loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Burn Too Deep

Burn Too Deep

Your Spicylollipops · 6 chapters · 3,129 words

⚠️

This story contains themes that some readers may find uncomfortable or disturbing.

Reader Discretion Advised

This work includes:

Toxic and complicated relationships
Family conflict and betrayal
Power imbalances between characters
Emotional manipulation
Obsession and possessiveness
Trauma and past abuse
Violence and revenge-driven actions
Mature emotional themes
Strong language

This story is a work of fiction. The relationships, actions, and decisions portrayed by the characters are not intended to be examples of healthy behavior. The purpose of this story is to explore complex emotions, flawed characters, and dramatic situations.

If any of these themes may be distressing to you, please consider whether this story is the right choice for you.

By continuing to read, you acknowledge that you understand the themes presented in this work and are proceeding at your own discretion.

Reader discretion is strongly advised.

001

“Hoy, Bakla!” Sigaw ng isang mayabang na boses. Na-alarma ang lahat ng mga nakadinig nito, lalo na ang mismong iniinsulto.

Natigil si Leno sa kanyang kinatatayuan. Nakita nya kung gaano ka dami ang mga estudyante na nag kukumpulan sa bandang gilid nang hallway, naka ngiti ang mga ito dahil ginawa namang syang katatawanan ng suki nyang bully.

Ngunit walang pakialam si Leno sa mga ito, bagkus ay ngumiti rin itong tumugon sa kanilang naiinsultong mga titig at tawa. Lumingon sya sa likuran, ngumisi sa lalaking preskong lumalapit sa kanya.

“Bakit?” Tanong nya sa lalaking naka-ngisi, agad namang sumunod na lumabas sa kwarto ang mga iba pa nyang kasama sa grupo at lumapit sa likuran nang lalaki.

“Oras na ng uwian Ethan, hindi ka ba nasasawa sa pag-papapansin sa akin buong araw?” Dagdag pa nyang sabi.

“Wag ka ngang felingera dyan bakla, hindi kita tinawag para magpapapansin.”

“Eh ano? bilis na at may gagawin pa ako.” Walang gana nyang tugon sa lalaki.

“Para namang busy ka tonight ha, anong gagawin mo ha bakla? wag mong sabihin na gagaya ka sa mama mo?” Sinundan ng mga tawa ang sinabi ng lalaki.

Biglang uminit ang ulo ni Leno, gusto nyang sumabog sa galit, sampalin ang makapal na mukha nitong si Ethan kaso hindi ito ang tamang oras. Ngumiti sya ng maasim. “Kung yan lang naman ang sasabihin mo aalis na ako.” tumalikod sya at akmang hahakbang ng may kamay na kumapit sa kanyang balikat.

“About nga pala sa project natin next week, saan at kaylan natin iyon gagawin?” Tanong ni Ethan.

Agad na tumawa si Leno sa sinabi ni Ethan, lumingon sya at tinapik ang kamay na nasa balikat nya.

“Ako nang bahala doon, wala naman kayong maitutulong-ay meron pala. Pera pang gastos. Magastos din ang isang to kaya kaylangan ko ng financial support lalo na at sa mga tulad nyong ang tatamad.” Akmang sasagot pa sana nang pahalang ang isa nang magsalita pa sya.

“Wag kanang magreklamo dyan, tutal aasa din naman kayo sa akin, then why not na bayaran nyo nalang ako at nang matapos na ang problema nyo.” Sinusuri nya ang kanyang mga makukulay na kuko habang nagaanatay ng desisyon ng grupo.

Whether they like it or not, wala silang choice. Sobrang bobo na nila kung hindi pa nila maintindihan ang mga panga-ngatwiran ni Leno. Inangat ni Leno ang palad, nag-aantay na lapatan ito ng pera.

Tumango nalang ang lahat at isa-isang kumuha nang isang-daang peso sa pitaka at inabot sa kanilang lider, ilalapat na sana nito sa nag-aantay na palad ni Leno kaya lang agad naman nya ito binawi at pinatili ang pera sa ibabaw ng palad ni Leno.

“Siguraduhin mo lang na hindi ito malalaman ng iba na hindi kami tumulong sayo, kung hindi lagot ka sa amin.” Paalala nya kay Leno.

Hinablot ni Leno ang pera at saka ngumiti. “Don’t worry, makaka-asa kayo sa akin. Paano ba yan, kita nalang tayo sa lunes. Bye…” Saka sya tumalikod at naglakad na para bang nasa runway show.

