Assassin Series 10: Eros Mendez
xxriegozzxx · 36 chapters · 71,422 words
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, Charcters, business, places, events and incidents, are either the products of the Author’s imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the Author.
This story contains incorrect typos/spelling/ grammar. I’m not professional writer so please bear with me. Thank you!
WARNING ⚠️
THIS STORY CONTAINS STRONG CONTENT , R-18, NOT SUITABLE FOR BELOW 🔞 YEARS OLD.
Read at your own risk!
Fb page: Azzinatics Stories Facebook Account: Cruz Wp
Copyright ©️ 2023 by XXRIEGOZZXX
All rights reserved.
Prologue
Ipinarada ko ang aking sasakyan sa harap ng restaurant habang pinagmamasdan mula dito si Marigold.
Kanina ko pa siya sinusundan kahit saan siya magpunta.
Hindi ko inaasahan na magkikita ulit kami ni Marigold. Kaibigan ko siya simula pa ng mga bata pa kami. Ngunit, na kidnap ako n’ong 14 years old ako kaya hindi ko na siya nakita pang muli. Nangako kami sa isa’t-isa na paglaki namin, kami ang magpapakasal.
Simula palang ng mga bata kami, alam kong siya ang babaeng para sa ’kin. Hindi ko inaasahan na magkikita kami three months ago sa isang restaurant.
Mas lalo siyang gumanda kaya mas lalo akong nainlove sakanya. Ngunit, kumulo ang dugo ko ng ipakilala niya ang fiance niya sa ’kin.
Sinubukan ko siyang landiin, ngunit hindi tumalab sakanya ang charm ko. Hinding-hindi ako papayag na makasal siya sa ibang lalaki. Dapat ako lang! Ako lang ang nababagay sakanya.
Bumaba ako ng kotse para sundan sa loob ng restaurant si Marigold. Hindi ko alam kung anong gingawa niya dito or kung may ka meet siya dito. Wala akong pakialam, ang mahalaga ay makausap ko siya at kulitin sa nararamdaman ko. Ayaw kong may pagsisihan ako sa huli dahil hindi ko pinaglaban ang nararamdaman ko.
Hindi pa naman siya kasal kaya may chance pa akong maagaw siya sa putanginang fiance niya. Balak ko na sanang patayin ang gago. Naiirita ako sa t’wing nakikita ko silang magka holding hands ni Marigold. Ako dapat ’yun! Ako dapat ang kasama niya habang kumakain. Ako dapat ang nagbibigay ng flowers at gift sakanya. At mas lalong ako dapat ang humahalik sa natural na mapupula niyang labi.
Naglakad ako papasok sa restaurant na pagmamay-ari ni Lucifier at agad hinanap kong saan nakaupo si Marigold.
Nakita ko siya agad na kinakausap ang waiter na parang umoorder ng pagkain. Siya lang mag-isa sa table kaya malakas ang loob ko na lapitan siya.
Naglakad ako papunta sa table niya kaya nag-angat ’to ng tingin sa ’kin. Kunot nuo siyang nakatitig habang palapit ako ng palapit sakanya.
“Ikaw na naman..” sabi niya sa naiiritang boses.
Ngumisi lang ako sakanya at hinugot ang upuan saka ako umupo. Inirapan niya ako saka tinaasan ng kilay. “Parating ang fiance ko, Eros. Pwede bang umalis ka na!” Sabi niya sa seryosong boses.
“We need to talk, Mari.” I said.
“At ano naman ang pag-uusapan natin, Eros? Yung sinasabi mong pag-ibig mo para sa ’kin?” Sabi niya habang nakataas parin ang isang kilay.
“Yes. Sinabi ko naman sa’yo ’di ba, na may gusto ako sa’yo. Nangako pa tayo sa isa’t-isa na paglaki natin tayo ang magpapakasal.” Seryoso kong sabi sakanya.
“Eros naman.. matagal na ’yun. Ang dami ng nagbago simula ng mawala ka. Oo, may pangako tayo dati, pero matagal na ’yun. At isa pa, bata palang tayo no’n.” Sabi niya habang nagkakamot sa nuo niya.
“Pangako ay pangako, Mari.” Sabi ko saka hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa table.
“Ano ba, Eros! Tumigil ka nga!” Inis niyang sabi saka hinila ang kamay niya na hawak ko.
“Kalimutan na natin ang pangakong ’yun at mag move on sa buhay. Kaya pwede ba.. maging magkaibigan nalang tayo.” Sabi niya sa mahinahong boses.
“Madami na akong kaibigan, Mari. Hindi ko na kailangan ng kaibigan. Asawa kailangan ko.” Sabi ko na ikina-irap niya.
“Pwede ba! Tigilan mo nga ako. I love my fiance, okay! At hindi mo mababago ang isip ko. Akala mo siguro hindi ko alam ang mga ginagawa mo. My God, Eros! Tumigil ka na sa kakapadala ng mga flowers sa opisina at sa bahay ko. Please lang! Wag mo naman sirain ang pagmamahalan namin ng fiance ko.” Sabi niya na halatang stress na sa ’kin.
Mataman ko lang siya tinitigan kaya tinaasan niya ako ng kilay. Ang ganda talaga ni Marigold, hindi nakakasawang titigan ang mukha niya.
“Ako nalang kasi, Mari. Ibibigay ko lahat ng gusto mo.” Sabi ko sa nagmamakaawang boses.
“Baliw ka talaga, Eros. Ang tigas ng ulo mo. Ilang ulit ko naring sinabi sa’yo na wag mo na akong susundan pero nandito ka na naman. Ano bang dapat kong gawin para tigilan mo na ko.” Sabi niya.
“Piliin mo ako.” I said seriously.
Umiling siya sa harap ko saka nag-iwas ng tingin. “Mahal ko ang boyfriend ko, Eros.” Sabi niya. Naikuyom ko ang kamao ko at iniisp kung anong gagawin ko sa boyfriend niya. Kailangan ko na yatang barilin ’yun para mawala na siya sa landas namin ni Mari.
“Huling warning ko na ’to sa’yo, Eros. Kapag hindi ka parin nakinig sa ’kin at sinundan mo parin ako.. hindi ako magdadalawang isip na ipadampot ka sa mga pulis.” Pananakot niya sa ’kin.
“Sa tingin mo talaga.. matatakot mo ako sa ganyan, Mari?” Nakangisi kong sabi. “Aagawin kita sa boyfriend mo. Hindi ako titigil hangga’t hindi kita nakukuha. Pangako ay pangako, Mari. Pinanghahawakan ko ’yun kaya ipaglalaban kita.” Desperado kong sabi.
Napahilot siya sa kanyang sentido at halatang naiinis na siya sa ’kin. “Hindi ka nakakatuwa.” Sabi niya saka ’to tumayo sa kinauupuan niya.
“Where are you going?” Tanong ko ng makita ko siyang akmang aalis.
“Lalayo sa’yo! May sayad ka na eh! Hindi na ikaw si Eros na nakilala ko dati. Sabagay, matagal narin naman ’yun. You know what.. mabuti nalang talaga na nawala ka dati. Baka naikasal pa ako sa’yo ng wala sa oras kung tayo parin ang magkasama.” Sabi niya.
Kumunot ang nuo ko at naguguluhan ako sa sinasabi niya. “What do you mean?” Tanong ko sakanya saka tumayo sa kinauupuan ko.
Tumingin siya sa ’kin mula ulo hanggang paa na parang iniinsulto ako. Tumingin ulit siya sa ’kin saka ngumisi. “Mabuti nalang at nawala ka, dahil baka ikaw pa ang napangasawa ko. Baka puro hirap lang ang danasin ko sa’yo. Tignan mo nga hitsura mo.. para kang tambay. Siguro wala kang narating sa buhay mo.” Pang-iinsulto niya sa ’kin.
“Hindi katulad sa boyfriend ko.. gwapo na, mayaman pa. Kaya bakit ko siya ipagpapalit sa’yo, Eros? Hindi pa ako baliw para ipagpalit ang ginto sa bato.” Dagdag niyang sabi.
“Mukang iniinsulto mo ang pananamit ko, Mari.” Umangat ang sulok ng labi ko habang nakatitig sakanya.
“Sinasabi ko lang ang totoo, Eros. Wala akong mapapala sa’yo. Kaya sana gumising ka na sa illusion mo na pipiliin kita kaysa sa fiance ko.” Sabi niya sabay talikod sa ’kin.
“Mukhang pera lang pala ang habol mo sa jowa mo? Tama ba ako?” Tanong ko na ikinahinto niya.
“Mukang pera ka na pala ngayon?” Tanong ko kaya dahan-dahan siyang lumingon sa ’kin.
“Dito ka nalang sa ’kin kung pera lang pala habol mo sa boyfriend mo. Mas mapera ako kaysa sakanya.” Nakangisi kong sabi sakanya.
Mabilis siyang lumapit sa ’kin at malakas akong sinampal. “Gago!” Galit niyang sigaw sa ’kin saka nagmartsa paalis sa harap ko.
Nakangisi ako habang nakasunod ang tingin ko kay Marigol na lumabas ng restaurant. Mukang mabilis ko lang pala siya maagaw sa fiance niya.
Tumingin ako sa paligid habang hinahaplos ang pisngi kong nasampal. Masakit din pala manampal si Mari.
Narinig kong may sumisipol sa likuran ko kaya lumingon ako. Nakita ko si Lucifier na nakapamulsang nakatayo, halata sa mukha niya na tuwang-tuwa na nasampal ako.
“Akala ko may camera kanina. Masakit ba?” Tanong niya habang may ngiti sa labi.
“Gago!” Sabi ko saka umupo ulit. Umupo din si Lucifier sa katapat kong upuan. Halata sa mukha niya na sasagap lang ’to ng chismis para ipagkalat na naman sa mga kaibigan namin.
“Ang tigas talaga ng ulo mong gago ka! Ang dami namang iba dyan! Bakit do’n ka pa talaga sa may fiance na.” Sabi niya sa ’kin kaya napabuga ako ng hangin.
“Siya ang gusto ng puso ko. Anong magagawa ko do’n.” Seryoso kong sabi sakanya.
“Tanga! Malapit na nga ikasal ’di ba?” Sabi niya at akmang babatukan ako. “Parang awa mo na, bud. Tigilan mo na ang babaeng ’yun. Madami ka pang makikilalang iba dyan! Ilang ulit ka na namin pinagsabihan at hinahayaan ka lang sa mga pinag gagawa mo. Pero, ngayon.. nakakatanga na! Dapat sa’yo hinahampas ng tabo eh, para magising ka sa katotohanan.” Mahaba niyang sabi. Hindi nalang ako sumagot kay Lucifier.
Wala sa vocabulary ko ang sumuko. Kaya hangga’t hindi pa kasal si Mari may chance parin ako. Wala akong pakialam kung pera ang gusto niya. Ang mahalag sa ’kin ay siya ang kasama ko habang buhay.
Kailangan ko lang mag-isip ng paraan kung paano ko siya maagaw. Alam kung may gusto parin siya sa ’kin, hindi naman siya makikipag date sa ’kin two months ago kung wala. Hindi nga lang alam ng fiance niya na nagkikita kami ni Mari.
Akala ko ay ako ang pinipili niya. Ngunit, gumuho ang pag-asa ko ng sabihin niyang friendly date lang daw ’yun at wala ng iba. Putcha!
Tumayo si Lucifier mula sa kinauupuan ng makita niyang pumasok si Atticus at may kasamang babae. Tumango lang ako sa kaibigan ko.
Nakatulala lang ako at nag-iisip ng gagawin. Tumayo ako at agad naglakad palabas ng restaurant.
Ngunit, biglang may tangang bumangga sa balikat ko dahilan para mahulog niya ang dala niyang bag. Umuklo agad ang babae para pulutin ang nahulog niyang bag sa sahig. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ’to ng mahaba niyang buhok.
Tumayo ’to saka tumingin sa ’kin. Bigla siyang natigilan at titig na titig sa ’kin.
“What?” Inis kong tanong sakanya dahil muka ’tong tanga na nakatitig sa ’kin.
“E-Eros..” nauutal niyang sambit sa pangalan ko habang inaayos ang suot niyang eyeglass.
“Sino ka ba?” Kunot nuo kong tanong sa babae.
Ngumiti siya sa ’kin saka isinubit ang sling ng bag niya sa balikat. “Si Stelie ’to. Stelie Uy.” Sabi niya kaya kumunot lalo ang nuo ko at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. Kaya naman pala familiar sa ’kin ang mukha ng babae.
“Si uhugin?” Tanong ko na ikina-irap niya.
“Uhugin ka dyan! Sipain kaya kita!” Sabi niya sa inis na boses.
Napangisi ako habang pinagmamasdan ang mukha niya na namumula. “Uhugin ka naman talaga.” Sabi ko sakanya. “Hindi ko inaasahan na makikita kita.” Dagdag kong sabi.
“Ako din. Ang tagal mong nawala. Akala ko nga ay patay ka na.” Sabi niya habang nakatitig parin sa mukha ko. Mukang hindi siya makapaniwala na nandito ako sa harap niya.
“Ikaw ba talaga si Eros Mendez?” Tanong pa niya sa ’kin.
“Gusto mo ba ipakita ko pa sa’yo birth certificate ko?” Tanong ko sakanya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakatitig parin siya sa ’kin. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Wala paring pinagbago, nakasuot parin siya ng makapal na salamin. Simple parin siya manamit katulad dati. Kababata ko din siya, kaming tatlo ni Marigol dahil magkakatabi lang naman ang bahay namin dati. Pero mas close ako kay Marigold.
“Alam mo na bang patay na mga magulang m—
“I know. Sinabi na sa ’kin ni Marigold.” Pagpuputol ko sa sasabihin niya.
Nanlaki naman ang mga mata niya na parang may nasabi akong ikinagulat niya. “Nagkita na kayo ni Marigold? Kailan pa?” Tanong niya sa ’kin. Kumunot ang nuo niya na para bang may iniisip. “Pero nagkita kami kahapon ni Mari eh, wala naman siyang sinabi na nagkita na kayo.” Dagdag niyang sabi.
Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya saka tinapik ang balikat niya. “Wag mo ng tanungin uhugin. Sige na, mauna na ako sa’yo.” Sabi ko saka nilagpasan siya. Tinatawag pa niya pangalan ko ngunit hindi ko siya nilingon dahil hindi naman siya importante.
Tinungo ko ang nakaparadang kotse ko at binuksan ang pintuan ng driver seat. Pumasok ako sa loob ng sasakyan saka nag-iisip ng gagawin ko para maagaw si Mari. Baliw na kong baliw ang tawag sa ’kin wala akong pakialam. Basta akin lang si Marigold.
A/N: Good evening, Azzinatics! ❤️
Chapter 1
NAKAUPO AKO habang pinagmamasdan ang hawak kong wallet. Nagkita kasi kami ng kababata kong si Eros. Hindi ko inaasahan na magkikita pa kaming ulit, ang akala ko kasi ay patay na siya dahil sa tagal na panahon ko ng hindi nakita.
Tinatawag ko siya nang magkabangaan kami do’n sa harap ng restaurant dahil nahulog niya ang wallet niya. Ngunit, hindi niya ako nilingon kahit saglit man lang.
Pinoproblema ko tuloy kung paano ko ’to isasauli sakanya. Ang taba ng wallet niya, tinignan ko ang laman kanina at halos maisara ko agad dahil ang kakapal ng pera. Hindi ko alam kung anong trabaho niya at bakit ganito ka daming pera ang wallet niya.
Kaya kailangan ko talagang masauli ’to sakanya dahil baka kailangan niya ’to.
Binuksan ko ulit ang wallet ni Eros para maghanap ng id. Ngunit, wala akong mahanap. Isasara ko na sana ng may mapansin akong maliit na papel na naka siksik sa gilid ng wallet. Kinuha ko ’yun saka binuklat. May nakasulat ng phone number pero hindi ko sure kong kay Eros ba ’to dahil wala namang pangalan.
Inayos ko ang suot kong eye glass saka dinampot ang cellphone ko na naka patong sa mesa. Dinial ko ang number saka ko ’to tinawagan. Itinapat ko ang cellphone sa kaliwang teynga ko at hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya.
Nakailang ring pa ako ng may sumagot sa kabilang linya. “Who the hell are you?” Bungad sa kabilang linya. Boses lalaki ’to at halatang naiinis.
“Ahm.. Si Eros ba ’to?” Naitanong ko nalang dahil hindi ako sure kong siya ba tinatawagan ko.
“Malay ko. Ikaw tumawag, tapos tatanungin mo kong si Eros kausap mo.” Sagot niya sa kabilang linya.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sagot niya. “Tinatanong ko lang baka kasi nagkamali ako.” Depensa ko.
“Si Eros ’to. Sino ka ba?” Tanong niya sa inis na boses.
“Si Stelie Uy ’to.” Pagpapakilala ko sakanya.
“Ohh. What do you want?” Tanong niya sa maangas na boses.
“Ahm.. nahulog mo kasi wallet mo n’ong nagkita tayo sa harap ng restaurant. Gusto ko sanang ibalik sa’yo.” Deritso kong sabi sakanya.
“Sayo nalang ’yan. Wala akong oras makipag kita sa’yo.” Sabi niya at bigla nalang nawala sa kabilang linya.
Tinignan ko ang cellphone ko at agad nalukot ang mukha ko ng pinatayan niya ako ng tawag. Bakit ganun si Eros.. ang laki kasi ng pinagbago niya. Hindi naman siya ganun dati n’ong mga bata pa kami. Alam kong hindi kami masyadong close dati pero kaibigan parin naman ang turingan namin tatlo ni Marigold.
Sila kasing dalawa ni Marigol ang laging magkasama dati. Ang bahay kasi nila ay magkatabi lang, ang bahay naman namin ay medyo malayo pa.
Si Marigold talaga ang kaibigan ko. Simula pa ng mga bata kami siya na talaga kalaro ko dahil dumadayo siya sa bahay namin. Naging kaibigan ko lang si Eros n’ong elementary nang ipakilala siya ni Marigold sa ’kin.
Nong una ay nahihiya pa ako kay Eros. Nakikita ko na kasi siya dati pa sa school at talagang masasabi kong cute siya. Madami din sa mga classmate ko ang nagkakagusto sakanya at isa na ako do’n.
Hanggang sa nag 14 years old ako, crush ko parin si Eros. Mas lalo kasi siyang gumagwapo sa paningin ko. Lagi ko pa siyang kasama kahit pa nga si Marigold lang ang pinapansin niya palagi. Kaya kapag tinatanong niya ako ay tuwang-tuwa na ako dahil pinapansin niya ako. Yun nga lang, ang tinatanong lang niya sa ’kin ay kung nasaan si Marigold.
Alam ko naman na mas close sila pero minsan ay nakakaramdam ako ng selos kay Marigold. Gusto ko din kasing maka kwentuhan si Eros na hindi si Marigold ang topic.
Laking gulat nalang namin dati nang malaman naming nawawala si Eros. Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko n’ong araw na ’yun. Wala yata akong ginawa buong gabi kundi ipagdasal na mahanap na siya. Hanggang sa lumipas na lang ang buwan, hanggang sa naging taon ay hindi na nahanap pa si Eros.
Halos umiyak ako ng patago dahil sa sinabi ng magulang ko na baka patay na si Eros. Kaya ang buong akala ko talaga ay wala na siya.
Para tuloy akong tanga n’ong naka banggaan ko siya sa restaurant. Hindi kasi ako makapaniwala na buhay siya. Halos titigan ko ang mukha niya dahil ang tagal ko na siyang hindi nakita.
Ang laki ng pinagbago niya, mas lalo siyang gumwapo, makisig din ang katawan niya at ang tangkad pa niya. Alam kong siya si Eros dahil may nunal siya sa itaas ng labi niya.
Napabuntong hininga ako habang naka titig sa wallet ni Eros. Iniisip ko na baka mayaman na siya at ayaw na niyang kunin ang nahulog niyang wallet.
Halata sa wallet niya na mayaman siya, louis vuitton ba naman kasi ang wallet niya. Sinearch ko nga kanina at baka replica lang ang wallet na ’to pero hindi. Nakakahiya naman sa wallet kong tag 55 pesos lang free shipping pa.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa orocan ko. Itatago ko nalang muna ang wallet ni Eros. Isasauli ko ’to sakanya kahit anong mangyari. Mahirap ako pero ayaw ko naman gumamit ng pera na hindi sa ’kin. Hindi naman ako mukhang pera.
Umupo ako ulit saka tinawagan ang kaibigan kong si Marigold. Malapit narin kasi siyang ikasal at isa ako sa bridesmaid niya.
Nakailang ring ako hanggang sa sumagot ang kaibigan ko. “Hey!” Bungad niya sa ’kin.
“Kamusta?” Tanong ko habang may ngiti sa labi.
“Ito busy. Malapit na ang kasal ko pero si Eros ayaw akong tantanan. Alam mo bang kinukulit niya ko?” Sabi niya sa kabilang linya. Biglang nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ni Marigold. Hanggang ngayon parin pala.. may gusto parin si Eros sakanya kahit ikakasal na siya.
Matagal ko ng alam na may gusto si Eros kay Mari. Halata naman kasi dahil wala siyang bukang bibig kundi si Mari. Kaya nag naiirita ako sa t’wing nasa harap niya ko pero si Mari parin ang hinahanap niya. Ang mas masakit ako pa talaga pagtatanongan niya.
“Ganun ba. Ahm.. alam mo naman, simula nang mga bata tayo, may gusto na si Eros sa’yo ’di ba?” Tanong ko sakanya.
“Oo.” Tipid niyang sagot saka bumuntong hininga. “May pangako kasi kami dati na kaming dalawa ang magpapakasal paglaki namin. Pero mga bata pa kami no’n, wala pang mga isip. Kaya nga binabawi ko na ’yun kaso ayaw niyang makinig.” Sabi niya sa kabilang linya. “Naiinis na ako dahil panay ang sunod niya sa ’kin. Nag away pa kami ni Felix kahapon dahil kay Eros. Pano ba naman kasi, binigyan na naman niya ako ng flowers kahit nasa tabi ko ang fiance ko.” Dagdag niyang sabi. Halata sa boses niya ang frustrasyon sa ginagawa ni Eros.
Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Kinakain na naman kasi ako ng selos kahit wala namang dapat pag selosan.
“Anong ginawa mo?” Tanong ko kay Mari.
“Inaway ko siya at sinabihan ng mga masasamang salita. Nasabi ko pa nga sakanya na sana hindi na siya nakabalik pa. Nakakainis naman kasi, Stelie. Sinisira niya relasyon namin ni Felix kaya hindi ko an napigilan ang galit ko kahapon.” Sabi niya saka bumuntong hininga.
Napabuntong hininga nalang din ako. Hindi ko nalang sasabihin sakanya na nagkita kami ni Eros. Baka kasi tanungin niya ako kung anong pinag-usapan namin ni Eros. Anong sasabihin ko.. sasabihin ko na tinalikuran ako ni Eros at parang walang gana akong kausap. Nakakahiya ’yun.
“Pinagdarasal ko lang talaga na sana wag siyang gumawa ng eksena sa araw ng kasal ko Stelie. Mapapatay ko na talaga siya.” Biglang sabi ni Marigold sa ’kin.
“Hindi naman siguro. Malay mo.. matanggap niya na ikakasal ka na talaga sa boyfriend mo.” Sabi ko nalang sa kaibigan ko.
“Sana nga! Naalala ko pa naman ang sinabi niya na hindi daw siya titigil hangga’t hindi niya ako na aagaw kay Felix.” Sabi niya kaya napakurap-kurap ako.
“Ang swerte mo talaga, Mari.” Nasabi ko nalang. Ang ganda naman kasi ni Mari. Matangkad, sexy, makinis ang balat at talang mapapalingon ang kahit sino kapag dumaan na siya. Ang lakas naman kasi ng confident niya. Magkaibang-magkaiba sa ’kin. Simpleng babae lang kasi ako, hindi pa nasuklay pag nasa loob ng bahay. Simple lang din ako manamit. Payat ako pero walang ka curve-curve ang katawan ko. Kapag naglalakad din ako sa maraming tao ay lagi akong nakayuko dahil mahiyain ako. May suot din akong makapal na salamin kaya mas lalong pang manang ang hitsura ko.
Gumaganda nga lang ako pagkatapos kong maligo eh, pero pag lipas ng isang oras, mukha na naman akong manang na nagtitinda ng isda sa palengke.
Nagpaalam nalang ako kay Mari dahil nawalan na ako ng gana makipag-usap. Sinabi ko nalang na may gagawin ako saka ko pinatay ang tawag.
Naiingit ako kay Mari lahat kasi nasa kanya. Kaya nga ang dami niyang manliligaw. Pero ang alam ko ay pinili ni Mari si Felix dahil mayaman ang lalaking ’to. Mukhang pera kasi mga magulang ni Mari at baka sinusulsulan nila si Mari na ’yun ang piliin.
May trabaho naman si Mari. Sa katunayan ay magkasama kami sa isang companya, pero magkaibang department kami. Nag pa-part time job din siya bilang model dahil pasok na pasok naman talaga siya. Minsan nga ay sinasamahan ko siya pag may photo shoot siya. Kaya nga minsan ay napagkakamalan akong assistant niya dahil sa porma ko.
Nag try naman akong magpaganda dati, kaso talagang ayaw gumanda ng mukha ko. Ewan ko ba! Makinis at maputi din naman ako, siguro wala lamg talaga akong confident sa sarili ko. Hindi katulad ni Mari.
Tumayo ako sa kinuupuan ko saka naglakad papunta sa bintana para sumilip sa labas. Magpapadala kasi ako ng pera sa mga magulang ko na nasa probinsya na ngayon. Kaya ako lang mag-isa dito sa maliit kong apartment. Minsan naman ay lumuluwas sila sa Manila para dalawin ako. Maswerte naman ako sa mga magulang ko dahil kahit ganito ako ay mahal na mahal nila ako.
Lagi nga akong sinasabihan ni mama na ang ganda-ganda ko daw. Syempre, hindi ako maniniwala do’n, mama ko ’yun eh. Pero, natutuwa ako dahil love na love ako ni mama. Siya pa nga ang nagsabi sa ’kin na mag paganda. Sinamahan pa talaga niya ako sa parlor para pagandahin ang sabog-sabog kong buhok.
May negosyo naman kami sa probinsya. Nasa palengke ’yun at sila mama at papa ang nagbabantay. Ayaw nga nila akong magpadala ng pera sakanila dahil hindi naman daw kailangan. Ipunin ko nalang muna daw para sa ’kin. Pero, hindi ko sila pinapakinggan at nagpapadala parin ako kahit hindi gaano kalaking pera.
Hindi man kami mayaman pero masaya na kami sa maliit na bagay na natatanggap namin araw-araw. Pero, pagdating talaga kay Mari ay kinakain ako ng inggit. Lagi kong sinasabi dati na sana ako nalang si Mari, sana yung katawan niya akin nalang. Pero alam ko namang malabong mangyari ’yun kaya tinanggap ko nalang ang pagka flat ng pang-upo ko at dibdib. Diyos ko! Nagmumukha akong tadtaran dahil sa pagka flat ng katawan ko.
A/N: Good Morning! Inuna ko talaga ang ud bago mag kape. Hahaha tara! Kape tayo. ❤️✨
Chapter 2
TAHIMIK AKONG NAGMAMANEHO ng kotse habang humihikab. Galing kasi kaming tatlo ni Salem at Lucifier sa Leyte para bisitahin ang kaibigan naming pabebe sa bebe niya. Kasama namin si Kier pero naunang umuwi samin kagabi.
Ang walangyang dalawang kasama ko ay tinulugan ako sa byahe. Naisip kasi naming mag land transpo lang. Ang usapan namin ay palitan mag maneho, pero ang mga gago tinulogan lang ako. Magigising siguro ’tong mga ’to kapag binangga ko ’tong kotse sa pader.
Tumingin ako kay Salem na nakaupo sa passenger seat habang yakap-yakap ang ninakaw niyang unan mula kay Caleb.
Mabilis kong hinawakan ng mahigpit ang ilong niya para hindi siya makahinga. Nagising ’to at pilit na tinatanggal ang kamay kong hawak ang ilong niya. “Gago! Balak mo bang maging byuda ang asawa kong si Courtney?” Galit niyang tanong sa ’kin.
“Ang sarap mong tuluyan eh. Sabi niyo palitan sa pagmamaneho. Mga fucker kayo!” Inis kong sabi.
Sasagot sana si Salem nang may mabilis na sasakyan na nag counter flow samin. Nakatitig lang ako sa likod ng sasakyan na nasa unahan namin at binasa ang nakasulat. What if may mahal na siyang iba?
Nalukot ang mukha ko ng mabasa ko yun. “Pigilan mo ko, Salem.” Sabi ko sa kaibigan ko sabay lingon sa gawi niya.
Kumunot namang ang nuo ng kaibigan ko habang nakatingin din sa ’kin. “Anong pigilan? Pinagsasabi mo?” Tanong pa niya.
“Nakakirita ang nakasulat sa likod ng sasakyan. Pigilan mo ko.. kundi ibabangga ko ’tong kotse natin para matapos na buhay ko.” Seryoso kong sabi.
“Putangina ka! Ibaba mo muna ako bago ka magpakamatay. Maraming malulungkot kapag namatay ako. Alam mo namang sa gwapo kong mukha humuhugot ng lakas ang mga pasyente ko sa hospital.” Mahangin niyang sabi sa ’kin kaya binatukan ko siya sa ulo.
“Gago! Tanggalin mo nga yang hangin mo sa katawan.” Sabi ko sakanya habang nag focus ulit sa daan.
“Totoo naman sinasabi ko ahh. Sabi nga ng isang pasyente ko, gumaling daw siya sa cancer dahil sa taglay kong kagwapuhan.” Sabi pa niya.
“Ewan ko sayo! Malala ka na!” Sagot ko nalamang saka tumingin sa rear view mirror ng makita ko ang isang demonyo na nagising na. Ang sarap nilang pag untugin.
“Good morning guys!” Bati ni Lucifier samin ni Salem.
“Morningin mo mukha mo.” Sagot ko kay Lucifier.
“Galit satin yan. Tulog lang naman ginawa natin pero may tuyo na sa utak si Eros.” Saad ni Salem kaya masama ko siyang tinignan.
“Sinong hindi maiinis, sabi niyo palitan.. pero nakarating nalang tayo sa Quezon Province hindi niyo parin ako pinapalitan.” Galit kong sabi sa dalawa.
“Itabi mo! Ako na!” Sabi ni Lucifier sabay hawak sa balikat ko. Mabilis kong iginilid ang sasakyan at inihinto ito. Bumaba ako sa driver seat habang si Lucifier naman ay bumaba sa back seat.
Nagpalit kami ng pwesto kaya nakahinga ako ng maluwag. Pumasok ako sa loob ng kotse at agad isinandal ang likod ko sa upuan.
“Balita ko ikakasal na ang babaeng kinababaliwan mo ahh.” Biglang sabi ni Lucifier sa ’kin habang pinapa-usad ang kotse.
“Anong plano mo?” Tanong naman ni Salem sa ’kin.
“Aagawin parin.” Walang buhay kong sagot sakanila.
“Isa kang baliw!” Saad ni Salem habang tinuturo ako.
“Oo nga. Tama na yang kabaliwaan mo. Minsan ang sarap mo ng yakapin sa leeg. Hindi na kasi nakakatuwa mga ginagawa mong animal ka.” Sabi sa ’kin ni Lucifier kaya nalukot ang mukha ko.
“Gusto ko nga si Mari. Siya ang gusto kong makasama wala ng iba.” I answered.
“Tarantado! Siya lang ba mag-isang babae sa mundo? Tanga ka ba o tanga ka talaga?” Sabi sa ’kin ni Lucifier na palipat-lipat ng tingin sa rear view mirror at sa daan.
“Anong gusto niyong gawin ko? Eh, siya nga gusto ng puso ko. Teka, bakit niyo ba ako pinagtutulongan. Porke’t may mga asawa na kayo, ganyan na kayo sa ’kin.” Reklamo ko sakanila.
“Tinutuwid lang namin ang baluktok mong daan. Gago! Malay mo kasi may makilala ka pang mas better kay Mari. Tangina mo naman kasi.. tumingin ka naman kasi sa ibang babae.” Sabi sa ’kin ni Salem.
“Eh bakit ikaw..” I said while pointing at Lucifier. “Hindi ba may boyfriend din si Heart no’n.” I said.
“Boyfriend? Ex-boyfriend ka mo. Tsaka, ibahin mo kami ni Heart. Si Mari ikakasal na talaga. At ipapaalala ko lang ha three days nalang ikakasal na siya kaya sumuko ka na sa buhay. Gago!” Lucifier said in an annoyed voice.
“Ang samin lang naman kasi.. humanap ka ng iba. I don’t want Mari for you, bud. I don’t like her aura when you introduce her to me. Kaya kung ako sa’yo.. makinig ka samin para wala kang pagsisihan sa huli. Plus point pa dahil nang galing sa pinaka gwapo mong kaibigan ang payo.” Mahabang sabi ni Salem na ibinida na naman ang kagwapuhan niya.
Hindi nalang ako sumagot sa dalawa dahil hindi nila ako maintindihan. I just closed my eyes to sleep and dream of Mari marrying me.
Naalimpungatan lang ako ng may tumapik sa pisngi ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang pagmumukha ni Salem. “Nandito na tayo, bud.” Sabi niya kaya tumingin ako sa labas ng bintana. Naka park na ang kotse namin sa harap mismo ng bahay ko.
Lumabas si Salem sa kotse kaya agad akong lumabas na din. Wala na si Lucifier dahil hinahanap na daw siya ng misis niya.
Naglalakad ako papasok ng gate ng makita ko agad ang matanda kong katulong. Paika-ika ’tong naglakad papunta sa ’kin kaya mahina akong natawa. Masakit na naman siguro tuhod nito.
“Kamusta ang byahe mo hijo?” Tanong sa ’kin ni manang habang papalapit siya sa ’kin.
“Ayos lang naman po, manang. Kamusta tuhod mo po?” Tanong ko sakanya dahil halatang nahihirapan siyang maglakad.
“Ay ito.. sinusumpong na naman ng rayuma.” Sagot niya habang nagkakamot sa ulo.
Inalalayan ko si manang habang naglalakad kami papasok ng bahay. “Sabi ko naman po sa’yo manang na wag ka ng magkikilos masyado sa bahay.” Sabi ko sa matandang babae.
“Para saan ba ang sahod mo kong uupo lang naman pala ako.” Sagot niya sa ’kin kaya mahina akong natawa.
“Mag relax ka lang po kasi, manang. Wala naman masyadong lilinisin sa bahay.” Sabi ko habang inaalalayan makaupo siya sa sofa.
Naalala ko tuloy ang pustahan namin ng kaibigan ko kanina. Ipinusta ko pa naman si manang sa mga kaibigan ko, pero hindi nanalo.
Eight months na simula ng kunin kong kasambahay si manang Josie. Naawa kasi ako sakanya dahil iniwan na siya ng mga anak niya sa kalsada. Hindi kasi talaga taga dito sa Manila si manang Josie. Parang dinala lang ng anak niya saka iniligaw dito.
Naiinis nga akong isipin na kaya nilang gawin yun sa sarili nilang magulang. Actually, kaya ko naman silang hanapin. Isang tawag ko lang kay Atticus ay mahahanap niya agad kong saan nakatira ang mga anak ni manang Josie. Ngunit, mas pinili kong hindi nalang ibalik si manang sa mga anak niya. Nakwento kasi sa ’kin ni manang na lagi siyang sinisigawan ng anak niyang lalaki sa t’wing nagkakamali siya.
Matanda na kasi si manang Josie, dapat nga sakanya ay nagpapahinga nalang talaga sa bahay. Pero ang sabi niya sa ’kin ay nagtitinda pa din daw siya ng gulay sa tabi ng kalsada para lang may makain siya. Hindi kasi siya binibigyan ng pera o pagkain man lang ng apat niyang mga anak na may mga sarili ng pamilya.
Pinabayaan na nila ang kanilang ina dahil sa katandaan. Ayaw siguro nilang mabigatan kaya dinala nila dito para iligaw. Mga putangina!
Kaya napagpasyahan ko na dito nalang si manang Josie sa ’kin. Ako nalang mag-aalaga sakanya. Kaso ayaw naman pumayag ni manang na wala siyang gawin dito sa bahay. Kahit hindi ko naman siya inuutusan maglinis ng bahay ay naglilinis parin siya.
Lagi ko din siyang pinapa-check up. Matanda na kasi kaya kailangan todo ingat sa kalusugan. Binilhan ko na din siya ng gamot niya sa tuhod dahil lagi niyang iniinda ’to. Hindi man lang siya magawang ipacheck-up ng mga anak niya. Naiinis talaga akong isipin na may mga ganitong uri pala talaga ng mga anak sa mundong ’to.
“Nakapagluto na ako ng hapunan. Nagugutom ka na ba?” Tanong sa ’kin ni manang Josie.
“Opo. Pero ako na maghahanda ng pagkain. Upo ka lang dyan at mag relax na parang reyna.” Nakangiti kong sabi kay manang kaya tumawa siya.
“Ikaw talagang bata ka!” Sabi niya habang umiiling sa harapan ko.
“Ako na, manang. Upo ka lang po muna dyan.” Sabi ko sakanya saka ako tumalikod.
Pumunta ako ng kusina at agad tinignan ang niluto ni manang.
Naglagay narin ako ng dalawang plato, kutsara, tinidor at baso sa mesa. Nagsandok na ako ng kanin pati narin ang ulam.
Naglakad ako pabalik ng sala para puntahan si manang.
Nang makalapit ako sakanya ay agad ko siyang inalalayan makatayo sa upuan. “Kain na tayo, manang. Mukhang masarap po ang niluto mong sinigang.” Nakangiti kong sabi.
“Aba’y syempre, specialty ko ang lutong ulam na yan.” Sagot niya sa ’kin.
Nakarating kami sa kusina kaya agad ko siyang pinaupo sa upuan. Umupo narin ako saka nagsimulang maglagay ng kanin at ulam sa plato ko.
Kumain kaming dalawa ni manang Josie at kong ano-anong pinagkwe-kwentuhan namin.
“Sabi mo dito titira ang girlfriend mo? Nasaan na siya? Panay pa naman ako linis dahil akala ko iuuwi mo na siya dito.” Biglang sabi ni manang Josie sa ’kin.
“Soon po. Dito na titira sa bahay ko si Mari. Malapit na.” Sagot ko sabay subo ng pagkain.
“Mabait din siguro ang batang yun dahil mabait ka.” Sabi sa ’kin ni manang.
“Hindi lang po mabait, manang. Maganda pa.” Nakangiti kong sagot.
“Aba’y maswerte ka kong ganun pala, hijo.” Natatawang sabi ni manang sa ’kin.
Excited na talaga akong iuwi dito si Mari sa bahay ko. Gusto kong sabihin sakanya na mas mayaman pa ako sa pinagmamalaki niyang fiance. Hanggang ngayon kasi ay tumatanggap parin ako ng trabaho lalo na sa Siege organization. Masyadong malaki magbigay ng pera si boss Lucian. Bawat isang mission ay 50 million ang pumapasok sa bank account ko. May iba’t-iba akong negosyo at isa na do’n ang malaking resort na nasa Maldives. Pangarap ko talaga ang lugar na yun at ang resort naman ay pangarap ng nanay ko.
Lagi niyang sinasabi sa ’kin dati na pangarap daw niyang magkaroon ng magandang resort. Hindi ko naibigay kay mama ’yun dahil sa nadukot ako at hindi na kami nagkita pang muli. Kaya nga kinupkop ko si manang Josie dahil nangungulila ako sa nanay ko.
Kaya tinupad ko ang gusto ng nanay ko. Sa Maldives ko napili dahil yun ang gustong-gusto kong puntahan na lugar. Naalala ko pa n’ong una kong tapak sa Maldives dahil may mission ako do’n. Halos mamangha ako sa ganda ng mga resort do’n. Nagpaalam pa talaga ako kay Ruwi no’n para masubukang mag stay sa mamahaling hotel ng Maldives.
Sinuportahan naman ni Ruwi ang trip ko sa buhay at siya pa talaga ang nagbayad sa one night stay ko do’n sa hotel.
Isa din sa negosyo ko ay may kinalaman sa mga aircraft, mga gamit na para sa mga airplanes at kung ano-ano pa. Palaboy-laboy lang talaga ako sa kalsada dahil mas gusto ko padin ang mission. Nasanay na talaga ako sa ginagawa namin dati.
Maging sila Lucifier at Salem ay gumagawa pa din naman kapag pinatawag kami ni boss Lucian. Mas gusto ko yun dahil nag e-enjoy ako sa trabahong nakasanayan na namin.
Protektado naman kami ng Siege lalo na ni Ruwi. Kaya kampante akong gawin ang mga mission.
A/N: Good Morning, Azzinatics! ✨
Chapter 3
PAUWI NA AKO galing sa opisina nang maisipan kong dumaan muna sa karinderya para bumili ng ulam. Tinatamad na akong magluto dahil ang dami kong ginawa kanina. Isama pa yung mga ka trabaho ko na akala mo’y taga pagmana ng companya na walang ginawa kundi utusan ako.
Lagi nilang ginagawa yun sa ’kin. Kahit ayaw kong sundin at humindi sa utos nila ay wala akong magagawa. Ewan ko ba! Hindi ko magawang humindi kapag may humingi ng tulong sa ’kin. Kahit pa nga lagi na nila akong inuutusan. Minsan mas marami pa ang trabaho ko sa kakalabas ng opisina dahil panay utos sa ’kin na bilhan ko sila ng kape o kahit ano pa man.
Nahihiya akong humindi dahil ayaw kong mapahiya ang taong nag-uutos sa ’kin.
Pumasok agad ako sa karinderya at pumili ng ulam. Bumili narin ako ng kanin para deritso kain nalang ako paguwi.
Habang hinihintay kong iabot sa ’kin ng tindera ang binili ko ay tumingin muna ako sa labas. Inayos ko ang suot kong eye glass para masigurong tama ang nakikita ko sa kabilang kalsada.
Si Eros yun at may kausap sa cellphone niya. Nakaharap ’to sa karinderya kaya kitang-kita ko siyang may kausap sa phone.
Mabilis kong inabot sa tindera ang supot ng ulam na binili ko saka ako naglakad palabas ng karinderya.
Tumingin muna ako sa magkabilaang kalsada at baka may sasakyan. Nang makita kong wala ay agad akong tumawid para lumapit kay Eros.
“Eros..” sambit ko sa pangalan niya kaya tumingin siya sa ’kin. Nakalimutan ko yatang huminga dahil sa uri ng titig niya sa ’kin. Nawawala talaga ako sa hwesyo kapag tinitigan ako ni Eros. Ganito talaga ako simula ng mga bata pa kami, hindi nagbago ang epekto niya sa ’kin.
“Ikaw na naman.” Walang buhay niyang sabi sa ’kin.
Ngumiti ako sakanya saka inayos ang suot kong eye glass. “Ibabalik ko kasi ang wallet mo.” Sabi ko saka mabilis na tinignan ang shoulder bag ko para hanapin ang wallet niya. Lagi ko kasing dala ’to at nagbabakasakali na magkita kami bigla. Gusto ko talagang ibalik ang wallet niya.
“Ito oh! Ibabalik ko na.” Sabi ko saka inabot sakanya ang wallet.
Tinanggap naman niya kaya napangiti ako. “Ang kulit mo. Sinabi ng sa’yo na ’to eh.” Sabi niya kaya agad akong umiling.
“Ayaw ko! Tsaka, aanhin ko yan. May pera naman ako eh.” Sagot ko saka suminghot sa harap niya.
Hindi naman siya sumagot sa ’kin, bagkos ay nakatitig lang ’to hanggang sa bumaba ang tingin niya sa braso ko.
“Bakit may paso ka?” Kunot nuo niyang tanong sa ’kin.
Bumaba ang tingin ko sa braso ko at nakitang may paso nga ako. Namumula pa nga. Hindi ko maalala kong napaso ba ako kanina. Siguro ’to yung kanina no’ng nagalit sa ’kin ang ka officemate ko dahil mali daw ang nabili kong kape na para sakanya.
“Ahh.. wala ’to.” Sagot ko nalamang sa tanong niya.
“Bumilbili ka lang ng ulam mo?” Tanong niya sa ’kin habang nakatitig sa hawak kong plastic na may lamang ulam at kanin.
“Oo. Pagod na kasi ako kung magluluto pa ako pag-uwi sa bahay.” Sagot ko.
“Okay.” Tipid niyang sagot at ibinalik ang tingin sa hawak niyang cellphone.
Magsasalita na sana ako nang biglang may sumulpot mula sa likuran ko. Maging si Eros ay nagulat din nang biglang sumulpot si Mari.
“Bakit magkasama kayo?” Tanong ni Mari samin ni Eros. Palipat-lipat ang tingin niya sa ’kin at kay Eros.
Sasagot na sana ako ng bigla akong hinila ni Eros palapit sakanya saka inakbayan sa balikat. Nagulat ako sa ginawa niya kaya tumingin ako sa kamay niya na nasa balikat ko.
Dahan-dahan akong tumingin kay Mari na halatang may pagtataka sa mukha habang nakatitig samin ni Eros. “Let’s go, Stelie. Diba sabi mo kanina nagugutom ka na.” Biglang sabi ni Eros habang nakatitingin sa ’kin.
Nakatulala lang ako habang nakatitig sa mukha ni Eros. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun.
Sasagot na sana ako ng mabilis niya akong iginiya papunta sa naka park na kotse sa gilid ng kalsada. Wala na akong nagawa dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Eros sa balikat ko.
“Wait!” Biglang pigil ni Mari samin kaya napatigil kami sa paghakbang.
“I’m hungry din kasi. Pwede ba akong makisabay kumain?” Tanong ni Mari kaya pilit akong lumingon sa kaibigan ko.
“Oo naman. Halika na!” Nakangiti kong sabi. Bigla kong naisip kong totoo ba talaga na kakain kami ni Eros. Bakit kasi sinabi niya yun kanina. Alam naman niyang bumili na ako ng pagkain ko.
Pinagbuksan ako ni Eros ng pintuan ng kotse saka niya inalis ang pagkaka akbay niya sa ’kin. Pumasok ako sa loob saka niya isinara ang pinto ng kotse.
Nakatingin lang ako kay Eros at Mari na magkatitigan sa isa’t-isa. Pinagbuksan ni Eros ng pintuan si Mari sa back seat at inalalayan niya ’tong makapasok sa loob ng kotse. Nawala ang ngiti ko dahil hindi naman ako inalalayan kanina ni Eros no’ng pumasok ako sa loob ng sasakyan.
“Bakit kayo magkasama ni Eros?” Biglang tanong ni Mari nang maisara ni Eros ang pinto ng back seat.
“Nagkataon lang.” Tipid kong sagot sakanya.
“Ahh. Akala ko may relasyon kayo. Pero alam ko malabong mangyari yun.” Makahulugan na sabi ni Mari sa ’kin.
“Bakit naman?” Lakas loob kong tanong sakanya.
“Tumingin ka sa salamin. Makukuha mo do’n ang sagot ko.” Sabi niya saka sumandal sa likod ng upuan.
Hindi nalang ako sumagot nang marinig kong bumukas ang pintuan ng driver seat at pumasok do’n si Eros.
Binuhay niya ang makina ng kotse saka niya pina-usad ’to. Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat habang si Mari ay todo daldal kay Eros.
Hindi ko sila masabayan dahil puro memory lang nila nong mga bata sila ang topic nila. Para tuloy akong tuod dito sa upuan.
Minsan ay kinakausap ako ni Eros kaya tumatango ako. Kapag kami na ni Eros ang nag-uusap biglang iibahin ni Mari ang topic na sila lang dalawa ang nakaka alam.
Nakarating kami sa isang restaurant kaya agad kong tinanggal ang seatbelt na nasa katawan ko.
Naunang bumaba si Eros sa kotse at umikot ’to papuntang passenger seat. Ang akala ko ay pagbubuksan niya si Mari pero hindi. Binuksan ni Eros ang pintuan ng passenger seat kaya napangiti ako.
Bumaba ako ng kotse saka isinara ni Eros ang pinto. Akala ko ay pagbubuksan ni Eros si Mari ngunit hindi talaga niya ginawa. Hindi pa din lumalabas si Mari sa loob ng kotse, siguro ay hinihintay niyang pagbuksan siya ni Eros.
“Anong gusto mong kainin?” Biglang tanong sa ’kin ni Eros.
Hindi ako nakasagot agad ng bumukas ang pintuan ng back seat at lumabas do’n ang nakabusangot na mukha ni Mari.
“Ahm.. may pagkain na ako eh.” Sagot ko saka pinakita ang dala kong plastic.
Kumunot naman ang nuo ni Eros saka inagaw sa ’kin ang hawak kong supot. “Akin nalang ’to. Ako nalang kakain nito. Pumili ka ng pagkaing gusto mo. Ako ang magbabayad.” Sabi niya sa ’kin kaya napakurap-kurap akosa harapan niya. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakadinig ko sa sinabi niya.
Hinila ako ni Eros papasok sa entrance ng restaurant. Si Mari naman ay walang imik na nakasunod sa likod namin.
May lumapit samin na waiter at inassist kami sa isang bakanteng table.
Humugot ng upuan si Eros saka tumingin sa ’kin at sumenyas na umupo. Uupo na sana ako ng biglang umupo si Mari do’n.
“Tabi tayo, Eros.” Sabi pa ni Mari na may ngiti sa labi.
Umupo nalang din si Eros sa katabing upuan ni Mari. Ako naman ay umupo nalang din sa katapat na upuan nilang dalawa. Tatlo lang kasi ang upuan dahil medyo puno ang restaurant na ’to. Madaming kumakain. Siguro ay masarap ang nila pagkain dito.
Inabot ng waiter ang menu samin kaya agad akong pumili ng gusto ko. Tumingin ako kay Mari na parang may tinuturo kay Eros sa menu. Tumatango naman si Eros habang nakikinig sa sinasabi ni Mari.
“Ikaw, Stelie.. anong gusto mo?” Tanong sa ’kin ni Eros.
“Ayos na sa ’kin ang chicken teriyaki.” Sagot ko kay Eros saka isinara ang menu at inilapag yun sa gilid ng table.
Kumunot naman ang nuo niya na para bang may mali sa sinabi ko. “Yun lang kakainin mo?” Tanong niya kaya tumango ako. Ayaw ko kasing abusuhin siya. May hiya naman ako, lalo na’t libre niya. Sapat na sa ’kin ang isang pagkain. Hindi kasi ako sanay na may nanlilibre sa ’kin ng pagkain.
Hindi nalang nagsalita si Eros at tinawag ang waiter. Tahimik lang akong nakaupo habang nakikinig kay Eros na sinasabi ang mga order namin. Nagulat ako dahil ang dami niyang inorder.
Hindi nagtagal ay dumating ang mga inorder ni Eros. Doon ko lang napagtanto na marami palang inorder si Mari.
Tahimik akong kumakain habang si Mari ay daldal ng daldal kay Eros. Gusto kong bilisan ang pagkain ko para makauwi na ako. Out of place ako dito dahil laging topic ni Mari ang yung sila lang ang nakakaalam ni Eros.
Naubos ko na ang pagkain ko kaya tumingin sa ’kin si Eros. Bigla niyang nilagyan ng pagkain ang plato ko kaya nagulat ako. “Kumain ka pa, Stelie.” Sabi niya.
Natigilan ako at maging si Mari ay natigilan din. Napangiti ako sa ginawa ni Eros saka nagsimulang kainin ang inilagay niya sa plato ko. Tumingin ako kay Mari na nahuli kong inirapan ako. Hindi ko nalang pinansin dahil ganun talaga siya sa ’kin. Minsan ay iniirapan talaga niya ako.
Nang maubos namin ang pagkain ay agad binayaran ni Eros ang kinain namin. Titig na titig naman si Mari sa wallet ni Eros nang kumuha ’to ng libo-libong pera sa wallet niya.
Inilapag lang ni Eros ang bayad sa table saka kami tumayo. Nauna na akong naglakad sakanila habang panay parin ang daldal ni Mari kay Eros. Naririnig ko pang tinatanong ni Mari kong anong trabaho ni Eros.
Nakalabas kami ng restaurant at agad kaming lumapit sa kotse ni Eros. Binuksan ni Eros ang pintuan ng passenger seat saka tumingin sa ’kin. Papasok na sana ako nang bigla akong inunahan ni Mari.
“Sa back seat nalang ako, Eros.” Sabi ko habang nakangiti kay Eros. Isinara naman niya ang pinto saka tumingin sa ’kin. “Saan ka nakatira para maihatid kita.” Sabi niya sa ’kin.
“Sa Amparo apartment ako nakatira. Sa Makati.” Sagot ko sakanya.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng back seat nang biglang hawakan ni Eros ang siko ko. “Sandali lang.” Sabi niya kaya lumingon ako sakanya.
“Ano yun?” Kunot nuo kong tanong sakanya.
“Pwede mo ba akong tulungan?” Tanong niya sa ’kin.
“A-Anong tulong?” Nauutal kong tanong kay Eros.
Hindi naman siya sumagot agad at hinila ako palayo kunti sa sasakyan.
“A-Ano ba yun?” Tanong ko kay Eros.
“Kanina, nahahalata kong naiinis si Mari sa t’wing nag-uusap tayo.” Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.
“And?” Tanong ko.
“Pwede mo ba akong tulungan maging akin si Mari.” Seryoso niyang sabi kaya natulos ako.
“A-Ano?” Nauutal kong tanong. Si Mari parin talaga. Si Mari parin ang gusto niya.
“I need your help. Kaibigan mo naman ako ’di ba? Madali lang naman ang gagawin natin. Umasta ka lang na may relasyon tayo para mas lalong magselos si Mari at umamin siya sa ’kin. I’ll pay you, Stelie. Magkunwari ka lang na may relasyon tayo.” Mahabang sabi niya kaya napakurap-kurap ako sa harap niya.
Gusto kong umayaw, kaso hindi ko talaga magawa. Ito talaga ang sakit ko eh, hindi ako maka hindi sa t’wing may humihingi ng tulong sa ’kin. Ayaw ko kasing malungkot ang taong humihingi ng tulong sa ’kin. Kaya kahit alam kong sinasadya na nilang humingi ng tulong or utusan ako ay hindi ako nagrereklamo.
Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa mukha ni Eros. Halatang pursigedo siyang hingiin ang tulong ko. Ako pa talaga hiningian ng tulong niya eh, wala namang kaselos-selos sa ’kin. Baka pagtawanan lang ako ni Mari at kutya-in.
A/N: Tulad ng post ko sa epbi, mag u-ud ako sa tatlong ongoing kong story dahil monthsary ng grupo! Mamaya ko gagawin kay Reagan. ❤️✨
Chapter 4
TAPOS NA ang work ko pero hindi parin ako lumalabas ng office. Nakatulala pa kasi ako habang iniisip ang pinag-usapan namin ni Eros kahapon.
Una niyang hinatid si Mari kagabi sa condo nito. Halata pa sa mukha ni Mari na naiinis siya dahil siya ang unang hinatid ni Eros.
Hindi na nga niya ako pinansin kagabi nang makababa siya sa kotse ni Eros.
Hinatid ako ni Eros sa apartment ko at nakipag-usap sa ’kin. Ayaw ko sanang pumayag ngunit likas talag sa ’kin ang hindi makahindi sa isang tao.
Pumayag ako na tulungan siya sa binabalak niya kay Mari. Sinabi niya sa ’kin kahapon na titigil lang kami sa pag papanggap kapag naagaw na daw niya si Mari.
Sinabi ko pa sakanya na ikakasal na si Mari kaso nagalit siya sa ’kin kagabi kaya tumahimik nalang ako.
Bumuntong hininga ako dahil hindi ko alam kong anong gagawin ko. Naiinis talaga ako sa sarili ko.
Natigilan ako sa pag-iisip ng may tumapik sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ang ka isang officemate ko. Hindi pa pala umuuwi si Ma’am Castro.
Tumayo ako sa kinauupuan ko saka nag bow sa harap niya. “Good evening po, Ma’am Castro.” Magalang kong bati sakanya. Lahat naman ay ginagalang ko, kahit pa nga hindi nila ako ginagalang.
“Hindi ka pa uuwi?” Tanong niya sa ’kin.
Agad akong nag-angat ng tingin saka ngumiti. “Uuwi na po, Ma’am Castro.” Sagot ko.
“Ganun ba! Before you go home, can you please clean my office desk. Para naman malinis pagdating ko bukas. Please…” Sabi niya sa ’kin.
“Po?” Tanong ko dahil hindi ko naman trabaho yun.
“Narinig mo naman ang sinabi ko ’di ba? Clean my office desk before you go home.” Ulit niyang sabi.
Hindi ako nagsalita at iniisip na humindi sa utos niya.
“Please…Stelie. Alam ko namang mabait ka eh. Kaya alam kong hindi ka hihindi sa utos ko.” Sabi niya sa ’kin.
Tumikhim ako habang naka kuyom ang kamao ko habang iniisip ang idadahilan ko. “Ahm.. pasensya na po Ma’am Castro. Pero, kailangan ko pa po kasing dumaan sa grocery. Sige po!” Sabi ko sabay kuha ng shoulder bag ko na naka patong sa table.
Nilagpasan ko si Ma’am Castro at mabilis akong naglakad patungo sa pinto. Ngunit tumigil ako sa paghakbang saka ipinikit ang mga mata ko dahil nakita ko sa mukha ni Ma’am Castro ang pagkapahiya sa sagot ko.
Hindi ko talaga kayang makakita nang ganun.
Huminga ako ng malalim saka lumingon kay Ma’am Castro na nakatalikod sa gawi ko.
“Lilinisan ko na po, Ma’am Castro.” Sabi ko kaya humarap siya sa ’kin kaya kitang-kita ko ang kanyang tuwa.
“Talaga?” Tanong niya at naglakad palapit sa ’kin.
“Opo. Hindi pa naman magsasara ang grocery eh.” Nakangiti kong sabi.
“Oh, ang bait mo talaga.” Puri niya sa ’kin.
Hindi nalang ako sumagot at agad akong lumapit sa office table niya at inayos yun.
“Patapon na din ako sa basura na nasa ilalim ng table ko ha! Thank you Stelie!” Sabi sa ’kin ni Ma’am Castro.
“Sige po, Ma’am.” Sagot ko sakanya habang pinupunasan ng wipes ang office table niya.
“Mauna na ako umuwi sa’yo, Stelie. Ingat ka pag-uwi mo ha!” Pagpapaalam niya sa ’kin kaya lumingon ako sa gawi niya. Nakita ko siyang lumapit sa pinto saka ito binuksan at tuluyang lumabas ng opisina.
Napabuntong hininga nalang ako. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa table saka ko kinuha ang sinabi niyang basura sa ilalim ng desk niya.
Nang matapos ako ay lumabas ako ng office dala-dala ang basura na pinapatapon ni Ma’am Castro.
May nakita akong trash bin at agad ko itong itinapon do’n. Naglakad ulit ako at tinungo ang elevator para makauwi na.
May mga nakasabayan pa akong ibang empleyado pero sa ibang department sila. Tahimik lang ako sa loob ng elevator hanggang sa tuluyang bumukas ang pintuan nito.
Pinauna ko munang pinalabas ang mga kasabay ko na nasa unahan saka ako lumabas. Naglakakad ako papunta sa exit door nang makasalubong ko ang isang guard na may dalang payong.
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil mukhang umuulan sa labas. Wala pa naman akong dalang payong.
Lumabas ako ng companya at mas lalong napabuntong hininga ng makita kong ang lakas ng ulan.
“May pa tulala-tulala pa kasi akong ginawa kanina, nautusan pa tuloy akong maglinis. Tapos ang lakas pa ng ulan. Kasalan ko ’to eh.” Bulong kong sabi sa sarili ko.
Gumilid na muna ako para magpatila ng ulan. Meron din naman akong mga kasamang empleyado na naka tambay din sa gilid at hinihintay na humina ang ulan.
Naktingin ako sa kapwa kong empleyado na masayang nagtatawanan at nag kwe-kwentuhan kasama ang mga friends nila.
Ako kasi..wala akong friends. Wala akong matatawag na circle of friends. Nakiki belong lang kasi ako, minsan hindi pa pinapansin.
Si Mari lang talaga ang naging friends ko nong mga bata pa kami. Pero mas marami siyang friends kaysa sa ’kin. Mahiyain kasi ako at tahimik.
Kaya minsan, nagseselos ako kapag may nakita akong kasama si Mari na ibang friends. Hindi kasi niya ako pinapansin na akala mo’y hangin sa paningin niya. Tinuturing ko kasi siyang kaibigan at hinahangaan sa ganda niya.
Tumingin ako sa madilim na kalangitan at iniisip kong magpapa-ulan nalang ba ako. Kailangan ko pa kasing maglakad para makarating sa sasakayan ng jeep.
Nakapag desisyon ako na mag paulan nalang para makauwi ako. Akmang hahakbang na sana ako ng makita ko si Mari na lumabas ng company. May kasama itong dalawang babae habang nagtatawanan.
Lumingon sa ’kin si Mari kaya ngumiti ako sakanya. Ngunit, hindi siya ngumiti pabalik sa ’kin at ibinalik ang tingin sa dalawang kasama niya.
Akala ko ay nag papaalam siya sa mga friends niya ata lalapitan ako pero nagkamali ako. Naglakad si Mari kasama ang mga kaibigan niya sa ibang way saka binuklat ang dala nilang mga payong.
Nakatitig lang ako sa papalayong likod nila Mari saka bumuntong hininga. Galit siguro siya sa ’kin dahil kagabi.
Tumingin ulit ako sa kalangitan sak hinanda ang shoulder bag ko at ipinatong sa ulo ko. Inayos ko pa ang suot kong eye glass saka ako nagsimulang humakbang.
Naramdaman ko ang patak ng ulan sa katawan ko. Ngunit, bigla yung nawala kaya nagtaka ako.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at halos tumigil ang paghinga ko ng makita ko si Eros. May hawak siyang malaking payong at pinapayongan ako.
“Eros..” sambit ko sa mahinang boses.
“Bakit ka nagpapaulan? Wala ka bang dalang payong?” Tanong niya habang seryoso itong nakatitig sa ’kin.
“Eh k-kasi.. nakalimutan kong magdala ng payong.” Nauutal kong sagot sakanya.
Hindi siya nagsalita saka bumuntong hininga sa harap ko. “Nakita ko si Marigold kanina.” Sabi niya kaya yumuko ako.
