DG Series #3: Never Gonna Let You Go
lhiamaya · 44 chapters · 88,777 words
A/N
Read at your own risk!
Contain Mature Scenes!
Soon ;)
Chapter 1
Atlas
“TALAGA sa akin to?”
Napangiti ako sa reaksyon ni Jessica. Nanlalaki ang bilugan nyang mata habang nakatingin sa gold diamond necklace na binigay ko. Binili ko pa yan sa jewelry store ng kakilala ko. Nagandahan ako sa disenyo at naisip ko na bagay ito sa kanya.
“Oo nga, para sayo yan. Akina na isuot ko sayo.”
Binalik nya sa kamay ko ang box ng necklace at umiling iling.
“Hindi ko matatanggap yan.”
Nawala ang ngiti ko. “Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang design? Papapalitan ko.”
“Hindi yun. Halatang ang mahal mahal nyan kaya hindi ko matatanggap yan.” Tigas tanggi nya.
Kumunot ang noo ko. “Hindi naman to ganun kamahal sugar. 250,000 pesos lang to.”
“250 000!? Yan!?” Nanlalaki ang matang bulalas nya.
“Oo.”
“Hindi lang pala mahal na mahal, sobrang mahal pa. Tapos sasabihin mo di ganun kamahal. Eh pwede na ngang makabili ng bahay at lupa sa 250 000 na yan eh!”
“Eh di kung gusto mo bahay at lupa na lang ang ibibigay ko sayo.”
“Hindi!”
Bumuntong hininga ako. “Ang hirap mo namang intindihin sugar. Lahat na lang ng ibigay ko tinatanggihan mo.” Medyo naiinis ng sabi ko.
Natatapakan na rin kasi ang pagkalalaki ko. Kung yung ibang babae tuwang tuwa kapag binibigyan ko ng kahit anong regalo. Tapos sya naman parang allergy na allergy kapag binibigyan ko. Lahat tinatanggihan nya.
“Hindi ako mahirap intindihin no. Ikaw lang ang ayaw umintindi. Sabi ko naman sayo wag mo na akong bigyan ng kung ano anong mamahaling regalo. Hindi ko kailangan yan. Saka pakiramdam ko binibili mo ko eh. At isa pa tigilan mo na nga ang katatawag sa aking ng sugar ang lakas mong makasugar daddy eh.” Nakasimangot na sabi nya at humalukipkip.
Ngumisi ako. Ayaw na ayaw talaga nyang tinatawag ko syang sugar. Ang totoo nyan pang asar ko lang yun sa kanya dahil lagi nya akong sinusungitan. Hanggang sa nasanay na akong lagi syang tinatawag nun at parang endearment ko na rin sa kanya.
“Sugar, di imporke’t binibigyan kita ng mamahaling regalo binibili na kita. Normal lang na bigyan kita ng regalo dahil girlfriend kita.”
Namilog na naman ang mata nya. “Girlfriend ka dyan!” Namula ang mukha nya.
“Bakit? Girlfriend naman talaga kita ah.”
“At kelan pa?” Masungit na tanong nya habang nakaarko ang isang kilay. Ang mukha nya ay pulang pula na.
“Noong hinalikan mo ko.” Pigil ang ngiting sabi ko.
“H-Hoy! Ang kapal mo! Hindi kita hinalikan no! I-Ikaw ang humalik sa akin. Kapal neto.” Nanunulis ang ngusong inirapan nya ako.
Sarap panggigilan ng nguso nya eh.
“Pero nagpahalik ka sa akin ibig sabihin payag ka ng maging girlfriend ko.”
“N-Nagpahalik lang girlfriend na agad. Di ba dapat ligaw muna tapos kapag sinagot na kita girlfriend mo na ako. Ganun yun.”
“Heto na nga o. Nanliligaw na ako sayo. Ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko.” Malungkot na sabi ko.
“Eh kasi.. ang mahal mahal naman kasi nyan. Buti ba kung tig iisang daan lang yan tatanggapin ko pa.”
Bumuntong hininga ako. “Pero seyoso ako Jessica, gusto kong tanggapin mo tong regalo ko sayo. Kahit itong necklace lang please.”
Kumagat labi sya at matiim na tumingin sa akin. Alam kong nagiisip sya kung tatanggapin nya ang regalo ko o hindi. Sa tatlong buwan na pagdedate namin ay tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya.
Sino ba namang lalaki ang hindi mahuhulog sa kanya. Maganda sya at pilipinang pilipina ang dating nya dahil sa morena nyang kutis. Idagdag pa ang kasungitan nya na lalong nagpahumaling sa akin. Pero mabuti na lang at sa lahat ng customer sa club ay ako lang ang hinayaan nyang makalapit sa kanya.
Oh well, dahil na rin yun sa pamimilit ko sa manager nya at panunuhol na rin. Singer sya sa club at hindi talaga sya nagpapatable sa customer dahil wala naman yun sa trabaho nya. Maswerte lang talaga ako at napagbigyan nya. Alam kong may katugon din ang nararamdaman ko sa kanya. May pagaalinlangan lang sya dahil bata pa sya at wala pang lalaki ang dumaan sa buhay nya. Ang plano ko ay ialis sya sa lugar na ito at ilayo. Ayokong may ibang lalaking tumutingin tingin sa kanya. Gusto ko ako lang.
“Sige na nga, pero last na yang ibibigay mo ha. Wag mo ng sundan.” Nakangusong sabi nya.
“Opo.” Natatawang sabi ko at kinuha ang kwintas sa box.
Pinatalikod ko sya at sinuot sa leeg nya ang necklace. Hinawi ko ang mahabang buhok nya. Lalo pang tumingkad ang kutis nya dahil sa necklace.
Yumuko ako at kinintalan ng halik ang nakalantad nyang balikat. Napangiti ako ng bahagya syang umigtad.
Humarap sya sa akin na namumula ang mukha. “P-Parang hindi naman bagay sa akin.” Usal nya.
“Anong hindi? Bagay na bagay kaya sayo. Saka bibilhin ko ba yan kung hindi bagay sayo.”
Ngumuso sya. “Salamat. Pero parang nakakatakot na isuot to sa labas baka biglang hablutin ng mga mandurukot.”
Tumawa ako. “Kapag nahablot eh di bibilhin ulit kita ng bago.”
“Kasasabi ko lang kanina na last na bigay mo na to. Baka mamaya mas mahal pa ang ibigay mo.”
“Oo na, yung mas mura na lang.”
Sinamaan nya ako ng tingin. Nginisihan ko lang sya.
Mayamaya ay ngumiti na rin sya at hinawakan ang pendant na hugis cloverleaf na may maliliit na puting bato.
“First time ko na nakatanggap ng ganitong regalo. Salamat Atlas.” Aniya at kinintalan ako ng halik sa pisngi.
Tila naman may kumiliti sa puso ko dahil sa ginawa nya.
“Bakit sa pisngi? Dapat sa labi.” Hirit ko pa sabay nguso.
Mabilis naman nya akong kinintalan ng halik sa labi. “O ayan na. Baka humirit ka pa – hmp!”
Naputol ang sasabihin nya ng kabigin ko ang kanyang batok at siniil sya ng mariing halik sa labi. Saglit syang hindi kumilos pero mayamaya lang ay gumanti na sya sa halik ko at yumakap na sa batok ko.
Lumalim pa ang halikan namin at naging mapusok. Nagniningas na rin ang apoy sa aking katawan..
“Jessica.. hmm Jessica..”
“Kuya. Kuya.”
“Hmm..” Naalimpungatan ako dahil sa pakiramdam na may yumuyugyog sa akin.
“Kuya, Kuya Atlas gising.”
Dinilat ko ang mata. Ang nanlalabo kong paningin at unti unting luminaw. Madilim pa sa kwarto ko at tanging lampshade lang ang ilaw. Bumungad pa sa harapan ko ang mukha ni Ava.
“Ava, ano na naman ba at nambubulahaw ka na naman ke aga aga.” Inaantok na sabi ko at kinuha ang isang unan at tinakip sa mukha.
“Anong maaga? Mag aalas otso na no. Hindi ka ba papasok sa opisina?”
“Mamayang tanghali na. Madaling araw na ako nakauwi kagabi.” Napangiwi pa ako ng sumigid ang kirot sa sentido ko. Medyo naparami ang inom ko kagabi sa bar.
“Huu! Nambabae ka na naman. Penge pala akong pera.”
Tinanggal ko ang unan sa mukha at tumingin sa kapatid. Malaki ang ngiti nya sa labi at nakalahad ang kamay.
“Penge pong pera.” Nagpapacute na ngumuso pa sya.
Kumunot ang noo ko. “Wala na bang laman ang atm mo?”
Umiling iling sya. “5k na lang ang laman.”
Kumunot ang noo ko. “Saan mo dinadala ang allowance mo?”
Ngumuso sya. “Kuya, graduating na ko no. Syempre maraming gastusin.”
“Hmm dahilan ka pa. Eh noong isang araw lang sunod sunod na parcel ang dumating sayo.”
Kumamot sya sa ulo at ngumiwi. “Eh minsan lang naman yun kuya.”
“Tss, mamaya palalagyan ko ng laman ang atm mo.” Sabi ko at pumikit.
“Pero kailangan ko ng cash ngayon. Wala akong cash.”
Dumilat ako. “Bakit hindi ka manghingi kay mommy?”
“Wala si mommy, umalis.”
Kumunot ang noo ko. “Saan nagpunta?”
“Eh di nagzumba kasama ang mga amiga nya.”
“Ikaw saan ka naman pupunta?”
“Eh di papasok na sa school. Kaya nga ako nanghihingi ng pera. Penge ng baon.”
“Tss.” Kinapa ko ang wallet ko na nakapatong sa nightstand.
“Magkano bang kailangan mo?”
“Fifteen thousand.”
“Fifteen thousand baon mo!?”
Ngumuso na naman sya. “Eh may bibilhin pa ako sa Watson mamaya.”
Umiling iling ako at binuksan ang wallet. Sinilip ko pa sa liwanag ng lampshade ang laman.
Pambihira talaga tong kapatid ko may pagkagastasera. Kasalanan ko rin naman dahil sinanay ko sya noong bata pa. Lahat ng gusto nya binibigay ko.
“Ten thousand lang ang cash ko.” Sabi ko sabay dukot ng lahat ng pera ko sa wallet. Malulutong iyon na puro isang libo.
Parang hangin lang na nilipad sa kamay ko ang pera ng mabilis na kunin ito ni Ava.
“Pwede na yan. Thank you kuya.” Tuwang tuwang sabi nya at nagflying kiss pa sa akin.
“Sige na umalis ka na matutulog pa ako.” Sabi ko at muling tinakip ang unan sa mukha.
“Ok, anyway sino yung Jessica na tinatawag mo kanina? Chelsea ang name ng bagong girlet mo di ba? Sumbong kita kay mommy. Kabi-kabila na naman ang babae mo.”
Tinanggal ko ang unan at tiningnan ng masama ang kapatid.
“Ay aalis na pala ako. Bye kuya kong babaero!” Nakangising paalam nya at mabilis ng lumabas ng kwarto ko.
Napapikit na lang ako ng mariin at bumuntong hininga. Dumilat ako at tumitig sa kisame. Sigurado namang di na ako makakabalik sa tulog nito dahil sa panaginip ko na yun.
Bakit ba madalas na sya ang laging laman ng panaginip ko? Pilit ko na nga syang kinakalimutan pero lagi akong dinadalaw ng mga alaala nya sa panaginip.
Limang taon na ang nakalipas. Siguradong kinalimutan na nya ako kaya dapat lang din na kalimutan ko na sya.
Chapter 2
Atlas
HINILOT hilot ko ang sentido habang hindi inaalis ang mata sa screen ng laptop. Napapapikit ako sa tuwing pumipitik pitik ang ugat sa sentido ko.
Dapat yata hindi na ako pumasok. Pero kailangan kong ireview itong dokumento para matapos na. Pero hindi rin ako makakapag concentrate kapag ganitong sumasakit ang ulo ko.
Pinindot ko ang intercom. “Rita may gamot ba tayo sa sakit ng ulo dyan? Pakidalhan nga ako.” Utos ko sa sekretarya ko.
Mayamaya lang ay pumasok na ang sekretarya ko na may dalang tableta at mineral water. Agad ko na iyong ininom. Mabilis naman umepekto ang gamot at nawala na ang pananakit ng ulo ko kaya nakapagtrabaho na ako ng maayos.
Eksaktong pagsara ko ng laptop ay nagring naman ang cellphone ko. Dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Bumuntong hininga ako ng makita na si Chelsea ang tumatawag. Sinagot ko na ang tawag nya dahil kung hindi ay siguradong mangungulit lang sya.
“Hello Chelsea.”
“Hi babe! Nasa office ka pa?”
“Yes.” Tipid na sagot ko habang nililigpit ang mga nakakalat na papel sa mesa.
“Nagpromise ka sa akin na magmomall tayo today. Remember?”
Oh shit! Oo nga pala.
Napakamot ako sa kilay. Nakalimutan ko. Pinangakuan ko pala sya na magmomall kami ngayon.
“Ok, susunduin kita sa condo mo. Wait for me.”
“Yey! Thank you babe. Love you!”
Di na ako sumagot at pinatay ang cellphone.
Mag-iisang buwan ko ng dinidate si Chelsea. Isa syang freelance model. Ok naman si Chelsea noong una. Maganda mabait at malambing. Pero nitong huli ay nagiging demanding, nagger at selosa. May pagkamateryosa din. Iniintindi ko na lang at baka magbago din sya. Tinitingnan ko na lang ang magandang katangian nya at tinuturuan ko ang sariling magustuhan sya. Thirty five years old na ako. Isa isa ng nagsisipag asawahan ang mga kaibigan ko kaya naisip ko na ring lumagay na sa tahimik. Iniisip ko na baka si Chelsea na ang babaeng para sa akin. Pero parang malabo.
Humugot ako ng malalim na hininga at sinilip ang oras sa relo. Alas tres na ng hapon. Pwede na akong lumabas at kitain si Chelsea. Wala naman akong meeting ngayon dahil pinare-schedule ko lahat.
Tumayo na ako sa leather chair at binitbit ang coat. Lumabas ako ng opisina at binilinan ang secretary ko.
“Babe look o, bagay sa akin tong bracelet.” Untag sa akin ni Chelsea at pinakita ang white gold bracelet na nakasuot na sa braso nya.
Ngumiti ako. “Gusto mo yan?”
Tumango sya. “But it’s pricey.”
“It’s ok, I’ll buy it for you.”
Namilog ang mata nya. “Really babe? Bibilhin mo to para sa akin?”
“Sure.”
Yumakap sya sa bewang ko. “You’re so sweet talaga babe. Kaya mahal na mahal kita eh.” Malambing na sabi nya.
Ngumisi na lang ako. Ewan ko. Pero sa tuwing sasabihin nya na mahal nya ako ay di ko ramdam. Pakiramdam ko mahal nya lang ang panlabas kong hitsura at mga binibigay ko sa kanya.
“Babe after this, punta tayo sa hotel. Sobrang miss na kita eh.” Pabulong na ungot pa ni Chelsea. Namumungay ang mata nya at kagat nya ang kanyang labi. Humihimas ang kamay nya sa braso ko. Hindi ako mangmang kung ano ang gusto nyang ipahiwatig.
“Sure babe.” Sabi ko at inakbayan sya. Lalo naman syang dumikit sa akin.
Ang plano ko ay last na naming pagkikita ito. Lahat ng gusto nya ay ibibigay ko sa araw na ito. Tapos ay kakausapin ko sya ng masinsinan tungkol sa estado naming dalawa.
Marami ng babae ang dumaan sa buhay ko. Pero hindi ko naman sila pinagsasabay at hindi ko rin sila pinapaasa. Naniniwala pa rin naman ako sa karma.
Tumingin tingin pa si Chelsea sa ibang alahas na nakadisplay. Hinayaan ko na lang sya at matiyagang sumunod sunod sa kanya.
“Kuya Atlas!”
Kumunot ang noo ko ng may pamilyar na boses ng babae ang tumawag sa akin. Luminga linga ako. Nakita ko ang kapatid kong si Ava na kumakaway. Nasa labas sya ng isang kilalang fast food chain. Kasama nya si Ivona ang asawa ng kaibigan kong si Luigi. May iba pa syang kasama sa lamesa. Mga kaibigan nya yata. Pinapalapit nya ako sa mesa nila.
Nagexcuse ako kay Chelsea at pinuntahan si Ava. Makati talaga ang paa nitong kapatid ko. Pero ok na rin yung mga babae ang kasama nya at hindi mga lalaki.
Paglapit ko sa mesa nila ay binati ako ni Ivona. Tinanguan at nginitian ko ang mga kasama nila sa mesa na titig na titig sa akin. Pero nagtagal ang mata ko sa babaeng nasa dulo ng upuan na nakatitig din sa akin. May nakakandong sa kanyang batang lalaki na titig na titig din sa akin. Natigilan ako kasabay ng pagsikdo ng dibdib ko.
Jessica?
Nagiwas sya ng tingin at biglang tumayo. “Ah excuse me lang m-magsicr lang ako.”
“Sige sa akin muna si Jeremiah. Baby dito ka muna kay Tita Ava magsicr lang si mama.” Lumapit ang bata kay Ava. Ang babae naman na kamukga ni Jessica ay tumalikod na at nagmamadaling umalis.
“Jessica!” Di ko na napigilan ang sariling tawagin sya. Pero hindi nya ako pinansin at mas lalong binilisan ang paglalakad.
“Sinong Jessica ang tinatawag mo kuya?” Tanong ni Ava.
“Yung kasama nyo.” Sabay turo ko sa babae.
“Anong Jessica? Jolene ang pangalan nun kuya. Jessica ka dyan.”
Jolene? No. It’s Jessica! My sugar! Pero baka nagkakamali lang ako. Baka kamukha lang talaga nya.
Umiling iling ako. “Impossible..”
“Hay naku kuya, sa dami mong babae napagkamalan mo pa ang kaibigan namin. Baka kamukha lang nung Jessica na binabanggit mo ang kaibigan namin.” Sabi ni Ava na pinupunasan ng tissue ang bibig ng batang lalaki na nakatitig pa rin sa akin.
Hindi ko na rin maalis ang tingin sa bata.
“Mag hello ka sa kanya Jeremiah. Sya ang kuya ko.” Sabi ni Ava sa bata.
Kumaway naman ang bata sa akin. “Hello po.”
Parang may mainit na kamay na humaplos sa dibdib ko ng marinig ko ang maliit nyang boses.
“Anak ba sya ni.. Jessica?” Kumakalabog ang dibdib na tanong ko.
“Jolene kuya, hindi Jessica and yes anak sya ni Jolene. Pogi nya no. Baby introduce yourself nga to Tito Atlas para bigyan ka nya ng pera.”
Tumayo naman ng tuwid ang bata at ngumiti. Lumabas ang malalim na dimple nya sa kaliwang pisngi pati na rin ang mapuputi at maliliit nyang pantay pantay na ngipin.
“Hello po Tito Atlat. My name is Jeremiah Caraz. I’m four years old..” Bibong pagpapakilala ng bata.
Napangiti naman ako at inabot ang ulo nya. Ginulo ko ang malambot nyang buhok na kay sarap sa palad. Nakakatuwa sya at sobrang cute pa.
“O penge nang pera pang Jabi.”
Nawala ang ngiti ko sa hirit ni Ava. Hinawakan nya ang maliit na kamay ng bata at nilahad.
“Sabihin mo baby penge pong pera pang Jabi Tito Atlat.” Nakangusong turo ni Ava sa bata.
Nahihiya pa noong una ang bata pero sumunod din sa kapatid kong pinaglihi yata ni mommy sa kotong.
“Penge pong pela pang Jabi Tito Atlat.” Medyo bulol pang sabi ng bata. May binubulong pang kung ano sa kanya si Ava.
“Tss, ginamit mo pa talaga ang bata para makapang uto.” Sabi ko sa kapatid. Pero dinukot ko na rin ang wallet sa likod ng bulsa ng trouser ko. Humugot ako ng isang libo at inabot sa bata. Nahihiyang kinuha naman nya ito. Muli kong ginulo ang buhok nya.
“Yehey! May pera na si Jeremiah. Say thank you to Tito Atlas baby.”
“Thank you po Tito Atlat.”
Ngumiti ako. “You’re welcome baby boy.”
Kinuha naman ni Ava ang pera at nilagay sa maliit na bagpack ng bata na nakasukbit sa likod.
“Atlas.”
Nilingon ko si Chelsea na humawak sa braso ko. Binati nya ang kapatid ko na tipid lang na ngumiti.
“Babe, let’s go. Nakapili na ako ng bibilhin.” Untag sa akin ni Chelsea at hinihila na ako.
Bumuntong hininga ako at nag excuse na sa mga kaibigan ni Ava. Binigyan ko ng huling tingin ang bata na kumaway pa sa akin. Tiningnan ko rin ang direksyon na pinuntahan ng babaeng kamukha ni Jessica.
Bumalik na kami ni Chelsea sa jewelry store. Binigay ko ang credit card sa manager para bayaran ang mga piniling alahas ni Chelsea. Pero wala sa mga alahas ang atensyon ko kundi sa mesa pa rin nila Ava. Nagababaka sakali na muli kong makita ang babae na kamukha ni Jessica.
Pagkatapos kong bayaran ang mga alahas ay hinila naman ako ni Chelsea sa isang boutique shop.
Posible ba talagang may dalawang taong sobrang magkamukha maliban sa kambal sila. Ang sabi sa akin noon ni Jessica nagiisang anak lang daw sya ng mga magulang nya. Pero..
Iba talaga ang kutob ko. Kahit limang taon na ang nakakaraan at tuwing gabi lang kami nagkikita ni Jessica noon tandang tanda ko pa ang mukha nya. Malakas ang kutob ko na ang babae kanina at si Jessica ay iisa. Patunay itong kumakalabog na dibdib ko. Kay Jessica lang nagrereact ng ganito ang puso ko.
Natigilan ako ng makitang dumaan sa labas ng boutique shop ang babaeng kamukha ni Jessica. Karga karga nya ang batang lalaki na anak nya. Malalaki ang mga hakbang nya. Bumilis ang tibok ng puso ko habang sinusundan sila ng tingin. Nagtatalo ang isip at puso ko kung susundan ko ba sila o hindi.
Pero sa huli ay nagpaalam ako kay Chelsea na lalabas saglit. Iniwan ko na rin sa kanya ang credit card ko. Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng botique..
Nagpalinga linga ako sa labas ng entrance ng mall. Tinitingnan ko ang bawat taong sumasakay sa taxi, jeep at traysikel lalo na ang mga babaeng may akay na bata. Pero hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko. Parang ang bilis naman nilang nawala.
Sugar nasaan ka na ba?
“Atlas babe, sino bang hinahanabol mo? Basta mo na lang akong iniwan.” Nakasimangot na sabi ni Chelsea at humawak sa braso ko. Ang kabilang kamay nya ay may hawak na ilang pirasong paper bag.
Bumuntong hininga ako pero ang dibdib ko ay malakas pa rin ang kalabog. Isang beses pa akong luminga linga. Pero hindi ko na sila makita.
“Babe.” Untag sa akin ni Chelsea.
“Chelsea, mauna ka na lang muna sa hotel. May gagawin lang ako.”
Nagsalubong ang kilay ni Chelsea. “Ano?”
“Ang sabi ko mauna ka na sa hotel, may gagawin lang ako.” Nagpatawag ako ng taxi sa parking boy.
“Babe, ano ba kasing gagawin mo bakit hindi na lang tayo magsabay.” Angal pa ni Chelsea.
Di na ako sumagot at hinintay na lumapit sa harap namin ang taxi. Binuksan ko ang pinto sa likuran ng taxi at inalalayang sumakay si Chelsea na halatang masama ang loob pero wala na ring nagawa. Kinausap ko ang driver at sinabi ang pangalan ng hotel. Nagbigay na rin ako ng isang libo pamasahe at sa kanya na ang sukli.
“Babe, sumunod ka agad ha.” Sabi ni Chelsea ng ibaba nya ang salamin ng bintana.
“Yeah, hintayin mo na lang ako doon.”
Sinenyasan ko na ang driver at minaniobra na nito ang kotse.
Bumalik naman ako sa loob ng mall. Kinausap ko ang mga security guard at nagpaassist sa management. Sinamahan naman ako ng isa sa kanila. Magalang naman akong inasikaso ng manager lalo na ng malaman nito ang pangalan ko. Sinabi ko naman ang concern ko. Sinamahan nya ako sa control room. Kalat ang cctv sa buong mall at alam kong makikita ko roon ang hinahanap ko.
Pagdating namin sa control room ay agad akong inasikaso ng staff doon. Pinagbigyan nila ako sa kagustuhan ko. Tsinek nila ang mga kuha ng cctv sa labas ng mall sa oras na binigay ko. Habang nakatingin ako sa monitor ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Mayamaya pa ay nakita ko na ang babaeng hinahanap ko na kalalabas lang ng mall. May buhat syang batang lalaki na may suot na bagpack na blue. Malalaki ang hakbang nyang pumunta sa waiting shed at pumara ng traysikel.
“Stop.” Sabi ko sa staff. Agad naman nitong pinause ang monitor. Hindi naman magkamayaw sa pagkabog ang dibdib ko at tila gusto ng lumabas ng puso ko sa katawan ko. Pinazoom ko sa staff ang plate number ng traysikel..
Jolene
“MANONG bayad po.” Mabilis kong inabot ang bayad sa tricycle driver at bumaba na. Binuhat ko naman si Jeremiah at nagmamadaling pumasok sa makitid na eskenita.
Malalaki ang hakbang ko at mabilis ang tibok ng puso ko na parang nakikipaghabulan din. Palingon lingon ako sa likuran.
“Mama baba mo po ako, lakad ako.” Sabi ni Jeremiah at kinawag kawag ang paa.
“Mamaya na anak, pagod ka di ba?” Sabi ko na bahagya pang napangiwi dahil sa bigat nya.
Umusli ang pinkish na nguso ni Jeremiah. “Di po ako pagod mama. Baba mo po ako, bigat ako eh.”
Ngumisi ako. “Di ka kaya mabigat, magaan ka nga eh.”
“Eh bakit ngumingiwi ka po?”
“Eh kasi ang cute mo po.”
Ngumiti sya. Lumabas ang pantay pantay nyang maliliit na ngipin at ang biloy nya sa kaliwang pisngi. Pati mata nya ay nakangiti din. Kapag ganitong ngumingiti sya kamukhang kamukha nya ang.. ama nya.
Kumagat labi ako. Ano bang biro ng tadhana ito? Kapatid pa pala sya ni Ava.
Chapter 3
Atlas
PAGOD at bagsak ang balikat na pumasok ako sa bahay.
Walang nangyari sa pagtrace ng traysikel na sinakyan ni Jessica at ng anak nya kanina. Natunton ko nga ang sinakyang traysikel at kung saan binaba ang magina pero malabo pa din. Walang cctv sa binabaan nito at walang makapag turo kung saan nagpunta ang magina.
Pero di ako susuko. Ngayong nakita ko sya ulit di ko hahayaang makawala pa sya. Tutal naman ayaw akong patahimikin ng alaala nya at ngayong nakita ko sya ulit ay lalong hindi ako matatahimik. Idagdag pa ang anak nya na posibleng anak ko rin.
Shit! Kapag nagkataon wala akong kamalay malay na may anak na pala ako. Posibleng anak ko ang batang yun. Isang beses may nangyari sa amin ni Jessica at wala akong proteksyon noon. Ako din ang una nya. Apat na taong gulang na ang anak nya. Limang taon mula ng may nangyari sa amin. Posible talaga. Kaya siguro tuwang tuwa ako sa bata kanina.
Bukas na bukas din ipapahanap ko sila.
Nagring ang cellphone ko. Paniguradong si Chelsea ang tumatawag. Dinukot ko ang cellphone sa loob ng coat at pinatay. Wala ako sa mood ngayon na kausapin si Chelsea. Mula sa paghahanap sa magina ay dumiretso ako ng hotel at tinapos ko na ang kung anomang meron sa aming dalawa ni Chelsea. Pero ayaw nyang pumayag. Wala naman syang magagawa dahil hindi naman kami.
Binati ako ng kasambahay na kalalabas lang ng kusina. May hawak syang pagkain ni Milo. Ang alaga naming aspin na nirescue ni Ava. Mahilig kasi sya sa hayop.
“Ser, nasa komedor na po sila ma’am Anita at ma’am Ava.” Sabi ng kasambahay.
Tinanguan ko sya at sumunod na rin sa komedor. Tamang tama lang ang uwi ko sa hapunan.
“O anak, nandyan ka na pala. Umupo ka na at kakain na tayo.”
Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi nya. Umupo na ako sa upuan at katapat ko ang kapatid na pumapapak na ng hipon.
“Himala ang aga mong umuwi kuya. Tapos na agad kayo magjugjugan ni Chelsea?”
“Bibig mo Ava. Pitikin ko yan.” Sita ni mommy at bumaling sa akin. “Oo nga anak, bakit ang aga mo ngayon? Ang bilis nyo naman yatang magchukchakan ni Chelsea.”
Napaawang ang labi ko at salitan na tiningnan ang dalawa. Kinunutan ko sila ng noo.
“Anong jugjugan at chukchakan?”
“Sex.” Magkasabay na sabi nilang dalawa.
Napapikit ako ng mariin at napakamot sa ulo.
“Hindi kami nagsex.” Tipid na sabi ko.
“Ah, kaya pala ang aga mong umuwi kuya.”
“O sige na kain na tayo mga anak. Meling pakidala na nga dito ang beef steak.” Utos ni mommy sa isang kasambahay.
Nagdasal muna kami bago kumain. As usual, maingay ang dalawa. Di naman ako makarelate sa pinaguusapan nila na puro tungkol sa mga pinapanood nilang drama drama. Silang dalawa talaga ang magkasundo palibhasa parehas babae. Namiss ko tuloy bigla si daddy. Maaga syang nawala sa amin maliit pa lang si Ava kaya ako na ang tumatayong padre pamilya.
Tumingin ako sa kapatid na madaldal. Di talaga sya nauubusan ng sasabihin. Sumagi sa isip ko si Jessica at ang anak nya na posibleng.. anak ko rin.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa pananabik sa isiping anak ko nga talaga ang bata. Nasasabik na akong makita sya ulit.
Tumikhim ako. Tumingin sa akin si mommy at si Ava.
Ang kapatid ko ang posibleng susi kung saan ko matatagpuan ang mag ina ko.
“Ava, yung kaibigan mo kanina, ano nga ang pangalan nun? Jolene?” Pasimpleng tanong ko.
“Oo Jolene nga? Baket?”
Nilunok ko muna ang pagkain at sumulyap ng isang beses sa kapatid.
“S-Saan sila nakatira?”
Tumaas ang kilay ni Ava. “Bakit mo tinatanong kuya? Interesado ka sa kaibigan ko no? Grabe ka kuya pati may anak pinagiinteresan mo.”
Napahinto ako sa pagnguya. Parang gusto kong tuktukan ng kutsara ang kapatid.
“Sino na naman yang babaeng yan?” Tanong ni mommy.
“Yung isang friend ko mommy. Yung mama ni Baby Jeremiah, yung cute na bata na kasama ko sa mga picture na pinakita ko sayo, mukhang type ni kuya yung mama nun. Titig na titig sya kanina dun eh.”
“Maganda ba yan?”
“Yes naman mommy. May pagkamorena sya pero maganda.”
“Pero may asawa na.”
“Wala syang asawa mommy. Single mother sya.”
“Ay baket? Naghiwalay sila ng asawa nya?”
Nagkibit balikat si Ava. “Di ako sure mom, hindi naman kasi nagkukwento yun tungkol sa ama ni Baby Jeremiah.”
Natigilan ako sa sinabi ni Ava na single mother si Jessica. Lalo tuloy lumakas ang kutob ko na anak ko nga ang batang yun. Kaya kailangan ko ng malaman kung saan sila nakatira para makasiguro.
“Saan sila nakatira Ava?” Tanong ko ulit sa kapatid.
“Bakit mo ba kasi tinatanong kuya? Bet mo si Jolene no?”
Napapikit ako ng mariin sa kakulitan ng kapatid.
“Basta sagutin mo na lang ang tanong ko.”
Nagdududang tumingin sa akin ang kapatid ganun na rin si mommy.
Tumikhim ako. “Para kasing.. kilala ko sya. Gusto ko lang syang makausap. May itatanong lang ako.”
“Tungkol saan anak?”
“It’s.. important matter mom. Saka ko na sasabihin kapag nakasiguro na ako.”
Muli kong binalingan ang kapatid. “Alam mo ba kung saan sya nakatira?”
“Oo naman. Pero..” Nilahad nya ang kamay at malawak na ngumiti. “Money down muna.”
Napaawang ang labi ko at di makapaniwalang tiningnan ang kapatid. Humagikgik naman si mommy.
“Mommy saan mo ba pinaglihi tong si Ava? Sa kotong?”
“Pasensya ka na anak, noong pinagbubuntis ko kasi yang kapatid mo lagi kong binuburautan ang Tito Rowel mo. Sa buraot ko yata sya pinaglihi.” Ani mommy sabay hagikgik.
Napahimas naman ako sa batok. Parang sumakit ang ulo ko. “Kaya naman pala.”
Lalo namang lumawak ang ngiti ng kapatid. “Money down muna bago ako magbigay ng impormasyon.”
Umiling iling ako at hinugot ang wallet. Dumukot ako ng isang libo at nilagay sa nakalahad na kamay ng kapatid.
“Isang libo lang? More pa.” Hirit pa nya.
“Kabibigay ko lang sayo ng sampung libo kahapon ah. Pinalagyan ko na rin ng laman ang atm mo.”
Ngumuso sya. “Iba naman kasi yun, saka may paparating akong parcel bukas. I need cash.”
“Tss.” Humugot ako ng limang libo at nilagay sa kamay nya. “O hayan.”
“Ito lang?”
Kinuha ko ulit ang lahat ng pera sa kamay nya. “O wag na, ipapahanap ko na lang ang address nya.”
Tumayo si Ava at hinablot ang pera sa kamay ko. “Pwede na yan. Sige na sasabihin ko na.”
Napailing iling na lang ako. Basta talaga pera magaling tong kapatid ko.
“Dyan lang sya sa Quezon City nakatira sa may Pasong Tamo.” Sabi ni Ava.
Kumislot ang puso ko sa sinabi nya at nanabik.
“Saan sa Pasong Tamo? Yung eksaktong address?”
“Ay yan ang di ko alam, di pa kasi ako nakakapunta don. Basta yun lang ang alam ko. Yun kasi ang ang nakalagay na adress sa epbi nya eh.”
Muli kong hinablot ang pera sa kamay nya.
“Uy yung pera ko.”
“Di mo naman pala alam kung saan ang eksaktong adress.”
“At least may clue ka na.” Muli nyang hinablot ang pera sa kamay ko.
“Oy, tumigil kayong dalawa nasa harap kayo ng pagkain. Galangin nyo ang grasya.” Saway ni mommy sa aming magkapatid.
Sinamaan ko na lang ng tingin ang kapatid. Pero wala naman yung epekto sa kanya. Nginisihan lang nya ako.
Pero at least may clue naman kung saan ko mahahanap si Jessica. Alam ko ang lugar na yun. Bukas na bukas din ay hahanapin ko na sya. Di na ako makapaghintay na makita sya ulit.
Jolene
“SO ano ang plano mo ngayon insan ngayong nakita mo na ang tatay ng anak mo?” Tanong ng pinsan kong si Leah.
Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa anak kong naglalaro dito sa munting sala namin. Binilhan na naman kasi sya ni Leah ng bagong laruan. Spoiled na spoiled sa kanya ang anak ko.
“Hindi ko alam insan. Sa totoo lang natatakot ako na malaman nya ang tungkol sa amin ni Jeremiah.” Kanina nga ay di ko malaman kung ano ang gagawin ko ng makita sya. Sa taranta ko ay ako ang umalis at nagpunta ng cr. Naiwan si Jeremiah kay Ava.
“Bakit ka naman natatakot? Dapat naman talagang malaman nya para may katuwang ka naman sa pagpapalaki dyan sa anak mo. Responsibilidad nya yang anak mo no pagkatapos ka nyang buntisin.”
“Hindi naman nya alam na nabuntis nya ako.”
“Pwes, dapat malaman na nya. Lumalaki na ang anak nyo, lumalaki na rin ang gastusin. Ikaw nga huminto na naman sa pagaaral.”
“Kailangan kong magtrabaho eh. Mahirap pagsabayin ang pagaaral at pagpapalaki ng anak.” Gustong gusto kong makatapos pero ang hirap dahil sa sitwasyon ko. Kailangan kong unahin ang pangangailangan ng anak ko.
“Kaya nga kailangan mo ng tulong ng ama ni Jeremiah. Sabi mo di ba mayaman sya? Eh di kayang kaya nya kayong buhaying dalawa. Lalo na ang pag aralin ka.”
“Paano kung.. may pamilya na sya?” Yun ang isa pang gumugulo sa isip ko. Hindi naman nagkukwento si Ava tungkol sa kuya nya kapag nagkikita kita kami. Kaya nga nagulat ako kanina ng malamang magkapatid pala sila.
“Yun lang, pero kahit na. Karapatan pa rin nyang malaman ang tungkol sa bata. Kahit yung bata lang. Anak naman nya yan. Dugo at laman.”
Bumuntong hininga ako. Gulong gulong na ang isip ko. Namomroblema na nga ako sa mga bayarin dito sa bahay at sa gatas pa ni Jeremiah na paubos na tapos dumagdag pa ang biglang pagsulpot ng ama ni Jeremiah.
“Pag isipan mo ang mga sinabi ko insan. Para sa inyong mag ina yun. Sige, sa kusina muna ako magluluto lang ako ng ulam.”
Tumayo na si Leah at pumunta sa maliit naming kusina na ilang hakbang lang mula dito sa sala. Nahaharangan lang ito ng kurtina.
Tiningnan ko ang anak na nasa tabi ko na. Pinapagulong nya ang laruang kotse kotsehan sa inuupuan kong mahabang monoblock chair. Nakakalat sa lapag ang plastik na cover ng laruan. Dinampot ko ito at nilamukos saka nilagay sa maliit na trash bin na nasa gilid ng upuan. Sunod ko namang dinampot ang maliit na bagpack nya. Binuksan ko ito pero nanlaki ang mata ko ng may nakita akong bagong isang libo.
Bakit may pera dito? Saan galing to? Di kaya galing kay Ava ito?
Lagi kasing binibigyan ni Ava ng pera si Jeremiah kapag nagkikita kami. Pero di naman ganito kalaki. Tuwang tuwa kasi sya sa anak ko at lagi itong pinanggigigilan. Yun pala wala syang kamalay malay na pamangkin nya ito.
“Anak, bigay ba sayo ni Tita Ava to?” Tanong ko kay Jeremiah at pinakita ang hawak na isang libo.
Umiling iling sya. “Hindi po. Si Tito Atlat po ang nagbigay nyan mama. Nanghingi po kami ni Tita Ava.” Ngiting ngiti na sabi ng anak ko.
Tila nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi nya. Kumalabog ng husto ang puso ko at parang may naghahabulang daga sa tiyan ko.
Si Atlas ang nagbigay sa kanya ng pera. Ang ama nya.
Nanginig ang labi ko at tila may bumarang kung ano sa lalamunan ko.
“Bait po ni Tito Atlat mama tapos pogi din sya gaya ko.”
Kinagat ko ang labi at binalik ang pera sa bag ni Jeremiah.
Yumakap sa bewang ko si Jeremiah at tumingala sa akin.
“Mama, sabi ni Tita Ava bili ko daw po yan ng Jabi. Pero wala na po akong milk kaya milk na lang bili ko dyan saka biscuit saka juice baon ko sa school.”
Mabilis kong pinahid ang luha na nagbabadyang pumatak. Ayokong makita ni Jeremiah na umiiyak ako dahil magaalala sya.
Tumikhim ako para alisin ang nakabara sa lalamunan ko at ngumiti. Isa sa ikinatutuwa ko sa anak ay medyo matured syang magisip. Matalinong bata kasi sya kahit medyo bulol pa magsalita.
“O-Oo anak, bibili ni mama to ng milk mo saka baon mong biscuit at juice sa school.”
Ngumiti sya at tumango. Yumuko naman ako at hinalikan sya sa tuktok.
Sa lahat ng hirap na naranasan ko sya lang ang nagpapagaan ng loob ko. Sa kanya lang ako humuhugot ng lakas araw araw.
Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Samantalang ang dalawang katabi ko ay tulog na tulog na. Si Jeremiah ay mahimbing na natutulog sa tabi ko at nakayakap pa sa bewang ko. Nakadantay pa ang maliit nyang binti sa hita ko. Si Leah naman na nakahiga sa paharap sa pinto ay naghihilik na.
Maliit lang ang kwarto namin pero kasya naman kaming tatlo. Sa lapag kami natutulog na nilatagan lang namin ng kutson. Medyo madilim sa kwarto at tanging liwanag lang mula sa maliit na lampshade na nakasabit sa dingding ang tanging liwanag. Hindi kasi nakakatulog si Jeremiah kapag sobrang liwanag.
Tumitig ako sa kisame habang marahang hinahaplos ang buhok ni Jeremiah. Limang taon na kami dito sa Manila mag ina. Limang taon na rin ang nakakaraan simula ng lumayo ako sa mga taong mapanghusga at nagtakwil sa akin..
Next update ang throwback ng dalawa 😆
Chapter 4
Jolene
5 years ago..
MALAKAS ang kabog ng dibdib ko sa kaba habang pinapasadahan ako ng tingin ni Madam Luz mula ulo hanggang paa. Inaamoy amoy pa nya ako. Sya ang manager ng bar na pinagaapplyan ko ngayon bilang bokalista.
“Hmm infairness ha, maganda tong recruit mo Anette. Morena, mabango, may katawan at mukhang batang bata pa. Ilang taon ka na ganda?” Tanong ni Madam Luz sabay hithit ng sigarilyo at buga ng usok.
“N-Nineteen po madam.” Kinakabahang sagot ko at ninenerbyos na ngumiti.
Medyo giniginaw pa ako dahil sa suot kong crop top blouse. Labas ang tiyan ko baka kabagin pa ako nito. High waist skinny jeans at stiletto sandals naman ang pangibaba ko. Nakaponytail ang unat na unat kong buhok. Si Anette ang nagprovide nitong suot ko at sya din ang nagayos sa akin. Isa syang binabae at pinsan ng classmate ko. Pinakilala ako sa kanya ng classmate ko dahil naghahanap ako ng partime job. Isa syang waiter dito sa bar.
“Batang bata nga. Ito ang gusto ng mga parokyano. Batang bata at inosente ang mukha.”
Nababahalang tumingin ako kay Anette. Parang iba yata ang pagkakaintindi ni Madam Luz.
Nakuha naman ni Anette ang ibig kong sabihin. Tumikhim sya.
“Ah Madam Luz, hindi po guest relations officer ang ina-apply-an ni Jolene. Bokalista po, singer.” Pagpapaliwanag ni Anette.
Natigilan si Madam Luz at tumaas ang kilay. Kinabahan naman ako lalo. Mukhang di nya gusto na bokalista ang a-apply-an ko.
“Bokalista ang gusto mong apply-an?”
“O-Opo madam.”
Umikot naman ang mata ni Madam Luz. “Sayang naman. O bueno, marunong ka bang kumanta?”
“Syempre naman madam! Mag a-apply ba si Jolene na bokalista kung hindi marunong kumanta.” Sabat ni Anette. Pero sinamaan sya ng tingin ni Madam Luz at nagpeace sign lang sya.
“Sige nga sampolan mo ko. Tingnan natin kung papasa ka.” Sabi ni Madam Luz sa akin.
Tumikhim naman ako at humugot ng malalim na hininga. Nagsampol ako ng pangmalakasan na kanta. Yung kantang pinanlalaban ko sa mga singing contest. Chorus na agad ang una kong binirit.
Tumango tango naman si Madam Luz na mukhang bumilib sa akin. Si Anette ay tuwang tuwang pumalakpak pa.
“Maganda ang boses mo iha. Pero ang banda ang magsasabi kung pwede ka.” Pinatawag ni Madam Luz kay Anette ang mga miyembro ng banda. Lalo lang tuloy nadagdagan ang kaba ko.
Maya maya lang ay pumasok na sa maliit na opisina ni Madam Luz ang apat na lalaki. Pinakilala ako sa kanila ni Madam Luz pagkatapos ay muli akong pinasampol sa harap nila. Hinusayan ko naman ang pagkanta. Ang reaksyon ng apat na lalaki ay kaparehas ng kay Madam Luz at Anette. Pasado ako sa kanila kaya tinanggap na rin ako ni Madam Luz. Tuwang tuwa naman ako dahil may part time job na ako.
Si Kuya Pido ang drummer. Si Kuya Ken naman ang keyboardist. Si Kuya Tod at Kuya Tanley naman ang mga guitarist. Hawak ni Kuya Tod ang electric guitar at sa bass guitar naman si Kuya Tanley. Nakilala ko rin ang kasalukuyang bokalista nila na babae din na si Ate Lucille o Lucy sa stage name nya. Buntis sya kaya nangangailangan ng isa pang bokalista na hahalili sa kanya. Bawal kasi syang magpuyat.
At dahil tanggap na ako ay gustong subukan ni Madam Luz kung magugustuhan ba ng mga customer ang performance ko kaya ngayong gabi ay gusto na nya akong isalang agad. Kinakabahan man ay pumayag ako. Mabuti na lang ay sanay na akong kumanta sa harap ng maraming tao.
Binigyan din ako ni Madam Luz ng stage name na Jessica. Yun ang gagamitin kong pangalan kapag nandito sa loob ng bar. Lahat daw ng mga nagtatrabaho dito ay hindi ginagamit ang totoong pangalan. Lalo na ang babaeng nagtatrabaho bilang guest relations officer. Para din daw yun sa seguridad nila. Legal naman daw ang bar, mahigpit lang na pinagbabawal ang mga malalaswang aktibidad at mga nasa gro na rin kung papayag sila na ilabas ng mga customer. Walang pilitan. At kung sakaling mamilit ang mga customer ay nagkalat ang mga bouncer sa labas na malalaki ang mga katawan. Nakita ko na ang mga gro sa labas pagpasok ko dito. Hindi naman malalaswa ang mga hitsura nila lalo na ang mga suot. Mga disente pa rin naman.
Pinaubaya na ako ni Madam Luz sa banda. Sila na ang bahala sa akin. Nagpasalamat naman ako kay Anette dahil pinasok nya ako dito.
Pumasok na kami ng banda sa isang maliit na kwarto kung saan ang nagsisilbi nilang dressing room. Dito ay nagmeeting kami sa kung paano ang set up na gagawin sa maliit na stage. Una munang kakanta si Ate Lucille ng mga tatlong kanta pagkatapos ay i-introduce na nila ako bilang bagong bokalista.
“Hindi ka rin naman talo sa pagkanta dito. Bukod sa sahod mo sa isang gabi magkakatip ka pa sa mga customer kapag nagustuhan ang performance mo. Malaki magtip yung mga nagrerequest ng kanta. Pero syempre mas malaki ang kita ng mga gro, alam mo na. Pero sa atin namang mga bokalista, hindi rin maiiwasan na may mga customer na gusto tayong i-table.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Ate Lucille.
“Pero syempre hindi naman kasama sa trabaho natin yun dahil ang trabaho lang natin ay kumanta. Pero nasa sa atin din yun kung gusto nating kumita pa ng extra.”
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Ate Lucille. “Ikaw Ate Lucille, may nagalok na rin sayo ng table?”
“Marami na rin, pero isang beses lang ako pumayag. Kailangang kailangan ko kasi ng pera noon. Pero kapag table, wala ka namang ibang gagawin kundi kausapin lang yung customer. Bolabolahin, ganun. Kapag nag ayang lumabas nasa sayo na ang desisyon.”
Tumango tango ako sa sinabi ni Ate Lucille. Marami pa syang kinuwento sa akin tungkol sa bar. Isang pulitiko daw ang may ari ng bar pero hindi nya alam kung sinong pulitiko. Si Madam Luz lang daw ang may alam. Kunsabagay kontrobersyal nga naman kapag nalaman kung sinong pulitiko ang may ari nito.
Bago sumalang si Ate Lucille ay inilibot nya muna ako sa bar. Si Anette kasi ay nakaduty na kaya di na nya ako maito-tour sa buong bar. May kalakihan ang bar. Ang ikalawang palapag sa loob ay pabalcony ang style. Kaya kita mula doon ang mga nasa ibaba lalo na ang maliit na stage kung saan kami magpe-perform. May pagka high class ang dating ng bar at mamahalin ang mga alak na siniserve. Pati mga pagkain ay mga sosyal din. Pinakilala din ako ni Ate Lucille sa mga iba pang nagtatrabaho doon gaya ng mga waiter, waitress at bartender. Pinakilala din nya ako sa mga gro. Mababait naman lahat sila.
Mayamaya pa ay nagsimula ng magdatingan ang mga custumer. Bumalik na kami ni Ate Lucille sa dressing room. Maghahanda na rin sya at ang banda.
.
.
.
Dahan dahan na binuksan ko ang pinto at tahimik na pumasok. Madilim na sa loob ng bahay at mukhang tulog na ang lahat. Pero nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw.
Tumambad sa akin si Tita Emie na mataray ang mukha.
“Anong oras na? Ngayon ka lang umuwi? Uwi pa ba ng dalaga yan? Ang paalam mo lang mag a-apply ka sa resto.”
Bumuntong hininga ako. “Natanggap po ako sa pinag-apply-an ko at pinagstart na po ng ilang oras.” Sabi ko.
Ang paalam ko kay Tita Emie ay sa resto ako maga-apply. Dahil siguradong di nya ako papayagan at ni mama kapag sinabi kong sa bar ako maga-apply bilang bokalista.
“Aba’y mabuti naman. Alam mo naman ang pinapadala ng mama mo kulang na kulang sa atin.”
Di na ako nagsalita at nag excuse na lang na papasok na sa kwarto ko. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko sa tiyahin masaktan pa ako.
Kasya naman talaga ang pinapadala ni mama, sobra pa nga. Pero dahil lahat ng kapatid ni mama, pati mga asawa nila at mga anak ay kahati ko rin sa padala ay talagang hindi magkakasya. Tira tira na nga lang ang napupunta sa akin. Kaya pati ako kinakapos pati pang tuition ko, kaya wala akong choice kundi maghanap ng part time job. At sa lahat ng in-apply-an ko ay ang tanging bar lang ang tumanggap sa akin. Ang iba kasing in-apply-an ko ay hindi tumatanggap ng working student.
Pagpasok ko sa maliit kong kwarto ay binuksan ko ang ilaw. Pinatong ko ang shoulder bag ko at paper bag na may lamang damit na pinaghubaran ko sa maliit na night table ko. Umupo ako sa single bed at hinubad ang sneakers. Bago ako umuwi ay nagpalit talaga ako. Di ako pwedeng umuwi na ganon ang suot ko. Iba magisip ang mga tiyanin at tiyuhin ko. Mga madudumi ang isip.
Hinubad ko na rin ang t-shirt at pantalon ko at nagpalit ng pantulog. Kailangan ko ng matulog agad dahil may pasok pa ako bukas. Nasa ikalawang taon na ako ng kolehiyo. Dalawang taon na lang ga-graduate na ako.
Inayos ko ang higaan at humiga na.
Ilang minuto na akong nakahiga pero di pa rin ako dalawin ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame at lumalakbay sa kung saan saan ang isip ko.
Hindi siguro magiging ganito ang sitwasyon ko kung buhay pa si papa. Hindi maga-abroad si mama at hindi titira dito sa bahay namin ang lahat ng kapatid ni mama. Wala naman sanang problema dun kung hindi lang sila abusado at inaasa kay mama ang lahat. Ang nakakainis pa kung ano-ano pa ang sinusumbong nila kay mama tungkol sa akin. Na kesyo bulakbol ako at kung sino sino ang kasama at nagbo-boyfriend na raw ako. Lahat ng iyon ay walang katotohanan. Kung umaalis man ako kasama ang mga classmates ko yun ay para gumawa ng research. Kaya si mama wala na ring tiwala sa akin.
SUMIGABO ang palakpakan pagkatapos ng pangatlong song number ko. May ilan pa nga na sumisipol at tinatawag ang pangalan ko. Nginingitian ko lang sila.
“Thank you.” Nakangiting sabi ko.
“We’ll be right back after a few minutes break.” Ani Kuya Tod sa mic.
Bumaba na ako sa stool chair at nakangiting kumaway pa sa mga customer na tinatawag ang pangalan ko. Dumiretso kami ng banda sa dressing room. Doon ay hinatiran kami ng isang waiter ng meryenda at tubig.
“Grabe ang sigawan ng mga customer sa pangalan mo ha. Siguradong tiba tiba ka na naman ngayong gabi sa tip.” Nakangiting bati sa akin ni Ate Lucille.
Ngumiti lang ako at tinungga ang mineral.
Magdadalawang linggo na ako dito sa bar at nasasanay na akong kumanta sa harap ng maraming customer. Wala na akong kaba at relax na relax na ako sa stage. So far wala pa naman akong nae-encouter na bastos na customer pero maraming makukulit. Mas malaki din ang tip na niuuwi ko kesa sa sinasahod ko sa isang gabi kaya nakakapagipon talaga ako.
Muling sumalang sa stage si Ate Lucille. Tatlong kanta na lang sya at uuwi na tapos ay ako na ang huli.
Sana may magrequest pa ng kanta mamaya para dagdag tip. Piping hiling ko.
Tinakapan ko ang bote ng mineral water. Hindi ako umiinom ng malamig na tubig para mamaintain ang boses ko.
Sa huling kanta ni Ate Lucille ay nagready na ako dahil ako na ang susunod na sasalang sa stage.
Pagpasok ni Ate Lucille sa dressing room ay nagligpit na sya ng gamit nya. Nasa labas na kasi ang partner nya at sinusundo na sya.
“Mauna na ko sayo Jo, kita na lang tayo bukas.” Paalam ni Ate Lucille.
“Sige ate ingat.”
Lumabas na rin ako ng dressing room. Humugot muna ako ng malalim na hininga at umakyat na sa stage ng tawagin ni Kuya Tod ang pangalan ko. Nagsipulan na naman ang ilang customer.
Habang papalalim ang gabi ay mas lalong dumadami ang customer na karamihan talaga ay mga lalaki. May mga bata pa at meron namang may edad na. Ang iba ay may table na gro may ilan naman na gustong uminom lang at magrelax habang nakikinig sa kumakanta.
“Jess, parequest daw.” Inabot sa akin ng waiter ang kapirasong tissue na may nakasulat na title ng kanta at pangalan ng isang lalaki. Hindi common ang pangalan nya.
“Hayun yung lalaki na nasa dulo ng bar counter nakaupo. Mukhang mayaman at bigtime.” Sabay turo ng waiter sa bar counter. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nya.
Sa dulong bahagi ng bar counter ay may nakaupong lalaki na may hawak na bote ng beer. Halatang matangkad sya kahit nakaupo at may kalakihan ang katawan. May lumapit sa kanyang isang gro at kinausap sya pero tinaas lang nya ang kamay at umiling iling. Umalis na lang ang gro. Tumingin naman sya sa gawi ko at ngumiti sabay taas ng beer.
Nahigit ko ang hininga ng masilayan ang mukha ng lalaki. Kahit medyo dim ang ilaw sa kinaroroonan nya ay malinaw ko namang nakikita ang gwapong mukha nya. Sya na yata ang pinakagwapong customer na nakita ko dito sa bar o kahit pa sa buong buhay ko.
Chapter 5
Jolene
“JESS, parequest daw ulit si Boss Atlas.” Sabi ni Kuya Bong at binigay sa akin ang kapirasong tissue na may nakasulat na title ng kanta at ng pangalan ni Mr. Atlas. Ang customer na laging nagrerequest ng kanta sa akin.
Kinuha ko ang tissue at tumingin sa gawi ni Mr. Atlas. Nandun sya sa paborito nyang pwesto, sa pinakadulo ng bar counter. Naktingin din sya sa akin at ngumiti sabay taas ng hawak na bote ng beer.
Nagiinit ang pisnging ngumuso ako kasabay ng pagkislot ng puso ko. May isang linggo na syang pabalik balik dito sa bar at laging nagrerequest ng kanta sa akin na puro mga classic love song. Aaminin ko kakaiba ang dating nya sa akin. Crush ko na sya pero di ko pinapahalata. Tuwang tuwa din kami ng banda kapag sya ang nagrerequest ng kanta dahil ang laki nya magbigay ng tip.
Sinimulan ko ng kantahin ang kantang nirequest ni Mr. Atlas. Nakatingin ako sa kanya habang kinakanta yun. Nakatingin din sya sa akin habang tinuntangga ang bote nya ng beer. Pero agad din akong nagbawi ng tingin ng hindi ko na makayanan ang klase ng tingin nya sa akin na hindi ko maintindihan. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. Pilit kong kinakalma ang nagwawala kong dibdib dahil baka pumiyok pa ako, nakakahiya.
Matiwasay ko namang natapos ang makabagbagdamdaming kanta. Sumigabo ang palakpakan. Pumalakpak din si Mr. Atlas. Kiming nginitian ko naman sya at pinasalamatan.
Nagbreak muna kami ng banda.
Pagpasok namin sa dressing room ay agad akong uminom ng tubig. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, mabuti na nga lang at di ako pumiyok kanina.
“Sana hindi magsawa pumunta rito yang si Mr. Atlas at laging magrequest ng kanta. Para laging malaki ang tip natin.” Sabi ni Kuya Pido na kumakain ng siomai na meryenda namin.
“Oo nga.” Sang ayon naman ni Kuya Ken.
“Pero dapat magpasalamat tayo kay Jess. Halata namang gusto sya ni Mr. Atlas kaya laging nagrerequest ng kanta.” Sabat ni Kuya Tanley.
Muntik ko namang maibuga ang tubig na iniinom. Tila sinilaban ang mukha ko sa init at para na ring may nagkakarerahang mga daga sa dibdib ko.
“N-Nagrerequest lang may gusto na agad.” Nakanguso at nauutal na sabi ko.
“Obvious naman. Kita mo nga sayo lang nagrerequest ng kanta kay Lucy hindi. Saka laging nakatitig sayo yun kapag nasa stage ka. Type na type ka nun. Tingnan mo, isa sa mga araw na to magaaya yun ng table sayo.” Ani Kuya Todd.
Napasinghap ako at namilog ang mata. Kasabay nun ang lalong pagwawala ng dibdib ko. Kinabahan din ako. Hindi naman siguro darating sa puntong ganun.
“Kung ako sayo Jo, go ako kung sakaling ayain ni Mr. Atlas ng table. Table lang naman. Saka sigurado ako malaki ang ibibigay nun. Balita ko nga sa mga gro mayaman yun. Sa kanya yung pinakamahal na kotse na nasa labas. Yung relo daw nya mamahalin na rolex. O di ba big time ang mama. Super gwapo at hot pa.” Pangbubuyo naman sa akin ni Ate Lucille.
“Eh baka naman manyak yan?” Singit ni Kuya Ken.
“Kung manyak sabay eskapo ka na.”
“O tama na ang chikahan. Balik na tayo sa stage.” Sabi ni Kuya Pido.
Lumabas na kami ng dressing room at umakyat na ng stage. Pasimple kong ginala ang mata pagkaupo ko sa stool chair habang nakangiti. Pero nanlumo ako ng hindi ko na makita si Mr. Atlas sa kinauupuan nya kanina.
Parang bigla akong nawalan ng ganang kumanta. Pero hindi pupwedeng lalamyalamya ako magperform sa harap ng mga customer dahil baka ayawan nila ako.
Hanggang sa matapos ang number ko ay matamlay ako. Tinatanong ako ng banda ang sabi ko lang may iniisip lang ako sa school.
“Jess.” Tawag sa akin ni Kuya Bong na ngiting ngiti na lumapit sa akin.
“Bakit Kuya Bong?”
“Pinabibigay ni Boss Atlas.” Inabot nya sa akin ang kapirasong tissue.
Kinuha ko naman iyon at tiningnan. May nakasulat doon.
‘See you tomorrow sugar.’
Kumislot ang puso ko ng mabasa ang maiksing nakasulat. Apat na salita lang yun pero grabe ang epekto sa puso ko. Kinikilig ako. Parang bigla akong nagkaroon ng energy.
Kinagat ko ang labi para pigilang mangiti.
“May emergency daw kasi sya kaya kailangan na nyang umalis. Pero babalik daw sya bukas. Aagahan daw nya para matagal tagal ka daw nyang makita.” Ngiting ngiti na sabi ni Kuya Bong. May pataas taas pa sya ng kilay.
Ngumuso naman ako. Siguradong pulang pula na ang mukha ko ngayon. Mabuti na lang at medyo dim ang ilaw dito sa kinaroroonan namin.
Nag excuse na si Kuya Bong dahil tinawag sya ng bartender. Ako naman ay tinawag na ng banda. Paghahatian na namin ang nalikom na tip sa gabing ito.
Pinakatitigan ko ang tissue partikular ang apat na salitang nakasulat. Ang nakanguso kong labi ay unti unting gumuhit pangiti. Pasimple kong dinala sa ilong ang tissue. Bukod sa naaamoy kong natural na amoy ng tissue may naaamoy din akong pabango ng isang lalaki. Halatang hindi sya ordinaryong pabango. Halatang mamahalin ang pabango na hindi masakit sa ilong.
‘Ihh! Ano ba yan? Kinikilig ako!’
Parang tangang nangingiti na dinala ko sa dibdib ang tissue habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang ito naramdaman sa isang lalaki. At sa isang customer pa namin.
Unti unting naglaho ang ngiti ko.
Tama ba tong nararamdaman ko sa lalaking yun? Bakit ba kilig na kilig ako? Eh ilang gabi ko pa lang naman syang nakikita. Hindi ko pa nga sya ganun kakilala maliban sa Atlas lang ang alam kong pangalan nya. Hindi rin kami nakakapag usap. Baka mamaya manyak pala sya at salbahe. Di ako dapat magpadala sa kagwapuhan nya at pangiti ngiti nya. Baka mamaya isipin pa nya easy to get ako dahil sa bar ako nagtatrabaho.
Parang bigla ay may mapait akong nalalasahan.
Hmp! Makatulog na nga.
Kaya kinabukasan ay pigil pigil ko ang sarili na makaramdam ng kilig kay Mr. Atlas. Iniiwasan ko na ring tumingin sa kanya. Kapag kinakanta ko ang request song nya ay susulyapan ko lang sya ng ilang sandali at agad na iiwas ng tingin. May kakaiba kasing kaba akong nararamdaman kapag matagal na nagtatama ang mga paningin namin.
Customer sya. Hindi ako dapat mahumaling sa kanya. Hindi ako dapat magpadala sa kilig na nadarama baka malunod lang ako at mahirapan ng makaahon.
“Jess.”
Nilingon ko si Kuya Bong na papalapit sa akin. Malawak ang ngiti nya at nakita kong may hawak syang tissue sa isang kamay.
Kumalabog naman ang dibdib ko sa kaba at excitement. Nagexcuse naman ako sa banda na susunod na lang ako sa dressing room.
“Pinabibigay ulit ni Boss Atlas.” Inabot sa akin ni Kuya Bong ang kapirasong tissue.
Bumuntong hininga ako at kinuha yun. Sinulyapan ko ang direksyon ni Mr. Atlas. Nagtama ang mga mata namin dahil nakatingin din pala sya sa akin. Agad naman akong nagiwas ng tingin at binasa ang nakasulat sa tissue.
‘Can we talk?’
Lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko sa nabasa. Ito na nga ang sinasabi ni Kuya Todd. Aayain na ako ng Mr. Atlas na yun ng table.
“Sorry, hindi kamo ako nagpapatable.” Sabi ko kay Kuya Bong at binalik sa kanya ang tissue paper.
Bago pa magsalita si Kuya Bong ay tumalikod na ako at sumunod na sa banda sa dressing room. Malakas ang kabog ng dibdib ko.
Nasundan pa ng ilang beses ang pagaaya ng usap ni Mr. Atlas at lagi ko naman yung tinatanggihan. Alam na rin ng banda ang tungkol doon.
“Pumayag ka na kaya. Usap lang naman.” Sabi ni Ate Lucille.
“Ayoko ate.” Sabi ko habang nagreretouch.
“Bakit naman?”
Ngumuso ako. “Baka kasi salbahe sya.” Pero hindi naman talaga yun ang dahilan kung bakit ayaw kong makipag usap kay Mr. Atlas.
“Hindi naman siguro. Sa ilang linggo nyang pagpunta punta dito never naman syang nagtable. Mag isa lang syang umiinom at palaging sayo nakatingin kapag nasa stage ka. Ikaw lang yata ang babaeng tinitingnan nun dito. Nagseselos na nga sayo yung mga gro eh. Saka mukhang seryoso talaga na gustong makipagusap sayo nung lalaki dahil gabi gabing nangungulit sayo. Kaya pagbigyan mo na kahit isang beses. Wala namang mawawala sa usap.” Ani Ate Lucille at nagexcuse na dahil sya na ang susunod na sasalang sa stage.
Bumuntong hininga naman ako at sinarado ang compact powder. Gumugulo ngayon sa isip ko ang mga sinabi ni Ate Lucille. Nagtatalo ang isip at puso ko kung pagbibigyan ko na ba si Mr. Atlas o hindi.
Pero sa huli nanaig ang gusto ng puso ko..
“Talaga payag ka na?” Namimilog ang matang sabi ni Kuya Bong na nagmistulang messenger ni Mr. Atlas. Lumapit na naman sya sa akin ngayon at nangungulit na naman.
“Oo, mamaya kamo pagkatapos ng limang kanta ko.” Sabi ko na kunwari ay napipilitan.
“Yes! Sa wakas pumayag ka na. Malaki ang tip na makukuha ko nito.” Tuwang tuwa na sabi ni Kuya Bong.
Tumaas naman ang kilay ko. Mukhang may komisyon sya.
“Basta ha, payag ka na. Sasabihin ko na sa kanya.”
“Oo nga.” Natatawang sabi ko. Ilang gabi rin kasi nya akong kinukulit na makipag usap na kay Mr. Atlas.
“Suguradong matutuwa nito si Boss Atlas. Crush na crush ka nun eh. Sige, puntahan ko na sya.” Mabilis ng tumalikod si Kuya Bong para puntahan si Mr. Atlas.
Naiwan naman akong namumula ang mukha.
Tama ba ang narinig ko? Crush na crush daw ako ni Mr. Atlas.
Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga. Kinakalama ko ang nagwawala kong puso. Hindi ito ang oras para kiligin ako kailangan ko pang magtrabaho.
Tumalikod na ako at malalaki ang hakbang na pumunta ng dressing room habang tahimik na tumitili.
At pagkatapos nga limang kanta ko ay nagpaalam ako sa banda at kay Ate Lucille na kinikilig pa. Sya pa ang nagretouch sa akin.
Kabado naman ako habang papalapit sa pwesto ni Mr. Atlas. Nakasalubong ko pa si Anette na may nanunuksong ngiti sa labi. Alam din nya ang tungkol sa pangungulit ni Mr. Atlas sa akin.
Tumayo naman si Mr. Atlas ng makitang papalapit na ako. Nahigit ko naman ang hininga habang papalapit ng papalapit ako sa kanya. Ang tangkad nga nya at malaki ang pangangatawan. At mas gwapo sya sa malapitan at ang bango bango nya.
“Hi Jessica, salamat at pinagbigyan mo ko.” Nakangiting sabi nya.
Napalunok naman ako. Pati boses nya ang gwapo din. Lalaking lalaki at may pagka rough.
Tumikhim sya ng hindi ako magsalita at nakatingin lang sa kanya.
“I’m Atlas Montecillo. It’s a pleasure to meet you.” Swabe ang boses na pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay.
Tiningnan ko ang kamay nya. Ang laki ng kamay nya at mahahaba ang mga daliri. Pangalan pala nya ang Atlas.
Nag angat ako muli ng tingin sa kanya. Titig na titig pa rin sya sa akin.
Ako naman ang napatikhim. “Jessica Ca.. Alacaraz.” Sambit ko sa pangalan at tinanggap ang kamay nya.
Parang may dumaloy na boltahe ng kuryente sa mga ugat ko ng pisilin nya ang kamay ko. Tumawid iyon sa puso ko na ngayon ay tila dumoble pa sa bilis ang pagtibok.
Chapter 6
Jolene
“HAVE a seat.” Alok sa akin ni Mr. Atlas. “O gusto mo sa ibang pwesto tayo?” Biglang naging aligaga ang kilos nya at nagpalinga linga na tila naghahanap ng ibang pwesto.
“Ah boss, may bakanteng mesang pangdalawahan doon sa dulo.” Singit ni Kuya Bong at tinuro ang dulong bahagi ng bar kung saan may bakanteng mesa at upuan.
Tumikhim ako. “Ah hindi, ok na ko dito.” Sabi ko.
Medyo madilim na sa dulo. Baka mamaya ano pa gawin nya sa akin doon. Pero mukhang wala naman sa hitsura nya na gagawa ng mga pangit na bagay. Pero kahit na, hindi pa rin ako dapat magpakampante.
“Ok.” Inatras ni Mr. Atlas ang mataas na stool chair at hinawakan ako sa siko para alalayang umupo. Para akong kinuryente ng hawakan nya ako.
“What do you want? Tequila? Brandy? Beer?” Alok nya pa sa akin.
Umiling ako. “Juice na lang. Piñacolada.” Sabi ko.
“Are you sure? Wag ka ng mahiya. Orderin mo kahit ano treat ko.” Nakangiting sabi nya.
Bahagya akong ngumiwi. “Hindi ako umiinom kaya piñacolada na lang.”
“Oh I see.” Tinawag nya ang bartender at umorder ng piñacolada. Mabilis namang tumalima ang bartender at wala pang ilang minuto ay nasa harapan ko na ang piñacolada.
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinisipsip ko ang straw ng piñacolada. Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong titig na titig sya sa akin. Naiilang tuloy ako.
Tumikhim ako at nagtaas ng kilay. Pinormal ko ang mukha ng bumaling sa kanya.
“Tititigan mo lang ba ako?” May katarayan na sabi ko.
Ngumiti naman sya. Tila naman natunaw ang puso ko sa ngiti nya.
“Sorry, gandang ganda kasi ako sayo. Mas maganda ka sa malapitan.”
Nahigit ko ang hininga sa sinabi nya kasabay ng mas lalo pang nagwala ang puso ko. Nagiinit ang pisnging umirap ako.
“Bolero.”
Tumawa sya. “Hindi kita binobola. Totoo ang sinasabi ko. Lahat nga ng mga customer dito gandang ganda sayo at naiinis ako doon.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. “Naiinis ka na gandang ganda sila sa akin? Bakit? Anong gusto mo? Pangit na pangit sila sa akin?”
“That’s not what I mean. What I mean is.. naiinis ako sa nakikitang paghanga sa kanilang mga mata habang nakatitig sayo. Gusto ko ako lang ang tititig sayo.”
Napaawang ang labi ko sa mga sinabi nya. Di ko alam kung seryoso ba sya o ginu-good time nya lang ako. Pero ang puso ko naman ay tuwang tuwa. Pero hindi ako dapat magpadala sa pambobola nya. Normal lang yan sa mga customer.
“Huu, ang lakas nyong mambola Mr. Atlas ha.”
Muli syang tumawa. “Hindi nga kita binobola. Saka Atlas na lang ang itawag mo sa akin. Masyado namang pormal ang Mr. Atlas.”
Nagkibit balikat ako. “Sabi mo eh.”
Kung ano ano pa ang tinanong nya sa akin. Alam kong gumagawa sya ng topic para makapagusap kami. Natuwa naman ako doon. Dahil kung ako lang ay hindi ko alam ang sasabihin baka nakatanga lang ako sa kanya.
Sa buong durasyon ng paguusap namin ay unti unting napapalagay ang loob ko sa kanya. Mabait naman pala sya at gentleman pa. Masarap syang kausap, matured at may sense.
Ang pag uusap naming dalawa ni Atlas ay nasundan pa ng maraming beses. Gabi gabi na nga kami halos naguusap. At parang hindi customer at performer ang turingan naming dalawa. Parang magkaibigan na kami. Wala nga lang sa kanya kahit tinatarayan ko sya minsan. Nasanay na sya sa akin at tatawa na lang. Ako rin ay nasasanay na sa pagkabolero nya. At ang puso ko ay nawiwili na rin sa kanya. Pero syempre di ako nagpapahalata sa kanya.
“What? Nineteen ka lang? Akala ko nasa twenties ka na. Ang bata mo pa pala.” Bulalas ni Atlas na muntik pang maibuga ang iniinom na brandy.
Ngumuso ako at sumimsim sa wine na inorder nya sa akin. Manamis namis ito at hindi naman daw nakakalasing.
“Gulat na gulat ka ah.”
“Eh kasi naman akala ko – teka nga, nineteen ka pa lang tapos hinahayaan ka ng mga magulang mo na magtrabaho dito. Di ba dapat nagaaral ka?”
“Nag aaral ako sa araw no. Saka si mama na lang ang meron ako. Wala na si papa patay na. Alam din naman ni mama na nagpapartime job ako.” Sabi ko. Pero hindi alam ni mama na dito ako sa bar nagtatrabaho bilang bokalista. Siguradong hindi nya ako papayagan.
“Masipag ka naman pala.” Nakangising sabi nya.
“Kailangan eh.” Wala kasing mangyayari kung aasahan ko lang ang padala ni mama na barya lang ang napupunta sa akin.
“Eh ikaw, ilang taon ka na?” Pagiiba ko ng topic.
“Thirty.”
Namilog ang mata ko. “Thirty? Ang tanda mo na pala.” Akala ko mga nasa twenty seven o twenty eight lang sya.
Sumimangot sya. “Makatanda ka naman. Eleven years lang ang gap natin no.”
“Ganun na rin yun. Matanda ka pa rin sa akin.” Nakangising sabi ko.
“Tss.” Iniukutan nya ako ng mata na ikinatawa ko lang.
Ang sabi nya sa akin ay tubong Cebu sya. Taga doon ang mga magulang nya at may bahay din sila sa Manila. Nandito sya sa Zambales dahil may project sya dito. Isa kasi syang engineer. Kaya nga sinusupil ko ang umuusbong na nararamdaman ko sa kanya. Hindi sya permanenteng nandito. Anumang sandali ay aalis sya at maiiwan ako.
Pero sa palagian naming paguusap ni Atlas ay nararamdaman kong parang may kakaiba din sa pakikitungo nya sa akin. Sobrang sweet nya at napapansin kong sumasama ang timpla ng mukha nya kapag may kumakausap sa aking ibang lalaki lalo na mga customer.
“O bakit ganyan ang mukha mo?” Tanong ko kay Atlas paglapit ko sa couch kung saan sya nakaupo. Katatapos lang ng song number ko at si Ate Lucille naman ang sasalang ngayon.
Hindi nya ako sinagot at tinungga ang hawak na beer. Nakita kong naggalawan ang panga nya. Para syang galit.
“Huy, problema mo?” Kinalabit ko sya.
Nilapag nya ang bote sa mesa at kumunot ang noo. “Bakit kinausap mo pa yung lalaki kanina?”
Kumunot din ang noo ko. “Bakit? Anong masama?” Kinausap ako ng isang customer na lalaki kanina para sabihing magaling akong kumanta. Naappreciate ko naman ang sinabi ni kuya. Pero mukhang may hindi natutuwa.
“Tss, wala naiinis lang ako.” Aniya at muling tinungga ang bote.
Kumagat labi ako para pigilan ang ngiti. Kinikilig ako dahil naiinis sya na may kausap akong ibang lalaki.
Ngumuso ako. “Hindi ko sya pwedeng isnabin no. Customer sya. Baka pagalitan ako ni Madam Luz.” Sabi ko.
“Oo na, wala na akong sinabi.” Sambit nya sabay tawag kay Kuya Bong at inorderan ako ng wine.
“Bakit parang late ka na yata pumunta rito.” Puna ko. Kadalasan kasi ay mga alas otso y medya pa lang ay nandito na sya. Ngayon ay mag a-alas diez na sya pumunta rito sa bar.
