loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB

sojuniverse · 16 chapters · 34,219 words

Prologue

Tanging buntonghininga at irap lang sinasagot ko hanggang sa matapos kaming kumain. Ngayon, naglalakad na ulit kami pabalik sa bahay, hindi ko pa rin siya pinapansin. Nauna akong maglakad sa kaniya.

“Kleo, kausapin naman ako ng maayos. Please lang!” Ngayon lang ko lang narinig si West na nagtaas ng boses, kaya naman ay nanginig ang buong katawan ko. Napatingin ako sa gawi niya, nagsalubong ang kilay niya at sobrang talim pa ng tingin sa ’kin.

“Kung may kasalanan ako kausapin mo ako, hindi ’yong bigla-bigla ka nalang hindi namamansin at bigla kang naging galit sa ’kin. Hindi na tayo bata para sa ganiyan, kaya pakiusap.”

“Hindi ko alam kung bakit mo nasabi na kinakahiya kita. Hindi kita kinakahiya, West. Proud pa nga ako eh na may manliligaw ako na kagaya mo; na tanggap ako kahit ganito ako. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya tuwing magkasama tayong dalawa. Sobrang saya ko dahil nakatagpo ako ng taong kagaya mo. Walang dahilan para ikahiya kita, West, wala. Ang akin lang naman ay ikaw ang magiging kauna-unahang boyfriend ko ’pag naging tayo talaga. Ayoko muna sabihin sa ibang tao dahil—” sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko napansin na niyakap niya ako dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita.

“Tama na, Kleo. Ayokong marinig ang rason mo at higit sa lahat ay ayaw ko na nakikita kang umiiyak.”

Hindi ko alam na umiiyak ako sa mga sandaling ito, hindi ko man lang namalayan na umagos ang mga luha ko. “A-Alam mo, n-napapaisip ako k-kong d-deserve mo b-ba akong mahalin,” ngayon ay umagos na nga ng tuluyan ang mga luha ko. “Sobrang b-bait mo sa ’kin t-tapos…”

“Tama na, Kleo. ’Wag ka na umiyak, patawad kung nasabi ko ’yon kanina. Sorry talaga,” mahinahon niyang wika pero mas lalo akong humagulgol. “Deserve mong mahalin, Kleo. Kamahal-mahal ka naman talaga eh.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga salita ni West. One thing is for sure; I really have fallen in love with this guy. I want him, solely him.

Chapter 1: Interaction

Chapter 1: Interaction

K L E O

Ubos na ubos na ang energy ko sa araw na ’to dahil nagpunta ako sa site kung saan rene-renovate ang isang bahay, stress na stress na talaga ako. Architect ako ba’t pa ba kailangan akong sumama sa Engineer? Well, gano’n talaga ang buhay ng mga Architect, I mean hindi literal na gano’n.

Pero bago pa ’yan ay marami akong kailangan tapusin kanina sa agency; design na kailangan ko pang ipakita sa team manager, atat na atat na raw makita ng client ko ’yong design ng milktea shop niya. Kung pwede lang na sigawan ’yong client ko na marami akong ginagawa bukod sa paggawa ng design niya ay ginawa ko na talaga. Alam naman nila na hindi gano’n kadali ang trabaho ko.

Pabagsak akong umupo sa malambot na upuan dito sa bus stop, sinandal ko na rin ang likod ko sa malamig na sandalan. Kahit pagod na pagod na ako ay lakas loob kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at ni-on ito.

7:54 PM

Gusto ko na umuwi para makakain at makapagpahinga, binalik ko na ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko. Hinagkan ko na lang ang bag ko animo’y kumukuha ako ng lakas mula rito. Mga alas otso pa naman ang last trip ah, ba’t antagal dumating ng bus? Uwing-uwi na ako, please lang. Para akong nalantang pechay dito sa bus stop kung iisipin.

Nahagilap ng mata ko sa medyo malapit dito sa bus stop na may humintong sasakyan. Mula sa sasakyan ay may lumabas na lalaki; matangkad siya at pormang-porma, may itsura rin si kuya. Busy siya sa pag-type sa cellphone niya, ilang sandali lang ay nilapit niya sa tainga niya ang cellphone niya para kausapin ang nasa telepono.

Napabuntonghininga na lang ako. Ba’t antagal ng bus ko? Parang ayaw ata ako pasakayin sa bus eh. Ang mahal ng taxi, please lang.

“Hey, you looked tired,” napatingin ako sa taong nagsalita, umayos agad ako ng upo. Hindi ko namalayan na may umupo pala sa tabi ko.

Binaling ko ang tingin sa bag ko. “Yeah, I am. You seem frustrated,” sagot ko naman sa kaniya.

“Tama ka nga diyan, nakaka-stress lang kasi.”

“’Kaya ka naiistress kasi nagpapakastress ka sa mga bagay-bagay, dapat chill ka lang. Go with the flow ba,” ngayon ay binaling ko ang pansin sa taong kausap ko; ’yong gwapong lalaki pala na huminto sa di kalayuan dito sa bus stop.

Tumawa siya ng mahina. “Thanks, na-motivate ako sa sinabi.”

“I take that as compliment, mister—ay! Sa wakas dumating na rin ang bus ko!” Agad akong tumayo dahil tanaw ko na ang bus na papalapit dito sa bus stop. Finally, makakauwi na ako!

“Sasabihin ko sana na ihahatid na kita sa inyo, halata talaga na pagod na pagod ka na eh.”

“Nah, ayos lang ako mister, salamat sa concern,“hHuminto na ang bus ko na kanina ko pa hinihintay. “Mauna na ako sa ’yo. Ingat ka sa pagmamaneho, gabi na. Babush!”

Dali-dali na akong sumakay sa bus at umupo sa bakanteng upuan, nang makaupo ako ay umandar na ang bus. Sinandal ko na sa bintana ang ulo ko, iniisip ko na nasa isang pelikula ako at ako ang bida. It’s euphoric. Napaisip ako bigla; ang gwapo no’ng lalaki kanina, literal. He’s charming at simple lang siya, I mean halata sa kaniya na mayaman siya pero basta!

Anyway, sana magkita ulit kami.

∞∞∞

As usual trabaho pa rin ang inatupag ko buong araw, halos ’di na kami nagkikita ng kaibigan ko netong mga nagdaan araw, sobrang busy talaga ng linya namin. Pero dahil alagad ako ng salapi; trabaho lang ng trabaho. Maaga akong naka-out ngayon at himala ’yon. Dumiretso agad ako dito sa supermarket para mag grocery dahil ubos na ang goods ko sa bahay. Ako lang mag-isa sa bahay kaya medyo matagal rin nauubos ang grocery ko.

Habang tulak-tulak ko ang cart ko ay laking gulat ko nang may sumabay sa ’kin na hindi ko kakilala, dahil sa pagtataka ko ay agad akong napahinto at tumingin sa gilid ko. And to my surprise, it’s the guy from yesterday!

“Oh? Ikaw?”

“Yup, ako nga. Kumusta ka? Mukhang ’di ka pagod ngayon ah, ’di kagaya kagabi.”

“Yeah, naubos lang talaga ang lahat ng energy ko kahapon dahil sa trabaho.”

Wow, mas pogi pala ang lalaking to sa malapitan eh. Para siyang runway model sa isang brand ng mamahaling gamit. At ang nakakaloka pa ay mas matangkad pa siya kesa sa ’kin kaya medyo nakatingala ako sa kaniya.

“Buti naman at nakapagpahinga ka na, ’wag ka masyadong magpaka-stress sa trabaho,” aniya at sumilay pa ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya.

“Well, gano’n talaga ang alagad ng salapi kailangan kumayod para magkapera, lalo na’t may pinag-iiponan ka.”

“Kaya naman pala gano’n ka na lang ka-driven sa trabaho mo,” ngumiti na lang ako sa kaniya.

“Tapos ka na ba maggrocery? Sabay na tayo magbayad sa counter.”

“Actually, hindi pa ako tapos eh. Kakapasok ko pa lang dito sa supermarket, ’di mo ba napansin na walang laman ang cart ko?”

Nabaling ang tingin niya sa cart ko. “Hala, oo nga wala pa nga talaga. Pasensya ka na, ’di ko namalayan,” mahina siyang natawa. Ang sarap sa tainga ng tawa niya, napaka-genuine. Kapansin-pansin rin na mas nagiging gwapo siya dahil sa ngiti niyang napakaganda.

“Sige na, mauna na ako sa ’yo. Marami pa akong bibilhin na kakailanganin ko sa bahay,” napakamot na lang ako ng batok ko.

“Okay sige, mauna na rin ako sa ’yo,” isang matamis na ngiti ulit ang pinakawalan niya bago siya umalis sa harap ko tulak-tulak ang cart niya.

Sinabi ko lang sa isip ko kahapon na sana magkita ulit kami at nagkita nga talaga kami, it’s just a coincident. Nabalik ang atensyon ko sa reyalidad ng biglang nag ring ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko kaagad ito at tinignan kong sinong tumatawag at sinagot ito.

“Hello—”

“’Wag mo ako ma hello-hello diyan, Kleo Madrigal! Kanina pa ako nag-aantay dito sa café!”

“Friend, chill ka lang. Alam ko na hindi mo narinig ang sinabi ko na mago-grocery muna ako ngayon.”

“Alam mo naman na busy ako sa paggawa ng plates ko eh, sira ulo ka.”

“Oo na, bye na. Mamimili muna ako bago ako pupunta diyan,” pinatay ko na kaagad ang tawag, alam ko na nanggagalaiti na sa galit ’yong kaibigan ko dahil binabaan ko siya. Well, kaibigan naman kami, so okay lang.

“Ba’t antagal mo dumating? Baklang ’to,” bungad na wika ni Alec ng makaupo ako sa tapat ng inuupuan ni Alec.

“Hala malamang marami akong binili at mahaba ang pila sa counter para magbayad.”

“Oo na, pasalamat ka mahal kitang bakla ka. Order ka na kung anong gusto mo.”

“’Wag na, Alec. Busog ako eh kumain ako ng corndog kanina.”

“Buti naman para hindi na mabawasan ang pera ko,” tinawanan niya lang ako.

“Sobrang busy natin these past few weeks at ngayon lang tayo nagbonding ulit,” wika ko para ibahin ang usapan.

“Well, gano’n talaga Kleo. By the way, how are you? I saw you yesterday and you looked really really exhausted,” sumimsim na siya ng paborito niyang inumin dito sa paborito naming café.

“Yeah, andami kong ginawa kahapon pero medyo nakabawi naman na ako ng energy.”

“I see, gano’n din ako eh. Nakakainis ’tong client na sobrang arte.”

“Sa true. Anyway, may naka-interact ako kahapon na lalaki do’n sa bus stop tapos kanina nagkita ulit kami. Gwapo siya, literal at matipuno ang pangagatawan halatang batak sa gym.”

“Kaso…”

“Straight,” tugon ko naman.

Palagi na lang talaga kami ni Alec nagka-crush sa mga straight guys, since we were on our college years. I mean, si Alec nagkajowa naman siya noon at ako rin naman kaso laro-laro lang. Until now, wala pa rin akong naging karelasyon na seryoso talaga. Kung tutuusin ayos lang naman sa ’kin, wala namang mawawala kung wala akong bofriend eh.

“Pero if that guy is gay or bisexual, hindi ka rin papatulan. You know, typical stereotype ng mga gays is ayaw nila sa feminine gays, they are more on masculine. Ayaw nila sa halata sa madaling salita.”

“Edi bahala sila sa buhay nila. Kung may tatanggap sa ’kin na feminine ako; edi okay, kung wala edi okay lang din. Mas maganda nga ’yon eh kasi makakapagfocus ako sa sarili ko na walang iniisip na ibang tao.”

“Ang lalim no’n friend ah, based on experience ba ’yan?”

“Sira ka bakla ka. Tigil-tigilan mo ako ah, baka masampal kita diyan.”

“Sabi ko nga, tara na nga uwi na tayo. Sa bahay mo na lang ako magdi-dinner para naman makapagcatch-up tayo, ’di ba?” tinaas-baba pa niya ang kilay niya.

Isang mukhang walang emosyon ang sinagot ko sa sinabi niya. Alam ko puro chismis ang pag-uusapan namin sa bahay ko, alam ko na ’yan.

“Sige na Kleo, parang di ka sa bahay kumakain minsan ah.”

“Sabi ko nga, effective ang pamba-blackmail mo bakla ka!” Tinawanan niya lang ako at nauna na siyang tumayo, tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya sa parking lot. Sumakay na kaming pareho sa sasakyan ni Alec at pinaharurot ito pauwi sa Arcoíris Subdivision.

“Good morning, Sir Zack,” pagbati ko sa team manager ng Architecture department. Hindi pa ako tapos sa mga ginagawa ko kaya nagpunta ako dito sa opisina para kausapin siya ng personal.

“Hi there, Kleo. What brings you here?” tanong niya kaagad nang binaba niya ang papel na binabasa.

“Pwede po ba Sir na kayo muna ang pumunta sa site? Hindi pa kasi ako tapos sa paggawa ng design ko eh, pwede ba ’yon, Sir?”

“Pansin ko rin, Kleo. Pagkatapos no’ng pinasa mo sa ’kin no’ng isang araw ay nasundan agad ang trabaho mo, pero sige ako na muna sa ngayon. At pagkatapos mo sa design mo ay umuwi ka kaagad ah, alam kong pagod ka na,” ani Sir Zack, hulog talaga ng langit itong team manager namin.

“Mga three ng hapon daw po ang pagbisita niyo,” sabi ko.

“Okay Kleo, noted. Sige na tapusin mo na ang ginagawa mo,” ngumiti rin naman agad siya sa ’kin.

“Sige po, Sir. Salamat po talaga ng marami!”

“You’re welcome,” sagot naman niya kaya dali-dali na akong lumabas ng opisina at tinahak ang daan papunta sa opisina naming mga Arki.

Pagpasok ko sa opisina ay dumiretso agad ako sa working station ko at nagsimula na sa trabaho ko. Mukhang matatapos ko na ’tong design ko ngayong araw na ’to—hopefully.

Ginawa ko na ang ilang araw ko nang tinatrabaho dahil sa client ko na sobrang metikuloso sa design. Nakailang revise na ako sa gawa ko dahil nga sa ayaw ng client ’yong ganito-ganiyang design. Pero kailangan ko magtimpi baka mawalan ako ng trabaho ’pag sinagot-sagot ko pa ang client ko. Hindi ako si Alec na kayang mag-handle ng ganiyang sitwasyon. Speaking of Alec, busy rin si bakla. Ewan ko kung saan siya ngayon.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay pumasok ako sa opisina ng dalawang team manager, pero pagdating ko sa opisina ay wala na si Sir Jian. Nagpunta na ata ’yon sa site, ibig sabihin ay alas tres na ng hapon? Sobrang bilis talaga ng oras ’pag may inaatupag ka. Inilapag ko na sa table ang drafting paper na sinulatan ko ng design ko, lumakad na palabas at tinahak ang daan pababa ng opisina.

“Imma get some drinks,” ani ko sa sarili ko ng makalabas ako ng agency at tinahak na ang daan papunta sa café na paborito namin ni Alec.

Nag-order ako ng caramel macchiatto at spaghetti.

Muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat ko ng may taong biglang umupo sa kabilang upuan na kaharap ng inuupuan ko. “Hi there,” dahil sa gulat ay hindi agad ako nakapagsalita kaya sinimangutan ko lang ang tao na nasa harap ko. “You seemed surprise, mister.”

“Ah—Ahm—Yeah! I mean, yes! I—I didn’t expect you here.”

“Me either. Just kidding, I was just walking around and it so happened that I saw you in this café.”

“Ah gano’n ba, gulat na gulat ako ng biglang may taong umupo sa kabilang upuan.”

“Oh, pasensya ka na,” mahina siyang natawa, actually, walang nakakatawa sa ginawa niya. “Naka-order kana ba—”

“Here’s your order Sir Kleo,” nilapag na ng barista ’yong order ko na caramel macchiatto at spaghetti. “Enjoy Sir Kleo,” ani ng barista.

“Hi, can I get cheesecake please?” ani ng lalaki sa barista.

“Okay Sir.”

Ngumiti naman siya sa barista at bumalik na ang barista.

Sinumulan ko na kainin ang spaghetti ko, ewan ko talaga kung bakit sobrang sarap ng spaghetti nila dito. Kaya lagi namin binabalik-balikan ang café na ’to. Napakaganda ng interior design at sobrang sarap pa ng mga dessert nila.

“Sarap na sarap ka sa kinakain mo, Kleo ah.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan ko mula sa kaniya. “P-Paano mo nalaman a-ang pangalan ko?”

Mahina siyang natawa. Shit! Pwede ba ’wag na siyang tumawa kasi nagagandahan talaga ako sa tawa niya. “Well, sinabi ng barista kanina,” he shrugged his shoulders.

Medyo tanga ka sa part na ’yon Kleo.

“O-Oh, sabi ko nga,” hindi ko na siya pinansin at kumain na lang.

“Kleo… ang cute naman ng pangalan mo, bagay sa ’yo na cute rin.”

Napatigil ako sa pag kain ko dahil sa sinabi niya. I am… cute?

“Woah! What’s with that look? Para kang—”

“Is that a compliment or what?”

“It is a compliment, ’cause you are really cute. What..? You don’t believe me?” kitang-kita ko sa mukha niya na nagtataka siya.

“No.”

“Oh, that hurts!” Nilapat niya sa dibdib niya ang palad niya as if nasasaktan siya. “You know, ’pag tatlong beses na raw na nagkita ang taong hindi magkakilala ay destiny na raw ang may gawa no’n.”

I frowned at him. “Baliw.”

“Wala namang masama kung maniwala ka eh, ’di ba?”

Hindi ako umimik at tinignan ko lang siya at gano’n rin siya sa ’kin.

“I’m West Ryle Barcelo,” nilahad niya ang kamay niya para makipagkamay.

“Kleo Madrigal,” sagot ko at tinanggap ang kamay niya. Sobrang lambot ng palad ng lalaking ’to, para bang nakikipagkamay sa bulak dahil sa lambot.

“Nice to meet you, Kleo.” Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni West.

I know he has a face and money, but that doesn’t change the fact that this guy is fucking straight. Moreover, this is indeed our third time interacting and I have a bad feeling. I don’t know what it is, but time will only come and reveal it to me.

Chapter 2: West Ryle Barcelo

Chapter 2: West Ryle Barcelo

K L E O

“I’m West Ryle Barcelo,” nilahad niya ang kamay niya para makipagkamay.

“Kleo Madrigal,” sagot ko at tinanggap ang kamay niya. Sobrang lambot ng palad ng lalaking ’to, para kang nakikipagkamay sa bulak dahil sa lambot.

“Nice to meet you, Kleo,” isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni West.

I know he has a face and money, but that doesn’t change the fact that this guy is fucking straight. Moreover, this is our third time interacting and I have a bad feeling. I don’t know what it is, but time will only come and reveal it to me.

“It’s not nice for me to meet you,” sarkastikong tugon ko sa kaniya.

“Aray naman, pangalawang beses mo na nasaktan ang puso ko,” tinuro pa niya kung saan ang puso niya.

“Ang OA mo, bakla ka ba?”

“No, I’m not!” Pasigaw na tugon niya. Nagtatanong lang naman ako ah, defensive?

“Chill ka lang boy, nagtatanong lang ako. I think you’re gay—i mean, a closeted… gay.” I think I went overboard on this.

Napahilot siya sa sintido niya dahil sa frustration dahilan par mapahagikhik ako sa itsura niya.

“I’m not gay, okay? I’m a bisexual guy,” now, I’m not convinced. Wow, he just outted himself to me.

“Oh okay, good for you.”

“You don’t seem convinced on what I just said,” napasandal na lang siya sa kinauupuan niya.

“What about it? We’re not even friends and I don’t care either.”

“Oh right, we’re not friends. We’re just acquintance,” nagpakawala siya ng mapakla na tawa.

“Here’s your cheesecake, Sir.” Ani ng barista kaya naman ay nilapag na niya ito sa lamesa, “mukhang malalim ang pinag-uusapan niyo Sir ah… LQ?” Tanong niya kay West at ang loko ay tawang-tawa habang nakatakip ang kamay sa bibig niya. Napatingin sa ’kin ang barista na halata na kinikilig sa nakikita niya.

“Alam ko na bago ka lang dito sa café na ’to, mister. Kaya naman ay umalis ka na bago ko ibuhos sa ’yo ang caramel macchiatto sa mukha mo,” isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya kaya naging dahilan para mawala ang kilig niya.

“S-Sorry p-po,” pagkatapos ay umalis na siya sa table namin.

Isang matalim na tingin ang binigay ko ngayon sa taong kaharap ko. “Ang harsh mo naman sa barista tsaka nakakatakot ka pala, Kleo.”

“I’m a good person after all. Anyway, nawalan na ako ng gana kumain dahil sa ’yo kumag ka,” aakmang tatayo na sana ako nang bigla siyang nagpakawala ng nagtanong.

“Where are you going?”

“Uh, I have work.”

“Trabaho? Ano ba trabaho mo?” Napakurap-kurap ako sa tanong niya.

“Bakit?”

“W-Wala l-lang just c-curious,” pautal-utal na tugon niya sa tanong ko.

Is he unemployed?

“I’m an Architect at Martinez’ Engineering and Architecture Services.”

“YOU ARE?!”

Agad na nabaling sa ’min ang pansin ng ibang mga customer at lalong-lalo na ang mga barista dito sa loob ng café dahil sa pagsigaw ni West. Nakakahiya ang ginawa niya, shit!

“Ano ka ba! Hinaan mo ’yang boses mo! Nakakahiya ka!” Nilagay ko sa gilid ng mukha ko ang palad ko dahil sa kahihiyan.

Tinawanan pa ko ng kumag. “Sorry naman, nagulat lang ako eh. Anyway, sige na balik ka na sa trabaho mo.”

Dali-dali na akong tumayo at binitbit ang caramel macchiatto ko. “Kainin mo na lang ’yang spaghetti para sa ’kin, salamat.” Pagkatapos kong sabihin ’yon ay dali-dali na akong umalis sa table namin at lumabas na ng café.

Hayop na bading, nadamay pa ako sa kahihiyang ginawa niya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Gano’n ba naman ka-gwapo ang kausap mo, jusko baka mapunit ’yang panty mo.

Marami pa akong kailangang asikasuhin sa opisina, mamaya na ako lalandi. Nasa’n na ba si Alec Martinez para makapag-usap na kami sa mga nangyari ngayong araw na ’to.

∞∞∞

“Busog na busog ako, friend. Grabe ang sarap ng ulam ngayon sa cafeteria,” wika ko habang hinimas-himas ang tiyan ko.

“Ako rin eh, grabe talaga.”

Naupo kaming pareho ni Alec dito sa sofa ng lobby.

“Inaantok tuloy ako, friend.” Natawa na lang ako sa sarili ko. Himala talaga at sabay kaming naglunch ni Alec ngayon dahil bakante ang araw namin ngayon.

“Baboy lang, Kleo?” Mas lalo akong natawa sa tanong ni Alec. Ang swerte ko talaga na kaibigan ko si Alec na anak ng CEO nitong agency. Well, nagkakasundo naman kami halos sa lahat ng bagay at never pa kami nag-away like totoong away talaga. Inaasar ko siya tapos minsan ako naman ang inaasar niya at nagsusumbong kaagad ako sa Tatay niya. Syempre, si Alec ang pinagsasabihan.

“Balita ko may bagong salta ang Team Engineer,” pag-iiba ng usapan ni Alec.

Agad akong napatingin sa gawi niya na may halong pagtataka. “Talaga? Pa’no mo—ay, malamang si Ate Maye or si Tatay mo ang nagsabi—”

“Speaking of the devil, mukhang siya nga ang sinabi ni Ate Maye sa ’kin kaninang umaga,” sinundan ko ng tingin kung saan nakatingin si Alec.

’Di kalayuan sa inuupuan namin ay may isang matangkad, may itsura at matipuno na lalaki na nakasuot ng formal attire ang naglalakad kasama ang  dalawang higad—este mga babae na Team Engineer rin siguro. Teka, parang pamilyar sa ’kin ang pangangatawan na ’yon, parang nakita ko na siya. Papunta sila sa cafeteria ng agency.

Nagsalubong agad ang kilay ko. “Is that… West?”

“Sinong West uy?” tanong naman ni Alec. Napatingin ako sa gawi niya at gano’n rin siya. “Ba’t ka nakasimangot diyan? Kilala mo ’yong lalaki?”

No fucking way. He’s an… engineer?

“Kinda.”

“Ex-boyfriend mo?”

“No,” I said in a whisper.

“Suitor?” Kitang-kita sa mukha ni Alec na naguguluhan siya naging reaksyon ko at mga sagot ko.

“Kung siya lang naman ang magiging manliligaw ko, jusko, ’di pa siya nanliligaw sasagutin ko na siya.”

Napahilot ng sintido si Alec. “Ayan ka na naman sa pagiging delusional mo.”

“Actually, siya lang naman ang sinabi ko sa ’yo no’ng nakaraan na nakainteract ko sa bus stop at nagkita ulit kami sa supermarket.”

“Wow, I think you guys are destined to meet each other or destined to be together.”

“At ang panghuli naming pagkikita ay kahapon lang sa café na paborito natin!”

Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mukha ni Alec. “Talaga?”

“And friend, he’s bisexual!”

“Oh,” pinagkrus ni Alec ang braso niya. “Interesting.”

“Tsk. Mauna na ako sa ’yo, friend. May meeting pa ako about sa new project ko,” tumango-tango lang si Alec bilang sagot, kaya tumayo na ako at tinahak ang daan papunta sa opisina naming mga architect.

That West guy is kinda weird. Well, ayoko mag-assume pero parang sinusundan niya ako eh. And to think that he’s an engineer! For fuck’ sake. Ibig sabihin ay may posibilidad na darating ang panahon na magkakasama kami sa trabaho?! I mean, like, kung natanggap siya dito sa agency bilang engineer ay dapat pinakilala na agad siya ni Sir Jian, pero wala! Wait, what the hell am I thinking right now? I’m exaggerated.

“Meeting adjourned,” ani Sir Jian. Inayos ko na ang mga papeles ko tsaka ako tumayo, dali-dali na akong umalis na sa conference room, gano’n ang ibang engineer na kasali sa project. Engineers play a major role in this field, while Architect are liable more on engineer. Architect is more on designing and constructing  the space, ambiance of a building and so on. Kumbaga, nagtutulungan kami para sa isa’t isa.

Tinahak ko na ang daan papunta sa opisina naming mga architect, busy ang ibang tao sa opisina ’yong iba ay nagbabasa lang ng magazine. Nilagay ko na sa  table ko ang mga papeles ko at umalis na naman. Gusto kong magpahangin muna bago umuwi, medyo matagal na rin kasi na hindi ako nakapunta sa rooftop ng agency. Sa aming dalawa ni Alec ako palagi ang nagpupunta dito, ewan ko ba sa baklang ’yon.

Pinihit ko na ang pintuan pabukas at isang napakagandang paglubog ng araw ang bumungad sa ’kin. Isang araw na naman ang natapos, panibagong araw na naman ang haharapin. Lumakad ako papalapit sa railings, dinama ko ang simoy ng hangin dito sa pwesto ko. Hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa nakakarelax ang pakiramdam ng hangin na dumadampi sa balat ko.

“Wow, ang ganda ng sunset ah!”

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Isang matalim na tingin ang binigay ko sa taong nagsalita sa likod ko. Feel na feel ko ang moment dito sa rooftop tapos may taong bigla na lang nagsalita.

“Oh? Kleo? Ikaw pala ’yang nakatalikod,” tumawa pa siya habang papalapit sa pwesto ko. “Hala, ba’t ganiyan  ka makatingin sa ’kin? May nagawa ba akong masama sa ’yo?”

“Oo, meron!” pasigaw na tugon ko nang makalapit siya sa ’kin.

“Huh? Anong ibig mo’ng sabihin eh kakarating ko lang—”

“Manahimik ka na lang West for heaven’s sake!”

Nagkibit-balikat siya at tinuon ang pansin sa papalubog na araw. “Ang ganda ng view dito, buti na lang talaga at nagpunta ako rito,” aniya at ngumiti pa siya.

“Hoy.”

Napatingin siya sa gawi ko. “Hmm?”

“Anong ginagawa mo rito sa agency?”

“Ah, dito na ako magta-trabaho simula bukas,” sumilay ang matamis niyang ngiti sa mukha niya. “Hindi mo ba ako iwe-welcome?”

“Hindi,” wika ko.

