CAUGHT ON CÜM
Cold Deee · 13 chapters · 20,629 words
AUTHOR’S MESSAGE
Yow!
Kumusta, mga mahal kong mambabasa? Na-miss ko kayo. May natitira pa ba rito? Haha!
Yup, sinusubukan kong bumalik. Sana ay may tatanggap pa rin sa akin. At para sa panibagong chance na ito, handog ko rin ang kuwentong ito. Nais ko lang magbigay ng ilang mensahe at paalala bago simulan ito.
Una, ang kuwentong ito ay maiksi lamang na aabot ng 12 chapters. Daily ang update dahil polishing na lang din naman ang ginagawa ko, tapos ko na kasi isulat ito. Hindi ito mabigat tulad ng mga una kong naisulat. Nais ko rin gawing daan ito para maging practice ko na rin since matagal akong hindi nakapagsulat.
Kailan ko ipo-post ang unang chapter? Mamaya po. Abang-abang lang kung mayroon nga mag-aabang. Hahaha!
Tungkol naman sa naka-pending kong stories, ayaw ko muna mangako, pero ginagawa ko ang lahat para maituloy ang mga iyon. Priority ko muna tapusin ang ‘His Substitute Husband’ bago balikan ang ‘Love Me, Teacher’. Nahihirapan din kasi akong pagsabayin ang dalawang kuwento na magkaiba ang category. Sana ay maintindihan ninyo. Pasensiya na rin sa mahabang paghihintay.
Sana, sa pagbubukas ko ng panibagong pintuan, makakuha pa rin ako ng kahit na kaunting suporta mula sa inyo. Maraming salamat sa mga positibong mensahe na natanggap at natatanggap ko pa rin hanggang ngayon. Hindi sapat ang pasasalamat kong ito, pero dahil sa inyo, marami akong na-realize kaya nagkakaroon ako ng lakas ng loob na makabalik. Salamat sa inyo na ang ilan ay naging kaibigan ko na rin. Maraming-maraming salamat sa inyo!
Enough na ang drama! Magkita-kita po tayo rito mamaya! Salamat sa mga magbabasa!
Love lots,
cold_deee ❤️
CHAPTER 1
JERICHO
- POV
“Jamie, gumising ka na! Pukingina naman,oh! Saan mo ba itinago ang mga saplot ko?! Nilalamig na ako rito, eh!”
“Uhmm… Animal ka, Jericho oppa… ‘Wag kang magulo, hinayupak ka… Nandiyan lang ‘yon… Baka inupuan ng mga kasama natin..?”
Naihilamos ko na lang ang aking mga palad sa mukha. Inis na inis na talaga ako kay Jamie na nahihimlay na ngayon sa sofa.
“Taena ka! Dede mo nakikita na, oh?! Umayos ka nga sa paghiga mo!” saway ko pa sa kanya, ngunit nagawa ko naman takluban ng tuwalya ang hindi naman kalakihan niyang suso.
Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata na tinanggal ang tuwalyang iyon. “Taena ka rin… Hindi ka naman tatalaban ng alindog ko dahil bayot ka… Kaya okay lang ‘yan…”
Suko na talaga ako. Hindi ako mananalo sa katrabaho kong ito. Kaya sa halip na pigain ko pa siya ay nagkusa na lamang akong hanapin ang aking mga damit na hinubad ko kanina mula sa paglalaro. Kailangan ko rin siyang tantanan dahil baka ang susunod ko nang pigain ay ang apdo niya.
Sa malaking sala ng inuupahang bahay ni Jamie, isang pagdiriwang ang aming idinaos. Nagbunyi kaming magkakatrabaho dahil bukas ay araw ng Sabado at wala kaming pasok. Napakawalang kwentang dahilan, pero masaya namin itong pinagsaluhan.
Maingay at puno ng tawanan ang naging kaganapan dahil hinaluan namin ang pag-iinom ng laro. Makasaysayang ‘Bato-Bato Pick’ lang naman ang aming pinagkaabalahan. Napagkasunduan namin na kung sino ang mananalo, iinom ng isang basong beer ito. Kung sino naman ang matatalo, kailangang magtanggal ng isang kasuotan sa katawan ito. At kung sinu-suwerte nga naman, ako ang naiiwang talunan. Kaya heto, tanging medyas at boxers na lang sa akin ang naiwan.
Tangenang ‘Bato-Bato Pick’ ‘yan! Kung sino man ang nagpauso ng larong ‘yan, gusto kong dukutin ang lalamunan.
“Tabi nga, Accel! Basagin ko itlog mo, eh!” reklamo ko sa aking isang katrabaho na nakahandusay sa semento. Doon ko rin kasi nakitang inuupuan niya ang aking pantalon.
Sinuyod ko pa ang kabuuan ng sala. Sa iba’t ibang parte nito ay kanya-kanyang pwesto rin ang aking mga kasamahan na animo’y wala nang mga buhay ngayon. Sa tingin ko ay nasa sampu na lamang kaming naririto. Marahil ang iba ay nagawa pang makauwi ng kani-kanilang bahay, ngunit sa paraang gumagapang na lang iyon. Umaalingasaw rin ang amoy ng alak at sigarilyo sa buong kabahayan. Mapagkakamalan mo na nga itong hide-out ng mga target ng mga pulis para ipatokhang.
“Kingina n’yong lahat!” hindi ko na napigilang panunumbat dahil sa pagkaasar matapos kong mahanap ang aking mga sinasambang kasuotan na itinago nila kung saan-saan. Kasunod din nito ay nagdesisyon na rin akong magtungo sa second floor nitong bahay para tunguhin ang isa pang CR. Nang puntahan ko kasi ang banyo na malapit sa sala, nakita kong naroon din ang isa ko pang katrabaho na umibig na yata sa toilet bowl. Nakayakap siya roon at tila ba ayaw na niyang humiwalay. Lasing na lasing na talaga ang lahat at mukhang ako na lamang ang natitirang buhay.
Yakap ang aking mga saplot ay naging maingat din ako sa aking mga paghakbang sa hagdan. Ang dahilan kasi nito ay may ilan din akong katrabahong doon na rin inabutan ng kawalan ng malay.
Sa aking bawat paghakbang patungo sa ikalawang palapag, ang kaninang inis ko ay napalitan ng sari-saring katanungan. Habang papalapit ako sa CR na aking pupuntahan, unti-unti rin akong nakaririnig ng kakaibang ingay.
“Hhhnngghh… A-aahhhh… Sht! Fck! S-sige pa…”
Nangunot na nga ang aking noo dahil sa pagtataka. Noong una ay nakaramdam pa ako ng takot sa pag-iisip na nagmumula iyon sa isang multong nagpaparamdam, ngunit sa huli ay nakumbinsi akong walang katotohanan ang nasa marumi kong isipan.
Bakit nga ba? Pukingina, hindi ko pa nababalitaang may multo na kayang magsalita ng ng ‘sht’ at ‘fck’ !
Dinala ako ng aking mga paa sa sadya kong CR kung saan doon din nagmumula ang naririnig kong kakaibang ingay. At mula sa siwang ng pinto nito, nakumpirma kong hindi nga isang multo ang naroon kundi isang tao — sa taong ngayon ko lang napag-isip-isip na hindi ko nadaanan kanina patungo rito mula sa unang palapag.
Nanlalaki ang aking mga mata nang tuluyan nang magproseso sa akin ang nagaganap.
“G-gerome..?” bulong ko pa sa pangalan ng taong nasa loob ng CR.
Pinagmasdan ko pa ang katrabaho kong iyon. Kung kaninang nagkakasiyahan kami ay wala siyang kaimik-imik, ngayon ay para bang gusto na niyang umirit.
Mula sa maliit na siwang ng pinto, maingat akong pumwesto nang komportable upang mas masilayan ito. Wala siyang kamalay-malay na pinapanood ko ang kanyang ginagawang kababalaghan.
Mas nanlaki ang aking mga mata.
“Pukingina???” hindi ko napigilang masambit dahil sa pagkagulat. Naging mabilis naman ako sa pagtakip ng aking bibig gamit ang aking palad.
Pinagmasdan ko pang mabuti si Gerome. Paminsan-minsan siyang napapapikit habang nakatingala, at kung bubuksan naman niya ang kanyang mga mata, tila ba may mga apoy ito na naglalagablab. Magbabalik din ang kanyang mga paningin sa isang poster na nasa kanyang tapat.
Dahil sa pamilyar na ako sa bahay ni Jamie, alam ko ang nilalaman ng poster na kanyang pinagmamasdan. Iyon ay larawan ng sikat na grupong Asyano at puro lalaki ang kinabibilangan.
“K-pop idols..?” muli ko pang bulong nang maalala ko ang bansag ni Jamie sa kanila.
Muli kong ibinalik ang aking tingin sa kabuuan ni Gerome. Nakalapat ang kanyang isang palad sa pader na nasa kanyang tapat. Nakababa ang pantalon niya ganoon din ang kanyang pang-loob na halos umabot sa kanyang tuhod. At ang mas nakagigimbal at karumal-dumal nitong ginagawa ay pinaglalaruan ang naghuhumindik nitong sundalo.
“Wat da pak?!” bulong kong muli. Nakagat ko na rin ang aking pantalon na hawak upang hindi ako tuluyang mapatili.
Hindi ako makapaniwala. Sa mahigit isang taon na kami ay magkasama ni Gerome sa iisang department, puro magagandang bagay lamang ang naiuugnay sa kanya. Halos pag-agawan siya ng mga babae kong katrabaho. Kinababaliwan din siya dahil sa gwapong mukha at perpektong hubog ng katawan nito. Pero sino ang mag-aakalang bakla rin si Gerome?
Habang nakatitig pa rin ako kay Gerome na hanggang ngayon ay hindi pa rin nararating ang tinatawag na ‘paraiso’, nagbalik ang mga pangyayaring naging dahilan kung bakit hindi ko siya pinapansin magmula nang makilala ko ito.
Si Gerome Almeria — siya ang itinuturing kong matinding karibal. Magmula nang pumasok siya sa aming kompanya, lahat ng proyektong noon ay nasa akin ay mabilis niyang nakuha. Ang atensyon at papuri na aking natatanggap noon mula sa iba, naglaho iyon nang mabilis sa loob lamang ng ilang buwan. Maging ang promotion na matagal kong hinintay, kasalukuyan na niya ngayong hawak.
Dahil sa nagbalik ang masalimuot na mga alaala, naikuyom ko ang aking mga kamao, kasabay din iyon ng pagdidikit ng aking mga ngipin dahil nga sa lintik na nagngangalang Gerome.
Saglit akong nilamon ng matinding galit hanggang sa makaisip ako ng isang napakagandang ideya. Iyon din ang naging dahilan upang unti-unting umukit sa akin ang ngising napakalawak.
Sa pamamagitan ng tahimik kong paggalaw, kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng pantalon ko. Ang kasunod naman nito ay kinuhanan ko ng video ang abalang si Gerome sa pagma-Mariang palad nito.
Habang nakangisi pa rin ako at abalang kinukuhanan ng video si Gerome, muli akong bumulong…..
“Huli ka, bulbul — este, balbon! Tingnan ko lang kung makapalag ka pa sa akin ngayon!”
A/N
Thoughts? Haha! Anyway, hindi talaga ako
nag-e-expect
nang sobra sa kuwento kong ito.
Tulad
nga ng nabanggit ko sa iba, ito ang muli kong
panimula
. Kumbaga, practice ko na rin since matagal akong nawala.
Para nga pala kay
jeriker
ang chapter na ito! Salamat, fren! 😘
Feel you tomorrow, guys! Salamat sa
inyong
mga
nagbasa
!
— cold_deee❤️
05.01.2020
CHAPTER 2
JERICHO
- POV
Balik-normal ang lahat nang dumating ang Lunes. Bilang Marketing Staff sa opisina ng kilalang fastfood chain sa buong Pilipinas, dito ako namamasukan.
Kuntento na sana ako sa pamumuhay noon sa probinsiya kasama ang aking masayang pamilya. Pinagpala ako dahil mababait ang aking mga magulang ganoon din ang nakababata kong kapatid na lalaki. Hindi namin pinagtutuunan ng pansin ang problema. Lahat kasi ng mga pagsubok ay idinadaan lang namin sa tawa, ngunit kung ano ang pinagkukunan namin ng lkas, iyon din ang naging mitsa sa pagkawasak ng aming tahanan.
Tatlong taon na rin ang nakalilipas, naunang namaalam ang aking ama. Inatake siya sa puso dahil sa labis na pagtawa. Paglipas naman ng apat na buwan, ang ina naman namin ang namaalam. Ang dahilan ay dahil pa rin sa pagtawa. Nalunok kasi niya ang sinisipsip na buto ng santol dahilan para siya ay mabulunan.
Dahil sa mga pangyayaring iyon, kinailangan ko tuloy makipagsapalaran dito sa Maynila upang suportahan ang aking nag-iisang kapatid na naiwan sa probinsiya na nasa pangangalaga naman ng aming lola. Gusto ko siyang makapagtapos ng pag-aaral tulad ko, kaya naman simula pa noon ay kayod-kalabaw na ako rito. Muntik ko na nga pasukin ang pagho-hosto para lang sa kanya. Mabuti na lang at sapat ang aking kinikita para sa kanilang pangangailangan ni Lola.
“Good morning, mga undin!” bati kong mapagbiro sa bawat makakasalubong kong katrabaho. Ganito ko rin sinisimulan ang aking araw tuwing papasok. Noon ay paborito ako ng lahat at binansagan pa nga akong Mr. Congeniality dahil sa pagiging friendly, pero magmula nang dumating ang isang bida-bida kong katrabaho, hindi ko na narinig mula sa iba ang titulo kong iyon.
Sa pagpasok ko sa aming opisina, iisang pwesto agad ang tinumbok ng aking mga mata.
“Gotcha!” sambit ko pang nakangisi nang matagpuan ang aking sadya.
Naroon na ang aking target para sa araw na ito. Abala na itong nagtatrabaho at binabati ang mga kasamahang pumapasok dito. Lahat ay binibigyan niya ng ngiti, maliban sa akin. Sa loob ng mahigit isang taon, iyon na ang aming daily routine.
Inaasahan ko nang madaratnan siya rito. Ganito naman siya simula pa noon, nauunahan pa kaming lahat na pumasok. Kung minsan nga, gusto ko na isiping suma-sideline na rin siya bilang guwardiya. Late na kung umuwi, pero nauuna pang pumasok sa amin sa umaga.
Sa buong kasaysayan mula nang kami ay magkakilanlan, ito ang kauna-unahang beses na lumapit ako sa kanyang kinauupuan. Ito rin ang unang pagkakataon na suot ko ang aking mamahaling ngiti nang makarating sa kanyang kinaroroonan.
Habang prente siyang nakaupo sa kanyang silya, ipinatong ko ang aking isang kamay sa kanyang mesa at yumuko nang bahagya upang mas makaharap siya. Kaya naman nang mapansin niya ang aking presensiya, tiningnan niya ako nang may pagtataka.
“Good morning…… Oppa?” bati ko sa kanya at pinaghugis-puso ko pa ang aking mga kamay. Ginawa ko ang paraan ng pagbati sa amin ni Jamie na nilamon na nga ang sistema ng K-pop.
‘Oppa’ — ayon kay Jamie, ganito raw nila kadalasan tawagin ang mga iniidulong celebrity na Koreano. Kuya raw ang meaning? Ewan. Bahala sila sa buhay nila. Cute din daw sa pandinig nila, pero sa pandinig ko, ang lakas maka-bakla. Bakla na nga ako, lalo pa akong binabakla.
Pasimple kong sinilip ang ilan pa naming mga katrabahong naririto na rin ngayon sa opisina. Lahat at nagulat at hindi nakapagsalita. Ang isa pa nga sa kanila ay nabitiwan ang hawak na mga papel na ipo-photo copy sana. Ang isa naman ay napaso pa yata ang dila dahil hindi nagawang kontrolin ang pag-inom ng kape dahil sa aking eksena. Sa madaling salita, parang huminto sa kanila ang oras.
Hindi na nga iyon nakapagtataka. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na hindi kami in good terms ni Gerome. Alam nilang mainit ang dugo ko sa gunggong na ito. At kahit ilang beses nila sinubukang pag-ayusin kami, wala sa kanila ang naging matagumpay.
Ibinalik ko ang tingin kay Gerome at nasaksihan ko kung paano nagsalubong ang mga kilay nito. Naniningkit din ang kanyang mga mata at palatandaan iyon na nasorpresa siya sa aking ginawang pagbati sa kanya. Hindi rin siya nakagalaw at nakapagsalita. Nasaksihan ko pa ang kanyang paglunok tanda na siya ay may kaunting kaba.
Inaasahan ko na ito. Dahil din dito, pakiramdam ko ay nakamit ko na agad ang tagumpay kahit nagsisimula pa lamang ako sa mga naisip kong plano.
Dahil sa ilang pulgadang layo ng aming mga mukha, nagkaroon din ako ng pagkakataong matitigan nang malapitan si Gerome. Magmula sa kanyang mga mata na pinaresan pa ng may kakapalan niyang mga kilay, ilong na may katangusan, labing mamula-mula at mamasa-masa, maging ang kanyang pisngi, hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata.
“Konti lang naman pala sa akin ang lamang,” bulong ko sa aking sarili. “Mas visible lang ang pores ko kesa sa kanya.” dugtong ko pa.
“What?”
Hindi ko namalayan na ang pangingilatis kong iyon sa kanyang mukha ay kusang lumabas sa aking bibig. Buong akala ko ay nasa isip ko lang.
Sa halip na ipakitang bahagya rin akong nasorpresa, itinuwid ko ang aking pagkakatayo upang magkalayo ang aming mga mukha. Inayos ko rin ang aking polo na bahagyang nakusot dahil sa ginawa kong pagyuko.
“Have a great day….. Oppa?” makahulugan at may lambing ko pang pagsasalita bago tuluyang lisanin ang kanyang kinauupuan. Iniwan siyang hindi na nagawa pang makapagsalita dahil tila ba tinakasan na siya ng sariling kaluluwa.
Sa dalawang araw na nagdaan magmula nang malaman ko ang kanyang itinatago, maraming beses kong pinag-isipan ang dapat na gawin sa talipandas na si Gerome. Nang madiskubre ko ang kanyang lihim, para na akong sinapian ng dyablo. Gusto ko siyang masira sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kanyang video. Pero sa kabilang banda, naisip kong makakaapekto at makasisira rin iyon sa akin. Kaya naman sa huli, nauwi ako sa iisang desisyon.
Uunti-untiin ko si Gerome. Gagamitin ko ang aking hawak na video para i-blackmail siya. Walang ibang ma-i-involve maliban sa aming dalawa. Ito-torture ko siya. Naisip kong sa ganoong paraan, sa tingin ko ay kusa siyang aalis sa kompanya. At sa oras na mawala siya sa aking landas, babalik din sa akin ang lahat na kanyang kinuha.
