Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)
xxriegozzxx · 15 chapters · 23,141 words
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, business ,places, events and incidents are either the product’s of the author imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the Author.
This story contains incorrect typos/ spelling/ grammar. I’m not a professional writer so please bear with me. Thank you!
WARNING ⚠️
THIS STORY CONTAINS STRONG CONTENT , R-18, NOT SUITABLE FOR BELOW 🔞 YEARS OLD.
Read at your own risk!
Facebook Account: Cruz Wp
Facebook Group: Azzinations (Official Group)
Facebook Page: Az
zinatics Stories
Copyright ©️ 2023 by XXRIEGOZZXX All rights.
Prologue
I am now in Batangas for a business meeting. May kausap na ako at dapat kami ni Caleb ang pupunta ngunit may biglaan siyang emergency kaya mag-isa akong pumunta.
But suddenly I got a call from Raizen saying he needed my help. Gusto niyang puntahan ko ang babaeng mahal niya at bantayan ko muna daw hanggang sa makabalik siya.
Hindi ko alam ang nangyayari pero pumayag ako dahil kaibigan ko ang hayop na yun. Nasa batas namin na kapag may nangailangan ng tulong isa samin ay kailangan naming tulungan.
So even though I had a meeting, I left and immediately went to the address he sent.
While I was driving, I noticed a car following me. At first I thought it was just a coincidence, ngunit napagtanto kong sumusunod nga talaga sa ‘kin dahil lumiko din siya kung saan ako lumiko.
Kumunot ang noo ko dahil mas lalong bumibilis ang takbo ng kotse na nakasunod sa ’kin hanggang sa naabutan niya ako at binangga ang likod ng kotse ko.
Napamura ako dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ’to. Mas lalo ko nalang binilisan ang pag papatakbo ko ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa tahimik na lugar. Agad kong Nakita ang isang putting van na naka tigil sa gilid ng kalsada.
Hindi ako kinabahan at hindi ako nag isip ng kung ano-ano hanggang sa biglang may bumaba do’n na tatlong lalaki habang may dalang mga baril at agad na pinaulan ng bala ang kotse ko.
“Fuck!” Mura ko habang pilit na iniiwasan ang mga pinapakawalan nilang bala sa harapan ng kotse ko. Wala na akong nagawa ng mawalan ako ng control sa sasakyan ko.
Napahinto nalang ang minamaneho kong sasakyan kaya agad na lumapit sa ’kin ang mga lalaking naka abang sa ’kin. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan sana si Raizen ng basagin ng isang lalaki ang bintana ng driver seat kaya tumama sa mukha ko ang mga bubog. Tanging daing lang ang nagawa ko at nag focus sa ginagawa ko na tawagan ang kaibigan ko.
Ngunit sa kasamaang palad ay hinampas ako ng baril sa ulo kaya biglang nandilim ang paningin ko. Inangat ko pa ang isang kamay ko saka ko sinuntok ng malakas ang lalaki na pilit binubuksan ang pintuan ng driver seat.
Magkamatayan nalang kaming dalawa dito ngunit hindi ako makakapayag na hindi ako makaganti sa pag hampas niya sa ’kin ng baril. Ngunit lumapit na ang ibang mga kasamahan niya at pinagtulungan nila ako.
Matagumpay nilang nabuksan ang pintuan ng driver seat saka ako hinila ng dalawang lalaki. Mabilis kong sinipa ang isang lalaki at nakipag laban pa ako sakanila. Hindi ako magpapatalo kahit madami sila at nag-iisa lang ako.
Lumapit sa ’kin ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo na agad sumugod papunta sa ’kin. Nasalag ko lahat ng atake niya. Dumating ang kotseng nakabuntot sa ’kin kanina at agad na may bumaba do’n na dalawang lalaki at nagpaputok ng baril.
Napadaing nalang ako ng tumama ang balang pinakawalan niya sa balikat ko. Nagpa putok ulit sila at tumama ulit yun sa binti ko. Halatang ayaw nila akong patayin dahil puro daplis ang ginagawa nila sa ’kin.
Hindi ko alam kung sino sila o anong kailangan nila sa ’kin. Narinig ko ang sinabi ng lalaki na wag daw akong patayin at dalhin sa boss nila.
Pinalibutan nila ako at sabay-sabay na umaatake. Tanging nagawa ko nalang ay saluhin ang mga sipa at suntok nila sa ’kin.
Habang nangyayari yun ay iniisip ko ang girlfriend kong si Agni. Hindi ako nakapag paalam sakanya ng maayos kung sakali man na mawala ako ngayon. Bago ko lang siya naging girlfriend at nakilala ko lang siya sa isang bar. I love her kahit pa nga laging pera ang hinihingi sa ’kin. Binibigay ko naman agad dahil alam kung mahal niya ako. Lagi niya kasing sinasabi na marami daw siyang pinaag-aral na kapatid kaya kulang na kulang daw ang sinasahod niya.
Hindi ko pa siya nagagalaw kahit minsan at wala akong balak na magmadali lalo na’t bago palang ang relasyon naming dalawa. Kaya gusto ko siyang tulungan na sap ag-aaral ng mga kapatid niya kaya dalawang atm ko ay binigay ko sakanya kahapon bago ako pumunta ng Batangas.
Nagpaalam lang ako sakanya at sinabi kong babalik ako agad. Tuwang-tuwa pa siya ng iabot ko sakanya ang atm ko. Kapag nakikita kong masaya siya ay masaya narin ako kahit papano. Agni is my first girlfriend kaya gusto kong ibigay sakanya lahat dahil deserve niya yun lalo na’t nalaman kong ulila na sila ng mga kapatid niya kaya siya na ang tumayong mga magulang sa mga kapatid niya.
Ngunit hindi ko na yata siya makikita dahil katapusan ko na sa mga lalaking inambangan ako. Gusto ko sanang tumawag sa mga kaibigan ko ngunit hindi ko magawa dahil nasa loob ng kotse ko ang cellphone ko. Hindi ko naman kasi akalain na may nag babadya palang panganib sap ag punta ko dito sa Batangas.
Hindi man lang ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko na tinuturing kong mga kapatid. Sana lang ay mahanap nila ako kung sakali mang gawin akong bihag ng mga taong ‘to.
May tiwala ako kay Ruwi na mahahanap nila ako, kailagan ko lang talaga tiisin ang mangyayari sa ‘kin. Ayaw kong mamatay na virgin, ayaw kong mamatay na hindi ko man lang naranasan na mahalikan ng babaeng mahal ko. Ayaw kong mamatay na hindi kinakasal kaya hindi ako papaya na mamatay ako dito. Hindi ako papayag na dito nalang hanggan ang buhay ko. Kailangan ko pang mag-anak, hindi ko pa nararanasan yun lahat kaya hindi ako pwedeng mamatay.
Puro daing ang ginagawa ko hanggang sa sinaksak ako ng lalaki sa tagiliran. Puro mura ang lumabas sa bibig ko habang masama kong tinignan ang lalaki na sumaksak sa ’kin.
Sinipa ako ng isang lalaki dahilan upang bumagsak ako sa kalsada. Agad akong pinaghahampas ng mga lalaki at ang iba ay sinisipa ako hanggang sa hindi ko na kayang salagin ang mga pinapakawalan nilang atake.
Malakas na suntok ang tumama sa mukha ko dahilan upang mandilim ang paningin ko. Hindi ko na kaya at sinuntok ulit ako hanggang sa tuluyang kinain ako ng kadiliman.
Nagising nalang ako ng nakatali ang mga braso ko habang hinahampas ako ng latigo ng mga lalaki. Madilim din ang paligid kaya wala akong makita. Tanging naririnig ko nalang ang tawanan ng mga lalaki at ang nililikhang tunog ng latigo na tumatama sa likod ko.
Hiling ko lang ay sana mahanap ako ng mga kaibigan ko at mailigas nila ako. Alam kung hindi nila ako pababayaan kahit ano man ang mangyari.
“T-Tama na..” daing ko ngunit nagtawan lang ang mga ito.
May lumapit sa ’kin na lalaki habang may hawak siyang kutsilyo. Bigla akong kinabahan lalo na’t nakikita ko sa mukha ng lalaki na may masama siyang gagawin sa ‘kin kaya hinanda ko na ang katawan ko kung sakaling sasaksakin man niya ako.
Sanay naman ako sa saksakan ngunit baka maubusan ako ng dugo kapag nahanap ako ng mga kaibigan ko. Do’n pa yata ako mamatay. Putangina talaga!
Hindi nga ako nagkamali dahil sinaksak ako ng lalaki sa tagiliran. Ramdam ko ang hapdi ngunit alam kong hindi niya dinidiinan ang pagsaksak sa ’kin.
Hinugot niya ang kutsilyo sa tagiliran ko kaya may lumapit ulit na lalaki sa harapan ko habang may dalang baseball bat. Tumawa pa sila sa harapan ko habang masama ko silang tinignan.
“Tumawa lang kayo ngayon. Sigurado akong huling tawa niyo na yan.” Saad ko habang hinahabol ang paghinga ko at iniinda ang saksak na tinamo ko.
Mas lalo lang silang tumawa sa sinabi ko at itinaas ng lalaki ang hawak niyang baseball bat kaya hinanda ko na ang sarili ko. Malakas niyang pinalo ang ulo ko kaya nakaramdam agada ko ng hilo at nandidilim ulit ang paningin ko.
Hindi ko na nakayanan pa hanggang sa namimigat na ang talukap ng mga mata ko at tuluyan akong kinain ng kadiliman.
Chapter 1
NAKAKAPAGOD ang araw ko ngayon dahil pumasok akong taga walis sa gate ng paaralan kahit hindi naman sana nila kailangan kumuha. Mabuti nalang ay absent ang tagalinis nila dahil may sakit. Kapitbahay lang kasi naming kaya ako na ang nirekomenda niya. Mabuti narin ito para may pandagdag sa pang araw-araw.
Umupo na muna ako sa may gilid para makapag pahinga. Tinatanggalan ko din kasi ng ligaw na damo ang harap ng gate para malinis tignan.
Inaayos ko ang trabaho ko para tawagin nila ulit ako, wala kasi akong permanente na trabaho kaya kung anong pinapasukan kong trabaho.
Napakahirap maging mahirap lalo na sa sitwasyon ko. Minsan talaga gusto ko ng sumuko sa pagod na nararamdaman ko. Yung araw-araw kong pro-problemahin ang pagkain sa pang araw-araw. Kung walang sideline nga-nga ako.
Hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral. First year college lang ako ng mahinto ako sa pag-aaral. May piste kasing sumira sa buhay ko kaya nagbago ang takbo ng buhay ko.
Wala na akong mga magulang pero nakatira ako sa tiyahin ko simula palang ng bata pa ako. Siya na ang tumayong magulang ko at malaki ang pasasalamat ko sakanya dahil kinupkop niya ako at binihisan. Pinag-aral din niya ako kaya tuwang-tuwa talaga ako. Yung tita kong yun ay lagging bilib sa ’kin sa t’wing mataas ang grades ko. Ginagawa ko kasi ang lahat upang masuklian ko ang pagtulong niya sa ’kin. Ngunit nag iba ang pakikitungo ng tiyahin ko ng masira ang buhay ko.
Hindi ko naman ginusto ang nangyari sa ’kin, kahit ako ay ayaw ko din. Ngunit nangyari na ang hindi dapat mangyari at alam kong hindi na mababago yung kahit balik-baliktarin ko pa ang mundo.
Gusto ko nga lang magpakamatay dahil sa sinapit ko. Napapatanong nalang ako kung bakit sa ‘kin yun nangyari. Hindi naman ako naging masamang tao, wala naman akong ginawang malaking kasalanan para danasin ko ang ganitong parusa. Hindi naman sa sinasabi kong wala akong kasalanan kahit isa pero hindi naman mabigat. Ang totoo niyan ay takot akong mag sinungaling sa tita ko kaya nasabi ko ang lahat ng nangyari sa ’kin.
Pero nakakalungkot lang dahil nagalit siya sa ’kin at do’n na nagbago ang pakikitungo niya sa ’kin. Pati yata pagkain ko nang bata pa ako ay sinusumbat niya sa ’kin. Tanging nagagawa ko nalang ay yumuko at hindi nalang sumasagot sa tiyahin ko kapag sinasabi niya sa ’kin yun.
Ayaw ko naming umalis sa poder niya dahil hirap pa ako sa buhay. Takota ko maging pabigat sakanya kaya ginagawa ko ang lahat ng sideline para matuwa naman siya sa ‘kin.
Pinahid ko ang pawis sa noo ko dahil sa sobrang init ngayong araw. Tirik na tirik talaga, buti na nga lang at naka sombrero ako at jacket kundi sunog ang aabutin ko.
Natigil lang ako sa ginagawa ko ng makita ko ang teacher ko dati n’ong hig school. Sobrang bait pa naman niya kaya naging paborito ko siyang teacher.
Nakita ako ni teacher kaya kumaway siya sa ’kin. “Stephanie..” tawag niya sa pangalan ko.
Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo saka ako lumapit kay teacher. Nang makalapit ako sakanya ay may inabot siya sa ‘kin na isang plastic. Nagtaka naman ako kung ano yun pero tinanggap ko parin.
“Ano po ‘to, Ma’am?” Kunot noo kong tanong sakanya.
“Merienda mo. Alam ko pagod ka na dyan kaya binilhan n akita ng snack mo. Kainin mo yan ha!” Nakangiti niyang sabi kaya napangiti na din ako sa tuwa.
“Thank you po, ma’am. Ang bait mo po talaga. Godbless po!” Pagpapasalamat ko kay ma’am saka ako yumukod sa harap niya.
“Ano ka ba! Maliit na bagay lang yan. Sige na, kainin mo yan at babalik na ako sa classroom dahil oras na naman para magturo.” Saad niya saka tinapik ang balikat ko kaya ngumiti ako sakanya.
Nagpaalam lang ako kay teacher saka ako umupo ulit at binuksan ang plastic para kumain. Wala talaga akong balak mag merienda dahil nasasayangan ako sa pera kaya nag tubig ako kanina. Ayos narin naman yun dahil nabubusog naman ako pero talagang may mabait parin sa mundo kaya makaka kain ako ng merienda.
Nakita ko ang pagkain na binigay sa ’kin ni teacher. Isang supot ng pansit at isang tinapay. Agad kong kinain yun dahil mag lilinis ulit ako. Hanggang hapon ako dito kaya kailangan matapos ko lahat ang pagbubunot ng damo.
Natapos akong kumain kaya agad kong inabot ang dala kong bag na sira-sira na ang zipper at kinuha ang dala kong tubig. Naawa talaga ako sa bag ko kaya gusto ko sanang bumili ng bago dahil lumang-luma na talaga at sumusuko na talaga ang bag ko. Kaya sana may matira sa makukuha kong pera ngayon para makabili ako.
Bumalik agad ako sa paglilinis at naka focus lang talaga ang mga mata ko sa ginagawa ko. Masakit na ang mga balikat ko ngunit hindi ako pwedeng tumigil kaya titiisin ko nalang.
Dumating ang hapon at talagang pagod na pagod ako pero sulit naman nang iabot na sa ’kin ang bayad.
Pagkatapo sa nakakapagod kong trabaho ay naisipan kong dumaan na muna sa isang store na may nagbebenta ng bag na mumurahin. Sa ukay kasi ay hindi pa bagsak presyo kaya ang mamahal-mahal ng tinda nila. Baka kapag hinintay ko pa ang sale ay wala ng matira sa sahod ko kaya mabuti ng ibili na agad.
Bukas naman ay maglalabada ako ng damit kaya natutuwa ako dahil sunod-sunod ang sideline ko.
Pumunta ako sa store na nakita ko kanina at agad akong pumasok para magtingin-tingin. May Nakita akong bag na nagustuhan ko ngunit medyo pricey siya. Kailangan kasi 150 lang ang budget ko. Tipid na kung tipid pero ganun talaga ako. Nasasayangan nga din ako bumili ng damit ko dahil sa sobrang pagtitipid ko.
May Nakita akong pasok sa budget ko kaya yun ang kinuha ko kahit pa nga pangit ang design. Ayos lang basta’t ang mahalaga ay may bag akong gagamitin.
Agad kong binayaran ang bag na napili ko sa counter at inabot ang bayad. Nang matapos yun ay lumabas agad ako para umuwi na.
Balak kong lakarin lang sana pauwi ngunit masyado na talaga akong pagod kaya naisipan kong sumakay nalang ng jeep.
Mabuti nan ga lang at hindi puno ang jeep kaya nakasakay ako at nakaupo ako ng maayos. Hindi ko mapigilang hindi mahiya sa mga kasakay kong estudyante lalo na’t amoy araw ako. Napansin ko kasi ang pag usog ng babaeng katabi ko palayo sa ‘kin habang naka ngiwi.
Napayuko nalang talaga ako dahil sa hiya kong nararamdaman. Mabuti pa sila amoy cologne samantalang ako ay amoy araw na hindi maintindihan ang amoy.
Tiniis ko nalang ang pagkapahiya ko at hinayaan nalamang ang tawa ng babae kasam ang kaibigan niya din. Kung sana alam nila ang ginawa ko para naman hindi nila ako agad husgahan.
Pagod na nga ako sa lahat tapos ganito pa ang aabutin ko. Sana lang ay hindi nila danasin ang nararanasan kong hirap sa buhay.
Nakikita ko na ang kanto namin kaya agad kong inabot kay manong ang pamasahe ko. Ganito talaga ako mag pamasahe, nagbabayad kapag malapit na akong bumaba. Sakto lang din ang binayad ko para hindi na kailangan pa mag sukli ni manong.
“Para po, kuya.” Saad ko kaya agad na inihinto ni manong ang jeep. Nahihiya naman akong bumaba lalo na’t Nakita ko ang babaeng katabi ko kanina na nagtaklob sa ilong niya gamit ang panyo. Narinig ko pa ang katabi niya na nagpaparinig sa ‘kin na uso daw bumili ng perfume para naman daw hindi ako mabantot.
Kung pwede nga lang sana bumili ako matagal ko nasa ginawa. Pero hindi eh, hindi sapat ang perang kinikita ko para sa mga ganung bagay. Kaya maswerte sila dahil nakakapag aral sila at nabibili nila ang gusto nila dahil sa mga magulang nila.
Bumaba nalang ako ng jeep na masama ang loob ko at deritsong naglakad patungo sa kanto at hindi na nilingon pa ang mga babae na pinagtawanan ako.
Sana, kahit hindi man gaano ka yaman ako, basta hindi naman masyadong mahirap sana ang buhay ko. Sapat naman na sa ‘kin ang makakain ng tatlong beses sa isang araw eh. Pero minsan ay isa o dalawang beses lang ako nakakain kaya panay ang tubig ko.
Kung pwede lang sana ako mag apply ng trabaho kaso may problema eh. At isa pa, gusto ko ng madalian na sahod na pagkatapos kong magtarabaho ay ibibigay din agad ang sahod ko.
Chapter 2
NATATANAW ko pa lang ang bahay ng tiyahin ko ay naririnig ko na ang iyak ni Seraphina. Nagmamadali akong naglakad upang malaman ko kung bakit siya umiiyak.
