Chess Pieces #4: Lucius D'Angelo
HiroYuu101 · 23 chapters · 42,045 words
Aius
EL Ordre is an organization that was built to help the government. They were the ones who did dangerous and illegal works for them. The government didn’t have any clue who the members are. At dahil gumagawa ng mga bagay na labag sa batas, kahit na tumutulong ay ipinapahuli pa din nila.
Pero mahirap mahuli ang mga myembro. Kahit isa ay wala pang nadadakip sa kanila. The members were trained to develop their skills and strength. Para lang silang nanghuhuli sa hangin.
But little did they know, the EL Ordre wasn’t good at all. May laro silang sinimulan na ang mga myembro sa loob ng organisasyon ang mga manlalaro.
It was called the “Bloody Human Chess Game”.
Their opponent is called The Red Faction. Just like the EL Ordre, they’re an organization with members who were also trained to develop their skills and strength. Pero simula pa noon ay magkalaban na talaga ang dalawang organisasyon.
Bloody game dahil paniguradong dadanak ng dugo sa paglalaro. The members will act as the chess pieces. They have to use their guns and brain to survive.
The game will only end if one has killed the opponent’s King and say “Checkmate”.
Prologue
Lucius
I was staring outside my office’s window, hands inside the pockets of my pants, when I heard a knock on the door. I didn’t bother to turn around even when I heard the familiar footsteps of my secretary.
“Sir, they will proceed on demolishing the house today. They are just waiting for your go signal.”
Dinig ko ang pag-iingat sa boses nya. He was weighing and choosing the right words carefully. Maybe he thinks that I’m a fragile glass that will shatter if he use the wrong words.
I laughed silently. Fuck it. Even my secretary thinks that I’m weak, huh?
“Sir?” untag sa akin ng secretary ko.
I took a deep breath. I stared at the two-storey house that was only made of woods. It was on the slum and the only house with two floors. Kaya kitang-kita iyon mula dito.
The house where it all started. The house that I never thought will be the reason of my happiness and heartache. The house that doesn’t have an owner anymore.
Nagsimulang manikip ang dibdib ko kaya kinailangan ko ulit huminga ng malalim. I had a hardtime looking away from the house before I turned around and looked at my secretary.
“Proceed. Tell them to do it quickly.” I said and sat down at my swivel chair.
I opened my laptop and read the emails and replied to all of them. Ilang email na ang nababasa ko pero napansin kong nakatayo pa rin ang secretary ko sa harapan ko. I looked at him.
“Yes?”
He looked like he’s thinking if he will say it to me or not. His mouth opened then he will close it again. Ilang beses nyang ginawa iyon bago itinigil. He must’ve realized that he looked like an idiot. Or a fish gasping for an air.
Then he sighed. “Are you sure about this, Sir?” he asked.
Natigilan ako. Honestly? I don’t know. My heart is pounding achingly kapag naiisip ko na gigibain ang bahay na iyon. But I’m in deep hurt everytime when I saw that house.
Angela… Help me choose. I don’t know what to do anymore. I feel so lost now that you’re gone.
“I…” I started saying. Baka kapag nagsalita ako nang hindi pinag-iisipan ang sasabihin ay may maisagot ako. Pero wala. I can’t find the right words to say.
My secretary noticed my uncertainty. He smiled gently at me.
“We can find another way, Sir. If you don’t want that house to get demolished.”
I closed my eyes to think straight. Pero sa pagpikit ng mga mata ko ay mukha nya ang nakikita ko. I remember the moments when we were still together. I remember her smile, her warmth and the sound of her voice.
“I love you…”
Fuck it! Damn! Alam kong kapag dumilat ako ay may luhang tutulo sa mga mata ko. I feel so fucking weak. Pumikit lang ako saglit pero nasasaktan na ako.
If only I wasn’t weak, if only I was strong enough to save her, if only we haven’t met, if only I didn’t love her.
Then maybe she will still be here in this world. Alive and happy. Kahit na hindi kami magkakakilala. Kahit na hindi nya ako mahal. It will be okay. As long as she’s safe and alive.
Fuck, what should I do? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. This pain and loneliness is fucking killing me, devoiding my existence.
“I’ll leave you alone for now, Sir. Just call me if you need anything.” dinig kong sabi ng secretary ko pero hindi ako nagdilat ng mga mata. Kahit na narinig ko ang pagsara ng pinto ng office ko.
I leaned on the backrest of my chair and took a deep breath. Pero sa bawat paghinga ko ay may sakit pa rin akong nararamdaman. Fucking shit. Kailan ba matatapos ang sakit na ’to? Will this stay with me for the rest of my life? Will this stay with me as long as my heart beats?
Maybe this pain will subside if I stopped loving her. If I try to forget about her. Pero ayoko. She’s my salvation but also my downfall. She completes me but could also destruct me. And now I’m lost.
“Lester! Lester! Huy! Gising na!”
I felt someone shook my body to wake me up. I groaned but didn’t try to make any move. Ayaw dumilat ng mga mata ko. Kahit ang katawan ko ay ayaw gumalaw.
Fuck. I am so tired.
“Lester! Umaga na! Mali-late ka na, aba!”
Muli akong niyugyog ng kung sino man ang gumigising sa akin. I groaned and reached for the pillow. Itinaklob ko iyon sa ulo ko.
“Ano ba, Lester? Gumising ka na. Sabay na tayong kumain ng almusal.”
“I’m not Lester.” I’m Lucius. Bakit ba Lester nang Lester ang taong ’to?
I went still when I remembered who’s the only person who calls me by that name. Nawala kaagad ang antok ko at napalitan ng excitement. Then someone removed the pillow of my head. I smelled her fresh morning scent bago ko idinilat ang mga mata ko.
“Sa wakas! Gising na din ang mahal na hari!” she exclaimed. Naiinis pero nakangiti naman.
Ah… What a very nice view in the morning.
“Good morning…” I whispered before I pulled her on top of me. Natatawa nyang pinigilan ang katawan nya sa pagbagsak sa akin.
“Lester, ano ba? Mag-almusal na tayo.” she said with all smiles.
Damn it. Gaganahan akong gumising sa umaga kapag ganitong kaganda ang nakikita ko.
“Good morning kiss ko muna.” I said and pouted my lips. Ngumisi sya bago natawa.
“Eew, ayoko nga. Hindi ka pa nagto-toothbrush.”
Nanghilakbot ako. Nabitiwan ko tuloy sya kaya nakalayo sya sa akin at tumayo sa gilid ng kama. Napaupo ako at inamoy ang hininga ko.
“I don’t have a bad breath!” I said with a horrified expression. Malakas syang tumawa na humawak pa sa tyan nya.
“You should’ve seen your face!”
I stared at her face. Fuck, she’s really beautiful. Especially now that she’s laughing freely. Pakiramdam ko ay walang problema sa mundo. Nawala din ang bigat at pagod na nararamdaman ng katawan ko dahil sa pagtawa nya.
“Ang panget mo, Lester!”
Nawala ang mga ngiti ko. I glared at her but she just laughed even more. I am not really offended. I know my charms. But she’s being playful kaya sasakyan ko na lang.
“What did you say?” I asked her while squinting my eyes.
“Ang gwapo mo pala.” nakangiwing sabi nya nang marinig ang panganib sa boses ko.
“That’s not what I heard earlier.”
“Iyon kaya ang sinabi ko!” giit nya. “Clean your ears, Lester. Nabibibingi ka na yata.”
“I am deeply offended, Angela.” I said. Tumayo ako paalis sa kama. Napaatras sya nang humakbang ako palapit sa kanya. “First, you said that I have a bad breath. Second, you said that I’m ugly. And now you’re accusing me that I don’t clean my ears?”
“Wala akong sinabing may bad breath ka.” natataranta nyang sabi habang umaatras. I smirked.
“But that’s what you’re implying, love.”
“’Wag kang lalapit.” she tried to stop me. “Dyan ka lang! Lester!”
Napatili sya nang tumakbo ako palapit sa kanya. But she’s too fast! Mabilis syang nakatakbo palabas ng kwarto kaya hinabol ko din sya doon.
Her laughter boomed all over the house. Hindi ko maiwasan ang mahawa sa mga tawa nya. Napangiti ako habang sinusubukang habulin sya.
Damn, I hope every morning will be like this.
I cornered her at the kitchen. Wala syang naging kawala nang ipitin ko ang katawan nya between the counter top and my body. Pareho kaming hinahingal but there’s a smile on our face.
I stared at her face lovingly. Her long black and silky hair that reached her waist is so soft. I couldn’t get enough of the feeling of my fingers tangled on the strands of her hair. Her brows is perfectly shape. Hindi pang mataray ang dating sa mukha nya. Mas lalo pa iyon nagpaamo sa kanya.
Her brown eyes were the most tantalizing eyes I’ve ever seen. Parang hinihigop ng mga mata nya ang pagkatao ko. And her pointed and perfect nose. God, she’s so beautiful. And those pink lips that looked appetizing for me.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I crouched down and planted a kiss on her soft lips. I felt her smile as my lips move against her.
Umangat ang mga kamay nya paikot sa leeg ko. She pulled me close to her body. I felt her soft breast against my chest. Fuck… Baka hindi ako makapagpigil ngayon.
So I stopped kissing her pero hindi ko inilayo ang sarili ko sa kanya. Pinagdikit ko ang mga noo namin. My eyes were still closed to I can feel her warmth. My hands were on her waist.
“I love you…” she whispered. Napangiti ako.
“I love you too.”
I opened my eyes so that I could stare at her brown orbs. Pero sa pagdilat ng mga mata ko ay wala na sya sa harapan ko. Nakaangat pa sa ere ang mga kamay ko na nasa bewang nya kanina.
I frowned. What’s happening? I looked around but Angela is gone.
My heart started to beat rapidly. Lumabas ako sa kusina para hanapin sya. Damn it! Where is she? Where is my Angela?!
“Lester…”
I heard her soft voice at kaagad akong kumalma. Lumingon ako sa kung nasaan sya. I saw her walking slowly towards me.
But something is off. I could tell that while looking at her face. She wasn’t smiling like she used to do whenever she sees me. May mga butil ng pawis ang namumuo sa noo nya. Her eyes were bloodshot.
“What…”
Nakalapit na sya sa akin bago sya nabuwal sa pagkakatayo. I hugged her to her give support but I felt a warm and thick liquid at her back. I looked down and my world almost stopped when I saw a knife stabbed on her back. Ang mainit nyang dugo ay tumutulo pababa sa katawan nya.
Naramdaman ko ang paghihirap nyang idikit ang bibig sa tenga ko. She whispered those words. The words that brought salvation to me before but now, it brought destruction for the rest of my life.
“I love you…”
I jolted and sat on the bed while gasping for an air. Pawis na pawis ako kahit na naka-full ang aircon sa kwarto ko. My chest was heaving up and down as I remembered my dream.
Fuck. I had a nightmare. Again. Gabi-gabi akong dinadalaw ng panaginip na ’to. It was always the happy memory of us at first pero magiging ganoon sa dulo.
I felt a warm liquid flowed down from my eyes. I didn’t notice that I am crying ever since I woke up. Ang pag-iyak ay nauwi sa impit na paghagulgol at sa kagustuhan na magwala.
Angela… My angel. How am I supposed to live normally without you? How am I supposed to go back with my life knowing that you’re gone?
Fuck! I’m sorry. I’m sorry, love. I couldn’t save you. I’m sorry that I am so weak and couldn’t save you. I brought you to your death. You died because of me.
You died because I’m weak. Because I am so fucking weak.
Chapter 1
Some scenes are inspired from the movie “Ghadjini”
Angela
“Ang kapal ng mukha mo! Walangya kang lalaki ka! Lumayas ka dito! Layas!”
Inaantok pa ako nang idilat ko ang mga mata ko. Ano ba ’yun? Bakit ang ingay? Sa pagkakaalam ko hindi ganyan ang tunog ng alarm clock ko. Kanta ’yun ng favorite band ko, eh. Hindi ’yung boses ng isang babae na naninigaw at parang nagwawala.
“Hayop ka! Palamunin ka na nga pero wala ka pang ibang alam kung hindi ang mambabae!”
Nag-inat ako. Tama ako. Hindi nga galing sa alarm clock ko ang ingay. Galing iyon sa labas na naman. At dahil gising na ako, nakilala ko kung kaninong boses iyon.
“Sorry na, Delia. Wala lang ang babaeng iyon. Alam mo naman sayo pa rin ako uuwi. Patawarin mo na ako.”
Natawa ako bago naghikab. Para akong nakikinig ng drama sa radyo.
“Patawarin? Gusto mong patawarin kita?” napanguso ako. Aling Delia, huwag kang marupok. “Kung gusto mong patawarin kita, halika dito. Halika dito at puputulin ko ’yang bayag mo para hindi na nangangati!”
Napabalikwas ako ng bangon dahil nakarinig ako ng tilian. Binuksan ko ang bintana at nakita ko kaagad ang pangyayari sa baba. Hayun si Aling Delia. Pilit na hinuhubaran ng shorts ang asawa nyang sa hula ko ay nahuli na naman nyang may ibang babaeng kinakama. Tapos ’yung mga kapitbahay namin ay animo’y nanonood ng live na pelikula. Ang daming taong nakapalibot sa dalawa pero hindi naman pumipigil at nakikinood lang.
“Delia, huwag! Hindi mo na matitikman ’yan kapag pinutol mo!”
Ngumiwi ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Mang Totoy o seryoso, eh. Mas lalo tuloy nagalit si Aling Delia.
“Aba’t walangya ka talagang lalaki ka! Anong pakialam ko sa titi mong maliit?!” mabilis na pumasok si Aling Delia sa bahay nila. Nang lumabas ay pinaghahagis ang mga hawak nyang damit kay Mang Totoy. “Lumayas ka na! Doon ka na sa babae mo! Hindi na kita kailangan dito!”
“Huwag naman ganito, Delia. Mag-usap naman tayo. Paano ang mga anak natin?” si Mang Totoy na halos maglumuhod na.
“Mag-usap?! Ilang beses na ba tayong nag-usap tungkol sa bagay na ’to?! Pero inuulit mo pa rin! Ako na ang bahala sa mga anak ko tutal palamunin ka lang naman dito sa bahay! Ang kapal ng mukha mong mambabae gayong nagpapakahirap ako sa pagtatrabaho para may pangkain sa inyo!”
“Sorry na! Sorry na talaga! Magtatrabaho na ako. Huwag mo naman akong palayasin!”
“Lumayas ka na! Kapag nakita ko pa ’yang pagmumukha mo, ipapakulong ko kayo ng kabit mo!”
Napabuntong-hininga na lang ako nang madinig ko ang sakit sa boses ni Aling Delia. Umalis ako sa bintana at nagpunta ng banyo para maligo na lang. May pasok pa nga pala ako sa trabaho.
This is my usual morning everyday. Kung hindi sa alarm clock ng cellphone ko ay sa malalakas na boses ng kapitbahay ako nagigising. Madalas ay kay Aling Delia. Palagi nya kasing nahuhuli ang asawa nya na may ibang babaeng inuuwi at sa bahay pa nila kapag nasa trabaho sya. Night shift kasi na janitress si Aling Delia kaya malaya si Mang Totoy tuwing gabi.
Kung hindi ang boses nya ay ang boses ng mga bata ang nakakapagpagising sa sakin. Ang hirap pa naman dahil mabilis akong magising. Konting maingayan lang ang mga tenga ko kapag natutulog ako ay dumidilat na ang mga mata ko. Ilang beses ko nang ginustong lumipat pero hindi ko naman maiwan itong bahay na pamana pa daw ng lola namin sa talampakan sabi ni Mama.
Ang mahirap lang, nakapwesto itong bahay sa… maraming tao na lugar. ’Yung mga kapitbahay ko, pare-parehong walang sarili nilang mga lupa at illegal na nagtayo ng mga bahay dito. Ilang beses na kaming sinabihan na hindi dapat tayuan ng bahay ang lugar na ’to dahil may nagmamay-ari ng lupa pero syempre, ’di kami pumayag. Ang sabi ni Mama ay pamana daw ’tong bahay, eh. Ibig sabihin ay sa amin ito.
Pero bakit walang titulo?
Ah, basta! Isa ako sa mga magra-rally kapag may demolition team na naman ang nagpunta dito!
Naghahanda na ako ng pagkain ko para may lakas ako kapag nagtrabaho ako, nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng bahay ko. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Aling Delia na namumugto ang mga mata.
“Aling Delia? Bakit po?” tanong ko. Suminghot sya at nahihiyang ngumiti sa akin.
“Pasensya ka na, Angela. Ayoko sanang gawin ’to pero walang-wala na kasi talaga ako. ’Yung demonyo kong asawa ay tinangay pa ang ipon ko.”
Nahabag naman ako sa kanya. Alam ko kung gaano kasipag si Aling Delia. Kahit na ganoon ang asawa nya ay hindi sya napagod sa pagtatrabaho para sa lima nilang anak. Gagawin ko nang anim dahil hindi naman nagtatrabaho ang asawa nya at nasa bahay lang.
“Ano po ’yon?” tanong ko. Kahit na alam ko na naman ang pinunta nya dito pero gusto ko sa kanya manggaling kung anong sadya nya sa akin.
“Pwede bang makahiram muna kahit isang-daan lang? O kahit singkwenta pesos ayos na. Wala kasing makakain ang mga bata ngayon.” nahihiya nyang sabi sa akin at parang gusto pang lumubog sa kinatatayuan.
“Sandali lang po.” sabi ko at umakyat sa hagdan para kunin ang pitaka ko.
Ngayon lang nangutang ng pera sa akin si Aling Delia pero meron ding iba pang nangungutang sa akin. Dahil kasi sa dalawang palapag ang bahay ko pero gawa lang sa kahoy na parang inaanay na nga, ang tingin nila sa akin ay mayaman. Pero pinamana nga lang sa akin ito ni Mama kahit na walang titulo.
“Ito ho.” sabi ko at inabot kay Aling Delia ang five hundred pesos. “Bayaran nyo na lang po kapag nakaluwag-luwag kayo.”
“Naku!” halos ayaw hawakan ni Aling Delia ang perang inaabot ko. “Kahit singkwenta pesos lang, Angela! Pang-kain lang ng anak ko ngayon. Ang laki nito.”
“Ayos lang, Aling Delia. May pera pa naman po ako. Tsaka utang naman po ’yan. Bayaran nyo po kapag kaya nyo na.”
Napaiyak si Aling Delia nang hawakan ang kamay kong may hawak na pera. Parang doon sya nakakuha ng pag-asa. Ang higpit ng kapit nya sa kamay ko habang umiiyak.
Napaiyak din tuloy ako! Mabilis akong maapektuhan kapag ganito, eh!
“Maraming-maraming salamat, Angela. Bagay na bagay sayo ang pangalan mo. Napakabait mong bata at masipag pa. Hulog ka ng langit.”
“Si Aling Delia naman…” nahihiya kong bulong.
“Hayaan mo. Kapag nakasahod na ako, babayaran ko ito.”
Isinarado ko ang pinto nang makaalis na si Aling Delia. Napatingin ako sa laman ng wallet ko. Five hundred pesos na lang ang nandoon at dapat kong pagkasyahin sa isang linggo para sa pamasahe at pagkain ko bago ako makasahod ulit.
Hayaan na. Kaya ko naman magtipid. Kaysa naman magutom ’yung mga bata. Kawawa naman. Nagkaroon ng iresponsableng ama.
Wala sa sariling napatingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang late na ako!
Patay na naman ako kay boss nito!
Feeling ko ay naging si The Flash ako para tapusin ang dapat na tapusin bago umalis ng bahay. Ginusto ko na lang na lumipad para makarating agad sa trabaho ko. Buti na lang hindi masyadong traffic at hindi punuan ang jeep! Thirty minutes ang late ko at haggard na ako pagdating sa studio.
“Late na naman!” bungad sa akin ng boss kong namumuti na ang buhok. Napangiwi ako at tumigil sa harapan nya.
“Sir, si Aling Delia kasi, nag-away sila ng asawa nya. Pinalayas nya tapos nangutang sya sa akin. Nagkadramahan kami—’
“Sige na, sige na! Puntahan mo na si Maricel doon sa makeup room!”
“Yes, Sir!”
Nakita ko ang mga kaibigan ko sa trabaho na natatawang pinapanood akong mataranta. Kinindatan ko sila bago pumunta sa makeup room. Naabutan ko si Maricel na nakaupo sa harapan ng salamin.
“Kanina pa kita hinihintay!” sabi nya at tumayo bago tumalikod sa akin. “Paki-zipper naman. Hindi ko kasi maabot.”
Ginawa ko ang sinabi nya. Izi-zipper lang, eh. Hinintay nya pa talaga ako para dito?
“Tsaka pakitiklop ang mga ’yan. Pakidala din ang bag ko. Lalabas na ako.”
Nalukot ko ang ilong ko nang makita ang pinapatiklop nya. Kabundok na mga damit iyon! Parang sinuot nya ang lahat ng mga nasa wardrobe dahil hindi makakita ng babagay na damit para sa kanya.
“Hindi kasi sya maganda at sexy kaya hirap pumili ng damit.” sabi ni Nina na kasama si Lara. Nakapasok na pala sila sa loob ng makeup room. Nakita nya siguro ang nangyari kanina. Makikita naman kasi mula sa labas ang nangyayari sa loob. Hindi nga lang maririnig dahil soundproof ito. Pero dahil kilala na nila si Maricel, alam na siguro nila ang mga inutos sa akin ng babae.
“Korek! Katol lang naman ang imo-model nya. Kung makaasta akala mo kung sinong sikat na model ng Victoria Secret!”
Nagtatrabaho kasi kami sa isang maliit na advertising company. ’Yung mga hindi kilala at hindi sikat na brand ang product namin. Kaya hindi din ganoong kataas ang sweldo dahil maliit na kumpanya lang.
Tumawa ako sa sinabi ni Lara at tinuloy ang pagtitiklop. Tinulungan naman nila ako. “Hayaan nyo na sya. Doon sya masaya, eh.”
“Mas maganda ka naman sa kanya, no?”
“Mas mukhang sya pa nga ang P.A. mo.”
Ngumuso ako, tumingin sa kanila at ngumiti. “Agree ako dyan.” sabi ko at nagkatawanan kami pero natigil nang bumukas ang pinto sa makeup room at sumungaw ang ulo ni Maricel na mukhang naiinip na.
“Bilisan mo, Angela. Pakipaypayan ako at nalulusaw ang makeup ko.”
Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko nang umalis sya. Nagkibit-balikat ako bago kami nagkatawanan.
This story will be a flashback sa mga nangyari before the swapping of Loki and Lucius’ chess pieces.
Chapter 2
Lucius
“Sir, we already made a list of the media that we will accommodate in this launching. They already know the protocol so rest assured that no pictures of you will be taken.”
I nodded at my secretary. “Thanks, Glen.”
He helped me put on my coat and fixed my crook tie before we left the office. And while on the way to the hotel where the launching will be held, he keeps on updating me about everything that I need to know.
“The hotel already confirmed that Mr. Sy and Mr. Osco have arrived. As well as Mrs. Lim.” he said as he go through the list of the guests. Nasa passenger’s seat sya, katabi ng driver. While I’m alone in the backseat.
“How about Helios Gallagher?” I asked.
“He arrived at the hotel five minutes ago with his fiancee, Miss Carmilla Johnson.”
I smirked. I’m gonna see that fucker again.
I own the D’Angelo hotels and corporation, a hotel chain company that has already fifty-six hotels located at different areas in the country. I am targeting to build a hotel internationally if this new one will be successful.
Next week will be the opening of the new hotel located at Cebu and I am giving my speech at the main hotel here in Manila about it. I honestly hate this kind of thing. Going on public, speaking in front of the investors, shareholders and business partners. I know that some time in my life, I need to do this. Pero kung maiiwasan ay gagawin ko.
I wanted to keep a low profile that’s why no pictures of me has been posted on the internet. They only knew my name. Lucius D’Angelo, the son of one of the business tycoon, Lucas D’Angelo.
Kahit anong gawin ko, nakasunod ang pangalan ko sa ama ko. Everytime that my name is mentioned, ang kasunod na noon ay ang pangalan ni Dad. And that’s how I made the decision to build my own company para makagawa ng sarili kong pangalan. Hence, the birth of D’Angelo hotels and corporation.
“How about my Dad?” I asked my secretary.
Ilang sandali syang natigilan. And that’s when I knew what his answer is gonna be. Glen is a very efficient secretary. He can answer my every questions quickly. Kaya ngayong natigilan sya, alam ko na ang isasagot nya.
“Nevermind.” I said and looked outside the window.
“We still have time before the start of the event, Sir.” Glen said but I remained silent. I knew my father. He was never late. Palagi syang maaga kapag importante ang pupuntahan nya. It’s either he’s early or he won’t attend at all.
Apparently, he must’ve thought that my event is just a waste of his time.
The car stopped because of the crossing pedestrians. There is no traffic lights so the vehicles must give way to them. Pero may ilan din talagang mga pasaway at nakikipag-patintero sa mga tao even though they’re at the pedestrian lane.
I sighed. What a bunch of fucktards.
My eyebrows creased when the car behind us honked it’s horn. Inis akong napalingon sa likod pero napansin ko na gumagalaw na pala ang mga sasakyan sa kabilang lane. Maybe that’s why the driver of the car behind us became impatient.
“What happened?” I asked my driver. Sa amin na lang kasi ang hindi gumagalaw.
“May tumatawid pong matanda, Sir.” my driver answered me.
Doon ko nakita ang matandang lalaki na mabagal sa paglalakad habang tumatawid. He was holding a cane to support his weight dahil mukhang hindi na kinakaya ng mga tuhod.
I frowned. Doesn’t he have anyone to accompany him?
Mula sa sidewalk, I saw a woman ran up to him and helped him from walking. Base sa mukha ng matanda, who looked so grateful and thankful while talking to the woman, I can say that he doesn’t know her.
I can read expressions and emotions clearly.
She just helped him out of kindness. Samantalang ang iba, nilalagpasan lang ang matanda.
My driver honked the car’s horn which surprised me. Pipigilan ko na sana sya sa pagbusina nang mapatingin sa direksyon namin ang babae. And that surprised me even more.
She looked like an angel, holy shit! Napakaamo ng mukha nya na parang hindi marunong magalit kahit pa magkasalubong na ang mga kilay nya at inis na nakatingin sa kotse ko. I’m sure that she can’t see anything inside. The car is heavily tinted kaya malaya akong titigan sya.
She has a petite body. She’s only wearing a simple shirt and a pants but it failed to hide her curves, especially her small waist. She has a very long black and straight hair that flows down to her waist. I have the urge to tangle my fingers to her silky hair. I bet that it will be a good feeling.
Dahil sa paninitig ko sa kanya ay hindi ko namalayan na naitawid na nya ang matanda sa kabilang bahagi ng kalsada. But she didn’t stop there. Mas nagulat pa ulit ako nang pumunta sya sa side ng driver ko at kinatok ang bintana doon.
Woah… How much will she surprise me today?
With uncertainty, the driver rolled down the window on his side. Mas lalo kong napagmasdan ang itsura ng babae ngayong malinaw na ang mukha at malapit pa.
Woah… Her brown tantalizing eyes caught my breath. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at parang bumagal yata sa pag-ikot ang mundo ko. I gulped.
What the fuck is happening?
Kinakabahan ba ako ngayon dahil magsasalita ako sa harap ng maraming tao mamaya? But I am not like that. I don’t have social anxiety. I just don’t what to mingle in a crowd. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito dahil lang haharap ako sa maraming tao.
The fuck, fucker. Calm down.
“Kuya, nagmamadali ho ba kayo?”
My heart beats faster and faster that I had to punch my own chest to stop my anxiety. Fuck… Her voice. Her voice is so soft. Malumanay iyon at kahit halata ang inis ay masarap pa din sa pandinig.
Fucker, am I being like this because of her? Because of a complete stranger?
“Hindi naman, Ma’am.” my driver answered, while scratching the back of his neck.
“Hindi naman ho pala. Bakit nyo po kami binusinahan kanina? Hindi nyo po ba nakita na may tumatawid na matanda?”
Muling bumusina ang kotse na kasunod namin. The woman looked at that car. It dawned on her that she’s causing a traffic. Tumingin ulit sya sa driver ko.
“Next time, Kuya. Hintayin nyo pong makatawid ang mga tao at huwag nyong businahan. Makakatawid naman sila at makakarating naman kayo sa pupuntahan nyo kahit hindi na kayo bumisina. Kawawa naman kasi ’yung matanda. Hirap na nga pong maglakad, bubusinahan nyo pa.” mahabang lintanya ng babae sa driver ko. A smiled escaped from my lips.
She looked like an angel but she’s actually a tigress.
“Pasensya na po kayo, Ma’am.”
The woman smiled. Napatulala ako sa kanya. Parang lumiwanag yata ang paligid nang ngumiti sya?
Fuck… I should see an eye doctor. Or I should schedule a checkup for my heart. Something is definitely wrong with me.
“Sige po, Kuya. Mag-iingat po kayo.”
I wished for her to look at my direction. I am the owner of this car. Ako dapat ang kinakausap nya at hindi ang driver ko. I silently wished that she will notice me. That her brown eyes that made my heart thump crazily would look at me.
But she never did.
Nakaramdam ako ng panghihinayang nang tumawid sya papunta doon sa matanda. There is something inside me that wanted to rebel dahil hindi nya ako pinansin.
I am not like this. I wanted to keep a low profile. But why do I want her to notice me?
Umandar na ulit ang sasakyan at wala na akong nagawa kung hindi ang tignan na lang ang babae na nakangiting nakikipag-usap sa matandang tinulungan nya. I sighed when she’s finally out of my sight.
“Pasensya na kayo, Sir. Mahuhuli yata tayo sa event nyo.” ang nahihiyang sabi ng driver ko.
I sighed and leaned my back on the backrest. I actually don’t care if I’m late for about a minute.
“Just don’t honk the horn at the pedestrians next time.” sabi ko at pumikit.
“Opo, Sir.” I heard my driver answered.
The hotel grand ballroom is already full with guests. Marami ang bumati at nakipagkamay sa akin, congratulating me for the success of my own company that I built. But most of them were asking why my father isn’t here.
“He’s not here in the country. May inaasikaso sya abroad.” I lost count at how many times I said those words.
“But still, he should be here right? To give support to his only son.” Mr. Sy said.
“You’re right.” Mrs. Lim seconded. “If I were him, I would be very proud of Lucius. Imagine? With the age of twenty two, he has his own company and did everything for its success. Kahit sinong magulang ay magiging proud sa anak nya kapag ganoon!”
Well, apparently, not my father.
I just smiled and politely excused myself. I loosened my necktie ’cause I’m having a hard time breathing. But I didn’t show it on my face. I concealed my real emotions and show to everyone that I’m happy with their presence. I just smiled at the guests while answering all their questions.
But deep inside, I am suffocating. Gusto kong lumabas na lang at umuwi na. But I can’t.
“Fucker.”
I turned around and saw my friend, Helios Gallagher, with a woman in his arms. I know her. She’s the fucker’s fiancee. I nodded at her to recognize her presence and looked at Helios.
I smirked. “Hey, fucker.”
He chuckled and extended his arms for a handshake. “Congratulations.”
“Thanks, man.” I shook his hand. Pareho kaming napatingin sa stage nang magsalita na ang secretary ko and introduced me to everyone.
“Good afternoon, ladies and gentlemen. It’s a great pleasure for me to introduce our guest of honor today, who is going to talk about the new built hotel of D’Angelo hotels and corporation. Let’s give him a round of applause, Mr. Lucius D’Angelo!”
“Way to go, fucker.” I head Helios said.
I chuckled before I took a deep breath. And with a fake smile on my lips, I walked up to the stage.
Chapter 3
Angela
Patay! Late na naman ako! Pero ayokong isipin na late ako dahil mas lalo lang akong matataranta. Iniiwasan ko ding tignan ang orasan kong nasa pulsuhan ko para hindi makita kung ilang minuto na ba akong late sa trabaho ko. Mas nakakapagpa-stress lang kasi sa akin iyon. Mas lalong hindi ako mapakali.
Hindi ko kasi natiis na tulungan ang matandang lalaki na tumatawid kanina. Parang hirap na hirap na sya sa paglalakad at halata sa kanya na masakit ang bawat hakbang na ginagawa nya. Pasakay na sana ako noon sa bus pero sa huli, nanaig sa akin ang anghel sa likuran ko at tinulungan yung matanda.