“Ouch naman, pero ayos lang. Bukas ay ipakikilala naman ako ni Sir Jian sa inyo mga architect,” ngumiti na naman siya, masayahing tao pala ’tong si West at ngayon ko lang napansin. At bagay sa kaniya ang ngumingiti, mas lalo siyang pumopogi at nagiging maaliwalas ang istura niya.

“Alam kong nagtataka ka, pero nakapasa ako sa board exam for Civil Engineers for Licensure Examination. At ayon nga palaboy-laboy muna ako sa city kasi ine-enjoy ko muna ang sarili ko.”

“Wow, kaya pala kung nasaan ako ay ando’n ka rin.”

“Well, it’s just purely coincidence.”

“Yeah, I know. So, bakit mo naisipang dito mag-apply?” Curious lang naman ako kasi sa dinami-rami ba naman ng agency ang pwede niyang apply-an eh dito talaga.

“I applied because… of you, Kleo.”

Nabingi ako salitang binitawan niya. “A-Ano? Pakiulit nga.”

“Sabi ko, nag-apply ako dito dahil sa ’yo kasi gusto ko ikaw ang architect ko para sa project na gagawin natin if ever,” salaysay niya. Ang babaw ng rason niya para dito siya magtrabaho sa agency.

“’Wag mo sabihin sa ’kin na ’yan ang sinagot mo sa interview mo…?”

Ang sumunod na nangyari ay bumuhakhak lang siya ng tawa, habang ako ay naguguluhan sa nangyayari, hindi ko siya maintindihan.

“You’re so cute, alam mo ’yon?” tumawa na naman siya. Ano ba ang nakakatawa? “Kidding aside, but yeah.”

Isang mapakla na tawa ang tugon ko.

“What?”

“Are you kidding me, West?”

“No, I’m not. Why would I do that?”

I smirked. “I don’t fucking know either.”

“Hey, I’m sorry. I was just joking around, yeah?” he reached for my shoulder.

I moved away from him a little. “Your joke is not funny.”

“Look Kleo, I’m sorry. Gusto ko lang na patawanin ka.”

Hindi na ako nag-aksayang sumagot sa paliwanag niya, dahil do’n ay umalis na ako sa pwesto ko.

“Kleo, sa’n ka pupunta?”

Hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy lang ako sa paglalakad paalis sa rooftop.

“KLEO! I’M SO SORRY!” Pasigaw na wika niya pero hindi ako nagpatinag sa sinabi niya at nagpatuloy lang sa paglalakad paalis.

Pagdating ko sa opisina namin ay naabutan ko si Alec na inaayos ang table niya.

Napatingin sa ’kin si Alec na punong-puno ng pagtataka sa mukha. “Kleo, ba’t ganiyan ang mukha mo? May problema ka ba?”

Napahilot ako sa sintido ko. “He’s conceited, like literally.”

“Sinong tinutukoy mo, bakla?”

“That West guy!”

“W-What happened? I… I don’t understand.”

Sinalaysay ko ang mga nangyari sa rooftop mula sa umpisa hanggang sa dulo. Hindi ko alam kung ba’t pa ba ako nakikipag-usap sa taong weirdo na ’yon.

“Maupo na nga muna tayo,” sumunod ako sa sinabi ni Alec.

“Bakla, you’re just overacting on what he said.”

“So, ako pa ang masama dito…?”

He sighed. “No, what I mean is gusto ka lang niyang patawanin, ’yon lang. Anong masama ro’n?”

“’Yon na nga eh!”

“Oh? Bakit ka galit sa kaniya?”

“H-Huh? E-Ewan potangina! Hindi ko alam, Alec.”

“Gusto mo siya, ’no?”

“ANO?!” Dahil sa sigaw ko ay pinagtitinginan tuloy kami ng mga kasamahan namin dito sa opisina.

“Hinaan mo boses mo, bakla ka. Pero gusto mo talaga si West…?”

“For heaven’s sake, Alec. No! I don’t like him! My ghad!”

“Ba’t ganiyan reaksyon mo?” Isang nakakalokong ngiti ang nakita ko sa mukha ni Alec.

“Really Alec?” I rolled my eyes to him, he just laughed at me.

“Someone’s inlove with a bisexual guy,” he added.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako nagalit sa kaniya. Ibig kong sabihin ay, ang pangit niya mag-joke hindi naglanding. Pero bakit nga ba ako nagalit? Bakit?

Chapter 3: Divirginize

Chapter 3: Divirginize

K L E O

Hindi ko feel ang pumasok ngayong araw na ’to kasi nanlalata ako dahil sa stress. Gusto ko sana magpahinga ngayong araw na ’to pero kaya ko pa naman. At isa pa, tapos naman na ako sa parte ko bilang architect at kung may tanong sa ’kin ’yong engineer patungkol sa gawa ko pwede niya akong kausapin.

“Ang aga-aga Kleo ang pangit mo,” bungad na wika ni Alec ng makaupo ako sa upuan ko dito working station ko.

“Kulang ako sa tulog, bakla.” Sagot ko naman sa kaniya.

“Edi sana umabsent ka na lang.”

“Well, kaya ko pa naman eh. At ako lang naman mag-isa sa bahay, nakakabaliw ang katahimikan.”

“Sus, gusto mo lang magtrabaho eh dahil kay West,” sinundot-sundot niya tagiliran ko.

“Hindi ka nakakatuwa, friend. Tigil-tigilan mo ako sa mga pinagsasabi mo,” tinawanan lang ako ni bakla.

Biglang nabaling ang atensyon naming mga architect ng biglang pumasok si Sir Jian sa opisina namin. “Good morning, architects. We have a new engineer, and he said that he applied in our agency because of Kleo,” napatingin sa ’kin si Sir Jian. “Totoo ba, Kleo?”

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Sir. So, totoo nga talaga ang sinabi ni West kahapon? May bakla talaga ang malilintikan sa ’kin.

Tumawa lang si Sir Jian at nagsalita ulit. “Anyway, so much for that. This is West the new hired engineer in our agency,” nakita naming lahat na pumasok sa loob ng opisina si West.

He’s smiling widely at us. “Hi everyone, I’m West Ryle Barcelo, just call me West or love. Nice to meet you all.”

Nakita kong kilig na kilig ’yong mga babaeng architect ng magpakilala si West.

“Ayos ka lang ba, Kleo? Ba’t nagsalubong ang kilay mo na nakatingin sa mga girlalo na mga architect?”

Agad akong tumingin kay Alec. “Shut up.”

Mahinang natawa si Alec. “Selos ka, friend?” Hindi na ako umimik pa at binaling ko na lang ang tingin ko kay West.

Now West, I’m wondering what’s running in his mind right now that he introduced himself to us.

“You guys are lucky if you could work with West, you know this guy is handsome, kind and a board exam passer.” Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ni Sir Jian. “Anyway, West iiwan muna kita kay Kleo, alam ko na kilala mo na si Kleo kaya siya na muna ang bahala sa ’yo. Kung gusto mo mag-tour dito sa agency or may tanong ka, si Kleo na ang bahala, okay?” Tinapik ni Sir Jian ang braso ni West at umalis na siya. Nagpasalamat pa si West ng makatalikod na si Sir Jian.

Agad na lumapit sa kinaroroonan ko si West na may ngiti sa labi. Grabe, feeling ko hindi siya marunong magalit. “Hi Kleo, it’s nice to see you again,” aniya.

“Sorry, I don’t feel the same way,” pinagkrus ko ang braso ko.

“Grabe ka talaga sa ’kin, Kleo. Ganiyan ba ang epekto mo sa ’kin?”

“Get a room guys,” ani Alec kaya napatingin kaming dalawa ni West sa kaniya.

“Oh, hi there mister,” nilahad ni West ang kamay niya kay Alec.

“Alec Martinez,” tinanggap naman ni Alec ang kamay ni West at nagkamay sila.

“Nice to meet you, Alec.” Isang ngiti agad ang sumilay sa labi niya.

Oh, he treat all people the same. I should’ve known that in the first place.

“My pleasure,” ngumiti rin naman si Alec.

“West, come with me.” Agad akong tumayo at lumabas ng opisina. May kailangan siyang ipaliwanag sa ’kin, hindi pwede na ipagpabukas pa ’to dahil mababaliw talaga ako dahil dito.

Nang makarating ako sa rooftop ay hinarap ko kaagad ang isang lalaking may matikas na pangangatawan at may magandang mukha. Para siyang tuta na iniwan ng amo niya dahil sa itsura niya ngayon.

“Bakit mo gusto makipag-usap sa ’kin, Kleo? May nasabi na naman ba akong masama?” Gusto kong tumawa dahil naku-cute-an ako sa itsura niya ngayon, ang laki ng katawan tapos naka-pout pa. “Nagseselos ka ba kay Alec?”

Agad akong napahilot ng sintidio ko, mukhang mas lala pa ang stress ko ngayon. “Matalik na kaibigan ko si Alec, ok? At ba’t naman ako magseselos? Wala namang tayo ah.”

“Wala pa sa ngayon—”

“’Sabihin mo nga sa ’kin,” sumeryoso rin ang mukha niya habang nakatingin sa ’kin, “’yon ba talaga ang sinagot mo sa interview mo?”

“Sinabi ko naman sa ’yo ’di ba na hindi, ayaw mo maniwala sa ’kin.”

“Eh, ba’t gano’n ang sinabi ni Sir Jian kanina?”

“Biniro ko lang siya eh, ewan ko sa kaniya kung ba’t gano’n ang sinabi niya,” niyuko niya ang ulo niya.

“Ba’t ka ganiyan?”

Nakayuko pa rin ang ulo niya. “Eh kasi hindi ko pa rin limot ’yong pag-walk out mo kahapon eh, tapos galit na galit ka pa sa ’kin. Sorry.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napatawa ako, nakita ko na agad na tinaas niya ang ulo niya. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko.

He looked clueless as he stares at me. “Why are you laughing?”

“I did not.”

“You did, don’t lie to me.”

“I said, I did not.”

“Yeah, sabi mo eh. Ayoko na makipagtalo sa ’yo, panigurado matatalo mo lang naman ako. Anyway, why do you want to talk to me?”

His question caught me off guard, why do I want to talk to him in the first place? I’m going paranoid. “Ah… just—”

“You know what, you looked stressed. Ang dami mo sigurong trinabaho ’no?”

Biglang kumati ang batok ko. “Marami nga, ’di na nga sana ako papasok ngayong araw eh.”

“Oh, I see. Mahirap naman talaga ang trabaho mo bilang architect.”

“Wala namang trabaho na hindi mahirap eh, at isa pa, mahirap talaga kumita ng pera ngayon na ang taas ng inflation sa bansa.

“May punto ka nga. Anyway, baka gusto mo na sa condo ko magdinner…?”

Bigla kong naramdaman ang puso ko na kumakabog ng sobra. “H-Huh? I mean…”

“’Wag ka mag-inarte diyan, pumayag ka na. Since, ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako nag-apply dito sa agency, I just want to you know… give my gratitude.”

“Anong gratitude pinagsasabi mo diyan baliw ka, ’di mo ako madadala sa ganiyan pero sige pupunta ako.”

“Sus, dami pang sinabi pupunta rin naman,” hindi ko mapigilang tumawa dahil sa mga pinagsasabi ko. Mabait naman na tao si West eh, palangiti, gwapo, may kotse at higit sa lahat malaki ang ano… puso niya.

Ngayon lang ako naka-encounter ng lalaki na kagaya ni West. Sa ilang beses na nag-interact kami ni West ay nakikipag-usap pa rin siya sa ’kin, I mean, kapag kasi may mga bakla o bisexual akong nakakausap is nilalayuan nila agad ako lalong-lalo na sa kilos kong malambot. Ayaw nila sa baklang halata, gusto nila is discreet na kagaya ni Alec. Kaya dati pa ay hanggang talking stage lang, ’di kami nagkakatuluyan.

∞∞∞

“Alec, mauna na ako sa ’yo ah. May pupuntahan kasi ako eh,” wika ko kay Alec habang inaayos niya ang bag niya.

“Sus, palagi ka namang ganiyan eh, minsan ka lang sumabay sa ’kin. Bumili ka na kasi ng car ’di ’yong lagi kang nagko-commute,” aniya. Eto na naman kami sa car na ’yan.

“Alam mo, marami akong kailangan paggastusan ng pera at isa pa wala pa sa plano ko ang bumili ng kotse kaya please lang, alis na ako. Bye,” hindi ko na inantay ang sagot niya kaya dali-dali na akong lumabas ng opisina ko, tinahak ko na ang daan papunta sa parking lot ng agency.

Pagdating ko sa parking lot ay naabutan ko si West na naglalakad papunta sa kotse niya. “West!” Pasigaw na tawag ko sa pangalan niya dahilan para mapatingin siya sa ’kin.

Huminto siya sa paglalakad. “Oh? Ikaw pala, Kleo. Tatawagan na sana kita eh, buti na lang at andito ka na.”

Lumapit na ako sa kaniya. “Yeah,” sagot ko naman.

“Let’s go?” Isang ngiti lang ang sinagot ko. Pumasok na kami sa kotse niya at nimaniobra na niya ang sasakyan paalis ng agency.

Nang nasa kalsada na kami ay tahimik lang kaming dalawa. Pagod na pagod talaga ako kahit na wala naman ang ginagawa sa opisina kundi ang magbasa ng magazine. Si West naman ay focus lang sa pagmamaneho habang pasulyap-sulyap sa ’kin.

“Alam mo, Kleo. Napansin ko na may kahawig si Alec,” pagbasag ni West sa katahimikan.

“Si Alec kasi ay anak ng CEO ng agency, hindi mo ba napansin ang last name ni Alec?”

“Ay! Kaya pala Martinez ang last name niya at kapansin-pansin talaga ang pagkakahawig niya sa CEO dahil anak pala siya ni Sir Wade!” Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkamangha dahil sa nalaman niya, ganiyan na ganiyan ang reaksyon ng mga tao ’pag nalaman nila na anak ng CEO ng agency si Alec. Na-immune na ako sa mga ganiyang reaksyon kaya balewala na sa ’kin ’yon.

“Exactly.”

“Wow, ang cool naman niyan.”

“Yeah.”

“Ang mabuti pa, Kleo matulog ka na muna saglit at gigisingin na lang kita ’pag nakarating na tayo,” aniya habang nakatuon pa rin ang pansin sa kalsada.

“Okay lang ako, ’wag mo akong alalahanin,” hindi na siya nagsalita pa kaya ako naman ay sinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan.

Hindi ko maiwasang isipin na ang swerte ng magiging girlfriend o magiging boyfriend ni West. Bihira lang ang lalaking kagaya ni West at sana naman kapag nagkarelasyon siya ng seryoso ay hindi siya lokohin. Sayang lang ang kabaitan niya na pinapakita niya sa girlfriend o boyfriend niya.

Sigh. Ano ba ’tong mga iniisip ko? These past few days ay panay ang compliment ko sa taong ’to, baka lumaki pa ang ulo niya if ever na malaman niya ang mga iniisip ko. At bakit ko ba siya iniisip, hayop! Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

“Stop staring at me, Kleo. I know I’m your type,” napabalik ako sa matinong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni West na nagsalita.

“Hah! Sa susunod kung magjoke ka, ’yon namang nakakatawa, okay?” Hindi ko napigilan na umirap sa kaniya.

Bumuhakhak lang ng tawa si West. “Ba’t ka kasi ganiyan makatingin sa ’kin, gusto mo ako ’no? Sus, ’wag ka na magdeny diyan, Kleo. Ayos lang naman sa ’kin na magkagusto ka kasi mabait ako at pogi pa,” salaysay pa niya.

“Teka lang biglang humangin dito ah,” sarkastikong sagot ko sa kaniya. May pagkamahangin pala itong pogi na ’to eh.

“Eto naman ’di mabiro eh, nakakarami ka na talaga sa ’kin.”

“Hala, binilang mo talaga lahat ng mga sinabi ko sa ’yong masasakit?”

“’Di naman,” aniya. Bumalik ulit sa tahimik ang biyahe kaya hindi na rin ako nagsalita pa. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa parking lot. Lumabas na kaming pareho sa sasakyan at tinahak na ang daan papunta sa unit ni West. Nang makarating kami sa labas ng unit ni West ay ni-unlock niya ang pintuan gamit yung pass code, pumasok na kaming dalawa sa loob.

Simple lang ang unit ni West at sakto sa dalawa o tatlong tao, wala siya masyadong gamit. Napakaluwag ng unit ni West, parang gusto ko tuloy dito na tumira. ’Di kagaya sa bahay ko na ako lang mag-isa tapos may second floor pa at nakakabingi ang katahimikan.

Naupo agad ako sa malambot na couch. Si West naman ay nasa kwarto niya para magbihis.  “Ang ganda ng condo unit mo, West. Simple lang pero maganda.”

Nakita ko siyang lumabas ng kwarto niya na naka sando na kulay itim at naka pajama na. Kitang-kita ko ang tiyan niyang mabato, pati na rin ang braso niyang maskulado. At ang bukol niya sa baba, mukhang malaki—

“Ano tinitingin-tingin mo diyan, Kleo?”

Agad akong napatingin kay West. May ngiti siyang nakakaloko sa mga labi, may tingin pa siya sa ’kin na para bang may masamang binabalak. Pakiramdam ko ay napako ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa titig niya.

“W-Wala West,” nauutal ako habang nakatingin sa kaniya at napapalunok ako.

“Why are looking down at my crotch, Kleo? You want him?”

“W-West…”

“Why are you stuttering, huh? Are you afraid of my friend down there?”

Hindi ko na mahanap ang boses dahil sa mga sinabi niya. Shit! Mukhang dito na matatapos ang mga araw nang pagkabirhen ko. Sana pala talaga hindi na lang ako sumang-ayon sa kaniya na dito ako magdinner, mukhang mapapalaban pa ako. Kung si West lang rin naman ang makakabinyag sa ’kin, edi ang swerte ko naman. May itsura, malaki ang pangangatawan at mabait ang makaka-divirginize sa ’kin!

Chapter 4: Mental breakdown

Chapter 4: Mental breakdown

K L E O

“KLEO!” I jerked when I heard someone’s voice and turned to him quickly.

“Y-Yeah?”

“You dozed off and you looked pale, ano ba nangyayari sa ’yo?”

“H-Huh?” nilapat ko kaagad ang daliri ko sa labi ko, wow ang lamig ng labi ko. “Ah, wala. Sige na, magluto na tayo, West. Nagugutom na rin kasi ako eh,” wika ko sa kaniya kaya agad akong tumayo at nagpunta sa lababo para maghugas ng kamay para tumulong sa pagluluto ng ulam.

Ano ba ’yong pumasok sa isip ko? Jusko, ang laswa naman no’n at nakakakilabot. Ba’t gano’n ang pumasok sa isip ko habang nakaharap sa ’kin si West kanina? Nababaliw na talaga ako ’pag kasama ko si West, hindi na maganda ’tong nangyayari.

Gano’n na ba talaga ang epekto ni West sa ’kin? Pinagnanasaan ko ang katawan niya, like, oo inaamin ko naman na maganda ang pangangatawan niya pero sobra naman ang pangnasaan siya. Kailangan ko na ata magpa-psychotherapy.

West effect, shit ang pangit.

“Marunong ka ba magluto, Kleo?” wika ni West nang makalapit ako sa mesa na pinaglagyan ni West ng mga sangkap.

“Naku naman, pa’no ka ba nabuhay mag-isa kung hindi ka marunong magluto, jusko naman West.”

Napansin kong naguguluhan siya. “Nagtanong lang naman ako na kung marunong ka bang magluto eh,” nagpout agad siya.

“Ay, sorry naman,” mapakla akong tumawa, “oo naman marunong akong magluto, ako lang kasi mag-isa sa bahay ko kaya kailangan na marunong akong magluto, ano ba gusto mo lutuin ko?” Nginitian ko naman siya para naman maipakita ko sa kaniya na sincere ako.

“Well, matagal na akong nagki-crave ng assurance sa isang relasyon at maraming pera,” kitang-kita ko sa mukha niya na seryoso siya sinasabi niya, walang emosyon ang mukha ko habang nakatingin kaniya na may pag-aalangan.

“Nagtatanong lang naman ako, West. Ba’t biglang lumiko ang sagot mo sa tanong ko?”

Seryosong mukha ang pinakita niya sa ’kin. “Ikaw ba, Kleo? Ano ba cravings mo ngayon?”

“Nagki-crave ako ng tinolang manok, West. Gutom na ako at ’wag mo akong dino-dogshow!” wika ko dahilan para bumuhakhak siya ng tawa. Anong nakakatawa?

“Ang cute ng reaksyon mo, ang cute mo pa lang magalit Kleo. Gusto kong kurutin ang pisngi mo,” tumawa na naman siya.

Hindi na ako sumagot at nagkibit-balikat na lang. Hinanda ko na ang mga sangkap na kakailanganin ko para makapagluto na ako. ’Yong nag-imbita ay tawa lang ng tawa sa upuan habang ’yong inimbitahan ay siya na mismo ang magluluto.

“Maupo ka na lang diyan, Kleo. Ako na ang magluluto para sa ’yo, ako ang nag-imbita sa ’yo eh,” wika niya at inagaw niya sa ’kin ang kutsilyo na ginamit ko sa paghiwa ng mga panakot. “’Wag ka na sumimangot diyan, sorry na. Naaliw lang ako sa cute mo’ng mukha eh.”

“Buti naman at naisip mo ’yan,” sagot ko naman, naupo na ako at pinagmasdan ko na siyang hiwain ang mga sangkap.

Gutom na gutom na ako at nakipagbiruan pa ’tong lalaking ’to sa ’kin, hindi ako nagpunta dito para makipagdaldalan. Eh kung siya na lang kaya ang kainin ko…?

Sinaniban na naman ako ng kabaliwan!

∞∞∞

“Thank you sa paghatid,” I said as I unfastened my seatbelt, in an instant I let out a genuine smile.

Ngumiti rin si West sa ’kin. “My pleasure, Mr. Kleo Madrigal.”

“Talaga ba, Mr. West Ryle Barcelo…?”

Isang mahinang tawa ang sunod na narinig ko mula sa katabi ng shotgun seat.

“You’re cute, I know you know that,” a sweet smile flashed on his handsome face.

I let out a small smile. “I don’t know why you always hang out with me, you’re so masculine while me… I’m too feminine and not so handsome. I just don’t like people might talk something bad about you hanging out… someone like me.”

“I don’t mind you being feminine, because you are human just like anybody else in this world. I don’t mind what people say to me, they’re not the one who knows us deeper in any sense. I know you feel anxious of you being a feminine guy, but to me you are you, I will accept you wholeheartedly. You were born that way and its beautiful, and I loved that.”

Naguguluhan ako kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga salita niya. Hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil sa mga salitang binitawan ni West. All my life, I’ve been so anxious about me being a feminine gay guy. I never dated anyone because of it, and the society we lived in is not that being open-minded of a feminine gay guy dating someone who’s masculine.

Sa gay men community ay ayaw talaga nila ng halata in other words feminine gay, kasi feeling nila eh ’pag may nakakita sa kanila na may kasamang bakla ay iba na agad ang pumapasok sa utak ng mga tao. Ayaw rin nilang ma-criticize ng ibang tao kesyo ganiyan at gano’n, kaya naman ay hanggang crush lang talaga ako noon pa man. At isa pa, mostly sa mga nakikita kong gay men couple are both masculine and has a beautiful faces.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya hinagkan ko na lang si West. “Don’t cry, Kleo,” aniya at hinagod-hagod ang likod ko. “You have a good heart, Kleo. And I want to know more about you.”

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay West, hindi pa rin humuhupa ang luha sa mga mata ko. “I’m sorry about that, West.” He caressed my face, in an instant he slowly wiped off my tears.

“It’s ok, Kleo. I understand you, plus you shouldn’t feel sorry about it.”

I forced myself to smile genuinely to him.

““I wish I hadn’t told those words to you,” I fake a laugh.

“I guess so,” he giggled. He lowered his hand from my face.

“Mauna na ako sa ’yo, West. Baka kung saan pa umabot ang usapan ’to.”

“Buti pa nga, gabi na rin at kailangan mo pa magpahinga.”

“Salamat sa paghatid at sa dinner,” ngumiti ako ng matamis sa kaniya.

“Walang anuman, cutie.” Isang nanunuksong ngiti ang sumilay sa labi niya.

Nagkibit-balikat na lang ako. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho, okay?” binuksan ko na ang car door at lumabas na sa kotse niya.

Kumaway si West sa ’kin bago niya binuhay ang makina ng sasakyan niya. Isang ngiti lang ang sinukli ko, ilang sandali pa ay nimaniobra na niya ang sasakyan niya paalis sa kinaroroonan ko.

Hindi ko mapigilang mapasabunot sa buhok ko. “Potangina ka, Kleo! Sobrang nakakahiya ang pagmental breakdown ko kani-kanina! Fuck!”

Ba’t ko ba nasabi ’yon? Potangina lang! Paano ko haharapin si West neto bukas? Oh my gosh, nakakahiya!

“You have a good heart, Kleo. And I want to know more about you.”

“You have a good heart, Kleo. And I want to know more about you.”

“You have a good heart, Kleo. And I want to know more about you.”

Napaupo ako sa malamig na semento. Help, mababaliw na ako dahil kay West! The West effect, grabe na talaga ’tong nararamdaman ko kay West.

“K-Kleo? Anong ginagawa mo riyan? Ba’t ka nakaupo sa semento?”

Agad na nabaling ang tingin ko sa taong nagsalita. Kitang-kita ko sa mukha niya na naguguluhan siya sa nakita niya.

Ngumiti ako sa taong nakakita sa ’kin. Feeling ko mapupunit na ’tong labi ko sa kakangiti ngayong araw na ’to. “Magandang gabi po, Kuya Soj,” bati ko sa kaniya, “may hinahanap po kasi akong barya eh, alam mo ’yon? Sayang ang barya na ’yon, lalo na’t mahal ang mga bilihin ngayon, ’di ba po, Kuya?” Tumayo na ako atsaka ko pinagpag ang pants ko.

“Bukas mo na lang hanapin ang sinasabi mo, gabing-gabi na oh.”

“Oo nga po eh, salamat po sa concern. Sa’n ka ba po galing at may bitbit kayong plastic bag?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Do’n sa convenience store, bumili ako ng soju.”

“Ah, gano’n po ba? Sige Kuya, pasok na po ako ah. Good night.”

Hindi ko na inantay ang sagot niya at dali-dali na akong pumasok sa gate ng bahay ko, dumiretso sa pintuan. Dali-dali kong binuksan ito at pumasok na.

Goodness, hindi ko na alam mga pinaggagawa ko sa buhay ko ngayong araw na ’to, jusko naman Kleo!

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para makapag-ayos na ng sarili. Pagkatapos kung mag-ayos ay lumabas ako ng bahay at tinahak ko ang daan papunta sa bahay nina Alec dala-dala ang sling bag ko.

Nakakatamad talaga magluto ng agahan lalo na’t ikaw lang mag-isa, promise. Pero okay lang siguro kung may kasama ako sa bahay kagaya ni West, para naman matikman niya ako—este matikman niya ang luto ko. Ang aga-aga kalaswaan agad ang pumapasok sa utak ko.

’Di ko na kailangan magdoor bell, ayos naman na kay Tito Wade na bigla-bigla na lang akong pumapasok sa loob ng bahay nila. Mula sa gilid ng bahay nila ay naabutan ko si Milo na naglalaro ng bola niya.

“Hi, Milo. Good morning,” agad naman na lumapit ang aso sa ’kin at wina-wag pa niya ang buntot niya. “Asan ang pangit mong amo?” hinagod-hagod ko ang balahibo niya.

Nauna siyang pumasok sa loob ng bahay kaya naman ay sumunod na ako sa kaniya. Walang katao-tao sa bahay na ’to, my goodness. “HI PEOPLE OF THE EARTH! GOOD MORNING!” Pasigaw na wika ko kaya dali-dali na akong nagpunta sa island counter nila para manghalungkat ng pagkain, naupo na rin ako sa stool ng island counter.

“Hi Tito Wade, good morning to you, Sir.” Bungad na wika ko ng maabutan ko si Tito Wade na nagluluto ng itlog.

Tinignan niya ako ng masama. “Talaga ba na kailangang sumigaw, Kleo?”

“Ay, sorry po Tito,” I awkwardly laugh.

“DESERVE MO ’YON, BAKLA KA!” Nakarinig kaming pareho ni Tito Wade ng pagsigaw mula sa sala ng bahay.

“Isa ka pa, Alec. Pag-untugin ko kaya ang ulo niyong dalawa ni Kleo?”

