loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Facets (BXB Fantasy Collection)

Facets (BXB Fantasy Collection)

Ai Tenshi · 49 chapters · 95,454 words

NOTE:

Author’s Note:

Dumadaloy pa rin sa aking dugo ang ugaling ng lahat ng tauhang nilikha ko. Siguro nga ay nasa akin pa rin ang ugali nina Raul, Johan, Shan Dave, Bogs, Gomer at iba pa, na kaunting suyo lang at paki usap ay bumibigay na agad. Siguro nga pare pareho kaming loko loko kasi ako ang lumikha sa kanila kaya kung ano yung ugali ko sa totoong buhay ay napasok ko sa kanilang emosyon. Kaya heto, gagawa at gagawa pa rin ako ng hakbang para mapangiti kayo. Alam nyo iyon, parang lahat kayo ay nililigawan ko. Sobrang effort na ito, so sana sagutin nyo na ako. Lol

Wala na akong ibang sasabihin.. Basta mahal ko pa rin kayo..

Iyon lang..

Salamat..

  ![](https://img.wattpad.com/24680560e1335a3dfc0902742be4ae6eeab38b90/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4e686f5f63625f474b636d2d34413d3d2d3639373630323934362e313538346564643339626333323434313331313039373236363132352e706e67)

Facets

one side of something many-sided, especially of a cut gem.

a particular aspect or feature of something.

Ang “Facets” ay ginawa ko mula sa direksyon ng “Road to Love”. Ito ay mayroong tatlong episodes na nabibilang sa Genre ng Fantasy o Magical. Ang kwentong ito ay sumasalamin sa iba’t ibang mukha at sulok ng buhay. Ipapakita sa kwentong ito ang kahulugan ng kaligayahan at kung hanggang saan ang kaya mong gawin para makamtan lamang ito. Ito ay tungkol rin sa pangarap at sa walang katapusang posibilidad na maaaring ibigay ng pag kakataon para ikaw ay maging masaya.

Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?

Samahan nyo ulit ako sa pag tuklas sa hiwaga ng iba’t ibang mukha at sulok sa buhay ng isang tao..

STORY 1

Ang

“Cinderella Boy”

ay hango kay Cinderella, obvious naman diba? Hindi kompleto ang pagiging BXB writer ko kung hindi ko magagawa ang isang ito. Gustong gusto ko talaga ang gumawa ng mga bxb na base sa mga sikat na kwento. Pero syempre mayroon tayong mga trademark o tatak kaya masasabi kong hindi ko pa rin totally ito ginaya. Sana naman wala na akong mabasa sa comment ninyo na “parang si Cinderella” kasi given na nga mula sa title diba? Ang hahanapin mo nalang dito ay yung mga istilo ko bilang isang manunulat.

Kwento ito ni Eloy at kung paano niya hahanapin ang kanyang kaligayahan sa kabila ng kalupitan ng kanyang madrasta at dalawang anak nito. Magical lang ito, walang aksyon o kahit na anong alien na susulpot. Smooth lang at nakakarelax, walang stress sa kwentong ito at tiyak na mag eenjoy kayo.

CB Part 1

Cover by: John Lloyd Berzuela


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Jan 23, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Marahan kong binuksan ang pintuan, halos kumakabog pa rin ang aking dibdib dahil sa pinag halong kaba at pananabik na muling makasayaw ang taong pinapangarap ng lahat.

Hindi na ito isang panaginip, ang lahat ng ito ay talagang nagaganap, sa tamang oras at maging sa tamang pag kakataon. Mula rito sa aking kinatatayuan ay maririnig mo ang musika na ang mumula sa orkestra, nakakapanabik at nakaka indak.

Noong buksan ko ang pinto ay sumalubong sa akin ang isang malakas na liwanag, nakakasilaw ito kaya’t panandalian akong pumikit. At noong imulat ko ang aking mata ay aking nasaksihan ang isang magarbong pag diriwang kung saan ang lahat ng tao ay napahinto at napatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong mali, o kung ano ang nangyayari, basta ang alam ko lamang ay kusang humakbang ang aking paa suot ang pinaka magandang sapatos sa lahat.

Habang nasa ganoong pag hakbang ako ay isang malakas na sigaw ang aking narinig dahilan para mapahinto ako. “Ellwood!!! Anong ginagawa mo dito? Akala mo ba ay hindi ka namin makikilala?! Kahit mag damit ka pa ng maganda ay makikilala at makikilala ka pa rin namin, panget! Hindi ka maganda at hindi ka babaihan!” ang sigaw ng aking kapatid.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba..

Napaatras ako at dito ay nakita ko ang aking madrasta sa aking likuran, nanlilisik ang mata nito at nag aapoy sa galit. “Eloy, anong ibig sabihin nito? Umuwi ka at mag mag linis ng bahay! Hindi ka nababagay sa ganitong lugar! Alis!”

“Mama, paalisin mo siya! Nakakahiya na!! Alis!!” ang pag mamaktol pa ng isa kong kapatid sabay kaladkad sa akin paalis sa bulwagan.

Nag tawanan ang lahat at bago ko pa makita ang mukha ng taong nais kong maisilayan ay sumara ng malakas ang pinto nito. Kasabay nito ang pag balikwas ko ng bangon sa aking higaan dahil sa malakas pag tawag ng aking madrasta.

Part 1

“Sobrang tagal mo naman bumangon Eloy, wag kana kasi nag sasalamin bago ka matulog para hindi ka kinabangungot sa gabi! Huwag ka nga lumapit sa akin ng hindi nasisira ang umaga ko. Sige, kunin mo na yung mga labahin doon.” ang utos ni Orson.

Agad kong kinuha ang mga labahin upang dalhin ito sa labas ng bigla akong hilahin ni Olrac. “Hep hep, lalabhan lahat iyan gamit ang mga kamay mo. Hindi pwedeng gumamit ng washing machine dahil hindi ka naman babaihan!”

“Eh. Hindi rin naman kayo babaihan. Ang lalaki pa nga ng katawan ninyo at puro masel. Kayo nalang kaya mag laba?” tanong ko.

“Aba’t talagang inaasar mo kami? Mama! Si Eloy! Inaapi kami! Mamaaaa!” ang pag susumbong ni Orson.

“Anong nangyayari dito? Bakit umiiyak ang mga dalaga ko?” ang tanong ng aking madrasta

“Mama, ang sabi niyang Eloy unggoy na iyan ay hindi raw magaganda at hindi raw babaihan! Ang shaket shaket sa anez!!” ang iyak ni Olrac

“Eloy anong karapatang mo sabihin na hindi babaihan ang mga anak ko?” galit na sigaw ng aking madrasta

“Sorry po, hindi ko naman sinasadyan e.” ang tugon ko habang naka yuko. Takot ko lang na baka pingutin nanaman niya ang tainga ko

“Girls, wag na kayo umiyak. Naiinggit lamang iyang si Eloy dahil kahit kailan ay hindi siya makaka alis sa buhay ng isang alila. Habang buhay kang mag sisilbi sa amin Eloy. Iyan ang kapalit ng pag kuha namin sa iyo mula sa peryaan.” ang wika ng aking Madrasta.

At dito ay nag tawanan sila..

Peryaan? Doon ako galing. Halos ilang taon na rin mag buhat noong kuhanin ako ng aking ama at itira sa bahay na ito kasama ng aking dalawang halimaw na step brother at isang masungit na madrasta. Matagal na pahanon na mag buhat noong mag kagustuhan ang aking ama at ang aking ina, madalas ang aking ama sa peryaan noon kung saan ang aking ina ay nag ttrabaho bilang isang kolektor sa isang booth. Nag bunga ang kanilang pag mamahal at ako nga naging kanilang supling.

Nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina ay halos hirap na ako. Ang sabi niya sa akin ay hindi siya nakaka kain ng maayos dahil sa hirap ng buhay sa loob ng peryaan, palibot libot sila sa iba’t ibang lugar at madalas rin siyang puyat kaya ang resulta ay ipinanganak akong kulang sa bitamina, kulang sa timbang at payat na payat. Kaya heto, lumaki akong maitim at hindi kaaya aya ng anyo.

Mag buhat noong isilang ako ay ilan beses ko palang nasilayan ang aking ama, ang huling beses ay nag paalam itong mag aabroad ngunit hindi kami binalikan. Hanggang sa namatay ang aking ina noong ako ay apat na taong gulang, ang aking ina ay pumanaw dahil sa sakit at sa labis na kalungkutan. Walang bubuhay sa akin, kaya sumama ako sa mga kaibigan ng aking na mag trabaho sa peryaan. Dito ay kasali ako sa gumaganap na aktor sa horror booth, nanakot at kung minsan ay pinag tatawanan.

Lumipas ang mga taon, 15 taong gulang ako noong mag balik ang aking ama at kuhanin. Dito ko napag alaman na mayroon na pala siyang kinakasamang bagong babae at iyon ang aking madrastang si Elaine, siya ay may dalawang anak na beki sina Olrac at Orson na simulat sapul ay hindi na naging maganda ang turing sa akin. Ngunit gayon pa man ay maayos pa rin ang pakikitungo ko sa kanila bilang isang kapamilya.

Ngayon ay nandito na kami sa panahon kung saan ang mga bakla, lalaki at babae ay pantay pantay. Ang pag aasawa ng dalawang mag katulad na kasarian ay kinikilala na ang pamahalaan at ng buong bansa. Sa makatuwid ay nabubuhay kami sa oras ng literal kalayaan sa pag pili ng buhay na iyong ikasasaya, sa pag ibig na iyong nais at sa landas na nais mong tahakin.

“Hoy Eloy, bilisan mo nga, tatamad tamad ka. At pag katapos mo sa labahin ay linisin mo yung sasakyan natin!” ang utos ni Orson.

“Sasakyan? Wala naman tayong sasakyan diba? Dala iyon ni papa noong umalis siya.” sagot ko.

Napakamot ng ulo si Orson at napa isip. “Oo nga no? Pero di bale, may sasakyan yung kapit bahay iyon nalang ang linisin mo. Pag katapos niya at plantsahin mo yung buhok ko dahil mayroon kaming aruba mamaya.”

“Bakit hindi mo nalang hubarin yung buhok mo at ikaw na mismo ang mag unat nito? Wig lang naman iyan!” ang pang aasar ni Olrac. “Eloy, huwag mong pansinin ang isang iyan, kunin mo yung wax doon at alisin mo ang buhok ko sa kili kili! Ang mga babaihan ay hindi dapat nag kakaroroon ng buhok dito.”

“Ako ang naunang mag utos kay Eloy. Mag adjust ka!” ang wika ni Orson

“Mas matanda ako sa iyo kayo ikaw ang mag adjust!” sagot ni Olrac at dito at nag babag nanaman sila na parang aso at pusa. Parehong malalaki ang kanilang katawan na parang mga kargador pero pinangangatawanan pa rin nila ang maging babaihan.

“Girls, wag kayo mag away. Mamalengke muna si Ellwood ngayon dahil mamaya ay may darating tayong espesyal na bisita.” ang naka ngiting utos ng aking madrasta sabay abot sa akin ng pera at listahan ng aking bibilhin.

Bumusangot naman ang dalawa dahil wala ni isa sa kanilang utos ang aking nasunod..

“Mama, sandali. Yung pamasahe ko papunta sa palengke.” wika ko.

“Ellwood, alam mo ba na ang ehersisyo ay maganda sa katawan? Simulan mo na mag lakad ngayon. At huwag kang sasakay sa jeep o sa trisikel. Maliwanag ba? Lakad na.” wika ng aking madrasta

“Pero, masyadong malayo po ang palengke.”

“Kaya nga simulan mo na mag lakad ngayon. Tiyak na mamayang alas 5 ng hapon ay nandito kana.” sagot niya sabay tingin sa relo na noon ay nasa alas 10 palang umaga.

“Mama. Lalong magiging baluga ni Eloy niyan!” pag tatawa ni Orson.

Tawanan silang tatlo habang lumalabas ako sa pinto ng bahay.

Nag lakad ako palabas ng kanto at dito ay sumakay ako sa trisikel papunta sa palengke. Hindi pa ako nababaliw para lumakad ng ganoon kalayo. Maradalas akong inuutusan ng aking madrasta mamalengke at madalas rin niya akong pinag lalakad pero hindi ko naman ginagawa iyon. At dahil nga alas 5 ng hapon pa nila ako inaasahang makaka uwi ay parati akong namamasyal o nag lalakad lalakad sa parke ng naturang lugar.

“Salamat po manong Maning, heto po ang bayad ko.” ang naka ngiti kong wika noong makababa sa trisikel.

“Hindi na hijo, itabi mo na lamang iyan at ipunin, alam ko naman na hindi ka binibigyan ng pera ng madrasta mo kaya’t magagamit mo iyan. Mag ingat ka sa pag lalakad.” naka ngiting wika nito.

“Maraming salamat po manong Maning.”

Medyo maaga pa noong makarating ako sa pamilihan. Kapansin pansin ang maraming tao sa paligid, ang lahat ay parang nag aabang sa gilid ng kalsada. “Anong mayroon?” tanong ko sa isang beki na naka wig ng pula.

“Inaabangan namin yung pag daan ng anak ni Don Miguel San Sebastian.” ang sagot niya

“Eh sino naman iyon?” tanong ko naman

“Ay ano ka ba, hindi mo ba kilala si Ronnie San Sebastian? Isang mayaman at super gwapong binata dito sa buong siyudad?” tanong niya

“Hindi e.” sagot ko naman

“Hay nako, di ka naman kasi babaihan kaya hindi mo siya kilala noh, doon ka na nga, swanget, chakaneska!” ang wika nito sabay hila sa akin paalis sa kanyang harapan.

Nag dagsaan ang mga tao sa buong paligid partikular na ang mga babaihan kaya naman natalsik nalang ako sa aking kinatatayuan. Dinumog ng mga tao ang gilid ng kalsada at wala na akong nakita pa kundi ang isang magandang sasakyan at dito ay may lalaking kumakaway at kasabay nito ang pag titilian ng mga tao.

Pinilit kong sumilip pero wala talaga..

Nasa ganoong posisyon ako noong biglang may humablot sa aking dalang pitaka at nag tatakbo ito palayo sa akin.

“Mag nanakaw! Bumalik ka dito!! Tulong!!!” ang sigaw ko habang tumatakbo.

Masyadong mabilis ang takbo ng lalaki pero hindi ako sumuko, binilisan ko pa ang pag takbo at hindi inalis ang aking paningin sa mag nanakaw!

Halos malagutan ako ng hininga habang patuloy na kumakaripas ng pag takbo. “Bumalik ka dito! Mag nanakaw! Tulong!!” ang sigaw ko at maya maya ay bigla na lamang may bumunggo sa akin dahilan para matumba ako at masubsob sa lupa.

“Arekup, putang ina. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” ang tanong ng lalaki habang tumatayo.

“Mamaya na ako mag papaliwanag!” ang tugon ko sabay tayo at muli akong nag tatakbo palayo sa kanya.

“Hindi ka marunong mang hingi ng tawad? Nakasakit ka diba?! Bumalik ka dito!” pag habol ng lalaki pero hindi ko na siya pinansin. Patuloy kong sinundan yung lalaking kumuha ng aking pitaka dahil mas importante iyon, tiyak na magagalit yung madrasta ko at babalatan nila ako ng buhay.

Patuloy ako sa pag takbo hanggang sa kusang huminto ang aking mga paa. Natagpuan ko ang aking sarili sa isang eskinita at wala na ang taong aking hinahabol. Nawala siya sa aking paningin at ngayon hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin.

“Mag sosorry ka ba sa akin?!” tanong ng lalaking kusang sumulpot sa aking likuran.

Napayuko at napa hawak sa aking dibdib dahil sa pinag halong pagod at pagamba.

“Wala na..” bulong ko

“Hoy, mag sorry ka. Tinapon mo yung sorbetes ko at dinumihan mo yung damit ko!” ang sigaw nito

Humarap ako sa kanya “Sorry, pasensiya kana.” ang tugon. “Pero kasalanan mo rin dahil alam mo namang may hinahabol akong mag nanakaw diba? Paano na ako makakauwi ngayon? Tiyak napapatayin ako ng madrasta ko at nung dalawang anak niyang halimaw kapag wala akong nadalang pag kain para sa kanila.” ang tugon ko naman habang naiiyak

Natahimik siya at nanatiling nakatayo sa aking harapan..

Ako naman ay lumakad palayo sa kanya..

“Sandali..” ang wika niya.

“Bakit?” tanong ko

Maya maya ay inihagis niya ang aking pitaka sa aking harapan. “Ayan yung pitaka mo, nahulog iyan nung mag nanakaw. Siguro ay natakot dahil may ulikbang humahabol sa kanya. Kunin mo na at mag ingat ka sa susunod.” ang wika niya

Tila, lumuwag ang aking dibdib at nabunot ang tinik ng pag aalala sa aking lalamunan. “Salamat.” ang tugon ko sabay kuha sa aking pitaka at nag tatakbo ako palayo doon sa lalaking aking nakabangga.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil naka kubli ito sa madilim na eskinita, ngunit ang kanyang ngiti ay aking nasisilayan, matamis ito at punong puno ng sigla.

Itutuloy..

CB Part 2

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Jan 28, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Maya maya ay inihagis niya ang aking pitaka sa aking harapan. “Ayan yung pitaka mo, nahulog iyan nung mag nanakaw. Siguro ay natakot dahil may ulikbang humahabol sa kanya. Kunin mo na at mag ingat ka sa susunod.” ang wika niya

Tila, lumuwag ang aking dibdib at nabunot ang tinik ng pag aalala sa aking lalamunan. “Salamat.” ang tugon ko sabay kuha sa aking pitaka at nag tatakbo ako palayo doon sa lalaking aking nakabangga.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil naka kubli ito sa madilim na eskinita, ngunit ang kanyang ngiti ay aking nasisilayan, matamis ito at punong puno ng sigla.

Part 2

“Bakit hindi mo sa amin sinabi na pupunta sa bayan ni Ronnie San Sebastian? Iyon na ang pag kakataon para mabighani siya sa ganda ko e!” ang pag mamaktol ni Olrac habang nag hahain ako ng almusal.

“Tiyak na matatakot siya sa ganda mo at atakihin pa iyon sa puso kapag naisilayan ka. Kami ni Papa Ronnie ang meant for each other at wala kang magagawa doon my dear sister!” ang pang aasar ni Orson at doon ay nag bangayan nanaman silang dalawa. Halos sa araw araw na ginawa ng Diyos ay walang oras na hindi siya nag laban o nag inisan.

“Ellwood, pag katapos mong mag laba ay linisin mo ang buong bakuran, pag katapos noon ay hugasan mo ang patatas at gawan ng french fries ang dalawa kong magandang anak.” ang utos ng madrasta ko

“At mag balat ka ng patatas na nakapiring ang mata mo. Akala ko ba ay magiging madali sa iyo lahat?” ang sabad ni Orson

“Pag katapos mo kaming gawan ng french fries ay mag laba kana. At huwag kang gagamit ng washing machine o dryer ha. Ayokong maalis ang mga beads ng dress ko.” ang maaaring wika ni Olrac

Tango lang ako ng tango, halos sanay na rin kasi ako sa walang patid at walang kasawa sawang pag uutos nila sa akin.

Matapos ang gawain, muli ako inutusan ng aking madrasta sa bayan. Katulad ng dati ay lumakad ako hanggang makalabas sa kanto at dito ay sasakay ako ng trisikel. Ang akala nila ay nag lalakad talaga patungo doon kaya naman walang patid na pag tawa ang kanilang ginagawa habang pinag mamasdan ako sa balkunahe ng bahay.

Pag dating ko sa bayan ay naabutan kong nag kakagulo nanaman yung mga tao lalo na yung mga babaihan na beki. Lahat sila ay nakikipag siksikan sa gilid ng kalsada, siguro ay dadaanan naman yung sasakyan ng lalaking kanilang hinahangaan. Yung anak ni Don Miguel San Sebastian, na isa sa pinaka mayaman at makapangyarihang tao sa buong bansa. Buhay hari ika nga, at ang kanyang anak naman ay talagang hinahangaan ng lahat kaya heto halos nababalik sa kanya ang lahat.

“Hoy, baluga. Huwag kana makisiksik diyan dahil pag nadapurak ka ng mga tao ay tiyak na mag kakalagas lagas iyang buto mo.” ang wika ng isang lalaking naka upo sa fountain area

Agad akong humarap sa kanya at napa kamot ng ulo. “Pamilyar ka sa akin. Kamukha mo yug lalaking naka bunggo ko kahapon kaya nakatakas yung mga nanakaw ng pitaka ko.”

“FYI, mag pasalamat ka sa akin dahil napulot ko pa iyang pitaka mo.” wika niya habang kumakain ng mansanas. Gwapo ang lalaking ito, may kaputiang taglay at maganda ang pangangatawan. Medyo madusing lang suot niyang damit pero kapag nabihisan ang isang ito ay mukha talaga siyang artista sa telebisyon.

“Salamat. Sige aalis na ako at baka malasin nanaman ako.” ang tugon ko

“Sungit mo baluga! Hindi ka naman babaihan para umasta ng ganyan. Umarte ka ayon sa sapat na ganda, huwag kang mag iinarte kung mukha ka namang paa!” ang pang aasar nito

Hindi ko siya kinibo, lumakad ako at nakisiksik sa mga tao kung saan naroroon yung anak ni Don Miguel na pinag kakaguluhan ng lahat. Iba nga talaga ang itsura ng isang ito, magarbo ang pananamit at makinis ang balat na parang mannequin. Parang hindi tao, at ang kanyang ngiti ay talagang nakaka silaw, parang nakaka akit na hindi mo malaman. Kaya naman pala parang nababaliw na itong mga beki sa paligid.

Maya maya kumaway ang anak ni Don Miguel at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Lalong nag kagulo ang mga beki at sinundan siya ng mga ito. Kaya naman lalong sumikip ang paligid at muli nanaman akong natalsik sa palabas.

Saldak ang aking pwet sa lupa..

“Hahaha! Ayan ang napapala ng mga usiserong katulad mo.” ang wika ng lalaking kausap ko kanina.

“Bakit hindi ka rin makiusisa kung naiinggit ka?” tanong ko

“Bakit ako makiki usisa e hindi naman ako bakla, hindi ako mahilig sa kapwa ko lalaki.” sagot niya

“Eh yun naman pala e. Wala kang paki.” ang masungit kong sagot at habang nasa ganoong pag uusap kami ay narinig akong sigaw mula sa isang beking tindera sa di kalayuan. “Ayun yung mag nanakaw! Hulihin ninyo!” ang sigaw nito at noong makita iyon ng lalaki ay bigla itong tumayo at kumaripas ng takbo saka inihagis sa akin ang isang supot na prutas.

“Ayun pa! Kasapakat niya yung baluga na iyan!! Hulihin nyo!!” ang sigaw pa nito kaya naman sa sobrang takot ay nag tatakbo rin ako at sumunod sa kanya. “Gago kaaaa! Mag nanakaw ka pala, idinamay mo pa ako! Sira ulo!!” ang sigaw ko habang tumatakbo.

“Huwag kang maingay! Tumakbo ka nalang!” ang sagot niya sabay liko sa isang eskinita kaya naman dito rin ako lumiko.

Pero nawala siyang parang bula..

“Dito pumasok yung dalawang mag nanakaw!” ang sigaw ng beki habang parang asong inaamoy ang aming mga bakas.

Nasa ganoong posisyon ako ng bigla akong hilahin ng lalaki at takpan ang aking bibig. Lumusot kami sa butas sa kabilang pader at dito kami nag tago.

“Shhh, wag kang maingay negi, baka mahuli tayo.” ang bulong nito sabay ipit ng basahan sa aking bibig.

“Pwe! Gago ka, idinamay mo pa ako? Mag nanakaw ka pala? Alam mo bang masama iyon? Dapat ay nag trabaho ka nalang o nag hanap ng pag kakakitaan kesa mang umit. Sayang naman yang laki ng katawan mo.” tugon ko

“Hindi ko naman alam na mamumukhaan ako noong tindera saka nagugutom talaga kasi ako kaya nagawa ko yun, hanggang ngayon ay kumakalam pa rin yung sikmura ko.” ang sagot niya sabay silip sa butas para tingnan kung naka alis na yung humahabol sa amin.

“Kahit na masama pa rin ang mag nakaw, o heto ang pambili. Lamanan mo yung tiyan mo sa mabuting paraan.” ang wika ko sabay lakad palayo sa kanya.

Napatingin ang lalaki sa akin at saka niya ako hinawakan sa braso dahilan para mahinto sa pag lalakad. “Teka, penge naman pambili ng softdrinks, pan tinapay lang itong ibinigay mo, paano kung mabilaukan ako? Sige na..”

“Aba’t may kakapalan pala ito.” bulong ko sa aking sarili at saka dumukot ako ng pambili niya ng panulak sa kakainin. “Ayos lang, wag kana gagawa ng bagay na ikapapahamak mo.”

Tumalikod ako sa kanya at lumakad palayo. Pero hinabol niya ako at muling pinigil. “Salamat pre, anong pangalan mo?”

“Ellwood, pero Eloy ang tagaw nila sa akin.” tugon ko habang naka ngiti.

“Jeffrey, yun ang pangalan ko. Salamat sa tulong mo, sige alis na ako.” naka ngiti rin niyang sagot sabay takbo sa ibang direksyon.

Ako naman ay nag tungo sa kaibigan kong tindero ng mga gulay at doon namili ng ihahain ko sa mamayang gabi. Tiyak na pag dating ko sa bahay ay nakatambak nanaman ang labahin, kasangkapang hugasin at mga kalat ng dalawang anak ng aking madrasta.

Habang nag lalakad pauwi ay hindi ko maunaawan ang aking sarili ngunit may kakaibang saya akong naramdaman kapag naalala ko yung ngiti ni Jeffrey. Hindi rin ako makapaniwala na nag nanakaw siya dahil wala iyon sa kanyang itsura, ang gwapo, ang kinis ng balat at mabango kahit pawisan. Yung katawan niya ay maganda ang tabas at napakabilis pang tumakbo na parang isang atleta, sino ang mag aakala na nang uumit siya? Kung hindi nga lang siya nakapang damit mahirap ay baka isipin kong mayaman ito at nag papanggap lang katulad ng prinsipe doon sa series ng Cinderella sa tv.

Pero hindi ko naman sinasabing ako si Cinderella at ang aking buhay ay parang fairytale dahil ang totoo noon ay miserable ito at punong puno ng pag papahirap. Pero gayon pa man ay positibo kong hinaharap ang lahat ng bagay sa pananalig na maayos rin ang lahat.

“5:03 pm! Late ka nanaman Eloy! Saan ka ba nag pupunta ha? Halika dito, tulungan mo akong ikabit ang lava gown ko. Mahuhuli na kami sa party!” ang wika ni Orson hawak ang kanyang pulang gown na pinagaya sa isang kapapanalo palang na beauty queen.

“Ako rin Eloy, pag katapos niyan ay tulungan mo rin akong isuot itong ibong adarna gown ko. Alam kong inggit na inggit ka sa amin at halos mamuti na iyang mga mata mo sa sobrang pag kabitter mo pero ganyan talaga ang buhay lalo’t hindi ka naman babaihan. Sana nandoon si Ronnie San Sebastian para makita niya na ako ang para sa kanya!” ang wika ni Olrac

“Mangarap ka ateng! Mamaya kapag inirampa ko na itong lava gown ko at sinamahan ko pa ng lava walk ay sa akin titingin ang lahat. Aray! Dahan dahan naman sa pag kakabit sa tenga ko ng ear cap, ingatan mo iyan dahil baka masira.” ang reklamo ni Orson.

“Girls, huwag masyadong maexcite dahil baka mahagard kayo. Relax lang at enjoyin ang gabi ng party. Siguradong isa sa inyo ang mapapansin ng anak ni Don San Sebastian at tanggahaling “ang asawa ni Ronnie”. wika ng aking madrasta sabay takip ng pamaypay sa bibig at saka tumawa.

“Hay naku mother, hindi na ako makapag hintay! Gusto ko nang maging misis San Sebastian.” kinikilig na wika ni Olrac.

Maya maya ay binalibag siya ni Orson at tinamaan ito sa mukha. “Feelingerang palaka! Kahit mag lagay ka ng tunay na ibong adarna sa damit mo ay ako pa rin ang mas maganda!”

“How dare you! Nakaka inis ka!” ang sagot ni Olrac sabay balibag sa kapatid

Nag balibagan sila ng gamit at muling nag babag. Lumilipad ang mga bra, foam at kung ano ano sa buong silid kaya naman nag tago ako sa ilalim ng lamesa dahil para silang dalawang pokemon na nag babattle.

“Girls, ano ba iyan. Umasta nga kayo na parang mga tunay na beauty queen.” pag pigil ng aking madrasta.

“Pero Mama, hindi mukhang beauty queen si Orson. Mukha siyang Beauty and The Beast!” ang sagot ko ni Olrac dahilan para batuhin siya nito sa mukha

“Girls, tama na iyan. Mag handa na kayo. Yung mga make up nyo ay pag butihan para maging maganda sa paningin ng anak ni Don San Sebastian.”

“Yes mama. Hoy, Eloy! Lumabas ka nga dito bakit nandyan ka sa ilalim ng lamesa? Para kang dagang costa diyan. Halika ka dito unatin mo itong hair ko!” utos ni Olrac

“Dagang Costa? Maputi ang dagang costa noh. Dagang bukid iyang si Eloy!” sagot ni Orson

Tawanan sila..

Pasado alas 7 ng gabi noong umalis sila, walang naiwan kundi ang katakot takot ng kalat sa kanilang mga silid. Marumi rin ang cr dahil nag kalat ng buhok, siguro ay nag ahit nanaman ng buhok sa kili kili at binti itong si Orson. Wala rin silang itinirang pag kain kaya nag tiyaga na lamang ako sa tinapay at kesong palaman.

Mula rito sa bintana ay nakikita ko ang magagandang paputok mula sa venue ng party. Tiyak na maganda iyon at talagang napaka espesyal. Balang araw ay magiging parte rin ako ng ganitong pag diriwang, kapag tama na ang mali at pwede na ang hindi dapat.

Itutuloy..

CB Part 3

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Jan 30, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Part 3

“Nakakainis talaga, biruin mo ay sampung beses akong nag slowmo turn sa harap ng anak ni Don Miguel ay wala pa rin. Halos mag kapali palipit na yung mga binti ko ah, ouch, feeling ko may kalyo na ang paa ko.” ang iyak ni Orson habang nakahiga sa sofa

“Ako nga e, binuhat ko pa yung parol na naka display sa balkunahe at inilagay sa likod ko para mas mapansin ako pero waley pa rin. Nakaka imbyerna talaga! Mamaaaa!! Ang shaket shaket poew!!” ang iyak naman ni Olrac

Iyak silang dalawa na parang batang inapi..

“Girls, huwag na nga kayo umiyak. Alam nyo ba na parang nag papakipot lang ang anak ni Don Miguel kagabi, nakikita ko na natutuwa siya kapag dumaraan kayo sa harap niya at sigurado ako na ngayon ay nalilito na siya kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin niya lalo’t stand out kagandahan nyo kagabi!” ang wika ng aking madrasta na punong puno ng pag asa

“Wa aring mama? Kung sa bagay feeling ko rin stand out ako kagabi, alam mo iyon, nung pumasok ako sa loob ay nag tinginan sila at inakala nila na ako talaga si Catriona Gray! Pati nga si Don Miguel na nashock noong makita ako.” ang wika ni Orson

“Yeah, na shock si Don Miguel at inatake siya sa takot sa iyo. Mabuti nalang at dumating ako agad dahil nag bago bigla ang atmosphere sa loob, para silang dinuduyan sa heaven noong makita ako.” hirit ni Olrac

“Oo mukha silang nasa heaven dahil mukha kang naka singhot ng katol! Heaven Pare! Gaga!!” ang sagot ni Orson

“Ahh ganon!”

Balibagan naman silang dalawa..

Ako naman ay umiwas nalang sa mga bagay na lumilipad sa paligid..

“Girls ano ba, wag na kayo mag away. Ang mabuti pa ay kainin nyo ang mga fresh na prutas na iyan sa lamesa para mas lalo pang gumanda ang kutis ninyo.” ang wika naman ng aking madrasta

“Oo nga naman. Halika nga dito Eloy!” ang utos ni Orson.

Agad akong lumapit sa kanya. “Bakit?” ang tanong ko

Tumingin sa akin habang nakahiga sa sofa na animo si Cleopatra. “Subuan mo ako ng ubas!” ang utos niya.

Kaya naman kumuha ako ng isang piraso at inilagay sa kanyang bibig na noon ay naka nga nga na.

Pero nag taka ako dahil kahit isinubo ko na sa kanyang ubas ay hindi pa rin tumitikom ang kanyang bibig, naka nga nga pa rin ito. “Orson, ayos ka lang ba? Nag lock ba ang panga mo?” tanong ko

“Hindi. Inguya mo ako! Inguya mo ako dali naaaa!” ang wika niya na ultimo pag nguya niya ay inaasa pa rin sa akin.

“Bakit, may problema ba yung panga mo?” ang tanong ko

“WALA! Inguya mo ko! Malilintikan ka sa akin!” ang pag babanta nito.

