Can I be Him? (BxB, AVAILABLE IN OTHER PLATFORMS)
deuceiv · 4 chapters · 6,992 words
CAN I BE HIM?
BLURB
Hindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan, magkakaroon ng tsansa na magiging kayo. Hindi rin dahil pilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin, magkakaroon ka nga ng importanteng role sa kanila.
Minsan, mananatili’t mananatili kang nobody. At iyon ang naranasan ni Lyle kay Ridge.
Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito. Minsan na ring nagbukas ng ilang pinto at nagbaka sakali na magkakaroon sila ng tsansa. Pero sa huli, sa iba pa rin nakatingin si Ridge, iba pa rin ang minahal nito – at wala siyang palag at laban sa totoong minamahal ni Ridge.
Kaya heto siya ngayon, sa kalagitnaan ng kawalan. Nakatitig sa binatang minahal niya ng kay tagal, pinapanood itong maging masaya sa piling ng iba na kahit kailan, hindi magiging siya.
Bubulong sa hangin at magtatanong, “Pwede bang ako nalang?”
**
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story. Please obtain permission.
SIMULA
Simula
GRADE nine lang noon si Lyle nang una niyang maranasan ang laitin at pagkatuwaan dahil sa pagiging iba niya sa karamihan ng kalalakihan.
“Bakla! Bakla! Bakla!” Panay sigaw ng mga kaklase niyang lalaki na nakapalibot sa kanya habang itinutulak at pinagpapasahan siya.
Nakapinta sa itsura ng mga ito ang pagkadisgusto ngunit ang mga ngiti na naglalaro sa labi ng mga binata, madilim at hindi kaaya-aya. Sa katunayan, matapos siya hawakan e halos maghugas ng kamay pa ang mga ito pero bumabawi nalang sa lakas ng pagkakatulak sa kanya.
Kung magiging totoo lang din siya sa sarili, aaminin niyang nakakarindi na ang paulit-ulit na panlalait nila sa kanya. Kung pupwede lang, mas gugustuhin nalang din ni Lyle na mabingi hanggang sa matapos ang pang-iinsulto ng mga ito ukol sa sekswalidad niya.
Lalo na at hindi masikmura ng binata kung gaano ka-mapanghusga ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kung gaano katindi ang hindi matapos-tapos na straight syndrome ng kapwa niyang kalalakihan.
Tipong kapag hindi ka tulad ng mga ito na hilig ang basketball at video games; sari-saring panghuhusga at insulto sasapuin mo. Tulad nalang ng mga binabanggit ng mga ito ukol sa kanya ngayon.
“Nakakasuka ka! Da’t ’di ka na pinanganak dito, ipinunas nalang sana sa kumot ninyo!”
“Bakla ka? Bakla ka?! Pwe, ang mga baklang tulad mo, wala namang mararating sa buhay!”
“Wala kang kwenta! ’Di mo ba naiisip masasabi ng mga magulang mo sa sekswalidad mo? Bakla!”
“Kanser kayo sa lipunan! Puro kayo hayok sa ari ng lalaki!”
“Naks naman, Lyle! Baka mamaya, gusto mo palang subukan itong amin kaya ka nakipagkaibigan sa ’min?!”
Iilan lang ito sa mga naririnig niya mula sa mga bibig nila kanina pa. At hindi niya maiwasang magalit, hindi sa kanila kung hindi sa sarili niya.
Katulad naman siya ng mga ito. Hilig din ang pagba-basketball at iba pang sports. Pero bakit iyong makuha na magkagusto sa babae, hindi niya magawang pagsikapan na magustuhan? Bakit kahit na anong pilit niya, nagigising pa rin siya sa katotohanang kapwa lalaki niya ang nagugustuhan niya?
Natahimik ang buong paligid nang ipasa si Lyle sa isa pang kasama ng mga ito. Hindi niya malaman kung sino pero nang mag-angat siya ng tingin, namutla siya nang makita niya ang pinaka matalik niyang kaibigan na disgutadong nakatitig sa kanya.
“Magkasama pa naman tayo mula noong first year high school tayo, pre,” panimula nito bago siya malakas na itinulak hanggang sa mapaupo nalang siya sa sahig, “pero pucha! Pakiramdam ko pinagnasaan mo lang ako!”
Doon nagsimulang masira ang mundo ni Lyle. Hindi lang kung sinu-sino ang humusga sa kanya, maging ang taong pinagkatiwalaan niya ng husto; iniwan siya dahil sa sekswalidad niya.
Tunay ngang dapat, hindi muna siya naglabas ng kahit ano ukol sa pagiging iba niya sa mga ito. Na hindi siya straight , na lalaki rin ang tipo niya. Nakakapangsisi, lalo na at kung sino pa ang itinuring niyang pangalawang pamilya pa pala ang tatrayidor at iiwan sa kanya.
“Ang sabi nila, tanggap nila maging sinuman ako. Pero sa huli, naging laughing stock nalang ang papel ko sa buhay nila.”
Hindi na siya makapaglalaro pa ng basketball dahil alam niyang hindi na siya welcome pa sa team. Kahit pa na buksan ng coach nila ang pinto para sa talent niya, sigurado siyang iba na ang trato ng mga kasama niya sa kanya ngayon lalo na at pinagtitripan nalang siya ng mga ito.
Hindi na rin siya makakain sa canteen katulad ng dati dahil sa tuwing nakikita siya ng dati niyang barkada, pinagkakatuwaan nalang siya ng mga ito. Mas lalong hindi na siya makapag-focus sa pag-aaral dahil pumupuslit ng pantitrip ang mga kaibigan niya noon.
At wala man lang pumuna sa mga ito. Sa halip, sinamahan siya maging ng mga guro nila na tawanan siya lalo na nang ikumpirma niyang totoo ang sinasabi nila.
“Kegwapo mo pa namang bata at ketalino mo pa naman tapos ganyan ka? Sayang ka, Villariza,” gatong pa ng guro nila sa biology.
Pero tama bang gawing basehan ang sekswalidad ukol sa katalinuhan at dami ng matututunan niya? Hindi, sadyang mapanghusga’t sarado lang ang isip ng mga ito sa mga posibilidad na dala niya.