“Tingnan ko lang kung magamit mo pa ‘yang mala-pitong pulgada mong armas!” bulong ko pa sa aking sarili. Sa pagkakataon din na ito, hinubad ko na ang pekeng-ngiti na ibinigay ko kanina kay Gerome. “Tang*na, napakahambog! Isang pulgada lang naman sa akin ang lamang!” dugtong ko pang pagmamaktol nang marating ang aking mesa.
A/N
Para sa ’yo,
jtmrn11
!
’Wag
ka na
ma-high
blood, Sissy
Sharkie
! May pag-asa pa naman tayong
magkalaman
ang …… 🙊 Hahahahahahahaha! Labyu!
cold_deee ❤️
05.02.2020
CHAPTER 3
JERICHO
- POV
Lumipas pa ang mga araw, at sa bawat pagdating nito, hindi ko rin tinigilan ang epal na si Gerome.
Tuwing darating ako ng umaga sa opisina, siya agad ang aking pinupuntahan. Binabati ko siya nang may halong pang-aasar. Alam kong kating-kati na ang aming mga katrabaho dahil bago ito sa kanilang paningin, ngunit wala naman ang naglalakas-loob sa akin na magtanong. Alam kasi nilang wala silang makukuha sa akin na sagot kundi puro pamimilosopo. Tuwing magtatapos din ang aming pagtatrabaho ay ganoon din, nagpapaalam ako sa kanya nang may ngiti at buong ningning.
Sa ilang araw rin na nagdaan, bakas pa rin kay Gerome ang pagtataka sa aking ikinikilos, pero kahit isang beses, hindi siya nakapagbigay ng reaksyon. Naiiwan ko siyang suot ang ekspresyong puno ng pagtatanong.
Tulad na lamang ngayong hapon na nagtapos muli ang panibagong araw sa amin, sinadya kong makalabas muna ang aming mga kasamahan para muli siyang inisin. Muli ko siyang nilapitan sa kanyang pwesto na abala pa rin sa pagtatrabaho. Gaya nga ng paniniwala ko, oras na yata nito para maging gwardiya dahil maiiwan na naman siya rito.
“Oppa, mauuna na ako, ha? Galingan mo rito,” pagpapaalam ko kay Gerome nang makarating ako sa mesa nito. “Pero payong-kagaguhan lang, ‘wag mong gagawin ’yon dito dahil maraming CCTV sa ’yo ang nakatutok.” makahulugan ko pang dugtong. May diin din iyon para dama niya ang sagad ng pagkasarkastiko ko.
Gaya ng aking inaasahan, gumuhit na naman ang pagtataka sa kanya nang lingunin ako.
Handa na rin sana akong umalis dahil sinimulan ko na siyang talikuran, ngunit natigilan din ako nang bigla siyang tumayo mula sa swivel chair na kanyang kinauupuan.
“Sandali, pare,” biglang pag-awat sa akin ni Gerome sa kalamado nitong tono. “May problema ba tayo?”
Gusto ko nang tumalon sa saya. Pakiramdam ko ay dinaig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sumasang-ayon na talaga ang lahat sa aking plano. Sa ilang araw ko kasing paglapit sa kanya, sa wakas ay nagawa na rin niya akong tanungin sa naging pagbabago ko.
Suot ang aking nakakalokong ngisi, hinarap ko siya nang paunti-unti. “Ako, par, wala. Pero ikaw? Sa tingin ko, oo,” sagot ko rito. Saglit akong tumigil sa pagsasalita upang titigan ang kanyang nasasakal na kayamanan na bumabakat na naman sa kanyang pantalon. “At MALAKI! MALAKI talaga ang problema mo!” dugtong ko nang may kalakasan dahil muli na naman uminit ang aking ulo.
Puking*na, bakit kasi mas mahaba ang kanya?! May favoritism bang naganap noong hinuhulma kaming dalawa?!
“Ha?” lalo na niyang pagtataka sa naging sagot ko.
“Ha? Hakdog ba ’yan?!” pamimilosopo ko naman. Pero sa totoo lang, napepeste ako dahil hindi size ng hotdog ang mayroon siya. Frankfurter sausage, ampucha!
Napailing siya at at natawa nang mapait. Mukhang hindi rin bumenta ang joke kong iyon.
“Ano naman ang naging atraso ko sa ‘yo, Jericho?! At kailan pa ako nagka-atraso?! Ni hindi na nga tayo nag-uusap dito,” diretsong tanong na niya ngayon.
“Sigurado ka bang wala kang atraso, Gerome?”
“Then, what is it?! Tell me!”
Mukhang pagkakataon ko na talaga ito. Ito na ang tamang oras para tuluyan nang tanggalin ang tinik sa lalamunan ko.
Nagbitiw ako ng nakaiinsultong tawa. Humakbang pa ako nang unti-unti sa kanyang tapat upang lalong magkalapit ang aming mga mukha. “Sigurado kang dito mo gustong pag-usapan? Kasi kung dito ko sasabihin, baka bukas, wala ka nang mukhang maihaharap dito sa amin?” mapanghamon ko pang pagbabanta.
Alam kong kahit hindi kami nag-uusap ng tukmol na ito, sigurado akong may ideya siya sa pag-uugali ko. Maloko ako at walang kinatatakutan. Sapat nang dahilan iyon para siya ay kabahan.
Tiim-bagang at napakuyom siya ng kamao na lalo kong ikinatuwa. “Fine. Sa labas tayo mag-uusap!” wika nito at padabog na kinuha ang kanyang bag.
Halos lumundag ako sa tuwa na sumunod sa bawat hakbang niya palabas ng aming opisina.
“Wow, par! Kailan mo pa nalamang paborito ko ang Caramel Macchiato?!” masigla kong tanong nang ilapag niya sa aking tapat ang in-order na kape nito.
Dito sa coffee shop na nasa tapat ng aming building niya ako dinala upang makausap. Mayroon naman coffee shop sa aming building, pero mukhang matalino ang kumag na ito dahil naisip niyang may puwedeng makarinig o makakita sa amin doon mula sa ibang department ng opisina namin.
“Now, tell me. Anong atraso ko sa ‘yo?” diretso niyang tanong nang makaupo ito sa tapat ng aking pwesto. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Putragis, bastos.
“Gerome, chill ka lang! Hindi mo muna ba ako pahihigupin sa kape ko? First time mo akong nilibre. Be nice naman!”
Nilubos-lubos ko na ang aking pang-aasar. Humigop muna ako sa aking kape at hinayaan siyang maghintay.
“Aray ko, pukingina! Ang init amputa!” daing ko nang mapaso ang dila ko sa aking iniinom. Napakabilis talaga bumalik ng karma!
Sinusubukan pa rin na pakalmahin ni Gerome ang kanyang sarili. Matiyaga siyang naghintay sa akin na abala pa rin sa pag-ubos ng aking na sinasabayan ko ng pagmumuni-muni. Nagawa ko pang sumipol-sipol habang naka-de kwatro ang upo na animo’y isa akong heredero.
“Ganito kasi ‘yon, par,” panimula ko na nang maubos ang aking kape. “Once upon a time, there was this man na super idol ng mga uto-utong undin. Gwapo raw, eh! Macho raw! Matalino raw! Pero, kingina, hindi nila ala—”
“Pare, puwede bang diretsuhin mo na lang ako? Hindi tayo nagpunta rito para sa story-telling mo,” pagputol nito sa makasaysayan ko sanang pagkukuwento.
Magpasalamat siya at masaya ako. Kaya sa halip na patulan ang kanyang pambabara, ipinakita kong mas maangas pa rin ako sa kanya.
Hindi na ako nagsalita pa. Ang ginawa ko na lamang ay kinuha ang aking cellphone mula sa bulsa. “Panoorin mo. Hindi ko sinasabing porn ‘to, ha? Pero parang gano’n na nga.” malawak ang ngiti kong utos sa kanya.
Tuluyan ko nang ipinakita ang aking alas. Hawak ko nang mahigpit ang aking cellphone na sinadya kong babaan ang volume, hinayaan kong mapanood niya ang sarili sa ginagawang kababalaghan.
Habang patuloy na nagpe-play ang kanyang video, naging abala rin ako sa pag-aabang ng magiging reaksyon ni Gerome. Ngunit taliwas sa aking inaasahan, sa paglipas ng mga minuto habang nanonood siya nito, wala man lang nagbago sa kanyang ekspresyon. Blangko pa rin ito kaya’t napakahirap para sa akin na basahin ang nasa isip nito ngayon.
Kailangan kong makita ang kanyang reaksyon. Gusto ko siyang mapraning kaya sinikap kong magpakawala ng mas malapad na ngiti na na animo’y wala nang bukas na paparating.
“Tapos na!” masigla kong sambit at agad na ibinalik ang cellphone sa aking bulsa. Mahirap na, kailangan kong mag-ingat dahil baka hablutin niya? “So, any thoughts, par? Congrats, ha? Nakatapos ka. Narating mo ang langit sa makabag-damdamin mong pag-ja-j*kol. Medyo matagal ka rin pala labasan, ’no? Lagi ka bang pagod?” komento ko pang mapang-asar.
Hindi siya nakapagsalita, at sa pagkakataong ito, napansin kong siya ay natulala – bagay na nagbalik ng aking sigla.
Prente akong sumandal sa couch na aking inuupuan. Muli ko rin dinampot ang baso ng aking kape na walang laman. Nakakahiya man, pero kailangan kong magpanggap na may iniinom pa rin ako para hindi naman niya isiping patay-gutom ako dahil mabilis na naubos ang kape ko. Muli rin akong umupo nang naka-de kwatro dahil may gusto rin ako sa kanyang patunayan – kaya ko rin maging sosyal at cool kagaya niya. Ano ’yon? Kanya na lang lahat? Wala na siyang ititira?
Ninamnam ko ang katahimikang namuo sa pagitan naming dalawa. Damang-dama ko na ang tagumpay, ngunit makalipas lang din ang ilang sandali ay ako naman ang nasorpresa.
Heto na ngayon si Gerome at nagawa na akong tingnan nang tuwid sa mga mata. At ang nakapagtataka pa ay ang biglaan niyang pagtawa nang mahina.
Puking*na? Pati pagtawa niya ang sosyal, amputa!
“Tinatawa-tawa mo?! Ang aga mo naman masiraan ng ulo?!” tanong ko. Baliktad na rin ang sitwasyon dahil ako na ang parang may altapresyon. “Saka porn ang pinanood mo! Hindi comedy show! At ikaw, Gerome! Ikaw ang bida sa porn!” dugtong ko pang reaksyon at hindi ko na rin napigilan ang mapasigaw. Umalingawngaw ang aking boses sa buong coffee shop dahilan para ang ilang customers ay magbulungan at masama akong tiningnan.
“Jericho,” pagtawag pa rin sa akin na natatawa ni Gerome. At hindi tulad ko, kalmado pa rin sa pagsasalita ito. “So, sinasabi mo bang gagamitin mo ang video na ‘yan para masira ako? At ‘yan ang magiging daan para mag-resign ako?”
Aba, matalinong unggoy! Hindi ko na pala kailangan ng mahabang explanation!
Inayos ko ang aking sarili at sinikap na pahabain ang aking pisi. “Oy, wala akong sinasabing ganyan, ha? Bakit mo naman naisip na gusto kitang mag-resign? But since sa ’yo nanggaling ’yan, puwede mo rin naman panindigan!” depensa kong wala namang katotohanan. Hindi kasi siya slow kaya mas lalo ako sa kanyang naaasar.
“Then, this conversation is over.” nakangiti na nitong sambit.
Nangunot ang aking noo sa pagtataka nang marinig iyon mula sa kanya. Lalo pa akong naguluhan nang tumayo siya sa kanyang kinauupuan at dinampot ang kanyang mga kagamitan kabilang na ang refrigerator, microwave, TV at electric fan. De joke lang. Bag lang naman ang bitbit niya.
“H-hoy! Hindi pa tayo tapos mag-usap, ‘di ba?!” pagtawag ko sa kanya nang simulan na niyang humakbang para tumbukin ang pintuan ng coffee shop. “Tangina, par! Wala ka man lang bang magiging reaskyon?! Hindi ka man lang ba luluhod at makikiusap sa harap ko?! Hindi ka man lang ba magmamakaawa?!” tuluyan ko nang pag-e-eskandalo.
Sa totoo lang, ako na ang frustrated ngayon. Hindi talaga ito sa inaasahan kong tagpo.
Tumigil siya sa kanyang paglalakad. Unti-unti rin niya akong nilingon habang nakangisi na rin sa akin ngayon.
Pukingina. Lumingon lang siya pero ang lakas pa rin maka-gwapo ampucha. How to be gifted po? Nese kenye ne telege ang lehet?
“Do whatever you want, Jericho. Ikalat mo ang video. Sa tingin mo ba, natatakot ako?”
Sinikap kong hindi mautal kahit gulat na gulat ako sa sinabi nito.
“A-at b-bakit hindi?! D-dapat ka lang m-matakot dahil katapusan na ng kahambugan at pagiging bida-bida mo,” mapanghamon ko rin sa kanyang balik. At lintik na ’yan, nautal pa rin ako. Saglit na lamang akong huminga nang malalim at sinikap na magbalik sa aking pagkakangisi upang hindi naman ako magmukhang nalugi. “Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari sa oras na malaman nilang ka-federasyon ka rin pala? Sa tingin mo ba, sasambahin ka pa rin ng mga kababaihan at kabaklaan sa opisina?”
Ang akala ko ay masisindak na ito sa huling sinabi ko, ngunit muli ay nabigo ako.
“Bring it on, dude,” mas nakangisi na nitong paghamon. “Pero ngayon pa lang, dinedeklara ko nang panalo ako. Ako ang panalo sa ating dalawa, Jericho.”
Matapos din niyang sabihin ang mga katagang iyon ay mabilis din niya akong iniwan sa aking kinauupuan.
“Weh?! Ano ‘yan?! Share mo lang?!” tangi ko na lang naisigaw habang tinitingnan ang palayong imahe nito. Iyon lang kasi ang nakayanang ilabas ng bibig ko.
Labis akong nasorpresa sa naging resulta. Hindi ito ang aking inaasahan. Buong akala ko, maglulupasay siya sa sahig habang umiiyak sa pagmamakaawang ’wag kong ipakalat ang scandal niya. Iniisip kong titili siya at ilalabas ang tunay na kabaklaan niya. Pero lahat ng ito ay puro akala lang. Dahil sa halip na makiusap, nauwi kami sa hamunan.
“Tingnan ko lang, Gerome,” nagdidikit ang mga ngipin ko nang pagsasalita. Nakakuyom din ang aking isang kamao, ngunit ang isa kong kamay ay nasa aking bibig dahil nginangatngat ko na ang aking kuko. “Tingnan ko lang talagang bayot ka! Ako pa ang hinamon mo?! Sinisiguro ko sa ‘yo! Bukas, luluhod ulit sa akin ang mga bakla!” sigaw ko na naman sa buong coffee shop.
cold_deee❤️
05.03.2020
CHAPTER 4
JERICHO - POV
Matapos ang pag-uusap namin ng gunggong na si Gerome, isang desisyon din sa akin ang nabuo sa pagdaan ng mga araw — hindi ko aatrasan ang hamon nito. Matira na lang sa amin ang matibay.
Nagkaroon na nga ng pagbabago sa pagsasama namin nito. Ang mga pagbabagong iyon ay halos ikawala rin ng malay ng mga kasamahan namin dito. Lahat ay hindi makapaniwala sa mga nasasaksihan sa amin ni Gerome. Lahat ay naiintriga ngunit wala talagang naglalakas-loob na magtanong.
Siya ang itinuturing kong bangungot sa bawat gabi ng aking pagtulog. Gusto ko nang dikdikin ang kanyang buto, ngunit sa kabila ng galit ko, sinikap kong sabayan ang kahambugan nito. Hindi ako puwedeng matalo sa larong ako ang nagpasimuno. Kahit ngayon lang, ako ang dapat manalo!
“Good morning, Oppa~” masigla kong pagbati isang umaga nang makapasok ako ng opisina.
Balik sa routine. Napagdesisyunan kong unti-unting pahirapan ang ulupong na ito. Naisip kong tutal naman ay bihasa ako sa pang-aasar, ang bagay na ito ang gagamitin kong bala para siya ay pahirapan. Sisiguraduhin kong ang aking presensiya ang magiging peste sa kanyang pamumuhay.
“Good morning din, Jericho.” nakangiti rin nitong pagbati.
Ito na nga ang nakakabadtrip. Kung noong una ay hindi ako nakakatanggap ng sagot mula sa kanya, ngayon ay nagagawa na niya akong batiin nang buong sigla. Sa tingin ko, iyon din ang kanyang pamamaraan upang iparating sa akin na handa talaga siya sa sinimulan kong giyera.
Sa halip na ipakitang napupurga na ako sa kanyang kayabangan, kailangan kong patunayan sa kanyang mali siya ng kinalaban. Ipapalasap ko sa kanya ang bagsik ng isang Jericho Gonzales na walang inuurungan.
Mas naging masigasig pa ako sa pagsira ng bawat araw niya. Hindi ko siya tinigilan. At kahit saan siya magpunta, naroon din ang aking presensiya. Ginagawa ko ito dahil gusto kong tuwing nakakasama niya ako ay maaalala rin niya ang kanyang video. At kung lagi ko naman siyang kakausapin at kukulitin, posibleng maubos din ang pasensiya niya sa akin.
Hindi ako susuko kahit anong mangyari — ito ang isinusumpa ko sa sarili ko.
“Masarap lagyan ng paminta ’tong lugaw.” wika ni Jamie nang minsan kaming magtungo ng aming mga katrabaho sa canteen ng aming kompanya.
Agad kong kinuha mula kay Jamie ang bote ng paminta na kanyang hawak. “Par, PAMINTA raw! PAMINTA! Lagyan mo na ’yang lugaw mo!” masigla ngunit makahulugan at may diin kong alok kay Gerome habang iniaabot ang condiments na iyon.
Hindi naman siya sumagot nang kuhanin iyon mula sa aking kamay. Gusto ko nang isaksak sa lalamunan niya ang bote ng paminta dahil pangiti-ngiti lang siya sa aking pang-aasar. Ganito niya lang ako kung gantihan, kaya naman sa huli ay sinasaway lamang ako ng aming mga katrabaho dahil ang tingin nila ay binu-bully ko ang itinuturing nilang ‘Knight-in-shining-armor’. Hindi na lang ako kumokontra dahil hahaba pa ang usapan. Gusto ko sana sabihing, Baka ‘Kinginang-Epal-Na-Tukmol’ ang dapat na maging titulo ni Gerome?
Isang araw naman nang magkaroon kami ng meeting sa aming department, nakaisip na naman ako ng kalokohan para ito ay gaguhin.