“Bakit namiss mo ko?” Nakangising sabi nya.
Pinaningkitan ko sya ng mata. “Miss ka dyan. Hindi no.” Tila labas naman sa ilong na sabi ko.
Kanina habang kumakanta ako ay gumagala ang mata ko at hinahanap sya. Nasanay na kasi akong pagtungtong ko ng stage ay nakikita ko sya.
“Huu, namiss mo ko eh.” Panunukso nya sa akin at nilapit pa ang mukha sa mukha ko.
Nataranta naman ang puso ko kaya hinawakan ko ang mukha nya at tinulak palayo.
“H-Huy ang kapal mo, hindi no!”
“Aminin mo na, namiss mo ko.” Natatawang sabi nya at pilit na nilalapit ang mukha sa akin. Naamoy ko na ang mabangong hininga nya may halong amoy ng beer.
“Hindi nga! Asyumero ka.” Natatawa na ring sabi ko at pilit na tinutulak ang mukha nya papalayo. Pero ano ba ang laban ko sa lakas nya.
“Aminin mo na sugar, namiss mo si daddy Atlas.” Aniya sa nanghihibong boses.
Sa gulat ko dahil sa sinabi nya ay nasampal ko sya. Nagulat din sya sa ginawa ko.
Nakagat ko ang daliri. “S-Sorry, ikaw kasi ginulat mo ko eh.” Kinabahan naman ako dahil baka magalit sya.
Sinapo nya ang pisngi. “Ang lupit mo namang magulat sugar. Nananampal.” Nakangising sabi nya.
Mukhang hindi naman sya galit. Nakikita ko pa nga na parang aliw na aliw sya sa akin.
“Bakit ba kasi tinatawag mo kong sugar?” Paminsan minsan tinatawag nya akong sugar at medyo kinikilabutan ako. Hindi naman sa kinikilabutan na parang nandidiri. Basta iba ang pakiramdam kapag tinatawag nya akong sugar. Di ko mapangalanan.
Ngumisi sya. “Eh kasi ang sweet mo. Sa sobrang sweet mo nga sinampal mo ko.”
Umingos ako. Naiintindihan ko na. Parang pang asar nya yun sa akin.
“Sorry na nga eh.” Mataray na sabi ko.
Pinisil nya ang pisngi ko. “Kita mo, ikaw na ang nanampal ikaw pa ang galit. Ang sweet mo talaga sugar. Mabuti na lang..”
“Aw.. mabuti na lang ano?” Pinalis ko ang kamay nya sa pisngi ko.
Saglit syang nakatitig sa akin at ngumisi. “Mabuti na lang maganda ka.”
Ngumuso ako sa kilig. “Ikaw naman matanda – yah!”
Napatili ako ng ikawit nya ang braso sa leeg ko at kunwaring iniipit ako. Nataranta naman ako dahil dikit na dikit ang katawan namin at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Matanda pala ha. O ano ka ngayon? Sige kumawala ka.” Natatawang sabi nya na lalo pang dinidiin ang malaking braso nya sa leeg ko. Hindi naman masakit yun pero nagwawala na ang puso ko at kakaiba na ang nararamdaman ng katawan ko.
Humawak ako sa malaking braso nyang matigas at pilit iyong tinatanggal. Napansin kong marami ng nakatingin sa amin. Yung isang bouncer nga ay papalapit na sa amin. Baka akala niya sinasaktan na ako.
“Ano ba? Pakawalan mo na ako. Papalapit yung isang bouncer.” Saway ko sa kanya.
Pinakawalan naman nya ako habang natatawa.
Lumayo naman ako sa kanya at pinalo palo sya sa braso. Pero pinatigas lang nya ang braso nya kaya parang ako lang ang nasasaktan dahil parang bato sa tigas ang braso nya.
“Boss, ayos lang ba kayo ni ma’am Jess?” Tanong ni kuyang bouncer.
Inakbayan naman ako ni Atlas. “Ayos lang kami ng sugar ko brad.” Aniya sabay halik sa sentido ko.
Mabilis ko naman syang tinulak.
Ngingiti ngiti namang nagthumps si kuyang bouncer at umalis na.
Muli kong pinalo ng isang beses sa braso ni Atlas.
“Hoy! Nananantsing ka na ha!” Sita ko sa kanya.
“Huu! Kunwari ka pa. Gusto mo rin naman. Isa pa nga.” Nanunuksong sabi nya at akmang aabutin ako. Pero mabilis akong lumayo at tumayo.
“Heh! Dyan ka na nga! Balik na ako sa dressing room.” Sabi ko at iniwan na sya baon ang kilig at nagwawalang puso.
Kailangan ko munang lumayo sa mamang yun na ubod ng gwapo dahil baka tuluyan na akong ipagkanulo ng sarili ko. Wiling wili pa naman ang puso ko sa mga simpleng hirit at hawak nya..
“Napapansin namin parang sobrang close na kayo nung Atlas ha.” Sabi ni Ate Lucille.
Bahagya akong natigilan. Pero di naman ako nagulat na napapansin nila yun. Eh gabi gabi ba namang lagi kaming magkausap ni Atlas.
“Baka kung ano na yan ha.”
Ngumuso ako habang bina-brush ang kilay. “Magkaibigan lang kami Ate Lucille.”
“Pero wala namang masama kung maging kayo. Dalaga ka binata sya.” Dugtong pa ni Ate Lucille na ikinainit ng mukha ko.
“Oo nga, saka wagi ka dun sa Atlas na yun girl. Gwapo na at macho, mayaman pa.” Segunda naman ni Anette na syang naghatid ng meryenda namin dito sa dressing room.
“Kayo talaga kung ano ano ang mga pinagsasabi nyo. Eh wala namang gusto sa akin yung tao.”
“Anong wala? Eh obvious na obvious yung mama na gustong gusto ka.” Sabi ni Ate Lucille.
Kumalabog naman ang dibdib ko.
“Kung ako sayo girl, wag mo ng pakawalan yang si Atlas. Winner ka dyan. Sige ka baka maunahan ka ng iba.” Payo naman ni Anette.
Ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi ni Ate Lucille at Anette. Ayaw kong kunsintihin itong nararamdaman ko dahil baka sa huli mabigo lang ako.
Pero si Atlas ay binibigyan ako ng dahilan para lalong lumawig ang nararamdaman ko sya.
“G-Gusto mo ko?” Di makapaniwalang tanong ko. Ang puso ko at di na mapakali sa loob.
Mapupungay ang mga mata ni Atlas na nakatitig sa akin habang pisil pisil nya ang dalawang kamay kong hawak nya.
“Yes sugar, gusto kita. Gustong gusto kita.”
Chapter 7
Jolene
BINAWI ko ang kamay na hawak ni Atlas. Natigilan sya at rumehistro ang pagkabahala sa mukha.
“H-Hindi mo ko pwedeng magustuhan Atlas.”
Kumunot ang noo nya. “Bakit?”
“D-Dahil magkaiba tayo. Prominte at edukado kang tao samatalang ako bokalista lang dito sa bar. Saka hindi tayo bagay.” Sabi ko. Ang dibdib ko ay tila tinatambol sa lakas ng kabog nito.
Pagak syang tumawa. “Sugar, wala naman akong pakialam sa estado mo sa buhay. Ang importante sa akin ay ikaw. Gusto kita.”
Kumagat labi ako. Gusto ko rin naman sya. Pero natatakot ako.
Bumuntong hininga ako at pinatigas ang mukha. “Pero hindi kita gusto.” Sabi ko sabay iwas ng tingin.
“Di mo ko gusto? Parang di naman yata ako naniniwala dyan.” Nakangising sabi nya.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Nabura naman ang ngisi nya.
“Di nga kita gusto. Wag ka ngang asyumero.” Mataray na sabi ko sabay irap. Pero ang mukha ko ay siguradong namumula na.
“Fine, di mo ko gusto kung yan ang sabi mo. Pero wala akong pakialam. Gusto pa rin kita at walang magbabago dun sugar.”
At mula ng gabing yun ay lagi na nya akong kinukulit sa pagsinta nyang pururut sa akin. Kinikilig naman ako pero di ko lang pinapahalata. Pinapanindigan kong hindi ko sya gusto. Pero nararamdaman kong malapit na rin akong bumigay. Ikaw ba naman gabi gabi kang kinukulit ng isang gwapo, hot at sweet na gaya ni Atlas.
Nagsimula na ring ambunan nya ako ng iba’t ibang regalo na tinatanggihan ko naman. Baka kasi kapag tinanggap ko lalo syang mag-assume na may gusto rin ako sa kanya.
“Hindi ko matatanggap yan Atlas.” Tanggi ko sa gold bracelet na binibigay nya sa akin.
Kumunot ang noo nya. “Na naman? Ayaw mo rin nito?” Disappointed na sabi nya.
“Eh halatang mahal yan eh.” Nakangusong sabi ko.
“Ano ba kasing gusto mo?”
“Pagkain na lang.”
“Pagkain?”
“Oo, nagugutom na ako. Yun na lang ang ibili mo sa akin.” Sabi ko.
Bumuntong hininga sya at pinatong sa ibabaw ng dashboard ng kotse nya ang box ng bracelet.
“Sige na nga, pagkain na lang. Saan mo ba gustong kumain? May bukas pa naman sigurong resto ng ganitong oras.” Aniya ay pinaandar na ang kotse.
Kalalabas ko lang ng bar at talagang hinintay nya ako hanggang mag uwian. Gabi gabi na nga nya akong hinihintay at hinahatid sa may kanto namin.
“Anong resto? Hindi tayo sa resto kakain no. Dun tayo sa may balutan at isawan. Miss ko ng kumain ng balut at isaw.” Para na nga akong naglalaway maisip ko lang ang balut at isaw na sasayad sa bibig ko.
“Balut at isaw? Kumakain ka nun?” Kunot noong sabi nya.
“Oo, masarap kaya yun. Di ka pa ba nakakakain nun?” Taas kilay na tanong ko.
“Yung balut natikman ko na, di ko gusto ang lasa. Pero yung isaw di pa aka nakakatikim nun. Di ba bituka ng manok yun at daanan ng dumi.” Nakangiwing sabi nya.
Umikot naman ang mata ko. Oo nga pala mayaman sya. So malamang sanay sya sa mga sosyal na pagkain at hindi kumakain ng mga ganung klaseng pagkain.
“Oo, pero nililinis naman yun bago lutuin. Pag natikman mo yun maaadik ka sa sarap.” Namimilog ang matang hikayat ko sa kanya.
Ngumiwi sya. “Iba na lang ang kainin natin.”
“Ayoko! Yun ang gusto ko.” Pagmamatigas mo.
Kumamot sya sa ulo. “Oo na, saan ba may nagtitinda nun?” Pagsuko nya.
Tinuro ko naman sa kanya ang daan ng tindahan na nagtitinda noon. Kapag umuuwi ako galing bar ay dumideretso ako minsan doon para bumili. Minsan kasi wala ng ulam sa bahay. Siguro iniisip nila Tita Emie na kumain na ako.
Pagdating namin sa tindahan ay may ilang customer na bumibili at kumakain. Hanggang madaling araw kasi sila nagtitinda. Mas mabenta kasi sa gabi dahil may mga taong panggabi ang trabaho. Gaya naming mga nasa bar.
Bumaba na kami ni Atlas sa kotse nya. Muntik pa akong matawa sa hitsura ni Atlas na parang gustong umatras. Pero dahil gusto nya akong i-please kaya sinunod nya ang gusto ko. At kinikilig ako ng bongga.
Amoy pa lang ng isaw na nakasalang sa grill takam na takam na ako.
“Halika dito.” Hinawakan ko ang kamay ni Atlas at hinila palapit sa estante na may mga nakadisplay na tinusok na lamang loob. May isaw ng manok at baboy, betamax, paa ng manok, ulo ng manok, meron din namang laman ng baboy.
“Ano po sa inyo ser, ma’am?” Tanong ni mamang tindero na may edad na.
“Ah limang isaw manong, tapos limang dugo. Ikaw?” Baling ko kay Atlas.
Kumamot sya sa ulo habang palipat lipat ang tingin sa mga nakadisplay sa estante. Nakakatawa ang hitsura nya. Siguro ito ang desisyon sa buhay nya na hirap na hirap sya.
“Magbarbeque ka na lang.”
Tumango naman sya.
Nagpaihaw na rin ako kay manong ng barbeque para sa kanya. Habang niluluto ang inorder namin ay nilantakan ko muna ang balot. Inaalok ko sya pero ayaw nya talaga.
“Ang kj mo naman. Masarap kaya to. Tikman mo kahit sabaw lang o yung dilaw.” Pamimilit ko sa kanya at inumang ang balot na bukas na.
Kinuha naman nya ang balot sa kamay ko at tinikman ang sabaw. Ngumingiwi pa sya.
“Ang weird talaga ng lasa.” Reklamo nya.
“Weird ka dyan. Sa umpisa lang yan. Masasanay ka rin.”
At tama nga ako. Mukhang nasanay na sya sa lasa. Hindi na nya tinantanan ang sabaw ng balut. Kinain na rin nya yung kulay dilaw ayaw lang nya ng sisiw.
Ng maluto na ang inihaw ay kinain na rin namin. Sarap na sarap sya sa barbeque pati sa sawsawan. Masarap kasi ang sawsawan ni manong. Inalok ko sya ng isaw. Tumikim naman sya.
“Hmm taste weird but not bad.” Aniya na tumatango tango pa. Sya na nga ang nakaubos ng dalawang stick. Kaya nagpaihaw pa ulit kami kay manong.
“Ano, nagustuhan mo ba yung isaw?” Natatawang tanong ko. Nasa loob na kami ng kotse at ihahatid na nya ako sa amin.
“Oo, di naman pala masama ang lasa.” Natatawa ring sabi nya habang nagmamaneho.
“Sabi ko sayo eh.”
Sa buong durasyon ng byahe namin ay puro kami kwentuhan at tawanan na may kasamang asaran. Nagtatanong din sya tungkol sa pagaaral ko kung hindi ba ako nahihirapan na sa araw ay ay nagaaral ako at sa gabi naman ay nagtatrabaho. Mahirap pero kailangan kayanin para sa kinabukasan ko. Nagbiro pa nga sya na kapag naging kami daw ay sasagutin nya ang pagaaral ko at hindi ko na daw kailangan magtrabaho sa bar. Susustentuhan nya raw ako. Pangarap nya yatang maging sugar daddy. Pero hindi naman ako ang tipong mahilig umasa sa ibang tao. Mas gusto ko yung sariling pagsisikap ko para walang masabi ang iba.
“Dito na ko.” Sabi ko ng makarating na kami sa kanto.
Hininto naman nya ang kotse.
Tinanggal ko ang seatbelt.
“Hatid na kaya kita sa inyo.” Presinta nya at akmang magtatanggal din ng seatbelt.
“Hindi na.” Pigil ko sa kanya. “Mag a-alas dos na ng umaga kailangan mo na ring umuwi. May trabaho ka pa bukas di ba?”
“Sandali lang naman kita ihahatid. Dyan lang naman sa inyo di ba?” Sabi nya at sumilip pa sa labas.
“Oo nga, kaya hindi mo na ako kailangan ihatid.” Natatawang sabi ko at sinukbit na sa balikat ang shoulde bag.
Bumuntong hininga naman sya.
“Bababa na ako. Kita na lang tayo bukas at salamat sa libre.” Sabi ko at hinawakan ang pinto ng kotse. Pero hindi ko pa ito napipihit ay hinawakan nya ako sa braso at bahagyang hinila. Napasinghap ako ng dumampi ang mainit nyang labi sa gilid ng labi ko.
“Good night sugar. See you tomorrow.” Malambing na sabi nya.
Dahil sa gulat ay hindi ako nakapagsalita at tumango na lang. Nanginig pa ang kamay ko habang tinutulak ko ang pinto ng kotse pabukas. Kumaway ako sa kanya habang papasok sa eskinita na hindi naman kakitiran. Bumusina muna sya bago pinausad ang kotse paalis.
Naghintay muna ako ng ilang minuto bago lumabas sa eskinita. Di naman talaga doon ang bahay ko kundi sa kabilang kanto pa. Ayokong ihatid nya ako doon sa pagaalalang baka puntahan nya ako don magulat pa ang mga tiyahin at tiyuhin ko at kung ano na naman ang isipin.
Pagdating ko sa bahay hanggang sa makahiga na ako sa kwarto ko ay hirap akong makatulog dahil sa mapangahas na halik sa akin ni Atlas. Kaya kinabukasan puyat ako.
PUPUNGAS pungas na lumabas ako ng kwarto dala ang mga damit ko. Kailangan ko ng maligo dahil baka malate ako sa school. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi.
Eh kasi naman si Atlas masyadong maharot. Napapansin ko lately masyado na syang nagiging touchy at clingy sa akin at nasasanay ng humahalik sa pisngi ko. Feeling jowa sya. Ako naman kilig na kilig at di sya sinasaway. Eh nasanay na rin ako eh.
“Jolene, mabuti naman at gising ka na.”
Natigilan ako at lumingon kay Tita Emie na nakatikwas ang kilay. Alam ko na kapag ganito ang hilatsa ng mukha nya.
“Bakit po tita?”
“Ano tong nabalitaan ko dyan sa may kabilang kanto na may naghahatid sayong nakamagarang kotse ng hatinggabi? Naglalandi ka ba?” Mataray na sita sa akin ni Tita Emie.
“Hindi po tita, kaibigan ko lang po yun at regular customer sa resto. Hinatid lang po ako dahil medyo mahirap sumakay ng hatinggabi.” Katwiran ko.
Sino naman kaya ang makati ang dila na nagtsismis kay Tita Emie. Nagiingat na nga ako nahuli pa.
“Ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay Jolene ha. Hindi nagpapakakuba ang nanay mo sa factory sa Taiwan para sayo tapos maglalandi ka lang.”
Kamuntikan ng umikot ang mata ko. Parang gusto kong sumabat na nagpapakakuba si mama para sa kanila hindi para sa akin. Sila ang mas nakikinabang hindi ako.
“Ano ba yan Ate Emie! Ang aga aga ang ingay ingay mo!” Reklamo ni Tito Rene na natutulog sa sofa. Sa hitsura nya ay halatang lasing sya kagabi. Bunso syang kapatid ni mama at walang trabaho pero may asawa at anak. At kanino pa ba aasa? Eh di kay mama. Panggatas at pangdiaper ng anak nya ay kay mama nakaasa. Pati panginom nya.
“Ito kasing pamangkin mo! Naglalandi na yata. Aba’y may naghahatid na nakakotse.”
“Hayaan mo sya. Natural lang yan sa edad nya. At least nakakotse ang nilalandi nya ibig sabihin mayaman. Basta Jo, kapag nagpabuntis ka sa mayaman siguraduhin mong may mahihita ka ha. Kapag wala at umuwi kang iiyak iyak sinasabi ko sayo kakalbuhin kita.” Sabi ni Tito Rene na may halong banta.
Hindi na lang ako sumagot at nag excuse na lang sa kanila na pupunta ng banyo para maligo. Di ko sila matagalan kaharap. Minsan nagtatanong ako kung bakit sila pa ang naging kamag anak ko.
Nagmadali na akong maligo para makaalis na ng bahay. Sa labas na lang ako kakain.
“Jo!”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ang pinsan kong si Leah. Pinsan ko sya sa side ni papa. Kapatid ni papa ang mama nya.
Tumawid si Leah sa kabilang kalsada at lumapit sa akin. Mukhang pupunta sya ng tindahan.
“Leah, kailan ka pa dumating?” Masayang bati ko. Mas matanda sya sa akin ng dalawang taon pero sobrang close kami.
“Kahapon lang pero babalik din ako bukas sa Maynila. Tatlong araw lang ang paalam ko sa amo ko.”
Sa Manila nagtatrabaho si Leah. Namamasukan sya bilang tindera sa karinderya doon. Dalawang taon na sya sa Manila at kung ano ano na ang trabahong pinasok nya. High school lang ang natapos nya at hindi na sya kayang pag aralin ng mga magulang nya na kapwa magsasaka. Sya ang laging ginagawang halimbawa ni mama sa akin. Magtapos daw ako ng pagaaral kung ayaw ko daw matulad sa kanya. Minsan gusto kong sagutin si mama na; mas mainam pa nga si Leah na marunong magbanat ng buto kesa sa mga kapatid nya na may sarili ng pamilya sa kanya pa rin nakaasa.
“Ang bilis naman. Di tayo makapagbonding.”
“Ganun talaga. Kailangan kong kumayod. Si papa may kumplikasyon na sa bato. Eh ikaw kamusta na? Nag aaral pa rin ba?”
“Oo naman. Pero nagtatrabaho ako sa gabi.”
Kumunot ang noo nya. “Anong trabaho?”
Pasimpleng luminga ako sa paligid. “Bokalista ako sa bar.” Pabulong na sabi ko.
“Sa bar ka nagtatrabaho?” Bulalas nya.
“Shh, hinaan mo lang boses mo. Baka may makarinig itsismis na naman kay Tita Emie. Oo sa bar ako nagtatrabaho bilang bokalista. Pero ang alam nila mama at tita sa resto ako nagtatrabaho bilang waitress. Wag mong sasabihin sa kanila ha.”
Tumango tango sya. “Eh bakit naman naisipan mong magtrabaho insan? Hindi ba sapat ang pinapadala ni Tita Jona? Malaki ang pinapadala nya buwan buwan di ba?”
Sumimangot ako. “Malaki nga, halos barya lang naman ang napupunta sa akin. Alam mo na.”
“Dahil napupunta lahat sa mga kapatid at pamangkin ng mama mo. Pasintabi sa sasabihin ko insan ha. Pero ang kakapal ng mga mukha ng mga tiyahin at tiyuhin mo sa side ng mama mo. Sa bahay nyo na nga sila tumirang lahat tapos parang ikaw pa ang nawalan ng karapatan.” Inis na sabi ni Leah. Saksi sya sa mga hindi magandang karanasan ko sa mga kamaganak ko sa side ni mama.
“Alam ko yan insan. Pero anong magagawa ko? Kaya nga nagsasariling sikap ako.” Pagkikibit balikat ko.
Kung hindi lang ganun ang sitwasyon ko eh di sana hindi ako nagtatrabaho sa gabi sa bar. Hindi ko makikilala si Atlas.
May pagtutol sa puso ko sa isiping yun.
Pasensya na kung very slow ang update. Di kasi maganda ang pakiramdam ko lately. Dalawang araw pa akong nilagnat. Pero ngayon medyo ok ok na ako. Kailangan ko lang siguro ng pahinga.
Chapter 8
Jolene
PUMASOK ako sa bar ng wala sa mood at nakasimalmal. Paano ba naman tumawag kanina si mama para sermonan ako dahil sa sumbong ni Tita Emie na may lalaki na raw ako at naglalandi na. Kung ano ano pang dagdag kwento ang sinusumbong. Nakakaloka talaga ang tiyahin ko na yun.
“O bakit mukhang nalugi ang hitsura mo?” Tanong ni Anette.
Bumuntong hininga ako habang binubuksan ang bote ng mineral water.
“Wala lang ako sa mood Anette.”
“Aba’y hindi pwede yan girl. Dito ka sa bar nagtatrabho kailangan lagi kang nasa mood kapag kaharap ang mga customer.” Paalala sa akin ni Anette.
“Alam ko yun Anette. Wag kang mag alala mamaya magiging ok din ako. Sige sa dressing room muna ako.” Paalam ko sa kanya.
Pumunta na ako sa dressing room. Nandun na ang banda at si Ate Lucille. Binati nila ako. Ngumiti Naman ako sa kanila. Pinilit kong maging normal ang mood sa harap nila para hindi na nila ako usisain kung bakit ako nakasimalmal.
Kahit ng nasa stage na ako ay pinipilit kong maging lively sa harap ng mga customer. Pero tuluyan talaga akong naging lively ng dumating na si Atlas. Ngumiti sya at kumaway sa akin at umupo na sa paborito nyang pwesto. Mamaya ay lilipat kami sa laging pwesto naming dalawa. Bakit kaya ngayon lang sya?
“Bakit ngayon ka lang ha?” Sita ko kay Atlas sabay palo sa braso nya.
Ngumisi naman sya. “Miss mo ko no?”
Ngumuso ako. “Miss ka dyan. Bakit nga ngayon ka lang?” Umupo na ako sa tabi nya sabay dampot ng tinidor at tumusok ng sisig.
“Lumuwas kasi ako kanina kakarating ko lang.” Aniya na nakatingin sa akin.
“Kararating mo lang? Dito ka agad dumiretso?”
Tumango sya at sumimsim ng alak sa baso nya.
Natigilan naman ako. “Eh bakit dito ka pa dumiretso dapat umuwi ka muna sa inyo para magpahinga.”
“Tapos ano? Magagalit ka sa akin dahil di mo ko nakita dito? Ayokong magalit ang girlfriend ko.”
Pinalo ko sya ulit sa braso kasabay ng pagiinit ng mukha ko. “Girlfriend ka dyan?”
Tumawa sya. “Hindi ba kita girlfriend?”
“Hindi no! Asyumero ka.”
Inakbayan nya ako at kinabig sabay halik sa ulo ko. Kumalabog naman ng husto ang dibdib ko. Bago ko pa sya itulak ay pinakawalan na nya ako habang malawak ang ngiti sa labi.
“Sobra kasi kitang namiss buong araw kaya dito na ako dumiretso.”
Ngumuso ako pero ang puso ko ay di na mapakali at parang itong kinikiliti.
“Talaga lang ha.”
“Di ka naniniwala? Gusto mo patunayan ko sayo?”
Tinaasan ko sya ng isang kilay. “Ano namang patunay yan?”
“Kiss.” Aniya sabay nguso.
Naginit na naman ang mukha ko. “K-Kiss ka dyan.”
“Uy, namumula sya.” Panunukso nya sabay sundot ng daliri sa pisngi ko.
Pinalis ko naman ang daliri nya. “H-Hindi no! Blush on yan.” Tanggi ko.
Tumawa lang sya na lalong ikinainit ng mukha ko. Siguradong pulang pula na ito at nakikita nya kaya tumatawa sya. Pero infairness masarap talaga sa tenga ang tawa nya at nakakagaan sa pakiramdam.
Napangiti na rin ako. Ewan ko ba gumaganda talaga ang mood ko kapag kasama ko sya. Iba na talaga ang tama ko sa kanya. Alam ko hindi na simpleng crush to. Nahuhulog na ako sa kanya.
“Pero seryosong tanong sugar, nahalikan ka na ba?” Tanong ni Atlas.
Sinamaan ko sya ng tingin. “Seryosong tanong talaga yan?”
“Seryoso nga.”
Tinantya ko ang hitsura nya. Mukhang seryoso naman sya sa tanong. Titig na titig pa sya sa akin.
“Hindi pa. Never pa naman akong nagkaboyfriend kaya wala pang nakakahalik sa akin. Boyfriend ko lang ang pwedeng humalik sa akin – hmp.” Nanlaki ang mata ko ng dumampi ang labi nya sa labi ko. Hinawakan pa nya ang batok ko at diniin ang labi.
Hindi naman magkamayaw sa malakas na pagkabog ang dibdib ko. Parang may naghahabulang daga sa loob.
Mabilis ko syang tinulak at luminga linga. Walang nakatingin sa amin at busy ang lahat sa pag inom at pakikinig kay Ate Lucille na kumakanta sa stage. May kadiliman din dito sa pwesto namin. Pero di pa rin ako nakakasiguro na walang nakakita sa amin.
Namimilog ang matang muli kong hinarap si Atlas na ngayon ay ngiting ngiti. Tuwang tuwa sya sa ginawa at heto nga’t napapakagat labi pa.
“B-Bakit mo ko hinalikan?” Nauutal na tanong ko.
“Sabi mo boyfriend mo lang ang pwedeng humalik sayo.” Nakangising sabi nya.
“Oo nga! Boyfriend ba kita?” Sikmat ko sa kanya. Naisahan na naman nya ako.
“Hindi pa ba? Pero kanina nagalit ka kasi late na ako dumating. Akala ko boyfriend mo na ko eh.”
Nagliliyab ang mukha sa init at nanggigigil na pinagpapalo ko sya sa braso at pinagkukurot. Tawa naman sya ng tawa.
“Ang kapal mo talaga! Ang kapal kapal mo!” Naiinis na sabi ko.
Ngayong hindi ko pa sya boyfried ganito na sya pano pa kaya kapag naging kami na. Baka malala pa ang gawin nya. Naglevel up na sya sa paghalik sa akin. Tuso talaga sya.
Sa lumipas na mga gabi ay nararamdaman kong seryoso talaga si Atlas sa akin. Ramdam kong gustong gusto nya ako. Pasensyoso sya sa akin at malambing. Hindi ko din sya nakikitang tumingin sa ibang babae. Lagi din nya akong binibigyan ng regalo pero sa lahat ng regalong binigay nya ay ang kwintas lang ang tinanggap ko tanda din na sinasagot ko na sya.
Oo, opisyal ng kami. Ayoko na rin syang pakawalan. Baka masungkit pa sya ng iba magsisi pa ako.
PARANG nagakyatan ang dugo ko sa ulo ng pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay tumambad sa akin ang wala sa ayos kong drawer.
Pumasok ako at binaba ang bag sa kama. Nilapitan ko ang drawer. Lahat ng racks wala sa ayos ang pagkakasara at magulo ang mga nakatupi kong damit. Ang ayoko sa lahat ay magulo ang mga gamit ko lalo na ang mga damit ko. Halatang may nangialam sa mga damit ko at alam ko naman kung sino yun. Ang pinsan kong si Ella na anak ni Tita Emie. Ang pinsan kong pakialamera at inggitera. Ayoko sa lahat ay pinapakialaman ang mga gamit ko.
Lumabas ako ng kwarto na parang susugod sa gyera.
“Ella! Ella!” Galit na tawag ko sa pinsan.
Lumabas sa kusina si Tita Emie na kunot ang noo.
“Ano ba yan Jolene at sumisigaw ka? Bakit mo ba hinahanap ang pinsan mo?” Nakapamewang na tanong ni Tita Emie.
Humugot ako ng malalim na hininga para kalamayin ang sarili.
“Pinakialaman po ni Ella ang mga gamit ko sa kwarto. Gulo gulo po ang damitan ko.”
Tumaas ang kilay ni Tita Emie. “Nakakasiguro ka ba na pinakialaman ng pinsan mo ang mga gamit mo? Lagi mo na lang pinagbibintangan ang pinsan mo ah.”
“Hindi po ako namimintang Tita Emie. Ilang beses ko ng nahuhuli si Ella na pinakikilaman ang gamit ko kahit nga kayo nahuhuli nyo rin eh.” Di nakatiis na sagot ko. Nagagalit na ako. Sumusobra na ang pinsan ko.
“Aba’t – “
“Ano bang meron at kung makatawag ka naman sa akin Jo para kang nasa bundok?” Biglang sulpot ng pinsan kong si Ella.
Nakumpirma ang hinala ko na pinakialaman nga nya ang gamit ko ng makita kong suot nya ang bagong dress na inorder ko pa sa online at hindi ko pa nasusuot.
“Bakit mo suot yang dress ko?” Inis na sita ko sa pinsan.
Ngumuso si Ella. “Parang hinihiram lang naman. Saka mas bagay kaya sa akin to.” Umikot ikot pa sya.
Lalo akong nabuwisit sa sinabi nya. “Hiniram? Nagpaalam ka ba sa akin? Ginulo mo pa ang drawer ko. Hubarin mo nga yan!”
“Ayoko nga! Suot ko na eh ipahuhubad mo pa. Saka may lakad ako mamaya no.”
Ang kapal talaga ng mukha. “Sinabi ng hubarin mo na yan eh!” Di na ako nakatiis at nilapitan ko na sya. Pilit kong hinuhubad sa kanya ang dress ko.
“Ano ba! Bitawan mo nga ko!”
“Hubarin mo na sabi!”
“Ayoko nga! Aray!” Daing ng pinsan ko ng aksidenteng makalmot ko ang braso nya.
“Ano ba yan Jolene! Bitiwan mo nga yang pinsan mo!” Saway sa akin ni Tita Emie.
Pero di ako nakinig at pilit hinuhubad ang damit sa katawan ng pinsan. Nakikita na ang tela ng bra nya na parang pamilyar sa akin.
“Pati bra ko sinuot mo? Ang kapal talaga ng mukha mo!” Sa galit ko ay sinampal ko sya. Tinulak naman ako ni Tita Emie sabay sampal din sa akin.
Sinapo ko ang pisngi.
“Anong karapatan mo na saktan ang pinsan mo ha? Parang damit at bra lang nagkakaganyan ka! Ang damot damot mo!” Tungayaw ni Tita Emie. Si Ella ay ngingisi ngisi pa habang inaayos ang suot na dress ko.
Galit naman tumingin ako sa tiyahin. “Ako madamot Tita Emie? Talaga po ba? Kung madamot ako eh di sana di ako pumayag na dito kayo tumira nung tanungin ako ni mama. Kung madamot ako eh di sana hindi ako pumapayag na makiamot kayo sa padalda ni mama. Mas malaki pa nga ang nakukuha nyo sa padala ni mama kesa sa akin na anak eh. Pambili ng lahat luho nyo galing kay mama sa akin wala ng natitira. At ako pa talaga ang madamot. Wow! Ang galing!”
“Sinusumbatan mo ba ako?” Sikmat ni Tita Emie na halata na ang galit sa mukha. Alam kong handa na rin syang saktan ako ulit.
Ang puso kong punong puno na ng hinanakit ay hindi na makatiis. Sa oras na saktan nya ulit ako ay lalaban na ako.
“Hindi ako nanunumbat tita, nagsasabi lang ako ng totoo.”
Tumaas ang kamay nya at sasampalin ako pero mabilis kong sinalag ang braso nya.
“Ano sasaktan nyo ulit ako? Wala kayong karapatan na saktan ako. Di nyo ko anak, di ko kayo ina lalo na sampid lang kayo dito. Kung tutuusin kayang kaya ko kayong palayasin dito sa bahay. Ang kakapal ng mga mukha nyo.” Sabi ko sa kanilang mag ina sabay talikod. Alam kong masama ang sumagot sa nakakatanda. Pero sumusobra na sila. Mga abusada.
“Walanghiya kang bata ka! Ang galing galing mo ng sumagot! Walang modo! Bumalik ka rito!” Tungayaw ni Tita Emie.
“Ma, hayaan mo na si Jolene baka tuluyan tayong palayasin nyan.”
“Anong palayasin? Kapatid ko ang nagpatira sa atin dito wala syang karapatan na palayasin dito anak lang sya. Mamaya isusumbong ko sya kay Jona.”
Pagpasok ko sa kwarto ay kinuha ko ang bagpack na ginagamit ko papuntang bar. Nilagay ko doon ang mga susuotin ko sa bar mamaya. Gusto kong lumayo muna dito sa bahay para makalanghap ng ibang hangin.
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang inaayos ko ang mga gamit ko. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa galit.
Tumayo ako ng tuwid at pumikit ng mariin sabay hugot ng malalim na hininga. Paulit ulit ko yung ginawa para ikalma ang sarili. Umepekto naman. Pero di pa rin naaalis ang inis ko.
Kinuha ko ang cellphone at wallet ko sa shoulder bag at nilagay sa bagpack. Nakita ko naman sa bulsa ng bag ang kwintas na binigay sa akin ni Atlas noong isang linggo. Kinuha ko ito at nilagay sa box nito. Nilagay ko rin ito sa bagpack. Mahirap ng iwan dito sa kwarto dahil baka paginteresan pa ng walang hiya kong pinsan. Ang mahal mahal pa naman nito.
Ng maayos ko na ang mga gamit ko sa bagpack ay lumabas na ako ng kwarto at nilock ito. Hindi na ako nagpaalam kay Tita Emie dahil naiinis pa rin ako. Nadaanan ko naman sa sala si Ella na nagsecellphone. Ng makita nya ako ay inirapan pa nya ako.
Huminto ako saglit sa harapan nya. “Irap irap ka pa. Wala ka bang hiya sa katawan? Kunsabagay makapal pala ang mukha mo.” Sabi ko sabay irap at labas ng bahay.
Mag a-alas sais pa lang ng gabi, masyado pang maaga para pumasok sa bar. Eight thirty ang pasok ko doon. Pwede naman akong tumambay doon pero mabuburyong lang ako. Kung pupunta naman ako sa kanila Leah ay siguradong uusisain ako ng tiyahin at tiyuhin ko. Ayokong ikwento sa kanila ang nangyari sa bahay magaalala lang sila sa akin.
Bumuntong hininga ako at nilapag ang cup ng smooth ice cream na kinakain ko. Naubos ko na ang mga inorder ko. Nandito ako sa isang fast food chain. Dito ako dumiretso mula sa bahay.
Tawagan ko kaya si Atlas.
Dinukot ko ang cellphone sa bagpack at dinial ang numero ni Atlas. Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang ring.
“Hello sugar.”
Napakagat labi ako ng marinig ang boses nya kasabay ng paglagabog ng malakas ng dibdib ko. Kahit sa cellphone ang ganda pa rin ng boses nya. Malaki na medyo magaspang at swabeng swabe.
Tumikhim ako. “Nasaan ka?”
May naririnig akong ibang ingay sa kabilang linya. Ingay na parang may nagbabarena, mga kalansing ng metal at mga naguusap na mga tao. Mukhang may ginagawa pa sya. Mag ga-gabi na pero nasa trabaho pa rin sya.
“Nandito ako sa site sugar.”
Ngumuso ako. Medyo nasasanay na ako sa endearment nya sa aking sugar. Wala na akong magagawa yun ang gusto nyang itawag sa akin.
“Hmm sige, tapusin mo muna yang ginagawa mo.”
“Wait, may problema ba?”
Bumuntong hininga ako. Sa mga oras na to sya lang ang taong gusto kong makausap at makasama.
“Wala naman, napatawag lang ako.”
“Kakalabas mo lang sa school? Nasaan ka?”
Napangiti ako sa lambing ng boses nya.
“Oo nakalabas na ako ng school. Nandito ako sa bayan.”
“Saan sa bayan?”
Sinabi ko naman ang eksaktong lokasyon ko.
“Hintayin mo ko dyan.”
“Ha? Wag na. Sa bar na lang tayo magkita mamaya.” Pero wala na akong narinig sa kabilang linya. Pinatay na pala nya.
Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko at naexcite na dumating na sya. Palinga linga ako ngayon sa labas ng fast food chain habang nililigpit ang kalat ng pinagkainan ko at nilagay sa tray.
At wala pa ngang kinse minuto ay natanaw ko na ang kotse ni Atlas na pumasok sa parking area ng fast food chain. Tumayo na ako at sinukbit ang bagpack. Lumabas ako ng establishment at sinalubong na sya na kababa lang ng kotse. Napansin kong maraming nakatingin sa kanya. Kahit sino naman mapapatingin sa kanya. Namumukod tangi sya eh.
“Hey sugar.” Bati nya sa akin at kinintalan ako ng halik sa noo.
“Bakit pumunta ka pa? May trabaho ka pa di ba?”
Ngumisi sya. “Ayos lang, hawak ko naman ang oras ko. Saka first time na ikaw ang unang tumawag sa akin eh.”
Ngumuso ako. Totoo yun. Ito ang unang beses na ako ang unang tumawag sa kanya. Madalas kasi sya ang laging tumatawag.
“Tara.” Aya ko sa kanya.
“Saan tayo pupunta?”
“Kahit saan.” Sabi ko at umikot sa kabilang pinto ng kotse para sumakay.
“Kahit saan kita dalhin ok lang?” Tanong nya na may nanunuksong ngiti sa labi.
“Oo nga. Bilisan mo na.”
“Yes po ma’am.” Ngiting ngiting bumalik na sya sa kotse para pagbuksan ako ng pinto.
Chapter 9
Jolene
NAPAAWANG ang labi ko ng pumasok kami ni Atlas sa isang bungalow type na bahay. Hindi ito kalakihan pero moderno ang style. Kumpleto sa gamit sa loob at halatang mamahalin. Malamig pa dahil sa buga ng aircon. First time kong makapunta dito. Ang ganda ng bahay. Ganitong bahay ang gusto ko. Yung hindi masyadong malaki.
“Dito ka pala nakatira?” Sabi ko.
“Dito ako tumutuloy kapag nandito ako sa Zambales. Like it?”
Tumango tango ako habang nililibot ang mata sa loob ng kabahayan. Nagpresinta naman syang i-tour ako. Dalawa ang kwarto ng bahay. Ang isa na malaki ay ang kwarto nya na may sarili pang banyo. Lalaking lalaki ang design ng kwarto nya lalo na sa kulay at amoy. Ang lambot din ng kama. Ang sarap mahiga.
“Kumain ka na ba?” Tanong nya.
“Kumain na ako kanina sa fast food.”
“Tss, fast food ang kinain mo?” Umiling iling sya. Halatang di natutuwa na fast food ang kinain ko. “Mag o-order na lang ako ng pagkain, kumain ka ng matino.”
Hinayaan ko na lang sya at binagsak ang katawan sa kama nya. Tama nga ako. Ang sarap mahiga dito.
Pinikit ko ang mata habang naririnig ko ang boses nya na umo-order ng pagkain sa kabilang linya.
Maya maya pa ay naramdaman kong lumundo ang kama. Dinilat ko ang mata. Nakaupo sya sa gilid ko at nakatunghay sa akin ang mapupungay nyang mata.
“Tired?” Malambing na tanong nya at inabot ang pisngi ko at hinaplos. Hinawakan ko naman ang kamay nya.
“Medyo, marami kaming ginawa sa school eh.”
“Aw, wawa naman ang sugar babay ko.” Pagbebeybi talk nya sa akin.
Sumakay naman ako pabebeng inusli ko ang nguso.
Tumawa naman sya at pinisil ang nguso ko.
“Hindi ka pa ba umuuwi sa inyo? Baka hanapin ka ng tita mo.”
Bumuntong hininga ako. “Umuwi na ko, umalis lang ako ulit.”
Saglit syang hindi nagsalita at nakatingin lang sa akin. “May problema ba?”
Bumungon ako at umupo sa tabi nya. “Normal lang naman sa isang pamilya na magkaroon ng problema. Gusto ko lang lumayo muna ng kaunti para naman makapag isip isip.”
Tumango tango sya. “Tama ka naman dyan.”
Tumayo sya at tinungo ang isang drawer. Binuksan nya yun at may kinuha. Bumalik sya ng upo sa tabi ko.
“Here.” Inabot nya sa akin ang isang susi.
Kunot noong kinuha ko iyon. “Ano to?”
“Duplicate ng susi yan nitong bahay. Binibigay ko sayo. Pwede kang pumunta dito anumang oras kapag gusto mo ng space sa pamilya mo.”
“Talaga? Pwede akong pumunta dito kahit anong oras?”
Tumango tango sya at ngumiti.
Napangiti na rin ako. Gusto ko nga tong bahay nya. Medyo malayo sa amin.
“Thank you Atlas.” Sumandig ako sa balikat nya at yumakap sa kanyang braso.
“You’re welcome sugar.” Anas nya at hinalikan ang ulo ko.
Ng dumating ang pagkain na inorder nya ay sabay na kaming kumain. Kahit busog pa ako ay pinilit kong kumain dahil nagagalit sya. Wala daw akong matinong kain at hindi daw maganda na fast food lang ang laman ng tiyan ko. Asikasong asikaso nya ako dito sa bahay nya. Hindi nga nya ako pinapakilos. Sya ang nagligpit ng pinagkainan namin at naghugas. Dito na rin ako sa bahay nya naligo at nagbihis. Sabon at shampoo nya ang ginamit ko kaya ayan magkaamoy na kami. Tuwang tuwa naman sya at pinanggigilan na naman ako. Ang sabi nya ibibili daw nya ako ng personal kong hygiene para may magamit ako dito sa bahay nya.
Sabay na rin kaming dalawa na pumunta ng bar.
“Bakit sabay kayong dalawa ni Atlas dumating? Saan kayo galing? Nagmotel kayo no?” Malisyosang tanong ni Anette. Nakita nya kasing bumaba ako sa kotse ni Atlas.
“Uy hindi ah! Nagsabay lang talaga kaming pumunta dito. N-Nadaanan nya ako sa kanto namin.” Nakangusong sabi ko.
Ayokong sabihin na galing ako sa bahay ni Atlas. Siguradong iba ang iisipin nya. Saka di pa nya alam at ng mga kasamahan ko dito na kami na. Sinisekreto ko muna dahil baka makalabas ang balita at malaman pa sa bahay eh di lalong yari ako.
“Ok sabi mo eh.” Ani Anette pero obvious namang di sya naniniwala sa sinabi ko.
Pinagkibit balikat ko na lang at sinulyapan si Atlas na nakaupo sa counter. Tumingin sya sa akin. Kumaway naman ako sa kanya at pumunta na sa dressing room.
Mainit at mapusok ang halik na pinagsasaluhan namin ni Atlas sa loob ng kotse. Tanging tunog ng malilikot naming labi ang maririnig sa loob ng kotse. Nakakandong ako patagilid sa kanya habang nakahawak sa balikat sya. Sya naman ay nakahawak ang isang kamay sa likod ko habang ang isang kamay naman ay humihimas sa hita ko. Sa kabila ng suot kong pantalong maong ay ramdam ko ang init ng kanyang kamay.
“Mm.” Napadaing ako ng bahagya nyang kagatin ang ibabang labi ko sabay sisip nya. Syempre hindi rin ako nagpatalo.
Noong unang halikan namin ay hindi ko alam kung ano ang gagawin noon. First time ko eh. Pero sabi nya gayahin ko lang daw ang ginagawa nya. Kaya heto ako ngayon feeling expert na.
“Hmm sweet..” Anas nya ng maghiwalay ang labi namin.
Bahagyang habol ko pa ang hininga samantalang sya ay parang wala lang. Halatang legend na sa halikan. Basta ba ako na lang ang hahalikan nya ngayon. Dahil kapag nahuli kong may iba pa syang hinahalikan, hahalik din sya sa kamao ko.
Napakagat labi ako ng ang panga ko naman ang pinapak nya ng halik pababa sa leeg. May kakaibang kiliti akong nararamdaman. Nararamdaman ko rin ang pagtaas ng temperatura ng katawan ko. Para akong lalagnatin na hindi naman. Lagi ko itong nararamdaman kapag magkadikit kami na gaya nito at pinagsasaluhan namin ang mainit na halik.
“You smell so good sugar hmm..” Sinisinghot singhot na nya ang leeg ko.
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Mabuti na lang malinis ako sa katawan.
Humugot sya ng malalim na hininga at nag angat ng tingin sa akin. Mapupungay ang mga mata nya. Hinaplos haplos ko naman ang pisngi nya. Masarap sa palad ang pagkiskis ng mga papatubo nyang balbas.
“Parang ayaw na kitang iuwi sa inyo. Pero hindi naman pwede.” Usal nya.
Kumagat labi ako. Ayoko ring umuwi sa amin. Hindi pa rin kami ok ni Tita Emie.
“Ayoko ding umuwi. Doon muna ako matutulog sa bahay mo.”
Napaawang ang labi nya sa sinabi ko. “Gusto mong sa bahay ko matulog?”
Tumango ako.
“Sigurado ka?”
“Oo nga. Doon muna ako.”
Saglit nya akong tinitigan na parang tinatanya ako.
“Fine, sa bahay ka matutulog.”
Sinusundan ng tingin ni Atlas ang bawat galaw ko at parang takang taka sya. Kumuha kasi ako ng bed cover, unan at kumot sa cabinet nya. Kinokoberan ko ang makapal na kutson dito sa kabilang kwarto. Pinagpag ko pa ang unan at kumot. Malinis naman ang kwarto at hindi maalikabok. May aircon din.
“Anong ginagawa mo sugar?” Tanong ni Atlas na parang takang taka sa ginagawa ko.
“Inaayos ang tutulugan ko.”
“Dito ka matutulog?”
“Oo, saan ba dapat?”
“Akala ko ba tabi tayo?”
Tumaas ang kilay ko. “Wala akong sinabing tabi tayo ha.”
Namaywang sya at humugot ng hininga sabay kamot sa ulo.
“Oo nga, pero sigurado ka dito ka matutulog.”
“Oo nga.” Umayos na ako ng pwesto sa kama at nagkumot na.
“Ikaw ang bahala. Kapag may narinig kang parang may umiiyak na babae sa banyo wag mo na lang pansinin.”
Napabalikwas ako ng bangon. “May umiiyak na babae sa banyo?” Tumingin ako sa saradong pinto ng banyo.
“Kapag gabi, kapag walang tao dito sa kwarto. Sabi sabi kasi ng mga dating tumira dito may umiiyak nga daw na babae sa banyo tuwing gabi kapag tulog na ang mga tao. Pero wala namang tao sa banyo.”
Kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Matiim kong tiningnan si Atlas dahil baka jinojoketime lang nya ako. Pero seryoso ang mukha nya.
Tumayo na ako sa kama at kinuha ang unan at kumot.
“Doon na lang ako sa kwarto mo matutulog.” Sabi ko at nauna ng lumabas ng kwarto.
Malaki ang kama ni Atlas. Nagmumukha lang maliit dahil malaking tao sya.
Nakaunan ako sa braso nya habang sya naman ay nakayakap sa bewang ko. Hindi ito ang unang beses na magkadikit ang katawan namin at nasasanay na ako. Kumportable na nga ang pakiramdam ko kapag nakadikit sa kanya. Pero ito ang unang beses na magtatabi kami sa pagtulog at medyo may kaba ako. Mabilis din ang tibok ng puso ko.
“Tulog ka na sugar may pasok ka pa bukas.” Bulong nya sa tenga ko.
“Good night.”
“Night sugar.” Anas nya at tinaniman ng halik ang ulo ko sabay higpit ng yakap sa akin.
Naging madalas na ang pagpunta at pagtulog ko sa bahay ni Atlas. Kapag wala akong pasok sa school ay doon ako pumupunta. May mga damit na nga ako doon. Pero kahit madalas akong matulog doon ay wala namang kaming ginagawa ni Atlas. Magkatabi lang kaming matulog pero madalas kaming maghalikan. Adik kasi sya sa halik. Pero ramdam ko minsan gusto nyang may mangyari sa amin. Nagpipigil lang sya sa sarili. Pero alam ko sa sarili ko na kapag inaya nya ako na gawin ang bagay na yun ay hindi ako tatanggi.
Minsan parang ayoko ng umuwi sa amin. Ayoko lang mag aalala ng sobra si mama. Lagi na kasi kaming nagsasagutan ni Tita Emie. Lagi din akong nasesermunan ni mama dahil sa mga sumbong ni Tita Emie. Minsan nagtatampo na rin ako kay mama dahil mas kinakampihan nya at pinapaniwalaan ang kapatid.
Sa isang buwan ng relasyon namin ni Atlas ay hindi sya nagbago sa pakikitungo sa akin. Yun nga lang ay mas naging overprotective sya sa akin at sobrang seloso. Muntik na nga syang mapaaway sa bar ng may isang lalaking lasing na tinawag akong baby at nanghihingi ng kiss. Mabuti na lang naawat sya agad ng mga bouncer. At doon din nalaman ng mga kasamahan ko sa bar na boyfriend ko na sya. Wala namang pagtutol sa mga kasamahan ko. Naiinggit pa nga ang mga gro. Sana all daw. Pero si Ate Lucille ay lagi akong pinapaalalahanan at pinapangaralan sa relasyon namin ni Atlas. Kilalanin ko daw ng mabuti si Atlas at wag ko daw ibigay ang lahat lahat ng akin sa kanya.
Pinapahinto na rin ako ni Atlas kumanta sa bar at sya na daw ang bahala sa akin. Binibigyan nya ako ng pera pero di ko yun tinatanggap. Malaki na nga yung tip na binibigay nya at iniipon ko lahat yun. Malaki laki na nga ang ipon ko. Nakapag bayad na rin ako ng advance ng tuition fee kaya wala na akong aalalahanin kahit madelay ang padala ni mama.
“Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi.” Bungad sa akin ni Tita Emie pagpasok ko sa bahay.
Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Atlas. Doon ako natulog kagabi pagkagaling sa bar. Gusto pa nga nya akong ihatid dito sa bahay pero tumanggi ako. Sa sakayan na lang ako nagpahatid. Wala naman syang magagawa kapag sinabi kong ayaw ko.
Hindi ko pinansin si Tita Emie at tuloy tuloy lang pumunta sa kwarto ko.
“Aba’t! Hoy Jolene! Kinakausap kita ah. Bastos kang bata ka!”
Parang walang naririnig na tuloy tuloy lang akong pumasok ng kwarto. Wala ako sa mood ngayon na makipagbalitaktakan sa kanya. Kailangan ko pang mag ayos para pumasok sa school.
Malapit na tayo sa paroroonan 😆
Anyway chapter 14 to 18 ng Hate You But I Love You posted na po sa Dreame. Basa na bhe habang free pa. Malapit na syang i-lock ni Dreame.
Chapter 10
Warning 🔞
Jolene
NAPASIMANGOT ako ng may lumapit kay Atlas na babae at nagpapicture. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain dito sa restaurant na pinagdalhan nya sa akin. Masarap ang mga pagkain pero ngayon ay parang sumama ang lasa dahil sa pagdating ng babae. Maganda sya, sexy at maputi. Halos ipagduldulan pa nga nya ang dibdib sa mukha ni Atlas na malapit ng lumuwa sa suot na halter dress.
Lalo tuloy sumama ang timplada ko. Tinitingnan ko naman ang reaksyon ni Atlas. Parang wala lang naman sa kanya ang babae at isang beses lang nya itong sinulyapan. Ni hindi rin sya tumitingin sa dibdib ng babae.
“Sorry miss, kumakain kami.” Tanggi ni Atlas na nakakunot na ang noo.
“Sandali lang naman pogi, saka di naman siguro magagalit ang kapatid mo.” Pangungulit pa ng babae na matamis pang ngumiti sa akin.
Pasimpleng inirapan ko naman sya.
“She’s not my sister, she’s my girlfriend so please leave us alone. Nakakaistorbo ka na.” Naiinis ng sabi ni Atlas.
Di ko naman mapigilang mapangiti sa kilig.
Natigilan naman ang babae at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa.
“Mag jowa pala kayo? Akala ko magkapatid kayo eh.” Nakangiwing sabi ng babae at walang paalam na umalis na.
Luka lukang iyon ah! Sarap sabunutan.
“Ganun na ba katanda ang hitsura ko para sayo.” Nakasimangot na sabi ni Atlas at masamang tingnan ang papalayong babae.
“Wag mo na lang pansinin ang sinabi nya at least lumayo na sya. Kain na tayo.” Masaya ng sabi ko at bumalik na ang gana ko sa pagkain. Sana wala ng lumapit na iba pang babae dahil baka saksakin ko na sila ng tinidor.
Araw ng linggo ngayon at may usapan kaming magsimba at lumabas. Maaga akong umalis sa bahay kanina. Di na ako nagpaalam sa mga tao sa bahay pero nagtext naman ako kay mama dahil siguradong magsusumbong si Tita Emie na lumayas ako ng walang paalam. Mas gusto ko pang lumayas kesa mag stay buong hapon sa bahay kasama ang mga taong di ko naman kasundo. Kontrabida ang tingin nilang lahat sa akin, mayabang at matapobre. Kulang na nga lang palayasin nila ako doon sa bahay eh.
Pagkatapos naming kumain ni Atlas ay namasyal pa kami sa mga kilalang tourist spot dito sa Zambales. Dahil puro beach ang meron sa probinsya namin ay nangako sya na next time magchecheck in kami sa isang beach resort at maliligo. Ngayon ay nagkasya muna kami sa pamamasyal at ang huli naming pinuntahan ay ang mall. Kumain kami doon at pinag shopping nya ako. Kahit anong tanggi ko na wag na nya akong bilhan ay mapilit pa rin sya. Kaya wala na akong nagawa. Sya naman ang magbabayad. Paguwi namin sa bahay nya ang dami naming bitbit na paper bag na puro branded na damit ang laman na para lang sa akin. Wala yata syang nabili para sa kanya. Sobrang galante nya talaga pagdating sa akin. Sino ba namang babae ang hindi sya gugustuhin.
Mainit ang tagpo namin ni Atlas dito sa loob ng kwarto nya. Ang panonood namin ng movie ay nauwi sa mainit na halikan.
“Hmm Atlas..” Daing ko ng bahagya nyang kagatin ang labi ko sabay sipsip nya at muli na namang sinakop ang labi ko sa mas mapusok na halik.
Tinugon ko ang mapusok nyang halik. Nakipagsabayan sa magaslaw na galaw ng dila nya sa loob ng bibig ko.
Init na init na ang pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Eh pano ba naman ang pilyo nyang kamay ay kumukobkob na sa isang dibdib ko. Bahagya pa syang nakadagan sa akin at naninimbang lang para di ako maipit.
Umalpas ang impit na daing sa bibig ko ng bahagya nyang pisilin ang isa kong dibdib. Imbes na sawayin ko sya ay hinayaan ko lang sya. Nagugustuhan ko naman kasi ang ginagawa nya. At gusto ko pa ng higit doon.
“Fuck.. we should stop sugar. Baka di ko na mapigilan ang sarili ko.” Anas nya at sumubsob sa leeg ko pero ang kamay nya ay nasa ibabaw pa rin ng dibdib ko.
Kumagat labi naman ako at pumikit. Mabilis ang tibok ng puso ko. Bahagya ko pang habol ang hininga. Medyo nadismaya ako dahil huminto sya. Lagi na lang nya akong binibitin. Pero alam ko namang pinipigalan lang nya ang sarili nya dahil nirerespeto nya ako.
Bumuntong hininga ako at dumilat.
“Gawin na natin.”
“Hmm what sugar?” Nag angat sya ng mukha at tumingin sa akin.
Lumunok ako. Medyo tinamaan ako ng hiya. Pero nasabi ko na.
“Ang sabi ko g-gawin na natin.”
Umawang ang labi nya at tumitig lang sa akin ng ilang sandali.
“Anong.. gagawin natin?” Parang tangang tanong nya.
Umikot ang mata ko. Alam kong alam nya kung ano ang ibig kong sabihin.
“Sex. Gusto ko gawin na natin yun.” Naginit ang mukha ko sa hiya pagkasabi niyon.
Nakakahiya dahil lumalabas na ako ang nag aya. Eh kasi naman..
Lalo namang napaawang ang labi nya. “Gusto mong.. may mangyari na sa atin?”
Tumango ako. “Oo, pero parang ayaw mo yata wag na lang.” Tinamaan na ako ng matinding hiya. Akmang babangon ako pero pinigilan nya ako.
“Sandali lang. Wala naman akong sinabing ayaw ko.” Aniya at tumitig sa akin. Kakaiba na ang kislap ng mga mata nya. Tila may nagniningas na apoy.
Nag iinit ang pisnging umiwas naman ako ng tingin.
Hinawakan nya ang mukha ko. “Look at me.”
Tumingin ako ng diretso sa mata nya.
“Sigurado ka bang gusto mong may mangyari sa atin?”
Ngumuso ako at tumango. “P-Pero parang ayaw mo naman kaya ayos lang.”
“Anong ayaw ko? Gusto ko. Matagal ko ng gusto. Inaalala lang kita dahil baka ayaw mo at nirerespeto ko yun. Pero dahil ikaw na mismo ang nag aya, sino ba naman ako para tumanggi.” Nakangising sabi nya sabay siil sa akin ng halik.
Bumangon sya at mabilis na hinubad ang puting t-shirt na suot nya. Tumambad sa akin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Nasa tamang lugar ang mga masel nya na halatang matitigas. Malapad ang dibdib nya at may abs pa sya. May pa v-line pa. Ang hot nya talaga. Ganitong lalaki ang pinapantasya ng halos lahat ng kababaihan. Kaya masasabi kong ang swerte ko.
“Promise gentle lang ako sugar.”
“Dapat lang first time ko to eh.” Pero sa totoo lang kinakabahan ako.
Tumawa sya at muli akong siniil ng halik na tinugon ko naman.
Naging mas mainit ang sumunod na sandali.
Wala na rin akong damit ngayon at tanging panty na lang ang saplot ko. Sya naman ay nakasubsob sa dibdib ko at parang gutom na sanggol na hinihithit ang dunggot ko.
“Hmm..” Mahinang daing ko sabay kagat labi at pikit mata ng laruin ng dila nya ang utong ko.
Kakaibang kiliti at sarap ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman ito sa buong buhay ko. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit nyang bibig at dila sa aking dibdib.
Hinayaan ko syang magpakasasa sa dibdib kong katamtaman lang ang lusog. Salit salitan nya itong pinagpala ng bibig. Sinusuklay ko ng daliri ang malambot nyang buhok.
Ng magsawa sya ay bumaba ang labi nya sa tiyan ko pababa sa puson. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil malapit na malapit ang mukha nya sa pagkababae kong may saplot pa. Dama ko rin ang mainit nyang hininga na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa pagkababae ko. Nanabik na rin ako sa susunod nyang gagawin.
Ngunit nilaktawan ng labi nya ang pagkababae ko at dumako sa mga hita ko. Ito naman ngayon ang pinapapak nya ng halik.
Hanggang sa hilahin na nya pababa ang panty ko sabay subsob sa pagkababae ko na aking ikinasinghap.
Para na akong kiti kiti sa likot ng katawan ko. Nariyang napapaliyad ako at nagpapabiling biling ang ulo. Sabu-sabunot ko na rin ang buhok nya.
“Uhngg Atlas hmm..” Ungol ko sa bawat hagod ng dila nya sa pagkababae ko na sinasabayan pa nya ng pagsipsip. Para na akong mababaliw sa sarap na nararamdaman.
Binuka pa nya ng husto ang mga hita ko at pinakatitigan pa ng ilang sandali ang pagkababae ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang lalo na ng haplos haplusin pa nya ito. Pero ang pagkailang ko ay natabunan ng kiliti at sarap lalo na ng muli syang sumubsob. Di na ako magkamayaw sa pag ungol sa sarap.
“Ahhnngg!” Ungol ko kasabay ng pagnginig ng katawan ko. Dama kong may umagos sa pagkababae ko na sinalo naman ng bibig nya.
Habol ko ang hininga pagkatapos ng nakakadarang na tagpong iyon. Tumingin ako kay Atlas na bumangon at hinuhubad na ang suot na walking shorts. Nahigit ko ang hininga at namilog ang mata ng masilayan ang tayong tayo nyang pagkalalaki na hindi biro ang sukat. May ideya naman ako na daks sya dahil nahahalata ko kapag nakasuot sya ng cotton shorts at bumabakat. Pero di ko naman in-expect na ganito pala sya ka-daks.
Lumunok ako ng dumapa na sya sa ibabaw ko at pinaghiwalay ang mga hita ko. Tumahip ang kaba sa dibdib ko.
“Scared?” Tanong nya at hinaplos ang mukha ko.
Ngumuso ako at umiling. “H-Hindi no.” Sabi ko. Kahit ang totoo parang gusto ko ng tumakbo palabas ng kwarto. Pero nandito na kami eh. Saka nakakahiya namang umayaw bigla. Ang tapang tapang ko kanina tapos ngayon naduduwag na.
Ngumisi sya. “Don’t worry dadahan dahanin ko naman.”
Napakagat labi ako ng muli nyang himasin ang pagkababae ko. Kasunod niyon ay naramdaman ko naman ang paghagod ng matigas at mainit na bagay. Alam kong ang pagkalalaki na nya iyon. Kung kaya’t humawak ako sa balikat nya. Wala ng atrasan to.
Nahigit ko ang hininga ng idiin nya ang pagkalalaki nya sa bukana ko kasabay niyon ang pagsalakay ng kirot. Mariin kong nakagat ang labi kasabay din ng pagdiin ng kuko ko sa balikat nya.
“Fuck sugar! Ang sikip mo nghh!”
“Ahh Atlas!” Di ko napigilang isambit ng sumigid pa ang mas matinding kirot. Dama ko ang pagkalalaki nya na nasa loob ko na at para akong hinahati sa gitna.
Pero hindi pa pala doon nagtatapos. Muli pa syang gumalaw na ikinahiyaw ko. Napalo ko pa sya sa ulo na ikinatawa lang nya. Ang sakit sakit na nga ng nararamdaman ko tinawanan pa nya ako. Bakit kasi ang laki ng kanya.
Pinaulanan nya ng halik ang buong mukha ko habang marahan syang gumagalaw. Masakit na masakit pa rin at naluluha ako. Punong puno din ang pakiramdam ko at banat na banat. Pero sabi nya lalo lang daw akong masasaktan kung hindi sya gagalaw. Para namang naramdaman na nya ang nararamdaman ko ngayon. Pero may tama din naman sya dahil medyo humuhupa ang kirot na nararamdam ko at kaya ko ng tiisin. May kiliti na rin akong nararamdaman.
“Uhh shit Atlas..” Ungol ko ng idiin nya ang pagbaon sa pagkalalaki nya.
Sya naman ay panay ang mura at ungol ang lumalabas sa bibig. Nagiging mabilis na rin ang bawat galaw nya. Dama ko ang bawat hugot at baon ng pagkalalaki nya.
“Ugh fuck sugar! Ang sarap mo putangna! Ungh! Unghh! Ahh!”
Kung wala lang kami sa kalagitnaan ng pagtatalik ay malamang nasampal ko na sya. Ang ingay pa nya sobra.
“A-Ang ingay mo Atlas – Ahh!”
“Uhh it’s ok sugar, walang makakarinig sa atin. Tayo lang ang tao dito sa bahay at sound proof pa tong kwarto ko.” Natatawang sabi pa nya sabay siil ng mariing halik sa labi ko.
Mas naging marahas pa ang galaw nya at napuno ang kwarto ng mga ungol at daing namin..
Habol namin ang hininga ng matapos ang mahaba at mainit na tagpo sa aming dalawa ni Atlas. Tatlong beses nya akong inangkin. Ngayon nga ay manhid ang pakiramdam ko at parang di ko kayang gumalaw sa pagod at antok.
Hinugot nya ang pagkalalaki nya na ikinasinghap ko. Umalis sya sa ibabaw ko at humiga sa aking tabi. Siniksik nya ang braso sa ilalim ng ulo ko at yumakap sa akin. Hinalik halikan nya ang pisngi at sentido ko. Hinila nya ang kumot at tinakip sa hubad naming katawan.
Hinaplos haplos ko ang braso nyang nakayakap sa akin at pumikit. Wala akong pinagsisisihan na binigay ko sa kanya ang sarili ko dahil mahal ko sya.
Malapit ng matapos ang flashback 😆
Chapter 11
Jolene
SIMULA ng may nangyari sa amin ni Atlas ay mas naging malambing at clingy pa sya sa akin. Mas naging overprotective at seloso pa sya. Pero di na namin naulit pa ulit ang bagay na yun dahil parang nadala ako. Nilagnat kasi ako kinabukasan at masakit ang buong katawan ko. Inalagaan naman nya ako. Pero sabi nya sa umpisa lang daw yun. Kapag palagi na daw namin yung ginagawa ay masasanay rin daw ang katawan ko. Inuto pa nya ako.
“Ay!” Tili ko ng biglang undayan ng suntok ni Atlas ang lalaking nakainom. Sumadsad ito sa isang upuan.
Mabilis akong lumapit kay Atlas at inawat sya. Lumapit na rin ang dalawang bouncer at nilayo si Atlas sa lalaki. Pero matigas si Atlas at dinuro ang lalaki na dinaluhan ng mga kasama nito.
“Pipiliin mo ang babaeng babastusin mo gago!”
“Atlas ano ba. Tama na.” Saway ko sa kanya. Sa amin na nakatingin ang lahat.
“Ang mabuti pa Jess, ilabas mo muna yang jowa mo at magpalamig muna ng ulo.” Sabi ni Anette na nilapitan din ang lalaki.
“Oo, pasensya na.” Hinila ko na palabas ng bar si Atlas. Hindi naman sya nagmatigas pero bakas pa rin sa mukha nya ang galit.
“Ano ka ba. Dapat hindi mo na pinatulan yung customer kanina. Nakainom lang yun.” Sita ko kay Atlas pagpasok namin sa kotse nya.
“Kahit nakainom sya wala syang karapatan na bastusin ka.” Galit pa rin na sabi nya.
“Hindi nya ako binastos nagbibiro lang sya.” Medyo may pagkagreenminded nga lang ang biro kanina ng isang customer na nakainom at hindi iyon nagustuhan ni Atlas. Pero normal na lang kasi sa mga customer ang magbiro ng ganun. Noong una nababastusan ako pero nasanay na rin ako.
“Pambabastos yun at hindi ko mapapalampas yun. Hindi ko hahayaang bastusin ka lang ng kung sino sino. Makakalumpo talaga ako ng tao” Giit nya at marahas na bumuntong hininga.
Napakagat labi ako. Naiintindihan ko naman ang galit nya. Nag aalala lang sya sa akin dahil mahalaga ako sa kanya at na a-appreciate ko yun. Pero nag aala din ako na baka i-ban sya sa bar dahil ilang beses na syang nanapak ng iba naming customer.
“Nag aalala tuloy ako kapag umalis ako sino ang magbabantay sayo mula sa mga bastos na customer.”
Natigilan ako sa sinabi nya. “Aalis ka?”
Bumuntong hininga sya at tumingin sa akin. Naging mapungay ang mga mata nya. “Uuwi ako ng Cebu.”
“Uuwi ka na sa inyo sa Cebu? H-Hindi ka na babalik?” Parang bigla akong nanghina sa sinabi nya. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko.
“Syempre babalik ako dito. Kailangan ko lang umuwi ng Cebu dahil nagkaproblema ang isang site doon at kailangan kong personal na tingnan.”
Lumunok ako. Tila may bikig na nakabara sa lalamunan ko. Nalungkot ako sa sinabi nya.
“K-Kelan ka aalis?”
“Sa makalawa sugar. Dalawang linggo lang ako doon at babalik din ako dito agad.”
Kumagat labi ako at yumuko. Sa totoo lang ayoko syang umalis. Sanay na akong nandito sya at lagi kong kasama.
“Sugar.” Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil. “Wag ka ng malungkot. Babalik din ako agad. Mabilis lang naman ang dalawang linggo. Saka madalas akong tatawag sayo. Sobra kitang mamimiss. Kung pwede nga lang isama kita. Pero alam ko namang hindi pwede dahil pumapasok ka sa school.”
Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at sumandig sa dibdib nya. Tumulo ang luha ko sa pisngi.
Niyakap din nya ako at hinaplos haplos ang likod ko. Hinalik halikan din nya ang tuktok ng ulo ko.
Dumating na nga ang araw na umalis si Atlas. Marami syang binilin sa akin bago sya umalis. Binilin nya sa akin ang bahay nya. May susi naman ako nun na binigay nya. Pwede akong pumunta doon anytime pero di nya ako pinapatulog doon dahil ako lang mag isa. Delikado daw dahil baka may manloob. Iniwan rin nya sa akin ang atm card nya baka daw may gusto akong bilhin yun daw ang gamitin ko. Pero wala naman akong balak na gamitin yun. Kahit na boyfriend ko sya ay nakakahiya pa ring gamitin ang perang di akin. Araw araw din syang tumatawag at kinakamusta ako lalo na sa gabi. Nagbi-video call din kami kung minsan.
“Hanggang kelan daw si Atlas sa Cebu?” Tanong ni Ate Lucille.
“Two weeks sya doon ate tapos babalik din dito sa Zambales.” Sabi ko. Mag iisang linggo pa lang naman na nakakaalis si Atlas.
“Naku, baka di na bumalik yun.” Sabi ng isang gro na humihithit ng sigarilyo.
“Uy, wag ka ngang ganyan.” Saway ni Ate Lucille.
“Nagsasabi lang ako ng totoo Lucille. Dito sa trabaho natin marami ng lalaking dumating at umaalis at hindi na bumabalik.”
“Pero iba naman si Atlas. Babalik sya. Nangako sya sa akin.” Confident na sabi ko. Meron bang aalis na hindi na babalik na nagiwan pa ng susi ng bahay at atm card. Pero di ko na yun binanggit sa kanila.
“Kunsabagay, mukha namang seryoso sayo yung si Atlas. Ang swerte mo talaga day. Sanaol.”
Natawa na lang ako sa sinabi ng gro. Breaktime namin at nandito kami sa labas at nagkukwentuhan lang habang nagmemeryenda. Bawal kaming uminom sa oras ng trabaho. Pero ang mga gro ay pwede pero moderate lang dahil minsan may mga customer na pinapainom din sila.
Sa ilang gabi na hindi ko nakikita si Atlas dito sa bar ay sobrang namimiss ko sya. Lagi akong tumitingin sa madalas naming pwesto. Napapawi lang ang lungkot at pagkamiss ko kapag tumatawag sya. Mamaya pag uwi ko sa bahay ay tatawag sya para tanungin kong nakauwi na ako tapos magbi-video call kami bago matulog.
“Jolene!”
Napapitlag ako ng may tumawag sa akin. Lumingon ako. Nanlaki ang mata ko ng makita si Tito Rene na padaan sa bar. Salubong ang kilay nya at madilim ang mukha. Kinabahan naman ako.
“Sino yun Jess?” Tanong ni Ate Lucille.
“T-Tito ko. Sandali lang.” Tumayo ako nilapitan si Tito Rene.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Tito Rene na pinasadahan ng tingin ang suot ko. Nakasuot ako ng black skinny jeans na butas ang dalawang tuhod at high heels. Crop top na sleeveless blouse naman ang pang itaas ko.
“T-Tito – “
“Dyan ka sa bar nagtatrabaho? Pokpok ka?”
Pumikit ako ng mariin. “Di ako pokpok tito, bokalista ako dito.”
“Parehas na rin yun. Halika! Umuwi ka sa bahay!” Hinawakan ako ni Tito Rene sa braso at hinila.
“Sandali lang tito di pa ako pwedeng umuwi. Di pa tapos ang oras ko.”
“Wala akong pakialam! Umuwi ka na! Naghihirap sa kakatrabaho ang mama mo sa ibang bansa tapos ikaw nagpopokpok.”
“Hindi nga sabi ako pokpok tito. Bitiwan nyo ko. Nasasaktan ako!” Naiinis ng sabi ko at pilit binabaklas ang kamay nya sa braso ko. Nakita kong napatayo na rin sila Ate Lucille at nakatingin sa amin.
“Uuwi ka o masasaktan ka sa harap ng mga kasama mong pokpok. Mamili ka.” Mariing sabi ni Tito Rene na nandidilat pa ang mata at dinuduro ako.
Tumingin ako kanila Ate Lucille at sumenyas. Ayokong gumawa ng eksena dito sa bar kaya sumama na lang ako kay Tito Rene.
Pagdating sa bahay ay lintek ang sermon na inabot ko kay Tita Emie. Sinampal at sinabunutan pa nya ako. Nakatikim din ako ng sampal kay Tito Rene. Kaya siguradong magpapasa ang pisngi ko. Kung ano ano pang mura at masasakit na salita ang mga sinabi nila sa akin.
“Huminto ka na sa pagpasok dyan sa bar. Mahiya ka!” Sabi ni Tita Emie.
Namilog ang mata ko. “Anong hihinto? Hindi po ako hihinto.”
“Aba’t matigas ka talaga! Anong gusto mo magpopokpok ka na lang? Kahihiyan ka sa pamilya natin!” Dinuro ako ni Tito Rene.
“Hindi ako pokpok sa bar ilang beses ko bang sasabihin sa inyo. Bokalista ako doon at maganda ang trabaho ko doon. Sabihin nyo na ang gusto nyong sabibin pero di ko kayo susundin.” Pagmamatigas ko sa kanila.
“Napakawalanghiya mo na talagang babae ka! Proud ka pa talaga dyan sa trabaho mo ha. Isusumbong kita sa mama mo at siguradong pahihintuin ka rin nya dyan sa kapokpokan mo.” Tungayaw ni Tita Emie na parang gusto na naman akong saktan.
“Eh di isumbong nyo. Dyan naman kayo magaling ang magsumbong kay mama para kayo na naman ang mabait at ako na naman ang masama. Kahit pahintuin ako ni mama hindi pa rin ako hihinto.”
“Aba’t bastos ka na talagang bata ka! Wala ka ng respeto!”