At ang nakakainis pa, nakikita na nga nilang matanda ang tumatawid at hirap sa paglalakad, binubusinahan pa ng mga driver ng mga kotse ang matanda na parang naiinip! Kaya hindi na ako nakatiis na kausapin ang isang driver.
Nakakainis kasi! Parang hindi sila tatanda kung umasta, ah?
Naniniwala kasi ako sa sinabi ni Confucius na “Do not do unto others what you do not want others do unto you.” Na huwag gagawin sa kapwa ang mga bagay na ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo. Kaya iniiwasan ko talagang gumawa ng mga masasamang bagay. I believe in karma kasi.
“Late ka na naman!” ang bulyaw sa akin ng boss ko nang patakbo akong pumasok sa studio.
“Sir, pasensya na. May tumatawid kasing matanda kanina. Walang traffic lights o traffic enforcer para tumulong sa kanya kaya ako na lang ang gumawa.”
Bumuntong-hininga ang boss ko at napahilamos ang isang kamay sa mukha. Nakikita ko ang pagpipigil nyang mainis sa akin. Napangiwi ako at kinagat na lang ang pang-ibabang labi.
Kahit ano pang idahilan ko, late pa rin ako.
“Ano bang palagay mo sa akin, Angela?” tanong ni boss na may bahid na inis ang tono. “Tingin mo ba ay nagbibigay ako ng Good Deed Award para sa mga empleyado ko?”
“Sir, tumutulong lang naman po ako…” mahina kong sabi.
Suminghap ang boss ko. “Wala akong pakialam sa mga tinulungan mo, Angela. Alam kong mabait ka. Pero ang gusto ko ay ang mga empleyado na nagpapahalaga sa trabaho nila, maayos na ginagawa ang trabaho at dumadating sa tamang oras!”
Napapitlag ako nang sigawan na nya ako. Napatingin ang iba sa akin. Nakita ko sina Nina at Lara na parehong nakangiwi sa akin. Si Maricel naman ay maarteng nare-retouch ng makapal nyang makeup sa mukha.
Nakakahiya ang masigawan sa harapan nila pero kasalanan ko din naman. Hindi valid ang mga reasons ko para ma-late sa trabaho ko. Hindi pa naman madali ang ginagawa ko. Kulang kami sa tao dahil nagtitipid ang kumpanya, hindi kaya kung marami ang pasasahurin. Pero heto ako at palaging late. Unfair naman sa iba na dumadating sa tamang oras.
“Gusto ko, ito na ang huling pagkakataon na mali-late ka. Wala nang next time dahil tatanggalin na kita kapag umulit ka pa.”
Tumango ako. Naiintindihan ang parusang ibibigay nya.
“Yes, boss. Pasensya na po.”
He sighed. “Sige na. Magtrabaho ka na at marami tayong gagawin.”
Agad akong tumalima. Kahit na nahihiya sa nangyari ay nagtrabaho pa din ako. Isa ako sa mga pinakabatang empleyado dito sa maliit na advertising company na ito. Pero ako pa ang pinakapasaway.
Ewan ko ba. Hindi mapigilan ng anghel sa utak ko na tumulong sa mga nangangailangan. Kung minsan ay nauubos pa ang pera ko sa pagtulong. Hindi naman ako superhero para gawin iyon. Hindi naman ako mayaman para tulungan ang mga kapos at magbigay ng limos.
Siguro, nakuha ko ang ugaling ito sa mga magulang ko. Palagi ko kasi silang nakikita na tumutulong noon. Kahit walang-wala na sila ay nagbibigay pa rin sila. Kung dati ay naiinis ako. Kami pa kasi ang nawawalan dahil sa pagtulong sa iba. Pero ngayon ay ako naman pala ang gagawa.
“Bakit ba kasi napaka-matulungin mo?” tanong sa akin ni Nina nang sabay-sabay kaming kumakain nang mag-lunch break na.
“Kailangan kasi ng tulong nung matanda.” sagot ko habang ngumunguya.
“Hindi naman everytime ay kailangan mong tumulong, Angela. Wala ka namang nakukuhang kapalit dyan sa pagtulong mo.” sabi ni Lara.
“Meron kaya.” sabi ko at uminom na ng tubig. “’Yung thank you nila. ’Yung satisfaction and fulfilment na nararamdaman ko pagkatapos ko silang tulungan.”
“Ano ’yun? Nakakain ba ’yun?”
Natawa ako sa tanong ni Lara. “Try nyong tumulong. Malalaman nyo ’yon.”
“Everyday kaya kaming nag-aabang kung anong idadahilan mo kapag nali-late ka.”
Napanguso ako. “Hindi dahilan ’yon, ah?! Tumutulong talaga ako!”
“Alam namin. Ang sa amin lang, masyado kang matulungin. Halos lahat na yata ng mga klase ng tao ay natulungan mo na.
I sighed. “Wala namang masama sa pagtulong sa kapwa. Walang mawawala sayo nang dahil sa pagtulong sa iba. Hindi naman mababawasa ang pride mo. Mas okay pa nga, diba? Ang sarap sa feeling kapag nakatulong ka sa kapwa. Feeling mo, ang bait-bait mo at nagbukas ang langit para sayo.”
“Masyado kang mabait, Angela.” may pag-aalala sa tono ni Nina nang sabihin nya iyon. “Baka balang-araw, ang kabaitan mo pa ang magpahamak sayo.”
Ngumiti ako sa kanila. “Hindi ’yan. Malakas ang guardian angel ko.”
Ilang beses ko na ring narinig iyan. Masyado daw akong mabait at madaling mapagsamantalahan ng iba. May mga magtatangkang gumamit daw sa akin dahil sa pagiging mabait ko.
Totoo pero depende naman iyon sa tao kung magpapagamit o hindi. Alam ko naman kung ginagamit na ako. Hindi naman ako ganoong katanga para hindi mapansin ang mga taong ganoon.
I just couldn’t help it. Kaya ko naman ang tumulong. Kaya ko ang magbigay kaya bakit hindi? Bakit nila pinapalabas sa akin na masama ang ginagawa ko? It’s a good deed. Lalo na sa panahon na ito ay bihira na lang ang tumulong sa kapwa. And I want to help them. Dahil kaya ko.
Marami nga kaming ginawa noong araw na iyon. Kaya naman pagod na pagod ako nang matapos kami. Nag-overtime pa nga ang lahat para matapos na ang trabaho ngayon at may panibago na naman bukas.
Mukhang nagpapalakas na ang company namin. Gusto nang pabilisin ang paglaki at paglago. Okay na rin. Baka tumaas na ang sweldo kapag nagkataon.
Sumakay ako ng ordinary bus at doon umupo sa tabi ng bintana. Nanghihinang isinandal ko ang ulo sa backrest ng inuupuan ko at pumikit.
Nakakapagod.
Mahirap lang kami. At a very young age, natuto akong magbanat ng buto para tulungan ang mga magulang ko. Nag-iisang anak lang nila ako pero hirap sila sa pagtataguyod sa akin.
Palaging sinasabi ni Mama na kapag mabait daw ako, suswertihin daw ako. Pero hindi naman nangyari sa kanila. Namatay sila nang hindi nakakaramdam ng kaginhawaan sa buhay. Namatay silang mahirap.
At a very young age, naiwan akong nag-iisa at natutong itaguyod ang sarili ko. Mahirap pero alam kong kakayanin ko.
“Shit!” dinig ko ang marahas na mura ng lalaking tumabi sa akin. Hindi ako nagdilat ng mga mata kahit na naamoy ko ang panlalaking pabango ng katabi ko.
Matapang ang pabango nya at amoy lalaking-lalaki. Mas lalo ko tuloy hindi idinilat ang mga mata ko. Ang sarap sa ilong ng pabango nya. Feeling ko tuloy ay hinehele ako.
“Boss, saan ka?” tanong ng konduktor sa amin pero nanantili akong nakapikit. Nasa aisle side kasi ang lalaki kaya sya ang dapat na unang sumagot.
“Sa Eastwood.” sagot nya.
“Eighty-four, boss.”
Naramdaman ko ang paggalaw ng lalaki sa tabi ko. Siguro ay para kumuha ng pera sa bulsa. Ako kasi ay nasa kamay ko na ang pangbayad ko. Alam ko ang tamang ibabayad dahil araw-araw akong nagba-bus pauwi.
“Do you accept cards? Wala akong cash.”
Mabilis na nagdilat ang mga mata ko para tignan ang lalaki. Pero dahil nakatingin sya sa konduktor ay hindi ko makita ng buo ang itsura nya.
Ang alam ko lang, malapad ang katawan nya. Lalo na yung mga balikat nya. Tapos nakasuot pa sya ng blue button down longsleeve. Para syang nag-apply sa trabaho.
“Anong palagay mo sa amin? Supermarket?” natatawang tanong ng konduktor sa kanya.
“I don’t have any cash here.”
“Sana hindi ka na lang sumakay kung wala ka rin lang na pambayad.” ang naiinis ng sabi ng konduktor.
Naikuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang sarili. Dahil kapag hindi ko ito ginawa ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tulungan sya.
“Bumaba ka na lang next stop.” ang sabi ng konduktor.
“What the f—”
“Babayaran ko na lang pamasahe nya.” sabi ko kaya napatingin sa akin ang dalawa. Saka ko lang nakita ang mukha ng katabi ko.
My God! Napakagwapo naman pala po! Kaya pala naiinis ang konduktor at mukhang hindi naniniwala dahil mukhang mayaman ang lalaki.
’Yung mga mata nyang kulay itim na parang panggabing langit na walang mga bituin at buwan. Makakapal ang mga kilay nya at magkasalubong habang nakatingin sa akin. Matangos ang ilong nya at may mapupulang mga labi.
May lipstick kaya sya?
Naka-clean cut ang buhok nya. At yung mga panga nya na parang kay sarap haplusin…
Hindi sya mukhang mahirap at mukha pang may ari ng isang malaking kumpanya. Pero sya ang malaking example na looks can be deceiving.
“Babayaran ko na po ang pamasahe naming dalawa. Crossing po ako.” sabi ko sa konduktor at tumikhim dahil maging ang lalaking katabi ko ay napatulala sa akin.
Sinabi ng konduktor ang dapat kong bayaran. Nang makaalis na ang konduktor para maningil sa iba ay nagsalita ang katabi ko.
“Thank you. Please give me your contact number. Babayaran ko iyon.”
My God! Kahit yung boses nya… Lalaking-lalaki.
“Hindi. Kahit huwag na. Magkano lang naman ’yon.” sabi ko habang nagliligpit ng gamit. Malapit na kasi akong bumaba.
“I insist, Miss. Ayokong magkautang na loob.”
Tumingin ako at ngumiti sa kanya. Napansin ko na parang natigilan sya.
“Kung gusto mo akong bayaran, itulong mo ’yan sa iba. Kapag may nangailangan din ng pera, tulungan mo. Kahit na maliit na halaga lang ’yan, makakaligtas ’yan ng buhay.” sabi ko at tumayo na para bumaba.
Nang makababa ako at tumingin sa pwestong inupuan ko ay nakita ko ang titig ng lalaki sa akin. Ang gwapo nya talaga. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking kasing gwapo nya!
I smiled at him. Kumaway ako sa kanya nang umandar na ang bus.
Sayang… Nakalimutan kong itanong ang pangalan nya.
Chapter 4
Lucius
My eyes were fixed on the hoardings that is visible from this road up to the hotel. The board is very large and I’m sure that it will catch the attention of all the commuters and possible customers. Madali ring mababasa ang advertisement dahil siguradong malaki rin ang idi-display doon.
I fixed my wayfarer and looked at my secretary.
“How many hoardings are available?” I asked.
“Two, Sir. Both are facing south.” Glen, my secretary, answered.
I looked at the hoarding that he pointed. I chewed the inside of my lips to think. The main hotel is in Makati so the hoarding facing south would be perfect. But I also need to advertise the newly opened hotel in Cebu.
I nodded at Glen. “Okay. I want the one with the larger board.”
“Copy, Sir.”
“What’s the next choice?” I asked.
“The next location is a bit complicated, Sir. It’s on the slum area. Pero pwede naman nating kausapin ang may-ari ng bahay.”
“Good. I wanna see the location.”
Glen opened the door for me and I slid inside the car. I removed my coat. Naiwan na lang ang inner shirt na nabasa na ng pawis. It’s so fucking hot today but I had to check the location of the billboard that is good for advertising my hotel.
I am always busy but my work tripled everytime that there is a newly built hotel of my hotel chain company. I could just let my secretary handle about the advertisement since he’s efficient but since I’ve got time today, pinili ko na lang na sumama sa location. Although it’s tiring, plus the heat of the sun, I got to enjoy my work today.
May sumabay na ordinary bus sa takbo ng kotse ko. I looked at it and remembered something. Mabilis akong napangiti.
That girl… The one who paid for my fare dahil wala akong cash na dala. It’s been a week pero hindi ko pa rin makalimutan ang mukha nya.
I have no idea that I would be riding a bus that day. There was this reporter who’s always stalking me and wanted to be the first one to post my picture on his article. Palagi nya akong kinukulit na magpa-interview sa kanya with picture. Of course, I always declined pero sadyang makulit sya.
At last week nga ay sobra syang nangulit to the point that he was always there everywhere I go. Parang alam nya ang schedule ko. At sa sobrang inis ko, tumakas ako. Hindi ko ginamit ang kotse ko at sumakay sa unang bus na huminto sa harapan ko.
I even bumped my head on the door frame when I got in. Napamura pa ako. Fuck. Ganoon ba kababa ang mga pintuan sa bus? How about for a tall people like me? Palagi na lang ba silang yumuyuko kapag sumasakay?
The reporter was a blessing in disguise. Dahil nakatabi ko pa ang babaeng unang nagparamdam ng kakaiba sa dibdib ko. I would never forget that face. That face that made my heart race just by remembering it.
I tried to get her contact number. Totoong para bayaran sya but of course, to know more about her too. Unfortunately, hindi nya ibinigay. Hindi ko na lang pinilit ’cause she might find me creepy. And that’s the last thing that I wanted.
But unfortunately again, I forgot to ask her name.
I sighed. Hindi ko alam kung magkikita pa kami but I am hoping. I don’t even know why I am interested with her. Maybe because she’s too kind? And perfect. She’s too good to be true.
“Sir?” untag sa akin ni Glen kaya napatingin ako sa kanya. “We’re here.”
Saka ko lang napansin na nakahinto na pala ang sasakyan. There were too many people outside, glancing curiously at my car. Siguro ay hindi madalas ang mga pagkakataon na may nagagawi sa kanilang lugar na nakasasakyan kaya ang mga mata nila ay punong-puno ng kuryosidad.
Glen went down and opened the car door for me. Mas lalo kong napansin ang tingin ng mga tao sa paglabas ko ng kotse. Ano kayang mangyayari kung kumaway ako?
“Sir, this is the house.”
Napatingin ako sa bahay na tinuturo ni Glen. It was a two-storey house made of wood. May kalumaan na ang bahay at parang hindi na tatagal kapag nagkaroon ng signal number three na bagyo.
“Sa taas ng bahay ilalagay ang hoarding, Sir. It will be visible from the highway. But we need approval of the owner of the house first before we can proceed.”
Tinitigan ko ang bahay. Above it was a hoarding for advertisement. I know that they built a house here in this land illegally. But that’s not my issue. Ang kailangan ko lang ay ang approval ng owner para maitayo ang advertisement ng hotel ko dito.
“Looks good. Who lives here?” I asked Glen.
“A girl named Angela Salazar. Kakausapin na lang namin sya, Sir.”
“Okay. Do that.”
I heaved a deep sigh when I went inside the car again. We drove our way back to my office. Pawis na pawis ako. All I want to do is to take a cold shower. Fuck this weather. Mainit na nga, nakakapang-init pa ng ulo.
I feel tired and wanted to rest. I’ll just sleep after I take the shower. Good thing that all of those were accessible inside my office. I have my own shower room and bedroom inside na minsan ko lang din namang gamitin.
“No visitors.” I said to Glen when we reached the floor where my office is.
“Yes, Sir.”
I was unbuttoning my inner shirt after I locked the door of my office from the inside. Nangangalahati na ako sa pagbubukas ng damit ko nang may magsalita.
“I don’t think I’m up for a live show.”
Marahas akong napamura at napalingon sa nagsalita. There, on the sofa, sitting a beautiful woman with her legs crossed and her arms crossed in front of her chest. She looked sophisticated with her black halter dress and her curly hair that was blonde before but she dyed it in black.
“What are you doing here?” I asked. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang damit ko.
“I’m bored as hell! Wala akong magawa!”
My eyebrows creased. “Diba may klase ka?”
She shrugged her shoulders. “I didn’t go to class today.”
Napapikit ako bago bumuntong-hininga. This woman. Pasakit sa ulo ko. If only my father didn’t ask me to look after her, hinding-hindi ko pagtyatyagaan ang presensya nya.
Masyado syang… maarte.
“Sawa ka na sa mga pasyente kuno mo kaya ako naman ang iistorbohin mo?” I chuckled. “Hindi ko ipapahiwa sayo ang tyan ko.”
“Stupid!” she spat at me. Tumawa lang ako. “I want to be an ob-gyne, you idiot! Hindi ko hihiwain ang tyan mo unless kung buntis ka!”
I just chuckled and continued unbuttoning my shirt. I don’t care if someone is inside here with me. Wala rin naman syang pakialam kung maghubad ako sa harapan nya. I just wanted to get rid of this shirt.
“Any news about Tracer’s parents?”
I looked at her when she asked that. I thought that she’s not interested about the game. I thought that the only thing she knew is to scream like a banshee whenever nothing goes against her plan.
“Still nothing.” I answered and shrugged my shoulders. Pumunta ako ng banyo para ilagay ang maruming damit sa laundry basket.
“I heard that your Bishop is here. Together with his butler.”
Well that surprised me. I walked out of the comfort room, still shirtless, and leaned my body on the doorjamb. Humalukipkip ako at tinignan sya.
“How did you know about that?” ako nga ay hindi ko alam.
She smiled at me seductively. I just chuckled ’cause we both know that it wouldn’t work on me.
“Well, my Knight is efficient.” sagot nya at tumayo. She walked her way towards me.
“I thought you’re not interested with the game?” I asked.
Her forefinger trailed its way from my chiseled chest down to my abdomen. Then she put her lips against my ears. She’s so close that I could already smell her expensive cologne. Tumawa lang ako sa ginagawa nya.
“My King… Things change. People change. And so am I.”
She kissed my ears and a chuckle escaped from my lips. My arms encircled around her waist and pulled her body close to mine.
“I’m glad to hear that, my Queen…”
Chapter 5
Angela
I got to work on time. Hindi ako pinagalitan ng boss ko. Mukha pa nga syang proud sa akin dahil sa wakas, hindi sakit sa ulo ang hatid ko sa kanya ngayong araw.
Kaya naman masaya ang simula ng araw ko. Nakangiti din si boss, eh. Parang ako nga lang yata ang nagiging dahilan ng pagka-badtrip nya. Lalo na kapag marami kaming ginagawa tapos late pa ako. Dumadagdag lang ako sa sakit ng ulo nya.
“Himala, hindi ka late, ah.” puna sa akin ni Nina nang makasalubong ko sya. “Wala kang tinulungan?”
Natawa ako. “Maagang nakipag-away ang kapitbahay ko kaya maaga akong nagising.”
Napangiwi sya. “Lumipat ka na kaya ng tirahan? Umupa ka. Marami namang paupahan dyan na mura lang.”
“Ayoko.” sabi ko na may halong iling. “Pinamana sa akin ni Mama ’yung bahay na ’yun. Pamana daw ng lola nya sa talampakan.”
“Grabe, Angela. Naniniwala ka talagang sa inyo ang bahay na ’yun?”
Hindi ako nagsalita. Alam ko namang hindi sa amin iyon, eh. Kahit nga ’yung lupa ay hindi rin sa amin. Wala ding titulo na magpapatunay na pamana nga iyon. Kaya ibig sabihin ay nagsinungaling si Mama sa akin at ilegal nilang itinayo ang bahay sa lupang hindi sa kanila.
Sa palagay ko, sinabi lang sa akin ni Mama na pamana nya ang bahay dahil nahihiya syang wala syang maiiwan na kahit na anong yaman sa akin. Na puro kahirapan lang ang ibinigay na. Nahihiya sya na sa murang edad ay naranasan ko ang kumayod para tulungan sila.
Ayos lang naman sa akin kahit wala silang iniwan na yaman. Ang gusto ko lang ay makasama sila. Pero pareho na nila akong iniwan.
“Iyon ang sabi ni Mama, eh.” sabi ko at nagkibit-balikat. Huminga sya ng malalim.
“Sige na. Pumunta ka na sa makeup room. Hinihintay ka na ni Maricel na feeling model ng Victoria Secret.”
Tumawa ako at nagpaalam na sa kanya. Nakarating ako sa makeup room at nakita ko si Maricel na makapal ang foundation sa mukha at nagkakalikot lang sa cellphone nya.
“Hi, Maricel!” bati ko sa kanya at tinaasan nya ako ng kilay.
“Mabuti naman at dumating ka na.” itinuro nya ang gabundok na naman na mga damit. “Ayusin mo na ’yan. Magsisimula na kami maya-maya.”
“Nahirapan ka na naman mamili ng isusuot mo?” tanong ko habang inilalapag ang sling bag ko sa tabi. Lumapit ako sa mga damit na nakatambak at napangiwi na lang.
“Ang papanget kasi ng mga nasa wardrobe. Walang bumabagay sa akin.”
Magaganda naman ’yung mga damit, ah? Wala akong nakikitang mali. Hindi kaya sya nagtataka na baka hindi na ang damit ang pangit kundi sya?
Ang bad ko.
Narinig ko ang pagtayo nya kaya nilingon ko sya.
“Ayusin mo ang pagsampay, Angela. Napagalitan ako nung nakaraan dahil sayo. Trabaho mo ’yan pero bakit ako ang napagalitan?” inis nyang tanong at mataray akong tinignan. “Basta ayusin mo ’yan.”
Lumabas na sya at napasimangot agad ako. Mali silang lahat. Sina Nina, Lara, si boss, at si Aling Delia. Mali sila. Dahil hindi ako mabait. Ang nararamdaman ko ngayon ay pagkainis at gusto kong ilabas ang inis ko sa paghila sa buhok ni Maricel.
Hindi nag-iisip ng ganoon ang mga mababait, hindi ba? Pero hahayaan ko na lang sya. Wala rin naman akong mapapala kung gagawin lo ang gusto ko. Magkakaroon pa ako ng kasalanan.
Inayos ko ang mga nagulong damit ni Maricel. Sa araw-araw na trabaho ko dito ay madalas ito ang tinatrabaho ko. Ang tawag pa nga nila sa akin ay “P.A. ni Maricel” dahil madalas ay ako ang inuutusan nya. Ewan ko ba. Nagagandahan siguro sa akin.
Napatingin ako sa labas at nakita kong nagso-shoot na sila for advertisement ng powder soap. Ang daming ilaw ang nakatutok kay Maricel. Feeling ko nga ay mabubulag na sya dahil sa liwanag. Baka hindi na rin sya makita sa camera dahil sa dami ng ilaw na nakapaligid sa kanya.
Nag-wrap up na sila pero hindi pa rin ako natatapos sa pagsasampay ng mga damit. Ang dami naman kasi! Nagmukhang ukay-ukay ang loob ng makeup room!
Wala akong ideya kung gaano ako katagal doon. Basta, pagod na pagod ako nang matapos ako. Iyon lang ang ginawa ko pero napagod ako! Sino ba naman ang masisiyahan kung itong trabaho lang ang gagawin ko sa araw-araw?
Nakarinig ako ng mga katok sa pinto. Noong una ay hindi ko pa pinansin. Baka kako trip lang nila. Hindi naman sila kumakatok lalo na kapag ako ang nasa loob dito.
Pero naulit ang pagkatok kaya nilingon ko na. Saka palang binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok na sila.
“Hi, Are you Ma’am Angela Salazar?” tanong ng lalaking kahit na mainit ay naka-business attire pa. May kasama din syang dalawang lalaking may pareho nya ng suot.
“Ako nga po.”
Ngumiti sya at naglahad ng kamay sa akin. “I’m Glen from D’Angelo Hotels and Corporation.” nakipagkamay ako sa kanya. “Upo ka muna, Ma’am.”
Edi umupo ako kahit na nagtataka ako kung paano nya ako nakilala at kung anong kailangan nila sa akin.
Mukha silang mayaman. Sabagay. Galing daw sila ng D’Angelo Hotels and Corporation, eh. Ang isa pinakamalaking hotel chain company sa Pilipinas.
Eh, ano ngang kailangan nila sa akin?
Tumikhim ’yung Glen. “Nagpunta ako dito, Ma’am Angela, in behalf of my boss, Sir Lucius D’Angelo, the owner of D’Angelo Hotels and Corporation.”
“Halata naman.” sabi ko at tumikhim ulit. “Ano… Ang ibig kong sabihin, halata naman na ’yung Lucius D’Angelo ang may-ari hotel chain na ’yon.
Mas lumawak ang ngiti ni Glen. “Kilala nyo sya. Ma’am?”
“Hindi.” diretso kong sagot. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga magazines kahit nagtatrabaho ako sa isang advertising company. Hindi ko pa nga nakikita ang mukha ng Lucius na iyon na tunog pang kontrabida ang pangalan.
Napansin ko lang kasi ’yung apelyido nung Lucius na katulad sa pangalan ng hotel chain company na iyon. Kaya nasabi kong halata na sya ang may-ari.
Si Glen naman ang napatikhim. “Didiretsuhin na kita, Ma’am. Gusto sana naming hingin ang permiso mo na ilagay ang advertisement ng company sa hoarding na nandoon sa bahay mo.”
Kumunot ang noo ko. “’Yung billboard na tinatakluban ang araw sa bahay ko?” nakangiwing tumango si Glen. Mukhang nahalata na ayoko ng usapan namin.
“It would be a perfect spot for the advertisement of our hotel, Ma’am. Kaya kung okay lang sana-”
“Ayoko.” tanggi ko kaagad.
“Ma’am, we will pay you-”
“Ayoko pa rin.” humalukipkip ako. “Last time na may nagkabit ng billboard doon, feeling ko palagi na lang gabi kapag gumigising ako sa umaga. Natatakluban kasi noon ang araw!”
“Ma’am-”
“Sa sobrang dilim ng bahay ko kapag wala ako, pinamahayan na ng ahas at paniki! Kaya ayoko. ’Di ako papayag.”
Mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa pera!
Bakit ba sila nagpapaalam sa akin? Eh, hindi naman ako ang may-ari ng billboard na iyon?
Baka naman wala nang may-ari kaya ako na lang ang kinakausap? Sabagay. Matagal na ngang walang nagkakabit ng advertisement nila doon. Ang highway lang kasi ang makakakita. Kinakalawang na nga ang mga bakal.
“Ma’am, please. Kailangan ho ito ng kumpanya namin para ma-advertise na din ang bagong itinayong hotel sa Cebu.”
“Wala akong pakialam sa kumpanya nyo. Ano ngayon kung mayaman ang boss nyo? Hindi ako nasisilaw sa pera.”
Iyon na nga lang ang pag-aari ko, eh!
“Ma’am, please. Maganda kasi ang spot na iyon for the advertisement of the hotel.”
“Pasensya na pero ito na ang desisyon ko. Hindi na magbabago. So please, umalis na lang kayo dahil wala kayong mapapala.”
Napabuntong-hininga si Glen at tinitigan ako. Taas-noo akong tumingin sa kanya. Napakamot sya sa batok nya at nagpaalam sa akin. Tumayo ako para ihatid sila palabas ng dressing room. Pero nang makalabas ay pumihit ulit sya paharap sa akin.
“Ma’am-”
“Hep.” itinaas ko pa ang kamay ko para pigilan sya. “Tapos na ang usapan.”
Napakamot ulit sya sa batok nya. “Kung magbago ang isip nyo, Ma’am, tawagan nyo na lang ’yan.”
Tinanggap ko ang calling card na binigay nya. Baka sabihin kasi na ang bastos ko. Pero wala naman talaga akong balak na tawagan iyon. Ayoko na ulit magising na may katabi akong ahas!
Nang makaalis na sila ay saka ko lang napansin ang paligid. Nasa harapan ko ang lahat ng mga empleyado ng advertisement company na ’to! Kahit si boss!
“Sir! Bakit nandyan kayo?”
“Angela.”
Napatigil ako sa malambing na pagtawag sa akin ng boss ko. “Anong pinag-usapan nyo ng secretary ng CEO ng D’Angelo Hotels and corporation?”
Napatitig na lang ako sa boss ko at hindi kaagad nakasagot. May pagkatsismoso din pala sya?
“’Yung mga may-ari ng malalaking kumpanya kagaya ni Lucius D’Angelo, mga busy talaga ang mga ’yan. Kung kaya lang nilang hatiin ang katawan nila sa dalawa, ginawa na nila para makapunta sa dalawang lugar at the same time. Kaya pagpasensyahan mo na sana sya.”
Kumunot ang noo ko. Hindi ko naintindihan kung bakit sya ang nanghihingi ng sorry para sa Lucius D’Angelo na ’yon.
“Uhm… Ano bang gusto nyong sabihin talaga, boss?”
Napangiti sya. “Sagutin mo na sya, Angela.”
“Ho?”
Anong bang pinagsasabi ng boss ko? At bakit may nakakalokong ngiti sa mga labi nila na parang nang-aasar? Kahit sina Nina at Lara ay ganoon din ang reaksyon!
“Sige na, Angela. Tawagan mo na ang binigay nilang number sayo.” hinawakan pa ako sa braso ng boss ko.
“Teka, boss-”
“’Yung cellphone ko na lang ang gamitin mo. Unli call ’to.” kinuha nya pa mula sa kamay ko ang calling card na kanina ko pa pala hawak.
Namalayan ko na lang na binibigay na nya sa akin ang cellphone nya habang nagriring ang kabilang linya. Wala na akong nagawa kundi ang idikit iyon sa tenga ko.
“Thank you for calling D’Angelo Hotel and Corporation hotline. How may I help you?” sagot ng nasa kabilang linya.
Napatingin ako sa paligid. Napalunok ako nang mapansin na nakatingin sa akin ang lahat at ineenggayo ako na kausapin ang nasa kabilang linya.
Napangiwi na lang ako habang sumasagot.
“Hi! This is Angela Salazar.” ang tanging nasabi ko. Hindi ko naman talaga alam kung anong sasabihin dahil wala naman akong balak na tawagan sila!
“Angela? Sino pong- Ah! ’Yung Angela na nakatira doon sa slum area? Nalaman namin na hindi sayo ang bahay na iyon at ilegal ang pagtatayo nyo ng bahay doon.” naging mataray ang boses ng babae sa kabilang linya. “Ipapa-demolish iyon sa ayaw at sa gusto nyo para sa advertisement ng D’Angelo Hotels and corporation!”
Nagulat ako nang ibinagsak nya ang telepono at binabaan ako. Napatingin pa ako sa cellphone para tignan kung tama ako pero nang makita na nakatingin sa akin lahat ay ngumiti ako para hindi mapahiya.
“Natataranta sila kasi tumawag ako.”
Natawa ang mga katrabaho ko pero ako ay kabang-kaba na dahil sa pagsisinungaling na ginagawa. Muli kong ibinalik ang cellphone sa tenga ko kahit wala na ang kausap.
“Ahm… Pakisabi sa boss nyo…” tumingin ako sa boss ko.
“Sabihin mo na.” ang mahina nyang bulong. Tumikhim ako.
“Pakisabi kay Lucius na sinasagot ko na sya.”
Napapitlag ako nang biglang magsigawan ang mga katrabaho ko at pumalakpak pa na parang tuwang-tuwa. Pero ako? Hindi. Pakiramdam ko ay ang sama-sama ko dahil sa pagsisinungaling na ginagawa ko.
Bakit ba hindi ko agad sinabi sa kanila na mali sila ng akala noong una pa lang? Lumala pa tuloy ang nangyari.
Ang ganda ng simula ng araw ko pero natapos nang nanlulumo ako.
Anong ending ng araw ko?
Boyfriend ko na si Lucius D’Angelo pero wala syang kaalam-alam.
Chapter 6
Lucius
A sigh had escaped from my lips when I saw the two people sitting on the sofa inside my office. The woman was sitting comfortably with her legs crossed and her back leaning on the backrest while the man was sitting casually, leaving enough space between him and the woman.
