naikwento sa ’kin ni Gray na gusto niya raw sana na mag-usap kayong dalawa kanina sa roof top ng agency. And I think you forgot it.”
Now it really makes sense.
Napatingin ako sa gawi ni Gray. Ngayon ay nakatayo na siya. “Please, Alec. Talk to me.”
“Sa pagkakaalam ko ay wala akong sinagot sa ’yo kanina na kakausapin mo ako. And to think na hindi ako um-oo ay kinalimutan ko na ang sinabi mo. At isa pa, ano pa ba ang pag-uusapan natin?”
“May kailangan kang malaman, Alec.”
“Pwes, hindi ko kailangan ’yan. Pasensya ka. Uwi na tayo, Milo.” Agad na lumapit si Milo sa ’kin.
“H-Huh? Sa’n tayo pupunta, Alec?” Nagkatitigan kaming dalawa ni Kleo.
“Really, Kleo? You really think it’s funny?”
“Oh, sorry. I thought you call my name.”
Dumapo ang tingin ko kay West na halatang nagpipigil ng tawa. Actually, hindi siya nakakatawa.
Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na kaming dalawa ni Milo sa bahay ni Kleo. Punyeta ka talaga, Gray. Hindi ko kailangan kung ano man ang gusto mong sabihin.
Diretso lang kaming lumakad ni Milo palabas ng gate. Pagkalabas na pagkalabas namin ni Milo sa gate ay naramdaman ko na may humawak sa braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Agad akong tumingin sa kung sino man ang humawak sa braso ko.
“Bitawan mo ako, Gray.” Punong-puno ng awtoridad ang boses at matalim ang tingin ko sa kaniya.
“Hindi, ’pag ayaw mo pa rin akong kausapin.”
“Bitawan mo ako sabi eh—” hindi ko na natapos ang salita ko dahil hinatak na niya ako paalis sa gate ng bahay ni Kleo. Si Milo naman ay sumunod lang sa ’min ni Gray, hindi siya tumahol kahit na hinatak ang amo niya sa taong hindi niya kilala.
Nagpahatak na lang ako sa kaniya dahil sobrang lakas niya at isa pa para matapos na ’tong pangungulit niya. Nakakasawa na nga eh sa totoo lang.
Pinaupo ako ni Gray sa bench dito sa playground dito lang sa loob ng subdivision, nakakapagtataka kung bakit niya alam ang daan papunta dito eh hindi naman siya taga rito.
“Now what, Gray?” Tumabi sa kinauupuan ko si Milo.
“Alec, please listen to me.”
“Paulit-ulit, why don’t you just go straight to the point?”
Now he bend down his knees on the ground.
“What the f—”
“Alec, I’m still feeling guilty about what happened. Again, I’m so sorry about it.”
I rolled my eyes at him. “Talaga ba, Gray? ’Yan na naman ang pag-uusapan natin? Di ba sinabi ko na sa ’yo na napatawad na kita and that’s it—”
“I liked you… for a very long time.”
His words caught me off guard, what did he just say? I mean, what did I just heard?
“A-Ano?” Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi niya at hindi naproseso ng utak ko ang mga sinabi niya.
“Matagal na panahon na kitang gusto. Noong nasa college pa lang tayo. Ahead ka lang ng isang taon sa ’kin.”
“N-Noong nasa c-college pa lang t-tayo?”
“Oo, Alec.”
“Teka hindi ko maintindihan—”
“Naalala mo ’yong sinabi ko sa ’yo dati na I was attracted to this guy and I wanted to date him.”
“Well yeah? What about it.”
“Ikaw ang taong ’yon, Alec. Ikaw ang tao na tinutukoy ko sa mga salitang ’yon. At dahil do’n ay napagtanto ko na bisexual pala ako, syempre tinago ko ’yon sa pamilya ko ng ilang taon. Ilang taon rin ang nakalipas ay nalaman ko kung saan ka nagta-trabaho kaya nag-apply ako sa agency ng Papa mo. That’s when I thought that this is my chance to be with you, I really wanted to be with you eversince. At ito ang dahilan kung ba’t ko naisipan na mag-out sa family ko.”
I couldn’t find words to say. This is a shocking revelation I’ve heard from Gray.
“S-so you b-became bisexual because of… m-me? That’s… the fuck—” I didn’t finished my sentence because of what he did to me… he kissed me. Shock is all over my body at this moment but I can’t help feel his soft lips on mine. His kissable lips that I’ve been wanted to kiss is next to mine, this feels like a dream come true.
Biglang tumahol si Milo kaya naging dahilan ito para maghiwalay agad ang mga labi namin sa isa’t-isa. Thanks Milo.
Tumikhim ako bago ako nagsalita. “Let’s go, Milo.”
Nag-iwas ng tingin si Gray nang tumayo siya. Nagpatingin-tingin sa paligid na animo’y may hinahanap.
Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad, sumunod naman sa ’kin si Milo. Ngayon napaisip ako kung ano ang nangyari kani-kanina lang. Did he just… kissed me? Fuck, I’m really doomed.
∞∞∞
Gustong-gusto kong magmura ngayon. Gustong-gusto ko ring bugbugin ang kaibigan ko at ’yong manliligaw niya. Nakakawalang ganang kumain sa sitwasyon ko ngayon. Na-prank ako kagabi at hindi ko matatanggap ’yon.
“So, Alec my bestie. Nagkausap ba kayo ni Gray kagabi?” Tanong ni Kleo ng mailapag niya ang tray niya sa tabi ng tray ko.
“Malamang nagkausap na ang dalawang ’yan, di ba Gray?” tanong rin ni West sa katabi niya. Kaharap namin ni Kleo sina Gray at West. Nauna akong mag-lunch kay Kleo dahil nagugutom na talaga ako at hindi ko inakala na susunod siya, at na may kasama pa siyang dalawang hampaslupa. Ngayon gusto ko nang sumabog dahil napaka-awkward namin ni Gray!
Nagpatuloy lang ako sa paglantak ng kinakain ko. Pero ang dalawang hampaslupa—West at Kleo—ay hindi pa rin tumitigil sa kakatanong kung ano nga ba raw ang pinag-usapan namin ni Gray kagabi.
Napatigil ako sa pag kain ko. Isang matalim na tingin ang binigay ko kay West at Kleo. “Kung hindi kayo titigil sa pagiging chismoso bubuhusan ko talaga kayo ng sabaw ng nilagang baboy.”
“S-Sorry friend.”
“Sorry Alec.”
Hindi na ako umimik pa at tinuon ko na ang atensyon sa pagkain. Tinignan ko si Gray, nakatingin siya sa ’kin. Isang irap ang binigay ko sa kaniya at kumain na ulit ako.
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay umalis na agad ako sa cafeteria dahil hindi ko na talaga kaya ang awkward na atmosphere, sana naman namalayan ’yon nina West at Kleo, punyeta.
’Yong project na binigay sa ’kin ang inatupag ko dahil ayokong isipin ’yong nangyari kagabi.
Wala na akong naiintindihan sa sarili ko, binabagabag ako ng halik na ’yon at dahil do’n ay alas tres na ng madaling araw ako nakatulog. Ilang oras lang ang tulog ko dahil maaga akong gumising para pumasok sa trabaho.
Sa ilang oras ko sa working table ko ay naisipan kong mag-snack muna. Sobrang busy ng mga Arki dito sa loob ng opisina at hindi lang busy ay si Kleo at Jona, nasa isang sulok sila ng opisina umiinom ng kape habang nakikipag-chismisan. Hindi ko na iimbithahang magsnack si Kleo, bahala siya sa buhay niya.
Lumabas na ako ng opisina at bumaba ng floor namin gamit ang elevator. Lumabas na ako ng building at nilakad ko na lang ang café ni Gray, pagdating ko sa café ay um-order agad ako at pumili na ng bakanteng upuan.
“Hi Mr. Architect.” Isang baritonong boses ang narinig ko ng makaupo ako. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinauupuan ko, punyeta bakit andito ang lalaking ’to?
He sat on the opposite chair. He faced me with a smile on his lips, what the hell is wrong with this guy. This guy is so handsome everytime he smile, I just can’t explain how handsome he is right now.
“Woah, don’t look at me like you want to kill me.”
“I do want to kill you at this moment.”
He chuckled. “You know, I’m so sorry about last night—”
“Pwede ba ’wag mo ungkatin ang nangyari kagabi? Alam mong nadala ka lang ng punyetang damdamin mo, at ’wag mong isipin na ginusto ko ’yon.”
“I just want to apologize, and the last words you said it seems like… defensive.” A mischievous smile flashed on his lips.
“Defensive my ass,” I rolled my eyes at him.
“Alam mo ang cute mo magalit. Akin ka na lang kaya.”
“Pinagsasabi mo diyan, Gray Ignacio? Nasisiraan ka na ba ng bait?”
He just laugh as a reply.
“Salamat nga pala sa rosas at ’yong corny na banat mo, na-appreciate ko ’yon.”
“Oh talaga? Buti naman at na-appreciate mo.”
“Pero ’yong paghalik mo sa ’kin kagabi, ’yon ang hindi ko na-appreciate.”
“Talaga ba? Eh, namula nga ’yong tainga mo kagabi eh. At ngayon rin nga eh.”
Agad akong napahawak sa magkabilang tainga ko. “Hindi kaya.”
“Sus, gusto mo pa rin ako noh?”
Biglang umurong ang dila ko dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko alam, hindi ko alam kung gusto ko pa rin siya ngayon. May kasalanan siya sa ’kin at ang laki ng kasalanan niya, pero napatawad ko naman na siya. Sa kabila ng mga nangyari ay pinagsisisihan naman niya ’yon.
Should I open my heart to him even if it didn’t close because of him?
Chapter 14: Sincerity
Chapter 14: Sincerity
A L E C
“A-Ano?!”
“Oo Kleo, matagal na pala niya akong gusto. Nagulat nga rin ako eh, sabi pa niya na gusto niya raw na makipag-date sa ’kin pero ayaw niya kasi nga naduduwag siya at ayaw niyang may masabing masama sa kaniya ang mga tao sa paligid niya.”
“Oh tapos?” umupo na si Kleo sa stool ng island counter habang may hawak na sandok.
“’Yon nga, tapos parang ako pa ang dahilan kung bakit naging bisexual siya. At nang nalaman niya na sa agency ni Tatay ako nagta-trabaho ay nag-out na siya sa pamilya niya at sabi pa niya ‘this is my chance to be with you’. Punyeta, hindi ko na alam ang gagawin. Naguguluhan na ako, Kleo!” napahilamos ako gamit ang palad ko.
Tumayo na si Kleo at inatupag na niya ulit ang niluluto niyang ulam. “Alam mo, friend,” sabi niya habang hinahalo niya ang ulam. Tinakpan niya ang pan at umupo na ulit sa stool ng island counter.
“Alam mo, pakinggan mo kung ano ba talaga ang sinisigaw ng puso mo. Alam kung gusto mo pa rin si Gray, at alam mo ’yan. Dine-deny mo lang ang katotohanan. He’s sorry on what happened, then, why don’t you guys start over again, di ba? Pero kahit na pinakinggan mo ang puso mo, ’wag mo rin kalimutan gamitin ang utak mo. Huwag puro puso, utak rin. Gamitin mo silang pareho, pero at the end of the day ikaw at ikaw pa rin ang magde-desisyon para sa kung ano ang ikakabuti para sa ’yo.”
“Wow naman, Kleo. Based on experience ba ’yan?” napatawa ako ng mahina.
“Ulol ka.” Tumayo na ulit siya at tinignan niya ulit ang niluluto niya. Ni-off na niya ang stove at nilagay na niya sa mangkok ang ulam na chicken adobo. Hinain na niya ito sa countertop.
“Sarap naman niyan Kleo. Amoy pa lang masarap na,” komento ko at kumuha na siya ng plato at mga kubyertos.
“Dito ka na maghapunan. Marami pa tayong pag-uusapan, bakla ka.”
Kumuha na ako ng plato at kubyertos. “Ay, himala at naisipan mo ’yan. May nangyari ba sa ’yong maganda? Oo nga pala, kumusta na pala kayo ni West?”
“Hindi tungkol sa ’min ang dapat nating pag-usapan, bakla. Don’t change the topic.”
“Sabi ko nga,” sabi ko at nilagyan ko na ng kanin ang plato ko.
“Pagkatapos nating kumain ay mag-inuman tayo, anong gusto mo? Beer or soju?”
“Gusto ko soju, para maiba naman di ba? Puro na lang tayo beer, nakakaumay na.”
“Okay sige, damihan mo ng kain para may lakas ka at para may maisuka ka mamaya,” tumawa si Kleo sa sinabi niya.
“Siraulo ka.”
“Let’s celebrate ’cause approved na ang design mo!”
“Yeah, whatever.” Wala namang problema sa design na ginawa ko para sa client ko and tapos na ang lahat-lahat, kulang na lang ay ipatayo na ’yong bahay.
Hindi na nagsalita si Kleo nilantakan na namin ang pagkain. Masarap naman palang magluto si Kleo eh, pero tamad siyang magluto. At sigurado ako na isa rin ’to sa dahilan kung bakit nainlababo si West sa kaniya. Sana all.
“Kleo, palagi ba si West na pumupunta dito sa bahay mo?”
Napatigil sa pag kain si Kleo. “Hmm… minsan lang naman. Why?”
“Wala lang,” sabi ko. Napatingin ako sa vase na nasa gilid ng countertop. “Andami namang tulips sa vase mo.”
“Bigay lahat ’yan ni West ’pag nagkikita kami. Ang sweet niya di ba?”
“Edi kayo na maganda ang lovelife.”
“Parang sira ’to, kumain ka na lang diyan. Dami mong sinasabi.”
Hindi na ako nagsalita pa at kumain na.
Nang matapos kaming kumain ay ginawa namin ’yong sinabi ni Kleo… ang uminom ng soju.
G R A Y
“Like the usual, please.” I said as I sat down on the stool.
“Yes Sir,” he answered and mixed my desired alcoholic drink.
“Palagi ka ba dito, Gray?” tanong ni West na nasa tabi ko, umiinom siya ng beer.
“Hindi naman, sadyang kilala na ako ng barista dito.”
“Ah, gano’n ba? Eh paanong hindi ka nila makikilala eh ang gwapo mo kaya, nag-uumapaw sa charisma.”
Napakamot na lang ako ng batok ko. “Sira ka, manahimik ka nga diyan.”
“Uy, kinikilig. Baka magkagusto ka sa ’kin pre ah, may Kleo na ako.”
Natawa ako sa sinabi ng katabi ko. “Ano ba, Kanluran bwisit ka. Nananahimik ako dito oh.”
Tumawa rin si West. “Biro lang, Gray. Siya nga pala, kumusta naman kayo ni Alec? Nagkausap naman na kayo di ba?”
Nilapag na ng barista ang inumin sa harap ko.
Pinagmasdan ko lang ang baso na may lamang alak. “Hindi ko alam.”
“A-Anong hindi mo alam?”
“Hindi ko alam kung gusto pa rin ako ni Alec,” napabuntonghininga na lang ako. Sumimsim na rin ako ng alak ko.
“Alam mo Gray, kung ako ang nasa posisyon ni Kleo. Masasaktan ako, oo, kasi napaka-offensive ng sinabi mo sa ’kin eh. Pero sa pangalan na pinatawad na kita ay ibig sabihin lang no’n ay ayos na ako, pero masakit pa rin sa puso. Masakit siya emotionally.”
“Ayon nga eh, ayos naman na kami. Pero I want him to be mine… just mine.”
“Oh, I get it. You’re trying to persuade him to be yours…?”
Tinignan ko ang katabi ko, ngiting-ngiti siya habang nakatingin rin sa ’kin.