“Kayo ang nagturo sa akin na maging bastos! Ako na nakatira dito di nyo ko nirerespeto tapos kayong nakikitira lang gusto nyo irespeto ko kayo? Hindi naman ako magtatrabaho sa bar kung sapat ang natatanggap ko kay mama. Eh hindi eh, dahil kahati ko kayo! Barya na lang ang napupunta sa akin kaya natural lang na maghanap ako ng extra income kesa umasa ako sa bigay lang. Dapat nga matuwa kayo. Kung gusto nyo sa inyo na rin ang parte ko.” Punong puno ng hinanakit na sabi ko. Para ng baldeng umaapaw ang sama ng loob ko sa kanila.
“Sumusobra ka na ha.” Lumapit sa akin si Tito Rene at akmang sasampalin ulit ako.
“Sige saktan nyo ulit ako. Bugbugin nyo ko. Pero pagkatapos nun pupunta ako sa pulis at isusumbong ko kayo sa pananakit nyo sa akin. Ewan ko lang kung hindi kayo makulong.” Banta ko sa kanila. Marahas na pinalis ko ng kamay ang luhang lumandas sa pisngi ko. Luha yun ng galit at sama ng loob sa kanila.
Tumayo ako at dire-diretsong tinungo ang pinto.
“Hoy Jolene! Saan ka pupunya?” Galit na tawag sa akin ni Tito Rene.
“Hayaan mo na sya Rene. Kung gusto nyang magpakapokpok eh di gawin nya. Sino ba ang nakakahiya? Akala mo kung sino magsalita eh pokpok naman. Pwe!” Dinig kong sabi ni Tita Emie.
Tuloy tuloy akong humakbang palayo sa bahay. Habang tumatagal nagiging impyerno na para sa akin ang bahay na yun. Gusto ko ng umalis doon. Pero bahay yun ng papa ko. Nandun ang mga alaala ni papa.
Ng may dumaang traysikel ay pinara ko at sumakay. Nagpahatid ako pabalik sa bar.
“Omg, anong nagyari sa fezlak mo girl? Di ka pwedeng lumabas at humarap sa customer ng ganyan.” Bulalas ni Anette na kapapasok lang ng dressing room.
“Pwede naman sigurong takpan na lang ng make up.” Napangiwi ako ng muling idampi ni Ate Lucille ang ice pack sa pisngi ko.
“Wag na, magpahinga ka na lang muna ngayong gabi. Siguradong exhausted ka dahil sa nangyari sa sayo. Hindi ka rin makakakanta ng maayos.”
“Oo nga girl, magpahinga ka muna ngayong gabi.” Sabi ni Anette.
“Paano si Madam Luz? Hahanapin ako nun.”
“Kami ng bahala sa kanya. Sasabihin na lang namin na sumama ang pakiramdam mo. Maiintindihan naman nya.” Ani Ate Lucille.
Ngumiti ako. “Salamat Ate Lucille.” Mabuti pa ang ibang tao may malasakit sa akin kesa sa mga kamag anak ko.
“Wala yun, tayo tayo lang naman ang magtutulungan dito.”
“Pero ano ba kasi ang nangyari girl? Sino ang jumombag sayo?” Tanong ni Anette.
Bumuntong hininga ako at bahagyang yumuko. “Yung tiyuhin at tiyahin ko..”
Kinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari kahit masakit sa loob.
“Grabe naman yang tiyuhin at tiyahin mo. Sa bar lang nagtatrabaho pokpok na agad. Tapos binugbog ka pa. Nakakagigil ha. So pano yan, di ka makakauwi sa inyo mamaya.” Nag aalalang sabi ni Anette.
“Makakauwi pa rin ako. Bahay ko yun eh. Bahay ng mga magulang ko at nakikitira lang sila. Pero hindi muna ako uuwi doon nagyong gabi. Siguro dito muna ako matutulog sa dressing room. Pwede naman di ba?” Pwede naman akong matulog sa bahay ni Atlas pero wala akong makakasama doon at ako lang mag isa. Ayokong pag alalahanin si Atlas. Atleast dito may makakasama ako. Mababait naman ang mga kasama ko dito.
“Oo naman. Dito rin naman ako natutulog dati. May unan at kumot dyan sa cabinet tapos ilatag mo na lang yung folding bed.” Sabi ni Ate Lucille.
Nagpaalam na silang dalawa sa akin dahil tinatawag na sila sa labas kaya naiwan na lang akong mag isa dito sa dressing room.
Dinampot ko ang ice pack at dinampi sa pisngi ko. Tumingin ako sa salamin. Bahagyang namumugto ang mata ko. Namumula din ang pisngi ko. Masakit pa nga ang anit ko dahil sa sabunot ni Tita Emie. Sana nga lang ay hindi ito mapansin mamaya ni Atlas kapag nag video call kami. Siguradong mag aalala sya.
Ng medyo humupa na ang pangangapal ng pisngi ko ay tinabi ko na ang ice pack. Kinuha ko ang cellphone na nasa bag ko at binuhay. Napangiti ako ng may pumasok na text galing kay Atlas. Video call daw kami mamaya.
Binuksan ko ang epbi account ko at hinanap ang account ni Atlas. Pinindot ko ito. Bagong gawa lang ang account nya. Ang profile pic nya ay picture naming dalawa. Wala talaga syang social media dahil hindi daw sya mahilig sa ganun. Gumawa lang sya para sa akin para magkapag video call kami. Lalo na ngayon na nasa malayo sya.
Chapter 12
Jolene
“I’M so sorry sugar pero di pa ako makakauwi sa sabado. Kailangan pa ako dito sa site. Maraming tauhan ang kailangan ng tulong ko di ko sila pwedeng iwan basta basta na lang. Kailangan ko pang um-attend sa mga unang hearing.”
Napakagat labi ako sa sinabi ni Atlas. Di ako nagsalita at pinagmasdan lang ang gwapong mukha nya sa screen ng cellphone. Malaki ang pinagbago ng mukha nya. Bakas ang pagod at kumakapal na din ang balbas at bigote nya.
Dapat ay balik na nya sa sabado dito sa Zambales dahil ang sabi nya ay two weeks lang sya. Pero di matutuloy dahil may nangyaring trahedya sa site nila. Bumagsak ang crane machine sa scaffolding at gumuho ito. Marami sa mga tauhan nila ang naaksidente at may dalawang nasawi kaya hindi sya makakabalik agad dito sa Zambales.
“Sugar wag ka ng magtampo.”
Bumuntong hininga ako. “Di ako nagtatampo. Nalulungkot lang ako dahil hindi ka makakabalik agad. Pero mas nalulungkot ako sa sitwasyon mo ngayon lalo na sa mga taong naaksidente.”
“Don’t worry about me sugar. Kaya ko ang sarili ko. Kapag humupa na ang tensyon at naayos ko ang problema babalik agad ako dyan sa Zambales. Miss na miss na kita.”
“Miss na miss na din kita Atlas. Mag iingat ka dyan. Alam kong maayos mo rin ang problema mo dyan. Ikaw pa! Magaling ka eh.”
“Thanks sugar. Ikaw lang ang nagpapagaan ng loob ko ngayon. Sana nandito ka sa tabi ko. Basta yung mga bilin ko ha wag mong kakalimutan. Mag iingat lagi dyan lalo na sa pag uwi mo sa gabi.”
“Opo.”
Nagtagal pa ang pag uusap namin ni Atlas sa video call. Nasa bahay nya sya ngayon at nagpapahinga. Wala pa daw syang tulog mula kahapon. Awang awa tuloy ako sa kanya.
Umabot pa ng isang buwan si Atlas sa Cebu at wala pang kasiguraduhan kung kelan sya babalik ng Zambales. Hindi pa kasi tapos ang problema ng kumpanya nila sa nangyari sa site. Nagpoprotesta ang mga tauhan. May ilang grupo pa nga na gustong ipatigil ang ginagawa nilang construction.
Nagkakausap pa rin kami sa video call at tawag, minsan nagchachat pa kami. Pero hindi na yun kasing dalas gaya noong una. Naging madalang na yun. Minsan sa isang araw isang beses na lang kami naguusap. Minsan wala sa isang araw hanggang dalawang araw. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip kung ano ano at magtampo. Pero di ko yun pinapahalata sa kanya dahil ayokong idagdag pa nya ako sa iisipin nya. Kapag tumatawag naman sya ay parang hangin na tinatangay ang mga alalahanin at tampo ko. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nya. Minsan lang talaga di ko maiwasang mapraning. Mahal ko sya at natatakot ako na iwan nya.
“Manong sa tabi lang po.” Sabi ko sa driver ng traysikel. Inabot ko ang bayad at bumaba na.
Maaga ang labas namin ngayon sa school kaya maaga akong nakauwi. Pero di naman ako magtatagal sa bahay. Maliligo lang ako at magbibihis at didiretso na ng bar.
Di na ako pinapakialaman ni Tita Emie at Tito Rene. Pero panay naman ang parinig nila. Hinahayaan ko na lang sila at di na pinapansin. Maistress lang ako sa kanila.
Paglapit ko sa bahay ay napansin kong parang maingay. Mga nagtatawanan ang mga tao sa loob.
Ano kayang meron? Baka may bisita si Tita Emie.
Umakyat na ako sa terrace namin at pumasok sa pinto. Natuon ang mata ko sa babaeng halos tatlong taon kong di nayayakap.
“Mama.” Tawag ko kay mama at malalaki ang hakbang na lumapit at yumakap sa kanya.
Natahimik naman sila Tita Emie at nakatingin lang sa amin.
Niyakap naman ako ni mama. Naiiyak ako dahil sobra ko syang namiss. Kahit may pagtatalo kami minsan dahil sa mga sumbong ni Tita Emie ay hindi nabawasan ang pagkamiss ko sa kanya.
“Namiss kita anak.” Sabi ni mama.
Nag angat ako ng mukha. “Namiss din kita mama. Bakit di kayo nagsabi na uuwi pala kayo ngayon?”
Kumunot ang noo ni mama. “Nagsabi ako sa Tita Emie mo noong nakaraang buwan pa.”
Kumunot din ang noo ko at tumingin kay Tita Emie na nagiwas ng tingin at kunwaring naging busy sa pagbubukas ng isang box. Malamang intensyon talaga nyang di sabihin sa akin.
Bumaling ulit ako kay mama at ngumiti. “Di bale ma, ang importante nandito ka na.”
“Oo nga anak, sya nga pala marami pala akong pasalubong sayo na siguradong magugustuhan mo. Pero bago yun maguusap muna tayo mamaya. Maraming sinumbong sa akin ang tita at tito mo.” Naging seryoso ang mukha ni mama.
Nawala naman ang ngiti ko. Alam ko na kung ano ang mga pinagsusumbong ni Tita Emie at Tito Rene. Siguradong sermon ang aabutin ko mamaya.
“Ehem, baka pwedeng ipakilala mo ko sa dalaga mo Jona.” Singit ng isang lalaki na hindi ko kilala. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Di ko gusto ang uri ng tingin nya.
“Sino sya ma?” Tanong ko kay mama.
Ngumiti si mama at humawak braso ng lalaki.
“Sya si Norman anak, ang boyfriend ko.” Pagpapakilala ni mama sa lakaking katabi nya.
Napaawang naman ang labi ko. “Po? Boyfriend nyo sya? May boyfriend kayo ma?”
“Oo anak, isang taon na rin kami at magkasama kami sa factory.”
“Hi Jolene. Palagi kang kinukwento sa akin ng mama mo. Sa mga picture lang kita nakikita pero mas maganda ka pala sa personal.” Nilahad ni Norman ang kamay nya.
Nagaalangan naman akong tanggapin yun. Di ako makapaniwala na may boyfriend si mama at isang taon na sila. Wala man lang syang nabanggit sa akin.
Tumingin sa akin si mama at binigyan ako ng nagbabalang tingin. Labag man sa loob ay tinanggap ko ang kamay ni Norman.
“Ma bakit hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala?” Tanong ko kay mama ng sundan ko sya dito sa kwarto nya. Naiwan sa labas si Norman na mukhang close na close na kanila Tita Emie at Tito Rene. Ang ikinaiinis ko pa dito nya patutulugin ang boyfriend nya. Dito sa kwarto nila ni papa.
“Bakit kailangan ko pang sabihin sayo nanay ba kita?” Mataray na balik tanong ni mama sa akin habang nagbibihis.
“Anak mo ko ma, karapatan kong malaman yun. Tapos dito nyo pa sya patutulugin sa kwarto nyo ni papa.”
“At saan ko sya patutulugin? Sa labas?”
“Eh di sa bahay nila. Saan ba sya nakatira?”
“Malayo ang probinsya nila kaya dito muna sya. Teka nga, bakit ba ako ang ini-interogate mo? Ikaw nga ang maraming kasalanan dito. Ang sabi sa akin ng Tita Emie mo di ka pa rin tumitigil sa pagtatrabaho sa bar. Ano ka ba naman anak? Nawili ka na sa pagiging pokpok.”
“Hindi ako pokpok ma, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo. Di ko binebenta ang sarili ko. Bokalista ako sa bar. Kumakanta lang ako doon.” Inis na paliwanag ko. Paulit ulit na lang.
“At ilang beses ko na ring sinasabi sayo umalis ka na dyan sa bar. Ang tigas din ng ulo mo.”
“Ma naman, maganda ang trabaho ko sa bar at malaki din ang kinikita ko doon. Hindi ako aalis doon.” Matigas na sabi ko. Napakalaking tulong sa akin ng kinikita ko sa bar. Di na ako kinakapos. Di na ako naghahagilap kung saan kukuha ng panggastos sa school.
“Di ka talaga aalis doon? Matigas ka? O sige bahala ka. Pero siguraduhin mo lang na hindi mo pababayaan ang pag aaral mo at makakatapos ka ng walang problema. Dahil kung hindi palalayasin kita dito sa bahay. Naiintindihan mo Jolene?”
Bumuntong hininga ako. “Oo ma, pangako makakapag tapos ako ng walang problema.”
Sa mga lumipis na araw na nasa bahay si mama at ang boyfriend nya ay madalas na kaming magtalo. Paano ba naman sa kwarto na nga nila ni papa natutulog si Norman panay pa sila inuman. Oo naiintindihan ko na kauuwi lang nila sa abroad at sinusulit ang mga araw na nandito sila sa Pinas. Pero araw araw na lang at gabi gabi silang nagiinuman. Tulog lang ang pahinga nila. Tapos si mama kung ano ang gusto ni Norman sinusunod nya. Kaya naiinis ako. Parang di na nila nirerespeto ang bahay. Ang bahay na pinatayo pa ni papa para sa aming tatlo. Kaya minsan naiisip ko mas ok pa na nasa ibang bansa si mama. Di nga kami nakakapagbonding eh dahil mas gusto nyang kasama si Norman na mukhang manyak.
Bumuntong hininga ako habang titig na titig sa cellphone na hawak. Wala pa ring text o chat si Atlas. Di pa rin sya tumatawag. Mag iisang linggo na kaming di naguusap. Sobrang miss ko na sya. Ano na kayang nangyari sa kanya? Ayos lang ba sya?
Yumukyok ako sa vanity table at pumikit.
Please naman Atlas tumawag ka na.
Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako..
“Jess. Jess gising.”
“Hmm.” Naalimpungatan ako at sa nanlalabo kong paningin ay naaaninag ko ang mukha ni Ate Lucille.
Umupo ako ng tuwid at nag inat. Nakatulog pala ako.
“Antok na antok ka ah. Di ka ba nakakatulog sa inyo?” Tanong ni Ate Lucille.
“Nakakatulog naman ate. Siguro napagod lang ako sa mga activities sa school.” Pero lately napapansin ko nagiging antukin ako.
Tumago naman si Ate Lucille. “Mag ready ka na ikaw na ang susunod na sasalang.”
“Oo ate.” Tumayo ako at binitbit ang cellphone. Tiningnan ko muna ito ng isang beses. Bumuntong hininga ako. Wala pa ring paramdam si Atlas.
Nilagay ko na sa bag ang cellphone at nagready na.
Halos lumabas na ang bituka ko sa kakaduwal pero wala namang lumalabas sa bibig ko kundi puro laway. Hinang hina ang pakiramdam ko at nangangatog ang mga tuhod ko. Ilang umaga ko na itong nararamdaman at hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Pero mayamaya lang ay magiging ok na ako.
“Jolene! Ang tagal mo naman! Ano bang ginagawa mo dyan?” Katok ni mama sa pinto ng banyo.
Akmang sasagot ako pero naduwal na naman ako. Halos manigas na ang katawan ko sa kakaduwal.
“Nagsusuka ka ba? Ano bang nangyayari sayo Jolene?”
Binuksan ko ang gripo at nagmumog.
“S-Sandali lang ma.” Paos ang boses na sagot ko.
Pinakiramdaman ko muna ang sarili. Medyo kumalma na ang sikmura ko.
Inayos ko ang sarili at binuksan na ang pinto. Tumambad sa akin ang nakakunot noong si mama. Naaamoy ko pa ang alak sa hininga nya dahil naginuman na naman sila kagabi. Mukhang may hang over pa sya.
“Bakit nagsusuka ka? Buntis ka?”
Namilog ang mata ko sa sinabi ni mama. “Hindi po ma. May nakain lang yata ako kagabi.”
“Akala ko buntis ka eh. Kuh, wag kang magkakamali Jolene makakalbo kita. Tabi na dyan at ihing ihi na ako.”
Gumilid ako pero natigilan ako sa sinabi ni mama. May sumipang kaba sa dibdib ko. Saka ko lang naalala. Hindi ako nagkaroon noong isang buwan magpahanggang ngayon. Lagpas na ang petsa ng period ko.
Lumunok ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko
Hindi naman siguro..
Nanginginig ang kamay ko ng ilapag ko sa sink ang maliit na cup na pinaglagyan ko ng ihi ko. Nilapag ko rin ang dropper. Maghihintay pa ako ng ilang minuto.
Para makasiguro at sa ikakatahimik ng loob ko ay bumili na ako ng pregnancy test paglabas ko ng school. Nahiya pa nga ako kanina sa babae dahil baka kung ano ang isipin. Pero kailangan kong makasiguro.
Pinagsalikop ko ang dalawang kamay at pumikit. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at takot.
Wag naman sana. Wag naman sana..
Dahan dahan kong dinilat ang mata at tumingin sa pt. Nanlamig ang buong katawan ko ng makita ang dalawang pulang linya.
Positive.
Buntis ako.
Happy 14k followers! 🤗 Maraming salamat sa lahat ng nagfollow. Sana ifollow nyo rin po ang fb page ko at dreame account. Same name at same profile lang din po. Thank you in advance! 😘
Chapter 13
Jolene
“LUMAYAS ka! Wala akong anak na malandi!” Sigaw ni mama at kinaladkad ako pababa ng terrace sabay tulak sa akin. Napasalampak ako sa semento.
Umiiyak na tumingin ako kay mama. Namumula ang mukha nya sa galit. Nakuha nya sa kwarto ko ang pt na ginamit ko na nakalimutan kong itapon at kinompronta nya ako. Kaya ngayon ay galit na galit sya.
“Ma..”
Hindi masakit ang pagkakasalampak ko sa semento. Ang masakit ay ang mga salitang binibitawan nya na hindi ko kayang lunukin.
“Wag mo kong matawag na mama! Yan ang napapala mo dyan sa pagpasok mo sa bar. Ilang beses ko ng sinabi na umalis ka dyan pero di ka nakinig. O ngayon ano? Nabuntis ka ng kung sinong poncio pilato! Sino ang inang matutuwa ha! Kaya lumayas ka!” Hinagis nya sa akin ang bag ko pati ang mga damit.
“Ma, please.. w-wala akong mapupuntahan.”
“Eh di pumunta ka doon sa lalaking nakabuntis sayo! Ginusto mo yan di ba? Kaya pumunta ka sa kanya at wag ka ng babalik dito! Nakakahiya ka!” Dinuro duro pa ako ni mama.
Lalo naman akong napahagulgol. Ang lalaking tinutukoy ni mama ay parang kinalimutan na ako. Hindi na sya kumukontak sa akin. Out of coverage area ang laging sagot kapag tumatawag ako. Sumasama ang loob ko dahil parang wala na syang pakialam sa akin.
“Honey, wag mo ng palayasin ang anak mo. Baka lalo lang mapariwara yan.” Sabi ni Norman. Pero di ko ramdam na sinsero sya base sa klase ng tingin nya sa akin.
“Wala akong pakialam! Lumayas ka ha! At wag ka ng babalik dito.” Mariing sabi ni mama at tumalikod na. Pumasok na sya sa loob ng bahay.
Naiwan naman si Tita Emie na nakataas ang kilay at nakahalukipkip. Wala akong awa na nakikita sa mukha nya.
“Yan kasi, ang tigas ng ulo mo. Bunga yan ng kayabangan mo.” Sabi nya at pumasok na rin sa bahay.
Si Tito Rene ay umiling iling lang at sumunod na kay Tita Emie. Nakatingin lang sa akin ang mga pinsan kong maliliit. Pero sinigawan sila ni Tita Emie at pinapasok sa bahay. Sinarado nila ang pinto pati ang mga bintana. Naiwan ako dito sa labas na luhaan.
Umiiyak na pinulot ko ang mga damit at gamit ko. Siniksik ko ang mga ito sa bag. Nagpalinga linga ako. Napansin ko ang ilan naming mga kapitbahay na nakatingin sa akin at nagbubulungan pa. Malamang ay pinagtsitsismisan nila ako.
Tumayo na ako at sinukbit ang bag. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Binigyan ko ng huling tingin ang bahay at umalis na. Wala rin namang mangyayari kung magpipilit ako. Kilala ko si mama matigas ang loob nya.
Habang naglalakad ay nag iisip ako kung saan ako pupunta. Tumataas na ang araw at masakit sa balat. Di nga ako nakapasok ngayon sa school dahil sa nangyari sa akin ngayon.
Kung pupunta ako sa bahay nila Leah ay siguradong patutuluyin nila ako. Pero sa liit ng bahay at sa dami ng bata doon ay nakakahiyang makisiksik pa ako. Wala si Leah, nasa Manila sya ngayon. Kung nandito lang sana sya.
Pinara ko ang traysikel na papadaan na walang pasahero. Huminto naman iyon. Nagpahatid ako sa bahay ni Atlas..
Inayos ko ang mga damit ko sa closet ni Atlas. Mabuti na lang nandito ang ilan kong damit. Napatingin ako sa mga damit ni Atlas na maayos na nakatupi at nakahanger. Hinaplos ko iyon kasabay ng pagtulo ng luha ko. Sobrang ko na syang namimiss. Halos isang buwan na kaming hindi naguusap. Ni text o chat wala. Gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako baka sakali bigla syang bumalik dito sa Zambales. Pero paano ko sasabihin yun di ko na sya makontak.
Sa kabila ng pagpapalayas sa akin ni mama sa bahay ay nagpatuloy pa rin ako sa normal kong buhay. Pumapasok pa rin ako sa school at sa bar. Mas ngayon ko kailangan kumayod dahil pinalayas ako ni mama. May pera naman sa atm na binigay ni Atlas. Pero di ko yun gagamitin. Siguro sa ibang pagkakataon ko yun magagamit lalo na buntis ako at wala pang kasiguraduhan kung babalik pa si Atlas. Wala namang kaalam alam ang mga kasamahan ko sa bar sa nangyari sa akin. Di ko kinukwento sa kanila. Nahihiya ako. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa bahay namin pero lagi lang akong tinataboy ni mama at minumura. Parang wala na syang pakialam sa akin at di na anak ang tingin sa akin. Umiiyak na umaalis na lang ako.
Nakatulala ako sa harap ng vanity mirror. Parang wala ako sa mood kumanta ngayon dahil sa dami ng iniisip ko.
“Ayos ka lang Jess?” Untag sa akin ni Ate Lucille.
Doon lang ako tila bumalik sa katinuan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Ayos lang ako ate. May iniisip lang.”
“Si Atlas na naman?”
Di ako sumagot at yumuko na lang.
“Kung ako sayo wag mo na syang masyadong isipin. Di pa naman siguro ganun kalalim ang feelings mo sa kanya. Maiksing panahon lang kayo nagkakilala. Mas mainam na kalimutan mo na lang sya kesa istresin mo ang sarili mo.” Payo ni Ate Lucille habang nagreretouch.
Sana nga ganun lang kadali. Pero hindi. Sobra ko na syang mahal. Lalo na ngayon na nagbunga ang ginawa namin.
Nag excuse si Ate Lucille dahil kakanta na sya. Sya ang unang sasalang. Mamaya naman ako pagkatapos ng lima nyang kanta.
Palakad lakad ako sa sala habang nakatapat ang cellphone sa tenga. Pero iisa lang ang sinasabi sa kabilang linya. Puro out of coverage area. Nakailang dial pa ako pero ganun pa rin.
Napufrustrate na umupo ako sa sofa. Saktong isang buwan na na wala pa syang kontak sa akin. Talaga yatang kinalimutan na nya ako.
Sumandal ako sa backrest at tumingin sa paligid ng bahay. Sa tuwing nandito ako ay palagi syang sumasagi sa isip ko. Ganun din kapag nasa bar ako. Lagi akong tumitingin sa dati nyang pwesto.
Hinawakan ko ang impis kong tiyan at hinaplos haplos iyon.
‘Baby, sana kontakin na ako ng papa mo. Siguro matutuwa sya kapag nalaman nyang magkakababy na kami.’
Lumipas pa ang mga araw ay wala pa rin akong kontak at balita kay Atlas. Gusto ko sanang puntahan yung site na hawak nya dito at magtanong tanong doon. Pero di ko naman alam kung saan. Di rin nabanggit sa akin ni Atlas.
Nagpacheck up na rin ako sa ob. Dalawang buwan na akong buntis. Wala pa rin nakakaalam sa mga kasamahan ko sa bar na buntis ako. Mahirap ang sitwasyon ko pero minsan di sumagi sa isip ko na ipalaglag ang bata sa tiyan ko. Di pa man sya lumalabas ay mahal ko na sya.
Napapitlag ako at bumilis ang tibok ng puso ko ng magring ang kabilang linya. Di matatawaran ang pananabik ko na marinig muli ang boses ni Atlas. Pero naubos na ang ring ay hindi ito sumagot. Dinial ko ulit. Nakatatlong dial ako pero puro ring lang. Baka may ginagawa sya. Sinubukan ko pa ng isa hanggang sa may sumagot na. Pero hindi boses ni Atlas ang narinig ko kundi boses ng isang babae.
“Hello who’s this?”
Napakunot noo ako sa mataray na boses ng babae. Baka kapatid sya ni Atlas. Nabanggit kasi nya sa akin noon na may kapatid syang babae.
Tumikhim ako habang mahigpit ang hawak sa cellphone.
“Ah si.. Atlas?” Tanong ko.
“Anong kailangan mo sa fiance ko? Sino ka?”
Nahigit ko ang hininga sa sinabi ng babae sa kabilang linya. Pagalit na ang boses nya.
“F-Fiance?”
“Oo, fiance. Malapit na kaming ikasal ni Atlas. Kaya kung sino ka mang babae nya tigiltigilan mo na ang fiance ko!”
Nanginginig ang kamay na binaba ko ang cellphone kasabay ng pagpatak ng luha ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko. Parang may isang daang punyal ang sumasaksak sa puso ko.
Nanghihinang napaupo ako sa sofa at sinubsob ang mukha sa palad. Bumalong ang masaganang luha sa mata ko.
Ikakasal na pala sya kaya hindi sya kumukontak. Kaya parang wala na syang pakialam sa akin. Pero ang sabi nya noon sa akin wala syang nobya. Ang sabi nya single sya. Niloloko lang pala nya ko. Inisahan nya lang ako. Walanghiya sya!
Padaskol na tumayo ako at malalaki ang hakbang na pumasok sa kwarto. Binuksan ko ang closet at kinuha ko ang bag. Nilagay ko ang lahat ng mga gamit ko at ilang mga damit. Parang di ko kayang magtagal sa bahay na ito lalo na at nalaman ko ngayon na ikakasal na pala sya. Di ko maintindihan kung bakit nakipag relasyon pa sya sa akin gayung may fiancee na sya. Bakit? Ano bang balak nya sa akin? Gagawin nyang kabit? Ang kapal ng mukha nya!
Zinipper ko na ang bag pack at sinukbit sa likuran. Binitbit ko na rin ang shoulder bag. Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng bahay at nilock ang pinto. Siguro ay doon muna ako sa bar ngayong gabi. Pinunasan ko ang luha sa pisngi at tumingin sa bahay. Wala ng dahilan para manatili ako sa bahay na ito.
“Kung hindi nga lang dumating ang kapatid ko pwede kang matulog sa bahay. May ekstrang kwarto pa kasi doon.” Sabi ni Ate Lucille habang nag aayos ng gamit nya. Pauwi na rin sya at nasa labas na ang partner nya.
“Ayos lang ate, ok naman ako dito.” Sabi ko habang inaayos ang unan sa folding bed. Alas dos na ng madaling araw at nagsasara na ang bar.
“O paano maiwan na kita. Kita na lang tayo bukas.” Ani Ate Lucille at sinukbit ang shoulder bag sa balikat.
Hinatid ko naman sya palabas ng dressing room. Nilock ko na ang pinto at humiga na sa folding bed. Tumitig ako sa kisame ng dressing room. Pinunasan ko ng daliri ang luhang tumulo sa gilid ng mata ko. Di ko alam kung ano ba ang nagawa kong masama at parang pinaparusahan ako ng ganito. Ngayon di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. Di ko alam kung saan na pupunta.
Nakaramdam na ako ng antok kaya pinikit ko na ang mata..
Naalimpungatan ako sa malalakas na katok sa pinto at parang may tumatawag sa pangalan ko.
“Jessica! Jessica! Gising!”
Dinilat ko ang mata. Di ko alam kung malabo ang mata ko pero parang naguulap ang paningin ko. Mainit din dito sa loob sa dressing room dahil nakapatay pala ang electric fan. Napaubo ako ng sunod sunod. Para akong kinakapos ng hininga. Dinig kong binabayo ng kung sinong nasa labas ang pinto.
“Jessica gumising ka may sunog!”
Doon na ako nagising ng tuluyan at nanlaki ang mata ng marealize na umuusok ang loob ng dressing room. Mabilis akong bumangon kasabay niyon ang pabalibag na pagbukas ng pinto. Tumambad ang dalawang bouncer ng bar na inuubo. Matindi din ang usok sa labas.
“Halika na! Lumabas na tayo! Kumakalat na ang apoy baka di na tayo makalabas!” Lumapit ang isang bouncer at hinawakan ako sa braso.
“S-Sandali lang kuya.” Mabilis kong hinablot ang shoulder bag ko.
“Halika na!” Hinila na ako ni kuyang bouncer palabas ng bar.
Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at takot ng makitang kalat na ang apoy sa loob. Naglaglagan na ang mga kahoy sa kisame. Para kaming nasa loob ng pugon sa init. Makapal ang usok sa paligid at halos wala ng makita.
“Dito! Dito!” May lumapit sa aming bumbero at inalalayan kami palabas ng bar.
“Kuh! Mabuti na lang at nakalabas ka jusko! Akala ko di ka na makakalabas ng buhay at tuluyan ng matutusta sa loob!” Sabi ni Madam Luz na naabutan ko sa labas. Naroon na rin ang iba pang mga tauhan ng bar na naiwan. Bakas sa kanilang mga mukha ang panlulumo at pag aalala.
“Ano po bang nangyari madam? Bakit po nagkasunog?” Tanong ko habang pinapanood ang mga bumbero na inaapula ang apoy. Pero sa tingin ko kahit maapula na ang apoy ay wala ng matitira sa bar.
“Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari. Basta parang may putok sa taas tapos yun na, nag aapoy na ang kawad ng kuryente hanggang sa kumalat na ang apoy. Naku, paano na kaya ito?” Nag aalalang sabi ni Madam Luz.
Bumuntong hininga ako. Pasalamat pa rin ako at nakalabas ako ng buhay kahit naiwan ang bagpack ko sa loob. Salamat sa dalawang bouncer na tumulong sa akin.
Chapter 14
Jolene
NAPAPABUNTONG hininga ako habang nakatingala sa bahay ni Atlas. Di ako makapasok dahil wala akong susi. May kataasan din ang gate. At kahit makapasok ako sa loob ng gate ay di rin ako makakapasok sa loob ng bahay. Ang mga bintana ay may rehas na bakal pa. Nailagay ko ang susi sa bulsa ng bag pack na natupok na ngayon sa sunog sa loob ng bar. Wala akong damit na pamalit ngayon. Ang dala ko lang ay ang shoulder bag ko. Mabuti nga ay nahablot ko ito kanina bago ako hilahin ni kuyang bouncer palabas ng dressing room.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at tumalikod na. Naglakad lakad ako habang nag iisip.
Bumalik kaya ako sa bahay? Baka papasukin na ako ni mama. Kung hindi naman kukunin ko na lang ang ibang damit ko. Pero sana papasukin na nya ako at patawarin. Tutal naman, bahay ko rin yun. Mas may karapatan ako kesa sa mga kapatid nya.
Ng may dumaang traysikel ay pinara ko na yun at sumakay.
Pero ganun na lang ang panlulumo ko ng pagdating ko sa bahay ay sarado ito at walang katao tao. Nakalock ang pinto sa harap at likod pati na rin mga bintana. Mukhang umalis silang lahat. Naiiyak na umupo ako sa hagdan ng terrace.
“Jolene walang tao dyan sa bahay nyo kagabi pa.”
Nag angat ako ng mukha. Pinunasan mo ang luha sa aking pisngi. Nakita ko ang kapitbahay namin na si Aling Susie.
“Saan po sila nagpunta Aling Susie?”
“Eh ang sabi ng Tita Emie mo mag outing daw sila at sagot ng mama mo ang lahat. Mga three days yata, yun ang sabi eh.”
Bumagsaka ang balikat ko sa sinabi ni Aling Susie. Naisip ni mama na mag-outing kasama sila Tita Emie pero ako di nya naisip. Ganun na ba sya ka-walang puso sa akin? Anak nya naman ako ah. Muling tumulo ang luha ko sa sama ng loob. Saan na ako pupunta ngayon?
Pinunasan ko ang luha at tumayo na. Nagpasalamat ako kay Aling Susie.
“O saan ka pupunta nyan?” Tanong ni Aling Susie.
“Kanila Leah po, doon po muna siguro ako.”
“Aba’y mabuti nga. Mas mabait naman ang mga tiyahin at tiyuhin mo sa side ng papa mo kesa sa side ng mama mo.”
Ngumiti na lang ako at di na sumagot.
Pero hindi ako kanila Leah dumiretso. Ayokong makaabala doon.
Pumunta ako sa bayan at pumasok sa isang fast food chain. Mag a-alas dies na at wala pa akong almusal.
Habang kumakain ay pinagiisipan ko ang susunod kong gagawin. Di ako pupwedeng panghinaan ng loob sa mga problema ko. Madadamay ang baby ko.
Mabuti na lang ay may pera ako. Malakilaki din ang naipon ko sa ilang pagtatrabaho ko sa bar. Kaya nga nakakalungkot na nasunog ito. Mukhang matatagalan pa bago ulit ito mag operate dahil sa laki ng damage.
Biglang kong naalala ang atm card na binigay ni Atlas. May lamang pera yun at malaki laki rin. Kung di na ako babalikan ni Atlas kukunin ko ang pera doon at ilalaan ko sa panganganak ko. Pero bago ko isipin ang tungkol sa panganganak ko ang dapat kong isipin ay ang kalagayan ko ngayon. Sa sitwasyon ko ngayon mahihirapan akong tumuloy sa pag aaral. Pinalayas ako at walang gamit. Tapos buntis pa ako. Saan ako titira ngayon? Kailangan ko ring maghanapbuhay para sa amin ni baby. Di pwedeng iasa ko lang ang lahat sa perang meron ako tapos wala namang pumapasok. Saan naman ako hahanap ng trabaho dito sa amin? Mahirap maghanap ng trabaho dito sa lugar namin at kung makahanap man ay mababa naman ang sweldo.
Naalala ko si Leah na sa Manila nagtatrabaho. Pwede akong pumunta sa Manila. Ang sabi nya marami daw pwedeng pasukan doon basta masipag ka lang.
Binitawan ko ang hawak na burger at dinukot ang cellphone sa bag. Binuksan ko ang data ko at tiningnan kung online si Leah pero di sya nakaonline, baka may ginagawa. Kaya tinawagan ko na lang sya. Nakailang ring bago sya sumagot. Naiyak ako bigla ng marinig ang boses nya at narinig nya yun. Sa sitwasyon ko ngayon gusto ko ng may makakausap yung makakaintindi sa akin. Pakiramdam ko kasi mag isa lang ako. Mabigat na mabigat ang dibdib ko dahil sa sitwasyon ko ngayon.
Panay ang tanong ni Leah kung ano ang nangyayari sa akin dahil umiiyak ako. Sinabi ko na lang na pinalayas ako ni mama. Hindi ko muna sinabi sa kanya na buntis ako dahil magiging mahabang usapan yun. Ikukwento ko na lang sa kanya kapag nagkita kami ng personal. Sinabi ko sa kanya na gusto kong pumunta ng Manila at magtrabaho doon. Medyo nagulat pa sya na ngayong araw ako pupunta doon pero naexcite rin sya. Ise-send daw nya sa akin ang eksaktong adress nya doon sa Manila.
Pagkatapos naming mag usap ni Leah ay niligpit ko na ang pinagkainan ko. Inayos ko muna ang sarili bago ako lumabas ng fast food chain.
May nakita akong atm machine na katabi lang ng fast food chain. Bumuntong hininga ako at tinungo iyon. May isang nagwi-withdraw, hinintay ko muna iyong matapos. Kinuha ko naman ang wallet ko sa bag at diunukot ang nakasuksok na atm card. May maliit na papel yun kung saan nakasulat ang pin. Ng matapos na ang lalaki magwithdraw ay ako na ang sumunod. Nanginginig pa ang kamay na sinuksok ko ang atm. Mabilis kong pinindot ang pin. Tiningnan ko muna ang balance. Anim na digit ang laman noon. Nag withdraw muna ako ng thirty thousand. Kailangan ko ng pera pag pumunta ako ng Manila. Ang kwento kasi ni Leah ay mahal ang bilihin doon.
Maingat kong nilagay ang pera at atm sa wallet ko. Sa Manila ko na lang wi-withdraw-hin ang ibang pera tapos ay itatabi ko yun pampacheck up at panganganak. Baka kasi biglang magfreeze yung account. Sayang naman yung pera. Tutal binigay naman nya yun sa akin. Baka sinadya nga nya talaga yun dahil di na nya talaga ako babalikan. Kaya di na ako mahihiyang kunin ang pera nya. Sya nga di nahiya sa akin. Ginamit lang nya ako. Gago sya.
Binuksan ko ang cellphone ko. Dumating na ang chat ni Leah. Binasa ko ang adress pagkatapos nun ay muli syang tumawag. Tinuruan nya ako kung saan ako sasakay at ano ang sasakyan ko. Kulang kulang limang oras daw ang byahe papunta sa Manila. Eksaktong alas diez na. Kung babyahe ako ngayon ay makakarating ako doon ng mga alas tres. Magpapaalam daw sya sa amo nya at aabangan ako sa terminal.
Pinatay ko na ang cellphone at nilagay sa bag. Pumara ako ng traysikel at nagpahatid sa terminal.
Nalulungkot man akong iwan ang kinalakihang lugar pero parang wala na akong ilulugar dito. Siguro kailangan ko munang lumayo para makapagsimula akong muli.
.
.
.
“Tamang tama mag isa lang ako dito sa kwarto. Umalis na kasi yung kasama ko at di na bumalik pagkatapos tangayin ang benta ng tindahan.” Sabi ni Leah na aligagang niligpit ang ilang mga gamit na nakakalat.
Nilibot ko naman ang paningin sa buong kwarto. Maayos naman ang kwarto nya. Sementado at kulay puti ang pintura na medyo nababakbak na. May bintana naman kaya nakakapasok ang hangin kahit papaano. May dalawang wallfan din sa magkabilaang dingding, ang isa ay nakabukas. May maliit din na lamesang kahoy na de tupi at may nakalapag na pitsel at baso. Ang maganda pa ay may double deck.
“O dito ka matutulog sa taas. Ako naman dito sa baba. Alam mo na malikot akong matulog baka malaglag. Ang cr naman ay nandyan lang, yung katabing pinto.”
Tumango tango naman ako.
“Pero papaano ang amo mo insan? Baka magalit yun nagpatuloy ka ng ibang tao dito.” Nag aalalang sabi ko.
Nagtatrabaho si Leah bilang tindera ng malaking tindahan ng mga herbal na gamot. Intsik ang amo nya.
“Hindi yan. Mababait ang mga amo ko. Yung kasamahan ko ngang nagtangay ng benta hindi na nila hinabol ng demanda eh. Saka isa pa pwede ka ring mag apply ng tindera sa amo ko. Sigurado tatanggapin ka nila dahil pinsan kita. Ang hinahanap na kasi nila ngayon ay yung kakilala.”
“Talaga? Sige pasok mo ko.” Tuwang sabi ko. Maganda to magkakatrabaho agad ako.
“Sige sige, sasabihin ko muna. Maiwan muna kita rito babalik lang ako ng tindahan dahil si Nana ang tumao dun.”
Tumango ako at ngumiti. “Thank you Leah.”
“Sus wala yun. Pinsan kita no. Mamaya usap tayo.”
Paglabas ni Leah ay naiwan na akong mag isa dito sa loob ng kwarto. Umupo ako sa kutson ni Leah at bumuntong hininga. Tama lang ang desisyon kong pumunta dito sa Manila.
“Aba ganda babae to pinsan mo ah.” Nakangiting sabi ng may edad na maputimg babae na maliit ang mata. Sya si Nana ang amo ni Leah. May asawa din sya na instik din si Tata na una naming nakausap kanina mabait din ito.
“Maganda din naman ako Nana ah.” Nakangusong sabi ni Leah.
“Syempre ganda ka din pero lamang daming ligo pinsan mo.” Tumatawang sabi ni Nana. Halatang mapagbiro sya.
“Sigurado ba ikaw gusto trabaho dito tindahan ko? Di naman bigat trabaho dito bebenta ka lang herbal gamot tapos susulat mo doon sa notebook yung benta. Wala ka problema pagkain libre pagkain dito. Libre din tulugan, tubig at kuryente. Otso oras lang bukas tindahan.” Paliwanag ni Nana.
Ngumiti ako at tumango. “Opo Nana gusto ko po trabaho dito – este gusto ko pong magtrabaho dito.” Muntik ko na syang magaya.
Tumawa naman sya Nana. “Ikaw hawa na akin ha.”
Natawa na lang din ako.
“Sige, ikaw tanggap na. Pwede ka na simula bukas. Si Leah tuturo sayo gagawin mo.”
“Salamat po Nana.”
Naging maayos naman ang trabaho ko sa tindahan ng mag asawang intsik. Mabait sila sa amin ni Leah. May anak sila pero nasa China daw ito at may pamilya na rin. Mas gusto ng mag asawa dito sa Pilipinas. Mas sanay daw sila sa kultura at ugali ng mga pinoy.
Si Leah naman ay alam na ang tungkol sa pagbubuntis ko. Noong una ay hindi sya naniniwala kaya pinakita ko sa kanya ang ultra sound ko na pinakatago tago ko sa wallet. Saka lang sya naniwala. Sinabi ko sa kanya na yun ang dahilan kung bakit ako pinalayas sa bahay ni mama at ayaw ng pabalikin. Kinuwento ko rin sa kanya na nasunog ang bar kaya wala na akong ibang mapupuntahan. Ayoko namang makisiksik sa bahay nila. Awang awa naman si Leah sa akin at nangakong tutulungan ako at aalalayan sa pagbubuntis ko. Si Nana nga ay nahalata din nya na buntis ako dahil mabilis ang tibok ng pulso sa leeg ko. Swerte daw ang buntis sa negosyo. Na parang totoo naman dahil araw araw marami kaming customer.
Humihikab na naglalakad ako sa gilid ng daan habang papunta sa tindahan. Alas syete pa lang ng umaga at kagigising ko lang. Alas otso y medya ang bukas ng tindahan.
Gumilid pa ako sa gilid ng daan dahil may mga batang nagtatakbuhan. Maraming bata at tao dito sa lugar. Halos dikit dikit ang mga bahay at maiingay. Kabi-kabila din ang tindahan. Umaga pa lang pero marami ng umiinom sa gilid ng daan. Ang sabi ni Leah ay normal na raw dito ang mga ganitong tanawin. Masasanay din daw ako katagalan. Basta ang importante ay makisama lang daw ako.
Malapit na ako sa unang tindahan. Magpapaload lang naman ako at babalik na sa kwarto namin ni Leah. Nag text kasi si Ate Lucille at kinakamusta ako.
Pero paakyat pa lang ako sa gutter sa tapat ng tindahan ay may motorsiklong humahagibis ang takbo palapit sa akin. Sobrang bilis ng pangyayari. Mabilis na hinablot ng nakasakay sa likuran ang cellphone ko at mas tinulinan pa nila ang patakbo sa motorsiklo paalis.
“Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong! Ninakaw ang cellphone ko!” Nagsisigaw ako sa taranta habang tinuturo ang papalayong motorsiklo.
Nagsilapitan naman sa akin ang ilang mga tao. Ang tindera nga ng tindahan ay lumabas pa. Ang ilan ay sinubukan pang habulin ang motorsiklo.
“Mahirap ng habulin yun. Matulin ang patakbo ng motor.” Sabi ng isang may edad na lalaki na nakataas ang damit at litaw ang may kalakihang tiyan.
“Dapat mag iingat ka miss kapag lalabas ka. Uso hablutan ng cellphone dito.” Sabi ng tindera.
Nanlumo naman ako. Napakamalas ko naman talaga.
Next chapter back to present na ;)
Chapter 15
Present day..
Jolene
“GOOD morning na po mama.” Bati sa akin ng bibong bibo kong anak pagmulat ko ng mata. Ngiting ngiti sya na nakatanghod sa akin. Sino ba naman ang hindi gaganahan sa umaga kapag sya ang makikita ko. Ang pogi pogi talaga ng baby boy ko. Manang mana sa manggo-ghost nyang papa.
Kinurap kurap ko ang mata at naginat sabay ngiti.
“Morning baby ko. Yakap mo nga si mama.” Lambing ko sa kanya.
Sumakay sya sa ibabaw ko at dumapa sabay yakap sa akin. Niyakap ko din sya ng mahigpit na mahigpit. Hagikgik naman sya ng hagikgik. Ang sarap sa tenga ng maliit nyang tawa. May kabigatan na sya pero keri lang. Hanggat bata pa sya ay gusto ko syang yakapin ng ganito dahil mabilis lang lumipas ang panahon.
“Anong oras na baby ko?”
“Ala tais na po mommy. Nagluluto na nga po ta labat ti Tita Leah eh.”
Natawa ako sa pagkabulol nya sa letrang s. Tuwid na syang magsalita pero sa s lang sya talaga minsan nahihirapan. Di bale paglaki nya mabibigkas din nya yun ng tama.
“Bangon na tayo anak. Papasok ka pa sa school.” Umalis na sya sa ibabaw ko.
Bumangon na ako at hinawi ang kurtina sa bintana. Binuksan ko na rin ang bintana at pumasok ang sinag ng araw. Masarap sa balat ang sinag ng araw sa umaga. Niligpit ko na ang higaan namin. Tinulungan naman ako ni Jeremiah at sabay na kaming lumabas ng kwarto.
“Morning.” Bati ko kay Leah.
“O gising ka na pala insan. Kumain na kayo ni Jeremiah dahil maaga pa kayo sa school nya.”
Nakahain na sa plastic naming mesa ang sinangag, pritong itlog, hotdog na paborito ni Jeremiah at tuyo.
“Eh ikaw di ka ba sasabay?” Kinuha ko sa tauban ng baso ang mug ko at mug ni Jeremiah.
“Mamaya na, tatapusin ko muna yung labahin ko. Sya nga pala Leah, birthday pala ngayon ni Nana. Pumunta daw kayong mag ina mamaya sa bahay nila wag mo daw kakalimutan. Namimiss na daw nila si Jeremiah.”
“Oo nga pala, birthday pala ni Nana muntik ko ng makalimutan.” Bulalas ko habang nilalagyan ng mainit na tubig ang mug namin ni Jeremiah.
“Pupunta po tayo kanila Nana mamaya mama?” Nagniningning ang matang tanong ni Jeremiah habang ngumunguya na ng hotdog.
“Yes baby, birthday ni Nana ngayon.”
“Yehey! Kakain na naman ako ng matarap na luto ni Nana.” Excited na sabi ni Jeremiah.
Paborito nya kasi ang luto ni Nana. Masarap naman talagang magluto ng chinese food si Nana. Noong naglilihi nga ako gustong gusto ko rin ang luto ni Nana. Lalo na yung chow mien at sweet and sour pork. Pinaka paborito ko yun. Si Jeremiah naman ay kung pao chicken ang paborito.
Sobrang lapit ni Nana at ni Tata kay Jeremiah. Apo na nga ang turing nila dito at spoiled na spoiled ang anak ko sa kanila. Tinuring na rin kasi ng mag asawa na lucky charm si Jeremiah sa tindahan nila na ngayon ay lumaki na at nagkaroon pa ng branch na si Leah ngayon ang tumatayong katiwala. Nakapagpatayo na nga rin sila ng kainan na puro chinese food na dinadagsa din ng mga tao. Kaya tuwing birthday ni Jeremiah marami syang natatanggap na regalo at pera sa mag asawa. Kahit pupunta lang kami doon ay lagi syang binibigyan kaya itong anak ko gustong gusto lagi na pumupunta doon.
Di naman kalayuan ang tindahan dito sa inuupahan naming apartment. Pwedeng lakarin pwede ring sumakay ng traysikel. Di lang kasi kami madalas nakakapunta doon dahil busy ako sa bago ko ngayong trabaho sa planta ng yelo bilang logistic manager. Swerteng natanggap ako agad sa trabahong yun kahit hindi ako college graduate. Maganda naman ang pasweldo at eight hours lang ang pasok ko.
Gustuhin ko mang magtapos ng kolehiyo ay hindi pa kaya sa ngayon. Syempre uunahin ko muna ang anak ko.
“Wow, ang pogi pogi na ng baby ni mama.” Puri ko kay Jeremiah ng suklayin ko na ang buhok nya.
Ngitingi ngiti naman sya. Kapag ganitong ngumingiti sya sumasagi sa isip ko ang ama nya. Kamukhang kamukha nya kasi eh.
Bumuntong hininga ako. Ngayong nakita ko na ulit ang ama nya, sa totoo lang halo halo ang nararamdaman ko. Kaba, takot, galit pero may sumisingit na tuwa at pagkamiss sa gagong yun. Kahit limang taon na ang lumipas di pa rin naman tuluyang nawala ang nararamdaman ko sa lalaking yun. Nakabaon lang yun sa malalim na bahagi ng puso ko dahil ang nangingibabaw ngayon sa akin ay ang pagmamahal ko sa anak ko.
Hinawakan ng dalawang maliit na kamay ni Jeremiah ang mukha ko.
“Mama, bakit po lungkot ka?”
Ngumiti ako. “Hindi ako malungkot anak. May iniisip lang.”
Inayos ko ang kwelyo ng puting polo nya. Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang uniporme. Lalo syang poging tingnan. Marami nga ang nagsasabi na gwapong bata ang anak ko. Madalas syang mapagkamalan na anak ng foreigner. Napagkakamalan din kaming magtita dahil hindi daw halatang nanganak na ako at parang dalaga pa rin daw ang katawan ko.
Pagkatapos kong ayusan si Jeremiah ay ako naman ang nagbihis na. Tinanggal ko ang nakabalunbon na tuwalya sa buhok at mabilis na dinryer ang basa kong buhok. Pagkahatid ko kay Jeremiah sa school ay didiretso na ako sa planta. Tatlong oras lang naman ang pasok sa school ni Jeremiah. Si Leah ang magsusundo sa kanya at isasama sa tindahan para bantayan.
“Ingat po kayo Ma’am Jo.” Sabi ng mga driver at helper sa akin paglabas ko ng office.
Nginitian ko na lang sila at kinawayan. Nailing na lang ako ng tila sila mga teenage boys na kinikilig. Di naman lingid sa kaalaman ko na crush ako ng mga driver at helper. Kalat na kalat na nga yun sa buong planta. Wala naman yun sa akin. Mababait naman ang driver at mga helper. Ang importante hindi sila mga bastos.
Sinilip ko ang oras sa relo. Pasado alas kwatro na ng hapon. Didiretso na ako kay Leah sa tindahan para sabay sabay na kaming pupunta sa bahay ni Nana at makibirthday. Bitbit ko ang paper bag na may lamang regalo sa kanya. Tatlong pares yun na ternong damit na bulaklakin. Mahilig kasi si Nana sa terno na bulaklakin. Siguradong matutuwa sya.
Pumara na ako ng jeep at sumakay na.
“Mama!” Salubong sa akin ni Jeremiah sa labas ng tindahan. Naglalock na si Leah ng tindahan. Binati ako ng dalawang tindera na kasama ni Leah. Nginitian ko naman sila.
“Nagbehave ka lang ba kay tita?” Tanong ko kay Jeremiah na nakayakap na sa bewang ko. Nakabihis na sya ngayon ng ternong damit na kulay dilaw na may cartoon character na nakaimprenta.
“Yes po mama. Behave lang po ako.”
Ngumiti ako at sinuklay ng daliri ang malambot nyang buhok. “Nakatulog ka rin ba?”
Tumango tango sya.
“Mama may star po ako taklo.” Pinakita nya sa akin ang likod ng kamay nya na may tatak na tatlong star.
“Wow, very good ang baby boy ni mama ah. Pakiss nga.” Umiskwat ako at pinupog sya ng halik sa mukha. Panay naman ang hagikgik nya.
“Nagpakitang gilas daw yan sa school sabi ng teacher nya kaya may star.” Sabi ni Leah.
“Wow naman. Galing galing talaga ng baby na yan.” Tuwang tuwa din ako kapag maganda ang pinapakita nya sa school. Ibig sabihin nakikinig sya sa tinuturo ng teacher at tinuturo ko. Kunsabagay matalino din talaga tong anak ko at fast learner pa.
“Mama punta na tayo kay Nana. Pakita ko po ta kanya star ko para bigyan nya ako pera.” Ngiting ngiti na sabi nya.
Minsan talaga pagdating sa pera magaling din tong anak ko. Di ko alam kung saan sya nagmana.
“Oo na, pero pagdating natin doon wag mong kakalimutang batiin ng happy birthday si Nana ok.” Paalala ko.
“Yes po mama.”
“O halina kayo. Magtraysikel na lang tayo.” Sabi ni Leah. Kinuha ko sa kanya ang bagpack ni Jeremiah.
Sumakay na kami sa traysikel. Nagkasya naman kaming lima. Apat kami sa loob, ako si Leah at isang kasamahan nyang tindera. Kandong ko naman si Jeremiah. Ang isang tindera ay sa likod ng driver umupo. Malapit lang naman ang bahay nila Nana. Wala pa ngang limang minuto ay nakarating na kami.
Maingay na sa loob ng bahay ni Nana at ni Tata. Marami ng tao na halos puro tauhan nila sa tindahan at sa kainan. Maraming pagkain sa mahabang mesa na puro mga chinese food.
“Happy birthday po Nana!” Bibong bati ni Jeremiah kay Nana.
“Ay dito na pala ang poging bata.” Kinarga ni Nana si Jeremiah at pinanggigilan. Panay naman nag hagikgik ng anak ko. Nakisali pa si Tata sa pagpisil sa pisngi ni Jeremiah.
Nangingiting pinagmamasdan ko sila. Para na talaga silang lolo at lola ni Jeremiah. Sabik din kasi sila sa apo dahil ang mga apo nila ay nasa china. Malaki din ang pasasalamat ko sa dalawang matanda. Para na rin kasing sila ang tumayong mga magulang namin ni Leah dito sa Manila at lolo at lola ni Jeremiah. Mga bagay na hinihiling ko na sana si mama ay ganito din.
Humugot ako ng malalim na hininga at pinalis ang lungkot sa dibdib ko.
“Buti di nyo kalimot mag ina birthday ko.” Sabi ni Nana. Si Tata na ngayon ang may buhat kay Jeremiah.
“Pwede po ba yun Nana? Syempre hindi no. Ito nga may regalo po ako sa inyo.” Inabot ko sa kanya ang paper bag.
Kinuha naman nya iyon at binuksan. Ngumiti sya ng makita na damit ang laman. Kinuha nya yun sa loob ng paper bag.
“Ganda to ah! Gusto kulay at design.” Sabi nya at inisa isa ang mga damit at nilapat pa nya sa katawan.
Napangiti naman ako. Alam ko namang magugustuhan nya.
“Nagustuhan nyo po ba Nana?”
“Aba gustong gusto ko. Galing talaga ikaw pumili damit. Salamat.” Nagthumps up sya sa akin.
“Walang anuman Nana.”
“Happy birthday Nana.” Bati naman ni Leah na kumakain na ng shanghai.
“Kuh, ikaw talaga Leah. Una pa kain kesa bati ako.”
“Eh nagutom po ako Nana eh. Sarap nyo talagang magluto ng shanghai.”
“Kuh, bola mo pa ako. Nasaan regalo ko?”
“Hindi nyo pa po ako sinuswelduhan Nana.”
“Sunod linggo pa sahod mo.”
“Hindi po ba pwedeng i-advance?” Hirit pa ni Leah.
“Ikaw talaga, isahan mo na naman ako. Kain ka na lang sige.”
Nagtawanan naman kami sa kulitan ni Nana at ni Leah.
Maya maya ang anak ko naman ang nangulit kay Nana. Pinakita nya ang mga star nya sa kamay at binida ang mga ginawa nya sa school. Dahil spoiled sya kay Nana kaya ayun may five hundred sya. Tuwang tuwa naman sya.
Atlas
TININGNAN ko ang numero na nakaimprenta sa plaka sa labas ng gate ng isang compound ng apartment. Kumalabog ng husto ang dibdib ko ng tumugma ang numero ng address na sinend sa akin ng private investigator na inupahan ko.
Dito daw nakatira si Jessica o sa tunay na pangalan ay Jolene Caraz. Ang tanga ko rin eh. Ilang buwan kaming magkasintahan noon pero hindi ko man lang inalam ang tunay nyang pangalan. Kaya ng bumalik ako noon sa Zambales ay hirap na hirap akong hanapin sya. Yung bahay na pinaghahatiran ko sa kanya noon hindi naman pala sya doon nakatira. Di ko na rin sya makontak. Tapos nasunog pa yung bar na pinagtatrabahuan nya. Di ko na rin makita ang ilan nyang mga kasama sa bar na pwedeng makapag turo sa akin sa kanya. Mayron akong isang napagtanungan yung babaeng kasama nya na bokalista din. Pero di nya rin maituro kung nasaan si Jessica noon. Wala na rin daw syang kontak.
Alam kong galit si Jessica o Jolene sa akin dahil hindi ko sya binalikan agad. Sana pakinggan nya ang paliwanag ko kung bakit di ako nakabalik agad.
Sumilip ako sa loob ng luma at kinakalawang na gate. Di ko alam kung pang ilang pinto ang bahay nilang mag ina dito. May ilang bata ang naglalaro sa loob. May nakita akong isang may edad na babae na nagwawalis.
“Tao po.”
Lumingon sa gate ang babae at nakita ako. Bitbit ang walis ay lumapit sya sa akin.
“Ano pong kailangan nila?” Tanong ng babae na ngiting ngiti sa akin.
“Ah, dito ho ba nakatira si Jessica Caraz – I mean Jolene Caraz.”
“Ah si Jolene. Oo dito nga sya nakatira. Yang pangalawang pinto ang bahay nya.” Tinuro nya ang pintong nakasarado.
Lumunok ako. Dito nga sya nakatira. Bumangon ang pananabik sa dibdib ko.
“Nandyan ho ba sya?”
“Ay yun lang, di pa yata nakakauwi. Pero pauwi na rin yun pagabi na din kasi. Pasok ka muna. Kung gusto mo sa loob mo na lang hintayin.” Alok sa akin ng babae.
“Ah sa kotse na lang ho ako maghihintay. Salamat ho.”
Sinilip pa ng babae ang kotse. “O sige ikaw ang bahala.” Tumalikod na ang babae.
Bumalik naman ako sa kotse at doon naghintay. Sabik na akong makita sya.. at ang anak namin.
Chapter 16
Jolene
“O DAHAN dahan sa pagbaba anak wag kang tatalon.” Agad kong hinawakan sa braso si Jeremiah na pababa ng traysikel. May habit kasi sya na kapag bababa kami ng traysikel ay tumatalon sya sabay takbo.
Huling bumaba ng traysikel si Leah na binayaran ang driver. Ginabi na kami kanila Nana at ngayon lang nakauwi. Ito kasing anak ko parang ayaw pang umuwi. Mabuti na lang pinauwian kami ni Nana ng pagkain kaya di na kami magluluto. Mga busog na rin naman kami.
“Mama, ang daming pera bigay ta akin ni Nana tapos bigay din ako ni Tata.” Bibong wika ni Jeremiah na patalon talon pa habang hawak ko sya sa kamay.
“Eh di marami na ikaw pera. Sana all.” Biro ko sa anak. Nasa bulsa ng maong nyang short ang pera nya na binigay ni Nana at ni Tata.
“Bibigay ko po yun ta inyo mamaya mama para pambili ko po ng milk at baon ta ishkul.”
“Aba good boy talaga ang pamangkin ko ah.” Ani Leah at pinanggilan ang pisngi ni Jeremiah. Binuksan na nya ang gate.
Hinaplos haplos ko naman ang buhok ng anak ko. “Good boy talaga tong baby ko. Kaya mahal na mahal ko to eh.” Pinanggigilan ko rin ang pisngi ng anak. Panay naman ang hagikgik nya.
Maswerte din talaga ako kay Jeremiah dahil hindi sya mapiling bata lalo na at hindi sya sa sakitin. Matalino pa sya at bibong bibo.
Ng mabuksan na ni Leah ang gate ay pumasok na kami.
“Jessica.”
Natigilan ako at tila tinulos ang paa ko sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na boses na matagal ko ng hindi naririnig. Kumakabog ng husto ang puso ko at para akong may stiff neck na di makalingon.
Bakit nandito sya? Pano nya nalaman kung saan ako nakatira?
“Tito Atlat!” Bati ni Jeremiah na nahihiyang yumakap pa sa bewang ko pero nakangiti at nagniningning ang mga mata habang nakatingin kay Atlas na nasa likuran ko.
Tiningnan ko si Leah na nakaawang ang labi habang nakatingin din kay Atlas. Kilala na nya si Atlas sa hitsura dahil pinakita ko dati sa kanya ang picture nito.
“Jo, yung ex mo – “
“Sige na pumasok na tayo sa loob at malamok na.” Putol ko sa sasabihin ni Leah at bahagyang tinulak papasok si Jeremiah.
“Jessica wait!” Hinawakan ni Atlas ang braso ko.
Tila may kuryenteng dumaloy sa mga ugat sa katawan ko ng maramdaman ang mainit nyang kamay. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Pahablot na binawi ko ang kamay. “I’m sorry mister hindi ako si Jessica.” Malamig na sabi ko at hindi pa rin sya nililingon. Parang di ko sya kayang harapin.
“I know, dahil ang totoo mong pangalan ay Jolene. Please let’s talk. Noon pa kita hinahanap.” May himig na pagsusumamo sa boses nya.
Naninigas ang leeg na nilingon ko sya. Pinatigas ko ang aking mukha at malamig syang tiningnan. Ilang taon na ba kaming hindi nagkita? Limang taon? Hindi pa ganun kahabang panahon kaya parang sariwa pa sa akin ang lahat.
Sa loob ng limang taon parang walang nagbago sa kanya. Maliban sa bahagyang nagmatured ang mukha nya na bumagay sa kanya at mas lalo pa syang gumuwapo. Lalo pang lumaki ang katawan nya.
Pinikit ko ng mariin ang mata at hinilot ang sentido. Lihim kong pinagalitan ang sarili dahil sa pagpuri ko sa kanya.
“Jessica – “
“Di nga ako si Jessica.” Asik ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin.
“Fine, Jolene.” Parang maamong tupa ang mukha nya. “Usap tayo please.”
“Mama utap na po kayo ni Tito Atlat. Bait po Tito Atlat. Bigay nya nga ako pera eh.” Singit ni Jeremiah na ngiting ngiti pa rin at inosente sa nangyayari sa paligid.
Tumingin naman si Atlas kay Jeremiah at ngumiti. Inabot nya ang pisngi ng anak ko at hinaplos. Tinabig ko ang kamay nya at kinabig ang mukha ng anak sa akin.
Nawala naman ang ngiti ni Atlas at tumingin sa akin. “Sugar.”
Pinandilatan ko sya ng mata. “Wag mo kong matawag tawag na sugar at huwang mong hawakan ang anak ko.” Mababa ang boses pero may diin na sabi ko.
Gumuhit ang sakit at lungkot sa mata ni Atlas.
Tumikhim naman si Leah. “Jo, sa tingin ko kailangan nyong mag usap na dalawa.”
Nilingon ko si Leah at pinandilatan ng mata pero pinandilatan nya rin ako.
“Sa loob na kami ni Jeremiah. Let’s go inside muna baby boy. Mag uusap muna si mama at si papa – este Tito Atlas mo.”
Lalo kong pinandlitan ng mata si Leah. Ang daldal talaga eh.
Pero di ako pinansin ng pinsan at hinawakan sa kamay si Jeremiah at niyakag na papasok sa bahay. Kumaway pa si Jeremiah kay Atlas.
Humakbang ako palabas ng gate at sinarado ito. Napansin ko pa ang ilan naming kapitbahay na nakatingin sa amin ni Atlas.
Taas noong hinarap ko si Atlas at humalukipkip. “Ano bang pag uusalan natin.” Malamig na wika ko.
Hindi sya nagsalita at nakatitig lang sa mukha ko. Yung titig nyang pamilyar na pamilyar sa akin. Ganun nya ako tingnan limang taon na ang nakakaraan na para bang ako lang ang babaeng nakikita nya.
Tss! Napaismid ako. Hindi ako dapat magpadala sa mga titig nya.
“Sugar.” Sambit nya.
Matalim ko syang tiningnan. “Wag mo nga sabi akong tatawaging sugar.”
“Ok fine Jessica – err Jolene. Fuck! Ano bang itatawag ko sayo?”
Umikot ang mata ko. “Jolene na lang, di na ako nagtatrabaho sa bar kaya hindi na ako si Jessica.”
Ngumisi sya. “Oh yeah, biruin mo yun ilang buwan din naging tayo pero di ko man lang alam ang totoong pangalan mo. Pati pangalan mo sa social media Jessica din yun pala Jolene ang totoong pangalan mo.” Sarkastikong sabi nya.
Siguradong nalaman nya sa kapatid nya ang totoong pangalan ko. Alam na rin kaya ni Ava na nagkaroon kami ng relasyon ng kuya nya?
Bumuntong hininga ako. “Ano ba talagang gusto mong sabihin at mukhang hinanap mo pa talaga kung saan ako nakatira?” Mataray na turan ko.
“Wala naman talaga akong balak hanapin ka na eh kung hindi lang kita nakita sa mall kasama nila Ava.”
Tila may kamay na pumiga sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Gagong to ah!
Akmang magsasalita ako pero inunahan nya ako.
Seryoso ang kanyang mukha at matiim na nakatingin sa akin.
“Sumuko na ako sa paghahanap sayo ilang taon na ang nakakaraan. Paano ko naman mahahanap ang taong ayaw magpahanap? Iba ang pangalan, iba ang tirahan na sinabi sa akin. Hindi ko na makontak at hindi na rin ako kinokontak. Minemessage ko sa social media pero di naman ako nirereplayan. Parang wala lang ako na kinalimutan mo.” Pasumbat na sabi nya.
Bigla naman akong napipilan. Minemessage pala nya ako sa dati kong account. Pero ilang taon ko na rin kasi yung hindi binubuksan para umiwas sa mga kamag anak ko sa probinsya, nakalimutan ko na nga rin ang password. Kaya gumawa na lang ako ng bagong account at nakalock pa.
Lumunok ako at lalong pinatigas ang mukha. Wala syang karapatan na manumbat. Hindi nya alam kung anong hirap at sakit ang dinanas ko noong mga panahon na kailangang kailangan ko sya.
“Hinintay kita Atlas. Halos dalawang buwan akong naghintay ng tawag mo. Ni ha ni ho wala kang paramdam. Sobrang nag aalala ako sayo noon kung ano na ang nangyayari sayo pero wala kang kontak. Hindi na rin kita mokontak. Alam mo bang lugmok na lugmok ako noon dahil pinalayas ako ng mama ko sa amin. Wala akong makausap, ikaw sana pero wala ka. Tapos noong nakontak naman kita fiancee mo ang sumagot. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang malamang ikakasal ka na? Para akong sinasaksak ng patalikod. Ikakasal ka na pala tapos nakuha mo pa akong landiin. O baka intensyon mo talaga yun at nung sawa ka na i-iniwan mo na lang ako.” Pinahid ko ang luhang di ko namalayan na pumatak na. Ngayong muli kaming nagkaharap at nakausap ay unti unting bumabangon ang mga sakit na binaon ko sa puso ko.
Nagsalubong ang kilay ni Atlas tila naguguluhan sa mga sinabi ko. “Hindi ko intensyon na iwan ka sugar. At anong fiancee? Wala akong fiancee? Sino bang babae ang nakausap mo noon?”
Sinamaan ko sya ng tingin. “Wag ka na ngang magsinunaling!” Asik ko sa kanya sa mataas na boses. Napapatingin na nga sa amin ang ibang dumadaan.
“Hindi ako nagsisinungaling! Wala akong naging fiancee sugar. Oo may mga nakarelasyon ako dati pero wala ni isa sa kanila ang inalok ko ng kasal. At wala akong ibang nakarelasyon habang tayo.”
Matiim ko syang tiningnan at tinantya ang hitsura nya kung nagsisinungaling sya.
“Gusto mong maniwala ako sayo sa tagal mong hindi komontak? Malay ko ba kung nagsisinungaling ka. Madali lang naman itanggi yun eh.”
“Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ako nakakontak sayo noon dahil may nangyaring aksidente. Nawalan ng break ang sasakyan ko habang papunta ako ng airport para bumalik sayo sa Zambales. Sumalpok ako sa isang truck. Nagising na lang ako nasa hospital na ako at walang maalala. Ilang linggo ako nagkaroon ng partial amnesia dahil sa pamumuo ng dugo sa utak ko.”
“Sinungaling! S-Sinungaling ka! H-Hindi totoo yan! Gawa gawa mo lang yan. W-Wala ka na talagang balak na balikan ako noon dahil ayaw mo na sa a-akin!” Lumuluha na tinulak tinulak ko sya at sinuntok pa sa dibdib.
“Nagsasabi ako ng totoo sugar maniwala ka. Kung gusto mo tanungin mo pa si Ava – “
“Hindi! Hindi! Sinungaling ka! Sinungaling ka!” Patuloy ko syang sinusuntok sa dibdib habang patuloy din ang pagpatak ng luha ko.
Nilalabas ko sa bawat suntok ang galit ko sa kanya at hinanakit dahil sa pag abandona nya sa akin. Pero malaya nya lang tinatanggap ang bawat suntok ko. Hanggang sa tuluyan na nya akong niyakap. Nagpupumiglas naman ako pero lalo lang nyang hinigpitan ang yakap.
“I’m sorry sugar, please maniwala ka sa akin. Hindi kita kinalimutan. Hindi kita makalimutan kahit pilit kong kinakalimutan ka dahil akala ko kinalimutan mo na rin ako.” Bulong nya sa tenga ko habang yakap nya ako.
“K-Kinalimutan na kita. Matagal na.”
“No, hindi totoo yan. Hindi ako naniniwala.”
Nagpumilit aking kumawala sa mahigpit na yakap nya.
“A-ano ba bitiwan mo ko!” Pinakawalan naman nya ako.
“Sugar..” Mapupungay ang mata nyang namumula na habang nakatingin sa akin. Nakaguhit pa rin ang lungkot at sakit doon.
Pinahid ko ng kamay ang luha ko sa pisngi at pinatigas ang mukha.
“Tapos na tayong mag usap makakaalis ka na Atlas.” Sabi ko at tumalikod pero pinigilan nya ako sa braso.
“Hindi pa tayo tapos mag usap sugar.”
Hinablot ko ang brasong hawak nya. “Tapos na tayong mag usap.”
“Hindi pa. Yung anak natin, gusto ko syang makilala at gusto kong makilala din nya ako.
Napalunok ako sa sinabi nya kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.
“A-Anong anak? Wala tayong anak.”
“Tss, anak natin si Jeremiah anak ko sya.” Wika nya na parang siguradong sigurado sya.
Napaawang naman ang labi ko. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na anak nya si Jeremiah.
“H-Hindi mo anak si Jeremiah. A-Anak ko sya sa ibang lalaki.”
Dumilim ang rehistro ng kanyang mukha. “Hindi mo sya anak sa ibang lalaki. Anak ko sya. Obvious na obvious naman dahil magkamukha kami. Ganun na ganun ang mukha ko noong bata pa ako.”
“Ang kapal mo. Di mo sya kamukha.”
Ngumisi sya. “Ipakita ko pa sayo mga picture ko noong bata ako eh.”
Inirapan ko sya. Pakialam ko sa mga picture nya noong bata sya.
“Basta di mo sya kamukha period. Umuwi ka na nga.” Pagtataboy ko sa kanya at binuksan ang gate.
“Sugar please..”
“Tito Atlat!”
“Shit.” Mahina akong napamura ng lumabas sa bahay si Jeremiah at tumakbo palapit sa gate.
“Tito Atlat di pa po ikaw uwi?” Nakangiting tanong ni Jeremiah.
“Hindi pa anak, nag uusap pa kami ni mama mo eh.” Nakangiting nilusot ni Atlas ang kamay sa rehas ng gate at hinaplos ang mukha ni Jeremiah.
Kumunot naman ang noo ni Jeremiah. “Bakit nyo po ako nitawag na anak?”
Kinabahan ako sa tanong ni Jeremiah.
“Jeremiah anak – “
“Dahil ako ang papa mo baby.”
“Atlas!” Saway ko kay Atlas pero di nya ako tiningnan at kay Jeremiah lang nakatingin na ngayon ay nanlalaki na ang mata.
“I-Ikaw po ang p-papa ko?”
“Yes baby, ako ang papa mo.”
Tumakbo palapit sa akin si Jeremiah at yumakap sa bewang ko habang sumisibi.
“Mama, papa ko po pala ti Tito Atlat. U-Umuwi na sya galing abroad.” Umiiyak ng sabi ni Jeremiah.
Napapikit ako ng mariin at tila may sumuntok sa dibdib ko dahil umiiyak ang anak ko. Ayokong nakikita syang umiiyak.
Dumilat ako at sinamaan ng tingin si Atlas na nakatingin kay Jeremiah na umiiyak.
Pasensya na mga beks kung very slow ang update. Di ko kasi kayang labanan ang epekto ng gamot. Tulog ako ng tulog 🥴 Sa Wednesday flu vaccine ko naman. Medyo kabado ako bente dahil sa karayom.
Chapter 17
Jolene
NAKAHALUKIPKIP ako habang nakasandig sa pinto. Pinapanood ko si Atlas at si Jeremiah na naglalambingan sa maliit naming sala. Wala na akong nagawa ng papasukin ni Jeremiah si Atlas dito sa loob ng bahay. Heto nga at nakakandong na sya sa kanyang ama.
At itong si Atlas naman talagang feel na feel ang pagiging papa kay Jeremiah. Well sya naman talaga ang papa ni Jeremiah. Pagbibigyan ko lang sya ngayon dahil umiiyak si Jeremiah. Kahit hindi magsalita ang anak ko ay alam kong sabik sya sa ama at kitang kita yun ngayon. Ang alam nga nya ay nasa abroad ang ama nya. Yun kasi ang sinasabi ni Leah kapag nagtatanong tungkol sa ama si Jeremiah.