Naupo na rin si Alec sa tabi ng stool na inuupuan ko. Ayos na ayos rin si bakla at ready na magtrabaho. “Sorry po, ’Tay.”

Hindi na sumagot si Tito Wade at nagpatuloy na lang siya sa pagluto ng ulam namin.

“What brought you here, bakla?” napaharap ako sa nagsalita.

“’Wag mo akong maganiyan, Alec ah. Gutom ako baka masabunutan kita ng wala sa oras.”

“Sus, tinamad ka na namang magluto ng agahan, baklang ’to.

“’Wag mo na ako pansinin, friend. Pero may chika ako,” nagningning agad ang mga mata ni Alec sa narinig niya, di siya halatang chismoso eh.

“What is it? Spill the tea.”

“’Pag chika talaga eh ang bilis ng reflexes mo eh ’no, bakla ka.” Inirapan ko nga si bakla.

“Parang di ka naman nag grade two, ano nga? Spill the tea.”

“May pag-asa pa ba kaya ako magka-boyfriend kahit na ganito ako?” Ngayon, ako naman ang inirapan niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Alam mo naman na ano ako, ’di ba? Like, malambot, feminine mga ganiyan.”

“Eh, ano naman kung ganiyan ka? Baklang ’to, magiging matalik na kaibigan ba kita if hindi kita tanggap kahit na malambot ka? Baliw ka.”

“Eh kasi naman—”

“What’s wrong of being feminine ba? Wala namang masama do’n ah, ang angas mo kaya.”

“Nagtatanong lang ako kung may pag-asa pa ba akong magka-boyfriend dami mong sinasabi diyan,” pinagkrus ko ang braso ko.

“Well… may itsura ka, matalino, mabait, maraming pera, mapagmahal. Ang akin lang is time will tell you when, I mean, hindi pa para sa ’yo ang panahon na ’to para sa ganiyan. Pero if may magkagusto sa ’yo, well, nasa sa ’yo naman ’yan kung papatulan mo siya or nah.”

“Wow, so deep.”

“And with that being said, kung may taong tanggap ka kahit na feminine ka ay edi maganda. Kung hindi ka niya tanggap edi wala, hindi naman lahat ng tao ay matatanggap ka talaga bilang ikaw. ’Wag na lang nating ipilit ang tao na ayaw sa ’tin.”

“May pinaghuhugotan ka ba, bakla? Based from experience ba ’yan?” Pangungulit ko sa kaniya.

“’Wag mo akong i-dogshow, baka hindi ka makakain ng agahan.”

“Edi sorry,” sagot ko naman sa kaniya at tumawa lang ang bakla.

Nagdadalawang-isip ako na sabihin sa kaniya ang patungkol sa nangyari sa ’min ni West kagabi. Siguro, hindi ko na muna sasabihin sa kaniya or ’wag na lang sabihin dahil may sumpa kasi ’tong kaibigan ko eh. Pero gayunpaman ay tanggap naman ako ng kaibigan ko kahit ganito ako, at tanggap rin ako ni West. Self love ako ng ilang taon kaya naman oras na rin siguro na magmahal ako ng ibang tao bukod sa sarili ko.

Love in moderate. And love responsibly.

Chapter 5: Night

Chapter 5: Night

K L E O

“Nasa’n ka ba ngayon?” tanong ko sa kabilang linya.

“Papunta na ako riyan sa agency, bakit?”

“Ay, ba’t ’di mo sinabi? Sige na mamaya na lang tayo mag-usap pagdating mo dito.”

Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tinawagan ko si West pagdating ko dito sa lobby. Kusa na lang akong nagpunta sa contacts ko at tinawagan ko si West. Sinagot naman niya agad ang tawag ko at nag-usap kami hanggang sa tanungin ko nga siya kung nasa’n siya.

At sa ilang linggo naming pagkikita ay mas naging komportable na ako sa kaniya at gano’n din siya sa ’kin. Pero gayunpaman, naging busy rin siya sa trabaho niya, gano’n din naman ako. At kahit pagod sa trabaho ay may oras pa kaming magdate kahit na sobrang lalim na ng gabi.

“Eh ’di ka naman nagtanong eh.”

“Oo na, kasalanan ko na po. Ibababa ko na ’to,” wika ko, aakma ko na sanang patayin ang tawag nang magsalita ulit si West sa kabilang linya.

“Teka lang, Kleo! May sasabihin ako!”

“Mamaya na kasi ’yan pagdating mo dito—” pinutol niya ang sasabihin ko.

“Hindi pwede, dapat ngayon na.”

“Ano ba kasi ’yan?”

“May bagong engineer ang natanggap sa agency and please don’t tell anyone about it.”

“M-May bagong engineer?”

“Oo, sinabi sa ’min ng team manager kahapon, kaya ’wag mong sabihin sa mga kasamahan mo, okay?”

“O-Okay,” pinatay ko na ang telepono ko at nilagay ’to sa bag ko.

May bagong bagong salta sa team engineer, so, ibig sabihin ay madadagdagan na naman sila. Edi wow. Pa’no naman kaming mga architect? Palagi na lang sa kanila ang may bago.

“Morning, Kleo-patra.” Isang boses ang narinig ko mula sa likod ko dahilan para mapalundag ako dahil sa gulat. Pagtingin ko sa gumulat sa ’kin ay ang anak pala ng may ari nitong agency.

“Bushet ka, Alec! Ginulat mo naman ako!”

“Parang ’di ka naman nagulat eh,” sagot naman niya at humagikhik pa si bakla. Umupo na siya sa tabi ko.

“Ang lalim nang iniisip ko, bakla. Kaya nagulat talaga ako at nakatalikod pa ako. Pero anyway, kumusta ang event na pinuntahan mo kagabi?” May pinuntahang event kasi itong kaibigan ko eh, KPOP event. At sobrang naexcite siya kasi finally ay makikita na niya ang favorite niyang mga Koreano. Eto ngayon si bakla at sinalaysay na niya ang mga nangyari kagabi hanggang sa magsawa siya.

Tumayo na ako para pumunta na nang opisina. At gano’n rin siya, sumakay na kami sa elevator at paglabas namin dito ay dumiretso na kami sa opisina namin. Tumambad sa ’min ang mga architect na hindi magkamayaw.

“Kleo, anong meron?” tanong ng kaibigan ko.

“Aba! Ewan ko rin,” masungit kong tugon sa kaniya. Tinanong ba naman ako?

Pagbato ko sa kaniya ng sagot ko ay dumiretso na ako sa working station ko at nagbasa ng magazine. Ganito ang ginagawa ko ’pag wala akong masyadong ginagawa or kapag naghahanap ako ng idea.

Nakarinig ako na may pumalakpak at napatingin ako sa kung kanino galing ’yon. Si Sir Zack pala, alam kong may sasabihin siya sa ’min.

“I am happy to announce that we have a new Engineer. He was the Topnotcher on his batchs’ board exam,” anunsyo ni Sir Zack kaya napatingin ako sa katabi ko.

“Wow, may Topnotcher na katulad mo, friend,” pabulong na wika ko.

“Ano ba, nagkataon lang na ako ang Topnotcher ng batch namin,” sabi niya at ngumiti lang siya sa ’kin.

Tinawag na ni Sir Zack ang bagong Engineer at nagpakilala ito sa ’min. May itsura siya, pareho sila ni West na suki sa gym at mahahalata mo sa kaniya na mayaman dahil sa aura niya. Napatingin agad ako sa kaibigan ko, nakatitig lang siya kay Gray, napatingin din ako kay Gray at nakatitig din siya kay Alec. Wow, para lang akong nanonood ng movie sa galawan ng dalawa ngayon.

Lunch time. Ako ay kumakain lang habang ’yong kasama ko ay nakatulala lang. Alam ko kung sino ang iniisip ng baklang ’to, ’yong lalaki kanina. Isa lang ang gamot neto… ang pagtripan siya, kaya ginawa ko na nga.

“Siraulo ka talaga.” Sabi niya at inirapan pa ako.

“Uh-huh? Ikaw ah. Iba ’yang nasa isip mo eh. Pero malay mo malaki nga,” tumawa ako ng malakas dahil sa mukha ni Alec.

“Kumain ka na lang diyan. Marami pang pagkain sa tray mo oh. ’Di ’yong kung anu-ano iniisip mo, baklang ’to,” tumawa na lang ako.

“Oh… someone’s coming,” ani Alec kaya napatingin ako kung sino ang paparating. He’s really handsome and fit, I wanna kneel between his legs.

Inukopa niya ang upuan sa tabi ni Alec. “Hi, cutiepies. Are you guys free tonight? May pa-welcome party kaming mga Engineer para sa bagong salta. Baka gusto niyong sumama at mag walwal. Well, Engineers got your back, kami na ang bahala sa drinks and foods. Just your presence is enough,” I’m really not used to his english speaking voice, hence, it is so sexy to hear.

“Really, West?” tanong ko kaagad.

“Yup!” He immediately replied to me with enthusiasm.

“Sama tayo, Alec. Tutal, Sunday naman bukas eh.” Wika ko sa kaibigan ko.

Nag-iisip pa si bakla kahit na wala naman kaming pasok bukas at pwede kaming magpakalasing ngayon.

“Oh, sige. Sasama ako.”

“Nice ka, Alec! Pakisabi na lang rin sa ibang Arki, para naman may kasama kayo. Kung ayaw nila sumama edi ’wag niyo nalang pilitin,” ani West at tumayo na sa pagkakaupo niya.

“Okay, West. Noted!” I winked at him.

West just chuckled at bumalik na siya sa mga kasamahan niya.

Napatingin ako kay Alec at ang sama ng tingin niya sa ’kin. “Huwag kang masyadong pahalata, Kleo. Jusko,” sumimsim siya ng juice niya.

“Ano ba, dapat gano’n para mas mapansin niya ako. This is what you call… para-paraan,” kilig na kilig talaga ako. Nagiging flirty talaga ako ’pag nagkikita kami ni West dito sa agency, pero ’pag kami lang dalawa, syempre, chill at seryoso ako.

“Baliw, what if di pala siya gay and his straight as f*ck! For goodness’ sake, Kleo.”

“Edi aray. Inom tayo ng empi,” bumuhakhak agad ako.

“Hoy! ’Yang bunganga mo!” Mahina na akong natawa dahil pinagtitinginan na kami ng ibang empleyado na kumakain.

“Pero seryoso… punta tayo ah?” Sumimsim ako ng juice ko.

“Sus, sasama ka lang naman kasi andun si West eh. Wag ako, Kleo, kilala kita.”

Sumubo na ako ng pagkain bago sumagot. “Of course, at pupunta rin si Gray na crush mo. Kaya sumama ka na,” I really emphasized the word ‘crush’, dahilan para mapakamot si Alec ng ulo niya.

Mahina na naman akong natawa. “Totoo naman, friend eh. Aminin mo na kasi.”

Alec just rolled his eyes to me at bumalik na sa pag kain ng lunch namin.


The party went so well, the engineers really had a warm welcome with their new engineer. And as for me, andito lang naman ako kasi andito rin si West at si Alec, at isa pa gusto ko rin uminom. Kaunti lang na architect ang nakapunta kasi busy raw sila.

Napatingin ako sa katabi ko. “Alec, ayos ka lang ba? Wala ka ata sa mood, hindi ka sumabay sa pag cheers.” Mukhang hindi siya nag-e-enjoy sa party.  “Gusto mo pang uminom?” Dagdag na tanong ko.

“Ayos lang ako, friend. Sila lang naman ang nag-eenjoy eh. Tsaka, tama na ’tong alak, magmamaneho pa ako eh. Wait lang, restroom lang ako.”

“Balik ka kaagad ah?”

“Ay, alangan. I just need to pee. Kung matagalan man ako, alam mo na may ka-ano ako sa cubicle. Charot,” natawa pa siya sa sinabi niya.

“Siraulo,” natawa rin tuloy ako sa sinabi niya. Tumayo na siya at umalis na.

Sumimsim na lang ako ng alak sa baso ko. “How are you, hindi ka pa ba lasing?”

Agad akong napatingin sa taong nagsalita. “The fuck, West. Bigla-bigla ka lang sumulpot! Uwing-uwi na nga ako eh, gusto ko na matulog.”

“Pwede naman na sa condo ko ka na lang matulog, wala namang pasok bukas eh.”

Napakamot ako ng ulo. “Oo nga ’no? Pwede rin,” he smiled to me.

“Kain tayo kasi nagki-crave ako ng kanin eh.”

“Wow, akala ko ba diet ka? Eh, ba’t ka nagki-crave ng kanin?”

“Wala lang,” mahina siyang natawa. “Sige na, balik na ako sa pwesto ko. Baka makita pa tayo ni Alec,” aniya at bumalik na siya sa pwesto niya.

Habang mas lumalalim ang gabi ay unti-unti na rin kaming nalalagas, ibig kong sabihin ay konti na lang kaming andito sa bar. At mukhang hindi ata matutuloy ang sleep over ko sa condo ni West dahil nauna na siyang umuwi kasama ang lasing na lasing na si Gray. Eto ako ngayon nag-iintay kung kailan magde-desisyon ang kaibigan ko na umuwi na.

Pakiramdam ko ay nabasa ni Alec ang isip ko ngayon. “Kleo, gusto ko na umuwi. Gabing-gabi na oh.” Pinakita niya sa ’kin ang wrist watch niya kung anong oras na. It’s already midnight!

“Oh sige. Ubusin ko lang ’to,” dali-dali kong inubos ang alak na nasa baso ko, sobrang sarap talaga sa lalamunan kapag malamig ang alak eh. Binaba ko na ang baso ko, tumayo na at naglakad palabas ng bar. Uwing-uwi na ako eh at iniwan pa ako ni West, bwisit na ’yan!

“Hindi ka pa ba lasing, Kleo? Andami mo kayang nainom,” tumango lang ako bilang sagot.

Nang makalabas kami sa loob ng bar ay hindi ko akalain na maabutan namin sina West at Gray. Ang braso ni Gray ay nasa balikat ni West. Mukhang lasing na lasing ang bagong salta ah. At mali ang inisip ko na iniwan ako ni West, buti naman.

“Oh? Akala ko ba, mahirap siyang itumba sa inuman? Eh, anong nangyari?” Sarkastikong tanong ni Alec kay West nang makalapit kami sa kinaroroonan ng dalawa.

“Nagsuka nga ito kanina eh,” sagot ni West. “Alec, ikaw na kaya maghatid sa kaniya. Medyo malayo pa kasi ang pupuntahan ko eh,” dagdag pa niya.

“Dis-oras ng gabi may pupuntahan ka?” Halata sa pananalita ko na nagtataka.

Hindi sumagot si West sa tanong ko pero nakatitig lang si West sa ’kin.

“S-Sige, West. Ipasok mo na siya sa passenger’s seat. Ihahatid ko nalang ang hayop na ’yan sa bahay nila.”

“Grabe ka naman sa kaibigan ko, Alec. Bago pa lang siya sa team namin tapos ginaganiyan mo na.” Nag-alalang wika ni West.

“Ang OA mo, West. Ipasok mo nalang kaya siya sa passenger’s seat para mahatid na yan ni Alec,”  pagtanggol ko kay Alec. Kaya agad na ring ipinasok ni West si Gray sa passenger’s seat ng sasakyan ni Alec at isinirado na niya ito. Buti nalang at malapit lang ang sasakyan ni Alec sa kinaroroonan naming apat.

“Saan ba ang bahay ng hayop na ’yan?” Tanong ni Alec kay West nang maipasok ni West si Gray sa sasakyan.

“Sa condo unit daw siya nakatira sa pagkakatanda ko” nag-isip siya saglit. “… sa Pleasure Place.”

“Teka, paano mo nalaman na do’n nga siya nakatira?” Tanong ko. I raised my eyebrow questioningly.

“Eh magkatabi kaya kami kanina sa loob, tapos sabi niya di niya dinala ang sasakyan niya tsaka, gusto niya raw ihatid ko siya. Kaya nagtanong ako kung saan siya nakatira,” sagot niya sa ’kin, oo nga pala. Ba’t ’di ko naisip ’yon na magkatabi pala sila kanina?

“Oh, chill lang. Wag ka namang umiyak. Nagtanong lang naman ako eh.”

West just smirked at me.

“Pleasure Place. Ah! Madadaanan ko lang ’yan papuntang Arcoíris Subdivision eh.”

“Gano’n ba, Alec? Buti naman kung gano’n. Pasensya ka na ah, naabala pa kita.”

“Buti alam mo na naabala mo ang kaibigan ko,” sabat ko sa usapan ng dalawa.

“Tumahimik ka nga, Kleo,” suway ni Alec sa ’kin. “Wala lang ’yon, West. Ayos lang. Wag kayong mag-alala, iuuwi ko siya sa condo niya na buhay at humihinga pa,” nagtawanan kaming tatlo sa sinabi Alec. “Oh, ikaw Kleo. Hatid na rin kita,” dagdag pa ni Alec.

“Naku, ’wag na. Mag ko-commute na lang ako, Alec.”

May plano kasi ako eh, kaya next time na lang friend.

“Eh, anong oras na oh, malalim na ang gabi. Wala nang masyadong sasakyan ang dumadaan—”

“Ayos lang nga ako. Sige na. Ihatid mo na si Gray. I’ll text you kapag nakauwi na ako sa bahay.”

Alam ko na may iniisip siya sa ’kin sa mga oras na ’to, pero wapakels kasi matutuloy kami ni West sa condo niya.

“Okay ~ Mag-ingat kayong dalawa sa pag-uwi ah. Kita nalang tayo sa Lunes. Bye.”

“Bye, Alec”

“Bye friend, mag-ingat ka sa pagmaneho.”

Sumakay na si Alec sa sasakyan niya at nimaniobra na niya ito paalis sa bar. Nang hindi na namin tanaw ang sasakyan ay hinarap ko na si West.

“Ba’t ganiyan ang mukha mo? Ba’t ka galit? May ginawa ba akong masama sa ’yo?” Nagtatakang tanong niya sa ’kin nang makaharap ako sa kaniya.

“Eh kasi naman akala ko na umuwi ka na at iniwan mo ako. At akala ko na hindi na tayo matutuloy sa plano mo.”

“Aysus, ’yan lang naman pala eh. Lasing na lasing si Gray eh, since, ako naman ang nag-approach sa kaniyang sumama eh ako na rin ang umalalay.”

“Speaking of Gray, ba’t si Gray lang ang may welcome party tapos ikaw wala? Isn’t unfair for you?”

“They did plan to have a party yet I refused ’cause imma shy that time, now that there’s another engineer in the house, well, it’s a double celebration I guess.”

“Buti pa kayo may bago kayong kasama, anyway, uwi na tayo.”

“Might as well,” wika niya. Nauna siyang pumasok sa sasakyan niya, sumunod na rin ako sa shotgun seat. Binuhay agad ni West ang makina ng sasakyan at nimaniobra na niya ito paalis ng bar.

Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa, buti naman at hindi lasing itong kasama ko kundi hindi talaga kami matutuloy. Siya magmamaneho ng sasakyan tapos ako hindi marunong, edi wala talaga.

“Teka, West. Nasaan ba tayo? Ba’t andito tayo sa—”

“Chill ka lang diyan,” aniya nang ipinark niya ang sasakyan. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan at nagstretching pa siya.

“Anong gagawin namin dito? Sobrang lalim na ng gabi,” sabi ko sa sarili ko, kalaunan ay lumabas na ako ng sasakyan.

“Tingin ka sa taas,” ani West na may ngiti pa sa labi.

“Really West? In the middle of the night? We’re at the coastal bypass road?”

“Why not?”

Hindi na ako umimik pa at sinunod ko ang sinabi ni West na tumingin sa taas. Halos hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin ko sa nakikita ko ngayon.

“Wow, this is so beautiful!” The stars are shining brightly as well as the moon. “I never had a chance to experience this. This is my first time experiencing star gazing here in bypass road!”

“This is my first time as well together with someone I care and love,” isang malumanay na boses ang narinig ko dahilan para mapatingin ako sa taong sobrang laki ng ngiti na nakatingin sa ’kin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga sandaling ito, kulang na lang ay lumabas na sa katawan ang puso ko. At pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga salitang binitawan ni West, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa kaniya na punong-puno ng pagmamahal.

“Kleo Madrigal, pwede ba kitang ligawan?”

Chapter 6: Tulips

Chapter 6: Tulips

K L E O

“Anong gagawin namin dito? Sobrang lalim na ng gabi,” sabi ko sa sarili ko, kalaunan ay lumabas na ako ng sasakyan.

“Tingin ka sa taas,” ani West na may ngiti pa sa labi.

“Really West? In the middle of the night? We’re at the coastal bypass road?”

“Why not?”

Hindi na ako umimik pa at sinunod ko ang sinabi ni West na tumingin sa taas. “Wow, this is so beautiful!” The stars are shining brightly as well as the moon. “I never had a chance to experience this. This is my first time experiencing star gazing and here in bypass road!”

“This is my first time as well together with someone I care and love,” isang malumanay na boses ang narinig ko dahilan para mapatingin ako sa taong sobrang laki ng ngiti na nakatingin sa ’kin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga sandaling ito, kulang na lang ay lumabas na sa katawan ang puso ko. At pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga salitang binitawan ni West, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa kaniya na punong-puno ng pagmamahal.

“Kleo Madrigal, pwede ba kitang ligawan?”

Tanong na kailanman ay hindi ko naranasan. Sobrang ganda pala sa tainga na tanungin ka nang ganiyan sa taong gustong-gusto mo talaga. Kilig na kilig ako ngayon at hindi mapagsidlan ang tuwa dahil sa wakas ay naisipan na rin ni West na ligawan ako. Sa loob ng maraming araw ay nakilala ko na siya ng lubusan at gano’n rin siya sa ’kin. In short, the feeling is mutual!

“Wow, pulang-pula ng mukha ah, kinikilig ka?” tinawanan pa niya ako.

“Eh kasi naman eh,” sagot ko naman. Nakita ko siyang umupo sa bumper ng kotse niya, kaya gano’n rin ang ginawa ko.

“I really liked you, Kleo since the first time I saw you on that bus stop,” panimula ni West. “Sabi ko, ang cute naman niya para siyang keychain and then we bumped again on the second time at the café; I want to know more about him, that’s what I thought back then. Sinabi ko sa sarili ko ’pag sa pangatlong pagkakataon ay hindi kita makikita ay hindi na ako maniniwala sa kasabihan na ‘pag nagkita kayo sa pangatlong pagkakataon ay ang tadhana na mismo ang nagtagpo sa inyo.’”

“Wait, sa pangalawang pagkakataon na nagkita tayo ay sinabi ko sa ’yo na nagtatrabaho ako sa agency ah, so hindi counted ’yong pangatlo.”

“Sira ka, counted ’yon kasi that time na nakita kita sa café ay galing ako no’n sa interview at hindi ko pa alam na do’n ka pala nagta-trabaho.”

“Huh?! Pano’ng counted ’yon? Eh sa second time pa lang is alam mo na magkikita talaga tayo sa agency? Hello?”

“Oo nga ’no? Ikaw kasi ba’t mo sinabi na do’n ka nagta-trabaho?”

“Hala, kasalanan ko pa talaga? Pakyu ka, West.” Agad niya akong niyakap sa beywang habang tumatawa. “Tawang-tawa ka, bading?”

Nilagay niya sa balikat ko ang baba niya. “Payag ka na ba ligawan kita?”

“Alam mo, West. Hindi ako confident sa sarili ko, I’m overthinker and I’m too soft. Are you sure about me?”

“I am very sure about you, now that you asked that I’ll spoil you with assurance and consistency… everyday.” Naramdaman ko na mas hinigpitan niya ang yakap niya sa ’kin.

“Spoil me with assurance and consistency,” ulit ko sa sinabi ni West.

Bumalik sa pagkakaupo ng maayos ang katabi ko, tinitigan niya ako na may pag-alala sa mga mata. “Bakit, ayaw mo no’n?”

Napabuntonghiniga ako. Nakatitig lang ako sa dagat na kitang-kita ang repleksyon ng maliwanag na buwan. “Don’t spoil me, West. Ayokong masanay na andiyan ka sa tabi ko, I mean, you are bisexual and you know… you still attracted to girls. Alam ko na darating ang panahon na iiwan mo rin ako.”

Gusto ko lang naman magpakatotoo kasi ayokong isipin na puro kilig at saya lang ang nasa isang relasyon. Hindi ko naman alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Mas mabuti nang isipin mo rin ang bad side, hindi puro mabubuti lang.

Napatingin ako sa katabi ko. “’Wag ka namang ganiyan, Kleo. Hindi pa nga natin nasisimulan ang love story natin eh.”

“Can I hug you, West?” He didn’t hesitate and stretched his arms to me I let him fold me with his warm embrance. His body is so warm and bulky.

“Ang liit-liit mo naman, Kleo.” Sabi niya habang nakayakap pa rin sa ’kin.

“Sus, malaki lang katawan mo eh. Malaki rin ba ’yang ano mo?”

Biglang humiwalay si West sa pagkakayakap sa ’kin. “Ang alin?” Nagsalubong pa ang kilay niya habang nakatingin sa ’kin.

“Hala, ano ba iniisip mo?”

“Huh?”

Hindi ko na napigilan na tumawa dahil sa reaksyon niya. “Ewan ko sa ’yo, West. Uwi na nga tayo,” sabi ko.

“Ano muna ang malaki sa ’kin?”

“Tinatanong ko kung malaki ba ’yang puso mo para mahalin ako…?”

“Ah, akala ko anong malaki. Pero malaki nga.”

“Ang alin?”

“Ang tit-” dali-dali kong tinakpan ang bibig niya gamit ang palad ko, hindi ko na siya pintapos sa pagsalita dahil alam ko na ang sasabihin niya. At alam ko na rin saan ’to patutungo ang usapan namin.

“Oo na, West. Malaki ’yan, ’wag mo na ipagyabang ’yan sa ’kin kasi may ganiyan din ako.”

“Patingin nga.”

“Talaga ba, West? Pakyu.”

Tinawanan na naman niya ako. Ewan ko na lang talaga sa taong ’to, masyadong nasisiyahan sa ’kin.

“Ano ka ba, uwi na tayo. Giniginaw na ako, West.” Umalis na ako sa bumper ng sasakyan niya.

“Okay, inaantok na rin ako eh.”


“Balik tayo do’n ah,” wika ko nang makahiga na ako sa malambot na kama ni West.

Nagsuot pa muna ng pantulog si West, ilang saglit pa ay tumabi na siya sa ’kin. “Sure, next time bili tayo ng beer tas mag-iinuman tayo sa bumper.”

“That would be great, but for now let’s rest. ’Cause I’m so tired and sleepy.”

“Hindi ka ba nalasing sa alak na ininom mo kanina? Parang wala lang sa ’yo ’yong alak ah.”

I roll over to my tummy. “Well, hindi naman. Hindi rin sumasakit ang ulo ko and everything, I’m so fine.”

“Wow ang taas ng tolerance mo sa alak ah.”

“So, magdadaldalan na lang ba tayo hanggang umaga? Hindi na tayo matutulog? Nagpunta ako rito para mag-sleep over hindi para mag-”

“Oo na, matutulog na tayo ’yang bunganga mo eh ’no? Lights on or lights off?”

“Lights off,” sagot ko kaya umayos na ako ng higa.

“Bakit?” Pinatay na niya ang lamp shade na nasa bed side table. “Ayaw mo ba na makita mo ang gwapo kong mukha habang nasa ibabaw mo ako?”

“Dami mong alam bakla ka. Matulog ka na nga lang.” Deep inside eh kinikilig talaga ako, dapat hindi halata.

Narinig ko siyang tumawa kaya tinalikuran ko na siya. Pinikit ko na ang mata ako, andaming ganap sa araw na ’to kaya kailangan ko na magpahinga at maggo-grocery pa pala ako bukas, hay naku.

“Sungit mo naman, may regla ka ’no?”

Hindi na ako sumagot pa dahil ’pag pinatulan ko pa siya alam ko na sa’n patutungo ang usapan.

Habang nire-relax ko ang sarili ko ay naramdaman ko na may braso ang pumulupot sa beywang ko. At hinila niya ako, ngayon ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ni West sa likod ko. Nilagay pa niya sa braso niya ang ulo ko, ngayon naging unan ko na ang maskulado niyang braso.

“Are you comfortable in this position?” sobrang sarap talaga sa teynga ang pagsalita niya ng english words.

“Hmm-mm.” I hummed as a reply. I have a nice feeling while I’m in his arms, it seems like I feel safe and comforted. Actually, this isn’t the first time we were on this position, but now I feel so special.

“WAKEY! WAKEY! C’MON IT’S TIME TO WAKE UP!”