“May sense ka rin naman pala kausap minsan eh.”
Tumawa lang siya.
“Nagkausap kayo kagabi eh di ba? Kung tama talaga ang hinala ko na gusto mo nga siyang maging iyo. Pero ano ba pinag-usapan niyo kagabi?”
Sumimsim ako ng alak bago sumagot. “Nag-confess ulit ako sa kaniya at kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya ng sinabi ko lahat ang matagal ko nang gustong sabihin. Tama ka na gusto ko siyang i-persuade na maging akin. And because of that I… kissed… him.”
Muntikan nang maibuga ni West ang iniinom niyang alak. “S-Seryoso!?”
Tumango-tango lang ako na may seryosong mukha.
“Wow, such a brave person of you.”
“Don’t tell me you haven’t kissed Kleo.”
“Ibang usapan na ’yan, pre. Ano ka ba chill ka lang diyan,” tinawanan ko siya dahil sa sagot niya.
Sumimsim ako ng alak ko. “What if ayaw na sa ’kin ni Alec. Anong gagawin ko?”
Sumeryoso ang mukha ni West habang nakatingin siya sa ’kin. “Grabe, ang bilis mo naman sumuko, parang ’yon lang? Pero para sa ’kin, gagawa ako ng paraan para mainlove ulit siya sa ’kin. Papatunayan ko sa kaniya na I am worth the risk, at ’pag nag-risk siya sa sa ’kin syempre, magpapakatotoo ako sa kaniya. Give and take kaming dalawa.”
“Ganiyan ba ang ginagawa niyong dalawa ni Kleo?”
Inirapan lang ako ng katabi ko. “Ang usapan natin ay patungkol sa inyo ni Alec hindi sa ’min ni Kleo.”
“Sabi ko nga.”
Agad na nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko, nagri-ring ito at kitang-kita ko sa screen ang contact name ni Alec. Nagkatanginan kaming dalawa ni West.
“Sagutin mo, pre baka may importante siyang sasabihin,” sumimsim siya ng alak.
“’Wag na, nahihiya akong sagutin eh.”
“Parang sira naman to. Gusto mo ako na sumagot niyan?”
Napabuntonghininga ako. Ano kaya ang rason ba’t siya tumatawag? Nakapag isip isip na kaya siya?
Kinuha ko na sa countertop ang cellphone ko, sinagot ko na ang tawag at nilapat ko ng kaunti sa tainga ko ang cellphone.
“Punyeta ka talaga Gray Martinez!” bungad na sigaw sa kabilang linya. Buti na lang at medyo malayo sa tainga ko ang cellphone ko. Napatingin ako kay West; kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka, narinig siguro niya ang sigaw sa cellphone ko.
“Dahil sa ’yo gulong-gulo ang utak ko, bushet ka! Anong ginawa mo noong mga panahon na gustong-gusto kita!? Binalewala mo lang ako! Tapos ngayon ikaw naman ang naghahabol sa ’kin, punyeta ka!? Ang gulo mo—” hindi natapos ang sasabihin ni Alec ng may biglang magsalita.
“Tama na ’yan, Alec. Lasing ka na, matulog ka na.” Napatingin ako kay West.
“Hindi! Dapat kong pagmumurahin ang taong ’to! Ikaw Gray, ayusin mo ’yang desisyon mo sa buhay!”
Pagkatapos ng mga salitang binitawan niya ay bigla na lang naputol ang linya sa kabila.
“Grabe makamura si Alec, tagos hanggang buto.”
“Lasing daw siya at narinig kong nagsalita si Kleo. Ibig sabihin ay nag-inuman rin ang dalawang ’yon.”
“Puntahan kaya natin sila.”
Kumunot ang noo ko dahil sa suhestiyon ni West. “Anong gagawin natin doon? Namura na nga ako ng lasing eh, baka ’pag nagpunta tayo do’n ay saksakin niya ako.”
Tinawanan lang ako ng katabi ko. “Sira, hindi ’yan. Hindi naman gano’n si Sir Alec eh, atsaka nando’n naman si Kleo.” Sumimsim na siya ng alak niya.
“Bili na rin tayo ng beer,” sabi ni West ng makapasok kami sa seven-eleven na malapit lang dito sa subdivision nila Alec.
“Ikaw na bumili, ikaw rin naman ang nakaisip eh. Ako na lang bahala sa chichirya.” Tugon ko sa kaniya at naghiwalay na kami. Hinanap ko kaagad ang stall kung saan nando’n ang mga chichirya. Kumuha ako ng chichirya na paborito ko pagkatapos ay nagbayad na sa cashier at lumabas na. Dumiretso na ako sa sasakyan ko.
Ilang sandali pa lang ay pumasok na sa loob ng sasakyan ko, kitang-kita ko si West na masama ang tingin sa ’kin mula sa labas ng sasakyan.
“Ba’t ganiyan ka makatingin sa ’kin?”
“Ba’t mo ako iniwan do’n?”
“Hala para ka namang bata. Mag-text ka na nga lang kay Kleo na nasa subdivision nila tayo, kasi feeling ko hindi tayo papapasukin eh,” sabi ko sa kaniya, hindi na naman na siya umimik at sinunod ang sinabi ko.
Ilang minuto ang lumipas ay nag-ring ang cellphone niya, sinagot kaagad niya ang tumatawag. “Papunta na kami diyan… oo kasama ko… paano kung hindi kami papasukin? Ay okay, sige.”
“Ano sabi niya?”
“Tatawagan niya raw ang guard na papapasukin tayo, hindi na raw kasi pwede ang outsider kasi malapit na ang curfew nila,” salaysay ni West kaya tumango na lang ako.
Nimaniobra ko na ang sasakyan papunta sa gate ng subdivision, hinarang kaagad kami ng guard at tinanong niya kami kung kami ba raw ang tinutukoy ni Kleo, sumagot kami at pagkatapos ay pinapasok rin naman kami kaya tinahak na namin ang daan papunta sa bahay ni Kleo.
Pinark ko na sa labas ng bahay ni Kleo ang sasakyan ko at lumabas na kami ni West sa sasakyan. Pumasok na kami sa loob ng bahay at naabutan namin na sobrang kalat ng sahig, tapos ang dalawa ay nagsagutan.
“Sabing tama na ’yan eh!” ani Kleo nang akmang aagawin niya ang baso na may alak. Napatingin ako sa mesa at soju ang ininom nila, nagkalat pa ang mga chichirya sa sahig.
“Ayoko! Gus..to ko pa uminoooom!” ani Alec na parang iiyak na. Ininom na nga ni Alec ang laman ng baso.
“Ano tinitingin-tingin niyong dalawa diyan? Tulungan niyo ako dito!” sabi ni Kleo kaya agad akong lumapit sa pwesto niya.
“Pre, kami na ni Kleo ang mag-aasikaso kay Alec. Dito ka na lang muna sa sala,” sabi naman ni West, hindi na ako nagmatigas pa at sinunod ko na lang ang sinabi niya.
Nilapag niya sa coffee table ang plastic na may beer, nilapag ko na rin ang plastic na hawak ko na may lamang chichirya.
Agad rin naman na tumulong si West kay Kleo para alalayan si Alec na makatayo. Nang maitayo nila si Alec ay inalalayan nila ito papunta sa second floor ng bahay.
Umupo na ako sa sofa at nilabas ko na sa plastic ang mga chichirya at ’yong beer.
Ilang sandali pa ay pareho na bumaba ng hagdan ang dalawa at umupo sa tabi ko si West at si Kleo naman ay sa kabila.
“Ano ’to round two?” bungad na tanong sa ’kin ni Kleo.
“Hindi ka pa naman siguro lasing eh, di ba?” sagot na tanong ni West kay Kleo
“Okay pa naman ako, ’yong isa lang ang hindi. Nilagok niya ’yong isang bote ng soju kanina eh kaya ’yon knock down.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kleo. “T-Talaga?”
“Oo, Gray. Kasalanan mo talaga ’to eh.”
“Oo alam ko naman—”
“Ano ba kayong dalawa, chill lang. Marami pa tayong beer na uubusin oh.”
Isang irap ang natanggap ko mula kay Kleo.
Alam ko naman na kasalanan ko eh, ’wag na lang sana ipamukha sa ’kin.
“Grabe, hindi ka nalasing, Gray?”
Nagpalingo-lingo lang ako kay West.
Katabi niya si Kleo na nakasandal na ang ulo sa balikat niya, halata kay Kleo na lasing na siya. Andami niyang ininom na alak tapos nag-soju pa.
“Ikaw ba? Hindi ka pa ba lasing?” Hindi ako nalasing kasi unti lang ang ininom ko, uminom na ako do’n sa bar eh.
“Hindi pa naman, itong katabi ko lasing na.” Tinapik-tapik niya ang pisngi ni Kleo. “Lasing na nga siya.”
“Ihatid mo na sa kwarto si Kleo, ako na bahala dito maglinis.”
“Sure ka?”
“Hmm.”
Tinulungan ko si West na ipatayo si Kleo at pagkatapos ay si West na ang umalalay.
“Sabi ni Kleo kanina na dito na lang daw tayo matulog, bukas na tayo uuwi.”
“Okay.” Tanging sagot ko niligpit ko na ang mga kalat. Umakyat na rin sa taas si West habang inaalalayan si Kleo.
May dalawang canned beer pang natitira na hindi nabuksan, walong canned beer ang binili ni West at anim lang ang nabuksan tapos ’yong chichirya… ubos lahat, walang natira. Ginawang hapunan ang chichirya, hindi naman ’to fiesta eh.
Nilagay ko na ref ang dalawang canned beer at nilinis ko na rin ang coffee table pagkatapos ay umakyat na ako sa taas. Dumiretso na agad ako sa master’s bedroom, nakapunta na ako rito dati kaya alam ko na kung saan.
Pinihit ko pabukas ang door knob at pumasok na sa loob, mahina kong sinirado ang pintuan.
Mahimbing na natutulog si Alec sa kama. Lumapit ako sa kama at umupo sa gilid.
I gently caressed Alec’s soft cheek. “I know you’re confused right now but, please don’t be to hard on youself. Listen to your heart and love me… back. I’ve been in love with you for so many years, now that you now know how I feel towards you it seems like you’re running away from you true feelings.”
I then kissed his forehead as a show of concern and sincerity.
Chapter 15: Psyched up
Chapter 15: Psyched up
A L E C
Grabe hindi ako makahinga, pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko parang may nakadagan sa katawan ko.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, napatitig lang ako sa ceiling. Napaisip ako kung nasaan ba ako, hindi ’to ang kwarto ko. Ay, nasa bahay pala ako ni Kleo.
Habang nakatitig pa rin sa ceiling ay nakarinig ako ng parang umungol. Agad na nagsalubong ang kilay ko, napatingin ako sa gilid ko. Dahil sa sobrang gulat ko ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko.
Agad na kumalas sa pagkakayakap sa ’kin ang lalaki, halata rin sa mukha niya na nagulat siya sa pagsigaw ko.
“G-Gray!?”
“Grabe ka makasigaw, Alec.”
“Ba’t ka a-andito?”
Napakamot siya ng ulo. “Dalawa lang ang kwarto sa bahay na ’to at ayoko naman na sa sala ako matulog noh, ang daming lamok.”
Napansin ko na bumaba ang tingin niya, tumingin rin ako sa kung saan siya nakatingin. Dali-dali kong tinakpan ng kumot ang katawan ko. “B-Ba’t ako n-nakahubad? W-Wala k-ka naman sigurong ginawang m-masama sa ’kin di ba?”
Nagpakawala siya ng buntonghininga bago nagsalita. “Lasing na lasing ka kagabi at pinagpapawisan ka kaya—”
“Shit!” Anong ginawa ko kagabi?! Ba’t wala akong maalala?!
“May naalala ka ba sa mga pinaggagawa mo kagabi?”
“B-Bakit? A-Ano ba mga p-pinaggagawa ko?”
Umayos ng upo si Gray at sumilay sa mukha niya ang isang ngiting nakakaloko. “Tinawagan mo ako kagabi at pinagmumura mo ako sa telepono, napagtanto naming dalawa ni West na pumunta rito para malaman kung ba’t mo ako pinagmumura. Pagdating namin dito ay lasing ka pala, kaya I’ll let it slide for your sake.”
“S-Seryoso ka ba sa mga p-pinagsasabi mo?”
“Why don’t we ask Kleo and West—”
“Oo na, naniniwala na ako!” Bushet, nakakahiya ’yong ginawa ko, pero dala lang rin naman ’yon ng alak eh. “Pasensya ka na ah.”
“It’s ok, deserve ko naman ’yon in the first place.”
“Kahit na uy.”
“Ayos lang nga ’yon, alam kung nakainom ka kaya ’wag ka mag-alala hindi ako galit sa ’yo,” a sweet smile flashed on his lips.
Ang tagal ko nang hindi nakita ang maganda niyang ngiti, ngiti na bagay na bagay sa kaniya. One of the traits that I admire.
“’Wag mo naman akong tignan ng ganiyan baka matunaw ako, magbihis ka na,” sabi niya at umalis na sa kama, kinuha niya sa couch ang long sleeve polo niya tsaka niya ito hinagis sa ’kin. He’s wearing a white shirt.
“Ipapasuot mo sa ’kin ’tong polo mo?”
Hinarap niya ako habang nakapamaywang pa. “Alangan naman ’yong damit mo, basang-basa ’yon kagabi. Suotin mo muna ’yang polo ko, wala naman tayong pasok ngayon eh.”
“Pero…”
“Wala nang pero-pero, suotin mo na ’yan.”
Hindi na ako nagsalita pa a sinunod ko na lang ang sinabi niya. Sinout ko ang long sleeve polo niya habang nasa harapan ko siya, nakangiti pa ang kumag habang pinagmamasdan niya ako.
“Bagay pala talaga sa ’yo ang light color eh, ang ganda mo tignan,” komento niya ng matapos kong i-butones ang polo, walang emosyon akong tumingin sa kaniya.
Magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito mula sa labas at tumambad sa ’min ni Gray sina Kleo at West na may ngiti sa kanilang labi.
“Oi, gising na pala kayo,” ani West.
“Kumusta ang tulog mo, Alec?” tanong ni Kleo.
“Ano ka ba Kleo, mamaya ka na magbato ng tanong sa kaibigan mo,” sabi pa ni West kay Kleo. Sinimangutan lang ni Kleo si West.
“Anyway, guys let’s eat. Our breakfast is ready,” sabi pa ni West.
I am still wondering what the hell did I just do last night for fuck’ sake!
Sa hapag ay tahimik lang akong kumakain habang ang tatlo ay masayang nag-uusap sa ginawa nila kagabi. Nag-inuman pa talaga sila habang ako ay mahimbing na natutulog sa master’s bedroom.
“Alam mo Gray, inagaw ko kay Alec ang cellphone niya kagabi kasi tatawagan ka nga raw niya, tapos ayon nga hindi ko naagaw ang cellphone niya at dali-dali niyang ni-dial ang number mo,” sabi ni Kleo at sumubo na ng pagkain.
“Nagulat nga rin ako eh, nasa bar kasi kaming dalawa ni Gray kagabi at rinig na rinig ko ang mura ni Alec mula sa cellphone ni Gray,” sabi pa ng katabi ni Kleo—si West.
“’Wag niyo na ipaalala sa ’kin ang nangyari, nasabi lang naman ni Alec ’yon kasi lasing siya. Naiintindihan ko naman siya, at isa pa, hindi ako galit kung ba’t niya nagawa ’yon. Ibaon na lang natin sa limot ’yon,” komento ng taong katabi ko, hinagod-hagod pa niya ang likod ko.
“Wow napaka-understanding naman,” ani Kleo.