“Ang hirap namang humanap ng mapupwestuhan,” bulong ni Lyle sa sarili habang abalang naghahanap ng makakainan.
Dahil hindi na siya pwede pang kumain sa canteen, naging nomad si Lyle t’wing lunch break. Pupunta sa kung saan tahimik at hindi matao upang maiwasan ang mga insulto at panghuhusga ng mga tao.
Natigilan siya sa paglalakad sa kalagitnaan ng tumitirik na sinag ng araw nang makita ang math garden na bukas. Minsan rin niyang nakita na ayos lang kumain dito ng lunch basta ba’t hindi magkakalat. Bukod pa roon, wala talagang napapadpad banda rito sa eskwelahan nila dahil canteen, classrooms, at ang covered court ang pinakamabentang spot tuwing lunch break.
“Doon nalang,” pagkausap niya sa sarili bago humugot ng malalim na hininga.
Nang makalapit si Lyle sa labas ng math garden, tinignan niya kung ayos lang talagang dito siya kakain ng lunch. Pero noong makumpirma niyang coast is clear, mabilis siyang humakbang sa medyo angat na step ng hardin. At ang inaakala niyang hagdan noon, bigla nalang nagsalita.
“Ow, ow, ow! Masakit, dapat mo ba talaga akong apakan, Zamiel?”
Natigilan si Lyle at binilisan ang paghakbang para makapasok nang marinig ang isang hindi pamilyar na boses. Nagsisimula nang mataranta si Lyle noon, iniisip na dahil masyado siyang okupado sa pag-iisip tungkol sa mga nantitrip sa kanya, hindi na niya nabigyang pansin pa ang daraanan.
“Pasensya na hindi ko sinasadya!” Natataranta niyang sabi.
Bakit
ba
ito
rito
nakahiga
?! Tanong niya pa sa sarili habang patuloy na humihingi ng pasensya at pinapagpag ang likuran nitong naapakan niya.
Mukhang maling desisyon tuloy ang dito kumain dahil hindi pa man siya nakakapagsimula, minalas na agad siya.
Sa hindi malamang dahilan ni Lyle, nanatiling nakahiga ang misteryoso na lalaki sa semento. Lihim siyang napapadasal na sana ay hindi niya nabali ang likod nito o hindi ito nahimatay sa bigat niya.
Pero hindi nagtagal, unti-unti na rin na nakabawi ito ng lakas, dahilan para kumalma siya.
“Ayos ka lang ba? Pasensya na, ’di ko talaga napansin na may tao pala rito,” malumanay niyang sabi.
Inabot ng binatang ginawa niyang hagdan ang likuran at saka iyon hinagod ng paulit-ulit. Animo’y nasasaktan at gusto sana ni Lyle na tulungan ito. Pero dahil sa takot na makatanggap na naman ng panlalait, pinigilan niya ang sariling kamay.
“Ah, ayos lang.” Tapos ay nilingon siya ng binata bago ito napangiwi. “You’re not my pursuer? I mean, sorry. Nakaharang ako rito. May inaabangan din kasi ako kaya rito na ’ko pumwesto.”
Imbes na sagutin ang binata, tila tumigil ang mundo ni Lyle nang magtama ang paningin nila. Nahigit ang hininga niya at naramdaman niya ang pusong nagsimulang pumintig ng mabilis sa dibdib. At ni hindi man lang maintindihan ni Lyle kung ano ba ang lohikal na eksplanasyon sa atraksyong nararamdaman niya.
“Are you okay?” Tanong pa nito bago ikaway ang kamay sa harapan niya, pero wala pa rin siyang maikibo.
Ano nga bang dahilan kung bakit ni isa, wala siyang maiproseso sa mga nangyayari? Kung bakit wala siyang makapa na sabihin at nananatili siya na tulala sa binata?
It may be because of his silky raven hair that glimmers beautifully when the sun touches its strands. Those undeniably captivating bright irides, tan skin tone, tall nose, thin lips, sharp jaw, or maybe his body which is slightly bigger and refined than his. Maybe it’s of how their uniform suited him way too well that he looked surreal.
Pero sa totoo lang, mukhang wala sa pisikal nitong anyo at kagwapuhan ang dahilan kung bakit ganito ang reaksyon ng sistema ni Lyle sa binata na kaharap. Naroon iyon sa isip niyang mukhang prinedikta na na malaki ang magiging papel nito sa pagbabago ng buhay niya.
“Eh, so you’re eating here alone because your former friends kept on bugging and bullying you? That’s rude,” ito ang naging komento ni Ridge habang abala sa pagnguya matapos nitong makinig sa kwento niya, “I mean, there’s nothing wrong with being gay. It doesn’t make you less of a human nor it disables you from achieving anything.”
Namamangha siyang nakatitig sa binata. Hindi dahil naiintindihan niya ito kung hindi dahil nakuha pa nitong manghingi sa kanya ng pagkain. Nagugutom na raw kasi ito at bilang mukha namang katiwa-tiwala ang binata, hinayaan na niya itong samahan siya at saluhan siya sa pagkain.
Pero lahat ng ito, mas lalo lang na pinabibilis ang tibok ng puso ni Lyle. Pakiramdam niya, sasabog na siya.
“Mabuti nalang ’di mo na sila kaibigan.” Bumuntong hininga ito at sumandal sa back rest ng inuupuan nila bago siya tinitigan. “’Di mo kailangan ng mga barkadang huhusgahan lang pagkatao mo.”
“Ang tapang mo naman para sabihin ’yan. Saan ka humuhugot ng lakas ng loob?” Pabiro niyang tanong kahit na sa kaloob-looban niya, naiinggit siya’t mayroon itong ganitong klase ng mindset.
Iba sa mindset ng mga dati niyang kaibigan. Mas bukas at mas malawak sa pribilehiyong maaaring nag-aabang sa kanya. And most importantly, he makes Lyle feel safe and accepted.
Pero hindi pa yata handa si Lyle na marinig ang sagot nito dahil nang oras na ibigay ni Ridge ang kasagutan sa tanong niya, muntik nabitawan ni Lyle ang kubyertos niya.
“I don’t know. My brother is gay too and I admire him for shrugging off everyone’s opinion about his sexuality,” pag-amin ni Ridge bago nag-peace sign sa kanya at ngumiti, “he opened my mind about that. Kaya siguro gusto kong malaman mo na sa kabila ng panghuhusga, mayroon pa ring tatanggap sa ’yo.”