“Ang saya pagmasdan ng mag ama mo no?”
Nilingon ko si Leah na nasa likuran ko lang at nakasilip sa mag ama habang sumisipsip sa straw ng soft drink.
Bumuntong hininga ako. “Masaya ako para sa anak ko. Pero di ako masaya na nakita ko ulit sya.”
“Weh di nga?”
Inirapan ko si Leah. Humagikgik lang sya.
“Dapat lang na maging masaya ka para kay Jeremiah. Nakita mo naman tuwang tuwa sya na makita ang papa nya. Hindi man nagsasalita ang batang yan pero alam kong sabik sya sa kalinga ng ama.”
“Hindi kami ok ni Atlas. Hindi imporket napasaya nya ang anak ko dahil nakilala na sya na papa nito ay mawawala na ang sama ng loob ko sa kanya. Alam mong hindi biro ang pinagdaanan ko insan.”
“Alam ko insan, pero para sa anak nyo dapat maging ok kayo. At least maging civil kayo sa isa’t isa kung wala na talagang pag asang mag comeback kayo.”
Tiningnan ko si Leah. “Ganun ganun na lang ba yun insan? Pagkatapos ng lahat magiging ok kami alang alang sa anak namin?”
“Eh anong gusto mo? Magsumbatan kayong dalawa tungkol sa nakaraan nyo sa harap ng anak nyo? Eh di na-stress lang ang anak nyo baka maghanap na lang sya ng bagong mama at papa.”
Natahimik ako sa sinabi ni Leah. Ayoko namang ma-stress si Jeremiah sa amin ng ama nya.
“Pwede naman yun magsumbatan kayomg dalawa ni Atlas pero wag sa harap ni Jeremiah at hindi nya dapat naririnig. Tapos kapag nakaharap ang anak nyo umakto kayong ok. Ganun kasimple. Kayo ang mag adjust para sa anak nyo. Pero tingin ko naman sa ex mo wala naman syang problema. Halata sa hitsura nya miss na miss ka rin nya. Nakita ko nga niyakap ka nya kanina eh.” Nakangising turan ni Leah sa huli.
Inirapan ko sya at humugot ng malalim na hininga. “Ang sabi nya naaksidente daw sya five years ago habang papunta sya sa airport at pabalik ng Zambales. Nagising na lang daw sya nasa hospital na sya at walang maalala kaya hindi nya ako nakontak noon.”
Suminghap si Leah at namilog ang mata. “Totoo ba yan?”
Nagkibit balikat ako. “Ewan ko.”
Hindi ko nga alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi ni Atlas. Pero hindi ko naman ramdam na nagsisinungaling sya o nabubulagan na naman ako sa samu’t saring nararamdaman ko ngayon.
“Jo, sa tingin ko kawalan ng komunikasyon ang naging problema nyong dalawa. Pag usapan nyo yan ng puso sa puso para magkaintindihan kayong dalawa alang alang kay Jeremiah. Sige pasok muna ako sa loob mg kwarto para makapagbihis.” Pumasok si Leah sa loob ng bahay. Nagkatinginan at nagtanguan pa sila ni Atlas.
Naiwan naman ako sa may pinto at nakasandal lang habang pinapanood ang dalawa sa walang katapusang kwentuhan. Kahit paulit ulit lang ang kinukwento ni Jeremiah ay mataman pa ring nakikinig si Atlas. Ngayong magkatabi sila madaling masabing mag ama nga sila dahil sa laki ng pagkakahawig nila. Parang batang version ni Atlas si Jeremiah. Oh di ba? Ako ang nagpakahirap mag isa sa anak namin pero hindi ako ang kamukha. Kaya ang sarap satap kutusan ni Atlas.
“Alam mo po ba papa lagi po akong madaming star sa ishkul. Dito ta kamay ko kanina may three star ako nabula lang kasi nagwash ako.” Nakangusong sabi ni Jeremiah sa ama at pinakita pa ang likod ng kamay na malinis na.
“Talaga? Matalino pala ang baby boy ni papa.” Ani Atlas at hinalikan ang maliit na kamay ni Jeremiah. Humagikgik naman ang anak ko.
“Lagi din po ako nibibigyan ni Nana at ni Tata ng pela pag may star ako.” Pagbibida pa ni Jeremiah.
“Syempre dahil nandito na si papa bibigyan din kita ng maraming pera.”
“Talaga po papa?” Namimilog ang mata na wika ni Jeremiah.
“Oo naman, lahat ng pera ni papa para sayo.”
Ngumuso si Jeremiah. “Sabi po ni Tita Leah nagtatarbaho po ikaw ta abroad para malaming pela. Pero ayaw ko po ng malaming pela gusto ko po dito na lang ikaw ta bahay papa.” Sabay yakap ni Jeremiah sa bewang ni Atlas at nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa ama.
Tila naman may lumamutak sa puso ko sa nakikita kong pangungulila ng anak ko sa ama. Ngayon ko lang syang nakitang ganito.
Tumingin sa akin si Atlas. Nag iwas naman ako ng tingin. Bahala sya dyan.
“Sure baby, dito lang sa bahay si papa. Hindi na aalis si papa.”
Napalingon ako bigla kay Atlas. “Hoy, di ka pwede dito sa bahay no.”
Sabay silang mag ama na tumingin sa akin.
“Mama, bakit di po pwede dito ta bahay ti papa?” Nakangusong tanong ni Jeremiah.
Saglit naman akong napipilan. Paano ba ako sasagot na hindi ako magmumukhang kontrabida sa harap ng anak? At itong ama nya naman paawa ang mukha.
“Eh kasi anak, di na tayo kasya dito sa bahay. Malaki ang papa mo o.” Sabi ko na lang.
Nakita ko naman ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Atlas na agad ding nabura ng samaan ko sya ng tingin.
“Eh saan po titira si papa mama?” Inosenteng tanong ng anak ko. Pero nasa mukha nya na maling sagot ko lang ay iiyak sya.
Napakamot ako sa batok at binalingan si Atlas.
“Mag usap nga muna tayo saglit.”
Binaba muna ni Atlas sa plastik na upuan si Jeremiah. “Wait lang baby, usap lang kami ni mama.” Paalam nya sa anak.
Tumango naman si Jeremiah.
Lumapit sa akin si Atlas.
“Yes sugar.”
Umikot ang mata ko. Kung makatawag ng sugar akala mo walang atraso eh.
Tumingin muna ako kay Jeremiah. Hawak hawak nya ngayon ang laruan nyang lego pero patingin tingin sya sa amin partikular kay Atlas.
Bumuntong hininga ako. “Kausapin mo ng maayos si Jeremiah at ipaliwanag mo sa kanya na hindi ka pwede dito.” Mahinang sabi ko.
Gumuhit ang lungkot sa mata ni Atlas. “Sugar gusto ko kayong makasama ng anak ko. Wala na akong ibang iniisip ngayon kundi kayong dalawa lang.”
Tumaas ang kilay ko at sarkastikong ngumisi.
“Ang galing mo naman. Gusto mo kaming makasama ng anak mo samantalang noong isang araw may kasama kang babae sa mall.”
Kumamot sya sa ulo at bahagyang ngumiwi. “Hindi kami ng babaeng yun sugar, kadate ko lang sya.”
“At gusto mong maniwala ako sayo? Hindi ko nga alam kung totoo yung mga sinasabi mo kanina na kesyo na-aksidente ka noon at nagka-amnesia kaya hindi mo ko nakontak at yung wala ka talagang fiancee. Baka nagdadahilan ka lang para makalapit sa aming mag ina.”
Bumuntong hininga si Atlas at bagsak ang balikat. Lalong naging malungkot ang kanyang mukha at may gumuhit na sakit sa kanyang mata.
“Hindi naman kita pipilitin kung ayaw momg maniwala sugar. Hindi rin kita pipilitin kung ayaw mo kong makasama.. sa ngayon. But please.. hayaan mo naman akong makasama ang anak natin. Bukod sayo, sabik na sabik din ako sa kanya.”
Nagpakawala ako ng marahas na hininga at muling tumingin kay Jeremiah na nakatingin din sa akin. Nginitian ko sya. Ngumiti din sya sa akin. Kapag may anak ka talaga lagi mong uunahin ang kaligayahan nila kesa sa kaligayahan mo.
“Fine, payag ako na makasama mo sya pero dito lang sa bahay. Bawal kayong lumabas na kayong dalawa. Pwede kayong lumabas pero kasama ako. Baka mamaya itakas mo pa sya eh.”
Kumunot ang noo ni Atlas. “At bakit ko naman itatakas ang anak natin? Hindi ko gagawin yun. But thank you sa pagpayag mo na makasama ko sya. Sobrang saya ko ngayon kung di mo lang alam sugar.” Ngumiti na sya.
Inikutan ko sya ng mata. “Pero bawal ka ditong matulog ha. Mamaya umuwi ka na sa inyo.”
Kumamot na naman sya sa ulo. “Oo na.” Bumalik na sya sa tabi ni Jeremiah dahil tinatawag na sya nito.
Ako naman ay pumasok na sa loob at sinarado na ang pinto. Iniwan ko muna ang mag ama sa sala at pumasok ako sa kwarto para kumuha ng damit pantulog.
Nagtagal pa si Atlas sa bahay kahit malalim na ang gabi. Parang ayaw na nga syang bitawan ni Jeremiah. Para na nga itong tuko na nakakapit sa kanya. Humiwalay lang ito sa ama ng pilitin kong maghalf bath at magbihis. Si Atlas nga ay hindi ko alam kung nakakain na ba o hindi. Bahala na sya malaki na sya.
“Babalik din si papa bukas baby. Promise yan. Paggising mo nandito ulit ko.”
Pero ayaw bumitaw ni Jeremiah sa isang hita ni Atlas. Nakasibi na rin sya at paiyak na. Uuwi na kasi si Atlas dahil mag a-alas onse na. May pasok pa sya bukas sa school.
“Dito na lang po ikaw tulog papa. Tabi po tayo.”
Tumingin sa akin si Atlas. Nagiwas naman ako ng tingin at naghimas ng batok.
“Hindi pwedeng matulog dito si papa baby. Uuwi muna si papa tapos bukas babalik ulit ako. Bibilhan kita ng maraming pasalubong.” Mahinahong kausap ni Atlas sa anak.
Umiling iling naman si Jeremiah at tumulo na ang luha. Lalo pa syang kumapit sa hita ng ama.
“Ayaw ko po ikaw umalit pala. Baka di na ikaw bumalik eh. Please po dito na lang ikaw tulog, tabi po tayo.”
Bumuntong hininga si Atlas at nakatingin lang sa anak. Halatang nahihirapan din syang humiwalay sa anak. Pero kailangan nya talagang umuwi. Hindi sya pwedeng matulog dito.
Lumapit na ako kay Jeremiah at binaklas ang mga braso nyang nakayakap sa hita ni Atlas. Pero nanlalaban sya.
“Uuwi muna si papa baby ha. Babalik na lang sya bukas.”
Pero tuluyan ng pumalahaw ng iyak si Jeremiah at pilit inaabot ang ama.
“Ayaw ko po mama. Dito lang po ti papa!”
“Jeremiah wag ng matigas ang ulo.” Nilakipan ko na ng tigas ang boses. Pero lalo lang umiyak ang anak ko.
“Uwahh p-papa! Papa ko! Gusto ko ta papa ko!” Nagwawala na si Jeremiah sa hawak ko. Ngayon lang sya umiyak at nagwala ng ganito ng makita nya ang ama nya. At parang pinipiga ang puso ko.
Shit naman!
Tumingin ako kay Atlas. Nasa harap pa rin sya ng anak at nakaswat. Nakaguhit din sa mata nya ang sakit sa nakikitang pag iyak ng anak. Pinapakalma nya si Jeremiah pero ayaw nitong makinig. Lalo lang lumalakas ang iyak at ayaw pauwiin ang ama. Nakakabulahaw na rin kami sa kapitbahay. Pati nga si Leah na natutulog na ay nagising at napalabas ng kwarto.
“Sige na sige na, dito na matutulog si papa.” Sambit ko.
Tumigil naman sa pagwawala si Jeremiah at tumingin sa akin. Pero umiiyak pa rin sya. Basang basa ang mukha nya sa luha.
“Tahan na, dito na matutulog si papa. Tabi na kayong dalawa matulog.” Pinunasan ko ng kamay ang mga luha sa pisngi ni Jeremiah.
“Sigurado ka sugar? Ok lang sayo na dito ako matulog?” Tanong ni Atlas.
Bumuntong hininga ako. “Oo, kesa naman magdamag umiyak at magwala tong anak mo. Nakakahiya sa mga kapitbahay na mga tulog na.”
Umayos naman ng tayo si Jeremiah na tumahan na at lumapit sa ama sabay yakap sa batok. Pinunasan naman ng kamay ni Atlas ang mga luha ni Jeremiah sa pisngi. Malambing din nyang inaalo alo ito at hinahalik halikan sa mukha. Tumayo naman ako ay kumuha ng bimpo sa drawer at inabot kay Atlas pamunas ng luha ni Jeremiah.
Chapter 18
Jolene
NAGISING ako sa boses ng anak ko sa labas ng kwarto. Kinapa ko ang cellphone sa may ulunan para tingnan ang oras. Pasado alas sais na ng umaga.
Bumangon na ako at niligpit na ang higaan. Kailangan ko pang paliguan at pakainin si Jeremiah dahil papasok sya sa school.
Humihikab at nagkakamot sa ulo na lumabas ako ng kwarto. Antok na antok pa ako.
“Good morning mama.” Bati sa akin ni Jeremiah na nasa mesa.
Ngumiti ako sa kanya pero agad ding nabura ang ngiti ko ng makita si Atlas. Oo nga pala muntik ko ng makalimutan, dito pala sya natulog kagabi dahil nagwawala si Jeremiah. Magkatabi silang natulog mag ama sa sala dahil hindi naman sya pwedeng matulog sa kwarto. Tiningnan ko ang maliit naming sala. Malinis na yun at maayos ng nakaligpit ang foam at mga unan.
“Morning sugar.” Bati ni Atlas sa akin na may matamis na ngiti sa labi.
Hindi nakalampas sa mata ko kung paano nya ako hagurin ng tingin mula ulo hanggang paa na syang ikinainit ng aking mukha.
“Kain na sugar, nakaluto na si Leah.” Alok sa akin ni Atlas. Pero di ko sya pinansin at hinanap si Leah.
“Nasaan si Tita Leah mo Jeremiah?”
“Lumabat po mama bumili ng shampoo.” Sagot ng anak ko habang ngumunguya. May hawak syang pandesal na may palamang cheese na makapal ang hiwa.
Tumango tango naman ako at lumapit kay Jeremiah. Hinalikan ko sya sa tuktok ng ulo. Kumunot ang noo ko ng mapansing basa ang kanyang buhok at amoy shampoo.
“Niliguan ka na ni Tita Leah baby?” Tanong ko sa anak.
“Hindi po si Tita Leah ang nagligo ta akin mama ti papa po.” Ngiting ngiti na sabi ng anak ko.
Nakaawang ang labing tumingin ako kay Atlas. Doon ko lang napansin na bahagyang basa ang harapan ng suot nyang gray na v-neck shirt.
“Ayaw nya magpaligo sa Tita Leah nya gusto sa akin kaya niliguan ko na. Upo ka na sugar, mag almusal ka na.” Alok sa akin ni Atlas at pinaghila pa ako ng upuan.
“Kain na po ikaw mama. Dami tayong pagkain. Bumili po ti papa ng pandesal at cheese, saka pancake.” Pagbibida ni Jeremiah.
Marami ngang pagkain sa mesa. Bukod sa pangkaraniwang niluluto ni Leah na sinangag, itlog at hotdog, meron pa ngang pandesal na binili pa sa kilalang bakery at malaking box ng cheese na paborito ni Jeremiah. Meron ding pancake pero sunog.
“Sinong nagluto ng pancake?”
“Ah ako sugar, nasunog ko eh.” Kakamot kamot sa ulo na sabi ni Atlas.
“Di po malunong luto ti papa mama.” Anang anak ko at humagikgik. “Pogi lang ti papa pero di malunong luto.”
“Nak naman, pinapahiya mo naman si papa kay mama eh.” Protesta ni Atlas na mukhang hiyang hiya.
“Tss, di ka naman talaga marunong magluto. Nilagang itlog lang ang kaya mo.” Nginisihan ko sya. Marunong pala syang mahiya.
Bahagya syang sumimangot. “Wag kang mag alala mag aaral na akong magluto.”
Inirapan ko na lang sya at umupo na sa bakanteng upuan. Wala ng oras para maginarte pa ako.
“Teka, gusto mo ba ng kape ititimpla kita.” Presinta ni Atlas.
“Hindi na ako na.” Tumayo ako at kinuha ang mug ko sa tauban ng baso.
“Hindi po nagkakape ti mama papa, milo din niiinom nya.” Dinig kong sabi ni Jeremiah.
Nilagyan ko na ng chocolate powder at kaunting asukal ang mug saka ko sinalinan ng mainit na tubig. Bumalik ako sa mesa para kumain na. Nagsandok ako ng sinangag sa plato at naglagay ng hotdog. Nagkamay lang ako sa pagsubo. Napatingin ako kay Atlas. Nagsalubong ang mga mata namin dahil nakatingin din pala sya sa akin.
Tumaas ang kilay ko. “Bakit?”
Ngumiti sya. “Wala, namiss ko lang na kasabay kang kumain. Akala ko di na mangyayari to eh. Pero ngayon nangyari ulit bonus pa dahil kasalo natin ang anak natin.”
Umikot ang mata ko at hindi na nagkomento. Pero tila may kumudlit na kilig sa maliit na bahagi ng puso ko.
Tsk! Di ako dapat kiligin.
“Sige lang sungitan mo ko. Pasasaan ba at aamo ka rin sa akin.” Ngingisi ngising sambit nya habang sumusubo na ng pagkain.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. “Asa ka pa.”
Tinawanan lang nya ako at hinarap ang anak namin na humahagikgik din.
“Sungit ni mama baby.”
At nagbulungan pa silang mag ama. Panay maman ang hagikgik ni Jeremiah at patingin tingin pa sa akin. Ano naman kaya ang binubulong sa kanya ng walang hiya nyang ama?
“Uy happy family.”
Napalingon ako kay Leah na kapapasok lang at may hawak na conditioner. Natagalan yata sya sa tindahan. Malamang nakipagtsismisan pa.
“Kain ka na Leah, sumalo ka na dito.” Alok ko sa pinsan.
“Kain na rin po ikaw tita.” Alok din ni Jeremiah.
“Mamaya na lang ako maliligo muna ako. Enjoy kayo happy family.” Ngiting ngiti na sabi ni Leah na tila kinikilig pa. Pinisil pa nya ang pisngi ni Jeremiah.
Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan. Ganito ang routine namin sa umaga. Si Leah ang tagaluto at ako naman ang tagahugas. Gusto pa ngang tumulong ni Atlas pero pinigilan ko sya. Inasikaso na lang nya si Jeremiah sa pagtu-toothbrush sa banyo. Sa kanya na rin nagpabihis ng uniform ang anak.
Pagkatapos kong maghugas ng plato ay naligo na ako. Si Leah naman ay kumakain na.
“Poging pogi na ang baby ni papa.”
“Kamukha po kita papa.”
“Syempre naman baby boy ka ni papa eh. Paamoy nga.” Inamoy amoy ni Atlas ang leeg ni Jeremiah at pinanggigilan pang hinalik halikan ang malusog na pisngi. Panay naman ang hagikgik ng anak ko.
Yun ang tagpong naabutan ko paglabas ng banyo. Bihis na bihis na si Jeremiah at maayos na rin ang buhok. Tumingin pa sa akin si Atlas at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Naginit na naman ang pisngi ko at inirapan sya. Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa kwarto. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Mula noon hanggang ngayon wala pa ring pagbabago sa paraan ng pagtitig nya sa akin. At wala ring pagbabago sa pagkabog ng aking dibdib kapag nagtatama ang mata namin.
Ipinilig pilig ko ang ulo. Hindi tama to. Dapat rendahan ko ng mahigpit ang puso ko. Hindi na dapat ako magpadala sa nararamdaman ko sa kanya. Natatakot na akong mabigo.
Mabilisan na akong nagbihis at nagdryer ng buhok. Alas syete na ng umaga, alas syete y medya ang pasok ni Jeremiah sa school.
“Jeremiah anak, yung bag mo?” Tanong ko sa anak paglabas ng kwarto. Wala kasi sa kwarto ang kanyang bag.
“Dito na po mama.” Sagot ni Jeremiah at tinapik tapik ang bag nya na nakapatong sa upuan. Nakasabit na rin sa leeg nya ang school id nya.
Tumingin ako kay Atlas na titig na titig naman sa akin. Mabilis akong nagiwas ng tingin at kunwaring tsinek ang shoulder bag.
“Nagtatrabaho ka?” Tanong ni Atlas.
“Syempre naman. Paano kami mabubuhay ni Jeremiah kung di ako magtatrabaho.” Sarkastikong sabi ko.
Bumuntong hininga sya. “Don’t worry sugar, ngayong nandito na ako di ka na magpapakahirap magtrabaho para sa inyong dalawa ng anak natin. Ako ng bahala sa inyo.”
Tumaas ang kilay ko. “At bakit? Asawa ba kita?”
Gumuhit ang lungkot at sakit sa mata nya.
“Behave children may bata.” Saway ni Leah.
Sumimangot naman ako at inayos na sa pagkakasukbit ang bag sa balikat. Nilapitan ko na si Jeremiah at kinuha ang bag nya.
“Tara na anak.”
“Ihahatid ko na kayo. Leah di ka ba sasabay?”
“Eighty thirty pa ang pasok ko Atlas kayo na lang baka malate na yang mag ina mo.”
“Ok, let’s go baby.” Kinuha ni Atlas sa kamay ko ang bag ni Jeremiah. Humawak pa sa kamay nya ang anak.
Lumabas na kami ng gate at tinungo ang kotse nyang nakaparada sa gilid. Mabuti at hindi ito napagdiskitahan ng mga tambay. Mainit pa naman sa mata ang kotse nya na halatang mamahalin dahil sa logo nito. Itim na itim ang kulay at nangingintab pa.
“Car mo po ito papa?” Tanong ni Jeremiah ng isakay sya sa back seat ng ama. Inayos pa nito ang seatbelt nya.
Sumakay naman ako sa front seat at kinabit ang seatbelt. Hindi na ako nagprotesta ng magpresinta si Atlas na ihatid si Jeremiah sa school. Dahil kapag tumanggi pa ako siguradong iiyak na naman si Jeremiah.
“Yes baby, nagustuhan mo ba?”
“Opo papa. Ang astig ng car nyo ang lamig lamig pa. First time ko po tumakay ng car.” Tuwang tuwang sabi ni Jeremiah na nilibot pa ang mata sa loob ng kotse.
“Lagi na kitang isasakay dito. May iba pa akong car siguradong magugustuhan mo yun.”
Namilog ang mata ni Jeremiah. “Talaga po? Wow! Ang yaman yaman nyo po pala papa. Ang dami nyong car.”
Natatawang hinaplos ni Atlas ang pisngi ng anak. “Lahat ng car ko car mo na rin.”
“Wow talaga po? Pero di po ako malunong mag drive.”
“Kapag big boy ka na tuturuan na kita.”
“Yehey!”
“Behave ka lang dyan baby ok.”
“Opo papa.”
Sumakay na si Atlas sa driver seat at binuhay na ang makina. Pasimple ko naman syang tiningnan. Kagabi pa nya suot ang damit nya at mukhang wala syang dalang extra. Mabuti na lang at natuyo na ang basa sa harapan ng kanyang damit.
Nilingon muna ni Atlas ang anak sa back seat. “Mamaya nga bibili ako ng baby car seat.”
Hindi na ako nagkomento sa sinabi nya. Pero mabuti naman at naisip nya para sa kaligtasan ng anak nya.
“Ayos ka na sugar?” Untag nya sa akin.
“Tara na, fifteen minutes na lang mag seven thirty na.” Sambit ko na lang.
“Yes commander.” Natatawang sabi nya at pinausad na ang kotse. Umikot naman ang mata ko.
Pagdating namin sa school ay halos ipakilala ni Jeremiah sa buong school ang papa nya. Pinagmamalaki nya ito sa mga classmates nya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Jeremiah. Dati tahimik lang sya at parang wala lang kapag nakikita nya ang mga classmates nya na kasama ang mga ama nila. Akala ko sapat na ako. Pero sa nakikita ko ngayon sa anak ko sabik na sabik din sya sa ama.
Medyo nahirapan pa kaming papasukin sa loob ng classroom si Jeremiah dahil ayaw bumitaw kay Atlas. Nag utuan pa kami para pumasok sya sa loob. Kahit nasa loob na ng classroom ay patingin tingin pa rin sya sa ama.
“Tatlong oras lang pala ang klase ni Jeremiah.” Ani Atlas habang papalabas na kami ng school. Bawal na kasing tumambay ang mga magulang sa loob ng school pagkahatid sa anak. Sa labas na lang pwede.
“Oo, mamayang ten thirty ang labas nya.”
“Sinong sumusundo sa kanya kung nasa trabaho ka?”
“Si Leah, tapos doon muna sila sa tindahan hanggang sa magsara.”
Tumango tango sya. “Pero ako na ang susundo sa kanya mamaya.”
Nakataas ang kilay na tiningnan ko sya.
Bumuntong hininga naman sya. “Hindi ko dadalhin kung saan saan ang anak natin. Doon lang kami sa bahay nyo.”
“Siguraduhin mo lang Atlas. Teka, wala ka bang trabaho?”
“Meron. Pero di muna ako papasok.”
“Bahala ka. Pero umuwi ka muna sa inyo at maligo.”
“Yes boss.” Nakangising sabi nya.
Inirapan ko naman sya at bigla akong may naalala. Huminto ako sa paglalakad at hinarap sya.
“Sya nga pala, pwede bang wag mo munang sabihin sa pamilya mo ang tungkol kay Jeremiah.”
Kumunot ang noo nya. “Why?”
Dahil natatakot ako. Baka hindi nila matanggap si Jeremiah. Ayokong maranasan ng anak ko ang rejection.
“B-Basta, wag mo munang sabihin.” Tanging nasabi ko na lang.
“No problem sugar.” Inabot nya ang kamay ko at naging seryoso ang mukha. “Pero pinapangako ko sayo babawi ako sa inyong dalawa ni Jeremiah. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon sugar. Gusto kong mabuo tayo bilang isang pamilya. Babawiin ko yung mga taon na hindi ko kayo nakasama.”
Naumid ang dila ko sa mga sinambit nya.
Chapter 19
Jolene
NAPAAWANG ang labi ko ng pagpasok ko ng bahay naabutan ko ang mag ama na naghaharutan sa sala. Nakalatag ang kutson at nakahiga si Atlas habang nakasakay naman sa tiyan nya si Jeremiah. Kinikiliti ni Atlas sa tiyan ang anak na ngayon ay halos di na makahinga sa kakatawa.
“Papa ayaw ko na po ahahahaha!”
“Hindi, gusto mo pa eh.”
Inangat ni Atlas ang katawan ni Jeremiah at dinapa sa mukha nya. Nakadagan ngayon ang tiyan ni Jeremiah sa kanyang mukha. Ginalaw galaw nya ang bibig sa tiyan ng anak.
“Ahahahaha papa! Ayaw ko na po talaga ahahahaha!”
Tumikhim ako ng malakas para kunin ang atensyon ng mag ama. Tumigil naman sila sa harutan at tumingin sa akin.
“Mama!” Bumangon si Jeremiah at tumakbo palapit sa akin. Yumuko ako para makahalik sya sa aking pisngi. Ako naman ang humalik sa ulo nya. Medyo pawisan na sya. Kinuha ko ang bimpo sa kanyang likod at pinunasan ang pawis nya sa mukha at leeg.
“Heto may pasalubong ako sayo.” Inabot ko sa kanya ang supot na may lamang tatlong pirasong donut. Paborito nya kasi ang donut.
“Wow donut! Pero madami pa pong donut ta ref mama. Dami nga po ulit natin pagkain eh.”
Napakunot ang noo ko at tumingin kay Atlas na bumangon na. Nakakhaki shorts sya at t-shirt na puti.
Tumikhim sya. “Welcome home sugar.” Malambing na bati ni Atlas.
Iningusan ko lang sya.
“Bumili ka na naman ng mga pagkain? Lumabas kayo ni Jeremiah?”
“Hindi kami lumabas, nagpadeliver lang ako.”
“Ah, mabuti naman. Akala ko lumabas kayo eh.”
Bumuntong hininga sya. “Bakit ba parang lagi kang walang tiwala sa akin? Hindi ko naman itatakas ang anak natin. Hindi ko sya ilalayo sayo. Hindi ko magagawa yun.” Bagsak ang balikat na sabi nya.
Napanguso naman ako. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Alam kong hindi nya magagawa yun. Gusto ko lang subukan ang pasensya sya. Gusto ko lang syang asarin. Makabawi man lang ako sa mga paghihirap ko noon noong wala sya.
“Ano namang pagkain ang mga pinagoorder mo? Baka puro fast food yan at junk food.” Nasabi ko na lang.
“Nagpadeliver ako kanina ng fast food dahil yun ang gustong meryenda ng anak natin pero kaunti lang naman ang pinadineliver ko. Pero kaninang tanghali nagpadeliver ako ng lutong pagkain sa restaurant. Marami pang natira nasa ref. Magpapadeliver na lang din ako ng pagkain para sa hapunan natin. Ano bang gusto mo?”
Bumuntong hininga ako. Sa mag iisang linggo na nyang patambay tambay dito sa amin ay puro sya padeliver ng pagkain. Palibhasa marami syang pera.
“Wag na, puro na lang deliver. Magluluto na lang ako iinitin ko na lang yung natirang ulam. Teka, nagsaing ka na ba?”
“Nagsaing na ako sa rice cooker.”
“Mabuti naman. Pasok muna ako sa kwarto magbibihis lang ako.”
“Gusto mong tulungan na kitang magbihis?” Pilyong sabi nya na ikinainit ng aking mukha.
“Heh! Dyan ka lang bantayan mo si Jeremiah.” Inirapan ko sya at nagmamartsang pumasok na sa kwarto baon ang kumakalabog na dibdib.
Pagpasok ko sa kwarto ay nilock ko ang pinto. Baka mamaya bigla nya akong pasukin at akitin. Nanghihina pa naman ang tuhod ko kapag nasa malapit lang sya.
Wala pa akong sagot sa hinihingi nyang isa pang chance. Di ko kasi alam ang isasagot ko. Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko. Nagtatalo ang isip at puso ko. Gusto ng isip ko na wag na syang bigyan ng pagkakataon dahil baka mabigo lang ulit ako. Pero ang isip ko naman ay gustong gusto syang bigyan ng pagkakataon. Pero nitong mga huling araw parang sumasangayon na rin ang isip ko sa puso ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at nagbihis na. Magluluto pa ako dahil mag aalas sais na. Wala pa si Leah dahil sinamahan nya si Nana sa hospital. Sinugod kasi si Tata kanina sa hospital dahil bigla itong nabuwal sa kusina. Hinihintay kong makauwi si Leah para makibalita. Nag aalala din ako kay Tata.
Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko ang dalawa na nakasalampak na sa kutson. Nakakandong si Jeremiah sa kandungan ni Atlas habang nanonood sila ng cartoons sa flat screen tv na nakasabit sa dingding na hindi naman kalakihan. Kumakain pa ng donut na uwi ko si Jeremiah.
“Baby isang donut lang ang kainin mo ha malapit na tayong maghapunan baka hindi ka makakain nyan.” Paalala ko sa anak.
Tumingin sa akin si Jeremiah. “Opo mama.” Binigay nya ang supot ng donut sa papa nya.
Tumungo na ako ng kusina. Binuksan ko ang hindi namin kalakihang ref. Puno ito ng pagkain. Maraming diposable container ang nasa ref na puro pagkain ang laman at may box pa ng donut. Simula ng nagtatambay dito si Atlas laging puno ang ref namin. Madalas na rin kaming mapanisan. Mapagsabihan nga sya mamaya. Nagsasayang lang sya ng pera at pagkain.
Nilabas ko ang mga container at nilagay sa mesa. Iinitin ko ang mga yun at yun ang kakainin namin ngayong gabi. Baka masira pa ang mga ito kapag pinatagal sa ref.
Binuksan ko isa isa ang mga container. Puro ulam ang laman. Wala pang bawas ang iba. Ang dalawang container ay kaunti lang ang bawas. Sinaksak ko ang maliit na oven na bigay pa ni Nana at nilagay doon ang isang ulam na sinalin ko sa mangkok. Ang iba naman ay sa kawali ko na ininit.
Pagkatapos kong initin ang mga ulam ay naghain na ako at tinawag na ang mag ama. Si Leah ay nag text na mamaya pa uuwi.
“Atlas.” Untag ko kay Atlas sa gitna ng hapunan namin. Nag angat sya ng tingin sa akin mula sa paghihimay ng karne para kay Jeremiah.
“Yes sugar?”
Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig. “Pwede bang wag kang masyadong bumibili ng maraming pagkain. Napapanis yung iba sayang lang.”
Ngumiti sya. “Sure sugar.”
Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na sa pagkain. Ganyan naman sya. Lagi lang syang oo sa mga sinasabi ko.
“Sya nga pala sugar, pwede bang lumabas tayong tatlo sa linggo.”
Kunot noong nag angat ako ng tingin sa kanya. “Bakit?”
“Wala lang, gusto ko lang lumabas tayong tatlo. Ipasyal natin sa mall sa Jeremiah.”
“Talaga po papa? Mamasyal tayo ta linggo?” Excited na tanong ni Jeremiah.
“Yes baby, kung papayag si mama.”
Tumingin sa akin si Jeremiah at nagpuppy eyes pa na may kasamang pagnguso.
“Sige na po mama payag ka na please.” Lambing ng anak ko.
Bumuntong hininga ako. “Oo na sige na.” Pagpayag ko. Para sa anak ko naman yun.
“Yehey! Mamatyal kami ta linggo.” Tuwang sabi ni Jeremiah. Ginulo pa ng ama nya ang kanyang buhok.
Tumingin sa akin si Atlas at ngumiti.
“Sige na ubusin mo na yang pagkain mo.”
“Yes po mama.”
.
.
Atlas
MAAYOS kong nilagay ang mga nakatupi kong damit sa duffel bag. Pang ilang araw na damit ang nilagay ko. Hindi pwedeng isuksuk ko na lang basta sa bag ang mga damit ko dahil kapag nakita yun ni Jolene na magulo ay papagalitan lang ako nun. Ayaw kasi nya ng burara sa gamit. Mabuti nga at hindi na nya ako tinataboy sa bahay nila. Hinahayaan na rin nya akong matulog doon kahit sa sala lang katabi ang anak namin.
Napangiti ako ng maalala ang anak. Ang bibong bibo na makulit at malambing kong anak. Thirty minutes pa lang simula ng ihatid ko sya sa school ay namimiss ko na sya. Ganito pala ang pakiramdam na may anak. Parang sa kanila na lang umiikot ang mundo mo at ibibigay mo ang lahat mapasaya lang sila. Excited na rin ako na ipasyal ang mag ina ko sa linggo.
Ngayon pa nga lang marami na akong plano para sa mag ina ko. Pero uunahin ko munang makuha muli ang loob ni Jolene. Alam kong labis syang nasaktan dahil sa pag aakalang inabandona ko sya. Ako rin naman nasaktan sa pagaakalang kinalimutan na nya ako. Pero alam kong mas nasaktan sya. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng limang taon. Nakakapanghinayang na wala ako sa kanyang tabi noong panahong nagbubuntis sya at nanganak. Kaya pinapangako kong babawi ako sa kanya at sa anak namin. Bubuuhin ko ang pamilya namin.
Binitbit ko na ang duffel bag at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko sa sala si Ava na prenteng nakahiga habang nakatutok ang mata sa hawak na ipad. May nakapasak pang airpod sa kanyang tenga. Pero agad syang bumangon ng makita ako. Tinanggal nya ang airpod.
“Kuya, saan ka na naman pupunta at may dala kang duffel bag. Mukhang marami raming damit yan ah. Wag mong sabihing mag a-out of town ka na naman.” Nakangusong wika ni Ava. Ang daldal talaga nya.
“Parang ganun na nga.” Sabi ko na lang.
“Panay ka gala. Ang sabi ni mommy hindi ka raw pumapasok sa opisina mo ilang araw na. Baka malugi na ang kumpanyan natin nyan. Lagot ka kay daddy multuhin ka nun.”
“Tsk, dami mong alam. Hindi malulugi ang kumpanya natin kahit sampung akong hindi pumasok sa opisina. Kaya wag kang magalala hindi maghihingalo ang atm mo. Si mommy pala?”
“Nasa clubhouse kasama ang mga amiga nya nagzuzumba.”
“Eh bakit ikaw nandito sa bahay? Wala kang pasok?”
“Wala kaming pasok ngayon kuya.”
“Kaya panay hilata at gadget ang inaatupag mo. Dapat sumama ka kanila mommy magzumba. Bumibilog ka na o.”
Sinipat sipat naman ng kapatid ang mga braso nya at hinimas pa ang tiyan.
“Hindi naman. Kaunti na nga lang ako kumain eh.” Nakangusong turan nya.
Ngumisi naman ako. “Kaunti nga pero ilang beses ka namang kumain sa isang araw.”
“Eh sa nagugutom ako eh. Alangan namang tiisin ko ang sarili ko.”
Napailing iling na lang ako. Wala namang problema sa akin kung tumaba sya ang importante malusog sya. Pang asar ko lamg naman sa kanya na nanaba sya.
“Alis na ako pakisabi na lang kay mommy.” Paalam ko sa kapatid.
“Kelan ka na naman uuwi kuya?”
“Basta uuwi uwi din ako. Tatawag naman ako palagi.” Sinilip ko ang oras sa relo. Maaga aga pa naman para sunduin si Jeremiah. Sasaglit muna ako sa office ni Kester.
“Alis na ko.” Iniwan ko na ang kapatid sa sala.
“Wait lang kuya.”
Kunot noong nilingon ko ang kapatid. “Bakit na naman?”
Ngiting ngiti na nilahad nya ang kamay. “Baka may cash ka dyan.”
Kumamot ako sa ulo at dinukot ang wallet sa likod ng bulsa ng pantalon. Binuksan ko ito at dumukot ng limang libo sabay abot sa kanya.
Mabilis nya iyong kinuha. “Thank you kuya! Ingat ka sa pupuntahan. Lagi kang magcocondom ha baka makabuntis ka ng wala sa oras.”
“Bunganga mo Ava.” Parehas talaga sila ng bibig ni mommy walang preno.
“Nagpapaalala lang kuya, sige na umalis ka na.”
Iiling iling na lang ako at malalaki ang hakbang na lumabas na ng bahay bago pa humirit ang kapatid. Bago ako sumakay sa kotse ay tinawag ko ang dalawang driver at tatlong tauhan na nakabantay sa gate. Binilinan ko muna sila para sa safety ng bahay at ng ina at kapatid ko.
“Saan ka ba naglalagi nitong mga nakaraang araw pare? Aba’y di ka namin mahagilap ah.” Tanong ni Kester.
“Basta importante itong ginagawa ko.”
“Ano na naman ba yan? Bagong negosyo o bagong babae? Baka naman may binabahay ka ng babae.” Nakangising turan ni Kester.
“Ulul.” Tanging nasabi ko na lang. Hindi ko muna sasabihin ang tungkol sa mag ina ko dahil siguradong mangungulit sila at maraming tanong. Saka ko na sasabihin kapag ayos na kami ni Jolene.
“Bakit ka ba napadaan dito sa opisina ko?”
“May hihingiin sana akong pabor.”
Kumunot ang noo nya. “About what?”
“Baka pwedeng ikaw muna ang makipag meet kay Mr. Crispino sa linggo bilang representative ko.”
“Ano? Hindi ako pwede ng linggo pare may date ako.” Tanggi nya.
“Sige na pare. Hindi talaga ako pwede sa linggo dahil may importante akong gagawin. Ayaw din namang ipamove ni Mr. Crispino sa ibang araw ang meeting namin gusto nya sa linggo dahil yun lang ang maluwag na araw nya.”
“Tsk! Baka pwedeng si Luigi o Matias na lang pare. Baka magtampo sa akin si Jenica.”
“Eh di pakiusapan mo muna si Jenica. Pwede namang magdate kayo pagkatapos ng date nyo ni Mr. Crispino. Ala ala una naman yun ng tanghali eh. Hindi pwedeng si Luigi ang ipaharap ko hindi papayag yun dahil busy yun sa asawa. Si Matias naman maiksi ang pasensya.”
Bumuntong hininga si Kester. “Sige na nga. Pero utang mo to sa akin ha. Sisingilin kita.”
Nakahinga ako ng maluwang. Importanteng kliyente kasi si Mr. Crispino.
“Salamat naman at pumayag ka pare. I promise you babawi din ako sayo.” Tumayo na ako mula sa couch. “I-send ko na lang sayo ang details sa email.”
“Oo na, sige na umalis ka na at marami pa akong trabaho.” Minuwestra nya ang mga patong patong na folder.
Natawa naman ako dahil salubong na ang kilay nya.
“Thanks par, una na ko.”
Tinanguan lang nya ako habang nakatutok na ang kanyang mata sa papeles.
Lumabas na ako ng opisina nya. Binati pa ako ng kanyang sekretarya. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang elevator.
Sinilip ko ang oras sa relo. Malapit na ang uwian ni Jeremiah.
Sumibol ang pananabik sa aking dibdib na makita ang anak.
Chapter 20
Jolene
NAKANGITI ako habang panay ang click sa camera ng cellphone. Ang sarap kasi kuhanan ng pictures ng mag ama na masayang naglalaro sa malawak na damuhan dito sa park. Ang sarap pa sa tenga ng malulutong at buhay na buhay nilang tawa.
Maraming tao sa park dahil linggo ngayon. Pasyalan talaga ito ng mga tao at tambayan, pwede ring magpicnic dito. May mag kasintahan na namamasyal pero mas marami ang magpamilya. Maganda naman kasi ang park. Maraming puno at halaman hindi pa mainit. May mga palaruan din para sa mga bata. Lagi kong pinapasyal dito si Jeremiah kahit kaming dalawa lang. Masaya naman sya pero iba nga lang ang saya nya ngayon, parang triple pa dahil kasama na nya ang ama nya.
Bumuntong hininga ako. Malaki ang naging galit ko kay Atlas noong inabandona nya ako. At wala sa isip ko na darating ang araw na ito na magkakasama kami at makakabonding nya ang anak namin. Nakaprogram na kasi sa isip ko na kaming dalawa lang ni Jeremiah ang magkasama hanggang sa pagtanda ko. Palalakihin ko lang sya ng mag isa at walang kinikilalang ama. Tapos isang gabi biglang sumulpot ang ama nya at nagbago na ang lahat sa buhay namin.
“Pahinga muna tayo anak, napagod ako.” Hingal na sabi ni Atlas at umupo sa bench. Dinampot nya ang bote ng mineral water at ininom.
Si Jeremiah naman ay may energy pa kahit pawisan na. Kinuha ko ang bimpo sa shoulder bag at pinunasan ang pawis nya sa mukha, leeg at likod.
“Grabe ang bilis tumakbo niyang anak natin sugar. Pinaglihi mo ba yan kay Usain Bolt?” Wika ni Atlas.
Ngumisi ako. “Ang sabihin mo matanda ka na. Mahina na ang tuhod mo.”
Eleven years ang tanda nya sa akin. Twenty four na ako ngayon sya naman ay thirty five na malapit na rin syang magthirty six.
Umawang ang labi ni Atlas pero agad din syang ngumisi. “Matanda pala at mahina ang tuhod ha. Kayang kaya ko pang umisang dosena sugar. Gusto mong subukan?”
Nagets ko ang ibig nyang sabihin kaya nag init ang mukha ko.
“Heh! Isang dosenang sapak gusto mo? Akala mo ang dali daling manganak? Ang hirap manganak no lalo na kapag mag isa ka lang.” Singhal ko sa kanya.
Anong akala nya sa akin parang pusa manganak. Eh pagkatapos ko ngang ipanganak noon si Jeremiah nawalan ako ng malay eh. Mabuti na lang nandyan si Leah.
Natahimik naman sya at nabura ang ngisi sa labi. Bumuntong hininga sya.
“Pangako sugar kapag nanganak ka ulit nasa tabi mo na ko. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan.” Sambit nya.
Naumid naman ang dila ko. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya.
“Buntis po ikaw mama? Magkakaroon na po ako ng kapatid?” Biglang sabat ni Jeremiah na namimilog pa ang mata.
Sabay na umawang ang labi namin ni Atlas at tumingin sa anak na bakas ang excitement sa mukha.
Tumikhim ako. “Hindi anak. Hindi buntis si mama.”
Ngumuso si Jeremiah. “Ay, akala ko magkakaroon na ako ng kapatid.”
Tumawa si Atlas at pinalapit nya sa kanya si Jeremiah. Lumapit naman ang anak.
“Magkakaroon ka rin ng kapatid pero hindi pa ngayon – aw!” Daing ni Atlas ng batukan ko sya. Hihimas himas sa ulong tumingin sya sa akin.
Pinandilatan ko naman sya ng mata. Kung ano ano ang sinasabi sa anak kaya kung ano ano rin ang hinihingi eh. Pero ang hudyo tinawanan lang ako at may binulong sa anak. Ngiting ngiti naman si Jeremiah na tumatango tango pa.
“Ano na naman yang binubulong mo sa anak mo? Baka puro kalokohan yan ha.” Sita ko kay Atlas.
“Hindi ah! Pero secret na namin yun ni baby.” Nakangising turan ni Atlas.
Tinaasan ko silang dalawa ng kilay.
“Jeremiah anak, anong binubulong ng papa mo?”
Humahagikgik na umiling iling si Jeremiah. “Bawal po tabihin mama for boys only.”
Nginisihan ako ni Atlas.
Sumimangot naman ako. Lugi ako ah. Pinagtutulungan ako ng mag ama. At itong anak ko naman na ito maiksing panahon pa lang silang nagkakakilala ng ama sobrang close na nila. Mas gusto na nyang sumama sa ama kesa sa akin. Hindi na nga sya tumatabi sa pagtulog sa akin sa gabi eh kundi sa ama na nya na natutulog sa sala. At bago sila matulog naghaharutan muna.
Pagkatapos naming tumambay at mamasyal sa park ay nag aya namang kumain sa mall si Jeremiah.
Sa loob ng malaking mall ay para kaming isang masaya at buong pamilyang tatlo. Hawak namin ni Atlas sa magkabilaang kamay si Jeremiah na kumakanta pa ng children song nila sa school. Masayang masaya ang anak ko kaya masaya na rin ako. Wala namang ibang makakapagpasaya na puso ng isang ina kundi makitang masaya ang anak.
Tumingin ako kay Atlas. Nagtama ang mga mata namin dahil nakatingin din pala sya sa akin. Ngumisi sya. Irap naman ang ginanti ko sa kanya.
Pumasok kami sa paboritong fast food chain ni Jeremiah. Lahat naman yata ng bata paborito si bubuyog. Pumila kami sa counter at namili ng oorderin, syempre nauna sa pagpili ang anak namin. Ang paboritong chicken at spaghetti ang pinili nya saka sundae. Ako naman kanin at chicken at sinamahan ko na rin ng drinks at mangoe pie. Ganun din ang inorder ni Atlas.
Pagkatapos naming umorder ay umupo na kami sa bakanteng mesa bitbit ang numero namin. Habang hinihintay ang order namin ay nagkukulitan pa ang mag ama at panay din ang picture. Minsan sinasama nila ako. Maya maya ay dumating na ang order namin at kumain na kami. Parehas malakas kumain ang mag ama. Habang pinagmamasdan ko sila malaki talaga ang similarities nilang mag ama sa kanilang mga kilos. Parehas nilang ugali na sinisipsip ang thump nila na may bakas ng pagkain. Parehas din sila kung paano ngumuya pati pagtaas ng kilay.
Matapos ang ilang minuto ay simot ang pinagkainan ng mag ama. Samantalang ako ay may tira tira pa. Sundae naman ngayon ang binanatan ni Jeremiah. Pinupunasan naman ni Atlas ang gilid ng bibig nitong may naiiwang bakas ng sundae.
Nag ikot ikot naman kami sa mall hanggang sa napadaan kami sa isang toy store at nagturo na si Jeremiah. Akmang magsasalita ako na wala pa akong sahod ay pumasok naman ang mag ama. Oo nga pala maraming pera si Atlas kaya sya na ang bahala sa mga gusto ng anak tutal gusto naman nyang bumawi.
Sinusundan ko lang ang mag ama na namimili ng mga laruan. Tumingin tingin din ako ng mga laruan at tiningnan ang presyo. Napangiwi ako sa presyo. Ang mamahal. Nabibilhan ko naman ng laruan si Jeremiah sa mall paminsan minsan kapag bagong sweldo. Syempre ang binibili ko ay ang afford lang at paisa isa lang. Minsan naawa pa ako sa anak kapag hindi nabibili ang gusto nya mismong laruan. Eh kasi naman sobrang mahal at hindi talaga kaya ng bulsa ang apat na digit na presyo ng laruan. Pero pinapaliwanag ko naman sa kanya kung bakit hindi namin yun nabibili at nauunawaan naman nya. Doon naman ako bilib na bilib kay Jeremiah masaya sya sa kung ano lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
“Talaga po papa ibibili mo po yan para ta akin?”
“Oo naman, kahit anong laruan pa ang magustuhan mo anak bibilhin yun ni papa.”
“Yehey! Mama mama!”
Nilingon ko si Jeremiah na tinatawag ako. Pinapalapit nya ako sa kanya.
“Bakit anak?” Tanong ko ng makalapit. Malaki ang ngiti nya sa labi.
“Ibibili po ako ni papa ng truck truck na may remote control.” Masayang sambit nya at tinuro ang may kalakihang box na may lamang laruan na truck na kulay dilaw may kasama pa itong remote. Para talaga syang totoong truck pero maliit. Sa hitsura pa lang halatang mahal na. Dinampot ko ito at tiningnan. Muntik ko ng mabitawan ang box ng makita ang presyo. Pumapalo lang naman ng limang libo.
“Ang mahal pala nito anak.” Bulalas ko.
“Ayos lang sugar. Kukunin natin yan pero ite-testing muna natin kung ok ba.” Tinawag ni Atlas ang isang sales person at nagpa-assist para i-testing ang laruan. Excited na excited naman si Jeremiah.
Wala na akong nagawa kundi manood na lang sa kanila. Wala naman akong karapatan kumontra dahil si Atlas naman ang magbabayad.
Tinesting na nga ang luruang truck at pinaandar ito gamit ang remote. Lalong natuwa si Jeremiah ng sa kanya naman ipatesting ang remote. Tinuturuan pa sya ng ama.
Kumuha pa ng ibang laruan si Atlas na puro de remote din. Backhoe, bulldozer, loader at towing truck. Talagang kinumpleto na nya. Mas mahal pa ang iba sa truck na laruan. Kitang kita naman ang labis na saya sa mukha ni Jeremiah na napapayakap pa sa aming dalawa ni Atlas.
“Happy?” Tanong ko sa anak ng yumakap sya sa bewang ko.
Tumango sya. “Opo mama, sobrang happy po ako ang dami kong toys yung mga dream toys ko pa.”
Ngumiti ako at hinaplos haplos ang buhok nya. “Deserve mo yan anak dahil mabait kang bata. Happy din si mama para sayo. Mag thank you kay papa kasi sya ang bumili nyan.”
Bumitaw sya sa akin ng yakap at muling yumakap sa ama.
“Thank you po papa ta maraming toys.” Malambing na sambit nya.
Ginulo naman ni Atlas ang buhok ng anak. “Anything for you son. May iba ka pa bang toys na gusto? Mamili ka pa ng iba bibilhin ni papa.”
Umiling iling si Jeremiah. “Happy’ng happy na po ako ta mga toys papa. Dami na po iyan baka ubos na pera mo po.”
Parehas kaming natawa ni Atlas. Pati nga ang dalawang sales person na nag assist ay natawa din.
Pinanggigilan ni Atlas ang pisngi ni Jeremiah. “Magwo-work si papa ng maigi para di maubos ang pera para lahat ng gusto mo mabibili ko.”
Napangiti naman ako sa sinabi ni Atlas. Ramdam kong sinsero sya sa mga sinasabi nya. Mabuti syang ama kay Jeremiah. Kunsabagay kahit noong magnobyo pa lang kami halos paulanan din nya ako noon ng regalo.
“Ikaw sugar, may laruan ka din bang gusto?” Hirit ni Atlas.
Sinamaan ko sya ng tingin. “Anong tingin mo sa akin bata?”
Nginisihan nya ako. “Kiss ko gusto mo?”
“Sapak ko gusto mo?” Tinaas ko ang nakakuyom na kamao.
Tumawa lang sya at tinulak na ang cart na halos mapuno na ng mga naka-box na laruan papuntang counter. Napaawang na lang ang labi ko ng matotal na ang lahat ng laruan. Halos umabot ito ng fifty thousand at parang wala lang na inabot ni Atlas ang card sa kahera.
Sunod namin kaming pumunta sa isang clothing store. Damit naman ngayon ang binibili ni Atlas para sa anak. Sya pa ang namimili. May taste naman sya sa pagpili ng damit at lahat iyon ay nagugustuhan ni Jeremiah. Kunsabagay parehas silang lalaki. Pati nga ako ay pinapapili din nya ng damit para sa sarili ko. Tumanggi naman ako. Sinasabi kong marami na akong damit. Marami naman talaga akong damit mumurahin nga lang at sa divi ko pa binibili pero magaganda naman ang kalidad. Doon ko rin binibilhan ng damit si Jeremiah dahil kung sa mall ako bibili ay siguradong mamumulubi ako.
Sunod naman naming pinuntahan ang supermarket at naggrocery kami. Yung mga kailangan lang sa bahay ang mga kinukuha ko. Syempre hindi ko rin kinakalimutan ang gatas at paboritong chocolate powder drink ni Jeremiah. Isang malaking box ng gatas at malaking pack ng chocolate powder ang kinuha ko pero si Atlas ay dinagdagan pa yun ng tig dalawa para hindi daw mabitin ang anak. Hinayaan ko na lang sya, sya naman ang magbabayad.
Makalipas ang halos isang oras ay punong puno ang dalawang malaking cart namin. Paano kung ano anong pinagdadampot ng mag ama. Si Jeremiah nga sinasaway ko na kapag nakikita kong puro junk foods ang kinukuha.
“Thank you po papa ng marami nipasyal mo ko taka nibili ng maraming toys.” Masayang sabi ni Jeremiah na nakaupo na sa baby car seat sa back seat.
“You’re welcome son at hindi ito ang huli dahil madalas na tayong mamamasyal.”
“Yehey! I love you papa!” Nagflying kiss pa si Jeremiah sa ama.
“I love you too son, always.” Nakangiting sambit ni Atlas.
“I love you din po mama.” Ako naman binigyan nya ng flying kiss.
“I love you too baby.”
Pinaandar na ni Atlas ang kotse. Tumingin muna sya sa akin at ngumiti.
“Thank you sugar at pinagbigyan mo ko.”
“Para kay Jeremiah, gagawin ko ang lahat para sumaya.”
Tumango tango sya at pinausad na ang kotse.
Plz follow my fb page and dreame account. Same name at same profile lang din po. Thank u in advance 😘
Chapter 21
Jolene
“NAKAKATUWA talaga yang mag ama mo. Laging magkadikit at hindi mapaghiwalay.” Wika ni Aling Luding ang kapitbahay namin.
“Ikaw ba naman ilang taon nasa abroad ang tatay kaya natural lang na halos di sila mapaghiwalay.” Ani Ka Nena ang may ari ng tindahan na binibilhan ko ngayon.
Mula kasi dito sa tindahan nya ay kitang kita ang apartment na inuupahan namin at nasa labas nga ang mag ama at naglalaro ng basketball. Binilhan kasi ni Atlas ng maliit na ring ang anak at bola. Siguradong pawisan na naman si Jeremiah mamaya.
Ang alam ng mga kapitbahay ko ay ofw si Atlas. Yun kasi ang laging sinasabi ni Jeremiah kapag may nagtatanong sa kanya kung nasaan ang papa nya. Hindi naman ako nagkukwento sa mga kapitbahay ko. Si Leah lang naman ang mahilig makipagchismisan pero di naman nya kinukwento ang tungkol sa akin at sa ama ni Jeremiah.
“Baka naman masundan nyo na yan si Jeremiah.” Nanunukso pang sambit ni Aling Luding na ikinainit ng aking mukha.
“N-Naku hindi na po. O-Ok na po sa akin si Jeremiah.” Nauutal na sabi ko.
“Kuh, di ka sigurado dyan Jolene. Bata ka pa, maganda at seksing seksi. Saka ang gwapo gwapo ng asawa mo o. Sayang naman ang lahi.” Segunda pa ni Ka Nena.
“Kaya pala poging bata at malaking bulas tong si Jeremiah kasi ang gwapo ng tatay at malaking tao. Pero mukhang mayaman ang asawa mo ang gara nga ng kotse sa labas. Bakit kayo nagtitiis mangupahan?” Usisa ni Aling Luding.
“N-Naku yung piniprito ko po pa lang isda baka nasunog na. Excuse lang po Aling Luding, Ka Nena.” Nagmamadaling kinuha ko na ang bote ng mantika at malalaki ang hakbang na umalis ng tindahan. Siguradong hindi nila ako titigilan sa paguusisa kung hindi pa ako aalis.
“Mama!” Sinalubong ako ng yakap ni Jeremiah. Akala mo naman ang tagal kong nawala at sa malayo ako pumunta.
Kinapa kapa ko ang likod nya. “Pawis na pawis ka na ah. Tama na ang laro.”.
Ngumuso si Jeremiah. “Nagpi-play pa po kami ni papa.”
“Kanina pa kayo nagpi-play, pawis na pawis ka na o. At pagabi na.”
“Bukas na lang ulit tayo magplay anak.” Sabi ni Atlas at lumapit bitbit ang bola. “Ako ng bahala maglinis sa anak natin sugar.” At inakay na nya sa loob ng bahay si Jeremiah.
Pumasok na rin ako at dumiretso sa kusina para iprito ang tilapya. Paborito kasi namin ito ni Jeremiah. Si Leah hindi kumakain nito magara daw ang lasa. Ewan ko lang kung kakain nito si Atlas. Pero nagluto din naman ako ng isa pang ulam. Tinolang manok para naman may sabaw.
Nangingiting pinagmamasdan ko ang mag ama na maingay sa maliit naming banyo. Nililinisan na kasi ni Atlas ang anak at naghaharutan pa sila. Sa kabutihang palad ay nasanay na dito sa bahay si Atlas. Wala syang reklamo kung wala kaming aircon at electric fan lang. Wala kaming shower at de buhos lang ang toilet. Wala din syang reklamo kung sa sala lang sya natutulog. Hindi rin sya maarte sa pagkain. Pinagsabihan ko na kasi syang wag araw araw puro deliver ang pagkain iba pa rin syempre ang lutong bahay.
Pinatay ko na ang kalan at kumuha na ng mga plato at kutsara sa pamingganan.
“I’m home!”
Nag angat ako ng tingin kay Leah na bagong dating at may bitbit na supot. Lumapit sya sa kusina at nilapag ang supot sa mesa. Siguradong galing yun kay Nana.
“Ano yan insan?”
Nilabas ni Leah ang container sa supot at binuksan. “Tsaran! Ang specialty’ng lumpia ni Nana.”
“Wow!” Natakam ako bigla at di ko na napigilan na dumampot ng isang piraso at kumagat. Iba talaga ang lumpia ni Nana. The best sa lahat.
“Tita Leah!” Bati ni Jeremiah kay Leah at humalik sa pisngi nito. Kalalabas lang nya ng banyo at balot na balot ng tuwalya. Ang ama naman nya ay basa ang harapan ng damit.
“Aba, mabango na naman si kulit ah.”
“Syempre po bagong wash ako.”
“Sige na magbihis na kayong dalawa at kakain na tayo.” Utos ko sa mag ama.
“Yes sugar.”
“Opo mama.”
Sinundan ko ng tingin ang mag ama na nasa sala. Tinutuyo ni Atlas ng tuwalya ang katawan ni Jeremiah pagkatapos ay pinulbusan nya ito saka binihisan. Pagkatapos ay sya naman ang naghubad ng damit. Bumagal ang pagnguya ko habang nakamasid sa katawan ni Atlas. Sa nakalipas na limang taon mas lalo pang gumanda at lumaki ang katawan nya. Halos mamutok na ang naglalakihan nyang mga masel sa braso. Mas lalo pang lumapad at umumbok ang kanyang dibdib. Ang dating six pack abs nya ay walo na ngayon.
Tumikhim si Leah kaya napatingin ako sa kanya. May nanunuksong ngiti sa labi nya. Naginit naman ang mukha ko dahil nahuli nya akong nakatingin kay Atlas.
“Obvious na obvious ka insan. May tinatago ka pang pagnanasa sa ex mong papable.”
Kunwaring inirapan ko si Leah. “W-Wala no! Ikaw talaga kung ano ano ang napapansin mo. Magbihis ka na nga para makakain na tayo.”
“Oo na po.” Kunwaring inirapan din nya ako at pumasok na sa kwarto namin para magbihis.
Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang malakas na kabog ng dibdib.
Tinawag ko na ang mag ama na kakain na.
.
.
**
UMAWANG ang labi ko at namangha sa naabutan sa harap ng bahay naming naglalawa sa tubig at bula. Naglalaba ang mag ama. May mga nakahanger ng mga damit na hindi pa ayos ang pagkakahanger. May baliktad at hindi. Mga nakasuksok pa ang mga bulsa ng pantalon. May mga damit pang nasa basket at umiikot ang single na washing machine. Nakita ko pa ngang hawak hawak ni Atlas ang kulay beige kong bra at bina-brush ito sa tabla sa may planggana. Siguradong maghihimulmol iyon. Si Jeremiah naman ay kinukusot ng maliit nyang kamay ang kanyang medyas.
“Anong ginagawa nyo?” Pasitang tanong ko sa mag ama.
Sabay pa silang lumingon sa akin.
“Mama laba kami ni papa.” Proud pang sabi ni Jeremiah na tumayo pa at inusli ang nguso. Yumuko naman ako para makahalik sya sa pisngi ko. Agad din syang bumalik sa pagkukusot ng medyas nya.
“Bakit kayo naglalaba?”
“Wala kasi kaming ginagawa sugar. Kaya naisipan kong maglaba na lang para di ka na maglaba bukas at magpahinga ka na lang.” Wika ni Atlas.
“Marunong kang maglaba?” Manghang tanong ko.
Nagkibit balikat sya. “Madali lang naman. Medyo masakit nga lang sa likod.”
Kinabahan ako bigla dahil baka pinagsama nya ang mga de color at mga puti. Siguradong maghahawa yun. Tarantang sinilip ko ang nakasalang sa washing. Mga puti naman lahat yun at malinis ang tubig mukhang bagong palit. Pero lumalangitngit na ang makina ng washing at halos di na makaikot dahil maraming laman.
“Di po runong ti papa maglaba mama, turuan ko lang po sya. Tabi ko po hiwalay ang puti at may kulay para di hawa hawa.” Sabi ng anak ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang at tinuruan ni Jeremiah ang ama nya. Pagnaglalaba kasi kami ni Leah ay sumasali sya at nakikita nyang hinihiwalay namin ang mga de kulay sa puti.
“Good boy anak.” Sabi ko at ginulo ang bubok ni Jeremiah.
Kakamot kamot naman sa ulo si Atlas. “Sya nga pala sugar bukas bibili tayo ng automatic washing machine para hindi ka na mahirapang maglaba.”
Napataas ang kilay ko. Aba, pangarap kong washing machine yun.
“Ikaw ang bahala.” Sabi ko na lang at pumasok na sa loob ng bahay. Napaawang pa ang labi ko ng makitang malinis nga ang loob ng bahay at walang mga kalat. Maayos na nakalagay ang mga laruan ni Jeremiah sa basket at nasa estante naman ang mga laruan nyang de remote.
Pumasok na ako sa kwarto para magbihis. Sabado ngayon kaya half day lang ako at bukas naman ay wala akong pasok. Tutulungan ko ng maglaba si Atlas para matapos na. Pero sa totoo lang parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko na nage-effort sya para sa akin, para sa amin ng anak nya. Kaunting kaunti na lang malapit na rin akong bumigay.
“Magsa-shopping ulit tayo bukas papa?” Dinig kong tanong ni Jeremiah sa labas.
“Yes baby, may gusto ka bang bilhin?”
“Yung promise mo po ta akin papa na car na pede ko takyan.”
“Oo nga pala, bukas na bukas bibilhin na natin yan.”
“Yehey!” Excited na sambit ng anak ko.
Napailing iling naman ako. Masyadong ng ini-spoiled ni Atlas ang anak. Lahat ng gusto nito binibigay nya. Mapagsabihan nga mamaya.
Lumabas na ako ng kwarto at tinali pataas ang buhok.
Naginit ang mukha ko ng makitang ang panty ko na ang nilalabhan ni Atlas.
“Ako na dyan Atlas.” Saad ko sabay kuha ng panty kong hawak hawak nya. Nagulat naman sya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Bakit nandito ka sugar? Doon ka na lang sa loob at magpahinga. Kaya ko na to.” Ani Atlas sabay hablot ng panty ko sa aking kamay.
“Oo nga po mama, kaya na po namin ni papa to.” Segunda pa ng anak ko na akala mo matanda na.
“Hindi, tutulong na ako para mabilis matapos. Akin na nga yang panty ko.” Hinablot ko ulit ang panty ko sa kanya at umupo sa bangkito na binigay ni Jeremiah.
Pero napaawang ang labi ko ng muli nyang hablutin ang panty sa aking kamay.
“Ako na ang tatapos nyan naumpisan ko na eh.” Nilatag nya sa tabla ang panty ko at brinush. Halatang di sya marunong. Madiin pa ang pagkaka-brush nya kaya siguradong maghihimulmol din ang panty ko.
“Hindi, ako na.” Inagaw ko ulit sa kanya ang panty ko at kinusutan ko ito.
Ngumisi si Atlas. “Nahihiya ka lang eh.” Panunukso nya.
Nagiinit ang pisnging inirapan ko sya. “Mali kasi ang ginagawa mo. Hindi naman talaga dapat bina-brush ang mga underwear dahil maghihimulmol. Kinukusot lang to.” Hindi naman bago sa akin na hinahawakan nya ang panty ko. Bumabalik lang kasi sa alaala ko ang intimate moments namin noon.
Ngumiwi sya. “Ganun ba, sorry di ko alam.”
Hindi na ako nagulat na hindi nya alam dahil hindi naman sya naglalaba. Mayaman sya at marami syang tagalaba. Naalala ko pa nga noon pinapa-laundry lang nya ang mga damit nya.
Para matapos na kami ay sya na ang pinagbanlaw ko dahil mas malakas syang pumiga. Tinuturuan ko na lang sya ng tamang pagpiga. Wala kasi kaming dryer. Sinama ko na rin sa paglaba ang damit ni Leah para hindi na rin sya maglaba.
“Phew! Ang hirap din palang maglaba. Hindi rin pala basta basta.” Bulalas ni Atlas ng matapos na kami. Pasado alas dos na kami natapos maglaba. Siguradong hindi matutuyo ang mga sinampay pero di bale na ang importante makatulo at mukhang hindi naman uulan mamayang gabi. Niligpit na rin namin ang mga batya, timba at hose.
“O ngayon alam mo na. Di ka na siguro uulit.” Sambit ko. Malamang madala na sya.
Ngumisi sya. “Willing akong ipaglaba ka habang buhay sugar.”
Tinaasan ko sya ng kilay. “Talaga lang ha.”
“Talagang talaga. Pero bukas bibili talaga ako ng automatic washing machine tapos pagaaralan ko na lang kung paano gagamitin.”
Mukhang seryoso nga talaga sya.
“Papa yung car ko po wag nyo po kalimutan.” Singit ni Jeremiah.
“Of course naman baby ko.”
Tumikhim ako. “Mag usap pala tayo mamaya Atlas.”
Kunot noong bumaling sa akin si Atlas. “Tungkol saan sugar?”
“Basta mamaya. Pumasok na tayo sa loob.” Inakay ko na si Jeremiah na pumasok sa loob. Basa ang mga damit nya kaya idederetso ligo ko na lang sya.
“Papa gugutom na po ako.” Ungot ni Jeremiah sa ama nya.
Kumunot ang noo ko. “Hindi ba kayo kumain ng tanghalian?”
“Kumain sugar, ang dami ngang nakain ng anak natin eh.”
“Meryenda po mama. Gutom na po ako eh.” Nakangusong wika ng anak ko at hinimas himas pa ang tiyan.
Oo nga pala, mag a-alas tres na. Ganito ang oras ng meryenda nya.
“Anong gusto mong meryenda?”
“Gusto ko po ng tulon saka soft drinks.”
“Hindi pwede ang soft drinks anak.”
Nanghaba ang nguso ni Jeremiah. “Tagal na po ako di nakakainom ng soft drinks mama.”
Bumuntong hininga ako. Oo nga naman. Di kasi sya sinasanay na palaging uminom ng softdrinks.
“O sige, pero ngayon lang ha.”
Ngumiti naman ang anak ko. “Opo mama.”
“Ako na ang bibili sa labas sugar. Anong gusto mo?” Presinta ni Atlas.
“Bahala ka na. Basta yung kaya lang natin kainin baka madami na naman ang bilhin mo.” Paalala ko sa kanya.
Ngumisi lang sya at kinuha ang wallet na nakapatong sa ibabaw ng drawer at nagpalaam sa anak na lalabas saglit.
Ako naman ay pinaliguan na si Jeremiah para malinis na sya bago kumain.
Chapter 22
Atlas
“PAPA pede po tayo bili nun?”
Tiningnan ko ang tinuturo ni Jeremiah sa labas ng bintana ng kotse. Tinabi ko naman sa daan ang kotse. Kagagaling lang namin sa school at sinundo ko sya.
“Alin dyan anak?” Tiningnan ko ang tinuturo nya. Di ko naman alam kung ano ang eksaktong tinuturo nya sa mga nakahilera na food stall.
“Yung fries papa na maraming iba’t ibang flavor. Pero gusto ko yung barbecue. Sarap po yun eh.”
“Ok, baba tayo. Ako muna unang bababa ha wait mo si papa.” Bilin ko sa kanya at tinanggal ang kanyang seatbelt.
Tumango naman sya.
Minsan kasi kapag sobrang excited sya nauuna syang bumaba at biglang tumatakbo. Delikado pa naman dahil minsan nasa kalsada kami kaya lagi ko syang pinapaalalahanan.
Umikot ako sa kotse at binuksan ang pinto sa gawi ng anak ko. Dahan dahan naman syang bumaba at humawak sa kamay ko. Tumawid namin kami sa pedestrian lane. Tinungo namin ang stall na may nagtitinda ng fries na may iba’t ibang flavor. Bumili ako ng medium cup lang. Marami na kasi ang large baka hindi na sya makakain ng pananghalian mayayari ako kay sugar.
Ng mabayaran na at makuha ang biniling fries ay sunod sunod na ang subo ni Jeremiah. Inalok pa nya ako. Hindi ako mahilig sa mga ganitong pagkain pero tinikman ko na rin. Masarap naman sya. Bumili na rin ako ng malamig na mineral water dahil baka mabulunan pa ang anak ko.
“Atlas pare!”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko at parang gusto kong magtago. Teka bakit ba ako magtatago eh wala naman akong utang.
“Kester.”
Lumapit sa akin ang kaibigan. Mukhang hindi sya nag opisina ngayon dahil casual lang ang suot nya na t-shirt na itim at blue jeans.
“Sabi na nga ba at ikaw yung nakita ko eh. Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nag out of town ka? Eh nandito ka lang pala sa QC.” Nakasingising turan nya.
Ngumisi din ako. “Out of town naman talaga ako ah. Sa Manila ako nakatira nandito ako ngayon sa QC eh di out of town.” Pilosopong sagot ko.
“Tanginamo.” Mura sa akin ni Kester.
“Bad po magmura manong.”
Sabay kaming tumingin magkaibigan sa anak kong nasa tabi ko at nakatingala kay Kester. Ang kaibigan ko naman ay titig na titig sa anak ko.
“Sino yang batang kasama mo?” Kunot noong tanong ni Kester.
Bumuntong hininga ako. “Anak ko. Baby say hi to Tito Kester. Friend sya ni papa.”
Matamis na ngumiti si Jeremiah at kumaway kay Kester. “Hi po Tito Kester!”
Hindi naman nakasagot ang kaibigan ko at nakaawang lang ang labi habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa anak ko.
“Anak mo? Anong pauso to pare?” Nakangising turan ni Kester.
“Anak ko nga sya.” Seryoso ang mukhang sabi ko.
Unti unti namang nabura ang ngisi nya sa labi at muling tumingin sa anak ko at sa akin.
“Seryoso ka ba talaga pare o ginu-good time mo lang ako? Pero kamukha mo nga tong bata. Ganyan na ganyan ang mukha mo doon sa mga picture mo noong bata ka pa eh. Mas pogi nga lang tong batang kasama mo.”
“Dahil anak ko nga talaga sya.” Giit ko.
Humawak naman sa kamay ko si Jeremiah habang nakatingin pa rin kay Kester.
“Anak po ako ni papa Tito Kester. Di ba po papa?” Bumaling sa akin ang anak ko.
“Yes baby. Ikaw ang baby ni papa.” Ginulo ko ang buhok ni Jeremiah. Proud akong ipagsigawan sa lahat na sya ang anak ko.
Lalong umawang ang labi ni Kester. “Paanong.. paanong nagkaanak ka? Putang*na pare may nabuntis ka?”
“Bunganga mo naman pare naririnig ka ng anak ko.” Saway ko sa kaibigan. Sa aming magkakaibigan sila ni Luigi ang palamura.
“Sorry naman. Nabibigla ako eh. Pero paano nga nangyari?”
Bumuntong hininga ako. “Mahabang kwento.”
“Pwes ikwento mo.”
Oo nga pala. Bukod sa palamura sya tsismoso din sya.
Dito sa isang children park kami pumunta ni Kester at ng anak ko. Alam kong di nya ako tatantanan hangga’t di ako nagkukwento sa kanya. Hindi ko inaalis ang tingin sa anak ko na nagpapadulas na sa slide habang nagkukwento ako kay Kester. Kinuwento ko sa kanya ang lahat.
“Langya, limang taon ka na palang may anak ng wala kang kaalam alam.” Bulalas ni Kester.
“Oo nga eh, kung hindi ko pa sya nakita sa mall di ko pa malalaman.”
“Pero sigurado ka ba talagang anak mo yan? Nagpa-dna test ka na ba?” Nagdududang tanong ni Kester.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. “Hindi na kailangan ng dna test. Anak ko si Jeremiah. Nakita mo naman kamukhang kamukha ko di ba?”
“O easy ka lang. Naniniguro lang ako.”
“Ako siguradong sigurado ako na ako ang ama ni Jeremiah. Wala ng ibang naging boyfriend si Jolene pagkatapos ko. Nagfocus na lang sya sa pagpapalaki sa anak namin.” Yun ang ang kwento ni Leah ang pinsan ni Jolene na nakasama nya sa loob ng limang taon at katuwang sa pagpapalaki sa anak namin.
Marami pang naikwento sa akin si Leah tungkol kay Jolene. Simula ng palayasin sya ng mama nya sa bahay nila dahil nalamang buntis sya. Nasunog ang bar na pinagtatrabahuan nya at wala na syang mapuntahan kaya lumuwas sya dito sa Manila. Awang awa ako sa kanya at nagagalit sa mga taong pinagtabuyan sya. Lalo pang lumaki ang respeto ko sa kanya. Hindi biro ang magpalaki ng anak mag isa sa limang taon.
“So anong plano mo sa mag ina mo?”
“Eh di magsasama sama kami bilang isang pamilya.”
“Ibinahay mo na ang mag ina mo?”