“Pwede ba kumain na lang kayo? Ang aga-aga ginawa niyo akong pulutan, ang sasama ng mga ugali niyo,” nagtawanan lang ang tatlo at nilantakan na nila ang pagkain nila. Pero dahil sa likas na ang katigasan ng ulo ng kaibigan ko ay pinagpatuloy pa rin nila ang pagpulutan sa ’kin.
Nang matapos kaming mag-breakfast ay nagpaalam na sina Gray at West na aalis na dahil may gagawin pa raw sila na related sa trabaho nila. At kami naman ni Kleo ay busy sa lababo para hugasan ang mga plato at para na rin makapag-usap kaming dalawa.
“Alam mo, para tayong housewife noh? ’Yung asawa natin ay nagtatrabaho habang tayo naman ay nasa bahay—”
Hindi ko na pinatapos sa pagsalita si Kleo dahil nandidiri ako sa mga sinabi niya. “Manahimik ka diyan, bakla ka. Kung pinangarap mo’ng maging housewife pwes, ako hindi.” Nilagay ko na sa lagayan ng plato ’yong tapos ko nang punasan.
“Ay grabe ka naman, nag-iimagine lang naman ko. Atsaka, wala naman akong sinabi na gusto kong nandito lang sa bahay, ano pa bang silbi ng degree ko kung hindi ko rin naman papakinabangan, di ba?” nilapag niya sa harap ko ’yung plato na tapos na niyang hugasan atsaka ko ito pinunasan ng towel.
Nang matapos kami sa ginagawa namin ay naupo na kami sa stool ng island counter. Napabuntonghininga na lang ako.
“Alam ko ang iniisip mo, friend. Alam kung gulong-gulo ka pa rin sa mga nangyayari pero bago ’yan, ba’t long sleeve polo ang suot mo?”
Napasimangot ako sa kaniya. “Sabi ni Gray ay pinagpapawisan daw ako kagabi tapos hinubaran niya ako, at kanina pagkagising namin ay pinasuot niya sa ’kin itong long sleeve polo niya.”
“Bagay sa ’yo ang polo,” komento niya.
“Isa ka pa, ’yan rin ang sinabi ni Gray sa ’kin.”
Isang nakakalokonng ngiti ang sumilay sa labi ni Kleo. “Kayo ah, nagkakamabutihan na kayong dalawa. Kayo na noh?”
“Sira ka ba? Gulat na gulat nga ako kanina paggising ko eh kung ba’t ando’n siya sa kwarto.”
Isang malakas na tawa lang ang natanggap ko mula sa kaibigan ko. “Baka nakakalimutan mo na dalawang kwarto lang meron ang bahay na ’to.”
“Ewan ko sa ’yo bakla ka.”
“Hoy Alec, nagkausap kayo ni Gray tungkol sa ginawa mo kagabi?”
“Oo, nagkausap kami sa kwarto kanina bago kayo dumating, gaya ng sinabi niya hindi siya galit sa ’kin then, so be it.”
“So… kayo na ba?”
Nagsalubong na naman ang kilay ko. “Pinagsasabi mo diyan? Nasisiraan ka na talaga ng bait.”
“What if maging kayo.”
“Edi wow kung gano’n.”
Inirapan ko na lang si Kleo kaya tumawa lang siya.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong mag-ring, kinuha ko kaagad ito at nagpunta sa message icon. Pinindot ko ang message box na nakapangalan kay Gray.
‘I’m home.’
I replied. ‘Hi home, I’m house.’
“Hala! Sino ’yang ka-text mo bakla? Ba’t ka nakangiti diyan?”
Dali-dali kung in-off ang cellphone ko. “Alam mo napakapakielamero mo, alam mo ’yon? Hindi ko nga kayo pinakikielam ni West eh.”
“Nagtatanong lang naman ako ah, sira ’to. Anyway, since nagkaayos naman na kayo ni Gray. May chance ba na maging kayo na this time?”
“Alam mo, last na lang talaga Kleo. Masusuntok na talaga kita, andami mo’ng tinatanong.”
“Bawal ba magtanong? Tsaka, simple lang naman ’yong tanong ko ah. So, ibig sabihin ay may chance nga na maging kayo na?”
I don’t want to answer Kleo’s question, for him to feed his curiousity. But in totality, there is a chance for me and Gray to be together. I just didn’t mind it ’cause I was so confused on what’s happening. The fact that we shared the same feelings is such a huge chance for me and him. Amidst a lot of things happened between the two of us. I became much more in love with him.
Although, nasaktan niya ako and I forgave him on what happened and he even confessed his feelings to me. I think it is my time as well to reciprocate the feelings he had for me all these years now. It is now time for me to open my heart to him. He came out of his comfort zone for me, he came out to his parents that he’s a bisexual. Now’s my time to love him back before he change his mind and left me behind.
“I am psyched up.”
“Anong ready pinagsasabi mo uy? Kanina ka pa tulala diyan,” walang emosyon ko siyang tinignan.
“Ano kaya ulit ang feeling na may jowa noh? Limot ko na eh, ilang taon na rin ang nakalipas no’ng last akong nagkajowa eh. After ko mag-college nagtrabaho agad ako simula no’n trabaho na ang inatupag ko at kpop.”
“Wait, anong ibig mo’ng sabihin?”
Napabuntonghininga na lang ako. “Wala,” sabi ko. “Uwi na ako, Kleo. Andami ko pang gagawin at napapabayaan ko na ang pagiging kpop fan ko.”
Kleo looked puzzled. “Ewan ko sa ’yo. Mas bata pa sa ’yo ’yung kpop boy group na ina-admire mo hindi ka ba nahihiya?”
“Eh ano naman? Makaalis na nga lang.” Agad na akong tumayo at nilisan na ang bahay ni Kleo.
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Naabutan ko pa sa island counter na sabay na kumakain si Uncle Soju at Tatay. They invited me to have breakfast with them and I told them I already ate at Kleo’s.
Binuksan ko kaagad ang laptop ko and I log in my account on twitter account. I didn’t open my twitter on quite some time now and missed my favorite kpop boy group, now that I’m on my twitter acount right now I must’ve visit their timeline if there’s an update and sad to say… it’s none. Puro picture lang ng members ang andito.
Since wala naman silang update ay iniwan ko na ang laptop ko at dumiretso na sa banyo para maligo.
∞∞∞
Busy na busy ako kaka-scroll sa twitter account ko. Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang manood lang ng mga music videos ng kpop. Bumababa lang ako ’pag may kailangan akong kunin sa kusina at babalik agad dito sa kwarto.
Agad akong napatingin sa cellphone ko na nasa gilid lang ng laptop ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag, ano kaya ang problema ng taong ’to?
“Oh, anong iyo?” bungad na tanong ko ng sinagot ko ang tawag niya.
“Dinner daw tayo sa condo ni Gray.”
“Oh, tapos?”
“Hello bakla, hindi ka ba excited?”
“Ba’t naman ako mae-excite?” napakamot ako ng batok ko.
“Dapat maexcite ka kasi makakapunta ka sa condo niya at isa pa inimbita niya tayo.”
“Bakla, baka nakakalimutan mo nakapunta na ako sa condo niya no’ng nalasing siya, ako ang naghatid sa kaniya.”
“Ay, oo nga noh? Anyway, mauna ka na do’n at susunod kami ni West.”
“Wait, as in ngayon na ako pupunta?”
“Bakla, six na ng gabi at alam naman na ni Gray na susunod kami at for sure hinihintay ka na niyang makapunta do’n dahil sinabi ko sa kaniya na you’re on the way, bye!”
Nauna na nga siyang nagdesisyon sa ’kin tapos pinatayan pa ako ng tawag, ang kapal talaga ng mukha. ’Pag nakita ko ’yon mamaya susuntukin ko talaga ’yon.
Pinatay ko na ang laptop ko at naghanap na ng komportableng damit na pwedeng suotin. Dali-dali na akong bumaba sa kwarto ko at dumiretso na sa kotse ko. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at nimaniobra ko na ang sasakyan palabas ng subdivision.
Pagdating ko sa pintuan ng condo niya tsaka ako nag-doorbell. Nakailang doorbell pa ako bago pa bumukas ang pintuan at tumambad sa ’kin ang isang masarap na ulam—este matipunong katawan, tuwalya lang ang nakatabon sa ibabang bahagi ng katawan niya. Tumutulo pa ang ang butil ng tubig mula sa basang buhok niya.
“Titignan mo lang ba ako?”
Napabalik ako sa sarili ko ng magsalita si Gray.
I smiled to him awkwardly as he open the door for me to come in.
“Feel at home, Alec. Just wait me here, I’ll be up on my room.”
“Ah yeah, sure.” Sabi ko, umalis na sa harapan ko si Gray at ako naman ay umupo na sa malambot na sofa dito sa living room. Ang ganda talaga ng interior ng condo ni Gray, kung ako ang tatanungin ayos lang sa ’kin na sa condo ako titira basta ganito kaganda ang interior. Pangalawang pagkakataon ko na ’to na makapasok dito sa condo niya at namamangha pa rin ako.
Pero kahit ganito ay parang may kulang eh, ang boring ng paligid. Lalo na siya lang mag-isa dito sa condo.
“Alec?” tawag ni Gray sa pangalan ko ng makalabas siya sa kwarto niya dahilan para mapatingin ako sa gawi niya. Nakasuot siya ng pajama at itim na sando. Wow, ulam. Kitang-kita ko ang maskulado niyang braso, lalong-lalo na ang mabato niyang tiyan at ang kaniyang dibdib.
“Bakit?”
“Nagtext ba sa ’yo si Kleo?”
“Huh? Teka, tignan ko lang ang cellphone ko,” kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone at ni-on ko ito atsaka ako nagpunta sa message icon kung may text ba si Kleo. “Wala siyang text sa ’kin, bakit?” tinignan ko siya na may pagtataka.
“I guess he only sent a message to me saying that the two can’t come here because of the flood.”
“B-Baha?”
“Hindi ba umuulan pagpunta mo rito?”
“Hindi.”
“Oh, sobrang lakas daw ng ulan at binaha ang kalsada na papunta rito sa condo.”
“S-So, you mean… it’s just the two of us… h-here?”
Tumango-tango lang siya. “Bakit? May masama ba ro’n?”
“Ah! Wala naman… ano lang… uhm… sige na magluto na tayo ng hapunan. Ano ba ang lulutuin mo?” Pag-iiba ko ng usapan.
“Sure, ano ba paborito mo’ng ulam? ’Yon na lang ang lulutuin natin,” suhestiyon ni Gray.
Shit, hindi ko alam ang gagawin ko! Kami lang dalawa ang andito sa condo, I guess it is a bad idea for the both of us. But Gray seemed relaxed and composed and… I should as well.
Gusto kong magmura sa totoo lang. Punyeta ka Kleo, kung sabay lang sana tayong pumunta rito edi hindi kayo maabutan ng baha at ulan.
Chapter 16: Ramen
Chapter 16: Ramen
A L E C
“Alec?” tawag ni Gray sa ’kin dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
“Natulala ka bigla? Kanina pa kita tinatawag.”
“H-Huh? Ano nga ulit ang tanong mo?”
“Nevermind.”
Nilagay ni Gray ang magkabilang kamay niya sa magkabilang arm rest ng couch. Naguguluhan man ay hindi ko pinahalata sa kaniya. Taimtim niyang pinagmamasdan ang mga mata ko, pakiramdam ko ay natutunaw na ako sa mga titig niya at dahil na rin sa ganda ng mga mata niya.
“The eyes that I admire is now in front of me,” a sweet smile flashed on Gray’s lips.
“And a sweet smile that I trully admire is now in front of me,” I smirked. The guy in front of me just chuckled.
“That caught me off-guard, honestly.”
“Yeah?”
“Are you teasing me?”
“Sabihin mo na lang kasi na gusto mo akong halikan.”
“I’ll take that as a permission, I guess? I badly want to kiss that lips of yours again.”
Bigla kong naalala ang gabi na una niya akong hinalikan. Kasama pa namin si Milo no’n, nakakahiya kay Milo na nakita niya ang fur dad niya na may kahalikan.
Without further ado, he slowly leaned his face to mine. Now I could feel his breathe.
“Aren’t you gonna kiss—” he cutted my words by patted his lips to mine.
A teasing smile flashed on lips. Afterwards, his teasing smile disappeared. He now slowly leaned his face to me… again, he now kissed me this time it is passionate kiss. It’s so sweet and lovely and I can’t deny the fact that like it for goodness’ sake!
I closed my eyes as I responded to his lips. His lips were warm an soft. My lips parted slightly, allowing his tongue to slip inside. I could literally feel Gray’s tongue all over my mouth and lips like he was exploring every inch inside. Every time he suck my tongue and teased it, I consciously leaned in to give in and surrender.
He slowly let go my lips to breathe and after a few seconds he would claim my mouth again and the French kiss continued.
Only when our lips got sore we stopped what we’re doing.
With our lips inches apart, our eyes locked each other as silence filled us. We’re both breathing heavily. He cupped my face and leaned in to place a soft kiss lips before he carefully caressing my lips with his thumb.
“Are you fine?” si Gray ang unang nagsalita, ang boses niya ay parang nanglalambing.
“I’m fine,” I smiled as I respond.
“Do you want to have some ramen with me?”
Tumango-tango ako bilang sagot sa tanong niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko kaya tumayo na ako, may ngiti pa siya sa mga labi niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko.
Nakahawak pa rin sa kaniya ang kamay ko habang papalapit kami sa pintuan ng kwarto niya. Binuksan na niya ang pintuan nito at pumasok na kaming dalawa.
Sa kwarto niya kami kakain ng ramen? Pwede naman na sa sala na lang ah.
Nagtataka man ay hindi ako umimik.
Pinaupo na niya ako sa kama niya, ilang sandali lang ay nakita ko siyang hinubad niya ang sando niya. Kitang-kita ko ngayon kung gaano siya kasarap—este gaano siya ka-maskulado. Ang sarap titigan ng mga pandesal niya, pwede ba ’yang kainin?
Ano ba ’tong mga naiisip ko?!
“Sabi mo kakain tayo—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa ’kin, dahil sa ginawa niya ay napapikit ako ng mga mata. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ulit ang malambot niyang labi.
His lips were pillowy against my own, gentle and almost velvety. As we breathed each other in, I could feel the warm tickle of his breath against my nose, as my fingers caressing through his hair.
As we struggled to take off each other’s garment, I could feel the thump of our united heartbeat. And we both panting because of the desire that we have for each other.
Aray ang sakit ng tiyan ko, bushet! Pagmamaktol ko sa isip ko.
Hala, ano ’tong naririnig ko mula sa labas ng kwarto? Ba’t may nagtatawanan? Rinig na rinig ko ang boses ni Gray mula dito sa kwarto at boses ng babae.
Minulat ko na ang mga mata ko at kinusot-kusot ang mga mata ko.
I suddenly remembered what happened last night, did we just have sex?
I jump off from the bed and wore my shirt that has been on the floor. I hurriedly go out from Gray’s room and as I opened the door, I immediately saw a beautiful girl who’s sitting pretty on the couch. While Gray is sitting on the opposite couch.
Her eyes widened as she saw me walking towards Gray.
“Hi there, good morning,” her voice is so calming and sweet. Gray immediately looked up to me as smiled.
“Hi ma’am,” I awkwardly waved my hand to her.
“Gising ka na pala, Alec. Maupo ka sa tabi ko,” ani Gray. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil hiyang-hiya ako sa itsura ko, gulong-gulo ang buhok ko at hindi pa ako nakapaghilamos.
“’Nak, maupo ka muna. Ang sarap siguro ng tulog mo noh?” Napatingin ako sa babaeng nagsalita, nakangiti siya sa ’kin at may napansin ako sa mga mata niya. Pareho sila ng mata ni… Gray.