“Malaki naman ay payong niya.. kaya bakit hindi ka niya tinawag para sabay kayong umuwi.” Sabi niya sa ’kin kaya nag-angat ako ng tingin.
“Anong ibig mong sabihin?” Kunot nuo kong tanong sakanya.
“Kaibigan ka niya ’di ba?” Balik tanong niya sa ’kin.
Tumango naman ako dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Bumuntong hininga siya sa harap ko saka pinisil ang bridge ng ilong niya. “Halika na nga! Ihahatid nalang kita sa apartment mo.” Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
Bigla kong naramdaman na parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ako.
Tumikhim ako para mawala ang nararamdaman kong yun. “Wag na! Kaya ko namang umuwi.” Sabi ko.
Nakatitig lang siya sa ’kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. “Ayon lang naman ang sakayan ng jeep.” Sabi ko pa saka tinuro sakanya kong saan ang sakayan.
“Ayaw mong ihatid kita?” Kunot nuo niyang tanong sa ’kin.
Ngumiti ako ng pilit saka ako nagsalita. “Ayaw ko kasing makaistorbo sa’yo.” Sagot ko.
“Nga pala, anong plano mo? Isang araw nalang.. ikakasal na si Mari. Anong plano mo?” Tanong ko sakanya.
“May naisip na ako. Kailangan ko ang tulong mo no’n kaya ihanda mo na ang sarili mo.” Sabi niya sa ’kin.
Tumango naman agad ako. “Ano ba yun para mapaghandaan ko?” Tanong ko sakanya.
“Natutuwa ako kagabi dahil nag message sa ‘kin si Mari. Tinatanong niya kung bakit siya ang una kong hinatid kaysa sa’yo.’’ Sabi sa ’kin ni Eros. Hindi ako umimik, kaya siguro hindi ako pinansin ni Mari kanina. Siguro ay galit siya sa ’kin.
“Mukhang effective ang pagpapa selos natin sakanya.” Dagdag na sabi ni Eros.
“Mabuti naman kong ganun.” Sagot ko saka ngumiti.
“Yeah. Actually, niyaya niya akong lumabas mamayang 10PM.” Sabi niya.
“Magkikita kayo?” Tanong ko.
“Yes. Kaya kita pinuntahan dito dahil isasama kita mamayang gabi para pagselosin siya.” Sabi niya saka ngumisi sa harap ko.
“Ahm..pwede bang pass muna ako. Ayaw ko kasing lumabas na ng bahay mamaya.” Sabi ko saka ngumiwi.
“Bakit naman? Nag promise ka sa ’kin na tutulungan mo ko ’di ba? Kaya kailangan sumama ka.” Sabi niya habang naka kunot ang nuo.
Napabuntong hininga ako saka inayos ang suot kong eye glass. “Oo na.” Tipid kong sagot sakanya kaya napa ngiti siya.
“Tara! Hatid na kita sa apartment mo para makapag palit ka ng damit mo.” Sabi niya sa ’kin. Hindi ako naka sagot dahil bigla nalang niya akong hinila. Nagpatianod lang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa harap ng kotse niya.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng passenger seat kaya agad akong pumasok sa loob.
Nakasunod lang ang tingin ko kay Eros na umikot papuntang driver seat. Binuksan niya ang pintuan ng driver seat saka siya pumasok.
“Ito oh.. inumin mo at baka sipunin ka.” Bigla niyang sabi sabay abot sa ’kin ng bottled water.
Tinanggap ko naman yun. “Thank you!” Sabi ko saka yumukod para magpasalamat sakanya.
Hindi siya sumagot sa ’kin at binuhay lang ang makina ng kotse saka pina-usad ito.
“Nagugutom ka na ba?” Biglang tanong niya sa ’kin.
Umiling ako bago ako nagsalita. “Hindi pa naman.”
“Ibang department ba si Mari? Hindi kayo magkasama sa isang office?” Tanong niya. Heto na naman kami..si Marigold na naman ang magiging topic naming dalawa.
“Oo.” Tipid kong sagot.
“Saan department ka?” Tanong niya ulit sa ’kin.
“Sa finance ako.” Sagot ko sakanya.
“Nga pala, anong trabaho mo?” Tanong ko kay Eros dahilan para lumingon siya sa gawi ko.
“Bakit?” Tanong niya sa seryosong boses.
“Wala lang. Natanong ko lang. Ang dami kasing pera sa wallet mo. Tsaka, ayaw mong isauli ko sa’yo ang wallet mo na madaming lamang pera. Kaya nagtataka ako kung anong trabaho mo.” Sagot ko sakanya.
“I have my own business, Stelie.” Sagot niya habang nakatuon ang kanyang tingin sa daan.
“Ahh ganun ba. Pasensya na kung naitanong ko.” Sabi ko sakanya habang tumawa ng mahina.
Lumingon siya sa ’kin na para bang may mali sa hitsura ako. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sakanya.
“Hanggang ngayon ay naka suot ka parin ng makapal na salamin.” Sabi niya kaya napa-ayos ako sa eye glass ko.
“Alam mo namang medyo malabo ang paningin ko. Kaya hindi na talaga mawawala ang eye glass ko na ’to.” Sagot ko saka ngumiti.
Hindi naman na siya nagsalita kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
Ang lakas parin ng ulan at pati ang dinadaanan naming kalsada ay baha narin.
Nakarating naman kami sa harap ng apartment ko. Medyo natagalan pa kami dahil nga baha ang ibang kalsada.
Bumaba ako ng kotse ni Eros, bumaba din siya saka lumapit sa ’kin.
Nakangiti akong humarap sakanya saka yumukod para magpasalamat. “Salamat sa paghatid, Eros. Message mo nalang ako mamaya kung saan tayo magkikita.” Sabi ko sakanya. Ayaw ko naman kasing magpasundo pa sakanya dito.
“Susunduin kita dito mamaya. Baka mahirapan ka pang sumakay. Don’t worry..ihahatid din kita pauwi.” Sabi niya sa ’kin kaya tumango ako.
“Sige! Pasok na muna ako.” Pagpapaalam ko saka yumukod sa harap niya bago ako naglakad papasok sa apartment.
Dahan-dahan akong humakbang sa hagdan habang iniisip kong magpapaganda pa ba ako. Kahit anong paganda ko, wala din namang epek. Hindi ko nga alam kong anong susuotin ko mamaya. Panay tshirt, pantalon at paldang below the knee lang ang meron ako. Bahala na talaga to mamaya.
A/N: Happy 20k followers sa’kin dito sa wattpad. Thank you po sa mga nag follow. ♥️✨
Chapter 5
NAKATITIG lang ako sa salamin habang pinagmamasdan ang ayos ko. Hinihintay ko nalang na sunduin ako ni Eros dito sa apartment.
Simple lang ang ayos ko. Nagsuot lang ako ng skirt na lagpas tuhod ko at simpleng blouse. Hinayaan ko lang din ang mahaba kong buhok na nakalugay.
Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin at agad napabuntong hininga. Hindi ako marunong maglagay ng make up. Wala man lang ka kulay-kulay ang mukha ko. Ang putla pa.
Hinila ko ang upuan saka ako umupo sa harap ng salamin. Kinuha ko ang lagayan ng mga pinamili kong nga lispstick at make up na hindi ko naman ginagamit.
Binuksan ko ang bag at kinuha mula do’n ang lipstick. Tumingin ako sa salamin saka ko nilagyan ang labi ko ng pulang lispstick. Napagdesisyonan ko na din na lagyan ng blush on ang pisngi ko kahit pa nga hindi ako marunong.
Nang matapos ako ay pinagmasdan ko lang ang hitsura ko sa salamin. Napangiti ako dahil medyo nagbago ang mukha ko sa ginawa ko. Medyo gumanda ng kunti, hindi katulad kanina na wala man lang ka buhay-buhay ang mukha ko.
Natigil lang ako sa pagtitig sa salamin nang biglang tumunog ang cellphone ko na naka patong sa kama. Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at agad lumapit sa kama saka dinampot ang phone ko.
Nakita ko ang pangalan ni Eros sa screen ng cellphone ko kaya agad ko ’tong sinagot. “Hello!” Bungad ko sa kabilang linya.
“I’m here outside.” Sagot niya sa baritonong boses. Sasagot pa sana ako ng mabilis niya akong pinatayan ng tawag. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa ginawa ni Eros.
Kinuha ko ang sling bag na nakapatong sa kama at ipinasok sa loob ang phone ko. Tumingin ulit ako sa salamin bago ako tuluyang naglakad papunta sa pinto at binuksan ’to at lumabas. Hindi sinabi sa ’kin ni Eros kung saang outside siya dahil pinatayan niya ako. Itatanong ko pa naman sana sakanya, mamaya kasi hindi pala sa harap ng apartment ko siya naghihintay.
Lumabas ako ng apartment at agad napangiti ng makita ko ang kotse ni Eros. Dali-dali akong lumapit sa passenger seat para sana buksan ’to. Ngunit, hindi ko naituloy nang biglang bumaba ang bintana ng kotse at nakita ko si Mari.
Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses habang nakatitig sa mukha ng kaibigan ko. Ang ganda-ganda ng hitsura niya habang ang buhok niya ay naka pusod. Ibinaling ko ang tingin sa pwesto ng driver seat at nakitang wala si Eros do’n.
Napa-atras ako ng biglang buksan ni Mari ang pintuan ng kotse at agad ’tong bumaba. Napatingin ako sa suot niyang fitted dress na kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Mukha tuloy siyang pupunta ng photo shoot dahil sa ayos niya.
“Kaya naman pala pumunta kami dito ni Eros. Akala ko pa naman dederitso na kami ng restaurant.” Sabi niya. Halata sa mukha niya ang pagka disgusto ng makita niya ako. Hindi siguro niya alam na sinama ako ni Eros sa dinner date nila.
“Bakit ka sasama?” Tanong niya sa ’kin habang nakataas ang isang kilay. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka mahinang tumawa. “Tignan mo nga hitsura mo! Manang na manang ahh.” Sabi niya sa ’kin kaya tumingin ako sa suot kong damit.
“Ayos naman ahh. Wala namang mali sa damit ko.” Sagot ko sakanya saka nag angat ng tingin kay Mari.
Agad siyang hulagakpak ng tawa habang nakatitig sa mukha ko. “Tanginang mukha yan. Make up talaga yan beh?” Tanong niya sa ’kin habang tumatawa parin.
Agad kong hinawakan ang pisngi ko saka umiwas ng tingin kay Mari.
“Manang na nga manamit, hindi pa marunong mag-ayos ng sarili. Proud ka pa sa lagay na yan ahh. Ano ka si picachu?” Tanong niya. Sa tono palang ng boses niya ay halatang nang iinsulto ’to sa ’kin.
“Tumingin ka man lang ba sa salamin bago ka lumabas ng apartment mo? Grabe naman ka tangahan mo! Wag ka nalang kaya sumama. Baka mapahiya pa kami ni Eros sa ginagawa mo.” Pang-iinsulto niyang sabi.
Biglang uminit ang gilid ng mga mata ko sa sinabi niya. Kaya bumaba ang self confidence ko eh, dahil lagi niya akong sinasabihan nang kung ano-ano sa t’wing sinusubukan kong magpaganda. Katulad nalang nang magpa ayos ako ng buhok ko. Hindi naman daw ako gumanda kahit kunti. Kaya lagi kong sinasabi na kahit anong gawin kong ayos ay hindi talaga ako gaganda.
“Bakit ka pa sumama?” Tanong niya ulit sa ’kin.
Nag-angat ako ng tingin habang pinipigilan ko ang luha ko. Dati kasi kapag sinasabihan niya akong pangit o losyang ay nasasaktan ako. Hindi ko lang sinasabi sakanya dahil lagi niyang sinasabi sa ’kin na joke lang daw yun saka tatawa ng malakas. Minsan napapa-isip ako.. kung totoo bang kaibigan ko siya. Kasi.. imbis na tulungan niya ako, mas lalo niya akong hinihila pababa. Yung parang ayaw niyang malamangan. Kapag nakita niyang may bago sa ayos ko, lagi niyang sinasabi na hindi bagay sa ’kin, kesyo mukha daw akong tanga sa ayos ko.
“Eh ikaw Marigold.. bakit mo niyaya si Eros kumain sa labas? Sa pagkakaalam ko kasi.. ikakasal ka na bukas. Hindi ba?” Tanong ko sa mahinanong boses.
Mas lalo niya akong tinaasan ng kilay saka ngumisi sa harap ko. “Ang tapang mo ahh.. ano naman ngayong kung niyaya ko si Eros. Bukas pa ako ikakasal kaya wag kang atat. At isa pa.. wala kang pakialam kung yaya-in ko siya.” Sabi niya sa inis na boses.
“Para mo narin kasing niloloko ang fiance mo sa ginagawa mo.” Sabi ko saka inayos ang suot kong eye glass.
“Eh ano naman. Malay mo.. mag back out ako sa kasal namin ng jowa ko ’di ba? Pano ka na, Stelie? Hindi ba crush mo si Eros?” Sabi niya habang nakakalokong ngumisi sa harap ko.
“Pero dahil may habol pa ako sa fiance ko kaya magpapakasal parin ako sakanya. Malakas kasi ang kutob ko na hihintayin ako ni Eros. Alam mo naman.. baliw siya sa ’kin eh.” Sabi niya saka lumapit sa ’kin.
“Kaya gumising ka na sa katotohanan, Stelie. Kahit anong gawin mo sa mukha mo hindi ka gaganda. Hindi ka papantay sa ’kin at mas lalong hindi magkakagusto sa’yo si Eros. Yan ang itatak mo sa utak mo. Pangit, losyang at isa kang tanga. Yan ang tandaan mo.” Sabi niya habang seryosong nakatitig sa ’kin.
“B-Bakit mo ako sinasabihan ng ganyan? Kaibigan ko ’di ba? Wala naman yata akong ginawang masama sa’yo, Marigold. Sa katunayan ay iniidolo pa kita, pero bakit ganito mo ako itrato. Ano bang ginawa kong mali sa’yo? Simula naman n’ong mga bata pa tayo.. naging mabuti naman ako eh.” Mahaba kong sabi sakanya.
“Simple lang. Nakakairita kasi ang pagmumukha mo. Hindi naman talaga kita tinuring na kaibigan. Ginagamit lang kita. Pero dahil wala na naman akong kailangan sa’yo kaya pwede ko nang sabihin sa’yo ang totoo. Nasusuka ako sa t’wing katabi kita, alam mo ba yun? Kaya nga tuwang-tuwa ako kapag sinasama kita sa photo shoot ko dahil napagkakamalan kang assistant ko. Doon ka naman talaga nababagay eh. Manang!” Mahaba niyang sabi saka tumalikod sa gawi ko at naglakad palapit sa kotse. Nakatitig lang ako sakanya na binubuksan ang pintuan ng passenger seat at pumasok ’to sa loob ng sasakyan.
Nakatulala lang ako habang iniisip ang mga sinabi sa ’kin ni Mari. Hindi talaga niya ako tinuring na kaibigan dahil kung oo man, hindi niya ako sasabihan nang mga masasakit na salita. Naging mabuti naman ako sakanya. Kahit na iingit ako sakanya ay todo supporta parin ako sakanya lalo na kapag sinasabi niya sa ’kin ang achievements niya. Ako ang number one fan ni Mari dahil siya lang ang tinuturing kong kaibigan.
Napagdesisyonan ko nalang na hindi na sumama sakanila. Hahakbang na sana ako nang may humawak sa siko ko. Agad akong lumingon para makita kong sino yun. Nakita ko ang seryosong mukha ni Eros habang nakatitig ’to sa ’kin.
Gusto ko nalang talaga umiyak pero pinipigilan ko. Alam ko kasing aasarin din niya ako lalo na sa hitsura ko ngayon. Dapat talaga hindi na ako pumayag na tulungan siya. Naiinis talaga ako sa sarili ko.
Suminghot ako at agad nag-iwas ng tingin ng maramdaman kong tumulo ang luha sa gilid ng mata ko.
“Don’t cry.” Biglang sabi sa ’kin ni Eros kaya ibinalik ko ang tingin ko sakanya.
“Pagtatawanan mo din ba ako? Tumawa ka na Eros.” Sabi ko sa mahinanong boses. “Sanay naman akong pinagtatawan ni Mari sa t’wing nag aayos ako eh. Kaya sige na.. tumawa ka narin.” Sabi ko sakanya. Malungkot akong ngumiti kay Eros ng makita kong hindi siya nagsalita. Bagkos ay nakatitig lang talaga siya mukha ko. Yumuko ako saka hinila ang braso ko na hawak niya. “Kayo nalang ni Mari ang kumain sa labas. Ahm.. biglang sumama kasi ang pakiramdam ko. Pasensya na.” Sabi ko kay Eros at mabilis na tumakbo palayo sakanya.
Pumasok ako sa gate ng apartment at deri-deritsong pumasok sa loob. Hindi na muna ako umakyat ng hagdan. Umiiyak ako habang nakasandal ang likod ko sa pader habang dinadamdam ang mga sinabi ni Mari sa ’kin. Nasasaktan ako sa sinabi niya, mababaw lang ang luha ko kaya hindi ko mapigilang hindi umiyak. Kaya kapag may naririnig akong masama patungkol sa ’kin ay umiiyak agad ako.
Narinig ko nalang ang tunog ng kotse at ang pag-andar nito. Alam kong kay Eros yun.
Pinahid ko ang mga luha ko bago ako tuluyang umakyat ng hagdan. Tinungo ko ang aparment ko at agad inilabas ang susi nang nasa tapat na ako ng pinto ko.
Binuksan ko ’to saka ako pumasok sa loob. Isinara ko ang pinto at walang buhay akong naglakad patungo sa salamin. Malungkot akong ngumiti nang makita ko ang hitsura ko sa salamin. Mas lalo akong pumangit dahil nagkalat ang make up na inilagay ko sa aking mukha. Pangit na nga mas lalo pang pumangit.
Umupo ako sa sahig saka isinandal ang likod ko pader. Nakatulala lang ako habang iniisip ang mga sinabi sa ’kin ni Mari. Napaluha nalang ako saka tinanggal ang suot kong eye glass at ibinato yun sa sahig. “Tama naman siya eh. Pangit naman talaga ako.” Umiiyak kong sabi.
Ngunit, bigla akong napahinto sa pag-iyak nang may marinig akong tatlong katok mula sa pinto ng apartment ko. Ang akala ko ay nagkamali lang ako ng dinig kaya hindi ako tumayo agad.
Kumatok ulit ito kaya agad kong pinahid ang luha ko sa pisngi saka ako tumayo. Wala na akong pakialam kung makita man ng taong kumakatok ang kapangitan ko. Wala namang magbabago. Pangit parin naman.
Hindi na ako naglakad loob tanungin kung sino man ang nasa labas. Alam ko naman kasing ang caretaker lang ’to ng apartment ang kumakatok.
Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ’to binuksan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang kumakatok. May dala pa ’tong dalawang malaking paper bag habang nakatitig sa ’kin ng seryoso.
“E-Eros.. a-anong ginagawa mo dito?” Nauutal kong tanong sakanya.
Bumuntong hininga naman siya sa harap ko at tumikhim. “Dinalhan kita ng pagkain. Pwede bang dito nalang tayo mag dinner?” Tanong niya sa ’kin kay mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
“Kasama si Mari?” Tanong ko saka yumuko sa harap niya.
“Hindi ko siya kasama. Ibinaba ko siya do’n sa restaurant at iniwan siya mag-isa.” Sagot niya sa seryosong boses.
“Huh? B-Bakit mo naman ginawa yun?” Kunot nuo kong tanong sakanya.
“I don’t know. Hindi ko din alam kung anong nagyayari sa ’kin. Basta ang alam ko ay ayaw kitang makitang umiyak.” Sabi niya habang titig na titig sa ’kin.
Hindi ako naka sagot sa mga sinabi ni Eros. Nag lo-loading yata ang isip ko dahil hindi ko maproseso ang sinabi niya. Mas pinil niyang iwanan si Mari at bumalik dito sa ’kin habang may dalang pagkain. Hindi ko alam pero biglang nawala ang lungkot ko sa sinabi niya.
“Dito nalang tayo mag date? Tayo nalang pala ang mag date.” Sabi pa niya sa ’kin kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba talaga ’to? Baka kasi nanaginip na naman ako.
A/N: Hi, Azzinatics! Asahan ang slow ud lalo na’t mag babakasyon ako sa Ormoc hahaha 😂🤣 pero don’tcha worry.. mag u-ud parin nama ako. Mabagal nga lang. Thank you sa pag unawa. ❤️☺️😍
-XXRIEGOZZXX-
Chapter 6
TAHIMIK AKONG kumakain habang pinagmamasdan si Eros na tahimik din na kumakain.
Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Hindi ako makapaniwala na iniwan niya si Marigold saka bumalik dito sa apartment ko.
Natigilan ako sa pag-iisip nang makita kong nilagyan ng pagkain ni Eros ang plato ko. Hindi ko tuloy mapigilang kumunot ang nuo ko dahil sa ginagawa niya.
“Wala naman si Marigold dito, Eros. Kaya hindi mo kailangan lagyan ng pagkain ang plato ko.” Sabi ko sakanya.
Tumingin siya sa ’kin kaya nagkatitigan kaming dalawa. Nagbaba ako ng tingin at nilalaro ang pagkain na nasa plato ko. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.
“Kahit wala si Marigold dito, lalagyan ko parin ng pagkain ang plato mo. Naiintindihan mo ba, Princess Stelie Uy?” Sabi niya at talagang binuo pa talaga ang pangalan ko.
“Pwede ba! Stelie lang itawag mo sa ’kin. Wag na yung Princess.” Nakanguso kong sabi sakanya.
“Bakit? Ayaw mo ba sa Princess?” Tanong niya sa ’kin.
“Hindi naman sa ayaw. Masyadong girly kasi.” Sagot ko saka sumubo ng pagkain. “At isa pa.. hindi naman ako mukhang princess. Julalay pwede pa.” Dagdag kong sabi saka tumawa ng mahina.
“Bakit naman julalay?” Kunot nuo niyang tanong sa ’kin. Inilapag ko ang hawak kong kutsara at tinidor sa plato saka ako suminghot at inayos ang suot kong eye glass.
“Eh kasi.. lagi kasi akong inuutusan ng mga ka officemate ko.” Sabi ko sakanya saka ngumiti. “Yung trabaho ko sa opisina, hindi na matatawag na office girl kasi.. lagi nila akong inuutusan bumili ng kong ano-ano sa labas. Minsan pati mga pang grocery nila sa bahay inuutos nila sa ’kin.” Dagdag kong sabi habang nakangiti. “Kaya pwede pa sa ’kin ang julalay. Yun naman kasi lagi ang ginagawa ko.” Sabi ko.
Nagsalubong ang kilay niya kaya kumunot ang nuo ko habang nakatitig sakanya.
“Bakit mo tinatanggap ang utos nila? Hindi mo naman na trabaho yun.” Sabi niya sa seryosong boses.
Ngumiti ako habang nagkakamot sa likod ng ulo ko. “Hindi kasi ako makatanggi. Pakiramdam ko kasi, napapahiya ko sila kapag humindi ako. Hanggang sa nakasanayan na nila akong utusan ng utusan.” Sabi ko sakanya.
“Hindi ka parin nagbabago.” Sabi niya sa ’kin.
Tumawa ako ng mahina. “Wala naman talagang nagbago sa ’kin. Sa hitsura ko palang.. ganun parin sa dati, ugali ko pa kaya.” Tatawa-tawa kong sabi.
Napabuntong hininga naman siya sa harap ko saka niya nilagyan ng pagkain ang plato ko. “Uyy!! Busog na ko. Hindi ko na kayang kumain.” Sabi ko sakanya dahil pinuno niya ng pagkain ang plato ko.
“Kumain ka ng marami, Stelie. Para tumaba ka naman. Kung kinakailangan bilhan kita ng maraming pagkain, gagawin ko para lang tumaba ka.” Sabi niya sa ’kin.
Napakamot naman ako sa likod ng ulo ko habang nakatitig sa plato ko na punong-puno ng pagkain.
“Yung parents mo.. nasaan na sila ngayon?” Tanong niya sa ’kin.
“Nasa probinsya. May maliit kasi kaming negosyo, do’n sa palengke.” Nakangiti kong sagot. “Miss ko na nga sila eh.” Dagdag kong sabi.
“Hindi ka naba umuuwi sa probinsya?” Tanong niya.
“Hindi. Pero sila ang pumupunta dito sa Manila para bisitahin ako. Kaso ngayon kasi, medyo busy sila. Kaya hindi pa nila ako dinadalaw.” Sabi ko sakanya.
“Ohh.” Tipid niyang sagot.
Sumubo ulit ako ng pagkain saka ako nagsalita. “Alam mo bang may kambal ako?” Tanong ko sakanya.
Natigilan naman siya sa pagsubo ng pagkain saka tumitig sa ’kin. “May kambal ka?” Tanong niya habang nanlaki ang mga mata.
“Oo.” Nakangiti kong sagot.
“Bakit parang hindi ko alam. Ang alam ko ikaw lang ang anak nila tita Beth n’ong mga bata pa tayo.” Sabi niya sa ’kin kaya napangiti ako. Natuwa ako dahil naalala pa pala niya ang pangalan ni mama.
“Meron. Pero, wala siya samin. Nasa lola ko siya nakatira.” Sagot ko sakanya.
“Bakit naman? Pinaglayo kayo ng kambal mo.” Takang tanong ni Eros.
“Eh kasi.. hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni mama. Sabi kasi niya sa t’wing magkasama daw kami ng kambal ko lagi daw kaming na aaksidente. Akala nga nila nagkataon lang pero di nagtagal ay napapansin na daw nila kaya ayon.. pinaghiwalay muna kami. Ewan ko do’n kay lola, siya daw kasi ang nagsabi na wag kaming pagsamahin ng kambal ko. Ako yung iniwan kala mama, yung kambal ko naman ang nasa lola ko.” Mahaba kong sabi.
“Simula ng bata kayo.. hindi talaga kayo magkasama?” Kunot nuo niyang tanong.
“Oo. Nalaman ko nga lang din namay kambal pala ako n’ong grade six na ako eh. Ang pangalan niya ay Stelie Rose ako naman ang Princess Stelie. Sobrang girly ’di ba?” Natatawa kong sabi.
Mahina namang natawa si Eros saka bumalik sa pagkain niya.
“Nga pala.. bakit ka bumalik dito? Bakit iniwan mo si Mari? Bukas na ang kasal niya kaya chance mo na para kausapin siya. Kaya bakit ka bumalik dito?” Sunod-sunod kong tanong sakanya.
Dahan-dahan naman siyang nag angat ng mukha dahilan para magkasalubong ang mga tingin namin. “Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi ni Mari sa’yo.” Sabi niya sa seryosong boses. Hindi naman ako nakasagot agad at titig na titig lang ako sa mukha niya.
“Don’t listen to her, Stelie. Maganda ka. Hindi ka pangit tulad ng sabi niya sa’yo.” Sabi niya sa ’kin kaya napakurap-kurap ako.
“N-Narinig mo ang mga sinabi niya?” Nauutal kong tanong.
“Yes. Ipagtatangol sana kita kanina dahil naiinis ako sa mga taong bully. Pinaka ayaw ko sa lahat ay nanglalait ng kapwa nila. Kung makapintas akala mo’y perpekto, hindi naman.” Galit niyang sabi.
“Maganda ka kahit hindi ka mag-ayos, Stelie. Pano nalang kung mag-ayos ka ng sarili mo. Gawin mong inspirasyon ang panglalait ni Mari sa’yo. Ipakita mo sakanya na kaya mo din.” Sabi niya sa seryosong boses.
“Eh.. bakit ikaw.. tinatawag mo parin akong uhugin. Ang tagal-tagal na ng insidenteng yun eh,” maktol kong sabi. Pano ba naman kasi.. n’ong mga bata pa kami, bumahing ako dahil sinisipon ako nang araw na yun. Saktong lumingon si Eros sa ’kin at nakita niyang lumabas ang sipon ko at lumubo. Kainis talaga ako dati. Kaya siguro hindi niya makalimutan.
Mahina naman siyang natawa saka kinuha ang basong may lamang tubig. “Ang cute kasi ng sipon mo. Naging bubbles.” Tatawa-tawa niyang sabi kaya inirapan ko.
“Kalimutan mo na kasi yun. Wag mo na akong tawaging uhugin.” Sabi ko sakanya habang nakanguso.
Pilit naman siyang tumigil sa kakatawa at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. “Okay! Hindi ko na iisipin yun. Pero kasi.. hindi ko talaga makalimutan. Ang cute ng hitsura mo kasi.” Sabi niya sabay tawa na naman.
Nakakinis siya. Kasasabi lang niya sa ’kin na ayaw niya sa mga bully, pero heto siya binubully ako.
Biglang nabilaukan si Eros kakatawa kaya ako naman yung natawa. Hinahampas pa niya ang dibdib niya habang umuubo.
Tumigil kami sa pagtawa saka nagkamot sa likod ng ulo ko. “Salamat nga pala sa pagkain, Eros.” Nakangiti kong pasasalamat sakanya. Tumango naman siya habang umiinom ng tubig.
Napabaling ang tingin ko sa kama nang umilaw ang cellphone ko do’n. Tumayo ako at naglakad papunta sa kama saka ko pinulot ang cellphone ko. Nakita kong may message si Mari kaya agad ko ’tong binuksan.
Wag kang magpapakita sa ’kin bukas sa kasal ko. Ayaw ko sa mga pangit na losyang na katulad mo.
Napakurap-kurap ako ng mabasa ko ang text sa ’kin ni Mari. Napasinghot ako saka inayos ang eye glass ko habang nakatitig parin sa screen ng cellphone ko.
Ngunit, biglang inagaw ni Eros ang cellphone ko kaya nagulat ako. “Ibalik mo nga yan!” Sabi ko habang inaagaw kay Eros ang phone ko.
Ngunit, hindi ko maagaw yun dahil mas matangkad si Eros sa ’kin. Kumunot ang nuo ni Eros habang binabasa ang message sa ’kin ni Mari.
“Ganito ka ba tinatrato ni Mari?” Tanong niya sa seryosong boses.
Napanguso ako sa harap niya saka yumuko. “Oo.” Mahina kong sagot. “Lagi ko siyang sinusuportahan dahil kaibigan ang turing ko sakanya. Siya lang naman ang kaibiga ko eh, pero akala ko kaibigan din ang turing niya sa ’kin.” Malungkot kong sabi habang inaalala ang mga sinabi sa ’kin ni Mari kanina.
“Hayaan mo siya. Hindi ka naman mamatay kong hindi kaibigan ang tingin niya sa’yo.” Sabi sa ’kin ni Eros kaya napa-angat ako ng tingin.
“Pupunta ka ba sa kasal ni Mari? Pasensya na.. hindi na kita matutulungan sa plano mo dahil ayaw niya akong makita.” Sabi ko sakanya.
“Hindi ako pupunta.” Sagot niya agad kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Hindi ka pupunta? Pero bakit? Akala ko ba may plano ka?” Kunot nuo kong tanong sakanya.
“Wala lang. Tinatamad akong pumunta. Date nalang tayo bukas. Saan mo gusto pumunta?” Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Lumapit ako kay Eros saka sinalat ang nuo niya at baka nilalagnat siya. “Hindi ka naman nilalagnat.” Sabi ko.
“Wala naman akong lagnat, Stelie.” Sabi niya sa ’kin.
Umatras ako ng kunti habang nakatitig kay Eros. “Akala ko ba gusto mong pigilan ang kasal ni Mari? Bakit hindi ka pupunta?” Tanong ko sakanya kaya natigilan siya.
Hindi siya nakasagot sa tanong ko at umakto ’tong nag-iisip ng isasagot.
“Kasi wala ka do’n.” Sagot niya.
“Eh ano naman kung wala ako do’n? Kung kaya mo naman yung plano mo, eh ’di pumunta ka bukas.” Sabi ko sakanya.
“Hayaan mo na yun. Next time ko nalang iisipin si Mari.” Sagot niya sa ’kin habang nakasimangot ang mukha.
Napa-iling nalang ako saka inagaw ang cellphone ko na hawak niya. “Umuwi ka na.” Sabi ko sakanya saka ako naglakad papunta sa mesa para iligpit ang kinainan namin.
“Sige. Susunduin kita bukas pag out mo sa work.” Sabi niya sa ’kin.
“Seryoso ka?” Gulat kong tanong habang nakatitig sakanya.
Kumunot ang nuo niya saka ’to nagsalita. “Mukha ba akong nag bibiro, Stelie? Mag da-date tayo bukas kaya susunduin kita sa labas ng companyang paingtra-trabahuan mo.” Sabi niya sa ’kin saka ’to tumalikod at naglakad patungo sa pinto.
“Good night, Stelie!” Sabi niya sa ’kin saka niya pinihit ang siradura ng pinto at binuksan ’yon. “See you tomorrow.” Dagdag niyang sabi saka lumingon sa ’kin sabay kindat at tuluyang isinara ang pinto.
Natulala naman ako sa ginawa niyang kindat hanggang sa dahan-dahan akong napangiti. Ang gwapo kasi niya lalo nang kumindat siya. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi ko at pinipigilan ang tili ko. Hindi ko alam kung bakit ’to ginagawa ni Eros sa ’kin. Pero kitang-kita ko sakanya kanina na halatang galit siya kay Mari.
Siguro ay naaawa lang talaga siya sa ’kin kaya niya siguro ako pinuntahan dito.
A/N: Slow update na po muna. Thank you sa pag unawa.
Magandang hapon, Azzinatics! ❤️✨
Chapter 7
BUSY AKO NGAYONG araw hindi dahil sa paper works kundi kakatakbo sa labas ng building ng companya. Kanina pa kasi panay utos sa ’kin ang mga ka officemate ko.
Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko habang inaayos ang suot kong eye glass. Nakailang buga pa ako ng hangin dahil kinakapos ako ng hininga.
Maghahapon na pero kabundok ang nakapatong na papeles sa table ko. Kailangan ko pa ’tong iarrange isa-isa. Tambak na trabaho ko dahil panay naman kasi ang utos nila sa ’kin. Hindi na sila naawa. Hindi ko alam kong office pa ba ang trabaho ko o katulong dito sa opisina. Gusto ko sanang magreklamo sa pinakamataas na posisiyon namin dito sa office kaso siya pa nangunguna sa pag utos sa ’kin.
Sa katanuyan, hindi ko parin nakikita ang big boss namin. Siguro ay matanda na ’to dahil tanging ang secretary lang ang nagpapakita samin.
Biglang umilaw ang cellphone ko kaya agad ko ’tong dinampot sa table. Bigla akong napangiti ng mabasa ko ang message ni Eros. Talagang tinotoo niya na lalabas kami ngayon.
Ngayong araw ang kasal ni Mari, medyo nalungkot ako dahil hindi ako naka saksi sa kasal niya. Kahit papano tinuturing ko kasi siyang kaibigan kahit siya hindi.
Ilalapag ko na sana ang cellphone ko nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Lumingon ako at saktong nakita ko si Ms. Cassia na may hawak na folder.
Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ako humarap sakanya. “May kailangan ka po ba, Ma’am?” Magalang kong tanong.
“Yes. Paki-ayos nga nito. Masakit ulo ko eh, kaya ikaw na muna gumawa nito. Ibigay mo nalang sa ’kin bukas kapag tapos na. Salamat!” Sabi niya na hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para makapagsalita.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko habang pinagmamasdan ang mga ka officemate ko na nag-aayos na ng mga gamit para umuwi na.
Bumuntong hininga ako saka tumingin sa table ko. Ang sarap sunugin nang mga folder dahil sa mga officemate ko na panay utos. Malamang.. bukas ganito na naman routine ko.
Hindi naman mahirap ang trabaho ko eh, sa katunayan love ko ang companyang ’to dahil ’to ang unang work ko. Pero dito lang talaga ako nahihirapan, sa mga ka officemate ko.
Niligpit ko nalang din ang mga gamit ko para makauwi narin. Bukas ko nalang gagawin ’to. Pagod na talaga ako kakatakbo pa kanina.
Kinuha ko ang shoulder bag ko at pinatay narin ang computer. Niligpit ko muna ang mga kalat ko saka ko inayos ang swivel chair ko.
Naglakad ako palabas ng office namin saka dumeritso sa elevator. Tahimik lang ako sa gilid at hindi pinapansin ang tatlong babae na kasabay ko sa elevator na nagtatawanan.
Hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator ay agad akong naunang lumabas sa tatlong babae. Naglakad ako palabas ng building at nakita si Eros na nakatayo habang nakasandal sa isang pader. Nakayuko siya kaya hindi niya pa ako nakikita.
Napangiti ako habang pinagmamasdan si Eros. Ang gwapo niya kasi kahit simple lang ang suot niya. Naka suot kasi siya ng tshirt at maong pants. Hindi mahahalata na marami siyang pera sa pormahan niya.
Akmang lalapit na sana ako kay Eros nang may kumalabit sa ’kin. Lumingon ako at nakita ang tatlong babae na nakasabay ko sa elevator kanina.
“Uuwi ka narin naman. Patapon nga ako nito sa basurahan.” Utos niya sa ’kin saka inabot ang walang laman na milk tea.
“Huh?” Takang tanong ko sakanila.
“Basurahan do’n oh.. patapon ako do’n. Diba dadaan ka din naman sa way na yun.” Sabi niya sa ’kin sabay turo pa sa basurahan.
“Kunin mo na kasi at itapon mo. Nakakangawit ohh.” Sabi niya sabay irap sa ’kin. Nakatitig lang ako sa mukha ng babae na may hawak na milk tea at pilit na inaalala kung saang floor siya. Doon lang pumasok sa isipan ko na ka officemate pala ’to ni Mari.
Yumukod ako sakanya saka ako nagsalita. “Sige. Do’n din naman ako dadaan.” Nakangiti kong sabi sa mahinang boses.
Akmang kukunin ko na sana ang milk tea na walang laman nang maunahan ako. Lumingon ako kung sino yun at agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Eros na seryosong nakatitig sa babae. Walang emosyon ang mukha niya habang hawak-hawak ang milk tea.
“Bakit hindi ikaw magtapon nang ininuman mo?” Tanong ni Eros sa babae sa malamig na boses.
Napayuko ako dahil kinakabahan ako. Baka kasi may gawin si Eros. Halata kasi sa mukha niya na nagagalit siya.
“Padaan naman kasi siya sa basurahan kaya nakisuyo ako. At isa pa, sabi ni Mari, pwede daw utusan ang babaeng yan.” Supladang sagot ng babae kay Eros. “Tsaka, pakialam mo ba kung utusan ko ang babaeng yan?” Tanong ng babae kay Eros saka mapangmatang tinignan si Eros mula ulo hanggang paa. “Sayang. Ang gwapo mo pero mukhang wala kang pera. Diba, girls?” Sabi niya saka tumingin sa dalawa niyang kaibigan na nagtatawanan din.
Hinawakan ko si Eros sa braso kaya tumingin siya sa ’kin. Agad akong umiling para sabihing wag nang patulan pa ang mga babae.
“Itapon mo ’to sa basurahan. Kung hindi itatapon ko ang natitirang laman nito sa mukha mong puro make up.” Walang emosyong sabi ni Eros sa babae kaya nanlaki ang mga mata ng babae. Maging ako ay nanlaki din ang mga mata.
“Excuse me.. siya ang inuutusan ko nga ’di ba?” Sabi ng babae sabay turo sa ’kin kaya napayuko ako. Siguro sinasabi ni Mari sakanila na lagi akong sumusunod sa utos kapag inuutusan ako.
“Bagay kayong dalawa no! Isang losyang na tanga at isang mahirap. Perfect couple.” Sabi ng babae kaya nagtawanan ang mga kaibigan niya.
Hindi ako nakasunod sa galaw ni Eros nang mabilis niyang binuhos ang laman ng milk tea sa mukha ng babae.
“Eros..” sambit ko sa pangalan niya saka hinawakan siya sa braso. Ngunit hindi siya humarap sa ’kin at nakatitig lang sa babaeng panay ang sigaw dahil sa ginawa ni Eros.
Bigla akong kinabahan nang biglang sumulpot ang tatlong gwardya sa companya saka lumapit sa pwesto namin.
Nanlilisik ang mga mata ng babae habang tinuturo niya si Eros. “Huliin niyo po yan! Nang gugulo po dito.” Sabi pa ng babae kaya nanlaki ang mga mata ko.
Hindi naman kumilos ang guard at nakatitig lang kay Eros. Nagtataka naman ako kung bakit biglang yumukod ang isang guard kay Eros.
“Huliin niyo ang tatlong babaeng yan. Wag na wag niyong papasukin sa companya ko kahit kailan.” Utos ni Eros sa malamig na boses.
“Yes, sir!” Sagot ng tatlong guard at agad na nilapitan ang tatlong babae. Ako naman ay nakatulala parin at hindi maproseso ang narinig ko.
Wait! Si E-Eros ba ang may-ari ng companyang pinagtra-trabahuan ko?
“Teka, wait.. po sir.” Sigaw ng babae habang hinihila ng isang guard maging ang mga kaibigan niya ay kinaladkad din.
Nakatulala parin ako sa hangin nang biglang pinitik ni Eros ang nuo ko. “Aray!” Reklamo ko habang hinihimas ang nuo ko.
“Kahit kailan talaga.. hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo.” Sabi niya sa ’kin sabay hawak sa kamay ko. Hinila niya ako kaya nagpatianod lang ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
“Saglit lang.. ikaw talaga ang may-ari ng companya?” Tanong ko kay Eros dahil lutang parin ako hanggang ngayon.
“Yeah. Hindi lang naman yan ang negosyo ko.” Sagot niya agad saka binuksan ang pintuan ng passenger seat.
“H-Hindi nga! I-Ikaw talaga?” Tanong ko ulit kaya pinukol niya ako ng masamang tingin.
“Oo nga.” Sagot niya saka ako mahinang tinulak papasok ng kotse.
Nakapasok ako sa loob kaya isinara niya ang pinto ng kotse saka umikot ’to papuntang driver seat. Pumasok si Eros at agad na binuhay ang makina ng sasakyan saka pinausad.
“Hindi ka talaga pumunta sa kasal ni Mari?” Tanong ko sakanya.
Hindi naman siya sumagot agad habang seryosong nakatuon ang mga mata sa daan. “Hindi.” Tipid niyang sagot.
“Anong balak mo? Paano ang mga plano mo?” Tanong ko sakanya.
“Hayaan mo muna yun. Madali ko lang naman maagaw si Mari kong gugustuhin ko.” Sagot niya kaya nawala ang ngiti ko sa labi.
“Okay. Sabi mo eh,” tanging sagot ko kay Eros saka tumingin sa labas ng bintana.
“Saan mo gusto kumain?” Tanong niya sa ’kin kaya napalingon ako ulit sa gawi niya.
“Ikaw na bahala. Hindi naman ako maarte.” Sagot ko nalamang.
“Okay. Sasusunod na may nag-utos sa’yo.. wag mo ng susundin.” Sabi niya sabay lingon sa gawi ko. Nakanguso akong tumango kaya narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
“Teka.. bakit hindi ka nagpapakita sa companya? Akala ko tuloy isang matanda ang may-ari at may sakit.” Sabi ko sakanya kaya napalingon siya sa ’kin.
“Wala lang. Ayaw ko lang may makaalam na ako ang may-ari. Tanging mga guards at secretary ko ang nakakaalam. Kaya wag kong ipagsasabi na ako ang ceo ng companya.” Sabi niya sa ’kin. Tumango naman ako kahit hindi ko nakukuha ang sagot na gusto ko.
Magtatanong pa sana ako nang biglang huminto ang kotse kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko ang isang restaurant na open area.
“Dito tayo kakain?” Tanong ko habang nakangiting nakaharap kay Eros.
“Yes. Gusto ko ng ihaw-ihaw eh. Ikaw ba? Guso mo din mo ba no’n?” Tanong niya sa ’kin kaya tumango ako.
“Oo. Gustong-gusto. Mahilig ako sa ihaw eh,” sagot ko.
“Okay. Damihan mo pagkain ha!” Sabi niya sa ’kin saka binuksan ang pintuan ng driver seat saka lumabas ’to. Binuksan ko narin ang pintuan para sana bumaba nang maunahan ako ni Eros at inalalayan makababa.
Sabay kaming naglakad sa isang simpleng restaurant habang may mga usok. Amoy na amoy ko tuloy ang inihaw na liempo kaya natakam agad ako.
Naghanap kami ni Eros nang bakanteng table at agad na lumapit samin ang waiter. Si Eros na pinag-order ko kaya ang dmai niyang pinag oorder.
Ilang minuto lang ay nagsidatingan ang iba’t-ibang uri ng sea foods, marinated na mga karne at kung ano-ano pa. May inorder pa si Eros na dalawang isda kaya napakamot ako sa aking ulo at pinoprobleam kung paano uubusin.
Nag-iihaw si Eros habang panay ang ubo niya dahil sa usok. Natatawa naman ako sakanya kaya tinulungan ko na ’to. Kaya kaming dalawa na tuloy ang panay ubo dahil sa usok.
“Hoo.. nakakapagod pala mag-ihaw.” Sabi ni Eros saka umupo sa upuan. Umupo narin ako saka humarap kay Eros kaya bigla ’tong tumawa ng malakas.
Masama ko siyang tinignan dahil ang lakas ng tawa niya. “Ano ba! Bakit ka ba natatawa?” Inis kong tanong sakanya.
Hindi parin siya tumigil sa pagtawa. Kinuha niya ang cellphone niya na nakapatong sa mesa saka niya ’to iniharap sa ’kin. Naguguluhan naman akong tumingin sa cellphone niya kaya nakita ko ang mukha ko dahil naka front cam pala ’to. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong puro uling ang pisngi ko pati narin ang ilong ko. “Smile..” sabi ni Eros saka kinuhaan ng picture ang mukha ko.
Tatawa-tawa naman siyang pinagmasdan ang picture ko saka niya iniharap ulit sa ’kin. “Burahin mo yan!” Sigaw ko sakanya at pilit na inaagaw ang cellphone niya.
“Ayaw ko nga! Ang cute mo kaya dito.” Sabi pa niya kaya pinalo ko siya sa balikat.
“Akin na sabi eh,” saad ko habang pilit ba hinihila ang kamay niya na nilalayo niya sa ’kin. Hindi ko tuloy maagaw ang cellphone sakanya.
Naiinis ako dahil yung mukha ko do’n sa picture ay puro uling at gulat na gulat.
“Wallaper ko ’to ng isang linggo.” Sabi niya sa ’kin kaya mas lalo kong hinila ang damit niya.
“Akin na kasi! Ang pangit ko dyan eh!” Inis kong sabi saka malakas na hinila ang manggas ng damit niya dahilan para mapalapit ang katawan niya sa ’kin at lumingon siya sa gawi ko. Sa hindi inaasahan ay masyadong malapit ang mukha ko kaya ang ending.. tumama ang labi niya sa labi ko.
Napakurap-kurap kaming dalawa sa isa’t-isa habang nakadikit parin ang mga labi namin. Pareho kaming gulat na gulat sa aksidenteng nangyari.
Yung first kiss ko.. yung crush ko ang nakakuha.
A/N: Ito na muna ang ud ko. Masakit daliri ko kasi inaayos ko ang story ni Raizen. Next kong aayusin kay Lucifier kaya asahan ang slow ud. Thank you sa pag unawa.
Thank you sa dalawa kong admin si Maricel at Catness na sumasagot kung bakit mabagal ang ud. Yung isa kong admin, busy pa dahil graduating hahaha.. congrats in advance
ilyfiction_
😍❤️✨
Chapter 8
NAKATULALA AKO habang iniisip ang aksidenteng nangyari kahapon. Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang halik na pinagsaluhan namin ni Eros.
Hindi tuloy ako makakain ng maayos kahapon dahil sa nangyari. Si Eros naman ay patay malisya sa nangyari at sinabi sa ’kin ay kalimutan ko nalang daw ang halik na yun.
Ngunit, hindi ko magawa dahil yun ang unang first kiss ko. Kung para sakanya ay wala lang yun, pero para sa ’kin mahalaga yun. Pangarap ko kasi talaga dati na si Eros ang maging first kiss ko, at talagang na tupad pa. Kaya para tuloy akong tanga na nakatulala kahapon hanggang sa pag-uwi ko. Hindi ko kasi makalimutan ang labi ni Eros, napakalambot nito.
Wala akong pasok ngayon kaya nakahiga parin ako habang nakatitig sa kisame.
Hinihintay ko din na mag text si Eros sa ’kin. Sabi kasi niya kahapon na lalabas daw kami ulit. Ngunit, hindi niya sinabi kung anong oras. Kanina pa din ako panay text sakanya pero kahit isa man lang ay wala siyang reply.
Bumuntong hininga ako at napalingon sa bedside table ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sa pag-aakala na si Eros ang tumawag ay dali-dali akong bumangon at agad kong inabot ang cellphone.
Umupo muna ako sa kama saka ko pinindot ang cellphone ko. Nawala agad ang ngiti ko ng makita ko ang pangalan ni Marigold.
Binuksan ko ang message niya at agad kong binasa. Hindi ko alam kong re-replayan ko ba siya. Gusto kasi niyang makipag kita sa ’kin dahil may gusto daw siyang sabihin sa ’kin.
Inilapag ko nalang ang cellphone ko ulit sa bedside table saka ako tumayo para magbanyo.
Pumasok ako at agad naghilamos ng mukha. Habang ginagawa ko yun ay iniisip ko si Eros. Siguro ay hindi niya nagustuhan ang nangyari kahapon kaya hindi na siya nagparamdam sa ’kin. Sino ba naman kasi ako.. isa lang naman akong nerd na simpleng babae. Baka nandiri yun sa ’kin.
Nang matapos ako sa banyo ay agad akong bumalik sa kama at umupo. Saktong umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko ’to. Nakita ko ang pangalan ni Eros kaya agad ko ’tong binuksan.
Napangiti ako dahil sa message niya na humihingi ito ng pasensya na hindi matutuloy kami ngayon dahil nandoon daw siya sa Leyte.
Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay hindi na siya magpaparmdam sa ’kin dahil sa kiss na yun. Siguro ay kakalimutan ko nalang ang nangyari para hindi ako mailang kay Eros kapag magkikita kami ulit.
Tumayo ako sa kama at napagdesisyonan na magluto ng pagkain ko. Bigla akong nagka ganang magluto dahil sa chat ni Eros.
Kinuha ko muna ang lulutuin ko ng biglang may kumatok sa labas ng apartment ko. Kumunot ang nuo ko dahil wala naman akong inaasahan na bisita.
Kahit nagtataka ay lumapit parin ako sa pinto at agad kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa ’kin ang mukha ni Mari na may ngiti sa labi.
“Mari..” sambit ko sa kanyang pangalan.
“Hi!” Bati niya sa ’kin.
“A-Anong ginagawa mo dito?” Nauutal kong tanong sakanya. Huling pagkikita namin kasi yung inaway niya ako at sinabihan ng kung ano-ano.
“Pwede ba akong pumasok?” Tanong niya. Kahit ayaw ko ay niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan.
Pumasok siya sa at agad umupo sa nag-iisang stool ko sa apartment. Ako naman ay isinara ang pinto saka ako humarap sakanya.
“May kailangan ka ba sa ’kin?” Tanong ko sakanya.
“Yes. Wag kang mag-alala, wala akong balak magtagal dito sa apartment mo.” Sabi niya sa ’kin.
“Okay. Ano bang kailangan mo sa ’kin? Sabihin mo na agad para maka alis ka na.” Sabi ko sakanya sa walang emosyong boses.
“Ohh.” Saad niya saka ngumiti. “Well, nalaman kong si Eros pala ang boss natin.” Sabi niya kaya dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko.
“P-Pano mo naman nalaman yun?” Nauutal kong tanong sakanya. Ayaw ko kasing malaman niya na si Eros ang boss namin. Alam ko kasing mukhang pera si Marigold. Baka kasi may masama siyang balak kay Eros at sa yaman niya. Ayaw kong pagkaperahan niya si Eros.
“Sa mga friends ko. Pinagtanggol ka kasi daw ng may-ari ng companya. At sinabi nila sa ’kin ang nangyari. Bilib na talaga ako sa’yo, Stelie.” Sabi niya habang may ngiti sa labi.
“A-Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan.
Hindi siya sumagot, bagkos ay tumayo siya mula sa kinauupuan niya saka lumapit sa ’kin. “Ipapaalala ko lang sa’yo na akin si Eros. Ibang klase ka din eh no! Tahimik ka pero nasa loob ang kulo mo. Ang lakas naman ng loob mo na yaya-in kumain si Eros sa labas. Hindi ka ba nahihiya, Stelie?” Sabi niya sa ’kin.
“B-Bakit naman ako mahihiya?” Tanong ko sakanya.
“Tignan mo kaya hitsura mo kumpara kay Eros. Malabo na nga mata mo, tanga ka pa! Buti na kaya ni Eros kumain kasama ka. Buti hindi siya pinagtawanan ng mga taong nasa paligid niyo.” Pang-iinsulto niya sa ’kin.
“A-Ano naman sa’yo kung kumain kami sa labas ni Eros. Sa pagkakaalam ko may asawa ka na ’di ba? Bakit parang galit ka?” Saad ko sakanya. “Wala ka na do’n kong kumain kami sa labas ni Eros, Marigold. At isa pa.. si Eros ang nag aya sa ’king kumain, hindi ako!”
“Bakit naman ako magagalit?” Tanong niya saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. “Eh wala ka nga sa kalingkingan ko eh!” Sabi niya.
“Matagal ko ng alam yun, Mari. Hindi mo na kailangan sabihin sa ’kin yan.” Sagot ko sakanya.
“Talaga? Alam mo naman pala. Eh, bakit sumasama ka kay Eros?” Tanong niya sa ’kin.
“Wala ka na do’n kung magkasama man kami ni Eros. May asawa ka na Mari kaya wala kanang pakialam kung sino man ang kasama ni Eros.” Deritso kong sagot sakanya.
Ngumisi siya saka tinaasan ako ng isang kilay. “Mayabang ka na ngayon ha! Porke’t ba pinagtanggol ka ni Eros. Alam mo Stelie.. gumising ka na sa imagination mo, hindi magkakagusto sa’yo si Eros dahil isa kang losyang.” Sabi niya sa ’kin.
Inayos ko ang suot kong eyeglass habang nakatitig parin ako kay Mari. “Alam mo ba Mari, dati inggit na inggit ako sa’yo, dahil bukod sa maganda ka sexy ka din. Lahat ng lalaki ay lumilingon sa’yo, hindi katulad sa ’kin na kahit mag suot pa yata ako ng sexy na damit, walang lilingon sa ’king lalaki. Pero.. ngayon ko lang narealize na hindi pala ako dapat mainggit sa’yo. Dahil bukod sa pangit na ang ugali mo, mukha ka pang pera. Maganda ka nga bulok naman ugali mo. Kaya hindi ako dapat mainggit sa’yo.” Mahaba kong sabi sakanya. Hindi ko na talaga matiis ang ugali niya. Wala naman na sana siyang pakialam kong magkita man kami ni Eros.
“Anong sabi mo?” Tanong niya sa galit na boses.
“Ang sabi ko maganda ka nga, pangit naman ugali mo.” Saad ko.
“Ahh.. pangit pala ugali ko. Yeah. Pangit talaga. Kasing pangit ng mukha mo, Stelie. Gusto mo makita kung gaano ka pangit ang ugali ko?” Saad niya saka siya humakbang palapit sa ’kin at ako binangga sa balikat.
“Ipapaalala ko lang sa’yo Mari. Nandito ka sa apartment ko. Kaya wag mo kong malditahan at baka makalimutan ko ang pinagsamahan natin at baka masaksak kita gamiti ng kitchen knife.” Pagbabanta ko sakanya. Natigilan naman siya saka siya umatras ng kunti palayo sa ’kin.
Hindi na siya nagsalita pa at agad ’tong naglakad. Nilagpasan niya ako saka siya lumapit sa pinto. Nakasunod lang ang tingin ko kay Mari na pinihit ang siradura ng pinto saka ’to binuksan.
Ang akala ko ay lalabas na siya, ngunit hindi pa pala. “Ano kayang masasabi ni Eros kapag sinabi ko sakanya na mahal ko siya, Stelie? Matutuwa kaya siya?” Tanong niya sa ’kin kaya natigilan ako.
Dahan-dahan siyang lumingon sa ’kin habang nakangiti. “Balak ko kasing sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Sigurado akong matutuwa si Eros. Tama ba ako, Stelie?” Saad niya.
“Pwede ba, Mari! Alam kong pera lang ang habol mo sa mga lalaki. Kaya please lang! Wag mo ng idamay si Eros. Nag-asawa ka na nga ng mayaman ’di ba? Bakit hindi ka nalang makuntento kung anong meron ka. Bakit kailangan mo pang gawin ’to kay Eros.” Sabi ko sakanya. Naikuyom ko ang kamao ko dahil hindi ko talaga gusto ang binabalak niya. Naiinis ako sakanya.
“Hindi pera ang kailangan ko kay Eros, Stelie. Mahal ko siya. At nangako kaming dalawa n’ong mga bata pa kami na kami ang magpapakasal kapag nasa tamang edad na kami. Tinutupad ko lang ang pangako ko sakanya, Stelie. At hindi mo ko mapipigilan sa binabalak ko. Kaya mag enjoy ka na habang kasama mo siya dahil hindi magtatagal yan.” Mahaba niyang sabi saka tumalikod sa ’kin at tuluyang lumabas ng apartment ko.
Nakatulala lang ako habang pilit na iniisip ang mga sinabi ni Marigold sa ’kin.
Gusto kong sabihin kay Eros kung anong uring babae si Mari. Ngunit ayaw ko namang manira ng kapwa ko. Napabuntong hininga nalang ako habang nag-iisip kong anong gagawin ko.
TAHIMIK LANG ako sa gilid habang ang mga kaibigan ko ay nag-aasaran na naman.
Nandito kasi kami sa Leyte para supportahan ang feeding program ni Caleb. Katatapos lang namin magluto kaya nandito lang ako nakaupo.
Biglang may tumapik sa balikat ko kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si Isaac kaya nakipag fist bump ako sakanya.
Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko saka niya ulit ako tinapik. “How are you?” Tanong niya.
“I’m good, buddy.” Sagot ko agad.
“Balita ko may kinalolokohan kang babae, buddy. At balita ko din na kinasal na ’to.” Sabi niya sa ’kin kaya nalukot ang mukha ko.
“Daldal talaga ni Salem.” Sabi ko.
“Nag-aalala lang kami sa desisyon mo sa buhay, buddy. Kaya kung pwede.. maghanap ka nalang ng ibang babae na mamahalin mo.” Sabi niya sa ’kin.
Damn it! Kanina pa nila ako pinagsasabihan tungkol kay Mari. Hindi na nga lang ako sumasagot dahil pinagtutulungan na nila ako. Maging si Ruwi ay pinagsasabihan na din ako.
“Wag kang pupunta sa maling landas, buddy. Tignan mo kami.. masaya sa piling ng mga taong mahal namin.” Sabi niya.
“Alam ko naman yun, buddy. Ang totoo niyan ay hindi ko naman talaga iniisip ang babaeng yun. Hindi ko din alam kung bakit.” Deritso kong sabi sakanya.
“Bakit hindi mo alam?” Kunot nuong tanong ni Isaac sa ’kin.
“Paano ko ba sasabihin. Ahm.. hindi ko din alam basta ang alam ko hindi na siya ang iniisip ko.” Sagot ko.
“So, sino na ang iniisip mo?” Tanong niya sa ’kin.
Nalukot agad ang mukha ko sa tanong ni Isaac. “Si uhugin. Damn it!” Sagot ko kaya mas lalong kumunot ang nuo ni Isaac.
“Woman?” Tanong pa niya. Tumango ako saka bumuntong hininga.
“Iniisip ko siya, hindi ko alam kung bakit. Siguro ay naaawa lang ako sakanya kaya nakuha niya ang attensyon ko.” Sagot ko habang iniisip si Stelie. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko si Stelie. Ginayuma na yata ako ng babaeng yun kaya pati pagtulog ko ay napapanaginipan ko siya.
Simula kasi ng marinig ko ang mga pinagsasabi ni Mari kay Stelie ay parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam pero ayaw kong makitang umiiyak ang uhugin na yun. Kaya pilit kong sinasabi sa sarili ko na si Mari lang ang gusto ko. Pero talagang makulit si Stelie dahil lagi siyang tumatakbo sa isip ko. Nasisiraan na yata ako ng bait. Tangina talaga!
Laking gulat ko pa kanina nang mag send ako ng message kay Stelie na nag papaalam ako na nasa Leyte ako. Niyaya ko kasi siya kahapon na kakain kami sa labas ngunit nakalimutan kong kailangan pala kami dito ni Caleb sa feeding program niya.
Kaya nag message ako kay Stelie at baka hintayin niya ako at sumama ang loob niya sa ’kin. Tangina! Hindi na talaga ako ’to. Siguro ay may sumapi sa ’kin at kinokontrol ang katawan ko.
A/N: sorry po sa slow ud.
Good evening, Azzinatics! ❤️
Chapter 9
PAUWI NA AKO GALING sa trabaho at naisipang maglalakad muna ako para bumili ng tinapay.
Dalawang araw na simula na simula nang sabihin sa ’kin yun ni Mari. Dalawang araw na din na hindi na nagpaparamdam si Eros sa ’kin. Iniisip ko tuloy na baka nag-usap na sila ni Mari at sinabi niyang mahal niya ’to.
Hindi ko alam kung paano ko pipigilan si Mari sa binabalak niya. Ngunit, naniniwala ako na hindi magtatagumpay ang masama kaysa sa mabuti kaya ipagdadarasal ko nalang na sana hindi magtagumpay si Mari.
Nakapila ako para bumili ng tinapay. Balak ko sanang gawin ’tong almusal bukas para hindi na ako magluto ng pagkain.
Pumili ako at agad namang binalot ng babae ang pinili kong tinapay. Inabot niya sa ’kin ang plastic na may lamang tinapay kaya agad kong inabot ang bayad ko. “Salamat po!” Magalang kong sabi sa tindera.
Habang nilalagay ko sa shoulder bag ang binili kong tinapay nang biglang may sumulpot sa harap ko. Nagulat ako ngunit agad akong nakabawi. Inirapan ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko habang nakangiti. “Pahingi!” Sabi niya habang nakatitig sa shoulder bag ko.
