Assassin Series 1: Nuroi Fowler
xxriegozzxx · 6 chapters · 16,087 words
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the product’s of the author imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the Author.
This story contains incorrect typos/ spelling/ grammar. I’m not a professional writer so please bear with me. Thank you!
WARNING ⚠️
THIS STORY CONTAINS STRONG CONTENT , R-18, NOT SUITABLE FOR BELOW 🔞 YEARS OLD.
Read at your own risk
Please follow my Fb page: Az
zinatics Stories
Facebook account: Cruz Wp
Group Page: Azzinations(Groups) ⚔️
Wattpad cover by: Hara Dayani ❤️
Copyright ©️ 2022 by XXRIEGOZZXX All right reserved.
Prologue
Naglalakad ako mag-isa pauwi ng bahay galing sa eskwelahan. Nasa third year high school na ako ngayon ngunit wala parin akong kaibigan. Lagi kasi nila akong inaasar na ampon o anak sa labas.
Hindi ko nalang pinapansin ang mga tawag nila sa ’kin kahit gustong-gusto ko na silang suntukin sa mukha.
Kaya lagi akong mag-isang kumain at mag-isang naglalakad papuntang school. Walang gustong lumapit sa ’kin, walang may gustong makipag kaibigan. Sanay na ako do’n kaya hindi na ako nalulungkot.
Habang naglalakad ako ay parang may naramdaman akong nakasunod sa ’kin. Agad akong lumingon sa likod ko ngunit wala naman akong makitang kakaiba kaya nag patuloy nalang ulit ako.
Nakayuko ako habang naglalakad dahil napansin ko na hindi nakatali ang sintas ng isa kong sapatos. Yumuko ako para ayusin ang sintas ko. Nang matapos ako ay tumayo ako saka ako naglakad ulit.
Ngunit, napatigil ako sa paghakbang ng may mabilis na humarurot na van at bigla itong huminto sa unahan. Bigla akong kinabahan ngunit hindi parin ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
Wala namang lumabas mula sa loob ng sasakyan. Inisip ko nalang na baka nasiraan lang sila ng sasakyan kaya huminto. Naglakad nalang ulit ako hanggang sa tumapat ako sa pinto ng sasakyan.
Lalagpasan ko na sana ng biglang bumukas ang pintuan ng van at may lumabas na limang lalaki. Nakasuot sila ng itim na maskara at may mga nakasukbit na malalaking baril sa kanilang katawan.
Napasigaw ako ng bigla nila akong hinawakan sa balikat. Nagpupumiglas ako at pilit na kumakawala sa mga lalaking nakahawak sa ’kin.
“Sino kayo? Bitawan niyo ako!” Sigaw ko sakanila.
Pilit nilang nilalagyan ng takip ang mukha ko ngunit mabilis akong umiwas. Naglakas loob akong sipa-in ang lalaking nakahawak sa isa kong braso dahilan para mabitawan niya ako. Sinipa ko din ang isa niyang kasama na nakahawak din sa ’kin.
Akmang tatakbo na sana ako ng may sumuntok sa sikmura ko. Napaubo ako at napaluhod dahil sa lakas ng suntok niya sa sikmura ko.
“Parang awa niyo na.. hindi ko po kayo kilala. Pakawalan niyo na po ako,” pagmamakaawa kong sabi. Ngunit, sinuntok ng lalaki ang mukha ko na ikinalabo ng paningin ko.
“Tarakan niyo na ng pampatulog yan para hindi na mag pumiglas. Dalian niyo at baka makita pa tayo ng mga tao!” Dinig kong sabi ng lalaki kahit lumalabo na ang paningin ko.
Naramdaman ko nalang na parang may karayom na tinusok sa balikat ko. Biglang akong nawalan ng lakas at para bang namamanhid ang buo kong katawan. Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko. Iminulat ko ang aking mga mata, ngunit wala akong makita. Bumungad sa ’kin ang kadiliman na akala ko’y nakapikit ang mga mata ko dahil sa sobrang dilim. Kahit kunting liwanag ay wala akong makita.
Kinapa ko pa ang mga mata ko kung nakabukas ba talaga ang mga ’to. “Nasaan ako?” Tanong ko sa aking sarili ngunit nakakabingi ang katahimikan.
Naglakas loob akong gumapang sa sahig para makahanap ng pader para makatayo ako. Gusto kong hanapin ang switch ng ilaw para buksan dahil nakakatakot ang dilim.
Gumagapang ako ngunit wala parin ako makapa na kahit ano hanggang may matamaan ang kamay ko.
“Shit, Ano yun?” Gulat kong sigaw sabay atras.
Sinubukan ko ulit hawakan ang bagay na yun at napagtanto ko na paa ang nahahawakan ko. Mas lalo akong nagulat ng bigla itong kumilos.
“Sino ka? Nasaan ako? Bakit wala akong makita?” Sunod-sunod na tanong ng babae na hindi ko makita ang mukha dahil sa sobrang dilim.
“Hindi ko din alam kung nasaan tayo!” Sagot ko nalamang kahit hindi ko siya nakikita.
Narinig kong umiyak ang babae at nagsimula siyang mag sisigaw. “Tulong! Tulong! Tulongan niyo kami!” Sigaw ng babae.
“Nag aaksaya ka lang ng lakas kakasigaw,” biglang may nag salita sa gilid ko na boses ng lalaki.
Ibig sabihin lang nito ay hindi lang kami ng babaeng ’to ang nandito sa madilim na lugar. Biglang may umuntog sa nuo ko na ikina-igik ko. “Shit, ang sakit.. pader ba yun? Bakit kasi ang dilim.” Sabi ng lalaki na umuntog sa nuo ko.
“Gago, hindi ako pader.” Sabi ko habang hinihimas ang nauntog kong nuo.
Natigilan kaming lahat ng biglang may nakita kaming liwanag. Bumukas ang pintuan at mula do’n ay pumasok ang isang matandang lalaki. May nakasunod sa kanyang likuran na mga nakasuot ng maskara habang may mga dalang baril.
“Ito na ba yung mga batang napili niyong dukutin?” Tanong nang matandang lalaki na naka tingin samin.
“Yes, boss!” Sagot ng isa niyang tauhan.
Pinalibot ko ang paningin ko at nakitang may mga kasama ako, ibig sabihin lang n’on ay hindi lang ako ang nadukot.
Ang iba ay naka handusay pa sa sahig at wala paring malay. Habang kaming apat lang ang tanging gising na nakaupo sa sahig.
Binilang ko kung ilan kaming lahat at nasa fifteen katao kami kasama na do’n ang nag iisang babae na nadukot na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Lumapit ako sa babae at pilit na pinapatahan. “Pakawalan niyo na kami! Sino ba kayo?” Sigaw ng babae sa mga lalaking nakatayo sa harapan namin.
Ngumisi lang ang matandang lalaki na nasa harap namin. “Ako si Rodjan Lacarzus, mula ngayon.. lahat ng utos ko ay susundin ninyo. Wag na kayong magpumilit tumakas dahil hindi niyo rin alam ang lugar na ’to.” Pagpapakilala niya samin.
Akmang tatayo ang katabi kong lalaki upang sugurin ang nagpakilalang Rodjan. Ngunit biglang nag angat ng baril ang isang tauhan ni Rodjan at binaril ang isang binti ng katabi ko.
“Aghhh..” sigaw ng kasama ko na binaril. Napasigaw ang katabi kong babae at mas lalo ’tong umiyak habang nanginginig ito sa takot. Natatakot din ako pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam kung wala kaming magagawa.
“Tahimik!!” Sigaw ng matandang lalaki samin. “Kapag sinuway niyo ang utos ko, ganyan ang mangyayari sa inyo!” Sigaw ni Rodjan saka ngumisi na parang demonyo.
“Sige dalhin niyo na ang mga yan at siguraduhin niyong mahuhubog sila sa paghawak ng mga armas.” Utos ni Rodjan sa mga tauhan niya bago ito tumalikod samin at lumabas ng silid.
Nag silapitan ang mga tauhan niya at isa-isa kaming pinagdadampot. Hindi namin alam kung saan nila kami dadalhin.
Naglalakad lang kami habang nasa likod namin ang mga bantay. Nakatutok pa talaga samin ang mga baril nila.
Huminto kami sa isang puting pinto at agad binuksan ’yon ng lalaki. Bumungad samin ang isang kwarto na may mga kama na sakto para samin.
“Mula ngayon ito na ang magiging silid ninyo. Nandyan narin ang mga damit ninyo. Pumasok na kayo at magbihis dahil magsisimula na ang training ninyo,” mahabang litanya ng lalaki na may hawak na baril.
Walang gumalaw samin kaya biglang nag kasa ng baril ang isang bantay. “Walang papasok?” Tanong niya samin.
Pumasok ang kasama naming babae kaya agad kaming sumunod sakanya. Hawak din namin ang isa naming kasama na nabaril kanina sa binti.
May ibinigay na box ang lalaki sa ’kin na agad ko namang nahawakan. “Oh.. gamutin niyo ang kasama ninyo,” sabi nito at malakas na isinara ang pinto.
Katahimikan ang bumalot sa silid at walang nagsasalita samin. Biglang tumayo ang babae na kasama namin sabay kuha ng first aid kit na hawak ko.
Naglakad siya papunta sa lalaking nabaril kanina saka ’to lumuhod at binuksan ang first aid kit para gamutin ang sugat ng lalaki. “Daplis lang pala,” sabi ng babae habang ginagamot ang sugat ng kasamahan namin.
“Anong gagawin natin ngayon?” Tanong ng lalaki na may kakaibang kulay ng mata. Napatitig ako sakanya dahil ngayon lang ako nakakita ng magkaiba ang kulay ng mata, red sa right side at black sa left side niya.
Biglang tumingin sa ’kin ang lalaki at agad akong tinaasan ng kilay. Iniwas ko nalang ang tingin ko. Tangina kasi, nakakamangha ang mata niya.
“Tatakas tayo!” Dinig kong sabi ng babae na kasama namin.
“Pano naman tayo tatakas, kung hindi natin alam kung nasaan tayo. At ipapaalala ko lang ha! puro armado ang mga naka bantay sa atin,” saad ng lalaking nakaupo sa sahig.
“Ahhh basta, kailangan natin maka alis dito.” Sabat ng lalaking nabaril kanina.
“Kung ako sainyo.. hindi na ako magsasalita pa,” tumingin kaming lahat sa lalaki na nakaupo sa sahig.
Nag angat siya ng tingin at may tinuro sa taas. Sabay-sabay naman kaming nag-angat ng tingin para tignan ang tinuturo niya.
Napatigil kaming lahat dahil nakita namin na may cctv sa loob ng kwarto namin. Ibig sasabihin lang nito ay pinapanuod nila kami.
“Mukhang hindi tayo makakatakas ng basta-basta dito,” saad ko sabay buntong hininga.
“Ahm.. ako nga pala si Nuroi,” pagpapakilala ko.
Biglang tumayo ang naka salampak na lalaki kanina sa simento sabay pagpag nito sa kamay niya. “Salem pala pre,” sabi niya sa ’kin habang nakalahad ang kamay niya sa harap ko.
Inabot ko ang kamay niya saka ako tumingin sa iba ko pang mga kasama. Nag angat naman ng tingin ang nag iisa naming babae. “Ruwi,” biglang sabi niya saka ’to yumuko ulit.
Tumikhim ang lalaking magkaiba ang kulay ng mata. saka ’to nag salita. “Lucifier,” saad niya habang naka taas ang isang kamay kaya tumingin kaming lahat sakanya.
Naguguluhan naman siyang tumingin din samin. “What? Parang gulat na gulat kayo sa pangalan ko ah,” natatawa niyang sabi.
“Kier,” saad ng lalaki na nabaril kanina.
“Andrei.” Pagpapakilala din ng isa naming kasama. “Eros” “Atticus” “Levi” “Caiden” “Isaac” “Caleb” “Theo” “Raizen”
“Aizen mga pre,” pinakahuling nagpakilala.
Nagpakilala na kaming lahat kaya bigla na naman kami natahimik. “Anong plano natin ngayon?” Tanong ni Kier.
“Sa ngayon kailangan natin sumunod sakanila, dahil kung hindi papatayin nila tayo.” Sabi ni Ruwi na nakatingin samin lahat.
“Shit. Wala na talaga tayong choice. Ano bang binabalak nila satin,” saad ni Lucifier na galit na galit pa ang mukha.
Natigil kami at nagulat ng biglang bumukas ang pintuan ng silid namin. Pumasok ang lalaki na madaming tattoo sa katawan habang may hawak na baril.
“Lumabas na kayo!! Mag sisimula na ang training ninyo!” Sigaw niya.
“At ikaw!” Turo niya kay Kier. “Lumabas karin. Wala akong pakialam kung may iniinda kang sakit,” sabi nito.
Hindi kami kumilos at nakatitig lang kami sa lalaki. “ANO PA HINIHINTAY NIYO!! LABAS!!!” Bigla itong sumigaw dahilan para magulat kami. Agad kaming tumayo saka lumabas ng kwarto.
Dinala kami sa isang malaking field. Sa gilid no’n ay nandoon ang lalaking nag ngangalang Rodjan.
“Simula ngayon, tatawagin niyo akong Boss Rodjan. Maliwanag ba??” Sabi niya sa amin habang nakatayo sa harapan namin.
Wala namang sumagot sa mga kasama ko kaya mabilis nag paputok ng baril si Rodjan at pinatama yun sa kasamahan namin na si Raizen. “Sagot!!!” Sigaw ni Rodjan samin.
“YES BOSS!!” Sabay-sabay naming sagot. Napadako ang tingin ko kay Raizen na tinamaan ng bala sa binti.
“Magsisimula na ang training ninyo ngayong araw. Galingan ninyo!” Sigaw ni Rodjan saka tumalikod samin.
Pinapunta kami sa gitna ng field at pinahawak nila kami ng espada. Sinasanay nila kami at pagnagkakamali kami ay agad nila kami sinasaktan o hindi kaya binaril kami na parang dinadaplisan ng bala.