“So, any ideas kung ano ang dapat na maging theme natin para sa next TV ad?” tanong ng aming department manager na lumalabas na ang pusod dahil nadagdagan na naman ang kanyang timbang. Mas marami-rami na rin ang hinihiram nitong buhok mula sa likod na bahagi ng kanyang ulo patungo sa bunbunan nito. Marami na yatang stress na pinagdaan ito kaya ang bilis maubos ng buhok.
“Sir, Sir!” nakataas pa ang isang kamay kong pag-epal. “May suggestion daw po itong si Gerome!” dugtong ko pa habang itinuturo sa aking tabi ang walang malay na ulupong.
Saglit na gumuhit ang pagtataka sa ekspresyon ng lahat lalo na ni Gerome na walang kamalay-malay sa brilliant idea ko. Dahan-dahan niya akong nilingon at ramdam kong alam na niyang may kalokohan na naman akong gagawin dito.
“What is it, Mr. Gerome Almeria?” tanong na ni Manager sa kanya.
Napangiti na ako sa likod ng aking isip. Ito na ang aking hinihintay na pagkakataon para siya ay gaguhin.
“Gay-themed-short-story daw, Ma’am! BAKLA ang subject at kung paano tatanggapin ng magulang!” pag-iimbento ko ng paksa. Sinadya ko lamang gawin iyon para patamaan ang isang Gerome Almeria na nagtatago sa katauhan ng isang Adonis pero ka-federasyon naman.
Nakakasilip na ako ng tagumpay dahil sa namuong katahimikan sa aming lahat. Ready na akong pumalakpak. Ready na akong sumigaw ng ’Viva
, Jericho!’
Pero…
“Great idea, Mr. Almeria. Ipasa mo sa akin ang proposal nang mapag-aralan natin ’yan.” masiglang anunsiyo ng manager naming notpa na nga, uto-uto pa.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, tila ba pinagdamutan na naman ako ng mundo. Ang isang kalokohan na aking naisip ay sa kanya na naman sumang-ayon. Isang proyekto na naman ang nawala sa akin at napunta na naman iyon kay Gerome.
Ang meeting na inaasahan kong mauuwi sa asaran at kantyawan ay mabilis na natapos. Agad na kinuha ng aming manager ang kanyang mga gamit upang makalabas agad ng office na sinundan din ng aming mga kasamahan.
Ako? Naiwan lamang na nakatulala. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng aking enerhiya.
“Thank you, Jericho, ha?” bulong sa akin ni Gerome habang tinatapik nang marahan ang aking balikat. Ramdam ko rin na nakangiti siya kaya mas nakaka-pukingina sa feelings.
Isa rin sa mga pangyayaring hindi ko makakalimutan ay nang minsan ko siyang narinig na nakikipagtalo sa kausap niya sa cellphone. Eksaktong may tinatapos akong report noong hapong iyon kaya late na rin akong nakauwi.
“Coach, what do you mean, ‘forced closure’?”
“What?!”
“Coach, alam kong I’m not in the position para sabihin ’to, pero pakisabi na rin sa owner n’yo, sayang ang business niya kung hindi naman siya nagbabayad ng tax! Talagang magko-close kayo kung ganyan siya nang ganyan!”
’Yan ang mga narinig ko mula sa kanya.
Nagpapanggap akong hindi siya pinakikiaalaman sa drama niya, pero pasimple akong sumisilip sa ibabaw ng aking computer para tingnan siya. Naroon nga siya siya at problemado talaga. Paikot-ikot lamang sa iisang pwesto o kaya naman ay maglalakad. Nasa bewang pa ang isang kamay at minsan naman ay naisusuklay sa kanyang buhok. Halatang frustrated siya.
“Sht! Fck!” huli na lamang niyang nasambit nang maibaba ang cellphone, senyales na tapos na silang mag-usap ng nasa kabilang linya.
Ilang sandali pa ay inatake ako ng curiosity.
“Ehem!” pagkukunwari kong pagtikhim upang makuha ang kanyang atensyon. Blangko naman ang aking ekspresyon at inayos lamang ang aking pagkakaupo. Ayaw kong mapansin niyang kating-kati na akong malaman ang nagaganap sa buhay nito.
Hindi naman ako nabigo dahil agad niya akong nilingon. Wala naman siya ibang lilingunin dahil kami na lamang ang naririto sa aming opisina.
“Par, ’wag mo sana isiping curious ako or concern ako sa ’yo, ha?” agad kong depensa. Cool na cool lang din ako sa aking pagtatanong para hindi siya makahalata. “Hindi lang kasi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang ingay mo.” dugtong ko pa. Inikot ko pa ang aking mga mata para mas makatotohanan ang drama.
Hindi siya sumagot. Nakatingin lamang siya sa akin suot pa rin ang naiinis niyang ekspresyon. Mukhang wala yata siyang balak na sumagot.
“Anong problema, Par?” Ako na rin ang hindi nakatiis kaya nagtanong ako ulit.
Isang malalim na buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan. Nagdadalawang-isip pa yata na i-share sa akin ang sikreto niya.
Ngayon pa ba siya magdadalawang-isip mag-share? Eh, samantalang alam ko naman ang pinakamalaking lihim niya? Vovo lungs?
“Pupunta sana akong gym ngayon. Ang kaso, nakausap ko nga ang kilala kong coach doon at sinabi niyang temporarily closed daw sila. Nagkaproblema daw sila sa BIR kaya hindi ako makakapag-work out doon ngayon.” tila ba hinang-hina niyang paliwanag sa akin.
Ayyeut! Kunwari pa ’tong kumag na ’to! Ang sabihin niya, galit na galit siya kasi hindi siya makakapang-boso sa mga lalakeng nagwo-work out doon! Mga palusot! Pwe!
“Gano’n ba? Hindi nga ’yan magandang balita,” kunwari ay pakikisimpatya ko sa kanya. Sinikap ko rin maglungkot-lungkutan para mas makatotohanan.
“Yeah…” naging reaksyon lamang niya. Kasunod din nito ay pabagsak siyang umupo sa kanyang silya. Talagang masama ang loob niya dahil sinipa niya pa ang kanyang gym bag na nasa sahig. Mukhang ready na sana siyang magpunta sa gym na iyon.
Saglit kaming binalot ng katahimikan nang may amazing idea na naman akong naisip. Sinaniban na naman ako ng diyablo kaya napangisi na naman ako.
“Hhhmmm… If that’s the case, bakit hindi ka na lang magpunta sa ibang gym?” suhestiyon ko. May pilit din akong ngiti upang hindi niya mapansin na may binabalak na naman ako sa kanyang kademonyohan.
Sa isang gym kung saan ako suki, doon ko dinala si Gerome. Walking distance lamang din iyon mula sa aming opisina kaya mabilis din kaming nakarating doon. Mabuti na lamang at tulad ni Gerome, may mga gamit din akong nakatago dito sa office kaya hindi ko na kinailangang umuwi sa aking inuupahan.
Nang makapasok kami ay marami ang bumati sa akin na mga kakilala. Dahil nga sa suki na ako rito, marami na rin ako naging mga kaibigan. Hindi naman sa pagyayabang, pero karamihan dito, mapa-babae o nagpapanggap na lalake, mabenta ang charisma ko. Kumpare ko na rin ang manager dito kaya nakakahirit ako ng discount.
Bakit ko nga ba dinala dito si Gerome kahit allergic ako sa kanya?
Simple lang. Gusto ko siyang mas masubaybayan. Mas magiging pabor sa akin kung makakakolekta pa ako ng mga ebidensiya ng pagkabakla niya. Gusto kong makita kung paano siya lumandi sa mga mas macho pa sa kanya. Atat na atat na ako makita siyang nagpapanggap na nahihirapan sa binubuhat na gym equipments para lang makuha ang atensyon ng mga gym instructors. Kukuhanan ko rin ulit siya ng video sakaling makita kong nagpupunas siya ng pawis ng mga boylet dito ngayon.
Sa buong buhay ko, mabibilang lamang ang mga pagkakataon na nagsisisi ako. Sabi ko nga, lumaki ako sa pamilyang idinadaan lamang ang lahat ng problema sa tawa.
Pero sa mga karanasang tulad ng nangyayari ngayon, mukhang mahihirapan akong makaka-move on.
“Pareng Jericho, salamat, ha?! Lucky charm ka talaga nitong gym namin!” masiglang bati sa akin ng kumpare kong manager dito.
“Para saan?” walang gana kong tanong sa kanya. Nagpanggap ako na walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa kapaligiran. Hinayaan ko lamang ang aking sarili na maligo ng pawis habang tumatakbo sa treadmill.
“Aba, hindi pa kami naging ganito ka-busy, pare! Tingnan mo! Kung hindi pa dahil kay Gerome na dinala mo rito, hindi dadami ang clients namin! Ang dami na rin nag-enroll kanina! ’Yung iba pala sa kanila, galing pa sa gym kung saan nagwo-work out si Gerome! Tinawagan niya pala sila at ni-recommend itong gym namin!”
Ngayon ko lang siguro mamumura ang kumpare kong ito dahil sa sobrang badtrip ko.
Tama siya. Kung ikukumpara dati, mas marami na nga ang nagwo-work out ngayon.
“Tingnan mo rin, Pareng Jericho! Halos lahat ng babae nakatingin ngayon kay Gerome! ’Yung iba nakapalibot pa sa kanya at binibigyan siya ng tubig! ’Yung iba naman, pinupunasan pa siya ng towel! Pinag-iisipan ko na nga rin bigyan si Gerome ng special discount para hindi na siya lumipat ng ibang gym!” pagbabalita pa rin sa akin ng kumpare kong malapit ko nang itakwil.
Hindi ako sumagot sa komento niyang iyon. Patuloy lang ako sa pagtakbo sa treadmill. Pasimple kong sinilip si Gerome na abala ngayon sa pagbubuhat ng barbell. Napapalibutan nga siya ng mga babae, at ang iba nga doon ay ang mga dating naglalaway sa akin dito sa gym.
Sinubukan kong abutin ang aking water bottle para uminom, ngunit wala na palang laman iyon dahil kanina pa ako inom nang inom. Wala na rin sa aking tabi ang babaeng staff dito na laging nagre-refill nito. Naroon na siya kay Gerome na kulang na lang ay isang drum ang ipainom kay Gerome. Naiwan na lamang ako rito sa isang sulok na nagmumukhang kulang sa aruga at atensyon.
Hindi ako naiinis. Hindi ako nagagalit. Hindi talaga. Hinding-hindi talaga.
“MGA DIMUNYU KAYONG LAHAT!!!! PUKINGINA!!!!”
Iyan na lamang ang naisigaw ko nang paulit-ulit matapos kong dagdagan ng sprinter speed ang aking tinatakbuhang treadmill.
Sa mga ganyang paraan ko inabala ang sarili sa araw-araw. Kung hindi pasasaringan si Gerome, gagawa ako ng kalokohan para siya ay inisin. Pero sa bawat ginagawa kong hakbang, mabilis niya rin iyong nalulusutan. Sa huli ay siya pa rin ang pinapaboran ni Inang Kalikasan.
“Jericho, let’s go. Mag-light dinner muna tayo bago umuwi. Don’t worry, my treat.” pagyaya sa akin ni Gerome. Iyon ay nang matapos kami mag-gym.
Kung may ipinagpapasalamat man ako sa mga kaliwa’t kanan kong kamalasan, iyon ay ang madalas akong nakakakain nang libre. Nakakabawi ako mula sa nakakapagod na pag-iisip kung paano sa kanya makakaganti. Natutuwa rin ako dahil naiisip kong ito ang paraan ni Gerome para pigilan akong hindi ikalat ang video. Pabor na rin ang bagay na ito para makatipid ako at madagdagan pa ang padala ko sa probinsiya.
“Madali ka talagang kausap, par, ’no?” masigla kong reaksyon habang akbay siya at sinasabayang makalabas ng gym. “Ganyan nga dapat! Sundin mo ang lahat ng gusto ko kung ayaw mong masira ang image mo!”
Wala naman siyang naisagot kundi ang ngumiti. Ganyan lang siya, tawa at ngiti lang ang naigaganti sa akin. Sarap batukan ng gago!
A/N
Para sa iyo ang chapter na ito, author
XrossKyuuketsuki
! Salamat sa support mo!
Pakurot
nga sa
pisngi
! Haha!
Guys, if you are looking for a good story, check n’yo po mga works niyan ni author. I’m sure familiar na rin ang marami sa inyo sa kanya. Wala po kayo magiging regrets, promise!
Masipag
pa ’yan
mag-update
. Hindi kagaya sa kilala kong si cold_deee,
apakatamad
. Charot!
Feel you next chapter, ’ma loves! Hindi ako
makasagot
sa comments n’yo sa ngayon dahil medyo busy sa raket ang lola n’yo! Pero nababasa ko ang lahat and sobrang thankful ako! Labyu! Ingat kayo! 😘
cold_deee❤️
05.04.2020
CHAPTER 5
JERICHO - POV
Umabot ng ilang buwan ang ganitong set up namin ni Gerome. Lagi kaming magkasama at halos hindi na mapaghiwalay. Lagi akong nakabuntot sa kanya para mang-asar at magpamalas ng kalokohan. Pero ang nakakagago, wala siyang nagiging sagot kundi ang pagtawa at ngiti lang. Hindi siya makikitaan ng inis at pagkapikon. Sa tingin ko nga ay naaaliw pa ito sa katarantaduhan ko.
“Sandali lang, par,” pag-awat ko sa kanyang kamay na nakahawak na ngayon sa doorknob nitong conference room.
Isang mahalagang meeting ang magaganap ngayon. Ito rin ang na-approve niyang proposal para sa sisimulan naming TV Ad. Oo, iyong advertisement nga na ako ang nakaisip pero kay Gerome napunta. Nasa loob na rin ng kwartong nasa tapat namin ang aming mga katrabaho at hinihintay na lamang ang General Manager nitong aming kompanya.
“Jericho, hindi ko yata gusto ang iniisip mo ngayon?” may pag-aalala na sa tono nitong tanong.
Sa ilang buwan na kami ay laging magkasama, alam na talaga niya ang aking karakas. Alam na niyang may binabalak na naman akong kalokohan. At alam kong labis siyang mag-aalala dahil mahalaga ang meeting na ito para sa kanya lalo na at kailangan niya iyon i-discuss sa unahan.
“Handa ka na ba, Par?” nakakaloko ko namang pagbabanta.
Saglit na natahimik si Gerome habang nasa aking tapat. Marahil ay nag-iisip ng paraan kung paano ako mapipigilan.
Hindi na nga niya ako pinaghintay pa nang matagal, makailang sandali pa nga lamang ay mukhang may solusyon na siyang nahanap.
Nasaksihan ko kung paano siya nagpalinga-linga sa paligid nitong hallway kung saan kami nakatayo na dalawa. Marahil ay sinisiguro kung may makakarinig o makakakita sa gagawin niya sa aking pagmamakaawa.
“Jericho,” pagtawag niya sa akin matapos masigurong walang tao. Tiningnan din niya ako nang diretso at inangat ang isa niyang kamay upang ilagay sa batok ko. “Mag-behave ka muna ngayon. Importanteng meeting natin ‘to.” pagpapatuloy niya.
Naging napakabilis ng kaganapan, dahil namalayan ko na lamang ang kanyang paghatak sa aking batok upang magdikit ang labi naming dalawa.
“Let’s go?” nakangiting pagyaya na nito sa akin matapos ang ilang segundong paghalik sa labi ko. Tuluyan na rin niyang binuksan ang pintuan na nasa tapat namin nito.
Nagsimula ang meeting. Naging matagumpay si Gerome sa pagdedetalye ng kanyang naging proposal na ako naman amg orihinal. At nang magtapos iyon, sinalubong siya ng lahat ng masigabong palakpakan.
Kung tutuusin ay maraming naganap sa mahabang oras ng meeting na iyon, pero sa tagal ng aming pananatili sa conference room, wala akong naintindihan sa mga idinetalye roon. Buong oras, nakatulala lamang ako at pinagpapawisan kahit pa malamig sa aming kinaroroonan. Ganoon ang naging epekto ng ginawang paghalik sa akin ni Gerome.
Gulong-gulo akong nagbalik sa aming department kasama ang ilan kong katrabaho maliban kay Gerome na pinatawag ng aming General Manager. At kahit sumapit na ang oras para kami ay mag-uwian, nanatili lamang ako sa aking mesa na tulala at animo’y na-trauma dahil sa naganap na giyera.
“P*tapepe ka…” mangiyak-ngiyak kong sambit habang nakatutok ang aking mga mata sa aking cellphone. Naririto pa rin ako sa aking mesa ng aming opisina at nakaupo sa aking silya.
Gusto kong magwala, pero ang hindi ko sigurado ay kung ano ba ang dahilan. Hindi ako makaramdam ng galit sa kabila ng nangyari, at iyon ang nagpapagulo sa aking isip. Sinubukan kong kapain ang aking dibdib.
“Pukingina… Tumigil ka na…” muli ko na namang pakikipag-usap sa aking sarili dahil sa hindi normal na tibok ng aking puso. Masyado kasing mabilis ang kabog nito.
“Hoy, Jericho!”
“P*ta-pepe-gagong-tukmol!”
Akala ko ay lalabas na ang aking puso dahil sa panggugulat na iyon ni Jamie.
Ang inaasahan ko ay masasampal niya ako dahil sa aking matinding pagmumura sa kanya, pero sa halip, nasorpresa ako nang hablutin niya ang aking cellphone na hawak. Iyon din ang naging dahilan para lalo akong pagpawisan sa kaba.
Mabilis naman akong natauhan. Halos ibuwis ko ang aking buhay para mabawi ang cellphone ko mula sa kanya.
“Ibigay mo sa akin ‘yan, Jamie! Kingina ka talaga!”
“Punyeta ka! Titingnan ko lang! Bakit ka nanonood ng porn habang nandito sa opisina?!”
“Eh, bakit nakikiagaw ka?! Naiinggit ka ba?! Nood ka rin! Pero sa sarili mong cellphone!”
“Marami ako nito! Pero bakit parang familiar sa akin ang nasa video?!”
Dito na ako halos lamunin ng takot. Talagang magiging pamilyar sa kanya ang aking pinapanood dahil video iyon ni Gerome habang nagsasarili sa CR ng kanyang bahay.
“P*ta, Jamie! Bugbog o dignidad?! Sinabi nang ibigay mo sa akin ‘yan, kingina!” mas malakas ko nang pagbabanta. Hindi ko na rin napigilan pitikin ang kanyang suso dahil alam kong iyon ang kanyang kahinaan.
“Animal ka! Manyakis kang bakla ka! Saklolo! Nire-rape ako ni Jericho!“ pagda-drama na niyang mangiyak-ngiyak habang takip na ng kanyang mga palad ang dibdib na puro foam lang naman ang nilalaman ng bra. May duda pa nga ako na naglagay pa siya roon ng lumang medyas.
