loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
El Grande Series 4: Xavier Faleiro✓

El Grande Series 4: Xavier Faleiro✓

AmorevolousEncres · 47 chapters · 115,723 words

XAVIER FALEIRO

This book is a work of fiction . Names, places, incidents are produced by the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblace to persons, living or dead, events and locales are extremely coincidental.

All rights reserved . No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

© 2022

Date Posted: August 19, 2022 - September 26, 2024 Status: COMPLETED

PROLOGUE

Prologue

Mga litseng magnanakaw! Talagang ako pa ang napili nilang pagtripan, ha! Sus! Wala lang sila kahibalo nga ako ang Darna sa Cebu! H’wag kayong maniwala na ni Jane De Leon ang totoong tagapagmana ng bato mga dzai! Dahil ako, ako ang tunay na tagapangalaga ng bato at ang tunay at original na Darna! Ampon lang talaga iyong si Jane De Leon, si Narda. Hindi ko kailangan ng Ding para maging Darna! Dahil may bulsa ang mga shorts ko at hindi ako tulad ni Darna na aasa kay Ding. Jusko dzai! Pahirap siya sa buhay ni Ding akala mo talaga may sweldo si Ding na taga-hagis ng bato. Tsk! Girl Scout ko dzai, I mean kasapi ako sa Boys Scout kaya no need na sa akin si Ding.

“Ho! Pisti!”

Nai-paypay ko ang kamay ko sa tapat ng mukha ko kasi kinakapos na ako sa hininga at tumatagaktak na ang mga freshness kong pawis sa noo at sa buong katawan ko na yata. Nakipaglaban kasi ako mga dzai sa mga litseng magnanakaw! Galing kasi ako sa palengke namili at kinuha ko ang pera sa Palawan Pawnshop na pinadala sa amin ng kuya ko na nagtatrabho sa Manila. Kinakapos na nga kami sa pera tapos nanakawin pa? Aba’y hindi yata ako makakapayag d’yan! Nakasabay ko sa tricylce iyong dalawang lalaki na sinubukan akong nakawan. Magkasabwat pala sila noong lalaking driver sa tricylce na sinasakyan ko at feeling ko ay minaman-naman lang ako ng mga iyon.

Nagtaka kasi ako dahil bigla nalang tumigil ang tricycle sa kalagitnaan ng tahimik daan. Iba na ang feeling ko doon kaso dasal-dasal lang ako na sana mali ako pero di yata naka-abot kay Lord ang dasal ko dahil talagang ito pa ang sinapit ko. ’Yan tuloy napilitan akong makipaglaban doon sa mga magnanakaw! Pinuntirya ko lang naman mga betlog nila dzai! Kaya ayon naiwan na namimilit sa sakit ang mga lalaking iyon at sinubukan pa akong habulin kaya heto ako ngayon dito sa gitna ng kagubatan! At hindi ko alam kung saang parte na ako ng aming bayan! Bahala na siguro na mawala ako ’no? Kaysa naman manakaw nila ang pera ko at baka masaktan nila ang inaalagaan kong super duper beautiful na katawan at mukha!

Naiwan ko tuloy doon sa tricycle ang iba kong mga pinamili sayang nandun pa naman ang bagong bili ko na Essentials from Belo! Char! Natural ang beautyness ng mother ninyo! Entry ko lang talaga ’yan.

Hindi ko aakalain na sa pagiging Darna ko ay mauuwi pala ako nito sa pagiging Sangre! Aba’y di ko na alam ang daan patungo nito sa bahay! Takbo lang kasi ako ng takbo kanina na hindi ko man lang alam kung saan na ako dinadala ng super legs ko.

Medyo kinakabahan na ako dahil unti-unti nang gumagabi at nandidito pa rin ako sa gitna ng kagubatan. Ang pangit naman ng role ko dito kung nakatakas ako sa mga magnanaw pero dito naman ako mamamatay sa gitna ng kagubatan. Grabe wala man lang pang-epic na kamatayan. Hindi bagay sa beautyness ko na mamatay dito sa gubat dahil lang sa gutom! Ang pangit ng role ko dito paki-revise ito! Hindi ako papayag dito! Huwahh!

Bitbit ang isang sanga ng kahoy ay naglakad ako kahit na di ko alam ang patutunguhan ko. Mas okay naman siguro ito diba? Kaysa maupo lang ako at maghintay sa oras ko? Ginoo ko ayaw itugot! Napa-sign of the cross ako ng wala sa oras.

“Ka-litse ba aning panghitabu-a oi! Asa naman ko ani karun?” Pagkakausap ko sa sarili ko. Para na akong baliw dito.

Bigla ko tuloy naisip na sana pala kung alam ko lang na ganito ang mangyayari dahil sa panlalaban ko doon sa mga magnanakaw ay hinayaan ko nalang sila na nakawin ang 10K na nasa bulsa ko ngayon. Siguro kapag hinayaan ko silang kunin itong pera ay baka naglalakad na ako ngayon tungo sa bahay namin at baka naka paghapunan na ako. Kaso iniisip ko lang naman kanina na pang maintenance ito ni Mama.

Mas lalo na akong nanginig sa takot dahil naririnig ko na ang nga gangis sa paligid! Ginoo ko tabangi ko! Napa-sign of the cross ulit ako. Aminado akong si Darna ako na may pagka-Sanggre pero kahit na sinong mga superhero ay may kinakatakutan din. Alam n’yo na naman siguro iyan mga dzai, ’no?

Kumawala ang kaluluwa sa katawan ko nang may marinig akong iyak ng bata! Huwahh!! Mamaaaaaa! My inner me screams from the top of my throat! Oh diba nakapag-straight ako na English dahil sa takot!

Siguro ganito talaga ang mga feeling noong mga nasa horror films or movie, ano? Na imbes na tumakbo kana papalayo dahil sa takot at sa narinig mo mas gugustuhin mo pang lapitan at hanapin kung ano iyong naririnig mo. Tatanga-tanga rin ba!

Halos maluwa na ako sa lakas ng kabog ng puso ko. Nararamdaman ko na ang tibok ng puso ko hanggang sa lalamunan ko at paulit-ulit na akong lumulunok.

“S-sino ’yan?” Nanginig ang boses kong mala-anghel sa ganda!

Syempre hindi lang hanggang sa mukha ko ang beautyness ko. Pati ko boses ko ay may beauty din! Walang papalag kasi entry ko ito.

Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lumalakas iyong naririnig kong boses ng bata na umiiyak!

“Huhuhuhu!”

Hala! Di kaya pinaglalaruan ako ng Maria, Leonora, Teresa sisterets? May ‘s’ kasi tatlo sila.

Natampal ko ang noo ko. Akala ko ba nasa filming ako ng Darna na lumipat sa Encantadia? E, bakit ngayon nandidito na ako sa isang horror film? Ano ba talaga ang role ko dito? Gulong-gulo na ang utak ko.

“Mami!”

Ay mali! Wala ako sa Maria, Leonora, Teresa na film! Hindi naman nagsasabi ng mami iyong mga sisters na iyon diba? Mga I’m a good girls ang mga iyon!

Umikot ako sa isang bato na malaki at kinakaputan na ng lumot at doon ko nakita ang isang… oh god! Tiyanak!!!

“Mamaaa! Tiyanak!!!!”

“Mammiii!!!”

Tumayo iyong tiyanak at lumapit sa akin kaya naman lumayo ako doon. Nang tumakbo ang tiyanak papalapit sa akin ay tumakbo na rin ako papalayo dito hanggang sa naghahabulan na kami ng tiyanak dito sa kagubatan. Siya tawag nang tawag sa akin ng mami samantalang ako naman ay sumisigaw ng tiyanak!

Para lang kaming mga baliw ditong dalawa na umiikot at naghahabulan hanggang sa kinapos na ako sa hininga at napaupo nalang sa pagod.

“Mami!” Ang tiyanak at dinakma ako nang yakap. Hindi ako na ako nakapalag doon sa tiyanak na yumakap sa akin at humihikbi.

“Mami!” Iyak pa nito at mahigpit akong niyakap.

A-ako ba ang tinatawag nitong mami? Ginoo ko! Kanus-a paman ko nanganak? Saka bakla ako mga dzai! It’s impossible naman na manganak ako.

Kinalas ko ang pagkakayakap sa akin ng tiyanak at tiningnan ko ang mukha nito. Ay! Ang gwapo naman pala nito. Hindi naman pala ito tiyanak! Nag-overthinkingness lang pala ako.

Maliit ang mukha nitong bata, maputi pero madungis na at hindi na kaaya-aya ang amoy. Mukhang isang linggo nang walang ligo. Nahabag naman ako. Papaano nakarating ang batang ito dito sa kagubatan at mag-isa lang siya.

“Bata nag-inusara raka?”

“What, mami?”

Umismid ako ini-english pa ako nito, ah. Tsina-challenge ako sa english-an nitong batang ito! Pero wala ako sa mood mag-ingles ngayon. Pagod ang brain cells ko.

“Kako, mag-isa ka lang ba? May kasama ka?”

Yumuko ito at iniling ang ulo.

“Naku baka multo ka, ha. Baka nilalaruan mulang ako dito sa gubat.” Pagdududa ko dito.

“No, mami. I’m not.”

Tumayo ako at pinagpag ko ang suot kong shorts na kinapitan ng mga tuyong dahon.

“Saan ba ang mga kasamahan mo? Naligaw ka dito sa paglalaro ninyo? Nagtago-taguan maliwanag ang buwan ba kayo?”

“I don’t know what are you talking about mami.”

Mami ito ng mami sa akin, ah. Amfee naman nito. Di porket maganda ako at gwapo itong bubwit na ito ay magma-mami na siya sa akin.

“Sige na aalis na ako.” wika ko dito.

Tinalikuran ko na siya pero may bigla namang humila sa laylayan ng shirt ko. Nilingon ko iyon at nakita ko ang maliit na kamay ng bata na nakahawak doon.

“Ano?”

“Sasama po ako sa inyo.”

“Hindi pwede bata.” saad ko.

“Please, mami. Good boy po ako.”

“Sorry jud dong pero dili jud pwede.”

Kinuha ko na ang kamay niya na nakahawak sa damit ko at tinalikuran siya. Ayaw kong mas gabihin pa ako dito. Gusto ko nang umuwi at makakain. Saka alam kong nag-aalala na ang magulang ko ngayon sa bahay. Mag-aalala ’yon sa prinsesa niya.

Nakalayo na ako at bigla nalang akong napatigil sa paglalakad ko. Paulit-ulit kasing naglalaro sa isipan ko ang hitsura noong bata. Parang ginayuma yata ako noong bata at di ko siya mawaglit sa utak ko.

Paglingon ko ay di na kita iyon bata. Malayo na ang narating ko sa paglalakad ko.

Isang bumuntong hininga ang pinakawalan ko at saka ko tinahak ang daan pabalik doon sa bata. At natagpuan ko siya kung saan ko siya iniwan at naka-upo lang siya doon saka nakayakap ang kamay niya sa kanyang tuhod.

Piste baya ani oi! Dugang naman pud ni sa pakan-onon sa among balay! Bahala na ni oi.

“Langga, hoi!” Tawag ko sa bata at mabilis na umangat ang kanyang ulo sa akin.

“Mami!” Mabilis siyang tumayo saka ako sinunod ng yakap.

Yumakap siya sa hita ko.

“God answer my prayers, mami. Alam ko babalikan mo ako.” sabi nito at umiyak pa.

Ginoo ko! Nagpapakaawa pa talaga ito sa akin.

Yumuko ako at inayos ko ang buhok niya na tumatabon sa kanyang noo.

“Basta huwag kang maarte sa bahay namin kapag nakauwi tayo doon, ha. Kumain ka kung ano ang ihahain ko sayo sa bahay. Saka huwag kang pasaway. Huwag mong papa-initin ang ulo ko at ni mama. Saka pa-cute-an mo ang mama ko pag-uwi.”

Di ko mabilang ang tango niya sa akin.

“Yes, mami.”

Gumuhit ang ngiti sa labi ko at saka ko kinuha ang maliit niyang kamay. Iuuwi ka na siya sa bahay. Bahala na si Darna kung ano ang mangyari.

CHAPTER 1

Chapter 1

Mark Lawrence Pov

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng batang lalaki na dala-dala ko. Nakaharap na kaming dalawa ngayon sa pintuan ng aming bahay. Hindi ko alam kung anong oras na pero nakikita ko pa na bukas ang ilaw namin sa sala. Hindi naman kalakihan at kagandahan ang bahay namin, e. May tatlong kwarto ito na maliliit lang din tapos may maliit na sala, kusina na konektado lang sa aming sala tapos maliit na balkonahe. Oh diba puro maliliit ang porsyon ng bahay namin. Hindi naman talaga tao ang nakatira dya-an, mga dwende talaga! Biro lang pinapatawa ko lang sarili ko, pinapalakas ko lang ang loob ko, oo.

Sa maliit na bahay na iyan ay nagkakasya kaming tatlong magkakapatid. Iyong kuya Cardo Dalisay ko, char! Iyong kuya Carl ko, si kuya Camelot at ako. Share kami ng kwarto ni Kuya Carl kasi noong bata pa ako tinuruan ako ng lolo ng tango. Char ulit! Noong baby pa raw kasi ako ay matatakutin ako at di ako nagpapaiwan mag-isa sa isang kwarto kaya naman hanggang sa lumaki ako ay share kami ng kwarto ni kuya Carl. Pero ngayon si kuya Carl ay nasa Manila na at ang naiwan nalang dito ay si kuya Camelot. Kaya ngayon solo na namin ni Kuya Camelot ang mga kwarto namin. Wala na ang papa namin dahil namatay ito sa isang insidente sa kanilang pinagtatrabahuan. Construction worker ang papa ko at sa kasamaang palad nang gumuho ang ginagawa nilang building ay isa ang papa ko na natabunan doon.

Matagal na iyon at nasa grade 8 ako noong nangyari iyon at ngayon ay magti-third year college na ako sa pasukan kung papalarin at kung papalarin na makapasa. Mediocare, char! Mediocre learner lang naman ako na may pagkatamad at mareklamo sa buhay. Char!

“Mami is this your house?” Pagpukaw sa akin ng tiyanak na kasama ko.

Tinapunan ko ito ng tingin at nakita kong namumungay ang nga mata nito at parang kinakausap akong pumasok na sa loob. Di niya ako madadala doon. May crush akong mas maganda pa ang mata kaysa sa kanya. Kahit anong pungay-pungay niya doon ay di niya ako mauuto. Minsan na akong nauto at ayaw ko na. Tama na ang isang beses. Pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na ako. Oh, sige bilangin n’yo ’yang pagod ko.

“Oo, dong.” sagot ko dito.

“Let’s get inside ma–”

“Hanapin mo ulit iyong kapatid mo Camelot! Kanina pa iyon umalis sa bahay upang kunin ang pera na pinadala ng kuya Carl mo pero hanggang ngayon ay wala pa rin.” Pati ang batang kasama ko ay napatalon doon sa malaking boses ng mama ko. Tabang Ginoo!

Ayaw ko na sumisigaw pa si Mama kaya naman ay hinila ko na ang bata sa akin at pumunta na kami doon sa pintuan.

Itinaas ko ang kamay ko upang kumatok nang tatlong beses. Kaso…

Bumukas ang lagusan tungo sa mundo ng mga namic! Char! Bumukas ang pintuan at sumalubong sa saan ang naiinis na mukha ni Kuya Camelot. Nang makita ako nito ay lumaki ang mata ni Kuya at sumugat ang ngiti sa labi nito.

Tsk! Kita mo nang di talaga nag-alala itong kapatid kong ito sa akin. Kapatid ko ba ito? I need a confirmation. Manghihingi ako ng DNa test kung kinakailangan. Paki-notif nalang ang writer nito kung sino man siya. Eme lang.

“’Ma, andito na si Lawrence!”

Sabay na lumaki ang ilong at mata ko nang isang kabig lang ni Mama Aubrey ay lumupaypay ang kuya Camelot ko sa tabi. May kalakihan kasi ang mother ng prettyness ninyong bida-bida. O-uhm!

Nanubig ang mata ko at yumakap kay Mama Aubrey. Humagulhol ako sa gitna nang yakapan namin ni Mama dahil ang baho niya. Char! Akala ko kasi made-deads na ako kanina. Akala ko prologue palang at papatayin na ako ng sumulat ng story ko. Hindi ko pa nga kilala ang male lead ko may balak nang papatayin na ako. Eme lang!

Totoo kasing binalot ako ng takot kanina. Akala ko doon na ako kukunin ni Lord. Mabuti nalang at malakas ako sa kanya kaya nabantayan ako ng maayos ng guardian angels ko.

Syempre sino ba naman ang hindi matatakot kapag kinidnap? Uso pa naman ngayon iyong bali-balita na nangngunguha ng tao saka papatayin at ibibenta ang lamang loob. Grossyness!

Nang kumalas si Mama sa yakapan namin ay tiningnan niya ako nang mabuti mula ulo hanggang sa paa ko.

“Anong nangyari sayo anak? Bakit…bakit ang daming damo sa damit mo at bakit may galos ka?” Worried na tanong ni Mama sa akin at in-inspect pa ang katawan ko.

“Nag-adventure–”

“H’wag na h’wag mo akong mabiro-biro, Lawrence. Halos atakehin ako dito sa pag-aalala sayo.”

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko talaga map-playtime itong si Mama Aubrey dahil matataman talaga ako dito sa malaki niyang kamao. Super big kasi ng hand ni Mama.

“M-muntik na kasi akong manakawan ’ma–”

“Ano? Yawa! Saan ang nagnakaw sayo? Ang pera?”

Ngumiwi ako kay Kuya Camelot. Talagang pera lang ang iniisip nito. Napaka!

Binatukan siya ni Mama kaya naman. Dasurb ni Kuya Camelot iyon.

“Hindi naman po nakuha sa akin ang pera ’ma, kuya Camelot. Syempre, naipagtanggol ko nama ang sarili ko kahit papaano. Saka salamat sa mga basic self-defense na turo ni Kuya Camelot at natalo ko ang gustong magnakaw sa akin.” Kwento ko. Rinig ko pa ang pag-yes ni Kuya. Di ko alam kung saan siya napapa-yes. Dahil ba iyon sa puri ko sa kanya o dahil safe ang money “Natagalan lang naman akong maka-uwi kasi napadpad ako sa bundok sa kakatakbo ko.”

“Sana hindi ka nalang nanglaban anak.”

“’Ma, alangan na ibigay ko sa kanila ang pera? Pang-maintainance mo ’yon at pinaghirapan iyon ni Kuya Carl sa Manila.”

Nagulat ako nang hablutin ni Kuya Camelot ang braso ko at tiningnan ako ng mabuti, kagaya noong ginagawa ni Mama kanina.

“Wala bang masakit sayo? Hindi ka hinawakan?” seryosong tanong ni Kuya. Hay! Alam kong minsan ay walanghiya itong si Kuya at napaka-carefree minsan pero alam ko rin na mahal na mahal ako nito. Kaya nga wala pa akong nagiging boyfriend hanggang ngayon, e. Tinatakot niya ang mga boys na lumalapit sa akin. Tch! Nonetheless, kahit na siga itong si Kuya Camelot. Malambot pa rin ang heart nito sa akin. Alam n’yo na. Bunso tapos nag-iisa pang prinsesa at dyosa sa pamilya Alipalo!

“Nahawakan ako Kuya Cams pero sa kamay lang.” saad ko dito. Napakahinga ng maluwag si Kuya Camelot doon.

Hinila ako ni Mama Aubrey papaupo sa aming sofa at inabutan naman ako nang tu ig ni Kuya Camelot.

Nilagok ko kaagad ang laman noon dahil sa uhaw ko. Napapunas ako sa bibig ko gamit ang braso ko. Binigay ko ulitang baso ko kay Kuya nang magtaka ako dahil nakatingin ito sa may pintuan namin.

Napasampal ako sa noo ko nang ma-realized kong apaka ganda ko talaga. Eme lang!

Matapos kong tampalin ang noo ko ay inaya ko ang batang kasama ko na palapitin sa akin. Nanatili lang pala ang bata doon sa may hamba ng pintuan namin at nana nahimik lang. Bhery gud si bebe! Gusto yata talagang makasama ang dyosang si ako.

“Dong, ali diri,” tawag ko dito. “sabak ka diri.” At tinapik ko ang hita ko.

Lumiwanag naman ang mata nito at tumakbo sa akin. Yumakap pa ito, akala niya talaga napaka-bango ko.

“Sabak ba.” utos ko dito kaso tiningala lang ako.

“What mami?”

Ay, heto na naman tayo sa ingles. China-challenge talaga ako nito sa ingles.

“Kako, umupo ka dito. Kumandong ka sa akin.”

“Oh!’ aniya nang mapagtanto ang sinabi ko.

Umakyat naman ito sa hita ko at yumakap sa akin.

Tumingin ako kay Kuya Cams at napaigtad ako nang ang sama niya makatingin sa akin. Si Mama naman ay nanlaki rin ang mata. Tsk! I undertand them. Sino ba ang hindi magugulat kapag nag-uwi ka nang bata sa bahay ninyo? Sinong hindi magugulat na ang anak nilang binabae ay nag-uwi ng bata?

“Yawa! Nakabuntis ka, Lawrence?”

Tinampal ni Mama ang bibig ni Kuya Cams which is dasurb niya na naman.

“’Yang bibig mo Camelot!”

“’Ma, Kuya,” kuha ko sa atensyon nila. “Anak ko nga po pala.”

Halos batukan na ako ni Mama. Nag-peace sign naman ako dito.

“Magpacute ka!” bulong ko sa bata.

Tumingala ito sa akin at ngumuso. Hayst! Sa akin pa nagpa-cute! Nakalimutan yata ang script niya, e.

“Kina, Mama at Kuya ko, dong.” bulong ko na naman.

Kumapit ito sa leeg ko bago lumingon kina Mama at doo nagpa-cute. Napahawak si Mama sa kanyang puso at naluluha. Si Kuya naman ay napa-iling-iling. Di nauto sa pagpapa-cute ni Zion.

“Malabong anak ’to ni Lawrence ’ma. Maliban sa di ito pumapatol sa babae. Ang gwapo ng batang ito kumpara sa kapatid ko.” Dumugo ang puso ko dahil sa sinabi ni Kuya Cams. Grabe naman. Parang di naman kami magkapatid kung makapagsalita siya.

“Baby, anong pangalan mo?” tanong ni Mama sa batang dala ko.

“I’m Zion po.”

“’Ma pwede po bang kumain muna kami ni Zion at maligo?”

Di na ako makatiis. Kanina pa kami dito di man lang kami inaya na kumain. Inutusan ni Mama si Kuya Camelot na ipaghain kaming dalawa ni Zion. Hindi naman pumalag doon si Kuya at tumalima sa kusina.

“Ipalinawag mo sa akin ito, Lawrence.” Tumango ko kay Mama. No choice rin naman ako. “Pupuntahan ko lang ang kuya mo sa kusina.”

Nang makaalis si Mama ay saka ko lang binalingan ang bubwit na nasa kandungan ko. Tingnan mo na. Mukhang malilintikan pa ako nito kay Mama ngayon. Magdala ba naman kasi ako ng palamunin dito sa bahay kahit na ang hirap na nga namin.

“Mami, we’ll take a bath po?”

“Oo dong.” sagot ko dito.

Nilapag ko na siya at saka kinuha ang kamay at dinala sa kwarto namin ni Kuya Carl. Sabay na kaming maliligo dahil nagtitipid kami sa tubig. Goshness! Ang laki pa naman ng bayarin namin sa tubig at kuryente.

“Mami?”

“Hmm.” Ugong ko habang tinatanggal ko ang libag niya sa braso. Char! Walang libag ang si Zion.

“Are you angry po?”

Tumigil ako sa pagsabon sa kanya at tiningnan ko siya sa mata niya. Nagpapaawa effect na naman ang bata sa akin.

“Hindi.”

“Sorry, Mami. If only lang po na may kilala ako at malalapitan dito. Hindi po ako mag-i-insist na sumama sa inyo. Sorry po, Mami.”

Napalunok ako ng wala sa oras. Kinukunsensya na ako ng bata.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang maliit na kamay. Omg! Ang putinaman ng batang ito.

“H’wag ka ngang sorry nang sorry sa akin. Kapag talaga ako nagalit ibabalik kita sa bundok.”

Napangiti ako ng mabilis siyang yumakap sa akin.

“No, Mami. Zion is a good boy po. Good po ako. Hindi na po magso-sorry si Zion.”

“Beri gud!”

“Bath ka na rin po, Mami.”

Kinurot ko ang pisngi niya.

“Bakit ba Mami ka ng Mami sa akin, dong? Obyus, naman na lalaki ako.”

Binigyan niya ako ng ngiti na pang-10M sa laki.

“I just feel like to, Mami. And also you’re very pretty po.”

Napahawi naman ako doon sa imaginary hair ko dahil doon sa sinabi ni Zion. Eme, alam kong maganda ako pero iba pa rin kapag may nagsasabi n’on sayo.

“Really? Real na real?”

“Real na real, Mami!”

“Pak! Pak! Ganern-ganern?”

Tumawa naman ang bubwit.

“Pak! Pak! Ganern-ganern, Mami! Hahahaha!”

Napatagal kami ni Zion sa CR kaya naman binilabug kami ni Kuya Camelot. Pinasuot ko lang si Zion ng isang t-shirt na pinaglumaan ko na at shorts. Mabuti nga at may natago pa akong mga damit ko dito noon na di ko na kasya. Kahit papaano naman kasi ay lumaki naman ako kahit konti.

At dahil isang feelingero si Zion at feel na feel niya ang pagiging anak ko. Imbes na sa isang upuan siya umupo. Ginawa niyang upuan ang kandungan ko. Abusado na pero pumayag naman ako. Bubwit e.

Natapos ako sa aking pagkain pero si Zion ay di pa rin. Medyo nagutom talaga ang bata at hinayaan ko ng kumain. Mukha siyang ilang araw na di nakakain. At naawa ako.

Sino ba naman kasi ang mga magulang nito? Bakit nila pinapabayaan ang anak nila? Kung mag-aanak naman at di pala kayang buhayin ang anak, h’wag nalang pumasok sa ganitong bagay. Ang anak ang nagdudusa, e. Tingnan mo itong si Zion, mukhang tinapon ng mga magulang sa gubat dahil di nila keri na buhayin ang bata. Tsk! Irresponsible parents. Tsk! Tsk! Tsk!

Gustong tumabi ni Zion sa akin matulog kaya naman binigay ko iyon sa kanya. Medyo na feel ko kasi ang awkwardness niya at hiya kapag kay Mama o kay Kuya Camelot siya tatabi.

Mabilis na nakatulog ang bata at ako naman kahit na pagod ang beautyness ko today hindi ako makatulog. Dahil sa totoo lang natatakot ako na kinakabahan. Baka anak kasi sa demonyo itong si Zion. Baka anak ito ng Sangres. Tapos biglang susugod ang mga kawal ng Sangres dito upang kunin si Zion. Tapos madi-deads ako. Goshness chapter one palang ng kwento ko mamamatay agad ako. Walang kwentang story.

“Lawrence!” Naputol ang pagwa-wander ng isip ko nang bigla akong tinawag ni Mama.

“M-ma.”

Umupo si Mama sa bakanteng upuan na nasa kabilang side ng mesa.

“Anak sagutin mo ako ng maayos. Sino at saan mo nakita ang batang dala mo?”

OA akong bumuntong hininga at sinimulan ko na ang pag-tell kay Mama sa adventure ko for today’s ganap. Wala akong iniwan kahit na konting details kay Mama para maintindihan niya ako.

Napapabuga nalang si Mama ng mga malalalim na hininga dahil sa kwento ko sa kanya.

“Ano bang pinagsasabi mo na tinapon, Mark Lawrence? Sa tingin mo ba tinapon ang hitsura ng batang dala mo dito ngayon?” wika ni Mama matapos ang kwento ko sa kanya. Nasabi ko kasi kay Mama na baka tinapon sa gubat si Zion ng mga magulang niya.

Napaisip ako. Ewan ko, ko ba kung tinapon ba talaga si Zion? Ano bang malay ko, e, nakita ko lang naman ang bubwit doon.

“Hindi ko rin alam ’ma. Hindi nga maganda ang feelings ko kay Zion, e. Baka anak siya ng isang hathor!”

Natampal ni Mama ang maputi kong legs dahil sa sinabi ko.

“Bukas na bukas, Lawrence dadalhin natin sa presinto iyang si Zion. Baka may mga magulang na naghahanap dyan sa bata. Dun sa mga pulis matutulungan nila tayong iuwi iyang si Zion kung saan man siya galing.”

“Pero ’ma–” aalma na sana ako kay Mama kaso pinutol niya ako.

“Walang pero-pero, Lawrence.”


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Follow and read my stories in my second wp account: showerofserotonin

CHAPTER 2

Chapter 2

Mark Lawrence Pov

Bilang isang ulirang ina at single mom, hindi madali para sa akin ang buhayin mag-isa ang anak ko. Lalo na’t napakamahal ng mga bilihin ngayon. Pero syempre entry ko lang ’yan. Ang totoo ay ’yan ang nafe-feel ng mother ko ngayon. Hindi man sabihin ni Mama pero alam kong mahirap magpalaki ng tatlong anak na puro lalaki ay wait may nag-iisang binibini pala at ako ’yan.

Hindi ko maintindihan ang self ko. Kanina ay handa na naman akong iwan itong si Zion doon sa gubat. Okay lang naman sa akin na ipakain siya doon sa mga lamok. At least doon makaka-donate pa siya ng blood sa mga lamok. Libreng inom pa ang mga lamok doon sa fresh blood ni Zion. Kidding! Ngayon na tinitingnan ko si Zion na mahimbing na natutulog at nakayakap sa unan ko. Nahahabag ako sa sinabi kanina ni Mama Aubrey. Ayaw ko ng pakawalan ang bubwit na ito.

Kagaya nga ng sabi ko kanina single mom na si Mama Aubrey, isang ulirang ina at mahirap lang kami. Naghihirap kami sa everyday life namin kaso ayaw kong pakawalan ang bata na ’to. Alam kong dagdag palamunin itong si Zion pero kasi… nafe-feel na ng powerness ko na may pinagdaanan ang bubwit na ito.

Noong pauwi kami dito kahit na nag-aalala ako kung makakauwi pa ba kami o hindi dito ni Zion sa amin. Nararamdaman ko ang takot ng bata, parang ayaw niya bang mawalay sa beautyness ko. Sa pamamagitan ng hawak niya sa akin, alam kong ayaw na akong pakawalan nitong si Zion kanina.

Humiga ako at tumabi kay Zion na may malaking tshirt, parang whole dress na niya iyon sa laki at haba noon. Hinaplos ko ang pisngi nito. Tama nga si Mama Aubrey, tingin ko hindi talaga tinapon itong si bibi Zion. Ang kinis ng mukha niya. Ang puti at may pagka-pink pa ang face niya. Nakakainggit naman ang mukha nito. Matanong kaya ito kung ano ang skin care nito at para ma-apply ko sa self ko.

Kanina nang sinabi ni Mama Aubrey na ihahatid namin bukas sa presinto si Zion ay nalungkot ako bigla. Siguro dahil nangulila ako ng kapatid. Mahirap kaya ang bunso. Ikaw lagi napag-uutusan sa bahay.

Sa pag-iisip ko ng mga bagay na maaring mangyari bukas kapag hinatid na namin si Zion sa presinto ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Napagod din yata ang brain ko kakaisip.

Kinabukasan, naalimpungatan ako na may nararamdaman akong mainit na hangin na tumatama sa bandang dibdib ko. Naka-sleeveless shirt lang kasi ako at pj kapag natutulog.

Kahit na ayaw ko pang idilat ang mata ko o gumising ay napilitan ako kasi nakikiliti ako doon.

Nang maimulat ko ang mata ko, nakita ko si Zion na mahigpit na nakayakap sa akin at ang mainit na hangin pala na naramdaman ko ay nagmumula sa kanya. Ang hininga niya pala iyon.

Naramdaman siguro ng bata ang titig ko sa kanya at napamulat ito.

“Good morning, mami!” bati nito sa akin. Nagulat naman ako nang bumangon ito at matunog na humalik sa pisngi ko.

“G-good morning, dong .” bati ko dito. Infairness nagulat ang beautyness ko doon sa ginawa ni bibi Zion sa akin. Ang sweet nitong batang ito.

Muli itong humiga sa tabi ko. Sumiksik pa sa akin. Feel na feel niya na anak ko siya. Gosh!

“Mami,” binaba ko ang tingin ko dito. Nakatingala siya sa akin.

“Yes, dong ?”

“You like that guy, mami?” anito saka tinuro ang mga poster ni Xavier Faleiro na nakapaskil sa dingding ng buong kwarto.

Tumingin ako doon sa mga poster ko kay Xavier. Idol na idol ko talaga si Xavier. Siya ang lang ang ultimate celebrity crush ko. Kapag nga tatanungin ako kung sino ng crush ko. Di ako nagdadalawang isip sa pagsagot ng Xavier Faleiro. Hindi ko lang siya crush at idol dahil sa kanyang hitsura. Magaling kasi siyang artista, singer, at model pa. He have the beauty, the talent and the brain. Nabalita kasi noon nang grumaduate siya na latin honor. Umiyak pa nga ako noon, e. Ganyan ako kabaliw kay Xavier. May mga bago na namang dating sa industriya na mga artista kaso para sa akin number 1 talaga si Xavier. Hihihi! Kapag nakita ko siya sa personal ay baka gumulong-gulong ako at ngumuwa. Nakakainis kasi dahil di ko afford ang mga concert niya. Hanggang tingin lang ako sa mga video clips na napapadpad sa Facebook.

“Mami?”

“Ay! Oo dong . Idol na idol ko ’yan.”

Kumunot naman ang noo nito at tumingin din sa mga poster ni Xavier.

“Payag ka ba dong na ’yan ang daddy mo?” biro ko dito pero mukhang seriousness ang bata dahil di ito ngumiti o nagpakita ng emosyon sa akin.

“No. I don’t like him.”

“Huh? Ang feeler mo naman, dong . Sikat na sikat ’yan. Crush ’yan ng lahat.”

“I don’t like him, mami.” saad nito sa akin.

Ngumiwi ako dito. Matigas din ang ulo nito, ah.

“Ang gwapo at talented kaya ni Xavier, dong .”

Basi sa research ko half-spanish at half-filipino itong si Xavier. Lumaki lang at nag-aral ito dito sa Pinas kaya naman di mo aakalain na sa hitsura niya ay nagtatagalog ito. Attractive na talaga si Xavier lalo na ang kulay asul niyang mata. Tingin ko ito ang assest niya when it comes to acting. Ang galing lang kasi dahil kapag umaarte siya napaka-expressive noong mga mata niya.

“He’s not mami.” Kontra nito sa akin.

Naputol ang pagpapantasya ko kay Xavier dahil kay Zion. Grabe naman ang batang ito. Kung makapagsalita ay parang ang gwapo niya. Hayst! Kahit na may hitsura itong bubwit na ito ay mas lamang parin para sa akin si Xavier.

At imbes na magtalo kaming dalawa ni Zion tungkol kay Xavier. Hindi nalang ako nagcomment pa sa sinasabi nito. Kinukontra niya kasi lahat ng sinasabi ko kay Xavier. Ang sama! Dapat nga ay sinasakyan niya ang sinasabi ko dahil ako ang savior niya kaso ang talas din ng tabas ng dila nitong bubwit na ito. Hay! Ang sarap ibalik sa gubat nito, ah.

Bumangon kaming dalawa ni Zion at pinaliguan ko siya. Binihisan ko siya sa damit na binigay ni Mama Aubrey sa akin kagabi. Ani mama, may mga damit pa daw siya na naitabi nung mga baby palang kami. Mabuti nga at nahalungkat ito ni Mama Aubrey sa kanyang baul.

Habang inaayusan ko si Zion ay di ko maiwasang di humanga sa hitsura nito. Maputi kasi ang bata, gwapo at ang tangos din ng ilong! Kung sino man ang mga magulang nito. I’m sure may lahi rin. Sinuklay ko ang buhok nito at inayos ko ang kuwelyo ng suot niyang damit. Winisikan ko rin siya ng konting pabango.

“Ayan, parang si Xavier Faleiro na!” biro ko dito kaso sumimangot lang ang bata sa akin. Ayaw niya talaga kay Xavier!

Lumabas kami ng kwarto at tamang-tama naman na nakahain na si Mama Aubrey. Pinakbet, hotdog, at bacon ang ulam. Naks! Kapag kami lang sa bahay sigurado akong pinakbet lang ang niluto ni Mama.

“Halika na kayo, anak, Zion kumain na kayo.”

Giniya ko sa hapag si Zion at pinaghain ng makakain.

“Gusto mo ng hotdog o bacon.”

Ngumuso ito. “I want to try that one, mami.” wika nito sabay turo sa pinakbet.

“Sureness ka, dong ? Gulay ’yan.”

Masigla itong tumango sa akin.

“Yes, mami. Mabango kasi.”

Napasil ko ang pisngi nito dahil nagpapakyut ito sa akin. Jusko! Ayaw ko na yatang ibalik ang batang ito sa mga magulang nito kapag nagpatuloy ito sa pagpapakyut sa akin.

Matapos kong hainan si Zion ay umupo ako sa tabi nito. Magaling na naman ito humawak ng kutsara at sumubo kaso nadudumihan pa rin ang baba niya.

“Mama si Kuya Camelot po?”

Sandali na tumingin si Mama sa akin bago sumagot. “Pinag-arkila ko ng tricycle doon para gamitin natin mamaya.”

Hindi ako sumagot doon at tumango nalang. Inasikaso ko nalang si Zion at paminsan-minsan na pinupunasan ang bibig.

Matapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Sinabihan ko si Zion na doon nalang siya sa sala at manood ng palabas kaso mas pinili ng bata na samahan ako dito sa kusina. Pumatong talaga ito sa upuan para mapanood ang ginagawa ko.

Pagkatapos kong maghugas ay tama naman na dumating si Kuya Camelot. Sumama si Mama Aubrey sa paghatid namin kay Zion sa presinto. Si Kuya Camelot ay sumama rin.

Tahimik kaming lahat sa byahe at si Zion naman na nasa kandungan ko ay nakatingin lang din sa harap, sa daan.

Nang malapit na kami sa presinto ay saka pa may nagsalita sa amin at si Zion pa iyon.

“Mami, we’re to the mall po?” Malaki ang ngiti nitong tanong sa akin.

Parang piniga ang puso ko doon sa ngiti ni Zion.

“Hindi dong .”

“Oh, sa park po?”

“H-hindi rin dong , e.” Di ko inaasahan na magka-crack ang boses ko.

Hindi na nagtanong si Zion at muling natahimik ang aming byahe hanggang sa makarating kami sa harap ng presinto.

Naunang bumaba si Mama at si Kuya. Si Zion naman na nasa kandungan ko ay mahigpit na kumapit sa leeg ko.

Kahit na mabigat ang bubwit ay kinarga ko nalang ito pababa ng tricycle. Tumungo kaagad kami sa entrance ng police station at si Zion naman ay todo ang kapit sa leeg ko.

Naninikip ang dibdib ko at naluluha. Jusko naman!

Ibaba ko na sana si Zion nang mas humigpit pa ang pagkakapit nito sa leeg ko.

“ D-dong baba na. Nandidito na tayo.“

“No!” matigas nitong tanggi at yumakap sa leeg ko ng mahigpit. Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang mainit na likido na dumaloy sa parte ng leeg ko.

“Ma,” tawag ko nang saklulo kay Mama dahil matigas ang ulo ni Zion at ayaw humiwalay sa akin.

Naiiyak ako nang pilit na tinatanggal ni Mama Aubrey ang pagkakapulupot ng kamay ni Zion sa leeg ko. Sigaw nang sigaw ang bata na ‘no’ at umiiyak. Para akong tanga na umiiyak na rin. Di ko naman kaano-ano ang batang ito. Wala akong kahit na anong koneksyon dito pero iba talaga ang dulot niya sa akin.

Nang tuluyan nang matanggal ni Mama ang kamay ni Zion sa akin ay dinala na ito ni Mama sa loob ng presinto. Hindi na ako pumasok at umiyak nalang sa may entrance ng police station.

“Mami! Mami! Mamiii! Ayaw ko dito! Please, mamiii, help me get out of here!”

Tinakpan ko ang tenga ko at patuloy sa pag-agos ang luha ko. Ang OA naman nito! Bakit ako nagkakaganito dahil lang sa batang iyon? Gosh! Kakakilala lang namin the other day. Saka hindi siya sa akin. Hindi ko siya kapamilya.

“Tara na.” si Mama nang makalabas sa prisento.

“M-ma.”

“Tara na Mark Lawrence.” Matigas nitong untag.

Napapalingon nalang ako sa presinto kung saan naririnig ko ang sigaw ni Zion na tinatawag ako.

“Rence tara na.” Hinila ako ni Kuya Camelot tungo sa tricycle na sinakyan namin kanina.

“Kuya, si Zion, umiiyak ang bata doon, kuya.”

“Hindi sa atin ang batang iyon, Rence. Nakita mo lang iyon. May pamilya iyon. May naghahanap doon.” wika ni Kuya.

Tumango ako. Naiintindihan ko si Kuya Camelot. Naiintindihan ko siya kaso nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga tawag at iyak ni Zion sa akin.

Nakasakay na sina Mama Aubrey at Kuya sa tricycle.

“Sakay na.” ani kuya.

Umiling ako.

“Mark Lawrence.” Nagbabantang wika ni Kuya.

“’Ma, Kuya, sorry po.” ani ko sa kanila bago tinakbo ang daan pabalik sa presinto.

Tinatawag ako nila Mama kaso mas nanaig sa akin ang balikan si Zion.

Walang habas kong tinulak ang pintuan ng presinto at nakita ko si Zion na nakaupo sa isang silya sa harap ng isang pulis. Ngumunguwa ito.

“Zion.”

Lumingon ito sa akin at muntik pang mahulog nang makita ako.

“Mamii!!” Iyak nito at tumakbo papalapit sa akin.

Napaluhod ako at sinalubong ko ang bata ng isang yakap. Nakakabwesit. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa batang ito?

“Mami, h’wag niyo po akong iwan dito. Ayaw ko po dito, mami. Good boy po si Zion, mami. I eat vegetables, mami. Please, don’t leave me!”

Hinaplos ko ang likod ng bata.

“Ssh, tahan na. Tahan na dong . Di ka na iiwan ni M-mami dito, okay? Sorry, dong . Sorry.”


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Let’s be mutuals! 2nd Wattpad account: showerofserotonin

Facebook: Amorevolous Encres Tiktok: amorevolousencres IG: amorevolous.encres Twitter: AEncres

CHAPTER 3

Chapter

3

Mark Lawrence Pov

Almost two weeks had passed and my dong , Zion is still in the house! Yes people you read it right and left, I mean right lang pala! Nanatili sa amin si Zion kahit against the will ito ni Mama Aubrey. Kesyo, Zion is not mine raw at baka hinahanap na ang bata ng totoo nitong parents. But guess what! Wala naman yatang naghahanap sa bubwit since tumagal sa amin si Zion. Unexpectedly!

Na-imagine ko na kasi ito noong una, e. Na may pupuntang mayaman dito sa amin tapos aangkinin nila si Zion tapos syempre bilang isang savior slash Mami ni Zion ay ’di ko ibibigay ang bata sa kanila pero kapag nag-offer na ng pera ay ibibigay ko naman ang bata. Kaso. Kaso. Kaso lang! Mali ako. Napakawalang kwenta nang naisip ko kasi wala namang pumuntang mayaman na pamilya dito sa amin at inangkin itong bubwit na nahuli ko sa gubat! 

Kidding! Sa totoo lang nag-iexpect naman talaga ako na may naghanap sa bata at bawat araw na dumadaan pilit kong huwag na ma-attach kay Zion kasi alam kong mawawala rin siya sa piling ko. Pero ngayong umabot na nang halos dalawang linggo si Zion dito sa amin, bigo ako. Bigo ako kasi alam kong napasok na ng bata ang puso ko. Gusto ko na nga na angkinin siya e, pero alam kong may tunay itong pamilya.

“Mami?”

Tingnan mo na. Nanghihina na nga ako kapag tinatawag niya akong Mami kahit na bakla lang naman ako. Nakakapanghina ang batang ito. Halos isipin ko na nga na may super powers siya. Eme lang!

“Yes dong ?” sagot ko dito habang nakatutok ang mata ko sa television. Siya naman ay pilit na kinakasya ang katawan sa tabi ko dito sa sofa. Patagilid na nga lang akong nakahiga dito para lang makahiga siya.

“What’s on your mind po, Mami?” tanong nito kaya naman lumipat ang atensyon ko sa kanya. Ano ba naman itong si Bibi Zion para naman itong Facebook kung maka-what’s on your mind!

Nakita kong nakatingin siya sa akin. Pinagmamasdan niya ang mukha ko gamit ang namumungay niyang mata. Sa loob nang mga araw na nasa bahay si Zion naging malapit na rin ang loob ni Kuya Camelot dito. Binilhan nga ito ng mga laruan ni Kuya Camelot at minsan sinasama pa sa lakad nito sa palengke. Si Mama Aubrey naman kahit na di noon sabihin alam kong may puwang na rin sa puso niya si Zion.

“Iniisip ko lang kung papaano kung biglang dumating ang tunay mong mga magulang. Ano kaya ang pwedeng pabuya ang hilingin ko sa kanila? Pwede kaya ang 10 million?” biro kong sagot dito pero iba ang nakita kong ekspresyon ng bata. Itong si Zion ay matalino. Nakukuha niya naman ang mga sinasabi ko kahit na ibang level din ang IQ ko. Kaso iba ngayon. Iba na kapag magulang na niya ang pinag-usapan namin.

Yumakap sa super sexy waist ko ang maliit niyang kamay at binaon sa dibdib ko ang mukha niya na namula kaagad.

“No! No! H’wag mo akong ibigay sa Mommy ko, Mami. Ikaw ang Mami ko! Ikaw!” Pagmamatigas nito at agad kong naramdaman ang pagkabasa ng manipis kong tshirt.

Bahagya kong tinulak ang ulo nito papalayo sa dibdib ko at agad ko namang nakita ang basa nitong mukha at namumulang ilong at pisngi.

“I don’t want to be with them, Mami. I want you. You’re my Mami. You’re my pretty Mami!”

Napalunok ako. Ginoo ko! Unsaon naman ko na si Zion, Lord?

Nagtaka ako nang umahon ito sa pagkakahiga sa tabi ko at niluhod ang maliit niyang binti bago yumukod at humalik sa magkabilang pisngi ko bago hinalkan ang labi ko.

“I love you, Mami ko.” Nanlalambing niyang turan at hinaplos-haplos pa ang pisngi ko tapos humahalik na naman.

“ D-dong ,“ pigil ko dito sa paghalik sa akin dahil mabaho ang laway niya. Charot! Pinigilan ko ito upang matingnan niya ako ng mabuti.

“ Dong , alam kong matalino ka. Alam ko dong na alam mo ang totoo, na hindi talaga ako ang Mami mo at hindi mo ako tunay na magulang. One day aalis ka rin sa amin. One day kukunin ka rin kung sino man ang parents mo.“ Pagpapa-intindi ko sa bata kaso sinunggaban lang ako nito ng yakap at binaon ang mukha sa leeg ko.

“No! I won’t leave you, Mami. You’re my Mami. You are!” Pilit nito at umiyak!

Gosh! Nakakabobo rin itong si Bibi Zion! Mabuti nalang at dumating si Kuya Camelot at Mama galing sa palengke. At inaya ni Kuya Camelot sa labas si Zion para magbasketball. Ako naman ay tumulong kay Mama Aubtey sa kusina para magluto ng hapunan namin.

“Ano iyong naabutan kong eksena, Lawrence?” tsika ni Mama habang hinuhugasan ang karne gamit ang running water sa faucet.

“Ay, di ko po nasundan ang pangyayari sa eksena kanina sa pinanood ko ’ma dahil–”

“Lawrence alam mong hindi iyan ang tinutukoy ko.” Pagputol ni Mama kaya natahimik ako.

Nilagay ko sa mesa ang bagong hugas na karne at umupo sa silya.

“Sinabihan ko lang si Zion, ’ma na balang araw may kukuha rin sa kanya dito. Na balang araw mawawalay din siya sa atin at pinaliwanag ko dito na hindi ako ang Mami niya kaso…” Humina ang boses ko. Naiiyak ako. Shocks!

Huwag ngang OA Mark Lawrence! Pangangaral ko sa sarili.

Aminin ko man sa hindi pero mahal ko na si Zion. At ayaw ko na rin itong ibalik kong saan siya nanggaling. Pero alam ko kasing di permanente itong nangyayari ngayon.

“Hindi mo iyan anak, Lawrence. Hindi mo kadugo si Zion.” wika ni Mama.

“Alam ko ’ma. Alam ko kaso lang kasi…”

“Itigil mo ang kahibangan mo Lawrence.”

Pinalis ko nalang ng luha ko at ngumuso.

Matapos ang usapang iyon ay natahimik naman kami ni Mama Aubrey sa aming pagluluto.

Araw-araw lihim akong nagbabasa ng news para makita kung may naghahanap ba kay Zion at kapag wala akong nakikita, nakakahinga ako ng maluwag doon. Para akong tanga na araw-araw napapraning na maaaring iyon nalang ang huling sandali na makapiling ko si Zion.

Nang maghapunan naman ay tama naman na dumating na sila Kuya Camelot at Zion. Pawis na pawis ang dalawa.

“Mami, Kuya Camelot thought me how to play basketball po!” bungad sa akin ni bibi Zion. Malaki ang ngiti nito at halata ang saya sa mukha kahit na naliligo sa pawis.

Ito iyong gusto ni Kuya Camelot na hindi ko masabayan. Gusto ko naman ang basketball pero gusto ko kasi iyong nanonood lang ako, audience kumbaga. Minsan na kasi akong tinuruan ni Kuya Camelot nito kaso mabilis akong mapagod.

“Talaga? Bansay naka ?”

“Mami?” natawa ako. Minsan nakakalimutan ko na di pala nakakaintindi ng Bisaya itong si Zion.

“Kako, magaling ka na ba magbasketball?”

Proud na tumango sa akin ang aking bibi!

“Yes, Mami! I can do dribble na po.”

“Galing naman ang bibi ko. S’ya halika na kumain muna tayo bago kita linisan. Magbihis ka lang muna ng tshirt mo.”

Kahit na malaki na si Bibi Zion ay binuhat ko pa rin ito. Tumungo kami sa kusina matapos ko itong bihisan ng malinis at tuyong damit.

Nang makita ni Mama Aubrey na  buhat-buhat ko si Zion ay napailing lang siya at umupo sa kanyang silya. Nilapag ko naman si Zion sa upuan na malapit sa akin.

“Akala ko ba big boy ka na Zion. H’wag ka na magpabuhat kay Lawrence.” puna naman ni Kuya nang makaupo na ang bata sa sariling silya.

Ngumuso si Zion.

“But I like it when Mami carry me.” maliit na katwiran naman ni Zion.

“Kahit na–”

“Kuya.” Pigil ko dito pero sumabad naman si Zion.

“Don’t worry Kuya I will let Mami carry me sometimes.”

“Good.” ani Kuya.

Umiling nalang ako at pinaghain si Zion. Si Zion naman ay walang pili naman sa pagkain na hinahain namin. Mukha namang maayos itong dating buhay ni Zion pero ’di ito pihikan pagdating sa pagkain. O baka wala lang siyang choice dito sa amin kaya ganito siya. O baka kumakain lang siya ng mga hinahain namin kasi takot na iuwi namin sa tunay niyang magulang.

Matapos ang hapunan ay ako na ang nagligpit sa pinagkainan namin at syempre para naman may silbi itong si Zion sa bahay ay siya na ang pinaghugas ng plato, kaldero, pinagpunas ng mesa, pinagwalis, etcetera, etcetera. Eme! Joke lang.

Gusto ni Zion na tumulong sa akin kaso ’di ko na siya hinayaan pa. Ako ang papagalitan ni Mama kapag pinagawa ko ito ng gawaing bahay, e.

Hawak ko ang kamay ni Zion at tumungo na kami sa kwarto namin. Inutusan ko itong maglinis sa katawan sa banyo at sumunod naman ito. Marunong ka na kasi siya. Ako naman ay hinanda ko ang damit niya sa kama.

Habang ginagawa ko ang evening rituals ko ay biglang nagsalita si Zion sa likod ko na bagong bihis at fresh na fresh!

“Mami,”

“Hmm?”

Nasasanay na talaga ako sa Mami-Mami niya sa akin. Feeling ko isa na talaga akong ganap na mother. Goshness!

“Huwag niyo po akong ibigay sa mga parents ko po, huh.”

Napatigil ang kamay ko sa pagpaglalagay ng serum sa mukha dahil sa sinabi ng bata. Naibaba ko ang kamay ko at mapait na ngumiti.

“ Dong .“

“Mami, please!”

“ Dong kasi… may mga bagay na hindi kayang gawin ni Mami.“ Paliwanag ko dito.

Zion is asking for assurance that I cannot grant. It’s rock! I mean, it’s hard! Ayaw kong paasahin ang bata sa salita ko na di naman kayang gawin. Ang hirap noon. Iba pa naman magtanda ang mga bata.

Nilingon ko ito at nahabag ako ng todo ng makita ko itong naiiyak.

“Bibi,” naiiyak na rin ako.

“I just want to be with you, Mami. I like you po. And I love you, Mami.” anito.

Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ni Bibi Zion sa akin. Feel na feel ko na talaga na isa akong ina. Goshness!

“Bibi kung darating man ang araw na may kumuha sayo o may dumating dito sa bahay para kunin ka na. Wag na wag mo akong kakalimutan, okay?”

Imbes na sumagot sa akin si Bibi Zion ay niyakap lang ako nito. Tumaas-baba ang balikat nito at doon ko napansin na tahimik itong umiiyak sa tabi ko.

“ Dong ,“

“No, mami. Hindi ako sasama. I will stay with you, Mami.”

Patuloy ito sa pag-iyak kaya naman naiyak na rin ako. Hinarap ko ito at tinanggal ang mahigpit niyang kamay na nakayakap sa akin. Pinunasan ko ang basa nitong pisngi.

“Stop crying na bibi. Sige na. Di na magt-talk si Mami sa mga ganyan.” Pag-aalo ko dito.

Tumango ito pero himihikbi pa rin.

“Tapusin ko muna ginagawa ko, ha. Tapos selfie tayo dong. Wala pa pala tayong desenteng picture.” Pag-iiba ko nalang sa usapan namin.

Magana itong tumango sa akin at nagpunas sa kanyang mata. Minadali ko ang paglalagay ko ng serum sa face ko.

Kinuha ko ang luma kong cellphone. Pagbalik ko sa kama ay tahimik lang na nakaupo doon si Zion.

“Mami, should I change my clothes po?” tanong nito samantalang kinakalikot ko ang phone.

“Hindi na dong. Ayos na ang damit mo.”

Sinamahan ko si Zion sa kama saka ko hinanda ng kamera ng phone ko.

“Gumaya ka sa mga posing ko, dong , ha?” saad ko dito.

“Okay, mami!”

Napangiti naman ako doon saka sinimulan ang picture taking namin ni bibi Zion. Kinunan ko rin siya ng solo at syempre papahuli ba ako? Inutusan ko rin si Zion na kunan ako ng pictures!

Umupo sa hita ko si Zion at sabay naming tiningnan ang aming mga photos.

“You’re so pretty, Mami.” wika ni Zion habang nags-swipe doon sa screen ng cellphone.

Para tuloy akong dinuyan sa ulap dahil sa sinabi ni Zion. Aminado naman akong maganda ako pero iba pa rin kasi kapag may ibang nakakakita sa ating ganda! Goshness!

“Ang puti natin, diba, bibi?” saad ko naman. Pareho kasi kaming mga makikinis at maputi!

Ngumisi si Zion. “Yes, mami.”

Pagtapos ng marathon namin ni Bibi Zion, I mean pagkatapos naming tingnan ang mga photos namin ay pinatulog ko na siya. Ako naman ay nag-fb pa sa tabi niya. Hanggang sa dumaan sa newsfeed ko ang isang clip ni Xavier. Bigla tuloy’ng may pumasok na idea sa utak ko.

Mabuti at may load ako kaya naman nakapasok ako sa IG. May IG story si Xavier Faleiro kaya naman agad ko iyong tiningnan. Kaso di ko naman maintindihan ang story niya doon. Ang nakalagay kasi ay ’I will find you wherever you are“ tapos ang background noon ay clouds pa! Baka teaser ito sa new album niya o baka new movie! At kahit na di ko naiintindihan ang IG story ni Xavier ay nagreact pa rin ako doon ng heart.

Wala yata akong palya sa pagreact ng story ni Xavier sa IG kaso kahit seen man lang ay wala akong natatanggap! Tiningnan ko ang mga react at messages ko sa IG ni Xavier. Ang dami na noon kaso walang response. May naisip na naman akong kalukuhan kaya naman nagsend ako ng picture ko sa IG ni Xavier.

“Ito pala ang karma mo, Xavier!” Sinend ko ito kasunod noong picture ko na kinuha ko ngayon.

“Ito pala ang ganda ng fan mo Xavier na hindi mo napapansin!” Nagsend na naman ako ng photo ko.

“Mahal kita, Xavier!” Nagsend ulit ako ng photo.

Natawa ako doon sa ginawa ko. ’Di niya naman mapapansin ang messages ko sa dami nang nagsi-send sa kanya, e.

At nang makita ko ang kyut na picture namin ni Zion ay sinend ko rin iyon kay Xavier. “Ito pala ang anak natin, Xavier. Ito ang anak natin na tinago ko sayo ng apat na taon! #Deserve!”

Pagkatapos kong isend iyon ay napangiwi ako ng magtext na ang Globe na ubos na ang pang-data ko. Kaya naman tinabi ko na ang phone ko at natulog.

Kinabukasan ay Linggo kaya naman sinama ko si Zion sa pagsisimba ko. At pagkatapos naming magsimba ay pinasyal ko ang bata sa plaza kaya naman natagalan kami ni Zion.

Tuwang-tuwa ang Bibi Ko dahil ’di pa raw siya nakapasyal kahit kailan. ’Di ko alam kung real iyon o hindi. Pero kung totoo man napakalungkot naman kung ganun. Psh! Anong klaseng magulang ang ganoon? Kinukulong ang anak nila!

“Mami super happy ko po today! Sana next time ulit punta tayo sa church at sa plaza!” anito at nag-iexplore na kami tungo sa aming bahay.

“Talaga happy ka?”

“Yes, super happy ko!”

Ngumisi ako.

“Pak! Pak! Ganern-ganern?”

Tumawa ang Bibi Ko.

“Pak! Pak! Ganern-ganern, Mami! Hehe!”

Napugpog ko ng halik si Bibi Zion dahil sa cuteness overload niya!

Nagpatuloy kami sa aming lakad ni Zion tungo sa bahay namin at tumaas naman ang kilay ko nang may nakita akong kotse sa tapat ng bahay namin.

Bigla-bigla akong kinabahan. Oh my god! Hindi kaya nandidito na ang afam na ka-chat ko? O di kaya’y kukunin na ako ng ama kong Mafia Boss?

“Mark Lawrence!” Napatalon ako sa dumadagundong na boses ni Kuya Camelot! Nagmamadali itong lumapit sa amin ni Zion.

“Kuya!”

“Tang ina! Saan ba kayo nagsusuot ni Zion? Yawa! Nasa loob ang magulang ni Zion.” Hapong saad nito.

Humigpit ang pagkakapit ni Zion sa kamay ko at tumungo kami sa loob ng bahay. At halos mawalan ako ng malay nang makita ko ang bisita namin! Tabang Ginoo! Xavier Faleiro is in the house!


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 4

Chapter 4

Mark Lawrence Pov

Alam ng Dios kung gaano ko kagustong makita in person, in flesh itong si Xavier Faleiro. Ultimate idol. Ultimate crush. At ultimate asawa ko kasi itong si Xavier sa imagination ko. Saksi ang mga guardian angels ko kung papaano ko dasalan ang mga pictures ni Xavier sa kwarto ko. Saksi ang mga guardian angels ko kung papaano ko sinimba ang mga poster ni Xavier sa kwarto ko sa sobrang pagka-crush ko dito. Ultimo picture niya sa dyaryo noon ay ginupit ko nga para ilagay sa notebook ko. Halos kulamin at gamitan ko na nga ng gayuma maging akin lang siya! Charot lang ang huli. Zion’s pretty Mami would never do such ridiculousness.

Kaso bakit ngayon na nasa harapan ko na siya ay wala akong maramdaman kahit na anong saya at kilig. Bakit imbes na gumulong ako ngayon dito sa sahig at umiyak sa tuwa ay nangangamba ako at nalukungkot?

Ito na Lawrence. Ito na ’yong dinadasal mo gabi-gabi na sana makita mo ang idol mo. Dapat nagpa-autograph at nagpa-picture na ako ngayon kay Xavier na nasa kabilang upuan lang.

“You are Mark Lawrence? The one who saved my child.” anito at sumilip kay Zion na nagtatago sa likuran ko.

Niyayakap na ako ng bata mula sa likod ko at binaon ang mukha doon.

Bakit ganito Lord? Ang saya pa naman namin kanina ni Bibi Zion. Bakit wala ka namang pa-warning d’yan na ito na pala ang magiging last day namin together? Bakit ngayon na ’di ko na iniisip na may kukuha kay Zion ay saka pa dumating itong si Xavier Faleiro? At… anak niya si Bibi Zion. Lord, bakit wala sa Wikipedia na may anak na si Xavier? Ginoogle ko naman lahat ng infos ko kay Xavier pero wala namang nagbanggit doon na may anak na siya. Grabe namang surpises ito. Hindi yata kayang i-take ng brain ko.

“Nakita lang ng kapatid ko si Zion sa gubat, Sir.” Kuya Camelot vouched for me when I cannot find the right words to say. I think my tongue just got tied inside my mouth.

Unknowingly, my tears started to fall like rain onto my cheeks.

“Ire-report naman sana namin si Zion sa mga awtoridad. Dinala na namin si Zion sa presinto para isuko at para na rin sana magreport kaso… umiyak ang bata at nagmakaawa na huwag iwan doon. Kaya… k-kaya binalikan ng anak kong si Lawrence doon.” Paliwanag ni Mama Aubrey kay Xavier.

May kasamang isang lalaki at babae itong si Xavier. Ang isa, iyong babae ay alam kong manager niya at iyong isang lalaki naman na nakatayo lang ay parang bodyguard? Driver?

“We’ve been looking for Zion for two weeks now. I really don’t have enough sleep, thinking that my child is gone. And seeing him very well in your abode somewhat makes me feel relieved.” Ini-english niya kami. Akala niya ba hindi kami nakakaintindi noon? Fuckshiterist niya dahil naiintindihan namin siya!

“Bakit? Bakit napunta doon sa gubat si Zion? Saka ikaw ba talaga ang ama niya? Nasaan ang ina niya? H’wag mong sabihin na iyang manager mo ang ina?” I jabbed at Xavier, na kinagulat nilang lahat! Kahit si Xavier Faleiro ay nagulat na ang isang tulad ko na mukhang dalagang Filipina ay kayang magwala!

Lahat sila ay natahimik at kapwa lang nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ko!

Tumikhim si Xavier.

“Mr. Alipalo it’s not what you think it is. Hindi ang manager ko ang ina ni Zion. And yes, ako ang ama niya. Zion can prove that to you.” sagot niya sa akin nang makabawi sa pagkagulantang.

“Salamat, Lawrence. Salamat sa mga messages mo sa IG ko. Dahil doon nahanap ko ang anak ko. Salamat sa pagligtas sa kanya. Salamat sa inyo na inalagaan ang anak ko. Ngayon, kukunin ko na siya sa inyo.”  sabi niya at nawala ang paki ko doon.

Napahawak ako sa kamay ni Zion na nakapulupot sa baywang ko. Tabang Ginoo!

Nang maramdaman ko ang hikbi ni Zion sa likod ko ay saka ko pa ito nabalingan. I was so pre-occupied sa mga sinabi ni Xavier sa akin kanina.

“Dong?”

“Mami, no!” Umiling ito sa akin at basang-basa na ang mukha.

“ Dong s-siya ba talaga ang Daddy mo? Bakit ’di mo sinabi sa akin? Saka akala ko ba ayaw mo kay Xavier? Joke lang ba iyon, bibi?“ ani ko dito at pinalis ang luha ko.

“S-sorry, Mami. Sorry. Yes, he is my Daddy, but I don’t like him po, Mami. I don’t like him po! Dito lang ako sayo, Mami, please!”

Hindi ko alam kung bakit para akong baliw dito na umiiyak ngayon. Supposedly ay masaya na dapat ako kasi mayaman naman pala ang magulang ni Zion. Tiba-tiba siguro ako ngayon sa pera, diba? Charot! Naninikip ng husto ang dibdib ko ngayon. Ang sakit naman nito kahit na hindi ko real na anak itong si Zion. Ngayon aalis na talaga siya. Iiwan na niya ang Cebu!

“ D-dong kasi… hindi mo naman ako tunay na Mami-“

“No! No!” Pagwawala niya at dinamba ako ng yakap.

Rinig ko ang mga singhapan ng mga tao sa loob ng bahay namin.

“ Dong , diba sabi ko naman sayo na kapag darating ang araw na ’to-“

“Mami!!! No! Please, good boy si Zion, Mami. Good boy po ako.” Iyak siya nang iyak habang yakap-yakap ako.

Grabe naman ito! Litse! Iyak na nga ako nang iyak dito tapos ganito pa siya. Nahihirapan ako. Bwesit naman kasi, e. Hindi ko naman ’to anak. Hindi ko naman kadugo ang batang ito pero bakit ba kasi ganito ang epekto niya.

“Sshh, tahan na Dong . Please!”

“Mami!” Hikbi nito.

Tumingin ako kina Mama Aubrey at Kuya Camelot para humingi ng saklolo. Si Kuya Camelot ay napapikit lang at si Mama lang ang tanging lumapit sa amin ni Zion.

“Zion, hindi ang anak ko ang tunay mong mga magulang, huh. Ngayon…” Tumulo ang luha ni Mama. “… ngayon ay nandidito ang tunay mong magulang Zion. Kailangan mong umuwi sa inyo. Doon malaki ang bahay ninyo. Sa mga magulang mo hindi mo kailangang kumain ng tuyo at laging gulay ang ulam mo. Saka baka d-doon lagi kang lumalabas. Hindi tulad dito na ang lagi mo lang kasama ay si Kuya Camelot mo at ang Mami Rence mo.” Pag-aalo ni Mama kay Zion at sinuklay-suklay niya ang buhok nito.

Humikbi si Zion at tumingin sa akin. Iniwas ko naman kaagad ang mata ko dito at nagpunas ng luha.

“Mami.” Lumabi pa ito sa akin at saka nagbagsakan na naman sa mata nito ang malalaking butil ng luha.

Parang piniga nang piniga ang puso ko doon.

“I love you, Mami.” sunod namang saad ni Zion at tuluyan na akong napatakip sa mukha ko at humikbi.

Ang babaw naman kasi nitong luha ko, e! Saka bakit ba ang dali kong ma-attach dito sa batang ito?! Nakaka-gaga naman ito!

Lumuhod ako sa sahig at hinawakan ko ang kamay ni Zion. Pinusan ko ang luha nito at inayos ang buhok.

“Bibi, hinding-hindi ka kakalimutan ni Mami, okay? Ikaw pa rin iyong bubwit na akala ko tiyanak doon sa gubat. Ikaw pa rin ang Bibi Zion ko kahit maghiwalay na tayo ngayon. Bibi, alam mo naman na hindi talaga ako ang magulang mo. Kaya… kailangan mong sumama ngayon sa Daddy Xavier mo.” malumanay kong wika dito.

“But you already bought me clothes, Mami.”

Pilit akong ngumiti dito.

“Mura lang naman iyon Dong . Love ka ni Mami, hmm?”

Tumabi ako at sumenyas kay Zion na lumapit kay Xavier. Kaso nanatiling nakaupo ang bata. Ilang sandali pa ay si Xavier na ang lumapit dito. Siya ang pumalit doon sa pwesto kung saan ako lumuhod sa harap ni Zion.

“Z, let’s go home, okay?”

Kapwa kaming lahat na napanganga nang biglang suntukin ni Zion sa mukha ni Xavier! Oh my god! Kahit na maliit lang ang kamao ni Zion ay buong lakas naman iyong pagsuntok niya!

Ang kakawang ultimate crush ko ay napapikit lang sa ginawa ng anak niya! Oh my gosh! Baka magkapasa ang perfect face ni Xavier!

“Why did you come here? I don’t need you! I don’t like you! I don’t like you and Mommy! I hate you both! I hate you!”

“Z,”

“I want to live here with my Mami Rence! I don’t want to go back there!” Zion, pointing his finger on our door na para bang nandun ang tinutukoy niyang pinanggalingan niya.

“This is not your home, Z. I promise you. Hindi na kita iiwan. Hindi na kita iiwan sa Mommy Kyline mo.” Pakiusap ni Xavier sa anak. “Titira na tayo sa iisang house.”

“Okay.” sagot ni Zion.

Ngumiting tagumpay si Xavier at pati ako ay napangiti rin doon kahit na may kurot sa puso ko.

“I will go home with you, but let’s tag Mami Rence with us.”

Naikiling ko ang ulo ko at nalaglag ang panga.

“B-bibi.”

“Please, Mami.”

“Zion-”

“Or else I won’t go home.” Banta ng bata at pinutol ang sasabihin ni Xavier.

Ginoo ko! Ang tuso naman pala nitong si Zion? Bakit ngayon lang ito lumabas? Akala ko puro lang siya pakyut sa akin?

Nang tumingin si Xavier sa akin ay agad kong tinikom ang bibig ko. Baka kasi maturn-off si Xavier kaso… m-may asawa na yata siya. Iyong Mommy Kyline ni Zion. Wala na palang effect dito ang pakyut ko at pagpapaganda kasi may asawa na pala, may anak pa. Hindi na pala ito pwedeng landiin. 

“Will you come with us?” tanong ni Xavier sa akon pero parang iba ang narinig ko. Parang, ‘Will you marry me?’ ang narinig kong tanong ni Xavier sa akin.

“Oh,”

“Nag-aaral po ang anak ko Sir.” ang singit ni Mama Aubrey, kaya naman napabaling si Xavier kay Mama kahit na wala pa akong sagot dito.

Tumayo si Xavier at pinakiharapan ang Mama ko.

“I can send him to school, ma’am.” Magalang naman na tugon ni Xavier sa Mama ko.

“3rd year college na sa pasukan ang anak ko, Sir. “

“He can take an online class, ma’am if he wants to pursue his program here. I can do something about that.” Palaban din talaga si Xavier dahil kahit na ano pang rason ni Mama ay may sagot ito.

Tiningnan ako ni Mama Aubrey.

“Ikaw Lawrence? S-sasama ka? Sabihin mo lang kong hindi mo gustong sumama dahil walang namimilit sayo.” wika ni Mama. Well, except for Zion na pinipilit ako.

Si Kuya Camelot ay nanatili lang na nakikinig sa amin. Parang gusto niyang pigilan si Mama kaso ’di niya naman magawa. Kita kong parang tutol siya sa desisyon ni Mama kaso tumahimik lang siya.

“Ano…”

“Mami, please?”

Tumango ako kay Mama. Ayaw ko na rin kasing mahiwalay kay Zion. Saka nasa Manila naman si Kuya Carl, e.

“Don’t worry, Mrs. Alipalo dahil may suweldo naman si Lawrence sa pagbabantay sa anak ko. Kahit sa pagsama lang niya sa amin ay may suweldo na siya.”

Sa huli ay nag-impake ako ng mga gamit ko. Tinulungan pa ako ni Mama Aubrey at si Kuya Camelot naman ay sumama sa amin dito sa kwarto ko. Parang binigyan namin ng moment si Xavier at si Zion.

“Anak, sigurado ka ba dito?” Sa buong minuto na nag-impake ako. Hindi ko na alam kung ilang beses akong tinanong ni Mama noon.

“Oo nga Lawrence. Malalayo ka sa amin. May pagkatanga ka pa naman minsan. Saka hindi natin kilala iyang Xavier na ’yan. At mukha pang brutal.” saad ni Kuya na nakasandal lang sa dingding nitong kwarto. Wala na ngang naitulong tapos ganyan pa magsalita.

“Kilala ko si Xavier, Kuya. Ultimate crush ko iyon.” Katwiran ko. “Saka hindi naman siya ang babantayan ko ’no. Si Bibi Zion ang babantayan ko.” puno ko pa kaso may parte talaga sa akin na kinikilig kasi makikita ko na in person ang bahay ni Xavier! Pero kinokontrol ko ang pagiging crush ko sa kanya. Kinokontrol ko ang kilig ko para dito dahil dalagang Filipina ako! I should act like… hindi ako affected dito. Like hindi ako kinikilig sa kanya at marami pang iba. Saka sasabihin sa inyo! Saka may anak na ang tao.

Tumingin ako sa mga posters at picture ni Xavier dito sa kwarto. What to do? Dadalhin ko ba ang mga ito? Baka wala na akong dasalan na picture ni Xavier pagdating ko doon sa bahay niya. Baka pagdating ko doon wala na akong inspiration! Pero makikita ko naman everyday in flesh si Xavier kaya ’di ko nalang siguro kukunin ang mga ito.

Doon na ako naiyak nang nakasakay na ako sa backseat ng kotse at nakatanaw ako kay Mama Aubrey at Kuya Camelot sa labas ng bahay namin. Kumaway si Mama sa amin ni Bibi Zion.

“Bibisitahin ka namin doon, anak! Tawagan mo ang Kuya Carl mo na nasa Manila ka, huh!”

“Oo po, ’ma! ’Yong maintenance n’yo po h’wag ninyong kakalimutan! Palagi akong tatawag ’ma!” Kumaway ako kay Mama Aubrey na parang pang-Miss Universe! Eme!

Tumango si Xavier kay Mama Aubrey at Kuya Camelot bago sinara ang salamin ng kotse at saka kami umusad.

“Cesna, did you secure a ticket for Mark Lawrence to Manila?” ang tanong ni ultimate crush Xavier Faleiro sa kanyang manager.

“Oo, Xavier gaya ng utos mo.” sagot naman ng manager/PA niya na nasa front seat, sa tabi noong driver.

Medyo mahaba ang byahe namin tungo sa airport kaya naman nakatulog sa lap ko si Bibi Zion. Actually, nasa gitna namin ni Xavier si Zion. Kaya nga halos manginsay na ako sa kilig dito.

Napasinghap ako nang abutin ni Xavier ang ulo ni Zion na nasa lap ko. Oh my gosh! Akala ko kung saan na niya ako hahawakan. Goshness!

Naka-fucos lang ang mata ko kay Xavier kaya naman nang tingnan ako nito ay halos mapatalon ako!

Umupo si Xavier ng maayos at nagde-kuatro. Tinitigan niya ako. Gandang-ganda sa akin! Charot!

“You will only be with us for two months. After that, you will come here and leave me and my son alone, Mr. Alipalo. At gusto ko na kung anuman ang nalalaman mo ay mananatili lamang ito sa atin. I hope you understand me.”


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 5

Chapter 5

Mark Lawrence Pov

I cannot describe kung gaano ako ka-disappointed sa sinabi ni Xavier sa akin. He used to be my crush. He used to be my beloved. He used to be my one and only star in the gazillions of stars in the universe. He is my pangga —my hinigugma . At dahil sa sinabi niya sa akin nawala ang lahat ng iyon. Lahat ng paghanga ko sa kanya ay nawala!

Nagmarka sa puso ko ang kanyang sinabi at kagaya nga ng sinabi ko disappointed ako sa kanya. Papaano nya ito nagawa sa akin? Papaano niya ito nagagawa sa kanyang number 1 fan? Hindi man lang ba niya iniisip ang damdamin ko? Wala ba siyang puso? Pero malamang meron kasi buhay siya. Hindi ba niya iniisip ang kapakanan ng anak namin? Eme lang.

Eme lang ang lahat kasi kahit na ganoon ang sinabi niya ay wala naman akong paki. Bahala siya sa buhay niya. Wala akong paki kung sasakit ang mata niya kapag tumitingin sa prettyness kong mukha. At mas lalong wala akong paki kung dudugo ang tainga niya sa bunganga ko. At two months? Who cares!?

Wala talaga akong paki sa sinabi niya sa akin kasi wala naman akong plano na mag-stay sa buhay niya, ’no? Kapag siguro pinakasalan niya ako ay mags-stay ako pero kung babysitter lang naman ay thank you nalang. May balak akong iahon ang Pilipinas sa kahirapan, e. Basta kahit na anong sama ni Xavier sa akin ay wala akong paki kasi siya pa rin ang apple of the eye ko. Siya pa rin ang sinisigaw ng pusong ligaw ko. At dapat siyang magpasalamat doon. Ang hirap kaya magkagusto at magka-crush sa isang tao na walang pakialam sa damdamin mo. Heartless at its finest, e.

“Hey!” Ang ganda ko ay napaigtad dahil sa biglaang tawag ni Xavier sa akin. Ginoo ko! Ngayon niya lang ako nakita at nakilala pero pakiramdam ko gandang-ganda na sa akin itong si Xavier! Tawag na siyang nang tawag sa akin, e! Naman! Dito na ba magsisimula ang love story namin si Xavier? Dito na ba uusbong ang walang hangganang pagmamahalan namin? Pagmamahalan na hahamakin ang lahat makasama lang ang isa’t isa? Kinilig ako sa sariling exploration ng utak ko!

“Yesh?” sagot ko kay Xavier na kinasingkit ng mata niya. Aysus pa-fall naman ito. No need na Xavier. Hulog na hulog na ako. Sasalo nalang ang kulang. Eme!

“Umayos ka kapag kinakausap kita kung gusto mong magtagal sa tabi na ng anak ko.” untag niya.

My eyeballs rolled 360 degrees because of what he said. Ulyanin ata itong si ultimate crush, e. Akala ko ba two months lang itong relationship namin? I mean, akala ko two months lang ako sa piling niya-ay ni bibi Zion pala.

Bumuntong hininga ako. Akala ba talaga nitong si Xavier ay matatakot doon sa sinabi niya? Ang weak ng threat niya, ha. Wala bang extreme threat d’yan?

“Oo na. Oo na. Sinasagot na kita!” Nakangisi kong untag kay Xavier. Napahawak ito sa kinauupuan niya at laglag ang panga sa sinabi ko.

“W-what did you say?” nauutal niya tanong sa akin.

“Eme lang Xavier. Ang seryoso mo kasi, e.”

Rinig ko ang munting tawa ni ateng Cesna, ang manager ni Xavier, na nasa shotgun seat.

Tumikhim si Xavier.

“Eme? What’s that? Anyway, kapag tinatanong kita sumagot ka ng maayos. Ayaw ko nang binibiro ako.” seryoso na niyang sabi sa akin.

Nagpakyut ako kay Xavier. Nginusuhan ko siya.

“Opo. Sorry po.”

“Don’t fucking use po on me!”

Napatakip ako sa bibig ko. Ang bastos naman nitong bibig ni Xavier! Kailangan yata nitong ma-disinfect using my kissable and pink lips!

“Hay! Ito na seriousness na. Alam ko. Alam kong ayaw mo sa akin, Xavier. Pero sad to say wala rin akong paki roon. Saka yes ulit. Narinig kita na pang two months lang ako.” Nakita ko ang pagkunot sa noo ni Xavier at handa na naman sanang bumuga ng apoy sa akin kaso nagsalita nalang ulit ako. “I mean, narinig ko ang sinabi mong two months lang ako sa tabi ni bibi Zion at babalik din ako sa mahal kong probinsya. Klaro na? Do I need to reiterate what I just said?”

Parang nakukunsimisyong hinilamos ni Xavier ang palad sa kanyang mukha. Finally, I got to witness this kind of view! Ugh! Why so handsome, ultimate crush? Unti-unti na sana akong nakakakita ng heart shapes sa paligid nang biglang bumaling sa akin si Xavier na parang lion na handa nang lapain ang biktima niya! Ang pangit naman nito pumutol ng momentum!

“Mabuti nang sa simula palang Mr. Alipalo-”

“May maganda akong pangalan. Mark

Lawrence . Kaya huwag mo akong tawagin sa surname ko.“ Walang hiyang putol ko sa kanya. Diniinan ko pa ang pangalan ko.

Umigting ang panga nito.

“Okay, Mark Lawrence-”

“Pero kung gusto mo pwede mo akong tawaging love, mahal, babe, baby, babygirl, darling, at sweetie katulad ng ibang couple-”

“Shut up! Shut up kung ayaw mong itapon kita sa labas!” Parang naputol ko na ata ang huling pasensya niya.

Mabilis kong nai-ziplock ang bibig ko. Masisira pa yata ang ganda ko dahil sa kadaldalan.

“Shut your mouth for once! Goddammit!”

Muntik na sana akong mapatili dahil sobrang hot ng pagmura ni Xavier kaso naalala ko na dapat ko palang i-shut ang mouth ko. Nanginsay ako sa kinauupuan ko! Blessing din talaga itong pagsama ko kina bibi Zion. Goshness! Payag na yata akong murahin ni Xavier araw-araw.

“Are you listening to me?!” Napalundag ako sa lakas ng boses ni Xavier. Pati si bibi Zion na nakaunan sa lap ko ay gumalaw dahil sa lakas ng boses ni Xavier. Ginoo ko!

Tumango ako rito saka tinapik si bibi Zion upang makabalik sa pagtulog.

“If not only for my son hindi talaga kita isasama sa amin, Lawrence.” saad nito na punong-puno ng pagsisisi ang boses.

“Kung hindi rin naman kay bibi Zion ay hindi ako sasama rito.” Gusto ko sana iyong isagot sa lalaki na nakukunsimisyon sa akin ngayon pero mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko dahil baka mag-ala Darna na ako ngayon dito. Makalipad pa ako sa ibang dimensions.

“Gusto ko ring idagdag na kung anuman ang nalalaman mo at nakikita mo sa bahay ko pagdating natin. O habang nasa puder kita ay mananatiling atin lang. Gusto sana kitang papirmahin ng non-disclosure agreement.”

Napatanga ako rito. Anong non-disclosure agreement? Masyado naman yatang nag-o-overreact itong si Xavier. Talaga bang hindi na mapagkakatiwalaan itong mukha ko? Aminado naman akong maalindog talaga ako kaso hindi naman kailangang umabot pa kami sa pagpirma ng non-disclosure agreement?

Kaya naman hindi ko na talaga na timpi at nagsalita na ako.

“Ayaw ko pumirma n’on! Alam kong hindi ka nagtitiwala sa akin pero sana naman kahit konti magtiwala ka. ’Di man katiwa-tiwala itong pagmumukha ko at lapitin man ako sa disgrasya minsan. Pero marunong naman akong mag-ziplock sa bibig ko. Alam ko naman kung kailan ako dapat magsalita. Alam ko kung ano lang ang dapat kung sabihin.” Pagtatanggol ko sa sarili ko. Tsk! Wala rito si mama Aubrey at kuya Cams / Camelot para ipagtanggol ako kaya dapat lumaban ako para sa sarili ko.

“Fine.” Labas sa ilong na wika lang nito at tumingin sa labas ng bintana.

Napalabi ako habang pinagmamasdan ko ang gwapong mukha ng aking iniirog. Sino nga bang mag-aakala na may anak na ito? Sinong mag-aakala na ang isang Xavier Faleiro ay may bubwit na pala? Swerte naman ng babae niya.

Ngayon ko lang naisip ito pero… titira ba ako sa bahay ni Xavier kasama ang asawa nito? O ng girlfriend niya? O baka fiance?

Bumuntong hininga ako. Wala nga pala akong paki roon. Ang importante ngayon sa akin ay si bibi Zion. At isa pa dapat kong ipaalala sa sarili ko na dalagang Filipina ako. Hindi ako basta-basta na naakit o ano!

Ngumiti ako saka ko sinuklay ang buhok ni bibi Zion. Gumalaw ito at nagising. Tinulungan ko siya sa pagbangon niya.

“Mami.” Ako kaagad ang hinanap ni Zion. Kumandong pa siya sa akin at yumakap.

“Okay ka lang, dong ?” tanong ko rito at hinaplos ang likod.

“I had a bad dream, mami.”

“Ano ang bad dream ng bibi ko?”

Humiwalay siya sa akin at ngumuso. Hayst! Nagpapakyut na naman siya sa akin! Porket alam niyang humaling na humaling ako roon.

“You leave me in my dream, Mami.” Lumabi ito bago pumikit at nagbasakan ang mga preskong luha.

“Bibi.”

Pinunasan ko ang luha niya.

“Bibi, hindi kita iiwan. Saka sa dreamlad mo lang iyon, okay?” Paglilinaw ko sa kanya.

“But if it feels so real, Mami. I don’t want you to leave me, mami.”

Nginitian ko si bibi Zion.

“Hindi ka nga iiwan ni Mami, okay? Mahal ka ni Mami kaya hindi kita iiwan.” Klaro ko sa kanya.

“Ohm, i love you, mami ko.”

Para namang may humaplos sa munting puso ko. Ganito siguro talaga kapag isa kang ina, ano? Eme lang! Nagpi-feeling na naman ako.

Yumakap sa akin si bibi Zion kaya naman niyakap ko rin siya. Sarap na sarap na ako sa yakap ni Zion nang paglingon ko kay Xavier ay para na itong tigreng handang manlapa! Muntik na akong magkaroon ng heart attack by Demi Lovato.

“Ano?” Medyo na irita na ako rito kay Xavier. Masyado siyang maraming trust issue. Pinapagaan ko lang naman ang damdamin ni bibi Zion. Ano ba kasing gusto niyang sabihin ko? Na iiwan ko rin ito? Na magkakatotoo ang dream ni Zion? Sumusobra na itong ultimate crush ko porket may puwang siya sa pusong ligaw ko.

“He’s not… t-that clingy to me or to his mother.” komento niya at nakatuon ang mata sa anak niyang nasa kandungan ko at mahigpit pa rin akong niyayakap.

“I’m his Wonder Woman kasi.”

Kumunot naman ang noo ni Xavier sa s-in-ay ko. Goshness!

“Ako kasi ang savior niya. Iyong nag-save sa kanya mula roon sa gubat.” paliwanag ko kay ultimate crush na ang hina ng pick-up sa mga sinasabi ko. Humaling na humaling kasi sa alindog ko!

Dahil eroplano ang sinakyan namin mabilis lang kaming nakarating sa Manila. Pagdating doon ay humiwalay sa amin si Xavier pero nang may sumundong itim na van sa amin sa labas ng airport ay nanduroon na si Xavier. Naka-mask ito at naka-cap din.

Tinapik ni Xavier ang bakanteng upuan sa tabi niya kaya naman malalaki ang ngiti kong umupo roon sa tabi niya. Nag-beautiful eyes pa ako rito.

“Ang anak ko. Si Zion ang uupo d’yan sa pwesto mo.” Sira nito sa magandang mood ko.

Akmang tatayo na ako para lumipat ng upuan kaso nagsalita naman si bibi Zion.

“No, mami. Sit nalang ako sa lap mo.”

“Really, dong ?”

Tumango ang bibi ko.

“Yes, mami!”

“Hmm? Pak! Pak! Ganern-ganern?!”

Humagikhik pa ang bata. Naaliw sa ganda ko.

“Yes, mami. Pak! Pak! Ganern-ganern!”

Parang wala man lang jetlag si Zion na umakyat sa kandungan ko. Inamoy pa nito ang leeg ko.

“You smell so good po, mami!”

Syempre dikit ako nang dikit sa daddy mo, e.

“Syempre naman, dong !”

Palihim akong tumingin kay Xavier kaso nang matagpuan ko naman ito. Masama ang tingin niya sa akin kaya napaatras ako bigla.

“Don’t teach my son with your craziness, Mark Lawrence.”

Nginitian ko lang ito na hindi abot sa mata ko. Only my lips stretch up.

“Okay po—ay Xavier!”

As much as I want to get Xavier’s attention pero pinigilan ko ang sarili ko kasi nga dalagang Filipina ako at inaalala ko na may anak na ito at may babae na ito. Disappointed man ako, grateful pa rin kasi I get a chance to be this close with my idol.

Napanguso ako. Hindi pa pala ako nakakapagpapa-picture dito.

Winaksi ko sa isipan ko ang bagay na iyon dahil may ibang pagkakataon pa naman siguro, diba? Magkakasama kami ng two months, e. Kaya naman sa byahe namin tungo sa bahay ni Xavier ay inaaliw ko lang ang sarili ko kay Zion na daldal nang daldal sa akin. Mabuti na rin kasi baka mapanis ang laway ko kay Xavier, e. Sungit ni ultimate crush.

“Wow! Pak na pak!” Eksaherada ko pagkababa ko sa van na aming sinakyan! Halos malula ako sa laki ng Big Brother House ni Xavier. Mula sa entrada nitong bahay ay medyo malayo-layo pa talaga rito sa main door ng bahay. Pero dahil dumeretso rito ang van sa harap ng mansyon ay nasaksihan ko kaagad itong napaka-gorgeous na bahay na ’to! May pa tubig-tubig pa ito sa bawat kanto ng bahay at dahil sa natural na liwanag ng araw mas lalong nakakamangha itong facade ng bahay.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang binuksan iyon ng isang maid mula sa loob kaso napansin kong wala pala sa tabi ko si bibi Zion.

Paglingon sa loob ng van ay nanduroon pa siya.

“Oi, dong ali na.” Kinamay ko pa siya.

Si Xavier naman na nakababa ay pinagmasdan din ang anak namin este niya lang pala.

“Come here, Z.” si Xavier at binukas pa ang kamay para buhatin si Zion kaso tumingin lang bubwit sa akin.

“Mami,” tawag nito sa akin.

“Oh?” ani ko.

“Carry me, please.” Pakyut ni bibi Zion.

“Ako nalang Z.” singit si Xavier at walang pasabi na binuhat ang bata.

Sumimangot lang si Zion at tumingin sa akin.

“I want my mami-”

“His so thin Z. His bone might break if he carries you.”

“A-ano?” nauutal kong angal sa kanya.

“No, mami is very strong.” argumento naman ng anak ko. Eme!

Nag-thumb’s up ako kay Zion. Tamang behavior bibi ko! Ipagtanggol mo ako mula d’yan sa daddy mo!

“Whatever I don’t really care.” si Xavier at nauna nang pumasok sa loob ng bahay nito.

Inis kong napadyak ang paa ko sa sahig bago kinuha ang bag ko. Magma-martsa na sana ako papasok nang may isang maid na lumapit sa akin.

“Ako na po magdala sa bag ninyo, sir.”

“Ma’am.” Pagtatama ko rito.

“Sorry po, m-ma’am.”

“It’s okay first time ride mo naman.” agap ko rito.

“Ho?” Gulat na gulat yern?!!

Nginitian ko siya na parang pang-model ng toothpaste.

“Pero ate tawagin n’yo nalang po akong Rence or Lawrence. Either which is maganda naman.” Ang farewell speech ko kay ate bago sinundan ang mag-ama ko sa loob ng Big Brother House.

Pagkapasok ko naman sa loob ay kuminang halos ang mata ko sa mga nakikita ko. Isang nakaw ko lang siguro sa mga gamit dito ay yayaman na ako. Ang problema nalang ay kung papaano ko ito pupuslit ng walang nakakakita. Down floor lang itong Big Brother House ni Xavier pero napapatanga ako sa mga naka display’ng palamuti sa bahay. Tapos may mga awards niya roon sa living area. I bet sinadya iyong ilagay ni Xavier ang mga awards niya roon para magpa-inggit sa bisita niya. Tskk!

“What are you looking at?” Pagsira ni Xavier sa pag-iexplore ko sa loob ng pamamahay niya.

“Wala lang. Iniisip ko lang kung papaano ako makakapagnakaw rito nang walang nakakaalam.” tugon ko rito na kinalaglag ng panga niya.

Si Zion na buhat ni Xavier ay nanlalaki ang mata.

“Joker lang iyon, bibi ko.” saad ko kay Zion. Ngumiti naman ito at tumungo sa akin. Itong si bibi Zion talaga ay gets na gets lagi ang mga sini-say ko. Unlike sa ama niyang laging galit sa mundo pero crush ko pa rin.

“Don’t bother thinking about such kind of thing, Lawrence. Hindi mo ’yan magagawa rito sa bahay ko.”

Tinanguan ko lang siya.

“Sumunod ka sa akin. Ipapakita ko sayo ang magiging room mo.” pahayag nito.

Napapapalakpak ako sa ere.

“Ay bet ko ’yan. Let’s go!” Ako pa ang  naunang maglakad kay Xavier pero ilang hakbang lang ang nagagawa ko ay may humila na kamay ko.

Napaigtad ako roon nang maramdaman ko na para akong na electric shock! Tabang ginoo mao pay pag-abot nako diri sa Manila! Nawala tuloy ang ngiti ko dahil doon at napatingin sa kamay ko na binitawan ni Xavier.

Naibaba ni Xavier si bibi Zion at mas lumapit sa akin. Kinuha nito muli ang kamay ko at nag-investigate roon.

“Are you okay? Is there something wrong?” puno ng pag-aalalang sambit ni Xavier.

“A-ano lang kasi.”

“Mami.”

“Tell me, Lawrence.”

Tiningala ko siya Xavier na nakatingin sa akin na may pag-aalala sa kanyang buong mukha. Mas pumupogi siya sa eyes ko kapag gan’on. Ene be!

“I think I’m falling for you.” Biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon bago ko pa mapigilan.

Padarag na binitawan ni Xavier ang kamay ko.

“Putang-”

Mabilis kong tinakpan ang bibig nito gamit ang kamay ko.

“May bata Xavier,” paalala ko.

Inis nitong kinuha ang kamay ko sa bibig niya.

“Umayos ka kasi! Nasa pamamahay kita Mark Lawrence at kung anuman ang mangyari sayo responsibilidad kita. Kaya umayos ka.”

Napalabi ako.

“Sorry.” Kusa nalang kasing lumalabas iyon sa bibig ko. Minsan nga nauuna pang lumabas ang mga kung ano-nong salita sa bibig ko bago ko iyon maisip.


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 6

Chapter 6

Mark Lawrence Pov

Hindi kayang abutin ng ilang Kilometro by Sarah Geronimo kung gaano ako ka-disappointed ngayon. I was meters away from my ultimate crush, Xavier, who was touring me around sa magiging kwarto ko rito sa Big Brother House niya. I was lazily gaping at the… almost empty room. Oo, empty siya kahit na may sofa naman doon sa paanan ng kama at isa pang sofa ro’n sa isang banda. May empty cabinet din at table sa tabi ng kama na may lampshade na nakapatong. Pero dahil desisyon ako. Empty pa rin ang tawag ko rito dahil. Oh my gosh! Wala man lang kahit anong palamuti na naka-display! Kahit isang wallpaper lang sana ni Xavier na naka-topless ay solve na ako. But to my dismay… gosh. I really need to say this… ang pangit ng room. Mas maganda pa ang maliit kong kwarto sa Cebu kumpara rito na malaki nga wala namang kahit isang poster ni Xavier.

However, a sly smile creeps on my lips. Well, well, well, sa talino ko, ngayon ko lang naisip na bakit ko pala kailangan ng poster, wallpaper o picture ni Xavier kung nandirito naman siya? Why not tabi nalang kami?