Wala akong nagawa kundi sundin ang kanyang nais. Hinawakan ko ang kanya panga at baba saka ko ito isinara at ibinukas. Hindi ko akalain na umabot sa ganitong lebel ng katamaran itong si Orson.

“Tama na nga iyan, halika nga dito Eloy!” ang pag tawag ni Olrac.

“Bakit? Gusto mo bang subuan kita nitong langka?” ang tanong ko sabay kuha ng malaking prutas sa lamesa.

“Sa tingin mo kasya sa bibig ko iyan? Boba ka talaga Eloy! Hindi ka na nga babaihan sobrang shungaers mo pa! Nangangawit na ako dito sa pwesto ko, gusto ko ay ilipat mo ko sa mas malaking sofa. Buhatin mo ko ng nakaganito! Now na!” ang utos nito habang naka higa at nakapose.

“Pero mas malaki ka pa sa akin, baka hindi kita kayanin.” ang tugon ko

“Anong mas malaki ang pinag sasasabi mo dyan? Buhatin mo na ko! Im waiting Eloy!!!” ang sagot niya

Napakamot nalang ako sa ulo..

Yung dalawang ito ay pahirap sa buhay, sobrang tamad at walang ginawa kundi ang wasakin ang araw ko.

Agad akong lumapit kay Olrac at buong lakas na binuhat ito. Dahil nga sa mas malaki pa ang katawan niya sa akin ay pareho kaming natumba sa sahig. Gumulong gulo ang katawan niya at tumama sa silya. “Ay ano ba! Sinasadya mo ba? Umpphh!” galit na wika nito sabay batok sa akin.

Natawa si Orson. “Kasing bigat ka kasi ng gorilya kaya hindi ka kinaya.”

“Akala mo naman maganda ka e mukha kang wrestler!” ang sagot naman ng kanyang kapatid at doon ay mag aaway naman sila kaya lumayo na ako.

“Girls, huwag na kayo mag talo. Ang mainam pa ay ihanda nyo na yung kailangan para sa picnic natin bukas. At ikaw naman Eloy, mamili kana ng mga gagamitin. Syempre napag isipan namin na isama kana.” ang wika ng aking madrasta.

“Talaga po? Wow, ang saya ko. Pag katapos kong mamili ay ihahanda ko na rin ang mga gamit ko.” excited kong tugon na hindi makapaniwala lalo’t sobrang dalang nila akong isama.

“Huwag mo na ihanda ang gamit mo, kahit ano nalang ang isuot mo.” sagot ng aking madrasta.

“Oo nga, ganyan ka nalang. Saka isasama ka lang naman namin para mag bitbit ng aming mga gamit noh. Wish mo lang maging babaihan ka para maka blend ka sa ganda namin. Sige mamili kana bago pa kita latiguhin!” ang wika ni Olrac

Tawanan sila..

Hindi ako kumibo, agad kong kinuha ang pera at umalis para mamili, sa ganitong pag kakataon ay mas gusto kong umaalis para hindi makita ang kanilang mga mukha, kaya kulang nalang ay halos lumundag ako sa palabas ng gate para agad na makalayo.

At siyempre habang nag lalakad ay para bang nakakaramdam ako ng pananabik, may kung anong nag sasabi sa aking puso at isipan na gusto kong makita si Jeffrey, gusto ko siyang makausap ulit o kaya ay gusto kong masilayan ang kanyang ngiti. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba ito ngunit may namumuong saya sa aking kaibuturan na hindi ko akalaing mararamdaman ko.

Ewan, basta masarap sa pakiramdam..

Pag dating ko sa pamilihang bayan ay hindi naman ako nabigo dahil agad kong nakita ito si Jeffrey na naka upo sa fountain area, halos naging tambayan na niya ang lugar na ito kaya naman parang alam ko na rin kung saan ko siya makikita. “Hoy negi, este Eloy! Halika!” ang pag tawag niya

“Bakit?” ang tanong ko naman habang naka ngiting lumalapit sa kanya

“Halika kumain tayo.” ang alok niya sabay abot sa akin ng tinapay at prutas.

Hindi ko ito kinuha. “Ayoko, baka kung saan mo na naman kinuha iyan e madamay pa ako sa kalokohan mo.”

Napakamot siya sa ulo. “Sabi na nga ba e, iniisip mong ninakaw ko ito. Mali ka doon, pinag hirapan ko ito, alam mo ba nag kargador ako at nag trabaho para mag kapera.” wika niya sabay pakita sa akin ng perang nakatupi at saka niya ito inipit sa kanyang short malapit sa brief kaya nakita ko ang kanyang karug.

Agad kong binawi ang aking tingin. “Talaga?”

“Oo naman. Ako pa ba, kung nag nakaw ako ay hindi na ako makakatambay dito. Kita mo naman, lantad na lantad ang kagwapuhan ko sa lugar na ito.” ang wika niya

Tumabi ako sa kanya at kumuha ng tinapay. “Gwapo ka nga, pero hindi ka naman papansinin. Alam mo naman ang estilo ng pamumuhay sa panahon na ito. Kung gwapo ka, dapat ay may pera ka o galing ka sa mayamang pamilya. Bale wala ang kagwapuhan kung mahirap ka lang, tiyak na di ka papansinin ng mga babae, babaihan o kahit lalaki pa.” ang wika ko naman.

“Iyan ang katotohanan na hindi ko maaaring itanggi. Mas mahalaga kasi ang antas o katayuan sa buhay. Kaya lahat ay baliw na baliw sa anak ni Don Miguel, dahil bukod sa saksakan sila ng yaman ay napaka gwapo pa rin daw nito.” ang wika ni Jeffrey na parang may halong lungkot.

“Wala tayong magagawa, nabubuhay tayo sa isang panahon na legal ang mag asawa ng kahit na sinong nais mo. Malaya ang pag pili ng taong maaari mong ibigin kahit kaparehong kasarian pa ito. Ang problema lang ay mas naging mapili sila sa antas ng pamumuhay isang tao. Pag mayaman ka, dapat ay mayaman rin ang mapapangasawa mo. Kaya nga yung dalawang kapatid ko ay tinalaga na ang sarili nila sa anak ni Don Miguel.” ang wika ko naman habang naka tanaw sa bumabagsak na tubig sa fountain.

“Kaya nga kahit gwapo ako ay walang pumapansin sa akin kasi nga ay mahirap ako.” ang tugon niya

“Oo tama ka doon, ang ibig kong sabihin ay marami pa ring nakakapansin sa iyo katulad ko. Nandito pa naman ako.” naka ngiti kong sagot.

“Ako rin naman, napapansin kita pero sana ay huwag kang mag tatago sa dilim dahil sa itim mong iyan ay baka hindi na kita makita. Pero alam mo, sobrang bait mo.” ang wika niya sabay hawak sa aking pisngi.

Napatitig ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Nag tama ang aming paningin..

Maya maya ay biglang lumapit ang kanyang mukha sa aking labi, hahalikan niya ako kaya naman ipinikit ko ang aking mata habang patuloy sa pag kabog ang aking dibdib..

Ito ang unang beses na hahalikan ako, ano kaya ang pakiramdam? Mga bagay na paulit ulit sumasagi sa aking isipan noong mga sandaling iyon..

Habang nasa ganoong posisyon kami ay isang malakas na tapik sa pisngi ang aking naramdaman kaya naman dumilat ako at bumalik ang aking ulirat sa normal. “Hoy ano bang ginagawa mo? Bakit naka nguso ka dyan? Mukha kang kuhol eh” wika niya dahilan para mahiya ako. Imahinasyon ko lang pala ang lahat.

“Naka nguso pa to, lalo kang naging susong kuhol.” pag tatawa pa niya.

Hindi ako naka kibo at napakamot nalang ako ng ulo..

Maya maya ay kapwa kami napatingala noong nag simulang pumundo ang ulan at umambon ng kaunti. “Hoy Negi, mamili kana at baka abutan ka pa ng malakas na ulan.” ang wika ni Jeffrey. “ O, sa iyo na ito. Baunin mo sa pag uwi.“ dagdag pa niya sabay abot sa akin ng plastic ng pagkain.

“Salamat.” ang wika ko nalang..

“Ingat.” naka ngiti niyang sagot sabay tayo at lumakad palayo para sumilong. Ako naman ay tumakbo rin sa gilid ng pamilihan para hindi ako mabasa.

Habang bumabagsak ang ulan ay isinahod ko ang aking kamay dito. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko, pakiwari ko ba ay lalabas ang aking puso sa matinding galak. Kakaiba ang pakiramdam, masaya at mas lalo pang sumasaya. Nag bibigay ito ng kakaibang sigla sa aking katawan..

“Hoy negro bibili ka ba? Naka ngiti ka pa dyan! Baliw ka ba? Ano bang gulay?!” ang tanong ng tindera.

“Ah e, repolyo po, patatas, at itong mga ito.” ang sagot ko naman habang naka tingin sa lugar kung saan sumilong si Jeffrey pero hindi ko na siya nakita doon.

Siguro ay mag papatila na muna ako ng ulan, bago tuluyang umuwi..

Itutuloy..

CB Part 4

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 1, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Part 4

“Tingnan mo mama! Ang ganda ko diba? Bagay na bagay sa akin this gown at itong sumbrerong bulaklakan is perfect! I heart you mother!!” ang wika ni Olrac habang lumalabas sa bakuran.

“I heart you, too my beautiful daughter.” ang sagot ng aking madrasta na parang naluluha pa sa ganda ng kanyang maskuladong anak.

“Eloy, bilisan mo nga! Buhatin mo na lahat dito iyan, malalate na tayo sa piknik!” utos ni Orson na noon ay nakasakay na sa sasakyan.

Agad kong binuhat ang mga gamit at inilagay ito sa likod ng sasakyan. “Mama, ayokong may gamit dito sa kotse! Hindi ako maka kilos ng maayos! Ang sikip sikep!!” ang maarteng pag iinarte ni Orson.

“Oo nga naman mama, saka huwag mong sabihin na dito sasakay iyang si Eloy? Ayoko siyang katabi baka madikitan ng balat niya yung gown at maging uling!” ang reklamo ni Olrac

“Girls, huminahon kayo. Ang mabuti pa Eloy ay ibaba mo na lamang ang mga gamit at sumakay ka na lamang sa pampasaherong sasakyan. Pwede ka ring mag lakad kung gusto mo. Bilisan mo na.” ang wika ng aking madrasta.

Wala naman akong nagawa kundi ang buhatin ulit pababa ang lahat ng gamit at sumakay sa trisikel. “Bye Eloy! At huwag kang mahuhuli ha! Lagot ka sa akin!” ang wika pa ni Orson sabay taas sa kanyang kamao.

Umandar ang kanilang sasakyan at iniwanan akong nakatayo sa tarangkahan..

Hindi pa sila masyadong nakakalayo noong pumara ako ng trisikel, ang lahat ng gamit ay inilagay ko sa loob at ako naman ay sumabit nalang sa sidekick. Halos isang oras rin ang byahe paikot sa bundok at nakatagal pa rito ang hindi magandang daan..

Pag dating ko doon ay agad akong inutusan ng aking madrasta na mag latag ng banig sa ilalim ng malaking puno paharap sa malinaw na batis. Maganda ang buong paligid, tahimik at nakakarelax sa pakiramdam. Mula rito sa itaas ay makikita ang kabilang parte ng bayan kung saan naroon ang lupain at magarbong tahanan ni Don Miguel.

“Girls, tingnan niyo ito. Ang mala palasyong bahay na iyan ay pag aari ni Don San Sebastian at ng kanyang anak. Hindi mag tatagal ay iiwanan nyo na ako at diyan kayo titira.” ang wika ng aking madrasta na naluha luha pa.

Yumakap si Orson sa kanyang ina. “Tiyak na mamimiss kita mama. Balang araw ay magiging tahanan ko na rin ang malaking lupain na iyan. Ang kalahati nito ay gagawin kong parlor at ang kalahati naman nito ay gagawin kong Gay bar.”

“Iyang pag iisip mo ay hindi pang prinsesa. Alam kong ako ang mapapangasawa ng anak ni Don Miguel at ang malaking lupaing iyan ay gagawin ko hacienda. At kayo ni Eloy ay gagawin kong taga pag alaga ng mga hayop!” ang wika ni Olrac dahilan para mag talo nanaman ang dalawa.

Katulad ng dati ay umawat naman ang kanilang ina. Tila walang katapusang bangayan ito para sa kanila.

“Girls, masisira ang mga gowns niyo sa pag aaway ninyo, dapat ay kumilos kayo na parang mga tunay na reyna nang sa gayon ay maging proud sa inyo si Don Miguel kapag ikinasal ang isa sa iyo sa kanyang anak.” wika ng aking madrasta

“Hindi na ako makapag hintay na maging asawa niya. At gusto ko mag karoon kami ng mga cute na anak, mga baby Orson na mag lalaro sa hardin.” ang wika ni Orson

“Mga cute na baby Orson? Ano iyan gabi ng lagim? Nag kalat ang tiyanak?” ang pag aasar ni Olrac kaya naman napikon ang kanyang kapatid at nilundag niya ito saka siya nag pagulong gulong sa damuhan.

Habang nasa ganoong posisyon ang lahat ay siya naman pag dilim ng kalangitan, mukhang nakapundo ang malakas na ulan.

’“Eloy! Paalisin mo ang pundo! Gumawa ka ng paraan!” ang utos ni Orson.

“Pero, hindi ko kayang pigilan o paalisin ang maitim na ulap. Hindi ko na saklaw iyon bilang tao.”

“Aba’t nag rereklamo ka pa? Basta gumawa ka ng paraan! Paalisin mo ang pundo at kasalanan mo lahat ito. Sabi na nga iyang kulay mo ay isang balat! Malas ka talaga Eloy!” ang panininisi ni Olrac

“Paalisin mo ang pundo! Kasalanan mo ito Eloy!” ang sigaw ni Orson sabay hila sa akin sa gitna ng bukid. “Mag sundance ka ngayon! Mag ritwal ka at wag ka aalis dyan hanggang nawawala ang maitim na ulap! Masasayang talaga ang damit ko.”

Sundance? Naalala ko yung ginawa ni Sarah Geronimo sa pelikulang A Very Special Love kaya naman nag simula nang gumalaw ang aking kamay at gayon rin ang aking tuhod. “Umalis ka ulan, alis! Mapapahamak ako kapag hindi kita napaalis!” ang paki usap ko

Tuloy pa rin ako sa pag sasayaw at sa kalayuan ay kitang kita ko kung paano sila nag tatawa dahil nag mumukha akong uto uto..

Maya maya ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan, dito ay nag titili ang mag iina at pumasok sa loob ng sasakyan. Umalis ang mga ito at iniwan ako kasama ng mga gamit.

“Sandali, huwag nyo akong iwanan!” pag habol ko

“Bahala ka dyan! Yung mga kasangkapan huwag mong iwawala dahil malilintikan ka sa amin Eloy!!” ang sigaw ni Orson

Mag reklamo man ako ay huli na ang lahat dahil basa na rin ako mula ulo hanggang paa. Wala akong nagawa kundi ang pag masdang umalis ang kanilang sasakyan palayo.

Halos manoot ang lamig sa aking katawan habang tinatahak ang daan pababa ng bundok, ni hindi man lang ako naisipang hintayin ng aking madrasta, pero hindi bale dahil may sasakyan naman doon sa paanan, tiyak na patila na rin ang ulan hanggang mamaya.

Buhat ko ang lahat ng kasangkapan at sumilong ako sa isang lumang kubo na halatang wala nang nakatira dahil sa kalumaan. Mistulan akong isang basang sisiw na naka siksik sa sulok habang pinag mamasdan sa pag bagsak ang mala diamanteng patak ng ulan mula sa kalangitan.

Makalipas ang ilang oras, huminto ito at dito ay nag pasya na akong lumakad patungo sa paanan ng bundok sa tabi ng kalsada. Medyo madulas ang daan kaya naman ilang beses rin ako na saldak at naputikan pero hindi ko na ito pinansin pa.

“Hoy Negi, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jeffrey noong makita akong nasa abangan ng jeep. “Bakit basang basa ka ng ulan? Naligo ka ba?” pang uusisa pa niya

“Naabutan lang ako, wala akong nasilungan e. Anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko

“Uuwi sa amin.” sagot niya

“Sa bundok? Doon ka ba nakatira?” ang tanong ko naman.

“Hindi.” tugon niya sabay turo sa direksyon ng lupain ni Don Miguel San Sebastian. “Doon ako nakatira.”

“Sa lupain ni Don Sebastian? Siguro ay isa ka sa hardinero niya o kaya ay taga pastol ng tupa.” ang tugon ko naman.

Napatingin siya sa akin ng seryoso. “Eloy, gusto kong malaman mo na ako talaga ang anak ni Don San Sebastian.” ang wika niya dahilan para matawa ako. “Kumain ka na ba? Oh heto mayroon akong tinapay dito, lamanan mo yung sikmura mo at baka hinahangin na ito. Nakita ko yung anak ni Don San Sebastian doon sa bayan kaya imposible iyang sinasabi mo. Wag mo nga ako lokohin. Dyan kana nga ginoong manloloko!” ang wika ko sabay sakay sa jeep.

Napakamot siya sa ulo..

“Ay ano ba iyan, basang basa ka naman!” reklamo ng katabi ko kaya umusog pa ako sa pinaka gilid.

“Ba-bye ginoong manloloko” ang pang aasar ko pa sabay dila sa kanya noong mag simulang umandar ang sasakyan.

“PANGET! BALUGAAAA!! ULIKBAAAAA!!!” ang sigaw ni Jeffrey

Tawanan yung mga tao sa jeep..

Hapon na noong makarating ako sa aming bahay, doon ako dumiretso sa likod bahay upang hindi na maputikan ang sala. Marahan akong lumakad patungo sa likod noong may marinig akong tumili. Si Orson “Ayyy!! Zombie!! Lamang Lupa! Nakapasok sa kusinaa Eloy!! Gumawa ka ng paraan!! Eloy nasaan ka ba??!!” ang sigaw nito noong mapag kamalan akong zombie

“Orson, ako ito si Eloy. Huwag kang matakot.”

“Eloy? Jusko naman bakit ba kasi ganyan ang itsura mo? Saan ka ba nang galing?! Sige mag handa kana ng hapunan, pag katapos ay plantsahin mo yung mga long gown kong pang araw araw!” utos nito

“Eloy!! Halika nga dito, buhatin mo ako at ilipat sa kabilang sofaaaa! Huwag kang tatamad tamad!” ang utos ni Olrac

“Eloy! Labhan mo yung mga damit na nabasa ng ulan kanina dahil kasalanan mo kung bakit pumundo ang maitim na ulap, naakit iyon sa kulay mo! At huwag kang gagamit ng washing machine at dryer okay? Hindi ka naman babaihan!” ang wika nito sabay hagis sa akin kanyang mga maruming damit.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanilang mga utos, minsan ay naaawa ako sa aking madrasta at sa aking mga kapatid dahil wala silang alam sa gawaing bahay, itinalaga kasi nila ang mga sarili na makapangasawa ng lalaking gwapo at mayaman na maaaring mag bigay sa kanila ng kanilang mga luho sa katawan. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang pinang hahawakan nila.

Habang gumagawa ay hindi rin maalis sa aking isipan ang sinungaling at manlolokong si Jeffrey, kung sa bagay ang mag nanakaw ay kapatid ng sinungaling kaya hindi na nakapag tataka iyon, pero bakit ganoon masaya pa rin ako kapag nasisilayan ko siya? May kung bagay ang hindi ko maipaliwanag na namumuo sa aking dibdib na gustong kumawala kapag siya ang aking nakakausap. Masarap ang ganitong pakiramdam at ayoko itong basta basta mawala.

Alas 10 ng gabi noong makatapos ako sa gawain, nakaramdam ako ng pananakit ulo at gayon rin ang aking katawan. Marahil ay sa pag kakabasa sa akin ng ulan kanina masyado kasing malamig ito kaya’t hindi nakapag tataka.

Agad kong ihiniga ang aking katawan at nag balot ng kumot noong makaramdam ng panlalamig. Ibinaluktot ko ang aking tuhod na parang isang fetus at kasabay noon ang pag pikit ko sa aking mga mata..

Itutuloy..

CB Part 5

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 2, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Part 5

“Eloy! Bumangon ka nga diyan! Anong oras na! Tatamad tamad kana naman! Mag balat ka ng patatas doon sa kusina at gawin mong pringles! Mabilis ka!!” ang sigaw ni Orson na gumising sa akin.

Halos hindi ako makabangon sa tindi ng papanakit ng aking ulo. At ramdam na ramdam ko rin ang mainit na singaw sa aking katawan. Nag kasakit ako dulot ng pag kakabasa ko kahapon sa malakas na ulan. Nanghihina ang aking tuhod at pati na rin ang aking kalamnan sa braso.

“Eloy! Anong arte ba iyan? Mamalengke kana! Heto ang mga bibilhin mo at huwag kang babalik kung hindi ito kompleto. Naunaawan mo ba? Api apihan pa ang peg mo!” ang utos ng aking madrasta sabay abot ng listahan ng mga gulay

“At pag katapos mong mamalengke, buhatin mo ako doon sa kabilang sofa! Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ko binubuhat!” ang wika ni Olrac

Kinuha ko ang basket at napa buntong hininga nalang ako. “Huwag ka ngang umarte na parang may sakit ka. Ang katulad mong maitim, panget at hindi babaihan ay walang karapatang mag kasakit! Hala, sige larga ka bago tayo maubusan ng fresh veggies!” ang maarteng wika ni Orson sabay tulak sa akin sa labas.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila, kahit hilong hilo ako at nang hihina ng husto ang aking katawan ay nag tungo pa rin ako sa palengke para mamili ng mga gulay. May pag kakataon na napapaupo na lamang ako sa isang tabi para kumuha ng lakas at kapag nakaramdam ng kaunting ginhawa ay muli akong mag lalakad para ipag patuloy ang pamimili. “Oy, Negi bakit ganyan ang itsura mo? May sakit ka ba?” ang tanong ni Jeffrey noong makita ako.

“Ikaw pala dakilang man loloko. Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Eh may hinakot lang akong paninda doon kabilang pamilihan. Ayos ka lang ba? Parang namumulta ka, ang ibig kong sabihin ay parang mamumuti ka ng kaunti.” ang pag tataka niya sabay hipo sa akin. “Hala! Nilalagnat ka ah! Siguro mas makabubuti kung umuwi ka na lamang at mag pahinga.” ang wika niya.

“Pero kailangan ko pang mamili, baka magalit ang madrasta ko kapag hindi ko nakompleto ang mga gulay sa kantang bahay kubo.” ang tugon.

“Akin na nga, ano pa ba ang kulang mo?” tanong niya sabay tingin sa listahan. “Labanos, mustasa, patola, upo at linga nalang pala. May balak bang lumaban sa nutrition month iyang madrasta mo?” pag tataka niya sabay alis at siya mismo ang humanap nito. Ako naman ay pinaupo lang niya sa fountain area kung saan kami madalas tumambay.

Pag kalipas ng ilang minuto ay nakompleto na niya ang mga gulay sa listahan. “Halika, ihahatid na kita sa inyo at baka sa daan ka pa himatayin. Ang kailangan mo ay uminom ng gamot at mag patingin sa doktor.” ang tugon niya sabay abot ng dalawang tabletang paracetamol sa aking kamay. Dito ay pumara siya ng trisikel at sinamahan niya ako sa pag uwi sa aming bahay. Naka sandal ako sa kanyang balikat at hinayaan lang niya ako sa ganoong posisyon.

Pag dating sa aming bakuran ay binuhat niya ang basket at sinamahan akong pumasok sa loob. “Malaki pala ang bahay ninyo. Mayaman rin pala ang pamilya mo.” ang wika ni Jeffrey habang isa isang ibinababa ang mga gulay sa lamesa.

Maya maya ay biglang pumasok si Orson sa kusina. “Ay! Sino ka naman?” ang gulat na tanong nito

“Ako si Jeffrey, kaibigan ako ni Eloy. Inaapoy kasi siya ng lagnat kaya sinamahan ko na lang siyang mamili.” ang tugon nito.

Nakapamewang si Orson na animo beauty queen. “Ano pang hinihintay mo? Mag bigay galang ka sa akin. Hindi mo ba ako kilala?‘’ tanong niya

Yumuko si Jeffrey at nag bigay galang kay Orson. “Eh sino po ba kayo?” tanong niya

“Ako lang naman ang mapapangasawa ng anak ni Don Miguel San Sebastian. At natutuwa ako dahil may kaibigan pala itong si Eloy na mahirap din. Pero gwapo ka ha, kaso nga lang ay amoy kang pugon. Kaninong pamilya ka ba nangangatulong?” ang tanong niya

“Ah e doon lang ako nag ttrabaho sa palengke. Sige aalis na ako.” ang wika niya

“At saan ka naman pupunta pogi?” ang tanong ni Olrac

“Babalik na ako sa palengke.” sagot ni Jeffrey

“Bakit hindi ka muna dumito. Diba’t kaibigan ka ni Eloy? Ang mainam pa ay dalhin mo na siya doon sa silid niya sa attic at pag katapos ay gawin mo ang mga trabaho niya. Simulan mong mag linis dito sa kusina, papunta sa sala at punasan mo na rin ang mga larawan sa dingding. Ito na rin ang pinaka training mo para kapag naikasal na ako sa anak ni Don Miguel ay gagawin ko kayong taga pag linis ni Eloy sa mansyon.” ang wika ni Orson.

Lumapit si Olrac kay Jeffrey at inabutan ito ng walis at basahan. “Bilisan mo na, dahil may sakit si Eloy ngayon ay ikaw muna ang papalit sa kanya.”

Napatingin sa akin si Jeffrey. Parang nag tatanong siya na “ito ba talaga ang buhay mo?” Ako naman ay napayuko lang at nakaramdam ng ibayong pag kahiya kaya tumayo ako at kinuha sa kanya ang walis.

“Ako na, sorry kung nadamay ka pa.” ang wika ko na may halong pag kahiya.

“Hindi na, kaya ko na ito. Mag pahinga ka nalang lamang.” tugon niya.

“Ako na please. Bumalik kana doon sa palengke.”

“Hindi kaya ko na ito.” tugon niya at doon ay nag agawan kami sa walis hanggang sa kusa akong matumba at masubsob sa kanyang matipunong dibdib.

“Ay! Ano ba iyan! Nakakadiri naman kayo! Dalawang katulong na nag lalandian sa kusina. Birds have the same feathers flock together!” ang wika ni Orson sabay alis sa kusina.

“Ako na nga sinabi e, mag hugas ka nalang ng mga gulay dahil hindi ako marunong mag luto. Yung mga mabibigat na gawain ay ako na ang gagawa.” wika niya sabay kuha sa mga walis at kung ano ano pang basahan para linisin ang sahig. Kahit nahihilo ako ay sinimulan ko naman ang pag hihiwa ng gulay at ang pag papakulo ng tubig para sa sabaw.

“Hoy ikaw, pag katapos mo dyan ay punasan mo yung balkuhane, umulan kasi kaya naputikan, mag katapos ay mag gupit ka ng damo sa bakuran! Hayaan mo dahil kapag naging asawa na ako ng anak ni Don Miguel ay gagawin kitang hardinero ko.” ang wika ni Olrac

Ginawa naman ni Jeffrey ang lahat ng utos sa kanya at halos hindi na ito maka ugaga. “Alam mo bagay na bagay kayo ni Eloy, pareho kayong masipag at magaling sa trabahong bahay. Siguro ay may gusto ka sa kanya no? Kung sa bagay ang katulong ay para sa katulong lang kaya bagay kayo.” ang malanding wika ni Orson at maya maya natili ito noong biglang tumalikod si Jeffrey buhat ang mga kahoy dahilan para matamaan ang kanyang mukha.

“Ouch! Ang pezlak ko! Mamaaaaa! Huhuhu!” ang pag iyak nito sabay takbo sa loob ng bahay

“Hoy anong ginawa mo sa mukha ni Orson?” ang tanong ni Olrac

“Hindi ko alam e, natamaan yata siya ng kahoy.” sagot ni Jeffrey

“Sana mas nilakasan mo ang pag bangga sa pez niya para masira na ito. At huwag kang maniniwala sa sinasabi niya dahil sa akin naka takdang ikasal ang anak ni Don Miguel. Sige mag sibak kana ng kahoy. Babagal bagal ka.” wika nito

Halos mabugbog sa trabaho si Jeffrey pero wala akong nakitang reklamo sa kanya. At habang pinag mamasdan ko siyang nakahubad at nag sisibak ng kahoy ay para may kung anong kilig ang aking naramdaman. Ang aking puso pumipintig ng mabilis na para bang gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Nababatobalani ako sa kanyang maganda at makinis na katawan, siguro ay kahit hindi siya anak ng mayaman ay gugustuhin ko pa rin siya ng paulit ulit dahil kakaiba talaga ang kanyang kagwapuhan.

Alas 6 ng gabi noong matapos kami sa gawain, bilang pasasalamat ay pinag hain ko ng marami si Jeffrey. Gutom na gutom ito dahil sa matinding pagod kaya’t halos mapuno ng kanin ang kanyang bibig. “Uminom kana ba ng gamot? Ito pala ang gawain mo sa araw araw, paano mo nakakaya ang ganito?” ang tanong niya

“Kailangan kayanin dahil wala naman akong pamimilian.” ang tugon ko

“Sa tingin ko ay katangahan ang ginagawa mo Eloy, kung ako sa iyo ay lalayasan ko ang iyang halimaw mong madrasta at mga anak niyang tikbalang.” ang wika niya dahilan para matawa ako.

“Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan, ayoko nang bumalik sa peryaan at manakot ng tao sa horror booth. Saka ang sabi ng aking ama ay hintayin ko ang kanyang pag babalik kaya heto, nag hihintay pa rin ako.” ang tugon ko.

“Pahingi pa ng sabaw” wika niya. “Pero alam mo kung araw araw ka nilang papahirapan ay mas mainam pang humanap ka nalang ng ibang bahay na matitirhan. Pero bahala ka pa rin, kung nag eenjoy kang inaalila e.”

“Kaya ko pa naman, kapag hindi ko na kaya ay pupuntahan kita sa palengke at tulungan mo akong humanap ng malilipatan.” naka ngiti kong sagot.

“Walang problema iyan. Ang sarap mong mag luto. Sana araw araw ay maka kain ako ng pag kaing inihanda mo.”

“Kapag may pag kakataon ay ipag luluto kita. Maraming salamat sa pag tulong mo sa akin ngayong araw.”

“Wala iyon Eloy.” naka ngiti niyang tugon sabay kagat sa kapirasong tinapay sa kanyang harapan.

Ewan, sa panonood ko palang kay Jeffrey ay parang busog na ako. Si yung tipong ng putahe na masustansiya sa mata at pati na rin sa puso. Habang tumatagal ay para bang mas lumalalim pa ang pag tingin ko sa kanya. Sana ang kabutihan niya sa akin ay hindi na mag tapos, kahit ano pa man ang mangyari.

Itutuloy..

CB Part 6

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

Feb 2, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

“Kapag may pag kakataon ay ipag luluto kita. Maraming salamat sa pag tulong mo sa akin ngayong araw.”

“Wala iyon Eloy.” naka ngiti niyang tugon sabay kagat sa kapirasong tinapay sa kanyang harapan.

Ewan, sa panonood ko palang kay Jeffrey ay parang busog na ako. Si yung tipong ng putahe na masustansiya sa mata at pati na rin sa puso. Habang tumatagal ay para bang mas lumalalim pa ang pag tingin ko sa kanya. Sana ang kabutihan niya sa akin ay hindi na mag tapos, kahit ano pa man ang mangyari.

Part 6

Lumipas ang mga araw, wala namang pag babago sa aking buhay, halos tuwing gigising ako ay paulit ulit na lamang ang aking ginagawang trabaho at siyempre ay ganoon pa rin ang tila walang humpay na pag uutos nila, halos yung iba nga talagang imposible na pero sige pa rin.

Napapadalas rin ang pag kikita namin ni Jeffrey sa palangke kung saan siya nag ttrabaho. Aminado ako na sa mga araw na kasama ko siya ay ibayong saya talaga ang aking nararamdaman. Yung para bang ayoko nang umuwi at gusto ko nalang ipako ang kamay ng oras sa kanyang pwesto upang tumigil ang lahat.

Sa madalas na pag kikita namin ni Jeffrey ay hindi ko namamalayan na unti unti na pala akong nag kakagusto sa kanya na parang isang bato na nahulog na balon at walang paraan para ako ay makaahon pa dito.

At dahil na rin sa isinisigaw ng puso at damdamin ko ang kanyang pangalan ay halos hindi ko na napigilang isiwalat sa kanya ang aking nararamdaman. Isang makulimlim na hapon iyon habang kapwa kami naka upo sa fountain area kung saan kami madalas na tumambay.

“Ikaw bakit wala ka pang kasintahan? Gwapo ka naman at masipag, tiyak na maraming nag kakagusto sa iyo.” ang naka ngiti kong tanong noong mapadako ang aming usapan sa pakikipag relasyon.

“Ewan, siguro ay hindi ko palang nahahanap ang tamang tao para sa akin. Ikaw? May nagugustuhan ka na ba?” tanong rin niya.