Lumabas na sya sa campus at dumiretso na sa sakayan nang mga bus isang minuto lang ang lakad mula sa gate at doon nag antay nang ilang sandali bago dumating ang suking bus.

Sinalubong sya ng lalaking binatang-binata ang dating sa suot na ripped jeans at gray hoodie sa harap ng pintuan.

“Hi, Rick.” Bati nya sa konduktor at kinaladkad ang palad sa maskuladong braso ni Rick na para bang nagpapapansin.

Napa-kilig naman ng balahibo ang ginagawa ni Leno kay Rick, lagi nalang ito ang nadadatnan nya tuwing magkikita sila ni Leno. Inalis nya ang kung ano mang dalang tukso ni Leno ng ilingin nya ang isipan.

“Hi, Leno. Kamusta araw mo?” Hindi akma pero ito ang unang sinabi ng kanyang isipan, nahihiya sya tuloy na harapin si Leno.

Naging close nasi Leno sa mga konduktor nang bus na ito, si Leno lang kasi ang walang palyang sumasakay sa kanila tuwing uwian galing school. Hindi naman sila nagsasawa sa hitsura ni Leno dahil nakakatuwa syang kausap, nakaka-wala ng lungkot at laging nagnanakaw ng atensyon sa problema.

Umupo muna si Leno sa upuan malapit sa pintuan bago sumagot sa tanong. “Ayun, okay naman. Ikaw? mukhang napalya ka yata nang ilang araw ha.”

Ngumiti ang konduktor at tumabi sa upuan ni Leno. “Ayun nga, nanganak na si missis.” Ngumiti naman si Leno sa nabalitaan. Nai-kuwento lagi nitong si Rick ang pagbubuntis ng asawa.

“Congrats! Ama ka na pala, paano na yan, di kana makagala nyan.” Biro ni Leno, ngunit taglay ng kanyang mga salita ang ikalawang kahulugan na ibig nyang iparating.

Naghiganting-hinipo nang kontador ang hita ni Leno. “Oo, nga. Hindi na kita mabisita nyan. Sayang naman at mukhang hindi na ako makakapunta.” Mahinang wika nang konduktor.

Dama ni Leno ang mainit na dala ng palad ni Rick sa ibabaw ng kanyang pantalon. Sa laki ng kamay ng konduktor halos kaya nitong hawakan ng buo ang hita nya.

Tumama ang mga titig nila sa isat-isa, ngumisi si Rick at napakagat-labi naman si Leno.

002

“Hayaan mo at kung lumaki na yang anak mo saka kana maka-balik ulit, sayang naman at nawalan ako nang isang na-namang suki.” Sagot naman ni Leno at ipinatong ang maliit nitong palad sa ibabaw na kamay ng konduktor.

“Saka pwede namang gawin natin yon kahit saan mo gusto, para naman may-trill diba?, sawa na rin ako sa i-isang lugar lang.” Saka dinilaan ang ibabaw ng kanyang labi kasabay ng malagkit na tingin sa mata.

Napakamot nalang si Rick nang batok at umiwas ng tingin. “Uhm…pwede nama-”

“Hoy, Rick. Paki-alalayan naman ang mga umaakyat.” Daing nang driver nasi Gary.

Hindi na naituloy ang usapan nila dahil tumayo ang konduktor-sinunod at inalalayan ang matandang babae na umaakyat nang bus. Isa rin itong pagkakataon na umupo si Leno malapit sa driver seat at kapain ang hita ni Mang Gary.

Si Gary ay kuwarenta anyos, may asawa’t anak at isang batikan sa pagsisinungaling. Bago paman sila nagkilala ni Rick mas nauna nyang inaliw itong driver ng bus.

“Hi po mang Gary, kamusta po buhay natin?” Umandar naman ang pagka-malandi ni Leno gaya ng mabilis ng pagmamaneho ni Gary ng bus ay sya ring bilis ng kanyang naiibang hangarin sa katabi. Open minded at walang syang pakialam sa kung anong sasabihin nang iba, ang importante lang sa kanya ay ang maging masaya at matugunan ang pangangailangan nya.

“Mabuti naman, Leno. Ikaw kamusta naman ang pag-aaral mo? Balita ko medyo may pagka-istrikto yang kolehiyong pinasukan mo.” Tanong nya habang nag dri-drive.