I had enough stress for today and the last thing that I want is to see them together. It will only mean that disaster is coming. Fuck this. Kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa mga problema.
Tomorrow will be the grand opening of the newly built hotel at Cebu but we’ve encounter a problem about the catering. Mali daw kasi ang natanggap nilang dami ng mga bisitang dadalo so the ingredients that they bought will not be enough. I had to go on a video call meeting with the manager of the restaurant to fix the mess. Luckily, naayos naman namin ang gulo.
Pero sumakit pa rin naman ang ulo ko.
And now these two. I’m sure na panibagong sakit ng ulo naman ang hatid nila. I don’t know. They’re like water and oil. Hindi magkasundo.
I entered the room and closed the door behind me. I have to remind myself to call Glen and made him changed the lock of my office.
“You’re really here.” I looked at the man dahil hindi na ako nabigla na makita ang babae dito. The Queen is here for almost everyday. Mukhang kukumpletuhin nya ang hindi pagpasok sa klase sa linggong ito.
I sat on my swivel chair and leaned my back on the backrest. Pagod na pagod ako pero mukhang hindi pa tapos ang problema ko ngayong araw.
“I told you, right?” the Queen proudly said. I looked at her and just gave her my smirk before I looked at the man.
“Buti natakasan mo ’yung butler mo?”
The British man played his lips with his fingers. Nakita kong pinapanood ng Queen ang bawat paggalaw ng mga daliri sa mga labi nya. She even went “Oohh…”
“I made him looked for someone.” Fourth answered. Napataas ang kilay ko pero naunahan ako ng Queen sa pagtatanong.
She’s curious.
“You’re looking for someone?” she asked.
Fourth looked at her with indifference in his eyes. Natawa na lang ako. He had the guts to treat the Queen like that even if he’s a rank lower than her since he’s the King’s Bishop.
“Yes.” sagot ni Fourth na halatang ayaw pang ibuka ang bibig sa pagsagot.
I chuckled. “Why don’t you let Tracer or L find that someone? I’m sure that they can do a better job than your butler.”
“Kier is very much competent, Aius. He will and can find her. Besides, this one is innocent. I don’t want her to get involved in the game.”
“Oh… So you’re protecting her, huh? Who is she? Maybe I can help?” the Queen said before she closed the distance between her and Fourth.
I laughed when Fouth choose to stood up than to be near her. Mabilis syang lumayo sa babae na parang may nakakahawang sakit. The Queen pouted who’s clearly offended.
“Why are you like that? I’m just offering my help.” she said.
Fourth smirked menangcily. “Rather than offering your help to me, why don’t you go to school and be an obedient student?”
The Queen rolled her eyes. I laughed again. I feel like I’m watching a skit from a comedy duo.
“Ayoko munang pumasok.” she said. But Fourth just looked at her disgustingly before he turned his attention to me.
“Tracer still haven’t found the killer of his parents. L will go back here in the Philippines to improve the security of our hideout.”
I chewed the insides of my cheeks. So Tracer is having a hard time even with the help of L. He’s been doing EL Ordre’s mission while finding the killer of his parents since the EL Ordre promised him that they will help him.
But unfortunately, he doesn’t have any lead until now.
That fucker isn’t asking for help. Kung minsan ay masarap batukan. We are a team and yet, he thinks that since this is his problem, he must be the one to solve it.
Lahat kami ay napatingin sa pinto nang makarinig ng pagkatok. I know that it is just my secretary. Kabisado ko na ang pagkatok nya pero napatingin na din ako sa pinto dahil napatingin ang dalawang bisita ko.
“Come in.” I said.
It’s obvious that Glen is surprised that I am looking at him the moment he opened the door. Nakasanayan nyang palagi akong subsob sa trabaho kapag ganito.
“Sir, I just have to remind you for your conference at Alabang branch by two in the afternoon.”
Automatic na naghanap ang mga mata ko ng orasan. I still have forty five minutes to go but I had to go to the branch now to avoid being late.
“Thank you, Glen.” napasulyap muna ang secretary ko sa mga kasama ko sa loob bago lumabas. “I have to go. I’m busy. Lock the door when you leave.”
Hindi na ako nagpaliwanag at lumabas na ng office ko. They can take care of themselves dahil malalaki na naman sila. Glen rode the elevator with me but when the door opened when we reached the lobby, nagulat ako nang humahangos na lumapit sa akin ang reporter slash stalker ko.
“Mr. D’Angelo, there is a rumor circulating about you.” sabi nya habang hinahabol ang paghakbang ko. “We heard from our resources that you have a girlfriend at a small advertising company?”
The fuck is he saying?
Mapapatigil na sana ako. But Glen urged me to keep on walking.
“Sir, you know how desperate he is to have an interview with you.”
I sighed. That is true. Ilang beses na nga syang gumawa ng paraan para ma-interview ako.
I continued on walking but he keeps on following me. I have to remind myself to talk to the security personnel about the reporter and have him ban inside the building.
Hanggang sa paglabas ko ng building ay sinusundan nya pa rin ako. I removed my coat. Tinupi ko ang manggas ng inner shirt lo hanggang sa siko ko. He will follow me to Alabang. Ganoon sya ka-desperadong ma-interview ako.
So to get rid of him, hindi ako sumakay sa nakaparadang kotse sa harap ng building. I mingled with people instead. Para maiwala sya at hindi nya ako masundan sa Alabang.
I motioned Glen to buy time for me. Hinarangan nya ang lalaki para mawala ako sa paningin nya. But I had to change my clothes. Kaya nang mapadaan ako sa palengke ay basta na lang ako kumuha sa mga t-shirt na naka-display at sinabi na bibilhin ko iyon.
I took out my wallet, hoping to see some cash because the last time that I didn’t, has been an embarrassing moment for me.
Naalala ko ulit yung babaeng nakasabay ko sa bus. The one who paid for me when I don’t have cash with me.
But to my ultimate horror, I didn’t see any cash with me. Puro cards lang ang laman ng wallet ko. And I’m fucking sure as well that they are not accepting card as a mode of payment.
“One-hundred fifty lang, pogi.” sabi sa akin ng tindera nang makitang hinahalungkat ko ang wallet ko.
Fuck! Bibili-bili pa ako pero wala pala akong pera.
Tumingin ako sa pinanggalingan ko at nakita ang reporter na nagpapalinga-linga sa paglalakad at parang hinahanap ako.
Fuck it!
“Pogi, bibilhin mo pa ba?” tanong nung tindera na naiinis na dahil naghahalungkat pa rin ako sa wallet ko.
“Ako na lang po ang magbabayad.”
Marahas akong napalingon sa tabi ko when I heard that voice. Beside me, is the woman that’s been on my mind ever since I saw her. Her angelic face is hard to forget.
Nakangiti sya habang ang kamay ay inaabot ang bayad sa tindera. Her smile widened when she looked at me.
“Hello! Nagkita ulit tayo. At wala ka namang pambayad ulit.”
Chapter 7
Angela
Na-offend ko ba? Na-offend ko yata. Bakit ba kasi sinabi ko pa na wala na naman syang pambayad? Pwede namang hindi ko na lang sabihin iyon. Pwedeng batiin ko na lang sya at sabihing natatandaan ko sya nung minsang sumakay sya ng bus at nagkatabi kami.
Iyan tuloy. Natulala ang lalaki habang nakatitig sa akin. Feeling ko ay na-offend kasi talaga sya sa sinabi ko. Baka akala nya ay pinapalabas kong wala syang pambayad palagi kahit na mukhang gusto nyang bilhin ang damit na hawak ng tindera.
Eh bakit ba kasi wala syang pera palagi? Mukha naman syang mayaman. Naka-longsleeve polo pa sya at slacks. Naka-clean cut pa ang buhok nya kaya hindi talaga mapagkakamalan na wala syang pambayad. Ang akala din siguro ng tindera ay marami syang pera kaya naisilid na sa plastic ang damit at ibibigay na lang sa lalaki.
Isa pa, sobrang gwapo ng lalaki! Kaya ko nga sya nakita dahil tinawag syang “pogi” nung tindera. Na-curious ako kung pogi ba talaga kaya tinignan ko. Madalas kasi na yung mga tindera sa palengke ay binobola ang mga posibleng customers sila. Sasabihan ng pogi o maganda kahit hindi naman totoo.
Pero nang tignan ko ang lalaki, totoo nga! Gwapo nga talaga! May makapal syang kilay na parang palaging magkasalubong kaya mukha syang masungit. Tapos yung mata nyang kulay itim ay parang nanghihigop ng kaluluwa. Perpekto ang ilong nya. Matangos iyon at may mga labi syang mamula-mula ang kulay. At yung mga panga nya, parang masarap sukatin ng protractor para malaman ang anggulo.
Nung unang kita ko pa lang naman sa kanya sa bus noon, nagwapuhan na talaga ako sa kanya. Mukha nga syang hindi sanay sumakay sa bus pero nang malaman kong wala syang pambayad, naisip kong baka modus nya lang ’yon. Maraming ganoon, eh. ’Yung ang ganda-ganda ng suot pero wala naman palang pera. Modus lang pala nila para makasakay ng libre.
Tumikhim ako. Kanina pa kasi nakatitig sa akin yung lalaki.
“Naaalala mo ako?” tanong kong malawak ang ngiti sa kanya.
May pinuntahan kasi akong isa pang raket para magkapera na malapit lang dito. Tinanggap ko na dahil pera na ’yun, eh. Panggastos na din ’yun. Tapos nung naglalakad ako para maghanap ng sasakyan pauwi, nadaanan ko ’tong palengke.
Buti na lang talaga tinanggap ko yung raket. May pambayad ako sa damit ni pogi.
“Huh?” tanong nung lalaki na mukhang natauhan na. “Ah, yeah. Of course. You’re the eighty-pesos girl, right?”
Napangiti ako. Ang dami nyang itatawag sakin ay iyon pa talaga. Ibig sabihin ay inaalala nya talaga ’yung pagpapautang ko sa kanya.
“Ako nga.” binalingan ko ang tindera at inabot ang bayad. “Heto na po.”
“What? No!” nag-eeskandalong sabi nung lalaki. “I can pay—”
“Walang laman ’yang pitaka mo, pogi. Anong ipangbabayad mo?” ang mataray na sabi nung tindera. Kung kanina ay nakangiti pa sya sa lalaki pero ngayon ay hindi na.
Napalingon ang lalaki sa likuran nya at nanlaki ang mga mata. Mabilis nyang hinablot ang plastic na laman ang biniling damit at pumasok sa loob ng tindahan.
“I’ll wear this now.”
Wala nang nagawa yung tindera nang basta na lang pumasok ang lalaki sa loob at doon na magpalit ng damit. Napanguso na lang ako habang hinihintay syang lumabas.
Wala naman akong gagawin sa bahay. Dito na lang muna ako. May pogi.
Inaayos ng lalaki ang damit na suot nya nang lumabas sya. Black t-shirt lang iyon na may print na bungo sa pinakagitna.
Natawa ako. Kung kanina ay ang pormal ng suot nya na parang mag-aapply lang sya ng trabaho, ngayon ay hindi na.
“Ay teka.” sabi ko sa lalaki nang may mapagtanto. “Naghahanap ka ba ng trabaho?”
Tumingin sya sa akin pero hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya na parang nahipan na ng hangin pero nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Natanggap ka ba?” tanong ko at tinignan ang likod nya. Iyon ang main office ng D’Angelo Hotels and Corporation, ah? Doon sya nag-apply?
Umiling ang lalaki na parang wala sa sarili. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Siguro ay dinidibdib nya na hindi sya natanggap? Nagbihis pa naman sya ng todo tapos hindi naman pala sya matatanggap.
“Ayos lang ’yan. Marami pa naman dyang ibang maa-applyan.” sabi ko.
Kaya pala wala syang palaging pambayad ay dahil wala syang trabaho. May pangkain pa kaya ’to para mamaya?
“Gusto mo tulungan kitang magkatrabaho?” alok ko sa kanya. Tamang-tama. Marami akong alam na raket.
“Huh?” wala sa sarili nyang tanong.
Naku! Baka na-depress na talaga dahil hindi sya natanggap sa trabaho!
Hindi ko alam pero parang gusto ko yatang makita ang nakangiti nyang mukha. Kaya para bigyan sya ng assurance na matutulungan ko sya ay may ibinulong ako sa kanya.
“Huwag kang maingay, ha?” I said. Lumapit pa ako sa tenga nya at parang mas naestatwa pa yata sya. “Boyfriend ko kasi si Lucius.”
Lumayo ako sa kanya. Noong una ay nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya pero nangunot din ang noo nya.
“What? Sinong Lucius?”
Grabe talaga! Ang sarap sa pandinig ng boses nya! Lalaking-lalaki at buong-buo na malalim!
“Si Lucius D’Angelo! ’Yung may-ari ng D’Angelo Hotels and Corporation! Kaya matutulungan kita.” sabi kong pabulong pero medyo pasigaw. Tinuro ko pa ang building na iyon sa likod nya.
Mas lalong nangunot ang noo nya. Nilingon nya pa ang building at nang ibinalik ang tingin sa akin ay pinipigilan na nya ang pagngiti nya.
“Is that true?” tanong nya. Umirap ako.
Pa-english-english pa sya, eh wala naman syang pera.
“Oo nga! Kaya matutulungan kita sa paghahanap ng trabaho. Pero hindi na sa kumpanya nya, ha? Baka magalit sa akin iyon. Sabihin na ginagamit ko pa sya.”
Isang linggo na simula nang sabihin ko ang kasinungalingan na iyon. Kumalat iyon at marami ang nakaalam kaya natakot ako na baka ipakulong ako ni Lucius D’Angelo dahil sa pagsisinungaling ko. Pero hanggang ngayon ay wala namang nagpapakita sa akin na mga pulis kaya siguro ay wala namang pakialam ang Lucius na iyon sa pagsisinungaling ko.
Alam kong mali pero napasubo na ako. Gumanda ang trato sa akin ng mga katrabaho ko at ako pa nga ang pinagsisilbihan. Inalok pa ako na maging model pero tumanggi na ako. Baka mas lalo lang lumala. Hindi naman totoo at ayokong mag-take advantage.
“May resume ka bang dala?” tanong ko pero bukod sa damit na hinubad nya ay wala na syang iba pang hawak. I sighed. “Halika. Gawa tayo ng resume mo. Ipapasa ko doon sa kakilala ko para magka-trabaho ka.”
Naglakad na ako at sumunod naman sya sa akin. Umagapay pa nga sa paglalakad ko. Akala ko ay buong maghapon na lang syang tatayo doon habang may ngiting nakatitig sa akin.
“Boyfriend mo si Lucius?” tanong nya habang naglalakad kami. “Why isn’t it on the news?”
Napanguso ako at hindi na pinansin ang pag-eenglish nya.
“He’s a private person. Ayaw nyang may nakakaalam ng private life nya.” sagot ko at lumiko sa isang eskinita. Sumunod sya sa akin.
“How did you two end up together?”
Sinabi ko sa kanya ang kwentong madalas kong sabihin sa mga nagtatanong ng ganoon.
“Nung una hindi ko talaga alam na si Lucius ’yon—”
“Halata nga.” sabi nya na may ngisi sa mga labi nya. Ang gwapo nya tuloy lalo. “I mean it’s obvious that you didn’t know him. He never let anyone post his face on the internet and magazine articles that he’s in.”
Tumango ako. “Iyon na nga. Hindi ko sya kilala kaya nung lumapit sya at nagpakilala, deadma ko lang sya. Nag-aapply ako noon sa kumpanya nya.”
“He introduced himself to you?”
“Oo! Tapos nagulat ako kasi ang daldal nya pala! Hanggang sa sinabi nyang liligawan nya daw ako.”
Tumikhim ang lalaki sa tabi ko bago mahinang tumawa. Muntik na akong mapatigil sa paglalakad dahil sa pagtawa nya. Ewan ko. Ang sarap talagang pakinggan ng boses nya. Tapos yung pagtawa nya. Mababa at malalim. Parang… nang-aakit.
Ako naman ngayon ang napatikhim at pinagpatuloy ang kwento ko.
“Tapos sabi nya tanggap na daw ako sa trabaho kahit wala nang interview sa akin.” nakita kong napangiti ang lalaki. “Syempre tumanggi ako at umalis na lang doon. Ang weirdo nya kasi.”
Muling tumawa ang lalaki at napailing na. Tinatakpan na ng kamao nya ang bibig nya para pigilan ang pagtawa.
“Pero makulit talaga sya! Nahanap nya ang bahay ko at niligawan talaga ako. Kaya sinagot ko na lang sya.”
Ngiting-ngiti ang lalaki habang nakikinig sa kwento ko. Kinikilig ba ’to? In fairness ah, ang gwapo nya talaga. Kahit anong expression ng mukha nya ay ang gwapo nya.
Pumasok kami sa isang computer shop at nagrenta ng isang computer. Tumabi sa akin ang lalaki na parang inosenteng tao at tinitignan ang buong paligid.
In-open ko ang word document at nagsimulang mag-type.
“Anong pangalan mo nga pala?” sabi ko habang inaayos ang layout.“
“Lu…” he said. “Lester.”
Napatigil ako sa pagta-type at tumingin sa kanya. “Lulester?”
Umiling sya. “Just Lester.”
“Lester ano?”
“Uhm… C-cervantes.” may ibinulong sya pagkatapos sabihin iyon kaya napatingin ulit ako sa kanya.
“Ano?”
“Ah… Wala, wala.”
Ganoon ang nangyari. Nagta-type ako habang sinasabi nya sa akin ang mga impormasyon nya. Ang dami ko tuloy nalaman tungkol sa kanya.
Kasing edad ko lang sya. Twenty-two years old. Maaga din syang nagtrabaho pero nahihirapan makahanap dahil hindi nakapagtapos ng college.
“Hayaan mo. Sasabihin ko sa kakilala ko na tanggapin ka.” sabi ko nang kunin na namin ang pina-print na resume nya. “Active ba ’tong contact number mo dito?”
Tinitigan ko ang cellphone number nya na nasa resume. “Yes. You can text or call it.”
Nakangiti akong tumingin sa kanya. “Sige. Tatawagan kita para balitaan, ha?”
Mukhan syang nagulat. “You will really call me?”
Nakangiting tumango ako. “Oo. Tatawagan kita. Sagutin mo, ah?”
Ngumiti na rin sya sa akin sa wakas. “I will definitely wait for your call.”
I smiled. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Kanina pa pala kami magkasama at alam ko na ang pangalan nya pero sya ay hindi pa alam ang pangalan ko.
“I’m Angela. Angela Salazar.”
May ngiti pa rin sa mga labi nya nang tanggapin ang kamay kong nakalahad sa kanya. Hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kuryente na nanggaling sa kamay nya. Napatingin tuloy ako kay Lester para sana tanungin kung ano iyon pero mukhang wala naman syang naramdaman.
Naramdaman ko ang pagpisil nya sa kamay ko bago pormal na nagpakilala sa akin.
“I’m Lester. Lester Cervantes.”
Chapter 8
Lucius
My gaze remained on the woman who’s sitting on the carpeted floor inside my office. She was doing her homeworks and her books that look like a bible because of its thickness were all over the coffee table. Her cup of coffee na dapat ay nakapatong doon ay nasa lapag na.
I heaved a deep sighed and closed my eyes. Just by looking at her, I feel like my world is as unorganized as hers too.
There’s was a knocked on the door that made my eyes open. I noticed how the woman straighten her back while looking at the door that swung open. Glen, my secretary, came in and the woman’s shoulders quickly slumped. I hid the smirk that wanted to show on my lips.
“Sir, these documents from financial department need your signature.” Glen said and he handed me a bunch of papers with a cheque on it.
“What is this?” I asked.
“It’s the budget for the month, Sir. For food and beverage.”
I nodded. Nagpaalam na rin naman si Glen. He knew that I needed to review this document first before I will sign it.
When Glen left, I looked at the woman again who’s writing something on her book. She’s here almost the same time I got in here. At wala syang ginawa kundi ang pagkaabalahan na gawin ang homeworks nya.
She got bored the week before pero ngayon ay tinambakan sya ng mga homeworks nya. I can’t help but to be amazed by her determination. She must really wanted to be an obstetrician gynecologist. She looked so serious while writing her answers on the book.
Her books are too thick. Pwedeng gawing sandata sa mga kalaban.
I heard a knock on the door again but I didn’t take away my eyes from the woman. Napansin ko ulit ang pagtuwid nya sa pagkakaupo at nakaabang sa kung sinumang papasok doon. She looked excited but when the door opened again and Glen came in, she looked really disappointed.
“Sorry, Sir. May naiwan.” Glen said. Mabilis nya namang iniwan ang papel sa table ko at lumabas din agad.
This time, I laughed loudly that’s why the woman looked at me.
“What’s with you?” she asked and looked at me like I’m some kind of an unknown specie.
I smirked. “You like him, don’t you?”
“What?” she tried to look confused but I can see in her that she knew what I’m talking about.
Alright. I’ll let her be with her acting. She’s lame though.
I tsked. This Queen needs more training.
“Fourth.” I said. “You like him, don’t you?”
I saw the tension in her eyes which made me chuckled. She’s so transparent. Good thing that she’s not requesting to be in a frontline on our mission. Mamamatay lang kaagad sya. And I won’t allow her to do a mission, anyway.
In the end, she just sighed and didn’t bother to deny my observation. Ibinalik nya ang atensyon sa ginagawa nya at hindi na lang nagsalita.
My Queen is inlove.
“He’s looking for someone. Is it a girl?” tanong ko pang may halong pang-aasar. Makabawi man lang sana ako sa mga ginawa nya sa aking kalokohan noon.
She shrugged her shoulders. “Name’s Daphne Madrigal.”
I chuckled. Wow. She’s fast! “You’ve already done your own research, huh?”
She rolled her eyes at me and continued doing her homeworks. But I’m not planning to let her get away easily. Now that I have the chance to tease her, I won’t let this opportunity to pass.
“What’s wrong? Jealous that your man might fall inlove with her?”
Marahas ang pagbaling ng ulo nya sa direksyon ko. She threw me a dagger look.
“He is not my man!” inis na sabi nya at tumawa ako.
“What will you do to the girl?”
She sighed and shrugged her shoulders again. “I dunno. Befriend her, I guess.”
“Nice! Ang bait, ah? Trying to get some points so Fourth will fall for you?”
She groaned irritably. Her cheeks flared kaya alam kong naiinis na sya sa akin. But I just laughed at her. Fuck it. This girl is like a child.
Well, she’s years younger than me afterall.
“Okay, I admit that I like Fourth. He’s handsome and attractive.”
“More handsome than me?”
She smirked. “You’re the most handsome of all, My King.”
I laughed and shook my head in disbelief. I felt like I have a little sister sa katauhan nya. I am an only child and with a strict father that I have, I am not enjoying my life.
But when my father asked me to protect and looked after Ishtar, my world somehow changed. Sumasaya naman ako kapag nandyan sya. She’s bubbly and cheerful. Kaya nyang makisakay sa mga biro ko.
But we both know na hanggang doon lang talaga kami. I don’t know. There’s this bond between us that is only for a sibling. Kaya alam ko, kahit na minsan na nagbibiruan kami na higit pa sa ginagawa ng magkapatid, alam namin that it won’t work for us anyway. Kahit anong pang-aakit namin sa isa’t isa ay wala ring mangyayari.
We’re just like brother and sister. That’s all.
“Why are you sitting on the floor?” I frowned. She’s been sitting there for an hour already. I bet her butt will feel sore after this. Hindi ko na kasalanan ’yon.
“The table is too low.” she said, slightly pouting her lips. “I don’t want to bend my back. I might hurt my spine.” she straightened her back. “I should remain my poise. Poise is important to a woman. She will look confident with it even if she’s not pretty or rich.”
I tsked and choose to stand up from my swivel chair. “Dito ka na.” sabi ko at lumapit sa kanya. Tinulungan ko sya sa paglilipat ng mga gamit nyang nagkalat.
I grimaced when I caught a glimpse of the book that she’s reading. Fuck it. How could she understand that? The words are all complicated!
“My King is so sweet!” she said and hugged me on the waist. I chuckled and ruffled her soft hair.
“And handsome?” I asked.
She gave me her sweetest smile. “The most handsome of all.”
She continued doing her homework in my throne inside my office. Glen looked so shocked when he saw Ishtar on my place while I’m reviewing the papers that he gave me in the sofa. Ilang beses syang kumurap-kurap bago tumikhim at naging pormal.
“Sir, Mr. Reyes wanted to set a lunch meeting with you.”
I raised an eyebrow. “About what?”
“He said he wanted to offer you a collaboration for his new project. He will talk the details over your lunch meeting, Sir.”
Saglit akong nag-isip at napatingin pa kay Ishtar na nakatingin rin pala sa akin. She shrugged her shoulders at nagpatuloy na lang sa pagsusulat.
Lucky her. She’s still a student while I’m handling a company in this young age.
“Okay. Set me a meeting with him this weekend.”
“Noted, Sir.”
Nang makaalis si Glen ay naramdaman ko ang paninitig sa akin ni Ishtar. She looked like she wanted to tell me something at nagdadalawang-isip pa. But I know that she’ll tell it to me eventually.
“There’s something new about you, My King.” she said while staring at me really hard. I smirked and decided not to pay her any attention.
She’s sharp, huh?
Maybe I changed after that encounter that I have with Angela. Hindi ko mapigilan ang pagngiti sa tuwing naaalala ko iyon. She’s cute as fuck!
Everytime I saw her, I can’t help but to admire her more. I realized that she’s really a kind and helpful person. I am just a stranger to her but she’s willing to help me to find a job. Siguro ay inakala nyang wala akong trabaho kaya palagi nyang naaabutan na wala akong pambayad
Fuck it! I just don’t have any cash! Hindi naman tumatanggap ang mga bus at mga palengke ng card sa pagbabayad!
I closed my eyes tightly when I remembered my lies that I said to her. It’s bad to lie but I can’t help. Kapag sinabi kong ako si Lucius D’Angelo ay baka layuan nya pa ako.
Why wouldn’t I want her to stay away from me? And why does my heart beats so fast whenever I’m thinking about her?
But damn it! I remember the name that I said to her. Of all the surnames in the world, why the fuck did I even gave her that fucker’s surname?
I got flustered! Wala na akong panahong makapag-isip. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang Gallagher or Sanford because they are known in the business world too. That’s why I chose that fucker’s surname.
I got startled when my phone rang. I fished it out of my pocket and saw that it was an unregistered number. I frowned before I answered it.
“Hi!” ang masiglang bati sa akin ng kung sino man ang nasa kabilang linya.
It’s a woman.
“I’m sorry but who is this?”
I heard the woman laughed and my heart filled with joy. Parang gusto kong makita na tumatawa sa harapan ko ang babae.
“Ako ’to si Angela! Yung girlfriend ni Lucius D’Angelo!”
A smile has shown on my lips before I chuckled. I noticed Ishtar looking at me intently but I was too focused on Angela to even mind her.
“Hey…” I greeted her. “What’s up?”
“Diba sabi ko tutulungan kitang magkatrabaho?” she said. “Nabasa na ng friend ko yung resume mo. Gusto ka nyang makausap ngayon.”
“Now?” Fuck! I’m going to see her now? And why the fuck do I feel excited?
“Oo! Ite-text ko sayo kung nasaan ako. Sasamahan na kita doon.”
I smiled. I’m going to see her beautiful and angelic face again. Fuck! That reporter is really a blessing in disguise!
Natanggap ko ang text nya at hindi na nabura ang ngiti sa mga labi ko. I got up. Naghanda ako sa pag alis ko. I looked at Ishtar na hindi na yata ako nilubayan ng tingin kanina pa.
“I’m going out.” I said. Just tell Glen if you need something.“
She didn’t say anything and just keeps on staring at me. At hanggang sa paglabas ko ay hindi nawala ang tingin na iyon ni Ishtar sa akin. I just shrugged my shoulders and finally went out of the office.
I’m going to see Angela again.
Chapter 9
Angela
Kumaway ako nang makita ko si Lester na palinga-linga at may hinahanap. Ang gwapo na naman nya sa suot nyang cream white longsleeve shirt at dark blue slacks. Hindi talaga sya mapagkakamalan na mahirap sa itsura nya. Mukha syang mayaman.
Pero alam ko ang totoo sa kanya.
Naaawa ako sa kanya dahil wala syang trabaho. Mukha naman syang nagpapakahirap na maghanap ng maa-apply-an. Lagi kasing ganoon ang suot nya na parang laging may interview. Pero siguro ay hindi pa rin sya natatanggap kaya hanggang ngayon ay wala pa rin syang trabaho.
Kung minsan ay nauubusan na siguro sya ng pamasahe dahil sa paghahanap. Kaya noong una ko syang makita sa bus ay wala syang pambayad. At halata naman na marami pa syang gustong bilhin. Pero dahil no work no pera, wala syang maipapambili ng gusto nya.
Kaya tutulungan ko sya. Ang sabi ng mga magulang ko na tumulong ako kung kaya ko naman.
“Pawis na pawis ka.” puna ko sa kanya nang makalapit sya sa akin. Pero kahit na halos mabasa na ng pawis ang damit nya ay humahalimuyak pa rin ang bango nya.
Ngayon lang ako nakaamoy ng ganitong kabangong lalaki!
At dahil ang damit nya ay nababasa na ng pawis, humahapit tuloy iyon sa katawan nya kaya nababanaag ko ang mga muscles nya sa katawan!
Iniiwas ko ang mata ko sa katawan nya at ibinaling na lang sa mukha nya. Nakita kong nakatitig pala sya sa akin. Napanguso na lang ako.
Napansin nya kaya yung paghagod ng tingin ko sa katawan nya?
Sabi na nga ba at hindi ako mabait, eh! Ang bilis kong magkasala! Nakakita lang ako ng lalaking may magandang katawan ay gumawa na ng kasalanan ang mga mata ko!
Tumikhim ako. Nakakapanibago yung ganito sa akin. Ang alam ko ay never pa akong humanga ng ganito sa lalaki.
Gwapo naman kasi talaga si Lester.
Inilabas pa ni Lester yung panyo nya sa bulsa at nagpunas ng pawis sa harapan ko. Pinunasan nya ang pawis sa leeg nya at wala na akong nagawa kundi ang panoorin na lang sya. Feeling ko nga pati yung mga tao sa paligid, nakikinood na din.
Hindi ko alam na magagamit ko pala ang salitang sexy sa lalaki. Ang sexy nya kasi habang nagpupunas ng pawis! At hindi nga ako nagkamali sa pag-aakalang may nanonood sa amin! Dahil may narinig akong bumulong na sana ay sya na lang daw ang panyo na ipinang-pupunas ni Lester sa pawis nya!
“Halika na.” yaya ko na kay Lester. Baka kung anong kalaswaan pa ang marinig ko, eh. Nagsimula na akong maglakad at nakasunod lang sya sa akin.
“Where are we going?” tanong ni Lester. Nilingon ko sya nang nakangiti.
“Sa magiging trabaho mo. Kakausapin ka lang saglit nung kakilala ko tapos pwede ka nang magsimula.”
Tumango-tango sya at pagkatapos ay namulsa. Grabe! Mukha syang model ng isang sikat na magazine! Hindi pwede ang itsura nya sa isang puchu-puchung magazine lang! Sayang!
“Halika na?” tanong ko sa kanya nang makita na ayos na sya. Hindi na pawisan at mukhang hindi na rin hinihingal.
Tumingin sya sa akin at ngumiti. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti nyang iyon.
Anong nangyayari sa akin? Hindi naman ako tumakbo ba?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at nagsimula nang maglakad. Umagapay naman sya sa akin at sumabay sa paglalakad ko.
“Hindi kita pwedeng ipasok sa kung saan ako nagtatrabaho. Maliit lang kasi yung company at hindi kayang magpasahod ng maraming tao.” sabi ko habang naglalakad kami.
Napatingin ako kay Lester at nakita ko syang iniiwasan ang mga taong nakakasalubong nya. Napatawa na lang ako. Mukha kasi syang hindi sanay na maglakad sa lugar na maraming tao. Hirap na hirap syang umiwas at kung minsan ay nabubunggo pa sya.
“Ayos ka lang?” tanong kong natatawa na. Sinuklay nya ang buhok nya gamit ang mga daliri nya sa kamay.
Nakita ko ang isang babaeng makakasalubong nya na napahinto at napatitig sa kanya. Iniwasan ni Lester na mabangga ang babae hanggang sa malagpasan na nya iyon.