Impit akong napatili sa sariling exploration ng utak ko.

Oh god! That idea just popped in my mind right now! Ang brilliant ko!

“Hey!” si Xavier iyon pero hindi ko siya inimik kahit na ultimate crush ko siya.

Dalagang Filipina, yeah! At saka, kasi naman hindi ‘hey’ ang name ko. May maganda akong pangalan at hindi ‘hey’ iyon. Ulyanin ata itong si ultimate crush at kailangan ko pang ipa-remember sa kanya ang name ko.

“You!… Shit! Lawrence!”

Tumayo ako ng maayos at nilakihan ang ngiti sa mga labi kong hulmadaong-hulmado. Kinabog pa ng lips ko ang lips ni Toni Fowler!

“Sher?!” Medyo lumandi ng slight ang boses ko. Pero nanaliti naman akong cute.

Sabay na nanlaki ang butas sa ilong at mata ni Xavier nang marinig ang response ko sa kanya.

“Umayos ka sa pamamahay ko, Lawrence kung gusto mong magtagal dito.” May pambabanta nang saad ni Xavier sa akin kaso hindi naman ako tinablahan noon. Masyadong weak ang banta niya para kabahan ako ng bongga!

Ang feeler na rin nitong si crush. Sobrang feeler niya sa part na gusto kong magtagal dito. Para lang sa kaalaman niya pang-two months lang kaya ako. At isa pa, wala sa Merriam Webster Dictionary ko ang maging kabit of the year. Kutang-kuta na ako sa kabitan na teleserye, ’no! Ayaw kong dumagdag sa populasyon nila. Aminado akong gusto ko siyang landiin kaso… kung may asawa o girlfriend na itong si ultimate crush. Ay, beh. Aatras tayo. ’Di natin deserve maging kabit of the year award!

“Maayos naman ako rito, Xavier-”

Naputol ako nang bumulyaw si Xavier.

“MARK LAWRENCE!”

My eyes went round and my heart kicked inside my ribcage just after my ultimate crush, Xavier, shouted my full name! Ah! Naiihi tuloy ako sa kilig! Ang ganda pala pakinggan ng name ko kapag si Xavier ang nagsasabi noon! Ang hot. Sing hot ng boiling point ng tubig!

Pero natigil ako sa aking pag-iexplore nang makita ko si Xavier na namumula na ang buong mukha. I think… galit na talaga siya. No! He is furious as F!

“Hehehe! M-may sinasabi ka yata kanina, diba, Xavier?” untag ko. Napahasa ako sa aking palad at nginitian ng todo si Xavier. Galit ang ulyanin kong crush. Papaano na ito? But I’m sure naman hindi ako matitigok sa galit niya. Sure ball pa ’yan sa mga Dragon Balls ni San Goku!

Kita ko ang masakit na pagpikit ni Xavier sa kanyang mata. Nakukunsimisyon na naman yata siya sa akin? Well, hindi ko alam kung bakit.

Ang mahahabang biyas ni Xavier ay unti-unting humakbang patungo sa akin. Ginapangan ako ng slight na kaba sa pusong ligaw ko dahil seryosong-seryoso na si Xavier. Para na siyang Bulkang Mayon ng Albay na malapit nang pumutok at maghasik ng lagim!

Napalunok ako nang malalim sa hindi inaasahan. Aish! Kahit na kinakabahan ako ng slight, para pa rin akong kinukuryente sa kilig! Panindigan mo sana ito Xavier Faliero! Panindigan mo itong kilig overload ko!

Nang makarating si Xavier sa harapan ko ay hindi ko naman mapantayan ang tayog niya! Natatabunan ako ng higante niyang anino!

“Isang beses ko lang itong sasabihin, Lawrence-”

“Pangga!” sapaw ko sa kanya na mas kinamula ng mukha niya.

Ito na yata lalapain na yata ako ni ultimate crush! Napapikit ako at natampal ang bibig. Ito na naman ako sa problema ko. Napangungunahan na naman ako ng bibig ko bago ko pa maisip ang lumalabas dito!

Ewan ko rin kasi.

“What did you say?”

Binuka ko ang matang nakapikit.

Dahan-dahan kong tiningala si Xavier na isang hakbang ko lang ang layo. Halos maghugis puso ang mga mata ko dahil sa tanawin! What a view?! Parang nasa dreamland pa rin yata ako ngayon. Parang panaginip ko lang na nakasama, nakausap, at nahahawakan ko si Xavier. Ano nga bang ritwal ang ginawa para biyayaan ako ng ganitong klaseng blessings? Well, I think nagbunga na iyon pagdadasal ko sa mga poster ni Xavier sa kwarto ko.

“I hate repeating myself, but what is pangga ? Are you cursing at me, Lawrence?” Nanindig ang mga munting balahibo ko sa katawan dahil sa awtoridad ng boses ni ultimate crush.

“ P-pangga ?“ Nautal pa ako dahil sa kabog ng pusong ligaw ko. Ginoo ko! Parang lalabas na ang pusong ligaw ko mula sa aking ribcage!

Tinanguan lang ako ni Xavier!

“A-ano siya… ano… tawag ng pamilya ko sa akin sa Cebu. P-pangga ang tawag nila sa akin.” Sa wakas ay nakagawa na rin ako ng maayos na sagot.

Pinanliitan ako ni Xavier sa kanyang mata. Napa-cross finger tuloy ako sa nakatago kong kamay sa likod ko.

“Are you for real?”

Magana akong napatango nang ma-sense ko na parang kinakagat na ni Xavier ang sagot ko.

“Real na real!”

Napatango siya.

“Pangga, huh.”

Uminit ang mukha ko.

“O-oo nga!” ang kulit! Maniwala ka nalang kasi!

“What does it really mean then?” istrikto nitong follow-up question.

Parang teacher lang, ah. Ang hilig sa follow-up questions! Aish! Kung hindi ko lang talaga ultimate crush itong si Xavier ay hindi ko ito pag-aaksayahan ng laway! Kaso dahil ultimate crush ko siya deserve niyang pag-aksayahan ko ng laway.

“Ibig niyang… sabihin ay… a-ay bunso. Bunso sa magkakapatid.” Pak na pak! Saan ko galing ang explanation na ’yan? Oh my gosh! Ang brilliant ko! Pakiramdam ko tuloy deserve ko nang sumali sa mga beauty pageants! Eyy!

Dahil nakatitig lang ako kay Xavier, nasundan ko kung papaano bumuka ang bibig niya na parang may nais siyang sabihin sa ganda ko. Well, kung iku-comfirm niya na maganda ako at deserve kong sumali sa beauty pageants, ay no need na. Knows ko na ’yan, e.

“That’s means that I’m pangga too?”

Muntik nang malaglag ang panga ko.

“Huh?” Medyo nabuhol ang utak ko roon.

“I’m the youngest of my siblings. Does that mean that I’m pangga too?”

Napaawang ang bibig ko. Oh my gosh! Kinakagat na ni Xavier ang mga sinasabi ko! Shocks! Baka sa susunod nito… ako na ang kagatin niya!

Sinuway ko naman ang sariling exploration dahil dalagang Filipina pala ako.

“Youngest ka? Bakit wala ’yan sa google? Akala ko only son ka lang?”

“Naniwala ka naman doon.” Tunog panginginsulto niyang untag.

“Doon nga lang kita hinahanap sa google at sa YouTube. Kaya, oo, naniniwala ako roon.” Katwiran ko.

Umismid siya. Sheyt! Nakakalaglag panty ’yon ah. Pinapa-fall na ako ng todo nitong si Xavier!

“Wag kang basta’t basta naniniwala sa mga makikita, nababasa, o naririnig mo online or even in personal. It might have been fabricated.”

Ngumuso ako. “Edi, sorry na.”

“Hmm, pero gusto ko lang sabihin sayo Lawrence. Na kagaya n’ong sinabi ko kanina. Ayaw kong inuulit ko kung ano man ang nasabi ko na. I hate repeating myself for someone to understand me. That’s a waste of time for me. And for you to know, bawat segundong lumilipas importante para sa akin.”

Taas-noo ko siyang tiningnan. Humawak ako sa magkabilang baywang ko.

“Ako rin, importante rin sa akin ang bawat segundo, minuto, at oras na lumilipas na nahuhulog na ako sayo.” ani ko bago ko pa natakpan ang sariling bibig!

Tabang ginoo! Ano iyong sinabi ko?

“What!” Nagulantang si Xavier at tumaas na naman ang boses.

Hilaw akong napatawa.

“Joke lang. May m-masabi lang.”

Kahit na may aircon at malamig naman sa buong Big Brother House ay napapahid ako sa pawis ko. Huh!

Parang may sasabihin pa sana si Xavier kaso iniling niya nalang ang ulo niya. Tamang behavior dahil baka kung ano na naman ang masabi ko. Feeling main character pa naman ako minsan.

“Anyways, puntahan mo nalang si Z mamaya sa silid niya. Natutulog pa naman iyon. At ikaw, matulog ka rin. Pakiramdam ko kasi… kinulang ka rin sa tulog.” Hindi ko alam kung iniinsulto ba ako ni Xavier o concern lang siya sa akin.

Nonetheless, ipagpapahinga ko muna itong cuteness overload at maganda kong face.

Hindi ko alam kung ilang oras nagresting ang face ko dahil nagising nalang ako na hinihingal. Hinihingal kasi para na akong nasasakal!

Nanlalabo pa ang mata ko nang buksan ko ito pero ang mukha kaagad ni bibi Zion ang bumungad sa akin.

Kinusot ko ang mata ko at napairap! Sinong hindi hihingalin kong may nakadagan sayong bata?

“Good evening mami ko!” masigla nitong bati sa akin. Punong-puno siya ng energy samantalang ako ay parang lantang gulay pa rin. Siguro naman kahit ganito ang pakiramdam ko cuteness pa rin ako.

Ngumiti ako kay bibi Zion feel na feel na niya talaga na mudrakels na niya ako. Mami ko raw, e. Kanina pa siya, ha. Parang daddy niya lang, e. Pinapa-fall ako. Mag-ama things!

“Magandang gabi, dong . Kanina ka pa nagising?”

Tumango siya at hindi pa rin talaga umalis sa ibabaw ko.

“Yes, mami. Nagsleep nga ako rito sayo.”

Nalusaw naman ang munting hinagpis ko sa sinabi niya. Grabe na ’to. Parang sinasakop na rin ni Zion ang buong pagkatao ko. Nagf-feeling mudrakels na rin ako ng wala sa oras.

Pilit kong binuhat ang mabigat na si Bibi Zion sa ibabaw ko at itinabi sa akin. Bumangon ako at nag-frog sit sa kama kagaya niya. Tutok na tutok siya. Hmm. Katulad lang niyang daddy Xavier niya. Nahuhumaling na rin siguro sa akin. Well, given na siguro ’yan sa quality kong ito.

“Dong,” sumilip ako sa pintuan kung nakasara ba. At nang makita kong close iyon ay nagpatuloy ako. “N-nandirito ba ang mommy mo?“chismis ko kay Bibi Zion.

Alam kung kanina ay puro lang ako exploration pero iniisip ko rin naman kung makikita ko ba ang totoong mudra ni Zion. Kaso… wala. Nakatulog nalang ako’t lahat-lahat wala akong nakilala na ina ni Zion.

Napaigtad ako nang dinakma ako ng yakap ni Zion.

“ D-dong ?“

“I don’t like her, mami. I hate her.”

Hindi ko inaasahan na mahahabag ako sa sinabi ni Zion. Slight ko siyang tinulak at tiningnan ko ang kanyang face.

Napakunot noo ako. Naiiyak at nanginginig ang labi ni Zion. Para bang takot siya at ayaw niya ang ganoong usapin.

“Wala… wala rito ang mommy mo, dong?” mataman kong tanong dito.

Tumango si Bibi Zion.

“She l-lived in different house, mami. They’re not together with daddy.”

Somehow, nakahinga ako roon ng maluwag. Ems! Bakit naman kaya? Well, it only means… na malalandi ko pa si Xavier? Kidding. Dalagang Filipina pala ako. Tsk!

“Dong, bakit ayaw mo sa mommy mo?”

Ang bata ay ’di sumagot sa akin. Bagkus ay yumuko lang ito at pinagsiklop ang kamay niya. Binuhat ko siya at niyakap. Hindi ko alam kung bakit ganito si Bibi Zion. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya d’on sa totoo niyang mommy. Isa lang ang nasisiguro ko. Natatakot siya r’on at ayaw niya.

“Don’t leave me, mami ko.” bulong nito sa akin.

Bumuntong hininga ako. Pang two months lang ako rito bibi Zion. Sorry talaga.

Tumango lang ako dahil ayaw ko nang paasahin pa ng todo ang bata. Baka isa iyon ang trauma niya, e. Kaya siguro ayaw niya sa kanyang mga magulang dahil doon. Iyon bang pinapaasa lang siya.

“ Dong kumain muna tayo? Gutom naman ko oi .“ aya ko kay bibi Zion.

Mabilis naman itong sumang-ayon sa akin. Nagpabuhat pa ito patungo sa kitchen nila. Thankfully ay alam pala ni Zion ng pasikot-sikot ng Big Brother House ni ultimate crush.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko ang babae na siyang nakipag-usap sa akin kanina.

“Good evening, sir-ay Lawrence.”

Nginitian ko si ateng. Nagpupunas kasi siya ng mga kobyertos sa may island country. Ay tama ba ako? Nevertheless, hindi naman ’yan kabawasan sa cuteness overload ko at pagkaflawless ng skincare ko.

“Wala moy mga batasan. Wala mo mangagda og panihapon!” istrikto kong pagdadrama.

Umawang lang ang labi ni ateng girl.

“S-sir?”

Medyo nainis ako kasi ‘Sir’ na naman ang tawag niya sa akin. ’Di na siya na-lecture!

“Nevermind. Magluluto nalang ako ng dinner namin ni bibi Zion.”

Iniwan ni ateng ang pagpupunas sa mga kobyertos. Sunod niyang winiwasiwas ang kanyang kamay sa ere.

“Nakaluto na kami, Lawrence. Aayain ka namin sana sa dinner kanina kaso sabi ni Sir Xavier ay nagpapahinga ka raw kaya hindi ka na namin dinisturbo.”

Napaipit ako sa aling ibabang labi. Halos maipit na rin si bibi Zion na buhat-buhat ko dahil sa pagpipigil ko ng kilig. H’wag niyang sabihin na concern na si Xavier sa well-being ko? Nahuhulog na rin si Xavier sa akin? Oh my gosh! Kakakilala lang namin tapos ganito na. Tsk! I guess ito na ang simula ng Love Story by Tayloy Swift namin ni Xavier.

Nilapag ko si Bibi Zion sa upuan at tinulungan si ateng girl sa paghahain ng dinner namin ni bibi Zion.

“Anong name mo ateng?”

Pasimpleng ngumiti si ateng sa akin.

“Ang pangalan ko ay Arianna,” sagot niya sa akin.

Bumilog ang eyes ko.

“Arianna… Grande?” Exaggerated kong untag.

Tumawa naman siya.

“Hindi! Arianna Granade!”

“Huh!!!” Napasigaw ako.

“Real na real ’yan?”

“Joke lang, Lawrence! Ang funny mo.” anito at tawang-tawa si ateng Arianna Granade.

“Arianna Granada na talaga ang fullname ko, Lawrence.”

Tawang-tawa ako sa fullname ni ateng Arianna. Sumakit tuloy ang tiyan ko kakatawa. Hindi ko namalayan na para na niya kong pinapatay sa mga titig niya.

Nagpeace sign nalang ako rito.

Pinakain ko si bibi Zion at saka pagkatapos naming maghapunan ay nanood kami ng movie sa kanilang movie theater. Oo maypa ganon itong bahay ni Xavier. Iyong pinanood namin ni bibi Zion na three hours movie ay hindi namin natapos nang kapwa kami makatulog.

Naalimpungatan na lamang ako nang pakiramdam ko nililindol na ako sa aking kinahihigaan. Isturbo! Walang modo!

“Ano ba?! Kitang natutulog na pa ang tao-” Pagkabukas ko sa mata ko ay nalunok ko ang bulyaw ko ang makita ko si Xavier sa aking uluhan. Kailan pa binuksan ang mga ilaw? Medyo nagulat tuloy ang eyes ko sa liwanag.

Nanlilisik na ang mata nito sa akin at umiigting ang mga panga.

Sing bilis ako ni The Flash na bumangon at sa kasamaang gulong ng palad ay nagkauntugan ang ulo namin ni Xavier. Halos mahilo ako sa lakas ng impact no’n.

“What the fuck!” Crispylicious na mura ni Xavier.

Napatingin ako kay Xavier habang hinihimas ko ang umaapoy kong noo.

Naupo sa sahig si Xavier at namimilipit sa sakit ng kanyang noo.

Nilapitan ko ang kawawa kong ultimate crush. Umupo ako sa harapan niya at kinuha ang kanyang kamay na nakahawak doon sa parte kung saan din siya natamaan.

Marahan kong hinimas iyon sa daliri ko at hinipan pagkuwan. Tanda ko pa kasi na iyon ang ginagawa ni Mama Aubrey sa akin kapag nauuntog ako.

“Sorry, sorry Xavier. Ikaw naman kasi ginugulat mo ako.” Paninisi ko sa kanya. Kasalanan niya naman talaga, well feeling ko.

“So ako pa ang may kasalanan ngayon?” untag niya sa mababang tono habang nakatingin lang sa akin.

Nang dumapo ang mga mata ko sa seryosong mukha ni Xavier ay parang saglit na tumigil ang lahat sa paligid ko. Kasabay no’n ang pagwala ng puso ko. Saka lang rumehistro sa utak ko ang distansya naming dalawa ni Xavier. Iyong kamay ko na nakahawak sa kanyang noo habang ang isa naman ay nakatungkod sa gilid niya. Siya naman ay nakaupo lang sa sahig at nasa pagitan ako no’ng magkahiwalay at nakafold niyang binti.

Sa konting distansya namin animo’y iisa nalang lang ang hininga namin.

Bigla naman akong sininok kaya naman doon ako naitulak ni Xavier. Bumagsak tuloy ang pwet sa sahig nang mawalan ako ng balanse.

Mabilis na tumayo si Xavier. Akala ko tutulungan niya ako nang talikuran niya lang ako. Iniwan niya akong naguguluhan, durog at may pighati. Eme lang! Kaya ko naman tumayo mag-isa, no!

May inis akong tumayo at pinagpag ang suot ko. Lumabas ako ng theater room at hinabol si Xavier. Nang mahabol ko si Xavier ay hinablot ko ang braso nito.

Marahas itong napaharap sa akin na may galit sa mga mata niya.

“What the-”

“Gano’n- gano’n mo lang ako iwan?! Pagkatapos mo akong pakinabangan at gamitin?” Pag-acting ko na kinalaki ng butas sa ilong ni Xavier.

Napahilamos na naman siya sa kanyang mukha. Namumula na rin ito.

Lumagapak ang daliri nito sa noo ko.

“Aray!!” daing ko nang bigla nitong ginawa.

“Matulog ka na. Nananaginip ka pa, e.”

Ngumiwi ako. Akala ko magkakaksukatan kami ngayon sa aming acting skills.

Ngumiti ako sa kanya na hindi kita ang mga ngipin ko.

“Wala man lang goodnight kiss?” ako with beautiful eyes.

Nasamid ito sa sarili niyang laway.

Tinaasan niya ako sa kilay niya.

“Sa ilusyon mo nalang total doon ka naman magaling.”

Naipadyak ko nalang ang paa ko nang talikuran ako nito. Lintik naman hindi pala ako nakaganti sa pagpitik niya sa noo ko. Tapos wala pang goodnight kiss! Bukas na bukas gaganti ako! Iba na pipitikin ko sa kanya!


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 7

Chapter 7

Mark Lawrence Pov

Disappointed na disappointed ako nang hindi ko man lang nahabol si Xavier! Aminado akong mabaha ang bura—biyas niya kaso hindi ko naman aakalain na kalahi niya pala si The Flash! Pagkalabas ko ng theater room ay hinabol ko kaagad ito kaso lang nakapasok na siya sa pusong ligaw ko! Eme! Nakapasok na ito sa kwarto niya. Alangan na habulin ko pa ito, diba? Wala sa bad blood ko ang maghabol. Never enough ’yang mangyayari. Itaga ko pa iyan sa bato ni ateng Darna.

Kaya ayon! Abort mission! Walang nangyaring pitikan. Pinuntahan ko na lang si bibi Zion sa kwarto nito upang i-check ang vital signs (kalagayan) niya. Nakita ko si Zion na sarap na sarap na sa tulog at walang kumot.

Bumuntonghininga ako at nilapitan ito para kumutan. Ang lamig pa naman ng room niya tapos walang kumot. Tsk! Anong klaseng ama itong si ultimate crush? ’Di man lang concern sa anak niya. Apaka-cute pa naman nito.

“Goodnight, dong .” Binigyan ko ng kisses si bibi Zion sa noo nito bago pinatay ang ilaw ng kwarto. Iniwan kong bukas ang tanging lampshade sa side table. Hay! Iba talaga kapag mayaman may pa lampshade-lampshade sila. Sa bahay kasi gasera lang meron kami. Nagagamit nga lang kapag my brownout.

Pumunta ako sa aking silid upang magpahinga. Humiga na ako sa napakalambot kong kama at pinikit ang mata, sinusubukang matulog ulit. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ako inaantok! Bwesit naman kasi! Bakit pa ba ako ginising ni Xavier kanina? Sleeping beauty na sana ang eksena ko, e. Kainis tuloy!

Hindi ko na nasubaybayan kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko rito sa big brother house ni Xavier. Hanggang sa nakapag-decide ako na pumunta sa kaharian ng Hatoria! Eme! Pumunta ako ng kitchen at syempre nakialam ako sa mga gamit doon. Pinagtimpla ko ang sarili ko ng gatas. Maaga pa para kay Xavier ako manghingi ng gatas! Charot lang! I’m embodying a true Filipina behavior pala.

Dahil wala nang tao sa kusina ay malaya akong nakagalaw-galaw rito. Napapaindak pa ako kahit na walang music. Nagha-hum lang ako ng kung ano-ano.

Matapos kong magtimpla ng gatas ay umupo ako sa isang high chair at sisipsip na sana ako sa gatas ko na pinaghirapan kong itimpla nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

“Lawrence?”

“Ah, piste!” Crispylicious kong mura at nasagi ng kamay ko ang gatas sa gulat! Muntik na ako mahulog sa high chair sa pagmamadali kong makaalis dahil bumaha ang gatas sa island counter.

“Dammit!” sunod na mura ni Xavier.

Basta niya na lang akong hinawi gamit ang maskulado niyang braso. Mabilis ang kilos nito at kumuha ng basahan para maagapan ang bumabahang gatas. Sayang!

Ang titig ko sa natapon na gatas ay lumipad kay Xavier nang humarap ito sa akin. Naninigkit ang mata niya at kumuyom ang panga.

“H-hoi! Kasalanan mo kung bakit ’yan natapon, Xavier!” Inunahan ko na siya dahil alam kong papagalitan na naman ako nito. Kagaya ng sinabi ko kay kuya Cams. Kayang-kaya ko ang sarili ko rito. Kung alam kong nasa tamang daan ako. I will fight for it. At kung nasa maling daan naman ako… edi i-tatama ko! “Ginulat mo ako! Ginulat mo ako kaya nasagi ko ang baso. Kasalanan mo ’yan!”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago hinilamos ang palad sa mukha.

“Napaso ka ba?”

I shifted my weight, and my head turned to the other side. My eyes fixed on Xavier’s. He was serious. His gaze roamed to my arms.

“Huh?”

“Akin na ang kamay mo.”

Hindi man lang niya ako hinayaang makasagot dahil hinablot na niya ang precious arms ko. Ang init ng palad ni Xavier ay parang nanunuot sa balat ko.  Ewan ko kung papaano iyon naging imposible. Ang init na iyon ay parang may ginigising sa kaibuturan ng aking katawan. Hindi ko iyon matukoy kung ano. Sinuri niya braso kaso ang utak ko ay lumutang na sa ibang dimensyon. Partikular na roon sa init na dala ng palad niya.

Ang eme naman. Nilalamig ba ako sa aircon? Naninibago pa ang flawless skin ko sa environment na ’to?

Naging bato ako sa aking posisyon at natulala sa ginawa ni Xavier. Para akong napipi— naparalisa at hinayaan ko lang siyang hawak-hawakan ang aking braso.

Padarag na binagsak ni Xavier ang kamay ko. And it brought me back to the present moment.

“What did I tell you?” tanong niya sa akin.

Nagusot ang mukha ko sa kanyang tanong. Ano ’to? May exam pala rito tapos mag-Q and A kami ngayon dito? Tsk!

“I told you to be careful, Lawrence. Nandirito ka sa puder ko. Kaya responsibilidad kita. Kung ano ang mangyari sa iyo ay pananagutan ko.”

I sighed, mastering my utmost best na huwag maging marupok! Pagsubok lang ito ng tadhana sa akin, eh.

My eyes rolled. Artista talaga itong si ultimate crush. Tsk! Tsk! Tsk!

Hindi nga ako napaso sa gatas pero mababali niya naman ang braso ko dahil sa kanya. ’Di niya pa alam ng word na gentle?

“Edi, pananagutan mo na ako nito ngayon.” Wala sa isip kong untag.

Nagdikit ang humaldo nitong kilay na hula ko’y pinagawa niya siguro sa ganda. Kinabog ang ganda no’ng akin, e.

“What!” he stresed the last letter!

“Eme lang, Xavier. ’No ka ba!”

Akmang tatampalin ko na ang balikat niya na kadalasan kong ginagawa sa mga Kuya kaso nabitin ang kamay ko dahil sa sama ng tingin ni Xavier. Tsk! Parang tampal lang naman. Parang tropa-tropa kumbaga ba. Pasalamat talaga itong si Xavier na ultimate crush ko siya. Pinagbibigyan ko na siya lagi.

He clicked his tongue.

“Anyways, bakit ’di ka pa natutulog?”

Tumaas ang kilay ko at maarte siyang pinukol ng tingin.

“Ikaw? Bakit ’di ka pa natutulog?” Balik ko sa tanong niya.

Ang lalaki ay halos mawala ang mata sa pag-ikot niya sa kanyang mata.

“Lawrence.” Nangbabanta na niyang wika.

“Tsk! Hindi ako makatulog kaya naisipan kong maggatas.” Dahil ’di pa pwede ang iyong gatas. Ehh!

“Okay,” aniya.

“Hmm?”

“I’ll make your milk.”

Para namang may pumitik na ideya sa utak ko at umuntag.

“Pwedeng gatas mo na lang?”

“What the hell, Lawrence!” singhal nito sa akin at napapikit na lang ako. Gosh! Infairness ang bango ng hininga. Gusto ko tuloy’ng isigaw sa kanya na bugahan niya pa ako ng hangin! Kahit may kasamang laway pa ’yan. Tatanggapin ko ng buong-buo.

Nilinis ko ang nagkalat na gatas sa island counter at paminsan-minsan kong ninanakawan ng sulyap si Xavier na nagtimpla ng gatas. Nang matapos ako sa paglilinis ay tama naman na tapos na si Xavier sa pagtimpla ng gatas.

“Here,” aniya sabay bigay sa akin no’ng baso ng gatas.

Kumunot ang precious noo ko nang maamoy ko ang kanyang inumin.

“Nagka-kape ka?”

Swabe itong sulyap sa akin. Tsk! No need na talaga akong i-seduce nitong si Xavier. Hulog na hulog na ako sa kanya. Siya na lang ang kulang para sumalo sa akin. Hay!

“Yeah, why?” maarte niyang turan sa akin.

Sumipsip ako sa gatas ni Xavier—eme! Sa aking milk.

“Baka ’di ka makatulog n’yan kakaisip sa akin.”

Xavier’s eyes almost bulged out!

“What?!”

“’Ka ’ko, baka ’di n’yan makatulog.”

May pang-aakusa ako nitong pinukol ng tingin.

“I need this.” He eyed on his cup. Muli siyang tumingin sa akin. “May script akong sinasaulo.”

“Mmm, ’kay.” Tipid kong wika.

Tumaas ang kilay niya sa akin at ilang saglit pa ay napailing siya. Hula ko’y nagagandahan siya sa akin pero ayaw lang n’yang aminin. Alam na alam ko ang mga galawang ito, eh. Shemay n’ya! Papakipot pa ’to sa una pero sa akin pa rin ang huling halakhak. Ha. Ha. Ha.

“You know what you’re creepy.”

Muntik ko nang mabuga ang gatas na iniinom dahil sa kanyang komento.

“A-anong creepy?”

Nakukunsumi siyang umiling sa akin.

“Bigla-bigla ka na lang ngumingisi mag-isa d’yan. Aakalain ko talagang baliw ka.”

Naubo ako sa kanyang sinabi.

“Ang precious ko naman para maging baliw.” argumento ko sa kanya.

Sumipsip siya sa kanyang kape na ang mata ay nasa akin lang. Nagkibit siya ng balikat.

“Why? Does precious like you can’t be crazy?”

Alam kong nonsense na itong pinag-uusapan ni Xavier pero nag-ienjoy ako. Never in my wildest nightmare na mangyayari ito. Like having a casual conversation with my ultimate crush. This is beyond what I’ve prayed for. Talagang nasa tamang orasyon lang ang solusyon.

“Tsk!”

Iniwan ako ni Xavier pero dahil dakilang FC ako at makapal ang mukha, sinundan ko siya. Hanggang sa napansin kong papatungo kami ni Xavier sa may pool ng bahay. Binuksan ni Xavier ang glass na sliding door tungo sa pool. Mabilis naman kong sumunod sa kanya.

“Akala ko mag-gatas ka lang?”

Napalundag ako sa likod niya.

Napangisi naman ako kahit na hindi niya ako binibigyan ng kahit na konting sulyap.

Ngumuso ako at napangiti. “Hindi ko pa naubos.” rason ko.

Umiling lang ito. Sinalampak ni Xavier ang isa niyang kamay sa bulsa ng suot niyang pants at naglakad tungo sa lounger. Ang sexy tingnan ng likod ni Xavier. Malapad ang kanyang balikat at matangkad pa. I guess, magaling talaga akong pumili ng lalaki. Eme!

Umupo siya at tumingla sa kalangitan.

Mabilis naman akong sumunod sa kanya at umupo sa lounger na nasa tabi niya. Dahil hindi ako pinapansin ni Xavier, nakigaya ako sa kanya. Tumingala rin ako sa kalangitan at napanganga ako.

“Wow!” Manghang untag ko nang makita ang mga kumikisap na bituin sa madilim na kalangitan.

Ang ganda lang tingnan at masyadong nakakamangha. Aminado akong takot ako sa dilim. Ayaw ko na nasa madilim ko. Okay lang sa akin ang madilim basta may katiting na ilaw akong nakikita. Kasi parang buhay lang naman ’yan, eh. Kahit na sa gitna tayo ng pagsubok sa buhay patuloy tayong lalaban basta’t may katiting tayong pag-asa.

At tulad nitong mga bituin sa kalangitan, kung puro lang kadiliman nakakatakot siya—nakakabahala pero dahil may mga bituin naa-appreciate natin ang ganda niya. Sa konting liwanag na nasa dilim ay nag-iiba ang pananaw natin dito.

“Hey!”

Napabaling ako kay Xavier.

“What’s with you?”

“Huh?”

“It looks like you’re about to cry.”

Nginisihan ko lang siya.

“Nag-iemo lang.”

His lips curled up as his eyebrow raised.

“Do you miss your province?”

Bumuntonghininga ako. Tiningnan ko ang pool na nagkakaroon ng repleksyon sa kalangitan.

“Oo, namimiss ko si Mama Aubrey at ang kuya ko. Kahit na lagi akong inaaway ni kuya Camelot, namimiss ko pa rin siya.”

“Then, umuwi ka na.”

Naputol ang pag-iemote ko dahil sa kanyang sinabi. Bwesit din itong si ultimate crush. Hindi niya talaga alam kung papaano magsabi ng mga comforting words.

“Alam mo Xavier kahit masama ugali mo. Crush pa rin kita. Ikaw pa rin ang ultimate crush ko.”

Tumawa siya.

“Kaya ka ba sumama rito dahil crush mo ako? Sa tingin mo ba papatol ako sa isang fan?”

Seryoso ko siyang tiningnan. Taimtim kong pinagmasdan ang bawat detalye ng kanyang mukha. Mula sa kanyang magandang kilay, mata, ilong at bibig ay sinaulo ko.

“What?” untag niya mayamaya.

“Gwapong-gwapo ako sa’yo, Xavier. At kahit ngayon ay gusto kitang yakapin dahil sobrang fan mo talaga ako. Pero alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Alam ko kung ano ang posisyon ko ngayon. At para sabihin ko sa iyo. Nandito ako para kay Zion. Bunos na lang na nakakasama kita.” Huminga ako ng malalim. “Saka, suntok sa buwan na magustuhan mo ang tulad kong weirdo. Kahit nga mga crush ko sa probinsya hindi tumitingin sa akin o nakikipag-usap sa akin kasi weirdo ako.”

Bigla akong naluha habang inaalala ko ang mga konting encounter ko sa aking mga crush sa probinsya. Hindi naman kasi ako discreet na bakla. Kita sa kilos ko at pananalita ko na bakla ako. At siguro halata ako kapag nagka-crush sa mga classmates ko o sa mga ka-barangay namin. Tinutukso nila ako sa aking crush pero ang mga crush ko mismo ang magsasalita ng mga masasamang salita sa akin.

“Weirdong bakla.”

“Crush mo ako? Ang kapal ng mukha mong ipagkalat ’yan. Kilabutan ka nga’ng bakla ka!”

“Nandito na naman ang ating weirdong classmate.”

“May sira ’yan sa pag-iisip.”

“Huwag kayong lalapit, d’yan. Weirdo ’yan. Baka mahawa kayo.”

Ilan lang ang mga salita ng iyan na tumatak sa isip ko habang lumalaki ako. Kaya itong mga sinasabi ni Xavier sa akin ay walang-wala ito sa mga naranasan ko. No matter how much, I excel on my study. Weirdo pa rin ang tawag sa akin ng mga tao sa paligid ko. Kahit naman ako naw-werduhan sa sarili ko. Hindi ko lang talaga maipaliwanag kung ano ang puno’t dulo nito. But I slowly embrace my imperfections. Kung hindi ko tanggap at mahal ang sarili ko, sino na lang magmamahal sa akin? I know I have my mama and brothers with me pero hindi naman kasi nila alam ang mga struggles. Hindi ko nasasabi sa kanila ang mga pinagdaanan ko. Nasanay na kasi ako at sila na masayahin lang ako sa harap nila. I don’t want to disappoint them.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming natahimik ni Xavier. Sumulyap ako sa kanya at halos mapatalon ako nang makita siyang nakatitig sa precious face ko. Patay na tayo rito, in love na sa akin si Xavier! Charot!

“Hehe! Gabing-gabi na pala. Pasok na ako, Xavier.” pagbabasag ko sa aming katahimikan.

Tumayo ako at pagkuwa’y pinagpag ang suot na shorts. Pinulot ang basong dala. Bahagya akong yumuko kay Xavier at humakbang paalis.

Abot ko na ang sliding door nang tawagin ako ni Xavier.

“Lawrence.” Lumingon ako sa kanya. Seryoso niya akong pinukol ng tingin. Tinaasan ko siya sa aking kilay. “Just because you’re not the same as anyone out there doesn’t mean you’re weird. You’re not weird. You’re just being yourself. So don’t be afraid just because you’re not like the others. That’s what uniqueness is.”


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 8

Chapter 8

Mark Lawrence Pov

Ilang days na rin simula no’ng hot encounter namin ni Xavier. Eme! It’s been five days since that night pero tandang-tanda ko pa rin ang sinabi ni Xavier sa akin. For the first time, tumatak talaga sa isip ko na si Xavier na ang the one ko. Char! Sa unang pagkakataon ay maayos ang sinabi niya sa akin. Walang keme pure intentions niya.

Well, hindi ko naman talaga kilala ang isang Xavier Faliero except sa mga napapanood at nababasa ko online. Mahirap naman kasing paniwalaan ang mga iyon, ’di ba? Baka scripted lang o pakitang tao lang. Forda views. Forda fans. Forda pa-famous lang.  At no’ng nakilala at nakita ko nga in personality (personal) si Xavier. Masasabi kong masama ang ugali niya. Ang gaspang at ang masakit niya magsalita. Nakakahurt sa pusong ligaw ko.

Artista si Xavier kaya naman magaling siyang makipag-plastikan doon kay Mama Aubrey no’ng sinundo niya kami ni bibi Zion sa Cebu. Nonetheless, ultimate crush ko pa rin siya. Ang hirap niya palitan dito sa pusong ligaw ko. Pero gaya ng lagi kong iniisip, landi-landi lang ako ng konti kay Xavier pero alam ko kung saan ako lulugar sa buhay ng tao. Saka, pang-two months ang ang beauty ko detey sa big brother house ni Xavier. Ang pinakaimportante kong role rito ay ang alagaan si bibi Zion. Ang aking precious biik!

“Mami?”

Tingnan mo nga naman, napaka-sweet nitong biik namin.

“Yes, dong ?” sagot ko kay Zion na nagc-colors doon sa kanyang coloring book niya.

Tinuturuan ko siya para naman hindi na sabihin ni Xavier na kabaliwan ang tinuturo ko kay Bibi. Para may ambag ako.

“You keep sighing, mami. Is there a problem po?”

Madamdamin kong pinukol ng titig si bibi Zion.

“Iniisip ko lang dong kung papaano ko lalandiin ang daddy mo.”

Bumilog ang mata ko at biglang ibagsak ni Zion ang crayons niya. Tumayo ito at agad na kumandong sa aking hita. Tinago niya ang mukha sa aking dibdib.

“No! No! Don’t mami. You can’t like my daddy. You can only like bibi Zion!”

Napangiti ako. Biro ko lang naman iyon.

“Desisyonavility ka sa buhay ko, dong . What if si papi Xavier mo ang like na like ko?” pagbibiro ko pa rito.

Napaismid na lang ako nang humigpit ang pagkakayakap nito sa katawan ko.

“Only like bibi Zion, Mami. Okay?”

Tingningnan ko ito at kita kong seryoso talaga siya. Namumula ang mga mata niya at umaamba nang tumulo ang mga luha sa mga mata.

Hinalkan ko ito.

“Jokeness lang, dong ! ’No ka ba. Knows ko na na hindi ako ma-like back ng daddy mo. Hanggang fan lang ako. Hihi!”

Ngumuso si Zion. Sinapo nito ang mukha ko gamit ang maliit at malusog niyang kamay.

“Bibi Zion likes you, Mami. Okay na na hindi ka like ni Daddy dahil like at love kita, Mami ko.”

Tinanguan ko ang bata at pinugpog ng halik. Napuno sa tawanan namin ni Zion ang buong sala. Kaya hindi na namin natuloy ang aming study session.

Dahil trip kong maligo sa malaking swimming pool ng big brother house ni Xavier. Sinama ko na rin si Zion sa akin. Inaya ko pa nga ang ibang mga maids kaso ayaw naman nila. Nakikipag-plastikan lang naman sana ako sa kanila. Si ateng Arianna naman ay busy sa kanyang boyfriend.

Masaya kong pinanood si Zion na nakasakay sa malaking duck float.  Syempre, meron ding sa akin pero ’di pa kasi ako sumakay kay Xavier muna ang byahe ko. Charz!

Napagitla ako nang magwala ang telepono ko sa lounger. Agad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo ko roon sa edge ng pool.

“Sasagutin ko lang itong tawag, dong . Huwag ka malikot, ha!”

“Yes po, mami!”

Feeler na feeler na talaga itong si bibi Zion. Feelness na feelness niya na ako ang biological mother niya. Emz!

Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay mabilis kong s-in-wipe up upang sagutin ang tawag ni Kuya Carl.

Noong nakaraang araw pa ako nakatawag kay Kuya dahil muntik ko nang makalimutan ang tawagan ito. Kung hindi lang nangumusta sina Mama Aubrey at Kuya Cams sa Cebu ay hindi ko maaalala na tatawagan ko pa pala si Kuya Carl. Litse kasi, inaakupa ni Xavier ang brain for the past days.

“K-kuya!”

“Sorry, ngayon lang ako nakatawag sa’yo. Busy lang ako sa trabaho.”

Napangiti ako kahit na hindi ko nakikita si Kuya Carl.

“Okay lang, Kuya. Naging busy rin naman ako sa work ko rito.” rason ko kahit na abala lang ang utak ko kay Xavier.

“You know what, Rence ayaw ko nitong nagtatrabaho ka. Paapaano na ang pag-aaral mo?”

Ngumuso ako. Hinarap ko ang pool kung saan si bibi Zion.

“Papasok naman ako, Kuya. Sabi naman ng jowa ko-”

“Mark Lawrence!”

“Jokeness lang, Kuya. At totoo nga, sabi ng amo ko gagawan niya naman daw ng paraan ang pag-aaral ko.”

“Hmm, anyway, gusto kong magkita tayo sa weekend. Tutal nasa iisang syudad na tayo.”

Tumango ako.

“Sige, Kuya. Magpapaalam ako sa amo ko.”

“Mmm, anyway ang mga vitamins mo, iniinom mo ba?”

“Oo, kuya! ’No ba naman kayo. Para naman akong bata nito na lagi ninyong pinapaalalahanan.” reklamo ko dahil no’ng tumawag sina Mama noong nakaraang araw ay ’yan din ang pinapaalala nila.

“We are just thinking and looking after your health.”

“Hmm, sige na po, kuya. Ba-bye na po. Maliligo na kami ng alaga kong biik.”

“Yeah, mag-ingat ka lagi d’yan. I love you, bro.”

“Sis.” pabiro kong pagtatama kay Kuya Carl.

“Yeah, I love you our dearest sis?”

“Hahaha! Sige na, kuya. Love you rin. Huwag mo akong kalimutan bigyan ng load. ’Yon lang.”

Matapos ang tawagan namin ni kuya Carl ay nagtampisaw na rin ako kasama si bibi Zion. Enjoy na enjoy ang biik ko sa paglalaro sa tubig. Ganito siguro talaga kapag biik. Hindi rin kami nagtagal ni Daniel sa pool kasi mainit na masyado. Masisira ang inaalagaan kong kutis.

Nang sumapit ang hapon ay naisipan kong lumabas sa kaharian ni Xavier. Napag-isip isip ko kasi na for the past days na nandirito ako ay lagi lang akong nakalublob sa big brother house ni Xavier.

At syempre binitbit ko na si Zion sa aking pag-iexplore dito sa village. Mahirap nang mawala mag-isa, minsan na akong nawala at ayaw ko na no’n. Nakakasira sa beauty, eh.

Nakaplastikan ko si Arianna kanina sa bahay ni Xavier, nasabi niyang may nagtitinda raw rito ng mga street foods, particularly sa parke raw. Doon daw kasi ang meet up place nila ng kanyang boyfriend kaya knows niya. Ang chada ni ateng Arianna may boyfriend!

May pa-hum hum pa akong nalalaman habang naglalakad tungo sa parke at hawak ko sa kamay si Zion nang may asong ala flash kong tumakbo at tungo ito sa amin ni Zion. Naramdaman ko ang paghigpit nang kapit ng kamay ni Zion sa akin.

“M-mami.”

“Ginoo ko! Tabang!!!” sigaw ko nang papalapit na sa amin ang aso. Maliit man ang aso kaso kung kakagatin kami nito? Papaano na ang rabis? Hindi ko kakayanin ang karayom pag nagkataon.

Akmang bubuhatin ko na si Zion nang may isang babaeng hingal na hingal na nakasunod sa aso.

“Ahhh!!!” sabay naming sigaw ni Zion.

“Chucky!!!”

Unti-unti kong binuka ang mata nang marinig ko ang cute na tahol ng aso.

“Ay?” sambit ko.

Napangiwi ako nang makita kong pini-pet na ni Zion ang aso. Nagpapakyut naman ang aso!

“S-sorry,” Hinihingal na untag nang babae. “Sorry ulit kung natakot kayo ni Chucky.” At tiningnan niya ang aso niyang hinihingal din at mukhang natutuwa. Ang aso nitong ai Chucky ay parang nainlove na kay Zion.

“Sa iyo ito?” Tinaasan ko ng kilay ang babae at tinuro ang aso niyang kulay tsokolate! Hindi ako nak-kyutan dito kahit anong gawing pa-kyut ng asong ito. Tinakot niya ako kanina.

“Oo,”

Nilagay ko sa baywang ang aking kamay.

“Aba’y sinong hindi matatakot sa aso mo? Pangalan pa nga lang ay nakakatakot na.”

“Hey, doggie.” ani naman ni Zion.

“Sorry. Pero Chucky kasi ang pangalan ng aso ko kasi mahilig ako uminom ng Chuckie.”

Mahilig siya sa inumin na Chuckie pero kapag naiisip ko ito iyong sa horror movie na Chucky ang naiisip ko. Iyong lalaking doll na may dalang kutsilyo!

“Kahit na.”

Ngumiwi ito.

“Pasensya na, Jewel pala.” Pagpapakilala nito.

Napairap ako sa kanya.

“Lawrence,” ani ko naman at tinanggap ang kamay ni Jewel.

Ngumiti si Jewel nang tingnan nito si Zion at ang aso niyang si Chucky. Bumaling siya sa akin saglit.

“Kapatid mo?”

Seryoso ko siyang inilingan.

“Hindi, anak ko ’yan.”

Gulat na tumingin si Jewel sa akin.

“For real?”

Inismiran ko ang babae.

“Jokeness lang! Binabantayan ko lang ang biik na ito.”

Napatango-tango naman ito.

“Pero ang cute niya. Ang lusog niya ’no?”

Mapagmalaki akong tumango.

“Syempre, biik ko ’yan, eh.”

Napailing sa akin si Jewel. At dahil tingin ni Jewel kailangan niya kaming i-treat ni Zion. Dinala niya kami sa parke ng village. Sa parke ay marami palang mga taong tumatambay at may naglalaro ding mga bubwit tulad ni Zion. Binilhan kami ng makakain ni Jewel at hindi na ako makatanggi roon. Nakakatipid na kasi ako rito.

Hindi naubos ni Zion ang kinakaing banana cue dahil nakipaglaro na siya kay Chucky na aso.

Habang binabantayan ko si Zion ay nakikipagplastikan naman ako kay Jewel.

Si Jewel ay taga rito pala talaga sa village. Both of her parents were always out of country at lagi niya lang kasama sa bahay ay ang maids nila at ang aso niya. Medyo naf-feel ko ang loneliness ni ateng Jewel. Ako nga na nasa Pinas lang at nasa Cebu lang ang mama Aubrey ko, namimiss ko nga ito ng bonggacious. What more itong si ateng Jewel na nasa ibang bansa?

“What if sumama ka na lang sa mga parents mo? Yayamanin ka naman.” suggestions ko rito.

Humingang malalim lang si Jewel.

“Hindi naman gano’n kadali ang sumama sa kanila. At saka nag-aaral ako.”

“Truthness ka naman.”

“Pero don’t worry kapag bored ka ay nandito na akis.” wika ko rito. Pampalubag loob ba.

Ngumuso si Jewel na parang naiiyak. Ay! Nagmumukha na siyang aso.

“So friends na tayo?”

Inirapan ko na naman siya.

“Oo, friendshipness na tayo!”

Sa saya ni Jewel na may friendshipness na siya rito sa village ay binigay niya sa akin ang kanyang cellphone number at address.

At dahil medyo dumilim na inaya ko nang umuwi si Zion. Iniwan na namin sina Jewel at Chucky.

Pinagpapawisan na ang bata sa kakalaro nito. Mabuti’t may dala akong towel.

“Gusto mo si Chucky, dong ?” tanong ko sa bata habang nilalakbay namin ang daan pauwi sa big brother house ni Xavier.

“Yes po, mami. Gustong-gusto ko po si Chucky!”

“Weh?”

Tiningala ako ng bata. “Oo nga po! Pak! Pak! Ganern-ganern po!”

Natawa ako roon. Kapag ito narinig ni Xavier ay ako na naman ang pagdidiskitaan noon. Kesyo, kabaliwan ang tinuturo ko sa bata.

Tawang-tawa pa rin ako pero naputol ang happiness ko nang maistatwa si Zion sa aking tabi.

Nag-aalala akong nag-squat sa harap niya at saka sinipat ang noo nito.

“D-dong? Dong, masama ba ang pakiramdam mo?”

Nagtaka ako kung bakit biglang nagtago sa likod ko si Zion.

“Dong-”

“Zion, anak!”

Napatingin ako sa bagong dating na babae. Tumayo ako at tinago sa likod ko si Zion. Tiningnan ko from head to foot ang babae. She has a small waist, fairy skin, and a beautiful face. Pero hindi ko nakikita sa pagmumukha niya ang hitsura ni bibi Zion.

“Zion, come to mommy.” Engganyo nito sa bata pero mas sumiksik lang si Zion sa aking likuran. Nangingig pa ang bata sa likod ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng babaeng ito para matakot sa kanya ng ganito ang bata. Pero sa ngayon, ang gusto ko lang gawin ay ang ilayo ang bata sa kanya.

“Excuse me, miss but who are you?” I politely ask kahit nangangati na akong umalis dito.

“Oh! You must be Zion’s nanny?”

Tinaasan ko siya sa aking kilay na mas maganda pa sa kanya.

“Oo ako.”

“I’m Kyline, ako ang ina ni Zion. Pwede bang ibigay mo na sa akin ang anak ko?” aniya na parang kendi lang kung hingin si Zion sa akin.

“I’m so sorry, miss, but I’m afraid I cannot give you what you want.”

Ang ngiti sa mga mapupulang labi ni Kyline ay nawala dahil sa sinabi ko. Naningkit ang mata niya sa akin at humakbang papalapit sa akin. Hindi ako nagpatinag sa kanya.

“Mmm, don’t tell me you’re also like those delulus out there na gustong maging ina ni Zion para makalapit kay Xavier?” Pang-iinsulto nito sa akin.

“Try harder, girl.” Mariin kong untag. “Baka ikaw ang delulu sa ating dalawa ngayon?”

Naggitgit ang ngipin nito.

“Akin na ang anak ko kung ayaw mong masaktan bakla ka!” She roared right in front of my precious face. Dahil sa babaeng ito nakakapag-english ako ng wala sa oras.

Natanaw kong ilang lakad pa ang kailangan para makarating sa gate ng bahay ni Xavier. If only this woman had a good relationship with Zion, and if Zion weren’t afraid of her. Baka ngayon binigay ko na ang bata. Kaso hindi kasi eh. I felt something was off here.

“ Dong , tumakbo ka roon sa bahay at humingi ka ng tulong kay ate Arianna, okay?“ saad ko kahit na hindi nakatingin kay Zion.

“Y-yes, mami.”

“Huh! Mami? What the hell?!” She said with a mocking tone.

Umalis si Zion sa likod ko at tumakbo tungo sa bahay at susundan na sana ito ni Kyline pero mabilis kong hinablot ang braso niya para hindi nito maabutan ang bata.

Dahil sa paghawak ko ay natigilan si Kyline. Hinarap niya ako at sinubukang kunin ang akamy ko pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya. Ngingisi na sana ako sa kanya nang lumagapak ang palad nito sa precious face ko.

Nanlaki ang mata ko at saglit na hindi makapagsalita dahil sa pamamanhid ng aking pisngi.

Galit kong tinapunan ng tingin ang babae. Nakakawalang respeto na siya, ahh!

“Y-yawa ka!” sigaw ko rito at sinampal din.

Ang sampalan namin ni Kyline ay nauwi sa kalmutan at hilahan ng buhok. Akala niya ba papatalo ako? Neknek niya dahil uubusin ko itong rebounded niyang buhok!

Nagkakasakitan na kami ng husto ni Kyline. Bumabaon na ang kuko nito sa braso ko pero hindi ko pa rin ito nilulubayan. Away ang gusto niya? Pwes bibigyan ko siya!

Hanggang sa may brasong umawat sa akin.

“Stop! Both of you, fucking stop!” Xavier shouted.

Kapwa kami hinihingal ni Kyline nang magkalayo sa isa’t-isa. Yakap ni Xavier ang baywang ni Kyline habang ako ay hawak naman ng guard.

Kita kong magulo na ang buhok ni Kyline at sira na ang make-up.

“Bwesit kang bruha ka!” duro ko sa babae.

“The feeling is mutual, bitch!” Kyline spat.

Akmang susugod na naman ako sa babae dahil kumulo na talaga ang dugo ko sa kanya nang humarang si Xavier sa pagitan namin ni Kyline. Namumula ito sa galit at nanlilisik ang mga mata.

“Stop it!”

Tiningala ko si Xavier.

“Pero Xavier-”

“I said, stop! Shut the hell up and go back to the house!” bulyaw nito sa pagmumukha ko.

Napaatras ako.

Hindi naman nasaktan sa ramble namin ni Kyline pero mukhang mas nasaktan ang pusong ligaw ko dahil kay Xavier.

Winaksi ko ang kamay ng guard at galit kong tiningala si Xavier. Paglagpas ko kay Xavier ay kita ko ang malaking ngiti sa labi ng bruhang si Kyline.


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 9

Chapter 9

Xavier Pov

“May isa ka pang shot para sa TV commercial mamayang hapon, Xavier,” Cesna stated as I sat on my chair.

Sinimulan na ng make-up artist ko na tanggalin ang konting make-up na nilagay sa akin kanina para sa shot ko sa ibang brand ng alak. It only takes a few shots and the director wraps it up.

“What particular TV commercial?” I asked, closing my eyes so that the make-up artist can do his job on my eyes.

“Para sa isang toothpaste. Kasama mo pala dito si Donna.”

My brows knitted.

“Really?”

Donna was my love interest sa isang movie na aming niluluto ngayon. Alam kong kasama lang ito sa trabaho ko pero nakakapagod din. Nangangalahati na kami sa aming movie at sa ilang na-leak at behind the scenes na mga videos namin together ni Donna, people were already raving and pairing us up.

Nakailang loveteam na ba ako sa buong taong kong pag-aartista? Eight? Nine? I don’t know. Wala man akong loveteam or meron, I already established my name in this industry. But this matter really was inevitable. Single man ako o hindi kapag may bago akong nakakasama sa movie or TV series talagang pinagpapares ako.

Tinanguan ko na lang si Cesna sa mga sinasabi niya.

Ngayon ay nasa sasakyan na kami tungo sa sunod kong shot nang magising ako sa pagwawala ng aking telepono. Kinapkap ko sa aking bulsa ang telepono. Nakita ko na ang tumatawag sa akin ay ang number ng bahay. It must be important.

I scrolled up to answer the call.

“Yes,” came my firm answer.

“S-sir…”

Kumunot ang noo ko at umayos sa aking pagkakaupo. I looked at Cesna acrossed me na may binabasa sa kanyang Ipad.

“Who is this?” Tanong ko. Kita ko ang pagkunot noo ni Cesna sa harap ko.

She mouthed ‘who,’ and I just answered her with a shrug.

“Sir, si Arianna po ito. Isa po siya sa mga kasambahay ninyo.”

Napatango ako.

“Yes, I remember you. What’s the matter? Is it Z? Ano na naman ang ginagawa nila ni Lawrence?”

“W-wala po sir. S-si ma’am Kyline po kasi sir sumugod dito at gusto niya pong kunin si Zion.”

Mabilis akong napatayo. Umuntog pa ang ulo ko sa sasakyan. But that’s the least I care about now.

Agad kong binuksan ang window shield na siyang naghihiwalay rito sa likod at sa diver’s seat.

“Stop the car!” Turan ko sa aking driver. Lito man ito pero tumigil din.

“What’s happening Xavier?” Cesna asked, confused.

Hindi ko binalingan si Cesna.

“Nakuha niya si Z?”

“H-hindi po sir kasi lumabas po sila ni Lawrence kaso… kaso mukhang hahanapin po ni ma’am Kyline si Zion, sir.”

“Okay. Uuwi na ko. Please keep my son away from Kyline, Arianna.”

“Okay po, sir. Hahanapin na rin po namin sila ni Lawrence.”

Tiningnan ko si Cesna na gulong-gulo ang mukhang nakatingin sa akin.

“I need to go home, Cesna. I have an emergency at home. Zion needs me.”

Walang pag-aalinlangan na tumango si Cesna sa akin. At nag-U turn kaagad ang van sa daan tungo sa bahay ko.

Alam na Cesna kung gaano ko pinapahalagahan si Zion at saksi siya kung gaano ako kaaligaga noong nawala ito. Kaya kapag tungkol kay Zion alam niyang ika-cancel ko ang lahat para dito. Bukod sa aking pamilya si Zion na ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Alam ni Cesna na kapag tungkol sa pamilya ko o kay Zion kahit na nasa set ako, titigil talaga ako sa trabaho para sa kanila.

Walang saysay ang dugo’t pawis ko sa pagtatrababo kung hindi ko man lang maalagaan at matingnan ang mga pamilya ko.

Napapakagat labi ako at namumula na ang kamao dahil sa sinabi ni Arianna. Nag-aalala ako kay Zion.

Kyline and I were lovers before. She was my first woman, and I got her pregnant in the short span of time we were together. Hindi ko tinalikuran ang pagiging ama ko kay Zion at handa naman akong pakasalan si Kyline noon, kaso ayaw ng pamilya niya. Well, maybe because they were richer than I was back then.

Kaso kahit na ganoon pinakiusapan ko si Kyline at ang pamilya niya na huwag ipalaglag ang bata. Iyon kasi ng gusto ng mga magulang nito, gusto nilang ipalaglag ang bata. Pumayag ang pamilya ni Kyline na ipagbuntis nito si Zion pero kapalit no’n ang pagpapalaya ko kay Kyline. Noon sobrang sakit sa akin ng lahat. Ang bitawan ang mahal ko pero wala akong nagawa kundi sundin ito alang-alang sa anak ko. I also have no choice since Kyline was a toy to her parents.

Lumaki sa akin si Zion pero hindi ko nabibigay rito ang lahat ng gusto niya. Minsan kasi natatagalan ako sa trabaho at hindi ko ito nakakasama. Lumaki siyang malapit ang loob niya sa kanyang mga yaya. Kaya distant din siya sa akin dahil nagkukulang ako ng oras sa kanya. I worked my ass off to provide everything for Zion, but little did I know that my son’s heart was slowly drifting away from me.

Nilayo ko sa mata ng media ang anak ko para hindi ito pagpyestahan ng media. Tama nang ako na ang nandirito. Pero when time comes at gusto niyang pasukin ng mundo ng pag-aartista susuportahan ko naman siya.

Naging maayos naman ang takbo ng pagko-co-parenting namin ni Kyline sa konting panahon. Hanggang sa isang araw habang nasa puder niya ang anak namin, binalita niya na lang sa akin na nawawala ito.

Hindi ako naniniwala na basta na lang nawala ang anak ko at napunta bigla sa Cebu. Dinidiin ng utak ko ang pamilya ni Kyline rito pero wala naman akong ebidensya na makakapagturo sa mga ito.

Kaya ayaw ko munang makita o malapitan ni Kyline ang bata dahil nararamdaman ko ang takot ng anak ko kapag nababanggit ko ito. Whenever I mention his mother’s name, my son trembled. It feels like he was traumatized or something. Gusto ko mang tanungin ang bata kung bakit siya ganoon pero pinapigilan ko ang sarili ko dahil ayaw ko munang dagdagan ang nararamdaman niya ngayon. Gusto kong kusa siyang magbubukas no’n sa akin.

Nang makababa ako ng sasakyan ay pinaalis ko rin si Cesna upang personal niyang makausap ang mga tao sa set na hindi ako makakapunta.

“Zion!” Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong tinawag ang anak. Nangingig ang mga kamay ko sa galit at takot ngayon. Ayaw ko nang mangyari ulit iyong nangyari sa kanya.

“Sir!” ang bumungad sa akin ay ang mga maids ng bahay na bakas sa mga mukha nila ang pagka-aligaga.

“Where’s my son?”

“Sir, hindi pa po bumalik sila Zion at Lawrence–”

“Ate Arianna!”

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses ng anak ko. Bumungad sa akin ang hinihingal at umiiyak kong anak. Fuck!

Mabilis kong nilapitan ang anak at niyakap.

“Baby, what’s wrong?”

Hinihingal ng husto si Zion.

Hinanap ng mata ko kung susunod ba ang Mami Lawrence niya kaso walang maingay na Lawrence ang sumunod. Shit!

“D-daddy, mommy… mommy Kyline and Mami Lawrence… help mami Lawrence, Daddy!” putol-putol na wika ng anak ko dahil sa pag-iyak at hingal.

Niyakap ko itong muli at hinalkan.

Binigay ko kay Arianna si Zion.

“Take my son inside. Clean him and give him his milk.”

Tanging tango lang ang nagawa ni Arianna na namutla nang hinarap ko ito.

I was about to leave and look for Lawrence when my son held my pants.

“Bring back my Mami, Lawrence, Daddy.”

Kapwa kumuyom ang panga at kamay ko.

“I will, so don’t cry. Be good to your ate Arianna. I will bring back your mami.”

Sinamahan ako ng guard sa paghahanap kay Lawrence at nang may marinig kaming komusyon, sinundan namin iyon ng guard.

Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Lawrence saka si Kyline na nagsasabunutan at kulang na lang magpagulong-gulong ang dalawa sa daan.

Dahil pabor sa akin si Kyline siya ang nahila ko papalayo kay Lawrence. Kyline in my arms was wriggling and ready for another round of a cat fight, and so was Lawrence. However, my anger subsided when I saw Lawrence’s wounded arms. Parang nandilim ang paningin ko sa di ko malaman na dahilan. Something inside me irks to hurt someone who caused those wounds on him.

Dahil uminit ang ulo ko, hindi ko sinasadyang masigawan si Lawrence. I want him to go home to tend to his wound, pero inaalala niya pa ang pagganti kay Kyline.

Umigting ang panga ko nang tingnan ako ng masama ni Lawrence. The nerve of that small guy!

“Follow him and make sure that his wound will be treated immediately,” bilin ko sa guard bago nito sinundan si Lawrence.

I will handle this woman.

Naniningkit ang mga mga ko at naggitgit ang ngiping tiningnan si Kyline na ngayon ay wala na sa tamang ayos ang mukha at magulo na ang buhok.

“Bakit mo hindi pinapakita sa akin ang anak ko, Xavier?! Matagal na bang na sa’yo si Zion?”

Mas uminit ang ulo ko roon sa kanyang sinabi.

Tinawid ko ang distansya namin at nanlilisik ang mga mata kong pinukol ito ng tingin.

“Anak? It was you who didn’t want Zion at first pero ngayon para ka nang isang ina na inagawan ng anak?!” I mocked her.

Inis nitong hinawi ang magulong buhok at galit akong tiningala.

“Pero pinagtyagaan ko siyang dalhin ng siyam na buwan! At… hindi ba pwedeng magbago ang tao? What if I want my son now?”

“I cannot trust you anymore, Kyline. You lost him. It’s better if you stay away from us for now. I don’t want you lurking around my son.”

She hysterically shook her head.

“No, no, no! Baka umabot na tayo ngayon sa korte nito, Xavier! Your career will be ruined.” Mariin nitong wika at ngumisi sa akin.

I smirked.

“Try, woman! I’m not afraid of your family anymore. Let me reprimand you na hanggang hindi ko nakikilala at hindi pa napagbabayaran ng mga kumidnap kay Zion ang mga kasalan nila. It’s better na sa akin muna ang anak ko, Kyline.” pinal kong saad dito. Nilampasan ko siyang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang ekspresyon. Kaso may naalala ko.

“Kyline.” Lumingon ito sa akin. “Don’t you dare lay a hand on my son’s nanny ever again! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo kapag may gagawin kang masama sa kanya.”

“Is he… that important to you?” Kunot-noong tanong niya.

“No, but he is a precious man to my son and my son’s happiness, and I will protect my son’s happiness.”

Yumuko lang si Kyline at kumuyom ang mga kamay. Iritado ito nang sumigaw, pero hindi ko na ito binalingan.

My relationship with Kyline ended well. She didn’t fret about breaking our relationship like what I had imagined it would be. Ni-hindi man lang siya tumingin sa batang niluwal niya. Ngunit bigla na lang siyang dumating sa harap ng bahay ko isang araw upang makita ang bata at makasama ito. Kaya naman doon nagsimula ang pagko-co parenting namin.

Pagkarating ko sa bahay una kong pinuntahan ang anak ko sa kanyang room at nakatulog na ito. My fluffy son’s eyes were swelling, and it was all because of his mother.

“Z, please tell me what really happened. Sana sabihin mo sa akin kung bakit ayaw mo na sa mommy mo, si Kyline. Nasasaktan na rin ako para sa’yo, Z,” pagkakausap ko sa anak kong tulog.

“Your father loves you so much, Z, and I am here whenever you need me. I love you, Z. Goodnight!”

Iniwan kong bukas ang lampshade sa side table ni Zion bago lumabas. Pumunta ako sa kitchen upang kumain nang maalala ko si Lawrence.

“Arianna,” tawag ko kay Arianna na siyang nakita kong nagpupunas ng mga baso sa island counter.

“Sir?”

“Si… si Lawrence kumain na? Are his wounds okay?”

Tumabingi lang ang ulo ni Arianna, mukhang naguluhan sa aking sinabi.

“Hindi ko po mapansin si Lawrence, sir. Hindi ko rin siya nakitang pumunta rito sa kitchen, eh.”

Binaba ko ang kutsarang hawak. Tumayo ako at kinuha ang first aid kit sa bathroom.

“Paki linis na lang ng table.” Bilin ko kay Arianna at tinungo ang kwarto ni Lawrence.

I knocked my knuckles three times on Lawrence’s room door. I waited for seconds for a reply, but I got none. Huminga ko ng malalim at kumatok ulit.

“Tulog ako! Umalis ka na, Arianna!”

Napabuga ako ng marahas na hininga. Tulog nga siya kasi sumasagot pa! Fuck!

“It’s Xavier.” usal ko.

“We don’t talk anymore!” Bulyaw nito mula sa loob.

Malakas kong binagsak ang isang palad sa pintuan.

“Hindi ka pa raw kumakain. And your wounds, bakit hindi mo nilinisan at ginamot?”

“Paki mo?”

The thin thread of patience I was grasping a while ago snapped! Sinipa ko ang pintuan.

“Bubuksan mo o sisirain ko itong pintuan?” banta ko.

Tumataas na sa ulo ko ang aking dugo.

“Paki ko? Big brother house ko ba ito?”

Umawang ang labi ko. The nerve of this man?!

Dumistansya ako ng konti sa pintuan at handa na itong sipain nang bigla itong bumukas. Nabitin sa ere ang paa ko.

Lawrence peeked behind the door.

Umigting ang panga ko. Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito!

Galit akong humakbang tungo sa kanya at tinulak ko ang pintuan. Napaatras siya. Pumasok ako at marahas kong sinara ang pintuan. Napatalon siya sa gulat.

Naglikot ang mata nito at iniiwasan ang mga nanlilisik kong titig sa kanya. Ang tapang-tapang niya kaninang sagutin ako pero ngayon para na siyang tutang takot mapalo. Asan na ang tapang ng lalaking ’to ngayon?

Napatanga ako nang pabagsak itong umupo sa kama at pinagkrus ang mga mapuputing braso sa harap ng dibdib.

Bumalik ang galit ko kay Kyline nang makita ko ang kalmot at konting dugo roon sa braso ni Lawrence. Nabahiran na ang walang kapintasan niyang braso.

Malapit nang maglinggo si Lawrence simula nang tumira siya rito sa bahay ko at puro kosumisyon at sakit sa ulo ang binibigay niya sa akin. Ngayon na natitigan ko siya ng maayos. He was not bad. He had pouty red lips, porcelain skin, and a petite body.

“Anong ginagawa mo rito? At bakit may dala kang box? Isisilid mo ako r’yan?”

Tsk! Kung pwede ko lang itong isilid ay matagal ko nang ginawa! Hindi ko na lang ito sinagot dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Eksperto pa naman itong pataasin ang dugo ko sa aking ulo.

Nag-squat ako sa harapan niya at hinablot ko ang isa niyang braso.

“Aray! Dahan-dahan naman!” reklamo niya.

Masama ko lang itong tiningnan kaya napanguso siya. His pouted lips seem fluffy. I wonder how soft they are when I touch them. Ako ang nagulat sa sariling naisip. Dammit, Xavier, pull yourself together!

Nilinis ko ang sugat niya at nilagyan ko ito ng ointment upang huwag itong magkapiklat. Matapos kong gamutin ang dalawang braso niya. Tiningnan ko naman ang mukha nito kung may sugat din ba pero wala naman. May ilan akong nakita sa leeg niya kaya tumayo ako at dumukwang upang lagyan ng ointment ang iyon.

Hindi ko napansin ang distansya naming dalawa hanggang sa nagsalita si Lawrence.

“P-personality space, please.”

My eyes fell on his pouty lips.

I grinned.

“It’s personal space.” Pagtatama ko.

Umismid lang ito.

“Sumobra lang naman ako ng tatlong letters.”

I stepped back, cleared my throat and gathered the alcohol and cotton on the floor.

Umupo ako sa kama.

“Thank you for what you did earlier.”

Pinagmasdan ko ito kaya naman nakita ko ang pagkibot ng bibig niya.

“I’m… I’m sorry.”

Bilog ang mga matang bumaling ito sa akin kaso nang magtagpo ang mga mata namin ay agad niya naman akong inirapan.

I just smirked when I saw how his doe eyes glistened in bliss. He wants to lie, but his beautiful eyes can’t. Very well!

“Tsk! P-pinahiya mo ako sa harapan no’ng babae mo.”

Tumaas ang kilay ko. Kailan pa ako nagkaroon ng babae?

“Hindi ko siya babae.” Sagot ko kahit hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya.

“Edi, asawa mo.” Labas sa ilong nitong wika.

“Wala akong babae at wala kong asawa.”

I don’t want him to misunderstand me for some reason. 

“Talaga? Eh, ’di ba iyon ang ina ni bibi Zion?”

I nodded.

“She is. Pero nito lang siya nagpakaina sa anak ko.”

He wet his lips kaya napatitig ako roon. I unconsciously ran my tongue on my lips.

“Wala ka talagang karelasyon? As in N.O?”

Lumunok ako bago siya tinanguan.

“So nalalandi ka pa? You’re still available 24/7 in the market?”

The corner of my lips twitched up before I bit them down.

“I told you. Hindi ako pumapatol sa isang fan.”

Ngumuso na naman siya.

“Tsk!” Sinamaan niya ako ng tingin. Masyado na siyang nagiging komportable sa akin. “Oo nga pala hindi ko matatanggap ang sorry mo. Iyong thank you mo lang ang tatanggapin ko.”

Nagtagpo ang kilay ko.

“You’re impossible!”

“Yes, I am!”

“Ano bang gusto mo? What do you want me to do para matanggap mo ang sorry ko?”

Ngumisi ito ng malapad sa akin. Nagsisi tuloy ako kung bakit ako nakikipag-usap dito. Ako ang mababaliw sa kanya.

“I-french kiss mo ako!”

Nalaglag ang panga ako sa kanyang sinabi.


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 10

Chapter 10

Mark Lawrence Pov

Kung iguguhit lang ang mukha ko ngayon, kahit siguro ang pinakamagaling na pintor sa buong mundo ay ’di kayang iguhit ang aking precious face.

Matapos kong ibunyag kay ultimate crush ang gusto kong gawin niya upang tanggapin ko ang sorry niya ay tinawanan niya lang ako. Ang halakhak ng isang Xavier Faliero ay nag-echo ata sa buong silid.

“Tapos ka na?” matabang kong wika rito nang unti-unti nang humina ang tawa nito.

Naging speechless lang siya kanina ng isang segundo at saka pinakawalan ang kanyang tawa. Tawang-tawa ang crush ko sa akin pero hindi ko iyon kinatuwa ’ni katiting.

“Seriousness ako.” I crossed my arms, ngumiwi ako nang masagi ng kamay ko ang mga kalmot ni Bruhildang Kyline sa aking braso.

Napalunok ako ng walang sa oras ang mapatitig sa akin si Xavier. Parang pinag-aaralan niya ng face ko- pinag-aaralang mahalin at halikan. Eme!

Tinitigan ko rin ito. Baka kasi akalain niya wala akong guts?

Minsan talaga ay natutulala na lang ako at napaisip kung paano naging posible ang ganito ka gwapong mukha ni Xavier. Hulmadong-hulmado ang kanyang makapal na kilay. Tsk! May pagdududa ako rito sa kilay ni ultimate crush. Baka peke ito. Artista pa naman ito.

Napalabi ako nang dumapo ang mata ko sa kulay rosas na labi ni Xavier. Umiling ako nang pumasok sa isip ko ang isang kissing scene ni Xavier. Kahit kasi kulay rosas iyon ay namumula iyon kapag… eherm, kinakagat. Nang kumurap si Xavier ay lumipat ang mga mata ko sa kanyang mahahaba na pilik mata. Akala ko talaga noon extension lang iyong pilik mata niya kaso dalandan pala iyon, real na real . At kaya maraming humihimlay na babae at mga bakla rito kay Xavier dahil iba rin talaga ang mata nitong kulay asul. Parang pacific ocean lang. Tsk! Tsk! Kaya yataps na yataps ako rito, eh.

Namatay ang pagpantasya ko sa mukha ni Xavier nang walang ano-ano’y lumagapak ang daliri nito sa aking noo. Pinitik nito ang noo ko!

“Aray! P*ta-”

Nalunok ko ang aking sasabihin nang isampak ni Xavier ang sarili kong kamay sa aking bibig.

“French kiss in your dreams, Lawrence. I would never do that.” Pagpatay nito sa aking pangarap na ma-french kiss siya.

Pinahid ko ang aking basang kamay sa sariling laway sa kobre ng kama ko.

“Ang damot! Ang sabihin mo nandiri ka lang sa tulad ko,” saad ko na at inaawan ko ng todo ang boses. Kulang nalang ay lumabi ako sa kanya.

“Tulad mo?” Maang-maangan ng mahal ko. Eme lang ulit.

“Na… bakla… ako.”

Umiling ito at huminga ng malalim. Itinuko ni Xavier ang dalawang kamay sa kama at saka tumingala.

Kita ko ang pag-alon ng kanyang Adam’s apple. Bumaba naman ang mata ko sa kanyang malapad dibdib na tumataas-baba. Ang lapad no’n at ang sarap yakapin! Pagtalaga ako mainis dito ’di niya masisi kung makagat ko iyong dibdib niya. Sobrang lapad!

Papaanong nagawang pakawalan ito ni Kyline? Binuntis na siya ni Xavier, nagkaanak na sila, magiging pamilya na sana sila pero, bakit nasira pa ito? Bakit hinayaan niyang masira ang kanilang pamilya?

Aaminin kong hindi talaga maganda ang ugali ni Xavier. Yes, hindi siya mabait for me. Plastik si Xavier. Charoot! Alam kong may kabaitan din si Xavier kahit papaano at masungit lang talaga siya tingnan dahil sa palagiang pagtaas niya sa kanyang kilay. He looks intimidating and proud man. Parang hindi siya ang tipo na lalaking nagpapauto at madaling madala.

Iba ang datingan ni Xavier sa tangkad at kanyang istriktong mukha, para siyang lider ng isang gang dati. Kaya siguro nasabi noon ni Kuya Camelot na parang brutal ang datingan ni Xavier. Kaso bet na bet ko naman.

“I won’t kiss someone who isn’t mine, Lawrence. Hindi porket nakikipaghalikan ako dahil sa aking trabaho ay basta’t basta na lang din ako hahalik.” Bumaling sa akin ang inaatok na nitong mata. “Hahalik lang ako sa taong gusto ko.”

My lips contorted. “Edi, i-mine mo na ako.”

Ngumisi ito.

“Papaano kita im-mine kung hindi kita like? Let me ask you, Lawrence. Kapag ba bumibili ka online, im-mine mo ba ang isang bagay kahit ’di mo gusto?”

“Hindi!”

“That goes the same way for me.”

“Tsk! Hindi naman kasi ako bumibili online! Sa Divisoria ako namimili, oi! At isa pa, hindi ako paninda online.”

Xavier only shook his head as if he had heard the dumbest things in the world. The long silence stretched between us before he decided to break our silence. He rose from the bed and faced me.

“Let’s have dinner-”

“Date?” I interjected, teasing him.

Halos maputol na ang litid sa leeg ni Xavier habang pinupukol ako sa mga mata niyang nanlilisik.

“Hapunan, Lawrence. Hapunan.”

Mag-iinarte pa sana ako. Magpapakipot pa sana ako dahil gusto kong pilitin ako ni Xavier maghapunan kaso tumunog ang tiyan ko. Hindi na kaya ng tiyan ko mag-inarte sa gutom.

’Di na ako hinintay ni Xavier at lumabas sa aking silid. At dahil hindi niya ako nakikita, doon ko na nilabas lahat ng kilig!

Dumapa ako sa kama at binaon ko ang mukha sa kobre nito at tumili! Tinampal-tampal ko pa ang dalawang kamay ko sa kama sa sobrang kilig. Napakagat ako sa kobre ng aking kama. I rose my head na kagat pa rin ang kobre ng aking kama saka napatitig sa isang sulok ng aking room.

Nagdiwang ang lahat ng bulati sa katawan dahil sa inasal ni Xavier. Though hindi naman sweet lahat ng ipinakita niya kaso… O. M. G! Nagpakita kasi siya ng concernavility (concern) sa akin!

I felt my cheeks flushed upon reminiscing about what happened kaganiha

lang (kanina lang) ! ’Pag ito talagang si Xavier na-fall ako sa kanya ng todo. Ako na ang luluhod sa kanya.

I smiled dreamily. Oh my god! Pak na pak ang araw na ito! Parang nakalimutan ko nga na kinalmot ako ni Kyline dahil sa ginawa ni Xavier! Tapos nalaman ko pang… A.V.A.I.L.A.B.L.E pa pala si Xavier, batang ama (single father) lang pala ito!

Nagpagulong-gulong muna ako sa kama dahil sa sobrang kilig na naramdaman. Wari’y ikamamatay ko kung hindi ako gumulong ngayon sa kilig. Todo pigil pa nga ako kanina sa kilig dahil nasa harapan ko si Xavier. Ayaw ko kayang magkalat sa kanyang harapan. Hindi ko lang pinakita sa kanya na kilig na kilig na ako dahil baka ma-turn off! Saka dalagang Filipina tayo.

Kung magkaroon ng himala at tatanungin ako ni Xavier na maging partner niya, jusko! Kahit kasal pa ’yan hindi ako- naputol ang aking pagdadrama nang maluhog ako sa kama dahil sa aking kalikutan.

Daing ako tumayo. Para akong nirarayuma nang lumabas sa aking silid. Ika-ika tuloy akong naglakad sa labas at sinundan si Xavier sa kusina. Nang makarating ako ay sakto namang lumabas si Arianna sa dining area.

“What happened to you?” Ngiwing tanong ni Xavier nang makita akong gusot ang mukha.

Humila ako ng silya para sa akin. Alam ko kasing hindi rin ako ipaghihila ni Xavier. Ito pa na walang ka-gentle-gentleman ang katawan.

“Tinira ako ng sahig, eh.”

“What!” Xavier exaggerated.

Pagod ko itong tiningnan at kumuha ng pagkain. Gutom na gutom na ako dahil sa pag-iinarte ko kanina. Wala namang napala. Hindi na-french kiss. Ginutom lang ako dahil sa kaartehan ko.

“N-nadulas lang.”

Umiling siya.

“’Wag kasing tatanga-tanga.”

’Di na lang ako umimik kay Xavier at inabala ang sarili sa pagkain. Kain lang ako nang kain dahil sa kumakalam na sikmura nang biglang magsalita si Xavier.

“Lawrence,”

My eyes gaze towards him. I didn’t say a word, so Xavier continued.

“I just want to remind you to stop calling my child, Zion… ‘biik’ or whatever it is.”

Ang ngumunguya kong bibig ay natigil. Napapikit ako ng mariin nang pilit kong lunukin ang laman ng aking bibig.

Nakapatong ang siko niya sa mesa at kita kong tapos na pala itong kumain. Mataman niya akong tiningnan. Doon ako nakaramdam ng meditation (intimidation) kay Xavier for the first honor ( first time).

Sa paraan lang ng pananalita niya at pagtitig sa akin ay parang sinasabi na no’n ang agwat ng buhay naming dalawa. May pagka-arogante siyang tumutok sa akin at bakas sa mukha niyang maganda ang pagpapakatotoo.

“Ano…”

“Ngayon ko lang ito nasabi sa’yo since I am busy with my work. Besides, ngayon lang din tayo nakasabay sa kumain,” sapaw niya na mukhang hindi narinig ang aking sinabi.

“Sorry,” usal ko. Siguro nga ay lumabis na ako roon.

“My son favors you, Lawrence, but please know your boundaries.”

Nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili.

“Is it too late to say sorry? ’Di na mauulit, Xavier.”

“Mabuti nang magkalinawan tayo rito, Lawrence. Ayaw ko na lumaki ang anak ko na tinatawag siya sa ganoon. Baka kasi sa school niya, may tumawag sa kanya ng ganoon at baka akalain niyang normal lang iyon since iyon ang tawag mo sa kanya. Please, understand me as Zion’s father.”

Tumango ako. Nagself-reflect sa mga aksyong nagawa at sa mga salitang binitiwan.

“Sorry talaga, Xavier. Pangako ’di na mauulit. Never forgetti (again).”

“Hmm. Sige kumain ka na. Magpapahinga na ako.”

Tumayo siya at umalis ng dining area.

Ngumuso ako at bumuntonghininga. Tama nga si Xavier, kahit na chubby at malusog na si bibi Zion dapat ay ’di ko dapat siya tinatawag na ganoon. Kasi gaya nga ng sabi ni Xavier, what if may tumawag sa kanya ng ganoon, what if may nambu-bully na sa kanya about doon sa biik-biik na tawag ko sa kanya tapos ’di ito nagsumbong because he thinks that it was normal. Hayts!

The next day, tinuturuan ko na naman si Zion. Pinasagutan ko siya ang mga addition at subtraction problems na aking gawa-gawa. At dahil nasumasagot siya roon, nagkaroon ako ng oras para mag-cellphone.

Nagf-facebook ako nang biglang mag-pop up ang mensahe ni Kuya Cams.

Kuya Cammy:

Kumusta ka na d’yan? Humihinga ka pa ba?

Ako’y napangiwi sa mensahe ni Kuya. Ayaw ko sanang magreply rito kaso may load pala ako. Pasalamat talaga siya na binigyan ako ng load ni kuya Carl.

To Kuya Cammy: Oh, nagginhawa pa! Umuutot pa rin. Pandagdag polusyon sa mundo.

Ako lang din ang natawa sa sariling mensahe. Naiimagine ko kasi ngayon ang mukha ni Kuya habang binabasa ang reply ko. Namiss ko rin talaga ang bardagulan namin ni kuya sa Cebu.

Kuya Cammy:

Kaya pala kahit dito sa probinsya umaabot ang masamang hangin. Anyway, iyong vitamins mo nilaklak mo pa?

Nasira ang ngiti ko dahil sa nabasang mensahe galing kay kuya. Mukhang bumalik lang sa akin ang inis ng loob.

To Kuya Cammy: Oo inubos ko na nga, eh.

Kuya Cammy:

Umayos ka d’yan, Mark Lawrence!

Natawa ako.

To Kuya Cammy: Oo, iniinom ko pa! Para namang bata ako na laging pinapaalalahan.

Kuya Cammy:

Tatanga-tanga ka kasi minsan.

Napaahon ako sa aking kinahihigaan at nabaon ang cellphone sa sofa. Pareho lang si Kuya Camelot at si Xavier, ah! Tangang-tanga talaga sila sa akin. Hmp!

Manghihimutok na sana ako sa sama ng loob nang mapansin ko ang lungkot sa mukha ni Bibi Zion. Nasa tapat ko kasi ito, nakahalumbaba sa center table. Kanina naman ay akala ko ayaw lang niyang magstudy kami kaya tahimik lang siya pero ngayon ay hindi ko na talaga ito natiis at talagang puno ng lungkot ang mukha ng bibi ko.

“Dong?”

Sinilip ko ang kanyang sinasagutan. Tapos na pala siya.

“Mami?” Bakas sa kanyang tinig ang kalungkutan.

Tumayo ako at iniwan ang teleponong nag-vibrate.

Umupo sa carpet kung saan si Zion at binuhat ko ito. Kinandong ko siya.

“Bakit malungkot ang beshy ko?”

Gulong tumingala sa akin si Zion.

“Bakit malungkot ang bibi ko?” Ulit ko tuloy.

“Mami…” Muli itong yumuko at pinaglaruan ang tela ng aking tshirt. Sunod ay tumaas-baba na ang balikat nito.

Sinilip ko ang mukha niya at namgamba ako sa biglang pagbuhos ng malalaking butil ng luha sa kanyang mga mata. Ang malalaking butil ng luha niya ay walang tigil sa kakaagos.

“B-bibi… may masakit ba sa’yo, dong? Masakit ang tiyan mo? Ang ngipin mo?” Natataranta kong tanong dito.

Umiling ito. Inayos ko ang pagkakakandong niya sa akin at pinunasan ko ang kanyang mga pisngi na basang-basa gamit ang aking tshirt. Tinago ni Zion ang mukha sa aking dibdib. Hinagod ko ang likod nito nang humagulhol na siya.

“Dong,”

“Sorry, Mami.” Hikbi nito.

“Dong, naunsa ka (anong nangyari sa’yo)?”

Humihikbi siyang umahon mula sa pagkakatago ng mukha niya sa aking dibdiban.

“Sorry, Mami dahil po sa akin na hurt po ikaw ni Mommy Kyline. You have wounds na po because of me.”

Kinulong ko ang mukha ni bibi Zion gamit ang aking palad na walang kalyo. Pagkuwan naman ay pinupunas ko ang likod ng aking palad sa kanyang basang pisngi. Ginoo ko ! ’Pag ito nakita ni Xavier na pinapaiyak ko ang anak niya, ako na naman ang nalilintikan no’n. Na-leksyon na ako no’n kagabi at ayaw ko na ng round two. Masyado akong kinakabahan.

“ Dong , wala kang kasalan, oki? ’Wag ka na umiyak, ha. Hindi naman masakit ang mga sugat ko. Huwag mo sisihin ang sarili mo, huh? Love ka ni Mami kaya ginawa ko iyon.“

“Pero nagkasugat ka, Mami ko. Baka po magkapiklat po ikaw.”

“Ang daddy mo na bahala kapag nagkapiklat ako, dong . Oki?”

Nalukot ang noo ni bibi Zion pero sa huli ay tumango naman siya. Pinainom ko ng tubig si Zion. Kinuha ko ang aking telepono at napansin ko ang dalawang mensahe ni Kuya Camelot.

‘Mag-ingat ka d’yan. Namimiss ka ni Mama.’

‘Kung ayaw mo na d’yan, umuwi ka na rito sa Cebu. Baka minamaltrato ka na d’yan.’

Nagtipa ako ng reply kay Kuya Camelot at sunod akong gumawa ng mensahe para kay Jewel na bibisita ako sa kanilang bahay.

Binihisan ko si Zion at nagpaalam kay Arianna na lalabas muna kami ni bibi Zion. Sinabihan ko na rin si Arianna na siya na ang bahalang magsabi kay Xavier dahil nahihiya pa ako kay ultimate crush.

Tamang pagkalabas namin ni Zion sa gate ng bahay ay may babaeng bumungad sa amin.

“Sino ka?” Kunot-noong tanong nito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at pabalik.

Another kontrabida ba itetch sa wala pang nangyayaring romance life namin ni Xavier? Emz! ’Di pa naman ako naka-move on kay bruhildang Kyline.


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 11

Chapter 1

1

Mark Lawrence Pov

I’m still in own? Owe? Awe? Aw? Aw? Awkward? Tsk! Gulat pa rin ako sa babaeng bumungad sa amin ng aking bibi Zion. At kagaya ko na may precious face at pang kabog na katawan. Bakas din sa mukha ng ate girl ninyo ang gulat at… pagkadisgusto nang makita ang aking precious face. Well, the feeling is mutual. Hindi ko rin siya feel na magustuhan.

Istrikta nitong pinagkrus ang braso sa harap ng kanyang dibdib na walang Mount Makiling. Hindi binayayaan ang inyong ate girl. Tinaas niya ang kilay at mata sa mata akong tiningnan bago niya pinasadahan ulit ang aking pang Miss Universe na katawan.

Pero in all fairness naman si Ate Girl ninyo ay… kagaya ko nga may precious face (maganda) rin. She has a slender body and really white skin. Bagsak ang kanyang maitim na buhok na hanggang balikat. Very natural ang kanyang hair! Ang kanyang suot na beige dress ay yumayakap ng husto sa kanyang maliit na katawan. Pero parang familiarization (pamilyar) ang kanyang mga mata.

Maganda ang ate girl ninyo pero never akong nakaramdam ng security (insecurities) dahil alam ko na mas precious pa rin ako kaysa rito. I know my price tag (worth).

“Ate Xaña!” sigaw bigla ni Zion sa aking tabi at bumitiw mula sa aking pagkakahawak.

Sinugod ni bibi Zion ang ate girl at saka mabilis na yumakap si Zion sa hita nito.

“Z!” Umupo si Ate Girl at niyakap si Zion.

Nagyakapan silang dalawa sa harapan ko and I feel betrayed.

“How are you?” tanong ni Ate Girl at yakap-yakap pa rin si Zion.

“I’m fine po, Ate Xaña.”

Pinanood ko lang ang kanilang drama sa aking harapan. Naging invisible bigla ako sa kanilang mundo.

Kumalas sila sa kanilang yakapan. Sunuri ni Ate Girl ang katawan ng aking bibi Zion.

“Pinag-alala mo kami, Z. Sobra kaming nag-alala no’ng nawala ka. Ano ba ang nangyari, Z? Tell us.” Batid ko ang pagsusumamo ni Ate Girl kay Zion na magsalita at sagutin siya kaso yumuko lang si Zion at umiling.

Ganyan din siya kapag tinatanong ni Xavier. Ayaw niyang magsalita. Nangangati na nga akong ipatingin na rin ang bata sa espesyalista para matulungan ito sa kanyang trauma kung meron man. Kaso kahit na gano’n ayaw ko namang pangunahan si Xavier sa kanyang mga hakbang na gagawin sa anak niya. Yaya lang ako. Siya ama.

“Pumasok muna-” natigil si Ate Girl nang mapansin na nakatingin pa rin ako sa kanila. “Who are you again?”

“Coming all the way from the Province of Cebu, Mark-”

“Si Mami Lawrence ko po, Ate Xaña. Mami, si Ate Xaña po, kapatid ni Daddy.”

Natuptop ko ang aking labi. O.M.G! Ang dami ko nang mga naiisip tungkol kay Ate Girl kanina pero heto’t kapatid pala ito ni ultimate crush! Kaya naman pala super precious niya! At kaya rin pala super familiarization niya kasi kapatid siya ng aking iniirog!

That means hindi nagbibiro sa akin si Xavier no’ng sinabi niya na may mga kapatid siya!? O.M.G! Dalandan talaga real na real!

“Pak! Pak! Ganern-ganern, dong ?”

“Yes, mami! Pak! Pak! Ganern-ganern po!”

“I get it. Ikaw ang bagong yaya ni Z from Cebu?” saad niya at napatango-tango. Huminga siya ng malalim.

Matagal bago nagsink in sa aking utak na kapatid talaga ni ultimate crush itong nakakausap at naharap ko ngayon.

Oh my god! Sister-in-law ko pala ito!

“Xaña, Xavier’s older sister.”

“Mark Lawrence po, ang future asawa ng kapatid ninyo.”

“Huh?” Nawala sa poise si Ate Xaña dahil sa aking isiniwalat na balita.

“I mean, yaya po ni Zion, M-ma’am Xaña.” Pagbawi ko naman dahil baka kung ano na ang gawin nito sa aking precious face. Uso pa naman sa mga palabas ang mga kontrabidang sisters ng mga male lead.

Umiling siya. “Call me Ate Xaña,” she said, smiling.

Pipi akong tumili dahil sa ganda ng boses ni ate Xaña. Don’t me, ate na ang tawag ko sa kapatid ng aking ultimate crush.

Sa huli ay nakapagdesisyon si Ate Xaña na pumasok sa loob ng bahay. Bumalik na rin kami ni Zion sa loob dahil sa biglaang pagdating ni Ate Xaña. Postponed muna ang explorer namin sa bahay ni Jewel, my friendshipness.

Habang pabalik kami sa loob ng bahay ay nag-text na ako kay Jewel. Baka umasa at maghintay ang tao na pupunta ako sa kanilang bahay tapos ’di ako makarating. Ayaw ko no’n kasi alam ko ang pakiramdam ng umasa at maghintay. Eme! Kay Xavier lang maghihintay at aasa. Bagong motto ng buhay ko iyon.

Tumgil ako sa paglalakad at nagtipa ng mensahe.

To Jewel: Jewel, sorry. Hindi ako makakatuloy d’yan sa bahay mo.

From Jewel:

Omo, why? Magpa-deliver pa naman ako ng pizza for us. What na ang gagawin ko sa mga in-order ko?

Napanguso ako. Grabe naman itong si Jewel. Kaso may kasalanan din naman ako kasi nag-text na ako sa kanya na pupunta kami ni bibi Zion.

Sumulpot pa ang sunod na text ni Jewel.

From Jewel:

A lot pa naman ang na-order ko, friendship.

Huminga ako ng malalim, nag-reply.

To Jewel: Fine, pupunta ako d’yan pero mamaya na since dumating ang aking sister-in-law.

From Jewel:

Omo! For real? May sister-in-law na you?

To Jewel: Eme, lang. Dumating ang kapatid ng amo ko.

From Jewel:

Okay, I make hintay pa rin sa’yo rito sa house. We will eat the foods na when you’re here na.

To Jewel: Sige, friendship.

Hinabol ko sina Zion at ate Xaña. Gulat ang faceless ni Arianna nang makita kami ni bibi Zion na agad lang nakabalik.

“Good morning po, Ma’am Xaña.”

Binati ni Arianna si Ate Xaña, may dalang feather duster si ateng Arianna. At talagang sumaglit pa siya sa akin, sinundot niya ang aking waist.

“Lawrence, hindi kayo natuloy ni Zion sa inyong lakad?”

Natikom ko ang aking bibig. Pasiring kong tiningnan si Arianna.

“Obviously (Obvious) ba Arianna? Kita mo nang nandirito na kami.”

Ngumisi lang ito sa akin at feeling close niyang sinundot ang aking tagiliran. Napaikot ako sa aking eyeballs at ginantihan si Arianna.

“Ahw!” reklamo nito sa aking sundot sa kanya. Medyo napalakas lang.

“Bumalik ka na sa work mo.” Pabulong kong wika sa kanya.

Ngiwing bumalik si Arianna sa kanyang ginagawa. Hawak din niya ang tagilirang aking nasundot kanina.

“Ate,” emz! Ang sarap banggitin ng katagang ‘ate’ feel na feel ko na talaga na gustong-gusto ako nitong si Ate Xaña. Well, baka unlike sa kanyang nakababatang kapatid, my ultimate crush, Xavier Faliero, ay nakita ni Ate Xaña ang aking price tag. “ano po ang gusto ninyo? Water? Juice? Or may request ka po bang refreshments or foods?”