“Pero kuya mo pa rin ’yon, Ridge. ’Di naman ikaw iyong mismong nakakaramdam ng dinadanas niya.”
“Nah, not really.” Umiling ito bago nagkibit balikat. “Magkapatid kami, Lyle. Kung anumang binibitbit non, nakikita ko. And despite being an actual idiot, I want my older brother to rely on me too.”
Bakas ang pagkamangha kay Lyle lalo na nang umawang ang mga labi niya.
“So, you think that it’s not too late for me, right?”
“No.”
Doon na umahon si Ridge mula sa pagkakaupo sa tapat niya bago ito nagsimulang mag-inat. Samantalang si Lyle, namamangha lang na pinanood ang binata.
“Mabuti naisip mong manatili at makinig sa ’kin?” Mahina siyang natawa. “Hindi naman tayo magkakilala kanina.”
Natigilan si Ridge at naguguluhan siyang tinitigan. “Hm? Pero mukha kang nangangailangan ng makikinig sa ’yo. Isa pa, wala naman akong gagawin. Gusto ko ring malaman kung ano bang kwento iyang ibinabaon mo. Bukod diyan, pinakain mo rin ako kahit hindi mo ’ko kilala. I call it quits.”
Napapatangang nakatitig si Lyle kay lalo na nang masuyo itong ngumiti sa kanya. Hanggang sa, napansin niya si Ridge na magsimulang maglakad paalis.
“Saan ka pupunta?” Tanong niya.
Ngumiti ulit ito at may itinuro. “Nariyan na iyong sundo ko, e. Kitakits nalang tayo sa susunod, Lyle. Salamat din sa pagkain, ang sarap ng baon mo.”
Dahan-dahan niyang sinundan ng tingin ang itinuturo nito at nakita ang isang lalaki na naglalakad tungo sa direksyon nilang dalawa. Kung ikukumpara kay Ridge, mas matangkad ito sa binata at mukha ring may iba itong lahi bukod sa pagiging Pinoy. Nakabusangot ito at ang paningin, kay Ridge lang nakapukol.
“Basta iyong sinabi ko Lyle.” Agaw nito sa atensyon niya. “You’re too cute to get sad over losing some pricks. Find a more accepting circle. Nariyan lang iyon sa tabi-tabi, ikaw lang din ang hinihintay nila. And don’t stop doing what you like, come what may. ’Di naman sila ang magsasabi kung saan ka nababagay.”
Nang sunduin na ito ng kaibigan nito, nanatili pa ang dalawa sa labas ng math garden upang magtalo. Samantalang si Lyle, tahimik at aliw na pinanood ang mga ito. O sa mas madaling salita, naaaliw siyang panoorin si Ridge na makipagtalo sa kaibigan.
Moreover, he was grateful.
Si Ridge Gonzales ang pinakaunang tumanggap sa sekswalidad at buong pagkatao ni Lyle Villariza. Maliit na bagay pero ang laki ng epekto sa kanya.
Ito ang naging dahilan kung bakit hindi siya sumuko sa pag-asang makakakilala siya ng mga kaibigang tatanggap sa kanya. Kung bakit hindi siya nanghina sa kabila ng mga insultong natatanggap niya sa mga taong tunay na makitid ang utak.
Ito ang unang lalaking minahal ni Lyle ng buong-buo. Ang naging mundo’t pag-asa niya, inspirasyon at ang humubog sa kanya upang makamit kung sinuman at nasaan siya ngayon.
Ang pagmamahal niya rito, hindi niya masukat.
**
14 years
later…
Humugot ng malalim na hininga si Lyle bago napahilamos ng mukha at napasabunot sa sariling buhok. Napapikit din siya bago bumuntong hininga, dinadama ang pagkasiphayo sa mga kaganapan ngayon sa buhay niya.
Sa kasalukuyan, kailangan niya ng mga modelo para sa upcoming fashion event na gaganapin sa Manila. Isa ang brand niya sa mga naimbita na maglabas ng panibago nitong set of clothes para sa theme na naka-assign sa kanila.
Naihanda na rin naman niya ang lahat. It’s just that… if he wants to raise the rate of his success, he has to contact one of the most well-known model in the Philippines, Ridge Gonzales. Ang problema, wala siyang lakas ng loob na kontakin ang manager ng binata!
“Naaalala ko pa lahat,” bulong niya sa sarili bago tuluyang tinakpan ang mukha, “kung anu-anong ginawa ko noon. ’Di ka ba marunong mahiya, Lyle?!”
Napakagat siya sa pang-ibabang labi at patuloy pa rin sa pagwawala sa isipan. Hanggang sa kalaunan, unti-unti na niyang inalis ang takip sa mukha upang silipin ang nakakalat na papel sa lamesa niya.
Nang mapagtanto niya rin kung nasaan siya ngayon, mabilis siyang napalingon sa paligid. Umaasang walang nanonood sa katangahan niya.
How can he forget that he’s inside a café? Dapat magdahan-dahan siya. Itigil na dapat ang pag-arteng para siyang tanga.
Habang iginagala ang mga mata sa buong café, para siyang nabunutan ng tinik nang mapansing walang nanonood sa kanya. Sa kabila noon, nilulukob pa rin ng takot ang puso niya. Marahil dala ng kaba at hiya na kausapin ang manager ni Ridge.
“What should I do, though?” Balik niya sa kanina pang iniisip. “Kung gusto kong maka-accumulate ng mas maraming sale, kailangan ko ng magdadala ng brand ko. At ang naiisip ko lang, si Ridge.”
Liban doon, kahit labag man sa loob niya na aminin, iyong pang-finale na damit na dinesign niya… si Ridge ang inspirasyon doon. Ito lang ang iniisip niya noong iginuguhit at siya mismo ang nagtahi ng damit dahil gusto niyang si Ridge ang magsuot.
“What? Gusto ko ba talaga ng sale o gusto ko lang makita si Ridge na suot iyong damit na ’yon?”
Nakaramdam siya ng hiya sa naisip.
“B-bahala na,” nauutal niyang sabi bago tumikhim, “ite-text ko na ang manager niya at aasang bakante pa si Ridge.”