Kanina pa kami dito pero hindi parin nila kami pinapatigil sa pag e-endayo. Hindi ko na maramdaman ang kamay ko dahil namamanhid na ’to.
Hindi ko namalayan na papunta pala sa ’kin ang espada ng kalaban kaya tinamaan ako sa tagiliran. “Aghh..” napa-igik ako sa sakit habang sapo-sapo ang sugat ko.
“Sinabi ko bang tumigil ka!” Sigaw sa ’kin ng lalaki habang pinapaikot ang espada sa kamay niya.
“Nangangalay na ang kamay ko at hindi ko na maramdam,” hinihingal kong sabi dahil kanina pa nila kami tinuturuan humawak ng espada.
Napatingin ako kay Ruwi na nakahiga na din sa damuhan. Duguan din ito kaya nag-alala ako sakanya. Akmang lalapitan ko sana si Ruwi para tulungan ’to ng bigla akong sinaksak ulit sa likod.
“Subukan mo lang tulungan ang kasamahan mo. Papatayin talaga kita. Mag focus ka!” Sigaw sa ’kin ng lalaki.
Nahihirapan ako habang nakikita ko si Ruwi na gumagapang at pilit na tumatayo habang hawak ang espada. Tumingin ako sa kalaban ko at mabilis ko siyang sinugod. Naiinis na ako. Gusto ko silang patayin sa ginagawa nila samin.
Winasiwas ko ang hawak kong espada na agad namang nasalo ng kalaban ko. Umikot at mabilis na pinatamaan ang kanyang likod kaya nasugatan siya dahilan para mapa sigaw ito.
Bigla kaming may narinig na pumapalakpak kaya tumigil ako. Si Rodjan pala ’yon at mukang tuwang-tuwa sa ginawa ko.
“Ituloy niyo na bukas yan. Pinahanda ko na ang pagkain ninyo,” saad niya saka ito umalis sa field.
Ang sama ng tingin ng nakalaban ko sa ’kin sabay alis sa harap ko.
Mabilis akong lumapit kay Ruwi na dalawang saksak ang natamo. Ngunit hindi naman malalim ang pagkaka saksak. Lumapit rin si Lucifier na agad tinulungan si Ruwi kaya hinawakan ko din ang braso ni Ruwi para umalalay.
Nakarating kami sa kwarto namin at nakita namin ang pagkain na sinasabi ni Rodjan. Hindi ko alam kung pagkain pa ba ang matatawag dito, para kasi ’tong pagkaing baboy. Napabuntong hininga nalang ako habang nakaupo sa sahig.
Napatingin ako sa gawi ni Ruwi na ginagamot na ngayon ni Salem.
“Kailangan nating makatas dito.” Sabi ni Ruwi habang nahihirapan sa sugat niya.
“Kailan naman yun?” Tanong ni Caleb.
“Not now, But soon.” Sagot naman ni Ruwi
Nailing nalang ako dahil maski ako ay hindi ko din alam kung kailan o makakatakas pa ba kami sa lugar na ito.
Nakatulog na ang iba ngunit hindi parin ako makatulog. Napansin kong umupo si Ruwi sa kanyang higaan kaya agad akong bumangon sa kama ko saka ko siya nilapitan.
“Nauuhaw ako,” sabi ni Ruwi kaya dali-dali kong inabot sakanya ang isang basong tubig.
“Kamusta na ang sugat mo?” Tanong ko sakanya
“Bwesit ang mga yun! Gaganti talaga ako. Makikita nila.” Sabi niya na may bahid na galit ang mga mata.
“Ilang taon ka na nga pala?” Tanong ko.
Tumingin muna sa ’kin si Ruwi saka ’to sumagot. “15 na ako,” sagot niya.
“Mas matanda ka pa pala sakin, 14 palang ako eh,” sagot ko.
“Ano naman ngayon? mas matanda naman hitchura mo sa ’kin,” sabi niya na ikinatawa ko.
“Tsaka mukhang hindi na natin malalaman ang edad natin dito.” Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
“Bakit mo naman nasabi yan?” Takang tanong ko.
“Walang kalendaryo o orasan ang naka display sa letcheng bahay na ’to.” Sagot niya.
“Paano mo naman nasabing walang orasan at kalendaryo?” Tanong ko.
“Hindi mo ba napapansin? Pati ang mga tauhan niya walang mga suot na relo at kahit saan ka tumingin walang relo na naka sabit. Puro cctv lang ang nakikita ko,” saad ni Ruwi
“Ibig sabihin lang nito ay hindi natin malalaman kung umaga o gabi dahil wala naman tayong makita sa labas nang field na pinag trainingan natin,” dagdag niyang sabi.
Napaka secure nga ng lugar na ito kung nasaan kami ngayon. Wala kaming mahanapan na butas o pwdeng lusutan man lang.
“Matulog na tayo ulit. Malamang bukas pahihirapan na naman tayo ng mga demonyong yun.” Sabi ni Ruwi na humiga sa tabi ko. Tumingin lang ako sakanya saka ako nagsalita. “Sige. Matulog ka na!” Sabi ko.
Buong araw at gabi lagi kaming tini-training, walang pahinga dahil ayon kay Rodjan ay wala daw kaming karapatan na magpahinga.
Naaawa ako kay Kier na hinahambalos ng latigo dahil sumuway na naman sa utos ni boss Rodjan. Tutulong sana si Lucifier ng biglang may nag kasa ng baril at itinutok yun kay Lucifier.
“Sinabi ko na sa inyo hindi ba! hindi kayo dapat maawa,” sigaw ni boss Rodjan saka hinampas ng latigo si Lucifier na napaigik sa sakit.
Hindi na namin alam kung anong taon na ngayon. Simula ng nandito kami ay puro puting kisame at pader lang ang nakikita namin sa paligid.
Si Ruwi naman ay humusay sa lahat mula sa baril, espada, hand to hand combat at maging sa talas ng isip ay natutunan niya. Nag matured narin ang mga hitchura namin kunti.
Lahat kaming labing lima ay magkakasundo sa mga bagay-bagay. Nasanay na din ako na sila ang kasama ko. Kung dati ay wala akong kaibigan, ngayon ay nahanap ko ang mga taong tanggap ako at itinuturing akong kaibigan.
Alam kong may pinaplano si Ruwi sa pagtakas namin sa lugar na ’to. Nangako siya na sabay-sabay kaming lalabas sa lugar na ito at walang maiiwan kahit ni isa samin.
Hanggang ngayon ay umaasa parin kami na makakalabas kami sa impyernong lugar na ito.
Chapter 1
BIGLANG bumukas ang pintuan ng kwarto namin at pumasok ang isang tauhan ni Rodjan.
Tumayo siya at ipinalibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto hanggang sa dumako ang tingin niya kay Ruwi. Naalarma ako, kaya agad akong tumayo, pati narin ang iba ko pang mga kasama.
“Sumama ka sa ’kin, Ruwi. Pinapatawag ka ni boss,” sabi ng lalaking ma-angas.
Tumayo si Andrei at agad lumapit kay Ruwi. “Bakit saan niyo siya dadalhin?” Tanong ni Andrei.
Masamang tinignan ng lalaki si Andrei saka siya nagsalita. “Wala ka na do’n,” sagot ng nakakairitang nilalang.
Tumayo si Ruwi mula sa pagkakaupo sa kama saka siya humarap samin. “Relax, malay niyo may itatanong lang,” nakangiti niyang sabi sabay kindat pa talaga samin. Sumunod siya sa lalaki hanggang sa nakalabas ito.
Isinara ng lalaki ang pinto ng makalabas si Ruwi kaya naiwan kaming nakatitig sa nakasarang pinto.
Lumipas ang apat na oras, ngunit hindi parin nakakabalik si Ruwi.
“May bantay kaya sa labas?” Tanong ko sa mga kasamahan ko.
Bored akong tinignan ni Lucifier. “Try mong sumilip sa labas. Pag bumulagta ka malamang may bantay,” sarkastimong sagot niya kaya pinandilatan ko siya ng mga mata ko.
Wala talaga siyang kwentang kausap. Simula nakasama ko itong nag ngangalang Lucifier, ay puro kadiliman nalang ang nakikita ko. Tsk!
“Wag mo ng tangkain at baka kumalat pa ang utak mo sa labas.” Sabat naman ni Eros.
“Bakit kaya wala pa si ate Ruwi?” Tanong naman ni Kier. Si Kier ang pinaka bata samin nang madukot kasi ito ay nasa 13 years old pa lang siya.
Hindi kami makatulog lahat, hinihintay namin na bumalik si Ruwi. Alam kong nag aalala ang mga kasama ko pero dinadaan na lang nila sa biro.
Tumikhim si Theo saka ’to nagsalita. “Nag aalala na ako kay Ruwi.” Saad niya. “Baka mamaya pinapatay na siya.” Dugtong pa niyang sabi.
Kahit ako ay natatakot narin at kinakabahan.
Akmang tatayo si Salem para siguro pumunta sa pinto ng biglang nagsalita si Lucifier.
“Ano ba kayo!! wala ba kayong tiwala kay Ruwi? At isa pa hindi siya papatayin no! Kita niyo naman na tuwang-tuwa si boss sakanya. Alam naman nating lahat na si Ruwi ang pinaka mahusay sating lahat,” mahabang sabi ni Lucifier.
Napatango ako sa sinabi ni Lucifier dahil totoo naman talaga ang sinasabi niya. Sobrang hirap ng pinagdaanan namin lalo na si Ruwi na gumagawa ng paraan araw-araw para tumakas na lagi namang nahuhuli. Kaya lagi din ’tong napaparusahan o di kaya sinusugatan ng kutsilyo ang katawan para magtanda.
Sa sobrang sanay na niyang masugatan ay hindi na niya iniinda ang sakit ng mga sugat na natatamo niya.
Napatigil kami sa pag-uusap ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin. Pumasok si Ruwi na puro mantsya ng dugo ang damit pati narin ang kanyang mukha na halos hindi na makilala.
“Anong nangyari? May sugat ka ba?” Natatarantang tanong ni Salem sabay lapit kay Ruwi at agad sinuri kong may sugat ba ’to sa katawan. Nakahinga ng maluwag si Salem ng makita niya na hindi yun kay Ruwi ang mga dugo.
Kumuha lang ng towel si Ruwi saka pinunasan ang mukha niya na puro dugo.
“Sinaktan ka ba nila?” Tanong ko habang naka kuyom ang kamao ko habang hinihintay ang sagot ni Ruwi.
Umiling naman siya bilang sagot niya.
Tinignan naman ni Salem ang katawan ni Ruwi at napansin na may sugat siya do’n.
“Saan ka ba talaga nang galing? Wag mo kaming lokohin Ruwi. Galing sa espada ang mga sugat mo.” Saad ni Salem kay Ruwi.
Napabuga naman ng hangin si Ruwi saka ’to umupo sa sahig. “Fine. Galing ako sa isang misyon.” Sagot niya.
“Nakalabas ka sa lunggang ’to?” Tanong ni Salem
“Oo. Ngunit naka piring naman ang mga mata ko,” sagot ni Ruwi na ngumiti pa.
Sumenyas si Ruwi samin para hindi makita ng cctv saka siya nagsalita na walang lumalabas sa bibig niya na boses.
Pumasok muna si Ruwi sa banyo para maligo dahil sobrang dami ng dugo nito sa katawan.
Pagkatapos niyang maligo ay nagtago siya sa sulok at may inilabas na papel at ballpen. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Ruwi yun pero hinayaan na lang namin.
Inabot niya samin isa-isa ang papel na pasekreto, kami naman ay may inaabot sakanya na gamit para hindi kami mahalata. Isa-isa kaming pumasok sa banyo para basahin ang sinulat ni Ruwi sa papel.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang naka sulat.
Ibig sabihin ay tatakas na talaga kami. Sa wakas! Sana lang talaga hindi pumalpak ang plano ni Ruwi.
Binigyan niya kami ng mga gagawin para sa pagtakas namin. Nag uusap lang kami gamit ang mga mata namin.
Si Atticus ang naka toka sa mga pinto dahil may mga password ito at kailangan niyang mabuksan agad. Kasama niya si Andrei dahil silang dalawa ang expert do’n dahil pinag focus sila ni Rodjan sa pag gamit ng computer at gadgets. Pagkatapos no’n saka nila aakyatin ang cctv room para patahimikin ang bantay do’n.
Si Raizen, Levi, Eros ang sa likod dahil ang daming bantay do’n.
Si Salem, Isaac, Ako, Theo, Keir, ang mga kasama ko sa harap. Sa kabilang side naman ang iba ko pang mga kasamahan.
Si Ruwi nadaw ang bahala sa boss na si Rodjan. Kaya excited ako sa mangyayari.
Kinabukasan, tapos na ang training namin at pinapasok na kami sa loob ng kwarto namin. Hindi namin pinapahalata ang mga kilos namin.
Hinihintay namin na payapa ang sa loob. Alam namin na marami pa sa labas na nakabantay kaya kailangan namin maghanda. Sana lang maka takas kami.
Naliligo naman si Ruwi sa banyo.
Nagulat kami ng bumukas ang pintuan at pumasok ang kanang kamay ni Rodjan. Sakto ding lumabas si Ruwi na katatapos lang maligo sa banyo.
“Pinapatawag ka ni boss Rodjan.” Sabi ng lalaki kay Ruwi.
Inabot naman ni Ruwi ang towel kay Salem saka siya sumunod sa lalaki. May ibinulong pa ito kay Salem bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Naghihintay lang kami sa pagbalik ni Ruwi. Hanggang sa bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Ruwi.
“Atticus and Andrei, pumunta na kayo sa cctv room. Kunin niyo ang pwedeng kunin. Patayin ang lahat na makakasalubong.” Utos ni Ruwi.
Agad tumayo sila Andrei at Atticus at agad na lumabas ng silid. Humarap samin si Ruwi. “Napag usapan naman natin kung saan kayo pwe-pwesto diba?” Tanong niya samin na ikina-tango namin lahat.