Kumportableng nilapat si Leno ang likod sa sandigan nang upuan at sumagot. “Okay naman, hindi naman masama yung rank 5 sa klase diba?” Hindi naman mayabang itong si Leno kaya’t hindi nila matanto ang tunay na katalinohan nyang taglay.

Ngumiti si mang Gary. “Hindi ka parin nagbabago, magaling ka parin sa patalinuhan. Bilib talaga ako sayo. Pagpatuloy mo lang yan at nang ma-libre ka lagi dito.”

“Talaga po? Salamat po mang Gary.” Gumuhit ang malaking kasiyahan sa mukha ni Leno.

“Basta ba, sa susunod ha. Paligayahin mo naman ako.” Ngumiti si Gary at kumindat.

Hinipo naman ni Leno ang hita nito na nakasuot nang maong na pantalon. “Text mo lang ako, at titiyakin ko ang kaligayahan mo.” Mapang-akit nyang tugon. Biglang uminit ang katawan ni Gary, nais nyang itigil ang minamanehong bus, hilahin si Leno sa kanyang kandungan at gumawa ng kalaswaan.

Nasaksihan lahat ni Rick ang pangyayaring kalandiannng dalawa, alam nyang wala syang binatbat kay Gary patungkol sa paggagawa ng paraan upang maakit itong si Leno, ngunit sa tanda na ng nagmamaneho nitong bus lumalamang ang kanyang kakisigan na alam nyang gustong-gusto ni Leno sa kanya. Hindi na sya maka-pag gawa ng kilos para kausapin si Leno, ukupado na ang upuan malapit sa kanya at kailangan pa nyang alalayan ang mga matatandang sumakay.

Lumipas ang ilang minuto nagpaalam na si Leno kina Gary at Ricky, bago bumaba nang bus na may palingon pa syang nalalaman sa dalawa sabay kindat nang may kakaibang pinapahiwatig.

Nasa tapat lang naman nang highway nakatirik ang bahay ni Mason, lumang bahay na ito na minana pa nang Mama nya sa mga magulang nito. Luma at antigo na yung ibang gamit sa loob, nagmumukhang pinagtitirhan na nga ito nang mga multo sa sobrang luma ng hitsura. Parang ginawa ito sa kapanahonan pa nang mga hapon at ayun din ang sabi ng iba. Ang totoo luma lang ito at mahilig lang ang dating nakatira dito sa mga antigong kagamitan at disenyo, pero sa loob nanatiling maaliwalas ang paligid, malinis ang bawat sulok at sadyang kaakit-akit itong pagmasdan, para lang itong museyo na may mga sinaunang kagamitan.

Pumasok si Leno sa bakal na tarangkahan saka dumiretso sa pintuan matapos itong sarhan, nakinig muna sya kung mayroon bang tao sa loob ngunit wala naman syang narinig na kahit anong ingay, binuksan nya ang punto, pumasok saka ito sarhan.

Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa kanya sa loob ng bahay, wala naman syang alagang pusa dahil pinagbawalan sya ng ina at kahit gugustuhin man nya hindi naman nya kayang buhayin ito lalo na at wala syang oras para sa ibang bagay.

Dumiretso syang umakyat ng hagdang tungo sa kanyang kuwarto, binaba nya ang bag sa ibabaw ng kama at saka nagbihis ng pang bahay. Bago pa sya lumabas ng silid sinimulan nya munang gawin ang takdang aralin.

Saktong tapos na ang kanyang takdang aralin ng tumunog ang kanyang tiyan, isang tunog na kailangan nyang tugunan. “Bukas ko nalang gagawin ang project tutal hindi naman iyon mahirap gawin.” Sabi nya sa sarili.

Saktong isang oras na syang magisa sa loob ng bahay, nakapag-luto na sya ng kanin at simpleng ulam na pritong isda. Naligo sya pagkatapos at nagbihis ng simpleng pan-labas na damit. Simpleng t-shirt at maluwang na pantalon.

Hinugot nya sa ilalim ng kama ang isang backpack saka ito dinala palabas ng kuwarto.

Pagka-baba nga ng hagdan naabutan nya si Arnold, ang kinakasama ng kanyang ina, ang lalaking bihira lang nya nakakasalamuha dahil sa umaga ang trabaho nito tuwing araw ng pasukan sa school at gabi naman kapag sabado at linggo. Isa lang sya sa huling lalaking inuwi ng kanyang ina dito sa bahay, iwan at kung sya naba talaga ang huli.