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko dahil sa lakas ng boses na narinig ko, potangina! Sino ba ang sumisigaw sa mga oras na ’to? Hayop na yan!

“GOOD MORNING, KLEO! MY SUNSHINE!”

“The fuck, West! Kita mo na natutulog ’yong tao eh!” marahas kong kinamot ang ulo ko at nagtalukbong ako. Hindi ko pa kayang bumangon, anong oras na ako nakatulog kaninang madaling araw.

Naramdaman ko na may humahampas sa tiyan ko. Winaksi ko kaagad ang kumot, isang matalim na tingin ang ginanti ko kay West na nakahubad pa talaga sa harapan ko.

“Kain ka na, anong oras na. Ano gusto mo, ’yong hinanda ko o ako?”

“Kailangan ba talaga na maghubad ka sa harap ko?”

“Oo para matakam ka,” tumawa pa siya sa sinabi niya. “Anyway, bangon ka na at dadalhan na lang kita ng pagkain dito,” aniya saka siya umalis sa kama at lumabas na ng kwarto niya.

Grabe, anong oras na ba ngayon? Kinuha ko sa bedside table ang cellphone ko at ni-on ko ito. Wow, it’s already 11:11 AM. I yawned, I’m still sleepy. I really had a great sleep with West last night, as usual.

Bumangon na ako gaya ng sinabi ni West. Anong oras kaya nagising ang taong ’yon?

“I’m back,” ani West, may bitbit siyang tray na may pagkain. Nakahubad pa rin talaga siya nang lumapit sa kama. “Here’s you breakfast in bed, Sir Kleo.” Dali-dali niyang nilagay sa kama ’yong tray na may pagkain at umupo na rin siya sa kama.

“Anong oras ka ba nagising?”

“Nagising ako kanina eh, tapos tinignan ko sa cellphone mo kung anong oras na mga eight ako nagising kaya nagluto na ako ng ulam at nagsaing na rin.”

“Ah okay.”

“Gusto mo subuan na kita?”

Hindi na ako sumagot pa kaya ginawa niya ang sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at nagpasubo na lang. Gusto ko pa talagang matulog kaso may unggoy lang na gumising sa ’kin eh. Bwisit na ’yan.

“Mamimili ako ng grocery mamaya,” sabi ko at ngumuya na ulit.

“Sama ako, bibili na rin ako ng grocery paubos na rin ’yong akin eh,” aniya at sinubuan niya ulit ako.

Nang maubos ko na ang kinakain ko ay nag-ayos na kami ng mga sarili namin, since wala akong damit ay nanghiram ako kay West, buti naman ay may damit siya na kasya sa ’kin at umalis na para mamili ng grocery. Sunday ngayon at expected na maraming tao, kaya dapat mamili na. Pagdating namin sa super market ay naghiwalay na ang landas naming dalawa.

Kumuha ako ng cart at nagsimula na akong maglagay sa cart ko. Binili ko lahat ng mga kailangan ko sa bahay; sabon, shampoo, toilet paper lahat-lahat nang necessities ko. Bumili na rin ako ng karne, gulay at canned goods pati na rin processed foods, hindi rin magpapahuli ang mga chichirya.

May insurance naman ako ’pag na-ospital ako eh, kaya ayos lang ’yan. You only live once kaya isagad mo na.

Nagbayad na ako sa cashier at pagkatapos ay umuwi na ako sa bahay ko.

Nang makauwi na ako ay nilagay ko na agad sa kitchen cabinet at sa ref ’yong mga kailangang ilagay. Why not dito magdinner si West, para naman maiba. Palagi na lang akong pumupunta sa condo niya, kaya ngayon siya naman ang magdi-dinner dito.


“Ba’t ganiyan mukha mo? Para kang inagawan ng lollipop ng kalaro mo,” sabi ko kaagad nang makita ko ang mukha ni West nang buksan ko ang gate.

“’Wag mo ’ko kausapin,” sagot naman niya, nagasalubong pa rin ang kilay niya habang nakatingin siya sa ’kin.

“Hala, eh ba’t ka andit-” napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang may inabot sa ’kin, isang kulay puti na bulaklak.

“Oh my gosh! West! Thank you!” Hindi mapagsidlan ang tuwa ko dahil sa bulaklak na binigay niya dahilan para mayakap ko siya. “Salamat talaga, West!” Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Nakasimangot pa rin talaga siya sa ’kin. “Ba’t ba ganiyan ang mukha mo? Kanina ka pa ah. May umaway ba sa ’yo?”

“Meron.”

“S-Sino?”

“Ikaw!” May galit sa boses niya.

“Huh? Ba’t ako? Di naman kita inaway ah, pinagsasabi mo diyan?” nilanghap ko na ang hawak ko na tulips.

Favorite flower ko ang tulips, ewan hindi ko alam kung bakit. Wala akong specific reason kung bakit gustong-gusto ko ang tulips, I just love it. At sobrang saya ko dahil may taong nagbigay sa ’kin ng tulip, never in my life ako nag-expect na may magbibigay sa ’kin ng bulaklak. Ang sarap pala sa pakiramdam, sana maulit pa ’to, sana lang naman. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdam bukod sa sobrang tuwa dahil sa bulaklak na binigay ni West.

Halo-halo ang emosyon ko ngayon na may isang tao na nagbigay sa ’kin ng bulaklak at paborito ko pa talagang bulaklak. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkakataon na ’to, palagi kong babaunin ang memorya na ’to.

Chapter 7: Daze

Chapter 7: Daze

K L E O

Nang matapos ako sa paglagay sa kung saan dapat ilagay ang mg groceries ay nagsend ako ng text kay West.

’Punta ka sa bahay ko, dito ka na mag dinner. Para naman matikman mo ‘ko.’

Umupo na ako sa stool ng island counter nang magring ang cellphone ko. Hindi na ako tumingin sa caller ID at sinagot ko na kaagad ang tumatawag.

“Hi there, macho man.”

“Don’t call me that,” sagot nang nasa kabilang linya.

“Why? You’re indeed a macho.”

“Nevermind. Where are you now?”

“I’m at my house, why?” I asked.

“Really!?” wow, he looked so shocked.

“Bakit nga?”

“Hay naku, papunta na ako riyan.” Binaba na niya ang tawag.

“Wow, binabaan ako ni West.”

Since papunta naman na siya dito ay maghahanda na lang ako ng mga kakailanganin ko sa lulutuin kong ulam ngayon. “Ano ba masarap ulamin? Ay, mamaya na lang siguro pagdating ni Gray dito.”

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakarinig ako ng doorbell. Si West na ata nagdo-doorbell. Dali-dali na akong lumabas ng bahay para pagbuksan kung sino man ang nagdo-doorbell.

“Ba’t ganiyan mukha mo? Para kang inagawan ng lollipop ng kalaro mo,” sabi ko kaagad nang makita ko ang mukha ni West nang buksan ko ang gate.

“’Wag mo ’ko kausapin,” sagot naman niya, nagasalubong pa rin ang kilay niya habang nakatingin siya sa ’kin.

“Hala, eh ba’t ka andit—” napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang may inabot sa ’kin, isang kulay puti na bulaklak.

“Oh my gosh! West! Thank you!” Hindi mapagsidlan ang tuwa ko dahil sa bulaklak na binigay niya dahilan para mayakap ko siya. “Salamat talaga, West!” Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Nakasimangot pa rin talaga siya sa ’kin. “Ba’t ba ganiyan ang mukha mo? Kanina ka pa ah. May umaway ba sa ’yo?”

“Meron.”

“S-Sino?”

“Ikaw!” May galit sa boses niya.

“Huh? Ba’t ako? Di naman kita inaway ah, pinagsasabi mo diyan?” nilanghap ko na lang ang hawak ko na tulips.

Favorite flower ko ang tulips, ewan hindi ko alam kung bakit. Wala akong specific reason kung bakit gustong-gusto ko ang tulips, I just love it. At sobrang saya ko dahil may taong nagbigay sa ’kin ng tulip, never in my life ako nag-expect na may magbibigay sa ’kin ng bulaklak. Ang sarap pala sa pakiramdam, sana maulit pa ’to, sana lang naman.

“Tuwang-tuwa ka diyan sa tulips na binigay ko habang ako ay iniwan mo sa supermarket!” Agad na nabaling ang tingin ko kay West.

“Ba’t mo ’ko sinisigawan?!”

“Ay, hindi sinisigawan. Nagsasalita lang ako ng mahinahon,” bawi niya kaagad.

“Sabi mo iniwan kita sa supermarket? Wala ka namang sinabi na sabay tayong uuwi eh tsaka—”

“Tama na, Kleo. Nangyari na ’yon,” napakamot pa siya ng ulo niya. “Alam ko na nagtataka kung ba’t kita binigyan ng tulip.”

Napatingin ako sa hawak kong bulaklak at kay West ulit. “Oo nga, ba’t mo ba ako binigyan ng bulaklak?”

“Kasi kaninang umaga ay nanaginip ka ng tulips, tumatawa ka nga eh habang binabanggit mo ang tulips, para kang nasa isang garden na puro tulips. Tapos nakita ko sa cellphone mo na lockscreen wallpaper mo ay tulips, it made me realize that you love tulips, so, I bought some.”

Mas lumaki ang ngiti ko kaya hinagkan ko ulit siya. “Salamat sa bulaklak at sorry rin kasi iniwan kita sa supermarket kanina.”

“Nah, wala ’yon. Pasok na tayo para makakain na, nagugutom na ako eh.”

Kumalas na ako sa pagkakayakap. “Hindi pa ako nagluto ng ulam eh, hindi pa nga ako nakapagsaing.”

“Anong kakainin natin ngayon? Hangin?”

“Order na lang tayo, tinatamad ako magluto.”

“May nakita akong convenient store na malapit sa subdivision niyo, pwede naman na ro’n na lang tayo kumain eh.”

“Pwede naman, nagtitinda rin naman sila ng ready-to-eat food.”

Nauna na siyang humakbang paalis sa gate kaya ako naman ay sumunod na lang sa kaniya.

“Ba’t ayaw mo sabihin kay Alec na nililigawan kita,” wika niya.

“Wala lang, ayoko lang na ma-jinx itong relasyon natin. May sumpa ’yong bakla na ’yon.”

“Hala, talaga ba?”

“Oo, sinabi ko lang sa kaniya na crush kita tapos nagpapapansin ako sa ’yo,” salaysay ko.

“Wow, parang kinakahiya mo naman ako.”

Dahil sa salitang binitawan niya ay huminto ako sa paglalakad, walang emosyon akong napatingin sa kaniya kahit na naglalakad pa rin siya. “Ano ba pumasok sa utak mo at nasabi mo ’yan?” gusto kong magalit pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Napahinto rin siya sa paglalakad at napatingin siya sa ’kin, kitang-kita ko sa mukha niya na nagtataka siya sa inaasal ko. “Ano nangyari sa ’yo at huminto ka? Tsaka, nagsalubong na naman ang kilay mo,” mahinahon niyang wika.

Hindi na ako sumagot sa kaniya kaya naglakad na ulit ako, dali-dali naman siyang sumunod sa ’kin.

“Uy, ano ba nangyari sa ’yo?” tanong niya.

“Wala,” walang buhay kong sagot sa tanong niya.

“Medyo matagal na akong ’di ka nakitang galit,” aniya. Pero hindi na ako umimik.

Nang makarating kami sa convenient store para kumain ay hindi pa rin ako sumasagot sa mga tanong niya.

“Ano ba nagawa ko, Kleo?”

“Kleo, naman eh. Ba’t ka ba galit?”

“Pansinin mo naman ako, Kleo, please?”

Tanging buntong hininga at irap lang sinasagot ko hanggang sa matapos kaming kumain. Ngayon, naglalakad na ulit kami pabalik sa bahay, hindi ko pa rin siya pinapansin. Nauna akong maglakad sa kaniya.

“Kleo, kausapin naman ako ng maayos. Please lang!” Ngayon lang ko lang narinig si West na nagtaas ng boses, kaya naman ay nanginig ang buong katawan ko. Napatingin ako sa gawi niya, nagsalubong ang kilay niya at sobrang talim pa ng tingin sa ’kin.

“Kung may kasalanan ako kausapin mo ako, hindi ’yong bigla-bigla ka nalang hindi namamansin at bigla kang nagagalit sa ’kin. Hindi na tayo bata para sa ganiyan, kaya pakiusap.”

“Hindi ko alam kung bakit mo nasabi na kinakahiya kita. Hindi kita kinakahiya, West. Proud pa nga ako eh na may manliligaw ako na kagaya mo; na tanggap ako kahit ganito ako. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya tuwing magkasama tayong dalawa. Sobrang saya ko dahil nakatagpo ako ng taong kagaya mo. Walang dahilan para ikahiya kita, West, wala! Ang akin lang naman ay ikaw ang magiging kauna-unahang boyfriend ko ’pag naging tayo talaga. Ayoko muna sabihin sa ibang tao dahil—” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na may mainit na katawan ang yumakap sa ’kin.

“Tama na, Kleo. Ayokong marinig ang rason mo at higit sa lahat ay ayaw ko na nakikita kang umiiyak.”

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako sa mga sandaling ito, hindi ko man lang namalayan na umagos ang mga luha ko. “A-Alam mo, n-napapaisip ako k-kong d-deserve mo b-ba akong mahalin,” ngayon ay umagos na nga ng tuluyan ang mga luha ko. “Sobrang b-bait mo sa ’kin t-tapos…”

“Tama na, Kleo. ’Wag ka na umiyak, patawad kung nasabi ko ’yon kanina. Sorry talaga.” Mahinahon niyang wika pero mas lalo akong humagulgol. “Deserve mong mahalin, Kleo. Kamahal-mahal ka naman talaga eh.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga salita ni West. One thing is for sure; I really have fallen in love with this guy. I want him, solely him.


“Anong nangyayari dito, Alec?” Bungad na tanong ko nang maabutan ko si Alec at Jona na nakatayo lang sa gitna. Agad naman na napatingin sa ’kin ang dalawa.

“Usap-usapan raw kasi ’yong paghatid ko kay Gray,” napakamot nalang ng ulo si Alec.

“Ay, jusmeyo marimar. Parang yun lang? Jusko! Mga tao talaga parang timang, noh? Grabe maka issue, halatang walang magawa sa buhay!” Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng mga tao dito na wala silang pakielam kas buhay nila Alec at Gray ’yon. Mga marites talaga! At isa pa, kinaiinggitan rin kasi si Alec kasi nga anak siya ng may ari ng pinagta-trabahohan niya.

Napahilot na lang sa sintido ang kaibigan ko. Kilalang-kilala na niya ako, ’pag inaapi siya alam na niya na lalaban ako sa kaniya kapag tama siya.

“Kuya Kleo, kalmahan mo lang,” mahinang natawa si Jona.

“Hayaan niyo na lang ’yang mga sabi-sabi na ’yan, Kleo at Jona. Lilipas din ’to. Trust me,” kalmado na wika ni Alec. Nagkatinginan pa kami ni Jona at umupo na sa swivel chair ko.

“Balik ka na sa working station mo, Jona-bels. Tapusin mo na lang ’yong project mo para wala ka nang po-problemahin,” sabi ko kay at bumalik naman na siya agad.

Ngayon ay hinarap ko ang kaibigan ko. “Spill the tea, my friend.”

“Well, hinatid ko siya tapos andoon pala ang Papa niya sa condo. Inaantay niya raw si Gray na makauwi para kumustahin. Ang nakakapagtataka ay kahit malali na ang gabi ay inintay niya pa rin ang anak niya. After that nagkausap kami saglit at umuwi na rin naman ako at natulog na.”

“Ay, ang boring naman.”

“Ano bang dapat kong gawin? Pokingina ka.”

Natawa ako. “Well, you know.” I whispered. “Mag make-out kayo ng Papa ni Gray.”

“The f*ck, Kleo!” Tawang-tawa ako sa reaksyon ni Alec.

“Or nag take advantage ka sana kay Gray, diba?” Tinaas-baba ko pa ang kilay ko.

“Ano bang nakain mo ngayon at ganiyan ang nasa isip mo? Hindi ako ganiyan, friend. Please lang. Kaya ka ganiyan kasi may nangyari sa inyo ni—nevermind. Anyway, kayo ba ni ano?”

“Wala ~” dalian kong sagot.

“Anong wala? Sure ka bang wala? Sus, ang landi mo na talaga.”

“Huy, slight lang naman.”

“Ganoon na rin ’yon. Pero seryoso, may ginawa kayong kababalaghan, ’no?”

“Wala ah. Nag sleep-over lang ako sa apartment niya,” hindi ko mapigilang mapangiti kasi sobrang linaw pa sa utak ko ang mga nangyari.

“Sleep-over lang ba talaga?”

“Oo naman noh? Hello? We’re exclusively on a talking stage.”

“Wow, may ka talking stage pala ang kaibigan ko. At bakit ngayon mo lang sinabi sakin ’yan? Parang noong isang araw lang ay nagpapansin ka sa kaniya.”

“Eh, baka ma-jinx eh. You know, ayokong ma-jinx,” tumawa naman ang bakla.

“Siraulo ka!”

“Ang ingay niyong dalawa, Alec at Kleo,” napatingin kaming dalawa ni Alec sa nagsalita, si Sir Zack pala—nasa pintuan siya. Hindi namin napansing bumukas yung pintuan. “Alec, I need you in my office, now,” ani Sir Zack na may seryosong mukha.

“F*ck,” mahina niyang wika. Oh, what is going on?

Bumulong rin ako. “F*ck talaga, bading.”

Lahat ng Arki ay nakatingin kay Alec. For sure nangliliit siya ngayon kasi first time na team leader nagpunta dito sa office para tawagin siya. Tumayo na siya at naglakad na palabas ng opisina namin.

I heavily sighed. Wala akong trabaho ngayon at gusto ko magtrabaho para maging busy ako. Ayoko muna makita si West ngayong araw na ’to, hiyang-hiya ako sa ginawa ko kagabi. Bigla lang ba namang naging cold tapos na-confront ako at nagbreakdwon, jusko! Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Magazine, kailangan ko ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Habang busy ako sa pagbabasa ng magazine ay napansin ko na nakabalik na si Alec galing sa opisina.

“Ano sabi ba’t ka pinatawag?”

“May project kami ni Gray,” walang buhay niyang tugon.

Wow, bago pa lang si Gray at may project na kaagad? “Really?”

“Oo nga, kakasabi ko nga lang eh, di’ba?”

“Oo nga. Anong project ba ’yan? I mean, sino ang kliyente niyo?”

“Isang subdivision tapos ang pangalan ay Poo Qui Estate, magkakaroon sila ng subdivision dito sa city natin and kami ni Gray ang pinili niya para sa design at pagtatayo nito,” tanga, hindi sinagot ang tanong ko kung sino.

“Hala! Good luck!”

“Hindi ito madadala ng good luck kasi by Friday ay dapat tapos na, ganun ka excited ang kliyente namin. Para siyang nagmamadali, akala niya siguro ay ganun kadali. And by tommorrow, may meeting ako with the client, sinabi lang sakin nina Sir Jian at Sir Zack ang gusto ng may ari and mas prefer ko talaga na makausap siya ng harap-harapan,” pagmamaktol pa niya. “Nauuhaw ako. Punta muna akong café. May ipabibili ka?”

“Iced Matcha Latté”

“Eww… damo.”

“Hala parang sira ’to.” Tinawanan lang ako ni bading, uso ngayon ang matcha eh, gusto ko lang tumikim.

“Maakalis na nga lang,” tumayo na siya at umalis na sa opisina.

Malapit lang ang café na pareho naming paborito since college kami ni Alec, mabilis lang ’yong makarating do’n. At sigurado ako na wala gaanong tao ngayon doon dahil madali lang siyang nakabalik.

Nilapag ni Alec ang Ice Matcha Latté ko at binigyan niya ako ng straw. “Thanks, my friend.”

Umupo na rin siya sa swivel chair niya. “West sends his regards to you.”

Napatigil ako sa pag-inom ng iced latte ko dahil sa sinabi ni Alec. “Nagkasabayan kami ni Gray kanina sa elevator.

“Aysus, kayo ah. May something na kayo ah. Ayieee.”

“Anong kami ni Gray? Baka kayo ni West? Parang sira ’to.”

Tinawanan ko na lang siya. “We’re dating nga di ’ba? At sasabihin ko naman sayo ’pag naging kami talaga.”

“Imposibleng maging kayo,” ngayon siya naman ang tumawa.

This bitch right here has a huge trust issues and I can’t blame him with that. He really had a bad relationships in the past that is why.

And to think that West sends his regards to me, well, we didn’t saw each other right before I entered the agency this morning. One thing is for sure, he missed me… so damn much.

Chapter 8: Date

Chapter 8: Date

K L E O

Sumabay ako ni Alec na umuwi kasi tinatamad akong magcommute at isa pa wala pang sweldo kaya tipid-tipid muna ako sa ngayon. May bill na rin ako sa tubig at kuryente, pero wala pa akong pambayad, jusko naman ’yong sweldo ko pambayad lang sa mga bills ko. Malaki ang singil nila sa kuryente at tubig dahil na rin ata sa inflation eh.

Alam ko na nagtataka ’tong kaibigan ko kung bakit ako sumabay sa kaniya ngayon pauwi pero bahala siya. Plano ko rin na sa bahay nila ako magdinner ngayon, wala namang problema si Tatay ni Alec eh. Gusto pa nga niya na do’n ako palagi kumakain para may iba siyang kasabay bukod sa anak niyang bading at aso niya.

At may isa pa na nagtataka, alam ko na nagtataka ’yong si West ba’t di niya ako nakita buong araw sa opisina. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil nga sa pinaggagawa ko kahapon. Kanina gusto ko magpunta sa rooftop para magpahangin pero pinigilan ko sarili ko kasi iniisip ko na ando’n si West. Gusto ko siyang makita pero umaayaw ang utak ko, pinairal ko na lang ang utak ko kaya eto ako ngayon.

Nang maiparada ni Alec ang sasakyan niya ay lumabas na kaming pareho at binati ang Tatay niya. Sinabi pa ni Tito Wade na dito na ako sa bahay nila kumain kaya taos-puso ko naman itong tinaggap ang paanyaya niya. Pinagsaluhan namin ang hapunan at nang napagtanto ko na umuwi na ay pumayag naman si Tito Wade para raw makapagpahinga ako. Kung alam lang ni Tito Wade na wala akong project.

Habang papalapit na ako sa bahay ko ay may naaaninag akong pigura na nasa gate ng bahay ko. “Anong ginaggawa ni Kuya Soj sa gate—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita niya ako na papalapit sa gate.

Fuck. Hindi pala si Kuya Soj ang nasa gate kundi ang taong buong araw kong hindi nakita.

“Oh there you are, Kleo Madrigal.” Wika niya nang makalapit ako sa kaniya, may nakakalokong ngiti ang labi niya ngayon.

“What the hell are you doing here, West Ryle Barcelo?” tanong ko sa kaniya.

“Well, I know that you’re aware.”

“Aware of what?”

“Avoiding me,” his words caught me off-guard.

“I-I’m not avoiding y-you and why would I in the first place?”

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya. “Bakit hindi kita nakita sa agency kanina? Pati na rin sa cafeteria wala ka, at hindi rin kita nakita sa bus stop kung saan ka laging nag-aantay ng bus.”

“Aba, ewan ko sa ’yo, West. Pinagsasabi mo diyan.”

“You indeed avoiding me.”

Out of frustration, I madly scratched the top of my head. “ Yes, I’m avoiding you. Why? Because of what I acted last night and it really bothers me a lot! And I didn’t sleep well last night because of it, I feel like I’m so fucking childish—“

“Ay, ’yon naman pala eh. So, nahiya ka sa ’kin dahil sa inasal mo kagabi, gano’n? Sus, parang ’yon lang? Ano ka ba, Kleo.”

“Kung para sa ’yo ay hindi big deal ’yon, pwes, sakin oo!” Pinagtaasan ko na siya ng boses pero ang emosyon niya ay hindi pa rin nagbabago.

“Ano ba’ng meron sa inasal mo kagabi? You just let yourself be vulnerable on other people—to me. I liked it ’cause—” ayokong marinig ang sasabihin niya, kaya ginawan ko kaagad ng paraan para hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

“Bakit ka ba nandito? Ano ba ang gagawin mo dito?”

“I wanted to see you. Please, ’wag mo naman akong iwasan, Kleo. Ano pa ang saysay ng panliligaw ko sa ’yo kung—”

“Please, tama na! Andami ko nang iniisip, ’wag mo na dagdagan pa!”

“Kleo, gusto lang naman kitang makita eh dahil hindi kita nakita kanina sa agency,” salaysay niya sa dahilan niya.

“Nakita mo na ako, West. Kaya umuwi ka na at gabi na,” wika ko kaya lumapit na ako sa gate ng bahay ko para buksan ito. Pero bago pa ako makapasok ay marahas na hinawakan ni West ang braso ko.

“Bakit ka ba galit sa ’kin? May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan? May nasabi na naman ba akong masama?” Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sinseredad; sincere siya sa ’kin, sa relasyon naming dalawa. Sana naman ay tunay nga ang mga ito.

“West,” halos pabulong na tawag ko sa pangalan niya, “pagod na pagod ako ngayong araw na ’to kaya bukas na lang tayong dalawa mag-usap. Mainit ang ulo ko at ayoko na may masama akong masabi sa ’yo, kaya pakiusap lang, sana maintindihan mo ako.”

Paunti-unti ay hindi na mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko hanggang sa binitiwan na niya ang braso ko. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang mukha niya; hindi siya masaya at alam ko kung ano at sino ang rason niya. Pumasok na ako sa bahay ko, naiwan na si West na mag-isa sa gate ng bahay ko. Plano ko sana bukas na kausapin siya pero ’wag na muna siguro sa ngayon, magpapalamig na muna ako ng ulo.


“I think it is your time to pair up with West, you know what I mean Kleo? Alam ko naman na magaling ka sa trabaho mo at gano’n rin si West,” ani Sir Jian habang kaming dalawa ni West ay nakikinig lang sa kaniya. “I know this is your first time to be paired with each other and I know you guys are in good terms ’cause I always saw you hanging out… in the cafteria.”

Ito talaga ang unang pagkakataon na siya ang engineer sa design ko. Honestly, I don’t know what to feel about it, knowing that we had an argument last night and didn’t made up. Masaya ako kasi finally ay siya ang engineer, medyo off lang ako kasi nga baka maapektuhan pa ang project naming dalawa dahil sa hindi namin pagkakaintindihan.

Kanina pa kami rito sa loob ng opisina nina Sir Jian at hinding-hindi ko talaga pinapansin ang katabi ko. Napapatingin siya sa ’kin paminsan-minsan pero binabalewala ko siya, ayoko muna siyang kausapin ngayon.

“I think that’s all,” Sir Jian smiled to us.

“Sir Jian really assured me that you guys are great architect and engineer, and as I narrate my details on the design, you Mr. Kleo really made up easily,” ani ng kliyente namin. Our project is a commercial building and it’s quite challenging but kaya naman.

“Thank you Sir for trusting our agency,” ngumiti lang ang kliyente namin at nagpaalam rin naman siya dahil may appointment pa raw siya.

Ako naman ay lumabas na agad ng opisina at tinahak ko na ang daan papunta sa opisina namin. Pagpasok ko ay agad kong hinarap ang laptop ko at nagsimula na sa trabaho ko.

Buong araw kong inatupag design ko para matapos na agad ’to, umaalis lang ako sa working station ko ’pag nagugutom ako para bumili ng snack at kapag naiihi ako.

Tumingin ako sa orasan na nasa dingding ng opisina namin, 6:32 PM na. Wow, ilang oras ba akong nagtrabaho? Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Inistretch ko ang katawan ko at pagkatapos ay nilagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko, nauna nang umuwi ang kaibigan ko at ’yong ibang architect. Grabe, ako na lang pala mag-isa dito sa opisina. Umuwi na rin ako at natulog na.

Sunday morning. Wala akong gagawin ngayong araw na ’to at naiinis ako, ayoko muna isipin ’yong design ko dahil gusto ko magpahinga ngayong araw na ’to. Bumangon na ako sa pagkakahiga, bumaba na ako at nagluto na nang agahan ko. Egg, hotdog at longganisa lang sapat na atsaka fried rice.

Pagkatapos kong magluto ay nilantakan ko na ang pagkain ko, habang kumakain ako ay biglang nagring cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa sofa at tinignan kung sino ang nagtext.

‘Sa’n ka?’

Nagreply rin naman ako, ‘bahay.’

‘Ok, going na me.’

Nagtataka ako sa text ni West. Ano naman kaya ang nasa isip ng taong ’yon? Baka pinagti-tripan lang niya ako. Bumalik na ako sa pagkain ko at nagpatuloy nang kumain. Simpleng pamumuhay at simpleng ulam ay sapat na sa ’kin.