“Wala tayong ititirang buhay,” seryosong sabi ni Ruwi.
Tumango kaming lahat. “Magkita-kita tayo sa field. Mag-iingat kayo.” Sabi samin ni Ruwi.
“Mag-iingat ka din, Ruwi.” Pagpapaalala ni Raizen kay Ruwi.
Agad kaming lumabas sa kwarto at nakahinga kaming lahat ng makita naming walang bantay sa labas.
Tulad ng plano, dahan dahan kaming pumunta sa harap. May nakita kaming bantay na naka talikod sa gawi namin kaya lumapit si Salem at biglang nilaslas ang leeg nito.
“One down.” Naka ngisi niyang sabi.
“Bilisan na natin,” saad ko sakanila.
“Hoyyy!!!” Sigaw ng lalaki samin at akmang bubunot ito ng baril ngunit mabilis akong kumilos at agad ibinato ang kutsilyo na hawak ko. Tumama sa dibdib ng lalaki kaya natumba ’to agad.
Narinig namin ang mga yapak ng iba pang mga kalaban. Kaya mabilis kong hinugot ang kutsilyo na binato ko sa lalaking naka handusay saka mabilis kong ibinato sa bagong parating na kalaban.
Mabilis kaming kumilos. Hindi namin sila binibigyan ng pagkakataon na iputok ang baril para hindi maka gawa ng ingay.
Tatlo agad napatumba ni Keir. Nakangiti ito at halatang nag eenjoy siya sa pag patay ng mga tauhan ni Rodjan. Akmang may babaril sa ’kin ng bigla kong binato sa kanya ang kutsilyong hawak ko dahilan para mabitawan niya ang baril.
Lumapit ako sa lalaking naka handusay saka ko binunot ang kutsilyo sakanyang dibdib saka ko siya paulit-ulit na sinaksak.
Puro sigaw ang naririnig namin. Pati sa loob kung nasaan ang kwarto ni boss Rodjan. Alam kong nandoon si Ruwi, malamang sa malamang pinapahirapan niya ito.
Malinaw ang utos ni Ruwi. WALANG ITITIRANG BUHAY!!“
Nagsidatingan pa ang mga tauhan ni Rodjan na walang magawa samin ni Theo. Sobrang bilis kumilos ni Theo na akala mo hangin sa sobrang bilis.
Naliligo na kami sa dugo ng mga kalaban namin. Ang dami na din naming napatumba.
Biglang bumukas ang pintuan ng field at sumulpot mula doon si Lucifier at Caleb na may bitbit na mga bag.
“Ano yang mga yan?” Tanong ko sakanila.
“Pera.” Sagot ni Lucifier.
“Sinira namin ang vault kung saan naka tago ang pera ni Rodjan.” Dagdag na sabi ni Lucifier.
Biglang bumukas ang pintuan at sumulpot si Ruwi habang naliligo ng dugo. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at halos nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pugo’t na ulo ni Rodjan. Naka bukas pa talaga ang dalawang mata nito at tumutulo pa ang dugo sa leeg.
Fuck, tinadtad yata ni Ruwi si Rodjan.
Napangiti ako. Sayang hindi ko nakita. Kung nandoon lang ako, baka sumali pa ako sa pag chop-chop sakanya.
“Where is Atticus?” Tanong ni Ruwi samin.
“I’m here.” Biglang sulpot ni Atticus. Nakasunod naman sakanya si Andrei na may mga dalang laptop at mga cellphone.
May pinindot si Atticus sa laptop dahilan para bumukas ang gate na laging naka sirado.
Halos masilaw kami sa liwanag ng bumukas iyon.
“May liwanag!!” Sigaw ni Eros na tuwang ’tuwa nakakita ng liwanag.
“Pano tayo aalis dito?” Tanong naman ni Caiden.
May pinindot ulit si Atticus sa laptop na hawak niya. Biglang bumukas ang lupa na nasa gitna ng field. At mula do’n ay lumabas ang isang malaking itim na sasakyan.
Nakangisi pang ipinakita ni Andrei ang susi ng sasakyan.
“Sunugin na natin ’tong bahay na ’to.” Biglang sabi ni Lucifier.
“Ikaw na kaya gumawa, Lucifier naman pangalan mo.” Pang aasar ni Salem kay Lucifier.
Pinakita lang niya ang gitnang daliri niya kay Salem na ikinatawa naman ni Salem.
Naghanap kami ng gas na agad naman kaming nakahanap. Binuhos namin ito sa buong lugar saka sinindihan ni Levi ang lighter na hawak niya saka inihagis.
Sumakay na agad ako sa kotse. Namangha pa ako ng makita ko ang loob ng sasakyan. Pumasok narin ang mga kasamahan ko maliban kay Ruwi at Raizen na naka titig parin sa bahay na nasusunog.
Naglakad ang dalawa at agad na sumakay sa kotse. Natigilan pa si Ruwi na parang namamangha ng makita ang loob ng kotse.
“Gulat ka sa kagwapuhan ko no?” Pilyong sabi ni Lucifier na sinamaan ng tingin ni Ruwi saka umupo.
Pina-usad naman ni Atticus ang sasakyan.
Lumabas ang sinasakyan namin sa gate at agad bumungad samin ang makipot na daan. Pinipilit ni Atticus ipagkasya ang sasakyan sa makipot na daan hanggang sa makahanap kami ng highway.
Panay lingon ang ginagawa namin dahil hindi pamilyar ang lugar samin.
Inutusan ni Ruwi si Atticus na magtanong sa isang tao na naglalakad sa kalsada. Sabay-sabay kaming napa mura dahil hindi namin maintindihan ang sinasabi ng napagtanongan ni Atticus.
“Sabi ko na eh.. wala tayo sa Pilipinas,” biglang sabi ni Ruwi.
“Pano mo naman na sabi?” Tanong ko sakanya.
“Yung mga nakalaban ko sa mission ko. Iba ang salita nila.” Sagot ni Ruwi sa ’kin.
Tinawag naman ni Ruwi si Salem na agad nalukot ang mukha ng utusan ni Ruwi na bumili ng damit. Siya lang naman ang walang bahid ng dugo ang damit kaya siya ang inutusan lumabas.
Naghanap si Atticus ng mall para makabili si Salem. Kinuha naman ni Ruwi ang bag na hawak ni Lucifier na nag lalaman ng pera. Natigilan pa ito habang titig na titig sa pera.
Tumingin samin si Ruwi saka ’to nagsalita.
“Ahm.. guys, mukhang alam ko na kung nasaan tayo,” sabi ni Ruwi.
Bumaba si Salem para bumili ng damit namin. Kami naman ay naiwan sa loob ng kotse na naka park sa parking lot.
“What now? Ano na gagawin natin?” Tanong ni Ruwi.
“Gusto niyo ba bumalik sa mga pamilya niyo?” Tanong ulit ni Ruwi dahil walang nagsalita samin.
“May dalawang choices tayo. Ang una, babalik tayo sa mga pamilya natin at kalimutan ang nangyari. Pangalawa, gagawa tayo ng sarili nating grupo. Sayang din ang pinaghirapan nating training kung hindi rin natin magagamit,” dagdag na sabi ni Ruwi.
Napabuntong hininga naman ako. “Sa pangalawang choices ako, Ruwi.” Sagot ko. Tumingin naman silang lahat sa ’kin.
“Well, kung nasaan kayo andoon din ako. Para ko narin kayong pamilya. At alam ko rin na ma-miss niyo ang kagwapuhan ko.” Mayabang na sabi ni Lucifier na agad binatukan ni Levi.
“Okay. Si Ruwi na ang magiging leader natin.” Sabi ko.
“Bakit ako?” Tanong ni Ruwi na naka turo pa sa sarili niya.
Natawa nalang ako. “Bakit naman hindi ikaw? Eh.. kung hindi dahil sa plano mo, hindi pa tayo makaka alis sa pisteng lugar na yun,” sagot ko kay Ruwi
“Ayaw ko!” Irap na sagot ni Ruwi.
“Nag iisa na nga lang akong babae, tapos gagawin niyo pa akong leader.” Naka busangot niyang sabi.
“Pumayag ka na kasi Ruwi.” Pangungulit ni Caleb sakanya.
“Ayaw mo no’n sa’yo lang kami makikinig.” Suhestyon pa ni Eros.
“Oo nga. Pinapangako ko ikaw lang ang nag iisang babae ang pakikinggan ko.” Saad naman ni Raizen
“Kilabutan ka nga!” Nandidiring sabi ni Ruwi na umiiling pa.
“Ikaw ang gusto namin humawak sa grupo Ruwi. Kaya tanggapin mo na.” Sabi ko habang nakatitig sakanya.
Bumuntong hininga naman siya. “Sige na nga. Pag kayo hindi nakinig sa ’kin. Babarilin ko talaga kayo lahat.” Banta niya samin.
Saktong dumating naman si Salem na maraming dalang paper bag. “Ano Salem, payag ka si Ruwi ang magiging leader natin sa itatayo nating grupo?” Tanong ko.
“Oo naman. Kung kailangan niyo ng prince charming, aba ako ang dapat niyong kunin.” Sagot niya at agad na umupo sa tabi ni Ruwi.
Naghanap lang kami ng hotel na matutuluyan muna namin. Balak kasi ni Ruwi na bumili ng bahay at lupa para may sarili kaming bahay dito sa Russia.
Buti nalang nakuha nila Lucifier ang pera ni Rodjan at yun ang ginamit namin. Nalaman nalang namin na three years na pala kami nandoon sa basement ni Rodjan. Ang bilis ng panahon, 14 lang ako n’ong nadukot ako at nalaman namin na three years kaming naka kulong sa basement.
Three months lang ang lumipas ay naka buo ng grupo si Ruwi bilang Crimson Blade Assassination. Binabayaran kami para pumatay ng mga hindi na dapat nabubuhay sa mundong ito.
Ang Crimson Blade Assassination, ang nilalapitan nila kung meron man silang ipapagawa sa mga kalaban nila.
Napilitang makipag kaibigan si Ruwi sa isang kilalang General dito sa Russia, dahil sa ginagawa niyang pang didiin samin. Gusto niya kasi kaming kunin para magtrabaho para sakanya na inayawan naman ni Ruwi n’ong una. Ngunit makulit ang general at talagang binibigyan niya ng problema ang grupo namin. Kaya pinatulan ni Ruwi ang offer niya, kapalit no’n ay mag su-supplay siya ng guns and swords samin. Lilinisin din niya ang problema kung may mahuli man samin kahit isa.
Marami ang lumalapit samin para kunin ang serbisyo namin.
Hanggang ngayon ay nasa Russia parin kami kung saan pinatayo ni Ruwi ang bahay para samin. Para itong bahay sa labas ngunit kapag naka pasok sa loob ay bubungad kaagad ang elevator na may face recognation at finger scanner na tanging kami lang ng grupo ang naka register.
Si Atticus ang dumesenyo ng bahay at gumawa ng mga security para walang makapasok. Kapag may mag pumilit na pumasok ay agad na lalabas ang mga baril at papaulanan ang sino mang hindi naka register dito.
Pagkapasok mo sa elevator, ay bubungad agad ang napakaling field. Doon din kami nag tra-training. Sa kaliwa naman ay ang living room.
Bawat isa samin ay may kwarto sa bahay. May dalawang kwarto din na punong-puno ng mga baril, swords, knife and bombs.
Specialty ni Kier gumawa ng bomba, kaya may sarili siyang kwarto na pinagawa ni Ruwi kung saan siya pwedeng mag experiment.
May isa din kaming kwarto kung saan naka palibot ang mga computers na naka connect sa satellite na nakuha ni Ruwi sa first mission niya do’n kay Rodjan. Ipinagkatiwala niya iyon kay Atticus.
Bawat isa samin ay may suot na kwentas na ginawa ni Atticus. Nilagyan niya ito ng tracking device para pag may mangyaring masama ay mahahanap kami agad.
May sarili din office si Ruwi sa bahay, do’n niya binabasa ang mga profile ng mga target at sinisigurado kung karapat-dapat ba talaga na mawala sa mundo.
May ginawang Rules si Ruwi para hindi kami gumawa ng kalokohan na lagi naming sinusunod.
- Our face are NOT allowed to be seen when we are on a mission.
- They are not allowed to kill unless they have orders from the high position.
- They are not allowed to have a relationship with their future mission. (Well, lalo na kung babae ang pinapabantay sakanila. Bawal landiin)
Madami din nagtatangkang pabagsakin kami. Pero hindi nila magawa-gawa dahil hindi nila kami kilala sa likod ng maskara namin. Lagi din may nag tatangkang patayin si Ruwi dahil gusto nilang patahimikin siya.
Siya lang naman kasi ang nakaka alam ng mga tagong sikreto ng mga ito at natatakot sila na baka ilaglag sila ni Ruwi.
Kinaibigan ni Ruwi ang mga mataas na Rango sa Russia, Greece, Spain, Japan, USA. Dahil alam ni Ruwi na magagamit niya ang mga ito kapag nangailangan kami ng tulong.
Three years Later..
NANDITO AKO sa kwarto ko at kagagaling ko lang sa isang misyon sa Canada.
Nagbibihis ako ng damit ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok mula do’n si Ruwi na hindi man lang kumakatok.
“Hindi ka ba marunong kumatok ng pinto, boss?” Tanong ko sakanya.
Ngumisi lang siya sa ’kin at may inabot na picture. “New mission?” Tanong ko sakanya.
“Yeah. Kailangan mo pumunta ng Pilipinas.” Sagot niya agad.
Tinanggap ko ang picture at bumungad sa aking paningin ang isang babae na nasa tansya ko ay nasa 19 years old palang ’to.
Kunot nuo kong tinignan si Ruwi. “What? Ipapa-patay ba ’to?” Tanong ko dahil mukhang angel ang babae na nasa larawan.
Tumawa lang ang leader namin. “Silly. Lumapit ang ama niyan na isang business man para sa protection ng kanyang anak. At tayo ang napili niyang lapitan.” Sagot niya.