Nang makarating ako sa labas ng bahay ng tiya ko ay agad kong Nakita siya na pinapalo si Seraphina ng hanger. Natigil lang siya sa ginagawa niya ng makita niya ako. Napa irap siya sa ‘kin saka niya itinuro ako gamit ang hawak niyang hanger.
“Nandyan na pala ang nanay mong malandi.” Saad niya sa anak ko saka niya tinulak sa lupa. Dali-dali ko naming nasalo si Sera upang hindi siya bumagsak.
“Pwee.. magsama kayong mag-ina.” Dagdag na sabi ng tiyahin ko saka siya pumasok sa bahay niya.
Iyak parin ng iyak si Sera kaya hindi ko alam kung paano ko patatahanin ang anak ko. Ito ang nagbago sa buhay ko. Ang pagkakaroon ng anak ay napaka malaking pagbabago sa buhay ko. Hindi ko nga alam kung saan ako mag uumpisa ng malaman kong buntis ako.
“Bakit ka na naman pinalo ni tiya ha?” Tanong ko sa malumanay na boses. Hindi ko tuloy mapaigilang umiyak dahil naawa ako sa anak ko na bumakat pa talaga ang hanger sa binti niya. Masyado talagang malupit ang tiyahin ko simula ng mangyari sa ’kin ang bangungot sa buhay ko.
“Humingi lang po ako ng tinapay, mama. Nakita ko po kasi sila na kumakain pero nagalit na po si tita.” Pagsasabi ng anak ko habang umiiyak parin.
Pinahid ko ang luha niya saka ako tumayo at kinarga ang anak kong bago lang nag four years old. Nahihiya nga ako sa anak ko dahil hindi ko man lang siya na handaan n’ong birthday niya. Kinuha kasi ng tiyahin ko ang kinita ko na imbis ipambibili ko sana ng pansit.
Lumabas kami ng anak ko at naghanap ako ng karinderya para makakain kami ng anak ko. Alam ko kasi na hindi kami pakakainin ng tita ko. Yung anak ko nga pinalo niya dahil nanghingi lang ng tinapay, yun pa kayang pakainin kami ng kanin.
Umorder agad ako ng pagkain namin ng anak ko at lahat ng gusto niya ay binili ko. Tumigil narin siya sa pag-iyak kaya nakahinga ako ng maluwag.
Inihatid ang pagkain namin pati narin ang inorder kong juice na para sa anak ko habang sa ’kin naman ay tubig lang. Agad kong inasikaso ang anak ko at inuna ko munang pakainin dahil alam kong gutom na siya.
“Kumain ka ba ng pananghalian kanina?” Tanong ko sa anak ko na agad na umiling.
“Hindi po, mama. Sabi po ni tita hindi daw po ako kasali sa budget kaya bawal daw po akong kumain.” Sagot ng anak ko kaya nagpupuyos ako sa galit. Kaya hindi ako nag aaplay ng trabaho sa mga mall eh dahil alam kong walang mag mamalasakit sa anak ko kapag wala ako. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha sa sinabi ng anak ko. Nagbigay naman sana ako ng pera para pambili ng ulam at ibinilin ko ng maayos sa tiyahin ko na pakainin si Sera. Pero talagang masama talaga budhi niya at pati bata ay hindi niya pinapalagpas.
Sinubuan ko ulit ang anak ko habang nadudurog ang puso ko na makitang may mga bakas ng hanger ang braso niya. Ito ang kinakatakutan ko eh kapag nawala ako sa mundo at naisipan kong mawala nalang dahil sa mga problema. Kaya kahit pagod na ako sa buhay ay hindi sumagi sa isip ko ang magpakamatay dahil alam kong walang magmamahal sa anak ko at baka saktan lang siya ng mga taong nakapaligid sakanya, tulad nalang ng tiyahin kong kadugo naman sana.
Kapag pumapasok ako sa mga sideline ay sinasama ko talaga si Sera. Kahit saan pa yan dahil alm kong pababayaan lang nila ang anak ko. Kanina ko lang talaga hindi sinama dahil alam kong mainit ang trabaho ko at nasa gilid ng kalsada. Baka imbis na makapag trabaho ako ng maayos ay baka magsisigaw lang ako at baka magtatakbo lang si Sera sa kalsada. Kaya hindi ko siya sinama at ibinilin ko siya sa tiyahin ko na panay ang tango lang kanina.
Si Seraphina ay bunga ng pang gagasa sa ’kin ng hayop na yun. Narape kasi ako n’ong first year college ako. Hindi ko talaga makalimutan ang araw na yun. Ang araw na nasira ang buhay ko.
Ako lang mag-isa sa bahay at galing ako sa eskwelahan kaya nagawa ng lalaking yun ang masamang binabalak niya sa ’kin. Tinakot pa niya ako na wag daw akong mag su-sumbong dahil kung hindi papatayin daw niya ako. Panay lang ang iyak ko habang ginagahasa niya ako.
Kaya galit na galit ang tiyahin ko dahil ang taong nang rape sa ‘kin ay ang asawa niya. Hindi ko kinaya at natatakot ako na baka maulit muli ang nangyari kaya kinabukasan no’n ay nagpaalam ako na papasok ako sa school sa tiyahin ko at sa asawa niya. Hindi ako nagpahalata na may pina-plano akong magsumbong sa mga pulis upang hindi ako mapigilan ng asawa ng tiyahin ko. Ayaw ko na kasing maulit lalo na’t nagpaalam sa ’kin ang tiyahin ko na aalis daw siya ng araw na yun at kinabukasan daw siya uuwi. Wala naman akong asahan sa isa niyang anak lalo na’t bata palang naman yun nang panahon na yun.
Kaya ginawa ko ang nakakabuti para sa ’kin upang hindi na maulit pang muli. Dumeritso ako sa police station at do’n na ako umiyak at sinabing ginahasa ako. Agad naman inactionan ng mga police ang nireport ko kaya nang araw din na yun ay nag kasa sila ng operation para mahuli ang asawa ng tiyahin ko.
Nagulat pa si tita dahil bigla nalang sumulpot ang mga pulis sa bahay namin at hinuhuli ang asawa niya. Do’n ko na sinabi sakanya ang ginawa ng asawa niya sa ’kin. Ang akala ko ay kakampihan niya ako ngunit nagalit siya at do’n na ako sinumbatan sa pag tulong niya sa ’kin. Yun ang dahilan kung bakit nag iba ang trato ng tiyahin ko sa ’kin.
Mas lalo pa akong nanlumo dahil nalaman ko nalang na nabuntis ako. Halos hindi ko matanggap ang nangyari. Problema ko pa dahil pinapalayas ako ng tiyahin ko dahil malandi daw ako at ako daw ang nagbigay ng motibo para gawin yun ng asawa niya.
Nakulong kasi ang asawa niya at hiniling ng tiyahin ko na bawiin ko daw ang mga sinabi ko sa mga pulis at sabihin na iba ang gumahasa. Tinuruan pa niya ako ng mga kasinungalingan para lang mapag takpan ang ginawa ng asawa niya.
Ngunit hindi ako pumayag at ipinagpatuloy ang pagpapakulong sa asawa ng tiyahin ko at tuluyan ng nasira ang maganda naming samahan ng tiyahin ko at hindi na niya ako pinag-aral.
Lumuhod ako sa harap niya para lang hindi ako palayasin lalo na’t buntis ako. Wala akong mapuntahan kaya ginawa ko ang lahat ng pagmamakaawa.
Kaya sa t’wing may sideline ako ay ang perang kinikita ko ay deritso sakanya dahil ayon sakanya malaki daw ang utang na loob ko sakanya.
Pinatapos ko muna ang anak kong kumain saka ako kakain. Gusto ko munang masigurong busog na siya.
“Mama..pwede po ba akong bumili ng ice cream?” Tanong ng anak ko dahil may tinda din kasing ice cream ang karinderya na naka display sa harap.
“Sige, bili tayo pagkatapos mong kumain.” Nakangiti kong sagot sa anak ko.
Natapos siyang kumain kaya tumayo ako para bumili ng ice cream. Bumalik naman ako agad ng mabili ko yun saka ko inabot sa anak ko yun.
Ako naman ang kumain habang ang anak ko ay tahimik na kumakain sa tabi ko ng cornetto. Sunod-sunod ang subo ko at baka talakan na naman ako ng tiyahin ko. Yung 500 na pera ko ay itinago ko sa ilalim ng sapatos ko para mamaya ay hindi yun makita ng tiyahin ko kapag hiningi na niya ang kinita ko kanina.
Kukunin na naman kasi niya lahat at walang ititira para samin ng anak ko. Tumingin ako sa anak ko at pinunasan ko ang gilid ng labi niya dahil kumalat ang ice cream do’n.
“Bukas maaga tayo gumising, nak ha! Maglalabada kasi si mama kaya isasama kita at baka hindi ka na naman pakainin sa bahay.” Saad ko kaya tumango ang anak ko.
’Sige po, mama. Mas gusto ko po yun kaysa maiwan po,“ sagot ng anak ko.
“Pasensya ka na anak kong ganitong buhay ang dinatnan mo ha! Hayaan mo, aahon din tayo. Tiwala ka lang kay mama ha! Sabi ko naman sa’yo, pag iipunan natin ang pang renta natin para makabukod na tayo at hindi ka na masaktan ng tiyahin ko.” Saad ko sa anak ko saka ko hinaplos ang buhok niya.
Yun talaga ang plano ko kaya nagtatago ako ng pera para may pang renta kami kapag naisipan ko ng umalis. Kahit maliit ay papatusin ko dahil kami lang naman dalawa ng anak ko. Kaya ko naman siguro yun basta mag sipag lang ako. Papasaan ba’y giginhawa din ang buhay namin kahit papano.
Kaysa naman manatili kami sa bahay ng tiyahin ko na walang ginawa kundi sigawan ako at saktan ang anak ko. Gusto ko na nga siyang labanan eh pero naiisip ko na baka palayasin niya kami na wala pa akong sapat na ipon kaya titiisin ko nalang muna ang kasamaan niya.
A/N: Good morning po, Azzinatics!❤️✨
Chapter 3
MAAGA ako nagising dahil may labada ako ngayon. Ginising ko na din ang anak kong si Sera dahil isasama ko siya. Nasa sala lang kami natutulog mag-ina dahil wala naman kaming kwarto dito sa bahay ng tiyahin ko.
Ang dati kong kwarto kasi n’ong maayos pa kami ay ang anak na niya ang gumagamit. Ayos lang din naman ang mahalaga ay may tinutulugan kami ni Sera.
Lahat ng pera ko kahapon ay kinuha na naman ng tiyahin ko. Hinanapan pa talaga niya ako dahil masyado daw maliit ang kinita ko. Wala na nga akong mabiling pagkain na para sa anak ko or damit man lang dahil kinukuha talaga niya. Mabuti nalang talaga at nakapag tago na ako ng pera kundi kawawa na naman kami ng anak ko.
Nagpapainit ako ng tubig dahil gusto ko na muna magkape. Sa karinderya nalang kami kakain ng anak ko dahil sinabihan ako ng tiyahin ko na wag daw ako mag sasaing at magluluto ng ulam kundi ihahampas daw niya sa ’kin ang kaldero kapag nag saing daw ako.
Hindi nalang ako sasaway kahit pa nga ako ang bumili ng bigas at alam kung totohanin niya ang sasabihin niya sa ’kin. Nagawa na din kasi niya sa ’kin yun dahil hindi ko siya pinakinggan at itinuloy ko ang pagsasaing kahit pa nga pinagbawalan na niya ako. Kaya ayon, pinalo niya sa ’kin ang kaldero sa balikat ko. Sobrang sakit no’n dahil mabigat yun, may laman pa talagang kanin yun ay mainit-init din dahil kakapatay ko palang ng kalan ng araw na yun.
Habang hinihintay kong kumulo ang tubig ay biglang sumulpot ang tiyahin ko sa kusina at halatang hindi nagustuhan ang nakikita niya. “Bakit nag iinit kang tubig?” Tanong niya sa ’kin.
Mukhang pati ang pagpapainit ko ng tubig ay pinagdadamot din niya.
“Magkakape lang po sana ako, tita. Hindi naman po ako nag sasaing.” Sagot ko. Totoo naman kasi, bumili pa nga ako ng twin pack dahil alam kong magagalit siya kapag kumuha ako ng kape nila.
“Patayin mo yang kalan na yan kundi ibubuhos ko sa’yo ang mainit na tubig ng magtanda ka. Ang mahal-mahal ng gas ngayon tapos mag iinit-init ka dyan ng tubig. Kapal ng mukha mo ha!” Galit niyang sabi kaya pinatay ko nalang ang kalan at hindi na nakipag sagutan pa sakanya. Mabuti nalang talaga at nakaligo na kami ni Sera kanina at pagalitan na naman kami at hingian ng pambayad dahil ang mahal daw ng tubig ngayon.
“Sa labas ka magkape simula ngayon ha! Hindi dito.” Sabi pa niya sa ’kin sabay irap sa ’kin at umalis ng kusina.
Napabuntong hininga nalang talaga ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko naman na nakatitig lang sa ‘kin ang anak ko at halatang natatakot sa tiyahin ko.
Ngumiti ako sa anak ko saka ko kinuha ang twin pack na kape saka ako naglakad papunta sa anak ko na hawak ang bag na bagong bili ko. Kinuha ko ang bag mula sa anak ko saka ko yun binuksan at ipinasok ang kape na hindi ko na timpla. Mabuti nalang at hindi ko pa nabuksan ang kape kundi masasayang talaga ang ititimpla ko sana.
“Halika na, nak. Sa labas nalang tayo kakain, do’n na lang din ako magkakape.” Sabi ko sa anak ko kaya tumango siya.
Hinawakan ko ang kamay ng anak ko saka kami sabay na naglakad palabas ng bahay. Hindi na ako nag paalam sa tiyahin ko dahil wala naman yung pakialam samin.
Naglakad agad kami ng anak ko sa gilid ng kalsada at tinungo ang kanto dahil mag aabang pa kami ng jeep. Kailangan kasi namin sumakay ng jeep, pero isang sakay lang naman.
Matagal na namin kilala ang pinaglalabhan namin ng damit kaya palagi ako ang kinukuha niya. Sinisiguro ko din naman na malinis ang labada ko para kunin ulit ang serbisyo ko. Yung nga lang hindi naman araw-araw ang labada, three weeks pa kasi bago siya ulit magpapalaba sa ’kin kaya kailangan ko talagang kumayod at maghanap ng pagkakakitaan. Pati nga yata paghahakot ng gulay sa palengke ay pinatulan ko na dahil sayang din yun, pera din yun.
Wala namang nakakahiyang trabaho eh, lahat naman marangal ang pinapasukan ko kahit pa nga mabaho ako minsan umuuwi sa bahay namin ay ayos lang, kapalit naman no’n ay pera.
May nakita akong jeep na papalapit samin kaya tinignan ko ang sign board at baka magkamali pa kami ng sakay ng anak ko. Nang makita kong pa way ng Makati ay agad kung itinaas ang kamay ko para parahin ang jeep.
Huminto naman agad ang jeep sa harap namin ng anak ko kaya dali-dali kaming sumakay ng anak ko. Mabuti na nga lang at hindi pa masyadong punuan ang loob ng jeep kaya pinaupo ko muna si Sera sa upuan. Mamaya ko nalang siya kakandungin kapag may sumakay na ibang pasahero.
Ilang sandali pa ay inabot ko na kay manong driver ang pamasahe ko. Ang mahal na talaga ng pamasahe sa jeep. Dati 9 pesos lang, ngayon 13 na. Tahimik lang akong nakaupo habang ang anak ko ay panay tingin sa bintana ng jeep. Sinaway ko pa siya dahil balak niya sanang ilabas ang kamay niya sa labas ng bintana. Nakinig naman siya sa ’kin at umayos siya ng upo.
Lumipas ang isang oras na biyahe namin na dapat ay 30 minutes lang sana. Ang traffic naman kasi kaya wala na kaming magagawa kundi maghintay hanggang sa makarating kami sa pupuntahan.
Pumara na ako kay manong dahil nakarating na kami sa bababaan namin ng anak ko. Hawak-hawak ko ang kamay ng anak ko hanggang sa makababa kami sa jeep. “Nak, bili muna tayo ng pagkain natin.” Saad ko sa anak ko dahil wala kaming baon dahil sa tiyahin kong napaka damot.
“Mama, gutom na din po ako,” saad naman ng anak ko habang hinahaplos ang tiyan niya. Do’n ko lang naalala na hindi pa nga kami nag almusal. Hindi din ako nakapag kape pala dahil galit sa ’kin ang tiyahin ko kapag nag init ako ng tubig. Gusto ko sanang ipagdasal na sana masunog ang bahay niya pero alam kong bad yun kaya wag nalang. Bahala na ang diyos na magbigay ng karma sakanya. Alam ko makukuha ko din ang ganti ko. Bilog ang mundo, kaya hindi siya dapat makampante sa ginagawa niya sa ’kin. Baka bukas ay ako naman ang nasa ibabaw at siya naman ang nasa ilalim.
Naghanap lang kami ng anak ko ng karinderya para makakain muna kami. Alam ko kasing marami akong lalabhan mamaya kaya kailangan ko ng energy at baka dalawang balnaw palang ako ay hinimatay na ako dahil sa gutom.
Nakahanap naman ako ng karinderya kaya agad ako tumingin sa mga binebenta nilang ulam. Pinili ko nalang ay gulay dahil bukod sa masustansya ay mura pa. Kailangan magtipid kaya dapat lang hindi mga mamahaling ulam ang bilhin namin.
Hindi naman maarte ang anak ko pagdating sa ulam dahil nasanay siya sa mahihirap na ulam dahil yun ang kinalakihan niya. Minsan pa nga ay walang kinakain ang anak ko sa kasamaan ng tiyahin ko kaya minsan ay nalilipasan na ng gutom ang anak ko. Minsan pa nga ay nagrereklamo ang anak ko na masakit daw ang tiyan dahil nga sa gutom kahit iniiwanan ko naman ang tiyahin ko ng pera pang ulam at kasali do’n ay para sa anak ko.
Dumating na ang order namin na ulam at kanin kaya nagsimula na kaming kumain ng anak ko. Mabuti nga at marunong na kumain ang anak ko mag-isa simula pa lang n’ong three years old siya. Hindi din siya gumagamit ng diaper dahil marunong siya magsabi na naiihi siya.
Tinuruan ko na kasi siya para tipid sa gastusin kaya hindi talaga ako nahirapan kay Sera. Mabait na bata ang anak ko at yun ang pinagpapasalamat ko sa diyos dahil binigyan niya ako ng mabait na anak.
Pero minsan ay sinusubuan ko ang anak ko lalo na kapag nami-miss ko ang pagkababy niya. Malambing din naman kasing bata ang anak ko kaya natutuwa ako sakanya. Pinangako ko talaga sa anak ko na aahon kami sa hirap at magtiwala lang kay mama.
Nang matapos kaming kumain ng anak ko ay binayaran ko na ang kinainan namin mula do’n sa tinago kong pera na inabot ko kahapon sa tiyahin ko. Tumayo narin kami ng anak ko at magkahawak kamay dalawa na naglalakad papunta sa bahay nang amo ko ngayong araw.
Tumawid pa kami ni Sera dahil nasa katapat na kalsada kasi yun. Nang makatawid kami ay tinungo namin ang bahay ng amo ko ngayong araw.