Umupo na ako sa tabi ni Gray.
Nang makaupo ako ay nagsalita ako. “Pasensya ka na po—”
“Ano ka ba ’nak, ayos lang ’yan. Ano pala ang pangalan mo?”
“A-Ako po si Alec Martinez.”
“Wow, nice name Alec. I heard a lot of goods comments about thru my son,” komento niya. “Ako nga pala si Ayra, ang Mama ni Gray,” nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Siya ang Mama ni Gray? Kaya pala medyo hawig sila ng mukha no’ng ngumiti siya sa ’kin kanina. “And finally, I tend to meet you and get to see you in person, so, what’s your score with my son? Palagi ka niyang bukambibig ’pag dito kami ng Dada niya nagdi-dinner.”
Bigla akong kinabahan sa mga salitang mga binato niya, dahilan para tumingin ako kay Gray at pinaglakihan ko siya ng mata para humingi ng tulong.
“Ma, ano ba. ’Wag ka namang ganiyan kay Alec. Kakagising lang niya oh,” sabi ni Gray.
“Oh sorry, my son. Anyway, it is nice to finally meet you, Alec.” A genuine smile flashed on her face.
“Me too,” I replied.
“Ah, oo nga pala.” Tinignan niya ang wrist watch niya at napatingin sa ’ming dalawa ni Gray. “Mauna na ako sa inyo mga anak ah, mali-late na ako sa trabaho ko. And Alec before you go home have some breakfast, ok? And son, don’t forget to use protection.” Dali-dali na siyang tumayo at pagkatapos ay dumiretso na sa pintuan at lumabas na.
Pareho kaming dalawa ni Gray na hindi makapagsalita dahil sa mga binitawang mga salita ng Mama niya. Hindi ko akalain na gano’n ka open ang Mama ni Gray sa ganitong bagay, kaya pala siguro na madali lang siyang nakapag-out sa pamilya niya dahil sa napaka-open minded ng mga magulang niya.
Ngayon ay nakatitig ako sa taong kaharap ko. “So, pinag-uusapan niyo pala ako ng Mama mo.”
Napatingin sa ’kin ng inosente si Gray. “Hindi naman sa gano’n, Alec. I mean… yeah. Simula no’ng nag-out ako sa kanila ay mas naging open ako sa kanila ni Dada.”
“Halata naman. Sabi pa ng Mama mo na bukambibig mo ako ’pag dito sila nagdi-dinner ng Dada mo,” napakamot na lang siya ng batok.
“Only child ako eh kaya pinili kong maging open sa kanila, para naman hindi sila mag-overthink kung ano na ang mga nangyayari sa buhay ko.”
“Sabagay, may punto ka rin naman.”
“Hmm-mm.” He hummed and smiled to me. Nang magsasalita na sana ako ay bigla akong nakarinig ng tunog na mula sa tiyan ko. Ilang sandali lang ay humagalpak ng tawa si Gray.
“Anong nakakatawa? Sira ulo ka.”
“Ang mabuti pa ay kumain na tayo. Hindi ka pa kumakain simula kagabi, gigisingin sana kita kagabi pero sobrang himbing ng tulog mo eh kaya hindi na lang, baka magalit ka pa sa ’kin.”
Agad na nagsalubong ang kilay ko sa mga sinabi niya. “Ginising mo na lang sana ako.”
“Ayoko nga, baka bugbugin mo ’ko eh.” Tumayo na siya at inabot ang kamay ko kaya tumayo na rin ako. Nilagay niya sa batok niya ang braso ko at ang kaniya naman ay sa baywang ko.
Naramdaman ko kaagad na biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa posisyon naming dalawa ngayon.
“Ano?” tanong ko sa kaniya.
“Wala naman,” mahina siyang natawa.
Natawa rin ako sa kaniya. “Sira ulo ka talaga.”
“Ano?”
Nagpalingo-lingo ako habang may ngiti sa mga labi. “Wala naman.”
“Anong wala naman?”
“Ginagaya mo ba ako? Hmm?”
Nagtawanan na lang kami sa isa’t-isa, para kaming sira dito sa sala ng condo ni Gray.
“Gusto mo ba ako…? Gusto kita, Gray.”
Sumilay sa kaniyang labi ang matamis na ngiti na parati niyang ginagamit.
“Gusto rin kita, Alec. Hindi pala gusto, mahal kita.”
Sasagot sana ako pero hindi ko nagawa dahil bigla na lang niyang nilapat ang malambot niyang labi sa ’kin. Hindi mapagsidlan ng tuwa ang puso ko dahil sa wakas ay malinaw pa sa tubig ang nararamdaman naming dalawa para sa isa’t-isa. Hinding-hindi ko talaga papakawalan si Gray.
G R A Y
Nagtext si Mama kanina na dito sa condo sila magdi-dinner ni Dada at magti-take out lang daw sila ng ulam kasi raw tinatamad magluto si Dada.
Habang busy ako sa paghanda ng mesa ay may narinig akong nag doorbell. Sina Mama at Dada na ata ’to. Agad akong lumapit sa pintuan at binuksan ko na ito. Tumambad sa ’kin ang mga magulang ko, si Mama na may ngiti sa mga labi, at may bitbit siyang plastic habang si Dada naman ay halata na napagod sa trabaho niya.
“Good evening Ma’am and Sir, pasok na po kayo sa loob,” bungad ko sa kanila. Pumasok na nga ang dalawa at nilapag ni Mama ang bag niya sa couch, naupo agad si Dada sa couch. Nilapag na rin ni Mama ang dala niyang plastic at hinango ang laman nito. Umupo na ako sa stool ng island counter.
“Alam mo ’nak, hindi ako makapaniwala na ’yon pala si Alec. Hindi mo mahahalata na anak ng CEO sa pinagtatrabahohan mo. Simple lang siya at mahahalata mo na mabait ang batang ’yon.” Komento ni Mama kay Alec.
“Di ba sabi ko sa ’yo eh, magugustuhan mo si Alec.” Sabat naman ni Dada.
“Maiba ako, ba’t dito siya natulog sa condo mo?”
“I invited my friends last night to have dinner here. And the other two didn’t come because there was a flood, only Alec came ’cause the rain didn’t catch him.”
“Nagpunta si Alec dito kagabi?” biglang sabat ni Dada. Tumayo na siya sa couch at lumapit sa kinaroroonan namin ni Mama.
“Opo, kami na lang dalawa ang nagdinner at dito ko na rin siya pinatulog kasi after ng dinner ay nag-inuman kami—” hindi na natapos ang pagsisinungaling ko dahil nagsalita agad si Mama.
“Talaga ba, ’nak? Nag-inuman lang kayo?”
“Hinay-hinay lang sa pagbato ng mga tanong, Ayra.”
“Mas mabuti nang nakakasigurado tayo, Dada.” Ani Mama.
Kailangan ko na muna po magsinungaling sa inyong dalawa. Kasi masyadong personal po ang tanong niyo, Mama. Alam kong naiintindihan niyo ang nag-iisa niyong anak.
“Kumain po kami tapos nagmovie marathon habang umiinom ng alak at nang malasing si Alec ay natulog na kami. That’s it.”
“Ok. Would you invite him next time to have dinner with us?” she smiled.
“Yes, Ma. Sasabihin ko sa kaniya.”
“Ayra, gusto mo ba ang batang ’yon?” tanong ni Dada kaya napatingin ako sa kaniya.
Napatingin si Mama kay Dada. “Oo, mabait na bata.” Ngayon ay sa ’kin siya tumingin. “Pero mas gusto kong kilalanin mo pa siya ng mabuti, anak ah. Kaya imbitahin mo siyang magdinner dito na kasama kami ni Dada para mas makilala namin siya, okay?”
Ngumiti ako sa kaniya bago sumagot. “Oo naman, Ma.”
“Kayo na ba ni Alec, anak?” tanong ni Dada.
Isang mahinang tawa lang ang sinagot ko kay Dada.
“Ba’t ka natawa?” tanong ulit niya.
“Kasi… hindi ko po alam kung ano ba talaga kami,” natawa ulit ako sa sinabi ko.
Imagine, we had sex last night and we both don’t know what’s the score between us. Maybe, friends with benefits? More than friends but less than lovers? Though, that kind of situation is quite normal in our society.
“Really?” hindi makapaniwalang tanong ni Mama.
“Yes, Ma. I’m not kidding.”
“You know, son. You guys must discuss it, ok? I know and you know that you guys are not kids anymore doing that kind of shit.”
“I understand, Da.”
Napatingin ako kay Mama. Nakatakip sa bibig niya ang palad niya na at para siyang maiiyak. “Malaki ka na talaga anak. Hindi ka naman ganiyan dati eh, ibig sabihin ay maayos ka naming napalaki ng Dada mo. I’m so proud of you, anak. At proud ako na kami ang magulang mo.”
“Mama, ang drama mo naman.”
Inakbayan ni Dada si Mama. “Hayaan mo na lang ang Mama mo, para ka namang hindi sanay.”
Nagtawanan na lang kaming dalawa ni Dada.
Sobrang saya ko talaga na sila ang mga magulang ko. Napakakomportable ko sa kanilang dalawa dahil pinalaki at sinanay nila ako na dapat masaya lang. Masasabi ko na napakaswerte ko na naging magulang ko sila.
Chapter 17: Dinner
Chapter 17: Dinner
A L E C
Imbes na magpapahinga ako ngayon kasi wala naman na akong trabaho na aatupagin, eto ang mga kasamahan ko; sa akin nila pinapa-revise ang mga gawa nila kasi raw hindi nagustuhan ng kliyente nila.
Pagdating ko kanina dito sa opisina namin ay sinalubong agad ako ni Jona at dalawa pang Arki. At dahil nasobrahan ako ng kabaitan, edi tinulungan ko na lang sila.
“Alam mo, Jona. Maayos naman na ang sa ’yo eh. Kung dito mo ilalagay ang CR at ’yong kitchen, much better.” Pinoint-out ko lahat ng pwede ko i-point-out sa gawa ni Jona.
“Pasensya ka na talaga Kuya Alec, palagi na lang kasi akong napupunta sa mga maarteng kliyente eh.”
Napatingin ako sa kaniya. “Alam mo, ayos lang ’yan. As long as di mo siya mapagsasalitaan ng masama,” tumawa ako sa sinabi ko.
“Sus, sanay ka na kasi eh.”
Ngumiti lang ako sa kaniya tsaka ko binigay ang drafting paper niya. “Ayusin mo ’yang plates mo ah, tapos ipakita mo ulit sa ’kin.”
“Ok po, Kuya.”
Bumalik na sa working table niya si Jona. Huminga ako ng malalim tsaka ako nagpakawala ng matamis na ngiti.
“Sir Alec, patulong rin ako.”
“Ako rin, Sir.”
Sabay pa talaga sila. Napatingin ako sa dalawang tao na nasa harap ng working table ko.
“Eddy and Joon, right?”
Pareho silang tumango. “Same ba rin kayo ng reason kay Jona?”
Tumango ulit ang dalawa. Ang cute naman ng dalawang ’to. “Ok. Akin na drafting paper niyong dalawa para—”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko kaya napatingin ako kung saan ’to galing. Nagsalubong agad ang kilay ko dahil nakita ko si Kleo na kakapasok lang sa opisina. Dali-dali siyang lumapit sa working station niya at naupo na.
“May utang ka sa ’king tsaa.” Wika niya nang makaupo siya.
Napatingin ako sa kaniya at sa dalawang Architect sa harap ko. “Guys, pwede mamaya niyo na lang ibigay sa ’kin ang drafting paper niyo? ’Wag kayo mag-alala, tutulungan ko kayo,” ngumiti ako sa kanila para kombinsihin ang dalawa.
Tumango-tango lang rin sila at ilang saglit pa ay bumalik na sa working station nila. Uunahin ko lang ’tong kaibigan ko.
“Ano ’yon, friend? Nagpapatulong sa ’yo?”
Nabaling agad ang atensyon ko kay Kleo. “Salamat at dumating ka, Kleo. Alam mo kanina pagdating ko sa opisina ay sinalubong agad nila ako kasi magpapatulong sila.”
“Bakit hindi sila magpatulong sa Team Manager natin?”
“’Yon na nga eh, gusto ko mag-relax kasi wala akong ginagawa ngayon. Ayaw ata nila magpatulong sa Team Manager baka kasi pagalitan sila. Edi wow.”
Napatawa si Kleo sa sinabi ko. “Maiba tayo, Alec. Anong ginawa niyo ni Gray no’ng nagpunta ka sa condo niya?”
Isa-isang bumalik sa utak ko ang mga nangyari sa condo ni Gray. Kakain raw ng ramen pero iba ang kinain ko, basta hindi ramen ’yon. Tapos nakilala ko ng wala sa oras ang Mama ni Gray, akala ko ay masungit siya pero hindi naman pala at ramdam na ramdam ko na tanggap niya si Gray. Ayokong sabihin ang mga nangyari sa gabing ’yon baka ano ang isipin ni Kleo at ipagsabi pa niya kay West.
“A-Ano… wala naman. N-Nagdinner lang kami tapos ’yong lang. Wala nang iba.”
Halata sa mukha ni Kleo na hindi siya kombinsido sa mga sinabi ko sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya.
“Talaga ba? Wala nang iba?”
“What if tuhugin kita ng lapis?” pagbabanta ko sa kaniya nang mahawakan ko ang lapis ko.
“Eto naman di mabiro eh. Alam mo, friend. Sinadya namin ni West na hindi pumunta para naman magka-moment kayong dalawa at makapag-usap ng masinsinan, di ba?”
Pinag-krus ko ang braso ko at napatingin sa kaniya ng seryoso. “Talaga ba, Kleo? Pakyu.” Pinagkaisahan na naman ako ng dalawang hampaslupa. Kailan ba nila ako titigilan?
Napatingin ako sa cellphone na nasa table nang bigla itong nagring. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinignan ang screen, may text na galing kay Gray.
‘Nasa opisina ka na? Punta ka muna saglit sa rooftop if wala kang ginagawa.’
“Hala, anong nginiti-ngiti mo diyan uy, bading?”
Agad na nabaling ang atensyon ko kay Kleo. “Huh?”
Napakamot siya ng batok. “Ewan ko sa ’yo—”
“Alis na muna ako, Kleo.” Agad akong tumayo. “Buti pa ikaw na lang ang tumulong sa dalawang Architect na lumapit sa ’kin,” hindi ko na inantay ang sagot ni Kleo at dali-dali akong lumabas ng opisina.
Ano na naman kaya ang pakulo ni Gray?
Dali-dali kong tinahak ang daan papunta sa rooftop ng agency, nang makarating ako ay agad kong pinihit ang door knob pabukas. Bumungad sa ’kin ang pigura na nasa railings, hindi na ako nag-atubili pa at lumapit na sa kinaroroonan niya.
“Ba’t mo ba ako pinapunta rito?” bungad na tanong ko sa kaniya habang siya ay nakamasid lang sa nagtataasang building.
Hindi ko inakala ang sumunod na nangyari; nilahad niya sa ’kin ang isang puting rosas. Hindi mapagsidlan ng tuwa ang buong pagkatao ko ngayon dahil sa rosas. Kinuha ko na sa kamay niya ang rosas at isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ko.
Kitang-kita rin kay Gray ang saya dahil sa ngiti niyang nakakatunaw.
“Thanks.” ’Yan lang ang nasabi ko dahil sobrang kinikilig ako ngayon, hindi ko lang pinapahalata kay Gray.
“I merely called you here because I need to ask you a question,” naging seryoso ang aura niya. At base na rin sa sinabi niya ay parang napakaseryoso nga ng gusto niyang itanong sa ’kin. Nakaramdam agad ako ng kaba.
“A-Anong g-gusto mong i-itanong?”