Napa-iling nalang ako saka ko inilabas ang binili kong tinapay. Kumuha ako ng isa saka ko ’to binigay kay Eros. “Ang bilis naman ng mga mata mo.” Sabi ko sakanya.
Agad siyang kumagat sa tinapay saka ’to umatras para lumabas ng bakery. Sumunod naman ako sakanya.
Nakatitig lang ako kay Eros na kumakain ng tinapay. “Wala ba ’tong panulak?” Tanong niya sa ’kin.
“Wala. Pero kaya naman kitang itulak eh,” sabi ko kaya pinandilatan niya ako ng mga mata niya.
Nagsimula akong maglakad, siya naman ay sinasabayan ang hakbang ko. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sakanya habang nakatingin sa dinaraanan ko.
“Binisita ka! Bakit bawal ba?” Tanong niya habang may tinapay sa loob ng bibig niya.
Napakamot ako sa ulo dahil nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya ang sinabi ni Mari sa ’kin. “Ahm.. kasi, dalawang araw ka ng hindi nag paparamdam sa ’kin.” Sabi ko sa mahinang boses. “Ang akala ko ay nagkita kayo ni Mari at may sinabi siya sa’yo..” dagdag kong sabi kaya napatigil siya sa paghakbang.
“Ano naman sasabihin niya sa ’kin?” Kunot nuong tanong ni Eros sa ’kin.
Napipilitan akong ngumiti sa harap niya habang umiiling. “Wala. Wag mo ng isipin yun.” Sabi ko nalamang saka ako umiwas ng tingin. Siguro ay hindi pa sila nagkikita ni Mari. Nakahinga ako ng maluwag dahil do’n.
Hindi na ako nagsalita pa habang naglalakad parin kaming dalawa ni Eros. Kinukuha naman niya ang tinapay na binili ko kaya wala na akong nagawa. Hinayaan ko nalang dahil masaya akong sinasabayan niya akong maglakad.
“Galing ka ba sa Leyte?” Bigla kong tanong sakanya.
“Kahapon pa ako dumating.” Sagot niya agad.
“Ahh..” tipid kong sagot. Yun lang ang nasabi ko kahit pa gusto kong itanong sakanya kung bakit hindi siya nagtext sa ’kin ng dalawang araw. Wala naman akong karapatan para magtanong.
“Maglalakad ka lang ba pauwi sa apartment mo?” Tanong niya sa ’kin.
“Hindi. Kaso naisipan kong maglakad-lakad muna. Ikaw.. paano mo nalaman na nasa bakery ako. Medyo malayo kaya ang bakery sa companya mo.” Sabi ko sakanya.
Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko. Pinagpatuloy lang niya ang pagkain ng tinapay nang bigla siyang umubo. Nataranta naman ako ng makita ko siyang pinapalo niya ang kanyang dibdib. Palinga-linga ako sa paligid at nagbabakasakaling may makita akong tindahan.
Mabuti nalang talaga at may nakita ako kaya agad akong tumakbo do’n saka siya binilhan ng softdrinks.
Bumalik ako agad sakanya saka ko inabot ang binili ko. Dali-dali naman niyang kinuha ang softdrinks at agad niyang ininum ’to.
“Mag dahan-dahan ka kaya kumain. Wala namang aagaw ng tinapay sa’yo eh.” Sabi ko.
Huminga siya ng malalim pagkatapos niyang maubos ang softdrinks. “Muntik na akong mamatay kanina.” Sabi niya kaya mahina akong natawa.
Inabot niya sa ’kin ang inagaw niyang plastic kanina saka ’to nagsalita. “Oh, ito na. Ayaw ko na niyan. Nakakamatay ang lintik na yan.” Sabi niya kaya nalukot ang mukha ko.
“Isang piraso nalang, binalik mo pa talaga sa ’kin.” Sabi ko sabay irap sakanya.
Hindi naman na siya sumagot sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ako ng biglang may sumulpot sa harap namin ni Eros.
Nakangiti siyang nakatitig kay Eros saka siya tumingin sa ’kin habang nakangisi. Alam kong peke ang ngiting pinakita niya sa ’kin. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngising pinapakita ni Mari sa ’kin.
“Hi, Eros!” Bati niya at talagang itinaas pa ang kanyang kamay.
Tumingin ulit sa ’kin si Mari saka ngumiti sa ’kin. “Hi, Stelie!” Bati niya kaya tumango ako habang pinipilit ngumiti kay Mari.
Masama talaga ang kutob ko sa babaeng ’to. Hindi ko alam kung bakit siya biglang sumulpot sa harap namin ni Eros.
“Bakit kayo naglalakad? May pupuntahan ba kayo?” Tanong niya samin ni Eros.
Hindi naman sumagot si Eros na nasa tabi ko. Nilingon ko siya at nakitang nakatitig lang ’to kay Mari. Bigla akong nanghina dahil alam kong mahal niya si Mari. Kahit pa siguro anong gawin ko, si Mari parin ang gusto niya at hindi ako.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. “Pauwi na ako.” Sagot ko sa mahinang boses.
“Pauwi ka na pala.. eh, bakit magkasabay kayo ni Eros?” Inosenteng tanong ni Mari sa ’kin.
Sasagot na sana ako ng marinig kong tumikhim si Eros sa tabi ko. “Nagkataon lang.” Sagot niya.
“Ohh.. akala ko pa naman may pupuntahan kayo. Gusto ko sanang sumama eh.” Sabi ni Mari habang nakatitig kay Eros. Wala namang sumagot samin ni Eros. “Kain tayo sa labas, Eros. Libre mo ko.” Sabi ni Mari habang nakanguso sa harap ni Eros.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa mukha niya. Halata kasing nagpapansin ’to kay Eros. Sana lang talaga ay wag magpauto si Eros sakanya.
“Sige.” Tipid na sagot ni Eros kaya natigilan ako.
“Yehey! Thank you, Eros.” Masayang sabi ni Mari habang may ngiti sa labi.
Tumingin sa ’kin si Mari at agad nawala ang ngiti niya. “Uuwi ka na ’di ba? Umuwi ka na!” Sabi pa niya sa ’kin. Halata sa mukha niya na ayaw niya akong pasamahin.
Yumuko nalang ako at akmang tatalikod sana ako nang bigla akong inakbayan ni Eros sa balikat. Nagulat ako sa ginawa niya kaya nanigas ang katawan ko. Pakiramdam ko ay may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang balat naming dalawa ni Eros.
“A-Anong..”
“Don’t go.” Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa mukha ni Eros habang siya ay nakatitig parin kay Mari.
Yumuko nalang ako dahil alam kong ginagawa lang ’to ni Eros para pagselosin si Mari. Bakit ko nga ba nakalimutan ang hinihingi niyang tulong sa ’kin. Kaya siguro ayaw niya akong paalisin para pagselosin si Mari.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may tumutusok sa puso ko. Nalulungkot ako dahil alam kong ginagamit na naman ako ni Eros. Pinipilit kong hindi maiyak dahil magmumukha akong kawawa na naman. Kawawa na nga hitsura ko, iiyak pa ako.
Inayos ko ang suot kong eyeglass habang nakayuko parin ako. Tumikhim ako bago ako nagsalita. “Uuwi nalang ako Eros. Kayo nalang muna ni Mari.” Sabi ko sa mahinang boses.
Hindi ko na hinintay na sumagot siya at agad ba binaklas ang kanyang braso sa balikat ko. Tumingin ako kay Eros na kunot nuong nakatitig sa ’kin.
“Bakit?” Tanong niya sa ’kin.
Sasagot na sana ako nang bigla kong narinig ang mahinang tawa ni Mari kaya napalingon ako sakanya. “Hayaan mo siya kung gusto na niyang umuwi, Eros. Nandito naman ako. Hindi ka maboboring sa ’kin.” Sabi niya saka tumingin sa ’kin mula ulo hanggang paa. Alam kong kanina pa niya ako minumura sa isipan niya.
Hindi naman sumagot si Eros at nakatitig lang talaga siya sa ’kin. “Sumama ka, Stelie. Mas masaya kapag nandon ka. Hindi ba gusto mo ng barbeque?” Tanong sa ’kin ni Eros.
Hindi naman ako naka sagot agad sa sinabi niya. Natigilan ako nang biglang hawakan ni Eros ang kamay ko at pinagsiklop ’to. “Sumama ka. Gusto kitang pakainin.” Sabi ni Eros habang nakatitig parin sa mga mata ko. Hindi ko alam pero napatango nalang ako sa sinabi niya.
Agad nagsimulang mahlakad si Eros habang hila-hila niya ako. Nagpatianod nalang ako sakanya hanggang sa malagpasan namin si Mari na masamang nakatitig sa ’kin.
“Let’s go, Mari.” Sabi ni Eros kay Mari sa malamig na boses.
Hindi na ako lumingon pa kay Mari dahil alam kong nakabusangot ang mukha niya.
Tahimik lang akong nakasunod kay Eros habang hila-hil niya ako. Nakarating kami sa isang restaurant at agad kaming pumasok sa loob.
Pumwesto kami sa hindi masyadong nadaanan ng mga tao at agad umupo. Magkatabi kami ni Eros habang nasa tapat naming upuan naka upo si Mari.
Hindi ko magawang tumingin kay Mari at baka hindi ko magustuhan ang mukha niya.
Umorder si Eros ng pagkain namin. Kanina pa niya ako kinakausap kong anong gusto ko kaw kainin. Tanging sabi ko lang ay siya na ang bahalang umorder.
Ilang sandali lang ay tumayo sa kinauupuan si Eros saka ’to umalis sa table namin. Bigla tuloy akong kinabahan dahil kami nalang ni Mari ang naiwan sa table.
Hindi parin ako nag-angat ng tingin habang pinapakiramdaman ko lang ang galaw niya.
“Ayos ka din talaga eh no!” Biglang sabi ni Mari sa ’kin kaya inangat ko ang aking mukha. Nakita ko ang mukha ni Mari na masamang nakatingin sa ’kin.
Inayos ko ang suot kong eyeglass saka ako nagsalita. “Ano na naman ba ginawa ko sa’yo, Mari. Bakit nagkakaganyan ka?” Tanong ko sakanya.
“Nakakainis yang mukha mo. Sana mawala ka na. Bwesit na bwesit na ako sa mukha mo. Sukang-suka na ako. Ang kapal naman ng mukha mong magpahatid kay Eros umuwi. Ganda ka?” Pang-iinsulto niya sa ’kin.
“Nagkasabay lang kami ni Eros, Mari. At wala ka ng pakialam do’n.” Mahinahon kong sabi sakanya.
Ngunit, napa-igik ako nang bigla niya akong sinipa sa ilalim ng table. Napangiwi ako dahil humapdi ang tinamaan ng takong niya.
“Masakit ’di ba?” Tanong niya habang nakangisi sa harap ko.
Hindi ako nakasagot dahil nakangiwi parin ako. Tinaasan niya ako ng kilay saka siya nagsalita ulit. “Sa susunod.. sa mukha mo na itatama ko ang takong ko. Kaya kung ako sa’yo.. layuan mo na si Eros kung ayaw mong pumangit ka lalo.” Sabi niya habang nakangisi.
Yumuko nalang ako nang biglang sumulpot si Eros sa table namin. Ayaw kong sabihin sakanya ang ginawa ni Mari sa ’kin.
Naririnig ko ang boses ni Mari na kinakausap si Eros sa malumanay na boses. Hindi na lang ako nagsalita pa.
Kunwari akong umuklo sa ilalim ng table dahil ang hapdi talaga ng isa kong binti. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong dumudugo ang isa kong binti. Kaya naman pala siya humapdi.
Nag-angat ako ng mukha at hindi pinahalata na may masakit sa ’kin.
Lumingon sa ’kin si Eros kaya pilit akong ngumiti sakanya.
“Ayos ka lang?” Tanong sa ’kin ni Eros kaya tumango ako.
“Sigurado ka ba? Baka ayaw mo sa mga inorder ko,” dagdag na sabi ni Eros.
“Okay lang ako. Wag mo akong alalahanin.” Pagsisinungaling ko kaya tumango siya sa ’kin. Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang ako. Si Mari naman ay halatang nilalandi si Eros at kung ano-ano ang pinagsasabi na wala namang kabuluhan. Si Eros naman ay hindi ko alam kung interesado ba sa sinasabi ni Mari dahil panay ang lagay niya sa ’kin ng pagkain sa plato ko at sinasabihan akong kumain ng madami. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti kahit pa nga mahapdi ang binti ko.
A/N: May nabasa akong message sa page ko na ang bagal ko daw mag ud.
FYI po antiee may sarili din po akong buhay. Hindi lang po wattpad ang inaatupag ko. Kung nababagalan sa update ko.. hala ikaw na mag continue sa pagsusulat. Thank you sa admin ko at sinagot niya ang chat dahil busy talaga ako ngayon pero sinisingit ko parin ang pag u-ud. Sana naman kunting unawa naman po sana. Sa totoo lang tinatamad na din ako magsulat at iniisip na i-unpublished ko na lahat ng gawa ko pero hindi ko ginagawa.
Yun lang! Sana maintindihan niyo po sana. Thank you! ❤️
Chapter 10
HINATID AKO ni Eros sa harap ng apartment ko pagkatapos naming kumain sa restaurant. Ako ang unang hinatid niya dahil sabi ni Mari may sasabihin pa daw siya kay Eros.
Hindi nalang ako umangal dahil gusto ko narin namang umuwi para magamot ang sugat ko. Mahapdi na kasi talaga at kumalat pa ang dugo sa binti ko. Hindi ko na nga lang pinapahalata kay Eros kanina na may iniinda ako.
Walang gana akong naglakad papasok ng apartment hanggang sa makapasok ako sa loob. Pabagsak akong umupo sa kama saka bumuntong hininga.
Nakatitig lang ako sa sugat ko kaya mas lalo akong napabuntong hininga. Naisipan kong tumayo nalang muna para linisin ang sugat ko.
Pumasok muna ako sa banyo para maligo saka ko gagamutin ang sugat ko. Medyo malalim kasi dahil sa heels ni Mari. Hindi ako makapaniwala na kayang-kaya talaga niya akong saktan makuha lang niya ang gusto niya.
Mabilis akong naligo at agad nagbihis. Lumabas ako ng banyo saka ko kinuha ang first aid kit na nakapatong sa maliit kong aparador.
Umupo ako sa kama saka ko tinignan ang sugat ko. Napabuntong hininga nalang ulit ako saka ko binuksan ang first aid kit. Akmang gagamutin ko na sana ang sugat ko ng marinig kong may kumatok sa labas ng pinto ko.
Kumunot ang nuo ko dahil wala naman akong inaasahan na bisita. Wala naman kasi akong kaibigan kaya alam kong walang dadalaw sa ’kin ng ganitong oras.
Kahit nagtataka man ay tumayo parin ako para pagbuksan kung sino man ang nasa labas ng apartment ko. Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ’to binuksan.
Natulos ako sa kinatatayun ko ng makita ko ang nag-aalalang mukha ni Eros. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses at baka namalikmata lang ako. Ngunit, kahit ilang kurap na ang ginawa ko ay nandito parin si Eros sa harap ko.
“Eros..” sambit ko sa pangalan niya. Hindi naman siya sumagot at titig na titig lang siya sa mukha ko.
“Eros.. b-bakit ka nandito?” Tanong ko sakanya ng hindi siya magsalita ulit.
Napakurap-kurap siya saka ’to tumikhim. “Ano.. kasi…” sabi niya na hindi matuloy-tuloy ang sasabihin. Hindi din siya nakatingin sa gawi ko, naka sideview siya kaya kumunot ang nuo ko. Akala ko pa naman ay mag-uusap sila ni Mari.
“Ayos ka lang ba?” Tanong ko sakanya dahil para ’tong hindi komportable.
Dahan-dahan siyang lumingon sa ’kin kaya kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya.
“A-Ano kasi..” sabi niya na hindi na naman matuloy-tuloy ang sasabihin. Bigla siyang tumikhim at titig na titig sa mukha ko. “B-Bakit kasi.. wala kang suot na bra.” Sabi niya at agad umiwas ng tingin. Bigla kong inilagay ang dalawa kong kamay sa dibdib ko ng sabihin yun ni Eros. Ngayon ko lang naalala na wala nga pala akong suot na bra.
Dali-dali akong tumalikod sa gawi niya saka ako nagsalita. “P-Pasensya na.. nakalimutan ko lang.” Nauutal kong sabi. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil sa hiya na nararamdaman ko.
Narinig kong tumikhim si Eros na nasa labas parin ng apartment ko. Nakatayo lang din ako habang nakatalikod sa gawi niya. “Bakit ka ba nandito? May kailangan ka ba sa ’kin?” Sunod-sunod kong tanong sakanya. Ngunit, hindi siya sumagot sa tanong ko.
Lilingon na sana ako kay Eros dahil hindi na siya nagsalita pa. Ngunit, napasinghap ako nang biglang hawakan ni Eros ang isa kong binti kung saan ako may sugat.
“Eros.. a-anong ginagawa mo?” Tanong ko dahil sa ginawa niya. Sinisipat niya ang sugat ko sa binti habang naka kunot ang kanyang nuo.
Nagtaas siya ng mukha habang nakaupo parin siya sahig. “Bakit hindi mo sinabi sa ’kin kanina?” Tanong niya sa seryosong boses.
“Huh? A-Anong sinasabi mo?” Pagmamaang-maangan ko. Ayaw ko kasing sabihin sakanya dahil hindi naman ako importanteng tao sakanya. Baka kapag sinabi ko sakanya ang ginawa ni Mari ay kampihan pa niya si Mari.
Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig habang seryosong nakatitig siya sa ’kin. “Bakit hindi mo sinabi na sinaktan ka ni Mari.” Sabi niya kaya napakurap-kurap ako sa harap niya.
“P-Papano mo nalaman?” Nauutal kong tanong sakanya.
Hindi naman siya sumagot sa tanong ko. Bagkos ay bumuntong hininga lang ’to saka lumapit sa ’kin lalo.
Magsasalita pa sana ako nang mabilis akong binuhat ni Eros. Sa gulat ko ay napayakap ako sa leeg niya. “A-Ano ba! Bakit mo ba ako binubuhat?” Natataranta kong tanong sakanya.
“Masyadong malalim ang sugat na ginawa ni Mari sa’yo, Stelie. Dapat sinabi mo sa ’kin yan kanina.” Sabi niya sa seryosong boses at naglakad papasok ng apartment ko.
“Hoy! Sinabi ko bang pumasok ka sa apartment ko?” Tanong ko sakanya kaya napatigil siya sa paghakbang.
Tumingin siya sa ’kin kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa. “Mas maganda ka kapag hindi ka nakasuot ng eyeglass.” Sabi niya habang titig na titig parin sa ’kin. Nakalimutan ko na yatang huminga dahil sa sinabi ni Eros. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko na parang sasabog ito.
“Gagamutin ko muna sugat mo. Uuwi lang ako kapag nasigurado kong ayos ka na.” Sabi niya saka naglakad ulit papunta sa kama ko.
Dahan-dahan niya akong inilapag sa kama. Nakasunod lang ang tingin ko kay Eros na agad umuklo sa harap ko at hinawakan ang isa kong binti.
Tumingin siya sa kama kung saan naka patong ang first aid kit. Tahimik lang akong nakatingin sakanya habang ginagamot niya ang sugat ko.
“Bakit hindi mo sinabi sa ’kin ’to, Stelie?” Tanong niya sa ’kin habang ang mga mata niya ay nakatuon sa ginagawa niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagdadalawang isip kong sasabihin ko ba sakanya ang rason ko. Hindi ako sumagot agad kaya tumigil si Eros sa ginagawa niya saka lumingon sa ’kin.
“Ahm.. baka kasi si Mari lang ang kampihan mo kung magsasabi ako sa’yo. Alam kung mahal mo si Mari, Eros. Kaya alam ko na siya ang kakampihan mo. Sanay na man ako eh.” Sabi ko saka yumuko. “Naalala mo pa ba n’ong mga bata pa tayo, isang tinapay nalang ang naiwan no’n. Hindi pa ako nakakain pero si Mari nakakain na. Sinabi kong akin yung tinapay na yun pero sabi ni Mari ay hindi pa siya nakakain. Nagsabi ako sayo no’n ng totoo pero mas pinili mong ibigay kay Mari ang nag-iisang tinapay dahil siya ang kinampihan mo.” Sabi ko saka ngumiti ng pilit. “Kaya ayaw kong sabihin sa’yo. Alam ko kasi na mas importante sa’yo si Mari kaysa sa ’kin, lalo na at mahal mo pa naman ang babaeng yun.” Mahaba kong sabi.
Tumingin ako kay Eros at nakitang titig na titig siya sa ’kin. “I’m sorry about that, Stelie.” Sabi niya.
Ngumiti lang ako sakanya saka tumango. “Ayos lang yun. Mga bata pa tayo no’n eh.” Sabi ko sakanya.
“Pero dapat sinabi mo ’to sa ’kin, Stelie. Hindi tama ang ginawa niya sa’yo.” Sabi niya. Halata sa boses niya na para ’tong galit. Yumuko siya ulit saka dinampian ng gamot ang sugat ko. “Pangako.. ikaw na ang kakampihan ko, Stelie. Kaya sabihin mo lang sa ’kin kapag sinaktan ka ulit ni Mari.” Sabi niya kaya dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakadinig ko sa sinabi niya.
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Eros. Ayaw bumukas ng labi ko at wala akong maisip na sasabihin.
Natapos si Eros sa ginagawa niya kaya tumayo siya sa harapan ko. “Wag kang pumasok ng work bukas kung masakit pa yan. Magpahinga ka lang muna.” Sabi niya sa ’kin habang inaayos ang first aid kit.
“Pero..”
“Wag matigas ang ulo, Stelie. Palalambutin ko ang ulo po pag nagmatigas ka.” Banta niya sa ’kin kaya inirapan ko siya.
“Oo na. Salamat nga pala.” Sabi ko sa mahinang boses.
“Uuwi na ako. Babalik ako dito bukas para icheck ulit ang sugat mo.” Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
“Wag na! Baka makaabala pa ako sa’yo. Ayos naman na. Kaya ko na ’to bukas.” Sabi ko sakanya.
“Wag makulit, Stelie.” Sagot niya kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
“May kuto ka ba?” Tanong niya habang nakatitig sa ’kin.
“Wala no! Nangangati lang ulo ko dahil sa kakulitan mo,” sagot ko.
“Ako pa talaga ang makulit!” Sabi niya habang nakapameywang sa harap ko.
“Ayy ewan. Umuwi ka na nga para makapag pahinga narin ako.” Sabi ko sakanya habang hindi nakatingin.
“Pa kiss muna,” bulong niya ngunit narinig ko parin. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
“A-Ano?” Nauutal kong tanong kay Eros.
“Ahm.. sabi ko ihatid mo ko.” Sabi niya saka umiwas ng tingin sa ’kin. “Ihatid mo ko kahit hanggang dyan sa pintuan.” Sabi niya sabay turo ng pinto ko.
Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko saka ako paika-ikang naglakad patungo sa pinto. Narinig ko naman ang yapak ni Eros na nakasunod lang siya sa ’kin.
Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ’to binuksan. “Ayan na! Umuwi ka na.” Sabi ko sakanya.
Tumango naman siya saka nilagpasan ako hanggang sa tuluyan siyang nakalabas. Huminto siya sa paghakbang saka lumingon sa ’kin.
“Nga pala..” sabi niya na sinadyang bitinin ang sasabihin niya.
“Ano yun?” Tanong ko. Nakatitig lang siya sa ’kin kaya kumunot ang nuo ko. Hinaplos ko pa talaga ang mukha ko at baka may dumi sa mukha ko. Ngunit wala naman akong nakuha.
“Good night, Stelie.” Sabi niya saka mabilis na lumapit sa ’kin. Hindi ko nasundan ang kilos niya nang bigla niyang sinakop ng halik ang labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko habang nanigas ang katawan ko sa ginawa ni Eros. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya para akong tanga na naka estatwa.
Napasinghap ako nang biglang kinagat ni Eros ang ibabang labi ko. Mas lalo pa yata akong nagulat nang ipasok ni Eros ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Napakapit ako sa braso niya para hindi ako matumba. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil si Eros ang first and second kiss ko. Kaya hindi talaga ako marunong humalik.
Hindi ko mapigilang hindi mapaungol sa ginagawang pagsip-sip ni Eros sa dila ko. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang buo kong katawan sa ginagawa niya.
Tumigil si Eros sa paghalik sa ’kin habang ako naman ay hinahabol ang hininga. Nakatitig lang kami sa isa’t-isa at walang nagsasalita samin dalawa.
“Kanina ko pa gustong halikan ang mga labi mo n’ong nasa bakery tayo, Stelie. Kaso biglang sumulpot si Mari kaya hindi ko na nagawa.” Sabi niya.
Hindi ako nakasagot sa sinabi sa ’kin ni Eros. Nahihiya ako sakanya.
Nakayuko lang ako at nag-iisip kung anong gagawin. Hindi yata gumana ang utak ko dahil sa hiyang nararamdaman ko.
Mabilis akong tumalikod kay Eros sabay pasok ng apartment ko at malakas na isinara ang pinto.
Mahina kong hinahaplos ang dibdib ko kung saan ang puso ko. Pilit kong pinapakalma ang puso ko dahil ang lakas lakas ng tibok nito.
“Shit..” sabi ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Sinampal ko pa talaga ang magkabilaang pisngi ko at baka nanaginip lang pala ako. Pero naramdaman kong masakit ang ginawa kong sampal sa sarili ko kaya napatili ako.
Hindi pala talaga panaginip. Lahat nang ginawa ni Eros mula sa pang gagamot niya sa sugat ko ay totoo pala talaga. Hindi ko mapigilang hindi kiligin na parang teenager na pinansin ng crush. Matagal ko na kasing pangarap na mapansin ako ni Eros kaya sobrang saya ko.
Hindi ko yata kayang matulog nito dahil ang puso ko ay ang lakas parin ng tibok. Sulit din pala ang ginawang sugat sa ’kin ni Mari.
Ngunit, may biglang pumasok sa isip ko kaya nawala ang ngiti ko sa labi. Naisip ko kasi.. baka ginagawa lang ’to ni Eros dahil may kailangan lang siya sa ’kin. Natatakot tuloy ako para sa sarili ko, pati narin ang puso ko. Masyado akong malambot kaya baka hindi ko kayanin kapag sinaktan ako ni Eros.
A/N: Magandang hapon, Azzinatics!
Kung nagtataka kayo yung ibang gawa kong story ay mahahaba ang chapter dahil medyo baguhan lang talaga ako no’n at gusto ko sanang ayusin pero katamad talaga kaya hinayaan ko na. Bawat chapter ko na ngayon ay 2k words nalang.
Chapter 11
NANDITO AKO sa hospital para bisitahin si Caleb na nainlove sa isang bata. Dinukot kasi kahapon ang bebe love niya kaya nasa hospital.
He called me earlier to go to the hospital so I immediately went here. Pinagmamasdan ko lang ang kaibigan kong pabebe. Walangya! Nagka jowa lang naging corny na.
Kanina pa din niya ako pinagsasabihan tungkol sa paghahabol ko kay Mari. Hindi kasi nila alam na wala na akong pakialam kay Mari. Hindi kasi ako nag kwe-kwento para hindil nila imbistigahan si Stelie. Mga gago pa naman mga kaibigan ko.
“Tangina, magiging daddy na ako.” Bulong na sabi ni Caleb sa ’kin.
“Congrats, buddy. Dalawa na ang bebe mo. Bata binuntis mo eh,” sabi ko kaya masama niya akong tinignan.
“Gago!” Sabi niya saka niya ako siniko sa balikat. “Yung sinabi ko sa’yo.. wag mo nang habulin ang babaeng yun lalo na’t kasal na. Kawawa naman yung Stelie kung ginagamit mo lang.” Sabi niya na naman kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
“Oo na.” Suko kong sabi dahil kanina pa sumasakit ang teynga ko sa paaalala niya. Pati ang iba ko pang mga kaibigan ay yun ang laging sinasabi sa ’kin. Panay lang ang oo ko para hindi na humaba pa ang usapan.
Tinapik ko ang balikat ni Caleb sabay tayo sa kinauupuan. “Uwi na ako pre.” Pagpapaalam ko sakanya. Kaya naman na siguro niya ang buhay niya. Hindi na niya kailangan ng assist ko dito, marunong nga siyang gumawa ng bata eh kaya kayang-kaya na niya ang buhay niya.
Tumango naman siya sa ’kin. Tumingin ako sa ina ni Cataleya saka ako ngumiti at yumukod sa harap niya para magpaalam.
Lumabas agad ako ng hospital room. Nakasalubong ko pa ang kaibigan kong doctor na si Salem na nagpapa-cute sa ’kin habang naglalakad. Punong-puno na naman ng hangin ’to sa katawan.
“Uwi ka na?” Tanong niya sa ’kin habang pinupungay ang kanyang mga mata.
“Tigilan mo nga ako sa hitsura mong gago ka! Ang laswa.” Sabi ko sakanya kaya mas lalo siyang nagpa-cute sa ’kin.
“Where are you going? Wag mong sabihing pupunta ka kay Marigold.” He said while staring at me seriously.
My face crumpled at what he said. “Puro kayo Mari!” Inis kong sabi.
“Eh ano bang sasabihin ko? Pupunta ka kay bebang, ganun ba?” Tanong niya habang nakangisi.
“Sinong bebang?” Kunot nuo kong tanong.
“Hindi mo kilala si Aling bebang? Yung inuutungan ko ng kape.” Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko. Hinithit na naman siguro ang katol nito at kung ano-ano na naman ang pinagsasabi.
“Hindi ka na naman ba naka inum ng gamot mo?” Tanong ko sakanya.
“Naka inum. Ang dami ko nga ininum kagabi sa asawa ko eh,” sagot niya kaya napangiwi ako. Gago talaga ’to.
“Bahala ka nga! Aalis na ako. Pupunta pa ako sa companya ko.” Pagpapaalam ko sakanya.
“Kailan ka pa pumunta ng companya mong gago ka eh, para kang pusang gala kung saan-saan nagpupunta. Anong nakain mo at pupunta ka?” Takang tanong niya sa ’kin.
“Wala. May gusto lang akong makita do’n. Gusto kong masiguro na kumain na siya,” walang buhay kong sagot sakanya.
“Sino sa dalawa? Si Marigold o si Stelie?” He asked me.
Bumuntong hininga ako at itinikom nalang ang aking bibig. Wala akong balak sagutin ang tanong ni Salem. Dakilang tsismoso pa naman ang gagong ’to.
“Silent ahh. Pero kung ako ang papipiliin, buddy. Kay Stelie ako. Oo, old style siya manamit at medyo manang pero unang tingin ko palang sakanya ay napaka desinte niyang tignan. Hindi katulad do’n sa isang babae na pangalan pa lang mukhang pera na.” Sabi niya kaya napa-iling nalang ako.
“Oo na, lolo Salem.” Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
“Ulol! Hindi pa masakit ang mga tuhod ko. Kaya ko pang araruhin ang asawa ko magdamag.” Sabi niya sa inis na boses habang pinapakita ang muscle niya sa braso.
Hindi nalang ako sumagot dahil lalabas na naman ang famous line niya na gwapo siya kahit mas gwapo naman talaga ako sakanya. Nilagpasan ko nalang si Salem at agad tinungo ang exit para makalabas na ako ng hospital.
Nang makalabas ako ay agad kong tinungo ang parking lot para pumunta ng companya ko. Ang tigas talaga ng ulo ng uhugin na yun, pumasok talaga sa trabaho kahit hindi ko naman siya pinapapasok. Gusto ko kasing magpahinga siya lalo na sa ginawa ni Mari sakanya. Masyadong malalim ang sugat niya sa binti na akala mo’y sinaksak ng kutsilyo.
Nakita ko siya kanina sa cctv na pumasok sa entrance ng companya ko. Pa-ika ika pa talaga siya naglakad. Napaka tigas talaga ng ulo ng babaeng yun.
Pumasok ako sa loob ng kotse ko at agad binuhay ang makina at pinaharurot ’to.
Tahimik akong nagmamaneho nang biglang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko agad ’to sa bulsa ng pantalon ko at agad sinagot ang tawag gamit ang isa kong kamay.
Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag. “Hello!” Bati ko sa kabilang linya habang nakatuon parin ang mga mata ko sa daan.
“Eros..” sambit niya sa pangalan ko. Nanginginig pa ang boses nito sa kabilang linya kaya kumunot ang nuo ko.
“Mari..” I answered.
“Eros.. kailangan ko ng tulong mo. Please puntahan mo ko dito. I’m scared, Eros.” Sabi niya habang umiiyak sa kabilang linya.
“What happened?” Tanong ko at agad iginilid ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada at inihinto ito.
“Nahulog ako sa hagdan, Eros. Please help me. Dumudugo ang ulo ko. You know I’m scared of blood, right?” Sabi niya. “Please, Eros. I need you.” Dagdag pa niyang sabi.
“Nasaan ba ang asawa mo? Bakit hindi ka niya dinala sa hospital?” Tanong ko.
“Nasa business trip siya eh. Kaya wala siya dito sa bahay. Please, Eros. Takot na takot na talaga ako. Kailangan kita, please..” pagmamakaawa niya sa kabilang linya.
Hindi ko mapigilang hindi mapabuntong hininga. Ayaw ko sana siyang puntahan. Ngunit, narinig ko ang sigaw ni Mari sa kabilang linya at mga daing. Kaya pinili kong puntahan siya para madala ko siya sa hospital at iwanan do’n. Bahala na ang hospital sakanya.
TAHIMIK KONG ginagawa ang trabaho ko at panay ang sulyap ko sa cellphone na nakapatong sa office table ko. Kanina ko pa kasi hinihintay na tumawag sa ’kin si Eros.
Napilitan ako kanina na itext siya at sinabi ko na pumasok ako. Baka kasi pumunta siya sa apartment ko at hanapin ako.
Hindi naman na masakit ang sugat ko kaya pumasok ako. Sayang yung sahod. Balak ko kasing magpadala ng pera sa lola ko kung saan nakatira ang kakambal ko. Lagi kong ginagawa yun na hindi nalalaman ng kakambal ko.
Nalaman ko din muna kay lola na may trabaho na ang kakambal ko. Assistant daw ’to sa isang mayamang pamilya sa probinsya nila lola. Natuwa ako ng malaman ko yun dahil bumubuti na ang lagay ng kakambal ko. Magkaibang-magkaiba kami ng kakambal ko. Kung ako ay mahinhin at simple lang kong mag-ayos siya naman ang kabaliktaran ko. Simula din na do’n na siya tumira sa lola ko ay madami siyang naging kaibigan. Madaldal din kasi siya hindi katulad ko. Matapang at may kompyansa sa sarili. Hindi katulad sa ’kin. Wala ding suot na eyeglass ang kakambal ko. Nagmana kasi siya kay papa, ako naman ay nakuha ang malabong mata ni mama kaya kinailangan kong magsuot ng eyeglass simula palang ng bata pa ako.
Inaayod ko ang mga folder dahil natapos ko na din ang trabaho ko. Nakahinga din ako ng maluwag kanina dahil kahit isa ay walang nag utos sa ’kin na ka office mate ko. Hindi ko lang alam kung bakit kaya naninibago ako. Sanay kasi ako na lagi akong patakbo-takbo sa paakyat ng opisina habang may dalang kape.
Dinampot ko ang cellphone ko nang makita kong umilaw ’to. Binuksan ko agad at nakitang si Eros ang nag message sa ’kin.
Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang message niya. Nasa bahay pala siya ni Marigol dahil nahulog si Mari sa hagdan. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang mag hulog-hulogan.
Hindi nalang ako nag reply at ibinalik ang cellphone ko da table. Napasandal nalang ako sa likod ng upuan habang iniisip si Eros at Mari. Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib habang iniisip ang pumapasok sa isipan ko.
Agad kong iniling ang ulo ko para mawala yun at baka hindi na ako makatrabaho ng maayos.
Kinakagat ko ang kuko ko sa daliri habang iniisip kong mag re-replay ba ako kay Eros.
Umilaw ulit ang cellphone ko sa table kaya napasilip ako sa screen ng phone ko. Nakita ko ang name ni Eros kaya pinulot ko ang cellphone ko saka ko binasa ang text niya.
Medyo napangiti ako dahil tinatanong niya kung kamusta na ang sugat ko. Sinabi din niya sa ’kin na pupuntahan niya ako dito sa companya niya.
Nagtipa ako ng message saka ko sinend kay Eros. Nagreply naman agad siya kaya mabilis ulit akong nagtipa ng message.
Inilapag ko ang cellphone ko sa table ng masend ko kay Eros ang message ko. Itinuon ko ang aking mga mata sa screen ng computer.
Ilang saglit lang ay umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko na naman ito. Binuksan ko ka agad at nakita ang message sa pangalan ni Eros.
Papansin ka talagang losyang ka eh no!
Basa ko sa text niya. Alam kong si Mari ang nag message sa ’kin. Hindi ko nalang nireplayan dahil bigla akong nainis na pinakialaman niya ang cellphone ni Eros.
Umilaw ulit ang cellphone ko kaya kinuha ko ulit. Hindi na si Eros ang nag message sa ’kin kundi si Mari na. Halos mabitiwan ko ang cellphone ko sa sinend niya na picture. Siya yun at si Eros, naghahalikan.
Bigla nalang namanhid ang mga balikat ko sa nakita ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko dahil wala naman akong karapatan.
Napasandal ako sa likod ng swivel chair ko habang nakatitig sa screen ng computer ko. Wala na yata akong magagawang trabaho dahil sa nakita ko.
Dumating na ang hapon at wala man lang akong nagawang trabaho simula nang makita ko yun. Lumabas agad ako ng opisina dahil gusto ko ng umuwi.
Nang makalabas ako ng building ay agad akong naghanap ng taxi. Hindi na ako naglakad para sumakay ng jeep. Para kasi akong nawalan ng gana. Alam ko naman na wala akong karapatan malungkot pero hindi ko talaga magawa. Nasasaktan ako eh. Alam ko kasing hindi ako mananalo kay Mari. Alam kong gagawin niya ang lahat makuha lang niya ang gusto niya.
Sumakay ako ng taxi at sinabi ko kung saan ako magpapahatid. Tahimik lang akong nakaupo sa backseat nang biglang tumunog ang cellphone ko sa shoulder bag.
Kinuha ko agad yun at tinignan kung sino ang tumawag. Napalunok ako ng ilang beses nang makita ko ang pangalan ni Mari.
Kahit nag dadalawang isip ako ay sinagot ko parin ang tawag niya. Pinindot ko ang answer call saka ko itinapat sa kaliwa kong teynga. Hindi na muna ako nagsalita at pinapakinggan ang nasa kabilang linya.
“Ohh, Eros. Sige pa..” agad nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Mari sa kabilang linya.
Agad kong pinatay ang tawag at tinitigan ang screen ng cellphone ko. Tama ba ang narinig ko.. si Eros at Mari.
Hindi ko na talaga mapigilan ang luha ko. Ibig sabihin lang talaga nito, ginagamit lang talaga ako ni Eros. Lahat nang ginagawa niya ay puro pag papanggap.
Pinahid ko ang luha na nasa pisngi ko saka ako tumingin kay manong driver. “Kuya, pwede po bang sa bar mo po ako ihatid.” Sabi ko sa driver na agad tumango sa ’kin.
Ito ang mahirap sa walang kaibigan eh, walang dadamay kapag malungkot ako. Wala akong makausap o mapagsabihan nang saloobin ko. Kaya lagi ko nalang tinatago sa sarili ko kapag malungkot ako. Sarili ko lang talaga ang kakampi ko. Ayaw ko din namang magkwento sa pamilya ko, madami din kasi silang iniisip na problema. Kaya ayaw kong dumagdag pa.
A/N: Sorry po sa slow ud. Pero ayos na to kaysa naman one month akong hindi mag ud hahaha.. gusto niyo yun?
Update ako later isang chap pero mamaya pa gagawa palang ako. Pahinga ko muna mga daliri ko. Kay Percival tatagalan ko ang ud do’n hahahaha 😂🤣 keme.
Chapter 12
NAGISING AKO na parang binibiyak ang ulo ko. Napasapo ako sa nuo ko at dahan-dahang iminulat ang mga mata ko. Agad kong ipinalibot ang aking tingin at napagtanto na hindi ko kilala ang silid na ’to.
Napabalikwas ako ng bangon habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto. Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang huling naalala ko lang ay nasa bar ako kagabi at walang ginawa kundi uminom kahit pa nga first time ko.
Pinipilit kong alalahanin ang nangyari ngunit sumasakit lang talaga ang ulo ko.
Akmang babangon na sana ako ng biglang dumulas ang kumot na nakatakip sa katawan ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang dibdib ko. Wala akong saplot kahit isa at punong-puno ’to ng kagat na hindi ko alam kung surot ba ang kumagat sa ’kin.
“B-Bakit ako naka hubad?” Tanong ko sa sarili ko kahit wala naman talaga akong maalala. Mas lalo lang tuloy sumakit ang ulo ko.
Tumingin ulit ako sa paligid para hanapin ang eyeglass ko. Ngunit, narinig ko bigla pagbukas ng pintuan kaya napalingon ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Eros na nakatapis ng t’walya hanggang sa ibabang bahagi niya. Kitang-kita ko ang perpekto niyang katawan kaya napalunok ako ng ilang beses.
“E-Eros..” sambit ko sa pangalan niya.
Isinara niya ang pinto ng banyo habang ang isang kamay niya ay pinupunasan ang kanyang buhok gamit ang maliit na towel. Naglakad siya papunta sa kama kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dali-dali kong pinulot ang kumot para takpan ang dibdib ko. Naguguluhan talaga ako sa nangyayari.
Nakatayo si Eros sa harapan ko at titig na titig siya sa ’kin. Kinakabahan ako kaya hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.
“N-Nasaan ako, Eros? B-Bakit tayo magkasama?” Nauutal kong tanong sakanya. “At tsaka.. bakit ako nakahubad?” Dagdag kong tanong sa mahinang boses.
“Hindi mo maalala?” Balik tanong niya. Boses palang niya ay tumayo na agad ang balahibo ko. Hindi ako sumagot at pilit na inaalala ang nangyari kagabi.
“Look at me, Stelie.” Sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. Dahan-dahan akong lumingon sakanya kaya naglasalubong ang tingin naming dalawa.
“Wala ka bang maalala?” Tanong niya sa ’kin habang nakatitig parin sa mga mata ko. Agad akong umiling dahil wala talaga akong maalala.
Binitawan ni Eros ang hawak niyang towel at agad sumampa sa kama. “T-Teka.. a-anong ginagawa mo?” Natataranta kong tanong. Yung tibok ng puso ko ay parang magigiba na ang dibdib ko sa sobrang lakas nito.
“Ipapaalala ko sa’yo ang nangyari, Stelie. Open your legs, mon chéri.” Sabi niya. Hindi naman ako kumilos dahil naguguluhan ako.
“Ayy!!!” Tili ko nang mabilis na pinaghiwalay ni Eros ang dalawa kong binti saka niya ako kinubabawan. Nanlaki ang mga mata ko lalo na’t tinanggal ni Eros ang t’walya na naka tapis sa beywang niya. Mas lalo pa akong nagulat ng hilain ni Eros ni kumot na nakatakip sa katawan ko.
“T-Teka.. ano yung bumubundol sa ano ko..” nauutal kong sabi dahil ang tigas nito.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Eros kaya masama ko siyang tinignan. “Umalis ka nga sa ibabaw ko!” Sabi ko sakanya at pilit na tinutulak ang katawan niya.
“Ayaw ko nga! Ipapaalala ko pa sa’yo kung anong ginawa mo sa bar, mon chéri. Are you ready?” Tanong niya kaya kumunot ang nuo ko.
“A-anong pinagsasabi m— ahh..” ungol ko ng may pumasok na bagay sa loob ng pagkababae ko. Medyo mahapdi yun pero hindi naman masakit.
“Eros.. a-anong ibig sabihin nito?” Naguguluhan kong tanong sakanya.
Hindi naman siya sumagot sa ’kin at mabilis na hinawakan ang magkabilaang kamay ko at ipiniid sa uluhan ko. “Eros.. ano ba naguguluha ako sa nanagyayari.” Sabi ko habang pinipigilan ang ungol na gustong lumabas sa bibig ko.
“Later, mon chéri.” Sabi niya at mabilis na sinakop ng halik ang labi ko.
Kahit naguguluhan ay sinagot ko parin ang halik na iginawad niya sa ’kin. Napaungol ako sa loob ng bibig ni Eros ng malakas niyang isinagad ang pagkalalaki niya sa loob ko. Wala akong naramdaman na pagkapunit sa loob ko kaya nagtataka ako. Hindi din masakit na sinasabi ng iba, tanging nararamdaman ko lang ay ang hapdi pero kaya ko namang tiisin. Hindi ako makapaniwala na magkaisa ang katawan namin ni Eros ngayon. Mukhang nanaginip na naman yata ako.
Ngunit, mahinang kinagat ni Eros ang ibabang labi ko dahil siguro sa pang gigil niya. Kaya napatunayan kong hindi pala talaga ’to panaginip.
“Oh, Eros.” Nahihibang kong ungol habang tinatanggap ang bawat ulos niya sa loob ko.
Binitawan niya ang mga kamay ko saka inilayo ng kunti ang katawan niya. Hinawakan niya ang magkabilaang binti ko habang umuulos parin sa loob ko.
Agad niyang hinawakan ang pagkababae ko at tinungo ang kunt*l ko at nilaro ito. Halos tumirik ang mga mata ko sa ginawa niya dahil sa sarap na lumulukob sa katawan ko.
“Eros.. ang sarap,” naiiyak kong sabi.
“Ang sarap mo.” Sagot sa ’kin ni Eros at mas lalong binilisan ang pag-ulos sa loob ko. Napaliyad ako at napahawak ng mahigpit sa bedsheet. Namamaos na ako kakaungol at kakasigaw dahil sa sarap.
“Eros.. may lalabas ahhh..” naluluha kong sabi habang pilit na may inaabot na hindi ko malaman.
“Hayaan mo lang, mon chéri. Ilabas mo lang.” Sabi niya sa ’kin sa namamaos na boses. Naririnig ko din ang mga ungol ni Eros kaya mas lalong umiinit ang katawan ko.
Napaliyad ang katawan ko nang maramdaman kong may sumabog sa kaibuturan ko na napakasarap sa pakiramdam. Lupaypay ang mga kamay ko habang hinahabol ang hininga ko. Si Eros naman ay hinugot ang pagkalalaki sa loob ko pero nakadagan parin ’to sa ibabaw ko.
Napadaing ako ng hawakan ni Eros ang isa kong dibdib saka niya inilapit ang mukha niya. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya na nilabas ang dila at sinusundot ang nip-les ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil uminit na naman ang katawan ko. “Eros..” ungol ko.
“Damn! Ang sarap sipsipin ng nip-les mo. Pinkish.” Sabi niya kaya uminit ang magkabilaang pisngi ko.
Pinalo ko ang nuo niya kaya nanlaki ang mga mata niya sa ’kin. “Bakit mo ko pinalo?” Tanong niya.
“Anong ginawa mo sa ’kin? At bakit walang napunit sa ano ko.. teka pano ko ba sasabihin..” sabi ko na parang nahihiya, umiwas pa talaga ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan kay Eros.
Narinig ko naman ang mahinang tawa niya sabay pisil sa ut*ng ko. “Aray! Ano ba!” Reklamo ko habang masama siyang tinignan.
“Wala talagang mapupunit dyan dahil kagabi pa napunit. Hindi mo maalala na nirape mo ako kagabi?” Tanong niya habang may ngiti sa labi. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil hindi ko siya maintindihan.
“A-Anong pinagsasabi mo? Anong rape? Hindi ko magagawa yun no!” Depensa ko sa sarili ko.
“Ahh.. hindi mo pala kayang gawin. Kaya mo ba sinubo ang alaga ko. Hmm.” Sabi niya saka hinalikan ang tungki ng ilong ko.
“Ha?” Tanging nasabi ko nalang.
“Bakit ka naglasing kagabi? Alam mo bang nag-alala ako sa’yo. Wala ka sa apartment mo kaya kung saan-saan kita hinanap. Akala ko ay napano ka na. Damn it! Stelie. Wag na wag mong uulitin yun.” Sabi niya sa ’kin habang nakapatong parin sa ibabaw ko.
“Tangina! Kinailangan ko pang guluhin ang kaibigan ko para mahanap ka lang.” Sabi niya kaya masama ko siyang tinignan.
“Minumura mo ba ako?” Inis kong tanong sakanya.
“Hindi! Yung kaibigan ko ang minumura ko hindi ikaw.” Sagot niya saka nilukomos ng halik ang labi ko.
“Uhmmm..” ungol ko sa loob ng bibig ni Eros. Tumigil lang siya sa ginagawa niya nang kapusin kaming pareho ng hangin.
“Now, bakit ka naglasing sa bar? Isa ka pa namang uhugin.” Sabi niya kaya mabilis ko siyang binatukan sa ulo.
“Joke lang, mon chéri.” Sabi niya habang hinahalikan ako sa pisngi. Tumigil siya sa paghalik sa ’kin saka ako tinitigan.
Nakanguso akong nakatitig sakanya at nagdadalawang isip kong sasabihin ko ba ang dahilan kung bakit ako pumunta ng bar. “A-Ano kasi.. ahm.. nasasaktan ako.” Sabi ko sa mahinang boses.
“Nasasaktan? Saan? May masakit ba sa’yo?” Tanong niya habang ang mukha niya ay halatang nag-aalala sa ’kin.
Umiling ako sa harap niya at pilit na pinapalakas ang loob ko. Bahala na kung mareject ako ni Eros, ang mahalaga ay nasabi ko sakanya na gusto ko siya. Para wala akong pagsisihan sa huli. Baka kasi ito nalang ang chance ko para sabihin ang nararamdaman ko sakanya.
Huminga ako ng malalim saka tumitig sa mga mata ni Eros. “Gusto kita, Eros. Simula palang ng mga bata pa tayo. Pero dahil alam kong si Mari ang gusto mo kaya tinatago ko nalang ang nararamdaman ko.” Sabi ko sakanya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat sa mga sinabi ko. Hindi siya nakapagsalita kaya tumikhim ulit ako.
“Pumunta ako ng bar kahapon dahil tumawag sa ’kin si Mari. Umuungol siya sa kabilang linya habang tinatawag niya ang pangalan mo.” Sabi ko sakanya. “Alam kong wala akong karapatan masaktan dahil wala naman tayong relasyon. Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa ’kin. Pero hindi ko na nakayanan ang lungkot kahapon kaya pumunta ako ng bar.” Dagdag kong sabi.
Kumunot naman ang nuo ni Eros habang nakatitig parin sa ’kin. “Umuungol? Tangina! Hinatid ko siya sa hospital kahapon at iniwan ko siya do’n. Ayaw pa nga sanang pakawalan ang kamay ko dahil gusto niyang samahan ko siya. Pero umalis parin ako dahil nag-aalala ako sa binti mo. Kaya walang nangyari samin ni Mari.” Sabi niya sa seryosong boses.
“Huh? W-Wala.. talaga?” Gulat na gulat kong tanong.
Hindi naman siya sumagot bagkos ay siniil niya ng halik ang labi ko. Mabilis lang ang ginawa niyang paghalik sa ’kin saka niya hinalikan ang nuo ko.
“Walang nangyari samin. Satin mero. Gusto mo nang round six?” Tanong niya saka mabilis na ipinasok ang pagkalalaki niya sa loob ko.
“Ahh.. Eros.” Ungol ko sabay hawak sa braso niya. Tumawa naman siya kaya malakas ko siyang pinalo sa balikat. “Wag ka ngang nangugulat.” Sabi ko sabay irap sakanya.
“Kaya ka pala naglasing kagabi. Mabuti nalang at sakto lang ang dating ko kagabi sa bar dahil sumasayaw ka na do’n.” Sabi ni Eros sa galit na boses.
“Sumasayaw? Ako? Hindi nga?” Gulat na gulat kong tanong.
“Yup. Sobrang lasing na lasing ka na kagabi na halos buhatin kita palabas ng bar.” Sagot niya sa ’kin saka niya sinubo ang isa kong ut*ng kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.
Iniluwa niya ’to at pinagpantay ang mukha naming dalawa. “Wag kang mag-alala, Stelie. Gusto din kita kaya patas lang tayo ng nararamdaman.” Sabi niya at mabilis na sinakop ng halik ang labi ko. Hindi ako nakagalaw agad habang ang mga mata ko ay nakadilat dahil sa gulat sa sinabi niya.
Gusto ako ni Eros.
Ipinikit ko ang mga mata ko at niyakap sa leeg si Eros. Buong puso kong tinugon ang halik na iginawad niya. Mas lalo ko pang ibinuka ang mga binti ko kaya mas lalong bumilis ang pag-ulos ni Eros sa loob ko.
Ako ang unang humiwalay sa halik na pinagsaluhan namin saka ko tinitigan si Eros. “May tanong ako..” sabi ko sakanya kaya tumigil siya sa pag-ulos.
“What is it?” Tanong niya.
“Anong sinasabi mong nirape kita? Totoo ba talaga?” Tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya.
“Yes. Totoo yun. Binaklas mo lang naman ang sinturon ko at binuksan ang pantalon ko. Hindi mo ba maalala na halos itulak ko ang ulo mo dahil sa ginagawa mo sa pagkalalaki ko?” Tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko sabay iling.
“Sinubo mo lang naman saka mo inupuan.” Sagot niya saka mahinang tumawa. “Damn! Ang wild mo pala kapag nalalasing ka. Wag na wag mong gagawin yun sa iba kundi itatali kita sa kama.” Banta niya sa ’kin sabay pisil sa isa kong dibdib.
Napaungol nalang ako ng malakas na naman siyang umulos sa loob ko. Hindi ko alam kung saan ako kakapit sa tindi ng pagbayo ni Eros sa loob ko.
A/N: Tulad ng sabi ko.. mag u-ud ulit ako kay Eros kaya heto na. Pasensya na kung ito lang nakayanan ng lola niyo hahaha 😂🤣
Oh siya.. gagala na muna otor niyo. Okay?! Baboosh!!! ☺️
Chapter 13
NAKATITIG LANG ako kay Stelie na hirap na hirap maglakad. Hindi ko mapigilang hindi matawa ng makita kong inirapan niya ako.
Kanina ko pa siya pilit tinutulungang maglakad ngunit ayaw niya. Pati yata ang hawakan siya ay ayaw niya.
Nakaupo parin ako sa kama sabay sipol sakanya ng umangat ng kunti ang naka tapis na t’walya sa katawan niya. Agad niya akong nilingon at masamang tinitigan kaya mahina akong natawa.
“Bakit ka ba tumatawa?!” Tanong niya sa galit na boses.
Kinagat ko nalang ng mahina ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. “Let me take care of you, mon chéri.” I said.
“Wag kang lumapit sa ’kin, Eros. Sisipain ko talaga pagkalalaki mo,” pananakot niya.
“As if naman kaya mo kong sipain, Stelie.” I said in a sarcastic voice. Alam ko namang hindi niya magagawa yun lalo na’t para siyang penguin kong maglakad. Kulang nalang itim na t’walya ang gamitin niya.
“Kaya ko, Eros. Kaya wag mo ng subukan.” Sagot niya sabay bukas ng pintuan ng banyo.
“Maliligo ka?” Tanong ko kaya napatigil siya sa paghakbang saka dahan-dahang lumingon sa gawi ko.
“Oo, bakit?” Suplada niyang tanong.
“Sama ako. Sabay tayong maligo para tipid sa tubig. Matutuwa pa satin si mother nature.” Sagot ko kaya pinukol niya ako ng masamang tingin. Pumasok siya ng tuluyan sa banyo at malakas na isinara ang pinto.
Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa inaasta ni Stelie. Galit na galit kasi siya sa ’kin dahil hindi ko siya tinigilan. Halos mag makaawa siya na tigilan ko na siya kanina. Puro kalmot din ang likod ko kapag nilalabasan siya kaya natatawa ako.
Gusto na niyang umuwi ngunit ayaw ko siyang payagan. Alam ko kasing masakit ang pagkababae niya. Gusto ko siyang alagaan, ngunit inaaway niya ako at muntik ng masuntok ang kaliwa kong mata kanina. Mabuti nalang talaga at ninja ako kaya mabilis kong iniwas ang mukha ko kaso sa kanang mata ako tinamaan. Walangya talaga!
Hihiga na sana ako sa kama ng marinig ko ang sigaw ni Stelie mula sa banyo. Dali-dali akong bumangon sa kama at mabilis na naglakad patungo sa pinto ng banyo. Kahit naka lock ang pinto ay nagawa ko padin buksan ’to.
Tinulak ko ang pintuan at nakita si Stelie na nakaupo sa toilet bowl. Nanlaki pa ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala na nabuksan ko ang pintuan.
“B-Bakit mo na buksan ang pintuan?” Nauutal niyang tanong sa ’kin na hindi ko pinansin. Agad akong lumapit sakanya saka umupo sa harap niya.
Hinawakan ko ang magkabilaang binti niya na agad naman niyang tinulak ang mga kamay ko. “Ano ba!” Sabi niya.
“Titignan ko lang, mon chéri.” Sagot ko at mabilis na hinawakan ang pagkababae niya.
“Eros!” Saway niya sa ’kin sabay hawak sa kamay ko. “Ako na!” Dagdag pa niyang sabi.
“Hindi mo naman makita, mon chéri. Kaya ako na! Kaya ko na ’to.” Sagot ko saka bumalik sa ginagawa ko. Nakita ko na namamaga ang pagkababae ni Stelie. Medyo nakokonsensya ako pero medyo lang naman.
“Tama na yan. Nakakailang ang ginagawa mo.” She said.
“Bakit ka naman mahihiya.. eh nakita ko naman na ’to.” Saad ko.
“Ahh.. basta! Wag mong titignan. Nakakahiya!” Sabi niya sabay tulak palayo sa ’kin.
Nakaupo parin ako sa harap niya at pinagmamasdan ang mukha ni Stelie na halatang nasasaktan ito. Kinain tuloy ako ng konsensya. Kung hindi ko lang sana ginawang 12 rounds eh, ’di sana hindi namaga pagkababae niya.
“Bwesit ka Eros! Kung may tabo lang sana akong hawak ngayon baka pinokpok ko na sa ulo mo.” Banta niya sa ’kin pero ang boses niya ay napakahina.
Ngumiti lang ako sa harap niya saka ngumuso. “Kiss ko nalang ako. Yung may tunog ha!” Pilyo kong sabi kaya sinipa niya ako sa binti.
“Kiss mo mukha mo! Lumayas ka na nga! Bwesit ka!” Sabi niya sa inis na boses.
“Wag ka nalang muna umuwi. Baka mahirapan kang kumilos. Hayaan mong pagsilbihan kita, mon chéri.” Malambing kong sabi.
“Hindi na! Uuwi na ako. Darating pa naman ang mama at papa ko bukas kaya kailangan kong mag-ayos ng apartment ko.” Sabi niya habang nakangiwi sa harap ko.
“Letche ka Eros! Ang hapdi. Ang sakit umihi.” Maiiyak niyang sabi.
Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko dahil sa sinabi niya. Nalukot ang mukha ko saka ako nagsalita. “Kasalanan mo naman eh. Kung hindi ka naglasing sa bar at hinawakan ang pagkalalaki ko eh ’di sana hindi nasugat ang pagkababae mo.” Depensa ko sa sarili ko.
“Wag mo na nga ipaalala ang nangyari.” Sabi niya na halatang nahihiya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng maalala ko ang nangyari samin n’ong gabing yun.
Nakarating ako sa bahay ni Marigold at dali-dali akong pumasok sa gate ng bahay nila. Sinabi kasi sa ’kin ni Mari na hindi daw naka lock ang gate nila.
Mabilis ang ginawa kong kilos para madala ko siya sa hospital. Kailangan ko kasing makita si Stelie. Ewan ko ba.. hinahanap ko ang mukha ng uhugin na yun. Kahit ako ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit. Balak ko na nga sanang magtanong kay Salem dahil sabi niya kapag puso ang problema sakanya daw lumapit. Pero dahil alam kong dakilang tsismoso siya kaya hindi parin ako lumalapit sakanya. Baka kasi umabot sa buong subdivison ang ikwe-kwento ko sakanya.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila Marigold at agad hinanap ang babae. Natagpuan ko ’tong nakaupo sa pinaka dulo ng hagdan habang sapo ang kanyang nuo na may dugo. Maging ang mga kamay at pang itaas niyang damit ay may dugo din.
Naramdaman niya yata ang presensya ko kaya nag-angat siya ng tingin sa ’kin. Agad itong umiyak habang nakatitig parin sa ’kin. “Eros.. salamat naman at nandito ka na. Tulungan mo ko please..” sabi niya kaya agad akong naglakad papunta sakanya.
Umuklo ako sa harap niya saka tinignan siya. Mukhang totoong nahulog siya dahil kitang-kita ko ang mga galos at malaking sugat sa nuo niya.
“Kaya mo bang tumayo?” Tanong ko sakanya dahil ayaw ko sana siyang buhatin.
“Hindi. Masakit ang balakang ko, Eros. Pati narin ang likod ko. Buhatin mo ko please..” umiiyak niyang sabi kaya tumango ako.
Dahan-dahan ko siyang binuhat at agad naglakad para madala ko siya sa hospital. Nakayakap siya sa leeg ko habang umiiyak parin. “Ang sakit, Eros.” Saad niya.
“Ano ba kasing nangyari?” Tanong ko. Nakalabas kami ng bahay niya at agad akong naglakad papunta sa gate.
“Nadulas ako eh. Naglilinis kasi ako sa hagdan kanina,” sagot niya. Hindi na ako sumagot at agad na binuksan ang pintuan ng passenger seat saka ko siya ipinasok sa loob ng kotse.
Isinara ko ang pinto at nagmamadali akong umikot papuntang driver seat. Pumasok ako sa loob ng kotse at agad binuhay ang makina at pinaharurot ito.
Palipat-lipat ang tingin ko sa daan at kay Mari dahil umiiyak parin ito. “Have you called your husband?” Tanong ko sakanya.
“No.” Tipid niyang sagot saka lumingon sa gawi ko.
“Ikaw lang ang tinawagan ko, Eros. Alam ko kasing importante ako sa’yo. Kaya alam kong darating ka agad. At tama nga ako.. hindi ako nabigo.” Sagot niya saka ngumiti sa ’kin.