Nasa tapat na kami ng amo ko kaya agad kong pinindot ang doorbell para malaman niya na nandito na ako sa labas ng bahay nila. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng gate at nakita ko ang babae kong amo na ngumiti sa ’kin. Mabuti na nga lang at pumapayag siyang sinasama ko ang anak ko kapag naglalabada ako sakanya. Hindi din naman kasi nag kukulit si Sera kapag nasa ibang bahay. Mag be-behave lang siya sa gilid, minsan pa nga ay tinutulungan niya akong mag hanger. Kahapon ko lang siya hindi sinama dahil baka magtatawid-tawid sa kalsada at malingatan ko. Marami pa naman loko-loko na mga driver, kahit naka gilid na nga ay babangain pa.
Pinapasok na kami ni ma’am at tinanong pa niya kami kung kumain na ba daw kami ni Sera. Balak niya kasing pakainin kami bago daw magsimula maglaba. Tumanggi akong kumain dahil busog pa naman kami. Ayaw ko din naman kasi kumain sakanila na wala pang ginagawang trabaho. Ayos lang kung merienda para dapat tapos na ang trabaho.
Dumeritso nalang ako sa laundry area nila madam para makapag simula na ako. Nakita ko naman na nakahanda na ang mga labahin do’n pati narin ang mga sabon na para bang hinihintay talaga ako na dumating.
Ngumiti nalang ako saka huminga ng malalim dahil sigurado akong pagod ako mamaya. Sana lang talaga wala na namang kasamaan na gawin ang tiyahin ko para makapag pahinga ako ng maayos mamaya.
Chapter 4
PAGOD akong umupo sa upuan ng matapos akong maglaba. Nasampay ko na din ang mga nilabhan ko at tinulungan ako ng anak ko. Tumagal ng apat na oras yata ang paglalaba ko dahil ang iba ay hand wash. Ayos lang naman dahil sanay naman ang kamay ko sa paglalaba kaya hindi na ako magrereklamo pa.
Habang nagpapahinga ay nilapitan ako ni madam at talagang binigyan pa niya kami ng merienda kaya natuwa ako lalo na ang anak ko na kanina pa sinasabi na mag merienda na daw kami. Sabi ko kasi mamaya nalang paglabas namin dito sa bahay nila madam.
Kumain nalang kami ni Sera ng cake at coke ang binigay ni madam samin. Pinag supot pa talaga niya si Sera kaya tuwang-tuwa ang anak ko. Napakabait talaga ni madam kaya talagang pinagbubutihan ko ang paglalabada ko kahit anong mangyari eh. Hindi din kasi siya tipid mag bigay ng bayad. Lagi pa niyang sinasabi sa ’kin na itago ko daw ang pera na sinahod ko at wag ko daw ibigay sa tiyahin ko ng buo. Alam kasi niya ang buhay ko dahil isang beses ay nasabi ko sa kanya ang nangyari sa ‘kin. Kaya sa pamamagitan ng malaking pera na binibigay niya dinadaan ang tulong sa ’kin.
Natapos kaming kumain ng anak ko kaya gusto ko sana na ako na ang maghugas ng kinainan namin. Ayaw naman pumayag ni madam dahil siya na daw ang bahala maghugas.
Inabot niya sa ’kin ang sahod ko ngayong araw kaya natuwa ako at nagpasalamat. Hindi ko pa alam kung magkano ang binigay niya dahil nilagay niya sa sobre.
“Thank you po dito, madam.” Pagpapasalamat ko saka ako yumukod sakanya.
“Ano ka ba, pinag trabahuan mo yan kaya wala kang dapat ipagpasalamat. At isa pa, magaling ka naman maglaba, malinis talaga kaya ikaw na palagi ang kinukuha ko eh at hindi na ako naghahanap ng ibang labandera.” Nakangiti niyang sabi sa ‘kin.
“Salamat po talaga. Madam. Next time po ulit, madam ha! Ako pa din po ang kunin mo.” Saad ko pa kaya ngumiti siya sa ’kin sabay tapik sa balikat ko.
Nag paalam na kami kay madam na uuwi na kami ni Sera. Lumabas na din kami ng bahay nila madam at agad naglakad sa gilid ng kalsada habang magkahawak kamay.
Naglalakad kami ng anak ko at naisipan ko na tumawid sa kabilang kalsada. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng anak ko at naghahanda ng tumawid. Palinga-linga ako sa paligid at nakitang wala namang sasakyan kaya tumawid kami ng anak ko. Ngunit napasigaw nalang ako ng biglang may sumulpot na sasakyan at ang bilis pa ng takbo. Wala na akong nagawa kundi yakapin ang anak ko para maprotektahan siya.
“Mama..” sigaw ng anak ko sa takot.
“Pro-protektahan ka ni mama, nak. Wag kang mag-alala.” Saad ko sa anak ko saka ko ipinikit ang mga mata ko at hinanda na ang sarili ko sa pwedeng mangyari. Ngunit narinig ko ang malakas na pag preno ng sasakyan kaya napaupo nalang talaga ako sa gitna ng kalsada habang yakap-yakap parin ang anak kong si Sera.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kotse at nakitang bumaba ang isang gwapong lalaki. Na bangga yata talaga kami ng anak ko at kaluluwa na lang yata ‘to dahil sinusundo na kami ng gwapong lalaki. Anghel yata siya dahil naka suot din siya ng puting coat na parang sa doctor.
“Ayos lang ba kayo?” Tanong niya sa baritonong boses.
Hindi ako naka sagot agad dahil nakatulala lang ako sa lalaking gwapo. “A-Ayos lang po yata kami, sir.” Nauutal ko pang sagot. Agad naman akong tinulungan ng lalaki makatayo at maging ang anak kong si Sera ay tinulungan niyang makatayo.
“Sorry kung tumawid kami bigla, sir.” Panghihigi ko ng pasensya. Halata kasing mayaman ang lalaki kaya ako nalang ang hihingi ng sorry.
“No, it’s okay. Ako ang dapat humingi ng sorry sa inyong dalawa. Hindi ko napansin na tumatawid kayo dahil kinuha ko ang cellphone ko sa passenger seat. Kaya ako dapat ang humingi ng pasensya.” Saad niya saka yumukod sa harap namin ni Sera.
Bigla naman akong nahiya dahil sa ginawa niya. “A-Ayos lang po, sir. Wala naman pong nasaktan samin ng anak ko.” Saad ko kaya tumango ang lalaki.
“Ihatid ko na kayo sa pupuntahan niyo para makabawi ako sa inyong dalawa.” Saad ng lalaki kaya nahihiya ako. Halata kasing mamahalin ang kotse niya, kaya nakakahiya naman kong bigla sasakay kami ni Sera. Baka madumihan lang namin.
“Saan ba punta niyo?” Tanong pa ng lalaki ng hindi ako sumagot agad.
“Ahm.. naku po, sir. Wag na po. Nakakahiya naman po sa’yo. Ang ganda pa naman ng kotse mo, baka madumihan lang namin ng anak ko.” Nahihiya kong sabi.
“I insist. Hatid ko na kayo kung saan man kayo pupunta.” Saad ng gwapong lalaki.
Aayaw na naman sana ako ngunit pinilit na talaga ako ng lalaki at talagang kinausap pa niya ang anak kong si Sera na gusto din sumakay ng kotse. Ayaw ko sana dahil hindi ko naman kilala ang lalaki.
Pinagbuksan pa talaga niya ng pintuan ng backseat si Sera at tinulungan niyang makaupo ang anak ko. Binuksan ko nalang ang pintuan ng passenger seat dahil nakakahiya naman kong sa backseat din ako umupo eh di naging driver patuloy ang lalaking gwapo.
Pumasok ako sa loob ng passenger seat saka ko isinara ang pinto. Hinintay lang namin ni Sera na pumasok ang lalaki sa driver seat para maituro ko sakanya kung saan kami bababa ni Sera.
Binuksan ng lalaki ang pintuan ng driver seat saka siya pumasok sa loob ng kotse. Agad niyang binuhay ang makina ng kotse at pinausad.
“Saan ko nga pala kayo ihahatid?” Tanong ng lalaki.
“Sa San Rafael lang po, sir. Pauwi kasi kami sa bahay namin.” Sagot ko sa mahinang boses.
“Ahh.. galing kayo sa kamag-anak niyo?” Tanong niya habang naka focus ang mga mata niya sa daan.
“Hindi po, sir. Nag labada po ako sa isa kong amo. On call labandera po kasi niya ako.” Pagsasabi ko ng totoo.
“On call labandera?” Tanong niya ulit.
“Opo, sir. Sideline lang po kasi ang mga pinapasukan kong trabaho dahil wala po akong mapag iiwanan sa anak ko kaya ko po siya kasama ngayon.” Sagot ko saka ako lumingon sa anak ko na halatang tuwang-tuwa na nakasakay ng kotse.
“So, wala kang permanent na trabaho, ganun ba?” Tanong niya kaya tumango ako.
“Nasaan ba ang asawa mo kung ganun?” Tanong sa ’kin ulit ng lalaki.
“Single mom po ako, sir.” Tanging nasagot ko kaya tumango-tango siya.
“I’m Salem Herreros, by the way.” Pagpapakilala niya sa ’kin.
“Stephanie De Vera po, sir.” Pagpapakilala ko din.
“So, Ms. De Vera, gusto kong makabawi sa inyo ng anak mo kaya sana pumayag ka sa offer ko.” Seryoso niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.
“Offer po? Anong offer po yun?” Naguguluhan kong tanong kay sir Salem.
“Marunong ka ba mag bantay ng isang pasyente? Wag ka mag-alala, hindi naman siya gising. Wala parin kasi siyang malay. Parang babantayan mo lang siya.” Saad ni sir Salem.
“Comatose po ba, sir?” Tanong ko pa dahil first time kong gagawin ang trabahong sinasabi niya.
“Yes. Gusto ko kasi ang magbantay sakanya ay ako ang maghahanap. Naghahanap kasi talaga ako dahil ang girlfriend ng kaibigan ko ay ayaw siyang bantayan dahil busy daw siya.” Pagkwe-kwento ni sir Salem na halatang naiinis.
“Pero sir.. Kung tatanggapin ko po ang trabaho, kailangan ko pong isama ang anak ko po eh. Wala po kasing magbabantay kung sakali.” Saad ko dahil sigurado akong bawal ang bata do’n sa hospital kung ako ang magbabantay. Hindi ko naman siguro pwedeng dalhin ang anak ko.
“Ayos lang yun. Ako naman ang may-ari ng hospital kaya walang magbabawal sa anak mo. Dalhin mo nalang, mukhang mabait naman ang anak mo at behave naman siya.” Saad ng lalaki kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya siya ang may-ari ng hospital. Hindi lang pala mayaman ang lalaking ‘to.
“Wag kang mag-alala, malaki ang ibibigay kong sahod sa’yo. Basta wag na wag mo lang palalapitin ang babaeng nag ngangalan na Agni sa kaibigan ko.” Saad niya kaya kumunot ang noo ko.
“Sino po ba yung Agni, sir Salem?” Tanong ko dahil hindi ko naman alam na may kailangan pala akong pigilan na makalapit.
“Girlfriend siya ng kaibigan ko na hindi ko gusto para sa kaibigan ko. Kaya ayaw kong makalapit siya kay Leviticus. Siya ang babantayan mo.” Saad ng lalaki kaya tumango ako.
Madali lang naman yata ang trabaho ko kaya tatanggapin ko nalang lalo na’t ayos lang na dalhin ko ang anak kong si Sera. Hindi ko alam kung hulog ba ng langit si sir Salem samin dalawa ni Sera pero naisip ko na kung malaki ang pasahod niya sa ’kin ay hindi ko na kailangan pa mag hanap ng sideline at magtrabaho sa iba.
Pumayag ako sa alok ni sir Salem at nalaman ko na isa pala siyang doctor. Nahiya tuloy ako dahil hindi ko man lang ginalang siya sa, pero sabi niya sa ‘kin hindi na daw kailangan tawagin siya na sir or doc. Ayos na daw sakanya na tawaging pogi kaya hindi ko tuloy alam kung susundin ko ba ang sinasabi niya na tawagin siyang pogi, gwapo, hot doctor. Pumili lang daw ako sa tatlong yan wag lang daw sir at doctor.
Hanggang sa makauwi kami sa bahay ng anak ko ay yun parin ang tumatakbo sa isipan ko. Binigay sa ’kin ni doc. Salem ang phone number niya at tawagan ko daw siya bukas para maituro daw niya ang gagawin ko. Hindi ko pa sinasabi sa tiyahin ko dahil sigurado ako na kukunin niya ang pera na sasahurin ko kaya wag na lang. Ililihim ko nalang muna ‘to lalo na’t mukha pa naman siyang pera. Kanina nga pagdating namin ni Sera ay kinuha agad ang sinahod ko sa paglalabada. Mabuti na nga lang at nakapag tago na ako ng pera namin ni Sera at baka wala kaming pamasahe bukas papunta sa Herreros hospital. Pagmamay-ari pala yun ni doc. Salem.
Naalala ko dati do’n ako nanganak. Wala akong perang pangbayad at iniwan lang ako ng tiyahin ko at bahala daw ako sa buhay ko. Mabuti nalang at free ang panganganak ko dahil may programa ang Herreros hospital no’n para sa mga kapos na katulad ko. Ang bait pala talaga ng may-ari ng hospital, hindi lang mabait dahil gwapo din. Kaya talagang pinagpapala siya ng diyos.
A/N: Good morning po!❣️
Chapter 5
NALILIGO kami ng anak kong si Sera at mabilis ang ginagawang ligo namin. Yung tiyahin ko kasi ay inoorasan ang pagligo namin. Dapat 20 minutes lang ang ligo namin ng anak ko. Kapag lumampas ay bayad na 50. Kaya kami nagmamadali ng anak ko bawat ligo namin. Kahit nga sabon-sabon pa ang katawan namin ng anak ko ay pinapahid nalang namin sa t’walya kaysa naman lumagpas kami ng oras at magbayad ng 50.
Pagkatapos namin maligo ng anak ko ay agad kami lumabas ng banyo at naisipan nalang namin ng anak ko na magbihis sa harap ng banyo. Wala naman kaming kasama na lalaki sa bahay kaya ayos lang na sa labas na magbihis.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko makita ang tiyahin ko. Binihisan ko nalang muna si Sera saka ko nagbihis. Sakto naman natapos ako ay lumabas ang tiyahin ko na masamang nakatingin samin ni Sera.
“Bakit basa diyan? Gusto niyo ba akong madulas ha?!” Sigaw niya sa ’kin kaya dali-dali kong pinunasan ang basa na nasa sahig dahil sa tumutulong tubig sa buhok namin ni Sera.
“Bakit kasi dyan kayo nagbibihis? Mga sakit talaga kayo sa ulo mag-ina.” Galit niyang sabi. Hindi na lang ako sumagot at pinagdasal nalang na sana madulas siya sa banyo.
“Wag kang mag-init ng tubig, Stephanie ha! Kundi itatapon ko sa mukha ang mainit na tubig.” Banta pa niya sa ’kin.
’’Opo, sa’yo na po ang apoy. Gusto mo po ba maraming apoy ang lumapit sayo, tiya?“ Sarkastimo kong tanong sakanya. Minsan talaga ay hindi ko maiwasan na ipagdasal na sana masunog ang bahay niya. Nakakainis na kasi ang ugali. Hindi na nakakatuwa, napaka sakim sa lahat ng bagay.
Galit siyang tumingin sa ’kin at binato ako ng basahan kaya tumama sa mukha ko yun. Kahit nangigil na ako sa tiyahin ko ay hindi nalang ako gumanti at baka mapatay ko pa siya sa inis ko. Punong-puno na kasi talaga ako sakanya kaya kailangan kong pigilan at baka sa kulungan pa ang bagsak ko pag nagkataon.
Hinila ko nalang ang anak ko papunta sa sala ng magsimula ng magtalak ang tiyahin ko. Bahala siya sa buhay niya. Sana lang talaga mabilaukan siya ng sarili niyang laway at hindi makahinga. Piste siya!
Kinuha ko lang ang bag na may lamang damit namin ng anak ko at mahalagang papel tulad nalang ng birth certificate namin ng anak ko at kung ano-ano pa dahil sabi ni doc Salem sa ’kin kahapon na do’n daw ako matutulog sa hospital. Para naman din daw yun kwarto kaya maya kwarto daw ang anak kong si Sera kung sakaling inaantok daw ang anak ko.
Inilagay ko yun sa bag dahil baka ipagtatapon ng demonyo kong tiyahin saka kami lumabas ng anak ko kahit wala pang suklay-suklay ang buhok namin dalawa. Sa labas nalang kami magsusuklay at baka makita ko na naman ang tiyahin ko.
Lumabas na kami ng anak ko bitbit ang bag na may lamang damit. Hindi na ako nagpaalam sa tiyahin ko dahil wala namang pakialam samin yun.
Nang makalabas kami ni Sera ay gumilid muna kami sa gilid ng kalsada para mag suklay.
“Ang sama po talaga ng ugali ni tiya, mama. Ayos ka lang po ba?” Malungkot na tanong ng anak ko.
Ngumiti ako sa anak ko. “Ayos lang ako, anak. Hayaan muna, may karma din si tiyang. Papasaan ba’t makukuha din natin ang ganti natin sakanya.” Saad ko habang nagsusuklay sa buhok ko. Kitang-kita kasi ni Sera kung paano ako tinamaan ng basahan kanina. Medyo basa pa naman dahil yun ang ginamit kong pamunas sa sahig kanina. Walangya talaga ang tiyahin ko kahit kailan.
Nagsimula na kaming maglakad ng anak ko papunta sa kanto. Kumakalam na ang sikmura ko kaya tumigil na muna kami ni Sera sa isang karinderya na malapit lang din sa bahay namin. Dito kami madalas kumakain ni Sera dahil bawal kami kumain sa loob ng bahay ng tiyahin ko. Kahit may ambag pa akong pera, wala parin daw akong karapatan na kumain lalo na’t ako daw ang sumira sa pamilya niya.
“Kain nalang muna tayo, nak.” Aya ko sa anak ko na agad naman tumango.
Tumawid kami sa kabilang kalsada at agad tinignan ang niluto nilang agahan. Bumili nalang ako ng pancit para sa ’kin at kay Sera naman ay spaghetti at pritong manok. Nagpa timpla na din ako ng kape dahil hindi ako sanay na hindi nagkakape talaga sa umaga. Hindi kumpleto ang araw ko ng walang kape.
Kumain na kami ng anak ko at medyo tago ang pwesto namin ni Sera dahil baka bumili ang tiyahin ko din dito. Baka makita na naman ako at sabihin na tinataguan ko siya ng pera.
Hindi niya alam na hindi kami uuwi ni Sera ng ilang araw. Hindi naman din kami hahanapin ng gagang yun kung hindi kami makauwi. Baka nga matuwa pa yun kapag hindi na kami nakauwi ni Sera. Matutuwa yun dahil galit yun samin at matagal na no’n hinihiling na mamatay na kami ng anak ko.