Napangiti ako. Kanina ko pa napapansin na yung mga nakakasalubong ni Lester, lalo na mga babae, ay napapatitig talaga sa kanya kaya nahihirapang syang umiwas sa mga tao. Yung iba kasi, kung makatingin sa kanya ay parang gustong-gusto na syang kainin ng buhay. Hindi na ako magtataka kung may isang kakausap sa kanya at hihingin ang contact number nya.
“Hindi ka talaga natatanggap sa mga ina-applay-an mo?” tanong ko sa kanya.
“Uh… Yeah. They wanted someone who graduated from college.”
Nalukot ko ang ilong ko. “Karamihan talaga sa mga malalaking kumpanya, ang gusto nila yung may pinag-aralan na related sa ina-applay-an mo. Yung may degree. Ang iniisip kasi nila, kapag graduate ka ng college, ibig sabihin may ideya ka na sa gagawin mong trabaho. Hindi na sila mahihirapang turuan ka. Kasi may degree ka na, eh.”
Kaya kawawa ang mga hindi nakapagtapos. Kagaya ni Lester. Nahihirapan syang makakuha ng trabaho. Paano pala kung may experience sya sa work na iyon pero hindi sya nakapagtapos ng college? Paano pala kung mas magaling pa sya kaysa sa mga nakapagtapos?
“Pero nahihirapan din makakuha ng trabaho yung mga fresh graduates.” pagpapatuloy ko. “Kasi yung iba naman, gusto ng may experience na sa trabaho. Paano sila magkaka-experience eh, fresh graduates nga sila? Kaya ’yung ibang mga naka-graduate, malayo ang nakukuha nilang field of work sa pinag-aralan nila. Dahil hindi sila binigyan ng pagkakataon.”
“Maybe those companies think they wouldn’t need to teach those people with experience related to that work.” sabi ni Lester at napasimangot ako.
“Paano kung mas magaling pala yung fresh graduates kaysa sa mga may experience na sa work? Paano kung mas makakatulong pa yung fresh graduate sa pag-angat ng company? Edi hindi nila nalaman kasi hindi nila binigyan ng chance.”
Hindi na nagsalita si Lester at parang may malalim na iniisip. Nagkibit-balikat na lang ako. Siguro ay kinakabahan sya sa magiging interview nya ngayon.
“Dito na tayo.” sabi ko at tumigil kami sa isang maliit na office dito sa may Binondo.
Napatitig si Lester sa office sa harapan namin. Nakita kong kumunot ang noo nya. Pagkatapos ay napatingin sa akin nang may nagtatakang mga mata.
“What kind of work they offer?” tanong nya.
Ako naman ang napatitig sa kanya. Napansin ko kasi na kanina pa sya nag-eenglish eh tagalog naman ako kung makipag-usap sa kanya.
Kung hindi sya natatanggap sa mga interview kahit magaling syang magsalita ng english, ibig sabihin ang gusto talaga ng mga company na in-apply-an nya ay yung naka-gradute ng college.
Mas lalo tuloy akong naawa sa kanya. Siguro kung nakapagtapos lang sya ng college ay malayo ang mararating nya.
Ngumiti ako sa kanya. “Kalaban ng company namin ’to.” sagot ko sa tanong ni Lester. “Advertising company din sila. May mga product na mino-model. At ikaw, magiging P.A. ka ng mga model.”
Kumunot ang noo nya. “P.A.? Personal Assistant?”
Tumango ako. “Oo. Kagaya ko. Madali lang naman. Ikaw yung mag-aayos ng mga nagulong gamit nila, magtitimpla sa kanila ng juice at kape. Tsaka tutulong ka rin sa pag-aayos ng studio.” binuksan ko na ang pinto. “Tara na.”
Natawa na lang ako nang makita ang pag-aalangan sa mukha nya pero sumunod pa rin naman sa akin sa pagpasok. At dahil maliit lang ang office, napatingin agad sa amin ang lahat nang pumasok kami.
“Angela!” tili ni Ate Beauty, ang may-ari ng maliit na company na ’to, nang makita ako.
“Ate!”
Nagbeso kami pero agad na lumipad ang tingin nya sa katabi ko. Ang bilis ng radar nya sa gwapo, ah! Wala pang kalahating minuto ang batian namin pero napatingin kaagad sya sa kasama ko.
“Hi, pogi.” ang malambing nyang bati at napangiwi na lang ako.
Pero magalang si Lester at nagpakilala. Hindi sya katulad ng ibang mga gwapo na homophobic. Ate Beauty is a gay. Pero si Lester ay nakipagkamay pa rin sa kaibigan ko.
“Lester Cervantes po.” he said.
Mas lalo akong napangiwi nang hinaplos pa ni Ate Beauty ang kamay ni Lester at pagkatapos ay kumawit sa braso nya. Nakita ko ang pagiging uncomfortable ni Lester nang tumingin sa akin.
Hindi ko pa nga sya nahahawakan kahit dulo ng daliri nyan pero naunahan pa ako ni Ate Beauty.
“Hindi mo naman sinabing ang gwapo pala ng kaibigan mo, Angela.” sabi ni Ate Beauty na titig na titig pa kay Lester. “Tanggap na sya.”
Pero hindi ko nakita ang kasiyahan sa mukha ni Lester. Siguro ay naiilang talaga sya at hindi sanay na may ibang humahawak sa kanya lalo pa at hindi nya naman talaga kakilala.
Napabuntong-hininga ako.
“Ay, Ate Beauty, saglit lang, ah. May pag-uusapan lang kami nitong kaibigan ko “
Hindi ko na hinintay na makasagot pa sya. Hinawakan ko sa braso si Lester at napapitlag ako nang maramdaman na may parang kuryente na lumukob sa katawan ko. At mukhang hindi lang ako ang nakaramdam. Napatingin din sa akin si Lester na may nagtatakang mga mata.
Pero hindi ko na iyon pinansin at hinigit na sya palabas.
“Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya nang makalabas kami. Nakita ko kasi talaga ang pagka-ilang nya kanina sa loob. “Okay lang ba sayo yung trabaho?”
Nakita ko ang pagngiwi nya. Nalukot ang ilong ko dahil alam ko na ang isasagot nya.
“Is there any other job?” nag-aalangan nyang tanong sa akin.
Nakakaunawang ngumiti ako sa kanya. Naiintindihan ko naman sya. Mabait si Ate Beauty pero kapag may gwapo talaga ay hindi nya mapigilan ang sarili nya. Iyon nga lang, mukhang nailang talaga si Lester dahil ngayon pa lang sila nagkakilala.
“May alam pa ako.” sabi ko sa kanya at ngumiti. “Pero sa ngayon, kumain muna tayo ng kwek-kwek. Kanina pa ako natatakam doon.”
Itinuro ko ang stall ng nagtitinda ng kwek-kwek sa may malapit lang. Natawa si Lester at sinundan na lang ako nang maglakad ako papunta doon.
Kumuha ako ng dalawang plastic cup at nilagyan iyon ng tig-limang kwek-kwek. Ibinigay ko kay Lester ang isa.
“I don’t—”
“Hindi ka kumakain nito?” namamanghang tanong ko. Ang sarap-sarap ng kwek-kwek eh! “O allergic ka?”
“No, I mean… I can pay.”
Tumawa na lang ako. “Bayaran mo na lang ako kapag nagkatrabaho ka na.”
“But—”
“Sige na. Mayaman ako ngayon. Sumahod kasi ako kahapon.”
Sa huli ay tinanggap na rin naman ni Lester ang binibigay ko. Pero tinitigan nya lang iyon na parang ngayon lang talaga sya nakakita ng kwek-kwek. Nagkibit-balikat na lang ako at sinimulan na ang pagkain.
Sobrang misteryoso para sa akin ni Lester. Para kasing ngayon lang sya nakalabas ng bahay. Hindi sya sanay sa maraming tao, wala syang palaging pambayad pero sumakay pa rin sya ng bus at bumili ng damit. Tapos ay hirap pa syang makakuha ng trabaho kahit na magaling syang makipag-usap sa english. Ngayon lang ba sya nakarating ng Manila?
Naputol ang pag-iisip ko nang may batang madungis na kumulbit sa akin at nanghihingi ng barya pangkain lang daw. Napakadungis ng bata at sobrang payat pa. Napabuntong-hininga ako at ngumiti sa bata.
“Gusto mo ng kwek-kwek?” tanong ko sa bata. Nagliwanag ang mukha nya at sunod-sunod na tumango. “Sige. Kuha ka lang dyan. Ako na ang magbabayad.”
Sumunod naman ang bata sa akin at agad na kumuha ng limang kwek-kwek at masayang kinain iyon. Nanghingi din ako ng inumin sa nagtitinda at ibinigay sa bata. Nang tignan ko si Lester ay nakita ko na nakatitig na pala sya sa akin. May kung ano sa mga mata nya na hindi ko mabasa.
“Bakit?” tanong ko at nag iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kasi matagalan ang titig nya at bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
“You’re always helping people in need.” sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.
“Ang sabi kasi ng mga magulang ko, kung kaya ko namang tumulong, tumulong ako. Wala naman daw mawawala sa akin. Nakagawa pa ako ng kabutihan sa kapwa.”
“Even me.” sabi ni Lester na may ngiti sa mga labi. “You’re helping me find a job.”
“Kasi kailangan mo at kaya ko namang tulungan ka.” nakangiti kong sabi sa kanya. “Gusto kong i-share ang swerte ko. Hindi man ako mayaman, pero at least, kaya kong buhayin ang sarili ko. May trabaho ako. Sumasahod ako. Nakakakain ako. Walang nangyayari sa aking masama. At gusto kong magpasalamat sa lahat ng natatanggap ko kaya tumutulong ako kapag kaya ko.”
Titig na titig sa akin si Lester nang matapos akong magsalita. Napakaraming mga emosyon akong nakita sa kanya. Isa na ang paghanga. Hindi ko alam pero bigla akong sumaya nang makita ko iyon sa mga mata nya.
“You’re amazing.” sabi nya na ikinapula ng mukha ko. Punong-puno kasi ng emosyon ang pagkakasabi nya.
“Hindi naman…” sabi ko at isinubo ang kwek-kwek ng isang buo sa bibig ko.
“I bet your boyfriend, Lucius D’Angelo, is so proud of you.” sabi pa nya na may ngiti sa mga labi.
Napanguso ako. Paano magiging proud yun eh hindi nga ako kilala ’nun?
Bumungtong-hininga ako. Hindi ako mabait. Sinungaling pa nga ako eh. Sana lang ay hindi ako karmahin sa pagsisinungaling ko.
Chapter 10
Lucius
“You’re hired.”
The woman offered her hand to me to which I accepted and gave her a fomal but firm handshake. I don’t know what expression I’m wearing right now but I know that it’s far from those who got accepted from the job.
What should I do? I have never experienced something like this before. Being hired from the job. Fuck, I am the CEO of my own company but what am I doing here answering interview questions from another company?
But that was a fast application. Wala pang isang araw pero natanggap kaagad ako. The application only took six hours and I got immediately accepted until the final interview.
“Comeback here on Friday for your contract signing. Ito ang list ng mga requirements. Kahit yung mga may check lang ang madala mo sa Friday.” she handed me a piece of paper with the list of the requirements.
“Thank you.” I said and got up from the seat.
As I went out of the room, I tried to remember what I was doing here. Angela called me yesterday and said that she has another job to offer me. I got excited not because of the job but because I’m gonna see her again. It’s been one week since the last time that I saw her.
I don’t understand what’s happening to me. Gumising pa talaga ako ng maaga ’cause she said that I need to be early for the interview para maaga din daw kaming matapos. Mas maaga, mas madaling matapos.
Then I found out that the job she’s offering me is from a BPO company. Dahil daw magaling akong mag-english at marunong naman daw akong sumagot ng mga tanong, malaki ang chance na matatanggap ako. Wala na akong magawa nang hilahin nya ako papasok sa loob ng building.
Now, I’m starting to regret why I’m talking to her in English. Kung hindi ay hindi agad ako matatanggap sa trabahong ’to. Then maybe she will still help me find another job and we will have another time again to be together.
Sisimulan ko nang kausapin sya ngayon in Tagalog.
It’s a good thing that Angela isn’t suspecting who I really am. Kahit na sa salitang English ko sya kinakausap ay hindi sya nagtataka. In the business world, it can’t be help that our language is English especially that we have investors and business partners that are not Filipino.
Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin kay Angela ang totoo. I am enjoying my time with her. I feel like I am the real me when I’m with her even if I’m using a fake identity. Even if she knew me as Lester Cervantes and not Lucius D’Angelo. She made me feel that I can be free from anything. That I don’t have to work so hard and just be a normal person.
At pakiramdam ko, magbabago ang lahat ng iyon kapag nalaman nya kung sino talaga ako.
Maybe… I will tell her who I really am some other time. For now, I will just enjoy my time with her.
“Anong balita?” Angela asked and she even stood up from her seat when she saw me. Naghintay talaga sya sa akin dito sa visitor lounge ng company na ’to.
I stared at her face. She looked expectant but I can see the trust that she has for me. She knew that I can really do it.
God… She’s breathtakingly beautiful.
I showed her the piece of paper with the list of requirements.
“Hired.” sabi ko at ngumisi sa kanya.
I was caught off guard when she gave me her wide smile. The beating of my heart became fast with every second as I stared at her face. But I felt my whole world stopped when she gave me a big warm hug.
Fuck… She smelled so good.
“Sabi sayo kaya mo yan, eh!” she said while she was still hugging me.
Pero ako? Nakatayo lang ako at hindi alam ang gagawin. Fuck! Tumigil talaga sa pag-ikot ang mundo ko. Pakiramdam ko ay tumigil din ang oras. The warmth and softness of her body felt so good against mine. Parang gusto ko na lang na hindi na humiwalay sa kanya.
Should I hug her back? Fuck it. I want to hold her. I want to keep her inside my arms forever.
What the fuck is happening to me?
Pero bago pa ako may magawa ay humiwalay na sya sa akin. I could see the slight tinge of redness on her cheeks but she’s trying to hide it with her smile.
Fuck! Bakit ba ang ganda-ganda nya?
“Halika na?” she asked. Wala sa sariling napatango ako at sumunod sa kanya sa paglabas.
Damn it. I am the King of EL Ordre. I was trained to conceal my emotions and to act like a fucking leader. Pero kapag si Angela ang kaharap ko, nawawala ang lahat ng mga natutunan ko sa trainings ko.
I just want to feel free when I’m with her.
Ngayon lang ako nakakita ng babaeng katulad nya. Pero alam kong nag-iisa lang sya sa mundo at hindi na ako makakahanap pa ng kagaya nya. That’s why I feel so lucky that I actually met her.
I should thank that reporter. Maybe I will allow him to interview me once.
It is in Angela’s nature to help the people in need. Kahit na alam nyang wala syang makukuhang kapalit. She just wants to help people even if she doesn’t have much to offer. Makokonsensya ang mga taong may pera sa sobrang pagiging matulungin nya.
She’s an angel sent from above. Her name suits her. Pero mas babagay kung pati ang apelyido ko ay gagamitin nya.
Considering that D’Angelo means angel in Italian.
“At dahil natanggap ka, may regalo ako sayo!” she said before she went inside the cloth store. I followed her inside dahil iyon lang naman ang palaging ginagawa ko.
I never let anyone to control me with my life. Sya lang. At hinahayaan ko lang syang gawin iyon. I like it. I like her controlling me.
“Isukat mo dali.” sabi nya sabay abot sa akin ng leather jacket, black shirt and black ripped pants.
I frowned and stared at it. Contemplating if I should accept her gift or not. It’s not a branded clothes but still, gagastos pa rin sya.
Fuck… Magkano na ba ang utang ko sa kanya?
“Angela—”
“Isukat mo na.” she said. Naramdaman siguro na tatanggi ako. “Regalo ko ’yan sayo.”
“Pero gagastos ka na naman.” I said in Tagalog. Nakita ko ang pagngiti nya na naman na nagpabilis ulit ng tibok ng puso ko.
Calm down, fuck.
“Ayos lang. Sa unang sweldo mo, ako naman ang ililibre mo, eh.”
“You mean we’re going to meet again?”
Nagtatampo syang tumingin sa akin. “Syempre naman! Ayaw mo na ba akong makita?”
I quickly took the clothes from her and went inside the fitting room. Narinig ko ang pagtawa nya at wala sa sariling napangiti na din ako.
Fuck! I want to hear her laughter for the whole day!
Nagpalit agad ako ng damit at napakunot na lang ng noo nang makita ang sarili ko sa salamin. The clothes were too eye-catching. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganitong klaseng damit.
I went out of the fitting room and saw the surprised look in Angela’s face. I even heard her loud gasped that made the people look at us. In the end, I noticed that most women inside the store were staring at me.
“Grabe, Lester! Hindi ka na mukhang nag-aapply!” Angela exclaimed.
What? Do I look like I’m always looking for a job with my business attire?
“Ang gwapo mo!” she exclaimed while staring at me in awe. “Sigarilyo na lang ang kulang magmumukha ka nang gangster na model!”
I laughed and even made a pose. Natawa kaming pareho sa ginawa ko.
She paid for the clothes at hindi na nya pinahubad sa akin ang damit. She said that since I’ve finally found a job, there’s no need for the formal wear anymore. Hindi din naman daw mahigpit sa dress code ang mga BPO company.
I took her home and just laughed when I found out where her house is. What a small world, huh?
“Salamat sa paghatid. Sige na. Baka gabihin ka pa.” she said but I still don’t want to go. I still want to be with her.
“Angela…”
“Hmm?”
I took a deep breath. Fuck. Why do I suddenly feel so nervous?
“Can I… Pwede ba kitang tawagan anytime?”
She smiled and nodded. “Oo naman.”
“Pwede din ba kitang makita kahit hindi araw ng sahod ko?”
Natawa sya kaya napangiti na din ako. “Oo naman, Lester. Gusto ko rin ’yon.”
And that give me hope. Hope that I have a chance with her. Hope that she also feels the same way about me. Pero kung hindi naman, I will do everything to make our feelings mutual.
I like her. I like Angela. A lot.
May ngiti sa mga labi ko nang bumalik ako sa office ko. All of my employees were staring at me. Maybe because of my clothes. Hindi na rin kasi ako nagpalit. These clothes remind me of Angela.
I was surprised when I saw Ishtar sitting on the swivel chair behind my office table. She eyed me from head to toe and by the look on her face, I could tell that she had a bad day.
“What are you doing here?” I asked. She crossed her arms before she stood up.
“Waiting for my King.”
She walked her way towards me. Nanatili lang akong nakatayo sa likod ng nakasaradong pinto habang hinihintay ang paglapit nya sa akin. The look on her face tells me that I am looking at the EL Ordre’s Queen right now.
“My Queen…” I whispered nang makalapit na sya sa akin. Ilang metro na lang ang layo nya at amoy ko na ang ginamit nyang pabango.
While Angela only used baby cologne. But I still like her scent.
“You are changing, my King.” she said. Inilapit pa nya ang sarili hanggang sa lumapat na ang katawan nya sa akin. I didn’t bother to put distance between us ’cause this is just normal for us.
But something inside me says that I should.
“What are you talking about?”
Ishtar looked at me coldly. There’s no emotion in her eyes right now as she stared at me.
This is why she’s no doubt the Queen of EL Ordre.
“I know you, my King. I can tell if you’re hiding something or not. And I don’t like what I’m seeing right now.”
She wrapped her arms around my neck and in instinct, I held her on the sides of her waist. She put her mouth against my ears and whispered.
“Remember, the King should only have one Queen. Kaya ako lang dapat ang Queen mo.”
Chapter 11
Angela
Ang ganda ng mood ko. Maayos kasi ang naging simula ng araw ko. Ang ganda ng gising ko, binayaran na rin ako ni Aling Delia sa utang nya kaya mayaman ulit ako ngayon. Nakasakay din agad ako ng jeep kaya hindi ako na-late sa pagpasok. Binati rin ako lahat ng mga katrabaho ko pagdating ko.
Kaya naman hindi na naalis ang ngiti sa mga labi ko. Buong araw yata ako nakangiti at kahit na marami ang ginagawa ko ngayon ay hindi talaga ako nakakaramdam ng pagod. Nangangalay na nga rin ang panga ko dahil sa pagngiti ko.
At alam kong napapansin iyon ng mga katrabaho ko. Pati nga sila ay nahawa na sa ngiti ko at natatawa na lang kapag napapatingin sa akin. Kaya ang nangyari, masaya ang araw naming lahat.
“Blooming na blooming si Angela, ah?” pansin sa akin ni Lara nang may pagkakataong makapag-lunch kami. Pero nasa loob pa rin kami ng studio. Hindi yata namin mako-consume ang one-hour break namin dahil kailangan naming matapos ang lahat ngayong araw.
“Ang ganda naman kasi ng lovelife nyan!” sabi Nina na pabirong inirapan pa ako.
Tumawa na lang ako. Ang buong akala pa rin nila ay boyfriend ko si Lucius D’Angelo. Hindi ko na mabawi, eh. Buti nga ay hindi sila nagtataka dahil hanggang ngayon ay wala akong ipinapakita sa kanilang Lucius D’Angelo. Siguro ay naiintindihan naman nila na busy ’yung tao. Pero alam ko na balang araw ay pipilitin nila akong makita si Lucius. At bago pa mangyari iyon ay sana maka-isip na ako ng rason sa paghihiwalay namin.
Buti na lang talaga at hanggang ngayon ay walang pulis na dumadampot sa akin dahil sa kasinungalingan ko!
Sana talaga ay hindi makaabot sa kanya ang kwentong ginawa ko!
“Talagang blooming!” pagsingit ni Maricel na nakiupo pa sa table namin. “Ang gwapo ba naman ng boyfriend nya!”
Simula din nang araw na nagsinungaling ako, naging mabait na sa akin si Maricel. Hindi na nya ako inuutusan. Nagulat pa nga ako dahil sya na ang nagtutupi ng ginulo nyang mga damit sa wardrobe! Sya na rin ang nagtitimpla ng juice nya at nagpapaypay sa sarili nya kapag naiinitan sya.
May mabuti rin namang naidulot ang pagsisinungaling ko.
Pero hindi! Kasalanan ’yon, eh! Kinakain na nga ako ng konsensya ko! Pati si Lucius D’Angelo na walang kaalam-alam ay nadamay pa!
Narinig ko na napasinghap sina Lara at Nina sa sinabi ni Maricel. Kumunot naman ang noo ko.
“Nakita mo sya?” tanong ni Lara na kumikislap pa yata ang mga mata.
“Nakita? Sino?” tanong kong naguguluhan pero kinakabahan na.
Umirap si Maricel sa akin pero ngumiti din nang tumingin kina Lara at Nina.
“Oo! Nakita ko silang magkasama ni Lucius D’Angelo!”
Nagtilian ang dalawa kong kaibigan pero ako ay naiwang nakatulala at gulong-gulo. Nakasama ko si Lucius D’Angelo? Kailan? Saan? Bakit hindi ko alam ’yun?
“Nakita mo kami?” tanong kong kunot na kunot ang noo.
“Yes!” patiling sagot ni Maricel. “Alam ko na kung bakit ayaw magpakita ng mukha ng boyfriend mo sa mga interview nya. Ang gwapo-gwapo naman kasi at talagang pagkakaguluhan sya!”
Nagtilian silang tatlo kaya napatingin sa amin ang ibang mga katrabaho namin. Samantalang ako ay feeling ko na lumipad yata ang utak ko palabas ng bungo ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Nakita ni Maricel si Lucius D’Angelo? Eh, wala ngang nakakakilala sa mukha ni Lucius sa labas ng business world! Ang mga katulad namin ay malabong makilala sya tapos sasabihin ni Maricel na nakita nya? At magkasama pa talaga kami!
Nagka-amnesia ba ako? Bakit wala akong matandaan na nakita at nakasama ko si Lucius?!
“May picture ka, sis?” excited na tanong ni Nina kay Maricel na ngumisi pa.
“Ako pa ba?” inilibas nya ang cellphone nya at may ipinakitang picture na pinagkaguluhan nina Nina at Lara.
“OMG!” tili ni Nina at nagulat ako nang hilahin nya pababa ang ilang hibla ng buhok ko. “Bakit dyan mo lang pinapakain ang isang Lucius D’Angelo?!” nag-eeskandalong tanong nya.
Ano daw? Pinakain ko pa si Lucius? Bakit wala akong maalala?!
“Grabe, girl… Ang gwapo nya.” sabi ni Lara na nakatitig na lang sa cellphone nya.
“Patingin nga.”
Naglapitan na pala ang ibang mga katrabaho namin at pinagpasa-pasahan ang cellphone ni Maricel na may picture daw namin ni Lucius na magkasama. Ilang ulit kong narinig na sobrang gwapo daw ng boyfriend ko.
“Mas gwapo ’yan sa personal!” sabi pa ni Maricel. “Nakakatulala sa sobrang gwapo!”
“Patingin ako.” hindi na nakatiis na sabi ko at kinuha ang cellphone sa kanila.
Ganoon na lang ang panlalamig ng katawan ko, mula bumbunan hanggang sa talampakan ko ang panlalamig ko nang makita ko ang picture. Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat at kabang nararamdaman ko.
“Malapit ’yan sa office ng kalaban natin, ah?” si Boss na nakiki-tsismis na din pala. “Huwag mong sabihin na mas pino-promote mo pa sa boyfriend mo ang company nila kaysa sa atin? Angela, ha?” pabirong sabi ng boss ko na alam kong seryoso din sa pagbabanta pero hindi ko na nagawang tumawa.
’Yung picture kasi, ’yun yung araw na dinala ko si Lester sa office ni Ate Beauty para mag-apply. At ’yung nakuhaan ni Maricel ng picture ay nung kumakain na kami ng kwek-kwek ni Lester. Sakto pa doon sa pinunasan ni Lester ang pisngi ko dahil may dumikit na sauce doon. Pareho kaming nakangiti sa picture at kahit na sinong makakakita ay aakalain na may relasyon talaga kami!
Pero totoo nga. Kahit sa picture ay sobrang gwapo pa rin ni Lester.
“Bakit naman sa tabi-tabi mo lang pinapakain ang boyfriend mo, Angela?” tanong ng isa sa mga katrabaho ko. Hindi ko napansin na dinudumog na pala ako.
“Kaya nga!” nag-iinarteng sabi ni Maricel. “Sigurado na sa mga mamahaling restaurant dinadala ka ni Lucius pero ikaw! Sa kwek-kwekan lang?”
“Paano mo nasabing si Lucius nga ’to? Hindi nyo naman sya kilala.” tanong ko habang nakatitig pa rin sa picture.
“’Yung damit nya! Kahit malayo pa lang, alam ko nang mamahalin! Alam kong branded! Tsaka magaling syang magdala ng damit. Halatang ganoon sya pumorma! Button-down na longsleeve at slacks. Diba ganun manamit ang mga businessman? Tapos ang gwapo pa.”
Marami ang sumang-ayon sa kanya pero hindi ako nagsalita. Malay ko ba kung mamahalin talaga ang damit ni Lester? Eh, hindi naman nakita ni Maricel kung may tag ba sa likod ang damit ni Lester. At tsaka, alam kong mahirap lang talaga sya.
Pero sabagay, kahit na sinong makakakita kay Lester ay aakalain na mayaman talaga sya. Wala kasi sa itsura nya ang pagiging mahirap at walang trabaho. Kung hindi ko lang talaga sya nakita sa bus na walang pambayad, aakalain ko din na mayaman sya.
“Ako ang nahihiya sayo dahil kwek-kwek lang ang pinakain mo sa boyfriend mo.” sabi ni Lara na mukhang disappointed talaga sa akin.
Mabuti nga nilibre ko pa yung tao, eh! Wala kayang trabaho ’yun! At hindi sya si Lucius!
Pero sa hindi ko malaman na dahilan ay hindi ko na itinama ang paniniwala nila. Mas lalo lang kasing lalaki ang gulo. Tatanungin pa nila ako kung sino talaga si Lucius at baka manghingi pa ng picture sa akin. Tatanungin din nila kung bakit mukhang sweet kami ni Lester sa picture.
Bakit nga ba? Ewan ko. Basta ang alam ko, masaya ako nang mga panahong kasama ko si Lester.
“Ang mabuti pa, bumawi ka na lang.” sabi ng boss ko. “Baka sabihin pa ng boyfriend mo na hindi kita pinapasahod ng maayos.”
Tumango ako. “Sige po, boss. Pakakainin ko sya sa mahal na restaurant next time.”
Pumalatak si boss at ikinumpas pa ang nga kamay na parang tumatanggi.
“Hindi, hindi. Ang mabuti pa, imbitahan mo na lang ang boyfriend mo. Mag-company dinner tayo bukas. Sagot ko na lahat.”
Marami ang naghiyawan. Lahat nga yata, eh. Mukha silang masaya pero ako lang ang hindi. Feeling ko pa nga ay namutla ako dahil sa sinabi ng boss ko.
“B-boss… Busy si Lucius, eh. Baka hindi sya pwede bukas.” sabi ko at natigilan sila sa pagsasaya.
“Kailan sya libre, kung ganoon?”
“Hindi ko alam. Hindi ko pa naitatanong sa kanya.”
Grabe! Ang galing kong magsinungaling! Mas nadadagdagan lang ang kasalanan ko! Hindi talaga ako mabait!
Mabuti na lang at agad kong naisip na idahilan iyon. Kung hindi ay nalintikan na! Hindi ko pwedeng iharap sa kanila si Lester at baka makahalata pa sila!
Nakita ko ang pagtango-tango ng boss ko.
“Oh, sige. Ako na lang ang pormal na mag-iimbita sa kanya. Gusto ko rin syang makilala.”
“S-sandali.” nagpa-panic na pigil ko nang akmang tatalikod na si boss. “Anong gagawin nyo, boss?”
“Magse-send ako ng email kay Lucius D’Angelo. Hindi naman siguro iyon tatanggi lalo pa at nagtatrabaho sa akin ang girlfriend nya.”
Napasinghap ako at napatayo na. Hindi pwede! Mas lalala ang sitwasyon kapag ginawa nya iyon! Ang totoong Lucius na ang makakatanggap ng email nya!
“Tatawagan ko na lang sya ngayon.” sabi ko nang hindi na nag-iisip. Napangiwi na lang ako sa sarili ko.
Grabe! Bakit ba sinimulan ko ang kasinungalingan na ’to?!
“Talaga?” tanong ni boss at naging excited silang lahat.
Inilabas ko pa ang cellphone ko. “Itatanong ko kung pwede sya bukas.”
Sunod-sunod ang pagtango ng lahat at sinabing tawagan ko na ang boyfriend. Talagang tumahimik pa sila nang mag-dial ako at inilagay ang cellphone sa tenga ko
Lester, please… Ikaw na lang ang pag-asa ko.
Napasinghap ako nang sagutin nya ang tawag ko
“H-hello?”
“Angela…”
Natigil ang paghinga ko dahil bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Lester sa kabilang linya. Napapansin ko na parang palagi na lang akong kinakabahan kapag kasama ko sya o hindi kaya kapag naririnig ko ang boses nya. Kahit nga ang isipin lang sya ay kakabahan na agad ako.
Nahuhulog na ba ako sa kanya?
Nakita ko ang pagtango ni boss na nagsasabing magsalita na daw ako. Pikit ang mga matang kinausap ko si Lester sa kabilang linya habang kaharap ko ang mga katrabaho ko.
“L-Lucius, babe…”
Hindi sumagot si Lester. Ilang sandali akong naghintay sa pagsasalita nya pero tahimik talaga ang kabilang linya. Tinignan ko pa ang cellphone ko pero nakita kong nakakonekta pa naman ang tawag.
“Hello?” alanganing sabi ko. Baka choppy ako?
Nakarinig ako ng pagsinghap kaya nalaman kong ayos pa naman ang signal. Ibig sabihin ay narinig nya ang sinabi ko kanina. Wala sa sariling kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
“What did you call me?” tanong nyang parang kinakapos sa paghinga.
Napangiwi ako pero sa loob-loob ko ay humihingi na ako ng tawad kay Lester.
Sorry talaga, Lester! Hindi ako naniningil sa mga pagtulong na ginagawa ko pero may exemption ngayon. Kailangan ko talaga ang tulong mo.
“Lucius, babe…” ulit ko dahil wala na talaga akong choice! “Libre ka ba bukas ng gabi?”
Muling natahimik sa kabilang linya. Pero maya-maya ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lester na sobrang nakakaakit.
Kasi naman, eh! Bakit kahit ang pagtawa nya ay gwapong pakinggan?
“Libre ako. Basta ikaw. Why?” sabi nya at alam kong nakangiti sya.