Kumunot naman ang nuo ko at ibinaling ang tingin sa daan. May nag-iba talaga sa ’kin. Hindi katulad dati na gustong-gusto ko na nasa sa ’kin ang attensyon ni Mari. Kaya nga ako sunod ng sunod sakanya kahit saan siya magpunta. Pero ngayon.. parang ayaw ko siyang makita.
Mabilis kong pinatakbo lalo ang sasakyan para makarating ako sa hospital. Nagsasalita si Mari ngunit hindi na ako nakikinig sakanya. Iniisip ko kasi si Stelie kong maayos na ba ang sugat niya sa binti.
Nang makarating kami sa hospital ay agad akong bumaba ng kotse. Umikot ako papunta sa passenger seat para pagbuksan si Mari. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at balak ko lamg sana na alalayan siya maglakad. Ngunit ayaw niyang pumayag dahil gusto niya ay buhatin daw siya.
Binuhat ko nalang para makaalis na ako. Naglakad ako papasok ng hospital, lumapit naman agad ang dalawang nurse habang may tulak-tulak na wheelchair.
Tinatanong nila si Mari kung anong nangyari habang ako naman ay nagtitipa ng message para kay Stelie. Nag reply naman agad ang dalaga kaya napangiti ako.
“Eros..”
Nag-angat ako ng tingin nang tawagin ako ni Mari. “Ano yun?” Tanong ko.
“Pwede ko bang mahiram muna ang cellphone mo. May tatawagan lang ako,” sabi niya kaya tumango ako sabay abot ng cellphone ko sakanya.
“Pwede bang.. wag mo kong iwan dito sa hospital, Eros. Natatakot ako eh. Wala akong kasama kaya sana.. dito ka lang muna sa tabi ko.” Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit umiiyak ito sa t’wing ginagawa ko yun.
Hindi nalang ako kumibo habang nakatayo parin ako sa tabi niya. Nakatingin lang ako sa paligid ng hospital habang nag-iisip ng rason kong paano ako aalis. Gustong-gusto ko na talagang makita si uhugin.
Ilang minuto lang ay ibinalik sa ’kin ni Mari ang cellphone na agad ko namang tinanggap. Itatanong ko sana sakanya kung may tinawagan ba siya sa o wala dahil hindi ko naman siya narinig na may kausap. Itinago ko nalang ang cellphone ko saka ako tumingin sa mga nurse na ginagamot ang sugat ni Mari.
Mahina konh binaklas ang kamay ni Mari sa braso ko saka ako nagsalita. “I have to go, Mari.” Saad ko.
“No! Don’t leave me, Eros. I’m scared. Please..” nakikiusap niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.
“Ginagamit naman na ang mga sugat mo. Tinawagan mo naman na yata ang asawa mo kaya pwede na akong umalis. Kailangan ko pang puntahan si Stelie.” Sabi ko kaya natigilan siya.
“Si Stelie? Bakit? Pinapapunta ka ba ng babaeng yun? Mas mahalaga ba siya kaysa sa ’kin?” Sunod- sunod niyang tanong. Halata sa boses niya na may hinanakit ito.
“Hindi. Pero, gusto kong makita si Stelie ngayon. Kaya kailangan ko ng umalis.” Sabi ko sa seryosong boses sabay baklas ulit sa kamay niya.
Matagumpay kong natanggal ito kaya agad akong tumalikod at naglakad palayo kay Mari. Tinatawag pa niya ako ngunit hindi na ako lumingon pa.
Lumabas ako ng hospital at agad tinungo ang kotse ko. Pinaharurot ko ito papunta sa opisina ko ngunit sobrang traffic. Ang tagal ng usad ng mga sasakyan kaya napapamura ako ng wala sa oras.
Halos abutin ako ng isang oras at kalahati hanggang sa makarating ako sa companya ko. Bumaba agad ako ng kotse at tinanong sa guard kong dumaan na ba si Stelie. Nang malaman kong lumabas na kanina pa ay agad akong sumakay sa kotse ko para puntahan siya sa apartment.
Ngunit, nang makarating ako do’n ay wala siya. Isang oras ako naghintay sa labas ng apartment niya ngunit walang Stelie na umuwi. Tinatawagan ko din ito ngunit naka patay ang cellphone niya.
Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang last message ko kay Stelie na alam kong hindi ako ang nag text. Pinakialaman pala ni Mari ang cellphone ko kanina.
Pumasok ako sa kotse habang tinatawagan ang kaibigan kong si Atticus. Mabuti nalang at sumagot ito agad at sinabing nasa bar si Stelie. Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ko ng sasakyan nang sabihin ni Atticus na lasing na lasing na si Stelie at sumasayaw na sa bar.
Nakarating ako sa bar at nakita si Stelie na gumigiling-giling sa madaming lalaki. Uminit agad ang ulo ko at mabilis akong lumapit sakanya.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napaharap ito sa sa ’kin. Titig na titig pa siya sa ’kin saka mahinang tumawa. “Ikaw pala Eros. Halika sayaw tayo..” sabi niya habang tumatawa.
“Tangina! Ano bang pumasok sa isipan mo at naglasing ka.” Galit kong sabi sakanya ngunit tanging tawa lang ang sagot niya sa ’kin.
Sa sobrang inis ko ay binuhat ko siya na parang bagong kasal. Nagpupumiglas siya ngunit hindi ko siya pinapakinggan hanggang sa makalabas kami ng bar.
“Ibaba mo k-o. Sa-sayaw pa ako ehh..” sabi niya habang sinisinok.
“Ihahatid na kita sa apartment mo kaya wag kamg makulit.” Sabi ko habang binubuksan ang pintuan ng passenger seat. Dahan-dahan ko siyang ipinasok sa loob ng sasakyan saka ko isinara ang pinto.
Umikot ako papuntang driver seat saka ko binuksan ang pintuan ng kotse. Nakita ko pa si Stelie na sumasayaw habang tumatawa. Halatang wala na talaga ’to sa sarili.
Akmang bubuhayin ko na ang kotse ng mabilis na hawakan ni Stelie ang pantalon ko. Pinipigilan ko siya ngunit ayaw niyang paawat. Ayaw kong patulan ang ginagawa niya lalo na’t alam kong lasing siya.
“Stelie.. tama na. Ayaw kong may pagsisihan ka kinabukasan.” Pag pipigil ko sakanya ngunit humagikgik lang siya ng tawa.
Nagtagumpay siya sa binabalak niya na ilabas ang alaga ko. Mahina kong itinulak ang ulo niya para sana pigilan siya sa binabalak niya. Ngunit, mabilis niyang isinubo ang ulo ng alaga ko kaya naputol ang pagtitimpi ko. Mas lalo pa yata akong nabalik nang isagad niya ito sa loob ng lalamonan niya.
Hindi niya tinigilan ang alaga ko sa pag subo hanggang sa magsawa siya. Bigla nalang siyang tumayo at inupuan ang alaga ko.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya mabilis konh pinunit ang suot niyang pangibaba. Hindi naman siya umangal at siya pa talaga ang nagpasok ng alaga ko sa loob niya. Ang akala ko ay iiyak siya sa sakit ngunit tumawa pa ito sa harap ko saka ako hinalikan sa labi.
“Wag na wag kang gagalaw, Eros. Akin ka ngayong gabi kaya sasakyan ko muna ang alaga mo.” Sabi niya habang tumatawa saka niya hinalikan ang leeg ko. Napapamura nalang ako kapag gumagalaw siya sa ibabaw ko. Ang init ng loob ni Stelie kaya hinawakan ko ang beywang niya at malakas kong isinagad ang pagkalalaki ko. Sabay kaming dalawang napa-ungol at hayok na hayok na naghahalikan. Hindi namin iniintindi ang init sa loob ng kotse. Tagaktak ang pawis naming dalawa at halos umalog ang kotse sa ginagawa namin ni Stelie. Ngayon ko lang nalaman na ang wild pala ni Stelie kapag nalasing.
A/N: Sorry for late ud. Masama na talaga pakiramdam ko. Tapos kahpon umalis ako kahit nilalagnat ako. Kaya ayon mas lalong lumala. Kaya pag pasensyahan niyo na kung mabagal ang ud ko. Tulad ng pangako ko kahapon mag u-ud ako ngayon kaya heto na.
Magandang hapon, Azzinatics! ❤️
Chapter 14
MASAKIT ang katawan ko lalo na ang pagkababae ko. Pinilit ko parin umuwi sa apartment ko dahil nahihiya ako kay Eros.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko yun, wala na tuloy akong mukhang ihaharap kay Eros.
Nandito ako sa banyo at naliligo. Hinatid ako kanina ni Eros sa aparment ko. Gusto pa sana niyang pumasok ngunit hindi na ako pumayag. Tinutukso kasi niya ako na nirape ko daw siya kaya mas lalo akong nahihiya.
Mahapdi ang pagkababae ko pero wala akong pinagsisihan sa nangyari. Masaya ako dahil si Eros ang lalaking nakakuha sa ’kin. Hindi ko alam kung anong status naming dalawa pero masaya ako dahil napapansin na niya ako. Hindi katulad dati na parang hangin lang ako sa paningin niya.
Nang matapos akong maligo ay agad kong kinuha ang t’walya na naka sabit sa pader. Itinapis ko ito sa katawan at paika-ika akong lumabas ng banyo.
Hindi din pala biro ang ganito, parang hiniwa ang gitna ko.
Tinungo ko ang kama at umupo. Napansin kong umilaw ang cellphone ko na nasa kama din kaya pinulot ko ito.
Tinignan ko kung sino ang nag message at nakita ang pangalan ni Eros. May 15 messages siya sa ’kin at lahat yun ay kinakamusta ang pakiramdam ko. Nabasa ko din na gusto niyang pumunta dito sa apartment ko para maghatid ng pagkain. Mukhang kanina pa siya nag message sa ’kin. Ang tagal ko kasi sa banyo dahil nawawala ang sakit ng pagkababae ko kapag binabasa ko ito ng tubig.
Nagtipa ako ng message at sinabing wag nalang dahil kaya ko naman. Pero ang totoo ay gusto ko talagang pumunta siya dito, nahihiya lang talaga ako sa ginawa ko. Naghintay ako ng reply ni Eros ngunit wala kahit isa.
Nag scroll nalang muna ako sa social media habang hinihintay ko ang reply niya. Ngunit lumipas ang 30 minutes ay wala parin ito. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa kama ng umilaw ulit ito. Sa pagaakala na si Eros ang nag message ay napangiti ako.
Ngunit, biglang naglaho ang mga ngiti ko ng makita ko ang pangalan ni Marigold.
Kumunot pa ang nuo ko dahil gusto niyang makipagkita sa ’kin mamayang hapon. Dahil masakit ang pagkababae ko ay agad akong nag reply na hindi ako makakapunta.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Kumuha ako ng damit sa maliit na aparador saka ko ito isinuot.
Balak ko sanang maglinis pero tinatamad ako kaya bukas nalang. Sabi kasi sa ’kin ni Eros na pwede akong hindi pumasok ng trabaho. Ayaw ko sanang pumayag ngunit nag pumilit siya. Napapayag niya ako dahil may sahod parin daw ako kahit one week daw akong umabsent. May kasama pa daw na kiss galing sakanya.
Humiga ako sa kama habang nag ce-cellphone. Nag s-scroll ulit ako sa social media ng biglang nag ring ang phone ko.
Nakita ko agad ang pangalan ni Mari kaya nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi.
Kahit ayaw ko ay sinagot ko nalang ang tawag niya. Inilagay ko sa kaliwang teynga ko ang cellphone at pinapakinggan siya sa kabilang linya.
“Stelie..” tawag niya sa kabilang linya.
Tumikhim ako bago ako nagsalita. “May kailangan ka?” Mahinahon kong tanong sakanya.
“Yes. May gusto lang sana akong sabihin sa’yo.” Sabi niya.
“Ano yun? Sabihin mo na agad dahil kailangan kong magpahinga.” Sabi ko sakanya.
“Bakit? Masakit ba ang ginawa ni Eros sa’yo kaya masama ang pakiramdam mo?” Tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko.
“A-Anong ibig mong sabihin?” Takang tanong ko. Sobrang lakas din ng dibdib ko dahil alam ko kung anong tinutukoy ni Mari. Pero bakit naman niya malalaman yun eh, kami lang naman ni Eros ang nakakaalam. Sana mali ang kutob ko.
“Wag ka na nga mag maang-maangan pa Stelie. Masakit ba? Sigurado akong masakit dahil pumasok narin naman sa loob ko ang alaga ni Eros. Ganyan din kasi ang naramdaman ko.” Sabi niya sabay tawa sa kabilang linya.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya, kinakain ako ng galit habang mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko dahil sa inis ko kay Mari.
“Hindi ka naka imik no!” Sabi niya saka binuntutan pa ng tawa. “Alam mo Stelie sa totoo lang naaawa ako sa’yo. Alam ko kasing ginagamit ka ni Eros para pagselosin ako.” Sabi niya kaya natigilan ako.
“Alam ko lahat, Stelie. Umamin sa ’kin si Eros na hiningi niya ang tulong mo. Pati yung nangyari sainyo kagabi ay pinalano talaga yun ni Eros.” Saad niya.
“Hindi totoo yan!” Sagot ko habang naka kuyom ang isa kong kamay.
“Ayaw mong maniwala? Sige may ipapadala akong voice message sa’yo kung saan sinabi sa ’kin ni Eros ang lahat.” Sabi ni Mari. “Gusto mo isend ko sa’yo? Pero kung ako ang nasa katayuan mo, wag nalang. Dahil baka masaktan ka lang kapag narinig mo ang lahat.” Dagdag niyang sabi.
“Wala ka bang magawa sa buhay mo Mari? Bakit hindi ka nalang manahimik at maging masaya sa buhay mo. Ano ba naging kasalanan ko sa’yo at lagi mo nalang itong ginagawa? Alam mo.. hindi kita paniniwalaan, si Eros lang ang pakikinggan ko at hindi ikaw.” Matapang kong sabi.
“Okay. Sakto kasama ko ngayon si Eros. Gusto mo ba siyang makausap? Ohh, wait.. mag sesend ako ng picture naming dalawa. Para maniwala ka.” Sabi niya.
Biglang may nag notif sa phone ko kaya tinignan ko ito. Halos manlumo ako ng makita ko si Eros at Mari na magkatabi sa picture.
“Ano naniniwala ka na? Kung hindi ka ba naman kasi tanga nag pauto ka kaagad kay Eros. Alam mo Stelie ang pangit mo na nga tanga ka pa. Sa tingin mo talaga magkakagusto sa’yo si Eros? Nagpapatawa ka ba talaga? O sadyang ilusyonada ka lang talaga. Para sa kaalaman mo, kaya kami magkasama ngayon ay sinasabi ko sakanya ang paghihiwalay namin ng asawa ko.” Sabi niya. Yung puso ko ay parang ginigiba sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Ito na yata ang kinakatakutan ko.
“W-Wala na kayo ng asawa mo?” Nauutal kong tanong kay Mari.
“Yes. Alam mo bang sobrang saya ni Eros ngayon ng malaman niyang hiwalay na kami ng asawa ko. Alam mo bang tutulungan niya ako para sa anullment na gagawin ko.” Sabi niya kaya hindi ko mapigilang hindi mapa-iyak. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi ko. Ayaw kong marinig ni Mari ang iyak ko dahil alam kong matutuwa siya.
“Kung ayaw mo paring magising sa katotohanan. Bakit hindi ka pumunta sa bahay ni Eros para malaman mo na dito na ako titira. Actually, kakalipat ko lang ngayon kaya alam mo na.. medyo busy kami ni Eros nag-aayos ng gamit. Tuwang-tuwa nga ang katulong ni Eros dahil nakilala na daw niya ako dahil bukang bibig daw ako ni Eros palagi sakanya.” Mahaba niyang sabi.
“B-Bakit mo ba ’to ginagawa Mari?” Naitanong ko nalang sakanya.
“Bakit ko ginagawa? Simple lang. Ayaw ko kitang maging masaya. Naiinis ako sa’yo dahil sa hitsura mo. Balak mo pang agawin sa ’kin si Eros, pwes.. nagkamali ka ng binangga, Stelie. Hindi ako makakapayag na ang isang katulad mo ang magiging partner ni Eros. Dahil ako lang dapat. Walang ibang babae na babagay sakanya kundi ako lang. Kaya kung ako sa’yo.. wag ka nalang magpakita pa. Dahil baka umiyak ka lang kapag nalaman mong ikakasal na pala kami ni Eros. Alam kong matagal mo na siyang gusto, Stelie. Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo.” Sabi niya sa seryosong boses.
Sasagot pa sana ako ng may marinig ako sa kabilang linya na mas lalo kong ikina-iyak. Boses yun ni Eros at tinatawag ang pangalan ni Mari.
“Narinig mo yun? Sabi ko naman sa’yo ’di ba, dito na ako titira sa bahay ni Eros. Siguro naman ay maniniwala ka na tanga!” Sabi niya at bigla nalang itong nawala sa kabilang linya.
Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang umaagos ang luha sa pisngi ko.
Hindi ko lubos maisip na niloko lang pala ako ni Eros. Na lahat nang pinapakita niya sa ’kin ay hindi pala talaga totoo. Ang akala ko ay hindi na niya ako gagamitin para makuha niya si Mari dahil nakikita na niya ako.
Naisip ko nalang na lahat ba ng ginawa niya simula ng pinagtanggol niya ako do’n sa harap ng companya ay totoo ba. Baka naman kasi drama lang pala lahat yun ni Eros. Ako naman na madaling mauto ay nagpa uto din.
Pero kahit anong sabihin ni Mari sa ’kin may isang parte sa katawan ko ang ayaw maniwala. At yun ay ang puso ko.
Tumayo ako mula sa kama at agad naglakad papunta sa cabinet ko. Kumuha ako ng damit at agad nag bihis. Balak kong puntahan si Eros. Ayaw kong maniwala kay Mari dahil baka gawa-gawa lang niya lahat. Baka kasi pumunta lang pala siya do’n sa bahay ni Eros saka niya ako tinawagan kanina.
Dali-dali kong pinulot ang sling bag ko at inilagay ang cellphone at wallet ko. Kahit mahapdi ang pagkababae ko ay pinilit ko paring maglakad.
Lumabas ako ng apartment at sinigurado kong naka lock ang pinto ko. Naglakad ako sa hagdan hanggang sa makalabas ako.
Pumara agad ako ng taxi kahit hindi naman ako mahilig sumakay ng taxi dahil nasasayangan ako sa pera. Pero gusto kong mahuli ang pagsisinungaling ni Mari kaya nagmamadali akong makarating sa bahay ni Eros kaya mag ta-taxi nalang ako.
Sumakay ako ng taxi at sinabi kong saang address ako pupunta. Tahimik lang ako sa back seat at mahinang nagdarasal na sana gawa-gawa lang lahat yun ni Mari. Kinakabahan ako pero kailangan kong mahuli si Mari. Mahilig kasi siyang gumawa ng kwento at kung ano-ano pa. Simula palang ng mga bata kami ay lagi niyang nauuto ang teacher namin sa mga gawa-gawa niyang kwento kahit hindi naman totoo.
Palapit kami ng palapit sa address kaya mas lalo akong kinakabahan. Nang makarating kami ay agad kong inabot kay manong ang pamasahe ko at nagpasalamat.
Bababa na sana ako ng taxi ng makita ko si Eros at Mari na naglalakad palabas ng gate sa subdivision. Nakahawak ang kamay ni Mari sa braso ni Eros habang nakangiti. Parang nag-uusap silang dalawa dahil panay ang daldal ni Mari kay Eros.
“Miss, bakit hindi ka pa bumaba?” Tanong sa ’kin ni manong driver.
“Po? Ahh.. kasi may hinihintay lang pa ako.” Sagot ko habang nakatuon parin ang mga mata ko kay Mari at Eros.
Lumapit sila sa guard house at kinakausap nila ang mga bantay do’n. Hindi ko naman marinig yun kaya hindi ko alam ang pinag-uusapan nila.
Pero ito lang talaga ang masasabi ko. Confirm na magkasama talaga silang dalawa.
Magsasalita na sana ako kay manong driver na umalis na kami ng bigla kong nakita si Eros na iniwan si Mari sa guard house. Nakasunod lang ang tingin ko kay Eros na naglakad palayo sa gate.
Binuksan ko agad ang pintuan ng taxi saka ako bumaba. Plano kong habulin si Eros ngunit sa kasamaang palad ay nakita ako ni Mari.
Magkatitigan lang kaming dalawa ni Mari. Kahit malayo ng kunti anh distansya namin ay kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Mari.
A/N:
Medyo
bumubuti
ng
pakiramdam
ko pero ayaw kong
magbabad
sa cellphone para hindi
sumakit
ang ulo ko. Ito nalang muna ang ud ko. Kaya
pagpasensyahan
niyo
na.
Chapter 15
NAKATITIG LANG ako kay Mari habang naglalakad siya papunta sa ’kin. Napansin kong may band aid siya sa kanang kilay niya.
Tinaasan niya ako ng kilay ng makalapit siya ng tuluyan sa ’kin. Hinawakan niya ang braso ko at bigla nalang niya akong hinila. Mas malakas siya sa ’kin dahil masyado akong payat kaya napasunod ako sakanya.
Dinala niya ako sa wala masyadong tao na dumadaan saka lang niya ako binitawan.
“Talagang pumunta ka pa talaga dito ha! Ano! Ayaw mo talagang maniwala sa sinabi ko. Tanga ka talaga eh no!” Galit niyang sabi.
Inayos ko ang suot kong eye glass saka ako tumingin sakanya. “Gusto ko lang makasiguro dahil magaling ka pa naman gumawa ng kwento.” Deritso kong sabi.
Tumawa siya ng mahina saka lumapit sa ’kin. “Alam mo bang hind ka basta-basta makakapasok sa gate ng subdivision na yan dahil sobrang higpit ng security nila.” Sabi niya sabay turo kung saan siya iniwan ni Eros kanina.
“Kaya kami pumunta ni Eros dyan dahil kinukuha ang information ko para kapag pumasok ako hindi na ako haharangin. Ayaw mo parin ba maniwala? Kami na nga ni Eros.” Sabi niya sa ’kin kaya napayuko ako.
Nakakuyom ang kamao ko at hindi alam ang isasagot ko kay Mari.
“Losyang na nga, bobo pa! Tangina! Paano kaya nakaya ni Eros makipagtalik sa’yo. Kung ako yun.. kahit hawakan ka ay masusuka ako.” Panglalait niya sa ’kin.
“Alam mo Mari.. yang ganda mo hindi mo madadala yan kapag namatay ka. Lahat tayo ay sa lupa ililibing at kakainin ng uod. Kaya sana wag kang mag mataas dahil lang sa maganda ka. Bilog ang mundo, Mari. Baka magulat ka nalang nasa ilalim ka na, ako naman ang nasa ibabaw.” Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
“Talaga lang ha! Hindi mangyayari yun, Stelie. Kahit pa siguro sa panaginip mo. Hindi mo ko matatalo kaya kung ako sa’yo.. mawala ka nalang sa landas ko. Para naman mabawasan ang pangit dito sa mundo.” Sabi niya sa maarte na boses.
“Lumayas ka na, Stelie. Dahil kapag hindi ka pa umalis. Kakaladkarin kita sa kalsada at ingud-ngud ko ang mukha mo para mas lalo kang pumangit.” Galit niyang sabi.
Hindi ko na kaya ang pang-aapi niya sa hitsura ko kaya nilapitan ko siya. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Mari at hinila siya ng malakas. Pagod na pagod na akong tinatawag niyang losyang at pangit na para bang wala akong karapatan na sumaya.
“Ano ba!! Bitawan mo ng ako!” Pagpupumiglas niya sa ’kin.
Ngunit hindi ko siya binitiwan. Bagkos ay hinila ko ng malakas ang buhok niya kaya napasigaw siya sa sakit.
“Tama na ang pang-iinsulto mo sa ’kin, Mari. Masyado kang mapang mataas,” galit kong sabi sakanya habang sinasabunutan ang buhok niya.
“Bwesit kang babae ka! Humanda ka sa ’kin. Pagsisisihan mo talaga ’to.” Sigaw niya sabay abot sa buhok ko at malakas na hinila. “Ako pa talaga hinamon mo ng sabunutan ha!” Nang gigil niyang sabi.
“Aray!” Sigaw ko sabay napabitaw sa buhok niya dahil sa lakas ng pagkakasabunot niya sa buhok ko. Pakiramdam ko ay nahila yata ang anit ko sa ginawa niya.
Mas matangkad sa ’kin si Mari at medyo malaman ang kanyang katawan. Hindi katulad sa ’kin na sobrang payat.
Malakas niya akong kinaladkad sa kalsada at tinulak. Napangiwi ako dahil tumama ang panga ko sa kalsada. Nahulog din ang eye glass ko kaya lumabo ang paningin ko. Pilit kong kinakapa ang eye glass ko habang nakadapa parin ako. Ngunit, napasigaw ako sa sakit nang maramdaman kong tinapakan ni Mari ang kamay ko. Gamit pa talaga niya ay high heels kaya talagang binaon niya yun sa palad ko.
“Dudurugin ko kamay mo kapag nagpakita ka pa ulit samin ni Eros. Tandaan mo yan, Stelie!” Sabi niya habang tinatapakan parin ang kamay ko.
“Mari.. ano ba! Masakit.” Daing ko kaya mas lalo niyang diniinan ang tapak niya sa mga daliri ko.
Tumigil lang siya sa ginagawa niya kaya akala ko ay tapos na siya. Ngunit, bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang buhok ko saka niya nginudngud sa simento ang mukha ko. Sobrang hapdi kaya napapasigaw nalang ako.
“Mari.. masakit.” Daing ko habang pilit na hinihila ang kamay niya sa buhok ko.
“Sinagad mo pasensya ko, Stelie. Sinabi ko naman sa’yo ’di ba.. mali ka ng kinalaban.” Sabi niya habang hindi parin tinitigilan ang mukha ko.
Sobrang hapdi talaga ng mukha ko. Hindi ko alam kung may darating ba na tutulong para sa ’kin.
Binitawan ni Mari ang buhok ko kaya nakahinga ako ng maluwag. “Umalis ka na, Stelie. Habang may natitira pa akong bait para sa’yo.” Sabi niya saka niya ako sinipa sa binti.
Bigla niyang hinila ang sling bag ko kaya nagulat ako. Binuksan niya ang bag ko saka kinuha ang cellphone ko.
“Akin na yan, Mari!” Galit kong sabi sakanya. Ngumisi lang siya saka hinagis pabalik sa ’kin ang sling bag sa mukha ko. Pinakita lang niya ang cellphone ko na hawak niya. “Akin na ’to.” Sabi niya sabay talikod sa gawi ko at nagsimulang maglakad palayo sa ’kin. Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa sahig habang pinapag-pagan ang mga braso ko.
Pinulot ko ang sling bag ko at tinignan ang laman nito. Wallet nalang dahil kinuha niya cellphone ko.
Napangiwi ako habang tinitignan ang mga sugat ko sa braso. Kahit malabo ang paningin ko ay sinubukan ko paring tumayo.
Pinilit kong hanapin ang eye glass ko na tagumpay ko namang nahanap. Isinuot ko ito habang umiiyak dahil sa sakit na natamo ko mula kay Mari. Hindi lang yun ang iniinda ko kundi pati narin ang puso ko na umaasa na hindi ako ginagamit ni Eros katulad nalang ng sinasabi ni Mari.
Pero mukhang na kompirma ko na ang lahat lalo na’t sa isang bubong nalang silang dalawa nakatira. Siguro nagtagumpay si Eros para mapunta sakanya si Mari.
Tumalikod ako at nagsimula akong maglakad. Habang naglalakad ay panay ang agos ng luha ko.
Kaya ayaw kong maging masaya eh, alam ko kasing kapalit no’n ay lungkot. Lagi naman eh, sa t’wing masaya ako may nangyayaring masama. Ayaw ko na maging masaya. Mas mabuti na yun kaysa sa masaktan ulit ako.
Habang naglalakad ako ay may nakakasalubong ako. Panay ang tingin nila sa ’kin, siguro ay nagtataka sila sa hitsura ko. Ang pangit ko na nga, mas lalo pa akong pumanget dahil sa ginawa sa ’kin ni Mari. Alam kong maraming sugat ang mukha ko dahil sobrang hapdi nito.
Naisipan kong hindi muna umuwi sa apartment ko. Naghanap ako ng taxi para magpahatid sa tahimik na lugar. Gusto kong pumunta sa dalampasigan para pagmasdan ang dagat. Kapag malungkot kasi ako ay do’n ako pumupunta. Nakakawala kasi ng sama ng loob ang hampas ng alon.
Pumara ako ng taxi nang may makita ako. Huminto naman ito kaya agad kong binuksan ang pintuan ng back seat at pumasok.
Napalingon pa sa ’kin ang taxi driver dahil siguro sa hitsura ko. “Ayos ka lang ba, hija? Bakit ang dami mong sugat sa mukha?” Tanong sa ’kin ni manong. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
“Ayos lang po ako, manong. Salamat po at tinanong niyo po ako.” Sabi ko sakanya.
“Gusto mo ba dalhin kita sa hospital? Dumudugo ang mga sugat mo. Napa-away ka ba?” Tanong pa niya sa ’kin.
“Wag na po! Ayos lang po ako.” Sagot ko sakanya. Kahit naguguluhan man si manong ay tumango parin siya sa ’kin.
Sinabi ko lang kay manong kung saan ako pupunta kaya agad niyang pina-usad ang taxi. Tahimik lang ako habang nakamasid ako sa labas ng bintana ng sasakyan.
Hindi ko mapigilang hindi mapaluha habang iniisip si Eros at Mari.
Nasasaktan ako sobra. Nasasaktan ako dahil akala ko ay tunay ang pinapakita sa ’kin ni Eros. Nasasaktan ako dahil sa ginawa sa ’kin ni Mari na tinuring kong kaibigan, hindi lang kaibigan kundi para ko naring kapatid ang turing ko sakanya.
Napakalampa ko talaga. Simula ng bata ako lagi nalang akong sinasabihan na lampa, pangit, payatot. Walang nag tatanggol sa ’kin kaya pag-uwi sa bahay umiiyak nalang ako ng patago. Ayaw ko naman kasing dagdagan ang problema ng mga magulang ko. Kahit sabihin ko pang binu-bully ako sa school wala din naman eh, ganun parin naman.. ire-reklamo ng mga magulang ko pero sa susunod na araw aasarin parin ako ng mga classmate ko.
Naalala ko pa na si Mari ang unang nagtanggol sa ’kin n’ong mga bata pa kami. Kaya ko siya naging idol dahil sa tapang niya. Hindi lang siya matapang kundi maganda din. Kaya nga ginagaya ko siya pero talagang pangit ako kaya hindi ko siya magaya-gaya.
Naramdaman kong huminto ang taxi na sinasakyan ko. Tumingin ako kay manong saka ko inabot ang pamasahe ko.
Ayaw pa sanang kunin ni manong pero pinilit ko ito. Nagpasalamat ako sakanya saka ako bumaba ng taxi.
Naglalakad ako patungo sa dalampasigan. Tinatangay ng hangin ang buhok ko habang palapit ako ng palapit sa dalampasigan.
Kahit medyo mainit ay hindi ko ito ininda. Umupo ako sa buhangin habang nakatanaw parin ako sa karagatan.
Dito na muna ako. Gusto ko munang kumalma. Gusto ko munang mapag-isa.
Sana masaya si Eros at Mari sa ginawa nila sa ’kin. Masyado akong malambot kaya alam kong hindi ko sila kayang awayin. Kaya ayaw kong masaktan eh, dahil kawawa ang puso ko. Masyadong malambot at madaling magpatawad. Kunting uto lang sa ’kin ay agad akong bumibigay.
Pinanganak talaga akong ganito eh, mabait na pangit kaya laging pinagkakaisahan.
Gusto ko sanang tawagan ang mga magulang ko kaso, naalala ko kinuha nga pala ni Mari ang phone ko kanina.
Hindi ko alam kung totoo ang karma, dahil lahat ng may kasalanan sa ’kin ay magaganda naman ang buhay. Lagi kong sinasabi dati na makakarma din sila sa pang-aapi sa ’kin pero hanggang ngayon wala parin namang nangyayari. Kaya hindi ko alam kung totoo ba talaga ang karma.
Pero sana kung totoo man.. sana makarma si Mari at Eros. Kahit do’n man lang makaganti ako.
Pinagmamasdan ko parin ang dagat habang tumutulo ang luha ko. Ang sakit ng dibdib ko dahil sa nangyayari sa ’kin. Kung sana pareho kami ng ugali ng kakambal ko. Kung sana naging matapang nalang ako katulad niya, hindi siguro ako inaapi ni Mari ngayon.
Tinignan ko ang mga daliri ko na tinapakan kanina ni Mari. Ngayon ko lang napansin na nasugat pala ito.
Kanina pa ako nakaupo sa buhangin, hanggang sa dumating na ang dilim. Hindi parin ako tumatayo dahil wala akong balak umuwi.
Nakayuko ako nang may marinig akong yapak. Agad akong nag-angat ng tingin at nakita ang isang babae na naglalakad papunta sa ’kin.
Nang makarating siya sa harap ko ay tinitigan niya ako ng mabuti. “Ayos ka lang ba, ineng? Kanina pa kasi kita nakitang nakaupo sa buhangin. Ang dami mo ding sugat.” Sabi sa ’kin ng babae na may edad na.
“Ayos lang po ako. Salamat po sa pagtatanong.” Nakangiti kong sagot.
“May kailangan ka ba? Pagkain o tubig? Baka nagugutom ka na.” Sabi niya na ikina-iling ko.
“May cellphone ka po ba nanay?” Magalang kong tanong.
“Oo meron. Kaso luma man ito ineng.” Sagot niya na parang nagdadalawang isip.
“Ayos lang po yun, nay. Pwede po ba ako makitawag. May gusto lang po akong tawagan.” Sabi ko. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa buhangin. Inabot naman sa ’kin ni nanay ang cellphone niya na keypad kaya tinanggap ko ito.
Chapter 16
TATLONG ARAW ko nang sinusubukan tawagan ang cellphone number ni Stelie ngunit lagi lang ng naka patay ito.
Nag-aalala ako sakanya dahil wala siya sa apartment niya ng puntahan ko ito.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at sinusubukan tawagan ulit ang number ni Stelie. Ngunit naka patay parin ang cellphone niya.
Nagtipa ako ng message saka ko senend kay Stelie. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nakita kong nag reply si Stelie kaya dali-dali kong binasa ito.
Agad kumunot ang nuo ko dahil sa reply ni Stelie. Nagtataka ako dahil ayaw na daw niya akong makita.
Hindi ako nag reply, bagkos ay tinawagan ko ito pero pinapatay naman niya.
“
Nasaan
ka? Alam mo bang
nag-aalala
ako sa’yo.“ Agad kong sinend yun kay Stelie at hinihintay ang reply niya.
“Wag mo na akong
hanapin
, Eros. Ayaw ko ng makita ang
pagmumukha
mo.“ Reply sa ’kin ni Stelie.
Magre-reply pa sana ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Eros! Eros!” It’s Marigold. Dito kasi siya nakatira pansamatala sa bahay ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at naglakad papunta sa pinto. Bumungad sa ’kin ang naka ngiting si Mari. “Good morning! Breakfast na tayo. Nakapagluto na ako.” She said. Halata sa mukha niya ang sigla habang sinasabi niya yun sa ’kin.
“Mauna ka ng kumain, Mari. May gagawin pa kasi ako.” I said seriously. I was about to close the door when Marigold suddenly grabbed my hand.
“I want to eat with you, Eros. Sana pagbigyan mo ko.” She said in a sad voice. “Alam mo naman ’di ba na hindi maganda ang pakikitungo sa ’kin ng ex husband ko.” Dagdag niyang sabi.
I gasped for air of what Marigold said. She told me that her husband was hurting her. Kaya niya ako tinawagan dahil humingi siya ng tulong sa ’kin.
Nagmakaawa siya dahil baka patayin daw siya ng husband niya. Ayaw ko sana siyang patirahin sa bahay ko. Balak ko sana siyang patirahin sa apartment pero ayaw niyang pumayag. Gusto niya dito sa bahay ko para alam daw niyang safe daw siya.
“Please, Eros. Gusto ko lang naman kumain na may kasama. Ipagkakait mo ba yun sa ’kin,” sabi niya sa malungkot na boses.
I close my eyes for a moment and sighed. “Fine!”
Matamis niya akong nginitian at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Sabay kaming naglakad pababa ng hagdan. Kahit anong tanggal ko sa kamay ko ay mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak.
Tumungo kami sa kusina at naabutan si manang na inaayos ang plato. Kumunot ang nuo ko dahil hindi ko pinapakilos si manang dahil sumasakit na naman ang tuhod niya.
“Oh andyan na pala kayo. Kumain na kayo!” Tawag samin ni manang.
“Thank you, manang. Sige na do’n ka muna sa labas. Pakiayos po labhan ang damit ko ha! Medyo maselan po kasi ako,” nakangiting sabi ni Marigold.
Tumingin ako kay Mari at mas lalong kumunot ang nuo ko. “Inutusan mo si manang?” Tanong ko sakanya.
Binitawan niya ang kamay ko at naglakad siya papunta sa upuan. “Oo. Katulong mo naman siya ’di ba? Kaya anong masama do’n?” Sagot niya.
“Are you crazy? Nakita mo na nga pa-ika-ika maglakad si manang pinaglaba mo pa talaga.” I said. Pinipigilan ko siyang sigawan dahil alam kong iiyak na naman siya.
“Wala namang mali ahh. Bakit parang galit ka, Eros? Masama na bang magpalaba ngayon sa katulong?” Tanong niya habang ang mukha niya ay nagpapaawa na naman sa ’kin.
Hindi ako sumagot sa tanong niya at napahilot nalang ako sa sentido ko. “Pati ba naman ito aawayin mo ko. Sumasakit lang ang ulo ko, Eros. Pwede bang kumain nalang tayo.” Sabi niya.
Nakasunod lang ang tingin ko kay Mari na umupo sa upuan. Napabuntong hininga nalang ako saka lumapit sa upuan.
Hinugot ko ang upuan at umupo. Nakangiti naman si Mari habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.
“Kain na tayo!” Sabi niya.
Tanging tango lang ang sagot ko saka inilabas ang cellphone ko sa aking bulsa. Nagtipa ako ng message para kay Stelie dahil gusto kong kulitin ang babaeng yun. Hinding-hindi ako makakapayag sa message niya sa ’kin. Hahanapin ko siya kahit saan siya magpunta. Wala naman sana akong ginawang masama sakanya. Tangina! Binabalak ko pa naman sana manligaw. Nagpaturo pa talaga ako kay Salem at Lucifier kong pano manligaw tapos sasabihin lang niya sa ’kin na ayaw na niyang makita ang pagmumukha ko. Parurusahan ko talaga ang babaeng yun sa kama.
Seryoso akong nagtitipa sa cellphone ko ng marinig kong tumikhim si Mari. “Pwede bang mamaya na yan, Eros. Sino ba yang katext mo?” Sabi niya sa inis na boses.
“Si Stelie. Tatlong araw ko na kasing hindi makontak ang number niya.” I answered without looking at her.
“Bakit mo naman siya hinahanap? Nandito naman ako,” sabi niya sabay bitaw sa tinidor at kutsara na hawak niya.
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pagtipa ko sa cellphone ko. Bigla akong napahinto ng hilahin ni Mari ang cellphone ko kaya tumingin ako sakanya. “Tapatin mo nga ako Eros.. may gusto ka ba kay Stelie?” Tanong niya sa ’kin habang nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ako nakasagot agad. Nakatitig lang ako sa mukha ni Mari, wala man lang akong maramdaman na kakaiba sakanya. Hindi katulad kay Stelie na laging nabubuhay ang dugo ko kapag inaasar ko na siya.
“Paano kung sabihin kong oo.” Sagot ko.
Hindi siya nakasagot at bigla itong tumawa na parang may nakakatawa sa sinabi ko. “Good joke, Eros. Grabe, ang sakit ng tyan ko.” Sabi niya habang tumatawa parin.
“Hindi ako nagbibiro, Mari. I’m fucking serious.” Sabi ko kaya tumigil siya sa pagtawa.
“Bakit mo naman magugustuhan yun, eh mukha palang no’n nakakasuka na.” Sabi niya. Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya kaya masama ko siyang tinignan.
“Bakit ko siya nagustuhan. Hindi ko din alam. Ang alam ko lang ay paggising ko nalang isang araw ay gustong-gusto ko siyang makita. Gusto kong makita ang mga ngiti niya. Gusto kong makita ang mukha niya sa t’wing inaasar ko siya. Kaya hindi ko alam, Mari.” Sabi ko sakanya. Tinuro ko kung nasaan ang puso ko habang nakatitig parin kay Mari. “Ang puso ko mismo ang pumili, Mari. At kahit anong pigil ko ay talagang siya ang tinitibok kaya wag mong tatanungin kong bakit ko siya nagustuhan. Maganda si Stelie, Mari. Ikaw lang ang nagsasabi na pangit siya dahil masyadong kang mapagmataas, hindi naman pantay ang mga binti mo. May kapintasan karin naman.” Mahaba kong sabi kaya kitang-kita ko ang pamumutla ng mukha ni Mari.
Wala si Stelie dito para ipagtanggol ang sarili niya kaya ako nalang ang magtatanggol. Walang sino man ang pwedeng mang-insulto sa babaeng mahal ko.
“Pinatira kita dito ng maayos dito sa pamamahay ko, Mari. Hindi welcome ang ugali mo na kahit siguro ang aso ay hindi yata kakainin dahil sa sobrang kapangitan. Kaya wag na wag mong iinsultuhin si Stelie. Kapag inulit mo pa.. ako ang makakalaban mo.” I said in a serious voice.
Hindi siya sumagot habang nakayuko ito. Pinulot ko ang kutsara para magsimula na sanang kumain nang marinig ko ang mahinang tawa ni Mari.
Tumingin ako sakanya at saktong nagtaas din siya ng mukha. “Paano ba yan.. iniwan ka na ng babaeng sinabi mong mahal mo, Eros.” She said while grinning.
I frowned at what she said. “What do you mean?” Tanong ko.
“Mukhang hindi mo pa alam. Ay oo nga pala, sabi nga pala sa ’kin ni Stelie na secret lang pala namin.” Sabi niya sabay takip sa bibig niya gamit ang isa niyang kamay.
“Anong sinabi niya?” Tanong ko sa seryosong boses.
“Okay sige, dahil mapilit ka. Sasabihin ko sa’yo. Umalis na si Stelie. Umuwi na sa probinsya nila. I think sa lola niya, I don’t know kung saan province. But, sinabi niya sa ’kin na kailangan na niyang umalis dahil may naghihintay daw sakanya do’n.” Sabi niya saka inilabas ang cellphone niya.
Nakasunod lang ang tingin ko kay Mari na kinakalikot ang cellphone niya. Nagtaas siya ng tingin saka iniharap sa ’kin ang cellphone niya.
“Message sa ’kin yan ni Stelie dalawang araw na ang nakalipas. Ang sabi niya ay magpapakasal na daw siya sa boyfiend niya do’n sa province. Akala ko nga ay binibiro lang niya ako eh. Kaya tinawagan ko pa siya kaya nagkausap kami.” Sabi niya kaya kumunot lalo ang nuo ko.
Tinitigan ko pa kung talagang number yun ni Stelie. Naikuyom ko nalang ang kamao ko habang binabasa ang conversation nilang dalawa ni Stelie at Mari.
Nagtataka lang ako dahil hindi pumasok sa isip ko na may boyfriend si Stelie. Gusto kong suntukin ang mesa dahil sa inis na nararamdaman ko.
Bigla akong natigilan ng biglang haplusin ni Mari ang nakakuyom kong kamao. “Hayaan mo na si Stelie, Eros. Kaibigan natin siya kaya supportahan natin siya sa desisyon niya sa buhay.” Sabi ni Mari sa mahinahong boses.
Ayaw kong maniwala sa sinasabi ni Mari dahil basa ko na siya. Pero number ni Stelie ang katext niya kaya hindi ko alam kung maniniwala na ako o hindi.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang cellphone ko na nasa harap ni Mari. Agad akong naglakad ngunit napahinto ako ng tawagin ako ni Mari.
“Saan ka pupunta? Wag mong sabihin hahanapin mo si Stelie?” Tanong sa ’kin ni Mari.
“Yes. Subukan lang niya magpakasal sa iba.. wawasakin ko talaga ang mukha ng lalaking pakakasalan niya.” Sabi ko sa galit na boses.
Narinig ko ang mga yapak ni Mari na papalapit sa ’kin. Naramdaman ko nalang ang kamay niya na hinawakan ako. Hinila niya ako paharap sakanya at mabilis na niyakap.
Natigilan ako sa ginawa ni Mari. “Hayaan mo na si Stelie, Eros. Nandito naman ako eh. Ako naman ang gusto mo dati ’di ba? Kayang-kaya kong ibalik yung pagkagusto mo sa ’kin.” Sabi niya saka niya ako pinakawalan mula sa pagkakayakap.
Tumingin siya sa ’kin sabay hawak sa pisngi ko. “Ako nalang ulit, Eros. Ako nalang. Mas bagay ka sa ’kin. Pangako magbabago ako para sa’yo. Lahat ng ayaw mo sa ugali ko aayusin ko. Ako nalang.” Sabi niya. Hindi ko nasundan ang ginawa ni Mari nang mabilis niya akong hinalikan sa labi. Hindi ako gumalaw dahil gusto kong malaman kung may epekto pa ba siya sa buhay ko. Ngunit, napatunayan ko na wala na talaga akong gusto kay Mari. Wala akong maramdaman na kahit ano sakanya. Tanging kay Stelie ko lang naramdaman na parang binubuhay ang natutulog kong katawan.
Mabilis kong tinulak si Mari at masama siyang tinignan. Pinunasan ko ang labi ko para mawala ang laway ni Mari sa labi ko. “Kapag inulit mo pa yun paalisin kita sa bahay ko, Mari. Baka makalimutan ko na kaibigan kita kapag ginalit mo ako.” Sabi ko saka ako umalis sa kusina.
Kailangan kong mahanap si Stelie. Hindi siya pwedeng magpakasal sa ibang lalaki dahil sa ’kin lang siya.
A/N: Good night!
Chapter 17
UMALIS AKO sa bahay at tinungo ang bahay ng kaibigan kong si Ruwi. Alam ko kasing busy ngayon si Atticus dahil takusa siya sa misis niya.
Kaya lalapit ako kay Lord para tulungan akong hanapin si Stelie.
Palapit ako ng palapit sa mansyon ng Vandeleur kaya tanaw na tanaw ko ang gate nilang ginto. Walangya naman kasi, hindi ako makakapasok ng basta-basta dahil may lion na naka bantay sa gate nila, kung dati ay isa lang yun, ngayon ay dalawa na.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko para tawagan ang siraulo kong kaibigan na si Ruwi. Wala ng ginawa kasi kundi maglagay ng hayop sa bahay niya. Ang rason niya kasi ay miss na daw niya kasi kami kaya bawat isa samin may nag re-represinta na hayop sa bahay niya.
Katulad nalang kay Salem, kumuha ng unggoy si Ruwi at pinangalanan niyang Salem. Hindi ko na alam kung anong pumapasok sa isip ng leader namin.
Nakailang ring ako bago ito tuluyang sumagot sa kabilang linya.
“Hey!” Bungad sa ’kin ni Ruwi.
“Nasa labas ako ng gate niyo.” Sabi ko sakanya.
“Oh, eh bakit hindi ka pumasok. Manga-ngaroling ka ba dyan? Malayo pa ang pasko.” Sabi niya kaya napa-irap ako sa hangin.
“May kailangan ako kay Lord. Paano ako makakapasok sa bahay mo kung may dalawang malalaking lion sa gate mo. Ayaw kong mag kulang ang katawan ko.” Sabi ko na ikinatawa niya sa kabilang linya.
“Sess.. takot ka lang eh. Papunta si Alexios dyan para pagbuksan ka.” Sabi niya saka pinatay ang tawag.
Ilang sandali lang ay bumukas ang gate. Nakita ko ang isa sa anak na kambal ni Ruwi na si Alexios. Ang bilis talaga ng panahon, kung dati ay kinakarga lang namin ang batang ’to, ngayon apaka sungit ng mukha, manang-mana sa ama niyang si Lucian.
“Uncle Eros!” Tawag niya sa ’kin habang hinahaplos ang ulo ng lion. Walangya talaga!
Kahit natatakot ako sa lion na nakalabas ang pangil ay naglakad parin ako. Alam ko namang hindi ako pababayaan ni Alexios eh.
“How are you kiddo?” Tanong ko habang ang mga mata ko ay nakatuon sa lion na parang handa akong sugurin.
“I’m good, uncle Eros.” Sagot niya.
Pumasok agad ako sa loob ng gate. Ngunit, napa-atras ako ng makita ko ang isang malaking tigre na may pilat sa kanang mata.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Alexios dahil nanigas ang katawan ko ng lapitan ako ng malaking tigre. Tangina talaga ’to si Ruwi. Siguro kinuha niya ang tigre na ito dahil kay Raizen na may pilat din sa mata.
“Hindi naman nangangat yan, kuya Eros.” Dinig kong sabi kaya napalingon ako sa harapan ko. Nakita ko si Storm na may hawak na makapal kadena. Ngumiti siya sa ’kin habang naglalakad palapit sa ’kin. “Nananakmal lang po yan.” Dagdag niyang sabi kaya napakamot ako sa ulo ko.
Nakasunod lang ang tingin ko kay Storm na nilagay ang kadena sa leeg ng tigre. Talagang walang aakyat sa bahay ng Vandeleur family dahil sa mga bantay nito. Aakyat palang sa gate sigurado akong maninigas na ang katawan dahil makukuryente lang naman ang sino mang magtatangkang pumasok dito.
“Poydem, dyadya Eros.” Sabi sa ’kin ni Alexios sa salitang Russia. Napa-iling nalang ako habang naka ngiti.
Naunang naglakad sa ’kin si Alexios kaya sumunod ako sakanya. Medyo malayo ang distansya ng gate at bahay nila Ruwi dahil masyadong malawak ito. Nagmumukhang palasyo din ang bahay nila sa laki. May underground din sa loob kung saan nakatira ang ibang tauhan ng Siege Organization ni boss Lucian.
Nang makalapit kami sa pinto ng bahay ay automatic itong bumukas. Pumasok si Alexios kaya sumunod ako.
Nabungaran ko agad si Hades na nakapikit habang naglalakad. Nakita ko din si Nicodemus na nakaupo sa pang-isahang sofa kaya tumango ako sakanya.
“What happened to this weirdo?” Tanong ko kay Nicodemus habang nakaturo ako kay Hades na palakad-lakad parin habang nakapikit.
“Sleep walking, buddy. Ingat ka.. nangyayakap ang hayop na yan at nanghahalik.” Tatawa-tawa niyang sagot sa ’kin.
Uupo na sana ako sa mahabang sofa ng biglang may yumakap mula sa likuran ko. Lumingon ako para makita kung sino at nakita ang gagong si Hades na nakapikit ang mga mata habang nakangiti ang labi. “Tangina ka, Hades!” Galit kong sabi at pilit na binabaklas ang mga braso niya sa beywang ko.
Narinig ko naman ang tawa ng mga gagong myembro ng Siege na aliw na aliw sa ’kin at kay Hades.
“Kasasabi lang mag-ingat eh. Bakit ka nagpayakap? Hindi ka bibitawan niyan hangga’t hindi mo kini-kiss sa labi ang gagong yan.” Sabi ni Nicodemus habang tatawa-tawa. Maging si Alexios ay napa-iling nalang saka umupo sa tabi ni Codrus.
“Susuntukin ko siya para magising siya.” Saad ko.
“Sige lang. Suntukin mo lang yan, babawian ka niyan pag nagising yan.” Biglang sabat ni Sweetheart saka humigop ng kape sa mug na hawak niya.
Magsasalita pa sana ako ng bigla konh marinig ang tawa ni Ruwi. Agad akong lumingon sa gawi niya kaya nakita ko siyang nakangiti. “Ang sweet niyo naman,” sabi ni Ruwi sa ’kin.
Pinandilatan ko siya ng mga mata ko saka ako nagsalita. “Tulungan mo kaya ako.” Sabi ko dahil ang higpit ng pagkakayakap ni Hades sa ’kin.
Lumapit si Ruwi at agad binaklas ang mga braso ni Hades na nasa beywang ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil kanina pa ako nandidiri.
Nakapikit parin si Hades at akmang yayakapin sana si Ruwi ng biglang sumulpot si boss Lucian at pinitik ang nuo ni Hades. “Subukan mong yakapin ang asawa ko, habang buhay ka talagang matutulog.” Sabi ni boss Lucian sa seryosong boses kaya mahina akong natawa. Natumba kasi si Hades sa sahig kaya na gising ito.
“Poor baby Hades.” Sabi ni Ruwi na akmang tutulungan si Hades na hanggang ngayon ay parang hindi parin alam ang nangyari.
“Baby? Sasakalin talaga kita Hades. Bumangon ka dyan at maghukay ka na ng hukay mo para mailibing na kita.” Galit na sabi ni boss Lucian na halatang nag seselos na naman.
“Ako na maglilibing niyan, boss Lucian,” sabat ko kaya masama akong tinignan ni Hades na umupo na sa sahig.
Biglang umakbay si Ruwi sa balikat ko kaya tumikhim si boss Lucian. Tumingin ako sakanya sabay taas sa dalawa kong kamay. “Wala akong kinalaman, boss Lucian. Si Ruwi ang umakbay sa ’kin.” Sabi ko dahil masama siyang nakatingin sa ’kin.
“Hayaan mo yang asawa ko. Halika!” Sabi ni Ruwi na agad akong hinila palayo kay boss Lucian at sa ibang myembro ng Siege.
“Tangina ka, Ruwi! Kapag ako talaga pikain ng asawa mo sa alaga niyong tigre. Sinasabi ko sa’yo.. ikaw ang unang mumultuhin ko.” Sabi ko sakanya na ikinatawa niya.
“Ayos lang yun.. ikaw naman ang ipapakain eh, hindi naman ako.” Sagot niya.
Naglakad kami papunta sa malaking garden na punong-puno ng iba’t-ibang bulaklak. Kaya ito ang paboritong spot ni Ruwi dahil nahihiligan niya ang pagtatanim ng mga bulaklak sila ng asawa niyang seloso.
“Ang aliwalas talaga dito.” Sabi ko habang pinagmamasdan ang mga magagandang bulaklak sa harden ni Ruwi.
“Bakit ka nga pala pumunta dito? May kailangan ka ba?” Tanong niya sa ’kin sabay upo sa upuan na kulay silver.
Umupo narin ako sa katapat niyang upuan saka tumingin sa mga tulips na nasa harapan namin ni Ruwi. Siguro ay may nag aalaga sa mga tanim dito, nuncang marunong si Ruwi.
“So? May kailangan ka ba? Tulong? Pera? Babae?” Sunod-sunod na tanong ni Ruwi sa ’kin.
Napangiwi ako. “Kailangan ko ng tulong ni Lord. May ipapahanap ako sakanya.” Sabi ko.
“Ohh si Lord pala. Tulog pa yata si Lord. Wala kasing ginawa yun kundi ngumiti mag-isa habang dinudutdut ang phone niya.” Sagot ni Ruwi.
“Kailangan ko talaga ng tulong niya, Ruwi. Nawawala ang babaeng m— kaibigan ko,” sabi ko sabay iwas ng tingin.
Ayaw kong tumingin sa mga mata ni Ruwi dahil alam kung mababasa niya ang nasa isip ko.
“Woman?” Tanong niya kaya napalingon ako sa gawi niya.
“Paano mo naman nalaman?” Tanong ko kay Ruwi.
Napa ismid ito sa harap ko saka siya nag salita. “Ganyan kayo lahat eh. Kapag pumupunta dito sa bahay ko.. hindi kayo makatingin straight to my eyes. Alam niyo kasi na mababasa ko ang nasa isip niyo.” Sabi niya kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
Inilabas ni Ruwi ang cellphone niya. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya habang dinudutdut niya ang cellphone niya.
“Pinapaggising ko na si Lord.” Saad ni Ruwi.
“Thanks!” Pasasalamat ko saka ko isinandal ang likod ko sa upuan.
Nakatulala lang ako habang iniisip si Stelie. Kailangan ko lang malaman kung saang probinsya ang sinasabi ni Mari sa ’kin.
“Balita ko may babae kang pinatuloy sa bahay mo ahh,” sabi sa ’kin ni Ruwi.
“Naawa lang ako.” Sabi ko agad kay Ruwi.
“Ohh,” tipid niyang sagot.
Natigilan kaming dalawa ni Ruwi ng makita namin si boss Lucian na may dalang tray. Palapit ito ng palapit samin kaya napa-iling si Ruwi.
“Buntot ko talaga asawa ko,” sabi niya kaya natawa ako.
Nang makalapit si boss Lucian samin ay agad niyang ibinaba ang dala niyang tray sa table. May dala pala siyang isang basong kape at isang basong gatas.
Inilagay niya ang kape sa harap ko, kay Ruwi naman ang basong may lamang gatas.
“Mahilig ka na pala ngayon sa gatas?” Tanong ko kay Ruwi.
Mahina siyang natawa saka ngumuso sa asawa niya na mabilis naman hinalikan ni boss Lucian. “Oo, simula ng matikman ko ang gatas ni Lucian.” Sagot niya kaya napa ngiwi ako. Ang landi talaga niya.
Umupo si boss Lucian sa tabi niya saka pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. “Gising na ba si Lord?” Tanong ni Ruwi sa asawa niya.
“Yeah. Ginising ni Magnus,” sagot ni boss Lucian saka kinuha ang isang basong gatas at ipinainum kay Ruwi.
Tumingin sa ’kin si Ruwi saka ito nagsalita. “Sino yung babaeng pinatuloy mo sa bahay mo?” Tanong ni Ruwi.
“Marigold. She’s my friend. Nakiusap kasi siya sa ’kin dahil sinasaktan daw siya ng asawa niya.” Deritsong sagot ko kay Ruwi.
“So, sino yung babaeng kinaladkad niya 4 days ago?” Tanong ni Ruwi kaya kumunot ang nuo ko.
“Kiladkad?” Tanong ko.
“Yes. May kinaladkad siyang babae sa harap ng gate ng subdivision. Akala niya siguro hindi makikita sa cctv kaya dinala niya ito sa tagong lugar. But, walang makakalusot sa mga cctv ko. So, sino siya?” Tanong niya sa ’kin.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ako sure kong si Stelie ba yun. Wala akong alam kung pumunta ba siya sa harap ng subdivision.
“She is wearing eye glasses, she has a long hair and a thin body.” Sabat ni boss Lucian.
“Stelie..” mahinang sambit ko.
“Ohh..” tanging sagot ni Ruwi. “Naawa ako sa babaeng yun. Nakita ko kasi sa footage na nginudngud siya ni Marigold sa kalsada at tinapakan ang daliri niya,” dagdag na sabi ni Ruwi.
“What? Pwede ko bang makita ang footage.” Seryoso kong sabi.
“Sakto, ayan na si Lord.” Biglang sabi ni Ruwi kaya napalingon ako sa pintuan at nakitang papasok si Lord.
Nakasimangot ito habang may dalang laptop. Tinignan ako ni Lord ng makalapit ito sa pwesto namin. “Sinasabi ko sa’yo, Eros.. bilhan mo nalang ako ng isang kartong marie dahil sa pang iistorbo mo sa tulog ko.” He said in an grumpy voice.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil baka ubos na naman ang stocks ng marie. Walangya kasi ’to si Lord ginawa ba namang stock ng marie ang isang bodega dito sa bahay nila Ruwi.
“What help do you need?” Lord asked me.
“Please find Princess Stelie Uy, Lord. Nawawala siya. Ngunit, nag re-reply siya sa ’kin at sinasabing ayaw na daw niya akong makita. Sinabi din ni Mari na umuwi daw ito ng probinsya para magpakasal. Kaya kailangan kong malaman kung saang probinsya yun para masundan ko siya.” Determinado kong sabi.
“Baka naman kasi ayaw ka na talaga niyang makita.” Sagot ni Lord sa ’kin kaya pinukol ko siya ng masasamang tingin. Imbis na icheer up ako dahil sa pangalan niyang Lord siya pa ’tong basag trip. Ang hirap pa naman murahin ng pangalan niya.
Napa-iling nalang si Lord saka nagtipa sa keyboard ng laptop niya. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Lord. Sana may makuhang impormasyon dahil pupuntahan ko ngayon agad.
A/N: sorry for late ud.
Life update: Kakabalik ko lang ng Manila. Garabe ang sakit ng katawan ko dahil nag bus lang kami. Yung pang-upo ko ang sakit two days ba naman nakaupo lang sa bus huhu..😭
Good Morning, Azzinatics!❤️
Chapter 18
NAIKUYOM ko ang kamao ko habang pinapanood ang ginawa ni Mari kay Stelie. Tangina talaga! Gusto kong umuwi ng bahay ngayon para sakalin si Mari.
Kanina pa ako pinapakalma ni Ruwi dahil gustong-gusto ko ng umuwi para bawian si Mari. Putangina! Matapos kong patuluyin sa bahay ko, ganito lang pala ang gagawin niya kay Stelie.
Nahanap din ni Lord ang probinsya na sinasabi ni Mari. Aalis agad ako ngayon para masundo ko si Stelie.
Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ko tinapik ang balikat ni Lord. “Thank you, Lord. Asahan mo ang isang kartong mari mamaya.” Sabi ko sakanya. Tumango naman siya sa sinabi ko saka niya isinara ang laptop niya.
“Anong gagawin mo sa babae?” Tanong sa ’kin ni Lord.
“Magdasal nalang si Mari na mahanap ko agad si Stelie dahil ako mismo papatay sakanya. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya kay Stelie.” Galit kong sagot kay Lord.
“Okay. Ihahanda ko na libingan niya.” Sagot naman ni Lord sa ’kin.
Hindi na ako sumagot at tumalikod nalang sakanya. Nagsimula akong maglakad para makalabas ako sa garden nila Ruwi.
Pagkapasok ko palang sa bahay nila Ruwi ay nakita ko silang mag-asawa na magkayakap. Iniwan nila kami kanina para makapag-usap kami ng maayos ni Lord.