Doon siya humigop ng malalim na hininga at inihanda ang sarili na kontakin ang manager ng binata. Halos maduling pa siya habang nagtitipa ng mensahe, mahilo dahil hindi siya nakukuntento sa ise-send dahil ayaw niyang magmukhang patay na patay sa modelo.
Ngunit sa awa ng Diyos, nakuha niya ring makuntento at mai-send ang request na pagkuha kay Ridge para maging modelo niya.
Nakahinga siya ng maluwang nang ang pakiramdam niya, nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Ngayon, ang hihintayin nalang niya ay ang magiging sagot ng manager ni Ridge. Doon nakasalalay ang pang-finale niya at ang makapag-accumulate ng mas maraming sales sa iba pang brand.
Pero siguro, para na rin sa puso niya ang pag-iimbita kay Ridge na magmodelo para sa kanya.
Nag-isang linya ang mga labi ni Lyle habang napapaisip hanggang sa may mahagip siyang pamilyar na imahe mula sa gilid ng mga mata.
Mabilis na napukaw noon ang atensyon niya kaya nilingon niya kung anuman iyon. Ngunit hindi niya inaasahan ang masasaksihan.
Napasinghap siya nang makita na dumaan si Ridge sa labas ng café. Hindi lang iyon, kasama nito ang kasintahang si Zamiel. Sabay silang naglalakad at mukhang nag-aasaran habang magkahawak ang mga kamay.
At dahil doon, nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang binata.
Ah,
mukhang
ang
saya
niya . Ito ang unang pumasok sa isip niya nang makita ang mga ngiti ng binatang pinakamamahal niya. Hindi
siya
ganoon
ngumiti
.
Nagbabago
lang
sa
tuwing
kasama
niya
iyong
boyfriend
niya
mula
high school .
Marahan niyang sinapo ang dibdib at pinakiramdaman ang maliliit na kutsilyong sumasaksak sa puso niya. Hindi niya rin napansin ang unti-unting pagkuyom ng mga kamao niya habang sinusundan ng tingin ang papawalang imahe ni Ridge at ng boyfriend nito.
Oh, how jealous he is.
“Ang swerte niya,” bulong niya sa sarili habang tinutukoy ang kasama ni Ridge, “sana… sana ako nalang ’yon.”
Pero imposible dahil katulad nga ng sinabi niya, high school palang sila e boyfriend na niya ang kasama. Ang tagal na nila. Lampas sampung taon na rin silang magkasintahan. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin talaga maiiwasan ni Lyle ang mapaisip.
Ano bang pakiramdam na maging boyfriend ni Ridge? Ang sarap yata sa noon lalo na at ang lalaking kay tagal na niyang iniibig, naging kasintahan niya na.
“Sana ako nalang siya.”
Unti-unting nilukob ng kalungkutan si Lyle. Inilapag niya rin ang mga kamay sa lamesa at pinaglaruan ang sariling mga daliri. Noong hindi na makuntento sa ginagawa, saka niya pinasadahan ng tingin ang mga design na nakalatag sa harap niya.
Ang iilan dito, idina-draft niya para sa susunod na release ng brand nila.
Bumuntong hininga siya at inisa-isa na inayos ang mga sketches hanggang sa… mayroong lumapit na waitress sa kanya.
“Here’s your order, sir.”
Natigilan si Lyle sa pag-aayos ng mga gamit nang may coffee latte sa harapan niya. He can’t remember ordering. Ang alam din niya, aabalahin niya lang ang sarili sa pagre-relax dahil sa nalalapit na event. Bukod doon, ang hintayin na rin ang reply ng manager ni Ridge upang maging modelo niya.
Must’ve been from someone I know? Dahil sa tinagal-tagal niyang pamamalagi rito at pagbisita sa café, iilang customer na rin ang naging kaibigan niya.
Looking around, Lyle thought that someone he knew ordered something for him. Lalo na at ito ang paborito niyang ino-order sa café na kinaroroonan pero nang mapagtantong wala siyang kakilala sa paligid, natigilan siya at pinukaw ang atensyon ng waitress na naghatid nito sa kanya.
“Sandali lang ho,” pigil niya rito. Nang lumingon ito, mabilis niyang iminuwestra ang coffee latte, “’di pa ’ko nag-oorder.”
Natigilan ang waitress at napangiti nang mapansin ang pagkalito na nakapinta sa mga mata niya. Ipinilig nito ang ulo bago mahinang natawa, ngunit tinakpan nito ang kalahati ng mukha gamit ang tray na hawak.
Don’t tell me. She likes me? I’m not even interested in women! Sigaw niya sa isipan, kinakabahan at napapaisip kung paano niya ito ire-reject kung sakali.
“It’s in the house po!” Sagot nito sa kanya bago ito iminuwestra na ayos lang na inumin niya ang ibinigay na coffee latte, “ipinapabigay po talaga ’yan dahil po regular customer kayo.”
Bahagyang kumalma si Lyle nang marinig ang sagot nito.
“Ganito ba talaga ’pag regular customer?” Pag-uusisa niya.
Ipinilig ng waitress ang ulo. “Kung may tanong po kayo, nasa counter po ang boss namin.”
Bakit ganito ang sagot nito? Imbes na mag-usisa pa lalo, bumaling siya sa kinaroroonan ng boss ng waitress. It’s really weird that they’re giving out free coffee lattes since I’ve never seen someone ’round here receive one .
Mabilis na hinanap ng mga mata niya ang mga naroon sa counter, at ang pinaka unang pumukaw sa pansin niya ay ang isang binata na pasimpleng nakatanaw sa kinaroroonan niya.
Mukhang halos kasingtangkad niya lang ang binata. Blond ang buhok at mukhang berde ang mga mata. Ina-assume niya lang naman iyon. Masyado ang kinaroroonan ng boss ng waitress at nakasalamin dito ito upang makita niya kung ano ba talagang kulay ng mata nito.
He’s got to have supernatural sight to be able to see the color of that guy’s eyes.
Nang magtama ang mata nila, mabilis pa sa ala singko itong nag-iwas ng tingin at saka nagtago. Mayroong pinasukan na kwarto at hindi na niya nakita pang lumabas.
Samantala, napapantastikuhan siyang napatitig sa kaninang kinaroroonan nito.