Tinuturi ni Leno na isang istranghero si Arnold dahil inaamin nya sa sarili na may kakaibang kagustuhan sya sa lalaki, ayaw nyang tawagin itong tito o ang mas malala papa, dahil una alam nyang hindi nakukuntento ang ina sa iisang lalaki lamang at alam ni Arnold kung anong trabaho meron ang kanyang inaasawa.

Walang kaalam-alam si Leno sa kung anong buhay meron si Arnold bago paman sya pinakilala ng kanyang ina, ang alam lang nya ay isa syang guwardya sa mayamang pamilya dyan sa bayan. Kahit papano gumaan naman ang gastusin dito sa bahay dahil sa kanya at nagpapasalamat sya naman doon.

Isang puting t-shirt at unipormeng pantalon ang suot ni Arnold, kitang-kita sa masikip nitong suot ang kakisigan nyang taglay, may hitsura itong lalaking kaharap ni Leno, minsan nga pumapasok sa isipan nya ang tanong kung bakit mas pinili nyang dumito sa bahay at makasama si mama kahit alam nyang walang patutunguhan ang kanilang relasyon.

Gusto sanang tanungin ni Leno kung bakit maaga syang naka-uwi ngayon, ngunit naunahan sya nitong magsalita,

“Oy Leno. Aalis kana?”

Tumango si Leno. “Opo.” Hindi sya sanay na kausapin itong si Arnold, pilit nyang wag salubungin ang mga titig nito. Iniiwasan nyang mahulog sa mga mata nito.

“Nag-dala ako ng letchon manok, gusto mo ba munang kumain tara saluhan natin ito.” Pagaalok nya.

“Wag na po, nakakain na ako kanina pag-uwi galing school at saka nagluto ako dyan ng panghapunan, antayin nyo nalang po si mama nang may masama ka sa hapag. Aakis na po ako.”

Akmang lalabas na sana sa pintuan si Leno ng magsalita si Arnold.

“Alam kong nagtratrabaho ka upang matustusan ang pangangailangan mo sa school, pero nais kong makatulong sayo Leno. Tanggapin mo ang tulong ko at tumigil ka dyan sa trabaho mo para naman mas lalong mapagtuunan mo ng atensyon ang pag-aaral mo. Ako nang bahala sa lahat ng gastusin.”

Biglang nainis si Leno sa sinabi ni Arnold, hindi nya kailangan ng tulong ng kung sinong lalaki, lalo na ang mga lalaking pinapalit sa kanyang totoong papa. Naalala nya kung paano nagpakamatay ang kanyang Papa ng makita na may ibang kinakasama ang kanyang mama, kung paano ang malalim na pagmamahal ng ama nya sa ina ang syang nagpapaiyak sa kanya ngayon.

Kinalma nya ang sarili, ayaw nyang magmukhang masama sa mata ng lalaking mabuti ang hangarin sa kanya. Huminga sya ng malalim at ngumiti.

“Kaya ko pong buhayin ang sarili ko, bata palang ako natuto na akong tumayo sa aking mga paa, hindi ko kailangan ng awa ng kahit na sino. Kung nais mo talagang tulungan ako, ibigay mo na yang awa mo sa mama ko. Aalis na po ako.”

“Leno, hindi kita kinaawaan, nais ko lang tulungan ka sa lahat ng bagay.”

“Hindi pera ang kailangan ko.” Ngumisi si Leno, may nais syang iparating na mensahe kay Arnold ngunit walang alam ang lalaki.

“Kung hindi pera, eh ano? gagawin ko ang lahat para lang matulungan ka Leno.”

“Balang araw malalaman mo rin.” Ayun lang ang tinungon ni Leno saka walang lingon na nilisan ang bahay.

Sa harap ng hapag, napahimas si Armold ng namumukol na harapan. Nanatiling sa nakasaradong pintuan ang mga titig nya. “Sabihin mo lang Leno, gagawin ko ang kahit anong nanaisin mo.”

Author’s note

Hi, everyone.

Tomorrow is Wednesday and I will update a chapter, please support me and this story by following and voting.

Sa totoo lang this story had already 40+ chapters ready to publish but ang problema is kailangan ko pa silang ayusin kasi ang original na plot nitong story is sobrang iba kumpara ngayon at sobrang daming typos, grammar and spelling mistakes.

I will try to update every Wednesday, but I cannot promise kasi busy din sa buhay hehe lol. Hope you understand, please support me. Thank you so much.

  • spicylollipops

003

Habang binabaybay nya ang daan palabas ng bahay, biglang pumasok sa isip ni Leno ang alala ng kanyang ama, ganitong-ganito din ang sitwasyon na aalis na sya para trumabaho.