Baka pinagtatawanan na nya ako ngayon dahil alam nya nang nagsisinungaling ako nang sabihin kong si Lucius D’Angelo ang boyfriend ko! Bakit nga naman sya ang tinatawagan ko ngayon at hindi si Lucius kung talagang boyfriend ko sya?
“May company dinner kasi kami bukas. Ini-invite ka ng boss ko.” napatingin ako sa boss ko na nagpasimula ng lahat at napabuntong-hininga na lang. “Pero ayos lang kung hindi ka pupunta. Alam ko naman na busy ka.”
Syempre alam kong tatanggi si Lester. Hindi naman sya si Lucius, eh. Sasabihin ko na lang sa boss ko na busy sya kaya hindi sya makakapunta. Pagkatapos ay doon na magsisimula ang hindi namin pagkakaintindihan kaya sa huli ay maghihiwalay—
“Pupunta ako.”
“Huh?” parang timang kong tanong. Mali yata kasi ang nadinig kong sinabi nya.
“Pupunta ako. Tell your boss that I’m accepting his invitation.”
Seryoso ba sya?!
Ang dami kong gustong sabihin at itanong kay Lester ngayon. Bakit nya tinanggap? Hindi naman sya si Lucius! Huwag nya sabihing pupunta talaga sya? Pinaglalaruan nya ba ako ngayon?
“Pupunta talaga ako, Angela. I’m looking forward to meet your boss and your colleagues.”
“S-sige. Sasabihin ko ’yan.”
Tinapos ko ang tawag na parang wala sa sarili. Nang sabihin ko na pupunta si Lester, bilang si Lucius ay laking tuwa ng mga katrabaho ko.
Pero diba, ang akala naman nila na si Lester ay si Lucius? Pwede naman sigurong magpanggap si Lester, diba? Kahit sandali lang. Tingin ko ay hindi sya mahihirapang umarte ng mayaman dahil mukha naman talaga syang mayaman. Kahit sa kilos din nya ay walang makapagsasabing mahirap talaga sya.
Sige. Last na talaga ’to. Pagkatapos nito ay ayoko na. Hahanap lang ako ng magandang tyempo at mag-iisip ng magandang kwento kung bakit kami magkakalabuan ng boyfriend ko.
Sa ngayon ay kailangan kong makausap si Lester.
Chapter 12
Lucius
I was playing the pen on my fingers as I’ve watched the man who is presenting his proposal regarding on our next project. Our hotel that is located at Laguna is having it’s second anniversary and we are thinking of something that we should do with our guests on the hotel’s anniversary.
“We can serve free food to our guests for the whole day. Lahat ng oorderin nila sa araw ng anniversary is for free. That way, our guests would feel that we are celebrating the hotel’s anniversary with them. They will think that we are treating them not only as a guests but also one of us.”
I was continuously spinning the pen on my fingers. I am thinking about of his proposal. I think that it is good. The guests would feel more welcome to our hotel. There might be a chance that they will come back if they have to book for a room if they visit the place again.
“Masyadong magastos.” said one of the board members. I bit the insides of my cheeks and raised an eyebrow as I waited for his concern. “Some guests might overindulge and order food twice than what they usually order. I don’t approve of your proposal.”
I smirked. Sinadya kong itigil ang pag-ikot ng ballpen sa kamay ko. It dropped on the wooden table which created a loud sound. Napatingin sa akin ang lahat pero mas lalo pa akong ngumisi. Then I softly chuckled when I looked at the board member who’s complaining with the proposal.
“Mr. Aguilar, our guests are rich and can afford the expensive hotel room. What made you think that they will order too much food like they haven’t eaten for a long time?”
“Pero masyadong magastos ang proposal na ’to, Mr. D’Angelo.”
I sighed. I had my best time earlier but I won’t let him ruined it. Because of Angela’s call, I feel like the rest of my day will be good. Pero unti-unting nasisira ang araw ko dahil sa meeting na ’to.
“May I remind you that money is not our first priority in our company, Mr Aguilar. It is our guests and employees. It is to ensure that our guests will feel welcome and comfortable during their stay in our hotel. And I see no problem with his proposal. Yes, we need new guests but our main target is to have loyal guests na babalik-balikan ang hotel natin during their stay in the place.”
Nobody dared to say anything. I massaged my next. Last time I checked, I am in my early twenties. Pero pakiramdam ko ay maaga yatang mamumuti ang buhok ko.
I approve the proposal that was presented to me. Once a year lang naman ang anniversary ng hotel at hindi naman kabawasan ang gagawing proposal kumpara sa kinikita ng hotel sa buong taon. And I don’t understand why Mr. Aguilar never think of that.
Other businessmen only cares about the money. They don’t know how to run their company really well. Kaya bumabagsak at nalulugi sa huli. It is a good thing that I’ve learned how to manage and run a company in such sa young age. Hindi na ako mahihirapan sa huli.
I went back to my office and saw the Queen doing her homeworks on my table. Nakaupo sya sa swivel chair kaya dumiretso ako ng upo sa may couch sa loob ng office ko. I loosened my necktie and leaned my back and my head on the backrest of the couch.
“Rough day?” I heard the Queen’s soft voice when she asked me that.
I groaned and closed my eyes. I could feel the throbbing of my head because of so much stress. Mas lalo pa kung may mga taong nagpapasakit sa ulo ko.
I heard some movements from where Ishtar is. I didn’t open my eyes when I felt her presence behind me. Seconds later, I feel her warm hands massaging my head. I groaned as I felt the relief in my head. Guminhawa ang pakiramdam ko at biglang nawala ang sakit ng ulo ko.
“You should take a break, my King.” she said. “Why don’t we go on a vacation?”
I laughed softly but didn’t try to make any move. Pinakiramdaman ko lang ang ginagawa nyang paghilot.
When and where did she learn how to massage? She’s busy with med school plus, never in my wildest dream did I imagine her giving massage to anyone. Sya pa nga ang dapat na imasahe.
“Kasama ka?” I asked with a smile on my face. “You just took a break from school recently. Isang linggo kang hindi pumasok.”
Even with my eyes closed, I could imagine her rolling her eyes at me. Kabisado ko na nga yata ang lahat sa kanya that even if I can’t see her, alam ko ang ginagawa nya.
Napadilat na din ako nang tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Ishtar stopped from massaging me so I took out my phone from my pocket. A smile has shown on my lips when I saw who the caller is.
“Angela…” I called her name when she answered the call.
I remembered what happened earlier. Noong tumawag sya exactly on my lunch time. I almost choke on my food when she called me by my name with an endearment on it. And fuck myself for grinning so widely like a stupid teenager getting flustered because of his crush.
She already knew who I am. Hindi ko alam kung paano nya nalaman. I was planning to tell everything to her but not this soon. May parte sa akin ang nalungkot dahil nalaman nya ang totoo. Maybe I wanted her to know the real me, not as Lucius who owned one of the biggest hotel chain in the country. Maybe I wanted to be free and be a normal person when I’m with her. Kaya ayokong malaman nya kung sino ako.
“Lester!” I heard her voice from the other line. She sounds like she’s panicking and that made me frown.
Pero tinawag na naman nya akong Lester.
“Lester! Kailangan ko ang tulong mo.” she said.
I am so confused. I thought she already knew that I’m Lucius?
“A-ano?” I asked. Fuck! Takang-taka ako kaya nauutal na ako ngayon!
“May nakakita sa atin na magkasama nung pinag-apply kita kay Ate Beauty. Pinicturan nya tayo! Ang akala nila ikaw si Lucius!”
Halatang natataranta na talaga sya dahil sa tono ng boses nya pero nagawa ko pang tumawa. I can’t help it! I find the situation funny!
I realized that she was just acting earlier. Noong tumawag sya at sabihin ang totoong pangalan ko. She was acting that she’s calling her boyfriend Lucius. Siguro ay may mga kaharap sya noon. At ako pa talaga ang tinawagan nya.
“Please, Lester. Tulungan mo ako.” I heard her plea. Ang laki na ng ngiting nasa labi ko. “Magpanggap kang si Lucius. Isang gabi lang naman. Wala nang magiging kasunod, promise.”
I bit my lower lip to stop my laugher. How will I pretend that I am Lucius D’Angelo when I am the real Lucius D’Angelo?
“Please, Lester. Tinulungan naman kitang makahanap ng trabaho diba? Tulungan mo din ako.”
I chuckled. “Naniningil ka?”
She whined from the other line. “Hindi talaga ako naniningil pero kailangan ko talaga ng tulong mo. Please, Lester. Isang beses lang naman.”
Well, I can’t resist her, can I? Ngayon pang nai-imagine ko ang itsura nya habang nakikipag-usap nang may pagmamakaawa sa akin.
Fuck this shit. I am so whipped.
“Okay. Ako nang bahala.” I said and she screamed with delight.
“Grabe, salamat! Salamat talaga, Lester! Ite-text ko na lang sayo kung saang restaurant bukas ang company dinner namin, ha?”
I smiled. “Okay.”
“Thank you talaga! Kung katabi lang kita ngayon, kanina pa kita nahalikan! Salamat talaga, ha? Bye!”
She never gave me any chance to speak. Agad nya akong binabaan at wala na akong nagawa kundi ang titigan na lang ang phone ko.
Well, I wished I am with her right now.
“So Angela is the name, huh?”
I quickly turned around and saw Ishtar with her arms crossed over her chest. She looked unhappy as she stares down at me. There’s a coldness in her eyes and I knew that I am facing the EL Ordre’s Queen again.
“Hindi mo ba talaga sya titigilan?” she asked.
“I’m not doing anything wrong.”
“You are! You’re making that girl your weakness, my King! You are the most important piece in the game so you should be unbreakable! You must not show any weakness!”
She was gritting her teeth as she lashed out at me. I know that she’s a brat at times pero ngayon ko lang syang nakitang ganitong kagalit sa akin.
“Leave her alone, Ishtar.”
“No!” she screamed. Hindi na ako magtataka kung marinig man sya ni Glen sa labas. “You leave her alone, Lucius! Remember that you’re the King!”
“Can’t I try to be a human at least for awhile?!” sigaw ko na nagpatahimik sa kanya. “Never in my life, not even for a second, that I did forget that I am the fucking King of this fucking game! I just wanted to be free from all of this shit! Pero wala akong magawa! Pwede bang hayaan mo muna ako kahit sandali lang?”
Fuck! Fuck it! I let my emotions out. I poured it out on her. Alam kong mali. Alam kong hindi dapat ako magalit sa kanya. Mas lalo ko lang pinapatunayan na malaki nga ang pinagbago ko simula nang makilala ko si Angela.
She’s the same as me. Hindi din sya makawala sa larong ito. So what I did is totally wrong.
Damn it! I should conceal all my emotions!
I saw Ishtar’s face darkened as she stares at me coldly. She held her chin up and raised an eyebrow at me. She’s younger than me but she can make people get intimidated by her presence. Except me.
“Fine then.” she said firmly. “But don’t forget, my King. I am your one and only Queen. Ako lang.”
She gracefully stormed off the office after she said that leaving her school books on my table. I frustratedly brushed my hair with my fingers. I groaned and took a deep breath to calm myself.
Fuck it. My mind says that Ishtar is right. I should stay away from Angela. She will only be my weakness at hindi iyon makakatulong para manalo kami sa laro.
But my heart says otherwise.
How can I stay away from Angela if my heart wants to be with her?
Chapter 13
Angela
Pinagpapawisan ako ng malamig at hindi ako mapakali habang nakatayo dito sa labas ng restaurant kung saan kami magkakaroon ng company dinner. Hinihintay namin si Lester na ngayong gabi ay magpapanggap bilang si Lucius D’Angelo.
Feeling ko talaga ay hihimatayin na ako sa sobrang kaba habang palinga-linga sa kalsada. Inaabangan ko kung makikita ko si Lester na naglalakad papunta dito sa restaurant. Ang masama pa ay kasama ko ang boss ko at ang dalawang mga kaibigan ko, pati na rin si Maricel, na naghihintay kay Lester dito sa labas ng restaurant.
Baka makahalata sila na hindi sya si Lucius kapag nakita lang syang naglalakad o kaya ay sakay ng jeep sa pagpunta dito!
Kinakagat ko na ang balat sa paligid ng kuko sa sobrang kabang nararamdaman ko. Dumagdag pa ’yung mga sinabi ko kay Lester nang tawagan ko sya ulit kahapon. Sa sobrang saya ko sa pagpayag nyang tulungan ako ay nasabi kong hahalikan ko sya kung nasa tabi ko lang sya!
Hindi ko alam kung anong malanding espiritu ang sumapi sa akin kaya nasabi ko iyon. Kahit nga ako ay nagulat sa sarili ko. Kaya bago pa makasagot si Lester at bawiin ang pagtulong nya dahil sa sinabi ko ay mabilis kong tinapos ang tawag. Mabuti na lang at hindi nya na ako tinawagan ulit.
“Girl, tigilan mo nga ’yang pagngata sa kuko mo.” saway ni Nina sa ginagawa ko. “Baka kapag nakita ka ni Lucius, ma-turn off pa sayo.”
“Kaya nga.” segunda naman ni Lara. “Kumalma ka nga! Bakit ba parang kinakabahan ka dyan?”
Kinakabahan kasi talaga ako! Baka mabuking nyong nagsisinungaling ako kapag hindi ginalingan ni Lester sa pag-arte!
Sinubukan kong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pero wala, eh. Mas lalo pa nga akong kinabahan. Sumabay pang umihip ang malamig na hangin dahil sa gabi na kaya nanginig pa ako. Simpleng white sleeveless dress na humahapit sa katawan kasi ang suot ko.
Sabi kasi ng boss namin na gandahan daw namin ang suot namin. ’Yung pang-formal daw. Tapos sa isang mamahaling restaurant pa talaga sya nagpa-reserve. Matagal nya na daw talaga itong pinaghandaan dahil ang The Great Lucius D’Angelo daw kasi ang makakaharap nya.
The Great? Eh, isang Lester Cervantes lang ang makakaharap nila.
“Ayos pa ba ang itsura ko?” tanong ni Maricel at tumango ako kahit hindi ko pa sya tinitignan.
“Ako? Ako ba?” tanong naman ng boss namin. “Ayos pa din ba ’yung itsura ko? Gusto ko ’yung tipong mapapa-invest si Lucius sa company ko.”
Marahas akong mapabuga ng hininga. Anong ii-invest ’nun? Moral support?
May pumaradang isang sasakyan sa parking lot sa harap ng restaurant na iyon. At sa unang tingin pa lang ay mahahalata nang mamahalin ang kotse. Nataranta ang mga kasama ko at umayos ng tayo. Siguro ay iniisip nilang si Lucius na iyon. Pero ako ay nagpalinga-linga pa. Alam ko kasi na hindi makakaya ni Lester ang ganoong sasakyan.
Pero narinig ko na napasinghap ang mga katrabaho ko. Nang tignan ko sila ay nagniningning ang mga mata nila habang nakatingin sa kung saan. Sinundan ko ang tingin nila at napanganga nang makitang bumaba si Lester mula doon sa mamahaling sasakyan!
Saan sya nakakuha ng pang-renta sa kotse na ’yon?!
“Mr. Lucius D’Angelo!” bati kaagad ng boss namin na hindi pa man nakakahakbang si Lester palayo sa sasakyan ay lumapit na. “I am Roger Bustamante, ang may-ari ng Elite Studio Incorporated. Nice to meet you.”
Tinanggap ni Lester ang kamay ng boss namin na nakalahad sa kanya.
“Nice to meet you, Sir. I’m Lucius D’Angelo.”
“Sir? Too formal!” natatawang sabi ng boss namin at napangiti na rin si Lester. “Tawagin mo na lang akong Roger.”
Nagtama ang mga paningin namin ni Lester at mas lumawak ang pagngiti nya. Nahigit ko ang paghinga ko nang parang may bumundol sa dibdib ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
“Hey, love.” bati nya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Naestatwa ako nang maramdaman ang init ng katawan nya.
Ang dami ko sanang planong sabihin sa kanya. Sasabihin ko sana na galingan nya sa pag-arte, na ngayon lang naman ito kaya sana ay ibuhos nya lahat ang galing nya sa pag-eenglish. Pero nablanko ang utak ko nang maamoy ko kung gaano sya kabango at maramdaman ang sarap ng yakap nya.
Nakasuot sya ng three-piece suit at ang linis-linis ng itsura nya. Hindi na ako magtataka kung napagkamalan kaagad sya na si Lucius dahil mukha syang mayaman at ang bango-bango pa. Pero ang pinakamalaking factor ay ang kagwapuhan nya.
Bakit ganito? Ang gwapo-gwapo ni Lester sa paningin ko.
Nagpakilala din sina Nina, Lara at Maricel bago nila hinila papasok sa loob si Lester. Naiwan akong nakasunod sa likod nila.
Grabe… Dito na magsisimula ang acting-an.
Nagpakilala ang iba ko pang mga katrabaho nang makarating si Lester sa pwesto namin. Nasa isang mahabang lamesa kami dahil madami kami. Ang alam ko ay lahat ng katrabaho ko ay sumama talaga ngayon para makita si Lucius na si Lester lang naman pala.
“Si Angela dyan!” sigaw ni Nina nang umupo si Maricel sa tabi ni Lester. Nakasimangot na umalis sya sa pwestong iyon. Hindi nya nakita ang pag-irap ng dalawa kong mga kaibigan nang tumalikod sya.
“Baka naman pwedeng makahingi ng discount sa hotel mo, Mr. D’Angelo?” makapal ang mukhang tanong ni boss Roger nang makaupo na kami lahat. “Kung pwede ay doon sana ganapin ang year-end party namin?”
Natawa si Lester at nahawa ako sa kanya. Ewan. Alam ko kasing imposible ang hinihingi ng boss ko.
Pero kumilos si Lester at may kinuha sa bulsa ng suit nya. Naglabas sya ng wallet na branded pa yata at kinuha ang isang calling card doon.
“Call my secretary. He can arrange everything for you.” sabi ni Lester at iniabot ang calling card sa boss ko.
Hindi makapaniwalang tinignan ko sya. Gusto ko sanang itanong kung kaninong calling card ang ibinigay nya pero hindi sya nakatingin sa akin. Masyado naman nya yatang kina-career ang pag-acting nya bilang si Lucius?
“Thank you, Mr. D’Angelo.” tuwang-tuwang sabi ng boss ko nang tanggapin ang calling card na binigay ni Lester.
Bumuntong-hininga na lang ako. Bahala na nga. Malayo pa naman ang year-end party namin. Sasabihin ko na lang na naghiwalay kami bago dumating ang araw na iyon para hindi na matuloy ang pagtawag ng boss ko sa kung sino man ang nasa calling card.
“Bagay na bagay talaga kayong dalawa.” sabi ni boss Roger nang makapag-order na kami ng pagkain.
Ngumiti lang ako. Hindi ko alam anong sasabihin, eh. Magpapasalamat ba ako? Ayoko na kasing magsalita dahil baka makahalata sila.
Pero hindi ganoon ang pananaw ni Lester.
“I’m glad to know that, Roger.” sabi ni Lester na pinanindigan na talaga ang pagiging Lucius D’Angelo nya.
“Naku, hindi ka na lugi dyan sa kaibigan ko.” sabat naman ni Lara. “Maganda na, mabait na, matulungin pa! Makakasiguro kang mahal ka talaga nyan at hindi lang pera ang habol nya sayo.”
“Lara!” nanlalaki ang mga mata kong saway sa kanya. Napahagikgik lang nya.
Kahit nagpapanggap lang si Lester bilang si Lucius ay nahihiya pa rin ako sa sinabi nya!
Pero napatigil ako nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Lester na hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Impit na napatili ang mga katrabaho ko habang ako naman ay gulat na binalingan si Lester.
“I know…” sabi ni Lester na nakangiting tumingin kay Lara. “Sya pa nga ang gumagastos para sa aming dalawa.”
“Pero sa kwek-kwekan lang kayo kumakain?” sabi ni Maricel na halata ang pagka-disgusto.
Malamang! Iyon lang ang afford ko, eh. Tsaka si Lester naman ang kasama ko noon at hindi si Lucius!
Gusto ko sanang sabihin iyon pero pinigilan ko na lang ang bibig ko. Pero si Lester ay ayaw paawat ang bibig at sinagot si Maricel.
“Anywhere is fine as long as I’m with her. I will enjoy eating even the cheapest food if I’m with her.”
Napangiti ako at hindi ko maiwasan na pisilin ang kamay ni Lester na nakahawak sa akin. Ginagalingan nya talaga ang pag-arte, ah?
“Ang ganda ng lovestory nyo.” sabi ni boss Roger kaya pareho kaming napatingin ni Lester sa kanya. “Isang mayaman at bilyonaryong lalaki na na-inlove sa isang ordinaryong babae. Ang akala namin ay sa mga palabas at nobela lang nangyayari ’to. But looking at the two of you, parang fairytale ang naging kwento nyo.”
“Oo nga.” sabi ni Nina. “Tsaka kitang-kita sa mga mata mo, Sir Lucius, na mahal na mahal mo talaga si Angela.”
Ngumiti si Lester sa sinabi ni Nina at pagkatapos ay tumitig sa mga mata ko.
“I really do.”
Iyon na naman ang lakas ng tibok ng puso ko. Habang nakatingin ako sa mga mata ni Lester ay mas lalong bumilis ang pagtibok noon at parang may mga kabayong nagkakarera na sa loob ng dibdib ko. Ang mga mata nya ay punong-puno ng mga emosyon. Kinakapos ako ng paghinga. Pakiramdam ko ay maiiyak ako habang nakatingin sa mga mata nya.
Kung nagpapanggap pa rin sya, ang galing nyang umarte.
“Kailan mo na-realize na mahal mo na pala sya, Sir Lucius?” hindi ko alam kung sino ang nagtanong noon dahil magkatitigan pa rin kami ni Lester.
“I don’t know. Bigla na lang dumating. Bigla ko na lang naramdaman.” sabi ni Lester habang titig na titig sa akin. “Was it when she first smiled at me? Was it when I first heard her laugh? Was it when I first laid my eyes on her? I don’t know. I have no idea. All I know is I am deeply inlove with her.”
Narinig ko ang mga tili ng mga katrabaho ko na parang kinikilig sila. Pero ako ay parang nahipnotismo na yata habang nakatingin sa itim na mga mata ni Lester. Hindi ko na magawang alisin ang paningin ko sa kanya.
“All of a sudden, I realized that I’m smiling whenever I think about her.” pagpapatuloy ni Lester. “Before, I feel like I am already living in hell. I have all the things that everyone wanted but I wasn’t happy with those things. I’m not good. I’m not a kind person. But when Angela came into my life, she made me feel that I can still be good. I can be myself. That I can be a better version of me and the world is beautiful. She’s like an angel sent from above to save my soul from hell.”
Nararamdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko habang nakatingin kay Lester. Nag-uumapaw sa kasiyahan ang dibdib ko. Ang mga sinabi nya ay nakakataba ng puso.
Nahiling ko tuloy na sana ay hindi na lang sya nagpapanggap. Na sana ay totoo ang mga sinabi nya sa harap ko at ng mga katrabaho ko. Na sana ay totoo ang nakikita kong emosyon sa mga mata nya.
Nakatingin sya sa akin na para bang ako lang ang nakikita nya. Nakatingin sya na punong-puno ng pagmamahal ang mga mata nya.
At nang ngumiti pa sya ay mas lalong nagwala ang puso ko.
“I love you, Angela. Thank you for coming into my life.”
Chapter 14
Lucius
Angela and I were both quiet as I walk her home. She insisted that I let my driver go home ’cause it seems that she thought I only rented the car. My own fucking car. And that’s why we are now walking side by side in this damn road.
I can’t blame her. She thought that I am Lester Cervantes, isang mahirap na lalaki na marami nang utang sa kanya. Until now, she doesn’t have any idea about who I really am. And I don’t plan on telling her about the truth anytime soon.
I need more time. More time to be free. More time to enjoy every moment with her.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsasabi ng nararamdaman ko kanina. She was so beautiful tonight. She only wears light makeup and a simple dress but those were enough to take my breath away. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya at hawakan ang kamay nya kanina.
And fuck, the moment that I felt her warmth of her body when I hugged her, parang ayoko nang bumitaw. I just want us to stay that way. I don’t want to let go. Natatakot ako na baka hindi na maulit iyon. So I held her hand the whole dinner. At nakuntento na ako doon.
Angela was so quiet from the moment when we left the restaurant. Hindi ko na sya tinangkang kausapin pa. Maybe she got shocked by my words earlier. I am just waiting for her to ask the questions. Aamin ako kapag nagtanong sya but her lips remained shut.
I heaved a deep breath. Does she thinks that I was putting an act earlier? Does she thinks that all of my words weren’t true? Or she was just too shocked kaya sya tahimik ngayon?
Naghihintay lang talaga ako, pero hanggang sa matanaw ko na ang bahay nya ay hindi na talaga sya nagsalita.
Fuck. I don’t want the night to end just like this. I want her to say something. I want to know what she’s thinking but I am having a hard time reading the emotions on her face. Fuck it. I was trained to read what people’s thinking through the expression on their faces pero hindi ko iyon magawa kay Angela. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nya ay hindi talaga sya nagsalita.
Damn… Say something, love, please.
She turned around and faced me. I only stared at her face ’cause she looked like she’s going to say something. So I waited for her. Kanina ko pa gustong malaman kung anong iniisip nga.
I am nervous as fuck. I just confessed my feelings in front of her workmates. I have no idea that I could do something like that. I hate being the center of attraction in the crowds, right? Pero hindi ko na naisip iyon simula nang makita ko si Angela kanina.
Fuck… Not only she took my breath away, but she also made me do something crazybtonight.
Or maybe this is who I really am. Lumabas lang kung sino talaga ako at kung anong kaya kong gawin para kay Angela.
“Lester…” I heard her soft voice and fuck. Feeling ko ay mawawala na naman ako sa sarili ko.
“Yes, love?” I asked. Nakita ko ang pamumula ng mga pisngi nya and I just wanted to jump in delight.
She blushed! She fucking blushed! Does that mean that I also have an effect on her? Like how she’s affecting me?
“’Y-yung ano…” she stammered and I couldn’t help but to smile. “’Yung sinabi mo kanina…”
I bit my lower lip before I smirked. “Which one?”
“’Yung ano… ’Yung… Alam mo na ’yun!”
I stopped myself from smiling when I saw her blushing face. Pulang-pula na ang mukha nya at hiyang-hiya sya na halos hindi na nga makatingin sa akin. She was just looking down while playing with her fingers.
Fuck… I wanna see her face.
“Hindi ko alam.” pagkukunwari ko. “Alin ba doon? Marami akong sinabi kanina.”
Success! She finally looked up at me and she’s still beautiful even with a frown on her face. She looked so annoyed dahil hindi ko nakuha kung ano ang gusto nyang sabihin.
“Lester, ha? Alam mo na ’yun!”
“Hindi nga.” I insisted. “Nag-aalala ka ba para sa year-end party nyo? Don’t worry. I’ll do something about it.”
The frown on her face deepened. Aliw na aliw ako dahil ngayon ko lang syang nakitang may ganitong expression sa mukha. Her face always looked angelic to me especially when she’s laughing and helping people.
Fuck. Ang ganda nya kahit na nakasimangot sya.
“Isa, Lester! Alam kong alam mo kung anong tinutukoy ko!” she sounded so frustrated. I chuckled.
“Hindi nga!” sabi ko but who the fuck am I kidding? Hindi rin naman naniniwala si Angela dahil sa laki ng ngiti ko ngayon.
“Lester naman, eh!” reklamo nya na nagpapadyak pa ng paa.
“Just tell it to me, Angela. Baka hindi tayo pareho ng iniisip.”
“Nakakainis ka!”
I grinned. “Sabihin mo na.”
“’Yung sinabi mong mahal mo ako!”
I laughed so hard that I might’ve awoken her neighbors but dammit! I am so fucking happy I don’t even know why! Angela just looked so cute while looking so frustrated and blushing at the same time!
Damn… Is this what happiness feels like? If it is, then why did I only felt it now? Bakit ngayon lang? Ngayon lang ba ako naging masaya? Because of Angela?
If she’s really my happiness, if she can really makes me feel this feeling, then I’m not planning on letting her go.
I will keep her beside me, inside my heart and in my whole world.
I stopped laughing and stared lovingly at her face. I want her to know how I truly feel with my eyes. I want her to see my true feelings. I want her to feel what she’s making me feel.
“Totoo ang mga sinabi ko kanina. Angela.” I said. Unti-unting nawala ang pagkainis sa mukha nya at napalitan ng pagkagulat. “Ngayong gabi, hindi ako nagpanggap. Lahat ng ikinilos at sinabi ko ay totoo. Walang halong pag-arte. Kaya lahat ng nangyari at narinig mo mula sa akin kanina ay totoo.”
I noticed her eyes became misty of tears. I smiled and looked down at her hands. My forefinger held her pinky finger. Ganitong pagkakadikit lang ay sapat na para magwala ang puso ko sa loob ng dibdib ko.
“Should I repeat what I’ve said earlier? Baka kasi masyado kang nagulat kanina.”
Mabilis syang umiling at hinawakan ang mga kamay ko. I feel like my heart just jumped out of my rib cage. Fuck. Ang akala ko ay hindi ko na ulit mahahawakan ang mga kamay nya.
“Hindi na kailangan, Lester. Narinig ko na ang lahat kanina.” she said. Nanginig ang mga labi nya at napahikbi sya.
My heart sank. Why? Hindi nya ba nagustuhan ang mga sinabi ko kanina? Nabigla ba talaga sya? Or is she… Is she rejecting me?
“Angela…” I muttered her name out of nervousness.
Umiling-iling pa sya and I just remained looking at her. Kinakabahan ako sa pag-iling nya. So I decided to confessed again.
“I love you, Angela. I really do. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta nagising na lang ako isang araw na ikaw na ang laman ng isip ko. That my heart is beating so fast whenever I think of you.” she sobbed again and I said the next words desperately. “I’m not expecting anything, Angela. Please don’t feel pressured. I just want you to know how I feel about you. Kasi hindi ko na kayang itago. Pakiramdam ko, sasabog na ang dibdib ko kapag hindi ko pa nasabi sayo.”
Patuloy na umiling-iling si Angela at pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko.
She’s really rejecting me?
“Oh no, Lester. Hindi!” sabi nya habang nakatitig na sa mukha ko. “Hindi. Mali ka nang iniisip.”
She squeezed my hands and I glanced down at our intertwined hands before I looked at her. Ngumiti sya sa akin habang may luha sa mga mata nya.
“Hindi ako nagsasalita kanina habang naglalakad tayo, kasi iniisip ko ang mga sinabi mo. Nagustuhan ko iyon. Ang sarap sa pandinig. Natuwa ako. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko.” she sobbed and bit her lower lip. “Naguluhan ako kung bakit ganoon ang nararamdaman ko kaya pinag-isipan ko ang nangyayari sa akin. Kung bakit ako naging masaya nang marinig ko ang mga sinabi mo. Kung bakit ko naihiling na sana ay hindi ka na lang nagpapanggap.”
My lips parted as I stared at her. My heart is beating so loud and fast. Naririnig ba nya? Kasi ako ay halos mabingi na. My breathing isn’t normal too.
Damn it. Damn! Damn it! Please, love. Ayokong umasa. Don’t give me hope.
But Angela gently smiled at me. Hinawakan ng isang kamay nya ang pisngi ko. I got overwhelmed with emotions as I felt her warm hand against my cheeks.
“Gusto kita, Lester. Hindi ako magiging ganitong kasaya at hindi bibilis ng ganito ang tibok ng puso ko kung wala akong nararamdaman sayo. Hindi ko lang alam kung magkasing-lalim ang nararamdaman natin sa isa’t-isa pero nasisiguro kong gusto kita. Lester. Gustong gustong-gusto kita.”
I quickly pulled her and crashed her body inside my arms. Nadinig ko ang mahinang pagtawa nya sa ginawa ko. Hindi ko na alam kung paano ilalabas ang lahat ng emosyon sa dibdib ko. I want to jump and scream out of happiness. I want to tell the whole world that I am so fucking lucky that Angela likes me!
“Bigyan mo ako ng oras, Lester.” sabi nya nang pakawalan ko na sya. “Para mapag-isipan ko kung katulad ng sayo ang nararamdaman ko.”