Pagkatapos kong kumain ay naghugas rin naman agad ako ng plato na pinaggamitan ko. Habang busy ako sa ginagawa ko ay nagulat na lang ako ng may magsalita sa likod ko.

“Ba’t ngayon ka lang kumain? Anong oras na, Kleo.”

Hindi ako tumingin sa kaniya at nagpatuloy lang sa paghugas ng pinggan. “Wala akong pakielam, hindi nga ako nangielam ba’t ka pa nagpunta dito sa bahay ko eh.”

“Hala, hindi nga rin ako nangielam na hindi mo ako pinapansin ng ilang araw eh.”

Dahil sa sinabi niya ay tinignan ko siya sa mga mata niya. Ang ganda pala ng mata nang taong ’to, ngayon ko lang napansin sa tagal na naming magkasama.

“Kung nagpunta ka lang dito para ipaalala ang mga ginawa ko, please umalis ka na lang habang mabait pa ako sa ’yo, West.”

“Hindi naman sa pinapaalala ko, nag-aalala lang ako kasi ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Kaya naisipan ko na puntahan ka na lang dito para makausap ka sa personal. Team tayo sa project na gagawin natin, Kleo. Ayoko lang na kapag nagta-trabaho ako ay iniisip ko kung anong kasalanan ko sa ’yo, gusto ko lang maayos natin ang gusot na ’to, Kleo.” Unti-unti ay kinuha niya ang kamay ko, ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya.

“Alam mo, West. Ni minsan ay hindi ko pinakita kay Alec ang mahinang panig ko kasi ayokong kaawaan ako ng tao, kesyo people pleaser ako, kulang sa aruga ng magulang, kulang ng pagmamahal. No’ng isang araw ay hindi ko lang napigilan ang sarili ko na magtaka dahil sa buong buhay ko ay may tao na nakakaintindi sa ’kin at tanggap ako. Nakaka-overwhelm lang kasi, West.” Hindi ko na mapigilang maging emosyonal kaya hinayaan ko na ang mga luha kong pumatak mula sa mga mata ko.

“Ganito pala ang feeling na may taong tanggap ka, tanggap ang buong pagkatao mo; sobrang ganda sa pakiramdam. Sana hindi ka magbago, West. Sana dumating ang araw na tatratuhin mo rin ng kagaya ko ang taong makakasama mo habang buhay.”

Isang mahigpit na yakap ang binigay sa ’kin ni West. “Tsk. Ganiyan ka naman eh, ’wag mo pangunahan ang hinaharap kasi hindi naman natin alam ang mga susunod na mga mangyayari sa ’tin eh, ang mahalaga sa ’kin ay ang kasalukuyan. At naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Kleo. Sabi ko naman sa ’yo dati na I’ll spoil you with assurance and consistency.” Mas lalo akong naging emosyonal sa mga salitang binitawan niya. Ang swerte ko lang na nakilala ko ang kagaya ni West.

“Ba’t ka umiiyak?”

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay West at pinahiran ang mga luha ko. “Kasalanan mo talaga ’tong hayop ka. Hindi na tuloy ako natapos sa ginagawa ko, bwisit ka.”

Tinawanan lang niya ako. “Ako na nga diyan, maupo ka na do’n. Tapos ka naman nang kumain eh,” aniya kaya sinunod ko na ang sinabi niya. “Alam kong ginawa mo na ang project natin kahapon pa, kaya deserve mo nang pahinga ngayong araw na ’to.”

“Oo, sinadya ko talaga na gawin ’yon para hindi kita maisip kahapon.”

Napatingin siya sa gawi ko. “Ay wow naman. Sobrang taas ng pride mo ah. Dahil diyan ay maligo ka na at aalis tayo.”

Napatingin ako sa kaniya na may pagtataka. “A-Ano? Sa’n naman tayo pupunta? Tsaka, sobrang tirik ng araw, West. Jusko isipin mo naman ’yon.”

“Sus, dami mong sinasabi. Sabihin mo na lang na ayaw mo akong maka-date,” ngumuso pa siya.

“Magdi-date tayo tapos nakapambahay ka lang?”

Napairap siya. “Bakit? Kailangan ba na pormang-porma para makipagdate?”

Napakamot na lang ako ng batok ko. “Oh siya sige. Maliligo na Sir,” tinawanan lang niya ako nagpatuloy na siya sa ginagawa niya. Gusto ko matry na magdate na nakapambahay lang.


“Gusto ko ice cream,” ani West nang makalapit kami sa nagbebenta ng sorbetes dito sa bypass road na pinuntahan namin dati. Agad naman na nagscoop si Kuya. Hindi ko lubos akalain na may nagbebenta pala dito ng mga street foods; may nagtitinda ng barbeque, bananacue, mga fishball, kwek-kwek at iba pa.

Nakita kong kinapa-kapa ni West ang bulsa niya at napatingin pa siya sa tindero ng sorbetes na may pag-aalala. “M-May e-wallet k-ka b-ba, kuya?”

Agad akong napahilot ng sintido ko.

“Naku naman, Sir. Dapat po ’pag may ka-date ka dapat may cash ka po,” tama ka diyan Kuya. Nakinig lang ako sa usapan ng dalawa.

“Pasensya ka na, Kuya ah. Naiwan ko kasi sa bahay—”

“Ako na magbabayad, West.” Binunot ko na sa bulsa ko ang wallet ko at kumuha ng isandaan at binigay ko kay Kuya. “Keep the change na lang, Kuya.” Ngumiti na ako sa kaniya tsaka niya kami binigyan ng tig-iisang ice cream.

“Salamat Sir. Kung ang ka-date ko Sir walang cash…? Naku, iiwanan ko talaga siya.” Hindi ko alam kung sarcastic ba ang sinabi niya pero tawang-tawa ako. Napatingin ako kay West na ang sama ng tingin sa ’kin. Mukhang mapapadalas ang pagpunta namin dito sa bypass road dahil may samu’t-saring mga pagkain ang pwede naming kainin.

Chapter 9: Envy

Chapter 9: Envy

K L E O

Busog na busog ako ngayon sa sobrang dami kong kinain na street foods at sana ay hindi pa ako tawagin ng kalikasan. Mukhang may rason kaming dalawa ni West na bumalik dito sa bypass road, syempre para kumain ng street foods after ng trabaho.

Dahil sa kabusugan ay napagtanto naming dalawa na magpahinga muna, kaya umupo kaming dalawa sa hood ng sasakyan niya.

“Ang ganda talaga dito ’no? Nakaka-relax nang isipan at katawan, tamang sight seeing lang sa dagat habang kasama ang mahal mo, solve na solve talaga,” ani West na nakamasid lang sa dagat.

Napatingin ako sa gawi niya. “Mas maganda ’pag full moon, kagaya no’ng una mo akong sinama dito. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ’yon,” sagot ko naman sa kaniya.

Ngayon ay napatingin siya sa ’kin. “Paanong hindi mo malilimutan eh ’yon ang time na tinanong kita kung pwede ba kitang ligawan,” sumilay agad ang napakandang ngiti sa mga labi niya. Isang maligalig na ngiti rin ang sinagot ko sa kaniya.

Sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko, dati trabaho lang inaatupag ko pero ngayon gwapong lalaki na.

“Uwi na tayo?” tanong ko sa kaniya.

“Sige, gabi na rin naman na at wala nang nagtitinda dito,” sagot naman niya. Umalis na kaming dalawa sa hood ng sasakyan, nauna na akong pumasok sa loob bago siya.

“May gagawin ka ba ngayong gabi?”

Sumagot naman agad ako. “Wala bukod sa paggawa ng design para sa project nating dalawa.”

“Bukas mo na lang gawin ’yan, nood na lang tayo ng movie sa bahay mo,” suhestiyon niya, nginitian niya kaagad ako.

“Alam mo, kailangan ko na ’yon tapusin eh, pero sige.”

“Ay, akala ko aayaw ka. Bili muna tayo ng snack natin do’n sa convenient store na malapit sa subdivision niyo,” hindi na ako sumagot.

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan, nimaniobra niya ito at pinaharurot na paalis ng coastal bypass road. Mabilis lang kaming nakarating sa paroroonan namin dahil walang traffic, lumabas na kami sa sasakyan ni West at pumasok na sa convenient store.

“Bili ka juice drink ako na bahala sa snacks,” sabi ko sa kaniya, tumango-tango naman siya kaya naghiwalay na kami. Gusto ko kumain ng pepero at potato chips, syempre marami akong binili para may kainin ako ’pag gusto ko.

Nagbayad na ako sa cashier at lumabas na ng convenient store.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay hindi napigilan ng dugo ko na kumulo; kitang-kita ko na may higad na umaaligid kay West. Nakahawak pa siya sa braso ni West at sobrang laki pa ng ngiti niya habang kinakausap niya si West.

Nagsalubong agad ang kilay ko, nag-aalburuto na ako sa galit dahil sa nakikita ko ngayon. Rinig na rinig ko pa ang usapan nilang dalawa ng babaeng higad, sa isip ko ay pinagsasaksak ko na siya ng kutsilyo.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na ako sa kanilang dalawa.

“Bibi, kanina ka pa ba nag-iintay sa ’kin?” pumulupot agad ako sa kabilang braso ni West, alam kong nagulat siya sa ginawa ko at wala akong pakielam.

“Wow, may boyfriend ka pala West? Ang cute niyo namang dalawa.”

“Well, salamat. Alam mo ba na ’pag may boyfriend ka na ganito kagwapo ay may aaligid talaga na higad sa kaniya? Alam kong alam mo ’yon, miss.”

“Kleo…” tawag ni West sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.

“Alam mo miss, ayoko lang naman na may babaeng makati na umaaligid sa boyfriend ko, alam mo na baka maagaw. Gayunpaman, kung magpapaagaw ba siya, kung type mo boyfriend ko miss, maghanap ka ng iyo at do’n mo ngudngurin ang kati ng katawan mo, ’wag sa boyfriend ko!”

“E-Excuse me?”

“You are excused, bitch!” sagot ko sa babae at napatingin ako kay West. “Let’s go, bibi. I know as I lay there on my bed, nude, I know you’re yearning for me,” I slowly caressed his abs.

Bumuntong-hininga si West kaya agad na niya akong pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan niya kaya pumasok na ako sa loob, pumasok na rin siya sa sasakyan bitbit ang plastic bag na may laman na juice drinks. Binuhay niya agad ang makina at nimaniobra na ito paalis ng convenient store.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ko ay hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo ko.

“Sino ba ’yong babaeng ’yon?” pinagkrus ko ang braso ko.

“Nagtatanong lang ng direksyon sa ’kin,” sagot naman niya.

“Wow, may magtatanong ba ng direksyon na may pahimas pa ng braso mo?”

“Hindi ko napansin—”

“Sarili mong katawan ’di mo napansin na hinihimas niya ang braso mo? Grabeng palusot ’yan, West. Rinig na rinig ko ang usapan niyong dalawa; tinatanong niya kung bago ka lang ba dito sa lugar, tinanong pa nga niya kung anong pangalan mo eh.”

“Kleo..”

“Ano?! Magpapalusot ka pa? Tawang-tawa pa nga siya sa corny na joke mo eh.”

“Kleo, pakinggan mo muna ako.”

“Gusto mo ba ang babaeng higad na ’yon? Do’n ka na sa kaniya, magsama kayong dalawa!”

“Ano ba naman ’to, Kleo! Pakinggan mo muna ako sabi eh, selos ka kaagad,” kinuha niya ang bitbit kong plastic at nilagay niya ito sa couch. “Pakinggan mo ako, okay? Kalma ka muna.”

Hindi ako umimik kahit na nagsalubong pa rin ang kilay ko.

“Classmate ko ’yong babaeng ’yon no’ng college, bago lang daw siya sa lugar kaya nagtanong siya sa ’kin. Hindi niya raw akalain na magkikita kaming dalawa, kaya nagkausap kami. Ngayon alam mo na?”

“Wala akong pakielam.”

Napakamot siya ng batok niya. “Sorry na,” naglalambing ang boses niya.

Lumingo-lingo ako.

Paunti-unti ay lumapit siya sa kinatatayuan ko, ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang mainit at matikas niyang katawan. “Ang cute mo namang magalit, Kleo.”

Dahil sa sinabi niya ay kinurot ko ang tagiliran niya. “Aray naman, Kleo. Ang sakit ah. I’ll take that as forgiveness, bibi.”

“Ulol,” tinawanan lang niya ako.

“’Wag ka na magalit, hindi na mauulit ’yon,” aniya.

“Nye nye nye.”

Mahina siyang natawa. “Nood na lang tayo ng ghibli movie.”

Kumalas na ako sa pagkakayakap niya, seryoso ako tumingin sa mga mata niya. “Seryoso ka ba sa ’kin, West?”

Kumunot bigla ang noo niya. “Anong klaseng tanong ’yan, baka mag-away na naman tayo, Kleo.”

“So, hindi ka seryoso sa ’kin, gano’n?”

Napahilot siya ng sintido niya. “Kleo naman eh, malamang seryoso ako sa ’yo. Kung hindi ako seryoso sa ’yo edi—”

“’Wag ka na magpaliwanag, nagtanong lang naman ako.”

“O-Okay, nood na tayo ghibli movie.”

“Ano ’yan? Ngayon ko lang narinig ’yan.”

“Ah, basta maganda ang movie na ’to!”

“Okay, dito na lang tayo sa living room manonood, kukunin ko muna ang laptop ko sa taas at ikaw na ang magdownload,” wika ko, tumango-tango lang siya bilang sagot kaya pumunta na ako sa kwarto ko sa taas para magbihis at para kunin na rin ang laptop ko.

Pagbalik ko sa baba ay nakahanda na ang snacks at drinks. Binigay ko na kay West ang laptop ko at siya na ang nag-operate—tumabi ako sa kaniya sa couch—nakatingin lang rin ako sa screen ng laptop ko habang nagbo-browse siya ng website.

“Itong My Neighbor Totoro, bibi. Super nice talaga nito at super cute pa.”

“Talaga? ’Yan na i-download mo. Kukuha lang ako ng kumot,” dali-dali akong bumalik sa kwarto ko para kumuha ng kumot at bumalik na ulit sa baba.

Mga ilang sandali pa ay tapos nang i-download ni West ang movie kaya naman ay nanood na kami. Para kaming lumpia shanghai sa itsura namin ngayon, naka-wrap sa kumot. Habang nasa ganitong position ako ay sinusubuan naman ako ni West ng chips.

Ilang minuto na ang nakalipas sa movie ay nararamdaman ko na ang antok dahilan para humikab ako.

“Kanina ka pa humihikab ah, tulog na tayo,” ani West na nakatingin sa ’kin.

“Mamaya na, nanonood pa ako eh,” sagot ko naman kaya sinandal ko na ang ulo ko sa balikat niya, “ang cute naman ni Totoro.”

“Hmm-mm.”

W E S T

“Ang cute talaga no’ng dalawang maliliit na kaibigan rin ni Totoro, ’di ba? Simple lang ang storyline pero napakaganda ng pagkakagawa.”

Hindi umimik ang katabi ko kaya nagpatuloy lang kami sa panonood.

Napansin ko na bumigat ang balikat ko kung saan nakasandal ang ulo ni Kleo, tumingin ako sa kaniya. “Nakatulog ang kasama ko,” mahina akong napatawa, “cute.”

Hiniga ko na siya sa couch at kinumotan. Tumayo ako para ligpitin ang chips na natira pati na rin ang juice, ni-off ko na rin ang laptop niya.

“Sabi kong matulog na kami eh ayaw pa matulog, ayan tuloy nakatulog na nga sa couch.”

Bumalik ako sa couch, kasya naman ata kaming dalawa dito eh basta nakatagilid lang kaming parehas. Humiga na ako rin ako sa couch paharap kay Kleo, pinaunan ko sa kaniya ang braso ko. Ilang sandali lang ay isang mainit na yakap ang sinukli niya sa ’kin. Inayos ko na ang kumot para hindi kami lamigin pareho. Ngayon, pareho na kaming magkayakap sa isa’t-isa.

“Good night,” I whispered and kissed the top of his head.

Nakatulog talaga ’to dahil sa kabusugan, marami siyang kinain kanina do’n sa coastal bypass road, tapos idagdag mo pa ang chips at juice.

Pinikit ko na ang mga mata ko, komportable akong nakayakap kay Kleo dinadamdam ang pagkakataon dahil minsan ko lang nayayakap ng ganito si Kleo. Paunti-unti ay dinadalaw na ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.


Maaga akong gumising para magluto ng agahan namin, ito ang unang pagkakataon na lulutuan ko nang agahan si Kleo at excited na ko. Pagkatapos kong magluto ay nagpunta ako sa sala, nakaupo lang siya sa couch na gulong-gulo ang buhok. Inaantok pa rin siya at gusto pang matulog pero hindi dahil may trabaho kami ngayon.

“Wake up, sleepy head. Breakfast is ready,” wika ko at tumabi ako sa kaniya.

“I’m still sleepy,” aniya kaya sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

“Lunes ngayon at may trabaho tayong kailangan tapusin kaya maligo ka na do’n at magbihis para makakain ka na.”

“What about you?”

“Babalik ako sa condo ko para maligo at magbihis, dito lang ako kakain.”

“Okay.”

Tumayo na siya na parang walang buhay at tinungo na niya ang kwarto niya.

Bumalik na ako sa hapag para do’n ko na lang hintayin si Kleo. Ilang sandali lang ay bumaba na siya na nakabihis na.

“Gwapo ah,” komento ko kaya napangiti ako.

“Parang sira ’to,” nakita kong namula ang mukha niya dahilan para mapatawa ulit ako.

“Kain na tayo,” wika ko kaya umupo na sa stool ng island counter si Kleo at sinalinan na niya ng kanin at ulam ang plato niya.

Isang matalim na tingin ang natanggap ko mula sa kaniya. “Ikaw, hindi ka pa kakain diyan?”

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. “Busog na ako ’pag nakikita kitang kumakain.”

“Shuta, ang corny mo. ’Wag mo ako kausapin,” inirapan agad niya ako at nilantakan na ang pagkain niya, tawang-tawa ako sa reaksyon niya. “Sige, tumawa ka lang diyan. ’Pag tayong dalawa na-late sa trabaho susuntukin talaga kita.”

Mahina akong natawa. “Yes sir, kakain na po,” wika ko at kumain na rin.

Habang kasama ko si Kleo ay mas lalo ko siyang nakikilala, he’s so vulnerable and kind at the same time kahit na nagbabangayan kaming dalawa minsan damang-dama ko ang pagmamahal niya, he really deserve a genuine love ’cause he’s so pure and loving.

“Baka matunaw ako sa mga titig mo, alam ko naman na cute ako eh,” nakatingin siya sa ’kin na nakakunot ang noo.

“Iniisip ko kasi na kinakasal tayo tapos may bitbit kang bouqet na puro tulips,” natatawang wika ko sa kaniya.

Isang irap lang ang natanggap ko mula sa kaniya. “’Wag mo ’ko niloloko, West. Hindi mo ako makukuha sa ganiyan,” sagot naman niya kaya kumain ulit siya.

“What if hindi talaga tayo ang para sa isa’t-isa,” seryoso ang mukha kong tanong sa kaniya.

Nakakatakot ang mukha niya ngayong nakatingin siya sa ’kin. “Wala namang problema sa ’kin ’yan, West. Gano’n naman talaga ang buhay; hindi naman puro magaganda ang mga mangyayari sa buhay natin. Kahit gugustuhin man natin pero tadhana na ang nagsasabi na hindi, ’wag na nating pilitin.”

“Sabagay, totoo nga naman.”

“Ba’t mo natanong ’yon?”

“Wala lang, bigla ko lang naisip.”

“Alam mo, dahil sa kadaldalan mo baka ma-late nga tayo sa trabaho natin. May design pa akong kailangan tapusin tapos ilang araw na lang ang natitira sa ’tin para ipakita sa kliyente natin ’yong design ko!”

Hindi ko mapigilang tumawa. “Late na tayo, bibi.”

“Oo kasi ang daldal mo, bushet ka! Iniinis mo ako,” agad rin niya akong inirapan dahilan para mapatawa ulit ako.

Nilantakan ko na ang pagkain ko para matapos na ako at para makauwi na ako para makaligo at makabihis na.

Chapter 10: Love

Chapter 10: Love

K L E O

“Kinakabahan ako, Kleo,” agad akong napatingin sa katabi ko, actually, kanina pa talaga hindi mapakali sa inuupuan niya at naba-bother rin ako kahit na busy ako sa ginagawa kong floor plan.

Buti na lang kanina ay hindi kami na-late ni West sa trabaho at wala pa si Alec dito sa opisina, may mga ilan nang mga architect na busy sa paggawa ng mga design nila pagdating ko dito. Sabay talaga kaming pumasok ni West sa kadahilanang gusto niya akong ihatid para makatipid ako sa pamasahe, ’yon lang.

“Chill ka lang, bakla. Alam kong magugustuhan na ng kliyente niyo ’yon,” ang tangi ko lang nasabi kaya  hinahagod-hagod ko ang likod niya.

“Sana nga para naman worth it ang pagod namin ni Gray,” aniya. Malamang magiging worth it ’yan, nagsama ba naman ang parehong nag-top sa board exam.

Napansin naming pareho ni Alec na may taong lumapit sa table niya kaya naman napatingin kaming pareho sa kaniya. Grabe, abot tainga ang ngiti habang nakatingin kay Alec, halatang bet rin ang kaibigan ko.

“Alec, punta raw tayo sa conference room.”

Napabuntonghininga agad ang kaibigan ko kaya naman ay tumayo na siya.

“Goodluck, guys!” wika ko naman, ngumiti lang ang kaibigan ko kaya naman ay umalis na ang dalawa sa opisina para sumalang sa conference room.

At kami naman ni West sa mga susunod na araw ang sasalang do’n sa conference room kasama ang mga engineers na involve sa project namin; such as electrical engineer, geodetch at iba pang engineer.

Kaunting kembot na lang sa design ko at ipapakita ko na ’to kay West at siya na ang bahala sa gawa ko, siguro bukas ay matatapos ko na ’tong gawa ko. Basta hindi lang ako madi-distract ng kaibigan kong bading na ’yon, jusko talaga.

Si Alec lang naman ang pinakachismoso sa ’ming dalawa kung tutuusin eh.

May tatapusin pa ako sa araw na ’to kaya naman ay; I gotta be work my ass of.

Malapit na malapit na talaga akong matapos sa design ko; mga eighty percent ng kabuoan. Gusto ko nang matapos ’to para makapagpahinga na rin ako sa wakas.

Nakatuon lang ang pansin ko sa ginagawa ko ngayon, habang si Alec ay inaayos ang sarili niya. Seryoso ang mukha ko na nakatingin sa kaniya, ang pangit niya ngayon at mukha siyang hindi nadiligang halaman.

“You looked haggard, you know?”

Napatingin rin siya sa kinauupuan ko bago sumagot. “I know, I didn’t take a bath today, and you didn’t even notice that I was late?” saad niya at sumandal sa swivel chair.

Alam kong may nangyari sa kaniya kaya naman ay sinabi ko na agad-agad ang magic words. “Spill the tea.”

Napabuntonghininga pa siya pero kalaunan ay nagsalita rin naman. “Nakalimutan kong sabihin sa ’yo no’ng nakaraan na nilibre ako ni Gray sa café niya.”

Now I looked puzzled.

“C-Café?”

“Hmm… ’Yong paborito nating café noong college and up until now,” seryoso ang sagot niya sa ’kin at wala akong naiintindihan sa sinabi niya.

“Wait… What?”

“Yeah, Gray Café. He f#cking owned it. And on the bright side, ’pag pupunta tayo do’n ay wala na tayong babayaran as long as gamitan lang natin ng code ’yong barista, siya na mismo ang nagsabi no’n.”

Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat ko nang marinig ko ang patungkol sa Gray Café. “No way!”

“Yes way, my friend. Gulat na gulat rin ako nang malaman ko ’yon,” tumawa ang bading.

Gray Ignacio really owned that café? How come? Paborito naming tambayan ’yon ni Alec simula college kami tapos ang may ari ng café na ’yon ay andito sa agency ng Tatay ni Alec? Isn’t it amazing?

“Anyway, ano ba nangyari sa ’yo kahapon at bakit late ka ngayon?”

Naging seryoso ngayon ang mukha ng kaibigan ko, sinimulan na niyang isalaysay ang mga nangyari mula umpisa hanggang dulo.

Hindi ma-take ng utak ko ang mga nangyari sa kanila kagabi; nag-inuman lang naman ang dalawa tapos itong kaibigan ko ay lasing na lasing at naiwan sa condo ni Gray na mag-isa. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatili dahilan para umalis kami opisina namin, dahil sa ginawa ko ay lumayas na lang kaming dalawa sa opisina. For sure ’pag nakita kami ni Miss Secretary ay pababalikin rin niya agad kami sa trabaho.

Nakita kong bad mood si Gray kaninang umaga pero hindi ko siya kinausap since hindi naman kami gano’n ka-close sa isa’t-isa.

Hay ewan ko ba sa relasyon ng dalawang ’yan.


Lunch break came, hindi ako na ako sumabay kay Alec kumain kasi inuna ka pa ’tong design ko. Ngayon, ako lang mag-isa dito sa cafeteria na kumakain, sanay naman na akong kumain mag-isa kaya ayos lang.

Nakatuon lang ang pansin ko sa kinakain ko nang may biglang maglagay ng bulaklak sa table ko, isang hindi kalakihan na bouquet ng orange tulips. Unti-unti kong inangat ang paningin ko sa taong naglagay ng bulaklak sa mesa ko, kitang-kita ko ang sigla sa mukha niya. Napakagwapo talaga ng taong ’to, abot tainga rin ang ngiti niya habang nakatingin sa ’kin ngayon.

He eventually sat down on the opposite chair still smiling to me. “You looked stressed and I wanted to see you in your office, but an architect said that you’re here in the cafeteria.”

“And?”

“I immediately bought a bouquet of tulips for you,” his soft palm reached my hand, “please don’t stress yourself too much.”

“Kung hindi ako magpapaka-stress edi wala akong pera,” sarkastiko kung tugon sa kaniya.

“Alam ko naman ’yon pero ’wag mo namang abusuhin ang sarili mo. Kagaya ngayon, anong oras ka na kumain ng lunch,” aniya na may pag-aalala.

“Yes Sir, hindi na po mauulit,” wika ko kaya naman ay binaling ko na agad ang tingin ko sa bouquet. My favorite flower was given by my favorite person, I feel like I’m still dreaming. Before it was just a dream of a gay guy like me to be in this kind of love, but now here I am.

“Want to have dinner at my place? I’ll cook your favorite food,” agad-agad na sumilay ang matamis niyang ngiti at tumango-tango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

Maybe it is time to answer him, he’s been consistent to me since day one up until to this day he’s credited to that. He’s sincere to me, and to my feelings for him, I know his aware of that. I must ready myself for tonight’s happening.

“Sure, that would be great. Would you cook some spaghetti with a lot of cheese, hotdogs and ground pork?”

“Mmm-hmm, as long as you lend a hand to me so that we can prepare the ingredients and the procedure, there’ll be no problem with that,” he answered with a sparkling eyes, I’m looking forward for tonight!

“I think you should go now, alam kung marami ka pang kailangang gawin sa opisina niyo kagaya nang pakikipaglandian—”

“Sus, ayan ka na naman eh. Kahit itanong mo pa kay Gray kung anong mga ginagawa ko sa opisina.”

“Defensive?”

Pinagkrus na niya ang braso niya, ibig sabihin ay nagsimula na kumukulo ang dugo niya sa ’kin. “Hindi ako defensive, sinabi ko lang naman ang katotoohanan. At isa pa, alam ko na overthinker ka kaya dapat tapat ako sa ’yo, gets mo ang punto ko?”

“Yeah bro, chill ka lang diyan andami mo agad sinabi.”

“Ah, bro na pala tawag mo sa ’kin. Sige, hindi ko na lang itutuloy ang plano natin mamaya,” aniya na nanghahamon pa. Akala niya siguro mapipikon ako sa kaniya.

“Well, ayos lang naman sa ’kin. Pwede naman na si Alec na lang ang pupunta sa bahay ko para kaming dalawa ang magluto, how’s that?”

“Hala, sorry na bibi. Itutuloy natin ’yong plano natin mamaya, please?”

Hindi ko na mapigilang tumawa dahil sa reaksyon niya.

“Umalis ka na para matapos ko na ’tong kinakain ko,” sabi ko sa kaniya.