“Meron na, kaso ay hindi ko alam kung magugustuhan niya ako.” ang tugon ko.

“Sa tingin ko ay hindi ka naman mahirap mahalin, mabait ka naman, masipag at matiyaga.” naka ngiti niyang sagot.

Tahimik..

Ngiti lang rin ang aking isinagot.

“Teka, sino ba yung taong nagugustuhan mo? Gusto mo ligawan natin? Tutulungan kita.” pag basag niya sa katahimikan.

Lalo akong natahimik at nakaramdam ng kakaibang kaba, sasabihin ko ba na siya? Hindi ko maunawaan ang aking sarili noong mga sandaling iyon. Maraming dumaraan sa lugar kung saan kami naka upo, ngunit pakiramdam ko ay solo namin ang mundo.

“Yung nagugustuhan ko? Yung gusto kong tao ay ano.. ay mabait at matulungin. Saka masaya siyang kasama at napaka gwapo. Kaso nahihiya akong sabihin sa kanya dahil baka hindi niya ako gusto.” wika ko na nag aalangan

“Lalaki pala ang nagugustuhan mo. Sabihin mo sa akin kung sino siya at tutulungan kita, tiyak na magugustuhan ka niya, ako ang magiging kupido mo Eloy.” pag mamalaki niya

“Talaga ba? Seryoso ka?” tanong ko

“Oo naman. Sino ba ito? Kilala ko ba ito?” tanong rin niya

“Oo kilala mo siya. Kilalang kilala.” sagot ko naman.

“Eh sino nga iyon? Wag mo sabihin yung anak rin ni Don Miguel?”

“Hindi siya. Iba ito.”

“Sino nga siya. Sabihin mo na para matulungan kita. Papanain ko ang puso niya para maging masaya ka.” naka ngiti niyang sagot.

Tumingin ako sa kanya ng tuwid at huminga ng malalim sabay pakawala ng isang salitang tiyak na babago sa aming pag sasama. “IKAW. IKAW ang gusto ko.” ang sagot ko

Napatingin siya sa akin. “AKO?” pag tataka niya

Tumango ako na may halong matinding pag kahiya na hindi mo mawari. “Oo Jeff, ikaw ang gusto ko.”

“Ako talaga? Hahahahaha! Ako?” ang tugon niya sabay tawa ng malakas.

“Hahahahaha. Oo ikaw.” ang tugon ko naman.

“Hahahaha. Bakit ako?” tanong niya ulit

“Hahahaha, hindi ko alam basta gusto kita.” ang pag tawa ko bagamat namumula na ako sa matinding pag kahiya. Pero sa wakas ay nasabi ko rin sa kanya ang aking nararamdaman.

Maya maya ay huminto siya sa pag tawa. “Alam mo Eloy, mag kaibigan tayo pero hindi mo pa ako lubusang nakilala. Marami ka pang bagay na hindi nalalaman tungkol sa aking pag katao. Mabait ka naman e, mabait, mabait, masipag, masipag, matiyag, matiyaga at mabait.” ang tugon niya

Ngumiti ako. “Gusto mo rin ba ako Jeff?” ang tanong ko naman.

“Hahahahaha.” pag tawa niya na parang pinag tatawanan niya ang aking tanong

“Hahahaha. Ano gusto mo rin ba ako?” pag tawa ko naman pero unti unti na akong nakakaramdam ng pag hiya. Basta mukha kaming tanga na tawanan ng tawanan..

Tumingin siya sa akin at saka tumawa ulit. “Hahahaha” sabay sambit ng katagang “Hindi.”

Natawa ulit ako ngunit may kung anong kirot ang aking naramdaman. Humahalakhak ang aking bibig ngunit nag sisimula nang mang gilid ang luha sa aking mga mata.

Tinapik nya ang aking balikat “marami pa namang ibang lalaki diyan. Huwag na ako dahil masasaktan ka lang sa akin.” ang wika niya

“Dahil ba pangit ako? Maitim, payat at isa lamang taga silbi?” ang tanong ko.

“Kasama na iyon sa rason, pero hindi ko naman tinitingnan ang katayuan mo sa buhay. Mas maganda kung ganito lang tayo, mag kaibigan at nag tutulungan, nag dadamayan.” ang nakangiti niyang sagot.

Natahimik ako at tanging tango lamang ang aking isinagot..

“Oh paano, nakapundo nanaman ang ulan, umuwi kana at baka mag kasakit kana naman.” wika niya sabay kuha kanyang gamit at lumayo ito sa aking kinalalagyan.

Ako naman ay napako sa aking kinalalagyan, pakiwari ko ay napahiya ako sa aking sarili, sana ay hindi ko na sinabi, sana ay hindi ako nasasaktan ngayon. Kahit ilang beses akong tumawa ay sobrang sakit pa rin. Tila nawalan ako ng lakas para tumayo, ang aking tuhod ay parang nahihiya rin dahil nang hihina ito na hindi mo mawari. Parang gusto kong lumayo, lumubog sa lupa at mag tago. Hindi ko maunawaan, pero masakit..

Ilang minuto rin ako sa ganoong pag upo hanggang sa muling bumagsak ang ulan, hindi na ko na nakuha pang tumayo, basta napayuko na lamang ako at kasabay noon ang tuluyang pag tulo ng aking luha. Ito ang pinaka magandang paraan upang hindi ka makitang umiiyak. Sa ganitong posisyon ay walang makaka halata na ako ay lumuluha, ni isang tao sa paligid ay walang makakapansin nito. Parang isang katawan na may baling tadyang, sa labas ay maayos pero sa loob ay wasak.

“Narito na ako.” ang wika ko noong makauwi sa bahay. Basang basa at wala sa katinuan.

“Aba, alas 7 na ng gabi! Saan ka ba galing?! Ang kapal ng pez mong gutumin kami! Ang panget panget mo na nga, ang tamad tamad mo pa!!” ang wika ng aking madrasta sabay pingot sa aking tainga.

“Aray! Tama na po.” ang pag pigil ko

“Iyan ang bagay sa iyo! Dapat sa iaalis ang tenga mo para mag tanda ka!” ang galit na wika pa niya at mas idiniin pa ang pag pingot sa aking tainga kaya naman nasaktan ako.

“Tama.” ang wika ko..

Pero hindi niya ako pinansin, hinila niya ang tainga ko at kinaladkad.

“Sige mama! Yan ang dapat sa panget na iyan! Hindi naman siya babaihan para mag landi sa palengke!” ang pang gagatong ni Orson

“Tama na po!”

“Tamaaa na.” ang pakiusap ko

Pero wala pa rin..

“Iyan ang dapat sayo. Sige mama alisin mo na ang tenga niyan!” ang wika ni Olrac sabay kuha ng gunting at nanakot.

“Tama naaa! Sinabing tamaa naaaaa!” ang sigaw ko sabay tulak sa aking madrasta dahilan para matumba ito at masubsob sa kalan na puro abo.

“Ay! Anong ginawa mo!!” ang sigaw ni Olrac

“Walang hiya kang bata kaaaa! Wala kang utang na loob!” ang sigaw ng aking Madrasta sabay kuha ng panhampas.

“Wala kang kemberlin Eloy! Lagot sa akin ngayon!” ang galit na wika ni Orson sabay suntok sa aking kinalalagyan.

Naka iwas ako kaya ang nasuntok niya ay ang mukha ng ina.

Natumba nanaman ang aking madrasta at nawalan ng malay. “Ay! Bakit mo sinuntok si mama? Napaka tanga mo naman!” ang paninisi ni Olrac at dito ay nilapitan nila ang tulog na ina.

Ako naman ay nag tatakbo palabas sa bahay, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang ay dinala ako ng aking mga paa sa isang malaking puno malapit sa paanan ng bundok. Dito ay sumilong ako at niyakap ang aking sariling tuhod. Damang dama ko pa rin ang matinding sakit, kung maibabalik ko lang ang oras sana ay hindi na ako nag tapat kay Jeff, sana ay pinigil ko ang aking dila, sana ay hindi ako nasasaktan ngayon.

Itutuloy..

CB Part 7

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 5, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Part 7

Tumingin ako sa kanya ng tuwid at huminga ng malalim sabay pakawala ng isang salitang tiyak na babago sa aming pag sasama. “IKAW. IKAW ang gusto ko.” ang sagot ko

Napatingin siya sa akin. “AKO?” pag tataka niya

Tumango ako na may halong matinding pag kahiya na hindi mo mawari. “Oo Jeff, ikaw ang gusto ko.”

“Ako talaga? Hahahahaha! Ako?” ang tugon niya sabay tawa ng malakas.

“Hahahahaha. Oo ikaw.” ang tugon ko naman.

“Hahahaha. Bakit ako?” tanong niya ulit

“Hahahaha, hindi ko alam basta gusto kita.” ang pag tawa ko bagamat namumula na ako sa matinding pag kahiya. Pero sa wakas ay nasabi ko rin sa kanya ang aking nararamdaman.

Maya maya ay huminto siya sa pag tawa. “Alam mo Eloy, mag kaibigan tayo pero hindi mo pa ako lubusang nakilala. Marami ka pang bagay na hindi nalalaman tungkol sa aking pag katao. Mabait ka naman e, mabait, mabait, masipag, masipag, matiyag, matiyaga at mabait.” ang tugon niya

Ngumiti ako. “Gusto mo rin ba ako Jeff?” ang tanong ko naman.

“Hahahahaha.” pag tawa niya na parang pinag tatawanan niya ang aking tanong

“Hahahaha. Ano gusto mo rin ba ako?” pag tawa ko naman pero unti unti na akong nakakaramdam ng pag hiya. Basta mukha kaming tanga na tawanan ng tawanan..

Tumingin siya sa akin at saka tumawa ulit. “Hahahaha” sabay sambit ng katagang “Hindi.”

“Ayoko na! Ayoko nang maalala pa iyon!” ang sigaw ko sa aking sarili habang naka nakatakip sa aking tainga. Tila ba naniniring ko pa rin ang boses ni Jeffrey na pinag tatawanan ang aking nararamdaman.

Iyon ang pinaka masakit na parte sa lahat, kahit paulit ulit kong iwaksi ito sa aking isipan ay bumabalik pa rin na parang isang sirang plaka.

Maliwanag ang buwan noong mga oras na iyon, mula sa pag kakaupo ko sa ilalim ng puno ay nag tungo ako sa katabing ilog para hugasan ang aking paang punong puno ng putik.

Maganda ang tubig sa ilog noong mga oras na iyon, malamig at kumikinang. Ito ang unang pag kakataon na makita kong ganito ka liwanag at kalaki ang buwan na siyang tumatanglaw sa paligid kaya naman ang tubig sa ilog ay nag mistulang salamin kung saan nakikita ko ang aking repleksyon.

Pinag masdan ko ang aking mukha sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako gusto ni Jeff, ito rin ang dahilan kung bakit parati akong inaapi ng mga kasama ko sa bahay. Kung bakit walang may gusto sa akin..

Dahil panget ako!!

Dahil ganito ang aking anyo!

Tila nakaramdam ako ng pinag halong galit at lungkot sa aking sarili. Wala akong nagawa kundi ang ibuhos sa tubig ang aking nararamdaman habang naroroon ang aking repleksyon. “Panget kaaaa! Panget ka kasi kaya walang mag kakagusto sa iyo! Pinanganak kang miserable kaya mamatay kang miserable rin! Hanggang dito ka nalang Panget! PANGET KA ELLWOOD! Wala kang kasing panget!!!” ang sigaw ko habang hinahampas ang aking sariling imahe sa tubig.

Noong makaramdam ng pagod ay naupo nalang ako sa batuhan at dito ay nag iiyak hanggang sa kusa akong mawalan ng lakas. Wala akong nagawa kundi ang mahiga sa batuhan at ipikit ang aking mga mata na animo isang laruang nawalan ng lakas.

Tahimik..

Wala kang ibang maririnig kundi ang mga kuliglig na wari’y umaawit sa malamig na gabing iyon.

Panandalian akong pumikit at maya maya bigla na lamang binalot ng kakaibang lamig ang aking katawan kaya naman iminulat ko ang aking mata at dito may nakita akong isang babaeng naka puti sa aking tabi kaya naman bumalikwas ako ng bangon at dumakot ng bato sabay balibag sa kanya. Dala iyon ng matinding takot.

“Aba, gagang ito! Balibagin ba ako! Mas nakakatakot pa nga ang itsura mo sa akin noh. Di ka naman babaihan no.” ang wika nito habang pinapagpag ang kanyang kumikinang na damit.

“Sorry po, akala ko ay multo kayo.” ang wika ko naman.

“Ano ka ba Eloy, hindi ako multo. Isa akong diwata, nag mula ako sa ilog na ito. Saksi ako sa iyong pag tangis at pag dadalamhati kaya naman narito ako para damayan ka.” ang wika nito.

“Ganoon po ba? Siguro ay nanaginip ako. Isang panaginip lamang ito diba?” ang tanong ko

Ngumiti ang diwata at inaya akong lumapit sa kanya. “Halika Eloy lumapit ka sa akin.”

Hindi naman nasindak, marahan ako humakbang palapit sa kanya at noong tumapat ako sa kanyang harapan ay bigla niya ako sinapal. “Plak!”

“Aray! Para saan iyon?” tanong ko

“Para malaman mong hindi ito isang panaginip Eloy. Ano mag tatanong ka pa ba?” mahinhin niyang salita

“H-hindi na po. Teka, sino po ba kayo? Bakit kamukha nyo po si John Lapuz?” ang tanong ko

“Ang maganda, talented at sweet na si John Lapuz, idol ko siya kaya heto mag kamukha na kami. Pero wala iyang inalaman sa akin. Una sa lahat nais kong mag pakilala sa iyo Eloy, ako si Wanda na isang magandang diwata na mula sa ilog na ito. Nais kong mag tulungan tayong dalawa okay ba iyon?” ang tanong niya

“Mag tulungan tayong dalawa? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko

“Ganito kasi iyon, sa mundo namin ng mga diwata ay mayroon tatlong stand out na sexy, maganda, super hot at pinapantasyang diwata. At isa ako doon sa tatlong iyon. Ngayon ay isa sa amin ang tatanghaling “Fairy Queen 2019”. Pero bago namin makuha ang title na iyon ay kinakailangan kaming tumulong sa isang taong katulad mo na hopeless, kaawa awa at walang ganda sa buhay. Alam kong mahirap ang pinag dadaanan mo sa araw araw lalo’t nireject ka pa ng lalaking iyong nagugustuhan. Pero nanatili kang matatag at ang iyong puso ay napaka busilak. Medyo tanga ka lang dahil nag papa alipin ka sa madrasta mo at sa dalawang anak niyang kapre pero ganoon talaga ang buhay Eloy. Parang gulong iyan, minsan umiikot, minsan na fflat at muling aandar.“ ang wika nito na napaka emosyonal ang dating.

“Ano po ang maitutulong ko?” ang tanong ko.

“Ikaw ang aking magiging subject! Ikaw Eloy ang aking magiging model! Ang mga katulad mong kawawa at inaapi sa lahat ng aspeto ng buhay na parang si Cinderella, Marimar, Princess Sarah at Espenranza. Ikaw ang tutulungan ko. Ano ayos ba? Sa ganitong paraan ay matutulungan mo na rin ako para tanghaling Fairy Queen 2019. Siguradong yung dalawang kalaban ko ngayon ay massquirt sa sobrang takot!” ang wika niya.

“Seryoso po ba kayo? Baka po naka drugs kayo?” ang tanong ko.

“Basag trip ka naman e. Syempre tutulungan kita Eloy.” ang wika niya sabay kapa sa kanyang bulsa. “Asan na ba iyon?” ang tanong niya na parang may hinahanap na kung ano sa kanyang bra.

“Anong hinahanap mo Diwatang Wanda?” tanong ko.

“Nawawala yung mahiwagang “pulbos ng katarungan”, Sandali nga at baka nandito sa panty ko.“ ang wika niya sabay talikod at nililis ang kanyang gown. “Hala! Bakit isa nalang ito? Dalawang garapon ito e. Nasaan na yung isa, siguro ay naiwan ko doon sa Fairy land. Pero anyway narito na ang sagot sa problema mo Eloy. Ang mahiwagang pulbos! Mainit init pa iyan ha.” ang wika niya sabay taas sa isang nag liliwanag na garapon, inabot niya sa aking kamay.

“Mainit nga.” ang tugon ko

“Syempre galing pa iyan sa pukelya ko kaya mainit.” ang tugon niya

“Ngi, para sa ba ito?” ang tanong ko naman.

“Ang pulbos na iyan ay mahiwaga, ipahid mo ito sa iyong mukha at makakamtan mo ang anyo na iyong pinapangarap. Pero, nais kong sabihin na ang lahat ay may limitasyon. Sa tuwing tatapat ang kamay ng orasan sa alas dose, ang mahika ay mawawala at babalik sa dati.”

“Alas dose ng tanghali o alas dose ng gabi?” ang tanong ko naman

“Pareho, kaya sinugarduhin mo na bago tumapat ang kamay ng relo sa ikalabing dalawang guhit ay nagawa mo ang iyong nais gawin, kundi ay babalik sa pagiging si Eloy na chaka, chararat at swanget!” ang paalala niya

“Bakit si Cinderella ay alas dose ng hating gabi lang? Bakit ako pati tanghali ay mayroon din?” tanong ko

“Huwag kana mag reklamo dahil hindi ka naman babaihan. Dyan ka na nga, panget nito!” ang wika nito at bigla siyang nag laho.

Makalipas mag laho ni Wanda ay nag liwanag ang husto ang aking katawan. Bumigat ang talukap ng aking mga mata at dito ay bigla na lamang akong nakatulog.

KINABUKASAN..

Pag mulat ng aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa aking higaan sa attic. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ang alam ko ay nasa tabing ilog kagabi at paano ako napunta dito sa loob ng aking silid?

Binalot ng matinding pag kalito ang aking isipan noong mga sandaling iyon lalo’t buhay na buhay sa aking ala-ala ang nangyari kagabi kung saan may nakausap akong isang diwata.

Pero ang mga diwata ay hindi totoo at gawa gawa lamang sila ng mga matatanda. Siguro ay panaginip lamang ang lahat. Ngunit ito ay kakaiba talaga.

Marahan akong bumalikwas ng bangon sa aking higaan at inayos ang aking sarili. Muli ko na namang naalala kung paano nabigo sa pag tatapat ko kay Jeff kahapon, sana hindi ko na ito ginawa dahil lalo lamang lumiit ang tingin ko sa aking sarili.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at kasabay nito ang malakas na sigaw ni Orson mula sa ibaba.

“Eloy! Umaga naaaa! Mag luto kana ng almusal! Pasalamat ka nga at hindi na kita binugbog kagabi! Baba na ditoooo!” ang sigaw nito

“Sandali lang…” ang tugon ko sabay takbo patungo sa pintuan noong bigla akong mapatingin sa aking lumang cabinet.

Laking gulat ko noong makita ang garapon ng pulbos ng katarungan na ibinigay sa akin ng diwata kagabi sa tabing ilog.

Binalot ako ng kaba at matinding pag kalito noong lapitan ko ito.

Naeengkanto na yata ako o nasisiraan ng bait! Baka nababaliw na ako at nag karoon ng tama aking utak dahil masyado kong dinamdam yung pang rereject sa akin ni Jeffrey?

Hinawakan ko ang garapon at maya maya ay nag liwanag ito. Kasabay nito ang narinig kong salita.

“Eloy, ang pulbos na iyan ang mag bibigay ng katarungan sa iyo. Gamitin mo ito at maging matatag.”

Itutuloy..

CB Part 8

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 5, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

“Ganito kasi iyon, sa mundo namin ng mga diwata ay mayroon tatlong stand out na sexy, maganda, super hot at pinapantasyang diwata. At isa ako doon sa tatlong iyon. Ngayon ay isa sa amin ang tatanghaling “Fairy Queen 2019”. Pero bago namin makuha ang title na iyon ay kinakailangan kaming tumulong sa isang taong katulad mo na hopeless, kaawa awa at walang ganda sa buhay. Alam kong mahirap ang pinag dadaanan mo sa araw araw lalo’t nireject ka pa ng lalaking iyong nagugustuhan. Pero nanatili kang matatag at ang iyong puso ay napaka busilak. Medyo tanga ka lang dahil nag papa alipin ka sa madrasta mo at sa dalawang anak niyang kapre pero ganoon talaga ang buhay Eloy. Parang gulong iyan, minsan umiikot, minsan na fflat at muling aandar.“ ang wika nito na napaka emosyonal ang dating.

“Ano po ang maitutulong ko?” ang tanong ko.

“Ikaw ang aking magiging subject! Ikaw Eloy ang aking magiging model! Ang mga katulad mong kawawa at inaapi sa lahat ng aspeto ng buhay na parang si Cinderella, Marimar, Princess Sarah at Espenranza. Ikaw ang tutulungan ko. Ano ayos ba? Sa ganitong paraan ay matutulungan mo na rin ako para tanghaling Fairy Queen 2019. Siguradong yung dalawang kalaban ko ngayon ay massquirt sa sobrang takot!” ang wika niya.

Part 8

“Oy Eloy, mamalengke kana. Bilisan mo ha. Pag ikaw ay ginabi ulit ay malilintikan ka sa akin. Nakita mo ba itong kamaong ito? Ito ang tatapos sa iyo!” ang wika ni Olrac sabay lilinis sa kanyang manggas at ipinakita ang kanyang masel.

“Ay! Ano ba iyan sis, bakit ganyan yung kili kili mo may buhok! Nakaka diri ka naman! Not so babaihan.” ang maaarteng wika ni Orson sabay pakita sa kanyang flawless na kili kili. “Yan, ganito ang kili kili ng babaihan, walang buhok!”

“Walang buhok pero may anghit! Pwe!” ang hirit ni Olrac. “Hoy Eloy, pag uwi mo ay ahitin mo ang hair ko sa kili kili at binti ah. Bumili ka ng matalim na pang shave doon at naku wag na wag kang mag kakamaling ma late ng uwi dahil bibigwasan kita!”

“Sige, uuwi ako ng maaga Olrac para ahitin ang makapal mong buhok sa kili kili.” ang tugon ko dahilan para magalit ito kaya naman agad kong kinuha ang bag at nag tatakbo palabas ng tarangakahan. Ang totoo noon ay ayoko talagang mamalengke dahil baka makita o makasalubong ko si Jeffrey. Pero ganoon siguro talaga, kung maliit ang mundo ay maliit talaga ito at wala akong magagawa doon.

Pag dating sa pamilihang bayan ay iniwasan kong mag daan sa fountain area kung saan kami madalas na tumatambay ni Jeffrey. Alam kong kapag nakita ko iyon ay mag babalik nanaman sa aking isipan ang masakit na pag tatawa niya sa aking nararamdaman.

Agad akong namili ng mga sangkap, kung dati ay hinihintay ko talaga ang kanyang pag dating, ngayon ay nag darasal ako na sa kada hakbang ko ay huwag ko siyang makasalubong. Hindi ko rin namam alam kung ano ang gagawin ko kung sakali. “Hoy Ulikba, bibili ka ba o ihahampas ko sa pezlak mo itong talong itey? Kanina ka pa dyan ah, tinatakpan mo yung view ko!” ang wika ng beking tindera

“Sorry, marami lang akong iniisip. Bibili ako sandali lang.” tugon ko sabay kuha sa aking pitaka.

“Tabi ka nga kaunti dyan, di ko makita yung dalawang lalaking nag lalandian doon sa fountain area eh.” wika niya

“Dalawang lalaking nag lalandian sa fountain area?” nag tatakang tanong ko sa aking sarili sabay harap din sa lugar na iyon.

Dito nga ay laking gulat ko noong makita itong si Jeffrey na may katabing lalaki. Maputi ito, makinis at gwapo rin. Kumakain sila ng tinapay at kapwa nag tatawanan. Maya maya ay sinubuan pa ng lalaki si Jeffrey at pinunasan ang labi nito. Kapwa sila naka ngiti at masayang masaya.

“Asa ka pang magugustuhan ka ni Jeffrey. Hindi ka na nga babaihan e panget ka pa. Kung sana ay ganyan ka sa katulong nila Misis Santos na lalakihan pero makinis, maputi, gwapo at maskulado e pwede kang pumasok sa puso ni Jeff. Pero kung ganyan ang itsura mo ay doon ka pumasok sa banga.” ang wika ng tindera sabay abot sa akin ng mga gulay. Ang tinutukoy niyang katulong nina Misis Santos ay iyong maputing kalandian ni Jeff doon sa fountain area.

Ewan, para bang may kakaibang kirot ang tumama sa aking dibdib. Ganito pala ang tipong lalaki ni Jeffrey, malayo sa akin na panget, maitim at walang dating.

Masakit lang at wala akong ibang nagawa kundi ang lumayo at iwasan sila ng tingin. Paki wari ko ay para akong inapi o minasaker ng sobrang kabiguan. Siguro ay pang perya lang talaga ako, kung saan nakatayo ako sa isang gilid at nanakot ng taong dumaraan. Yung iba sa sobrang gulat ay sinusuntok pa ako sa mukha kaya karaniwan ay umuuwi akong sabog ang nguso.

Pero, sa tingin ko ay wala nang sasakit pang makita ko si Jeffrey na may kasamang iba. Ngayon lamang ako humanga at nag mahal ng isang tao. Kabiguan pa ang aking inabot.

Lumakad ako palayo at ang huling nakita ko ay nag babalat ng mansahan ang tisoy na kasama niya at saka isinusubo sa kanya. Mga bwisit! Pinaasa lang ako! Pero ako itong si engot na umasa talaga.

Alas 2 ng hapon noong makabalik ako sa bahay, sa tarangkahan palang ay naririnig ko na ang panget na boses ni Orson na nag eensayo nanaman sa pag awit. Literal na atungal ang kanyang ginagawa kaya naman noong buksan ko ang aming bakod ay may nahulog pang butiki sa lupa at nangingisay ito. May mga ibon ring nalaglag sa puno dahil sa pang hihina at yung mga alaga naming manok ay mga nag sisiksikan sa isang sulok. Marahil pati sila ay nahihirapan sa pakikinig sa awit ni Orson.

Umiiyak, umiiyak ang puso ko Alaala pa ang sinabi mo Noong nadarama pa ang pag-ibig mo

Dadalhin kita sa ’king palasyo Dadalhin hanggang langit ay manibago Ang lahat ng ito’y pinangako mo Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Nang mawalay ka Sa aking pagsinta Bawat saglit gabing Malamig ang himig ko Hanap ang yakap mo Haplos ng ’yong puso Parang walang ligtas Kundi ang lumuha Ang hapdi din Nitong pag-ibig Umasa pa sa sinabi mong

Ang lahat ng ito’y pinangako mo Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Habang palapit ako sa pintuan ng bahay ay halos hindi ko na ako makahabang, ang boses ni Orson ay parang sound wave na masakit sa tenga, para akong tinutulak palayo. “Hoy Eloy! Bilisan mo nga dyan. Bilisan mo!!” ang sigaw ni Olrac

“Bakit?!” ang sigaw ko naman

“Tapalan mo yung bibig ni Orson dahil mamatay tayong lahat! Bilisan mo!” ang sigaw nito.

“Nasaan ba si Orson?” tanong ko

“Nasa banyo! Bilisan mo! Naka earphone siya e kaya hindi niya alam na magugunaw na ang mundo sa boses niya!” ang wika nito

Dadalhin kita sa ’king palasyo Dadalhin hanggang langit ay manibago Ang lahat ng ito’y pinangako mo Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Kaya naman pilit akong nag tungo sa banyo at habang nasa ganoong pag lalakad ako ay huminto ang pag kanta ni Orson. Bumukas ang banyo at lumabas ito. “Eloy, bakit ngayon ka lang? Nasaan si Mama?” ang tanong niya

“Nandito yung mama mo sa sala, nahihilo siya sa boses mo este sa ingay sa paligid.” ang wika ko naman.

“Alam nyo naman na nabigwasan si Mader kagabi kaya nahihilo siya. Nga pala Eloy, ihanda mo yung mic at mag ppractice ako sa pag kanta. Mamaya na ang palabas sa plaza at balita ko ay may singing contest.” ang wika

“May palabas sa plaza mamaya?” ang tanong ko

“Oo naman, pakontest iyon ni Don Miguel. At manonood ang kanyang anak kaya nandoon kami mamaya. At isa sa highlight ng patimpalak ay ang Ginoong Makisig na lalahukan ng mga gwapong lalakihan. Sayang nga e walang patimpalak para sa aming mga babaihan. Last year kasi ay nag kagulo dahil mali ang kinoronahan. Ayun nauwi sa sampalan at sabunutan.” ang wika ni Olrac

“Kung ganoon ay maaga akong mag luluto para makapanood tayo.” naka ngiti kong wika

“Hep hep, anong manonood? Hindi ka kasama! Ayaw namin dahil panget ka at baka matakot sila sa iyo. Dito ka nalang sa bahay at mag bilang ng abo sa chimenea.” ang wika ni Orson.

“Pero gusto ko rin manood ng ginoong makisig.” ang wika ko

“Tse! Wag na at baka pag pantasyahan mo pa sila lalo lang sasakit ang loob mo dahil walang mag kakagusto sa iyo. Mahuhurt ka lang.” wika ni Olrac

“Ano kaba, hindi alam ni Eloy ang salitang “hurt” at sa sobrang boba niyan ay baka hindi rin niya alam ang masaktan no. Slow iyan e.“ bulong ni Orson

Tawanan silang dalawa..

“Girls, ihanda niyo na ang mga gamit ninyo para mamaya. Kailangan ay makuha ninyo ang atensiyon ng anak ni Don Miguel. Alam kong kayo ang hinahanap niya upang maging asawa.” wika ng aking madrasta.

“Yes mader, at ikaw Eloy doon kana sa kusina. Swanget na to!” ang singhal ni Olrac sabay slowmo turn sa aking harapan.

Matapos ang hapunan ay agad na gumayak ang aking mga kapatid, gayon rin ang aking madrasta. Para silang aatend ng magarbong party sa kanilang mga kumikinang na kasuotan. Talagang balak nilang akitin ang anak ni Don Miguel sa abot ng kanilang makakaya. Ako naman ay tinambakan nila ng trabaho para makasigurado sila na hindi ako mamaka alis o makakasunod.

Alas 9 ng gabi noong matapos ang aking trabaho, mula dito sa aking silid sa attic ay nakikita ko ang mga paputok hudyat na nag sisimula na ang kasiyahan. Makukulay ang mga ito at talagang nakaka halinang pag masdan.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at kasabay noon ang pag tama ng aking paningin sa garapon ng pulbos na nakalagay sa aking cabinet.

Nag balik sa aking isipan ang eksena sa aking panaginip o kung ano man iyon. Hindi ko rin ito mawari, baka dala lamang ng aking mapag larong imahinasyon.

Flash back

“Ang pulbos na iyan ay mahiwaga, ipahid mo ito sa iyong mukha at makakamtan mo ang anyo na iyong pinapangarap. Pero, nais kong sabihin na ang lahat ay may limitasyon. Sa tuwing tatapat ang kamay ng orasan sa alas dose, ang mahika ay mawawala at babalik sa dati.”

“Alas dose ng tanghali o alas dose ng gabi?” ang tanong ko naman

“Pareho, kaya sinugarduhin mo na bago tumapat ang kamay ng relo sa ikalabing dalawang guhit ay nagawa mo ang iyong nais gawin, kundi ay babalik sa pagiging si Eloy na chaka, chararat at swanget!” ang paalala niya

“Bakit si Cinderella ay alas dose ng hating gabi lang? Bakit ako pati tanghali ay mayroon din?” tanong ko

“Huwag kana mag reklamo dahil hindi ka naman babaihan. Dyan ka na nga, panget nito!” ang wika nito at bigla siyang nag laho.

End of Flashback

Hindi ko maunawaan ngunit kusang lumalakad aking paa patungo sa garapon. Marahan ko itong hinawakan at binuksan.

Nag liwanag ito na sumabog sa buong silid. Nasa loob nito ang gintong pulbos..

Wala naman sigurong mawawala kung aking susubukan..

Huminga ako ng malalim at humarap sa salamin. Dumakot ako ng pulbos at ibinudbod ito sa aking ulo.

Ang kinang nito ay kumapit sa aking mukha at mula dito ay ng liwanag ang aking katawan. Kusang pumikit ang talukap ng aking mata..

Tahimik..

Noong imulat ko ito ay tumambad ang aking repleksyon sa salamin. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil ang sa hindi maipaliwanag na pakiramdam noong makita kong nag bago ang aking anyo.

Itutuloy..


Teaser..

Emcee: At ang pinaka huling kalahok, mula sa bayan ng.. teka saan nga ba nag mula ang isang ito? Pero hindi na bale! Palakpakan natin siya!!

Huminga ako ng malalim at marahan lumakad sa gitna ng entablado. Halos hindi mahulugang karayom ang buong paligid dahil sa dami ng mga manonood..

Noong makalakad ako sa gitna nito ay marahan kong inalis ang hood na nakatabing sa aking mukha..

Nalaglag ang tela mula sa aking ulo patungo sa aking likuran. At noong lumabas ang aking mukha ay natahimik ang lahat..