Tumango ako kay Ruwi at tumitig ulit sa picture na hawak ko.
Ruwi tapped my shoulder. “Don’t forget our rules, Nuroi.”
“Gawin mo agad yan sa loob lang ng 6 months. At kailangan mo ding patayin ang mga kalaban ng ama niyan. Bantayan mo lang ang babae na hindi niya nalalaman.” Mahaba niyang sabi.
I sighed.
Naglakad si Ruwi papunta sa pinto saka niya ’to binuksan para sana lumabas ngunit bigla siyang tumigil sa paghakbang. “Bukas na ang alis mo. Nasa bank account mo na din ang payment niyan kaya maghanda ka na.” Dagdag niyang sabi saka tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Nakatitig parin ako sa picture ng babae. Binaliktad ko ng patalikod ang picture at nakita ang pangalan ng babae. Faith Angelica De Guzman.
Bagay sakanya ang pangalan. She looks so innocent. May mala angel na mukha ang babae at ang ganda rin ng ngiti niya
Kinabukasan, dumating na ako sa Pilipinas. Tinungo ko agad ang condo na binili ni Ruwi para sa ’kin.
Ito ang gusto ko kay Ruwi, hindi niya kami pinapabayaan kapag nasa mga mission kami.
Tama lang talaga na siya ang naging leader ng grupo namin.
Nakarating agad ako sa condo. Lumapit ako sa front desk para mag tanong. Agad naman niya akong inassist at iginiya sa elevator.
Nagpasalamat muna ako saka pumasok sa elevator. Akmang pipindutin ko na sana kung saan floor ako pupunta ng may pumasok na babae.
Natigilan ako ng nakita ko siya. Beautiful!
Ang mala anghel niyang mukha. Ang buhok niyang color brown na natural yata ang pag curly at ang kutis niyang porselana.
Fuck! Bakit hindi sinabi sa ’kin ni Ruwi na dito din sa condo building nakatira ang dalaga.
Nakita ko pinindot niya ang 11th floor. Pareho pa pala kami ng floor.
Nakatingin lang ako sakanya at sinusundan ang bawat galaw ng babae. Naramdaman niya yata na may nakatingin sakanya kaya lumingon siya sa ’kin.
“Ahm.. anong floor po, mister?” Tanong niya pero hindi ako sumagot.
Shit, ang ganda ng boses niya. Nakatunganga lang tuloy ako sakanya.
“Mister, okay ka lang po ba?” Tanong niya ulit sa ’kin.
Napapikit nalang ako at hindi ko nalang siya pinansin.
Bumukas ang elevator at naunang lumabas ang dalaga sa ’kin. Sumunod naman ako sakanya.
Lumingon muna siya sa ’kin kaya nagkatitigan kaming dalawa. Agad namang yumuko ang babae saka nag patuloy sa pagbukas ng pintuan ng unit niya at agad na pumasok.
Pumasok narin ako sa unit ko na katapat lang ang unit ni Faith.
Pag pasok ko bumungad sa ’kin ang simpleng disenyo ng unit. May isang kwarto ito sa loob at may isang banyo, may sala din at may isang malaking sofa na color black. May malaking tv din ito sa harap.
Pumasok ako sa kwarto at agad nahiga. Pinikit ko ang aking mga mata at nag iisip kung anong pagbabantay ang gagawin ko.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinapa ko ’to sa bulsa ng pantalon ko saka ko sinagot na hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
“Hello,” bungad ko.
“Wazzup fucker!!” Sagot ng nakakairitang boses ni Lucifier. Ano na naman ba kailangan ng sugo ng kadiliman nato.
“May kailangan ka?” Tanong ko sa hayop na ’to.
“Wala ka dito sa bahay? Nasaan ka?” Tanong n’ya.
“I’m on a mission. Why?” Tanong ko sakanya.
“Saan?” Tanong n’ya ulit
“Pake mo ba. May sasabihin ka ba o wala?” Pagalit kong tanong.
“Tsk. Sayang yayain sana kita mang chix eh.” Sagot n’ya na tumatawa pa.
“Bakit wala kabang misyon ngayon?” Tanong ko kay Lucifier.
“Well, napagalitan ako ni Ruwi nalaman niya kasing nakipag sex ako sa anak ng businessman. Galit na galit na sumugod ang babae dito sa harap ng bahay natin sa Russia. Tangina, yung babae naman nag aya eh. Sino ba ako para tumanggi.” Sagot ng kampon ng kadiliman.
“Gago. Buti nga sa’yo.” Sabi ko sakanya sabay pinatayan ng tawag.
Sakit lang talaga sa ulo si Lucifier, ni walang pinapakinggan samin.
Hindi ko nga alam kung paano na kakaya ni Ruwi pag tyagan si Lucifier.
Nag ring ulit ang phone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag kaya sinagot ko ito agad.
“Boss..” pang aasar ko sakanya. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag na boss.
“Gusto mong ipalunok ko sa’yo ang cellphone mo?” Galit niyang sabi.
“Nakarating ka na ba?” Tanong n’ya ulit.
“Oo boss. Bakit hindi mo sinabi nasa isang condo building lang ang tinitirhan namin?”
“Bakit tinanong mo ba?” Balik tanong sa ’kin ng boss kong may saltik na naman yata.
“Lilinawin ko lang Nuroi ha! Bantayan mo yan at wag na wag mong ikakama baka gumaya ka kay Lucifier. Ipapadala ko na talaga kayong dalawa sa kaharian niyo.” Panenermon niya sa ’kin.
“Bakit naman nasali ako dyan? Si Lucifier lang ang may kasalanan sa’yo bakit pati ako damay?” Reklamo ko.
“Ayy oo nga pala, kasi hindi mo kinama yung pinabantay kong anak ng businessman sa Europe.”
“Nakaraan na yun Ruwi, 18 palang ako no’n, kalimutan na natin yun.” Sabi ko para hindi na ako bungaga-an niya.
Bigla nalang nawala sa linya si Ruwi kaya napatingin ako sa phone. Ang loko pinatayan ako.
Bukas na ako mag sisimula bantayan ang babaeng may mala anghel na mukha. Sana lang hindi maging pasaway ang babae.
Chapter 2
GUMISING AKO ng may ngiti sa labi, maaga akong nagising ngayon kaya bumungad sa ’kin ang sikat ng araw. I live in a condo unit by myself, ginusto ni daddy na mag isa ako dahil maraming nagtatangkang patayin ang pamilya namin.
My dad is a well-known businessman and at the same time he is also a lawyer.
Marami na itong nahawakang mga iba’t-ibang kaso na lagi niyang naipapanalo. Kaya laging pinag-iinitan si daddy at laging pinapa-ulanan ng bala ang sasakyan niya sa t’wing nasa public place kami.
Natakot si daddy na baka mapahamak ako kaya mas pinili niya na hindi ako makilala ng publiko. They don’t know that I am the only child of Rafael De Guzman. Good thing hindi ako mahilig sumama kay daddy at mommy kapag may gathering sa business world. I’m a shy type person kaya hindi ako mahilig makipag halubilo.
I got out of bed and went to the bathroom to take a bath. I was planning to go to the nearest grocery store because my stocks are running out.
Lagi naman nag papadala ang secretary ni daddy sa atm ko kaya hindi ako nauubusan ng pang gastos sa pang araw-araw.
I went to the kitchen to make a coffee.
Habang nag ka-kape ako ay panay ang scroll ko sa facebook, pampalipas lang ng oras. I finished my coffee and got ready to go to the grocery store. Agad akong lumabas ng unit ko.
I was about to close the door when suddenly the opposite door to my unit opened. I stared at him, this is the man who was in the elevator with me yesterday. Hindi ko alam na dito din pala siya nakatira.
I stared at his faced and realize that this man is a very handsome.
Matangkad ito siguro hanggang leeg lang niya ako. Maputi siya na parang hindi nasisikatan ng araw. It has a pointed nose, red lips and thick eyebrows. May isang hikaw ito sa left ear niya na mas nakakadagdag gwapo sa lalaki.
Natigil ako sa pagtitig sa lalaking nasa harap ko dahil bigla siyang tumingin sa ’kin. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko na parang kinakabahan. Shit, bakit ba ako kinakabahan. Nag angat ako ng tingin and suddenly he smiled at me making me even more nervous.
“Morning,” bati niya sa ’kin. Kainis pati boses niya ang sarap pakinggan. Ang lalim.
Nag bow lang ako saka ngumiti sakanya. Nauna siyang naglakad sa ’kin kaya naglakad na din ako kaso binagalan ko ang paghakbang dahil ayaw ko siyang maka sabay sa elevator.
Lumingon sa ’kin ang lalaki saglit bago ’to nag patuloy pumasok sa naka bukas na elevator.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng pumasok na ang lalaki, ngunit hindi parin sumasara ang pintuan kaya naisip ko baka hinihintay niya ko.
Nag lakas loob akong sumilip at saktong nagkasalubong ang aming mga tingin.
“Sasakay kaba?” Tanong niya sa ’kin.
“Huh? Ayy oo nga pala.” Sabi ko at dali-daling pumasok saka ko pinindot ang button para sa ground floor.
Ang tahimik sa loob, kami lang dalawa ang naka sakay. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Kaya mas mabuti pa manahimik nalang ako.
“Do you know a grocery store near here?” Biglang tanong ng lalaki sa ’kin.
Lumingon ako sakanya bago ako sumagot. “Hmm..oo meron. Doon din kasi ang punta ko,” sagot ko.
“Great. Sabay na tayo,” he said and smiled at me.
Shemss.. bakit ganun siya ngumiti feeling ko nakakalaglag ng ano..
I just smile and waited for the elevator to open. Sabay kami lumabas at naglakad palabas.
I was looking for a taxi while walking ng pumasok sa isip ko na hindi ko nga pala alam ang pangalan niya. Dapat maging alerto ako lalo na ang daming kalaban ng daddy ko. Baka nag papanggap lang pala ito at minaman-manan lang pala ako.
The man was just looking at me and suddenly extended his hand. “I’m Nuroi Fowler, by the way.” Pagpapakilala niya sa ’kin.
Luhhh.. nababasa ba niya isip ko? Ang galing naman.
Tinanggap ko ang kamay niya saka nagpakilala. “Faith Angelica De Guzman.” Saad ko. Naiilang ako kaya binawi ko agad ang kamay ko dahil naka titig lang talaga siya sa ’kin. Hindi ko tuloy alam kung may muta ba ako sa mata, mamaya pala meron. Nakakahiya!
Suddenly a taxi stopped in front of us and we got in. Sumakay din si Nuroi sa taxi at tumabi sa ’kin. Agad ko sinabi kay manong driver kung saan kami pupunta.
Habang nasa taxi kami ay binuksan ko ang wallet ko. Napatampal naman ako sa nuo ko ng mapagtanto ko na wala pala akong dalang cash. Mabuti nalang nandito ang atm card ko, mag wiwithdraw na lang muna ako.
Nakarating kami sa harap ng grocery store kaya inabot ni Nuroi ang pamasahe, nahihiya tuloy ako dahil siya din ang nag bayad ng pamasahe ko.
Bumaba kami ng taxi at palinga-linga ako sa paligid para maghanap ng atm machine.
Luckily there was an atm machine next door so I was able to withdraw. Nang matapos ako ay agad ako naglakad sa entrance ng store para sana pumasok. Napasinghap ako ng may humawak sa balikat ko. Agad ako lumingon at nakita si Nuroi.
Hindi pa pala siya pumasok. Hinihintay ba niya ako? I asked myself.
Binitiwan ni Nuroi ang pagkakahawak niya sa balikat ko saka sumeryoso ang mukha niya. “Let’s go.” Sabi niya saka naunang naglakad papasok sa store.
Kumuha ako ng push cart at itinulak ’yon papuntang meat section. Bigla namang sumulpot si Nuroi sa likod ko.
Tumikhim siya kaya agad akong lumingon. Nakikita ko sa mukha niya na parang nahihiya ito. “Ahm.. Pwde mo ba akong pilian ng meat,” sabi niya habang nagkakamot ng ulo.
“Sige.” Naka ngiti kong sagot sakanya.
Agad ako pumili ng karne na para kay Nuroi at inilagay ’yon sa push cart niya. Habang si Nuroi naman ay panay ang titig sa ’kin kaya naiilang tuloy ako.
Kompleto na lahat ng bibilhin ko at itong lalaki na nasa likod ko ay walang ginawa kundi sumunod sa ’kin. Kung nasaan ako namimili ay nandoon din siya.
Naglakad ako papuntang counter para bayaran ang mga pinamili ko. Naka sunod parin si Nuroi sa likod ko.
“Do you live alone in your condo unit?” He asked.
“Ahh.. oo, wala na kasi akong mga magulang.” Pag sisinungaling ko.
Mahina siyang tumawa kaya hindi ko tuloy maialis ang tingin ko sakanya. Ang sexy kasi pakinggan. “Bakit ka tumatawa?” I asked him.
“Nothing,” nakangiti niyang sagot sa ’kin sabay kagat sa ibabang labi niya na para bang pinipigilan ang ngiti niya.
Palabas na kami ng grocery store ni Nuroi at nag pumilit siya na siya na daw ang magdadala ng mga pinamili ko. Wala na akong nagawa dahil inagaw niya sa ’kin ang mga dala ko. Ang kulit naman kasi sabi ng kaya ko, pero nag pumilit siya na siya na daw magbubuhat dahil magkapitbahay lang naman daw kami.
Nang nasa tapat na kami ni Nuroi sa kanya-kanya naming unit ay agad ako nag paalam sakanya. Ngumiti naman siya kaya tumalikod ako para buksan ang pinto ng unit ko.
Napa-igtad ako ng biglang pinigilan ni Nuroi ang kamay ko. Agad naman akong nakaramdam ng kakaiba ng mag dikit ang balat namin ni Nuroi. “Wait. Don’t go in.” Pigil niya sa ’kin.