“Pero tuloy naman tayo  mamaya eh, ’di ba?” tumango-tango na lang ako bilang sagot sa tanong niya, “okay, byers. Kita na lang tayo sa parking lot mamaya,” pahabol pa niya, tumayo na siya at umalis na ng cafeteria.

He’s so cute.

Mamayang gabi ay malalaman na ni West kung gaano ko siya kamahal.


“Ayos na ba?” aniya nang sumubo na ako ng spaghetti ko, “masarap ba? Alam kong paborito mo ’yan eh, for sure ayos lang sa ’yo ’yan,” dagdag pa niya, nag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa ’kin ngayon.

“’Wag mo ako kausapin, naiinis ako sa ’yo!”

“Bibi, sorry na kasi. Tinamad lang talaga ako magluto eh kasi naubos lahat ng energy ko nang makita ko ’yong design mo kaya pala medyo natagalan ang paggawa mo,” nagmeeting kami ng client ko kanina since natapos ko rin naman na itong gawin, wala naman akong naging problema sa response ng client ko.

“Wow, nice alibi. Sa susunod na alibi mo galingan mo naman,” inirapan ko na siya dahil sa galit ko. Hindi na siya nakapagluto dahil lang do’n? Nag-order na lang kami ng pagkain dahil kanina pa ako nagki-crave ng spaghetti. “Sabihin mo nga sa ’kin, tinamad ka ba talaga o wala ka lang talagang plano na magluto…?”

“Uhm… Both,” agad rin siyang napakamot ng batok niya.

“’Kay,” sumubo na ulit ako ng spaghetti na inorder ko. Enjoyin ko na lang ’tong kinakain ko, ayoko na lang isipin ang nangyari.

“Kleo, kailan mo ba ako sasagutin?” nalunok ko bigla ang kinakain ko dahilan para mabilaukan ako, “hala, inom ka muna ng tubig, Kleo,” binigyan niya agad ako ng isang baso ng tubig, ininom ko lahat ng laman nito.

Nang nahimasmasan na ako ay isang matalim na tingin ang binigay ko sa kaniya.

“Ba’t ganiyan ka makatingin sa ’kin?” punong-puno ng pagtataka ang boses niya pati na rin ang mukha.

Kawawa naman ’tong tao na ’to ’pag papagalitan ko pa ’to.

Mula sa matalim na tingin, binago ko ang emosyon sa mukha ko. Isang matamis na ngiti na ngayon ang pinakita ko sa kaniya.

“Ang weird mo naman,” aniya pero nginitian ko pa rin siya.

“Alam mo, West Ryle Barcelo. Alam kong matagal mo na akong nililigawan, naging dahilan rin ito para maging makilala pa kita ng mabuti. Naging masaya ako dahil sa nakilala kita, kahit na may pagkakalog ako minsan, sinasabayan mo ang trip ko. Habang tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sa ’yo, West. As I got closer, I became greedy. I thought being close to you is enough for me, I want you to be mine forever, West.”

Totoo lahat ng mga sinabi ko, akala ko sa libro lang nag-e-exist ang kagaya ni West, akala ko lang pala ang lahat. Ngayon na nangyayari na sa ’kin ang ganitong pagmamahal ay gusto ko na maging ganito na lang palagi.

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni West, nakatitig lang siya sa ’kin na punong-puno ng pagmamahal.

“I know what you are coming from, Kleo. Same as you, as the time goes by and every moment that I spend to you is such a amazing experience because of you. You are sweet, kind and most importantly… lovable person,” the way he speaks right now  is unusual. Hindi ko pa siya narinig na nagsalita ng ganito kalumanay, “ngayon lang rin ako nakatagpo ng tao na kagaya mo, alam ko na nag-iisa ka lang sa mundong ’to, Kleo. For sure, hinding-hindi ako makakahanap ng katulad mo. I think… it’s too early for you to answer me, it has been months already after we met, and in that span of time I tend to know you as well. And with that I can say… I love you,” without further ado, his warm embrace enveloped me. I can’t help my tears fall down on my cheeks because of the overwhelming feeling.

We both shared the same feelings, I am so happy to know that from him. I understand him that he turned me down, I know he’s not yet ready. We can work with that knowing that we both love each other, now that we opened up what our hearts says to one another. I couldn’t take my happiness right now.

“Hindi ka ba galit sa ’kin?” tanong ni West habang nakayakap pa rin siya sa ’kin.

Kahit na tumutulo pa rin ang luha ay sumagot naman ako ng buong puso. “Hindi ako g-galit sa ’yo, isa p-pa wala n-namang d-dahilan para m-magalit ako.”

“Pero umiiyak ka,” kumalas na siya sa pagkakayakap sa ’kin, kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

“I’m just… happy for everything,” naramdaman ko na lang sa pisngi ko ang malambot niyang palad. Walang mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman ko ngayon.

Nakangiti siya sa ’kin ngayon. “Gano’n rin ako, Kleo,” aniya kaya mas lalo akong naiyak dahilan para mapayakap ako sa kaniya ng mahigpit na mahigpit.

Hinding-hindi ko papakawalan ang isang West Ryle Barcelo.


Laking gulat ko na bigla na lang pumasok si Alec sa loob ng opisina, hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya nang kunin niya ang bag niya sa table. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari sa kaniya ngayong umaga.

Nagtanong ako kung anong nangyari pero hindi niya ako sinagot, bagkus ay ngumiti lang siya tapos dumiretso na siyang umalis sa opisina namin. Lahat kami na nasa loob ng opisina ay abot langit ang pagtataka. Alam kong may nangyari sa kaniya, hindi siya gano’n.

‘Sa bahay ako ni Alec magla-lunch, something came up to him.’ I immediatelly sent the text to West. Lahat nang mga kailangan kong gawin ay tinapos ko na lahat at umalis na ng agency.

“Hoy bakla, anong ginagawa mo rito?” bungad na tanong ni Alec sa ’kin nang makita niya ako na kumakain sa island counter.

Nilunok ko muna kinakain ko bago nagsalita. “Bakla ka, pinag-alala mo ako. Anong nangyari sa ’yo kanina? Usap-usapan ka sa buong agency,” umupo naman siya sa kabilang stool.

“As you can see, ayaw sa ’kin ng crush ko,” tama nga ang hinala ko na may nangyari sa kaniya… sa kanila ni Gray.

“Edi kakausapin ko siya,” suhestiyon ko.

Sumeryoso ang mukha niya. “Please, no. Hayaan mo na lang siya.”

Agad ko siyang niyakap. Alam ko ang nararamdaman niya, hindi ako nagdalawang sabihin ang, “I love you, friend.”

“I love you,” kumalas rin naman agad siya sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Napatingin siya sa Tatay niya. “I want to have a leave for seven days.”

Hindi ako nagsalita pati si Tito Wade, pareho kaming napatingin sa isa’t-isa. Alam ko ang iniisip ni Tito Wade at gano’n rin sa anak niya. Gusto muna ni Alec na mag-isip-isip sa nangyari, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magleave si Alec simula nang magtrabaho siya sa agency ng Tatay niya.

Dahil sa nangyari ngayon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Gray. Nakakasakit ng damdamin ang sinabi niya sa kaibigan ko, ang kapal ng mukha niyang sabihan niya ng gano’n si Alec.

Chapter 11: LQ

Chapter 11: LQ

K L E O

Balak naming bisitahin ni West ang construction site ngayon, pero hindi ko alam kung saan nagpunta si West. Gusto ko sabay kaming pumunta ’ron kasi sasakay ako sa kotse niya, ayokong magcommute.

Nang mailagay ko na sa bag ko ’yong gamit ko ay napatingin ako sa cellphone ko na nasa table. Kinuha ko ito at tinignan ang screen, may text si West.

‘Nasa lobby na ako kumakain ng sandwich, punta ka na lang dito sabay na tayo pumunta sa site. Kanina pa kita hinahanap.’

Sa mga nagdaang araw ay napapansin ko na palaging kumakain itong si West. Bahala siya, importante ay busog siya palagi.

Isinilid ko na sa bulsa ko ang cellphone at lumabas na ng opisina namin. Pinihit ko na pabukas ang door knob ng opisina namin sa pag-aakalang andito na naman si Gray, pero buti na lang at wala siya… ngayon. Simula no’ng may nangyari sa kanilang dalawa ni Alec ay palagi na niya akong kinukulit na kausapin ko ang kaibigan ko patungkol sa nangyari. Palagi niya akong kinukulit at ako naman ay todo iwas sa kaniya dahil naiirita na talaga ako. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha niya, ewan ko na lang sa kaibigan ko na ’yon.

Sumakay na ako ng elevator, nang makarating na ako sa ground floor ay pumunta na agad ako sa lobby. Kitang-kita ko na busy sa paglantak ng sandwich si West sa sofa. Nakatalikod siya, habang papalapit ako sa kaniya ay bigla siyang napatingin sa likod niya. Nagtagpo agad ang tingin naming dalawa kaya dali-dali na akong lumapit sa kinauupuan niya, sinubo pa niya ang natitirang sandwich.

Nilapag ko sa tabi niya ang bag ko. “Ba’t mo ako hinahanap—” hindi natapos ang sasabihin ko nang mapansin ko na may tao sa kabilang sofa, napatingin ako sa taong nakaupo sa kabilang sofa. Agad na kumulo ang dugo ko nang makita ko ulit ang mukha niya!

“Seriously, West?” seryoso ang mukha kong napatingin kay West. Si West ay ngumunguya pa rin ng sandwich niya.

“Kleo, please. Makinig ka muna sa sasabihin ko. Pareho nating kaibigan si Alec—” hindi ko siya pinatapos sa pagsalita dahil nanggigigil talaga ako sa kaniya, baka masapak ko siya ng wala sa oras.

“’Di ko inexpect na pinagkakaisahan niyo ako!” Napalunok si West sa sinabi ko. Ngayon, tumingin na ako sa taong duwag na halos hindi mapakali sa kinauupuan niya.

“Alam mo, punong-puno na talaga ako sa ’yo, Gray Ignacio. Alam kong alam mo ang dahilan. Pero please lang. Tigil-tigilan mo na ako kasi naiirita na talaga ako sa’yo!”

“Gusto ko lang naman sanang humingi ng paumanhin kay Alec, Kleo.” Mahinahon niyang wika pero hindi niya ako madadala sa ganiyan niya.

Napahilot na lang ako ng sintido ko. “My godness, Gray! Kung gusto mong humingi ng paumanhin sa kaniya edi kausapin mo siya sa personal or puntahan mo siya sa kanila. Please lang, gamitin mo rin naman utak mo, mag-effort ka naman, hindi ’yong hanggang phone call ka lang. Gwapo ka nga, tanga lang!” Pagkatapos kong sabihin ’yon ay hindi ako nag-atubiling umalis na sa lobby bitbit ang bag ko.

Marami pa akong gagawin tapos inaksaya niya lang ang oras ko sa walang kwentang sinabi niya, jusko! Hindi ko ma-take ang ginagawa niya, sinabi lahat sa ’kin ni Alec ang mga ginawa ni Gray. Napakaduwag niyang tao sa totoo lang, kung gusto niyang kausapin si Alec edi puntahan niya ’yon sa bahay nila. Alam naman na ni Gray kung bakit wala si Alec ng ilang araw. Pati sa relasyon ng kaibigan ko naiistress ako!

Nagpunta na ako sa sasakyan ni West dito sa parking lot ng agency. May tao pa akong papagalitan, hindi pa ako tapos sa galit ko. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan ng driver’s seat, umupo na siya rito at tumingin sa ’kin.

“Nakasimangot ka na naman,” ani West.

“Alangan, sobrang tanga ng kaibigan mo tapos hindi man lang nag-effort na kausapin si Alec sa personal, oo alam kung hindi siya kakausapin ni Alec pero at least he must’ve tried to talk to him,” pinagkrus ko na lang braso ko, “at ikaw, pinagkaisahan niyo pa talaga ako!”

“Sinabi ko naman sa kaniya na ayokong makielam sa away nilang dalawa ni Alec, pero makulit ’yon eh. Ayaw din akong tantanan, sinabihan ko na rin siya na hindi ako sure na makakausap kita na sabihin kay Alec na patawarin na niya si Gray.”

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa galit. “Pagsabihan mo ’yang kaibigan mong duwag! At please, ’wag na tayong makielam sa away nilang dalawa, away nila ’yon. Hayaan na natin na sila mismo ang ang magreresolba sa issue nila.”

“Ok, ’wag ka na magalit sa ’kin ah, ayoko talaga na nagagalit ka sa ’kin.”

“Dami mong sinasabi, paandarin mo na ’tong sasakyan mo para makapunta na tayo sa site.”

Hindi na rin sumagot si West, binuhay na niya ang makina ng sasakyan niya at nimaniobra na niya ito paalis ng parking lot.

“Grabe naman ’yong sinabi niya kay Sir Alec ’no? Nakakaoffend ng sobra.”

“Sinabi mo pa, kung ako ’yong sinabihan mo ng gano’n, naku ewan ko na lang sa ’yo baka masampal talaga kita,” sagot ko naman.

“Eh hindi naman ako gano’ng tao eh. I mean, I would rather talk to you in person rather than creating a scene in front of everyone.”

“Sus, dami mo talagang alam eh ’no?”

“Hindi ako si Gray, charot lang. Kumusta naman na si Sir?”

“’Yon nasa bahay lang puro na lang KPOP inaatupag niya, ’wag na nga lang natin siya pag-usapan. Ayokong mastress sa kanilang dalawa.”

“Ok, basta kakausapin ko na lang ’yong isa, ikaw na rin bahala sa isa,” aniya, ang tigas rin ng ulo ng lalaking ’to, sabi ko ’wag na tayong makielam, jusko! “Ah, siya nga pala. Gusto ni Gray na sabay kami maglunch bukas,” dagdag pa niya.

“Okay, magsharon ka ng dessert ah.”

“Lunch lang sinabi niya eh, hindi niya sinabing may dessert,” sagot niya kaagad sa ’kin.

“Edi okay,” hindi na rin umimik si West at nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho ng sasakyan. Nang makarating kami sa site ay laking tuwa naming dalawa dahil nasisimulan na ng mga construction workers. Saludo talaga ako sa kanila dahil nagtatrabaho talaga sila kahit sobrang init at medyo hindi kalakihan ang sweldo nila.


“Magbihis ka na,” bungad na wika ni West nang makaupo siya sa couch dito sa sala ng bahay ko. Nagtataka ako kung bakit pormang-porma ang taong ’to, may lakad ato ’to eh.

Nagsalubong agad ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Bakit? Sa’n ba tayo pupunta?”

“Do’n lang sa may kanto,” isang nakakalokong ngiti agad ang sumilay sa labi niya.

“Huh?”

“Nasa kotse ko si Alec, Kleo kaya tara na.”

“Ano?!” Mas lalo akong nainis sa kaniya dahil eto na naman kami.

“Nagplano kami ni Gray kahapon kaya eto kasali tayong dalawa sa plano niya.”

“And his plan is?”

“As if na gagala tayong tatlo sa café ni Gray tapos—”

“Ok, alam ko na. Tama na, ’wag mo na ipaliwanag pa,” wika ko kaya naman ay dali-dali na akong nagbihis para makaalis na kami, pagkatapo kong magbihis ay dumiretso na kami sa café ni Gray. Pwede na kaming dalawa ni West gawaran ng best actor sa sitwasyon namin, ang galing ng acting naming dalawa na as if excited gumala kasama si Alec.

Nag-order kaagad kami since VIP kami sa café na ’to eh. Nag-uusap lang kaming dalawa ni Alec habang ’yong isa ay busy sa cellphone niya, may katext siya na ani mo’y importanteng-importante.

“Washroom lang ako,” ani West kaya tumango-tango lang kaming dalawa ni Alec.

“Sa’n ba tayo after natin dito?” tanong naman ng kaibigan ko. Poor him, walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid niya.

Napansin ko na nasa likod ni Alec si Gray, hindi ako nagpahalata na may tao sa likod ng kaibigan ko. Ilang sandali lang ay ni-blindfold niya si Alec, ako naman ay dahan-dahan na tumayo sa upuan at binitbit ko ang inumin naming dalawa ni West.

Gray mouthed me. “Thank you, Kleo,” tumango-tango na lang ako bilang sagot at iniwan ko na silang dalawa sa loob. Nakita ko kaagad si West sa parking lot na busy sa cellphone niya.

“Ano na gagawin natin?” Inabot ko sa kaniya ang iced americano niya.

Kinuha niya sa ’kin ang iced americano, hindi man lang sumagot sa ’kin at patuloy lang siya sa pagtext. Design lang ako rito?

“West,” tawag ko sa pangalan niya, “West Ryle,” mahinahon kong tawag, kasama na second name niya. Ayaw pa rin akong pansinin, “West Ryle Barcelo,” buong pangalan na pero wala pa ring pinagbago, ayaw ko namang sigawan siya kasi bad ’yon.

“Ayaw mo talaga akong pansinin ah,” sakto naman na may paparating na taxi, pinara ko ito.

“Anong ginagawa mo, Kleo?” pansin sa mukha niya ang pagtataka.

“Aalis na ako rito, kanina ko pa tinatawag pangalan mo pero hindi ka nakikinig! Nasa cellphone ang pansin mo!”

“Sandali lang naman kausap ko pa ’yong kaibigan ko eh, may problema eh.”

“Ewan ko sa ’yo, West. Bahala ka diyan, basta ako aalis na ako rito,” huminto sa harap ko ang taxi kaya binuksan ko kaagad ang pintuan sa backseat.

“Teka, sa’n ka pupunta? Teka lang naman, Kleo.”

“Pupunta ako sa lugar na walang ikaw,” hindi ko na inantay ang sagot niya kaya dali-dali na akong sumakay ng taxi, pinaharurot naman ito ng driver paalis sa café.

“Hindi naman sa nanghihimasok po, nag-away po ba kayo ng jowa mo, Sir?” napatingin ako kay kuya driver dahil sa tanong niya.

“Ay, hindi ko pa po jowa ’yon, kuya. Bakit po?”

“Ah, gano’n po ba? Bagay kayong dalawa, Sir. Pareho kayong pogi eh,” hindi ko inakala ang mga salita ni kuya, may mga tao rin talaga na open sa LGBTQIA+ community.

“Salamat po, kuya. Kayo rin po pogi rin kayo eh,” ngumiti lang siya.

“Kung hindi pa kayo, Sir eh, anong label niyong dalawa?”

“Nililigawan pa niya ako, kuya. Tapos, nag-away kaming dalawa kasi tinatawag ko pangalan niya hindi siya nakikinig. Balak ko sana na magdate kaming dalawa kasi maraming nangyari no’ng mga nagdaang araw, kaso nawalan na ako ng gana, bahala siya sa buhay niya,” ani ko kay kuya driver.

“Naku Sir, kailangan niyo talagang mag-usap tungkol diyan. Hindi naman sa nanghihimasok Sir ah pero maliit na bagay lang naman ’yon eh, ’wag mo na palakihin pa. ’Pag pinalaki niyo pa ang away niyo, sigurado ako marami ang mangyayari sa relasyon niyong dalawa.”

May punto naman talaga si kuya driver, palagi kong pinapagalitan si West at inaaway. Napapaisip din ako minsan baka magsawa na sa ’kin si West dahil sa ugali ko. Palagi siyang nakakumbaba ’pag galit ako sa kaniya, alam ko na may hangganan din ’yon.

I must’ve apologize to him.

“Salamat po,” saad ko na lang kay kuya driver.

Wala akong narinig na sagot mula kay kuya driver, naging tahimik ang buong biyahe patungo sa lugar na paroroonan ko.

Nang makarating ako sa construction site ay hindi ako nag atubili na lapitan si West kasama ang kliyente namin. Hindi ko alam na pupunt rin si West dito, agad silang napahinto sa paglalakad at napatingin sa kinatatayuan ko.

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni West ngayon.

“Are you guys, ok? Looks like both of you have a problem with each other, well, I must excuse myself for a while so you two can talk,” ani ng kliyente namin ilang saglit pa ay umalis na siya. Kami naman ni West ay nagkatitigan lang, tila binabasa namin ang isa’t isa.

“Kleo.”

“West.”

Sabay na tawag namin sa pangalan namin.

“Ikaw muna, Kleo,” aniya.

“West, I’m sorry. Sorry sa inasal ko kanina.”

“Sorry rin kasi hindi agad kita napansin. May problema kasi ang kaibigan ko eh kailangan niya ng makakausap, gusto ko rin sabihin sa ’yo na pupunta ako sa apartment niya mamayang gabi.”

Hindi na ako nagpapigil pa, isang mainit na yakap ang inalay ko sa kaniya para sabihin sa kaniya na bati na kaming dalawa.

Kumalas na ako sa pagkakayakap niya, isang ngiti na abot tainga ang nakita ko sa mukha ni West. Napakaswerte ko kay West bukod sa gwapo na, mabait, mabango, siya ay may malaking… puso na kaya akong mahalin. Hinding-hindi ko na talaga papakawalan pa ang nag iisang West Ryle Barcelo.


Nakabalik na sa trabaho ang kaibigan kong pangit. Syempre, hindi pa rin pinapatawad ni Alec si Gray kahit ako nasa posisyon ni Alec. Andaming nangyari noong mga nakaraan na ayoko nang balikan.

Nagkalamat na naman kami ni West, may nakita akong lipstick sa sasakyan niya kaninang umaga dahil nagpasundo ako sa kaniya sa bahay. Kanina ko pa iniimbestigahan ang lalaking ’to pero ayaw niya talagang umamin.

“Andiyan ka pala, Alec,” ani West at umayos ng upo. Hindi ko napansin si Alec na lumapit sa kinauupuan namin.

“Oo, andito ka nga rin eh. Anyway, ano ba pinag-uusapan niyo at parang napakaseryoso niyong dalawa?”

“Wala naman. Ano lang… tungkol sa project ni Gray. Yeah, tungkol nga doon,” sambit ko Kleo para hindi na siya magtanong pa.

Isang matalim na tingin ang binigay ni Alec sa ’ming dalawa ni West. “Hindi ako kombinsido. Pinag-uusapan niyo talaga ako eh.”

“Hindi ah. Hindi ka nagkakamali,” ani West. “Joke lang, Sir Alec.”

“’Yong totoo…”

“Hindi nga sabi, ang tigas ng ulo neto,” sagot ko naman, naiinis na ako sa baklang ’to.

“Alec, kumusta ka na pala. Isang linggo ka rin nawala at nagtaka ’yong ibang Engineer kung ba’t ka raw wala. Nawala nang parang bula ang anak ng CEO ng agency,” West chuckled a bit.

Napabuntonghininga si Alec bago sumagot. “Ayos naman na ako, nakapagpahinga na ako ng maayos. And here I am… I’m back to work.”

“Sinabi sa ’kin ni Kleo na napatawad mo na siya at ni-reject mo siya.”

“Yeah, sinabi rin sa ’yo ni Kleo na babalik na ako at sinabi mo rin kay Gray. Ano to, chain message lang?”

Napatawa kaming dalawa ni West.

“Sus, nakita ko pa nga siya kanina sa opisina namin na may dalang rosas eh. Sabi niya para sa ’yo daw ’yon,” ani West.

Nagtinginan kaming dalawa ni West. “Kilig na kilig pa nga ’yan kanina eh nang makita niya sa drawer ng table niya ang bulaklak,” bumuhakhak ako ng tawa.

“Oh really?” nakitawa rin si West.

“Sira ulo kayong dalawa,” ani Alec dahilan para mas tumawa kami. “Hoy! May tanong ako sa inyo.”

Napahinto ako sa pagtawa. “Ano ’yon, Alec?” Mukhang seryoso ang tanong ni bakla.

“Ano na score niyong dalawa?”

“Nanliligaw pa ako sa kaibigan mo, Alec. You know, getting to know each other, maghihintay ako kung kailan na handa itong si Kleo,” kinurot ni West ang tagiliran ko na naging dahilan para sapakin ko ang braso ni West.

“Alam niyo, naiinis ako. Sabi ni Kleo sa ’kin noong nakaraan pa na crush ka niya talaga tapos ngayon nililigawan mo na pala si Kleo. So, sa madaling salita, sinikreto niyong dalawa sa akin ang ganap sa relasyon niyong dalawa. At matagal ka na talaga nanliligaw kay Kleo nagpa-as if lang si Kleo na crush ka niya. Tama ba ako?”

Nag peace sign ako bago sumagot sa tanong niya. “Well, yeah.”

Napatingin si Alec ngayon kay West. “So, sa tingin ninyong dalawa… nakakatuwa ’yon?”

“Hindi,” ang sagot ni West.

“All this time, akala ko talaga—”

“Sorry naman, friend. Eh, di pa ako ready sabihin sa ’yo ang totoo ng mga panahon na ’yon eh. Tsaka, naging busy rin naman ang buhay natin kaya nakalimutan ko rin na sabihin sa ’yo.”

“Matagal ko na nililigawan si Kleo, Alec.”

Umuwang ang labi ni Alec ng marinig niya ang sinabi ni West. “Really?”

“Ganito kasi ’yan, friend—”

“’Wag na, Kleo. Tama na. Ayoko nang marinig ang sasabihin mo,” hindi nag atubili ang kaibigan ko na tumayo at iniwan niya kaming dalawa sa lobby.

Sa loob ng maraming taon ay ngayon ko lang ulit naranasan na magalit sa ’kin si Alec, nagi-guilty ako dahil sa haba ng panahon na magkasama kami ay hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo bagkus ay tinago ko pa ito sa kaniya.

Nagkatitigan kami ni West dahil hindi namin alam pareho kung ano ang gagawin. Nag-aaway kaming dalawa tapos dumagdag pa ’yong isa, double kill.

Chapter 12: Accord

Chapter 12:

Accord

K L E O

“Friend, galit ka ba sa ’min ni West?” wika ko nang makita ko si Alec dito sa loob ng opisina namin, as usual, busy na naman siya sa trabaho.

Inangat niya ang ulo niya. “Sira, hindi ako galit. I’m just happy to the both of you,” he flashed a sweet smile.

“Eh, ba’t ka biglang umalis kanina sa lobby? Tapos parang galit na galit ka nga eh.”

“Eh kasi naman, friend. Next week ko na ’to ipapakita sa client itong design ko, kaya kailangan ko talagang tapusin ’to. At naggalit-galitan lang ako, ’wag kang ano diyan.”

“Talaga ba?”

He gave me a stern look.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. “Hindi ka nga galit.”

Humarap siya sa ’kin tsaka niya hinawakan ang mga kamay ko. “Pero Kleo ah, lagi kong sinasabi sa ’yo. Kilalanin mo muna nang mabuti ’yang si West. Ayoko lang na masaktan ka.” Punong-puno ng pag-aalala ang boses niya dahil alam niya na hindi ko pa naranasang magkaroon ng karelasyon kaya naiintindihan ko siya kung bakit gano’n na lang ang pag-aalala niya

Nagpatango-tango ako. “Oo naman, friend. Ano pa ba ang saysay nitong ginagawa namin, di ba?”

“Siguraduhin mo lang ’yan, friend ah. Ang haba talaga ng hair ng kaibigan mo!” nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinabi niya.

“Syempre, ako pa ba?” nagtawanan ulit kami. Baliw talaga ’tong kaibigan ko.

Humarap na ulit siya sa table niya. “Mamaya na tayo mag-usap. Alam kong busy ka rin, kaya gawin mo na ’yan,” aniya at kinuha na ang lapis at nagsimula na ulit sa ginagawa niya.

“Yeah, sunod-sunod ang project ko and guess what?”

Napahinto siya at napatingin sa ’kin. “What?”

“Engineer ko si Gray ngayon. Noong nakaraan ay si West, ngayon naman ay si Gray.”

“So, kilig ka na niyan. Nakita ni West ang design mo tapos siya pa ang magpapatayo ng gawa mo.”

“Aba’y syempre naman, noh? Hello? Manliligaw ko ang magtatayo ng design ko. Gandang-ganda nga siya sa design ko eh, kung nakita mo lang itsura niya noong first time niya nakita ang design ko, ang cute ng mukha niya nang ma-shock siya.”

Nagtawanan na naman kaming dalawa. Totoo naman talaga ang sinabi ko, but yeah, maganda ang team work namin ni West noon. And for sure, masusundan pa ’tong project namin. Sana nga ibigay sa ’min ng universe na kami pa rin ng partners sa future projects.

Evening came, West and I just savoring our moment inside his car to my place.

“Nagpanggap lang daw na galit si Alec kanina,” wika ko nang maalala ko bigla ang nangyari kanina.

“Ay naku, buti naman kung gano’n. Kinabahan talaga ako kanina eh kasi bigla siyang nag-walk out.”