He heavily sighed and stared at me intently. “Ano ba kasi ang label natin? Dalawang gabi na akong hindi makatulog ng maayos sa kakaisip eh.”
Dahil sa kaba at gulat ay nahampas ako ang dibdib niya. “Punyemas ka, Gray! Kabang-kaba ako sa ’yo! Bwisit ka!”
“Hala pasensya na, Alec.” Bumuhakhak lang siya ng tawa.
“Talaga ba? Nakakatawa ’yon?”
Agad siyang napahinto sa pagtawa. “Ay sorry na,” naging seryoso ulit siya.
“You know, you like me and I liked you as well. We kissed and had… you know… sex.”
“Well yeah?”
“Hindi maipagkakaila na lahat ng mga ginawa natin ay alam mo na… ginagawa rin ng magkasintahan.”
He frowned. “Well, that makes sense though. So, we’re now boyfriends, right?”
Hindi na ako sumagot ng diretsahan, kundi ang sagot ko ay isang matamis na halik.
“Wow, it was just a smack but, it’s sweet.”
“Alam mo, tigil-tigilan mo na nga ang pag-e-english mo, nasa Pilipinas tayo uy.”
“Bakit? May masama ba do’n? Ang cute kaya.”
“Edi wow.”
Tumawa lang si Gray at kinurot pa ang pisngi ko. “Cute.”
“I’m not cute.”
“Yes, you are,” ngayon, kinurot na niya ang magkabilang pisngi ko.
Abala kaming dalawa ni Tatay sa paglantak ng kinakain namin at gano’n rin si Milo sa dog food niya. Sarap na sarap si Tatay sa niluto kong ulam na chicken afritada na ulam namin ngayong hapunan, lalo na dahil isa ito sa mga paborito niyang ulam.
“Balita ko, Alec may boyfriend ka na raw.”
Bigla kong nalunok ang kinakain ko dahilan para mabulunan ako. Dali-dali kong inabot ang baso na may tubig at ininom ko kaagad ang laman nito.
“Ano ka ba, Alec. Maghinay-hinay ka nga sa pag kain mo.”
Nang mahimasmasan na ako ay sumagot ako. “’Tay, nagulat lang ako sa tanong mo. Hindi ko in-expect ’yong tanong mo.”
“So, totoo nga,” aniya tsaka siya sumubo ng pagkain.
“Sa’n mo ba napulot ang chismis na ’yan?” nagsalubong na ang kilay ko.
“Nag-usap kami ni Kleo kanina sa agency.”
Mas lalo akong nagalit nang binanggit ni Tatay ang pangalan ni Kleo. Eto na naman kami, punyeta. Inuunahan na naman ako, susuntukin ko talaga ’yon bukas.
“Kailan mo balak ipakilala sa ’kin ang boyfriend mo?”
“Ano… kasi…”
“How about tommorrow night, invite him to have dinner with us. What do you think?”
“Eh… kasi…”
“Ano ka ba, matagal ka na rin naman na hindi nagkaka-boyfriend ah.”
“I’ll talk to him about it.”
“Ok, that’s good.”
Hindi na ako nagsalita pa at tinuon ko na lang ang pansin ko sa kinakain ko. Suportado ako ni Tatay sa lahat ng desisyon ko sa buhay basta ba ay masaya ako at wala akong inaapakan na tao. Ayaw niya raw na gumaya sa ibang magulang na hindi pinapayagan ang mga anak na maging totoo sa sarili.
Bwisit na Kleo. Ba’t niya kasi sinabi kay Tatay ang tungkol sa ’min ni Gray. Wait, hindi alam ni Tatay na si Gray ang kasintahan ko. Ang tanong ay; ano kaya ang magiging reaksyon niya ’pag nalaman niya na si Gray ang kasintahan ko?
Kinaumagahan ay maaga akong nagising kaya naligo na ako at naghanda na para sa trabaho. Pero kagaya nang nangyari kahapon ay sa ’kin nila pina-revise ang mga design nila. Dati hindi naman sila ganito eh, nagbago na talaga ang ihip ng hangin.
Lunch time came. Sabay kaming kumain na apat. Kapansin-pansin na nagtitinginan ang tatlo kung kasama habang kumain, tahimik lang akong kumakain at gano’n rin sila.
Hindi na nakaya ni Kleo ang katahimikan sa lamesa namin, siya na ang nagbasag ng katahimikan. “Friend, ba’t ba ang tahimik mo ngayon? Ni hindi mo rin ako pinapansin kanina sa opisina natin.”
Isang seryosong mukha ang pinakita ko. At hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. “Nagkausap pala kayo ni Tatay kahapon at sinabi mo na may jowa na ako,” napatingin ako kay Gray na katabi ko lang at binalik ko kaagad ang tingin kay Kleo na nasa harap ko.
Napakamot ng batok si Kleo. “Ano… kasi…”
“Huwag ka na magpaliwanag pa, good thing hindi mo sinabi kung sino ang jowa ko.”
“B-Bakit Sir Alec? May sinabi bang hindi maganda ang Tatay mo sa ’yo?” usal na tanong ni West na katabi ni Kleo.
Ngayon ay napatingin ako kay West ng seryoso. “Well, wala naman. Suportado naman niya ako at gusto niyang makilala kung sino nga ba raw ang jowa ko. Gusto niya na sa bahay maghapunan si Gray.”
“Oh my gosh!”
“Huh?!”
’Yan ang lumabas na mga salita nina West at Kleo ng marinig nila ang sinabi ko. Agad akong napatingin sa katabi ko, kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat.
“Pwede mo ba ulitin ’yong sinabi mo? Hindi ko masyadong narinig eh.”
Napakamot na lang ako ng ulo ko. “Gusto ni Tatay na magdinner ka sa bahay para makilala ka niya.”
“A-Ah, g-gano’n ba? D-Diba siya ang CEO ng agen..cy na ’t-’to?”
Tumango-tango ako na may ngiti sa labi, para naman kahit papaano ay maibsan ang kaba niya sa mga sandaling ’to.
“Alam mo, Gray? Strikto ’yang Tatay ni Alec,” ani Kleo.
“T-Talaga ba Kleo? Parang hindi naman eh,” tugon ni West.
“Sus, parang di mo naexperience no’ng pinakilala kita kay Tito Wade.”
“Ay, oo nga noh? Sinabihan pa niya ako na tratuhin daw kita ng mabuti kasi kung hindi ay may gagawin daw siya na hindi ko magugustuhan. Sobra-sobra talaga ang kilabot ko nang sinabi niya ang mga katagang ’yon, nanlamig talaga buong pagkatao ko.”
“Totoo ba ’yan, West?” naiintrigang tanong ni Gray.
“Oo, pre. Totoo ang mga sinabi ko kaya ikaw—”
“Tama na ’yan, West. Tinatakot mo si Gray eh!” sabad ko sa kaniya dahilan para magtawanan sina Kleo at West. Napatingin ako sa katabi ko, hinawakan ko ang kamay niya. “Don’t believe what they’re saying, they’re just exaggerating things, ok?”
“Are you s-sure about t-that?” he asked.
“Yes, I am. Just trust me,” I said as I still held his hand.
“Anyway, kumain na lang tayo kasi malapit na matapos ang lunch break,” ani Kleo kay nilantakan na namin ang pagkain namin.
“Hindi ka na ba kinakabahan?” sabad na tanong ko sa driver’s seat.
“Stop asking me that… please?” nagmamakaawang tugon niya sa ’kin.
Sinabihan ko na kanina sa Gray na ayos lang naman na huwag muna ngayon pero ang sinabi niya ay ayos lang at para matapos na ’to. Nahihiya raw siya tanggihan ang CEO ng agency na pinagtatrabahohan niya. Dahil sa sinabi niya ay sinigurado ko sa kaniya na mabait si Tatay at panigurado na magkakasundo sila dahil pareho silang Engineer.
Nang makarating na kami sa bahay namin ay ipinarada niya lang ang sasakyan sa labas ng gate. Pareho na kaming lumabas sa kotse ni Gray at pumasok na sa loob ng bahay. Pagpasok namin sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Milo, kinakawag ni Milo ang buntot niya habang papalapit kay Gray.
“Hi there, buddy. How are you?” hinimas-himas niya ang balahibo ni Milo. Halata kay Milo na gustong-gusto niya si Gray. Napangiti na lang ako sa dalawa.
“Andito na pala kayong dalawa,” agad na nabaling ang tingin naming pareho ni Gray sa Tatay ko.
“Magandang gabi po, Sir,” ani Gray at nilahad niya ang kamay niya kay Tatay para makipagkamay. Tinanggap naman niya ang kamay ni Gray na may ngiti.
“Kanina ko pa kayo hinihintay, hali na kayo at pagsaluhan natin ang hapunan na niluto ko,” ani Tatay at nauna nang lumakad papunta sa island counter. Sumunod naman sa kaniya si Milo.
I patted Gray’s back. “Are you okay?”
He looked at me with a worried face. “What’s with that face?” I asked as I giggled.
“I… am so… worried right now. I think your father don’t like me to be your boyfriend.”
“What are you talking about? Hindi mo ba nakita na ngumiti siya habang nakipagkamay siya sa ’yo?”
“H-Huh? H-Hindi ko nakita kasi sa kamay niya lang ako tumingin kanina.”
Napakamot na lang ako ng ulo. “He likes you,” without further ado, I kissed his cheek. Now his lips flashed a genuine smile.
Pagkatapos naming magpalitan ng mga salita tumungo na kaming pareho sa island counter. Bumungad sa ’min ni Gray ang bango ng chicken adobo na niluto ni Tatay. Agad niya kaming pinapaupo sa stool at syempre magkatabi kami ni Gray at si Tatay naman sa kabila.
Nagsimula na kaming kumain ng hapunan. Sarap na sarap si Gray sa luto ni Tatay kaya naman ay sinabihan niya si Gray na magdala ng ulam, buong puso naman na tinanggap ni Gray ang suhestyon ni Tatay.
Habang kumakain ay panay ang tanong ni Tatay kay Gray tungkol sa trabaho niya sa agency, lahat ng mga tanong na binato ni Tatay ay sinasagot niya ito hanggang sa tinanong niya si Gray kung ano ang nagustuhan niya sa ’kin.
Napatingin si Gray sa ’kin saglit at binaling agad ang tingin kay Tatay. “Simula pa lang college kami ay gustong-gusto ko na po talaga si Alec. Kapansin-pansin po ang ganda ng aura niya dati pa. Ahead lang po siya sa ’kin ng isang taon pero wala po akong pakielam do’n, mas pinairal ko po talaga ang kagustuhan ko kay Alec. After ng graduation nila ay gusto ko sana magconfess sa kaniya pero hindi ko nagawa dahil nahihiya ako. Dumaan po ang mga taon at nagkita ulit kami, laking tuwa ko talaga po ng makita ko ulit siya. Dahil do’n ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at ginawa ko na ang plano ko dati pa. Dati crush ko lang siya pero ngayon kami na,” isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya habang nakatuon ang tingin sa ’kin.
Sa totoo lang ay hindi ko siya napapansin dati, I mean, nakita ko na siya siguro pero wala lang akong pakielam kasi nga ahead ako ng isang taon sa kaniya at isa pa ay magkaiba ang kurso na kinuha naming dalawa.
“Good,” ani Tatay.
Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang mga ito, dati nababasa ko lang sa mga nobela ang mga ganitong kwento pero ngayon ay nangyari na sa buhay ko.
Chapter 18: Argue
Chapter 18: Argue
A L E C
“Nag-enjoy ka ba sa hapunan kasama si Tatay?” tanong ko kaagad kay Gray nang medyo makalapit na kami sa kotse niya.
Isang ngiti agad ang sumilay sa mga labi niya. “Oo naman, noong una ay sobra ang kaba ko pero kalaunan ay nawala rin naman, naging komportable na ako sa Tatay mo at gano’n rin siya sa ’kin.”
“Di ba? Sabi ko sa ’yo na mabait siya eh.”
“Ibang-iba ang awra niya ’pag nasa agency siya, ’yong awra na punong-puno ng awtoridad pero dito sa bahay niyo ay ibang tao ang siya,” komento pa niya.
“Malayo sa sinabi sa ’yo nina Kleo at West,” pinagkrus ko ang braso ko.
“Kaya nga eh, bushet talaga ang dalawang ’yon,” napatawa siya sa sinabi niya. “Siya sige, mauna na ako,” dagdag pa niya.
“Sige, mag ingat ka sa pagmamaneho ah. Umuwi ka kaagad sa condo mo, ’wag ka na kung saan-saan pupunta!”
“Yes Sir,” he then kissed my cheek. “Goodnight, Architect Alec.”
Alam kung namumula na ngayon ang mukha ko dahil sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko. Ramdam na ramdan ko na umiinit ang mukha ko sa mga sandaling ito.
“Goodnight, Engineer Gray,” without his permission, I stole a kiss from his lips.
“Hey, that’s unfair. I only kissed your cheek and yet you kissed my lips,” pagprotesta niya kaya nginitian ko lang siya.
“Sus, parang ’yon lang? Umuwi ka na at anong oras na, mapahinga ka na.”
“Yes Sir,” he then enveloped me with his warm embrace. I love this feeling, the warmth that I felt right now. I can literally feel his love through his embrace. We stayed in that position about a minute before he spoke up. “I love you, Alec. Please, be with me… forever.”
Pakiramdam ko ay lumubog ang puso ko sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya dahil sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Puso na siya lang ang sinisigaw, minamahal at mamahalin.
“Mahal din kita, Gray. Kasama mo ako habang buhay,” mula sa puso kong tugon kaya naging dahilan ito para humigpit ang yakap niya sa ’kin. Mahal na mahal ko talaga ang taong ’to. Wala na akong nakikitang iba pa na para sa ’kin kundi siya lang.
Kumalas na ako mula sa pagkakayakap niya sa ’kin, hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
“Oh? Ba’t ka umiiyak?”
Nagtataka man ay hinaplos ko ang mukha ko at naramdaman ko na tumulo nga ang mga luha ko. “Hindi ko alam, siguro masaya lang ako,” wika ko at napatawa na lang.
Pinahiran niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. “Sigurado ka ba na ayos ka lang?”
Tumango-tango lang ako bilang sagot. “’Wag ka mag-alala. Umuwi ka na kasi,” pagbibiro ko.
“Okay, sige na alis na ako, text lang ako ’pag nakauwi na ako.” Kinaway niya ang kamay niya bago pa siya pumasok sa driver’s seat ng sasakyan, binuhay na niya ang makina ng sasakyan niya at pinaharurot ito paalis sa kinaroroonan ko.
Agad na akong bumalik sa loob ng bahay. Pagpasok ko ay naabutan ko si Tatay na nasa sala na nakaupo sa couch kasama si Milo. Seryoso ang mukha niya ngayon at halata rin sa kaniya na galit siya.
“Ayos ka lang po ba ’Tay?” bungad na tanong ko sa kaniya.
“Mabait na bata si Gray, magalang at sigurado ako na may pinagmanahan ang ugali niya. At isa pa, may itsura ang batang ’yon.” Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo. “Hiwalayan mo na ngayon din ang taong ’yon!”
Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi ng Tatay ko. “A-Anong s-sinabi m-mo ’Tay?”
Napahawak niya saglit sa sintido niya dahil sa frustration. “Kung iniisip mo na siya ang para sa iyo, pwes, nagkakamali ka.”
Nagtataka na ako sa mga sinabi ni Tatay ngayon. Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya patungkol kay Gray. Parang kanina lang ay ayos naman siya pero bigla na lang siya naging ganito.
“Tay, a-ano p-po ang ibig mong s-sabihin?”
“BASTA HIWALAYAN MO NA ANG TAONG ’YON!”