“Hindi, pero doon ako tumutuloy pansamantala sa bahay ng mag ina ko. Mabuti nga hindi na ako tinataboy ni Jolene. Hinihintay ko lang na patawarin na nya ako at maniwala sya sa akin.”
“Kung gusto mo pare kausapin ko ang ex mo. Ako ang magpapatunay na naaksidente ka naman talaga five years ago at nagkaroon ng partial amnesia.”
Bumuntong hininga ako at ngumiti. “Hindi na kailangan pare. Nararamdaman ko namang lumalambot na sya sa akin.” Hindi na masyadong nagsusungit sa akin si sugar at ngumingiti na rin sya kahit papaano sa akin. At madalas ko din syang nahuhuling nakatingin sa akin. Alam kong may pagtingin pa rin sya sa akin.
“Mahal mo talaga ang nanay ng anak mo no?” Nakangising turan ni Kester.
“Sya lang ang babaeng minahal ko pare at mahal ko pa rin hanggang ngayon.” Pinilit ko syang kalimutan at binaling sa ibang babae ang atensyon. Pero sa limang taon na nagdaan at iba’t ibang babae ang nakakasama ko ay lagi ko namang hinahanap hanap ang parte nya.
“Pero pare dapat na tong malaman ng mommy at ng kapatid mo.”
“Alam ko pare. Gustong gusto ko ng ipakilala sa kanila ang anak ko. Siguradong matutuwa si mama dahil matagal na nyang inuungot na magkaapo sa akin. Pero hindi pa handa si Jolene. Natatakot sya.” At naiintindihan ko naman yun lalo na at kaibigan nya si Ava. Natatakot sya sa pwedeng isipin ng pamilya ko. Pero kakausapin ko din sya tungkol dito.
.
.
Third POV
PASIPOL sipol si Kester na sumakay na sa kanyang sasakyan at pinaandar na ito. Nakita din nyang sumakay na sa kotse ang mag ama na nasa kanyang unahan. Binusihan nya ang mga ito. Inilabas naman ng kaibigan ang kamay at kumaway saka pinausad ang kotse.
Ngingisi ngising napailing naman sya at pinaandar na rin ang sasakyan pero sa kasalungat na daan ang daan nya. Hindi talaga sya makapaniwala na may anak na ang kaibigan. Kaya pala laging nawawala ito dahil abala sa mag ina nito. Wala namang duda na anak nito ang bata dahil kamukhang kamukha nito. Parang batang version nito.
Dinukot nya ang cellphone sa bulsa at dinial ang number ni Matias. Ilang ring bago ito sumagot.
“What do you want?”
Napangisi sya sa kasungitan ng kaibigan. Ito at si Luigi ang masungit sa kanilang magkakaibigan. Magkaiba nga lang ng antas ng kasungitan ang dalawa.
“Pare kita tayo sa The Top Bar mamaya.”
“Di ako pwede.”
“Bakit? Busy ka?”
“Oo, matutulog ako.”
“Tss, pumunta ka na may importante akong sasabihin.”
“Tsk! Tsismis lang yan. Sila Luigi na lang ang ayain mo. Wala ako sa mood sa mga tsismis mo.”
Tss. Napaka-kill joy talaga nito.
“Basta pumunta ka kung ayaw mong mahuli sa balita.” Aniya at pinatay na ang cellphone. Hindi rin naman ito makakatiis at pupunta din.
Tinawagan pa nya ang ibang mga kaibigan. Noong una ay panay tanggi pa ang mga ito at mga busy daw. Pero nung sinabi nyang may importante syang nalaman tungkol sa whereabout ni Atlas ay pumayag ang mga ito. Lowkey tsismoso din ang mga ito eh.
Pinatay na nya ang cellphone at pinatong sa dashboard.
Siguradong masarap ang inuman mamaya.
.
.
Jolene
HUMIHIKAB na lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina. Nagising ako sa pagkauhaw.
Patay ang ilaw sa buong bahay pero may liwanag namang pumapasok mula sa bintana galing sa labas. Binuksan ko ang ref at kinuha ang tumbler ko at uminom. Tumingin ako sa sala kung saan natutulog ang mag ama. Pero napakunot ang noo ko ng maaninag lang ang maliit na bulto. Wala sa higaan si Atlas.
Nilibot ko ang mata. Napansin kong bahagyang nakaawang ang pinto. Binalik ko ang tumbler sa ref at tinungo ang pinto. Binuksan ko ito at sumilip sa labas. Nakita kong nakaupo sa may pasimano ng maliit na terrace si Atlas at naninigarilyo.
Bumuntong hininga ako at lumabas. Lumingon naman si Atlas sa akin at bahagya pang nagulat ng makita ako.
“Sugar, bakit nagising ka?” Tanong nya at dinutdot ang sagirilyo sa pasimano at hinagis sa basurahan na nasa tabi ng paso.
“Nauhaw ako. Ikaw bakit di ka pa natutulog tapos naninigarilyo ka pa.” Pasita kong wika.
“Nagpapaantok lang.”
“Sigarilyo pampaantok?” Sarkastiko kong sabi.
Kumamot sya sa ulo. “Sorry.”
Bumuntong hininga ako. Ano bang pakialam ko kung manigarilyo sya? Buhay nya yan.
“Pasok na ako sa loob.”
“Wait sugar.”
Nilingon ko sya. “Bakit?”
“Pwede bang mag usap muna tayo.”
Muli akong bumuntong hininga at umupo din sa pasimano. Tumingala ako sa langit. Maliwanag ang kalangitan at maraming bituin. Tahimik na ang paligid maliban sa pailan ilang mga sasakyan na dumadaan. Sarado na rin ang mga bahay ng kapitbahay at siguradong mga tulog na rin sila. Alas dose na rin kasi ng gabi.
“Anong gusto mong pagusapan natin?”
“About us sugar.”
May ideya na akong yun ang gusto nyang pag usapan.
“Anong tungkol sa atin?”
Bumuntong hininga sya at tumingin sa akin. “Gusto kong makilala na ng pamilya ko si Jeremiah.”
Napasinghap ako sa sinabi nya. “Atlas, sabi ko naman sayo di pa ako handa tungkol dyan di ba?”
“At kelan ka pa magiging handa? Alam kong natatakot ka sa pwedeng isipin at sabihin ng pamilya ko. But trust me sugar, di sila gaya ng iniisip mo. Lalo na si mommy, mabait yun at mahilig sa bata gaya ni Ava. Si mommy matagal na syang umuungot ng apo sa akin. Siguradong matutuwa sya kapag nakilala si Jeremiah.”
Kumagat labi ko. Hindi ko pa nakikilala ang mommy nya. Si Ava lang ang kilala ko at mabait sya sa amin lalo na kay Jeremiah. Wala syang kaarte arte sa katawan kahit galing sya sa mayamang pamilya. Pero nahihiya ako sa kanya.
Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil pisil. “Sugar, malalaman din naman ng pamilya ko ang tungkol sa inyo ni Jeremiah so bakit pa natin patatagalin.”
Humugot ako ng malalim na hininga at hinila ang kamay na hawak nya.
“Anong sasabihin mo sa pamilya mo? Na ako ang ex mo sa Zambales at naanakan mo?”
Matiim syang tumingin sa akin. “No, sasabihin kong kayo ang mag ina ko. Ang pamilya ko.”
Bahagya akong natameme sa sinambit nya. May kiliting umusbong sa puso ko. Masarap sa tenga ang sinabi nyang kami ng anak nya ang pamilya nya.
Iningusan ko sya. “Makapamilya ka dyan, bakit ok na ba tayong dalawa?”
Ngumisi sya. “Hindi pa ba?”
Inirapan ko sya. “Wala pa akong sinasabi no.”
Tumabi sya ng upo sa akin. Tila naman ako nakuryente ng magdikit ang aming balat. Akmang lalayo ako pero inakbayan nya ako at kinabig padikit lalo sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko na tila may nagkakarerahang daga.
“A-Ano ba umusod ka nga?” Tinutulak ko sya ng siko at braso pero matigas sya.
Lalo pa nyang hinigpitan ang akbay sa akin hanggang sa tuluyan na nya akong niyakap. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang sya. Pinikit ko na lang ang mata at dinama ang init ng kanyang katawan na matagal ko na ring pinanabikan.
Wala pang kuryente dito sa amin kaya hindi ako makakapag update sa kabila baka bukas na lang po. Stay safe kayong lahat guys. Pray lang ng pray 🙏
Chapter 23
Jolene
NAKULONG ang pagsinghap ko sa loob ng bibig ng biglang sakupin ni Atlas ang aking labi. Tila may bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa bawat himaymay ng mga ugat ko patawid sa puso na ikinabilis ng tibok nito. Kasabay din niyon ang sensasyong ilang taon ko ng hindi naramdaman. May pananabik at takot akong nararamdaman. Nasabik ako na muli kong naramdaman ang mainit nyang halik pero may takot din akong nararamdaman na baka muli akong malulong at hirap na namang makaahon.
Naging madiin ang halik nya. Iniipit ng kanyang labi ang labi ko. Natataranta ang aking puso at nakikipag talo sa aking isip na nagmamatigas na tugunin ang kanyang halik. Pero sa huli ay nanaig ang alab na nasa aking puso. Natagpuan ko ang sariling tumutugon sa kanyang halik.
Naging mapusok ang halik na pinagsasaluhan namin. Malikot ang bawat galaw ng labing sabik na sabik sa isa’t isa. Kinabig pa nya ang batok ko at mas nilaliman pa ang halik. Hindi naman ako nagpatalo at gumanti din ng malalim na halik. Nilukob na rin ng pamilyar na init ang aking katawan. Darang na darang na ako sa init ng halik na aming pinagsasaluhan.
Hanggang sa may kumahol na aso sa harapan ng gate ng compound na ikinagulat ko. Mabilis kong tinulak sa dibdib si Atlas. Namimilog ang aking mata habang habol ko ang aking hininga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila may naghahabulang mga daga sa loob.
Nilingon ko ang aso sa gate. May tinatahulan syang grupo ng mga kabataan na naglalakad at medyo maingay. Bumalik ang tingin ko kay Atlas na mapupungay ang matang nakatingin din sa akin.
“Sugar..” Anas nya at tinaas ang kamay. Akmang hahaplusin nya ang pisngi ko pero mabilis akong lumayo at tumayo.
“P-Papasok na ako sa loob. M-Matutulog na ko.” Nauutal na sabi ko at dali daling pumasok sa loob. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang kwarto at pumasok sabay lock. Sumandal ako sa likod ng pinto sapo ang kumakabog na dibdib.
Sinandal ko ang ulo sa pinto at pumikit ng mariin. Tila naman tuksong naglalaro sa isip ko ang ginawa naming halikan ni Atlas kanina sa labas. Nararamdaman ko pa nga ang labi nya sa labi ko. Kung paano nya ito ipitin at sipsipin. Kung hindi pa kumahol ang aso ay baka kung saan pa kami humantong. At mabuti na lang madilim sa may terrace.
Kung bakit naman kasi ang bilis kong bumigay. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya iniiwasan ko talagang madikit sa kanya lalo na kung kaming dalawa lang dahil ganito ang mangyayari.
‘Kalokah ka naman Jolene! Ang rupok rupok mo! Haplos at yakap lang nya bumigay ka na agad.’ Sermon ko sa sarili.
Dumilat ako at humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang nagwawala kong puso. Pero wa epek. Lalo lang itong nagwawala kapag sumasagi sa isip ang nangyaring halikan kanina.
Ipinilig pilig ko ang ulo at humiga na sa kutson ko.
Pero ilang minuto na akong nakapikit ay di na namumbalik ang antok ko at tila nanunuksong paulit ulit kong nakikita sa isip ang halikan namin ni Atlas kanina. Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa aking mukha sabay tili ng tahimik. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ko haharapin ang kumag na yun bukas.
.
.
Hihikab hikab ako paglabas ng kwarto. Naabutan kong nasa mesa na si Jeremiah at nasa harap naman ng kalan si Atlas at nagpiprito. Marunong na syang magprito ng itlog, hotdog at ham. Marunong na rin syang magsaing sa kalan. Hindi pa nya ako napapansin dahil tutok na tutok ang mata nya sa pagpiprito. Binistahan ko naman ang kabuuan nya. Naka t-shirt lang sya at itim na cotton shorts pero ang lakas pa rin ng dating nya. Naggagalawan ang mga masel nya sa braso kapag kumikilos sya.
Ipinilig pilig ko ang ulo at iniwas na ang tingin sa kanya. Nawiwili na naman akong pagmasdan sya kapag hindi sya nakatingin gaya noon.
“Good morning po mama.”
Bumaling ako kay Jeremiah na binati ako. Doon naman lumingon sa akin si Atlas pero di ko na sya tiningnan. Hindi ko yata kayang salubungin ang tingin nya.
“Morning baby ko.” Lumapit ako sa anak at hinalikan sya sa ulo. Yumakap naman sya sa bewang ko.
“Morning sugar.” Malambing na bati din sa akin ni Atlas.
“Morning.” Malamyang sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.
“Malapit ng matapos tong piniprito ko hotdog na lang.” Saad ni Atlas.
“Papa di po sunog yan?” Tanong ni Jeremiah.
“Syempre hindi. Marunong na kayang magluto si papa.” Pagyayabang ni Atlas sa anak.
“Prito lang naman alam mo po lutuin papa eh.” Inosenteng bira ni Jeremiah na ikinangisi ko.
Nabura naman ang ngisi ni Atlas. “Ikaw talaga anak lagi mo na lang binabara si papa. Hayaan mo magaaral pa akong magluto para sa inyo ni mama.”
Kumislot naman ang puso ko sa sinabi nya. Talagang nage-effort sya para sa aming mag ina.
“Heto na ang pandesal mainit init pa.” Malakas ang boses na sabi ng pinsan kong si Leah na kapapasok lang at may dalang paper bag ng pandesal. Lumapit sya sa mesa at nilapag iyon doon. Binuksan naman yun ni Jeremiah at kumuha ng isa.
“Dahan dahan lang anak mainit yan.” Paalala ko sa anak.
“Opo mama.” Hinipan hipan nya muna ang pandesal bago kinagat.
“Kakain na tayo.” Nilapag ni Atlas ang pinggan na may lamang hotdog at itlog sa gitna ng mesa.
Humihikab na kumuha naman ako ng mga plato at kutsara. Si Leah naman ay nagsandok na ng sinangag at sabay sabay na kaming kumain.
Hindi ko naman mapigilan ang paghikab sa gitna ng almusal.
“Mukhang antok na antok ka pa insan ah. Hindi ka ba nakatulog kagabi?” Untag ni Leah sa akin.
Natigilan naman ako at tumingin kay Atlas na may nakasungaw na ngisi sa labi. Naginit naman ang pisngi ko at inirapan sya. Malamang iniisip nya na sya ang dahilan kung bakit ako antok na antok pa.
Tumikhim ako. “Hindi.. ano.. nakulangan lang ako sa tulog. Napagod ako sa production kahapon eh.” Palusot ko.
Tumango tango naman si Leah pero may kakaibang kislap sa kanyang mata at may pilyang ngisi din sa labi. Nahihiwagaan tuloy ako.
Tinuloy ko na lang ang pagkain para makapagasikaso na.
Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng kotse habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada patungo sa planta. Kahahatid lang namin kay Jeremiah sa school at ako naman ngayon ang hinahatid ni Atlas sa planta. Araw araw din nya akong hinahatid sa planta. Noong una ay tumatanggi ako pero sobrang kulit nya kaya hinahayaan ko na lang sya dahil baka malate pa ako sa pilitan namin.
Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong pasulyap sulyap sya sa akin na tila may gustong sabihin. Alam ko naman kung ano ang gusto nyang sabihin. Ano pa nga ba eh di yung tungkol sa kagabi.
Tumikhim sya. “Sugar.”
Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. Ito na nga.
“Ano?” Walang kabuhay buhay na tanong ko.
“Yung.. nangyari kagabi.”
Tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. “Ano naman ang tungkol don?” Kunwaring di ako apektado.
“Hinalikan mo ko kagabi.”
Namilog ang mata ko at napaawang ang labi sa kanyang sinabi.
“Anong hinalikan kita? Ang kapal mo! Ikaw ang humalik sa akin no.” Sikmat ko sa kanya.
Ang kapal ng mukha neto.
Tumawa sya. “Oo nga pala. Ako pala ang unang nanghalik akala ko ikaw eh. Grabe ka rin kasi humalik kagabi.”
Lalong nag init ang mukha ko. Pinalo ko sya sa braso.
“Ang kapal mo talaga! Nadala lang ako no!”
Gumuhit ang ngisi sa kanyang labi. May kislap din ng kapilyuhan ang kanyang mata.
“Nadala ka kasi namiss mo ang halik ko no?” Nanunuksong sabi nya.
Umawang na naman ang labi ko. Ngali ngaling sabunutan ko sya kung hindi lang sya nagmamaneho.
“Heh! Ewan ko sayo! Hanap ka ng kausap mo.” Asik ko sa kanya at humalukipkip. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
“Aminin mo na kasi sugar na namiss mo ang halik ko.” Turan nya sabay sundot sa tagiliran ko na aking ikinaigtad. Tumawa naman sya ng malakas.
Sinamaan ko sya ng tingin. Ramdam ko namang sobrang pula na ng mukha ko.
“Magtigil ka Atlas ha, kung hindi ito na ang huling hatid mo sa akin.” Banta ko.
Tumigil naman sya sa pagtawa at mariing pinaglapat ang mga labi. Pero nakaguhit pa rin sa kanyang mukha ang kapilyuhan.
Inirapan ko naman sya. Ayoko na syang kausap.
“Sugar.”
“Ano na naman?”
Mariin akong napapikit sa pagkadismaya sa sarili.
‘Shet naman Jolene, akala ko ba ayaw mo syang makausap.’ Sermon ko sa sarili.
Nahigit ko ang hininga ng kunin nya ang kamay ko. Akmang hihilahin ko ito pero mahigpit nya itong hinawakan. Tumingin sya sa akin. Seryoso na ang kanyang mukha at wala ng bakas ng kapilyuhan.
Ngumiti sya. “Alam mo bang sobrang saya ko kagabi? Halos di rin ako nakatulog sa kakaisip sa halik na pinagsaluhan natin.”
Napalunok ako ng dalhin nya ang kamay ko sa labi nya at hinalik halikan ito habang ang mata ay pasulyap sulyap sa akin at sa kalsada. Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Akala ko nga itutulak mo ko at sasampalin kagabi. Akala ko wala ng katugon ang nararamdaman ko sayo.”
Napalunok ako. “Atlas – “
“Sugar.” Putol nya sa sasabihin ko at hininto sa gilid ng kalsada ang kotse.
“Bakit mo tinigil ang kotse? Male-late na ko.”
“Ilang minuto lang sugar, may gusto lang akong sabihin.” Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
Bumuntong hininga ako. Parang hindi ako handa sa kung anuman ang sasabihin nya at kinakabahan ako.
“Atlas kung anuman ang sasabihin mo pwedeng mamaya na lang sa bahay. Male-late na ko.”
Pinisil pisil nya ang kamay ko. “Saglit lang to sugar.”
Mukhang di na sya makakahintay ng mamaya.
“Ano ba kasi yun?”
“Sugar, mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita.”
Naumid ang dila ko sa sinambit nya. Lalong nagwala ang puso ko sa loob at tila gusto ng kumawala. Ito ang salitang matagal ko ng gustong marinig sa kanya noon.
Kumagat labi ako. Pinipigilan ko ang luha kong gustong pumatak.
“T-Totoo? Baka pinapasakay mo lang ako.” Nauutal na wika ko.
Umawang ang labi nya at nagsalubong ang kilay. “Of course not sugar! Totoong mahal kita. Noon pa man mahal na kita. Kahit kelan di nawala ang pagmamahal ko sayo.”
“B-Baka nagsisinungaling ka lang.”
Lumungkot ang kislap sa kanyang mata. “Ano naman ang magiging dahilan ko para magsinugaling sayo.”
“E-Ewan ko. Natatakot na akong umasa, masaktan at mabigo.”
“Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sayo kung hindi kita mahal Jolene.”
Pumatak ang luha ko sa pisngi. Mabilis ko naman itong pinahid.
“Baka mahal mo lang ako dahil may anak tayo.”
“Mali ka. Mas lalo lang kitang minahal.”
Sunod sunod ng pumatak ang luha ko at tuluyan ng natibag ang pader na hinarang ko sa pagitan naming dalawa.
Pinalo ko sya ng mahina sa dibdib. Kinabig naman nya ako at niyakap ng mahigpit habang paulit ulit nyang sinasabi na mahal nya ako.
Pasensya na mga beks kung ngayon lang ako nakapag update. Hindi ako mapagconcentrate sa pagsusulat dahil sa isang linggong pag uulan. Binaha pa ang lugar namin dito sa Bulacan. Sana ok lang din kayo. Ingat palagi at magdasal.
Chapter 24
Atlas
NAPANGITI ako ng mabasa ang text ni Jolene. Sinundo na daw ni Leah si Jeremiah sa school at nasa tindahan sila ngayon. Hindi ko masusundo ngayon si Jeremiah dahil nandito ako ngayon sa conference room at may emergency meeting kami ng mga empleyado ko. Namimiss ko na nga agad ang anak ko lalo na ang ina nito.
Kagat labing nireplayan ko ang text ni Jolene. Tila may kung anong insekto ang nagliliparan sa tiyan ko habang nagtatype ako.
Walang pagsidlan ang saya ko ngayong maayos na kami ni Jolene at binigyan nya ako ng isa pang pagkakataon. Hinding hindi ko sasayangin yun. Ito na ang umpisa ng pangarap ko para sa aming tatlo. Bubuuhin ko ang pamilya namin. Sa katunayan ay naghahanap na ako ng bahay na pwede naming lipatan. Gusto ko ay yung magiging komportable ang mag ina ko.
“Sir.”
“Ha?” Nag angat ako ng tingin sa sekretarya kong si Rita. Doon ko lang din napansin na nakatingin sa akin ang lahat ng empleyado ko. Ang auditor na nakatayo sa harap at nagsasalita kanina ay kumakamot na ngayon sa ulo.
“Oh I’m sorry. May emergency text lang na dumating.” Sabi ko at sinilip ang tinype na text para kay Jolene. Wala pang reply nya.
Pinatay ko muna ang cellphone at hinarap na ang mga empleyado.
“Please proceed.”
At nagpatuloy na ang meeting namin. Pinilit ko namang i-focus ang sarili sa meeting.
“Rita ikaw na ang bahalang kumausap kay Mr. Chavez kapag tumawag.” Bilin ko kay Rita paglabas namin ng conference room.
“Yes sir.”
Nagkaproblema sa shipment na hawak ni Mr. Chavez. Hindi ito dumating on time at hinarang pa sa custom. Magiging malaking kalugian ito kapag nagtagal pa ito sa custom. Baka magsipag atrasan na ang mga kliyente at lumipat sa iba dahil sa tagal na nakabinbin ang mga order nila.
Ngayong may pamilya na ako ay kailangan kong mas alagaan ang kumpanya para sa future ng anak namin ni Jolene at sa magigig mga anak pa namin.
“Pakigawa na rin pala ako ng kape Rita.”
“Hindi po kayo manananghalian sir?”
“Mamaya maya na. Pero i-pareserve mo na rin ako ng pagkain sa resto ng kaibigan ko.”
“Copy sir.”
Tinanguan ko si Rita at pumasok na sa opisina ko. Pero may mga bisita pala ako na hindi ko inaasahan.
“Anong ginagawa nyo rito?” Kunot noong tanong ko sa dalawang kaibigan na galing pang probinsya.
Sabay pang ngumisi si Jeiz at Lorenzo. May laman ang mga ngisi nila.
Tumaas ang isang kilay ko at umupo sa leather chair. Dinukot ko ang cellphone sa loob ng coat at binuhay. Mag a-alas dose pa lang ng tanghali. Wala pang reply si Jolene. Siguro ay busy pa.
Tumingin ako sa dalawa na prente pang mga nakadekwatro sa couch.
Ngumisi ako. “So anong masamang hangin ang nagdala sa inyong dalawa dito sa Manila?”
Himala kasing napadpad ang dalawa dito sa Manila. Nakatira na kasi ang dalawa sa Probinsya ng Kalinaw kasama ang mga asawa nila. Pumupunta lang sila sa Manila kapag may okasyon o kaya emergency. Pero minsan pinapasyal din nila ang mga asawa nila dito.
“May nakarating kasi sa aming balita.” Wika ni Jeiz.
Kumunot ang noo ko. “Anong balita?”
“Hindi mo alam?” Nakangising wika ni Lorenzo.
“Magtatanong ba ako kung alam ko.”
Nagtinginan ang dalawa at sabay na tumawa.
Tumaas naman ang kilay ko. Para silang mga ewan.
“Ano ba kasi yun?”
Tumigil na sa kakatawa ang dalawa pero di pa rin nabubura ang ngisi sa labi.
“Totoo ba ang tsinismis sa amin ni Kester na may anak ka na daw?” Tanong ni Jeiz.
“May naanakan ka daw. Yun ang eksaktong sinabi nya. Malaki na raw yung bata. Totoo ba?” Ani Lorenzo.
Natigilan ako sa sinabi ng dalawa. Mariin akong pumikit at minura si Kester. Kunsabagay bakit pa ba ako magtataka na alam na nilang dalawa. Malamang nga alam na rin ni Luigi at Matias. Madaldal at tsismoso si Kester. Kanino pa kaya nya sinabi bukod sa mga kaibigan namin? Alam na rin kaya nila mommy at Ava?
“Tanginang Kester yan sobrang daldal ng hinayupak.” Usal ko.
“So totoo nga?” Namilog ang mata ni Lorenzo. Si Jeiz ay naghihintay ng sagot ko.
Bumuntong hininga ako at tumango. Sasabihin ko rin naman sa kanila. Inunahan lang ako ng madaldal na Kester na yun.
Sabay na nagmura ng malutong ang dalawa.
“Fuck you pare! Panong nangyaring nagkaanak ka?”
Binomba na ako ng maraming tanong ng dalawa. Sigurado naman akong kinuwento na ni Kester sa kanilang dalawa ang lahat. Pero gusto nilang marining mismo sa bibig ko. Kaya kinuwento ko na rin.
“Naging pabaya ka kasi. Kaya ayan, nagkaanak ka ng di mo alam.” Sambit ni Lorenzo.
Ngumisi ako. “Hindi ko pinagsisisihan yun pare. Mahal ko ang ina ng anak ko.”
“Baka naman bukod sa kanya may iba ka pang naanakan.” Ani Jeiz.
“Kay Jolene lang ako hindi gumamit ng proteksyon.” Wala rin naman sa isip ko noon ang gumamit ng proteksyon. Ang nasa isip ko lang noon ay ang pananabik kong maramdaman ang init ng kanyang katawan. At ipinagpapasalamat ko rin na hindi ako gumamit ng proteksyon. Dahil kung gumamit ako eh di wala kaming anak ngayon.
“Well ano pa bang masasabi namin kundi congrats pare.” Wika ni Jeiz.
“Salamat pare.”
“Nakakagulat talaga na malaman na may anak ka na. Ikaw pala ang unang nagkaanak sa ating anim. Pero mukhang masaya ka naman kaya wala na talaga kaming masasabi. Sana next time makilala namin ang mag ina mo.” Saad naman ni Lorenzo.
“Sure pare. Ipapakilala ko naman talaga ang mag ina ko sa inyo. Pero syempre mauuna ko muna silang ipakilala kay mommy at Ava. I’m sure matutuwa kayo sa anak ko. Bibong bibo yun, matalino at – “
“Kamukhang kamukha mo.” Nakangising sabay na sabi ng dalawa.
“Paano nyo nalaman?”
“Eh di pinakita sa amin ni Kester ang picture ng anak mo.” Ani Lorenzo.
Umingos ako. “Napakatsismoso talaga ng lalaking yan. Bida bida masyado.”
Tumawa na naman ang dalawa. Habang ako naman ay bwisit na bwisit sa tsismosong kaibigan.
.
.
Jolene
“PAPA!”
Lumingon ako sa pinto ng marinig ang malakas na boses ni Jeremiah. Dumating na pala si Atlas galing opisina nya. Mahigpit syang niyakap ni Jeremiah at binuhat naman nya ito.
“Mukhang miss na miss ako ng baby boy ko ah.” Aniya at pinaghahalikan sa pisngi si Jeremiah.
“Sobra po kitang namiss papa. Sama po ako sa office mo.” Nakangusong ungot ni Jeremiah sa ama.
“Next time son isasama kita I promise.” Pangako ni Atlas sa anak.
Mabuti nga ay pumapayag na si Jeremiah na aalis si Atlas na hindi sya kasama. Pinapaliwanagan naman sya ng ama at matalino naman sya at madaling makaintindi. Pumapasok minsan si Atlas sa opisina nya lalo na kung may emergency. Gaya ngayong araw. Pero bago sya pumasok kanina ay hinatid nya muna kaming mag ina sa school at planta.
Lumapit sya sa akin dito sa kusina buhat pa rin si Jeremiah.
“Hi sugar.” Bati nya at kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi.
Naginit naman ang pisngi ko lalo na ng pilyong ngumiti ang anak namin.
“Ano ka ba! Nasa harap natin si Jeremiah.” Saway ko kay Atlas.
Ngumisi naman sya. “Normal lang na makita nya yun sa ating dalawa sugar. Di ba baby?” Baling nya sa anak.
Tumango naman si Jeremiah na nangingiti pa rin. “Opo, ganun po yung mama at papa ng mga classmates ko po. Pero sa cheeks po sila nagkikiss.”
“O kita mo? Sa cheeks lang hindi sa lips.” Sabi ko.
Simula ng araw na yun na sinabi nyang mahal nya pa rin ako at mahal na mahal pa ay tila nabura na lahat ng sama ng loob at tampo ko sa kanya sa ilang taon. At heto nga kami parang bagong magkasintahan. Ang kaibahan lang ay may anak na kami. Kung sweet sya noon ay tila mas trumiple pa ngayon. Namiss ko rin ang kasweetan nya.
Naisip ko, bakit ko pa ba pahihirapan at titikisin ang sarili ko. Tama na ang limang taong nagtiis ako. Tama na ang limang taong nagkimkim ako ng sama ng loob. Deserve ko naman ang sumaya ulit. At kung sakaling biguin nya ulit ako at least sumaya naman ulit ako. Naramdaman ko ulit ang alagaan at mahalin.
“Magpalit ka na ng damit para makakain na tayo.” Utos ko kay Atlas.
“Yes sugar.” Hinalikan nya ako sa pisngi bago ako iniwan sa kusina at tinungo nya ang kanyang damitan. May damitan na sya dito. Isang durabox na binili pa namin sa bayan. Wala naman syang arte kung doon lang nakalagay ang damit nya.
“Ang sweet naman.”
Nilingon ko si Leah na kalalabas lang ng banyo. May nanunuksong ngiti sa kanyang labi na lalong ikinainit ng aking mukha. Alam na rin nyang ok na kami ni Atlas.
“Nakaka-diabetes ang ka-sweet-an nyo insan.” Dagdag pa ni Leah.
Ngumuso naman ako. “Inggit ka lang.”
“Huu, gumaganyan ganyan ka na ngayon ah. Pero masaya ako para sayo insan. Deserved mo yan.”
Napangiti na ako. Kahit kelan ay lagi nya akong sinusuportahan at nauunawaan. Maswerte ako na may pinsan akong kagaya nya. Hindi ko lang sya pinsan kundi best friend pa.
“Thanks insan.”
“You’re welcome. Maghahanap na rin ako ng jowa. Naiinggit na ako sa lambingan nyo minsan eh. Nakaka-bitter pa naman ang inggit.”
Tumawa ako. Nagkakaboyfriend naman sya pero hindi nagtatagal dahil mabilis syang maturn-off.
“Tama yan. Mag boyfriend ka na tapos mag asawa na. Sayang ang lahi natin.”
“Talaga!”
Nagkantyawan pa kaming magpinsan tungkol sa paghahanap nya ng boyfriend. Nakisali pa si Atlas. May empleyado daw syang lalaki na single. Irereto daw nya ang pinsan ko dito. Game na game naman si Leah.
May hitsura rin naman si Leah. May pagkachinita sya. Kung ako morena maputi naman sya.
Mapusok ang halik na pinagsasaluhan namin ni Atlas dito sa kusina. Nagulat na lang ako paglabas ko ng kwarto para uminom ng tubig ay bigla na lang nya akong sinambilat sa bewang at hinalikan. Mukhang inabangan nya talaga akong lumabas. Mabuti na lang ay mahimbing na ang tulog ng dalawa. Si Leah ay tulog mantika ganundin si Jeremiah. Madilim sa buong bahay dahil nagpapatay kami ng ilaw sa gabi. Tanging ilaw lang sa poste sa labas na tumatagos sa bintana ang nagbibigay ng liwanag.
“Hmm A-Atlas..” Mahinang daing ko ng pakawalan nya ang labi ko. Pinagdikit nya ang noo namin habang kapwa namin habol ang hininga.
“I miss you sugar.” Anas nya at kinintalan na naman ako ng maririing halik sa labi.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang may nagkakarerahang mga kabayo sa loob.
“Buong araw ikaw lang ang nasa isip ko. Nagmukha nga akong timang kanina sa meeting sa harap ng mga empleyado ko kakaisip sayo.” Aniya habang ang labi ay nasa leeg ko na.
Higit higit ko naman ang hininga. Tila ako kinukuryente sa init ng labi at hininga nya kasabay pa ng papatubong bigote at balbas nyang kumukiskis sa balat ko.
Aminado ako. Namimiss ko rin ang ganitong intimate moments namin. Sa loob ng limang taon na magisa lang ako ay sumasagi sa isip ko minsan ang ganitong tagpo namin. Nakakaramdam ako ng pag iinit. Pero never kong hinanap ang init na yun sa ibang lalaki. Hindi ko kayang yumakap at humalik ng ibang lalaki. Iniisip ko pa lang yun ay kinikilabutan ako. Kaya lahat ng nanliligaw sa akin ay binabasted ko agad.
Tanging sya lang ang lalaking gusto kong mayakap at mahalikan. Wala ng iba.
“Oh Atlas..” Napadaing ako ng bahagya nyang kagatin ang sensetibong balat ko sa leeg. Nagdulot din yun ng mainit na sensasyon sa katawan ko. Humigpit ang hawak ko sa mga braso nya.
Nag angat sya ng mukha at muling sinakop ang labi ko. Gumanti naman ako ng halik. Malikot ang galaw ng mga labi namin. Hindi naman ako nagpatalo sa mapusok nyang halik kahit halos higupin nya ang hininga ko. Mahigpit din ang yakap nya sa akin at halos mag isa na ang aming katawan. At dahil matangkad sya ay nakatingkayad na ako. May nararamdaman akong matigas na bagay na bumubunggo sa puson ko at hindi ako inosente kung ano ang bagay na yun. Nagdulot lang yun ng paglagablab ng katawan ko. Para na rin akong sinisilihan sa init na nararamdaman at ang hirap bumitaw.
“Papa bakit mo po nikakain mukha ni mama?”
Napadilat ako at tinulak si Atlas ng marinig ang boses ni Jeremiah. Sabay pa kaming lumingon sa anak namin na pupungas pungas na nakatingin sa aming dalawa.
Hi! Completed na ang Hate You But I Love You sa dreame. Sa mga nagtatanong kung pwede syang ilagay dito kay watty, hindi po. Nakacontract po sya kay dreame. Magbabayad po ako ng malaki kapag nilagay ko sya dito. At sa mga nagwoworry naman na baka ilipat ko ang ibang story ko dito kay watty kay dreame, hindi po. Ibang story po ang ilalagay ko kay Dreame at i-a-apply ko po sya ng PTR. 🤗
Sa totoo lang malaking tulong po sa akin ang pagsuporta nyo sa story ko kay Dreame. Ang kinikita ko po doon ay sinusuporta ko po sa maintenance na gamutan ng tatay ko. Kaya maraming maraming salamat sa inyo. Wag sana kayong magsawang sumuporta. 😙♥️
Chapter 25
Jolene
TINULAK ko pa si Atlas para mapalayo sa akin. Nag iinit ang mukhang inayos ko ang buhok at hindi makatingin sa anak. Si Atlas naman ay umuklo sa harap ni Jeremiah.
“Ah.. ano anak.. hindi kinakain ni papa ang mukha ni mama. Nagkikiss lang si papa at si mama.”
Napasinghap ako at binatukan si Atlas na ikinagulat nya. Hihimas himas sa batok ba tumingin sya sa akin. Sinamaan ko naman sya ng tingin at nakangiting bumaling kay Jeremiah na litong lito ang ekspresyon ng mukha.
“Ano anak, wala lang yong nakita mo. Inaantok ka lang. Tulog ka na.” Sabi ko sa anak.
Lumapit sa akin si Jeremiah at yumakap sa bewang ko sabay hikab.
“Tabi po ikaw sa amin ni papa mama. Miss na po kitang katabi eh.” Lambing nya sa akin.
Natouch naman ako sa sinabi nya. Namiss ko rin syang katabi sa pagtulog.
May pilyong ngiti na tumingin sa akin si Atlas. “O tabi ka daw sa amin mama.”
“Sige na po mama. Miss na kita yakap eh.”
Kumagat labi ako at ngumiti. Hinaplos ko ang buhok ni Jeremiah.
“Oo na, tatabi na si mama.”
At sabay sabay na nga kaming tatlo na nahiga sa nilatag na kutson sa sala. Maluwag pa naman ang epasyo. Binigay ni Atlas sa akin ang isang unan. Si Jeremiah naman ay humiga na sa gitna naming dalawa. Tinaas naman ni Atlas ang kumot sa aming katawan. Yumakap sa akin si Jeremiah at dinantay pa ang isang binti. Mukhang namiss nga nya talaga akong katabi. Simula kasi ng dumating dito sa bahay si Atlas ay dito na sya tumatabi sa pagtulog.
Tumagilid si Atlas at hinalikan sa ulo si Jeremiah na nakapikit na. Tumingin naman sya sa akin at dumukwang sabay halik sa aking noo.
“I love you sugar. I love you and our son.” Bulong nya.
Ngumiti naman ako sa kanya. Ramdam ko namang mahal nya kami ng anak nya. At aminado naman akong mahal ko rin sya. Mahal ko pa rin sya. Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa kanya kahit nagalit at naghinanakit ako.
Tumagilid sya ng higa at niyakap kaming mag ina. Humawak naman ako braso nya at pumikit. Parang ito na yata ang magiging pinakamasarap kong tulog. Dati pinapangarap ko lang ang ganitong tagpo. Nagtatanong ako sa isip noon kung ano ang pakiramdam na kasama naming magina si Atlas sa bahay at katabi sa aming pagtulog. At heto na nga ang sagot. Masarap sa pakiramdam na buo kami. Tila nalulunod ang puso ko sa saya. Sana permanente na ito.
.
.
**
KATATAPOS ko lang maglinis ng buong bahay at tinulungan ako ng mag ama ko. Sabado ngayon at walang pasok sa school at opisina ang dalawa. Ako naman ay day off. Si Leah ay may pasok sa tindahan. Bukod kasi sa tindera sya ay katiwala pa sya ni Nana. Parang manager na sya ni Nana. Oo nga pala, bukas ay dadalawin namin si Nana at si Tata. Sasabihin ko yun mamaya kay Atlas at kung gusto nyang sumama ok lang para makilala nya ang mga taong tumulong sa akin noong bagong salta ako dito sa Manila.
“Huu! Pagod po ako linis ng mga toys ko mama.” Saad ni Jeremiah na nakapamewang pa. Tagaktak din ang pawis sa mukha at leeg nya.
Hinila ko sya palapit sa akin at pinunasan ng bimpo ang kanyang mukha, leeg at likod.
“Dami mo kasing toys kaya ayan napagod ka.” Ang dami nyang laruan na puro binili ni Atlas. Ang nilinisan lang naman nya ay yung mga madalas nyang laruin. Masinop naman sya sa mga laruan at maingat. Yun siguro ang isa sa mga bagay na namana nya sa akin.
“Si papa po kati eh. Dami po toys lagi binibili ta akin.” At nasisisi pa nga ang ama.
“Huu, sinisi pa talaga ako. Parang ayaw mo ng maraming toys ah.” Natatawang sabi ni Atlas na tumabi na ng upo sa akin sabay gulo sa buhok ng anak.
Tumawa na rin si Jeremiah sa sinabi ng ama nya.
May point naman kasi si Jeremiah. Hindi sya mahilig magpabili ng laruan. Magpapabili lang sya kapag may natipuhan. Pero ang ama lang nya ang bili ng bili. Talagang tinambakan sya ng laruan. May iba pa nga na mga nakabox pa at hindi pa nabubuksan.
Naiintindihan ko naman kung bakit yun ginagawa ni Atlas. Gusto nya talagang bumawi sa anak. Kaya kahit anong gusto nito ay binibili nya. Isang beses binilhin din nya ako ng mamahaling relo na nagkakahalaga ng kalahating milyon. Tinanggihan ko yun at binalik sa kanya. Di ko naman kailangan ng ganun kamahal na relo. Sinabihan ko na rin sya na wag na akong bilhan ng kung ano ano. Hindi naman yun ang paraan na gusto ko para makabawi sya sa amin ni Jeremiah. Maramdaman lang namin ang presensya nya at nakakasama namin sya ng anak nya ay sapat na.
Naramdaman ko ang kamay ni Atlas na humaplos sa pisngi ko. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin.
“Tired?”
Ngumiti ako at tumango. Alam kong napagod din sya kahit hindi halata.
“Mag pa-deliver na lang tayo ng pagkain para hindi ka na magluto.” Aniya.
“Sige.” Tinatamad na rin naman akong maluto dahil pagod ako.
Kinuha nya ang cellphone na nakapatong sa estante at nag pipindot.
Hinubaran ko naman ng damit si Jeremiah at dinamitan ng bago. Mamaya ko na sya papaliguan dahil napagod din sya paglilinis ng mga laruan nya. Pumasok na rin ako ng kwarto para magpalit na rin ng damit. Mamaya na rin ako maliligo pagkatapos magpahinga.
Paglabas ko ng kwarto ay di ko nakita ang mag ama ko pero may narinig akong mga ingay sa labas. Mga malalaking boses ng mga lalaki at mga tahulan ng mga aso. Narinig ko rin ang boses ni Atlas.
Kunot noong tinungo ko ang pinto.
“Paano nyo nalaman ang lugar na to?” Dinig kong tanong ni Atlas.
“Eh di nagtanong tanong. Hindi kilala ang girlfriend mo sa lugar na ito. Pero mabuti na lang may natanungan kaming nakatira dito sa compound at kilala ang girlfriend mo.”
Sumilip ako sa labas ng pinto. Napaawang ang labi ko ng makita ang limang matatangkad at malalaking mga lalaki. Hindi nalalayo ang mga hitsura nila kay Atlas. Malalakas ang dating at talagang mga guwapo sa tunay na kahulugan. Para silang mga taga ibang planeta. Ang mga kapitbahay nga ay pinagtitinginan na sila.
Tumingin sa akin ang isang lalaking madaldal na may ngisi sa labi. Ngumiti sya sa akin at lumapit.
“Hi! You must be Jolene, my friend’s beloved girlfriend.” Nilahad ng lalaki ang malaking kamay sa akin. Mukha naman syang mabait pero mukha ding pilyo.
Nag aalangan ako kung tatanggapin ko ba ang kamay nya. Nakatingin din sa akin ang iba pang mga lalaki. Lalo tuloy akong nailang at nanliit dahil sa mga tingin nila. Lumapit sa akin si Atlas at si Jeremiah na humawak pa sa kamay ko.
“Sugar.” Untag sa akin ni Atlas.
“Sino sila Atlas?” Halos pabulong na tanong ko.
“Mga kaibigan ko sila.” Inakbayan nya ako at binalingan ang mga kaibigan nyang pare-parehas ng mga nakangisi maliban lang sa isa na stoic ang mukha at mukhang masungit.
Isa isang pinakilala sa akin ni Atlas ang kanyang mga kaibigan. Ang lalaking unang bumati sa akin na madaldal ay Kester ang pangalan at mukhang close na sila ni Jeremiah dahil nag a-apir pa sila. Mukha naman silang mababait at isa isa nila akong kinamayan. Pero di lang ako sure doon sa nagngangalang Matias na walang kabuhay buhay ang mukha at tumatango lang sa akin.
Ang sumunod na nangyari ay naging maingay ang bahay namin. Dahil malalaking tao nga sila ay naging masikip ang loob ng bahay namin at mainit. Kaya pinalabas na lang ulit sila ni Atlas at doon na lang pinaupo sa mga nilabas nyang monoblock. Halatang mayayaman ang mga kaibigan ni Atlas at mga professional dahil sa mga kilos at pananalita nila. Pero hindi naman sila maarte. Pinagkakaguluhan nila si Jeremiah. Kung ano ano ang tinatanong nila dito. Bibo namang sumasagot ang anak ko kahit nahihiya.
“Anak mo nga to. Kamukhang kamukha mo nga eh. Mas pogi nga lang kesa sayo.” Nakangising sabi ni Lorenzo kay Atlas at ginulo ang buhok ni Jeremiah.
“Yan din ang sabi ko pare nung una kong makita si Jeremiah.” Segunda pa ni Kester na pinanggigilang pisil pisilin ang pisngi ni Jeremiah.
“Syempre maganda ang nanay eh.” Pagmamalaki naman ni Atlas sabay tingin sa akin at kindat.
Naginit naman ang pisngi ko ng tumingin sa akin ang mga kaibigan nya.
“Well, hindi maitatanggi yan. I like Jolene’s beauty. Morena.” Hirit pa ni Kester at kinindatan din ako. Sinamaan naman sya ng tingin ni Atlas na ikinatawa ng mga kaibigan nila.
Lalo namang naginit ang mukha ko ng ulanin nila kami ni Atlas ng panunukso.
“How old are you Jolene? Parang ang bata mo pa?” Tanong ni Jeiz.
“Twenty four na ako.” Tipid na sagot ko at kiming ngumiti.
“Twenty four? Tapos four years old pa lang itong anak nyo. Ibig sabihin nineteen or twenty ka nilandi nitong kaibigan namin?” Ani Luigi.
“Bibig mo pare may bata.” Saway ni Atlas at tinakpan ang tenga ng anak.
Bahagya naman akong ngumiwi. “Nineteen ako noong maging kami ni Atlas.”
Nagulat ako ng bigla nilang pagsusuntukin sa braso si Atlas. Pero mahina lang yun.
“Naknamputcha ka pare! Pati nineteen years old di mo pinalampas.” Sambit ni Luigi.
“At hinawaan mo yang tatlo kaya ang babata ng mga napangasawa nila.” Natatawang sabi ni Kester.
“Makatawa ka Kest baka mamaya mas bata pa sa mga asawa namin ang mapangasawa mo ha.” Nakangising bira ni Jeiz kay Kester.
“Malabo yan. Hindi ako tutulad sa inyo.”
“Wag kang magsalita ng tapos Kest. Panahon lang ang magsasabi kung sino at anong klaseng babae ang para sayo.” Ani Lorenzo.
“Hindi talaga matutulad sa inyo si Kester dahil may iba ng nakukursunadahan yan.” Biglang sabat ni Matias.
Nabaling sa kanya ang tingin ng mga kaibigan.
“Sino?” Tanong ni Luigi.
Ngumisi naman si Matias. “Kilala nyo na yun.”
“Ahh.” Halos sabay sabay na sambit ng magkakaibigan at nagngisihan.
Hindi naman ako makarelate dahil hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy nila.
Umingos si Kester. “Hindi ko kursunada ang amzonang babaeng yun no.”
“Ah di pala kursunada kaya panay ang punta mo sa karinderya nya.” Nakangising hirit naman ni Atlas.
Kumamot sa ulo si Kester. “Teka bakit ba napunta sa akin ang usapan? Nagpunta tayo dito para kay Atlas di para sa akin.” Protesta nya.
Nagtawanan naman ang magkakaibigan at inulan na nila ng panunukso si Kester.
Nag excuse naman ako ng makita sa labas ng gate ang delivery rider na may dalang pagkain namin. Kinuha ko ang pagkain na in-order ni Atlas at binayaran na ito. Inalok ko ng pagkain ang mga kaibigan ni Atlas. Pero tumanggi sila dahil kumain na raw sila sa restaurant ni Lorenzo. Pinakain ko na lang si Jeremiah. Si Atlas ay mamaya pa raw kakain pinauna na nya ako.
Nagtagal pa ang mga kaibigan ni Atlas ng mahigit dalawang oras. Nagkwentuhan lang sila at nag usisa kay Atlas tungkol sa aming magina. Matino naman yung sinasagot ni Atlas. Bokal nyang sinasabi na magsasama na kaming tatlo bilang pamilya at mahal nya kami ng anak nya. Napapangiti na lang ako habang inaasikaso ko si Jeremiah.
Pero may kaba sa dibdib ko ng banggitin ng mga kaibigan nya ang tungkol sa pagpapakilala sa amin ni Jeremiah sa mommy at kapatid nya. Ninenerbyos ako. Natatakot sa magiging reaksyon ng mommy nya lalo na ni Ava na naging malapit na kaibigan ko na rin.
Sana gaya ng mga kaibigan nya ay madali lang din kaming matanggap mag ina ng mommy at kapatid nya.
Chapter 26
Jolene
NAPAG USAPAN na namin ni Atlas ang tungkol sa pagpapakilala nya sa amin ni Jeremiah sa mommy at kapatid nya. Kinakabahan man ay pumayag na ko. At bahala na sa magiging reaksyon ng mommy at kapatid nya. Maging handa na lang ako. Naiisip ko rin kasi ang kanyang kalagayan. Alam kong gustong gusto na nya kaming ipakilala sa pamilya nya. Hindi na sya umuuwi sa kanila at ang mommy at kapatid nya ay madalas tumatawag sa kanya para mangamusta.
Dalawang buwan mahigit na naming nakakasama si Atlas. Araw araw namin syang nakikita at nakakasama ni Jeremiah. Sanay na kami ng anak nya sa presensya nya. Lalo na si Jeremiah na ilang minuto pa lang syang di nakikita ay hinahanap na sya.
Sa linggo ang napagkasunduan naming pagpunta sa bahay nila para makilala namin ng anak nya ang mommy nya. Si Ava ay kilala na namin ni Jeremiah. Pero sa linggo ay magpapakilala kami sa kanya bilang mag ina ng kuya nya. Ngayon pa lang ay abot abot na ang kaba ko at takot sa magiging reaksyon ni Ava.
“Sugar.”
Nilingon ko si Atlas mula sa pagliligpit ng mga nilabhang damit dito sa sala.
“O bakit? Nasaan si Jeremiah?”
“Nasa labas pa may kalarong mga bata.” Aniya at umupo sa tabi ko.
Pumasok sya kanina sa opisina at maaga lang umuwi. Sinundo nya si Jeremiah kay Leah sa tindahan. Pagkatapos ay sinundo naman nila akong mag ama sa planta kaninang uwian.
Napansin ko ang pawis sa noo at leeg nya. Nakipaglaro din kasi sya sa anak.
Inabot ko ang nakatuping bimpo at pinunasan ang pawis sa kanyang noo at leeg. Titig na titig naman sya sa akin at nangingiti.
“Sarap naman mag alaga ni mama.” Nakangising sabi nya.
Nagiinit ang pisnging ngumuso ako at madiin na kinuskos ng bimpo ang kanyang mukha. Tumawa lang sya at hinawakan ang kamay kong may hawak na bimpo.
“Baka mabura na ang mukha ko nyan sugar.”
“Hindi yan, makapal ang mukha mo eh.” Birong sabi ko. Pero totoo namang makapal ang mukha nya. Pero salamat din sa kapal ng kanyang mukha dahil magkakasama na kami ngayon.
Unti unting nawala ang ngisi nya at matiim akong tiningnan. Hawak pa rin nya ang kamay ko.
“Napansin ko kanina parang ang lalim ng iniisip mo.” Wika nya.
Bumuntong hininga ako at binawi na ang kamay na hawak nya. Tinuloy ko na ang pagtutupi ng mga damit ni Jeremiah.
“Iniisip ko lang yung sa linggo. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mommy at ng kapatid mo.”
Hinakawan nya ulit ang kamay ko at pinisil pisil. “Mabait si mommy at si Ava. Wala kang dapat alalahanin sa kanila Jolene. Si mommy maunawain yun at sigurado akong matatanggap ka nila lalo na si Jeremiah na unang apo nya. Alam mo bang matagal na syang nanghihingi sa akin ng apo dahil matanda na raw ako. Baka nga magpapyesta pa yun sa buong subdivision kapag nalamang may apo na sya.”
Sana ganun nga. Natatakot kasi akong maranasan ulit ng anak ko ang rejection. Naranasan na nya iyon sa mama ko noong pinagbubuntis ko pa sya. Sana ay iba talaga ang mommy ni Atlas.
Ngumuso ako. “Matagal na palang gusto ng mommy mo na magkaapo sayo buti di mo sya nabigyan sa ibang babae.” Turan ko. Pero naiisip ko pa lang na may iba syang anak sa ibang babae parang ang sarap nyang ibaon sa lupa ng nakatiwarik.
Ngumisi sya. “Maingat ako sugar. Hindi ako basta basta nakikipagtalik sa babae.”
Parang sumama ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Hinablot ko ang kamay na hawak nya at matalim syang inirapan. Naalala ko na naman yung babaeng sumagot ng tawag ko noon at sinabing fiancee nya ito at ang babaeng kasama nya sa mall ng muli ko syang makita. Sa limang taon na hindi kami nagkasama malamang kung sino sinong babae ang kasama nya samantalang ako nagpapakahirap sa pagaalaga sa anak namin.
Kumamot sya sa ulo. “Sugar..”
Padarag akong tumayo at hinagis sa kandungan nya ang di ko natapos ligpitin na damit ni Jeremiah.
“Ligpitin mo yan. Ayusin mo pagliligpit nyan ha.” Pasikmat kong utos sa kanya.
“P-Pero di ako marunong mag ligpit ng damit.” Parang batang sabi nya at hinawakan ang damit na hinagis ko sa kanyang kandungan.
“Tawagin mo ang anak mo at magpaturo ka. Mabuti pa ang anak mo marunong magligpit.” Matalim ko uli syang inirapan at nagmartsa papuntang kusina para mag saing. Alas singko na rin kasi ng hapon.
Habang binabantayan ko ang nakasalang na sinaing ay nilabas ko na sa ref ang lulutuin kong ulam. Menudo ang lulutuin ko ngayon. Binabad ko na ang hiniwa hiwa kong baboy kaninang umaga pa lang.
Hindi ako marunong magluto dati. Natuto lang ako ng pumunta ako dito sa Manila at tumira sa barracks sa tindahan. Si Nana ang nagturo sa akin magluto at sa tuwing magluluto sya ay lagi ko syang pinapanood hanggang sa natuto na ako. Kapag may ibang luto akong gustong subukan ay nanonood kang ako sa mga video sa social media.
Habang naghihiwa ng rekado ay tumingin ako sa mag ama na magkatulong na ngayon sa pagliligpit ng damit. Matiyagang tinuturuan ni Jeremiah ang ama nya sa pagliligpit.
Palibhasa kasi lumaking laging may nakasunod na kasambahay. Kaya ayan, tumandang walang alam.
Tumingin sa akin si Atlas. Muli ko lang syang inirapan. Imbyerna ako sa kanya. Talagang pinangalandakan pa nya ang pagkikipagtalik nya sa ibang babae. Ang sarap nyang pukpukin ng kawali eh.
Humugot ako ng malalim na hininga para pawiin ang ngitngit sa dibdib. Baka sumama ang lasa ng luto ko dahil masama ang loob ko.
Alam ko namang hindi intensyon ni Atlas na pasamain ang loob ko. Pero di ko naman maiwasang mainis at magngitngit. Syempre mahal ko sya at masakit isipin na bukod sa akin ay may iba pa syang babaeng pinagtuunan ng pansin. Nagseselos ako.
Ng maihanda ko na ang lahat ng kakailanganin sa pagluluto ay sinalang ko na ang kawali at pinainit ito. Hininaan ko naman ang apoy ng sinaing ng matuyo na ito.
Sa kalagitnaan ng paghahalo ko sa kawali ay yumakap ang malalaking braso ni Atlas sa akin. Sumubsob pa sya sa buhok ko.
Bumuntong hininga ako.
“Nagluluto ako Atlas doon ka muna.” Malamig na sabi ko.
Pero di sya natinag at mas humigpit pa ang yakap sa akin. Mukhang wala syang balak na kumalas sa akin. Hininaan ko naman ang apoy ng kalan dahil baka matuyo agad ang niluluto ko.
“I’m sorry sugar..” Anas nya at hinalik halikan ako sa buhok.
Bumuntong hininga ako. “Sorry saan?”
“Sorry kung may nasabi akong.. hindi mo nagustuhan.” Aniya na parang nagaalinlangan sa mga salitang lalabas sa kanyang bibig. Ramdam ko ang takot sa boses nya, ang pagalala na baka galit ako.
Kumagat labi ko. Heto na naman ang puso kong marupok. Yakap at halik lang nya nabubura ang ngitngit at sama ng loob ko.
“Basta ipangako mo, wala ng ibang babae kung hindi.. di na talaga kita mapapatawad kahit kelan. Tandaan mo yan.”
Mariing dumampi ang labi nya sa leeg ko. Tila naman ako nakuryente at bumilis ang pagkislot ng puso ko.
“Simula ng makita kita ulit wala ng ibang babaeng nakakakuha ng atensyon ko kundi ikaw lang. Mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang babaeng gustong gusto ko. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ikaw lang ang babaeng mahal na mahal ko.” Kanyang bulong habang nakasubsob sa leeg ko.
Tila naman may paru parong nagliliparan sa tiyan ko dahil sa kanyang sinabi. Ang sarap sa tenga at sa puso ng mga salitang binitawan nya. Pero ang isip ko ay may munti pang pagaalinlangan. Hindi pa lubos na nagtitiwala sa mga salita nya.
Tinapik tapik ko ang braso nya.
“Sige na bitaw na, nagluluto pa ako.”
Nag angat sya ng tingin sa mukha ko at mapupungay ang mga matang nakatitig.
“Mahal kita. Hindi ako magsasawang sabihin yan sayo araw araw.” Hinalikan nya ako sa pisngi bago bumitaw sa akin.
Panay naman ang hugot ko ng malalim na hininga para pakalmahin ang nagwawalang puso. Gusto kong gantihan ang salita nyang mahal nya ako pero parang ayaw pang lumabas sa bibig ko kahit na yun ang sinisigaw ng puso ko.
“SUGAR inumin mo tong tea habang mainit init pa. Base kasi doon sa nabasa ko sa internet makakatulong daw itong chamomile tea para mabawasan ang pananakit ng puson mo. Binili ko yan sa tindahan nila Nana.” Inilapag ni Atlas ang umuusok pang tasa na may lamang tea sa lamesita.
“Thank you.” Sabi ko habang nakasandal ang ulo sa pader at kipkip sa kandungan ang isang unan.
Hindi ako pumasok ngayon dahil umatake ang dysmenorrhea ko. Ganito ako minsan kapag unang araw ng regla. Sumasakit din ang ulo ko. At kapag may dysmenorrhea ako ay ayoko ng nakahiga dahil parang lalo lang sumasakit ang puson ko. Mas gusto ko ang nakaupo.
“Mama sakit po ulo mo?” Tanong ni Jeremiah na umakyat ng upuan at hinaplos ang ulo ko.
Kauuwi lang nya galing school at sinundo sya ng ama. Nakabihis na sya ng pambahay. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
“Hilot po kita mama.” Malambing na sabi ni Jeremiah at hinilot na nga ng maliliit nyang daliri ang ulo ko. Ganito sya kapag may nararamdaman ako. Namana nya sa ama ang pagiging malambing at maalaga sa akin.
“Gusto mo bang masahiin ko rin ang mga binti mo sugar? Sabi kasi sa internet nakakatulong din daw ang masahe.” Alok pa ni Atlas.
At talagang nag-search pa sya sa internet. Hay, gayang gaya pa rin sya ng dati. Kaya paano akong di rurupok sa kanya.
“Hindi na, ayos lang ako. Di ba may meeting ka sa isa sa mga kliyente mo? Bakit di ka pa gumagayak? Alas dies pasado na o.”
Bumuntong hininga sya. “Nagdadalawang isip nga ako kung pupunta ako. Ayoko namang iwanan kayong mag ina na masama ang pakiramdam mo. I-cancel ko na lang kaya ang meeting namin at ipa-reschedule na lang sa ibang araw.”
“Ano ka ba? Hindi na kailangan. Magiging ok na ang pakiramdam ko maya maya lang. Mawawala na rin itong pananakit ng puson ko.”
Kumunot ang kanyang noo. “Sigurado ka?”
“Oo nga.” Natatawang sabi ko. Kitang kita sa mukha nya na ayaw nya kaming iwan mag ina. Nakaguhit din sa kanyang mata ang pag aalala sa akin.
“Papa alit na po ikaw, ako na po bahala kay mama. Alagaan ko po sya.” Sambit naman ni Jeremiah na dinidiin ang maliliit na daliri sa sentido ko.
Ngumiti si Atlas at ginulo ang buhok ni Jeremiah.
“Fine, pero sandali lang ako. Babalik din ako agad. Wag ka ng kumilos para magluto. Bibili na lang ako ng pagkain natin para sa lunch.” Ani Atlas at kinuha na ang damit na susuotin at pumasok na sa kwarto para magbihis.
Inabot ko naman ang tea sa lamesita at hinigop ito. Ng sumayad ang mainit na tsaa sa aking tiyan ay tila nga gumiginhawa ang pakiramdam ko. Kaya sinunod sunod ko na ang paghigop. Bakit ba ngayon lang ako uminom nito? Kapag sumasakit kasi ang puson ko ay sanay akong nakasteady lang sa pag upo habang yakap ang mga tuhod at hinihintay na humupa ang sakit. Sanay naman kasi akong magtiis.
May narinig akong mga ingay sa labas at mga kahulan ng mga aso. Mukhang may dayong bisita dito sa compound. May naririnig akong mga boses ng mga babae na tila nagtatanong. Si Jeremiah nga ay sumilip pa sa bintana.
“Sila Tita Ava!”
Muntik ko ng maibuga ang iniinom na tea sa sinabi ng anak.
“S-Sino anak?”
“Sila Tita Ava nasa labas mama.” Mabilis na bumaba si Jeremiah sa upuan at bago ko pa sya pigilan ay dumiretso na sya sa pintuan.
“Tita Ava!”
Napalunok ako at sumilip sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ava kasama si Ivona, Ruby at Miriam. Patakbong sinalubong pa sila ni Jeremiah at unang yumakap kay Ava.
Parang tinatambol ang dibdib ko sa lakas ng tibok nito.
Plz follow my dreame account sa mga hindi pa nakakafollow. Same name at same profile lang din po. And also my fb page para updated po kayo sa mga suunod kong story at kung may update o wala. Thank you ;)
Dreame: Lhiamaya Fb page: Lhia Maya
Chapter 27
Jolene
“A-AVA.” Nauutal na sambit ko sa pangalan ng kaibigan at kapatid ni Atlas.
“Hi Jo! Pasensya na kung biglaan kaming napadalaw. Nakita kasi naman ni Ivona tong sila Miriam at Ruby sa bayan tapos naisip ka namin. Dalawang buwan na rin tayong di nagkikita kita. Buti na lang pala alam ni Ruby kung saan ka nakatira at malapit lang pala.” Madaldal na sabi ni Ava habang hawak sa kamay si Jeremiah.
Oo nga pala. Alam ni Ruby itong tinitirhan ko dahil isang beses nagsabay kami sa traysikel pauwi at sa harap kami ng gate bumabang mag ina.
Binati ko muna ang tatlo. Si Ivona na blooming na blooming at lalo pang gumanda. Siguro hiyang sa pag aasawa. Hindi ko pa nakikita ang asawa nya. Siguro ay mabait din dahil maganda ang awra ni Ivona. Si Ruby at Miriam naman ay nag aaral na ulit ngayon. Buti pa sila. Naiinggit ako sa kanila pero sisikapin ko pa rin talagang bumalik sa pag aaral.
“Teka bakit parang namumutla ka yata Jolene?” Puna ni Ivona.
“May takit po kasi ti mama eh.” Si Jeremiah ang sumagot.
Gumuhit naman ang pag aalala sa mukha ng apat.
“Anong sakit mo?” Tanong ni Ava.
Bahagya akong tumawa. “Masakit lang ang puson ko. First day ko ngayon. Hindi nga ako nakapasok eh.”
“Ahh.”
“Tamang tama lang din pala ang punta namin.”
“Tita Ava pasok po kayo ta bahay namin.” Aya ni Jeremiah.
“Oh sure!”
“Ano t-teka!”
Natigilan sa paghakbang si Ivona at tila nakakita ng multo sa likuran ko.
“Kuya?”
“Ava.”
Tila ako tinakasan ng dugo at nanlamig ang buong katawan ko. Nakakabingi na rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto kong lumubog na lang sa kinatatayuan o kaya ay maglahong bigla.
“Anong ginagawa mo dito Ava?”
“Ikaw ang anong ginagawa dito sa bahay ni Jolene kuya. Akala ko ba nasa Batangas ka at minomonitor ang isang project ng kumpanya doon?”
Napakagat labi ako sa sinabi ni Ava. Nagi-guilty din ako. Dahil sa akin nagagawang magsinungaling ni Atlas. Napatingin ako sa tatlo. Nagtitinginan din sila at tila nagtatanong ang mga mata. Siguradong takang taka sila kung bakit nandito sa bahay ko ang kuya ni Ava. Baka kung ano na rin ang iniisip nila.
“Tita Ava dito po nakatira ti papa.” Sabat na naman ni Jeremiah. Kunot noong napabaling sa kanya si Ava.
“Papa?”
Nakangiting tumango tango si Jeremiah. “Opo, papa ko po ti papa Atlat.” Proud pang sabi nya.
Humagis sa akin ang nalilitong tingin ni Ava.
Napalunok naman ako.
Tumingin din sya sa kuya nya. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa.
“What’s the meaning of this Jo, kuya?”
Hindi ako makasagot. Parang umurong ang dila ko.
Naramdaman ko naman ang singaw ng katawan ni Atlas sa likuran ko. Hinawakan pa nya ako sa bewang.
“Dito na tayo sa loob mag usap.” Wika ni Atlas sa seryosong boses.
Gumilid naman ako para makapasok si Ava na hawak pa rin sa kamay si Jeremiah.
“Ah dito na lang muna kami sa labas para makapag usap kayo ng masinsinan.” Sambit ni Ivona na kiming ngumiti sa akin. Nahihiyang ngumiti din ako sa kanilang tatlo.
Sa maliit namang sala ay magkakaharap kaming tatlo. Magkatabi kami ni Atlas na nakaupo sa mahabang monoblock chair habang si Ava ay palakad lakad sa harapan namin at naglilitanya, hindi nga kami makasingit ni Atlas. Si Jeremiah naman ay nasa labas at nakikipag kwentuhan sa tatlo. Mainam na rin yung nasa labas sya para di nya marinig ang pag uusap namin.
“My ghad kuya! Alam kong may kalandian kang taglay sa katawan at mahilig ka sa babae. Alam kong bet na bet mo at weakness mo ang mga morena. Pero pati ba naman ang kaibigan kong may anak di mo rin pinalampas!”
Napayuko ako sa sinabi ni Ava. Handa akong tanggapin ang lahat ng salitang ibabato nya sa akin.
Bumaling sa akin si Ava. “I’m sorry Jolene ha, it’s not that against ako sayo para sa kuya ko dahil may anak ka na. It’s that, kuya ko yan eh! Babaero yan. Matinik yan sa babae. Baka biktimahin ka rin nyan magiging dalawa pa ang panganay mo.”
“Shut up Ava.”
“Shut up your face! Bakit? Totoo naman ah! Babaero ka. Isasama mo pa sa listahan tong kaibigan ko. Tapos papa na ang tawag sayo ni Jeremiah. Ang kapal ng mukha mo kuya. Gumawa ka ng sarili mong anak hindi yung nang aangkin ka ng anak ng may anak.”
“I said shut up. Kapag hindi ka pa tumigil hindi na kita bibigyan ng pera.” Mariin ng saway ni Atlas sa kapatid.
Napataas naman ako ng tingin sa dalawang magkapatid. Nag aalala ako na baka mag away ang dalawa dahil sa akin.
Tumahimik naman si Ava pero nakanguso pa rin at nakairap sa kuya nya. Umupo sya sa single monoblock chair.
Ako naman ay hindi pa rin makaimik.
“Ghadammit young woman. Sobrang daldal mo. Kung magsalita ka parang ang dumi dumi ko. Ipapaalala ko lang sayo kuya mo ko.” May inis sa boses na sabi ni Atlas.
“Sorry naman! Gigil mo ko eh.”
“Tss! Ako rin nanggigigil na sayo eh. Sarap mong ibalik sa sinapupunan ni mommy.”
Lalong humaba ang nguso ni Ava. Pero maya maya lang ay naging seryoso na ang kanyang mukha.
“Ok don’t change topic na dear brother. Sagutin nyo lang ang tanong ko. Kayo na bang dalawa? At kelan pa?”
Humugot ako ng malalim na hininga para mabawasan ang nerbyos. Ngunit nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa kaba. Hinawakan ni Atlas ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at parang sinasabing sya na ang bahala.
Tumingin ako kay Ava. Nakatingin sya sa kamay namin ng kuya nya na magkahawak. Nahihiya ako sa kanya.
“Ang totoo nyan matagal na kami ni Jolene. Five years na kami. Ako ang ama ni Jeremiah.” Walang pasakalye at diretsahang sabi ni Atlas sa kapatid.
Umawang ang labi ni Ava. “What? Are you joking me kuya?”
“I’m not joking Ava.”
Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Ava. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito at hindi makapaniwala sa sinasabi ng kanyang kuya. Sa huli nagtagal ang kanyang tingin sa akin.
“Totoo Jolene? Totoo ba ang sinasabi ni kuya?”
Lumunok ako at marahang tumango.
“T-Totoo yun Ava. N-Nagkakilala kami ng kuya mo five years ago sa Zambales.”
“Oh yeah, I remember nasa Zambales noon si kuya dahil hinahandle nya ang isang project ng kumpanya doon. Tapos? Paano kayo nagkakilala?”
Tumikhim ako para alisin ang nakabara sa lalamunan sabay hinga ng malalim.
“Nagwowork ako noon sa bar bilang bokalista tapos ang kuya mo gabi gabing nandoon at umiinom. Doon kami nagkakilala hanggang sa naging magkaibigan kami. Tapos niligawan nya ako hanggang sa naging kami.”
“Oh I see. Paano nabuo si Jeremiah?”
Napakurap kurap ako sa sumunod na tanong ni Ava. Tumingin ako kay Atlas. Dapat ko pa bang sagutin yun?
“Ano bang tanong yan Ava? Syempre may nangyari sa amin ni Jolene kaya nabuo si Jeremiah. Ang pamangkin mo.”
Naginit ang mukha ko sa diretsahang sagot ni Atlas.
Ngumiwi si Ava. “Oo nga pala. Sorry naman sa tangang tanong. Pero nalilito pa rin ako. Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa?”
Kinuwento na namin ni Atlas sa kanya ang buong pangyayari. Kung paano kami naghiwalay at nagkita ulit. At kinumpirma din ni Ava na naaksidente nga five years ago si Atlas sa Cebu. Na-comatose sya ng dalawang linggo at ng magising ay walang maalala.
“So ikaw pala yung Jessica na lagi nyang tinatawag noong nagdedeliryo sya ng tulog.”
Kumagat labi ako at tumingin kay Atlas. So totoo nga ang mga sinabi nya noon. Ngumiti sya sa akin.
“Pero may sumagot daw na babae sa tawag nya noon sa akin at sinabing fiancee ko daw sya. Kaya nagalit sya sa akin at tinaguan ako.” Pasumbong na sabi pa ni Atlas sa kapatid.
Kumunot naman ang noo ni Ava.
“Fiancee mo? Ah baka yung baliw mong ex na si Lizel. Dumalaw yun sayo sa hospital. Pinalayas lang ni mommy dahil naghihisterikal na parang tanga.”
Malutong na nagmura si Atlas. “I knew it!” Bakas ang galit sa kanyang mukha sa ex nya.
Kahit ako man ay nakaramdam din ng galit sa ex nya. Kung hindi dahil dito eh di hindi sana kami nagkahiwalay ni Atlas.
“Kasalanan mo rin naman kasi kuya. Sukat pinatulan mo pa yung bruhang yun. Alam mo namang may saltik.”
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Miscommunication ang nangyari sa amin ni Atlas. Mabuti na lang din talaga at nagkita kami ulit dito sa Manila makalipas ang limang taon. Napagtanto ko, siguro para nga talaga kami sa isa’t isa. Dahil kahit nagkalayo kami ng ilang taon gumawa naman ang tadhana para muli kaming magtagpo na dalawa.
“Kaya pala magaan ang loob ko kay Jeremiah dahil pamangkin ko pala sya. At kaya rin pala sabi ni mommy parang magkahawig kayong dalawa noong bata ka pa kasi anak mo pala sya.”
Namilog ang mata ko sa sinabi ni Ava. “Nakita na ng mommy mo si Jeremiah?”
“Oo, sa mga picture. Cute na cute nga si mommy sa kanya eh. Siguradong matutuwa sya kapag nalamang may apo na sya.” Tila excited pa na sabi ni Ava.
Mataman ko syang tinitingnan. Hindi naman sya mukhang galit sa akin. Gulat na gulat lang sya kanina sa mga rebelasyon namin ng kuya nya.
“Hindi ka ba.. galit sa akin?” Tanong ko kay Ava.
“Bakit naman ako magagalit sayo?”
“Dahil.. n-naanakan ako ng kuya mo.”
“Ano ka ba hindi ako galit no! Nagulat oo. Pero naiinis ako kay kuya kasi tatang tanga sya. Wala syang kaalam alam na buntis ka noon kaya ayan nataguan sya ng anak.”
Sinamaan sya ng tingin ni Atlas. Pero parang balewala lang sa kanya.
“Saka atleast sa lahat ng naging girlfriend nya ikaw ang naanakan nya. Hindi ko matatanggap kapag ibang babae. Mga chaka kasi at maaarte ang ibang ex nya. Mga di ko bet.”
Unti unting lumuluwag ang kaninang naninikip kong dibdib. Para ding may naalis na mabigat na nakadagan.
“Salamat Ava. Akala ko magagalit ka sa akin eh.”
Ngumiti sya. “Siguro kung ngayon lang kita nakilala baka magalit ako. Pero nakilala na kasi kita. Nakasama na kita sa trabaho. Alam ko ang mga sakripisyo mo para sa anak mo, kay Jeremiah na pamangkin ko. Hindi biro ang magpalaki ng anak mag isa at hinahangaan talaga kita. Maswerte si kuya sayo. Malas ka lang sa kanya kasi babaero sya.”
“Hindi na ako babaero.” Sabat ni Atlas.
“Weh? Noong nakaraang linggo nga may nakasalubong kaming babae ni mommy sa mall at tinanong ka sa amin. Hindi mo na raw nirereplayan ang mga text nya paalala daw namin sayo baka nakalimutan mo. Ano nga pangalan nya? Lovely? Lovelyn? Nakalimutan ko na.”
Sinamaan ko ng tingin si Atlas. May ibang babae syang tinitext?
Namutla naman sya.
“N-No sugar. Hindi ko kilala ang babaeng yun. Wala na akong ibang babae. Ikaw lang. Malamang imbento lang yun ng kapatid ko.”
“Hoy! Hindi ako nagiimbento no. Tanong mo pa si mommy.”
Sinamaan din ni Atlas ng tingin ang kapatid, tila nagbabala.
Ngunguso nguso lang si Ava na tila nang aasar pa sa kuya nya.
“Papa, mama, Tita Ava! Tapos na po kayo mag utap?” Biglang pasok ni Jeremiah at dumiretso ng yakap sa bewang ni Ava. Mukhang namiss nya talaga ang Tita Ava nya. Ngayon totoong tita na nya ito at hindi tita-titahan na lang.