Laking pasasalamat ko na lang dahil iyon din ang naging dahilan kaya’t nagawa kong maagaw ang aking cellphone at mabilis na ibinalik sa aking bulsa.
“Rape agad? Hindi ba p’wedeng sexual harrasment muna?” nakataas na ang isang kilay kong tanong sa kanya. “Saka ang suso mo, flat. Hindi pa ako desperado. End of the world na ba?”
Mukhang nagising naman siya sa katotohanan dahil mabilis din niyang binawi ang pag-iinarteng iyon.
“Personalan na ba tayo, Jericho? Sasampalin kita, makikita mo!” nakasimangot na niyang pangongompronta.
Sa halip na pahabain pa ang aming diskusyon ay sinikap kong maging normal sa harap niya.
“Ano bang kailangan mo at pinuntahan mo pa ako? Istorbo ka, alam mo?” kaswal kong tanong at pag-iwas sa nauna naming pinag-uusapan.
Inayos niya muna ang sarili at dinampot ang kanyang bag na nasa sahig.
“Kanina pa kasi ako tawag nang tawag sa ‘yo para magpaalam na uuwi! Eh, mukhang hindi mo naman ako naririnig kaya nilapitan na kita! Akala ko nga tegiboom ka na, eh! Nanonood ka lang pala ng porn!” buska naman niya.
“Ngayong nakikita na kita at naririnig, p’wede ka nang umuwi! Saka bakit ba kailangan mo pang magpaalam sa akin? Jowa ba kita?” pag-iiwas ko na naman sa paksa.
Hindi na bago sa amin ni Jamie ang magbatuhan ng maaanghang at malalaswang salita. Kahit magmurahan pa kami nito maghapon, hindi talaga iyon mauuwi sa personalan. Simula nang makapasok ako rito sa aming kompanya, siya na ang maituturing kong malapit na kaibigan. Sa kanya ko unang sinabi ang katotohanang hindi ako interesado sa babae na agad niya ring ipinagkalat. Ginagalis yata noong mga panahong iyon ang kanyang bibig at kating-kati na ipamalita sa lahat. Sinubukan niya kasi akong landiin noon kaya wala akong choice kundi ipagtapat iyon sa kanya.
“Jericho,” bigla na nitong pagtawag sa akin gamit ang seryosong tono. At sa paraan ng pagtawag niyang iyon, alam kong may mahalagang sasabihin o itatanong ito. “Umamin ka nga sa akin. Anong status n’yo ni Gerome?”
Sinasabi ko na nga ba. Sa mga nagdaang araw at buwan ay nakikiramdam lang siya. At ngayong solo lang namin itong opisina, kinuha na niya ang pagkakataong ito para maki-tsismis.
“Anong status ang pinagsasabi mo? We’re friends, that’s all!” agad ko namang depensa.
Tinalikuran ko na rin siya at pasalampak na umupo sa aking silya. Kailangan kong galingan sa acting kung gusto ko pang mabuhay.
“Stop fooling me, b*tch!” wika niya at puwersahang pinaikot ang aking swivel chair upang magkatapat kami.
“Friends?! Since when?! Eh, alam kong sagad sa buto noon ang galit mo sa kanya, ‘di ba?! Then, anong nakain mo at bigla na lang kayong naging close?! Etits ba?! Etits ba ang nakain mong animal ka?!”
“Gusto mong busalan ko ng etits ‘yang bibig mo?” kalmado ko pa ring tanong pabalik.
“Sige! Gawin mo! Nang matapos na rin ang pagiging tigang ko! Tutal naman, pagod na pagod na akong maging single! Gusto ko naman makatikim kahit minsan ng sausage!”
Ito ang gusto ko kay Jamie. Tuwing kabastusan ang topic, ang taas ng energy. Nakakalimutan niya rin ang mahalaga naming topic.
“Bukas, ipapakilala kita rito sa isang ka-chat ko. Tigilan mo lang ako ngayon dahil mainit ang ulo ko.”
Kinailangan ko na ngang itaboy si Jamie. Gumawa na rin ako ng alibi para lang matahimik ang ligaw niyang kaluluwa.
May ilang minuto pa kaming nagkasama ni Jamie. Nang hindi na ako makatiis ay pinagtulakan ko na siya palabas ng opisina hanggang sa maidikit ko ang kanyang mukha sa pintuan. Garapalan na talaga. Gusto niya kasing sabay na lamang kaming uuwi kahit sa pagtawid lang naman kami ng kalsada magkakasama. Magkaiba naman kasi ng way ang aming mga inuupahan. Nagpalusot na lamang akong may inihahandang isang project proposal para sa kompanya.
Sumapit na ang gabi sa paghihintay ko sa taong nais kong makaharap. At dulot na rin ng aking matinding pagtitiyaga, dumating na rin ang inaasam kong nilaga.
“O, Jericho? Bakit nandito ka pa? Late na, ah?”
Hindi ko naiwasan na magdikit ang aking mga ngipin dahil sa inis.
Gago lang? Paano pa nagagagawa ng lalaking ’to na umarteng normal lang ang lahat at walang nangyari?!
“Tangina ka, Gerome! Bakit mo ginawa ’yon?! Ano bang gusto mo?! Suntukan na lang tayo?!”
Hindi na nga ako nagpaligoy-ligoy, agad ko siyang kinompronta nang makarating na siya sa kanyang puwesto.
“Which one? ’Yong presentation ko sa unahan? Sa pagkakaalam ko, wala ka naman doon naintindihan. I’ve been watching you the whole time, pero nakatulala ka lang.” patay-malisya namang balik sa akin ni Gerome habang inaayos na ngayon ang mga gamit nito.
“Tangina! ’Wag mo na akong ginagago! Alam mo kung ano ang sinasabi ko! Bakit mo ako hinalikan?! Kingina mo naman, Par! Hindi tayo talo! Pareho tayong maskulado, kingina mo!”
“Jericho, don’t tell me, hindi ka pa aware sa tinatawag na ‘Borta’?” siya pa rin na tila ba hindi apektado sa pagwawala ko.
“Pakelam mo?! Eh, twink ang hanap ko, tarantado!”
“I don’t care,”
“Tangina naman! Hindi mo ba nakikitang galit na galit na ako?! Look at me! Look at me, Par! ’Wag mo na akong pinipilosopo! Ano bang hinihintay mo?! Pasabugin ko pa ’yang bungo mo bago sagutin ang tanong ko?!”
Napatigil si Gerome sa ginagawa at isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Kasing lalim iyon ng isang balon na wala naman laman. Kasunod nito hinarap na rin niya ako sa wakas at pumwesto nang nakapamewang.
“Gusto mo talagang malaman?” tanong niya na hindi ko naman nasagot dahil para akong natuyuan ng lalamunan. “Fine. Sasabihin ko sa ’yo, pero hindi sa opisinang ’to.” tuluyan na niyang pagsuko. Kasunod din nito ay kinuha niya ang kanyang mga gamit at lumabas ng opisina kaya’t sinundan ko na lamang ito. Ako pa tuloy ang mukhang naghahabol.
cold_deee❤️
05.04.2020
CHAPTER 6
JERICHO - POV
Nakasunod lamang si ako kay Gerome hanggang sa makarating kami sa parking lot ng aming building.
“Sakay na. Obviously, hindi ka naman babae para pagbuksan pa kita, right?” utos sa akin ni Gerome matapos i-unlock ang sasakyan nito gamit ang susi na hawak niya.
“Kotse mo?” tanong ko habang tinuturo ang sports car na kulay asul.
“Hindi. Kinarnap ko.”
“Kingina mo.”
Ang gagu kausap amp!
Hindi ko naman kasi inaasahan na may sasakyan pala ang gunggong na ’to. Ang akala ko ay ordinaryo lang siya tulad ko na araw-araw nabobosohan sa MRT para lang makapasok sa trabaho.
Dahil nga sa bagong natuklasan, nakuha na naman ni Gerome ang atensyon ko. Nawaglit na rin sa aking isip ang dahilan kung bakit ako sumama rito. Hindi ko rin maitatanggi sa aking sarili na nakaramdam ako ng kaunting inggit. Sana all hindi na kailangan pumila at makipagsiksikan tuwing may pupuntahan. Sana all hindi na kailangan sumigaw ng ’
Pakiabot
ng bayad!’ at ‘Para po! Diyan lang sa tabi!’
May kalahating oras din ang aming ginugol upang marating ang isang mataas na building. At sa pangalawang pagkakataon, nang makapasok kami sa isang pintuan mula sa sixteenth floor ay namangha na naman ako.
“Sa ’yong condo unit ’to?” tanong ko na naman kay Gerome nang makapasok kami sa pintuang iyon.
“Hindi. Pinasok ko lang ’to nang walang paalam.”
“Pakyu.”
Hindi naiwasan ni Gerome ang matawa nang bahagya matapos magtanggal ng necktie na inihagis niya rin sa sofa.
“You’ve got it wrong. That should be the other way around, dude.” wika pa nito na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin. Abala kasi ako sa pagbusisi sa malaking unit ni Gerome. Basic lang naman ang mga appliances na kailangan talaga sa araw-araw, ngunit halatang mamahalin ang mga iyon. Namangha pa ako dahil sa glass wall na naririto, makikita mo ang buong city na kumikinang dala ng mga ilaw dahil gabi na rin sa mga oras na ito.
Dahil sa likas na kadaldalan at kakulitan ko, tuluyan ko na ngang nakalimutan ang totoong pakay sa pakikipagkita ko kay Gerome. Nagawa ko pa ngang hintayin ang nilutong pagkain nito upang pagsaluhan namin sa hapunan. Sayang din kasi ang pagkakataon na makatipid kaya kumain na rin ako. Hindi naman sa patay-gutom ako, sadyang gusto ko lang magtipid. ’Yon lang ’yon.
Mas naging abala pa kami ni Gerome dahil marami kaming napag-usapan tungkol sa trabaho at mga katrabaho. Lalo rin naging kapanapanabik ang lahat nang maglabas ng canned beers si Gerome at pinagsaluhan namin iyon.
Kahit may malaki at malapad na sofa, pareho naming pinili na sa sahig na lamang umupo habang nag-iinom. At tulad ng inaasahan, ako na naman ang bumabangka sa kwentuhan. Si Gerome naman sa aking tabi ay nanatiling taga-pakinig at taga-tawa lamang sa aking mga kuwentong puro lang naman kabalbalan.
“Gigil talaga ako shayo, Par, eh… Taena, nashayo na lahat… Pero parang gushto mo pang angkinin kahit ang akin…” hindi ko maiayos na pagsasalita dahil sa epekto ng alak. Ramdam kong pumipikit-pikit na rin ang aking mga mata tanda ng pagkahilo.
“Pare, may isa pang hindi ako nakukuha… At kahit ’yon lang sana, okay na sa akin… Kahit mawala na sa akin ang iba…” sagot naman ni Gerome. Hindi ako sigurado, pero parang nakatingin siya sa akin nang tuwid habang sinasabi iyon?
Gusto kong makasiguro, kaya naman kumilos ako palapit sa kanya hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo ng ing mga mukha.
“Ano ba ’yon?! Shige! Shabihin mo sha akin kung ano ’yon! Gushto mo ba tulungan kitang makuha ’yon?! Para hindi na natin pahirapan ang mga sharili natin! Hik!” alok ko sa kanya na may kasama pang pagsinok. Alam kong tumatalsik na rin ang aking laway sa mukha ni Gerome, pero wala akong pake. Desidido na akong tulungan siya para hindi na rin siya maging sagabal sa akin.
Saglit na natigilan si Gerome dahil sa sinabi ko. Pinag-iisipan yata ang offer ko?
Malapit ko na sana siyang batukan dahil naiinip na ako, pero natigilan din ako nang bigla kong masilayan ang pagngiti nito.
“Sigurado ka, Jericho?” paniniguro nito sa naging alok ko.
“Oo naman! Para mataposh na rin ’to! Napapagod na ako sha pang-aashar shayo, eh! Hindi naman kita mapashuko, pukingina mo!”
Ang ngiti sa labi ni Gerome ay mas lumawak. Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng pagngiti niyang iyon. Ang inisip ko na lamang, mukhang sa pagkakataong ito ay papayag na siya sa kagustuhan ko.
“Kung gano’n, wala nang bawian, ha?”
Naging mabilis ang mga pangyayari, dahil matapos iyon sabihin ni Gerome ay namalayan ko na lamang na magkadikit na ang aming mga labi.
Wat da pak?! Nakakadalawa na sa akin ang tukmol na ’to, ah?!
Parang tumigil ang mundo sa pag-ikot. Lahat ng bagay ay nawalan ng buhay maging ang aking banal na katawan. Animo’y tumigil din sa pagtakbo ang oras. Para bang hindi na rin darating sa akin ang bukas — ganito ko isalarawan ang mga pangyayari habang magkadikit ang mga labi namin ni Gerome.
Tuluyan na talaga akong nawalan ng lakas, ngunit sa kabila naman nito, tila ba nagigising din ako sa kasalukuyan.
Gusto kong tumutol. Gusto ng katawan kong itulak si Gerome, ngunit habang dinadama ko ang mainit at malambot na labi nito, tila ba may bumubulong din sa isip ko….
’
Marupok
ka, Jericho.’
’
Marupok
.’
’
Maharot
.’
‘Dimunyu.’
Kingina, hindi man lang ako pinagtanggol ng guardian angel ko. Lahat ng pang-aalipustang iyon mula sa guardian devil ko ay tinanggap ko, kaya naman sa halip na kumontra pa ako, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na ginagantihan din ang mainit na paghalik ni Gerome.
Naging napakabilis pa ng mga sumunod na pangyayari. Mula sa simpleng paghalik, nasundan pa iyon ng paghaplos namin sa katawan ng isa’t isa. Sa mukha, sa batok, sa braso, at maging sa dibdib ay umabot iyon. Likas na naging malikot din ang mga kamay ko.
’
Marupok
ka, Jericho.’
’
Marupok
.’
’
Maharot
.’
’Dimunyu. ’
Sinasabi ng isip kong mali ito. Galit ako dapat kay Gerome at hindi maaaring madugtungan ang halikang ito, pero bakit ba parang ginugusto rin ng katawan ko ang nangyayaring ito?
Nagpatuloy sa pagtatalo ang aking isip at katawan. Halos masiraan na ako ng bait, ngunit sa huli ay mayroon sa kanila ang nagwagi.
Inangat ko ang aking kamay upang itulak si Gerome dahil iyon ang utos ng aking isip, ngunit sa halip na iyon ang mangyari, nang maiangat ko ang kamay kong iyon ay tila ba naging mas epektibo ang naging dasal ng aking katawan.
Hindi nga naganap ang tulakan, dahil natagpuan ko na lamang ang aking mga kamay na nasa loob ng polo ni Gerome habang hinahaplos ang may kaumbukang dibdib nito.
Mas naging matindi pa ang tagpong iyon at halos hindi na kami makahinga nang normal. Nagpapalitan na kami ng paghaplos sa isa’t isang katawan. Ramdam naming pareho ang mabibilis na tibok ng aming mga puso. Ang aming mga katawan ay nag-iinit at tila nag-aapoy. Ganito ang kasalukuyan naming nararamdaman habang patuloy na sinusuklian ang halik ng isa’t isa nang mapusok.
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa unti-unti kaming tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Pareho rin kaming hindi mapaghiwalay. Sa bawat paggabay din ni Gerome sa akin, unti-unti namin narating ang kwarto nito. At sa aming bawat paghakbang ay ang unti-unti rin naming pagtatanggal ng aming mga saplot.
Sa ibabaw ng kama ni Gerome, nangyari na nga ang hindi inaasahan. Sa mga hubad naming katawan, pinadama namin sa isa’t isa ang aming pangangailangan sa pamamagitan ng matinding romansahan.
Tuluyan na ngang nagapi ang kapangyarihan ko ni Gerome. Nadarang at opisyal na nga akong naging marupok. Matagal-tagal na rin kasi ang huli kong karanasan sa pagiging hayok.
Wala na kaming natitirang hiya. Parehong hubad ang aming mga katawan at tinatawag ang isa’t isang pangalan. Malamig sa buong kwarto, ngunit pareho na rin kaming naliligo dahil sa mga pawis nito.
“Tumalikod ka, Jericho,” utos ni Gerome na nasa aking ibabaw matapos nitong sambahin ang pagkalalake ko.
Agad na nanlaki ang aking mga mata sa narinig kong iyon. Nakaramdam ako ng matinding pag-aalala dahil may ideya na ako sa susunod na magaganap.
“Tangina ka, gago! Top ako, Gerome! Baki––” maagap ko sanang pagtutol ngunit mas naging mabilis siya sa pagkilos. Hindi na ako tuluyan pang nakapalag nang sapilitan akong padapain sa kama ni Gerome.
“Pukingina!!!!” iyon na lamang ang aking naisigaw habang mahigpit ang kapit ko sa unan.
Nakaramdam ako ng pagkamuhi sa bagay na ito. Galit na galit ako dahil isang Gerome Almeria lamang ang magiging dahilan upang ako ay maging bottom.
Isinusumpa ko si Gerome! Gusto ko siyang parusahan! Gusto ko siyang hagupitin ng latigo habang hubad ang katawan at ipakagat sa mga langgam!
Ngunit sa pagpapatuloy ng aming sagupaan…..
“Hhnngghhh… M-malapit na ako, Jericho…” halinghing ni Gerome makalipas ang maraming beses niyang pagbayo.
“Aaahhh… S-sige lang, Gerome! I-bomba mo! I-bomba mo!” sigaw ko na ngayon habang matindi ang aking kapit sa headboard at tinatanggap ang kanyang mahaba at malaking baston na nasa aking loob.
A/N
Para sa ’yo
Kira_Aimere
!
Beks
,
haymishu
! Salamat sa endless support! Labyu!
Feel you next chapter, my beloved readers! Ingat kayo lagi! Salamat sa patuloy n’yong
pagbibigay
buhay sa kuwentong ito!
Tawang
-tawa at
tuwang
-tuwa ako sa mga comments n’yo.
Maraming
salamat! Mwah!!
cold_deee❤️
05.06.2020
CHAPTER 7
JERICHO - POV
Ang unang gabi na kami ay nagpulot-gata ay naging makasaysayan para sa akin. Lagi ko noon sinasabing ayaw ko ang bagay na ito, pero sa paglipas pa ng mga araw na kami ay nagkakasama, nasundan pa ito nang nasundan.
Lintik na kati ’yan.
Isang linggo, dalawa, tatlo, apat, hanggang sa umabot kami sa dalawang buwan na nagpapakasasa sa isa’t isang katawan.
Tunay nga akong marupok. Nagpakipot lang talaga ako noon.
Habang nakadapa ako sa kama ay matalim ang tingin ko kay Gerome na nasa aking tabi. Abala na ito ngayon sa panonood ng soccer game sa TV. Katatapos lang din maganap ang matindi naming sagupaan kaya naman iniinda ko ang hapdi ng aking lagusan.