“Sshhh.” I stopped her from talking and cupped her face. “Wala akong pakialam kung gusto mo ako. Wala akong pakialam kung hindi mo pa ako mahal. I will just make you fall inlove with me. Gagawin kong pagmamahal ang pagkakagusto mo sa akin.”
She smiled and softly chuckled. Natigilan ako at napatitig na lang sa kanya.
Oh, Jesus Christ! That’s it! I fucking love this woman!
I hugged her again and kissed the side of her head. I sighed and relaxed with her inside my arms. Kuntento na ako sa ganito. But I am still hoping that her like will turn into love.
Just for awhile, let me hold my happiness just for awhile.
Chapter 15
Nag-update po ako ng chapter 14 kahapon if ever po na di nag-notif sa inyo :)
Angela
Sa mga sumunod na araw ay hindi na ako tinantanan ng mga katrabaho ko. Kapag nakakahanap sila ng pagkakataon, kahit nasa gitna pa kami ng pagtatrabaho ay tatanungin talaga nila ako tungkol kay Lucius. Kung makapagtanong naman sila ay akala mo na close na close nila ’yung tao.
Ako nga hindi ko kilala, eh.
Nakaka-guilty tuloy sa tuwing nagsisinungaling ako sa kanila. Ayoko na talaga. Gusto ko nang itigil ang pagsisinungaling ko. Ang plano ko sana ay uunti-untiin ko na nagkakalabuan na kami ni Lucius hanggang sa maghiwalay na kami. Hindi naman siguro mahirap humanap ng dahilan. Mayaman sya, mahirap lang ako. Marami kaming pagkakaiba.
Ang problema nga lang, ang alam nila na si Lester ay si Lucius. Eh, nagsisimula pa lang ang relasyon namin. Kapag sinabi kong hiwalay na kami ni Lucius at may makakita ulit sa amin ni Lester na magkasama ay magtataka sila. Hindi ko na alam kung sasabihin ko na ba sa mga katrabaho ko ang totoo o hindi.
Magpatulong kaya ako kay Lester?
Nagtataka lang ako kung bakit hindi sya nagtatanong kung anong nangyari at sinabi kong girlfriend ako ni Lucius. Syempre alam na nyang nagsisinungaling ako. Ipapaliwanag ko naman sa kanya ang totoong nangyari simula sa pinakauna kahit na nakakahiya. Pero wala. Hindi talaga sya nagtanong.
Hinihintay nya lang bang magpaliwanag ako nang kusa sa kanya?
Hindi ko rin naman inaasahan na sa simpleng pagtulong ko kay Lester noon ay mas lalalim pa pala ang samahan namin. Na kapag nakakasama ko sya ay unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano nangyari. Feeling ko kasi ay ang gaan-gaan nyang kasama. Feeling ko ay palagi syang nandyan para sa akin kahit na ako naman palagi ang tumutulong sa kanya. Feeling ko na kapag sobrang nangailangan ako ng tulong ay sya lang ang matatakbuhan ko.
At hindi naman ako nagkamali.
Sa bawat pagngiti ni Lester, sa bawat pagtawa nya, sa bawat pagsubok nya na sabayan ang lahat ng gusto ko, lahat ng iyon ay sobra kong na-appreciate. Hanggang sa tuluyan ko na nga syang nagustuhan.
At minahal.
Ganito pala ang feeling ng nagmamahal. Nagkaroon ako ng inspirasyon. Mas lalo akong ginanahan sa mga ginagawa ko. Feeling ko na lahat ng gagawin ko ay worth it at hinding-hindi ako tatamarin. Hindi na rin tuloy ako nale-late sa trabaho ko.
Masaya pala ang magmahal.
Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Magkikita kasi kami ni Lester at dahil wala pa sya ay nagdesisyon ako na puntahan na lang sya sa trabaho nya. Hihintayin ko ang out nya. Siguro ay may mahaba syang calls. O hindi kaya ay pa-out na sya nang may pumasok na calls para sa kanya.
Iyon kasi yung madalas na nirereklamo ng mga call center agents na kakilala ko. ’Yung two minutes na lang daw at out na pero may pumasok pa na calls. Ang masama pa kung long call pa. Baka iyon ang nangyari kay Lester kaya wala pa sya. Buti na lang at day shift sya kaya sabay lang ang out namin.
Isu-surprise ko na lang sya!
Excited ako habang naglalakad ako papunta sa kung saan sya nagtatrabaho. Hindi ako makakapasok sa loob pero pwede ko naman syang hintayin sa labas.
Grabe pala kapag inlove. Inspired lang palagi.
“Aray!”
Napaigik ako nang may makabanggaan ako. Hindi nya yata ako napansin kaya kahit na sinubukan kong umiwas ay nabangga nya rin ako. Ang lakas pa kaya kamuntik pa akong mapaupo sa kalsada! Buti na lang at nabalanse ko ang katawan ko at umayos kaagad ng tayo.
“Ayos ka lang, miss?” tanong nung lalaking nakabangga sa akin kaya nakasimangot akong tumingin sa kanya..
Balot na balot sya kahit ang ini-init sa Pilipinas. Naka-maong pants sya na faded at naka-jacket na black na nakasuot ang hood sa ulo nya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nya. Pero base sa boses nya ay hindi yata nalalayo ang edad namin.
“Muntik na akong matumba, Kuya. Iniwasan kita pero hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo.” inis na sabi ko. Pinigilan ko naman na huwag mainis dahil gusto kong magpakabait. Pambawi man lang sana sa pagsisinungaling na ginagawa ko nitong mga nakaraang araw. Pero nakakainis naman kasi ’yung lalaki!
Nasayang ’yung effort ko sa pag-iwas sa kanya pero nabangga pa rin ako!
Tapos tumawa pa talaga ’yung lalaki. Inangat nya ang tingin nya sa akin kaya nakita ko na ang mukha nya.
Pero hindi ko alam. Nakaramdam ako ng takot nang mapatingin ako sa mga mata nya.
“Pasensya na talaga, miss. Nasaktan ka ba?”
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman. Bakit ganito? Napatingin lang ako sa mga mata ng lalaki pero kinabahan na agad ako. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari kung makikipag-usap pa ako sa kanya.
Kaya pinili ko na lang na mag-iwas ng tingin.
“Okay lang ako.” sabi ko at naglakad na ulit. Pero bago ko pa sya malagpasan ay nagsalita sya.
“Sayang. Ang ganda mo pa naman.”
Napatigil ako at gulat na napatingin sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay mas dumoble pa ang kaba ko. Hindi nakatingin sa akin ang lalaki pero may ngisi sa mga labi nya. Na para bang may binabalak syang hindi maganda.
Nang lumingon sa akin ang lalaki ay napaatras ako ng isang hakbang. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya bago tumingin sa akin. Pero bago pa sya makapagsalita ulit ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Lester.
“Angela!”
Hindi agad ako nakalingon sa kanya kaya nakita ko na ibinaba ng lalaki ang hood sa ulo nya para mas matakpan ang mukha nya. Pagkatapos ay yumuko bago itinago ang mga kamay sa bulsa ng jacket nya.
“Angela, hey…”
Tsaka lang ako napalingon kay Lester nang makalapit na sya sa akin. Tinignan nya muna ang lalaki na agad na naglakad palayo sa amin.
“Are you okay?” tanong ni Lester nang hindi pa rin ako nagsasalita. At nang maramdaman ko ang magaan nyang paghawak sa braso ko ay tsaka lang ako kumalma.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Oo naman. Out mo na?”
Pero parang hindi kumbinsido si Lester sa sinabi ko. Tinignan nya pa ang nilakaran ng lalaki at pinigilan ko ang lumingon dahil alam kong malayo na iyon sa amin. Baka mas makahalata pa si Lester sa pagiging balisa ko.
Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanya kapag nagtanong sya kung bakit bigla na lang ako kinabahan nang mapatingin sa akin ang lalaki. Kasi kahit ako ay hindi ko alam kung anong nangyari.
Wala namang kakaiba sa mukha ng lalaki. Ang totoo pa nga nyan ay may itsura ang lalaki at mukhang may ibang lahi pa. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ako kinabahan.
“Out mo na?” ulit na tanong ko kay Lester para mawala ang isip nya doon sa lalaki. “Tapos ka na ba sa trabaho mo?”
At nang tumingin sya sa akin ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa nararamdaman ko kay Lester. Grabe… Kung yung mga mata ng lalaki kanina ay natakot ako, pero isang tingin lang ni Lester ay parang hinigop nya na ang lahat ng takot ko palabas sa dibdib ko.
Pagkagusto lang ba ang nararamdaman ko sa kanya? O mahal ko na sya?
At nang tumitig pa sya sa akin at ngumiti ay alam ko na ang sagot.
“Tapos na.” sabi nya.
Mahal ko na nga sya.
Pero nang makita ulit ang ayos nya na mukhang nag-aapply pa rin ay nangunot ang noo ko. Naka-button down longsleeve polo kasi sya na maroon ang kulay at naka-tuck in sa slacks nyang dark blue. Nakarolyo pa ang sleeves nya hanggang sa siko nya. Ang gwapo-gwapo nya pero nagtataka lang talaga ako dahil hindi nya naman kailangan na maging ganoong ka-pormal sa trabaho nyang ito.
Ah… Baka hindi pa sya nakakabili ng damit. Baka may mas importante syang binili sa unang sahod nya.
“Sandali…” sabi ko nang may mapansin. “Bakit parang hindi ka naman lumabas sa building nyo?”
Tapos yung daan pa kung saan sya nanggaling ay salungat sa kung nasaan ang building ng BPO company na iyon. Kunot na kunot ang noo kong tumingin sa kanya.
“Kanina pa ako nag-out. Bumalik lang ako dito nang hindi kita makita sa studio.”
Tumango-tango ako. So nagkasalisi pala kami.
Inilahad nya ang palad nya sa harapan ko. “Let’s go?”
Itatanong ko pa rin sana ’yung tungkol sa damit nya pero ngumiti na lang ako sa kanya at tinanggap ang kamay nya.
Bahala na. Basta magkasama na kami ngayon.
Chapter 16
Angela
Tahimik lang si Lester habang magkasabay kaming naglalakad. Nakikita ko sa mga mata nya ang pagiging seryoso nya at parang may malalim na iniisip. Kung minsan ay napapatitig na lang ako sa sideview nyang mukha. Mas lalo kasi syang gumwapo ngayong seryoso sya at kitang-kita ko rin ang panga nyang may perpektong anggulo.
Next time, magdadala na talaga ako ng protractor. Gusto kong sukatin ’yung angle ng panga nya.
Kanina ko pa dinadaldal si Lester pero hindi sya umiimik. Kulang na lang ay gawan ko na ng kwento ang bawat eksenang madadaanan namin. Ayoko kasing tumahimik na lang kahit na wala akong nakukuhang sagot sa kanya. Baka kasi mas lalo lang syang makahalata na may mali akong naramdaman kanina.
Natakot ako. Hindi ko naman alam kung bakit. Hindi ko kilala ang lalaki. Ngayon ko nga lang iyon nakita pero bakit natakot ako? Ito ba ang tinatawag nila na instinct? Kung ganoon nga, sino ang lalaki para matakot na lang ako ng ganoon sa kanya?
Kriminal ba iyon? Magnanakaw? O hindi kaya… nakapatay na?
Kinulabutan ako sa naisip ko. Nagtaasan pa nga ang buhok sa batok ko. Kinailangan ko pang haplusin iyon para mapakalma ang sarili ko.
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin si Lester. Kunot ang gwapo nyang mukha habang pinagmamasdan ako. Wala sa sariling naibaba ko ang kamay kong nasa batok ko at ngumiti na lang sa kanya.
“Kain tayo fishball?” tanong ko sa kanya nang makita si manong na nagtitinda ng fishball. Para kasing nahalata nya ang nangyayari sa akin. Alam nyang natatakot na naman hindi.
Malakas yata ang pakiramdam ni Lester. Natatakot ako na baka magtanong sya at wala akong maisagot. Baka ma-weirduhan pa sya sa akin. At ayoko n’on. Gusto ko, maganda lang ako sa paningin nya.
“Angela—” magsasalita na sana sya pero hinigit ko na sya para makabili na kami ng fishball. Ayokong may itanong sya sa kung anong nangyari kanina dahil hindi ko masasagot ang tanong nya.
Kahit nga ako ay hindi din alam kung bakit ako nagkaganoon kanina.
“Kuha ka lang. Libre ko.” nagmamayabang pang sabi ko at iniabot sa kanya ang plastic cup.
Tinitigan nya lang ako at pakiramdam ko ay kaya nyang basahin ang buong pagkatao ko. Kung sino ako, kung saan ako pinanganak, kung sino ang nanay at tatay ko at kung ano ang huling kasalanan na nagawa ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Natatakot na baka malaman nya ang mga kalokohan ko n’ong bata pa ako
Narinig kong bumuntong-hininga sya bago kinuha ang plastic cup mula sa akin. Ngumiti na lang ako at sinimulang kumuha ng lumalangoy na fishball sa mantika doon sa kawali ni Manong.
Ginaya naman ako ni Lester pero mukhang hindi pa masyadong luto ang kinukuha nya. Napasimangot ako at ako na mismo ang naglagay ng fishball sa baso nya.
“Ngayon ka lang ba nakabili ng fishball?” tanong ko at inilagay ulit sa kawali ang mga nakuha nya. “Hindi pa ’to mga luto! Kakalagay nga lang yata ni Manong, eh.”
Napakamot na lang ng batok si Lester at pinapanood ang ginagawa kong pagkuha sa mga lutong fishball. Feeling ko tuloy ay may kasama akong bata. Parang wala syang alam talaga sa fishball!
“Baka ngayon lang talaga makakakain ng fishball ang kasintahan mo, ineng.” sabi ni Manong sa akin at itinuro pa si Lester gamit ang thong na hawak nya. “Aba’y mukhang mayaman naman kasi sya.”
Buti na lang at hindi pa ako kumakain ng fishball kaya hindi ako nasamid. Si Manong naman kasi, mapagbiro! Mayaman daw si Lester? Kung alam nya lang ang lovestory naming dalawa, hinding-hindi nya sasabihin iyon!
Pero sabagay. Hindi ko din naman masisisi si Manong, eh. Ngayon pa na naka-damit pang-apply na naman si Lester. Mukha syang businessman na may-ari ng malaking company. Pero dahil alam ko kung sino talaga sya, hindi nya ako maloloko.
Kahit ilang ulit pa syang magdamit ng pormal, alam kong hindi talaga sya mayaman.
Pero mabuti na lang at una ko syang nakilala bilang sya. Hindi ko sya napagkamalang mayaman. Nakakahiya ’yun.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay ko habang kinakain namin ang fishball. Ito talaga yung part na gusto ko sa pagtatapos ng araw. Sabay kaming matatapos sa trabaho namin. Ihahatid nya ako pauwi at maglalakad lang kami imbes na sumakay. Hindi ko na maalala kung sino ang nag-suggest sa amin na maglakad na lang kahit may kalayuan ang bahay ko. Kapag kasi sumakay kami, feeling ko ay limang minuto lang kaming magkasama. Hindi sapat. Palagi akong nabibitin.
Siguro ay ganoon din ang nararamdam ni Lester kaya wala syang reklamo sa paglalakad namin. Gusto ko kasing makasama sya ng matagal. Sa ganitong oras na lang kami nagkikita dahil binawi ko ang mga panahon na hindi ako nakapasok sa trabaho para lang masamahan si Lester sa pag-aapply.
Buti at sabay din ang day off namin. At sa mga ganoong araw ay buong araw kaming magkasama. Kung hindi kami lumalabas ay tumatambay naman sya sa bahay ko.
Kaya hindi ko na naiwasan ang mahalin sya. Nakilala ko kasi ang totoong sya. Nadadala nya ako sa mga ngiti nya na parang madalang nya lang gawin pati ang pagtawa nya. Kapag ginagawa nya kasi ang pagngiti at ang pagtawa, binibigay nya ang lahat. Feeling ko ay iniisip nyang baka hindi na nya ulit magawa iyon kaya sinusulit na nya.
Kaya naman kapag magkasama kami, ginagawa ko ang lahat para mapasaya sya.
“Gusto ko, bago tayo maikasal, magkaroon muna ako ng sariling lupa ay bahay.” sabi ko habang naglalakad kami.
Napansin ko na natigilan si Lester sa paglalakad at napatitig lang sa akin. Kahit nga ’yung pagkain nya sa fishball ay natigil din. Huminto ako sa paglalakad at tinignan sya.
“Hindi kasi sa amin ’yung bahay at lupa. Pero ang sabi ni Mama, sa amin daw iyon. Na-realize ko na baka nahihiya si Mama dahil wala syang naiwan sa akin. Kaya ang gusto ko, magkaroon muna ako ng sariling bahay at lupa gamit ang perang pinaghirapan ko.”
Hindi nagsalita si Lester at awang ang mga labing nakatingin lang sa akin. Napakunot ang noo ko. Bakit biglang naging estatwa ang isang ’to?
“Lester?” tawag ko sa kanya. Mukhang hindi na nga yata sya humihinga! “Lester, ayos ka lang?”
“What did you say?” tanong ni Lester na nag-eenglish na naman. Hindi pa yata sya nakakamove-on sa shift nya kanina.
“Ang dami kong sinabi, Lester.” sabi kong nagrereklamo. “Ipapaulit mo sa akin lahat ’yon?”
“No. Hindi.” sabi nya na mukhang nagpa-panic na. Hinawakan nya pa ako sa dalawang braso ko at tinitigan ako. “The first part. I want you to say it again. ’Yung simula lang.”
Kumunot ang noo ko at inalala ang una kong sinabi kanina.
“Alin? ’Yung kapag bago tayo maikasal, gusto kong—”
“Holy fucking shit.” mura nya habang nakatitig sa akin. Hindi makapaniwalang napasinghap ako.
“Minumura mo ba ako?” may hinanakit kong tanong. Nanlaki naman ang mga mata nya at umiling.
“No! Of course not. I was just— Jesus! Please tell me this isn’t a dream.”
“Ano bang nangyayari sayo?” tanong ko. ’Yung itsura nya kasi, mukha syang natataranta, natatakot at nagmamakawa sa akin.
“Gusto mong maikasal… Sa akin?” dahan-dahan nyang tanong na parang sinisigurong maiintindihan ko ang tanong nya.
Napangiti ako. Ang lalaking ’to, nakaka-inlove talaga! Ang cute nya! Ang gwapo-gwapo tapos parang natatakot sya na baka bawiin ko ang sinabi ko kanina!
Ito ’yung isa sa mga nagustuhan ko sa kanya, eh. ’Yung para bang hindi sya natatakot na makita ko ang tunay nyang nararamdaman. Napaka-natural ng mga kilos nya kapag kasama nya ako. Para bang gusto nya talagang ipakilala sa akin ang totoong sya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawa nyang mga kamay. Ngumiti ako sa kanya at tinitigan ang mga mata nya.
“Gusto ko, Lester, doon papunta ang relasyon natin. Sayo ko lang naramdaman ’to. At gusto ko, ikaw na ang makasama ko habangbuhay.” nawala ang ngiti ko nang tanungin sya. “Ikaw ba? Doon mo din ba gustong mapunta ang relasyon natin?”
Unti-unting nawala ang mga negatibong emosyon sa mukha nya. Nagpakita ang ngiti sa mga labi nya at pakiramdam ko ay mas lalo ko pa syang minahal.
Mahal ko na nga si Lester.
“Of course, Angela.” he said softly and squeezed my hands. “You’re also the only one who can make me feel this way.”
Niyakap nya ako at kahit na alam kong marami ang makakakita sa amin ay niyakap ko sya pabalik. Panoorin man nila kami, at least ako masaya ngayon. At least ako, yakap ang mahal ko.
At sa loob ng mga bisig nya ay naramdaman ko ang labis na kapayaan. Nawala ang pangamba at takot ko kanina. At feeling ko ay ligtas ako kapag nandyan sya.
“Damn it, Angela. I should be the one who’ll prospose to you.” magsasalita na sana ako pero hinalikan nya ako sa noo. “It’s okay. I could still surprised you one day.” muli nya akong niyakap at gumanti ako nang mas mahigpit.
Ang akala ko ay magiging maayos ang pagtatapos ng araw nito. Kasama ko kasi si Lester at napag-usapan pa namin ng maayos ang tungkol sa future namin. Sino bang hindi sasaya doon?
Pero nang makarating kami sa bahay ko at nakitang bukas ang pinto kahit na iniwan kong naka-lock iyon ay bumalik na naman ang takot sa dibdib ko.
Sobrang gulo ng bahay. Wala akong nakikitang nanatiling maayos sa mga gamit ko. Lahat pinakialaman nila. Lahat nasira.
Sino ang gumawa nito? Mga magnanakaw?
Hindi ko maintindihan. Halata naman na hindi ako mayaman. Lumang-luma na nga ang bahay at mahirap lang din ako. Bakit nila pagnanakawan ang bahay ko?
May kausap si Lester sa telepono. Ganoon na sya simula nang makita nya kung anong nangyari sa bahay ko. Nagpapasalamat ako na hindi nya ako iniwan. Kung hindi ay baka nahimatay na ako sa takot.
Sino ba ang gagawa nito?
Lumingon si Lester sa akin na mas naging seryoso ang mga mata. Nagtatangis ang mga bagang nya at gumagalaw ang panga nya na parang nagagalit. Nakita ko din ang mahigpit na hawak nya sa cellphone nya.
“Lester?” tawag pansin ko sa kanya dahil tinatapunan nya ng masasamang tingin ang bawat sulok ng bahay.
“Someone will take care of this.” sabi nya nang tignan ako. “But one thing is for sure, hindi ka pwedeng matulog dito.”
Tumango ako. “Makikitulog na lang ako kina Aling Delia—”
Pero naputol ang ano pa mang sasabihin ko nang magsalita ulit si Lester.
“No, Angela.” he said. “I will take you to my place tonight.”
Chapter 17
Angela
“Sa ’yo ’tong unit na ’to?” ang nakanganga kong tanong kay Lester habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng condo unit na iyon.
Hindi pumayag si Lester na hindi ako sumama sa kanya ngayong gabi at makitulog na lang kung kanino. Ang sabi ko nga kung ayaw nyang makitulog ako kina Aling Delia na kapitbahay namin ay kina Nina na lang o hindi kaya ay kina Lara. Ayaw nya kasi kina Aling Delia dahil baka bumalik daw ang may gawa noon sa bahay ko.
Sumama ako kay Lester dahil ang sabi nya ay mas makakampante daw sya kung sa kanila ako tutuloy pansamantala. Hindi daw sya matatahimik kung wala ako sa tabi nya dahil sa nangyari.
Ang sabi ko ay simpleng pagnanakaw lang iyon na napag-interesan ang bahay ko. Sa akin lang kasi ang medyo maayos ang bahay kahit na luma sa lugar na iyon. Pero ang sabi ni Lester ay hindi daw. Hindi daw mag-aabala ng ganoon ang mga magnanakaw sa itsura ng bahay ko.
Totoo naman ang sinabi nya pero hindi ko maiwasang isipin na medyo nilait lang naman nya ang bahay ko. Kaya sumama na din ako sa kanya para makita ang bahay nya at alamin kung bakit ang lakas ng loob nyang laitin ang bahay ko.
Hindi ko naman inaasahan na nakatira pala sya sa isang condo unit na may kalakihan pa. Magkasama ang sala, ang dining area at ang kitchen. May tatlong kwarto din pero hindi ko talaga inaasahan na dito sya nakatira! Ang akala ko pa nga ay mas maganda pa ang bahay ko sa kanya!
Ang tingin ko kasi kay Lester ay hindi taga-Manila kaya nahirapan syang makahanap ng trabaho. At syempre, dahil hindi taga-Manila, wala din syang matitirhan dito at nangungupahan lang sa isang maliit na apartment. Pero anong nangyari at dito sya tumutuloy sa condo unit?
“Uhm…” sabi nya at kinamot ang gilid ng kilay nya. “Sa pinsan ko ’to. Nasa ibang bansa nagtatrabaho kaya nakabili ng ganito. Pinagamit muna sa akin.”
Tumango-tango ako. Kaya pala. Mabuti naman pala at hindi na sya nahirapan sa matitirhan nya dito sa Manila.
Pero habang pinagmamasdan ko si Lester ay para syang katulad ko na ngayon lang nakapasok sa unit na ’to. Parang hindi nya alam kung saan nakalagay ang bawat gamit. Binubuksan nya ang lahat ng mga dapat buksan para lang mahanap ang isang bagay. Pati na rin ang bawat pinto na nandito.
“Ah, here’s the comfort room.” sabi nya nang mabuksan ang unang pinto sa hallway. May apat na magkakasunod-sunod na pinto kasi doon. “I bet that’s the master’s bedroom.” turo nya sa pinakadulong pinto.
I bet?
“’Yun ang ginagamit mo?” tanong ko.
Dahan-dahan ang pagtango nya na parang hindi pa sya sigurado. Nangunot ang noo ko. Anong nangyayari sa isang ’to?
Ang weird nya. Kung hindi ko lang talaga sya mahal…
“You can use the room next to mine.” sabi nya at tinuro ang pinto na katabi ng master’s bedroom.
Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang simple pero may kalakihang kwarto. May single bed doon at natuwa ako dahil may under bed pa na pwedeng hilahin. Pwedeng matulog ang isa pang tao doon.
“So, uhm…” napatingin ako kay Lester nang magsalita sya. “I’ll leave you now para makapagpahinga ka na. Feel free to move around and use everything.”
Ibinigay nya sa akin ang bag ko na naglalaman ng kaunting gamit at mga damit ko. Tinanggap ko iyon at inilapag sa sahig. Bukas ko na lang siguro aayusin iyon.
“Lester.” tawag ko sa kanya nang akmang tatalikod na sya. “Thank you. Salamat kasi hindi mo ako pinapabayaan.”
Sa totoo lang ay nakukulangan pa nga ako sa pasasalamat ko sa kanya. Kung wala sya kanina ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro manginginig na lang ako sa takot. Simula ng mawala ang mga magulang ko ay naging mag-isa ako. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang may karamay.
Bumuntong hininga sya at humakbang palapit sa akin. Napangiti ako nang ikulong nya ako sa mainit nyang yakap.
“I’ll do everything to protect you, Angela.” bulong nya habang nakayakap sa akin. Gumanti din ako ng yakap sa kanya.
I love you, Lester.
Para man lang makabawi sa pagpapatira nya dito sa akin ay ako ang nagluluto ng almusal naming dalawa kahit sa hapunan. Sabi nga ni Lester ay hindi ko na naman daw kailangang gawin iyon. Nakakainis lang dahil ayaw nyang tanggapin ang bayad ko para sa kuryente at tubig! Kaya ang sabi ko ay ako na lang ang bahala sa kakainin naming dalawa dahil hindi din naman sya marunong magluto.
Napapangiti na lang ako kapag naiisip ko ang sitwasyon namin. Para na kasi kaming mag-asawa! Kahit hindi kami sabay na nagla-lunch ay ayos lang! At least bago pumasok at pagkauwi galing sa trabaho ay magkasama kami. Mas mahaba na tuloy ang oras namin para sa isa’t-isa.
Parang gusto ko na tuloy magpasalamat sa gumawa noon sa bahay ko.
Hindi pa ako pinapabalik ni Lester doon dahil delikado pa din daw. Sya na lang daw ang kusang magsasabi sa akin kapag okay na ang lahat. Nang last kasi na pumunta ako doon para kumuha ng mga damit ay magulo pa din ang bahay.
Sana matagalan pa bago ako pabalikin ni Lester.
“Lester?” tawag ko sa kanya at kumatok sa pinto ng kwarto nya. “Lester?”
Nang wala akong makuhang sagot ay binuksan ko ang pinto ng kwarto nya. Nakita kong nakadapa sya sa kama at mahimbing na natutulog. Wala syang damit na pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot nya.
Normal na umaga lang ’to para sa aming dalawa pero kapag ganito ay palagi talaga akong napapatitig sa katawan nya. Ang lapad kasi ng likod nya at ang sarap tignan ng mga muscles doon. Pati na rin yung mga biceps nya. Lalo na kapag humarap sya. ’Yung dibdib at abs nya, hirap na hirap talaga akong alisin ang tingin ko doon!
Noong unang nakita ko syang ganito ay halos tumili ako at mag-eskandalo na. Advertising company kami at may mga lalaking modelo din pero walang-wala ang katawan nila kay Lester! Buti na lang at hindi ko naisipan na pag-applyin sya as a model namin dahil sigurado akong pagkalaguluhan sya! Marami akong magiging kaagaw.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama nya. Tinitigan ko muna ang maamo nyang mukha habang natutulog. Magulo ang buhok nya at ang ilang hibla ay tumatabing sa mukha nya kaya inalis ko iyon.
“Lester… Gising na.” sabi ko at marahang hinaplos ang mukha nya. Nakita ko ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay nya at napangiti na lang ako.
Ang gwapo nya. Ang swerte ko at mahal ako ng lalaking ’to.
“Lester…” bahagya ko na syang niyugyog. “Handa na ang almusal. Kumain na tayo.”
Umungol sya at ang isang braso nya ay pumalibot sa bewang ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko
Grabe… Ang ganda naman talaga ng umaga ko kung ganito palagi.
“Lester, hoy…” niyugyog ko ulit sya.
“Five minutes…” bulong nya sa namamaos na boses.
Grabe naman talaga! Hindi ako papayag na may ibang babae ang makarinig ng bedroom voice nya! Tiyak na mai-inlove kasi agad sila!
Sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok nyang magulo.
“Palagi ka na lang nanghihingi ng five minutes.” sabi ko. “Tara na. Baka ma-late pa tayo.”
Napatili ako nang hapitin nya ang bewang ko kasabay ng pagtihaya nya ng higa kaya bumagsak ako sa dibdib nya. Naitukod ko tuloy sa dibdib nya ang mga kamay ko at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya.
Noon una ay nakapikit pa sya pero unti-unti ang ginawa nyang pagdilat. Nang magsalubong ang mga mata namin ay napangiti sya.
“Good morning…”
Hindi kaagad ako nakapagsalita at napatitig na lang sa kanya. Kinakapos ako sa paghinga at ang bilis-bilis pa ng tibok ng puso ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng mga braso ni Lester na nakapulupot sa bewang ko. Nawala din ang ngiti nya at seryosong napatitig sa akin.
Hindi na ako nakatili nang pagpalitin nya ang pwesto namin. Ako na ngayon ang nakahiga sa kama at nasa ibabaw ko sya. Ang mga siko nya ay nakatukod sa kama sa magkabilang gilid ko para hindi nya ako madaganan. Ang isang tuhod nya ay nakapagitan sa mga hita ko.
Nanlaki ang mga mata ko pero masyadong seryoso ang mga mata ni Lester. Hindi ko alam kung naririnig nya ba ang puso ko dahil sobrang lakas ng pagtibok noon at mas lalo pang nagwala nang makita ko na napatingin sya sa mga labi ko.
Unti-unting bumaba ang mukha nya sa akin at nahigit ko na lang ang paghinga ko. Alam ko ang gagawin nya pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagpa-panic na yata ang mga internal organs ko habang hinihintay ang mga labi nya na lumapat sa mga labi ko.
At nang mangyari iyon ay kusa nang pumikit ang mga mata ko.
Magaan ang paghalik nya at magkapatong lang ang mga labi namin. Hindi ko alam kung paano ide-describe ang mga labi nya. Malambot ang mga iyon. Basta pakiramdam ko ay sobrang saya ko. Na parang out of this world ang sayang naramdaman ko.
At nang gumalaw ang mga labi nya at ipagitan doon ang mga labi ko ay napasinghap ako. Wala sa sariling napahawak ako sa mga balikat nya habang hinahalikan nya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay gusto ko ang mga halik ni Lester kaya buong puso ko iyong tinanggap.
Sinubukan kong gayahin ang ginagawa ng mga labi ni Lester. Dumaing sya at mas diniinan ang paghalik sa akin. Pumalibot ang mga braso ko sa leeg nya at ang mga daliri ko ay bumaon sa buhok nya.
Ito ang first kiss ko at hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng mga halik ni Lester. Parang hinihigop nya ang buong lakas ko at wala na akong magawa kung hindi ang magpaubaya sa kanya. Kaya kung may gusto pa syang mangyari sa aming dalawa ay hahayaan ko na lang sya.
Mas lumalim pa ang halik nya at may lumabas na ungol mula sa lalamunan ko. Naramdaman ko ang isang kamay ni Lester na pumasok na sa loob ng blusa ko at pakiramdam ko ay sinisilaban na yata ako. Dama ko ang init ng palad nya na humahaplos sa bewang ko.