Natapos kaming kumain ng anak ko kaya nagbayad na ako para maka alis na kami. Hawak kamay kami ulit ng anak ko at nagpatuloy kami maglakad palabas ng kanto. Dalawang sakay kasi kami ngayon. Jeep isa at tricycle papunta sa harap ng hospital.
Medyo mahal kasi kung mag tri-tricycle kami deritso ng anak ko. Sayang sa pamasahe kaya kailangan magtiis.
May nakita agad akong jeep na papalapit samin kaya pinara ko yun na agad naman huminto sa harap namin. Pinasakay ko na si Sera saka ako sumunod sakanya.
Inabot ko na agad ang pamasahe ko habang hindi pa puno ang jeep at umusog ako sa dulo na malapit sa pintuan ng jeep para hindi na ako maabutan ng pamasahe.
Hinihintay lang namin ng anak ko na makarating kami sa babaan namin. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa babaan namin kaya bumaba kami ni Sera. Nang makababa kami ay nakita namin ang pila ng tricycle kaya lumapit kami ng anak ko saka sumakay.
Kabado ako na may halong excited dahil sa papasukan kong trabaho. Mamaya kasi namin pag uusapan ni doc. Salem ang sahod ko.
Nang makarating kami sa harap ng hospital ay agad kong inabot kay manong driver ang pamasahe ko. Bumaba na kami ng anak ko at hawak kamay kaming naglakad papunta sa entrance ng hospital. Ang ganda talaga ng hospital na ’to, ang linis pa at halatang pang sosyal. Pero ang totoo ay may malasakit sila sa mga mahihirap. Kaya nga nag number one sila sa hospital dito sa Pilipinas. Mababait din ang mga doctor at nurses nila dito. HIndi din naman nakakapagtaka yun dahil mabait naman talaga ang may-ari ng hospital.
Pumasok na kami ni Sera at agad akong lumapit sa information desk. Inassist naman ako agad at tinawagan nila si doc. Salem na agad naman dumating. Nahiya naman ako dahil talagang siya pa talaga ang pumunta. Akala ko nga iuutos lang niya sa assistant niya pero talagang siya talaga ang lumabas.
Sumunod ako kay doc. Salem sa office niya dahil pag uusapan daw namin ang sahod ko. Nandito ako ngayon sa mahabang couch katabi ang anak kong si Sera na kanina pa nililibot ang paningin sa office ni doc. Salem.
“Mabuti naman at tinanggap mo ang offer ko, Stephanie.” Nakangiti niyang sabi.
“Hindi ko na po sasayangin ang ganitong offer, sir. Lalo na’t pwede ko pong kasama ang anak ko. Salamat din po dahil inalok mo pa ako ng trabaho na ganito, doc. Salem.” Pagpapasalamat ko kay doc. Salem.
“Ayos lang yun. Ito nga pala, basahin mo ‘to para sa kontrata natin bilang caregiver mo sa kaibigan ko.” Saad ni doc. Salem saka inabot sa ’kin ang isang folder. Tinanggap ko naman yun agad at binuklat at binasa ang nakasulat.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sahod na ino-offer sa ’kin ni doc. Salem. Dito na yata ako makakalipat ng apartment dahil sa sahod niya sa ’kin. Binasa ko pa talaga ulit at baka namamalikmata lang ako ngunit totoong-totoo talaga. May kasama din ’tong picture ng isang babae na maganda at halatang suplada, sa mukha pa lang niya kasi ay alam ko na namaldita ang babae. Baka ito yung babae na girlfriend ng babantayan ko. Naalala ko kasi ang sinabi ni doc. Salem sa ’kin kahapon.
“Doc.. ito po ba yung babae na hindi ko pwedeng papasukin sa loob ng hospital room ng babantayan ko po?” Tanong ko kay doc. Salem. Kailangan ko naman kasi makasiguro kung ito ba talaga ang sinasabi niya.
“Yes, That’s Agni. I don’t know her real name pero I don’t fucking care about that woman, basta wag mo lang siya papasukin sa loob ng room.” Seryosong sabi ni doc. Salem habang inaayos ang buhok niya.
“Noted po, doc. Salem.” Sagot ko saka ako ngumiti na parang nahihiya. “Ahm.. mag uumpisa na po ba ako, doc. Salem?” Tanong ko dahil nabasa ko naman ang mga instruction niya.
“Yes. Ihahatid ka ng nurse do’n sa hospital room ng kaibigan ko. May kwarto do’n na para sa anak mo. May tv din do’n kaya wag kang mahihiya na buksan yun para makapanood siya ng tv.” Bilin ni doc. Salem kaya napangiti ako habang tumatango-tango.
Ipinalibot ko ulit ang tingin ko sa kabuuan ng office ni doc. Salem. Napadako ang tingin ko sa isang family picture na naka sabit sa pader. Asawa yata ni doc at picture ng dalawang batang babae at may maliit na baby din na karga ang babae. Ang ganda ng pamilya ni doc. Salem, magaganda din ang mga anak niya.
Nag paalam na ako kay doc. Salem ng pumasok na ang nurse na maghahatid samin ni Sera sa hospital room.
Sumunod kami sa babaeng nurse at hanggang dulo pa yata ang pupuntahan namin dahil kanina pa kami naglalakad ni Sera. Hanggang sa nakarating kami sa puting pinto at huminto ang babaeng nurse.
Lumingon sa ‘kin ang babaeng nurse saka ngumiti. “Nandito na po tayo, ma’am.” Saad sa ’kin ng nurse kaya tumango ako at ngumiti.
Iniwan na din ako ng babaeng nurse dahil marami daw kasi silang a-asekasuhin ngayon. Kaya siguro naghanap si doc. Salem na magbabantay lang sa kaibigan niya. Ang bilin sa ’kin ng nurse kapag may nangyari sa pasyente ay pindutin ko lang daw ang red button na nasa taas para ma alarma daw sila at agad na tatakbo papunta dito.
Excited ako sa trabaho ko na may halong kaba. Pero ayos na din ‘to kaysa naman sa wala maghanap na naman ako ng mapapasukan na trabaho.
Chapter 6
PINIHIT ko ng dahan-dahan ang siradura ng pinto at maingat kong binuksan yun. Sumilip na muna ako sa loob at nakita ko ang isang lalaki na walang malay habang may naka kabit sa kanyang katawan na aparato.
Pumasok ako habang hawak-hawak ang kamay ni Sera at hindi ko siya pinapagawa ng ingay. Dahan-dahan ko ulit isinara ang pinto at nilock yun dahil bilin sa ’kin yun ni doc. Salem na ilock ko daw ang pinto at baka bigla daw pumasok ang babaeng nag ngangalan na Agni.
Nang makapasok kami ni Sera ay nakita ko agad ang sinasabi ni doc. Salem na isang kwarto. Tinungo ko yun at agad na pinihit ang siradura ng pinto at binuksan. Pumasok ako habang hila-hila ang anak ko at nakita ko ang magandang kwarto. May kama sa gitna at may tv din na katulad sa sabi ni doc. Salem.
Namamangha kong tinignan ang kabuuan ng kwarto at maging ang anak ko ay halatang nagustuhan din. Pwedeng-pwede na pala kaming hindi umuwi ng anak ko sa tiyahin ko dahil may kwarto naman pala kami dito. May dala naman akong mga damit namin ng anak ko kaya ayos na siguro ’to.
Inilapag ko ang dala kong bag sa kama at pinaupo ko ang anak ko sa kama. “Mag behave ka dito, nak ha! Wag kang mag iingay lalo na’t may pasyente tayong binabantayan.” Saad ko sa anak ko kaya tumango siya.
“Mama, dito nalang po tayo tumira. Mas maganda pa po dito eh, may tv pa po. Do’n sa bahay ni tiya bawal po akong manood ng tv kahit nanonood din naman po sila.” Saad ng anak ko.
Hinaplos ko ang buhok ng anak ko. “Hindi naman pwedeng dito tayo tumira, nak. Kailangan din natin maghanap ng matitirhan natin. Hindi naman panghabang buhay tayong magbabantay dahil naniniwala ako na magigising din ang kaibigan ni doc. Salem.” Saad ko sa anak ko kaya tumango siya.
“Okay po, mama. Pwede po ba ako manood ng tv?” Tanong ng anak ko kaya tumango ako dahil ibinilin ‘to sa ’kin ni doc. Salem na pwede ko daw buksan ang tv para manoood ang anak ko.
Nang mabuksan ko ang tv ay hininaan ko lang ang volume at inilagay sa cartoons ang channel kaya tuwang-tuwa ang anak ko na nakaupo sa kama.
“Dito ka lang muna nak ha! Lalabas lang ako para tignan ang babantayan ni mama ha!” Bilin ko sa anak ko kaya tumango siya.
“Sige po, mama. Mag be-behave lang po ako dito.” Sagot ng anak ko.
Lumabas na ako ng kwarto at isinara ko din ang pinto at lumapit ako sa lalaking nakahiga sa kama. Hindi ko pa kasi nakikita ang mukha ng pasyente ko na babantayan.
Nang makalapit ako ay halos naka limutan kong huminga dahil sa gwapo ng lalaki. Hindi ako makapaniwala na may ganito pala talaga ka gwapong lalaki. Oo, gwapo si doc. Salem pero para sa ’kin ay mas gwapo ang lalaking ’to kahit nakapikit ang mga mata niya.
Napaka perpekto ng hugis ng mukha niya at kanyang jawline ay tanging sa mga artista ko lang yata nakikita. Matangos din ang ilong niya at meron siyang maputing balat. Ang gwapo talaga ng lalaking. Paano pa kaya kung gising na siya.
Nakatitig lang ako sa mukha ng lalaki at pinag-aaralan ang angkin niyang kagwapuhan. Napapaisip nalang ako kung bakit kaya nangyari ’to sakanya. Halata kasi sa mukha niya na pinahirapan siya ng husto. May benda din kasi siya sa ulo at pati ang mga braso niya ay maraming sugat at pasa. Naiisip ko nalang na baka na aksidente ang lalaking ’to sa sasakyan kaya siguro ganito ang mga natamo niya.
May nakita akong upuan na nasa gilid ng kama kaya umupo ako do’n at pinagmasdan ulit ang mukha ng lalaki. Hindi nakakasawa titigan ang mukha niya at hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
May pumasok sa isipan ko na sabi nila ay dapat daw kinakausap ang mga taong ganito na walang malay sa hospital. Hindi ko alam kung totoo pero gusto kong magpakilala sakanya kahit pa nga hindi naman siya sasagot.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. Nakakahiya naman kong pumiyok ako. “Hi po, sir. Gusto ko po magpakilala sa’yo kahit po tulog ka. Ako nga po pala si Stephanie. Bago po akong kinuha ni doc. Salem na magbabantay sa’yo.” Saad ko sa mahinang boses na para bang kami lang dalawa ang nakakarinig.
“Bali nasa kontrata po namin ni doc. Salem ay kapag nagising ka po ay matatapos na po ang kontrata ko sa pagbabantay sa’yo. Ayos lang po yun sa ‘kin ang mahalaga po ay may trabaho po ako.” Saad ko saka ako umaayos ng upo. “Single mom po kasi ako, sir. Kaya need ko po talaga ng trabaho. Hindi naman po sa hinihiling ko na hindi ka muna magising pero parang ganun na din po,” nahihiya kong sabi. “Kahit umabot lang po ng six months. Makakaipon na po talaga ako ng pera para samin ng anak ko.” Dagdag ko pang sabi na sinasabi ang totoo. Sa laki ba naman kasi ng offer sa ’kin na sahod ay talagang gugustuhin ko na wag muna siyang magising at ako na ang bahalang mag alaga sakanya. Pero ipagdadasal ko pa din na sana magising at bumuti din ang kalagayan niya agad.
Kapag kasi nagising siya ay aalis na ako bilang bantay niya. Yun ang nasa kontrata namin ni doc. Salem. Nakalagay din do’n ang reason na baka daw magalit ang lalaking walang malay kapag nalaman niya na ibang tao ang nagbabantay sakanya at hindi ang girlfriend niya.
Naintindihan ko naman ang nasa isip ni doc. Salem kaya susundin ko ang nasa kontrata. Kaya habang nandito ako ay makikipag usap ako sa pasyente ko kahit hindi siya gising. Baka kasi pag nagising siya ay hindi ko na siya makikita pa.
“Pasensya ka na po sa ’kin sir kung yun po ang nasabi ko. Alam ko naman po na hindi mo ko makikita o makikilala kapag nagising ka na kaya magpapakilala na po ako sa’yo. Kasama ko din po pala ang ang anak ko, sir. Kaya pasensya na kung minsan ay maingay po dito sa loob. Pero wag ka po mag-alala, mabait naman po ang anak ko, sir.” Pagkwe-kwento ko sakanya.
Nang mapagod na ako sa pag-upo ay naglinis nalang ako sa paligid. Hindi naman masyadong madumi pero gusto ko parin maglinis para narin may magawa ako dito sa loob ng kwarto. Hindi kasi ako sanay na nakaupo at walang ginagawa. Simula kasi na magka anak ako ay wala na akong ginawa kundi magbanat ng buto para lang mabuhay kami ng anak ko. Kaya sanay na sanay na talaga ako at hindi ako mapakali kapag walang ginagawa.
Nang matapos ako ay sakto naman na tanghalian na. Hindi ko nga alam kung pwede ba ako lumabas para bumili ng pagkain namin ng anak ko. Dapat pala bumili na ako kanina bago kami pumasok ng anak ko sa hospital.
Pinuntahan ko ulit ang anak ko sa kwarto at naabutan ko siyang natutulog. Nakatulog yata siya habang nanonood ng cartoons dahil naka play parin ang tv.
Dahan-dahan ako naglakad papunta sa kama at kinuha ang remote control para sa tv saka ko pinatay yun. Mahimbing naman na natutulog ang anak ko kaya hinayaan ko nalang muna. Kinuha ko nalang ang wallet na nasa bag kong dala para makabili ako ng pagkain namin ng anak ko. Bibili na din ako ng merienda niya para mamaya para hindi na ako lalabas-labas pa mamaya.
Lumabas ako ng kwarto namin ni Sera at dahan-dahan kong isinara ang pinto. Naglakad ako papunta sa pinto para lumabas ng kwarto para makabili na ako ng ulam. Akmang pipihitin ko na sana ang siradura ng pinto ng may marinig akong katok sa labas ng pinto.
Agad kong binuksan ang pintuan at nakita ang isang nurse na may dalang dalawang paper bag na malaki. Ngumiti sa ’kin ang nurse saka inabot ang hawak niya.
“Para po sa’yo, ma’am.‘’ Saad sa ’kin ng babaeng nurse.
Inabot ko naman yun kahit hindi ko alam kung anong laman o kanino man galing ang paper bag. “Para sa ’kin po ba ’to?” Tanong ko sa babaeng nurse.
“Opo. Pinabibigay po ni doc. Salem para daw po hindi ka na lumabas at bumili ng pagkain.” Sagot sa ’kin ng babaeng nurse.
Yumukod ako para magpasalamat habang nakangiti. “Salamat po sa pagkain.” Pagpapasalamat ko sakanya. “Salamat din po sa paghatid dito.” Dagdag ko pang sabi.
“Walang anuman po, ma’am. Sige po, balik na po ako sa trabaho ko.” Pagpapaalam niya kaya ngumiti ako at nag paalam na din sakanya. Hinintay ko pa talaga na makaalis siya sa harap ko saka ako bumalik sa loob ng kwarto at isinara ang pinto.
Agad kong sinilip ang laman ng paper bag at halos kumalam ang tiyan ko ng naamoy ko ang mabangong aroma ng pagkain. Ngayon lang ako makakain ng ganito kasarap na pagkain kaya bangong-bango ako. Sigurado ako ay matutuwa si Sera kapag nakita niya ang pagkain. May drinks din kasing kasama kaya malamang talaga matutuwa yun.
Pumasok na muna ako sa kwarto namin ni Sera para ilagay ang paper bag sa loob. Nang makapasok ako ay mahimbing parin na natutulog ang anak ko kaya malamang mamaya pa kami kakain. Ayaw ko kasing maunang kumain tapos yung anak ko hindi pa nakakain eh, gusto ko sabay kaming dalawa kaya hihintayin ko siya kahit alas 2 pa siya magising.
Nang mailagay ko ang paper bag sa loob ay lumabas ulit ako sa kwarto namin ni Sera at tinungo ang upuan na nasa katabi ng pasyente ko at pinagmasdan ang gwapong mukha ng lalaki. Ang gwapo talaga ng binata. Napaka swerte ng girlfriend niya kung sino man. Pero ang pinagtatakahan ko lang talaga ay kung bakit ayaw ni doc. Salem na makapasok ang girlfriend ng pasyente dito sa loob. Ang sinabi lang naman kasi niya sa ’kin ay wag ko daw papasukin dahil ayaw daw niya sa babae at wala naman siyang sinabing maayos na dahilan. Pero sino ba naman ako para tanungin pa siya, basta susunod lang ako sa gusto niya at yun ay wag papasukin ang babaeng may pangalan na Agni.
Chapter 7
LUMIPAS ang ilang buwan ay nandito parin ako nagbabantay sa pasyente ko na walang malay. Nakilala ko na nga din ang mga kaibigan niya na dumadalaw dito at kung anong pinagdadala dito sa loob ng hospital room ni sir Levi.
Yung isa pa niyang kaibigan na babae ay nagdala pa ng lechon baboy na maliit para daw sa ’kin at sa anak ko. Nahihiya pa naman ako sakanya dahil akala ko nong una ay siya ang girlfriend ni sir Levi na sinasabi ni doc. Salem. Ngunit hindi pala dahil isa pala siya sa kaibigan nila at nag iisang babae na kaibigan nila.
Lumipas ang mga buwan pero hindi parin nagigising si sir Levi. Advantage yun para sa ’kin dahil patuloy parin ang sahod ko. Naka ipon na nga ako ng 100k dahil sa sahod ko. Nagsisimula na akong maghanap ng matitirahan namin ni Sera para may bahay na kami at hindi na kami babalik sa poder ng tiyahin ko.
Nakatanggap din kasi ako ng text sa tiyahin ko. N’ong una ay natuwa ako dahil ang appear sa notification ko ang text niya. Akala ko ay concern siya dahil hindi na kami umuuwi ni Sera sa bahay niya kaya siya nag text. Pero agad nawala ang ngiti ko ng mabasa ko ang text niya na sinusumbatan niya ako. Ang kapal daw ng mukha ko na maglayas porke’t may maganda daw akong trabaho. Mukhang nakarating sakanya kung saan ako nga tra-trabaho. Duda ko talaga ay yung kapitbahay ng tiyahin ko na naka admit ang ama dito sa hospital ni doc. Salem.
Akala ko kasi n’ong una ay namamalikmata lang ako. Lumabas kasi ako sa kwarto namin at pinuntahan ko ang nurse dahil may concern ako para kay sir Levi. Siguro ay nakita ako ng kapitbahay at nagtanong siguro sa nurse pa tungkol sa ’kin. Mga tsismosa talaga mabilis agad magkalat ng balita kaya nalaman ng tiyahin ko kung saan ako nag tra-trabaho.
Puro sumbat ang natanggap kong text mula sa tiyahin ko at sinabi na naman niya na dahil daw sa ’kin ay nakulong ang asawa niya. Hindi sana daw sila naghihirap ngayon kung nasa labas daw ang asawa niya at nag tra-trabaho. Sinabihan pa niya ako na kaladkarin daw ako na babae at inulit na naman niya na nilandi ko daw ang asawa niya kaya daw ako pinatulan at pinapalabas ko daw na nirape ako.