“Ugh… Tangina! Hindi na ngumingiti ang wetpaks ko, eh! Humahalakhak na! Animal naman talaga!” daing ko habang kinakapa ang butas ng lagusan ko. Inaalala kong baka tuluyan nang mala-Araneta Coliseum na ang luwang nito.
Tamang-ngiti lang naman ang gago. Hindi ko alam kung nakakatawa ba ang soccer game o dahil iyon sa reklamo ko. Ngunit sa reaksyong iyon ni Gerome, kusa na lang din akong napangiti. Wala naman espesyal sa ginawa niya, pero ako itong parang mas gago pa sa kanya na ngumingiti na ngayon habang nakatitig sa kanya.
“Tangina…” mahina kong bulong. “Humihinga ka pa lang, gwapo ka na. Kahit yata umutot ka sa public place, hindi masisira ang image mo. Samantalang ako, mag-e-effort pa para lang sa magandang anggulo.” Sinadya kong hindi lakasan ang aking boses dahil baka pasukin ng hangin ang aking lagusan. Iwas-kabag lang naman. Ewan ko kung saan ko nakuha ang kasabihang iyon, pero dahil dakilang henyo ako, malamang ay inimbento ko lang.
Tuluyan na nga kaming naging malapit sa isa’t isa ni Gerome. Walang malinaw kung ano nga ba ang relasyong mayroon kami, ang tanging alam lang namin ay masaya kami tuwing magkasama. Kung may kagandahan man sa samahan namin, iyon ay para rin kaming magtropa. Nagkakaintindihan kami sa maraming bagay kaya marami kaming napag-uusapan. Sa bawat masaya rin naming kuwentuhan, hindi rin nawawala roon ang inuman.
Bihira na rin kung umuwi ako sa inuupahan kong bahay. Mas masarap ang buhay ko sa condo ni Gerome lalo na at alaga ako nito. Siyempre, libre ang lahat lalo na ang pagkain. Mukhang ayaw na rin naman humiwalay pa sa akin ni Gerome kaya wala na rin akong nagawa kundi ang manatili sa unit nito. Mabangis din talaga ang kamandag ko.
Sa dalawang buwan na kami ay laging magkasama, para bang naging makabuluhan sa akin ang lahat. At sa nakalipas na mga buwang iyon, tuluyan ko rin nakilala si Gerome. Sa mga panahon din na ito, nalaman ko na rin ang kasagutan sa aking mga tanong noon.
Ano nga ba ang mayroon kay Gerome at marami ang napapalapit dito? Bakit marami sa kanya ang natutuwang mga katrabaho?
Bukod sa pisikal na katangian — gwapo at may magagandang pangangatawan — matulungin si Gerome at tunay na masipag. May dedikasyon din ito sa trabaho at alam ang salitang respeto sa kasama. Walang pinipiling tao upang bigyan ng pangangailangan na may kinalaman sa trabaho. Walang exempted kahit ang taga-linis namin doon. Naging malinaw rin sa akin na kaya pala madalas siyang mag-overtime ay dahil ito ang takbuhan ng mga kasamahan naming hindi natatapos ang naibibigay sa kanilang tasks. Kaya naman sa huli ay nawawalan na ng oras ito para sa sariling trabaho. Noon ay hindi ko alam ang mga bagay na iyon dahil hindi ko naman siya binigyan ng pagkakataon para alamin sa kanya ang lahat.
Nadiskubre ko rin na malaki ang aming kaibahan pagdating sa pag-uugali. Kung ako ay kilala dahil sa nakakarindi ang ingay ng bibig, si Gerome naman ay tahimik lamang ngunit laging nakangiti. Gentleman din ito kaya’t marami rito ang nahuhumaling mapa-babae man o bading.
“Tangina, Par, idol na talaga kita! Dakila ka talaga,” muli ko pang pakikipag-usap kay Gerome. At dahil medyo may kalakasan na ang boses ko sa sa oras na ito, hindi nakaligtas sa aking pakiramdam na pinasok na nga ng kaunting hangin ang wetpaks ko. “Minsan, p’wede bang ako naman ang bumira? Ako naman ang umibabaw?” dagdag ko pang request sa kanya.
Seryoso ako. Kingina, hindi pa ako nakakaisa sa kanya.
Nasaksihan ko kung paano siya natawa, ngunit nanatiling nasa TV ang mga mata niya.
“Tinatawa-tawa mo?!” naiirita kong tanong. “Parang wala kang balak magpailalim sa akin, ah?! Tangina, Par! Hirap na hirap na ako! Tapos tatawanan mo lang ako?!” dagdag ko pang reklamo at sinubukan ko pang batukan ito. Nakailag lang naman ang loko.
“Natatawa ako sa pinapanood ko! Bakit ba ang high blood mo?!” sagot naman niya habang iniilagan pa rin ang atake ko.
Saglit akong natigilan upang kumpirmahin ang kanyang sinabi. Nilingon ko ang TV at nakita kong advertisement ng isang gatas ang palabas doon.
Pukingina? Nakakatawa ba ang commercial ng gatas?!
“Tangina ka! Tarantado ka talaga!” mas malakas ko nang reklamo. Binato ko na rin siya ng mga unan dahil sa inis ko.
Hindi rito nagtatapos ang nakakainis ngunit nakatutuwang kaganapan sa samahan naming dalawa. Marami pa ang nagbago. Kung noon ay walang araw akong pinapalampas upang gaguhin siya sa trabaho, ngayon ay iba na ang momento.
“Par, tulungan mo nga ako sa slogan na hinihingi sa akin! Wala na ako ibang maisip, eh!” nakabusangot kong paghingi ng saklolo sa kanya at ipinapakita rito ang papel na may dalawang samples ng slogan. Sa akin napunta ang task na iyon dahil iyon ang forte ko. Pero wala talagang pumapasok sa isip ko dahil mas masakit pa sa break-up ang hapdi ng kweba ko.
“Sige, tapusin ko na lang ’tong dina-draft kong design.” seryoso naman niyang sagot. Hindi man lang niya ako nilingon dahil nasa computer lang siya nakatutok.
Wala talaga akong pasensiyang baon. Iniinda ko talaga ang sakit ng katawan ko.
Unti-unti ay yumuko ako upang itapat ang aking bibig sa kanyang tenga. Walang puwedeng makarinig sa aking sasabihin lalo na at napapaligiran kami ng mga tsismoso at tsismosa naming mga katrabaho. Kilala ko na sila. Kahit pa hindi sila sa amin nakatingin sa mga oras na ito, kahit pa nakatutok lang sila sa kanilang mga computer o hawak nilang mga papel, naglalakihan ang mga tenga nila para pakinggan ang conversation namin ni Gerome. Nagpapanggap lang silang nagtatrabaho.
“Par, mas priority mo ba ’yang ginagawa mo o itong pinapagawa ko?” pabulong kong tanong kay Gerome. “Baka nakakalimutan mo? Hindi ako makapagtrabaho nang maayos ngayon dahil sa ’yo? Gusto mong hindi na makaulit?” dagdag ko pang pagbabanta rito.
Natigilan si Gerome sa ginagawa. Natawa siya nang mahina habang napapailing. Iyon na rin ang aking naging hudyat para kahit paano ay ngumiti ako sa kauna-unahang beses sa araw na iyon.
“Oo na, uunahin ko na ’yang utos mo,” pabulong din niyang sagot sa akin. “Bumalik ka na sa table mo para makapagpahinga. Bibili rin ako mamaya ng gamot para mabawasan ’yang sakit ng katawan mo.” malambing pa nitong dugtong.
Sapat na ang mga sinabi niyang iyon para umahon ako mula sa pagkakayuko. Tinapik ko na lamang siya sa kanyang balikat at dahan-dahang naglakad pabalik sa aking pwesto.
“Pssst!” walang modo na pagtawag sa akin ni Jamie na nasa tabi lang din ng cubicle ko. Hindi pa ito nakuntento — sakay ng kanyang wheelchair, este, ng kanyang office chair ay lumapit ito sa akin.
Saglit ko siyang nilingon at itinuon ko na lamang sa computer ang aking mga mata para magpanggap din na nagtatrabaho. Nag-aalala kasi ako na baka sa sobrang lapit sa akin ni Jamie, magkapalit na ang mukha namin nito.
“Problema mo? Wala nang pag-asa lumaki ’yang dede mo. ’Wag mo na ako hingian ng advice.” simple kong pang-aasar sa kanya dahilan para makatanggap ako ng masakit na palo sa braso.
“Hindi na ako makatiis, Oppa!” bulong nito. “Ano na bang nangyayari sa inyo ni Gerome?! Bakit bigla na lang kayo naging okay?! Kailan pa kayo naging close?! Hindi mo na rin siya inaaway! Hindi kami sanay! Paano kayo nag-start na mag-usap?!” sunod-sunod nitong pang-iintriga.
Alam kong darating ang araw na ito kaya naman pinaghandaan ko na rin ito.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Sinigurado ko rin na humarap kay Jamie para umabot sa kanya ang hininga ko. Sakto, may pinapak akong durian kanina mula sa baon ng kasama namin dito. Iyon din ang ang naging dahilan kaya muntik nang masuka sa Jamie sa ginawa ko.
“Anong gusto mo, Jamie? Umabot pa kami sa patayan para lang ma-entertain kayo?” kunwari ay walang gana kong tanong pabalik. “Saka hindi na ako nag-e-enjoy makipag-away sa kanya dahil boring siya. Maghahanap na lang ako ng ibang kaaway. Gusto mo bang ikaw na lang ang pumalit sa kanya? Simple lang naman ang gagawin natin araw-araw. Maghahabulan lang tayo dito sa opisina nang hubo’t hubad.” mahaba ko pang dugtong na may halong pagbibiro.
Muli ay nakatanggap ako ng malakas niyang hampas sa braso. Taena lang, nakakarami na ’to.
“Wala talaga akong mapapala sa ’yo! Wala kang kwentang kausap!” nakasimangot na pagsuko na lang ni Jamie.
Napangiti ako sa likod ng aking isip. May pakinabang din ang pagiging pilosopo ko, madali akong nakakaiwas sa mga nakakatakot na tanong.
Buong akala ko ay babalik na si Jamie sa kanyang himlayan, este, sa kanyang pwesto, pero binubulate yata ito ngayon dahil hindi mapakali at may tanong na naman.
“Uhmm…. Pero bakit parang napapadalas yata ang sprain mo? Lagi ka na lang paika-ika kung maglakad. Parang hindi na ’yan normal?” busisi niya matapos akong tingnan simula sa ulo hanggang paa.
Ito ang hindi ko napaghandaan. Naubusan na ako ng palusot kung bakit parang laging hindi pantay ang aking dinaraanan.
Natapilok? Masakit ang tuhod? Nadali ang gulugod? Namaga ang ingrown? Nirarayuma? Sumali sa frat? Lahat ’yan nagamit ko na. Sagad na sagad na ang palusot ko sa kanila.
Tuluyan na akong nawala sa concentration, ngunit sinubukan ko pa rin umarte nang normal.
“Ewan ko ba, kingina! Baka may fracture na ang paa ko pero hindi ko pa alam? Kailangan ko na yata magpa-check sa ortho?” balik kong tanong at sinusubukan ko pa rin lumusot.
Naningkit ang mga mata ni Jamie. Kilala ko na siya, at base sa ekspresyon niyang iyon, hindi siya naniniwala.
“Talaga ba?”
Hindi nga ako nagkamali, nagdududa na talaga siya.
Nagkibit-balikat na lamang ako, nagpapanggap na hindi kabado. Kinuha ko rin ang aking bottled water para kumalma naman ako.
“O baka naman nagpapatira ka na ngayon, Jericho?”
Naibuga ko ang aking iniinom na tubig dahil sa tanong na iyon ni Jamie. Sakto, sa mukha niya rin tumama iyon. Nakapaghilamos tuloy siya nang libre.
“Bunganga mo naman, Jamie!” nanlalaki ang mga mata kong pagsaway sa kanya. Hindi ko rin naiwasan ang mapatayo mula sa pagkakaupo. “Ako?! Magpapatira?! Sa laki ng katawan kong ’to?! Sa laki nitong alaga ko?! Sa tingin mo, tutuwad ako?! Never, Jamie! NEVER!!!” mabilis at sunod-sunod kong pagkontra.
Huli na para bawiin ko pa ang aking naging reaksyon. Namalayan ko na lamang na lahat ng atensyon mula sa aming mga kaopisina kabilang na si Gerome ay nasa aming dalawa na ni Jamie.
“Ah, wala ’to! Wala ’to! Alam n’yo naman kami ni Jericho! Wala na kaming ginawa at sinabing matino! Balik na kayo sa trabaho!” mabilis na pagsaway ni Jamie sa aming mga katrabaho. Alam kong ginawa niya rin iyon para saklolohan ako.
Kung noon ay madali kong nalulusutan ang ganitong sitwasyon, ngayon ay para akong nilamon ng malaking alon. Ito ang kauna-unahang beses na nakaramdam ako ng hiya sa kasaysayan ng buhay ko. At dahil lang ’yon sa pahamak na Jamie na ’to!
Dahil sa nangyari ay bahagya rin akong nag-alala. Pasimple kong nilingon si Gerome sa pagbabaka sakaling isinawalang bahala na lamang niya ang lahat at mas piniling magbalik sa kanyang ginagawa….
…. Pero nang tuluyang madako ang aking mga mata sa kanyang pwesto….
…. PUKINGINA, NAKANGISI ANG GAGO.
cold_deee❤️
05.07.2020
CHAPTER 8
JERICHO - POV
Umaga nang saksi ang kama, unan at kumot sa paghaharutan ng dalawang borta sa kama. Naiinggit kahit ang mga ibon na nakadungaw sa malaking bintana. Tanging underwear lamang ang takip sa katawan dahil mas komportableng matulog nang ganoon at iyon din ang nakasanayan.
“Kingina, Par! ’Wag diyan! Nakikiliti nga ako, eh!” naglulumandi kong pag-awat sa paghaplos ni Gerome sa aking singit. Hindi naman talaga ako nakiliti, sadyang umaarte lang akong birhen.
“Ano bang ginagawa ko? Binibigyan lang naman kita ng breakfast, e.” si Gerome naman na ayaw rin magpaawat sa pangingiliti.
“Tangina! Hotdog na ang dinner natin! Hotdog pa rin sa morning?!”
“Nakakaadik kasi hotdog mo,”
“Mas masarap kaya ang hotdog mo!” tinapatan ko rin ang kanyang sinabi kasabay ng marahan kong pagsuntok sa kanyang tagiliran. Pinaninindigan ko na talaga ang taglay kong kalandian.
Sinusulit namin ang umagang ito dahil wala naman kaming pasok sa trabaho. Sa katunayan, may nakatakda kaming lakad sa bandang hapon. Nagpasya kaming mamasyal sa kauna-unahang pagkakataon. Isasabay na rin namin ang pagpunta sa supermarket para may stocks kami rito sa condo.
Kingina, asawahan na ba ito?
Habang kami ay nasa kalagitnaan pa rin ng paglalandian, natigilan din kami sa nakaririnding doorbell nitong unit ni Gerome. Sabay rin kaming nagkatinginan suot ang nagtataka naming ekspresyon.
“May in-e-expect ka bang bisita?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman?” naguguluhan pa rin nitong balik.
Mula sa paulit-ulit na tunog ng doorbell ay nahinto rin ito makalipas ang ilang sandali. Labis naman namin iyong ipinagtaka kung kaya’t nagmamadali kaming umahon mula sa kama upang silipin sana ang nasa labas. Subalit pagdating pa lamang namin sa sala, nakabibinging sigaw din ang bumungad sa aming dalawa.
“Patawarin!” sigaw ng isang ginang na sinubukang takpan ang kanyang mga mata gamit ang palad ngunit nakakasilip pa rin siya. “At ikaw?! Sino ka?!” tanong pa nito habang tinuturo ako. Tuluyan na rin niyang tinakpan ang kanyang mga paningin dahil nasipat niya ang bumubukol mula sa brief ko.
Dahil sa dakila akong pabibo, sa halip na magpakilala nang pormal ay itinaas ko pa ang aking isang braso upang ipamalas ang bicepes na mayroon ako.
“Yow! Jericho Gonzales at your service, Ma’am!” masigla kong sagot dito.
Nagkagulo nang bahagya matapos ang senaryong iyon. Hiningal ang ginang na animo’y katapusan na ng kanyang mundo. Kasunod din nito ay kinuha niya mula sa kanyang bag ang isang abaniko at nagpaypay sa sarili kahit naka-aircon naman kami rito.
Sa kabutihang palad, dahil na rin sa pagiging kalmado ni Gerome ay nagawa nitong pahupain ang tensyon. Inalalayan niya ang may edad na babaeng iyon upang makaupo sa ibabaw ng telebisyon. De joke lang. Pinaupo niya siyempre sa sofa.
“Now, Gerome, ipaliwanag mo kung ano ang nangyayari!” may diin pa rin na utos ng ginang. Sa mga oras na ito ay nakaupo na rin kami sa kanyang tapat. Kalmado na rin ito ngayon kumpara kanina na halos himatayin siya nang makakita ng dalawang lalakeng kapwa hubad. Hindi nito kinaya na makakita ng dalawang Adonis na halos dumungaw na ang ulo ng kani-kanilang sundalo na nakasaludo.
Kung si Gerome ay nagawang magsuot ng shorts at sando, sadyang feel at home ako dahil kinuha ko lamang ang kumot mula sa kwarto upang ipangtakip sa katawan ko.
“Mommy,” pagtawag ni Gerome sa ginang.
Dito na halos lumabas ang eyeballs ko dahil sa gulat ko.
Pukingina?! Nanay niya?! Pinagdudahan ko pa namang matrona niya kaya nagawa kong magbida-bida!
Nanatili akong nakanganga dahil sa pagkasorpresa. Nagpatuloy rin si Gerome sa kanyang pagsasalita.
“Magpapaliwanag naman po ako. Pero ’wag n’yo naman patayin ng tingin ang kasama ko.” pakiusap nito.
Tama si Gerome. Parang sinisilihan na ngayon ang pwet ko habang nasa tabi ako nito. Ako na ngayon ang hindi mapakali at butil-butil na rin ang aking pawis kahit pa nga may aircon. Tiklop din ang aking mga hita at hindi ko na rin iniinda ang naiipit ko nang bathala at yagbols. Bahala nang mabaog. Simula rin kasi nang kumalma ang ginang at tuluyan kaming magkaharap-harap, hindi na nito pinutol ang masamang pagtitig sa akin. Kulang na lang ay isubsob ako sa sahig.
Sa nanlilisik pa rin na mga mata ng ina ni Gerome ay nagawa na rin nitong tapunan ng tingin ang kanyang anak.