“Masyado lang OA ’yong kaibigan ko, hayaan mo na siya.”

Natawa si West. “Ang harsh mo naman sa kaibigan mo,” aniya.

“Yeah, gano’n din naman siya sa ’kin eh, give and take kumbaga. Kahit gano’n ang kaibigan ko na ’yon, mahal ko ’yon.”

“Malamang, palagi ka kayang kumakain sa bahay nila,” West cracked a joke.

“Pakyu,” I said sarcastically. West just laughed at me while his attention is on the road.

“Kleo,” ani West dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Seryoso ang mukha niya sa mga sandaling ito, pakiramdam ko ay may bumabagabag sa isipan niya.

“Hmm?” I hummed as an answer.

“Mahal mo ba ako?”

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya, nakakagulat ang tanong niya sa totoo lang.

“Malamang West. Magpapaligaw ba ako sa ’yo kung hindi kita mahal? Bakit, ayaw mo na ba sa ’kin? Sabihin mo lang nang matapo—”

“Ayan ka na naman sa pagiging paranoid mo eh.”

“Ba’t ba kasi idadaan mo sa pasikot-sikot kung pwede mo rin namang sabihin agad sa ’kin, West.”

“Kleo, it’s not what you think.”

“Alam ko naman na sawa ka na sa ugali ko eh, sabihin mo na lang kasi. Ayaw mo na sa ’kin, gusto mo na akong iwan dahil sa ugali ko.”

“Kleo, please!”

Hindi ako nagpatinag sa pagtaas ng boses niya. Sa tagal na naming magkasama ngayon niya lang ako pinagtaasan ng boses, hindi ko inasahan na pagtataasan niya ako ng boses.

Nimaniobra niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Kleo, makinig ka muna sa ’kin. ’Wag ka mag-overthink sa tanong ko,” mahinahon na usal niya.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya bagkus ay tinitigan ko lang siya na nakasalubong ang kilay.

“Masama na ba ngayon ang magtanong? Tapos nagagalit ka kaagad sa simpleng tanong ko, wala ka namang kailangang igalit eh,” dagdag pa niya.

“Sa dinami-rami ba naman ng pwede mong itanong eh bakit ’yon pa? Eh halata naman ah o nagbulag-bulagan ka lang.”

Ngayon nagsalubong na ang kilay ni West. “May problema ka ba, Kleo?”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, dahil sa galit ay nailabas ko ang sama ng loob ko. “Ikaw ang problema ko! Naiintindihan mo ba ’yon? Alam mo naman na halata na sa mga ginagawa natin na mahal kita tapos tinatanong mo pa! Wala ka bang tiwala sa ’kin? Jusko naman, West. Hindi na tayo bata para sa ganito, alam kong alam mo ’yon!” Hindi na ako nagdalawang-isip pa at lumabas na ng sasakyan.

“Kleo!” Tawag ni West sa ’kin pero hindi ako lumingon sa kaniya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na hindi ko alam kung saan ako papunta.

Ewan ko ba kung bakit natanong ni West ’yon kahit na halata naman sa ginagawa ko para sa kaniya… para sa ’min. Para bang hindi siya sigurado sa ’kin kaya naitanong niya ’yon out of nowhere, kung sigurado ka sa isang tao itatanong mo ba ’yon? Kahit na alam mo naman sa sarili mo ang partner mo ay sigurado na sa ’yo. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni West ngayon, basta ang alam ko ay siya lang talaga.

∞∞∞

Kanina pa ako nakatutok sa palabas sa TV, hindi ako makapag-focus dahil ang isip ko ay lumilipad.

“Bwisit talaga,” naaalala ko na naman ang nangyari kanina, napabuntong hininga na lang ako. “Nagugutom na ako,” napatingin agad ako sa pintuan ng bahay ko dahil andito na ang in-order kong pagkain. Dali-dali akong tumayo at lumabas na ng bahay para puntahan sa gate ’yong delivery rider. Natatakam na talaga ako kasi matagal na akong hindi nakakain nang in-order ko.

Pagkabukas ko ng gate ay biglang umurong ang takam ko, napalitan ito ng kaba at panlalamig. Bakit pa ba nagpakita pa ang taong ’to?

“Kleo,” tawag niya sa pangalan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kaniya; yayakapin ko ba siya o pagsusuntukin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon, nakatitig lang ako sa maamo niyang mga mata na nakatingin ng diretsahan sa akin.

Napansin ko na may tinatago siya sa likuran niya. Unti-unti ay bumungad ang matamis niyang ngiti, ngiti na lagi niyang pinapakita sa ’kin ’pag kami lang dalawa, ngiti na ibig sabihin ay masaya siya.

“Patawad sa tanong na binitawan ko kanina, gusto ko lang naman na makasigurado ako eh. Pasensya na talaga, ngayon alam ko na na sigurado ka nga sa ’kin,” nilahad na niya ang tinatago niya sa likuran niya; isang pumpon ng tulips.

Kilala na niya talaga ako, alam niya kung ano ang magpapagaan ng loob ko. Dahil sa hindi mapagsidlan ang tuwa ko ay hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya ng sobrang higpit. “West,” tawag ko sa pangalan niya kaya natawa na lang siya habang yakap-yakap ako.

“Nahimasmasan ka na ba, bibi?” Mas lalo ko siyang niyakap dahil ngayon lang niya ako tinawag nang gano’n. “Sobrang higpit ng pagkakayakap mo sa ’kin, baka madurog abs ko,” aniya kaya kumalas na ako sa pagkakayakap.

“Abs mo mukha mo, akala mo makukuha mo ako sa ganiyan?”

“Hala siya, gusto mo lang makita abs ko eh, mamaya do’n sa kwarto mo. Atsaka, kumikinang nga mga mata mo eh no’ng nakita ’tong tulips,” binigay na niya sa ’kin ang bulaklak kaya naman ay kinuha ko na ’to.

Nginitian ko lang siya habang hawak-hawak ko ang pumpon ng tulips.

“Ano masaya ka na ngayon? Hindi ka na galit sa ’kin? Hindi mo na ako aawayin?”

Tumango-tango ako habang nakangiti sa kaniya.

“Halika na nga, pasok na tayo para makita mo na abs ko,” isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mukha niya.

“Eh kung suntukin kita diyan, gusto mo?”

“Nagbibiro lang naman ako, eto naman.”

“Ahm… excuse me po, sino po sa inyo si Kleo?” nang may marinig kaming nagsalita ay agad kaming napatingin sa kinaroroonan ng boses.

“Hala kuya rider, ikaw pala. Kanina ka pa ba diyan?”

“Ahm… opo, kanina pa po,” napakamot siya ng batok niya animo’y nahihiya. “Sobrang sweet niyo po, nakakainggit” aniya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni West dahilan para mapatawa kaming pareho.

“Eto na po pala ’yong in-order mo po na pagkain, enjoy your meal po,” inabot na ni kuya rider yung paper bag na may lamang pagkain na in-order ko.

“Ano pangalan mo, kuya?” tanong ni West.

“Levi po,” sagot niya.

“Bagay ba kaming dalawa?” tanong ulit ni West.

Tumango-tango si Levi. “Hindi po, kasi tao po kayo eh, joke lang po. Bagay po kayo, halata talaga na may chemistry po kayo,” ngumiti pa siya.

“Joker ka talaga, anyway, salamat at naihatid mo ng maayos yung order, mag-ingat ka sa pag-uwi mo.”

Hindi na sumagot si Levi, sumakay na siya sa scooter niya at umalis na.

Napatingin ako kay West. “Binigyan mo sana ng tip si Levi,” saad ko.

“Eh, hindi naman ako ang nag-order ng pagkain ah,” aniya dahilan para irapan ko siya.

Nauna na akong pumasok sa gate bitbit ang paper bag na may pagkain.

“Ayan ka na naman eh, ano ba gusto mo, Kleo? Gusto mo ba na mag-ano tayo sa loob ng kwarto mo?”

“Ewan ko sa bahala ka diyan,” sagot ko naman na parang naiinis.

“Ah gano’n ah.”

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang ang sarili ko na  bitbit ni West na animo’y isa akong sako ng bigas at bitbit ko pa rin ang paper bag.

“POKINGINA WEST! IBABA MO ’KO!”

“’Wag ka malikot diyan baka matapon ’yang pagkain mo,” kalmado lang niyang sagot sa ’kin at ipinasok na niya ako sa loob ng bahay ko. “Kumakain ka ba o hindi? Ang gaan mo lang, Kleo eh.”

Hindi ako makapumiglas dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa bente ko. “PAKYU KA, WEST!” Sigaw ko pero wala rin namang saysay dahil parang hindi niya ko naririnig.

Nang maibaba niya ako ay biglang tumunog ang cellphone ni West, agad niya rin naman itong kinuha sa bulsa niya at sinagot ang tumatawag.

“Oh, anong atin? Nasa bahay ako ni Kleo ngayon, bakit?” napatingin si West sa ’kin. “O-okay, sige. Sasabihin ko kay Kleo ang plano mo, sige Gray,” pinatay na niya ang tawag.

“Ano na naman ang problema no’ng taong ’yun?” kunot noo kong wika kay West.

“Pupunta si Gray dito ay balak kasi siya na kausapin ulit si Alec.”

Napairap ako sa sinabi ni West. “Ewan ko sa dalawang ’yan.”

“Tawagan or i-text mo na lang si Alec at papuntahin mo dito para matapos na ’tong problema nilang dalawa kasi nakakasawa na talaga. Tayong dalawa ang naiipit sa kanila eh.”

Bumuntong hininga na lang ako at sumunod na sa sinabi ni West.

‘Alec, where are you?’

‘I’m on my way home,’ sagot niya. Napagtanto ko na tawagan na lang siya.

“What’s up, bitch,”

bungad ni Alec at humikab pa.

“What’s up, bitch mo mukha mo! Halika dito sa bahay ko.”

“Bakit? Bukas na Kleo inaantok na ako eh, pagod na pagod ako ngayong araw na ’to.”

“’Wag ka muna matulog, punta ka muna dito. May away kami ngayon ni West—”

“Hay naku, maliligo  lang ako at pupunta na ako diyan. Punyeta ka.”

Tumawa ako dahilan para putulin na ni Alec ang tawag.

“Grabe naman ang rason mo,” ani West. Hindi na ako sumagot pa at pumunta na lang sa island counter para isalin na ang pagkain na in-order ko.

“Maya-maya lang ay nandito na ’yon,” wika ko at inasikaso ko na ang in-order ko.

Ilang sandali sandali lang ay tumunog na ang doorbell at si West na mismo ang lumabas para tignan kung sino man ang nag-doorbell. Nang makapasok si West ay sumunod na rin ang kinaiinisan kong tao… si Gray.

Hindi ko siya pinansin at kumain na lang ako dahil kanina pa ako nagugutom talaga. Si West  na ang nag-asikaso kay Gray, napatingin si Gray sa gawi ko at inirapan ko lang siya. Idadamay niyo na naman kaming dalawa ni West sa away ng dalawng bading.

Lumipas ang ilang minuto ay narinig kong nagring ang doorbell at ako na mismo ang lumabas para puntahan si Alec.

“Anong nangyari sa ’yo? Para kang binugbog ah,” bungad ni Alec sa ’kin ng mabuksan ko ang gate, nauna pang pumasok si Milo sa loob ng bahay.

“Wala ’to uy, may inaasikaso lang ako sa loob. Pasok ka, nauna nang pumasok si Milo hindi man lang ako pinansin,” napatawa na lang ako. Pumasok na kaming dalawa sa loob laking gulat niya nang may makita siyang pamilyar na mukha. Hinayaan ko na ang dalawa sa kung ano man ang gagawin nila kaya lumapit na sa ’kin si West na animo’y natatakot kay Alec, galit na galit si Alec dahil pinagkaisahan namin siya. Gusto ko na matapos ’tong problema nila kasi ayoko na rin namang madamay sa kanila.

Nang makaalis ang dalawa ay walang umimik sa ’ming dalawa ni West, kumain na lang kaming dalawa na parang walang nangyari kani-kanina lang.

Sana magkaayos na ’yong dalawang ’yon.

Chapter 13: Wasted

Chapter 13: Wasted

K L E O

“Shuta ang bango naman,” ’yan agad ang nasabi ko nang makababa ako galing sa kwarto ko. Alam ko na sa sarili ko kung sino ang nagluluto ng agahan ngayon.

Dapat lang siya ang magluto kasi pinagod niya ako sa session namin kagabi. Para siyang matagal nang hindi nakapagsex or sadyang gigil lang siya kagabi, in other words napaka-aggressive niya.

“Oi, gising ka na pala,” aniya nang mahagkan ko siya sa likod niya, nagluluto siya ng luncheon meat.

“Bwisit ka talaga, West. Sobrang sakit ng ibaba ko!”

Tumawa siya. “Pasensya naman, matagal na akong nagpipigil eh,” aniya. Siraulo talaga ’tong lalaking ’to. “Umupo ka kaya muna,” suhestiyon niya at naupo na ako.

“Ayoko, gusto ko ganito muna tayo.”

Humarap siya sa ’kin kahit na nasa beywang niya pa rin ang braso ko. “Maupo ka muna sa stool ng island counter, sige na.”

Dahil ayokong magalit siya sa ’kin sumunod na lang ako sa sinabi niya.

“Wow ah, yung damit ko pa talaga ang suot mo,” aniya.

“Eh, ikaw nga eh nakabalandra lang ang katawan mo.”

“Ayos lang kasi ikaw lang naman ang nakakakita neto,” ngumiti pa siya at binaling na niya ulit ang atensyon niya sa niluluto niya. Nakatitig lang ako sa maskulado niyang likod.

“Kleo, paano kung sabihin ko sa ’yo na hindi ako bisexual,” seryoso ang mukha niya nang tumingin sa ’kin.

Nararamdaman ko na naman ang pagkulo ng dugo ko. “Talaga ba, West? Potangina mo,” inirapan ko siya at agad na nagsalubong ang kilay ko.

Hinango na niya ang ulam sa kawali at nilagay sa plato.

“Alam mo, ang aga pa para ma-highblood ka riyan, nagtatanong lang naman ako, ’di ba? Wala namang masama sa pagtatanong eh.”

“Oo nga, nagtatanong ka nga pero baka nakalimutan mo ’yong nangyari no’ng nakaraan. Alam mo nakakagigil ka eh,” gigil na sagot ko sa kaniya pero si West ay tumawa lang.

“Chill ka lang, bibi ko. Mamaya ka na magalit, gutom ka lang eh, sige na kumain na tayo para magkalaman ang tiyan mo, ok?” kumuha na siya ng plato pati kubyertos, sinalinan na niya rin ng kanin ang nag-iisang plato.

“Tingin mo ba nag-usap sila ng matino kagabi? Sana naman, jusko,” wika ko.

“Sa tingin ko, oo nag-usap talaga sila. Pakiramdam ko lang naman ’yon, pero mas mabuting tanungin na lang natin ang kaibigan mo, ’di ba?”

“Sana lang ay hindi galit sa ’tin ’yon, alam mo naman ang ugali ng baklang ’yon.”

“Bahala na si batman, Kleo,” ani West at kumain na. Bahala na talaga si batman sa ’ming dalawa mamaya ’pag nakita niya kami.

“Bilisan na natin, marami pa akong gagawin sa opisina ngayon.”

“Aye! Aye! Captain!”

“Siraulo ka talaga,” sagot ko sa kaniya at tumawa lang siya.

∞∞∞

Halata sa mukha ngayon ni Alec na nanggigil siya sa ’ming dalawa ni West. Parang gusto na niya kaming kainin nang buo.

“So, Alec my bestie. Nagkausap ba kayo ni Gray kagabi?” Tanong ko kay Alec ng mailapag ko ang tray ng pagkain sa tabi ng tray niya.

“Malamang nagkausap na ang dalawang ’yan, di ba Gray?” tanong rin ni West na katabi ko. Kaharap namin ni Alec sina Gray at West. Nauna na kasing maglunch si Alec at sumunod lang ako at na may kasama pa akong hampaslupa.

Dahil curious kaming pareho ni West sa kong ano ang pinag-usapan nila kagabi ay tuloy-tuloy kaming nagbato ng mga tanong kay Alec.

Napatigil siya pag kain niya. Isang matalim na tingin ang binigay niya sa ’min ni West. “Kung hindi kayo titigil sa pagiging chismoso bubuhusan ko talaga kayo ng sabaw ng nilagang baboy.”

“S-Sorry friend.”

“Sorry Alec.”

Hindi na umimik sa ’min si Alec at nagpatuloy lang sa kinakain niya. Nakita naming dalawa ni West na tinignan niya si Gray, at nakatingin rin siya sa gawi ni Alec. Inirapan ni Alec si Gray dahilan para magpigil ako ng tawa dahil sa kanilang dalawa. Mukhang hindi pa nagkakaayos ang dalawa talaga.

“A-Ano?!” Gulat ang nangibabaw sa ’kin nang sabihin ni Alec sa ’kin ang mga pinag-usapan nila kagabi, hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

“Oo Kleo, matagal na pala niya akong gusto. Nagulat nga rin ako eh, sabi pa niya na gusto niya raw na makipag-date sa ’kin pero ayaw niya kasi nga naduduwag siya at ayaw niyang may masabing masama sa kaniya ang mga tao sa paligid niya.”

“Oh tapos?” umupo na ako sa stool ng island counter habang may hawak na sandok.

“’Yon nga, tapos parang ako pa ang dahilan kung bakit naging bisexual siya. At nang nalaman niya na sa agency ni Tatay ako nagta-trabaho ay nag-out na siya sa pamilya niya at sabi pa niya ‘this is my chance to be with you’. Punyeta, hindi ko na alam ang gagawin. Naguguluhan na ako, Kleo!” napahilamos nalang ang kaibigan gamit ang palad niya.

Tumayo na ako Kleo at inatupag ko na ulit ang niluluto kong ulam. “Alam mo, friend,” sabi ko habang hinahalo ang ulam. Tinakpan ko na ang pan at umupo na ulit sa stool ng island counter.

“Alam mo, pakinggan mo kung ano ba talaga ang sinisigaw ng puso mo. Alam kung gusto mo pa rin si Gray at alam mo ’yan. Dine-deny mo lang ang katotohanan. He’s sorry on what happened, then, why don’t you guys start over again, ’di ba? Pero kahit na pinakinggan mo ang puso mo, ’wag mo rin kalimutan gamitin ang utak mo. Huwag puro puso, utak rin. Gamitin mo silang pareho, pero at the end of the day ikaw at ikaw pa rin ang magde-desisyon para sa kung ano ang ikakabuti para sa ’yo.”

“Wow naman, Kleo. Based on experience ba ’yan?” napatawa siya ng mahina.

“Ulol ka.” Tumayo na ulit ako at tinignan ko ang niluluto ko. Ni-off ko na ang stove at nilagay na sa mangkok  ng ulam na chicken adobo. Hinain ko na ito sa countertop.

“Sarap naman niyan Kleo. Amoy pa lang masarap na,” komento ni Alec at kumuha na ako ng plato at mga kubyertos.

“Dito ka na maghapunan. Marami pa tayong pag-uusapan, bakla ka.”

Kumuha na rin ako ng plato at kubyertos. “Ay, himala at naisipan mo ’yan. May nangyari ba sa ’yong maganda? Oo nga pala, kumusta na pala kayo ni West?”

“Hindi tungkol sa ’min ang dapat nating pag-usapan, bakla. Don’t change the topic.”

“Sabi ko nga,” aniya at nilagyan na ng kanin ang plato niya.

“Pagkatapos nating kumain ay mag-inuman tayo, anong gusto mo? Beer or soju?”

“Gusto ko soju, para maiba naman di ba? Puro na lang tayo beer, nakakaumay na.”

“Okay sige, damihan mo ng kain para may lakas ka at para may maisuka ka mamaya,” tumawa ako sa sinabi niya.

“Siraulo ka.”

“Let’s celebrate ’cause approved na ang design mo!”

“Yeah, whatever.” Hindi na ako nagsalita pa at nilantakan na ang pagkain ko kasi nagugutom na talaga ako.

“Kleo, palagi ba si West na pumupunta dito sa bahay mo?”

Napatigil ako sa pag kain dahil sa tanong ni Alec. “Hmm… minsan lang naman. Why?”

“Wala lang,” sabi niya. Napatingin siya sa vase na nasa gilid ng countertop. “Andami namang tulips sa vase mo.”

“Bigay lahat ’yan ni West ’pag nagkikita kami. Ang sweet niya di ba?”

“Edi kayo na maganda ang love life.”

“Parang sira ’to, kumain ka na lang diyan. Dami mong sinasabi.”

Hindi na nagsalita si Alec at kumain na. ’Pag tapos na kaming kumain ay alam na niya ang gagawin… iinom kami.

∞∞∞

“Alam mo friend, binabagabag pa rin ako sa thought na what if totoo pala ang sinabi ni West na hindi nga siya bisexual. Parang pinag-experimentohan niya lang ako sa gender identity niya, parang tanga lang,” napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang kasi in-open up kay Alec ang tungkol dito.

Ininom na niya ang soju sa shot glass niya. “Pinag-usapan niyo na ba ang tungkol diyan, Kleo?”

“Oo, napag-usapan na namin pero nag-o-overthink talaga ako dahil hindi ako kombinsido sa sinabi niya sa ’kin,” uminom na ako ng alak. “Sana nga lang ay mali ’tong iniisip ko dahil sobrang sakit talaga sa part ko.”

“Normal lang naman sa isang relasyon ang pag-overthink pero, dapat pag-usapan niyong dalawa kung ano ang dahilan kung ba’t ka nag-o-overthink ka para masolusyonan niyo ang problema,” ani Alec na namumula na ang mukha. Malapit na ata malasing ang baklang ’to.

“Nakakapagod isipin, nakakapagod mentally at  emotionally.”

“’Wag mo kasing isipin,” ani Alec at napasubsob na sa coffee table ko.

“Thanks Alec, it’s a big help.”

“Welcome,” aniya, kinuha niya ang isang bote ng soju, binuksan niya ito at hindi nag-atubili na inumin ang nasa bote. Tinignan ko lang siya sa ginagawa niya, marami ring iniisip si Alec ngayon dahil kay Gray kaya hahayaan ko muna siya ngayon na magpakalasing.

Nang maubos na niya ang laman ng bote ay sinubsob na niya ulit ang sarili sa coffee table.

“Ayos ka lang ba, Alec?” Walang kabuhay-buhay ang boses ko.

Umayos siya ng upo at nakapikit pa ang mga mata niya. Ilang sandali lang ay unti-unting tumulo ang mga luha niya.

“TANGINA MO, GRAY MARTINEZ! ANONG GINAWA MO SA ’KIN?”

“Tangina mo rin, Alec. Manahimik ka kasi gabi na, baka ibalibag kita diyan.”

“Tawagan mo si Gray, potangina niya,” aniya habang umiiyak.

“Friend baka busy ’yong tao, ’wag mo na—”

“Pakyu ka pala eh!”

Nagsalubong na ang kilay ko. Ibalibag ko kaya ang baklang ’to para matahimik na.

“Matulog ka na bakla,” suhestiyon ko.

“Ayoko!” Nagsalubong na rin ang kilay niya habang tumutulo pa rin ang mga luha. “Kung ayaw mo siyang tawagan, ako na lang tatawag sa kaniya,” kinuha na niya sa bulsa nita ang cellphone at nag-dial. Ilang sandali lang ay nagsalita ulit si Alec, napakamot na lang ako ng batok.

“Punyeta ka talaga Gray Martinez!” bungad na sigaw niya.

“Dahil sa ’yo gulong-gulo ang utak ko, bushet ka! Anong ginawa mo noong mga panahon na gustong-gusto kita!? Binalewala mo lang ako! Tapos ngayon ikaw naman ang naghahabol sa ’kin, punyeta ka!? Ang gulo mo—”

Marahas kong inagaw sa kaniya ang cellphone niya. “Tama na ’yan, Alec. Lasing ka na, matulog ka na.”

“Hindi! Dapat kong pagmumurahin ang taong ’to! Ikaw Gray, ayusin mo ’yang desisyon mo sa buhay!”

Tinignan ko ang screen ng cellphone niya, sinagot nga talaga ni Gray ang tawag. Pinatay ko na ang tawag at tinabi na ang cellphone niya. Tumayo na ako para asikasuhin ang bakla pero nagpumiglas siya.

“Hay nako, bahala ka sa buhay mo, bading ka!” umupo na ako sa kinauupuan ko kanina at uminom na ulit, napahiga na sa malamig na sahig si Alec dahil sa kalasingan. “Diyan ka na lang matulog bakla ka, hindi kita aasikasuhin, pakshet ka! Ba’t mo kasi naisipang inumin ’yong isang bote ng soju tanga.”

Napatingin ako sa cellphone ko nang magring ito, isang text message galing kay West. ‘Andiyan pa ba si Alec sa bahay mo? Pupunta kami diyan ngayon din’

Hindi na ako nagreply sa text niya. Ibig sabihin ay magkasama ’yong dalawa kung saan man sila naroon ngayon? Tinignan ko ulit ang cellpone ko nang makita kong lagpas na ten pm ay hindi na pwedeng magpapasok ng bisita dito sa subdivision.

Dali-dali kong ni-dial ang numero ni West, agad niya rin naman itong sinagot. “Sa’n ka ngayon? Kasama mo si Gray? Ok sige, lagpas ten na eh. I’ll text kuya Soju na papasukin kayo, sabihin niyo lang na kaibigan kayo ni Alec, ok bye. Ingat kayo.” Pinatay ko na ang tawag at napatingin kay Alec na umiiyak na naman.

“Kleoooo, ayokooo naaa. Ba’t ba ginaganito ako ng universe? Potangina namang buhay ’to! Hindi ko deserve tratuhin ng ganitooo!” Pinupokpok na niya ang ulo niya sa coffee table.

“Ginaganyan ka kasi pangit mo umiyak eh,” mas lalong humagulgol si Alec, tinawanan ko na lang siya.

“Sorry Kleo ah, aagawin ko muna ang moment mo,” pinunasan na niya ang mga luha niya.

“Wala na friend, kanina mo pa naagaw ang moment ko. Sige na matulog ka na.”

Kumuha pa siya ng isang bote ng soju.

“Tama na nga ’yan Alec,” kinuha ko sa kamay niya ang bote pero inagaw niya ulit. “Sabing tama na ’yan eh!” pasigaw na saad ko.

“Ayoko! Gus..to ko pa uminoooom!” ani Alec na parang iiyak na. Kinuha at ininom na nga ni Alec ang laman ng baso ko. Hinayaan ko na lang siya na matulog ulit sa sahig at nagpatuloy lang ako sa pag inom.

∞∞∞

Napatingin ako sa may pintuan, napansin ko na andito na ang dalawa at hindi man lang ako tinulungan asikasuhin si Alec.

“Ano tinitingin-tingin niyong dalawa diyan? Tulungan niyo ako dito!” sabi ko kaya agad lumapit sa pwesto ko si Gray para alalayan si Alec.

“Pre, kami na ni Kleo ang mag-aasikaso kay Alec. Dito ka na lang muna sa sala,” sabi naman ni West. Inalalayan na naming pareho si Alec para makatulog na sa guest room, ganito talaga siya ’pag may problema. Nang masigurado namin na maayos na makakatulog si Alec ay bumalik na kaming dalawa ni West sa baba.

Tumambad sa ’kin ang plastic na may alak, may plano pa talaga silang mag-inuman dito sa bahay ko.

“Ano ’to round two?” sabi ko.

“Hindi ka pa naman siguro lasing eh, di ba?” sagot na tanong ni West.

“Okay pa naman ako, ’yong isa lang ang hindi. Nilagok niya ’yong isang bote ng soju kanina eh kaya ’yon knock down.”

Nanlaki ang mga mata ni Gray sa sinabi ko. “T-Talaga?”

“Oo, Gray. Kasalanan mo talaga ’to eh.”

“Oo alam ko naman—”

“Ano ba kayong dalawa, chill lang. Marami pa tayong beer na uubusin oh.”

Inirapan ko na lang si Gray, bwisit na lalaki ’to.

Nagsimula na kaming uminom ulit hanggang sa nalasing na ako.

Chapter 14: Downhearted

Chapter 14: Downhearted

K L E O

May naramdaman akong mabigat sa katawan ko at sobrang init. Naramdaman kong parang may humahalik sa mukha ko. Ang aga-aga tapos ang baho pa ng hininga hinahalikan na ako.

“Tumigil ka nga West,” wika ko at marahas kong sinapak ang mukha niya habang nakapikit ang mga mata ko.