“Sino ’yon?” Wala sa sarili niyang tanong.
Ang waitress ang sumagot sa kanya. “Iyon po ang boss namin!”
Napapitlag siya nang mapagtantong nasa tapat niya pa rin ang waitress. Mabilis niya rin itong nilingon bago nagpabalik-balik dito at sa coffee latte ang paningin niya.
“A-ah, eh.” Nag-iwas siya ng tingin bago inabot ang coffee latte na nasa lamesa na naman niya. “Pakisabi, maraming salamat sa libre.”
“Makakarating po!” With that, the waitress left Lyle dumbfounded and confused.
Noong wala na ito sa paningin niya, wala sa sarili niyang tinignan ang coffee latte na hawak-hawak.
“Bakit ko kinuha ’to?” Wala sa diwa niyang tanong, “dahil libre?”
O baka naman dahil kahit papaano, natuwa siya sa reaksyon nito nang magtama ang mga mata nila? Hindi dapat siya nagpapadala sa ganon!
“Or maybe…”
Dahil kasi rito, nawala sa isipan niya ang imahe ni Ridge at ng boyfriend nito na nagde-date.
“Ang abusado ko.” Napapikit siya at napangiwi. Binatukan niya rin ang sarili sa isipan. “Babawi ako kapag nakapagpakilala ako ng maayos.”
Oo, ganoon nalang ang plano.
**
A/N: THIS STORY HAS BEEN TRANSFERRED TO GOODNOVEL. IF YOU WISH TO READ THE ENTIRE STORY, KINDLY SEARCH THE USERNAME:
RAELIANA
You can view the locked chapters by collecting daily bonus points! — this is for the taglish version, it can also be seen on both website and the app.
Meanwhile, the english version of CIBH can only be seen at the website (as of the moment), I will update all of you as soon as it can also be viewed on the app! ( ╹▽╹ )❤️
Kabanata 1
KABANATA 1
ILANG araw na ang lumipas mula nang mag-text si Lyle sa manager ni Ridge. At sa kasalukuyan, hindi siya makapaniwala sa sagot na natanggap. Sa isang madaling sandali, para siyang nagising ngunit nananaginip pa rin. Pakiramdam niya, lumulutang siya sa sayang hatid ng mensahe nito sa kanya.
Halos kararating niya lang noon sa opisina at balak lang na magbasa ng iilang e-mails at tignan ang iilang sale invitations. Matapos iyon, saka niya titignan ang mga assistant na tumutulong sa kanya upang ma-recheck ang ginawa ng mga ito.
Hanggang sa may mapansin siyang e-mail. Malayong-malayo sa medium of communication na ginamit niya upang makipag-ugnayan dito.
Hindi naman niya iyon inaasahan dahil una sa lahat, ang tagal na mula noong nag-send siya ng text dito. Ang buong akala niya, rejected siya kung kaya ang tagal nitong mag-reply. Ipinaplano na rin sana niya ang maghanap ng back-up model pero itinapon niya kaagad ang ideyang iyon palabas ng bintana ng office niya nang mabasa ang reply ng manager ni Ridge.
Wade
Evangelista
:
Good morning, this is Wade
Evangelista
, Ridge Gonzales’ manager. You’re Lyle
Villariza
, the owner of
Primevère
, right?
I just wanted you to know that our
boy’s still good and vacant . Sa
totoo
lang
,
hinihintay
niya
na
kontakin
mo
siya
. You still good to pick Ridge as your model?
Sent:
8:32 am
Habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe, unti-unti ring kumukurba sa mga labi niya ang isang malawak na ngiti.
Masaya siya dahil bakante pa rin si Ridge, syempre. Biruin ba naman niyang sa dami ng mga fashion brand na paniguradong gustong makuha bilang modelo ang binata, malalaman nalang niya na siya ang hinihintay nito.
Come to think of it, they’ve known each other since high school. Hindi nga lang sila madalas na magkita at magkausap dahil may iba itong mga kasama. Pero sa tuwing may pagkakataon, kahit sa mabibilis na sandali, nakakaharap niya ito at nakakatawanan.
Malinaw din sa isipan niyang naikwento niya kay Ridge ang pagkagustong maging designer mula nang malaman niyang nagmodelo ang binata. Ngunit nalulungkot din siya sa tuwing naaalala iyon dahil malinaw din ang buong kaganapan matapos ang pag-uusap na iyon.
Tumigil sa kolehiyo si Ridge upang palawigin ang pangalan sa industriya ng modelling. But Lyle still deems that it was worth it since… he is a successful model nowadays. Siya ang isa sa mga pinaka hanap ng mga designer ngayon. Hindi rin naman tama na gawing basehan ang pinag-aralan. Pero posible ba na isa pala sa mga dahilan ang pagkakaibigan nila upang hintayin siya nito?
He’s flustered by the idea.
Noong mahimasmasan na siya at matigil na sa pag-aalala kung ano ang nangyari sa binata noong kolehiyo sila, doon na siya humugot ng lakas ng loob para mag-reply kay Wade.
Me:
Good morning.
Yes, I’m still up to take Ridge as one of my models. I’ll send the line up to get him ready.
Sent: 12:46 pm
Hindi na niya hinintay kung ano ba ang magiging reply nito. Sa halip, mabilis siyang nangalkal upang hanapin sa mga files niya ang document na naglalaman ng in-outline niyang line up. At sa totoo lang, ginawa niya iyon habang hindi humihinga dahil sa kaba.
Natural siyang relaxed na tao pero pagdating sa mga usapang umiikot ukol kay Ridge, nag-iiba ang ihip ng hangin para sa kanya.
Matapos i-proofread at i-check kung tamang file ba ang nai-send niya sa manager nito, nakahinga ng maluwang si Lyle at naisandal ang likod ng kumportable sa backrest ng swivel chair niya. Saka niya ipinikit ang mga mata at ngumiti.
“Hinihintay pala ako.” Hindi tuloy niya maiwasang maging interesado kung paano nito nalaman na isa siya sa mga imbitado sa event. “Ang saya, pakiramdam ko… magiging maganda itong araw ko.”
Pero bago iyon, kailangan ko muna palang dumaan sa café . Napangiwi siya nang biglang maalala kung ano ang huling nangyari sa kanya roon.