“Okay na ba?” Tanong sa ’kin ni Ruwi ng makita niya ako.
“Pupuntahan ko nalang ang probinsya ng lola niya. Sa Catarman yun kaya kailangan ko ng helicopter.” Saad ko kay Ruwi.
“Kumuha ka nalang sa underground. Ikaw na pumili kong anong helicopter ang gusto mo,” sagot niya sa ’kin.
Tumango ako kay Ruwi saka siya nginitian. “Alis na ako. Kailangan ko ng pumunta ng Catarman,” pagpapaalam ko.
“Sige, ingat ka! Sabihan mo lang ako kapag may problema ka,” sagot ni Ruwi na mas lalo kong ikinangiti. Hindi parin siya nagbabago kahit may asawa at anak na. Isa pa din kami sa priority niya.
Umalis ako sa harap nila Ruwi at agad tinungo ang main door ng bahay nila. Wala na ang myembro ng Siege, mukhang nag duty na yata ang mga ’to.
Lumabas ako ng bahay, ngunit napa-atras din ako agad ng makita kong palakad-lakad ang dalawang lion at isang tigre ni Ruwi.
Nakalimutan ko pala na kailangan ko palang magpasama para lumabas ng bahay nila. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay nila Ruwi at saktong nakita si Lorcan na naghihikab pa habang pababa ng hagdan.
“Hey!” Tawag ko sa attensyon niya kaya tumingin siya sa gawi ko.
“Bakit? May kailangan ka?” Maangas niyang tanong sa ’kin ng gago.
“Tulungan mo kong makalabas. Tangina! Yung tatlong malalaking hayop nakaabang sa labas,” sabi ko sakanya.
“Ohh..” tanging sagot niya sabay kamot sa likod ng ulo niya. “Akala ko kenadena na ni Storm,” dinig kong sabi ni Lorcan.
Lumapit siya sa main door saka siya lumabas. Hindi niya isinara ang pintuan kaya naka silip lang ako. Nakita kong hinaplos ni Lorcan ang ulo ng dalawang lion na agad namang sumunod sakanya. Maging ang tigre ay lumapit din kay Lorcan at dinidilaan ang mukha niya.
“Sige na, lumabas ka na dyan! Hindi ka hahabulin ng tatlong ’to.” Sabi sa ’kin ni Lorcan ng makita niya akong nakasilip.
“Are you sure? Ang lalaki pa naman ng mga pangil. Baka magkalasug-lasog ang katawan ko pag nagkataon.” Sabi ko na may pagdududa kay Lorcan.
“Akong bahala,” sagot niya.
“Ikaw bahala, akong kawawa. Ganun ba yun?” Tanong ko kay Lorcan.
“Tangina naman! Assassin ka pero takot ka sa lion at tigre.” Pang-aasar niya kaya pinakita ko ang gitnang daliri ko.
“Sana pahirapan ka ng may-ari ng coffee shop na nililigawan mong gago ka!” Sabi ko kay Lorcan kaya pinandilatan niya ako ng mga mata niya.
“Bibitawan ko talaga ’tong tigre. Bahala ka malapa ka,” pananakot niya sa ’kin kay dali-dali akong tumakbo patungo sa gate. Hindi ako huminto hangggang sa makarating ako sa gate at mabilis na lumabas.
Napa-punas nalang ako ng pawis sa nuo ko dahil sa pagtakbo ko.
Naglakad ako papunta sa bahay ko para kausapin si Mari.
Nakarating ako sa bahay at hindi ko makita si Mari. Tinungo ko ang laundry area at nakita si manang na nag ha-hand wash sa damit ni Mari.
“Itigil mo na yan, manang. Hindi siya ang boss mo kaya sa ’kin ka lang makikinig,” biglang sabi ko kaya nagulat si manang.
“Dios kong bata ka! Ginulat mo naman ako.” Sabi niya.
“Bitiwan mo na yang labahin na yan. Kung gusto mo lagyan mo ng zonrox na puti ang mga de color na damit niya para makaganti ka manang.” Suhestyon ko kay manang.
“Ikaw talagang bata ka! Akala ko ba mahal mo ang babaeng yun,” sabi sa ’kin ni manang na ikinalukot ng mukha ko.
“Nagkamali ako noon, manang. Hindi talaga si Mari ang mahal ko.” Seryoso kong sabi.
Bumuntong hininga naman si manang saka ito dahan-dahang tumayo mula sa maliit niyang upuan. “Nagpaalam siya na aalis lang saglit.” Sabi sa ’kin ni manang habang nakangiwi at hinahaplos ang tuhod niya.
“Saan daw po siya nagpunta, manang?” Tanong ko.
“Walang sinabi sa ’kin eh. Pero babalik yun dahil maliit na bag ang dala niya at ayos na ayos ang porma.” Sagot ni manang kaya tumango ako.
Inalalayan ko siyang maglakad palabas ng lundry area. Nang makarating kami sa sala ay pinaupo ko siya sa pang-isahang upuan. “Aalis lang po ako, manang. Babalik din po ako agad mamayang hapon. Pakilock ng gate at wag na wag papasukin si Mari sa bahay ko.” Utos ko kay manang na ikinatango niya.
“Sige. Teka, saan ka ba pupunta?” Tanong sa ’kin ni manang.
“Sa Catarman po. May susunduin lang ako,” sagot ko saka ako naglakad papunta sa telephone na naka connect sa guard house.
Agad akong tumawag para tanggalin ang info ni Mari sa system. Pinag-utos ko din na wag siyang papasukin sa loob ng subdivison.
Nagmamadali ako ngayon kaya mamaya nalang pag-uwi ko susunugin ang mga gamit niya. Wala akong pakialam kung wala siyang suotin na damit.
Umakyat muna ako sa hagdan para tumungo sa kwarto ko. Nagbihis lang ako saka ako lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si manang sa kusina na nagsasandok ng kanin sa plato. Tumikhim ako para makuha ang attensyon ni manang. “Alis na po muna ako. Wag mong kakalimutan ang gamot mo sa sakit ng tuhod manang.” Pagpapaalala ko kaya ngumiti siya saka tumango sa ’kin.
“Oo na, mag-iingat kang bata ka.” Sabi niya kaya napangiti ako.
Umalis ako sa kusina at agad lumabas ng bahay. Habang naglalakad ako papunga sa gate ay naramdam kong nag vibrate ang cellphone na nasa likod ng pantalon ko.
Kinuha ko ito at tinignan kong sino ang nag message. Nakita ko ang pangalan ni Ruwi kaya binasa ko ang message niya. Napangiti ako dahil pinapapili niya talaga ako ng helicopter.
May iba’t-ibang helicopter na pagmamay-ari si Ruwi at lahat ng yun ay regalo ni boss Lucian sakanya.
Lumabas ako ng gate at agad sumakay sa kotse ko na nakaparada sa harap ng gate ng bahay ko.
Pumasok ako sa loob ng kotse at agad binuhay ang makina saka ko pina-usad. Tutungo ako sa underground kong saan nakatago ang mga helicopter ni Ruwi.
Palapit palang ako gate ng subdivision ng harangin ako ng isang guard. Inihinto ko ang sasakyan saka ko ibinaba ang bintana ng kotse ko.
“What is it?” Tanong ko sa guard ng makalapit siya.
“Sir Eros, may gusto daw pong makipag usap sa’yo. Hindi ko pinapasok dahil pinahigpitan niyo po ang security.” Sabi ng guard sa ’kin.
“Who?” Kunot nuo kong tanong.
“Sabi niya po.. siya daw po si Mr. Goncillo.” Sabi ng guard. Mukhang kilala ko na ang sinasabi niya. Asawa yun ni Marigold.
Pina-usad ko ang sasakyan palabas ng subdivision at nakita ang asawa ni Mari.
Iginilid ko ang sasakyan ko saka ko pinatay ang makina. Bumaba ako ng kotse kaya napatayo ng deritso si Mr. Goncillo.
Naglakad ako palapit sakanya saka ako nagsalita. “Gusto mo daw ako makausap. Anong kailangan mo?” Deritso kong tanong sakanya.
“Pwede ba tayong mag-usap sa ibang lugar?” Tanong niya kaya tumango ako.
“Mabilis lang dahil nagmamadali ako.” Saad ko saka ko siya tinalikuran. “Follow me.” Dagdag kong sabi saka ako naglakad pabalik sa kotse ko.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at agad pina-usad ang sasakyan. Nakasunod naman ang kotse ni Mr. Goncillo sa ’kin.
Naisipan kong pumunta sa open area na coffee shop. Inihinto ko ang sasakyan nang maka park ako.
Naglakad ako papunta sa bakanteng table at hinihintay lang si Mr. Goncillo. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa ’kin. Kung gusto niyang kunin ang asawa niya, kunin na niya agad dahil wala naman akong paki sa babaeng yun.
Ilang sandali lang ay nakita ko si Mr. Goncillo na naglakad papunta sa gawi ko. Nang makalapit siya ay agad ko siyang sinenyasan na umupo na agad naman niyang sinunod.
“Nagmamadali ako kaya sabihin mo na agad ang pakay mo sa ’kin.” Pangunguna ko.
“Marigold is using you, Mr. Mendez. Actually, pati ako. Pinakasalan lang yata niya ako dahil sa pera ko.” Sabi niya kaya hindi ko mapigilang hindi matawa.
“Ngayon mo lang nalaman?” I asked him.
“Matagal na. Pero akala ko mamahalin niya ako kapag nagtagal kami. Mali pala ako. Unti-unti nauubos ang pera ko nang hindi ko man lang nalalaman. Kinuha pala ni Mari lahat ng credit cards ko at pinagwawaldas ang pera sa kanyang luho.” Sabi niya. “Umalis ako two weeks ago para ayusin ang negosyo ko sa Japan. Laking gulat ko ng tumawag sa ’kin ang kaibigan ko na nasa hospital at sinabing nandoon daw si Mari dahil aksidente daw itong nahulog sa hagdan.” Sabi niya kaya tumango ako.
“Yeah, nahulog nga siya. Ako ang tinawagan niya kaya dinala ko siya sa hospital.” Deritso kong sagot.
“Hindi siya aksidenteng nahulog sa hagdan, Mr. Mendez.” Sabi ni Mr. Goncillo sa ’kin na ikinakunot ng nuo ko.
“What do you mean?” Tanong ko.
“Sinadya niyang magpahulog sa hagdan, Mr. Mendez. Hindi alam ni Mari na bukod sa cctv na naka kabit sa bahay namin ay may nakatago pang cctv na hindi niya alam. Doon ko nalaman na sinadya niyang magpahulog. Pati ang mga pasa sa mukha niya at sinasabing binubugbug ko siya ay siya lang din ang may gawa. May pruweba ako at kitang-kita sa hidden cctv ko kung paano niya sinaktan amg sarili niya saka siya naglayas sa bahay namin at pinamukhang binugbog ko siya.” Mahabang sabi ni Mr. Goncillo.
“Damn it!” Tanging nasabi ko lang sabay hilot sa sentido ko. Mukhang lahat ng sinabi sa ’kin ni Mari ay puro drama lang.
“Wala siya sa bahay ko ngayon. Pinagbawal ko siyang makapasok dahil sa ginawa niya sa isang babae.” Saad ko.
“Nagkita kami ni Mari kanina. Pilit niya akong pinapaperma sa annulment paper dahil gusto mo na daw magpakasal sakanya.” Sagot sa ’kin ni Mr. Goncillo.
“No way! Married my ass! Nababaliw na yata ang babaeng yun.” Sabi ko sa galit na boses. “Nasaan na siya ngayon?” Tanong ko.
“Umalis siya sa bahay ko nang hindi ko pinermahan ang annulment paper na dala niya. Galit na galit siya sa ’kin at kung anong masasakit na salita ang pinagsasabi sa ’kin.” Malungkot na sabi ni Mr. Goncillo.
“Find your bitch wife, Mr. Goncillo. Malaki ang atraso niya sa ’kin kaya iharap mo siya sa ’kin.” Sabi ko sa seryosong boses. “Sa ngayon nagmamadali ako dahil may pupuntahan pa ako. Mag-usap ulit tayo pagbalik ko sa Catarman.” Dagdag kong sabi saka ako tumayo sa kinauupuan ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil mauubos lang ang oras ko.
Kailangan ko ng makita si Stelie. Mababaliw na yata ako kapag hindi ko pa siya masilayan. Sana lang talaga ay hindi siya maikasal sa sinasabi ni Mari sa ’kin kanina. Sana lang ay gawa-gawa niya lang ang kwento at nandoon talaga si Stelie nagtatago sa lola niya.
Alam ko kasi na nakay Mari ang cellphonr ni Stelie dahil sa pinanood ni Lord na footage sa ’kin kanina. Kaya pinagdarasal ko nalang na sana nasa maayos na lugar nagtatago ang uhugin na tinitibok ng puso ko.
A/N: Sabay-sabay ako nag ud kay Eros at Percival hahaha yehey!!! Kagagaling lang sa binat nag madaling araw na naman natulog. Choss..
Gabi talaga ako gumagawa ng ud dahil payapa tulog na mga tao. Hindi nagugulo ang isip ko, yun nga lang inaabot ako ng madaling araw. Kaya madalas madaling araw na ako ntutulog lalo na kung may inaayos akong story. Wala lang share ko lang. Ang hirap mag-isip ng isusulat haha minsan sabaw na isip ko😂😂🫢
Chapter 19
WALA AKONG sinayang na oras at agad akong pumunta sa Catarman.
Nakasakay ako sa helicopter na pagmamay-ari ni Ruwi. May kasama din akong piloto.
Pagkadating ko sa Catarman ay agad kong pinuntahan ang barangay na binigay sa ’kin ni Lord. Doon daw kasi nakatira ang lola ni Stelie.
Nang makarating ako sa barangay ay agad kong hinanap ang bahay ng lola ni Stelie.
Hindi ako nabigo dahil tinulungan ako ng isang babae na pinagtanungan ko. Sinamahan narin niya ako para daw hindi magtaka si lola Felicia.
Kinakatok ni ate ang pinto ng bahay nila lola Felicia. Ako naman ay nakatayo lang sa likuran niya at hinihintay na pagbuksan ng pinto.
Ilang sandali lang ay may narinig akong sumagot mula sa loob ng bahay. Boses matanda yun.
Nakatingin lang ako sa pinto ng makita kong unti-unti ’tong binubuksan. Lumabas ang isang matandang babae, mahina na ito maglakad at may suot din ’tong eye glass.
“Magandang hapon po, lola Felicia.” Bati ng kasama kong babae na si ate Carol. “May naghahanap po kasi sa’yo lola. Taga Manila kaya sinamahan ko na,” dagdag na sabi ni ate Carol.
Tumingin naman sa ’kin si lola Felicia kaya yumukod ako sakanya. “Magandang tanghali po, lola.” Bati ko sakanya na ikinatango niya.
“A-Anong atin?” Tanong siya sa ’kin habang inaayos ang suot niyang eye glass.
“Ikaw po ba ang lola ni Princess Stelie Uy?” Deritso kong tanong.
Nakatitig lang siya sa ’kin, hindi siya nagsalita kaya kinabahan ako. Umubo ito saglit saka siya nagsalita. “Oo, ako nga. May problema ba? May nangyari ba sa apo ko?” Tanong niya kaya kumunot ang nuo ko.
“Wala po ba dito si Stelie, lola? Ang sabi kasi ay umuwi daw po siya sa probinsya, sa lola niya.” Sagot ko kaya kumunot din ang nuo ni lola.
“Wala dito ang apo kong si Stelie. Wala din siya sa mga magulang niya dahil katatawag lang nila sa ’kin kanina. Ang alam ko ay nasa Manila ang apo ko.” Sagot niya na may pagtataka. “May nangyari ba sa apo ko?” Tanong sa ’kin ni lola Felicia.
Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Hindi ko din masabi kung may nangyari bang masama sakanya. Tangina! Akala ko nandito siya sa probinsya ng lola niya or do’n sa bahay ng magulang niya. Ngunit, nagkamali ako.
Ayaw kong mag-alala ang lola ni Stelie dahil nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Agad akong umiling sa tanong niya para sabihing walang nangyari. “Wala naman pong nangyari lola Felicia. Akala ko lang talaga ay nandito siya nagbabakasyon.” Pagsisinungaling ko.
Napa sapo sa nuo si lola Felicia habang nakatitig parin sa ’kin. “Nag-aalala pa naman ako sa batang yun. Apat na araw na kasing hindi sumasagot sa tawag. Text lang ang ginagawa, hindi naman siya ganun.” Sabi ni lola.
Hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong si Mari ang nag re-reply sakanya.
Nakayuko lang ako habang iniisip kung nasaan si Steli. May pumasok sa isipan ko pero sana hindi totoo. Ayaw kong paniwalaan ang sarili ko na baka tinatago ni Mari si Stelie sa ibang lugar para hindi ko siya mahanap.
Napabuga ako ng hangin at iniisip na kailangan kong makausap si Mari. Kung kinakailangan ko siyang sakalin para sabihin niya kung nasaan si Stelie, gagawin ko mahanap ko lang ang uhugin na yun.
Nagusap lang kami saglit ni lola Felicia at nagpakilala akong boss ng apo niya para hindi siya magtaka. Alam kong nag-aalala siya kaya sinabihan ko siyang nagbabakasyon lang si Stelie.
Hindi narin nagtagal ang pag-uusap namin dahil panay ang ubo ni lola. Nagpaalam lang kami sakanya ni ate Carol saka kami tuluyang umalis.
Habang naglalakad kami ni ate Carol ay bigla siyang tumikhim kaya lumingon ako sa gawi niya. “Ang alam ko ay may kasamang apo si lola Felicia, sir. Magandang babae din.” Sabi ni ate Carol.
Hindi ako sumagot dahil may iniisip ako.
“Ang alam ko Stelie Rose ang pangalan niya. Hindi ba siya ang hinahanap mo, sir?” Tanong sa ’kin ni ate Carol.
Bigla kong naalala ang sinabi sa ’kin ni Stelie dati. May kambal siya at yun ay si Stelie Rose. “No. Hindi po siya ang hinahanap ko. Ang kakambal niya ang hinahap ko. Si Princess Stelie.” Sagot ko.
“Ay may kakambal pala si Rose? Ngayon ko lang nalaman.” Gulat na gulat na sabi ni ate Carol.
Tumango lang ako bilang sagot saka ako naglakad ulit.
Mabuti nalang at hindi ako nahirapan pumunta dito. Pagkarating kasi namin sa Catarman ay may mga tauhan si boss Lucian na tumulong sa ’kin. Pati narin ang kotseng ginamit ko papunta dito sa bahay ni lola Felicia.
Natatanaw ko na ang kotseng sinakyan ko papunta dito. Kasama ko ang isang tauhan ng Siege at siya ang driver ko.
Tumigil ako sa paglalakad ng makarating ako sa gilid ng kalsada. Humarap ako kay ate Carol saka ko kinuha ang wallet na nasa likod ng bulsa ko. Kumuha ako ng 5k at inabot ito kay ate Carol.
“Para saan po ito, sir?” Tanong niya sa nagtatakang boses.
“Pasasalamat ko po sa’yo, ate. Salamat po at sinamahan niyo po ako.” Saad ko saka yumukod sakanya.
“Naku..maraming salamat din,” sabi niya at halatang tuwang-tuwa.
Tumango lang ako sakanya. “Alis na po ako.” Pagpapaalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong naglakad papunta sa nakaparadang kotse. Binuksan ko ang pintuan ng backseat saka pumasok sa loob.
“Balik tayo sa helicopter,” saad ko sa driver.
“Yes, sir!” Sagot niya at agad na pina-andar ang sasakyan at pinausad.
Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana at nag-iisip kong paano ko mapapaamin si Mari.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Binuksan ko ito at nagtipa ako ng message para kay Mari. Sinend ko yun agad. Ilang minuto lang ay nag reply siya at pumayag na makipagkita sa ’kin.
Nag send pa siya ng message sa ’kin at tinatanong kung bakit ayaw daw siyang papasukin ng mga bantay sa subdivision.
Agad kong dinial ang phone number ni Ruwi dahil may iuutos ako. Naka ilang ring lang ako bago tuluyang sagutin ni Ruwi ang tawag ko.
“Balita?” Bungad niya sa ’kin sa kabilang linya.
“Negative. Wala dito si Stelie.” Sagot ko sakanya.
“Ohh.” Dinig kong sabi niya.
“Hihingi sana ako ng pabor sa’yo, boss Ruwi.” Magalang kong sabi.
“Ano yun? Sabihin mo lang,” sagot niya.
“Pwede bang tawagan mo ang mga bantay sa subdivision at papasukin si Mari. Kailang ko siya, Ruwi. Baka tinatago niya si Stelie. Kailangan ko siyang makausap.” Saad ko habang sapo ang nuo ko.
“Sure. Wag ko bang palalabasin hanggang sa makabalik ka?” Tanong sa ’kin ni Ruwi.
“Yes. Hindi siya pwedeng makaalis sa subdivision,” sabi ko habang nakakuyom ang kamao ko.
“Copy, lover boy!” Sagot ni Ruwi at biglang nawala ito sa linya. Pinatayan na pala ako ng tawag.
Nakarating kami kung saan nag landing ang sinasakyan kong helicopter. Wala akong sinayang na oras at agad sumakay do’n para magpahatid sa Manila.
Tahimik lang ako buong byahe at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung ano ano nalang ang pumapasok sa isipan kong scenario. Paano pala kung sinasaktan ni Mari si Stelie. Paano pala kung hindi niya pinapakain ang uhugin na yun. Nag-aalala ako kay Stelie.
Mabilis kaming nakarating sa Manila at agad kong tinungo ang kotse ko na nakaparada sa hotel na pagmamay-ari ni boss Lucian.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko at tinungo ang Reux subdivision. Ipinangalan na kasi ni boss Lucian ang subdivision sa anak niyang si Evreux.
Nang makarating ako sa subdivision ay agad kong tinungo ang bahay ko. Iginilid ko lang ang kotse saka ko pinatay ang makina. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
Naabutan ko pa si manang na nagwawalis sa sala habang paika-ika. “Manang..” tawag ko sakanya kaya biglang nagliwanag ang mukha niya.
“Buti naman dumating ka na.” Sabi niya saka ngumiwi habang hinihimas ang beywang niya.
“May masakit po ba sa’yo, manang?” Tanong ko dahil bakas sa mukha niya na may iniinda siya.
“Medyo. Si Marigold kasi. Nagalit sa ’kin nang hindi ko sinunod ang utos niya. Kaya ayon.. hinampas niya ako ng walis sa beywang. Pero ayos na ako, Eros.” Sagot ni manang kaya biglang uminit lalo ang ulo ko.
“Itigil mo na yang paglilinis mo manang. Magpahinga ka muna sa kwarto mo,” utos ko.
Tumango naman siya at dahan-dahang naglakad habang bitbit parin ang walis.
Nag-angat ako ng tingin ng may marinig akong yapak mula sa itaas ng hagdan. Nakita ko si Mari na nakasuot ng lingerie dress.
“Hi, Eros! Buti naman nandito ka na,” sabi niya saka dahan-dahan bumaba ng hagdan.
Nakatitig lang ako sakanya at hinihintay na makalapit sa ’kin.
“Saan ka galing?” Tanong niya ng makalapit siya sa ’kin. Pinapakita pa niya ang cleavage niya, halatang inaakit ako. Malaki nga hinaharap niya, pero mas gusto ko ang flat na katulad ni Stelie. Sakto lang sa kamay ko, at mas gusto ko ako yung magpapalaki sa dibdib niya.
“Ayusin mo nga yang damit mo. Ang sagwa tignan.” Walang emosyon kong sabi kaya natigilan siya.
Ngumiti siya ng pilit saka niya inayos ang suot niya. “Saan ka galing? Yung maid mo kasi, walang alam kung saan ka nagpunta. Bakit hindi mo nalang tanggalin ang maid mong yun, wala namang silbi eh, lagi pang may iniinda.” Maarte niyang sabi.
“Sino ka ba para utusan ako? Asawa ba kita para panghimasukan mo ang desisyon ko sa buhay.” Sabi ko sakanya.
“Soon palang.” Sagot niya saka binuntutan ng tawa.
“Not gonna happen,” I said. “Alam kong ikaw ang katext ko at hindi si Stelie.” Sabi ko kaya natigilan siya.
“What? Nagulat ka ba?” Tanong ko ng makita ko ang hitsura niya.
“H-Ha? A-Anong pinagsasabi mo?” Nauutal niyang sabi.
“Where is Stelie? Saan mo siya tinatago?” Seryoso kong tanong sakanya.
“Nahihibang ka na ba? Hindi ko alam pinagsasabi mo, Eros.” Sigaw niya sa ’kin.
Humakbang ako palapit sakanya, siya naman ay humahakbang palayo sa ’kin.
“Wag mong hintayin daanin kita sa dahas, Mari. Nagtitimpi lang ako sa’yo. Wag mong hintaying magalit ako dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo.” Banta ko sakanya.
“W-Wala akong alam sa sinasabi mo, Eros. Oo nasa akin ang cellphone ni Stelie. Ako yung na re-reply sa pamilya niya at sa’yo pero hindi ko alam kung nasaan si Stelie. Maniwala ka sana sa ’kin, Eros.” Sabi niya habang naiiyak.
“Paano ako makakasiguro na hindi mo siya tinatago ha! Eh maluwag ang turnilyo mo sa utak! Lahat ng ginawa mo kay Stelie n’ong araw na yun ay nakita ko. Paano mo nagawang saktan ang kaibigan mo ha!?” Galit kong sigaw sakanya.
Tanging iyak lang ang ginagawa ni Mari sa harap ko. Hindi na niya ako madadala sa mga drama niya.
“Nasaan si Stelie? Sabihin mo na at baka masakal pa kita.” Seryoso kong sabi.
“Hindi ko alam, Eros. Hindi ko talaga alam. Yun lang yung huli naming pagkikita n’ong pumunta siya sa harap ng subdivision. Maniwala ka sa ’kin, please..” sabi niya at bigla itong lumuhod sa harap ko.
“Lumayas ka na dito sa pamamahay ko, Mari. Wag na wag kang magpapakita ulit sa ’kin dahil baka mapatay pa kita.” Saad ko habang nakatitig sakanya.
“No, please.. wag mong gawin sa ’kin ’to, Eros. Wala akong tutuluyan.” Umiiyak niyang sabi saka yumakap sa isa kong binti.
“I don’t care! Hindi kita ka ano-ano kaya wala akong pakialam kung sa kalsada ka tumira. Layas!” Galit kong sabi sa binaklas ang dalawang braso niya sa binti ko.
“Eros naman eh, akala ko ba mahal mo ko. Dati hinahabol mo ko, ngayong pwede na ang lahat.. ngayon mo naman ako pinagtutulakan palayo. Akala ko mahal mo ko, akala ko gusto mo ko. Pero, bakit ganito, Eros.” Sabi niya habang umiiyak.
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa sahig saka mapait na ngumiti sa ’kin. “Kung hindi ka din naman pala mapupunta sa ’kin, pwes hindi ka din mapupunta kay Stelie. Sana nga mamatay na siya para pare-pareho tayong hindi masaya.” Sabi niya saka tumakbo papunta sa hagdan.
“Umalis ka na dito sa bahay ko. Kunin mo na lahat ng gamit mo. Baliw!” Sigaw ko saka sumunod sakanya.
Hindi ako makakapayag na hindi ko siya mapalayas ngayong gabi. Sisiguraduhin kong hindi siya makakabangon sa putekan sa gagawin ko sakanya. Sisirain ko buhay ni Mari tulad nalang sa ginawa niya sa mukha ni Stelie. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan kong paano niya nginudngud ang mukha ng uhugin ko. Kaya magbabayad siya sa ’kin. Sisiguraduhin kong walang tatanggap sakanya kapag nag aplay siya ng trabaho.
A/N: Good morning, Azzinatics!❤️
Chapter 20
HINDI AKO tumigil sa paghahanap kay Stelie. Ayaw kong sumuko. Alam kung nagtatago lang siya kung saan man siya ngayon.
Nandito ako sa bahay nila Ruwi kasama si Lord. Tatlong araw na akong nakatambay dito para tutukan ang lahat ng cctv kung saan nahagip si Stelie n’ong araw na yun.
Pati ang sinakyan niyang taxi ay nahanap namin ni Lord. Sinabi niya sa ’kin na nagpahatid lang daw ito sa dalampasigan at mula do’n ay wala na siyang alam.
Nagtanong-tanong na kami sa paligid hanggang sa nakausap ko ang isang matandang babae. Sinabi niya sa ’kin na nakita niya daw ang hinahanap ko n’ong hapon na yun. Humiram pa daw sakanya ng cellphone si Stelie pero pagkatapos no’n ay umalis na daw ang matanda at hinayaan si Stelie na nakaupo lang daw sa dalampasigan. Kahit anong tanong daw ng matanda sakanya ay lagi lang daw sagot ni Stelie ay ayos lang siya habang nakangiti.
Natatakot akong isipin ang mga sinabi ni Lord na baka nagpakamatay daw ito at nilunod ang sarili. Kaya maging sa karagatan ay hinanap ko din siya.
Napahilot ako sa sentido ko saka sumandal sa likod ng upuan.
“Bukas naman tayo maghanap,” saad ni Lord sa ’kin na ikinatango ko.
“Kailangan ko pang pumunta ng underground. Pinapapunta ako ni kuya Lucian.” Dagdag niyang sabi.
“Thanks, buddy. Asahan mo ang dalawang kartong marie biscuit pati narin ang chuckie mo.” Sabi ko na ikinatawa niya.
Tinapik ko lang ang balikat ni Lord saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Naglakad ako para umuwi muna sa bahay ko. Hindi ko na magawang maligo dahil sa paghahanap ko kay Stelie. Lagot talaga sa ’kin ang babaeng yun kapag nahanap ko siya. Binaliw niya ako ng sobra sa pag-aalala.
Kampante akong lumabas ng bahay nila Ruwi dahil nakatali ang tatlong malalaking alaga niya. Lagi kasi akong pumupunta dito sa bahay nila kaya pinag-utos niya kay Lorcan na itali muna.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko pa si Storm na mukhang galing sa school. Nakasuot kasi ito ng uniporme. Pinag-aaral kasi ito ni boss Lucian kaya dito siya nakatira sa bahay nila.
“Uuwi ka na po ba kuya Eros?” Tanong niya sa ’kin nang makalapit siya sa ’kin.
“Oo. Tatlong araw na akong hindi naliligo eh. Baka pag uwi ng nanay-nayan mo dito ay bigwasan niya ako pag nakitang ito parin ang suot ko.” Sagot ko sakanya.
Mahina siyang tumawa kaya lumabas ang dalawang malalim niyang dimples. Maamo kasi ang mukha ni Storm, halatang mabait na bata. Magalang din. Nakikita ko sakanya si Kier dati n’ong mga bata pa kami. Maamo din kasi ang mukha ni Kier.
“Sige po, kuya Eros. Ingat ka po!” Sabi niya na ikinatango ko.
Tinapik ko lang ang balikat niya saka ako naglakad papunta sa gate. Lumabas ako ng gate nila Ruwi at tinungo ang bahay ko.
Maliligo lang muna ako saka ako aalis ulit para hanapin si Stelie.
Wala na akong balita kay Marigold simula ng pinalayas ko siya sa bahay ko. Maging ang cellphone na kinuha niya kay Stelie ay kinuha ko sakanya. Nag makaawa pa siya sa ’kin na patawarin siya at bigyan ng pagkakataon para mag bagong buhay. Hindi ko siya pinakinggan dahil alam kung hindi siya magbabago. Masama talaga ugali niya.
Nakarating ako sa harap ng bahay ko at agad akong pumasok. Naabutan ko pa si manang na nag pupunas ng mga display sa sala.
Lumingon siya sa ’kin ng marinig niya ang pagbukas ko sa pintuan. “Buti naman at umuwi ka ng bata ka. Kumain ka na ba?” Tanong sa ’kin ni manang.
“Opo, manang.” Sagot ko saka ako naglakad sa pang isahang upuan at umupo.
Sumandal ako sa likod ng upuan at ipinikit ang aking mga mata. Umaga at gabi kasi akong naghahanap kay Stelie. Nag paskil narin ako ng picture niya kung saan-saan at may reward ng dalawang million kapag may nakahanap sakanya.
“Masyado mo ng pinapabayaan ang sarili mo, Eros. Bakit hindi ka muna magpahinga.” Saad ni manang sa ’kin.
“Ayos lang po ako manang. Hindi po ako pwedeng tumigil sa paghahanap kay Stelie. Baka may nangyari ng masama sakanya.” Sagot ko sa malungkot na boses.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni manang saka ito naglakad palapit sa ’kin. “Bakit hindi mo nalang muna hayaan ang babaeng yun.” Sabi niya sa ’kin.
Kumunot ang nuo ko habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni manang.
“Baka kasi may dahilan siya kaya ayaw niya magpakita. Baka hinihilom lang niya ang sugat na binigay ni Mari sakanya kaya ayaw niya munang bumalik. Baka kailangan niya ng mapag-isa kung nasaan man siya ngayon. Hayaan mo muna siya, Eros. Dahil hindi din madali ang nangyari sakanya. Bigyan mo siya ng oras at panahon para ayusin ang sarili niya. Sigurado ako babalik si Stelie at yun ang dapat paghandaan mo.” Mahabang sabi ni manang sa ’kin.
“Pero paano kung hindi na siya bumalik, manang. Paano kung maisip niya na mas masaya siya kung nasaan man siya ngayon. Nag-aalala ako manang. Lahat ng nalaman ni Stelie ay puro kasinungalingan ni Marigold. Alam kong galit din siya sa ’kin. Kaya gusto ko siyang mahanap at sabihin sakanya ang totoo.” Malungkot kong sabi habang iniisip ang mangyayari.
“Kung mangyari man ang sinasabi mong babalik siya manang. Alam kong babalik siya na galit sa ’kin.” Dagdag kong sabi.
“Kung ganun.. kailangan mong paghandaan ang lahat. Alam kung mabait kang bata, Eros. Nakita ko din kung paano mo pinagtanggol si Stelie kay Mari kahit wala siya dito. Kaya alam kong paniniwalaan ka ni Stelie. Manalig ka lang.” Saad sa ’kin ni manang sabay tapik sa balikat ko. “Kumain ka ng bata ka. Pumayat ka dahil siguro sa paghahanap mo. Kumain ka at may niluto na ako.” Aya sa ’kin ni manang na ikinatango ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ako naglakad papunta sa kusina. Tinignan ko lang kung anong pagkain saka ako lumabas muli sa kusina.
Nakasalubong ko pa si manang na papunta din ng kusina. “Maliligo lang muna po ako, manang.” Sabi ko.
“Sige, ipaghahanda nalang muna kita ng pagkain habang naliligo ka.” Sagot ni manang kaya tumango ako.
Tinungo ko ang kwarto ko at dumeritso ako sa banyo. Hinubad ko lahat ng saplot ko saka ako pumailalim sa shower. Habang naliligo ako ay iniisip ko si Stelie. Naalala ko sa t’wing nagagalit siya sa ’kin kapag inaasar ko siya. Ang unang halik namin na hindi ko makalimutan. Tandang-tanda ko pa ang unang gabing may nangyari saming dalawa.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustrasyon na nararamdaman ko. Kailangan ko ng makita si Stelie. Mababaliw na yata ako kung hindi ki siya masisilayan. Wala akong pakialam kung galit siya sa ’kin dahil sa ginawa ni Mari. Kaya kong tanggapin yun, handa ko siyang suyuin makita ko lang siya ulit. Hindi katulad ngayon, ni hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko alam kung nasa maayos siya o nakakain ba siya ng maayos.
Inangat ko ang mukha ko at hinayaan ang tubig na umagos. Pinikit ko ang aking mga mata at nag-iisip kong saang parte ng Pilipinas na naman ako pupunta mamaya para hanapin siya.
Tinapos ko ang aking pagligo at kinuha ang t’walya at itinapis sa ibabang bahagi ng katawan ko. Lumabas ako ng banyo at tinungo ang walk in closet ko para kumuha ng damit.
Balak kong umalis pagkatapos kong kumain. Gusto kong puntahan ang dalampasigan kung saan huling nakita si Stelie. Gusto ko ulit magtanong-tanong sa mga taong nakatira malapit do’n at baka napansin nila si Stelie.
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kusina para kumain muna. Ayaw kong sayangin ang effort ni manang sa pagluluto. Alam kong nag-aalala din siya sa ’kin dahil hindi ako umuuwi dito sa bahay. Kung uuwi man ay saglit lang para magbihis ng damit.
Kumain lang ako habang si manang naman ay pinagsasabihan ako tungkol sa kalusugan ko. Tanging tango lang ang sagot ko kay manang.
Nang matapos ako ay nagpaalam lang ako kay manang na aalis na ako. Wala akong sinayang na oras at agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito.
Tinungo ko ang dalampasigan kung saan huling nakita si Stelie.
Nang makarating ako ay agad akong bumaba sa sasakyan. Naglakad-lakad ako sa papunta sa dalampasigan habang nakatingin sa karagatan.
“Stelie, nasaan ka na ba? Bakit ayaw mong magpakita sa ’kin. Siguro, magpapakita ka lang kapag nasa mental hospital na ako.” Bulong ko sa hangin habang pinagmamasdan ang dagat na kumikinang dahil sa sikat ng araw.
“Magpakita ka na sa ’kin. Pangako, wala ng mananakit pa sa’yo. Pro-protektahan kita. Kaya sana bumalik ka na. Sana kahit text o tawag man lang magawa mo para hindi ako mag-alala. Basta alam ko lang na nasa ligtas na lugar ka at kailangan mo lang ng space. Sana maisipan mong tawagan ako.” Malungkot kong bulong sa hangin.
Mahapdi ang sikat ng araw ngunit hindi ko ito iniinda. Nakatitig lang ako sa karagatan habang kinakausap si Stelie.
Lumipas ang tatlong buwan, hanggang sa naging isang taon at apat na buwan ay hindi parin bumabalik si Stelie. Sa paglipas ng panahon ay wala akong ginawa kundi hanapin siya.
Nang malaman ni Atticus ang nangyari ay tinulungan narin niya ako. May nakapag sabi samin na sumakay daw ng bus si Stelie ng araw na yun ngunit hindi nila alam kung saang bus patungo. Kaya agad akong pumunta sa station ng bus para kunin ang kuha nila sa cctv. Ayaw nilang pumayag laya hinack nalang ni Atticus at nakita nga na sumakay si Stelie ng bus.
Pinuntahan ko ang probinsyang yun ngunit walang Stelie akong nakita.
Nandito ako sa kwarto ko habang nagbibihis. Magkikita kasi kami ni Aizen ngayong araw. Niyaya kasi niya akong magtayo ng negosyo kaya pag-uusapan namin ang mga detalye sa ipapatayo namin.
Bago ako lumabas ng kwarto ay lumingon muna ako sa picture frame na pinagawa ko. Picture namin yun ni Stelie n’ong kumakain kami ng inihaw na may uling ang mukha niya.
Kapag umaalis ako ay tinitigan ko muna ang picture niya at nagpapaalam ako na aalis muna saglit.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Naabutan ko pa si manang na nakaupo sa pang isang upuan.
“Aalis ka ba, Eros?” Tanong sa ’kin ni manang.
“Opo, manang. Babalik din po ako agad. Magkikita lang kami ni Aizen.” Sagot ko.
“Nakabalik na pala ng Pilipinas ang makulit na batang yun.” Sabi ni manang kaya mahina akong natawa. Dito kasi sila tumatambay sa bahay ko at inaasar si manang. Maging sila Salem ay binibigyan ng gamot si manang para daw hindi ko na ipusta si manang kapag nakikipag pustahan ako. Kaya kilala ni manang ang mga kaibigan ko.
“Sigurado ako may pasalubong po sa’yo yun. Baka sumama yun sa ’kin dito mamaya,” saad ko kay manang kaya natawa siya.
“Ipaghahanda ko siya ng pagkain.” Sabi niya na halatang excited.
Tumango lang ako at nagpaalam na kay manang. Lumabas ako ng bahay at tinungo ang garahe kong saan naka park ang kotse ko.
Sasakay na sana ako ng kotse ko ng may marinig akong motor na huminto sa harap ng gate ko. Tumunog ang doorbell kaya naglakad ako papunta sa gate at pinagbuksan ang taong nasa labas.
Bumungad sa ’kin ang isang deliver rider.
Yumukod siya sa ’kin saka ngumiti. “Good morning po, sir. Kayo po ba si Mr. Eros Mendez?” Tanong niya habang binabasa ang papel na hawak niya.
“Yes. Why?” Tanong ko.
“May nag pa deliver po kasi sa ’kin nito, sir.” Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko dahil wala naman siyang hawak na parcel.
“Sino daw?” Takang tanong ko.
“Wala po siyang nilagay na pangalan po, sir. Pero sabi po niya may nilagay po siyang sulat sa pinadala niya.” Sagot sa ’kin ng delivery boy.
“Ano bang pinadala niya?” Kunot nuo kong tanong.
“Teka po, sir. Kukunin ko lang.” Sagot niya saka lumapit sa motor niya. May isang hugis box do’n pero may mga butas sa paligid. Kulay pink pa talaga ito kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.
Narinig ko ang iyak ng bata kaya nanlaki ang mga mata ko. “Ito po sir ang pinadala sa’yo. Isang baby po.‘’ Sabi ng rider saka pinakita sa ’kin ang isang baby na nakabalot sa pink na malaking towel habang umiiyak.
Putangina! Pwede na palang ipadeliver ang baby ngayon.
Naguguluhan naman akong tinanggap ang umiiyak na baby. Tumahan lang ito ng makarga ko. Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman ng makarga ko ang batang ito.
Chapter 21
KANINA pa ako panay sayaw para lang mapatahan ang sanggol na dinelever sa ’kin. Hindi ko muna pinaalis ang lalaking nag deliver at baka pinagtri-tripan lang pala ako nito.
Tinawag ko din si manang kaya maski siya ay gulat na gulat din. Hindi ko alam kung sinong nagpadala sa ’kin ng baby. Wala kasing pangalan, kaya hiningi ko ang address n’ong nagpadala.
Mabuti nalang at binigay ng delivery boy kahit pa nga bawal sakanila yun. Wala siyang nagawa dahil pinagbantaan ko siyang hindi makakalabas ng buhay sa subdivision na ’to kung hindi niya ibibigay sa ’kin.
Nandito kami sa loob ng bahay ni manang. Hindi ko magawang umupo dahil umiiyak ang baby. Kaya heto ako nasayaw kahit hindi naman ako marunong.
“Pipilipitin ko talaga ang leeg kung sino mang nagpadala sa ’kin ng baby.” Galit kong sabi. Naiinis ako! Kung bakit ba naman kasi pinadala ang baby sa isang rider. Paano pala kung hindi dinelever ng rider na yun ang baby. Kung sino man ang nanay nito ay hindi nag-iisip kong mapapahamak ba ang anak niya.
“Wala bang sulat na nakalagay dyan, Eros?” Tanong sa ’kin ni manang.
Natigilan ako sa pagsasayaw ng maalala ko ang sinabi sa ’kin ng rider. Agad kong hinanap ang sulat sa damit ng baby at hindi nga ako nabigo. May nakita akong maliit na papel na naka ipit sa damit ng baby.
Kinuha ko ’to at gamit ang isa kong kamay. Binuklat ko ’to saka ko binasa ang nakasulat.
Alagaan mo sana si Stella. Ikaw ang ama niyan kaya sana maging mabuti kang ama sakanya.
Kumunot agad ang nuo ko ng mabasa ko ang sulat. Tumingin ako sa mukha ng baby at hindi makapaniwala sa nabasa ko. Anak ko ang baby na ’to.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil alam kong galing ’to kay Stelie. Siya lang naman kasi ang babaeng ginalaw ko kaya walang ibang magpapadala sa ’kin kundi siya.
Tumingin ako kay manang at nakitang inaayos ang binigay na kukunting damit ng baby. “Manang..” tawag ko sakanya kaya lumingon siya sa ’kin.
“Ano yun? Nangalay ka na ba? Ako naman para makapagpahinga ka saglit,” saad ni manang.
“Ayos lang po ako manang. Pwede po bang pakikuha ng cellphone ko.” Utos ko sakanya sabay turo sa mesa kung saan nakapatong ang phone ko.
Agad namang tumalima si manang at kinuha ang cellphone ko saka siya lumapit sa ’kin at inabot. Tinanggap ko ang phone at agad binuksan ’to para tawagan si Salem.
Nakailang ring pa ako bago sagutin ni Salem.
“Yes, buddy? Miss mo kagwapuhan ko?” Tanong niya sa kabilang linya.
“Nasaan ka ngayon?” Tanong ko sakanya at hindi pinansin ang kahanginan niya.
“Nasa hospital. Bakit?” Tanong nito.
“Pwede ba akong makisuyo sa’yo. Pwede mo ba akong bilhan ng formula milk ng baby at bottle milk para sa baby. Kailangan na kailangan ko kasi.” Saad ko.
“Gago! Kailan ka pa nagka baby ha! Sinasabi ko sa’yo tigil-tigilan mo na kakasinghot ng katol pre. Nanaginip ka eh!” Sabi niya.
“Basta gawin mo nalang. Isali mo narin ang diaper. Bilhan mo din ako. Ngayon na ha!” Saad ko saka pinatay ang tawag. Hindi ko na hinintay na makasagot si Salem dahil alam kung puro mura lang ang sasabihin niya.
Hinintay ko lang dumating si Salem. Dumating siya dala ang mga pinabili ko. Kasama niya si Aizen na halos manlaki ang mga mata ng makita niya ako na may kargang baby.
“May matres ka na pala ngayon?” Tanong sa ’kin ni Aizen.
“Tangina! Bakit hindi ko nasagap ang tsismis na ‘to.’’ Saad din ni Salem na nakatitig sa baby na karga-karga ko.
“Tumigil na nga kayong dalawa. Timplahan niyo nalang ng gatas ang anak ko.” Utos ko sakanila kaya tinitigan nila ako na parang hindi makapaniwala.
Napabuntong hininga nalang ako saka ko sila pinandilatan ng mga mata ko. “Ano ba! Kumilos na kaya kayo!” Sigaw ko ulit.
“Seryoso ba talaga? Anak mo ba talaga? Di nga?” Sunod-sunod na sabi ni Aizen, halata parin sa mukha niya ang pagkagulat.
“Oo nga! Ang kulit naman eh,” inis kong sabi.
“Hayy.. akin na nga yang milk ng matimplahan ko na ang baby.” Biglang sabat ni manang sa usapan namin. Inagaw niya ang hawak ni Salem na paper bag at nagmamadaling pumunta ng kusina.
Nakatitig parin ang dalawa kong kaibigan sa ’kin. Lumapit si Aizen saka tinitigan ang mukha ng anak ko. Palipat-lipat siya ng tingin sa ’kin at sa anak ko.
“Hindi mo kamukha, buddy. Mabuti naman at walang nakuha sa’yo.” Sabi niya.
“Teka.. sinong nanay niyan?” Kunot nuong tanong ni Salem sa ’kin.
“Oo nga. Sinong nanay ba? Yung babaeng kinababaliwan mo ba? Ano nga pangalan no’n.. Marigold ba yun?” Tanong sa ’kin ng kaibigan kong hindi updated sa buhay ko.
Binatukan naman siya ni Salem sa ulo kaya napanguso si Aizen. “Tanga! Hindi si Marigold ang kinababaliwan niyan. Nagbago na yan ng landas, kaso tinaguan siya ng babae.” Saad ni Salem.
Inilagay ni Salem ang isang daliri niya sa kanyang baba na parang nag-iisip. “Kaya ka siguro tinakbuhan dahil buntis siya.” Dagdag pa na sabi ni Salem.
“Baka ayaw siya maging ama ng anak nila kaya iniwan siya.” Tatawa-tawang sabi ni Aizen kaya pinandilatan ko siya ng mga mata ko.
“Tigilan niyo nga ako,” saad ko.
“Paano mo naman nalaman na anak mo yan?” Tanong ni Salem.
“May nakalagay na sulat. At alam ko na galing yun kay Stelie. Malakas ang loob ko dahil siya lang naman ang babaeng ginalaw ko.” Deritso kong sagot.
“Oh,” tipid na sagot ni Salem.
“Kaya ko din kayo pinapunta dito dahil ipapaalaga ko muna sainyo ang baby ko.” Sabi ko habang nakatitig sa dalawa kong kaibigan.
“Tanginang yan! Alaga na naman!” Reklamong sabi ni Salem.
“Bakit, saan ka ba pupunta?” Tanong ni Aizen.
“Pupuntahan ko lang ang address nang nagpa deliver sa ’kin. Alam ko na nandoon si Stelie. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa anak namin.” Sabi ko sa seryosong boses.
Napabuga naman ng hangin si Salem at mas lalong lumapit sa ’kin. ’’Akin na anak mo. Tanggap ko na ’to nalang lagi ang rule ko sating magkakaibigan. Lagi akong taga alaga ng mga anak eh, syempre gwapo ako kaya dito talaga kayo lalapit sa ’kin. Sa mga ganitong bagay tama lang na ako ang lalapitan niyo. Para din naman ’to sa ikakabuti ng mga baby niyo eh.“ Mahabang sabi ni Salem saka kinuha ang baby Stella ko.
“Tiyak ako hindi iiyak ang anak mo kapag ako ang kakarga. Syempre, pogi ako eh, matutuwa pa ang bab—
Naputol ang sasabihin ni Salem nang biglang umiyak ang anak ko. Mabilis siyang sumayaw-sayaw para mapatahan ang anak ko.
“Akala ko ba hindi iiyak?” Tanong ni Aizen kay Salem habang nagpipigil ng tawa.
Hindi mapatigil ni Salem ang anak ko kaya kinuha ko ’to. “Natatakot ka ba sa mukha ni tito Salem mo, baby?” Tanong ko sa anak ko kahit hindi pa naman nakakaintindi.
“Hoy! Nagulat lang siguro ang anak mo dahil sa kagwapuhan ko. Sa sobrang gulat niya ay hindi niya magawang hindi umiyak. Wengya!” Depensa ni Salem.
Isinayaw-sayaw ko ang anak ko kaya tumigil siya sa pag-iyak.
“Hay naku! Wala akong aasahan sa inyong dalawa. Pwede bang umayos kayo! Kailangan ko talagang umalis ngayon. Baka kasi biglang umalis si Stelie do’n sa address kung nasaan man siya ngayon.” Sabi ko sakanila.
“Ano namang sasabihin mo kapag nagkita na kayo ni Stelie? May plano kana ba?” Seryosong tanong ni Salem sa ’kin.
“Oo nga. Tsaka, kung gusto ka niyang makasama, bakit kailangan pa niyang ipadala ang anak niyo. Bakit hindi nalang siya mismo ang pumunta dito.” Saad naman ni Aizen.
“Baka may dahilan siya. Alam kong galit siya sa ’kin dahil sa mga kasinungalingan ni Mari. Kaya siguro ayaw niyang magpakita sa ’kin.” Malungkot kong sagot.
“Alam mo naman palang ayaw magpakita eh, tapos pupuntahan mo.. eh anong sasabihin mo sakanya? Anong plano mo?” Sunod-sunod na tanong ni Salem sa ’kin.
“Pag-isipan mo gagawin mo, buddy. Hindi yung susugod ka do’n na hindi alam ang gagawin.” Dagdag na sabi ni Salem sabay tapik sa balikat ko.
Hindi ako sumagot dahil bigla akong may naisip.
Tumingin ako kay Aizen saka ako nagsalita. “Pwede mo ba akong samahan?” Tanong ko sakanya.
Tumaas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa ’kin. “Saan?” Tanong niya.
Sasagot na sana ako ng biglang sumulpot si manang dala ang isang bottle milk.
“Oh, ito na, Eros. Baka nagugutom na ang baby kaya panay ang iyak.” Saad ni manang sabay abot sa ’kin ng bote ng dede.
Umupo ako sa mahabang sofa saka ko inilapit ang tsupon ng gatas sa labi ng anak ko. Nakahinga ako ng maluwag ng dumede ’to.
“Ang cute. Gusto ko na tuloy magka anak,” saad ni Aizen.
“Naku.. maghanap ka muna ng jowa bago ka gumawa ng anak, hijo.” Pangbabara ni manang kay Aizen kaya napakamot siya sa likod ng ulo niya.
“Manang naman eh, hindi ko pa nahahanap ang the one ko. Lagi nalang ako naiingit sa lovelife ng mga kaibigan ko. Pambihirang buhay ’to oh!” Reklamong sabi ni Aizen.
“Pangit mo kasi,” sabat naman ni Salem.
Tumingin ako kay Aizen saka ako nagsalita. “Pwde mo ba akong samahan puntahan ang address na yun? Balak kong isama si Stella para may dahilan ako na makita si Stelie.” Seryoso kong sabi.
“Sure. Wala naman akong gagawi ngayong araw eh,” pagpayag niya agad kaya tumango ako.
Pinadede ko lang muna ang anak ko. Si Salem naman ay nagpaalam na uuwi na sa bahay nila.
Si Aizen naman ay hinihintay matapos dumede ang anak ko saka kami aalis. Kanina pa ako nag-iisip ng sasabihin ko kapag nagkita kami ni Stelie.
Natapos dumede ang anak ko kaya tumayo ako. Inabotan din ako ni manang ng damit ng baby, wipes at diaper.
Lumabas kami ni Aizen ng bahay at agad sumakay sa kotse niya na nakaparada sa harap ng gate ko. Binigay ko sakanya ang address kaya agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at pina-usad.
Pinagmamasdan ko lang ang mukha ng anak ko. Natutulog na ’to kaya hindi kami gumagawa ng ingay ni Aizen para hindi magising. Ang talas kasi ng boses niya kapag umiiyak.
“Sigurado ka ba na ’to talaga ang address, buddy?” Tanong sa ’kin ni Aizen sa mahinang boses.
“Yeah. Yan yung binigay ng rider eh,” sagot ko sakanya.
Tango lang ang sagot ng kaibigan ko habang ang mga mata nito ay naka focus sa daan.
Nakarating kami sa lugar at panay ang hinto namin para magtanong.
Hanggang sa may napagtanungan si Aizen at sinabing alam daw niya kung nasaan. Sinabi niya samin ang way at kung anong palatandaan. Isang maliit daw kasi yun na apartment at dikit-dikit ang kabahayan.
Habang hinahanap ni Aizen ang apartment na yun ay iniisip ko kung do’n ba pinanganak ni Stelie ang anak namin. Siguro ay nahirapan siya dahil wala ako sa tabi niya para alalayan siya. Nalulungkot akong isipin na hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki ng tyan niya hanggang sa maipanganak niya ang anak namin.
Medyo natagalan kami sa paghahanap ng apartment dahil sobrang sikip ng daan. Tama din ang napagtanungan namin dahil dikit-dikit ang kabahayan at may malaking tambak na basura.
Bumaba ako ng kotse karga-karga parin ang anak kong si Stella. Hindi na sumama pa si Aizen dahil kailangan niyang bantayan ang kotse niya lalo na’t ang daming tambay na nag iinuman sa lugar.
Naglalakad ako habang palinga-linga sa paligid. May mga bata pa akong nakakasalubong na halatang pinapabayaan ng mga nanay dahil sa sobrang dungis.
Nagtanong-tanong ako hanggang sa tinuro nila ang apartment na hinahanap ko.
Tinungo ko ang apartment, kinakabahan ako na may halong excited dahil sa wakas makikita ko na si Stelie. Wala na akong pakialam kung galit siya sa ’kin. Susyuin ko nalang siya hanggang sa mapalambot ko ang puso niya.
Nakarating ako sa harap ng apartment na kulang nalang ay pirma ng langaw para magiba. Hindi ko lubos maisip na dito tumira ang mag-ina ko. Masyadong madumi ang paligid.
Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses. Hinihintay kong pagbuksan ako. Ngunit, ilang minuto ang nagdaan ay walang nagbukas sa ’kin.
Umiyak ang anak ko kaya agad ko siyang sinayaw-sayaw para tumahan. “Makakasama din natin si mommy, baby.” Sabi ko sa anak ko.
Kumatok ulit ako sa pinto ng apat na beses. Ilang sandali lang ay dahan-dahang bumukas ang pintuan at nakita ang babaeng hinahanap ko.
“Stelie..”
Chapter 22
NAKATITIG lang ako sa mukha niya habang sinasayaw parin ang anak ko. Titig na titig ako sa mukha niya at binabasa ang expression ng mukha niya.
Natauhan lang ako ng umiyak na naman ang anak ko. Mahina kong tinatapik ang isang binti ng anak ko para tumahan ’to.
“Hindi ikaw si Stelie. Hindi ikaw si Princess Stelie ko.” Saad ko habang nakatitig sa babaeng nasa harap ko.
“Hindi nga! Sinabi ko bang ako!” Mataray niyang sagot sa ’kin.
“Nasaan ang kakambal mo? Nasaan si Princess Stelie?” Tanong ko sakanya.
Nakatitig lang siya sa ’kin saka bumuntong hininga. Pinagmamasdan ko ang mukha niya dahil kamukhang-kamukha siya ni Stelie. Ang pinagkaibahan lang ay malaman ang isang ’to, malayo sa pangangatawan ni Stelie. Hindi din siya naka suot ng salamin. Pagdating sa expression ng mukha ay magkaibang-magkaiba sila, kung si Princess Stelie ay parang mahiyahin at palangiti, ito naman ay may pagka seryoso ang mukha, mataray din ang mukha niya na halatang palaban. Magkaiba din sila manamit kaya alam kung hindi siya si Princess Stelie.
“Nasaan ang kakambal mo? Umalis ba siya? May pinuntahan ba?” Sunod-sunod kong tanong.
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan habang nakatitig parin sa ’kin. “Pasok ka!” Pag-aaya niya sa ’kin.
Pumasok ako sa loob ng apartment niya at agad pinalibot ang tingin sa paligid. Napansin niya yata ang ginawa ko kaya tumikhim siya.
“Pasensya na sa kalat.” Sabi niya sabay sirado ng pinto. “So, ikaw pala si Mr. Mendez.” Saad niya habang nakatitig sa ’kin.
“Ako nga.‘’ Pinalibot ko ulit ang tingin sa apartment para hanapin si Stelie. ’’Nasa’n ang kambal mo?” Tanong ko ulit sakanya dahil hindi parin niya sinasagot ’to.
“Upo ka muna. Pero, sa sahig nga lang. Wala kaming upuan eh,‘’ sabi niya habang tinuturo ang sahig.
Umiling ako dahil baka umiyak lang din ang anak ko kapag umupo ako. “Wag na! Baka umiyak ang anak namin ng kakambal mo,” sabi ko.
“Okay! Sabi mo eh,” sabi niya. Umupo siya sa sahig habang nakaharap sa ’kin.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Nasaan ang kakambal mo?” Seryoso kong tanong sakanya.
Mas lalong sumeryoso ang mukha niya habang nakatitig parin sa ’kin.
“Unang-una.. kailangan kong magpakilala sa’yo. Ako nga pala si Stelie Rose.” Pagpapakilala niya.
Sasagot sana ako ng pumalahaw ng iyak ang baby. Tumayo si Rose saka siya lumapit sa ’kin. “Ako na muna ang kakarga sakanya habang nandito ka,” saad niya saka kinuha sa ’kin ang anak ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil kanina pa sumasakit ang braso ko.
Sinasayaw ni Rose ang anak ko habang inaayos ang suot nitong damit. Tumingin siya sa ’kin saka bumuntong hininga. “Ang totoo niyan, Mr. Mendez.. ako ang nagpadala ng baby sa’yo.” Sabi niya sa ’kin.
Kumunot ang nuo ko dahil hindi ko siya maintindihan. “Bakit mo naman ipapadala ang anak namin ng kakambal mo? Nasaan ba si Princess Stelie? Alam ba niyang pinadala mo ang anak namin o hindi?” Inis kong tanong sakanya.
Bumuntong hininga ulit si Rose saka tumingin sa anak ko. “Sigurado ako na alam na ngayon ni Princess na pinadala ko.” Sagot niya kaya mas lalo akong naguluhan.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sakanya.
“Nahihirapan akong palakihin ang anak niyo, Mr. Mendez. Hindi ko na kaya ang gastusin lalo na’t hindi ako makapagtrabahu dahil hindi ko alam kung saan ko iiwan ang pamangkin ko.” Sabi niya sa malungkot na boses. “Alam kong nangako ako kay Stelie na hindi ko pababayaan ang anak niya. Pero talagang kapos ako sa pera.” Dagdag niyang sabi.
“Nasaan ba kasi ang kakambal mo? Bakit niya iniwan ang anak namin?” Tanong ko. Pilit akong nagtitimpi ng galit dahil hindi ko nagugustuhan ang sinasabi ng kakambal ni Princess Stelie.
“Hindi niya ginusto na iwanan ang anak niyo, Mr. Mendez. Kung pwede nga lang hindi niya iwan eh. Alam mo..kasalan mo ’tong lahat eh, kasalanan mo kung bakit namatay ang kakambal ko! Kaya wag mong sasabihin na iniwan ni Stelie ang anak niya dahil kung pwede ko lang ipalit ang buhay ko gagawin ko wag lang mawalan ng ina si Stella.” Sabi niya na ikinatigil ng paghinga ko.
“A-Ano? A-Anong sinabi mo?” Nauutal kong tanong.
Napabuga siya ng hangin saka pinahid ang luha na nasa pisngi niya. “Patay na ang kakambal ko, Mr. Mendez. Namatay siya dahil sa panganganak niya sa anak niyo.” Malungkot niyang sabi.
“H-Hindi totoo yan. Buhay si Princess Stelie! Nagsisinungaling ka lang!” Galit kong sigaw kay Rose kaya umiyak ang anak ko sa lakas ng boses ko.
“Totoo ang sinasabi ko. Naalala ko pa n’ong araw na tumawag sa ’kin si Stelie at humingi ng tulong. Ayaw ko sana siyang tulungan dahil ayaw kaming paglapitin ni lola dahil may nangyayaring masama kapag kami ang magkasama. Kaya ako lumaki sa lola ko, si Stelie naman ay lumaki sa mga magulang namin. Hindi ko magawang hindi siya tulungan nang marinig ko ang mga iyak niya. Kaya ginawa ko ang dapat gawin. Nagpaalam ako sa lola ko na ililipat ako ng branch kung saan ako nag tra-trabaho sa lugar namin. Pinuntahan ko si ang kakambal ko sa isang probinsya kung saan siya pumunta. Hindi din kami nagtagal do’n at lumipat kami ng ibang lugar. Hindi pa alam ng kakambal ko na buntis siya ng panahon na yun. Wala siyang ginawa kundi umiyak dahil nasasaktan daw siya.” Mahabang sabi ni Rose.