Umusok talaga ilong ko habang binabasa ang mga mahahaba niyang text sa ’kin at nireplayan ko lang siya ng fuck you ka!
Matagal ko na talaga yun gustong sabihin sakanya pero hindi ko lang magawa dahil nasa poder niya ako. Pero ngayon na wala na ay ayos lang na sabihin ko siya. Lagi din naman niya sinasaktan ang anak ko, minsan pa nga hindi niya pinapakain kaya fuck you talaga siya.
Lahat ng sama ng loob ko ay nilalabas ko kay sir Levi. Wala namang makikinig sa ’kin na ibang tao kundi siya eh dahil wala naman siyang malay. Pero kung may malay siguro siya ay baka hindi ako pakinggan dahil wala naman siyang pakialam sa ’kin. Para akong tanga talaga na nakikipag usap pero wala naman sumasagot.
Ngayon ay may hawak akong malinis na towel na medyo basa. Pinupunasan ko kasi ang mga braso ni sir Levi.
“O ayan, sir Levi.. tapos na kitang punasan ngayong araw. Mamaya na naman ay may mag che-check sa’yo na nurse dito ha!” Pagkausap ko sakanya. Nasanay na talaga ako kay sir Levi. Four months na din kasi akong naka duty dito at siya palagi ang nakikita ko. Ganun pa din, hindi pa din nakakasawa pagmasdan ang mukha niya.
“Malapit na po ang pananghalian, sir Levi. Gusto ko sanang kumain ng tuyo pero baka maamoy mo at bumangon ka bigla. Mukha ka pa namang hindi kumakain ng mahirap na pagkain.” Saad ko pa habang nakaupo sa upuan na nasa harapan niya.
“Four months na po akong naka duty sa pagbabantay sa’yo, sir Levi. Pero kahit isang beses po ay wala po akong nakitang babae na galit na galit at gustong pumasok po dito sa room mo. Ang sabi po kasi ay may girlfriend ka, sir. Pero bakit ganun… hindi ka man lang niya binisita kahit isang beses. Wala din naman pong sinabi si doc. Salem na pumunta po ang girlfriend mo dito sa hospital. Baka po kasi yun din ang hinihintay mo na marinig ang boses niya para magising ka.” Mahaba kong sabi kay sir Levi.
“Wag po sasama ang loob mo sir ha kung hindi ka man dinalaw. Malay kasi natin baka busy lang ang girlfriend mo at wala pa siyang panahon para puntahan ka dito. Malay mo sa susunod po ay bibisita po siya.” Saad ko habang pinagmamasdan siya. Hindi ko din naman kasi sure kung pumunta ba talaga dito lalo na’t ayaw papasukin ni doc. Salem.
Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko para kumain na muna kami ni Sera. Saktong 12PM na din kasi kaya dapat lang na kumain na kami ng anak ko.
Naglakad ako papasok ng room namin at nakita ko ang anak ko na nakaupo sa kama habang nag dradrawing. Binilhan ko kasi siya ng ng drawing book, pencil at crayons niya para naman may libangan siya.
Lumapit ako sa kama at sinilip ang ginagawa niya. Nakita ko ang drawing niya na hindi ko masyadong maintindihan. Pinagmamasdan ko lang yun habang may ngiti sa labi. Natutuwa kasi ako dahil mas gusto pa niyang mag drawing kaysa sa manood ng tv.
“Ano yang dina-drawing mo, anak?” Tanong ko pa sa anak ko.
Tumingin sa ‘kin ang anak ko at ibinalik ang tingin sa drawing book niya. “Ikaw po at ako, mama.” Sagot ng anak ko habang tinuturo niya kung nasaan ako sa drawing niya. Agad kumunot ang noo ko ng may makita pa akong drawing na isa na katabi ni Sera.
“Eh sino ’to, nak?” Tanong ko pa sakanya.
“Soon ko po na papa, mama.” Sagot niya agad kaya muntik akong mabilaukan sa sarili kong laway. Hindi ko alam kung bakit niya naisip ang bagay na yun. Wala naman akong balak na mag-asawa. Sapat na sa ’kin na siya ang kasama ko, hindi ko naman hinihiling na makahanap pa ako ng lalaking magmamahal sa ’kin.
Sigurado kasi ako na walang tatanggap sa ’kin lalo na’t may sabit ako. Lahat naman siguro ng mga lalaki na binata pa ay gusto ay walang sabit. Kaya bakit pa nila ako pipiliin kung may anak na ako. Isa din ay baka mandiri pa sila kapag nalaman na nirape ako ng asawa ng tiyahin ko. Kaya natatakot talaga ako na makipag relasyon at maghanap ng pagmamahal.
Kaya ayos na sa ’kin na kami lang dalawa ni Sera. Kaysa naman makahanap ako ng lalaki na kunwari mahal ako pero sa umpisa lang pala. Babae pa naman ang anak ko kaya dapat maging wais ako at baka mapahamak pa ang anak ko. Ang dami ko kasing napapanood sa balita na pinagsasamantalahan ng stepfather ang anak ng partner nila. Alam ko naman na hindi naman lahat ng lalaki ay ganun pero natatakot ako na baka ang mapili ko na makarelasyon ay magaling magkunwari at pakitang tao lang sa umpisa.
Ayaw kong sapitin ng anak ko ang sinapit ko sa kamay ng asawa ng tiyahin ko. Grabe ang dinanas ko do’n at kahit ngayon na nakakulong na ang may sala at matagal na din na nangyari ay parang fresh parin sa isipan ko ang kahayupan na ginawa niya sa ’kin. Hindi yun basta-basta mawawala at nakaukit na sa aking isipan ang pangbababoy niya sa katawan ko.
Hindi na ako sumagot sa anak ko at hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Diyan nalang kasi siya sasasaya tapos babasagin ko pa ang trip niya. Hindi naman kasi mangyayari ang gusto niya kaya at least sa drawing ay may papa siya.
Tinawag ko nalang ang anak ko para kumain na kami para matulog na din siya. Pinapatulog ko talaga siya ng tanghali. Mabuti nga at sumusunod siya sa ‘kin. Kung ibang bata pa yan ay baka hindi pa matulog ng tanghali.
Kumain kami ng anak ko at sinusubuan ko siya minsan ng pagkain. Magkaiba naman kami ng plato pero gusto ko lang siyang subuan dahil namiss ko lang n’ong baby pa siya na sinusubuan ko siya ng pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan namin. Si Sera naman ay pianapsok ko muna sa banyo para mag toothbrush pagkatapos niyang kumain ng chocolate. May binigay kasi si doc. Salem na tatlong packs ng chocolate para kay Sera.
May sarili din kasi kaming cr sa loob ng kwarto kaya hindi na namin kailangan na lumabas pa para mag cr.
Hinintay ko lang na lumabas si Sera at pinahiga ko na siya. Madali naman siya nakakatulog kahit hindi ko siya tapikin dahil aircon ang kwarto namin. Kaya ang sarap talaga ng tulog namin mag-ina dahil may aircon na nga, malambot pa ang kama namin. Hindi katulad do’n sa bahay ng tiyahin ko na sa banig lang kami nakahiga ng anak ko. Basang-basa din kami sa pawis dahil wala kaming electricfan na ginagamit. Ayaw kaming pagamitin ng tiyanhin ko dahil dagdag lang daw sa kuryente.
Lumabas na din ako ng kwarto namin ni Sera at isinara ang pinto. Tumingin agad ako sa nakahiga at walang malay na si sir Levi dahil nagtaka ako sa kumot dahil nag iba ang posisyon nito. Agad kong tinignan ang wall clock at nakitang oras pala para icheck siya ng nurse.
Naiinis talaga ako sa nurse na umiikot dito kay sir Levi dahil maayos ko nilalagay ang kumot pero ginugulo niya. Ilang ulit na niyang ginawa yun minsan pa nga ay nahuhuli ko na iniiba niya ang kumot.
Gusto ko sanang sitahin ngunit nahihiya naman kasi ako dahil syempre nurse siya. Sino ba naman ako na hindi nakatapos sa pag aaral at hindi ko din naman field ang ganitong trabaho. Kaya hindi ko nalang pinapansin at inaayos nalang kaysa mag reklamo at baka maaway pa ako at isumbong kay doc. Salem.
Chapter 8
ANIM NA buwan na ang nakakalipas at nandito parin ako sa hospital at binabantayan si sir Levi. Ang sabi naman ni doc. Salem ay bumubuti naman daw ang kalagayan ni sir. Ngunit talagang hindi parin siya nagigising.
Nakabili na ako ng maliit na bahay. Hindi ko sana mabibili yun kung hindi pa kay doc. Salem. Sinabi ko kasi sakanya na pinag iipunan ko na makabili ng bahay para samin mag-ina at nagulat ako ng dagdagan niya ang pera ko para makabili ako ng bahay at lupa. Maliit lang yun pero kasya lang para samin ni Sera. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko kay doc. Salem. Gwapo talaga siya at galante pa.
Hindi naman niya alam kung saan ako bumili ng bahay. Hindi din naman siya nagtanong dahil ang mahalaga daw ay may pupuntahan daw ang perang ibinigay niya sa ’kin. Habang inaabot nga niya ang pera sa ’kin ay tinanong niya kung gwapo ba daw siya. Sumagot naman ako na oo. Mas lalo pa niyang dinagdagan yun ng sabihin ko na hindi lang siya gwapo kundi matipuno at matalino pa siya. Ganun lang pala utuin si doc. Salem, kailangan lang pala sabihin ang magic word na gwapo siya at nagbibigay na agad siya ng pera.
Yung tiyahin ko ay nag chat na naman sa ’kin. Dinedelete ko agad dahil wala naman katuturan ang mga text niya. Panira lang talaga siya ng araw.
Nandito ako sa upuan at kumakain ng mansanas. Nakatitig na naman ako kay sir Levi na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.
“Nakabili na po ako ng bahay, sir Levi.” Pagkukwento ko sakanya. “Dahil po sa’yo yun kaya may bahay po akong nabili. Maliit lang po yun, sir. Pero at least po may sarili na kaming bahay ng anak ko. Hindi na po kami babalik sa tiyahin ko. Nag text na naman po nga yun eh, sabi po niya may utang na loob daw ako sakanya dahil pinag-aral daw po niya ako. Nanghihingi po siya ng pera sa ’kin pero hindi ko nalang po nireplayan. Pasensya na po sir ha kung palagi akong nag kwekwento sa’yo ng problema ko. Wala po kasi akong mapagsabihan na iba po eh. Wala naman kasi akong kaibigan kaya araw-araw po akong nakikipag usap sa’yo. Alam ko po na wala kang paki sa kwento ko pero salamat po dahil kahit papano ay gumagaan po ang problema ko kapag nilalabas ko po sa’yo.” Mahaba kong sabi habang nakangiti sakanya.
“Kung dati po ay ayaw muna kitang magising para maka ipon ako ng pera. Pero ngayon po ay sana po ay magising ka na. Lagi ko pong pinagdarasal na sana po ay magising ka na at wala pong komplikasyon at lahat ay nasa maayos.” Saad ko habang nakatitig parin sakanya. Magiging masaya na din talaga ako kung magising na siya. “Pasensya na po sa na isip ko. Pero yun po talaga ang totoo, kasi po gusto ko makaipon ng pera para samin ng anak ko. Kaya pasensya na kung naisip ko man yun. Pero lagi ka pong kasali sa dasal ko bawat gabi na sana po isang araw ay magising ka at wala ng dinaramdam na sakit mula sa nangyari sa’yo.” Dagdag ko pang sabi.
Tumayo ako at inayos ko ang kumot ni sir Levi dahil naka tabingi na naman. Naisip ko na puntahan ang anak ko sa kwarto namin ngunit hindi ako natuloy ng may marinig akong katok sa labas ng pinto. Agad kong tinungo yun para pagbuksan at baka ang nurse yun na mag che-check kay sir Levi.
Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ‘to binuksan. Ang akala ko ay nurse ay hindi pala. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang babae na matangkad at may pagka sophistikada tignan dahil sa mukha niya. Ang ganda ng babae kahit may mataray siyang mukha. Tinaasan pa talaga niya ako ng kilay habang nakatingin siya sa ’kin.
“Sino ka? Bakit ikaw ang nagbabantay sa boyfriend ko?” Tanong niya na parang naiinis at hindi nagustuhan na makita ako.
Napalunok ako ng ilang beses dahil sigurado ako na siya ang girlfriend ni sir Levi. Lagot talaga ako kay doc. Salem kapag pinapasok ko ang babae dito sa kwarto. Kabilin-bilinan pa naman ni doc. Salem na wag papasukin ang babae. Natatakot ako at hindi ko alam ang sasabihin lalo na’t wala pa naman si doc. Salem dahil nagbakasyon sa ibang bansa kasama ang pamilya niya.
“Sumagot ka!” Saad pa niya ng hindi ako sumagot agad.
Lumabas ako ng pintuan saka ko yun isinara. Hindi pwedeng makapasok ang babae sa loob kaya dapat lang na lumabas ako para makipag usap sakanya. Halatang hindi niya nagustuhan ang pagsara ko ng pinto dahil tinaasan niya ako ng kilay.
“Ahm.. ako po si Stephanie. Ako po yung bagong nagbabantay kay sir Levi na kinuha ni doc. Salem.” Sagot ko sa mahinang boses.
“Kinuha? Kaya naman pala ayaw nila akong papasukin dahil may kinuha naman pala silang bantay sa boyfriend ko. Alam mo, pwede ka ng umalis dito dahil ako na ang magbabantay sa boyfriend ko. Ang kapal naman siguro ng mukha mo no para ikaw ang magbantay.” Maarte niyang sabi habang nakangisi.
“Naku, pasensya na po pero pinagbabawal ka po ni doc. Salem na pumasok at pagbantayin dito. Sumusunod lang po ako sa utos niya. Sana po ay hindi ka po sa ’kin magalit dahil trabaho lang naman po ang pinunta ko po dito.” Saad ko dahil para na niya akong kakainin ng buhay. Hindi naman ako ang dapat niyang sisihin dahil unang-una ay utos lang naman sa ’kin yun ni doc. Salem.
“Wala siyang karapatan para pagbawalan ako na magbantay sa boyfriend ko. Dahil unang-una ay kaibigan lang naman siya at ako ay mahal ni Levi. Babae ka naman eh, siguro naman naiintindihan mo ang sinasabi ko. Kung may isip ka ha! Tingin ko kasi wala eh,” sabi pa niya na parang iniinsulto ako.
“May isip po ako, ma’am. Kahit hindi po ako nakapag tapos ay matalino po ako. Kaya wag mo akong sasabihan ng ganyan. Hindi ko alam kung bakit hindi ka pinapasok sa loob ni doc. Salem siguro ay may dahilan siya na pineperahan mo lang si sir Levi kaya ayaw ka niyang palapitin kay sir Levi dahil mukha kang pera.” Pang iinsulto ko din sakanya.
Nanlaki pa ang mata niya na hindi yata makapaniwala sa sinabi ko. Akala niya siguro hindi ko siya sasagutin. Mukha naman kasi niya ay halatang mukhang pera. Yung damit din niya ay sosyalera.
“Yung kamay ko mabigat, miss. Baka masampal kita sa pinagsasabi mo. Gusto mo ba sampulan kita?” Tanong niya habang pinapakita ang palad niya. “Kaya umatras ka na at magbalot ka na ng gamit mo at lumayas ka na! Wag mong hintayin na hilain ko buhok mo palabas ng hospital.” Pananakot niya sa ’kin.
Gusto ko sana siyang labanan pero naalala ko na taga bantay lang naman ako ni sir Levi kaya mas mabuti na wag nalang ako sumagot.
Bumuga ako ng hangin saka ako tumalikod sa babae at malawak na binuksan ang pintuan. Pumasok ako sa loob at isasara ko na sana ang pintuan ng mabilis na itulak ng babae kaya muntik akong matumba.
Mataray siyang pumasok sa loob ng room saka tumingin kay sir Levi. Tumingin siya sa ’kin ulit saka tinaasan ulit ako ng kilay. Nag iwas nalang ako ng tingin saka ako dali-daling lumapit sa kwarto namin ng anak ko.
Hindi ako nag paalam kay doc. Salem pero baka itext ko nalang siya sa susunod na araw o di kaya ay kakausapin ko nalang ang nurse mamaya at ipasabi na pinaalis ako ng girlfriend ni sir Levi.
Nagulat pa ang anak ko ng sabihin ko na aalis na kami. Hindi naman siya nagtanong kung bakit at tinulungan nalang niya ako magligpit ng damit namin. Nilinisan ko na din para hindi naman nakakahiya sa girlfriend ni sir Levi. Halata pa naman na maarte ang gaga.
Nang matapos akong maglinis ay hinawakan ko ang kamay ng anak ko habang bitbit ang plastic na may lamang basura at bag na may lamang gamit namin ni Sera.
Nakita ko pa ang babae na hawak ang kamay ni sir Levi habang nakaupo sa palagi kong pwesto kapag binabantayan ko si sir. Hindi ko alam pero parang may something akong nararamdaman na hindi ko mapanagalanan habang nakatingin sa kamay ng babae na hinahaplos ang likod ng palad ni sir Levi.
Lumingon pa sa ’kin ang babae sabay irap sa ’kin. “Dala-dala mo pa talaga anak mo dito ha! Lumayas ka na!” Sabi niya habang masamang nakatingin sa ’kin at sa anak ko.
Hindi nalang ako sumagot at tumingin nalang ako sa mukha ni sir Levi sa huling pagkakataon. Bumaba din ang tingin ko sa kaliwa niyang kamay at pinagmasdan ko ang ginawa kong bracelet para sakanya. Sana lang ay wag niyang tanggalin yun kapag nagising na siya.
Naalala ko pa kung paano ko ginawa yun habang kinakausap ko siya. Sinasabi ko kasi sakanya ang nangyari sa ’kin na ni rape ako ng asawa ng tiyahin ko. Ewan ko ba, gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikipag kwentuhan ako sakanya.
Iniwas ko na ang tingin ko kay sir Levi at hinila ang anak ko at tuluyang lumabas ng hospital room. Tapos na talaga ang pagbabantay ko sakanya at ito na din ang huling makikita ko ang gwapong mukha niya. Sayang nga at hindi ako nakapag paalam sakanya sa huling pagkakataon.
Dasal ko lang ay sana magising na si sir Levi. Sana din ay alagaan siya ng girlfriend niya na ngayon lang pumunta simula ng magbantay ako sa lalaki. Sana din ay wag niyang sulitin na walang malay si sir Levi dahil kawawa naman siya. Ayaw kong mapahamak si sir Levi sa babaeng yun. Ako ang naawa kapag pinerahan na naman niya ang lalaki.
Isasama ko ulit sa dasal ko bawat gabi si sir Levi na sana ay magisinga agad at malaman ang totoong kulay ng girlfriend niya.
Chapter 9
DALAWANG araw na ang lumipas simula ng tumira kami ni Sera dito sa bago naming bahay. Maliit lang ngunit masaya naman kami ng anak ko. Mabuti nga at nakakabili na ako ng sarili naming pagkain ni Sera kahapon. May grocery na kami ng anak ko kaya nakakatuwa.