Prenteng umupo si Ate Xaña sa sofa at nag-crosslegs, pinapainggit ako ni Ate Xaña sa kanyang mahabang legs. Matangkad ako pero hindi kagaya sa kanya na. Kaya ang sarap magpalahi sa dugo nila, eh.

“I’m actually full, so a glass of water would do.”

“Ikaw dong ? May gusto ka?”

Umiling ang bibi ko.

“Wala, mami,” tugon niya naman.

Tumango ako at handa nang mag-walkout upang kunan ng water si Ate Xaña nang kanya akong pigilan.

“Stay here, Lawrence. I wanna talk to you.” Pigil ni Ate sa akin, kanya namang tinawag si Arianna. At ito na ang inutusan niyang kumuha ng tubig.

“Please sit here.” Tinapik ni Ate ang space sa kanyang tabi.

Mabini-bini naman akong umupo roon. Syempre, ayaw kong ma-turn off sa akin ang sister-in-law. Ayaw na nga ng kapatid niya sa akin pati ba naman ito.

“Look, Ate, I solved these problems, po.” Pinagmalaki naman ni Zion ang kanyang mga sinagutang mga problems kanina.

“Wow,” puri ni Ate Xaña sa pamangkin. “You’re so smart, Z. Pwede ka bang mag-solve ng ibang problems? Iyong ako ang gagawa?”

Maganang tumango si Zion. “Sure po, ate.”

Gumawa ng mga problems si Ate Xaña para kay Zion. Bumalik si Arianna dala ang isang baso ng tubig at kanya itong nilapag sa center table. Dinismiss naman kaagad ni Ate Xaña si Arianna upang makabalik ito na naiwang gawain.

Matapos gawin ng mga problems ni ate Xaña si Zion ay tumalima naman kaagad ang bata upang sagutan ang mga tanong. Umupo si Zion sa carpeted na sahig.

Nag-thumb’s up naman ako sa kanya.

“Anyway, Lawrence, isn’t it?”

“Opo,” pabebe kong sagot kay Ate at swabeng inayos ang aking takas na buhok sa likod ng aking tenga. Eme! ’Di naman kahabaan ang buhok ko. Nag-iinarte lang ulit ako.

Binaba ko ang kamay sa aking tuhod. Ang hirap magpigil. Ang hirap magpakabait at magpanggap na hindi ka malikot. Tila sumasakit ang aking buto kapag ’di naglilikot.

Napaigtad ako sa biglaang paghawak ni Ate Xaña sa aking kamay. Emz! Pareho lang ang shade ng kutis namin ni Ate Xaña.

“Thank you. Thank you so much for saving my nephew, Lawrence. Hindi mo lang alam kung gaano kami ka-thankful nang malamang nasa Cebu si Z.”

“Enebe, Ate. Wala iyon. Saka nagkataon lang po talaga siguro na napadpad ako sa gubat na iyon.”

Ang nakangiting labi ni Ate ay napalitan ng kalungkutan. Saglit niyang binalingan si Zion na nagsusulat.

“It really was. It was a blessing na napadpad ka sa lugar na iyon, Lawrence. Kung hindi dahil sa’yo, hindi namin alam kung saan namin hahanapin ang anak ng kapatid ko.”

Papaano kaya kung hindi ko binalikan si Zion doon sa gubat dati? Ano kaya ang mangyayari kay Zion doon sa gubat? And in the first place, papaano kung hindi ako tumakbo sa mga nagnakaw sa akin? Our lives would not be entangled as what we have right now. I may remains in the province. Hindi ko makikilala ang mga maids dito, si Arianna, si Xavier and of course, si Zion.

“But Lawrence, wala ka ba talagang napansin o wala ba talagang sinabi si Zion sa’yo kung bakit siya napadpad sa Cebu? Ang… ang layo lang kasi ng lugar. Imagine from Manila to Cebu.” Gulong-gulo na saad ni Ate Xaña.

Hindi man abot ng aking imagination kung gaano kalayo ang Manila to Cebu, batid ko pa rin ang pagkabagabag ni Ate.

“Ewan ko po. Kagaya po ninyo,” tiningnan ko si Zion. Pukos na pukos siyang sumasagot doon sa tanong na binigay sa kanya ni ate Xaña. “hindi po ako sinasagot ni Zion kapag nagtatanong ako sa kanya tungkol sa pagkapadpad niya sa gubat.”

Mabigat na huminga si Ate Xaña.

“My brother is so busy right now. Kaya kung hindi siya gagalaw. Ako. Ako ang gagawa ng paraan para lang maimbestigahan ito.” May determinasyong wika ni Ate.

“Wala ka ba rito nang mawala si Zion, ate?”

“Yes, nasa ibang bansa ako. Nasa London ako.”

Ey! Nasa Lenden pala si Ate Xaña.


Umalis si Ate Xaña kinagabihan. Naghapunan lang siya at saglit na hinintay ang kapatid kaso hindi pa rin kasi dumarating si Xavier.

Binasahan ko lang ng fairytale si Zion at nakatulog naman kaagad ito. Tiningnan ko ang aircon ng kwarto bago lumabas.

At dahil may pangako nga ako kay Jewel na pupunta ako sa kanyang bahay. Nagpasundo ako sa aking friendship dahil hindi ko rin naman alam kung saan ang kanilang bahay. Pero, syempre hindi ako naghintay sa kanya sa labas ng bahay ni Xavier.

“Friendship!” sigaw ni Jewel mula sa loob ng kanyang kotse.

Kinamay niya ako at hindi na rin ako nag-inarte pa at pumasok sa loob ng kotse since malamig na at nag short shorts pa ako.

“Thanks, friendship. Sorry sa abala. Ako pa ang bibisita sa bahay mo tapos ako pa ang nagpasundo.”

Winiwasiwas niya ang kamay sa akin.

“It’s nothing, friendship.”

Nang makarating kami sa bahay ni friendship Jewel ay namangha ako sa laki ng kanilang bahay. Bigla tuloy akong nag-alala kung papaano nililinisan ni Jewel itong buong bahay ng mag-isa.

Inimbita na ako sa loob ni Jewel at mas namangha lang ako sa loob ng bahay. At nang makarating kami sa sala ay nando’n ang mga fries, pizza, soda, Chuckie- ang favorite drink ni Jewel, at ilan pang makakain. Mabuti na lang talaga at konti lang ang kinain ko kanina.

“Wow! Ang dami naman nito, Friendship.”

“I told you kanina nga remember?”

Tumango ako sa kanya. Nakita kong natutulog na si Chucky, ang kanyang aso.

“Ang laki talaga ng house mo, friendship,” usal ko habang nginunguya ang pagkain sa loob ng aking bibig. Hindi ko na mapigilang saad.

“Hmm, but it feels so empty.” Malungkot na saad ni Jewel habang kumakain ng fries.

“’Ba ’yan! Nandito na ako, friendship. Mag-party-party tayo rito sa bahay ninyo! Bulabugin natin ang mga multo sa bahay ninyo!”

Bumulanggit ng tawa si Jewel. Actually, hindi naman ako madaling ma-attach sa isang tao. Mula pa man noon ay parang may nilagay na akong boundary o imagination (imaginary) boundary sa akin at sa mga tao sa paligid ko.

Minsan na kasi akong nagkaroon ng friendship dati pero pasimple na pala ako no’ng bina-backstab. Alam n’yo ’yon, iyong tiwalang-tiwala ka na sa isang tao tapos iyong mga sinasabi mo sa kanya na dapat ay sa inyo lang ay sinasabi niya sa iba. Ang mas malala ay gagamitin pa iyon laban sa iyo. At ang mas masakit isa siya sa nambu-bully sa akin. My fake friend also thinks that I’m a weirdo. College na kami pero isip bagets pa rin iyong fake friendship ko na iyon. Mabuti na lang mabilis akong naka-move on sa kanya.

Pero itong si Jewel, kaagad niyang nasalakay sa puso ko. Pakiramdam ko, kaya rin siguro madali akong napalapit kay Jewel kasi pareho kami. Pareho kaming masayahing tao kaso pareho rin kaming tinatago ang totoong nararamdaman at hinanakit sa mundo sa pamamagitan ng tawa at pagbibiro. Kaya, sana hindi na siya kagaya noong friendship ko rati. Nakakatakot na kasing magtiwala.

Nagtagal ako sa bahay ni Jewel dahil nanood din kami ng movies. Alas onse na ako nakauwi at salamat dahil kanya naman akong hinatid.

Pa-hum hum ako nang music habang naglalakad tungo sa human gate ng bahay. At dahil kilala na ako ng guard ay kanya ako pinagbuksan.

“Sir, kanina pa po kayo hinahanap ni Mr. Faliero,” wika ni Manong guard sa akin.

“Huh?”

“Naku, sir. Pumasok na lang po kayo. Gabing gabi na.”

Pagkapasok ko ay natampal ko ang aking noo. Oo nga pala! Hindi ako nagpaalam na aalis. Yawa! Mal-leksiyon na naman ako nito ngayon.

Tinakbo ang main door. Maingat kong binuksan ang pintuan. Takot na takot akong makagawa ng ingay at nakahinga ako ng maluwag nang magtagumpay. Kaso halos lumipad pati ang dandruffs ko sa ulo nang may biglang magsalita.

“At saan ka galing!?”

Nahigit kong muli ang aking hininga at napahawak sa aking puso nang sumipa ang kakaibang kaba rito sa biglaang pagbukas ng ilaw. Humarantado ang puso ko nang makita ko si Xavier na naglalakad tungo sa akin.

Nakasuot siya ng maluwag na pants at isang puting sleeveless shirt na pinatungan niya ng isang mahabang cardigan. Humulma ang panga ni Xavier habang ang mga kamay niya naman ay nakasalampak sa bulsa ng kanyang maluwag na pants. Mukhang patutulog na siya.

“X-Xavier,” nautal ako dahil sa nakakabaliw na pintig ng puso ko.

Mas lumapit siya sa akin at ang paa ko naman ay kusang humakbang paatras dahil sa galit na ekspresyon ni Xavier.

“Hindi mo ba talaga patatahimikin ang utak ko, huh!”

Napatalon ako sa kanyang dumadagundong na boses.

“Xavier…” Parang daga umuk-ok sa isang sulok dahil takot. Parang mangangain na si Xavier!

“Saan ka galing? At putangina…” Batid kong may sasabihin pa sana siya kaso mukhang nahihirapan siyang bitiwan ang mga iyon.

“Sagot!” Bulyaw niya.

“S-sa bahay ng friendship ko. D’yan lang… sorry. Sorry, Xavier. Sorry talaga.” Natataranta kong sagot sa kanya.

“Sa labas tapos… tapos ganyan ang suot mo?” Aniya na may pangungutya ang tono.

“H-huh?”

“Huh?” Ginaya niya ako pero nagpipigil na ito sa kanyang galit. “Nagshorts ka sa labas tapos gabi? Really, Mark Lawrence? At sa bahay pa ng kaibigan mo?”

Lumabi ako, yumuko. “D’yan lang naman… tapos babae naman ang friendship ko. At… wala namang masama sa suot ko.”

“Fck your reasons! ’Wag kang lumabas nang hindi nagpapaalam, Lawrence. Nasa bahay kita, kaya responsibilidad kita.”

“Sorry.”

Tumalikod na siya sa akin.

“At… ’yang suot mo. Huwag kang lumabas na ganyan lang ang tela sa katawan mo.”


Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

CHAPTER 12

Chapter 12

Mark Lawrence

Pov

Ngumuso ako habang sinisipat ko ang aking suot sa full body mirror dito sa aking closet. Oo, closet kasi bonggang-bongga ang silid ko rito sa big brother house ni Xavier.

Sa totoo lang hindi pa naka-move on ang utak ko sa sinabi ni Xavier sa akin kagabi. I mean, pinagalitan niya pala ako kagabi. Na-hurt ng very, very slight ang heart ko roon. Hmm, slight lang muna kasi wala pang karapatan. Emz! So, ayon na nga na-hurt ako ro’n sa mga sinabi ni Xavier at hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya na nags-short shorts ako. ’No pakels niya? Kaya naman ngayon ay nagshort shorts na naman ako with matching oversized t-shirt na may printang ‘WDYC’ abbreviation sa ‘why do you care!?’ Sasampal ko ’to sa gwapong mukha ni Xavier!

Ngayon kasi ay finally matutuloy na ang meet-up namin ni kuya Carl. Excited na excited na ako dahil matagal ko na rin kasing hindi nakita si Kuya. I miss him so much!

“Pak na pak ang ganda ko ngayon!” Eksaherada ko sa harap ng salamin at tinampal-tampal ang pisngi upang lumitaw ang natural na pagka-pinkish doon. Pak! Hinigitan ko pa ang ganda ni Kathryn Bernardo!

Lumabas ako sa silid at kahit na gulong-gulo pa ang utak ko sa inasta ni Xavier no’ng nakaraang gabi, fresh na fresh pa naman ako now. Kinulang ako sa tulog at lahat-lahat na ngunit gumising pa rin akong pretty at fresh ang aking precious face. Palong-palo ang ganda ko ngayon. Naf-feel ko kasi siya. Ganito talaga siguro kapag pinagpala ka.

Ngunit ang ganda ng aking gising ay napalitan pagkagusot sa aking mukha nang magkasalubong kami ni Xavier papasok sa dining area.

Tamad na tamad ang mukha ng aking ultimate crush. Mukhang nagising sa maling bahagi ng kanyang California King Bed by Rihanna.

Ang aking walang ka-wrinkles-wrinkles na noo ay nagusot nang makita ko itong hindi pa nakahanda sa kanyang trabaho- nakapambahay lang si Xavier. Suot niya ang isang simpleng grey sleeveless shirt, cotton shorts, at nakatsinelas lang. Emz! ’Bat ang gwapo-gwapo ng ultimate crush ko kahit na ganito lang ang suot niya? Tsk! Kahit yata basahan ay babagay sa kanya. Dagdag points din sa akin ang kanyang batak na batak na muscles, huh! Sarap kurutin, ang sarap lumambinit doon.

Ngumiti na lang ako kay Xavier kahit may hinanakit pa ako sa kanya mula kagabi. Bumabawi kasi ang datingan niya ngayon sa akin. Kaya kahit na hindi siya nags-sorry, pinapatawad ko siya.

“Magandang umaga, Xavier, my daddy, my honey, my loviedubs!” Hundred one percent kong bati kay Xavier.

At dahil si Xavier Faleiro siya na aking ultimate crush, tinaasan lang niya ako sa kanyang isang kilay at pinasadahan ng isang matalim na tingin ang aking outfit for todayz video! Hulaan ko, gandang-ganda na naman ’to sa akin, seksing-seksi na ako nito sa kanyang mga mata, ayaw lang niya aminin. Well, baka kasi takot lang ’to umamin. Babysitter lang kasi ako na pang-two months lang.

“What did I tell you last night?” Istrikto niyang tanong sa akin. ’Di man lang aki binati ng ‘good morning’.

Napakamot ako sa aking batok. Ano ’to? Surprise quiz sa nirat-rat niya sa akin kagabi?

“Sorry, next question,” hilaw kong saad kay Xavier.

Napasinghap ito at napahilamos sa kanyang palad. Tila nakukunsumi na sa akin.

“Saan ang lakad mo at ganyan ang suot mo?” aniya, pointing my very nice outfit.

“Ah, d’yan lang sa labas. Magkikita kami ng kaptid ko. Alam mo na. Nagw-work dito si Kuya Carl pero hindi man lang kami nagkikita. Baka umuwi na akong Cebu at ’di man lang kami nagkita. Kaya naman kukunin ko na ang opportunity na ito na magkita kami ni Kuya. At saka huwag kang humadlang kasi aalis ako kahit ayaw mo.” Wika ko kay Xavier, hiningal ako roon, ah. Hindi talaga bagay sa akin ang speech-speech na iyan. Nakaka-stress sa split-ends ng aking buhok.

“Saan?” tanong ni Xavier at nagtatagpo na ang kilay. Hay! Ang gwapo talaga kahit galit na galit na.

Kaya crush na crush ko, eh.

Ipinakita ko sa kanya ang text ni Kuya Carl sa akin.

“Sa isang restaurant lang, ayan ang text ni Kuya sa akin pati ang address. Magta-taxi na lang ako tungo ro’n since ’di ko alam ang daan-”

At dahil walang hiya rin minsan itong si ultimate crush, pinutol niya ako.

“I will take you there.”

“Bongga ka d’yan! Makakatipid ako! Thank you, daddy, honey, loviedubs ko!”

“Shut up! Don’t call me that way it gave me chills!” Maarteng wika ni ultimate crush at saka ako iniwan.

Naipadyak ko ang aking paa sa sahig at napasuntok sa ere. Akala ko hahayaan na niya akong tawagin siyang ganoon.

After our breakfast, kinuha ko na ang aking maliit na bag na cellphone lang ang laman.

“Mami, where are you going po? Can Dong tag along po?” Ang kulit sa akin ni Zion nang makita niya akong palabas ng main door.

Ginoo ko! Sana pala sa back door na lang ako dumaan.

“Gagala muna si Mami, Dong ,” ani ko.

“How about me, Mami?” tanong ni Zion na tila ba iyon ang malaki niyang problema.

Og mabiyaan lagi ko aning Xavier, sala jud ning Zion!

“ Diri raka, Dong . Maiiwan ka rito.“

“Mami,”

“Sabi ko, dito ka lang. Sandali lang naman si Mami.”

Tumalikod ako upang makita si Zion sa aking likuran pero ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita ko itong namumula na ang mga mata at lumalabi. Wari’y pinipigilan niya ang luhang nagbabadyang umagos.

“ D-Dong .“ Lumuhod ako. “Hindi naman aalis si Mami, Dong . Kikitaan lang ni Mami ang kanyang Kuya. Babalik din ako kaagad.”

Hindi ito nagsalita at nang tumulo ang kanyang luha ay kaagad niya itong pinalis.

Aish! Nagpapakonsensya pa talaga sa akin!

“Z!”

Ako ay napalingon nang marinig ang baritong boses ni Xavier, my daddy, honey, and loviedubs!

“Daddy,” mahinang usal ni Zion.

Para akong timang na nakangiti habang naglalakad si Xavier tungo sa amin ni Zion. Amp! Ka-gwapo jud oi! Halatang ’di magiging akin!

“You want to come along?” saad ni Xavier kay Zion.

Nagpakyut din si Zion sa ama niya at tumango.

“Ay?” Alma ko sana kaso sumingit naman si Xavier.

“Okay,” si Xavier at saka binuhat si Zion tungo sa kanyang kotseng nakaparada.

“Oi! Kikitain ko lang naman ang kuya ko, Xavier. Hindi niyo naman kailangang sumama.” Wika ko habang hinahabol ang mahahabang hakbang ni Xavier! Ginoo ko!

Pumasok ako sa kotse at sinuot ang seatbelt. Hingal ako, ah!

“Lalabas na lang din kami ni Z.” si Xavier at binuhay ang makina ng kotse.

“Ay, doon din sa pupuntahan ko? Naku! Naku! Naku! Makikilala ka ng mga tao ro’n, Xavier!” Awat ko.

Dahan-dahan ay umusad na ang kotse.

“I rented the whole restaurant.” aniya.

“Huh!” Gulantang ko.

“I did rent the whole place,” walang gana niyang sagot sa akin.

“Huh!?” Ulit ko na naman kahit na gets ko naman.

Bumaling sa akin si Xavier at para bang sa paraan ng pagtitig niya ay sinasabi niyang, ‘Tanga ka ba? Bingi ka ba?’

“Ito naman. Jokie, jokie lang.” Nagpeace sign pa ako sa kanya, baka sakaling ma-fall sa akin.

Napailing na lang si Xavier dahil sa kalokohan ko at humingang malalim.

“Mami, si kuya Camelot po ang kikitain natin?” tanong ni bibi Zion sa akin nang nasa kalagitnaan kami sa aming joyride.

Tumingin ako sa rear view mirror at inilingan ang aking bibi.

“ Dili, dong . Si kuya Carl ang kikitain ko.“ Ani ko naman.

“I wanna meet him po, Mami.” Ngising-ngising untag ni bibi Zion na para bang gustong-gusto kong kasama siya, charot!

“Pwede rin, dong kung papayagan ka ng daddy mo.” Parinig ko kay Xavier.

“Why not?” Sabad naman ni Xavier.

“Yey! Thanks…” Si bibi Zion pero humina rin ang kanyang boses. “Thank you… daddy.”

“Be a good boy, okay?” Ngiting wika ni Xavier kay bibi Zion.

“Yes, po.”

Habang nasa byahe kami ni Xavier at Zion, hindi ko maiwasang hindi mag-ilusyon. Para kasing one happy family kami ni Xavier at Zion tapos syempre ako ang magandang ina sa aming pamilya.

Napatili ako sa sariling ilusyon at nagulat naman doon ang mag-ama.

“What the heck!?” Ngiwing anas ni Xavier.

“W-wala, hehehe!”

“Tsk!”


Pagkarating namin sa aming destination ay napa-wow na lang ako dahil hindi pala simpleng restaurant itong pinuntahan namin.

“Sure kang ito iyon, Xavier?” Paniniguro ko habang karga si Zion.

Inayos ni Xavier ang suot na itim na cap at sunod ay ang kanyang face mask. Ayiee! Parang serial killer lang sa mga movie, eh!

“Yeah, nabasa ko sa text ng kuya mo.” untag niya.

“Huh?”

“Huh?” May iritang gaya niya sa akin. “Pinakita mo sa akin ang message niya kanina, okay?”

“At naalala mo?” Gulat ko pa ring wika.

I saw how his tongue poked the side of his cheeks.

“Yeah. Now let’s get inside.”

Ngumuso na lang ako at naunang pumasok.

Binaba ko rin si Zion pagpasok namin. Yumuko pa iyong mga serbidor sa loob ng restaurant sa amin. Pakiramdam ko tuloy para akong Disney Princess. Emz!

“Wala namang ibang tao pero bakit ang OA ni ultimate crush? Bakit may pa mask-mask at cap siyang nalalaman.” Usal ko sa sarili, hindi namalayang maisatinig ko pala ang mga iyon.

At napatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si Xavier mula sa aking likuran.

“Dahil hindi tayo nakakasiguro. Baka may paparazzi or media sa labas. Ayaw kong pagpyestahan ang personal kong buhay sa media.” si Xavier.

Hindi ko alam kung nilagnat ba ako o kinumbulsyon bigla dahil pakiramdam ko ang init ng aking katawan. Tumatama kasi ang hininga ni Xavier sa aking batok.

Unti-unti akong lumingon kay Xavier, saglit na nawala sa isip ko si Zion na kasama namin. Doon ko nakita na nakababa pala hanggang sa kanyang ilong ang facemask na suot niya. Talagang pinagmamayabang siya sa aking harapan ang kanyang matangos na ilong. Sheyt!

My eyes lock into his; I feel like I am slowly drowning in his blue eyes. Tila nalulunod ako sa mga titig niya sa akin. ’Di ko alam kung may mali ba sa mga mata ko ngayon o ano, pero parang iba ang pinapakitang titig ni Xavier sa akin ngayon. Parang ang smooth (gentle).

“K-kasali ba ako sa personal mong buhay?” Usal ko mayamaya.

Halos malula na ako sa mga titig ni Xavier sa akin, para kasing hinanapan niya ng pores at blackheads ang aking mukha.

“You are,” halos bulong na niyang wika.

Nanlalaki ang mga mata ko nang unti-unting bumaba ang mukha ni Xavier. Gusto ko itong tampalin o hawakan kaso hindi ako makagalaw. Mistulang naging yelo na akong kinatatayuan.

Xavier’s nose almost touch mine nang biglang may humawak sa aking oversized t-shirt.

“Mami? Daddy?” si Zion.

Isang hakbang na umatras si Xavier at pareho naming niyuko si Zion. Hawak rin ni Zion ang hem ng t-shirt ni Xavier.

“Yes, Z?”

“ D-Dong ?“ ako at lutang pa rin.

Tsk! Nagkasabay pa kami ni Xavier, pero siya parang wala lang samantalang ako ay tila ginisa na sa init ng nararamdaman.

“Mark Lawrence!” Dahil sa pagtawag sa akin ni Kuya Carl ay tuluyan nang nawala ang atensyon ko kina Xavier lalo na nang hilahin na ako ni Kuya tungo sa aming table.

“Kumakain ka ba, Rence?” Ang tanong ni kuya sa akin.

Madrama akong humawak sa aking dibdib.

“Grabe ka naman sa akin, kuya. Kumakain naman ako, ’di ko na kasalanan kung hindi ako lumalaki o tumataba.” Tugon mo naman dito.

“Tsk! Anyway, I heard that this place is rented by Mr. Faleiro.” saad ni Kuya at sinulyapan ang mag-ama sa ’di kalayuan. Sumulyap si bibi Zion sa akin at todo ngiti naman sa akin ang bibi ko. Aish! Sana ganyan din ang ama mo sa akin, dong !

“Oo, na-tsika ko kasi sa kanya kanina na magkikita tayo, Kuya. Ayon lang.” Baliwalang saad ko.

“Rence,” sa biglaang pagseryoso ni Kuya Carl ay napatingin ako sa kanya.

“Hmm?”

Sumulyap ulit siya kay Xavier at Zion.

“Be careful, okay? Hindi ko gusto ang mga titig ng lalaking ’yan sa’yo. I don’t like him.” Babala ni kuya na kinatawa ko.

“Grabe ka naman, Kuya! Para namang may gagawing masama sa akin si Xavier kung maka-warning ka d’yan sa akin.” Natatawa kong wika pero nawala rin ang aking ngiti dahil nanatiling seryoso ang mga tingin ni kuya sa akin.

“Ay, ’no ba ’yan! H’wag na nga lang ’yan ang pag-usapan natin, Kuya. Mag-usap tayo tungkol sa buhay mo rito at sa work mo. Ang gara pa naman ng datingan mo ngayon, parang CEO lang ang peg mo today.” Pag-iiba ko sa usapan namin ni Kuya pero totoo naman kasi na ang gara ngayon ni Kuya, pormal na pormal siya.

“Hmm, but before anything else, gusto ko lang tanungin kung… wala ka na bang mga bad dreams like before? Or nakakatulog ka ba ng maayos ngayon?”

Magana akong tumango kay Kuya Carl.

“Oo, kuya… mabuti na naman ako. Hehe!”

Nagtsika-tsika lang kami ni Kuya tungkol sa kanyang trabaho. At nalaman kong panay pala ang travel niya dahil sa kanyang trabaho ngayon. Hanggang sa dumating ang aming pagkain.

Ang saya, kanina nang umalis kami sa big brother house ni Xavier kumain kami, ngayon kain na naman. Kain is life talaga!

“ Dong ,“ kinamay ko si Zion nang matapos kaming kumain ni Kuya. Bumaba siya sa silya at ngiting-ngiti lumapit sa akin.

“Mami!” Magiliw nitong wika.

Natawa ako nang may naiwan na smudge ng ice cream sa kanyang baba. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ito.

Kahit mahirap dahil may kabigatan na rin si Zion, binuhat ko ito at kinandong. Kita ko naman ang paglitaw ng pag-aalma sa mukha ni Kuya.

“Kuya Carl, ito ang binabantayan ko, si Zion Faleiro, dong , siya naman ang kuya ko, si kuya Carl.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

“Hello, kuya Carl!” Pakyut ni bibi Zion.

“Hello too, Zion.” Ganti naman ni Kuya.

“Kuya Carl hindi mo naman po kukunin ang Mami ko sa akin po, ’di ba?” saad ni Zion.

“Oi, dong !” Awat ko pero sumabat si Kuya.

“No, I won’t.”

“Thank you, Kuya Carl! Don’t worry, po because I love my Mami at good boy po ako always!”

Kapwa kami natawa ni Kuya Carl.

“Z, c’mere nag-uusap paxang Mami mo at kuya niya.” Biglang sumulpot si Xavier. “Xavier Faleiro, dude.”

Tumaas ang kilay ko sa biglaang pagpapakilala ni ultimate crush kay Kuya.

Oh my gosh! Mamamanhikan na ba ito?

“Carl,” tipid na wika ni Kuya at matagal pa talagang tinanggap ang kamay ni Xavier!

Ginoo ko! Si Kuya pakipot din!

“Nirentahan mo pala ang buong restaurant. Salamat.” Pahabol ni Kuya.

“It’s nothing.” Hambog namang wika ni Xavier, jusko! Galawan mo Xavier! Halatang pa-fall! Emz!

Half-day rin kaming nagstay sa restaurant bago umuwi. Nakatulog nga si Zion kaya naman kinandong ko na ito pauwi sa big brother house ni Xavier.

“Salamat ngayon, ultimate crush. Nagka-quality time rin tayong magpamilya.” Arte ko.

“What?” Xavier stressed out!

“Hehe! Jokie lang! Pero seryoso ako sa pasasalamat ko sa’yo. I swear ma-fall ka man sa akin.”

Malaya kong nalalandi si Xavier, tulog kasi ang bibi Zion.

Ngising-ngising ako kay Xavier nang bigla itong lumingon sa akin na may nakapaskil na nakakaakit na ngiti sa mga labi.

Muntik ko nang mahubad ang suot kong underwear doon.

“Fall, huh?”

“Oo naman!”

“Don’t kid like that, Lawrence. You can’t handle me when that happens.”


Thank you for reading, Engels!

꧁A | E꧂

  • dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section.

CHAPTER 13

Chapter 13

Mark Lawrence Pov

“Hindi ba talaga natin pwedeng pilitin? I said, I like you. I know it’s not enough at alam kong imposible na maniwala ka kaagad dahil sa mga ginawa at mga masasamang nasabi ko sa’yo. Pero… sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sa’yo kung gaano ako ka-desido at seryoso sa’yo, Lawrence.” Ang wika ni Xavier sa akin habang nakahawak sa libre kong kamay.

Seriousness! Nanlalamig ang mga kamay ko, nanginginig, at tila dinuduyan ako sa ulap habang nakatingin kay Xavier. Isabay pa ang malamig na simoy ng hangin dito sa labas ngayon. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkaseryoso, pagpapakatotoo, at ang kanyang katapatan. Ang lalim ng titig ni Xavier sa akin ngayon ay kagaya ng gabing tahimik, nakakapanatag pero dala rin ang isang panganib. Emz! Kaya hulog na hulog ako rito, eh!

Wari’y nakalimutan ko kung papaano magsalita sa sobrang lunod ko sa mga titig sa akin ni Xavier. Hindi na rin magkamayaw ang puso ko sa loob ng aking dibdib. Halos masinok na nga ako.

“A-Ahh… huwag mo nang ituloy ang binabalak mo, Xavier. May mahal na akong iba.” Ganti ko rin naman dito. Pilit kong tinitigasan ang aking boses at maging seryoso kaso para na akong nakikiliti rito.

“Just… just give me a chance, Lawrence. Hindi ko sasayangin kapag binigyan mo ako ng isang pagkakataon.” Pilit pa nito at humigpit ang pagkakahawak sa aking kamay.

Hindi ko na naitago pa ang kilig na aking naramdaman.

“Ahhhh!!! Yes na yes for you, Xavier! Kahit kasal hingin mo forda go na! Magpropose ka lang ako na bahala sa kasal natin!” Pagwawala ko sa harapan ni Xavier at nalukot ng isang kamay ko ang hawak na bondpaper.

Pabagsak na binitiwan ni Xavier ang aking kamay.

“The heck, Lawrence!” Asik niya.

Ako naman ay todo ang ngisi, halos mapunit na ang mga labi sa laki ng aking ngiti. Shocks! Paano kumalma?!

“Ehh! Papaano ako kakalma rito kung ganyan ka sa akin?” Pabebe kong untag dito. 

He rolled his eyes and held out his hand.

Pabebe ko namang inabot ang kamay ni Xavier at pinagsiklop ang aming mga daliri.

“Ay!” Sambit ko sa biglang pagwaksi ni Xavier sa aking kamay.

“The script, akin na ng script.”

Ngumunguso kong inabot sa kanya ang script.

“Ang unfair, huh! Matapos kitang samahan dito sa pagsasaulo mo d’yan sa script mo, gagantuhin mo ako? Wala man lang bang kiss d’yan!” Pagpaparinig ko kay Xavier, medyo inartehan ko rin ang aking boses upang kapani-paniwala ako sa kanyang pandinig.

Tamad akong tiningnan ni Xavier.

“Huwag mong gawing biro ang lahat, Lawrence.” Aniya.

Lumipad ang kamay ko sa aking dibdib, madamdamin akong napamaang sa lalaki at pinanlakihan ito sa aking mga precious eyes.

“Sino ba nagsasabi sa’yong nagbibiro ako? Forda go! Kiss na!” I said, ngumuso ako kay Xavier at pinikit ang aking mga mata.

I lean forward, nag-waitness ako na dumapo sa aking mga malalambot at masarap na lips ang labi ni Xavier. Ngunit sa kasamaang palad iba ang dumapo sa akin. Ang pitik sa aking noo ang nagpamulat sa akin.

“Ahhw!” Ngiwing sambit ko at napahimas sa aking noo na walang awang pinitik ni ultimate crush.

“Kakasabi ko lang, huwag kang magbibiro.” Wika ni Xavier, sumandal siya sa lounger at tumingin sa madilim na kalangitan.

“Kakasabi ko lang din na hindi ako nagbibiro, my daddy, my honey, my loviedubs.” Bwelta ko naman rito.

Kita ko ang paggalaw hulamadong panga ni Xavier. Oh my god!

“Ganyan ka ba?”

“Huh?”

Umirap siya sa akin. Shocks!

“Ganyan ka ba, nagbibiro ka ba sa mga lalaki mo ng ganyan? Nanghihingi ka rin ba ng halik sa kanila?” tanong niya at nagtatagpo na ang kilay.

“Ha! Ha! Hahahaha! Hindi ’no! Maarte kaya ako kahit hindi halata! Saka anong mga lalaki?” Matigas ko namang tanggi kay Xavier.

Nagkibit lang siya sa kanyang malalapad na balikat. Emz! Pwedeng-pwede na akong kumapit doon! Lalambinit na tila isang magandang prinsesa!

“Ikaw lang. Ikaw lang naman ang gusto kong halikan.” Ani ko sa mababang boses, ewan ko kung nakarating ba mga sinabi ko sa kanya.

“I’m your celebrity crush. That’s it right?”

Ngumunguso akong tumango sa kanya.

“Kung hahalikan kita titigil ka?” Sunod na sabi ni Xavier.

Bigla akong sininuk sa sinabi ni Xavier, naghintay ako kung may pahabol ba siyang joke doon sa kanyang sinabi ngunit wala na. Seryoso lang na nakatitig sa akin ang nga tila pagod na mga mata. Nakakahumaling pa ang kanyang mga mata na pinapatingkad ng buwan na nagre-reflect sa pool.

Yawa! Mao nani? First kiss ko na ba ito? Bibigay na ba ako? Iti-text ko ba si Mama Aubrey na isusuko ko na aking kabataan? Gosh!

Umurong ang lahat sa akin, parang tinakasan ako ng aking tapang at nang aking guts!

Mama ! Muntik na akong mapasigaw kasabay ng pag-alpas ng aking damdamin sa kakaibang ritmo.

At nang tumayo si Xavier mula sa kanyang kinauupuan ay tila mas natuod ko sa aking pwesto. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Wari’y magpapakain lang kung kakainin!

Nanlalaki ang aking mga mata nang itungkod na ni Xavier ang kanyang isang kamay sa sandalan ng lounger kung nasaan ako.

Dahan-dahan ay ibinaba ni Xavier ang mukha tungo sa akin. Ang kanyang mababango at maiinit hininga ay tumatama na sa aking mukha.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at naghintay sa paglapat ng mga labi ni Xavier sa akin. Ganito naman ’ di ba? Ganito naman ang ginagawa ng mga naghahalikan sa TV? Pinipikit nila ang kanilang mga mata upang hindi nila makita ang muta ng isa’t isa?

Halos makutos ko ang aking sarili? How come hindi man lang ako nakapaghanda para dito? Sana nakapag-mouthwash ako at nakapagpabango sa aking precious self.

“Shut it!” bulong ni Xavier sa aking tenga.

At muli ang pitik sa aking noo ang nagpamulat sa aking mga mata! And when I open my eyes, bumungad sa akin ang nakangiting si Xavier. He was smiling from ear to ear, showing his pang commercial na mga ngipin.

“Let’s sleep,” aya ni Xavier habang aming mga mukha ay magkalapit pa rin sa isa’t isa.

Dahil sa inis ko kay Xavier, ikinulampit ko ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg at saka ko ito tinangkaang halikan ngunit malakas din si Xavier.

Sinusubukan kong idiin ang aking mukha sa kanya ngunit si Xavier naman ay tinutulak ang aking mukha palalayo sa kanya. Ayon tuloy mukha na kaming nagwre-wrestling sa isa’t isa rito sa tabi ng pool.

“Shut it, Lawrence! Mark Lawrence shut it!” Matigas na wika ni Xavier habang hawak-hawak ako sa aking nguso.

Ngumisi ako.

“Isang kiss lang!” Birong pilit ko rito. Masyado na kasi siyang nakakarami sa akin. Ultimate crush ko si Xavier Faleiro pero hindi naman makatarungan na binibiro niya ako, pinipitik, at pinapagalitan dahil lang sa suot ko. Hindi nga ako napagalitan ni Mama Aubrey o ng mga kapatid ko tungkol sa aking pananamit, tapos siya na crush ko lang ay anlakas ng tupak sa ulo.

Lihim akong napangisi dahil sa inis na gumuhit sa mukha ni Xavier.

Ngingiting tagumpay na sana ako nang biglang pakawalan ni Xavier ang aking nguso at saka humawak ang dalawang kamay nito sa aking magkabilang pisngi at walang anu-ano’y siniil ako ng halik!

Right there! Right here! At Right Now by One Direction, bumagsak ang aking mga kamay, na wari’y nawalan ng lakas.  Bukas ang aking mga mata at tila tumigil sa pag-ikot ang buong daigdig nang totoo ko nang maramdaman ang mga labi ni Xavier sa aking mga labi.

“Fuck!” Mura ni Xavier at saka pinakawalan ang aking mukha.

Tulala ako habang hawak ang aking mga labi na natikman na ni Xavier. Nakaalis na si Xavier at naiwan na kong mag-isa rito sa poolside pero ang laman pa rin ng utak ko ay ang first kiss ko.

Sa gabing iyon hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa aking kwarto. Ang bilis ng lahat ng nangyari sa buhay ko. Akala ko kasi dadaan pa kami ni Xavier sa holding hands, yakap, at landian pero dumeretso kami sa kissing scene.

“Ahhh!” Tili ko nang maalala ko na naman ang first kiss ko.

“Mami are you okay?” tanong naman ni bibi Zion sa akin na nagbubungkal ng lupa.

Vacay na vacay ang feels namin ni bibi Zion pero nandirito lang kami sa big brother house ng daddy niya na pwede ko rin maging daddy! Emz!

“Ayos na ayos na ako, dong. Pwede na nga akong umuwi ng Cebu dahil nakuha ko na ang pakay ko rito!” Masayang saad ko na kina simangot naman ni Zion.

Natampal ko ang aking bibig dahil kung ano-ano na lang ang lumalabas dito.

“Char lang iyon, dong. Biro lang iyon ni Mami! Hehe!” Bawi ko rin naman sa sinabi ko. Ang hirap biruin ng mga taong seryoso!

“Pak! Pak! Ganern-ganern, mami?” Namumula at umaamba na ang mga luha sa kanyang mga mata pero nagawa nita pa rin sabihin iyon! Aish! Kaya ako nalilintikan ng ama nito, eh!

“Oo, dong! Pak! Pak! Ganern-ganern!” Sakay ko rin sa kanya.

Pero honesty is the best policy lang kapag naiisip ko na uuwi na ako ng Cebu ay nalulungkot ako. Napalapit na ako ng husto kay Zion tapos pinapaasa ko pa. Alam kong masasaktan ko ang bata dahil sa ginagawa ko pero dapat ding sisihin ni Zion dito ang kanyang daddy. Kaso kailangan kong tanggapin ang kapalaran ko na dadaan lang ako sa buhay ni Zion. Dadaan lang ako sa buhay nilang mag-ama.

Huminga ako ng malalim at saka ko niyakap si bibi Zion. Pipi akong napabulong ng mga paumanhin sa kanya.

In two weeks babalik na ako sa aking pag-aaral. Magiging busy na naman ako nito kaya baka maibsan itong bigat ng dibdib ko.

Hayts! Ang hirap maging bida-bida sa buhay!


“Hoy! Lawrence!”

Napalundag ako sa tawag ni ateng Arianna Granada sa akin.

“Ano ka ba, Arianna! Muntik na kitang mabato nitong tinidor na hawak ko!” Daing ko naman sa babaeng FC sa akin as in Fan Co! Charz!

“Tulala ka kasi d’yan, akala ko kung napano ka na.” Aniya at umupo ito sa katabing upuan ko.

Binagsak ko ang aking mata sa bowl ng prutas na nasa harapan ko.

“May iniisip lang ako.”

“Like, ano? Ano ang mga iniisip mo?” Usisa ni ateng.

Hindi rin halatang chismosa ang babae! Pati iniisip ko gusto na niyang malaman.

Umirap ako at tumusok ng isang slice ng apple. Nginuya ko iyon bago sinagot si Arianna.

“Iniisip ko lang ang mama ko sa probinsya, ang kuya ko, at si Zion.”

“Huh? Araw-araw mong kasama si Zion, Lawrence.”

Ngumuso ako. “Araw-araw kong kasama pero papaano kong aalis na ako rito.”

“Huh? Aalis ka?” Gulat na sambit ni Arianna at natampal pa ang aking braso.

Piste kasakit!

“Oo, ateng! Paulit-ulit ah!” Reklamo ko.

“P-pero kasi… hindi mo naman nabanggit iyon sa akin. Saka bago ka palang na yaya ni Z. Mukha namang maayos kayo ni Sir Xavier, Lawrence. Bakit ka aalis?”

Binalingan ko si Arianna at nakita ko na napapalabi si ateng.

“Dahil pang two months lang ng beauty ko ditey!”

“Huh?”

Ang slow!

“Basta… aalis din ako rito pero huwag mong sasabihin kay Zion lahat ng pinag-usapan natin ngayon, Arianna.” Wika ko.

Napatalon ako nang yakapin ako ni Arianna.

“Mamimiss ko ang bibig mo, Lawrence.”

Itinulak ko ang ulo ni Arianna papalayo sa akin gamit ang isa kong daliri.

“’Di ikaw ang inaasahan kong yayakap sa akin ng ganito, oi!” Natatawang saad ko pero sumimamgot lang si Arianna sa akin.

Kinagabihan habang nagsasagawa ako sa aking nightly routine, may kumatok sa aking pintuan. Naglalagay ako ng facemask sa aking mukha para mas maging precious pa ito pero iniisturbo ako ng kung sino.

Tamad kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto ngunit muntik nang malaglag ang facemask na nakadikit sa aking mukha nang bumungad sa akin si Xavier! Nanlalaki rin ang kanyang mga mata nang makita ang ganda ko pero kaagad naman na nakabawi.

Base sa kanyang suot ay kararating lang ng lalaki! Sheyt! Ang yummy niya pa rin kahit mukhang pagod!

“Pack your things aalis—”

“Ops! Para! Wala pang two months, Xavier! Hindi porket nagkiss na tayo ay papaalisin mo na ako.” Singit ko sa kanya.

Napabuga si Xavier ng isang malalim na hininga.

“Let me finish, okay?”

Napanguso naman ako.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero nakatingin lang ito sa mukha ko… partikular sa aking… mga labi! Shems! It’s been two days since that eventful night pero parang wala lang iyon kay Xavier. Ako lang itong affected masyado, siguro dahil ultimate crush ko siya. O baka dahil artista siya kaya magaling magkunwari? O baka rin dahil wala na lang talaga sa kanya ang mga ganoon dahil sa work niya? Aish! Nakaka-istres siya sa aking precious face.

“Pack your things ’cause we will be going to my grandparents place.” Xavier said.

“Date!” Pag-arte ko at napatalon sa tuwa kaso kaagad din namang hinila pababa ni Xavier ang aking tuwa.

“No, matagal na akong hindi nakakadalaw doon and since Z seems bored here pupunta tayo doon for leisure na rin.” Explain ni ultimate crush.

I felt my cheek slowly burning down. Akala ko date na namin. Emz! Syempre pinapaasa ko kasi sarili ko.

“Sige, pero mga ilang days tayo doon?”

Tumaas ang ilang kilay ni Xavier.

“Five days only.”


Thank you for reading, Engels!

꧁A | E꧂

~Merry Christmas, Engels! Sana nagustuhan ninyo ang update. Hehe, tumatanggap po ako ng xmas gift thru gcash.

— 0910 454 1976

  • dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section. ur votes and comments are highly appreciated and will motivate the author to update as soon as possible:)

CHAPTER 14

Chapter 14

Mark Lawrence POV

“Are you excited, mami?” Usyoso naman ng aking pinakamamahal na alaga na feeling galing sa aking matres.

Tiningnan ko si Zion sa backseat, wala siyang kaagaw doon sa kanyang pwesto samantalang ako ay nandirito sa shotgun seat at hinihintay ang aming padre de pamilya! Eme! Kiniss lang ako at sumagad na kaagad hanggang sa langit ang aking pagka-tanghulu, este delulu.

Matamis akong ngumiti kay Zion, sintamis ng lips ng aking ultimate crush.

“Oo naman, dong, ipapakilala na ako ng daddy mo sa pamilya ninyo, eh.” Kinikilig kong saad kay Zion.

“I am too, mami!” Sakay naman kaagad ni Zion sa aking kalokohan.

Actually, madaling nakukuha nitong si bibi Zion ang mga kaartehan at gimik ko sa aking buhay. Kaso si ultimate crush kasi hirap na makasakay sa trip namin ni Zion. Ako ang lagi nag-a-adjust para kay Xavier. Pero okay ang naman kasi crush ko siya at nagka-kiss na kami. Ipinagdarasal ko na lang na sana masundan pa iyon.

Kagabi nga habang nag-iimpake ako sa aking mga gamit na dadalhin sa outing namin ngayon ay hindi ko alam kung alin ang dadalhin kong mga gamit. Baka kasi magalit na naman iyong si Xavier na puro lnag mga shorts ang dala ko. ’Di niya naman kasi ininform sa akin na sagad pala sa buto ang pagiging possessivisim niya sa akin! Charz! Tinutupak kasi siya tapos bigla-bigla na lang nagagalit dahil sa mga suot ko! Pakielamero kasi si ultimate crush! Hayts!

Sumulyap ako sa labas ng bintana dahil ilang minuto na kami ni Zion dito sa kotse pero wala pa rin si Ultimate Crush. Grabe! Dinaig pa ang pagiging galaw pagong ko minsan! Akala ko pa naman ay gagaya kami nung mga napapanood ko sa telebisyon na ang lalaki ang naghihintay sa akin sa kotse ngunit nagkakamali ako! Si Xavier ang tinutukoy kong lalaki, alangan naman ako, eh, babae lang naman ako at naka-pang disguise lang sa katawan ng lalaki. 

Ilang saglit ay bumukas na iyon pinto at lumabas na rin si Xavier at kasunod nito si Arianna na hila-hila ang isang maleta. Oh my goodness! Don’t tell me, sasama sa trip namin si Arianna? Akala ko family bonding itey? Eme lang nagd-Daydream lang ako by Tailor Swift.

Ngunit nawala rin ang aking pangamba nang kunin ni Xavier ang maleta kay Arianna.

Nang dumapo sa akin ang mga mata ni Arianna ay sinamaan niya ako ng tingin. Inggit kasi si Ateng Arianna ninyo sa akin dahil isasama raw ako ni Xavier tapos sila maiiwan dito. Akalangan iwan ako ni Xavier, eh, naka-kiss na iyon sa akin! Char! Hindi rin papayag ang aking bibi Zion na maiwan ako. Kaya kahit alam kong napipilitan lang si Xavier na isama ako ay to the moon pa rin ang aking happiness.

“Pasalubong ko, Lawrence, ha!” sigaw nito sa akin at itinaas niya pa talaga ang kamao niya sa akin. Kung siya kaya sikmuraan ko?!

Binaba ko ang salamin nung kotse.

“Anong gusto mo?!” anang ko naman kay Ateng Arianna, naaawa ako rito dahil inggit na inggit siya sa precious face ko ngayon.

“Basta iyong galing doon sa lugar nila sir Xavier!”

Humalakhak ako. “Baby namin ni Ultimate Crush ang pasalubong ko sa’yo, Arianna!”

Kumunot noo si Ateng Arianna nang hindi niya makuha ang aking sinabi. Hayts! Ang slow naman nito. Kumaway na lang ako rito dahil ’di niya ako na-gets.

“Let’s go.”

Nang marinig ko ang nakakapanghinang boses ng aking Ultimate Crush ay napalingon ako rito.

Napanganga ako nang makita ko ang close-up toothpaste na mukha ni Ultimate Crush. Ang fresh niya today at nakakapanibago ang kanyang get-up ngayon! Naka-shorts na kulay gray lang kasi siya tapos polo shirt na kulay puti at sapatos. Naka-ayos din ang buhok niya at mukhang bagong shave! Shocks! Ako ba ang dahilan nito? Nagpagwapo pa talaga siya para sa akin!

“Mami, your laway po.”

Mabilis kong nakapa ang aking baba at nang mapagtanto kong may laway nga ay patalon akong tumalikod sa gawi ni Xavier saka nagpunas sa aking laway. Matapos iyon ay dahan-dahan akong humarap kay Xavier na tila isang suspek at nahuli sa akto.

Hindi nakangisi ang mga labi ni Xavier pero iyong mga mata niya ay parang gina-judge ako dahil lang sa paglalaway ko! Nakakainis! Gusto ko tuloy magdabog at gumulong na lang sa daan tungo sa bahay ng kanyang mga grandparents!

“Na-turn off ka sa akin, Xavier?” Alalang tanong ko rito. Wala na, sira na ang reputasyon ko kay Xavier!

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi at saka pinaandar ang kotse.

“Matagal na akong na-turn off.” Nonchalant lang niya na saad pero ako halos ngumuwa na sa aking kinauupuan! Hindi pa nga nagsisimula ang lovestory namin, tinapos na niya kaagad.

Dala ang aking bigong damdamin at namatay na pag-ibig ay bumyahe na kami tungo sa probinsya kung saan nakatira ang ng grandparents ni Xavier. Hindi ko aakalain na buhay pa pala ang nga ito. Hindi naman kasi ito nasulat doon sa Wikipedia. Masyadong protective si Xavier sa kanyang mga pamilya kung kaya’t ganoon na lang niya siguro protektahan ang mga ito sa mata ng showbiz.

Nang tumigil kami ni Xavier sa tabing daan upang magpahinga siya sa pagmamaneho, ako naman ay para akong natira sa pwet dahil sa sakit no’n. Ang habang byahe pala nito.

“Are you okay?” tanong ni Xavier sa akin nang makita siguro nito na namimilipit ako rito sa aking kinauupuan.

“A-ang sakit ng pwet ko.”

Tiningnan ni Xavier si bibi Zion aa backseat na mahimbing ang tulog. Saglit na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko pero nakabawi din naman ito agad.

“Do you want to go outside for a moment?” si Xavier.

“Pwede? Akala ko saglit lang tayong titigil?”

“Nangangalay na rin ang paa ko rito. Kaya lumabas muna tayo.”

Naunang lumabas si Xavier kung kaya’t sumunod ako sa kanya. Huhuhu! Ang sakit talaga ng pwet ko!

Sumandal siya sa hood ng kanyang kotse at nag-unat sa kanyang braso at leeg. Tinabihan ko siya at ginaya ang posisyon niya. 

Napanguso naman ako nang makita ko ang haba ng binti ni Xavier kumpara sa akin na ’di kahabaan. Kaya ang kampante niyang nakasandal rito dahil sa haba ng biyas niya.

“Malayo pa ba tayo?” tanong ko rito at tumingin ako sa daan na siyang nasa gitna ng nagtatayugang mga puno.

Malamig ang lugar at kulay green at brown lang ang paligid dahil sa mga puno. Kaya kahit na mataas ang araw ay hindi mainit dito dahil sa mga punong kahoy.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at huminga nang malalim. Ang presko talaga ng simoy ng hangin kapag malayo ka sa syudad. Nakakagaan sa pakiramdam. At kahit na may masama akong karanasan sa gubat ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Kung hindi ako napadpad noon sa gubat ay hindi ko makikilala si Zion. Kung walang nagtangkang nakawan ako ay hindi ko napupunta sa gitna ng gubat. At kung hindi dahil doon, hindi ko makikilala si Xavier.

Tiningala ko si Xavier sa aking tabi. Akala ko noon sobrang masayahing tao ni Xavier. Akala ko perpekto na ang buhay niya dahil ang gwapo niya, mayaman, tapos successful pa sa career niya. Pero ngayon, sa mga nasasaksihan ko sa buhay niya. Masyado palang magulo ang talambuhay nito.

“I might melt because of your stares,” saad ni Xavier at saka nagbaba ng tingin sa akin.

Tila huminto ang pag-ikot ng aking mundo nang magtugma ang mga mata namin ni Xavier. Ang ganda talaga nung kulay asul niyang mga mata. Parang nangungusap ang mga ito at tila hinahalina ako. Isa rin talaga ang mga mata niya sa kanyang best asset.

“Ang gwapo mo,” usal ko bago ko pa man matakpan ang walang hiya kong bibig.

Tumawa si Xavier na tila sanay na sanay na sa mga lumalabas sa aking bibig.

“I know.” Confident nitong wika at saka napailing. “Weeks from now, babalik ka na sa pag-aaral mo. Are you sure na kaya mo pa ring bantayan si Zion?” Sunod niyang saad.

Naibalik ko ang aking mata sa unahan namin. Ewan ko ba. Nakakapanibago na wala akong kalokohang sinasabi kay Xavier. Nakaka-conscious ang gantong seryosong usapan kasama si Xavier.

“Oo naman. At saka konting tiis na lang din naman bago ako umuwi sa Cebu.” Pansamantala lang namanang online class ko, habang nandirito ako sa Manila ay online class ako pero kapag unuwi na ako sa Cebu ay face-to-face na rin ako.

“Thank you, Lawrence.”

Muli kong naibalik ang aking mata kay Xavier kaso siya naman ngayon ang nakatingin sa unahan namin.

Kahit na ginugulo ng hangin ang buhok ni Xavier ay gwapo pa rin siya. Nakakainis! Masama lang ang ugali niya at tupakin pero gwapong-gwapo pa rin.

“I know that I already thanked you back in Cebu.” Tumingin siya sa akin. Ayan na naman siya sa mga mata niyang nangungusap sa akin. Normal lang ba itong nagwawala ang puso ko dahil kay Xavier. Bakit iba na ito kumpara dati sa kilig-kilig lang? “Pero gusto ko pa rin magpasalamat sa’yo ulit kasi dahil sa’yo nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ang anak ko. Thank you for staying by my son’s side despite my nasty behavior. I appreciate you for swallowing all my rude words towards you.”

“Kahit iyang kaibigan mo sa baba ay kaya kong i-swallow.”

Nangunot kaagad ang noo ni Xavier. “Huh?”

“ Piste! Wala ra, Xavier. Ibig kong sabihin, walang anuman. Masaya ako na nakilala ko si Zion. Mahal ko na rin iyon, eh.“ Bawi ko rin naman kaagad at ngumiti ako rito.

Dios ko! Pahamak talaga minsan itong bibig ko. Nawawalan ako bigla ng kontrol dito, eh.

Dahan-dahan ang pagtango ni Xavier sa akin at saka siya ngumiti. Tila nawalan ng garter ang suot kong mumurahing brief sa ngiti ni Xavier. Iyong klaseng ngiti niya na kasamang ngumingiti ang mga mata niya.

“Let’s get inside. Baka magising na si Zion.”

“Xavier,” tawag ko rito nang tumalikod siya sa akin. He looked at me over his shoulder. “Maraming salamat din dahil napagtitiisan mo ang bunganga ko at ang mga kaik-ikan ko minsan.”

Kahit na hindi ko makita ng buo ang kanyang mukha, kita ko pa rin ang pag-angat ng kanyang labi.

“You wouldn’t be Mark Lawrence Alipalo without your out-of-this-world words and mischievous demeanor, Lawrence. And I like it. I like how you don’t filter your words or fake your actions towards me. Your truthfulness and unique qualities make you different from the rest.”

Sa muling pagbyahe namin ni Xavier ay para akong dinuduyan sa ulap. Ewan ko ba, matapos nang sinabi ni Xavier kanina ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Iyong mga nakikita kong mali sa sarili ko ay pinupuri ni Xavier. Iyong insecurities ko ay kino-compliment ni Xavier sa kanyang sariling paraan. Emz! Baka hulog na ito sa akin? Charz! Nagmamalabis na porket sinabihan lang nang magagandang salita.

Matapos nang ilang oras na byahe ay sa wakas nakarating na rin kami sa bahay ng mga grandparents ni Ultimate Crush.

“Apo!” sigaw nang matandang babae na sumalubong sa amin. Niyakap kaagad nito si Xavier at hinalkan sa pisngi.

“La,” ani naman ni Xavier at gumanti ng yakap dito.

“Mabuti at napadalaw kayo rito, Xavier.” Saad naman ng isang matandang lalaki na hula ko’y lolo ni Ultimate Crush.

“May time na kasi, ’Lo, at para na rin makapagpahinga.” si Xavier.

Matapos yakapin ng kanyang Lola si Xavier ay lumapit siya sa amin ni Zion.

“La, Lo, kasama ko po si Zion at ang nanny ni Zion, si Lawrence.”

Nagmano ako sa mga grandparents ni Ultimate Crush, pandagdag points na rito. Charz! Si Zion naman ay binuhat na ng lolo nito sa tuhod. At pinupog ng halik. Kita ko naman ang tuwa sa mga mata ni bibi Zion.

Ngunit napaigtad ako nang bigla akong yakapin ng Lola ni Ultimate Crush.

“Salamat sa dios at nakasama ka rito, Lawrence! Ikaw pala ang nakakita at sumagip sa apo namin. Maraming-maraming salamat, Lawrence!”

Mabinibini akong ngumiti kay lola. “Ay wala po iyon, lola. May mabuting puso lang po talaga ako at may tapang din.” Eme, muntik ko ngang iwan si Zion no’n sa gubat.

Tumawa si lola sa akin.

“Oo nga pala, Lawrence ako si Marcila at ang asawa ko naman ay si Handro. Pero tawagin mo nalang akong lola at lolo naman sa asawa ko.” ani Lola Marcila at minuwestra pa ang kamay sa asawa nito, kay Lolo Handro.

“Ang ganda mong lalaki, Lawrence. Hulog ka talaga ng langit!” Eksaherada ni Lola pero naintindihan ko naman, grabe rin naman talaga ang aking beautyness.

Tumawa ako at halos masampal sana ang balikat ni lola kaso naalala kong binibini pala ako.

“’No ka ba, la. Maliit na bagay po! Pero mas maayos kung ang apo ninyo mahulog sa akin!”

Natawa si lola sa akin. At kung hindi pa kami nadisturbo ng asawa nito ay hindi kami matatapos ni Lola sa kakatawa.


Hindi naman ganon kalaki ang bahay nina lola Marcila at lolo Handro. Two-storey house siya at gawa sa kahoy. Marami ding halaman sa kanilang bakuran at may mga tanim din pala silang gulay sa likod ng kanilang tahanan.

Masigla ang probinsya nina Lola pagkarating namin dahil may piesta rin pala doon sa susunod na araw. Tuwang-tuwa naman ako dahil makakaranas ulit ako ng piestang probinsya.

“Apo, ayos lang ba na magkasama kayo ni Lawrence sa iisang kwarto.”

Masaya akong kumakain ng mango float nang bigla iyong sinabi ni Lola Marcila.

“Bakit, la? Sa pagkakatanda ko naman ay tatlo ang silid ng bahay.” Si Xavier ay naputol rin sa pag-inom niya no’ng coke.

“Ni-renovate ang bahay no’ng nakaraang taon, apo dahil sa bagyo. Dalawa na lang ang silid ngayon at sa baba naman kinuha na rin namin ang bodega doon at ginawang kusina para mas lumaki.” Paliwanag ni lolo Handro.

“Ay, naku, la. Ayos lang sa kin na sa labas po ako matulog. May sofa naman doon nakita ko.” Nguso ko pa sa malaking sala ng second floor. Kahit kating-kati ang katawan kong makatabi si Xavier. Alam ko naman ang limitations ko. Sinabi na ito ni Xavier sa akin before.

“Tsk! It’s fine. Magsasama kami ni Lawrence sa iisang kwarto at kasama na rin si Zion.” ani naman ni Xavier.

Nanlalaki ang mga mata kong binalingan si Xavier.

“Ay, apo, gusto naming makasama ang apo naming si Zion. Kaya sa amin siya ng lolo mo tatabi.” agap ni Lola Marcila at matamis na ngumiti sa akin!

CHAPTER 15

Chapter 15

Mark Lawrence Pov

Sinundot ko ang tagiliran ni Lola Marcila nang makalayo kami kina Lolo Handro, Xavier at Zion. Nandito kami kusina at naghuhugas ng plato habang ang mga mister namin ay nag-uusap doon sa dining table. Emz! Masarap din pala itong delulu paminsan-minsan.

“Lola!” pabulong kong tawag kay Lola Marcila na nagsasabon doon sa mga kobyertos. Ako kasi ang tagabanlaw.

“Apo?” Shocks! Pak! Pak! Ganern-ganer! Confirm! C.ON.F.I.R.M like ako ni Lola Marcila para sa kanyang apo na aking iniirog! Hindi niya naman kasi ako tatawaging apo kung hindi niya ako bet-ism para sa apo niyang ubod ng gwapo at sungit, ’di ba? Pakiusap ko lang na sumang-ayon sa akin ang lahat ng deity ng pag-ibig.

“Ang feeler mo, lola, huh! Apo n’yo na po ako?” Pabirong saad ko kay Lola. Kahit malapit nang matabunan ng puting buhok itong itim na buhok ni Lola Marcila ay strong and independent woman ang lola ninyo!

“Bakit ayaw mo ba?”

“Ay, ’la! Gustong-gusto ko po!” Madaling alma ko naman kay Lola. Shocks! Ang bilis namang kausap nitong si Lola!

“Pero ang laking pasalamat ko na ikaw ang nakakita kay Zion, apo. Hindi namin alam kung papaano nakarating ng Cebu ang apo namin. Pero salamat, dahil sa’yo siya napunta.”

Bumuntong hininga ako. Sus! Kung alam lang talaga nitong si Lola Marcila na muntik ko nang iwan si bibi Zion doon sa gubat!

“Kaya ba lakas mong maka-apo sa akin, ’la, dahil tinulungan ko si Zion?” ani ko habang natuloy sa pagbabanlaw. Kahit na hindi naman ganoon karami ang hinuhugasan namin ni Lola ay natatagalan kami kasi mabagal ang kilos ni Lola. Understanding ko naman iyon kasi matanda na ang strong and independent woman na lola ninyo!

“Hindi!” At tinampal pa ni Lola ang kamay ko gamit ang kamay niyang may bola! What if buhusan ko rin ng tubig itong si Lola Marcila? Chariz lang! “Sa katunayan n’yan ay gusto kita para sa apo kong Xavier.” Humina ang boses doon ni Lola.

Nang dahil sa sinabi ni Lola Marcila, napasilip ako sa kanyang mukha kung seriousness na ito. Baka kasi dyino-joke time lang ako ni Lola. Mahirap na, madali pa naman akong maniwala. Lalo na pamilya ito ng aking ultimate crush.

“Weh? Totoo, ’la? Baka prank lang ito!”

Pairap na tumingin si Lola sa akin bago tiningnan ang aming mga mister sa likod. Shocks! Ang sarap naman sa pakiramdam na tinatawag kong ‘mister ko’ si Xavier! Ibang iba sa ‘Ultimate Crush’ lang!

“Alam mo bang may dating nobya iyang apo kong si Xavier, apo?” tanong ni Lola at muli ko na namang naalala si Mareng Kyline ninyo. Dios ko! Kung pagbibigyan akong muli na makaharap ang bruhildang iyon ay uubusin ko na talaga ang rebonded niyang buhok! Nanggigigil pa rin ako sa mukha niya eh! Tsk! Umekstra pa kasi sa love story namin ni Xavier!

“Ay naku, ’la! Kung alam mo lang. Nagkaroon kami ng action film niyang si Kyline!” Tsika ko kay Lola.

“Nag-away kayo?”

Muntik ko nang palakpakan si Lola Marcila nang makuha niya ang ibig kong sabihin! Gusto ko tuloy’ng umiyak dahil gets ni Lola ng mga trip ko sa buhay!

“Oo, la!”

Napa-tsked si Lola Marcila at umiling bago bumalik sa paghuhugas ng pinggan.

“Napunta na rin dito si Kyline, isang beses lang iyon. At alam mo ba kung ano ang nangyari, apo?” ani Lola pero umiling ako. Haha! Grabe naman ang amats nitong si Lola Marcila, tatanungin ako sa nangyari dati, eh, ngayon lang naman ako napadpad sa probinsya nila! Matanda ng naman. Hayts!

“Sobrang arte no’n, apo. Hindi umupo doon sa silya naming gawa sa kahoy kasi sasakit daw ang pwet niyang mukhang hindi totoo. Tapos hindi pa kumain sa handa namin ng Lolo Handro mo kasi hindi raw pamilyar sa kanya ang pagkain namin! Magpapalipas sana sila ng gabi dito ni Xavier kaso pinilit no’ng Kyline na umuwi ng syudad kasi nangangati siya dito sa bahay.” Saysay ni Lola Marcila na kina tanga ko naman.

Ha! Kung alam ko lang ang kwentong ito ay baka nilublob ko na sa kanal ang mukha ni Kyline no’ng nag-away kami! Kulang ang salitang arte sa bruhildang iyon!

“Sobrang saya ko nga nang makita ko na iba ang kasama ng apo ko!” Humagikhik pa si Lola sa akin.

“Pero, ’la, bakla po ako. Bet n’yo pa rin ba ako para sa apo ninyo?” Alanganing tanong ko kay Lola.

Kasi naman, kadalasang mga tututol sa mga ganito ay ang mga matatanda! Hindi kasi sila bukas sa mga ganitong bagay.

“Nako! Kung hindi kita gusto para sa apo kong si Xavier ay pagsasamahin ko ba kayo sa iisang kwarto?”

Kinuha ko ang kamay ni Lola Marcila ay itinaas iyon upang mag-high five kaming dalawa.

“Talaga, ’la? Bet ninyo ako para kay Xavier? Promise? Mamatay man si Kyline?”

Bumulanggit nang tawa si Lola Marcila dahil sa sinabi ko. Napasilip ako sa mga mister namin na nagtataka rin sa ingay namin ni Lola.

Muli kong tiningnan si Lola.

“Mamatay o hindi si Kyline, apo. Ikaw ang gusto ko para kay Xavier! Bakla ka man o hindi, babae ka man o ano, ikaw ang bet ko! Hindi naman hadlang ang kasarian ng isang tao, para sa akin, apo, kung tunay silang nagmamahalan. Walang pinipiling kasarian kung tunay at tumibok na ang puso mo para sa isang tao.” Nakangiting wika ni Lola.

Gusto kong lumipad sa himpapawid dahil sa tuwa! Hindi lang dahil bet niya ako kung hindi dahil sa lawak ng isip ni Lola. Nakakatuwa!

“Salamat, ’la!”

“Hay naku! Hindi mo dapat ’yan ipinagpapasalamat, apo. Kasi may mga tao talagang ipinanganak na lalaki pero babae sa loob. Ang iba naman ay nadi-develop sa paglaki nila.” Saysay pa nito.

Mangha akong napailing kay Lola Marcila at napapalakpak!

“Ikaw na, Lola Marcila! Sa’yo na ang korona ko!” anas ko at kunwari ay kinuha ko ang imaginary crown ko at pinasa kay Lola.

“Wala akong ibang tatanggapin dito sa bahay na mapapangasawa ng apo ko kung hindi ikaw lang, apo!” ani Lola.

Dahil doon sinet-up namin ni Lola si Xavier at nagkaroon kami ni Xavier ng shotgun wedding! Charz! Walang same sex marriage sa Pinas! Pero kahit meron hindi naman tanga itong si Ultimate Crush para patulan ako!

Natutuwa ako sa mga sinasabi ni Lola Marcila ngunit alam ko naman na hanggang salita lang naman ang mga iyon kasi alam ko naman na pang two months lang ang beauty ko dito sa buhay ni Xavier. Pero hindi ko iyan sasabihin kay Lola Marcila.

Pagkatapos no’n ay nagpahinga muna ako dahil napagod din talaga ako sa byahe namin. Buti nga may energy pa akong tulungan kanina si Lola sa paghuhugas. Hindi ko muna diniskarga ang mga dala kong damit, kita ko rin naman kasi na nasa bag pa ni Xavier ang mga gamit niya.

Humiga na lang ako sa kama, kama na pagsasaluhan namin ni Xavier mamayanag gabi! Emz! Si Xavier ay hindi ko kasama ngayon kasi nag-uusap pa sila ni Lolo Handro sa labas. Understanding ko naman iyon since matagal silang hindi nagkita. And as for my bibi Zion, ayon, doon natulog sa kwarto nina Lola Marcila.

Nang magising ako feeling ko, full charge na ang battery ko sa katawan. Nahagip ng mata ko ang orasan at ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang bilog na orasan na nakasabit sa dingding, alas siete na nang gabi!

Nilibot ko ang paningin ko sa silid at wala si Xavier, pero ang bag nito na nasa kama kanina ay wala na. Dali-dali akong kumuha ng towel sa bag ko at tumungo sa banyo ng silid. Syempre dala ko rin ang maliit at transparent kong purse dahil nandon ang skincare ko. Thankfully, may banyo dito sa kwarto namin.

Mabilis lang din akong naligo at nagskin-care sa loob ng banyo. Of course, para kabog ng beautyness ko ang mga tao dito! Mahirap na! Alam kong maganda na ako pero mas mabuti nang may panangga sa mga hazards.

Pakanta-kanta ako nang lumabas sa banyo at pakiramdam ko ang fresh-fresh ko na. Mas presko pa sa isdang nakuha sa dagat ng mga mangingisda.

Ang towel lang ang nagsisilbing panakip ko sa aking katawan, yakap ng itim kong towel ang aking maliit na katawan habang naghahalungkat ako ng maaari kong isuot nang biglang bumukas ang pinto.

Patalon akong napalingon doon at laglag ang panga ko nang makita ko si Xavier.

“Damn!”

“X-Xavier!”

Sambit naming dalawa ni Xavier.

“The hell!” Muli nitong mura.

“M-magbibihis lang ako! Huwag kang titingin.” anang ko at tinuro ko pa ang lalaki na para bang gagawan ako nito nang masama. “Huwag kang mambuso! Virgin pa ako!”

Ang kunot sa noo ni Xavier ay mas nadepina matapos ko iyong sambitin.

Muli akong napatalon nang padarag na isinara ni Xavier ang pinto at saka siya pumasok sa kwarto namin!

“Alin ang bubusuhin ko sa’yo? May makikita ba ako?” Pang-aasar niya sa akin at hinagod ng tingin ang buo kong kaluluwa!

Napayakap ako sa aking dibdib. “M-may pwet ako! May dibdib!” Pagmamalaki ko.

Umupo si Xavier sa fully furnished na upuan na siyang gawa sa kuwayan. Para siyang senyorito doon na nakaupo habang naka-cross legs. Akala talaga nitong si Xavier ay maiinggit ako roon sa mahaba niyang binti! Mas bet iyong nakatago sa gitnang hita niya! Charz!

Tinaasan niya ako ng kilay habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa akin. Mapang-asar nitong sinasalubong ang mga titig ko sa kanya at muling pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan! Uminit ang tenga at leeg ko dahil sa mga titig ni Xavier sa akin! Para niya kasi akong hinuhubaran sa paran ng mga titig niya sa akin.

“Nasaan ang sinasabi mong dibdib at pwet d’yan?” asar pa talaga nito sa akin at ngumisi.

Inis kong binaba ang aking kamay. Hinahamon ba ako ni Ultimate Crush? Pwes humanda siya sa ganti ng isang Mark Lawrence!

Nagmartsa ako tungo sa kanya. Kita ko ang paggalaw ng kilay nito na mukhang nagtataka sa akin o baka nawi-wirduhan. Tumigil ako nang ilang hakbang na lang ang layo naming dalawa.

“Ano? Gusto mo bang ipakita ko sa’yo?” Taas noong anas ko at hinawakan ang towel ko at handa na itong hubarin sa harap niya.

Mabilis na umiwas ng tingin si Xavier at saka pumikit ng mariin.

“Ano? Huwag kang pumikit nang makita mo ang hinahanap mo!” Hamon ko pa pero hindi naman talaga totoo ang mga sinasabi ko rito. Wala naman talaga akong dibdib at pwet na tulad no’ng kay Toni Fowler. Puro at walang halong kimikal itong ganda ko.

“Fvck, Lawrence!” Inis na nitong wika at mariing pumikit.

“Huwag kang pumikit! Tingnan mo ang hinahanap—”

Namatay ang boses ko nang marahas na tumayo si Xavier at saka lumapit sa akin. Napaatras ako nang umiigting na ang panga nitong nakatitig sa akin. Umatras ako ngunit umabante naman ito papalapit sa akin!

‘Mama Aubrey, isusuko na ang pearl of the orient, ma!’ hiyaw ng utak ko!

Sa isang iglap ay nagdikit na ang katawan namin ni Xavier.

“He. Hehehe! B-biro lang iyon, honeysugarplum ko!” Nanginginig na ng boses ko. Siguro dala ng kaba at takot ngayong nagtatagpo ang kilay ni ultimate crush.

“Show me.” He said eyeing my poor body na malayong-malayo sa katawan ni Toni Fowler.

“H-hehehe! Show me n-n-ng alin?” Nangatal ang boses ko.

Umangat ang sulok ng labi nito at ang hininga ng lalaki ay tumatama na sa mukha ko. Umaatras ako pero umaabante naman si Xavier. Hanggang sa tumama na ang binti ko sa kama.

Without taking his eyes off me, Xavier licked his bottom lip with his tongue. Oh my goodness! Straight English ko ngayon!

Lumuwa ang mata ko nang hawakan ni Xavier ang towel na siyang suot ko lang ngayon!

I clumsily hugged the towel that was covering my body and took a step back. Pero maling galaw pala iyon dahil wala na akong aatrasan at nawalan ng balanse ang katawan ko.

Tila tumigil sa pag-ikot ang aking mundo nang unti-unti na akong matumba. Nangangapa ako ng makakapitan pero walang makapitan ang kakawang sarili ko hanggang sa iabot ni Xavier ang isang kamay sa akin. Pero nang hawakan ko rin ito ay natumba rin si Xavier kasunod sa akin.

“Fvck!”

“Ahh!”

Daing namang dalawa ni Xavier pero mas masakit ang katawan ko dahil naglanding si Xavier sa ibabaw ko.

“Fvcking shit!” Crispylicious na mura ni Xavier sa ibabaw ko at aahon na sana nang magkasabid-sabid ang kanyang kwintas sa tela ng towel ko.

Marahas itong huminga at galit na tumingin sa towel ko.

“Take it off!”

“Huh!?” Takang sambit ko. Gusto niya pa bang makita ang dibdib at pwet ko? Pwede naman pero sana dahan-dahanin niya ako! Virgin pa kasi ako!

“I said, take it off! The towel!” Malakas niya wika.

“A-ayaw ko!” Syempre papakipot ako ’no! Ultimate crush ko ito kaso binibini kasi ako! Hindi ako hihiga sa kama at ibubuka ang hita ko kahit crush ko pa si Xavier! It’s a no, no, no!

“The fvcking hell! Just take it off!”

Ngumuso ako. Grabe naman makatawag ng demonyo itong si Ultimate Crush.

“A-yaw ko! Huwag po!” sigaw ko at nag-aagawan na kami ni Xavier sa towel ko. Sinasangga ko ang kamay nitong nais hubarin ang aking towel!

“Apo— ay!”

Sabay kaming napalingon ni Xavier sa pinto na bukas na at nandon si Lola Marcila na laglag ang pangang nakatingin sa amin ni Xavier.

Ngumiting aso si Lola Marcila sa amin ni Xavier at napatakip sa bibig. Inabot nito ang busol ng pinto.

“Wala akong nakita mga apo. Sige ituloy n’yo lang iyan! Hihihi!” Pakanta pang saad ni Lola Marcila at sinara ang pinto.

Tulala ako doon sa pintuang nilabasan ni Lola Marcila at dahil doon, kinuha ni Xavier ang pagkakataong iyon upang tuluyang agawin sa akin ang aking towel.

Tumalbog ang katawan ko sa kama nang hablutin niya ang towel sa akin at saka nito itinulakbong sa aking katawan ang bedsheets ng kama.

CHAPTER 16

Chapter 16

Mark Lawrence Pov

Paika-ika akong lumabas ng kwarto dahil sa ginawa ni Ultimate Crush sa akin. Hindi ko aakalain na magagawa niya iyon sa kagaya ko. Pinagsamantalahan niya ang pagkababae ko! Char! Alam kong hindi iyon gagawin ng aking iniirog! Ako pa nga siguro ang gagapang sa paanan no’n kapag nagkataon. Walang Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan para sa mga batang mambabasa ang mangyayari sa amin ni Xavier kasi… hindi trip no’n ang precious face ko!

“Apo!” sambit ni Lola Marcila nang makita kong paika-ika. Dinaluhan kaagad ako nito pero ang ngisi sa mga labi ay nakapaskil pa rin. Mukhang nag-aalala si Lola pero may tuwa sa kanya.

“Bakit ka lumabas ng silid? Tapos na kayo ng apo ko sa inyong ginagawa?” Atat na tanong ni Lola.

Kusang umangat ang isang kilay ko sa tanong ni Lola Marcila.

“Anong tapos, ’la?”

Kinirot ako nito sa aking tagiliran. Naku! Gumaganti yata itong si Lola sa sundot ko sa kanya. What if sipain ko ito? Char!

“Doon sa ginagawa ninyo sa silid kanina!” Ngiting aso nitong saad. Ikinawag pa nito ang kilay sa akin! Tsismosa rin pala itong si Lola Marcila. Sinaunang marites at tsismosa!

“Oo, ’la, tapos na po.” sagot ko rito. Sumabit kasi ang pendant ng kwintas ni Xavier sa tela ng aking towel at iyon ang ginawa ni Xavier. At, so far so good, natapos na rin naman. Pero iyong pagkabanas ni Ultimate Crush sa akin ay hindi pa yata!

“Talaga, apo?” usisa pa ni Lola.

Gusto yata ni Lola Marcila ng bidyo as evidence para maniwala siya sa sinasabi ko. Sayang hindi ako nakahanda ng camera kanina. Hindi naman kasi ako vlogger na palaging handa yata ang camera nila sa kahit anong sakuna.

Tinanguan ko lang si Lola dahil alam kong hahaba pa itong usapan namin kung magsasalita pa ako.

“Kaya pala pa-ika-ika kang lumabas ng kwarto, apo?”

Nanlalaki ang mga mata ko.

“Haha! Nahulog ako sa kama, ’la!”

Napatakip sa bibig si Lola Marcila.

“A-ang wild n’yo naman apo!”

“Naku, ’la! Iyang apo n’yo po ang kausapin ninyo! Siya po ang marahas sa aming dalawa!”

Sinampal ni Lola Marcila ang balikat ko. “Oh s’ya! Tama na ang kwento, apo! Alam ko namang pribado na ang ibang parte n’yang kwento mo.”

Ngumuso ako kay Lola. Siya naman itong tanong nang tanong sa akin. Hayts!

“Marcila nandito si Dessa!” rinig kong tawag ni Lolo Handro sa baba.

Sumabay na ako kay Lola Marcila sa pagbaba niya. Iniwan ko na si Ultimate Crush kasi alam ko naman na naiinis pa iyon sa akin. Care no less, ako sa kanya kasi kasalanan niya naman ang nangyari kanina. Hinahamon niya kasi ako tapos no’ng papakitaan ko na ay takot pala siya! Tsk!

“Mami!” Salubong kaagad ni bibi Zion sa akin.

“Nakapag-rest na po ikaw, mami?” tanong ni bibi Zion. Binuhat ko ito kahit mabigat na.

“Oo, dong! Sobrang resting na ang nagawa ko!”

Pinugpog niya ako ng halik sa mukha. Para namang aso ito. Skin care ko na siguro itong laway ni Zion sa mukha ko!

“Dessa, anong ginawa mo rito?” Naki-tsismis naman ako roon.

Tiningnan ko ang Dessa na mukhang magka-edad lang nung friendship kong si Jewel. Naka-C cut ang buhok nito at may bangs! Ang gara ng ate ninyo! Parang si Dora lang na nagdadalaga!

“Nabalitaan ko kasi Lola na umuwi raw po si Xavier?”

Tumaas ang kilay ko. Another karibal ko ba ito sa pusong ligaw ni Xavier? Nakakabanas na ang daming balakid sa buhay namin ni Xavier! ’Di na ito nakakatuwa!

“Oo, Dessa pero nasa taas pa kasi. Pero…” Binalingan ako ni Lola Marcila at kinamay upang lumapit sa kanila. At dahil mabuti naman ako at puting-puti ang budhi, lumapit ako kay Lola. “Ito pala, Dessa, si Lawrence, ang kasama ng kaibigan mong si Xavier at si Zion.”

“K-kaninong anak itong si Zion, lola?” tanong ni Dessa. Oo nga pala, secret lang pala na may anak itong si Xavier. Kahit nga si Wikipedia ay hindi alam ang information na ito.

“Anak ko, bhie!” sagot ko rito.

“Wow! Nice to meet you, Lawrence. At grabe! Ang cute ng anak mo!”

Ngumisi ako ng malaki. Tiningnan ko si Zion na ngiting-ngiti rin habang nakatingin sa akin. Mangha talaga ang alaga kong ito sa ganda ko!

“Pero, Dessa, baka magpahinga pa si Xavier kasi galing sila sa mahabang byahe. ’Di iyong nagpahinga kanina, eh. Nagkwentuhan pa kasi kami at napahaba.” singit ni Lolo Handro na akala ko hindi na nag-iexist.

“Oo nga, Dessa.” gatong ni Lola.

“Sayang naman po. May disco pa naman doon sa covered court.”

Nanlalaki ang mga mata ko. Kaya pala maingay dahil sa disco! Oh my! Na miss ko ang disco! Ito pa naman ang inaabangan ko sa tuwing may fiesta roon sa probinsya.

“Ikaw, Lawrence, gusto mo bang sumama sa akin?” Aya ni Dessa sa akin.

Tumingin ako kina Lola Marcila at Lolo Handro. “Sasama po ako kay Dessa, lola.” anang ko.

“But what about me, mami?” Ang hindi ko inintindi na tao ay siya pang aalma sa plano ko.

“Bata ka pa, dong, kaya dito ka muna sa bahay. Pang matanda lang ang lugar na pupuntahan namin ni Dessa.” saad ko kay bibi Zion.

“Lagi mo na lang ako iniiwan dito, mami.” Paawa nito.

Hinalkan ko ito. “Don’t worry bukas mamamasyal tayo! Buong araw tayong magkasama bukas!”

Nagliwanag ang mukha nito.

“Promise?” Itinaas pa nito ang pinky finger.

“Promise!” ani ko.

Mabuti at ganadong-ganado naman si Lola Marcila na itulak ako kasama si Dessa sa disco party. Umaalma si Lolo Handro doon dahil ’di raw alam ni Xavier na aalis pero pinagalitan lang ni Lola Marcila si Lolo. Kakaawa pero under de saya si lolo! At saka bakit kailangang malaman ni Ultimate Crush kung saan ako pupunta? Care no less din iyon sa akin eh!

“Ang puti mo!” Compliment ni Dessa sa akin habang nakasakay kami sa tricycle. Hindi naging maganda ang karanasan ko sa tricycle sa Cebu pero dahil kasama ko naman si Dessa ay naging panatag ako. Ewan ko ba, simula kasi nong na-holdup ako wala na akong tiwala sa mga tricycle. Sumasakay lang ako ng tricycle kapag may kasama.

“Maliit na bagay, Dessa!” ani ko. “Pero, kaano-ano mo pala si Xavier, Dessa? Don’t tell me, karibal kita?”

Humagalpak ng tawa si Dessa sa akin. Halos matabunan ng halakhak niya ang music ng disco sa ’di kalayuan.

“Hoy! Barkada ko lang si Xavier! Tropa ko iyon dati, nung mga musmos palang kami. Namiss ko lang kaya pumunta ako kina Lola Marcila. ’Di naman aakalain na ikaw ang bibit-bitin ko sa disco!”

Umirap ako rito. “Siguraduhin mo lang ’yan, Dessa, dahil ako ang magiging kaagaw mo sa pusong ligaw ni Xavier!”

Muling humagalpak ng tawa si Dessa. Adik din ang babaeng ito! Hindi lang pala madaldal si Dora, parang timang din. Tawa nang tawa sa tabi ko!

Pagkarating namin ni Dessa kung nasaan iyong disco party. Pakiramdam ko nasa probinsya namin ulit ako. May mga magdyowa tapos merong iba na naglalandian sa labas ng covered court. May mga nagtitinda rin sa labas ng court ng makakain at inumin.

Kadalasan sa mga nakikita ko ay mga sexy talaga na mga gurls pero ’di pakakabog ang beautyness ko sa kanila. Kahit short shorts lang itong suit ko at simpleng tshirt. Umaangat pa rin ang ganda ko sa kanila. Ngunit sa katunayan n’yan ay hanggang kalingkingan lang ako ng mga gurls dito! They’re so, so pretty! Iba talaga ang ganda ng mga taga-probinsya, kagaya ko.

“Pasok tayo mamaya kapag marami nang tao.” sigaw ni Dessa sa tenga ko. Pasalamat ang Dora na ito na makasingtangkad kami.

Tinanguan ko lang ito. Dinala ako ni Dessa sa mga nagtitinda ng kwek kwek, tempura, fish ball at iba pa.

“Kumakain ka naman nito, ’no?” aniya.

“Of course!” Baka kung si friendship Jewel ko ay hindi iyon kumakain ng ganito pero ako favorite ko ito. Alam kong ’di healty ang mga ito kaso gusto kasi ng katawan ko.

Nakakatuwa kasi mukhang pera si Dessa, chariz! Yayamanin pala si Dora- Dessa! Puro libre lang ang mga kinain ko at kahit iyong pamasahe ko kanina. Halatang bagong withdraw sa bangko ang kanyang pera, mabango pa eh! ’Di naman siguro niya ito nakaw sa bangko, ’di ba?

“Okay na iyon sa’yo? Baka may gusto ka pang kainin.”

“Okay na ako, bhie. Busog na! Pwede na natin itong tunawin sa dance floor mamaya!”

Tumawa na naman siya. Grabe! Happy pill ako ni Dessa.

“But seriously, papaano kayo nagkakaintindihan ni Xavier? Dati kasi ang seryosong tao niya. Tapos ikaw, maingay at makulit. Minsan kung ano-ano pa ang lumalabas sa bibig mo.” Natatawang usisa ni Dessa. Umiinom ito sa kanyang soft drink.

“Seryosong tao pa rin si Xavier, bhie. Hindi kami nagkakaintindihan no’n, kung alam mo lang, ako lagi nag-a-adjust doon, eh. Ang sungit din niya kasi, ’no?”

Tumango si Dessa. Agree na agree sa sinabi ko.

“Oo, kahit dati, hindi na talaga approachable na bata iyang si Xavier. Ako nga lang ang matapang na nakipag-kaibigan d’yan. At saka takot ang mga kalaro namin dati d’yan kay Xavier dahil parang kahit anong oras nambubugbog.”

Sumipsip ako sa straw ng aking soft drink na nakalagay sa plastic.

“Kahit iyong Kuya Camelot ko tingin niya kay Xavier parang brutal daw na tao.”

Tumawa si Dessa.

“Enough with Xavier. Pumasok na tayo sa court at mag-enjoy!” aya ni Dessa sa akin.

Pagkapasok namin sa loob ng covered court, parang lalabas na sa ribcage ko ang aking puso dahil sa lakas ng beat. Parang lalabas na rin ang tutuli ko sa lakas sounds.

Marami nang tao at dikit-dikit na rin ang katawan namin ng mga tao sa loob. Enjoy na enjoy sila.

Hinila ako ni Dessa sa gitna ng court and she started singing, char! Alangan naman kung kumanta ang ate ninyo sa loob ng disco party! Syempre sumayaw! Sanay na sanay si Dessa na sumayaw. May pataas-taas pa siya sa kamay niya sa ere at gumigiling!

Really, I know how to dance. Ang pagsasayaw lang ata ang kaya kong gawin na kampante pero… hindi naman pang disco ang moves ko! Pang sexy dance lang, chariz! Kahit na madilim at nakakalula iyong mga strobe lights, kahit papaano naaninag ko pa naman si Dessa.

Inilapit ni Dessa ang bibig niya sa aking tenga. “Come on, let’s dance!”

Naku! Kapag ako sumayaw baka magsilabasan ang mga tao dito sa covered court at umuwi sa bahay nila. Ayaw kong pakitaan sila sa aking moves!

Kinuha si Dessa ang kamay ko at saka ako ginaya upang sumayaw at igalaw ang katawan sa dagat ng tao.

My feet started to dance with the beat, ginalaw-galaw ko na rin ang aking baywang at sinu-sway ang katawan. Ilang sandali pa ay pinagpapawisan na ako at nasanay na ang katawan na sumayaw. I started to grind kagaya no’ng kay Dessa.

“Woah!” Dessa screamed in blissed nang makita akong gumiling. “Ang lambot ng katawan mo!” sigaw niya. Dahil sa lambot naging bakla! Chariz!

Itinaas ko ang aking kamay at rock my body together with the loud and banging music. Ngunit ang paggiling ko ay natigil nang may humawak sa balakang ko. Awtomatik na tumigil ako sa pagsasayaw at kasabay no’n ang pagnginig ko. Pero nalusaw ang panginginig ko nang lumingon ako at nakita ko si Xavier pala ang humawak sa baywang ko.

Hinarap ko si Xavier. Dahil sa malilikot na strobe lights nakita ko ang pag-igting ng panga ni Xavier at umusli ang ugat ng leeg nito.

“Xavier!” sigaw Dessa sa aking likuran.

Napansin ko na dito sa probinsya nina Lola Marcila, hindi pinagkakaguluhan si Xavier. Kilala lang nila si Xavier at tinatawag ito ngunit hindi sila wild. Saksi ako no’n nung makatungtong kami dito sa probinsya. Kumakaway lang sila. Kaya siguro ito ang lugar kung saan nagpasya si Xavier na mag-unwind. Kampante kasi siyang naglalakad dito na hindi dinudumog ng fans. Immune na siguro sila kay Xavier.

“Let’s go home.” Malamig nitong wika habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa baywang ko.

“Hey, Xavier. Ako ang nagdala kay Lawrence dito. H’wag mo siyang pagalitan.” Umalma si Dessa ngunit hindi ito pinansin ni Xavier.

“T-true the fire ang sinabi ni Dessa, X-Xavier.” ako naman, ewan ko lang kung naririnig niya ako dahil sa lakas ng music. Ngumiti ako kay Xavier pero parang naging ngiwi na iyon dahil nanginginig ang mga labi ko. Ang seryoso niya kasi!

Mas naging upbeat ang music kaya naging wild ang mga tao sa loob ng covered court. Nagtatalunan ang iba at sinasabayan pa ng sigaw, dahil doon, nawalan ako ng balanse nang may tumulak sa likod ko.

Sumubsob ang mukha ko sa dibdib ni Xavier at ito naman ay napaatras. Yumakap ang dalawang kamay ni Xavier sa baywang ko.

“Okay ka lang, Lawrence?” tanong ni Dessa sa tabi namin ni Xavier pero ang lakas ng tibok ng puso ko!Alam kong hindi na iyon dahil sa lakas ng music.

Aahon na sana ako mula sa pagkakasubsob ko doon sa dibdib ni Xavier nang magsalita niya.

“Ito ba ang gusto mo?” anito, tiningala ko siya. ’Di ko naman alam na nakayuko pala siya sa akin kung kaya’t nagkatinginan kami.

Tinulos ako sa aming posisyon ni Xavier. Naguguluhan ako sa tanong niya. Alin ba ang tinutukoy niya na gusto ko? Na gusto ko rito sa disco? O iyon bang gusto ko ang yakap niya. Mas gusto ko pa kasi ang yakap niya kaysa sa disco.

“X-Xavier…”

“Ito ang gusto mo, ’di ba?”

Nagtagpo ang kilay ko. “Ang mayakap ka?” ani ko.

Gumalaw ang panga nito.

“I mean itong lugar na ganito. Masikip at maingay.”

Niyakap ko nang mahigpit ang katawan ni Xavier.

“Ito ang gusto ko!” ani ko. Biro ko lang iyong yakap ko sa kanya kasi alam ko naman kung gaano ito ka-allergic sa akin. Ngunit nagulat ko nang higpitan ni Xavier nang yakap ang aking baywang.

“Tighten your embrace because I don’t like the way other guys look at you right now, Lawrence.” Xavier growled.

CHAPTER 17

Chapter 17

Xavier Pov

Nang natanggal ko ang walang hiyang kwintas ko sa towel ni Lawrence, hinagis ko rin iyon sa kanya at binigyan siya ng isang sulyap. Nakatingin lang siya sa malayo at hindi man lang nag-react sa pagtapon ko no’ng towel sa kanya.

Nakahiga si Lawrence sa kama namin dito sa bahay ni Lola. He is displaying his white and flawless legs and spreading his arms freely on the bed. My eyes travelled south until they glued to his small face. I didn’t know what the hell was wrong, but every time my eyes landed on his face, I was unconsciously dumbfounded by it. And… damn! Even his voice! Parang bubuyog ang kanyang maingay na boses na bumubulong sa akin kahit nasa gitna ako ng trabaho! Minsan nga nakakalimutan ko na ang script, ang linya ko dahil natutulala ako sa gitna ng shooting namin.

Hindi ako napapagalitan sa set o nasisigawan pero nitong mga nakaraang araw palagi na lang akong nasisigawan sa set. And it’s all Mark Lawrence’s fault! His face looked like a ghost haunting me, and his voice was like damn bees buzzing in my ears.

I hate it. Nakakainis na wala siyang ginagawa maliban sa kanyang mga kabaliwang mga sinasabi sa akin pero dinidisturbo ako ng walang hiyang boses at pangit… scratched it… unattractive niyang mukha.

Yeah, it’s unattractive, yet it’s tattooed on my brain! How fucking great!

Naiinis rin ako dahil iyong mga kabaliwan niyang sinasabi sa akin, naapektuhan ako roon. Naapektuhan ako— binibwesit kasi ako. Oo, binibwesit ako.

Inis akong kumuha ng towel at pumasok sa banyo para maligo. Ililigo ko na lang itong inis at pagkabanas ko. Kailangan ko lang sigurong iligo biglang init ko sa ulo. Iniwan ko si Lawrence na mukhang naglalakbay na naman sa ibang dimensyon ang utak!

Ginulo ko ang buhok nang makaharap ako sa malaking salamin ng banyo. Kaya nga gusto kong pumunta rito sa bahay ni Lola para mawala itong bumabagabag sa aking inis kaso mukhang lala pa yata! Shit!