“Ang totoo niyan Mr. Mendez kinamumuhian kita. Lalo na ang Marigold na sinabi ni Stelie sa ’kin. Alam mo bang puro sugat ang mukha ng kakambal ko? Alam mo bang nginudngud siya ng babaeng yun! Putangina siya! Igaganti ko ang kakambal ko sa mga ginawa niyang pagpapahirap sa kakambal ko. Namatay ang kakambal ko na malungkot at hindi man lang naranasan sumaya. Kaya magbabayad sa ’kin ang Marigol na yun. Wawasakin ko ang mukha niya katulad ng ginawa niya sa kakambal ko. Dahil sakanya ay puro lungkot ang dinanas ng kakambal ko.” Sabi niya sa galit na boses. Nakakuyom ang kamao niya at nanlilisik ang mga matang nakatitig sa ’kin.
“Kapos kami sa pera, Mr. Mendez. Hindi din alam ng mga magulang namin dahil sabi sa ’kin ni Stelie ay siya na mismo ang magsasabi kila mama at papa pagkatapos niyang manganak. Balak niyang umuwi sa probinsya namin para do’n palakihin ang anak ninyo. Pero sa kasamaang palad.. nangyari ang hindi inaasahan. Dahil ayaw gumastos ng malaki ni Stelie ay mas pinili niyang manganak do’n sa kumadrona kaysa pumunta ng hospital.” Sabi niya na parang inaalala ang nangyari.
“Akala ko.. ligtas na silang mag-ina ng mailuwal ng kakambal ko ang anak ninyo. Ngunit, nagkaroon ng komplikasyon si Stelie. Nagawa pa namin siyang itakbo sa hospital pero huli na. Binawian siya ng buhay na hindi man lang nakikita ang mukha ng anak niya.” Dagdag niyang sabi.
“Naawa ako sa kakambal ko.” Umiiyak na sabi ni Stelie Rose. “Kung pwede ko lang sana ibalik ang oras.. sana dinala ko nalang siya sa hospital, kahit pa maubos ang kakarampot naming pera. Nang mamatay ang kakambal ko ay nakita ko ang maliit na notebook sa damitan niya. Para ’tong diary kaya binasa ko ’to at do’n ko nga nakuha ang address mo. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos sa probinsya kaya naisipan kong gamitin ang perang kakarampot at pumunta dito sa Manila. Napagdesisyonan ko kasi na ibigay sa’yo ang anak niyo ng kakambal ko. Kaya hinanap ko ang address mo kung tama parin ba saka ko ipapadala ang baby. Gusto ko din namang masiguro na tama parin ang adress mo.” Mahaba niyang sabi.
Tumingin ako kay Rose at nakitang hinehele ang anak ko. “Problem ko pa ngayon dahil hindi alam ng mga magulang ko na namatay na si Princess Stelie. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat. Hirap na hirap na akong mag-isip.” Malungkot niyang sabi. “Napapatahan ko ang pamangkin ko dahil ako na ang nag-alaga sakanya simula ng mailuwal siya ng kakambal ko. Hirap na hirap ako n’ong una pero natutunan ko din naman. Kaya sana, matutunan mo ding alagaan ang anak mo.”
Natalulala lang ako at hindi nagsasalita. Pilit kong pinoproseso ang lahat ng sinabi ni Rose sa ’kin.
Napasabunot ako sa buhok ko habang nakayuko. Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa pinagdaanan ni Stelie. Tangina! Kasalanan ko ’tong lahat.
“Nakalibing ang bangkay ng kakambal ko sa Nueva Ecija kung sakaling ayaw mong maniwala sa sinasabi ko. Nandoon ang lapida niya. Nandito din sa ’kin ang death certificate niya kung gusto mong makita, pwede kong ibigay sa’yo yun.” Sabi ni Rose kaya nag-angat ako ng tingin.
Nagkatitigan kaming dalawa ni Rose. Mapait siyang ngumiti sa ’kin saka siya nagsalita. “Huli na ang iyak mo, Mr. Mendez. Kahit anong gawin mong iyak dyan.. hindi na maibabalik ang buhay ng kakambal ko. Kaya sana.. alagaan mo si Stella. Wag mo sanang pababayaan ang anak niyo ni Stelie. Alam kung ito ang tama, dapat lang na ibigay ko sa’yo ang anak ninyong dalawa. Baka kasi hindi ko siya mapalaki ng maayos kung dito siya sa ’kin. Wala na ang ina niya kaya kailangan na kailangan ka ng anak mo, Mr. Mendez.” Mahaba niyang sabi sa ’kin.
Naglakad si Rose at umalis sa harap ko. Yumuko ako at hindi parin makapaniwala sa mga nalaman ko. Hindi ko yata matanggap ang nangyari kay Stelie. Ang akala ko ay magiging masaya na ako kapag nahanap ko siya. Pero bakit ganito ang nangyari.
“Heto ang death certificate ng kakambal ko, Mr. Mendez. Gusto kong makita mo ang nawala sa’yo. Gusto kong ipamukha sa’yo na hindi mo deserve maging masaya.” Sabi sa ’kin ni Stelie Rose sa walang emosyong boses.
“Umalis ka na at dalhin mo ang anak ng kakambal ko. Alagaan mo ng mabuti si Stella dahil babalian kita ng buto kapag pinabayaan mo ang pamangkin ko.” Banta niya sa ’kin.
A/N: Tama na ang what if niyo! Mag kape nalang tayo hahaha☕ tara samahan niyo kong jumebs haha dijoke lang hahaha😂😂
Last ud muna :)
Chapter 23
NAKATITIG LANG ako sa lapida ni Princess Stelie habang nakatayo ako sa harap ng puntod niya.
Sinamahan ako ni Stelie Rose sa Nueva Ecija para makita ko personal ang puntod ng kakambal niya. Ayaw ko sanang maniwala ngunit kitang-kita na ng dalawang mata ko ang patunay na wala na talaga siya.
Humiling sa ’kin si Stelie Rose na kung pwede ipaayos ang lapida ng kakambal niya dahil masyadong simple lang daw ang pagkakagawa. Kapos daw kasi siya sa pera kaya yun lang ang nakayanan. Sa tulong ng mga taong nag malasakit sakanilang mag kambal ay tinulungan siyang maipalibing ang kakambal niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, sumasakit ang ulo kakaisip kung bakit nangyari ’to. Hindi ko man lang nasabi sakanya na mahal ko siya. Hindi man lang niya naranasang sumaya. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sakanya dahil sa pang-aasar ko sa t’wing kasama ko siya.
Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang lahat. Kung pwede ko lang ulitin ang oras at panahon ay ginawa ko na. Ngunit, kahit anong gawin ko ay wala na talaga si Princess Stelie, wala na ang uhugin ko.
Hinaplos ko ang pangalan ni Princess Stelie na naka ukit sa lapida. Malungkot akong ngumiti. “Uhugin ka talaga. Hindi ka lang uhugin, lampa pa.” Paninimula ko. Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang bumabalik sa alaala ko ang mga panahong magkasama kaming dalawa.
“Bakit mo naman ako iniwan? Gusto pa kitang sumaya eh. Gusto pa kitang makasama. Gusto pa kitang patabain dahil para kang kawayan. Tangina naman, Stelie. Ang sakit. Alam mo bang wala akong ginawa kundi hanapin ka. Para na akong tanga kakahanap sa’yo, alam mo ba yun?” Pagkakausap ko sa lapida niya.
“Akala ko umalis ka lang para ihilom ang sakit na nararamdaman mo. Iniisip ko na nasa ligtas ka na lugar at tahimik. Pero hindi ko inaasahan na sa kabilang buhay ka pala pupunta. Nakakainis ka! Paano na kami ng anak mo? Pano na ako, Stelie. Umaasa ako na babalik ka eh, plano ko pang suyuin at landiin ka pero pano ko magagawa yun kung iniwan mo na pala ako.” Malungkot kong sabi.
“Salamat nga pala dahil pinanganak mo ang anak natin. Kamukhang- kamukha mo ang anak natin.” Saad ko saka napangiti. “Wag kang mag-alala hindi ko pababayaan ang anak natin. Ako na ang bahala kay Stella. Aalagaan ko siya at mamahalin. Malaking sakripisyo ang ginawa mo para lang maisilang ang anak natin. Kaya gagawin ko ang lahat maging mabuting ama ni Stella. Magpahinga ka na mahal ko. Sana.. sa susunod na buhay natin wala ng hadlang. Yung tayo naman ang papanigan ng tadhana na mag sama. Hangga’t nabubuhay ako Stelie.. ikaw parin ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko dito sa mundo.” Saad ko habang nakatitig parin sa lapida niya.
Nakatayo lang ako hanggang sa maramdaman kong may papalapit sa ’kin. Hindi ako lumingon dahil wala akong pakialam sa paligid ko.
“Kanina pa panay iyak ang anak mo sa loob ng kotse. Kanina pa kami nagpapalitan ng sayaw ng kaibigan mo.” Sabi sa ’kin ni Stelie Rose.
“Ganun ba.” Tipid kong sabi.
“Nakapag paalam kana ba sa kakambal ko?” Tanong niya sa ’kin.
“Hindi ako magpapaalam sakanya, magkikita ulit kami kapag nawala na ako sa mundo.” Sagot ko sakanya.
Hindi sumagot si Stelie Rose sa sinabi ko. Tumingin ako sakanya at nakitang titig na titig siya sa lapida ng kakambal niya. “Hindi ko alam kung matutuwa ba ang kakambal ko na nandito ka. Baka kasi magalit siya sa ginawa ko.” Saad ni Stelie Rose.
Hindi ako sumagot sakanya, hinihintay ko lang kung may sasabihin pa ba siya.
“Alam mo.. hindi kami close ng kakambal ko masyado. Lagi kasing sa tawag lang kami nag uusap. Hindi kasi kami pinagsasama ng lola ko dahil laging may masamang nangyayari. Siguro, totoo ang sinasabi ni lola, siguro kung hindi ko lang sinamahan ang kakambal ko, hindi sana siya nawala. Siguro buhay pa siya hanggang ngayon.” Mahaba niyang sabi.
“Matagal na ba kayong hindi nagkikita ng kakambal mo?” Tanong ko sakanya.
“Matagal na simula palang ng mga bata pa kami. Lumaki ako sa lola at lolo ko. Sila lang lagi ang kasama ko. Kahit gusto kong makasama sila mama at papa, pero hindi naman pwede. Kaya laging sa video call lang kami nag-uusap. Ang totoo nga niyan.. naiingit ako dati kay Princess. Buti pa kasi siya kasama palagi sila mama at papa. Hindi katulad ko na laging si lolo at lola ang kasama. Sa school naman ay laging si lola ang umaattend ng parents meeting. Lahat nga ng kapitbahay namin do’n ay akala nila na iniwan ako ng mga magulang ko eh, hindi kasi nila ako dinadalaw dahil walang maiiwan kay Princess. Hindi namin nasubukan ng kakambal ko na maglaro ng magkasama.” Mahaba niyang sabi sa malungkot na boses.
“Pero simula nang mag college kami, lagi ko ng katawagan ang kakambal ko. Alam kung pinipilit niya na maging close kami sa isa’t-isa kahit pa nga sa cellphone lang kami nag-uusap. Masaya narin ako dahil alam kung hindi ako nakakalimutan ng kakambal ko. Nag se-send din siya ng picture ng hitsura niya kapag papasok na siya ng work kaya natatawa ako. Ganun kasi ang ginagawa namin, maging ako ay nag se-send din sakanya. Ganun lang ang bonding naming dalawa. Gustong-gusto ko siyang dalawin sa Manila pero sa t’wing naiisip ko na baka may mangyari isa samin ay nagbabago ang isip ko. Kaya mas ginusto ko na wag nalang siyang makita ng personal.” Sabi niya saka bumuntong hininga.
Nakasunod lang ang tingin ko kay Stelie Rose na hinaplos ang lapida ng kakambal niya. “Tapos na ang mission ko, kambal. Pwede na akong bumalik sa sarili kong buhay.” Sabi niya habang nakatitig parin sa lapida ni Princess Stelie.
“Saan ka babalik?” Tanong ko sakanya kaya lumingon siya sa ’kin.
“Sa Catarman. Kailangan ko ng bumalik sa lola ko. Hindi ko pa nga alam kung paano ko sasabihin na wala na ang kakambal ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.” Saad niya.
“Babalik ka na sa Catarman?” Tanong ko.
“Oo. May sarili din kasi akong buhay na iniwan do’n. May mahal akong lalaki na iniwan do’n kaya kailangan ko ng bumalik. Alam ko naman na hindi mo pababayaan ang pamangkin ko, Mr. Mendez.” Sagot niya saka ngumiti.
Tinapik niya ang balikat ko. “Kaya mo naman na siguro alagaan ang pamangkin ko di ’ba?” Tanong niya sa ’kin.
“Hindi ko alam ang sagot. First time ko sa ganitong bagay. Kaya mangangapa ako panigurado. Pero gagawin ko ang lahat para sa anak namin ng kakambal mo. Hindi ko siya pababayaan.” Deritso kong sagot.
“Mabuti naman kung ganun. Kampante akong aalis kapag nagkataon, Mr. Mendez.” Sagot niya saka tumalikod.
“Halika na, Mr. Mendez. Kailangan ka na ng anak mo. Nabaliw na yung kaibigan mo kakasayaw do’n sa harap ng kotse mo.” Sabi niya saka siya nagsimulang maglakad.
Tumingin ulit ako sa lapida ni Stelie saka ko hinaplos ang pangalan niya. “Babalik ulit ako. Pangako ko yan sa’yo.” Saad ko saka ako nagsimulang maglakad at sinundan si Stelie Rose.
Palapit ako ng palapit sa kotse na naka parada sa gilid ng kalsada. Naririnig ko ang boses ni Aizen na kumakanta ng twinkle, twinkle little star ngunit iba naman ang kadugtong na lyrics.
Hindi na muna ako nag pakita sa kaibigan ko na iba na naman yata ang kakantahin habang sumasayaw.
I love you, you love me. Let’s go out and kill barney. With a shotgun bang, bang, barney’s on the floor. No more baklang dinosaur.
Kanta ni Aizen sa tono ng kanta ni barney. Nakita ko namang nagkamot sa ulo si Stelie Rose habang nakatitig kay Aizen.
“Mali naman po yata ang lyrics mo, sir. Puro ka kalokohan eh,” pangbabara ni Stelie Rose kay Aizen.
“Mali ba yun? Narinig ko kasi kinakanta ng bata yun eh.‘’ Depensa naman ni Aizen.
Napa-iling nalang ako nang makita kong sabay na nataranta si Stelie Rose at Aizen dahil umiyak ng malakas ang anak ko.
Naglakad ako palapit sakanila kaya agad nag-angat ng tingin si Aizen. Para itong nakahinga ng maluwag ng makita ako. Akmang kukunin ko na sana ang anak ko ng pigilan ako ni Aizen. “Mag alcohol ka muna, buddy. Dapat malinis ang kamay mo bago ka humawak sa baby mo,” sabi niya sa ’kin.
“Oo nga. Mamaya makakuha si Stella ng alikabok kaya dapat malinis muna ang kamay mo bago ka humawak.” Sabat naman ni Stella Rose kaya tumango ako.
Lumapit ako sa kotse saka ko binuksan ang pintuan ng backseat. Kinuha ko sa bag ang dala kong alcohol saka ko binuhos yun sa kamay ko. Nang matapos ako ay kinuha ko ang anak ko mula kay Aizen.
“Grabe! Nakakangawit din pala magkarga ng baby.” Reklamo ng kaibigan ko ng makuha ko si Stella.
“Akala ko ba gusto mo din magka baby?‘’ Tanong ko sakanya.
“Oo. Pero ngayon ko lang nalaman na nakaka ngawit din pala,” sagot niya habang hinihimas ang kanyang braso.
“Alis na tayo!” Saad ko kay Aizen.
“Manila na tayo? Tangina! Bilhan mo naman ako ng kape. Ginawa mo na akonb driver eh,” reklamong sabi ni Aizen.
“Fine!” Suko kong sabi saka ako naglakad papunta sa back seat.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok ako sa loob ng sasakyan. Pumasok na din si Aizen na nasa driver seat habang si Stelie Rose naman ay nasa passenger seat.
“May tinimpla na akong gatas dyan, Mr. Mendez. Baka gutom na si baby.” Biglang sabi ni Stelie Rose sa ’kin kaya tumango ako.
Pinadede ko ang anak ko habang si Aizen naman ay pina-usad ang sasakyan.
Tahimik lang ako buong byahe habang mahinang hinahaplos ang pisngi ng anak ko. Nakikinig lang ako sa usapan ni Aizen at Stelie Rose.
“Saan ka namin ihahatid?” Tanong ni Aizen kay Stelie Rose.
“Doon sa apartment ko. Nando’n mga gamit ko eh. Baka sasusunod na araw aalis na din ako.” Sagot ni Stelie Rose.
“Aalis ka? Saan ka pupunta?” Tanong naman ng kaibigan ko.
“Uuwi na ko samin.” Mabilis na sagot ni Stelie Rose.
“Iiwan mo ang pamangkin mo?” Tanong uling ng kaibigan ko.
“Alam ko namang kayang alagaan ni Mr. Mendez ang pamangkin ko. Dadalawin ko din naman paminsan-minsan. Sa ngayon kasi, kailangan ko talagang umuwi samin. Kailangan ko na kasing sabihin sa pamilya ko ang nangyari sa kakambal ko.” Paliwanag ni Stelie Rose.
“Ohh,” tanging sagot ng kaibigan ko.
Hindi ako nagsalita at hinayaan lang silang dalawa mag-usap.
Lumipas ang tatlong oras mahigit ay nakarating din kami ng Manila. Unang hinatid namin si Stelie Rose kung saan siya nakatira saka kami umuwi sa subdivision.
Nandito na kami sa bahay ko at hindi parin ako natutulog. Panay kasi ang iyak ni Stella. Hindi ko siya mapatahan kahit anong gawin ko. Maging si manang ay gising din dahil pinagtimpla niya ng milk ang anak ko. Ngunit ayaw naman dumede ni Stella. Nag-aalala tuloy ako at baka mapano ang anak ko dahil kanina pa siya umiiyak.
Tinawag ko na din si Lucifier at Salem kaya palitan kaming kinakarga si Stella.
’’Bud, baka naninibago lang ang baby.“ Saad ni Lucifier na halatang na stress sa iyak ng anak ko.
“Wala naman siyang kabag eh, baka may hinahanap siya.” Saad naman ni Salem.
“Wala na ang ina kaya malamang ang ina ang hinahanap niyan.‘’ Sabi ni Lucifier kaya tumingin si Salem sakanya.
“Baka ang tita ang hinahanap niyan. Siya ang nag-alaga sa baby ng maipanganak ng kakambal niya eh. Kaya baka hinahanap niya ang amoy ng tita niya.” Sagot ni Salem. “Bakit hindi ka muna humingi ng tulong kay Stelie Rose, buddy. Para din naman sa kapakanan ng anak mo yun at sa pamangkin niya. Mangangapa ka sigurado niyan kaya kailangan mo ng tulong para sa pag-aalaga sa anak mo. Hindi naman pwedeng si manang dahil paika-ika na maglakad, baka mahirapan lang siya. Kaya subukan mong humingi ng tulong kay Stelie Rose, sigurado akong hindi katatangihan no’n lalo na’t para sa pamangkin naman ’to.” Suhestyon sa ’kin ni Salem.
“May point si Salem, pare. Baka din kasi hinanahap ng baby ang unang nag-alaga sakanya. Baka naninibago lang ang baby kaya panay ang iyak. Isa lang din talaga ang solusyon niyan, humingi ka ng tulong kay Stelie Rose kahit panandalian lang.
Hindi ako sumagot sa mga kaibigan ko at iniisip ang mga sinasabi nila.
A/N: Sa nagsabing ito ang pinaka pangit na story dahil wala na ang fl, then wag mong basahin ang gawa ko dahil hindi naman kita pinipilit magbasa ng gawa ko. So, yun lang, lagi ko namang sinasabi na kung hindi gusto ang gawa ko wag ng
ipagpatuloy
pa ang pagbabasa.
Ayaw ko sana mag ud dahil sa nabasa ko eh, pero naisip ko na hindi naman para sakanya ang ginagawa kong stories kundi sa mga readers ko. Kaya chee!! Hahahahha😂😂
Chapter 24
MAAGA AKONG pumunta sa harap ng apartment ni Stelie Rose. Napagdesisyonan kong humingi ng tulong sakanya dahil hindi ko talaga napatahan ang anak ko.
Iniwan ko muna si Stella sa mag-asawang Herreros para alagaan habang wala ako.
Naglakad ako papunta sa pinto ng apartment ni Stelie Rose saka ako kumatok. Nagdarasal ako na sana ay nandito pa siya, baka kasi umuwi na siya ng Catarman tulad ng sinabi niya.
Kumatok akong muli sa pinto ngunit walang nagbukas sa ’kin ng pinto. Umatras ako ng kunti habang nakatitig parin ako sa pinto ng apartment ni Stelie Rose. Mukhang umalis na yata siya at tuluyan ng umuwi ng Catarman.
Tumalikod ako para sana umalis ng bigla kong marinig ang pagbukas ng pintuan. Agad akong lumingon at nakita ang kagigising lang na si Stelie Rose. Nakasuot siya ng white sando habang nagkukusot sa isa niyang mata. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya ng makita kong may tattoo siya do’n. Isa ’tong maliit na rose na may nakapalibot na tinik. Ngayon ko lang napansin yun lalo na’t hindi ’to mahahalata kapag nag suot siya ng tshirt katulad nalang sa suot niya kahapon.
Nag-iwas agad ako ng tingin at ibinalik na lamang sa mukha ni Stelie Rose. “Stelie pw—” napatigil ako sa pagsasalita ng maalala ko ang tinawag ko sakanya. Tumikhim ako at umayos ng tayo sa harap niya. “I mean Stelie Rose, pwede ba kitang makausap?” Tanong ko sakanya.
“Anong pag uusapan natin, Mr. Mendez? Kailangan ba talaga maaga kang pumunta para pag-usapan natin yan.” Sabi niya. Halatang hindi niya nagustuhan na nandito ako sa harap niya.
“Pasensya ka na kung naistorbo ko ang tulog mo. I need your help, Stelie Rose.” Saad ko sa seryosong boses.
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya habang nakatitig sa ’kin. Ilang saglit lang ay bumuga siya ng hininga saka nagkamot sa likod ng ulo niya. “Pambihira! Hindi pa nga ako nag kakape eh,” sagot niya saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.
“Pasok ka, Mr. Mendez.” Aya niya sa ’kin kaya tumango ako.
Nauna siyang pumasok kaya sumunod ako sakanya. “Gusto mo ba ng kape, Mr. Mendez? Pero 3in1 lang ang meron ako dito baka hindi mo magustuhan.” Saad niya.
“No, it’s okay. Hindi naman ako maselan kaya ayos lang sa ’kin ang 3in1.” Sagot ko.
“Sige. Magtitimpla lang ako. Umupo ka nalang muna sa sahig. Pag pasensyahan mo na ang kalat. Nagliligpit na din kasi ako kagabi ng mga gamit ko.” Sabi niya habang nagtitimpla ng kape.
“Aalis ka na ba?” Tanong ko sakanya.
“Oo sana. Tumawag na din kasi ako sa lola ko na ililipat na ako ng trabaho ulit sa Catarman kahit ang totoo ay hindi naman talaga.” Natatawa niyang sabi.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya na naglalakad palapit sa ’kin habang may dalang dalawang mug. Umupo siya sa sahig saka niya inilapag ang isang mug sa harap ko.
Humigop muna siya ng kape saka niya inilapag ang mug sa sahig. Tumingin siya sa ’kin habang nagkakamot sa isang kilay niya. “Nasaan nga pala pamangkin ko? Sino nagbabantay sakanya?” Tanong niya sa ’kin.
“Iniwan ko muna sa kaibigan kong doctor.” Deritso kong sagot saka ako humigop ng kape.
“Ano bang pag-uusapan natin, Mr. Mendez?” Tanong niya.
Inilapag ko ang mug sa sahig saka tumingin kay Stelie Rose. “Hindi ko mapatahan si Stella. Kagabi pa siya panay ang iyak kahit nakadede naman siya. Natatakot ako na baka kabagin siya dahil sa iyak niya.” Paninimula ko.
“Hay!! Pinagdaanan ko din yan. Mas malala yung sa ’kin dahil ayaw talaga niyang magpalapag. Lagi lang naiyak kaya lagi akong puyat dahil sinasayaw ko siya para lang tumahan. Kaya nasanay ang pamangkin ko sa karga at sayaw dahil yun ang ginawa ko simula ng ipinanganak siya ng kakambal ko. Sabi nila dapat daw wag kong sanayin sa ganun dahil hahanap- hanapin daw ng baby.” Sabi niya habang nagkakamot sa kanyang ulo. “Pasensya na kung nahihirapan ka sa pag-aalaga,” panghihingi niya ng paumanhin.
“Ayos lang. Malaki din naman ang tulong na binigay mo sa anak ko.” Sagot ko sakanya.
Tumango siya bilang sagot saka ’to muling humigop ng kape. “Eh ano yung hinihingi mong tulong?” Tanong niya habang nakakunot ang nuo.
Napabuga ako ng hangin saka ako nagsalita. “Kailangan ko ng tulong mo, Stelie Rose. Tulungan mo kong alagaan muna ang anak ko kahit tatlong buwan lang.” Deritso kong sabi sakanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.
“A-Ano? Hindi ko yata magagawa yan! May sarili din akong buhay, Mr. Mendez.” Sagot niya sa seryosong boses.
“I know. But, I really need your help. Stella need’s you. Kung kinakailangan ay sahuran kita sa pagtulong mo sa ’kin gagawin ko matulungan mo lang ako.” Desperado kong sabi.
Nakatitig lang sa ’kin si Stelie Rose. Nagsusukatan kaming dalawa ng tingin hanggang siya na mismo ang umiwas. “Kinginang buhay naman ’to oh!” Dinig kong sabi niya sa mahinang boses.
“Three months lang, Stelie Rose. Pagkatapos no’n ay pwede ka ng umuwi sa Catarman.” Saad ko.
Napabuntong hininga naman siya saka uminom ng kape. “Hindi sana ako papayag, Mr. Mendez pero para kay Stella at sa kakambal ko gagawin ko. Pero.. sa isang kondisyon,” sabi niya kaya kumunot ang nuo ko habang nakatitig sakanya.
“What is it?” Tanong ko sakanya.
“Papayag ako sa gusto mo pero kailangan mong ituro sa ’kin kung sino si Marigold.” Seryoso niyang sabi.
“What do you mean?” Naguguluhan kong tanong.
“Hindi ko kilala si Marigold. Hindi ko alam anong hitsura niya. Ang alam ko lang ay mabaho ang ugali ng putanginang babaeng yun. Kaya ituro mo siya sa ’kin kapalit ng pag payag kong tumira sa bahay mo, Mr. Mendez.” Sagot niya sa ’kin sa galit na boses.
“Ano namang gagawin mo sakanya kapag tinuro ko siya?” Tanong ko. Bigla niyang pinatunog ang mga daliri niya sa kamay na para bang sasabak ’to sa laban habang ang mukha niya ay parang papatay ng tao. “Igaganti ko ang kakambal ko. Hindi ako papayag na hindi ko mabasag ang mukha niya. Lahat ng ginawa ng Marigold na yun ay nakasulat sa diary ng kakambal ko. Nangako ako sa puntod ng kakambal ko na igaganti ko siya sa babaeng yun. Kaya ituro mo siya sa ’kin at wag mo kong pakikialaman kapag sumugod ako sakanya.” Mahaba niyang sabi.
“Paano kung may mangyari sayong masama?” Seryoso kong tanong sakanya.
Iginilid niya ang kanyang leeg pa kaliwa at kanan saka siya sumagot. “Wag kang mag-alala sa ’kin, Mr. Mendez. Sanay ako sa gulo. Kaya humanda sa ’kin ang babaeng yun. Sisiguraduhin kong manghihiram siya ng mukha ng aso.” Nakangisi niyang sabi na parang demonyo.
“Ano? Deal ba tayo, Mr. Mendez?” Tanong niya sa ’kin habang nakataas ang isa niyang kilay.
Napabuga ako ng hangin habang iniisip ang sinasabi niyang deal. Iniisip ko kasi na baka masaktan siya ni Marigold. Pero halatang palaban siya at talagang gusto niyang makaganti para kay Princess Stelie. “Deal!” Sagot ko kaya napangiti siya.
“Ayos! Gusto ko ngayon na. Sasama ako sa’yo ngayon. Ngayong araw mo din ituturo sa ’kin kung sino yang Marigold na yan.” Sabi niya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.
Nakatingin lang ako sakanya na kumuha ng bag at inilagay sa loob ang mga damit niya. Kumuha siya ng malaking tshirt at isinuot yun. Nagmukha tuloy dress sakanya dahil naka short siya ng maikli. Inayos niya ang suot niyang tshirt at itinali niya yun sa harap. Itinali din niya ang mahaba niyang buhok saka siya tumingin sa ’kin. “Maghihilamos lang ako saglit, Mr. Mendez. Pwede mo na akong hinatayin sa labas ng apartment ko.” Sabi niya habang naglalakad papunta sa maliit niyang banyo.
Isinara niya ang pinto kaya tumayo narin ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Pinagpag ko ang suot kong pantalon saka ako naglakad palabas ng apartment niya para do’n hintayin si Stelie Rose.
Lumabas ako ng bahay at tinungo ang kotse ko na nakaparada sa gilid ng kalsada. Masyadong makipot ang daan dito, buti nalang nagkasya ang kotse ko.
Ilang sandali lang ay lumabas si Stelie Rose dala ang dalawang bag. Naglakad siya papunta sa ’kin saka ngumiti.
Kinuha ko sakanya ang dala niyang bag dahil para siyang nahihirapan. “Thank you, Mr. Mendez.” Pagpapasalamat niya sa ’kin.
Tango lang ang sagot ko at agad kong binuksan ang back seat para ilagay ang bag niya. Pumasok narin si Stelie Rose sa passenger seat. Umikot ako papuntang driver seat at agad akong pumasok sa loob ng kotse.
Binuhay ko ang makina ng sasakyan saka ko pina-usad ang kotse.
“Ngayon mo na ituro, Mr. Mendez. Kailangan ko ng exercise eh, okay na siguro kung gawin kong punching bag ang mukha ni Marigold para mabuhay ang dugo ko sa katawan.” Sabi niya sa ’kin.
“Sigurado ka ba?” Tanong ko habang naka focus ang mga mga mata sa daan.
“Siguradong-sigurado. Hindi na ako makapaghintay wasakin ang mukha niya.” Sabi niya na halatang nang gigil.
Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay ang bagong address ni Marigold. Kahit hindi ko na siya nakita pang muli simula ng pinalayas ko siya sa bahay ko ay alam ko kung saan siya nakatira. Naninirahan nalang siya ngayon sa maliit na apartment dahil tuluyan siyang hiniwalayan ng asawa niya. Nagising na yata na pineperahan lang siya ni Marigold kaya siya na mismo ang nakipaghiwalay.
Nakarating kami sa isang tahimik na lugar kung saan nakatira si Marigold.
Inihinto ko ang kotse sa gilid ng kalsada kaya tumingin sa ’kin si Stelie Rose. “Dito na ba?” Tanong niya.
“Yeah. Huling balita ko sakanya ay dito siya nakatira.” Sagot ko habang nakatingin sa paligid.
“May picture ka ba niya? Ayaw kong maghintay ng matagal dito para abangan ang putanginang yun. Kaya ipakita mo na sa ’kin ang picture niya.” Sabi niya kaya nalukot ang mukha ko.
“Pwede ba wag kang mag mura! Ang pangit pakinggan.” Inis kong sabi sakanya.
“Dapat lang na mimumura ang hayop na yun. Siya ang dahilan kaya naging misserable ang kakambal ko. Dapat nga pati ikaw sisirain ko ang mukha eh, pero naisip ko si Stella kaya wag nalang.” Walang buhay niyang sagot sa ’kin.
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko kaya tumingin ako do’n. “Ano?” Tanong ko sakanya.
“Cellphone mo. Patingin ako ng picture ng kalaguyo mo,” sabi niya na halatang inaasar ako.
“Hindi ko kalaguyo si Marigold. Wala kaming relasyon no’n para sa ikakalinaw ng isip mo!” Seryoso kong sabi.
“Wala akong paki sa explanation mo, Mr. Mendez. Ipakita mo nalang sa ’kin ang picture ni Marigold kung ayaw mong magkagulo tayo dito sa loob ng sasakyan mo.” Banta niya sa ’kin kaya napabuga ako ng hangin.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Agad kong binuksan yun at hinanap ang social media account ni Marigold. Wala naman kasi akong picture ng babaeng yun.
Nang makita ko ay agad kong pinakita kay Stelie Rose. “Maganda ha! Halatang retokada ang ilong. Ayos ’to! May pupunteryahin ako mamaya kapag sinuntok ko siya sa mukha.” Natatawa niyang sabi habang nakatitig sa picture ni Marigold.
“Salamat, Mr. Mendez at pinagbigyan mo ko. Wag ka sanang makikialam sa gagawin ko. Wag mo din akong pipigilan dahil mananagot ka sa ’kin.” Sabi niya saka niya binuksan ang pintuan ng kotse at mabilis na lumabas.
“Stelie…” tawag ko ngunit agad niyang isinara ang pinto ng kotse kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
Nakasunod lang ang tingin ko kay Stelie Rose na naglalakad at tumawid sa kabilang kalsada. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala sakanya lalo na’t mas matangkad si Marigold sakanya.
Bumaba ako ng kotse para sundan si Stelie Rose. Baka mapano pa ang babaeng yun. Masyadong matapang.
A/N: Sa lahat ng nag co-comment na bagay si Stelie Rose kay Aizen natataw
a
po ako. Actually, naka line up na ang mga fl ng Assassin boys na natitira. Mga napili ko pong pangalan yun sa mga readers ko kaya lahat ng natitira kong Assassin boys ay may fl na talaga. ☺️
Good Morning! ❤️
Chapter 25
HINANAP KO si Stelie Rose sa paligid dahil baka mapano siya. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa medyo tagong lugar.
Naglakad ako papunta do’n at nagbabakasakali na nandoon si Stelie Rose. Palapit ako ng palapit hanggang sa may naririnig akong boses na nag-uusap.
Agad akong lumapit sa pader at sumilip. Nakita ko si Stelie Rose na nakatalikod sa gawi ko. Nakaharap naman sakanya si Marigold habang nakangisi.
Hindi ako nagpakita sakanila dahil naalala ko ang banta sa ’kin ni Stelie Rose. Lalabas nalang ako kapag lumala ang sitwasyon.
Tumawa ng malakas si Marigold kaya napadako ang ko sakanya. “Oh, ikaw pala uhugin. Ang laki ng pinagbago mo ahh.. pero ganun parin, pangit ka pa din.” Pang iinsulto ni Marigold kay Stelie Rose.
“Ahh talaga ba! Wow! Hiyang-hiya naman ako sa ganda mo!” Sagot ni Stelie Rose sa sarkastimong boses.
“Aba! Marunong ka narin sumagot ahh.. hindi katulad dati, umiiyak lang sa tabi. Anong nakain mo uhugin na pangit?” Natatawang sabi ni Marigold. Lumapit pa talaga si Mari saka binangga ang balikat ni Stelie Rose.
Napa-atras naman si Stelie Rose ngunit nakatayo parin. Pinagpagan niya ang balikat niya na parang bang may dumi ro’n. “Nakain ko? Actually, wala pa akong kain eh. Pero may lakas pa naman ako para wasakin ang mukha mo.” Sagot ni Stelie.
“Patawa ka! Wag mo nga akong yabangan dyan, Princess Stelie Uy. Hindi ba sinabi ko na sa’yo na papatayin kita kapag nagpakita ka ulit? Nakalimutan mo na yata kung paano kita nginudngud sa kalsada. Gusto mo ulitin natin?” Nakangising sabi ni Marigold. Mukhang hindi niya alam na hindi si Princess Stelie ang kaharap niya.
“Sige nga, gawin mo nga sa ’kin. Ingundngud mo nga ako ngayon!” Sabi ni Stelie Rose at inilapit ang sarili kay Marigold.
Nakasunod lang ang tingin ko sa dalawa na hatalang walang gustong magpatalo.
“Alam mo Marigold hindi ka naman maganda! Wala namang magandang tignan sa’yo! Tangina!” Mura ni Stelie Rose.
“Isuot mo kaya ang makapal mong salamin, malabo mata mo diba? Kaya siguro hindi mo nakikita ang kagandahan ko.” Pang aasar ni Marigold na hinawi pa talaga ang buhok niya.
“No need. Kahit saang anggulo ko tignan pagmumukha mo mukha kang kabayo. Retokada pa nga yata ilong mo eh, lakas mong manlait eh gawa lang naman yan!” Pang aasar din ni Stelie Rose kay Mari.
“A-Anong gawa? T-Totoo ’tong ilong ko no!” Galit na sabi ni Marigold na nauutal pa.
“Talaga lang ha! Sige nga kung totoo.. pa suntok nga sa ilong mo kung hindi ba tatabingi.” Sagot ni Stelie Rose. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong mabilis na gumalaw si Stelie Rose at sinuntok sa ilong si Marigold.
Napa awang ang labi ko habang naririnig ang sigaw ni Marigold na halatang nasasaktan.
“Oh, sabi mo hindi gawa. Bakit tumabingi?” Nakangising tanong ni Stelie Rose kay Marigold. Kitang-kita ko ang malademonyonh ngiti ni Stelie Rose na halatang tuwang-tuwa sa sigaw at iyak ni Marigold.
“Bwesit ka! Magbabayad ka sa ’kin!” Galit na sigaw ni Marigold at handa ng sumugod kay Stelie Rose.
Sasampalin na sana ni Marigold si Stelie Rose ngunit mabilis na nahawakan niya ang kamay ni Mari. Isang suntok ang pinakawan ni Stelie Rose na pinatama niya sa mukha ni Mari. “Sisirain ko mukha mong Marigold ka! Magbabayad ka sa pang-aapi mo sa kakambal ko!” Galit na sigaw ni Stelie Rose saka ilang beses na sinuntok ang mukha ni Mari.
Namamangha ako sa pinapakita ni Stelie Rose. Gusto ko silang awatin ngunit baka mabugbog ako ni Stelie Rose. Mukhang malakas siyang sumuntok dahil tumutulo na ang dugo sa ilong ni Mari pati narin sa bibig.
Tinulak ni Stelie Rose si Mari sa sahig kaya napaatras ’to gamit ang dalawa niyang kamay na itinukod niya sa sahig. “A-Anong sabi mo.. kambal?” Naguguluhang tanong ni Mari kay Stelie Rose habang umaatras palayo.
Hindi sumagot si Stelie Rose at dahan-dahan ’tong may kinuha sa likod niya. Nakaipit pala sa short niya ang isang notebook. Ipinakita niya yun kay Mari habang nakatayo parin siya sa harap.
“Gusto kong ipakilala ang sarili ko sa’yo, Marigold. Ako si Stelie Rose Uy, kakambal ni Princess Stelie Uy. Nandito ako sa harap mo para ipaghinganti ang kakambal ko.” Pagpapakilala ni Stelie Rose.
“A-Ano?” Nauutal na sabi ni Marigold. Halata sa mukha niya ang takot kay Stelie Rose habang nakatayo parin ’to sa harap niya.
“Ikaw ang may kasalanan kung bakit naging misserable ang buhay ng kakambal ko. Buong buhay niya ay wala siyang ginawa kundi maging tapat sayong kaibigan pero anong ginawa mo! Tinitira mo siya patalikod! Tinatawanan at iniinsulto ng patalikod!” Galit na sigaw ni Stelie Rose.
“Walang pinakita sayo ang kakambal ko kundi kabutihan! Pero anong ginawa mo.. lagi mo siyang sinasabihan ng kung ano-ano kaya nawawalan siya ng tiwala sa sarili niya. Sino ka ba para ganun mo lang i-judge ang kakambal ko? Sino ka ba? Diyos ka ba? Kung maka insulto ka sa pisikal na anyo ng kakambal ko akala mo’y ang gaganda mo! Sa totoo lang mas maganda ang kakambal ko mula sa pisikal na anyo hanggang sa loob. Eh, ikaw.. kumakapit sa retoke ang puta para makapag insulto ng kapwa. Wala namang problema eh kong retoke yang ilong mo, ang problema lang masyado kang mapagmataas.” Mahabang sabi ni Stelie Rose saka niya malakas na sinipa si Marigold sa dibdib hinampas ni Stelie Rose ang hawak niyang notebook sa mukha ni Marigold.
“Ano masakit ba? Masakit ba, Marigold?” Nakangising tanong ni Stelie Rose kay Mari.
“Ito ang diary ng kakambal ko na iniwan niya sa kanyang damitan. Nakasulat dito ang pighati niya sa ginawa mo sakanya. Alam mo.. sa t’wing binabasa ko ’to, gusto kong pumatay ng tao. Walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko.” Sigaw ni Stelie Rose saka malakas ulit sinipa si Mari sa dibdib.
Napaubo naman si Marigold habang hinahaplos ang dibdib niya na sinipa ni Stelie Rose. “T-Tama na! Wag mong sirain ang mukha ko!” Naiiyak na sabi ni Mari habang nakataas ang isang kamay para pigilan si Stelie Rose.
Nakita kong tumawa si Stelie Rose. “Pano ba yan.. hindi ako naawa sa mukha mo! Hindi pa ako nakukuntento, Marigold. Sa mga nabasa ko sa diary ng kakambal ko, kulang pa yan.” Saad ni Stelie Rose saka malakas na hinila ang buhok ni Mari.
“Aray! Tama na!” Daing ni Mari habang nag pupumiglas kay Stelie Rose.
“Tanda mo pa ba kung paano mo nginudngud ang kakambal ko? Ako kasi tandang-tanda ko pa ng makita ko ang mga daliri at mukha ng kakambal ko na puro sugat. Ayaw niyang umamin sa ’kin kung saan niya nakuha yun pero nalaman ko parin dahil sa diary niya. Kaya gagawin ko sa’yo ang ginawa mo sa kakambal ko.” Nakangising sabi ni Stelie Rose saka kinaladkad si Mari saka niya itinulak sa sahig kaya napahiga ito. Mabilis niyang tinapakan ang daliri ni Marigold kaya napasigaw ’to sa sakit.
“Tama na! Hindi na ako uulit. Parang awa mo na!” Umiiyak na sigaw ni Marigold.
“Maawa? Putangina ka! Kapag naawa ba ako sa’yo.. babalik ba buhay ng kakambal ko hindi ba’t hindi? Kaya bakit ako mamawa sa’yo.. kasalanan mo kung bakit namatay ang kakambal ko! Magbabayad ka sa ’kin!” Galit na sigaw ni Stelie Rose at mas lalong tinapakan ang mga daliri ni Mari.
Gusto kong magpakita ngunit baka anong isipin ni Stelie Rose kapag inawat ko sila. Puro sigaw lang ni Marigold ang maririnig sa buong lugar.
Bigla akong natigilan ng biglang lumingon sa gawi ko si Stelie Rose. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa kaya bigla akong kinabahan sa uri ng titig niya. Napalunok ako ng ilang beses nang sumenyas siya sa ’kin na gigilitan niya ako sa leeg kapag nakialam ako. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko habang nakatingin sa ginagawa niya kay Mari. Piste! Ngayon lang ako natakot sa isang babae na hindi si Ruwi. Kay Ruwi lang kasi ako takot kapag nagalit na yun.
Palinga-linga ako sa paligid at baka may dumaan dito at makita ang ginagawa ni Stelie Rose kay Mari.
Hindi pa talaga nakuntento si Stelie Rose at hinawakan pa talaga niya ang buhok ni Mari at malakas na inumpog ang nuo sa sahig ng ilang beses. Halos mag makaawa si Mari kay Stelie Rose ngunit hindi niya ito pinapikinggan.
Hindi na ako nakatiis sa ginagawa niya kaya naglakad ako papunta sa kanilang dalawa. Habang naglalakad ako ay masamang nakatingin sa ’kin si Stelie Rose.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamonan ko saka ako nagsalita. “Tama na yan! Sapat na siguro ang ginawa mo kay Marigold.” Seryoso kong sabi kay Stelie Rose.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nagsusukatan lang kami ng tingin dalawa at walang gusto magpatalo samin. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Kinakampihan mo ba ’tong kalaguyo mo?” Tanong niya sa ’kin habang nakataas ang isang kilay.
“Damn it! Hindi ko siya kalaguyo! Ang kulit!” Inis kong sabi sakanya.
“Wag mo kong ma damn it, damn it dyan, Mr. Mendez. Baka basagin ko itlog mo pag ako nainis sa’yo!” Galit niyang sabi sa ’kin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pati ang nanahimik kong itlog ay idadamay niya sa paghihiganti niya.
“Pinapatigil lang kita dahil baka may dumaan. Baka makita ka.” Sabi ko sakanya.
Agad naman niyang tinigilan ang pagtapak sa daliri ni Marigold saka tumingin sa paligid.
Tumingin ako kay Marigold na nakahandusay sa sahig. Mukhang nawalan ng malay dahil sa ginawa ni Stelie Rose sakanya.
Akmang luluhod sana ako para tignan ang kondisyon ni Mari ng pigilan ako ni Stelie Rose.
“Subukan mo lang tulungan yan! Pagbubuhulin ko talaga kayong dalawa.” Banta niya sa ’kin kaya nanigas ang katawan ko.
“Fuck! Baka mapano siya. Nawalan ng malay oh,” saad ko habang tinuturo si Marigold.
“Pabayaan mo siya. Nag-iinarte lang ang animal na yan. Hanggang do’n lang pala ang kaya niya eh, akala ko pa naman pag papawisan ako sakanya.” Sagot ni Stelie Rose sa ’kin saka hinawakan ako sa braso.
“Tara na, Mr. Mendez. Gusto ko ng makita pamangkin ko. Ikwe-kwento ko sakanya kung paano ko winasak ang mukha ni Marigold.” Sabi niya saka siya nagsimulang maglakad habang hawak ako sa braso. Nagpatianod lang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa kotse ko.
Agad na pumasok si Stelie Rose sa passenger seat. Pumasok narin ako sa driver seat at agad binuhay ang makina ng kotse.
“Ang sarap sa pakiramdam habang binubogbog ko si Mari. Sawakas na iganti ko din ang kakambal ko. Siguro masaya siya ngayon dahil naka bawi siya kay Marigold.” Biglang sabi ni Stelie Rose.
“Delikado ang ginawa mo. Paano kung balikan ka ng pamilya ni Marigold at sampahan ka ng kaso,” saad ko kay Stelie Rose habang pinapausad ang sasakyan.
“Willing ako mag pakulong, Mr. Mendez. Basta ba’t mapatay ko lang si Marigold. Wala ng mas mahalaga pa sa ’kin ngayon kundi maibigay ang hustisya na nararapat para sa kakambal ko. Kaya kahit makulong ako ay ayos lang, basta ba’t naiganti ko siya.” Deristong sagot ni Stelie Rose kaya natahimik ako.
Magkaibang-magkaiba talaga sila ng kakambal niya. Kung si Princess Stelie ay tatahimik lang sa gilid kapag inaapi ’tong si Stelie Rose naman ay kayang-kayang manwasak ng mukha. Halatang sanay sa gulo ang babaeng ’to.
A/N: Last ud muna. Yung kay Percival story nawawala parin ako sa landas. Kainis! Kaya pasensya na kung wala pa akong ud do’n. Kay Andrei naman baka hindi pa ako mag ud dahil naka focus ako kay sa series 10. Ang sakit sa ulo mag isip nang isusulat hahaha 😂🤣 natutuyo na utak ko. 😅
Chapter 26
NAKAUPO AKO habang pinagmamasdan si Stelie Rose na kinakarga si Stella. Panay parin ang iyak ng anak ko kaya kanina pa kami nagpapalitan ng karga ni Stelie Rose.
Mahina akong natawa dahil nakikita ko sa mukha ni Stelie Rose na natatakot ’to sa t’wing umiiyak ng malakas ang anak ko. Hindi din daw kasi siya sanay sa ganitong bagay.
Umagang-umaga, panay na ang iyak ng anak ko. Maaga din nagising si Stelie Rose, habang ako naman ay wala pang tulog.
Naglakad patungo sa ’kin si Stelie Rose habang karga-karga parin niya si Stella. Umupo siya sa mahabang sofa na katapat ko. Tumingin siya sa ’kin sabay buntong hininga. ’’Hiningi mo tulong ko pero hindi din pala ako makakatulong,“ saad niya sa mahinang boses.
“Ayos lang. Natutulungan mo naman ako sa pagbubuhat kay Stella.” Sagot ko sakanya.
“Grabe! Napaka iyakin ng anak niyo ni Princess Stelie.” Sabi niya na halatang nag re-reklamo.
“Pagod kana ba? Gusto mo ako naman ang kumarga kay Stella?” Tanong ko sakanya na ikinatango niya.
Tumayo ako sa pagkakaupo at agad akong lumapit sakanya. Dahan-dahan kong kinuha ang anak ko sakanya kaya nakahinga siya ng maluwag.
“Grabe! Ang sakit ng mga braso ko,” dinig kong sabi niya kaya natawa ako ng mahina.
Tumingin ako kay Stelie Rose, akmang magsasalita sana ako ng biglang tumunog ang cellphone niya na naka patong sa table. Mabilis na pinulot yun ni Stelie Rose saka tinignan ang screen ng cellphone niya.
Nakita kong bumuga ng hangin si Stelie Rose kaya hindi ko maiwasan na hindi kumunot ang nuo. “May problema ba?” Tanong ko sakanya. Hindi ko mapigilang hind magtanong sakanya dahil sa hitsura niya.
Tumingin siya sa ’kin at mas lalong nalungkot ang kanyang mukha. “Yung boyfriend ko. Pinapapili niya ako,” sagot niya saka pinatay ang tawag. “Kagabi pa kami nag-aaway dalawa.” Dagdag niyang sabi.
“Pinapapili saan?” Tanong ko.
“Pinapapili niya ako kung siya ba o yung mahalaga sa ’kin. Hindi ko kasi sinabi sakanya na dahil sa pamangkin ko kaya hindi ako makauwi ng Catarman. Baka kasi ikwento niya sa lola ko. Ayaw kong manggaling sa ibang tao ang kwento dahil baka dagdagan ang ikwento. Mas gugustuhin ko pa na sa ’kin mismo manggaling.” Mahaba niyang sagot saka bumungtong hininga.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Alam kong mas pinili ni Stelie Rose si Stella kaysa bumalik sa buhay niya sa Catarman.
“Nga pala.. may dapat pala akong ipakita sa’yo.” Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
“Ano yun?” Tanong ko sakanya.
Hindi naman siya sumagot, yumuko siya habang may ginagawa siya sa cellphone niya. “Akala ko dati, yung magiging picture lang namin ng kakambal ko ay yung baby pa kami dahil nga sa hindi kami magkasamang lumaki. Pero.. binigyan kami ng pagkakataon na magkasama dalawa kaya pinuno ko ang cellphone ko ng picture naming dalawa.” Saad niya saka iniharap ang screen ng cellphone niya sa ’kin.
Napadako ang tingin ko sa cellphone at nakita si Princess Stelie na naka suot ng bestida habang naka simangot. Katabi niya si Stelie Rose na naka ngiti sa picture. “Yan yung araw na three months na ang tyan ng kakambal ko. Lagi siyang bad mood niyan dahil panay ang suka niya kahit anong kainin niya. Maselan kasi ang pagbubuntis ni Princess. Kaya lagi lang siyang nakahiga.” Sabi niya saka mapait na ngumiti. “Akala ko makakasama ko siya sa picture kasama ang anak niya, pero hindi pala.” Malungkot niyang sabi.
Tumingin siya sa ’kin saka ngumiti. “Kaya heto.. ibibigay ko sa’yo ang mga kuha ko kay Princess habang pinagbubuntis niya ang anak niyo. Pasensya narin kung nasa picture ang mukha ko. Ayaw kasi magpa picture ni Princess kung hindi ako kasama.” Natatawa niyang sabi.
Sumeryoso ang mukha ko habang nakatitig kay Stelie Rose. “Thank you, Stelie Rose. Thank you sa mga kuha mo sa kakambal mo.” Pagpapasalamat ko sakanya.
“Kakambal ko siya, Mr. Mendez. Kaya talagang gagawin ko yun para makita ko lang siyang ngumiti. Alam ko kasing may dinadala siyang mabigat na lungkot kaya pinipilit ko siyang pangitiin sa pamamagitan ng picture. Kahit ayaw niyang sabihin sa ’kin ay nararamdaman ko naman yun. Kaya hindi niya ako maloloko sa sinasabi niyang okay lang siya. Ang bilis lang sabihin ng word na yun pero ang totoo, hinang-hina na siya sa lungkot. Kaya ginawa ko ang lahat para maiganti ko siya sa babaeng nagbigay sa kakambal ko ng malaking lungkot sa buhay niya.” Mahaba niyang sabi. “Para kahit patay na siya, nakaganti parin siya sa babaeng umapi sakanya.” Dagdag niyang sabi.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tandang-tanda ko pa naman ang ginawa niya kay Marigold.
Nang makauwi kami kahapon ay inutusan ko si Salem alamin ang lagay ni Marigold. Nalaman kong napuruhan ng malala ni Stelie Rose si Marigold. Ubos daw ang ngipin sa harap at nabali ang ilong ng babae. Ang dami din daw bukol sa nuo ng babae at yung iba ay napunit kaya kinailangan tahiin ng doctor. Kaya napatunayan kong amazona talaga ’to si Stelie Rose. Natatakot tuloy akong magkamali sa pag-aalaga sa anak ko at baka mabatukan niya ako sa ulo.
Nakita ko si manang na papalapit samin. “Mag almusal na muna ang isa sainyo! Para pagkatapos niyang kumain siya naman ang mag karga sa baby.” Saad ni manang.
Tumingin ako kay Stelie Rose saka ako nagsalita. “Ikaw na muna ang unang kumain, Stelie Rose. Mamaya na ako!” Sabi ko sakanya kaya tumango siya.
“Sakto. Nagugutom narin ako. Nakakagutom kargahin si Stella.” Sabi niya saka binuntutan ng tawa.
Tumayo na siya sa kinauupuan niya saka ’to naglakad papunta sa kusina. Tumingin din ako kay manang saka ako nagsalita. “Kumain ka narin po, manang. Sabayan mo na si Stelie Rose.” Sabi ko sakanya na ikinatango niya at sumunod kay Stelie Rose.
Tumingin ako sa anak ko na nakatitig sa ’kin. Napangiti ako saka ko hinawakan ang pisngi niya at hinaplos. “Ang cute mo, anak.” Nakangiti kong sabi sa anak ko.
Naisipan kong lumabas ng bahay para maglakad-lakad para narin masikatan ng araw si Stella. Lumabas ako ng gate at naglalakad habang kinakausap ko ang anak ko.
“Ang cute ng anak mo.” Biglang may nagsalita kaya napa-angat ako ng tingin. Nakita ko si Theo na may hawak pa talagang mug.
“Syempre, mana sa mahal ko.” Sagot ko habang nakangiti.
“Buti nalang sakanya nag mana. Medyo tagilid kung sa’yo eh,” pangbabara niya sa ’kin kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.
“Saan ka galing?” Tanong ko.
“Galing ako sa bahay ni Lucifier. Do’n ako nag almusal, masarap ulam do’n eh.” Sagot niya sa ’kin.
Sasagot na sana ako ng may mapansin akong babae na naglalakad. Halata sa babae na parang nawawala dahil panay ang tingin niya sa paligid.
“Kilala mo ba?” Tanong ko kay Theo dahil napansin din niya ang babae.
Tumingin samin ang babae na may dalang dahon ng malunggay. Lumapit siya samin ni Theo saka ’to nagsalita. “Excuse me po mga sir. Magtatanong po sana ako. Nalimutan ko po kasi kung saang kalsada po papuntang bahay ng amo ko mga sir.” Sabi niya sa matigas na boses.
Mahina namang natawa si Theo, ako naman ay kumunot ang nuo.
“Naguguluhan na talaga ako sa buhay ko mga sir. Hindi ko na alam ang dagan ng buhay ko.” Sabi pa ng babae na nagkakamot sa ulo niya. “Naliligaw po ako mga sir. Hindi ko na mahanap ang bahay ng amo ko sir eh.” Sabi niya na parang maiiyak na.
“Hindi ba’t ikaw ang maid ni Andrei?” Tanong ni Theo sa babae kaya nanlaki ang mga mata niya.
“Ay opo, sir. Kaso po sir.. naghanap po kasi ako ng malunggay pang tinola ba sir ba, kaso sir nakalimutan ko kung saang kalsada ako iikot sir. Naliligaw po ako sir, tabangan mo ko sir, makauwi!” Sabi pa ng babae na hindi ko maintindihan ang ibang sinabi niya.
Si Theo naman ay panay ang tawa sa harap ko kaya pinandilatan ko siya ng mga mata ko kaya tumigil siya sa pagtawa. “Sorry, nakakatawa kasi siya magsalita. Kaya siguro hindi na lumalabas ang gagong Andrei na yun!” Natatawang sabi ni Theo.
Napa-iling nalang ako dahil nakuha ko na ang ibig sabihin ni Theo. So, ito pala ang babaeng kinahuhumalingan ni Andrei. Simple ang ganda ng babae, maputi ’to at may cute na bangs.
“Saan mo naman nakuha ang malunggay na yan? Dapat pati puno kinuha muna tapos itanim mo sa bakuran ni Andrei.” Natatawang sabi ni Theo.
“Ahh talaga po? Pwede po pala yun? Teka po! Babalikan ko lang po ang ninakawan ko nito sir.” Sabi ng babae kaya pinigilan ni Theo.
“Wag na! Baka isabit ako ni Andrei sa malunggay eh. Bigyan mo nalang ako ng tinola pag naluto ha!” Sabi pa ni Theo.
“Sige po, sir. Pero pano ko po ito maluluto eh naliligaw man ako sir uy! Nalipat na yata ang bahay ng amo ko sir.” Sabi ng babae sa matigas na boses kaya hindi ko na din mapigilang hindi matawa. Maging si Theo ay panay din ang tawa.
“Buti nalang hindi sumasakit ang ulo ng boss mo,” sabi ni Theo sa babae.
“Bakit naman po, sir?” Takang tanong ng babae.
“Wala. Kalimutan mo nalang. Tara! Hatid na kita sa bahay ng amo mo at baka mabaliw yun kakahanap sa’yo.” Natatawang sabi ni Theo saka inakbayan ang babae sa balikat.
“Gago! Baka makita ka ni Andrei na inakbayan mo ang babaeng yan. Baka ikaw ang isahog sa malunggay.” Saad ko kay Theo na natawa pa talaga.
“Yun nga ang plano eh, lagi kasi niyang sinasabi na hindi daw siya magkakagusto sa maid niyang probinsyana. Tignan natin kung anong reaction ng gago kapag nakita ako,” sagot ni Theo kaya natawa nalang din ako.
“Bahala ka! Hindi na ako magugulat kapag nakita kita bukas na may black eye,” sagot ko.
Tumawa lang siya at iginiya na ang babae na halatang naguguluhan sa sinasabi namin ni Theo. “Anong black eye po, sir? Yun po ba yung may itim sa mata dahil sinuntok ni pacquiao?” Tanong ng babae na tumigil pa talaga sa paglalakad.
“Oo. Baka masuntok yan ng boss mo,” sabi ko sabay turo kay Theo.
Umiling naman ang babae habang naka kunot ang nuo. “Naku sir! Mukha lang pong matapang si sir Andrei pero hindi po talaga nanapak yun eh, takot nga po yun sa bilat, manuntok pa kaya.” Saad ng babae kaya pareho kami ni Theo na kumunot ang nuo.
“Anong bilat?” Sabay naming tanong ni Theo.
“Bilat po sir, yung kepay po ng babae sir. Natatakot po yun kapag nakikita ang bilat ko po eh,” sabi niya sa inosenteng boses.
“Kepay?” Tanong ni Theo.
“Opo, sir. Yung sa babae po sir yung pinapasukan ng alaga niyo sir. Yun po yun sir bilat sa bisaya sir.” Sagot ng babae kaya agad nalukot ang mukha ko.
Si Theo naman ay nagtakip ng teynga niya gamit ang dalawang palad niya. “Putangina! Yung teynga ko!” Sabi ni Theo kaya mahina akong natawa.
“Ay sorry po, sir. Takot ka din pala sa bilat sir. Ihataid mo na po ako sir sa bahay ng amo ko sir,” sabi ng babae.
“Ayaw ko na! Ikaw nalang maghatid nito, Eros. Oh ’di kaya iligaw mo nalang.” Sabi niya kaya mahina akong natawa.
“Sorry, buddy. Kailangan na naming umuwi ng baby ko. Kaya ikaw na maghatid kay Ms. Bilat este maid ni Andrei pala.” Natatawa kong sabi saka ako dali-daling naglakad palayo sakanila. Bahala si Theo do’n sa babae.
Naglakad ako pauwi at pumasok ako sa gate. Dumeritso ako sa bahay at agad pumasok. Padedehin ko muna ang anak ko bago namin siya paliliguan ni Stelie Rose. Takot ako magpaligo sa baby at baka mahulog ko. Kaya kay Stelie Rose ko nalang ipapagawa.
A/N: Good Morning!
Natawa lang ako sa isa kong admin na nag post sa reels niya at may comment do’n na mabagal daw ako mag ud. Mabagal na pala ang isang araw ang pagitan? Hahaha anong gusto isang oras ang update? Ganun? Hahaha kaya ayon inaway ng admin ko hahaha 😂🤣 naloka ako sa admin ko eh! 😂
Chapter 27
LUMIPAS ANG ilang linggo at natutunan ko ng alagaan ang baby ko. Hindi na din siya panay iyak kaya natutuwa akong alagaan siya.
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay at pinapasikatan ng sikat ng araw ang anak ko. Ganito kami t’wing umaga.