Umaga ngayon kaya nagluluto ako ng agahan namin ng anak ko. Kung dati ay hirap na hirap ako magluto ng pagkain dahil nga sa pinagbabawalan ako ng bruha kong tiyahin kapag magluluto ako. Kukuha palang ako ng kawali ay sinisigawan na agad niya ako.
Kaya masaya ako na wala na kaming kasama dito sa bahay at kami lang dalawa ng anak ko. Wala ng magbabawal, wala ng mag o-oras samin ng anak ko kapag naliligo kaming dalawa. Ang saya pala kapag may sariling bahay na.
Natapos na akong magluto at inihanda ko na sa maliit naming mesa. Nabili ko ’to kahapon para kahit papano ay may mesa naman kami at hindi sa papag kami kakain.
Yung nabili kong bahay ay maliit pero may sariling kwarto, lababo at banyo. Bayad ko na lahat ’to sa tulong na din ni doc. Salem. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa doctor na yun dahil sobrang bait niya sa ’kin.
Nag send lang ako sa kanya ng message ngunit hindi naman siya nag reply. Ang mahalaga lang naman sa ’kin ay malaman niya na wala na ako sa hospital.
Nakahanda na ang pagkain namin ni Sera kaya tinawag ko na ang anak ko. Nakita ko naman siya na gising na siya at nakangiti sa ‘kin. Nakapo parin siya sa kama kaya naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa kama.
“Good morning, anak!” Bati ko sa anak ko na nagpupunas pa sa gilid ng mata niya.
“Good morning po, mama.” Bati din naman niya sa ’kin saka umusog palapit sa ’kin at yumakap.
Binuhat ko nalang ang anak ko at pumunta na kami ng kusina. Pinaupo ko siya sa upuan at inayos ang plato na nasa harap niya. Nilagyan ko na din ng kanin at ulam. Nagpasalamat naman ang anak ko kaya napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. Umupo na din ako sa katabi niyang upuan at naglagay na din ako ng pagkain sa plato ko.
Nagsimula na kami kumain ni Sera. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa lumingon sa ’kin ang anak ko na para bang may gusto siyang sabihin.
Napatigil naman ako sa pagsubo at kumunot ang noo ko. “Gusto mo pa ba ng ulam, nak?” Tanong ko sa kanya dahil nakatitig lang siya sa ’kin habang ngumunguya ng pagkain.
“Mama..” tawag niya sa pangalan ko.
“Ano yun, anak? May gusto ka pa bang ulam?” Tanong ko para ipagluto ko siya.
“Kailan po tayo pupunta ng hospital, mama? Gusto ko po pumunta do’n.” Sabi ng anak ko kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain.
“Eh anak… hindi na kasi tayo pwedeng pumunta sa hospital. May bago na kasing nagbabantay kay sir Levi. Kaya hindi na tayo pwedeng pumunta.” Sagot ko sa anak ko kaya nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
“Pero gusto ko pong makita si sir, mama. Nanaginip po ako kagabi, mama. Hinahanap po tayo ni sir Levi. Nalulungkot po siya mama..” sabi ng anak ko kaya hinaplos ko ang buhok niya para hindi na siya malungkot.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at panay ang sulyap ko kay Sera. Kahit ako ay gustong-gusto kong pumunta ng hospital para dalawin si sir Levi. Iniisip ko kung inaalagaan ba siya ng mabuti ng girlfriend niya na halatang pera lang ang habol.
Tama nga si Doc. Salem, nakakairita nga ang babaeng yun. Sana talaga magising na si sir Levi at malaman niya ang ginagawa ng babaeng yun. Sana malaman niya na pera lang ang habol ng babaeng yun.
Kagabi pa ako hindi mapakali at hindi makatulog dahil iniisip ko si sir Levi. Hindi ko alam kung normal pa ba ‘to o hindi na.
“Mama..” tawag ulit sa ’kin ni Sera.
“Ano yun, anak?” Tanong ko pa sa kanya.
“Tapos na po ako kumain. Lalabas po ba tayo mamaya?” Tanong sa ’kin ng anak ko. Alam ko sasabihin na naman niya na puntahan si sir Levi. Kahit ako ay gusto ko siyang bisitahin, pero alam ko hindi kami papasukin ng girlfriend niya.
“Hindi ko pa alam anak eh,” sagot ko kay Sera.
“Punta po tayo sa hospital, mama. Kahit sumilip lang po tayo do’n kay sir.” Sabi ng anak ko sa nagmamakaawang boses. Ako naman ay naawa din kaya tumango ako. Gusto ko din makita si sir Levi kaya papayag ako sa sinabi ng anak ko.
Tumayo na kaming dalawa at agad kong niligpit ang kinainan naming dalawa. Si Sera naman ay halatang natuwa dahil pumayag ako na pumunta sa hospital.
Nahugas na muna ako ng plato para makaligo na kaming dalawa. Nang matapos akong maghugas ng plato ay agad akong pumunta sa banyo para paandarin ang gripo. Naisipan ko nalang na si Sera na muna ang paliguan.
Tinawag ko na ang anak ko at dali-dali ko siyang pinaliguan. Halata sa anak ko na excited siya na pumunta kami sa hospital.
Natapos ko din paliguan si Sera kaya pumunta kami sa kwarto para mabihisan ko na siya. Ako na din ang pumili ng damit niya at hindi naman umangal ang anak ko.
Nang matapos kong bihisan si Sera ay ako naman ang naligo. Madalian lang ang ginawa ko para maaga kami makapunta sa hospital.
Natapos din ako agad at lumabas ako sa banyo. Tinungo ko ang kwarto namin ni Sera ar nakita ko ang anak ko na nakaupo sa kama na para bang hinihintay talaga ako.
Nagmamadali na lang akong magbihis dahil alam ko gusto na niyang umalis kami. Excited talaga siya na makita si sir Levi. Minsan kasi ay lumalapit do’n ang anak ko lalo na kapag pumapasok ako sa banyo. Kinakausap yata niya si sir Levi pero hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng anak ko. Minsan pa nga ay nasa tabi na ni sir Levi ang laruan ni Sera kaya lagi kong pinapagalitan ang anak ko dahil nakakalimutan daw niya.
Natapos na akong magbihis kaya nag ayos na ako ng buhok. Baka kasi sabihan na naman ako ng hindi maganda ng babaeng bruhita. Maganda pa naman sana pero ang baho ng ugali. Sa sobrang baho ay nangangamoy pa kaya naamoy ko na pera lang ang kailangan niya kay sir Levi.
Niyaya ko na ang anak ko at lumabas na kami ng bahay. Sinigurado ko din na naka lock yun at baka may pumasok na magnanakaw sa bahay namin. Pero naisip ko na wala nga pala siyang nanakawin sa bahay namin ng anak ko.
Naglakad na kami ng anak ko at tinungo ang sakayan ng jeep. Mabuti na lang din at nakasakay kami agad at hindi na kami naghintay ng matagal.
Inabot ko na din ang pamasahe ko sa unahan at nagpasalamat sa babae na nag abot no’n. Nakakandong naman sa ’kin si Sera na halatang tuwang-tuwa na lumabas kami ng bahay.
“Mama, magtatagal po ba tayo do’n?” Tanong sa ’kin ni Sera.
“Depende, anak. Alam mo naman suplada ang babaeng pumalit do’n sa pagbabantay kay sir Levi. Baka awayin na naman ako.” Sabi ko sa anak ko.
“Isusumbong ko po siya kay sir. Sigurado ako pag nagising po siya ay pagagalitan po niya ang bad na yun.” Nakangusong sabi ng anak ko kaya hinaplos ko nalang ang buhok niya.
Tumingin din ako sa bintana ng jeep at baka lumampas kami. Kinakabahan din kasi ako at baka hindi na kami papasukin ng anak ko sa hospital.
Ilang sandali pa ay nakarating din kami ni Sera sa hospital. May bumaba din kasing mga pasahero kaya may kasabayan kami.
Magkahawak kamay kami ng anak ko habang naglalakad papasok ng entrance ng hospital. Nakita ko pa ang nurse na nag assist samin dati ni Sera kaya ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya sa ’kin at kumaway.
Dali-dali kaming luampit ni Sera sa babaeng nurse. “Kamusta na, Steph?” Tanong sa ’kin ng babaeng nurse.
“Ayos lang po, ma’am. Pwede po ba kaming bumisita sa room ni sir Levi? Ito po kasing anak ko, gusto pong makita si sir Levi.” Tanong ko para may permiso kami na pumasok.
“Oo naman. Dapat kasi hindi mo iniwan si sir Levi sa bruhang yun. Alam mo ba na inaway niya si doc. Salem at sinabihan na pakialamero daw. Nakakainis ang babaeng yun at gusto namin siyang kuyugin dahil sinabihan niya ang boss namin ng ganun.” Pagkukwento ng babaeng nurse.
“Talaga? Nagawa niyang sabihan ang may-ari ng hospital?” Gulat na gulat kong tanong.
“Oo. Kung pwede nga lang bigyan ng pagkain na may lason ang babaeng yun ay baka ginawa na namin. Laging alas niya ay isusumbong daw niya sa boyfriend niya ang pang-aapi at ang ginawa daw ni doc. Salem na hindi siya pinapasok sa room. Nainis na yata si doc. Salem kaya pinabayaan na niya dahil baka daw mawala ang kagwapuhan niya sa stress.” Mahabang sagot ng babae kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Si Doc. Salem talaga eh, laging iniisip ang kapogian niya.
Nagpaalam na ako sa babaeng nurse dahil sabi niya sakto daw lumabas ang bruha. Kaya ang ginawa namin ni Sera ay tumakbo kami papunta sa hospital room ni sir Levi.
Nang makarating kami ay agad kong binuksan ang pintuan at pumasok. Para akong nakahinga ng maluwag ng makita ko si sir Levi na nakapikit parin ang mga mata. Lumapit kami ni Sera sa hospital bed niya at napansin ko na parang hindi man lang inayos ng babaeng yun ang kwarto ni sir Levi.
Tumingin ako sa paligid at talagang makalat yun. Napabuga nalang ako ng hangin dahil may nakita akong mga sigarilyo sa mesa. Hindi ba nag-iisip ang babaeng yun.
“Sir.. nandito po ulit kami ni mama..” sabi ng anak ko na nakatitig kay sir Levi. “Bad po yung babae na nagbabantay po sayo.” Dagdag na sabi ni Sera saka hinawakan ang kamay ni sir Levi.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero parang natutuwa akong makita si Sera na may malasakit kay sir Levi.
Umalis na muna ako sa likod ng anak ko at sinubukan kong maglinis ng kwarto ni sir Levi. Alam naman sana ng babaeng yun na hospital ‘to pero bakit kailangan na dito siya mag sigarilyo. Nakakainis na ang babaeng yun at parang ang sarap kalbuhin.
Pumunta na din ako ng banyo para do’n ilagay ang mga sigarilyo na nakuha ko. Pati ang banyo at madumi din. Hindi ko alam kung baliw ba siya o hindi at hindi man lang siya makapaglinis. Sayang naman ang ganda niya at mukha naman siyang malinis manamit.
Gusto ko sanang linisan ang banyo ngunit narinig ko ang daing ng anak ko kaya dali-dali akong lumabas ng banyo. Nanlaki ang mata ko dahil mahigpit na hinawakan ng babaeng bruha ang braso ng anak ko. Nanlilisik pa talaga ang mata niya habang nakatitig kay Sera.
“Bitawan mo nga anak ko!” Galit na sigaw ko kay Agni. Ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng anak ko kaya napasigaw na si Sera.
Agad akong lumapit kay Sera at hinawakan ang kamay ni Agni. “Bitawan mo sabi ang anak ko!” Galit ko parin na sabi at masama ko siyang tinitigan.
“Sino may sabi sa inyo na pwede kayong pumasok dito?! Layas! Mga piste kayo! Ano ba talaga kailangan niyo dito at bumalik pa kayo?! Kailangan niyo ba ng pera?” Tanong niya saka siya ngumisi na parang demonyo. “Pwes, wala kayong makukuha dito kaya wag na wag kayong babalik sa kwartong ‘to. Mga mukhang pera!” Sigaw niya samin.
“Parang sarili mo ang tinatawag mong mukhang pera, ma’am. Kaya ka nga nagpupumilit na magbantay dito dahil pera ang habol mo. Gawain ba ng matinong girlfriend yan? Tignan mo nga ang hospital room ni sir Levi.. ni hindi mo malinisan! Nagsisigarilyo ka pa talaga dito!!” Galit kong sabi at hindi na talaga ako nakapagpigil.
“Putangina ka din eh no! Pakialamera ka! Dapat sa’yo tinuturuan ng leksyon.” Sabi niya at walang sabing hinawakan ang buhok ko. Pati si Sera ay hawak niya at walang sabi-sabing hinila niya kami. Ginawa ko din ang lahat para maabot ang buhok niya at sinabunutan ko din siya.
Hindi talaga ako magpapatalo sa babaeng ’to dahil maling-mali na ang ginagawa. Dapat may pumutol na sa sungay ng demonyo na ’to. Pati bata ay pinapatulan talaga niya.
A/N: Shoutout sa magnanakaw na binebenta ang Assassin Series kahit free naman haha ingat baka mapunta sa ibang gastusin ang pera na kinikita mo sa mga binenta mong story, hindi lang sa ’kin kundi pati na din sa mga kapwa ko writer. May karma tayo kaya ingat ka hahahaha🤣😂😝
Kaya nakakawalang gana magsulat eh.
Chapter 10
NAKAUPO kami ng anak ko sa labas ng hospital habang ginagamot ng kakilala kong nurse ang mga sugat ko. Maging si Sera ay ginamot din niya.
Kanina, napaghiwalay lang kami ni Agni dahil sa dalawang nurse na pumasok sa loob ng hospital room ni sir Levi. Akala ko nga ay matatanggal na ang buhok ko sa babaeng yun. Ang sakit ng sabunot niya lalo na ang talas ng kuko ng bruha.
Pati mga nurse ay pinagalitan niya dahil nagpapasok daw sila sa kwarto ni sir Levi. Akala mo talaga siya may-ari ng hospital na lahat ng tao ay inaaway niya. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun.
Nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ko sinuntok mata niya. Hanggang kalmot lang ako sa pisngi niya kaya nang lumabas ako ng room ay nakita kong tumulo ang sugat sa pisngi niya. Akala siguro niya magpapatalo ako. Mas lalo ko talaga siyang sinugatan sa pisngi dahil sinaktan niya ang anak ko.
“Grabe ka kanina ha! Pero ang saya ko.. ang tapang mo eh,” sabi ng nurse na gumagamot sa ’kin. Tapos na kasi niya tignan si Sera. Mabuti na nga lang at konti lang ang sugat ni Sera dahil sa kuko ng bruha na yun. Ako ang napuruhan dahil kinalmot din ako ng gaga.
“Ang dumi ng kwarto ni sir Levi. May mga upos din ng sigarilyo.” Malungkot kong sabi sa babaeng nurse para maalarma sila.
“Naku.. nasabihan na din ang babaeng yun, Steph. Ilang beses ng sinaway ng mga doctor. Pero ang gaga vinevideo ang doctor kapag sinasaway siya. Lagi niyang sinabi na ipo-post daw niya sa social media. Napaka basura ng ugali.” Sagot ng nurse kaya napabuga ako ng hangin. Hindi kasi maganda para kay sir Levi yun lalo na’t hindi pa siya nagigising.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang manahimik na lang. Baka nga hindi na ako makabalik dito sa hospital na ‘to dahil pinagbantaan talaga ako ng bruhang yun.
Napabuga ako ng hangin dahil gusto kong tulungan si sir Levi. Gusto ko sanang linisan ang room niya. Kahit yun man lang sana para pwede na akong hindi magpakita kay Agni.
Natapos na akong gamutin ng nurse kaya nagpaalam na siya na babalik na daw siya sa loob. Nagpasalamat lang ako sa kanya at pinanood siya na pumasok sa Herreros hospital.
Naisipan ko nalang na umuwi kaya lumingon ako sa tabi ko para sabihin kay Sera na uuwi na kami. Ngunit pag tingin ko ay wala na si Sera sa tabi ko.
“Sera!” Tawag ko sa pangalan ng anak ko. Napatayo pa talaga ako at inilibot ang tingin sa lugar. May mga tao kasi na dumadaan din papasok at palabas ng Herreros hospital.
“Sera!! Anak!” Sigaw ko ulit ng hindi ko siya mahanap. Bigla akong kinabahan kaya agad akong naglakad-lakad sa paligid para mahanap ang anak ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil natagpuan ko naman siya agad. May kasama pala siyang batang babae at parang nakikipaglaro siya. Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko siya.
Tumingin sa ’kin ang anak ko at ngumiti. Hindi ako ngumiti sa kanya dahil mali ang ginawa niya na bigla nalang umaalis sa tabi ko. Nalingat lang ako saglit. Uso pa naman nakawan ng bata ngayon kaya natakot ako.
’’Halika na, Sera! Kailangan na natin umuwi!“ Sabi ko sa anak ko sa seryosong boses. Mukhang alam ng anak ko na hindi ako natuwa sa ginawa niya kaya nagmamadali siyang maglakad palapit sa ’kin.
Hinawakan ko ang kamay ng anak ko saka kami naglakad palayo sa batang kalaro niya.
“Sorry po, mama.” Sabi ng anak ko kahit hindi ko pa naman siya pinapagalitan. Nawala tuloy inis ko.
“Wag mo ng ulit gagawin yun, Sera. Pinakaba mo ko. Alam mo namang maraming bad guy sa mundo at pwede kang kunin at ibenta.” Sabi ko dahil lagi kong sinasabi sa kanya na wag aalis sa tabi ko o wag lalapit sa mga taong hindi niya kilala. Kahit babae o bata man yan. Baka kasi yung mga dumudukot ay gumagamit ng bata para may lumapit pa na ibang bata. Kaya dapat lang na mag-ingat.
“Opo, mama. Sorry po.” Panghihingi ng pasensya ng anak ko. Hinaplos ko lang ang buhok niya habang naglalakad kaming dalawa.
“Mama..” tawag sa ’kin ng anak ko.
“Ano yun, anak? Nagugutom ka na ba?” Tanong ko saka ako tumingin sa kalsada at palinga-linga ako sa paligid para maghanap ng masasakyan.
“Hindi na po ba tayo.. dadalaw dito kay sir?” Tanong niya sa ’kin.
“Hindi na anak eh, dapat talaga hindi na tayo pumunta dito. Nasaktan ka pa tuloy ng babaeng yun.” Saad ko saka hinaplos ang braso niya na may sugat dahil sa kuko ni Agni.
May araw din talaga ang babaeng yun. Darating din ang karma niya at nararamdaman ko na malapit na yun.
NAGISING AKO dahil sa boses ng babae na kilala ko. I tried to open my eyes slowly and saw my girlfriend. Agni.
I looked around and realized something, nasa hospital ako.
Nagtagpo ang tingin namin dalawa ni Agni at nakita ko ang saya sa mukha niya ng makita niya akong gising.
“Levi! Oh my God! Gising ka na!” Sabi niya saka may pinindot sa itaas ng kama ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang inaalala ang lahat ng nangyari sa ’kin.