Tumingin ako sakanya na may pagtataka. Ngunit mas lalo akong nagulat ng hindi naka lock ang pinto ng unit ko, pero ang alam ko ay na ilock ko yun bago ako umalis kanina.
Agad ako hinila ni Nuroi papunta sakanyang unit at pinapasok sa loob. Sumunod din siya sa ’kin at isinara ang pinto.
Naguguluhan naman akong tumingin kay Nuroi.
“M-May problema ba?” Nauutal kong tanong.
Lumingon naman siya sa ’kin. “I think may naka pasok sa unit mo.” He answered.
Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Nuroi. Shit, may nakapasok sa unit ko? pero sino kaya ang mga ’to.
I looked at Nuroi with a serious face. Naka sunod ang paningin ko sa ginagawa ng lalaki na itinapat ang isang teynga sa pinto na parang pinapakinggan ang kabilang unit.
Ginawa ko din ang ginagawa ni Nuroi at pinapakinggan kung may mga kalos-kos ba akong maririnig. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng unit ko at ang sumunod n’on ay ang pag sara.
Nagkatinginan kami ni Nuroi. “Wag ka munang umuwi sa unit mo.” Sabi ni Nuroi sa ’kin.
“Bakit?” Tanong ko.
Hindi siya umimik at naglakad sa kusina ng unit niya dala ang mga pinag grocery namin saka inilapag do’n.
“You stay here. Don’t come out until I get back.” He said and went out immediately.
Nakatayo lang ako sa gilid habang nag iisip kung sino kaya ang naka pasok sa unit ko. Hindi kaya mga kalaban ni daddy? pero hindi naman ako kilala ng mga kalaban ni dad.
Palakad lakad ako habang kinakabahan parin. Paano pala kung hindi ako pumunta ng grocery store eh, ’di napahamak na ako, baka dead meat pa aabutin ko pagnagkataon.
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Nuroi.
“Okay na. Pwede ka ng bumalik sa unit mo,” saad niya.
I sighed. “Hindi ba mga masamang tao ang pumasok sa unit ko?” Tanong ko kay Nuroi. Mahirap na baka balikan nila ako.
“Trust me. Ligtas na yung unit mo.” Saad niya saka ngumiti sa ’kin.
Napabuga ako ng hangin saka tumango kay Nuroi. Hinatid niya ako sa unit ko. Nagpaalam lang ako at nag thank you saka pumasok sa unit ko at ini-lock yun. Tinignan ko pang mabuti ang loob ng unit ko at baka may biglang sumulpot.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang kakaiba. “Irereklamo ko talaga sa may ari ng condo building na ito ang mga pabayang staff niya.” Bulong ko.
Mabilis kong inayos ang mga pinag grocery ko at naisipang magluto ng adobong baboy kaya hinanda ko na ang mga ingredients na gagawin ko.
Pumasok sa isipan ko si Nuroi kaya napagdesisyonan ko na bigyan na din ito. Sana magustuhan niya, hindi naman ako masarap magluto, marunong lang.
Natapos ako magluto at agad nag sandok para mabigyan ko si Nuroi ng niluto ko. Nasa tapat na ako ng pinto niya kaya kumatok ako ng ilang beses ngunit walang Nuroi na nag bukas sa ’kin. “Umalis kaya siya?” Tanong ko pa sa sarili ko.
Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Nuroi na katatapos lang yata maligo. Naka jogger pants lang ito at shit walang damit pang itaas kaya kitang-kita ko tuloy ang perpektong-perpektong abs niya na parang ang sarap hawakan.
First time ko maka kita ng abs kaya napalunok ako ng wala sa oras. Nag pupunas naman ng buhok si Nuroi gamit ang maliit na towel.
Nag angat siya ng tingin sa ’kin saka ibinaba ang hawak niyang maliit na towel. “Do you need anything?” Tanong niya sa ’kin.
Nakalimutan ko yata na may ibibigay akong ulam. Kasalanan ng abs niya ’to eh.
“A-ahh may ib-bibigay lang akong u-ulam sa’yo,” nautal pa talaga ako.
Tinignan niya muna ito bago niya tinanggap.
“Ang tagal ko ng hindi nakaka kain nito.” Sabi niya sa ’kin sabay ngiti kaya ngumiti narin ako. Nagpaalam ako sakanya at dali-daling naglakad.
I went back at my unit and quickly got some water. I was suddenly thristy from what I saw.
Akala ko talaga sa mga model ko lang makikita ang abs na yan or sa mga tv. Sa kapitbahay ko lang pala makikita.
Wala akong magawa buong araw kaya nandito lang ako sa sala naka upo, nanunood ng tv habang kumakain ng chips.
Gusto ko sana magtrabaho pero naisip ko baka malaman nila kung sino ako at matunugan pa ako.
Ayaw ko ng magulong buhay, gusto ko tahimik lang kaya nag titiis ang pamilya ko namalayo ako sakanila. Ayaw nila akong mapahamak.
“I miss my family.” Bulong ko saka bumuntong hininga.
Natigilan ako bigla ng may kumatok sa pinto ko.
“Sino yan?” Tanong ko sabay tayo sa couch. Ngunit wala akong nakuhang sagot sa taong kumakatok sa labas.
Kumatok ulit ito kaya bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang nag ring yung cellphone ko sa couch.
Naglakad ako papunta sa couch at agad kong dinampot ang phone ko. Unregistered ang number ng tumatawag pero sinagot ko parin ito.
Bigla akong kinabahan dahil panay katok parin kung sino man ang nasa labas ng unit ko. “H-Hello S-sino to?” Nauutal kong tanong sa kabilang linya.
“Wag mong bubuksan pinto mo. Si Nuroi ’to,” sabi niya sa kabilang linya.
“Idouble lock mo yung pinto mo.” Narinig ko pang pahabol na sabi niya. Dali-dali akong lumapit sa pinto at nilock ko yung nasa taas.
Pero si Nuroi yung tumawag sa ’kin. Pano niya nakuha ang number ko ? Tanong ko sa isipan ko.
Hindi parin tumitigil sa pagkatok ang sino man ang nasa labas ng unit ko. Maiiyak na yata ako nito sa sobrang takot.
Biglang nagsalita si Nuroi sa kabilang linya. “Pumunta ka sa kwarto mo at mag lock ka do’n. Ako ng bahala dito.” Sabi niya sa ’kin.
“Okay. Salamat Nuroi.” Sabi ko sakanya at dali- daling pumasok sa kwarto saka inilock yun.
Nagmamadali akong tumakbo sa kamat at nag talukbong ng kumot.
Natatakot ako. Paaano kung maka pasok sa kwarto ko ang lalaking kumakatok sa pinto ko at worst ay patayin ako.
Nawala na yata ang kumakatok dahil natahimik na sa labas ng pinto ko. Nag ring ulit ang cellphone ko at nakitang pareho ulit ng number ang tumawag sa ’kin.
“Hello!” Bungad ko.
“Safe na ba akong lumabas?” Tanong ko dahil hindi naman sumagot si Nuroi sa ’kin. Napa-igtad ako ng may kumatok ulit sa pinto ko.
Tumawa naman si Nuroi sa kabilang linya. “It’s me. Nandito ako sa labas ng unit mo.” Sabi niya.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at agad tinungo ang pinto para pagbuksan si Nuroi. Bumungad sa ’kin ang gwapong mukha niya.
“May iba ka pa bang lugar na pwede mong lipatan?” Bungad niya sa ’kin.
“Huh? Bakit?” Takang tanong ko.
“Hindi ka safe dito, baka biglang may bumalik dito ulit sa’yo,” seryoso niyang sabi.
Bigla tuloy akong kinabahan, wala na akong ibang malilipatan. Hindi naman ako pwdeng humingi ng tulong kay dad at baka mag alala pa yun sa ’kin lalo. Pero saan ako pupunta??
Nakita ko si Nuroi na parang may dinadial sa cellphone niya na parang may tinatawagan.
“Hey, bud!” Sabi niya ng sumagot ang sa kabilang linya.
“Baka may maibigay kang safe house na pwede pag lipatan ni Faith.” Sabi niya sa kausap niya.
“Faith, ready mo mga gamit mo. Sasama ka sa ’kin,” sabi ni Nuroi na nakatitig sa ’kin.
Tapos na pala sila mag usap ng katawagan niya, hindi ko man lang napansin. Pero ano daw ready ko daw gamit ko? teka san ba kami pupunta.
“At bakit naman ako sasama sa’yo? Ka kikilala lang natin. At hindi naman kita masyadong kilala pa.” Saad ko sakanya.
“Wala na akong panahon mag explain Faith basta magtiwala ka lang sa ’kin.” Naiirita niyang sagot.
“Hindi ako masamang tao, kaya mag tiwala ka sa ’kin.” Dugtong pa niya.
Pumasok ako sa loob ng unit ko at mabilis na kumilos. Nilagay ko ang mga importanteng gamit ko sa maleta.
Mamimiss ko ang unit ko.
Paglabas ko sa kwarto ay naghihintay na si Nuroi sa ’kin. Kinuha niya ang mga gamit ko saka ’to lumabas ng unit.
Sumusunod nalang ako sakanya at agad kaming sumakay sa elevator .
Tinungo namin ang parking lot ng condo building. Huminto si Nuroi sa naka paradang sasakyan na BMW X3 saka niya nilagay lahat ng gamit ko sa likod ng sasakyan at pinapasok ako sa shotgun seat. Pumasok siya sa driver seat at agad binuhay ang makina ng sasakyan. Biglang lumingon si Nuroi sa likod ng kotse kaya lumingon din ako at nakita ang mga armadong lalaki na pumasok sa condo building.
Shit na malagkit, ako ba habol nila?
Mabilis na pina-usad si Nuroi ang sasakyan. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi matakot. Alam na ba ng mga kalaban ni daddy kung nasaan ako?
Isa pa ito si Nuroi. Bakit niya ako tinutulongan. Sino ba talaga siya. Alam ba niyang manganganib lang ang buhay niya sa pagtulong niya sa ’kin.
“Wag kang mag alala, hindi kita pababayaan,” saad niya na parang nababasa ang isip ko.
“Sino ka ba talaga? At paano mo nalamang may pupunta do’n sa unit ko ulit?” Tanong ko sakanya na para bang maiiyak na ako sa takot.
Natatakot ako dahil baka masamang tao pala to si Nuroi at nag nagpapanggap lang.
Tahimik lang kami sa byahe, hindi ko na alam kung nasaan kami at feeling ko inaantok ako dahil sa sobrang tahimik ng sasakyan. Ang kasama ko dito ay hindi nagsasalita. Ugghhh nakakainis matutulog nalang ako.
Naalimpungatan ako na may tumatapik sa pisngi ko kaya minulat ko ang mga mata ko.
“Nandito na tayo. Gumising ka na!” Masuyo niyang sabi sa ’kin.
Umayos ako ng upo saka pinalibot ang mga mata ko. Napansin ko na parang rest house ang bahay at tahimik din ang paligid. Puro puno din ang nakikita ko sa paligid, walang bahay na malapit.
“Nasan tayo?” Tanong ko kay Nuroi na nilalabas ang gamit namin sa likod ng sasakyan.
“Baguio,” tipid niyang sagot.
Naglakad na ito papasok kaya sumunod ako sakanya.
Pag pasok ko sa bahay ay bumungad sa ’kin ang maaliwalas na loob. Ang ganda ng bahay at napaka simple ng design.
“Bahay mo ba ’to?” Tanong ko sakanya.
“Nope.” Sagot naman niya.
Ibig sabihin hindi pala sakanya ’to? Bakit kami nandito. Letcheng lalaking ’to treaspassing pa yata kami.
Tumawa naman siya kaya masama ko siyang tinignan. “Don’t worry, sa kaibigan ko ang bahay na ’to,” sagot niya na para bang nababasa ang isipan ko.
Hindi ko nalang siya pinansin at agad akong umakyat sa second floor. Grabe ang ganda ng view. Kitang-kita kasi ang mga puno dahil glass wall ’to.
Ang sarap matulog kapag ganito ang view sa gabi.
Agad ako pumasok sa kwarto ko, bahala na kung saang kwarto ako.
Inayos ko ang mga gamit ko para makababa ako dahil kailangan kong maka usap si Nuroi.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba agad ako. Naabutan ko si Nuroi sa salas na may kausap sa cellphone niya. Naramdaman niya yata ang presensya ko kaya tumingin siya sa gawi ko saka pinatay ang tawag.
Pumemaywang ako sa harap niya sabay taas ng isa kong kilay. “Sino ka ba talaga?” Tanong ko sakanya.
“I already introduce myself, right?” Sagot niya sa ’kin.
Napa irap ako ng wala sa oras. “Alam mo bang mapapahamak ka sa pag tulong sa ’kin. Paano nalang pag nakita ng mga lalaking ’yon ang cctv na magkasama tayo.” Saad ko sakanya.
Kung ako talaga ang habol ng mga lalaking ’yon ay malamang mapapahamak din si Nuroi.
Biglang nag ring ang cellphone na hawak ko at nakita ko sa screen ng phone ang pangalan ng secretary ni daddy. Kaya agad ko ’tong sinagot. “Hello Miss-”
“Faith..” Naputol agad ang sasabihin ko ng narinig ko ang boses ni daddy. “Dad!!” Pabulong kong sabi dahil naiiyak ako. Namimiss ko na sila ni mommy.
“Anak. Kamusta ka na?” Hindi ko napigilang mapaiyak ng marinig ko ang boses ni daddy.
“I’m okay, dad. Umalis ako sa condo ko. May pumunta do’n at feeling ko mga kalaban mo sila daddy.” Sabi ko habang umiiyak.
Narinig ko bumuntong hininga si daddy. “It’s okay, anak. Alam kong magiging safe ka kung nasaan kaman ngayon. Wag ka sana mag pasaway kay Mr. Fowler.” Saad ni daddy.
Agad akong lumingon kay Nuroi na ngayon ay nakatayo sa gilid ko. Ibig sabihin ay kilala siya ni daddy.
“Dad, kilala mo siya?” Tanong ko.