Nagbago ang buhay ko simula ng dumating si Stella sa buhay ko. Kung dati late ako nagigising at walang pakialam sa buhay, ngayon hindi na. Lagi akong maaga nagigising. Sa gabi naman ay lagi kong pinagmamasdan ang tyan niya kung humihinga ba ang anak ko. Nakaka pranning pala kapag may anak na. Hindi din ako umaalis ng bahay dahil feeling ko ma-miss ko agad ang anak ko.
Iba pala talaga pakiramdam kapag tatay na. Masaya akong dumating si Stella sa buhay ko. Kaya pinapangako ko na aalagaan at pro-protektahan ko ang anak ko kahit anong mangyari.
Naisipan kong pumasok na ng bahay dahil kanina pa naman din kami sa labas. Umiyak pa ng mahina ang anak ko kaya mahina akong natawa. Ganito kasi siya sa t’wing pumapasok na kami sa bahay. Parang gusto lang niya na nasa labas kami at ginagala siya.
“Wag ka ng umiyak, baby. Tomorrow ulit tayo magpapasikat ng araw, okay?” Pagkakausap ko sa anak ko kahit alam ko namang hindi sasagot.
Pumasok kami sa bahay at naabutan si manang na naglilinis ng sala. Ngumiti pa ito samin ng makita niya kami.
“Si Stelie Rose po, manang? Gising na po ba?” Tanong ko kay manang.
“Ahh oo. Andoon sa kusina. Siya na ang nagluto ng almusal natin. Kinailangan ko kasing linisin ang sala para hindi makakuha ng alikabok si Stella at baka magkasakit pa.” Sagot ni manang.
Tumango ako sakanya saka ako naglakad papunta ng kusina. Karga-karga ko parin si Stella habang may ngiti sa labi.
Papasok na sana ako ng kusina ng bigla kong marinig ang boses ni Stelie Rose. Sumilip ako ng kunti at nakita siyang naka side view sa gawi ko. May kausap siya sa cellphone at mukha siyang stress sa kausap niya.
“Pwede ba, Lucas! Kahit ngayon lang makinig ka sa ’kin.” Saad ni Stelie Rose sa kabilang linya. Kausap pala niya ang boyfriend niya na pinipilit siyang pauwiin sa Catarman ngunit ayaw sundin ni Stelie Rose. Nalaman ko kahapon na nakikipag hiwalay sakanya ang boyfriend niya.
“Kailangan ako ng pamangkin ko. Sinabi ko naman sa’yo ’diba na uuwi din ako. Ano bang mahirap intindihin do’n? Hala kung ayaw mo na sa ’kin at gusto mo ng makipaghiwalay eh ’di go. Hindi kita pipigilan, ano ka gold? Break na tayo!” Galit na sigaw ni Stelie Rose saka pinatay ang tawag. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkainis habang nakatitig sa cellphone niya.
Hahakbang na sana ako paalis dahil baka sa ’kin pa magalit si Stelie Rose. Ngunit natigil ako ng marinig ko ang boses ni Stelie Rose na tinatawag ako.
Lumingon ako sakanya kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Nakatitig lang ako sakanya ng ilang minuto saka ako bumuntong hininga.
Naglakad ako papunta sakanya at kunwaring sinilip ang niluluto niya. “Mukhang masarap,” saad ko.
“Hindi lang mukhang masarap, masarap talaga yan, Mr. Mendez.” Sagot niya sa ’kin.
“Masarap talaga ang hotdog at ham.” Saad ko kaya inirapan niya ako. “Hindi naman mahirap lutuin,” dagdag kong sabi.
“Binabara mo ba ako, Mr. Mendez?” Tanong niya sa ’kin sa seryosong boses. Agad akong umiling habang seryosong nakatitig din sakanya. “Hindi ahh.. ang galing mo ngang magprito eh,” sagot ko saka ngumiwi.
Tumingin siya sa anak ko saka siya nag salita. “Inaantok na naman yata ang pamangkin ko,” saad ni Stelie Rose saka tinuro ang anak ko na naghihikab.
“Mukha nga.” Sagot ko saka ko mahinang tinapik ang matabang binti ng anak ko.
“Natutuwa ako, Mr. Mendez.” Saad niya sa seryosong boses.
Tumingin ako sakanya at nakitang nakatitig siya samin ni Stella. “Natutuwa saan? Sa break up niyo ng boyfriend mo?” Tanong ko kaya nalukot ang mukha niya.
“Ay double ang saya ko dyan! Kainis kasi siya. Hindi siya makaintindi. Sinabi ko na nga din sakanya na puntahan ako dito para maniwala siya sa sinasabi ko pero ayaw niya. Pero n’ong pinakita ko picture mo kasama si Stella mas lalo pa siyang nagalit. Nakakainis siya!” Nang gigil niyang sabi kaya mahina akong natawa. “Pero hindi yun ang tinutukoy ko, Mr. Mendez. Masaya ako dahil nakikita kong mahal na mahal mo ang anak niyo ng kakambal ko.” Saad niya saka ngumiti.
Napangiti ako saka ako tumingin sa mukha ng anak ko.
“Tama talaga naging desisyon ko na ibigay sa’yo si Stella.” Saad niya saka bumuntong hininga. “Masaya ako dahil kahit nawala ang kakambal ko, alam kong hindi mo pababayaan ang pamangkin ko. Sa nakalipas na linggo, alam ko na kaya mo ng alagaan si Stella, Mr. Mendez. Kahit wala na ako.” Saad niya kaya nag-angat ako ng tingin kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa.
“Nagpapaalam ka ba?” Tanong ko sakanya kaya ngumiti siya.
“Oo. Gusto ko nang makita ang mga magulang ko. Gusto ko ng sabihin sakanila ang lahat, Mr. Mendez. Kaya magpapaalam sana ako sa’yo. Sa katunayan n’ong isang araw pa sana.. kaso, parang ma-mimiss ko ang pamangkin ko kaya hindi ko nagawa.” Sabi niya sa malungkot na boses.
“S-Sana.. payagan mo ang pamilya ko na dalawin si Stella, Mr. Mendez. Alam kung malulungkot sila sa pagkawala ni Princess pero may pumalit naman sakanya at yun ay si Stella.” Saad niya kaya tumango ako.
“Hindi ko ipagkakait yun sa pamilya niyo, Stelie Rose. Welcome kayo dito sa bahay ko para dalawin si Stella.” Sagot ko sakanya kaya ngumiti siya.
“Salamat, Mr. Mendez. Pero.. sana, maghanap ka ng babaeng makakasama mo sa buhay. Mahirap magpalaki ng bata kaya kailangan mo ng katuwang sa buhay. Hindi kita pagbabawalan na magmahal muli at palitan ang kakambal ko. Pero sana.. yung babaeng magmamahal sa’yo ay mahal din ang pamangkin ko. Sana makahanap ka ng babaeng tanggap ka pati narin ang anak mo. Sana mahalin din niya at wag sasaktan ang anak mo.” Sabi niya. Nakatitig lang ako kay Stelie Rose at nakitang pinahid niya ang kanyang luha sa pisngi gamit ang isang kamay niya.
“Masaya na malungkot ako para sainyong tatlo. Pero alam kung ayaw ni Princess na malungkot ako kaya pinipilit kong maging masaya. Pinipilit kong maging matatag. Hindi ko kasi matanggap na walang ina ang pamangkin ko. Kung bakit ba naman kasi maagang kinuha si Princess eh, ako tuloy yung nasasaktan.” Sabi niya sa malungkot na boses.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Tumingin ako sakanya saka ngumiti ng pilit. “Hindi na siguro ako magmamahal ng iba, Stelie Rose. Ang hirap palitan ng kakambal mong uhugin eh. Ang totoo.. miss na miss ko na siya. Gusto ko na ulit makita siyang ngumiti.” Malungkot kong sabi. “Miss ko na yung ginagawa niya sa t’wing inaayos niya ang suot niyang salamin dahil nahuhulog ’to dahil hindi masyadong matangos ang ilong niya. Miss ko din yung tawa niyang mahinhin. Lahat yata sakanya ay na-miss ko. Pero kahit ganun pa man.. alam kung hindi na siya babalik. Alam kung hindi ko na makikita yun. Hindi ko makikita yun sa ibang babae, Stelie Rose.” Mahaba kong sabi.
“Alam ko. Dahil nawala din sa ’kin ang kakambal ko. Ang dami ko pa namang plano na gustong gawin kasama siya. Nakakainis lang dahil hindi na nga kami magkasamang lumaki, kinuha pa siya agad.” Sagot niya.
Tumingin si Stelie Rose sa niluluto niya saka niya pinatay ang kalan. “Luto na. Kakain na tayo.” Sabi niya saka naglakad at lumapit sa mesa.
“K-Kailan mo balak umalis?” Tanong ko sakanya.
“Sa susunod na araw, Mr. Mendez. Hayaan mo muna akong alagaan si Stella sa huling pagkakataon. Baka kasi matagalan bago ko siya madalaw. Kailangan ko din kasing magtrabaho. Kailangan ako ng lola ko lalo na’t kailangan niya ng maintenance na gamot.” Sagot niya sa ’kin.
Inayos niya ang plato sa lamesa kaya napasunod ang tingin ko sa ginagawa niya.
“Nga pala, may tanong nga pala ako sa’yo.” Sabi ko kaya tumingin siya sa ’kin.
“Ano yun?” Tanong niya.
“Nong nawala si Stelie, ilang days ay pumunta ako ng Catarman. Nagbabakasakali ako na baka mahanap ko siya do’n. Pero, yung lola mo lang ang nakita ko. Wala ka din do’n. At yung kasama ko na babae na kapitbahay niyo ay parang hindi alam na may kakambal ka.” Sabi ko sakanya.
Kumunot naman ang nuo niya habang nakatitig sa ’kin. “Kailan yun, Mr. Mendez? Kasi, naalala ko n’ong tumawag sa ’kin ang kakambal ko n’ong hapon na yun, kinagabihan din ay umalis ako sa bahay namin para puntahan siya. Nagsinungaling pa ako sa lola namin na malilipat ako sa ibang lugar. Ayaw kasi ni Princess na sabihin kay lola ang nangyari. Kaya dali-dali akong pumunta n’ong humingi siya ng tulong sa ’kin.” Sagot niya saka may kinukuha sa bulsa niya. Nakatitig lang ako kay Stelie Rose na may ginagawa sa cellphone niya. Ilang saglit lang ay lumapit siya sa ’kin at ipinakita ang screen ng cellphone niya. Tumuon ang tingin ko do’n sa picture at nakita si Princess Stelie na may suot na eye glass habang namumugto ang mga mata habang si Stelie Rose naman ay naka poker face sa picture.
“Makikita mo ang date dyan kung kailan ang kuha niyan, Mr. Mendez.” Saad ni Stelie Rose saka tinuro sa ’kin yung date.
“Mukhang.. naka alis ka na nga nang magpunta ako sa Catarman.” Sabi ko.
Bumuntong hininga naman si Stelie Rose sa tabi ko habang nakatitig parin siya sa screen ng phone niya. “Ito yung araw na gumamit ng pregnancy test si Princess. Kaya tignan mo ang mga mata niya, namumugto kakaiyak. Hindi kasi daw niya alam ang gagawin at natatakot daw siya.” Sabi niya saka ngumiti. “Muntik ko na siyang sabunutan nang malaman kong buntis siya. Tapos ayaw pang umamin n’ong tinanong ko kung sinong naka buntis sakanya. Kahit anong pilit kong pangungulit, ayaw niya talagang umamin. Kaya imbis na awayin ko ang kakambal ko ay dinamayan ko nalang siya.” Mahaba niyang sabi na para bang inaalala ang lahat.
“Nahirapan ba siya ng husto?” Tanong ko.
“Oo. Kita mo naman.” Sagot niya saka nilipat ang picture at nakita ko si Princess Stelie na sobrang payat. “Sobrang payat niya. Lagi kasi siyang nasusuka sa t’wing kumakain siya. Grabe ang pinagdaanan ng kakambal ko sa paglilihi. Kaya talagang nalukungkot ako na hindi man lang sila nagkita ng anak niya.” Sabi ni Stelie Rose sa malungkot na boses.
“Ahm.. tungkol nga pala sa tanong mo kung bakit hindi alam ng mga kapitbahay ko na may kakambal ako. Hindi kasi pala kwento ang lola ko sa buhay namin. Ayaw na ayaw ni lola makipag chismisan sa mga kapitbahay. Simula ng three years old ako ay nandoon na ako sa poder ni lola at lolo. Doon na ako nagka isip. Doon na din ako nagkaroon ng mga kaibigan. Hindi nila alam na may kakambal ako. Inaasar din kasi ako minsan ng mga kalaro ko na iniwan daw ako ng nga magulang ko sa lola at lolo ko dahil hindi daw nila ako mahal. Yung mga sinasabi nila sa ’kin tumatak sa isip ko yun. Kaya naiinis akong isipin na hindi man lang ako madalaw ng mga magulang ko. Hanggang sa tawag lang kami. Sumagi sa isip ko na mas mahal nila si Princess kaysa sa ’kin kaya hindi nila ako madalaw. Kaya simula no’n kapag may nagtatanong sa ’kin kung nasaan ang mga magulang ko ay lagi kong sagot ay wala na. Hindi ko din sinasabi na may kakambal ako. Siguro sampung taon din akong galit sa mga magulang ko pati narin sa kakambal ko.” Mahaba niyang sabi saka mapait na ngumiti.
“Ngayon ba.. galit ka parin ba sa kakambal mo?” Tanong ko sakanya.
“Tampo lang. Ang dami kong pinagsisihan, Mr. Mendez. Kung alam ko lang na mawawala ng maaga ang kakambal ko, sana pala kinulit ko ang lola ko na bisitahin ang pamilya ko para makasama ko naman ang kakambal ko. Hindi sapat ang 9 months na magkasama kami ng kakambal ko. Kulang na kulang. Tapos wala pa kaming pera no’n kaya mukha kaming tanga ng kakambal ko sa loob ng apartment. Hindi makagala.” Natatawa niyang sabi na parang inaalala ang nangyari.
“Ang dami kong gustong gawin na kasama si Princess. Gusto kong masubukan mamasyal kasama siya. Mag shopping, kumain sa labas. Pero talagang huli na ang lahat at alam kung hindi ko na maibabalik ang na sayang na panahon at oras.” Saad niya kaya napabuntong hininga ako.
Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya.
A/N: Medyo humupa na inis ko sa kaya mag u-ud na ako. Balak ko na sanang hindi to tapusin eh.
Chapter 28
HULING gabi namin kasama si Stelie Rose dahil uuwi na siya ng Catarman bukas.
Hinayaan ko lang siyang kargahin ng kargahin si Stella dahil tulad ng sabi niya ay matatagalan ang pagbisita niya sa pamangkin niya.
Nakatitig lang ako sakanilang dalawa at pinagmamasdan sila mula dito sa terrace ng kwarto ko. Naririnig ko din ang tawa nilang dalawa ni Stella.
Kinikiliti kasi ito ni Stelie Rose habang kinakausap ang pamangkin niya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti sa t’wing naririnig ko ang maliit na tawa ng anak ko. Ang sarap kasing pakinggan, nakakawala ng problema.
Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa kalangitan. Naisip ko na panahon na siguro para ayusin ang buhay ko. Para narin sa anak kong si Stella.
Nakatitig lang ako sa kalangitan habang iniisip ang mukha ni Princess Stelie na naka ngiti. Bigla akong natigilan nang marinig ko ang boses ni Stelie Rose na tinatawag ang pangalan ko. Tumingin ako sa gawi nila at nakitang kinakawayan ako ni Stelie Rose gamit ang kamay ng anak kong si Stella.
“Pwede bang bumaba ka dito?” Tanong niya sa ’kin.
“Bakit?” Kunot nuo kong tanong sakanya.
Ngumiwi siya sa ’kin bago nagsalita. “Eh kasi, nakaka ngawit ’tong anak mo. Ang taba naman kasi,” saad niya na parang nahihirapan sa pagkarga kay Stella.
Mahina akong natawa saka ako tumango. “Hintayin mo ko,” saad ko saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad para puntahan sila.
Mabilis ang ginagawa kong hakbang hanggang sa makalabas ako ng bahay. Narinig kong kinakausap ni Stelie Rose si Stella. Agad akong naglakad palapit sakanila kaya ngumiti sa ’kin si Stelie Rose.
“Oh, dyan ka na sa papa mo. Grabe! Ang bigat ni Stella. Ang taba kasi.” Nakangiwi niyang sabi saka pinisil ng mahina ang taba niya sa binti. Kinarga ko si Stella saka ko hinaplos ng mahina ang pisngi niya.
“Matakaw siya sa milk kaya asahan talagang tataba pa siya lalo,” sagot ko kaya tumango si Stelie Rose.
“Oo nga. Pero wag mo naman sanang patabain ng grabe, Mr. Mendez. Yung saktuhan lang.” Saad niya.
“Oo na,” sagot ko nalamang.
“Nga pala, naka impake na ako ng gamit ko.” Sabi niya kaya tumingin ako sakanya.
“Agad-agad? Anong oras ba ang alis mo bukas?” Tanong ko sakanya.
“Bukas ng umaga, Mr. Mendez.” Sagot niya agad.
“Okay.” Tipid kong sagot habang nakatingin sa lupa. “Salamat sa tulong mo, Stelie Rose. Pasensya na din kasi dahil samin naghiwalay kayo ng boyfriend mo. Naka abala ako sa buhay mo kaya pasensya ka na talaga.” Saad ko sabay tingin sa gawi niya.
Ngumiti siya sa ’kin saka tumango. “Wala yun, Mr. Mendez. Hayaan mo nalang kung wala na kami ng boyfriend kong makitid ang utak. Akalain mo ba naman pinagseselosan ka at kung anong pinagsasabi na may relasyon daw tayo. Nakakainis siya!” Sabi ni Stelie Rose na halatang nang gigil sa inis kaya natawa ako.
Nakausap ko kasi ang boyfriend niya na ang pangalan ay Lucas. Humingi kasi sa ’kin ng tulong si Stelie Rose para mag paliwanag sana. Ngunit, imbes na maging maayos ay mas lalong nagalit ang boyfriend niya lalo na sa ’kin.
“Nakakahiya talaga yun. Buti nalang hiwalay na kami. Naku! Pag nakita ko talaga yun sa Catarman sinasabi ko nalang talaga.. mag-asawang sampal ang aabutin niya sa ’kin.” Sabi niya sa inis na boses.
“Natural lang na magalit ang boyfriend mo, Stelie Rose. Kahit ako naman siguro kapag nalaman na may kasamang lalaki sa loob ng bahay ang girlfriend ko ay magagalit din ako. Nag-aalala lang yun sa’yo kaya siguro ganun ang pinapakita niya,” pagpapakalma ko sakanya.
“Mukha niya! Gulpuhin ko pa siya pag-uwi ko eh. Hmp..” sabi niya sabay irap sa ’kin kaya natawa ako.
“Pasok na tayo sa loob. Nakaluto na si manang ng hapunan.” Aya ko sakanya kaya tumango siya.
Nauna akong naglakad habang karga-karga si Stella. Nakasunod naman sa ’kin si Stelie Rose hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Dumeritso kami sa kusina at naabutan si manang na nag-aayos ng plato sa lamesa. Nag-angat siya ng tingin samin at ngumiti. “Nakahanda na ang pagkain. Kumain na kayo. Ako na muna ang bahala kay Stella.” Saad ni manang.
“Kaya mo pa bang kargahin si Stella, manang? Ang bigat kaya ng baby na yan. Ang sakit sa braso,” naka ngiwing sabi ni Stelie Rose.
“Hay naku! Sinanay niyo kasi sa karga ang bata kaya kayo nahihirapan.” Sagot naman ni manang na naglakad papunta sa ’kin. Kinuha niya ng dahan-dahan si Stella sa ’kin. “Sigurado ka ba manang? Pwede ko namang ilagay sa crib para hindi ka po mahirapan.” Sabi ko.
“Ano ka ba naman hijo! Tuhod lang ang masakit sa ’kin pero kaya ko pa namang mag buhat ng baby.” Sagot sa ’kin ni manang.
Wala na akong nagawa dahil sinayaw-sayaw ni manang si Stella na parang pinapatulog. Naglakad nalang ako papunta sa pwesto ko at umupo sa upuan. Si Stelie Rose naman ay umupo na din at nagsimulang kumain.
Tahimik lang kaming kumakain dalawa. Tanging mahinang kanta lang ni manang ang naririnig namin sa kusina.
Tumingin ako kay Stelie Rose saka ko inilapag ang hawak kong kutsara at tinidor. “Pwede ba tayong mag-usap mamaya pagkatapos nating kumain.” Sabi ko kay Stelie Rose kaya tumingin siya sa ’kin. Nakatitig lang siya sa ’kin ng ilang segundo bago siya tumango.
“Ano ba yung pag-uusapan natin?” Kunot nuo niyang tanong.
“May sasabihin lang ako sa’yo. May ibibigay din akong pera sa’yo. Yung perang yun, gamitin mo panimula pag-uwi mo sa Catarman.” Saad ko. Ngumiti naman siya saka tumango. “Salamat, Mr. Mendez.” Sabi niya saka nag patuloy kumain.
Nakatitig lang ako kay Stelie Rose na ganadong kumakain. Nag-iwas ako ng tingin at nagsimulang kumain nalang ulit.
Tahimik ulit kaming kumain hanggang sa matapos ako. Tumayo ako agad para kunin si Stella kay manang para makakain narin siya. Si Stelie Rose naman ay hindi parin tapos kumain.
Umalis ako sa kusina habang karga-karga si Stella. Umakyat ako ng hagdan para pumunta sa kwarto ko.
Pumasok ako sa kwarto at agad na inilapag si Stella sa crib niya. Bibihisan ko muna siya bago ko siya titimplahan ng milk. Baka kasi makatulog.
Binihisan ko muna ang anak ko saka ako nag timpla ng gatas. Binabantayan ko ang anak ko habang dumedede at mahinang tinatapik ang isang binti niya.
Nakatitig lang sa ’kin ang baby ko kaya ngumiti ako sakanya. Ilang sandali lang ay unti-unting pumipikit ang mga mata ng anak ko hanggang sa tuluyan ’tong nakatulog.
Dahan-dahan akong tumayo para hindi magising ang anak ko. Kunting ingay pa naman ay nagigising ang anak ko kaya lagi akong nag papatugtog ng pang patulog na music sa kwarto. Si Salem ang nagsabi sa ’kin no’n kaya sinunod ko. Nakatulong naman ang suggestion niya kaya laking pasasalamat ko sakanya dahil hindi na ako napupuyat. Minsan naman pala gumagana ang utak ni Salem. Akala ko kasi puro kagwapuhan lang niya ang nasa isip.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto saka ako lumabas. Nakita ko pa si Stelie Rose na paakyat ng hagdan.
Nag-angat siya ng tingin sa ’kin kaya nagtampo ang tingin naming dalawa. “Akala ko mag uusap tayo,” saad niya.
“Oo. Sa office tayo mag uusap,” sagot ko sakanya.
“Sige, Mr. Mendez. Mauna ka nalang muna. May gagawin lang ako saglit. Susunod din ako agad.” Pagpapaalam niya saka naunang naglakad sa ’kin at pumasok sa kwarto niya.
Naglakad narin ako papunta sa office ko dito sa bahay para do’n hintayin si Stelie Rose.
Pumasok ako sa office ko at tinungo ang table. Kinuha ko ang puting sobre na may lamang pera para ibigay ’to sakanya. Sumandal ako sa table habang hawak parin ang sobre at hinihintay na pumasok si Stelie Rose.
Ilang saglit lang ay may kumatok sa pinto. “Pasok!” Sagot ko kaya agad bumukas ang pintuan. Pumasok si Stelie Rose kaya nakatitig lang ako sakanya.
“Pasensya na kung pinaghintay kita, Mr. Mendez. Nag toothbrush pa kasi ako,” sabi niya saka tumawa ng pilit.
“Ayos lang.” Sagot ko saka siya sinenyasan na lumapit sa ’kin.
Naglakad siya papunta sa ’kin kaya inabot ko ang hawak kong puting sobre. “Panimula mo, Stelie Rose.” Saad ko kaya tinanggap niya ito.
“Salamat po, Mr. Mendez. Malaking tulong po ’to.” Nakangiti niyang pasasalamat.
“Mag-iingat ka sa byahe mo.” Saad ko kaya tumango siya. “Kayo din po. Mag-iingat din po kayo dito,” sagot niya habang nakangiti.
Tumango ako sakanya habang nakatitig parin sa mukha niya.
“Sige po, Mr. Mendez. Magpapahinga na po ako. Maaga kasi ang alis ko bukas. Baka maiwan pa ako ng bus.” Pagpapaalam niya kaya tumango ako
Tumalikod siya sa ’kin at nagsimulang maglakad. Nakatitig lang ako sa likod niya hanggang sa makalapit siya sa pinto.
“Wala ka bang sasabihin sa ’kin.” Saad ko kaya huminto siya sa paghakbang.
Lumingon siya ng dahan- dahan sa ’kin kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa. “Nasabi ko na kahapon ang gusto kong sabihin sa’yo, Mr. Mendez. Gusto kong maghanap ka ng babaeng makakasama mo sa buhay na mamahalin ka at pati narin si Stella. Yun lang ang gusto ko para sa’yo. Alam ko namang maiintindihan ni Princess kapag nagmahal kang muli. Sa tingin ko, matutuwa pa siya kapag ginawa mo yun.” Sagot niya sa seryosong boses saka yumukod sa ’kin saglit. “Good night po, Mr. Mendez.” Dagdag niyang sabi saka siya tumalikod at pinihit ang siradura ng pinto.
“Hanggang kailan..” saad ko kaya natigil siya sa ginagawa niya.
Tumayo ako ng maayos habang hinihintay na tumingin sa ’kin si Stelie Rose.
Hindi siya nagsalita, hindi din siya lumingon sa gawi ko.
“Hanggang kailan ka mag papanggap?” Tanong ko sakanya.
“Hanggang kailan ka magpapanggap na ikaw si Stelie Rose, Princess Stelie?” Tanong ko ulit sakanya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa ’kin kaya nagkasalubong ulit ang tingin naming dalawa. Halata sa mukha niya ang gulat at pagkalito sa sinabi ko.
“Hanggang kailan?” Tanong ko ulit sa seryosong boses.
A/N: Mas maganda ng dito kayo mabitin kaysa naman sa jowa niyo diba? Ay, wala nga pala kayong jowa hehe🫢
Good luck sa mga readers ko na back to school na, aral ng
maigi
.
Good night!❤️
Chapter 29
NAKATITIG LANG siya sa ’kin at halatang nagulat sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagka gulat at halatang nag-iisip ng isasagot sa ’kin.
Tumikhim siya at agad nag iwas ng tingin. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Mr. Mendez.” Sabi niya na hindi man lang ako nililingon. “Hindi ko alam kung bakit mo nasabi yan pero hindi nakakatawa, Mr. Mendez.” Dagdag niyang sabi sabay tingin sa ’kin.
“Sinong may sabing nakakatawa sinabi ko?” Tanong ko.
Tinaasan niya ako ng isang kilay. “Hindi ko alam kung bakit mo nasabi na nag papanggap akong si Princess. Kung nababaliw ka na dahil sa pagkawala ng kakambal ko, pwes wag mo akong idamay.” Sabi niya sa inis na boses.
Agad siyang tumalikod sa ’kin at agad pinihit ang siradura ng pinto. “Uhugin..” saad ko kaya natigilan siya sa ginagawa niya.
Hindi siya lumingon sa ’kin kaya napangiti ako. “Stelie uhugin!” Saad ko ulit kaya lumingon siya sa gawi ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang galit at halatang papatayin niya ako.
’’Isa pang tawag sa ’kin niyan, sisiguraduhin kong lalabas ka ng kwartong ’to na mukhang panda.“ Pagbabanta niya sa ’kin.
“Go on! punch me, Princess Stelie.” Saad ko saka iginilid ang mukha ko para ipasuntok ang pisngi ko.
“Pwede ba! Tigilan mo ko sa kakatawag na Princess Stelie. Putangina! Stelie Rose ang pangalan ko!” Galit niyang sigaw sa ’kin.
“Ayaw ko nga! Princess Stelie ang pangalan mo at hindi Stelie Rose.” Naka ngisi kong sabi sakanya kaya masama niya akong tinignan. Gusto ko siyang inisin para kusa siyang lumapit sa ’kin.
“Gago! Bahala ka kung yan ang gusto mo. Basta, Stelie Rose ang pangalan ko.” Saad niya sa seryosong boses.
“Okay. Sabi mo eh. Alam ko namang hindi ka aamin. Napatunayan mo lang sa ’kin na isa kang sinungaling, Stelie.” Saad ko kaya agad siyang humakbang papunta sa ’kin.
“Anong sabi mo?” Galit niyang sabi habang naglalakad papunta sa ’kin.
“Sinungaling ka, isa kang manloloko,‘’ naka ngisi kong sabi. Agad niyang inangat ang isang kamay niya para siguro sampalin ako. Ngunit, mabilis kong hinuli ang kamay niya at hinila ko siya palapit sa katawan ko.
Naramdaman kong nanigas ang katawan niya at nanlaki ang kanyang mga mata. “B-Bitawan mo nga ako!” Nauutal niyang sabi habang nakatitig kami sa isa’t-isa.
“Ayaw ko nga!” Walang buhay kong sagot kaya inirapan niya ako.
Bumuntong hininga ako habang nakatitig parin sa mukha niya. “Tama na ang pag papanggap mo, Princess Stelie. Unang-una palang kitang nakita sa apartment mo ay alam kong ikaw si Princess Stelie.” Saad ko sa seryosong boses.
“A-Ano? Ano bang pinagsasabi mo?” Tanong niya na halatang nagkukunwari.
“Talaga bang magkukunwari ka parin? Kahit huling-huli ka na?” Tanong ko sakanya.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Bitiwan mo nga ako!” Sigaw niya sa ’kin habang nagpupumiglas.
“Akala mo siguro mapapaniwala mo ako, Stelie. Nakalimutan ko yatang sabihin sa’yo na isa akong assassin.” Seryoso kong sabi sakanya kaya natigilan siya.
“Assassin?” Tanong niya sa ’kin, halata sa mukha niya ang pagkagulat.
“Yeah. Kaya hindi mo ako maloloko, Princess Stelie Uy. Sinasakyan ko lang ang drama mo. Para naman hindi masayang yang acting skill mo.” Nakangisi kong sabi.
“Acting pala ha!” Saad niya saka mabilis na hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at mabilis akong sinuntok sa pisngi.
“Fuck!” Mura ko dahil ang lakas niyang sumuntok.
“Assassin? Eh, bakit kita nasuntok?” Pang-aasar niya sa ’kin. Sapo-sapo ko ang pisngi ko saka ngumiti sakanya.
“Malakas ka narin sumuntok. Kaya naman pala nabasag mo ang mukha ni Mari.” Saad ko kaya inirapan niya ako.
“Tumigil ka na, Mr. Mendez. Kapag tinawag mo pa akong Princess Stelie hindi lang yan ang aabutin mo sa ’kin.” Banta niya.
“Bakit? Anong gagawin mo?” Naka ngisi kong tanong.
“Lalagyan ko ng gripo tagiliran mo.” Sagot niya kaya tumawa ako.
“Nice! Sanay ako dyan.” Sagot ko saka kinuha ang maliit na kutsilyo na nasa table ko. Inabot ko yun kay Stelie kaya tinaasan niya ako ng isang kilay.
“Aanhin ko yan?” Suplada niyang tanong.
“Sabi mo lalagyan mo ko ng gripo sa tagiliran. Lagyan mo na ako dahil tatawagin parin kitang Princess Stelie.” Sabi ko sakanya.
“Gago! Dyan ka na nga! Hindi ka matinong kausap.” Sabi niya at agad tumalikod sa ’kin.
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at agad ko siyang binuhat. “Ano ba!” Galit niyang sigaw habang hinahampas ako sa dibdib.
Ipinatong ko siya sa lamesa at agad pinaghiwalay ang dalawang binti niya saka ako pumagitna sa pagitan ng hita niya. Nanlaki ang mata niya at pilit akong tinutulak. Hindi ako nagpatinag at agad kong hinawakan ang beywang niya.
Seryoso akong nakatitig sakanya, nakatitig lang din siya sa ’kin na para bang nagsusukatan kami ng tingin.
“Ibaba mo ko!” Seryoso niyang sabi.
Umiling ako. “Tama na, Stelie. Ayaw mo ba akong makasama pati narin ang anak natin? Bakit kailangan mong magkunwari? Bakit kailangan mong mag sinungaling sa ’kin?” Sunod-sunod kong tanong sakanya.
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Bigla siyang yumuko kaya napabuntong hininga ako. “Sana, magpakatotoo ka na. Araw-araw akong nahihirapan sa sitwasyon natin, Stelie. Gusto kitang mayakap, pero dahil sinasakyan ko ang pag sisinungaling mo kaya pinigilan ko ang aking sarili.” Saad ko sa mahinahong boses. “Bakit? Bakit mo ’to ginagawa?” Tanong ko ulit sakanya.
Nag-angat siya ng tingin kaya kitang-kita ko sa mga mata niya ang iba’t-ibang emosyon. “Masisisi mo ba ako, Eros? Masisisi mo ba ako kung puro sakit ang naranasan ko?” Tanong niya sa ’kin. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit habang sinasabi niya ’yon. “Gusto kong maging matapang para protektahan ang sarili ko laban kay Marigold.” Saad niya saka yumuko. “Kaya masisisi mo ba ako kung nag papanggap ako sa’yo, hindi ba’t isa ka din naman sa nagbigay sa ’kin ng sakit?” Galit niyang sigaw saka malakas akong sinuntok sa dibdib.
“Ang lakas ng loob mong tanungin ako kung bakit ko ginawa yun.” Sigaw niya ulit sa ’kin. “Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, Eros. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa nangyari. At lalong-lalo nang wala kang alam kung anong pinagdaanan ko habang pinagbubuntis ko si Stella. Kaya wag na wag mo akong tatanungin.” Dagdag niyang sabi habang masamang nakatitig sa ’kin.
“I know. I’m sorry, Stelie. Pasensya na kung wala ako sa tabi mo habang dinadala mo ang anak natin. I swear, hinanap kita. Halos mabaliw ako sa pag-aalala sa’yo at baka napano ka na.” Saad ko. Magsasalita sana siya ng mabilis kong dinampian ng halik ang nuo niya. Naramdaman kong nanigas ang katawan niya kaya napangiti ako.
Tumingin ako sakanya at nakitang gulat na gulat siya sa ginawa ko. “Sinabi ko bang halikan mo ko?” Mataray niyang tanong.
“Hindi ka lang malakas sumuntok, suplada ka na din,” saad ko kaya inirapan niya ako.
“Lumayo ka nga sa ’kin.” Saad niya sabay tulak sa ’kin.
“Sinabi ng ayaw ko eh!” Matigas kong sabi kaya sinuntok niya ako sa mukha.
“What the! Pangalawa na yan ha! Gawing mong tatlo para lapain ko labi mo, Princess Stelie.” Pananakot ko sakanya kaya natigilan siya.
“Bwesit ka!” Galit niyang sigaw.
Ngiti lang ang sagot ko sa sinabi niya. “May itatanong ako sa’yo,” saad ko.
“Ano?” Mataray niyang sabi.
“Aalis ka bukas hindi ba?” Tanong ko sakanya.
“Oo.” Tipid niyang sagot.
“Sa tingin mo talaga makaka alis ka sa bahay ko, Princess Stelie?” Tanong ko sakanya.
“Aalis ako sa ayaw o sa gusto mo, Eros. Hindi mo ako mapipigilan.” Seryoso niyang sagot.
“Bakit? Saan ka pupunta? Kay Lucas?” Tanong ko sakanya. Kating-kati na talaga akong alamin kung sino ang Lucas na yun. Putangina lang! Yung selos na selos na ako pero hindi ko magawang mag tanong dahil nga sa sinasakyan ko ang pagkukunwari niya.
Tumawa ng malakas si Stelie na parang aliw na aliw habang nakatitig sa ’kin. “Bakit? Selos ka?” Tanong niya na halatang iniinis ako.
“Oo. Nagseselos ako kahit nagkukunwari ka lang naman,” galit kong sabi.
“Sinong may sabi sa’yo na nagkukunwari ako? Boyfriend ko talaga si Lucas, Eros.” Saad niya habang nakakalokong naka ngisi.
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang aking sarili. “Asarin mo pa ako, Stelie. Sinasabi ko sa’yo.. busog ka sa ’kin ng nine months ulit.” Saad ko at mabilis na sinakop ng halik ang labi niya.
“Uhmm..” ungol niya ng kagatin ko ang ibabang labi niya. Umawang ang labi niya kaya mabilis kong ipinasok ang dila ko sa loob ng bibig niya. Pilit niya akong tinutulak kaya hinuli ko ang mga kamay niya at inipit ng madiin ang dalawa niyang binti para hindi niya ako masipa.
Hindi nagtagal ay sinasagot na niya ang halik na iginawad ko. Mabagal ang ginagawa kong paghalik kay Stelie. I miss her. N’ong nakaraang araw ko pa gustong halikan ang labi niya ngunit hindi ko magawa.
Pinutol ko ang halik na iginawad ko kay Stelie. Tinitigan ko ang mukha niya kaya inirapan niya ako. Mahina akong natawa dahil marunong na talaga siyang mang irap.
“Boyfriend mo ba talaga si Lucas?” Tanong ko sakanya.
“O-
“Pwede ba! Tumigil ka na sa pagsisinungaling.” Inis kong sabi.
“Alam mo naman palang nag sisinungaling ako, eh bakit mo pa tinatanong?” Tanong niya sa inis na boses.
“Gusto ko kasing marinig mismo sa labi mo na hindi mo boyfriend si Lucas.” Sagot ko.
“Hindi! Masaya ka na?” Mataray niyang sabi. Nanganak lang siya ang taray-taray na. Anakan ko ulit ’to eh.
“So, sino si Lucas sa buhay mo?” Seryoso kong tanong sakanya. Bigla namang nag-iba ang expression ng mukha niya.
“Paano mo nalaman na nagkukunwari ako?” Balik tanong niya sa ’kin.
“Dahil sa mga mata mo at lalong na ng puso ko.” Sagot ko saka itinuro ang puso ko. “Kilala ka nito kaya kahit mabulag ako, Stelie. Alam ko na ikaw ang kaharap ko dahil kilala ka nito. Iba ang epekto mo sa ’kin.” Saad ko saka hinawakan ang isang kamay niya at itinapat yun sa dibdib ko.
“A-Anong ginagawa mo?” Naguguluhan niyang tanong.
“Yung tibok ng puso ko, nararamdaman mo ba?” Tanong ko sakanya. “Ganyan ang epekto mo sa ’kin sa t’wing nakikita kita, Stelie. Parang ginigiba ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Kaya hindi mo ako maloloko.” Nakangiti kong sabi.
Hinila niya ang kamay niya saka tumikhim. “Kung matagal mo ng alam, bakit sinasakyan mo ang kasinungalingan ko?” Tanong niya sa ’kin habang hindi nakatingin.
“Nong pumunta ako sa apartment mo, alam kong ikaw yun. Ngunit, nakikita ko sa mga mata mo na may binabalak ka. Alam kong may gagawin ka kaya unang sinabi ko ay hindi ikaw si Princess Stelie at kunwaring hinanap ka. Sinakyan ko ang pagsisinungaling mo para malaman ko ang pina-plano mo.” Sagot ko sakanya. “Ngayon, gusto kong malaman kung sino si Lucas, Stelie. At kung nasaan talaga ang kakambal mong si Stelie Rose. Alam ba niya na ginagamit mo ang pangalan niya?” Tanong ko sakanya kaya natigilan siya.
Nakatitig lang siya sa ’kin at hindi nagsasalita. Alam kong may dinadala siyang problema kaya gusto ko siyang magkwento para maibsan ang problema na nararamdaman niya.
“Sino ba talaga ang nakalibing?” Tanong ko ulit sakanya.
Biglang tumulo ang luha niya at humagolgol ng iyak. Agad ko siyang niyakap at hinaplos ang likod niya.
“S-Stelie Rose. Siya ang nakalibing. Ang kakambal ko ang namatay, Eros.” Umiiyak niyang sabi.
Hindi ako sumagot, tanging ang ginawa ko lang ang yakapin at haplusin ang likod niya.
“Makikinig ako, Stelie. Hayaan mo akong samahan ka sa problema mo. Magiging asawa mo naman ako eh,” saad ko kaya mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap ko.
“Sinong may sabing magiging asawa kita?” Tanong niya habang nagpupunas ng luha niya.
“Ako. Kasasabi ko nga lang diba?” Sagot ko kaya inirapan niya ako.
“Lumayo ka nga! Hindi pa kita napapatawad. Magsama kayo ni Marigold!” Galit niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Bakit mo ko binibigay kay Mari? Sayo nalang ako, pangako mamahalin kita araw-araw. Pagsisilbihan kita mula ulo hanggang paa, uhugin.” Sabi ko kaya inambahan niya ako ng suntok.
“Gusto mong masuntok ulit?” Siga niyang tanong.
“Gusto mo din bang maglaho ang saplot mo sa katawan? Sabihin mo lang, isang taon mahigit na din akong tigang, Stelie. Kailangan ko na yatang mag deposit sa’yo.” Nakangisi kong sabi sakanya.
“Bastos!” Galit niyang sigaw saka tinulak ako ng malakas. Natatawa naman akong lumapit sakanya at mabilis ulit siyang niyakap.
A/N: Ang lakas ng ulan dito sa Pasay.
Ingat
kayo lalong lalo na sa Metro Manila na wala ng ginawa kundi umulan huhu😞 diosko! Wala na po akong panty na
gagamitin
huhu😭
Chapter 30
HAWAK NI Eros ang kamay ko at ayaw talaga niya akong pakawalan. Kanina ko pa gustong lumabas ng opisina niya dito sa bahay pero hindi ko magawa.
Masama ko siyang tinignan ng makita ko siyang kinikindatan ako. Tusukin ko mata niya eh. Kainis! Iniisip ko tuloy na hindi pala ako pwede maging artista. Siguro ay kulang ang acting skill ko para mapaniwala ko siya. Nahuli na pala niya ako unang-una palang ng pagkukunwari ko.
“Bitiwan mo nga kamay ko!” Saad ko sa inis na boses.
“Ang kulit! Sinabi ng ayaw ko!” Sagot niya sa matigas na boses kaya sinipa ko ang tuhod niya.
“Aray! Isa pang sipa, Stelie. Tutuwad ka talaga sa ’kin.” Banta niya kaya inirapan ko.
“Sagutin mo lahat ng tanong ko sa’yo, Princess Stelie.” Saad niya sa seryosong boses.
“Bakit? May pa quiz bee ka? Dapat sinabi mo para naman nakapag review ako,” walang buhay kong sagot.
“Oo, quiz bee. Kapag nagkamali ka ng sagot, tatangalin mo ang saplot ko isa-isa.” Naka ngisi niyang sabi kaya pinandilatan ko siya ng mata ko.
“Bastos!” Inis kong sabi.
“Unang tanong.” Panimula niya habang seryoso na ang kanyang mukha. Ang bilis magbago ng expression ng mukha niya, kanina lang naka ngisi, ngayon naman napaka seryoso.
“Ano? Wag math ha! Bobo ako dyan! History nalang.” Saad ko kahit alam ko naman ang itatanong niya ang nangyari sa ’kin.
“History nga. History ng pagkukunwari mo,” sagot niya nakakalokong naka ngisi sa harap ko.
Inirapan ko siya. “Ano?” Tanong ko.
“Ang sabi mo ay si Stelie Rose ang naka libing do’n sa puntod. Anong nangyari sa kakambal mo?” Seryoso niyang tanong.
Hindi ako naka sagot agad. Nakatitig lang ako sa mukha ni Eros na halatang gustong malaman ang nangyari sa ’kin.
“Totoo ba yung mga picture na pinakita mo? Yung mga kwento mo, totoo ba?” Tanong niya ulit sa ’kin.
Napalunok ako ng ilang beses at nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba kay Eros ang lahat. Ngunit, sa isang banda, may tumutulak sa ’kin na sabihin ang problema ko sakanya. Araw-araw, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko lalo na’t wala akong mapagsabihan ng problema.
“Totoo yun,” sagot ko sa tanong niya saka yumuko. “Totoo lahat yun. Yung mga picture namin ng kakambal ko, totoo lahat yun.” Saad ko. Mapait akong ngumiti at nag angat ng tingin.
“Habang pinagbubuntis ko si Stella, hindi ako iniwan ng kakambal ko. Hindi niya ako pinabayaan. Isang tawag ko lang sakanya n’ong hapon na yun agad siyang pumayag sa hinihingi kong tulong sakanya. Inalagaan niya ako kaya kahit masakit ang nangyari sa ’kin ay may halo pa din na saya, dahil nakasama ko ang kakambal ko na matagal kong pinangarap na makasama.” Sabi ko sa mahinang boses. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa mga mata ni Eros. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha ng bumabalik sa alaala ko ang nangyari. “N’ong araw na manganganak na ako kay Stella, dapat sa kumadrona lang ako manganganak dahil iniisip ko ang pera. Nag pumilit ang kakambal ko na sa hospital nalang at baka mapano ako at ang baby ko lalo na’t first time ko daw manganak. Kahit ayaw ko, pumayag ako sa gusto niya. Pero, dapat pala hindi na.” Saad ko.
“Anong nangyari?” Tanong sa ’kin ni Eros.
“Papunta kami no’n sa hospital. Kasama ko ang kakambal ko na halatang excited na manganganak na ako.” Nakangiti kong sabi habang may luha ang aking mga mata. Hindi ko kasi makalimutan ang mukha ng kakambal ko no’n na ang laki ng ngiti dahil sa sobrang excitment na nararamdaman niya dahil magiging tita na daw siya.
“Pero sa kasamaang palad, nasagi ang sinasakyan naming trycle. Ang bilis ng patakbo ng kotseng yun na halos kinaladkad ang sinasakyan naming trycle. Patay ang driver ng trycle na sinasakyan namin. Pati narin ang kakambal ko na mas inuna ang kapakanan ko. Niyakap niya ako at pinrotektahan gamit ang katawan niya. Halos magsisigaw ako sa sakit ng makita kong nag hihingalo ang kakambal ko habang yakap-yakap niya ako.” Umiiyak kong sabi ng maalala ko ang nangyari.
“Ang tanging galos na nakuha ko sa aksidenteng yun ay ang nasa dibdib ko kaya pinalagyan ko ng tattoo na para sa kakambal ko.” Dagdag kong sabi. Nag-angat ako ng tingin at tumitig sa kisame. “Habang nag hihingalo ang kakambal ko panay ang sigaw ko ng tulong. Hindi ko na nga iniinda ang sakit ng tyan ko dahil sa nangyari samin. Huling sinabi ng kakambal ko ang sabi niya kailangan kong maging matapang, dahil wala na daw siya para ipagtanggol ako. Wala na daw dadamay sa ’kin kapag nawala daw siya. Kaya ang sabi niya gamitin ko ang pangalan niya para gumanti kay Mari na dapat siya ang gagawa para sa ’kin. Nangako ako sa kakambal ko na hindi na ako magpapa api kahit kanino. Hindi ko alam na yun na pala ang huli naming pag-uusap.” Malungkot kong sabi habang umaagos ang luha sa magkabilaang pisngi ko.
Pinahid ni Eros ang luha ko gamit ang daliri niya habang nakatitig parin sa ’kin.
“Dinala kami sa hospital ng mga taong tumulong samin. Habang nanganganak ako patuloy akong umiiyak at iniisip ang kakambal ko na dinala sa operating room. Wala akong ginawa no’n kundi magdasal na sana mabuhay ang kakambal ko. Nang mailuwal ko si Stella, hindi ako nag pahinga. Gusto kong malaman ang kalagayan ng kakambal ko kaya nag pumilit ako sa nurse. Halos mahimatay ako ng malaman kong wala na ang kakambal ko. Tuluyan na niya akong iniwan.” Pagkwe-kwento ko sa nangyari.
“Alam mo yung masakit, hindi ko man lang nakasama ang kakambal ko ng matagal. Hindi namin nagawang maglaro magkapatid tulad ng iba. Hindi ko siya kasamang lumaki. Kulang na kulang, Eros. Ang sakit mawalan ng kapatid. Araw-araw kong pinagluluksa ang pagkamatay niya. Minsan sinisisi ko ang sarili ko kung bakit siya namatay. Kung sana hindi ko nalang hiningi ang tulong niya, sana buhay siya ngayon at masaya sa Catarman.” Humagolgol kong sabi.
Niyakap ako ni Eros habang hinahaplos ang likod ko na parang pinapakalma ako. “Paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang sinapit ng kakambal ko? Pano ko sasabihin kay Lucas na ang babaeng mahal niya ay wala na. Pano na din si lola na naghihintay sa pagbalik ni Rose, Eros. Pano na?” Umiiyak kong sabi. “Gusto kong sabihin kay Lucas ang totoo n’ong nag video call kami gamit ang cellphone ng kakambal ko. Ngunit, nang makita ko ang saya sa mukha niya habang pinapakita ang sing-sing na para sana sa kakambal ko ay hindi ko magawang sirain ang saya niya.” Saad ko saka kumawala ng yakap kay Eros.
“Kaya napag desisyonan ko na uuwi ako ng Catarman para sabihin na sakanila ang totoo. Kailangan kong sabihin kina mama at papa na wala na ang isa nilang anak. Anak na hindi man lang nila nakasama.” Sabi ko habang nakatitig kay Eros.
“I’ll go with you. Nasa likod mo lang ako, Stelie. Hayaan mo akong samahan ka sa problema mo. Handa akong makinig sa mga hinaing mo o problema. Nandito lang ako, okay? Hindi ka nag-iisa.” Sabi niya habang ang mga mata niya ay punong-puno ng emosyon.
“Gumaan ba?” Biglang tanong niya sa ’kin.
“Yung alin?” Sumisinghot kong tanong.
“Yung bigat na nararamdaman mo, gumaan ba?” Tanong niya sa ’kin kaya dahan-dahan akong tumango.
“Good.” Sagot niya saka dinampian ng halik ang nuo ko. “Sabihin mo lang sa ’kin lahat, Stelie. Makikinig ako at handa kang damayan sa mga problema mo. Ako lang ’to.. si Eros na tigang ng isang taon,” saad niya kaya inirapan ko siya. Puro kalokohan eh.
“Tumigil ka nga! Wag kang mag-alala, magiging dalawang taon kang tigang,” sabi ko sabay irap sakanya.
Umiling naman siya na may ngiti sa labi. “I doubt that.” Sagot niya kaya hindi nalang ako sumagot.
“Aalis ako bukas.” Pag-iiba ko sa usapan. Kumunot naman ang nuo ni Eros habang nakatitig sa ’kin.
“Pwede bang wag ka munang umalis bukas?” Tanong niya.
“Bakit?” Takang tanong ko.
“Sasama kami ng anak mo. Mahirap na baka hindi mo ako balikan. Mabuti na yung sigurado.” Sagot niya kaya inirapan ko siya.
“Yun nga ang balak ko eh, ang hindi ka balikan. Akala mo napatawad na kita? Hindi!” Sigaw ko sakanya.
“Ano bang kailangan ko para mapatawad mo ko kahit wala naman akong kasalanan. Si Marigold kaya yun. Tapos idadamay mo ko sa galit mo. Kita mo ngang maamong tupa ako pagkaharap mo,” naka nguso niyang sabi.
“Manahimik ka! Baka gusto mong gawin ko din sa’yo ang ginawa ko kay Mari,” saad ko sakanya kaya ngumisi siya sa harap ko.
“Proud na proud ako sa’yo no’n alam mo ba yun? Damn. Habang pinapanood kita na binubogbog si Mari ay tinitigasan ako.” Pilyo niyang sabi kaya binatukan ko.
“What?” Reklamo niya habang hinihimas ang binatukan ko.
“Tumigil ka nga sa kabastusan mo!” Inis kong sabi.
“Totoo naman eh. Baka pwede mo akong bugbugin sa kama, promise hindi ako lalaban.” Malandi niyang sabi sabay kindat sa ’kin.
“Ewan ko sa’yo. Babalik na ako sa kwarto ko.” Saad ko at mabilis na bumaba sa table. Tinulak ko siya dahil hinaharangan niya ang dinadaanan ko.
Ngunit, hahakbang na sana ako ng mabilis niyang hawakan ang kamay ko. “Sandali lang,” saad niya kaya napatigil ako sa paghakbang.
“Ano na nama— uhmmm.. Naputol ang sasabihin ko ng mabilis na sinakop ni Eros ng halik ang labi ko. Napakapit ako sa balikat niya at dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.
Niyakap ako ni Eros habang naghahalikan parin kaming dalawa. Hindi ko mapigilang hindi umungol sa loob ng bibig niya dahil sa ginagawa niyang paghaplos sa beywang ko.
Unti-unti ay gumapang ang isang kamay niya sa tyan ko. Umakyat yun hanggang sa dumako yun sa isa kong dibdib. Napasinghap ako dahil sa ginawa niyang pagpisil sa isa kong dibdib.
Tumigil siya sa paghalik sa ’kin habang may ngiti sa labi. “May milk ka? Gusto kong matikman eh,” tanong niya. Sasagot na sana ako ng mabilis niyang inangat ang laylayan ng suot kong tshirt.
Inilabas lang niya ang dibdib ko sa suot kong bra at mabilis na isinubo ang ut*ng ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa ginawa ni Eros. “Fuck! May milk nga.” Saad niya sa namamaos na boses. Bumalik ulit siya sa ginagawa niya na parang sanggol na dumede sa ’kin.
“Eros..” ungol ko habang naka hawak sa balikat niya.
Tumigil siya sa ginagawa niya at umayos ng tayo sa harap ko. “Alam kong pinapadede mo si Stella ng pasikreto, Stelie.” Saad niya habang naka ngiti. “Pati narin yung umiiyak ang anak natin kapag kinakarga mo, alam kong pinapaiyak mo talaga siya. Alam ng anak natin na ikaw ang mama niya kaya hindi siya umiiyak sa’yo. Pero naisip mo na baka magduda ako kaya niyuyug-yug mo ng mahina ang anak natin para umiyak. Kaya lagi mong sinasabi na panay ang iyak ng anak natin kapag kinakarga mo. Tama ba ako?” Tanong niya sa ’kin habang may ngiti sa labi.
Inirapan ko siya. “Oo na. Masaya ka na?” Sakrastimo kong sabi.
“Oo naman. Mas lalo akong sasaya kapag natikman ko ulit ang katas mo.” Pilyo niyang sabi kaya sinuntok ko ang dibdib niya.
“Sabi ko ng matatanggal ang saplot mo kapag sinuntok mo pa ako eh,” seryoso niyang sabi at mabilis na pinunit ang damit kong pang itaas.
“Eros!” Saway ko sakanya.
“Hinahamon mo talaga ako si Stelie. Pagsisisihan mo talaga ang pag suntok sa ’kin.” Saad niya saka mabilis akong binuhat.
“Ibaba mo nga ako!” Pagpupumiglas ko ng mabilis siyang naglakad papunta sa table at pinaupo ako.
Napasigaw ako ng malakas niyang pinunit ang suot kong bra. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkasabik ng makita niya ang dibdib ko. “Sabi ko ang magpapalaki nito gamit ang dila at palad ko eh,” sabi niya saka mahinang minasahe ang isa kong dibdib.
Pinaghiwalay niya ang dalawa kong binti at pumagitna siya sa pagitan ng mga binti ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng sumagi sa pagkababae ko ang matigas niyang alaga.
“Yari ka sa ’kin.” Saad niya saka mabilis na isinubo ang isa kong dibdib.
“Ahh..” ungol ko sabay kapit ng mahigpit sa gilid ng table.
Alam kung hindi ko siya mapipigilan sa binabalak niya. Sa pagkukunwari kong ako si Stelie Rose sa mga nakaraang buwan alam kong mahal ako ni Eros. Siguro panahon na para ayusin ang kung ano ang meron kami lalo na’t may anak na kami. Gusto kong sumugal ulit kay Eros. At kapag may umagaw sakanya, babalian ko agad ng kamay.
A/N: Asahan ang slow update lalo na’t may gagawin akong paglilipat hahaha😊
Thank you sa pag unawa, Azzinatics!❣️
Chapter 31
SPG~
NANGINGINIG ANG mga tuhod ko sa ginagawa ni Eros sa ’kin. Nandito parin kami sa opisina niya. Nakahiga ako sa mesa habang si Eros ay nasa pagitan ng mga hita ko.
Namamaos na ang lalamonan ko sa kakaungol sa pangalan ni Eros. Napahawak ako ng mahigpit sa buhok ni Eros nang maramdaman kong malapit na naman akong labasan.
“Ayan na ako, Eros..” sigaw ko sabay liyad. Tuluyang sumabog ang katas ko na agad namang sinalo ni Eros.
Nanghihina akong tumingin kay Eros, nakita ko siyang ngumiti sa ’kin. Napasunod ang tingin ko sa dila ni Eros ng dilaan niya ang gilid ng kanyang labi.
“Sawakas, naka inum narin ako ng vitamins ko. Isang tao mahigit ko din hindi na tikman ang vitamins ko.” Pilyo niyang sabi.
“Walangya ka! Nanghihina ang tuhod ko!” Inis kong sabi sakanya. Tumawa naman siya ng mahina saka hinawakan na naman ang pagkababae ko. Naramdaman ko ang isang daliri niya na pinapa-ikot sa kunt*l ko. Mabilis kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang ungol ko.
“E-Eros.. hindi ko na kaya..‘’ Nahihirapan kong sabi. Pabigat ng pabigat ang paghinga ko habang pinipigilan ang ungol ko.
“Nagsisimula palang ako, mon chéri.” Saad niya sa namamaos na boses.
Napaungol nalang ako ng maramdaman ko ang dulo ng dila ni Eros na tinutudyo ang kunt*l ko. “Ahh..”
Tumigil si Eros sa ginagawa niya at mabilis siyang tumayo. Tinanggal niya ang suot niyang t-shirt saka niya hinubad ang suot niyang jogger pants. Napasunod ang tingin ko sa boxer short niya ng ibaba niya yun. Napalunok ako ng ilang beses ng makita ko ang galit na galit niyang alaga.
Itinaas baba niya ang kanyang palad sa katawan ng alaga niya. Hindi ko maialis ang tingin ko sa alaga niyang handang-handa ng sumabak sa laban.
Hinawakan ni Eros ang isang binti ko at ang isang kamay ko. Naguguluhan naman ako dahil pilit niya akong pinapabangon.
Umupo ako sa mesa habang inaalalayan ako ni Eros. “Bumaba ka, mon chéri.” Utos niya sa ’kin kaya agad kong ginawa.
Bumaba ako sa mesa at hinintay ang sasabihin ni Eros. “Turn around.” Utos niya ulit sa ’kin kaya tumalikod ako sa gawi niya.
Napasinghap ako ng maramdaman kong pinalo ni Eros ang pang upo ko. “Ano ba!” Saway ko sakanya.
Hindi naman siya sumagot, hinihimas niya ang pang-upo ko kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagsisimula na namang uminit ang katawan ko dahil sa ginagawa ni Eros. “Dumapa ka sa mesa, mon chéri.” Bulong niya sa ’kin sabay kagat sa gilid ng teynga ko.
Hindi naman ako gumalaw kaya mahina akong tinulak ni Eros. Pinadapa niya ang kalahati kong katawan habang nakatuwad ako patalikod sakanya. “Hawak kang mabuti, mon chéri. Baka matumba ang mesa eh,” natatawa niyang sabi sa ’kin.
“Siraulo! Umayos ka Er— ahhh..” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mabilis na ipinasok ni Eros ang alaga niya.
“Ohh, Eros.” Ungol ko sabay napa pikit.
“Wala paring pinagbago, masikip parin.” Bulong niya sa teynga ko. Hinahalikan ni Eros ang balikat ko hanggang sa leeg ko. Habang dahan-dahan siyang umuulos sa loob ko.
Ipit na ipit ang dibdib ko sa mesa habang naka kapit ako ng mahigpit sa mesa. Naka awang ang labi ko habang si Eros ay hinahalikan ang pisngi ko.
“Ang sarap..” saad ko kaya mabilis na sinakop ng halik ni Eros ang labi ko. Walang tigil ang ginagawa niyang ulos, sagad na sagad ’to sa loob ko kaya hindi ko mapigilang hindi mapasigaw sa sarap.
“Eros..” ungol ko.
Kinagat-kagat naman niya ang teynga ko saka niya didilaan.
Umalis si Eros sa pagkakadagan sa ’kin saka niya hinawakan ang buhok ko. Inalalayan niya akong tumayo habang naglalabas masok parin ang alaga niya sa loob ko.
“Ang sarap mo, Stelie. Damn it! Hindi kita titigilan ngayong gabi.” Bulong niya sa ’kin sabay sapo sa isang dibdib ko.
Tanging ungol lang ang sagot ko habang naka kapit ang isang kamay ko sa mesa para hindi ako matumba. “Eros.. malapit na ako.” Ungol ko.
“Sabay tayo, mon chéri.” Bulong niya sa teynga ko sa namamaos na boses. Nilalaro ng daliri niya ang isa kong nip-les kaya mas lalong dumagdag sa init ng katawan ko.
“Ayan na ako..” ungol ko sabay kapit sa braso ni Eros.
“Fuck!” Mura niya at mas lalong binilisan ang paglabas masok sa loob ko.
Napaliyad ako ng tuluyang sumabog ang katas ko. Sunod ko nalang naramdaman ang mainit na katas ni Eros na pumuno sa loob ko.
Hinihingal kaming dalawa habang yakap-yakap ako ni Eros mula sa likuran. Pawis na pawis kaming dalawa na para bang galing kami sa marathon.
Bigla akong may naalala kaya pinalo ko ng mahina ang braso ni Eros.
“What? Wag mong sabihing galit ka na naman sa ’kin?” Tanong niya.
“Hindi tayo gumamit ng protection. Paano kung masundan agad si Stella.” Saad ko. Iniisip ko palang na baka mabuntis ako ay para na aking nanghihina. Parang ayaw ko ng manganak. Sa dami ba namang napagdaanan ko habang pinagbubuntis si Stella ay mas gugustuhin ko pang hindi na mabuntis ulit.
“Problema ba yun? Mas gusto ko nga masundan agad eh.” Sagot niya kaya siniko ko siya sa dibdib. Lumayo ako ng kunti kay Eros dahilan para mahugot ang pagkalalaki niya sa loob ko.