“Bakit po ba ’Tay? Ayos naman kayong dalawa kanina ni Gray ah,” mangiyak-ngiyak na tugon ko kay Tatay.
“Kasi… ayokong matulad ka sa ’kin anak. Ayokong matulad ka sa ’kin na—”
“’Tay, this is not about you! It’s between me and Gray!”
“Kaya nga anak! Isa siyang Ignacio!”
“So what kung isa siyang Ignacio, ’Tay?!”
Hindi na nagpapigil ang mga luha ko, umagos na sila mula sa mga mata ko.
“Alam ko kung sino ang mga magulang ng boyfriend mo. At alam ko rin na iiyak ka lang sa huli dahil kay Gray.”
“What the fuck, ’Tay! Ano pa ba ang saysay ng pag-imbita mo kay Gray sa bahay? Dati ’di ka naman ganiyan sa mga pinapakilala ko sa ’yo ah. Ano bang meron kay Gray na hindi mo nagustuhan?!”
“Alec, makinig kang mabuti sa sasabihin ko. Lilinlangin ka lang niya kagaya ng ginawa ng—”
“SHUT THE FUCK UP! I don’t give a shit on your lame explaination. If you don’t want Gray then so be it! ’Wag mo lang sabihin na hiwalayan ko siya dahil lang sa apeliyido niya, kung may problema ka man sa pamilya niya, problema mo na ’yon at ’wag mo akong idamay diyan.”
“Alec…”
Habang umaagos pa rin ang mga luha ay tinalikuran ko siya, dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at ni-lock ang pintuan. Kinuha ko kaagad sa bulsa ko ang cellphone ko, ni-dial ko ang number ni Kleo buti na lang at sumagot siya.
“Kleo…” Mangiyak-ngiyak na tawag ko sa pangalan niya.
“Oh? Anong nangyari sa ’yo? Ba’t ka umiiyak?”
“Kleo, gusto ni Tatay na hiwalayan ko si Gray.” Maharas kong pinahirana ang luha kong kanina pa umaagos.
“Ano?! B-Bakit? May hindi ba siya nagustuhan kay Gray?”
“Ayaw niya ang apilyido ni Gray.”
“Huh?! ’Yon lang?”
“Hindi ko ng rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon, Kleo.”
“’Wag ka na umiyak, huminga ka nang malalim at kumalma ka, okay?”
Sinunod ko ang sinabi ni Kleo. Kumalma na nga ang buong pagkatao ko.
“Okay, kalmado ka na ba ngayon?”
“Oo, Kleo.”
“Ngayon na kalmado ka na may naisip lang ako bigla…” biglang tumahimik si Kleo sa kabilang linya. “Baka may ex ang Tatay mo na Ignacio ang apilyido, Alec!”
Dahil sa sinabi ni Kleo ay napatahimik ako at napaisip sa huling salita na binitawan niya. Posible nga na nangyari ang sinabi ni Kleo, kung totoo man ’yon, ba’t gano’n na lang ang mga sinabi ni Tatay patungkol kay Gray? Gulong-gulo na ako, bwisit!
“Kleo, pwede ba sa bahay mo muna ako matulog kahit ngayong gabi lang?”
Sabay kaming pumasok ni Kleo sa agency. Sa sasakyan ko siya sumakay para sabay talaga kaming pumasok.
Kaninang umaga ay umuwi na ako sa amin at wala akong naabutan sa bahay, ibig sabihin ay nasa shelter na si Milo at si Tatay naman ay umalis na. Hindi pa rin ako naka-get over sa mga sinabi niya kagabi, dahil do’n ay buong gabi akong umiiyak kasama si Kleo. Kinomfort niya ako pero wala ring saysay dahil nasaktan talaga ako ng sobra.
“Pinagtitinginan ka ng mga empleyado, Alec,” wika ni Kleo ng makapasok kami sa lobby.
“Hayaan mo sila. Parang ngayon lang sila nakakita ng taong may malaking eye bags,” sagot ko naman sa kaniya kaya nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa elevator.
Hindi pa kami nakapasok sa loob ng elevator ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko, lumingon naman ako sa taong tumawag sa ’kin. She’s on her typical look and she’s holding a clipboard.
“Hala! Anyari sa ’yo, Alec? Ba’t ang laki ng eye bags mo? Umiyak ka ba buong gabi?” nagtatakang tanong ni Ate Maye sa ’kin.
Hindi ako sumagot at ngumiti lang sa kaniya. Sabay kaming tatlo na pumasok sa elevator at si Kleo na ang nag-tap sa floor number. “Sinabi sa ’kin ng Tatay mo na nagkasagutan kayong dalawa.”
“Oo, Ate Maye. Just a minor problem between a son and a father,” sagot ko sa kaniya kaya hinawakan niya ang braso ko.
“Kung gusto mo ng makakausap, tawagan mo lang ako ah.” Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
“Opo Ate Maye.”
“Hindi ko na tatanungin kong nagkaayos ba kayo ng Tatay mo kasi halata sa kinikilos ng Tatay mo na hindi, bad mood siya ng makausap ko siya kanina sa opisina niya.”
Hindi na ako umimik pero isang ngiti lang ang sinagot ko, alam na ni Ate Maye na wala ako sa mood para pag-usapan ang mga nangyari kagabi.
Nang makarating na kami sa floor namin ay bumukas na ang pintuan ng elevator at lumabas na kaming tatlo, pumasok na kami ni Kleo sa loob ng opisina at gano’n rin si Ate Maye. May kukunin raw siyang papeles sa isa sa mg Arki.
Tinungo ko na ang working station ko at naupo na sa swivel chair ko. Tinukod ang siko sa mesa at napahilamos ng mukha. Sana pala hindi na lang ako pumasok at natulog na lang sa bahay.
“Kuya Alec…?”
Agad akong napatingin sa tumawag ng pangalan ko. “Yes Jona? Anything I can help you?”
“Ah, wala naman Kuya, ano lang kasi… nagulat lang ako kasi ang ano ng eye bags mo eh.”
Napatawa ako. “Hayaan mo na ako, Jona. May pinanood kasi kaming movie ni Kleo kagabi na nakakaiyak.”
“Ah gano’n ba? Ay, siya na pala. May bulaklak at chocolate daw sa drawer ng mesa mo, pinapasabi ni Gray.”
I genuinely smiled to her. “Thanks for informing me, Jona.”
She smiled to me and went back to his working station.
“Sabi ko naman sa ’yo na ’wag ka na pumasok ngayong araw eh,” ani Kleo kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ano naman ang gagawin ko do’n sa bahay?” sagot ko sa kaniya, binuksan ko na ang drawer ng table ko. Tumambad nga sa ’kin ang isang kulay pula na rosas at isang maliit na box.
“Edi manood ka ng mga Kpop music videos, siya nga pala, matagal ko na napapansin na hindi ka na gano’n ka-adik sa Kpop eh. Hindi kagaya no’ng college tayo na sobrang adik mo talaga.”
Napatingin ulit ako kay Kleo. “Malamang, may trabaho na ako. Mas uunahin ko pa ang Kpop kaysa sa trabaho ko?”
Kleo just shrugged his shoulders. “Sabagay.”
Hindi na ako umimik pa kaya pinagmasdan ko na lang ang rosas na binigay sa ’kin ni Gray. Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng rosas galing kay Gray, ang ganda talaga sa pakiramdam na may nagbibigay sa ’yo ng bulaklak. Kahit papaano ay naiibsan kahit kaunti ang iniisip ko.
“Sa rooftop lang ako, Kleo ah,” sabi ko sa kaniya habang busy siya sa pagbabasa ng magazine. Hindi siya sumagot kaya naman ay umalis na ako sa working station at lumabas na ng opisina.
Paglabas ko ng opisina ay gulat na gulat ang ibang empleyado na nakakasalubong ko, napakamot na lang ako ng ulo. Ngayon lang nila ako nakitang namamaga ang mga mata, nasanay sila sa ’kin na masaya lang kahit hirap na hirap na sa trabaho.
Tinahak ko na ang daan papunta sa rooftop. Nang makarating na ako sa paroroonan ko ay hinagkan kaagad ako ng preskong hangin, sobrang sarap sa pakiramdam na nahahanginan ka tapos ang ganda pa ng view mula dito sa rooftop. Ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadamdam ko ang hangin na dumadampi sa balat ko.
Naramdaman ko bigla na may kamay ang humaplos sa baywang ko. “Hi there, cutie.” Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa taynga ko dahilan para mapaharap ako sa nagsalita.
Nakahawak pa rin siya sa baywang ko. “What are you doing here?”
“I should’ve asked you that question,” he smiled sweetly to me.
“Nagpahangin lang ako dito. Salamat nga pala sa rose at chocolate,” nagnakaw agad ako ng halik mula sa pisngi niya.
“You’re welcome and stealing kiss from me is illegal,” he playfuly pouted his lips. So cute of him.
I chuckled. “Sorry, my bad.”
Naramdaman ko bigla na sumeryoso ang awra ni Gray, pati ang mukha niya ay naging seryoso. “Bakit ganiyan ang mga mata mo? Ba’t namamaga ang mga ’yan?”
Agad akong nag-iwas ng tingin. “Wala ’to, I—”
“Do you think I would believe that? Did something happened to you?”
Hindi ako sumagot, kumalas ako sa pagkakahawak ni Gray sa baywang ko at naiiyak na lumapit sa railings. Kanina pa ako nagdadalawang-isip: sasabihin ko ba sa kaniya ang gustong mangyari ni Tatay o hindi na lang. Ayoko siyang masaktan kapag sinabi ko sa kaniya ’yon, pero masasaktan ko rin siya kapag hindi ko sinabi sa kaniya.
Eto na naman ang mga peste kong luha, ayoko na sanang umiyak eh.
“Why are you crying?” tanong ni Gray, ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang mainit na yakap mula sa taong mahal ko. Humagulgol lang ako habang yakap-yakap niya ako.
Gusto ko lang naman na magmahal eh, pero bakit ayaw ng taong tumayong ina at ama ko. Sa loob ng maraming taon na nagka-boyfriend ako ay ngayon lang niya ako tinutulan. Nakakapagtataka lang sa parte ko.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Please, sagutin mo ako kung ba’t ka umiyak? Nag-aalala lang ako sa ’yo, Alec.” Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya.
“Gusto ni T-Tatay na h-hiwalayan kita dahil sa p-pamilya mo.”
Visible sa mukha niya ang pagkagulat at pagtataka.
“A-Ano? Teka…” napatawa siya ng mapakla. “Hindi ko naiintindihan ang Tatay mo, Alec.”
“Hindi ko rin alam, ’yun bang ang ganda ng pakitungo niya sa ’yo kagabi tapos bigla niya na lang sinabi ’yon pag-uwi mo. Nagkasagutan kaming dalawa ni Tatay kagabi dahilan para sa bahay ni Kleo ako natulog kagabi,” marahas kong pinahiran ang mga luha ko.
Alam kong galit rin siya ngayon dahil sa sinabi ko sa kaniya.
“Pwede ko ba makausap ang Tatay mo ngayon—”
“Please, Gray. ’Wag muna ngayon, alam ko na mainit pa ang sitwasyon kaya ayoko na—”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinagkan na naman niya ako ng mahigpit.
“Ayokong hiwalayan ka. I’ve waited you for several years and I don’t want to waste this moment that we have. No matter what happens… I will fight for our love.”
My heart skip a beat after hearing those beautiful words that came out from his lips. He’s really reassuring his love to me.
“No matter what happens I will also fight for our love.” I sincerely replied to him and hugged him even more.
I don’t know what future may bring to our relationship but as long as Gray is in my side, I will be strong and courageous to him and for our love.
Chapter 19: Confrontation
Chapter 19: Confrontation
A L E C
“Anong sinabi mo, Alec?!” pasigaw na tugon ni Tita nang matapos ko sabihin sa kanila ni Tito ang mga nangyari kagabi.
“Ano ba ang mayroon sa apelyido namin, ’nak?” mahinahon na tanong ni Tito.
“Hindi ko rin po alam kung ano po ba talaga ang dahilan niya, nagtataka nga rin po ako eh,” sagot ko kay Tito.
After ng trabaho namin sa agency ay dumiretso agad kami ni Gray dito sa condo niya, ni-text ni Gray ang parents niya sa condo niya mag-dinner. At gusto ko rin sila makausap patungkol nga sa nangyari sa ’min ni Tatay.
“Nakakapagtataka nga po, may ginawa ba kayo sa Tatay ni Alec, Da?” tanong ni Gray sa Dada niya pero ang Dada niya malalim ang iniisip.
Mahinang tinapik ni Tita si Tito kaya napabalik siya sa kasalukuyan. “May tinatanong sa ’yo ang anak mo.”
“H-Huh? A-Ano ’yon, ’nak?”
Gray repeated his question. “May ginawa po ba kayong masama sa Tatay ni Alec?”
“Ba’t mo naman natanong ’yan?”
“Ewan, Ignacio ka po eh. Baka kasi magkagalit ang pamilya niyo noon at pamilya ni Alec.”
Natawa na lang si Tito sa sinabi ng anak niya. “Imposible ’yan, Gray. Kahit gano’n ang Lolo mo ay hindi naman gano’n kasama ang ugali niya para mang-away ng ibang pamilya.”
“Di natin alam, Da.”
Hindi na sumagot si Tito at ininom na niya lang wine niya.
“Kumusta naman na ang Tatay mo at ikaw, Alec?” may pag-aalala sa mga salita ni Tita.
“Ayos lang naman po ako, ewan ko na lang sa Tatay ko na ’yon. First time talaga ’to na may inayawan siya na boyfriend ko,” marami na akong naipakilala sa kaniya na naging boyfriend ko pero ayos lang naman sa kaniya, pero ngayon ay hindi ko inakala na gano’n na lang siya nagreact.
“Alam mo, ’nak Alec. Ayaw naming manghimasok sa away niyo ng Tatay mo at lalong-lalo na sa relasyon niyong dalawa ni Gray. Malalaki na kayo at alam niyo na ang tama sa mali. Kung ano man ang magiging desisyon niyong dalawa sa relasyon niyo ay susuportahan namin kayo. At andito rin kami kung gusto niyo pareho ng makakausap,” isang matamis na ngiti agad ang sumilay sa mga labi ni Tita.
“Opo Tita, naiintindihan ko po,” sagot ko naman.
“Good. So, alis na kami mga anak ah. Malalim na ang gabi at may trabaho pa kami bukas kaya matulog na kayo, okay?” ani Tita Ayra kaya naman ay tumayo na sila ni Tito para hagkan nila kaming pareho ni Gray. Pagkatapos ay umalis na silang dalawa at kami na lang ni Gray ang naiwan dito sa sala.
“Can I stay for the night? I don’t want to go home and see my father at this moment.”
“Sure, it would be great though. I can have my midnight snack on my bed,” he let out an mischievous smile to me.
“Wow, pagkain pala ang tingin mo sa ’kin?”
Tumawa si Gray ng nakakaloko. “Well… I love it when your on my bed naked—”
“Shut up, Gray. Andami mo pang gagawin tulad ng paghugas ng pinggan at ’yong project mo.”
“Mamaya na mga ’yan, ikaw muna ang uunahin ko,” walang anu-ano ay kiniliti niya ang tagiliran ko dahilan para marahas akong napahiga sa sofa habang tumatawa dahil sa kiliti.
“Gray! Tama na!” suway ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako tinigilan. “Ok! I’ll b-be your d-dessert!” tinigilan na niya ang pagkiliti sa ’kin at kitang-kita ko ang ngiti niyang may masamang binabalak.
Inilapit niya ng kaunti ang mukhha niya sa sa ’kin. “I like it here in the sofa,” ang kaniyang baritonong boses ay tila ba musika sa aking mga taynga.