“Aray naman, gusto ko lang namang maglambing eh. Ang aga tapos ginaganiyan mo na ako,” aniya kaya ibinuka ko na mga mata ko.

Agad na nagsalubong ang kilay ko. “Anong oras kayo natapos kagabi? Grabe nakatulog na ako sa kalasingan.”

“Natapos kami no’ng humihilik ka na sa balikat ko, si Gray na ang naglinis ng mga kalat natin.”

“Anong oras na ba? Baka ma-late pa tayo sa trabaho, West.”

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa ’kin. “Dito muna tayo kasi maaga pa naman eh.”

Napakamot ako sa ulo. “Ano ka ba, West. Hindi ako makahinga sa yakap mo!”

“Ay sorry,” kumalas na siya sa pagkakayakap sa ’kin, “puntahan kaya natin ’yong dalawa sa guest room kung ano ang ginagawa nila ngayon,” sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni West.

“You’re such a nosy jerk,” saad ko kaya tumawa lang siya.

Agad na kaming bumangon, dahan-dahan kaming naglakad  papunta sa kabilang kwarto kung saan natutulog sina Alec at Gray. Nang nasa pintuan na kami ay rinig na rinig namin na nag-aaway ang dalawa.

“Nag-aaway ang dalawa, West. Hayaan na natin sila,” wika ko at aakmang aalis na pero napatigil ako ng magsalita siya.

“Dito muna tayo makichismis, nag-aaway talaga silang dalawa,” aniya, nilapit pa niya ang tainga niya sa pintuan.

“Sira ulo ka talaga,” kinatok ko ang pintuan at binuksan naman ito ni West. Bumungad sa ’min si Gray na walang pang-itaas habang si Alec naman ay sinuot ang polo ni Gray.

“Oi, gising na pala kayo,” ani West.

“Kumusta ang tulog mo, Alec?” tanong ko naman, kitang-kita sa mukha ng dalawa ang gulat.

“Ano ka ba Kleo, mamaya ka na magbato ng tanong sa kaibigan mo,” sabi pa ni West sa ’kin. Sumimangot lang ako sa kaniya.

“Anyway, guys let’s eat. Our breakfast is ready,” sabi pa ni West.

“Anong ready ka diyan? Kakagising nga lang din natin eh, sira ka talaga,” nagtawanan lang ang tatlo sa sinabi ko.

“Tulungan na kita magluto Kleo,” suhestiyon ni Alec

∞∞∞

Nang matapos kaming mag-breakfast ay nagpaalam na sina Gray at West na aalis na dahil may gagawin pa raw sila na related sa trabaho nila. At kami naman ni Alec ay busy sa lababo para hugasan ang mga plato at para  na rin makapag-usap kaming dalawa.

“Alam mo, para tayong housewife ’no? ’Yung asawa natin ay nagtatrabaho habang tayo naman ay nasa bahay—” naputol ang sasabihin ko dahil biglang sumabat si Alec.

“Manahimik ka diyan, bakla ka. Kung pinangarap mo’ng maging housewife pwes, ako hindi.” Nilagay na niya sa lagayan ng plato ’yong tapos na niyang punasan.

“Ay grabe ka naman, nag-iimagine lang naman ko. Atsaka, wala naman akong sinabi na gusto kong nandito lang sa bahay, ano pa bang silbi ng degree ko kung hindi ko rin naman papakinabangan, ’di ba?” nilapag ko sa harap ni Alec ’yung plato na tapos ko nang hugasan atsaka ito pinunasan ng towel ni Alec.

Nang matapos kami sa ginagawa namin ay naupo na kami sa stool ng island counter. Napabuntonghininga ang kaibigan ko, malamang may iniisip na naman ang baklang to. Nagbato ako ng mga tanong sa kaniya at sinagot naman niya ito ng buong puso, alam ko na ang iniisip niya. Bumigay na rin siya sa wakas sa alindog ni Gray, mas mabuti na nga ’yon para matahimik na ’to. Pati ako pinoproblema ko rin ang lovelife ng kaibigan ko kasi panigurado ako maling desisyon ang gagawin niya.

“May dala ka bang payong, Kleo?” tanong ni West sa ’kin nang makaalis kami sa parking lot. Nagpahatid ako kay West kasi sobrang lakas talaga ng ulan.

“Oo nasa bag ko,” parang kaninang tanghali sobrang init tapos ngayong gabi grabe ang buhos ng ulan, baka babaha na naman.

“Siya nga pala, West. Dinner daw sa condo ni Gray mamaya, punta tayo?” lumapit si Gray sa ’kin kanina sa lobby at sinabihan niya ako sa plano niya kaya sumang-ayon ako.

“Pwede naman ’pag medyo humina na ang ulan.”

“Sige tawagan ko lang si Alec, hindi niya alam ang plano ng jowa niya,” ni-dial ko na ang numero niya. Buti na lang at sumagot agad.

“Oh, anong iyo?”

bungad na tanong ng sinagot niya ang tawag ko.

“Dinner daw tayo sa condo ni Gray.”

“Oh, tapos?”

“Hello bakla, hindi ka ba excited?”

“Ba’t naman ako mae-excite?”

“Dapat maexcite ka kasi makakapunta ka sa condo niya at isa pa inimbita niya tayo.”

“Bakla, baka nakakalimutan mo nakapunta na ako sa condo niya no’ng nalasing siya, ako ang naghatid sa kaniya.”

“Ay, oo nga noh? Anyway, mauna ka na do’n at susunod kami ni West.”

“Wait, as in ngayon na ako pupunta?”

“Bakla, six na ng gabi at alam naman na ni Gray na susunod kami at for sure hinihintay ka na niyang makapunta do’n dahil sinabi ko sa kaniya na you’re on the way, bye!” Pinatay ko na ang tawag bago pa siya makasagot.

Tumingin ako sa gawi ni West. “Ano nangyari sa ’yo? Ba’t parang galit ka or wala kang gana, may problema ka ba?”

“Wala, ayos lang ako. ’Wag mo akong alalahanin,” aniya habang nakatuon ang pansin sa pagmamaneho.

“Ano nga kasi, sabihin mo na sa ’kin,” pangungulit ko.

“Wala nga, ang kulit mo naman,” sagot niya. Alam kong may bumabagabag sa isip niya ngayon at ayaw niya lang sabihin sa ’kin kasi ayaw niya akong masali sa kong ano man ’yon. At isa pa, kanina ko pa napapansin na wala siya sa mood parang any moment ay manununtok na siya ng tao.

Hindi na ako nagsalita pa sa buong biyahe, hanggang sa makarating kami sa bahay.

“Hindi ka ba muna papasok sa bahay?” tanong ko kay West. Hindi siya sumagot, lumabas lang siya ng sasakyan niya habang bumubuhos ang ulan kaya dali-dali rin akong lumabas at pinayongan siya.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay agad akong nagbihis at binigyan si West ng tuwalya kasi sobrang basa ng buhok niya. Umupo siya sa sofa, dali-dali rin akong kumuha ng tubig at binigay ko ang baso sa kaniya.

“Ba’t ka ba kasi lumabas agad ng sasakyan alam mo namang sobrang lakas ng ulan eh,” hindi siya umimik at ininom na ang tubig, kinuha ko sa kaniya ang tuwalya at ako na mismo ang nagpunas ng buhok niya. “Nakakainis ka talaga, West, alam kong alam mo ’yon. Baka magkasakit ka niyan, mahal pa naman ang gamot—” napatigil ako sa pagsalita.

“Kleo,” mahinahon na wika ni West, pakiramdam ko ay sasabihin na niya ang bumabagabag sa isip niya.

“Yup?” sagot ko kaya umayos na ako ng upo.

“This has been quite on my mind, it has been weeks and I can’t take this shit anymore,” aniya, seryoso ang mukha niya ngayon at ang puso ko naman ay parang lalabas na sa katawan ko dahil sa kaba.

“What do you mean by that?”

“Akala ko ayos na ako pero hindi pala, sa isip ko lang pala ’yon. Sa loob ng pagsasama natin, Kleo naging masaya ako, sobrang saya ko dahil nakilala kita at mas nakilala ko ang sarili ko dahil sa ’yo. Kleo, I’m sorry. I am not bisexual, until now I thought I had everything in life figured out.”

Pakiramdam ko ay nabingi ako, hindi ko narinig ang mga salitang binitawan ni West. Ang tanging naririnig ko lang sa mga sandaling ito ay ang kabog ng puso ko.

“Ah gano’n ba, West?” mapakla akong natawa.

“I’m so sorry, Kleo,” aniya, inabot niya ang kamay ko.

Nararamdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. “Umuwi ka na, West.”

“Ayoko, Kleo dahil hindi ko pa naririnig ang gusto kong marinig mula sa ’yo—”

“West, tama na. Potangina naman oh, umalis ka na dito sa bahay ko! Ayaw kitang makita, please lang!” hindi na napigilan ng mga luha ko na kumawala sa mga mata ko. “Akala mo gano’n lang kita patawarin? Ang kapal naman ng mukha mo!”

“Kleo…”

“Umalis ka na rito, West!”

Tinitigan niya ako, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi siya sa ginawa niya, pero wala akong pakielam. Nanunubig rin ang mga mata niya hanggang sa tumulo na ang mga luha niya, tinalikuran na niya ako at umalis na.

Nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa malamig na sahig. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang ay sobrang saya namin tapos malalaman ko na lang na hindi pala siya tulad ng inaakala ko. Parang pinag-experimentuhan niya lang ako at napakasakit no’n para sa ’kin.

 

W E S T

The rain is pouring so hard as well as my tears.

And the guilt is killing me right now, how could I do that to a precious person like Kleo? He doesn’t deserve this shit I caused him.

Matagal ko nang gustong sabihin kay Kleo ang totoo kasi kinakain na ako ng guilt. Akala ko alam ko na sa sarili ko na bisexual talaga ako pero habang tumatagal ang pagsasama namin ni Kleo ay unti-unting pumapasok sa utak ko na hindi ako bisexual.

Nag-experiment ako sa sexuality ko dahil may instances na na-a-attract ako sa kapwa ko lalaki lalo na kay Kleo. Kinombinse ko ang sarili ko na bisexual nga talaga ko pero dumating sa punto na hindi pala talaga. Naging masaya ako sa panahon na kasama ko si Kleo, nakilala ko siya ng mabuti at mas nakilala ko rin ang aking sarili.

Humanap lang ako ng magandang timing para sabihin na kay Kleo ang totoo, kasi ’pag tumagal mas malalim ang sugat na matatamo. Kaya hanggang maaga pa ay sabihin ko na.

Inaako ko na may kasalanan ako sa nangyari, hindi ko dapat ipagkaila ang katotohanan.

Unti-unting bumabalik sa ’kin ang mga pinag-usapan namin ni Gray no’ng nag bar kami.

“Sigurado ka ba talaga diyan, pre? Sana hindi mo na lang ni-entertain si Kleo kasi inaksaya mo lang ang panahon at oras niya eh. Alam kong mabuting tao si Kleo at hindi niya deserve ang ginawa mo,” ani Gray. Tama talaga ang sinabi niya, ngayon malaki ang pagsisisi ko dahil sa ginawa ko. Hindi ako makasagot kay Gray, ininom ko na lang ang alak at dinamdam ang mapait na lasa nito.

Napabuntong hininga si Gray. “Alam kong gulong-gulo ang utak mo ngayon, West, kasi masasaktan mo si Kleo.”

“Kaya nga eh, litong-lito na talaga ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa kakaisip eh.”

Masama ang tingin sa ’kin ni Gray. “Sino ba ang naglagay sa ’yo sa sitwasyon na ’to? ’Di ba ikaw rin naman?”

“Sabi ko nga,” inirapan na niya lang ako.

“Hindi ka naman pala sure na bisexual ka tapos sinunggaban mo agad ang thought na bisexual ka nga talaga, tapos pagkagising mo isang umaga ay hindi pala. Jusko, West! Na-i-stress ang bangs ko sa ’yo!”

“Wow, ang bading pakinggan no’ng huling sinabi mo ah.”

“‘Cause I am, West, for goodness’ sake! Ngayon ano na gagawin mo? Kakausapin mo si Kleo? Tapos, magso-sorry ka? Do you think saying sorry to someone you hurt emotionally will stop the pain you’ve caused? ’Di ba hindi naman? Mas masakit dahil invested siya sa ’yo, mahal ka niya. Sana ’yan ang inisip mo sa una pa lang, West. Naiintindihan mo ba ako?”

Pakiramdam ko ay nanliit ako sa sinabi ni Gray, hindi ko nga talaga naisip ’yon sa totoo lang. Masyado akong nagpadalos-dalos sa lahat eh.

“Kasalanan ko talaga ang lahat.”

“Malamang! Buti naman at aware ka sa ginawa mo!”

“Wala na bang ilalakas ang boses mo? Pinagtitinginan na tayong dalawa dito,” wika ko. Sana pala hindi kami dito nagpunta, ay nako! Kabilaan ang maling desisyon na ginawa ko ngayon.

K L E O

“Good morning, Kleo! Sobrang ganda ng umaga at ang sarap maglakad ng ganitong oras,” ani kuya Soju nang makalabas siya sa gate ng bahay niya.

“Good morning po kuya,” sagot ko naman. Gusto ko pa matulog kasi inaantok pa ako pero nagugutom ako wala na pala akong makain kaya eto ako ngayon papunta sa convenient store sa labas ng subdivision.

“Parang wala kang kabuhay-buhay ah, hindi ba maganda tulog mo?” ani kuya Soju sumabay siya sa paglalakad ko.

“Hindi nga maganda kuya, gusto ko pa matulog tsaka absent muna ako sa trabaho ko ngayon, marami akong iniisip,” bumuntong hininga ako dahilan para magulat si kuya.

“Uy ang lalim ng buntong hininga mo, Kleo. May nangyari ba sa ’yo na hindi maganda?”

Naalala ko na naman ang mga nangyari kagabi, bwisit na West! Nararamdaman ko na nanunubig ang mga mata ko. Tangina mo, West! Bakit mo ako ginaganito?

“Actually kuya, meron nga,” yumuko lang ako para hindi mapansin ni kuya Soju na naiiyak ako. Sinalaysay ko na kay kuya ang lahat na nangyari sa relasyon namin ni West hanggang sa makarating kaming dalawa sa convenient store.

“Wow, ang sakit ng ginawa niya sa ’yo, Kleo,” ani kuya Soju at kumuha siya ng necessities niya.

“Oo nga po eh, hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya!” wika ko at kumuha na nang instant noodles at canned goods tsaka nilagay ko sa cart ko.

Nagpunta na kaming dalawa sa cashier at nagbayad na tsaka lumabas na ng convenient store.

“Ba’t naman niya ginawa ’yon sa ’yo? Grabe ’yon ah. Hindi makatarongan sa point of view ko.”

Totoo talaga na hindi makatarongan ’yon. “Ewan ko sa kaniya, sira ulo ata ’yong taong ’yon eh.”

“Minahal mo ba siya, Kleo?” mahinahon na tanong ni kuya.

“Syempre po, minahal ko siya. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya minahal,” sagot ko naman. Sobrang invested ako sa relasyon naming dalawa tapos gagagohin lang pala ako? Sana hindi ko na lang siya nakilala kong gano’n rin naman pala.

Chapter 15: Epilogue

Chapter 15: Epilogue

K L E O

“Minahal mo ba siya, Kleo?” mahinahon na tanong ni kuya.

“Syempre po, minahal ko siya. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya minahal,” sagot ko naman. Sobrang invested ako sa relasyon naming dalawa tapos gagagohin lang pala ako? Sana hindi ko na lang siya nakilala kong gano’n rin naman pala.

“Halata nga Kleo na minahal mo siya. Pero alam mo, may mga tao talaga na dadating sa buhay natin para maging lesson, kagaya nang nangyari sa ’yo. Dumating siya sa buhay mo para maging mas maingat ka sa susunod na relasyon mo if ever na gusto mo ulit makipagrelasyon.”

Tama nga naman si kuya Soju do’n sa sinabi niya.

“You have a point on that, kuya. But to me, it seems like a joke. Why would you waste time and energy on someone where in the end you’ll eventually left that person crying, it doesn’t make sense at all.”

“Ayon lang, Kleo,” tumawa si kuya Soju sa sinabi ko.

“Tama rin naman ako ’di ba? Maraming bagay na kailangan gawin pero inaaksaya mo lang sa taong hindi mo rin naman pala papanindigan. Nananahimik ’yong tao tapos bigla kang dadating sa buhay niya para saktan mo lang siya? Hindi makatarungan ’yan,” wika ko. Galit na galit talaga ako.

“Hindi kasi natin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng tao eh, that is why you should know him better before jumping into relationship,” sagot rin naman ni kuya Soju, napatingin ako sa kaniya at nakita kong ang laki ng ngiti niya.

Tumingin rin ako sa kung saan nakatingin si kuya Soju.  Nag-u-umapaw sa kagwapohan ang lalaking papalapit sa ’min, nakangiti rin siya sa ’min? Or kay kuya Soju? Napahinto ako sa paglalakad dahil nakaka-starstruck si kuya na papalapit sa ’min, feeling ko may lahi si kuya.

“Sa’n ka ba galing?” tanong ng lalaki kay kuya.

“Bumili lang ako ng necessities ko, nagpunta ka ba sa bahay ko?”

“Oo, nagpunta ako sa bahay mo at wala ka pala do’n magpapasama sana ako sa convenient store sa labas.”

“Ah gano’n ba? Tinawagan mo sana ako,” sagot naman ni kuya Soju.

Sasagot pa sana ’yong lalaki pero nagsalita ako. “Hello po, magandang umaga,” napatingin si kuya pogi sa ’kin. Gosh, ang gwapo niya talaga.

“Magandang umaga rin sa ’yo,” bati niya tsaka siya ngumiti sa ’kin, ang pogi rin ng ngiti niya. Shit!

“Ah, Shun, si Kleo pala. Kaibigan ni Alec,” pagpapakilala ni kuya Soju.

“Hi, Kleo. Ako pala si Shun, boyfriend ni Soju,” tama ba ang narinig ko? Si kuya Soju… may boyfriend?

“Nice to meet you po,” dali-dali kong nilahad sa kaniya ang kamay ko at tinanggap niya ito tsaka kami nagkamayan. Ngumiti lang siya sa ’kin at hinarap si kuya Soju.

“Love, alis na muna ako, punta lang ako sa bahay mo pagbalik ko,” ani kuya Shun.

“Samahan na kita?” suhestiyon ni kuya Soju.

“’Wag na, magluto ka na lang ng almusal at do’n ako kakain sa bahay mo, ok?” saka nilapit ni kuya Shun ang labi niya at hinalikan sa pisngi si kuya Soju.

Fuck what did I just witness right now?

“Sige love, mag-ingat ka,” ani kuya Soju, abot tainga pa ang ngiti niya.

Umalis na si kuya Shun kaya naman ay nagpatuloy kaming maglakad. Fuck, hindi ako makapinawala sa nakita ko, sana panaginip lang lahat ng ito!

“Kleo, napansin ko na nagulat ka kanina,” tanong ni kuya Soju na may ngiti pa sa mga labi.

“Ah, hindi naman kuya,” tumawa ako, “ang gwapo naman ng boyfriend mo, kuya, bagay kayo. Nag-uumapaw ang chemistry niyong dalawa,” wika ko. Totoo naman talaga na bagay silang dalawa kasi pareho silang pogi, para silang Korean actor sa KDrama. “Tsaka po, sana all.” Tinawanan lang ako ni kuya Soju, nakaka-overwhelm lang ’yong nakita ko.

∞∞∞

Netong mga nagdaang araw ay maraming nangyari sa buhay ko at pati na rin sa buhay pag-ibig ng kaibigan ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ni Gray ang nangyari sa ’min ni West, wala pa akong plano na sabihin sa kanila. Sa ilang araw na nagdaan ay nakita ko kung gaano kasaya ang kaibigan ko dahil nagkamabutihan na nga silang dalawa ni Gray. Masaya ako para sa kanila kasi deserve rin naman nilang sumaya sa isa’t isa.

Minsan ko na lang din nakikita si West sa building,  hindi na rin ako sumasabay ng lunch sa kanila at alam kong napapansin na ’yon ni Alec. May mga pagkakataon na nagkakasalubong kami ni West o ’di kaya’y magkasabayan kami sa elevator, ang ginagawa ko lang ay hinayaan ko lang. Iniisip ko na wala akong nakikitang demonyo.

May kirot pa rin sa puso ko, hindi gano’n kadali na kalimutan ang lahat na nangyari. Pero nangyari na kaya kailangan ko nang ibaon sa limot lahat nang nangyari sa ’min kahit masakit. Darating din ang panahon na magiging memorya na lang lahat ng ito, kaya kailangan ko magpakatatag para sa sarili ko.

“Tulala ka na naman, Kleo,” napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni kuya Shun.

Mahina akong natawa bago sumagot. “May iniisip lang po,” kinuha ko na ang canned beer ko.

“Halata nga, Kleo. Valid talaga ang nararamdaman mo ngayon,” ani kuya Soju. “Alam mo, pwede mo iiyak lahat nang nararamdam mo para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman mo,” dagdag pa ni kuya Soju.

Nararamdaman ko na naman ang panunubig ng mga mata ko. “Ayos lang po ako mga kuya, as if naman may choice ako ’di ba? Sobrang nasaktan lang talaga ako sa mga nangyari. I didn’t see it coming, it’s just so fucked up,” hindi na nagpapigil ang mga luha ko at kumuwala na sila sa mga mata ko.

Naramdaman ko na hinahagod ni kuya Soju ang likod ko. “Potangina lang talaga eh, nakakainis!”

“Ayos lang ’yan, Kleo. Andito kami ni kuya Soju mo para i-confort ka,” ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mainit na yakap ni kuya Shun.

“Why the fuck this happened to me? Am I some kind of joke? Fuck!” humagulgol na ako ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Magiging ayos lang ang lahat, Kleo, alam kong alam mo ’yon kaya tatagan mo ang sarili mo, ok?”

Tumango-tango ako habang yakap-yakap ako ni kuya Shun, tama siya sa sinabi niya na kailangan ko tatagan sarili ko.

“Tama na nga ’yang iyakan, magtagay na lang tayo. Akala ko ba ’yan ang pinunta mo dito, Kleo?” kumalas na sa pagkakayakap si kuya Shun.

“Hala si kuya Soju, malay ko ba na may ganito pala dito,” sagot ko kaya pinahiran ko na ang mga luha ko.

“’Wag mo nga ginaganiyan si Kleo, love,” ani kuya Shun.

“Kaya nga, tsaka sa tagal ko na dito ngayon ko lang naka-bonding si kuya Soju ng ganito, kasi naman nilalagpasan lang namin siya ni Alec.”

“Ngayon ko lang din na-realize ’yan, Kleo. Pero si Alec simula no’ng bata pa siya lagi na ako sa kanila eh, nakakasawa na mukha no’ng batang ’yon,” sagot naman ni kuya Soju.

“Never ko pa talaga nakita ang Alec na ’yan,” sabat ni kuya Shun. Wow, hindi pa daw niya nakita si Alec?

“Totoo ba ’yan, kuya Shun? Naku, pangit ang baklang ’yon ’wag mo na siya problemahin,” sagot ko naman dahilan para magtawanan kaming dalawa ni kuya Soju.

Sinamaan lang ako ni kuya Shun ng tingin at mas natawa ako dahil do’n, ano ba’ng espesyal sa baklang ’yon? Jusko naman.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising kaya nagluto na ako ng agahan ko dahil papasok na ako sa trabaho ko. Habang busy ako sa pagluluto ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Alec.

‘Papasok ako sa bahay mo.’

Hindi na ako nagreply at inantay ko lang siya na pumasok.

“Hoy bakla ka!” wika niya habang busy ako sa tocino na niluluto ko.

“Wazzap bitch.”

“Ano ’tong nabalitaan ko na wala na kayo ni—”

“Oo tama ka,” pagputol ko ng sasabihin niya.

“B-Bakit? Ayos naman kayo ah, ano ba nangyari?”

Sa’n niya kaya nahagilap ang balita? Jusko naman!

Pinatay ko na ang stove at nilipat sa plato ang tocino tsaka ako umupo. “He’s a jerk,” panimula ko at sinalaysay ko na ang buong pangyayari simula umpisa hanggang sa katapusan.

“WHAT THE FUCK?!”

“Yeah.”

“Ba’t ngayon mo lang sinabi sa ’kin ’to? Kung hindi sinabi sa ’kin ni Gray, hindi ko malalaman.”

“Ay, wow? Kay Gray mo pala nalaman. Ibig sabihin ay sinabi ni West kay Gray ang nangyari, anyway, I’m good and perfectly fine as you can see.”

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko kay Alec. “Friend, alam kong nasasaktan ka ngayon—”

“Friend, please. Ayoko umiyak, it’s not cute.”

“Concern lang ako sa ’yo kasi kaibigan kita, alam ko ang nararamdaman mo,” hinahagod-hagod niya ang likod ko.

“Alec, I’m good. Don’t worry, nailabas ko na ang sama ng loob ko kaya gusto ko maging ok lang ako,” kumuwala na siya sa pagkakayakap sa ’kin.

“Sure ka? Alam mo naman na andito lang ako para sa ’yo, friend.”

“Alam ko naman ’yon, tsaka for sure napansin mo na hindi ako sumasabay mag-lunch sa inyo at lagi lang akong mapag-isa these past few days. At isa pa, wala sana akong balak na sabihin sa ’yo ’tong sitwasyon ko.”

“Oh my, kaya pala. Napansin din kasi ni Gray ’yon eh, tsaka, wala ka talagang plano ’no?”

“I guess, wanting was enough.”

“Yeah, it’s true,” sagot naman niya

“I planned to surprise you, I guess I failed,” napatawa ako. “You guys have plan tonight? Dito na kayo mag-dinner ni Gray, may itatanong lang ako sa kaniya.”

“Sure, wala naman kaming lakad ni Gray mamayang gabi.”

“Ok!”

∞∞∞

Evening came just like a blink of an eye. My visitors enjoyed what I prepared for them, later tonight these bitches gonna die ’cause I put poison on there food. Just kidding.

“How was my cooking?” tanong ko sa dalawa.

“Masarap ka naman pala magluto, Kleo eh,” ani Gray.

“Oo kasi may lason ’yan, joke lang.”

“Ayusin mo ’yang buhay mo bakla ka,” ani Alec kaya nagpatuloy na sa paglantak ng kinakain niya.

“Sinabi ba ni West sa ’yo Gray na wala na kami?” mahinahon na wika ko na may seryosong mukha.

Napahinto si Gray sa pag kain at tumingin sa ’kin. “Ang totoo niyan Kleo ay nag-usap kaming dalawa ni West tungkol sa sitwasyon na ’yon, sinabihan ko siya na ano ang mas magandang gawin at sa tingin ko na tama, pero nasa kaniya naman ang desisyon. Nahihirapan daw siya sa sitwasyon niya ngayon na siya naman mismo ang may gawa. Sobra ang inis ko sa kaniya dahil do’n, ba’t niya nagawa ’yon sa ’yo. Pero nangyari na at wala na tayong magagawa.”

Bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko, nakakainis! Ayoko na umiyak dahil pagod na pagod na ako, nakakasawa nang umiyak. Bwisit na buhay ’to!

“Pinapaabot niya pala ang envelope na ’to, Kleo,” ani Gray at may kinuha siya sa bulsa niya tsaka niya binigay sa ’kin.

Dali-dali kong kinuha sa kamay ni Gray ang envelope at dali ko ’tong binuksan. Sa loob ng envelope ay may isang pirasong papel na may desinyong tulips at may nakasulat, alam kong sulat-kamay ’to ni West.

Dear Kleo,

I am aware that you are already unhappy with me because of what I did to you, even if you had time to read this little letter. I sincerely apologize, but I am aware that it will not make any difference to you. I want you to understand my sincerity.

I had a positive experience with you, and I will always cherish the times we spent together. You have a lovely soul that I admire, even if you occasionally annoy me. I will always remember someone like you.

I am deeply sorry for my actions. You can’t forgive me right now, and that’s okay. I tend to injure someone as valuable as you, and saying I’m sorry is insufficient to undo the harm I’ve caused. I hurt and traumatized you, and you don’t deserve that. You deserve better; you deserve to be loved without conditions. Good things in life are due to you.

Additionally, I would prefer that you be with someone greater to me. In the few time I spent getting to know you, I discovered that you are a kind, giving, and good-hearted person. Our relationship was incredible and unforgettable. I will treasure the times we spent together.

Thank you cause I met someone like you. I loved you so much, bibi.

ps. i wish you all the best!


Return to top?

Part of a series

Arcoiris

Part 5 of 5
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.