Nagpailalim na ako sa shower at hinayaan ang tubig na maglakbay sa aking katawan. Naitungkod ko rin ang kamay sa tiles na dingding ng banyo. Ang naririnig lang sa loob ng banyo ay ang lagaslas ng tubig ngunit magulo ang utak ko.

It’s a really bad idea to bring that unattractive bee with us. Pero alam ko namang hindi ako titigilan ni Z kapag hindi kasama ang Mami niya, ang maingay niyang Mami!

Kailan ba ito nagsimula? Kailangan ba ginulo ng bubuyog na iyon ang utak ko? Shit! That night… that night that I kissed him. Wala lang naman iyon sa akin. Honestly, walang malisya ang halik na iyon. Iniisip ko lang iyon na ka-trabaho ko si Lawrence pero ginugulo ako no’n. Kahit iyong mga ka-eksena ko, hindi naman ako ganito. Hindi ako nababagabag ng ganito. Pero tangina! Ang bubuyog na iyon binabaliw ako! Gusto pa akong pakitaan ng katawan niyang wala naman makikita. Tsk! Maputi lang naman siya. Yeah, maputi lang pero unattractive. Yes!

Lumabas ako ng banyo nang nakatowel lang at sinusuklay ang buhok gamit ang daliri ko. Ngunit natigil din ako sa ginagawa nang makita kong bakante na ang kama— ang buong kwarto. Maayos na rin ang kama at wala na si Lawrence.

Shit! Umupo ako sa kama. Why the hell did I do that shit? Ano para makita i Lawrence ang katawan ko? Dammit! Nalimutan ko lang naman ang damit ko, hindi ako nakapagdala ng damit sa banyo kaya nakatowel lang ako nang lumabas sa banyo.

Kumuha na lang ako ng shorts and paired it with my St. Laurent white t-shirt. Inilabas ko rin ang silver necklace ko na may letter X na pendant. Pahamak na pendant. Nagwisik din ako ng pabango sa katawan. Inayos ko ang aking buhok. Aalis na sana ako sa harap ng salamin nang makita ko ang hitsura ko. Damn! Bakit ba ako nag-aayos ng ganito? Bakit kung magpabango para ko na itong iligo sa katawan ko?

Ginulo ko ang aking nakaayos na na buhok bago lumabas sa kwarto. Nababaliw na rin yata ako. Mukhang nahahawaan na ako sa kabaliwan ni Lawrence.

Unti-unting tumaas ang isang kilay ko nang wala akong marinig na boses nung bubuyog. Nasaan na ang maingay na iyon? Bakit walang boses niya na nagr-resonate sa buong ground floor?

“Daddy!” Imbes na ang bubuyog niyang nanny ang boses na sumalubong sa akin, ang anak ko na si Zion ang bumungad sa akin.

Yumuko at upang mahagkan ang anak ko.

“Where’s your Mami?” I asked my son. I tried my best to act like nothing and chill.

“Mami is out po, daddy.”

Kumunot na ang noo ko roon sa sinabi nga anak ko.

“What? Lumabas siya? Who’s with him? Gabi na, anong gagawin niya sa labas?” Tuloy-tuloy kong tanong sa anak ko.

Zion’s forehead creased, copying my confused and annoyed expression.

“Why are you asking, daddy? Are you worried about my Mami?” My son asked with a wide smile crossing on his lips.

“Hindi.” My bland response.

“Then, I won’t answer you.”

Umawang ang labi ko sa sinabi ng anak ko. Ito ba ang natutunan niya sa kanyang Mami? May salita pa silang sila lang din ang nakakaintindi.

“Baka umalis na ang Mami mo. I’m just worried that your Mami might leave you—”

“No! My mami will stay with me! Hindi ako iiwan ng Mami ko! My Mami Lawrence loves me so much! Mami even promised me kanina before he left! My Mami will only go to the place where only adults are allowed!” Hiningal si Z matapos ang sinabi niyang iyon. Kapag talaga si Lawrence ang pinag-uusapan namin nagiging choleric si Z. Z really, really loves Lawrence so much. Siguro na-attach siya ng sobra kay Lawrence dahil ito ang tumulong sa kanya at spoiled din siya kay Lawrence. Tingin ko nga rin mas mahal ni Z si Lawrence compared sa akin.

I also want Z to love me the way he cares and loves his Mami. Nakakapanghinayang na sa pagtatrabaho ko para kay Z, ang pagmamahal niya naman pala para sa akin ang unti-unting nalulusaw. Kung hindi nangyari ang kidnapping at kung hindi nawala si Z sa akin, hindi ko siya muling mapagtutuonan ng atensyon. and I’m so, so guilty.

Ginulo ko ang buhok ni Z. “I’m sorry, Z. I’m just kidding, okay? Hindi aalis ang Mami mo.” But later on, I know Lawrence will eventually leave us. Two months lang siya sa amin ni Z.

“Don’t say those things again, Daddy. Hindi aalis ang Mami ko. Love niya ako. Mami promised, Zion, na hindi niya ako iiwan. And I know too that Mami won’t leave me. Like how Mami saved me back then.” Z said those things with a smile on his lips. Tingin niya talaga hero niya si Lawrence.

Lagi kong nabibigo ang mga pangako ko kay Z. Kaya hindi siya umaasa minsan sa mga pangako ko. Pero si Lawrence, kaya siguro ganon na lang ka-attached si Z kay Lawrence kasi hindi niya iniiwan ang anak ko. Kaso, papaano na lang kung malaman niyang iiwan din kami ng Mami niya after two months? Fuck!

“I know. I know, Z.” Alo ko na lang sa anak ko.

Tiningala ako ng aking anak, with his pleading eyes.

“Please do something, Daddy, so that my Mami won’t leave me or leave us. Please?”

“Z,”

“I’m happy with my Mami Lawrence, daddy.”

“But you know that your Mami Lawrence isn’t your biological—”

“My Mami Lawrence will always be my Mami.” Galit nitong pinadyak niya ang paa sa sahig.

“Okay, okay.” Suko ko na rin dahil ayaw kong mag-away pa kami ni Z habang nandirito kami sa probinsya. Sapat na ang problema ko kay Lawrence. Ayaw ko na pati kay Z magkalamat pa ang relasyon naming mag-ama dahil kay Lawrence.

At muling pumasok sa isipan ko na hindi ko nga pala alam kung nasaan si Lawrence.

“Apo! Akala ko nagpapahinga ka sa taas! Pumunta rito ang kababata mo, si Dessa.” si Lola na siyang biglang dumating. Dessa is a very good friend of mine. Siya lang ang may lakas loob noon na lumapit sa akin nung kabataan namin dito sa probinsya.

Ngunit bago pa ako makapag-react sa sinabi ni Lola nauna na ang sampal nito sa balikat ko. “Ikaw, apo, huwag ka namang maging marahas kay Lawrence. Maawa ka naman doon. Ang liit pa naman ng apo kong iyon.”

Kumunot ang noo ko. Marahas? Ang alin? Ang pakikitungo ko kay Lawrence ba ang tinutukoy ni Lola Marcila? Papaano niya malaman?

“La, anong marahas ang pinagsasabi ninyo?” Takang tanong ko kay Lola.

Tiningnan ko si Z na kumapit sa kamay ni Lola Marcila. Magkakampi na sila ngayon, mukhang mga kampon talaga ito ni Lawrence. That noisy bee!

Inirapan ako ni Lola. Shit! Kakakilala lang ni Lola at ni Lawrence pero may virus na siyang nakuha mula sa bubuyog na iyon!

“Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko na ang totoo, apo! Alam ko naman na walang awa ka talaga minsan at minsan nakakalimutan mong maging gentle kaso huwag naman pati kay Lawrence, apo.”

Halos umabot na sa hairline ko ang aking kilay sa pagtataka ko sa mga sinasabi ni Lola ngayon.

“La, I know that I’ve been rough to Lawrence, but it’s not what you think it is!” Giit ko rito kaso inilingan lang ako ni Lola.

Fuck!

“Huwag na, apo, kita ko na ang ebidensya sa ginawa mo kay Lawrence. Buti na lang talaga at may gana pa siyang sumama kay Dessa sa—”

“Sumama? Saan? Saan dinala ni Dessa si Lawrence.”

Kita ko ang tawa sa mukha ni Lola kaso inipit niya ang labi upang pigilan ang tuwa niya.

“May disco party doon sa covered court. Ayon sinama ni Dessa kasi akala ko nga nagpapahinga ka sa taas.”

“Disco? Sumama si Lawrence, la?”

Taas noong sumagot si Lola. “Oo, mabuti nga at may lakas pa iyon na sumama kay Dessa kahit pinagod mo!”

I want to correct my grandmother, but my mind has already flown to where Lawrence is. I’m not being overdramatic here; I’m just worried because he is my son’s nanny, and my son loves him so much. That’s why I’m so worried.

“Kanina pa, la?”

“Oo, apo.”

“I’ll just go after him.” saad ko lang bago lumabas ng bahay at tumungo sa garage.

I climbed onto my car and immediately started the engine. Malapit lang naman ang covered dito sa bahay ni Lola, mga ilang minutong drive lang. Sa katunayan ay naririnig pa nga rito ang music na nanggagaling sa disco kaso hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali ng ganito! Fuck this life.

Mabilis akong nakarating sa covered court. Thankfully may bullcap ako sa sasakyan kaya sinuot ko iyon. Habang naglalakad ako tungo sa covered court, napansin ko ang mga taong napapalingon sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at dere-deretso ang lakad ko.

Napabuntong hininga naman ako nang makita ko ang court na punong-puno sa tao. Ano nga ang pinunta ko rito? Why do I do this shits? Why Am I so lame? I want to retract my feet and go home but it feels like my body wanted to stay and look for that damn bee.

Isang marahas na hininga ang pinakawalan ko bago sinuong ang dagat ng tao at sinubukang hanapin ang taong gusto kong makita. It’s a blessing that I’m tall for almost the rest of the people inside the court because I can scan the people without that much effort.

My hands on my sides involuntarily clenched to it’s limits and my bone on my jaws tightened when I saw Lawrence… grinding and dancing together with Dessa. Dessa even cheered for Lawrence and they caught the eyes of the people around them. I sauntered towards them and just when I reached where they are. I grabbed Lawrence waist. The fucking small waist for heaven’s sake.

Lawrence usually wear loose shirts and shorts short, hindi ko siya mapipigilan doon. I know I don’t have any rights to dictate Lawrence about whatever he wears. It’s just that when I looked at him wearing those fabric irks something inside me. Siguro inis iyon?

And now that I’m holding and feeling his waist under my palms, it’s nice… it’s nice having his body have as this proximity as mine. Ngayon ko lang nahawakan ng ganito ang waist niya at ang liit!

Niyakap ako nang mahigpit ni Lawrence pero hindi ko siya magawang itulak kagaya ng lagi kong ginagawa sa kanya. Those hawk eyes watching him dance like a pro inside the court boils my blood. I don’t like those stares.

Yumuko ako at bumulong sa tenga ni Lawrence

“Let’s go.” I whispered onto his ears.

Hindi tinanggal ni Lawrence ang pagkakayakap sa katawan ko. Like a tarsier holding for his life onto the branch.

“Paaano si Dessa? Siya ang nagdala sa akin dito. Nilibre niya rin ako.”

Kumuyom ang panga ko. May paki pa talaga siya sa mga libre ni Dessa sa kanya?

Kinilabit ko si Dessa na manghang nakatingin sa amin ni Lawrence. The fuck?!

“Uuwi na kami.” ani ko sa kaibigan ko na hindi ko pala napapansin kanina.

Piping tumango si Dessa sa amin. She looks stunned at us!

Holding Lawrence’s waist, inakay ko siya palabas ng covered court at dinala ko siya papunta kung saan nakaparada ang kotse ko.

“Ayiiee! Bakit mo ako sinundo, honeysurgarplum ko?”

Pumikit ako ng mariin at hindi umimik. Iyang tawag njya sa akin… nabibwesit ako. Maraming callsign si Lawrence sa akin at ni isa no’n wala akong nagustuhan.  Pinaiinit niya lang ang ulo ko. Fuck this!

“Alam mo enjoy na enjoy na ako roon. Alam mo na, namiss ko rin kasi ang mga ganto. Namimiss ko amg probinsya.” Daldal niya kahit tahimik ako.

I started the engine.

“Saka kanina anb saya kasi chini-cheer ako ni Dessa nang sumayaw ako. Nakakadagdag sa confident at pagka-precious ko.”

“Really?” anang ko at sarkastiko iyon.

Ngumuso si Lawrence at tumango. Tang ina! Hindi niya talaga nakuha ang gusto kong iparating.

“Oo! Oo naman!

“If you want attention, I can give it to you.”

“Unsa?”

“Don’t seek anybody else’s attention. I can give you the attention you want.”

CHAPTER 18

Chapter 18

Mark Lawrence Pov

“Oi, oi! Honeysugarplum h-hindi n-naman ito ang daan pauwi?” Walang kasiguraduahan kong untag sabay tapik sa braso ni Ultimate Crush. Pero, shityness, ang tigas ng braso ni Xavier! Parang bet na bet ko dito magpa-padlock! Chariz, headlock pala iyon.

For all I know, not sure though, habang papunta kami rito ni Dessa kanina nagmamasid din kasi ako sa paligid namin. Na-trauma na kasi ang bakla, kaya naman nagtataka ako rito kay Ultimate Crush na iba na ang direksyon, iba na ang daan na tinatahak namin! Saka naaninag ko rin ang ilaw ng bahay nina Lola Marcila kaso lumiko sa ibang daan si Ultimate Crush. Shockings!

Tiningnan ko ng taimtim si Xavier dahil baka gumana ang alindog ko sa kanya at ma-distract ko ito sa pagd-drive. Kaso hindi nito tinatanggal ang atensyon sa daan at puno ng kseryosohan ang kanyang mukha! Emz! Don’t tell me not, na itatanan niya ako? Tsk! Ito namang si Xavier pwede niya namang sabihin sa akin na gusto niya akong ilayo kina Mama Aubrey. Willing na willing akong sumama sa kanya kapag inaya niya akong magtanan. Magpapaalam lang ako ng mabuti kina Mama Aubrey dahil alam kong mag-aalala iyon. High blood pa naman siya.

Umingos ako at naglikot-likot sa aking upuan. Inindak-indak ko ang aking paa at nagpabaling-baling ako sa aking kinauupuan para lang mapansin ni Xavier!

Bakit kasi hindi niya pinapansin ang ganda ko? Hindi lang niya alam na marami ring naghahabol sa akin. Isali ko pa ang aso ng kapitbahay namin sa Cebu.

“Fuck!” Finalizationism napansin na rin ni Xavier ang aking beautyness.

“Ahw!” Daing ko nang hawakan ni Xavier ang isang palapulsuhan ko. Sinubukan kong bawiin ang aking palapulsuhan sa kanya kasi binibini ako pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa akin.

“Tulong! Tulong! Kidnapping! Kinidnap po ako ni Xavier! Pwede niya naman po akong itanan o ikidnap pero dapat nagpaalam muna ako kina Mama at Kuya para hindi sila mag-alala sa— ahhh!” Hiyaw ko sa biglang pag-break ni Xavier sa kotse. Akala ko matatapon na ang katawan ko sa labas ng kotse mabuti na lang at naka-seatbelt ako at saka naprotektahan din ni Xavier ang aking noo gamit ang kanyang palad. Hindi nauntog ang aking ulo dahil doon sa mabilis na reflexes ni Ultimate Crush. Pa-fall ito, eh! Porket alam niyang number one siya dito sa pusong ligaw ko.

“Can you shut up!?” sigaw niya sa akin nang makabawi sa gulat at bumuntong hininga ang lalaki. Parang konsomisyon na konsomisyon na si Xavier sa akin pero wala siyang choice since nasa loob kami ng kotse.

“E-eh kasi… hindi mo ako pinapansin tapos… t-tapos iba na ang daan na tinatahak natin. Akala ko itatanan mo na ako.” Ngumunguso kong wika. Parang maamong tupa kasi napagalitan na.

Napahilamos si Xavier sa kanyang dalawang palad at naiunan ang ulo doon sa steering wheel ng kotse.

Nang muling bumaling si Ultimate Crush sa akin namumula na ang kanyang buong mukha at pati ang leeg. Credits to the rightful owner sa ilaw nitong kotse dahil nakita ko iyon. Bakit ito namumula? Dahil ba ito sa galit niya sa akin? O baka kinikilig? Chariz! Nag-iilusyon na naman ako. D’yan pa naman ako expert.

“Hindi kita itatanan, Lawrence. Dammit!”

Tingnan mo minumura ako! Pero okay lang, si Xavier naman ang nagmumura sa akin. Tsk! Kahit naman sino basta crush at idol mo, ayos lang magpamura. Ang iba nga d’yan gusto ng suntok mula kay Manny Pacquiao! Ano na lang ako? Kahit yata bugahan ako ng apoy ni Xavier hindi ako magagalit. It’s an honor!

“Edi, kikidnap-in mo ako?”

Dismayadong umiling si Ultimate Crush, animoy, wala na talaga siyang pag-asang makakuha ng matinong sasabihin mula sa akin.

“The heck I would do that.” aniya at natawa kaso inipit niya ang ibabang labi upang huwag iyong kumalat sa buong mukha niya ang tuwa. Guni-guni ko ang ba ito? Pero malalamyos na tingin kasi ang binibigay sa akin ni Xavier.

Tumango ako. Humingang malalim.

“Tama. Hindi mo kailangang kidnap-in at itanan ako kasi kusa,” tinapik ko pa ang aking dibdib ng dalawang beses. “Kusa akong sasama sa’yo, honeysugarplum ko.”

“Tsk!” anito at natawa.

Lumiwanag naman ang mukha ko nang makita ko ang genuine na tawa ni Xavier dahil sa akin! Napalunok din ako ng malalim pagkuwan kasi parang may sumipang paa ng kabayo sa aking dibdib na siyang maging dahilan kung bakit para itong may sakit ngayon.

Iyong dibdib ko parang beat no’ng sounds sa  disco kanina. Ang lakas at halos ’di ako makahinga ng maayos. Shocks! Hindi ko afford ang magkasakit ngayon! Ano ’to? Heart Attack by mother Demi Lovato?

“S-saan ba kasi tayo?” Tingnan mo nautal na ako dahil sa lakas ng hampas ng puso ko! Don’t tell me gusto niyang lumabas sa body ko? Hindi pa pwede!

Humingang malalim si Ultimate Crush.

“May favorite place ako rito, gusto kong dalhin ka roon kasi maganda ang—”

“Ayie! Gusto mo lang yata akong m-makasama at makapag-alone time sa a-akin, eh.” Tukso ko kay Xavier. Akala ko susuplahin niya ako o babarahin tulad ng lagi niyang ginagawa kaso sumeryoso lang ang mukha niya at tumingin sa akin ng deretso.

Bigla akong nakaramdam ng pagka-conscious dahil parang hinahanapan ni Xavier ng kapintasan ang kapintas-pintas kong mukha. Para tuloy akong naiihi sa aking kinauupuan.

“What if that’s what I want, Mark Lawrence? What will you do? Would you come with me?”

Natameme ako. Gusto kong tumawa. Gusto kong gumulong ang tumawa kasi nagbibiro si Ultimate Crush sa akin. Mukhang nahawaan ko na rin siya kaso hindi… hindi siya nagbibiro. Walang halong biro ang kanyang pagkasabi no’n.

“Don’t you remember what I have told you?” Biglang pa-oral recitation pa ni Xavier.

Shocks! Bakit siya ganito? Anong nilaklak ni Xavier Faleiro? Bakit siya magkaganito? Hindi ito si Ultimate Crush. Mga maligno na nagnakaw kay Ultimate Crush inuutusan ko kayong ibalik ninyo ang aking iniirog na masungit at cold person!

“E-eh… h-hehehe!” Nanginginig ang boses ko.

Naiiyak ako.

“You cannot take me seriously, Lawrence.”

“Honeysugarplum k-ko…”

“I told you. You cannot handle me.”

“Tara let’s na sa p-puntahan natin, Xavier. Hehehe! Nag-iiba na ang i-ihip ng hangin, eh.” Rason ko at umayos sa aking kinauupuan.

Kung kanina ay para akong bulate sa malikot dito sa aking pwesto. Ngayon ay para na naman akong tuod dito sa frontseat at deretso lang ang mata sa daan.

Maya’t maya kong nararamdaman ang mga mabibigat na titig sa akin ni Xavier at ibang klase ang kaba ang dulot no’n sa akin. Idagdag pa ang puso ko na parang may sariling disco party sa loob ng ribcage ko.

“We’re here.” ani Xavier at mabilis ko namang kinalas ang aking seatbelt at bumaba sa kotse. Hindi na ako naabutan na ni Xavier at ako na ang nagbukas sa pinto no’ng kotse pero siya naman ang nagsara no’n para sa akin.

“Wear this, malamig sa taas ngayon.” aniya.

Napatingin naman ako sa burol. “Aakyat tayo doon?” Turo ko.

“Hmm,” aniya at ito na ang nag-kapa no’ng black and white checkered jacket sa aking balikat.

Natulos lang ako sa aking kinatatayuan at hinayaan si Xavier na ayusin iyong jacket niya sa akin.

“Hehehe! Akin na ’to? Remembrance pagbalik ko nang Cebu!” Biro ko pa sa kanya.

Tiningala ko ito kasi wala siyang response sa akin. Ang damot naman nito. Parang isang jacket lang hindi mabigay sa fans. Tsk! Hindi nga ako nakakapunta sa mga fanmeet niya, eh!

“Akin na ’to!” Desisyon ko kasi wala siyang sagot.

Kita ko ang paghigpit nung panga niya. “Okay.”

“Napipilitan ka lang, eh! Pero, okay lang basta akin na ’to.”

Xavier Pov

Matapos kong ikapa kay Lawrence ang dala kong jacket, nauna pa ito sa akin na maglakad pero naririnig ko ang hagikhik niya at lantaran din ang pag-amoy niya doon sa jacket ko.

Lagi akong may extra na damit sa kotse at dahil gabi nga ngayon at malamig pa naisipan kong ipasuot iyon sa kanya. At hindi ko inaasahan na hihingin niya iyon sa akin.

But what didn’t set my mood right was when he mentioned that he’s going back to Cebu. I know, I’m the one who said and decided that he would be with us—with Zion—for only two months. Hindi ko iyan nakakalimutan pero bakit may kumalat na pait wa aking sistema nang sabihin ni Lawrence na babalik na siya sa Cebu? Iyon naman ang gusto ko ngunit bakit ngayon nababadtrip ako?

“H-honeysugarplum ko! H-halika na!” Kamay pa nito sa akin. Ayan na naman siya sa tawag niya sa akin. Naiinis ako roon! Gusto ko siyang suwayin doon sa petname niya sa akin pero walang lumalabas sa bibig ko.

Ginulo ko ang aking buhok! Tang ina! Naalala ko ang sinabi ko sa kanya kanina roon sa kotse. Minsan din talaga hindi ako nag-iisip ng maayos. Bigla-bigla na lang akong nagsasabi ng kung ano-ano. Mga salitang baka pagsisihan ko? Shit! I don’t know anymore!

Ni-lock ko ang kotse at hinabol ang maliliit niyang hakbang.

I startled slightly when he suddenly clamped his arms around mine.

“Ang lamig nga! Hehehe!” Tang inang boses ’yan. Iyan na naman panigurado ang gugulo sa isip ko sa susunod na mga araw! Bothered na bothered na talaga ako!

However, instead of pushing his arms away from mine, I let him do whatever he wanted as we walked together.

Nang makarating kami sa tuktok ng burol ay napabitiw si Lawrence sa braso ko at napatakbo ng ilang hakbang at narinig ko ang tawa nito.

Dito sa tuktok ng burol nakikita ang maliliit na ilaw sa karatig na barangay. Malamig dito at maganda ang tanawin. Sakto pa ngayon na may buwan at bituin sa langit. Despite the faint sounds emanating from the covered court, the serenity of the place remained undisturbed.

“Ang ganda rito, Ultimate Crush!” Lawrence joyfully exclaimed and looked at me over his shoulder. The wind tousled his hair and my jacket draped over his shoulders, but he held it in place with his hand.

A sudden, inexplicable jolt in my chest made my heart throb. My eyes widened, and I almost clutched my racing heart. What on earth is wrong with me?

As the moment passes by upon watching Lawrence, para na akong minamaligno. Dahil parang nagliliwanag ang paligid ni Lawrence at ito lang ang nakikita ko in slow fucking motion! What the heck?!

“Halika rito!”

Sa paghila ni Lawrence sa akin, doon lang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nagpatianod lang ang katawan ko sa kanya nang hilahin niya ako.

“Ang ganda oh!” Turo niya pa sa mga scenery na nasa harap namin.

I looked down to see him giggling like a baby. Despite the darkness, the bright moon in the night sky illuminated his face, allowing me to see his joyful expression.

What the hell are you doing to me, Mark Lawrence? Should I be worried about this? Fuck! Inis pa ba itong nararamdaman ko?

“Sayang wala rito si bibi Zion! Tiyak matutuwa ang bata rito!”

Lawrence looked up, and his eyes locked onto mine. Damn it! They gleamed under the moonlight! Or am I just imagining things?

“Salamat sa pagdala mo sa akin dito, Xavier! Akala ko talaga itatanan mo na ako, eh! Hayts! Sayang naman!” aniya at nag-iwas ng tingin sa akin. “Kaso ayos lang din kasi mag-aalala sina Mama Aubrey sa akin. Hehehe!”

“Pwede naman tayong bumalik dito kasama si Z.” saad ko at pinutol ang titig kay Lawrence. Para na kasi akong baliw habang tumatagal ang mata ko sa kanya.

Ilang beses akong nag-inhale-exhale kaso hindi pa rin naglaho ang pagwawala ng puso ko. I need to call Cesna, my manager, to book an appointment for me at the hospital as soon as possible!

Hanggang sa makauwi kami ni Lawrence ay hindi na niya binitiwan ang jacket ko. Akala niya siguro babawiin ko iyon sa kanya.

“Apo! Nand’yan na pala kayo! Bakit ang tagal ninyo?” Sumalubong sa amin ni Lawrence si Lola Marcila at Lolo.

“May pinuntahan lang, la.” ani ko.

“Naku si Zion nakatulog na sa silid namin kakahintay sa inyo.” ani naman ni Lolo.

“Okay lang, lo, pwede ko namang buhatin si Z tungo sa kwarto namin—”

“Ay, hindi, apo!” Mabilis na awat ni Lola sa akin. “Sinabi ko na sa’yo, apo, na sa amin ng Lolo Handro mo tatabi si Zion. Minsan na nga lang kayo nakadalaw dito tapos ipagkakait mo pa talaga sa amin si Zion.” Drama ni Lola Marcila.

Akala ko pa naman ay magbabago ang isip ni Lola kaso mukhang determinado nga siyang itabi si Z sa kanila.

“Okay, magpapahinga na ako.” saad ko at nag-flex sa aking leeg. Sumakit bigla ang batok ko, eh. Siguro high blood na ito? Kaya siguro laging mainit ang dugo ko at madali akong mainis kay Lawrence dahil high blood ako.

I marched through the stairs.

“Ikaw, apo, Lawrence, magpahinga ka na rin. Alam kong pagod ka kasi kanina tapos sumama ka pa kay Dessa. Magpahinga ka na rin sa taas!” Rinig kong taboy rin ni Lola kay Lawrence.

“Ah, eh, Lola…”

“Sige na, apo!” Giit pa ng Lola ko.

Umiling na lang ako at umakyat na lang sa taas. Hindi ko talaga alam kung ano itong tumatakbo sa utak ni Lola.

I wore my army wide cotton pants partnered with dark sleeveless as my sleepwear. At nang lumabas ako ng banyo, kita ko si Lawrence sa kama na may pinapahid sa katawan niya. He is wearing a short shorts, dammit, and a thin pink top shirt.

“Gusto mo?” Alok niya pa sa akin. Off lotion pala iyon.

Umiling ako.

“Mabuti naman. Mahal kasi ito.” aniya.

Bumuntong hininga ako at humiga sa kabilang dalo ng kama. Inunan ko ang isang braso at napatitig sa kisame.

“Lights off or on?”

My head whipped toward Lawrence in horror, eyes wide and breath caught in my throat.

“What?” I blurted.

“’Ka ko, lights off or on ba? Ano? Nakakatulog ka ba na bukas ang ilaw o hindi?”

His words nearly gave me a heart attack.

“Patayin mo ang ilaw!” Banas kong wika at tumalikod sa kanya.

Rinig ko pa ang tawa nito bago pinatay ang ilaw. Ang daldal niya habang nakahiga na kami sa kama at halos takpan ko na ang tenga ko dahil sa boses niya. Parang bubuyog talaga!

Hindi ko alam kung papaano ako nakatulog sa kabila ng ingay ni Lawrence. Ngunit nang magising ako ay halos hindi na ako makahinga dahil pakiramdam ko hindi na umaabot ang hininga ko sa aking bibig at ilong.

Naimulat ko ang aking mata at nanlalaki ang mga mata ko nang makita si Lawrence na nakapatong na sa akin at nakakapit ang braso sa leeg ko. Tang… putangina!!!

CHAPTER 19

Chapter 19

Xavier Pov

I held my head backward and tried my best to catch my breath. Lawrence’s full weight was on me while hugging his arms around my neck. How great?! Papaano ako nito ngayon makakahinga ng maayos?

I tried to untangle his arms from around my neck first, yet his arms snaked over my neck tightly. Goddamnit!

“L-Lawrence!” I choked out and attempted to wake him up.

But the monkey clinging to me just rubbed his legs, and they coincidentally brushed against my… shit, fvcking shit, my member!

Tila umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan at itutulak ko na talaga sana itong si Lawrence sa ibabaw ko at wala na akong paki kung mahulog man siya sa sahig at mabalian. Ngunit parang linta rin itong nakayakap sa akin! Huh! The nerve of this small goddamn bee!

“I miss you!”

My hand paralyzed when I heard him maunder. Both of my hands stopped on his waist as I looked down. His eyes were still closed, and his lips were mumbling incomprehensible phrases.

“Lawrence,” I called out, hoping he would open his eyes and see what he was doing on top of me.

“Miss na kita…”

Humingang malalim ako at napapikit sa aking mga mata. Sumuko rin ako sa pagsubok at hinayaan ito sa aking ibabaw. Ayaw ko na ring gumalaw dahil nararamdaman ko sa ibaba ang aking kaibigan na nadadaganan ng kanyang hita.

“I miss you, mom but I’m scared. I’m… really, really s-scared.”

Naalarma ako roon at muling tiningnan ang mukha si Lawrence. He is still talking in his sleep, but this time, tears were escaping from the corners of his eyes.

Kung hindi ako nagkakamali, it’s Mama Aubrey. Mama ang tawag niya sa kanyang ina. Sino ang tinatawag niya mom? O baka nananaginip na naman ito? Baka binabangungot? Or nag-iilusyon ito. Doon pa naman siya magaling.

“Lawrence wake up!” I said, shaking his shoulders. He is crying for crying out loud!

“I-I’m scared, mom. I hate i-it… I don’t want to see him. I want to forget everything, mom.”

“Lawrence!” I shouted carelessly without worrying if I might wake our neighbors or my grandparents in the other room.

Doon lang nagmulat ng mata si Lawrence. Lumuwa ang mata niya nang makita ang aming posisyon. Halos hindi makagalaw at hindi siguro ma-process sa utak niya itong aming posisyon ngayon.

He clumsily wiped his tears as if I couldn’t see him crying or see his tears.

Ngumiting aso ito sa akin na para bang hindi ko narinig iyong mga binubulong niya kanina sa kanyang panaginip.

“Ayie! Kaya ba gusto mo ang lights off, honeysugarplum, kasi ito ang goal mo?”

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Kakagising lang namin, umagang-umaga pero badtrip na ako.

“What did you say? My goal?!” My eyebrows were already knitting.

“Oo, goal mo.”

“The heck! Anong goal ko?”

“Ang makapa mo ako!”

“Ha! Ha! Hahaha!” Putol-putol at sarkastikong tawa ko sa kanya. Ibang klase rin talaga tumakbo itong utak niya.

Nalukot ang kanyang noo at mukhang walang balak na umalis sa ibabaw ko. Masyado na siyang naging comfy doon.

“Umalis ka na d’yan!” Galit kong saad at itutulak na sana ang katawan nito sa ibabaw ko nang bigla siyang yumakap sa akin at kinulampit ang binti sa katawan ko.

The bullets of curses flew from my mouth! Is he really oblivious to what he is doing to me?

“God! Lawrence! I’m kidding anymore!” Bulyaw pero kinuskos lang nito ang mukha sa aking dibdib. Fuck!

“Bibitaw ka o lilipad kang Cebu ngayon?” Banta ko rito. I have no choice. He is so, so fucking stubborn!

Kakasikat palang ng araw pero pagod na ako sa nangyari sa kwarto namin ni Lawrence. Tang ina! Iyong inis ko sa kanya hindi nalusaw kahit nakaligo na ako, nakapagbihis, at nakapag-almusal.

Thankfully, wala ito sa hapag nang bumaba ako. Pinasyal daw si Z kasama si Lola Marcila. Mga kampon niya ang kanyang kasama. At kahit gusto ko man silang sundan dahil nandon din ang anak ko. Minabuti ko munang manatili sa bahay para makahinga ng maayos at magkaroon ng peaceful hour na walang bubuyog na dumi-disturbo sa akin.

Nasa balcony ako ng bahay nina Lola, naka-upo sa isang silya na gawa sa kahoy at sa tabi ko naman ang isang round table na gawa rin sa kahoy at pinatungan ng transparent glass sa ibabaw. Doon ko sa mesa inilapag ang aking dalang tsaa.

Napangiti ako kasi sobrang aliwalas ng paligid at hindi gaanong mainit ang sinag ng araw. Pinagmamasdan ko lang ang hardin ni Lola na mga iba’t ibang klase ng bulaklak.

“Apo?”

Nalingon ko ang pinanggalingan ng boses ni Lolo Handro.

“Lo,”

Tinapik ni Lolo ang aking balikat at umupo sa kabilang upuan.

“Akala ko sumunod ka kina Lawrence at lola mo, sumama sa kanila si Zion.”

Ang ngiti sa labi ko ay dahan-dahan na nawala at napalitan ng pait. Lawrence na naman! Lawrence here, Lawrence there! Kailan ba ako tatan-tanan ng bubuyog na ito?

“Mag… magpapahinga muna ako saglit, lo, bago sumunod sa kanila.”

“Maaga silang naggayak kasi kino-konsensya ni Zion si Lawrence. Nagtatampo ang bata dahil wala raw’ng oras ang kanyang Mami sa kanya.” Natatawang wika ni Lolo.

My head instinctively turned toward my grandfather when I heard his hearty laugh.

“Natutuwa ako kay Lawrence. Sobrang masayahin niyang bata at parang puno ng positibo sa katawan. Ang ingay niya pero nakakatuwa. Pati lola Marcila mo na masungit tinablahan sa kakulitan at sa pagkamasayahin ni Lawrence.” Pahayag ni Lolo.

Kinuha ko ang aking tsaa at sumipsip doon bago tumingin muli sa mga bulaklak sa harap namin.

Lawrence is definitely like a bee carrying pollen. A bee helps flowers bloom, aiding those that cannot propagate on their own by transferring pollen. Wherever that bee goes and lands, it leaves a trace—a sweet yet sometimes stinging reminder. Parang ganon nga si Lawrence, kahit saan siya napapadpad laging nahahawaan niya ang tao sa kanyang paligid. Gumaganda ang paligid dahil sa kanya.

I almost facepalm. What the fuck did I just think about Lawrence?

“Apo? Apo!”

Napaigtad ako sa tapik ni Lolo sa aking kamay.

“Lo?”

Tumawa si Lolo.

“Ang dami ko nang nasabi rito pero hindi ka pala nakikinig.”

Napailing ako.

“I’m sorry, lo. May… may inisip lang.”

“Si Lawrence?”

“Lo,”

Sumandal ito sa kanyang kinauupuan.

“Nung una nating mag-usap kahapon pumunta kayo rito kasi gusto mong magpahinga at pero, bakit mukhang mas napapagod ka rito? Dahil din ba iyan kay Lawrence?”

“Hindi, lo.” sagot ko kay Lolo pero tumango ang ulo ko. Tang ina!

Malakas na tumawa si Lolo.

“Mukhang naguguluhan ka, apo.”

Napatawa naman ako roon ng hilaw sa sinabi ni Lolo.

“Hindi naman, lo, saka bakit po ako maguguluhan?”

Ngiting napailing-iling si Lolo sa akin.

“May nararamdaman ka ba roon kay Lawrence, Xavier?” Biglang sumeryoso si Lolo dahil tinawag na niya ako sa aking tunay na pangalan.

Nasamid ako sa sariling laway. Nararamdaman? Baka inis at pagkabanas doon.

“W-wala, lo. Saka hindi ko pa po iyon masyadong kilala. Sinagip niya lang po si Z at mahal ng anak ko. Imposible na magkaroon ako ng feelings doon.”

“Hindi iyan imposible, Xavier.” Muli akong napatitig kay Lolo kaso ang tingin nito ay deretso lang doon sa hardin. “Hindi ko alam kung tanda mo pa itong kwento ko sa’yo tungkol sa amin ng Lola Marcila mo. Ngunit isang beses ko lang siyang nakita pero napagtanto ko kaagad na siya ang magiging asawa ko. Tinaga ko iyon na kung hindi ang lola mo ang magiging asawa ko, hindi ako magpapatali sa iba. At tulad din ng mga yumao mong magulang, ganon din sila. Ang papa mo, isang beses lang din niyang nakilala ang mama mo sa Manila pero dinala kaagad dito sa bahay at pinakilala.”

Yeah, but sadly, they both died in an accident. I was in grade school, and Xana, my older sister, was in her high school years when both our parents died. The taxi they were riding in collided with a truck. They were declared dead on the spot.

Walang naging ibang babae noon si Papa. Hindi ko batid pero kontentong-kontento sila ni Mama sa isa’t isa noon. Sakto lang naman ang panumuhay namin dati pero sobrang saya namin. Ngunit panandalian lamang iyon.

“H-hindi naman ako katulad ninyo ni Papa, Lo. At saka… Lawrence is a gay guy, lo.”

Dinala ko na rin dito si Kyline pero hindi naman talaga naging kami sa huli. Kaya nga umabot kami sa puntong ito ng buhay namin. Nag-coparenting pero winala niya ang anak namin. Pinagkatiwalaan ko pa naman siya kay Zion kasi anak niya rin ito.

“Gumagawa ka talaga ng rason.”

“Lo?” Gulo kong wika.

“Ano naman ngayon kung bakla si Lawrence? Bawal ba iyon? Saan nakasulat na bawal magkagusto o magmahal ng isang tulad ni Lawrence?”

“Lo, kasi—”

“Dati na naman may ganyan, apo, kaso hindi nga lang ganito ngayon ka bukas ang mga tao. Noon, hindi nila pinapakita ang tunay nilang nararamdaman— ang tunay kanilang kasarian kasi kapag sinabi dating bakla. Nako, takbuhan ka ng tukso. Para bang kapag bakla ka noon ay isang malaking katawa-tawa at kasalanan. Oo nga’t ginawa tayo na lalaki at babae lang, pero may mga taong pinanganak na babae sa damdamin pero lalaki ang anyo. O may mga babaeng pinanganak pero lalaki ang nasa damdamin. At kung ako ang tatanungin, walang mali roon. Hindi mali na magpakatotoo ka. Walang mali sa pagsunod mo sa iyong nararamdaman. Walang mali sa pagmahal ng kapwa mo lalaki o babae.”

Bumaling si Lolo sa akin. “Kaya ikaw, magpakatotoo ka rin. Ano ba talaga iyang nararamdaman mo para kay Lawrence? At huwag mong gawing rason ang kasarian niya para d’yan sa nararamdaman mo. Ang laking tao mo na, Xavier.”

Nanginginig ang labi ko.

“Lo, inis at pagkabanas ang nararamdaman ko ay Lawrence… i-iyan ang totoo!”

“Talaga?”

“Opo!”

“Iyan bang sagot mo ay iyan ang sinasabi ng puso mo? Iyan ba ang nararamdaman n’yang puso mo? O baka iyan lang ang sabi ng utak mong monggo!”

“Lo!” Inis kong wika. Inaasar pa ako!

“Isasaboy ko talaga iyang tsaa mo sa mukha, Xavier!”

Tumayo ako bago gawin ni Lolo ang kanyang banta.

“Ipapa-check-up ko pa itong puso ko, lo. Balitaan na lang kita kung ano ang resulta!” ani ko at iniwan si Lolo. Ang daming sinasabi ni Lolo… nadadala na ako!

Kaya naman sinundan ko na sina Lawrence kung saan man ito nagpasyal. Maliit lang naman itong kugar kaya I’m sure mahahanap ko lang din sila. At hindi naman ako nagkamali kasi nakita ko sila sa sentro kung saan iyong fiesta. Itinabi ko ang kotse ko.

I wore my ballcap and climbed out of my car. I locked my car before taking a stride towards Lawrence and Z, who were playing with bubbles in the middle of the road. People were passing by around them, and on each side of the road were small vendors selling toys and street foods.

I knew that the sun’s rays were bright enough. However, there was something wrong with my eyes as I watched Lawrence in the middle of the road, playing with the bubbles with his lips stretched into a smile. All of Lawrence’s movements seemed to be in slow motion, and all I could hear was his… damn, his voice. The echo of his laughter filled my ears like music—an unfamiliar song, but it suited my ears.

W-what the fvck! What the hell?!

“Honeysugarplum ko!” I jumped when Lawrence grabbed my hand, and an intense, electrifying sensation surged through my entire body!

Mabilis kong kinuha ang kamay ni Lawrence palalayo sa akin dahil doon.

“The heck!” asik ko rito kaso ngumuso lang siya sa akin.

“Bumili kami ng mga laruan, Xavier. Gusto kasi ni bibi Zion.” Kwento niya lang kahit ’di ko tinanong.

Binaba ko ang tingin kay Zion na malaki ang ngiti. Bigla tuloy nawala ang inis ko dahil sa aking anak.

“Nasaan si Lola?” tanong ko sa kanila kasi akala ko magkasama sila tulad ng sabi ni Lolo.

“Ay, nandon sa mga amega niya, Xavier. Ang daldal kasi ni Lola. Iniwan tuloy namin ni bibi Zion para mamili ng mga toys! ’Di ba, dong?”

“Opo, mami!” Tumatawang saad ng anak ko.

“Hahaha! Pak! Pak! Ganern-ganer!?”

Napailing ako sa kabaliwan ni Lawrence.

Tumalon pa ang anak ko at ginaya si Lawrence.

“Pak! Pak! Ganern-ganern, mami ko!”

Mga kabaliwan nilang dalawa na hindi ko na yata kaya pang pigilan at supilin.

We stroll around. Bumili kami ng mga pagkain at tumambay din sa tabing daan. Ito iyong mga bagay na hindi ko nagagawa kapag lumabas ako rito sa probinsya namin. Ang sarap sa pakiramdam na parang ordinaryong tao ka lang. Pero syempre iyong inis ko ay hindi talaga nawawala kasi ang ingay ni Lawrence at panay pa ang kuha ng larawan sa amin.

“Ang ganda ’di ba, dong?” ani Lawrence sa anak ko at binigay kay Z ang telepono niya.

Nakahalukipkip ako at nasa gitna namin ni Lawrence si Z. Pasimple akong sumilip doon sa telepono. Mga larawan pala namin iyon.

“Wow! Para tayong family, mami!” si Z.

It’s a pang in my chest that I can’t give Zion the family he wants. His mother and I will never be able to be like we were before. My relationship with Kyline ended a long time ago. I can’t even be civil to Kyline because of what she did to my child

“You’re so pretty, mami!”

Tumaas ang kilay ko doon sa sinabi Z. Pretty my ass!

“Salamat, dong, kahit alam ko na iyan!”

Muntik na akong matawa. Kaso hindi ko rin talaga mapigilan ang sarili na huwag sumilip sa larawan. Kaming tatlo iyon at buhat ko si Z. Kahit naka-cap ako halata pa rin ang inis sa mukha ko habang malalaki naman ang ngiti nina Lawrence at Z.

“Ay, puntahan ko muna si Lola Marcila, Xavier.” si Lawrence nang mag-aya nang umuwi si Z. Dumidilim na kasi at inaantok na rin ang bata. Buhat ko nga si Zion at napapakit mata na sa antok. 

“No, baka nakauwi na si Lola. Umuwi na lang tayo.” Pigil ko sa kanya.

“Hindi.” Umiling siya. “Saglit lang naman ako, pupuntahan ko lang si Lola doon sa mga amega niya. Mauna na lang kayo sa kotse ni bibi Zion. Mabilis lang ako.”

“Faster, Lawrence. Please!” ani ko rito.

Ngumisi pa ito bago tumalikod sa akin.

Tumungo na rin ako sa kotse ko at pinahiga ko si Z sa backseat at lumabas ng kotse para doon hintayin si Lawrence.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako mapakali habang panay ang sulyap ko sa aking wrist watch. It’s been 20 minutes since Lawrence went looking for Lola, but he hasn’t come back yet.

“Apo?!” Nalingon ko ang tumawag sa akin, si Lola Marcila.

“La! Nasaan si Lawrence? Bakit hindi kayo magkasama?!” My tone seems in rage.

“A-apo, hindi ko nakita si Lawrence. Uuwi na nga ako pero nakita ko ang kotse mo.”

“What?!” Doon na tumambol ang puso ko ng todo.

“Nasaan ba si Lawrence, apo?”

I bite my lips with a fierce intensity.

“Sabi niya pupuntahan ka niya, la. Pero malapit nang magkalahating oras pero wala pa rin siya!”

“A-ano?”

“Bantayan mo si Z dito sa kotse. La. Hahanapin ko si Lawrence.” Bilin ko kay Lola bago hinanap si Lawrence.

Ngunit sa ilang minuto kong paghahanap kay Lawrence hindi ko ito makita. Nalibot ko na ang lugar ngunit… walang Lawrence.

CHAPTER 20

Chapter 20

Xavier Pov

“Lawrence!? Where the fuck are you?” Hindi ko mapigilang hindi samahan ng mura ang pagtawag ko sa pangalan niya dahil… dahil sa pag-aalala ko. Tang ina! Kapag talaga ako binibiro ng bubuyog na iyon. Lilipad siya ng Cebu ng wala sa oras. Wala na akong paki kung umiyak o magwala man si Z. Sinusubukan na ng Mami niya ang pasensya ko!

“X-Xavier Faleiro?”

My eyes snapped to the girl who called me. I wanted to smile at her. She might be a fan or maybe someone who knows me in the showbiz industry; however, I couldn’t manage even the slightest smile.

“Yes?” My tone came out strict.

“Oh my gosh!”

“Sshh!” I hushed her before she made a scene

Masaya siyang ngumiti sa akin pero hindi ko iyon masusuklian ng ngiti. Lumilipad ang utak ko kay Lawrence kung nasaan man siya ngayon.

“P-pwedeng magpapicture?” It looks like she’s a tourist dito sa probinsya. Nais kong hindian siya kaso handa na ang camera ng cellphone niya.

Tumango na lang ako at binagyan ito.

“I’ll excuse myself, miss. May hinahanap pa ako.”

“Hinahanap?”

Tumango ako.

“My… my personal maid. Hindi ko kasi siya makita.”

Her eyebrows shut up. “Sino po? May picture kayo? Baka nakita ko po.”

Wala akong larawan ni Lawrence pero naalala ko na may IG account pala ito. Akala ko fan account iyon, eh. Naghanap ako ng matinong larawan ni Lawrence sa kanyang IG at ipinakita sa babae.

“Ay, nakita ko po ito si Kuya na cute.”

Gusto kong suwayin siya doon sa sinabi niyang Kuyang Cute si Lawrence. It doesn’t sit me well. Nais ko na ngang hablutin ang telepono ko sa kanyang kamay.

“Saan, miss?” Mabilis kong tanong dito dahil madilim na.

“Parang may hinahahabol po, eh. Pumasok po siya doon sa maliit na eskena papunta sa mga burol.” Tinuro niya ang direksyon ng maliit na eskena n kanyang tinutukoy.

“Thank you!” ani ko sa babae at mabilis na kinuha ng telepono ko sa kamay niya at sinundan ang tinuro niyang direksyon.

“Lawrence!?” Tawag ko at binuksan ang ilaw habang tinatahak ko ang maliit na daan. Madamo pa ito at walang mga bahay sa parteng ito.

I’m not even sure if the girl was telling me the truth, but as soon as I heard her say that she saw Lawrence, I didn’t think twice about coming here just to look for him. Why am I so distressed and worried about him? Is it because his mother trusted me with his welfare, or is it something else I’m afraid to recognize— to acknowledge?

“Lawrence!” Muling tawag ko at nang lingunin ko ang aking nilakad. Masyado na akong nakalayo sa sentro kung saan iyon fiesta at madilim na talaga. Unlike, last night na may buwan, ngayon mga bituin lang at hindi iyon nakakatulong masyado dahil madilim. Umabot na ako sa parte ng lugar kung saan may roong mga punong kahoy.

Tumigil ako saglit at humingang malalim dahil kailangan kong habulin ang aking hininga at ikalma ang sarili. Masyadong magulo ang isip ko ngayon at idagdag pa ang malakas na hampas ng puso ko.

Ang mga tuyong dahon na naapakan ko ang naglilikha ng ingay nangg muli akong humakbang upang hanapin muli si Lawrence. Ngunit napatigil din ako nang may marinig akong mga hikbi.

Kumuyom ang mga kamay ko at pinakinggan kong mabuti ang mga hikbi. It sounds familiar.

“Lawrence?” Nag-e-echo sa loob ng kakahuyan ang boses ko.

“X-Xavier?”

Napahawak ako sa puso ko at nakahinga ng maluwag.

“Nasaan ka? I’m coming for you.” saad ko at nagpa-ikot- ikot sa aking kinatatayuan.

Nang may marinig akong ingay ng mga tuyong dahon, itinutok ko doon ang flashlight ng aking telepono. Sa ilang metro mula sa kinatatayuan ko ay naaninag ko si Lawrence.

Kaagad akong tumakbo tungo sa kanya at ginamit ko ang flashlight upang makita ko ang buong hitsura niya.

“W-what happened to you?” Garalgal ko at halos bulong na iyon habang nakatingin ako sa hitsura ni Lawrence. Marumi ang kanyang damit. Nagkagalos ang kanyang binti at mga braso. Ang paa niya ay nagkasugat-sugat. At namumugto ang mga mata na parang galing sa mahabang iyak.

“Xavier!” At ngumuwa ito na parang bata sa harap ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at saka ito niyakap. Mahigpit na yumakap ang kanyang braso sa katawan at muling umalingawngaw sa kagubatan ang kanyang maiingay na iyak.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanyang katawan at marahan kong tinulak ang kanyang mukha sa dibdib ko upang doon siya umiyak.

“N-natatakot ako. Natatakot a-ako, Xavier!” Parang bata na sumbong niya sa akin.

Tumango ako at hinaplos ang likod niya.

“Shh! Shh! I’m here. Nandito na ako, Lawrence.” Alo ko sa kanya. Wala akong ibang alam kung papaano ko siya patatahanin.

“Hinahabol nila ako. M-may humahabol sa akin kanina, Xavier. Hinahabol nila ako!” Iyak niya pa.

Tang ina! Sinong humahabol sa kanya?

I wrapped him even tighter in my arms, hoping it would soothe his fear.

“A-akala ko wala na sila… bakit sila bumalik? Bakit?” Unti-unti ay humina ang boses niya at mga hikbi niya na lang ang naririnig ko. Hanggang sa naramdaman ko ang pamimigat ng kanyang katawan sa aking mga braso.

“L-Lawrence? Lawrence!” Malakas kong tawag rito pero bumigay na ang katawan nito sa aking mga kamay at nawalan ng malay.

Mark Lawrence Pov

Nagising ako na masakit ang katawan ko at parang may hapdi. Nagmulat ako sa aming mata at na-realized ko na kahit masakit ang katawan ko at mahapdi, hindi nabawasan ang pagka-precious ko. Charz! Kaya naman pahapdi kasi si Xavier na nasa tabi ko ginamot ang mga sugat ko.

Napabalikwas ako nang mapagtanto kong may mga sugat nga ako! Totoo ang mga sugat ko sa katawan! Hala! Ang skin ko! Napano ito? Saan ito galing?

“Lawrence,”

“A-anong nangyari? Bakit ako nagkasugat-sugat, honeysugarplum?” tanong ko kay Xavier at sinuri ang aking braso at binti na may sugat! Maabawasan na ba nito ang pagka-precious ko? Oh no!

Tiningnan ko si Xavier na parang senemento sa tabi ko. Bitbit niya ang isang ointment na ginamit sa paggamot ng sugat ko. Hindi siya nagsasalita.

“You… you don’t remember?” Utal nitong wika.

“Huh? Ang alin?”

“Nawala ka kahapon. Nahanap kita sa gubat.”

Napalunok ako roon sa sinabi ni Xavier. Pinasadahan ko muli ng tingin ang aking katawan na tinadtad ng sugat at galos. Nawala ako kahapon? Papaano? Saan ako nagpunta? Bakit… bakit wala akong maalala?

“Xavier…”

“Gamutin ko muna ang sugat mo.” anito at kinuha ang kamay ko.

“Sorry.”

Saglit itong natigil sa pagpahid nung ointment sa aking sugat. Napakislot pa ako kasi may hapdi iyon.

“Si Zion? Hinanap niya ako?”

“Nakatulog siya. Hindi ka pa niya nakikita simula nung inuwi ko kayo.”

“Sorry.” ani ko na naman.

“Nag-alala… sina Lola sa’yo.”

“Sorry, Ultimate Crush. Dinala mo ako rito sa probinsya ninyo para mapag-leisure ka pero dahil sa akin mukhang na-stress ka yata lalo.”

Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat.

“Don’t think about it. Aalahanin mo kung bakit… kung bakit ka napadpad sa gubat.”

“Sorry, pinag-alala kita.”

Inangat nito ang tingin sa akin.

“Your mother trusts me, Lawrence. Papaano na lang kung hindi kita nakita? Papaano na lang kung mas malala pa rito ang nangyari sa’yo? Anong sasabihin ko sa mga Kuya mo? Sa mama mo?”

Natuptop ko ang bibig at yumuko. Kumalat ang init sa akong mga mata at hindi nagtagal ay nagsibagsalan na ang mga luha ko.

Ano ba ang gusto niyang sabihin ko? Wala nga akong maalala! Nagulat nga ako pagkagising ko na ganito na ang katawan ko! Hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa sinasabi niyang gubat. Ang naalala ko hinanap ko si Lola Marcila. Iyon lang tapos no’n… wala na akong maalala pa.

“H-hindi na mauulit,”

“Talagang hindi na mauulit! Tang ina!” saad nito at matapos akong gamutin at pumasok siya sa banyo.

Guilty’ng-guilty ako. Ano ba kasi ang nangyari?

Tumayo ako at pumunta sa bag ko upang kunin ang aking vitamins kaso dalawang piraso na lang iyon. Hindi pa ako nakabili no’n kasi si Kuya Camelot naman ang laging pinabibili no’n ni Mama Aubrey, eh. Magtatanong na lang siguro ako nito sa tindahan, sa pharmacy kung meron no’n dito.

Bumaba ako at naabutan ko sina Lola Marcila at Lolo Handro sa hapag. Mukhang kakatapos lang nilang kumain.

“Mami!” Sinugod ako ni bibi Zion ng yakap at kahit na mahapdi iyong mga sugat ko, ininda ko iyon para sa bata.

“Good morning, dong.” Sinuklay ko ang buhok ni Zion. Tingnan ko sina Lola Marcila at Lolo Handro na magkatabi. “Magandang umaga po, lola, lolo.”

Nangingiyak na lumapit sa akin si Lola Marcila at nakiyakap na rin, feeling close kasi itong si Lola Marcila.

“Pinag-alala mo ako. Galit na galit si Xavier kagabi sa pagkawala mo. Nag-alala sita mg sobra sa’yo, apo.” sumbong ni Lola. Wala tayong magagawa kung galit man iyon, la. Nature na niya iyon. Char! Kasalanan ko rin naman siguro kung bakit galit si Xavier. Ikaw ba naman biglang mawala iyong kasama mo.

“Sorry, la.” saad ko kay Lola.

“Ano ba talaga ang nangyari, apo?” May pag-aalalang tanong ni Lola kaso wala rin naman akong masagot sa kanya. Pareho lang sila ni Xavier na gustong malaman ang totoong nangyari, kung bakit ako nawala pero maski ako ay hindi ko alam.

Sa huli ay hindi ko nasagot si Lola. Kumain ako ng breakfast at sinamahan ako ni bibi Zion. Nauna na akong kumain kay Xavier kasi mukhang galit pa rin ang tao sa akin. Cool off muna ako sa landi sa kanya. Hindi ko muna siya lalandian.

“Mami, what happened po rito sa mga sagot mo? Bakit po ikaw nagkasugat ng marami?” Kuryosong tanong ni bibi Zion habang tinitingnan ang aking mga galos.

“Heheh! N-nagslide slide kasi ako sa rainbow, dong.” Ngusong sagot ko kay Zion.

Nangunot ang noo ni bibi Zion sa sagot ko. “Mami?”

“Hindi alam ni Mami, dong.” Ginulo ko anag buhok niya. “Ang importante gumaling ito kasi mababawasan ang prettyness ni Mami.”

Tumango si Zion.

Dumating si Xavier sa dining table. Nginitian ko ang lalaki kaso hindi siya nagsmile back. Mukhang may galit pa rin siya dahil sa pagkawala ko.

“Maghanda kayo—”

“Aalis na tayo, honeysugarplum ko? Uuwi na tayo ng syudad?”

Tinaasan niya lang ako sa isang kilay niya. Ang sungit-sungit talaga! Tuwaran ko kaya ito? Charz! Hindi ko pa kayang ipakita sa kanya ang mga acrobatics moves ko sensitive kasi siya. Pakitaan ko nga siya ng katawan ko, natakot na siya. Hayts!

“No. May magandang ligoan na lawa rito. Pupunta tayo roon.”

Napa-yes ako.

“Talaga?! Pwedeng magdala ng swimsuits?” Excited kong wika. Sayang kasi iyong mga nakaimbak kong swimsuits kung hindi ko magamit, di ba?

“Swim… what?!” Tumaas ang boses nito at nagdugtong ang kilay.

“Swimsuit ba. Iyong sinusuot panligo.” Paliwanag ko na para bang bata itong kausap ko.

“That is a no! Mag-tshirt ka, shorts, ganon! Walang swimsuits for you, Mark Lawrence.” Finality nitong wika at umalis. Hayts!


Hawak ang kamay ni bibi Zion, pareho kaming napatalon nang makita ang malinis at kulay asul na tubig ng lawa! Napapaligiran ito ng mga punong kahoy at patuloy ang daloy ng tubig sa isang direksyon. May ibang tao rin maliban sa amin at parang magb-barkada sila.

Nakashorts ako na kulay itim at puting tshirt na may naka-print na isang anime character. Naka-crocs din ako at nakasuot ng cap. Pareho kami ng outfit ni bibi Zion. Si Xavier naman sa tabi ko ay trunk shorts, polo shirts, at may shades pa at bitbit ng isang kamay niya ang isang duffel bag na ang mga laman ay mga gamit namin.

Sina Lolo Handro naman ay nauna sa amin para maglatag ng aming pagkain. May mga cottage rin kasi sa tabi ng lawa. Mukhang may mga dumadayo rin talaga rito.

Masakit man sa aking dibdib pero hindi talaga ako nakapag-swimsuit. Ayaw kasi ni Xavier dahil may talahib daw papunta rito kaso wala naman pala.

“Sayang hindi ako nakapagswimsuit.” Usal ko at lumusong sa tubig. Ang lamig! Mabuti hindi siya mahapdi sa mga galos ko at sugat.

Iniwan ko naman si Bibi Zion kasama sina Lola at Lolo Handro doon sa mababaw na parte.

Medyo malalim itong kinaroroon ko pero syempre abot pa rin ng paa ko ang lalim. Mahirap na hindi pa naman ako sirena.

“Ahh!” Gulat kong sambit nang may umahon sa likod ko.

Nang harapin ko ito, natagpuan ko si Xavier na nakangisi sa akin. Topless siya at tumutulo ang tubig sa kanyang maganda at makinis na katawan.

“Bakit ka nanggugulat?!” Hawak sa dibdib kong untag.

Tumawa siya. “I didn’t mean to.”

“Tse! Dahil sa’yo hindi ko nakapagswimsuit!” Himutok ko bigla.

Ngumisi lang ito na mukhang satisfied sa aking hinanakit.

“Maganda iyang suot mo. Mas bagay sa’yo ang ganito kaysa sa swimsuit-swimsuit mo.”

“Hmp! Gusto ko kayang irampa ang resulta ng skin care ko! Gusto ko ring ipakita ang makinis kong skin, ’no!” Kahit may mantsa na ng mga galos.

“What!?”

“Hayts! Hindi mo ito maiintindihan, Xavier kasi lalaki ka.”

Nangunot ang noo niya. Hayts! Anak nga niya talaga si bibi Zion.

Napalunok ako nang humakbang ito papalapit sa akin. Nakakaasiwa naman itong closeness namin. Parang nati-tempt ako hawakan ang kanyang abs, ang kanyang mga muscles.

“How’s your wound? Hindi ba humahapdi?” tanong nito at kinuha ang isang braso ko at saka sinuri.

“Xavier,”

“Lagyan natin ito ng ointment mamaya, para hindi magkaroon ng piklat.”

Tumambol ang dibdib ko. Hala! Highblood pa ba ito?

“S-syempre naman, ’no!” anas ko.

“Lawrence…”

“Huh?”

“I like—”

“Lawrence?!” sigaw ng isang boses babae.

Kapwa kami napatingin ni Xavier doon. Si Dessa pala na nakastrapless bra at maong shorts.

“Dessa!” Kaway ko pa rito.

“Dammit!” si Xavier naman.


This story is already at chapter 23 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :)) Note: I’m only accepting new VIP members every first week of the month! Thank you:))

CHAPTER 21

Chapter 21

Xavier Pov

Inis kong pinukol ng tingin si Dessa na ngayon ay nakikipag-usap kay Lawrence. They were talking animatedly, yet Dessa still had the audacity to throw a teasing look in my direction.

Sinusubukan talaga ako ng kaibigan kong ito. Kung hindi ko lang talaga kaibigang tunay itong si Dessa, matagal ko na itong sinupi papalayo kay Lawrence. May pa akbay-akbay at bulong pa siya kay Lawrence. Itong si Lawrence naman ay tumatawa rin. At naiinis ako… sobra. Hindi ko lang mawari kong sa inggit ito o inis. O baka naghalo-halo na sila.

Malakas kong tinampal ang tubig at umahon sa lawa.

“Hahahaha!” Sumabog ang tawa ni Dessa sa buong kagubatan!

Nilingon ko ito pero ngumiting aso lang siya sa akin. Dumeretso ako sa cottage namin at kumuha ng towel, sinampay ko ito sa balikat ko at kumuha ng makakain sa mesa.

“M-mukhang wala ka yata sa mood, apo.” si Lola.

“Wala, la.”

Umupo si Lola sa tabi ko.

“Hindi pa pala ako nakahingi ng paumanhin sa’yo, apo.”

Nalingon ko si Lola.

“Saan, la?” Lito kong tanong.

“Doon sa nangyari kay Lawrence, apo.” Tumingin si Lola sa kinaroroon nina Dessa, Lawrence at Z. “Tingin ko kasalanan ko kung bakit nawala si Lawrence. Gustong-gusto ko siya, apo, pero napahamak siya dahil sa akin.”

Hinawakan ko ang balikat ni Lola.

“La, wala kang dapat ihingi ng paumanhin. Hindi mo rin naman gusto ang nangyari at saka… hindi talaga natin alam kung papaano napadpad doon si Lawrence. Wala rin kasi siyang maalala.” Huminga ako nang malalim. “Alam kong maloko si Lawrence, la, pero batid ko ngayon na sensiro naman siya nang sabihin niyang wala talaga siyang maalala. Pati ako… naiinis ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari. I sincerely hope that Lawrence will eventually regain his memories of last night.”

Kaya ko rin naisip na pumunta rito sa lawa upang ma-divert ko ang aking pag-iisip tungkol sa nangyari kagabi at para na rin kay Lawrence. Nang magising kasi siya kanina ay pansin ko ang gulat at pagkawala niya sa sarili. No matter how erratic his behavior was in front of me, I could still sense his agitation and unease.

“Wala ka bang alam na… mga past truama ni Lawrence, apo? Baka… baka lang naman may ganoon siya.” Hula ni Lola.

Umiling ako.

“Wala, la, eh.” Hindi ko naman talaga kilala si Lawrence. He is just my son’s savior.

All I know is that he is a college student, a Cebuano, and my fan. What I knew about Lawrence was just the tip of the iceberg of what he was hiding within. Nevertheless, despite the little I knew about him, Lawrence was able to get under my skin. Dammit!

Hindi ko ito lubos matanggap sa sarili ko! Ako ang nagsabi kay Lawrence na fan lang ang tingin ko sa kanya at wala akong maibibigay sa kanya maliban sa isang employee-employer relationship kaso… puta… gusto ko na pala siya.

Iyong simpleng iritasyon ko sa kanya. Iyong simpleng pagtaas ng dugo ko dahil sa mga pananamit niya. Iyong simpleng mga kalokohan niya sa akin na iniinda ko, sintomas na pala iyon. Akala ko sakit siya, akala ko sintomas ng sakit kaso… sintomas pala na nagugustuhan ko na ang bubuyog na iyon.

Kagabi, tumawag ako kay Cesna tungkol kay Lawrence dahil kung anuman ang mangyari kay Lawrence nakahanda ang lahat. At ipinaalam ko na rin kagabi kay Cesna na gusto kong magpa-schedule ng appointment sa ospital.

“Ano?! May nangyari ba d’yan sa’yo? May sakit ka?” si Cesna nang sabihin ko rito na gusto kong magpa-appoint sa ospital.

“Walang nangyari dito, Cesna, maliban aa pagkawala ni Lawrence amd thankfully nakita ko naman siya.” sagot ko naman sa kanya.

“Eh, bakit gusto mong pumunta ng ospital? Bakit agad-agad, Xavier? May sakit ka ba na nililihim mo sa akin?” Usisa pa nito.

“Hindi.”

“Eh, ano? Wala ka naman palang sakit.”

“It’s my heart, Cesna.”

“Huh? Cancer ba? May sakit ka sa puso?”

Nailayo ko ang telepono sa aking tenga dahil sa talas ng boses ni Cesna sa kabilang linya.

“No. It’s just bigla-bigla na lang kasing lumalakas ang tibok ng puso ko. Minsan parang umaabot na nga siya sa lalamunan ko. Madali na rin akong mainis at magalit. Baka highblood na ako?” Saysay ko.

Namayani ang katahimikan sa amin ni Cesna. Napatingin ako sa aking telepono nang walang magsalita sa kabilang linya.

“Cesna? Are you there?”

“Hmm. Pero… ito bang biglang pagtibok ng puso mo, iyong paghuhurumentado nito ay dahil ba ito sa isang tao? Nararamdaman mo ba ito kapag nakikita o nasa paligid itong tao na ito?”

Nanlalaki ang mga mata.

“H-how did you know?”

“Tanga ka, Xavier. Akala ko ba nagka-girlfriend ka na? At ang dami mong binidahan na mga romances.”

Napangiwi ako. Hindi ko nakukuha ang ibig nitong sabihin.

“Cesna,”

“Lumalakas ang tibok ng puso mo dahil gusto mo ang taong iyon, Xavier! Jusmeyo! Nakakaramdam ka ng inis at galit dahil sa selos. O baka dahil ayaw mo pang tanggapin iyang nararamdaman mo. Kumbaga nasa in denial stage ka pa.”

Dahil sa tawag naming iyon ni Cesna, walang appointment sa doktor na mangyayari sa pag-uwi namin sa susunod na araw. Hindi ko pala kayang magbigay ng resulta kay Lolo Handro dahil nasa akin na ang sagot. Alam ko na ang resulta. Alam ko na kung bakit ako nagkakaganito kay Lawrence. All along, I like him. I fall in his little scheme and craziness.

Akala ko mababaliw na ako dahil naririnig ko na ang boses nito kahit nasa trabaho ako. Iyon pala… sinasakop na niya ako.

Iyong iritasyon ko nang makita ko ang kalmot ni Kyline kay Lawrence siguro doon may nararamdaman na ako sa kanya. Iyong matagal siyang umuwi sa bahay at nagalit ako, dahil pala iyon concern ako sa kanya at idagdag pa iyong suot niya.

I became possessive of him without knowing why. I acted like a possessive boyfriend. What a shame! Hindi ko kasi ito naramdaman kay Kyline noon. All of this is new to me, especially liking a gay guy. I didn’t even know that I was capable of liking people of the same sex.

“Hoy!”

My heart leaps because Dessa slapped me on the back.

“What the hell, Dessa? What are you doing here?” Masungit kong tanong sa kanya. Napatingin ako sa paligid at nakita kong bumalik na pala sa lawa si Lola.

Actually, we didn’t invite her; she invited herself to join us. This shows how bold my friend is. Dessa’s manner was the opposite of mine, yet our friendship still clicked unexpectedly.

“Grabe kinalimutan n’yo nga ako nu Lawrence sa disco tapos magsusungit ka pa sa akin ngayon?” aniya.

“Nagmamadali kami.” Labas sa ilong kong sagot sa kanya.

“Artista ka na’t lahat-lahat, Xavier pero hindi mo ako maloloko.” Duda nito sa akin.

Pinaningkitan ko siya sa aking mata pero ngumisi lang siya sa akin na para bang may katawa-tawa.

“What’s with that smile, Dessa?!” Banas kong tanong sa kaibigan.

Umusog siya papalapit sa akin at inilapit ang bibig sa tenga ko.

“Gusto mo si Lawrence, ’no?”

Nabilaukan ako sa kinakain kong na chips. Inabutan niya naman ako nung juice mula sa mesa.

“The heck!” Asik ko sa kanya matapos makainom.

“What?” Pagmaang maangan niya pa. “I’m just stating what I just noticed, my friend. Hehe! Possessive type ka pala, ha.”

“Tsk!”

“Hindi ko alam kung papaano kayo ni Lawrence. Hindi ko alam kung papaano ka na fall sa kanya, eh, ang layo ni Lawrence sa… past ex mo.” Pumait ang boses ni Dessa nang mabanggit ang ex. Pati itong si Dessa noon ay ayaw kay Kyline. Pinagseselosan kasi ni Kyline noon kahit na wala naman kaming ginagawa. Nagseselos si Kyline na may kaibigan akong babae. Hindi nga kami nag-uusap at nagkikita ng madalas ni Dessa. Napaka-unreasonable.

“I don’t know either.”

“Down bad?” Ngisi pa nito.

Nagkibit ako ng balikat. Ngayon ang alam ko, gusto ko si Lawrence. Gusto ko iyong sabihin sa kanya. Kaso puro siya kabaliwan.

“I don’t know.”

“Hihi! ’Di ba natuloy ang pagporma mo kay Lawrence kanina dahil dumating ako?”

Pumalik ang inis ko kay Dessa.

“Oo!”

Tinawanan niya lang ako. Ang sama talaga nito sa akin! Pinipikon akong lalo dahil sa nakaka-insulto niyang tawa!

“Boto ako sa’yo kay Lawrence, Xavier. Kahit ganyan ’yan si Lawrence, he is way- way better than Kyline.” ani Dessa.

Mark Lawrence Pov

Malapit nang dumilim at nagsi-uwian na rin ang ibang mga naliligo sa lawa. Sa katunayan nga n’yan ay umuwi na rin sina Lola Marcila kasama si Lolo Handro at Zion, sumakay sila sa kotse ni Dessa dahil may dala pala itong kotse at marunong pala ang ateng ninyong magmaneho.

Akala ko madaldal na ako pero mas madaldal pala iyong si Ateng Dessa kaysa sa akin. Halos dumugo na ang tenga ko sa mga kwento niya tungkol sa childhood nila ni Xavier. Tingin ko nga pinapa-inggit niya ako. Mabuti na lang talaga at alam kong hindi ko siya karibal sa pusong ligaw ni Ultimate Crush.

“H-hindi pa ba tayo uuwi, honeysugarplum?” Kiming tanong ko kay Xavier.

Kapwa kasi kami nakalublob sa tubig, siya ay nakatayo lang at parang ang lalim ng iniisip. Ako naman ay napagod na rin kakalangoy rito sa mababang parte ng lawa. Nanginginig na sa lamig!

Kami na lang ni Xavier ang tao rito sa lawa. Syempre kanina hindi ako sumama sa kanila na umuwi kasi iniisip ko na mag-enjoy rito na walang Zion at Dessa na nakasunod sa akin na parang mga bibi na nakasunod sa nanay nila. Ngunit ngayon ay gusto ko nang umuwi, ubos na ang energy ko.

Walang reply sa akin si Xavier kaya tumayo na rin ako sa tabi niya. Ang tubig ay hanggang sa kilikili niya ngunit sa akin ay hanggang leeg ko na.

“Ang lamig!” ani ko. “Patabi, ha. Baka kasi may ahas dito sa lawa tapos tayo na lang dalawa ang nandito.” Hagikhik ko.

“Kung takot ka, lumapit ka pa lalo sa akin.” anito na siyang kina-baling ko sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata ko. Akala ko babawiin niya rin ang sinabi ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

Napapikit ako nang muli kong maramdaman ang kakaibang kabog ng dibdib ko. Alam kong pagod ako kaka-langoy pero hindi naman ganito ang epekto dapat. Bakit parang galing ako sa pakikipagpaligsahan kay Zion kung sino ang mas mabilis tumakbo sa aming dalawa?

Sa ilalim ng tubig ay napahawak ako sa aking damit.

‘Kumalma ka!’ bulyaw ko sa aking baliw na puso. Tinitigan ka lang ni Xavier ay nagkakaganyan ka na! Crush lang natin ito. Fan lang tayo. Huwag na tayong lumagpas pa sa linya!

Abala ako sa pagkutos sa sarili kong puso at sa nagtatalo kong utak nang bigla akong hatakin ni Ultimate Crush papalapit sa akin.

“Ay!” usal ko nang masapid ang paa ko sa ilalim ng tubig. Mabuti nga at nasalo ako ng dibdib ni Xavier. Nasa kalutangan moments pa kasi ako tapos nanghihila siya!

Itinulak ko ang katawan ko papalayo sa katawan ni Ultimate Crush at maglalagay na sana ako ng distansya nang bigla niyang kulungin ang katawan ko gamit ang kanyang malalaking braso! Ems!

Nasubsob ulit ang katawan ko sa kanya.

“H-honeysugarplum ko,” garalgal ko at dumoble ang pagramble ng puso ko nang makita ko ang paghigpit ng panga niya!

Umiwas ako ng tingin dito.

Gumalaw ako ng konti at muntik nang lumuwa ang mga mata ko nang may kakaiba akong naramdaman sa ibaba. Parang may nabundol ang hita ko sa ibaba na matigas at malaki. Yawa! Ahas ba iyon?

Nang tingnan ko si Ultimate Crush ay napa nganga ako.

Hala, siya! Siya itong biglang nanghahatak pero siya ang galit?

“I thought you’re feeling cold.” Magaspang niyang wika.

“Huh?” sambit ko lang ng hindi pinag-iisipan ang sinasabi!

“I thought you’re afraid of snakes.” Tuloy niya.

“E-ehh…”

“Let hold you and let’s stay like this para hindi ka lamigin at hindi ka na rin matakot sa ahas.” Wika ni Xavier at mas idiniin pa ako sa kanyang katawan!

“X-Xavier…”

Hindi ko na kaya ito! Parang nilalandi na ako ni Xavier! Hindi siya ganito!

Tabang, Lord! Bakit ganito na si Ultimate Crush? May nakain ba siyang linta dito sa lawa at nagkakaganto siya?

“Hug me,” aniya.

Malalim ang naging lunok ko at napa-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko na kasi ang panginginig pati ng mga mata ko dala ng kabog sa aking dibdib.

Dahil hindi ako yumakap sa kanya. Siya na itong kumuha sa kamay ko at iniyakap iyon sa katawan niya.

Tama siya! Ang init nga ng katawan niya! Ang sarap tuloy sa pakiramdam na yakap siya sa gitna ng malamig na lawa.

Unti-unti ay inilapit ko ang aking kabilang pisngi sa kanyang katawan at nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ni Ultimate Crush!

“H-honeysugarplum, p-parang galing ka rin sa takbo, ’no?” Hilaw pa akong ngumiti sa kanya.

“So you feel it too?”

Dinistansya ko ang aking mukha sa kanyang katawan. Wawers! Ang sarap na sana eh. Nakatsansing na sana ako sa aking ultimate crush!

“Huh? Iyon b-bang malakas mong hearbeat?”

“Hmm.” Umangat ang isang sulok ng labi niya. Pa-pogi pa ito sa akin, eh. Porket alam niyang idol at crush ko siya!

“A-ako rin kasi ganyan.”

“Pero hindi ako galing sa takbo. Hindi ako tumakbo pero ganyan ang tibok niya.”

“Hehehe! SML, share mo lang, ultimate crush?” Tawa ko, kaso nanginginig ang boses!

“It beats fast,” aniya.

“Alam k-ko, ultimate crush.” Gusto ko mang sabayan iyon ng tawa kaso seryoso si Xavier, ayaw kong masuntukan niya kapag tinawanan ko pa siya.

“And I cannot control it.” Nais kong iiwas ang tingin ko kay Xavier. Ayaw kong tumingin sa mga mata niya kasi mas lalo akong nababaliw, ang puso ko ay mas lalong nagwawala kaso parang may malaking magnet sa mga mata niya na siyang naging dahilan kung bakit hindi ko kayang hatakin ang aking mga titig sa mata niya. “I want you to know, Lawrence, that my heart is exploding when I am near you. My heart rumbles for you, and this resonates with what I truly feel for you, Mark Lawrence.”

Dumugo ang ilong ko sa sinabi niya.

“U-ultimate crush…”

“I like you, Lawrence, and I will court you regardless of your answer.”


This story is already at chapter 25 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :)) Note: I’m only accepting new VIP members every first week of the month! Thank you:))

CHAPTER 22

Chapter 22

Mark Lawrence Pov

Inipit ko ang labi at sumulyap kay Ultimate Crush na siyang nagmamaneho papuntang langit para sa amin Charz! Pauwi na kami, tapos na ang limang araw naming bakasyon sa probinsya nila ni Lola Marcila. Hay! Ewan ko ba, sandali lang naman ako roon sa lugar kaso parang na Lovers in Paris ako roon.

Lungkot na lungkot ako nang ewan namin sina Lola Marcila at Lolo Handro doon. Kung pwede ko lang silang isilid sa aking bag ay ginawa ko na upang maisama sila sa amin. Mabuti sinabi ni Ultimate Crush na dadalawin namin ulit sina Lola o kung hindi naman ay sina Lola ang bibisita sa amin. Kaso lang ayaw naman ng matanda sa Manila. Mas gusto nila roon sa probinsya, ganon nga siguro kapg matanda na. Mas pipiliin ang tahimik at hindi polluted na lugar!

Ako kasi kapag tumanda na ako pipiliin ko pa rin si Ultimate Crush. Wala akong pipiliin kung hindi siya lang! Si Ultimate Crush ang pipiliin ko kasi may malaki, mahaba, at masarap siya. Package na! Malaki, as in malaki ang pusong ligaw niya. Mahaba, as in mahaba ang pasensya niya. At masarap, kasi masarap siya magmahal. Kita ko iyon sa pagmamahal niya kay bibi Zion at kina Lola Marcila. Ewan ko lang kay Ate Xaña mukhang hindi mahal, eme! Mahal din iyon ni Ultimate Crush.

“Is there something on my face, baby?”

“Koff, koff, koff!” Ubo ko nang masamid sa sariling laway matapos marinig ang sinabi ni Ultimate Crush.

Tinampal-tampal ko ang aking dibdib dahil nasamid ako sa sariling laway at parang gumipit ang puso ko.

Ano ba naman itong si Xavier?! May nakikita ba itong hindi namin nakikita ni bibi Zion? Sinong tinutukoy niyang baby? Don’t tell me not, na may nakshie siyang iba tapos hindi ko lang nakikita? Nauntog ba itong ulo ni Ultimate Crush?

Sinilip ko siya at nakita kong pasulyap-sulyap siya sa akin at sa daan. ’No ba ’yan! Baka maging RIP kami nito dahil sa ginagawa niya!

Hinamas ko ang aking dibdib hanggang sa1 lumuwag-luwag na ang daloy ng hangin doon. Para naman ako nitong may bagong sakit.

Nilingon ko na lang si bibi Zion dahil mukhang hindi niya narinig ang tanong ng kanyang Daddy. Baka kasi ito ang tinanong ni Ultimate Crush. Tapos NVM naman itong bibi namin. Nang makita ko si bibi Zion, nakatingin lang siya sa labas ng kotse at mukhang inaantok na roon sa backseat.

“D-dong may tanong sa’yo si Daddy mo.” Tawag ko rito. Sumobra naman itong pagka-nonchalant nitong anak namin ni Xavier! Charz, practice makes perfectionist kasi.

“Mami?”

Ngayon ay si Xavier na naman ang tiningnan ko na ngumingiti mag-isa habang nagda-drive. Oh my gosh! Delikado na kami nito ni bibi Zion. Mukhang may nakikita talaga si Ultimate Crush na hindi namin nakikita!

“Psst!” Kuha ko sa atensyon ni Ultimate Crush na ngiting-ngiti pa rin ngayon. Mukhang walang expiration ang kanyang happiness! “’Yong tanong mo kay bibi Zion.” ani ko nang sumulyap siya sa akin.

Ngumiti sa akin ng matamis si Ultimate Crush kung kaya’t napaayos ako sa aking kinauupuan. Kinapa ko ang aking dibdib na parang nagkakaroon ng delubyo sa loob.

Hala! Ano na itong nangyayari sa heart ko? Inaaway ba siya ng ibang organs ko roon sa loob? Bakit ang lakas ng tibok niya na parang gusto niyang lumabas sa katawan ko? Normal pa ba ito?

“Mami, daddy is referring to you, not me.” ani Bibi Zion.

Hawak ang dibdib ko, tumingin ako kay Ultimate Crush at tiningnan ko siya sa paraan na parang kinu-confirm kung real na real ba iyong sinabi ni bibi Zion.

“Yeah, Z is right.” sang-ayon naman ni Xavier sa kanyang anak.

Umayos ako sa aking kinauupuan at sumulyap doon sa mirror ng kotse. Kita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi ni bibi Zion kahit na inaantok ito.

“H-hindi mo naman ako baby, ultimate crush.” Klaro ko sa kanya. Malaki na kaya ako at anak ni Mama Aubrey.

Malumanay ang kanyang pagtango sa akin at ngumiti na naman! Hindi mabuti ang dulot ng ngiti ni Xavier sa aking dibdib.

“You are calling me those alien pet names, so I will also call you what I like.”

Mabilis akong tumingin sa kanya. “So, okay lang sa’yo na tawagin kitang honeysugarplum?”

“Suit yourself.” Tango niya.

Papalakpak na sana ako nang may pumasok na naman na ibang call sign sa aking isip. Naririnig ko kasi ito sa aming kapitbahay. Iyong kapitbahay namin kahit na nagbabatuan sila ng itak ng kanyang asawa, pangga pa rin ang tawag niya rito.

Tsk! Bakit ngayon ko lang naalala na iyon pala ang dream kong itawag sa aking ultimate crush? Tingin ko kasi kapag ganoon ang tawagan tatagal daw. Para mas tumagal pa ako sa bahay ni Ultimate Crush, iyon ang itatawag ko sa kanya. Siya na ang pangga ko ngayon!

Ngumuso ako at tinitigan si Xavier. Ilang saglit lang ay binalingan niya rin ako na nagp-puppy eyes na sa kanya.

“What is it?”

Ahmp! Ang ganda talaga pakinggan kapag nag-ienglish itong si Ultimate Crush. Naiihi ako kapag ganoon. Kinikiliti kasi ako ng magaspang at malalim niyang boses!

“Pwedeng i-iba ang itawag ko sa’yo? I mean, babaguhin ko ang tawag ko sa’yo.”

“Sure,”

“Talaga?!”

Humalakhak siya.

“Yes, baby.”

Ahmp! Baby niya raw ako, subukan niya akong pasusuhin muna!

“Kung ganon, pangga! Pangga ang itatawag ko sa’yo ultimate crush!”

“Pangga,” pabulong na usal ni Ultimate Crush bago siya tumitig sa akin. Ngumiti. “I like it. I like that pet name, baby.”

“Hihihi! Alam ko!” Tawa ko sa kanya.

Nang sulyapan kong muli si bibi Zion sa likod, tulog na ito. Hay!

“But, baby, I’m still courting you.”

“Huh?”

“Nililigawan pa kita, ayos lang ba iyan sa’yo? I want to create some call signs for you since you have many stock call signs in your head. I just want to make it clear that I am serious about courting you.”

“P-pangga,”

“I may not be an expert in courtship, but I’m determined to give you my very best, Lawrence.”

Pinagsiklop ko ang aking palad na nasa ibabaw ng hita ko. Tumingin ako sa daan bago binaba ang atensyon sa aking palad.

“Ultimate Crush, alam ba ito ni bibi Zion? Pumayag siya na manligaw ka sa akin? At saka… si ate Xaña, sina lola Marcila at lolo Handro, alam ba nila ito?”

Naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng takbo ng kotse bago ito pinarada ni Ultimate Crush sa tabing daan.

“Look at me,” utos nito pero inabot na niya ang baba ko at saka ako pinihit upang harapin siya. Nainip na. “I’m old enough to act on my own will, Lawrence. I don’t need Xaña, Lola, or even Lolo’s permission to court you. Yes, they’re my family, but they don’t get to decide who I want to court or like. Kung may dapat man akong tao na kausapin bago ka ligawan, it should be your mother and your brothers.”

Hilaw akong napatawa roon. Iniisip ko palang na magpapaalam siya kina Mama Aubrey na liligawan niya ako, nahihimatay na ako. Tapos naalala ko pa ang sinabi ni Kuya Camelot bago ako pumunta rito sa Manila na mukha daw’ng brutal itong si Xavier. Baka kung magpapaalam siya, tututol ang mga iyon.

Alam ko naman na ako ang precious gem ng Alipalo family, kaya overprotective sila sa akin. Ako lang kasi ang kayamanan ng aming pamilya. Nakasalalay sa aking palad ang pag-unlad ng aming pamilya! Char! Mahal na mahal lang nila ako kaya mahigpit sila sa akin.

At saka… baka itong panliligaw ni Ultimate Crush ay hindi naman magtatagal. Baka laro-laro lang niya ito. O baka trip niya sa akin? Nakakagulat dasi siya. Isang araw galit siya sa akin, kinamumuhian niya ako, tapos ngayon liligaw na. Pwede ba iyon? Pwede ba iyong kinamumuhian mo ay liligawan mo?

‘Pwede!’ sigaw ng puso ko.

‘Hindi pwede.’ sigaw naman ng utak ko.

Hayts! Bahala na nga kayo d’yang mag away!

“B-bahala ka nga d’yan!” Sikmat ko kuno kay Ultimate Crush kaso lumabot ang boses ko. Kinikilig yata!

Pagkarating namin sa bahay ni Ultimate Crush, syempre, sinalubong kami nina Ateng Arianna at ibang helpers ng bahay. Super happy nila na nakabalik na kami. Super tahimik daw kasi ng bahay nang wala ako.

“Anong nangyari d’yan sa skin mo, Lawrence?” si Ateng Arianna at sinuri pa ang katawan ko. Hinuhigasan niya ang mga bagong biniling mga prutas at vegetables ngayon. Wala si bibi Zion kasi natutulog kahit hapon na. Kaya naman tahimik kami ngayon ni Ateng Arianna.

Napatingin ako sa sarili. “Ahh, nags-slide slide kasi ako sa rainbow kaya nagkaganto, Arianna!”

“Mag-ingat- ingat ka naman sayang iyang skin mo!” Sinipat niya pa ang kamay ko.

Ngayon na nandito si Arianna ay ngayon ko pang naalala na kailangan ko na palang bumili ng vitamins ko kasi naubos na iyon at kailangan ko na ng supply. Hindi na ako tatawag kina Mama at Kuya para sa vitamins ko kasi may pera na naman ako pambili!

“Arianna lalabas lang ako saglit, ha. Sa malapit na botika lang ako.”

“Alam ni sir Xavier ’yan?”

Lumukot ang mukha ko. “Sandali lang ako. Saka umalis si Ultimate Crush.”

“Hmm, sige basta balik ka kaagad. Baka kasi magkasecond part iyong sabunutan ninyo ni Ma’am Kyline!”

Tumango ako kay Arianna at saka kinuha ang wallet ko sa aking silid bago umalis ng bahay. Naglakad lang ako hanggang sa labasan bago sumakay ng tricycle tungo sa botika.

Hindi ko kasi alam ang name nitong vitamins ko kaya nagdala na lang ako ng sample. Hehehe! Hindi kasi ako nakabili nito sa probinsya nina Lola Marcila kaso maliliit lang na tindahan meron doon.

Nang makarating sa isang pharmacy bumaba ako at nagbigay ng pamasahe sa driver.

“Keep the change, Manong.” saad ko kay Manong matapos ko siya bigyan ng kinse pesos.

Natawa ang katabi kong Ginang sa tricycle.

“Wala ng sukli ito!” simangot ni Manong driver.

Aw! Akala ko kasi may sukli pa.

Kiming ngumiti ako kay Manong bago pumasok sa pharmacy. Napatingin-tingin ako sa paligid.

First time ko yata itong bumili ng vitamins para sa sarili ko. Si Kuya Cam naman kasi ang laging inuutusan ni Mama sa pagbili nito. Mga skincare ko lang ang binibili ko usually doon sa probinsya.

“Hello, sir, good morning! May kailangan po kayo?” Labas ang lahat ng white teeth ni ate para sa akin.

Isda, ate, bibili ako ng isda rito sa botika ninyo! Charz!

“Ah, vitamins sana….”

“Yes, sir, anong vitamins? Meron kami, sir, ng multivitamins, vitamins for—”

“I-ito sana, miss.” Awat ko na kay ate kasi masasayang lang laway niya sa akin. Hindi ko naman alam ang name nitong vitamins ko. Kasi wala siyang label, walang label iyong bote niya.

Inilapag ko sa harap niya ang vitamin ko. Pinulot niya ito at naningkit ang mata niya habang nakatitig doon sa tablet. Mayamaya ay tumingin siya sa kanyang kasamahan at nagchismis-an silang dalawa.

Hinagod ko ang aking ulo nang maramdaman ang konting pagkirot.

“Sir, kanino po galing itong tablet?” tanong ni ate sa akin matapos nilang magchismis no’ng kasama niya.

“Sa akin, miss. Akin iyan, eh.”

Iba ang pakiramdam ko rito kay ate, iba siya kung makatingin sa akin. Nagdududa siya na parang ewan.

Binalik niya ang tablet sa akin. “Sorry, sir, hindi po kami magbebenta ng ganyang gamot kung walang prescription galing sa doktor ninyo.”

“Huh?”

“Hindi po ’yan vitamins, eh.”

“Miss—”

“Kung ikaw po ang iniinom n’yan, sir. Please, I advise you to stop taking that kind of medication. Kung inaalala n’yo pong vitamins ’yan, hindi po iyan nakakabuti sa kalusugan ninyo. Pero kung may prescription po kayo n’yan galing sa doctor ninyo. Pwede po namin kayong bigyan.”

“Miss, hindi kita naiintindihan. Iyan ang vitamins ko.” Alma ko sa kanya. Wala akong maalala kung kailan ko ito sinimulang inumin pero ito na ang vitamins ko. Magsasalita pa sana ako nang may Ginang na natatarantang pumasok sa botika. Kaya naman mas pinili ko na lang na lumabas doon dahil crowded na sa maliit na botika.

Ngayon ay naglalakad na ako patungo sa pabahay ni Xavier, doon lang kasi sa bungad ng village na ito ang mga tricycle. Hindi sila nakakapasok dito sa loob. Maliban kung may stamp yata ang sasakyan na pwedeng pumasok dito sa loob.

Habang naglalakad ako, naglalakbay rin ang utak ko dahil sa sinabi no’ng ate kanina sa pharmacy. Don’t me not, sa Cebu lang makakabili nitong vitamins ko? Ano ’to exclusive siya sa Cebu?

Nagtatalo ngayon ang utak ko kung tatawag ba ako kina Mama o sasarilihin ko ito. Saka, ano iyong sinasabi kanina ni ate na hindi ito vitamins? Papainumin ba ako nina Mama ng gamot na nakakasama sa katawan ko? Sina Kuya, mahal nila ako kaya hindi naman siguro nila hahayaan na uminom ako ng gamot na nasakasama sa self ko.

“Ommo! Lawrence, friendship!” Naputol ang alone time dahil sa matalis na boses ng aking friendshipness. Emz, it’s been ages na nang huli kong makita itong friendship ko.!

Tumakbo si friendship Jewel sa akin at muntik nang nakalimutan ang kanyang aso na si Chucky. Tahol-tahol tuloy si Chucky habang hinahabol si friendship.

“Ahh! I miss you so much, friendship!” Sinalubong kaagad ako ni friendship ng mahigpit na yakap. Yakap na parang babaliin na niya ang buto ko sa katawan.

“Hindi kita namiss, friendship!”

Kaagad akong tinulak ni friendship at saka sumimangot sa akin. Haha, nagkakamukha na tuloy siya sa kanyang aso na si Chucky!

“You’re so bad, friendship!” Tampal pa nito sa balikat ko.

Tinampal ko rin ang balikat niya. Akala niya siguro papa-utang ako sa kanya porket friendship kami.

“Saan ka ba nanggaling?”

“Sa labas.” Agarang sagot ko sa kanya.

Nalukot ang kanyang ilong. “I mean, the past week. Wala kang paramdam sa akin. I thought nakalimutan mo na si me.”

Ngumiti ako. Nawaglit na sa isip ko iyong pinoproblema ko kanina. “Nag-family bonding kami, friendship!”

“Hu-what!” Eksaherada niya. Bagay na bagay sa friendship ko kapag nanlalaki ang ilong at mata niya.

“Jokie lang! Nag-vacay lang kami sa probinsya ng amo ko.”

“Oh,”

“But anyway, pauwi na rin you?”

I bobbed my head up and down. Shock! Street (straight) English!

Sabay kaming maglakad ni friendship Jewel at ako na ang humawak sa leash ni Chucky dahil gusto ko lang. Gumaan ang pakiramdam ko dahil kay friendship. Kanina lugmong-lugmo ako dahil wala akong nabiling vitamins. Buti na lang sumulpot itong Jewel. Pinagaan niya ang mood ko.

Tiningnan ko siya na malaki ang ngiti at patalon-talon pa siya rito sa tabi ko habang ang kamay ay nasa likod. Ang kanyang nakalugay na buhok ay sumayaw din sa hangin. Malaki ang kanyang ngiti habang nakatingin sa mga ulap na nag-aagaw ang na kulay kahel at dilaw.

Tumigil kami nang makarating na kami sa gate ng bahay ni Xavier. Binigay ko kay Friendship ang leash ni Chucky.

“Friendship,” usal ko.

“Yes, friendship?”