He then slowly lean his face to me, I can see his sincerety and love from his beautiful eyes. Without further ado, he seize my lips, I immediately answered his kiss without any hesitation. Then, all at once, heat spreads through the both of us and we shared each other’s love on his bed tonight.
∞∞∞
G R A Y
Nagdaan ang mga araw at hindi pa rin nagkapatawaran ang mag ama sa nangyari, valid naman talaga ang galit ni Alec. Netong nagdaang mga araw ay dito sa condo ko nagsi-stay si Alec tuwing gabi. Sa umaga na siya umuuwi para makaligo at makabihis para sa trabaho, pero bago pa siya umuwi ay sabay kaming kumakain ng agahan.
Kulang na lang talaga na dito sa condo ko na titira si Alec, sinabi ko sa kaniya na dito na lang siya muna condo ko pero sabi niya na hindi niya kayang iwan mag-isa ang Tatay niya kahit na may sigalot na namamagitan sa kanilang dalawa.
“Hoy, ang lalim ng iniisip mo ah,” napabalik ako sa kasalukuyan ng tapikin ako ni Alec.
“H-Huh?”
“Hay naku, hayaan mo na ’yang si Gray, Alec. Kumain lang kayo diyan,” ani Dada, sumimsim agad siya ng kape niya.
“Kayo po Tito, di pa ba po kayo mag-aagahan? Ang sarap ng niluto mong pakbet na may bagoong,” ani Alec na tuwang-tuwa sa kinakain niya, kalabasa at sitaw lang naman ang sa kaniya.
“Mamaya na ako, mga anak. Kape lang muna ako, kumain kayo ng marami ah,” ani Dada at sumimsim ulit sa kape niya, nagbasa ulit siya sa news paper.
Andito si Dada kasi day off niya sa trabaho kaya naisipan niyang bumisita dito sa condo ko. Para lang akong nasa bahay kasi palaging pumupunta sina Mama at Dada dito, gano’n kami ka-close sa isa’t-isa.
Kanina ko pa talaga napapansin na kalabasa at sitaw lang ang inuulam niya, kaya nagbitaw ako ng tanong. “Ba’t kalabasa at sitaw lang ang inuulam mo? Ayaw mo ba sa talong at okra?”
Napatingin siya sa gawi ko habang ngumunguya, bago pa siya sumagot ay nilunok muna niya ang kinakain niya. Biglang umasim ang mukha niya, “Eww. Ayoko talaga sa okra at sa talong. Ayos lang sa ’kin ang talong basta piniprito or ’yong tortang talong, masarap ’yon,” masaya niyang tugon sa ’kin at tinaas-baba pa niya ang kilay niya.
“Eh ’yong okra?”
Mas lalong umasim ang mukha niya dahilan para mapatawa ako sa reaksyon niya. “Just stop questioning me, will you? Never in my life na kumain ako ng okra like eww.”
“Hala, ang arte mo naman,” wika ko. Pero ang natanggap ko lang sa kaniya ay irap.
“Ano ba paki mo? Kumain ka na lang diyan, ’wag mo ako kausapin kasi sarap na sarap ako sa ulam,” binalik na niya ang pansin sa pagkain niya kaya ako rin.
“Siya nga pala, Alec.” Napatingin kaming pareho ni Alec kay Dada sa kabilang pwesto.
“Po?” ani Alec.
“Kumusta na pala kayo ng Tatay mo? Nagkaayos na ba kayo?”
Napansin ko na bumagsak ang balikat ni Alec.
“Hindi pa po eh. All these time iniiwasan ko siya dahil ayokong maalala ang mga salitang binitawan niya. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero di bale na,” isang mapakla na tawa ang pinakawalan ni Alec.
“Hindi pa rin nagbabago ang Tatay mo.”
“P-Po? Ano po a-ang sinabi niyo po?” tanong ni Alec. Pati ako hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Dada kasi ang hina ng pagkakasabi niya.
“Ah, wala ’nak. Kain lang kayo diyan,” pag-iiba ng usapan ni Dada. Tinitigan ko siya saglit at bumalik na ulit sa pag kain.
Habang kumakain pa rin ay nakaranig kaming tatlo na may kumatok sa pintuan ng condo ko, baka si Mama ang kumakatok.
“Baka Mama mo ’yan, Gray. Pagbuksan mo muna saglit,” ani Dada kaya tumayo na ako at para pagbuksan si Mama.
Nang makalapit ako sa pintuan ay hinawakan ko agad ang doorknob at pinihit ito pabukas. Isang pigura na pamilyar sa akin—sa amin ni Alec—ang andito sa labas ng condo ko. Nakakapagtataka kung paano niya nalaman na dito ako nakatira at alam ko kung bakit siya andito. Pakiramdam ko ay nanlalamig ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa gulat.
“S-Sir, p-paano niyo p-po—”
“Nasaan ang anak ko? Ilabas mo siya!” Umalingawngaw ang boses ni Sir Wade. Kaya naman ay napansin ko na may ilang tao na tumitingin sa ’min na nasa labas ng hallway.
“Sir, huminahon po muna kayo,” wika ko para pakalmahin ang Tatay ni Alec.
“Gray?” narinig kong tinawag ni Dada ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kaniya habang papalapit siya sa kinaroroonan ko, nasa likod niya si Alec. “Sinong nandiyan—” hindi natapos ni Tatay ang sasabihin niya ng makita niya kung sino ang kausap ko.
“Wade…” tawag ni Dada sa Tatay ni Alec. Paano niya nalaman ang pangalan ng Tatay ni Alec? At bakit siya namumutla ngayon habang papalapit sa ’min.
Walang pag-aatubiling pumasok ang Tatay ni Alec sa condo ko. “’Nak, uwi na tayo sa bahay,” aniya ng makalapit siya kay Alec.
“Wade, anong gagawin mo sa anak mo?” punong-puno ng pagtataka at pag-aalala ang boses ni Dada.
Napatingin si Sir Wade kay Dada. “Pwede ba, ’wag ka makielam. Andito lang ako para kunin ang anak ko, hindi ako naparito para kausapin ka!” Punong-puno ng galit ang boses niya ng sabihin niya ang mga salita kay Dada.
“Tatay, bakit po magkakilala kayo ni Tito?”
“Basta, sa bahay ko na lang ipapaliwanag sa ’yo ang lahat. Kaya umuwi na tayo, ngayon na!” Napatingin ulit siya sa gawi ni Dada. “Ayoko lang na nakikipag-usap ka sa taong duwag!”
Nagtangis ang bagang ni Dada ng matapos magsalita si Sir Wade. “Ako pa talaga ang duwag sa ating dalawa, Wade? Inakala mo ba na ginusto ko ang mga nangyari? Hindi, Wade! Kung alam mo lang sana—”
“Dada, what the fuck is going on? Ba’t kayo magkakilala ni Sir Wade? At bakit namutla ka ng makita mo si Sir?”
“Alec, let’s go,” ani Sir Wade kaya naman ay walang pag-alinlangan akong niyakap ni Alec.
“I’ll text you,” his voice is soothing as he said those words to my ear. I nod as an answer. He broke the embrace and ‘sumunod na siya sa Tatay niya. Naiwan kami ni Dada dito sa sala na tulala at nakikiramdam kung sino ang gustong maunang magsalita.’
“G-Gray, I have something to tell you. I need you to listen to me carefully and please understand, ok?”
A L E C
Buong biyahe papunta dito sa Arcoíris Subdivision ay hindi nawala ang pagsalubong ng kilay ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Gulong-gulo rin ang utak ko ngayon dahil sa palitan ng mga salita ni Tito at Tatay kanina sa condo ni Gray, kailangan ko ng kasagutan sa lahat ng mga tanong ko. Nakakabigla lang na biglang sumulpot si Tatay sa condo ni Gray kanina. Akala ko kung sinong tao ang sumigaw sa harap ng pintuan, ’yon pala si Tatay.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay sinalubong agad ako ni Milo. Na-miss ko talaga ang baby ko kasi sa umaga lang kami nagkikita do’n sa shelter. Hinagod-hagod ko kaagad ang balahibo niya. “How are you, Milo? Do you miss me that much?”
Inabutan ni Tatay si Milo ng paborito niyang laruan kaya agad na nabaling ang atensyon niya.
“Alec, maupo ka muna.” Sinunod ko ang sinabi ni Tatay. “Alam kong ikaw rin ay naguguluhan sa mga nangyari kanina kaya naman pakinggan mo lahat ng mga sasabihin ko sa ’yo.”
“’Tay, pa’no niyo po naggawa ’yon?” nahahalata ko ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin siya sa ’kin. “Pwede naman po na bukas mo na lang ako kausapin kasi uuwi rin naman ako dito sa pamamahay na ’to. Ano po ba ang rason mo at nagpunta ka pa ro’n? Para magpalitan kayo ng salita ng Dada ni Gray? At bakit kayo magkakilala ng Dada ni Gray?!”
“Anak, kumalma ka muna pwede ba? Pakinggan mo lahat ng paliwanag ko para maintindihan mo lahat-lahat. Napagtanto ko na sabihin ko na sa ’yo ang lahat kung bakit gano’n na lang ang galit ko ng malaman kong boyfriend mo ang anak ng isang Ignacio,” umupo si Tatay sa kabilang sofa. Tumabi rin sa ’kin si Milo habang kagat-kagat niya ang laruan niya, mukhang makikinig rin siya sa sasabihin ni Tatay. Nagsimula na si Tatay sa pagsalaysay ng mga pangyayari, mga pangyayari raw na hindi niya makakalimutan.
Nakinig ako ng mabuti sa mga pangyayaring silaysay niya mula sa simula hanggang sa katapusan. Ngayon napagtanto ko na kung bakit gano’n na lang siya kagalit sa pamilya Ignacio. Mas naintindihan ko na si Tatay ngayon.
Pero gano’n pa man ay mahal na mahal ko pa rin si Gray. Hinding-hindi ko siya papakawalan ng dahil lang sa away ng mga magulang namin. Wala naman talaga kaming kinalaman sa puno’t-dulo ng away nila.
Alam kong nagkagalit ang mga magulang namin pero may naisip akong paraan na kahit papaano ay makapag-usap sila ng maayos at matiwasay. Sana nga lang ay gumana ’tong iniisip ko.
Gayunpaman patuloy ko pa rin na mamahalin si Gray Ignacio. Sa kabila ng mga nangyari sa mga magulang namin.
Chapter 20: Blissful climax
Chapter 20: Blissful climax
A L E C
Ilang araw na ang nagdaan at naging maayos na kami ni Tatay, pinilit namin na magkaayos. Balik na kami sa dati pero paminsan-minsan ay sa condo pa rin ni Gray ako nagdi-dinner. Minsan din sa labas kami kumakain ’pag ayaw magluto ni Gray o di kaya’y sa bahay namin kami kumakain.
Hindi kami nagpatinag ni Gray sa mga nangyari netong mga nakaraan. Kung nagpatinag kami, ewan ko na lang talaga; mas magiging komplikado ang sitwasyon namin. Gayunpaman ay may isang balita ako na ikinasaya ko talaga; nang sabihin sa ’kin ni Tatay na ayos na sa kaniya na si Gray ang boyfriend ko basta raw ay hindi niya ako sasaktan o paiiyakin. Hindi pa talaga nagkausap sina Tatay at Gray sa mga nangyari, pero ’pag nasa agency ay civil lang ang dalawa. Ewan ko kung ano ang nakain niya ba’t naging gano’n si Tatay. Kahit gano’n ay pinagpatuloy pa rin talaga namin ang nasimulan namin.
“Ang lalim ata ng iniisip mo,” napabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang palad ni Gray na dumampi sa balikat ko. His soft palm and its warmth are soothing.
I faced him and replied. “Nothing, I just want to have some dessert after this dinner. What about you, Da?”
Gray’s father smiled to me and replied, “I would like to have some ice cream, and I know there’s a ice cream on the fridge.”
Napansin kong sinamaan ni Gray ng tingin ang Dada niya na nasa kabilang upuan. “Dada, akin ’yon. Bumili ka na lang ng iyo or pumunta ka na lang sa café ko ngayon. Magsasara na ang mga ’yon maya-maya.”
Ngayon ako naman ang sumama ang tingin sa kaniya. “Ba’t ba ayaw mo makipag share sa Dada mo? Magkaka-brain freeze ka talaga niyan ’pag di ka magsi-share.”
“Isa ka pa eh, pinagtutulungan niyo akong dalawa eh. Magpa-ampon ka na lang kaya kay Dada, lagi kayong nagkakasundo eh,” napasimangot siya ng dahil sa sinabi ko. Palagi na lang kasi namin siyang pinagkakaisahan ni Dada kaya lagi siyang napipikon sa ’min. “Simula no’ng halos dito ka na nagdi-dinner sa condo ko ay naging close na kayo ni Dada ah.”
“Syempre, ganiyan talaga ’pag cute, di ba Da?” gamit ang hawak kong kutsara ay tinuro ko siya na para bang humihingi ng pagsang-ayon.
“Ah… eh… oo naman ’nak!” tawanan ang agad na umalingawngaw sa island counter.
Isang naiinis na titig lang ang natanggap namin ni Dada mula kay Gray, napikon na naman siya dahil sa ’min. Mukhang masusundan pa talaga ang ganitong asaran ’pag bumisita ulit si Dada dito sa condo ni Gray.
“Tapusin na natin ’tong kinakain natin, kanina pa tayo nagdadaldalan eh. Hindi na raw pala pupunta si Mama mo dito Gray kasi marami pa raw siyang aasikasuhin, muntik ko na makalimutang sabihin sa ’yo,” ani Dada at sumubo ba ng pagkain.
“Ayos lang Da, pakisabi kay Mama na ’wag masyadong magpa-pagod sa trabaho,” isang matamis na ngiti lang ang sinagot ni Dada.
Walang kaalam-alam si Mama Ayra sa mga nangyari no’ng mga nakaraan, mas pinili namin na manahimik na lang para hindi na lumaki pa ang away na namamagitan sa mga Tatay namin. Ayaw rin ni Dada na makielam pa si Mama Ayra sa away sa kadahilanang kaya naman daw asikasuhin ni Dada ang mga nangyayari.
At para hindi ako maging one-sided o biased ay tinanong ko rin si Dada sa lahat ng mga nangyari noong una ay nagdadalawang-isip siya pero, buong puso niya rin na silaysay ang mga detalye, mula sa pinaka umpisa hanggang sa dulo ng kwento. Tinimbang ko ang storya ni Tatay at storya ni Dada; naiintindihan ko silang dalawa ni Tatay. Mukhang gagana talaga ang plano ko, sigurado ako.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Dada na mauna na raw siyang uuwi kasi may mga gagawin pa siya. Sumang-ayon naman kaming dalawa ni Gray dahil kanina pa namin gustong pauwiin si Dada para makapag-usap kaming dalawa sa plano namin.
Nang masirado na ni Gray ang pintuan ay dali-dali siyang umupo sa tabi ko dito sa couch na may nakakalokong ngiti sa labi, na-e-excite na rin siyang malaman ang plano ko.
Nawala ang ngiti niya at sumeryoso ang mukha nang mag-indian sit siya sa tabi ko. “Sigurado ka ba na gagana ang plano mo, Alec?”
Dahil sa tanong niya ay agad akong napairap sa kaniya. “Hindi mo pa nga alam kung anong plano ko eh, ’wag kang ano diyan.”
He chuckled. “Sorry, now spill the tea, my boo.”
“Ok, here’s the plan I’ve been thinking and I’m seventy percent sure that it’ll be successful, if not, then we’ll be having plan b,” I shrugged.
“Ok then, let me hear your plan.” Without further ado, I spill my plan. Well, it’s just a simple plan—very simple, but the highlight of my plan is to let those two person talk; a heart to heart talk.