CB Part 9

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 6, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Ang kinang nito ay kumapit sa aking mukha at mula dito ay ng liwanag ang aking katawan. Kusang pumikit ang talukap ng aking mata..

Tahimik..

Noong imulat ko ito ay tumambad ang aking repleksyon sa salamin. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil ang sa hindi maipaliwanag na pakiramdam noong makita kong nag bago ang aking anyo.

Part 9

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng aking mata, ang aking anyo ay talagang nag bago ng husto. Pumuti ako, kuminis at naging maganda ang katawan. Nadagdagan rin ng kaunti ang aking taas at ang aking dibdib ay pumintog na parang naging matipuno.

Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ng aking mga mata. Nagawa ko pang sampalin ang aking sarili o kurutin pa ang aking pisngi pero masakit ito kaya tiyak kong hindi ako nanaginip, ngunit kung panaginip man ito ay mamaya na ako gigising. Kailangan kong mag punta sa plaza para manood ng programa doon.

Habang bumaba ako sa hagdan ay parang hindi ako makapaniwala, iba ang aking pakiramdam na para bang nawala ang hiya sa aking buong pag katao. Lumakas ang tiwala ko sa aking sarili at kakaibang sigla ang aking nararamdaman.

Hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon, malamig ang gabing iyon at nakasakay lamang ako sa kariton at hindi pa iyon alam ng taga bukid na aking sinakyan kaya naman isinuot ko ang hood na nakatambak sa attic panlaban sa lamig.

Nag tungo ako sa plaza at dito ay nakisiksik sa maraming tao. Dito ay nakita ko ang aking madrasta at mga kapatid na nakaupo sa harapan ng entablado at sa di kalayuan naman ay nandoon rin ang magarabong upuan ni Don Miguel kaya naman abot ang pag papaganda ng aking mga kapatid, nag papa pansin pa ang mga ito sa pamamagitan ng pag tayo habang pumapalakpak sa mga nag tatanghal sa entablado.

“Hala, eto pa yung isang kalahok. Ano pang ginagawa mo dyan sa labas. Halika nga dito.” ang wika ng beki noong makita ako at hinila niya ako sa likod ng entablado.

“Teka hindi ako kasali. Ayoko.” ang wika ko at noong makapasok ako dito ay napansin kong ang mga kalahok ay naka suot rin ng mga hood.

“Anong hindi kasali e naka hood ka nga. Kaloka ka. Ayan ang number mo. Pag tinawag ka ay umakyat ka doon at lumakad lakad lang, saka bumaba dito. Walang sali-salita okay? Literal na pagwapuhan ang labanan dito. 100% pogi points walang percentage ang utak kaya kahit boplax ka basta gwapo ka ay panalo ka. Goodluck sa iyo number 37!” ang wika ni Beking organizer sabay pakat ng numero sa aking katawan.

“Teka hindi ako kasali dito.” ang wika ko naman at lalabas na sana ako ng backstage noong bigla akong hilahin ng isang kalahok. “Saan ka pupunta pare? Number 36 na. Ikaw na ang susunod.” ang wika nito sabay tulak sa akin sa hagdan ng entablado.

“Ready na number 37 ha. Wag kang mag alala dahil walang bearing ang utak dito. Pagwapuhan lang talaga! Keribels!” ang wika ng beking organizer at dito nga ay narinig ko na ang Emcee.

Emcee: Please welcome, candidate number 37!

Ewan ngunit tila napako sa lupa ang aking mga paa, ayaw gumalaw ng aking binti kaya naman itinulak na ako ni Number 35. “Bilisan mo nga pare, tagal mo ah, chupain kita dyan e.” ang seryosong wika nito.

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin, ito ang unang pag kakataon na haharap ako sa lupon ng tao. Hindi ko mawari ang pakiramdam.

Emcee: At ang pinaka huling kalahok, mula sa bayan ng.. teka saan nga ba nag mula ang isang ito? Pero hindi na bale! Palakpakan natin siya!!

Huminga ako ng malalim at marahan lumakad sa gitna ng entablado. Halos hindi mahulugang karayom ang buong paligid dahil sa dami ng mga manonood..

Noong makalakad ako sa gitna nito ay marahan kong inalis ang hood na nakatabing sa aking mukha..

Nalaglag ang tela mula sa aking ulo patungo sa aking likuran. At noong lumabas ang aking mukha ay natahimik ang lahat..

Tahimik ulit..

Lumabas ang aking mukha at tumama ang kakaibang liwanag dito. Ang lahat ay parang natulala sa kanilang nakita. Ang iba sa kanila ay napa nganga nalang, ang iba naman ay para bang natulala hindi mo mawari.

Ilang sandali rin sila sa ganoong reaksyon hanggang sa maya maya ay nag tilian ma ang mga manonood at kasabay nito ang halos hindi matatawarang reaksyon ng pag hanga mula sa kanila.

“Candidate number 37! Kakaibang kagwapuhan ang nasasaksihan natin ngayon mga kaibigan. Mukhang ang ibang kalahok ay nag si uwian na at ayaw nang lumaban pa.” ang wika ng Emcee

“Ano ba iyan! Ang gwapo naman niyan mama, baka siya ang mapansin ng anak ni Don Miguel! Barilin na natin siya ngayon!!” ang narinig ko sigaw ni Olrac na nag papanic

“Oo nga mama, mukhang bet na bet siya ni Don Miguel, tumayo pa ito pumapalakpak! Kailangan tirahin na natin siya ngayon!!!” ang wika ni Orson

Tumagal ako ng ilang minuto sa pag tayo sa entablado bago ako tuluyang bumaba. Isang masigabong palakpakan pa ang iginawad sa akin ng mga manonood at hurado. Agad ko ring isinuot sa aking ulo ang hood at tumayo sa isang sulok.

Halas 11:30 ng gabi noong matapos ang kompetisyon. Ilang sandali na lamang at iaannounce na ang nag wagi.

Lumakad ang Emcee sa entablado. “Ngayon ay hawak ko na ang resulta ng ating matimpalak. Ang mananalong Ginoong Makisig 2019 ay mag uuwi ng tumataginting na 10 kaban ng bigas. 7 basket ng prutas, mga kagamitang pang kusina, isang brand new na bisekleta at makakadate ang anak ni Don Miguel San Sebastian. Ang date na ito ay pare pare lamang hano at walang malisya. Bayis bayis lang kung trip nila! Handa na ba kayo?” ang tanong nito

“Handa naaaa! Tama na ang satsat putang ina mo! Sabihin mo na nanalo!” ang sigaw ng mga wild na manonood.

“Putangna mo rin! Eto na ang nanalo.” ang wika niya

Drum rolling**

“Ang nanalo ay naka kuha ng average score na 99.97%! Ikaw ang nanalo number 37!!” ang sigaw niya at isang masigabong palakpakan ang narinig ko sa mga manonood. Kasabay nito ang pag tunog ng orasan.

Napansin kong 11:59 na pala, isang minuto nalang ay babalik na ako sa dati kaya naman agad akong umalis. “Teka pare, nanalo ka, saan ka pupunta?” ang pag pigil ng isang kalahok.

“Kailangan ko nang umalis!”

“Ay hindi pwede pare, kunin mo muna yung premyo mo. Sayang naman iyon. Saka pare gusto pa naman kita chupain mamaya sa likod ng tent.”

“Ngiii! Kailangan na talaga, pasensiya na.” ang wika ko sabay takbo ng mabilis palabas ng backstage.

“Teka pare, taeng tae ka na ba may CR naman dito, pag katapos mo saka kita chuchupain!” ang sigaw nito pero hindi ko na siya pinansin. Isang saksakan ng libog na maskuladong lalaki.

“Ay! Tumatakas si number 37! Hulihin niyo!” ang wika ng isang beking orginizer kaya naman hinabol ako ng mga ito.

Labing limang segundo na lamang!!

Mas binilisan ko pa ang pag takbo..

Siyam na segundo..

Umimpis na ang aking katawan at naging payat na ulit ako.

“Hayun siya sa tarangkahan ng plaza! Hulihin ninyo!” ang sigaw ng emcee kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pag takbo.

Tatlong segundo, nag bago na ang anyo ng aking balat..

At isang segundo, pasado alas dose ay namatay ang ilaw sa buong plaza at kasabay nito ang pag angat ng makukulay na paputok sa langit. Ito ang hudyat para ako ay makatakas.

Mabilis na mabilis akong tumakbo, bumalik na ako sa pagiging si Eloy, pero gayon pa man ay naka ngiti at ibayong saya ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Para bang lumulutang ako sa alapaap, ito pala ang pakiramdam ng maging isang gwapo, kahit sandaling oras lamang.

Mukha tuloy akong tanga na habang tumatakbo ay lumulundag pa sa maliwanag na sinag ng buwan habang pauwi sa bahay..

Alas 12:40 noong makarating ako sa bahay, katulad ng inaasahan ay mas nauna akong umuwi kaysa sa aking madrasta. Ni hindi ko pa rin maitago ang matinding saya kaya napapangito na lamang ako habang binubuksan ang tarangkahan.

“Maligayang pag dating po.” ang bati ko habang naka ngiti

“Masaya ka yata Eloy? Diba dapat ay malungkot ka ngayon dahil hindi ka nakapanood?” ang tanong ni Orson.

“Napanood ko naman yung mga fireworks, kitang kita sila doon sa attic.” ang wika ko naman. “Kamusta yung contest? Sino ang nanalong Ginoong Makisig?” tanong ko

“Ewan ba namin, hindi pamilyar ang kanyang mukha, siguro gwapo lang siya noong natamaan ng liwanag ng stage.” ang wika ni Olrac

“Walang nakaka alam kung sino ang taong iyon, wala siya sa record ng mga kalahok at ang nakapag tataka ay bigla na lamang itong umalis sa plaza noong siya ang tinanghal na nanalo. Kaya ang mga premo niya ay pina rafle na lamang sa mga tao.” ang wika ng aking madrasta

“Nakup, mabuti naman at hindi niya tinanggap ang pag kapanalo niya noh, muntik pa niyang makadate ang prince charming ko. Teka? Paano kung mag date nga sila mama? Hindi ako papayag na ang katulad niyang lalakihan ang makaka gapi sa akin. Hindi ako papayag mamaaaa!” ang nangangambang wika ni Orson sabay yakap sa ina

“Oo nga mama, ayokong makadate ni Ronnie San Sebastian ang lalakihan na iyon. Kung alam ko lang sana ay binaril ko na siya kanina. Ayokoo mamaaaaa!” ang pag iyak rin ni Olrac at kapwa sila yumakap na parang bata sa aking madrasta

“Girls, huwag kayong umiyak. Ang date na iyon ay kunwari lamang. Saka mainam na rin na makipag saya siya sa ibang tao para makita niya ang malaking kaibahan ninyo sa mga na nalilink sa kanya. Ang mahalaga, sa huli ay isa pa rin sa iyong pinaka mamagandang prinsesa ko ang makakatuluyan niya.” ang positibong salita ng kanilang ina

“Talaga Mader? Kung sa bagay, ako naman talaga ang naka tadhanang maging Mrs. San Sebastian. Hindi na ako makapag hintay sa araw ng aming kasal. Tan tan tanan! Tan tan tanan!” ang maaarteng salita ni Orson sabay lakad na huni na parang ikinakasal siya.

Maya maya tinapakan ni Olrac ang kanyang gown dahilan para madapa ito. “Ay sorry, nadapa ang maid of honor!” ang wika nito

“At sino ka naman?” tanong ni Orson

“Ako ang tunay na bride! Gaga!” sagot ni Olrac

“Mas gaga ka, sana nag ahit ka man lang ng bigote mo! Groom! Or baka ikaw ang pari hano?” ang maarteng salita ni Orson ay dito ay nag habulan sila paakyat sa hagdan.

“Eloy, isara mo na ang tarangkahan at siguraduhing maayos ang pag kaka kandado mo, patayin mo rin ang mga ilaw na hindi na ginagamit.” utos ng aking madrasta na akin namang sinunod.

Hindi ko maitago ang matinding saya noong mga sandaling iyon, pakiwari ko ay idinuduyan ako sa ikapitong alapaap.

Tiyak na ang gabing ito ay hinding hindi ko malilimot.

Itutuloy..

CB Part 10

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 6, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Part 10

Sa pag sapit ng bagong umaga ay excited na agad akong mag punta sa bayan para makita si Jeffrey at ipamukha sa kanya na hindi dapat niya pinag tawanan ang aking damdamin. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kakaibang sakit, ito ang unang pag kabigo na kahit kailan ay hinding hindi ko malilimot.

Pero gayon pa man ay mas nangingibabaw pa rin ang kaligayahan ko dulot ng pag kakapanalo ko sa plaza kagabi. Kahit maraming nag taka sa aking pag kawala.

“Makikita mo Jeff! Who you ka sa akin ngayon!” ang wika ko naman habang ibinubudbod ang gintong pulbos sa aking ulo.

Katulad ng dati ay nag liwanag ang aking katawan at mula rito lumabas ang perpektong anyo ng isang lalaki. Agad akong lumabas sa aking silid at mabilis na nag tungo sa sala para hindi na ako mapansin pa ng aking mga kapatid.

Marahan akong nag lakad, kinuha ko ang basket at ang listahan ng bibilhin sa lamesa. Karaniwan kasi ay iniiwan lang ng aking madrasta ang pambili at ang listahan sa lamesa kapag siya umaalis ng maaga. At dahil nga wala naman sila ay maaga na rin ako nag palit ng anyo.

“Hoy, sino kaaaa? Mag nanakaw ka no?” ang sigaw ni Olrac

“Ngi, bakit nandito ka? Diba umalis kayo?” tanong ko

“Eh hindi kami sumama, sino ka ba? Teka parang pamilyar ang mukha mo, gwapo ka ha at yummy pero hindi ka naman babaihan no. Kamukha mo yung contestant na tumakas kagabi. Teka ikaw ba iyon?” pang uusisa nito.

“Hindi ako iyon ah, kaibigan ako ni Eloy, naiwan nya kasi yung ano, yung listahan ng bibilhin kaya inutusan nya akong bumalik dito.” ang palusot ko.

“Ganon? Nasan ba yung Eloy na iyan? Ang kapal namang facesung niya para utusan ang mas gwapo sa kanya.” wika niya

“Nandoon si Eloy sa kanto, medyo malayo na siya dito.” ang tugon ko sabay kuha ng basket at listahan ng biglang dumating si Olrac. “Sis, buhatin mo nga yung cabinet sa kwarto at linisin mo yung ilalim ng kama.” ang utos nito nang bigla siya mapatingin sa akin.

“Aba, sino naman itong tisoy, yummy, gwapo at perfect na lalaking ito?” ang tanong niya

“Kaibigan raw ni Eloy. Biglang pumasok dito sa loob ng bahay ng walang paalam.” wika ni Orson

“Aba! Tres passing iyan ah. Gusto mong tumawag kami ng pulis? Pero hindi na bale. Kunin mo to.” ang wika ni Olrac sabay abot ng basahan at walis sa akin.

“Ano to?” pag tataka ko

“Kaibigan mo si Eloy diba? At wala siya kaya ikaw muna ang pumalit sa kanyang ngayon. Linisin mo yung kwarto namin at pag katapos ay kunin mo yung maruruming gowns at ilagay mo sa labahan. Yung ilalim ng kama namin ay madumi kay linisin mo iyon maliwanag?” utos ni Olrac.

“Teka, aalis na ako e. Hintayin nyo nalang si Eloy.”

“Walang aalis! Lalo na ikaw! Gusto mo bang bigwasan kita? Sundin mo na kami kundi ay itutumba kita!” ang pag babanta ni Orson sabay lilis sa kanyang manggas.

Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanila at gawin ang pag lilinis sa kanilang silid. Yung ganito ka kapal ang kanilang mukha, dahil kahit sino nalang ay inutusan nila, kahit hindi nila lubusang kilala ito. “Huwag kana bumulong dyan, alam namin na ikaw yung kagabi noh, akala mo ba maagaw mo sa amin ang anak ni Don Miguel? Para sabihin ko sa iyo, ayaw niya sa lalaking may muscle. Ang gusto niya ay yung mga katulad naming babaihan, maganda, fresh at sobrang babasagin! Pasalamat ka at good mood kami ngayon dahil pwede kana naming barilin ano mang oras! Huwag na huwag mong aagawin ang future husband ko ha. Nakuu! Lagot ka sa akin!” ang pag babanta ni Orson

“Hindi nga ako yung kagabi, kamukha ko lang siya.” sagot ko habang nag lilinis ng ilalim ng kama.

“Pag napatunayan namin na ikaw iyon ay malilintikan ka sa amin.” ang wika ni Olrac

“Tama, mata mo lang ang walang latay!” ang hirit ng isa habang nakatayo sa pinto at binabantayan ako.

“Nag lilinis naman ako oh, medyo maruming yung ilalim ng kama nyo at mayroon mga lumang magasin ng mga naka hubad na lalaking nakatambak doon kaya talaga mahihirapan kayong linisin ito.” ang wika ko naman

“Huwag mong hahawakan ng mga magasin ko, dyan lang iyan okay. Bilang ko iyan at bawat singit at bulbol ng mga lalaking nandyan ay kabisado ko. Huwag kang mag nanasa sa hindi mo pag aari!” ang wika ni Orson

“Wala naman akong balak gawin iyon.” sagot ko naman

“Mabuti naman kung ganoon.” naka irap niyang sagot.

Mag aalas 9 na noong makatapos ako sa lahat ng utos ng aking mga kapatid, mayroon pa akong ilang oras para mamalengke kaya naman agad akong sumakay sa trisikel at nag pahatid sa pamilihang bayan.

Pag dating ko palang dito ay halos agaw pansin na ako, may mga lumilingon sa akin at iba ay halos mabali ang leeg sa patingin pero hindi ko sila pinansin, pumunta ako sa fountain area para hanapin si Jeff.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ito roon na kumakain ng mansanas na kasing pula ng kanyang bibig.

Tumabi ako sa kanya at nag papansin, apura ang kagat niya sa mansanas at hindi ako nililingon. Parang wa epek ang aking ginagawang pag epal kaya naman mas tumabi ako sa kanya.

Sa wakas ay lumingon siya sa akin..

“Hi.” ang bati ko.

“Hi.” bati rin niya na walang paki alam, lalaki nga siguro ang isang ito dahil hindi siya na star struck sa akin.

At maya maya napatingin siya sa aking basket.

“Hmm, kay Eloy ang basket na iyan ah. Bakit dala mo?” ang tanong niya.

“Ah e, OO tama ka eto nga yung basket ng matalik kong kaibigan at pininsan na ni Eloy.”

“Teka bakit ikaw ang may dala? Sino ka ba?” tanong niya

“Ako si Yoel, pinsan ako ni Eloy, taga doon ako sa kabilang barangay doon sa peryaan. Dinalaw ko lang si Eloy dahil sobrang abala siya ngayon.” wika ko habang naka ngiti

“Yoel? Parang Eloy lang na binaligtad e. Anong pinag kaka abalahan ni Eloy? Tagal ko na siyang nakikita ah.”

“Abala kasi siya sa pananahi.” ang naka ngiti kong sagot

“Pananahi? Ng ano?” ang tanong niya na may halong pag tataka.

“Abala siya sa pananahi ng puso niyang winasak mo.” ang sagot ko naman

“Ano iyon? Wala naman akong ginagawa kay Eloy ah.” pag tanggi nito

“Yung puso niya na mistulang ginupit confetti at isinabog sa ere. Kawawang Eloy, hindi naman niya kasalanan ang maging panget para ireject sya ng katulad mo.” ang wika ko naman na may halong inis.

“Ibig sabihin ay galit sa akin si Eloy?”

“Hindi naman, nahihiya lang siya sa kanyang sarili dahil ikaw ang nagustuhan niya. At pinapasabi niya na iuuntog niya ang ulo niya sa pader baka sakaling mag ka amnesia sya at makalimutan niya ang nararamdaman niya para sa iyo.” tugon ko sabay kuha ng basket

“Teka, parang pamilyar ka sa akin. Parang matagal na kitang nakaka usap e. Yung pananalita mo ay parang si Eloy rin. Pero imposible kasi si Eloy ay maitim, mapayat at mabait. Oo mabait si Eloy.” ang bulong niya pero narinig ko ito.

“Diretsuhin mo na kasi para hindi kana nahihirapan mag isip. Isang bagsakan lang naman iyon e. Ganito “PANGET” si Eloy! Oh diba napaka simple, walang hirap!“ ang tugon ko sabay talikod. “Pero masakit.” bulong ko noong hindi na nakaharap sa kanya

“Teka, wala naman akong sinabing panget si Eloy, ang sabi ko ay mabait siya. Ikaw ang nag sasabi niyan e.”

“Alam mo na ba muntik nang mag pakamatay si Eloy? Muntik na siyang mamatay sa kalungkutan.” tugon ko pa

“Huh? Nakaka matay ba ang kalungkutan?” pag tataka niya

“Syempre naman, kaya nga muntik nang mamatay ang pinsan kong si Eloy. Sama sama mo talaga! Dyan ka na nga!” wika ko sabay irap sa kanya. Mabilis kong kinuha ang basket at namili ng mga gulay at karne.

Alas 12 ng tanghali noong makabalik ako sa bahay, kasabay ng bukas ko sa tarangkahan ay pag babalik ko sa pagiging si Eloy. Gayon pa man ay nakaukit ng kakaibang ngiti sa aking labi dahil epektibo yung ginawa kong pangungonsensiya kay Jeffrey, kitang kita ko sa kanyang mata ang pag aalala noong sabihin kong muntik na akong mamatay dahil sa kalungkutan. Medyo desperado ang datingan pero ayos lang iyon, atleast ay alam niyang nasaktan ako ng sobra.

Itutuloy..

CB Part 11

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 6, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Gayon pa man ay nakaukit ng kakaibang ngiti sa aking labi dahil epektibo yung ginawa kong pangungonsensiya kay Jeffrey, kitang kita ko sa kanyang mata ang pag aalala noong sabihin kong muntik na akong mamatay dahil sa kalungkutan. Medyo desperado ang datingan pero ayos lang iyon, atleast ay alam niyang nasaktan ako ng sobra.

Part 11

Lumipas ang mga araw sa aking buhay, naging abala ako sa aking dalawang katauhan bilang si Eloy at Yoel. Ewan, ngunit habang tumatagal ay para bang mas nag eenjoy ako bilang ibang tao. Minsan ay bigla na lang ako lalakad sa bayan bilang isang gwapong binata na hinahanangaan ng aking mga nakakasalubong. May pag kakataon rin na parati kong inaasar o sinisisi si Jeffrey kaya’t hindi na niya nakikita si Eloy. Pero gayon pa man ay masaya ako dahil nakakasama ko siya, yung tipong hindi na ako naalangan kapag lumalakad kami. Ngayon ay pareho na kaming gwapo, parehong maputi, maganda ang katawan, matangkad at makinis. Hindi katulad dati na mukha akong alalay ni Jeffrey kahit pareho lang naman kami ng damit na pang araw araw, minsan ay mas madusing pa nga siya sa akin.

Sa mga araw na nag daan ay madalas ring naiimbyerna ang aking mga kapatid kapag nakikita nila ang katauhan kong si Yoel, kahit hindi ito babaihan ay talagang nat-threat sila na baka mas piliin ng anak ni Don Miguel ang isang lalaki rin. Kaya naman kapag nakikita si Yoel (ako) na nag lalakad sa labas ng bakuran ay hinaharang nila ito at inuutusan ng sobra sobra.

“Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin maka lakad si Eloy dahil sa matinding kalungkutan? Talaga bang nakakalumpo iyon?” ang tanong ni Jeffrey habang lumalakad kami.

“Ewan, baka masyadong nag damdam si Eloy kaya ganoon.” ang sagot ko naman.

“Isang buwan ng mahigit ah, baka naman talagang may sakit na iyang pinsan mo Yoel?” tanong niya

“Ewan ko ulit, basta ayaw ka niyang makita dahil hindi pa siya nakaka move on. Matindi talagang mag mahal iyang si Eloy. Teka, ayaw mo ba talaga sa kanya?” ang tanong ko

Natahimik siya at parang nabusalan ang bibig. “H-hindi naman sa ganoon. Marami lang akong bagay na hindi ko maunawaan sa aking sarili. Parang hindi pa ako sigurado kung anong klaseng tao ang gusto ko.”

“Bakit? Mukha bang halimaw si Eloy at sa tingin mo ay hindi siya tao? Napaka sama mo talaga sa kanya!” ang galit kong salita

“Teka, wala naman akong sinasabing ganyan. Basta mahirap ipaliwanag. Ako na lamang ang gagawa ng paraan para makita siya.” wika nito sabay buhat sa kanyang mga gamit na dadalhin sa kabilang tindahan.

Nag kibit balikat lang ako at ipinag patuloy ang aking pamamalengke. Kung sa bagay, masyadong mabulaklak ang dila niyang si Jeffrey para paniwalaan ang kanyang mga sinasabi. Kunwari pang may paki alam kay Eloy pero ang totoo noon ay panget na panget siya dito.

Kinabukasan, isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa aming bahay. Sa pintuan pa lamang ay hinarang na siya ng aking dalawang kapatid. Si Jeffrey iyon at may dalang isang basket ng prutas kaya naman tumaas ang kilay ng dalawang beki sa pintuan. “Nandyan ba si Eloy?” ang tanong niya

“Nandoon sya sa kusina. Bakit nandito ka?” tanong ni Olrac

“Para kay Eloy ba iyan? Nililigawan mo ba ang longkatuts namin ha?” tanong ni Orson

“Ah eh, hindi mag kaibigan lang kami.” Nahihiyang sagot ni Jeff

“Ano ka ba, huwag kana mahiya. Hindi naman kami tututol sa inyo ni Eloy. Alam mo Jeffrey, gwapo ka, maganda ang katawan at lalaking lalaki ang datingan pero isa ka lang kargador sa palengke at ang mga katulad mong mahirap lang ay para sa mahirap lang rin na si Eloy. Perfect match kayong dalawa, isang kargador at isang alilang atchay. At huwag kayong mag alala dahil kapag pinakasalan na ako ni Ronnie San Sebastian ay kukunin ko kayong taga linis ng aming maluwang na bakuran.” wika ni Olrac

Hindi kumibo si Jeffrey. Hahakban na sana siya noong bigla siyang hilahin ni Orson. “Bago ka pumasok sa loob ay buhatin mo muna yung mga sofa doon sa sala at ilipat sa kabilang gilid, pag katapos ay mag sibak ka ng kahoy. “ ang utos nito.

“Sige, iwanan nyo na lamang iyan. Ako na ang bahala sa lahat ng iyan.” Naka ngiting wika nito

“Sige, sayang kung naging mayaman ka lang ay pwede ka nang maging boylet. Jowable pa naman ang looks mo.” ang malanding wika ni Orson sabay himas sa matipunong dibdib ni Jeff.

Hindi na siya nag aksaya ng sandali, agad siyang lumakad sa kusina kung saan ako naroon at nag babalat ng mga gulay. Kunwari ay hindi ko alam na nandoon siya, wala akong kibo at pinilit kong itago ang aking nararamdamang saya sa kanyang pag bisita. “Eloy, kamusta kana? Long time no see ah. Ang sabi sa akin ng pinsan mong si Yoel ay malala na raw ang kondisyon mo kaya heto dinalaw kita, parang nalumpo ka raw kasi sa labis na kalungkutan. Para sa iyo itong mga prutas na ito.” wika ni Jeff

“Bakit nag punta ka pa dito?” ang tanong ko na kunwari ay may tampo bagamat tuwang tuwa ako sa kanyang ginawa.

“Nag alala lamang ako sa kalagayan mo, ang sabi kasi pinsan mo ay malalang malala na ito. Wala naman akong ideya na nakukuha mo palang mag balat ng patatas at gumawa ng maraming French fries.” ang wika niya

“Nakakarecover ko lang noong nakaraang araw. Salamat sa mga prutas na dinala mo, sana ay hindi mo ninakaw iyan.” Pang aasar ko

“Aba, syempre ay hindi. Good boy na ako.” ang wika niya.

Tahimik..

“Eloy, sorry kung ginawa kong katawa-tawa yung nararamdaman mo, sadyang hindi ko lang talaga alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa ginawa mong pag tatapat sa akin. Sana ay mapatawad mo ako.” ang wika niya habang nangungusap ang mga mata.

“Ano ka ba, naniwala ka talaga na may gusto ako sa iyo? Joke lang iyon. Isang malaking biro. Bakit kasi nag biro pa ako na ikaw yung nagugustuhan ko. Wala naman talaga akong gusto dahil ang katulad kong katulong, panget at maitim na galing sa horror booth sa peryaan ay wala karapatang mag mahal at mahalin.” Ang natatawa kong salita

“Huwag ka naman ganyan mag salita sa sarili mo Eloy. Lahat ng nabubuhay sa mundo ay karapatang mag mahal at mahalin. Kahit na sino.” ang seryoso niyang salita.

“Pwes, siguro ay ako lamang ang bukod tanging “pwera” sa mga nabubuhay na iyon. Saka huwag mo nga akong kaawaan, tanggap ko na talaga na ganito lang ako. Ayoko na mag hangad ng kahit na ano, at ayoko nang mabuhay sa pantasya na mayroong isang taong darating at ililigtas ako sa kalungkutang nararamdaman ko. Aasa lang ako at masasaktan sa huli. Ang aking kahilingang iyon ay isang malaking suntok sa buwan.“ tugon ko na natatawa pa rin.

Tahimik..

“Nararamdaman ko na galit ka pa rin sa akin. Pero sana ay hayaan mong makabawi ako. Sana ay pag bigyan mo ako.” Naka ngiti niyang wika

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko

“Halika, sumama ka sa akin. Punta tayo doon sa paborito kong tambayan.” ang tugon niya sabay hila sa aking kamay. “Saan ba iyon? Doon ba sa fountain area?” ang tanong ko ulit

“Hindi, bukod pa roon ay mayroon ako isang paboritong tambayan. Tara. Luto naman na iyang pag kain ng mga kapatid mong alien. Bigyan mo ng oras ang sarili mo.” Sagot niya sabay hila sa akin sa labas ng pintuan sa likod bahay at doon na rin kami ng over the bakod para hindi mapansin ang aming pag alis.

Hawak niya ang aking kamay at para kaming bata na nag tatakbo palayo sa kanto. Dito ay sumakay kami sa isang jeep na mag dadala sa amin sa kabilang bahagi ng bundok kung saan naroroon ang paboritong tambayan na sinasabi ni Jeffrey. Sa kanyang itsura ay talaga excited ito at hindi maitago ang saya.

Halos abutin ng isang oras ang aming pag bbyahe. Pag baba namin sa jeep ay may nag hihintay na kariton sa amin na siyang lulusong sa bukid. Inalalayan pa ako ni Jeff noong sumampa ako dito na parang isang babaeng iniingatan ng kanyang kasintahang lalaki. “Kanino ba itong kariton na ito? Baka pagalitan tayo.” Bulong ko

“Ah, hindi. Sa kaibigan ito ng aking ama. Kay manong Rohel. Naki usap ako sa kanya na ihatid tayo sa lugar na madalas kong tambayan, sigurado kong magugustuhan mo ito.” ang naka ngiti niyang salita

Habang lumalakad ang kariton sa bukid ay kakaibang pakiramdam ang lumukob sa aking buong pag katao, malamig, tahimik at nakakarelax ng husto ang hangin dito. Napapangiti rin ako kapag napapatingin kay Jeffrey, habang tumatagal ay mas lalo pa siyang guma-gwapo sa aking mga mata.

Makalipas ang ilang sandali ay narating naming ang isang lugar na napapalibutan ng maraming puno ng mansanas at ilan pang prutas. Ang buong paligid ay tahimik at nababalutan ng berdeng damo na maraming nag liliparan paru paro. “wow parang isang paraiso.” Namamangha kong bulong sa aking sarili.

“Maligayang pag dating sa pahingahan ko, nagustuhan mo ba?” tanong niya sabay abot ng mansanas sa aking kamay. “Galing pa iyan doon sa puno. Kainin mo na.” naka ngiti saad. Maya maya ay hinubad niya ang kanyang damit na pang itaas at saka inilatag sa damuhan at saka nahiga. Itinaas niya ang kanyang braso sa kanyang batok kaya naman kitang kita ko ang kanyang magandang katawan.

Medyo makulilim noong sandaling iyon at bukod pa rito ay umiihip rin ang napaka lamig na hangin sa paligid na animo may yelong kasama.

“Maganda dito, alam mo kung malapit ang bahay namin sa lugar na ito, malaman ay araw araw rin akong nandito at nag papahinga. Maraming salamat at isinama mo ako sa paboritong tambayan mo.” naka ngiti kong tugon.

Ngumiti siya at tumingin sa langit. “Ganito lang ako kapag naboboring. Minsan mas gusto ko pang tumambay dito kaysa doon sa palengke.” ang wika niya.

Dito ay naisipan kong tumabi sa kanya at hinayaan naman niya ako..

Ngayon ay kapwa kami naka tingin sa asul na kalangitan, bagamat hindi mainit ang sikat ng araw ay nakakasilaw pa rin ito kaya naman inilagay ko ang aking kamay sa aking noo upang makaiwas sa pag kasilaw. “Malayo ba rito ang bahay mo?” ang tanong ko

“Hindi, nandiyan lang. Makikita mo ito mula dito.” ang wika niya.