“Friendship naranasan mo na bang biglang bumibilis ang tibok ng puso mo?”

Ang ngiti ni Jewel ay nawala. “Papaanong tibok, friendship? Natural lang naman na tumitibok ang puso natin.”

“Iyong para kang galing ka sa karera, friendship. Minsan wala kang naririnig kung hindi ang tibok ng puso mo. Minsan pa nga ay parang tumigil sa pagtakbo ang oras at ang puso mo na lang ang nararamdaman mong tumitibok!” Itinaas ko ang kamay ko at saka ko ito pinitik-pitik ng mabilis, demonstrate ko sa kanya sa pusong ligaw ko na mabilis ang tibok.

“Dahil ba ito sa isang tao, friendship?”

Yes, dahil kay Pangga.

“Oo!”

“Well then, you are in love, friendship!”

“Huh!? Ultimate Crush ko lang siya friendship!”

Umiling si Friendship.

“Nope!” Winiwasiwas niya pa ang hintuturo sa harap ko. “That thing you call a crush evolves into something more, friendship! Hindi na iyan simpleng crush lang. Kumbaga, nalampasan na ng puso mo ang stage na ’yan, lumampas ka na sa crush stage and like stage, nasa final stage ka na which is ang in L. O. V. E!”

Tulala ako habang sinasaysay iyon ni Friendship. I-i-ibig sabihin… in love ako? Kay Ultimate Crush? Mahal na? Hindi ba ito landi lang?

“Baby?”

Umikot ako at doon ko nakita si Pangga na nasa labas ng kanyang kotse at may bitbit na bulaklak.

Iyon na naman. Ang pakiramdam na parang tumitigil sa pag-ikot ang mundo ko tapos ang puso ko ay parang may sakit sa bilis ng tibok.

“Ommo! Xavier Faleiro!”


This story is already at chapter 26 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :)) Note: I’m only accepting new VIP members every first week of the month! Thank you:))

CHAPTER 23

Chapter 23

Mark Lawrence Pov

“Go na me, friendship! Yiee!” Ngumingisi pa si Jewel sa akin at saka humalik sa aking pisngi. Binigyan niya pa ako ng isang kindat at hinila na si Chucky kasama siya.

Kinagat-kagat ko ang mga labi ko upang pigilan din ang pag-ngisi. Ang hirap parang magpigil ng kilig! Mas keri ko pa sigurong pigilan ang ihi ko kaysa sa kilig. Gustong-gusto ko ng mag-rolling-rolling on the floor dito sa harap ni Ultimate Crush na Pangga ko na ngayon! Ang saya, nag-upgrade na ang tawag ko kay Xavier. Buti nga nakalimutan na niya iyong tinawag ko siyang Pangga dati. Hihi! Sinabi ko pa naman sa kanya no’n na ang ibig sabihin ng pangga ay bunso!

At sa lahat ng pag-upgrade ng buhay ko habang nandito ako sa manila. Hindi ko aakalain na mag-aupgrade rin ang tingin ni Xavier sa akin. Alam ko maganda ako, sobra, confident ako sa beautyness ko, kaso… hindi ko lubos maisip na… liligawan ako ni Xavier Faleiro! Pak! Fullname para mas feel ko!

Ang pang two months na ganda ko rito ay may side effects pala kay Xavier. Akalain mo nga naman na galit siya sa akin at ang bilis mainis sa mukha ko pero ngayon… handa na yata akong gapangin? Charz lang!

“Flowers for you, baby.”

“Amp!” Birong sinampal ko ang balikat ni Xavier kaso ang tigas! “Padedehin mo nga ako kung baby mo ako!”

“What?”

Naitakip ko sa aking bibig ang flowers dahil inulat ko pala ang thoughts na bumisita sa utak ko. Ang duga naman nitong bibig ko! Hindi nakikisama minsan!

Ngumuso ako. Hindi ko siya pinansin sa kanyang sinabi.

“Akin telege ito.” Ipit ko sa sariling boses at kunyari ay inipit ko ang aking buhok sa tenga.

Ang konting distansya namin ni Xavier ay sinara niya sa pamamagitan ng paglapit sa akin. Nagp-puppy eyes ako sa kanya. Inangat ni Xavier ang kanyang isang kamay at akala ko padedehin na niya ako nang guluhin niya ang buhok na parang aso na pini-pet!

Arf! Arf! Chariz!

“Let’s get inside.” Malambing na wika ni Ultimate Crush, honeysugarplum ko, na ngayon ay Pangga ko.

Lumukso ang puso ko nang igapang ni Xavier ang kanyang braso sa baywang ko at saka niya ako inakay papasok sa big brother house niya!

“That is your friend?”

“Uh, huh? Ano iyon, pangga?”

Nilingon ko si Xavier. Kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niy bago niya ito kinagat upang mawala ang pagngiti.

“Iyong babae kanina na kasama mo.”

“Ayy, si Jewel iyon, pangga! At alam mo ba mayaman si Jewel at lagi raw’ng nasa ibang bansa ang mga magulang niya! Tingin ko gustong sundan ng mga parents ni Jewel ang yapak ni Ferdinand Magellan!”

“Prft! Ferdinand Magellan? Do you know him?”

Hala! Nabo-bobohan ba itong si Xavier sa akin? Hindi niya ba alam na with highest honor ako sa aking mga panaginip?

“Oo naman! Siya ang napaslang ni Lapu-Lapu! At siya ang naka-diskubre sa Pilipinas!”

Umiling si Xavier.

“Hmm, but were not sure if he was really killed by Lapu-lapu. It’s still debatable until now. Marami pa ring historians ang nagd-debate d’yan.”

Sinimangutan ko siya. Amfee naman nito. Amfee as in ang feeling niya pero parang verified by nature spring naman ang sabi niya (from credible source naman ang sinabi niya).

“Basta ikaw, pangga, paniniwalaan kita. Kahit sabihin mo sa akin na flat ang mundo. Maniniwala ako sa’yo. Ganyan ako ka-loyal sa’yo, kahit wala pa tayong price tag (label).”

Natawa si Xavier doon sa sinabi ko. Hindi niya naman ako siniseryoso, eh! Pasalamat lang talaga siya na siya ang sinisigaw nitong pusong ligaw ko!

“Mami ko!” si bibi Zion.

Literal na magkatabi kami ni Xavier ngunit ako talaga ang tinawag ni Zion. Uma-angat nga siguro talaga itong ganda ko.

“Oh, dong!” ani ko naman.

Ano ba naman itong si bibi Zion? Para naman niya akong hindi nakita ng ilang linggo kung makatawag sa akin. Kung tutuusin nga, dapat si Xavier ang salubungin niya ng ganito!

“Si Daddy mo rin, dong. Batiin mo.” Utos ko kay Zion pagkatapos siyang mayakap.

Sumulyap si bibi Zion sa Daddy niya. Ginaya ko ito at nakita kong nakangiti si Xavier sa amin ni bibi Zion. Mukhang care no less (walang paki) lang naman siya na ako lang ang binati ng kanyang anak. Anak niya na magiging anak ko na rin soon! Emz! Ganap na ganap na ang buhay ko porket niligawan lang ng ama.

Pinaningkitan ko sa aking mata si Xavier. What if nililigawan lang ako ni Xavier kasi wala na siyang pang suweldo sa akin? What if nililigawan lang niya ako dahil alam niyang mabuti ang kalooban ko sa kanya?

“Awts!” Daing ko ang biglang pinitik ni Pangga ang aking noo.

Sumama ang timpla ng mukha ko sa kanya.

“Bakit namimitik ka d’yan, pangga? Akala ko likes mo ako?”

“Sure, I like you, but I can’t stand the way you look at me. It feels like you’re judging me every time with that gaze.”

Tumayo ako ng maayos at sinangga ko sa aking bibig ang bulaklak na kanyang bigay sa akin. In fairness, ang bango ng bulaklak.

“A-ano ka ba naman, pangga!? Hindi ako judger ’no! Baka ikaw d’yan judger since artista ka!”

Ipasa pa sa akin ang titulo ng pagiging judger!

“Tsk!”

“Lawrence— ayy! S-sir nand’yan po pala kayo! Magandang gabi po.” Si ateng Arianna ay biglang naging maamong tupa nang makita si Xavier.

“Good evening, Arianna!”

Umikot ang ulo ko kay Xavier dahil mukhang ang ganda ng mood niya today! Hindi kagaya no’ng mga past week na care no less sa bahay at sa mga katulong niya. Feeling main character kasi itong si Xavier, eh. Masungit siya, cold, tapos matabing ang tabas ng dila minsan. Pero minsan naman nakakausap siya ng matino.

Ngumuso ako. Ngunit kahit na ganoon ang aking Pangga… mukhang nadali nga ni Friendship Jewel na nag-upgrade itong feelings ko kay Xavier. Bwesit naman nito! Ni hindi ko na-seminar itong pusong ligaw ko na hanggang crush lang kami rito kay Xavier! Ewan ko ba, kahit na nililigawan ako ni Xavier… kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka mabuntis ako tapos itago ko na for real ang anak namin! Emz! Kinakabahan talaga ako kasi ika nga nila, ‘feelings change.’

“Lawrence!”

“Ay! Feelings change!” Bulaslas ko sa gulat nang may biglang tumapik sa aking balikat. Akala ko kung sinong multo na ang tumapik sa akin. Ang aking Pangga lang pala.

“H-huh?”

“Arianna said na handa na ang dinner. Come on, let’s eat.”

Tumango ako kay Xavier.

“Let’s go, Mami!” si bibi Zion at tumalon.  Humawak pa siya sa kamay ko.

“Hihi! Let’s go, dong!” Sakay ko sa trip ni Bibi Zion.

Pagkarating namin sa hapag realness naman na may handa na. Nagsi-upuan na rin kami. Sina Arianna ay nagdadalawang isip pa na sumali sa amin. Nagtataka ako kung bakit pero napagtanto kong nandito pala si Xavier! Bibihira lang kasi ito kung makasabay sa aming kumain. Kasi kapag kami-kami lang dito, inaaya ko naman sila sa hapag. Ang lonely kasi kung mag-isa kang kumakain. Nakakawala ng diet (appetite).

“Arianna hali na kayo!” Anyaya ko sa kanila.

Mariing umiling si Arianna at sumulyap kay Xavier.

“Pangga sabay na sa atin sina Arianna kumain, huh?” Baling ko kay Xavier.

“Oh, sorry! Sure,” anas ni Xavier at tiningnan ang mga serbidor ng hapag. “Arianna sabay na kayo sa amin.”

“H-huwag na po, sir, nakakahiya naman po sa inyo!”

Aysus! Ngayon pa talaga nahiya itong si Arianna sa amo namin! Makapal kaya mukha nito.

“Kakain kayo ng sabay sa amin o ta-tumbling itong mesa?” Birong banta ko sa kanila. Baka maka-gold medal itong mesa namin.

Nag-make face sa akin si Arianna, ang ibang kasama naman niya na sina Lina at Siray ay bumilog ang matang nakatingin sa akin.

“Come on, let’s not keep the food waiting.” Muling wika ni Xavier.

Matapos ang aming dinner dinala ko rin sa silid niya si bibi Zion. Syempre, lilinisan ko pa ito at patutulugin!

“Mami… i-is my daddy courting you?” Inaayos ko ang pang itaas na sleepwear ni bibi Zion nang magtanong siya sa akin.

Natigil tuloy ng pagbutones ko roon sa kanyang damit!

“D-dong…”

“Mami, I know I said before that I don’t like my daddy, but… b-but please like him, Mami. I want you to be my daddy’s boyfriend!” Ngumunguso niyang saad sa akin.

“Dong.” Ano ba ’yan! Nap-pressure tuloy akong sagutin si Xavier! Baka bukas sagutin ko na ito! Charz lang!

“Okay lang sa’yo, dong, na maging boyfriend ako ng Daddy mo? Pretty lang si Mami mo, hindi… hindi ako katulad ng Mommy Kyline mo.” May malakaing dede at may ala-coca cola body.

Humawak ang maliit na kamay ni Zion sa aking magkabilang pisngi at saka niya ako binigyan ng halik sa labi.

“But I love you more, mami ko! I love you more than anyone else!”

“Hmm? Pak! Pak! Ganern-ganern!?”

Mabilis siya tumango sa akin. “Pak! Pak! Ganern-ganern po, Mami!”

Pinugpog ko ng halik si Zion kung kaya’t sumabog ang kanyang tawa sa buong kwarto. Ngayon hindi lang si Zion ang gusto ko. Hindi lang si Zion ang nakabihag sa puso ko kung hindi pati na ang kanyang Daddy. Mag-ama things!

Crush-crush ko lang naman si Xavier, eh. Siya iyong idol ko na ipinagdarasal ko na sana mapanaginipan ko gabi-gabi. Tapos… bakit ganito? Bakit naging seryoso na ito? Akala ko ba may sakit lang ako? Akala ko sakit iyong biglang pagkabog ng puso ko. Akala ko pinaglalaruan lang ako ng utak ko sa mga pagkakataong tila tumitigil ang ikot ng oras. Nakaka-frustrate naman pala itong nagkakagusto ka na sa isang tao!

Hmp! Pati ba iyong palaging pag-iisip kay Xavier dati… kasama na iyon sa sintomas na may feelings ako sa kanya! Hindi ba ito feeling close lang? Naman! Dapat kasi naging masama na lang talaga ang ugali ni Xavier sa akin. Dapat tinuloy-tuloy na niya iyong kasamaan niya at kasungitan niya no’ng first meet and greet (first meeting) namin.

“Bakla ka!”

“Ay borikat si Arianna!”

Napadaing ako nang lumagapak ang kamay ni Arianna sa aking braso. Ang bigat ng kamay ni Ateng!

“Iyang bibig mo talaga, Lawrence!” Inis nitong wika sa akin. Si Siray at Lina na nagluluto ay natawa na lang din. Hayst! Itong si Lina at Siray ay tahimik lang talaga at itong si Arianna lang ang feeling close sa akin. Pero mababait naman itong sina Lina at Siray saka may mga asawa at anak na sila kahit mababata pa, thankfully, ligtas naman sa teenage pregnancy. Nasa twenty’s na kasi sila.

“Ikaw kaya ang nanggulat sa akin!”

“Nye!” si Arianna at sinamaan ako ng tingin. Tukusin ko kaya ang mata niya gamit itong daliri ko. “Pero…” pagbibitin niya sa akin at sinundot ang aking tagiliran. “May something kayo ni sir Xavier?”

Napa-side eye ako kay Arianna.

“Nakita ko iyong bulaklak na dala mo at saka iyong pagtawag mong pangga kay Sir kagabi, oi! Huwag ka ng mag-abala na mag-isip ng alibi!” wika ni Arianna.

Saglit akong tumahimik. Wala naman sigurong masama kong sasabihin kay Arianna ito ’no? Saka wala namang sinabi ang aking Pangga na dapat secret lang namin itong panliligaw niya!

Tiningnan kong mabuti si Arianna at pati na ang kasama ko sa kusina. Emz! Inantala rin talaga nila ang kanilang ginagawa para lang hintayin ang aking sagot.

“N-nililigawan pa ako ni Xavier pero—”

“Ahhh!”

“Waahh!”

“Ayiieee!”

Napatakip ako sa aking tenga dahil sa sabay nilang tili! Si Arianna ay hinampas-hampas ang aking balikat! Si Siray naman at Lina doon ay magkahawak kamay na tumitili na parang kinikiliti!

“H-hoy! Huwag kayong maingay! May klase si Zion sa sala!” Suway ko sa kanila!

“Yiee! Hindi ka ba kinikilig?” Namumula ang mukha ni Arianna sa kilig. “Grabe kinikilig ako! Akalain mo iyon? Iyong amo natin na masungit at mukhang walang care kay Lawrence dati, eh, nanliligaw na sa kanya?”

“Tama ka, Arianna! Tapos artista iyang si Sir Xavier. Marami iyang mga magagandang on screen na partner pero kay Lawrence siya kumalampag!”

“Tama, Siray! Iba talaga ng ganda mo, Lawrence! Kinabog mo ang mga beauty ng mga on screen partner ni Sir Xavier!” si Lina.

“Haba ng hair ng aming kaibigan! Huwag mo kaming kalimutan kapag nagkatuluyan kayo ni Sir, ha!” si Arianna naman!

“H-hindi ko pa nga sinasagot! Iyan na kaagad iniisip mo, Arianna!” Suway ko sa kanya.

Pero muli lang silang tumili. Napangiti na lang din ako. Akala ko kasi may masasabi sila o sasabihin nila sa akin na malayong-malayo ako kay Xavier kasi… syempre si Xavier may narating na sa kanyang career tapos ako wala pa. At ang patunay no’ng success ni Pangga ay iyong mga trophies niya doon sa labas.

Nang sumapit ang hapon, nagulat ako sa biglaang pagdating ni ate Xaña sa big brother house ni Xavier! Naka trousers siya na kulay blue at manipis na sleeveless sa taas at t-in-uck in niya iyon sa kanyang trousers. Akala ako bumalik na si Ate ng Lenden (London)!

“Ate napadalaw ka! Si Zion po tulog kasi napagod yata sa klase niya kanina.” Bumeso ako kay Ate Xaña kasi feeling ako.

Inaya ako ni Ate Xaña sa may poo area.

Nandito kami ni Ate Xaña ngayon sa may poolside. May parang cottage kasi rito kaya mas pinili ni Ate Xaña dito at mahangin din. 

“Nangangamusta lang ako since hindi mahilig si Xavier na mag-update sa akin kung kumusta na kayo rito.”

“Ay, okay na okay kami, ate!”

Natawa siya. “I can see. At saka bumisita pala kayo sa probinsya namin?”

“Ahh, oo, ate naki-fiesta rin kami doon!”

“Yeah, nasabi nga nina Lola sa akin. Gustong-gusto ka nila.”

Napakagat ako sa aking labi. Gusto ko rin sina Lola Marcila, na miss ko na nga sila eh.

“But, anyways, pumunta lang ako rito para sabihin sa’yo, Lawrence na bantayan ng maigi si Zion. Ayaw kong maulit iyong nangyari dati, iyong nawala si Z at saka iyong pagsugod ni Kyline dito. Mabuti at nasabi iyon ni Arianna sa akin.”

“S-spy si Arianna, ate?”

Umiling siya. “Hindi. Concern lang si Arianna at saka sinabi ko rin sa kanya na ibalita sa akin ang mga nangyayari dito sa bahay ni Xavier.”

Napatango ako. Hindi naman siguro chinismis ni Arianna ang usapan namin kanina ’no?

“Ahh, pero makakaasa ka, Ate, na ako ang bahala kay Zion habang wala rito si Xavier! Promise!” Nag-swear pa ako para kapani-paniwala ang sinabi.

“I trust you, Lawrence. And also… sana pahirapan mo sana ang kapatid ko sa panliligaw niya sa’yo.” si Ate Xaña at saka kinindatan niya pa ako!

“A-ate…”

“Mas bet kita kaysa kay Kyline, Lawrence, pero huwag kang bibigay kaagad kay Xavier kahit crush mo iyon, huh!”

“Ate paaano mo nalaman ng lahat ng ito?”

“Kay Arianna at saka halata ka masyado, Mark Lawrence!”

Napapadyak ako sa aking paa. Nakakainis naman itong si Arianna! Matanggalan nga iyon ng kilay mamaya sa pagtulog niya!

Hinihintay ni Ate Xaña si Xavier kung kaya’t nakita talaga ni Ate Xaña na binigyan ako ng bulaklak ni Xavier. Ni hindi man lang natinag si Xavier sa talas ng tingin ni Ate sa kanya.

Humalik pa si Xavier sa temple ko at yumakap.

“Why are you looking at me like that, Xaña?” Banas na wika ni Xavier sa kanyang kapatid matapos kumawala sa aming yakap. Ang sarap!

Ngumiting aso lang si Ate Xaña.

“Wala! Hindi ko lang aakalain na magkakaganito ka sa isang tao. Basi kasi sa pagkaka-alala ko. Hindi kayo dumaan ni Kyline sa ganitong phase ng relasyon ninyo. Ang refreshing lang. Sana pahirapan ka pa ni Lawrence!”

“Fuck you, sis! Umuwi ka na!”

Malutong na tumawa si Ate Xaña.

“Yeah, yeah! Pero kagaya ng text ko sa’yo, Xavier, kyng nabasa mo ang mga iyon. Mag-iingat kayo lagi, lalo na si Z. Mabuti at naisip mo na i-home school muna siya.”

“For his welfare, Xaña.”

“I know.” Tumayo si Ate Xaña. “Sige na, uuwi na ako. Tapos ko nang makita ang ka-kornihan mo, Xavier Faleiro!”


This story is already at chapter 29 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :)) Note: I’m only accepting new VIP members every first week of the month! Thank you:))

CHAPTER 24

Chapter 24

Mark Lawrence Pov

Pagkapasok ko sa aking silid, tinakbo ko kaagad ang aking telepono na nasa bedside table ng kama. Umupo ako sa kama at binuksan ang telepono bago pumunta sa contacts ko. Pinindot ko ang number ni Kuya Carl, siya lang ang i-titext ko dahil siya lang naman ang nandito ngayon sa Manila. Ibabalita ko lang kay Kuya Carl na umepek na ang mga skin care ko. Charz! Gustong makipagkita ni Xavier kay Kuya Carl at sa buong pamilya ko kaso mas pinili kong dahan-dahanin muna sila. Baka kasi ayaw maniwala ni Kuya Cam sa akin, basher pa naman iyon ni Xavier.

To Kuya Carl: kuya, libre ka ba tom?

Sent ko sa message kay Kuya. Ilang saglit lang ay nagreply lang din kaagad si Kuya. Mabuti at sponsor nito ang load ko. Hindi fan ng Facebook o ng Messenger si Kuya Carl kaya text-text lang kami o ’di kaya’y tawag.

Kuya Carl: why, rence?

Nagusot ang mukha ko sa reply ni Kuya sa akin pero kahit ganon ay nagreply pa rin ako sa kanya. Ako kasi ang may kailangan sa kanya.

To Kuya Carl: wala lang, naisip ko lang na magkita tayo bukas, hehe! at kasama ang amo ko.

Kuya Carl: hmm. okay, let’s see each other tomorrow, since i miss you na rin.

Ngumuso ako at nagreply.

To Kuya Carl: hindi kita na miss, kuya, pero gusto lang kita makita hehe!

Kuya Carl: hmm. see you, rence. mag-iingat ka palagi. i love you, bro!

Ito namang si Kuya Carl parang nakalimutan na niya ang pagtama ko sa kanya na ‘sis’ niya ako, hindi ‘bro’.

To Kuya Carl: alam ko, kuya, mahal ka rin ni mama Aubrey!

Natatawa kong sinara ang aking telepono at gumulong-gulong sa aking kama. Saksi talaga ang apat na sulok ng kwartong ito kung papaano ako kiligin. Dito ko kasi nailalabas ang kilig ko na hindi ko pinapakita kay Xavier. Mahirap na. Baka isipin ni Ultimate Crush na easy girl ako! Charz!

Malaki ang ngiti ko sa labi habang iniisip kung ano ang susuotin ko bukas sa lakad namin ni Xavier. Ayaw kong mag-overdressed ’no. Saka kikitain din namin si Kuya Carl bukas! Ayaw kong sitahin ni Kuya ang suot ko!

Masaya na sana ako sa aking daydream nang biglang tumunog ang aking telepono. Dumapa ako sa kama at tiningnan kung sinong homo sapiens itong nagtext sa akin.

Namilog ang mata ko nang si Kuya Camelot pala iyon.

Kuya Cammy: hoy! ano itong text ni Carl na magkikita raw kayo?

Ngumiwi ako sa text ni Kuya Cam.

To Kuya Cammy: namiss ko lang si kuya Carl, Kuya! Masama ba iyon?

Kuya Cammy: this is not so you, rence. bat bigla-bigla kang makikipagkita kay Carl?

Walang manners talaga ito, oh!

To Kuya Cammy: basta! namiss ko lang si Kuya!

Kuya Cammy: what about me and mama Aubrey? You didn’t miss us?

Para akong nabulunan sa text ni Kuya Cam sa akin. Nitong mga nakaraan ay hindi ko na sila natatawagan lagi. Text-text na lang na mga late replies pa.

Ano nga ba itong kinakatakot ko? Hindi naman nila malalaman na hindi na ako nagt-take no’ng vitamins ko, di ba? Saka… iyong sinabi ni ateng sa pharmacy, kahit anong saya ko basta mag-isa ako, naiisip ko iyon. Ayaw kong pagdudahan ang pamilya ko pero natatakot ako.

To Kuya Cammy: syempre na miss ko kayo, kuya! malapit na rin naman akong matapos sa two months ko rito sa manila. see you soon na kaagad ako sa cebu!

Kuya Cammy: yeah, whatever! mag-iingat ka lagi, rence. your vitamins, huwag mong kalilimutan. i love you, bro!

Bumuntong hininga ako at saka muling tumihaya sa kama. Ano ba talaga iyong vitamins-vitamins na iniinom ko? Mama, kuya Carl, kuya Cam, may tinatago ba kayo sa akin?


Nang dumating ang bagong umaga, maaga akong naligo at nagbihis para ipaghanda ng makakain si bibi Zion pero syempre halos ’di na rin ako makatulog kagabi kasi… nag-ooverthink ako sa mga ganaps ko today!

Habang naglalagay ako ng powder milk sa baso ay nilapitan talaga ako ni Arianna at saka sinundot ang aking tagiliran! Jusko, itong si Ateng Arianna,, ha, mukhang gusto niya atang butasan ko ang tagiliran niya. Masyado na siya close sa akin porket FC ko siya, as in Fan Co!

“Ang ganda yata ng gising mo ngayon, Lawrence, ay Rence na lang.” Desisyon nito.

Inismiran ko si Arianna.

“Ay, wala man lang good morning, teh? Tsismis kaagad ang almusal, ’no?”

Nag-make face lang sa akin si Arianna at saka muling binundol ang aking balikat. Ngumisi siya ng nakakaloko sa akin bago tumingin sa aming paligid. Wala kasi sina Lina at Siray dito sa kusina dahil nilinisan nila ang pool sa labas.

“Nakita ko kagabi iyong kiss ni Sir Xavier sa’yo, Rence. Aminin mo laglag ang brief mo sa sweetness ni Sir!” Bulgar nitong wika. Muntik ko nang isalpak sa bibig ni Arianna ang hawak na scooper ng gatas dahil sa kanyang sinabi.

“T-tse!” Nautal kong disma sa sinabi ni Arianna. Kasi naman, sinong hindi kikiligin kapag ginawa iyon ng crush mo… ng idol mo? Hirap nga akong i-digest ang realness na nililigawan ako ni Xavier. Kasi sampal sa buwan ang ganito pero… pero nangyari. May kiss sa pisngi at sintedo pa ngang bunos!

May parte sa akin na gusto kong sarilihin ang kilig at saya ngunit may parte naman sa isip at puso ko na i-enjoy ko na itong ride na panliligaw ni Pangga. Hating-hati ako sa mga ganaps ko ngayon sa buhay.

“Ayie! Kinikilig na yarn!”

“Tse! Wala ka lang manliligaw d’yan, eh, kaya ako ang ginagambala mo!”

Humawak siya sa kanyang dibdib at umarteng nasasaktan sa kanyang dibdib. Kung hindi lang talaga ako inaasar nitong si Arianna ay baka nireto ko na ito sa mga kapatid ko, kaso inaasar niya kasi ako! Nababanas tuloy ako sa kanya.

“Grabe ka naman, Rence! Masyadong below the belt na iyon, ah!”

Iniwan ko ang pagtitimpla ng gatas at namaywang na hinarap ng maayos si Arianna. Hindi niya ako madadaan sa ganito. May utang pa ang babaeng ito sa akin. Bruhang ito, nagre-report pala kay Ate Xaña sa mga ganap dito sa big brother house ni Xavier!

“At ikaw,” tinaasan ko siya sa isang kilay ko. Napalunok siya ng malalim. “Nagre-report ka pala kay ate Xaña sa mga ganaps dito sa bahay? Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may koneksyon ka pala kay Ate Xaña?”

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Halata si Ateng Arianna ninyo na guilty sa aking sinabi. Nagkamot siya sa kanyang batok bago tumingin sa akin.

“S-sorry, Rence. Akala ko rin kasi top secret lang namin iyon ni Ma’am Xaña! I swear!” At itinaas niya ang isang palad sa akin, parang nanunumpa. “At saka… si Ma’am Xaña kaya ang naghire sa amin para magtrabaho rito.”

Binaba niya ang kamay.

“Talaga?” May duda kong untag.

“Oo, nga! Saka hindi mo ba pansin na parang hangin lang kami kung ituring ni sir Xavier? ’Di nga niya kami kilala, eh. Kasi nga si Ma’am Xaña ang naghire sa amin at dito kami nilagay since walang katulong ’yang si sir Xavier. Masyadong lonely boy ba. Ayaw kasi ni Sir Xavier ng maingay o may dumidisturbo sa kanya kaya dumidistansya kami. Nag-iingat na h’wag masisante.”

Napatutok lang ako kay Arianna habang siya ay nagpapaliwanag.

“Kaya nga gulat na gulat kami nang sinabi mong nanliligaw si Sir Xavier sa’yo! Ang ingay mo tapos kalog din! Sobrang opposite sa type ni Sir pero… siguro love is blind and deaf nga talaga.”

Nabatukan ko si Arianna kasi hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig niya! Anong love is blind and deaf? Baka ako magpapa-blind sa kanya ng wala sa oras dahil d’yan sa bibig niya.

Dahil may klase si Zion sa kanyang tutor, naiwan siya sa bahay. Naawa nga ako sa anak namin ni Xavier kasi naglulumpasay doon sa bahay. Charz! ’Di pa nga jowa ang daddy nakiki-anak na. Ang speed ko naman!

Ngumunguso akong sumulyap kay Xavier na ngayon ay nagmamaneho sa akin, eme, napaghahalataan na excited! Nagmamaneho siya ngayon dahil papunta na kami sa meet up place namin ni Kuya Carl. Akalain mo iyon na si Kuya Carl na ang magset kung saan kami magkikita dahil baka raw magrenta na naman ng buong resto itong si Xavier.

Hayst! Ang gwapo ng future jowa ko sa kanyang polo shirts na kulay vintage taupe na pinaresan niya ng itim na slacks at sapatos. Formal na formal siya at masasabi kong pinupormahan na niya talaga ako. Bumagay sa kanya ang kanyang gupit na mid taper. Pagka-uwi namin galing sa probinsya ay nagpagupit kasi ito. Syempre para sa akin! Eme!

“Nando’n na ba si Carl sa meeting place natin, baby?”

Amp! B-in-aby lang ako ni Xavier pero para na akong kinumbulsyon dito sa aking kinauupuan.

“I-iti-text ko.” anas ko at nilabas ang aking telepono mula sa akin dalang maliit na bag, in which pinahiram lang ni Ateng Arianna sa akin.

“Hmm,”

To Kuya Carl: Kuya, nasa meet up place ka na?

Pagkasend ko no’n ay kaagad naman akong nakatanggap ng reply kay Kuya.

Kuya Carl: Yes, Rence. Take your time. Mag-iingat kayo.

Bumaling ako kay Xavier. “Nando’n na si Kuya Carl, pangga!”

“Good!” aniya.

Nakunot ko ang aking ilong dahil mukhang wala kang si Xavier habang nagmamaneho.

“Hindi ka kinakabahan?” I curiously asked.

Saglit siyang tumingin sa gawi ko at ngumiti.

“Why would I?”

“Syempre! Kikitain natin ang Kuya ko!”

“No.” Mabilis na sagot niya. “Kakabahan ako kung hindi ako sincere at hindi mabuti ang intensyon ko sa’yo, Lawrence. But I’m serious and my intention to you is true. Wala akong dapat ika-kaba, baby.”

Amp! Enebe! Grabe naman itong si Xavier! Kaya ultimate crush ko siya!

“Papaano kung ayaw nila?”

“Then, I’ll prove to them my real intention.”

“At iyon ay?”

“To make you my boyfriend.”

Napapak ko ang aking labi dahil sa mga sinabi ni Xavier! Hindi nakakabuti sa puso ko itong mga sinasabi niya. Parang sasabog na ang puso ko. Baka maaga akong madeads dahil sa kanyang epekto sa akin.

“E-ehh… hehehe! N-nagawa mo na ito noon kay Kyline, pangga?”

Dahil nakatitig lang ako sa kanya. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa kanyang labi at napalitan ng pagkaseryoso.

“No. Ikaw lang niligawan ko. I’ve been into relationships before, baby, but it’s my first time courting someone.”

Lumunok ako.

“Eh, bakit… n-nag-iba ka na ngayon? Bakit nanliligaw ka?”

Sumulyap siya sa akin. “Because I want to make everything right and good for you.”

“Alam mo na crush kita, idol, hinahangaan.”

Tumango siya, muling tumingin sa daan.

“That is why I’m courting you kasi idol mo lang ako, crush lang, at hinahangaan. Lahat ’yan pwedeng magbago at mawala sa isang iglap… lalo na’t hindi ako ganon ka buti. Nanliligaw ako para mahulog ka akin, para magustuhan mo ako hindi dahil idol mo ako o hinahangaan mo ako. Nanliligaw ako para magustuhan mo ako bilang si Xavier Von Faleiro.”

Natamimi ako sa sinabi ni Xavier. Gusto kong tumawa o pabulaanan ang kanyang kaseryosohan kaso wala akong nagawa rito sa kinauupuan ko. Hanggang sa makarating na kami sa aming destination.

Nalaglag ang panga ko.

“Let’s go.” ani Xavier pero abala pa ako kakatulala rito sa tapat ng building.

“Tama k-kaya itong building na ito, pangga?”

“Ito ang nasa pin location na f-in-orward ng brother mo sa akin. It’s impossible na magkamali siya.”

Kinuha ni Xavier ang kamay ko at saka ako inakay sa loob ng building. Ginoo ko! Sosyalera pala itong meet and greet place namin ni Kuya Carl! ’Wag naman sanang naggagastos ng pera itong si Kuya para lang magmukha siyang may ibubuga kay Xavier. May maintenance kaya si Mama Aubrey!

“Reservation for Mr. Carolous Alipalo.” saad ni Xavier doon sa waiter na sumalubong sa amin. Naks! Alam na alam na talaga ang buong name ni Kuya Carl!

“Uh, this way, Sir!” Natulala saglit bng waiter kay Xavier! Ngunit nakabawi rin ito kaagad.

Dinala kami ng waiter sa top floor nitong building na aming pinasukan. Medyo nahilo pa ako dahil nakikita ko ang mga katabing buildings dahil gawa ito glass wall. Para akong nasusuka na parang ewan dahil nalililo ako. Napalinga ako sa paligid dahil ang tahimik at iyong ibang mga tables bakante. Binuksan ng waiter ang isang room at saka kami pinapasok ni Xavier.

Sa kwartong pinasukan namin ay nadon si Kuya Carl. Prenteng nakaupo at may kung anong kinakalikot doon sa kanyang telepono. At nang mapansin niya kami, saka pa niya binitiwan ang telepono at tumayo upang batiin kami ni Xavier.

“Nice to meet you again, Mr. Faleiro.”

“It’s to meet you too, Mr. Alipalo.”

Nagkatitigan pa si Kuya at Xavier habang nagkakamayan.

“U-upo na tayo, guys!” singit ko sa gitna nilang dalawa.

Sa isang four seater kami na table umupo at pasimple akong tumingin sa paligid. Nakita kong may dalawang tao sa di kalayuan sa amin. Babae at lalaki na medyo may edad na at nakatingin sila sa akin. Mukhang dyina-judge nila na dalawang lalaki ang kasama ko. Ginoo ko!

Ngumuso lang ako at pinutol ang titig sa kanila. Babaling na sana ako kina Kuya Carl nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no’n ang isa ko pang kapatid!

Lord, anong ginagawa ni Kuya Cam dito? At naka formal attire din siya! Hindi ba nasa Cebu ito?!

“Kuya Camelot!?” Bulaslas ko. Nawala na ang pagka-demure ko ha!

Malaki ang ngisi ni Kuya na tumungo sa aming mesa at saka ako niyakap nang makalapit.

“I miss you, Rence!” anito at tila hindi napansin ang gulat ko!

“Sinabi ko sa kanya, Rence, na magkikita tayo today. Gusto niyang sumabay.” Paliwanag naman ni Kuya Carl.

Sinamaan ko lang ng tingin si Kuya Camelot na nasa tabi na ni Kuya Carl ngayon.

“Xavier Faleiro, kumusta na, pre?”

Naku! Asal kalye talaga itong si Kuya Camelot! Akala niya talaga ang kausap niya ay iyong mga kasama lang niya sa liga sa probinsya namin kung maka-pre kay Xavier!

“I’m good, Camelot! How about you?”

“Hindi mabuti, pre, lalo na’t iba ang kutob ko kung bakit mo gustong makipagkita rito kay Carl.”

Sinipa ko sa ilalim ng mesa ang binti ni Kuya Cam. Masama niya akong tiningnan pero dinawalan ko lang siya sa aking dila.

“Actually, kayo nga sanang buong Alipalo ang gusto kong makausap, Carl, Camelot, pero sinabi ni Lawrence na si Carl lang daw muna. And I respect his decision.” si Xavier.

Nagcrossed arms si Kuya Camelot at si Kuya Carl naman ay napaabot sa kanyang baso ng tubig at uminom.

“Gusto mo kaming makausap? About what? Business?” si Kuya Camelot naman.

Napa-tsked ako kay Kuya dahil kung umasta siya ay parang may alam talaga siya sa sinasabi niyang business.

“Not about business… but it’s about Lawrence.”

This time ako naman ang napa-abot sa baso ng malamig na tubig at uminom.

“About Lawrence, huh?” si Kuya Carl at sumulyap sa akin.

Nanginig ang labi kong ngumiti kay kuya Carl.

“Yes, gusto ko lang… ipaalam sa inyo bilang mga kapatid niya na… nanliligaw ako sa kapatid ninyong si Lawrence.”

“Xavier Faleiro, do you know what you’re talking about?” si Kuya Carl at napasiklop sa kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Kita ko kung papaano umusli ang mga ugat niya sa higpit no’n.

“Of course! I just realized my feelings for him. And he already knows that I like him. That is why I am courting him to win his heart.” Natapang na sagot ni Xavier.

“You are a showbiz personality, man. Ayaw kong idadawit mo ang kapatid ko sa iyong pangalan.”

“If you’re worried about that, Carl, don’t worry, hindi ’yan mangyayari. My personal life is hidden from the media. I can assure you Lawrence privacy and safety.”

A-ano ba ’yan! Manliligaw pa naman pero mukhang iba na ang usapan nila, ah.

“Papaano kung ayaw kong pumayag na ligawan mo ang kapatid ko, pre?” sabad naman bigla ni Kuya Cam sa tabi.

“K-kuya…”

“Camelot!” si Kuya Carl na may warning tone doon sa kanyang boses.

“I totally understand you, Camelot. You just love your brother but allow me to prove myself and my sincerity towards, Lawrence. I truly like him.”

“Masasabi mo pa kaya ang mga iyan kapag nalaman mo ang lahat tungkol sa kapatid namin?”

“Camelot!” Galit na saad i Kuya Carl.

“I’m just giving him a warning, Kuya! Ayaw ko na saktan lang n’yan si Lawrence! Baka kasi duwag din ang lalaking ito. Porket gusto ng kapatid natin!”

“I’m sorry, Camelot, but I don’t like Lawrence just because he adores me. I like him because he matters to me. I like him not because he is my fan. I like him because he is Mark Lawrence!” Xavier inferred.


This story is already at chapter 31 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 25

Chapter 25

Mark Lawrence Pov

“S-sorry, Xavier!” mahina kong untag kay Xavier. Madali ko lang iyong nagawa dahil nakatabi naman kaming dalawa. Ang mahirap ay baka narinig ako nina Kuya Carl at Cammy na parang mga agilang nakamasid sa amin ni Xavier. Kung nakakamatay lang sa talim ang titig nila kay Xavier ay baka kanina pa ako lumuluha dito.

Tiningnan ko ang dalawa kong kapatid na kung iguguhit ko ay sobrang komplikado at hirap iguhit ng hitsura dahil sa nakabusungot nilang mukha habang nakamasid kay Xavier. Don’t tell me not, inggit sila sa gwapong mukha ng Ultimate Crush ko? Charz!

Pero ang ga-gwapo rin naman nitong mga kapatid ko. Bugnutin lang at laging naka-seryoso, kung kaya’t mukhang istrikto at mapagmataas sa sarili. At kahit ganyan, mahal na mahal ko pa rin sila. Sila kasi bumubuhay sa amin ni Mama Aubrey!

Kahit na may bahid na itong pagtitiwala ko sa kanila dahil doon sa pinapainom nilang gamot sa akin, mahal ko pa rin sila. Naniniwala akong may rason sila. Naniniwala akong may matibay silang dahilan kung bakit nila iyon pinapainom sa akin. Sana mapatawad din nila ako kapag nalaman nilang hindi na ako nagti-take no’ng gamot.

Matagal ko nang iniinom iyong vitamins ko raw na sinasabi nila. I don’t know, since nag-college ako? Ewan, sa sobrang tagal na ay hindi ko na matandaan. Ngayon gusto ko nang diskubrehin kung bakit ako umiinom no’ng gamot na iyon. Ano ang dulot no’n sa akin at bakit may ganon akong iniinom!

Nang dahil sa pagpisil ni Xavier sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Nawala iyong malalim na pag-iisip ko tungkol sa aking pamilya at doon sa gamot. Naibaling ko ang aking mata kay Xavier. May pagsusumamo doon sa kanyang kulay asul na mata at tila kinakalma ang sistema kong nabagabag kanina.

“It’s fine, baby. I understand your brothers.”

Ngumuso ako.

“Kahit na.” Kontra ko sa kanya. Ang bait ng pamilya niya sa akin. Ang bait ni Ate Xaña at ng mga grandparents ni Pangga sa akin tapos itong akin ay apaka judger. Baka gusto lang nilang pumalit bilang judge sa The Voice Philippines kaya sila ganto kay Ultimate Crush!Hmp!

“I like how protective your brothers are of you, Lawrence. That only means they love and cherish you just like I do. I’m glad you have them. I’m glad I found the right person in you.” Malambing na wika sa akin ni Xavier na para bang kami lang dalawa dito sa loob ng silid at wala kaming audience sa aming harapan.

“Ehh! Naman kasi…”

Muling pinisil ni Xavier ang aking kamay sa ilalim ng mesa at ngumiti siya sa akin. Ilang saglit lang ay dumukwang siya upang hagkan ang aking sintedo!

“Eherm!” Malakas na tikhim ni Kuya Carl kung kaya’t napa ayos kami ni Xavier sa aming pagkakaupo!

Hay!

Masama ang tingin ni Kuya Cam kay Xavier at si Kuya Carl namam ay hindi ko alam kung nag-aalala ba ito o may lungkot doon sa kanyang mga titig.

“Nanliligaw pero may pa halik na!” Pasiring na anas ni Kuya Cam. Nang tingnan niya ako ay pinanlakihan niya ako sa kanyang mga mata. Ngumuso lang ako dahil gusto ko naman ang ginawang iyon ni Xavier.

Paano na lang kaya kung sabihin ko sa kanila ngayon na gusto ko nang sagutin si Ultimate Crush? Baka mahimatay itong mga kapatid ko ng wala sa oras!

“Let’s eat before we part ways. Since… wala na naman kaming magagawa dahil nililigawan mo na ang kapatid namin, Mr. Faleiro. And I just want to remind you, Mr. Faleiro that Lawrence is not like some other guys out there. Plus, I saw how many women linked into your name. Humarap ka sa amin ng pormal at maayos. Sana huwag mong sasaktan ang kapatid namin. Mahal namin iyan kahit ganyan siya.” si Kuya Carl at bumaling sa akin.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya Carl. Iyon na sana, eh! Like na like ko na ang kanyang speech para sa akin kaso hindi pumasok sa banga iyong huling sinabi ni Kuya sa akin. Anong ‘ganito ako’? Pahamak talaga itong si Kuya Carl, gusto yatang ma-turn off si Ultimate Crush sa akin!

“Ako ayaw ko talaga dito- ahh!” Nalunok ni Kuya Cam ang kanyang nais sabihin nang sinipa ko sa ilalim ng mesa ang kanyang binti. Malas mo, Kuya, ako ang naging katapat mo sa upuan!

Mas tumalim ang tingin ni Kuya sa akin pero umakto lang ako na parang wala.

“Ayusin mo ang trato mo sa kapatid namin, pre. Alam kong… nasa puder mo siya ngayon pero huwag mo sanang abusohin iyon. Ayusin mo iyang panliligaw mo.” Maangas na wika ni Kuya Cam kay Xavier.

Bumaling ako kay Xavier kasi ako lang meron siya ngayon. Wala siyang kakampi! Feeling ko aping-api na siya dahil dito sa mga kapatid ko!

Nagningning naman ang mga mata ko nang makita ko si Xavier na taas noo niyang pinupukol ng tingin ang mga kapatid ko. Wala talaga siyang takot at kampanteng- kampante! Emz! That’s my boy!

“Makakaasa kayo. Salamat!” si Xavier at bahagya pang yumuko.

Pagkatapos no’n, sa wakas ay kumain na rin kami! Nilalantakan ko ang pagkain na hinain ni Xavier para sa akin. Nakalimutan ko na ang pagkamabini-bini ko dahil sa pagkain! Lamon lang kung lamon!

Si Xavier pa nga ang nagpupunas ng pagkaing lumalagpas sa aking bibig!

“Eat slowly,” anang ni Xavier sa akin.

Bumaling ako sa kanya at pinunasan niya ang bibig ko at binigyan ng juice yata iyon. Napapikit ako ang pilit kong nilunok ang pagkain sa aking bibig. Emz! Mukhang patay gutom ang dating ko, ah.

Napadighay ako at hinimas ang t’yan na busog. Eat well mga alaga kong bulate! Enjoy sa masarap na meal!

Napalinga ako upang magbanyo sana. Gusto ko lang tingnan itong ngipin ko kung wala bang mga debris ng pagkain na kumapit. Mahirap na baka ikiss ako ni Ultimate Crush tapos may sabit-sabit itong ngipin ko!

“Banyo lang ako, Kuya, Pangga!” Paalam ko sa kanila nang makita ang isang hallway na mukhang papuntang banyo.

Pinanlakihan pa ako ng mata nina Kuya dahil nang marinig nito ang tawag ko kay Xavier!

“Samahan na kita,” presenta ni Ultimate Crush kaso inilingan ko lang siya. I’m a big girl na. Hindi na kailangan ng kasama sa banyo!

Dinala ko na rin iyong bag ko papuntang banyo kasi gusto ko rin mag-retouch sa aking mukha dahil na-istress ang aking pores dahil sa mga Kuya ko!

Pagkatapos kong magbanyo at ma-check ang beautyness ko sa harap ng salamin. Napailing ako. Dito talaga sa ultimate facecard ko nahulog si Xavier. Charz! Ginayuma ko lang talaga si Xavier!

Lumabas ako ng banyo at habang inaayos ko ang aking bag ay bigla akong may nabundol! Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong nahulog sa sahig ang mga make-up at ibang apparatus ng taong nabundol ko! Ginoo ko, tabang!

“Naku, sorry po! Sorry po!” Natataranta kong saad at saka mabilis na umupo at pinulot iyong mga nahulog na lipstick at kung ano-ano pang mga paraphernalia!

“It’s fine, dear!” ani ng isang mala-anghel na boses.

Muntik ko nang masampal ang sarili dahil akala ko nasa heaven na ako! Nang tingnan ko ang may-ari ng boses ay medyo bumilog ang mata ko. Siya iyong babaeng nakatingin din sa amin kanina. Iyong judger ba na nakatingin sa amin kanina.

“M-ma’am, sorry po talaga!”

Ngumiti lang siya at sabay kaming tumayo nang mapulot na namin ang lahat ng make-up niya sa sahig.

“Okay lang,” inabot niya pa ang kamay ko at hinawakan. Hindi ko alam pero iba ang tingin niya sa akin. At saka… parang pamilyar ako sa kanya lalo na ang mga titig niya. Emz! Don’t tell me may nagka-crush sa akin na Ginang na? “Ikaw? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?”

“Ay, wala ma’am! Ayos na ayos po ako!” Kwela kong sagot sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiti na parang kontralado talaga at may limitations. Masyadong mabini-bini. Jusko! Amoy expensive si Ma’am! Tingnan mo nga naman itong suot niyang kulay beige na asymmetrical closing dress at kitten heel, ’di ko ito nakikita sa ukay-ukay at divisoria.

“Mabuti naman. How do you like the food here?” Biglang interview niya.

Hala! Ambush food review ba ito ng fine dining na resto’ng ito?

“Masarap po! Sobra!”

“That’s good.” aniya, mukhang satisfied sa sinabi ko.

“Ikaw naman, ma’am, ayos ba pagkain nila?” Interview ko rin sa kanya.

Natawa siya. “Yeah, ito ang favorite naming kainan ng mga anak ko. The De Costa chain of restaurants offers the best foods around the metro and even in the national.”

Wow, ma’am! SML? Share mo lang?!

“A-ahh, sige po, una na ako sa’yo, ma’am! Baka naiihi na rin po kayo at baka ako naman hinahanap na rin ng mga kasama ko. Hihihi!” ani ko at kaagad na lumusot papalayo kay Ma’am. Baka kasi mapa-chismis na naman ako doon. Mahirap na. Kasama ko sina Kuya at si Xavier!

Bago ako tuluyang maka-alis sa hallway tungong banyo ay lumingon muna ako at nakita ko si Ma’am na nakatingin sa akin. Hindi ko lang mawari pero iba ang tingin niya. Parang judger talaga! Kinayawan ko na lang siya at ito naman ay parang robot na itinaas ang kamay at kumaway sa akin.

Sabay kaming lumabas nina Kuya at Xavier. Tuwang-tuwa ako kahit na parang inaaway na ni Kuya Cam si Xavier sa kanyang utak kung makatingin kay Ultimate Crush. Kahit nga nasa elevator kami ay masama pa rin ang kanyang tingin dito.

Nakuha na ng valet ang mga kotse nila kung kaya’t pagkalabas namin ay nasa lobby na kaagad ang kani-kanilang mga sasakyan. Si Kuya Cam pala mukhang nakiki-hitch lang kay Kuya Carl na mukhang social climber dahil maganda ang kotse, pang mayaman!

Niyakap ako ni Kuya Carl.

“You take care, okay? Kung may kailangan ka or what, tumawag ka.” si Kuya Carl.

Tumango ako.

Sunod naman akong niyakap ni Kuya Cam.

“Mag-iingat ka at huwag kang papaapi d’yan sa amo mo porket nanliligaw na iyan. Tang inang ligaw ’yan. Nakatira ka sa bahay niya. Umuwi ka na lang kaya sa atin?” si Kuya Cam naman.

Naitulak ko siya mula sa aming pagyayakapan.

“Para ano, kuya? Papaliparin ko ng Cebu ’yang si Xavier para manligaw doon sa akin?”

Kuya Cam raised his eyebrows, waggling them mischievously.

“If he really wanted you, he would!”

Wow! Nag-ienglish na rin si Kuya Cam ah.

“Tse! Ikaw nga iniwan mo si Mama doon sa Cebu, highblood pa naman si Mama! Nakiki-social climb ka pa kay Kuya Carl. FYI lang nagrenta lang kayo ng mamahaling kotse at pinaandar-an niyo lang si Xavier!”

Natawa si Kuya Cam doon sa sinabi ko at yumuko, tumaas-baba pa ang kanyang balikat sa tuwa!

“Whatever. And for your information, dito na rin ako sa Manila magtatrabaho kasama si Carl.”

“Huh!? Papaano si Mama Aubrey sa Cebu? Walang mag-aalaga kay Mama?”

Masuyong umiling sa akin si Kuya, ngumiti siya sa akin.

“No, don’t worry about Mama, we will take good care of her.”

Matapos kong magpaalam sa mga Kuya ko, si Xavier naman ay isa-isa rin niyang kinamayan ang mga kapatid ko.

Hindi mabura-bura sa aking labi ang tuwa habang nakasakay ako kay Xavier, eme, sa kotse niya. Nasa shotgun seat ako at magkatabi lang kami ni Ultimate Crush.

Paskil sa labi ko ang malapad na ngiti habang nakatanaw ako sa labas ng bintana, tinitingnan ang mga nadadaanan naming buildings at iba pang imprastraktura. Ibang-iba talaga dito kumpara doon sa bukid namin. Doon sa amin kadalasan bundok at kahoy ang nakikita ko, kasi nasa medyo undeveloped naka-situated ang bahay namin.

Namimiss ko na rin ang malinaw na gabi sa amin, namimiss ko ang mga away mag-asawa sa kapitbahay namin, miss ko na rin ang mga pictures at posters ni Xavier doon sa kwarto ko, sayang kasi niluluhuran ko pa naman ang mga iyon, at saka si Mama Aubrey. Namiss ko na ang bunganga ni Mama sa umaga na parang trumpa!

Hindi naman ako bilanggo sa big brother house ni Xavier at may mga friends na rin ako dito kaso parang laging may kulang sa akin. Parang laging may nawala. Kahit anong tawa ko, bigla-bigla na lang ako natahimik kasi laging may kulang sa puso ko na hindi ko maarok.

Just like now, sobrang saya ko na nakita ko sina Kuya tapos kasama ko pa si Ultimate Crush na manliligaw ko na ngayon. Ngunit may laging may void sa puso ko na tingin ko walang makakapuwang dahil wala akong ideya kung ano o sino ang makakapuno no’n.

Ang pagkawala ko sa aking sarili ay tila isang pitik lang bumalik ako sa aking ulirat. Nangunot ang noo ko nang makita kong iba na ang daan na tinatagak namin. Nag-iba ng dindaanan si Xavier at hindi iyon ang daan tungong bahay niya.

“Hala! Bakit lumalayo na tayo doon sa daan patungong big brother house mo, pangga?” Lingon ko kay Ultimate Crush na siyang nagmamaneho.

Sandali lang niya akong tinapunan ng tingin at saka siya ngumisi sa akin, that kind of smile na nakakalaglag lagi sa aking underwear. Porket alam niya kahinaan ko iyon.

“We’re going to Club Ferrer.”

Bumilog ang mata ko. “Huh? Papaano na si bibi Zion nito?” Problemadong saad ko. Iniisip ko palang na iiwan na namin si bibi Zion ay naaawa na ako sa bata. Kanina naglulumpasay na nga iyon.

“Don’t worry about Z, baby, dahil pupuntahan siya ni Xaña. While we’re away, siya muna titingin kay Z.”

“Hindi ba busy si Ate Xaña, pangga? Baka may trabaho iyon.”

“She does have a work pero nag-volunteer siya when I talked to her last night.”

“Pinalano mo na itong lakad natin?!” Bulaslas ko at muntik nang mawala pagka-demure at pagka-mindful ko!

Tumawa lang siya nang marahan.

“I always plan ahead when I’m with you, Lawrence.”

May parte sa akin na malungkot kasi mawawalay kami kay bibi Zion, kaso masaya naman ako kasi lalabas ako kasama si Xavier!

‘Sorry jud, dong, wala ka kauban namo sa imong daddy.’ bulong ko na lang sa aking isip.

Mahaba ang naging byahe namin since labas na pala sa syudad itong Club Ferrer na ito! Ngunit ang pagod sa byahe ay worth it naman nang makarating na kami. Though madilim-dilim na no’ng nakarating kami sa Club Ferrer. It’s a resort pala na may pagka-mediterranean ang dating.

Hindi ko alam kung anong book-book ang sinabi ni Ultimate Crush pero aniya’y naka-book na daw siya kaya madali kaming nakapasok. Nang lumagpas na kami sa front desk ay napatanga na lamang ako nang makita kong para kaming nasa ibang planeta! Dahil sa lawak at ibang klaseng architecture ng resort! I’m sure makikita ko pa ang view ng byong lugar sa umaga.

“Villa ang kinuha ko, Lawrence, so we’ll go this way.” ani Xavier at nagpatianod na lamang ako sa kanya. Nakasunod kami sa isang concierge ng club na siyang maghahatid sa amin sa aming villa.

Hiningal ako nang makarating kami sa villa na kinuha ni Xavier dahil nasa mataas na parte ito. Ngunit worth it naman kasi tanaw na tanaw pala namin ang lights sa baba. Tapos ang infinity pool ay nakaharap pa sa dagat!

“Ang ganda dito, Xavier!” Nakangiting saad ko at pati yata ang mata ko nagningning.

“All for you, baby.” ani Xavier sa tabi kung kaya’t napatingin ako sa kanya. Ang mata ay tuon lang sa akin, ’di ko mawari ang kakaibang dala no’n sa aking sistema na parang may nagwawalang mga bulate sa t’yan ko.

“Hihihi!” Ngisi ko sa kanya. Dumagundong ang puso ko nang makita ko ang diin ng tingin ni Xavier sa mukha ko. “Bakit ganyan ka makatingin, Xavier? Hindi ako ang maganda! Itong nakuha mong villa ang maganda!”

“You’re wrong, baby. You look utterly beautiful.”


This story is already at chapter 32 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 26

Chapter 26

Xavier Pov

I happened to know about Kaden Ferrer, who is widely recognized as a distinguished hotelier and a prominent sponsor for several TV networks. Nagkakilala rin kami ni Kaden at naging magkaibigan nang isang beses ay nagkita kami sa isang gathering. And then nagkausap kami about his clubs and he mentioned na pwede ako— kaming bumisita sa kanyang Club and he will cover everything. Hindi ko lang ako nakabisita since nawala si Z at naging busy na rin ako.

And just last night, naisipan kong dalhin si Lawrence sa Club Ferrer. Tinawagan ko si Kaden at mabuti na lamang at open pa iyong offer niya sa akin kahit medyo matagal-tagal na. Then, I called Xaña for help to look after Z while I was away with Lawrence. I wanted to bring Z with us, but I have a little surprise for Lawrence, so Z will just follow us here with my sister Xaña.

I watched as Lawrence explored our two-story stone villa, taking in every detail. I’ve visited this place twice before for relaxation and vacations, and I know Lawrence will fall in love with this club just as much as I did.

“Wow!” Ang walang humpay niyang smbut mula nang ihatid kami ng staff dito sa aming villa. Hinihintay namin ang aming first dinner na dumating dito kaya naman habang hinihintay iyon ay hinayaan ko si Lawrence na ikotin ang villa.

This villa is situated on the slope of the resort, offering an elite and splendid getaway. The villa features large, arched glass windows that allow us to take in the breathtaking beauty of the night sky. The interior is elegantly decorated in a minimalist style, with white walls, exposed wooden beams, and stone floors. The living area includes plush sofas, comfortable seating, a large fireplace, and sliding glass doors that open onto a spacious terrace.

“Gusto ko na tumira dito! Ang ganda!”

Naalarma naman ako nng patalon siyang umupo roon sa L-shaped na sofa ng living area. Lawrence paddled his feet on the sleek floor, which reflected the white lights coming from the majestic chandelier.

I sauntered towards him and took the space beside him. I never knew this day would come—that I would look at someone and feel magic in my eyes, seeing Lawrence in my future, seeing him beside me, seeing him happy because of me. It’s a feeling that’s foreign to me, yet I am loving it.

I once thought that what I felt for him was shallow. But I was so wrong because, like an iceberg, what I noticed was just the tip. Exploring, being with him, and witnessing his clumsiness have shown me the bigger picture of the iceberg—a vast, deep substance hidden beneath.

I know that there are still many things about Lawrence left to discover, just as Carl warned me. However, I trust my own feelings. I trust what I truly feel for Lawrence. I know that it cannot easily melt, fade, or disappear.

“Ayiee! Gandang-ganda yarn sa akin?” Lawrence kidded, wagging his eyebrows naughtily at me as if he were teasing me.

I rested my body on the sofa and locked my eyes onto his. They’re stunningly beautiful. It’s outrageous how beautiful he looks in front of my eyes.“

“Yes, gandang-ganda ako… sa’yo.”

And this time, it’s his turn to be speechless, his jaw practically dropping to the floor as his eyes open wide to their limit.

Yes, I know he might be into me. Yet, I can’t just ask him to be my boyfriend with the snap of my fingers. I want him to fall for me. I want him to see me not as Xavier Faleiro, the artist, but as a person. A person he can lean on. A person he can be true to, even if he thinks he’s a weirdo. A person he can count on, no matter what!

“E-enebe!”

Ngumisi na lang ako sa pag-ipit niya sa kanyang boses at pabiro akong hinampas!

“Pangga,” tawag niya sa akin at napakuyom ako sa aking panga. I just love how he called me using that kind of endearment. Madami siyang endearment sa akin pero iba talaga para sa akin ang ‘pangga’. It’s kind of cheesy but I’m loving it. I raised my eyebrows at him. “Date natin ito… di ba?”

“Yes, baby.”

Napatili siya at kinuha ang kanyang telepono. Luma na ang Android phone niya at marami na ring gasgas sa screen.

“Picture tayo!”

’Yan ang gusto ko! Hindi ko lang masabi sa kanya kanina! Mabuti at nabanggit niya!

Kaagad akong umusog pa sa kanya.

“Ikaw ang hahawak sa phone ko tapos ako yayakap sa katawan mo! Hihihi! Para naman maging totoo iyong mga edits ko lang noon na mga pictures natin.” Nguso niyang saad.

Kinuha ko ang phone niya at pinindot ang front cam. Inipit ko ang labi upang pigilan ang ngiti nang yumakap siya sa aking katawan.

“1, 2, 3, smile!” Pagbilang niya at pinindot ko ang shutter button ng camera.

“Damihan natin, Ultimate Crush!” Excited niyang wika at hindi naman ako umangal doon.

Nanakit din ang leeg ko at labi kakangiti sa mga pictures. At nang matapos ay kaagad niyang kinalikot ang kanyang telepono upang tingnan ang aming mga larawan. Dumating ang aming foods pero ako na ang nag-asikaso no’n dahil ayaw ko siyang isturbuhin.

Nang makaalis ang staff na nagdeliver ng foods namin. Napasandal ako sa makinis at puting dingding at nag-crossed arms habang pinagmamasdan ko si Lawrence na malaki ang ngiti na nakatuon doon sa kanyang phone. Nang hindi ko na siyang matiis ay nilapitan ko na siya.

“Ay! Kakain na tayo?”

Umiling ako. “No, tapusin mo muna ang ginagawa mo.”

Tipid siyang ngumiti sa akin, dumikit siya sa akin at saka pinakita sa akin ang screen ng kanyang telepono.

“Tingnan mo, pangga. Magpo-post ako sa IG ko. Matagal na kasi akong walang updates sa kinse kong followers! Saka inedit ko na rin iyo g mga pictures mo, huh.” May pagmamalaki niyang untag sa akin.

Nagtagpo naman ang kilay ko nang makita ko ang mga larawan na ipo-post niya raw sa IG niya. Hindi ko napigilang hindi iyon i-swipe lahat.

“What the h*ll is this, baby?”

Bahagya niyang naiatras ang ulo papalayo sa akin. “Huh? Pictures, pangga! Pictures natin na ipo-post ko sa IG.” Lawrence emphasized and I almost ran my palm over my face. I looked at the pictures that he was about to post murderously. Pinagmamalaki niya pa sa akin ang edit niya, eh tinakpan niya lang naman ng yellow emojis na hugis puso ang mata iyong mukha ko.

“No, huwag mong lagyan ng yellow emojis ang mukha ko.” Reklamo ko, pointing one of my faces that was covered with yellow emojis

“Huh? Eh, baka makilala ka ng mga followers ko, Xavier!”

“No, they’re only fifteen of them. Mukha pang hindi active, it’s fine to post our pictures without covering my face. You’re hurting my ego really sure, baby.”

“Ay,” sambit niya. “Grabe ka naman sa akin, Ultimate Crush. Judger ka rin sa followers ko at sa akin. Para naman sa’yo itong ginagawa ko, para maprotektahan ko ang reputation mo as artists at saka ang sarili ko laban sa fans mo.”

Kinuha ko ang telepono niya at binaba iyon sa tabi niya, sinundan talaga niya ang ginawa kong iyon.

“I don’t mind your followers seeing our pictures. I’ll also post you on my account later. Don’t worry about my reputation, okay? I have understanding and loving fans out there. Besides, hindi naman bawal itong gagawin natin. Wala akong nilalabag sa kontratang pinirmahan ko.” Paliwanag ko sa kanya. Tingin ko hindi niya pa talaga napa-process kung gaano ako ka-seryoso sa kanya.

Yumuko siya at ilang minuto ring natahimik na kina-kaba ko.

“Xavier… okay lang siguro kung babae ako.”

This time my ears ticked and my eyebrows met the center; my irritations just shot to the moon. 

“What?” lito kong tanong sa kanya.

“Lalaki ako— bakla ako, Xavier.”

“Baby, I get you really that well.” I know that he is a gay. Why the h*ll is he saying this?

Marahas siyang bumuntong hininga.

“Hindi mo ako ma-gets? Na nanliligaw ka sa isang bakla? Ultimate Crush, okay lang siguro kung babae iyong dini-date mo ngayon. Okay lang na makita kayo kasi kasi babae naman at hindi—”

I kissed my two fingers on his lips to quiet him. He was talking about the sickening stigma of a man dating a gay person.

“Baby, stop it. I know you were biologically born male, and I know that you are gay. I want you to know that I don’t care about what people might think of me dating you, a gay person.”

Nahirapan din naman akong animin ito sa sarili ko. Itong pagbabago aa nararamdaman ko kay Lawrence ay hindi rin naman naging madali sa akin. I used to believe that my attraction to the same sex was just a phase, something fleeting. But I was profoundly mistaken. I’ve come to realize that this isn’t merely a phase—it’s a fundamental part of who I am. It has grown within me and become an integral aspect of my identity. It’s disheartening that some people view being part of the LGBTQ+ spectrum as a choice. It isn’t a choice; it’s a reality that deeply affects those who experience it, and only a few truly understand it.

“Papaano ang career mo? Di ba nag-audition ka para sa isang role? Papaano na iyon?”

Oh, my baby is only thinking of me instead of his own comfort.

“I am serious about you, Lawrence. I hope you know how serious I am about you. Also, I got the role I auditioned for.”

“Pwede ka namang maging seryoso sa panliligaw mo kahit hindi ako nakikita ng iba. Sanay naman ako na papalakpak lang sa’yo sa malayo. Titili sa malayo at nanonood lang.” Pagmaatigas niya.

“I am now within your reach, baby, and I want you to reach out to me before I stoop myself just to become your ideal man.” Diin kong saad sa kanya.

Mahirap magtago. Natuto na ako kay Zion na tinago ko sa mga tao. If only kilala nila ang anak ko hindi sana mawawala sa akin si Z. O baka hindi siya mawawala ng matagal.

Itong panliligaw ko kay Lawrence, if ever, lumabas ito sa social media or any articles. Alam kong may sasalungat at may mawawala sa akin ngunit hinanda ko na ang sarili ko. Magtitiwala ako sa mga taong tunay na sumusuporta sa akin simula no’ng una.

“Ang daming mawawala sa’yo.” Pansin kong humihina ang boses niya sa bawat palitan namin opinyon.

I hugged him, tungkol lang naman sana ito sa pagpost ng pictures namin sa Instagram at nagkalaliman na ang topic namin.

“Ikaw naman ang magiging kapalit.” saad ko.

Gumalaw siya at doon lamang yumakap sa akin. Pinakalma ko muna siya bago kumalas sa aming yakap.

“Sige, post ko ang hindi edited pictures natin pero hindi kita ita-tag.” Hinayaan ko na siya sa kanyang gusto.

“But I do have a separate account that is untouched by my social media manager. It’s my private account.” sabi ko sa kanya.

“Talaga? Hindi lang itong ‘falieroxavier’ ang IG mo?”

Tumango ako sa kanya at saka t-in-ype ko ang private kong IG. ‘thexavier.f’ with only three thousand plus followers. Mostly ang mga pino-post ko roon ay ang snapped pictures ni Z growing up. Mostly monochrome din ang mga larawan doon ni Z.

“Hala si bibi Zion ito, Xavier?” sambit niya at mapakalkal sa mga karawan ni Z. “Bakit naman hindi ko ito alam?”

Sinamaan niya ako ng tingin.

I sighed. Mabuti at naiba ko ang topic namin.

“It’s called a private account for a reason, baby.”

Hinabaan niya ako sa nguso niya.

Umiling ako bago kinuha ang sariling cellphone sa aking bulsa. May free wifi itong villa kung kaya’t madali akong naka-connect sa internet at binuksan ko ang private Instagram ko at f-in-ollow ko siya.

Nang makita ko ang bundok ng Switzerland sa aking icon, naisipan kong palitan iyon.

“Baby,” tawag ko kay Lawrence at madali kong itinapat ang camera sa kanyang mukha. Pagpindot ko sa shooter ng camera at saka naman niya tinakpan ang kanyang mukha. Nakontento ako doon at iyong picture niya na nakatakip ang kamay niya sa mukha ang ginawa kong profile.

“Huh? F-in-ollow mo ako? Teka… i-isa lang following mo.”

Tumango ako. Ano namang meron sa isang following?

“I’ll follow you sa isang account ko, iyong lagi mong china-chat before.” Natawa ako nang makita ko ang pamumula sa kanyang pisngi at dulo ng kanyang tenga. Hindi naman siguro mapapansin kung ipa-follow ko siya doon sa showbiz account ko dahil marami akong following doon. Ngunit aaminin kong iyong mga f-in-ollow ko roon ay ang mga naka-trabaho ko lang at iyong mga brands na in-endorse ko.

Iba talaga ang satisfaction para sa akin kapag nakikita ko siyang ganito. Saka nakahiligan ko na ang pagbabasa roon sa mga DMs niya sa akin. Ngayon natatawa na ako sa mesage niya sa akin no’ng nagsend siya ng picture nila ni Z. Who would have thought na dahil sa kakulitan niya at pagiging fan niya ay makikita ko ang anak ko?

“T-talaga? Pwede mo akong i-follow doon, Ultimate Crush?”

Ginulo ko ang buhok niya. “Of course!”

Pagkatapos no’n ay naghapunan na rin kami sa kitchen nitong villa. Mostly mga seafoods ang ino-offer nila kaso nag-order na rin ako ng meat foods for us.

“What’s your favorite among all the food here, baby?” tanong ko kay Lawrence at minata ang mga pagkain sa mesa.

“Ito! Ito! Saka ito rin pala!” Turo niya roon sa king crab, lobster, at steak.

“Iyong favorite mo? Meron ba dito?”

Umiling siya. “Paborito ko ang adobong manok ni Mama Aubrey, Pangga! Kapag nakabisita tayo kay Mama, ipapatikim ko sa’yo ang adobong manok ni Mama!” Pagmamalaki niya.

“Hmm, yeah. Let’s go to Cebu next time then.”

“Ikaw, pangga, anong fav mo? Ako?”

Natawa ako roon. “Hindi pa kita natitikman, how can I say na ikaw ang favorite ko?”

Nanlalaki ang mga mata niya. “E-ehh…”

“Lola Marcila’s pancit palabok, iyon ang favorite ko.” Agap ko nang makita ko ang pagtigalgal niya.

Matapos kumain ay naghiwalay na rin kami ng room ni Lawrence. Binigay ko sa kanya ang isang duffel bag kung saan nilagay ni Arianna ang mga damit ni Lawrence. Sekreto niya itong kinuha sa kwarto ni Lawrence gaya ng inutos ko sa kanya. I don’t know kung may tumulong ba sa kanya.

“Iyang si Arianna parang hindi naman tunay na FC ko! At saka mukhang akyat bahay iyan sa galing na kumuha ng damit ko sa kwarto nang hindi ko nalalaman.” aniya.

“Don’t be mad at her. Ako ang nag-utos sa kanya na kumuha ng damit for you.”

He just scrunched his face, looking visibly annoyed.

“Hmp! Pero gusto mo talaga na hiwalay ang room natin, pangga?”

“Hmm. Nanliligaw pa ako, di ba?”

Ngumiwi siya. “Pwede namang tabi tayo. Wala naman akong gagawin sa’yo. Unless… ikaw ang may gustong gawin sa akin.” He remarked, wiggling his one eyebrow at me.

I barked a laugh. “I won’t do anything without your consent, baby.”

Napapak niya ang mga labi. Those lips really look luscious and seem sweet like a candy. I can make those pink tinted lips turned into red one.

I shook the thoughts away. D*mmit!

“Sige na. Matulog na tayo kasi may marami pa tayong gagawin bukas, di ba?” Tumango ako. “Hihihi! Sige gapangin na lang kita sa kwarto mo!” Biro niya.

“Alright, I’ll leave my door open for you.” I said, with a playful glint in my eye, causing his face to redden even more.


This story is already at chapter 33 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 27

Chapter 27

Mark Lawrence Pov

“Thank you, Lord, for this another day!” wika ko pagkamulat ko sa aking mga mata. Maliwanag na at dahil halos lahat ng parte ng aking silid ay gawa sa transparent glass, sobrang aliwalas na. Ang liwanag ng araw ay tumatagus na sa mahahabang kurtina, kaya naman oara na ako nitong pini-prito ng buhay. Tumagilid ako at nakita ko ang aking sariling repleksyon sa salamin na pinto ng enclosed cabinet ng room ko.

“Ahh, ang ganda ko!” anas ko habang nakatitig sa aking sarili. Ganito dapat ang motivation araw-araw, ’wag kalimutang purihin ang sarili. Kaya pumapangit iyong iba, eh. Problema kasi ang unang iniisip, dapat kagandahan ang inuuna sa lahat! Pata kahit lugmukin ka ng problema at least pagtingin mo sa salamin may maganda kang nakikita.

Bumangon at nag-inat ako sa aking braso at flex sa buto ng katawan para maging handa sa bakbakan! Ang sarap sa pakiramdam kapag tumutunog ang katawan ko sa bawat inat. Bumaba ako sa kama at mabilis na naligo. Nang makaligo ay naglagay na rin ako ng skincare para manatili ang beautyness ng isang Mark Lawrence.

Tinuro ko ang sariling repleksyon sa salamin.

“Pak! Pak! Ganern-ganern! Ibang klaseng ganda talaga meron ka!” Proud kong sabi sa sarili.

Lumabas ako ng kwarto at tama naman na kakalabas lang din ni Ultimate Crush sa kanyang kwarto. Awtomatik siyang ngumiti nang makita ako. Naipadyak ko naman ang paa sa sahig.

Enebe!

“Good morning, baby.” aniya at hinapit ang baywang ko bago pinatakan ng isang halik ang akong sintedo.

“Good morning din, pangga!” Masiglang bati ko naman kay Ultimate Crush pero hindi ko siyang hinagkan. Hindi kasi ako easy girl.

“Let’s eat our breakfast, bago tayo bumaba para bumili ng rash guard para sa’yo since wala kang swim wear.”

“Hinalughog mo ang mga damit ko?!” Gitla ko.

“No, si Arianna ang nagsabi.”

Gumalaw ang labi ko. Mukhang marami-rami akong isusumbat kay ateng Arianna pagkabalik namin sa big brother house ni Xavier, ah.

Sabay kaming lumabas ni Xavier tungo sa living area nitong villa. Akala ko tapos na ako sa expedition ko rito sa loob ng villa at akala ko nakita ko na ang ganda ng lugar ngunit mas na-amaze ako sa ganda ng infinity pool that stretches along the edge of the terrace na nakaharap sa dagat! Kumikinang iyon dahil sa sinag ng araw na tumatama roon.

Dahil sa mga malalaking transparent windows and walls ng villa, kitang-kita ko ang ganda ng tanawin at ang dagat sa malayo na kulay asul! May loungers at cozy hammock din sa gilid ng pool, tapos may mga payong din na nakatirik sa tabi, then on the other side was a stone staircase leads down to my future, charz, to the sea.

Gusto ko sanang magbreakfast doon sa gilid ng pool kaso ang init naman. Kaya naman sa kitchen na lang kami kumain ni Ultimate Crush. Natuwa ako kasi may adobong manok doon at lechon!

Nang lumabas kami ni Ultimate Crush sa aming villa ay doon ko lang nakita ang mga bulaklak sa labas ng villa!

“Ay, ang ganda naman bulaklak niya.” usal ko at tumalon ng konti upang maabot iyong bulaklak na kulay pink!

“It’s a bougainvillea flower, baby.” sabi ni Xavier sa tabi ko at kinunan niya ako ng larawan!

“Share mo lang, pangga?” anas ko na kinangisi lang niya naman.

Pagkatapos ng ilang kuha niya ng larawan ay nagpatuloy kami, ngiting-ngiti ako pababa sa dagat at kung nasaan din ang iba’t ibang store at souvenir stores ng lugar. Sa gilid ng hagdan na aming tinatahak ni Xavier ay ang mga bulaklak na may iba’t ibang kulay. Iyong sabi ni Xavier na bougainvillea ay may iba’t ibang kulay pala no’n at lumalaki siya.

Nang may makita kaming store sa baba, binilhan ako ni Ultimate Crush ng masusuot ko, iyong komportable ako kapag nasa dagat na kami.


Masaya ako sa swimming ko sa mababaw na parte ng dagat. Inaaya ako ni Xavier sa malayo ngunit natatakot ako! Kasi what if may pating? Mamamatay pa ako nang hindi man lang naging jowa si Ultimate Crush!

Kaya nakontento na ako sa mababaw lang. At nang makita kong may nagb-bodyboarding sa tabi, na-inggit ako. Kung kaya’t inaya ko si Xavier doon na siyang pinayagan niya naman.

“Naku baka tangayin ako nito sa bermuda triangle, pangga!” Eksaherada ko at pumatong sa surf board.

Actually, tinuruan na ako ni Xavier nito doon sa tabing dagat ngunit inalalayan niya ako dito sa dagat dahil inaalog ng alon ang surf board ko.

“I won’t let that happen, baby.”

Mainit ang araw ngunit mas uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Xavier. Ang landi na niya sa akin simula no’ng umamin siya.

“Just relax, nandito lang din naman ako sa tabi mo.” segunda niya pa.

Enjoy na enjoy ko ang pagsu-surf ng walang pag-aalala dahil nasa tabi ko si Xavier. At nang may narinig na naman akong tumitiling mga tao sa di kalayuan namin na nagpa-parasailing, gusto ko na naman iyong subukan.

“It looks dangerous, baby. What if maputol ang lubid?” Overthink ni Xavier.

“Ako na lang susubok kung ayaw mo, pangga! Video-an mo ako para may pang-inggit ako kay Kuya Cam!” Inggitero kasi iyon!

“No, sasamahan kita.” si Xavier.

At talagang sinamahan niya ako sa parasailing! Sigaw ako nang sigaw sa taas at nagp-posing pa ako dahil sinabihan ko ang Manong sa baba na kunan ako ng pictures! Si Xavier sa tabi ko ay hinahawakan naman ang isang kamay ko.

Pagtapos no’n ay bumalik ako sa bodyboarding at si Xavier naman sinubukan ang surfing at skimboarding. Hindi kami natapos doon dahil nag-jet skiing din kami at paddle boarding.

“Sunog na sunog na ako, pangga!” Natatawa kong saad kay Xavier matapos kong magbanyo at magbihis ng tiyong damit. Binantayan niya kasi ako sa labas, pwede naman siyang pumasok pero ayaw niya. Tsk! Tsk! Siguro napapangangitan talaga ito sa katawan ko!

“You’re still beautiful, baby.” aniya at kinuha ang kamay ko at tumungo kami sa isang resto kung saan kami magl-lunch.

Lamang dagat na naman ang aming kinain. Nag-heavy meal na ako sa breakfast namin pero naubos yata sa halos limang oras namin sa dagat!

“Xaña is calling. Come here, baby.” ani Xavier at tinapik niya ang espansyo sa kanyang tabi.

Imbes nasa tapat ako ni Xavier, tumabi ako sa kanya. Kumaway ako sa kamera nang makita kong video call pala ito. Mula sa background ni Ate Xaña, nahuhulaan kong nasa living area sila ngayon!

“Mami!” Hindi pa nakakapagsalita si Ate Xaña ay sumingit na kaagad sa kamera si bibi Zion na lumuluha.

“D-dong, hello!” Kinawayan ko rin ang bata ngunit umalog lang ang kamera, inagaw nito ang phone mula kay Ate Xaña.

“Mami!” Iyak na naman nito. “I don’t want to study anymore! I want to go with you and daddy, mami!”

Nataranta ako nang makita ko ang malalaking butil na luha na umaagos sa mata ni bibi Zion. Ito nga pala ang unang beses na nagkalayo kami simula nang makita ko siya sa Cebu. Namumula ang ilong at namaga na ang mata ng bata! Kawawa!

“I miss you, m-mami ko! Miss ko na po ikaw!”

Hindi ako makasingit dahil sa iyak niya. Nahahabag ako ng sobra at nag-guilty na hindi siya nakasama sa aming date ni Xavier.

“D-dong mag-study ka uy! Para next time sasama ka na sa amin ng Daddy mo.”

Maharas siyang umiling at patuloy sa pag-iyak.

“Z,” tawag ni Xavier sa anak niya.

“I hate you, daddy! I hate you! You take my mami away from me! Hate ko na ikaw ulit!” Pagdabog ng bata.

Humingang malalim si Xavier. “Z, I didn’t take your Mami away from you. I just borrowed her for a while, and don’t worry because you will join us here with Ate Xaña, okay? Don’t cry. You’re a big boy.”

“No! I am Mami’s baby boy!”

Rinig ko ang pag-chuckle ni Xavier. My eyes find it’s way to him, at parang nagkasundo naman ang aming utak nang bumaling din si Xavier sa akin. Nginitian ako.

“And your Mami is my baby.”

Nahampas ko ang braso ni Xavier at inagaw ang cellphone niya. Bumulusok ang init sa aking tenga at mukha dahil sa kanyang sinabi. Lihim ko namang kinakalma ang puso na nagwawala sa dibdib ko at di makatingin ng maayos kay Ate Xaña at Zion sa kabilang linya.

“D-dong,” umig-ig pati ang boses ko dala ng malakas na kabog ng aking dibdib. “Mag-study ka, dong. H-huwag mong intindihin ang sinabi ng Daddy mo, huh. At saka susunod naman kayo ni Ate Xaña gaya ng sabi ni Daddy Xavier… mo.” At naantala ko pa talaga.

“Miss na ko na po ikaw, Mami. I love you, Mami ko!” Ngumuso ito at tumulo ang luha. Kino-konsensya ako.

“Miss na rin kita, dong. I love you, dong.”

Tila isang usok sa hangin na nawala ang aking pagka-emosyonal nang makita ko si Ate Xaña sa tabi ni bibi Zion na kakaiba ang titig at ngisi sa akin. Judger din yata itong si Ate Xaña sa akin!

“Enjoy your date, Lawrence!” si Ate Xaña.

“Sumunod kayo kaagad dito, ate.” anas ko.

“We will.” At ngumisi pa ito lalo! 

Nang sumapit ang hapon ay nagawa pa naming mag-canoeing ni Xavier. Inaya niya ako sa freediving at snorkeling daw together with the whales pero umayaw na ako dahil baka atakehin na ako sa puso sa mga activities na iyon.

At nang kumagat na ang dilim, akala ko babalik na kami ni Ultimate Crush sa taas, sa aming villa ngunit nag-yachting pa kami.

Xavier Pov

“Waahh!” Lawrence softly exclaimed, his eyes widening with delight as he gazed at the vibrant horizon, where shades of orange melted into deep red before us.

My heart skipped a beat as I watched him sprint forward, gripping the steel rails of the yacht. Hindi na siguro ako magugulat kapag sa makalawa o mamaya ay isusugod na ako sa ospital dahil sa kabang laging binibigay ni Lawrence sa akin. I am not complaining; it’s just that only Lawrence and my son can make me feel this way. I am always anxious and feel dumb whenever I’m with Lawrence. I’m always conscious of everything when it comes to him.

“Halika ka rito, pangga! Tingin ka lang nang tingin d’yan sa akin, eh! Knows ko na na maganda ako, ’no!”

My head gently shook in response, and a smile slowly curved across my lips. I stepped forward, closing the distance between us, and quietly positioned myself just behind him. Huli na nang mapansin kong gumapang na ang braso ko sa kanyang baywang at niyakap siya. I feel his body tense between my arm and my side.

“Am I making you uncomfortable?” I ask softly, starting to pull my arm away. But before I can, his hand swiftly catches my wrist, guiding my arm back over him, keeping me close.

Itinungkod ko ang isang kamay sa railings at ang isa naman ay tuluyan nang yumakap kay Lawrence ng mahigpit at inipit siya sa katawan ko.

I gently rested my head on his shoulder, my eyes staring ahead, but my mind and heart were completely consumed by thoughts of Lawrence and the comfort he brings in me.

“Is this okay? Komportable ka ba sa ganito?” tanong ko sa kanya at tumango siya.

Nakakapanibago naman ang katahimikan niya. Hindi ako sanay na tahimik siya. Akalain mo nga naman, pati ingay niya hinahanap na rin ng utak ko.

Kapwa ginugulo ng hangin ang aming buhok at ang couple naming floral na button down polo. Ang paligid ay kinakain na ng dilim at kaunti na lamang ang naiiwan na kulay kahel sa himpapawid. Kapwa rin kami nakapaa ngayon dito at pareho ding kami ng cotton shorts na kulay itim, nga lang iyong sa kanya ay mas maikli kumpara sa akin.

“Thank you for spending the day with me, baby. My heart is overflowing with joy because of you,” I whispered in a soft, soothing voice.

“S-salamat din, Xavier, kahit ang dami mong binayaran para sa akin ngayon.”

I couldn’t help but chuckle at his response. He has a unique way of making my heart skip a beat.

“Did you enjoy it?”

“Oo, naman! Hihi! Ang dami nating nasubukan na mga water activities!”

“Hmm, pero next time diving at scuba na tayo.”

“Audience mo na lang ako, Ultimate Crush, o kung di naman ay moral support!”

I laughed.

“Hmm!”

We enjoyed a romantic candlelight dinner aboard the yacht, softly illuminated by strings of warm yellow lights that adorned the sides, casting a golden glow over the evening. The deck was beautifully decorated with delicate rose petals scattered across the floor, adding a touch of elegance and romance to the setting. The gentle sway of the yacht on the water and the twinkling reflections of the lights created an intimate atmosphere, making the moment feel more romantic.

“A-ang dami mo nang gastos, Ultimate Crush! Baka mamulubi ka na pag-uwi natin!” saad niya nang makita ang set-up ng aming dinner.

Inakay ko na siya palapit doon sa table namin at pinaghila ng upuan para sa kanya.

We simply sat there, enjoying a meal crafted by one of the most renowned chefs at Club Ferrer.  Talk about Lawrence dream being my fan. As much as I want to order food from De Costas kaso kailangan siya ng mahabang oras.

“Gusto kong makalapit sa’yo kapag may mga mall shows ka sa Cebu at gusto kong makapunta sa concerts mo, pangga. Kaso sa mall shows lagi akong nasa likod tapos maliit ako. Buhok mo na lang nakikita ko! Tapos kung concert naman kahit pamasahe pa-Manila naghihikahos ang bulsa ko. Kaya hanggang live lang ako at dagdag audience impact na rin kapag mall shows mo sa Cebu!”

I held his hand.

“I’m sorry, baby.”

Magc-concert ako, magpapa-fanmeet ako para sa kanya so he could experience that thing. I will tell Cesna about this.

“Ano ka ba, ultimate crush! Natural lang iyon para sa tulad kong poorita na fan! I’m sure hindi lang naman ako ang nag-iisang fan na hindi nakaka-punta sa concert ng idols nila. Alam kong hindi lang ako ang laging nakaka-feel ng inggit! Hihi!”

When we returned to our villa, Lawrence was already feeling the cold. It was fortunate that I had brought an extra jacket, as the evening turned chilly.

Nang makarating kami sa aming villa binigay niya sa akin ang jacket. Kita ko ang sunburn sa kanyang katawan.

“Manonood pa ba tayo ng movie o magpapahinga nalang?” tanong ko sa kanya.

Humikab siya. “Tulog na lang.”

Mabilis ko siyang sinang-ayon doon sa kanyang gusto.

I hugged him and kissed his temple.

“Ultimate Crush, nap-pressure ako.” aniya pagkakalas ng aming yakapan.

“Pressure about what?”

“Kung papaano kita sasagutin!”

I messed up his hair.  Tumawa ako.

“Don’t think about it that much. I’m not in a rush, baby. Take your time. Goodnight!”

Hinabaan niya lang ako sa kanyang nguso. “Goodnight na rin, pangga!”

Matagal akong nakatulog. Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Ang daming naganap ngayon at masasabi kong isa ito sa mga araw na nakaramdam ako ng sobrang saya maliban no’ng araw na mahawakan ko si Zion.

With a smile, I closed my eyes, hoping for another day with Lawrence filled with fun and memories together. However, in the midst of my deep slumber, ginising ako sa aking pagkauhaw. 

Despite being in a half-awake state, I managed to get out of bed and make my way to the kitchen. However, my body suddenly became aware of its surroundings when I saw Lawrence’s door open. I knew I shouldn’t peek or watch, but my curiosity got the better of me, and I took a quick glance into his room.

I looked at his bed, only to find the white sheets in disarray, with half of them on the floor.

Marahas kong nilakhan ang pagkakabukas ng kwarto at  hinanap ko si Lawrence sa kama.

“B-baby?”

Kinuha ko ang bedsheets at pinagpag iyon ngunit wala siya. Pumunta ako sa banyo ng kanyang silid pero wala rin siya doon. My heart pounded with anxious intensity as I impulsively yanked open the mirrored cabinet door, only to find it empty except for his clothes

I stormed out of his room, slamming the door behind me with a forceful bang that echoed down the hallway.

“Lawrence!?”

Galing na ako sa kitchen pero wala rin siya doon. Ginulo ko ang aking buhok at tiningnan ang buong sala, walang Lawrence. And then, I watched as the long curtains swayed gracefully, while a chilling breeze enveloped my body, sending shivers down my spine. Nagmamadali ko iyong pinuntahan at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang pinto na bukas.

I ventured far outside, only to discover Lawrence’s slippers scattered on the stone ground, with no sign of him anywhere!


This story is already at chapter 34 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 28

Chapter 28

Xavier Pov

I left the villa, holding Lawrence’s pair of slippers, as if they were a symbol of my fleeting hope. I hurried down the rocky steps, my eyes restlessly scanning the darkness of the night, hoping to find him amidst the shadows.

Even though the night was bitterly cold, beads of sweat trickled down my forehead like raindrops, betraying the storm of anxiety within me. My knuckles turned white as I clenched them tighter with each passing moment, the dread growing as I searched desperately for any sign of Lawrence, but he was nowhere to be found.

Nakarating na ako sa baba, kinakain na ng buhangin ang aking paa sa bawat mabibigat kong hakbang. Hindi ko alam kung saan ako tutungo o kung saan ko unang hahanapin si Lawrence. I try not to overthink, but I can’t help it—it’s happening again. The very thing that happened to him back in my hometown is unfolding again.

Malamig na ang gabi, may mga tao sa labas at naglalakad sa resort ngunit iilan na lamang. Ang yellow lights na nagmumula sa mga poste na lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid.

Kanina ang saya niya pa. Tumitili pa siya at parang wala naman siyang problema, kaso sa nangyayari, may nahihinuha na akong… ito nga siguro ang sinasabi ni Carl.

Then, what should I do? Confront him? Ano naman ang itatanong ko kay Lawrence? Ni hindi niya nga naalala ang mga nangyayari sa sarili niya at ang mga ginagwa niya pagkatapos. It feels like once the storm passes, he’ll shut down, retreating back into his usual playful demeanor as if nothing ever happened.

Napahilamos ako sa akong kamay. Tiningnan ko ang larawan ni Lawrence sa screen ng aking cellphone na siyang ginamit ko sa aking pagtatanong sa mga taong napagtanungan. Sa bawat taong nakikita ko ay tinatanong ko sila kung nakita ba nila si Lawrence ngunit wala silang nakita. Ni hindi pamilyar sa kanila si Lawrence. Nakalimutan ko na ngang artista ako rito. Pero ayaw ko muna iyong isipin. Gusto kong mahanap muna si Lawrence dahil hindi ko alam kung anong oras siya lumabas at nawala sa villa! Tapos naiwan niya pa ang tsinelas sa labas!

Nag-abot na ang paghahabol ko sa aking hininga pati na ang malakas kabog ng aking dibdib sa pag-aalala kay Lawrence. It was a big mistake to choose separate rooms. I should have been more aware and taken extra precautions with him. Dapat natuto na ako sa nangyari dati.

“Baby,” I whispered, my voice barely audible as I stared at his picture on my screen, his wide smile shining back at me. “Where the hell are you?”

I tried to steady my nerves with deep breathing exercises, hoping to calm my racing thoughts. But it was futile; my mind kept drifting back to Lawrence, wondering where he could be at this moment.

Nang hindi ko siya mahanap, pumasok ako sa loob lobby ng club at doon ko nakita ang dalawang concierge sa front desk . Kaso ang malalaking hakbang ko ay naputol nang may katawang bumangga sa aking katawan. Napatingin ako doon sa tumatakbong mga guards.

“Ma’am, pwede po bang ipa-radio iyong g-guest na umakyat sa talampas? Doon malapit sa helipad ng club! N-nagwawala po eh, at kapag s-sinusubukan n-naming lapitan t-tatalon daw po sa bangin.” Hinihingal na wika ng isang guard at naitungkod ang kamay sa tuhod nito na dahil sa sobrang hingal, tila galing sila sa mahabang marathon.

Malalaki ang hakbang kong nilapitan ang dalawang guard na kapwa nauubusan ng hangin at pinagpapawisan.

“Excuse me.” Kaagad kong saad ngunit itinaas ng guard ang isang kamay niya sa akin, animo’y pinapatahimik ako.

But he can’t stop me. Despite my sweating and trembling hands, I manage to unlock my phone and quickly navigate to my gallery, thrusting the screen in front of the guard’s face.

“Is this the guy you’re talking about?” I ask, my voice steady despite the adrenaline coursing through me.

In an instant, the guard’s head snaps toward me, his eyes wide with shock. His mouth hangs open, and his gaze locks onto mine, as if frozen by the image on the screen.

“Ito ba ho ang nakita ninyo, sir?” Diin kong tanong sa guard kahit atat na atat na akong malaman ang kanyang sagot.

Tumayo siya ng maayos at maharas na bumuga ng hininga.

“K-kilala n’yo mo ang lalaking iyon? Baliw yata ang kasama ninyo–”

Naubo ang guard nang mabilis kong ginalaw ang aking kamay at saka ko siyang kinuwelyuhan. Umangat ang kanyang katawan at nabitin sa ere ang paa nang itaas ko ang aking kamay.

“Tinatanong kita kong siya ba ang lalaking nakita ninyo. Hindi ko hinihingi ang opinyon tungkol sa tao!” Diin at malamig kong wika. Siguro dala na rin ng frustrations ko at pag-aalala kaya ko nagawa kong iangat ang katawan ng guard.

Inaawat ng kasama niyang guard ang kamay kong naka-kuwelyo sa lalaking kasamahan niya. Ang isang lalaki at babae naman na nasa front desk ay natatarantang tumawag ng security dahil sa kumosyon.

“S-sorry, sir. O-oo–”

“Saan? Sang talampas ninyo nakita?” tanong ko sa isang guard na nagmamakaawang bitiwan ko ang kasama niya. Binalewala ko ang lalaking nauubo na sa higpit ng pagkukuwelyo ko sa kanya.