“Yes anak. Siya ang kinuha kong body guard mo. Dapat sana ay babantayan ka lang niya sa malayo pero nalaman ng mga kalaban ko kung saan ka nagtatago kaya agad kang itinakas ni Mr. Fowler.” Sagot ni daddy.
Bodyguard ko si Nuroi? Hindi ako makapaniwalang nakatitig sa lalaki.
“Please anak..wag na wag kang lalabas na wala si Mr. Fowler, kampanti ako na siya ang magbabantay sa’yo dahil alam kung magaling siya.” Saad ulit ni daddy.
“Okay po dad.” sagot ko.
“Mag-iingat ka daddy please pati narin po si mommy,” saad ko.
“Yes anak, wag kang mag alala sa ’kin madaming naka bantay sa ’kin dito. Ikaw ang inaalala ko.” Sagot naman ni daddy.
“Sige na anak kailangan ko ng patayin ang tawag natin baka may makarinig sakin dito.” Pagkasabi ni dad no’n ay biglang namatay ang tawag. Napatingin ako sa screen saka bumuntong hininga. Hindi man lang ako nakapag paalam.
Hindi parin ako makapaniwala na bodyguard ko pala si Nuroi. Kaya pala nasunod sa ’kin ’tong taong ’to.
Pumunta nalang ako sa kusina para magluto. Napakamot ako sa ulo ng maalala ko kung may pagkain ba dito.
Hindi naman ako nabigo dahil may laman naman pala ang refrigerator dito.
Nagluto ako ng sinigang na baboy ng biglang may tumikhim sa likuran ko. Sa gulat ko ay nabitawan ko pa ang sandok na hawak ko.
Shit..hindi ko man lang narinig ang yapak ng lalaki kaya hindi ko alam na nasa likod ko na pala siya.
“Magaling ka pala magluto.” Saad niya.
“Ahm.. marunong lang pero hindi magaling magluto magkaiba yun.” Sagot ko.
Tinikman ko ulit ang niluluto ko at tinignan kung malambot na ba ang karne. Nang makita kong luto na ay agad kong pinatay ang kalan saka humarap kay Nuroi. “Kakain na tayo!”
Tumango naman siya saka naglakad papunta sa lagayan ng mga plato at kutsara at inilagay ’yon sa lamesa. Nag sandok narin ako ng ulam sa mangkok at inilapag yun sa lamesa. Kumuha na din ako ng kanin.
“Kain na tayo!” Aya ko ulit sakanya ng makaupo ako.
Kumain naman ito at tahimik lang kaming dalawa.
“Saan ka nga pala nakilala ni daddy?” Tanong ko sakanya.
“Sa tabi-tabi lang.” Sagot naman niya agad.
Ang kumag na ’to, mabilaukan sana.
Hindi na ako nag tanong ulit dahil baka walang kwenta na naman ang sagot niya. Nakaka inis pa naman pag ganun. Yung seryoso kang nag tatanong tapos pabalagbag ang sagot.
Chapter 3
IT’S BEEN TWO weeks since I’ve been here in Nuroi’s rest house. I feel like I’m the only one here. Nuroi is always nowhere to be seen when I go down. Hindi ko alam kung trip niya lang bang mag kulong sa kwarto niya o iniiwasan niya ako.
Ughh!! he’s so annoying. Kainis talaga siya, dapat nga binabantayan niya ako. Hindi ko talaga alam ang trip ng lalaking ’yon. Minsan namamansin, minsan naman para kang hindi nakikita. May saltik yata.
Bumangon nalang ako saka dumeritso ng banyo para maligo. Magluluto ako ng almusal KO.. oo akin lang, bahala si Nuroi sa buhay niya. Hindi ko din naman siya nakikita kaya bakit ko pa siya paglulutuan ng pagkain.
Nang matapos akong maligo ay agad ako nag suot ng pambahay. Nag suklay narin ako ng buhok at pagkatapos ay lumabas agad ako ng kwarto.
Pababa na ako ng hagdan ng makita kong nakabukas ang kwarto ni Nuroi.
Nagpatuloy ako sa paghakbang sa hagdan at tinungo ang kusina. Nang makalapit ako ay agad ko nakita si Nuroi na nakatalikod sa gawi ko, naka upo siya sa may island counter at parang may kausap yata sa laptop.
Agad ako tumigil sa paghakbang at nag tago muna. Alam kung masama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ni Nuroi dahil ibang lenggwahe ang gamit niya.
Unti-unti kong nakita ang mukha ng kausap ni Nuroi sa laptop niya. Isa itong babae. May kulay ang buhok niya na copper red at napakaganda ng babae kahit sa screen ko lang siya nakita. Talagang masasabi kong maganda siya. May pagka fierce tignan ang mukha ng babae na nakakadagdag sa kanyang kagandahan.
Hindi ako makikita sa kinatatayuan ko kaya malaya kung nakikita ang kausap ni Nuroi. Sino kaya ang babaeng ito? Girlfriend ba ’to ni Nuroi?
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng lumingon sa gawi ko si Nuroi at dali-daling sinirado ang laptop niya. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko kung hahakbang ba ako pa abante o pa-atras. Nag mumukha tuloy akong nag cha-cha dito, dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Baka magalit sa ’kin si Nuroi dahil nakikinig ako sa usapan nila.
Tumikhim ako para mawala ang kaba ko sa dibdib. “Ahm.. What do you want for breakfast?” Napipilitang tanong ko sakanya sabay naglakad papunta sa harap ng refrigerator saka ko ’to binuksan. “Ikaw na bahala,” sagot naman niya sa ’kin.
Hindi na lang ako umimik at baka hindi na naman niya ako sagotin. Kinuha ko nalang ang gusto kung lutuin para makapagluto na ako.
I just cooked fried rice, egg, at bacon. Nakita ko siyang walang kape pero busy parin siya naka tingin sa laptop niya. Naisipan ko nalang na timplahan siya ng kape. Inilapag ko ang kape sa gilid ng laptop ni Nuroi. Nag-angat pa siya ng tingin sa ’kin at ngumiti bago yumuko ulit.
Hindi ko alam kung gusto ba niya ng cream coffee o black, bahala siya kung ayaw niya ng black na tinimpla ko.
Umupo ako sa katapat niyang upuan saka ko inayos ang baso. “Kain na tayo!” Sabi ko sakanya sabay iwas nang tingin ng magsalubong ang tingin namin dalawa.
Tahimik kaming kumakain at agad kumunot ang nuo ko ng may mapansin ako sa mga braso niya. May mga hiwa kasi siya do’n na sobrang dami. Ang iba ay fresh pa, ang iba naman ay peklat na. Para din ’tong sinadyang sugatan.
“Ahm pwde mag tanong?” Bigla kong sabi. Shit!malamang hindi ’to sasagot. Kainis ka Faith, hindi ka nalang manahimik sa tabi eh.
“What is it?” Bored niyang tanong sa ’kin.
Shit, should I continue the question or not? bahala na nga. I took a deep breath first. “Saan mo nakuha yang mga sugat na yan?” Tanong ko habang tinuro ang mga sugat niya.
Yumuko lang siya at tumigil sa pagkain. Sabi ko na eh.. hindi siya sasagot sa ’kin, tatanong-tanong pa kasi ako, muntanga!
I was about to stand up para sana ilagay ang ginamit kong pinggan ng magsalita ulit si Nuroi.
“Training,” maikli niyang sagot sa ’kin.
Agad ’tong tumayo bitbit ang kanyang pinagkainan. “Ako na maghuhugas niyan,” sabi ko sakanya ng makita ko papunta siya sa lababo.
Gumilid naman siya para bigyan niya ako ng daan.
Umalis siya sa tabi ko saka umupo ulit. Nakatingin ulit siya sa laptop niya.
“Fuck!” He cursed.
“Bakit?” Tanong ko naman.
Nakatitig parin siya sa laptop niya at may pinipindot siya do’n.
Nag angat siya ng tingin sa ‘kin at seryoso ang mukha niya. “I’m leaving now. May pupuntahan lang ako. Dito kalang sa bahay at wag na wang kang lalabas.’’ Sabi niya at agad tumayo bitbit ang laptop niya.
Nakatingin lang ako sakanya na nagmamadaling umalis sa harap ko. Napabuntong hininga nalang ako at bumalik nalang sa paghuhugas ng plato.
Natapos na ako maghugas saka ako naglakad papuntang sala ng makita ko si Nuroi. Naka suot ’to ng leather jacket na black. Ang cool tuloy niyang tignan. Isama mo pa ang seryoso niyang mukha.
Hindi nalang ako umimik ng dumaan ito sa harap ko. Tumayo naman ako at lumapit sa main door para ilock yun. Naisipan ko nalang umakyat ng kwarto at mag basa ng romance novel.
Sa sobrang busy ko sa pagbabasa ay hindi ko napansin na gabi na pala. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi si Nuroi. Hindi narin ako kumain ng tanghalian dahil feeling ko hindi naman ako gutom pero ngayon ay nararamdaman ko na ang galit na mga alaga ko sa tyan.
Tumayo ako at bumaba ng hagdan para magluto ng ulam. Baka kasi dumating si Nuroi at maghanap ng pagkain. Asawa yarn??
Nag 9:00PM na pero wala paring Nuroi na dumating. Hinintay ko pa naman siya, gusto ko kasi sabay kaming kumain.
Nag simula na akong kumain nang may narinig ako na mga yapak sa labas. Agad ko ibinaba ang hawak kong kutsara saka lumingon kung saan nang gagaling yung mga yapak.
Sino kaya yun? hindi yun si Nuroi dahil maririnig ko muna ang sasakyan niya pag dumating ’to.
Tumayo ako at naglakad sa may bintana. Dumungaw ako sa gilid ng glass wall sa sala. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga armadong lalaki na nakapalibot sa bahay.
Bigla akong pinagpawisan ng malapot saka napasabunot sa buhok ko. Shit, anong gagawin ko wala si Nuroi dito. Pilit ko pinapakalma ang sarili ko at dali-daling naghanap ng matataguan.
Naririnig ko pang pilit binubuksan ang pinto sa sala kaya napasinghap ako. Natataranta na ako sa sobrang takot na nararamdaman ko.
Gumapang ako sa sahig at tinignan kung may tao ba sa isang pinto na nasa kusina para sana do’n ako dumaan.
Narinig ko ang pag sipa nila sa pinto sa sala kaya natataranta akong binuksan ang pintuan sa kusina at mabilis na tumakbo. Nang maka labas ako ay narinig ko ang putok ng baril na hinahabol ako.
Patay. Nakita nila ako. Tumatakbo ako habang iniinda ang sakit ng paa ko dahil wala man lang ako suot na tsinelas.
Napahinto ako sa pagtakbo at ang sunod kong narinig ay putok ng baril. “Ughh..” agad ko sinapo ang sugat ko sa braso. Nanlaki ang mata ko ng umagos ang dugo sa braso ko.
Napaupo ako sa sobrang sakit habang sapo-sapo ko ang braso ko na tinamaan. Nakita ko na papalapit na sila sa ’kin kaya agad ako tumayo at naghanap ng matataguan.
“Nasaan ka na!!! Mahahanap karin namin kaya wag mo na kami pahirapan.” Sigaw ng lalaki at hinahanap ako sa mga halaman.
Naiiyak na ako sa sobrang takot at sa sakit ng tama ko sa braso. Mamatay na yata ako dito. Hindi man lang ako nagka boyfriend ng maayos. Yung body guard ko iniwan ako. Akala ko pa naman pro-protektahan niya ako.
Pag talaga namatay ako dito mumultuhin ko talaga siya. Nagtago ako ng mabuti at pinapakiramdaman ang paligid.
May naramdaman akong tao sa likod ko na parang papalapit sa ’kin. Lumingon ako at sisigaw na sana ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
Na amoy ko ang familiar na cologne niya kaya medyo kumalma ako. Naka hinga ako ng maluwag ng makita ko si Nuroi. Para tuloy akong maiiyak sa sobrang tuwa ko.
Naiiyak ako sa takot, naiiyak ako sa galit dahil wala siya sa tabi ko kanina, at naiiyak ako dahil nandito na siya. Bigla ko nalang siya niyakap, pakiramdam ko kasi safe ako pag nandyan siya. Naramdaman ko naman na hinaplos niya ang likod ko. “Stop crying. Nandito na ako.” Pag-aalo niya sa ’kin. Mas lalo lang tuloy akong naiyak.
May dinukot siya mula sa likod niya at agad ikinasa ang baril. Hinila niya ako sa likod niya at naglakad kami ng dahan-dahan habang pinayuko ako. Tanging narinig ko nalang ay ang putukan ng baril.
Nakikita ko nakikipag palitan ng putok si Nuroi ng baril sa mga kalaban at ang sexy niya humawak ng baril. Talaga lang Faith ha..naisip mo pa yan sa lagay niyo ngayon.
Buhay pa kaya kami nito? Aabutan pa kaya kami ng umaga na humihinga? Wala na akong marinig kundi putukan ng baril, hila-hila lang ako ni Nuroi at pinapayuko kapag nakikipag palitan siya ng putukan ng baril.
Biglang may sumulpot sa likod ko. Hindi ko man lang napansin ang kilos ni Nuroi na bigla niyang sinipa sa mukha at binaril ang kalaban. Napaka bilis niyang kumilos.
Pinatayo niya ako at lakad takbo ang ginagawa namin. Nang makalabas kami sa gate ay agad kami tumakbo. Magkahawak kamay ni Nuroi na tumatakas sa mga kalaban. Napahinto kaming dalawa ng may humarang sa dinadaanan namin na kotse.
Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko ang lalaki na naka smirk habang naka tingin kay Nuroi. “Hello, fucker!”
Agad naman lumapit si Nuroi sa kotse at binuksan agad ang backseat at pinapasok ako sa loob. Pumasok din siya sa loob ng sasakyan saka niya isinara ang pinto ng kotse.
Nagtataka ako kung bakit hindi pa umaandar ang sasakyan kaya tumingin kami ni Nuroi do’n sa driver.