Humarap ako kay Eros at nakita ang magkasalubong niyang kilay. “Bakit mo hinugot? Iisa pa ako eh,” saad niya sa seryosong boses.
“Tumigil ka nga! Baka magising si Stella.” Sagot ko.
Bigla namang umaliwalas ang mukha niya saka lumapit sa ’kin at niyakap ako. “Tabi tayo matulog, mon chéri. Doon ka na sa kwarto namin.” Sabi niya sa malambing na boses.
Hindi ako sumagot agad, iniisip ko kasi baka magtaka si manang kapah nakita kami ni Eros. Ang alam pa naman ni manang ay ako si Rose.
“Doon nalang ako sa kwarto ko.” Sagot ko kaya kumunot ang nuo ni Eros.
“Bakit naman? Doon ka nalang sa kwarto namin. Ayaw mo ba kaming kasama?” Tanong niya kaya agad akong umiling.
“Hindi do’n. Baka kasi magtaka si manang kapag nakita niya ako ba lumabas ng kwarto. Hindi ba ang alam niya ay ako si Rose.” Pagpapaliwanag ko kay Eros.
Hindi naman sumagot si Eros sa sinabi ko. Bumaba ang tingin ko sa sahig at nakita ang damit namin ni Eros.
Lumapit ako sa damit ko saka ako tumawad para pulutin ’to. Tatayo na sana ako ngunit hindi ko nagawa ng mabilis hawakan ni Eros ang beywang ko at ipinasok ang alaga niya.
“Eros! Ang bastos mo talaga!” Saway ko sakanya habang nakatuwad parin ako.
“Sino ba kasing may sabi sayong tumuwad ka mon chéri. Akala ko kasi pagbibigyan mo na naman ako eh,‘’ sagot niya habang umuulos sa ’kin.
“Bwesit ka! Pag ako nasubsub sa sahig, sinasabi ko nalang sa’yo!” Banta ko sakanya. Hindi naman siya sumagot bagkos ay pinalo niya ang pang-upo ko. Hinugot niya ang alaga niya sa loob ko kaya akala ko ay titigil na siya.
Napatili ako ng binuhat ako ni Eros at inikot paharap sakanya. Inilagay niya ang dalawa kong binti sa beywang niya saka siya naglakad papunta sa mesa at pinaupo ako.
Magsasalita sana ako ngunit nilukumos ng halik ni Eros ang labi ko. Nagkakagatan kaming dalawa ng labi hanggang sa ipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi ko mapigilang hindi mapaungol sa ginagawa ni Eros sa ’kin. Naramdaman ko nalang ang isang daliri niya na mahinang hinahaplos ang kunt*l ko.
Tumigil siya sa ginagawa niya sa pagkababae ko kaya medyo nainis ako. Nabitin ako sa ginagawa niya.
Pinutol ko ang halik na pinagsaluhan namin ni Eros saka ko siya masamang tinignan. “Binibitin mo ba ako?” Tanong ko sa inis na boses.
Mahina namang tumawa si Eros saka niya isinubo ang daliri niya na galing sa pagkababae ko. “Papalitan ko ng alaga ko. Ayaw mo ba?” Pilyong tanong niya. Sasagot na sana ako ng mabilis niyang ipinasok ang alaga niya sa loob ko.
“Ahh..” ungol ko sabay kagat sa ibabang labi ko. Ipinikit ko ang mga mata habang umuulos si Eros sa loob ko.
“Open your eyes, mon chéri.” Utos sa ’kin ni Eros kaya agad kong iminulat ang mga mata ko.
Nakita kong titig na titig si Eros sa ’kin. Pawis na pawis ang mukha niya habang naka awang ang kanyang labi.
Humawak ako sa balikat ni Eros habang ang isang kamay ko ay naka tukod sa mesa. Bumaba ang tingin ko sa pagkababae ko na inaararo ng alaga ni Eros. Kitang-kita ko ang ginagawa niyang paglabas masok sa loob ko.
“Ang sarap Eros. Sige pa.” Nagdedeleryo kong sabi.
Dinilaan naman ni Eros ang labi ko saka niya dinampian ng halik ang labi ko. “Hinding-hindi na talaga ako papayag na mawala ka sa paningin ko, Stelie.” Saad niya.
Sinalubong ko ang titig ni Eros. Napaungol ako ng isagad niya ang alaga niya sa loob ko.
Ilang sandali lang ay naramdaman kong may namumuo sa puson ko. Malapit na akong labasan, kunting ulos nalang.
“Malapit na ako, Eros.” Namamaos kong sabi sakanya.
Hinawakan niya ang isa kong dibdib at mahina niyang minasahe. Bumaba ang ulo ni Eros at pinagpantay sa dibdib ko. Isinubo niya ang isa kong ut*ng kaya mas lalo akong umungol.
“Ayan na ako.. ahhhh.” Ungol ko hanggang sa tuluyang sumabog ang katas ko.
Tumigil siya sa ginagawa niya sa nip-les ko at hinawakan ang beywang ko. Malakas siyang umulos sa loob ko kaya napapasigaw nalang ako. Ilang sandali lang ay nanginig ang katawan ni Eros, sunod ko nalang naramdaman ang mainit na katas ni Eros na pumuno sa loob ko.
Habol ang hininga habang magkatitigan kaming dalawa. Ngumiti sa ’kin si Eros saka niya pinahid ang pawis ko sa nuo gamit ang isang palad niya.
“Pinagod mo ko!” Saad ko sakanya.
“Ihanda mo nalang sarili mo, mon chéri. Gabi-gabi kitang papagurin.” Pilyo niyang sabi.
Pinandilatan ko siya ng mga mata ko. Saka ako ngumuso. “Hugutin mo na nga yang alaga mo.” Saad ko.
Mahinang tumawa si Eros saka niya hinugot ang alaga niya. Nanghihina ang tuhod ko kaya tinulungan ako ni Eros bumaba sa mesa.
Agad na pinulot ni Eros ang damit naming dalawa sa sahig saka siya bumalik sa ’kin. “Tshirt ko nalang ang suotin mo.” Sabi niya sa ’kin.
Masama ko siyang tinignan dahil sa ginawa niya sa damit ko.
Isinuot ko nalang ang tshirt ni Eros. Hinintay ko lang na masauot niya ang boxer short niya at jogger pants.
Pinunasan pa ni Eros ang pawis ko nuo sabay halik sa pisngi ko. Pinagsiklop niya kamay naming dalawa saka kami naglakad papunta sa pinto.
“Doon ko na sa kwarto ko,” saad niya habang pinipihit ang siradura ng pinto.
Hindi ako sumagot habang hila-hila ako ni Eros palabas ng opisina niya.
Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa harap ng kwarto niya. Tumigil ako sa paghakbang saka ko hinila ang kamay ko.
Tumingin naman sa ’kin si Eros na may pagtataka. “Bakit?” Tanong niya sa ’kin.
Ngumiwi ako saka ako nagsalita. “Nanlalagkit ako. Maliligo na muna ako.” Saad ko sa mahinang boses.
“Linisan nalang kita gamit ang dila ko,‘’ pilyo niyang sabi kaya inirapan ko siya.
“Puro ka talag kalokohan.” Sabi ko.
“Kumuha ka nalang ng damit mo sa kwarto mo. Dito ka nalang maligo sa kwarto ko. Sabay tayo para makatipid tayo ng tubig.” Seryoso niyang sabi.
“Neknek mo! Alam kong may pina-plano ka na namang kahalayan,” saad ko.
“Wala ahh. Masyado kang bastos, mon chéri.” Maang-maangan niyang sabi.
Sasagot na sana ako ng may marinig kaming tumikhim. Sabay kaming napalingon ni Eros sa may hagdan at nakita si manang. Agad akong nagtago sa likod ni Eros dahil bigla akong nahiya sa suot ko.
“Ikaw po pala manang,‘’ saad ni Eros.
“Ihahatid ko sana ang hinugasan kong mga bote ng dede.” Sagot ni manang. Lumapit siya samin saka inabot ni manang kay Eros ang bote ng mga dede.
“Thank you po, manang. Nga po pala, may sasabihin po ako.” Saad ni Eros kaya natigilan ako.
“Oh, ano yun, hijo?” Tanong naman ni manang.
“Sasabihin ko lang po sana na si Princess Stelie po ang kasa—
“Ahh yun ba? Naku! Matagal ko ng alam yan, hijo.” Sagot ni manang kaya nanlaki ang mga mata ko.
“A-Alam niyo po?” Gulat kong tanong kay manang. Maging si Eros ay nagulat din.
Tumawa naman ng mahina si manang. “Alam ko dahil nakita kitang umiiyak habang kinakausap mo ang isang picture frame. Narinig ki na sinasabi mo ang pangalan na Stelie Rose at sinabi mong hindi mo alam kung paano mo sasabihin sa boyfriend niya na wala na siya. Doon ko nalaman na ikaw si Princess Stelie.” Paliwanag ni manang kaya nagkatinginan kami ni Eros.
“Oh siya.. matutulog na ako. Sana magkaayos na kayong dalawa para sa anak niyo.” Saad ni manang bago siya tuluyang tumalikod samin ni Eros.
Hindi naman kami nakapagsalita ni Eros habang nakatitig lang kami sa papalayong si manang. Ngayon ko lang na realize na sarili ko lang pala ang niloloko ko. Silang dalawa pala ni Eros ay alam na pala nila na nag papanggap lang ako, hindi ko man lang alam na nahuli na pala nila ako.
Chapter 32
NANDITO KAMI ni Stelie sa probinsya nila kasama ang anak namin na si Stella. Kanina pa ako kinakabahan dahil makikita ko ulit ang mga magulang ni Stelie. Matagal na panahon narin nang huli kong makita ang magulang ni Stelie.
Hindi ko alam kung nakikilala pa ba nila ako, masyadong matagal narin yun, baka nga akala nila ay patay na ako. Kaya tanging dasal ko ay payagan ako ng mga magulang ni Stelie na makasama ang mag-ina ko.
Sumama ako kay Stelie dahil ngayon niya sasabihin sa mga magulang niya ang nangyari kay Stelie Rose. Alam kong kinakabahan din siya kaya lagi kong pinaparamdam sakanya na nasa likod lang niya ako.
Hindi madali ang pinagdadaanan ni Stelie. One week simula ng sabihin ko sakanya na alam kong nagkukunwari siya ay magkatabi na kami natutulog sa kwarto. Gabi-gabi ko din nakikita si Stelie na umiiyak na parang nanaginip. Kaya lagi ko siyang ginigising at niyayakap.
Lagi niyang sinasabi sa ’kin na pinapaginipan daw niya ang araw nang ma-aksidente sila ng kakambal niya. Alam kong sinisisi ni Stelie ang sarili niya sa pagkawala ng kakambal niya. I tried to calm her down by hugging her. That’s all I can do for her. Ang yakapin siya at samahan sa problemang dinadala niya. Kailangan ko siyang intindihin lalo na’t sinabi sa ’kin ni Salem na may pinagdadaanan ang mga babae na postpartum depression sa t’wing bagong panganak. Matagal daw yun mawala kaya kailangan alalayan ang isang bagong ina.
Natigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang kamay ni Stelie na humaplos sa kamay ko. Lumingon ako sakanya saka ngumiti. “Still nervous?” I asked her with a smile on my lips.
She nodded. “Medyo,” sagot niya.
Ngumiwi ako. “Buti ka pa, medyo lang. Ako.. pakiramdam ko ay natatae ako.” Sagot ko.
Kumunot naman ang nuo ni Stelie. “Bakit naman? Kinakabahan ka ba makita ang mga magulang ko?” Tanong niya.
“Oo. Kita mo mga tuhod ko,” saad ko sabay turo sa dalawang tuhod ko. “Nanginginig. Tangina! Dito lang pala ako matatakot, hindi pala sa mga kalaban ko.” Saad ko.
Tumawa naman ng mahina si Stelie kaya ngumuso ako. Bumaba ang tingin ko sa anak namin na pinapadede ni Stelie. Natutulog ’to kaya mahina lang ang boses namin ni Stelie habang nag-uusap.
“Baka naman mahimatay ka pag nakita mo sila mama at papa,” pang-aasar ni Stelie sa ’kin.
“Atapang ako na tao, mon chéri. Hindi ako mahihimatay ng basta-basta. Manginginig lang tuhod ko.” Sagot ko sabay tapik sa dibdib ko.
“Sige lang. Mag yabang ka lang muna. Isusumbong kita sa papa ko para masuntok ka niya.” Sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko.
“A-Anong ginawa ko? Hindi naman kita sinaktan ahh.” Depensa ko.
Inirapan na naman niya ako. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang suot niyang eye glass. “Akala ko hindi na kita makikitang muli na naka suot ng eye glass.” Sabi ko.
Inayos naman niya ang suot niyang eye glass. “Kailangan ko ’tong suotin lalo na at haharap ako kina mama at papa ko. Makikipag usap din ako kay Lucas. Pupunta din kasi sila kasama si lola. Baka kasi sabihin ni Lucas na nagsisinungaling ako.” Paliwanag niya.
Tumango ako. Hindi ako sumagot at iniisip ang gagawin ko mamaya. Kinakabahan ako pero para kay Stelie at Stella, kailangan kong lakasan ang loob ko. May pinaplano kasi ako para sakanya. Ngunit, alam kong hindi pa ngayon ang oras lalo na’t may seryoso silang pag-uusapan mamaya.
“Malapit na tayo.” Sabi ni Stelie kaya agad akong tumingin sa labas ng bintana ng taxi. Yung kaba ko kanina ay mas lalong dumoble.
“Manong, dyan nalang po sa may pulang gate.” Sabi ni Stelie sa taxi driver. Nag public transpo lang kasi kami. Balak kasi ni Stelie ay mag stay muna kami sa bahay ng mga magulang niya ng one week. Pumayag naman ako, para naman makasama ni Stelie ang mga magulang niya.
Huminto ang sinasakyan naming taxi kaya agad kong inabot ang pamasahe namin sa driver. Binuksan ko ang pintuan saka ako bumaba. Inalalayan ko si Stelie na bumaba ng sasakyan para hindi siya mauntog.
Nang makababa siya ay agad kong isinara ang pinto. Ibinaba naman ng taxi driver ang dalawang travelling bag na dala namin.
Binuhat ko ang dalawang bag saka kami naglakad ni Stelie papunta sa gate.
KINAKABAHAN AKO habang nasa harap kami ng gate. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para hindi mag-alala si Eros.
Tinulak ko ng mahina ang gate dahil alam kong bukas yun. Alam ko kasing hinihintay nila kami.
Nauna akong pumasok habang karga-karga parin ang natutulog na si Stella. Sumunod naman sa ’kin si Eros na alam kong kinakabahan din.
Naglakad ako papunta sa harap ng pinto saka huminga ng malalim. Tumingin muna ako kay Eros at nakita siyang nginitian ako. “C’mon, mon chéri. Harapin na natin ang pamilya mo.” Sabi niya sa ’kin kaya tumango ako.
Pinihit ni Eros ang siradura ng pinto saka niya ’to tinulak ng mahina. Ako ang unang pumasok at agad nakita sila mama at papa na nakaupo sa mahabang upuan. Nakaupo din si lola at lolo sa katapat nilang upuan. Lahat sila ay sabay-sabay na lumingon samin ni Eros.
“Princess..” tawag sa ’kin ni mama saka siya tumayo mula sa kinauupuan niya. Naglakad siya papunta samin na may ngiti sa labi.
Nang makalapit siya ay agad niyang tinignan si Stella. Nasabi ko na kasi kina mama na may anak na ako. Tumawag ako sakanila n’ong isang araw para sabihin yun pero hindi ko sinabi ang tungkol sa kakambal ko.
“Ito na ba ang apo namin,” naka ngiting sabi ni mama na halatang excited.
“Opo, mama.” Sagot ko. Agad namang kinuha ni mama sa mga bisig ko ang natutulog na si Stella.
Nakita ko namang lumapit si papa samin, ang mga mata niya ay nakatingin kay Eros.
“Parang pamilyar ang mukha mo, hijo.” Saad ni mama habang nakatitig kay Eros. Hindi ko kasi pinakilala si Eros sakanila n’ong tumawag ako. Gusto ko kasi personal silang magkita ng pamilya ko.
“Hi po! Ako po si Eros Mendez. Anak po ni Miguel at Elsa.” Saad ni Eros.
Nanlaki naman ang mga mata nila mama at papa habang nakatitig kay Eros. “I-Ikaw yung nawawala hindi ba?” Gulat na tanong ni mama kay Eros.
“Opo. Ako nga po yun, ma’am.” Sagot ni Eros sa magalang na boses.
Napakurap-kurap naman si mama saka tumingin sa ’kin. “W-Wag mong sabihin.. siya ang ama ng anak mo?” Gulat na tanong ni mama sa ’kin.
Tumango ako ng dahan-dahan sa tanong ni mama. Nakatitig lang ako kay mama saka ako bumuntong hininga. “May sasabihin po ako sainyo, ma. Mamaya ko nalang po sasabihin ang tungkol samin ni Eros. May importante pa po kasi akong sasabihin sainyo.” Saad ko sa seryosong boses.
“Ano yun?” Tanong ni papa habang naka kunot ang nuo.
Tumingin muna ako kay Eros, tumingin din naman siya sa ’kin kaya sumenyas ako sakanya. Binitawan naman niya ang dala niyang bag sa sahig saka lumapit kay mama at kinuha si Stella.
“Umupo muna po tayo,” saad ko nang makuha na ni Eros ang anak namin kay mama.
“Ano ba yung sasabihin mo anak? Kinakabahan ako sa’yo eh.” Saad ni mama habang naka sunod sa ’kin.
Hindi ako sumagot sa tanong ni mama. Lumapit ako kay lola at lolo saka ako nag mano. “Hindi namin kasama si Rose, hija. Nasa ibang lugar kasi siya naka assign.” Sabi ni lola sa ’kin kaya hindi mapigilang hindi kumirot ang puso ko.
Umupo ako sa pang isahang upuan saka tumingin sa pamilya ko. “Si Lucas po lola? Nasaan po?” Tanong ko.
“Ahh.. ang boyfriend ng kakambal mo. Nag banyo lang saglit,” sagot ni mama sa tanong ko. Tumango naman ako.
Biglang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo na nasa malapit ng kusina namin kaya napa-angat ako ng tingin. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na naglalakad habang nakatitig sa ’kin. Si Lucas.
“Upo ka, hijo. Nandito na ang kakambal ni Rose.” Tawag ni lola kay Lucas. Agad naman ’tong umupo sa tabi ni lola habang nakatitig parin sa ’kin.
“Magkamukhang-magkamukha pala talaga kayo ni Rose. Kung wala ka lang suot na eye glass.. sigurado akong mapagkakamalan talaga kita na ikaw ang girlfriend ko.” Sabi ni Lucas sa ’kin.
Tumingin ako kay Eros na nakatayo habang sinasayaw ng mahina si Stella. Nakatitig din siya sa ’kin sabay ngiti.
“Ano ba yung sasabihin mo anak?” Tanong ni mama.
Tumingin ako kay mama saka ko ibinaling ang tingin ko kay lola. “Ma, pa, lola, lolo.” Tawag ko sakanila. Napalunok ako ng ilang beses habang nakatitig sakanila. “Wala na po si Stelie Rose.” Saad ko sa mahinang boses.
“A-Anong ibig mong sabihin?” Nauutal na tanong ni Lucas.
“Patay na siya. Patay na ang kakambal ko.” Sagot ko saka yumuko. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha kaya mabilis kong pinahid ang luha ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si mama na gulat na gulat sa sinabi ko. Maging si papa ay halatang na gulat din.
“Nagbibiro ka ba, Princess?” Tanong ni papa sa galit na boses. Umiling ako. “Hindi po, papa. Totoo po ang sinasabi ko.” Tumingin ako kay lola na umiiyak na. “Lola.. n’ong nag paalam po si Rose sa’yo na ililipat siya sa ibang branch, hindi po totoo yun. Ang totoo po ay pinuntahan po ako ni Rose no’n.” Umiiyak kong sabi. “Humingi po kasi ako ng tulong sakanya na agad naman siyang pumayag. Patawarin mo po ako lola. Patawarin mo po ako.” Umiiyak kong sabi.
Halos iyak ko at ng pamilya ko ang maririnig sa loob ng bahay. Alam kong madami akong dapat ipaliwanag sa pamilya ko. Dahan-dahan kong sasabihin sakanila ang mga nangyari para maliwanagan sila.
Alam kong nasasaktan si mama at papa lalo na’t hindi nila nakasama si Rose. Alam kong punong-puno ng pagsisisi ang iyak nila dahil katulad ko.. ang laki din ng pagsisisi ko. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang panahon, ginawa ko na sana.
Agad akong tumayo at lumapit kay lola. Mabilis ko siyang niyakap dahil alam kong buong buhay niya ay si Rose ang kasama niya. Siya ang nag-alaga sa kakambal ko kaya alam kong masakit ’to para sakanya.
A/N: Malapit ng matapos ang story ni Eros at Stelie mga Azzinatics!❤️
Salamat sa mga laging nag
vo-votes
ng stories ko. Sobrang thank you din sa mga
nagbabasa
ng mga stories ko kahit minsan ay para na akong inuutusan ng iba hahaha.. (hindi nmn ako
makikinig😂
)
Grabe, naalala ko pa n’ong sinimulan ko yung kay Nuroi. Sabi ko pa, kaya ko bang isulat lahat ng series 15 huhu balak ko pa sanang gawing series 7 no’n dahil baka hindi ko kayang gumawa ng story. Sa isip ko talaga no’n
magsusulat
lang ako para may mabasa akong story kaya hindi ko inaasahan na may
magbabasa
sa mga gawa ko. Ngayon malapit ko ng matapos ang series 10 😭😭
Happy 32k followers din sakin sa wattpad!🎉 Thank you sa lahat ng nag follow sakin.❤️
Chapter 33
NANDITO KAMI ngayon sa Nueva Ecija kasama ang pamilya ko. Pinuntahan namin ang puntod ng kakambal ko.
Puro hagolhol ng iyak ang maririnig bawat isa sa pamilya ko. Naipaliwanag ko na din sakanila kung bakit Princess Stelie Uy ang naka lagay sa lapida ng kakambal ko.
Malungkot akong tumingin kay Lucas na nakaluhod habang nakayakap sa lapida ni Rose. Umiiyak ’to habang kinakausap niya ang puntod ni Rose.
Nalulungkot ako para sakanya. Alam ko kung gaano niya ka mahal ang kakambal ko. Humingi ako ng pasensya sakanya dahil sa nangyari, ngunit sinabi niya na wala akong kasalanan dahil aksidente lang lahat. Ngunit hindi ko magawang hindi maawa at malungkot para sakanya.
Naramdaman kong hinawakan ni Eros ang kamay ko kaya agad akong lumingon sakanya. Nakita kong nakatitig siya sa ’kin. Ngumiti ako kay Eros kaya nginitian din niya ako.
One week narin simula ng malaman ng pamilya ko ang nangyari. Hindi kami agad umalis sa probinsya nila mama para samahan muna sila. Alam ko kasing wala sa sarili si mama. Si papa naman ay walang ginawa kundi yakapin ang picture frame ni Rose. Si lola naman ay panay ang iyak kaya laging pinapatahan ni lolo, kaya hindi na muna namin sila pinauwi sa Catarman at baka mapano pa si lola.
Gusto ni mama na ilipat ang bangkay ni Rose sa probinsya namin. Sa tulong ni Eros ay matutupad ang gusto ni mama. Ngayong araw ililipat ang kabaong ni Rose.
Madaming tao ang nandito para sa paglilipat ng kabaong ni Rose. Hindi ko alam kung mga tauhan ba ni Eros pero lahat ng mga nakapalibot samin ay naka suot na parang men in black.
“Ayos ka lang, mon chéri?” Tanong sa ’kin ni Eros.
“Oo. Pero nalulungkot lang ako,” sagot ko. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Eros sa kamay ko saka niya inangat ang magkahawak kamay naming dalawa. Dinala niya yun sa labi niya saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko.
“Wag ka ng malungkot. Ayaw ng kakambal mo na malungkot ka. Sigurado ako na masaya siya ngayon habang pinagmamasdan niya kayo.” Saad ni Eros kaya ngumiti ako saka tumango.
Nakita naming nagsimula ng hukayin ang puntod ng kakambal ko. Gumilid kami ni Eros pati narin ang pamilya ko. Pinapanood lang namin ang mga tauhan ni Eros na nagtra-trabaho.
Lumingon sa ’kin si mama saka ngumiti. “Wag ka ng sumama pauwi sa probinsya, anak. Kami na bahala sa puntod ng kakambal mo. Magpahinga ka din.” Saad ni mama sa ’kin.
“Sigurado p ba kayo mama? Pwede naman po namin ihatid kayo.” Sagot ko ngunit agad umiling si mama.
“Ayos lang anak. Alam ko pagod ka din. At isa pa baka umiyak si Stella. Baka hanapin kayong dalawa ni Eros.” Saad ni mama. Tumango ako kay mama saka nginitian siya.
Tumingin naman si mama kay Eros. “Alagaan mo ang anak ko, Eros. Wag na wag mo siyang paiiyakin.” Sabi ni mama kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Ano yan mama.. binibigay mo na ba ako kay Eros?” Tanong ko kaya mahinang natawa si mama kahit namumugtong ang mga mata niya dahil sa pag-iyak.
“Bakit ayaw mo ba?” Balik tanong ni mama sa ’kin. Sasagot na sana ako ng mabilis hawakan ni Eros ang kamay ko.
“Wag po kayong mag-alala tita. Hindi ko po paiiyakin si Stelie. Paiiyakin ko lang po siya sa sarap.” Sagot ni Eros kaya masama kong tinignan si Eros. Ngumiti naman sa ’kin ang loko saka ako kinindatan. “Sa sarap talaga dahil sa pagmamahal ko. Walang mapait sa pag-ibig ko sa’yo, Stelie. Kaya puro sarap lang dahil pagsisilbihan kita habang buhay at mamahalin hanggang sa huling hininga ko.” Saad niya habang mapupungay ang matang nakatitig sa ’kin.
“Dapat lang, Eros. Kundi paiiyakin kita gamit ang kutsilyo kapag pinaiyak mo ang anak ko.” Sabat ni papa sa usapan.
“Papa!!” Saway ko sa ama ko.
Narinig ko namang tumawa si Eros sa tabi ko. “Yung pamilya mo.. tanggap na ako, tapos ikaw hindi mo parin ako sinasagot.” Naka nguso niyang sabi. Nanliligaw kasi siya sa ’kin siguro mga three weeks narin siyang nanaliligaw simula ng mahuli niya ako na ako talaga si Princess Stelie.
Isang oras ang lumipas at natapos din ang lahat. Isinakay na ang kabaong ni Rose sa sasakyan. Bago umalis ay hinaplos ko muna ang kabong ng kakambal ko. Alam kong masaya siya na makakauwi siya sa probinsya namin. Tulad ng sabi niya sa ’kin nong nabubuhay pa siya, gustong-gusto daw niyang pumunta sa probinsya ni mama para makasama sila. Pero makakauwi nga siya pero nasa kabaong naman siya.
Sumakay narin sila mama sa isang van na pagmamay-ari ni Eros. May driver siyang inutusan na maghahatid sa pamilya ko kasama narin ang isang sasakyan kung saan naka sakay ang kabaong ng kakambal ko.
Nagpaalam lang ako sa pamilya ko at hinintay na umalis ang sinasakyan nila. Nang maka alis ang sinasakyan nila saka lang kami sumakay ni Eros sa kotse.
Bumyahe narin kami dahil iniwan lang namin si Stella sa kaibigan ni Eros. Iyakin pa naman ang anak namin kaya baka mahirapan ang magbabantay no’n.
Tahimik lang ako buong byahe habang naka masid sa dinadaanan namin.
“Inaantok ka ba, mon chéri?” Biglang tanong sa ’kin ni Eros.
“Medyo. Pero baka sa bahay nalang ako matutulog.” Sagot ko. Inaantok talaga ako dahil lagi akong napupuyat para alagaan si mama at lola.
“Matulog ka nalang muna. Malayo pa ang byahe natin.” Saad ni Eros.
“Baka makatulog ka din habang nag mamaneho kaya wag nalang. Mas mabuti ng samahan kitang dilat.” Saad ko saka kinuha ang alcohol na nasa bag ko.
“Oh, eh ’di pag usapan nalang natin kung kailan mo ako sasagutin.” Saad niya habang nakatuon ang mga mata niya sa daan.
“Neknek mo! Hindi ko pa nakakalimutan ang narinig ko n’ong tumawag sa ’kin si Mari.” Saad ko sa masungit na boses.
Naguguluhan namang tumingin sa ’kin si Eros. “Anong boses? Ano naman ang patungkol kay Mari?” Naguguluhan niyang tanong.
Bumuga ako ng hangin saka ko masamang tinignan si Eros. Palipat-lipat naman siya ng tingin sa daan at sa ’kin. “Yung araw na pumunta ako sa subdivision. Yung araw na nginudngud ako ni Mari sa kalsada. Yun din ang araw na tumawag siya sa ’kin at pinarinig niya ang boses mo na ginagamit mo lang ako. Ang akala ko ay ayos na tayong dalawa pero ginagamit mo lang parin pala ako kaya nasaktan ako. Tapos makikita ko pa si Mari na nakatira sa bahay mo. Babasagin ko talaga dalawang itlog mo, Eros.” Mahaba kong sabi sakanya kaya napalunok siya ng laway.
“Babasagin mo itlog ko eh ’di hindi natin nasundan ang anak natin. Gusto ko pa naman ng walong anak.” Saad niya kaya pinalo ko siya sa balikat.
“Wag mo nga ibahin ang usapan!” Inis kong sabi sakanya.
“Ang sakit mo mamalo. Bakal ba yang kamay mo?” Naka ngiwi niyang tanong sa ’kin.
“So, ikaw yun? Boses mo talaga yun?” Tanong ko sakanya habang naka handa ang kamao ko para suntukin ang mata niya.
“Hindi no! Oo sinabi ko yun sakanya n’ong baliw pa ako sakanya pero yung sinasabi mong araw ay hindi na si Mari ang mahal ko no’n kundi ikaw. Kaya bakit ako magsasabi na ginagamit kita eh wala na nga akong ginawa kundi mabaliw sa amoy mo.” Sagot niya habang naka kunot ang nuo.
“Baka ni record ni Mari ang mga sinabi ko sakanya dati. Kaya yun ang narinig mo. Pero I swear to God, hindi ako nagsabi sakanya n’ong nasa bahay siya sa ’kin at nagmamakaawa na patirahin sa bahay ko dahil sinasaktan daw siya ng asawa niya.” Saad ni Eros.
“Talaga? Sinasaktan siya ng asawa niya?” Gulat kong tanong.
“Hindi. Gawa-gawa niya lang, pati narin yung pagkahulog niya sa hagdan gawa-gawa lang din niya. Kaya hindi ako magtataka kung may pinarinig siyang boses ko. Alam mo ba ng mawala ka panay ang send ko ng message sa’yo, may nag re-reply sa ’kin pero nahuli ko na si Mari pala yung ka text ko dahil na sakanya ang cellphone mo.” Mahabang sabi ni Eros.
Mas lalong kumuyom ang kamao ko ng malaman ko yun.
“Teka! Wag mong sabihin sasapakin mo ko?” Tanong ni Eros sa ’kin habang palipat-lipat parin ng tingin.
“Hindi! Si Mari ang gusto kong sapakin. Gusto kong pilipitin leeg ng gagang yun. Bwesit siya!” Galit kong sabi.
“Naka ganti ka na diba? Ayos na yun.” Sabi ni Eros kaya masama ko siyang tinignan.
“Kulang pa yun! Lagot talaga siya sa ’kin kapag nag cross ulit ang landas naming dalawa. Hindi lang ilong niya ang babaliin ko.” Nang gigil kong sabi.
Sumipol naman si Eros habang tatawa-tawa. “Ang tapang ni Mrs. Mendez.” Saad niya kaya inirapan ko siya.
“Anong Mrs? Sapak gusto mo?” Inis kong tanong sakanya.
“Basta ba’t pagkatapos mo akong sapakin sa simbahan tayo dederitso. Kahit ilang sapak pa yan ayos lang sa ’kin.” Nakangiti niyang sagot.
Hindi nalang ako sumagot dahil nakaramdam na ako ng gutom. Mabilis naman naghanap si Eros ng makakainan namin. Balak sana niya sa restaurant pero sabi ko mag drive thru nalang kami.
Kumakain ako ng fries habang nakatingin sa labas ng bintana. Tumingin ako kay Eros na tahimik na nagmamaneho. Kumuha ako ng dalawang fries saka ko inilapit yun sa bibig niya. Agad naman niyang sinubo yun at pati ang daliri ko ay dinilaan niya. Nakaramdama tuloy ako ng init dahil sa mainit na dila ni Eros.
“Subuan mo pa ako, mon chéri.” Nakangiti niyang sabi.
“Wag mo nga dilaan ang daliri ko. Yung laway mo eh,” reklamo ko.
“Ayaw sa laway ko. Eh halos lunukin mo laway ko habang nagsisip-sipan tayo ng dila.” Sabi niya kaya uminit ang magkabilaang pisngi ko.
“Bwesit ka talaga!‘’ Inis kong sabi.
“Bakit namumula ka? Naalala mo ginawa natin no? Gusto mo ulitin natin, sipsipin mo dila ko, mon chéri.” Malandi niyang sabi.
“Bahala ka nga! Hindi na kita susubuan.” Inis kong sabi saka bumalik sa pagkain.
Lumipas ang tatlong oras sawakas nakarating din kami sa subdivision. Nang makapasok ang sinasakyan namin sa gate ng subdivision ay kumunot ang nuo ko ng biglang lumiko ang sasakyan namin. Hindi kasi ’to ang daan papunta sa bahay ni Eros.
Tumingin ako kay Eros para sana mag tanong. Nakita ko siya na tahimik lang habang seryosong nagmamaneho.
Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harap kahit pa nga nagtataka ako. Ilang saglit lang ay may naririnig akong boses ng lalaki na parang kumakanta. Ang ganda ng boses nito habang kinakanta ang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran. Ang lamig ng boses ng lalaki at ang sarap pakinggan.
“May nag co-concert ba?” Tanong ko pa kay Eros hanggang sa huminto ang sinasakyan namin sa isang malaking gymasium. Ang yaman talaga ng subdivision na ’to napaka lawak pa. May golf field din kasi dito at may malaking palaruan ng mga bata.
“May ipapakita ako sa’yo.‘’ Seryosong sabi sa ’kin ni Eros saka binuksan ang pintuan ng kotse at agad na bumaba. Isinara niya ang pinto saka umikot papunta sa passenger seat saka ako pinagbuksan ng pintuan. Naguguluhan man ay bumaba narin ako sa kotse.
Inalalayan ako ni Eros na bumaba saka niya isinara ang pinto ng kotse. Sabay kaming naglakad papunta sa entrance ng gymnasium kaya mas lalo kong naririnig ang boses ng lalaking kumakanta.
Nang makarating kami sa harap ng pinto at agad na bumukas ang pintuan. Automatic pa yata. Hila-hila parin ako ni Eros hanggang sa maka pasok kami sa loob.
Nanlaki ang mata ko ng makita kong may mga lalaking nakatayo sa harap namin at may hawak na malalaking letters. Sa stage naman ay may lalaking kumakanta parin ng Thinking out loud. Ang gwapo nito kahit magulo ang buhok niya at simpleng white tshirt ang suot at naka ragged pants.
Unti-unti kong binasa ang mga hawak ng lalaking nakatayo sa harap namin at halos manlaki ang mga mata ko. “A-Anong?” Tanong ko habang hindi makapaniwala. Mas lalo pa akong nagulat ng biglang lumuhod si Eros sa harap ko habang hawak ang kamay ko.
“E-Eros..” sambit ko sa pangalan niya.
“Ang bagal mo kong sagutin bilang mag boyfriend at girlfriend. Hindi na ako makapaghintay. Kaya yayain nalang kita magpakasal. Subukan mo lang tumanggi, Stelie. Kita mo yang lalaking kumakanta na yan.. hindi ko siya patitigilin sa pagkanta dyan hangga’t hindi ka umu-oo.” Sabi niya sabay turo sa lalaking kumakanta.
Mas lalo tuloy kumunot ang nuo ko ng matapos ang kinakanta niyang Thinking out loud at tumugtog ulit ang kanta at agad na naman inawit ng lalaki.
“Hindi ko siya patitigilin dyan, lalo na kung hindi mo tatanggapin ang proposal ko. Magdamag siyang kakanta dyan.” Dagdag na sabi ni Eros. Nagtawanan naman ang mga lalaking may hawak na letters.
“Maawa ka sa kaibigan namin, Ms. Uy. Maawa ka din sa mga teynga namin na kanina pa naririnig ang boses ni Atticus.” Biglang sabi ng lalaking may kulay luntian ang mga mata.
“Oo nga. Akala ko sirang plaka eh. Thinking out loud lang kinakanta ng hayop na yan.” Sabat naman ng lalaking may kakaibang kulay ang mga mata. Red at black, ang ganda pagmasdan.
Hindi naman ako naka sagot dahil lutang ako sa nangyayari. Sira ulo talaga ’to si Eros.
“Will you be my Mrs. Mendez?” Tanong sa ’kin ni Eros habang punong-puno ng emosyon ang mga mata nito na nakatitig sa ’kin.
Sasagot na sana ako ng biglang tumigil sa pagkanta ang lalaking nasa stage. “Ano ba! Sagutin mo na yang unggoy na yan! Kanina pa ako kanta ng kanta dito. Pang anim na beses na ’to ang sakit na ng lalamonan ko.” Biglang sabi nang lalaki sa hawak niyang microphone.
Nagulat ako ng biglang may umakyat sa stage na babae na medyo malaki ang tyan. “Wag ka nga umepal! Kumanta ka nalang dyan kundi hindi kita papasukin sa kwarto natin.” Biglang sabi nang babae kaya napakamot sa likod ng ulo ang lalaki. Mukhang asawa niya yata ang bumatok sakanya.
“Moya Iyubov naman. Mag dahan-dahan ka sa paghakbang ng hagdan at baka matapilok ka.” Sabin nang lalaki saka kumanta ulit. Tumigil na naman ’to at biglang tumingin sa ’kin. “Maawag ka na sa ’kin, Ms. Uy. Titigil lang ako dito kapag sinagot mo na yang gagong yan. Tambak na labahin ko kaya sana tanggapin mo na ang proposal na yan kahit labag sa kalooban mo.” Sabi niya saka bumalik ulit sa pagkanta.
“Gago!” Biglang sabi ni Eros sa kaibigan niya sabay pakita ng gitnang daliri niya.
Natawa nalang ako dahil pinagtatawanan si Eros ng mga kaibigan niya. Narinig ko pa nagsabi ang isang lalaki na may kulay brown ang buhok na bibigyan daw niya ng alak si Eros kapag hindi daw ako pumayag.
Yung isa naman ay nagsabi na bibigyan daw niya ng lubid si Eros para mabigti nalang daw. Natatawa nalang ako sa kakulitan ng mga kaibigan ni Eros.
“Stelie.. ayaw mo ba? Sige, kung ayaw mo pa maghihintay nalang muna ako.” Biglang sabi ni Eros sa ’kin. “Liligawan nalang muna kita kung hindi ka pa handa. Kaya ko namang maghintay eh, yung tigang ko nga nakaya ko eh ito pa kaya.” Saad niya kaya binatukan ko sa ulo. Ayan na naman kasi siya sa tigang-tigang niya. Nakakahiya dahil narinig ng mga kaibigan niya kaya tinutukso na naman si Eros.
Huminga ako ng malalim habang nakatitig kay Eros na nakaluhod parin sa harap ko. Hawak-hawak parin niya ang kamay ko. “Gusto ko ligawan mo parin ako,” saad ko sakanya.
“Oo naman. Araw-araw at gabi-gabi kitang liligawan, mon chéri.” Sagot niya agad.
Ngumiti ako kay Eros. “Liligawan mo ako kahit mag-asawa na tayo.” Saad ko na ikinatango niya. Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
Bigla siyang natigilan sa pagtango at agad nanlaki ang mga mata niya. “Teka.. ibig sabihin.. papayag ka ng magpakasal sa ’kin?” Naguguluhan niyang tanong.
Tumango ako ng dahan-dahan kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ni Eros. “Talaga? Yes talaga?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Oo nga. Magpapakasal ako sa’yo.” Nakangiti kong sabi kaya malakas na sumigaw si Eros. Tumayo pa talaga ’to mula sa pagkakaluhod niya at nagtatalon.
Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan niya at ang kumakanta niyang kaibigan na si Atticus ay tumigil sa pagkanta. Napasigaw pa talaga ’to na halatang masaya na pumayag ako sa proposal ni Eros.
Hindi naman siguro masama kung sumugal ulit ako sa pagmamahal lalo na kung mahal ko naman talaga si Eros. Siguro naman ay may karapatan akong sumaya sa piling ni Eros kasama ang anak namin na si Stella. Kahit pa nga madami akong pinagdaanan, sapat na siguro yun para maging masaya naman kami.
A/N: Last chapter na po ’to. Epilogue na po ang sunod pero baka sa susunod ko pa masusulat dahil medyo busy ako ngayon. Sana maunawan hahaha😅
Thank you so much sa mga nagbasa at magbabasa palang sa story ni Eros.❤️😍 Sa mga maliligaw na basher dyan ay wala akong pakialam sainyo hahha reklamo kayo ng reklamo sa story pero binabasa niyo parin naman kaya bahala kayo sa buhay niyo hahahha😂😂 ang masasabi ko lang salamat parin sa pagbabasa.
So yun lang, may ginagawa kasi ako ngayon na story. Balak kong tapusin muna bago ko siya ipost. Tungkol ito kung paano nabuo ang Crimson Blood Assassination. Yun yung scene matapos silang makatakas sa kamay ni Rodjan. Nasa story na yun ang tatlong taon na nangyari sakanila. Kaya asahan na walang spg do’n ha puro mission lang ang gagawin nila. Baka may shunga na naman mag co-comment na halatang hanap ay r18 sinasabi ko sainyo hahahaha😂😂 nabanggit yun sa story ni Nuroi ang tatlong taon na nakalipas kaya yun ang nandoon sa story na ginagawa ko.
Ayaw ko sanang isulat kaso sumasakit ang ulo ko sa mga pumapasok na scene. Hindi ako titigilan ng isip ko hanggat hindi ko naisusulat. Kaya mas lalong makikilala niyo ang 15 na assassin. So, yun lang.
Gusto ko sanang gawan ng story si Stelie Rose at Lucas pero hindi ki keri, hanap nalang ako ng ka collab para siya ang mag susulat ng story no’n hahaha kung meron man gusto.❤️
-XXRIEGOZZXX-
Epilogue
Masaya kong pinagmamasdan si Eros at ang anak namin na si Stella na panay ang hagikhik. Kinikiliti kasi ni Eros kaya panay ang tawa at tili ng anak naming one year old.
Naikasal kami ni Eros five months ago. Mabilis niyang inasekaso ang kasal namin dahil baka mag bago pa daw ang isip ko.
Halos lahat ng pangarap kong wedding ay tinupad ni Eros. Nakita niya kasi ang diary ko n’ong bata pa ako. Hindi ko alam na nag halughog pala siya ng gamit ko n’ong nandon kami sa probinsya nila mama.
Wala akong kaalam-alam na may pinaplano pala siya. Hindi niya sinabi sa ’kin ang location ng kasal namin. Nalaman ko nalang sa mismong araw ng kasal namin.
Talagang nilagyan pa niya akong blindfold n’ong papunta na kami sa venue ng kasal namin. Beach wedding ang kasal namin at punong-puno ng pink rose ang dinaraanan ko. Pati narin ang suot ng mga bridesmaid at groomsmen ay color pink. May malaking wedding cake din na pinagawa si Eros. Nabatukan ko pa siya ng wala sa oras nang makita ko ang design ng cake. Ako yun na may sipon sa ilong.
Mabuti nalang talaga at may mga bisita kaya hindi ko siya nasakal sa araw ng kasal namin.
Masaya ako dahil natupad ang beach wedding ko. Yun kasi talaga ang wish ko kapag nag asawa ako.
Nahiya pa ako dahil si Eros ay dinala ang diary n’ong araw na yun. Halos uminit ang mukha ko dahil sa sinulat ko sa diary. Masyado pa akong bata no’n kaya hindi ko pa alam ang mga sinusulat ko. Sinulat ko kasi sa first wish ko ay beach wedding. Second, pink roses at lahat ng nasa paligid ko ay pink. Third wish ay may malaking cake na color pink. At ang panghuli kong wish ay dapat si Eros ang groom ko.
Kaya halos tuksuhin ako ni Eros sa kasal namin. Nakalimutan ko naman kasi na sinulat ko pala yun sa diary ko. Pero masaya parin naman dahil natupad lahat ang wish ko.
Natigil ako sa pag-iisip ng maramdaman kong hinalikan ako ni Eros sa pisngi. Umupo siya sa tabi ko saka niya hinaplos ang naka umbok kunti na tyan ko. Ayaw ko na sanang mabuntis kaya bumili-bili pa ako ng pills pagkatapos naming ikasal ni Eros.
Ang akala ko ay hindi alam ni Eros na umiinom ako ng pills. Ngunit, isang gabi ay nilasing niya ako. Sa sobrang lasing ko ay ginapang ko siya. Ang masaklap pa ay hindi ako naka inom ng pills ko. Hindi ko din nainom kinabukasan dahil late ako nagising dahil sa sobrang ka lasingan.
Kaya heto, nag bungga ang pang gagapang ko kay Eros. Tuwang-tuwa pa talaga siya nang malaman niyang buntis ako. Doon ko lang nalaman na sinadya pala talaga niya akong lasingin dahil alam niya ang ginagawa kong patagong pag inom ng pills.
Last week nagkita kami ni Marigold. Hindi siya lumapit sa ’kin dahil siguro sa ginawa ko. Nalaman ko nalang mula kay Eros na naghihirap na daw ang babae. Hindi din siya makahanap ng trabaho dahil narin sa connection ni Eros. Kaya hirap na hirap sa buhay ngayon si Mari.
Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sakanya. Kung may pagkakataon ulit ako na gawin sakanya ang ginawa ko, baka basagin ko talaga mukha niya.
Simula ng malaman ni Eros na buntis ako ay kumuha siya ng bagong maid. Si manang kasi ay ayaw ni Eros mapagod lalo na’t matanda na. Bumilib ako kay Eros dahil sa ginawa niya para kay manang. Nalaman ko na inabandona na pala siya ng mga anak niya kaya pala nasa poder siya ni Eros.
“Ate Kristie..” tawag ni Eros sa isa naming katulong.
Pinapanood ko lang si Eros habang buhat-buhat ang anak namin na si Stella. Dali-dali namang lumabas mula sa kusina si ate Kristie at lumapit samin.
“Ano po yun sir?” Tanong ni ate habang nag pupunas ng kamay niya sa suot niyang uniform.
“Ikaw na po muna ang bahala kay Stella, ate Kristie.” Saad ni Eros na ikina tango naman ni ate.
“Sige po, sir.” Sagot ni ate saka kinuha si Stella kay Eros.
Umalis naman si ate Kristie sa harap namin saka tinungo ang play room ni Stella. Naramdaman kong hinawakan ni Eros ang kamay ko kaya lumingon ako sakanya.
“Bakit?” Tanong ko habang naka taas ang isa kong kilay. Pakiramdam ko kasi may pinaplano siya.
“Diba sabi mo mag aayos tayo ng gamit sa kwarto.” Seryoso niyang sagot.
“Ayy oo nga pala. Buti pinaalala mo.” Sagot ko saka tumayo sa upuan. Tumayo narin si Eros habang hawak parin ang kamay ko.
“Tulungan na kita, mon chéri.” Saad niya sa ’kin saka ako hinila ng mahina.
Nagpatianod naman ako sakanya. “Akala ko may binabalak kang masama sa ’kin eh,” saad ko habang umaakyat kami ng hagdan.
“Wala ahh.. ikaw talaga mon chéri, kung ano-ano nalang pumapasok sa isipan mo. Masama yan.” Saad niya. “Ilang beses mo na akong ginapang, mon chéri. Wala man lang akong kalaban-laban sa’yo.” Dagdag niyang sabi habang nagpapa awa effect pa.
“Tumigil ka nga! Sinasadya mo kasi akong lasingin eh,” naka nguso kong sabi. Nagiging wild kasi ako kapag nalalasing.
“Ayos lang, gusto ko naman kapag nagiging wild ka eh. Handa kaya akong magpa gapang sa’yo anytime and anywhere.” Sabi niya sabay kindat sa ’kin.
Inirapan ko nalang siya. Nakarating kami sa harap ng pinto ng kwarto namin. Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko binuksan. Nauna akong pumasok habang nakasunod sa ’kin ang asawa ko.
Hinila ko ang kamay ko mula kay Eros saka ako naglakad papunta sa mahabang couch namin sa kwarto. Nakapatong kasi do’n ang malaking box na may lamang mga gamit ng anak namin ni Eros. Ang iba ay pinadala ng mga kaibigan niya na nasa ibang bansa.
Binuksan ko ang box nang bigla kong maramdaman ang kamay ni Eros na gumapang sa tyan ko. Niyakap niya ako mula sa likuran saka niya dinampian ng halik ang balikat ko. “May binabalak ka no?” Tanong ko sakanya.
Tumawa naman siya ng mahina saka niya dinampian ulit ng halik ang balikat ko. “I want you.” Bulong niya sa teynga ko. Halatang inaakit ako dahil sa boses niyang namamaos.
“Sabi ko na eh,” sagot ko habang napapa iling nalang.
“Ayaw mo?” Tanong ni Eros sa ’kin.
“Gusto. Hala, humiga ka do’n sa kama at wag kang gagalaw.” Utos ko sakanya kaya nanlaki ang mga mata niya.
“Talaga?” Hindi makapaniwala niyang tanong.
“Oo nga. Magtanggal ka ng damit mo,” utos ko na agad naman niyang ginawa. Hindi siya halatang excited.
“Akala mo aatrasan kita, mon chéri.” Sabi niya habang isa-isang inalis ang saplot niya sa katawan. Napalunok ako ng ilang beses ng makita ko ang perpektong katawan ni Eros, maging ang vline niya na ang sarap haplusin.
Tumalikod si Eros sa gawi ko kaya kitang-kita ko ang pang-upo niya. Mahina akong natawa ng makita ko siyang humiga sa kama. Handa na talaga siya sa gagawin ko, maging ang alaga niya ay nakahanda narin dahil tayong-tayo ’to.
“C’mon, mon chéri.” Tawag niya sa ’kin.
Naglakad ako palapit sa kama saka ako sumampa sa ibabaw ni Eros. “Anong pinaplano mo?” Tanong sa ’kin ni Eros nang hindi ako gumalaw sa ibabaw niya.
Hindi ako sumagot saka umusog hanggang sa binti niya. Tumama pa talaga ang ulo ng alaga niya pang upo ko.
Hinawakan ko ang buhay na buhay niyang alaga saka ko itinaas baba ang palad ko. “Fuck!” Mura ni Eros kaya tumingin ako sa mukha niya. Halata sa mukha niya na gustong-gusto ang ginagawa ko sa alaga niya.
Yumuko ako saka ko itinapat ang bibig ko sa ulo ng alaga ni Eros. May nakita akong puting likido do’n kaya agad kong dinilaan. “Ohh, tangina!” Saad ni Eros na parang kinakapos ng hininga.
Napangiti nalang ako. Dumapa ako ng kunti sa binti niya kaya ipit na ipit ang dalawang dibdib ko sa mga binti niya. Nakatitig lang sa ’kin si Eros na hinihintay ang susunod kong gagawin.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha ni Eros habang dinidilaan ang katawan ng alaga niya. Para akong dumidila ng ice cream sa ginagawa ko. Naka awang naman ang labi ni Eros na halatang sarap na sarap sa ginagawa ko.
“Mon chéri..” sabi niya sabay haplos sa buhok ko. “That’s it, oh fuck! Lick me like an ice cream, mon chéri.” Saad niya.
Ibinaba ko ng kunti ang dila ko hanggang sa dumako ’to sa dalawang itlog niya. Dinilaan ko ang isa saka ko isinubo ’to. “Oh shit! That’s my ball, mon chéri.” Saad niya habang ang kamay niya ay parang pinipigilan ako.
Tinigilan ko naman ang itlog niya saka ko isinubo ang ulo ng alaga niya. Narinig ko ang mga daing ni Eros kaya mas lalo akong ginaganahan sa ginagawa ko.
Halos mabilaukan ako kapag sinasagad ko sa lalamonan ko ang alaga niya. Pakiramdam ko ay sasakit ang panga ko dahil sa taba at mahaba niyang alaga.
Sinubo ko ang alaga niya saka ko na naman iluluwa at didilaan ang tuktok ng alaga niya. Ganun lang ang ginagawa ko kay Eros. Gusto kong matikman ang katas niya kaya hindi ko siya titigilan.
“Stop, mon chéri. Ayaw ko pang labasan.” Pagpapatigil niya sa ’kin. Hindi ko siya pinakinggan at mas lalo kong isinagad sa loob ng bibig ko ang alaga niya. Iluluwa ko na naman saka ko sisipsipin ang ulo.
“Fuck! Ang sarap!” Daing ni Eros. Isinubo ko ulit ang alaga niya na agad naman akong pinigilan ni Eros.
“Tama na, mon chéri. Lalabasan na ako. Ayaw kong matikman mo an—
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng mas lalo kong binilisan ang paglabas masok ng alaga niya sa bibig ko. Naramdaman ko nalang ang mainit na katas na inilabas ni Eros sa loob ng bibig ko. Iniluwa ko ang alaga niya saka ko nilunok ang inilabas ni Eros.
“Did you swallow it?” Hinihingal na tanong ni Eros sa ’kin. Tumango ako habang naka ngiti sakanya.
Mabilis akong tumayo saka ko hinubad ang suot kong bestida. Wala akong suit na bra kaya bumungad sa paningin ni Eros ang dalawa kong dibdib. Tinanggal ko ang suot kong panty saka ako umupo sa matigas na tyan ni Eros.
“Sit on my face, mon chéri.” Utos sa ’kin ni Eros na agad ko namang sinunod. Inalalayan pa niya ako hanggang sa makalapit ako sa mukha niya.
“Humawak ka ng mahigpit sa headboard, mon chéri. Uubusin ko katas mo sa katawan.” Pilyo niyang sabi. Napaungol pa ako ng biglang hipan ni Eros ang pagkababae ko.
Hinawakan ni Eros ang magkabilaang binti ko saka siya inilapit ang pagkababae ko sa labi niya.
“Ohh, Eros..” ungol ko ng maramdaman ko ang dila niya na tinutudyo ang kuntil ko.
Nakaliyad ako habang naka pikit ang aking mga mata. Nahihibang ako sa sarap na ginagawa ni Eros sa pagkakababae ko. Halos wala siyang pinalampas, lahat ay dinidilaan niya.
“Ang sarap niyan, Eros.” Naiiyak kong sabi habang naka hawak ng mahigpit sa headboard.
Dinig na dinig ko ang tunog na ginagawa ng makasalanan niyang dila. Mas lalo lang uminit ang katawan ko dahil do’n. “Eros, sige pa!’ Daing ko at mas lalong pinagduldulan ang basang-basa kong pagkababae.
Naka tingin lang ako sa kisame habang naka awang ang labi ko. Napapasigaw nalang ako sa t’wing sinisipsip ni Eros ang kunt*l ko.
“Eros.. ayan na ako.” Nagdedeleryo kong sabi. Mas lalong nilaro ni Eros ang kunt*l ko kaya napasigaw ako. Kunti nalang at maabot ko na ang rurok ng kaligayahan.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong sumabog ang katas ko. Hinihingal ako habang tinitignan si Eros na nilunok ang nilabas ko.
Inalalayan ako ni Eros tumayo saka niya ako pinahiga sa kama. Hinila pa talaga niya ang dalawang binti ko hanggang sa gilid ng kama. Bumaba si Eros sa higaan saka niya ipinatong ang dalawa kong binti sa balikat niya.
Walang sabi-sabing ipinasok niya ang matigas niyang alaga sa loob ko. Sabay pa kaming umungol dalawa ng mag-isa ang katawan namin.
“Oh, Eros..” ungol ko.
Dinilaan ni Eros ang isa kong binti habang walang tigil siyang umuulos sa loob ko. “I love you, mon chéri.” Saad niya habang palakas ng palakas ang ulos niya.
Tanging maririnig sa kwarto ang mga ungol at daing namin ni Eros.
Binitawan niya ang dalawa kong binti saka niya hinawakan ang beywang ko. Sa lakas ng pagbayo ni Eros ay umaalog ang dalawa kong dibdib.
Gumapang ang isang kamay ni Eros sa isa kong dibdib at mahina niya ’tong minsahe. Mas lalo akong umungol dahil sa ginagawa niya.
Ilang sandali lang ay naramadaman kong malapit na ako. “Malapit na ako, Eros..” daing ko.
“Sabay tayo, mon chéri. Sabay natin abutin ang kaligayahan.” Namamaos na sabi ni Eros saka mas lalong binilisan ang paglabas masok sa loob ko.
Napaliyad ako habang naka hawak ng mahigpit sa bedsheet. Tuluyang sumabog ang katas ko. Naramdaman kong nanginig si Eros hudyat na nilabasan na din ’to. Pinuno ni Eros mg mainit na katas ang loob ko.
Hinihingal kaming dalawa habang nakatitig sa isa’t-isa. Hinugot ni Eros ang alaga niya sa loob ko saka hinalikan ang tyan ko.
Hinila niya ako ng kunti sa kama saka siya humiga sa tabi ko. Pinaunan pa talaga niya ang matigas niyang braso sa ulo ko.
“I love you, mon chéri.” Saad niya sa malambing na boses. Tumingin ako kay Eros na may ngiti sa labi. “Mahal din kita, Eros Mendez. Salamat at natupad ang wish ko. Hindi ko talaga akalain na matutupad ang pang apat kong wish.” Naka ngiti kong sabi sakanya.
Mabilis naman niyang sinakop ng halik ang labi ko. “Lahat ng wish mo sa buhay tutuparin ko, mon chéri. Sabihin mo lang sa ’kin handa kong ibigay lahat sa’yo. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Hindi ko talaga inaasahan na magkakagusto at mababaliw ako sa’yo.” Saad niya saka dinampian ng halik ang labi ko.
“Bakit? Dahil payatot ako dati, ganun?” Tanong ko.
“No. Hindi ko aakalain ang kinaiinisan ko dati ay siya palang babaeng mamahalin ko ng lubos.” Sagot niya.
“Kinaiinisan? Kinaiinisan mo ako dati?” Tanong ko habang naka kunot ang nuo.
“Oo. Dati n’ong mga bata pa tayo. Hindi ko din alam kung bakit inis na inis ako sa’yo kapag nakikita ko ang mukha mo. Kaya nga laging si Mari ang pinapansin ko dahil ayaw kong masira ang araw ko.” Sagot niya.
“Ang sama mo,” naka nguso kong sabi.
Mahina namang natawa si Eros. “Ngayon alam ko na kung bakit. Hindi ko lang maamin na ikaw talaga ang gusto ko. Nabulag ako sa lagi kong sinasabi sa sarili ko na si Mari ang gusto ko. Tinatak ko sa isipan ko yun dati dahil hindi ako makapaniwala na may gusto ako sa’yo. Naalala ko pa n’ong mga bata pa tayo, inasar ako ng mga kaibigan kong lalaki dahil nakita nila akong pinagmamasdan ka mula sa malayo. Kaya lagi kong sinasabi sakanila na si Mari ang gusto ko at kahit kailan hindi ako magkakagusto sa katulad mong uhugin. Kahit ang totoo ay ikaw namang talaga ang tinitibok nito.” Sabi niya sabay hawak sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
“Ang totoo niyan ay masaya ako ng magka banggaan tayo sa restaurant kong saan ko hinahabol si Mari. Ang akala ko talaga ay hindi na tayo magkikitang muli. Kaya nag focus ako kay Mari. Akala ko ay wala na akong gusto sa’yo kaya humingi ako ng tulong para pag selosin si Mari. Unti-unti, nabubuhay ang nararamdaman ko sa’yo habang kasama kita. Hindi ko lang maamin sa sarili ko. Kahit anong gawin kong pilit na si Mari ang gusto ko pero sa t’wing nakikita kita ay kompleto na ang araw ko. Kaya hindi ko sinabi sa’yo ang totoo, kasi maging ako sa sarili ko ay hindi ko maamin ang totoo.” Mahaba niyang sabi sa ’kin.
Niyakap ako ni Eros saka dinampian ng halik ang pisngi ko. “Ngayon hindi na ako takot aminin na mahal na mahal kita, mon chéri.” Sabi niya. Nakatitig lang ako sa mukha ni Eros na punong-puno ng pagmamahal.
“Mahal din kita, Eros.” Naka ngiti kong sabi saka mabilis na dinampian ng halik ang labi niya.
Sobrang saya ko dahil kasama ko na si Eros. Ang lag kong hinihiling sa diyos na magustuhan ako. Wala talagang impossible sa mundo. Pangarap ko lang ’to dati, ngayon natupad na. Kaya hindi ako mapapagod mangarap kahit minsan nag mumukha na akong tanga kakaday dream.
Masaya na ako sa piling ni Eros lalo na’t madadagdagan ang supling naming dalawa.
A/N: Ito na talaga. Tapos na ang story ni Eros hehe pag pasensyahan niyo na ang gawa ko. Alam kong hindi maganda kaya pag pasensyahan niyo na. Thank you sa laging nagbabasa ng mga gawa ko.❤️😊 hindi ko kayo maisa-isa pero sobrang thank you sainyo. Sa mga basher ko, thank you parin dahil binabasa niyo parin haha dagdag reads din yun.😂
Hindi ko muna sasabihin kong may special chapter ang story ni Eros. Mag po-post nalang ako sa fb ko kung meron man. Search niyo lang ako Cruz Wp hehe..
May bago akong story ngayon pero hindi ko muna ipu-published. Hindi ko maalala kong sino yung nag chat sa ’kin na gamitin ang name niya as fl. Basta ang name ng character ko ay Perseus Martinez and Aerith Doctolero. Stand alone ang story at walang connect sa Assassin Series at Wicked.✨
(September 13, 2023)
-XXRIEGOZZXX-