May tinuro itong direksyon. “Doon, sir, sa ibabaw ng mga villa, sa may helipad po ng club. Sa gilid po no’n ay may maliit na daan tungo sa talampas na kinaroonan ng lalaking nagwawala.” Namumutlang sagot nito sa akin.

Nang bitiwan ko ang guard mula sa aking pagkakakuwelyo sa kanya ay namumutla ang mukha nito at mauubo. Mabilis akong umalis sa lobby at tumakbo palabas. Muli kong tinahak ang hagdanan tungo sa mga villa na nakatirik sa gilid ng burol at sa taas no’n ay ang helipad ng club.

Perhaps it was the adrenaline surging through my veins, but I felt no shortness of breath as I sprinted up the hill, determined to find Lawrence. The moment I spotted the narrow path beside the helipad, I bolted toward it, shouting Lawrence’s name into the sea of tall, razor-sharp grasses that surrounded me.

Hindi ko na nilingon ang mga mailiit na sanga na nahahagip ng suot kong roba.

Cold sweat trickled down my spine as I saw Lawrence kneeling on the ground, his back turned toward me. He clutched his head desperately, as if trying to expel some tormenting force from his mind. His groans were raw and agonized, his fingers tangled in his hair as if to pull away the unseen torment.

“B-baby,” I called out, but my voice seemed to dissolve into the air, unheard.

My feet felt leaden as I struggled to move toward him. Each step was a monumental effort, my breath ragged and uneven from the frantic sprint. My shoulders heaved up and down, and the wind made the sharp blades of grass around us sway in unsettling rhythms. Sa taas nitong lugar ay tila malapit na amin ang ulap at ang malaking buwan. Dahil doon makikita ko ng mabuti ang kalagayan ni Lawrence.

I was barely a meter away from him, yet he remained oblivious to my presence, just as he had been when I first found him deep in the woods back in my hometown. Fresh blood stained his clothes, and small wounds marred his feet, leaving a grim trail of crimson.

“Baby,” I whispered, wrapping my arms around him from behind.

He writhed in my embrace, trying to push me away, but I tightened my hold, determined not to let him go. He was drenched and trembling, his body shaking uncontrollably.

“It’s me, baby. It’s Xavier,” I murmured, cradling him gently between my arms, trying to offer comfort amidst his unsettling system.

Malalalim ang kanyang hininga at malakas ang kanyang hikbi. Tumigil siya sa pagwawala sa yakap ko at kumapit ng mahigpit ang kanyang mga kamay sa suot kong roba.

He continued to sob in my arms, and I felt his full weight pressing against me.

“What’s wrong, Lawrence? Tell me, baby,” I asked gently.

He pushed me away slightly, his trembling hands finding my forearms and gripping them as though his life depended on my touch.

“H-hinahabol nila ako… Xavier.” Nanginginig niyang saad at napapatingin sa likod ko. Hindi ko alam kung nanginginig ba siya sa takot o sa lamig ng gabi.

Sinundan ko ang kanyang tinititigan sa aking likuran ngunit wala akong nakikita doon. It was merely a patch of grass swaying rhythmically with the breeze.

“B-bakit nila binabalikan? Malayo na ako. Bakit nahanap nila ako?” Natataranta at nangangatal niyang wika.

Muli akong nakatingin sa kanya at sa kanyang kamay na nakahawak sa aking braso. Madumi ang daliri niya— may lupa at sugat ang mga kamay.

“Who, baby? Please tell me so that I know what I will do!” Sumamo ko sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya na malamig. Punong-puno ng natuyo na at preskong mga luha ang kanyang mukha.

Nahihirapan siyang magsalita dahil sa kanyang sunod-sunod na mga hikbi tapos nangangatal pa ang kanyang mga labi.

Sunod-sunod lang ang iling niya at aligagang napapak sa kanyang daliri at ang kanyang mga mata may naglilikot.

Dmmit! What the hll is happening?!

“T-they will kill me… me and my family. Papatayin nila ako–”

My teeth ground together with a harsh, grinding noise, and my jaws twitched involuntarily.

“Lawrence!”

Hinawakan ko siya ng mahigpit at pilit na hinuhuli ang kanyang mga titig na hindi mapirmi. Once again, he bawled, and his eyes filled with another batch of tears.

Hinubad ko ang suot kong robe at saka ko iyon pinasuot sa kanya bago ko siya niyakap. Ang kanyang pag-iyak at panginginig ay unti-unting nawala habang yakap-yakap ko siya. Kaya naman dahan-dahan ko itong tiningnan ngunit ganon na lamang ang pagtataka ko nang makita ko siyang nakapikit na ang mga mata.

“Baby? Lawrence?” ani ko.

Marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi ngunit hindi siya gumalaw. Akala ko nawalan na naman siya ng malay ngunit ramdam ko pa naman ang kanyang malalalim na hininga.

Maraming tumatakbong tanong sa isip ko habang karga ko si Lawrence. Lutang na rin ako dulot ng pagtataka at gulat sa aking nasaksihan kanina sa kamya. Natauhan lang ako nang makita ko ang mga rescuers at first aiders na nakasalubong ko pababa sa villa.

Gustong kunin ng mga first aiders sa akon si Lawrence ngunit hindi ko na siya binihay sa kanila. Ako na ang bumuhat kay Lawrence pababa at pinagamot sa kanila ang mga sugat na natamo ni Lawrence.

Mark Lawrence Pov

Unang buka ko sa aking mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Ultimate Crush! Mahapdi ang mga mata ko at parang pagod ang katawan ko. Mabigat ang aking katawan kahit na nakahiga lang naman ako sa malambot na kama. Tapos may ilang kirot at hapdi akong nararamdaman sa bawat sulok ng katawan ko!

Kinusot ko ang aking nanghahapding mga mata. Akala ko mawawala na si Xavier sa aking tabi ngunit nanatili siya sa tabi ko, nakapikit at nakaunan sa kanyang isang braso. Ang kanyang  itim na sando lang ang nakikita ko dahil nakakumot siya.

Umaga na at maliwanag na sa labas ngunit mahimbing pa rin ang tulog niya!

Gumalaw ako upang tumagilid sana sa direksyon ni Ultimate Crush nang maramdaman ko ang pagrehistro ng sakit sa aking braso.

Bumangon ako dahil hindi na biro ang nararamdaman kong sakit sa katawan. Inalis ko ang kumot sa aking katawan at ganon na lamang ang aking gulat nang makita ko ang aking katawan na tadtad sa galos!

“Hala! Minulto ba ako rito? Inaway ba ako ng mga multo rito sa silid ko kagabi? Naingayan kaya sila sa tili ko kagabi?” takang wika ko at naiiyak na tumingin sa aking sarili.

Bumaba ako sa kama upang tingnan ang sarili sa salamin ngumit napakislot ako nang maramdaman ko ang sakit sa talampakan ko. At doon ko lang din napansin na may sugat din ako sa aking paa!

“Lawrence?”

Awtomatik akong napalingon sa gawi ni Xavier. Mabilis siyang bumangon sa kama at nilapitan ako. Sinuri niya ang katawan ko.

“Pangit na ang body ko, pangga! Mawawala na ang beautyness ko nito!” Nangingiyak kong saad sa kanya pero niyakap lang niya ako.

Napabuga lang siya ng isang marahas na hininga bago ako kinabig tungo sa kanyang bisig at saka mahigpit na kinulong gamit ang kanyang malalakas na braso! Emz! Libreng tsansing din itong si Ultimate Crush, huh! Ebarg! Ni hindi concern sa sinabi kong mawawala na ang ganda ko nito.

“You really, really made so worried, baby.”

Amp! Ayan na naman siya sa baby niya sa akin. Porket alam niyang nanghihina ako sa ganon-ganon, eh.

“Enebe, pangga!”

Naubo ako dahil sa yakap niya. Parang sawa siya na gustong durugin ang aking buto para madali niyang malamon sa higit ng yakap niya sa akin.

“Hindi ka na pwedeng humiwalay ng room sa akin.” Wika ni Ultimate Crush at saka ako pinakawalan.

Huminga ako ng malalim bago siya tiningnan sa mga mata. Ilusyanada nga siguro ako at nag-masters sa pagiging delulu kaso parang nakita ko sa mga mata ni Ultimate Crush ang pag-aalala at… lungkot? Teka, mali-mali na itong nasasgap ng mga senses ko ah.

“Weh! Okay lang namang sabihin mo sa akin, pangga, na gusto mo akong makatabi. No need na ang alibi mo. Don’t worry tanggap kita kahit ganyan ka, okay?” Nag-thumb’s up pa ako sa kanya.

“It’s not like what you think it is, baby. Besides, I’m still courting you, remember?”

Ayan na naman sa ligaw-ligaw na iyan. Nap-pressure na kaya ako kung papaano ko siya sasagutin!

Ngumisi ako sa kanya. Sinundot ko ang kanyang tagiliran kaso wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang kanyang muscles. Wawers!

“Weh?”

“Really! I’m just saying that we will be sharing a room, but not a bed.” Klaro niya na kina-putok ng munting ilusyon ko.

Ipinadyak ko ang aking paa pero ganon na lang ang aking daing nang kumislot ang aking sugat doon. Inalalayan kaagad ako ni Ultimate Crush tungo sa kama at pinaupo.

Lumuhod siya sa harap ko at sinuri ang aking paa.

“Nagkasugat-sugat na naman ako.” usal ko lang iyon sa utak kaso nasabi ko pala iyon ng malakas.

“Y-you don’t remember what happened?” tanong niya kaso mukhang hindi na siya nasorpresa sa kanyang tanong sa akin.

“Huh? Alin ang hindi ko maalala, pangga?”

Tumingin siya sa akin. Nanggitgit ang kanyang panga at umusli ang ugat sa kanyang leeg.

“P-pangga? May alam ka ba sa nangyari sa akin? Alam mong minulto ako rito sa kwarto at inaway nila ako? Tapos tumabi ka sa akin para hindi nila ako gambalain?”

Napalunok lang si Ultimate Crush bago napatango ng dahan-dahan, parang nagdadalawang isip siya kung tatango pa siya o umiling.

Naligo ako at nagbihis. Napakalaki ng damage sa aking katawan at nahihirapan pa akong magsabon dahil sa mga galos ko at sugat! At nang matingnan ko ang katawan ko sa full body mirror ng banyo. Napapatanong ako kung ano ba ang nangyayari sa aking katawan.

Pinakatitigan ko ang aking katawan at sumakit na nalang ang ulo ko sa kakapilit sa utak kong makaalala ngunit nadismaya lang ako na wala talaga akong mahithit ni katiting na nangyari sa akin. It’s impossible that a ghost did this to my body, kasi may nakita rin akong dahon sa aking katawan, kumapit sa aking buhok!

Hindi na nagtanong pa sa akin si Ultimate Crush tungkol sa nangyari sa katawan ko— kung bakit ako nagkasugat-sugat kaso panay ang tingin siya sa aking habang nagtatampisaw kami sa pool nang sumapit ang hapon. Pakiramdam ko may alam si Xavier tungkol sa mga sugat ko na hindi niya sinasabi sa akin. Pakiramdam ko may nililihim siya sa akin!

‘Sorry, Lord, kung judger na rin ako!’

Hindi kasi ako katulad ni Ultimate Crush na manhid kung kaya’t nararamdaman ko ang mabibigat na mga titig niya sa akin. Parang isa na rin judger itong si Xavier, ah! Dumadami na sila!

At totoo nga ang sinabi ni Ultimate Crush dahil sumunod sa amin si a Ate Xaña at si Bibi Zion sa hapong iyon! Pareho silang dalawa ni Ate Xaña na nag-aaala sa akin. Ang aking bibi ay naiiyak nang makita ang aking hitsura. Nag-alala na pumangit ang kanyang mami! Emz!

“Mami, are this painful?” Ngumungusong tanong ni bibi Zion sa akin, tinuro ang mga galos ko sa binti at braso. Binabantayan ko siyang naliligo sa pool ngunit saglit lang siyang naligo dahil tumabi siya sa akin dito sa isang lounger.

“Hindi naman masyado, dong! Keri lang ni Mami!” Pak! Ganap na ganap sa pagiging ulirang ina ang dating ko!

“Pak! Pak! Ganern-ganern, mami ko?” Verify niya pa.

“Pak! Pak! Ganern-ganern, bibi ko!”

Ngumiti siya ng malaki sa akin. Hay! Ang pogi talaga! Mana sa magiging asawa ko! Charz!

“Let’s put some oitment sa wound mo, mami, para nice pa rin ang skin mo.”

Ngumiting aso ako.

“At para prettyness ako lagi, dong?”

“Pretty po ikaw lagi, mami!”

Tinawanan ko si bibi Zion. Kaya gustong-gusto ko ang batang ito! Hindi nagsisinungaling, walang kinikilingan at tamang serbisyo at uto lang talaga sa akin!

Papasok ako sa loob ng villa upang kumuha ng ointment nang marinig ko ang usapan ni Ate Xaña at ni Xavier sa living area. Hindi naman ako tsismosa ngunit naintriga ako sa kanikang pinag-uusapan.

“For now, huwag mo munang ilalabas si Z, Xavier at lalong huwag mong hahayaang makalapit sa kanya si Kyline. Lalo na ngayon na alam na natin na hindi talaga kinidnap si Z. At sinadya ang pagkapadpad ni Z sa Cebu.” si Ate Xaña.

“Bakit naman ito gagawin ni Kyline, Xaña? Anak namin si Z. Aabot ba talaga siya sa puntong ipapahamak niya pati anak namin? Her own flesh and blood?” ani Ultimate Crush.

“Iyan ang bagay na dapat nating malaman, Xavier. But for now, please keep Zion safe. I trust Lawrence when it comes to Z, pero sa sinabi mo ngayon… dapat siguro ilayo si Lawrence kay Zion. Para sa safety nilang dalawa.” si Ate Xaña na siyang kinaguho ng aking damdamin.


This story is already at chapter 35 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 29

⚠️Trigger Warning: This chapter contains emotionally intense and potentially disturbing scenes. Please proceed with caution!


Chapter 29

Mark Lawrence Pov

“Hala! Anong nangyari sa’yo, Rence?”

“Ang daming galos.”

“Saan mo ito nakuha, Rence?”

Gabi nang makarating kami ni Ultimate Crush sa kanyang big brother house. Hinatid kasi namin si Ate Xaña sa tinutuluyan nito condo bago kami dumeretso rito sa bahay.

Actually, nakakapagod ang mahabang byahe namin ngunit hindi ako makatulog. Siguro si Xavier natutulog na ngayon. Tapos si bibi Zion ay pinatulog ko na rin naman. Ngunit sa kabila ng mahabang byahe at pagod ko. Hindi ako dinalaw ng antok. Kaya naisipan kong magtimpla ng gatas since wala pang gatas na bininigay sa akin si Ultimate Crush! Charz!

Hindi ko naman inaakala na ang mga intremetida kong mga kaibigan dito sa big brother house ni Xavier ay gising pa! Baka rin lumilipad sila sa gabi kaya gising pa sila ngayon kahit dis oras na ng gabi!

“Sa sobrang enjoy ko doon gumulong-gulong ako sa damuhan kaya nagkaganito ang katawan ko!” sagot ko sa kanila.

’Di pa ba inaantok ang mga ito?

“Magseryoso ka naman, Rence! Nag-aalala kaya kami sa’yo. Tapos ikaw d’yan nilalaro mo lang kami.” Suway ni ateng Arianna sa akin.

Naitikom ko naman ang aking bibig.

“Oo, nga, Rence, seryoso kasi itong nangyari sa’yo. ’Di biro ang ganito ka raming galos.” Suna naman ni Siray sa tabi ni Arianna.

“Ewan ko.” Tanging sambit ko na lang.

“Huh? Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa’yo?” ani naman ni Lina.

Si Lina, Siray, at Arianna ay nasa tapat ko, iyong sitwasyon namin ngayon ay para akong isang kriminal na may sala at sinasalang nila. Pinagtutulungn nila ako ngayon ngunit wala silang nakukuhang impormasyon sa akin dahil wala akong alam. Kung sa korte pa, inosente ako.

At saka kahit halughugin ko pa ang aking hypothalamus ay wala talagang alala na pumasok sa isip ko kung bakit ko natamo ang mga galos na ito.

Isa isa kong tiningnan ang aking mga FC, as in Fan Co! Si Lina nakatikom lang ang bibig pero may lungkot sa kanyang mata. Si Siray naman mukhang may sasabihin kaso hindi niya naisasatinig. Tapos si Arianna naman seryoso at naninigkit ang mga matang nakatitig sa akin.

They looked at me like I am some sort of microscopic thing that they’re studying under the high resolution microscope yet they cannot get any information or idea of what I am. Parang alien ako sa harapan nila at pilit na iniintindi ang existence ko.

Napayuko ako nang hindi ko na matiis ang kanilang mapanuri at mabibigat na titig sa akin.

Dalawang beses na itong nangyari habang nandirito ako sa bahay ni Xavier. No’ng nasa Cebu naman ako, hindi ito nangyayari. If ever man na may nangyari ng ganito, siguro hindi ko rin naalala.

Bakit ba ako nagkakaganito? Sa pagkaka-alala ko, ang unang beses na nagkaganito ako ay iyong nandon kami sa probinsya nina Lola Marcila. Nagising na lang din ako no’n na may galos at sugat tapos wala ring sinabi si Ultimate Crush sa akin no’n. At ngayon, nangyari na naman at muli… wala siyang sinasabi sa akin. Alam kong may alam si Xavier dahil sa narinig kong usapan nila ni Ate Xaña sa Club Ferrer.

Humingang malalim ako upang maibsan ang paglukob ng kakaing pwersa sa aking dibdib na siyang naging dahilan kung bakit naninikip ang aking dibdib.

Tama ba itong ginagawa ko sa buhay? Bakit pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko may nililihim? Bakit pakiramdam ko may hindi sila sinasabi sa akin? Iyong mga taong pinagkakatiwalaan ko at mahal ko… hindi ko na mapagkakatiwalaan.

Si Xavier nagsisinungaling sa akin. Ang pamilya ko naman, may gamot na pinapainom sa akin na hindi ko alam para saan. At kung tama ang hinala ko, nags-sleepwalk yata ako. At nagsimula iyon nang hindi ko na ininom ang sinabi nila ni Kuya na vitamins ko. At kung tama man ako, mabibigyan ko na ng dahilan kung bakit parati ang paalala nila ni Kuya sa akin noon, paalala na inumin ko ang aking vitamins!

Hindi nga talaga iyon vitamins, iyong gamot na matagal ko nang iniinom ay gamot para sa sarili ko. Ngunit ngayon, katanungan sa akin kung saan ito nagsimula at ano ang puno’y dulo ng lahat ng ito! Kung bakit ako nagkakaganito!

“Sorry,” mahina kong ani. Pinaglaruan ko mga daliri ko. Kinuskos ko ang aking daliri hanggang sa maramdaman ko ang init sa balat kung saan ko kinuskos ang aking kuko. Namumula na ang balat ko doon at malapit na iyong dumugo nang may maramdaman akong katawan na yumakap sa akin.

“Pasensya ka na rin, Rence.” si Ateng Arianna at yumakap ng mahigpit ang kanyang braso sa aking katawan. “Sorry, Rence. Talagang nag-alala lang ako nang makita ko ang katawan mo. Alam ko pa naman kung gaano ka kaarte!”

Tinapik ko ang kamay niyang nakagapos sa akin. Hinilig ko ang aking ulo sa kanya at dinama ang yakap ni Arianna kahit may lihim akong galit sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsalisi sa aking silid makakuha lang ng damit ko.

“Wala kasi talaga akong maalala.”

Si Siray at Lina ay bumaba sa kanilang kinauupuang high chair at saka sumali sa aming group hug! Napangiti ako kahit na halos hindi na ako makahinga sa kanilang mga yakap. Nakikigaya pa kasi itong si Lina at Siray, eh!

Ngumuso ako kasi ang baho nila! Charz!

“Basta, Rence, kung may pinagdadaanan ka o may problema ka. Nandito lang kaming tatlo para sa’yo. Pareho lang tayong katulong dito at tayo-tayo lang rin ang magtutulungan!” Si Arianna.

Tiningnan ko si Arianna at sinamaan ng tingin.

“Oo, tayo-tayo lang din ang magtutulungan pero ikaw sinalisihan mo ako! Nakipagsabwatan ka kay Xavier!”

Kumalas sila sa aming yakapan at mabuti na lang ay nawala na ang madramang momentus namin. Muling bumalik ang sigla at tawa sa aming usapan.

“Si sir Xavier kasi iyon, Rence! At saka para sa’yo din naman! Pinasyal ka. Kaya pasalamat ka sa amin!” Tanggol ni Ateng sa kanyang sarili.

“Anong sa amin? Ibig sabihin hindi lang ikaw ang pumasok sa silid ko?”

Ngumisi si Arianna.

“Syempre, ’no! Si Lina ang tumulong sa akin na pumili ng damit mo tapos si Siray naman ay look out namin sa labas!”

“Mga traydor kayo!” asik ko sa kanila at isa isa silang tinuro! Tinawanan lang nila ako. Sugurin ko na sana sila nang nagtakbuhan na sila sa kanilang silid!

Sa gabing iyon, nagpapasalamat ako sa tatlong FC ko dahil naibsan nila ang aking pag-iisip tungkol sa aking sarili. Sa mga nangyayari kasi sa sarili ko, pakiramdam ko ang laking misteryo ng aking pagkatao.


At dumating na nga ang araw ng aking klase! Online class lang ako pero sa unang araw ng klase ay webinar lang naman at mabuti hindi na uso sa instructors at profs namin ang introduce yourself na iyan.

Kahit na wala namang pumasok sa isip ko tungkol sa webinar na aking pinasukan sa Zoom Meeting tinapos ko iyon. At mukhang nabigla ang aking utak dahil pagtapos no’n nanakit ang aking ulo at nanghahapdi ang mata. Hindi talaga goods itong online class sa akin. Mabuti at panandalian lang!

Lumabas ako sa aking silid at ganon na lamang ang aking gulat nang sinalubong ako ni bibi Zion! Mukhang naghihintay sa akin ang aking fake na anak!

“I miss you, mami ko!”

Natuwa ako sa bata kung kaya’t kahit na mabigat na siya, binuhat ko pa rin ito at hinalkan.

“Nandito lang naman ako sa bahay, dong, namiss mo kaagad ako!”

Yumakap ang kanyang malusog na braso sa aking leeg. Siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg  at inamoy ako.

“Baho ko, dong oi!”

“But your smell is nice, mami! I like it!” Kinikilig nitong sambit!

“Weh? Pak! Pak! Ganern-ganern!?”

“Pak! Pak! Ganern-ganern, mami ko!”

Pinugpog ko siya ng halik. Humalakhak siya kung kaya’t ang sarap sa tenga ko kapag naririnig ko iyon.

Ngiting-ngiti ako habang hinahalkan ko ang noo at pisngi ni bibi Zion. Kaso naalala ko na malapit na palang ma-expire ang pagiging Mami ko sa kanya. Tutulak na akong Cebu! At saka… iyong sinabi ni Ate Xaña na dapat maglayo muna ako kay Zion para sa safety namin.

Threat na rin ba ako sa kaligtasan ni Zion? O baka dahil doon sa nangyari sa Club Ferrer, kaya gusto nilang ilayo kami ni Zion sa isa’t isa? Either which, nasasaktan ako sa ideyang magkakalayo na kami ni Zion. Akala ko madali lang ito, akala ko hindi ako magiging ganito ka-attach sa kanya kapag nakasama ko siya.

Hinuli ni Zion ang aking pisngi at matunog siyang humalik sa aking magkabilang pisngi.

“My mami is so pretty!” Kanta niya at nagp-puppy eyes sa akin. Kinanta-kanta niya iyon habang nakatitig sa akin at malaki ang ngiti sa kanyang mga labi.

Baka hindi lang si Zion ang ngumuwa kapag nagkalayo kami. Tingin ko ngangawa rin ako. Mukhang magkakasakit ako sa kakaisip sa panahon na magkakalayo na kaming dalawa. Ang lapit na kasi talaga ni bibi Zion sa akin. Parang nanggaling na talaga siya sa akin. Parang anak ko na talaga siya. Mamimiss ko ang fluffy bibi Zion ko! Wala na ang fluffy na anak-anakan!

“Anong inarte-arte ninyong pekeng mag-ina d’yan?!” Ang biglang sabat ni Arianna ang siyang nagputol sa drama ko.

Masama kong binalingan si Arianna.

“Kakain na ng afternoon snack. Halina  kayo!”

Hindi ko na binaba si bibi Zion at sumunod kami kay Arianna na feeling Arianna Grande, eh, Granada naman siya.

Pagkarating namin sa kusina, nakita kong nakapapak na ng sandwich sina Lina at Siray, may juice na rin sila sa kani-kanilang mga baso. Pareho pang magc-cellphone. Ganito kaganda magtrabaho sa big brother house ni Ultimate Crush. Kapag tapos ka na sa trabaho mo, okay na na magcellphone ka at kung ano-ano pa. Kahit tumabling-tumbling ka pa d’yan!

Nagk-kwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay nila Siray at Lina sa labas ng big brother house ni Xavier nang biglang nabilaukan si Arianna sa kanyang sandwich.

Agad namang binigay ni Lina ang baso ng juice kay Arianna. Pikit matang nilunok ni Arianna ang nilalamong sandwich at saka niya ipinakita sa akin ang screen ng kanyang telepono.

Umawang ang labi at kaagad na tinubuan ng kakaibang kaba nang makita ko ang isang post sa X (Twitter). Picture naming dalawa iyon ni Xavier na na sana dalampasigan kami at tinuturuan niya akong pumaddle doon sa surfboard. Tapos ang isang larawan naman ay iyong kumain kami ni Xavier sa restaurant! Sinadyang tinakpan ang mukha ko ngunit ang kay Xavier naman ay malinaw lang.

“Kayo ba ito, Rence? Kayo ni Sir Xavier ito, di ba?” Si Arianna.

Nakiusisa naman sina Lina at Siray at parehong napasinghap nang makita ang larawan.

Tiningnan ko si Zion sa na nasa tabi ko, nagtatanong din ang kanyang mukha sa akin— aming pinag-uusapan.

“H-huwag n’yo na lang iyan, pansinin. Kakausapin ko si Xavier tungkol d’yan.” ani ko.

Ano ba iyan! Napasama na ako sa blind item na iyan, ha. Na-tsismis na yata ako sa buong Pilipinas! Ang laking news article pa naman ang nagpost no’n sa X (Twitter).

“O-okay ka lang ba, Rence?” si Siray.

Tumango ako.

“Hindi naman nakita o nakikila ang mukha mo rito, Rence. Pero kung may nakakuha ng larawan ninyo ni Xavier, posibleng kilala ka no’ng paparazzi?Papaano na iyan?” ani naman ni Lina.

Ayaw kong pag-usapan ito lalo na’t nandirito si Zion sa tabi.

“A-alam na naman siguro ni Xavier iyan. May plano naman siguro siya tungkol sa article na lumabas tungkol sa amin. Mawawala din iyan tulad ng ibang issue! Ang mga pangako nga ng mga politiko nakakalimutan, iyan pa kayang isyu na ’yan!” Dinaan ko na lang sa biro iyon. Ngunit sa totoo lang, kinakabahan na ako. Baka dumugin na ako ng mga fans ni Xavier nito kapag lumabas na beautyness ko ang kasama ni Xavier!

Hinintay ko si Xavier na umuwi para makapag-usap kami ngunit inantok na lang ako ay wala ito. Napagpasyahan ko na lang na maunang matulog sa kanya. Kaso hindi naman ako dinadalaw ng aking antok.

Naisipan kong manood ng mga videos tutal libre naman ang wifi namin dito kaso sa kalagitnaan ng aking panonood ay nagutom ako. Lumabas ako dala ang aking telepono nang mapansin ko ang ilaw sa sala. Sa pagkakaalala ko kasi napatay ko ang ilaw doon.

Walang tao sa sala ngunit nakabukas ang pinto patungo sa pool area ng bahay. Pagkalabas ko, kaagad na sumampal sa aking katawan ang malamig na hangin. Nakashorts pa naman ako at oversized t-shirt lang. At doon nakita ko sa isang lounger si Xavier na nakasuot pa sa kanyang long sleeves at isang lamiseta, nandon ang dalawang bote ng alak.

“Xavier,” ani ko.

Mabilis ang pag-ikot ni Xavier sa aking direksyon. Lumikha ng ingay ang paglapag niya sa babasaging baso sa lamiseta. Tumayo siya at nagpahid sa kanyang bibig.

“Bakit ka nandito ka sa labas? Pumasok ka na sa loob. Malamig na rito, Lawrence.” wika niya at nag-unbutton sa kanyang long sleeves. Ito na naman siya na concern sa akin pero kaya niya ring magsinungaling sa akin na ganito ang hitsura. Magaling nga talaga siyang artista.

“I bought some chocolates and ice cream for you. Sorry if I’ve been occupied with my work lately, baby.” aniya pero hindi iyon ang problema ko. Tanggap ko kung gaano siya ka-busy sa kanyang trabaho. Alam kong hindi lang sa bahay at sa amin ni Zion umiikot ang mundo niya.

Pinasuot niya sa akin ang kanyang long sleeves na hinubad at aakayin na niya sana ako papasok sa bahay niya nang magsalita ako.

“Hinintay kita.” ani ko.

Na-estatwa siya. Malumanay na tumingin sa mga mata ko.

“Sorry,” aniya.

“Naiintindihan ko, Xavier.”

“Marami lang akong ginagawa lately. I’m sorry, baby. I’m so sorry for being–”

“Nakita mo na ba iyong article na lumabas tungkol sa atin? Iyong doon sa Club Ferrer?”

Kita ko ang pag-alon ng kanyang adam’s apple. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil niya iyon.

“No need to worry about it, baby. I am prepared. Whatever happens, I will always be by your side.”

Nag-imbak ang ng hangin sa dibdib ko. Nakaka-istres naman pala talaga minsan ang makipag-date sa isang artista!

“Paano kung sa susunod… ang lumabas na article ay tungkol naman sa’yo…. tungkol sa’yo na nakikipag-date at may nililigawang bakla. Xavier isipin mo ang reputasyon mo na matagal mong pinagtatrabahuan.”

Marahas siyang bumuga ng hangin mula sa kanyang ilong at bibig.

“I am ready to face the consequences of my actions, baby. Trust me. I can handle them as long as hindi ka nila ginugulo at walang nananakit sa’yo.”

Emz, hindi pa kami official at walang label pero ganito na. Mauubos yata buhok ko sa relasyon namin ni Xavier!

“Papaano ’yan… uuwi na akong Cebu.” What if may biglang pumutok na naman na isyu tungkol sa amin tapos hindi na ako blind item? Ang layo kaya ng Cebu!

“What?” Nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

“Sorry, Xavier… p-pero narinig ko kayo ni Ate Xaña. Narinig ko ang usapan ninyo na ilalayo ninyo kami ni Zion sa isa’t isa para sa kaligtasan ni Zion. At naiintindihan ko iyon. At saka uuwi na rin naman ako ng Cebu sa susunod na–”

“Walang uuwi ng Cebu!” Matigas niyang sapaw sa akin.

Ang mata ko ay nanlaki sa biglaang pagtaas ng boses ni Xavier. Hinila ko ang kamay ko na hawak niya ngunit mas diniin niya ang pagkakahawak niya roon.

“Xavier.”

“Wala akong pakialam sa sinabi ni Xaña, Lawrence. I can protect Z and you.” Giit niya.

“Eh, pang two-months lang ako dito, pangga! Alam mo iyan, di ba? Saka mas nakakabuti ito sa sitwasyon ni Zion at sa’yo. Mas mabuting lumayo muna ako sa inyong mag-ama–”

“Walang aalis sabi!”

Napaigtad ako sa lakas ng boses niya. Napatingin ako sa alak sa likod niya at nakita kong paubos na iyong isa at mag-isa siyang umiinom. Ang ilaw na nanggagaling sa sala ay nakatulong upang makita ko ang namumulang mga mata ni Xavier.

Naiintindihan ko siya. Dala lang ng alak itong pagsigaw-sigaw niya sa akin. Alam ko kasi na kahit na makulit ako at weirdo hindi niya ako masisigawan ng ganito.

“Xavier naman.”

“What? I already told you before, baby. You won’t be able to handle me once I fall in love. I’m mad—madly in love with you—and I won’t let you go back to Cebu alone! Yes, you can go home, but you’ll be with me. You can visit your family, but you’ll come home with me!” Mariing niyang saad.

Malakas kong winaksi ang kanyang kamay. Nabitiwan niya ako.

“M-masasakal mo ako sa ganyan, Xavier. Kululungin mo ako.” Tatanga-tanga ako pero hindi ako papayag sa gusto niya.

Natahimik siya. Yumuko at hindi umimik hanggang sa paluhod siyang bumagsak sa harap ko. Nakaluhod ang dalawang tuhod niya samantalang nakatukod naman sa kanyang magkabilang tuhod ang dalawang kamay.

“How can I protect you when you’re far from me, baby? I can’t function well knowing that you’re far from me, and there are rascals lurking around you!”

Binaba ko ang aking katawan at ginaya ko ang posisyon ni Xavier. Hinawakan ko ang kanyang balikat, mainit pa rin ang balat niya kahit na malamig na rito sa labas. Siguro dahil sa alak. Sinilip ko ang kanyang mukha.

“Kaya ko ang sarili ko, Xavier. Dalaga na ako, p-pangga.” Sinubukan kong pagaanin ang boses ko.

Tumingin siya sa akin. Ngumisi siya, isang ngisi na hindi umabot sa namumula niyang mga mata.

“You can’t, baby.” Iling niya. “You can’t.”

Kinulong ko ang mukha ni Xavier gamit ang malamig kong kamay. Hindi kasi siya nakatingin sa akin ng deretso!

“Kaya ko.” Giit ko sa kanya at saka, walang ano-ano’y hinalikan ko ang kanyang labi.

Alam kong hindi iyon ang unang beses na naglapat ang labi namin ni Xavier dahil nagkakiss na kami. Kaso… pakiramdam ko nangyari na rin ito. Pamilyar sa akin ang senaryong ito!

Gumalaw si Xavier at saka humawak sa leeg ko upang masupurtahan ang aking ulo. Umusog siya at pinasok ang kanyang dila sa bibig ko. Napaungol ako.

Kinagat-kagat ni Xavier ang ibabang labi ko bago inanggulo ang mukha at sumipsip sa aking dila. At sunod kong naramdaman ang kanyang isang kamay na naglakbay sa aking katawan, papasok sa suot kong t-shirt.

I don’t know what happened. Suddenly, it felt like something shut my mind off from the present moment, and a horrifying memory took over. I could feel someone else’s hands on my body—so many hands. One gripping my arms, another pulling my legs apart, and someone touching my most private parts. All I could do was scream at the top of my lungs until my voice grew hoarse.


This story is already at chapter 36 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 30

Chapter 30

Xavier Pov

My eyes widened in shock as I watched Lawrence frantically crawl across the floor, desperately trying to hide behind the huge vase. His cries for help echoed through the night, his voice cracking with fear. He clutched his head in both hands, trembling, as though trying to shield himself from some unseen being.

Tila nahimasmasan ako sa aking pagkalasing ilang sandali matapos kong makita si Lawrence sa kanyang pagwawala at pag-iyak!

“Please! No, no!” Tears cascaded down his cheeks as he cried once more, his sobs wrenching from deep within. He pulled his legs tightly to his chest, wrapping his arms around them as if trying to hold himself together. His body trembled, and he shook his head violently.

“B-baby,” I whispered, my voice barely more than a breath, as shock still clouded my thoughts.

Slowly, I forced myself to take a step forward, every step seems to make my feet feel heavy. My hand clenched into a tight fist, the tension coursing through me as I inched closer to him. Lawrence trembled uncontrollably, his arms wrapped tightly around his knees, his whole body shuddering with fear. His eyes, wide and unfocused, darted around the area as though he couldn’t see me standing right in front of him, lost in a world I couldn’t reach.

“Baby,” I called his name once more, my voice barely whispered as I stood just a few steps away from him. My hands clutched, trembling and cold, and I couldn’t bring myself to reach out and touch him. My entire body was betraying me, shaking, and sweat poured from me like bullets, each heartbeat echoing louder in my ears.

“No, no! Please, I’ve been doing good! I’ve been doing good! I kept my mouth shut and didn’t tell anyone about you. Please, spare me! Please!” he wailed, his voice trembling.

Lawrence brought his palms together, rubbing them desperately.

“Please, spare me!” he pleaded.

I swallowed hard. The pounding of my heart made me feel sick, and I wanted to vomit.

Nang magkaroon na ako ng tamang lakas, unti-unti kong itinaas ang aking kamay at saka ako humawak sa kanyang tuhod.

Masakit kong tiningnan si Lawrence nang manginig siya sa hawak mo.

“Baby, it’s me. It’s Xavier.” I softened my voice, but my teeth were grinding against each other.

However, it looked like Lawrence’s mind was still in deep haywire. Kinuha ko ang kamay niya at saka ko iyon hinawakan ng mahigpit. Nanlalamig siya at nanginginig.

“I won’t hurt you, baby. You are my babe, and I will never, ever hurt you,” I said, kneeling in front of him and holding both his hands.

I brought his hands close to my chest, allowing him to feel the beating of my heart.

“I love you, baby. I love you!” I didn’t know if it would help him, but all I cared about was calming him down and stopping his tears.

“Z is inside the house, baby. You don’t want him to see you like this, right?” Kalmado kong saad sa kanya.

Nakakita ako ng pag-asa nang dahan-dahan niyang itinaas-baba ang kanyang ulo.

“Will you allow me to hug you? It’s Xavier, baby.”

“X-Xavier.” mahinang usal niya.

Tumango ako at ngumiti nang tumingin na siya sa direksyon ko. Sunod-sunod ang pagpapakawala ko ng hininga nang makita kong wala na ang takot sa mga mata niya.

“I… I am your U-Ultimate Crush.”

His lips pressed together. Tumango siya. “Hug me.”

Hindi ko na siya hinintay pang ulitin ang sinabi niya o mag-aksaya ng oras at tinawid ko na ang distansyang naghihiwalay sa amin. I gently guided his head to rest against my chest, fingers softly combing through his hair. He leaned into me, his body gradually relaxing, until I felt the steady rhythm of his breathing.

When I glanced down, I saw that he had fallen asleep. The dried trails of his tears traced delicate paths across his skin, like a map etched a deep past. With a tender touch, I brushed his hair aside and gently wiped his face with the pad of my thumb.

“Sir Xavier–”

“Sshh!” My gaze shifted to Arianna as she hurried toward me, breathless from her sprint. Her shoulders rose and fell with each inhale, and her eyes widened in shock when they landed on Lawrence, cradled in my arms.

“N-naririnig ko po ang sigaw ni Lawrence, sir.”

Tinanguan ko siya. I shifted my stance, then gracefully slid my arms beneath Lawrence, lifting him effortlessly into a bridal carry, cradling him close to me.

“Don’t mention anything to him, Arianna.”

Nagtataka siyang tumingin sa akin. I understand that she is currently reporting to my sister, but I have kept her on because Lawrence appears to have a strong regard for her.

“Sir…”

“Lalayuan niya tayo kapag sinabi mo sa kanya ang nangyari.”

“Okay po, sir. Makakaasa po kayo… p-pero, sir. Hindi n’yo po ba siya ipapatingin sa espesyalista?”

I am planning to… but I need time to explain everything to him, and I want to understand the root of all these things. Syempre, ayaw kong pangunahan at magdesisyon sa buhay ni Lawrence. Kaya pupunta akong Cebu… kakausapin ko ang magulang niya at kung pupwede ay ang mga kapatid niya.

“Kung gusto niya.” Tanging sagot ko lang kay Arianna.

Naunang naglakad sa akin si Arianna at siya na rin ang nagbukas ng pinto sa kwarto ni Lawrence. I also asked her to clean the table on the poolside before she go to her room.

When Arianna left, pinakatitigan ko si Lawrence na mapayapa ang tulog. Inayos ko ang kumot niya at inalis ang kanyang buhok na nakatabon sa kanyang noo. I tucked his hair behind his ear when I felt something unusual. Out of curiosity, I stood up and took a look at what was behind his hair.

My mouth fell open when I saw a large scar there. It’s deep! Hindi ko ito napansin kahit na ilang beses na kaming nagkakasama dahil nakatabon doon ang kanyang may kahabaan na buhok!

Napaupo ako sa gilid ni Lawrence at kumuyom ang mga kamay ko habang nakatingin sa kanya. What the hell? What happened to you, baby? What have you been through in the past? Where did you get that big scar?

After witnessing him lose control twice and seeing his panic attack earlier, I am even more driven to understand him and learn more about his life.

Nakatulog ako sa kanyang kwarto sa kauna-unahang pagkakataon pero sa sofa ako nakatulog. Pilit ko lang pinagkasyaa ang aking katawan sa maliit na higaan.

Nagising ako na may nakatitig sa akin, mahirap iyong balewalain kung pati ang mainit nitong hininga ay tumatama sa aking mukha. Nang buksan ko ang aking mata, tama ako na may nakatingin sa akin at si Lawrence iyon.

Malaki ang kanyang ngiti sa akin at halos kuminang ang mga mata. How can I smile back after what happened last night? What if he was just faking it? What if he was just pretending in his behavior?

“Good morning, pangga!” Maloko siyang ngumiti sa akin.

Kagaya ng inaasahan ko, wala siyang maalala ngayon sa nangyari sa kanya no’ng nakaraang gabi.

I moved and faced him. Nakaluhod siya malapit sa sofa na aking kinahihigaan.

“Ikaw, pangga, huh. Hindi lang kita sinagot doon sa request mong magsama tayo sa iisang room kaso sumalisi ka na rito. Ebarg!”

Namumungay ang mga mata kong tumingin sa kanya at nginitian siya. “Good morning, baby!”

“Amp! May atraso ka lang sa akin kaya ganyan ka, eh. Alam mo na iyong article na lumabas tungkol sa atin? Na-blind item ang peg ko, Ultimate Crush, huh!” Ngisi niya.

Bumuntong hininga ako. “Cesna and my management are already working to take it down. Don’t worry. I won’t let anyone harm you, baby. I will protect you.”

“Uhm!” Tango niya.

Bumangon ako, sinuklay ko ang aking buhok ng ilang  beses gamit ang aking daliri bago bumaling kay Lawrence na nakatangang nakatingin sa akin.

“Baby? What’s wrong?” Ginapangan ako ng kaba nang makita siyang natulala.

“A-ang gwapo mo kahit umagang-umaga at bagong gising ka, pangga!” Bulaslas niya at nakahinga naman ako ng maluwag! Akala ko mauulit na naman ang nangyari kagabi.

“Sit here,” ani ko at tinapik ko ang espasyo sa aking tabi.

Mabilis naman siyang umapo doon, titig na titig sa akin.

“Aalis ako ngayon,” simula ko.

“May taping ka?”

Umiling ako. “Wala… pero may lalakarin kami ni Cesna.”

Tumango siya. “Hmm! Saka may klase rin ako ngayon, pangga! Kung aayain mo akong gumala saka na iyan!”

Ginulo ko ang kanyang buhok. “I know! Also, huwag mo na akong hihintayin kung matatagalan ako. Kung may gusto kang sabihin, we can talk about it in the next morning. Huwag mong pagurin ang sarili mo, okay?”

Nag-thumb’s up siya sa akin. Dumukwang siya papalapit sa aking mukha.

“Pangga.”

“Hmm?”

“Salamat in advance sa two months!”

I wet my lips using my tongue. I looked at him in his eyes. “Hindi ka na pang-two months dito, Lawrence. Dito ka na hanggang kailan mo gusto.”

Sinabi niya kagabi na narinig niya ang pinag-usapan namin ni Xaña at nais na niyang lumayo rin sa amin pero huwag muna ngayon. Kagabi naging marahas ako at impulsive, nasigawan ko siya at may nasabing hindi kaaya-aya. Hindi rason ang alak na nainom ko para i-justify ang nagawa at nasabi ko sa kanya. At saka, ayaw ko siyang sakalin kagaya ng sabi niya kagabi. Ayaw ko na hindi pa lang nagsisimula itong relasyon namin ay may boundary kaagad sa amin.

“But… if you want to go home. I will send you home.”

“Papaano ang panliligaw mo?”

Napangiti ako. Iyon pa talaga iniisip niya, problema ko na naman iyon.

“Edi, pupunta akong Cebu. Ang lapit lang ng Cebu, baby.” Isang flight lang iyon at walang isang oras nasa Cebu na ako. Pwede naman na pupunta ako sa kanya, dadalaw, tapos uuwi rin ako rito sa Manila for my work. Besides, may kaibigan ako sa aviation at kaibigan ko rin ang may-ari ng airline. Hindi problema sa akin ang pagbisita sa kanya kahit araw-araw pa ’yan!

“Hassle.”

Umiling ako. “Kapag gusto ko, gagawan ko ng paraan.”


Kasama ko si Cesna at ang isang driver namin papuntang Cebu. Kagaya no’ng unang beses kaming pumunta rito, para kunin si Z, lihim lang din itong pagpunta namin ngayon. I’m so thankful for Cesna because she supports me in everything I do. That’s why I cannot change or replace her. She’s the best manager! Kasi labas na naman ito sa trabaho niya pero sinamahan niya ako.

After ng less than an hour na flight from NAIA to MCIA, Cesna rented a car for us at ang driver na na kasama namin ang nagmaneho. Dumeretso kami sa bahay ni Lawrence at si Cesna muna ang lumabas para tingnan kung nasa bahay ba nila si Mrs. Alipalo.

Sinilip ko si Cesna na nasa bakuran ng bahay at ilang saglit pa ay may babaeng lumapit kay Cesna at nag-usap sila. I cannot hear what they’re talking about since they are meters away from me and the van is closed as well.

Hinanda ko na ang sarili ko at marami akong gustong itanong kay Mrs. Alipalo tungkol kay Lawrence. Ilang sandali lang ay bumalik si Cesna at pumasok sa van.

Bigong tumingin si Cesna sa akin. “Wala na raw si Mrs. Alipalo, Xavier.”

Nagtagpo ang kilay ko. “What?”

“Sabi nang babaeng nakausap ko, na kaibigan ni Mrs. Alipalo, matagal-tagal na raw’ng bumalik si Mrs. Aubrey Alipalo sa Manila.”

“Totoo ba ’yan? Baka naman umalis lang saglit.” ani ko.

“No, pansin ko rin na walang linis ang bakuran nila at tahimik ang bahay. Ni walang sinampay o bakas ng tao sa bahay, Xavier. Anong nang gagawin natin ngayon? Susundan ba natin si Mrs. Alipalo sa Manila?”

“Hindi naman natin alam kung saan sa Manila si Mrs. Alipalo.” Napahilot ako sa aking batok.

“Nasabi ng babae na bumalik na raw si Mrs. Alipalo sa trabaho nito dati, sa pagiging kasambahay ng mayamang pamilya sa Manila. Mga Alipalo rin daw.”

“Natanong mo kung saan namamasukan ang mother ni Lawrence? She could have called me and worked at my house instead. Makakasama niya pa si Lawrence and baby will not be sad anymore.”

Umingos si Cesna. “Oo, alam ko kung saan. Pupunta tayo? Babalik na tayong Manila?”

Tinanguan ko si Cesna at nagbook kaagad siya ng flight sa amin pabalik. Ni hindi kami nag-aksaya ng oras at dumeretso kami sa village kung saan namamasukan si Mrs. Alipalo, sa Sartoria Village also known as the millionaires village.

“You know what, Xavier, kanina no’ng kausap ko anag babae, Dilya ang sinabi niyang pangalan na nakatira sa bahay ni Mrs. Alipalo.” Pagtataka ni Cesna.

“What?”

Nagkibit siya ng balikat. “Hmm, pero baka Dilya Aubrey ang tunay na pangalan ni Mrs. Alipalo. O di kaya’y Aubrey Dilya.” ani Cesna.

Mahigpit ang security ng village at tumawag pa ang guard sa bahay ng mga Alipalo upang magtanong kung may bisita ba silang inaasahan. Muntik pa kaming ’di makapasok pero nang sinabi ni Cesna na may kailangan kami kay Mrs. Alipalo. Kaagad kaming nakapasok at tinuro pa ang direksyon ng bahay.

“Wow!” Manghang untag ni Cesna habang nasa daan kami at ang bawat bahay na nadadaanan namin ay halos nasa two-story o higit pa ang palapag! A variety of enchanting fairytale-style houses, each with its own unique size, design, and charm welcome us.

“Ngayon lang ako nakapasok sa millionaires village na ’to at tingin ko pati hininga ng mga tao rito mahal at may bayad!” Natatawang saad ni Cesna kaya napangisi ako.

Nang makarating kami sa isang three-story house ako na ang bumaba at nagdoorbell. May lumabas kaagad na isang maid at pinagbuksan ako ng gate.

“Pasok kayo, sir!” anito at niluwagan ang gate.

Pumasok ako at sumunod sa maid papasok ng bahay. Parang tr-in-iple nitong bahay ang laki ng bahay ko. Sobrang lawak pa ng bakuran na natatabunan ng green na damo! The house was primary made of stone with color black, brown, and white colors in the outside.

As we stepped into the house, my eyes were met with a dazzling array of gold hues and shimmering things. The floor was so polished that it mirrored my every move, reflecting even the smallest details of our faces. It felt as though we had entered a grand castle.

“Xavier.” Naagaw ng isang boses ang atensyon at nakita ko si Mrs. Alipalo na naka-pang maid’s attire.

Bahagya akong yumuko. “Magandang umaga— hapon po, Mrs. Alipalo.”

Malimit siyang ngumiti sa akin.

“Dito tayo sa sala.” aniya at minuwestra ang kamay tungo sa sala.

“Kumusta na si Lawrence? Kapag tumatawag kami sa kanya, mukhang enjoy na enjoy siya sa bahay mo, Xavier. Totoo ba iyong sinasabi niya o hindi?” saad ni Mrs. Alipalo.

“T-totoo po iyon, Mrs. Alipalo.”

“Hmm. Mabuti. Pero napasadya ka rito, ano ang kailangan mo?”

Umayos ako sa aking kinauupuan at tumingin sa mga mata ni Mrs. Alipalo.

“Ang totoo n’yan, Mrs. Alipalo galing pa po akong Cebu.” Panimula ko at napatango naman ang ina ni Lawrence. “Nanliligaw po ako sa anak ninyo.”

Maliit lang ang ngiting binigay niya sa akin. “Alam ko, hijo. Nasabi nina Carl at Camelot. Deretsuhin mo na ako, hijo. Ano ang sadya mo rito?”

Napalunok ako. “Ma’am… ano pong nanyari kay Lawrence, dati?”

Doon nagbago ang ekspresyon ni Mrs. Alipalo. Her eyes turn grim.

“Xavier,”

“Alam kong wala pa po ako sa posisyon upang magtanong sa inyo nito, Ma’am. Pero… p-pero dalawang beses na pong nawawala si Lawrence sa isip niya. He claims na may humahabol sa kanya at binabalikan daw siya. Nawawalan siya ng malay at kinabukasan wala na siyang maalala sa mga nangyari. And just last night, nagkaroon siya ng panic attack sa harap ko.” Saysay ko. “Ma’am, seryoso po ako sa anak ninyo at gusto ko pong malaman kung ano ang nangyari sa kanya para matulungan ko po siya.”

Natahimik si Mrs. Alipalo.

“Wala ako sa posisyon para sumagot sa mga katanungan mo, hijo.”

“Mrs. Alipalo,” I murmured.

“Hijo, hindi ako si Aubrey Alipalo.”

Umawang ang labi ko, nagtagpo ang mga kilay ko.

“Ma’am…”

“Ako si Dilya Arsenal, hijo, at hindi ako ang tunay na ina ni Lawrence. At ang tunay na ina lang ni Lawrence ang makakasagot sa mga tanong mo, hijo.” aniya.


This story is already at chapter 37 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 31

Trigger Warning: This content contains mentions of rpe and sucide, which may be distressing to some readers. Please proceed with caution.

Chapter 31

Xavier Pov

Nagtataka kong tiningnan si Mrs. Alipalo- no… si Manang Dilya. Iniwan niya ang ako rito sa sala at umakyat sa second floor ng bahay tapos pagkabalik niya dala na niya itong babae at lalaki na nasa kanilang forties or fifties na. I can’t really tell since they also look young.

Nagtagpo ang kilay ko habang nakatitig sa babaeng kakababa lang galing sa second floor ng bahay. Naka-dress ito na kulay baby blue at closed shoes. Kasama niya ang isang lalaki na naka-button down t-shirt, pantalon, at sapatos. Simpleng-simple ang kanilang pananamit pero ang relo ng lalaki at ang alahas ng babae ay sumisigaw sa yaman nila.

“Xavier, sila ang mga amo namin at ang may-ari ng bahay na ito. Sila rin ang tunay na mga magulang ni Lawrence, si Ma’am Aubrey Alipalo Calderon at si Sir Jimmy Calderon.” Pagpapakilala ni Manang Dilya sa kan’yang mga amo na… na siyang mga tunay na magulang ni Lawrence.

Hindi ako kaagad nakapagsalita at nakatitig lang sa mga magulang ni Lawrence. My eyebrows knitted together, lips slightly parted as if a word were caught but never spoken. The clock ticked louder than usual in my ears, the sound echoing in the stillness, but my mind was elsewhere, trying to catch the thoughts in my head like scattered leaves in a sudden gust of wind.

I know I’m well-prepared today to face Lawrence’s parents. I flew all the way to Cebu and back to Manila just to speak with them. But now that they’re standing right in front of me, every question I had carefully prepared seems to vanish from my mind. Instead, a wave of confusion takes over, leaving me momentarily speechless.

“Aalis na po ako, Ma’am…”

“No, stay here, Dilya,” Mrs. Calderon immediately replied to Manang Dilya. “Xavier might have questions for you later on, so stay here with us.” Mrs. Calderon’s voice was soft and modest. She looked upright, well-mannered, and demure.

Magalang naman na umupo si Manang Dilya sa tabi ko. Sa tapat naman namin ay ang mga magulang ni Lawrence. Now that they’re standing in front of me, I can clearly see how much Lawrence resembles his mother. Pero ang singkit na mata ni Lawrence ay nakuha niya sa kanyang ama na mukhang may lahing Chinese.

“We meet again, hijo.” It was Mr. Calderon. His voice was stern and carried an air of authority, a stark contrast to his wife’s gentle and modest tone.

Meet again? Nagkita na ba kami? When? Sa pagkakaalala ko, ngayon lang kami nagkita. At ngayon ko lang din narinig ang kanilang mga pangalan. They’re rich! So rich, but I didn’t hear their name at all. Though, I think I’ve seen them somewhere before!

Sinundan ng mata ko ang kamay ni Mrs. Calderon na pinatong niya sa kamay ng asawa niya. Mr. Calderon clutched his wife’s hand as if it were his lifeline.

“I’m…” I muttered, shaking my head in confusion. “I don’t know what to say, Mr. Calderon, Mrs. Calderon.” I’m utterly speechless about everything that is happening right now!

“We understand, Xavier,” said Mrs. Calderon!

“Mrs. Calderon… hindi ko po alam kung saan o ano ang una kong itatanong sa inyo. Everything is confusing me. How did Lawrence become Alipalo. And… Manang Dilya…” Putol-putol ang pagsasalita ko dahil gulong-gulo ang isip ko sa mga nalalaman ko ngayon. My mind was engulfed by the shock of the news that had just been thrust upon me.

“Lawrence is using my maiden surname, hijo. But before that, maybe we can start with your questions first? Unahin natin ang mga tanong mo kung bakit ka nandirito. Alam namin ng asawa ko na nanliligaw ka sa anak namin. Alam namin na seryoso ka sa anak namin. Pero… kung anuman ang malalaman mo ngayon, sana hindi magbago ang tingin mo sa anak namin. Lawrence is as precious as diamonds to us. He is my youngest son and the youngest Calderon, so we will do everything for him, even if it means going against the law and the odds.”

Napalunok ako sa sinabi ni Mrs. Alipalo. Kinuha niya ang kanyang cellphone at binaba niya iyon sa mesa bago tinulak tungo sa akin.

“We’re not really comfortable sharing our personal life, and we’re not particularly fond of the media. However, we see how serious you are about our son, Mr. Faleiro. You came all the way here to get answers to your questions,” Mr. Calderon said.

I remained silent.

“So, this is Lawrence. This is him during his high school years,” Mrs. Calderon began, swiping through the screen of her phone. I saw an old photo of Lawrence there. Malalaki ang ngiti ni Lawrence doon, kagaya ng mga ngiti niya ngayon pero doon iba ang liwanag ng kanyang mga mata.

“These are his photos, and we got them from his phone. Lawrence loves the media; he loves attention and the spotlight. We can give that to him, but he wants to start from the bottom. He is very good at dancing, can also sing, and even do acting. He has a lot of song covers, too.” Tumigil si Mrs. Calderon sa pag-swipe doon sa cellphone kung kaya’t naiangat ko ang tingin ko sa kanya. “Ikaw… ikaw ang iniidolo niya. Gusto niyang pasukin ang mundo ng showbiz dahil sa’yo. Wala sa pamilya namin ang nasa showbiz,in fact, we hate showbiz life. Pero dahil sa’yo… nais pasukin ng anak namin ang mundong ginagalawan mo, Xavier. He even auditioned in one of the most famous reality shows in the country, Pinoy Big Brother, if I’m not mistaken.”

Natigalgal ako. Alam ko na naman na iniidolo ako ni Lawrence. Hindi niya iyon tinago at proud pa nga siya pero hindi ko alam na may ganito.

“Matagal na niya pala akong kilala at hinahangaan?” Garalgal ko. My baby.

Tumango si Mr. Calderon at Mrs. Calderon.

“He already loves taking pictures and videos, but you influenced his passion for the showbiz industry,” Mrs. Calderon said.

I turned to Manang Dilya beside me. She gave a confirming nod, as though validating the truth of Mrs. Calderon’s words.

“Kahit ayaw namin sa hilig ng anak namin…” Napabaling ako kay Mr. Calderon nang magsalita siya. “…wala kaming nagawa kasi iyon ang gusto niya. Wala rin kami lagi sa tabi niya noon dahil nasa ibang bansa kami palagi. Kung kaya’t bilang pambawi na lang namin sa kanya… hinayaan namin siya sa gusto niya. Just like my wife said, Xavier, we’re ready to support his fondness for showbiz, but an accident happened that changed our lives drastically.”

“W-what accident, Mr. Calderon?” My voice trembles, as if my heart were racing wildly.

My gaze flickered between Mr. Calderon and his wife, Mrs. Calderon. I noticed her eyes growing moist with unshed tears.

“It was five years ago when Lawrence went abroad to travel and spend his summer vacation there. It was okay; he was having a good time on his travels. But when he went home, he was abducted by several men, and… oh God!” Mrs. Calderon couldn’t finish her sentence as her tears streamed down her cheeks in a steady cascade, like a relentless waterfall.

Mabilis na dinaluhan ni Mr. Calderon ang kanyang asawa at si Manang Dilya naman ay nagsalin ng tubig para kay Mrs. Calderon.

Mrs. Calderon hasn’t finished her story yet, but I find myself reluctant to hear what comes next.

Ilang sandali lang ay kumalma na rin si Mrs. Calderon. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa mesa. Nakita ko ang pagputi ng kamao niya sa higpit ng pagkakakapit niya ro’n sa telepono niya.

“S-supposedly… supposedly it was only a kidnapping for ransom… b-but the guys who took Lawrence did something horrible to him. Our poor s-son… he was… h-he was raped! Those impudent ruffians! T-they raped him!”

I gulped hard, unable to believe what I had just heard from Mrs. Calderon.

I felt like my system had shut down. I could only see red, and my heart was beating so fast-faster than my breathing.

“R-raped? They?”

“There are three of them…” Mr. Calderon answered, as his wife was now crying by his side.

“T-three?” What the hll! I will fcking k*ll them all. I swear! If they’re still alive, I will put an end to their lives!

Lumunok ako. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mata ko pero pinipigilan kong umagos ang mga ito. Naluluha ako sa galit at sa sakit na sinapit ni Lawrence.

Kinuyom ko ang aking kamao.

“N-nasaan na ang mga gumawa no’n kay Lawrence. Please, tell me that they’re not breathing right now.” I almost beg.

“As much as we want to ask the authorities for justice and help, we cannot trust the justice system in our country… t-that’s why we… we took justice into our own hands. The bstards who volated our son are already dad. Carl and Camelot… they killed them in a way they deserved. We klled them slowly and excruciatingly. We wanted them to feel the pain they inflicted on our son, tenfold.”

My poor baby. How can you smile so brightly and laugh your heart out after going through all of that?

“K-kinuwento po ito ni Lawrence s-sa inyo? B-bakit parang wala siyang maalala sa… s-sa mga nangyari sa kanya?” Lito kong tanong.

“Remember when my wife told you that Lawrence loves to take pictures and videos? W-we saw and heard our son crying for help and begging them to stop. We saw what they did to him and how he suffered at their hands. But the video has been gone for a long time. We buried it. Try to move forward.”

“Pero, Mr. Calderon, ang gusto kong malaman kung bakit walang maalala si Lawrence sa nakaraan niya at bakit siya naging Alipalo na lang.”

Napunas ng luha niya si Mrs. Calderon. Hinarap niya ako.

“S-sa video… nagwawala at sumisigaw ng tulong ang anak namin. To shut him up, one of his abductors struck his head with a stone. I don’t know if you saw his head, but he has a large scar there. At a very young age, our son went through a lot-so much that we thought he couldn’t survive. But a miracle happened; Lawrence survived. Akala namin magiging maayos siya pero… pero nagising siya na hindi na niya kami kilala. He remembers his name, but only Mark Lawrence Alipalo, hindi niya kami naalala at nang banggitin namin sa kanya kung sino kami at sino talaga siya. Nagwawala siya at sinabing hindi niya kilala si Mark Lawrence Calderon. He hated our name. And he hated us… he only remembers Manang Dilya. He hated our name. And he hated us… He only remembers Manang Dilya. He calls Manang Dilya his mother and believes that she is Aubrey Alipalo.” Saysay ni Mrs. Calderon at mapait na tumingin kay Manang Dilya.

Bumaling ako kay Manang Dilya na tahimik na umiiyak sa tabi ko.

“M-manang…” I whispered.

“T-totoo ang sinabi nila Ma’am sa’yo, Xavier. Iyon ang mga pinagdadaanan ni Lawrence dati. Iyon ang mapait na nakaraan ng alaga ko. Dati nang Mama ang tawag ni Lawrence sa akin dahil ako ang nag-alaga sa kanya habang abala sila Ma’am sa trabaho. Pagtapos ng aksidenteng iyon at gumaling na si Lawrence. Ayaw niyang tumapak dito sa bahay. Umiiyak siya at nagwawala nang umuwi kami rito galing sa ospital. Dadalhin sana nila Ma’am si Lawrence sa ibang bansa at doon ipagamot kaso kinasusuklaman ni Lawrence ang kanyang mga magulang. Sinubukan kong dalhin si Lawrence sa Cebu, nagustuhan niya doon… at doon namuhay kami na ako ang kinilala niyang ina at sinamahan kami ni Camelot doon. Doon nabuhay ulit si Lawrence ng mapayapa at sa tulong na rin no’ng g-gamot na iniinom niya… na akala niya vitamins iyon, pero ang totoo, gamot iyon upang mawala na ang mga alaala niya sa nakaraan at para din iyon hindi umatake ang kanyang trauma.”

Napayuko lang ako. It feels like I’ve lost the ability to speak. The pulse in my ears grew louder, drowning out everything else, and my eyes blinked, unfocused. I swallowed hard, but the lump in my throat stayed stubborn and unmoving. Words were racing through my head, yet I couldn’t bring myself to say even a single word.

’Now… now that you know what happened to Lawrence, Mr. Faleiro, we won’t beg for your sympathy or kindness for him. All we are asking is that you keep your mouth shut. Lawrence has had many suicide attempts before… at ayaw na naming maulit iyon. Kung ayaw mo sa anak namin… tatanggapin pa rin namin siya–“

I’m so… sorry to interrupt you, Mr. Calderon, but what I’ve just learned about Lawrence has deepened my admiration for him. He went through so much, and he is incredibly strong for enduring those tormenting moments of his life. I’m sorry, Sir, but I have no intention of letting your son go.“

“H-however, Mr. Faleiro, we want you to know that one of Lawrence’s attackers is still on the run. We aren’t entirely certain, but in the video, we saw three men. We only caught two of his abductors out of the three. Kaya rin sumama si Camelot noon sa Cebu dahil hindi naman alam kung saan na ang taong iyon.”

May tumatakbo pang imbestigasyon tungkol sa pagkawala ni Z. I have a lot on my plate right now, but I will always stay by Lawrence’s side. And now, there’s still one of them who hasn’t been caught. Just thinking of those guys makes my blood boil to the highest point!

Para akong zombie palabas ng bahay nina Mrs. Calderon. Hinatid ako ni Manang Dilya hanggang sa gate ng bahay.

“Maraming salamat, hijo. Salamat sa pagtanggap mo kay Lawrence. Hindi ko inaasahan na iku-kwento nila Ma’am ang nangyari kay Lawrence noon. Sa bahay, bawal nang pag-usapan ang lahat ng nangyari limang taon na ang nakakalipas. Pero nagawang ikwento nila Ma’am ang dati. Ibig sabihin lang no’n, nagtitiwala sila sa’yo. Kaya sana huwag mong bibiguin sila Ma’am. Mabait lang sila sa taong mabait sa kanila. Hindi mo gugustuhing makita ang masamamg ugali ng mga Calderon.” saad ni Manang Dilya sa akin.

Nagpasalamat ako kay Manang Dilya bago pumasok sa van. Hindi ako umimik kay Cesna at mabuti na lang hindi rin niya ako kinulit. I close my eyes, desperately hoping for sleep, but the weight of what I learned about my baby today keeps me wide awake, my mind racing with worry and pain.

I already had a hunch about Lawrence’s past. From everything I had seen and witnessed, it led me to the conclusion that he really had a dark past. But what his parents told me was far beyond anything I had imagined.

Hindi binanggit ng mga magulang ni Lawrence kung papaano nila naligtas si Lawrence at papaano nila ito nakita. I know marami pang bagay ang hindi nila sinabi. And I understand them, hindi rin nila ibibigay ng basta’t basta ang impormasyon na iyon sa akin lalo na’t nanliligaw pa lang ako sa anak nila.

Gabi na nang makarating ako sa bahay at lutang pa rin ako. Natauhan na lamang ako nang may biglang yumakap sa aking katawan. His familiar scent enveloped me, and that’s when I realized Lawrence was holding me in his arms.

“Pangga!” Gigil nitong wika.

Lawrence was about to release his embrace when I wrapped my arms tightly around his small frame, burying my face in the crook of his neck.

Now that everything has sunk in, I feel the weight of it all crashing down on me. My heart aches, breaking for him in ways I can’t fully express. I feel weak, shattered by the pain he’s endured.

Maybe it’s a blessing that he doesn’t remember his past. Because only God knows what he might do-what he could do to himself-if those painful, harrowing memories ever resurface.

“Pangga? May p-problema ka ba?”

Doon ko na siya pinakawalan.

“Hala! Bakit umiiyak ka, pangga? Masama pakiramdam mo?” Alalang tanong niya at sinipat pa ang aking noo at leeg, kinukompara niya sa kanyang init.

“Wala naman.” aniya.

Ngumuso siya sa akin.

“May surprise sana ako sa’yo, pangga pero saka na iyon kapag maayos na pakiramdam mo.”

I wiped the moist on my eyes and cheeks.

“I-I am fine, baby. It’s just that… I had a hard time at work.” Pilit kong sinisiglahan ang boses ko para sa kanya.

“Totoo ba iyan?” Ngumisi siya, ngunit may pagdududa sa kanyang boses.

“Hmm.” Tango ko sa kanya.

“Hihi!” Ngisi niya at saka may kinuha siya sa kanyang bulsa!

“Charan, pangga!” aniya sabay lahad sa kanyang dalawang kamay.

Nanlamig ako at tila tinakasan ng bait sa katawan nang makita ko ang maliit na bagay na nasa kanyang palad.

“B-baby, why…”

Where did he get that pregnancy test? It says positive!

“Surprised, pangga!”

“W-what? What’s the meaning of this, baby?”

Inirapan niya ako. “Ito ang pregnancy test, pangga!Positive ’yan, pangga!”

Lumunok ako. Unable to form a decent sentence to say. I f*cking know what that thing is.

“I- I know but…”

“Tsk! Ang duga mo! Hindi mo naman ako na-gets! Positive ito! Positive na sinasagot na kita, pangga! May price tag na tayo!” (Price tag- label)

“H-hindi ka buntis?”

Sinampal niya ang balikat ko, tumawa.

“Hindi pa nga tayo nag-ano, pangga, gusto mo na ng mabuntis ako! Ako muna i-baby mo at si bibi Zion! Hihi!”

Mabilis ko siyang kinabig at niyakap. Tang ina! Kinabahan ako doon sa stunt o sa surprise niyang iyon! Dammit!

“Pangga, may price tag na tayo! Hindi ka ba happy? Babawiin ko ang price tag natin, sige ka!”

“Tsk! I’m just speechless with so much joy, baby. But I’m so happy! Thank you for making me your boyfriend.”


This story is already at chapter 38 (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 32

Chapter 32

Mark Lawrence Pov

When you’re truly happy, time seems to slip away in an instant, as if the moments are fleeting like a blur, and before you know it, joy fills your heart in the blink of an eye. But when you’re sad, burdened with pain and sorrow, time slows to an agonizing crawl. Every second feels like an eternity, as if each painful moment etches itself deep into your memory. This is why we often find ourselves remembering the days of heartache more vividly than the fleeting moments of happiness. The weight of sorrow lingers, while joy feels as though it disappears too soon.

Truthness talaga ang sinabi na savor every moment na kasama mo ang mahal mo at ang mga taong mahalaga sa’yo. Kasi hindi natin alam na isang araw o sa isang iglap maaaring magbago ang lahat.

Kaya naisip ko na habang may natitira pa akong araw na kasama ang aking Pangga sa kanyang big brother house. Sasagutin ko na siya. Wala namang masama doon dahil matagal na akong may gusto kay Ultimate Crush at mahal ko rin siya. Naiintindihan niya kasi ako, nakakasabay siya sa kabaliwan ko, at siya lang nakakapagpabaliw at nakakapagpakalma nitong pusong ligaw ko!

Our neighbors and former classmates couldn’t look at me. Kahit nga napapasulyap lang ako o napapatingin sa kanila noon, halos pandirian nila ako kasi wierdo raw ako. Pero palong-palo naman ako ngayon, kasi iyong tumititig sa akin ay ang crush ko na— ang idol ko lang noon na aking sinasamba rin dati sa probinsya! Buti talaga tumalab ang mga orasyon ko gabi-gabi para kay Xavier! Charz! Sa ganda ko talaga nahulog iyang si Xavier, takot lang siyang umamin sa akin. Knows ko na iyan kaya care no less na ako!

“You’re spacing out.” Ang puna ni Ultimate Crush sa akin ang nakapagpagising sa akin mula sa aking malalim na pag-iisip. Tulala lang ako kasi next sem may research na kami. In-advance ko lang ang pagkakatulala ko!

“Don’t you feel good? Gusto mo na bang umahon tayo?”

Nandirito kasi kami ngayon ni Pangga sa pool! Naliligo kami. Syempre, alangan naman magtanim kami rito sa tubig ng mais. Nasa likod ko si Ultimate Crush at nakayakap sa baywang ko ang kanyang dalawang braso. Kulong niya ako sa mga braso niyang macho at mainit kung kaya’t ’di ako nakakaramdam ng ginaw kahit na gabi!

Isang linggo na ang lumipas simula no’ng binigyan ko ng positive na resulta si Pangga. It means may price tag na kami, siya akin, ako naman sa kanya. Iyong PT ay sa kaibigan lang iyon ni Siray na nabuntis. Nakwento niya kasi ito sa amin kung kaya’t naisipan kong humingi ng isang PT doon sa kanyang kaibigan para ma- surprise ko si Xavier.

Si Xavier kasi panay ang date, bigay ng kung ano-ano sa akin. Kaya gustong-gusto kong bumawi sa kanya sa pamamagitan ng pag-surprise sa kanya sa araw na sinagot ko siya! Happy na happy si Ultimate Crush at na-speechless mga raw siya. Though fifty-fifty ako sa speechless niyang iyon kasi nakakapagsalita naman siya.

“Hindi, pangga! Gusto ko pa.” Syempre minsan na nga lang kami naglalandian dahil may online class ako at siya naman abalang-abala sa kung anong mga ganap niya sa nagdaang araw. Minsan naririnig ko pa na makausap sila ni Ate Xaña sa telepono.

“Okay.” si Xavier bago hinalkan ang aking sintedo.

Napapikit naman ako doon. Iba ang mga halik ni Xavier sa akin. Parang may dalang kung anong mahika na nahahalina ako at kinakalma ang aking sarili.

“Can I kiss… you?”

Sa linggo na dumaan na naging official na kaming may price tag ni Pangga. Lagi na rin siyang humihingi sa akin ng permission na humalik. I mean, nanghahalik naman siya sa pisngi ko, ilong, mata, noo, at sintedo ko. Kaso kapag gusto niya sa labi, nanghihingi siya ng permission.

Simpleng-simple ang bagay na iyon kaso parang big deal siya sa dibdib ko. Kakaiba ang dulot na init no’n sa puso ko.

“Of course!” Galak kong pagpa-unlak kay Xavier! Actually, pwedeng pwede na akong buntisin ni Pangga kasi may price tag na kami, may label na pero syempre iniisip ko na bawal pa kasi nags-school pa ako. Nasa third year pa ako sa kurso kong BSBA sa edad kong twenty-three! Tapos ayaw ko rin naman na umeksena sa buhay artista ni Xavier dahil baka malaos siya dahil sa akin tapos maghihirap kaming pareho! Mahirap na ako tapos magiging mahirap pa siya. Naku, bawal ’yan. Dapat may pera kami at kung pupwede ay mayaman para loving-loving na lang kami with money. It’s a big no kapag loving lang tapos walang pera! Emz!

Naglanding ang pag-iisip ko nang dumapo ang mga daliri ni Xavier sa aking baba at saka marahan niyang inikot ang aking ulo.

“I don’t want you to close your eyes when I’m kissing you, baby.” aniya, hinaplos-haplos ang aking baba gamit ang kanyang daliri.

Tumango ako dahil masunurin naman ako. Charz! Nasanay na naman ako kasi kapag nanghahalik siya sa labi ko, gusto niya nakatingin ako sa kanya.

Slowly, he bends and crashed our lips together at kagaya ng lagi kong nakakagawian. Binuka ko kaagad ang aking labi para sa kanya. Mahina ang halik ni Xavier, para bang sa bawat minuto at segundong dumadaan ay pinapadama niya sa akin ang kanyang init at malambot na labi.

A m*an escapes from my mouth as he massages my lips with his teeth in a soft and tender manner, biting them carefully but not causing me pain. Sa kabila ng malamig na tubig nakakamangha na nag-iinit ako sa gitna ng kanyang mga braso at katawan.

I shifted my weight when I felt my neck stiffen. Parang naramdaman din iyon ni Xavier kung kaya’t inikot niya ako. Without breaking our kiss, Xavier lifts me, and I immediately wrap my legs around his waist. His hands support my weight under my butt.

The sight of him kissing me, tenderly and with care, was something I was beginning to get accustomed to. The wet, crashing sounds of our mouths filled my ears, and I loved every second of it. The farthest Xavier could go was kissing me—no touching—but I melted just from the feel of his lips. How ironic!

I could feel him getting hard below, which was always the sign that he would stop kissing me. And I wasn’t wrong. When he let go of my mouth, he still looked hungry.

“Shall we go inside? You still have an early class tomorrow, right?”

Ang bilis niya i-divert ang aming topic sa iba.

“Papaano ka?”

Nagtagpo ang kilay niya sa sinabi ko.

“What about me, baby?” Kalmado niyang ani.

Bumagsak ang mata ko sa ilalim ng tubig, kahit na hindi naman malinaw ang kanyang pagkalalaki na tumitigas na. I felt him though, I feel him growing and getting hard.

He puts me down carefully.

“It’s fine.”

“Pero gusto ko tulungan ka, Xavier.” Matulungin kasi ako.

Umiling naman siya bilang pag-di sang-ayon sa akin.

“I can handle this. Kissing you is enough for me, for now, hmm?” Then he caresses my cheek.

“Kailan kaya matatapos ang enough-enough mo na iyan, Pangga?” I wondered.

Tumawa siya.

“I’ll let you know. But for now, let’s take a bath and go to bed.”

I let him scoop me up and help me out of the pool. Ang lamig ng gabi ay saka lang sumakop sa aking katawan nang makawala ako sa tubig at sa katawan ni Xavier. Pero saglit lang iyon nang iyakap ni Xavier ang isang makapal na towel sa akong katawan at binuhat na ako papasok sa bahay.

Kinabukasan nagising ako na wala si Xavier sa aking silid. Well, pinapatulog niya lang naman ako at saka siya pupunta sa kanyang silid. Hindi kami live-in sa kanyang kwarto! At bago siya pumunta sa kanyang trabaho, pupuntahan niya ulit ako para magpaalam. Hindi naman ako nagkamali nang bumukas ang kwarto, dumungaw pa siya bago tuluyang pumasok.

Nandito ako sa aking study table at lumapit siya.

“I’ll be back, baby. Text or call me when you need something, ibibigay ko kay Cesna ang cellphone ko just in case nasa gitna ako ng set, hmm?” si Xavier at saka humalik sa noo ko at dalawang pisngi na apaka ganda!

“Hmm, ingat ka.”

“You too, baby.”

Umingos ako. “Nasa bahay lang naman ako.”

“Even if.” Pagmamatigas niya. Tsk! Patigasin ko ang kanyang kaibigan sa baba, makikita niya talaga!

Nginusuhan ko lang siya.

“Sige na. Baka nand’yan na ang prof mo.” Nginuso niya ang screen ng laptop ko na naka-on at nasa Zoom Meeting na rin. Naka-mute pa si Sir. Pinahiram niya lang sa akin itong laptop niya! “I love you, baby.”

“Mahal din kita, pangga, pati pera mo mahal ko!” Syempre maging totoo na ako rito, mahal na mahal ko rin pera niya.

Natawa lang siya at pinanggigilan ang pisngi ko. Hayst! Hirap magkaroon ng precious face tulad ko! Hulog na hulog si Xavier!

Nang matapos ang aking online class kinahapunan, akala ko makakapag-beauty rest ako. Kaso dumating ang aking friendship na si Jewel! Buti naman ’di niya dala ang kanyang alaga na si Chucky!

Pinatuloy ko na si Friendship sa loob ng big brother house ni Xavier dahil feeling ko bahay ko na rin ito.

“Sorry, friendship, naging busy ako sa aking online class at paglandi kay Xavier. May price tag na kasi kami!” Kinikilig kong sambit.

“Huh? Price t-tag?”

Sinampal ko ang balikat ni friendship na nasa tabi ko. Magkaharap kami at nagk-kwentuhan. Update-update lang sa mga ganaps sa buhay.

“Oo, label ba.”

Napatakip siya sa kanyang bibig at halos lumuwa ang mata sa gulat. Natawa nan ako sa kanyang naging reaksyon.

“Oh my! You mean label, friendship? Boyfriend mo na si Xavier? Is this for real!”

“Oo! ’To naman!” Mukhang ’di nabalitaan ni friendship ang pagka-blind item ko.

Nayakap ako ni Jewel sa tuwa niya

“I’m so happy for you, friendship! I’m so happy na before ako mag-leave sa country boyfriend mo na si Xavier!”

Napakalas ako sa yakap naming dalawa. I looked at her like I’m sizing her up.

“Huh? Aalis ka, friendship?”

Malungkot siyang ngumiti sa akin.

“Yes, friendship! Isasama na kasi ako nina Mom sa US. Maybe, I will stay there for good na.”

Masaya ako kay Friendship na makakasama na niya ang kanyang pamilya kahit na busy ang mga ito. Hindi kasi ito napipirmi sa isang bansa lang pero knowing na isasama na siya at aalis, nalukungkot ko.

“Ang duga naman, friendship!”

“Sorry, friendship! Don’t worry, kapag ikakasal ka na kay Xavier. I will make time and uuwi ako here for you!”

“Papaano kapag hindi kami ikakasal? Ibig sabihin ’di ka uuwi?”

“Uuwi ako for you!”

“Basta pasalubong ko rin!”

Tumango siya. “Oo naman!”

“Dapat bonggacious!”

“For you, friendship!”

Third Person Omniscient POV

Naningkit ang mga mata ni Lara habang tinitingnan ang kaibigan niyang palakad-lakad sa kanyang harapan. Nakaupo siya sa couch ng kanyang sala at tamad na pinapanood ang kaibigan na hindi mapirmi, si Kyline.

“Tumigil ka na, Kyline. Ako na ang nahihilo sa ginagawa mo!” Reklamo ni Lara at nag-cross arms. They’ve been friends since their highschool days at kahit nagkahiwalay sila ng institution nang mag-college sila, their bonds together were as strong as steel! That’s why Lara went through all Kyline’s wants and plans kahit na labag iyon sa loob niya. Malaki rin kasi ang tulong ni Kyline sa buhay niya dahil naging victim siya ng bullying but Kyline was the only one who got her back and defended her. Kaya bilang bawi niya lang sa kaibigan, ginagawa niya ang gusto nito. Hindi lang alam ni Lara kung tama ba ang naging mga desisyon niya.

“How can I calm down, Lara! Didn’t you hear me? Ipinagpalit ako ni Xavier sa isang bakla! Nakita mo naman iyong nasa Club Ferrer, right? We both saw it!”

Lara just stared at her best friend. Sila rin ang magbenta ng information na iyon sa news article. But it seems like Xavier wasn’t moved by it.

“Kung hindi mo lang kasi siya hiniwalayan noon–”

“It’s all my parents fault! Ayaw nila kay Xavier kasi mahirap pero look at him now! He is now on top of his career!” Kyline frustratedly meddled Lara.

“What now? Kukunin na naman natin ang bata sa kanya?” si Lara.

They once kidnapped the poor child and threw the kid in Cebu, but it seems like Xavier’s and the child’s fates were destined to cross, no matter what they did!

“I like that pero dapat hindi na pumalpak ang mga tauhan mo! Sabi ko damputin na lang ang bata pero natakasan ng bubwit!” Galit na wika ni Kyline.

“Kyline…”

“What?” Kyline snapped at Lara.

“Maybe we should stop this? Hindi ka ba naaawa sa bata? Papaano ang trauma no’n? At saka ayaw ka nga no’ng bata, eh.” Lara tried to lighten up Kyline’s dark mind.

“I don’t care about that child, Lara! All I wanted is Xavier!”

“Pero kita mo naman na may kasama ng iba!” Argumento naman ni Lara sa kaibigan.

“Lara, Xavier will eventually lose his fondness and interest on that fag!” Natatawa nitong wika. Then, Kyline occupied the vacant sofa across Lara. “Maybe, it’s time again to kidnap, Zion. Kita mo naman no’ng last time na nawala si Zion, right? He came to me and talked to me. Maybe, kailangan lang talagang mawala sa landas namin ni Xavier si Zion.” si Kyline na siyang tuwang-tuwa sa sariling plano.

“Kyline, hindi ka ba naaawa sa bata?”

“Why would I be, Lara? When in the first place alam mo— personal mong alam kung saan galing ang batang iyon!”

“Kyline naman Zion is still a kid and…”

“Pasalamat na lang siya na binihisan at may magandang buhay siya ngayon, Lara. Dahil kung wala siya sa atin, baka matagal na ring patay o naging palaboy ang batang iyan! Saka, ni hindi ko nga iyan nagamit.” Inis na wika ni Kyline at walang naramdaman kahit na konting habag sa loob.

Napayuko na lang si Lara. She keep her mouth shut at naaawang tiningnan ang kaibigan na hindi matapos-tapos sa obsession nito kay Xavier. Alam niya ang lahat ng nangyari dati.

Nabuntis ang kanyang kaibigan, nabuntis ito ni Xavier nang mga bata pa ang mfa ito at alam na alam nila kung gaano ka-distaste ang mga magulang ni Kyline kay Xavier. Pinaghiwalay sila kapalit ng pagdala ni Kyline sa bata. Ipapalaglag kasi dapat ito ng mga magulang ni Kyline dahil ang babata pa ng mga ito noon.

Sunod-sunuran si Kyline sa kanyang mga magulang noon pero pinalano na rin ni Kyline na bubuhayin niya ang bata dahil alam niyang magbabalikan din sila ni Xavier kapag may anak na sila. Kaso… sa kalagitnaan ng pagbubuntis ni Kyline ay nakunan ito. Wala kasi itong alaga sa sarili at umiinom kahit na buntis! Pero nagpanggap si Kyline na buntis at nang manganak ito, sa tulong ni Lara, nakahanap sila ng bata na ipinanganak din sa araw na iyon at iyon ay si Zion.

“Maawa ka naman sa bata, Kyline.” si Lara, na nakokonsensya dahil siya ang kumuha sa bata nang sanggol pa lang ito. Hindi tuloy alam ni Lara na blessing ba na nailigtas niya ang bata o hindi dahil napunta ito sa kamay ni Kyline.

“Awa? Are you kidding me, Lara? That kid isn’t my flesh and blood, and he’s not even Xavier’s child! So, saan ako maaawa?”


This story is

COMPLETED

(with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 33

Chapter 33

Xavier’s Pov

“Wala pa bang update kay Kyline?” tanong ko kay Xaña nang bumisita siya sa gitna ng shooting ko. Nagdala siya ng milk tea para sa lahat kaya nagbreak muna kami. Ngayon nasa loob kami ng tent ko at kami lang dalawa.

“Wala pa. Iyong investigator natin pinag-aaralan na rin niya si Lara.”

“Lara? Kyline’s friend?”

“Best friend!” She corrects. “Oo, dahil baka may alam iyon. Hindi mapaghiwalay ang mga iyon, di ba?”

Xaña was right. Kahit nga noon kahit na gusto ko na sa bahay ko si Kyline habang nagbubuntis siya, ayaw ni Kyline. Mas gusto niyang kasama si Lara. Hinayaan ko na lang siya pero nagsu-sustento ako the whole months sa pagbubuntis niya. Minsan lang din ako nakakabisita sa kanya noon dahil marami akong projects noon. I wasn’t even there when she delivered Zion because I was in the middle of a shoot.

“Yes, kung totoo ang hinala natin na may kinalaman talaga si Kyline. Lara highly knows about it.”

Xaña shook her head and cocked it to the other side. “Syempre, may kinalaman talaga si Kyline. Ebidensya na lang ang kailangan natin. Siya lang kasi ang huling kasama ni Z that time na nawala ang pamangkin ko. Tapos sabi mo pa, hindi makapagbigay ng maayos na statement si Kyline. Iyan palang may foul play na, Xavier. Don’t be blinded just because you once loved her,” she pointed out.

My face immediately contorted.

“That was before. I have Lawrence now, and I know I’m more in love with him than I ever was with Kyline,” I argued.

“Sure,” she said, adjusting in her chair. “Ayaw mo na ngang umuwi ng Cebu o mawalay sa’yo. What are you afraid of Xavier? Alam kong labas ako sa relasyon ninyo pero hindi mo nga sinunod ang suggestion ko na ilayo muna sila ni Z.”

I have a lot of fears when it comes to Lawrence. One of his abductors is still out there. What if his trauma resurfaces? What if the things that happened to him before happen again? I don’t want to be away from him because I can’t protect him when he’s away from me.

“Z is safe with Lawrence, Xaña. They don’t need to be separated. Besides, both of them are important to me, and I can’t function well without them in my house.”

“I heard he’s only staying at your house for two months, right? Don’t take it the wrong way, brother. Pero, what if gusto nang umuwi ni Lawrence?”

“I…” I really don’t know. Wala na siyang uuwian sa Cebu since nandito na rin sa Manila sina Manang Dilya and his brothers. But maybe, when he decides to go home to Cebu, Manang Dilya will go to Cebu as well, along with Camelot.

“I will not imprison him in my house, Xaña.”

“He’s been staying with you for more than a month. He would still be staying with you.”

“I know.”

Ever since Lawrence and I became official, he doesn’t mention about going home. Lagi niya pa namang pinapamukha sa akin noon na pang-two months lang daw siya sa bahay ko. Noon atat na atat akong umuwi siya pero ngayon ayaw ko na siyang umalis. Hinihintay ko na nga lang na sabihin niyang mananatili siya sa bahay ko dahil talagang hinding-hindi ko siya pipigilan sa gusto niya.

“Anyway,” Xaña said before getting up from her chair. “I gotta go. May lakad pa ako.”

“Are you still following Kyline? Let the investigators do their job, Xaña. I don’t want you to get into trouble or put yourself at risk.”

She smirked. “Don’t worry about me. Kaya ko ’to, lalo na kung si Kyline lang at Lara. And I won’t interfere with the investigators as much as possible.”

Nagpaalam si Xaña sa akin bago siya umalis pero sumabay na rin ako sa kanya palabas ng tent. Nagpasalamat ang staff at ang mga kasamahan ko sa set bago umalis si Xaña.

Mark Lawrence Pov

Nakaalis na si friendship Jewel! Magiging US dollars na siya. Usually kapag tapos na ang aking online class sasaya ako kasi maghaharutan at maglalaro na kami ni bibi Zion kaso ngayon extra ang puyat ko.

Nakakalungkot lang kasi na aalis na ang nag-iisang kaibigan na nagawa ko while living here. Ibig kong sabihin, si Jewel lang kasi ang naging kaibigan ko outside sa big brother house ni Xavier.

Pinagmasdan ko si bibi Zion na ginagawa ang assignment na binigay ng kanyang teacher. Ang sipag naman nitong nitong alaga ko. Sana ipagpatuloy niya ito at ’di gumaya sa akin na sa una lang nagsisipag. Ningas cogon kumbaga!

Binitiwan ni Zion ang kanyang lapis at saka lumingon sa akin. Dahil nakadungaw ako sa kanya mabilis lang niyang naabot ang aking pisngi. Napapikit ako nang maramdaman ko ang init sa munti niyang palad.

“Mami, are you sad po?”

Binigyan ko ng isang ngiti si bibi Zion, pero alam ko talaga na hindi abot sa aking mata ang tuwa. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil.

“Umalis na kasi si Ate Jewel mo, dong. Nalulungkot lang ako ng very slight!”

Zion scrunched his nose. “Chucky’s owner, mami ko?”

Tumango ako sa kanya.

Nguniti ng malaki si Zion at saka dinala ulit ang kanyang palad sa aking pisngi at hinaplos ako doon.

“Don’t worry, Mami ko, because Zion will never leave you. I will always be here for you, Mami ko! And Daddy Xavier too! Daddy and I love you so much, Mami!”

Hindi pa alam nitong si bibi Zion na may price tag na kami ng kanyang daddy. Gusto ko kasing sabay kami ni Xavier kapag sinabi namin kay Zion ang tungkol sa aming relasyon.

“Alam ko, dong! At love na love ko rin kayo, dong!!” ani ko at saka ko pabirong kinurot ang kanyang matambok na pisngi!

Naputol lang ang aming momentus ni Bibi Zion nang biglang dumating si Arianna.

“Afternoon snack!” si ateng Arianna.

Tinanguan ko muna si Arianna bago ko binalingan si Zion.

“Dong, gusto mo sa kusina tayo o dito sa sala?”

“May assignment pa ako, mami ko. Can we have our snacks here?”

Hinagkan ko ang pisngi ni bibi Zion. “Oo naman, dong! Kukunin ko lang ang ating snack, huh.”

Maganang tumango sa akin si Zion bago siya bumalik sa kanyang ginagawang assignment. Hirap talaga maging masipag sa school ’di ako makaka-relate! Tamad kasi ako at umaasa lang sa stock knowledge ko. Heh!

Pagkapasok ko sa kitchen, kita kong nagc-chismis sila doon sa bar counter sina Siray na siyang naghihiwalay sa dining area at kitchen. Shocks! Napag-iiwanan na ako dahil sa online class ko! Hindi na ako nakakasali sa kanilang mga chismis!

“Hi. Rence!” si Lina

“Hello, Rence! Kumusta ang klase mo? Sipag mo, ah.” suna rin naman ni Siray.

Anong masipag? Kung hindi lang ako nababagabag na hindi pumasok, baka tinutulugan ko na lang ang mga klase ko. Kaso iniisip ko kasi ang gastos ni Pangga sa akin!

Magmartsa ako papalapit sa kanila.

“Hello, Lina!” Kinawayan ko ito bago bumaling kay Siray. “Sumasakit na ulo ko sa online ko, Siray!”

“Mag beauty rest ka!” ani Arianna.

As much as I want to pero nai-istress ako sa mga course namin ngayon, may Math at halos major lahat! Mukhang magkaka-ubusan ng buhok! Tsk! Akala ko madali lang itong kursong kinuha ko ngunit mukhang wala talagang madaling program sa college.

“Pero teka nga! Ano ang pinagc-chismisan ninyo rito? Ako ba iyan?”

Mabilis silang nag-ilingan sa akin.

“Ito kasi si Siray, di ba, alam mo na naman na nabuntis iyong kaibigan niya?” Pa-suspense pa masyado ni Arianna kung kaya’t napatigil ako sa pagkuha ng banana que sa harap nila. Itinuon ko ang aking atensyon kay Arianna.

Ito talaga ang dulot ng walang masyadong trabaho rito sa bahay ni Pangga! Tsismis na lang ang pampalipas oras!

“Oh tapos?” ani ko naman na nagmamadali kasi ang alaga ko nasa living area, naghihintay sa kanyang snack!

“Produkto raw pala iyon sa hindi magandang nangyari sa kaibigan ni Siray!” Dugtong naman ni Lina.

Tumingin ako kay Siray na naiiyak sa gitna nina Arianna at Lina.

“H-hindi magandang nangyari?” ’Di ko mawari ngunit halos hindi ko mailabas ang boses ko dahil tila may bumarang isang bagay sa aking lalamunan.

Tumango sa akin si Siray.

“A-anong nangyari sa kanya?” tanong ko.

Nanginginig ang mga kamay ko na sa bar counter. Binaba ko ang aking mata doon at sinubukan kong pigilan ang panginginig ng mga kamay ko kaso mukhang nawawalan ako ng kontrol sa aking sarili.

“Mahilig gumala ang kaibigan ko kasama ang mga barkada niya lalo na kapag gabi. Hindi niya naman sinabi sa akin ang buong detalye pero… pinagsamantalahan siya ng isang…”

Hindi ko na narinig ang karugtong no’ng kwento ni Siray nang tila may narinig akong malakas at matalis na tunog sa tenga ko! Nabuhat ko ang aking kamay na tila namimigat at umugat sa bar counter. May nasagi ang kamay ko pero hindi ko na alam kung ano iyon.

Napaatras ako at tinakpan ang tenga ko dahil sumasakit ito sa naririnig kong matatalis na tunog! I screamed but it seems like my vocal cords were damage. Hindi ko naririnig ang sarili kong boses! Lumipat naman ang aking mga kamay sa aking ulo nang biglang umakyat ang pananakit na aking nararamdaman doon. Parang pinupukpok ng martilyo ang aking ulo.