“And what do you expect? Ngingitian ko ang lalaking ito kahit pa ngayon ko lang siya nakita?! And worst, nakahubad pa?! Mag-isip ka nga! Nasa katinuan pa ba kayo?!” gigil na gigil niyang reaksyon habang dinuduro ako.
Medyo judgemental siya sa part na iyon, ah?!
Natahimik si Gerome at napakamot na lamang ng kanyang batok. Gustuhin man niyang magdahilan sa ina, aminado naman kami na may pagkakamali talaga kaming dalawa.
Minsan nang naikuwento sa akin ni Gerome na matagal na raw niyang hindi nabibisita ang sariling pamilya dahil busy kami sa trabaho. Marahil ay ito rin ang dahilan kaya sinadya na siya ng ina para mabisita rito. Pero heto nga at parang isang club ang napasok nito at hindi isang condo.
“Umamin ka nga, Gerome! Kaya ba hindi ka na nakakauwi dahil busy ka sa lalaking ’yan?! Puro ka na lang reasoning na may malaki kang project at kailangan mong tapusin ’yon! Ito ba?! Siya ba ang project na sinasabi mo?! Kailan mo pa natutuhang suwayin ako?! May naging pagkukulang ba ako kahit pa mag-isa ko lang kayong itinaguyod ng mga kapatid mo?!”
Luh? Nagbunganga na si Mommy. Isa-isa lang ang tanong! Wala naman tayo sa contest! Chill lang! Hindi tayo mauubusan ng oras!
Dahil sa mga salitang binitiwan ng ginang ay napayuko na lamang si Gerome. Bakas sa kanya ang kahihiyan. Gustuhin man nitong magpaliwanag, mas pinili na lamang niyang manahimik dahil lalo lamang madaragdagan ang galit ng ina.
“Lagi akong nakasuporta sa ’yo! Mas pinili kita kesa sa walang kwentang ama mo! Pero hindi ko akalain na aabot sa ganito! Kailan mo pa natutuhang magsikreto?! Sinong nagturo niyan sa ’yo?! Ginamit mo pa ang trabaho para lang magawa ang gusto mo! Ngayon mo sabihin sa akin na may napatunayan ka na sa sarili tulad ng pinagpipilitan mo sa akin noon!”
Sa pangalawang litanya ng ginang, dito ay hindi ko na hinayaang manahimik na lamang. Sa dalawang taon na kami ay magkatrabaho ni Gerome, nasaksihan ko ang pagsusumikap nito. Kaya hindi ako makapapayag na mauwi lamang sa wala ang mga iyon.
Dahil din sa mga pag-alala ng mga panahong iyon, nagkaroon ako ng lakas ng loob para salungatin ang ina ni Gerome.
“Ma’am, hindi naman po sa––”
“Manahimik ka kung ayaw mong hubaran kita ulit at itali sa puno para ipakain sa mga langgam! Hindi ko pa tapos kausapin ang anak ko!” mabilis na pagputol sa akin ng ginang.
Nawala ang tapang ko. Tumiklop ako at para akong isang pagong na nagtago sa sariling bahay ko. Akala ko ay mapaninindigan ko ang pagpapakitang-gilas sa pagtatanggol sa aking…. ehem, iniirog. Ngunit dahil sa lubhang nakasisindak ang ginang ay nagmistulang aso ako na ubod ng amo, hindi ko na nagawa pang kumahol.
Muling binalingan ng ginang ang kanyang anak na nananahimik pa rin hanggang ngayon at nanatiling nakayuko.
“Now, tell me, sino ’yang kasama mo, Gerome?! Siya rin ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, tinatanggihan mo pa rin ang family business natin?! Mas pinili mong maging tagasilbi na lang sa ibang tao instead na sa sariling pamilya mo?! Bakit?! Sino ba siya sa buhay mo?!” bulyaw nito kay Gerome habang tinuturo ako. Ako na nagmistulan na ngayong lumpiang shanghai dahil sa mas hinigpitan ko na ang pagkakabalot sa aking katawan ng kumot.
Sinubukan ko pa sanang magpakilala muli sa ina ni Gerome sa tono pa ring pabibo, ngunit ibinigay ko na lamang ang pagkakataon kay Gerome dahil sa paniniwalang kaya naman ako nitong panindigan. May tiwala rin akong makakayanan din nitong magpaliwanag at maaayos namin ang sitwasyon.
“Mom, siya po si Jericho,” pakilala sa akin ni Gerome.
Handa na sana akong ngumiti, ngunit sa sumunod na bahagi ng pagpapakilala sa akin ni Gerome ay para akong nabingi.
“…. katrabaho ko po.”
Parang isang bomba ang sumabog sa dibdib ko. Agad din na nagdilim ang aking paligid at nawalan ng kulay ang mundo ko.
Katrabaho.
Natawa ako nang mapait. Tama nga naman si Gerome. Ano nga ba ako sa buhay niya? Isa lamang katrabaho simula pa noon. At dahil sa isang kaganapang ako mismo ang may ideya at nagsimula, nagkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap. Sa madaling salita, napilitan lamang si Gerome na kausapin ako. Sumabay lamang siya sa agos.
Sa mga nakalipas na buwan na kami ay magkasama ni Gerome, inisa-isa ko ang bawat pangyayari. Ngayon ko lamang napag-isip-isip na nagsimula kami sa isang palabas. Sinikap kong gawin ang lahat para siya ay ipahamak, ngunit sa dulo ay ako rin ang nahuli sa ginawa kong bitag.
Ngayon ay mas naging malinaw na sa akin ang lahat. Walang namamagitan sa aming dalawa ni Gerome.
Tulala ako habang iniinda ang tila pinipiga kong dibdib nang dahan-dahan akong tumayo mula sa aking kinauupuan. Mabilis ang aking mga naging paghakbang pabalik sa kwarto ni Gerome at dinampot ang mga damit at bag ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili na magsuot ng damit. Dire-diretso na lamang din akong lumabas mula sa condo unit kahit pa ang takip lang ng aking katawan ay tanging brief.
“Hey, wait! Saan ka pupunta, Jericho?!”
Narinig ko pa ang pagtawag na iyon ni Gerome.
“Wala kang pake!” sigaw kong pagsagot habang patuloy pa rin sa paglalakad nang nakahubad.
“Bumalik ka muna rito! Saan ka ba pupunta?!”
Dito ay napahinto na ako. Gustuhin ko man na lingunin siya, hindi ko na iyon ginawa pa. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagmumukha na akong tanga dahil wala akong suot na damit, pero hindi ko rin hahayaan na makita niyang dumadaloy na rin ang mga luha ko sa aking pisngi.
“Sa dati…. B-babalik na ako… sa dati…”
Iyon lang ang nakayanang bigkasin ng nanginginig kong labi. Matapos iyon ay naglakad akong muli nang mabilis.
Sa bawat paghakbang ko palayo, hindi ko akalaing magaganap sa akin ang ganito. Kahit kailan, hindi ko ipinakita ang aking kahinaan kahit pa noong maulila kami ng kapatid ko. Pinanindigan ko ang pagtatapang-tapangan dahil ako na lang ang natitirang sandigan ng natitirang pamilya ko. Pero isang Gerome Almeria lang pala ang babago sa nakasanayan ko. Siya lang ang magiging dahilan para lumuha ako mula sa kalungkutan at pagkabigo.
cold_deee❤️
05.07.2020
CHAPTER 9
JERICHO - POV
Matapos ang pangyayaring nagpagising sa katawang-lupa ko, isang desisyon din sa akin ang nabuo — kalilimutan ko ang lahat ng nangyari at magsisimula ako ng panibago. Tulad ng ginagawa ko noon, iiwasan ko na lamang muli si Gerome. Ibabalik ko ang panahong dinadaanan lang namin ang isa’t isa at hindi nag-uusap.
Sa paglipas nga ng mga araw, agad din iyong napansin ni Gerome. Hindi tulad ng dati, wala nang Jericho ang unang bumabati sa bawat pagpasok ko sa opisina namin dito. Walang Jericho na mangungulit, walang Jericho na mangangalabit. Animo’y isang palos din ako na pinahiran pa ng petroleum jelly ang buong katawan dahil sa sobrang dulas o ilap ko.
“Jericho, p’wede ka bang makausap?” isang araw ito nang hindi na napigilan ni Gerome ang lumapit sa akin. Sinubukan niya pa akong abangan na lumabas mula sa CR ng aming building. Bakas din sa kanyang mukha ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.
Hindi ko siya matapatan ng tingin, ngunit nagawa ko naman makakuha ng dahilan upang makaiwas sa kanyang muli. Mabilis akong kumilos para dukutin ang isang bagay mula sa bulsa ko at agad na idinikit iyon sa aking tainga.
“Hello? Sige, kita na lang tayo sa labas. Palabas na ako ng opisina!” malakas kong pagkakasabi at nagmamadali na rin akong lampasan si Gerome. Mahusay na boy scout talaga ako noong kabataan ko kaya chicken lang ang makalusot sa akin sa mga ganitong sitwasyon.
“Pare, sandali nga!” mabilis naman na pag-awat sa akin ni Gerome. Mahigpit din ang paghawak nito sa braso ko. “Iniiwasan mo ba ako?! Ano bang kasalanan ko?!” sunod pa nitong tanong.
Sa totoo lang, gusto ko nang balibagin ang taong kaharap ko ngayon. Ang lakas maka-feeling close amp! Pero sa halip na ipakitang apektado, sinikap kong maging kalmado.
“Sorry, Par, ha? May sinasabi ka ba? Hindi ko kasi marinig dahil may kausap ako sa kabilang linya. Nakita mo naman na may kausap ako sa cellphone, ’di ba? Mas importante ’to kesa sa tanong mo. Next time na lang, ha?” tuluyan ko nang pagpapanggap. Kailangan ko na talagang makatakas sa kanya.
“’Wag mo nga akong ginagago, Jericho!” hindi na naiwasang mapasigaw ni Gerome. “Wallet mo ’yang hawak mo at hindi cellphone!”
Para akong binuhusan ng malaming tubig na galing pang Antarctica dahil sa pagkapahiya. Nawala ang dugong boy scout na dumadaloy sa katawan ko kaya naman hindi ako nakagalaw.
“Ano?! Sagutin mo ako! Bakit mo ako iniiwasan?!” muli na namang pagtatanong sa akin ni Gerome.
Gustuhin ko man na maghanap pa ng idadahilan ay wala na akong maisip sa pagkakataong ito. Labis na pagkataranta ang aking nararanasan kaya ang nagawa ko na lamang ay ang tumakbo sa kanya palayo.
“Hello?! Palabas na talaga ako! Peksman, mamatay man ang kausap ko kanina sa CR!” paninindigan ko pa rin sa aking pagpapanggap na may kausap sa wallet ko.
Pukingina, ang bobo ko ngayon.
Alam kong hindi na talaga nagugustuhan ni Gerome ang mga nagaganap. Sa ilang buwan na kami ay lagi lamang masaya, marahil ay maninibago talaga siya. Pero nakangako na rin ako sa sarili ko — hinding-hindi na ako papayag na maisahan na naman ako ni Gerome. Pride na lang ang mayroon ako, wala ayaw kong mawala pa ’yon.
Tiwala rin naman ako na hindi makalahingi ng saklolo mula sa ibang tao si Gerome para magkaroon kami ng komunikasyon. Laking pasasalamat ko lang talaga dahil walang ibang nakakaalam kung ano ang naging ugnayan namin nito. Kahit si Jamie, alam kong magdadalawang-isip pa siya para hingian ng tulong.
Kung sa mga naunang linggo ay nakagawa pa ako ng paraan para makaiwas kay Gerome, isang sitwasyon na naman ang ibinigay sa akin dahilan para ma-stress na naman ako.
Isang gabi ay nagkaroon ng kasiyahan ang aming department. Lahat kami ay napilitang sumama at hindi makaiwas sa imbitasyon. Naroon din ang aming marketing chief kaya’t walang makakatanggi kahit na sino. Sa pagkakataong ito ay nasa VIP room kami ng isang malaking restaurant upang i-celebrate ang matagumpay na feedback sa TV commercial na inilabas ng aming kompanya. Nasabi rin sa amin na may posibilidad na makatanggap iyon ng award.
“First of all, pasalamatan natin si Mr. Gerome Almeria dahil sa naisip niyang concept ng TV Ad,” panimula ng aming panot na manager. Napapapikit na rin ang mga mata niya dahil sa marami na rin siyang nainom. “Ikaw talaga ang bumubuhay sa department natin, Mr. Almeria! Mabuhay ka! Nakikita kong ikaw na ang papalit sa akin sa oras na mag-retire na ako!” dagdag pa nitong papuri sa tukmol.
Ang inaasahan ng lahat ay guguhit ang tuwa mula kay Gerome dahil sa papuring natanggap, ngunit blangko lamang ang ekspresyon nito at para bang hindi ito interesado.
Pukingina, nagi-guilty ba siya dahil siya ang nakatanggap ng compliment sa halip na sa akin iyon mapunta?
Oo, ako nga ang dapat na mapuri dahil idea ko ang TV ad na ’yon. Iyon ang TV ad na ako ang nakaisip, pero dahil sa gusto kong ipahamak noon si Gerome, sa kanya ko ipinasa. Nagkamali lang talaga ako dahil sa katarantaduhan ko noon.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na ang lahat. Huli na para umapela pa ako. Isa pa, baka maging daan pa iyon para magkaroon na naman ng daan upang makapag-usap kami ni Gerome. Mas makabubuti kung mananatili na lamang ako rito sa isang sulok habang nakikipaglaban ng titigan sa baso ng alak ko.
“Speech!”
“Congrats, Daddy Gerome!”
“Congratulations, Pare!”
Paulit-ulit ang natatanggap na papuri ni Gerome mula sa aming mga kasama, ngunit hindi ko pa siya naririnig na nagsasalita. Kahit ang sagutin niya ng pasasalamat ang aming mga katrabaho ay hindi niya rin magawa.
Sinubukan ko siyang lingunin na nasa kabilang bahagi nitong mahabang mesa. Malayo naman kami sa isa’t isa kaya sa tingin ko ay hindi naman niya ako mapapansin.
Nang tuluyang madako sa pwesto ni Gerome ang aking mga mata, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Naabutan ko kasi siyang nakakatitig lang sa akin habang ang mga mata ay tila ba nakikiusap.
“Pukingina naman talaga!” mahina kong reklamo dahil sa sobrang inis ko. Agad ko rin na dinampot ang baso ng aking alak at ininom ang laman niyon. Nang masimot ang alak, nagawa ko pang ilapag ang baso sa mesa sa padabog na paraan.
“Aray ko, Jericho! Animal ka talaga!” malakas na pagdaing ni Jamie. Namimilipit siya sa sakit dahil sa kamay niya pala humampas ang basong inilapag ko.
Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba ang nangyaring eksena namin ni Jamie dahil nabaling sa amin ang atensyon ng lahat. Mangiyak-ngiyak kasi ang kaibigan kong ito dahil sa kagaguhan ko. Paulit-ulit na lamang ako na humingi ng dispensa sa kanya kasabay ng pang-uuto na may pag-asa pang lumaki ang suso niya.
Ang akala ko ay matatapos na ang lahat ng kaganapan kanina, ngunit muling kinuha ni Gerome ang atensyon ng lahat. Kulang talaga siya sa aruga.
“Sir,” biglaang pagtawag ni Gerome sa manager naming panot na nakikipaghalikan na yata ngayon sa mesa dahil sa dami ng kanyang nainom. “Actually, may hindi pa po kayo alam sa totoong dahilan kung paano nabuo ang concept ng naging proposal ko,” dugtong pa nito. Iyon na nga ang naging dahilan para matigilan ang lahat sa pagkakagulo. Maging kami ni Jamie na may sariling mundo ay nagawa sa kanyang lumingon.
Hindi nakaligtas sa akin ang paglunok ni Gerome. Kinakabahan ba siya? Hindi ko alam, at wala akong pakialam.
Ilang sandali lang din ay huminga siya nang malalim.
“Ang totoo po niyan, hindi po sa akin dapat mapunta ang compliments galing sa company. Hindi naman po kasi talaga sa akin nanggaling ang idea. Kay Jer––”
“Sir!” bigla kong pagtawag sa aming manager. Tumayo rin ako para mabawi ang atensyon nilang lahat mula kay Gerome. “Siguro, ngayon na po ang tamang chance para sabihin sa kanila ang sinabi ko sa inyo sa office kahapon?” tuluyan ko nang pagbibigay ng anunsyo.
Hindi ko alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Dapat nga ay matuwa ako dahil alam kong binabalak ni Gerome na ipagtapat sa kanilang lahat ang katotohanan tungkol sa successful project na iyon. Pero naisip ko, ano pa bang silbi no’n kung nakagawa na rin ako ng isang mas malaking desisyon?
Mukhang nagwagi naman ako dahil ang lahat ay nakatutok na sa akin ngayon. Sa aming mga kasama, may mga nagtaka, mayroon naman ang nadismaya dahil hindi naituloy ni Gerome ang sinasabi kanina.
Mukhang may malay pa naman ang manager namin dahil nagawa rin nitong umahon mula sa pangma-manyak sa mesa. Hindi man niya maituwid ang sarili, nagawa naman niya akong harapin at kausapin.
“Mr. Jericho Gonzalez,” pagtawag niya sa buo kong pangalan habang pumipikit-pikit. “Sinabi kong pag-isipan mo muna, ’di ba? Hindi ko pa tinatanggap ang resignation mo.” tuluyan na nitong pag-anunsyo sa nabuo kong plano.
Oo, napagdesisyunan ko na nga ang umalis sa aming kompanya. Ilang beses ko rin itong pinag-isipan, pero ito na rin ang makabubuti para sa ikatatahimik ng aking kaluluwa. May kaunti naman akong naipon kaya kakayanin ko pang buhayin ang sarili ganoon din ang aking lola at kapatid sa probinsiya ng ilang buwan.
“RESIGNATION?!”
Sabay-sabay iyon at halos isigaw na ng aming mga katrabaho. Choir ba ito o nasa military tayo?
Lahat ay gulat na gulat. Maging si Gerome ay napansin kong natulala. Bakas din sa kanya ang pagkabigla.
“Ahh!” muling pag-agaw eksena ng manager naming notpa, sinasaway kaming mga nasasakupan niya gamit ang kanyang nakamwestrang mga kamay. “’Wag n’yong intindihin ’yang si Jericho! Hindi ko tatanggapin ang resignation niyan! Sige lang, mag-inom pa tayo! Um-order lang kayo ng kahit ano! May budget tayo para dito!” pambabalewala nito sa paksang binuksan ko.
Kingina nito. Hilahin ko kaya ang buhok niyang hiniram lang niya galing sa kabilang side ng ulo niya? Nasayang ang effort ko, pucha!
Nagpatuloy nga ang lahat sa kasiyahan — kuwentuhan, tawanan, kantahan. Walang sumeryoso sa resignation ko sa mga siraulo. Iniyakan ko pa kaya ang desisyon kong ’yon!