“Asan?” ang tanong ko sabay balikwas ng bangon. Iniikot ko ang aking mata at dito ay wala akong makitang bahay maliban sa isang malaking mansyon. “Teka, mansyon iyon ni Don Miguel diba? At itong lupa na ito ay pag aari niya? Saka ang mga puno ng prutas na ito ay sakop ng lupain niya. Bakit nandito tayo? Tres passing itong ginagawa natin at itong mansanas ay inumit mo na naman. Halika na umalis na tayo.” ang wika ko naman sabay hila sa kanya para tumayo.

Natawa siya. “Relax lang, mahiga kana at mag pahinga.” ang tugon niya.

“Hindi nga pwede, baka maya maya ay may dumating dito at hulihin tayong dalawa.” ang wika ko at kasasabi ko palang ay may nakita na akong isang lalaking tumatakbo patungo sa amin kaya naman kinalabit ko na si Jeffrey.

“Hoy, may taong parating! Tumatakbo siya at siguradong galit na ito. Umalis na tayo!” ang wika ko naman pero hindi siya tumitinag sa pag kakahiga.

Maya maya ay palapit ng palapit ang tao kaya naman mas lalo ko pa siyang inuga. “Hayan na siya, umalis na tayo dito!”

“Chillax lang.” sagot niya hanggang sa makalapit ang lalaki sa amin, hingal na hingal ito at nag aapura sa pag takbo.

“Master Ronnie! Master!” ang sigaw nito kaya bumalikwas ng bangon si Jeff.

“Bakit Yukan? May problema ba?” tanong niya

“Master, ang ama mo inatake sa puso! Halika na, umawi na po kayo!” ang natatarantang wika nito.

Bumakas ang matinding pag aalala sa mukha ni Jeffrey. Ni hindi ko na maunawaan ang mga nangyayari. Agad na tumayo ito at nag tatakbo kasama ng lalaking dumating. “Halika na Eloy! Bilisan mo!” ang sigaw niya kaya naman sumama na rin ako sa pag takbo.

Ang pinag tataka ko lang ay kung bakit patungo kami sa mansyon ni Don Miguel. Lalo tuloy akong naguluhan sa mga pangyayari.

Naunang pumasok sa tarangkahan sina Jeffrey at ang kanyang kasama. Ako naman ay hinarang ng gwardiya dito. “Sandali, hindi ka maaaring pumasok.” ang wika niya

“Teka, kasama ako nung lalaking pumasok. Si Jeffrey, kaibigan ko siya.” ang tugon ko

“Jeffrey? Hindi iyon ang pangalan niya. Walang ganoong pangalan dito kaya umalis kana.”

“Si Jeffrey iyong pumasok na lalaki. Kaibigan ko siya.” ang tugon ko ulit.

“Iyon ba? Ang pangalan niya ay Ronnie San Sebastian. Siya ang anak ni Don Miguel San Sebastian.” ang wika ng gwardiya

Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking harapan, hindi agad ako nakapag salita. Basta ang alam ko ay kusang umatras ang aking mga paa palayo sa tarangkahan.

“Tuntunin mo ang daan dito at makakalabas ka sa kalsada. Umalis kana at isasara na namin ang tarangkahan.” ang utos ng gwardiya.

Tango lang aking isinukli..

Ngayon ay gulong gulo ang aking pag iisip, ang akala ko ay nag bibiro lang si Jeffrey kapag sinasabi niyang nakatira siya sa mansyon. Ang akala ko ay may sira lang sa ulo iyon, pero mali pala. Ngayon ay ibayong pag kalito ang lumulukob sa aking buong pag katao.

Itutuloy..

CB Part 12

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 7, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Part 12

Ibayong pag kainis ang aking naramdaman, ngunit mas nangingibabaw ang matinding lungkot sa aking dibdib. Hindi maalis sa aking isipan na si Jeffrey at ang anak ni Don Miguel ay iisa. Hindi ko rin magawang magalit dahil pareho namin niloloko ang isa’t isa, sa ibat ibang aspeto nga lang. Siya bilang Jeffrey na mahirap, kargador, mag nanakaw at madusing doon sa bayan. Ako naman bilang Yoel na pinsan ni Eloy ngunit nag babalik sa dati sa pag tapat ng alas dose.

Marahil ay tampo lang ang aking nararamdaman, may mga bagay talaga kasi na mahirap paniwalaan, at ngayong alam ko na siya ang hinahabol ng lahat ay wala na ring dahilan para manatili ako sa kanya. Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap. Ang panget ay sa panget, at ang gwapo o maganda ay para lang rin sa katulad nila. Walang puwang para sa akin. At kung gwapo rin naman ako ay hindi pa rin papayag si Don Miguel na matali ang kanyang anak sa isang taga silbi dahil labis na nakakahiya iyon. Mahalaga ang antas ng pamumuhay para sa kanya. Kinakailangan ay mayroon kang ari arian o bukirin na maipag mamalaki. Mayroon noon ang aking ama, may kaya siya sa buhay ngunit nasa pangalan na ito ng kanyang ikalawang asawa kaya sila na rin ang namumunini dito.

“Tingnan mo Olrac! Ang aking future husband! Ayun sya kumakaway kaway sa mga chakang babae at babaihan sa paligid niya.” ang wika ni Orson habang naka tingin sa isang lalaking bumaba sa isang magandang sasakyan.

“Tumabi ka nga dyan Eloy! Hindi ko makita eh. Buhati mo nga itong mga pinamili ko. Ang chaka chaka mo para dumisplay dito ha. At mag tago ka nga doon sa likod, baka maya maya ay makita ka ni Ronnie San Sebastian e matakot iyon sa iyo. Shooo!” ang pag tataboy ni Orson

“Sige, mag pa kaloko kayo sa pekeng iyan. Kilala ko ang tunay na anak ni Don Miguel” Bulong ko sa aking sarili.

Ngayon ay nauunawaan ko na ang lahat, ang lalaking ito ay ang kaibigan ni Jeffrey na pinag papanggap niyang siya upang maka gala at maka kilos siya ng malaya sa bayan na hindi kailangan pag kaguluhan dahil siya talaga ang hinahabol ng lahat dahil sa kanyang kagwapuhan at kayamanan na hindi mapapantayan. Isang maganda at malaking isda ika nga. Kaya naman pala tuwing lalabas ang lalaking impostor na ito ay naroon si Jeffrey at tatawa tawa lang sa isang tabi. Dahil galak na galak siyang lokohin ang lahat ng taga hanga.

Kung sa bagay, ang anak ni Don Miguel ay hindi naman talaga taga rito, sa ibang bansa ito nag aral kaya hindi naman nasubaybayan ng buong bayan ang kaniyang pag laki at sa kabilang banda ay wala ring alam ang tao sa kanyang anyo dahil lubhang mailap ito at madalang lumabas. Punong puno ng pag papanggap at mahirap makita ang totoo.

Inulan ng pag hanga ang impostor habang kumakaway ito sa mga nag titilian mga tao sa kanyang paligid. Ako naman ay palinga linga dahil hinahanap ko si Jeffrey sa paligid pero wala ito. Marahil abala pa rin sa pag aalaga sa kanyang ama na inatake sa puso. Kung sa bagay ay ayoko na rin siyang makita o makasama pa. Halos hindi pa rin mawala sa aking isipan kung paano ako tumangis kahapon habang lumalakad pauwi. Sa kada hakbang na aking ginagawa ay pilit ko pinipigil ang aking emosyon, tila hindi ako makapaniwala na ang kanyang biro ay totoo pala. At pag dating ko naman sa aming bahay ay katakot takot na sermon at pag bubunganga ang inabot ko sa aking madrasta at mga kapatid. Piningot pa nila ako at sinabunutan dahil isa raw akong malanding ulikba na kumakarengkeng sa isang gwapong kargador sa palengke.

Hindi naman sila tutol sa kung ano man ang mayroon sa amin ni Jeffrey dahil ang alam nila ay mahirap ito at palaboy laboy lang. Ang gusto pa nga nila ay patuluyin ang binata sa aming bahay at ikasal kami para dalawa na ang kanilang alila, yung tig iisa silang dalawa.

FLASH BACK

“Maaaaa, lumandi si Eloy, bakit hindi natin sila ipakasal noong palaboy na kargador at pag katapos ay magiging alila ko silang dalawa.’ Wika ni Orson

“Oo nga naman. Para tig iisa kami ng julalay ni Orson, pwede na sa akin itong si Pogi.” ang wika ni Olrac

Tawanan sila..

“Bagay talaga kayo nung friend mo, ang mahirap ay para sa mahirap. Kung katulong ka ay katulong rin ang kasintahan mo. Level level iyan eh.” ang pang aasar pa nila

End of flashback

Sa pag lipas ng mga araw ay hindi ko na nakita pa si Jeffrey, may pag kakataon na talagang namimiss ko siya ngunit wala akong magawa kundi ang labanan ang pakiramdam na iyon bagamat luha ang kapalit nito. Ilang beses na rin ako nag paalam sa kanya ngunit ang aking puso at isip ay ayaw bumitiw. Parang walang kapaguran sa pag takbo sa isang daang walang eksaktong direksyon.

“Eloy, parang napapansin ko na malulungkutin ka nitong mga nag daang araw. May problema ka ba?” pang uusisa ni Orson habang pinag hahainan ko sila ng pag kain.

“Walang problema iyang si Eloy. Masyado siyang engot para mag karoon ng problems sa life. Kung mayroon man siguro ay yung mga sirang gulay na nabibili niya sa palengke at yung mga uod sa loob nito.” ang sagot ni Olrac

Tawanan sila..

Habang nasa ganoong posisyon kami ay isang katok sa pinto ang aming narinig. “Eloy, buksan mo ang pinto at tingnan mo kung sino ang kumakatok.” utos ng aking madrasta kaya naman agad kong ibinaba ang pitsel ng tubig at nag tungo dito.

“Kamusta ginoo.” ang bati ko

“Sino iyan?” ang tanong nila

“Isang mensahero.” sagot ko

“Kunin mo ang sulat at paalisin mo na siya.” ang utos ng aking madrasta kaya naman iyon ang aking ginawa.

Kinuha ko ang sobre na may magarbong desenyo. “Isa pala itong imbitasyon mula sa mansyon ni Don Miguel San Sebastian.” wika ko habang tinitingnan ang papel. Noong marinig ito nina Olrac at Orson ay napatingin sila sa akin at parang nawala sa sarili. “Imbitasyon? Mula kay Don Miguel? Akin na iyannnnn!” ang pang aagaw ni Olrac sabay hablot sa sobre at itinulak pa ako nito dahilan para matumba ako.

Parang nabaliw ang dalawang mag kapatid, hayok na hayok ang mga ito habang binubuksan ang naturang imbistasyon. Yung nanginginig pa sa sila dahil sa matinding pananabik.

Habang nasa ganoong posisyon sila ay bigla kinuha ng kanilang ina at siya mismo ang nag basa nito. “Ang Imbitasyon ay galing mismo sa Mansyon ni Don Miguel San Sebastian.”

“Ano ang naka lagay mama? Basahin mo naaaaa! Grrrrrr!! Ano kasal ko na ba iyan? Yan na ba ang destiny ko? ang hayok na wika ni Orson habang naka dila na parang aso.

“Relax girls.” ang pag pigil ng kanilang ina at dito ay binasa niya ang laman ng naturang imbistasyon.

Pag bati mula sa ngalan ng Panginoong Lumikha.

Sa darating na Sabado ay inaanyayahan ang lahat na dumalo sa espesyal na kaarawan ni Ronnie San Sebastian. Ito ay isang pormal na pag diriwang dahil sa gabing iyon ay pipili na rin ito ng kanyang mapapangasawa. Ang lahat ay maaaring dumalo sa kasiyahan at kalakip ng sobreng ito ang inyong mga pangalan na naka sulat sa isang espesyal na papel. Ipakita ito sa tarangkahan upang kayo ay papasukin.

Maraming Salamat!

Lalong nanginig sa pananabik ang dalawa. Hindi na nila napigil ang kanilang mga sarili, parang mababaliw na hindi mo mawari. “Iyan na mama! Ako dapat ang mapili ng anak ni Don Miguel! Mag kamatayan naaaa!” ang wika ni Orson

“Pwes mamatay kana ngayon dahil ako ang papakasalan ni Ronnie San Sebastian! Ayaw niya sa maskuladong bakla like you!” ang wika ni Olrac

“Girls, huwag na kayo mag talo. Tiyak na isa sa inyo ang magiging asawa ng anak ni Don Miguel. Tiyak na simula sa sabado ay mas lalo pang aangat ang pamumuhay natin. Lalo’t nabalitaan ko na inatake raw sa puso si Don Miguel kaya sa makatuwid ay ipinasa na niya sa kanyang anak ang yaman nito at dahil ayaw niyang iwanan mag isa ang kanyang anak ay nais niya ito may makaramay hanggang sa pag tanda. Iyon marahil ang dahilan kaya nag hahanap ng mapapangasawa si Ronnie San Sebastian.” paliwanag ng kanilang ina

“Hindi na niya kailangan mag hanap mama! Dahil ako mismo ang lalapit sa kanya at bibigyan ko siya ng maraming anak! Mga cute at super hugable na little Orson.” ang wika ni Orson dahil parang hablutin ng kapatid ang kanyang buhok.

Naalis ang wig nito..

“Little Orson? Hindi pa handa ang Earth para mag karoon ng tiyanak invasion dito sa lupa. Huwag kang mangarap dahil ako ang papakasalan at hindi ikaw!” inis na salita ni Olrac

“Girls, wag na kayo mag away. Nandito na ang mga personal na imbistasyon kung saan naka sulat ang inyong mga pangalan.” wika ng kanilang madrasta at isa isa niya binasa ang mga papel na parang na aaward ng korona.

“Juan Carlo. Heto ang sa iyo aking prinsesa.” ang wika niya sabay abot kay Olrac ng imbistayon. “Juan Carlo talaga?” ang pag iinarte nito.

“Orlando Sonny. Heto naman ang sa iyo mahal ko.” ang malambing na wika ng madrasta sabay abot naman kay Orson.

“At ang pinaka huli ay para sa iyo Ellwood. Oh kunin mo na.” ang wika nito kaya naman lumakad ako para abutin ang papel. Kaya naman tila hindi nagustuhan iyon ng mag kapatid.

“What?! Mama, bakit kailangan kasama si Eloy! Ayokong makasama iyang ulikbang iyan! Gumawa ka ng paraan!” ang wika ni Orson

Maya maya ay nag tatakbo si Olrac sa kusina at kumuha ng gaas at posporo. “Mainam pang sunugin na kita ngayon Eloy! Kaysa sumama ka pa! Hindi ako papayag!”

“Sige sissy! Nag kasundo rin tayo! Sunugin na natin iyang Eloy na iyan!” pag suporta ni Orson

“Girls huwag kayong mag away. Sige na Eloy hijo, maaari kang sumama sa amin. Kung may maganda kang isusuot at KUNG makakatapos ka agad ng iyong trabaho dito sa bahay.” ang wika ng aking madrasta

“Mama, bakit pinayagan mo sya?! Maaa naman eh ayaw namin! Wag kang matutulog Eloy dahil susunugin ko ang attic mamayang gabi habang nag hihilik ka!” galit na sigaw ni Orson

“Girls, huminahon kayo. Ang sabi ko kay Eloy ay “KUNG”.“ ang wika ng madrasta.

Nangisi ang dalawa at tila naunawaan na ang nais ng ina.

“KUNG”… ang bigkas nila ng sabay habang naka ngisi at naka tingin sa akin.

Itutuloy..

CB Part 13

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 7, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Pag bati mula sa ngalan ng Panginoong Lumikha.

Sa darating na Sabado ay inaanyayahan ang lahat na dumalo sa espesyal na kaarawan ni Ronnie San Sebastian. Ito ay isang pormal na pag diriwang dahil sa gabing iyon ay pipili na rin ito ng kanyang mapapangasawa. Ang lahat ay maaaring dumalo sa kasiyahan at kalakip ng sobreng ito ang inyong mga pangalan na naka sulat sa isang espesyal na papel. Ipakita ito sa tarangkahan upang kayo ay papasukin.

Maraming Salamat!

Part 13

“Ano kabog na ba ito? Epek ba? Parang dapat ay mas pinahabaan ko pa ang biyak nitong gown ko. Dapat hanggang puke e, para mas mapansin!” ang reklamo ni Orson habang isinusukat ang kanyang gown.

“Asa ka pang mag kaka pukelya ka, gagang to. Saka bakit kasi ganyan ang gown mo? Para kang porn star! Hindi mo gayahin itong gown ko, long sleeves at napaka fitted sa katawan ko. Ito ang Miss Venezuela inspired gown, with my long straight, silky and shinning shimmering splending hair na parang nirebond pero ang totoo ay shinampoo ko lang. Tiyak na mamayang gabi ay ako na ang magiging star of the night!” malanding wika ni Olrac

“Yuck, mukha kang suman dyan sa gown mo. Ito ang winning gown kaya mamayang gabi ay tiyak na luluwa ang mata ng Ronnie na iyan sa kagandahan ko.” ang wika ni Orson sabay tawag sa akin. “Eloy, halika nga dito!”

“Bakit? May kailangan ka ba?” tanong ko

“Ipag ihaw mo ako ng isda, yung malaki at sariwa.” ang utos nito.

“Sige, sandali lang at bibili ako sa palengke.” ang sagot ko

“Sariwa ang gusto ko Eloy! Gusto ko yung buhay pa at galing sa ilog. Mang huli ka ngayon rin! At huwag na huwag kang mag kakamaling mandaya okay? Ipakita mo sa akin na naka kabit yung nguso ng isa sa pain! At pag katapos ay linisin mo yung bakod ng kapit bahay natin dahil madumi na iyon!” ang utos nito.

“Ako rin mag uutos, anong akala mo sa akin mag papatalo? Pag katapos mong linisin yung bakod ng kapit bahay ay buhatin mo ako hanggang doon sa sala. Hindi ako aalis dito hanggang di mo ko binubuhat! Kahit abutin ng year end!” ang hirit ni Olrac sabay higa sa kanyang kama.

Simula kaninang umaga ay tadtad na ang utos sa akin ng mga kasama ko sa bahay. Alam ko naman na pinapahirapan lang nila ako at tinatambakan ng trabaho para hindi ako maka tapos at hindi rin ako makakasama. Pero hindi naman ako papayag ng ganoon nalang kaya ginilisan ko ng husto ang pag sunod sa kanila. Mabilis kong tinatapos ang kahit na anong utos nila. Ewan, ngunit gusto kong makita si Jeffrey sa huling pag kakataon. Kahit nasa malayo lang ako o nakasilip lang sa bintana ay ayos lang, basta masilayan ko lang siya bago siya pumili ng mapapangasawa. Hindi ko naman na ninanais pa na magustuhan niya ako dahil napaka imposible noon, pero gayon pa man kahit ang isang huling pag sulyap lang ay masaya na ako.

At dahil nga mabilis kong nagagawa ang kahit na anong ipag utos ng aking mga kapatid at madrasta ay hindi maitago ang pag kagulat, kaya naman mas doble utos pa ang aking ginawa. Pati ang sirang bubong sa kamalig ay kanilang pinagawa sa akin. Pinag linis rin ako ng bakuran at buong bahay. Pati nga yung likod bahay ay pina damuhan nila sa akin at pinapinturahan ang mga bakod.

Hanggang sa umabot ng alas 7 ng gabi kung saan nakabihis na ang mga ito. Ang aking madrasta ay naka suot rin ng gown at gayon rin ang aking dalawang kapatid. “Ito na ang gabing pinakahihintay nyo mga anak. Masaya ako dahil mayroon akong dalawang magandang prinsesa sa katauhan ninyo. Nakakalungkot lamang dahil isa sa inyo ay aalis na rito at magiging asawa ng anak ni Don Miguel.” umiiyak na wika ng kanilang ina habang nag papahid ng luha.

“Mama, wag kana umiyak. Syempre doon ko naman kayong patitirahin sa aming mansyon ni Ronnie.” ang sagot ni Orson.

“Nangangarap ka ng gising no. Ako ang pakakasalan niya at hindi ikaw.” ang wika ni Olrac

“Oh wag kayo mag talo, naka handa na ang sasakyan. Lumakad kayo ng mahinhin at taas noo.” ang wika ng kanilang ina

“Pero mag sslow mo turn ako sa harap ng anak ni Don Miguel mamaya. Tingnan ko lang kung hindi lumuwa ang mata niya sa ganda ko.” excited na wika ni Orson at lahat sila ay lumakad patungo sa labas kaya naman agad akong lumabas at bumaba sa hagdan mula sa attic.

“Sandali lang, sasama ako.” ang wika ko habang humahabol. Suot ko ang itim na pantalong may kalakihan at ang asul na long sleeves ng aking ama na nakuha ko sa kanyang parador.

Gulat na gulat sina Olrac at Orson noong makitang bumababa ako. “What? Ayoko siyang kasama mama. Para siyang cast ng walking dead! Huhuhu.” ang maarteng wika ni Olrac

“Pero mayroon rin akong imbitasyon at may pangalan ko ito. Saka hindi naman ako sasabay sa inyong sasakyan. Lalakad lamang ako. Gusto ko lang makita yung kaibigan kong si Jeffrey.” ang paki usap ko.

Lumapit sa akin ang aking madrasta at kinuha ang papel sa aking kamay. Tumingin siya sa akin ng masama at saka marahan pinupunit ito na aking kinabigla.

Tumingin siya sa akin damit at tila mas lalo pa itong nagalit. “Ang damit na iyan ay ang long sleeves na suot ng iyong ama noong niloko niya ako. Kaya ko nga ito tinago ay dahil sumasakit ang aking dibdib kapag naalala ko iyon. Lapastangan ka para isuot iyan!” ang sigaw ng aking madrasta sabay sampal sa aking mukha.

Hinila niya ang aking long sleeves hanggang sa masira ang butones nito. “Tama na po! Wag poo!” ang sigaw ko at dito ay naitulak ko ang aking madrasta dahilan para mapa atras siya.

“Hoy, wag mong itulak si mama! Gago ka, itutumba kita ngayon!” ang sigaw ni Olrac at dito ay laking gulat ko noong hawakan ni Orson na parang isang maton ang aking likuran at braso. “Sige, upakan mo!” ang sigaw niya.

Isang suntok ang pinakawalan ni Olrac na tumama sa aking nguso. At pag katapos ay hinawakan nila ang aking damit at pinag sisira ito. “Ayan ang bagay sa iyo. Dapat sa iyo ay doon sa walking dead mag punta dahil mukha kang zombie! Panget kaaaa! Chakaaaa!” ang sigaw nito.

“Ako talaga ay matagal nang gigil sa iyo Eloy! Eto bagay sa iyo!” ang wika ni Orson sabay upo sa aking mukha. “Prooot!”

Umutot ito at sumabog sa aking mukha ang kanyang mabahong hangin na dulot ng pag kabulok ng kanyang tiyan dahilan para mas lalo akong mahilo at mawala sa ulirat. Iniwan nila akong nakahandusay sa sahig at walang lakas. Tawanan naman sila habang ikinakando ang mga pintuan para hindi ako makalabas.

Nantili akong naka handusay sa sahig ng ilang minuto bago tuluyang pimikit ang aking mga mata.

Tahimik..

“Eloy, hoy Eloy.” ang boses na aking narinig kaya naman marahan kong iminulat ang aking mga mata. Dito ay nakita ko nanaman yung diwata na nag bigay sa akin ng pulbos. “Nanaginip ba ako?” ang pabulong kong tanong ng isang malakas na sampal ang lumandig sa aking mukha.

“Plak!”

“Oh ano, masakit ba.”, tanong niya

Tumango ako..

“Edi hindi ito isang panaginip. Nandito ako para tulungan. Bumangon kana at aattend ka sa party ni Jeffrey.” ang wika niya

“Anong party?” tanong ko

“Ano ka ba Eloy, inuutan ka lang sa mukha e hindi mo na alam yung tungkol sa party. Syempre aattend ka doon at makikipag sayaw kay Jeffrey diba?” ang tanong niya

Bumangon ako at pinunasan ang pasa sa aking mukha. “Kalimutan mo na yung party, wala iyon. Hindi ito para sa akin.”

“Hala, padrama effect para kaawaan. O, sya tumatakbo ang oras. Tutulungan na kita.” ang wika nito sabay hila sa akin sa kusina.

“Ano bang hinahanap mo?” tanong ko

“Nag hahanap ako ng gulay para sa sasakyan mo.” ang wika niya

“Sandali mayroon akong kalabasa dito. Ito ang kailangan mo diba?” tanong ko

“KALABASA? Sino ka si Cinderella? Saka di ka naman babaihan para isakay dyan hano. Okay na sa ganda mo itong talong.” ang wika niya sabay kuha ng isang pirasong talong sa lamesa

Nag tungo kami sa labas at dito ay isinagawa niya ang kanyang mahika. “Bakla, bakla may magic ka ba? Oo, oo may magic ako. BOOM!” ang pag kanta niya sabay tutok ng kanyang kulay pink na stick sa talong.

Unti unting lumaki ang talong, nag karoon ng apat na gulong at humulma na isang kotseng kulay ube. Makintab na makintab ito at talagang nakaka akit pag masdan. “Oh diba, maganda…” ang wika niya

“Pero hindi ako marunong mag drive.” ang wika ko naman

“Walang problema, akong bahala.” ang wika niya at lumabas ito sa gate. Noong may dumaang sasakyan ay minagic niya ito at hinipnotismo ang driver nito. Naging sunod sunuran ang driver at pumasok sa loob ng kulay ubeng kotse na hinulma gamit ang talong.

“Sasakyan check! Driver check!” ang wika nito. “Ikaw nalang ang kulang. Teka hindi ako masyadong magaling sa style ha. Pero gagawin ko ang best ko.” ang wika niya at inutusan niya akong umikot ikot.

Habang umiikot ay unti unting nag liwanag ang aking damit, nag karoon ako ng pulang ribbon sa dibdib at guwantes na puti sa kamay, nag karoon rin ako ng paldang asul at sapatos na kulay pula na animo bota.

Huminto ako sa pag ikot. “Teka bakit naka palda ako?” pag tataka ko

“Ay sorry, ang nasa isip ko kasi ay si Sailormoon. Teka aayusin ko na. Ikot ka ulit.” ang utos niya kaya naman sinunod ko iyon.

Muli akong umikot at syempre ay nag liwanag ulit ang aking damit. Binalot ng kakaibang kinang ang aking katawan at kasabay nito ang pag labas ng isang magandang kasuotang kulay asul, animo isang prinsipe na may burdang kumikinang, ang aking pantalon ay ganoon rin kaya naman halos hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

“Nanaginip ba ako?” ang tanong ko sa aking sarili

“PLAK!”

Muli nanaman niya akong sinampal. “Sorry ha, ganoon kasi sa amin, ang pag sagot sa ganyang katanungan ay pasampal.” ang wika niya at maya maya ay bumukas ang bintana mula sa aking silid sa attic at dito ay lumabas ang garapon ng mahiwagang pulbos. Binuksan niya ito at ibinubod sa aking mukha dahilan para lumabas si Yoel na nag niningning sa kagwapuhan. “Sa ganyang paraan ay hindi kana makilala pa ng iyong madrasta at mga kapatid. Tiyak na magiging masaya ka sa gabing ito.” ang wika niya.

“Paano hindi na nila ako makikilala eh nakita na nila ako dati pa bilang si Yoel.” pag tataka ko

“Kaya nga ibang mukha ang ibinigay ko sa iyo this time. Hindi ka makilala ng madrasta mo at pati si Jeffrey ay hindi ka rin makikilala. Diba mas exciting, napaka misteryoso ng datingan mo ngayon. Bagong mukha, bagong pag asa!”

“Paano kung ako yung magustuhang pakasalan ni Jeffrey?”

“Oh edi problema mo na iyon, nandoon ka lang naman para mag saya noh, pag katapos ng gabing ito ay hindi ka na nila makikita dahil ubos na rin ang pulbos at wala nang chance para bumalik ka pa sa ganyang itsura. Sagad na nga oh, pang finale na iyan. Go na, wag kana mag isip at enjoy lang!” wika niya

Tahimik..

Napatingin ako sa akin paa. “Ang aking sapatos ay luma. Parang hindi bagay sa damit ko.”

“Hala, abusadong to, pati sapatos ha. Ginawa mo na akong mamasang eh hindi ka naman babaihan. Akin na nga dito.” ang maarteng salita niya sabay tapat ng stick sa aking paa. Nag liwanag ito at dito ay lumabas ang isang kulay puting sapatos na bago at maayos ang anyo. “Wag kang mag expect na glass slipper iyan ha. Over kana.”

Ngumiti ako at niyakap siya. “Maraming salamat! The best ka talaga.”

“Ayos lang, basta mag enjoy ka at pag tapat ng alas dose ay uuwi ka dahil mawawala ang mahika at babalik ka na ulit sa pagiging chaka, panget at ulikbang si Eloy. Galingan mo at mag paka saya! Narito ang papel ng imbitasyon, ibigay mo ito sa gwardiya sa kanilang tarangkahan.” ang naka ngiti niya sagot sabay bukas sa sasakyan.

Pumasok ako dito at agad itong umandar patungo sa mansyon ni Don Miguel.

Halos kulang isang oras ang byahe patungo sa Mansiyon kung saan kasalukuyang ginaganap ang pag diriwang. Mula dito sa sasakyan at nakikita ko na ang makukulay na paputok na sumasabog sa kalangitan kaya naman ibayong pananabik ang aking nararamdaman, ngunit sa kabilang banda ay mayroon pa rin akong kaba at pag aalala sa aking sarili.

Makalipas ang ilang saglit ay pumasok kami sa tarangkahan, iniabot ko ang imbitasyon, hindi naman ito tinitingnan ng mga gwardiya inilalapag lang nila ito sa isang lamesa.

Mula rito ay naririnig ko ang magandang tunog ng musika sa loob ng bulwagan ng mansiyon.

Halos atakihin ako sa puso noong tumapat sa door knob.

Marahan kong binuksan ang pintuan, halos kumakabog pa rin ang aking dibdib dahil sa pinag halong kaba at pananabik na muling makasayaw ang taong pinapangarap ng lahat.

Hindi na ito isang panaginip, ang lahat ng ito ay talagang nagaganap, sa tamang oras at maging sa tamang pag kakataon. Mula rito sa aking kinatatayuan ay maririnig mo ang musika na ang mumula sa orkestra, nakakapanabik at nakaka indak.

Noong buksan ko ang pinto ay sumalubong sa akin ang isang malakas na liwanag, nakakasilaw ito kaya’t panandalian akong pumikit. At noong imulat ko ang aking mata ay aking nasaksihan ang isang magarbong pag diriwang kung saan ang lahat ng tao ay napahinto at napatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong mali, o kung ano ang nangyayari, basta ang alam ko lamang ay kusang humakbang ang aking paa suot ang pinaka magandang sapatos sa lahat .

Ito ang pakiramdam ng isang gwapong nilalang na nakasuot ng kumikinang na damit. Ang lahat ay napahinto pati ang orkestra na kanina ay tumutugtog ng malakas ay kusang tumigil habang patuloy ako sa pag lalakad.

Mula dito sa aking kinatatayuan ay nakikita ko na ang anak ni Don Miguel San Sebastian, naka suot ito ng maskara sa kanyang mata. Halos mag sing garbo ang aming kasuotan. Batid kong si Jeffrey ang nasa likod ng kanyang maskara.

Lalapit sana ako sa kanya para siya ay batiin ngunit bigla nalang siyang dinagsa ng mga bisita nangunguna na rito ang aking dalawang kapatid na bukod tanging naka pang sexy na gown. Nakakatuwa lamang silang pag masdan dahil ang ibang babaihan ay mukha talagang babae pero sila ay malalaki ang katawan at may mga muscles pa. “Tabi nga kayo, di naman kayo magaganda!” ang narinig kong wika ni Orson habang nasa harap ng anak ni Don Sebastian.

Dahil nga umagaw ako ng atensiyon ay napukaw rin nito ang tingin ni Jeffrey..

Maya maya ay napaharap sa akin ang binata at tumayo ito na ikinagulat ng lahat. “Ay bakit siya? Lalakihan iyan ahhh!!” ang galit na salita ng mga ito na hindi maitago ang pag kadismaya.

Lumapit sa akin si Jeffrey at ngumiti. “Hi, pwede ba kitang isayaw?”

Tumango ako at dito kinuha niya ang aking kamay.

Mula sa bulwagan ay tumugtog ang isang musika..