Binuhat ni Ava si Jeremiah at inupo sa kandungan nya at niyakap ito.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang magtita. Ngayon nakikita ko mukhang mas magiging close pa sila.
Lumingon ako kay Atlas ng akbayan nya ako. Kinabig nya ako at hinalikan sa sentido ng mariin.
“I told you, mabait ang kapatid ko kahit madaldal yan at mukhang pera.” Pabulong nyang sabi.
Tumingala ako at ngumiti sa kanya. “I’m sorry kung hindi ako agad naniwala sayo.”
“Nah, it’s ok. Naiintindihan ko naman sugar.”
Yumakap ako sa bewang nya at sumandig sa kanyang dibdib habang nakatingin sa magtita na ngayon ay naglalambingan na. Nabawasan na ang alalahanin ko. Ang mommy na lang nya ngayon ang iisipin ko. At sana gaya ni Ava ay matanggap din nya kaming mag ina.
Mayamaya pa ay umungot na si Jeremiah na nagugutom na. Parehas sila ni Ava. Magtita nga sila.
Nagpadeliver na lang ng pagkain si Atlas na hindi na nakaalis. Dinamihan na nya ang padeliver para dito na rin kumain sila Ava. Nagkanya kanya pa nga ng request ng pagkain ang magtita. Natatawa na lang ako sa hitsura ni Atlas na nakukunsumi na sa makulit na kapatid.
Chapter 28
Jolene
LALONG lumakas ang kaba sa dibdib ko ng pumasok na ang kotse sa loob ng malaking gate. Dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba ay hindi ko tuloy ma-appreciate ang malaki at magandang bahay nila Atlas. Kung ano ano pang senaryo ang tumatakbo sa isip ko. Maraming what if. Pero ang pinaka malaking what if ay kung paano nga kung hindi kami matanggap mag ina ng mommy ni Atlas. Kaya hinahanda ko na ang loob ko.
“Papa ang laki laki po ng bahay nyo! Parang castle!” Bulalas ni Jeremiah na namimilog ang mata habang nakasilip sa bintana ng kotse at nakatanaw sa bahay.
Modern type ang bahay na may dalawang palapag at puro salamin. Brown and white ang kulay nito. Maganda ang arkitektura ng bahay. Para itong mansion na nakikita ko sa social media sa ibang bansa. Halos lahat naman ng bahay na nadaanan namin dito sa loob ng subdivision ay malalaki at iba iba ang disenyo. Mga nakakalulang tingnan. At siguradong nakakalula din ang halaga ng mga ito. First time namin ng anak ko na makapasok sa isang eksklusibo at mamahaling subdivision. Siguro kung hindi lang puno ng kaba ang dibdib ko ay kanina pa ako kumukuha ng pictures ng mga nadaanang bahay.
Bumaba na kami sa kotse. Si Atlas ay inalalayan si Jeremiah na bumaba. Nilibot ko naman ang mata sa paligid. May malawak na lawn at marami ding halaman sa paligid na hindi pamilyar sa akin ang iba. May iba pa ngang halaman na halos kasing laki na ng puno na nakalagay pa sa malalaking paso. Mukhang mahilig sa halaman ang mommy ni Atlas.
Tumingala ako sa bahay. Nakakalula ang laki nito at nagsusimigaw ng karangyaan.
“Papa ang ganda ganda po ng bahay nyo!”
Tumawa si Atlas. “Bahay nyo na rin ito ng mama mo son. Nagustuhan mo ba?”
Sunod sunod na tumango si Jeremiah. “Gustong gusto po papa. Dito na po ba kami titira ni mama?”
“Kung gusto ni mama pwedeng pwede.”
Bumaling naman sa akin si Jeremiah. “Mama dito na po tayo tumira ni Tita Leah. Ang ganda po ng bahay at ang laki laki.”
Ngumiti lang ako sa anak at hindi sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko dahil kinakabahan ako.
Lumapit naman sa akin si Atlas at hinawakan ang kamay kong nanlalamig.
“Are you ok sugar?”
Lumunok ako. “Kinakabahan ako Atlas. Parang.. parang hindi ko pa yata kaya na humarap sa mommy mo. Umuwi na lang kaya muna tayo.”
Pinisil ng kanyang isang kamay ang kamay ko. Ang isa naman ay inabot ang aking kanang pisngi at hinaplos.
“Relax sugar. Kasama mo ko. Wag kang kabahan mabait si mommy. Magugustuhan ka nya. Magtiwala ka lang sa akin hmm?”
Humugot ako ng malalim na hininga para ikalma ang sarili. Pinilit ko ang sariling ngumiti at tumango.
“Tita Ava!”
“Ay nandito na pala ang poging baby boy ni tita!”
Sabay kaming lumingon ni Atlas kay Ava na kalalabas lang ng bahay at patakbong sinalubong si Jeremiah. Nagyakap silang dalawa. Akala mo ang tagal nilang hindi nagkita. Samantalang kahapon ay dumalaw ulit si Ava sa bahay at maraming dalang pasalubong kay Jeremiah na puro mga pagkain. Tapos kanina ay nagvideo call pa silang magtita bago kami pumunta dito.
“Welcome to our lovely home poging pamangkin!” Magiliw na sabi ni Ava at pinanggigilan na naman ang pisngi ni Jermiah. Panay naman ang hagikgik ng anak ko.
“Si mommy?” Tanong ni Atlas habang hawak ang kamay ko.
“Nasa dining nagpe-prepare ng food para sa pagdating nyo.”
Tumingin ako kay Atlas. “Alam na ba ng mommy mo? Sinabi mo na ba sa kanya?” Pabulong kong tanong sa kanya.
“Hindi pa sugar. Ewan ko lang dito sa madaldal kong kapatid.”
“Let’s go guys! Pasok na tayo sa loob. Jolene feel at home ka lang ha wag kang mahihiya lalo na kay mommy. Mabait yun at kalog pa.”
Ninenerbyos man ay ngumiti ako kay Ava. “Salamat Ava.”
“Tara na pasok na tayo sa loob.” Yaya sa amin ni Ava. Nauna na nga syang pumasok tangay si Jeremiah na hawak nya sa kamay habang dinadaldal ito.
Pinisil naman ni Atlas ang kamay ko at niyakag na ako papasok sa loob ng bahay nila.
.
.
.
Tahimik ako at nakayuko lang habang hinihintay ang magiging reaksyon ng mommy ni Atlas. Magkatabi kami ni Atlas na nakaupo dito sa mamahalin nilang couch. Tila tinatambol ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Naipagtapat na namin ang lahat sa mommy nya. Walang labis walang kulang.
Nahigit ko ang hininga ng tumayo si Tita Anita at lumapit sa amin ni Atlas. Namilog ang mata ko ng bigla nyang pingutin ang tenga ni Atlas.
“Ouch mommy!” Nakangiwing daing ni Atlas.
“Masyado ka kasing maharot na lalaki ka kaya ayan wala kang kamalay malay na may anak ka ng apat na taong gulang.” Nanggigil na sambit ni Tita Anita.
“Mommy naipaliwanag ko na sa inyo di ba? Aray! Yung tenga ko mommy parang matatanggal na!” Protesta ni Atlas.
Ako naman ay lalong di nakaimik at napaawang na lang ang labi. Mabuti na lang at wala dito sa sala si Jeremiah. Nilibot sya ni Ava sa ibang parte pa ng bahay.
Binitawan naman ni Tita Anita ang tenga ni Atlas na ngayon ay namumula na. Bumalik ang ginang sa pagkakaupo sa couch at bumaling sa akin. Seryoso ang kanyang mukha.
Napalunok naman ako.
“Jolene right?”
“Y-Yes ma’am.” Nauutal na sagot ko.
“Tapatin mo ako. Nagkaroon ka ba ng ibang karelasyon pagkatapos ng relasyon nyo ni Atlas?”
Bahagyang umawang ang labi ko sa tanong ni Tita Anita. Hindi ko inaasahan na itatanong nya iyon.
“Wala po ma’am. Wala na po akong ibang nakarelasyon pagkatapos ng relasyon namin ni Atlas.”
“Mabuti ka pa. Pero itong lalaking to kung sino sino ang babaeng nakakasama noon.”
“Mom, pati ba naman ikaw.” Angal ni Atlas.
“Bakit? Totoo naman ah.”
Hindi na nakaimik si Atlas at kakamot kamot na lang sa batok. Tiklop pala sya sa mommy nya.
Bumalik sa akin ang mata ni Tita Anita. “Pero gusto ko pa ring makasigurado iha. Gusto kong ipa-dna test ang bata.”
Sabay kaming napasinghap ni Atlas.
“Mommy, bakit may pa-dna pa? Anak ko si Jeremiah. Wala ng ibang nakarelasyon ang sugar ko. At saka di pa ba obvious? Kayo na nga ang nagsabi kamukhang kamukha ko ang anak ko noong bata pa kami. Kaya hindi na kailangan ng dna na yan. Anak ko si Jeremiah.”
Binigyan ni Tita Anita ng matalim na tingin si Atlas. “Kinokonta mo ko Atlas?”
“Hindi naman ho sa ganon mommy – “
Pinisil ko ang kamay ni Atlas para patigilin sya sa pagsasalita. Tuwid na tumingin ako kay Tita Anita.
“Naiintindihan ko po kayo tita. Wala pong problema sa akin. Payag po ako na ipa-dna si Jeremiah.” Walang kakaba kabang sabi ko.
Wala naman akong dapat ikakaba. Si Atlas ang ama ni Jeremiah. Wala ng ibang lalaking dumaan sa buhay ko kundi si Atlas lang. Sya ang una ko sa lahat at sya din magiging huli ko.
Ngumiti si Tita Anita. “Salamat sa pang unawa mo iha. Bilang isang ina ay gusto ko rin makasigurado. Sana ay hindi ka na-offend.”
“Ayos lang po tita. Kung ako rin ang nasa kalagayan nyo siguro ay ganon rin ang gagawin ko.”
“Tama nga si Ava mabait ka at mukhang matalino pa.”
Ngumiti ako sa ginang. Nawala na ang kaba ko. Alam kong gingawa lang nya ang tama at kung ano ang makakabuti.
Nilingon ko si Atlas na tahimik lang sa aking tabi at bahagyang nakakunot ang noo.
“Ay teka nasaan na ba ang apo ko?” Tanong ni Tita Anita at lumingon lingon.
Sakto namang papasok ang magtita galing sa lanai.
Tumakbo palapit sa amin si Jeremiah na may malaking ngiti sa labi. Iniyakap nya ang tig isang braso sa amin ng kanyang ama.
“Papa, mama may swimming pool ta likod ng bahay.” Nagniningning ang mata na sabi ni Jeremiah.
“Gusto mo bang magswimming apo?” Tanong ni Tita Anita na tila excited pa. Humarap naman sa kanya si Jeremiah at tumango.
“Opo lola, gusto ko po magswimming pero di po ako lunong mag swim”
Parang batang ngumuso si Tita Anita. “Wag mo naman akong tawaging lola apo. Ang lakas makatanda eh. Mamala na lang.” Malambing sa saad nya kay Jeremiah.
“Ok po mamala.”
Tuwang tuwa naman na pumalakpak si Tita Anita na tila kilig kilig pa.
“Halika nga rito apo. Payakap si mamala.” Binuka ni Tita Anita ang dalawang braso.
Tumakbo naman si Jeremiah sa lola nya at yumakap. Pinanggigilan naman sya ng lola nya.
Nagtinginan kami ni Atlas at ngumiti sa isa’t isa.
“Hindi ka marunong magswim? Don’t worry Tita Ava will teach you.”
“Talaga po? Malunong mag swim si Tita Ava?”
“Of course! Lagi kaya akong nagcha-champion sa mga swimming competition sa school noong elementary at high school ako. Don’t worry pogi kong pamangkin tuturuan kita how to swim like a pro. Pero syempre may bayad yun. Kuya alam mo. Per hour ang singilan ko.” Sabat ni Ava na sumalampak na rin ng upo sa single couch.
“Kuh! Umariba ka na naman. Di bale na. Ako na lang magtuturong lumangoy sa anak ko.” Bira ni Atlas sa kapatid.
Ngumuso naman si Ava. “Ang killjoy mo talaga kahit kelan kuya.”
“Malunong ka rin pong mag swim papa?” Baling ni Jeremiah sa ama.
“Of course son. Kaya si papa ang magtuturo sayo. Pati si mama tuturuan ko din.” Nakangising tumingin sa akin si Atlas.
Umiling iling naman ako. “Naku, hindi bale na. Kayong mag ama na lang. Baka malunod pa ako.”
“Sige na Jo, paturo ka na rin kay kuya para ako ang magtuturo kay Jeremiah para bayaran ako ni kuya.”
Ngumiwi ako sa suhestiyon ni Ava. Tama nga si Atlas madiskarte sya, may pagka buraot nga lang.
Nangingiti ako habang pinagmamasdan si Tita Anita na giliw na giliw sa kabibuhan ni Jeremiah. Gaya ni Ava ay tuwang tuwa sya sa anak ko. Halos ayaw na nga nya ito bitawan.
Natutuwa naman ako dahil kahit hindi pa sya sigurado na apo nga nya ang anak ko ay tanggap na tanggap na nya ito. Mabait din sya gaya ni Ava. May pagkakapareho sila ng ugali mag ina.
“Sugar, ayos lang ba talaga sayo na ipa-dna si Jeremiah? Pwede ka namang tumanggi kung gusto mo. Ako ng bahala kay mommy.” Untag sa akin ni Atlas habang nandito kami sa balcony at pinapanood si Tita Anita at Ava na tino-tour sa malawak na lawn si Jeremiah. Nagse-selfie pa sila.
Nilingon ko sya.
“Ayos nga lang sa akin.”
Matiim syang tumingin sa akin. “Anak ko si Jeremiah. Dama ko yun sa puso ko.”
Ngumiti ako sa kanya. “Anak mo naman talaga sya. Ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko.”
“I love you Jolene.” Naging mapungay ang kislap ng mata nya at hinawakan ang kamay ko.
“Pero paano kung.. hindi mo nga talaga anak si Jeremiah. Paano kung may ibang lalaki akong nakarelasyon? Anong gagawin mo?” Panunubok ko sa kanya.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gumuhit na sakit sa kanyang mata. Bahagyang humigpit ang hawak nya sa aking kamay.
“Tatanggapin ko pa rin sya at ituturing na anak.. at mamahalin pa rin kita. Kagaya ng tinanggap mo pa rin ako kahit marami ng babaeng dumating sa buhay ko. Ganun kita kamahal sugar. Hindi ko na hahayaang malayo ka sa akin.”
Sinunggaban ko sya ng yakap at sumubsob sa dibdib nya. Kagat kagat ko ang labi at pigil ko ang luha na gustong pumatak.
“I love you too Atlas.”
“I love you more sugar.” Anas nya at niyakap din ako ng mahigpit. Hinalik halikan nya ang buhok ko.
Ngayon ay wala ng pag aalinlangan sa puso ko. Buo na uli itong naniniwala sa kanya. At simula ngayon anomang problema o balakid ang mamagitan sa amin ay hindi ko na sya susukuan.
“Papa! Mama!”
Sabay naming nilingon si Jeremiah na tumatakbo palapit sa amin. Ng makalapit ay sumampa sya sa kandungan namin ni Atlas at yumakap din. Natawa na lang kaming dalawa ni Atlas. Ganito lagi si Jeremiah kapag nakikita nyang magkayakap kami ng papa nya.
May bago po akong story sa dreame The Ruthless Daddy Wallace. Daily update din po sya. Subaybayan nyo sana habang free pa. Salamuch!
Chapter 29
Atlas
MATAMAN kong sinusuri ang bawat sulok ng malaking bahay na binili ko. Bilang engineer ay alam ko kung matibay o hindi ang isang gusali o bahay. Kilala ko naman ang developer nitong eksklusibong subdivision kung saan ako nakabili ng bahay. Walang iba kundi ang pinaka masungit at moody naming kaibigan na si Matias. Kaya nakakasiguro akong matibay at hindi substandard ang mga materyales na ginamit dito sa pagtatayo. Sa mahal ba naman ng bahay nya aba’y dapat lang kung hindi idedemanda ko sya. Kulang kulang isang bilyong piso ang bahay. Mabuti nga ay nakatawad pa ako kahit kaunti.
Hindi naman ito kalayuan sa subdivision kung saan nakatira si mommy at Ava. Ten minutes drive lang mula doon hanggang dito. Kaya anytime ay pwedeng dumalaw dito si mommy at Ava or pwedeng kami ang dumalaw sa kanila.
“Sir nandito naman po sa likod ng bahay ang swimming pool. Paki-check na lang po kung may gusto pa kayong ipabago.” Giniya ako ng agent na lalaki sa likod ng bahay.
Tumambad sa akin ang liver size swimming pool. Pinaliwanag sa akin ng agent kung ano ang sukat ng pool at gaano ito kalalalim. May parte ding mababa ito para sa mga bata. Saktong sakto ito para kay Jeremiah na nahihilig na sa pagsuswimming. Mataas ang pader at medyo malayo sa kasunod na bahay kaya safe kapag gusto ring magswimming ni Jolene. Syempre ayokong may ibang makakakita sa kanya kapag nagswimming sya gusto ko ako lang. Merong mga kalachuchi na puno sa gilid ng pader at hitik ito sa mga bulaklak. Ang ibang mga nalagas nga ay nakakalat sa bermuda grass na bagong trim. Hindi rin masyadong mainit dito sa pool area dahil may mga puno sa labas ng pader kaya hindi matutusta sa init ang mag ina ko.
Sinabi ko naman sa agent na walang problema sa pool. Pero gusto kong gawin kahoy ang flooring sa gilid ng pool. Agad naman nya iyong tinype sa hawak nyang pad.
Sunod naman nya akong dinala sa garden area na nasa gilid lang ng bahay. May iba’t ibang halaman na ang naroon at mga orchids. Hindi ako sure kung mahilig si Jolene sa mga halaman. Pero may ilang mga halaman din sya sa bahay na nasa paso. Sya na ang bahala kung ano ang gusto nya. Sya ang may ari ng bahay na ito. Binili ko ito at pinangalan sa kanya. Sana ay magustuhan nya.
Ng matapos ang masusi kong pag iinspeksyon sa buong bahay ay binigay na sa akin ng agent ang orihinal na susi ng bahay kasama na rin ang lahat ng susi ng mga pinto. Sabay na kaming lumabas at nagpaalaman sa isa’t isa.
Anytime ay pwede ng lipatan itong bahay. Pero ang balak ko ay ipapakita ko muna ito kay Jolene bilang surpresa. Excited na nga ako na makita ang reaksyon nya. Tapos ay sabay na kaming mamimili ng mga gamit para sa bahay. Ngayon pa lang ay excited na akong lumipat na kami.
Sumakay na ako ng kotse at binuhay na ang makina. Susunduin ko na ngayon ang future wife ko.
.
.
Jolene
NAPANGITI ako ng paglabas ko ng gate ng planta ay nakita ko si Atlas na nakasandal sa pinto ng kotse. Naka-trouser sya ng itim at long sleeve polo na puti na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. May ngisi sya sa labi na unti unting naging ngiti ng makita ako. Mukhang kagagaling lang nya ng opisina.
Paglapit ko sa kanya ay hinawakan nya ako sa bewang at mabilis akong hinalikan sa gilid ng labi. Nag iinit ang pisngi bahagya ko syang tinulak. Nasa labas kami at tiyak na maraming mga kasamahan ko sa trabaho ang nakatingin sa amin.
“Miss you sugar.” Usal ni Atlas.
Ngumuso naman ako. “Miss ka dyan. Araw araw naman tayong nagkikita.”
Tumawa lang sya. “Yun na nga eh. Araw araw naman tayong nagkikita pero palagi pa rin kitang namimiss.” Aniya at pinisil pa ang baba ko.
Kumislot naman ang puso ko sa tuwa. Ako rin naman namimiss sya palagi. Hindi lang talaga ako palasalita.
“Pasok na nga tayo sa kotse pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” Wika ko at umikot na sa passenger seat.
Sya naman ay tinanguan pa ang dalawang gwardya na sumaludo pa sa kanya. Sa palagian nyang pagsundo sa akin ay ka-close na nya ang mga gwardya.
Kinabit ko na ang seatbelt. Sumakay na rin sya sa driver seat at binuhay na ang makina.
Hindi nya kasama ngayon si Jeremiah sa pagsundo sa akin. Nasa bahay kasi nila ngayon ang anak namin dahil hiniram ni Tita Anita at ni Ava. Mamayang gabi pa nila ito ihahatid sa bahay.
Nakuhanan na ng sample ng dugo si Jeremiah at makalipas ng isang linggo ay lumabas na ang resulta. Ninety nine point ninety eight percent match nga ang dugo nila ni Atlas. Kaya walang dudang anak nya ito. At dahil sigurado na si Tita Anita na apo nga nya si Jeremiah ay madalas na nya ito hinihiram sa amin. At itong anak naman namin ay tuwang tuwa naman at excited lagi kapag sinusundo ng mamala nya. Spoiled na spoiled kasi sya sa mamala nya.
“Sugar pwede bang umabsent ka bukas?”
Nilingon ko si Atlas na pasulyap sulyap sa akin at sa kalsada.
“Bakit?”
Ngumiti sya. “May pupuntahan sana tayo eh. May ipapakita ako sayo.” Tila excited na sabi nya.
Kumunot ang noo ko at na-curious sa gusto nyang ipakita sa akin.
“Ano ba yun?”
“Basta! Surprise ko sayo yun.”
Ngumuso ako. “Hindi ako pwedeng umabsent bukas. Marami kaming delivery lalo na sa umaga. Pero ita-try ko maghalf day.”
“Ok, pwede naman sa hapon tayo umalis.”
Pagdating sa bahay ay kumulimlim ang langit at nagbabanta ng pag ulan. Mabilis ko namang tinanggal sa sampayan ang mga damit na nilabas ko kaninang umaga. Tinulungan naman ako ni Atlas. At eksaktong pagpasok namin sa bahay ay bumagsak ang malakas na ulan.
Nagbihis na ako sa kwarto. Si Atlas naman ay sala nagbihis. Sarado naman ang bintana at kurtina kaya makakapag bihis sya ng hindi nasisilipan sa labas. Nagpresinta na rin syang magligpit ng mga damit. Infairness marunong na syang magligpit dahil tinuruan sya ng anak nya. Ako naman ay nagready na sa pagluto. Nagsaing muna ako at nilabas na sa ref ang lulutuin. Dahil maulan ay parang bet kong magsabaw. Pero tinanong ko muna si Atlas kung gusto nya ng may sabaw na ulam. Ang sabi naman nya ay ako na daw ang bahala. Kunsabagay anuman ang pagkain ang ihain ko sa kanya ay wala naman syang reklamo.
Tapos na akong magluto ay malakas pa rin ang buhos ng ulan na may kasama pang pagkulog at kidlat. Ayon sa balita ay nakayellow rainfall ang lugar namin. Baha na rin sa ibang mga lugar at mga kalsada kaya hirap makadaan ang mga sasakyan. Nag alala tuloy ako sa anak ko dahil baka pauwi na ito ay ma-stuck pa sa traffic at baha.
Mabuti na lang ay nagvideo call si Tita Anita at sinabing bukas na lang ng umaga ihahatid si Jeremiah dahil delikado sumuong ngayong gabi sa malakas na ulan. Pumayag naman kami ni Atlas. Nakausap din namin si Jeremiah na kandong kandong pa ni Ava habang may kinakain silang magtita. Nagsabi nga sya na sa mamala muna nya sa matutulog ngayong gabi pero namimiss na daw nya kami ng papa nya. Ako rin naman ay miss na sya. Ito ang unang beses na matagal ko syang hindi nakakasama. Hindi ako sanay.
Napansin naman ni Atlas na tahimik lang ako habang naghahapunan kami.
“Ayos ka lang sugar?” Tanong nya.
Tumango naman ako. “Namimiss ko lang si Jeremiah. Hindi kasi ako sanay na wala sya. Ito kasi ang unang beses na sa ibang bahay sya matutulog.”
“Naiintindihan ko sugar. Pero bukas naman ng umaga ay ihahatid sya ni mommy. Don’t worry safe sa bahay ang anak natin. May mga tao ako doon na nagbabantay sa buong bahay.”
Tumango ako at ngumiti na sa kanya. Nagpatuloy na kami sa hapunan.
Si Atlas ang nagpresintang maghugas ng plato. Ako naman ay inayos na sa mga drawer ang mga tinupi nyang damit.
Nag iingay ang cellphone kong nakapatong sa estante. Dinampot ko ito. Nakita kong tumatawag si Leah. Agad ko naman iyong sinagot.
“Hello insan.” Bati ko sa kabilang linya. May naririnig akong mga boses sa kabilang linya.
“Jolene insan, hindi ako makakauwi ngayong gabi.”
Kumunot ang noo ko. “Ha? Bakit?”
“Inabot ng baha ang harapan ng bahay nila Nana. Pumasok na nga sa garahe. Kaya dito muna ako para may kasama sila Nana.”
Nag alala naman ako sa kalagayan nila. Hindi naman basta basta inaabot ng baha ang bahay nila Nana. Maliban na lang kung barado na naman ang nga kanal. Mabuti na lang at may second floor ang bahay nila Nana.
“Ganun ba. Hindi ba delikado?”
“Hindi naman. Tubig kanal lang naman ang baha. Kapag humupa ang ulan ay bababa din ang baha.”
“O sige, magiingat kayo nila Nana dyan. Kapag may kailangan kayo tumawag ka lang ok.”
“Ok, ingat din kayo dyan.”
Binaba ko na ang cellphone at binalaik sa estante. Sumilip ako sa labas ng bintana. Malakas pa rin ang ulan na may kasamang malalakas na hangin. Mataas ang lugar nitong apartment kaya hindi binabaha. Pero kita ko sa labas ng gate ang malakas na agos ng tubig ulan sa kalsada pababa. Siguradong baha na rin sa mababang bahagi nitong lugar. Mainam na rin talaga na doon muna matulog si Jeremiah sa mommy ni Atlas.
“May problema ba sugar?”
Nilingon ko si Atlas na nagpupunas ng kamay. Tapos na syang maghugas ng plato.
Bumuntong hininga ako.
“Hindi rin makakauwi si Leah. Inabot ng baha ang harapan ng bahay nila Nana.”
“Ganun ba. Eh kamusta naman sila? Kailangan ba nila ng rescue? Tatawag ako.”
“Hindi na. Barado lang ang mga kanal sa lugar nila Nana kaya binaha. Kapag tumigil ang ulan ay bababa din ang baha. Pero sinabi ko naman kay Leah na kapag may kailangan ay tumawag na lang.” Wika ko.
Pero sana nga ay tumila na ang ulan. Maraming mga nasa mababang lugar ang naaapektuhan. Gabi pa naman.
Tumango tango naman si Atlas na gumala ang mata sa kabuuan ng bahay.
“Ibig sabihin.. tayong dalawa lang pala ngayong gabi dito sa bahay.” Sambit nya.
Kumunot naman ang noo ko pero unti unting napaawang ang labi ng ma-realize na kami nga lang pala ngayong gabi dito sa bahay. Ito ang unang beses na magsosolo kaming dalawa dito sa bahay. Biglang rumapido sa pagtibok ang puso ko.
Matalim kong tiningnan si Atlas. Kakaiba kasi ang ngiti nya eh. Ngiting may kapilyuhang iniisip.
“Anong iniisip mo ha?”
Tumaas ang dalawa nyang kilay at sinupil ang ngiti.
“Wala akong iniisip ha. Baka ikaw ang may iniisip.” Makahulugang sabi nya.
Tinaasan ko rin sya ng isang kilay. “At ano naman ang iisipin ko aber?”
“Ewan ko sayo. Basta ako ang iniisip ko lang masarap matulog ngayong gabi. Umuulan sa labas at malamig. Ang sarap ng may kayakap.” Aniya habang tinatabi sa kusina ang basahan na ginamit.
Nag init naman ang pisngi ko. Alam kong pinariringgan nya ako. Sumalakay tuloy ang kaba sa dibdib ko. Pero hindi ito kaba ng natatakot kundi kabang may kasamang pananabik. Maraming pwedeng mangyari sa aming dalawa ngayong gabi. Ang tanong handa na ba ako?
Simula ng magkabalikan kami ay puro halik at yakap lang ang ginagawa namin. Ngunit dama kong gusto nyang lumampas pa doon pero nagpipigil lang sya. Ako rin naman minsan nakakaramdam din ng pagkabitin.
Ipinilig pilig ko ang ulo. Ano ba tong iniisip ko. Matutulog na nga lang ako.
Ni-lock ko na ang mga bintana at sinara ang kurtina. Dinampot ko ang cellphone na nasa estante.
“P-Papasok na ko sa kwarto ikaw na ang bahala dito.” Sabi ko at naglakad na palapit sa kwarto. Pero hindi pa ako nakakailang hakbang ay pinigilan nya ako sa braso.
“Teka, anong gagawin mo sa kwarto?”
“M-Matutulog na syempre.” Nauutal pang sabi ko.
“Pero tabi na tayong natutulog dito sa sala di ba?”
“O-Oo nga! Pero sa kwarto ako ngayong gabi matutulog – “
“Ok, sa kwarto tayo ngayon matutulog. Wait lang ila-lock ko lang yung pinto at papatayin ang mga ilaw.” Binitawan nya ang braso at nagmamadaling nilock ang pinto at pinatay ang ilaw sa kusina at sala.
Napaawang na lang ang labi ko.
“Let’s go sugar. Masarap matulog ngayong gabi. Malamig.” Pakanta pa nyang sabi at inakbayan ako sabay giya sa akin papasok sa kwarto.
Halos mabingi naman ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
SPG next!
Chapter 30
Warning! 🔞
Jolene
“HMP!” Pagkahigang pagkahiga ko pa lang sa kuston na sya na mismo ang naglatag ay agad na nya akong sinunggaban ng halik. Hindi tuloy ako agad nakapag react.
Madiin at malalim ang halik ni Atlas sa akin. Mabilis ang galaw ng labi nya na punong puno ng pananabik. Hindi tuloy ako makahabol. Halos higupin nya ang hininga ko. Ang mga kamay nya ay nagsisimula na ring humaplos at pumisil sa aking braso.
“Hah!” Habol ko ang hininga ng pakawalan nya ang labi ko at bumaba ang kanyang halik sa aking leeg.
Napasinghap ako ng tuluyan na syang dumagan sa akin. Damang dama ko ngayon ang init ng kanyang katawan at katigasan nito. Tuloy ay para ng sinisilaban ang aking katawan dahil sa bumabangong init.
Tila ako nanumbalik sa nakaraan naming dalawa. Doon sa bahay nya sa Zambales kung saan naganap ang una naming pagniniig. Ganitong ganito ang naramdaman kong init noon na para akong lalagnatin.
Nahigit ko ang hininga ng paghiwalayin nya ang dalawang hita ko at pumuwesto sa gitna. Idiniin pa nya ang sarili sa akin. Naramdaman ko ang kahandaan nya.
“Hmm Atlas wait lang..” Daing ko ng bahagya nyang kagatin ang leeg ko. Dumiin ang hawak ko sa matigas nyang braso.
“Can’t wait anymore sugar. I want you now.” Tahasang sabi nya at bahagyang inangat ang katawan at mabilis na hinubad ang t-shirt na suot na basta na lang nyang hinagis sa sulok ng kwarto.
Muli syang dumapa sa ibabaw ko at sinunggaban na naman ako ng halik. Iniyakap ko naman ang mga braso sa batok nya at tinugon ang kanyang halik. Iniyakap ko na rin ang mga binti ko sa balakang nya. Gusto ko ring angkinin nya ako ngayong gabi.
Nasa gitna na kami ng mainit na halikan at parehas ng naglalagablab sa init ang aming katawan ng bigla naman syang tumigil. Sumubsob sya sa leeg ko habang mabilis ang paghinga. Bitin tuloy ako.
“I’m sorry sugar..” Anas nya at nag angat ng mukha sa akin. Mapupungay ang kanyang nga mata. Sa liwanag na galing sa maliit na lamshade ay naaninag ko ang apoy sa kislap ng kanyang mata. Apoy ng pananabik sa akin.
Tinaas ko ang kamay at hinaplos ang kanyang mukha. “Bakit ka nagsosorry?”
Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. “Dahil masyado akong mapusok. Ayokong isipin mo na ito lang habol ko sayo. Mahal na mahal kita at sabik na sabik na ako sayo. Ayos lang kung ayaw mo pang gawin natin to. Makapaghihintay naman ako.”
Na-touch naman ako sa sinabi nya. Dama ko ang importansya ko sa kanya. Mas iniisip nya ako kesa sarili nyang pangangailangan. Pero kailangan ko rin sya ngayong gabi. Ilang taon na ba akong nagtiis at nangulila sa kanya. Ilang taon na ba ako nanabik na muli syang maangkin. Ngayong nandito na sya sa tabi ko ay gusto kong pawiin ang ilang taon ko ng pangungulila at pananabik sa kanya.
“Mahal din kita Atlas. At gusto kong angkinin mo ako ngayong gabi.” Anas ko.
Tila naman lalong nagningas ang apoy sa kanyang mata.
“Sigurado ka sugar?”
Bilang sagot ay kinabig ko ang mukha nya at hialikan sya ng mariin.
Bumangon ako at hinubad ang damit ko. Tumambad sa kanyang mata ang halos hubad kong dibdib na natatakpan na lang ng bra. Sunod sunod ang paglunok nya habang titig na titig sa dibdib ko.
Napakagat labi naman ako. Bigla akong nahiya. Pero nandito na kami eh. Baka kung hihiya hiya pa ako ay hindi pa nya ituloy.
“Fuck sugar, bakit parang lumaki pa yata ang dibdib mo?” Manghang sambit nya.
Namula naman ang mukha ko. Hindi naman ako nagulat na napansin nya yun. Simula nga ng magbuntis ako kay Jeremiah ay lumaki pa ang dibdib ko. Lalo na noong nagkagatas.
“S-Syempre may anak na ko eh, saka nagbi-breast ako noon kay Jeremiah.”
Tumango tango sya at kumagat labi habang ang mata ay hindi pa rin naaalis sa dibdib ko.
“Baka pwedeng.. si papa naman ang magbreast feed.” Pilyong sabi nya na ikinaawang ng labi ko.
Nag init lalo ang mukha ko kasabay noon ang bumangong pananabik. Pati nga ang gitna ko ay nagreact na rin.
“Gagu!” Sambit ko.
Tumawa naman sya. Natawa na rin ako. Sinunggaban nya ako ulit ng halik at inihiga na nya ako. Ang kamay nya ay naglilikot sa aking likod at tinatanggal sa pagkakahook ang bra. Ng tuluyan na nya itong natanggal ay hinagis na lang din nya sa kung saan ang bra ko at sunod ko lang naramdaman ang kamay nya sa ibabaw ng aking dibdib.
Kagat kagat ko ang labi at napapaarko ang aking likod sa tuwing sasayad ang mainit nyang labi at dila sa ibabaw ng aking dibdib. Kay tagal kong pinanabikan na maramdamn ulit ang ganito kasarap na sensasyon.
“Hmm..” Ungol ko ng iikot nya ang dila sa utong ko at sinabayan nya iyon ng sipsip. Ang isang dibdib ko naman ay piga piga ng isa nyang kamay, tinutudyo din ng daliri ang utong ko.
“Hmm I really missed this sugar.”
Salit salitan ang bibig nya at kamay sa pagpapala sa dalawa kong dibdib. Ako naman ay nilalasap lang ang init ng bibig at kamay nya. Pero ramdam ko na ang panlalagkit ng gitna ko senyales na basa na ako. At mukhang nababasa ni Atlas ang nasa isip ko dahil sumiksik ang isa nyang kamay sa loob ng penguin short ko at sumuot pa sa loob ng panty. Nahigit ko ang hininga ng sumapo na ang malaki at mainit nyang kamay sa pagkababae ko. Sinalat salat at hinimas himas nya iyon.
“Damn, you’re wet sugar..” Anas nya at tumingin sa akin habang ang kamay ay patuloy sa paglikot sa loob ng panty ko.
Bumaba ang halik nya sa tiyan ko habang hinihila pababa ang short at panty ko. Nahigit ko ang hininga ng paghiwalayin nya ang aking mga hita at tinitigan ang aking gitna. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at pananabik.
“Oh shit Atlas!” Di ko napigilang ibulalas ng sumubsob sya sa aking gitna at pinagpala ito ng kanyang bibig.
Humawak ako sa ulo nya at napasabunot sa kanyang buhok. Nanginginig ang mga hita ko sa bawat hagod ng kanyang dila sa aking pagkababae. Hindi ko maipaliwanag ang sarap ng sensasyong aking nararamdaman.
Lalo pa nyang binuka ang aking mga hita at tila gutom na leon na halos kainin na ang pagkababae ko. Tila sya sabik na sabik at gutom na gutom sa pagkaing nasa harapan nya na kay tagal na nyang hindi natitikman. May tunog pa nga ang bawat halik at dila nya. Ako naman ay para ng bulating inasinan sa kakakiwal ng katawan. Para na rin ang akong nahihibang sa bawat daing at halinghing na umaalpas sa aking bibig. Mabuti na lang ay malakas ang bagsak ng ulan kaya tinatalo ang ingay ng bawat daing at halinghing ko.
Napaawang ang aking labi ng maramdaman ang bagay na kumakatok at sumisiksik sa bukana ko. May kaunti akong kirot na naramdaman pero agad din itong nawala at napalitan ng sarap ng tudyuhin ng kanyang dila ang sensetibo kong kuntil.
“Ahh Atlas hmmmm!” Ungol ko ng maramdaman ang mabilis na paggalaw ng daliri nya sa loob ko.
Para na akong mababaliw sa sarap na nararamdaman. Hindi ko alam kung saan ko itutuon ang atensyon, sa daliri ba nyang mabilis na naglukumikot sa loob ko o sa bibig at dila nyang patuloy na nilalaro ang kuntil ko.
“Oh my ghad Atlas! H-Hayan na ko – ahhh!”
Kasabay ng pagnginig ng aking katawan ay ang likidong umalpas sa aking bukana. Hinugot naman nya ang kanyang daliri at muling pumalit ang kanyang bibig..
“Fuck, I missed your taste sugar..” Anas nya at bumalik ulit sa ibabaw ko.
Habol ko naman aking hininga. Pakiramdam ko naubos ang lakas ko at hinigop nya.
Lumuhod sya at hinubad ang cotton shorts na suot kasama ang puting brief. Napalunok ako ng maaninag ang nakasaludo nyang pagkalalaki. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang pagkalalaki nya. Kahit hindi ko ito nakikita ng maliwanag ngayon ay alam kong hindi biro ang sukat nito. Tandang tanda ko pa ang hitsura ng pagkalalaki nya sa liwanag. Mahaba ito at may katabaan. Medyo maugat din ito.
Nahigit ko ang hininga ng muli syang dumagan sa akin. Sinakop nya ang labi ko sa isang mapusok na halik na agad ko namang tinugon. Tila ako kinuryente ng bumundol ang matigas nyang pagkalalaki sa aking pagkababae. Bumilis din ang tibok ng puso ko sa pananabik na muli syang maramdaman sa aking loob.
“Are you ready sugar?” Paanas na tanong nya habang hinahagod nya sa aking bukana ang kanyang pagkalalaki.
Kagat labing tumango naman ako at yumakap sa batok nya. Diniin naman nya ang labi sa pisngi ko kasabay niyon ang pagdiin din ng pagkalalaki nya sa aking bukana.
“Heto na ko sugar..”
“Hmm!” Napadaing ako ng maramdaman ang lalo pang pagdiin ng kanyang pagkalalaki hanggang sa nakaramdam ako ng kirot. Pero hindi na ito kasing kirot gaya noong una kong karanasan sa kanya.
“Fuck! Why are you still so tight sugar? Nghh!” Daing nya kasabay nun ay ang biglaan nyang pagulos.
“Ugh Atlas!” Napaawang ang labi ko ng maramdaman ang pagkalalaki nya sa loob ko. Banat na banat ang pakiramdam ko at punong puno. Makirot pero tolerable naman.
“I’m sorry sugar. Hindi ko na kasi kaya. Pero tang*na mas lalo ka pa yatang sumikip. Parang sinasakal ang alaga ko sa loob.”
Nag init ang mukha ko sa kanyang sinabi. Nakaguhit sa kanyang mukha na tila hirap na hirap sya at umiigting pa ang panga.
“Syempre limang taon na akong walang s-sex kaya siguro ganun.” Nahihiya ko pang sabi.
Kagat labing ngumiti sya. “Damn.. pinasaya mo kong masyado ngayong gabi sugar. At dahil dyan mas lalo pa kitang minahal at lalo pa kitang mamahalin.”
Ako naman ang kumagat labi sa kilig. Hindi ko rin naman kayang makipag sex sa ibang lalaki. Isipin ko pa nga lang diring diri na ako. Sya lang ang gusto ko at wala ng iba.
Unti unti ng nawawala ang kirot at mas lalo kong naramdaman ang kalakihan nya sa aking loob.
“Nawawala na ang sakit Atlas, galaw ka na.” Utos ko sa kanya.
Umayos naman sya ng pagkakadagan sa akin at tinukod ang dalawang siko sa magkabilaang gilid ng ulo ko. Kumagat labi ako at higit ko ang hininga ng magumpisa na syang gumalaw. Magkahinang ang aming mga mata habang nilalasap namin ang sensasyon ng pag iisang katawan namin. Yumuko sya at siniil ako ng masuyong halik na akin namang tinugon. Ramdam ko na ang bawat hugot at baon ng pagkalalaki nya sa loob ko na may hatid na kiliti na masarap sa pakiramdam.
“Fuck sugar! Ughh shit! Nghh!”
Bumilis ang mga galaw nya at mas lalo pa nyang dinidiin ang pagbaon ng kanyang pagkalalaki sa loob ko. Humigpit naman ang hawak ko sa kanyang braso at halos bumaon ang mga kuko ko. Pinaikot ko na rin ang mga binti sa kanyang balakang.
“A-Ahh Atlas! Ahh! Ahh! Ahhmmm!” Mahabang ungol ko.
“I miss you sugar! Fuck I miss you! I miss you! I love you! I love you! Uhhhhnnggg!”
Napaawang ang labi ko ng mas naging marahas pa ang bawat ulos nya. Halos bumaon na ako sa kutson na aking hinihigaan. Malalim na rin ang naaabot ng pagkalalaki nya sa aking loob. May natatamaan syang sensetibong parte sa aking loob na kakaiba ang kiliting hatid.
“Oh my ghad Atlas! Hayan na naman ako! Malapit na – ughh!”
“Fuck sabay tayo sugar malapit na rin ako!”
Lalo pa nyang binilisan ang pag ulos na tila may hinahabol. Tumutunog pa ang bawat salpok ng aming balat. Mabibigat naman ang bawat hinga ko at hindi na ako magkamayaw sa pag ungol.
At ilang sandali pa nga ay sabay kaming umungol ng malakas. Sabay ding nanigas ang aming katawan. Ramdam ko ang mainit na bagay na tila sumabog sa loob ko. Nakadagdag lang iyon sa masarap na sensasyong nararamdaman ko.
Namilog ang mata ko ng mapagtanto kung ano ang nangyari. Tinulak ko ang balikat nya.
“Pinutok mo sa loob ko!?”
Ngumisi sya. “Let’s welcome our baby number 2 sugar!”
Bitin! Next update na lang mga beks 😆 Updated na rin sa Dreame ang The Ruthless Daddy Wallace.
Chapter 31
Jolene
“MAMA! Papa!”
Naalimpungatan ako sa sunod sunod na katok sa pinto. Parang naririnig ko rin ang boses ni Jeremiah na tinatawag ako.
“Mama dito na po ako! Papa!”
Napadilat ako ng malinaw ko ng narinig ang boses ni Jeremiah. Tumuon ang mata ko sa saradong bintana ng kwarto. Kahit nakasarado ang kurtina ay naaaninag ko naman ang liwanag sa labas.
Muli kong narinig ang sunod sunod na katok at boses ni Jeremiah. Naririnig ko rin ang mga boses ni Tita Anita at Ava.
“Baka tulog pa ang mama at papa mo apo.”
“Baka gumagawa pa ng kapatid mo baby boy.”
“Bibig mo Ava.”
“Bakit ’my? Wala naman akong sinabing masama ah.”
“Gumagawa po tila ng kapated ko? Gusto ko po ng baby boy para may kalalo po ako.”
“Ay gusto ko naman girl para may aayusan ako. Girl ang gusto ko.”
“Gusto ko po boy tita.”
“Girl nga.”
“Boy po.”
“Pag pray nyo na lang na kambal. Isang boy at isang girl.”
“Yehey! Gusto ko po yan mamala.”
Akmang babalikwas ako ng bangon pero may nakadagan na mabigat na bagay sa katawan ko. Nakita ko ang isang malaking braso ni Atlas na nakayakap sa bewang ko at ang hita nyang mamasel na nakadagan din sa mga hita ko. Umungol sya at lalo pa akong niyakap. Siniksik pa nya ang mukha sa leeg ko. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko sa buong katawan ng maramdaman ang mainit nyang hininga. May bumabangong init dahil damang dama ko sa hita ko ang kahandaan nya. Parehas pa kaming walang saplot. Ilang beses nya akong inangkin kagabi at sa sobrang pagod at antok ko ay hindi ko na nagawang makapagbihis.
“Atlas. Atlas.” Tinapik tapik ko ang braso nya.
Pero hindi sya natinag.
“Huy Atlas, gising!” Niyugyug ko na ng malakas ang balikat nya.
“Hmm.” Ungol lang nya at mas siniksik pa ang mukha sa aking leeg.
Mariin akong pumikit at buong pwersang tinulak sya. Naalimpungatan naman sya.
“Sugar bakit?” Tanong nya sa paos na boses. Antok na antok pa din ang kanyang mukha at medyo magulo ang buhok.
Gusto ko pa sanang titigan ang gwapong mukha nya pero naghihintay na sa labas ang anak namin.
“Nasa labas na ang anak natin kasama si Tita Anita at Ava. Kaya bumangon ka na.” Saad ko at bumangon na rin.
Dinampot ko ang mga damit kong nakakalat at mga undies na basta basta na lang nyang hinagis sa kung saan saan kagabi. Pati mga damit nya ay pinulot ko na rin at binigay sa kanya. Binuksan ko ang drawer ko at humugot ng maisusuot. Mabilis akong nagbihis.
Sinulyapan ko si Atlas na nakaupo pa rin sa kutson at natatakpan lang ng mga damit na binigay ko ang kaselanan nya. Titig na titig sya sa akin habang nagbibihis ako. Naginit naman ang aking mukha.
“Huy Atlas magbihis ka na!” Untag ko sa kanya.
Saka lang sya tumingin sa akin at kumamot sa ulo.
“Yes sugar.” Tamad na tamad pa syang tumayo at mabagal na nagbihis. Parang ayaw pa nyang lumabas ng kwarto.
Iniwas ko ang tingin sa pagkalalaki nyang medyo nakasaludo. Ngayong maliwanag na ay malinaw ko ng nakita ang pagkalalaki nya. Malaki talaga sya kahit hindi pa erect na erect.
“Bakit kasi ang aga nila.” Sambit ni Atlas at humikab pa.
Umaawang ang labi ko. Parang ayaw pa nyang umuwi ang anak namin.
“May pasok ang anak mo.”
“Wala silang pasok ngayon.”
Tumaas ang kilay ko. “Paano mo nalaman?”
“May post kaninang madaling araw ang page ng school nila. Wala daw pasok ngayon sa school nila dahil pinasok ng tubig baha ang mga classroom kagabi. Lilinisin daw muna.”
Namangha ako sa sinabi nya. Hindi naman sya mukhang nagiimbento ng kwento. At totoo namang madaling pasukin ng tubig baha ang school ni Jeremiah dahil mababa ang lugar nito. Infairness updated sya.
May fb na rin kasi sya na bago at in-add kami ng anak nya. Mabuti pa nga raw si Jeremiah may fb sya wala. Active din sya doon sa pagpopost ng mga pictures naming tatlo.
“Sasabihin ko na lang kay mommy na sa kanila muna si Jeremiah tutal naman ay walang pasok para makapagsolo pa tayo.”
“Heh! Magsolo ka mag isa mo. Miss ko na ang anak ko no. Bilisan mo na nga dyan.” Sikmat ko sa kanya pero ang mukha ko ay siguradong pulang pula na.
Ng makapagbihis na ako ay nauna na akong lumabas. Dumiretso ako sa pinto at tinanggal ang mga lock. Binuksan ko ang pinto.
“Good morning mama!” Masiglang bati sa akin ni Jeremiah sabay yakap sa bewang ko.
Niyakap ko rin ang anak at hinalikan sa noo. Isang araw lang kaming hindi nagkita pero sobrang miss na miss ko na sya.
“I miss you mama.”
“I miss you too baby boy.”
Tumingin ako kay Tita Anita at Ava na mga nakangiti at nakatingin sa amin.
“Morning tita, Ava.” Bati ko sa kanila.
“Morning din iha. Pasensya na at ngayon lang namin naihatid pauwi si Jeremiah. Sobrang lakas kasi ng ulan kagabi at baha ang mga kalsada.”
“Naiintindihan ko po tita.”
“Ang dami nyang kinain kahapon Jo. Mahilig din palang kumain yan parang ako. Kaya nanaba eh.” Sabi ni Ava.
“Salap po kasi kain tita eh.” Sagot ni Jeremiah at tumingin sa loob ng bahay. “Saan po ti papa mama?”
“Ah nasa kwarto pa anak, pero palabas na nagbibihis lang.” Sambit ko. Eksakto namang lumabas si Atlas sa kwarto na nagsusuot pa ng sando.
“Papa!” Agad namang bumitaw sa akin si Jeremiah at tumakbo palapit sa ama. Agad naman syang binuhat nito.
Bumaling ulit ako kay Tita Anita at Ava. Napansin ko makahulugang ngiti sa mga labi nila. Nag init ang pisngi ko ng maalala ang mga narinig kong pag uusap nila. Malamang iniisip nila na may nangyari sa amin ni Atlas lalo na at nakita nila si Atlas na lumabas ng kwarto at nagbibihis ng sando.
Tumikhim ako. “Ah pasok po muna kayo tita, Ava.” Yaya ko sa dalawa.
“Salamat iha.”
Gumilid ako sa may pinto para makapasok ang dalawa. Giniya ko sila sa maliit naming sala at pinaupo sa mahabang monoblock chair. Binuksan ko ang stand fan at wallfan para hindi sila mainitan.
“Nakapag almusal na po ba kayo tita?” Tanong ko.
“Hindi pa. Binibida kasi sa amin ni Jeremiah na masarap daw ang pandesal dito sa inyo. Gusto kong tikman.” Si Ava ang sumagot na mukhang excited pa.
“Sa bahay na lang tayo mag almusal Ava. Makakaabala lang tayo. Papasok pa sa school ang pamangkin mo.” Wika naman ni Tita Anita.
“Ay oo nga pala.”
“Ayos lang po tita. Wala naman pong pasok si Jeremiah sa school ngayong araw.” Sabi ko.
“Yun naman pala ’my eh. Eh di dito na tayo mag breakfast.” Ani Ava.
“Kuh, ikaw talagang babaita ka basta pagkain.”
“Instant coffee lang ang meron kami at 3n1.” Sabat ni Atlas na buhat pa rin si Jeremiah.
“Ayos lang anak. Masarap din naman ang instant coffee at matagal na rin akong hindi nakakainom noon.” Sambit ni Tita Anita.
“Ako kuya milo lang sapat na.” Si Ava.
Nag-excuse naman ako at tumungo na sa kusina para mag asikaso. Una kong ginawa ay naginit ng tubig pagkatapos ay nilabas ko na sa ref ang hotdog at skinless. Sunod ay dinurog ko na ang kaning lamig. Si Atlas at si Jeremiah ay lumabas para bumili ng pandesal. Sumama sa kanila si Ava.
“Naku tita, ako na po dyan.” Bulalas ko ng makita si Tita Anita na nasa lamesa na at pumipilas ng bawang para dikdikin.
“Hayaan mo na ako iha. Gusto kong tumulong sa pagluluto.” Nakangiting sabi nya at luminga linga sa maliit naming kusina. “Teka nasaan ba ang sangkalan at kutsilyo.”
Kinuha ko sa pagkakasabit sa hook ang sangkalan at kutsilyo at nilapag sa mesa. Mukhang hindi talaga sya magpapaawat kaya hinayaan ko na lang. Nakakatuwa nga na hindi sila maarte ni Ava kahit dito lang kami nakatira ng anak ko.
Habang nagpeprepara kami ng agahan ay nagkukwentuhan kami ni Tita Anita. Para talaga syang si Ava. Parehas silang madaldal pero hindi naman nakakainis.
“Alam mo iha, natutuwa ako sayo.” Sambit ni Tita Anita habang naghihiwa naman ngayon ng kamatis. Nakita nya kasi na may itlog maalat at gusto nya iyon.
Ako naman ay piniprito na ang skinless at pagkatapos ay isasangag ko na ang dinurog na kanin.
“Bakit naman po?” Natatawang tanong ko.
Tumingin sya sa akin at ngumiti.
“Naaalala ko kasi ang sarili ko sayo noon. Maaga akong iniwan ng daddy ni Atlas at ni Ava. Three years old pa lang si Ava noon. Noong una nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Mahirap magpalaki ng dalawang anak na mag isa ka lang. Walang problema kay Atlas dahil malaki na sya noon. Kay Ava lang ako nahirapan dahil sakitin sya. Kapag nagkakasakit silang dalawa umiiyak ako. Oo, maraming perang iniwan ang ama nila pero parang hindi sapat sa akin yun dahil ang gusto ko ang presensya ng ama nila.”
Sa pananalita ni Tita Anita ay halatang namimiss nya ang ama nila Atlas.
May pagkakaparehas nga kami magkaiba lang ng sitwasyon. Pero noong dalawa pa lang kami ni Atlas hinahanap hanap ko rin noon ang presensya ni Atlas. Lalo na noong panahong nahihirapan ako at gusto ng sumuko.
“Matatag po kayong ina tita.” Turan ko.
“Mas lalo ka na iha. Kaya maswerte ang anak ko sayo. Kuh, kapag hindi ka pa nya pinakasalan tatanggalan ko sya ng mana.”
Natawa na lang ako sa sinabi ni Tita Anita. Pero natutuwa din ang puso ko dahil ramdam kong tanggap na tanggap nya ako para sa anak nya.
May nababanggit na tungkol sa kasal si Atlas pero hindi pa sya nagpoprose. At kung sakaling magpropose sya ay hindi na ako magpapabebe at o-oo na agad.
Dumating na ang tatlo na may dalang brown paper bag na may lamang pandesal. Ang magtiyahin nga ay ngumunguya na. Sarap na sarap si Ava sa pandesal. May cheese kasi yun sa loob at masarap kainin kapag mainit pa dahil tunaw ang cheese.
Tamang tamang pagkatapos kong magluto ay dumating naman si Leah. Ito ang unang beses na makikilala nya ang pamilya ni Atlas.
“Naku, ang ganda nyo po pala ma’am. Para kayong artista sa napapanood ko sa drama sa hapon.” Puri ni Leah kay Tita Anita. Maganda naman talaga si Tita Anita. Mestisa ang mukha nya. Kaya nga gwapo at maganda si Atlas at Ava.
Namumula ang pisngi na humagikgik si Tita Anita. “Salamat iha. Nakakatuwa ka naman.”
“Ako Ate Leah, hindi ba maganda?” Nakangusong sabat naman ni Ava na obvious na nagpapacute.
“Syempre naman maganda ka din. Maganda ang mommy mo eh.”
“Ay maliit na bagay te.” Kinikilig na sabi ni Ava na ikinatawa ko lang.
“Pero hindi nya kamukha si mommy. Si daddy ang kamukha nya.” Nakangising sabi ni Atlas.
“Ayos lang, gwapo naman si daddy eh.”
“Ako din po pogi, kamukha ko ti papa.” Singit naman ni Jeremiah na yumakap pa sa bewang ni Atlas.
“Syempre naman! Junior ka ni papa eh. Sino pa ba ang magiging kamukha mo eh di ako.” Natatawang sabi ni Atlas at binuhat si Jeremiah at pinanggigilan ng halik ang pisngi nito.
Nangingiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mag ama.
“Pero mas maganda sana kung magkaroon ulit kayo ng baby tapos girl naman at kamukha ni Jolene para mas masaya.”
Nag init ang pisngi ko sa sinabi ni Tita Anita.
“Naku mommy, I’m sure on the way na yun di ba kuya?” Baling ni Ava kay Atlas.
Ngumisi naman si Atlas at tumingin sa akin.
Tila naman sinilaban na ang mukha ko sa init. Sumagi pa sa alaala ko ang nangyari sa amin kagabi. Dahil walang proteksyon na gamit kagabi si Atlas ay posible nga talaga na mabuntis ako. Si Jeremiah nga nabuo lang sa isang gabi at tatlong ulit
Tumikhim ako. “Ah k-kain na tayo, lalamig na ang sinangag.” Sabi ko na lang.
Binaba naman ni Atlas si Jeremiah at tinulungan na ako sa paghain.
Chapter 32
Jolene
NAKAAWANG ang labi ko habang namamanghang nililibot ang mata sa loob ng malaking bahay. Malaki talaga ito at malawak. Parang kasing laki ng banyo dito ang apartment namin. Ganito yung mga bahay ng mga sikat at kilalang personalidad.
Fully furnished na ang bahay at mga gamit na lang ang kulang. May swimming pool pa nga at garden house. Sa labas ng bahay ay may malawak na lawn. Pangarap ko ang magkaroon ng ganitong kaganda at kalaking bahay.
Sinundo ako ni Atlas kaninang tanghali sa planta dahil naghalf day lang ako. Pagkatapos naming kumain sa isang mamahaling restaurant ay pumasok kami sa isang eksklusibong subdivision at dito nga kami huminto sa harap ng malaking bahay. At hindi ako makapaniwala sa sinabi nyang bahay namin ito.
“Taglaga? Bahay natin to?” Namamangha at hindi pa rin makapaniwala na tanong ko.
“Yes sugar I mean no, bahay mo to.” Nakangiting sabi ni Atlas.
Kumunot ang noo ko at naguguluhan sa kanya. “Ano ba talaga?”
Tumawa sya. “Sa iyo ang bahay na ito. Oh wait.”
Sinundan ko sya ng tingin ng lumabas sya ng bahay at tinungo ang kotse. May kinuha sya doon. Pagbalik nya ay may dala syang brown envelope. Binigay nya ito sa akin. Naguguluhang kinuha ko naman ito.
“Open it.” Aniya. Nakabukas pa sa kanyang mukha ang excitement.
Binuksan ko naman ang envelope at nilabas ang isang papel. Binasa ko iyon at namilog ang mata ko ng makita ang aking pangalan.
Napasinghap ako at tumingin kay Atlas. Malapad na ang ngiti sa kanyang labi.
“Bakit nakapangalan sa akin ang bahay na ito?”
“Dahil sayo talaga to sugar. Binili ko ito para sayo. Nagustuhan mo ba?”
Nangilid ang luha ko sa gilid ang aking mga mata. Tila din may bikig na bumara sa aking lalamunan. Suminghot ako at tuluyan ng naiyak.
Nataranta naman si Atlas at hindi magkandatuto sa pag alo sa akin.
“B-Bakit ka umiiyak Jolene? Hindi mo ba nagustuhan itong bahay? B-Bibili na lang tayo ng iba. May brochure naman ng mga bahay si Matias mamimili tayo ng gusto mo. Huwag ka ng umiyak please.”
Pinalo ko sya sa braso habang umiiyak pa rin. Hindi naman ako naiiyak dahil hindi ko gusto ang bahay. Umiiyak ako sa sobrang saya. Gustong gusto ko itong bahay. Kahit hindi malaki basta maayos ang bahay na ibibigay nya sa akin ay masaya na ako.
“Sugar naman, tahan ka na please. Ayokong nakikitang umiiyak ka. Bibili na lang tayo ng ibang bahay.”
Suminghot ako at muli syang pinalo sa braso.
“Sira! Umiiyak ako dahil masaya ako. G-Gustong gusto ko itong bahay.”
“Talaga? Gusto mo tong bahay?”
“Oo nga! Salamat Atlas. Hindi ko lang ito bahay kundi bahay natin ito.” Yumakap ako sa kanya. Niyakap din nya ako ng mahigpit at hinalikan sa tuktok ng ulo.
“I’m so glad na nagustuhan mo itong regalo ko sayo sugar. Umpisa pa lang to. Ang bahay na ito ay sayo. Ikaw ang boss dito at ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong gawin dito.” Anas nya sa aking tenga at bahagya akong nilayo sa kanya. “Pero bago ang lahat may sasabihin muna ako.”
Tumingala ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang mapupungay nyang mga mata.
“Ano yun?” Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata.
Ngumiti sya at hinawakan ang dalawang kamay ko. “Magpakasal na tayo sugar. Marry me Jolene.”
Umawang ang labi ko. Tila ako nabingi.
“N-Niyaya mo ko ng k-kasal?”
“Yes sugar. Kasal na lang ang kulang sa atin. Marry me.” Dinala nya sa labi ang mga kamay ko.
Kumagat labi ako at lumunok. Muling nangilid ang luha ko.
“Sugar.”
“O-Oo Atlas, magpakasal na tayo. M-Magpapakasal ako sayo.” Naiiyak pa na sabi ko.
Sabi ko nga kapag inaya nya akong magpakasal ay hindi na ako magpapabebe pa at papayag na agad.
Kinulong nya ang mukha ko sa dalawa nyang kamay at siniil ako ng halik sa labi sabay buhat sa akin at inikot ikot ako. Natatawang tumitili naman ako habang nakakapit sa leeg nya.
Binaba nya ako at niyakap ng mahigpit. Dama ko ang kasiyahan nya. Parehas kami ng nararamdaman. Parehas kaming masaya.
“I love you sugar. Hindi na ako makapaghintay na ikasal tayo. Pangako gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa sayo at mabuting ama sa anak natin at sa magiging anak pa natin.”
Tumingala ako sa kanya at inabot ang kanyang pisngi. Hinaplos ko ito.
“Pangako din magiging mabuting may maybahay ako para sayo. Mahal na mahal kita Atlas.”
Ngumiti sya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamamasa ng kanyang mata. Nag iwas sya ng tingin at pasimpleng pinahid ng kamay ang gilid ng mata. Pigil pigil ko naman ang sariling tuksuhin sya pero nangingiti ako.
Sobrang saya ko ngayong araw na ito dahil inaya na nya akong magpakasal. Sana kasama din naman ngayon si Jeremiah pero nandun na naman sya sa mamala nya at Tita Ava nya. Dahil wala ngang pasok sa school ay inaya sya ng mga itong pumunta sa Enchanted Kingdom na hindi naman nya talaga matatanggihan. Isang beses pa lang sya nakakapunta doon noong mag-three years old sya. Dinala namin sya doon ni Leah bilang celebration nya at tuwang tuwa talaga sya. I’m sure ngayon nage-enjoy sya sa mga pambatang rides. Bukod naman kay Tita Anita at Ava ay may kasama din silang dalawang bodyguard. Siniguro talaga yun ni Atlas bago sila payagan.
“Let’s go sugar.” Hinawakan ni Atlas ang kamay ko at hinila ako palabas ng bahay.
“Teka, saan na naman tayo pupunta?” Natatawang tanong ko.
Lumingon sya sa akin at ngumisi. “Sa mall, bibili tayo ng mga gamit para dito sa bahay.”
Umawang ang labi ko. “Agad agad?”
“Yes sugar.”
“Ok!”
Naexcite na rin akong bumili ng mga gamit para dito sa bahay namin.
.
.
Atlas
NANGINGITING pinagmamasdan ko si Jolene na mabusising namimili ng mga gamit sa kusina. Tinitingnan pa nya ang bawat presyo at napapangiwi sya sabay usal ng ‘Ang mahal naman.’ Gusto pa nga nyang lumabas na ng mall at sa divisoria na lang daw kami bumili dahil mas mura. Ang sabi ko naman ay walang problema. Kahit gaano pa yan kamahal ay bibilihin namin. Binigay ko na nga sa kanya ang tatlong credit card ko at dalawang atm. Noong una ay ayaw pa nyang tanggapin kaya sinabi kong hawakan lang nya. Kapag kinasal naman kami sa kanya naman lahat yun.
Natatawa na lang ako sa sarili ko. Dati ayoko ng kinokontrol ako ng kahit sino. Lalo na ng mga babae. Pagbigyan ko lang sila ng tama sapat na yun. Pero ngayon willing na willing akong magpa-control kay Jolene. Excited na excited nga ako na ikasal kami. Bukas na bukas ay maghahanap na ako ng wedding planner.
“Tingnan mo tong kawali na to Atlas. Maganda yung ganitong kawali non stick sya. Pangarap ko yung ganitong kawali eh kaso ang mahal naman.” Aniya habang hawak ang isang kawali.
“Eh di bilhin natin. Kahit ilang ganyan pa.” Nakangising sabi ko.
Tumingin sya sa akin at ngumuso. “Yung mura na lang ang kukunin ko.”
Kinuha ko ang kawali sa kamay nya at nilagay sa cart namin. Wala na syang nagawa. Anumang madampot nya ay nilalagay ko na lang sa cart.
Pagkatapos naming makumpleto ang lahat ng utensils sa kusina ay mga appliances naman ang binili namin. Nagdadalawang isip pa sya noong una dahil nagkakahalaga ng daang libo ang bawat appliances. Ang pinaka mura lang yata ay electric fan. Alam kong nanghihinayang sya sa pera ang sabi ko naman ay kikitain ko naman yan.
Marami pa kaming mga gamit na binili para sa bahay gaya ng sofa set, lamesa, mga kama, kurtina, bed cover at kung ano ano pa.
Nang mabili na namin ang lahat ng kailangan namin ay nagbayad na kami. Halos lumuwa ang mata nya sa kabuuang halaga. Para hindi na sya makakontra ay agad ko ng iniabot sa manager ang isang credit card na hawak nya.
Binigay ko sa manager ang adress ng bahay namin para doon ideliver ang mga pinamili namin. Binilinan ko pa sila na ingatan ang mga gamit.
“Grabe ang mamahal ng mga binili natin Atlas. Sa susunod talaga sa divisoria na lang tayo mamili.”
Natatawang inakbayan ko sya. Kanina pa sya naglilitanya tungkol sa mga pinamili namin na umabot na nga ng mahigit dalawampung milyon.
“Oo na, next time sa divisoria naman tayo magsa-shopping.” Pagsakay ko na lang pero why not. Basta kung saan nya gusto eh di doon kami.
“Tara milktea tayo nauuhaw na ako.” Yaya nya sa akin at tinuro ang isang stand na pinipilahan ng ilang tao.
Lumapit kami doon at nakipila na rin. Namili kami ng flavor ng milk tea na gusto naming orderin. Hindi naman ako mahilig sa milk tea at isang beses pa lang naman ako natikim noon dahil naguwi noon si Ava at binilhan kami ni mommy ng tig isa. Si Jolene na ang pinapili ko ng flavor na para sa akin.
Habang nasa gitna kami ng pila ay napapansin ko ang ilang mga kababaihan na patingin tingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinapansin at nakaakbay lang kay Jolene. Mukhang napansin na rin yun ni Jolene dahil nakita ko ang bahagya nyang pagsimangot at lalo pang dumikit sa akin. Napangiti naman ako. Mukhang nagseselos ang sugar ko.
Hanggang sa makuha na namin ang biniling milktea ay wala pa rin syang kangiti ngiti.
“Ayos ka lang sugar? Di ka na nangiti dyan.” Pigil ang ngiting untag ko sa kanya.
Nanghaba ang nguso nya at sumipsip sa straw. “Ayos lang ako, medyo naiinitan lang.”
“Naiinitan ka? Ang lakas kaya ng aircon dito sa mall.”
Tumingin sya sa akin at umirap. “Eh sa niinitan ako eh.”
Tumawa na ako. Nagseselos nga talaga ang sugar ko. Nagsusungit sa akin eh.
Tumigil lang ako sa pagtawa ng samaan nya ako ng tingin.
“Atlas?”
Sabay kaming lumingon ni Jolene sa babaeng tumawag sa pangalan ko.
Umawang ang labi ko ng makita si Lizel. Ang ex ko.
Chapter 33
Jolene
“LET’S go sugar.”
Mahigpit na hinawakan ni Atlas ang kamay ko at hinila ako. Nilampasan namin ang babae na payat na payat. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdilim ng kanyang mukha ng makita nya ang babae.
Na-curious tuloy ako kung sino yung babae at parang galit sa kanya si Atlas.
“Atlas wait!” Humabol sa amin yung babae at humarang sa daraanan namin.
Huminto naman kami ni Atlas sa paglalakad.
“What do you want Lizel?” Malamig na tanong ni Atlas.
Napasinghap ako ng marinig ang pangalan na tinawag nya sa babae. Hindi ko makakalimutan ang pangalan na yun na binanggit ni Ava na ex ni Atlas. Sya ang babaeng sumagot ng tawag ko noon at sinabing fiancee sya ni Atlas.
Mariin kong pinaglapat ang labi at humigpit ang hawak ko sa kamay ni Atlas. May bumabangong galit sa dibdib ko para sa babae.
“C-Can we talk?” Nakikiusap ma sabi ni Lizel. Ang boses nya ay parang hapong hapo.
Tumiim bagang si Atlas na matalim ang tingin kay Lizel.
“Ano pang pag uusapan natin? May bago kang kwento? Huwag na lang. Hindi ako interesadong makausap ka. Halika na sugar.” Muli akong hinatak ni Atlas at nilampasan namin ang babae.
“Please let’s talk Atlas. Please!” Humabol ulit sa amin ang babae at humawak pa sa braso ni Atlas.
Piniksi naman ni Atlas ang braso. Pero muntik ng matumba si Lizel. Hindi naman malakas ang pagkakapiksi ni Atlas at hindi rin naman mukhang nag iinarte ang babae. Mukha kasi syang hinang hina.
Napansin kong pinagtitinginan na kami ng ibang taong dumaraan.
“Pwede ba Lizel. Tigilan mo na ako. Tama na ang panggugulo mo sa akin.” Mariing sambit ni Atlas. Bakas sa kanyang mukha ang pagtitimpi.
Kumagat labi naman si Lizel at yumuko. “G-Gusto ko lang naman makausap ka..”
“Pagkatapos ng mga ginawa mo may lakas ng loob ka pang makipag usap sa akin. Galit na galit ako sayo alam mo ba? Ng dahil sayo limang taon kong hindi nakasama ang mag ina ko.” Puno ng hinanakit ang boses ni Atlas.
“I-I’m so sorry..” Mahinang sambit ni Lizel at tumingin sa akin. Walang kabuhay buhay ang mukha nya at maputlang maputla. Tanging lipstick lang nya sa labi ang nagbibigay kulay.
Tinigasan ko naman ang ekspresyon ng mukha. Ngayong nakaharap ko na sya ay halo halo naman ang nararamdaman ko. Galit at awa sa kanya. Sa hitsura nya ay alam kong may dinaramdam sya.
“Huli na ang sorry mo. Kahit ilang beses ka pang magsorry nangyari na. Kung talagang sinsero ka sa paghingi ng sorry tigilan mo na ako. Masaya na ako ngayon kasama ang mag ina ko.”
“Gusto lang naman kitang makausap kahit sa huling pagkakataon.. S-Sana mapagbigyan mo ko.” Pamimilit pa rin ni Lizel at muling tumingin sa akin. Nasa mukha nya ang determinasyon na makausap si Atlas.
Bumuntong hininga ako. Mukhang hindi sya titigil hanggat hindi nakakausap si Atlas. Mukhang hindi rin naman gulo ang hatid nya. Pagbibigyan ko ang babae sa huling pagkakataon na makausap si Atlas pero syempre kasama ako.
“Ang mabuti pa pumasok muna tayo sa isang resto para makapag usap.” Saad ko.
“Sugar.” Protesta ni Atla. Bumukas ang pagtutol sa kanyang mukha.
Matiim kong tiningnan si Atlas. “Sige na Atlas, para matapos na ito.”
Hindi na nagsalita si Atlas at bumuntong hininga na lang.
“S-Salamat miss.” Sambit ni Lizel at kiming ngumiti.
Tipid din akong ngumiti. “Ako si Jolene, ang fiancee ni Atlas.” Pagpapakilala ko.
Umawang naman ang labi nya at mukhang nabigla sa sinabi ko. Pero wala naman akong nababakasan ng pagprotesta sa kanyang mukha.
“I’m Lizel.” Nilahad nya ang kamay. Tinanggap ko naman yun. Ang lamig ng kamay nya. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon ng mall iyon o dahil talagang may sakit sya.
Pumasok kami sa isang chinese restaurant at doon nag usap..
“I’m dying.. tinaningan na ako ng doctor na hindi na ako m-magtatagal. That’s why.. gusto kong humingi ng tawad sa’yo, at sa mag ina mo. A-Ayokong mamatay na kinamumuhian ako ng mga taong nagawan ko ng k-kasalanan..”
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi ni Lizel. Nabigla ako. Nanayo ang mga balahibo ko. Nahalata kong may sakit sya pero hindi ko naman inaaasahan na ganito pala kalubha. Nakaramdam ako ng lungkot at awa sa kanya. Ang bata pa nya para mamatay.
“Tss, baka nagiimbento ka na naman para kaawaan kita. Hindi na bebenta sa akin yan.” Sarkastikong sabi ni Atlas na ikinasinghap ko.
Lumingon ako sa nobyo. Nakaismid sya kay Lizel. Hindi sya naniniwala dito. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil. Lumingon naman sya sa akin.
Malungkot na ngumiti si Lizel at salitan na tumingin sa aming dalawa.
“I-I know hindi ka maniniwala sa akin. Kasalanan ko naman dahil sa dami ng nagawa kong kasalanan sayo.. P-Pero paulit ulit akong hihingi ng tawad sayo.. I’m really really sorry Atlas.. n-nagawa ko lang ang lahat ng yun dahil sobra kitang mahal. N-Naging bulag ako at bingi. I’m so sorry.. I’m really sorry.. Tanggap ko kung hindi mo ko mapapatawad..” Sa akin naman sya bumaling at nahihiyang ngumiti. “I’m really sorry Jolene. Naging makasarili ako at madamot. I’m so sorry.. Sana mapatawad mo din ako..” Pinalis nya ng daliri ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.
Lumunok ako. Tila may bikig na nakabara sa lalumunan ko at parang gusto na ring tumulo ng luha ko. Bilang babae ay dama ko ang paghihirap ng loob nya. Malaki ang kasalan nya sa amin ni Atlas, sa akin. Pero ngayong nakikita ko ang sitwasyon nya parang unti unting nalulusaw ang galit ko sa kanya. Kapatawaran lang ang hinihingi nya sa natitira nyang maiksing buhay. Sino ba naman ako para hindi magpatawad sa taong nasa dapit hapon na ang buhay.
Inabot ko ang kamay ni Lizel. Tumingin sya sa akin.
Nginitian ko sya.
“Pinapatawad na kita.” Bukal sa kalooban na sambit ko.
Ngumiti naman sya hanggang sa unti unting naging sibi ang ngiti at sunod sunod ng pumatak ang kanyang luha. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko.
“Sugar.” Tawag sa akin ni Atlas. May pagtutol sa boses nya.
Nilingon ko sya at matiim na tiningnan. Alam kong labis syang nasaktan sa ginawa ni Lizel. Hinawakan ko rin ang kamay nya at pinisil sabay ngiti.
Bumuntong hininga naman sya at tumingin kay Lizel. Lumalambot na ang kaninang matigas na ekspresyon ng kanyang mukha.
“I forgive you.” Sambit nya.
Umawang ang labi ni Lizel at tuluyan ng umiyak. “T-Thank you Atlas. Thank you so much. Thank you sa inyong dalawa. Thank you. Thank you..” Paulit ulit nyang sambit.
Nagtinginan kami sa isa’t isa ni Atlas at ngumiti. Pinisil nya ang kamay ko. Hindi man kami magsalita ay nagkakaintindihan naman ang mga puso naming dalawa.