Huli kong natatandaan ay tinurture ako ng mga lalaking dumukot sa ‘kin. Yun lang ang huli kong naalala.
Biglang bumukas ang pintuan at sunod-sunod na pumasok ang mga nurse at isang lalaking doctor.
Kinakausap nila ako ngunit hindi ako sumasagot at puro tango lang ang ginagawa ko.
I closed my eyes again and waited for the doctor and nurse to leave. Hinayaan ko lang sila na icheck ako at hindi ko pinapakinggan ang sinasabi nila. May pumapasok kasi sa tenga ko na boses ng isang babae.
“Thank you, doc.” Dinig kong sabi ni Agni sa doctor na nag check sa ’kin.
Naramdaman ko na hinawakan ni Agni ang kamay ko kaya iminulat ko ang mga mata ko. Nakita kong umiiyak siya habang nakatitig sa ’kin.
“Takot na takot ako, Levi. Akala ko ay hindi ka na magigising pa. Ilang taon ka na ding coma pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Kahit pa nga ayaw akong papasukin ng kaibigan mong doctor sa room mo. Ayaw nila na ako ang magbantay sa’yo, babe. Pero pinaglaban ko yun kaya heto ako sa harap mo..” umiiyak niyang sabi. “Mahal na mahal kita, Levi. Masaya ako at nagising ka na.” Dagdag niyang sabi saka pinatakan ng halik ang likod ng palad ko.
“P-Pwede.. mo bang tawagin ang kaibigan kong doctor?” Tanong ko sa kanya habang ang boses ko ay namamaos pa dahil siguro sa aking pagka gising.
Natigilan naman si Agni sa utos ko. “Bakit pa? Na check ka naman na ng doctor kanina, babe. Walang nakitang komplikasyon sa katawan mo.” Sabi niya sabay hinaplos ang pisngi ko.
“Anong nangyari sa pisngi mo?” Tanong ko sa kanya.
Agad naman niyang hinawakan ang pisngi niya. “Ito ba.. kasi kani-kanina lang ay may pumasok dito na magnanakaw. Sinusubukan akong nakawan. Siguro dahil alam niya na lumabas ako sa room mo para sana bumili ng pagkain. Pagbalik ko may nakapasok na babae at tinitignan ang bag ko. Kaya ako may sugat dahil nanlaban ako.‘’ Sabi niya saka dali-daling binitiwan ang kamay ko at lumapit siya sa mahabang upuan at kinuha ang bag niya do’n.
Kumunot pa ang noo ko dahil masyadong madumi ang kwarto. “B-Bakit ang dumi ng kwarto?” Tanong ko pa kay Agni.
Ngumiti naman siya sa ‘kin habang naglalakad siya palapit sa kama. Dala na niya ang bag niya na nakabukas ang zipper.
Umupo siyang muli sa upuan na nasa tabi ng kama ko at parang may hinahanap sa bag niya.
“Oh my God! Nawawala ang atm card na binigay mo sa ’kin, babe. Mukhang ninakaw ng babaeng pumasok dito kanina.” Mangiyak-ngiyak niyang sabi habang hinahanap parin ang sinasabi niyang atm.
“Dala-dala ko yun palagi dahil bawat araw ay nagdarasal ako na sana magising ka na. Para kapag nagising ka ay isuli ko ang atm na binigay mo sa ’kin dati. Pero mawawala lang pala. Alam mo ba.. wala akong kinuha do’n kahit piso, nahihiya akong gamitin kahit sabi mo na pwede kong gamitin yun. Iniisip kasi kita at hindi ako makakain sa sobrang pag-aalala ko sa’yo.” Sabi niya habang may luha sa gilid ng mata niya.
“Wag mo ng hanapin ang atm card, pwede naman ako tumawag sa bangko kaya wag kang mag-alala kung ninakaw man tulad ng sabi mo.” Sabi ko kaya napansin ko ang ngiti niya na parang napipilitan.
“Thanks, babe. Anyway, maglilinis lang muna amo ng room. Ang kalat kasi dahil kinalat ng babaeng magnanakaw ang mga pagkain kong binili. Hindi pa nakuntento at talagang ginulo ang mga pagkain at gamit na dala ko kaya ganito ang nangyari.” Saad niya saka tumayo sa kinauupuan niya at agad na lumapit sa mga basura na nasa sahig.
Pinagmamasadan ko lang si Agni na nakangiti habang naglilinis. Panay din ang kwento niya na kinawawa daw siya ni Salem.
“Mabuti nalang talaga at nagising ka na, Levi. Sana naman pakasalan mo na ako this time. Ayaw ko ng maulit ang nangyari na wala kang malay, babe. Kaya sana magpakasal na tayo. Napatunayan ko ang pagmamahal ko sa’yo dahil kahit kailan hindi ako umalis sa tabi mo. Hindi ka din mawala sa isip ko at kahit anong pigil ng kaibigan mong doctor sa ’kin ay gagawin at gagawin ko ang lahat makita ka lang.” Sabi niya sabay lapit sa hospital bed at hinawakan ang kamay ko. “Alam kong nakakahiya ang sinasabi ko dahil ako pa talaga ang nag aya pero.. gusto ko na talaga maging asawa mo Levi.” Mahaba niyang sabi kaya napatango ako.
Hindi ako nagsalita dahil ang isip ko ay may inaalala. Alam ko na hindi siya ang nagbabantay sa ’kin kundi ibang babae. Pilit kong inaalala ang mga kwento ng babaeng yun sa araw-araw kaya tahimik lang ako.
Chapter 11
NAKATITIG lang ako kay Agni na nag-aayos ng gamit ko. Ngayong araw ako lalabas ng hospital kaya inaayos niya ang dapat ayusin.
Nagtataka ako sa mga kaibigan ko, simula ng magising ako ay hindi sila pumunta dito sa hospital room ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari o may masama bang nangyari sakanila. Kaya gusto ko ng lumabas para mapuntahan sila isa-isa.
Ang sabi sa ’kin ni Agni ay dinalaw daw ako ni Salem kahapon habang tulog. Pero napaka imposible naman na hindi ako ginising ng kaibigan ko lalo na’t nalaman ko na matagal na akong comatose.
“Excited na akong umuwi tayo sa bahay mo, babe. Do’n na din ba ako titira?” Tanong sa ’kin ni Agni.
Hindi ako sumagot. Ayaw ko kasi siyang tumungtong sa bahay ko. Mas gugustuhin ko pang kumuha ng nurse at mag-alaga sa ’kin hanggang sa tuluyan akong gumaling.
Umiling ako kaya nawala ang ngiti niya. “Bakit naman? Kailangan mo parin ng tutulong sa’yo kapag nasa bahay ka na. Wag mo masyadong biglain ang sarili mo, babe. Kaya nandito ako para alagaan ka bilang girlfriend mo, Levi. Wag naman sana nurse ang kunin mo, masyadong masakit yun para sa ’kin.” Saad niya at nakita kong umiiyak siya. ’’Masakit yun para sa ’kin lalo na’t ako ang girlfriend mo tapos iba ang mag-aalaga sa’yo.“ Sabi niya kaya napabuga ako ng hangin. Kung dati ay lahat binibigay ko sa kanya dahil mahal na mahal ko siya. Pero ngayon ay wala akong pakialam sa kanya kahit masaktan siya.
Hindi na ako sumagot kay Agni dahil hahaba lang ang usapan namin kapag umiyak siya. Napapagod na akong pakinggan ang mga drama niya.
Uwing-uwi na ako sa bahay ko, namiss ko na din ang mga tangina kong kaibigan na hindi ako pinuntahan dito sa hospital.
Ipinikit ko nalang ang mata ko at inaalala ang boses ng isang babae. Gusto ko ulit marinig ang boses ng babaeng yun.
“May tanong ako sa’yo, Agni.‘’ Sabi ko saka idinilat ang mata.
Humarap sa ‘kin ang babae at halata sa mukha niya ang excitment. “Ano yun, babe? Tatanungin mo ako kung gusto ko ng makasal sa’yo?” Tanong niya sa ’kin.
“Nakilala mo ba ang babaeng nagbantay sa ’kin dito? Alam ko na may ibang babae na nandito, Agni. Kahit nakapikit ako ay naririnig ko ang boses niya.” Deritso kong tanong. Napansin ko na natigilan siya at agad naman siyang nakabawi at ngumiti.
“I-Ibang babae? Ako lang ang nagbantay sa’yo dito, babe. Boses ko yun, at baka nong araw na narinig mo yun ay yung namamalat ang boses ko. Alam mo na..sa sobrang puyat sa pagbabantay ko sa’yo ay napabayaan ko ang sarili ko kaya ako nagkasakit.” Sabi niya habang nakangiti sa ’kin. “Kaya ako yun, babe. Walang ibang babae na nagbabantay sa’yo dito kundi ako. Kung meron mang papasok dito na babae ay mga nurse yun na nag che-check sa’yo araw-araw. May mga edad na yun o di kaya ay may mga asawa.” Paliwanag niya kaya tumango nalang ako at hindi na sumagot pa.
Yumuko nalang ako at iniisip parin ang boses ng babae na yun. Hindi ako pwedeng magkamali, sigurado ako na may ibang babae akong kasama sa kwarto. Hindi lang isa kundi dalawa, at ang boses ng babaeng yun ay bata.
Niyaya na ako ni Agni na lumabas ng hospital room. Inaasahan ko na pupuntahan ako ni Salem dito, ngunit kahit anino ay hindi nagpakita sa ’kin. Kailangan ko talagang makausap ang kaibigan ko na yun. Alam ko na may alam siya sa dalawang babaeng nasa kwarto ko.
NAGLILINIS AKO ng bahay habang ang makulit kong anak ay panay ang sabi na tutulungan daw niya ako. Natatawa nalang ako dahil nagtutupi kami ng damit dalawa.
Ginagawa naman niya ang lahat para magaya niya ang pagkakatiklop ko pero talagang hindi niya magawa.
“Mama.. look po oh.. ang galing ko na po magtupi ng damit,” tuwang-tuwa niyang sabi.
“Ang galing naman ng anak ko. Thank you sa pagtulong, nak. Pinapagaan mo ang trabaho ko.” Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya.
“Oo naman po, mama. Gusto ko po palaging makatulong po sa’yo.” Sabi niya kaya hinaplos ko ang buhok ng anak ko.
Naalala ko bigla si sir Levi. Iniisip ko kung kamusta na kaya siya. Yung isipan ko ay hindi ko mapigilang isipin ang gwapong binata na yun lalo na’t ang nagbabantay sa kanya ay isang bruha.
Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari samin dalawa ni Agni. Yun kasi ang unang beses na nakipag away ako. Sa tiyahin ko kasi dati ay hindi ako nakipag away sa kanya kahit pa nga gusto ko na siyang batuhin ng sandok.
Siguro dahil nakita ko na sinasaktan niya ang anak ko kaya ako nagalit ng husto kay Agni at nakipag sabunutan. Kahit sino sigurong ina ay gagawin yun lalo na kung anak ko na ang inaaway.
Pinagdarasal ko talaga na sana ay makarma ang babaeng yun dahil sa ginawa niya sa anak ko. Ayos lang sana eh kung ako lang ang inaway, pero sinali ang anak ko kaya dapat lang na labanan siya.
Natakot nga din yata ang anak ko dahil kinagabihan ay nilagnat siya. Mabuti na nga lang at isang gabi lang siya nilagnat at kinabukasan ay gumaling agad.
“Mama..” tawag sa ’kin ng anak ko.
“Ano yun?” Tanong ko naman sa kanya.
Ngumuso naman siya kaya natawa ako ng mahina dahil ang cute ng labi niya. “Kamusta na po kaya yung gwapong sir sa hospital po? Sana po, mama, magising na po siya.” Sabi niya sa malungkot na boses.
“Lagi mo ba siyang pinagdarasal sa panginoon, anak?” Tanong ko sa anak ko habang hinahaplos ang buhok niya.
Tumango naman sa ’kin ang anak ko. “Opo, mama. Palagi po. Sabi mo po kasi.. lahat po ng dasal ng mga tao ay naririnig po ng panginoon. Kaya lagi ko pong pinagdarasal si sir pogi.” Sagot ng anak ko kaya napangiti ako. Bilib talaga ako sa anak ko dahil mabilis lang siya turuan. Nasanay kasi siya na inaapi kami ng tiyahin ko kaya kailangan ko siyang turuan na magsalita para isumbong niya sa ‘kin ang ginagawa ng tiyahin ko dati kapag wala ako.
Isa din sa nakatulong ay palaging nakikipaglaro ang anak ko sa mga bata kaya talagang natuto siya. Tinuturuan ko din siya bago kami matulog kaya talagang straight magsalita ang anak ko, minsan nga lang ay nabubulol siya lalo na kapag sa letrang r o l. Pero dahil mama niya ako ay naiintindihan ko naman yun agad.
“Hayaan mo, anak, magigising din ang sir pogi na yun. Nararamdaman ko na malapit na. Magiging masaya na tayo do’n kapag gumaling na siya kahit pa nga hindi niya tayo makilala o makita.” Sagot ko sa anak ko kaya tumango siya.
“Anong gusto mong merienda ngayon? Dapat masarap ang isipin mo ha dahil tumulong ka kay mama magtupi ng damit.” Sabi ko sa anak ko kaya agad na nag ningning ang mata niya.
Binabalak ko sana na magtayo ng maliit na negosyo sa labas ng bahay namin. Balak ko na magtinda-tinda ng merienda para naman may pagkakitaan ako at hindi mabawasan ang tinatago kong pera. Hanggat maari kasi ayaw kong mawalan ng pera dahil ang hirap. Lalo na kapag may biglaang emergency.
Gusto kong magsimula next week dahil bibili na muna ako ng mga gagamitin ko para sa ititinda ko. Balak kong pumunta ng mall para do’n nalang bumili. Gusto ko din pag-aralan ang papasukin kong negosyo sa buhay para naman hindi ako mangapa.
Kailangan ko kasi talagang magbenta lalo na’t malapit na mag-aral ang anak ko. Balak ko na talaga siyang pag-aralin dahil sakto na naman sa edad niya next year.
Kaya ko ’to. Kayang-kaya para sa anak ko. Hindi ako pwedeng mapagod dahil may nakasandal sa ’kin at kailangan kong suportahan ng maayos ang anak ko.
Pumunta nalang kami ni Sera sa kusina para gawan siya ng merienda. Mabuti na nga lang at madali lang ang request niyang merienda. May nabili naman ako nong isang araw kaya gagawan ko siya ng pancake.
Habang gumagawa ako ay ang anak ko ay tahimik na nakaupo. Kinakausap ko din siya patungkol sa mga numbers para mahasa pa siya lalo. Yun lang naman kasi ang ginagawa naming mag-ina talaga.
Masaya naman ako na kami lang dalawa ni Sera. Wala ng magulo sa buhay namin at masasabi ko na payapa na talaga ang buhay namin mag-ina.
A/N: Good morning po!✨
Chapter 12
NAGBIBIHIS kami ngayon ni Sera dahil pupunta kami ng mall. Dapat ay last week pa kami pupunta ng anak ko ngunit nagkasakit ako kaya kinailangan ko muna magpahinga.
Nag-alala ng husto ang anak ko kaya ayaw niyang umalis sa tabi ko. Siguro ay natakot siya na baka may mangyari sa ’kin. Narinig ko pa ang dasal ng anak ko na sana daw ay pagalingin ako ng panginoon.
Kaya natuwa ang anak ko dahil gumaling agad ako. Ayaw ko talagang malungkot ang anak ko dahil hindi siya natutulog dahil binabantayan niya ako. Ilang beses ko na nga sinabi na magiging maayos lang naman ako pero talagang natatakot ang anak ko.
Nangako din ako ngayong araw na igagala ko na din siya ngayon sa mall at kakain kami sa labas. Halatang excited ang anak ko at kanina pa niya ako kinukulit na alis na daw kami.
Tapos na ako sa pag-aayos kaya kinuha ko ang mumurahin na sling bag ko. Ito lang ang meron ako kaya iniingatan ko ‘to ng mabuti. Ganito talaga ako, maingat sa gamit lalo na’t hindi naman ako mayaman para bumili ng maraming bag.
“Tara na po, mama.” Aya sa ’kin ng anak ko kaya tumango ako.
Hawak ko ang kamay niya at lumabas kami ng bahay. Siniguro ko din na nakalock yun para hindi kami maakyat ng magnanakaw kahit pa nga wala namang nanakawin sa bahay namin. Mabuti na yung maingat kaysa naman nasa huli ang pagsisisi.
Nang masiguro kong lock ang pinto ay agad kaming naglakad ni Sera sa gilid ng kalsada. Mag tri-tricycle nalang kasi kami dahil medyo malayo ang mall dito. Hindi kayang lakarin.
Nakahanap naman kami agad kaya itinaas ko ang isa kong kamay para tawagin yun. Agad naman lumapit yun samin kaya sinabi ko kung saan kami magpapahatid.
Inalalayan kong sumakay ang anak ko saka ako sumakay. Pinausad naman agad ni manong driver ang tricycle niya kaya hinawakan ko ang anak ko.
Iniisip ko kung saan kaya kami kakain ng anak ko. Iniisip ko din ang mga bibilhin ko na kakailanganin ko sa pagtitinda ko. Sakto kasi talaga dahil walang nagbebenta ng pagkain sa lugar namin. Kung meron man ay medyo malayo pa kaya maganda talaga magtinda. Wala akong ka kompetensya kung sakali.
Ilang sandali lang ay nakarating kami sa harap ng mall. Napangiti ako dahil tuwang-tuwa ang anak ko. Inabot ko nalang muna ang pamasahe sa driver saka ako bumaba at sunod kong inalalayan ang anak ko.
Magkahawak kamay kami ng anak ko papasok ng entrance. Plano ko na tumambay muna kami mamaya sa bagong pasyalan dito sa mall na garden. Na search ko na kasi yun kanina kaya dito ko piniling pumunta.
Naisip ko na mamaya na muna ako bibili sa mga kailangan ko at balak ko na paglaruin si Sera do’n sa third floor. May palaruan kasi do’n na alam ko ay mag e-enjoy si Sera.
Pumunta kami sa third floor at tama nga ang hula ko. Nang makita kasi ni Sera ang palaruan ay nagtatatakbo. Hinayaan ko na at lumapit ako sa counter para magbayad ng fee.
Nang makabayad ako ay pinapasok na si Sera. Aliw na aliw ako habang pinapanood ang anak ko.
Isang oras lang naman ang pinili ko dahil yun lang ang inilabas na budget ko para sa araw namin ngayon.
Nakikita ko sa mukha ng anak ko na tuwang-tuwa. Masaya na din ako kahit pa nga hindi ko narananasan ang ganito. Kaya gusto ko si Sera ay maka experience ng ganito kasayang palaruan.
Lumipas ang isang oras ay tinawag na kami sa harapan at sinabi na tapos na ang oras namin.
Lumabas naman kami ng anak ko at naisipan ko na kumain muna kami. Kaya naghanap ako ng fast food chain dahil pang do’n lang ang budget ko sa gala namin ng anak ko. Ayaw ko muna kasing bumili ng pagkain na mga mahal lalo na’t hindi ko pa napapaikot ang pera ko.