On the other side of this closet door You and I are packed in boxes Pictures taken from before On the other side of this bedroom door There are phantom shadows dancing on the sunlit floor I was dumb to think I’d keep you under lock and key It’s like you’re dripping from the ceilings Wall to wall you’re all I see Although everything around me is screaming otherwise, You’re the last thing on my Mind You’re the last thing on my When I go outside down our beat up steps Every crack is just an echo of the morning when you left All the friends we knew seem to ask about you I just tell them that you’re doing fine, I know it’s trueI was dumb to think I’d keep you under lock and key It’s like you’re dripping from the ceilings Wall to wall you’re all I see Although everything around me is screaming otherwise, You’re the last thing on my Mind You’re the last thing on my mind Although everything around me is screaming otherwise, You’re the last thing on my Mind You’re the last thing on my mind Although everything around me is screaming otherwise, I can only find my happiness in your eyes Although everything around me is screaming otherwise, You’re the last thing on my

Noong mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam ko ang kanyang kagustuhang makasama ako, mahigpit ang hawak niya sa aking kamay, batid kong nakatitig siya sa akin kahit naka takip pa ng mascara ang kanyang mukha. “Bakit? May problema ba?” ang tanong ko

“Taga saan ka? Bakit may nag sasabi sa akin na kilala kita? Ang pakiramdam na ito, parang matagal na kita nakakasama. Sino ka?” ang tanong niya

“Hindi na mahalaga kung sino ako, basta masaya ka ay damhin mo nalang.” ang wika ko naman.

Patuloy kami sa pag sasayaw..

“Hindi ko maunawaan ang pakiramdam, sabihin mo sa akin na kilala kita? O baka sa panaginip ay nag kita na tayo? Kakaiba ang nararamdaman ko.” ang wika niya

“Siguro nga ay nag kita na tayo, sa iyong panaginip.” Tugon ko habang kapwa kami sumasayaw at ang ilaw ng bulwagan ay naka tunghay lang sa aming dalawa..

Maya maya ay niyaya ako sa isang lugar sa mansyon, sa balkunahe kung saan makikita ang ganda ng kanilang maluwang hardin. Makulay ang buong paligid at mula rito sa aming kinatatayuan ay makikita ang pag angat ng makulay na paputok sa langit.

Sabay naming itong pinanood..

“Kapag nakaka kita ako ng paputok ay naalala ko ang aking ina. Ang sabi niya sa akin ay nakikita ng mga anghel ang makukulay na ilaw na iyan kapag sumasabog sa langit. Kaya naman madalas akong bumibili ng mga paputok para isabog sa alapaap, sana ay nakikita ito ng aking ina ngayon.” ang wika niya habang naka tingala.

“Tiyak kong nakikita niya iyan at sa pag kakataong ito ay hindi lamang siya sa mga paputok nakatunghay, pinag mamasdan ka rin niya at ginagabayan sa araw araw. Hangad niya ang kaligayahan mo sa iyong kaarawan.” ang sagot ko

“Sana ay mapatawad ako ni Ina sa aking ginagawang pag papanggap ngayon, marami akong nilokong tao at pakiramdam ko ay hindi ko na kilala ang aking sarili.” ang wika niya

Tinamaan ako sa kanyang sinabi. “Minsan ay kinakailangan ng taong mag panggap para yakapin siya ng kanyang paligid. Alam mo naman na malupit ang mundo, kapag wala sa iyo ang kanilang hinahanap ay hindi ka nila mamahalin. Minsan mas masarap pa ang maging ibang tao kaysa maging sarili mo PERO masakit ito at darating sa punto na ang multong ginagawa mo ay ang siyang paniniwalaan mo. May silid para sa katotohanan, kailangan lang nating matagpuan iyon.” ang wika ko naman.

“Pamilyar ang iyong pag sasalita sa akin, alam kong nakasama na kita noon. Hindi ko maunawaan.” ang wika niya.

Ngumiti ako at napatingin sa kanya..

“Bakit naka suot ka ng maskara? Ayaw mo bang makita nila ang iyong mukha?”

“Hindi naman sa ganoon, nais ko lang maging pribado ang aking buhay. Gusto mo ba ipasyal kita sa aming hardin?” tanong niya

Tumango ako at ngumiti..

Pero nasa ganoong posisyon ako noong makita ang orasan, hindi ko namamalayan ang pag takbo ng kamay nito na nakatapat na sa 11:58 ng gabi. Kaya naman agad kong binawi ang aking sinabi. “kailangan ko na palang umalis. Mag aalas dose na at medyo malalim na ang gabi.” ang wika ko sabay layo sa kanya..

“Sandali, gusto pa kita makausap, gusto pa kitang makilala ng lubos.” ang wika nya habang hinahabol ako.

Mula sa aking pag takbo ay narinig ko na ang pag tunog ng orasan kaya naman mabilis akong bumaba ng hagdan at nag tatakbo palayo..

“Saan ka pupunta ginoo? Paki usap manatili ka pa sa aking tabi kahit ilang minuto lang!” ang wika niya

“Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis. Paalam!” ang sagot ko naman sabay baba sa hagdan

Gulat na gulat ang mga bisita noong makita kaming nag hahabulan ni Jeffrey sa hagdan, pinipigil niya akong umalis. “Sandali lamang, paki usap naman!” ang wika niya

Sunod sunod na pag tunog ng orasan ang aking narinig..

Wari’y slow motion ang pag lakad ng kamay nito at pag tapat sa alas dose, hudyat ng pag kasira ng mahika..

Tatangkain ko pang umalis ngunit hinablot ni Jeffrey ang aking braso dahilan para ako mabuwal, naalis ang aking sapatos ngunit hindi ako binitiwan. “Bitiwan mo ako!” ang sigaw ko.

“Hindi! Hindi ka aalis paki usap!” ang sagot niya

Niyakap niya at dito ay kapwa kami nahulog sa hagdan na ikinagulat ng lahat..

Kasabay noon ang huling pag tunog ng orasan at dito nag liwanag ang aking katawan at bumalik ako sa pagiging si Eloy na nakasuot ng sirang damit na siyang ikinigulat ng lahat..

Kung si Cinderella ay naka alis bago sumapit ang alas dose, ako ay nabigo..

Nasira ang mahika at bumalik ako sa dating si Eloy..

Itutuloy..

CB Part 14

Cover by JohnLloyd Berzuela


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 7, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Wari’y slow motion ang pag lakad ng kamay nito at pag tapat sa alas dose, hudyat ng pag kasira ng mahika..

Tatangkain ko pang umalis ngunit hinablot ni Jeffrey ang aking braso dahilan para ako mabuwal, naalis ang aking sapatos ngunit hindi ako binitiwan. “Bitiwan mo ako!” ang sigaw ko.

“Hindi! Hindi ka aalis paki usap!” ang sagot niya

Niyakap niya at dito ay kapwa kami nahulog sa hagdan na ikinagulat ng lahat..

Kasabay noon ang huling pag tunog ng orasan at dito nag liwanag ang aking katawan at bumalik ako sa pagiging si Eloy na nakasuot ng sirang damit na siyang ikinigulat ng lahat..

Kung si Cinderella ay naka alis bago sumapit ang alas dose, ako ay nabigo..

Part 14

Hindi makapinawala ang lahat sa kanilang nakita. Kitang kita ko rin ang pag kabigla ni jeffrey at halos lumuwa ang kanyang mata sa panlalaki. “Eloy?” ang tanong niya.

Natahimik ako at napaatras, hindi ko alam kung ano gagawin ko lalo’t nag bubulungan na ang mga tao sa paligid. Ang iba ay talagang nabigla sa aking pag babagong anyo. “Eloy?! Anong ginagawa mo dito? Bakit tumakas ka sa bahay?!” ang sigaw ni Orson sabay lapit sa akin.

“Kilala nyo siya?” ang tanong ilang bisita sa aking mga kapatid.

“Ah e, oo. Kasambahay namin ito at mayroon siyang sakit sa pag iisip. Pasensiya na po kayo kung nasira niya ang gabi ninyo.” ang wika ng aking madrasta sabay hila sa akin. Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Orson at Olrac. “Ellwood, ano ang nag udyok sa iyo para ipahiya kami ng ganito? Anoooo!!?? Walang hiya ka talagaaaaaa!” ang sigaw nila sabay sabunot at tadyak sa akin.

“Tama naaa! Masakit! Tama na pooooo!” ang sigaw ko habang gumugulong sa sahig.

“Tama na, hayaan nyo siya! Layuan nyo siya!” ang utos ni Jeffrey

“Pero master Ronnie, sinira niya ang inyong kaarawan, kung gusto niyo siyang patawan ng parusa o kaya ay bitayin ay hindi kami tututol.” ang nahihiyang wika ng aking madrasta

“Oo nga, bitayin nyo na iyang si Eloy! Ambisyosa ka! Nag aasam ka pa na mapangasawa ni Ronnie eh ang pangit pangit pangit mo! Isa ka lang hamak na alipin, julalay at longkatuts! Doon ka na nga! Sige bugbugin natin siya!” ang wika ni Olrac sabay sipa sa akin.

Naipayak nalang ako..

“Tama na, huwag nyo syang saktan.” ang pag pigil ni Jeffrey.

Marahan akong tumayo, itinukod ko ang aking dalawang kamay at pinilit na tatagan ang aking tuhod. Para akong ginahasa noong mga sandaling iyon, wasak ang aking damit at ang aking mukha ay may pasa ngunit hindi ko na ito pinansin pa.

Masamang masama ang aking loob, ang aking dibdib ay naninikip na hindi mo mawari, pakiwari ko ba ay may sasabog na bagay sa loob nito na kahit anong himas at pag papakalma ang aking gawin ay hinding hindi mawala wala.

Tahimik..

Noong makatayo ako ay huminga ako ng malalim. Ngayon ay wala nang mahika para tulungan at isalba ako. Ang lahat ng ito ay nakadepende na sa akin simula ngayon.

Pinunasan ko ang aking luha at buong tatag na humarap sa kanila. Inipon ang aking hininga at sumigaw. “Tama naaaaa! Huwag nyo na akong saktan dahil masakit na ang katawan ko. Hindi naman ako makina na tatanggapin lahat ng ito ng walang reklamo. Huwag niyo akong pag tawanan dahil sa itsura ko at huwag niyong kunin ang kaligayahan ninyo mula sa mga sakit na nararamdaman ko!

Wala naman akong kasalanan, ang tanging naging kasalanan ko lang ay ang maging masaya kahit minsan sa buhay ko. Nangarap ako na ngumiti at maging maligaya pero sa palagay ko ay hindi ito para sa akin. Ngayon heto ako, sinasaktan, pinag tatawanan at pinag tatampulan ng tuwa ng inyong mga mata. Oo, panget ako, maitim at hindi pasado sa inyong mga mata, pero hindi naman ako tanga at manhid para hindi makaramdam ng sakit.

Maswerte kayo sa buhay ninyo dahil nakakapag suot kayo ng magagarbong damit, nakakabili ng mga bagay na nais ninyo. Pero ako? Itong damit suot ko ngayon ay ang tanging bagay na ibinigay ng aking ama bago siya umalis at mangibang bansa. Ang buhay ko ay isang malaking bilog, gigising sa umaga at gagawa ng mga trabaho para sa iba na kahit kumakalam ang aking tiyan ay tinitiis ko pa rin. Sa gabi naman ay hihiga kayo sa malalambot ninyong higaan habang ako ay umaakyat sa madalim at malamig na attic ng aming tahanan. Pero kahit na ganoon, kahit na wala akong pera o hindi ako kasing gwapo o kakaganda ninyo ay tiyak kong mabuti akong tao, bakit hindi ninyo tingnan ang mga sarili ninyo sa salamin baka sakaling makita ninyo ang mga uling na lihim na nakapahid sa inyong mga mukha.“ ang umiiyak kong salita.

“Tama na! Ang kapal ng mukha mong mag salita sa mga taong di hamak na nakatataas sa iyo! Wala kang utang na loob Eloy, pinatuloy ka namin sa aming bahay, pinakain at binihisan tapos ay ganito pa ang igaganti mo sa amin?” ang wika ng aking madrasta

“Paanong naging makapal ang aking mukha? Ang bahay na tinitirhan ninyo ay bahay ng aking ama at iyon ang dahilan kaya kahit ilang beses ko nang gustong lumayas ay hindi ko magawa dahil ang bawat sulok ng bahay na iyon ay mahalaga sa akin. May pangako akong binitiwan sa kanya na hindi lilisan at hihintayin ko ang kanyang pag babalik! Binihisan? Oo tama! Dinamitan niyo ako ng basahan at mga lumang gamit na napulot niyo sa mga kapit bahay. Walang utang na loob? Bayad na ako dahil sa walang katapusang pang aalipin nyo sa akin! Ikaw at ang mga anak mong walang alam sa buhay. Sana ay maging masaya kayo sa kasamaan ninyo sa ibang tao.” ang sagot ko.

“Lapastangan ka! Anong karapatan mong sigawan ang aking ina? Walang hiya kaaaa! Ang ugali mo ay katulad rin ng mga aso sa kalye! Siguro ay iyan ang itinuturo sa iyo ng kaibigan mong kargador! Alam nyo mga kaibigan, may kasintahan na itong si Eloy, isang kargador sa palengke. Isang mabaho, madumi at mahirap na taga buhat ng mga gulay doon! Bagay na bagay kayong dalawa!” ang sigaw ni Orson

“Tama, huwag ninyong sirain ang aking kaarawan. Kayong mag iina, lumabas na kayo ngayon din.” ang utos ni Jeff

“Teka bakit kami ang lalabas, si Eloy siya ang nanggulo sa iyong sabi, dapat sa kanya ay parusahan ng bitay!” ang sagot ni Olrac

“Ganoon ba? Kung kayo kaya ang parusahan ko? Tandang tanda ko pa kung paano nyo ako gawing alila sa inyong bahay. Ang mabaho, madumi at mahirap na kargador.” ang wika niya sabay alis sa kanyang maskara.

Dito ay tumambad sa mata ng lahat ang totoong itsura ni Jeffrey a.k.a Ronnie San Sebastian. At kasabay nito ang pag dating ng isang lalaki, siya yung madalas nag papanggap na mayamang anak ni Don Miguel.

“Siya po ang tunay na Ronnie San Sebastian, ako po ay kaibigan lamang niya na inutusang mag panggap na siya.” ang wika ng lalaki.

Kitang kita ko ang pag bigla mata ng dalawang mag kapatid. Ang taong inuutos utusan nila ay ang lalaking pinapangarap nilang maging asawa. Nang hina ang dalawa at napaluhod nalang..

“Oo, nag panggap kami dahil gusto kong makita kung paano ako ittrato ng mga tao bilang isang magnanakaw, isang mahirap na kargador at isang palaboy na nanghihingi ng makakain. Sa pag lalakad ko sa mundo ay dito ko nakita ang masasamang ugali ng mga tao. Na mamahalin ka nila kapag mayroon ka pero kapag ikaw ay isang simpleng tao lamang at wala silang mapapala sa iyo ay itatakwil ka nila. Natahimik kayo? Ang iba sa iyo ay nanlalait, ang iba sa inyo ay pinahabol pa ako sa aso at pinag bantaang bubugbugin kapag lumapit ako sa inyong tarangkahan para humingi ng tinapay. Ang bawat isa sa iyo ay kilalang kilala ko. Ako lang ba ang nag panggap? Hindi, dahil napag tanto ko na lahat ng tao ay mapag panggap dahil ang inyong ugali ay naka depende sa estado ng taong inyong kaharap. Itigil na natin ang pag kukunwaring ito.” ang wika ni Jeffrey

Natahimik ang lahat at napaisip sa mga katagang sinabi niya..

Samantalang ako naman ay tumayo at nag tangkang lumabas nang pigilan ako ni Orson. “Walang hiya ka, sinira mo ang gabing ito. Hindi ka makaka alis Eloy!” ang galit niyang salita sabay pigil sa akin, mahigpit ang hawak niya sa aking braso.

“Bitiwan mo ko.” utos ko

“Hindi ka aalis! Gugulpihin kita ngayon!” gigil na salita nito.

“Sinabi nang bitawan mo ako!!” ang sigaw ko sabay sapak sa kanyang mukha dahilan para matumba ito.

“Walang hiya ka talaga! Anong ginawa mo kay Orson?” tanong ni Olrac pero isang malakas na sapak rin ang iginanti ko sa kanya dahilan para matumba rin ito at mapadapa sa sahig.

Hinablot ng aking madrasta ang aking buhok. “Wala kang utang na loob Ellwood! Mag babayad ka sa ginawa mo sa aking mga anak!” sigaw niya.

“Utang na loob? Huwag mo akong patawanin, isa ka lamang kabit ng aking ama at mapag salamat ka dahil pinag silbihan kita at ginalang bilang aking ina sa kabila ng kalupitan mo sa akin.” ang sagot ko kaya naman kinaladkad niya ako habang hawak ang aking buhok.

“Tama naaaaa! Ito na ang huling beses na sasaktan mo ako!” ang sigaw ko sabay suntok sa kanyang mukha. Sapol ang kanyang ilong at nag dugo ito. Natumba siya sa lamesang mayroong mga inumin at tumapon pa ito sa kanyang mukha.

Napahugulgol nalang sila at kasabay noon ang palakpakan ng mga tao..

“Triple kill mga besh!” ang wika ng isang beki na halatang gigil na gigil sa mag iina..

Ako naman ay napatingin lang kay Jeffrey at mula dito ay nag tatakbo ako palayo. Lumabas ako ng tarangkahan, wala akong paki alam kung naka yapak ako. Ang mahalaga ay makalayo mula sa bangungot na ito.

Hindi ko na alintana ang mga bato na humihiwa sa aking mga paa. Basta noong mga sandaling iyon ay nag desisyon ako na hindi na babalik sa aming bahay at wala na ring rason para bumalik pa ako doon.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa abangan ng jeep patungo sa kabilang bayan. Mas makabubuting lumayo na ako at wala akong ibang mapupuntahan kundi ang aking orihinal na tahanan. Ang peryaan o ang plaza ng katuwaan kung saan ako nag mula. Dito ay nakaka sigurado ako na walang mananakit o mang huhusga sa akin batay sa aking pisikal na anyo. At ang sakit na aking nararamdaman ngayon ay baka sakaling mawala sa kada hakbang nagagawin ko palayo kay Jeffrey o sa mga taong nananakit sa akin.

Ilang oras rin ang byahe patungo sa kabilang bayan. Medyo liblib pa ito kaya naman kailangan ko pang mag lakad sa isang madilim at baku bakong daan..

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating ako sa tarangkahan ng plaza, maliwanag pa rin dito at talagang nakaka engganyo ang mga kulay ng paligid. Pag pasok ko palang doon ay agad na akong namukhaan ng mga dating kasamahan ko at bukas palad nila akong pinatuloy. Ngayon ay pilit kong bubuksan ang bagong kabanata ng aking buhay. Malayo sa mga taong nag bibigay ng sakit sa akin.

Naging usap usapan sa bayan ang nangyaring kaguluhan sa mansiyon ni Don Miguel. Ipinaliwanag ng kanilang kampo na walang kababaglahang naganap dahil ang misteryosong bisita ay biglang umalis gamit ang sikretong lagusan sa mansiyon at dito ay nakapasok si Eloy na isang mahirap na alila ng isang pamilya. Iyon ang kanilang pag lilinaw bagamat batid kong alam ni Jeffrey ang katotohanan. Sa ngayon iniisip niya na ako ay isang mangkukulam o isang engkanto.

Sa pag lipas ng mga araw ay pilit kong binalik sa normal ang aking buhay. Ngayon ay muli akong nag trabaho sa horror booth bilang taga panakot. Madalas akong naka siksik sa isang dilim na isang zombie na may road cone sa ulo, hango sa plant vs zombies. Mababait ang mga kasama ko dito at hindi nila itinuring na iba. Ang totoo noon ay mas masarap pa ang buhay ko dito dahil nakaka kain ako ng husto at hindi ko na kailangan pang manilbihan at ituring na mababang mababa para sa ibang tao. Iyon nga lang ay nalulungkot ako dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa aking ama.

Batid kong mauunawaan naman niya iyon, pag dating ng panahon..

Itutuloy..

CB Part 15 (STORY 1 FINALE)

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 7, 2019


STORY 1

Cinderella Boy

Part 15

Nag daan ang mga araw, patuloy ako sa pag ttrabaho bilang taga perya. Wala akong balita tungkol kay Jeffrey o sa aking mga kasama sa bahay. Mainam na rin na wala ako doon para matuto sila ng gawaing bahay at makatayo sarili nilang paa. Dapat ay matikman nila ang buhay na wala ako sa paligid para malaman nila ang kaibahan nito. Makabubuti na rin iyon para sa kanila. Maayos naman ang buhay ko rito sa peryaan, nakakatulog ako ng maayos, hindi pa ako napapagod ng husto at lalong hindi nagugutom. Hindi katulad doon sa bahay na impiyerno ang buhay ko at walang habas ang pang aalipin sa akin.

“Akala ko ba ay mabuti para sa kanila? Bakit nalulungkot ka ngayon? Anong drama iyan?” ang tanong ng diwatang si Wanda noong makita niya akong nakaupo sa tabing bukid sa likod ng plaza.

“Ikaw pala, hindi ko lang mapigilang mag isip ng sobrang. Patawad kung hindi ako nakasunod sa iyong patakaran. Hindi agad ako naka alis kaya nabuking ako.” ang wika ko na hindi maitago ang kalungkutan.

“Ang lahat ng kaligayahan ay may limitasyon at hangganan, hindi pwedeng parating masaya, hindi maaaring parating perpekto ang lahat. Kapag nakasanayan natin na palagi tayong masaya ay baka hindi natin kayanin ang mga kalungkutang darating.” ang wika niya habang kapwa kami naka tanaw sa kalayuan.

“Ano ang balita sa pamilya ko?” ang tanong niya

“Kumuha sila ng bagong katulong pero umalis rin agad dahil hindi kita ang pag uutos ng mga kapatid mong halimaw sa banga.”

“Wala naman talagang tatagal sa kanila dahil sagad sa buto sila kung mag utos.” ang sagot ko.

“Hay, kawawa ka talaga Eloy, ikaw ang santo ng mga alila at mga katulong. Winner na winner ka dyan. Pero hayaan mo dahil ang bawat sakripisyo ay katumbas na kaligayahan, tiwala lang. O siya, aalis na ako dahil may rehearsal kami ng Fairy Queen 2019.” ang tugon niya at bigla nalang nawala sa aking paningin.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw sa kalayuan..

Tahimik..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay siya namang pag dating ng aking kasama sa peryaan. “Eloy, nandito ka lang pala. May humahanap sa iyo.” ang wika nito

“Sino raw?” ang tanong ko

“Ako Eloy.” ang wika nito at dito ay lumabas si Jeffrey sa isang puno.

“Sige. Maiwan ko muna kayo dalawa. Mukhang seryoso ang pag uusapan ninyo.” ang wika ng aking kasamahan.

Ngumiti si Jeffrey a.k.a Ronnie San Sebastian. “Kamusta kana Eloy, may nakapag sabi sa akin na dito kita matatagpuan.”

“Anong kailangan mo sa akin?” ang tanong ko naman.

“Nais kong mahingi ng tawad sa iyo, una ay dahil inilihim ko sa iyo ang totoo. At ikalawa ay dahil kailangan mong sapitin ang mga ganoong bagay.” ang tugon niya

“Wala iyon, ang mga katulad ko na alila lamang, panget at mahirap ay talagang naka takdang makaranas ng ganoon. Tanggap ko na.” ang sagot ko sabay bawi sa aking tingin. “Bakit nandito ka?”

“Gusto kong mag pasalamat sa iyo, dahil sa mga pinag samahan natin. Sa lahat ng taong nakasalamuha ko sa tunay na mundo ay ikaw lamang ang tumanggap sa akin. Ikaw lamang ang bukod tanging tao na hindi tumitingin sa katayuan ng iba.” ang wika niya

“Isa nanaman ba ito sa kasinungalingan mo? Dibat kasama mo yung tisoy na kasambahay ni Misis Santos. Nag susubuan pa nga kayo sa fountain area.”

“Iyon ba? Inaasar ka lang namin. Akala ko ay lalapitan mo ako pero hindi naman pala. Ang taong iyon ay nakatakda na ring ikasal sa susunod na araw at ako mismo ang gumastos para sa kanyang espesyal na araw.” ang wika nito

“Mabilisang tanong. Anong kailangan mo sa isang katulad ko?” ang tanong ko

“Umuwi na tayo. Gusto kitang makasama.” ang tugon niya.

“Bakit ako? Maraming mayaman at may itsurang tao kaysa akin. Wala akong yaman, wala akong maipag mamalaki. Kaya mo ba akong tanggapin? Saka niloko kita diba? Nakita mo yung nangyari noong gabing iyon, hindi mo ako tatanungin? Hindi ka ba natatakot na baka isa akong maligno o engkanto?” tanong ko

“Ikaw si Yoel at ikaw rin yung lalaki sa aking kaarawan. Nag bago ang iyong pisikal na anyo ngunit ang iyong puso ay ganoon pa rin. Ramdam na ramdam ko ito at hindi nag babago.” sagot niya

“Hindi ka ba natatakot sa akin? Marami ka pang hindi alam.” ang wika ko

Umiling siya at ngumiti. “Ako? Kaya mo ba akong tanggapin sa kabila mga kasinungalingan at pag papanggap ko?” tanong niya.

“Bakit mayroon pa ba akong dapat malaman? Ang isang gwapo, mayaman at perpektong katulad mo ay hindi bagay sa isang katulad ko.”

“Sana nga ay perpekto rin ako, kaso ay hindi.” tugon niya at maya maya ay kinuhang isang bagay sa kanyang bulsa.

Isang bote ng tubig. Inilagay niya ito sa kanyang kamay at inihilamos sa kanyang sarili.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero habang ginagawa niya iyon ay nag balik sa aking isipan yung mga sinabi ni Wanda tungkol sa pulbos.

FLASH BACK

“Anong hinahanap mo Diwatang Wanda?” tanong ko.

“Nawawala yung mahiwagang “pulbos ng katarungan”, Sandali nga at baka nandito sa panty ko.“ ang wika niya sabay talikod at nililis ang kanyang gown. “Hala! Bakit isa nalang ito? Dalawang garapon ito e. Nasaan na yung isa, siguro ay naiwan ko doon sa Fairy land. Pero anyway narito na ang sagot sa problema mo Eloy. Ang mahiwagang pulbos! Mainit init pa iyan ha.” ang wika niya sabay taas sa isang nag liliwanag na garapon, inabot niya sa aking kamay.

End of Flashback

Nag liwanag ang mukha ni Jeffrey at dito ay unti unting nag bago ang kanyang anyo. Maitim rin ito, payat at sungki ang ngipin. Ibang iba sa gwapong lalaki na nakikita ng aking mga mata noon.

Kasabay nito ang pag labas ni Wanda sa aming tabi. “Surprise! Sa wakas ay tapos na rin ang aking beauty with a purpose.” ang wika niya

“Anong beauty with a purpose?” ang tanong ko naman.

“Diba nga may contest ako sinalihan at layon kong makagawa ng maganda sa aking kapwa. Alam nyo ba na kayo talaga ang nakatadhana sa isa’t isa. Naka guhit na ito sa inyo mga palad. Dalawang pulbos ang aking inihanda. Ang una ay ang premium na naalis lamang kapag hinugasan ang mukha o nabasa ito. Kaya nga laging takot iyang si Jeffrey sa ulan. At ang ikalawang pulbos ang economic powder na may limitasyon hanggang alas dose. Kapwa ko kayo pinag kalooban ng biyaya upang matagpuan ang isa’t isa. Pero infairness naka limutan ko talaga na naibigay ko kay Jeff ang isa, nakakaloka talaga.” ang wika nito

“Ano, tanggap mo na ba ako ngayon? Eto talaga ang anyo ko.” ang wika nito na may halong pag mamaktol

Natawa ako at lumapit kay Jeff. “Mas panget ka pa pala sa akin e.” biro ko

Natawa rin siya at hinawakan ang aking kamay. “Tanggap mo ba ako kahit ganito lang ang aking itsura?” ang tanong niya

“Hindi naman mahalaga iyon, ugali mo pa rin ang nagustuhan ko sa iyo. Kahit ano o sino ka pa ay paulit ulit kitang tatanggapin.” naka ngiti kong sagot kaya naman niyakap niya ako ng mahigpit. Ang totoo noon ay gusto ko naman talaga siya noon pa man. “teka diba mayaman ka? Bakit umaasa ka sa pulbos? Sana ay nag paretoke ka lang para maging gwapo.” ang pag tataka ko

“Nag hahanap ako ng taong tatanggap batay sa kung ano o sino ako. Ang gusto kong makasama ay iyong taong hindi titingin sa aking kapangitan. Iyon ang dahilan kaya hindi ako yumayakap sa salitang retoke.” ang naka ngiti niyang sagot

Natawa ako “Maganda yung pag kasungki ng ngipin mo, gwapo ka pa rin kapag ngumingiti ka”. wika ko dahilan para matawa siya at yakapin ako muli ng mahigpit.

“Nakaka iyak talaga, kahit pareho kayong chaka sa ganyang anyo ay nakakatouch pa rin.” ang iyak ni Wanda


Dalawang araw ang nakalipas, umuwi ako sa aming bahay para kunin ang aming mga gamit. Dito na ibinalita sa buong siyudad ang naka takdang kasalan namin ng anak ni Don Miguel na si Ronnie San Sebastian.

Habang abala ako sa pag aayos ng gamit sa attic ay isang katok ang aking narinig mula sa pintuan. “Mabuti naman at aalis kana dito. Ikaw ang nag tagumpay Eloy.” ang wika ni Orson

Ngumiti ako “Gumawa ako ng listahan ng mga sangkap at proseso sa pag luluto. Isang notebook na ito. Sundin nyo na lamang.” ang wika ko at dito binuhat ko ang aking mga gamit pababa sa sala.

Maya maya tinawag ako ng aking madrasta. “Ellwood, huwag kana mag babalik dito.” ang wika niya.

Ngumiti ako at humarap sa kanilang tatlo sabay sabi ng mga katagang. “Pinatatawad ko na kayo. Hindi ko ugaling mag tanim ng gait sa aking dibdib dahil kapag nangyari iyon ay para ko na ring sinaktan ang aking sarili. Kayo pa rin ang aking pamilya at hindi mag babago iyon. Pero sa ngayon, kinakailangan kong umalis para matuto kayo na ang buhay ay hindi parating ngingiti sa mga taong panlabas lamang ang hinuhusgahan. Sana ay maging aral ito sa ating lahat.”

Lumakad ako pabalik sa sasakyan kung saan naroon si Jeffrey. Hanga siya sa aking pinakitang kabutihan at pag papakumbaba sa mga taong nanakit ng husto sa akin. “Wala akong sama ng loob sa kanila. Ayokong mabuhay sa kalungkutan at galit.” wika ko

“Iyan ang gusto ko sa iyo. Hindi magandang mag tanim ng galit sa kapwa dahil ang lahat ng sama ng loob ng tao ay lumilipas at darating ang araw na tatawanan mo nalang ito.

Ngumiti ako at niyakap siya. “Tama ka doon.”

Sa pag lipas ng araw ay dumating naman ang araw ng aming kasal. Sa isang pribadong silid ginanap ang seremonya. At hindi ko maitago ang matinding kasiyahan noong mga sandaling iyon. Pareho kaming nakasuot ng puting damit ni Jeffrey kaya naman kitang kita ang kulay ng aming mga balat. Natatawa na lamang si Don Miguel sa aming itsura at ganoon rin ang mga kanang kamay ni Jeffrey na nakaka alam ng kanyang sikreto. Kami lamang ang tao sa silid at naka handa na ring lumabas sa publiko sa ganitong anyo.

“Hijo, gusto mo bang ibang tao palabasin natin? Lagyan nalang siya ng maskara.” ang wika ni Don Miguel

“Hindi na ama, ito ang aking anyo. At natutunan kong mahalin ang aking sarili bilang ako. Alam kong simula ngayon ay may taong mag mamahal at tatanggap sa akin sa kabila ng aking pisikal na anyo.

Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay. “Ikaw pa rin ang pinaka gwapong taong nakilala ko.” bulong ko sa kanya

“Salamat. Handa kana ba? Pag labas natin sa balkunahe ay tiyak na maraming taong nag aabang sa labas. May iba na pag tataka at mag tatawa sa ating mga anyo pero nandito lang ako at hindi ko bibitawan ang iyong kamay.” ang wika niya

Tumango ako at humawak ng mahigpit sa kanyang kamay. “Lagi akong nakahanda.”

Tahimik, kapwa kami huminga ng malalim..

“BUKSAN ANG PINTUAN!” ang utos ni Don Miguel at mula sa paligid at tumugtog ang isang kanta habang kami lumalakad palabas.

Music Playing

If our love is wrong

Calum Scott

I don’t know how I should say it In my mind, it’s every word That they don’t wanna hear I don’t know how they might take it Maybe you can take the pressure And make it disappear Throw out the inhibition

You make me feel a feeling that I’ve never felt before I don’t know if they’re gonna like it But that only makes me want it more

’Cause I’m nobody’s but yours

If it’s me And if it’s you And if our love is wrong Then I don’t ever wanna be right I don’t ever wanna be right If it’s real And if it’s true And if our love is wrong Then I don’t ever wanna be right I don’t ever wanna be right

Oh oh, yeah yeah Oh oh , yeah I just want you to be mine

Why would I need their permission Skin and bones, I’m only human It’s in my DNA Suffocating just to fit in Why do I care what people say

’Cause I’m nobody’s but yours

If it’s me And if it’s you And if our love is wrong Then I don’t ever wanna be right I don’t ever wanna be right If it’s real And if it’s true And if our love is wrong Then I don’t ever wanna be right I don’t ever wanna be right

Palakpakan ang mga tao..