May mahabang sandali pa ang nakalipas. Hindi ko na namalayan ang oras, dahil maging ako, pinili na lamang na magpakalunod sa alak.
Mula sa masaya ko sanang pakikipaglaro ng ‘Bato-Bato-Pick’ sa aking baso, natigilan ako dahil sa isang mahigpit na pagkapit sa aking braso. Sayang, malapit pa naman na sana akong manalo.
“Tumayo ka! Mag-usap tayo sa labas! Punong-puno na talaga ako sa ’yo!”
Si Gerome na marahas akong hinihila upang makaahon. Mataas din ang tono ng kanyang boses at ang mga kilay ay nagsassalubong.
Sa hindi mabilang na pagkakataon ay natigilan na naman ang lahat. Hindi malaman ang dapat na maging reaksyon dahil sa panibagong tagpo.
Sinikap ko na pakalmahin ang sarili sa kabila ng pagkabigla dahil sa paglapit na iyon sa akin ni Gerome.
“Par, lasing ka na yata? Umuwi ka na lang kaya?” mahinahon kong utos kay Gerome.
“Alam mong hindi ako mabilis malasing, Jericho!” sigaw pa rin nito. Tumalsik pa ang kanyang laway sa mukha ko. Syet, ang bango.
“Aba, malay ko, Gerome? Close ba tayo?” pagkukunwari ko pa rin na wala kaming naging ugnayan nito.
Napangisi si Gerome. Syet, ang gwapo.
“Sigurado ka ba sa tanong mo, Jericho? Sigurado ka bang dito mo gustong malaman nilang lahat kung gaano tayo ka-close?” mapanghamon na niyang tanong sa akin ngayon.
Syet, patay ako.
A/N
Para sa ’yo,
CovertSolace
!
Wushu
, haymishu! Miss ko na ang Pamilya Dalisay! Ingat lagi! Salamat sa effort ng mga tulad mo lalo na sa panahong ito! Ingat lagi!
Guys,
gaya
ng sinabi ko,
maikli
lang ang kuwentong ito. May 3 chapters pang natitira at sana ay
mag-enjoy
kayo kahit hindi ito
gaya ng
atake
ko sa mga unang
nobela
. Salamat sa patuloy na pagbabasa!
Mabuhay
kayo! Mwah!
cold_deee❤️
05.09.2020
CHAPTER 10
JERICHO - POV
“Sigurado ka ba sa tanong mo, Jericho? Sigurado ka bang dito mo gustong malaman nilang lahat kung gaano tayo ka-close?”
Nang marinig ko iyon ay hindi ko na rin nagawa pang makasagot. Tila ba may nagbarang talong sa aking lalamunan kaya naman napalunok na lamang ako. Pakiramdam ko rin ay naubusan ako ng lakas para makawala sa mahigpit na pagkapit sa akin ni Gerome. Idagdag pa rito na pinagtitinginan nga kami ngayon ng aming mga katrabaho.
Dahil din dito ay nagawa na rin ni Gerome na mahila ako upang ilabas sa function room. Wala na kaming binigkas na salita, hindi na rin ako nakapagreklamo. Kahit nga ang magpaalam sa aming mga kasama ay hindi na namin nagawang pareho.
“P√ta, Par! Bitiwan mo nga ako! Sabi mo usap lang, ’di ba?! Kingina! Ginagawa mo na akong kaladkaring lalaki nito, eh!” singhal ko dahil sa patuloy na paghila sa akin ni Gerome.
Narating namin ang parking lot ng restaurant, at sa mismong tapat ng kanyang kotse ay nagpatuloy na naman ang aming komprontasyon.
“Ano ba talagang problema mo?! Bakit ka umiiwas?! Tapos ngayon, balak mong mag-resign?!” tanong agad nito habang dinuduro ako.
“Tangina! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan na ako, Gerome!” pumapalag ko naman na utos. Nagawa ko na rin ang magwala dahil pakiramdam ko ay mahigpit akong nakagapos.
“Kanina pa kita binitiwan, gago! Wala ka na naman sa sarili mo!” balik nito sa akin sa galit din niyang tono.
Pukingina? Kailan pa siya natuto na murahin ako?
Napahiya ako. Nayurakan ang pagkatao ko. Ngayon ko lang din kasi napag-isip-isip na tama nga si Gerome, kusa na nga ako sa kanyang sumama nang makalabas kami ng restaurant. Nagmukha tuloy akong nasisiraan ng ulo dahil sa kanina pa ako pumapalag kahit wala naman nakahawak sa braso ko.
“Gago ka rin… Tangina ka pa, para kwits…” naisagot ko lamang sa mahinang tono.
Ilang segundong katahimikan muna ang lumipas. Pinakalma ni Gerome ang sarili. Hindi na rin ako nagtangka pang magreklamo dahil base sa ekspresyon ni Gerome, handa na niya akong basagan ng bungo. Hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng kaunting takot. Sa mahabang panahon na magkasama kami, ngayon ko lang siya nakitang nagalit.
“Jericho, alam kong galit ka sa akin! Pero ano bang dahilan?! Ano bang nagawa ko?!” muling pagpapatuloy ng aming diskusyon.
Napangiti ako nang mapait. Gustuhin ko man na kalmahin ang sarili, hindi ko na rin ito makontrol. Sa palagay ko, ito na rin siguro ang tamang panahon para sabihin kay Gerome ang tunay na dahilan. Hindi ko na iisipin ang kahihiyan. Tutal naman ay desidido na rin akong umalis sa kompanya at maghanap na lamang ng ibang mapapasukan. Hindi naman ako mahihirapang makapagsimula dahil kahit paano, maganda naman ang aking naging background sa trabaho. ’Wag lang mabibisto ang mga pang-ti-trip ko sa mga kasamahan ko.
Nagdidikit ang aking mga ngipin habang nakakuyom ang aking mga kamao. Sa pagkakataon ding ito, nagawa ko nang tapatan ang matalim na pagtitig sa akin ni Gerome.
“’Yun nga ang problema, Par, eh! Ano nga bang nagawa mo?! Wala! Wala kang nagawa!” sigaw ko na pabalik kay Gerome.
“Linawin mo, Jericho! Hindi kita maintindihan!”
“Tanga-tangahan lang tayo, Par?! ’Wag ka nang magpanggap na walang alam! Tigilan mo na rin ang paglalaro ng manhid-mahiran! Siraulo ako pero hindi ako bobo, gago!”
Hindi ko na talaga mapigilang ipakita ang galit ko. Ngayon ko lang nailalabas ang lahat ng kinimkim kong sama ng loob.
Nasaksihan ko ang frustration kay Gerome. Gulong-gulo ito kung kaya’t naisuklay na lamang niya ang mga kamay sa kanyang buhok. Makikita rin ang kalungkutan sa kanyang ekspresyon, at aaminin ko, bahagya akong nakaramdam ng pag-aalala roon. Ngayon ko lang nakitang ganitong ganito si Gerome.
“Jericho, pag-usapan naman natin nang maayos ’to… Babaliwin mo ba ako..? Bakit biglang nagkaganito..? Akala ko ba maayos tayo..?” nanghihina na nitong pakiusap sa akin ngayon.
Maayos?! Aba’y nakakaloko talaga ’to!
“Walang tayo, okay?!” bulyaw ko na sa kanya. “Sa ’yo na rin nanggaling, ’di ba?! Katrabaho mo lang ako! And I’m so stupid to make a big mistake to fall in love with my workma—”
“Jericho, narinig ko na sa pelikula ’yan… Ibang linya naman…”
“Pakyu!” nasambit ko na lang. Napahiya na naman ako. Akala ko kasi ay tatalab ang litanyang iyon galing sa lumang pelikula na napanood ko. “Tarantado ka kasi, Par, eh! Kuntento ka na bang ganito lang?! Ako kasi hindi, eh! Walang tayo, Gerome! Kaya bakit nga ba natin ginagawa ang hindi dapat gawin ng mga wala namang relasyon?! What do you think of me?! Pokpk?! Watdapak is dis?! Ano ’to?! Iyot-iyt lang?! Hindi ako p√ta, Par! Bakla rin ako pero hindi ako kagaya ng iniisip mo!”
Halos maubusan ng hangin ang baga ko dahil sa aking mga isiniwalat. Si Gerome naman ay naiwang walang imik. Mukhang nagpo-proseso pa lang sa kanyang isip ang mga narinig mula sa akin.
“OH, MY FAWKING G?!”
Isang tinig ang hindi namin inaasahang marinig mula sa kalapit naming pwesto dito sa parking lot. Sabay naming nilingon iyon ni Gerome. Natagpuan namin ang isang babaeng nakaharap sa amin pero parang nakatalikod din naman dahil walang matatawag na hinaharap.
“J-jamie..?” sabay at nauutal naming pagtawag sa pangalan ng umeksena. Pareho naming hindi inaasahan na may makakasaksi sa pagtatalo naming ito ni Gerome.
Takip ni Jamie ang kanyang bibig gamit ang isang palad, habang ang isa naman niyang kamay ay may hawak pang sausage na kanina niya pa pinupulutan. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa pagkabigla. Sa tingin ko ay huli na para lumusot pa ako, mukhang narinig na rin naman niya ang lahat ng napag-usapan namin ni Gerome.
May ilang sandali pa ang lumipas na katahimikan lang ang namagitan sa aming tatlo. Bakas kay Jamie ang hindi makapaniwalang ekspresyon dahil sa nadiskubre mula sa amin ni Gerome.
Hindi ko talaga ito inaasahan. Binalak ko pa nga na ibaon ang sikretong ito hanggang sa huli kong hantungan.
“G-guys… H-how long..?” nauutal pa rin na tanong ni Jamie bago isinubo muli ang sausage na nasa kanyang kamay. Sa pamamagitan niyon, pilit niyang kinakalma ang sarili dahil sa natuklasan.
“Ilang buwan na rin, Jamie,” si Gerome na ang sumagot sa tanong niyang iyon. Tulad ko, marahil ay naisip niyang wala na rin naman kaming maitatago.
“No. That’s not what I meant,” mas kalmado na ang boses ni Jamie ngayon. “How long is yours, Gerome? Kanino ang mas mahaba sa inyo ni Jericho?” paglilinaw na rin nito.
Pukingina. Balahura talaga siya.
Ganoon pa man, alam kong ginawa na lang din iyon ni Jamie upang mabawasan ang tensyong namuo sa pagitan naming tatlo. Sa tingin ko ay nabibigla pa rin siya sa nalaman tungkol kay Gerome, ngunit para sa akin na kanyang kaibigan, nais niyang maging maayos ang pakiramdam ko. Hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman na may pinagdaraanan ako ngayon. Sa mga nakalipas na araw, napansin niya na laging malalim ang iniisip ko. May ilang beses na rin naman niya akong tinanong, ngunit pinili ko na lamang ang manahimik at sinasagot ko lamang siya ng puro kalokohan.
“Ang laswa mo talaga, Jamie, ’no?” sa wakas ay nagawa ko nang makapagsalita. “Bumalik ka na nga sa loob! Umeepal ka lang dito, eh! Susunod na lang ako mayamaya!” dugtong ko pa ritong utos.
Hindi pa man din nakasasagot si Jamie ay sumingit na agad si Gerome. Nabigla rin ako nang muli na naman akong hawakan nito sa braso.
“Jamie, bumalik ka na sa loob, pero hindi na kami babalik ni Jericho.” kalmado nitong utos sa aming katrabaho.
Pumalag-palag na naman ako na animo’y isang pasyente na nakawala mula sa Mandaluyong.
“Hoy! Kingina mo ka, Gerome! Anong sinasabi mong hindi na babal—”
“Sakay! Walang aalis hangga’t hindi tayo naaayos, Jericho!” mabilis na pagputol sa akin ni Gerome. Binuksan niya rin ang kanyang kotse at puwersahan akong pinasakay roon.
A/N
Para sa iyo ang chapter na ito,
JhayjhayJovelo
! Akala mo nakalimutan na kita, ’no? Hahahaha! Salamat sa patuloy na support! Ingat ka lagi diyan! Mwah!
Pasensiya na kung medyo late ang pag-post ko ng chapter na ito. Masyado na naman kasi ako
nawili
mag-fangirling
kay Park Jihoon, eh! (Oh,
’di
ba?
Pa-simple
mag-promote
? Hahahaha!)
Anyway, may natitira pang 2 chapters! Salamat sa patuloy na pagbabasa! Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi,
mag-iingat
kayong lahat lalo na ngayon! Hugs and kisses!
cold_deee❤️
05.11.2020
CHAPTER 11
JERICHO - POV
Matinding reklamo ang inabot ni Gerome mula sa akin. Gayunpaman, kusa ko rin naman isinusuot ang seatbelt sa aking katawan.
Ang ganitong sitwasyon na nga ang iniiwasan ko. Pilit ko man itanggi sa aking sarili, sa mga nakalipas na panahong hindi kami nagkakausap ni Gerome ay hinahanap-hanap ko rin ang presensiya nito. Sa aking bawat pag-iwas, nakakaramdam ako ng awa tuwing nakikita ang kalungkutan sa mga mata nito. Gustuhin ko man ang sumuko at bumalik sa dati naming magandang samahan, may mga oras na nangingibabaw pa rin ang pagnanais kong maituwid ang mali naming nasimulan.
“Saan mo ba ako dadalhin, kingina ka?!” galit-galitang tanong ko habang nasa loob kami ng sasakyan. Kinailangan ko nang basagin ang katahimikan. Simula kasi nang makaalis kami ng parking lot at iwan si Jamie kasama ang sinasamba niyang sausage, wala na kaming imikan.
Napangiti nang malawak si Gerome habang nakatutok pa rin sa kalsada ang mga mata.
“Pukingina, tinatanong kita! ’Wag kang pangiti-ngiti lang diyan! May nakakatawa ba sa tanong ko?!” buska ko na sa kanya. Nagsimula na naman uminit ang ulo ko dahil parang maliit na bagay lang ang nangyayari sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay muli na naman akong nababalewala.
Muli na naman natawa ang gago kaya tuluyan na akong napuno. Inangat ko na ang isa kong kamao para sana makatikim na siya ng suntok, pero naging maagap siya sa pagsagot.
“Dadalhin kita sa nanay ko. Ipapakilala kita ulit. Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, hindi ka na makakatakbo. Gusto kong marinig mo ang karugtong ng mga sinabi ko noong huli kang magpunta sa condo ko,” mahaba nitong sagot.
Natigilan ako at bahagyang naguluhan.
“S-sinong nagsabi na gusto kong makilala ulit ang nanay mo?!” nauutal kong tanong.
“Ikaw?”
“Kelan?!”
“Kanina? Nasabi mo ang dahilan, ’di ba? May witness pa nga ako, si Jamie. Nakalimutan mo na ba?” paninigurado nito.
Hindi ako nakasagot. Sa dami ng nasabi ko kanina, sinubukan kong isa-isahin ang naging senaryo. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko matandaan kung saang parte ko nasabi na gusto kong makilala ang dragonang nanay nito.
Dahil sa naiwan akong walang imik at nakatulala, pinili na lamang ni Gerome ang magpatuloy sa kanyang paliwanag. Huminga muna siya nang malalim bilang paghahanda.
“Ipapakilala ulit kita kay Mommy. Sasabihin kong hindi lang tayo basta magkatrabaho.” mas klaro na nitong sagot.
Sa pagkakataong ito, nagbago na ang ekspresyong suot ko. Mula sa inis ay napalitan ng pagtataka ito.
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong.
Sa malawak at mahabang daan nitong Edsa, lakas-loob na itinigil ni Gerome ang pagmamaneho ng kotse sa gitna mismo nitong kalsada. Hindi niya alintana kung may sisita sa aming traffic police. Hindi rin niya iniisip kung may makakabangga o may bubusinang mga motorista sa amin dahil sa sasakyan niyang hindi man lang nagawang itabi.
Unti-unti ay hinarap ako ni Gerome. Mas inilapit din nito sa akin ang kanyang sarili upang masigurong maririnig ko nang malinaw ang bawat sasabihin niya.
“Uulitin ko ang pagpapakilala sa ’yo kay Mommy. Oo, katrabaho nga kita, pero NOON ’yon. Sasabihin ko ulit sa kanya na simula nang makita kita sa opisina, lagi na kitang sinusubaybayan; Na ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko magawang pasukin ang family business namin; Na sa loob ng halos dalawang taon na hindi tayo nagkakausap, naging posible na rin ’yon sa wakas. Nagawa na rin kitang makasama at higit pa roon ang naging samahan nating dalawa. At sa pangalawang pagkakataon, hihingi ako ng basbas ni Mommy para sa pagsasama nating dalawa. Kasi, Jericho, mahal kit— ump!”
“Sandali, pukingina!!!” bigla kong pag-awat kay Gerome habang takip ng aking palad ang bibig niya. “P√ta, Par! P’wede bang dahan-dahanin mo?! Kumbaga sa virgin, kalma-kalma naman sa pagbayo!” hinihingal ko pang paninita. Sa bilis kasi ng tibok ng puso ko, halos hindi ko makayanan ang biglaang pagtatapat nito. Eh, kanina nga lang, muntik ko na nga siyang masuntok dahil nakakapikon! Tapos biglang may pa-confession na ganito ngayon?
Tumango naman si Gerome bilang pagsang-ayon. Ilang segundo rin muna ang aking pinalipas upang pakalmahin ang sarili mula sa narinig na rebelasyon. At matapos ang maikling preparasyon, doon ko na lamang din binitiwan nang unti-unti ang bibig nito.
“Game na. Ituloy mo na ang pagbayo, este, ang paliwanag mo,” sunod ko nang utos. “Gusto ko simula sa umpisa, ha? Simulan mo sa alamat! Siguraduhin mo rin na makukumbinsi mo ako! Dahil kung hindi, ipapasagasa talaga kita rito sa gitna ng Edsa!” pananakot ko pa sa kanya. Naihilamos ko pa ang aking mga palad sa mukha dahil ramdam kong nag-iinit ang aking mga pisngi. Ayaw kong mapansin niyang umeepekto na naman ang paglalandi niya sa akin.
Hindi pa rin inaalis ni Gerome ang tingin sa akin nang magpatuloy sa pagtatapat ito.
“Noong araw na ginagamitan mo ako ng pangba-blackmail dahil sa nakita mo ang pagsasariling-sikap ko, gusto kong malaman mong ako na rin ang pinakamasayang tao sa mundo. Nakita ko na kasi ang mga mangyayari — alam kong iyon na rin ang simula ng araw na kakausapin mo na rin ako sa wakas. Iyon ang magiging daan para sa communication nating dalawa,”
“O, tapos?”