Sumigaw ako nang sumigaw ngunit parang ’di lumalabas ang boses ko! Nanakit na ang aking lalamunan ngunit wala akong ibang nararamdaman sa aking sarili kung hindi ang sakit ng aking ulo na parang pinupukpok at nilalagari!

Third Person Omniscient POV

Nang mapansin ni Arianna ang panginginig sa kamay ni Lawrence at ang paglikot ng mga mata nito. Kaagad na inutusan ni Arianna ang kanyang mga kasamang katulong.

“Kunin n’yo muna si Zion sa sala, lumabas kayo. Isara ninyo ang pinto at doon muna kayo sa front yard.” Nagmamadaling anas ni Arianna at hindi na iniintindi ang kwento ni Siray.

“Huh? Bakit?” takang tanong ni Lina.

“Basta dalian ninyo!” Matigas na utos ni Arianna sa dalawang kasama na oblivious sa nangyayari kay Lawrence.

Natatarantang tumakbo sina Siray at Lina palabas ng kusina. Kinuha ni Arianna ang kanyang telepono at saka madaling dinial ang numero ni Xavier.

Habang hinihintay ang pagsagot ng tawag sa kabilang linya. Nanlalaki amg mga mata ni Arianna at nanlalamig ang kamay nang makita ang kanyang kaibigan na si Lawrence na nanginginig. Nasagi ng kamay nito ang fresh milk at nahulog sa sahig. Umatras ito ng ilang hakban at nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang tenga!

“L-Lawrence…” Nanlalamig na tawag ni Arianna sa kaibigan ngunit parang wala itong narinig at saka sumigaw ng malakas, sigaw na tila namimilipit sa sakit.

“Sir Xavier sumagot na po kayo!” Aligagang ani ni Arianna at saka sinubukang lumapit kay Lawrence ngunit sa pag-atras nito ay natumba ito sa sahig at nabagok ang ulo ni Lawrence sa silyang gawa sa kahoy!

Tamang pagsagot naman ni Cesna sa tawag ni Arianna sa cellphone ni Xavier nang malakas na sumigaw si Arianna sa kabilang linya at saka nilapitan ang kaibigang bumulagta sa sahig at nawalan ng malay!

Mark Lawrence Pov

Like scenes from a movie, vivid images flashed through my mind as swiftly as the wind. I can’t remember exactly what happened, but the moment I regained my consciousness, it felt like I was watching a reel of my own life playing before me.

I was dressed in luxurious clothes, holding a small camera and filming myself. I saw glimpses of myself in a grand house filled with expensive things, laughing uncontrollably.

I was living life to the fullest, pursuing my passions with joy. I sang. I danced. I acted. I was brimming with happiness.

When I finally opened my eyes, blurry shapes greeted my vision, but as they sharpened, I saw Arianna beside me, silently crying.

“Lawrence! Dios ko! Mabuti at nagising ka na!” Iyak niya at niyakap ako.

Hot tears stream down the corners of my eyes. I… Jesus! I remember now… Not everything, but I know who I am-who I really am! Mark Lawrence Calderon, the youngest son of Aubrey and Jimmy Calderon, owners of the country’s largest shipbuilding empire and global exporters of vessels!

And that night… I remember it. The night that changed my life forever. Kinapa ko ang aking t’yan. Napapikit na lang ako at saka muling umiiyak.

“Tinawagan ko si Sir Xavier, Lawrence at pauwi na siya–”

Nang kinalas ni Arianna ang kanyang braso mula sa pagkakayakap sa akin. Mabilis akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto.

Napatalon ako nang may biglang yumakap sa aking hita. Nagbaba ako ng tingin at nakita ko si Zion na namumula ang mga mata. Naririnig ko pa si Arianna sa likod ko na tinatawag ako.

“Mami ko!” anito at naiiyak.

Nag-squat ako at saka ko sinuklay ang buhok niya.

“Aalis muna ako, dong, ha.”

“Are you going home, Mami ko?” Tumulo kaagad ang butil ng luha niya. Kaagad ko naman iyong sinangga gamit ang hinlalaki ko.

“Yes, uuwi muna ako saglit, dong.”

“What about baby Zion, Mami? I wanna go with you po! Gusto ko ikaw kasama, Mami ko!”

Mabilis kong pinunasan ang mga luha niya at hinalkan ko siya sa noo.

“This is going to be quick, dong. Understand Mami, okay?”

Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko si Arianna. Binigay ko sa kanya si Zion at saka ako nagpatuloy sa paglabas ng bahay. Deretso lang ang tingin ko at walang lingon kahit naririnig ko ang malakas na tawag ni Zion sa akin. Nadaanan ko sina Lina at Siray pero nilampasan ko lang sila.

Mabilis akong pumara ng taxi at saka ko sinabi ang address ng village kung saan ako nakatira dati. Habang nasa daan ako. Madaming tumatakbo sa isip ko. Si Mama Dilya, si kuya Camelot, si kuya Carl, at ang mga magulang ko.

Mga ilang minuto rin bago kami nakarating sa village, hinarang ang taxi’ng sinasakyan ko. Pero nakapapasok rin nang makita akong sakay ng taxi.

Tinuro ko ang direksyon sa driver at ilang sandali lang nakarating na kami na sa malaking bahay na may tatlong palapag ang tayog!

“Pahintay po dito ang pamasahe ko, manong.” saad ko sa driver.

Tumango naman siya. Mabilis akong bumaba ng taxi at saka gigil kong pinindot ang doorbell ng gate. Nakita kong may isang maid na nagmamadaling lumabas at natigalgal nang makita ako sa labas. Nang makabawi ito ay saka ako madaling nilapitan.

“Nasa loob sina Mom at Dad?” tanong ko sa maid.

Nakanganga lang siyang nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga ako. “Salamat sa pagbukas mo ng gate.” sabi ko na lang dito at saka ako pumasok sa bahay.

At pagkabukas ko sa wooden double door ng bahay, una kong nakita si Mama Dilya na may dalang basahan at naglalakad sa gitna ng bahay. Nahulog ang basahan sa kanyang kamay at saka nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. I don’t know why, but I feel betrayed. So nasa Manila na silang lahat! Last week, may plano pa akong umuwi ng Cebu tapos nandito na pala silang lahat!

“L-Lawrence… anak…” Putol-putol na wika ni Mama Dilya. Parang nahihirapan siyang iangat ang kanyang paa dahil sa bagal ng kanyang hakbang tungo sa akin.

“May taxi na naghihintay sa labas, ’ma. Wala akong pera. Pasuyo naman po ng bayad doon.” ani ko.

Mabilis na tumango si Manang Dilya at nag-utos ng isang katulong para sa request ko.

“A-anak… a-anong ginagawa mo rito? M-may naalala ka na? Alin ang naalala mo?” Nangingiyak na tanong ni Mama Dilya sa akin.

“Mamaya na po ’yan, ’ma. Gusto kong makita sina Mom at Dad. Nasaan sila? Nasa trabaho?” Naggitgit ang ngipin ko. Kinuyom ko ang aking kamay na nanginginig!

Marami akong gustong itanong sa kanila ngunit may kailangan akong unahin sa mga tanong kong iyon. Inilibot ko ang aking paningin sa buong ground floor ngunit tahimik lang at ang nakikita ko ay ang mga maids na nakatunganga, hindi makapaniwala sa muli kong pagtungtong sa bahay na ’to.

“T-tawagin sina Ma’am at Sir. Sabihin na… n-nandirito si Lawrence.” si Mama Dilya doon sa katulong na nagpupunas ng mesa sa ilalim ng malaking larawan nina Mom at Dad.

Giniya ako ni Mama Dilya sa sala at pinaupo. Tinanong niya kung ano ng gusto ko kaso wala akong ibang gusto kung hindi ang makita ang mga magulang ko ngayon.

At ilang saglit lang, makita ko na sina Mom at Dad na nagmamadaling bumaba galing sa taas. I don’t know if sa second floor ng bahay o sa third floor sila galing.

Mommy rushed toward me, tears streaming down her face, while I stood there, my eyes blazing with intensity.

“Anak… Lawrence.” It was mother, and she covered her mouth before letting out a cry.

“Lawrence,” it was Dad, and he stood by my mother’s side and held her.

“M-may naalala ka na? Kilala mo na kami, anak?” si Dad.

My gaze shifted between my parents, standing just a meter away, as tears silently streamed down my cheeks. I made no effort to wipe them away, knowing it was pointless when I was on the verge of shedding even more.

As I made my way here, memories of my disdain for this house flooded back. I recalled how I loathed it, how I resented them, and how I could barely tolerate their presence.

“Mom… Dad…” It escaped my lips as a whisper.

I saw the joy in my mother’s eyes as she cried, but the next words that left my mouth halted both my parents.

“Nasaan ang a-anak ko?” Nanlalaki ang kanilang mga mata. “Alam kong wala akong malay habang lumalaki ang t’yan ko. Alam kong nagbunga ang tang inang gabing iyon, Mom, Dad. At alam kung nanganak ako bago ako pumunta ng Cebu. Kaya ang tanong ko… nasaan ang anak ko?” I choke out.

Umiling si Daddy sa akin. Si Mommy ay napakapit na lamang sa damit ni Dad.

“Inuulit ko. Nasaan. Ang. Anak. Ko!”

“It’s gone. He’s dead.” My dad’s words shattered my world, leaving me drowning in an ocean of grief and disbelief.


This story is

COMPLETED

(with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 34

Chapter 34

Mark Lawrence Pov

“N-no! That can’t be true!” I exclaimed, my voice rising.

Bugo kong tiningnan sina Mom at Dad. Bumaling ako kay Mama Dilya pero umiiyak lang din siya sa tabi at walang sinabi.

“Mama… Mama Dilya, tell me they’re lying! R-right?” I said hopefully, my voice cracking as if there was an invincible lump in my throat, making it painful to speak.

My feet felt heavy, glued to the ground, but I tried my best to lift them off the floor and staggered toward Mama Dilya. Pero ang pag-iling ni Mama Dilya ang nagpatigil sa akin mula sa paggawa ng isa pang hakbang.

“S-sinungaling kayo!” Mahina pero puno nang hinanakit na untag ko sa kanila.

“Please, don’t make a fool of me! I’m already a fool! I’m stupid, and I have low expectations for myself. But don’t treat me like this!” Bato ko sa kanila.

Puno sa galit ang mga mata ko at isa-isa ko silang tiningnan. Basi sa naalala ko hindi gusto nila Mom at Dad ang gusto ko, ang gusto kong maging artista. Tingin nila ang baba lang ng pangarap kong iyon. Pero kalaunan din naman tinanggap nila iyon dahil siguro naisip nila na pambawi sa mga pagkukulang nila sa akin.

“Hindi pa ba sapat ang mga taon na wala akong maalala sa anak ko? Hindi pa ba sapat ang mga taong lumipas para naman magsabi kayo ng totoo sa akin? It’s my child!” I cried, pointing my parents. No, hindi ako naniniwala na wala na ang anak ko.

Anong klaseng magulang ako? Anong pinagkaiba ko sa mga magulang ko noon? I held some grudges against my parents back then because they weren’t there for me. Parent meetings, they weren’t there. School recognition, they weren’t there. It was always Mama Dilya who was with me at school! From what I remember, I did well in school. Honor! Sa family day, ang kasama ko ay ang mga yaya, imbes na sila! But they never once showed up at my school because they were so busy. They thought their money could buy my happiness and make up for their absence in my heart and life. But no!

I grew up envious of those children less fortunate than me because their mothers, and even their fathers, sent them to school and picked them up afterward! Ako, laging si Mama Dilya lang ang nakaabang sa akin sa labas ng gate at ang driver namin. Akala ko tatagal lang iyon hanggang sa elementary ko pero hanggang sa highschool ko, wala pa rin. Ganon pa rin. Binabati naman nila ako sa achievements ko at nagpadala ng gifts pero hindi ako masaya doon.

That is why I immersed myself in taking pictures and videos. Binuhos ko ang aking atensyon sa paggawa ng mga song covers at binibuhos ko ang emosyon na hindi ko malabas sa aking pagsasayaw.

I promised myself that if I ever became a parent, I wouldn’t be like them. I swore that, but… how am I any different from them now? I can’t even hold my child. I don’t even see my own child!

Dinaluhan ako ni Mama Dilya dahil halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak ko. Pinaupo niya ako sa sofa at niyakap. Kaso umiyak lang ako ng todo dahil… hindi ko man lang nakapiling ang anak ko! Ayaw kong tanggapin ito ngunit kita ko sa bahay na ’to na walang bata. Walang nag-iingay at wala akong nakikitang kahit pictures lang ng bata! Pero malakas ang pakiramdam ko, pakiramdam ko hindi pa wala ang anak ko. O… baka ginagawa ko ito para linlangin ang utak ko?

Mas lalo akong naiyak dahil todo ang alaga ko kay Zion. Todo ang pagbigay ko ng atensyon at pagmamahal sa bata pero sa sariling anak ko, hindi ko iyon naibigay sa kanya kasi… k-kasi mahina ako. Naging mahina ako! Nasa tabi ako ni Zion at halos hindi ko maiwan ang bata pero sa sarili kong anak, hindi ko nakapiling!

“Lawrence… hindi mo pa naalala ang lahat.” It was my mom.

Kumalas ako sa yakap namin ni Mama Dilya. Pinukol ko ng tingin si Mom na mukhang gusto na akong lapitan.

“But I know I have a baby, mom! Nakita ko ang sarili kong malaki ang t’yan habang nasa ospital ako!”

Imagine how horrified I was waking up after a long period of unconsciousness and seeing myself pregnant! I know that what I remember is still fragments from my past, but I can’t be wrong about my baby, and I don’t want to believe them when they say my child is already dead!

Tumango si Mommy sa akin. “Yes, you did, Lawrence. But you resented the child.”

Umawang ang labi ko.

“W-what?” Hindi ko alam kung narinig ba ni Mommy ang sinabi ko sa hina ng aking boses.

“You want the child gone, Lawrence. You want it gone!” Giit ni Mommy.

I shook my head furiously.

“You… you’re just saying that because–”

“Nagwawala ka nang makita mong malaki ang t’yan mo. You can’t accept the child. And we were forced to take the baby kahit na seven months old pa lang siya sa t’yan mo kasi kailangan kang tukuran ng pampakalma dahil sa pagwawala mo. You are hurting yourself and even tried… s-stabbing your womb.” Putol ni Mommy sa akin na kinabagsak ng mundo ko. “We don’t want the child to be affected, so we decided to take it. Hindi namin gusto na saktan mo ang sarili mo at ang bata, anak.” Pagpapatuloy ni Mommy. Nakagat niya ang kanyang labi na nanginginig.

“S-so my child… died because it was forcefully taken from me?” I choked out.

My baby. What have you been through without me? What have you endured because of me? I’m so sorry for being so naive and weak at that time. I’m so sorry for being a bad parent!

Umiling si Mommy. Napatitig ako sa kanya. Tumingin si Mommy kay Daddy. Tumango naman si Dad.

My father took a deep breath before speaking. “The child was alive when it was taken from you, Lawrence. It’s a premature baby, but it’s fine,” he said. “Yes, the baby wasn’t very healthy when it was born, but he was alive and was incubated for months. We saw how you loathed being pregnant. We know that you wouldn’t want a child that was a product of your violators… pero nais naming palakihin ang bata. Naisip namin noon na, baka, kapag gumaling ka, ayaw mo doon sa bata pero matutunan mo rin itong mahalin. Kaya bubuhayin namin ang bata. Bubuhayin namin siya na parang anak namin.”

“Buhay ang anak ko…” I whisper to myself. Yumuko ako. Pilit kong inaalala ang bagay na iyon at kahit na sumakit ang ulo ko, wala akong pakialam! I want to remember my child. Please, please, Lord! My angel!

“You were unconscious when the baby was delivered, Lawrence, but we saw how lovely your child is,” Mommy added.

Tears escape from my closed eyes as I recall something from my past. I was frightened upon seeing my bloated belly. I called it a monster. I called my child a monster, and I didn’t want it. I wanted it gone from me. I wanted it d-dead!

I cried a new batch of tears as that memory washed over me. How am I different from my own parents? I have become a monster— a worse parent than my own parents. Pinakaiiwasan kong maging katulad ng mga magulang ko pero mas naging demonyong magulang ako!

Without realizing it, I slapped myself repeatedly, moving from right to left and back again in a frantic, uncontrolled motion! Alam kong naalog ang ulo ko sa bawat lapat ng aking palad sa akong pisngi ngunit wala akong nararamdamang sakit doon. Mas ramdam ko ang tila kutsilyong unti-unting umukit sa dibdib ko hanggang sa nawawalan ako ng hininga. Naninikip ng husto ang dibdib ko!

“Tama na, anak. H-huwag mong saktan ang sarili mo. Tama na.” It was Mama Dilya’s voice. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko upang tumigil ito kakasampal sa aking pisngi.

“Tumingin ka sa akin, anak.” Marahang humawak si Mama Dilya sa mukha ko at hinarap sa kanya.

I saw tears welling in her eyes, reflecting a palpable sadness and deep pain.

“M-mama.” I mourned!

“W-wala kang kasalanan, anak. Wala kang kasalanan sa mga nangyari, ha? B-biktima ka lang din, anak. Biktima ka lang din ng masalimuot at madayang mundo na ’to.” Pagpapakalma ni Mama Dilya sa akin.

“B-but what about my child, ’ma? B-buhay naman pala siya nang kinuha sa akin. P-pero bakit sinadabi ninyong wala na?” Umiiyak na wika ko. Hindi ko alam kung saan galing itong mga luha ko ngayon. Tila wala silang katapusan.

Tumingin si Mama Dilya sa pwesto nina Mom at Dad kung kaya’t napatingin ulit ako sa kanila.

“Sinabi ninyo na-incubate pa ang bata dahil premature ito. Pero bakit taliwas ang sinasabi ninyong wala na ang anak ko?” Litong saad ko.

Tumingala si Dad, wari’y pinipigilan niya ang pagtulo ng kan’yang mga luha.

“Gumaling ka na, anak, at nakauwi na sa bahay pero ayaw mo rito. Ayaw mo dito sa bahay natin, kaya dinala ka ni Dilya sa Cebu. Gusto ka man naming dalhin sa ibang bansa kaso ayaw mo sa amin. Galit na galit ka sa amin. Kinasusuklaman mo kami.” Saysay ni Mommy, nagpunas sa kanyang luha. “Wala pang isang buwan mula nang umalis kayo ni Dilya upang sumubok na mamuhay nang tahimik sa kanilang probinsya… n-nasunog ang ospital kung saan naka-incubate ang apo namin. Nasunog ito at p-pati ang anak mo… nadamay, Lawrence.” Paliwanag ni Mommy.

My hands tremble uncontrollably, and my heart throbs with an intense, agonizing pain.

“Mom, m-maraming bata ang ospital. P-papaano kung hindi ko bata ang n-nasunog?” Giit ko pa kahit mukha na akong baliw.

“Pinasuot namin sa paa ng anak mo ang bracelet na bigay namin sa’yo no’ng one year old ka, Lawrence. At nakita namin sa isang bangkay ng bata ang bracelet.” si Mommy.

Wala akong pagsisidlan sa sakit na aking nararamdaman. My poor baby. Iniisip ko palang na umiiyak ito habang tinutupok ng apoy ay para na akong nababaliw sa sakit. Naghahabol ako sa aking nang dahil sa mga luha ko na nag-abot na ang bago at mga tuyong luha ko.

“H-hindi n’yo man lang ba pina-DNA kung akin ba iyong bata? Baka hindi iyon sa akin, mom, dad!” Pagpupumilit ko. Ayaw ko. Ayaw kong maniwala na wala na ang anak ko. It can be true! Hindi ito maaari!

“Lawrence….”

“Pina-test n’yo ba? Pina-examine?!” I screamed with the intensity of a wild boar in agony.

Umiling sila sa akin. Napatayo ako.

“Dapat pina-test ninyo! O kahit anong paraan pa iyan para na-verify ninyo kung anak ko ba ang n-n-nasunog na bangkay! Apo n’yo rin po iyon!” Pagwawala ko.

Natataranta na sila Dad at Mommy sa galit ko.

“Nang makita namin ang bracelet sa paa ng isang bangkay na bata alam na namin na iyon ang anak mo–”

“Hindi, dad! Dapat ay–”

“Iniisip namin na baka… na baka iyon ang paraan Niya para mabawasan ang pagdurusa mo, anak. Naisip namin na baka hindi talaga para sa’yo ang bata kasi… kasi…”

“Because it’s the product of a rapist and you cannot accept it for fear it will tarnish your name!” I concluded, my voice filled with anger.

Tumayo si Mommy at mariing umiling sa akin.

“No, mom! Ang bilis n’yo kasing maniwala! Ni hindi n’yo man lang pina-test k-kung anak ko ba talaga iyong nasunog!” Nananakit na ang lalamunan ko kakasigaw kasi pakiramdam ko hindi nila ako naririnig! I needed to shout for them to hear me! But they keep on ignoring me!

“It’s not like that, Lawrence. Hindi–”

“Saan ninyo nilibing ang anak ko?” Taas noong tanong ko sa kanila. Huhukayin ko kung maaari ang libingan ng anak ko. Hindi ako mapapanatag hangga’t hindi ko nac-check na anak ko ba talaga ang nilibing nila.

“Lawrence, alam namin na mahirap tanggapin ang katotohanan. Alam namin na masakit pero anak… hindi naman kailangang–”

“Kaya nga, mom! Sobrang hirap!” Hagulhol ko at sinampal ko ang aking dibdib na tila nauubusan na ng hanhin. “At mas lalong papatayin ako sa sakit at konsensya kapag hindi ko personal na malaman na anak ko ba talaga iyong nilibing ninyo!”

Sunod na tumayo si Dad at tiningala siya ni Mom.

“Kung iyan ang gusto mo. Sure, ipapahukay natin ang libingan ng apo namin at ipapatest natin. Pero sa isang kondisyon, Lawrence.” anang ni Dad.

Hindi ako umimik sa kanya. Walamg emosyon ko silang pinupukol ng tingin.

“Kahit na anong maging resulta ng test. Titira ka ulit dito sa bahay. Hindi ka na titira sa bahay ni Xavier Faleiro.”

Lumunok ako. Tumango dahil desperado na ako.

“Gusto k-kng malaman saan n-nakalibing iyong bata.” I said, voice cracking.

“Gabi na, anak, pwedeng bukas na lang. Sa Angel’s of Mary Memorial Park nakalibing ang bata. Don’t worry bukas na bukas pupuntahan natin ito.” sabi naman ni Mommy.

Napatingin ako sa labas. Ngayon ko lang napagtanto na gabi na pala talaga. Sa nag-uumapaw na emosyon sa aking dibdib, halos makalimutan ko na ang oras. Bigla kong naalala si Zion na iniwan ko sa bahay ni Xavier. Papaano ko ngayon haharapin iyong bata? Tingin ko hindi ko kayang humarap sa kanya… k-kasi… what if wala na nga iyong anak ko. Magagalit ba siya akin na may ibang bata akong inaalagaan ngayon tapos siya… ni hindi ko nahawakan. Magtatampo rin ba siya sa akin tulad ng nararamdaman ko kina Mommy, na mas inunan ang kanilang trabaho kaysa sa akin? Galit din ba ang anak ko sa sakin dahil gudto ko siyang mawala noon?

Gusto ko pang bumawi sa anak ko. Gusto ko pa siyang mayakap. Mahagkan. Makapiling. At makasama ng matagal! Babawi pa ako sa mga pagkukulang ko sa kanya bilang magulang niya. He may be the son of those monsters but he is an angel.

“Uuwi muna ako sa–”

“Baby!”

My words hung in the air as my head instinctively turned toward the source of the voice. My eyes widened in shock when I saw Xavier standing with my… brothers. They were all gasping for breath, clearly winded. At kahit na hapong-hapo sila lumapit sila sa akin.

“Lawrence.” si Kuya Carl.

“Rence!” si Kuya Cam.

“Baby,” si Xavier na siyang unang nakalapit sa akin at kinuha ang kamay ko. “You made me worried, baby. Umuwi ako sa bahay, hindi kita naabutan doon. Susunod kaagad sana ako sa’yo… p-pero si Z, umiiyak at hinahanap ka.” Hinihingal niyang sabi.

“A-anong ginagawa mo rito? Papaano mo ako natunton dito?” tanong ko sa kanya, naghahanap ang mga mata ng kasagutan.

Tiningnan ko silang lahat. Sa bawat dapo ng mata ko sa kanila, iniiwasan nila ako. Kita ko sa mukha nina Mom na hindi sila nagulat sa pagsulpot ni Xavier, even Mama Dilya and my brothers!

Muli akong tumingin kay Xavier.

“A-alam mo? Kilala mo na sila Mommy? Si Mama Dilya, kilala mo na rin siya? Alam mong h-hindi niya ako tunay na anak?” panakang tanong ko kay Xavier.

Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.

“Sagot!” I demanded.

“Baby–”

“Sagot, Xavier!”

“I… I know.”

Nawaksi ko ang kamay niya. Umiling ako. Umatras ako.

“I’m utterly disappointed in all of you! I hate you— I hate every single one of you!” I shouted as I stormed out the door. Overwhelmed and directionless, I fled desperate for a place where I could breathe!

Third Person Omniscient POV

At the same time, si Xaña naman ay tahimik na sinusundan si Lara. Inaantok na si Xaña at naiingayan na sa paligid niya kaso panay pa rin ang manman niya kay Lara kahit na umabot na siya sa loob ng isang high-end bar.

Kinuha ni Xaña ang baso ng alak sa kanyang harapan at tinungga iyon hanggang sa maubos.

Nang tumayo si Lara, naging alerto naman si Xaña. Pansin niya na sa buong araw na pagmanman niya kay Lara, hindi niya napansin ang best friend nitong si Kyline.

Tumungo si Lara sa banyo at kaagad naman na sumunod si Xaña. Mabilis pinulot ni Xaña ang coat sa kanyang upuan at saka nagpunas sa kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang palad.

Nanliit ang mata ni Xaña dahil masakit para sa kanya ang mga strobe lights at ang dim light ng buong lugar.

Pumasok sa loob ng banyo si Lara at ilang sandali lang din, sumunod si Xaña. May iilang mga babaeng nasa banyo at isa-isa iyong tiningnan ni Xaña para mahanap si Lara. Lumabas ang mga babae sa banyo at naiwan na lang si Xaña na hindi nakita si Lara.

Tatalikod na sana si Xaña nang bumukas ang isang cubicle ng banyo.

“Are you stalking me?”

Napayuko si Xaña at napatawa. Nilingon niya si Lara.

“Tsk!” si Xaña sinampay ang coat sa kanyang balikat. “Sino ka naman para is-stalk ko?”

Tinaasan siya ng kilay ni Lara. Xaña was wearing formal attire: lavender trousers paired with a white halter top, her lavender coat draped over one shoulder, and black pumps on her feet. Meanwhile, Lara was wearing a semi-sweetheart top and a pencil skirt.

“Xaña Faleiro… I wasn’t born yesterday, and I saw you watching me. Anong kailangan mo sa akin?”

“Kung sasabihin ko, ibibigay mo? Sasagutin mo?” Hamon ni Xaña at humakbang papalapit kay Lara.

Xaña’s presence makes Lara feel intimidated. Xaña is inches taller compared to her, and she looks like a scared cat in front of a tigress!

“Anong kailangan mo?” si Lara.

“Tell me. May kinalaman ba si Kyline sa pagkakakidnap kay Zion? Anong nalalaman mo, Lara?”

Saglit na natigalan si Lara sa tanong ni Xaña. Hindi siya nakasagot dito kung kaya’t tinulak niya ito kaso nakuha naman ni Xaña ang palapulsuhan ni Lara at mabilis na pinid sa dingding ng banyo ang katawan ni Lara.

“What the heck? Wala kang makukuha sa akin, Xaña!”

Inilapit ni Xaña ang mukha kay Lara, naggitgit ang ngipin.

“Try me, Lara. I promise you. Hindi ko kayo titigilan ni Kyline!”


This story is

COMPLETED (with 1 Special Chapter) on

Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 35

Chapter 35

Third Person Omniscient POV

“This is ridiculous, Kyline!” Lara said as soon as she stepped inside Kyline’s condo.

Kyline languidly marched toward the living area. She dropped onto the sofa, spreading her arms across the headrest.

“What, Lara? I haven’t even washed my face, and you stormed in here to lash out at me!” Si Kyline naman na siyang kakauwi lang din sa kanyang condo.

“How could I not?!” Lara shouts, veins protruding from her neck as she props her body on the cushioned chair across from Kyline.

Kyline tilts her head to the side and fixes her sleepy eyes on her best friend. Lara was stressed and couldn’t sleep for even a second because of what Xaña had said. It lingered in her mind, replaying like a broken record. She couldn’t shake Xaña’s serious, straight face from her thoughts. That’s why she decided to crash at her best friend’s condo and talk to her.

But Lara was deeply disappointed to see her friend acting so nonchalant while she was on edge every moment. Lara couldn’t tell if she was just paranoid or overreacting, but she felt like someone was following her!

Kyline’s indifferent expression didn’t flinch at Lara’s paranoia.

“Hindi mo ba nabasa ang text ko? I can’t reach you since earlier kaya nagtext ako sa’yo.” ani Lara.

“My phone is dead.” Kyline’s plain response.

Napasandal si Lara sa kanyang kinauupuan at saka awang ang labi na pinupukol ng tingin ang kaibigan na walang kaalam-alam sa mga paparating sa panganib sa kanilang dalawa.

Lara wants a peaceful life and to be away from her bllies. Nawala ang bllies niya dahil kay Kyline at akala niya mabubuhay na siya ng tahimik at masaya ngunit nagkakamali siya. Oo, saglit siyang namuhay ng tahimik ngunit ang katotohanan at ang kanyang ginawang kasalanan sa nakaraan ay unti-unting nang bumabalik. Bumabalik na ang mga nakaraang pilit niyang binaon sa limot. Akala niya wala na ang bagay na iyon ngunit ngayon tila hinahabol na naman siya.

“Kyline… I think kailangan mo nang aminin kay Xavier ang lahat.” Nagsusumamong anang ni Lara sa kaibigan.

Naibaba naman ni Kyline ang kamay at saka nag-de kuatro. Tinaas nito ang isang kilay at saka sinalubong ang mga titig ni Lara na nagsusumamo.

“Nababaliw ka na ba, Lara?!” Kyline countered.

Napabuntong hininga si Lara at saka napahilamos sa sariling mukha gamit ang palad. Kinagat niya ang labi at saka tinungkod ang siko sa tuhod.

“Kyline kung papatagalin natin ito. Baka mas malala ang magawa ni Xavier o ni Xaña! Ikaw ang mag-isip dahil kapag nalaman nila ang katotohanan. Tayong dalawa ang malilintik, Kyline! Tayo!” Lara emphasizes!

Kyline cocked her head. “Hindi nila malalaman–”

Napatayo si Lara dahilan nang pagtigil ni Kyline sa kanyang pagsasalita at saka nandidilim ang mga matang pinukol ng tingin si Kyline.

“Naghihinala na sila! Kyline nagsisimula na silang gumalaw! Xaña… kanina nagkita kami sa isang bar. I don’t know kung sinusundan niya ako o ilang oras na niya akong sinundan pero kinumpronta niya ako. And I’m afraid of what those Faleiros can do now that they have the means and the connections!” Pilit na pagpapaintindi ni Lara sa kaibigan.

Kyline rolls her eyes. “Tayong dalawa lang ang nakakalam sa lahat, Lara. Tayo lang ang nakakaalam na hindi namin anak ni Xavier si Zion. At kung nag-aalala ka about sa kidnapping ni Z, don’t worry about it, because it was only you and I who knew everything! Kung nag-aalala ka sa mga tauhan mong palpak sa Cebu, hindi nila iyon malalaman.” agap naman ni Kyline sa kaibigan na nagh-hysterical na.

“I’m just dropping possibilities, Kyline. Dahil baka hindi lang si Xaña ang gumagalaw para malaman ang totoo. Alam mo na kapag nalaman nila ang nangyaring kidnapping, it will lead to us— to the truth about Zion’s identity!”

“If you’re worried about the connections that they have. We also have your family and mine.” Kyline’s remarked.

Umiling si Lara. “No, hinding-hindi ko idadamay ang pamilya ko rito, Kyline.”

“Lara,”

“Sort out this problem before everything goes south!” Lara huffs.

Mark Lawrence Pov

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko, basta tumigil na lang ako sa isang puno at umupo sa damuhan sa ilalim no’n. Humapas ang malamig na hangin at napayakap ako sa aking katawan, hoping that it will ease the coldness carving into my skin.

Parang may punyal na nakatusok sa dibdib ko, punyal na parang tinusok at pinaikot-ikot sa laman ng puso ko hanggang sa dumugo nang dumugo. I pressed my hand even more on my chest to ease the pain there, desperate for air.

Ang lugar kung nasaan ako ay overlooking siya sa baba, kaya nakikita ko ang mga ilaw sa ibaba na tila mga Christmas lights na kumikisap. It was reflecting the starry night sky above my head.

Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mommy Aubrey at ni Dad na… wala na ang anak ko. I cannot stomach the thought of my own son dying in the fire. But if he’s really gone, is he one with the stars? Is he watching me—watching me suffer and ache so badly for him?

Sumalampak ako sa damo. Natungkod ko ang isang palad sa madamong lupa at ang isang kong kamay ay nasa dibdib ko. I felt like my world shattered into pieces, like broken glass that is so hard to collect. If you try to gather them, there’s a high possibility you’ll bleed and get hurt.

My memories feel like shattered glass. The more I try to fix them, the more I get hurt. The more I gather those broken memories, the more I bleed from the truth slowly unfolding before me.

After five years, ngayon lang unti-unting bumalik ang mga alaala ko. Mga alaalang pinapatay no’ng mga gamot na iniinom ko. At kung hindi ko tinigilan ang pag-inom no’n, mananatili akong mangmang sa katotohanan ng buhay ko.

The life I built in Cebu was purely fiction; it was created and is not true! Lahat sila, si Mama Aubrey, sila Kuya, Mommy and even… Xavier… alam nila ang totoo. Alam nila pero ako, ako na nagmamay-ari ng katawan ko at pagkatao ko, pinagkait nila sa akin ang totoo— ang katotohanan.

“Baby,”

My eyes flutter upon hearing Xavier’s voice behind me. My shoulders sag up and down. I wiped my tears, yet I’m still sobbing. Lost in myself, I didn’t even hear the arrival of his vehicle.

I heaved through the wind and tried to fill my aching, hollow heart with air. It’s futile, but I keep doing it because right now all I feel is pain and the nothingness in my chest that’s slowly consuming me.

I remained gazing at the clear and bright city in front of me. I’m shaking from the cold, but I choose to ignore it, just as I ignore Xavier, who’s a meter or so away from me.

I heard his footsteps getting closer, but I don’t give him a single glance until Xavier plunks his large frame beside me. He mirrors my position, sitting on the grass and facing straight at the wide, seemingly endless city. Sunod kong naramdaman ang paglagay niya ng itim na jacket sa balikat ko at inayos niya iyon hanggang sa harap ko. Tingin ko, ito iyong jacket na suot niya kanina.

“You don’t eat when you leave my house or even at your own. I brought some food and drinks for you, baby. Please eat something.” His voice sounds pleading.

Tiningnan ko lang iyong pagkain na itinapat niya sa harap ko. Umiling ako. Sa lahat ng nalaman ko ngayon, hindi ko alam kung kakayanin ko pang ngumuya ng pagkain. Ni hindi nga ako nakakaramdam ng gutom dahil lahat na lang… lahat na lang masakit para sa akin.

“May alam ka.” Pabulong kong wika.

Kita ko ang pagbaba ni Xavier sa lunchbox na dala niya. Binaba niya iyon at nakita ko ang usli ng kanyang ugat sa braso nang kuyumin niya ang kanyang palad.

“Alam mo na ito bago pa… bago pa kita sinagot?” sunod kong wika nang wala siyang imik.

I heard him release a sharp breath before answering me. “Yes.”

“Nang sinagot kita… nang lagyan ko ng label ang relasyon natin… hindi ka lang ba maka-hindi sa akin no’n? Kaya ka ba na-speechless no’n kasi… kasi alam mo na ang totoo? Nais mo ba akong hindi-an sa oras na iyon? Nagsisi ka ba na niligawan mo ang isang tulad ko? M-madumi na ako, Xavier. A-ang dumi-dumi ko ng tao!” Nilingon ko siya at saktong tumulo ang bagong luha ko.

The city lights from afar helped me see his electric blue eyes glimmering with tears. He shook his head, pain flickering in his eyes.

“No! Hindi, Lawrence.”

He tried his best to shield my tears with his thumb, wiping them as quickly as he could, but my tears fell relentlessly, leaving Xavier no choice but to let them continue, though he still cupped my face.

“I’ve been waiting for your ‘yes,’ baby. And I don’t regret it… I don’t feel a single regret in courting you and making you my partner. Having you close to me as my boyfriend is the best thing. And… you’re not dirty, baby. You are not. T-those b*stards may have touched you, but you’re not dirty.”

I cried out loud, almost unable to catch my breath because of my endless tears.

“How can you say that? Men… three men…”

“Shhshh!” Xavier hushed me and pulled me into his arms.

Hinayaan kong bumagsak ang mukha ko sa dibdib niya at doon na naman umiyak. It seems like a sin having him with me. Parang hindi ko siya deserve dahil… dahil sa nangyari sa akin noon.

“I know about that, baby. You don’t have to repeat it. I understand you’re still in pain and coping with moving forward from that dark past, but I am here for you. I will be by your side.” He said, his lips pressed against my head.

I pulled away to see his face and noticed the tear marks on his cheeks.

“Alam mo ba ang lahat? Alam mo bang nabuntis ako? Na may anak ko? Alam mo bang nabuntis ko ng mga demonyong iyon at… n-namatay ang anak ko?” tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang natigalgal sa mga tanong ko sa kanya.

“No,” sagot niya saka pinunasan ang luha ko, mayamaya. Una niyang pinunasan ang luha ko kaysa sa kanya. “I just know that you’re a Calderon and I know what you’ve been through at the hands of those scoundrels. I… I didn’t know you had a child. Hindi iyan sinabi ng mga magulang mo.”

Lumunok ako.

“If you know who I am… why did you choose to lie? Why did you act like you knew nothing?” I probed.

“Because… because it’s for the best, baby. Iyon din ang hiling ng mga magulang mo dahil nag-aalala sila sa maaaring sakit na dala ng nakaraan mo kapag naalala mo sila. And of course… one of your vi*lators is still on the loose.”

“W-what?” I uttered and my eyes starts to flutter in between his stare.

“Baby, baby look at me.” Xavier said, slightly panicking. “Lawrence… nandito ako. Nandito ako at hindi kita iiwan, okay? I will never leave you. Zion, I, and your family are on your side. You’re not alone anymore.”

Tumango ako nang dahan-dahan dahil sa sinabi ni Xavier. Inayos ni Xavier ang jacket sa aking balikat at saka tinago niya ang braso ko sa loob ng jacket. A minutes passed by and I calmed down.

“You’re so cold.” Komento niya.

“I… I’m so sorry about earlier. I lashed out at you,” I said, speaking quietly between bites of the food he was feeding me.

“I understand how you feel, baby. I understand where that came from. Will you talk to your parents about it afterward?”

Umiling ako sa kanya. “We will meet tomorrow at my child’s tomb. Kailangan kong malaman kung anak ko ba talaga ang inilibing nila. I know, iisipin mo na nababaliw na ako o ano dahil ipapahukay ko ang libingan ng anak ko pero… nararamdaman ko kasi… ewan ko… basta nararamdaman kong hindi pa nawala ang anak ko.”

Siguro ayaw pa lang tanggapin ng utak ko ang katotohanan pero hindi ako matatahimik hangga’t walang test na anak ko iyong nilibing nina Mom.

“I will be with you.”

“But you don’t have to.”

“But I want to, baby.”

“Xavier,”

“You’ve been with me and on Zion’s side whenever we needed you, baby. I want to be with you and your child as well. Alive or not, I will always be with both of you.”


Hindi ako umuwi sa bahay at sumama ako kay Xavier. Si Xavier na ang nagtext kay Kuya Carl na sa kanya ako sumama at umuwi. Para daw hindi na mag-alala ang pamilya ko. Hindi ko rin nabanggit kay Xavier ang tungkol sa kondisyon ni Dad sa akin. Wala na ring naging tanong pa si Xavier sa akin tungkol sa akin o sa pamilya ko sa buong byahe namin.

Nang makarating kami sa bahay niya, hintatid niya ako sa aking silid. Nagtanong siya kung kailangan ko ba ng kasama ngunit tinanggihan ko na siya.

Xavier planted a soft kiss on her forehead. “Whenever you need me, or even if you just want to talk, I’m just a door away. Don’t hesitate to knock on my room, baby.”

Tumango ako sa kanya. “Sige salamat, Xavier.”

“For you, baby.”

Sa gabing iyon hindi ko talaga alam kung nakatulog ba ako o ano, nakapikit lang ang mata ko ngunit naglalaro sa isip ko ang mga bagay na naalala ko na at ang mga katotohanang nalaman ko. Alam kong may mga alaala pa akong hindi bumabalik sa akin. ’Di ko alam kung magdudulot pa ng sakit o saya sa akin ang mga natitirang alaala ko ngunit hindi na ako iinom no’ng gamot na pinapainom nila sa akin.

Nang dumating ang bagong umaga, nagulat ako nang pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko. Nasa labas na ng room ko si Zion.

“D-dong?”

“Mami ko!” Tawag nito sa akin at sinugod ako ng yakap.

“Don’t leave baby Zion, mami! Good boy po ako sa teacher ko, Mami. Nagw-write ako at nagbibilang. Please, don’t leave me, mami.” Iyak nito sa gitna ng yakap niya sa aking hita.

Gusto kong makita ang mukha nito at punasan ang kanyang luha kaso mahigpit ang yakap niya sa hita ko.

“D-dong… h-hindi ako aalis, dong. May pupuntahan lang ako pero… hindi naman ako aalis ng matagal.”

Doon lang siya lumayo sa hita ko at nagpunas sa kanyang luha gamit ang tshirt niya.

“Pak! Pak! Ganern-ganern po!?”

Bahagya akong yumuko at tumango sa kanya.

“Oo, dong.” ani ko.

Kung nandito ang anak ko… magiging magkaibigan kaya sila ni Zion? Ano kaya ang hitsura niya? Ang paborito niya? O ang tawag niya sa akin?

Dumating si Xavier at sabay kaming tatlo na kumain. Isang bagay na bibihira lang mangyari dahil laging kami ni Zion ang sabay na kumain. Hindi ko alam kung may sinabi ba si Xavier o napagsabihan na niya sina, Arianna kaso napansin kong tahimik lang sila at ’di nagtatanong sa akin in which I appreciate so much. Baka kasi magbreakdown na naman ako.

Matapos ang aming breakfast. Umalis din kami sa bahay ni Xavier at pumunta sa sementeryo. Nauna kami ni Xavier dumating at nasundan ng pamilya ko at ng dalawang tao na siyang kukuha ng samples. Kuya Carl and Kuya Cam tried to talk to me, but I ignored them. May galit at tampo pa rin ako sa kanila dahil sa pagsisinungaling nila sa akin.

“Eiji Calderon,” basa ko sa nakaukit na pangalan doon sa tombstone.

Habang hinuhukay ang malalim na puntod, hindi ko maiwasang hindi maiyak. Mabuti at nasa tabi ko si Xavier. Sa pagkakaalam ko may shooting siya ngunit hahabol na lang daw siya doon pagkatapos namin dito.

Tahimik akong umiyak at hinaplos ang maliit na kabaong na nahukay. Kung anak ko man ito, sana mapatawad niya ako. Sana mapatawad niya ako sa kalulangan ko at sa pagiging mahina ko. Sana gabayan niya ako sa katotohanan ng buhay ko.

Maingat na kumuha ng sample ang mga DNA analysts na kinuha nina Mom at Dad sa akin at sa maaaeing anak ko hindi na namin makilala dahil halos buto na rin ito.

“Kailan po namin malalaman ang resulta!” tanong ko sa dalawang lalaki na siyang magsasagawa ng DNA testing.

“Before we submit this to the laboratory, sir, please be advised that the results will typically be available within two to three business days. Since we’re only performing a paternity test, the turnaround time should be relatively quick.”

I looked at my parents, who had been silent throughout the process, from the digging to the collection of samples.

Tumango si Kuya doon sa mga analysts.

At nang dumating ang takdang araw kung kailan namin malalaman ang resulta, muli akong sinamahan ni Xavier sa bahay namin sa SV.

Mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Xavier habang binubuksan ng lalaki ang isang brown envelope sa harap namin. Nandito sina ang mga kapatid ko, sina Mom, Dad, at kahit si Mama Dilya.

Halos makalimutan ko na ngang huminga dahil sa pag-a-anticipate ko sa resulta.

“After thorough analysis, the DNA test results indicate a negative outcome. The DNA profile of Mr. Mark Lawrence Calderon does not correspond with that of the child, Eiji Calderon.”


This story is

COMPLETED (with 1 Special Chapter)

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 36

Chapter 36

Mark Lawrence Pov

Ilang minuto nang nakaalis ang DNA analyst na siyang nagdala ng resulta sa amin at ngayon nasa kamay ko na ang patunay na hindi ko nga anak ang inilibing nina Mommy Aubrey doon sa Angel’s of Mary Memorial Park.

Tears silently trailed down my cheeks, but I didn’t care. My eyes squinted as I locked my gaze on the DNA test results clutched in my trembling hands. A pool of unshed tears gathered along my lashes, blurring my vision, making the lines on the paper swim before me. Nabasa ko na naman ito at negative nga ang resulta pero hindi ko mabitiwan ang bondpaper at tahimik lang akong umiiyak.

Tama ako. Tama ako nang una pa lang! Hindi nagkamali ang puso ko, oo nagkamali ako ng desisyon dati, nagkamali ako sa anak ko at nakalimutan ko siya pero naalala siya ng puso ko, kinikilala siya nito!

“Lawrence,” bulong ni Xavier sa tabi ko.

Dahan-dahan kong inikot ang aking katawan paharap kay Xavier. Malaki ang ngiti ni Xavier para sa akin at tumango rin siya.

“B-buhay… maaaring buhay pa ang anak ko, pangga!” My lips curved into a bittersweet smile, but the tears kept streaming down my cheeks, unstoppable, as though they held a sadness too deep to contain.

“Yes, baby, there is.” Sang-ayon sa akin ni Xavier.

Niyakap ko siya at kahit na may saya sa loob ng dibdib ko patuloy pa rin ang paglabas ng luha ko. Habang yakap ko si Xavier napalingon ako sa aking pamilya. Shock was etched across their faces, leaving them utterly speechless. Words failed them, as they sat frozen, unable to comprehend what had just unfolded.

Matapos akong yakapin ni Xavier, pinasan niya ang luha ko. Pero mabilis ang pagbuo ng luha sa mga mata ko.

Tumayo ako at nilapitan sina Mommy at Daddy, I showed them the DNA result. Alam ko naman na naeinig nila ang analyst kanina pero gusto kong ipakita mismo sa kanila ang resulta. Their eyes roamed around the text in the bondpaper. Napatakip si Mommy sa kanyang bibig at umiyak din.

“B-buhay, mom… maaaring buhay pa ang anak ko. Hindi ko anak iyong nailibing ninyo. Hindi si baby Eiji ang nalibing ninyo.” Iyak ko sa harap ng aking mga magulang.

Sunod akong lumapit kina Kuya Carl at kuya Camelot na nakatayo sa gilid ng mga magulang namin. Hindi kasi ako inimik nina Dad. Pinakita ko rin sa kanila ang resulta pero wala silang reaksyon dalawa. Pareho lang sila! They just stared at the DNA test result as if it held no significance, completely unaware of how much it meant to me.

“Kuya Carl hindi ko anak… hindi ko anak iyong nakalibing. Maaaring buhay pa ang anak ko. Tulungan ninyo ako… Kuya Carl, Kuya Camelot. Tulungan ninyo ako, please! Hanapin natin ang anak ko.” Sumamo ko sa kanila at pinunasan ang bagong mga luhang pumatak galing sa mata ko.

“Lawrence,” si Kuya Camelot.

Kinuha ko ang kamay ni Kuya Cam. “Tutulungan mo ako, Kuya, di ba?” Pakiusap ko sa kanya.

Mariin siyang pumakit.

My throat tightens, almost painfully, but I still manage to force out a few words, even as the dryness burns and every syllable feels like sandpaper.

“Lawrence, this is not as easy as what you think it is.” saad ni Kuya Carl.

Umatras ako. Tiningnan ko sila isa isa.

“Narinig ninyo ang sinabi ng analyst.” Itinaas ko ang papel na hawak at winagwag sa harap nila dahil tila hindi nila ito nakikita at ’di nila ako naririnig. I don’t like the way they act right now! “Kita dito sa resulta na hindi si baby Eiji ang nakalibing doon!”

“Lawrence,”

“What, dad?! Don’t you believe the experts? Hindi pa rin ba kayo naniniwala sa akin?” Nagcrack ang boses ko.

Muli kong winagwag ang papel sa harap nila.

“Ito oh! Ito ang patunay!”

“It is, Lawrence.” My dad’s low growl.

Napatitig ako kay Daddy.

“Kaya nga, dad, tulungan ninyo ako! Please! Hindi anak ko ang nakalibing kaya posibleng buhay ang totoong anak ko ngayon.” Ulit ko na naman. Wala akong pakialam kung ilang beses ko itong ulitin sa kanila hanggang sa pumasok sa utak nila ang gusto kong mangyari!

“Lawrence narinig mo naman ang sinabi namin sa’yo no’ng nakaraang araw, di ba?” Mommy butt in at tumuon sa kanya ang mga mata ko. My vision keeps blurring, clouded by the steady stream of tears filling my eyes. Nang hahapdi na ang mukha ko kakapunas sa aking mga luha.

“Mommy,” I murmured.

“Hindi namin alam kung papaano ito nangyari, Rence. Nakita rin naman noon, ni Kuya Carl. Nakita namin ang bracelet sa batang nasunog. We were broken that time as well. At ngayon… ngayon na nalaman namin ito… just like you, we’re glad about it. We’re glad na hindi mo iyon anak, Rence, but… nasunog ang nursery room no’n, Rence.” Paliwanag ni Kuya Cam.

Pinapatay na naman nila ang munting pag-asa ko! Why can’t they support me?! Mahirap ba talaga? We have the means! We have money! I’m sure they have connections too. For ones, bakit hindi nila ito magawa sa akin?

“Rence, tama si Kuya Camelot mo. Hindi namin alam kung papaano ito nangyari at bakit ganito ang resulta ng DNA test. Pero kung hindi nga si Eiji iyong nalibing namin… it’s also possible na wala na rin si Eiji kasi after ma-incubate ni baby Eiji inilagay siya doon sa nursery room. Nakita namin ang bata doon at–”

“I don’t care, mom! Wala akong pakialam kung buhay o p-patay ang anak ko kapag nahanap ko siya. Ang akin lang… makita siya. Mahanap siya!” Putol ko kay Mommy.

“Rence,”

“What, Kuya Carl?” My head bursted.

“Rence, naiintindihan ka namin na gusto mong mahanap ang anak mo. Pero–”

Pumikit ako at nakuyom ang bondpaper sa kamay ko.

I huffed. “Bakit kayo ganito? I asked for your help, ngayon na nalaman ko ito… tulong ninyo ang kailangan ko para mahanap ko ang anak ko buhay man o patay siya. Pero ang dami ninyong sinasabi! Bakit? Ayaw n’yo ba akong tulungan? Ayaw ba ninyong makita ko ang anak ko? Anong kinakatakot ninyo?! Ang dami ninyong sinasabi at nirarason! Kung ayaw ninyo, edi ’wag! Ako ang gagawa ng paraan!” I yelled.

“Lawrence,” tumayo si Mommy at lumipit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko pero winaksi ko ito.

Bahagyang yumuko si Mommy. “Anak… h-huwag mong mamasamain ang gusto naming ipaintindi sa’yo. Mahal ka namin, anak. Alam namin na hindi madali ang lahat ng ito sa’yo. Kahit kami nahihirapan din kung papaano ito nangyari… p-pero tutulungan ka namin. Gagawin natin lahat, ha.” At muling sumubok si Mommy na humawak sa kamay ko.

“T-talaga?”

Sinilip ni Mommy ang mukha ko. Tumango siya. “Yes.”

Nilingon ni Mommy si Daddy. “Jimmy,” tawag ni Mom kay Dad.

Ilang sandali akong tinitigan ni Dad bago siya tumayo at lumapit sa amin.

Daddy squeezed my shoulder. “I’m sorry for how we acted, Lawrence. We’re here for you. Na-shock lang din kami, anak.”

Matapos iyong sabihin ni Dad. Marahan niya akong kinabig upang mayakap. For the first time… for the very first time yumakap ako pabalik kay Daddy. No’ng una kasi akong pumunta rito hindi ko sila hinayaang makalapit sa akin.

“C-can I too?”

Naiangat ko ang aking ulo kay Mommy at tumango.

Walang inaksayang panahon si Mommy at saka sumali sa yakapan namin ni Daddy. They squeezed in between them and Mommy murmurs something over my ears.

Nang may malakas na tumikhim. Doon lang ako binitiwan nina Mommy at Daddy.

“Kami rin…” si Kuya Carl. “Payakap din.”

Ngumuso ako bago tumango kay Kuya Carl.

“Ako rin!” si Kuya Camelot naman at sabay nila akong niyakap ni Kuya Carl.

“I’m so sorry, Rence. I’m sorry for everything and for keeping secrets from you. I haven’t been a good brother to you.” Saad ni Kuya at tumango lang ako.

“I’m so sorry too, Rence. Sorry kung dahil sa kagustugan naming proteksyonan ka nasaktan ka pa namin ng husto. We don’t have any hidden agenda why we choose to keep our mouth shut. Ikaw lang ang iniisip namin. Wala nang iba.” Wika naman ni Kiya Camelot sa akin.

Tumango rin ako sa kanya.

“Sorry for bullying you too when we were in Cebu. If you remember, I loved teasing you even back then.”

Ngumuso lang ako kay Kuya Cam.

Pinakawalan ako nila Kuya mula sa kanilang mahigpit na yakap at saka ako bumaling kay Xavier na nakatayo na pala. Mabilis ko siyang nilapitan.

“Aalis ka na?” Maharan kong tanong sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

Xavier intertwined our fingers and brushed my hair using his other hand. Pinunasan niya rin ang mukha ko gamit ang likod ng palad niya.

“I really don’t want to leave you here, baby.” aniya.

I know that my family is aware of my relationship with Xavier by now, but I still can’t help feeling self-conscious about how sweet Xavier is to me, especially with my parents just a few meters away.

“Pangga, may sasabihin p-pala ako sa’yo. Aaminin, actually.”

“What is it?” anang niya at saka inayos muli ng buhok ko.

I could feel my brother’s sharp gaze boring into my back, each glance like a piercing dagger. If looks could kill, Xavier would be six feet under by now. Pero wala kaming pakialam ni Xavier doon.

“A-aalis na ako sa bahay mo. S-sorry, pangga. Sorry kung hindi ko ito nasabi sa’yo no’ng una. M-may kondisyon kasi sa akin si Daddy. Ito ang kondisyon niya kapalit no’ng p-paghukay namin sa libingan ni Baby Eiji.” Paliwanag ko sa kanya.

Sadness spread across Xavier’s eyes. Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinaplos siya. Mamimiss ko ang mukhang ito araw-araw. Wala nang gapang na mangyayar!

Humawak si Xavier sa kamay kong nasa mukha niya at pinisil iyon.

“I… I understand, baby. Inaasahan ko na naman na aalis ka talaga sa bahay ko. At inaamin kong… umasa ako na mananatili ka sa bahay pero… ayaw kong ipagkait sa’yo ito, Lawrence. Ngayon na bumalik na ang alaala mo, gusto rin na makasama mo ang pamilya mo.”

Gusto nila ni Mommy na ipakuha na lang ang mga gamit ko sa bahay ni Xavier at manatili na lang ako sa bahay kaso gusto kong umuwi kasama si Xavier sa bahay niya. Nais kong pormal akong makapag-paalam kay bibi Zion at kina Arianna.

“Mami ko!”

Pagkapasok pa lang namin ni Xavier sa kanyang bahay, ang malakas na tawag ni bibi Zion kaagad ang umalingangaw sa buong sala!

“Dong!”

Kahit na mabigat ito at binuhat ko pa rin.

“I thought matatagalan ikaw sa labas, Mami. Hehehe!” Ngisi niya sa akin at humawak ang malalambot at mataba niyang kamay sa mukha ko.

Kung buhay ang anak ko… magkasing edad lang siguro sila ni bibi Zion. At nandito siya… magiging best friend sila.

“Dong,”

“Yes, mami ko?”

Yawa! ’Bat sakit sa dibdib nito? Bakit ayaw kong iwan si bibi Zion dito sa big brother house ni Xavier? Parang may bagay na dumagan sa dibdib ko hanggang sa nahihirapan ako sa paghinga dahil sa pabibigat nito sa dibdib ko.

Dinala ko sa aking silid si bibi Zion at si Xavier naman ay nakasunod sa amin.

Nilapag si Zion sa kama ko at nag-squat ako sa kanyang harapan. Ngiting-ngiti si bibi Zion sa akin at nasasaktan ako sa mga ngiting iyon. It’s so innocent and pure smile. A smile full of blissfulness.

Lumipat ang mata ko kay Xavier na umupo rin sa tabi ni bibi Zion. Tumango sa akin si Xavier.

“Dong… si Mami kasi… hindi nakatira dito, di ba?” Simula ko at hinawakan ang kamay ng bata.

“No, mami. You can live here! This is our home, mami.”

My eyes palpitate, tears start to form again in my eyes. I gulped.

“Dong, sumama lang naman si mami sa’yo dito, di ba? Nakatira si Mami sa ibang bahay. Ikaw nakatira ka kasama si Daddy Xavier mo. At ako… may bahay rin ako na k-kasama ko ang Mommy at Daddy ko. At gusto na nang Mommy at Daddy ko na umuwi ako s-sa amin.” Pagpapaintindi ko sa bata kaso umiling si Zion sa akin at mabilis na namula ng ilong at kilay na at saka nanubig ang mga mata.

“No! You are my Mami!” Tiningala ni Zion ang ama sa tabi niya. “Daddy, please, make Mami stay. Make him! Make him stay with us!”

Binuhat ni Xavier si Zion at saka niyakap.

“Your Mami Lawrence has a family too, Z. Si Mami mo hindi niya nakasama ang mga parents niya ng matagal k-kasi nandito siya. So right now, gusto muna ni Mami Lawrence mo na makasama ang kanyang family.” Alu naman ni Xavier sa anak.

“But we’re family too!”

Mariing pumikit si Xavier.

“We will visit, Mami, in his house.”

“Always? I will miss my Mami everyday, daddy!” Itak ni Zion.

Tumango si Xavier. “Always. We will always visit your Mami in their house!”

I was packing my thing at hinayaan ko si Zion na tumulong sa akin dahil gusto niya raw. Pero tingin ko pinapatagal niya ang pag-iimpake ko kasi ginugulo niya ang mga natutupi ko ng damit.

Lumabas ako sa aking kwarto at iniwan muna saglit si Zion at Xavier doon na ginugulo ang pag-iimpake ko.

Nakita ko sa kusina ng mga FC ko at nakikipagkwentuhan ako sa kanila saglit. Mga tsismosa ang mga ito at ang daming napag-uusapan at kung saan-saan na umaabot ang aming usapan!

“Pansin ko, ha, panay ang alis ninyo ni Sir Xavier sa bahay, Rence. Ano ’yan? Hindi kayo makapaglandian dito sa bahay kaya sa ibang lugar kayo naglalandian?” si Arianna.

“Sira!” Sampal ko sa balikat niya. “Kung gusto kong landiin si Xavier hindi ako pumipili ng lugar, no! Kahit nand’yan kayo lalandiin ko iyon.” saad ko.

“Tsk! Sagana ka lang siguro sa dilig?”

Umiling ako at sumeryoso. “Pero… nandito talaga ako kasi… magpapaalam ako.”

“Magpapaalam?” sabay na untag nina Siray at Lina.

Tumango ako. “Expired na ang pang two months kong beauty dito.”

“Huh? Papaalisin ka pa rin ni Sir Xavier? Akala ko…”

“Ako ang nagdesisyon, Arianna.” Singit ko sa pagsasalita ni Arianna.

“P-papaano iyan? Hindi na tayo makakapag-tsismis kasama ka, Lawrence.” si Siray.

“Wala nang aaway kay Arianna.” si Lina naman.

“Don’t worry. Dadalawin ko pa rin kayo at habang wala ako rito… kayo ang magiging spy ko sa bahay ni Xavier.” saad ko naman sa kanila.

Napagitla naman ako nang biglang bumulwak nang iyak si Arianna. Sinundan naman iyon ni Lina at Siray kaya ayon nag-iyakan na kaming tatlo sa kusina na parang timag! Sarap talaga ihalo sa nilaga ng mga ito! Kahit na hindi kami close dahil open kami, pinapaiyak nila ako. Bad girls!

Umalis ako sa bahay ni Xavier pero binilin ko sa lalaki na kapag bumisita sina Lola Marcila at lolo Handro sa bahay niya, ipaalam sa akin. Pati na rin si Dessa, kasi namiss ko na rin ang babaetang iyon!

Third Person Omniscient POV

Two days later…

It was a chilly night, and Lara was standing in front of the tall gate at Xavier’s house. She was wearing a black hoodie, a jacket, and a mask to cover part of her face.

“Ma’am? May kailangan po kayo?” tanong ng guard nang mapansin si Lara na nakatayo lang sa harap ng gate.

“Good evening, guard. M-may tao po sa loob ng bahay?”

Ang guard ay saglit na napatingin sa loob ng bahay kung saan kararating lang din ni Xaña at ni Xavier galing sa lakad ng mga ’to.

“Meron, ma’am, kaso kararating lang po at baka nagpapahinga na po sila Sir.”

“M-manong p-paki sabi naman gusto ko silang makausap. L-Lara… sabihin mo po sa kanila na si Lara ang naghahanap sa kanila, Manong guard. Please, po!”

“Ehh, ma’am.” Kumamot sa batok nito ang guard.

“I-Importante ito, Manong. Please!” Pilit ni Lara sa guard at ang guard naman ay napabuntong hininga na lang bago. Pumasok sa bahay ni Xavier.

Ilang sandali lang, lumabas na ang guard at binuksan ang gate.

“Nasa loob sina Sir.” Ang guard.

“S-sina?” si Lara.

“Kasama ni Sir Xavier ang kapatid niya, Ma’am.” Tugon naman ng guard.

Humigpit ang pagkakakuyom ni Lara sa kanyang kamay at parang napako sa kinatatayuan nang marinig ang sagot ng guard. Umurong ang kokonting tapang at lakas ng loob ni Lara nang marinig na nasa loob si Xaña.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Lara bago hinakbang ang paa papasok sa bahay ni Xavier.

Napatayo si Xaña at Xavier nang makita ang pumasok na panauhin. Binaba ni Lara ang hoodie ng kanyang jacket sa kanyang ulo at tinanggal ang mask sa mukha.

Parehong namilog ang mata nina Xavier at Xaña nang makita ang hitsura ni Lara. May pasa ang mukha nito at may sugat sa labi.

“Lara…”

“What happened to you?” Ang sapaw ni Xaña sa kapatid.

Lumapit si Lara sa magkakapatid at inakupa ang isang upuan sa sala. Bumalik rin sina Xavier at Xaña sa kani-kanilang upuan at hindi matanggal ang mata sa hitsura ni Lara.

“P-pwedeng makahingi ng tubig?” si Lara.

Xaña jaws clenched pero tumayo pa rin ito at kumuha ng tubig sa kusina. Kaagad din namang nakabalik si Xaña dala ang isang baso ng tubig at isang pitcher.

Naubos ni Lara ang isang baso ng tubig at saka kumuha ng hininga sa ere.

“Now talk, Lara.” Xaña’s strong demand.

Tiningnan ni Lara si Xaña sa mga mata nito. “No’ng nakaraan… tinanong mo ako kung ano ang nalalaman ko, di ba? Tinanong mo ako tungkol sa kidn*pping na nangyari kay Zion.” si Lara kay Xaña.

“Spill it now!” Xaña’s voice grew louder.

“Calm down! Natutulog na si Z.” si Xavier naman sa kapatid.

Kumapit si Lara sa kanyang tuhod at bumagsak ang luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata.

“I’m so sorry, Xavier. You have been true and genuine from the very beginning. You don’t deserve to be deceived and fooled like this.” Hagulhol ni Lara sa gitna ng kanyang salaysay. “K-kami… kami ni Kyline ang may pakana sa k-kidnapping ni Zion at pinadala siya sa Cebu.” Pag-amin ni Lara.

“What? That’s ins*ne, Lara! Huwag mo akong niloloko ng ganito! Why would Kyline do that to Z? He’s our son!” Xavier bellows, his hands clenching and his teeth grinding.

Tiningnan ni Lara sa mata si Xavier.

“Xavier… h-hindi ninyo anak si Zion. Nakunan si Kyline. Hindi siya totoong nanganak at wala… wala kayong anak.”


This story is COMPLETED (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 37

Chapter 37

Xavier Pov

Napahalakhak ako sa sinabi ni Lara. My shoulders shook with laughter, but soon the sound faded, replaced by a cold, dreadful stare aimed at Lara across the room. My hands clenched into tight fists, nails biting into my palms.

I felt nothing but pure rage and spite as Lara’s tears streamed down her cheeks like a relentless waterfall.

Xaña, sitting beside me, stared at Lara with a mix of confusion, irritation, and fury etched across her face. I knew how hard she had worked, how many sleepless nights she’d spent uncovering the truth behind Zion’s kidnapping, and now, Lara drops a bombshell, claiming that Zion isn’t mine. Zion isn’t my blood and flesh!

“If you’re speaking nonsense, please spare us, Lara. Right now is not the time for your stup*dity! You are wasting our time here,” Xaña said, menace lacing her words.

Nagkandauga naman sa pag-iling si Lara sa aming dalawa ni Xaña. Xaña and I were utterly baffled by what had happened to her. Fresh bruises marked her skin, and her lips were swollen and split, as if the injuries had only just been inflicted.

“No, bakit naman ako magsisinungaling sa inyo! Bakit naman ako p-pupunta rito para magsinungaling sa inyo! Xaña, Xavier, alam kung mahirap paniwalaan pero totoo ang sinasabi ko! I won’t… I won’t risk my life to storm in here and spit nonsense! Please!” Lara implored, her hands clasping her knees tightly, her knuckles turning a shade of white.

Xaña let out a scornful laugh.

“Then how can you explain my son’s features? Zion… Zion is my child, Lara. Don’t be ridiculous!” I thundered, and she shook in her position.

Bigo siyang umiling at pumikit. Muling bumaha ng luha ang kanyang mata.

“I don’t know, maybe it’s luck, but I’m telling you, Xavier. Hindi mo nga anak si Zion. Nakunan si Kyline. Remember na habang nagbubuntis siya… h-hindi siya lumalabas masyado. Minsan lang kayo nagkikita. Sa akin siya tumira imbes na sa’yo. Kung alam mo lang kung gaano niya kagusto na tumira sa kasama ka pero… t-takot siyang malaman mo ang totoo. Kaya sa akin siya nanatili.” Lara elaborated.

My fingers rake through my hair in frustration. “Lara nagkikita kami ni Kyline noon–”

“Yes, pero foam ang nilalagay namin sa t’yan niya. Ayaw mo bang maniwala sa akin, Xavier, na ako ang kasama ni Kyline habang nagbubuntis siya?”

My hands were trembling, and all I wanted was to hit something to release the surge of anger building inside me. Tumayo ako at humingang malalim. I marched on, my mind swirling with the things Lara was relentlessly spouting to us.

This is insane! Hindi ko anak si Zion? Bakit… papaano ang hitsura niya? He looks exactly like me. Yes, he is a little bit fat, but he looks like I did when I was a kid. However, sapat ba na basehan ang mukha? Sapat bang sabihin na anak ko siya just because pareho ang hitsura namin?

However, the surge of adrenaline was undeniable— I felt it coursing through me. Nang mawala si Zion gusto ko na lang ding itigil ang lahat.

My heart is pounding painfully in my chest, as if I’ve been stabbed and am bleeding profusely. The agony in my chest pales in comparison to the anguish I felt when Zion was gone.

“K-kung anak ni Kyline si Zion o anak ninyo si Zion, hindi niya siguro magagawang kidnap-in ang bata at ilayo sa’yo, Xavier. Kaya ang dali niyang itaboy at ipatapon sa Cebu si Zion dahil wala siyang nararamdaman kahit na ano sa bata. Kahit… k-kahit nga awa… wala.” Lara cried.

Fear gradually crept into me as I reflected on Lara’s words. The more she spoke, the more I listened, and her words began to take shape in my mind, making me question whether Zion truly belonged to me.

“W-why… why Lara? Why would she do this?!” I bellow.

“She’s obsessed! She wants you, but she can’t have you! Gusto ka niya dati pero ayaw ng mga magulang niya. Walang-wala siya noon kaya sumunod lang siya sa gusto ng mga magulang niya kahit gaano ka pa niya kagusto, Xavier! At umabot kami sa puntong… magsinungaling na buntis siya dahil tingin niya noon, iyon ang tanging paraan para magkabalikan kayo. Kaso… kaso nakunan siya. I tried to talk to her about it, kaso desperada siya at gusto niyang ipagpatuloy ang pagbubuntis niya kahit peke na.” Lara continued.

I could feel my blood pounding in my ears.

“Wala ka nang manganak ‘kuno’ si Kyline. At… that time… a-ako… ako ang gumawa ng paraan para makahanap ng baby.”

“What the h*ll did you do, Lara?” Xaña’s voice is shaking.

Umingay ang mga iyak ni Lara at tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang palad na nanginginig. 

“G-god knows… ayaw ko… takot ako at ayaw ko sa ginawa kong iyon pero wala akong choice. Naging duwag ako at naging sunod-sunuran sa gusto ni Kyline.” Iyak niya. “T-that night… n-nagnakaw ako ng baby. Sorry, sorry, sorry! Kahit… kahit magpa-DNA pa kayo ni Zion, Xavier. I’ll tell you, hindi kayo magm-match ng DNA ni Zion.” sagot ni Lara sa kapatid ko at doon lang ako napatigil sa aking pagmamartsa sa harap niya.

Bumagsak ang kamay ko na tila nawalan ito ng lakas. Napatitig ako kay Lara na napaluhod at humagulhol ng iyak. Parang nawala ang lahat ng bagay sa paningin ko at nandilim na lang. Malakas ang kabog ng dibdib ko at pati na ang kamay ko ay halos ’di ko na ma-kontrol.

“How sure are you, Lara?” Xaña probed more.

Lumunok si Lara. “Dahil ako kumuha ng bata sa ibang ospital, Xaña. I’m sure because I was the one who took the baby and brought it to Kyline.”

And that’s it; I snapped!

“Xavier,” Xaña said as she held my trembling hands.

“I will kll her! I will kll that b*tch!” I spat at Lara. My eyes caught the glass pitcher on the center table. I didn’t think twice about picking it up and hoisting it, ready to throw it at Lara’s head, but Xaña grabbed my arms even tighter.

“Xavier! Xavier, calm down!” My sister said with tearful eyes.

“They foled me, Xaña! You heard that liar! They fcking fo*led me and made me look stupid, Xaña!”

Napatango-tango si Xaña sa akin. Pinipigilan niya ang kamay ko na huwag ibato ang pitcher na hawak kay Lara na patuloy lang sa pag-iyak.

“I know. I know you’re angry, Xavier but we’re not yet done here. Hindi pa tayo tapos dito. Hindi ka magiging kriminal, Xavier!”

Winaksi ko ang kamay ni Xaña at muntik pa siyang matumba sa ginawa ko. Binagsak ko ang pitcher sa mesa. Napatalon si Lara. At hindi na ako nagtaka nang mag-crack iyon.

“You, b*tch… saang ospital galing si Zion. Kaninong anak siya.” Dahan-dahan at malamig kong tanong kay Lara.

“Quirino Med… Quirino Medical Hospital… doon ko kinuha si Zion at… hindi ko kilala ang mga magulang niya.” sagot niya.

Sumakit bigla ang ulo ko sa mga sinabi ni Lara.

“Magpapa-DNA pa rin kayo ni Zion, Xavier.” Kuha ni Xaña ng atensyon sa akin.

“Xaña,”

“Hindi ako makukumbinsi ng salita lang ng babaeng ito. Lalo na’t kaduda-duda na nandito siya ngayon at biglang tinalikuran ang kanyang kaibigan.” Mataba at galit na saad ni Xaña kay Lara.

“Pumunta ako rito bago pa mahuli ang lahat, Xaña, dahil may balak na namang kidnap-in ni Kyline si Zion at kutang-kuta na ako sa mga kabaliwan niya. You see my face? Siya ang gumawa nito. Baliw na siya at baka kung ano pa ang magawa niya sa akin. Ayaw kong mamatay na hindi nasasabi sa inyo ang totoo. If I go to h*ll, I will drag her with me!” May galit na wika ni Lara pero nagbagsakan naman ang luha niya. Kita ko ang sakit sa mata niya.

With that, I decided to through DNA test with Zion. Ayaw ko siyang gawin. I don’t know. Para sa akin parang katangahan siya dahil anak na rin naman ang tingin ko kay Zion. Mula man siya sa dugo’t laman ko o hindi, walang magbabago. Anak pa rin ang tingin ko kay Zion.

“Daddy, why that mister is scrubbing on my mouth?” tanong ni Zion sa akin nang pumunta ang mga DNA analysts sa bahay. Si Xaña ang kumuha ng mga expert para dito dahil ayaw ko talaga sana itong gawin eh.

Matapos kumuha ng sample no’ng analyst sa akin sinabihan nila kami ni Xaña na sa makalawa pa makukuha ang resulta. We opted na ipadala na lang via email ang result no’n.

“He is checking something on your mouth, Z.”

Zion just wrinkled his nose, clueless about everything that was happening around him.

Zion pouted. “Daddy, I miss my Mami Lawrence.”

I kissed Zion’s forehead. “I miss him too, Z.”

“Let’s visit Mami, Daddy!”

“Hmm, we will… soon.”

Mark Lawrence Pov

It’s been three days since tumira muli ako sa bahay. I tried to focus on my studies online to distract myself, but my thoughts kept drifting back to Zion. Inaalala ko kung kumain na ba ito. Sino kaya ang nagpapakain sa kanya? Nagpapatulog? At kung ano-ano pa.

Mula nang tumira ako rito sa bahay namin sa SV ay hindi pa kami nagkikita ni Xavier. Tawag-tawag na lang kami at naiintindihan ko naman siya kasi busy siya sa schedule niya tapos ang alam ko patuloy pa yata ang investigations sa case ni bibi Zion.

“Hey,”

Napatingin ako sa pintuan ng silid ko at nakita ko si Kuya Cam doon, nakadungaw siya.

“Kuya,” tumayo ako mula sa aking study table at nilapitan siya.

“Mind if we take a short walk? Sabi ni Manang Dilya nagkukulong ka rito sa silid mo.”

“May klase ako, online.” Rason ko.

Sinilip ni Kuya ang kanyang wrist watch. “It’s almost five, may klase ka pa?” aniya.

“Wala na.”

“Come on, labas muna tayo.” si Kuya Cam.

Bumuntong hininga ako at saka kumuha ng cardigan bago sumama kay Kuya Cam. Totoo naman talagang nagkukulong ako sa silid. Ayaw ko sumabay kina Mommy kumain. Pinapahatid ko lang ang pagkain ko sa aking silid. Siguro naninibago pa rin ako sa lahat nang nangyari sa buhay ko. Ang dami ko ring iniisip tungkol kay baby Eiji.

“Kumusta na ang paghahanap kay baby Eiji, Kuya?” tanong ko kay Kuya. Naglakad-lakad lang kami ni Kuya sa vicinity ng SV.

“Pinuntahan na namin ang ospital, Rence, ang record no’ng araw kung kailan may sunog na naganap sa ospital ay walang na-recover. But don’t worry, gagawa kami ng paraan ni Carl para mahanap ang anak mo, Rence,” sagot naman ni Kuya.

Bumagsak ang balikat ko. Ang katiting na lang na pag-asa ko na makita o mahanap ang anak ko ay mukhang mauuwi pa sa wala.

“Humingi kami ng records sa mga baby na kasama ni Eiji that time at kung kailangang isa-isahin nating ipa-test ang mga batang iyon, gagawin atin. Buhay man sila o p-patay.” Patuloy pa ni Kuya.

Mahina akong napatango.

“S-salamat, Kuya.”

“It’s the least thing we could do for you, Rence. Also… nalulungkot si Mommy kasi nasa bahay ka na pero minsan ka niyang makita. Kapag malungkot ka, ganoon rin siya. Hindi na nagtatrabaho si Mom, Rence. Gusto niyang bumawi sa’yo.”

Tanging tango lang ang binigay kong sagot kay Kuya. Tumigil ako sa paglalakad kung kaya’t tumigil din si Kuya Cam.

“Rence, alam kong hindi pa rin nags-sink in sa’yo ang lahat. Kung may naalala ka man sa nakaraan mo at may nais kang itanong sa amin o kahit sino sa bahay, pwede mo kaming tanungin, ha. Huwag mong sarilihin ang lahat. Nandito kami para sa’yo. Huwag mong ikulong ang sarili mo.”

“Hmm,” tango ko. “Wala pa naman akong ibang naalala simula no’ng nasa bahay ako, Kuya. Hindi ko na pala itinuloy ang pag-inom no’ng gamot na bininigay ninyo sa akin. Actually, ilang weeks na.”

Ginulo ni Kuya ang buhok ko. “We know, Rence.”

Kuya smiled.

“Wala ka bang trabaho ngayon, Kuya?” Pag-iiba ko sa usapan namin dahil nagsimula na namang manikip ang dibdib ko. And I know anytime soon, susunod na ang luha ko kapag nagpatuloy ito.

Ngumisi lang siya sa akin.

“Absent.” aniya at naglakad muli kami.

Habang naglalakad kami ni Kuya ay biglang pumasok sa isip ko ang nabanggit ni Xavier sa akin na may isa pa akong violator na hindi nila nahuhuli.

“Kuya…” nilingon niya ako. “N-nabanggit ni Xavier sa akin na m-may isa pa raw akong violator na hindi nahuhuli?”

Ang ngisi sa labi ni Kuya Cam ay unti-unting nalusaw at saka sumeryoso ang mukha. Kumuyom ang panga niya at napahasa sa kanyang ngipin.

“Yeah,” Nagngit-ngit ang mga mata niyang untag. “Hindi nakita sa camera mo ang taong iyon. Naka-mask at halos hindi makita ang buong pigura niya. We tried to get some information sa mga kasama niya noong gabing iyon pero matigas din sila at hindi nagsalita. Mukhang mahigpit din ang kapit nila sa isang lalaking iyon.”

A chill enveloped my body. The thought that one of my vi*lators might be lurking nearby left me feeling disoriented and unnerved.

“Kaya dapat… mag-iingat ka, Rence. Huwag kang magtitiwala kaagad sa mga tao na nasa–”

A sharp, feminine voice cut through, interrupting my brother.

“Oh my gosh! Lawrence!”

May babaeng tumakbo tungo sa akin at yayakapin na sana ako nito nang humarang si Kuya Cam.

“Wait, I’m his friend!” Angil ng babae kay Kuya.

I reached for Kuya Cam’s shirt and tugged gently. “It’s okay, Kuya.”

Tumaas ang kilay ni Kuya pero kalaunan ay tumabi kaso ang mata niya ay ’di pa rin lumalayo sa babae.

“Lawrence! Oh my gosh! It’s really… really you! I missed you so much!” Hinawakan niya ang kamay ko. “You suddenly… v-vanish. Akala ko pumunta ka ng ibang bansa at doon na tumira. The last time I heard about you was when you’re abroad.”

“I’m… I’m sorry pero… h-hindi kita masyadong naalala…”

She sighed deeply, her face falling into a mask of sadness.

“It’s me. Maica! Iyong kasama mo noon sa mga auditions mo, sa mga gala. Y-you don’t remember me?”

I shrugged my shoulders. “S-something happened back then and… I-I lost some of my memories.”

Napatakip siya sa kanyang bibig. “Oh, I’m so sorry to hear about that, Rence.”

“Okay lang.”

Maica flashes a smile. My eyes twitch when I remember her face. Naikiling ko ang ulo ko at tinitigan siya. Siya iyong kasama ko noon na C-cut ang kulay puti na buhok at siya ang naging kasama ko noon sa kabaliwan ko kay Xavier na laging minamalas!

“I-ikaw iyong kasama ko na… na tinatawag kong…”

“Si Android 18! Iyong sa Dragon Ball na anime character!”

Nayakap ko siya bigla. Naalala ko na siya. Kaibigan nga kami no’ng senior highschool namin. Hindi ko lang siya masyadong namukhaan ngayon kasi itim na ang buhok niya pero ganon pa rin ang style, naka-c-cut pa rin.

“I miss you, Maica.”

She hugged me back. “I miss you too, Lawrence!”

Kumalas kami sa aming yakapan. Sinilip ko si Kuya sa tabi na bagot na nakatingin sa amin ni Maica.

“Ay, Maica uuwi na rin kami ni Kuya.”

Tiningnan naman ni Maica si Kuya Cam saglit at tumango sa akin.

“Wait, Lawrence. Next week kung naalala mo, birthday ko. I just wanna invite you.”

“Hindi siya pwede.” sagot ni Kuya Cam para sa akin.

“No,” agap ko. “Anong araw at saan?”

Ngumiti Maica. “Sa Sabado, sa Marriott Hotel ang venue. I’ll expect you there, Lawrence! Please?”

I nodded. “Titingnan ko, Maica.”

Third Person Omniscient POV

On the same day at Xavier’s house, Xavier, Xaña, and Lara were present in the living room. Lara, who was temporarily staying at Xaña’s condo, was there while Kyline was still being sought after, as she was in hiding. Lara promised that regardless of the results of Zion’s DNA test, she would disclose everything she knew about what she and Kyline had done. She also pledged to surrender herself to the authorities. Lara was considered a key asset for Xavier because she had knowledge of all the actions taken with Kyline and possessed evidence that she promised to reveal only after Kyline was apprehended.

Nasa iisang sofa sila, nasa gitna nina Xavier at Lara si Xaña. Pareho silang nakatingin sa laptop sa harap nila at sabay nilang titingnan ang naging resulta ng DNA test. Sinama ni Xaña si Lara dahil kung anuman ang maging resulta kulungan na ang deretso ni Lara.

Para kay Lara na alam ang kanyang ginawa at alam niyang hindi anak ni Xavier si Zion. Kampante siya sa magiging result. Habang si Xaña naman ay nagrarambol na rin ang dibdib at kinakabahan sa resulta ng DNA. At si Xavier ay ganoon din, winawaglit ni Xavier sa kanyang isip na kahit na anong maging resulta ng DNA ay tanggap niya si Zion at mahal niya ang bata, nanalaytay man ang dugo niya sa dugo ni Zion o hindi, anak ang tingin niya rito.

Parehong nagpipigil hininga sina Xavier at Xaña habang naglo-load ang file na pinasa ng mga center kung saan sila nagpasa ng samples.

“W-what?” ang sambit ni Lara nang makita ang malaking nakatatak na ‘positive’ sa resulta.

“A-anak ko si Zion.” Pabulong at nanginginig na sambit ni Xavier. Gulat rin sa nabasang statement mula sa resulta.

Napatayo si Xaña at saka nagtagis ang bagang hinaklit ang braso ni Lara.

“Pinaglalaruan mo ba kami!” Malakas na sigaw ni Xaña sa mukha ni Lara.

Napangiwi si Lara sa pagkakahawak ni Xaña sa kanyang braso at natatarantang umiling kay Xaña na mukhang papatay na ng tao sa galit. Umuusli na ang ugat sa leeg nito.

“Zion is Xavier’s son! Tang ina mo, Lara, positive ang resulta! Ginagawa mo talaga kaming katawa-tawa!”

Nagmamadaling kinuha ni Lara ang telepono sa bulsa ng kanyang suot na jacket at saka tinanggal ang case ng telepono at saka may maliit na papel na kinuha mula doon. Luma na iyon at mukhang matagal na dahil nagf-fade na ang nakasukat kaso nababasa pa rin. Pinakita niya ito kay Xaña ngunit wala itong reaksyon.

“Promise! Hindi ako nagsisinungaling! Hindi nga nabuntis si Kyline, kinuha ko lang ang bata sa Quirino Med! Ito! Ito ang name ng bata! Ito ang nakalagay sa kanyang pangalan doon bago ko siya kinuha.” Giit ni Lara.

Napatayo si Xavier nang marinig iyon at tila nahimasmasan sa gulat. Kinuha ni Xavier ang kapirasong papel mula kay Lara kaso muli itong natigalgal.

Bumagsak ang katawan ni Xavier sa sofa na kinauupuan nang mabasa ang nakasulat na pangalan doon na parang tinakasan siya ng lakas. Padarag na binitiwan ni Xaña si Lara. Sinilip naman iyon ni Xaña ang papel na hawak ng kapatid.

“E-Eiji Calderon?” Litong untag ni Xaña.

Tumango-tango naman si Lara kay Xaña.

“Yes, Eiji Calderon… iyan ang pangalan ng batang kinuha ko sa Quirino Med. I promise you! Bago pa man nasunog ang nursery room ng ospital na iyon, nakuha ko na ang bata.” Katwiran ni Lara.


This story is

COMPLETED (with 1 Special Chapter)

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Special Chapter: First Meet

Special Chapter: First Meet


“No! Kung itatadhana na magkita kami ni Xavier… magkikita kami. At kung sa susunod na magkita kami… hindi na sa lens ng camera ko at hindi na ako sa malayo.” Lawrence declared with unwavering determination, “I will make him mine. By hook or by crook, Xavier Douglas Faleiro will be mine!” His resolve radiated with a fierce intensity, as if the universe itself would bend to his will.


Other chapters available: OWNED BY A MAFIA BOSS Part 1 & 2 MUS1 MUS2 and advance updates for ongoing stories…

However, I want to let you know that, unfortunately, I won’t be posting their special chapter(s) here on Wattpad. I hope you understand, my engels.

These exclusive parts of the story will be available only in the

Amore VIP Space,

our private Facebook group. To access this special chapter(s), as well as advance updates, epilogues, and ongoing stories, there is a small fee before joining the group. The regular payment is 50 php and 35 php for students, just present your school ID.

If you’re interested, please feel free to message me on my Facebook account:

Amore Contaleone.

Thank you so much! I love you all!

CHAPTER 38

Chapter 38

Xavier Pov

We contacted law enforcement, and Lara was detained. Our legal team will manage all aspects of our case. However, the authorities are still searching for Kyline.

Tiningnan ko sa aking palad ang maliit na papel na galing kay Lara. I can’t be wrong. Ito ang pangalan ng anak ni Lawrence. Nabasa ko ang pangalan nato sa puntod ng bata at doon sa resulta mg DNA test.

What… does this mean? How did this happen? Anak ko si Z… tapos anak din ni Lawrence si Z? Godd*mmit! This is impossible!

“Xavier?”

Napatingin ako kay Xaña na galing lang sa kusina at gumawa ng maiinom namin. Tiningnan ko ang kapeng binaba niya sa center table. Umuusok pa iyon at umaalingasaw ang matapang na amoy ng kape.

Umupo si Xaña sa tabi ko.

“What’s your decision?”

Umiling ako kay Xaña. Everything feels overwhelmingly complicated and challenging at the moment. It’s as if I’m caught in the midst of a riddle, desperately trying to unravel the hidden meanings and truths woven into the fabric of my life.

“Lara was so determined that you weren’t the father, Xavier. But the DNA test shows that your DNA and Zion’s DNA match! It’s getting more and more complicated, Xavier, but at least Zion is really yours. Ngayon… siguro kailangan munang pagbayaran ni Kyline at Lara ang ginawa nila kay Zion at sa panlililanlang nila sa’yo. At saka kailangan nating mahanap if may naging babae ka noon na nabuntis mo?” sabi ni Xaña pero ako ay nakatingin lang sa papel na hawak ko ngayon. “For me, it’s fine that we don’t have to look for Zion’s mom, but this is for his own good as well. Kasi ngayon hindi pa magtatanong si Zion pero kalaunan ay maghahanap din siya ng nanay niya.”

Walang alam si Xaña sa mangyari kay Lawrence. Wala siyang alam na umuwi na si Lawrence sa totoo nitong pamilya at nandirito lang si Lawrence sa Manila. Walang alam si Arianna sa mga nangyayari kaya wala rin itong ibang masabi kay Xaña kung hindi ang pag-alis lang ni Lawrence.

“It’s a good thing that Lawrence isn’t here, Xavier. Ngayon mas makakapagpukos na tayo sa paghahanap ng ina ni Zion o sa babaeng nabuntis mo at sa paghahanap kay Kyline.” Komento ulit ni Xaña pero lumulutang pa rin ang utak ko sa ibang bagay.

I’m trying to connect the dots here. If I am Zion’s father and if I’m correct that Zion and Eiji Calderon, Lawrence’s long-lost child, are the same… I… shit… Am I one of Lawrence’s vilators! Dmmit! Ako ba ang isang violators niya na hindi pa nila nahahanap at nakikilala?

A wave of horror and coldness surged through my body as the realization struck me, hitting my gut like a bullet. My hands trembled, and beads of sweat formed on my temples as the moment dragged on.

I want to puke in disgust! Disgust for myself and my regrets. If I am one of the people who caused my baby’s torment and trauma—Jesus! Am I even human? How can I live with myself after what I did to the person I mol*sted? A monster… a disgusting rascal like me doesn’t deserve to breathe or live in this world. How am I different from those criminals out there?

I looked at Xaña. Ayaw kong magkwento sa kanya tungkol kay Lawrence. Ilang beses na niyang nabanggit si Lawrence kapag nag-uusap kami, ramdam kong gusto niyang buksan ang topic namin tungkol kay Lawrence, pero mas pinipili kong itikom ang bibig ko dahil wala ako sa lugar upang ipagsabi sa iba ang nangyari kay Lawrence. Kung may dapat mang magkwento ay si Lawrence iyon.

“X-Xaña…”

Xaña’s eyebrows arched in surprise, her gaze fixed intently on my face as a look of confusion washed over her.

“Wait,” lumapit siya sa akin at humawak sa mukha ko. “Xavier? What’s wrong? You’re so pale! Anong nararamdaman mo? May kailangan ka ba?” Natatarantang tanong ni Xaña sa akin. Lumipat ang kamay niya sa kamay ko na nanlalamig at nanginginig.

“X-Xaña…”

Xaña’s hands pressed firmly on my shoulders, shaking me gently but insistently, as if she were trying to rouse me from a deep slumber

“What’s wrong, Xavier? You are making me nervous!”

My vision blurred as tears welled up, pooling in my eyes and obscuring everything around me.

“I… I think… I know Zion’s…”

“Mother?” Her hasty interruption didn’t allow me to finish my shaky words.

“The… t-the person I got pregnant with, Xaña. I… I think it’s L-Lawrence.” Finally, I managed to finish my sentence despite my trembling nerves that threatened to betray me.

“N-nabuntis mo… si Lawrence? Si Mark Lawrence? Xavier huwag kang magbibiro ng ganyan ngayon. Hindi p-porket kayo na ni Lawrence at nalaman nating hindi mo nga nabuntis si Kyline ay ipapaako mo na kay Lawrence ang bata.” Inilayo ni Xaña ang kamay sa akin.

Napasipsip siya sa kanyang kape. Naibagsak niya pa iyon.

“Maayos na ngayon si Lawrence sa Cebu, Xavier. Kung sinasabi mo lang ito para bumalik si Lawrence dito. Pwes, may iba pang paraan para makabalik si Lawrence nang hindi mo ipinapaako ang bata na hindi naman sa kan–”

“Wala si Lawrence sa Cebu, Xaña. I-if you are thinking that I am saying ridiculous and craziness here, no, I’m not saying this para lang makabalik dito si Lawrence!”

Frustrated na napahilamos sa kanyang mukha si Xaña. Her eyes were bloodshot.

“Eh, ano ang ibig mong sabihin? Si Lawrence ang nabuntis mo dati? Ano ba si Lawrence?”

“A… a bearer, may condition si Lawrence na ganyan.”

Xaña’s mouth hung open in astonishment at my response; it was clear she hadn’t seen that coming.

“And… do you mean that… that you got him pregnant? Why? How, Xavier? Alam ba ito ni Lawrence? Matagal mo na bang alam na may anak si Lawrence?” Gulong tanong ni Xaña.

My gaze returned to the small piece of paper crumpled in my hands. I had no choice but to explain to Xaña about Lawrence and the reasons for his departure from my home, hoping she would understand the complexities of the situation.

“W-what? He was mol*sted a-and…” Hindi matapos ni Xaña ang kanyang nais sabihin nang takpan niya ang kanyang bibig at tumulo ang luha.

“Y-you are one of those… disgusting men who… d*mmit! Did you really do it to him?”

My tears fall. “I… I don’t know, Xaña. Wala akong maalala kung isa man ako roon.”

“What?!”

“I don’t remember anything. Lawrence may be familiar to me, but I have no recollection of being with him before! At para malaman ang totoo… k-kailangan kong makausap si Lawrence. He needs to know about Zion and–”

Mabilis na hinawakan ni Xaña ang palapulsuhan ko.

“Makukulong ka k-kapag mapapatunayan na i-isa ka sa gumawa no’n kay L-Lawrence!”

Hindi lang ako makukulong, mapapatay pa ako ng mga kapatid ni Lawrence.

“I don’t care, Xaña.”

“Xavier…” si Xaña na tila nanghihina nang bumagsak ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin.

“I don’t deserve to be a father kung isa ako sa vi*lator ni Lawrence, Xaña. Lawrence and Zion deserve better if that’s the case.”

Tumayo ako, desididong puntahan at sabihin kay Lawrence ang tungkol kay Zion.

“Mawawala a-ang lahat ng p-pinaghirapan m-mo, Xavier.” Hagulhol ni Xaña.

Bumaling ako sa aking kapatid. “It’s for Lawrence and Zion, Xaña.”

Tumayo si Xaña at hinarangan niya ako sa aking daraanan. Pinunasan niya ang kanyang basang pisngi at tiningala ako. Humawak siya sa aking braso na para bang doon siya kumukuha ng lakas sa higpit no’ng kapit niya.

“Hindi… hindi mo kailangang umamin, Xavier. Pwede tayong lumayo dito. Babalik tayo sa London, dadalhin natin si Z doon at mamumuhay tayo ng tahimik. We can do that. Xavier… ayaw kong makulong ka.”

Tinanggal ko ang kamay ni Xaña sa aking braso na parang pinako ito doon. Kinulong ko ang mukha niya gamit ang palad ko at hinalkan ang kanyang noo.

“I love you, Xaña. Pero hindi kakayanin ng konsensya ko itong mga nalaman natin ngayon. Si Lawrence hinahanap niya rin kung nasaan na ngayon si baby Eiji. And Zion deserves more than what I can offer to him.”