That free coffee latte and the owner of the café sure is weird . But he did promise himself to get back to him. Yet, he does not what to do.
“Probably introduce to him and ask properly about to coffee?” Patanong niyang tanong sa sarili bago ipinikit ang mga mata at nagmuni-muni.
At siguro, magtatagal pa siya sa loob ng opisina kung hindi siya tinawag ng secretary niya.
Ginawa niya ang orihinal niyang plinano. Tinignan ang bawat damit at ipinapaayos ang mga ito kapag mali ang pagkakatahi. He is especially particular with needle work. Hangga’t maaaari, gusto niya na perpekto at maayos iyon. Bukod sa needle work, tinitignan niya rin ang tela. You’ll never be too sure if there are holes or possible anomalies in the clothes.
“Nakakapagod.” Bumuntong hininga siya at minasahe ang balikat habang naglalakad tungo sa café na kanina pa balak na puntahan.
Mabuti nalang, walking distance ito. Siguro, iilang kanto lang din ang layo mula sa building niya.
“Napansin ko rin na nagdo-double effort ka ngayong araw. Mayroon bang magandang nangyari?”
Natigilan siya sandali at naestatwa. Saka lang nag-sink in sa kanya na kasama nga pala niya ang isa sa mga assistant niya. Si Kaleb.
Nangingiti niya itong nilingon bago siya marahang tumango.
“Kaninang umaga, naka-receive ako ng e-mail galing sa manager ni Ridge. Gusto niya raw mag-model para sa Primivère.” Nahihiya siyang tumawa at napahawak sa sariling batok. “Ilang araw ko nang sinend iyong inquiry ko, e. Kanina lang sila nag-reply, ’kala ko may nakakuha na sa kanya.”
Dahil tuwid ang tingin ni Lyle sa tinatahak nilang daan, hindi niya nabigyan ng pansin ang pagkunot ng noo ni Kaleb. Pati na rin ang kalaunang pagngiti nito.
“Mabuti ’yon, pero si Ridge Gonzales pala ang finale, a. Paniguradong marami lalong magkakainteres sa brand natin.”
Tumango ulit siya. “Medyo marami na tayong naa-accumulate na interesadong bumili ng design, pero gusto ko kasing palawigin lalo ang pangalan ng Primivère.”
“Si Ridge naman ’yon.” Nag-inat ang binata bago humikab. “Isa pa, ang gaganda ng mga design na ginawa mo. Idagdag mo ’yon saka iyong hindi kapanawa-nawa na charisma ni Ridge, siguradong aagaw tayo ng pansin.”
Hindi nagtagal, dumating na sila sa café na madalas niyang pinupuntahan. Well, not really just him. Palagay niya ay halos ng mga nagta-trabaho sa kanya ay dito rin madalas na mag-relax.
Moreover, Kaleb and Lyle talked a lot especially about the other male’s future plans. Dahil isa rin ito sa mga aspiring designer, umaasa siya na may balak din itong mag-ipon ng experience. At tunay nga ang naisip niya, tulad niya rin ito noon.
“May o-orderin ka ba?” Tanong niya, “ako nalang mag-oorder, umupo ka nalang kahit saan mo gusto.”
Kumunot ang noo ni Kaleb. “Parang mali yatang pakinggan? Senior kita, e.”
“Ngayon ka pa ba mahihiya sa ’kin?” Natawa siya at tinapik ang balikat nito. Medyo awkward dahil mas matangkad ito kaysa sa kanya, pero dahil ito ang nakaugalian; hindi niya maiwasan. “Ayos lang. Sabihin mo nalang sa ’kin kung ano gusto mo. Mamaya mo nalang din bayaran.”
Alanganin siyang tinitigan ni Kaleb, tila hindi nito aprubado ang gusto niyang mangyari dahil junior niya raw ito. Pero iwinaglit lang niya ang iniisip nito at siniguradong ayos lang na siya ang mag-order.
Mocha
affogato
saka
smoked fish cakes
para
kay
Kaleb . Ilang beses niyang ni-recite sa isipan ang order ng binata upang hindi ito malimutan. Samantalang
ako
,
ano
naman
kayang
oorderin
ko?
Sa kabila ng mabagal niyang paglakad tungo sa counter at isa-isang pagbabasa ng mga nasa menu na nakapaskil sa parang awang na pader ng café, hindi pa rin nakatakas sa paningin niya ang isang pamilyar na pigura hindi kalayuan sa kanya. Sinubukan niya ring hindi maging abala at medyo tumabi dahil mayroong nakaabang din at nakatayong customer sa tabi niya.
Pero hindi niya iyon pinansin at tahimik siyang nag-abang ng maga-assist sa kanya, maging ang paghahanap ng pupwedeng mai-order.
“I guess I’ll go for Peri-peri chicken burgers and…” Mabilis niyang inilipat ang mga mata sa menu na naglalaman ng mga beverages. “…coffee frappe?”
This is not really the ideal lunch but I feel like rewarding myself . More like, celebrating because he’s got Ridge in his party and he feels like he is in heaven.
Syempre, hindi pa rin naman niya nalilimutan ang boyfriend nito pero… wala rin naman siyang balak na makiapid. Saka hindi niya talaga mapigilang hindi mahulog ng mahulog kay Ridge.
Nahigit siya mula sa pag-iisip nang may mapansing binata na palapit sa kanila. Mabilis na inilipat ni Lyle ang paningin dito hanggang sa mahigit ang hininga niya.
Ito iyong may-ari ng café na biglang nagtago nang makita siya! Pero nakatalikod ito at mayroong kinakausap na mga trabahador.
At oo nga pala! Balak niya itong kausapin upang personal na magpasalamat doon sa ibinigay nitong coffee latte noong huli siyang pumunta rito.
Hindi nagtagal, nakarating ito sa harapan nila ng katabing hindi niya naman kilala. Hindi siya napasadahan ng tingin ng may-ari ng café at mukhang hindi nito napansin ang presensya niya. Sa halip, pukol na pukol ang tingin nito sa binatang katabi ni Lyle.
“Utang ’to, a. Buraot ka na e.” Natatawang sabi nito sa katabi niyang binata. “Lakas mo mangutang, Zach. Parang wala kang trabaho, a!”