Nag-uumapaw ang dibdib ko sa emosyon at ibinuhos ko ang nararamdaman ko sa paghalik ko sa kanya. Labis na pagkatuwa ang naramdaman ko nang madinig ko ang pag-ungol ni Lester. Bumaba ang halik nya papunta sa panga ko hanggang sa leeg ko.
“Lester…” ungol ko sa pangalan nya na parang kinakapos pa ako sa paghinga.
Pero naging magaan ang paggalaw ni Lester hanggang sa tumigil ang halik nya sa leeg ko. Nanatiling nakadikit na lang doon ang mga labi nya habang naghahabol sya ng hininga. Maging ang kamay nyang humahaplos lang sa bewang ko kanina ay tumigil din.
“Mag-almusal na tayo…” bulong nya habang nakasubsob pa rin ang mukha nya sa leeg ko. Naramdaman ko tuloy ang paggalaw ng mga labi nya na nakadikit pa din sa leeg ko.
“Huh?” wala sa sarili kong tanong. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
Nadinig ko ang mahinang pagtawa nya bago binigyan ng magaan na halik ang leeg ko.
“Mag-almusal na tayo.” ulit nya sa sinabi nya kanina at napatango na lang ako.
“Okay…” sagot ko pero nadinig ko ulit ang pagtawa nya na may pagkapaos pa.
“Move, Angela.”
“Huh?”
“Move o ikaw ang gagawin kong almusal.”
Mabilis tuloy akong umalis sa ilalim nya pero muntik pa akong mabuwal nang makatayo ako. Narinig ko ulit ang pagtawa ni Lester kaya tinignan ko sya nang masama pero ngumisi lang sya.
Sino kaya ang dahilan kung bakit nanlalambot ang mga tuhod ko ngayon?
“Halika na. Mag-almusal na tayo.” sabi ko at dumiretso na sa pinto. Tumayo din naman si Lester at isinuot ang t-shirt nya bago sumunod sa akin.
Napangiti na lang ako. Ang ganda ng umaga ko.
Maganda ang simula ng araw ko kaya naman masigla ang kilos ko sa pagtatrabaho. Sino ba naman ang hindi kung namumulaklak ang lovelife nila? Ngayon lang ako na-inlove ng ganito at hinding-hindi ko pagsisisihan ito. Lalo pa at si Lester ang minahal ko.
Feeling ko ay hindi ako ganitong kasaya kung sa ibang lalaki ako na-inlove.
Hanggang sa matapos ang araw ay suot ko ang malawak na ngiti sa mga labi ko. Tinatawanan na nga ako ng mga kaibigan ko. Ang creepy daw kasi.
“Huwag ka kasing mang-inggit. Ikaw na ang may mayaman na boyfriend.” inis na sabi sa akin ni Nina at inirapan pa ako.
“Mayaman na, gwapo pa! Kaya ang laki ng ngiti, eh.” si Lara na napailing na lang.
“Tigilan mo na nga ’yang pagngiti mo!” sabi ni Nina nang hindi pa rin ako tumitigil sa pagngiti.
“Ang bitter mo.” nakangusong sabi ko na lang. Eh, sa masaya ako eh.
Nang makalabas kami ng studio ay pare-pareho kaming napatigil nang makita ang isang magarang kotse na nakaparada sa harap. Nagtulakan pa sina Nina at Lara at inakalang kay Lucius iyon para sunduin ako.
Pero hindi. Mahirap lang si Lester na inaakala nilang si Lucius kaya imposibleng sa kanya iyon.
At tama nga ako. Dahil bumaba ang driver ng kotse para pagbuksan ang taong nakasakay sa likod noon. Natahimik ang mga kaibigan ko nang isang babae ang bumaba mula doon.
Mayaman, sopistikada at mataray. Iyon kaagad ang mga salitang pumasok sa isip ko nang makita ang babaeng maputi na bumaba sa kotse. Nakasuot sya ng mamahaling shades sa mga mata at sexy ang itim na dress na suot na hapit sa katawan nya kaya kitang-kita ang kurba noon. Mataas ang heels ng sapatos nya na mas mahal pa yata ang presyo kaysa sa sahod ko. Mukha syang isang prinsesa sa kulay brown nyang buhok na curly pa. Lumapit sya sa amin at tumigil sa harapan ko.
“You’re Angela, right?” tanong ng babae na maarte ang pagkakasabi ng mga salita.
Tumango ako kahit na nagtataka kung paano nya ako nakilala. Nakita ko ang pagngiti nya at ang paglalahad nya ng kamay sa akin.
“I’m Ishtar. I need to talk to you.”
Chapter 18
Angela
Alanganin kong tinanggap ang nakalahad na kamay ng babae sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit nya ako kilala. Hindi ko alam kung anong gusto nyang pag-usapan namin. Ngayon ko pa lang sya nakita at wala naman akong kilalang mayaman na katulad nya.
“Angela.” pagpapakilala ko sa kanya. Ngumiti sya ulit pero nahalata ko na peke ang nga ngiti nya.
“I know.” she said. Tinanggal nya ang shades na suot nya. “Let’s go. Sa coffee shop tayo mag-usap. I don’t want us to talk…” nilibot nya ng tingin ang studio namin. “In here.”
“Aba’t— hoy!” si Lara na halatang nainsulto sa paraan ng tingin nya sa studio namin. Para kasing nandidiri sya pero pinipilit nyang hindi ipakita iyon.
“Saan mo sya dadalhin?” tanong ni Nina na humarang sa pagitan naming dalawa ni Ishtar. “Angela, kilala mo ba ’tong batang ’to?”
Maarteng umirap si Ishtar. “Geez, I’m not a bata! I’m in my late teens already!”
“Bata ka pa din! At mas matanda kami kaysa sayo kaya huwag kang um-attitude dyan!” sabi ni Nina na halata na ang pagkainis.
“I don’t have any business with the two of you. Si Angela ang kailangan ko.”
“Ano bang kailangan nyong pag-usapan?”
Inis na napabuntong-hininga si Ishtar at humalukipkip sa harap namin. “About her boyfriend. Lucius D’Angelo.”
Pare-pareho kaming natigilan ng mga kaibigan ko. Ako ay may halo pang kaba. Hindi kaya… Kilala ng babaeng ’to si Lucius? Hindi malabong mangyari dahil mukhang galing sa mayamang pamilya ang babaeng ’to. At mayaman din si Lucius…
Pinagpawisan ang mga kamay ko at nanlamig ang buong katawan ko. Nakarating na kaya sa kanila ang pagsusunungaling ko? Kaya ba gusto akong kausapin ng babaeng ’to?
“Si Lucius?” tanong ni Lara. “Kilala mo ang boyfriend ni Angela?”
“Yes.” sabi ni Ishtar. “We’re childhood sweethearts, actually.”
Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko. Feeling ko naman ay nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa pamumutla. Grabe… Ang ganda ng naging simula ng araw ko pero hindi yata magiging maganda ang pagtatapos.
Patay… Nakarating na nga sa kanila ang pagsisinungaling ko.
“Hindi kami naniniwala.” sabi ni Lara at ginaya ang pagkahalukipkip ni Ishtar. “Kahit sino, pwedeng sabihin na childhood sweethearts sila ni Lucius. Ang gwapo nya naman kasi kaya maraming nangangarap sa kanya.
“Ay, ang talino mo dyan.” sabi ni Nina at nakataas ang kilay na tumingin kay Ishtar. “Childhood sweetheart ka lang, asawa ako.”
Oo. Kahit sino nga ay pwedeng sabihin ang mga ganoon. Ako nga sinabi kong boyfriend ko si Lucius, eh.
Muling rumolyo paitaas ang mga mata ni Ishtar. Kinuha nya ang cellphone sa purse nya at ilang sandaling may kinalikot doon. Iniharap nya sa amin ang cellphone nya at pinakita ang isang litrato.
“Happy now?”
Napaawang ang mga labi ko. Sa picture ay may kasama si Ishtar na lalaki na nakaakbay sa kanya. Malaki ang ngiti sa mga labi nila pero hindi iyon ang naging problema ko. Dahil kilalang-kilala ko ang lalaki sa picture.
Si Lester.
Hindi ko maintindihan. Bakit nya kasama si Lester sa picture? Bakit nya sinabi sa aming si Lucius ang kilala nya kung picture naman ni Lester ang ipinakita nya?
“Totoo nga.” sabi ni Nina.
“Si Lucius D’Angelo nga ’yan. ’Yung boyfriend ni Angela.” sabi naman ni Lara at parang biglang naging maamo ang dalawang kaibigan ko.
Ngumiti ng matamis si Ishtar at naputol ang paninitig ko sa picture na nasa cellphone nya nang ibinalik nya iyon sa purse nya.
“Yes…” she said. “Or Lester… Right, Angela?”
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga kaibigan ko sa aming dalawa ni Ishtar. Alam kong nagtataka sila pero hindi ko magawang magsalita sa sobrang kaba. Nanginginig ang mga labi ko at mabibigat na ang paghinga ko. Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko at parang gusto ko na lang masuka.
“So… Sasama ka na ba sa akin?” tanong ni Ishtar na nakangiti pa din sa akin.
Naiintindihan ko na. Sinabi nyang si Lucius ang kilala nya dahil alam nya ang pagpapanggap ni Lester bilang si Lucius D’Angelo. Hindi ko alam kung sinabi ba sa kanya ni Lester. Siguro ay importanteng tao si Ishtar sa buhay nya para sabihin pa iyon sa kanya.
Nakaramdam ako ng pagkirot sa may dibdib ko.
“Nina, Lara… Mauna na kayo.” sabi ko sa dalawang kaibigan ko. “Magkita na lang tayo bukas.”
“Huh? S-sige.”
Naunang pumasok sa kotse nya si Ishtar at doon ulit pumwesto sa may backseat ng kotse. Binuksan naman ng driver nya ang kabilang side kaya magkatabi kami ni Ishtar sa likod.
Tahimik lang ako sa byahe at hindi nagsasalita. Samantalang si Ishtar naman ay panay ang pagtipa sa cellphone nya. Sumakit ulit ang dibdib ko sa isipin na ka-text or ka-chat nya si Lester.
May mayamang kaibigan pala si Lester. Bakit hindi man lang nya nabanggit sa akin? At bakit hindi sya nanghingi ng tulong kay Ishtar noong mga panahong hirap syang maghanap ng trabaho?
Baka ayaw nyang manghingi ng tulong at gusto nyang pagsumikapan ang lahat. Pero bakit ako? Bakit nya tinanggap ang tulong ko?
Hindi ko na alam. Ang daming tanong ang umiikot sa utak ko at hindi ko nagugustuhan iyon.
Hanggang sa makarating kami sa coffee shop ay tahimik pa rin ako. Tinanong pa ako ni Ishtar kung anong gusto kong inumin pero ang sabi ko ay tubig na lang. Pero makulit sya at binilhan ako ng inumin na kapareha ng sa kanya.
“Try that. That’s my favorite.” sabi nya at ininom ang sa kanya.
Hinawakan ko lang ang baso ng inumin na parang doon ako makakakuha ng lakas. Malamig iyon kaya mas lalo pang nanlamig ang pakiramdam ko.
“Anong gusto mong pag-usapan natin?” tanong ko. Gusto ko nang matapos agad ito para nakauwi na. Gusto kong makita si Lester.
Elegante pa rin ang paggalaw ni Ishtar pati na rin nang ibinaba nya sa lamesa ang inumin nya. At nang tumingin sya sa akin ay seryoso na ang mga mata nya.
“I want you to stay away from him.”
Him. Kahit hindi nya sabihin ang pangalan ay alam ko kung sino ang tinutukoy. Iisang tao lang naman ang dahilan kung bakit ako sumama sa kanya at pumayag na makipag-usap. Iyon ay dahil kay Lester.
Napalunok ako at hindi agad nakapagsalita. Bakit parang madalas kong makita ang ganitong mga eksena sa mga palabas? Ang kaibahan nga lang ay mayaman din ang lalaki pero si Lester ay mahirap lang. Siguro ay mahal talaga ni Ishtar si Lester kaya wala syang pakialam sa estado ng buhay nya.
“At first, hinayaan ko lang sya na makipaglaro sayo ’cause in the end, I know that he will still choose me. But when I’ve heard that you’re both living under the same roof, I can’t just do nothing and sit around anymore. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa nya.”
“Mahal ako ni Lester.” Ang matapang kong sabi at nakita ko ang pagngisi nya.
“Lester?” tanong nyang parang natatawa. “You don’t really know him. Angela. Kaya if I were you, lalayuan ko na lang sya. You’re going to be his weakness at madadamay ka lang.”
Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”
Mahina syang tumawa at muling uminom ng inumin nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin nya.
Alam kong totoo na hindi ko pa kilala ng lubusan si Lester. Nagsisimula pa lang ang relasyon namin at marami pa namang panahon para kilalanin namin ang isa’t isa kaya hindi ko iyon minamadali. Basta ang importante para sa akin ay ang pareho kami ng nararamdaman.
“In the game of chess, the King is the most important piece. And he has a Queen to protect him from the enemies.” sabi ni Ishtar at mas lalo pa akong naguluhan. “Lester is like the King, Angela. He is too important. And I’m his Queen. Naiintindihan mo naman ang gusto kong iparating, hindi ba?”
Hindi ako sumagot dahil feeling ko ay pipiyok lang ako kapag nagsalita ako. Naiintindihan ko. Mahal nya nga si Lester at ipinaparating nya sa akin na sya lang ang dapat na maging babae sa buhay ni Lester.
Pero mahal ko sya. Kaya ko bang isuko na lang ang nararamdaman ko? Ngayon na nga lang ako nagmahal pero bakit may humahadlang na?
“He’s too important to have any weakness, Angela.” Ishtar continued. “Layuan mo sya. I can protect him. Ikaw? You can’t. Wala kang magiging silbi sa kanya.”
Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. Ang masabihan na wala akong silbi para sa taong mahal ko ay sobrang sakit. Hindi ko alam. Paano ba? Ano ba ang dapat kong gawin para makasama ko si Lester na walang humahadlang sa aming dalawa?
“The King must only have one Queen.” she said.
Lester is King and Ishtar is the Queen. The King must only have one Queen. Ipinaparating nya na wala akong pwesto sa buhay ni Lester.
“What the fuck are you doing, Ishtar?!”
Nagulat kaming pareho nang marinig ang sigaw na iyon ni Lester kasabay nang paghablot nya sa braso ni Ishtar at pinatayo sya. Nakita ko ang galit sa mga mata nya habang nakatingin sa babae na mukha namang natakot sa tingin ni Lester pero sinubukan nyang itago iyon.
“My King… You’re here.” sabi ni Ishtar at ngumiti pa kahit na galit na galit ang tingin sa kanya ni Lester.
Napalunok ako habang nakatingin kay Lester. Ngayon ko lang nakita ang galit nyang mga mata para sa isang tao. Gumagalaw ang mga panga nya sa sobrang galit at malalalim ang paghinga na parang pinipigilan ang pagsabog ng emosyon nya. Natakot ako para kay Ishtar dahil parang kayang saktan ni Lester ang sino man na kumontra sa kanya.
“Fuck, Ishtar. Stop meddling with my life, will you?” gigil na sabi ni Lester at kahit na pabulong ay narinig ko pa rin.
“Meddling? You’re calling this meddling?” hindi makapaniwalang tanong ni Ishtar at natawa pa. “Damn you! I am protecting you ’cause I am your Queen! At sya!” itinuro nya ako. “Sya ang papatay sayo!”
Mariin ang ginawang pagpikit ni Lester at marahas na sinuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri nya. Sunod-sunod syang kumukuha ng malalalim na paghinga na parang pinapakalma ang sarili. At nang dumilat ulit sya ay bumuntong-hininga sya at tumingin sa akin na walang anumang bakas ng pagkagalit sa mukha.
“Go home, Angela. I’m sorry I can’t take you home.” sabi nya sa mahinahon na boses.
“Uuwi ka ba?” tanong ko. Ewan ko. Natatakot akong iwanan silang dalawa ni Ishtar na magkasama. Parang gusto ko na lang na hintayin sya at sabay kaming umuwi.
Pero ngumiti sa akin si Lester at nakita ko ang emosyon sa mga mata nya na punong-puno ng pagmamahal habang nakatingin sa akin.
“Of course. Uuwi ako. I love you.”
Ngumiti ako sa kanya at nakahinga ng maluwag. Wala sa sariling napatingin ako kay Ishtar at nakita ko ang sakit sa mga mata nya na agad ding nawala nang hilahin na sya ni Lester palabas ng coffee shop.
Bumungtong-hininga ako at napansin na nakatingin sa akin ang iilang mga customer na nandoon. Mukhang kanina pa nila kami pinapanood at hindi ko man lang namalayan iyon.
Napatingin ako sa labas ng coffee shop. Ang sabi ni Lester ay umuwi na ako dahil ang sabi nya naman ay uuwi din sya. Pero hindi talaga ako mapakali lalo pa at nakita ko ang ekspresyon sa mga mata ni Ishtar na parang nasasaktan sya.
Kaya nagdesisyon akong sundan silang dalawa.
Chapter 19
Angela
Naabutan ko sila sa may parking lot sa gilid ng coffe shop na iyon. Nagtago ako nang tumigil sila pero naririnig ko naman ang mga pinag-uusapan nila.
“What in the hell are you doing, Ishtar?” dinig kong tanong ni Lester na may halong galit ang boses nya. “Why are you with Angela, huh?”
“I wanted to talk to her!” pasigaw na sagot ni Ishtar. “Can you blame me? I asked L to investigate about that girl and then I found out that you’re living with her under the same damn roof?!”
“Why do you care so much, huh? If this is still about the game, I will fucking protect her! Do you really think na hahayaan kong masaktan sya?”
Nangunot ang noo ko at bahagyang sumilip sa kanilang dalawa. Hindi ko na kasi maintindihan ang pinag-uusapan nila. Game? Anong laro? Kanina ay may binanggit din na laro si Ishtar at sa pagkakaalala ko ay game of chess ang sinabi nya.
At kinumpara nya silang dalawa ni Lester bilang mga chess pieces. That she is the Queen and Lester is her King. Na gagawin nya ang lahat para maprotektahan nya ang King nya. At gusto nyang layuan ko si Lester dahil baka ako pa ang maging dahilan ng ikapapahamak nya.
Pero saan? Saan nya pinoprotektahan si Lester? Saan mapapahamak si Lester kung hindi ko sya lalayuan? At ano ang ibig sabihin ni Ishtar sa sinabi nya kanina na ako ang papatay kay Lester?
“No, my King!” dinig kong sigaw ulit ni Ishtar. “If our enemies will know about her, do you think that you can still protect her? Do you think that you can really protect her all the time?”
Sumeryoso ang mukha ni Lester at tinitigan nya si Ishtar sa mga mata na parang binabasa nya kung anong nasa isip noon. Nakita ko ang takot sa mukha ni Ishtar pero hindi sya nagpatalo at nagtaas pa ng isang kilay kay Lester.
“You can’t protect her, my King.” she said pero nahalata ko ang panginginig sa boses nya.
Nagngangalit ang mga bagang ni Lester at hindi nya inalis ang tingin kay Ishtar. Seryosong seryoso ang mukha nya at kahit may kalayuan ako sa kanila ay nakaramdam din ako ng kakaibang takot sa paraan ng pagtitig nya.
“I can protect her, Ishtar. I will do everything to protect her.”
Umiling-iling si Ishtar. “You can protect her by staying away from her. Don’t make her your weakness and leave that filthy condo unit.”
Hindi nagsalita si Lester at nanatili lang ang tingin nya kay Ishtar. At habang pinagmamasdan ko silang dalawa ay may napagtanto ko.
Totoong hindi ko pa lubusang kilala si Lester. Marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya. Kung tutuusin ay bilang lang yata sa mga daliri ko ang mga bagay na alam ko sa kanya.
Ang sabi ni Ishtar ay hindi ko pa nga kilala si Lester. At tama sya.
Ayokong madaliin ang lahat sa pagitan naming dalawa. Gusto ko sanang dahan-dahanin ang kung anuman ang mayroon kami. Pero parang may nagbago sa akin ngayon. Gusto kong malaman ang buong pagkatao ni Lester. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa kanya.
Ang lahat-lahat.
“Why are you so against with us living together?” tanong ni Lester sa mababa ay seryosong boses. “Tell me, Ishtar. This isn’t just about the game, right?”
Nakita ko ang pagkuyom ng dalawang mga palad ni Ishtar. Humalukipkip sya para maitago iyon at taas-noong tumingin kay Lester. Pero hindi sya nakapagsalita at inirapan na lang sya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lester.
“Tell me, Ishtar… Do you love me?”
Napaawang ang mga labi ko sa tanong na iyon ni Lester. Hindi pa ba nya alam ang nararamdaman ni Ishtar para sa kanya? Lahat ng ginawang ito ni Ishtar ay para sa kanya. Para maprotektahan sya.
At humahanga ako kay Ishtar dahil kaya nyang gawin ang lahat ng ito para lang sa lalaking mahal nya. Alam ba nyang mahirap lang si Lester? Kung ganoon, wala siguro talaga syang pakialam sa estado ng buhay ni Lester.
“You do…” sagot na ni Lester para sa sarili nyang tanong. “You love me.”
Nag-iwas ng tingin si Ishtar. Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha nya. Sumandal ako sa pinagtataguan ko para hindi ko sila makita at pakinggan na lang.
“You know that I only treat you as a sister.” dinig ko pang sabi ni Lester at parang ako ang mas nasasaktan para kay Ishtar.
At pakiramdam ko ay ang sama-sama ko. Nasasaktan na ngayon si Ishtar at sigurado ako doon. Pero bakit may parte sa loob ko ang nagdidiwang? Bakit ako masaya na kahit na ilan taong silang magkasama ay hindi sya minahal ni Lester at ako ang pinili ng puso nya?
Hindi talaga ako mabait. Masama ako. May nasasaktan na tao pero nakakaramdam pa rin ako ng kasiyahan.
“Can you blame me? I am your Queen. And the King must only have one Queen.” dinig kong sabi ni Ishtar.
“You keep on saying that but you must know that it’s just in the game. You are my Queen in the game but you are not the Queen in my life.”
Kumuha ako ng malalim na hininga at inilabas iyon sa bibig ko kasama ng sakit sa dibdib ko. Masaya man ako pero hindi ko maiwasan ang masaktan para kay Ishtar. Alam kong nasaktan sya sa sinabing iyon ni Lester.
“Go with Fourth. Help him find the person he’s looking for.” sabi ni Lester maya-maya din.
“But, my King—”
“Befriend her. Kaibiganin mo ang hinahanap nya. And forget your feelings for me.”
Muli akong sumilip at nakita ko ang saktong pagtulo ng mga luha sa mga mata ni Ishtar pero mabilis nya iyong pinunasan. Nang tumingin ako kay Lester ay nakita ko na naapektuhan sya sa pag-iyak ni Ishtar pero nawala din kaagad ang emosyon na iyon sa mukha nya.
“Fine.” Ishtar said. “Don’t go crying on me if something bad happens to her.”
“Don’t worry.” sabi ni Lester na nawalan ng emosyon ang mga mata. “I’ll make sure that I’ll protect her. ’Cause my heart can only love once.”
Ilang segundong tinitigan ni Ishtar si Lester bago tumalikod. At sa pagtalikod nya ay nagtama ang mga paningin namin. Nakita kong natigilan sya pero agad din namang nakabawi at inirapan pa ako.
Sinundan ng tingin ni Lester ang papalayong kotse kung saan nakasakay si Ishtar. At bago pa nya ako makita ay mabilis akong umalis doon at umuwi na sa condo unit nya. Doon ko na lang sya hihintayin.
Pero maghahating-gabi na ay hindi pa rin umuuwi si Lester. Kanina pa ako nakapaghanda para sa hapunan namin at lumamig na ang pagkain pero wala pa rin sya. Tinignan ko kung may text man lang ba sya pero wala din.
Ang sabi nya naman ay uuwi sya, diba? Dapat panghawakan ko iyon. Alam kong hindi pa binabali ni Lester ang mga pangako nya sa akin kaya dapat ay makampante ako na uuwi sya.
Pero nang maalala ko kung paano sya naapektuhan nang umiyak si Ishtar sa harapan nya ay natakot ako. Kahit sinabi nyang hindi nya mahal si Ishtar bilang babae, minahal nya naman ito bilang kapatid. At natatakot ako na baka ma-realize nya na hindi sapat ang pagmamahal nya para sa akin.
Mahal ko si Lester. Pero nasabi ko na ba iyon sa kanya?
Nang bumukas ang pinto ng condo unit at iniluwa noon si Lester ay halos maiyak na ako. Napatayo ako sa sofang kinauupuan ko at patakbong lumapit sa kanya. Niyakap ko sya at narinig ko ang mahina nyang pagtawa.
“Miss na miss mo ako, ah?” pang-asar nyang sabi pero hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. At nang gumanti sya ng yakap ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.
I knew it. Tinupad nya nga ang sinabi nya kanina sa akin.
“I love you…” buong pagmamahal na sabi ko sa kanya at naramdaman ko na natigilan sya. Ang tenga ko ay nakalapat sa dibdib nya kaya dinig ko ang pagbilis ng tibok noon.
“Anong… sinabi mo?” dahan-dahan nyang tanong na parang hindi pa sigurado kung tama ba ang pagkakarinig nya sa sinabi ko kanina.
Naglagay ako ng kaunting distansya sa pagitan naming dalawa. Tumingala ako para tignan sya sa mga mata dahil medyo matangkad sya kaysa sa akin. Ngumiti ako at ibinuhos ang buong puso ko sa pagsasabi ng nararamdaman ko para sa kanya.
“I love you… Mahal na mahal kita, Lester.”
Nanatiling nakatitig sa akin si Lester at hindi nagsalita. Palipat-lipat ang tingin nya sa dalawang mga mata ko at parang nakitaan ko pa ng takot ang mukha nya.
“Say it again.” pabulong nyang sabi. “Look into my eyes and say it again without my name, please.”
Nagtaka ako. Bakit? Bakit ayaw nyang samahan ko ng pangalan nya ang pagsasabi ng nararamdaman ko sa kanya? Hindi ba ay mas mararamdaman nya na sya talaga ang sinasabihan ko noon?
Maliban na lang kung hindi talaga Lester ang pangalan nya.
Pero bakit sya nagsinungaling sa akin? Bakit bya ipinakilala ang sarili nya sa akin bilang si Lester Cervantes? Kahit ba ang apelyido nya ay hindi din totoo?
Kaya pala kapag tinatawag ko syang Lester ay may mga pagkakataon na natatagalan ang paglingon nya sa akin. Kung minsan ay makakailang ulit pa nga ako ng tawag sa kanya bago nya ako lilingunin.
Pero bakit ganoon? Bakit hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya? Bakit binalewala ko lang ang mga napapansin ko at minahal ko pa rin sya? Ganoon ba talaga ang pagmamahal? Na kahit hindi mo lubusang kilala ang tao ay mahuhulog ka pa rin sa kanya basta ginusto ng puso mo?
Sino ba sya talaga?
Pero hindi sya masamang tao. Ilang beses kong narinig kanina ang sinabi nya kay Ishtar na poprotektahan nya ako. At ilang beses nya na din akong tinulungan. Ramdam ko rin naman ang pagmamahal nya sa akin.
Kaya naman ngumiti ako sa kanya at tinitigan sya sa mga mata na gaya ng gusto nya.
“I love you.” sabi ko at pinuno ng pagmamahal ang bawat salita. “Mahal na mahal kita.”
Ikaw man si Lester o hindi. Hihintayin ko na lang ang panahon kung kailan ka handang sabihin sa akin ang lahat.
Hinigit ako ni Lester at ikinulong sa isang mahigpit na yakap. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang kalimutan ang mga iniisip ko.
“I love you so much, Angela…” he whispered. “Mahal na mahal din kita.”
Kinabukasan ay mahimbing ulit ang tulog ni Lester nang pumasok ako sa kwarto nya para gisingin sya. Tinitigan ko muna sya ng ilang minuto bago lumapit sa kama nya at umupo sa gilid noon kagaya ng palagi kong ginagawa.
“Lester…” sabi ko at niyugyog sya nang marahan. “Lester, huy… Gising na.”
Pero umungol lang sya at hindi man lang gumalaw. Napangiti ako. Mukhang napasarap talaga ang tulog nya, ah? Ayoko na sana syang gisingin pero mali-late na kasi kami pareho. Kung totoo man na may trabaho nga sya.
“Lester! Umaga na! Mali-late ka na, aba!”
Pero ang magaling na lalaki ay kinuha pa ang unan na nasa tabi nya at itinaklob iyon sa ulo nya. Napanganga na lang ako. Ito talagang lalaking ’to na hindi ko alam kung boyfriend ko na ba, masyadong pasaway!
Pero nag-I-love-you-han na kami kaya siguro ay boyfriend ko na sya?
“Ano ba, Lester? Gising na. Sabay na tayong mag-almusal.” sabi ko habang patuloy syang niyuyugyog.
“I’m not Lester.”
Natigilan ako sa sinabi nya. Mahina lang iyon ay medyo paos pa ang boses nya pero malinaw sa pandinig ko ang sinabi nya.
Tama ako… Hindi nga sya si Lester. Pero sino ba talaga sya?
Inalis ko ang unan na nakatakip sa ulo nya at nakita syang nakapikit pero unti-unti ding dumilat ang mga mata. Ngumiti ako pero inis syang tinignan.
“Sa wakas! Gising na din ang mahal na hari!”
Naalala ko ang sinabi nya na ako ang reyna ng buhay nya. Kung ganoon, sya na rin ang hari ng buhay ko.
“Good morning…” bati nya sa akin at hinila ako sa ibabaw nya. Natawa na lang ako at nakipagbiruan sa kanya.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang bawat umaga ko na kasama sya.
Chapter 20
This is the last chapter of Chess Pieces #4: Lucius D’Angelo. Thank you for supporting Angela and Lucius’ story. Hope you’ll support Loki’s story as well entitled
Chess Pieces #5: Loki Von Amstel
.
Next ud is the Epilogue.
Angela
Hindi kami magkasabay uuwi ni Lester ngayon dahil pinag-oovertime daw sya. Hindi na lang ako nagtanong at sinabing ayos lang naman. Para na rin magawa ko ang plano kong bumili ng cake mamaya.
Simula nang magduda ako sa katauhan ni Lester ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na paniwalaan ang mga sinasabi nya. Pati ang pagsasabi nya na kailangan nyang mag-overtime ngayon ay pinagdudahan ko pa.
Hindi Lester ang pangalan nya. Kaya sigurado ako na hindi sya pumapasok sa BPO company kung saan sya natanggap.
Kaya pala noong araw na pupuntahan ko sana sya doon ay nahalata ko na hindi sya nanggaling sa building na iyon. Kaya nga lang ay nakahanap pa sya ng kapani-paniwalang dahilan sa akin kaya pinaniwalaan ko din sya noon.
Gusto ko man syang tanungin ay wala naman akong lakas ng loob. Natatakot kasi ako sa pwede nyang isagot. Ewan ko pero pakiramdam ko ay mas hindi kami bagay kung malalaman ko kung sino talaga sya.
Sa kanya kaya ang condo unit na iyon? Ang kotseng ginamit nya nang magkaroon kami ng company dinner, kanya kaya iyon? Tapos ay hindi nya alam kung paano pumili ng lutong fishball.
Hindi sya mahirap. Pero bakit sya walang pambayad sa bus noon pati na rin sa pambili ng damit?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko para mawala ang lahat ng iniisip ko. Hihintayin ko na lang si Lester na sya ang magsabi sa akin ng lahat. Alam ko naman na magpapaliwanag sya. Hindi nga lang ngayon. Siguro ay hindi pa sya handa.
Kaya habang hindi pa sya nagpapaliwanag ay tatawagin ko pa rin syang Lester.
Napadaing ako nang may makabangga habang papunta ako sa bakeshop para bumili ng cake. Ang lakas kasi ng pagkakabangga nya sa akin! Muntik na akong mapaupo sa kalsada kung hindi ko lang kaagad naalalayan ang sarili ko.
Bakit palagi na lang akong may nakakabangga?
Nang tignan ko ang lalaki ay naka-jacket sya at ang buong mukha ay natatakluban ng hood noon. Nagtaka ako kung may nakikita pa ba sya sa nilalakaran nya dahil wala talaga akong makita sa mukha nya. Puro hood lang ang nakikita ko sa ulo nya.