Masama naman itong nakatingin samin ni Nuroi. “What? Gusto niyo ako gawing driver ninyo?” Inis niyang sabi.
“Pwde bang mag maneho ka ng animal ka!” Inis na sabi ni Nuroi sa lalaki.
“Ayaw ko!” Matigas na sabi ng lalaki.
“Hi, miss. Lipat ka dito sa tabi ko.” Sabi niya sa ’kin habang naka ngisi.
Biglang lumabas si Nuroi sa back seat at pumasok do’n sa shotgun seat at masamang tinignan ang lalaki.
“Ito naman hindi na mabiro,” tatawa-tawang saad ng lalaki at agad pina-usad ang sasakyan.
NALATE AKO NG dating kay Faith. Kinailangan kong puntahan si Mr. De Guzman ng makatanggap ako ng email galing kay Atticus na sinusugod ang ama ni Faith.
Kaya mabilis ako pumunta do’n. Mabuti nalang ay nandoon si Lucifier at tinulongan ako kaya mabilis ko napatay lahat ng mga humarang sa sasakyan ni Mr. De Guzman.
Nag usap pa kami ni Mr. De Guzman at may binibigay siyang instruction sa ’kin.
Nag paalam na ako sakanya at sumakay sa sasakyan ni Lucifier.
Tinignan ako ni Lucifier na para bang may problema.
“Hindi mo ba na realize na wala kang suot na mask. You’re not wearing a mask while talking to Mr. De Guzman?” Seryoso niyang sabi.
Fucking shit! Bakit ko nga ba nakalimutan yun.
Damn it!
“Shit Nuroi, pinapahamak mo lang ang babaeng yun sa ginagawa mo. You will be punished for what you did.” Saad ni Lucifier na napabuga pa ng hangin.
Bakit nga ba nawala sa isip ko ’yon. Shit!
“Ihatid mo ko sa Baguio. Kailangan kung makabalik kay Faith.” Utos ko kay Lucifier kaya agad niyang pina-usad ang sasakyan.
“What are you doing here, anyway?” Nagtatakang tanong ko sakanya. Dapat kasi nasa Russia siya.
“Vacation.” Tipid niyang sagot.
I rolled my eyes on him. “Vacation, my ass. Ang sabihin mo tumakas ka na naman,” saad ko kaya tumawa siya.
“Hindi ko alam kung bakit naisipan mong magpakita kay Faith. Hindi ba ang utos lang sa’yo ni Ruwi ay bantayan siya sa malayo? Idagdag mo pa na hindi ka nag suot ng maskara,” paninermon niya sa ’kin.
“I don’t know. Nawala sa isip ko.” Sagot ko nalamang saka ako huminga ng malalim.
Handa kong tanggapin ang parusa ko pag balik ko sa Russia.
9PM nakarating ako sa Baguio. Nagulat ako ng makita ko sa di kalayuan ang dalawang itim na van.
Sinabihan ko si Lucifier na huminto sa may highway saka ako bumaba ng kotse niya.
Tumakbo agad ako sa likod at do’n dumaan. Dahan-dahan ang mga galaw ko habang palinga-linga sa paligid at nakita ko ang mga lalaki na nag si akyatan sa 2nd floor. Fuck! Asan kaya si Faith!
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sakanya.
Naglalakad parin ako ng may nakita akong lalaki na naka talikod. Nilapitan ko ito ng walang ingay at nilagay ang isa kong kamay sa bibig niya at mabilis na binali ang leeg nito saka ko binitiwan ang katawan niya.
Umikot ako ulit ng may nakita akong nag tatago sa gilid ng halaman. Nababalot pa ng dugo ang kanang braso ng dalaga.
Mabilis akong lumapit sakanya saka hinawakan ang balikat niya. Naramdaman ko na nagulat siya kaya mabilis ko tinakpan ang bibig niya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa ’kin at parang nakahinga ito ng maluwag ng makita ako. Umiyak ito at mabilis akong niyakap.
Natigilan ako sa yakap niya pero dahan-dahan ko paring inangat ang mga kamay ko saka hinagod ang likod niya.
Alam kung natatakot siya. “Stop crying, nandito na ako.” Saad ko ngunit mas lalo ’tong naiyak kaya tinulongan ko siyang makatayo. Hinugot ko ang baril na nasa likod ko at agad kinasa.
Nakatitig lang sa ’kin si Faith kaya sinenyasan ko siya yumuko lang ito kapag nakikipag barilan ako sa mga kalaban.
Nakikipag palitan ako ng putok ng baril at sinisigurado na lahat ng bala na lumalabas sa baril ko ay may natatamaan.
Hila-hila ko lang si Faith na nasa likod ko, lakad takbo ang ginagawa namin hanggang sa makalabas kami ng gate. Tumatakbo kami sa kalsada ng biglang sumulpot ang sasakyan ni Lucifier.
Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng backseat at pinapasok sa loob ng sasakyan. Pumasok narin ako sa loob ng kotse para talian sana ang sugat niya sa balikat.
Pero ang putangina na si Lucifier ay ayaw mag maneho. Nag iinarte pa ang hayop at niyaya pa si Faith na tumabi sakanya.
Kaya nagmamadali akong lumabas sa backseat at lumipat sa passenger seat saka sinamaan ng tingin si Lucifier na tumatawa.
Tahimik lang kami sa byahe ng tignan ko si Faith na sapo-sapo parin ang braso niya at parang nakatulog.
“Can you drive faster. Para kang may hinahatid na patay sa bagal mo mag maneho.” Sigaw ko kay Lucifier. Pero ang kumag tumawa lang at biglang pinaharurot ang sasakyan.
“Relax, daplis lang naman ang tama ni Faith eh. Natutulog lang yan,” sagot niya sa ’kin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Oo daplis lang pero ’to ang unang beses na nabaril si Faith. Kasalan ko talaga ’to. Dapat bumalik agad ako sakanya.
Huminto sa maliit na bahay ang sasakyan namin. Hindi ko alam kung kanino ’to, hindi ko rin alam kung nasaan na kami. Bukas ko nalang tatanongin si Lucifier.
Lumabas agad ako at binuksan ang backseat. Nasalo ko ang dalaga ng matumba ito dahil naka hilig ito sa pintuan ng kotse.
Dahan-dahan ko siyang binuhat at sumunod kay Lucifier na binuksan ang pintuan ng bahay.
Pumunta agad ako sa isang kwarto at idiniposito ko ang dalaga saka lumabas para maghanap ng first aid kit.
Tinignan ko muna ang sugat niya kung may bala ba sa loob, laking pasasalamat ko ng daplis lang ’to. Agad kong nilinisan ang sugat niya at ginamot.
Kinumutan ko lang ang dalaga at hinaplos ang mukha niya. Mahimbing ang tulog niya kaya tumayo ako at lumabas ng kwarto.
A/N: Good Evening!
Chapter 4
NAGISING AKO at bumungad sa ’kin ang hindi pamilyar na kwarto. Agad kong ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto at mukhang dinala na naman nila ako sa ibang lugar.
Nasaan na naman kaya kami?
Bumaba ang tingin ko ng maalala ko ang tama ko sa braso. Agad ko tinignan ’yon nang makita ko na may gauze ’to. Wala narin ang dugo na kumalat sa braso ko. Pero hindi ako pinalitan ng damit. Hmmp! Dapat lang.
Tumayo ako sa kama ng mapansin kong may banyo dito sa kwarto. Pumasok ako sa loob at nag hilamos sa sink. Hindi na muna ako maliligo dahil wala akong pamalit na damit.
Nang matapos ako ay agad ako lumabas ng kwarto. Nakita ko na may hagdan kaya bumaba agad ako do’n. Hinahanap ko ang mga lalaking kasama ko ngunit wala akong mahanap sa sala kaya naglakad ulit ako hanggang sa narinig ko ang mahihinang boses ng mga lalaki. S
inundan ko ang boses ng mga ’to hanggang sa makarating ako sa kusina.
Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ko. Nag bubulungan pa ang dalawa kaya hindi ko sila masyadong marinig.
Bumuga muna ako ng hangin saka lumapit sakanila. Natigil ang dalawa sa pag-uusap at agad nag iwas ng tingin si Nuroi. Ang lalaki naman na tumulong samin kagabi ay may hawak na sandok habang nagluluto.
Kumindat pa siya sa ’kin saka ’to ngumiti. “Good morning!” Bati niya sa ’kin.
Napipilitan naman akong ngumiti dahil baka mapahiya siya na hindi ko siya pinansin.
Napatigil ako ng mapagmasdan ko ang mga mata niya. Magkaiba kasi ang kulay ng mga mata niya. Ang left side ay black at ang sa right side naman ay red.
Namamangha kong tinitigan ang lalaki dahil first time ko makakita ng ganong kulay na mata.
“Wag mo akong tignan ng ganyan miss ganda at baka mabaril ako ng isa dyan,” tatawa- tawa niyang sabi.
Sino naman kaya ang babaril sa kanya. Muntanga!
Nakita ko si Nuroi na tahimik lang habang umiinom ng kape. Umupo nalang din ako sa katabi niyang upuan at tumingin ulit sa lalaki na nagluluto.
Pinapanood ko lang ang kilos ng lalaking nagluluto dahil mukhang bihasa siya sa pagluluto. Hindi ko akalain na marunong siya dahil wala naman sa hitsura niya. Kung titignan kasi ay para ’tong bad boy na laging hanap ay gulo. Kaya hindi ko inaasahan na ang isang katulad niya ay marunong magluto. Ang tanong.. masarap ba naman ang luto niya?
Hindi ko pa alam ang pangalan n’ya. Nahuli na naman ako ng lalaki na nakatingin sakanya kaya kinindatan na naman niya ako. Parang tanga talaga!
“Baka ma in-love ka sa ’kin niyan,” naiiling niyang sabi. “Magagalit si Nuroi sa ’kin nyan,” pagpapatuloy niya.
“ Bakit naman siya magagalit?“ Balik tanong ko sakanya.
Tumawa lang ulit ang kumag. Tinignan ko naman si Nuroi na tahimik lang na nakikinig samin.
Bigla siyang tumikhim saka lumingon sa ’kin. “Kamusta sugat mo?” Tanong sa ’kin ni Nuroi.
“Ayos na. Hindi na masakit. Salamat nga pala kagabi dumating ka.” Pagpapasalamat ko na ikina tango naman niya.
Biglang lumapit sa ’kin ang lalaki sabay umakbay sa balikat ko. “Sakin babe, hindi ka ba magpapasalamat?” Sabi niya sa nagtatampong boses.
Nagulat nalang ako ng tumayo si Nuroi at sinuntok sa tyan ang lalaking naka akbay sa ’kin.
Napasinghap ako dahil sa lakas ng suntok ni Nuroi sa lalaki. Nag aalala ako na baka magalit yung isa pero nagulat nalang ako na tumawa lang ng malakas ang lalaki para tuloy siyang tanga.
“Don’t touch her! madumi yang kamay mo.” Sigaw ni Nuroi sa lalaki.
“Malinis kaya kamay ko. Mabango pa!” Saad ng lalaki na inamoy pa talaga ang kamay niya.
Natapos naman kaming kumain ng matiwasay. Nalaman ko rin na Lucifier pala ang pangalan ng kaibigan ni Nuroi. Naiilang tuloy ako tawagin siya at baka bumuka ang lupa at lamonin ako.
Umakyat ako sa hagdan saka tinungo ang kwarto ko. Gusto kong humiga dahil kumikirot pa kasi kunti ang sugat ko.
Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako. Nagising lang ako sa mahinang katok sa pinto ko kaya agad akong bumangon at binuksan ’yon.
“Hey!” Bungad sa ’kin ni Nuroi. May dala siyang paper bag at inabot yun sa ’kin.
Napakunot naman ang nuo ko saka ako nagsalita. “Ano ’tong mga ’to?” Tanong ko sakanya ng makuha ko ang paper bag at agad kong saka sinilip ang loob.
“Binilhan kita ng mga damit at hygiene na kailangan mo.” Saad niya habang nag kakamot sa batok niya.
“Ahmm.. Thank you!” Naka ngiti kong pasasalamat.
Hindi pa ’to umalis at parang may gusto pa siyang sabihin sa ’kin. Kaya nag lakas loob ako. “May sasabihin ka pa?” Tanong ko sakanya.
Sumeryoso naman ang mukha ni Nuroi. “Wag kang mag lalapit kay Lucifier. May ketong yun baka mahawa ka.” Sabi niya at dali-daling umalis sa harap ko.
Ano daw? May ketong si Lucifier. Napailing nalang ako saka isinara ang pinto at dumiretso sa kama. Tinignan ko agad ang mga pinamili ni Nuroi.
Namula ang mukha ko ng makita ko pati undergarments ko ay meron. Nakakahiya!
Tinignan ko pa kung tama ba ang size at ang galing ni Nuroi tumansya.
“Paano naman niya nalaman ang size ko.” Bulong ko saka inayos ang mga damit at mga hygiene.
Naligo narin ako dahil nanlalagkit na ang katawan ko dahil ’to parin kasi ang damit ko kagabi.
Pagkatapos ko maligo ay bumaba ako saka hinanap si Nuroi. May narinig akong maliit na boses na nang gagaling sa kusina kaya tumungo ako do’n.
Naabutan ko si Lucifier at si Nuroi na mahinang nag uusap. Hindi na muna ako nagpakita at nagtago sa gilid.
“I’m just reminding you, six months ka lang dito. Baka nakakalimutan mo lang naman,” rinig kong sabi ni Lucifier kay Nuroi. Hinintay kong sumagot si Nuroi pero wala akong narinig.
“Bilisan mo ng kumilos para maka balik ka na sa Russia.” Dagdag na sabi ni Lucifier.
Hindi parin sumasagot si Nuroi kaya nagsalita ulit si Lucifier. “Baka sa susunod na mga araw ay malaman ni Ruwi ang mga ginawa mo.” Sabi ulit ni Lucifier.