Noong makalabas kami ay niyakap ako ni Jeffrey at hinalikan sa labi. Habang nasa ganoong pag kakasugpong ang aming mga labi ay unti unting nag liwanag ang aming mga katawan..

“Binabati ko kayong dalawa. Tanggapin nyo ang aking munting regalo. Isang maliit na handog na walang limitasyon, walang oras o tubig na makapag aalis.” ang boses ni Wanda at dito ay muli nag bago ang aming anyo. Pati ang aming kasuotan ay ganoon rin at naging mas makintab pa ito.

Nag balik siya sa pagiging si Jeffrey na gwapo at ako naman ay si Yoel..

Gulat na gulat kami noong mga sandaling iyon, pero gayon pa man ay humarap sa mga tao habang taos pusong nag papasalamat sa kanila. Ipinakita namin na walang limitasyon pag dating sa pag mamahal..

Ang kailangan lang ay kabutihan ng puso..

Tapat na hangarin sa kapwa..

At kaunting mahika..

Wakas..

End of Story 1


Ito ang unang fairytale base story ko. Gusto nyo pa bang gumawa pa ako? Gusto kong marinig ito mula sa inyo. Yung tipong pinag ekspermentuhan ko lang at inilagay ang tatak ko bilang si Ai Tenshi. Anong masasabi niyo? Hindi ko naman kinopya lahat diba ? hehe LOL

Insert Comment here

.

STORY 2

PAKIBASA..

STORY 2

Ang ikalawang kwento ng Facets ay pinamagatang “Reyna” tungkol ito sa isang beki na nag hahangad mag karoon ng puwang sa larangan ng pagandahan. Ito ang unang pag kakataon na gumawa ako ng isang bidang karakter na “babaihan” talaga. Kung napapansin ninyo, ang lahat ng tauhan sa kwento ko ay hindi malalambot kasi ito nag rereflect sa pag katao ko. Isang malaking challenge sa akin na gumawa ng isang ganitong karakter lalo’t hindi ko naman din naranasan ang ganitong buhay. Para isang closetang katulad ko e medyo mahirap ito.

Sana ay huwag ninyo ako ikumpara sa mga writer na expert sa pag gawa ng babaihang karakter pero ginawa ko naman ang best ko para mabigyan ng kwento yung mga kapatid natin na nag bubuhay babae. Kung hindi ninyo naitatanong ay talaga malapit ang puso ko sa kanila. Kaya heto gumawa ako ng kwento na tiyak na mag patawa, mag papangiti at mag bibigay ng aral sa inyo.


P.S

Marahil napapansin ninyo na IBA ang Facets sa mga naunang inilabas kong kwento. Hindi ito kasing bigat ng mga dating story na ipina-published ko. Hindi naman ibig sabihin nito ay pumapalya na akong bilang isang manunulat. Gusto ko lang mag experiment at gumawa ng kakaiba. Alam nyo iyon, kahit ako bilang manunulat ay napapagod rin kaya gusto ko lang ng isang kwento na petiks, chillax at tatawa ka lang pag nabasa mo. Sa halos 30+ na kwentong inilabas ko, lahat ng iyon nag may bigat ngunit hindi pare parehas. Nag hahanap lamang ako ng “something new” na mai ooffer ko sa iyo. So sana iwasan natin na ikumpara itong Facets sa ibang story ko kasi ay talagang ginawa ko lang ito para makapag libang tayo. Kumbaga ay BONUS story lang ito para may mabasa kayo habang nag hihintay ng mga bagong parating na kwento.

Speaking of bagong parating, ngayong 2019 ay muling babangon ang kwento ng isang Diyos na umibig sa isang mortal na tao. Lalangoy rin ang pinaniniwalaang hari ng karagatan at siya ang pinaka bagong miyembro ng Liga ng mga anghel. Kaya chillax lang kayo dyan.

Yun lang..

And Ai…. Thank You!

Reyna Part 1

Ang kwentong ito ay inihahandog sa mga babaihan dyan. Para sa inyo ito. First time kong gumawa ng ganitong kwento, sana ay magustuhan ninyo. salamat po.


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 8, 2019


STORY 2

Reyna

“Ibuka mo iyang hita mo, titingnan natin ngayon kung isa ka bang tunay na bakla o isang babaeng nag papanggap.” ang wika ng landlady ng dormitoryo

“Mader, bakla talaga ako. Mukha lang talaga akong babae. Babaihan nga e.” ang sagot ko naman at laking gulat ko noong kapain niya ang aking ari.

“Hmmm, may bukol nga. Medyo jutay lang kaya hindi halata.” ang wika nito

“Sabi ko naman sa inyo e isa akong bakla na mukhang 100% na babae. Taas ang kilay nyo no? Ganda lang!” pag yayabang ko naman sabay hawi sa aking mahabang buhok.

“Ang swerte mo naman mader, jutay iyang etits mo. Siguro kapag nag susuot ka ng swimwear sa mga contest ay wala kang worry na sumilip si junjun.” ang naiingit na hirit ng isang boarder.

“Syempre naman. Siguro lahat kayo ay mga daks kaya inggit na inggit kayo sa akin. Anyway tapos na ang meeting na ito. Napatunayan na ang dapat patunayan kaya babush!” ang pag papa alam ko naman sabay panhik sa aming silid.

Pag pasok ko dito ay agad kong hinubad ang aking bra at dito ay unti unting nag balik sa pagiging chararat ang aking anyo. Hindi ko alam kung paano nag simula ang lahat ito, basta ang alam ko lang ay dapat akong maging isang Reyna ng mga babaihan.

Iyon ang naka takda.

At ito rin ang dapat maganap..

Part 1

TV: And the Miss Universe is Philippines!!

“Ayyyyy! Nanalo tayo! Nanalo tayo mga baklaaaa!” ang sigaw ng Larry noong tawagin ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray. Halos himatayin ito noong pinuputungan ng korona ang naturang kandidata. Ako naman ay naka upo lang sa isang sulok na maluha luhang pinag mamasdan ang tagumpay ng bansa.

“Umiiyak ka talaga Freda? Ikaw ang nanalo teh? Itigil mo nga iyan lalo kang chumachaka!” ang wika nito sabay hampas ng unan sa aking ulo.

Hindi ko lang talaga maiwasang maging emosyonal lalo na kapag ganitong pageant ang usapan. Ito kasi ang pinaka boxing naming mga bakla. Kung ang tunay na lalaki ay holiday kapag laban ni Pacman, kami naman ay nag kakaisa kapag may ganitong event katulad ng Miss Universe.

Ako si Alfredo, tubong probinsya. Ngayon ay nasa 20 taon na ako at nag pplanong mag aral sa darating na pasukan. Bata palang ako noong maramdaman kong isa na akong sirena. Grade 2 ako noong mag simulang mag nasa sa bra ng nanay ko para isuot. Gusto ko ring lumalakad gamit ang kanyang sapatos na may takong. Kaparehong taon noong mag simula akong mangulekta ng mga paper doll at mga laruang pambabae.

Grade 4 ako noong mag simula kong idolohin si Sailormoon, sila talaga ang dahilan kaya mas lalo akong naging bakla. Pero sa kabila nito ay pilit ko itong nilabanan lalo’t isa pulis ang aking ama at gusto niyang maging alagad rin ako ng batas pag laki ko. Takot ako sa kanya kaya naman nagiging lalaki ako kapag siya ang aking kausap.

Grade 6 ako noong ipahawak sa akin ng malibog kong kaklase ang kanyang katutuli palang na ari. Tuwang tuwa ako habang hinihimas ko ito at iyon rin ang unang beses na nakatikim ako ng malabnaw at mapaklang nektar. Gayon pa man pilit kong ibinubulong sa aking sarili na ako ay isang lalaki, pero maya maya ay babawiin ko rin ito at sasabihin kong “babae talaga ako” na nakulong sa katawan ng isang panget na lalaking ito.

Isang araw habang nag iinuman ang aking ama at ang kanyang mga kasamahang pulis. Tinawag nila ako at pinakanta ng isang awitin. “Anak banatan mo nga mga ito ng Engelbert! Itong anak ko talaga e lalaking lalaki ang boses nito. Malaki at buo, kaya nga pag paki niya ay gusto ko rin siyang maging kagaya natin, mga pulis pare.” ang pag mamalaki ng aking ama.

Kinuha ko ang mikropono at nag simulang kumanta. Noong una ay talaga mababa ang nota kaya malaki ang along boses, ngunit noong tumagal at may kataasan na ang parte ay na carried away na ako at inipit ko na ang boses ko na parang isang babae na ikinagulat ng lahat. “Pare bakit parang babae na yung anak mo? Boses babae na o, bakla na iyan?” ang tanong ng mga ito

Lumapit sa akin ang aking ama at kinuha ang mic. “Doon ka na nga, puro kahihiyan ang ginagawa mo!” ang wika niya at dahil sa takot at nag tatakbo ako papasok sa aking silid.

Mabilis lumipas ang panahon. First year high school ako noong mahuli ako ng aking ina ang suot ang gown na binuburdahan niya. Ibayong takot ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon, wari’y naalis ang aking puso sa matinding kaba na baka hindi niya ako magandahan. “Anak, bakit suot ang gown ni Mrs. Flores?” ang tanong niya

“Hindi po ah.” pag tanggi ko bagamat talaga naka pakat na ito sa aking katawan.

“Huwag kana nga mag sinungaling, hayan at suot mo na e nag deny ka pa. Halika nga dito.”

“Ayoko po inay. Baka isumbong niyo ko kay itay e.”

“Hindi. Halika dito.”

Lumapit ako sa kanya na hindi maitago ang takot. “Ayusin natin itong likod kasi ay naka buka siya. At mas maganda dito kung nakataas ang buhok mo. Alam mo noong araw ay sumasali ako sa mga beauty contest kaso ay hindi ako nanalo. Kaya sana pag laki mo ay manalo ka at tanghalin kang isang tunay na reyna.”

“Inay, may ipag tatapat po ako sa inyo.”

“Ano iyon anak?” ang tanong niya

Umiyak ako at nag wika. “Bakla ako inay.”

“Bakit anak, hindi pa ba obvious? Naka gown kana nga diba? Baklang Twoe! Halika nga dito baka abutan pa tayo ng tatay mo.”

Wala akong masabi kay inay, sanggol palang raw ako ay alam na niya bakla ako dahil ang pag iyak ko raw noong iniluwal nya ako ay ipit na at parang atungal ng babae. Ayoko raw dumede sa asul na bote at mas gusto ko ang pink na chupon kaysa sa ordinaryong kulay nito. Si inay ang pinaka mabait, mapag mahal at pinaka mauunawaing taong nakilala ko, siya ang aking taga tanggol at inspirasyon sa buhay.

Ngunit dahil kabaitan ng aking ina ay maaga siyang kinuha ni Lord. Kaya naging bugnutin ang aking ama at madalas akong napapag buhatan ng kanyang kamay. Minsan ay isinisisi sa akin ni Ama ang pag kamatay ng aking ina dahil isa raw ako salot, malas na bakla. Pero ganoon pa man ay wala akong ibang pamimilian kundi ang mahalin siya dahil kami na lamang dalawa ang natitira.

Isang araw ay dumating ang kapatid ng aking ama, si Tito Awen na nasa edad na 27, makisig at maganda ang pangangtawan. Moreno ito at matangkad. Pinatira siya ng aking ama dito sa aming bahay dahil sa kanyang trabaho na malapit sa aming compound.

Mabait si Tito Awen, talagang pala ngiti ito at parati akong biniro. May pag kakataon na kapag kaming dalawa lang sa bahay ay nag huhubad siya ng pang itaas na damit at nag papa massages sa akin. Kapag naliligo naman niya ay sinasadya niyang ibukas ang pinto para makita ko ang kanyang kahubaran.

Isang tanghali, habang abala ako sa pag lilinis ng bahay ay dumating si Tito Awen, medyo naka inom ito. Nahiga siya sa papag at inuhubad ang kanyang pang itaas na damit. “To, ayos lang ba kayo? Gusto mo ng mainit na inumin?” tanong ko.

“Hindi na, maupo ka dito sa papag at masahihin mo ang ulo ko. Masakit kasi.” ang wika niya kaya naman kumuha ako ng vics ay hinaplos ang kanyang noo.

“Alam ba ng tatay mo na bakla ka?” ang tanong niya na along ikinagulat.

“Hindi po ako bakla tito.” sagot ko naman.

“Ha? Alam na ng buong mundo na bakla ah, kahit yung mga alien sa kalawakan ay naaamoy ka rin, deny mo pa rin?” pang aasar niya

“Eh hindi nga po e.” sagot ko naman

“Ganoon ba? Sayang naman. Gusto ko pa naman masuso.” ang wika niya sabay hubad ng pantalon at dito ay ipinakita niya ang kanyang ari na mataba at talagang malaki. Pulang pula ang ulo at nag lalabas ng kakaibang malapot na katas.

Napahinto sa aking ginagawang pag masahe sa kanyang noo dahilan para mangisi siya. Mukhang alam na alam niya kung paano ako akitin. “Alam kong madalas mo akong sinisilipan kapag naliligo o natutulog ako. Halika na, heto na ang pantasya mo.” ang wika niya at dito ay hinawakan niya ang aking kamay at ipinatong sa kanyang matigas na ari.

Hinimas himas ko ito, taas baba at siya naman napapasinghap lang habang ninanamnam ang kakaibang sarap.

“Isubo mo na. Bakla ka diba? Gustong gusto ng mga bakla ang sumusubo ng malaking ari.” ang wika niya sabay hila sa aking ulo at ipinasubo sa aking bibig ang galit na galit na pag kalalaki.

Napasinghap siya sa matinding sarap..

Noong una ay nag aalangan ako na susuhin ito pero noong lukuban na ako ng ibayong pag nanasa ay ginilasan ko ang aking pag suso kaya naman mas lalo pa siyang nabaliw.

Taas baba ang aking ulo sa kahabaan ng kanyang ari, ang ulo ay parang makopa at parang bakal sa tigas. Sarap na sarap ako sa pag lalaro ng aking dila at maya maya isinusubo ko ito ng buong buo sagad sa lalamunan.

Pinag igi ko ang pag silindro ng aking dila sa kanyang ari. Deep throat ang aking ginawa kaya mas lalo pa siyang nabaliw sa sarap. Nasa ganoong posisyon kami ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si itay. Dito ay nakita niya ang itsura namin ng kanyang kapatid. Naka subo ako sa kanyang pag kalalaki halos naka dikit ang aking bibig sa bulbol nito sa sobrang pag kaka baon sa aking lalamunan at ang kanyang kapatid ay ungol ng ungol sa sarap na parang baliw.

“Putang ina nyo! Alfredo! Anong ginagawa mo putang ina kaaaaa!” ang bulyaw ng aking ama kaya sa takot ay iniluwa ko ang ari ni tito at tumayo.

Si tito naman ay itinaas ang kanyang pantalon. “Bakla ang anak mo kuya. Inaakit niya ako at sinabing sususuhin niya ako kundi ay isusumbong niya ako sa gf ko na nambabae!” ang wika nito

“Hindi totoo, sinungaling ka tito. Ginusto mo ito!” ang sigaw ko

“Sinungaling! Bakla ka. Pati ako tinalo mo!” ang sigaw rin niya

Sasagot pa sana ako ngunit isang malakas sa sapak ang pinakawalan ng aking ama na tumama sa aking mukha. Bugbog sarado ako noong mga sandaling iyon at halos para akong hayos na nilatayan ng paulit ulit. Inilubog pa niya ako sa isang balding tubig at saka pinalo ng sinturon hanggang sa mag kalatay ang aking braso, hita, likod at mukha.

Paulit ulit niya ako sinasaktan at pinag bubuntunan ng galit..

Dahil sa matinding sama ng loob, noong gabing iyon ay binasag ko ang aking alkansiya na pambili ko sana ang gown para sa prom night ng mga bakla sa aming barangay. Ito ang ginamit ko para umalis at mamuhay na malayo sa aking ama.

Mag buhat noon ay isinumpa ko na hindi na ako babalik sa aming probinsya at ang pangalang Alfredo ay patay na..

Itutuloy..

Reyna Part 2

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 10, 2019


STORY 2

Reyna

Part 2

Namuhay ako sa siyudad, namasukan akong isa taga walis sa parlor at taga buhat ng paninda sa palengke. Ngayon ay malaya na ako mula sa pananakit ng aking ama at kahit kailan ay hindi na niya ako makikita pang muli.

Sa kasalukuyan ay naging masaya ang aking buhay bakla. Nag karoon ako ng maraming kaibigan at lahat sila ay itinuturing akong kapamilya, sila halos ang kumupkop sa akin at hindi nila ako itinakwil katulad ng ginawa ng aking ama noon.

Kahit matagal na panahon na ang lumipas ay nanatili pa rin sa aking isipan ang sinabi ng aking ina na “sana ay maging isang tunay akong reyna.” Pero paano mangyayari iyon e lumaki ako sa hirap at sa pag kakarga ng mga mabibigat na bagay sa palengke kaya’t ang aking pinapangarap na babaihang katawan naging muscles, gumaspang at umitim pa ang aking mga balat. Waley, parating comedy ang labas ko sa mga Miss Gay na sinasalihan ko.

“Ayan, paano kang mananalo e mukha kang kargadora. Ang mainam pa ay ikaskas mo ito sa balat mo para kuminis ng kaunti.” ang wika ni Larry sabay abot ng lotion sa akin.

“Syempre naman ay kumakayod ako araw araw pati panlalaking trabaho ay pinapatos ko na rin para kumita.” ang tugon ko naman.

“Kawawa ka naman talaga Alfreda, pero di bale mag nenectar tayo mamaya. Mamili ka, bagets, borta o sekyu?” ang tanong niya

“Eh okay na yung bagets. Okay na rin yung sekyu. Ayoko ng borta kasi diba karamihan ng borta ay dating bakla na lumaki ang katawan? Sila yung mga hindi nag tagumpay sa buhay babaihan kaya nag pakaborta nalang para mas bumenta. Hindi ako kumakain ng pekeng kauri frend.” ang tugon ko sabay upo sa harap ng telebisyon.

“Yang ganda mong iyan choosy ka pa? Ako Alfreda tigilan mo ha. Sige ikaskas mo na yang lotion sa katawan mo, baka sakaling mawala yung mga kurikong.” ang wika niya sabay lipat sa isang channel

TV: Hi, Ako si Marga. Iniimbitahan ko kayo na sumali sa aming samahan ng mga babaihang hinahangaan sa buong bansa. Lahat tayo ay may purpose at iyon ang ating layunin.

Akala nila kapag sinabing bakla ay puro katatawanan lang ang alam. Pero panahon na para ibahin ang pananaw na iyon. Dahil sa aming samahan ay tuturuan kayong maging isang tunay na Reyna ng kagandahan na hinahangaan at tinitingala ng lahat.

Dahil ang isang babaihan ay hindi lang basta maganda, dapat ay STAR ka!

Sali na.. Hinihintayin kita.

Queen of Queen Org!

Ang reyna ang kagandahan..

End of commercial

“Shit! Grabe sobrang ganda naman ni Marga. Mukha na talaga siyang babae, mas maganda pa sa tunay na babae.” ang wika ko.

“May budget ang ganda niya. Aabot ba sa ganyang level ang beauty niya kung wala siyang pera? Pera pera lang sa panahon ngayon.” wika ni Larry

“Bakit di tayo sumali sa Q of Q Org nila? Parang iyon na ang kasagutan sa pangarap namin ni inay na maging isang reyna ako.” ang wika ko

“Hala, nababaliw ka na ba? Hindi ka pwede dun. Kumbaga mga asong may breed lang ang tinatanggap doon, yung magaganda na araw araw ginu-grooming para maging presentable. Yung mga katulad natin ay mga asong kalye na ginagawang asocena ng mga tambay na lasing doon sa kanto. Huwag kana mangarap at mag focus ka nalang sa darating na Miss Gay Bangungot 2019 at baka manalo ka pa doon. Kung sa bagay kahit matalo ka ay magagamit pa rin natin ang mga damit mo sa Miss Gay Undas at Miss Gay Alien 2019!” ang wika ni Larry sabay patay sa TV

“Bakit puro ganoon ang nilalaban ko? Wala bang Miss Gay Barangay? Miss Gay International?” tanong ko

“Abah, Alfreda, yang mga ganyang mukha ay walang karapatang mamili. May mga pacontest na para sa mga katulad mo kaya huwag kana mag ambisyon ng iba. Gagang to.” sagot ni Larry

“Pero noong makita ko si Marga ay parang nainspired akong maging maganda rin.” ang bulong ko

“Ofcourse! Marga Delfin is Marga Delfin. Lodi sya, role model at tinitingala ng lahat. 96.5% babaihan. Pinaka mataas sa counter sa nag daang apat na taon. Meaning, walang makakapag tumba sa kanya. Ang second place niya ay si Carla Grasa na 90%. babaihan.” wika ni Larry

“Diba mayaman rin si Carla? At naka tira siya sa thailand, doon siya nag pa retoke all over. Lucky girl.” ang tugon ko.

“Kaya nga, wag kana mangarap, practice kana ng talent mo. Yung gaas ay ibubuga sa apoy at hindi lulunukin okay? Kaloka ka, last time muntik nang masunog ang pez mo. Buti nalang hindi tumalab ang apoy sa kapal ng balat mo.” pang aasar niya

“Pero ayokong sumali sa miss Gay Bangungot na iyon. Gusto kong maging katulad ni Marga Delfin at Carla Grasa.” pangangarap ko

“Iyon ang bagay na hindi pwede kahit mamatay ka pa. Minsan ang pangarap ay hanggang pangarap lang. Masasaktan ka lang kapag inisip mo pa ito. Kung gusto mong matupad ang pangarap ng nanay mong maging reyna ka, doon ka sa contest na may chance ka. Pang ganoon lang ganda mo kaya pag tiyagaan mo na.” ang wika niya sabay katok sa akin.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pag pasok ni Berting ang ibig kong sabihin ay Betty na siya ngayon. Siya ang kaibigan namin ni Larry na talagang pinag uukulan ng panahon ang pagiging babaihan. Ang buhok ay mahabang may kulay, nag patangos ito ng ilong, umiinom ng kung ano anong gamot na hormones para maging babae at kamakailan lang ay nag lagay na siya ng suso sa kaibigan niyang doktor ng mga bakla.

Lumakad ito at umiikot ikot sa aming harapan. “Anong mayroon?” tanong ni Larry

“Hindi nyo ba napapansin?” tanong niya sabay hawak sa kanyang bewang.

Nagkatinginan kami ni Larry sabay kibit ng balikat. “Hindi e, ano ba iyon?”

“Ano ba kayo, nag pa balakang ako oh, nakita nyo ba? Dalawang turok lang ito pero naenhance na agad. Achieve na achieve!” sagot niya sabay ipinapakita ng bewang na may kurba

“Wow, maganda. Magkano?” tanong ko

“Dati pa rin. 1k ang turok. Alam mo naman kay mamita, kailangan may anda para maging maganda.” ang maarteng salita nito.

“Oy ikaw bakla mag ingat ka sa pag papaturok mo ha. Baka mag kasakit ka.” ang wika ni Larry

“Inggit lang kayo kasi bukod sa injection ni mamita tumuturok sa akin ay itutuhog pa ako ng bf kong gwapo.” ang pang iinggit niya

“Bf na gwapo? Yung grade 12? Kay payat at adik pa sa mobile legends. Habang tinutuhok ka niya ay naka hawak naman siya sa pitaka mo. Gagang to.” ang wika ni Larry.

“Inggit lang kayo kasi nakaka nectar ako gabi gabi. Feeling ko nga jontis na akey, bareback pa more! Creampie everywhere!.” sagot ni Betty

“Kadiri ka naman. Excuse me nag nectar din ako kagabi.” wika ni Larry

“Eh ikaw Alfreda, nag nectar ka ba?” pang aasar ni Betty

“Hindi e, walang kota. Saka hindi ko na iniisip ang mga ganyang bagay ngayon dahil iba ang mindset ko.” ang tugon ko dahilan para tumaas ang kilay nila.

“Nga pala, nakita nyo ba yung commercial ni Marga Delfin? Yun about sa Legendary Org nila na Queen of Queens?” ang tanong ni Betty

“Wag mo sabihing gusto mo ring mag join doon?” tanong ko naman

“Aba e why not diba? At nag pa metro ako kanina para malaman ko ang percentage ng pagiging babaihan ko.” ang pag yayabang ni Betty

“So ilan?” tanong ni Larry

“75.56%, ang ibig sabihin kay kaunting porsiento nalang ang natitirang mukhang lalaki sa akin kaya kailangan ko pang mag pa turok! Dyan na nga kayo! Mag papa cheekbone pa ako ngayon!” ang wika niya sabay takbo sa labas.

“Kung mag pa metro kaya tayo Larry?” tanong ko

“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin bakla ka..” ang sagot niya na parang nanakot.

“Bakit naman?” tanong ko

“Dahil masasaktan ka lang! Kaya nga ako iwas akong mag pa metro dahil nasaktan ako. Gawin mo na lahat, chumupa ka ng high school, mag pasok ka ng isang baseball bat sa wetpaks mo o mag pa gangbang sa 50 sekyu! Wag ka mag papa metro dahil para kang nag suicide non!” ang tugon niya

“Dahil mahirap harapin ang katotohanan na hindi naman talaga ako babaihan ganoon ba?” tanong ko na may halong lungkot.

“Hindi naman sa ganoon pero mahirap talagang harapin ang takot lalo na kung ang mali sa iyo ay ang mukha mo.” ang tugon niya

Hindi nalang ako kumibo at malungkot akong tumayo sa aking kinauupuan. “Saan ka pupunta? Hindi naman joke yung sinabi ko Alfreda. True iyon. At ang kaibigan ay nag sasabi ng totoo kahit masakit pa ito.”

“Ayos lang, dyan lang ako mag pupunta, mag ppractice ako ng talent ko sa miss gay bangungot.” ang malungkot kong sagot sabay labas sa aming parlor.

Habang nasa ganoong pag lalakad ako ay biglang may tumamang papel sa akin at pumakat ito sa aking mukha kaya naman nag panic ako dahil ayaw niyang maalis. “Saklolo! Pinapatay ako ng papel!” ang sigaw ko habang inaalis ang papel sa aking mukha.

Makalipas ang ilang sandali ay kusa itong naalis at dito ay nakita kong isa pala itong flyers ng organization na QofQ kung saan mukha ni Marga ang nakalagay na logo.

Ewan ngunit nakaramdam ako ng pag kalito sa pag yayaring iyon..

Napaisip ako..

Ang pag pakat ba ng papel sa mukha ko ay senyales na tumuloy ako at lumaban para sa kagustuhan kong maging bahagi ng organisasyon? O isinasampal nito sa mukha ko ang hubad na katotohanan na may mga bagay na hindi pwede at dapat kalimutan?

Itutuloy..

Reyna Part 3

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 11, 2019


STORY 2

Reyna

Ang pag pakat ng papel sa mukha ko ay senyales na tumuloy ako at lumaban para sa kagustuhan kong maging bahagi ng organisasyon? O isinasampal nito sa mukha ko ang hubad na katotohanan na may mga bagay na hindi pwede at dapat kalimutan?

Part 3

Isang malakas na liwanag ang tumama sa aking mukha habang palabas ako sa isang magarbo at mamahaling sasakyan. Suot ko ang pinaka maganda at pinaka mahal na gown habang binabalot ng kakaibang kinang ang aking katawan. Ramdam na ramdam ko ang hindi mapapantayang kagandahan noong mga sandaling iyon habang marahang lumalakad sa red carpet. Kitang kita ko ang logo ng Queen of Queens Organization kung saan naroon si Marga Delfin, ang aking inspirasyon at idolo, naka tayo siya sa gawi roon at hinihintay ang aking pag dating.

“Ang ganda mo talaga Freda! Isa kang tunay na Diyosa! Babaeng babae!” ang narinig kong wika ni Larry habang naka sampa sa bakod at pinanood ang aking pag lalakad.

“Salamat Larry, sana ikaw rin ay maganda!” ang tugon ko naman habang kumakaway.

Maya maya ay tinutukan ako ng isang beki, itinapat sa akin ang “babaihan counter”, umilaw ito at kinompute ang porsiento ng aking kagandahan..

“WOW! 99.99% ang pagiging babaihan mo, wala nang bakas ng pagiging lalaki ang katawan mo Freda! Ikaw na talaga!! Ang ganda mo isa kang tunay na Diyosang nabubuhay sa mundong ibabaw!” ang wika niya

Maya maya ay lumapit sa akin si Marga Delfin at hinalikan ako nito sa pisngi. Inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking bewang at dito kapwa kami humarap sa mga media at press habang isa isang nag fflash ang nakasisilaw nilang camera. “Ang gaganda nyo, para kayong kambal ni Marga. Bagay na bagay kayo, mga tunay reyna ang QofQ org!” ang wika ng reporter

Ngumiti ako at buong yabang na kumaway sa kanila, hindi mapapantayan ang aking kaligayahan noong mga sandaling iyon. Hindi ako makapaniwala na heto ako, hinahangaan at tinitingala ng lahat.

Palakpakan…

Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lamang may bumalibag ng bulok na kamatis sa aking mukha at kasabay nito ang muli kong pag panget. Nagulat ang lahat at nag tawanan.. “Hindeeeee! Hindeeee!! Ayoko nito!! Ayokong pumanget!!! Ayookkkkooooo!” ang sigaw ko sabay balikwas ng bangon mula sa higaan.

Isang panaginip lang pala ang lahat..

“Ayaw mong pumanget? Edi mag pakamatay ka nalang Freda! Chakang to!” ang wika ni Betty habang abala sa pag rerebond ng customer.

Napabuntong hininga ako at napa tingin sa salamin “Panget ba talaga ako?” ang tanong ko naman.

Tumingin sa akin si Betty at pati ang kanyang customer at sabay silang tumango na may halong sad face kaya pati ako ay nalungkot rin.

Nasa ganoong posisyon kami ng biglang pumasok si Larry hawak ang isang bagay na animo cellphone o calculator na hindi mo maunawaan. “Heto na mga bakla! Heto na ang isinisigaw ng bayan! Ang “BABAIHAN GUIDER COUNTER!” ang pag mamalaki nito

“Akala ko ba ay pag sisishan ko kung gagamit tayo niyan?” tanong ko

“Eh naisip ko na mainam na rin na malaman natin ang ating status para malaman natin ang hahabulin natin.” ang wika nito at mula sa kanyang likuran ay dumagsa ang mga bakla, may bagets pa at may matanda. Halos lahat sila ay gustong mag pa counter, hindi maitago sa kanilang mukha ang matinding excitement.

“Sampung baklang ambisyosa ang mag papa counter ngayong araw, kabilang kana doon Freda! Mag kaalaman na. Pila dito!” ang wika ni Larry

“Teka ateng, para saan ba kasi iyan?” ang tanong ng isang beking bagets

“Hay nako, bata ka pa kasi. Grade 5 ka palang kaya hindi mo masyadong maappreciate ito. Pero sige ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ba itong “babaihan guider counter” na ito.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang controller na parang isang modelo.

“Ang BABAIHAN GUIDER COUNTER ay isang uri ng makina na ginagamit panukat sa ganda at katauhan ng isang bakla. Lahat naman tayo bilang isang bakla ay nangangarap maging babae kaya ginagawa natin ang lahat para maging isa sa kanila, nag papahaba tayo ng buhok, nag papa turok ng suso, ng pisngi, ng balakang para maging isang magandang babaihan. Pero sa kabila ng mga efforts natin, naitanong nyo bas a inyong sarili kung sapat na ba iyon? Babae na ba kayo sa paningin ng mga lalake? Marahil ang iba sa atin ay nag dududa pa rin. Kaya naman nilikha ang guider counter na ito.

Una: susukatin nito kung ilang porsiento sa katawan mo ang babae. Halimbawa itinapat ko ito ay Petra, ang lumabas sa counter ay 30%. Ang ibig sabihin noon ay 30 porsiento lamang ang babaihan sa katawan niya at yung 70% ay lalaki pa rin. Sa makatuwid ay mukha pa rin siyang lalaki!

Ikalawa: Never pumalpak ang guider counter na ito dahil gawa ito sa isang high technology equipment na nag lalayong tulungan ang ambisyon ng mga baklang beauty queen na maging ganap na babae.

Ikatlo: Pumila kayo ng maayos at baka isampal ko sa inyo ang counter na ito. PILA!!!

Pumila ang lahat at nauna sa pila ang batang beki kaya naman agad itinutok ni Larry ang counter kanyang mukhang pababa sa paa. Tumutunong ito na parang iniiscan ang kanyang katawan. “Ano na meme? Ilan na ako?” ang tanong niya

“Ikaw ay 6%, iyon ang porsiento ng pagiging babaihan mo, eh bata ka pa kasi saka grade 5 ka palang. Tumikim ka muna ng nectar ng kklase mo.” ang wika ni Larry sabay paalis dito.

Tawanan sila..