Ni hindi man lang ako tinignan ng lalaki o nanghingi ng sorry at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko na lang at inis na kinalimutan ang nangyaring pagkabangga ng katawan nya sa akin na muntik nang magpasakit ng pang-upo ko. Pero nang tumapat sa gilid ko ang lalaki ay nagulat ako nang magsalita sya.
“See you tonight.”
Mabilis akong lumingon para malaman kung tama ang pagkakadinig ko pero tuloy-tuloy na naglakad ang lalaki. Hindi ko tuloy sigurado kung ako ba ang kausap nya o sa ibang tao ko nadinig iyon dahil may iba pa naman akong nakasalubong. Sa huli ay ipinagkibit-balikat ko na lang ang nangyari at dumiretso na sa bakeshop para bumili ng cake.
Malaki ang ngiti sa mga labi ko nang makuha ko na ang cake at maiuwi iyon sa condo unit ni Lester. Sobrang espesyal ng araw na ito para sa akin kaya kahit na ma-late pa ng uwi si Lester ay hihintayin ko sya. Kahit hatinggabi pa! Basta ay makasama ko lang sya ngayong gabi.
Medyo sumama nga ang loob ko dahil kung kailan espesyal na araw ay saka pa sya nag-overtime. Pero ayos lang. At least alam kong sa akin naman sya uuwi at magkakasama pa rin kami.
Inilapag ko ang cake na naka-box pa sa may coffee table at umupo ako sa sofa. Nanood muna ako ng TV habang hinihintay si Lester. Alas nueve na ng gabi at dapat ay alas syete pa lang ang out nya. Dalawang oras na syang overtime.
Hindi ko naman sya mai-text dahil baka busy sya sa trabaho at maistorbo ko pa sya. Nakaugalian nya na naman na i-text ako kapag out nya na kaya maghihintay na lang ako sa kanya.
Pero sumapit ang ika-sampu ng gabi ay wala pa din sya. Baka tunaw na ang icing ng cake dahil hindi ko iyon nailagay sa ref. Ang akala ko kasi ay pauwi na rin si Lester dahil masyadong matagal na syang overtime.
Malapit nang magtapos ang araw pero wala pa din sya. Sana man lang ay makauwi sya bago mag-hatinggabi.
Nang madinig ko ang pagbukas ng pinto ng condo unit ay napangiwi ako sa pag-aakalang si Lester iyon. Napadiretso pa nga ako ng tayo pero nang makita ang isang lalaking nakajacket at nakasuot ang hood sa ulo ay kinabahan ako.
“Sino ka?” kinakabahan kong tanong at napatayo sa pagkakaupo.
Tinanggal ng lalaki ang hood sa ulo nya at tumambad sa akin ang mukha nyang nagparamdam ng kakaibang takot sa akin. Pamilyar ang mukha nya at alam kong nakita ko na sya noon. At ganitong ganito rin ang naramdaman ko nang makita ko sya dati.
Sya yung lalaking bumangga sa akin noon. At base sa suot nyang jacket ay sya din ang lalaki kanina.
Napatingin sya sa box ng cake na nasa coffee at ngumisi. Isinarado nya ang pinto sa likod nya at ini-lock pa iyon.
“Sino ka sabi, eh?!” mataas na ang tono ng boses ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko na kinaya ang takot at tumakbo na papunta sa veranda para sana manghingi ng tulong.
Pero naabutan ako ng lalaki at hinigit nya ako sa buhok bago ko pa mabuksan ang sliding glass door. Napaigik ako sa sakit dahil feeling ko ay mapupunit na ang anit ko sa lakas ng paghila nya sa buhok ko. Napaupo na lang ako sa sahig.
“Birthday mo pala. Hindi ka man lang nag-imbita.” sabi nya habang higit-higit pa din ang buhok ko.
“Tulong! Tulungan— Ah!”
Naputol ang pagsigaw ko nang mas lalo nyang higitin ang buhok ko at binigyan ako ng malakas na sampal. Nabingi ang tenga ko at nandilim pa ang paningin ko dahil sa sobrang lakas noon.
“Behave, bitch.”
Napaiyak na lang ako habang sinusubukan na lumaban. Pero mas malakas ang lalaki sa akin at sa bawat paggalaw ko ay syang paghigpit ng kapit nya sa buhok ko. May plano yata talaga syang punitin ang anit ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kapag gumalaw pa ako ay mas lalo lang akong masasaktan. Hindi ko alam kung may baril ba sya o kung anuman ang pwede nyang gamitin laban sa akin. Kapag naman wala akong ginawa ay baka mamatay ako nang walang laban.
“Sino ka?” tanong ko sa lalaki. Naisip ko na lillibangin ko muna sya habang naghahanap ako ng paraan kung paano makakaalis sa sitwasyong ito. Nanginginig man sa takot at nilakasan ko ang loob ko.
“Hindi mo na kailangang malaman.” sabi ng lalaki.
Napatingin ako sa kusina. Nandoon ang mga kutsilyo. Mga pitong hakbang ang layo mula dito kung lalakarin. Apat o lima kapag tinakbo ko naman. At sa mga segundong iyon, kung may baril sya ay mabilis nya akong mapapatay. Ang cellphone ko ay nasa bulsa ko at siguradong mamamatay na muna ako bago ko pa magamit iyon.
“Bakit mo ginagawa ’to? Anong kasalanan ko sayo?”
Mahinang tumawa ang lalaki. “Ikaw ang girlfriend ng King ng EL Ordre. Damay ka sa larong ’to.”
Hindi ko naintindihan ang sinabi nya at napatingin na lang sa orasan. Anumang oras ay pwedeng dumating si Lester. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa syang madamay ngayon. Kailangan ay may gawin man lang ako para mailigtas ang sarili ko.
Pero paano?
“Actually, we are not sure yet if he’s really the King.” sabi ng lalaki. Hinigpitan nya ang kapit sa buhok ko at napangiwi ako. “But I can use you para malaman ko ang totoo. I’m sure that the Mad Queen will praise me for this. Kung totoo man na ang King nga ang boyfriend mo.”
“Hindi ako ang girlfriend nya.” sabi ko na nagpatawa sa lalaki.
“He took the bait, though. ’Yung sa bahay mo? Ako ang may gawa noon. Hindi ko kasi alam kung ano ka sa buhay nya. Pero nang dalhin ka nya dito para protektahan, alam ko nang importante ka para sa kanya.”
Napatingin ako sa kanya. Sya ang may gawa ng ganoon sa bahay ko? Planado ang lahat ng iyon para lang malaman kung importante ba ako sa King na sinasabi nya?
Si Lester ba iyon?
Gumala ang paningin ko. Hindi pwedeng tumalon ako sa labas ng veranda dahil nasa mataas na floor ang unit na ’to. Kung hindi ako mamamatay dahil sa lalaki ay mamamatay naman ako sa pagtalon ko.
Kung magtatago ako sa kwarto ay pwede kong magamit ang cellphone ko at makahingi ng tulong o tumawag ng pulis. Pero mas malayo ang kwarto kaysa sa kusina kung nasaan ang mga kutsilyo.
Saan ako dapat na pumunta?
Pero nanlamig ang buong katawan ko nang madinig ang pagkatok sa pinto. Pareho kaming natigilan ng lalaki pero bago pa ako makasigaw ay mabilis nyang natakpan ang bibig ko gamit ang kamay nya.
“Angela? Are you home?”
Si Lester!
Pumalag ako sa kapit ng lalaki at pilit na kumakawala. Pero wala akong laban sa lakas nya kaya nagawa nya akong higitin papunta sa kusina at nagtago kami sa likod ng countertop.
“Angela?” dinig ko ulit ang boses ni Lester pati ang pagkatok nya.
Sinubukan ko ang sumagot pero dahil nakatakip ang kamay ng lalaki sa bibig ko ay hindi ko magawa. Masyadong madiin ang pagkakatakip nya na parang gusto nang durugin ang bibig ko.
Lester!
Nanlaki ang mga mata ko nang madinig ko ang pag-unlock ng pinto ng condo unit. Pareho kaming may swipe key ni Lester sa unit nya kaya pwede ang kung sino sa amin ang makapasok kapag naka-lock ang unit.
Napaluha ako nang madinig ang mga hakbang ni Lester sa loob ng unit. Sinubukan ko ang pumalag at sumigaw pero mahigpit ang kapit sa akin ng lalaki at nasasaktan na ang bibig ko sa pagkakatakip nya.
Takot na takot ako at mas dumoble pa ang takot ko ngayong nandito si Lester. Hindi ako pwedeng gumawa ng hakbang at baka pareho pa kaming mapahamak.
“Angela? Love? Are you here?” dinig kong tanong ni Lester. Napaiyak na lang ako nang hindi ko sya masagot.
“Fucking shit. Nakalimutan kong magdala ng silencer.” dinig kong mura ng lalaki na pabulong.
“Love?”
Sumilip ang lalaki sa countertop at napamura sya. Mabilis nya akong kinapkapan gamit ang isang kamay nyang hindi nakatakip sa bibig ko at kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko. Pinatay nya agad iyon bago pa man makatawag sa akin si Lester.
“Dammit, Angela. Nasaan ka?” dinig kong tanong ni Lester para sa sarili nya.
Narinig ko ang papalayo nyang mga yabag at napaiyak na lang ako. May narinig akong bumukas na pinto at siguro ay hinahanap ako ni Lester sa bawat kwarto ng unit na ’to.
Lester… Nandito ako sa may kitchen.
Pero paano nga naman nya maiisip na nandito ako sa likod ng countertop at nagtatago?
“May regalo ako sayo.” bulong ng lalaki sa akin. “Happy birthday.”
Kasabay ng pagbati nya ay naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa likod ko. Naiyak at napasigaw ako sa sakit pero dahil nakatakip pa rin ang kamay ng lalaki sa bibig ko ay sa lalamunan lang lumabas ang tunog ng sigaw ko.
Halos mahimatay na ako sa sobrang sakit ng pagsaksak nya sa akin. Kaagad akong nanghina at ramdam ko pa ang paglabas ng dugo ko mula sa sugat ko. Nawalan ako ng lakas para manlaban pa.
Nang maramdaman iyon ng lalaki ay unti-unti nya akong binitiwan at tinanggal ang takip sa bibig ko. Gustuhin ko man ang sumigaw at manghingi ng tulong ay hindi ko na magawa. Hinang-hina na ako sa sakit pati na rin sa dami ng dugong nawawala sa akin.
“Go to your man, now. Isusunod ko sya.”
Sa nadinig ay sinubukan ko ang tumayo. Pero nandilim kaagad ang paningin ko at halos matumba pa kung hindi lang ako nakahawak sa countertop. Paunti-unti ang paghakbang ko at bawat paglakad ay nararamdaman ko ang nakamamatay na sakit sa likod ko.
Hindi pwede… Kailangan kong balaan si Lester…
Naghahanap ako ng mahahawakan para suportahan ang sarili ko sa paglalakad. At nang sa wakas ay makita ko na si Lester na nakatayo sa gitna ng sala na mukhang problemado at nakatingin sa cellphone nya ay gusto ko na lang ang umiyak.
Sayang… Gusto ko pa sana syang makasama ng matagal. Ang akala ko… Kami na sa huli.
Nasabi ko man lang ba sa kanya kung gaano ko sya kamahal? Napasalamatan ko man lang ba sya dahil pinasaya nya ang buhay ko? Naiparating ko ba sa kanya kung gaano ako kasaya dahil sya ang taong minahal ko?
May pagkakataon pa ba para masabi ko ang lahat ng iyon sa kanya?
“Lester…” tawag ko sa kanya at kahit sa simpleng pangalan na iyon ay hirap na hirap pa ako at halos pabulong na lang ang pagkakasabi ko.
Napalingon sa akin si Lester at nakita ko na nakahinga sya ng maluwag. Sinubukan ko pa rin ang lumapit sa kanya kahit na sobrang hirap dahil sa nakabaon pa rin ang kutsilyo na nasa likod ko. Nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo nya nang makita ako na hirap sa paglalakad.
“What…”
At nang makalapit na ako sa kanya ay saka pa ako nabuwal sa pagkakatayo dahil wala na akong makakapitan. Mabilis nya naman akong nasalo at kahit na hirap ay kumapit ako sa mga balikat nya na parang iyon na ang huling pagkakataon na mahahawakan ko sya ng ganoon.
Please… I want you to hear it…
Hirap na hirap kong inilapit ang bibig ko sa tenga nya at nang magawa ko na ay napaluha ako nang masabi ko sa kanya ang mga salitang iyon.
“I love you…”
Pagkatapos ay saka ako nakarinig ng mga putok ng baril. Sunod-sunod at nakakabingi sa ingay.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim.
Anim na bala ang bumaon sa likod ko.
“Aius!”
Nakarinig ako ng isa pang boses ng lalaki at mga putok ng baril pero masyado na akong nanghihina para lingunin pa iyon. Nawalan na ng lakas ang tuhod ko at unti-unting napaluhod si Lester sa sahig kasama ang katawan ko.
“Angela… Angela—” nadinig ko ang pagkabasag ng boses nya. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Gusto ko… Kahit sa huling pagkakataon ay ang mukha nya ang makita ko.
Bigla ko na lang naalala ang mga panahon na magkasama kami. Simula nang makilala ko sya, doon sa bus at wala syang pambayad. Pati sa pangalawang pagkikita namin na wala din syang pambayad ng damit. Hanggang sa mga masasayang panahon na magkasama kaming dalawa.
Yung mga umaga na nandito tayo sa condo, hinding-hindi ko din makakalimutan iyon.
Those are the best moments in my life.
“Angela— Fuck, love. Don’t leave me, please…”
Wala na akong lakas at nakatitig na lang ako sa kanya. Nakita ko ang pagtulo ng luha nya sa mga mata nya. Gustuhin ko man na punasan iyon pero hindi ko na magawang iangat ang kamay ko. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang paningin ko.
“Fuck! Angela, love, please— Hang in there. Don’t leave me.”
Huwag kang umiyak… Please, Lester. I love your smiles.
“I’m sorry…. I’m sorry…” humihikbing sabi nya. “I’m sorry. I couldn’t protect you.”
No, Lester… Nagawa mo ang lahat. Napasaya mo ako. Minahal mo ako. At sobra-sobra pa nga iyon para sa akin.
Nandidilim na ang paningin ko at halos hindi ko na makita si Lester. Nadidinig ko na lang ang mga hikbi nya at ang pagmamakaawa nya. Napapikit ako at naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.
Hinding-hindi ko pagsisisihan na nakilala kita.
At kung may pangalawa mang buhay, sana ay magkita ulit tayo doon. Sa pagkakataong iyon, sana ay makilala ko na ang totoong ikaw. Ang totoong pangalan mo. At sana… Umabot tayo hanggang sa panahong puti na ang mga buhok natin at parehong kulubot na ang mga balat natin.
Sa ngayon ay babantayan na lang muna kita habang naghihintay sayo papunta sa pangalawang buhay. I’ll be your guardian angel, Lester. Babantayan kita at ilalayo sa kapahamakan.
Promise ko sayo na ikaw lang ang magiging hari sa buhay ko. Kahit sa pangalawang buhay pa man.
At nang tuluyang lamunin na ng dilim ang buong pagkatao ko ay tatlong kataga lang ang naiwan sa isip ko.
I love you.
Epilogue
Angela died on December 8.
I thought that it will gonna be a wonderful day since this is the first time that we’re going to celebrate her birthday together. I even bought her a gift. But the wonderful day turns out to be a nightmare that will haunt me in my sleep forever.
I couldn’t even protect her. Wala akong nagawa para protektahan sya. It was too late. I was too slow kaya naunahan ako ng kalaban.
Saglit na panahon lang nang magkasama kami ni Angela but the enemies took that chance and used her against me. I don’t know how they knew that I’m the King. I was careful. I did everything to conceal my chess piece na iilang tao lang ang nakaalam. But the Red Faction’s Knight discovered who I am.
L came into the scene and took care of everything. Wala na kasi akong pakialam sa paligid. All I care about is the dead body of Angela in my arms. Eyes were closed and her body were slowly turning cold.
And that’s when it hit me. I will never see her smile again. I will never have a chance to let her know who I really am.
L tried to hack the Red Faction’s database to delete the information about their Knight. Para hindi nila ma-trace kung ano ang ikinamatay nya. ’Cause if they do, they will know that the Knight tried to kill me because I am the EL Ordre’s King.
“See what happened?! An innocent got involved because of you!”
Kanina pa salita nang salita si Dad tungkol sa nangyari. He was blaming me for what happened. I remained silent while sitting on the sofa and accepted all his blame. He’s not wrong though.
Everything is my fault.
If I didn’t love Angela, then maybe, she’s still alive today. If only I was strong, then she wouldn’t have died.
“You’re so weak! You can’t even protect what’s important to you!”
Yes, Dad. I know. I’m a weak King.
“In this case, we are just going to lose the game.”
Game? I don’t really care about the game. All I want is to kill each and everyone of the Red Faction’s members. Pagkatapos ay ang gamemasters ang isusunod ko.
If it wasn’t for this stupid game, then I will have a normal life with Angela. I will live a normal life.
Fuck this fucking game.
“Fourth.” my father called Fourth who’s sitting in silence on the sofa across to where I was sitting. “Exchange your chess piece with him. Be the pretend King.”
Fourth seems surprised by my father’s request but I smirked.
“I will make a rumors that the Von Amstel’s bloodline is the King so the enemies will set their eyes on you.” sabi pa ni Dad at hindi ko maiwasan ang mahinang mapatawa.
So he’s doing this to divert the enemies’ attention from the King’s Bishop instead of the real King, huh?
“At ikaw, Lucius.” my father continued. “I want you to train hard. Sumama ka sa mga missions para hindi maghinala ang mga kalaban. I will ask L to protect you.”
Protect. Protect. Fuck this shit. I don’t care about everything anymore. Ang gusto ko lang ay makaganti. Fuck! I am so sick with this game!
But if what my father suggested will give me a chance to kill the enemies and avenge Angela’s death, then I will gladly accept it.
“Are you okay with this?” tanong sa akin ni Loki nang makaalis na si Dad at kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng office nya. “Me being the pretend King.
I stood up and stretched before I smirked at him.
“This is perfect.” I said. “I have now the chance to kill every members of the Red Faction instead of sitting back while being protected.”
I walked towards the door while loosening the tie on my neck. Pero bago pa ako makalabas ay muling nagsalita si Fourth.
“What should I do about the Queen?”
Napatigil ako sa paglalakad at hindi agad lumingon. Ah… Ishtar. I forgot about her. Turns out she’s right but there’s one thing that she’s wrong about.
Angela isn’t my weakness. She is my strength. She gave me the strength to fight with the enemies.
“Protect her, Fourth. Don’t expose her too much in the game. Itago mo kung kinakailangan.”
That day changed everything in me. I felt so empty inside. I felt like an empty shell that is walking around just to do the one that he’s supposed to do. A walking corpse. Angela took everything with her when she died.
Including my heart.
I changed my style. Ang style ng pananamit na gusto ni Angela para sa akin. Leather jacket, black shirt and a ripped pants. I’ve also learned how to smoke. Kasi iyon ang sinabi nya, hindi ba? Na sigarilyo na lang ang kulang at magmumukha na akong modelo.
And I decided to tattoed her name on my skin. Sa braso iyon. It was her name in cursive that’s forming like a Queen chess piece.
She’s my only Queen.
Hindi ko alam kung magugustuhan ba ni Angela ang pagbabago ko. But what should I do? Pakiramdam ko, kapag hindi ko ito ginawa ay mababaliw lang ako. I want to feel her presence. I want to live with her memories. Sa ganoong paraan ay makakaya ko pang mabuhay sa araw-araw.
Magagawa ko pang lumaban.
And as I threw punches and kicked the man in the gut that has been following us since eco-bag girl left her condo unit to visit her family’s grave, I realized something. That all of the chess pieces are all innocents that was just involved in this stupid game.
“But still, I have to kill you.” I said and shoot the man in his head. Kapag hindi ko ginawa iyon ay susundan nya lang kami ni eco-bag girl hanggang sa magawa nya ang ipinag-utos sa kanya.
Maybe to kill Fatima? Or me.
It was the gamemasters that we should kill instead. To stop this fucking game. At para hindi na namin mapaimana ang tanginang larong ’to sa next generation.
I removed my leather jacket since it got a stain from the man’s blood. Saka ko pinulot ang bulaklak na dala ko na pansamantala kong inilapag para hindi masira sa pakikipaglaban ko sa lalaki kanina.
I walked up to the mausoleum to where Angela lies. She has a beautiful tomb that matched her beautiful heart. It was so painful thinking that her cold body was lying inside.
I will never hear her laughter again.
I put down the flowers that I’ve brought for her at the top of her tomb. Titig na titig ako sa pangalan nya at hindi ko maiwasan ang sakit na unti-unting bumabalot sa dibdib ko.
Fuck… I thought that I don’t have the ability to feel anything after what happened. Pero basta si Angela, basta dahil sa kanya ay magre-react kaagad ang puso ko.
It is December 8 today, her birthday as well as her tenth death anniversary.
“Hey, love…” I cleared my throat. Dammit. Dalawang salita lang pero maiiyak na kaagad ko. I felt so pathetic.
It’s been so fucking long. But the pain is still here. Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
“I’m here again. Sana ay hindi ka nagsasawa sa pagmumukha ko. Kasi ako? Miss na miss ko na ang mukha mo.”
I stopped. Nanlalabo na kasi ang paningin ko so I closed my eyes tightly.
Ah… I’m really weak.
“I was really looking forward of building a home with you.” I said when I opened my eyes again. “Remember that day when you told me that you want to buy a house and lot first before settling down with me? You don’t know how much your words made me feel so fucking happy. Kasi, Angela, I was going to propose to you on your birthday.”
Kinuha ko ang velvet box ng singsing sa bulsa ko. I opened it and tears pooled my eyes when I saw the ring inside.
“Nabuhayan kasi ako ng loob sa sinabi mo.” I said. Hindi na ako nag-abalang punasan ang mga luha ko. “I know that you’re going to say yes. At handa akong maghintay ng matagal hanggang sa makabili ka ng bahay at lupa.” I closed the velvet box and put it beside the flower. “But you left. I have so many things that I wanted to do with you. Pero hindi ko na magagawa iyon.”
I took a deep breath and stared at her name that was engrave on her tombstone. I never thought that such a simple yet beautiful name could have a great effect in my life.
“So many regrets. So many what ifs. So many should’ve. Pero sa lahat ng iyon, hinding-hindi ko pinagsisisihan ang mahalin ka.”
I looked at my wristwatch. Baka tapos na si eco-bag girl sa pakikipag-usap sa pamilya nya. So I take a look at Angela’s tomb one last time and said my goodbye.
For now…
“I should go now, love. Pero babalik ulit ako.” I smiled. “I am Lucius D’Angelo, by the way. And you will always be the Queen of my life.”
The King must only have one Queen.
I could feel the tension in the air as we all sit inside Archer’s chopper that was big enough to accommodate ten people. All of them looked so anxious especially Tracer na mas dumidilim pa ang kulay ng abo nyang mga mata. I leaned my back on the backrest and looked outside.
Archer, L, Tracer, Fourth, the Red Faction’s Queen and me were on the way to the location where Alter had found Shielder. She said that there’s a villa at the top of the mountain at kaya hindi nila mahanap ay dahil may nagba-block daw ng access nya doon. Thankfully, she managed to break it and hacked the CCTV’s. At doon nya na nga nakita si Shielder
Tahimik ang Red Faction’s Queen at kampanteng-kampante pa ang pagkakaupo nya. Mukha lang syang nagsa-sightseeing at namamasyal.
“It’s like we’re announcing our arrival.” sabi ni L na narinig ko na lang sa suot kong headphone dahil katabi sya ni Archer na nasa driver seat. “Isn’t this too risky?”
“Hayaan mo na.” Archer said. “So that Shielder will have an idea that we’re here to rescue him. At para na rin engrande ang pagpasok natin sa scene diba?”
Nobody answered. Siguro ay dahil lahat ay kabado. It’s been so long. Hindi namin alam kung anong Shielder na ang aabutan namin. We’re praying that he’s still safe and alive.
“This is useless.” the Red Faction’s Queen said. “I told you that your Rook is dead!”
Walang pumansin sa kanya kahit na si Tracer na halata ang tensyon sa katawan. I can’t help but to feel envious of him. He was told that his brother is dead. But like a miracle, nalaman nyang buhay ang kapatid nya.
I hope that the same miracle could happen to Angela. But I know that it won’t be. Dahil yakap ko ang katawan nya hanggang sa maging malamig iyon.
Mabilis kaming bumaba sa chopper when it finally landed. Naiwan sina L at Archer doon at kami na lang nila Tracer at Fourth, na mahigpit ang pagkakahawak sa braso ng Red Faction’s Queen para hindi makawala, ang pumasok sa loob ng villa.
We are all being careful. Maging ang lakad ay tantyado para hindi makagawa ng ingay. Guns were ready. We were expecting enemies that will stop us in our way pero hanggang sa makapasok kami sa loob ay wala kaming nakasalubong kahit isa.
Something’s odd.
“Hey…” Tracer stopped and looked at the Mad Queen. “Where are your Pawns and lower pieces?” tanong nya nang makahalata na rin na may kakaibang nangyayari.
I stopped and wait for the Queen’s answer. Nakita ko pa ang maarteng pagrolyo ng mga mata nya at inis na inis na tinignan si Tracer.
Fuck… I could see Ishtar in her.
“How would I know?! You kidnapped me, remember?”
“Kidnap daw pero kusang sumama.” I mumbled but the Queen heard it so she shot me a deathly glare. Tinawanan ko na lang at sinundan si Tracer na nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng villa.
We were expecting enemies that will stop us from entering the villa and not Shielder who’s standing alone in the middle of what it seems like the living room. Nakatalikod sya but I’ve known him for too long to be able to recognized his back. Kahit pa matagal din namin syang hindi nakita.
I looked at Tracer and I saw emotions in his eyes. I heaved a deep sighed and put down my gun. Maging si Fourth ay ganoon din ang ginawa.
“Gray…” I heard Tracer called his brother that was almost a whisper. Pero narinig pa rin ng kapatid nya at lumingon sya sa amin.
Nakahinga ako nang maluwag when I confirmed that it was really Shielder. Maayos at walang kahit na anong galos sa katawan. He looked fine for someone who got shot like a guinea pig on our last mission together where the Red Faction took him.
Shielder’s lips parted and looked like he’s about to cry. Natawa ako dahil hindi pa rin nagbabago ang batang ’to.
Sanford really treasures their family members.
“Kuya…”
Mabilis ang mga hakbang na lumapit si Tracer sa kapatid nya. He hugged him so tight and Shielder did the same to his brother.
“Damn it, Gray… Pinag-alala mo ako.”
Wala sa sariling napatingin ako sa Mad Queen. She was smirking. I don’t understand why pero kinabahan ako sa nakikitang reaction sa kanya.
And then I heard a loud gunshot.
I readied my gun and pointed to where I heard the gunshot. Pero natigilan ako nang ma-realize na nanggagaling iyon sa kinatatayuan nila Shielder at Tracer.
Tracer slowly let go of his brother. Too slow that it took more than a minute. He took a step back and my breathing hitched when I saw Shielder holding a gun. At si Tracer ay nakasapo sa may bandang tyan nya.
Shielder shot his brother in the stomach.
And when I looked at his face, he was not showing any emotions as he looked at his brother who is now looking at him with wide eyes and confusion.
Shielder looked so… different.
“What—” Tracer mumbled but I heard the witchy laugh from the Mad Queen. Lahat kami ay napatingin sa kanya and she smirked in the end.
“I told you, didn’t I? Your Rook is dead.”
Shielder pointed his gun at his brother again so I did what I had to do. Tinutukan ko sya ng baril and before he could pull the trigger, I shoot the gun out of his hand.
“Dammit, Aius! Stop!” Tracer hissed but he winced in pain. Napaluhod sya sa sahig and Shielder took this chance para lumapit and punched his brother in the face.
The Queen gave an evil laughed. “The drug did its work!”
Suddenly, I saw the Mad Queen’s Bishop came out of nowhere and tried to take the Queen from Fourth. Pero mabilis na nakaiwas si Fourth at kahit na hawak nya ang babae ay nagawa nyang makipaglaban kay Enkidu.
Tracer took every punch that his brother is giving him. I cursed and decided to help him when someone kicked me from the back.
Napalingon kaagad ako nang makabawi ng balanse and I saw a woman in a fighting stance. Her face from her nose down to her mouth was covered on a black mask. Kaya ang nakikita ko na lang ay ang mga mata nya at ang mahaba nyang buhok.
I tsked. “Hindi ako nananakit ng babae.”
As soon as I’ve said that, the woman attacked me. She threw a punched and I blocked it with my arm para hindi matamaan ang mukha ko. She tried to kicked me in the gut but I was fast enough to stopped her knee with my hands.
“I’ve told you… Hindi ako nananakit ng babae!” sabi ko pero patuloy pa din sa pag-atake ang babae at ako naman ay sinasalag ang bawat atake nya.
But I’ve noticed something. Her moves are so familiar to me…
“Damn it, Enkidu! The guy in a leather jacket. He’s the King! Kill him!” dinig kong sigaw ng Mad Queen sa kung saan.
I tried to look where Tracer is pero nakita kong binubugbog na sya ng kapatid nya. I hissed. Mukhang mamamatay na lang si Tracer nang hindi lumalaban sa kapatid nya.
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Shielder pero kung hindi ko pa tutulungan si Tracer ngayon ay mamamatay talaga sya.
I had no choice but to use my strength against the woman. When she threw a punch again, hinuli ko ang pulsuhan nya at hinila sya palapit sa akin. I gave her a strong punch in her stomach at nang bahagya syang dumistansya, I readied myself. I jumped and gave her a spin kick. Nang sumubsob sya sa sahig ay wala na akong inaksayang oras at nilapitan si Tracer.
I pulled Shielder’s shirt and take him away from his brother. Nanlaban sya kaya binigyan ko sya ng malakas na suntok sa mukha. I know that this kid is good at close combat at maaaring matalo ako.
So I took out my gun and pointed it at him.
“Aius! Putangina, ibaba mo ang baril mo!” halos magwala nang sabi ni Tracer pero hindi na sya makatayo dahil sa tama nya sa tyan nya.
“Shoot him!” the Mad Queen shouted. “Kill him, EL Ordre’s King! Kill him and this game will be over!”
Nalilitong napatingin ako sa kanya. She smirked when she saw the confusion in me.
“We killed your Rook, gentlemen. He is now our King.”
I cursed. I realized what’s going on.
Putangina! Napakadaya nilang maglaro!
“Fall back!” I shouted. “We need to retreat! Dammit!”
I helped Tracer get up on his feet. Ang baril ko ay nakatutok pa rin kay Shielder na nakatitig lang sa amin. I can sense that Tracer didn’t want to leave his brother here pero masyado nang maraming dugo ang nawala sa kanya para manlaban pa.
“Your Majesty!” I heard Enkidu shouted as Fourth took the Mad Queen with him. Sinubukan nyang sumunod but Fourth pointed a gun on the Queen’s head.
“Go on! Follow us! Or I will plant the damn bullet inside her pretty head!”
Walang nagtangkang sumunod sa amin kaya nagawa naming makabalik sa chopper. I had a hard time though ’cause Tracer fainted because of too much blood loss.
“Shit! What happened?!” tanong ni Archer at tinulungan ako sa pagsakay kay Tracer sa loob ng chopper. L took care of Tracer and applied pressure on his wound.
I didn’t answer him and immediately went inside the chopper. Marahas kong naisuklay ang mga daliri ko sa buhok ko.
Fuck! Fuck! Fuck it! Damn the Red Faction’s! They cheated again!
Gigil akong napatingin sa Mad Queen na kanina pa pala nakatingin sa akin. Kinailangan kong kumuha ng malalalim na hininga para kumalma at hindi ko masuntok sa mukha ang babaeng kaharap ko.
I felt the chopper took off but when I looked outside, I saw the woman with a mask had followed us. She pointed her gun on my side but since this helicopter is armoured, I know that it can withstand that gun’s fire kaya hindi ako gumalaw. And that’s when the woman pulled the trigger.
Tumalbog lang ang bala pero mukhang inaasahan na iyon ng babae. Pataas nang pataas ang lipad ng chopper at paliit na ng paliit ang babae sa paningin ko. And on the last-minute, the woman took off her mask and I finally saw her face.
It was Violet.