“Sana ibaling mo sa makabuluhang bagay ang natitita mong maiksing panahon Lizel. Alisin mo na yang bigat sa dibdib mo at i-enjoy mo na lang natitirang buhay mo.” Payo ni Atlas kay Lizel.
Suminghot singhot naman si Lizel habang pinupunasan ang luha sa pisngi. Umaliwalas bigla ang mukha nya.
Tumingin sya sa amin ni Atlas at ngumiti. “Maraming salamat talaga sa inyong dalawa.. Kapatawaran nyo lang talaga ang hinihintay ko. Makakatulog na ako ng maayos at wala ng iisipin..”
Nakaakbay sa akin si Atlas at ako naman ay nakahawak sa bewang nya habang papalabas kami ng mall. Matapos ang pakikipag usap namin kay Lizel ay parehas gumaan ang aming pakiramdam. Tila may nabunot na tinik na matagal ng nakabaon.
Kinabig nya ako at hinalikan ng mariin sa sentido.
“Bakit ba sobrang bait mo? Napakadali sayo ang patawarin si Lizel.” Sambit nya. Papunta na kami ngayon sa parking area.
“Eh kasi naman nakakaawa sya. Hindi madali ang pinagdadaanan nya. At isa pa sinsero naman sya sa paghingi ng tawad. Ang importante bandang huli tayong dalawa pa rin. So bakit hindi pa natin sya patawarin.”
“Hmp.” Pinupog nya ako ng maririing halik sa sentido at pisngi. Natawa naman ako at the same time ay nahihiya din dahil pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin.
Pinalo ko sya sa braso. “Tama na nga nakakahiya! Ang daming nakatingin.” Saway ko sa kanya.
Ngumisi lang sya. “Hayaan mo silang mainggit.”
“Sira.” Kunwaring inirapan ko sya.
“But honestly sugar.. I’m so proud of you and I’m so lucky to have you. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sayo. Sana nga bukas na.”
Kinilig naman ako sa sinabi nya. Ang cheesy cheesy nya talaga kahit noon pa. Kaya nga ako nahulog sa kanya.
“Atat ka naman. Kakapropose mo pa nga lang kanina eh.” Pero sa loob loob ko ay excited na rin akong maging asawa nya sa papel, sa mga mata ng tao at sa mata ng Diyos.
Ngumuso sya. “Eh sa excited na ako eh.” Malambing na sabi nya.
Natawa ako sa pagnguso nguso nya. Parang syang ang anak namin kapag naglalambing.
“Sayo nga talaga nagmana ang anak natin. Tayo na nga ng makauwi na.” Yaya ko sa kaya ng makalapit na sa kotse nya.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan pang sumakay. Umikot sya at sumakay na rin sa driver seat. Kinabit ko naman ang seatbelt.
“Saan tayo sugar?”
“Eh di sa bahay, gusto kong humilata muna at umidlip napagod ako ngayong araw.”
Pilyo syang ngumiti. Kakaiba din ang kinang ng kanyang mga mata.
Tumaas ang kilay ko kasabay ng pagiinit ng aking pisngi. Alam kong may iba syang iniisip.
“Hoy Atlas, kung anuman yang iniisip mo magtigil tigil ka pagod ako.” Nakangusong sabi ko at humalukipkip.
Tumawa naman sya habang kinakabit ang seatbelt. “Bakit? Ano bang iniisip ko?” Painosente pa nyang tanong.
Inirapan ko sya. Kunwari pa sya eh.
“B-Basta alam mo na yun.”
“Huu, ikaw yata ang may iniisip eh.” Nanunuksong sabi nya.
Pinalo ko naman sya sa braso na ikinatawa lang nya. Siguradong pulang pula na ang mukha ko.
“Umuwi na nga tayo.”
“Uy excited na sya.”
“Atlas!”
Malakas lang syang tumawa at binuhay na ang makina.
Ito muna for tonight’s update. Kailangan ko ng matulog dahil check ko bukas 😊
Chapter 34
Warning 🔞
Jolene
“PARA sa nalalapit na kasal ni Pareng Atlas!” Sambit ni Kester at tinaas ang hawak na bote ng beer. Itinaas na rin ng lima nyang kaibigan ang mga hawak na beer at pinagpingki nila ito sa ere sabay tungga.
“Congratulations sa nalalapit nyong kasal.” Bati sa akin ni Ivy ang asawa ni Jeiz. Kandong kandong nya ang anak na isang taong gulang.
“Salamat.” Nakangiting sambit ko.
Nagdaos kami ng kaunting salo salo dito sa bahay nila Atlas para nga sa engagement namin. Ang gusto nga ni Atlas ay bongga. Pero tumanggi ako, gusto ko simple lang at kasama lang mga malalapit naming mga kaibigan. Syempre kasama ko si Leah, si Nana at si Tata, inimbitahan ko rin sila Ivona, Miriam at Ruby.
Nakilala ko na rin ang mga asawa ng mga kaibigan ni Atlas na hindi rin pala nalalayo ang edad sa akin. Mababait din sila at magaganda pa. Nagulat pa nga ako ng malaman na asawa pala ni Ivona si Luigi. Nalalapit na rin ang kasal nila sa simbahan. Mauuna sila sa amin at buntis na rin sya. Medyo halata na nga ang tiyan nya at blooming na blooming pa. Masyadong protective din sa kanya si Luigi.
“Sino kaya sa magkakaibigan ang susunod na mag aasawa?” Tanong naman ni Aitana na isang guro at asawa ni Lorenzo. May anak na rin sila pero hindi nila kasama at iniwan daw nila ito sa mga magulang ni Lorenzo.
“Si Kuya Matias siguro.” Sagot ni Ivona.
“Nakow! Malabo yan bes. Sa sungit ni Kuya Matias aabot yan ng sisenta wala pang asawa.” Sabat ni Ava na pumapapak ng balat ng lechon. Nagmamantika na nga ang bibig nya.
“Grabe ka naman bes. Mabait naman si Kuya Matias ah.”
“Mabait kapag tulog. Lagi nga akong sinusungitan nyan eh.” Nakangusong sambit ni Ava.
“Eh kasi lagi mong binubwisit. Luka luka ka rin kasi eh.” Natatawang sabi ni Ivona.
“Masarap kasi syang bwisitin eh. Namumula yung mukha sa galit tapos parang umuusok yung tenga at ilong.”
“Gaga.” Pati ako ay natawa na rin. May pagkapilya kasi talaga itong si Ava. Tapos malakas pang mang asar. Asar talo nga sa kanya si Atlas.
“Pero alam nyo ba noong maliit ako hinabol ako ng palo nyan dahil dinrawingan ko ang bagong bili nyang kotse. Ayun galit na galit sya at hinabol ako ng tsinelas.” Pagkukwento ni Ava.
“Parang yun lang hinabol ka na ng palo. Patola si Matias ha.” Komento ni Aitana.
Ngumiwi naman si Ava. “Eh kasi ang pinangdrawing ko pako. Kaya ayun galit na galit sya.”
Sabay sabay kaming bumunghalit ng tawa. Mabuti na lang hindi namana ni Jeremiah ang kapilyahan nya. Baka lagi akong mapaaway.
“Ay kaya naman pala. Eh kahit ako man yun hindi lang palo ang aabutin mo sa akin. Pinabaranggay pa kita.” Saad ni Miriam.
“Pero hindi naman ako napalo dahil nagkulong ako sa loob ng kwarto. At saka ninong nya ang daddy ko kaya hindi nya ako mapapabarangay.”
Marami pang kinuwento si Ava tungkol sa mga kapilyahan nya noong bata pa. Tawa naman kami ng tawa. Napapatingin na nga sa amin sila Atlas dahil mas malakas pa ang tawanan namin kesa sa kanila.
“Mukhang nagkakasiyahan kayo babe ah?” Sambit ni Jeiz kay Ivy.
“Usapang babae lang to hon, enjoy ka lang.” Nakangising sabi ni Ivy. Bumaba ang anak nyang si Jethro mula sa kandungan nya at lumapit sa ama. Inalalayan naman ito ni Ivy at ng makalapit na ang anak sa ama ay muli syang bumalik sa mesa namin.
“Baka kami na ang pinaguusapan nyo ha.” Wika ni Kester.
“At bakit naman namin kayo paguusapan Kuya Kes, gold kayo?” Bira ni Ava.
“Hindi, pero mga gwapo kami.” Hirit pa ni Kester sabay hiwayan ng mga kaibigan nyang nasa mesa maliban lang kay Matias na ngumisi lang.
Well, totoo namang mga gwapo sila. Walang tapon ika nga. Pero syempre pinaka gwapo para sa akin si Atlas.
“Gwapo ka dyan. Hindi kaya! Si Kuya Matias lang ang gwapo sa inyo. Lamang na lamang sya sa inyo ng sampung ligo. Di ba Kuya Matias?”
Nakataas ang isang kilay na lumipad ang tingin ni Matias kay Ava.
“Shut up Ava. Wala akong pera.”
Ngumuso si Ava. “Kuripot. Binabawi ko na pala, di ka ganun kagwapo wala kang pera eh.”
Sinamaan ng tingin ni Matias si Ava. Tumawa naman sila Atlas.
Habang lumalim ang gabi ay tuloy lang ang munti naming selebrasyon. Umiinom man kaming mga babae pero wine lang at champagne. Ang mga lalaki naman ang umiinom ng hard. Nakisali na rin sa amin si Tita Anita na kasing daldal din ni Ava. Si Jeremiah naman ay nasa entertainment room at nanonood ng paborito nyang cartoon kasama ang isang kasambahay na itinalaga ni Tita Anita.
Sa December na bago ang katapusan ang kasal namin ni Atlas. Yun ay apat na buwan mula ngayon. Dalawang wedding organizer ang kinuha ni Atlas. At mas hands on pa sya sa akin sa pag aasikaso ng mga detalye sa kasal. Kung ako ang tatanungin gusto ko simpleng kasal lang talaga para hindi masyadong magastos. Pero ayaw pumayag ni Atlas. Minsan lang daw kami ikasal kaya dapat engrande at regalo daw nya iyon sa akin. Yun din ang gusto ni Tita Anita at Ava. Pumayag na rin ako.
Nakalipat na rin kami sa bago naming bahay at pinablessing na namin ito. Syempre kasama din namin doon si Leah. Kumpleto na yun sa mga gamit. May sarili ng kwarto si Jeremiah. Kami naman ni Atlas ay magkasama ng natutulog sa masters bedroom. Pero katabi pa rin naming matulog si Jeremiah. Hindi pa kasi sya sanay matulog ng walang katabi.
“Ako masaya ikakasal ka na Jolene.” Sambit ni Nana na katabi ko sa upuan.
“Salamat po nana.”
“Deserved mo yan. Saksi kami ni Tata mo sa paghihirap mo. Mabuti kang babae at ina kaya deserved mo sumaya.”
Ngumiti ako kay Nana. Malaki ang utang na loob ko sa kanila ni Tata. Sila ang tumayong parang magulang ko. Dinamayan nila ako sa lahat ng paghihirap ko noon. Balang araw masusuklian ko rin sila sa mga kabutihan nila sa akin.
Bigla namang sumagi sa isip ko si mama. Sa tuwing naiisip ko sya nalukungkot ako. Limang taon na kaming hindi nagkikita. Simula ng lumuwas ako dito sa Manila ay hindi pa ako umuuwi sa Zambales. Si Leah lang ang umuuwi doon isang beses sa isang buwan para dalawin ang mga magulang nya. Sa kanya lang ako nakikibalita tungkol kay mama. Wala na daw sya bahay at sumama na kay Norman sa probinsya nito. Ang nakatira sa bahay namin ay ang tiyahin at tiyuhin ko. Alam ni mama na nandito ako sa Manila at kasama si Leah pero hindi sya nagabala na puntahan ako dito. Aaminin ko may tampo pa rin ako sa kanya. Pero namimiss ko rin sya. Sana makasama ko sya sa importanteng araw ng buhay ko. Yun ay ang araw ng kasal ko.
.
.
.
Pagpasok pa lang namin sa kwarto ay agad akong sinunggaban ng halik ni Atlas sa labi. Sinandal nya ako sa pinto at narinig ko ang paglock nya nito. Iniyakap ko naman ang mga braso sa kanyang batok at tumugon sa mapusok nyang halik. Nalalasahan ko pa ang alak sa labi nya. Marami rami din syang nainom pero hindi naman sya lasing.
Nagsipag uwian na ang mga bisita at kami naman ay dito na pinatulog ni Tita Anita. Si Jeremiah ay nakatulog na sa kwarto ni Tita Anita at hindi na namin inistorbo ito. Si Leah naman ay sinamahan pauwi si Nana at Tata hatid ng driver ni Atlas. At heto naman kami ngayon ni Atlas sa kwarto nya at parehas nagiinit.
Binuhat nya ako. Iniyakap ko naman ang mga binti sa balakang nya habang wala pa ring puknat ang halikan namin.
Naglakad sya palapit sa kama at hiniga ako doon. Bumangon sya at mabilis na hinubad ang damit at kinalas ang sinturon. Hindi rin ako nagpatalo at hinubad ko na rin ang blouse ko. Tinulungan pa nya ako sa paghubad ng pantalon. Ng mahubad na ang lahat ng saplot ko ay dumagan na sya sa ibabaw ko at muli akong siniil ng halik habang ang mga kamay ay humahaplos at pumipisil sa aking katawan..
“Ohh Atlas!” Daing ko ng sumubsob sya sa pagkababae ko habang piga piga ng isa nyang kamay ang aking dibdib.
Tila ako bulating inasinan sa likot ng katawan ko. Sabunot ko ang buhok ni Atlas habang tila sya gutom na sinisibasib ang aking pagkababae. Umaalpas ang mahahabang ungol sa aking bibig dahil sa hatid na sarap ng bawat hagod ng kanyang mainit na dila. Sinisipsip pa nya ang maliit kong butil doon na nagdudulot ng masarap na kiliti.
“Oh my ghad Atlas – ahh! Uhng shit!”
Bumibigat na ang bawat paghinga ko at bumibilis din ang pagtibok ng aking puso. Ramdam kong malapit ko ng marating ang sukdulan dahil sa tensyong namumuo sa puson ko at anumang oras ay sasabog na ito.
Pigil pigil ko ang sariling umungol ng malakas. Kahit na ba soundproof itong kwarto nya ay hindi pa rin ako komportable na umungol ng malakas.
Ilang sandali pa nga ay nanigas na at nanginig ang katawan ko kasabay ng pagagos ng likido sa bukana ko. Tila ako mamawalan ng ulirat sa sarap na nararamdaman ko.
Habol ko ang hininga ng matapos ako. Para akong nakipag habulan.
Nakita kong bumangon si Atlas at nagmamadaling hinubad ang pantalon. Napakagat labi ako ng muling masilayan ang pagkalalaki nyang tayong tayo at tila may sariling buhay na tumatango. Parang gusto ko iyong hawakan.
Pero bago ko pa maisagawa ang nais ay muli syang dumagan sa ibabaw ko at pinaghiwalay ang aking mga hita. Yumakap naman ako sa batok nya. Siniil nya ako ng halik kasunod niyon ay naramdaman ko ang pagkatok ng pagkalalaki nya sa lagusan ko…
“Ughh fuck sugar.. you’re still so tight!” Daing nya habang mabilis na umuulos sa lagusan ko.
“Ahh! Ahh! Ahhmmm – Atlas sige pa!”
“Like this sugar? Huh?” Mas diniinin pa nga nya ang pag ulos at halos lumubog na ako sa kama nya.
“Y-Yes Atlas! Ughh! Ughh! Uhhmmm!” Tila nawawala na rin ako sa sarili at napapapalakas na rin ang ungol ko.
“You feel so fucking good sugar puta! Ughhh!”
Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ng mga binti sa balakang nya. Ramdam kong malapit na naman akong labasan at nararamdaman din yun ni Atlas dahil mas lalo pang naging intense ang bawat ulos nya.
“U-Ughh Atlas! Malapit na ako! Ahh!”
“Me too sugar! Fuck!”
Ramdam ko na nga ring malapit na sya dahil parang lumalaki ang pagkalalaki nya sa loob ko. Palakas ng palakas na rin ang ungol nya.
At ilang ulos pa nga nya ng sagad ay sabay ng nanigas ang aming katawan. Damang dama ko ang pagkislot ng pagkalalaki nya sa loob ko at ang mainit nyang likido. Hindi ako natatakot na mabuntis ulit. Bakit pa? Nandito na sya sa tabi ko at ikakasal na kami. Akin na sya habang buhay.
“I love you sugar.. I love you..” Malambing na bulong nya sa tenga ko habang tinataniman ako ng maliliit na halik sa pisngi at gilid ng labi.
Hinaplos ko naman ang pisngi nya. “I love you too Atlas..”
Nag angat sya ng mukha at tumitig sa mata ko. Sumalubong sa akin ang mapupungay nyang mga mata. Hinaplos din nya ang aking pisngi.
“Mula noon hanggang ngayon.. ikaw lang ang babaeng mahal na mahal ko Jolene. Hindi na kita pakakawalan pa.”
Napangiti ako sa sinabi nya. Lugod na lugod ang puso ko sa tuwa.
“Ikaw lang din ang lalaking mahal na mahal ko. Nagalit man ako sayo noon pero hindi nawala ang pagmamahal ko sayo Atlas.”
Ngumiti sya at muli akong siniil ng halik. Masuyo ang halik nya sa una hanggang sa sa unti unting naging mapaghanap at mapusok. Tinugon ko naman ang kapusukan ng kanyang halik hanggang sa halos mapugto na ang aming hininga.
Naghiwalay ang mga labi namin at hinugot nya ang kanyang pagkalalaki. Humiga sya sa tabi ko at itinagilid ako ng higa. Tinaas nya ang isa kong hita at muling tinutok ang kanyang pagkalalaki sa aking lagusan. Humawak naman ako sa malaki nyang braso. Sa ganoong posisyon ay muli nya akong inangkin.
Chapter 35
Jolene
NATIGILAN ako sa paghihiwa ng carrots ng makarinig ng doorbell. Kumunot ang noo ko. May bisita yata kami. Akmang aalis sa harap ng lababo ang bago naming kasambahay na si Ate Siony pero pinigilan ko sya.
“Ako na magbubukas Ate Siony.” Binitawan ko ang kutsilyo at pinunasan ng malinis na basahan ang kamay.
Lumabas ako sa malawak naming kusina. Noong una medyo naninibago ako sa bahay namin. Kapag lalabas ng bahay ay mahaba pa ang lalakarin. Hindi gaya sa dati naming tinitirhan na apartment na ilang hakbang lang nasa labas na ng pintuan. Pero si Jeremiah ay enjoy na enjoy dito sa bahay namin. Paborito nyang parte ng bahay ay ang swimming pool. Madalas silang magswimming ng papa nya. Gaya kanina, nagbabad na naman silang dalawa sa swimming pool at kakaahon lang. Inaaya nga nila ako pero tumanggi ako dahil tutulong pa ako sa pagluluto. Tamang tama naman na linggo ngayon at wala kaming mga pasok parehas. Si Leah naman ay nasa kanila Nana.
Napakunot ang noo ko ng matanaw ko sa gate ang matangkad na babae na may sukbit na bag sa braso.
Sino kaya sya?
Muli pang tumunog ang doorbell kaya binilisan ko na ang paglalakad sa pathway. Naalala ko ang suhestiyon ni Atlas na magtatalaga sya ng mga bantay sa gate. Tutol sana ako pero sabi nya para rin daw yun sa safety naming mag ina kapag wala sya dito sa bahay. Kaya go na lang ako. Alam naman nya kung ano ang makakabuti sa amin.
Binuksan ko ang maliit na gate. Tumambad sa akin ang matangkad at magandang babae na blondina ang buhok. Nakahapit sya na pantalong itim at stilleto shoes. Ang pang itaas nya ay sleeveless blouse na puti at may scarf sa leeg. Pink na pink ang labi nya at mahahaba ang false lashes. Pero parang may kakaiba sa kanya. Parang medyo maskulado yata ang katawan nya para sa isang babae. Malalaki ang mga braso ganun din ang mga hita at binti na hapit sa suot na itim na pantalon. Ang mga paa nya ay malaki at medyo maugat at halos mapatid ang mga strap ng stilletong kanyang suot.
“Ah hi!” Nakangiting bati sa akin ng babae.
Umawang ang labi ko ng marinig ang boses nya. Parang may mali.
“H-Hello. Sino sila?” Tanong ko.
“I’m Rika. Nandyan ba si Atlas?”
Tumaas ang kilay ko. Bakit nya hinahanap si Atlas? Huwag nyang sabihin na ex sya ni Atlas. At paano nya nalaman itong bahay namin? Sinabi sa kanya ni Atlas?
Tila umakyat ang dugo ko sa ulo ko.
“Ah miss – “
“Ex ka ba ni Atlas?”
“What?”
“Tinatanong ko kung ex ka ni Atlas?” May katarayan ng tanong ko. Wala akong pakialam kung malaki syang babae.
Napatutop sa bibig ang babae na tila nasusuka pero parang hindi naman.
Anyare sa kanya?
“Omg! Pangalawang beses na tong napagkamalan akong babae ng mga kaibigan ko ha. Nakakaloka! Ay kennat!” Tumingin sa akin ang babae. “You’re Atlas fiancee right?”
Kumunot ang noo ko. Paano nya nalaman? Sinabi rin ni Atlas?
“Oo ako nga.”
Pinitik nya ang daliri sa ere at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Sabi na eh. Tama nga ang pinsan ko pretty daw ang fiancee ni Atlas. I like your beauty miss. Morena, pilipinang pilipina na may pagkalatina. Kaya naman pala forda go na si Atlas na pakasalan ka. Anyway, iko-correct lang kita, hindi ako ex ni Atlas. Eww! Gwapo si Atlas pero di ko sya type!” Litanya nya sa ipit na boses na parang diring diri.
Umawang naman ang labi ko. So mali pala ang iniisip ko. Kaibigan daw sya ni Atlas. Parang wala naman kasi akong kilalang kaibigan na babae si Atlas. Ang mga babaeng alam ko lang ay mga ex nya.
“Anyway ano palang name mo dear?”
“Ah sorry, Jolene ang pangalan ko.” Nagaalangan na nilahad ko ang kamay. Agad naman nya iyong hinawakan. Pati kamay nya ay malaki. Parang kamay ng lalaki. Hindi kaya..
“Ahm, sorry sa itatanong ko ha. Pero g-gay ka ba?”
Malapad na ngumiti sya. “Yes! Pero malapit na ring akong maging babae kapag napatanggal ko na to.” Tinuro nya ang harapan ng pantalon nya na medyo may nakaumbok.
Nag iinit ang pisnging nag iwas ako ng tingin at ngumiwi. Sabi na eh. Pero hindi ko inaasahan na may kaibigan si Atlas na gay. Pero mukha naman syang mabait, madaldal nga lang.
“Hinihintay ko lang na pumayag ang lola ko and then lilipad na ako ng Thailand para magpalagay ng kipay.” Dugtong pa nya.
“Well, good luck sayo Rika. Sana payagan ka na ng lola mo.” Nakangiti ng sabi ko.
“Aw, you’re so sweet dear. Thank you. Anyway pwede na ba akong pumasok. Ang init na dito sa labas baka humulas mukap ko.”
“Ay oo nga pala sorry. Sige pasok ka.” Niluwangan ko na ang bukas ng gate para makapasok sya.
Giniya ko na sya sa loob ng bahay. Ang dami nyang tanong tungkol sa amin ni Atlas.
Pagpapasok sa bahay ay iniwan ko muna sya saglit sa living area para tawagin si Atlas at si Jeremiah sa taas.
“Rick my man!” Nakangising bati ni Atlas kay Rika at malakas na tinapik ito sa balikat.
“Aray ko naman! Makatapik naman wagas. At huwag mo kong matawag tawag na man! Woman na ako. Shutaccang inamers ka!”
Tumawa naman si Atlas at namaywang. “Man ka pa rin dahil may lawit ka pa.”
“Tengenemo yawa ka!” Binatukan ni Rika si Atlas na ikinagulat ko.
Napakamot na lang sa ulo si Atlas habang natatawa pa rin. “Bakit ka ba nagpunta dito?”
“Well, kauuwi ko lang galing New York tapos nagpunta ako sa bahay ni Kes at chinika nya sa akin everything about you. Chinika nya na ikakasal ka na daw sa dati mong jowa na naanakan mo. Kaya ako nandito para mameet naman ang fiancee mo at junakis mo.”
“Napakadaldal talaga nyang pinsan mo.” Angal ni Atlas.
“Mabuti nga sinabi nya sa akin eh. Samantalang ikaw parang wala kang balak sabihin sa akin. Mukhang hindi pa ako imbitado sa kasal mo.” Inirapan ni Rika si Atlas.
“Syempre imbitado ka, pero wala pang invitation letter. Ginagawa pa lang. Teka, nagkakilala na ba kayo ni Jolene? She’s my fiancee.” Hinapit ako ni Atlas sa bewang.
“Oo naman. Napagkamalan pa nga nya akong ex mo.”
Malakas na tumawa na naman si Atlas. Nahiya naman ako.
“S-Sorry Rika.” Hinging paumanhin ko at siniko si Atlas na tawang tawa pa rin.
“It’s ok dear, sanay na ako dyan. Si Ivona nga na asawa ni Luisito napagkamalan akong kabet eh.”
Napangiwi naman ako. Pero kung totoong babae talaga si Rika ang ganda nya. At kung lalaki naman ay suguradong gwapo sya kagaya ng mga kaibigan din ni Atlas.
“Anyway, nasaan na pala ang junakis nyo? I wanna see him na. Sya talaga ang pinunta ko dito. Gosh! Ikaw pala ang unang nagkaanak sa inyong anim. Ang chika pa nga ni Kester, limang taon kang nataguan ng anak.” Bumaling sa akin si Rika. “Good job Jolene dear. Pero dapat pinaabot mo pa ng sampung taon para bongga.”
“Anong sampung taon? Baka may iba ng asawa si Jolene nun at ibang papa ang anak ko.” Protesta ni Atlas.
“Eh di mas bongga!”
“Tss, kung di ka lang binabae baka nakutusan na kita.”
“Eh di subukan mo ng majombag kita.” Tinaas ni Rika ang malaki nyang kamao.
Natuptop ko na lang ang bibig at pinigil na matawa. Halata kasing napipikon na si Atlas sa lakas mang asar ni Rika.
Lumabas galing kusina ang isa pa naming kasambahay at nag alok ng maiinom. Inalok ko naman si Rika. Tubig lang na may lemon ang gusto nya.
Maya maya pa ay bumaba na mula sa hagdan si Jeremiah kasama ang isa pa naming kasambahay. Bagong bihis sya. Pagbaba nya ng hagdan ay tumakbo sya palapit sa amin ng papa nya at nahihiyang tumingin kay Rika.
Namilog naman ang mga mata ni Rika at tinuptop ang bibig habang titig na titig kay Jeremiah.
“Omg Atlas! Kamukhang kamukha mo ang junakis mo.” Bulalas ni Rika.
“Syempre anak ko yan eh.” Proud na sabi ni Atlas.
“At mukhang mahiyain sya di gaya mo na makapal ang mukha. Mukhang nagmana sya kay Jolene at hindi sayo, mabuti naman. Hi baby boy!” Bati pa ni Rika kay Jeremiah.
Binalingan naman ni Atlas ang anak. “Anak, say hi to Tito – “
“Tita.” Pagtatama ni Rika kay Atlas.
“Tita pala, say hi to Tita Rika.”
Kumunot naman ang noo ni Jeremiah at nagpasalit salit ang tingin nya sa ama at kay Rika.
“Tita? Bakit po boses tito sya papa?” Naguguluhang tanong ni Jeremiah.
Nakagat ko naman ang labi ko para pigilan ang pagbunghalit ng tawa. Pero si Atlas ay malakas ang tawa samantalang si Rika ay hindi na halos maipinta ang mukha.
“O, bata na mismo ang nagsabi nyan.” Ani Atlas.
“Alam ko na kung kanino talaga nagmana tong junakis mo na pasmado ang bibig. Sa tiyahin nyang si Ava.” Inabot ni Rika ang pisngi ni Jeremiah at pinanggilan. “Pasalamat ka cute ka.”
Ngumiti naman si Jeremiah. “Thank you po Tita Rika. Ang ganda ganda nyo po.”
“Aww, sweet ka naman pala baby boy eh. Pahug nga si Tita Rika.” Binuka ni Rika ang mga braso nya. Yumakap naman sa kanya si Jeremiah.
Nagtinginan naman kami ni Atlas. Ngumiti sya sa akin at hinalikan ako sa sentido. Hinilig ko naman ang ulo sa kanyang balikat habang pinapanood si Rika at si Jeremiah na nagkukulitan na.
“Hmm ang sarap talaga ng lobster. Dati hanggang hipon lang tayo ngayon palobster-lobster na lang. Level up na talaga!” Bulalas ni Leah habang nilalantakan ang lobster.
“O dahan dahan lang Leah baka biglang sumakit ang batok mo at mahilo ka.” Natatawang sabi ni Atlas.
“May pineapple juice naman tayo dyan di ba?”
“Oo marami sa ref.” Natatawa na ring sabi ko habang nilalantakan din ang lobster na nilalagay ni Atlas sa plato ko. Pati si Jeremiah ay nilalagyan din nya sa plato at hinihimayan pa.
Totoo naman ang sinabi ni Leah. Hanggang hipon lang ang kaya naming kaining seafood noon. At miminsanan lang yun dahil mahal nga sa palengke. Pero ngayon, kami na lang ang mananawa sa mga pagkain na dati ay hindi namin nakakain. Ang double door naming ref ay punong puno ng laman ng pagkain maging ang pantry din. Heto nga at nanaba na si Jeremiah at si Leah maliban lang sa akin. Hindi naman kasi ako tabain at malakas kumain. Sawain din ako sa pagkain. Hanggang takaw tingin lang ako.
Isang buwan na kaming nakalipat dito sa malaking bahay. Ibang iba na ang pamumuhay namin ngayon kesa noong sa apartment pa kami nakatira. Hindi maingay ang paligid namin at kami kami lang ang nandito. May mga kapitbahay man kami pero layo layo naman ang pagitan. Namimiss din namin sa apartment. Dito kasi ay naga-adjust pa kami. Gaya ng pagkakaroon namin ng tatlong kasambahay na kinuha ni Atlas sa isang agency. Sila ang gumagawa ng mga gawaing bahay gaya ng paglilinis, pagluluto at paglalaba. Gusto ko nga sana ay isang kasambahay lang para may makatulong lang ako sa mga gawaing bahay. Pero ayaw pumayag ni Atlas. Kaya nga daw tatlo ang kinuha nya para hindi na ako kumilos. Ako daw ang reyna ng bahay na ito at hindi daw dapat ako napapagod.
Ako na nga rin ang pinapahawak nya ng mga atm nya bukod pa sa binibigyan nya ako ng cash. Ayoko nga sanang tanggapin yun pero mapilit sya. Kaya tinatabi ko na lang sa safety box na nasa kwarto. Matipid at masinop ako mula bata pa at ayokong baguhin yun. Ayokong sanayin ang sarili ko sa mga luho. Tinuturo ko din yun kay Jeremiah at pinagsasabihan ko rin si Atlas na huwag basta ibibigay ang gusto ng anak para hindi nya kalakihan na lahat ng gusto nya ay nakukuha nya.
Pinapahinto na nga rin ako ni Atlas na magtrabaho sa planta at dito na lang daw ako sa bahay. Tumanggi naman ako. Hindi ako sanay na hindi kumikita sa sarili kong paraan. Kaya ang sinuhestiyon nya ay magnegosyo na lang daw ako at yun naman ang pinagiisipan ko.
Napatingin ako kay Leah ng tumunog ang cellphone nya. Binitawan nya ang kutsara at dinampot ang cellphone.
“Hmm tumatawag si mama. Bakit kaya?” Sinagot naman nya ang nagiingay na cellphone. “Hello po ma.”
Tumingin ako kay Leah ng matagal syang hindi magsalita. Natigilan ako sa pagnguya ng mapansin kong nakaawang lang ang labi nya at nanunubig ang mata. Kinabahan naman ako.
“Bakit insan?” Tanong ko. Pati si Atlas ay napatigil din sa pagkain at tumingin kay Leah na tuluyan na ngang umiyak.
“J-Jo..” Gumagaralgal ang boses na sambit ni Leah.
“Bakit?”
“W-Wala na si papa.” Lalo pang lumakas ang iyak nya.
Chapter 36
Jolene
“ATE Jolene sandwich?” Alok ng pinsan kong si Jerry ang kapatid ni Leah.
Kumuha naman ako ng dalawa para sa amin ni Atlas.
“Kape ate o kaya juice?”
“Kape na lang Jerry.”
“Sige ate, kukuha lang ako.” Nag excuse na si Jerry at pumasok sa loob ng maliit na bahay nila.
“Inaantok ka na?” Bulong ni Atlas.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Hindi pa.”
Hinalikan nya ako sa sentido. “Sabihin mo lang kapag inaantok ka na.”
Tumango tango naman ako at tumingin sa harap kung nasaan si Leah katabi si Tita Helga. Nasa tabi sila ng ataul ni Tito Jojo at umiiyak pa rin.
Dama ko ang sakit sa kalooban nila sa biglaang pagkamatay ni Tito Jojo. Ganoon din ang naramdaman ko ng mamatay si papa.
Inatake sa puso si Tito Jojo sa bukid habang nagsasaka. Hindi na sya nakaabot sa hospital at dineklarang dead on arrival. Sinamahan na namin si Leah pauwi dito sa Zambales. Ako lang sana dapat dahil hindi ko kayang hayaan na umuwi mag isa si Leah sa ganong sitwasyon. Pero ayaw namang pumayag ni Atlas kaya sumama na rin sya. Si Jeremiah ay iniwan muna namin kanila Tita Anita.
Madaling araw na kami nakarating dito sa Zambales. Eksaktong dumating naman noon ang ataul ni Tito Jojo. Marami na agad ang nakiramay na mga kapitbahay at mga kasamahan ni Tito Jojo sa pagsasaka. Lahat sila ay malungkot sa biglaang pagkawala ni Tito Jojo. Mabait si Tito Jojo at wala rin talaga akong masabi sa kanya. Sa pagkawala nya ay para na rin akong nawalan ng pangalawang ama. Kasing bait nya rin kasi si papa.
Habang dumarating ang mga tao at nakikiramay ay nagpapalinga linga naman ako kung may mga kamaganak din ako sa side ni mama na makikiramay. Alam kong malalaman din nila ang pagkamatay ni Tito Jojo. At kapag pumunta sila dito ay makikita nila ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko sila. Dito sa puso ko ay may sama pa rin ako ng loob sa kanila.
May mga ilang bisita ang nakakilala sa akin at binabati ako. Iba din ang tingin nila kay Atlas. Nangingibabaw kasi ang hitsura niya sa lahat at parang hindi naaangkop sa lugar. May ilan ngang malalakas ang loob na nagtatanong kung sino sya. Sasagot naman si Atlas na asawa ko sya. Hindi ko na yun tinatama at hinahayaan ko na lang. Tutal naman parang ganun na nga rin kami. Ganun din ang pakilala nya kay Tita Helga kanina.
“Insan kumain ka kaya muna, kayo ni tita. Hindi pa kayo nag aalmusal.” Sabi ko habang hinahagod ang likod ni Leah. Magang maga na ang mata at ilong nya sa kakaiyak.
Alas otso pasado na ng umaga pero hindi pa sila kumakain ng agahan ni Tita Helga. Alam kong wala silang ganang kumain. Sino ba naman ang gaganahan. Pero kailangan nila ng lakas para sa susunod pa na mga araw.
“A-Ayos lang ako Jo. Hindi pa ako gutom pero si nanay pinaghanda ko na sa mga kapatid ko ng makakain. Ewan ko lang kung kakain sya.” Sumisinghot na sabi ni Leah.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko na sya pipilitin.
“I-Isa pa sa pinoproblema namin ang pamapalibing kay papa. May ipon naman ako pero hindi sasapat.” Hinaing ni Leah.
“Don’t worry Leah, ako na ang bahala sa pagpapalibing sa papa mo.” Singit ni Atlas.
Sabay kaming tumingin ni Leah sa kanya.
“N-Naku wag na Atlas, nakakahiya naman. Manghihingi na lang ako ng tulong sa munisipyo. Lalakarin ko lang ang mga papel.”
“Huwag na, ako na ang bahala sa lahat. Tulong ko na yun sa’yo.”
Muli na namang umiyak si Leah. “S-Salamat. Salamat sa inyong dalawa. Kung wala kayo di ko alam ang g-gagawin ko.”
Niyakap ko si Leah at hinagod hagod ang kanyang likod. Ngayong sya naman ang nangangailangan ng tulong ay hindi ko sya pababayaan.
Lumipas pa ang ilang oras ay nakaramdam na ako ng antok. Sumandal ako sa balikat ni Atlas.
“Inaantok ka na.”
“Iidlip lang ako sandali.”
“Ang mabuti pa ay matulog ka muna para makapag pahinga ka.”
Saan naman ako matutulog? Hindi naman pwede sa bahay nila Leah. Maliit lang ang bahay nila at marami silang magkakapatid. Makakasikip lang ako. Bigla kong naalala ang bahay namin. May bahay nga ako na pwedeng tuluyan pero parang wala naman akong karapatan doon. Sa sasakyan na lang siguro ako matutulog.
Nagpaalam muna kami kay Leah at Tita Helga na magpapahinga muna. Inalok pa nga nila kami na sa bahay na nila magpahinga pero tumanggi kami dahil makakaabala lang kami.
Sumakay na kami ni Atlas sa sasakyan. Ni-recline ko ang upuan para kahit papaano ay komportable ako sa pagtulog.
“Anong ginagawa mo sugar?” Tanong ni Atlas.
“Matutulog.”
Tumawa naman sya. “Hindi ka dito matutulog.”
“Ha? Eh saan ako matutulog? Maghohotel tayo?” Malayo ang hotel dito sa lugar namin. Sa kabilang bayan pa.
“Hindi. May iba tayong matutulugan.” Binuhay na ni Atlas ang sasakyan.
“Saan naman?” Kunot noong tanong ko.
“Mukhang nakalimutan mo na. Basta.” Pinausad na nya ang sasakyan.
“Bahala ka na nga. Gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo sa sinasabi mo.” Pumikit na ako. Inaantok na talaga ako.
“Sure, idlip ka lang dyan sugar.” Hinahawakan pa nya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.
Mabilis naman akong nakaidlip. Nagising na lang ako ng tapikin nya ng marahan ang pisngi ko.
“Hmm..”
“Sugar we’re here.” Paanas na sabi ni Atlas.
Minulat ko ang inaantok pang mata at umupo ng tuwid at nagpalinga linga. Nasa harap kami ng pamilyar na gate ng isang bahay.
“Nasaan na tayo?”
“Nakalimutan mo na ang bahay na to?”
Binaba ko ang salamin ng bintana at tiningnan ang bahay na nasa harapan ko. Nahigit ko ang hininga ng maalala ang bahay na ito. Ito ang bahay na tinutuluyan noon ni Atlas. Ito ang bahay na nagsisilbing sangtwaryo namin noon. May mga damit pa nga akong naiwan dyan sa loob, ewan ko lang kung nandyan pa. Hindi na ako nakapasok dyan ulit dahil kasama sa nasunog na bar ang susi nitong bahay.
Tumingin ako kay Atlas. Nakangiti sya sa akin.
“Naalala mo ang bahay na yan?”
“Oo naman. Kaya lang wala na akong susi ng bahay na yan. Kasama sa nasunog na gamit ko sa bar.” Malungkot na sabi ko.
“It’s ok, nasa akin pa naman ang original na susi nyan.” May dinukot sya sa bulsa. Isang susi na pamilyar sa akin.
“Tara baba na tayo.” Yaya nya sa akin.
“Baka may iba ng nakatira dyan.” Nagaalangan na sabi ko.
“Walang nakatira dyan. Wala akong pinapahintulutan.” Aniya at nauna ng bumaba. Umikot sya sa sasakyan at huminto sa harap ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan akong bumaba.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay bumuhos sa akin ang mga alaala naming dalawa. Dito ako tumatambay tuwing linggo at kapag wala akong pasok kasama sya. Marami kaming masayang alaala dito. Dito nya ako unang inangkin. Pero may malungkot din akong alaala dito. Yun yung mga panahon na nalaman kong buntis ako at mag isa ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko noon ay pinagkaisahan ako ng lahat.
Walang bakas na may ibang gumamit ng bahay. Nasa counter pa nga sa kusina ang mug na ginagamit naming dalawa. Nasa kwarto pa rin ang ilan naming mga damit. Malinis din ang buong bahay.
“Madalas ka bang pumupunta dito?”
Bumuntong hininga sya at namulsa. “Noong makarecover na ako sa aksidente at bumalik ang lahat ng alaala ko ay agad akong bumalik dito sa Zambales para puntahan ka. Dito ako tumutuloy habang hinahanap ka. Yun nga lang hindi na kita nakita. Hindi na rin ako nagtagal sa bahay na ito dahil nasasaktan lang ako at nalulungkot. Sa tuwing titingin ako sa bawat sulok ng bahay na ito ikaw ang laging nakikita ko. Para na akong mababaliw. Kaya iniwan ko ang bahay na ito at nagtalaga na lang ng caretaker para tingnan tingnan ang bahay na ito at linisan. Umaasa pa rin ako na babalik ka dito. At heto na nga bumalik ka na, kasama pa ako.”
Kumagat labi ako kasabay ng panunubig ng aking mata. Tila may nakabara ding bikig sa aking lalamunan. Ang daming nangyari sa mga buhay namin. Nagkalayo man kami ng ilang taon ay muli naman kaming pinagtagpo para dugtungan ang naudlot naming relasyon.
Yumakap ako kay Atlas at sinandig ang pisngi sa kanyang malapad na dibdib. Naririnig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso. Hinagod hagod nya ang likod ko at tinataniman ng maliliit na halik ang aking buhok.
Sa pagbabalik namin dito sa bahay na ito ay parang naghilom na ng tuluyan ang mga sugat sa puso ko. Masaya ako na muling nakabalik sa bahay na ito kasama sya. Bubuo ulit kami ng panibagong alaala.
SA MGA araw ng pagluluksa ng pamilya ni Leah ay hindi namin sila iniwan ni Atlas. Sinagot lahat ni Atlas ang expenses sa burol. Mula sa serbisyo ng purenarya at mga pagkain ng mga bisita pati na rin ang lupang paglilibingan ni Tito Jojo. Nahihiya na nga si Leah at Tita Helga kay Atlas at panay ang pasasalamat.
At habang nandito kami sa Zambales ay doon kami tumutuloy sa bahay na bungalow. Nalaman kong binili na nya sa dating may ari ang bahay na yun. Balak nyang iparenovate iyon para maging bahay bakasyunan namin kapag uuwi kami dito sa Zambales. Pabor na pabor naman sa akin iyon. Kahit na ba limang taon kong iniwan itong probinsya namin dahil sa masasakit na alaala ko dito ay babalik at babalik pa rin ako dito dahil dito ang pinagmulan ko. Sa susunod ay isasama na namin si Jeremiah.
Pang apat na gabi na ngayon ang lamay ni Tito Jojo. Marami pa ring tao ang nakikiramay, mga kapatid at mga kamaganak ni Tito Jojo na mula pa sa malalayong lugar. Pero wala pang nakikiramay dito na kamag anak ni mama. May kaba sa dibdib ko kung sakaling makiramay si Tita Emie at Tito Rene at makita ako. Pero naisip ko bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong atraso sa kanila.
Nilingon ko ang mga pinsan ko na kasalo namin ni Leah kumain sa mesa. Si Tita Helga ay nasa harap pa ng ataul kasama ang mga kapatid ni Tito Jojo. Inalok namin sila ng sopas pero mamaya na lang daw.
Hinanap naman ng mata ko si Atlas na kausap naman ngayon ang ilang kamag anak pa ni Tito Jojo. Nakakatuwa lang syang panoorin dahil marunong syang makisama sa mga tao na hindi nya kapantay ang estado sa buhay. Tumingim sya sa akin at nginitian ako. Tinaas ko naman ang hawak na styro cup na may lamang sopas. Tinanguan lang nya ako at tinaas ang kamay. Ibig sabibin mamaya na lang daw.
“Ate Jo, ang gwapo talaga ng asawa mo. Ang tangkad tangkad pa nya at ang laki laki ng katawan. Ang bango bango pa nya. May kapatid pa ba syang kasing gwapo din nya ate?” Kinikilig na sabi ni Mayeth ang teenager na kapatid ni Leah.
“Wala syang kapatid na lalaki. Nagiisang babae lang ang kapatid nya.” Natatawang sabi ko.
“Ay sayang naman.”
“Anong sayang sayang? Hoy Mayeth, bata ka pa ha. Pag aaral muna ang atupagin mo hindi lalaki.” Sita ni Leah sa kapatid.
Ngumuso naman si Mayeth. “Ito naman si ate masyadong seryoso. Alam ko po yun. Syempre study first muna.”
“Mabuti naman at nagkakalinawan tayo. Hindi ako nakapagtapos ng pag aaral kahit kayo man lang ang makatapos sapat na sa akin yun. Kaya wag nyong sasayangin ang pag aaral nyo.”
“Opo ate.” Sabay sabay na sabi ng mga kapatid ni Leah.
Nangingiti naman ako. Ang swerte talaga ni Leah dahil may mga kapatid sya. Kahit magugulo ay malalambing naman at masaya kasama.
“Sya nga pala insan, nakadalaw ka na ba sa bahay nyo?”
Nilingon ko si Leah mula sa pagkain ng sopas. Medyo ok na sya ngayon at tanggap na ang nangyari sa ama. Kailangan nya talagang magpakatatag dahil sya na lang inaasahan ni Tita Helga at ng lima pa nyang kapatid. Ngayon pa lang ay namomroblema na sya pero nangako si Atlas na tutulungan sya at ang pamilya nya.
“Hindi pa ako nakakadalaw sa bahay namin. Sa totoo lang ayokong pumunta doon dahil baka mastress lang ako. Alam mo naman na hindi pa kami ok nila Tita Emie at ni Tito Rene. Baka hindi pa rin sila nagbabago.” Sabi ko at humigop ng sabaw ng sopas.
“Hay nako insan, ang mabuti pa dalawin mo ang bahay nyo bago pa mahuli ang lahat.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Leah. “Anong ibig mong sabihin insan?”
Bumuntong hininga si Leah. “Nabanggit lang sa akin ni nanay to, ang sabi nya sya na lang daw ang magsasabi sayo pero hindi ko matiis eh. Yung bahay nyo binebenta na ng tiyahin at tiyuhin mo.”
“Ano!?”
Chapter 37
Jolene
WALA akong kangiti ngiti habang binabaybay ng sasakyan namin ang kalsada papunta sa bahay namin. Palingon lingon sa akin si Atlas.
Kaninang umaga paggising namin ay nag almusal lang kami at naligo saka lumabas ng bahay. Pero imbes na dumiretso kami sa bahay nila Leah ay didiretso kami sa bahay namin na nanganganib na mawala sa amin. Bumabangon na naman ang sama ng loob ko sa mga kapatid ni mama. Nagngingitngit ako. Ang kakapal ng mga mukha nila. Pinatira na nga sila wawalanghiyain pa nila ang bahay namin at ibebenta pa. Kung dati nakakapagtimpi pa ako dahil kapatid sila ni mama puwes ngayon wala ng tiya-tiyahin at tiyu-tiyuhin sa akin. Hindi ko hahayaan na lapastangin lang nila ang bahay ng papa ko.
“Sugar, kanina ka pa walang imik ah. May problema ba? Saan ba tayo pupunta?” Untag sa akin ni Atlas. Nakarehistro sa kanyang mukha ang pag aalala.
Tumingin ako sa kanya. “Sa bahay namin.”
“Sa bahay nyo? Eh nalampasan na natin ang bahay nyo ah.” Aniya at lumingon sa likod.
Kumunot naman ang noo ko. Saka ko lang naalala na ang alam nyang bahay namin ay ang bahay kung saan ako nagpapahatid sa kanya noon.
Ngumisi sya. “Oo nga pala, hindi nyo pala bahay yun. Nautakan mo ko noon sugar ha. Alam mo bang pagdating ko dito galing Cebu doon ako agad sa bahay na yun pumunta? Napahiya pa ako dahil hindi daw doon nakatira si Jessica at wala silang kilalang Jessica. Hilong hilo na nga ako kakahanap sayo pero walang nakakakilala sayo. May nagpakilalang Jessica pero lola na.”
Kumagat labi ako at muntik ng matawa sa huling sinabi nya. Pero agad din akong naguilty. Alam kong may kasalanan din ako. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoong pangalan ko at totoong address.
“Sorry Atlas, hindi ko nasabi sayo ang totoong pangalan ko.” Sa sobrang haling na haling ako sa kanya noon ay nawala rin sa loob ko na sabihin sa kanya. Hanggang sa nagkalayo na kami ay hindi nya pa rin alam. Nalaman lang nya ang totoo kong pangalan ng muli kaming magkita.
Hinawakan nya ang kamay ko. “It’s ok sugar, natatawa na lang ako kapag naaalala yun. Ang importante magkasama na tayo ngayon at nagsasama na tayo sa iisang bubong.” Dinala nya ang kamay ko sa labi nya.
Sumandig naman ako sa balikat nya. Ang buhok ko naman ang hinalik halikan nya.
–
Iginala ko ang mga mata sa bakuran ng aming bahay pagbaba ko ng sasakyan. Limang taon kong hindi nakita ang bahay namin. Namiss ko ito. Ganun pa rin ang hitsura ng bahay namin maliban sa kinakalawang na ang alulod ng bubong at niluluma na ang pintura. Patay na rin ang mga halaman sa gilid ng terrace at nagkalat ang mga tuyong dahon. Nakita ko ang dalawa kong pinsan na malalaki na na nagsusulat sa terrace.
“Sugar, ito na ba ang bahay nyo?” Tanong ni Atlas ng tumabi sa akin at ginala din ang mga mata sa bahay.
“Oo, at mukhang pinabayaan na ng mga nakatira dito.” Naiinis na sambit ko.
“Jolene? Ikaw ba yan?”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. “Aling Susie.”
Namilog ang mga mata ni Aling Susie at ngumiti. May hawak pa syang walis tingting ng lumapit sa akin.
“Ikaw nga! Aba’y kay tagal na kitang hindi nakita. Ang sabi ng mama mo noon ay nasa Maynila ka na daw. Mukhang nahiyang ka sa Maynila ah, lalo kang gumanda.”
Ngumiti ako kay Aling Susie. Medyo tumanda na rin ang hitsura nya at may puting buhok na.
“Salamat po Aling Susie. Kamusta na po?”
“Aba’y heto, tumatanda na. Pumuputi na ang buhok at nirarayuma na. Kamusta ka na rin at sino itong gwapong mama na kasama mo?”
“Ah sya po – “
“Atlas Montecillo ho asawa ni Jolene.” Pagpapakilala ni Atlas kay Aling Susie sabay lahad ng kamay.
Tinaasan ko naman ng kilay si Atlas pero kinindatan lang nya ako.
Umawang naman ang labi ni Aling Susie at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Atlas.
“May asawa ka na pala Jolene.” Sambit ni Aling Susie na tila di pa rin makapaniwala.
“O-Opo Aling Susie.” Nasabi ko na lang. Hahaba pa ang usapin kapag sinabi kong hindi at ikakasal pa lang kami. Pero humanda sa akin mamaya si Atlas.
“May anak na rin po kami.” Dagdag pa ni Atlas.
“Talaga? Aba’y ilang taon na ang anak nyo at nasaan sya? Kasama nyo ba?” Sunod sunod na tanong ni Aling Susie at luminga linga pa.
“Apat na taon na ho ang anak namin at nasa Manila ho sya naiwan sa magulang at kapatid ko.” Sagot pa ni Atlas.
“Ay ganun ba. Sayang hindi nyo kasama.”
“Hayaan nyo ho next time isasama na namin.”
Pasimple kong siniko si Atlas, nagiging madaldal na sya. Kulang na lang ay ikwento nya ang love story namin.
“Mabuti naman at nauwi ka ulit dito Jolene. Kung hindi pa yata pumanaw ang Tito Jojo mo hindi ka uuwi.”
“Pasensya na po Aling Susie. Busy lang po kasi sa Maynila.”
Maunawing ngumiti si Aling Susie. “Alam ko namang may problema kayo noon ng mama mo. Hindi mo rin kasundo ang tiyahin at tiyuhin mo. Naiintindihan ko kung bakit mas gusto mong lumayo. Pero masaya ako na makita ka ulit.”
“Salamat po Aling Susie. Masaya din po ako na makita kayo ulit.” Si Aling Susie ay ilan lang sa mga taong totoong nagmalasakit sa akin noon.
Nabura ang ngiti nya sa labi. “Pero alam mo na ba ang kalagayan ng bahay nyo?”
“Opo, sinabi na po sa akin ni Leah. Kaya nga po ako nandito. Babawiin ko na po ang bahay ng papa ko.”
Tumango tango si Aling Susie. “Kung magkaproblema nandito lang ako.”
“Salamat po Aling Susie.”
Nag excuse na kami kay Aling Susie at pumasok sa bakuran ng bahay namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi sa kaba kundi sa ngitngit.
Lumapit kami sa terrace kung nasan ang dalawang pinsan ko na anak ni Tito Rene. Ang lalaki na nila at mga nag aaral na tiyak. Nag angat ng ulo ang batang lalaki na naglalaro sa pasimano ng terrace. Nakita nya kami ni Atlas.
“Ate Jengjeng may tao.” Untag ng batang lalaki sa kapatid nya na subsob sa ginagawang pagsusulat. Nag angat naman ng ulo ang batang babae at tumingin sa amin. Namilog ang mata nya ng makilala ako.
“Ate Jolene?” Tumayo si Jengjeng at bumaba sa terrace. Titig na titig sya sa akin. “Ate Jolene ikaw nga!” Niyakap nya ako ng mahigpit.
Niyakap ko din sya at hinaplos ang buhok. Sumunod na ring yumakap si JB. Namiss ko sila. Ang lalaki na nila. Wala naman akong sama ng loob sa kanila dahil inosente sila. Pero sa gagawin ko alam kong madadamay sila. Pero kailangan ng matapos ang kakapalan ng mukha at kawalanghiyaan ng tiyahin at tiyuhin ko.
Lumabas ang isang babae sa pinto. Si Tita Jackie na asawa ni Tito Rene.
“Jengjeng, JB kakain na.” Tawag ni Tita Jackie sa dalawang anak. Natigilan sya ng makita ako. “Jolene?”
Tipid na ngumiti lang ako. “Kamusta Tita Jackie?” Kahit papaano ay naging mabait naman sa akin si Tita Jackie. Yun nga lang sunod sunuran sya kay Tito Rene. Kapag hindi sya sumunod ay binubugbog sya nito.
“Ayos lang. Kelan ka pa dumating?” Lumapit sya sa akin. Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin ang dalawang pinsan.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Tita Jackie. “Nandyan ba si Tita Emie at Tito Rene?”
“Oo, nasa loob sila.” Sagot ni Tita Jackie na nakatingin kay Atlas. Nagtatanong ang mata nya.
Tumango ako. Pinaakyat ko na sa terrace ang dalawang pinsan. Sumunod na rin ako at nakasunod din sa akin si Atlas.
“Ah Jolene – “ Humarang sa harapan ko si Tita Jackie. Mukhang may sasabihin sya pero natigilan lang ng lumabas sa pinto si Tito Rene.
“Bakit ba ang tagal tagal nyo?” Singhal ni Tito Rene pero natigilan din sya ng makita ako. “Jolene?”
Salubong ang kilay ni Tito Rene na lumapit sa akin. Hubad baro sya at nangunguna ang malaking tiyan. Halatang nasurpresa sya na makita ako. Nakarehistro din ang pagkadisgusto sa kanyang mukha.
Malaki na rin ang pinagbago ni Tito Rene. Nanaba sya at malaki ang tiyan. Pero ang mukhang hindi lang nagbago sa kanya ay ang bisyo nya. Halatang may hangover sya at mukhang tambay pa rin.
Hinawi ni Tito Rene si Tita Jackie na nakaharang sa harapan ko. Namaywang sya at nagtaas noo.
“Anong ginagawa mo dito? Bakit umuwi ka pa? Pinalayas ka na ng mama mo ah! At sino naman yang lalaking kasama mo? Bagong customer mo sa kung saang bar na pinagtatrabahuhan mo? Ano buntis ka na naman?” Mataas ang boses na sabi ni Tito Rene.
Narinig ko ang mahinang mura ni Atlas sa likuran ko. Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya sa kung anuman ang gagawin o sasabihin nya.
Nagtaas noo din ako at matapang na hinarap si Tito Rene.
“Bakit tito? Sa pagkakaalam ko bahay ito ng papa ko kaya may karapatan akong umuwi dito kahit kelan ko gusto.” Sarkastikong sabi ko.
Saglit na hindi nagsalita si Tito Rene na halatang hindi inaasahan ang sagot ko. Ngumisi sya.
“Hindi nyo na bahay ito uy. Bahay na ni Ate Emie ito.”
Kumunot ang noo ko. “Anong pinagsasabi nyo Tito Rene? Wala lang si mama dito pero hindi ibig sabihin na bahay na ito ni Tita Emie.”
“Rene, sino na naman ba ang kaaway mo dyan?” Lumabas si Tita Emie. Natigilan sya ng makita ako.
Iba na rin ang hitsura nya ngayon. Nanaba din sya at tuwid na tuwid ang dating kulutan na buhok na kulay blonde pa. Lumapit sya sa akin. Nagsalit salit pa ang tingin nya sa amin ni Atlas. Nagsalubong din ang kilay nya.
“Hindi nga namamalikmata si Ella ng sabihin nyang nakita ka nya noong isang gabi sa burol ni Jojo.” Sambit ni Tita Emie na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Wala man lang akong nakitang tuwa sa kanyang mga mata na nakita nya ako ulit. Gaya ni Tito Rene ay pagkadisgusto lang ang nakita ko.
“O eh anong ginagawa mo dito? Dadalawin mo ang mama mo? Wala na sya dito. Sumama na kay Norman.”
Humugot ako ng malalim na hininga. “Hindi si mama ang pinunta ko dito. Ang bahay ni papa ang pinunta ko. Ang bahay namin.
Umawang ang labi ni Tita Emie hanggang sa unti unti syang tumawa ng nakakaloko.
“Anong bahay nyo? Hindi nyo na bahay ito. Bahay ko na ito.”
Tila nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng tiyahin. Kung makaangkin sya akala mo talaga bahay nya.
“Sa pagkakatanda ko Tita Emie. Pinagawa ni papa ang bahay na ito para sa aming tatlo nila mama. Pinatira lang kayo dito ni mama noong namatay si papa at nagabroad sya.” Pinagdiinan ko pa ang salitang pinatira para naman tamaan sila ng hiya.
Namaywang si Tita Emie at dinuro ako. “Gagang to ah! Wala pa ring pinagbago mayabang pa rin. Anong pinagmamalaki mo yang lalaki mo?”
“Stop insulting – “
Pinisil ko ang kamay ni Atlas para pigilan sya sa sasabihin nya. Mahina naman syang nagmura.
“Sugar, di ko kayang manood lang kung paano ka nila insultuhin.” Inis na bulong nya sa tenga.
“Hayaan mo muna ako Atlas.”
Marahas syang bumuntong hininga. “Fine. Pero wag ka lang nilang sasaktan may kalalagyan sila sa akin. Wala akong pakialam kahit kamag anak mo sila.”
“Oo ano? Magbubulungan na lang kayo ng lalaki mo?” Pagbubunganga ni Tita Emie.
Lumabas na nga rin sa bahay si Ella at si Tito Bart na sinasaway si Tita Emie. Pero hindi pa rin nagpapaawat si tita na sininghalan lang si Tito Bart. Si Ella ay malaki na rin ang pagbabago sa katawan. Nanaba din sya at marami ng tattoo sa katawan. Kulay pula ang kanyang buhok. Mataray lang syang nakatingin sa akin habang ngumunguya ng bubble gum.
“Sabihin mo nga sa kanya ate kung bakit hindi na sa kanila ang bahay na ito.” Panggagatong ni Tito Rene.
“Hoy Jolene! Para sa kaalaman mo, si Ate Jona ay malaki ang utang sa akin. Sila ni Norman. Tatlong taon na ang utang nila at hanggang ngayon ay hindi pa sila nagbabayad. Kaya ang bahay na ito ang kabayaran ng utang nila.”
“Kaya ibebenta nyo ang bahay na ito ganun ba?” Nagngingitngit at nagpipigil sa galit na sabat ko.
“O eh ano ngayon kung ibenta ko? May karapatan ako dahil akin na ang bahay na ito!”
“Wala kayong karapatan Tita Emie! Bahay namin ito! Bahay ng papa ko! Kung may utang man sa inyo ang mama ko wala pa rin kayong karapatan na ibenta ang bahay na ito na hindi naman sa inyo. Bakit? Noong pinatira kayo ni mama dito? Siningil ba nya kayo ng upa? Hindi ba hindi. Libre ang pagtira nyo dito. Ultimo tubig, kuryente at pagkain libre. Ang malaking porsyento ng pera na pinapadala ni mama mula sa sweldo nya sa abroad sa inyo napupunta! Kung tutuusin ang anumang utang sa inyo ni mama ay bayad nyo na yun sa lahat ng mga binigay nya sa inyo.”
“Aba’t! Akala mo kung sino kang manumbat na walanghiya ka – “
“Mas walanghiya kayo! Ang kakapal ng mga mukha nyo! Mula noon hanggang ngayon makakapal pa rin ang mga mukha nyo! Hindi na kayo nagbago!” Hindi ko na napigilang isigaw. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa galit.
Namula ang mukha ni Tita Emie sa galit. Tinaas nya ang kamay. Pumikit naman ako at tinaas ang braso. Pero hindi ko naramdaman ang paglapat ng mabigat nyang kamay sa balat ko.
“A-Aray! Bitawan mo ko!”
“Hoy! Bitiwan mo ang ate ko!”
“Bitiwan mo ang asawa ko!”
Dinig kong sigaw ni Tito Rene at Tito Bart. Narinig ko rin ang iyakan nila Jengjeng at JB. Dinilat ko ang mata. Nakita kong mahigpit na hawak ni Atlas ang braso ni Tita Emie. Kaya pala hindi tumama sa akin ang kamay ni Tita Emie ay dahil sinalo nya.
Nakangiwi na si Tita Emie. Nasasaktan na sya sa mahigpit na hawak ni Atlas at dumadaing na. Si Tito Rene at Tito Bart ay hindi naman alam ang gagawin. Nakaguhit sa kanilang mukha ang pangingilag kay Atlas.
“H-Hoy lalaki! Bitiwan mo na ang asawa ko nasasaktan na sya!”
“Ayaw mo syang bitiwan ha. Teka lang.” Naghagilap naman ng kung ano si Tito Rene.
May bumangong kaba naman sa dibdib ko dahil baka pagtulungan ni Tito Rene at Tito Bart si Atlas.
Nilingon ko si Atlas. Sumalubong sa akin ang galit na galit nyang mukha. Umiigting ang kanyang panga at nanlilisik ang mga mata. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit. Nakakatakot ang hitsura nya. Kaya naman pala nangingilag si Tito Rene at Tito Bart.
“A-Atlas bitiwan mo na si Tita Emie.” Utos ko sa kanya.
Akala ko ay hindi nya ako naririnig dahil nakatitig pa rin sya ng masama kay Tita Emie. Padaskol nyang binitawan ang braso ni Tita Emie. Nawalan naman ito ng balanse at muntik ng matumba. Mabuti na lang ay maagap itong nasalo ni Tito Bart.
Nanggagalaiti sa galit na hinarap ni Tita Emie si Atlas habang himas ang brasong nasaktan.
“Walang hiya kang lalaki ka! Sino ka ba? Lalaki ka lang ng pamangkin ko!”
“Hindi nya ako lalaki lang misis. Asawa nya ako. At hindi ko hahayaan na saktan nyo ang asawa ko. Isa man sa inyo.” Isa isang dinuro silang tatlo ni Atlas.
Natigilan naman sila sa sinabi ni Atlas at napaatras.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Tita Emie, Tito Rene, hangga’t may natitira pa akong kaunting respeto sa inyo hahayaan ko kayong kusang umalis sa bahay na ito.” Mahinahon ko ng sabi.
“Anong aalis? Hindi kami aalis! Bahay ko na ito!”
“Oo nga! Kay Ate Emie na ang bahay na ito. Kayo ang umalis!”
“Kung hindi kayo aalis ng kusa kakausapin na lang kayo ng abogado ko at magkitakita tayo sa korte. Titiyakin kong makukulong kayo sa pagkakamkam nyo ng pag aaring hindi naman sa inyo.” Sambit ni Atlas.
Namutla naman ang mga mukha ni Tita Emie at Tito Rene.
“Let’s go sugar.” Inakbayan na ako ni Atlas at inakay pababa ng terrace.
Tila naman ako nanghinang bigla at sumandig sa dibdib nya. Naubos yata ang lakas ko sa pakikipag usap sa kanila. Kaya ayokong nakikita sila eh, nai-stress ako.
Hinalikan ni Atlas ang tuktok ng ulo ko.
“Don’t worry sugar, ako ng bahala sa lahat. Babawiin ko ang bahay nyo.”
Chapter 38
Warning 🔞
Jolene
NASUNDAN pa ng dalawang beses ang engkwentro namin nila Tita Emie at Tito Rene. Una ay sa baranggay, pinagpipilitan talaga ni Tita Emie na sa kanya na ang bahay. Ang dahilan nya ay ang malaking utang sa kanya si mama at iniwan na nito ang bahay sa kanila kaya may karapatan daw sya kung anomang gawin nya sa bahay.
Pero dahil ako na anak na naghahabol sa bahay ng magulang ko ay mas may karapatan ako lalo na at may papel ako na nagpapatunay na sa amin ni mama ang bahay. At mabuti na lang ay nilagay din ni papa ang pangalan ko sa papel kaya kahit si mama na mismo ang magsabi sa kanila na ibenta ang bahay ay may karapatan pa rin akong maghabol.
Hindi pinanigan ng baranggay si Tita Emie. Pero nagmamatigas pa rin sya at pinapahiya pa ako sa mga taong nasa baranggay. Pero kahit na anong salita ang ibato nya sa akin ay hindi na ako naaapektuhan. Wala na akong pakialam. Nakakalungkot lang na sila pa mismo na kadugo at kamag anak ko ay ganito ang trato sa akin. Hindi lang nila ako makanti at puro salita lang sila dahil lagi kong kasama si Atlas. Nangingilag sila rito.
Ang sumunod naming pagkikita ay sa korte na. Pagkatapos ng libing ni Tito Jojo. Ang abogado na ni Atlas ang humarap sa kanila. May abogado din sila. Pero mas magaling di hamak ang abogado ni Atlas. Madali lang namin naipanalo ang kaso at kami ang pinanigan ng korte. Akin na ang bahay at sila naman ay sa ayaw nila at gusto ay aalis sila sa bahay dahil kung hindi ay ang otoridad na ang mage-escort sa kanila paalis sa bahay namin. Galit na galit si Tita Emie at si Tito Rene sa akin pero wala naman silang magagawa dahil korte na ang may utos.
Tinanong pa nga ako ni Atlas kung gusto kong pananagutin ang tiyahin at tiyuhin ko dahil sa pangangamkam nila sa bahay namin. Pero tumanggi ako, sapat na sa akin na umalis sila. Tama na ang ilang taon na naghari-harian sila sa bahay ng papa ko at tinanggalan ako ng karapatan.
Ginala ko ang mata sa loob ng bahay namin. Makalipas ng limang taon ay ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. Ganun pa rin ang hitsura ng loob ng bahay namin. Maliban lang sa luma na ang pinturang puti na naninilaw na dahil sa usok ng mga sigarilyo. Halos malimas na ang loob ng bahay dahil maraming gamit ang hinakot nila Tita Emie. Naiwan na nga lang ang luma naming sofa na butas butas na at puro packing tape, ang dalawa naming lumang aparador na puro sulat ng pentelpen at ang luma naming refrigerator. Maraming gamit pa nga ang kinuha nila na hindi naman sa kanila gaya ng mga set ng plato, mangkok at baso pero hinayaan ko na lang yun. Madali lang naman palitan yun. Ang kwarto ko ay si Ella pala ang gumamit ng palayasin ako ni mama. Ang mga gamit kong naiwan ay nakita kong nakasako. Pero atleast ay hindi nila tinapon.
“Sugar.”
Nilingon ko si Atlas na nasa likuran ko. Inabot nya sa akin ang isang brown envelope. Kinuha ko naman yun at sinilip ang papel na laman. Napangiti ako ng makita ang orihinal na kopya ng titulo ng lupa. Kung paano yun nakuha ni attorney ay hindi ko alam, pero maraming salamat sa kanya.
Ngumiti ako kay Atlas. “Thank you Atlas. Kung wala ang tulong mo hindi ko alam kung paano mababawi ang bahay na ito mula sa tiyahin at tiyuhin ko.”
Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa noo. “Sabi ko naman sayo ako ang bahala sa lahat. Syempre hindi ko hahayaan na mahirapan ka.”
Yumakap ako sa bewang nya at sumubsob sa malapad nyang dibdib. Sininghot singhot ko pa ang mabango nyang amoy. Lately gustong gusto kong amuyin sya.
Niyakap din nya ako at hinalik halikan sa buhok.
“So anong plano mo dito sa bahay nyo? Sa tingin ko kailangan na nito ng make over.”
Tumingala ako sa kanya. “Saka na siguro kapag may pera na ko.”
Tumingin sya sa akin. “May pera ka naman ah.”
Kumunot ang noo ko. “Wala akong pera no.”
Ngumisi sya at pinisil ang ilong ko. “Meron, may laman yung tatlong atm na binigay ko sayo.”
Ngumuso ako. “Hindi ko naman pera yun, pera mo yun.”
“Pera mo na rin yun. Ang pera ko ay pera mo rin. Ang lahat ng akin ay sayo din.”
Kumagat labi ako. Ganito sya ka-generous sa akin.
“Pero gusto ko yung perang pinaghirapan ko mismo.”
Bumuntong sya. “Oo na, pero ayoko ng magtrabaho ka sa planta. Magnegosyo ka na lang. Bibigyan kita ng kapital.”
Ngumuso ako. “Pag iisipan ko pa nga.”
“Huwag mo ng pag isipan.”
“Eh ano naman ang ine-negosyo? Pagkain?”
“Naku wag pagkain, baka araw araw momg customer si Ava at puro utang pa.”
Tumawa ako. “Grabe ka sa kanya. Nagda-diet na nga sya at nagjo-jogging na tuwing umaga.”
Minsan ay inaaya pa ako ni Ava na magjogging sa umaga. Pinapaunlakan ko naman sya kung minsan.
“Nagjo-jogging nga sya sa umaga pero pag uwi nya tulog ulit sya at paggising, kakain. Ano pa silbi ng jogging nya? At saka hindi nagda-diet yun. Nagbabawas lang yun ng kinakain pero apat na beses pa ring kumakain sa isang araw.”
Pinalo ko sya ng mahina sa dibdib. “Isusumbong kita sa kanya.” Natatawang sabi ko.
“Magsumbong ka, pagbuhulin ko pa kayo eh.”
Tinaasan ko sya ng kilay. “Talaga lang ha? Kaya mo kong buhulin?”
“Oo, pero sa kama kita ibubuhol.” Pilyong sambit nya sabay kindat.
Nag init naman ang pisngi ko at kinurot sya sa tagiliran. Tumawa lang sya.
“Tara na nga! Umuwi na tayo bago pa tayo abutin ng ulan.” Yaya ko sa kanya.
Akbay nya ako ng lumabas kami ng bahay. Kinandado ko muna ang pinto at kinausap si Aling Susie na titingin muna sa bahay namin pansamantala.
Ang balak ko ay hanapin si mama at pabalikin na dito sa bahay. Ang sabi ni Tita Helga nasa Bulacan daw sya.
–
“Uhghh sugar! Just like that! Yess! Ahh!”
Kumagat labi ako at napangiti habang pinagmamasdan ang lukot na mukha ni Atlas. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin at nakaawang ang labi.
Hinusayan ko pa ang pagtaas baba sa pagkalalaki nya na sinasabayan ko pa ng paggiling. Napapaawang din ang labi ko sa kalakihan nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakayanan ko sya. Siguro dahil sa dalas na rin ng pagniniig namin ay nasasanay na ang loob ko.
“Ughh Atlas! Shit!” Daing ko ng may matamaan ang pagkalalaki nya sa loob. Bahagya pang nanginig ang hita ko at nagcontract ang loob ko na kanyang ikinaungol.
“Oh fuck sugar! Iniipit mo ko nghh!” Daing rin nya.
Nirelax ko naman ang loob ko at tinukod ang tuhod sa magkabilaang gilid nya. Humawak ako sa dalawang braso nya at umatras abante sa kanyang kandungan.
Pinagmamasdan ko ang katawan nya na nangingintab sa pawis. Tumaas ang isang kamay ko at hinaplos ang malapad at matigas nyang dibdib pababa sa tiyan nyang may maliliit na matitigas ding masel. Maraming babae ang naghahabol at nagpapantasya sa kanya. Bukod sa mayaman sya ay hindi rin matatawaran ang hitsura at katawan nya, idagdag pa ang hindi birong sukat ng alaga nya. Pero sorry na lang sa mga babaeng naghahabol sa kanya dahil sa akin lang sya patay na patay.
Hinawakan ko ang mukha nya at sinakop ang kanyang labi. Pinulupot naman nya ang mga braso sa katawan ko at gumanti ng halik.
Naging magaslaw muli ang indayog ko sa kandungan nya. Habang sya naman ay nakasubsob sa dibdib ko at parang gutom na sanggol na salit salitang sinusubo ito.
“Uhmm shit Atlas! M-Malapit na naman ako. Ohh!”
Mas lalo pang bumilis ang indayog ko sa kandungan nya na tila ako hinahabol hangang sa nanigas at nanginig ang katawan ko kasabay ng pagdating ko sa kasukdulan.
Hingal na sumubsob ako sa balikat ni Atlas. Pakiramdam ko ay naubusan na ako ng lakas. Pero hindi pa kami tapos dahil isang beses pa lang syang nilabasan at dama ko pa rin ang katigasan nya sa loob ko.
Napasinghap ako ng ihiga nya ako sa kama at hinugot ang pagkalalaki nya. Bumaba sya katawan ko at hinawakan ang dalawa kong hita at binuka ito. Sumubsob sya sa pagkababae ko.
Humawak ako sa buhok nya at kumagat labi. May panibagong init na naman na umuusbong sa katawan ko.
Tumitig ako sa puting kisame habang napapapikit at ine-enjoy ang mainit nyang dila at labi na sumasamba sa pagkababae ko.
Anong oras na ba? Umuulan pa ba sa labas? Hindi ko na alam. Simula ng dumating kami dito galing sa bahay namin ay agad na nya akong inangkin. Sa sala pa lang ay dalawang beses na nya akong inangkin at nagkalat pa doon ang aming mga damit.
Sa mahigit dalawang linggo namin dito sa bahay na bungalow ay ilang beses na naming inangkin ang isa’t isa. Lahat na yata ng sulok ng bahay na ito ay nagawan na namin ng milagro at lahat na rin yata ng posisyon ay nagawa na namin. Wala kaming kasawaan sa isa’t isa at habang tumatagal ay lalo lang kaming nasasabik sa isa’t isa.
Bago pa ako muling makarating sa sukdulan ay umahon na si Atlas at lumuhod sa pagitan ng aking mga hita. Binuka pa nya lalo ang aking dalawang hita at sinampay sa dalawa nyang braso. At sa isang iglap ay nasa loob ko syang muli.
“Ahh! Ahh! Ahh! Ahmmm! – Ughh Atlas!” Ungol ko habang mabilis syang umuulos sa bukana ko.
Mahigpit ang hawak nya sa dalawa kong hitang nakabuka. Halos bumaon na rin ako sa malambot na kama sa bawat malalakas na bayo nya.