Inabot ng katabi niya ang iniaabot nitong strawberry latte, sinimsim din bago ito nagsalita. “Grabe naman! ’Kala mo ba sa ’kin, ’di magbabayad? Nakalimutan ko lang naman wallet ko sa pagmamadali, e. Tomguts na ’ko.”
“Restaurant naman ang ipinatayo mo! Ba’t hindi ka roon kumain?!”
“Pre, ’di mo gets! Mas masarap kumain ’pag ’di ikaw may-ari noong resto!” Natatawa nitong ginaya iyong emoji na meme para sa it really hurts na trending bago ito nagpaalam sa kaibigan. “O siya, diyan lang ako sa stall! Paupo, nakakangawit kang abangan.”
“Mangungutang ka nalang, nakuha mo pang magreklamo.” Inayos ng binata ang salamin bago ito malalim na bumuntong hininga. “O sige! May aasikasuhin pa ’ko, e. ’Wag kang magulo riyan, marami akong saging na ibabaril sa ’yo kapag nanggulo ka!”
“Epal ako pero ’di naman ako epal ’pag work hours!”
Napapangiwing pinanood at nakinig si Lyle sa usapan ng dalawa. Ipinilig niya rin ang ulo para bumuntong hininga sa isipan. Hindi naman siya nagrereklamo na magtsismisan ang dalawang ito sa harap niya pero…
Nakakatawa ang usapan ng mga ito.
“Pasensya na po!” Paghingi nito ng paumanhin dahil yata sa pag-uusap nila ng kaibigan nito. “Hindi namin sinasadyang mag-usap ng matagal. Ano pong order niyo—”
Tila tinangay ng hangin ang sinasabi nito nang maipihit ang katawan paharap sa kanya at magtama ang mga mata nila. Doon lang din nairehistro ni Lyle kung gaano ba kagwapo ang binatang kaharap niya na maging siya, nahigit ang hininga.
Tulad ng sinabi niya noong una niya itong nakita, blond ang buhok nito at tama rin ang hula niyang berde ang mga mata ng binata sa kabila ng salaming suot nito! Pero iyong inaakala niyang magkasingtangkad sila? Maling-mali siya roon.
Hindi nalalayo ang height nito kay Kaleb.
At isang pahabol na tanong, hindi ba ito model? Masyadong maganda ang mukha nito na siguro, kung isa siyang model scout, ito ang una niya na inayang maging modelo!
Mabilis lang naman siyang napaisip. Nabawi niya rin ang tindig at saka siya tumikhim para masuyong ngitian ang binata.
“Ayos lang.” Tumango siya, hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi, hanggang sa mabilis niya ulit na pinasadahan ang menu bago sinabi ang order. “Mocha affogato at coffee frappe for drinks, tapos smoked fish cakes at peri-peri chicken burger for foods.”
Nang ibalik niya ang paningin sa binata, roon palang niya napagtantong sandali itong naestatwa nang magsalita siya. Mapula rin ang mga pisngi nito at napansin niya rin ang bahagyang panguya nito sa pang-ibabang labi.
“Um, ayos ka lang ba?” Because Lyle is certain that something’s going on.
GIAN’s mind… is in chaos. Katatapos lang nila na mag-usap ni Zachariel at hindi niya maitatanggi ang aliw sa kalokohang pinagsasasabi nila. At mula roon, inasahan niyang mabilis at maayos ang magiging takbo ng araw niya sa trabaho.
Simpleng pag-assist at guide lang sa mga trabahador.
Pero nagkamali siya.
Lalo na noong mapagtanto niya na ang customer na aasikasuhin niya ay iyong binatang matagal-tagal na rin niyang minamatyagan!
Don’t get him wrong. Gian is into women and he does not like Lyle romantically. Sadyang may kung ano lang talagang nakakabighani rito at gusto niyang mapalapit sa binata — syempre, bilang kaibigan!
Pero mahiyain siya. At kung mababa ang self-esteem niya, paano pa kaya ang socialization skills niya? Para siyang ang kaibigang si Zamiel, nabobobo pagdating sa new interactions! Samantalang hindi naman siya nakaharap sa gabundok na mga libro ng sampung taon!
At ito ang dahilan kung bakit tila naestatwa siya sa harapan ni Lyle.
Ano
ba
kasing
gagawin
ko?
Kukunin
ko
lang
naman
’yong order
niya
,
ba’t
para
akong
mahihimatay
?! Hindi rin nakatulong sa kanya na dama niya ang mga titig mula sa iilang trabahador niya. Pakiramdam niya, sinasaksak siya ng mga ito.
Noong rumehistro kay Gian ang pag-aalala na sumasalamin mula sa mga mata ni Lyle, roon siya mabilis na nahimasmasan. Pero hindi pa rin siya nakakabawi kung kaya para siyang tangang inabot ang ballpen at maliit na memo kung saan nila isinusulat ang order ng mga customer.
“A-ano kasing order mo?” Sinapak niya ang sarili sa loob ng isipan nang mag-utal utal siya. “Pasensya na, ’di ko kasi narinig e.”
Hindi kaagad na nakasagot si Lyle nang magdahilan siya. Hindi niya rin alam kung anong itsura nito pero dama pa rin niya ang titig ng binata sa kanya. Bumibilis tuloy lalo ang pagtibok ng puso niya dahil sa kaba.
At bakit parang hirap na hirap siya na magsulat?! Nanginginig ang mga kamay niya at nagpapawis! Parang dudulas iyong hawak niyang ballpen mula sa mga kamay niya. E hindi naman siya sobrang pasmado!
“Peri-peri chicken burger.” Halos mahilo si Gian habang isinusulat iyong naaalala niyang order na sinabi ni Lyle. “Mocha affogato?”
Mula sa mga gilid ng mata niya, nakita niyang marahang tumango si Lyle sa kabila ng pagtitig nito sa kanya.
Ah, ’wag
mo
’kong
titigan
ng
ganyan
!
Lalo
akong
nahihiya
at
kinakabahan ! Katunayan, paunti-unti rin niyang nararamdaman ang panginginig ng mga tuhod!
“Smoked fish cakes din saka coffee frappe,” pag-uulit ni Lyle sa order.