Sa mga sinabi ni Lara at sa kwento ni Lawrence kung ano ang nangyari kay baby Eiji ay nagtutugma. Nasunog din kasi iyong ospital kung saan pinanganak si baby Eiji at sa kwento ni Lara bago nasunog iyong ospital kung saan niya nakuha si Eiji tangay na niya ang bata. Everything is connected especially the baby’s name… Eiji Calderon.


“Are we going to visit Mami Lawrence, Daddy?” Zion said excitedly as I placed him in the backseat of my car.

“Yes, baby, gusto mong makita si Mami Lawrence mo, right?”

Magiliw siyang tumango sa akin.

Napatitig ako sa mukha ni Z.

“Can I sleep at Mami’s house too, Daddy?”

Ginulo ko ang kanyang buhok. “Yes, sasabihin natin sa Mami mo.”

“Yay! Thank you, Daddy! I really, really miss my Mami!”

‘Yeah, your Mami.’ I inwardly said.

I kissed Zion’s forehead before closing the car door, then turned to the driver’s seat and started the car.

“Daddy, are we going to ride a plane too?”

Sinilip ko sa rearview mirror ang anak ko. “No, Z.”

“Malapit lang po ang house ng Mami ko, Daddy?”

“Not really, but we don’t need to ride a plane,” I explained.

“Yey!”

While we were on our way, I kept stealing glances at Zion. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ni Zion. I had always dreamed of a complete family for him, but not like this. I had envisioned a life with Lawrence too, but what if our pasts are intertwined? How can we face that? A perpetrator and his victim cannot live in the same house or be together! That’s sick! Besides, Lawrence’s brother would bury me alive before that ever happens!

“D-dong!”

“Mami ko!”

Si Lawrence ang nagbukas ng gate para sa amin ni Z at nang magkita sila ni Zion ay kaagad silang naglumpungan. Lawrence dressed casually in a pair of denim shorts and an oversized T-shirt. Sa pagsasama namin sa bahay ko, nasanay na rin ako na ganoon ang damit niya at doon siya komportable.

“Miss na miss kita, dong!”

“I miss you too, Mami ko! Ate Arianna is not good at storytelling, Mami! Hindi ako nakaka-sleep ng early because pangit ang kwento ni Ate Arianna!”

Natawa si Lawrence. “Tuturuan ko si Arianna, dong!”

“No, Mami! Dito na lang ako mag-sleep sa house mo. Gusto ko po ikaw katabi, Mami ko.”

Pinisil ni Lawrence ang taba sa pisngi ni Zion.

“Miss ba ng fluffy baby ko katabi si Mami?”

“Yes, Mami!” si Zion muling yumakap kay Lawrence.

Pagkatapos nang yakapan at kamustahan nina Lawrence at Zion, saka lang bumaling si Lawrence sa akin.

Tumayo siya sa harap ko at ngumiti ng malapad. My heart aches at the sight of his smile. I’ll be the one who will destroy those smiles from his lips. Lawrence will hate me, and my baby will eventually curse me to death too!

“Pangga, hehehe!” si Lawrence at saka ako niyakap.

Pumikit ako ng mariin at saka ginapos ang braso ko sa maliit niyang baywang. Mahigpit ko siyang niyakap at binaon ang mukha ko sa kanyang leeg. Nilanghap ko ang bango sa kanyang leeg at kahit papaano ay kinakalma ako no’n.

“Akala ko nakalimutan mo na ako, Pangga! Akala ko RIP na ako d’yan sa isip mo at pusong ligaw mo!”

I miss this kind of wording from him. I miss this kind of attitude from him. D*mmit! But right now, I can’t bring myself to smile at his silliness.

“I miss you, baby. I miss… I miss you so much,” I said, almost crying on his neck!

“Na miss din kita, pangga! Mabuti at nakadalaw na kayo rito ni bibi Zion!”

Tumango lang ako at saka yumakap pa sa kanya nang mahigpit. Tinapik niya ako upang putulin ang aming yakap.

“Pasok muna tayo, Pangga!” Ngumisi siya sa akin at kaming dalawa ni Zion ang kanyang hinila papasok sa bahay nila.

“Mama!” Kaagad na tinakbo ni Zion si Manang Dilya at saka niyakap.

“Zion!” Si Manang Dilya naman at mabilis na iniwan ang ginagawa upang mayakap si Zion.

“Hey, Zion!”

Naibaling ko ang aking ulo sa pinanggalingan ng boses at makita ko si Camelot na pababa sa hagdanan. Malaki ang ngisi sa labi ni Camelot habang nakatingin kay Zion at Manang Dilya na nagyayakapan!

“Kuya Camelot!”

Nang malapitan ni Camelot si Zion ay mabilis niyang kinarga ang anak ko. Muntik ko nang makalimutan na nakasama pala nila si Zion sa Cebu ng dalawang linggo, kung kaya’t ganito kagulat si Zion na nakita niya sina Manang Dilya at Camelot. 

“Hey, buddy!”

“Dito ka po nagw-work, Kuya Camelot?” Pabulong na tanong ni Zion sa tenga ni Camelot.

“No, I live here.” sagot naman ni Camelot kay Zion.

At habang na kay Camelot at Manang Dilya ang atensyon ni Zion. Kinabig ko naman ang baywang ni Lawrence palapit sa akin. Kaagad na niyakap ni Lawrence ang kamay sa aking katawan.

“Can we talk? May… may sasabihin ako sa’yo.” Mahina kong untag at nilaro ko ang tela ng kanyang oversized shirt.

Malamyos ang titig ni Lawrence sa akin at may ngiti sa labi. Yet, despite the warmth in his gaze, I couldn’t help but notice the dark circles hanging beneath his eyes. Hindi ba siya nakakatulog ng maayos?

“Tungkol saan, pangga?”

His voice flows like a captivating melody, enchanting my ears with every note.

“About… about Z, baby.”

Inabot niya ang mukha ko bago tumango. “Dito tayo mag-uusap?”

Umiling ako. “Pwedeng sa l-labas?”

“Sige,” aniya at hinarap ang direksyon ni Z.

“Dong!” Isang tawag lang ni Lawrence kay Z at mabilis pa sa kidlat na bumaba si Z sa pagkakabuhat ni Camelot.

“Mami ko!” Pakantang anas naman ni Z at lumapit sa amin.

Nag-squat si Lawrence at sinuklay ang buhok ni Zion.

“Dong, magd-date muna kami ni Daddy Xavier mo, huh. Saglit lang kami, dong.”

Umingos naman si Z at masamang tumingin sa akin. “Baby Zion can’t come?”

“Bawal, dong, sa susunod ka na lang sumama sa amin. Maglaro muna kayo ni Kuya Camelot dito ng basketball! Pakitaan mo iyan sa galing mo!”

Lumapit naman sa amin si Camelot at kinuha ang kamay ni Z. “Let’s go, buddy? Laro tayo d’yan sa labas.”

Tiningala lang ni Zion si Camelot bago lumabi kay Lawrence.

“Promise, mabilis lang kayo ni Daddy, Mami?”

Yumuko ako upang magpantay ang tingin namin ni Z. “Of course, di ba dito ka rin matutulog kay Mami Lawrence mo tonight?” singit ko na.

“Yes! Take care, Mami! Take care, Daddy! Next time, Zion will join you on your date!”

Dinala ko si Lawrence sa isang parke sa labas ng SV na ilang minuto lang ang byahe mula sa kanilang bahay. Medyo mainit kaya naisipan kong dalhin si Lawrence sa isang coffee shop na malapit o restaurant kaso mas gusto niya raw sa labas lang kami. Kaya naman humanap ako ng lugar kung saan wala masyadong tao.

Right now, we are sitting side by side beneath a sprawling tree, its lush canopy sheltering us from the harsh rays of sunlight overhead.

“Namiss ko itong lumalabas tayo, Pangga!”

“Me too, baby. But how are you? Ayos ka lang ba sa bahay ninyo?”

Lawrence curled his knees to his chest, resting the side of his face on them as he gazed at me. I sat on the grass, my elbows resting on my slightly parted knees, feeling the weight of the moment between us.

“Ayos lang, pangga. Medyo naninibago pero keri ko naman. Abala sila Kuya Carl ngayon sa paghahanap kay baby E-Eiji. Despite the slim chances we have, we continue to search for him.” Unti-unti ay naging malungkot ang kanyang boses.

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Ikaw, pangga? Kumusta na ang investigations ninyo sa case ni bibi Zion? Sa trabaho mo? Kaya mo pa ba ang lahat?” Worried niyang tanong sa akin.

Bumuntong hininga ako. It feels as though a tightening grip is slowly constricting my heart, leaving me on the brink of gasping for breath.

“I’m not that busy at work, baby. Hindi muna ako tumanggap ng mga major roles. And about Z…” Napalunok ako. “Nalaman na namin na… si Kyline at si Lara ang may pakana sa kidnapping at sa pagtapon kay Z sa Cebu.”

Tila nakuha no’n ang atensyon ni Lawrence dahil umayos siya sa kanyang pagkakaupo at humarap sa akin.

“A-anak ninyo… pero kinidnap niya, Xavier? B-bakit? Papaano niya iyon nagagawa sa sarili niyang anak?” Lito at may galit niyang tanong.

“For her own good… however, may isang bagay kaming nalaman tungkol kay Z.”

“Pangga,”

“Zion is not Kyline’s baby, Lawrence. Nakunan si Kyline while carrying our child. Kaya niya iyon nagagawa kasi hindi niya anak si Zion at wala siyang pakialam at awa sa bata, as long as nagagawa niya ang gusto niya.”

Napatakip si Lawrence sa kanyang bibig.

“I-ibig sabihin hindi ninyo anak si Zion?”

“No,” I answered. His forehead creased. “Zion is not Kyline’s son pero ako ang ama ni Zion.”

His eyes widen. “N-nakabuntis ka ng i-iba?”

“Baby,”

“P-pangga… wala naman akong pakialam kung may nabuntis kang iba noon. H-hindi naman natin kilala ang isa’t isa noon, eh. Kaya huwag kang mag-alala sa akin. Tanggap kita, Pangga! Mahal kita.”

I nodded at him, but the tears that had been pooling in my eyes finally spilled down my cheeks. It pained me to realize just how good he was to me; I felt unworthy of such kindness. I didn’t deserve him—not now, not ever.

Lawrence reached for my face and wiped away my tears with the back of his hand. His eyes were glistening with tears, yet he still smiled. Despite everything he had been through and all he had learned about his true identity, my baby was still able to smile and act so strong. When did he become this brave? Why did I feel like I had missed something significant in his life during the days we didn’t see each other?

“Baby, do you still remember where you gave birth to baby Eiji? Or did your parents mention to you where you gave birth?”

Kumunot ang kanyang noo. Binaba niya ang kanyang kamay.

“N-nabanggit naman nina, Mommy, Pangga.” In spite of the confusion in his eyes, he was able to answer me directly. “Sa Quirino Med… Quirino Medical Hospital, doon ako nanganak.”

Another wave of tears streamed down my cheeks, overwhelming emotions surging within me.

Fcking sht!

Kinapa ko ang aking wallet sa aking bulsa. Sa wallet ko nilagay ang papel na binigay ni Lara sa akin. Binigay ko iyong papel kay Lawrence.

May pagtatanong sa kanya mata at pagkalito nang iabot ko sa kanya ang papel pero tinanggap niya iyon. Dahan-dahan ang kanyang naging pagyuko upang tingnan ang papel na binigay ko sa kanya.

Ilang sandali lang, napahagulhol siya. Nang inangat niyang muli ang tingin sa akin, nag-uunahan na ang mga malalaking butil ng luha sa pag-agos mula sa kanyang mata.

“S-saan galing ito? Bakit… bakit na sa’yo ito?” Putol putol niya tanong.

Napabuga ako ng hangin mula sa akong bibig dahil parang nauubusan na ng hangin ang dibdib ko.

“Galing iyan kay Lara, Lawrence… iyan… ang pangalan ng batang kinuha niya sa Quirino Med upang maging baby ni Kyline. Kyline isn’t carrying my child, but she continues to deceive me into thinking she is pregnant. Just when her due date arrived, she needed a child to replace the baby we lost,” I told him.

Mas lumakas ang pag-agos ng luha niya.

“A-and the r-replacement b-baby is?” Halos pabulong na niyang tanong dahil nasasapawan ng kanyang iyak ang kanyang boses.

“It’s Eiji, baby. It was Eiji. Si baby Eiji at si Z… iisa lang sila.”

“But you said he is your child!” he yelled, his voice hoarse.

I nodded.

“Yes, the DNA test results show that my DNA matches Zion’s.”

Matigas siyang umiling sa akin. “P-pangga, hindi… h-hindi!” aniya na parang nakukuha na niya ang nais kong sabihin.

“Baby,”

“Hindi ito pwede, Xavier! Hindi!” Pagwawala niya at sinimulang pugpugin ang dibdib ko gamit ang kamay niya.

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya dahil nagsisimula na siyang manginig at magwala sa kanyang sarili.

“Baby, baby, look at me,” I pleaded, trying to catch his anxious eyes. “Baby, I might… I might be one of your v-vi*lators.”

“No! You can’t be! N-no! This can’t be, Xavier!” he shouted, his unease palpable.

I hugged him tightly.

Tinulak niya ako. “Nasaan si Lara? I wanna talk to her… I wanna talk to Lara, Xavier. Pinaglalaruan lang niya tayo!”

“Baby,” bigo kong iling.

“Gusto k-kong marinig m-mula sa bibig n-niya ang n-nangyari! May t-tanong ako s-sa kanya!”

“Lawrence,”

“You can’t be one of them… Xavier. You… just can’t be one of them!” He pleaded through his tears, his voice choked.


This story is COMPLETED (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 39

Chapter 39

Mark Lawrence Pov

Piping tumutulo ang mga luha ko habang nakapako ang tingin ko sa maliit na papel sa aking kamay. Kahit na luma na iyon at nagsisimula ng mag-fade ang sulat sa papel. Klarong-klaro pa rin ang pangalan na nakalagay doon.

I ran my trembling hand over the paper,  as another wave of tears poured from my eyes. ‘My baby… my baby Eiji.’  I whispered, the ache in my chest deepening with every word.

Naghahalo na ang nararamdaman ko ngayon. A part of me is happy knowing that there’s a high chance Zion is my child. But another part of me is in pain, aching because of what Zion went through at the hands of Kyline until he ended up in Cebu. And my heart is wrenching at the thought that if Zion is my child and the fact that… he could be Xavier’s too is…

I shook my head. He can’t be one of them. He can’t be one of those men who harassed and vi*lated me.

While we were on our way to the precinct where Lara was detained, Xavier’s gazes at me were so palpable. Pero sa byahe namin patungong presinto ay hindi ko nililingon si Xavier. Sinasadya ko iyon kasi naiiyak ako… palaging nagbabago ang sakit sa dibdib ko kapag nakikita ko ang malungkot at nasasaktan niyang mga mata.

Despite him admitting that he is one of my vi*lators, why do I feel no resentment toward him? Bakit ngayon na magkasama kami… awa at lungkot ang nararamdaman ko para kay Xavier? If he were one of them… I should have felt something from him. Hindi dapat ganito na nasasaktan ako.

Desidido akong puntahan si Lara at makausap ito kahit na pinipigilan ako ni Xavier. Nag-aalala si Xavier na baka raw hindi ko kayanin.

So… tell me, how is this man one of those as*holes? Magkasama kami ni Xavier sa bahay niya. Lantaran kong pinapakita sa kanya kung gaano ako ka-interesado sa kanya pero wala siyang ginawa. Ayaw ko ngang magpaligaw sa kanya kasi gusto ko na naman siya… I mean, he’s my crush—my ultimate crush and idol! Who wouldn’t want that, right? An idol liking his fan back! It’s a long shot for someone like me to be liked by Xavier. That’s the reality for most fans.

Then, I realized that Xavier didn’t court me just to gain my ‘yes.’ He courted me so that I would fall for him—for who he truly is, not because he is my idol. Nanligaw siya dahil gusto niya akong mahulog sa kanya hindi lang dahil iniidolo ko siya kung hindi para mahulog ako sa totoong siya. Na kahit hindi na siya sikat o artista mamahalin at gugustuhin ko pa rin sa kanya.

Now, I love Xavier! I love him so much, which is why I cannot accept what he said—that he is one of my vi*lators. How did our fate become such a mess? Ito ba ang sukli ng panandaliang saya ko sa piling niya? Ito ba ang kapalit sa kagustuhan kong maging akin si Xavier?

“We’re here.”

I was abruptly pulled from my deep reverie when Xavier’s low, melodious voice cut through the silence, drawing my attention away from my thoughts.

Napatingin ako sa labas at sa location ng presinto. May iilang dumadaan na tao at may mga pulis na pumapasok-labas mula sa loob ng presinto.

Bumaling ako kay Xavier at nakita kong kumuha siya ng facemask na kulay itim at sinuot niya iyon. Hindi natatabunan ang kanyang mata gamit ang facemask kung kaya’t nakikita ko ang kanyang matang namamaga mula sa kakaiyak kanina.

“Xavier,” tawag ko sa kanya. Nanlalabo na naman ang mata ko. Ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit na makita siyang ganito. Mas sanay ako sa Xavier na laging istrikto at walang emosyon ang mukha. Mas sanay ako sa Xavier na laging galit! Ngayon pakiramdam ko konting kilabit lang sa kanya at bibigay na ang katawan niya.

“Baby,” anas niya. Mabilis na nanubig ang kanyang mga mata.

Parang mag-iiyakan na lang kami nito ngayon dito sa kotse.

“I know h-hindi mo iyon magagawa, Xavier. Naniniwala a-ako.” Buong-buo ang boses ko kaso sa loob-loob ko ay unti-unti na akong nalulugmok ng pinong-pino! Tila niyuyurakan ang aking dibdib sa sakit!

Kinalas ni Xavier ang kanyang seatbelt at saka pinalis ang mga luha sa aking pisngi na traydor na umaagos. Nagkatitigan kami gamit ang mga matang punong-puno ng luha.

“Mahal na mahal kita, Lawrence. Hindi ko alam kung papaano ito nangyari lahat pero mahal na mahal kita.”

Tumango ako at humawak sa kanyang kamay na nasa mukha ko. Dinadama ang init ng kanyang palad! Mariin akong napapikit at ang maiinit kong luha ay patuloy na umaagos.

“Alam ko… alam ko, Xavier. Kaya naniniwala akong hindi ikaw ang lalaking hindi pa nahuhuli na mga kapatid ko.”

Umalon ang kanyang Adam’s apple.

“Baby… if… I did it… if I ever became one of your vi*lators… I promise you, Lawrence… I will slit my own throat and put a gun to my head.”

“Shh!” I hushed him and placed my trembling fingers over his lips to seal them from uttering any more harsh words.

“I trust my gut feeling. I trust my heart, Xavier.”

Xavier pulled me into his arms and held me tightly, as if I were about to vanish, embracing me with his utmost strength for what felt like the last time.

Hindi ko maipirmi ang aking paa at kamay habang hinihintay namin ni Xavier si Lara. Hawak ni Xavier ang isa kong kamay at napakapit naman ako doon ng mahipit.

Panay ang hingang malalim ko dahil namimigat na ang aking dibdib sa mga segundo at minutong lumilipas.

“She’s here.” Ang munting bulong ni Xavier sa akin at doon ko nakita ang babaeng papalapit sa amin. Suot nito ang isang kulay dilaw na tshirt at cotton pants. Naka-posas sa harap ang kanyang kamay at naka-loose bun naman ang kanyang buhok sa likod. May iilang pasa rin akong napansin sa kanyang braso at iyong sa mukha niya pero hindi naman presko.

“Xavier…” anas ng babae kay Xavier bago lumipat ang mata sa akin. “Lawrence.”

Pinaupo no’ng babaeng pulis si Lara sa tapat namin ni Xavier at saka dumistansya ang babaeng pulis.

“Kilala mo ako?” tanong ko kaagad kay Lara.

Tumango siya. “I-ilang beses na kitang nakita at… nasundan doon sa Club Ferrer.”

Napatingin ako kay Xavier.

“Sila… si Lara at Kyline ang nagbenta ng informations at larawan natin sa articles no’ng nasa Club Ferrer tayo.” Wika naman ni Xavier.

Walang imik akong tumingin kay Lara.

“Sorry, Mark Lawrence. Sorry…” anito at kinagat ang ibabang labi.

“I’m not here to listen to your apology, Lara.”

Ang mata niya ay lumipat kay Xavier.

Kinuha ko ang kamay ko na hawak ni Xavier bago ko kinapa sa bulsa ng aking shorts ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng anak ko.

“Sa’yo ito galing, ’di ba?” saad ko at pinakita sa kanya ang papel.

Bumilog ang kanyang mga mata nang makita ang papel.

“X-Xavier… ano ’to?” Litong tanong ni Lara.

“Sagutin mo siya, Lara.” Ang matigas na utos lang ni Xavier kay Lara.

Napalunok ng malalim si Lara at saka tumango sa akin.

“Papaano at bakit na sa iyo ito? Saan mo ito nakuha, Lara?” Diin kong tanong sa kanya. Halos maputol na ang ugat ko sa leeg sa pagpipigil na huwag tumaas ang ang boses!

“Nakuha mo iyan galing kay Xavier?” Umpisa niya at saglit na tiningnan si Xavier. Hindi ako nagsalita at tumitig lang ako sa kanyang mukha. “Sinabi na ni Xavier sa’yo ang tungkol kay Kyline? Ang pagkakuha ng bata nila? Ang tungkol sa nawala nilang anak noon? Hindi ko alam kung ano ang kinalaman mo rito, Mark Lawrence. Hindi ko alam kung bakit nasa kamay mo iyang papel–”

“Deretsuhin mo ako!” Gigil kong putol sa kanya.

Namula ang kanyang mga mata, nagsimulang manubig ng luha.

“Xavier,” si Lara at umiling kay Xavier. “Alam ko na ang kasalanan ko, Xavier. Umamin na ako at handa ko iyong pagbayaran pero… b-bakit ganito? Para saan itong pagdala mo kay Mark Lawrence di–”

“Just answer him, Lara!” Xavier growled in a restrained voice.

Binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila at sarkastiko itong tumingin sa akin. “Anong gusto mong malaman, Mark Lawrence? Hindi pa ba sapat sa’yo na inamin ko na kami ni Kyline ang magbenta ng larawan ninyo ni Xavier no’ng nandon kayo sa Club Ferrer? Ngayon…” humingang malalim siya. “Gusto mong malaman na nagnakaw ako ng bata para kay Kyline? Ano pa ba ang gusto mong malaman?! Na kriminal ako dahil accomplice rin ako ni Kyline sa pagkidnap kay Zion at pati na sa pagpatapon ng bata sa Cebu? Alam k-ko! Alam ko na ang mga mali ko at ang mga katangahan na ginawa ko para kay Kyline kaya ano pa ba ang–”

“Saan! Saang ospital mo kinuha si Zion?” Putol ko sa kanya. Nanginginig na ang kamay ko rito sa ibabaw ng mesa na mag-aawat sa aming dalawa.

Lara clicked her tongue. “My lawyer–”

Her words died on her throat when I butt in. “Answer me!”

“Fine! Sa Quirino Medical Hospital, doon ko kinuha–”

“When!”

Masamang tumingin sa akin si Lara kahit na nagbabadya na ang mga luha niyang umagos. “You know what, Lawrence? This is wrong! You are not involved in this mess, but you are—”

“I am involved!” I cut her off, my heart racing inside my chest.

“What?!” Lara exclaimed.

Mariin kong tinuro ang papel sana nasa gitna naming dalawa.

“Ito… itong pangalan na nakasulat sa papel na ’to. It’s my son’s name! Pangalan ito ng anak ko na hindi ko nakita at nahawakan ng apat na taon!” Napaluha ako sa galit!

Nanlalaki ang mga mata ni Lara, tila nakakita ng multo sa gulat nang aking siniwalat sa kanya.

“Huwag kang magsasabi na hindi ako involved dahil ito… ito palang… involved na ako!”

“M-Mark Lawrence–”

“Tell me, kung sa Quirino Medical Hospital mo kinuha ang bata… nasunog ang nursery room. How… did you manage to take the child with you!”

Napailing-iling si Lara sa akin. Lumandas ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa namamahinga sa kanyang mga mata.

“I l-lost my memories, Lara. Hindi ko alam na may anak ako sa mga taon na lumipas. At nang malaman ko naman… sinabi nila na wala na kasi n-nasunog ito. Pero… naglibing ang mga magulang ko ng bata na hindi sa akin. Ngayon pinaghahanap ko ang anak ko, buhay man ito o patay na kapag nahanap namin. Hindi kami titigil. And now… Xavier gave this paper to me. It… it gives me hope. Pag-asa na makabawi ako sa anak ko. Pag-asa na makakapiling ko ang anak ko matapos ng ilang taon na wala siya sa akin at wala akong matandaan sa kanya. Lara… please enlighten me. How… did this happen? Kasi ngayon… gulong-gulo na ang buhay ko— ang pagkatao ko!” Pakiusap ko kay Lara na humahagulhol.

Nagpunas si Lara sa kanyang basang pisngi bago pinagsiklop ang kanyang kamay sa isa’t isa. Yumuko siya at nagsimulang magkwento.

“It was… four years ago… dumating ang due date ni Kyline, ang araw kung kailan siya mangangak… sana. At dahil hindi naman siya totoong nabuntis… kailangan namin ng bata na magiging anak-anakan niya. Wala eh, desperada na siya noon. At dahil kami lang ni Kyline ang nakakaalam no’n… at ako lang din ang malalapitan niya… ako ang inutusan niyang kumuha ng bata. Sumubok akong pumunta sa mga bahay ampunan dahil baka may mga bata doon… kaso wala. Hanggang sa naisipan ko sa Quirino Medical Hospital. Maraming bata doon… maraming batang bago palang siniling. I manage to broke the CCTV in the nursery room and took a nurse uniform para makapasok sa loob ng nursery room. Doon may limang bata… maingay… umiiyak… pero may isang bata na hindi umiiyak at tahimik lang. Eiji Calderon… iyan ang pangalan ng bata. Hinding-hindi ko iyan nakakalimutan. Kinuha ko ang papel na nakalagay sa paa ng bata at iyong suot na bracelet o parang anklet sa paa ng sanggol na si Eiji ay inilipat ko sa paa ng katabing bata. Nailabas ko ang bata sa nursery room gamit ang iron trolley na dala ko. Pero nagkagulo na rin no’n sa ospital nang biglang nag-alarm na may sunog. Kaya tagumpay kong nailabas ang bata na walang nakakapansin. At iyong bata… iyong sanggol na Eiji Calderon ay siyang naging anak-anakan ni Kyline at Xavier na si Zion.” Salaysay ni Lara.

I pressed my fingers on my eyes. Naipikit ko na lang ang aking mata at saka humagulhol ng iyak.

“I’m… I’m so sorry, Lawrence. I’m so sorry!”

Napailing-iling ako.

“Bakit ka umabot sa pagnanakaw ng bata, Lara? You look decent and respectable. Why?” I cried.

Mapait siyang ngumiti.

“Si… Kyline lang ang kaibigan ko, Lawrence. Siya lang ang nag-iisang tao na tumulong sa akin no’ng walang gustong lumapit o makipagkaibigan sa akin. Siya ang naging kakampi ko at tagapagligtas ko sa mga nambubully sa akin noon. Through her, nakalaya ako sa mga b*llies ko. Kaya nang kinailangan niya ako… ginawa ko rin ang lahat ng makakaya ko makabawi lang sa kanya.”

Dismayado kong umiling kay Lara.

“Lara… lumaki rin akong iilan lang ang tunay na kaibigan. Lara, ang isang tunay na kaibigan ay handang tumulong sa’yo, kaibigan na handang suportahan ang gusto mo ng walamg hinihintay na kapalit. Ang sakit, Lara, na dahil sa paniniwala mong tunay ang meron sa inyo ni Kyline, gumawa ka ng isang kasalanan na pagbabayaran mo habang buhay. Hindi ganyan ang pagkakaibigan, Lara. Walang hinihintay na kapalit o bayad ang pagiging isang kaibigan. You should… accept yourself. You should free yourself. And love yourself first.” Iyak ko. “I… learned that… i-in a very, very hard way. Dumaan din ako sa punto ng buhay ko… na ayaw ko na ring mabuhay… umabot na rin ako sa punto ng buhay ko na… sinukuan ko na rin pati ang sarili ko dahil sa pandidiri at pagkadisgusto. Ngunit… nakabangon ako… unexpectedly, nakayanan ko. Tinanggap ko ang sarili ko, minahal ko ang sarili ko kahit weirdo ako, at pinatawad ko ang sarili ko.” My last word to Lara was before Xavier and I decided to head out

Nang makapasok kami ni Xavier sa kotse niya. Kaagad niya akong niyakap. Once again, I cried in his arms.

“You’re so brave, baby. You’re so brave!” Alu niya sa akin.

“We… w-will do the DNA test again, Xavier.” Doon lumuwag ang pagkakayakap ni Xavier sa akin.

May tanong sa kanyang mga matang tumingin sa akin.

“Magpapa-test kami ni Zion… at ikaw rin… magpapa-test din kayo ulit. B-baka nagkamali lang, di ba?”

“Baby,”

Lumabi ako at sinubukang labanan ang paghikbi. “H-hindi ko sasabihin kina Kuya o kina Mommy. Tayo pa lang ang nakakaalam nito. H-huwag mo na nating sabihin sa pamilya ko, Xavier.”

“Baby, no.” He argued.

“Ayaw ko!” Pagmamatigas ko. Alam ko na sa oras na malaman ito ng pamilya ko… hindi nila sasantuhin si Xavier. With my brother’s rage and my parents’ determination to catch the last man who vilated me, I know they won’t let Xavier step into our house and won’t think twice about ctting his throat!

“Baby…”

“Magpapa-test ulit tayo… kapag… kapag nalaman na natin ang resulta–”

“I’ll k*ll myself, Lawrence. I will put an end to my life. But always remember how much I love you, baby. My feelings, my intentions, and my love for you will always be true!”

Hindi ko siya sinagot at yumakap lang ako sa kanya. Natatakot ako. Natatakot sa lahat na maaaring mangyari.

“Mami, hindi po dito matutulog si Daddy?” tanong ni bibi Zion sa akin nang pakainin ko siya ng hapunan. Kompleto kami, nandito si Kuya Carl, Kuya Camelot at ang Mommy at Daddy ko. Hindi ko pinansin ang kanilang mapanuri at nakamamatay’ng titig sa amin ni Zion na parang may sariling mundo.

“Hindi, dong… m-may gagawin si Daddy, eh.”

Ngumisi si Zion. Humalik sa aking pisngi kahit nahihirapan siyang abutin. “Then, I’ll sleep on your bed, Mami? Just you and me?”

Malambing akong tumango kay Zion at inayos ang buhok.

“Oo, dong. Gusto mo iyon?”

Ganado siyang tumango sa akin. “Yes, mami ko!”

Malakas ang naging tugon ni Zion sa akin kung kaya’t napatikhim si Daddy doon. Bumaling ako kay Dad.

“Daddy,” anang ko.

“Kumain ka na rin, anak.”

Tumango ako at nakita ko silang napabuntong hininga na lang.

Nang matapos kaming kumain, umakyat na kami ni Zion sa taas. Dinala ko si Zion sa silid ko.

“Goodnight, dong!”

“Goodnight, mami ko!”

“I love you, dong.”

Lumiwanag ang mukha ni Zion. “Love ko rin ikaw, mami ko!”

Nagk-kwento ako kay Zion upang makatulog ito nang may kumatok sa pinto ng aking silid. Tumayo ako mula sa kama at saka tinungo ang pintuan.

“Mommy,” anang ko nang makita kong si Mommy pala ang kumatok.

“Anak… kumain ka ba ng maayos? Kanina lang tayo nagkakasabay kumain pero pansin kong… iyong bata lang ni Xavier ang inuuna mo.”

“Busog ako, Mom. N-namiss ko lang po kasi si Zion.”

Malungkot na inabot ni Mommy ang aking kamay.

“Anak, hindi si Zion ang anak mo, huh. Ipapaalala ko lang sa’yo na anak siya ni Xavier at–”

“A-alam ko, Mom. No need to remind me.” Putol ko kay Mommy. I’m so sorry, Mom. Kailangan ko munang makasiguro sa lahat bago ko sabihin sa inyo ang totoo. Dahil alam ko… kapag sinabi ko sa inyo ito… hindi na aabutan ng umaga si Xavier.

Lihim ang pagpapa-DNA test namin ni Zion at pati na ang ulit na pagpapa-DNA ni Xavier at Zion. Kaming tatlo ang pumunta sa mismong laboratory. At ang resulta ay makukuha namin in two days.

At habang naghihintay ng resulta, si Zion ay nanatili muna sa akin. Ewan ko pero si Xavier… parang nilalayo niya ang sarili niya sa amin ni Zion. Laging nag-a ‘I love you’ at kinakabahan ako sa inaakto niya. Kinukumusta ko siya tungkol sa kaso ni Kyline at Lara pero wala siyang ganang pag-usapan iyon. Si Ate Xaña na ang pinaasikaso niya no’n at ang legal team nila.

“Hi, Rence!”

Bungad ni Maica sa aming video call. Nahanap niya ang Facebook account ko at in-add ako kaya ngayon ay tumatawag siya.

“Hello, Maica!”

“Bukas na ang birthday ko! Makakapunta ka? You can bring your plus one you know!”

Bumuntong hininga ako. Nakalimutan ko na iyong birthday ni Maica sa dami ng mga nangyayari at sunod-sunod pa.

“T-titingnan ko, Maica.”

Lumabi naman siya. “It’s fine, Rence. Though kapag makakadalo ka, red and black ang theme ng party. Okay?”

Mahina akong tumango. “Happy birthday, Maica.”

“Thank you, Rence!”

Pagkatapos ng tawag namin ni Maica ay pinatay ko rin ng aking telepono. Ang teleponong gamit ko ay iyong luma ko pa ring Android phone. May binigay si Kuya Carl na bagong phone kaso hindi ko iyon ginagamit.

“Mami, look!” Napatingin ako sa ginagawa ni Zion. Drawing niya iyon, mukhang tatlong tao yata at parang stick lang sila.

“Wow! Ang galing naman ng bibi namin!”

“Hehehe! This is our family, Mami ko! This is you,” turo niya sa isang tao na guhit niya, “this is baby Zion,” sunod niyang turo sa nasa gitna na drawing niya, “and this is Daddy Xavier! Complete na tayo, Mami ko! Hehehe!”

“Thank you, dong!” Niyakap ko si Zion. “I love you, dong!” bulong ko sa kanya sa gitna ng yakapan namin.

“I love you too, Mami ko!”

Kinabukasan, gabi, at pinapatulog ko si Zion sa aking kama at naghihintay rin ako ng tawag kay Xavier nang may email na dumating. Tiningnan ko iyon at nakita kong resulta iyon sa DNA test.

Napalunok ako at isang buntong hininga ang ginawa bago binuksan ang resulta ng DNA Test namin ni Zion.

Tumulo ang luha ko nang makita ko ang resulta namin ni Zion… it’s… it’s positive! Positive ang resulta, anak ko si Zion. Siya nga si Baby Eiji.

Nabitiwan ko ang telepono ko at niyakap ko ang natutulog na si Zion.

“Anak ko… baby Eiji! Anak ko,” hagulhol ko ngunit naputol din ang aking iyak nang magring ang telepono ko.

Pinulot ko ang telepono at nakita kong tumatawag si Xavier. Masaya ko iyong sinagot kahit na humihikbi ako.

“X-Xavier… pangga… natanggap ko na ang resulta… anak ko si Zion, Pangga! Anak ko si Zion.” Natatawa kong anas pero walang tigil sa pag-ulan ang mga luha ko.

“Baby…” My spritely voice faded in my throat as I heard Xavier’s forlorn tone that silenced my words.

“X-Xavier?”

“I love you, Lawrence. I really do…”

“Xavier!” Napatayo ako.

“Baby, always remember that I’m so glad to have known you, even if it was for a short time. How I wish I had known you from—.”

Habang nagsasalita sa kabilang linya si Xavier, binuksan ko ang document ng resulta sa DNA Test nila ni Zion at nakita ko ang malaking positive doon. At saka ko lang naalala ang mga sinabi niya sa akin no’ng galing kami sa presinto!

“Xavier!” Nagmamadali kong sinuot ang pangloob kong tsinelas. Hinalkan ko ang noo ni Zion bago nagmamadaling bumaba at lumabas ng bahay.

“H-huwag mong ibaba ang tawag, Xavier! Pupuntahan kita, nand’yan na ako. Mag-uusap tayo! Xavier naririnig mo ba ako?” Hinihingal kong anas at napalinga-linga dahil walang dumadaan na taxi!

Hindi pa naman ganon kalalim ang gabi. Alas nuebe palang!

Nang may makita akong paparating na sasakyan matapos ang ilang minutong paghihintay. Agad ko iyong pinara. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang nasa tenga ko pa rin ang telepono! Nakakarinig na ako ng kalabog sa kabilang linya at hindi ko alam kung ano iyon. Palakas nang palakas ang sipa ng dibdib ko.

“Xavier! Xavier! Nand’yan na a-ako…” Napatigil ako nang makaramdam ako ang pag-ikot ng aking mundo. Napatingin ako sa harap at nakita kong may kung anong nilagay ang driver doon sa A/C ng kotse.

“A-anong…” Nanghihina kong anas at unti-unting nabitiwan ang telepono.

May narinig akong ingay o salita sa kabilang linya, hindi ko na iyon masyadong narinig dahil parang unti-unti akong nawalan ng kontrol sa katawan ko.

Sa gitna ng panlalabo ng mata ko ay naaninag ko ang isang lalaki sa driver’s seat. Nakasuot siya ng mask sa pero nakikilala ko ang kanyang mukha— ang kanyang mga mata!

“Long time no see, Mark Lawrence Calderon!” Iyan ang lang huli kong narinig bago ako bumagsak sa backseat!


This story is

COMPLETED (with 1 Special Chapter)

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 40

This is the last chapter of EGS4: XAVIER FALEIRO. Thank you for reading! I appreciate your votes (reactions), comments, and follows! This ride wasn’t easy and was full of surprises. I hope you enjoyed it and felt the same thrill I experienced while writing the story. I know this story contains many distressing scenes and events, but thank you for staying with me… along with Lawrence and Xavier! Honestly, I didn’t expect the support you have given to this story. I love you, my very own little armies! Stay tuned for the next installment of EGS. I LOVE YOU!

Chapter 40

Third Person Omniscient POV

“Hi, Lawrence! I didn’t know you weren’t in the Philippines! If it weren’t for your Mama Dilya, I wouldn’t have known na nasa ibang bansa ka pala!” Tunog tampong saad ni Maica sa kaibigan. Kasalukuyan silang nagf-facetime ng kaibigan na nasa ibang bansa.

“Sorry… sorry, Maica. It.. it was sudden din naman kasi.”

Tumango si Maica. “I understand, Lawrence. Though… I thought… nilalayuan mo na ako kasi na bankrupt na kami.”

Mabilis ang naging pag-iling ni Lawrence sa kaibigan. “No! Wala akong iniisip na ganyan, Maica. We will always be friends kahit na ano pa ang estado mo sa buhay. Don’t think about such kinds of things, okay?”

“Thank you, Lawrence.”

“Thank you too, Maica. Also… hindi kita nakausap no’ng burol ng mga parents mo. I’m so sorry for your loss, Maica.”

Lumabi si Maica at ngumiti sa kaibigan. Kahit na malayo sila sa isa’t isa at sa screen lang nakikita ni Lawrence ang kaibigan. Batid niya ang lungkot nito. Alam ni Lawrence na presko pa rin sa kaibigan ang pagkawala ng mga magulang nito.

“Na-busy lang kasi kami ni Kuya… you know… kami na lang ang nagtutulungan. Sorry din dahil hindi kita naasikaso no’n.”

Winiwasiwas ni Lawrence ang kamay. “I understand, Maica.”

Bumuntong hininga si Maica. “Anyways, nagv-vlog ka rin d’yan?”

Magiliw na tumango si Lawrence, dahil sa tanong na iyon ni Maica, na-divert sa magaan na topic ang kanilang pag-uusap!

“Yes! May mga lugar akong pinuntahan dito and took some videos. Hintayin mo sa YouTube ko ang bago kong vlog!” Masayang sabi naman ni Lawrence.

Sa hilig ni Lawrence sa vlogging, ang kanyang naging number one fan ay ang kaibigang si Maica. Kahit na silang dalawa ang nagtutulungan para sa kanyang vlog, masaya si Lawrence na laging nakaabang ang kanyang kaibigan sa mga updates at uploads niyang videos sa kanyang YouTube channel.

Hindi sikat at kokonti lang ang subscribers ni Lawrence ngunit masaya na siya doon. Naging libangan niya rin ang pagv-vlog upang hindi na masyadong dibdibin ang panghihinayang sa sarili na hindi makakasama sa isang screen ang kanyang crush at idol na si Xavier Faleiro!

Tinaga ni Lawrence na kapag nagcollege siya at hindi niya pa rin ulit makita at malapitan si Xavier. Kakausapin na niya ang kanyang mga magulang na imbitahan si Xavier sa kanyang susunod na birthday! Sa yaman nila ay hindi impossible para kay Lawrence ang bagay na iyan!

“I’m so excited!” Masayang wika ni Maica. “By the way, may online audition sa Tawag ng Tanghalan at Idol Philippines, Rence. Ayaw mong sumubok?” Dagdag ni Maica nang maalala ang nakitang post sa Facebook.

“No,” malungkot at mahinang sagot ni Lawrence sa kaibigan.

“Why? I thought by hook or crook, gagawin mo ang lahat para kay Xavier?”

Even with Lawrence’s obsession with Xavier, Maica supports him one hundred and one percent!

Nagkibit ng balikat si Lawrence. “Mag-aabang na lang ako sa susunod niyang concert o mall shows.”

“B-baka matagalan, Lawrence. Hindi nagc-concert ng sunod-sunod si Xavier.”

“Edi, ako na ang mag-iimbita sa kanya sa bahay namin— sa birthday ko!”

“I thought you wouldn’t use your wealth when it comes to Xavier?”

Napairap si Lawrence. “I’ll bend laws and promise for Xavier, Maica!”

Tumawa si Maica. “Me too! Kapag sa idol ko, ganyan din gagawin ko!”

Natawa na lang si Maica at si Lawrence sa kanilang mga kabaliwan!

“Anyways, when will you be back home?”

Ngumuso si Lawrence. “Next week, by Sunday, nand’yan na ako!”

“Great! See you next week then?”

“See you, Maica!”

“See you, Rence. Enjoy!”


Sa lumipas na araw simula nang mawala ang magulang ni Maica. Naging matamlay siya at malungkutin, tanging si Lawrence lang ang nagpapangiti sa kanya at nakakatulong na mawaglit sa isip niya ang biglaang pagkawala ng kanyang mga magulang.

Kaya naman nang dumating ang araw kung kailan ang dating ni Lawrence galing sa bakasyon nito. Excited si Maica. Hapon pa lang ay nag-ayos sa kanyang sarili si Maica kahit na gabi pa ang dating ni Lawrence.

“And where are you going?” Naputol ang saya ni Maica nang humarang sa kanyang harapan ang kanyang nakakatandang kapatid na si Marion.

“Kuya,”

“Where are you going? Going on a date? Gabi na.” Matigas na wika ni Marion.

“No!” Ang diing tanggi rin ni Maica at kumapit sa sling ng kanyang shoulder bag.

“Then where? You’re all made up and dressed like a sl*t—”

“Kuya! You are going too far! Hindi nga ako makikipag-date! Pupunta lang ako ng airport okay!?” Nag-iinit na ang ulo ni Maica dahil sa kanyang kapatid.

Ever since their parents left them, wala nang maayos na pag-uusap at interaksyon si Maica at ang kanyang nakakatandang kapatid na si Marion. Lagi na itong lumalabas at kapag umuwi naman ay lasing at kung hindi lasing, galit naman ito.

Sila na lang dalawa ang nasa malaki nilang bahay. Ang kanilang mansyon na lang sa SV ang natitirang ari-arian na naiwan ng kanilang mga magulang. Lumubog sila dahil sa utang ng kanilang mga magulang at hindi na nakabangon.

“Airport?” tanong ni Marion kay Maica na tila na-intriga sa sagot nito.

“Yes…”

“Anong gagawin mo doon? Aalis ka? Iiwan mo ako?”

Humingang malalim si Maica at saka inilingan ang kapatid.

“Nope! Ngayon uuwi si Lawrence. Sasalubongin ko siya sa–”

“Kuya! Kuya! What are you doing?!  Bitiwan mo ako! L-let me go, Kuya!” Pagliliksi ni Maica nang hilahin siya ng kapatid pabalik sa ikalawang padapag ng kanilang bahay!

“Hindi ka aalis ng bahay!” Ang mala kulog na anang ni Marion sa kanyang kapatid at saka kinaladkad si Maica tungo sa silid nito.

“K-kuya, anong ginagawa mo? Y-you are s-scaring me!” Naiyak na si Maica dahil sa takot sa kanyng kapatid! Nang makarating sila sa silid ni Maica ay ginapos siya ng kanyang kapatid sa kanyang four-poster na kama gamit ang nakatabing na tela sa kanyang kama.

“K-kuya! Bakit mo ito ginagawa?!” Pagpupumiglas ni Maica.

Hinawakan ni Marion ang pisngi ng kapatid. “Ako… ako ang susundo kay Mark Lawrence sa airport.”

Napakurap-kurap si Maica sa sinabi ng kapatid. “K-kuya… anong binabalak mong gawin?!”

“I’ll get even sa nangyari sa magulang natin, Mai.”

Nanginginig na umiling si Maica sa kanyang kapatid.

“N-no, kuya!”

“Because of his parents… because of that d*mn Calderons namatay ang mga magulang natin, Mai. Igaganti ko lang sila Mom at Dad.”

“N-no! Kuya… kaibigan ko si Lawrence! Not him, please!” Umiiyak na pagmamakaawa ni Maica sa kapatid. Nasira na ang make-up ni Maica dahil sa kanyang luha!

“Pera lang… pera lang ang gusto ko, Mai. Kaya tumahimik ka rito. Naiintindihan mo ako?”

Walang humpay sa pag-iling si Maica sa kapatid kaso parang sarado na ang utak ni Marion. Kinuha ni Marion ang telepono ng kapatid at saka iniwan ang ito sa silid nito na nakagapos! Kahit ano pang sigaw at pagmamakaawa ni Maica sa kanyang kapatid ay hindi na siya nito nilingon at iniwan na siyang umiiyak at nagpupumiglas sa pagkakatali.

Napailing-iling si Lawrence nang matanggap ang mensahe ng kanyang kaibigan. Naghihintay na raw sasakyan niya pauwi sa labas.

‘Palabas na ako!’ Ang reply naman ni Lawrence sa text ni Maica sa kanya.

‘Ingat! Can’t wait to see you!’

Ngumuso si Lawrence.

‘Me too!’ Reply naman ni Lawrence sa kanyang kaibigan.

Hila-hila ni Lawrence ang isang maleta palabas. Napatigil siya nang wala siyang makita na Maica na naghihintay sa kanya.

Binaba muna ni Lawrence ang maliit na camera na siyang gamit niya sa kanyang pagv-vlog at saka kinuha ang telepono sa loob ng kanyang maliit na bag. Magt-text na sana si Lawrence nang matanggap ang mensahe ng kaibigan. Tinext nito ang plate number ng sasakyan.

Nang makita ni Lawrence ang plate number ng sasakyan kaagad siyang lumapit doon. Sumilip siya doon sa bintana ng kotse nang bumaba ang salamin no’n.

Napaatras si Lawrence sa gulat. “K-Kuya Marion.”

“Hey, Mark Lawrence. Get in!” Maligalig naman na untag ni Marion.

“Si… si Maica po? Akala ko siya ang susundo sa akin?”

Malungkot na tiningnan ni Marion si Lawrence na nasa labas ng kotse, sa mismong tapat ng driver’s seat.

“Sadly, nagka LBM si Mai, Lawrence. Ako na lang ang pinapunta niya rito.”

“Ay… sorry, Kuya. Naabala pa po kita. Mag-aabang na lang po ako ng ibang masasakyan.” si Lawrence.

“No, sumakay ka na. Ako na ang maghahatid sa’yo sa bahay ninyo. Alam ko naman kung saan ka nakatira.” Giit pa ni Marion.

“Pero po kasi–”

“Sige na, Lawrence. Excited si Mai na makita ka. Kaso lang nagka-LBM siya. Sayang naman ang pinunta ko dito, right?”

At dahil nakokonsensya si Lawrence sumakay na lang siya sa kotse na dala ni Marion. Magkaibigan si Maica at Lawrence ngunit hindi close o masyadong nakakasalamuha ni Lawrence ang kapatid ng kanyang kaibigan. Kahit si Maica ay hindi rin kilala ng personal ang kanyang mga kapatid na laging nasa trabaho ang mukha.

Binuksan ni Lawrence ang kanyang camera na-inoff niya kanina at saka kumuha ng ilang video sa labas ngunit habang patagal nang patagal napansin ni Lawrence na hindi na pamilyar sa kanya ang daan. Kung kaya’t ganon na lamang ang kinunot ng noo ni Lawrence nang makita na iba ang daan na kanilang tinatahak ni Marion.

Napatay ni Lawrence ang kanyang camera.

“K-Kuya… iba na po yata ang daan na tinatahak natin. Hindi po yata ito ang daan pauwi sa bahay.” Si Lawrence at pinagpapawisan na ng malamig ang kamay. His heart pounded painfully against his chest, as if trying to break free

Humigpit ang kapit ni Lawrence sa maliit niyang camera. Napatingin siya sa paligid na halos walang bahay at ang nasa tabi lang ng daan ay ang mga damong matataas at matutulis!

Mas dumoble ang tambol ng puso ni Lawrence nang tumigil ang sasakyan. Napatingin si Lawrence kay Marion na ngayon ay nakasuot na ng mask!

“K-kuya–”

Hindi na matapos ni Lawrence ang kanyang nais sabihin nang bumaba sa sasakyan si Marion at walang habas nitong binuksan ang pinto ng kotse at padarag na kinaladkad si Lawrence palabas.

Binuksan ni Lawrence ang camera at mabilis niya iyong sinilid sa bulsa ng kanyang suot na hoodie.

“K-kuya… anong ginagawa ninyo? Saan ninyo ako dadalhin!?” Nanginginig na wika ni Lawrence at pilit na hinihila ang kamay mula kay Marion.

Nang magkaroon ng tsansa si Lawrence na masipa ang binti ni Marion. Sinipa niya ito at saka tumakbo sa talahiban!

Umiiyak si Lawrence at sumisigaw ng saklulo nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Marion!.

“Habulin ninyo! Ptangna!” ang sigaw ni Marion.

Ngunit ganon na lang din ang takot na lumukob kay Lawrence nang may kamay na humuli sa kanyang dalawang kamay! Nang tingnan iyon ni Lawrence. Nakita niya ang dalawang lalaki na hindi niya kilala!

“Aghh!” Ang daing ni Lawrence nang sampalin siya ni Marion. Nahilo ni Lawrence sa lakas ng sampal ni Marion sa knya at halos mawala ang pandinig niya sa impak ng kamay nito sa kanyang pisngi!

“Hindi lang iyan ang aabutin mo sa katigasan ng ulo mo, Calderon!” Diing wika ni Marion.

Kinaladkad ng dalawang lalaki si Lawrence tungo sa maliit na daan na nasa gitna ng talahiban. Naunang naglalakad si Marion at kinakaladkad naman ng dalawang lalaki si Lawrence!

“B-bitiwan ninyo ako! Anong binabalak ninyong gawin! Bitiwan ninyo ako! I-isusumbong ko kayo sa mga Kuya ko!” Pagwawala ni Lawrence sa kamay ng dalawang lalaki na hind niya kilala. Pero hindi pa sila nakakarating sa isang kubo nang nandidilim ang mukha ni Marion na humarap kay Lawrence at walang awang sinikmuraan si Lawrence.

Inis na binaba ni Marion ang mask na suot at sinuntok si Lawrence.

The punch to Lawrence’s stomach forces him to spit up his own saliva as the pain radiates through his body. Kumunot ang noo ni Marion nang tumama ang kanyang kamay sa isang bagay.

Napangisi si Marion nang makita ang nakatagong camera sa hoodie ni Lawrence.

“Calderon, Calderon, Calderon! Akala mo mauutakan mo kami? Gusto mo bang makita ang sarili mong pagpyestahan namin?” Tinapon ni Marion sa isang tabi ang kamera ni Lawrence.

Iling nang iling si Lawrence at nagmamakaawa kaso tila mga bingi ang lalaking nakahawak sa kanya!

Tinanggal ni Marion ang suot na leather hand gloves. At binalik ang mark sa mukha.

Tinulak ni Marion si Lawrence sa damuhan.

“Boss! Akala namin peperahan lang natin ’to?” anang ng isang kasamahan ni Marion.

“Ayaw ninyong tikman ito? Hindi ito babae pero may butas pa rin!”

Nanginig si Lawrence sa takot at kaba. Hindi kayang tumayo si Lawrence dahil sa panginginig ng kanyang sistema kung kaya’t gumapang siya sa damuhan upang makalayo sa tatlong lalaki nang may biglang humila sa kanyang paa at parang isang papel siyang binaliktad!

“H-huwag, kuya! P-please! H-huwag po!” Pagmamakaawa ni Lawrence. Pinagsiklop ni Lawrence ang kamay at nagmakaawa ngunit hindi siya narinig ng mga ito.

“Hawakan ninyo ang kamay!” Utos ni Marion na parang hindi naririnig ang umiiyak na pakiusap ni Lawrence.

“Tang ina ang puti!” Komento ng isang lalaki.

Humalakhak naman ang isang lalaki. “P*ta! Parang babae naman pala ito!”

“Okay na ito, boss, kahit walang pera! Tiba-tiba na rin tayo sa katawan nito!”

Umalingangaw ang iyak at paghingi ni Lawrence ng saklulo ngunit walang nakakarinig sa kanya sa gitna ng malawak na lupain. Ang tatlong lalaki naman ay mala-demonyo naman na pinagtutulungan si Lawrence.

Lawrence couldn’t feel anything except the hands roaming his body—one on his chest, another on his privates, and yet another on his legs. Someone was rbbing his gnitals, while someone else was forcing a sh*ft into his mouth. Too many hands, too revolting, and too inhumane. All Lawrence could do was cry and whimper in pain—a pain that would live within him forever, a pain that would leave its mark on his body, a pain that no one could ever erase!

“Shut your mouth, Lawrence, or we’ll k*ll your family one by one!” Banta ni Marion na kinakalas ang belt ng pantalon.

“Tahimik sabi!” Isang sampal na naman ang natanggap ni Lawrence mula sa isang lalaki.

“Kung ayaw mong mam*tay, tumahimik ka!” Ang isang lalaki at saka dumiin ang kamay nito sa braso ni Lawrence.

Ngunit maingay ang mga naging iyak ni Lawrence kung kaya’t narindi na rin si Marion!

“Tang ina! Patahimikin ninyo!” si Marion at ang isang lalaki ay hindi na rin nakapagtimpi, pumulot ito ng bato sa tabi at hinampas sa ulo ni Lawrence.

It’s too late for Maica! Nahuli na siya nang makarating siya sa lugar kung saan binaboy ng tatlong lalaki si Lawrence!

“You all are too gross!!!” sigaw ni Maica at saka mabilis na tumawag ng pulis gamit ang kanyang extra phone na dala!

“Maica!” sigaw ni Marion pero tinalikuran na ni Maica ang kapatid at tumakbo upang humingi ng saklulo!

Nang marinig nila ang siren ng pulis ay kaagad na tumakas ng mga lalaki na kasama ni Marion. Babalikan sana ni Maica ang kaibigan na nakahandusay sa damuhan nang may humawak sa kanya.

“Let’s go!” si Marion at saka hinila ang kapatid tungo sa kotse nila at umalis. Tulala si Maica at hindi makapagsalita sa nasaksihan niya sa kanyang kapatid at sa ginagawa nito sa kanyang kaibigan!

Mark Lawrence Pov

“Bakit inulit mo, Kuya! Naniwala ako na nagbago ka na! Naniwala ako na hindi mo na uulitin ang ginawa mo noon sa kaibigan ko! D*mn you! Kahit gustong-gusto kita isuplong noon sa mga pulis hindi ko ginawa dahil kapatid kita pero bakit umulit ka pa rin! Bakit hindi ka natuto, you gross!”

Pagod kong binuksan ang aking mata. Doon ko nakita sa aking harapan si Maica at Marion na nagtatalo. Nakapulang gown pa si Maica at walamg sapin sa paa at si Marion naman ay naka-tux pa, kagaya ng suot niya kanina.

Bumaha ang luha ko.

Naalala ko ang lahat ng nangyari sa gabing iyon. It was Marion… siya ang isang lalaki na hindi pa nahuhuli nila Kuya! Isa siya sa tatlong lalaki na bumab*y sa akin!

Tahimik akong umiiyak sa kabila ng pagtatalo nilang dalawa. Dahil sa galit ni Kuya Marion sa pamilya ko nang hindi pumayag ang mga magulang ko na bumili ng shares sa kanila… nagawa niya iyon sa akin! Hindi naman namin kasalanan kung bakit nagpakamatay ang kanilang magulang dahil sa bankruptcy. Sa kagustugan niyang makaganti… gumawa siya ng kademonyohan! At ang kademonyohan niyang iyon ang nagpabago sa buhay ko!

I hated my own name because of it. I hated being a Calderon because of them!

“Tumabi ka, Mai! This night is supposed to be your birthday! Nando’n ka dapat sa hotel, nag-ienjoy ka dapat sa birthday mo!”

“How?! How can I enjoy my birthday when you k*dnap my friend… again, Kuya!” Namamaos na ang boses ni Maica sa kakasigaw.

“I will k*ll him!” Bwelta naman ni Marion. “Kung hinayaan mo sana ako noon na tapusin namin ito! Hindi sana tayo magkaka-problema ngayon, Mai! Nakialam ka kasi–”

“Papaanong hindi ako makikialam, Kuya? Kaibigan ko ang b-binab*y ninyo! Kaibigan ko ang pinagsamantalahan n-ninyo!” ang sigaw ni Maica.

I was lying on the rough ground while Maica tried to shield me from his own brother. I scanned my surroundings and realized we were in an abandoned warehouse.

“Ni hindi namin nagawa ang nais naming gawin sa kanya! Binab*y namin? Ni hindi pa nga namin nakuha iyan! Tang ina! Hindi na ako nagkaroon ng normal na buhay dahil nakialam ka, Mai, sana—”

“You’re wrong! You’re d*mn wrong, Kuya! You brought this on yourself! You brought this misery upon yourself, dahil kung hindi ninyo ginagalaw at pinakialaman si Lawrence dati. Walang ganito, Kuya! You’re disgusting! You are sick!” Nandidiring bulyaw ni Maica. “Kung hindi ka naghangad ng paghihigante sa mga Calderon… wala ito! Kung nakontento at natuto ka lang noon… masaya tayo ngayon, Kuya!” Palakas nang palakas ang iyak ni Maica.

Gusto kong tumayo, gusto kong abutin ang gown ni Maica. Ngunit kahit na anong pilit ko… hindi ko maiangat ang kamay ko. Nais kong tumakas dito habang nagtatalo pa sila kaso hindi ko maigalaw ang katawan ko. Parang may invisible na nakagapos at nakadagan sa akin.

“Hindi mo ako naiintindihan, Mai!”

“Kuya… I know your pain! Pareho tayong nawalan, pareho tayong nasaktan nang mawala sila Mommy kaya alam ko… alam ko ang sakit na nadarama mo! Pero, Kuya… Lawrence is out of it. Hindi niya kasalanan— hindi nila kasalanan kung bakit mas pinili ng mga magulang natin na mawala dahil sa pagkalugi at utang! Don’t be so pathetic, Kuya! Don’t use your pain and anguish to escape harsh reality! Don’t place your burdens and grief on someone else! My best friend…” Napatigil saglit si Maica at humagulhol. “My best friend has already been through a lot, Kuya! Because of you, his life has become so miserable and hard. Kahit na… kahit na ayaw ko at labag sa loob ko. Pinili kita, Kuya! Pinili kita kaysa sa kaibigan ko… because I thought that blood is thicker than water. But I was wrong! You proved me wrong!”

‘Maica,’ piping anas ko.

“Tabi, Mai!”

Nanlalaki ang mga mata ko nang may marinig akong pagkasa ng baril. Lumakas ang pag-alog ng puso ko sa aking dugo nang makita ko si Maica na nakikipaglaban sa kanyang Kuya Marion. Nag-aagawan sila sa baril hanggang sa sinipa ni Maica ang private part ng kanyang kapatid!

Napaluhod si Marion sa sakit na dulot no’ng sipa ni Maica.

“Ahhh!” Umiimpit si Marion sa sahig.

Kinuha ni Maica ang pagkakataong iyon na lumapit sa akin at saka ako inakay.

“I-I can’t w-walk!” Umiiyak kong anang kay Maica nang itayo niya ako.

“I—I’ll help you, Lawrence. Just hold onto my shoulders or my waist. I w-will get you out of here.”

“Maica…”

“I’ve never been a good friend to you, Rence. I defended my cr*minal brother over you. Dapat noon ay nagsumbong na ako, Rence. Sorry that I am this coward! Hindi kita na-protektahan noon.” Umiiyak na litanya ni Maica habang inaakay ako tungo sa malaking pintuan ng warehouse.

“Tumawag ako sa bahay ninyo kaso w-walang sumasagot, eh. N-nagtext ako sa business card ni Camelot upang humingi ng saklulo… s-sana nakita niya at—”

Napahinto kami ni Maica nang bumukas ang pinto ng warehouse at iniluwa no’n si Xavier. Sa tulong ng malalaking ilaw ng warehouse nakita ko ang leeg ni Xavier na may dugo!

Tumakbo si Xavier tungo sa akin at niyakap ako. Bumagsak ang walang lakas kong katawan kay Xavier. 

“Baby! Are you okay? D-did he hurt you?” Tarantang anas ni Xavier at sinuri ang katawan ko.

“H-how did you know that I am here?”

Niyakap niya ulit ako. “Nawala ka sa kabilang linya. Naputol bigla ang tawag at si Camelot din tumawag sa akin na nawawala sa ka inyo at–”

Natabunan ang pagsasalita ni Xavier nang may malakas na halakhak na sumapaw sa kanya. Kaming tatlo ay napatingin sa parang baliw na si Marion. Ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang ituon ni Marion ang baril sa amin.

“K-kuya Marion…”

“Happy ever after?” Ngisi nito. “Nah… magkamatayan tayong lahat dito!” Parang baliw na saad ni Marion bago nagpaulan ng bala sa amin! Niyakap ako ni Xavier bago inikot upang maprotektahan sa mga bala!


This story is

COMPLETED (with 1 Special Chapter)

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

EPILOGUE

Epilogue

“So all you’re gonna do here is haul yourself into my apartment?” Xaña said as she dropped onto the bed where her brother, Xavier, had been lying all day.

Xavier’s hands blindly searched the bed for a pillow to cover his ears, but Xaña had already taken them and thrown them on the floor.

Xavier groaned in annoyance and irritation.

Xaña lazily stared at her brother, who was lying on his stomach, half of his body covered with the bedsheets.

“I’m tired, Xaña. Just… just go to work and let me rest!”

Sinampal ni Xaña ang likod ni Xavier. Napadaing si Xavier sa lakas ng pagkakasampal ng kanyang kapatid sa kanyang likod. Kita ni Xaña na nagmarka ang kanyang palad sa likod ng kapatid pero hindi siya nakonsensya doon.

“I thought you didn’t go back to the Philippines with the crew because you wanted to chill, relax, and wander around?”

Xavier groaned. “I just wanted to rest!”

“Tsk! You know it’s the best season here in London! It’s springtime. It’s the perfect time to roam around, walk, and get drunk! I know the best bar around. You should try it yourself.” Sulsol pa ni Xaña sa kapatid. “Hindi ka laging magkakaroon ng time to idle and chill, Xavier. Once bumalik sa sa Pinas… magiging busy ka na ulit.”

Tamad na tumihaya si Xavier at saka tumingin sa mababang ceiling ng apartment ni Xaña. Alibi lang ni Xavier na natutulog siya o magpapahinga. Because he cannot sleep a wink with the bustling cars and busy streets just meters below.

“Don’t just lock yourself up in here. Try to go out and roam around, Xavier. I know what you’re going through right now isn’t easy. What you had with Kyline… you’ll get through it!” Xaña reached for her brother’s hand. “If Lola Marcila and Lolo Handro saw you like this… they would be sad.”

Tingin ni Xavier kaya rin siya naging artista at medyo nagtatagumpay na sa kanyang career dahil magaling siyang magtago ng feelings. Magaling siyang magpanggap.

Tanggap na ni Xavier na wala na talaga sila ni Kyline. He is below Kyline’s status, which is why her parents are pushing them to part ways. However, things become more complicated when they learn that Kyline is pregnant with his child. Kyline’s parents want the baby gone—they are pressuring her to abort the poor and innocent life. Iyon ang hinding-hindi papayagan ni Xavier. He negotiated with Kyline’s parents to allow the child to be born, promising that he would take care of the child alone. Kaya ni Xavier na buhayin ang kanyang anak na mag-isa.

“I’ll be a father soon, Xaña. Papalakihin ko ang bata na… ako lang. I think I can take care of the child and am capable of giving them a good future. But… I’m afraid of whether I’ll be a good father. Anyone can be a father, a parent, but not all of them will be a good father or a good parent. And that scares me!” Xavier voiced, gesturing with his hands. “I don’t care about Kyline anymore. I only care about the child she’s carrying.”

Umusog ni Xaña at saka niyakap ang kapatid. She could feel her brother’s hesitation and fear. Xaña rubbed his back and hummed a few encouraging words.

“Our parents may leave us too soon. But I know… you’ll be a great father, Xavier. You are not alone, brother. I’m here… and so are Lola and Lolo Handro. They’ll be at your disposal too!”

Xaña pushed Xavier gently and looked into his face. She cupped his cheeks and stared into his bloodshot eyes.

“You’ll be a great father, Xavier. Trust me on that.”

“Thank you… thank you, Xaña.”

Xaña’s lips curled into a smile before she let go of his face.

“Go wash up and take a stroll. There’s a good bar not too far from here.”

Matamlay na ngumiti si Xavier.

“Kakatapos lang ng shoot namin kahapon sa Buckingham Palace.”

“Yeah! Pero hindi ka sumali sa wrap up party ninyo kahapon! Lagyan mo naman ng konting alcohol ang katawan mo bago ka umuwi sa Pilipinas. I know there are good bars in BGC when you head home but try some cocktails here.” Encourage pa ni Xaña sa kapatid.

Umalis si Xaña sa kama ni Xavier at saka tinungo ang pinto.

“Will you join me?”

Nilingon ni Xana ang kapatid na gulong-gulo ang buhok, umiling si Xaña. “Sorry, brother. I have some things to fix at my work. Maybe next time.” Xaña said before twisting the doorknob.

“Wait!” Tawag ulit ni Xavier sa kapatid.

“Yes?”

“Saan… saan iyong sinasabi mo na nags-serve na masarap na cocktails?”

Xaña’s lips tug into a smile as she points her fingers in a direction. “Just head north and look for Cahoots Underground. Really, it’s actually an underground station, and they’ve transformed it into a hidden cocktail bar just beneath the bustling street!” She winks at her brother before making her exit.

Muling naibagsak ni Xavier ang katawan sa kama nang mawala ang kapatid at saka tumingin sa nag-iisang bintana ng silid. The yellow hues of the sky gradually deepened into vibrant shades of orange, signaling the imminent arrival of night.

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Xavier bago bumangon sa kama at saka kumuha ng towel para maligo.

At the same time, Lawrence was busy taking videos of himself and the view around him. He was capturing images of the streets, buildings, and the sky above, which was a mix of deep indigo and scattered stars, with occasional clouds drifting by. The atmosphere seems to blend modern urban energy with the quiet stillness of the night. The towering structures are illuminated with vibrant lights, casting a soft glow across the surrounding streets. The air is crisp, with a gentle breeze carrying the cool remnants of the day.

Spring in London is a vibrant and refreshing time. The city comes alive with blooming flowers, longer daylight hours, and milder temperatures. That’s why Lawrence was dressed in only his beige trousers, shirt, trench coat, and ankle boots. He had a bag slung over his back and was wearing a bonet hat.

As Lawrence made his way to BT Tower, he paused to review his pictures, reliving the moments captured through his lens. Napangiti si Lawrence sa mga magagandang kuha niya sa lugar na pinuntahan. Hindi siya nagsisi na sa London siya nagbakasyon dahil sulit na sulit niya ang ganda ng spring season. After winter, the city awakens from the cold and white snow; that is why parks and gardens burst into life with blooming flowers such as daffodils, cherry blossoms, and tulips.

Lawrence is not surprised when he bumps into more people during his vacation because that is when people begin to enjoy outdoor cafes, street markets, and riverside walks along the Thames. During his vacation, Lawrence also encounters some cultural festivals, including Easter celebrations, the Chelsea Flower Show, and various art exhibitions, giving the city a lively, refreshed feel after the winter months

The surrounding area is relatively quiet at night, with the hum of distant traffic echoing through the streets. Nearby buildings reflect the tower’s lights, creating a shimmering effect on the glass and metal facades.

“Wow!” Lawrence breathes out as he indulges his eyes in the view before him. He is on top of the BT Tower and is speechless at the view it offers!

From certain vantage points, Lawrence catches glimpses of the city’s skyline, with its iconic landmarks like the London Eye and The Shard faintly visible in the distance. The atmosphere feels both serene and alive, as the city continues to pulse with energy while the night wraps it in a cool embrace.

Lawrence decides to take a bus to his condo, but before that, he decides to swing at Cahoots Underground, situated in the heart of Soho, to eat and get some alcohol.

“Good evening!” Salubong ng isang staff kay Lawrence.

“H-hi!” si Lawrence, he is still amazed by the warm welcome from the staff! Then, a staff member led Lawrence to his seat.

Lawrence discreetly scanned the area. The interior decor includes vintage signage, old wooden train carriages repurposed as seating areas, and retro paraphernalia like old maps, newspapers, and station announcements. The staff dress in period uniforms, and swing music from the 1940s plays in the background. The cocktails are creatively presented, often served in tin cans, teapots, or quirky containers.

Lawrence ordered arancini, toasties, wasabi peas, and an espresso martini for his drink! Hindi maiwasan ni Lawrence na mamangha sa napaka-babait na ang staff ng lugar at sobrang lively!

Tinatapos na ni Lawrence ang kanyang espresso martini nang may marinig siyang kalabog! He just had the best martini of his life, but it was interrupted by some commotion!

Ayaw ni Lawrence na madamay pa sa konting komosyon ng lugar kaya inabot niya ang kanyang espresso at nilagok bago sinukbit ang sling ng kanyang bag sa balikat bago tinahak ang daan ng exit!

“I can find m-my way h-home!” A drunk voice caught Lawrence’s attention.

Despite the fact that Lawrence didn’t have intimate contact with Xavier, he recognized his idol’s voice! Kaya naman napalingon doon si Lawrence. At ganon na lamang ang kinagulat ni Lawrence nang makita ang kanyang ultimate crush na akay ng isang britanyang babae!

Pakiramdam ni Lawrence nalaglag ang kanyang panga at tumigil ang kanyang hininga sa kanyang lalamunan!

“Don’t touch me! I can go home myself!” Pagmamatigas ng lasing na si Xavier at saka pilit na kinukuha ang kamay ng babae.

Tinampal-tampal ni Lawrence ang pisngi dahil baka namamalikmata lang siya ngunit si Xavier talaga ang kanyang nakikita!

Nang makabawi si Lawrence sa gulat, tinungo niya ang kinaroroonan ni Xavier na lagong-lagong na!

“M-miss, wait! I know him! I know him!” Protesta ni Lawrence.

“Really? He’s really wasted and has smashed some glass here. I just wanted to send him home.”

Kumuha si Lawrence ng bills sa kamyang wallet at binigay sa babae.

Nginitian ni Lawrence amg britanyang babae.

“I-I can take him to his home! Thank you!” Agap ni Lawrence at saka kinuha ang braso ni Xavier mula sa babae at siya na ang umakay sa lalaki palabas!

Napamura si Lawrence. Gabing-gabi na at malamig kaso pinagpapawisan siya dahil sa bigat ng katawan ni Xavier na naka-akbay sa kanya.

“W-who are you? Are you my s-stalker?”

“Fan mo ako pero hindi ako stalker, ’no!” si Lawrence at napangiwi dahil sa bigat ni Xavier.

“Really?”

Suminghap si Lawrence nang maramdaman ang hininga ni Xavier sa kanyang batok!

“Oh, you… mmm, you smell so good!”

Uminit ang pisngi ni Lawrence!

“T-teka! Saan ang bahay mo? I mean, ang inuuwian mo, Xavier?”

Bigong makakuha ng matinong sagot si Lawrence kay Xavier kung kaya’t dinala niya na lang ang lalaki sa pinakamalapit na hotel na kanyang nakita. Laking pasalamat ni Lawrence nang may staff ng hotel na tumulong sa kanya upang makarating sila sa kwartong aakupahin!

Parang lantang gulay na si Xavier na nakahiga sa kama pero para sa paningin ni Lawrence, mas presko pa ito sa gulay na kakapitas lang mula sa puno nito!

Lumuhod si Lawrence sa gilid ng kama at pinakatitigan si Xavier na namumula ang mukha at wala nang kamalay-malay sa nangyayari dahil sa kalasingan!

“Ang gwapo mo nga!” Kinikilig na wika ni Lawrence.

“Nagpapakabaliw pa ako kung saan kita makikita o mam-meet pero… dito lang pala kita makikita sa London!” Kausap ni Lawrence sa lasing na si Xavier!

“Sayang hindi tayo makakapagpicture dalawa!” Dreamy na untag ni Lawrence. “Hindi naman ako ganon kabastos para picture-an ka na lasing, Ultimate Crush!”

“Teka! Papa-autograph ako sa’yo!” si Lawrence at mabilis na binaba ang bag at saka hinanap ang notebook at ang ballpen na dala!

“Yey!” Masayang anas ni Lawrence at umupo sa kama.

Kinuha ni Lawrence ang kamay ni Xavier. “Pirma! Pirma ka rito, Xavier!” si Lawrence.

Sumimangot si Lawrence sa nakapikit na si Xavier dahil hindi na ito marunong humawak ng ballpen dahil sa lasing. “Pirma mo na nga lang ang bayad sa pagdala ko sa’yo dito sa hotel. Hindi mo pa yata mabibigay! Ang mahal pa naman dito dahil suite!” Pagmamaktol ni Lawrence.

Tatayo na sana si Lawrence upang umalis na sa kwarto ni Xavier nang biglang hinila ni Xavier ang palapulsuhan ni Lawrence! Lumipad sa ere ang notebook at ballpen ni Lawrence sa biglaang paghila ni Xavier sa kanya.

Tumalbog ang katawan ni Lawrence sa kama kasabay ng paglagabog ng notebook at ballpen niya sa sahig. Mabilis na pumaibabaw si Xavier sa kanya. Pinaghiwalay ni Xavier ang binti ni Lawrence at saka pumagitna.

“X-Xavier,” nauutal na anang ni Lawrence nang kumabog ang kanyang puso sa kakaibang ritmo!

Napalunok si Lawrence nang titigan siya ni Xavier gamit ang asul nitong mga mata. Parang may magnet doon na hinihila at hinihipmotismo si Lawrence.

“I… I cannot repay you…”

Lawrence blinked. “An autograph! That’s what I want…”

“Will you be okay if I repay you with… my body?”

“H-huh?” Kinakabahang wika ni Lawrence at pumiglas sa kamay ni Xavier ngunit mas malakas ito!

“You… you are drunk, Xavier!”

“I’m not.” si Xavier at saka sumalakay ang kamay ni Xavier sa loob ng damit ni Lawrence.

“Ahh,” daing ni Lawrence nang matagpuan nito ang kanyang dibdib!

Lawrence felt an intense urge to slap his own face when something deep within him stirred to life. A shiver ran down his spine, even at the mere touch of Xavier’s hand on his chest. The electric sensation ignited a mix of excitement and nervousness that left him breathless.

“P-pagsisihan mo ito…” ungol ni Lawrence at namimigat na ang talukap-mata dahil sa kiliti at sensasyong dala ng palad ni Xavier.

“I’m so glad to meet a Filipino in this foreign land. But I should be the one asking you… baka pagsisihan mo ito?” Xavier’s lewd and hoarse voice sends shivers through Lawrence, causing his body to convulse with an intensity he can’t control!

“I… I will not!” Matapang na anas ni Lawrence!

Xavier grinned! That’s all it took when Lawrence felt the thread of his underwear loosen!

Xavier pulled his sweater and t-shirt together at his back and threw them on the floor! Then, he unbuckled his belt and pulled down his jeans and underwear all at once!

When Lawrence saw Xavier’s sensitivity, his blood drained, leaving him pale and breathless as his eyes fixed on Xavier’s long, thick, and fat phallus! It wasn’t fully aroused yet, but it was already erect and looked brutally hard!

Sunod-sunod ang naging lunok ni Lawrence.

“Okay, hands up, baby.” Xavier summoned Lawrence, and without objection or resistance, Lawrence obliged Xavier.

Sabay na hinubaran ni Xavier si Lawrence hanggang sa pang-ibaba ni Lawrence. Pati sa boots na suot ni Lawrence ay si Xavier na rin ang naghubad no’n para kay Lawrence. Now, they were both naked on top of the huge bed.

“H-how about my socks?” Lawrence asked Xavier as the latter lifted him to the center of the spacious bed.

“Just leave them as they are,” Xavier said nonchalantly.

Walang hirap na pinaghiwalay ni Xavier ang binti ni Lawrence sa isa’t isa at saka lumuhod si Xavier sa pagitan ng nakahiwalay na binti ni Lawrence.

Napapatakip si Lawrence sa kanyang mukha dahil iyon ang unang beses na na-expose ang kanyang kahubaran. At kung sinuswerte siya, sa harap pa talaga ng kanyang Ultimate Crush!

Hinagod ni Xavier ang kahubaran ni Lawrence. Xavier admired Lawrence’s flawless porcelain skin, his long fingers gently tracing the contours of Lawrence’s body as if it were the most delicate of treasures. Each caress sent a spark through Lawrence, a jolt of electricity that coursed through him, igniting a fire deep within his system.

It was Lawrence’s first! He didn’t realize he was so sensitive until that moment! So sensitive that he almost had his first release when Xavier grabbed his flat chest and kneaded his two mounds as if they were dough!

“A-ahh!” Ang ungot ni Lawrence nang ibaba ni Xavier ang bibig nito sa leeg ni Lawrence at walang alinlangang sumipsip at kumagat doon na parang gutom na bampira.

“X-Xavier!” Lawrence whined, his toes curling inside his socks as Xavier’s other hand found his cave below, pressing against it, rimming it, and circling his thumb over Lawrence’s wet and slippery entrance.

“Fuck! You’re leaking with your own cum, baby. Do you know that?” Xavier cursed, sucking on Lawrence’s collarbone and leaving red marks like trails.

“Ngghh!” Lawrence purred when Xavier inserted two fingers into his den.

“Shit! It’s so tight!”

Lawrence’s head pulled back, and his eyeballs rolled up as Xavier began to thrust his fingers into his hole.

It’s wet. It’s slippery.

Xavier spat on Lawrence’s entrance as he rimmed and stretched Lawrence’s hole! He felt satisfied and blissful every time he heard Lawrence moan his name.

“X-Xavier, nghh, ahh!” Lawrence grunted relentlessly as Xavier stabbed his three fingers in and out of Lawrence’s slimy hole.

Xavier lifted Lawrence’s legs over his shoulders before mercilessly shoving his fingers back into Lawrence’s hole! Xavier seemed addicted to the sound of his fingers making wet and lustful sounds every time he plunged in and out.

“Dammit! You’re dripping so good, baby!” Xavier growled.

“Ahh, mm! X-Xavier, ngghhh!” Lawrence muttered breathlessly, desperate for air.

“Ahhh, ahmm!” Lawrence gasped.

“Fuck!” Xavier cursed sharply as Lawrence’s cum spurted like rain.

But that didn’t stop Xavier when he dove his head into Lawrence’s twitching and aching pink hole!

Napakapit si Lawrence sa buhok ni Xavier. Nais itulak ni Lawrence ang ulo ni Xavier palayo doon sa kanyang butas ngunit napa-arko na lang si Lawrence sa kanyang katawan nang maramdaman niya ang dila ni Xavier na humahagod sa kanyang butas at pagkuway sinusundot no’n ang kanyang kumikiwal na kweba!

“Aarghh! Ahh! Ahh, ahhm!” Daing ni Lawrence at nararamdaman na naman niya ang kanyang nalalapit na kasukdulan!

Xavier is merciless! He shoves his tongue into Lawrence’s hole, brushing and smudging his face against Lawrence’s genitals like mad!

“Xavier, X-Xavier, ngghh, ahh!” Lawrence cries as he quivers, his toes curling upwards!

Nang pakawalan ni Xavier si Lawrence, lumupaypay ang katawan ni Lawrence sa kama at tila naubusan ng lakas dahil sa rumaragasang hormon sa kanyang katawan.

Lawrence saw Xavier lick the fluids that smudged on Xavier’s mouth!

Akala ni Lawrence tapos na sila ngunit laking gulat niya nang buhatin siya ni Xavier mula sa kama at saka sinandal sa transparent glass na dingding ng suite!

Nanlalaki ang mga mata ni Lawrence nang maramdaman ang lamig ng salamin sa likod.

“X-Xavier,”

“I want to fuck you with the beautiful skyscrapers on your back, baby!” anang ni Xavier bago inangat ang isang binti ni Lawrence.

Napa-kapa si Lawrence sa glass wall at umawang ang labi nang isagad ni Xavier ang humihindik nitong pagkalalaki sa kanyang pwerta! Napikit ni Lawrence ang mga mata at tila nakakita ng bituin sa sakit na dulot nang pagkakasagad ni Xavier!

Nawawalan ng lakas si Lawrence kung kaya’t binuhat ni Xavier ang katawan nito at saka sinakop ang bibig upang mahagkan.

Lawrence felt both pain and satisfaction as Xavier took him, pinning his back against the cold glass wall. Xavier’s thrusts were anything but gentle; they were ruthless, deep, and hard! Lawrence felt as though his world was shaking, his mind jolted with each of Xavier’s powerful thrusts. All he could do was sing and moan Xavier’s name into the air. Xavier didn’t hesitate to release his load inside Lawrence as he took him without reservation or remorse.

Mark Lawrence Pov

Nasampal ko ang dibdib ni Xavier matapos niyang isaysay sa akin ang nangyari sa amin sa London! Yawa siya! Alam ko. Naalala ko na naman ang bagay na iyon. Ngunit gustong-gusto ng lalaki na ulit-ulitin ang pangyayaring iyon!

“Heh! K-kung hindi kita tinulungan no’n… b-baka britanya ang babaeng na-ano mo!” Nagpupuyos sa damdamin kong wika.

Nandito pa kami sa ospital dahil nagpapagaling siya sa kanyang natamong sugat dahil kay Marion. Natamaan kasi si Xavier sa balikat nito at tagiliran.

Siniksik ko ang mukha ko sa kanyang leeg upang itago ang pamumula ko! Bwesit!

“Gusto mo ng pirma pero ibang pirma ko yata ang natanggap mo, Rence!” Tawa niya!

Kung hindi lang talaga kami nakahiga rito sa kanyang hospital bed, baka sumimplang na itong si Xavier kaso naawa naman ako dahil nagpapagaling pa siya.

“Tse! Ikaw nga gustong-gusto mo! May pasandal-sandal ka pa sa akin sa dingding!” Paano na lang kung may nakakita sa amin sa ganoong lagay? Baka nasa OnlyFans na kami ngayon!

Umalingangaw ang halakhak niya sa buong room!

“How about you? Gusto mo rin naman iyon. Grabe ka nga kung makakapit sa akin, eh. Parang gusto mo ngang marinig sa buong London ang ung*l mo!”

Nag-init ng husto ang mukha ko dahil sa sinabi niya! “Ahh! Bwesit ka, pangga! Hmp! Gustong-gusto mo nga iyong ungol ko, eh!” Ganti ko.

“Yeah, I like it so d*mn much!” si Xavier saka ako niyakap ng mahigpit.

“Magaling ka na? Uuwi na tayo, pangga?” anang ko habang ang mukha ay nakasiksik pa rin sa kanyang leeg.

“Hmm, I’ll tell Xaña na i-discharge na ako.”

“Yey!”

“Yey! Maroromansa mo na ako sa bahay!”

Nasampal ko ang matigas niyang t’yan!

“Ahww!”

Mabilis naman akong nakonsensya dahil natamaan ko yata ang sugat niya.

“S-sorry, pangga! Sorry!”

Bumangon ako upang tingnan ang sugat niya kaso kinabig lang ako ni Xavier pahiga sa ibabaw niya.

“Hala! Ang sugat mo, pangga!”

“Okay na ako,”

Tiningala ko siya.

“Talaga?”

“Talaga! Pwede na nga nating sundan si Zion, eh!” aniya saka nagnakaw ng halik sa labi ko.

“Heh!”

Humalik ulit siya sa akin. “Pero… talagang natakot ako, Lawrence. Nang makita ko nang gabing iyon na positive ulit iyong resulta… handa ko na talagang kunin ang buhay ko no’n. Nagsisisi tuloy ako, kasi kung hindi kita pinag-alala ng ganon… hindi ka aalis ng bahay ninyo. Hindi ka sana napahamak at—.”

Pinutol ko si Xavier sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang labi.

“Ayos lang, pangga. Oo, pinag-alala mo ako pero doon… napatunayan mo na handa kang gawin lahat para sa akin. Pero ayaw ko na ng ganon, pangga! Ayaw kong i-irisk mo ulit ang buhay mo! At least ngayon… alam na natin ang lahat. Alam na natin na anak talaga nating dalawa si Zion at wala kang kinalaman sa nangyari sa akin noon.”

Hinaplos ni Xavier ang mukha ko. Naluluha siyang tumango

“Baby, you… y-you don’t know how proud I am of you. You’re so brave. You’re so strong for fighting through all that torment. I just want to say thank you for surviving. Thank you for not giving up. I love you so much, baby.”

“Salamat din, pangga! Salamat sa pag-thank you and received mo sa akin. All of this… sounds impossible and unreachable for me, but you step down and pick me up. You help me gather the broken pieces of my life. You fix the broken parts of me. You patch the holes and flaws in my life! Thank you for loving me as a whole.” (Thank you and received— pagtanggap.)

Malamyos ang maging ngiti ni Xavier sa akin. “Thank you as well for rescuing me back then in London, baby.”

“Hehehe! Gusto ko nga kasi ng autograph mo noon!”

Ayan na naman ang nakakaloko niyang ngiti.

“Pero sa hotel mo ako dinala. Aminin mo na na gusto mo talagang—”

“Heh! Ikaw nga itong hindi sinasabi kung saan ang tinitirahan mo doon sa London!” Simangot kong wika.

Humagalpak siya ng tawa. “I’m just sad na hindi ko kaagad naalala ang nangyari sa atin. Kung hindi ako nabaril parang hindi ko iyon maalala. Sana pala dati na ako nagpabaril—”

“Xavier Douglas!”

“Sorry, baby! I love you! Don’t be mad na sa akin.” aniya at humalik na naman sa akin.

Our kiss deepens, becoming more passionate and hungry. Xavier caresses my body, slowly beginning to remove my clothes, when suddenly the door to the room swings open!

“Mami ko! Daddy!” si Zion at saka tumakbo tungo sa amin ni Xavier na naglulupungan dito sa hospital bed.

Nakasunod kay bibi Zion si Kuya Camelot at Kiya Carl na napailing sa akin.

“Rence… bumaba ka d’yan. Hindi ikaw ang ginagamot dito.” si Kuya Camelot nang hindi ako umalis sa ibabaw ni Xavier.

Mabuti na lang na bumaba ako dahil dumating din sina Mommy at Daddy tapos si ate Xaña!

Binalita ni Ate Xaña sa amin na nahuli na si Kyline at rolling na ang kaso nito. Sina Kuya naman ay binalita rin sa amin na nailibing na si Maica. Si Marion nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong pero nabalitaan ko na lang din na namatay ito sa loob ng presinto. At alam kong may kinalaman doon ang dalawa kong kapatid.

Sa totoo lang parang ordinaryong mga negosyante sila Kuya Carolous (Carl) at Kuya Camelot (Cam) pero alam kong hindi lang iyon ang gawain nila. I know they’re part of a certain organization that is beyond the government’s reach. Alam kong kasapi sila sa organisasyon na hindi sinusunod ang batas na meron ng gobyerno. Sa organisasyon nila… alam ko may sarili silang batas na sinusunod.

“Don’t act so clingy towards that guy.” bulong ni Kuya Cam sa akin.

“Bakit ba boyfriend ko na siya, Kuya! Matagal na kaming may price tag, no!” Kibit balikat ko kay Kuya na kinasimangot niya.

“Tsk! Sa amin ka! Hindi ka magiging Faleiro!”

Nag-make face ako kay Kuya Camelot. “Kabahan ka, Kuya, kasi ako ang magp-propose kapag hindi ako inayang magpakasal ni Xavier dahil sa inyo ni Kuya Carl!”

Umawang ang labi ni Kuya sa akin. Susuwayin niya sana ako nang mabilis akong lumayo sa kanila ni Kuya Carl!

Nilapitan ko na lang sila Mommy at Daddy at niyakap sila.

“Sa bahay ka uuwi, anak?” si Mommy.

Lumabi ako. “Hindi, mommy. Aalagaan ko po ang boyfriend ko.” Aalagaan ko kahit magaling na! Ganyan ako ka-caring na kasintahan!

“Pero uuwi ka naman sa atin kasama ang apo namin… di ba, anak?” anang naman ni Daddy.

Sa dalawang linggo namin sa ospital at sa dalawang linggo na padalaw-dalaw sila rito. Inamin na rin namin ni Xavier sa pamilya ko ang totoo. At first hindi sila makapaniwala pero kahit isaysay ko pa sa kanila ang karupukan ko sa London wala na silang magagawa sa katotohanan na napirmahan talaga si Xavier ang matres ko! (Napirmahan— napunlaan)

Si Zion dahan-dahan din ang pagpapaintindi namin ni Xavier sa aming anak.

“Oo naman, dad!” Ngisi ko kay Daddy.

Muli akong bumalik kay Xavier at Zion sa kama. Tinulungan ko na si Ultimate Crush ko na boyfriend ko na ngayon sa pagbibihis. Para na rin makahawak ako sa t’yan niya! Namiss ko eh!

“You are making tsansing sa akin, Rence.” bulong ni Xavier.

Ahmp! Ang landi kahit audience namin ang pamilya ko at si Ate Xaña! Sayang at wala rito sina Lola Marcila, Lolo Handro, at si Dessa! Ang mga FC ko rin ay wala rito, sina Lina, Arianna, Siray, at friendship Jewel! Sana nakita nila kung papaano ako lumandi at nilalandi ni Xavier!

“Bawal ba?” Tukso ko kay Xavier at hinaplos ang matigas na tiyan.

“Pwedeng-pwede pero baka masuntok at mabugbog ako ng mga kapatid mo.”

Napatawa ako ng malakas! Hinalkan ko si Xavier at rinig ko naman ang mga ubo ng mga audience namin. Iyon yata ang tinatawag na audience impact! Charz!

Dalandan na talaga ito, eh! Real na real na kami ni Ultimate Crush!

“Yey! We’re going home!” ang anak namin ni Xavier.

“Oo, dong! Uuwi na tayo!”

“Pak! Pak! Ganern-ganern, Mami!”

Tumawa ako at pinugpog ng halik si Zion na nakaupo sa tabi ng kanyang Daddy Xavier. Ahmp! Kapag talaga itong si Xavier gumaling na papakitaan ko ito! Baby niya ako pero hindi pa nakaka-inom ng gatas niya!

“Pak! Pak! Ganern-ganern, dong!” ani ko.

“Pak! Pak! Ganern-ganern, Z!” si Xavier naman na nahawa na sa kabaliwan namin ni Zion!


This story is

COMPLETED (with 1 Special Chapter)

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php, per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

SPECIAL CHAPTER II

Special Chapter: First Meet (Xavier Von Douglas Faleiro)

Other chapters available: OWNED BY A MAFIA BOSS Part 1 & 2 MUS1 MUS2 TMLP Special Chapter TMLHO Epilogue and advance updates for ongoing stories…

However, I want to let you know that, unfortunately, I won’t be posting their special chapter(s) here on Wattpad. I hope you understand, my engels.

These exclusive parts of the story will be available only in the

Amore VIP Space,

our private Facebook group . To access this special chapter(s), as well as advance updates, epilogues, and ongoing stories, there is a small fee before joining the group. The regular payment is 50 php and 35 php for students, just present your school ID.

If you’re interested, please feel free to message me on my Facebook account: Amore Contaleone.

Thank you so much! I love you all!

SPECIAL CHAPTER III

Special Chapter 3

“X-Xavier, tingin m-mo hindi tayo narinig nila Lola sa baba?” Hinihingal kong tanong.

Gumapang si Xavier sa kama namin at pinaghiwalay ang mga hita ko. Sa ngalan ng mga Sangre at bato ni Darna, bigyan ninyo ako ng lakas ngayon dahil muli na naman akong sasabak sa laban upang ipagtanggol ang ating bilog na mundo! Eme lang!

“Lasing sila. Malamang hindi nila tayo narinig. Kung narinig man, hindi na nila iyon maaalala bukas.”

“H-huh— ahh!” Naputol ako nang bigla akong hilahin ni Xavier tungo sa kanya at kiniskis ang aming kaselanan sa isa’t isa.

“Hindi tayo titigil hangga’t walang laman ito.” Gumapang ang kamay niya sa t’yan ko.

Imbes na matakot, nanginig ako sa excitement!


This exclusive part of the story is  available only on Amore VIP Space , our private Facebook group. To access this special chapter, as well as advance updates, epilogues, and ongoing stories, there is a small fee before joining the group. The regular payment is 50 php .

If you’re interested, please feel free to message me on my Facebook account:

Amore Contaleone

.

Thank you so much! I love you all!

SPECIAL CHAPTER IV

⚠️ R18

Special Chapter 4

Mark Lawrence’s POV

We’re desperate to make another child. Kapag nagka-baby na ulit kami at hindi pa siya nagpropose sa akin, gagamitin ko ang baby namin para pakasalan niya ako. Pipikutin ko siya! Char!

“I love you so much, baby!”

Amp! Baby raw, oh! Pero sabagay, pinasuso na niya ako at pinainom ng gatas!

“Mahal na mahal din kita, Pangga! Pangga, pipikutin kita ha!”

Natawa siya. “Let’s rest for a while, baby. Let’s talk about that sometime. Also, can I stay my buddy inside you?”

Niyakap ko siya. Kahit na pawisan siya ay ang bango pa rin.

“Kahit diyan na siya tumira sa loob ko, Pangga!”

“Fuck!” Napasundot siya sa loob ko.


This exclusive part of the story is  available only on Amore VIP Space , our private Facebook group. To access this special chapter, as well as advance updates, epilogues, and ongoing stories, there is a small fee before joining the group. The regular payment is 50 php .

If you’re interested, please feel free to message me on my Facebook account:

Amore Contaleone.

Thank you so much! I love you all!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.