“Ughh fuck sugar! Nakakabaliw ka! Ugh! Uhnghhh!”
“U-Uhhnngggg Atlas! Ahh sige pahhh!” Umikot ang mata ko sa masarap na sensasyong natatamasa ko. Tila pa ako nabibitin.
Mas lalo pa nga nyang binilisan at diniin ang pag ulos. Umaalog na ang buong katawan ko lalo na ang dibdib ko. Mahigpit ang kapit ko sa kobrekama na lukot lukot na.
“Ughh shit! Nghhh cumming sugar! Ughh!”
Dumapa na sya sa ibabaw ko at sumubsob sa leeg ko. Niyakap ko naman sya at ipinulupot ang mga binti sa kanyang balakang. Mas naging mabilis pa ang pagulos nya at dama ko ang paglaki ng kanyang pagkalalaki sa loob ko. Dama ko ring malapit na rin ako.
“Ahh Atlas!”
“Ughh sugar!”
Kasabay ng malakas na ungol namin ay ang paninigas at panginginig ng aming katawan. Sabay naming muling narating ang sukdulan..
Ilang chapter na lang ang nalalabi :)
Chapter 39
Jolene
“PAPA! Mama!” Tumatakbong sumalubong sa amin si Jeremiah pagbaba namin ng sasakyan. Una syang yumakap sa akin at nagpabuhat. Mahigit dalawang linggo ko din syang hindi nakita at nayakap. Sa video call ko lang sya nakikita at nakakausap. Miss na miss ko na ang baby boy ko.
“Parang bumigat ka yata lalo anak? Anong ginawa mo ha?” Malambing na pinanggigilan ko ang matambok nyang pisngi. Panay naman ang hagikgik nya.
“Naku, puro kain ang ginawa nyan. Silang dalawa ni Ava.” Sambit ni Tita Anita.
“Hindi ako kumakain mommy ah, tumitikim lang ako.” Nakangusong sabi ni Ava na iniusyoso na ang dala naming pasalubong.
Nagpabuhat naman si Jeremiah sa ama nya at silang dalawa naman ang naglambingan. Halatang miss na miss nila ang isa’t isa.
Si Tita Anita naman ay kinamusta si Leah. Ok na sya ngayon at magsisimula na ulit sa panibagong buhay na wala ang kanyang ama. Mas dodoblehin pa raw nya ang kayod para sa mga kapatid nya. Si Tata at si Nana ay hindi man nakapunta sa burol ay nagpaabot naman ng malaking tulong. Parang anak na rin kasi ang turing nila kay Leah. Si Atlas ay nangako din ng tulong. Bibigyan daw nya ng scholarship ang mga kapatid ni Leah.
Pumasok kami sa loob ng bahay bitbit ang mga pasalubong namin na kinakalkal na ni Ava. Puro pagkain ang laman nun, mga delicacies ng Zambales.
Dumiretso kami sa hapag kainan at may nakahain ng pagkain. Sakto rin kasi sa hapunan ang uwi namin.
Pagkatapos ng hapunan ay nagkwentuhan pa kami sa living room habang nagtsatsaa. Dito na rin kami nagpalipas ng gabi at kinabukasan na kami umuwi sa bahay namin.
–
Matulin na lumipas ang mga araw at linggo. Puspusan na rin ang paghahanda namin ni Atlas para sa nalalapit naming kasal. Kabado nga ako na naexcited. Pero si Atlas ay excited na excited. Nagrequest pa nga sya sa wedding organizer namin kung pwedeng mas agahan pa ang petsa. Nakakaloka sya kung minsan.
Ako naman ay nagresign na sa planta at magnenegosyo na lang. Balak kong inegosyo ay rtw at gustong sumosyo sa akin ni Ava na pinayagan ko naman. Maganda nga yun na may kasosyo ako. Yun din pala ang gusto nyang inegosyo kapag nakagraduate sya. Handa din tumulong sa akin si Tita Anita. Iti-train daw nya ako dahil may alam sya pagpapatakbo ng negosyo. Pero mas maganda daw kung mag aaral ulit ako. Yun ang suhestiyon ni Tita Anita na sinangayunan naman ni Atlas. Sya daw ang magpapaaral sa akin. Kasalanan naman daw kasi nya kung bakit hindi ako nakapagtapos ng pag aaral kaya gusto nya raw bumawi sa akin. Nahihiya man ay hindi ko na yun tinanggihan. Yun naman kasi talaga ang pangarap ko ang makapagtapos ng pag aaral.
“Yehey!” Tuwang sambit ni Jeremiah ng maikabit na nya ang star sa tuktok ng christmas tree. Buhat buhat sya ni Atlas.
I-on ko naman ang switch ng christmas light at nagliwanag ang malaking christmas tree. Lalong naexcite si Jeremiah na pumalakpak pa.
“Mama ang laki po ng christmat tree natin!” Bulalas nya.
Natawa ako at lumapit sa kanya sabay pisil sa kanyang pisngi. Hinapit ako sa bewang ni Atlas sabay halik sa sentido ko.
“Merry Christmas sugar.” Nakangising sambit ni Atlas.
“Merry Christmas ka dyan. November pa lang no.” Natatawang sabi ko.
Tumawa din sya. “Ganun na rin yun. At saka simula ng makasama ko kayo ni Jeremiah araw araw pasko ang pakiramdam ko.”
Pabirong kinurot ko sya sa tagiliran. “Para ka ring anak mo.”
“Syempre kanino pa ba sya magmamana kundi sa akin.” Proud pa nyang sabi.
“Oo na.”
Sabay na naming pinagmasdan ang maliwanag na christmas tree. Ang sarap nitong pagmasdan. Nagwish pa nga si Jeremiah. Ang aga nyang magwish. Tinatanong nga namin kung ano ang wish nya. Secret daw. Natawa na lang kami ni Atlas. Marunong ng magsecret ang baby boy namin.
Noon ay maliit na christmas tree lang ang meron kami sa apartment at isang christmas light na iba iba ang kulay. May tunog pa nga yun na gustong gusto ni Jeremiah. Excited sya lagi tuwing gabi. Ngayon mas excited sya sa lampas taong christmas tree na maraming nakasabit na dekorasyon.
November pa nga lang ay paskong pasko na dito sa bahay namin at literal talagang nagliliwanag. Yung labas ng bahay namin ay namumutiktik din sa christmas light. May dalawang malaking lantern pa nga sa labas na umiilaw, malaking christmas tree at may life size estatwa pa ni Santa Claus at ng mga reindeer nya.
Nagsimula ang lahat noong nakaraang buwan ng magmalling kaming tatlo. Dahil ber month na nga ay samu’t sari na ang panindang christmas decoration sa mall. Naexcite si Jeremiah ng makakita ng malaking christmas tree na nakadisplay na may estatwa pa ni Santa Claus. Gusto na nyang bilhin yun at ilagay na sa bahay dahil malapit na raw ang pasko. At si Atlas naman ay sunod din sa gusto ng anak. Akala ko nga ay christmas tree lang at mga decorations nito ang binili nya pero hindi pala. Nagulat na lang ako noong isang linggo na may dumating na mga tao na inupahan ni Atlas na i-set up nga ang mga christmas decorations na inorder pa nya online. At heto na nga ang bahay namin. Paskong pasko na. Hindi papakabog sa christmas decorations ng mga kapitbahay namin
–
Kunot noong nagbibilang ako ng petsa sa kalendaryo ng cellphone ko. May mali nga kasi talaga at malakas ang kabog ng dibdib ko. Dalawang buwan na kasi akong hindi dinadatnan tapos active na active din kami sa sex ni Atlas. Lalo na noong pumunta kami sa Zambales at mahigit dalawang linggo kami doon. Halos gabi gabing may nangyayari sa amin. Kaya hindi talaga imposible. Pero gusto ko pa ring makasiguro.
Tumayo ako mula sa couch at dinampot ang sling bag ko. Nilagay ko sa loob ng bag ang cellphone at wallet ko. Lumabas ako ng kwarto namin ni Atlas at bumaba sa hagdan. Nakasalubong ko pa ang isang kasambahay at nagpaalam sa kanya na lalabas saglit at may bibilhin lang. Sa labas naman ay sumalubong sa akin ang isa sa mga tauhan na kinuha ni Atlas sa isang security agency. Nagpresinta sya na ipagdrive ako ayon na rin sa utos ni Atlas. Pumayag na rin ako. Siguro ay dapat na rin akong masanay sa malaking pagbabago sa buhay ko. Ang importante ay hindi ako makalimot lumingon sa aking pinanggalingan at tumingin sa lupa. Uri lang ng pamumunay ang magbabago sa akin pero hindi kailanman ang pagkatao ko.
Pagdating sa botika ay binili ko na ang kailangan ko at umuwi na rin ako agad. Kailangan ko ng subukan ang binili ko para malaman ko kung tama ba ang hinala ko.
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang resulta ng pt na nakapatong sa sink ng banyo. Pero malakas talaga ang kutob ko. Gusto ko lang itong kumpirmahin.
At hindi nga ako nagkamali.
Dalawang linyang pula ang lumabas. Kumpirmado. Buntis ako.
Kumagat labi ako at dinampot ang pt. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sa kaba pero may halo na yung excitement. Excited na akong ipaalam ito kay Atlas. Excited na rin akong makita ang reaction nya. Alam kong matutuwa sya. Madalas na rin naman kasi syang magparinig na gusto na nya ng panibagong baby. Hindi nya kasi naranasang kargahin si Jeremiah noong baby pa. Ang gusto kong malaman ay kung maiiyak ba sya sa tuwa kapag nalaman nya. Pero ang sigurado ako ay mapapamura sya.
Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas na ng banyo hawak ang pt. Naghanap ako ng maliig na box na pwede kong paglagyan ng pt. Gagawin ko tong regalo at ibibigay sa kanya.
Ibang iba ang nararamdaman ko ngayon kesa noong una akong mabuntis. May pagaalinlangan ako noon at may takot. Pero ngayon tuwa at excitement ang nararamdaman ko. Hindi ako natatakot. Bakit pa? Nakayanan ko ngang palakihin mag isa si Jeremiah eh ngayon pa kaya na hindi na ako nag iisa.
Nakahanap ako ng maliit na pulang box sa closet ko. Box ito ng bagong bracelet na binili sa akin ni Atlas na suot ko ngayon. Hindi ko nga ito dapat susuotin pero mapilit si Atlas. Gusto daw nyang makita na suot ko ito. Marami na nga syang naibigay na regalo sa akin na puro alahas. Pero ang pinakainiingatan ko sa lahat ay ang necklace na unang binigay nya sa akin. Laking pasasalamat ko nga na hindi ko yun nilagay sa bagpack ko na nakasama sa sunog sa bar.
Maayos kong nilagay ang pt sa maliit na box na pahaba. Nilagay ko ang box sa bulsa ng duster dress ko. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Malapit ng dumating ang mag ama ko. Si Atlas ang magsusundo ngayon kay Jeremiah sa school. Dito sya manananghalian at babalik ulit ng opisina nya.
.
.
Nakakunot ang noo habang natatawang kinuha ni Atlas ang maliit na pahabang box na inabot ko.
“What’s this sugar?”
“Regalo ko sayo.” Nakangusong sabi ko. Binigay ko na agad ang box sa kanya bago kami mananghalian. Excited na kasi ako eh.
“Ano po yan mama?” Tanong ni Jeremiah na nakiusyoso din. Nakabihis na sya ng pambahay.
“Regalo po yan ni mama kay papa.” Sabi ko at ginulo ang buhok ng anak.
Ngumuso naman sya. “Ako po wala?”
Natawa ako at pinisil ang pisngi. “Eh di hati kayo ni papa sa regalo.”
Namilog naman ang mata ni Jeremiah. “Talaga po?”
“Yes po.”
Ngumisi si Atlas. “Na-curious tuloy ako lalo kung ano ang laman nito.” Aniya at sinipat sipat pa ang box. Bahagya pa nga nya itong inalog.
“Buksan mo na po papa.” Excited na sabi ni Jeremiah.
“Oo nga buksan mo na.” Excited na ring sambit ko.
“Oo na bubuksan na.” Natatawang maingat na binuksan ni Atlas ang pahabang box. Pero agad na nawala ang ngiti sa labi nya at umawang ito ng makita ang laman ng pahabang box.
Kumagat labi ako at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Gusto kong makita ang reaksyon nya.
Kinuha nya ang pt at tumingin sa akin. Bahagya pang nanginginig ang kanyang kamay.
“B-Buntis ka sugar?”
Kagat labing tumango tango ako at ngumiti.
“Holy shit!” Malutong na mura nya at sinunggaban ako ng mahigpit na yakap.
Natatawang niyakap ko naman sya. Humigpit pa lalo ang yakap nya at naramdaman kong humihikbi sya. Naiyak na nga sya sa tuwa.
“Daddy ano ang laman ng box?” Tanong ni Jeremiah.
Bumitaw naman ng yakap si Atlas sa akin. Pinunasan nya ng braso ang luha sa kanyang pisngi. Hindi pa sya makatingin sa akin ng diretso dahil nahihiya sya. Hinawakan ko ang pisngi nya at hinaplos. Saka lang sya tumingin sa akin. Mapupungay ang kanyang mga mata.
“Daddy ano na po?” Pangungulit na ni Jeremiah na hinihila ang damit nya.
Natawa na lang kami pareho ni Atlas. Nag-squat sya sa harapan ni Jeremiah at pinakita ang pt. Kumunot naman ang noo ni Jeremiah na titig na titig sa pt.
“Ano po yan daddy?”
“Pregnancy test ito anak. Dito malalaman kung buntis si mama. Dito malalaman kung magkakaroon ka na ng kapatid.” Paliwanag ni Atlas.
Namilog naman ang mata ni Jeremiah. Matalino syang bata kaya alam kong maiintindihan nya.
“Talaga po daddy?”
“Yes son. Ipapakita ko sayo to. Kapag may nakita kang two red lines ibig sabihin buntis si mama at magkakaroon ka na ng kapatid. Kapag isa lang wala ka pang kapatid. Ready?”
Tumango tango si Jeremiah. “Opo, patingin na po ako papa.” Excited na sabi ni Jeremiah.
Binigay ni Atlas ang pt kay Jeremiah. Tiningnan naman ito ng anak namin. Nakanguso pa sya habang sinusuring maigi ang pt.
“May two red lines.” Sambit nya at tumingin sa amin ni Atlas. Pero nagtagal ang tingin nya sa akin. “Buntit ka mama? Magkakaroon na ako ng kapated?”
Tumango ako at ngumiti. “Oo anak, magiging kuya ka na.”
“Yehey! Natupad na agad ang wish ko sa christmat tree. Magkakaroon na ako ng kapated! Magiging kuya na ako!” Sigaw ni Jeremiah na tumatalon talon pa.
Naglabasan tuloy ang mga kasambahay sa kusina dahil sa sigaw ni Jeremiah. Nalaman na rin nila na buntis nga ako. Binati naman nila ako.
Lumapit sa akin si Atlas at muli akong niyakap ng mahigpit.
“I’m so happy sugar. Thank you. Thank you. Thank you..” Anas nya sa tenga ko at pinupog ako ng halik sa buhok.
Sinandig ko naman ang ulo sa malapad nyang dibdib. Masayang masaya din ako sa paparating ng pangalawa naming anak.
Malapit na po tayong mag end. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa walang sawang pagsuporta nyo at pagsubaybat sa story ni Atlas at ni Jolene. Thank u ng marami 🤗♥️
Sa mga naghihintay po ng update ng TRDW sa kabila kaunting hintay pa po, under review pa po kasi sya. Kapag ok na tuloy tuloy na po ang update ko. 😉
Chapter 40
Jolene
NAGING mas lalo pang sweet si Atlas sa akin ng malaman nyang buntis ako. Sya pa ang nagpresinta na magpacheck up na kami kinabukasan at kumpirmado nga na buntis ako ilang linggo na. Pinamalita nya yun kay Tita Anita at Ava na mga tuwang tuwa naman. Pumunta pa nga sila dito sa bahay at nagkaroon ng kaunting selebrasyon. At heto na nga ang magtiyahin nagtatalo na naman kung anong kasarian ng baby ang gusto nila.
“Basta gusto ko po boy mama para may kalaro na po ako.” Sambit ni Jeremiah na gaya ng ama ay excited na excited din sa pagbubuntis ko.
“Hindi, girl dapat para mas masaya.” Giit ni Ava na hindi nagpapatalo kay Jeremiah.
“Mas masaya po tita kapag boy.”
“Hindi kaya! Mas masaya kapag girl. Magbo-bonding kami. Aayusan ko sya ng buhok at me-make up-an.”
Ngumuso si Jeremiah. “Eh bakit hindi na lang po ikaw ang gumawa ng baby girl?”
Napaubo si Ava at muntik pang masamid sa kinakaing fruit salad. Nagtawanan naman kami.
“Eh wala pang makakasama si tita sa paggawa ng baby girl. Kailangan may kasama si tita – aray!” Daing ni Ava ng kurutin sya ni Tita Anita sa tagiliran.
“Yang bibig mo Ava bata yang kausap mo.” Pinandilatan ni Tita Anita ng mata si Ava.
Ngumuso si Ava. “I’m just telling the truth mommy. Need naman talaga ng kasama kapag gumawa ng baby.”
“Eh di pasama po ikaw kay Tito Matias.” Sabat ni Jeremiah na ikinaubo na naman ni Ava. Tuluyan na nga itong nasamid.
“T-Tubig! Tubig! Uhuk!”
Inabutan naman ng kasambahay ng tubig si Ava.
Hindi ko naman alam kung bakit nasabi yun ni Jeremiah. Si Atlas ay tatawa tawa lang.
“Yuck ka naman pamangkin! Si Kuya Matias talaga? Majonda na yun para kay tita. Ang gusto ni tita ay yung bata bata pa. Baby face. Yung mukhang laging mabango at nakajohnsons baby powder. Yung mala- Mackenyu Arata ang dating. Ganurn! Ganun ang gusto ni tita hindi yung matandang binatang masungit na mahilig sa mga hayop at galit sa mga bata like me.” Litanya ni Ava.
Natawa naman ako. Minsan di ko sya maintindihan. Inis sya kay Matias pero kapag nasa harap naman nya ito ay nilalambing lambing nya ito. Kunsabay ang purpose ng lambing nya ay ang mang uto. Yun nga lang parang tuod ang isang yun at pikon sa kanya.
“Mas pogi naman po si Tito Matias. Mabango din po sya at macho gaya ni papa. Mabait po sya sa akin sayo lang po hindi kasi maldita daw po kayo at maharot.” Hirit pa ni Jeremiah.
Namilog ang mga mata ni Ava. “Sinabi nya yun?”
Tumango tango si Jeremiah. “Opo.”
Pumikit ng mariin si Ava at kumikibot ang bibig. Halatang naiinis na kay Matias.
“Kuh! Nakakainis talaga yang si Kuya Matias. Sarap ipakulam!”
“Bakit? Totoo naman ang sinabi ni Matias. Maldita ka naman talaga at maharot.” Wika ni Tita Anita.
Ngumuso si Ava. “Mommy naman, bakit ba lagi kayong kampi kay Matias. Ako kaya ang anak nyo.” Tila nagtatampong sabi nya.
“Eh lagi mo kasing iniinis ang batang yun.”
“Hindi na bata yun mommy. Matanda na yun parang si kuya. Parehas na silang malapit ng magthirty six.”
“Kaya naiinis sayo si Matias eh. Yang bibig mo kasi walang filter.” Sabat na ni Atlas.
“Huu! Parehas kamo kayong ayaw tumanggap ng katotohanang matanda na kayo.”
Sinamaan ni Atlas ng tingin ang kapatid. Tinapik ko naman ang hita nya para pakalmahin sya. Isa rin kasi syang pikon sa kapatid.
“Hello people!”
Sabay sabay kaming lumingon sa entrada ng komedor ng marinig ang boses ni Leah na kararating lang. Kasunod nya si Nana at si Tata. Tumayo si Jeremiah at sinalubong sila. Nagnamo sya kay Nana at Tata. Tumayo na rin kami ni Atlas at lumapit para magmano.
“Congratulations Jolene. May bago ka uli baby.” Bati ni Nana.
“Thank you po Nana. Upo na po kayo para makakain na.”
At mas lalo pa ngang naging maingay ang hapag kainan sa pagdating ni Leah, Nana at Tata. Ang sarap tuloy ng pakiramdam ko. Sila na kasi ang tinuturing kong pamilya. Sila ang nagpadama sa akin ng kahalagahan ko.
Pero hindi ko naman maiwasang isipin si mama. Next week ay pupuntahan namin sya ni Atlas sa Bulacan. Hindi naman ako galit sa kanya, may tampo oo. Hindi naman maiiwasan yun.
.
.
Napangiti ako ng maramdaman ang mga braso ni Atlas na pumulupot sa bewang ko. Sinandal ko naman ang likod sa matigas at malapad nyang katawan. Nandito kami sa balcony sa kwarto namin. Masarap ang simoy ng hangin. Ramdam mo talaga na malapit na ang pasko idagdag pa ang mga palamuti ng kapaskuhan na nagkalat sa paligid.
“Ang lalim ng iniisip mo ah.” Anas ni Atlas sa tenga ko sabay halik sa buhok ko.
Bumuntong hininga ako at tinagilid ang ulo at tumingala. Sa pisngi naman nya ako hinalikan. Ngumiti ako sa kanya at muling tumingin sa kawalan.
“Iniisip ko lang si mama. Kamusta na kaya sya?” Sambit ko. May pagaalala sa dibdib ko. May number naman ako ni mama na binigay ni Tita Helga. Ilang beses ko syang tinext para kamustahin at sabihing ikakasal na ako pero hindi sya nagrereply. Hindi rin nya sinasagot ang mga tawag ko.
“Gusto mo bang bukas puntahan na natin sya?”
Tumingala ako sa kanya. “Pwede?”
“Oo naman, gusto ko rin naman na makilala sya. Gusto kong makilala ang babaeng nagluwal sa babaeng pinakamamahal ko.”
Ngumiti ako at kunwaring inirapan sya. “Bolero!”
Tumawa sya at hinigpitan ang yakap sa akin. “Kinikilig ka lang.”
“Huu, dami mo talagang alam mana sayo ang anak mo. Pasok na nga tayo sa loob at malamig na dito sa labas.” Yaya ko sa kanya.
“Oo nga, oras na para magpainit.”
Napatili ako ng bigla nya akong buhatin at pumasok na kami sa loob ng kwarto. Sinarado nya ang french door at lumapit sa kama. Dahan dahan nya akong nilapag doon at umibabaw sa akin. Sinakop nya ang labi ko sa mainit na halik..
–
MATAMAN kong tiningnan ang adress number na nakapaskil sa isang bahay. Tugma ito sa adress number na binigay ni Tita Helga. Ito ang adress ni mama noong nanghiram sya ng pera kay Tita Helga.
“Ito na kaya yun?” Tanong ko kay Atlas at tumingin pa sa ibang bahay na magkakatabi.
“Itanong natin.”
Naghanap kami ng taong pwede naming pagtanungan. Sarado kasi ang bahay na nasa harapan namin. Sakto namang bumukas ang pinto ng katabing bahay at lumabas ang isang may edad na babae. Kunot noong tumingin sya sa amin. Lumapit naman kami ni Atlas.
“Magandang umaga po, dito po ba nakatira si Jonalyn Caraz?” Magalang na tanong ko at tinuro ang unang bahay na pinuntahan namin.
“Ah si Jona, hindi sya dyan nakatira. Doon pa sa dulo. Yung maliit na apartment. Panglima sa dulo.” Matiim na tumingin sa akin ang ale. “Kaano ano kayo ni Jona?”
“Ah anak nya po ako, sya naman po ang nobyo ko.” Pagpapakilala ko sa amin ni Atlas.
“Ganun ba, naku mabuti pa puntahan mo na ang nanay mo at ialis mo na sa lugar na ito.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng ale. “Bakit po? May problema po ba?” Gumuhit ang pag aalala sa dibdib ko.
Bumuntong hininga ang ale. “Lagi syang binubugbog ni Norman at kinukulong sa bahay.”
Napasinghap ako sa sinabi ng ale at kumalabog sa kaba ang dibdib ko.
“Binubugbog ni Norman si mama?”
“Oo, madalas yan. Awang awa na nga kami. Wala naman kaming magawa dahil pinagbabantaan kami ni Norman kapag nangialam kami. Kaya mabuti at dumating ka. Kunin nyo na ang nanay mo at baka mapatay pa sya sa bugbog ni Norman, lasing pa namang umuwi kanina lang.”
Bumigat ang dibdib ko at nagngitngit sa galit kay Norman.
“Salamat po ale, tutuloy na po kami.” Hindi ko na hinintay sumagot ang ale at tumalikod na.
Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang direksyon ng dulong apartment na tinutukoy ng ale.
“Sugar slow down baka madapa ka.” Saway sa akin ni Atlas na hinawakan ako sa braso.
“Kailangan nating magmadali Atlas baka kung ano na ang ginagawa ng hayop na yun sa mama ko.” Nagngingitngit na sabi ko.
“I know, but calm down first sugar. Alalahanin mo buntis ka. Baka mapano ka.” Nag aalalang sabi ni Atlas.
Natigilan naman ako. Oo nga pala buntis ako. Sa galit ko kay Norman nakalimutan ko saglit.
“Ayos lang ako hon. Bilisan na natin.”
Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa natanaw ko na ang sinasabi ng ale na limang apartment. Pero kapansin pansin ang mga taong naguumpukan.
“Naku, siguradong puro pasa na naman si Jona paglabas nya ng bahay.” Sabi ng isang malusog na ale na may kargang bata.
“Ang tigas naman kasi ng ulo ni Jona eh. Dapat hinihiwalayan nya na yang gagong lalaki na yan.” Sambit pa ng isang may edad na ring babae.
Lalong kumabog ang dibdib ko sa mga naririnig. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng sigaw ng isang babae. Nabosesan ko ang boses ni mama.
“Ma!” Hindi na ako nakatiis at tumakbo ako sa pinakadulong pinto ng apartment na sarado.
“Sugar!” Tawag sa akin ni Atlas na mabilis ding nakasunod. Hinawakan nya ako sa braso.
“Ahh hayup ka! Bitiwan mo ko – ack!”
Nanayo ang balahibo ko at nanlamig ang buong katawan ng marinig ang daing ni mama.
“Ma! Ma!” Lumapit ako sa saradong lumang pinto at kinalampag ito. Sinilip ko ang bintanang nakasarado.
“Ma! Ma ako to!” Tawag ko kay mama.
Pero walang sumasagot mula sa loob at biglang naging tahimik. Lalo tuloy akong kinabahan. Dinikit ko ang tenga sa pinto. May naririnig akong mahihinang bulong na paasik ng isang lalaki. Si Norman iyon.
“Hoy Norman! Ilabas mo ang mama ko hayup ka!” Galit na sigaw ko at kinalampag ang pinto. Pero wala pa ring sagot sa loob.
Nilingon ko si Atlas na sumisilip naman sa saradong bintana. Napansin ko rin na lalo pang dumami ang mga taong nakikiusyoso. May ilan pa na lumapit sa amin.
“Atlas si mama baka napano na sa loob.” Nagaalang sabi ko.
Lumapit naman sya sa akin. “Naghahanap ako ng paraan sugar para mapasok ang loob ng bahay pero mukhang ang tanging paraan lang ay ang bintana at itong pinto.”
“Wasakin nyo na lang ang pinto. Baka kung napano na si Jona. Kanina pa sila nag aaway siguradong bugbog sarado na naman si Jona.” Suhestiyon ng isang matandang babae.
May lumapit naman na isang lalaki na may hawak na martilyo. “Sirain na lang natin ang kandado. Baka mamaya kung ano na ang ginagawa ni Mang Norman kay Aling Jona.”
Pinatabi ako ni Atlas at pinagtulungan na nga nila ng lalaki na balyahin ang pinto. Ang lalaki ay minamartilyo ang doorknob. Si Atlas naman ay tinatadyakan ang pinto. Dahil sa malaking tao si Atlas at malakas ay nabutas ang plywood ng pinto. Wala pang isang minuto ay bumukas na ang pinto. Agad akong lumapit sa bukas ng pinto pero mabilis akong hinarangan ni Atlas.
Namilog ang mata ko sa nakita. Sakal sakal ni Norman ng braso si mama na umiiyak na. Magulo ang buhok ni mama, putok ang kanyang labi at puro pasa ang mukha.
Chapter 41
Jolene
“HUWAG kayong lalapit! Babalian ko ng leeg ang babaeng to!” Asik ni Norman na namumula pa ang mata. Hubad baro pa sya. Halatang lango sya sa alak at mukhang hindi lang sya nasa ilalim ng alak kundi nasa ilalim din ng pinagbabawal na gamot.
“Hayup ka Norman! Bitiwan mo ang nanay ko!” Sigaw ko sa kanya.
Gusto ko syang sugurin pero hindi ko magawa dahil nakaharang ang malaking braso ni Atlas.
“J-Jolene anak..” Umiiyak na tawag sa akin ni mama.
Awang awa ako sa kalagayan nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito na walang kalaban laban. Noong nabubuhay pa si papa ay hindi sya sinasaktan nito o ang sigawan. Pero ang lalaking ito na pinili nyang pakisamahan kesa sa akin ganito lang ang ginagawa sa kanya. Bakit ba nagkaganito si mama?
“Ma, nandito na ako. Kukunin kita sa hayop na yan.”
“Hindi! Hindi mo makukuha sa akin si Jona? Bakit nagpakita ka pa ha? Pinalayas ka na di ba? Dahil wala kang kwentang anak! Malandi! Pokpok!” Tila wala sa sariling sambit ni Norman.
Akmang susugurin ni Atlas si Norman pero niyakap ko ang braso nya para pigilan sya. Madilim na madilim na ang kanyang mukha, umiigting ang panga at nanlilisik na rin ang mga mata sa galit.
“H-Huwag Atlas. Baka tuluyan nyang diinan ang sakal kay mama.” Nag aalalang sabi ko.
“O ano sige! Lumapit kayo ng tuluyan ko na ang babaeng to.” Nakangising banta ni Norman.
“A-Ack! N-Norman di na ako makahinga!” Daing ni mama.
“Mama!”
“Tumahimik ka! Talagang tutuluyan kita!” Asik ni Norman kay mama sabay bunot ng balisong sa bulsa ng likurang pantalon.
Lalo naman akong nagpanic pati na rin ang mga taong naroon.
“Tumawag na kayo ng baranggay dali!”
“Anong baranggay? Pulis na ang tawagan nyo.”
“Sige! Tawagin nyo na ang kahit sino! Hindi ako natatakot! Mga pakialamero kayo!” Sigaw sa amin ni Norman. Lalo pang nanlisik ang kanyang mga mata.
“Norman parang awa mo na please! Pakawalan mo na si mama.” Naiiyak na pakiusap ko na sa kanya.
Pero dinuro lang nya ako ng balisong na hawak nya.
“Isa ka pa! Tumahimik ka! Kung ayaw mong idamay kita!”
Tuluyan na akong naiyak sa takot at pagaalala kay mama. Humarap si Atlas at hinarang ang malaking katawan sa akin at marahan nya akong tinulak paatras.
“A-Atlas si mama.” Umiiyak na sabi ko.
Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos. “Ako ng bahala dito sugar. Doon ka muna sa bandang malayo baka mapano ka pa – ugh!”
Namilog ang mata ko ng makita si Norman sa likuran ni Atlas. Nakadikit ang kamay nyang may hawak na balisong sa tagiliran ni Atlas. Tila sinaksak din ang puso ko.
Tumingin ako kay Atlas. Nakatiim bagang sya.
“Pakialamero! Yan ang bagay sayo!”
Kitang kita ko ng hugutin ni Norman ang balisong sa tagiliran ni Atlas. Nanlamig ang buong katawan ko ng makitang may bahid na ng dugo ang matalim na punyal. Akmang ibabaon nya ulit ito sa katawan ni Atlas pero mabilis sya nitong siniko sa mukha. Napaataras si Norman. Kinuha naman iyong pagkakataon ni Atlas at hinawakan ang braso ni Norman na may hawak na balisong. Pinilipit nya ang kamay nito na ikinadaing nito. Nabitawan nito ang balisong. Sinipa naman iyon ni Atlas palayo.
Natuptop ko ang bibig ng makitang umaagos ang dugo sa tagiliran ni Atlas.
“A-Atlas – “
“Lumayo ka muna Jolene!” Utos nya sa akin. In-arm locked na nya ngayon si Norman na hindi na makagalaw.
“P-Pero may saksak ka.” Naiiyak na sabi ko.
“Sinabi ng lumayo ka muna!”
“Sundin mo na lang ang nobyo mo ineng. Baka madamay ka pa dyan.” Hinila na ako ng isang matandang babae papalayo kanila Atlas.
Wala na akong nagawa kundi panoorin na lang ang mga nangyayari. Pero abot abot ang kaba ko sa pagaalala kay Atlas lalo na at tumutulo na ang dugo sa tagiliran nya.
Nilabas ni Atlas si Norman at doon ay lumapit na ang ilang lalaki. Nagwawala si Norman pero hindi sya makaporma dahil marami ng pumipigil sa kanya. May isa pa nga na sinuntok sya sa mukha.
“Itali nyo yan at tumawag kayo ng pulis at issurender yan!” Sabi ni Atlas.
“Nakatawag na kami ng pulis. Parating na sila.” Anang isang ale na may hawak na cellphone.
“Eh adik pa yata itong si Mang Norman. Pulang pula ang mata o!”
“Adik talaga yan! Kaya dapat dyan makulong!”
Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid. Tumakbo ako palapit kay Atlas. Nanginginig pa ang mga kamay ko.
“A-Atlas umaagos na yung dugo sa tagiliran mo. P-Pumunta na tayo sa hospital.” Natataranta at naiiyak na sabi ko.
Niyakap naman nya ako. “Shh.. calm down sugar. Mababaw lang ang saksak nya.”
“K-Kahit na. M-Magpapaospital na tayo baka maubusan ka na ng dugo.”
Ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. “Masyado namang nag aalala ang future misis ko.”
Pinalo ko sya sa dibdib sa inis ko. Parang balewala lang kasi sa kanya ang mga sinasabi ko. Halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang pag aalala.
“Ay jusko Mareng Jona! Ano na ba yang hitsura mo?”
Namilog ang mata ko ng marinig ang pangalan ni mama. Oo nga pala si mama!
Humiwalay ako kay Atlas at nilingon si mama. Nakalabas na sya ng bahay akay ng dalawang ale. Hinang hina ang hitsura nya at inuubo pa.
“Ma!” Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya. Sumunod naman si Atlas.
Mangiyak ngiyak na tumingin sa akin si mama.
“J-Jolene anak…”
“Ma..” Naiiyak na niyakap ko si mama. Yumakap din sya sa akin ng mahigpit at nagiyakan na kaming dalawa.
Miss na miss ko sya at naglaho na ang tampo ko sa kanya.
“I-I’m sorry anak.. patawarin mo k-ko.. P-Patawarin mo ko sa nagawa ko sayo noon..” Umiiyak na sabi nya.
“Wala na po yun ma.. napatawad ko na po kayo. Importante ligtas po kayo sa hayop na Norman na yun.”
“Ineng ang mabuti pa pumunta na kayo ng mama mo at nobyo mo sa hospital para malunasan na sila. Lalo na tong nobyo mo.” Suhestiyon ng matandang babae.
Tumingin si mama kay Atlas.
“Nobyo mo sya?” Tanong ni mama.
“Opo ma, sya ang ama ng pinagbubuntis ko noon. Malaki na ang anak ko ma. Malaki na ang apo nyo.”
“Kamusta ho ma’am. Atlas Montecillo ho. Nakakalungkot man na sa ganitong pagkakataon tayo nagkakilala pero masaya ho ako na makilala kayo.” Nilahad ni Atlas ang kamay sa harap ni mama.
Kinabahan naman ako dahil walang imik si mama at nakatingin lang kay Atlas at sa akin. Pero mayamaya lang ngumiti sya at tinanggap ang kamay ni Atlas.
“Jonalyn Briones iho, kinagagalak din kitang makilala.”
Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Akala ko ay magpoprotesta pa si mama.
May isang lalaki na nagpresinta na samahan kami sa hospital. May taxi daw sya at ihahatid kami. Pero dahil may sasakyan kaming dala ni Atlas ay pinakiusapan na lang ito ni Atlas na ipag-drive kami.
Saktong papaalis kami ay dumating naman ang mga pulis. Inaresto na nila si Norman. Kailangan din daw naming magbigay ng statement pagkatapos naming magpagamot sa hospital.
Awang awa akong pinagmamasdan si mama na ginagamot ng nurse. Nakita ko kasing bukod sa mga bago nyang pasa ay may mga luma pa sya. Mukhang ginagawa syang punching bag ni Norman. Nakakainis lang bakit hinahayaan lang nya. Gaano na ba sya katagal binubugbog ni Norman? Bakit hindi nya ito magawang iwan? Ganun na ba nya ito kamahal?
Bumuntong hininga ako at nilingon si Atlas na nasa labas na ng emergency room at kausap si Tita Anita sa cellphone. Tapos na syang gamutin. Mababaw lang daw ang saksak sa kanya. Niresetahan na rin sya ng doctor ng gamot.
“Heto na po ang reseta ng pasyente ma’am.”
Binalingan ko ang nurse na inaabot sa akin ang reseta ni mama.
“Salamat miss.” Nakangiting sabi ko at nilapitan na si mama. May hawak syang cold compress na nakalapat sa cheek bone nya na may pasa.
“Kamusta na ang pakiramdam mo ma?”
Ngumiti sya pero agad ding napangiwi ng mabanat ang sugat nya sa gilid ng labi.
“Ayos lang ako anak. Masakit lang ang katawan ko lalo na itong kaliwang braso ko.”
Tumingin ako sa kaliwang braso nya na may malaking pasa. Hindi ko alam kung pinilipit sya o sinuntok doon ng hayop na si Norman. Pati nga ang leeg nya ay namumula din at may marka ng kamay.
“Gaano katagal na kayong sinasaktan ni Norman ma? Matagal na ba? Palagi nya po ba kayong sinasaktan? Bakit hindi nyo pa sya iniiwan?” Sunod sunod na tanong ko.
Lumungkot ang mukha ni mama at may tumulong luha sa kanyang mata.
“Akala ko kagaya sya ng papa mo. Nagkamali ako..”
Umikot ang mata ko. “Ang layo layo nya po kay papa ma. Si papa hindi nya kayo sinaktan kahit kelan.”
Hindi na sya nakaimik at malungkot lang na ngumiti.
“Kakasuhan natin si Norman ma.”
Tumingin sya sa akin. Gumuhit ang pagaalala sa kanyang mukha.
“Huwag na anak. Hayaan na lang natin sya. Lalayo na lang ako sa kanya.”
Marahas akong bumuntong hininga. Nakaramdam ako ng inis sa kanya. Mahal na mahal talaga nya ang lalaking yun.
“Ano ba naman ma? Ganun mo ba kamahal ang lalaking yun at hahayaan mo na lang sya? Kapag hinayaan lang natin sya ay siguradong guguluhin ka ulit nya.”
“Hindi ko na sya mahal. Natatakot lang ako na baka gantihan tayo ng pamilya nya anak. Mapera ang pamilya nya at nagbabayad ng tao para pumatay. Ayokong madamay ka. Kayo ng nobyo mo.”
Umawang ang labi ko. May lahi palang kriminal ang lalaking yun kaya pala walang pagdadalawang isip na sinaksak si Atlas.
“Kahit hindi nyo ho sya kasuhan ay kakasuhan ko din sya at ipapakulong. Hindi ko ho mapapalampas ang ginawa nya.”
Sabay naming nilingon si Atlas na tapos ng makipag usap kay Tita Anita.
“Hindi mo kilala ang pamilya ni Norman Atlas. Delikado ang pamilya nila. Gumaganti sila.”
“Hindi ho ako natatakot Tita Jona. Hindi nila ako kakayanin.” Ani Atlas at umakbay sa akin.
Bumuntong hininga si mama. “Ikaw ang bahala. Mukhang hindi ka naman ordinaryong tao lang.” Nagpalinga linga sya. “Ok na ba tayo? Pwede na ba tayong umuwi? Gusto ko ng magpahinga. Wala pa akong tulog mula kagabi.”
Tila kinurot ang puso ko sa sinabi nya.
“Oo ma, ok na po ang lahat at pwede na tayong umuwi. Pero hindi ka na po uuwi sa bahay nyo ni Norman.”
Kumunot ang noo nya. “Eh saan ako uuwi? Wala na akong uuwian. Hindi naman ako pwedeng umuwi sa Zambales. Malaki ang pagkakautang ko kay Emie. Hindi pa ako pwedeng umuwi doon.”
“Pwedeng pwede na kayong umuwi doon ma. Wala na sila Tita Emie doon.”
“Anong ibig mong sabihin anak?”
“Pinaalis ko na po sila ma. Tama na yung ilang taong naghariharian sila sa bahay.”
“Ano? Bakit mo ginawa yun anak? Malaki ang utang ko sa Tita Emie mo.”
“Mas malaki po ba sa naitulong nyo sa kanila ma?”
Hindi nakaimik si mama.
“Yung utang nyo sa kanila parang bayad na nila yun sa mga naitulong nyo sa kanila.”
Tumingin sa akin si mama. “Pero paano na sila anak? Saan sila pupunta?”
Parang gustong bumalik ng tampo ko sa kanya. Talagang mas iniisip pa nya ang mga kapatid nya.
“Ma naman! Malalaki na ang mga kapatid nyo. May sarili na silang pamilya. Kaya na nila ang mga sarili nila. Bakit ba laging sila ang iniisip nyo? Samantalang ako noong pinalayas nyo ni hindi nyo man lang inisip kung saan ako pupunta. Lagi na lang sila ang inuuna nyo. Baka pwedeng ngayon ako naman ma.” May hinanakit at punong puno ng pait na sabi ko.
Gumuhit naman ang lungkot sa mga mata ni mama. Nagbaba sya ng tingin.
“I’m sorry anak. Pinagsisishan ko rin ang ginawa ko na iyon sa iyo.”
“Pinagsisihan nyo pero ni hindi nyo man lang ako kinontak at kinausap. Alam nyong nasa Manila lang ako pero ni hindi nyo man lang ako pinuntahan.” Tumulo na ang luha ko. Mabilis ko yung pinalis ng kamay.
Sinabi ko ang lahat ng sama ng loob ko kay mama. Panay naman ang hingi nya ng sorry. Nahihiya na raw kasi syang harapin ako lalo noong panahong lubog na lubog sya. Idagdag pa na pinagbabawalan sya ni Norman na kumontak sa mga kaanakan nya. Pinagbabantaan sya nito.
“Pangako anak.. bigyan mo lang ako ng pagkakataon itatama ko ang lahat ng mga mali ko sayo. Gusto ko lang na patawarin mo ako.” Naiiyak na sambit ni mama.
Niyakap ko naman sya. Pagkatapos kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya ay tila nakawala na rin ako sa pangit na nakaraan. Ayoko ng magdamdam sa kanya. Gusto ko na lang syang makasama sa buhay at maramdaman uli ang pagmamahal ng isang ina.
Ng makalabas na kami ng hospital ay dumiretso kami ng presinto para magbigay ng statement at pormal na magsampa ng kaso laban kay Norman. Nagdadalawang isip pa si mama dahil natatakot pa sya. Ayaw na rin nyang makaharap si Norman. Pero si Atlas ay buo na ang desisyon. Kinasuhan nya si Norman at tuluyan na nya itong pinakulong.
Bumalik kami sa apartment na inuupahan ni mama para kunin ang mga gamit nya. Nagpaalam na rin sya sa mga kapitbahay nya roon na naging mga kaibigan rin nya. Pagkatapos ay bumiyahe na kami pabalik ng Manila. Doon na sya sa amin titira.
END
Jolene
“ITO balae mas maganda ang kulay. Bagay sayo to.”
“Talaga balae? Hindi ba ako magmumukhang mataba sa kulay na yan? May kulay kasi na mukha akong mataba.”
“Pwede naman itong isoli kung hindi bagay tapos mamimili na lang tayo ng iba. Wag kang mag alala akong bahala. Kakilala ko naman ang may ari nitong store.”
“O sige, sige. Kunin ko yan.”
Nangingiti ako habang pinagmamasdan si mama at si Tita Anita na abala sa pagtingin tingin ng mga damit sa online. Close na silang dalawa at lagi pang magkasama sa mga lakad. Sinasama na rin ni Tita Anita si mama sa mga zumba session nila. Kaya medyo nagiging fit na si mama. Ibang iba na nga ang hitsura nya ngayon simula ng kunin ko sya kay Norman. Iba na rin ang samahan namin ngayon. Sobrang close na naming dalawa parang si Tita Anita lang at si Ava.
Gusto nga ni mama na bumalik abroad para mabayaran na ang utang kay Tita Emie. Pero hindi ko sya pinayagan. Matanda na si mama at dapat sa kanya ay nagpapahinga na at ine-enjoy na lang ang buhay. At mabuti na lang may kapirasong lupa pa pala sila ni papa sa Zambales bukod sa lupang kinatitirikan ng bahay namin. Yun ang binenta nya at pinambayad sa utang nya kay Tita Emie. Yung natira naman ay tinabi niya para sa bagong negosyo na itatayo nya sa Zambales. Nag alok nga ng tulong si Atlas pero tinanggihan ni mama. Nahihiya daw sya. Utang daw nya yun kaya sya ang dapat magbayad hindi ibang tao.
Ang bahay naman namin sa Zambales ay pina-renovate ni Atlas kasabay ng bahay na bungalow na magsisilbi naming bahay bakasyunan doon.
Sobrang close din ni mama kay Jeremiah. Panay nga ang iyak nya ng unang makita nya ito. Panay din ang sorry nya dahil pinalayas nya ako noon ng malamang buntis ako. Kaya ngayong buntis ako sobrang alaga nya sa akin. Babawi daw sya ngayon sa pangalawang pagbubuntis ko.
Malapit na malapit na rin ang kasal namin ni Atlas. Kulang kulang isang buwan na lang. Pulido na ang lahat at naipamudmod na ang mga inivitation letter. Petsa na lang ng kasal ang hinihintay.
“Hi sugar.”
Nilingon ko si Atlas na humalik sa pisngi ko. Nakauwi na pala sya, di ko man lang namalayan ang oras.
Pinatay ko ang cellphone at tumayo ako. Kinuha ko ang brief case nya pati na rin ang coat at necktie nyang hinubad na nya. Lumapit naman sya kanila mama at Tita Anita para magmano.
“Papa!”
Sabay sabay naming nilingon si Jeremiah na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Pero sinalubong na ito ni Atlas.
“Careful son.” Ani Atlas at binuhat na si Jeremiah na pinupog na sya ng halik sa pisngi.
“Ugh, bumibigat ka pa lalo anak. Big boy ka na talaga.”
Bumungisngis naman si Jeremiah.
“Hindi na po ako baby papa kasi bigboy na ako.”
“Baby ka pa rin ni papa kahit bigboy ka na.” Kiniliti ni Atlas sa tiyan si Jeremiah na ikinahagikgik nito.
Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Ganyan ang gawain nila pag uwi ni Atlas galing opisina. Wantu sawang harutan. Pagkatapos ay tuturuan ni Atlas si Jeremiah sa kanyang mga assignments. Sya na rin ang nagtuturong magsulat dito. Infairness naman sa anak namin, matalino talaga at madaling matuto.
Iniwan ko muna sila para ilagay sa laundry area ang coat at necktie.
“Hmm ang bango bango mo hon..” Anas ko habang nakasubsob ako sa leeg ni Atlas.
Gustong gusto ko yung amoy nya. Lalo na yung natural nyang amoy at sabon lang ang gamit nya. Ang sarap sarap sa ilong. Ang sarap nyang singhot singhutin. Ayoko ng may ibang humahalong amoy sa kanya, naiinis ako. At kapag may ibang amoy na humalo sa kanya ay pinapaligo ko sya.
Tumawa si Atlas. “Adik na adik ka na sa amoy ko sugar.” Aniya at hinaplos haplos ang likod ko.
Nakahiga na kami ngayon sa kama. Ako naman ay halos nakadagan na ang kalahating katawan sa kanya. Nakadantay ang isa kong hita sa hita nya at nakayakap ang isa kong braso sa bewang habang nakasubsob naman ang mukha ko sa leeg nya. Ewan ko ba, pero lately mas komportable ako sa ganitong posisyon namin kapag natutulog. Naiirita na ako kapag sya ang nakadantay at halos nakadagan sa akin. Bigat na bigat ako. Siguro dala na rin ito ng pagbubuntis ko. Sabi ni doctora at ni mama normal lang daw na nagpapabago bago ang mood ko. Kunsabagay ganito din ako noon kay Jeremiah. Paiba iba ng mood.
And speaking of Jeremiah, mabuti na lang at gusto na nyang matulog sa sarili nyang kwarto. Nasasanay na sya. Bigboy na raw sya eh. Pero syempre bago sya matulog sinasamahan ko muna sya.
Tumingala ako kay Atlas. Nakapikit sya at nakangiti habang hinahaplos pa rin ang likod ko. Mukhang antok na antok na sya.
Tinaas ko ang isang kamay at hinaplos ang bandang baba at panga nya. Masarap sa kamay ang magaspang nyang balat dahil sa mainipis pa nyang balbas. Gustong gusto ko rin ito kapag kumikiskis sa balat ko.
Kumagat labi ako dahil sa pagbangon ng init sa katawan ko. Nitong mga nakaraan ang bilis kong mahorny. Minsan gusto ko syang ayain pero nahihiya naman ako. Mabuti na lang horny din sya at madalas mag aya kaya hindi na ako nahihirapan. Pero ngayon wala yata syang balak mag aya. Siguro pagod sya at antok na.
Bumuntong hininga ako. Hay, titiisin ko na lang to at itutulog.
Gumalaw sya pero hindi dumilat. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa labi nya. Hinalik halikan nya ito na ikinangiti ko.
Mula noon hanggang ngayon sweet pa rin ang mama sa akin. Hindi na sya nagbago. Sana hanggang pagtanda namin ay ganito pa rin sya.
Dumilat na sya at tumingin sa akin. “Bakit hindi ka pa natutulog hmm?” Aniya sa mababa at namamaos na boses.
Ngumuso ako. “Hindi pa ako inaantok eh.”
“Why? May gusto ka? Ano yun? Bibilhin ko.”
“Gabi na, wala ka ng mabibilhan sarado na ang lahat ng tindahan.”
Naalala ko dati noong pinagbubuntis ko si Jeremiah, hirap na hirap ako dati sa paglilihi. Yung tipong may gustong gusto akong kainin pero hindi ko makain dahil wala akong pambili at nagtitipid ako noon. Kaya tahimik na lang akong iiyak noon. Hindi kagaya ngayong pangalawang pagbubuntis ko, anuman ang gustuhin ko nakakain ko. Magrerequest lang ako kay Atlas wala syang angal na bibili agad kahit hating gabi na.
“Eh di maghahanap ako ng mabibilhan. Anong gusto ng sugar ko?” Malambing nyang usal. Akala mo bata ako na kausap nya.
Kumagat labi ako at ginala ang mata sa kanyang mukha.
“Hindi naman pagkain ang gusto ko eh.” Pilyang sabi ko.
Kumunot ang noo nya. Mukhang hindi nya ako nagets agad. Natutulog na kasi ang isip nya.
“Anong gusto mo?” Tanong nya sa inaantok na boses.
Ngumuso ako. “Ikaw.” Mahinang sabi ko.
Lumaki ang buka ang ng mata nya at kumurap kurap pa.
“Anong sabi mo sugar?”
Kumagat labi ako. “Ang sabi ko ikaw. Ikaw ang gusto ko.. kaya lang inaantok ka na.”
“Hindi! Hindi pa ako inaantok. Bakit hindi mo naman sinabi agad sugar. Ako pala ang gusto mo eh.” Pilyo na syang ngumiti. Mukhang nawala na ang antok nya. Ito rin ang gusto nya eh.
Pilya na rin akong ngumiti at bumangon sabay upo sa kanyang kandungan. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang t-shirt at ako na mismo ang naghubad niyon. Bakas naman ang excitement sa kanyang mukha.
Magpapabebe pa ba ako? Baka magbago pa ang isip nya.
Wala akong kagana gana habang hinahalo ng kutsara ang bagong timplang milo na si Atlas pa mismo ang nagtimpla. Kanina gustong gusto ko nito eh pero nung naamoy ko na parang ayaw ko na. Wala din akong ganang kumain. Parang may gusto ang sikmura ko. At iniisip ko kung ano yun.
“Sugar, bakit hindi mo pa iniinom yan? Lalamig na yan.” Untag sa akin ni Atlas.
Galing syang kusina at may hawak na tasa ng kape. Kararating lang nya galing sa paghatid kay Jeremiah sa school. Hindi daw sya papasok ngayon sa opisina at sa study room na lang tatrabahuin ang mga dinala nyang papeles kahapon. Gusto daw nya kasing makasama ako ngayong araw.
Tumabi sya ng upo sa akin at nilapag sa coffee table ang hawak na tasa.
“Ayaw mo pa bang kumain? May iba ka bang gustong kainin?”
Bumuntong hininga ako. “Oo, kaya lang iniisip ko pa kung ano.”
Mahina syang tumawa at inakbayan ako sabay kabig at halik sa buhok ko.
“Ang hirap ng kalagayan nyong mga buntis. Paiba iba ang mood nyo pati na ang gusto nyong kainin.”
Ngumuso ako. “Sinabi mo pa. Para na nga kaming ewan kung minsan.”
“But I’m so proud of you sugar. Hindi ko tuloy maimagine ang kalagayan mo noong unang nagbuntis ka kay Jeremiah. Alam kong sobra kang nahirapan noon. Kaya gagawin ko talaga ang lahat ngayon para maibigay ang mga gusto mo at hindi ka mahirapan. Kung pwede nga lang na ako ang magbuntis, ginawa ko na.”
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Basta nandito ka lang palagi sa tabi ko sapat na. Mahal na mahal kita Atlas.”
Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo. “Mahal na mahal na mahal din kita Jolene. Mamahalin kita buong buhay ko hanggang sa malagutan ako ng hininga.”
Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya ng magaan sa labi. Tumugon din sya ng masuyong halik.
Kung mamamatay ako at mabubuhay ulit. Gusto ko sya ulit ang lalaking makakasama ko habangbuhay.
Tinulak ko sya sa balikat at namilog ang mata.
“Alam ko na kung ano ang gusto kong kainin hon.”
“Ano?” Natatawang tanong nya habang iniipit ang buhok ko sa likod ng aking tenga.
Ngumuso ako. “Gusto ko ng palabok na maraming toppings sa ibabaw. Yung may hipon, baboy, nilagang itlog at chicharon. Gusto ko nun hon.” Malambing na ungot ko at yumakap sa bewang nya.
“Alright, may alam akong masarap na nagtitinda ng palabok.”
“Talaga? Puntahan na natin ngayon.” Excited na sabi ko.
“Sure.”
Inubos muna namin ang kape at milo. Pero dahil nga di ko na bet ang milo ay sya na ang umubos nito.
Special Chapter next 🤗
Special Chapter
Atlas
NAPANGISI ako ng makakita ng interesanteng tagpo pagpasok ko ng eatery. Tinanggal ko ang suot kong dark shades.
“Totoo naman ah! Walang lasa tong pansit mo. Matabang! Itong manok na sahog yung tira tira nyo pa yatang sahog ito kahapon eh. Tapos itong mga gulay hindi pa sariwa. Ano ba yan? Nagbabayad ako ng tama dito tapos ganito ang ipapakain mo sa akin? Kapag sumakit ang tiyan ko idedemanda kita – aray!”
Napangisi ako ng biglang batukan ni Crizel si Kester. Si Crizel lang ang tanging nakakagawa nyan sa kanya. Si Crizel ang may ari ng sikat na eateary na ito. School mate namin sya noong college. Mas ahead nga lang kami ng dalawang taon at mortal silang magkaaway ni Kester.
Tumayo si Kester sa kinauupuan at niliyad ang dibdib. Namaywang naman si Crizel at taas noong tumingala sa kanya. Nasa kanilang dalawa na ngayon ang atensyon ng lahat ng kumakain sa eatery. Pero wala naman sa kanilang mga mukha ang pagkaalarma at relax na relax lang silang kumakain. Mukhang sanay na sila sa mga ganitong eksena ng dalawa.
“Sumosobra ka ng kulot ka ha! Kung makabatok ka akala mo nanay kita. Hindi na ako dito kakain. Hindi naman masarap ang luto mo. Di ba manong?” Baling pa ni Kester sa matandang lalaki na may nakasampay na towelette sa batok.
“Sige iho, kwento mo yan eh.” Sabi na lang ng matanda habang tuloy tuloy sa pagsubo ng bihon.
“Kukuntsabain mo pa si Ka Celso eh kaibigan ng tatay ko yan at ninong ng kapatid ko. Ang mabuti pa umalis ka na lang dito sa kainan ko. Nakakaistorbo ka lang sa ibang mga customer ko eh.” Pagtataboy ni Crizel kay Kester.
“Aalis talaga ako pero mamaya na uubusin ko muna itong pansit.” Muling umupo si Kester at dinampot ang tinidor.
Kinuha naman ni Crizelda ang plato ng pansit nya.
“Akala ko ba hindi masarap ang pansit at hindi ka na kakain?” Nakataas ang kilay na tanong ni Crizelda.
Mabilis namang nabawi ni Kester ang plato at agad sumubo ng pansit.
“Bukas na lang, nagugutom na ako eh. Saka pwede ng pagtyagaan tong pansit mo. Laman tiyan dito.” Wika ng sira ulo kong kaibigan.
Inambaan naman sya ng suntok ni Crizelda na ikinatawa lang nya.
“Pakuha na lang ako ng tubig. Yung malamig ha, lagyan mo na rin ng yelo.”
“Kumuha ka mag isa mo. Hayun ang water dispenser o! May yelo dun sa cooler kumuha ka. Doble na ang presyo nyang kinakain mo ha dahil inistorbo mo ko.”
“Dodoblehin ko ang presyo nito basta ikuha mo ko ng tubig.”
“Neknek mo! Saksakin pa kita ng tinidor sa lalamunan eh! Dyan ka na nga!”
Iniwan na ni Crizelda si Kester na ngingisi ngisi. Nagtagumpay na naman ang kaibigan ko sa pambubwisit nya sa babae.
Hinarap naman ni Crizelda ang iba pang mga customer na kapapasok lang. Alas tres na ng hapon at oras na ng meryenda ng mga tao. Kahit sa mga ganitong oras ay marami pa ring kumakain dito sa eatery ni Crizelda. Marami kasing pwedeng kainin bukod pa sa masarap ay abot kaya pa ang presyo at sulit na sulit. Kahit sya ang may ari ay hands on pa rin sya sa pag eestima ng mga customer.
Tinapik ko sa balikat si Kester. Napapitlag sya sa gulat at nahulog ang pansit na akmang isusubo na nya. Salubong ang kilay na lumingon sya sa akin.
“Putangna ikaw lang pala akala ko kung sino na.”
Ngumisi ako. “Nerbyoso ko naman masyado pare. Bawas bawasan mo na ang pagkakape.”
“Gago. Akala ko si Crizelda ka eh. Kinakabahan ako baka bigla syang bumalik at saksakin ako ng tinidor sa lalamunan. Alam mo naman yun kung ano ang sinabi ginagawa. Nakakatakot talaga sya.” Sumubo ulit sya ng pansit.
“Ikaw lang naman ang natatakot sa kanya. At kung natatakot ka pala bakit pabalik balik ka pa dito?” Makahulugang tanong ko.
Ewan ko ba naman dito sa kaibigan ko. Marami namang kainan sa labas ng building ng kumpanya nya. May mga high end restaurants pa. Pero dito talaga sya kumakain sa eatery ni Crizel na halos trenta minuto ang byahe mula sa kumpanya nya sa Taguig.
Ngumisi sya. “Masarap ang pagkain dito eh saka mura pa.”
“At kelan ka pa nagtipid?”
“Bakit ba ang dami mong tanong? Kumain ka na nga lang.”
“Hindi ako kakain. Kukunin ko lang ang order ni Jolene na palabok.”
“Eh di kunin mo na bago pa lumamig yun.” Aniya at sunod sunod ng sumubo ng sahog na kikiam.
Tinapik ko sya sa balikat. “Hinay hinay sa pagsubo pare baka mabulunan ka sa kikiam ni Crizel.”
Naubo sya sa sinabi ko. “Gagu.” Nakangising sabi nya at tumayo para kumuha ng tubig.
Iniwanan ko na sya at lumapit na sa counter.
“Ay good afternoon po Ser Atlas.” Magiliw na bati sa akin ng maliit na babae na medyo kayumanggi. Ngiting ngiti pa sya at titig na titig sa akin. Natatawa na lang ako. Hindi nya yata kasama ngayon ang isang binabaeng tauhan din.
“Good afternoon. Kukunin ko na ang order na palabok ng asawa ko.”
“Ay wait lang po, kukunin ko lang po sa kusina.” Agad namang tumalima ang babae at pumasok sa kusina.
Hindi naman nagtagal ay lumabas din sya bitbit ang bilao na may takip ng foil at tali ng straw. Kasunod nya si Crizel na nagpupunas ng kamay sa hawak na basahang malinis. Sya rin ang cook dito sa eatery nya.
“Kararating mo lang?” Tanong ni Crizel.
Ngumisi ako. “Tama lang na nasaksihan ko pa ang bardagulan nyo ni Kester.”
Umikot ang mata nya. “Ewan ko ba dyan sa kaibigan mo. Ang lakas ng amats. Parang nakainom ng panis na gatas noong baby pa. O dinamihan ko na ang toppings nyan. Lalo na yung chicharon na galing Bulacan pa. Siguradong maglalaway nyan si Jolene.”
“Salamat.” Inabot ko na ang bayad.
Nagkakilala na sila ni Jolene noong nagcrave ang asawa ko ng palabok at dito ko sya dinala. Nagustuhan nya ang palabok kaya palagi na kaming bumibili o kaya umo-order dito. Naging magkaibigan na rin sila ni Crizel at naimbitahan pa sa kasal namin.
“Hindi pa ba nanganganak si Jolene?”
“Hindi pa. Pero malapit na. Kabuwanan na nya ngayon pero nagkicrave pa rin sa palabok.”
Tumango tango sya at ngumisi. “Masarap naman talaga ang palabok ko. Kahit hindi nagkicrave babalik balikan talaga yan. Kita mo naman ang mga customer ko.”
Ngumisi ako. “Yeah I know, kahit nga si Kester balik ng balik dito eh. Sarap na sarap sa mga putahe mo.”
Umingos sya. “Gago lang talaga yang kaibigan mo. Kakain lang dito para mambwisit. Huwag lang nya akong pipikunin dahil sa susunod lalagyan ko ng bubog ang pagkain nya.” Mahinang sabi nya.
Tumawa lang ako. Tiningnan ko ang kaibigan na abala na sa pagkain.
“Sige ikaw na ang bahala sa kanya Crizel, mauna na ko.”
“Hmp! Pakialam ko dyan. Sige na, pakamusta na lang ako sa asawa mo. Pasensya na kamo hindi masyadong nakakapag reply sa chat. Busy lang.”
“Ok, no problem.”
Binitbit ko na ang bilao ng palabok. Tinapik ko sa braso si Kester ng madaanan ko.
“Mauna na ko pare, pagbutihan mo yang ginagawa mo.” Nakangising turan ko.
Tumango naman sya habang ngumunguya. “Ingat pare.”
Lumabas na ako ng eatery at sumakay ng sasakyan. Nilapag ko ang bilao sa front seat. Kahit may takip pa ng foil ay naaamoy ko na ang halimuyak nito. Siguradong matutuwa si sugar nito.
Binuhay ko na ang sasakyan at pinausad na.
Excited na akong manganak si Jolene. Anytime pwede na syang manganak at babae ang anak namin. Sabik na akong mahawakan sya at makarga. Sana kamukha sya ni Jolene. Siguradong maganda din sya.
“Wow! Hindi pa ako nakakapasok dito sa komedor pero amoy amoy ko na ang bango ng palabok. Hmm! Amoy pa lang talaga masarap na. The best talaga ang palabok ni Crizel.” Tuwang tuwa na sabi ni Jolene at humila ng upuan.
Inalalayan ko naman syang maupo. Hinawakan ko pa ang malaking tiyan nya para di mabunggo ng gilid ng mesa. Bilog na bilog ang tiyan nya na para syang nakalunok ng pakwan. Lagi ko nga itong hinihimas lalo na sa gabi.
“Marami daw toppings yan sabi ni Crizel.” Sabi ko habang tinatanggal ang takip na foil.
Inutusan ko naman ang mga kasambahay na kumuha ng mga plato at tinidor.
“Wow! Ang dami ngang toppings! Lalo na tong chicharon.” Bulalas ni Jolene at dumampot ng durog na chicharon at sinubo.
“Hmm ang sarap sarap talaga ng chicharon hon. Galing Bulacan ba ito?”
“Oo sabi ni Crizel galing Bulacan daw yan.” Kumuha ako ng plato at akmang sasandukan sya pero sya na raw ang magsasandok.
“Masarap talaga ang chicharon sa Bulacan. Naku, noong nandon pa ako madalas yan ang ulam ko. Nilalagay ko din yan sa munggo. Pero madalas pinapapak ko lang yan at sinasawsaw sa sukang paombong na may sili. Kuh, pagka sarap sarap.” Sambit ni Mama Jona na sumasandok na rin ng palabok.
“Talaga ma?”
“Oo anak. Lahat ng tindahan doon may tindang chicharon.”
Bumaling sa akin si Jolene. “Hon, baka pwedeng ibili mo rin ako ng chicharon sa Bulacan at saka suka.. Anong suka nga yun ma?”
“Sukang paombong.”
“Yun! Sukang paombong. Sige na hon bili mo ko.” Ungot nya sa akin.
Natawa naman ako. Gustong gusto ko kapag ganitong naglalambing sa akin ng mga gusto nya. Masarap sa pakiramdam na nakadepende sya sa akin. At ibibigay ko ang lahat ng gusto nya. Kahit saang lupalop pa ako ng Pilipinas pumunta.
“No problem sugar, ibibili kita ng chicharon at sukang paombong.”
Tuwang tuwa naman sya at nilantakan na ang palabok. Bahagya syang nagkalaman dahil kain sya ng kain. Yung pisngi nyang namumula ay humahabol na sa katambukan ng pisngi ni Jeremiah. Pinanggigigilan ko tuloy sya na ikinaiinis nya.
Pumasok si Jeremiah sa komedor at lumapit sa amin. Napawow din sya ng makita ang palabok. Naging paborito na rin nya ito. Pinaghila ko sya ng upuan at sinandukan sa plato.
Masaya naming pinagsaluhan ang isang bilaong palabok kasalo ang mga kasambahay. Nakaleave ako ngayon sa trabaho dahil hands on ako sa pag aalaga kay Jolene lalo na at kabuwanan na nya.
Mataman kong pinagmamasdan ang maamong mukha ni Jolene. Nakatagilid sya ng higa at nakaunan sa braso ko. Nakapikit sya at banayad ang paghinga. Mukhang mahimbing na ang tulog. Minsan ay may gabing hindi sya makatulog lalo na kapag naglilikot si baby sa tiyan nya. Naaawa ako sa kanya pero wala naman akong magawa. Hinihimas ko na lang ang tiyan nya para maging komportable sya. Yun kasi ang gusto nya.
Hinalik halikan ko ang buhok nya habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. Minsan ay nararamdaman ko ang paggalaw ni baby sa loob. Masarap sa pakiramdam na madama sya ng kamay ko lalo na siguro kapag nahawakan ko na sya.
‘Cant wait to hold you my little princess. Sana ay lumabas ka na.’
Pumikit na ako at niyakap si Jolene..
“Hon.. Atlas gising.. hon.. hon..”
Naalimpungatan ako sa mga tapik sa pisngi ko.
“Atlas.. hon. Gising..”
“Hmm..” Dinilat ko ang mata ng marinig ang boses ni Jolene. Kumurap kurap pa ako.
“Sugar bakit gising ka na, gabi pa. Tulog ka pa.” Inaantok na sabi ko.
Ngumiwi sya. “Hindi na ako makatulog ang sakit ng tiyan ko. Manganganak na yata ako.”
Napabalikwas ako ng bangon at tuluyang nagising.
“Manganganak ka na?”
Tumango tango sya habang nangingiwi. Sapo sapo nya ang malaking tiyan. Napansin ko ang tigbi tigbi nyang pawis sa noo.
Malutong akong napamura at tumayo na. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at excitement.
“Dadalhin na kita sa hospital sugar. Teka yung mga gamit nyo pala ni baby.” Natatarantang nilapitan ko ang malaking bag na nasa gilid ng kama.
“Atlas ahh! Ang saket na ng tiyan ko!”
Binitawan ko ang bag at nilapitan si Jolene na dumadaing na. Akmang bubuhatin ko sya pero pinigilan nya ako.
“G-Gisingin mo muna si mama para may kasama tayo – ahh!”
“O-Oo oo gigisingin ko na!” Tumalikod na ako para lumabas ng kwarto pero agad din akong bumalik sa tabi ni Jolene ng humiyaw sya pero tinaboy lang nya ako.
“Gisingin mo nga muna si mama bilisan mo!” Pasigaw na nyang utos.
“O-Oo gigisingin na! Mabilis lang ako sugar.”
Halos tumakbo na ako palabas ng kwartp at tinungo ang kwarto ni Mama Jona. Sunod sunod akong kumatok. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at sumungaw si Mama Jona na antok na antok pa ang hitsura.
“O Atlas bakit?”
“Ma, manganganak na ho si Jolene.”
Namilog ang mata nya at tila nawala ang antok.
“Manganganak na si Jolene?”
“Oho ma –”
“Atlas!”
“Shit!”
Patakbo akong bumalik sa kwarto namin. Sumunod na rin sa akin si Mama Jona.
“Sugar!” Nakita ko syang nakatayo at sapo ang tiyan.
Binuksan ko ang ilaw at bumaha ang liwanang. Namilog ang mata ko ng makitang may naglalandas na tubig sa mga hita nya. Naihi na yata sya.
“Jusko! Pumutok na ang panubigan ni Jolene. Manganganak na nga sya. Dalhin na natin sya sa hospital Atals.” Utos ni Mama Jona na tinungo ang malaking bag at binitbit na.
Ako naman ay nilapitan na si Jolene at maingat na binuhat. Kinawit nya ang isang braso sa leeg ko habang ang isang kamay naman ay sapo ang tiyan. Halos hindi maipinta ang kanyang mukha sa sakit. Tagaktak na rin ang pawis nya.
“Hold on sugar. Dadalhin na kita sa hospital.
Para akong asong di maihi sa kakalakad sa harap ng operating room. Mabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako dahil baka kung mapano ang mag ina ko. Awang awa ako kay Jolene dahil hirap na hirap sya at umiiyak na sa sakit. Parang dinudurog ang puso ko. Gusto kong pumasok sa loob pero hindi ako pinapayagan ng doctor.
“Atlas pumirme ka nga! Ako’y kanina pa nahihilo sa kakalakad mo dyan.” Sita sa akin ni mommy.
Tinawagan ko rin sya kanina at sinabing manganganak na si Jolene. Agad naman syang pumunta kasama si Ava na nakapajama pa.
“Oo nga, para kang engeng dyan kuya. Chillax ka lang magiging ok din si Jolene.” Sabat ni Ava.
“How can I relax? Hirap na hirap ang asawa ko sa loob.” Naiinis ng sabi ko.
“Eh di palitan mo sya sa loob. Ikaw ang manganak.”
“Ava!” Sinamaan ko ng tingin ang kapatid.
Sumiksik naman sya kay mommy.
“Mommy o, si kuya.” Sumbong nya.
“Ikaw naman kasi, tumahimik ka na lang. Alam mo namang kabado bente yang kuya mo inaasar mo pa.” Saway ni mommy kay Ava bago bumaling sa akin.
“Ikaw naman, ayaw mo palang nahihirapan ang asawa mo eh di sana hindi mo na lang sya binuntis.”
“Mommy pati ba naman kayo.” Napakamot na lang ako sa ulo.
“Hay naku, kumalma ka lang kasi anak. Baka himatayin ka pa nyan sa nerbyos eh. Ayos lang si Jolene. Kayang kaya nya yan.”
“Oo nga iho, yun ngang panganay nyo nakayanan nya mag isa na wala tayo ngayon pa kaya.” Ani Mama Jona.
Para tuloy may kumurot sa puso ko ng sumagi sa isip ko noong nanganak si Jolene kay Jeremiah. Mag isa lang sya noon at si Leah lang ang kasama. Hindi ko maimagine ang hirap na pinagdaanan nya noon. Lagi kong sinisisi ang sarili ko. Pero nangyari na yun. Kaya pinapangako ko talaga hindi na sya makakaramdam ng hirap ngayon sa piling ko.
Ilang minuto pa kami naghintay sa labas ng operating room. Maya maya pa ay lumabas na sa operating room ang babaeng doctor na nagpaanak kay Jolene. Agad akong lumapit sa kanya.
“Doc kamusta na ang asawa ko at ang anak ko?”
Binaba ng doctor ng facemask nya at ngumiti.
“They’re both ok. Healthy si baby girl at stable naman ang lagay ni misis. Dadalhin na sa room nya si misis at si baby naman ay sa nursery room.”
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. Kaunting tiis na lang makikita ko na ang mag ina ko.
Halo halo ang nararamdaman ko ng makita ko si Jolene at ang baby girl namin na nasa bisig nya. May malay na sya at kinakausap ang anak namin. Tumingin sya sa akin. May luha sa kanyang mga mata. Ngumiti sya at pinapalapit ako.
Nangangatog ang mga tuhod ko ng makalapit ako sa kanila. Hindi ko maalis ang tingin ko sa bagong silang naming anak. Ang liit liit nya pero malusog. Nakapikit pa ang kanyang mga mata.
Mabilis kong pinahid ang luha ko sa pisngi na hindi ko namalayang pumatak. Parang may mainit na bagay ang dumampi sa dibdib ko habang tinititigan ko ang prinsesa ko. Sabik na sabik na akong kargahin sya pero natatakot ako dahil ang liit nya.
Tumingin ako kay Jolene. Nakaguhit ang kasiyahan at pagod sa kanyang mukha. Tinaas ko ang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. Yumuko ako at hinalikan sya sa noo, ilong at labi.
“Thank you sugar.. Thank you.. I love you..” Paulit ulit kong bulong sa kanya.
Hindi ako magsasawang paulit ulit na sabihin ang mga salitang yun sa kanya hanggang sa pagtanda namin. Ng dahil sa kanya at sa mga anak namin ay nagkaroon ulit ng kabuluhan ang buhay ko.
“I love you too Atlas.. mahal na mahal ka namin ng mga anak mo.” Ngumiti sya at hinaplos ang pisngi ko.
Pumikit naman ako at dinama ang init ng kanyang palad.
Natigilan lang kami ng bumukas ang pinto at narinig namin ang boses nila mommy at Ava. Kasama nila si Leah at Jeremiah na bagong dating. Lumapit sa amin si Jeremiah at tuwang tuwa na makita ang kapatid. Mukhang tanggap naman nya na babae ang kapatid nya at hindi lalaki na syang gusto nya. Gusto nga nyang buhatin si baby pero hindi pa pwede. Kinandong ko na lang sya. Binibiro pa nga sya ni Ava na hindi na sya ang baby. Tanggap naman nya yun dahil kuya na daw sya.
Napakasaya ko sa sandaling ito. Ramdam kong kumpleto ako at kuntento. Tumingin ako kay Jolene na masayang nakikipag kwentuhan kanila mommy. Hinding hindi ko na sya pakakawalan at magsasama kami habang buhay.
WAKAS
Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay at hindi bumitaw sa story ni Atlas at ni Jolene. 🤗
Dahil isang kwento na naman ang nagwakas may bagong kwento naman ang magbubukas.
Upnext! Kester Belleza and Crizelda Romina Sales story. Abangan!