“So, be ready. You have to face your punishment.” Dugtong ulit ni Lucifier.
Mapaparusahan si Nuroi? Pero bakit?? Naitanong ko nalang sa sarili.
TAHIMIK AKONG nakikinig kay Lucifier na pinagsasabihan na naman ako. Tama naman kasi talaga siya. Baka sa susunod na araw or buwan ay may dumampot sa ’kin dito at kaladkarin ako papuntang Russia.
Kung ako lang ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pang mag stay dito. Gusto ko nandito lang ako kay Faith. Ngunit alam ko naman na malabong mangyari yun.
Hindi naman ako ganito dati. Kapag binibigyan ako ng deadline na one week ni Ruwi ay lagi ko tinatapos agad at bumabalik ako sa Russia.
Pero ngayon.. parang ayaw kong madaliin ang mission ko. Simula ng makilala ko si Faith ay parang ayaw ko ng umalis sa tabi niya.
Fuck it!
“Dahil ba kay Faith kaya ka nagkaka ganyan?” Tanong bigla ni Lucifier sa ’kin.
Hindi ko nalang siya sinagot. Malamang alam na ’to ni Ruwi. Pero nagtataka ako kung bakit hindi pa siya nagpapadala ng susundo sa ’kin.
“None of your business,” sagot ko kay Lucifier.
This is the first time na lumabag ako kay Ruwi. Hindi ko rin alam kung bakit nakalimutan kong mag suot ng maskara.
Malinaw ang sabi ni Ruwi sa ’kin, protektahan ang babae sa malayo pero heto ako.. kasama pa si Faith at wala pang suot na maskara.
Biglang nakaramdam ako na parang may tao sa likod ko kaya agad ako lumingon. Nakita ko si Faith na nagtatago sa gilid at nakikinig sa usapan namin.
Sinenyasan ko si Lucifier na tumahimik kaya agad naman tumingin si Lucifier sa gawi ni Faith.
“Hi, babe!” Bati niya kay Faith. Masama kong tinignan si Lucifier ng nakakamatay na tingin.
Nakita ko namula ang pisngi ni Faith kay mas lalo akong nairita.
Huhugot na sana ako ng baril para itumba si Lucifier nang biglang umupo si Faith sa tabi ko.
Inayos ni Lucifier ang mga pagkain at nag simula na kaming kumain. Tunog lang ng kutsara ang naririnig ko hanggang sa tumikhim si Lucifier.
“So, baby girl, may boyfriend ka na?” Inosenteng tanong ni Lucifier kay Faith. Tahimik lang akong nakikinig sakanila at hinihintay ang sagot ni Faith.
Umiling ang dalaga bago sumagot. “W-Wala.” Sagot niya.
Feeling ko ay nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko yun.
Tumatawang tinignan ako ni Lucifier ng makita niya yata ang mukha ko.
Ngumisi na naman ito kaya pinukol ko siya ng masamang tingin. “Ex-boyfriend?” Tanong ulit niya kay Faith.
Nakikita ko sa mata niya na gusto talaga niya akong asarin. Ang sarap pilipitin ng leeg ng gago.
“Oo meron. Last year lang kami nag break,” sagot agad ni Faith. Natahimik ako at napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor.
Nag kiss na kaya sila? Tanong ko sa sarili ko. Mas lalo lang uminit ulo ko ng may pumasok na imahe sa isip ko. Si Faith at ang ex niya na nag hahalikan.
Fuck! Hindi na talaga ako ’to. Kailangan ko na humingi ng tulong kay Salem. Meron din yata akong sakit sa puso dahil ang lakas ng tambol nito kapag nasa tabi ko si Faith o kapag nakikita ko siya.
Natawa ng mahina si Lucifier sa ’kin kaya pinakita ko ang gitnang daliri ko.
“Anong pangalan ng ex mo?” Tanong na naman ni Lucifier. Hinihintay ko rin na sabihin ni Faith ang pangalan ng ex niya, baka mamayang gabi ay dalawin ko.
Not good!
“Ahm.. Jeric.” Sagot ni Faith saka uminom ng tubig.
Narinig ko na naman ang nakaka-bwesit na tawa ni Lucifier. “Ano pre.. dalawin ko ba?” Tanong niya sa ’kin kaya pinandilatan ko nalang siya ng mga mata ko.
Biglang nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya kinuha ko ’to. Nakita ko may message si Atticus sa ’kin tungkol kay Mr. De Guzman
Tumayo ako at nakita ko tumayo din si Lucifier.
“Dito ka muna. Ikaw na munang bahala kay Faith. May pupuntahan lang ako.” Saad ko.
Tumango lang sa ’kin si Lucifier kaya agad akong umalis sa kusina at umakyat muna para pumunta ng kwarto ko. Kinuha ko ang dalawang baril at black na leather jacket saka ko kinuha ang maskara ko, kahit alam ko naman na useless na ’to dahil nakita na ang mukha ko.
NASA KWARTO lang ako at pa gulong-gulong lang ako sa kama. Napaka boring ng araw na ’to. Wala kasi si Nuroi, nagpaalam siya kanina na may pupuntahan kaya ang naiwan ay kaming dalawa ni Lucifier.
Mas pinili ko nalang umakyat kaysa maka usap yun. Pero napaka boring sa kwarto kaya napagpasyahan kong bumaba.
Nakita ko busy si Lucifier sa harap ng laptop niya kaya dumeritso agad ako sa labas dahil gusto kong makalanghap ng preskong hangin.
Naka upo lang ako sa labas sa may maliit na garden. Hindi naman masakit ang tirik ng araw kaya dito nalang muna ako tatambay.
Biglang may sumulpot sa likod ko kaya nagulat ako. Hindi ko man lang narinig ang yapak niya, ni hindi ko rin naramdaman ang presensya niya na nasa likod ko pala siya.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya saka umupo sa tabi ko. Nakasalampak lang kasi ako sa simento habang naka cross legs na naka upo.
“Ahm.. nag papahangin.” Sagot ko agad. Tumango naman siya sa ’kin.
Ang boring kasi wala man lang akong cellphone, yung cellphone ko kasi ay naiwan ko sa kwarto do’n sa rest house sa Baguio.
Saan kaya pumunta si Nuroi. Bumuntong hininga nalang ako. “Ang lalim n’on ahh!” Sabi nitong lalaki sa tabi ko.
“Ano bang meron sa’yo na nakuha mo ang atensyon ni Nuroi!” Biglang sabi niya sa ’kin. Napalingon naman ako sakanya.
“What do you mean?” Takang tanong ko.
“Nevermind!” Sagot niya saka ’to tumayo.
“Pumasok ka na sa loob mamaya. Baka may biglang sumulpot dyan.” Saad niya sa ’kin.
Napabuga muna ako ng hangin saka ako tumayo at sinundan si Lucifier sa loob. Dumeritso ako sa kusina ng maisipan kong magluto ng pananghalian.
Nakita ko naman ang mga kailangan ko kaya nag ready na ko. Tinali ko muna ang buhok ko at nag simula ng mag hiwa.
Naririnig kong may kausap si Lucifier sa cellphone niya ngunit hindi ko nalang siya pinapansin at pinag patuloy ang pagluluto.
Natapos narin ako at saktong 12pm pero wala parin si Nuroi.
Umupo naman si Lucifier sa isang upuan. “Halika na! kain na tayo. Baka mamaya pa si Nuroi.” Sabi niya at kumuha ng kutsara saka tinikman ang ni luto kong mechado.
“Ahmm ang sarap!” Sabi pa niya. Wala narin akong nagawa kaya umupo narin ako at kumain.
Tahimik lang akong kumakain hanggang sa natapos kami ni Lucifier kumain. Nag insist siya na siya na daw ang magliligpit at maghuhugas kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama habang naka titig sa kisame. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at tuluyang nakatulog.
Nagising lang ako dahil sa mahinang katok sa labas ng pinto ko kaya na gising ako.
Napatingin ako sa orasan na naka sabit sa wall at nakitang 6PM na pala. Ang haba pala ng tulog ko.
Tumayo ako sa kama para pagbuksan ang kumakatok. Bumungad sa ’kin ang mukha ni Nuroi. Nakatayo siya habang may hawak na milk tea at isang box ng pizza. “Para sa’yo!” Sabi niya sabay abot sa ’kin ng mga dala niya.
Nanubig ang bagang ko kaya agad kong inabot yun. “Thank you!” Saad ko saka ko binuksan agad ang pizza at agad na kumuha do’n. Ninamnam ko ang pizza sa loob ng bibig ko habang nakapikit.
Pagbukas ko ng mga mata ko ay nakita ko si Nuroi na titig na titig sa ’kin. Naiilang ako sa pagkakatitig niya kaya tumikhim ako at inangat ang pizza na hawak ko. “Gusto mo ba?”
“Ako gusto ko!” Biglang sulpot ni Lucifier sa likod ni Nuroi habang naka ngisi. Akmang kukuha na sana si Lucifier ngunit mabilis na pinalo ni Nuroi ang kamay niya.
“Isa lang eh. Damot nito!” Kakamot-kamot na sabi ni Lucifier. Sinamaan lang siya ng tingin ni Nuroi habang ako ay pinag patuloy lang ang pag nguya ng pagkain.
“Kailan ka ba aalis Lucifier?” Tanong ni Nuroi sa pagalit na boses.
Tumawa lang si Lucifier saka niya itinaas ang dalawang kamay niya. “Chill naman pre! Init ulo eh. Actually, magpapaalam na ako.” Saad ni Lucifier.
“Aalis ka na?” Tanong ko sakanya. Ngumiti naman ang dumuho.
“Bakit baby girl mamimiss mo ba- Ouch!” Naputol ang sasabihin niya ng sinuntok ni Nuroi ito sa mukha.
Tinignan ng masama ni Lucifier si Nuroi na wala namang pakialam kung magalit si Lucifier.
“Saan ka pupunta?” Pag-iiba ko sa usapan.
“Russia,” sagot niya saka ’to tumalikod samin at nag simulang maglakad palayo samin ni Nuroi. Kinaway lang niya ang kanan niyang kamay na para bang nag papaalam.
“Susundan ko lang si Lucifier,” pag papaalam ni Nuroi sa ’kin.
Pumasok nalang ako sa loob ng kwarto at napabuga ng hangin. Ibig sabihin kami nalang dalawa ni Nuroi dito sa bahay.
Kumakabog ang puso ko ng maisip ko yun.
Iba talaga epekto ni Nuroi sa ’kin. Minsan ay hindi ako maka hinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ganito yung puso ko sa ex ko.
Inubos ko nalang ang dala ni Nuroi at pumunta ng banyo. Gusto kong maligo!
Mabilis lang akong naligo at agad lumabas ng banyo saka ako naghanap ng damit sa mga pinamili ni Nuroi sa ’kin.
Nang matapos ako ay lumabas agad ako para magluto ng hapunan namin ni Nuroi. Ngunit, may narinig akong nag mumura sa kusina kaya mabilis akong pumunta do’n.
Nakita ko si Nuroi sa harap ng lababo na may hawak na rice cooker mag sa-saing yata siya at tina-try mag hugas ng bigas. Pero natatapon ang bigas pag binubuhos niya ang lamang tubig no’n.
Natawa nalang ako sa hitsura niya na naiinis dahil maraming natapon na bigas.
Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya. Nagulat pa yata siya dahil nabitawan niya ang hawak niyang rice cooker kaya natapon yun sa lababo.
Lumapit ako at kinuha ko yung lagayan “Itabi mo. Ako na!” Saad ko kaya nalukot ang mukha niya saka ’to gumilid.
“Putangina! Pati pag saing hindi ako marunong,” bulong niya na parang pinapagalitan ang sarili nito.
Nag saing na ako habang mataman namang nakatingin sa ’kin si Nuroi sa gilid. Lumapit ako sa harap ng ref at tinignan kong anong pwdeng lutuin.
Sinusundan lang ako ng tingin ni Nuroi pero hindi na ako naiilang pag ganyan siya. Hindi tulad ng mga nakaraang araw na ilang na ilang ako sa mga titig niya. Nakaka ano kasi ang mga titig niya.
Natapos na ako magluto at naghain na ako sa mesa para maka kain na kami.
Tinitignan ko si Nuroi kung nasasarapan ba siya sa luto ko. Napansin ko naman na sunod-sunod ang subo n’ya. Nag angat siya ng tingin sa ’kin at biglang napa-ubo kaya dali-dali akong nag salin ng tubig sa baso at inabot ito sakanya.
Kinuha din naman niya sa ’kin ang isang basong tubig at ininom yun agad.
Gusto ko basagin ang katahimikan kaya nag salita ako. “Hindi ka marunong magluto?” Tanong ko.
Nakatitig siya sa ’kin at yumuko na parang nahihiya. “N-No. First time kong mag try mag saing,” sagot niya kaya mahina akong natawa sa sinabi niya.
Natapos kami kumain at tinutulungan naman ako ni Nuroi maghugas ng plato, siya ang nag sasabon ng mga plato at kutsara. Natatawa nalang ako kapag naririnig ko siyang nag mumura kapag na bibitawan niya ang baso dahil nadudulas sa kamay niya na may sabon.
Ako naman ang taga punas ng plato para patuyin saka ko ’to inilagay sa lalagyan. Natapos si Nuroi maghugas ng plato at basang-basa ang suot niyang tshirt.
Natawa tuloy ako sa hitsura niya.
Sabay kami umakyat papunta sa mga kwarto namin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko ng tumikhim si Nuroi.
“Faith!” Lumingon ako sakanya dahilan para magkasalubong ang tingin naming dalawa.
“Ahm.. Good night,” saad niya saka ngumiti sa ’kin.
Ngumiti naman ako sakanya bago ako nagsalita. “Good night din.” Sabi ko saka ako pumasok sa loob ng kwarto. Napasandal ako sa likod ng pinto ng maka pasok ako sa loob ng kwarto ko.
Hinahaplos ko kung nasaan ang puso ko dahil sobrang bilis ng tibok nito. Ano ba nangyayari sa ’kin!