“Magiingat ka sa daan anak, talamak na ngayon ang masasamang modos sa daan. Hindi ko maiwasang hindi magalala sayo.”

Napangit si Leno sa sinabi ng ama, alamg nyang mahal na mahak sya nito ay ayaw nya ng may mangyaring masama sa kanya. Tiwala naman sya na nagiingat si Leno pero bilang isang mabuting ama, natural lang na magalala ito.

Tumango ang anak sa sinabi nang ama. “Magiingat po ako papa, ikaw din po magiingat ka kasi gabi ka narin kung maka-uwi.”

Isang simpleng tricycle driver ang trabaho ng ama ni Leno, matiyaga at maagap para kumita ng pera, hindi madali ngunit masaya sya sa ginagawa at iyon ang importante para kay Leno kahit maliit at sapat lang ang kita nya upang may makain silang pamilya.

“Saka pala, Pa. Nasan si mama?” Tanong nya nang matanto na hindi pa nya nakikita ang ina simula nang magising sya kaninang umaga. Hindi rin naman sya naninibago, natural lang ito sa mga anak na magtanong kung saan ang mga magulang nila kapag hindi ito nakikita buong araw o kahit isang oras lang, pero sa katayuan nya bihira lang nya ito nakikita’t nakakausap.

“Ayun, nasa kanila ni mareng Marites.” Walang siglang sagot nang ama. “May lamay daw doon sa kabilang baryo, tiyak at hindi na iyon uuwi hanggat hindi pa ito naililibing.” Napapa-buntong hininga nalang sya.

Laging nagsusugal ang mama ni Leno, kadalasan mag hapon na ito sa sugalan at umaga na kung umuwi, pero kadalasan hindi ito makikita sa kanilang tahanan. Daig pa nito ang nag tratrabaho ng gabi sa call center kong mag puyat. Mabuti kung makauwi sya nang pera, pero wala talaga, tanging init nang ulo lang ang sinasalubong nito sa mag-ama.

“Ok, Pa. Aalis na po ako. Sabihin mo kay mama na may meeting pala nang mga parents this monday afternoon. Paki remind na lang po kong swertehin mong makita sya, subukan nyo lang syang kausapin baka papayag.”

Tumango ang ama. “Sige, ako nang bahala na sumabi sa kanya, ingat ka nalang sa daan at umuwi nang diretso pagkatapos.” Hindi maiwasan nang ama ang mag-alala sa anak lalo na at marami ang nag ju-judge sa kasarian nya.

Hindi man ito alam ni Leni pero minsan na nyang napagsabihan at binantaan ang mga ilang bully nya para layuan at lubayan ang pang-aasar sa kanya, ganon sya nito ka mahal upang sunggaban ang mga ito.

“Sige, Pa. Magiingat ako at uuwi na pagkatapos nang shift. Ikaw din, ingat ka. Kayo ni mama.” Hindi rin maiwasan nang anak na isama ang ina sa usapin dahil bihira na silang magkikita-kita, kung magkita man sila ay dahil may ihihiling ito sa kanya o sa ama-malamang sa malamang pera lang ang maging dahilan nito.

Isang patak ng luha ang dumaloy pababa sa pisngi ni Leno, hindi nya inakalang lahat ng iyon ay mawawala. Sa isang iglap, lahat ng iyon magbabago. Ang ina nya ay lalo lang lumayo sa kanya, ang ama nyang mahal na mahal sya ay pinatay ng hindi nakilalang salarin. Gusto nyang ipaglaban ang hustisya para sa ama, pero lahat ay na-aayon sa kanyang kagustuhan.

Uhaw na uhaw sya sa hustisya, kaya lahat ng ito ay nagagawa nya, para sa ama, para sa nag iisang taong kanya nagmahal sa kanya ng totoo.

“Hindi ako titigil papa, aalamin ko kung sino ang pumatay sayo at magbabayad silang lahat.”

Author’s note: Dahil maikli itong update, na isang malaking pagbabago sa takbo ng buong kuwento haha… try ko pa pong mag update this Saturday. maybe I will post 1 or 2 parts. Anyways, thank you so much sa mga nag vote at nag follow sa akin. I love you so much!

AUTHOR’S NOTE

I’ve been busy this past days until now, sorry sa mga nag-aantay ng update.

Kung may time ako to edit the next part, I will release it right away.

Have a great day everyone.

please contuto support me.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.