“Wow, that’s great! Hopefully, it’ll work.” He let out a wide smile on his lips as he respond to my plan. The smile that I really admire.
“Nakaka-frustrate kasi baka hindi ito gumana edi wala. Gusto ko silang magkabati na dalawa. The past is in the past sabi nga nila pero kailangan talagang ungkatin ang nakaraan para magkaayos silang dalawa,” napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang palad ko, nakaka-frustrate isipin ang nangyari sa kanila.
“My boo,” tawag ni Gray, napatingin ako sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya, ngiting nakakagaan ng loob, “’wag ka ma-stress diyan, alam kong gagana ang plano mo at tutulungan naman kita eh, come here let me hug you,” he stretched his arms and I let him embrace me. A soothing warmth immediately filled my senses, it seems like his warmth brushed away all my doubt.
“I love you,” I spoke up out of the blue, it caused me to immediately loosen my embrace from him.
“What is it?” he has a questioning look that staring at me.
“W-Wala lang… ano… kasi—”
“I love you more,” sabi pa niya, kitang-kita ng dalawang mata ko na namumula ang pisngi niya ngayon. “Nagba-blush ka,” dagdag pa niya dahilan para tumawa siya.
“Sus, ikaw rin naman ah.”
Dinampi niya agad ang palad niya sa pisngi niya. “Kaya pala naramdaman kong uminit ang pisngi ko,” tinawanan ko siya sa reaksyon niya.
“First time?”
“Hindi, first time ko no’ng nasa kama kita tapos tinatawag mo pangalan ko sabay ng paghalinghing mo—”
“INAMO, TUMIGIL KA!” Sarkastikong sagot ko sa kaniya dahilan para humagalpak siya ng tawa.
“Tapos sabi mo pa—”
“Sige, dagdagan mo pa ’yang sinasabi mo at sa labas ka talaga ng condo mo matutulog!”
“Sabi ko nga titigil na ako, kiss mo na lang ako,” ngumuso pa siya, para tuloy siyang itik.
“Ayoko bahala ka diyan,” pagmamatigas ko.
“Di mo na ba ako mahal?”
“Luh, ulol ka. Tigil-tigilan mo ako ah.”
“Ok,” napansin kong bumagsak ang balikat niya, tumayo na siya sa couch at dumiretso sa kwarto niya.
Palagi talaga siyang ganiyan kapag hindi ko siya binibigyan ng kiss, nagiging matamlay at nagdadabog. I like this side of him ’cause he’s so cute, the side of him that no one knew. As the days go by, our relationship got more stronger and aside from that we both tend to know even more each other.
I, being a Kpop fan and him being obsessed with books. We may have a different hobby and yet we support one another ’cause it is our happiness before we met.
Sumunod ako sa kwarto niya, pagpasok ko ay nakita ko kaagad siya na nasa kama. Busy siya sa pagbabasa ng libro; Fifty Shades of Grey. Alam kong matagal na niyang tapos basahin ang libro na ’yan.
His eyes trailing every inch of me, sending his message to me.
Mukhang may susuyuin na naman ako sa kama ngayong gabi.
∞∞∞
“’Tay, anong oras ka ba matatapos? Gusto ko sana na magdinner tayo sa labas, gusto ko kumain ng steak,” sabi ko sa Tatay ko na nakatuon ang pansin sa mga papeles na nasa harap niya.
Nabaling agad ang tingin niya sa ’kin. “Buti na lang at nagpunta ka dito, dahil nagpa-plano ako na magdinner tayo sa labas.”
Ngumiti agad ako ng matamis kay Tatay. “Salamat at naisipan mo rin ’yan, ’Tay. Pero anong oras ka ba matatapos dito?”
“Hindi ko alam, ’nak. May meeting pa ako mamayang hapon, text na lang kita.”
“Okay po, text mo na lang ako ’pag tapos ka na sa meeting mo. Alam mo Tatay, may nadiscover akong café sure ako magugustuhan mo ’yon. Masarap ang mga desserts nila.”
“Oo na, mamaya na. ’Wag ka mag-alala pupuntahan natin ’yan, pwede alis ka muna? Marami pa akong gagawin eh.”
“Okay bye,” sabi ko, tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa dito sa opisina niya at lumabas na.
Pagkasirado ko ng pintuan ay sinalubong agad ako ng tatlong unggoy. Alam ko na excited rin sila sa mga mangyayari mamayang gabi.
“Ano raw sabi ni Tito, Alec?” bungad na tanong ni Kleo sa ’kin.
Sinamaan ko siya ng tingin bago ako sumagot, nasa labas kami ng opisina baka marinig ni Tatay ang mga sasabihin ko. Pabulong akong sumagot sa tanong niya. “Pwede ba ’wag dito? Do’n na lang tayo sa lobby, alam kong excited kayo lalo ka na Gray kaya let’s go.”
Nagsimula na kaming maglakad paalis sa opisina, napapatingin sa ’min ang ibang empleyado kasi nagmamadali kaming naglalakad, para kaming F4 kaso bading kaming apat, dumiretso na kaming apat sa elevator.
“Magmanifest kayo na matutuloy ’tong munting plano ko, please,” sabi ko ng makapasok kami sa elevator, pinagtitinginan agad ako ng tatlong unggoy.
“Siguraduhin mo lang talaga ’yan friend,” ani Kleo.
“Ayos naman na kaya si Sir Wade na magdinner kayo, Sir Alec?” tanong naman ni West.
“Siguradong-sigurado na siya, ’pag ako kasi ang nagsabi na magdi-dinner kami sa labas ay alam ko na gagawan niya talaga ng paraan ’yan.”
“Ikaw pre?”
“Nasabi ko na ’yong dapat kong sabihin at sumang-ayon naman na siya,” sagot ni Gray sa tanong ni West.
Nang makarating na kami sa ground floor ay dumiretso na kaming apat sa lobby at inokupa namin ang couch. Alam naming apat kung ba’t naguguluhan ang mga tao dito sa lobby ng agency, alam na kasi nila na kapag magkasama kaming apat at andito sa lobby ay may binabalak kami.
“After ng dapat mangyari ano na gagawin niyong dalawa?” tanong ni Kleo sa ’min ni Gray.
“Well, aalis na kami.” sagot ko naman.
“Ay wow, ’yon lang?! Baka magsuntukan ang dalawa sa café—” hindi pinatapos ni Gray si West sa pagsasalita.
“Alam mo, hindi ’yan. Promise ko sa inyong dalawa ni Kleo.”
Hindi na ako nagsalita pa dahil iniisip ko talaga kung magiging ayos lang ba ang lahat, sana naman.
Madali lang na lumipas ang oras at nagsi-uwian na ang mga empleyado ng agency ni Tatay. Wala si Tatay sa opisina niya nang magpunta ako do’n kanina, ibig sabihin ay nasa meeting siya. Nagtext na rin ako sa kaniya na mauna na ako sa restaurant na kinainan namin noong nakaraan.
Pagpasok ko sa restaurant ay sinalubong agad ako ng isang waiter. “Do you have a reservation, Sir?”
“Yes, for two people.” I smiled to him.
“This way, Sir,” he usherred me to the table I reserved.
Nang makaupo ako nagtanong siya. “Do you want to order, Sir?”
“Later, after my father would came.”
“Ok Sir.”
“Thank you.”
“’Nak,” agad akong napatingin sa likod ko.
“’Tay, buti naman at nakapunta ka kaagad.”
Dali-dali na siyang umupo sa kabilang upuan. “Buti na lang din at maagang natapos ang meeting namin. Should we order?”
I just smiled to him as an answer.
After naming kumain ay napagdesisyonan ni Tatay na puntahan na namin ang sinasabi ko na café, excited na raw siyang kumain ng dessert. Tinanong pa niya ako kung may ice cream ba, sinabi ko lang na wala kasi café nga eh.
“Sure ka ba na walang ice cream?”
“’Tay, wala silang ice cream, desserts and drinks lang. Pwede ka namang bumili ng ice cream do’n sa labas ng subdivision mo,” sarkastikong tugon ko na lang sa Tatay ko. Kanina pa siya nakikipagtalo sa ’kin tungkol sa ice cream.
“Pasok na nga tayo, pinagtitinginan na tayo dito sa labas.”
“Buti naman at naisip mo ’yan.”
Nauna na siyang pumasok at siya na ang naghanap ng bakanteng upuan.
’ Andito na kami sa café mo, punta na kayo dito’, text ko kay Gray. Dali-dali na akong pumasok sa loob.
“Anong magandang kainin dito, anak?” tanong niya agad sa ’kin ng makaupo ako.
“Kahit ano, ’Tay. Masarap ang cheesecake nila, para sa ’kin.”
“Talaga ba? Ok, ’yan na lang ang order-in mo,” aniya at naglabas ng card.
“’Tay, ikaw na lang mag-order, cr lang ako saglit.”
“O-Okay,” sagot naman niya.
Kinuha ko kaagad sa bulsa ko ang cellphone ko. ‘Nasa labas na kami, labas ka muna saglit.’ Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Paglabas ko ay naabutan ko sina Dada at Gray.
“Oh? Andito ka pala, Alec?” tanong ni Dada sa ’kin.
“Opo, kayo rin po pala?” As if nagulat ako nang makita ko siya.
“Oo eh, nagpapasama ’tong boyfriend mo eh. Sabayan mo muna kaya kaming dalawa, mamaya ka na umuwi.”
“S-Sure po,” sabi ko na lang at sumunod na sa kanilang dalawa. Sobra-sobra ang kaba ko ngayon kasi andito ang mga Tatay namin, pakiramdam ko talaga ay magsusuntukan ang dalawang ’to ’pag nagkita ulit sila.
“Dito na lang po tayo maupo,” suhestiyon ko. Pinaupo ko si Tito sa pwesto ko kanina, wala si Tatay sa pwesto niya dahil ando’n siya sa counter.
“Order lang ako, Dada,” wika ni Gray, tumango-tango naman si Dada.
Dali-dali na akong lumapit kay Tatay na nasa counter at hinintay ang order niya. “Maupo ka na sa pwesto mo, ’Tay. Ako na magdadala ng dessert mo,” napatingin siya sa ’kin at sa likod ko.
Narinig ko sa likod ko na binati ni Gray ng magadang gabi si Tatay. Hindi umimik si Tatay, umalis na siya sa counter.
Hinarap ko si Gray, nginitian niya lang ako. “Hayaan mo na lang ’yong Tatay ko, naghahanap kasi ’yon ng ice cream eh. Sinabi ko sa kaniya na walang ice cream dito. At nagulat rin ata ’yon kung bakit ka andito.”
“Mukhang kailangan ko na rin dagdagan ang nasa menu ko para sa Tatay mo,” pareho kaming natawa.
Tinuro ko ang tao na nasa kabilang upuan. “Tignan mo Dada mo, mukha siyang naiiyak,” dali-dali kaming lumapit sa dalawa.
Mabigat ang hakbang ko habang papalapit sa kinauupuan nila, mas lalo akong kinabahan sa nakikita ko ngayon. Nang makalapit kaming dalawa ni Gray ay masamang tingin ang natanggap naming pareho mula kay Tatay. “Anong ibig sabihin neto, Alec? Sinadya mo ba—”
“’Tay, plinano ko ang lahat nang ’to. Bakit? Para naman makapag-usap kayo ng masinsinan ni Tito, alam ko na nangyari na ’yon pero sana naman ay bigyan niyo ng pagkakataon ang isa’t-isa na magpaliwanag.”
“Alec…” tawag ni Tito sa ’kin, kitang-kita ko sa kaniya sa mga mata niya na naiiyak siya.
“’Tay, please. Pagbigyan mo na ang hiling ko, simple lang naman ’to eh. Gusto ko lang naman na magkabati na kayo dahil ayokong ganito na lang ang sitwasyon niyong dalawa habang kami ni Gray ay masaya sa relasyon namin,” alam ko naman na pinipilit ko siya sa ayaw niya pero wala akong alam na paraan para magkaayos ang dalawang ’to.
“Alec, pero—”
“Sana naman pagbigyan mo rin ang sarili mo na magpatawad, ’Tay.” Hindi na nagpapigil ang luha ko kaya ay tumulo na ang mga ’to sa pisngi ko.
“Sir Wade, please. We know that it hard on your part but—”
Ang mga sumunod na salita mula kay Tatay ay hindi ko lubos akalain na sasabihin niya ang mga ’yon. Matagal na silang walang komunikasyon dahil sa nangyari sa kanilang dalawa pero naggawa pa rin ni Tatay na ibaba ang pride niya.
“Okay! Okay! Stop it already! I know you guys are planning something, ’cause you are acting weird when you’re at home. And… I didn’t know that this is your plan,” tumingin siya kay Dada pagkatapos ay sa ’min ni Gray. “I’ll take your request, as long as your father is okay with me.”
“I… I… I’m fine with it Wade. I’ve been waiting for this moment—”
Kahit si Dada ay inantay niya rin ang pagkakataon na magkausap sila ng masinsinan. Alam ko na mali ang paraan ko pero hindi ko na muna iisipin ’yon sa ngayon, ang mahalaga ay magkakausap na sila sa tagal ng panahon nakalipas.
“Yeah right,” putol ni Tatay sa sasabihin ni Dada. Napatingin siya ulit kay Gray na nasa tabi ko. “I think we’re okay now, you should go. Let’s talk later at home. And Don’t worry about your father, Gray, I won’t harm your father.”
“Ba’t mo ba sila tinataboy, Wade?”
Nagtatakang napatingin si Tatay kay Dada. “Slow ka pa rin talaga. Para naman makapag-usap tayong dalawa ng masinsinan, ayaw mo ba?”
“G-Gusto…”
Napatingin ulit sa ’min si Tatay. “You can go wherever you want, don’t forget to use protection, okay?”
“Y-Yes Sir,” ani Gray.
“Mag-iingat kayong dalawa ah kung saan kayo pupunta,” wika naman ng Dada ni Gray. Ngumiti lang kaming dalawa sa ama namin. Umalis na kami sa café at ang kotse ko ang ginamit namin.
Pakiramdam ko ay nabunutan ng tinik ang puso ko ngayon.
“Magiging ayos lang kaya ang dalawang ’yon?” tanong ni Gray.
“Magiging ayos lang sila dahil binaba na ni Tatay ang pride niya,” sagot ko naman.
“Eh tayo?”
Napatingin ako sa kaniya saglit at binalik ulit ang pansin sa kalsada. “Anong tayo?”
“Saan tayo pupunta?” napatawa ako sa tanong niya akala ko ano.
“Tayo ay pupunta sa coastal road, gusto ko mag star gazing. Palagi daw sina West at Kleo do’n eh.”
“Talaga ba? Sige do’n tayo, gusto ko rin maranasan magstar gazing kasama ang mahal ko.”
“Sus, dami mong sinasabi. Sabihin mo na lang kasi na mahal mo ako.”
“I love you, my boo.” Napatingin ako sa shotgun seat, kitang-kita ko ang matamis niyang ngiti, ngiti na lagi niyang ginagamit.
“I love you more,” sagot ko naman.
“Walang iwanan ah,” aniya.
“Baliw ka ba? Ba’t naman kita iiwan? Kung di mo ako bibigyan ng rason na iwan kita ay walang mangyayari na iwanan.”
Kinuha niya ang isang kamay ko, naramdaman ko na dinampi niya ang labi niya sa likod ng palad ko.
“Mahal na mahal kita kaya di kita bibigyan ng rason para iwan mo ako.”
I smiled to him as I nod.
I love this man who’s seating beside me, we had a long way before we ended up being boyfriends. We experienced misunderstanding, yet that misunderstanding is the key for Gray to confess his love to me and ended up we were right now. Amidst all what happened I conclude that our love story had a blissful climax.