Nakahanap naman ako ng kakainan kaya bumili na ako ng pagkain. Tuwang-tuwa naman ang anak ko dahil gusto daw niya ng spaghetti.
Nang makaorder ako ay inuna ko muna pakainin si Sera. Baka kasi madumihan ang damit niya kung siya lang ang kakain. Kaya ako nalang ang nagpakain sa kanya.
“Thank you po, mama!” Sabi ng anak ko habang ngumunguya ng pagkain. Napangiti naman ako saka hinaplos ang buhok niya.
Kumain na din ako. Palitan ang ginagawa kong pagsubo sa anak ko hanggang sa matapos kaming dalawa. Ilang sandali pa ay inaya ko na ang anak ko na nag cr muna dahil maglalakad-lakad na muna kami saka kami bibili ng gagamitin ko sa pagtitinda.
Nang matapos kaming banyo ay lumabas na kami ni Sera at naglakad-lakad kami ulit. Magkahawak kamay kaming dalawa hanggang sa may nakita akong stall na parang nagtitinda ng mga gamit sa kusina. Naka sale pa kaya lumapit ako at namili.
Hawak ko parin ang kamay ng anak ko ngunit nahihirapan akong tignan ang gamit kaya tinignan ko ang anak ko. “Anak, dito ka lang sa tabi ko ha! Kukunin ko lang yun.” Sabi ko kaya tumango ang anak ko.
Binitiwan ko ang kamay niya at kinuha agad ang gusto kong kunin. May namimili din kasi at baka maagawan pa ako. Konti pa lang kasi ang gamit ko sa kusina kaya kailangan kong bumili talaga.
Namimili na din ako ng sandok hanggang sa madami na akong napili. Ang laki pa ng tuwa ko dahil may mga gamit na akong bago.
Nilingon ko muna ang anak kong nasa tabi ko ngunit wala na siya do’n. Kumunot ang noo ko at agad na tumingin sa likuran ko at baka nando’n lang ang anak ko ngunit wala parin.
Nanlaki ang mata ko at nabitawan ko pa talaga ang mga pinili kong gamit at agad kong ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng mall. “Sera!!” Tawag ko sa anak ko habang naglalakad-lakad ako. Diyos ko! Yung anak ko nawawala.
NAGLALAKAD AKO sa mall habang iniwan ko si Agni. Ayaw ko siyang kasama pero talagang nagpumilit siya dahil may bibilhin daw siya.
Sa grocery lang naman sana ang punta ko dito at may pupuntahan din ako sa 4th floor ng mall.
Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa nakarating ako sa elevator. Lumingon muna ako sa likuran ko at baka nasunod na naman sa ’kin si Agni. Ngunit hindi si Agni ang nakita ko kundi isang batang babae.
Kumunot ang noo ko dahil siya lang mag-isa, wala siyang nanay na kasama. Pumasok sa isipan ko na baka nawawala siya.
Hindi siya masyadong malapit sa ‘kin pero natatanaw ko ang batang babae at alam kong nakatitig siya sa ‘kin.
Bumukas ang elevator kaya ibinalik ko ang tingin sa harapan. Ngunit narinig ko ang sigaw ng bata kaya lumingon akong muli at nakita ko na may lalaking lumapit sa batang babae.
Unang tingin pa lang ay alam kong hindi kilala ng bata ang lalaking humawak sa braso niya. Hindi naman siguro titili ang bata at magpupumiglas kung kakilala niya.
Dali-dali akong naglakad papunta sakanila kaya natigilan ang lalaki. Ang batang babae naman ay nakatitig sa ’kin.
“Kakilala mo ba ang bata, pre?” Tanong ko sa lalaking nakasuot pa ng sumbrero.
“Oo naman. Anak ko ’to eh, naghahabulan lang kaming dalawa.” Sagot ng lalaki saka tumingin sa batang babae. “Halika na, anak.. uuwi na tayo sa bahay. Kanina pa tayo hinihintay ng mama mo.” Sabi ng lalaki sa batang babae.
Ngunit nagpupumiglas talaga ang bata sa hawak ng lalaki. Hindi ko mapigilan na hawakan ang kamay ng lalaki kaya nabitawan niya ang bata. Agad kong hinila ang batang babae at itinago sa likod ko na para bang pinoprotektahan ko sa lalaking mongoloid na ’to.
“Pwede bang wag kang mangialam!” Sigaw pa sa ’kin ng lalaki na halatang galit sa pangingialam ko.
“Kung totoong ama ka ng bata.. ipakita mo muna sa ’kin ang picture niyong tatlo kasama ang asawa mo. Kapag may naipakita ka ay ibabalik ko ang bata. Pero kapag wala kang naipakita ay babaliin ko mga daliri mo sa kamay ng magtanda ka.” Banta ko sa kanya kaya natigilan ang lalaki.
Halatang wala siyang maipakita sa ’kin kaya napangisi ako. Masama naman niya akong tinignan at dali-daling tumakbo palayo samin. Natakot yata sa sinabi ko. Mukha palang niya halatang nangunguha ng bata. Tangina!
Agad akong lumingon sa batang babae at pinagpantay ko ang mukha ko sa mukha niya. “Nasa’n ang mama mo? Muntik ka ng mapahamak.” Sabi ko sa batang babae.
Hindi parin siya nagsasalita at nakatitig parin siya sa ’kin. “Ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” Tanong ko at tinignan ang braso niya dahil mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa braso niya.
“S-Sir gwapo.. ikaw po talaga. Gising ka na po..” saad ng bata na nakangiti pa at parang hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako.
Mukhang kilala ako ng bata lalo na’t niyakap niya ako. Pamilyar din ang boses niya kaya nagtataka ako.
Natigil lang ako sa pagyakap sa bata ng sumulpot si Agni at hinila ang bata.
“Ano ba, Levi.. bakit ka yumakap sa bata? Kadiring bata yan parang galing sa lansangan.” Sabi ni Agni na pilit hinihila ang bata palayo sa ’kin.
Sa inis ko ay tinulak ko si Agni at napaupo siya sa sahig. Kitang-kita ko sa kanya ang pagkagulat ngunit wala akong pakialam.
Kinarga ko ang bata at nakaramdam ako na parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. “Kilala mo ko?” Tanong ko sa bata.
Tumango naman siya. “Opo, sir gwapo. Kiala ka din po ni mama ko.” Sagot ng bata kaya natigilan ako. Nahanap ko na yata ang kasagutan sa tanong ko na ayaw sagutin ng kaibigan kong si Salem.
Chapter 13
BINUHAT ko ang batang babae at tinatanong ko siya kung nasa’n ang mama niya. Tinuro naman ng batang babae ang kaliwang direksyon kaya tinungo ko yun.
Mas mabuti ng ako ang mismong maghatid sa kanya kaysa sa ibang tao. Maraming siraulo sa mundo kaya dapat lang na mag-ingat sa paligid.
“Naliligaw ka ba? O di kaya ay nalingat ba ang mama mo kaya kayo nagkahiwalay?” Tanong ko sa batang babae.
“Sinundan po kita, s-sir.” Sagot ng bata kaya napahinto ako sa paghakbang at kumunot ang noo ko.
“Bakit mo naman ako sinusundan? Sigurado ako na nag-aalala na ang mama mo.” Sabi ko sa batang babae.
“Sigurado po.. ako na matutuwa si mama kapag nakita ka, sir.” Sabi ng batang babae. Kanina pa ako nagtataka sa mga sinasabi ng batang ’to.
“Mama mo? Bakit naman siya matutuwa sa ’kin?” Tanong ko sa bata. Kibit balikat lang na sumagot ang bata kaya napangiti ako. Ang cute ng batang ‘to. Ang sarap kurutin ng pisngi niya.
“Kasi po gising ka na, sir.” Sagot ng batang babae.
Nagulat ako ng ilapit ng bata ang mukha niya sa tenga ko at may ibinulong sa ’kin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tumingin ako sa batang babae. Ngumiti pa siya sa ’kin habang ako ay napakurap-kurap.
“Levi!!” Natigilan ako ng marinig ko ang boses na yun. Agad akong lumingon at si Agni yun. Napabuga ako ng hangin ng makita ko siyang namimilipit sa tiyan.
May kasama din siyang lady guard at parang inaalalayan siya. “Help me! Ang sakit ng tiyan ko! Dalhin mo ko sa hospital please..” pagmamakaawa niya sa ’kin.
“Sir, namimilipit po sa sakit ang girlfriend mo. Ayaw niya po mag patulong sa’min dahil ikaw daw po ang kailangan niya.” Sabi ng lady guard.
Napabuga ako ng hangin sa ka dramahan ni Agni. “Pwede bang ikaw nalang ang maghatid sa kanya?” Tanong ko sa lady guard.
“Po? Pero ayaw po niya. Ikaw po ang kailangan.” Sagot naman ng babae na naniniwala sa drama ni Agni. Bakit pakiramdam ko ay pinipigilan niya ako na makausap ko ang bata.
“Ano na namang drama yan, Agni?” Seryoso kong tanong sa babae.
Nalukot ang mukha niya at napasigaw sa sakit. “A-Ang sakit talaga, babe. Please.. maniwala ka naman sa ’kin oh.. ibigay mo nalang ang batang yan sa lady guard at siya na ang bahalang ibalik sa kung sino man ang ina nyan.” Sabi niya habang sapo parin ang kanyang tiyan.
“Ako na po bahala sa bata, sir. Trabaho po namin na ibalik sa magulang kapag may naligaw man na bata dito sa loob ng mall. Wag po kayong mag-alala, sir, makabalik sa magulang ang batang ‘to.’’ Sabi ng lady guard at lumapit sa ’kin at pilit na inaagaw ang batang babae sa ’kin. Sinalag ko ang kamay niya at inilayo ang bata.
“Ako na magbabalik sa bata. Wag kang mangialam!” Galit kong sabi. Bigla nalang may sumulpot na dalawang guard at nakisali na sa usapan.
Sinabi pa ng lady guard na hindi ko daw kilala ang bata at baka matakot sa ’kin.
“Sige na po, sir. Kami na po ang bahala sa bata. Baka po matakot sa’yo.” Sabi ng lady guard dahil ayaw ko silang palapitin sa bata. Gamit ang isang kamay ko ay sinasalag ko ang kamay nila kapag sinusubukan nilang hawakan ang batang babae.
“Ano ba, Levi! Mamatay na nga ako dito sa sakit tapos ganyan ka pa..” sabi ni Agni kaya masama ko siyang tinignan.
’’I don’t care. Just die, Agni.“ Sabi ko kaya natigilan si Agni. Hindi yata makapaniwala sa sinabi ko.
“G-Ganyan ka na ba talaga sa ’kin, Levi? Wala ka na bang pagmahal sa ’kin kahit konti man lang. Ako ang nandyan sa tabi mo nong wala kang malay. Nakipag away pa ako sa kaibigan mo dahil ayaw nila akong palapitin sa’yo.. pero ganito lang pala ang gagawin mo sa ’kin. Ang sakit, Levi.” Sabi niya habang umiiyak.
Putangina talaga ’tong babaeng ’to. Kung ano-ano nalang drama ang ginagawa niya sa buhay.
“Wala akong pakialam sa drama mo, Agni.” Sabi ko saka ako tumalikod. Kahit anong mangyayari ay ako ang maghahatid sa batang ’to.
Tumingin ako sa unahan at nakita ko ang isang babae. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya lalo na’t nakatitig din siya sa ’kin.
“Mama!!‘’ Sabi ng batang babae na tinatawag ang babae na mama.
Unti-unting pumasok sa alaala ko ang boses ng batang ’to. Naalala ko na kung saan ko siya narinig kaya pamilyar sa ’kin. Siya ang batang babae na nasa loob ng hospital room ko. Kaya ibig sabihin lang nito ay ang babaeng nasa harapan ko ay ang babaeng nagbantay sa ’kin.
“Mama mo siya?” Tanong ko pa sa bata kaya tumango siya.
“Opo, sir. Siya po si mama ko..” sagot naman ng batang babae.
Ibinaba ko siya dahil gusto niyang bumaba. Nakasunod lang ang tingin ko sa batang babae na tumatakbo papunta sa sinasabi niyang mama.
NATULOS ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si sir Levi na karga ang anak kong si Sera. Hindi ako makapaniwala na gising na siya sa wakas.
Napansin ko na may dalawang guard at isang lady guard sa likod ni Levi at ang nakakuha ng atensyon ko ay si Agni na halatang galit na galit ang mukha.
Naguguluhan ako sa nangyari pero mas naguguluhan ako kung bakit magkasama si sir Levi at Sera.
Tumatakbo papunta sa ‘kin ang anak ko na may ngiti sa labi. Halatang masaya siya. Nakarating siya sa harap ko at agad na yumakap sa binti ko.
“Mama.. gising na po si, sir Levi..” sabi niya kaya napipilitan akong ngumiti. Agad akong nag angat ng tingin ng mapansin ko na naglakad si sir Levi papunta sa ’kin.
“Sige.. lumapit ka sa dalawang basura na yan, Levi. Maghihiwalay talaga tayong dalawa!”
Galit na sabi ni Agni kaya napatigil sa paghakbang si sir Levi papunta samin ni Sera. Nag-aalala naman ako dahil baka dahil samin ay maghiwalay silang dalawa. Ayaw ko naman mangyari yun. Ayaw kong sisihin ako ng tao tulad nalang ng paninisi ng tiyahin ko kung bakit nakakulong ang asawa niya.
“Okay. Maghiwalay na tayo.” Sagot naman ni sir Levi habang hindi nililingon si Agni. Nakatuon lang ang titig niya sa ’kin.
“How dare you! Ipagpapalit mo ako sa babaeng may anak? Nababaliw ka na ba, Levi?!” Galit na galit na sigaw ni Agni kaya napayuko ako dahil may mga nakarinig sa sinabi niya. Tumingin pa sa ’kin ang mga tao at parang nagbubulungan. Alam ko na ako ang pinag-uusapan nila dahil ang mga mata nila ay nakatuon samin ni Sera.
Ayaw kong masaktan ang anak ko kaya tinakpan ko ang dalawang tenga niya para hindi niya marinig ang sasabihin ni Agni.
“Baka nga kung sino-sinong lalaki na ang tumira diyan eh.. tapos lalapit-lapit ka sa kanya. Hindi ka ba nandidiri, Levi. Baka pagtawanan ka lang ng mga tao kapag pinatulan mo ang babaeng yan at pinalit mo sa ’kin na handa kang alagaan at mahalin. Wag na wag mong papatulan ang babaeng kaladkarin na yan!” Sabi ni Agni sa galit na boses. Hindi ko na kinaya ang sinabi niya kaya agad kong binuhat ang anak ko at nagmamadali akong naglakad palayo sa kanila.
Masakit para sa ’kin ang husgahan ako na may anak na hindi naman nila alam kung ano ba talaga ang nangyari. Wala sila sa kinatatayuan ko kay hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.
Tinawag pa ako ni sir Levi ngunit hindi ako lumingon pang muli. Ayaw kong ipahiya ako sa maraming tao habang kasama ang anak ko.
Malalaki ang hakbang ko hanggang sa makarating ako sa exit ng mall. Kailangan na naming umuwi at nawalan na ako ng gana pa bumili ng mga kailangan ko sa pagluluto ko sana bukas.
“Mama.. galit ka po ba sa ’kin?” Tanong ng anak ko saka hinaplos ang isang pisngi ko. Tuluyan akong napaluha dahil do’n. Nagiging matapang ako sa harap ng anak ko, pero kapag tulog na siya ay do’n lumalabas lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Ayaw ko kasing maging mahina sa harap ng anak ko, dahil ako lang ang inaasahan niya.
Papalabas na sana ako ng mall ng may humawak sa balikat ko. Pati luha ko ay tumigil at nanigas ang katawan ko.
Dahan-dahan akong lumingon at halos magkabuhol-buhol ang paghinga ko ng makita ko si sir Levi.
“S-Sir Levi..” sambit ko sa pangalan niya.
“We need to talk.” Sabi niya sa seryosong boses. Hindi ako nakasagot agad dahil nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. Gwapo na nga siya kapag natutulog, lalo na ngayon na gising siya.
Agad kong iniling ang ulo ko para mawala ang nasa isip ko. Hindi ko pwedeng isipin yun kay sir Levi.
Napatingin ako sa palapulsuhan niya at nakita kong suot parin niya ang ginawa kong bracelet. Napansin yata ni sir Levi na tinitignan ko ang bracelet niya kaya inangat niya ang kaliwa niyang kamay.
“Ikaw ang gumawa nito, tama ba ako?” Tanong niya sa ’kin kaya dahan-dahan akong tumango. “Finally, nahanap din kita. Ang babaeng totoong nag-alaga sa ’kin habang wala akong malay.” Sabi niya saka ngumiti sa ’kin.
Yung ngiti niya ay nakakapanghina. Bakit naman kasi ang gwapo ng ngiti niya. Ang puti pa ng ngipin at parang modelo lang ng toothbrush. Diyos ko! May crush yata ako kay sir Levi. Hindi pwede ’to. Masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko ang crush-crush na parang teenager lang.
Ituon ko nalang ang atensyon ko sa anak ko, kaysa sa mag crush-crush kay sir Levi na alam ko naman na langit siya, ako naman lupa. Kaya habang maaga pa ay dapat ko ng tigilan ang kahibangan ko dahil ako lang din ang masasaktan sa huli.
A/N: Ang saya ko nakapag update ako kay Levi huhu🥹 sa sobrang busy ko pati birthday ko nakalimutan ko na. Malapit na din pala. Hindi ko alam kung anong ire-regalo ko sa mga readers ko kay naisipan kong ilabas si Red (Dangerous Desire) sa VIP Group. Sana naman wala akong mabasa na masyadong bata ang fl. Ayan na naman kasi ang ibang readers na mga
pakialamera
hahaha.. kaya sa VIP
talag
yun kasi bata ang fl ni Red (
tirador
ng bata dinaig si Caleb).
Baka kasi may magreklamo na naman kaya yun ang iniiwasan ko.
Para sa mga nagtatanong sa messenger ko ha!
Inuulit
ko wala pang Assassin Series 13-15, kita niyong ongoing ang 12
hahanapan
niyo ako ng 13-15. Paluin ko kayo eh haha
charot
lang.
Don’t worry, lahat ng Assassin Series ay sa Wattpad ko isusulat. Yun nga lang kapag naisipan ko na lagyan ng sc nilalagay ko sa VIP. Kaya wait niyo lang po ang Series ng Assassin ang hirap kasi dahil sabay-sabay po talaga ako Dreame, Vip kaya minsan hindi ako nakakapag update sa Wattpad dahil ang sakit na sa kamay.
Update po sa VIP Group ko ngayon complete na po ang story ni Saint. Complete na din po do’n kay Doc. Kenzo Villaroza
, siya po yung may gusto kay Ruwi na tauhan din ni Lucian sa underground. (Nasa story ni Percival siya
nabanggit
)
Title: The Doctor’s Bride .
Edit: Pm po kayo sa facebook ko Cruz Wp sa gustong sumali sa VIP. Nandoon na din po ang story ni Levi Valdez. Sa mga magbabalak na sumali, hindi po free ang VIP Group. May monthly fee po. Salamat po.
-XXRIEGOZZXX-