“Hinayaan kitang gawin ang gusto mo kahit pa below-the-belt na ang mga banat mo. Sa totoo lang, wala naman talagang problema kung ipagkalat mong bakla ako. You can tell them anytime, Jericho. I don’t really mind. Never naman ako nag-deny kahit kanino, nagkataon lang na wala sa officemates natin ang nagtatanong. Kahit ang pamilya ko, tanggap ’yon, though, naging mahirap sa Daddy ko na tanggapin ’yon noong nabubuhay pa siya,”
“Taena, Par, wala tayo sa telenobela, ha? Baka maiyak ka?” puna ko sa kanya.
Natawa si Gerome kahit wala naman nakakatawa. Nababaliw na yata?
“Iiyak lang ako kung sasabihin mong hindi mo rin ako gusto,”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Gusto kita! Narinig mo naman kanina ang linyahan kong ‘I’m so stupid to fall in love with my workmate’ , ’di ba?!” pagtatapat ko na rin sa kanya.
Kingina. Maaga pa para bumigay ako, pero bahala na!
“P’wede bang isa pa?” nakangiti niyang request.
“Puta, bakla talaga!” singhal ko na lang. Balik-landi na talaga siya. “Ituloy mo ang pagkukuwento, pero next time mo na lang ulit i-kuwento ang alamat mo. Doon muna tayo sa current issues,”
“Alin? Sa kung kailan pa kita gusto? O, kung kailan pa kita mahal?”
Naihilamos ko na lang ang aking mga palad sa mukha. Nakakahiya man aminin, pero tumatalab talaga ang mga ganitong linyahan niya. Rumurupok talaga ako. Kahit kailan, hindi ko inisip na mararanasan ko rin ang ganitong bagay sa buhay ko. Sa mga huli ko kasing nakarelasyon, ako ang nagtatapat ng damdamin sa magugustuhan ko, pagnanasa man iyon o trip-trip lang.
“Ano na, Par?! Magpapaabot ba tayo dito sa Edsa ng umaga?! Kuwento na! Ang bagal, amp√ta!”
Aliw na aliw naman si Gerome sa nakikitang reaksyon ko. Malapit ko na isiping baliw na baliw sa akin ’to.
“Gusto na kita noon pa. Gusto kita hindi dahil trip kita. Gusto kita dahil friendly ka sa iba, maliban lang talaga sa akin,” pagpapatuloy na niya. “Mahal na kita simula pa nang makausap kita. Pero ang hindi ko masasagot, kung kailan pa ako sa ’yo nagpantasya, to the point na hindi ko mapigilang magsarili tuwing nakikita kita. Kaya kahit sa banyo ni Jamie, hindi ko noon napigilang magsarili. Remember, unti-unti mong hinuhubad ang mga damit mo noon dahil sa laro natin, right? Idagdag mo pa na kahawig mo ’yung isang guy na nasa poster ni Jamie doon sa CR,”
Kung may mas ikinagulat siguro ako sa mga naging pagtatapat ni Gerome, iyon ay ang huli nitong rebelasyon. Hindi ko lubusang maisip na ako pala ang tumatakbo sa isip niya habang ginagawa ang kababalaghang iyon.
“A-ako..?” paniniguro ko pa habang itinuturo ang sarili ko.
Ngumiti siya nang matamis at tumango.
So, kasalanan ko? Ako na walang kamalay-malay? Hindi ba parang ang unfair dahil hindi ako aware?
Hindi ko alam ang dapat sabihin. Kahit ang tingnan nang tuwid si Gerome ay naging mahirap para sa akin gawin.
“So…. are we good to go now, Jericho?” tanong na niya habang may suot na nakakalokong ngiti makalipas ang ilang sandali.
Malapit na sana akong ngumiti dahil sa lahat ng mga ipinagtapat niya, pero dahil sa tanong niyang iyon ay lubha akong nadismaya.
“Gano’n lang ’yon?! Eh, parang nangumpisal ka lang, Par! Wala ka man lang gagawing espesyal?! Sa tingin mo matatawag tayong official?!” asar na asar kong tanong.
Hindi ko mabasa ang laman ng kanyang isip nang bigla siyang mapangisi.
“Special pala, ha?” iyon lang ang kanyang nasambit, kasunod din nito ay tinanggal niya ang pagkakakabit ng kanyang seatbelt.
Naging napakabilis ng mga pangyayari. Kumilos siya nang mas malapit sa akin at hinatak ang aking batok upang ang mukha namin ay magkalapit. Namalayan ko na lamang din na sinisibasib na niya ako ng halik.
Napangiti na lamang ako sa nangyari. Hindi na ako nagreklamo pa. Kinalimutan ko na rin ang linyang ‘magpakipot muna’ . Mahirap na, baka makawala pa siya?
Dito sa gitna at mahabang kalsada ng Edsa, muli naming ipinadama ang pananabik sa isa’t isa. Pinunan namin ang mga araw na hindi kami magkasama. Lahat iyon ay idinaan namin sa pamamagitan ng mainit, mariin, at masidhing paghalik sa bawat isa. Sinamahan pa iyon ng paminsan-minsan naming paghaplos sa katawan dahil sa unti-unting nagigising na pagnanasa.
Hindi ko na alam kung ilang minuto kami sa ganoong posisyon. Naputol na lamang ang maganda na sana naming panimula nang yumanig ang mundo ko. Pakiramdam ko rin ay nakawala ang aking espirito.
“Aray ko!!! Hayup ka!!! Pakyu ka!!! Gago ka ang sakit, kingina ka!!!! Papatayin kita, Gerome Almeria!!!” malakas kong sigaw habang matindi ang aking kapit sa rebultong nasa pagitan ng mga hita ko.
Pukingina! Lahat ng mura na alam ko, isinigaw ko na dahil pinisa niya ang vetlogs ko! Ang sakit talaga!
Kahit namimilipit ako sa sakit, nagawa ko pa siyang titigan nang matalim. Inaasahan kong makikitaan siya ng kahit kaunting pagsisisi, ngunit iba ang nangyari.
Nagdidikit ang kanyang mga ngipin. Nasundan din iyon ng matindi niyang pagkagat sa labi na sinasabayan pa ng nag-aapoy niyang mga mata na nakatingin sa akin.
“F*ck! Can’t help it! Nakakagigil ka kasi!” may pagpipigil sa tono ng kanyang boses. Matapos din iyon ay mabilis siyang bumalik sa kanyang pwesto. Marahas ang ginawang pagkambyo sa kotse upang ipagpatuloy ang pagmamaneho. “Tatawagan ko na lang si Mommy. Bukas na lang kita sa kanya dadalhin. Ituloy muna natin sa condo ang unfinished business natin.”
Kingina. Ito pala ang sinasabi niyang special? May basagan ng itlog? Gusto yata akong mabaog?
A/N
Hello,
kaieex
!
Haymishu
! Hahaha! Thank you sa patuloy mong support! Ingat ka lagi! 😘
Next chapter will be the finale. Hindi man
kabonggahan
ang kuwentong ito, sana ay
napasaya
ko pa rin kayo kahit paano. Salamat ng marami, guys!
cold_deee❤️
05.12.2020
Chapter 12 - Finale
JERICHO - POV
“Apo, ’wag mo akong sigawan! Matanda lang ako pero hindi pa ako bingi! Lintik ka talagang bata ka!”
Nami-miss ko na talaga ang Lola kong ito. Miss na miss ko na ang mga sermon niya sa akin na masusundan din naman ng pagluluto niya ng paborito kong pagkain.
“Lola, hindi po kita sinisigawan. Naka-loud speaker po kasi kayo kaya malakas ang boses ko,” malambing ko namang paliwanag.
“Stalker? Kailan pa ako naging stalker?”
“Lola, speaker po! Loud speaker!” paglilinaw ko na ngayon sa mas malakas kong boses.
“Ahhh… Ganoon ba?” reaksyon naman niya na nasundan din ng malakas niyang halakhak mula sa kabilang linya. Ako tuloy ang nabingi sa kanya lalo na at gumamit pa ako ng earphones. “Teka, apo, bakit hindi kita makita? Sabi ni Jeremy makikita raw kita dito sa selpon? Aba’y wala naman! Pinaglololoko na naman yata ako ng kapatid mo!” reklamo na niya ngayon.
Napangiti na lamang ako dahil mukhang nagkamali na naman siya ng paggamit sa telepono.
“Kaya pala dilim lang ang nakikita ko sa inyo, Lola, eh! Nakadikit na naman po siguro sa tenga n’yo ang cellphone? Naka-video call po tayo kaya itapat n’yo na lang sa mukha ninyo ang cellphone,”
“Aba’y bastos ka talaga, apo! Hindi ka na nagbago! Akala mo siguro hindi ko alam ang salitang ‘dyakol’ ano?!”
“Lola, video call po! Video call! Hindi po dyakol!”
Nakakaaliw talaga si Lola. Napaka-cute pero medyo bastos!
May ilang sandali pa akong hinintay upang tuluyan ko nang masilayan sa screen ng aking cellphone ang lola ko. Gaya ng inaasahan sa mga hindi millenial, halos makita ko na ang utak ni Lola mula sa kanyang ilong. Iton ay dahil nakapwesto ang camera ng cellphone sa ilalim ng kanyang mukha.
Parang gusto ko na lang pumasok sa telepono para lang mayakap si Lola ngayong nakikita ko na siya.
“Carmelita! Milagros! Epifania! Eto na ang apo ko sa Maynila! Pumarine kayo para makita n’yong mas lalo siyang gumagwapo! Pero mas gwapo pa rin iyon bagang ikinu-kuwento ko sa inyong bago kong apo na si Gerome!” pamamalita ni Lola sa mga kaibigan niya roon sa probinsiya. Umaalingawngaw rin ang pagtawa niya. Nasa lahi talaga namin ang pagla-laptrip, kingina!
Habang naririto ako sa sala at naghihintay kay Gerome, naisipan kong tawagan si Lola dahil miss na miss ko na naman siya. Kahit pa noong isang araw ko lang sila huling nakausap ng kapatid kong si Jeremy, gusto kong makasigurado na maayos ang kanyang kalagayan, lalo na nga at wala ngayon doon sa aming bahay ang pinagkakatiwalaan kong magbabantay sa kanya. Wala rin si Jeremy dahil nasa university pa ito. Alam kong busy din iyon ngayon dahil malapit na ang kanilang finals.
“Aba’y ka-gwapo ngang lalo ng apo mo, Guada. Ka-ganda pa ng katawan,” komento ng isang kaibigan ni Lola nang makita ako sa screen ng cellphone ni Lola. “Pero ang sabi baga ng apo ko, ’pag malaki raw ang katawan, jutay naman.” dugtong pa nito.
“Fake news ’yan, Epifania,” pagkontra naman ni Manang Carmelita. “Uso na baga ang pampalaki ng ari gaya ng Titan gel ba iyon?”
Binabawi ko na ang sinabi kong hindi sila millenial. Mukhang naka-adapt na sila sa makabagong henerasyon. Kung hindi lang sila matanda, baka napamura na ako rito.
May ilang minuto pa kaming nag-usap ni Lola, o mas tama bang sabihin na ilang minuto ko lang silang pinanood habang nagpapalitan ng impormasyon tungkol sa manhood? Natigil na lamang sila nang ipaalala kong may gagawin pa silang preparasyon para sa pagnonobena nila mamaya. Iyon na rin ang naging daan para matapos na rin ang tawagan at pag-uusap namin ni Lola.
“Ang tagal naman no’n lumabas ng banyo? Inatake na yata sa puso dahil patay na patay sa alindog ko?” bulong ko sa sarili habang nakaupo rito sa sofa ni Gerome. Tapos na akong maligo at nakapagbihis na rin ako. Hinihintay ko na lamang siya ngayon upang makaalis na kaming dalawa para naman madalaw ang kanyang ina.
Ang nakatakda sanang pagdalaw namin sa ina ni Gerome ay hindi natuloy noong nakaraang linggo. Noong gabi kasi na kami ay nagkaayos, hindi rin natuloy kinabukasan ang pagpunta namin doon. Sa nakalipas na mga araw, katakot-takot na argumento at pakikipag-areglo pa ang aming hinarap mula sa traffic enforcers. Dahil nga sa pagtigil ng sinasakyan namin ni Gerome sa gitna ng Edsa, hindi iyon nakaligtas mula MMDA. Nakumpiska nga ang lisensiya ni Gerome at kinailangan pa naming magpabalik-balik ng ilang araw sa headquarters nito upang kami ay imbestigahan at pangaralan. Idagdag pa rito na marami rin kaming tinapos na trabaho.
Ngayong maayos na ang lahat at araw naman ng Sabado, ngayon din namin napagdesisyunan ang pakikipagkita sa ina ni Gerome upang muli niya akong ipakilala. Napag-usapan na rin namin na sa susunod linggo ay pupunta naman kami sa aking probinsiya para personal din na ipakilala siya sa aking kapatid at Lola.
Marami pa akong natuklasan kay Gerome sa mga nakalipas na araw. Bukod sa marami siyang alam na posisyon pagdating sa kama, nalaman kong malaki rin pala ang ari-arian niya. Literal na ari-arian at hindi lang ang ari niya sa kanyang harapan. Ang ibig sabihin ay mapera talaga siya dahil malaki ang business ng kanyang pamilya.
May sari-sari silang negosyo, ngunit ang pinakamalaki ay ang ilang franchise nila ng kilalang gasolinahan. Tanging ang kanyang ina ang namamahala ng mga iyon katulong ang dalawa niya pang kapatid na lalake’t babae. Hiwalay ang kanilang mga magulang dahil hindi nagkasundo sa business. Hindi naman lingid sa kaalaman nina Gerome na nagpakasal lang noon ang kanilang mga magulang dahil sa napilit lamang ng mga magulang din nito, o mas tamang tawagin na lolo at lola nina Gerome.
Kung bakit naman mas pinili ni Gerome ang pumasok sa aming kompanya, iyon ay dahil ayaw niyang pasukin ang kanilang mga negosyo kung wala pa siyang napapatunayan. Nais niyang magsimula mula sa pinakamababa. Ayaw niyang isipin ng kanilang mga business partners na dahil sa anak siya ng may-ari kaya magiging mataas ang posisyon niya. Paraan na rin daw iyon para malaman niya ang pakiramdam ng mga empleyadong nasa mababang posisyon.
Hindi ko tuloy maiwasan na lalong humanga dahil sa mga nalaman kong iyon. Nakaramdam din ako ng hiya dahil sa pag-alala kung gaano ako kadesperado na makaangat ng posisyon noon. Alam iyon ni Gerome at humingi naman ako sa kanya ng kapatawaran. Nagawa ko pa nga ang lumuhod ngunit sa masarap nga lamang na paraan. Napanatag na lamang ako dahil nalaman kong kaya lamang din pala siya tumagal sa aming trabaho ay sa kadahilanang nakilala niya ako.
Ehem! The power of my alindog.
“Pukingina! Ang tagal talaga!” bulong ko nang reklamo at umahon na rin mula sa aking pagkakaupo.
Dahil na nga rin sa pagkainip, hindi ko na napigilan na sadyain si Gerome sa banyo. Balak ko itong katukin at pagbantaang pupunta na lamang ako sa malapit na bar para mag-inom kahit tanghaling tapat ngayon kung hindi pa siya lalabas doon.
Sa aking bawat paghakbang patungo sa CR na nasa kwarto ni Gerome, animo’y unti-unti rin akong nagkaroon ng pagbabalik tanaw. Tila ba may pangyayaring nauulit na naman mula sa aking nakaraan.
“Hhnngghhh…. A-aahhhh… Sht! Fck!”
Palapit na ako nang palapit. Lalo rin lumilinaw sa aking pandinig ang tunog ng mga paghalinghing.
“De ja vu?” bulong ko sa sarili nang maidikit ko ang aking tainga sa pintuan ng banyo.
“A-aaahhhh… S-sige pa…” muli ko pang narinig na pag-ungol.
Ilang segundo pa akong nakikinig at nakiramdam lamang. At nang marinig ko ang mga salitang ‘Oh, sh*t! Malapit na!’ ay doon lamang din nagising ang aking sistema.
“Anong ginagawa mo?!” agad kong tanong matapos buksan ang pintuan ng banyo. Nakatitig na rin ako sa taong ngayon ay hubad ang katawan at hawak ang kanyang matayog na armas.
Nasaksihan ko kung paano nataranta si Gerome at tinalikuran ang aking pwesto.
“Kinuhanan mo na naman ba ako ng video?!” agad niyang tanong at bakas ang labis na hiya rito. “De ja vu…” bulong niya rin nang mapag-isip-isip ang naging senaryo. Iyon din ang naging dahilan para magpakawala ako ng tawa dahil nasabi ko rin iyon kanina.
“Balak ko sana i-video ka, pero tinatamad ako,” sagot ko lamang sa kanya.
Hindi pa rin ako magawang lingunin ni Gerome. Nanatili itong nakatalikod sa aking pwesto habang ang buo niyang katawan ay puro pa bula dahil sa sabon.
“Sh*t!” singhal nito makalipas ang ilan pang sandali. Halata sa kanyang boses ang pagkadismaya dahil hindi niya narating ang langit. “Gusto ko sana maka-score sa ’yo, kaso baka isipin mo na naman na puro sex lang ang habol ko sa ’yo.”
Tama nga ako, dismayado siya. Sa mga nagdaang araw din kasi na kami ay magkasama, may mga pagkakataon na tumatanggi ako. Hindi naman sa nagpapakipot o nagpapa-importante ako, talagang kailangan ko lang ipahinga kahit minsan ang aking wetpaks dahil kumikirot. King size naman kasi talaga ang kay Gerome.
“Lalabas na ako. Pahuhupain ko lang itong junior ko,” utos ni Gerome sa akin dahil nanatili lamang akong nasa pintuan nitong banyo.
Natawa na naman ako dahil sa sinabi niyang iyon.
“Ayaw ko nga,” may kalandiang pagkontra ko sa kanya.
Kahit paano ay nakikila ko na rin si Gerome. Alam ko na ngayon kung paano siya mapapasaya at kung paano siya sa akin mapipikon. At dahil sa ginawa kong pakikipagtalo, alam kong nakaramdam siya ng inis dahil ang tingin niya ay pinagkakatuwaan ko na naman siya ngayon.
“Labas na! Paano ito huhupa kung nakikita ka niya?!” hindi na niya napigilan na bahagyang mapasigaw.
“Huhupa rin ’yan,” sagot ko naman sa kanya. Kasunod nito ay humakbang ako nang dahan-dahan patungo sa kanyang tapat at lumuhod. “Tulungan na kita?” alok ko at hinawakan upang himasin ang nakasaludong si Junior.
** THE END ***
A/N
Salamat sa paghihintay at sa pagbabasa ng kuwentong ito! Special thanks din sa mga
hiniraman
ko ng pangalan tulad nina Gerome, Jericho at Jamie!
Mag-iingat
kayo lagi! Magkita-kita tayo sa susunod na iba pang kuwento!
Maraming
salamat sa inyo!
cold_deee❤️
05.16.2020