Mabilis namang isinulat ni Gian iyon sa memo, pero marahil dala ng sobrang kaba; dumulas iyong hawak niyang ballpen sa notebook at nag-drawing siya ng mahabang linya!
Natigilan ulit siya at naestatwa mula sa kinakatayuan.
Hanggang sa… narinig niya ang malakas na pagtawa ni Zachariel mula sa kinauupuan nitong stall hindi kalayuan sa kanya.
“Ano ’yan, Gian?! Ano ’yan?!”
Halos hindi na ito makahinga sa katatawa at pinaghahahampas na rin ang lamesa. Ni hindi na rin nito pansin ang pagpukaw nito ng atensyon ng mga customer nila — pero siya, pansing pansin niya!
Gusto
kong
magtago
!
“Kung umasta ka, parang teenage crush mo ’yang kaharap mo, a!” Dugtong pa nito sa kabila ng hindi nito matigil na pagtawa. “Aliw, pre!”
Marahan niyang nilingon ang binata at kabadong natatawa. Ngunit sa kaloob-looban niya, gusto nalang din niyang magtago at lamunin ng lupa!
May
punto
si
Zach!
Bakit
ba
’ko
ganito
umasta
?!
Daig
ko pa
si
Zamiel
na
halos
magtae
’pag
malapit
si
Ridge
sa
kanya
, e! Pagsang-ayon niya sa isipan.
Dahil sa pagtawa ni Zachariel, ang bilis niya ring nakabawi ng tindig. Nawala iyong kaba niya kahit na papaano pero hindi ibig sabihin non, hindi siya nilulukob ng hiya dahil nakikinig pala si Lyle sa kanila.
“A-anyway! Nailista ko na!” Medyo messed up dahil sa pagdulas ng ballpen last minute pero nairaos naman niya.
Sa kabila ng pagtawa ni Zachariel, inulit pa rin ni Gian kung ano ang order ni Lyle. In-adjust niya ang suot na salamin at umaktong mas seryoso kaysa sa kung paano niya ito unang hinarap.
“Peri-peri chicken burger, mocha affogato, smoked fish cakes, coffee frappe.”
Mabilis na ibinalik ni Lyle ang mga mata sa kanya at muli na naman itong ngumiti. Halos mapahawak tuloy si Gian sa dibdib dahil hindi siya magsisinungaling, ang ganda ng mga ngiti ng binata!
“Oo, ’yon na nga.” Ipinilig nito ang ulo samantalang si Gian, tumango lang.
Naghahanda na siyang talikuran ito para at ibigay ang order nito sa mga kasama. Tapos, magtatago siya para hindi na siya nito makita pero… kailangan pa niyang sabihin ang animo’y spiel niya.
“Ready na ’to within fifteen to twenty minutes, pakihintay nalang sa table niyo.” Tapos iniabot nito ang maliit na number standee kay Lyle.
Nang maibigay iyon, doon na sana siya tatakbo saka sisigawan si Zachariel na sumunod nalang sa office niya kung trip nito nang bigla ulit magsalita si Lyle.
“Oo nga pala!” Pukaw nito sa atensyon niya, dahilan para mapapiksi siya at alanganing ibalik ang mga mata rito.
Halos matunaw siya nang mamula ang mga pisngi ni Lyle. Kaunti lang at hindi singhalata ng kanya pero naroon. Hinawakan din nito ang batok bago ikinunot ang noo, ngunit sa kabila noon, may naglalaro pa rin na mga ngiti sa labi nito.
“Maraming salamat nga pala sa coffee latte noong minsan,” sa wakas, nasabi rin nito.
At doon tuluyang nag-malfunction si Gian. Lalo na noong maramdaman niya ang mapanudyong titig sa kanya ni Zachariel.
“You’re welcome!” Nabigla siya nang hindi niya sinasadyang isigaw ang sagot niya.
Pero upang itago ang hiya e mabilis niyang inimporma ang mga kasama ukol sa order ni Lyle. Saka… nagtago tulad ng plano niya.
“La, ano ’yon?!” Namamangha niya na sabi sa sarili nang maisara ang pinto tungo sa locker room ng mga trabahador niya.
Sapo niya rin ang dibdib at tahimik na pinapakiramdaman ang mabilis na pagpintig ng puso.
“Oo nga?! Ba’t ganito ako mag-react e ’di naman na ’ko high school!” Mas lalong hindi niya crush si Lyle!
Lunod na lunod siya sa kaiisip nang biglang may mag-trespass sa locker room nila na hindi imbitadong bisita. Nakalimutan niya kasing sabihan ito na sumunod nalang sa kanya kung trip nito.
“Gian!” Malakas at aliw na tawag sa kanya ni Zachariel. Hinanap din siya ng mga mata nito ngunit nang makita siya, mabilis nitong tinakpan ang bibig at tuluyang napahagalpak ng tawa.
Samantalang siya, nakangiwing pinanood ito.
Pakiramdam niya, kakalat itong pangyayaring ito sa barkada nila.
**
A/N: AND here’s chapter 1! Anong masasabi niyo? Legit na naka-cross fingers ako habang isinusulat ’to, umaasa na mas improved ang writing skills ko rito compared sa noong nai-debut ko ang IL!
Anyway, surprise! From here on, Imma shift from writing third person pov to third omniscient pov! Gusto ko kasing ma-explore kung anong iniisip ng main characters na siyang naipagdamot ko sa IL.
Sana na-satisfy ko kayo sa chapter 1! Keep safe and stay hydrated, lovelots! Mwah. ❤
WHERE TO READ ‘CAN I BE HIM?’
PLEASE READ!
It’s been almost a year since I transferred ‘Can I be Him?’ to several different platforms! You can read it anywhere you like, the story will be available on the following websites/reading applications!
If you wish to read Lyle Villariza and Gian Cyrus Abellardo’s story, then I suggest y’all to check it out on these platforms! We’ll wait for you there and your support will be greatly appreciated since it’ll help me a lot!
WHERE CAN YOU READ ‘CAN I BE HIM?’ Hi! The book can be read here: GØØDNOVEL
(completed)
FĪNOVEL (completed)
STØRYØN
(completed)
NØVELÅH (completed)
RÉADØØ
(completed)
Abangan namin ang suporta niyo! ☆(ノ◕ヮ◕)ノ*