Nag patuloy ang pag sukat ni Larry

“10%, 22%, 13%, 32%, 6% jusko po doon ka nga lalaking lalaki ka. Wala man lang bang papalo ng 50% sa inyo?” ang dismayadong tanong ni Larry

“Ako! Ako na sukatin mo!” ang wika ni Betty kaya naman nilapitan siya ni Larry at itinapat ang counter mula ulo hanggang paa.

Tumunog ito..

“Ilan? Achieve diba?” ang tanong nito

“57% ka Betty.” wika ni Larry na ikinamangha ng iba at ikinadismaya niya. “Sira yata iyan eh! Dati ay nasa 75% na ako, bakit bumaba pa?” ang tanong nito

“Eh siguro hindi nagustuhan iyang bagong cheekbone mo, masyado kasing maga na parang tinadyakan ng kalabaw. Pero congratulations Betty ha, 50% babaihan ka. Ang taas ng winrate mo beh!” ang wika ni Larry. “O halika na dito Freda, magising kana sa katotohanan!” ang wika ni Larry

“Ayoko, wala akong hilig sa ganyan.” pag tanggi ko.

“Hindi maaari! Ito na ang moment of truth! Hawakan nyo siya at huwag pakakawalan!” ang utos ni Larry kaya hinawakan ako ng mga beki sa magkabilang braso.

Malakas sila kaya kahit anong piglas ko ay hindi ako maka laban. Para tuloy akong sinaniban ng masamang espiritu habang itinatapat niya sa akin ang counter.

Maya maya huminto ang pag tunog nito hudyat na tapos na ang pag sukat..

“Ilan?” ang tanong ko

“Hmmm, 18%. Yan ang babaihan sa iyo at ang lahat na ay mukhang lalaki.” ang sagot ni Larry sabay pakita sa resulta na “18% FAILED”

Tawanan sila..

“Hindi totoo iyan! Hindi iyan totoo!” ang sigaw ko habang napapa atras na parang masisiraan ng bait. “Ilayo nyo sa akin iyan! Ilayo nyoooo!!” ang dagdag ko pa sabay takbo palayo sa kanila.

Ibayong lungkot ang lumukob sa aking pag katao noong mga oras na iyon. Pakiwari ko ay parati akong inaapi, parati akong pinag susukluban ng pait ng tadhana. Hindi ko na kaya! Parati na lang ba akong bigo? Ang sakit sakit na talaga..

Napahinto ako sa isang eskinita at dito ay hindi na nakapag pigil ang aking luha sa pag patak. Hindi ko maipaliwanag ngunit masakit talaga ang katotohanan lalo’t hindi mo ito kayang tanggapin. Bakit kasi nauso pa yung babaihan counter na iyon! Lalo lamang gumuho ang pangarap kong maging maganda.

Habang nasa ganoong pag iyak ako ay naramdaman ko ang patak ng ulan sa aking ulo. Tila ba nakikidalamhati rin sa aking kalungkutan ang kalangitan, siguro ay lungkot na lungkot sila sa mga trahedyang sinasapit ko sa aking buhay.

“Bakit ganoon? Maaraw naman sa paligid? Bakit parang sa akin lang umuulan?” tanong ko sa aking sarili at dito ay napatingala ako..

“Pwe!!” ang sigaw ko noong makita ang isang batang umiihi sa itaas ng bahay. Tumawa pa ito at dumila sa akin kaya naman lalo ako humagulgol ng iyak saka nag tatakbo palayo.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ako sa isang parke kung saan makikita ang isang malaking gusali ng QofQ organization. Dito pumapasok at tumitira ang mga babaihang elite, mga modelo, beauty queen at kapag nakapasok ka dito ikaw talaga ang hahabulin ng mga lalaki.

Katulad nalang ng isang iyon, isang magandang babaihan na nakatayo sa labas ng tarangkahan ng gusali. Kitang kita ko kung paano siya suyuin ng isang gwapong basketball player, may dala pa itong rosas at tsokolate pero hindi niya ito tinanggap. Kahit anong pag mamakaawa ng lalaking iyon ay bale wala lang sa kanya.

Iba talaga ang maganda, ikaw ang hahabulin at hindi ikaw ang mag hahabol..

Tahimik..

Nanatili ako sa ganoong pag kakaupo ng may isang sasakyang huminto sa aking harapan. Bumaba ang isang beki dito na parang isang sekretaryang hindi mo mawari sa dami sa papel na hawak. Inabutan ako nito ng isang libong piso. “Heto, pambili mo daw ng pag kain sabi ni Miss Marga.” ang wika niya sabay turo kay Marga na naka salamin at ang kinis kinis niya na parang isang mannequin. Parang nabigla ako sa aking nakita kaya hindi agad ako naka imik. “Hay kawawang pulubi, dumadami na talaga ang mga baklang walang matuluyan, siguro ay dapat pag tuunan natin ito ng pansin.” ang wika ng sekretaryang umaakyat sa magarbong sasakyan.

Hindi ako makapaniwala na makita ko si Marga, ang aking inspirasyon at hinahangaan sa lahat ng bagay. Ayos lang na napag kamalan niya akong pulubi. Ang mahalaga ay nasulyapan ko siya at naka tikim ako ng kaibaitan niya.

Lalo lamang tuloy umusbong ang aking pag nanais na maging katulad niya bagamat talagang imposible ito.

Itutuloy..

Reyna Part 4

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 11, 2019


STORY 2

Reyna

Part 4

“Bakit hindi mo gawing steppingstone iyang Miss Gay Bangungot 2019 para maachieve mo ang dream mo. Pwede ka naman sumikat bilang komedyanteng beauty queen katulad nila Elsa Droga at iba pa diba.” ang wika ni Larry habang inaayos ang aking costume.

“Pero mas gusto ko yung babaeng maganda, yung desente. Yung premyo dito ay ipantuturok ko para mag karoon ako ng suso.” ang wika ko naman.

“Gaga, hindi bagay sayo mag karoon ng suso dahil mag mumukha kang urangutang.” sagot ni Larry.

Dumating ang gabi ng pa contest ng Barangay, ang lahat ay nasa gym para manood at matuwa. Syempre alam naman nila na kapag ganitong pa contest ay mga wirdo at mapapel na bakla ang mga laban. Yung iba nga ay may dala pang back up habang nag lalakad sa stage. Yung iba naman tumatambling pa at nag exhibition na parang isang payaso para mapansin.

“Malapit kana Freda, huwag kana mag maganda ha. Alalahanin mong papangitan ang labanan dito!” ang paalala ni Betty

Maya maya ay tinawag ang aking numero. “Candidate number 12.”

“Ikaw na, kaya mo iyan!” ang wika ni Larry.

Ngumiti ako ng ubod ng ganda at magilas na lumabas sa stage. “Pak! Palong palo ang ginawa kong pag pose! Pak! Isang pose pa sa gilid! Tuwad dito at tuwad doon para lang mapansin. Nagawa ko pang mag slide sa hagdanan kaya natawa ang lahat.

Hindi mag kamayaw ang tawanan na may halong pang lalait at pangungutya. Halos hindi na ako makapag salita dahil sa lakas ng kabilang tawanan na talagang pang comedy nalang ang ganda ko at hanggang dito nalang iyon.

Maayos kong nairaos ang national costume, ang swimwear at ang talent portion, pati pag buga ng apoy na naisagawa ko rin ng maayos katulad ng aking napag practice-san namin nila Larry kaya naman manghang manga ang lahat sa aking pag buga ng apoy. “Galingan mo Godzilla!” ang pag tatawa ng host pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makatapos ang aking katutubong sayaw.

Alas 11 ng gabi, noong inannounce ang top 5 naturang patimpalak. Tinawag sina Candidate number 8, 9, 10, 11 at 13.

Sa sunod sunod na number iyon ay nilagpasan ang aking numero kaya napa busangot na lamang ako habang pumapalakpak. Sayang ang effort at hindi rin ako makakapag paturok dahil nga wala naman akong cash prize. Nga nga lang aking inabot at ang iuuwi ko ay isang kahong tawanan at panlalait.

“Sad ka? Okay lang yun, nakasali ka naman sa top 10 e.” ang wika ni Larry habang inaayos ang aking mga gamit.

“Masakit lang dahil panget na nga ako ay natalo pa ako ng mas panget sa akin! Panget sa panget ang ending delubyo!” ang umiiyak kong salita.

“Wag kana malungkot isang malaking karangalan na nga na umabot ka sa top 10, biruin mo 15 kayo. Ang dami nyo, naka hirap pa ng labanan dahil lahat kayo ay pantay pantay sa looks!” ang wika ni Betty

“Gusto mo tuhugin ko ng ice pick iyang suso mo? 15 kami at puro panget pa yung mga kalaban ko, tapos natalo pa ako? Anong mukha na lang yung ihaharap ko sa nanay ko? Ni hindi man lang maputungan ng korona yung ulo ko. Koronang tinik wala akong mukuhaaaa!!” ang umiiyak kong sagot.

“Hay, wa say naman ang mudrax mo kasi nga ay tegi na siya. Im sure proud siya sayo.” pang aamo ni Larry.

“Ayoko na! Hindi ko na kaya! Gusto ko na mamatay! Pagod na akong mabigo!” ang sagot ko sabay tayo at nag tatakbo palayo sa kanila

“Hoy, gaga doon yung gate sa kabila! Bobaaa!” ang sigaw ni Betty kaya naman bumalik ako at nag tatakbo sa kabilang diretsyon.

Takbo nanaman..

Ito lang talaga ang kaya kong gawin kapag nasasaktan. Yung pakiwari ko ay makabuntot ang sakit sa aking likuran na parang isang aninong hindi maalis alis. Kaya kahit anong bilis ang gawin kong pag takbo palayo ay wala akong magawa dahil kapag huminto ito ay yayakapin at yayakapin pa rin ako hanggang sa wala akong magawa kundi ang umiyak.

Patuloy ako sa pag takbo patungo sa paanan ng bundok kung saan makapag iisip ako ng pamayapa at walang sinuman ang makakarinig sa aking pag iyak, kahit mag sisigaw ako doon ay humagulgol ay walang may paki alam.

Dahil sa matinding pagod ay napaupo na lamang ako sa ilalim ng puno at dito ay mahigpit kong niyakap ang aking sarili habang patuloy sa pag luha. Hindi ko alam hanggang kailan matatapos ang kabiguang ito ngunit parang gusto ko na rin sumuko, sa buong buhay ko yata ay puro sakripisyo at pag katalo nalang ang aking nararanasan, mula sa aking ama, sa aking ina at maging sa estado ng aking buhay. Minsan sumasagi sa aking isipan ang mag quit at huwag na tumayo pang muli.

Tahimik..

Nanatili ako sa ganoong pag kakadukdok sa aking tuhod ng maramdaman kong may isang kamay na umakbay sa aking balikat, kaya naman na balikwas ako ng tayo at hindi sinasadya na masapul ko ang kanyang mukha. “Aray! Ako na nga lang ang dumadamay ako pa ito mawawasakan ng pez.” ang reklamo niya. Naka suot ito ng kulay puting damit na kumikinang kaya naman dahil sa takot ay nag sisigaw ako. “Malignoooo! Tulungan niyo ko!!”

“Heh! Mas mukha kang maligno sa akin hano, akala mo ba maganda ka? Pangit! Mah niggah!” ang wika nito sabay hampas sa aking mukha. “Huwag kang matakot sa akin Alfredo, ako ang tutulong para matupad ang pangarap mo.” ang wika niya

“Sino ka ba? Galing ka ba sa Miss Gay Pang Bangungot? Kalaban ba kita kanina?” ang tanong ko

“Gaga, isa akong diwata. Narinig ko ang panaghoy mo at naawa ang kalikasan sa iyo Alfredo kaya heto ako para tulungan ka.” ang wika niya

“Diwata? May ganyan pa ba ngayon? Panaginip lang ito hindi ba? Panaginip lang ito.” ang wika ko habang kinukusot ang aking mata.

Ngumiti sya at inilahad ang kanyang kamay. “Halika Alfredo, lumapit ka sa akin.” ang mahinahon at malambing na tinig niya kaya naman humakbang ako para lumapit.

Noong nasa harap na niya ako ay isang malakas na sampal ang iginiwad niya sa akin. “PLAK!!!”

“Aray! Bakit mo ako sinampal?”

“Masakit diba? Iyon ang patunay na hindi ito isang panaginip. Narito ako para tulungan ka pero bago iyon nais ko munang mag pakilala sa iyo. Ako si Fairy Fairy. Mula ako sa lupon ng mga diwata sa kakahuyang ito. At naparito ako para bigyan ng pag asa ng mga katulad mong sawi, kawawa, panget, at walang SAY sa buhay.” ang paliwanag niya

“Fairy Fairy? Fairy ang name mo?” ang tanong ko

“Yes. Bakit may problema ba tayo?” ang tanong niya

“Ah e wala, medyo kahawig mo lang yung komedyanteng si Negi, pero huwag mo nalang pansinin yung mga sinabi ko. Anong tulong ba iyang ibibigay mo sa akin?” tanong ko naman bagamat sa loob ko ay hindi pa rin ako ganoong naniniwala.

“Tutulungan kita at tutulungan mo rin ako. Give and take ang mangyayari.” ang naka ngiti niya sagot

“Gaga! Hindi tayo talo no, lokang to!” ang tugon ko

“Ano ka ba, mali ang iniisip mo. Ang nais kong iparating sa iyo ay tutulungan kita at tutulungan mo rin ako. Ganito kasi iyon, makinig ka ha, monoloque ito. Doon sa aming lugar na Fairy Land ay may taunang patimpalak ng gandahan ang “Fairy Queen 2019” at isa ako sa kalahok nito. Bilang isang kandidata ay mag hahanap kami ng isang taong matutulungan namin at ikaw ang napili ko. Kung papayag ka sa nais ko ay matutulungan mo na rin ako sa aking beauty with a purpose. Ano okay ba sa iyo? Tiyak na sa itsura mong iyan ay maliligwak na yung kalaban kong si Wanda at Estelle.“ ang wika niya

“Aba, may contest rin pala kayong mga diwata?” ang tanong ko

“oo naman at hindi lang basta patimpalak ito. Ito ang pangarap ng lahat ng diwata sa fairy land. Ano game ka ba?”

Ngumiti ako. “Game na.” ang sagot ko

“Eto ang maitutulong ko sa iyo Alfredo, ibibigay ko sa iyo ang pangarap mong anyo gamit ang bagay na ito.” wika niya sabay labas ng isang pulang bra. “Ito ang bra ng katarungan! Bibigyan katarungan nito ang ilang taong pag sadlak mo sa dusa, ikaw ay taas noong lalakad at ang lahat ay titingalain ka ng bonggang bongga.” ang wika niya

“Ibig sabihin ay gaganda ko kapag isinuot ko iyan?” ang hindi ko makapaniwalang tanong. “Baka nananigip lang ako?”

“PLAK!”

Isang sampal nanaman ang iginawad niya sa aking mukha..

“Hindi ka nanaginip Alfredo, sige isuot mo na.” ang utos niya kaya naman agad akong nag hubad para isukat ang bra. Pinakat ko ito sa aking dibdib pilit pinag abot ang lock sa likod..

“Scheeekkkkkk!” nawasak ang bra at napunit.

“Hala bakit napunit?” ang tanong ko

“Masyado kasing malaki ang katawan mo Alfredo, akin na nga dito at mairepair. Hindi ko naman ineexpect na lalaking maskulado pala ang katawan mo noh.” ang wika nito sabay magic sa bra at lumaki ang size nito.

Ngayon ay maayos ko na itong maisusuot, at hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon..

Noong maipakat ko ang pulang bra ay nag liwanag ang aking buong katawan at dito ay unti unting nag bago ang aking anyo, ang aking balikat ay lumiit, ang aking baywang ay naging sexy at nag karoon ako ng perpektong dibdib. Humaba ang aking buhok at ang aking balat ay sobrang kinis na parang isang mannequin. “Anong nangyari sa akin? Bakit naging babae ako?” ang tanong ko pero ganoon pa rin ang aking boses

“Ano ka ba, hindi ka babae, isa ka lang perpektong babaihan. Iyan ang nais mo diba? Ngayon ay matutupad mo na ang iyong nais na makasali sa QofQ org!” ang masayang wika ni Fairy Fairy.

“Teka muna, unlimited na ba ito? Permanente na ba ito?” tanong ko naman na hindi maitago ang matinding saya

“Siyempre ay hindi noh, ang bisa ng bra na iyan ay mawawala sa dalawang bagay na ito. UNA: Kapag hinubad mo ito ay babalik ka sa dati. IKALAWA: kapag tumapat ang orasan sa alas dose ng umaga (12midnight) ay babalik sa pagiging chararat na maskuladong bakla. Nag kakaunawaan ba tayo?” ang tanong niya

“Hala e bakit may limit?” reklamo ko

“Dahil may limitasyon ang kaligayahan Alfredo.Kung ang bawat oras sa ating buhay ay parating masaya para saan pa ang lungkot? Mawawalan ito ng saysay. Ngayon kung gusto mo ng unlimited na kaligayahan na walang cut, mas mabuti pang patayin na kita para maging masaya ka sa feeling ni Lord! Baklang twoe, hindi ka naman babaihan talaga!! Bye!” ang wika niya at biglang nag laho ang kanyang imahe sa aking harapan.

Nawala rin ang liwanag sa paligid at bumalik sa normal ang lahat.

Itutuloy..

Reyna Part 5

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 12, 2019


STORY 2

Reyna

“Teka muna, unlimited na ba ito? Permanente na ba ito?” tanong ko naman na hindi maitago ang matinding saya

“Siyempre ay hindi noh, ang bisa ng bra na iyan ay mawawala sa dalawang bagay na ito. UNA: Kapag hinubad mo ito ay babalik ka sa dati. IKALAWA: kapag tumapat ang orasan sa alas dose ng umaga (12midnight) ay babalik sa pagiging chararat na maskuladong bakla. Nag kakaunawaan ba tayo?” ang tanong niya

“Hala e bakit may limit?” reklamo ko

“Dahil may limitasyon ang kaligayahan Alfredo.Kung ang bawat oras sa ating buhay ay parating masaya para saan pa ang lungkot? Mawawalan ito ng saysay. Ngayon kung gusto mo ng unlimited na kaligayahan na walang cut, mas mabuti pang patayin na kita para maging masaya ka sa feeling ni Lord! Baklang twoe, hindi ka naman babaihan talaga!! Bye!” ang wika niya at biglang nag laho ang kanyang imahe sa aking harapan.

Part 5

“Wag kana nga mag maganda ng damit. Sasamahan lang naman natin si Betty na mag pasa ng application form sa org.” ang wika ni Larry habang abala sa pag bibihis.

“Syempre magaganda yung mga nandoon yung mga babaihang elite, kaya dapat hindi tayo mag mukhang basang tuta doon.” ang sagot ko naman habang nag lalagay ng lipstick.

“Huwag kana nga mag lipistik, nag mumukha kang clown.” ang wika ni Larry sabay agaw ng lipstick.

“Ready na ba kayo? Isinuot ko ang pinaka maganda kong casual wear at syempre kaunting penggay sa face.” ang wika ni Betty. Mukha na talaga siyang babae at parang mag aaudition sa isang malakihang contest. Ang kanyang bewang ay hubog na hubog at mukhang mamahalin ang kanyang ganda.

“Japan japan ang peg diba? Tayo na. Pag kapasa ko ng application form mag selfie selfie tayo sa loob para makita ng mga bakla!.” ang kinikilig na wika ni Betty.

Syempre ibayong excitement rin ang aming naramdaman, lalo na ako dahil ito ang aking first time na makakapasok sa gusaling aking lubos na pinapangarap. Sa palagay ko ay para itong isang kaharian para sa akin.

At iyon nga ang set up, alas 9 ng umaga noong mag tungo kami roon. Marami na agad bakla na naka pila dito at may dalang application form. Yung iba ay hindi naman talaga babaihan pero naroon pa rin ang tatag at lakas ng kanilang loob. “Sure ba kayo na mag papasa kayo? 43% lang ang babaihan powers niyo.” ang wika ni Larry habang isa isang tinatapatan ng guider counter ang mga beki sa pila.

“Eh kayo mga mother sure ba kayo na dito talaga ang punta ninyo at hindi sa sementeryo?” ang tanong ng isang beki sabay tutok ng guider counter sa aming dalawa. “Hmm, 21% na babaihan lang.” wika niya sabay turo kay Larry. At ikaw naman chakaneska ay 18% lang“ sabay turo sa akin

Tawanan sila..

“Kung di naman kayo siguradong magaganda, lumabas na kayo ng gate at wala kayong space dito. Kahit pag samahin pa ang babaihan powers nyo ay kulang pa rin kaya spluk nalang. Awra na kayo doon sa labas!” ang wika nito.

“Hindi naman talaga kami mag papasa sa application form. Sasamahan lang namin itong friend namin noh.” wika ni Larry sabay hila kay Betty.

Nangiti ang mga beki noong makita si Betty, kinuha nila ang mga guider counter nila at itinapat dito.

Maya maya ay sabay sabay nag si tunog ang mga ito na animo cellphone at ang lahat ay nabigla noong pumalo sa 97.7% ang metro!

“What?!” ang pag tataka namin pati sa counter ni Larry ay 97.7% ito.

Habang nasa ganoong pag tataka kami ay laking gulat namin noong dumaan si Marga Delfin sa aming harapan suot ang kulay puting body fit na sleeveless, kitang kita ang mala miss universe nitong katawan at ang buhok ay hinahangin na parang papel.

Napanganga nalang kami at panandaliang nawala sa ulirat..

Ang nasagap ng counter ay ang babaihan na awra ni Marga Delfin at saka palang lumabas ang kay Betty na may 63% babaihan epek.

“Ang ganda talaga ni Marga, para siyang isang Diyosang bumaba sa langit. Mas maganda pa sya sa mga artista sa telebisyon no?” ang pag hanga ng isang beki

“Syempre mayaman iyang si Marga, nakapag invest siya ng pera para sa katawan nya, kung ordinaryong bakla lamang iyan katulad natin ay hindi niya maachieve ang ganyan.” ang sagot ng isa.

“Wag na nga kayo mag talo mga bakla, pare pareho lang naman na mahina ang babaihan powers nyo. Ayan lumalakad na ang pila, usog usog rin pag may time.” ang hirit ni Betty

Ako naman ay naka tanaw lang kay Marga at maya maya ay kusang lumakad ang aking mga paa patungo sa gilid ng gusali. Dito ay nag desisyon akong puntahan siya para makapag pa picture man lang. Labis ko siyang hinahangaan kaya lahat ay gagawin ko talaga para malapitan siya.

Nang gilid ako sa mga gusali na animo akyat bahay, may mga baklang nakatingin sa akin pero wala silang paki alam, mas may care sila sa beauty nila kaya hindi nila ako pinag buhusan ng atensyon. Mula dito sa sulok ay naka kita ako ng isang bukas na pinto kaya naman agad akong pumasok dito.

“Ang Lamig! Sobrang lakas naman ng aircon dito, kaya naman pala napaka kikinis ng mga bakla dahil sa malamig na paligid. At nakaka mangha rin ang mga larawan naka sabit sa pader, mga kwardro ng nag daang “REYNA” ng QofQ. Since Year 1997 pa pala ito itinayo at ang mga larawan ng mga nandito ay ang mga reyna o yung mga baklang achiever sa ganda, sa talent at sa husay. Halos dito pala nag mula yung mga beauty queen na isinasabak sa international pageants at yung model sa ibang bansa ay dito rin nag mula. Salin salin lang ang korona at ang pinaka latest ngayon ay si Marga na may babaihan powers na 97%, halos 3% nalang sa kanyang pag katao ang lalaki at kaunting kembot nalang ay malapit na rin itong mabura. Siguro ay etits nalang niya ang hindi pa pinapaalis.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may narinig akong nag uusap, boses ng isang lalaki at boses ng isang bakla. Kaya naman marahan ko silang sinilip sa isang sulok. Dito ay nakita ko si Marga naka kunot noo at naka pamewang habang naka luhod ang isang gwapong lalaki.

Ang lalaking iyon ay ang sikat na atletang si Brad Ford, halos libo libong babae at bakla ang nag papakamatay sa kanya pero ngayon heto siya at naka luhod, nag mamakaawa kay Marga. “Ayoko na nga, marami akong mga commiments kaya wala akong time sa date.” ang wika nito

“Please babe, wag ka naman ganyan, miss na miss na kita.” ang pag susumamo nito habang naka luhod hawak ang bulaklak.

“Kasi nasasakal na ako sa iyo, lagi kang nag ttxt, lagi ka sa paligid. Wala ka bang game? Akala ko ay nasa US ka ngayon?” ang wika nito

“Hindi naman kami natuloy sa US, pero hindi na mahalaga iyon, mahal na mahal kita Marga. Tanggapin mo na ito. Kung may nagawa man akong pag kakamali ay patawarin mo na ko.” pag susumamo ng lalaki na aking kinaawaan. Pero sadyang matigas si Marga kinuha nito ang bulaklak at itinapon sa basurahan. “Ayoko ng mga red flowers diba? Pambabae lang iyan! I need space Brad.” ang wika niya

Lalong nag sumamo ang matipunong atleta, “wag Marga, wag mo akong iwanan dahil mababaliw ako kapag nawala ka sa akin. Please.”

Hindi kumibo si Marga, lumakad lang ito at pumasok sa loob ng kanyang silid..

Walang nagawa ang binata kundi ang mapa hinga ang malalim at tumayo sa kanyang pag kakaluhod. Kinuha nito ang bulaklak sa basurahan at saka lumakad na parang natalo sa lotto. Pinipigil niya ang luha at pilit na nagiging matatag. Ganoon naman talaga ang mga lalaki, bawal ang emosyon.

Awang awa ako kay Brad noong mga oras na iyon. Gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahipit. Sobrang gwapo pa naman niya, iba talaga ang ganda nitong si Marga dahil kahit ang pinaka sikat at gwapong atleta sa buong bansa ay hinahabol siya.

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay may isang paswit ako narinig mula sa pito ng guard. “Hoy, bakla bawal dito!!” ang sigaw niya

Natakot ako kaya naman nag tatakbo ako palayo sa kanya..

Hinabol ako ni kuyang Guard at saka pinipituhan na ako ay huminto. “Tigil! Bawal dito! Mag nanakaw ka ba?”

“Hala, napag kamalan pa akong mag nanakaw ng gago!” ang sigaw ko sa aking sarili habang tumaktabo.

“Anong ingay ba iyan?” ang tanong ni Marga noong marinig ang sigaw ng guard.

“Kayo po pala Miss Marga, may nakapasok po kasi tikbalang dito sa loob.” sagot ng guard

“Ako nga kuya ay huwag mong pinag lololoko. Pag bumalik si Brad, huwag mo siyang papasukin dito okay? Balik kana sa work mo.” utos nito

“Yes po Miss Marga.” magalang na sagot ng guard pero nag patuloy pa rin ito sa pag hahanap sa akin. Kaya naman pumasok ako sa isang cr at dito ay agad rin niya akong nakita.

Nag tago ako sa isang cubicle at mabilis nag suot ng bra. Noong pumakat ito sa aking katawan at nag simulang mag bago ang aking anyo. Muling lumabas ang aking pangarap na katawan, ang babaihan looks na walang papantay.

Pag labas ko sa cubicle ay nagulat pa ako noong makita ko ang aking sarili sa salamin, ang akala ko ay kung sinong artista ang aking nakita, repleksyon ko lang pala. “Thank you Lord for this hair, for this boobs, for this pwet, perfect! Ang ganda ganda ko talaga.“ang wika ko sa aking sarili habang umiiyak.

Maya maya pumasok ang guard at nagulat ito noong makita ako. “Miss may napansin ka bang panget na baklang mukha kabayo na pumasok dito?” ang tanong nito

Nag pahid ako ng luha at humarap sa kanya.

Beautiful girl, whereever you are I knew when I saw you, you had opened the door I knew that I’d love again after a long, long while I’d love again

Natahimik ang gwardiya at napatitig nalang sa akin. “Wow” ang tanging nasabi ng guard at mga sampung segundo rin itong natulala sa aking ganda.

“Mister Sir Guard, pwede mo ba akong samahan sa labas? Nawawala kasi ako e.” ang pag iyak ko.

Bumalik sa ulirat ang guard “yes mam, napaka ganda niyo po. Siguro ay kayo na ang papalit sa trono ni miss Marga.” ang wika nito pero lumilinga linga pa rin batid ko hinahanap niya ang chakang version ko.

“Hindi naman po kuya.” ang mahinhin kong tugon.

“Tayo mam, isang malaking karangalan ang maihatid ang isang diyosang katulad mo.” ang wika niya kaya naman humawak ako sa kanyang braso.

Habang nag lalakad kami ay napapatingin ang mga babaihan sa hallway. Para bang napapa taas ang kilay habang sinusundan ako ng tingin. “Hmm, bakit sila naka tingin sa akin? May mali ba sa akin kuya?” ang mahina kong tanong sa guard na punong puno ng hinhin.

“Wala po mam, hindi po ba kayo aware na SOBRANG ganda nyo po? Kaya siguro sila napapatingin ay dahil bumabalik yung pagiging lalaki nila sa ganda mo. Parang kalevel mo na po si Miss Marga e.” wika ng guard at dito dinala niya ako sa kanyang kaibigan na maaaring tumulong sa akin.

“Siya si Miss Justine, kilala mo na siya diba? Miss Babaihan International 2017, isa na siya sa mga nag ttrain sa mga aspiring na beauty queen.” ang pag papakilala ng guard sa isang magandang beki na flawless ang balat at parang papel sa kinis.

“Hi, ako si Justine, may application form kana ba?” ang wika niya

“W-wala po e. Nawawala.” ang tugon ko.

Natawa siya. “Masyado kang mahiyain girl, ang ganda ganda mo dapat ay taas noo ka. Halika doon sa loob at mag fill out tayo.” naka ngiting wika nito

“Miss Justine kayo na po ang bahala sa manok natin, iyan ang papalit kay Miss Marga maniwala kayo.” ang pag mamalaki ng guard.

Natawa si Justine at inakbayan ako nito papasok sa kanyang opisina. “Bakit ganyan yung damit mo? Parang mas malaki sa iyo. Hindi ka ba nakapag handa?” ang tanong niya habang nag susulat.

“Ang totoo po noon ay nakipila lang ako doon sa labas. Hindi ako nakapag handa.” ang sagot ko

“Anong name mo hija?” tanong ni Justine

“Ah e ano, fre, fredd, frey! Prey! Oo tama ako si Prey.” ang wika niya

“Prey as in Precious diba? Nice name.” ang wika niya habang sinusulat ang aking form. “Alam mo dito ay pwede kang maging beauty queen o kaya ay isang sikat na modelo. Parang isang training school ito na nakuha ang konsepto sa Venezuela, hindi bat doon ay national sports na ang mga pageants. Dito rin, nag tutuon na tayo ng oras at panahon sa pag hubog ng power house gay beauty queens.” ang wika pa niya

“Gusto kong maging isa sa kanila, gusto kong maging tulad ninyo.” ang wika ko naman dahilan para matawa siya. “Bakit hindi, kaunting ayos lang at tiyak na hahangaan ka ng lahat. Halika dali.” ang pag yaya niya.

May kinuha siya isang pulang damit na maiksi sa cabinet at iniabot sa akin. Isuot mo ito bago tayo lumabas doon. Tiyak na luluwa ang mga mata ng naka pila sa labas.

Natawa naman ako at agad kong isinuot ang damit na kanyang ibinigay. Fitted ito, naka labas ang aking cleavage at ang aking maputing hita, hubog na hubog rin ang aking balakang na nag papaganda sa aking postura.

“Perfect! Tara na sa labas at isubmit mo itong form.” ang wika niya

Lumakad kaming dalawa patungo sa labas kung saan naroon ang daan daang babaihan na nag susubmit ng mga application.

Noong makalabas ako ay biglang nag tunugan ang mga babaihan counter sa paligid. Tiyak na naka detect ito ng malakas na babaihan power katulad ng nangyari kanina kay Marga noong dumaan ito.

Patuloy sa pag tunog..

Maya maya ay huminto ito at napatingin sa akin ang lahat..

“Bakit? May mali ba?” bulong ko kay Justine

Natawa siya “wala. Nashock lang sila noong maka kita ng ganito.” ang wika niya sabay pakita sa akin ng guider counter na kanyang hawak.

At dito ay nakita ko ang nakalagay na..

98.26%

Itutuloy..

Reyna Part 6

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 12, 2019


STORY 2

Reyna

Noong makalabas ako ay biglang nag tunugan ang mga babaihan counter sa paligid. Tiyak na naka detect ito ng malakas na babaihan power katulad ng nangyari kanina kay Marga noong dumaan ito.

Patuloy sa pag tunog..

Maya maya ay huminto ito at napatingin sa akin ang lahat..

“Bakit? May mali ba?” bulong ko kay Justine

Natawa siya “wala. Nashock lang sila noong maka kita ng ganito.” ang wika niya sabay pakita sa akin ng guider counter na kanyang hawak.

At dito ay nakita ko ang nakalagay na..

98.26%

Part 6

“98% babaihan powers? Imba rin si Teh! 2% lang ang lalakihan sa kanya. Jusko! Baka naman tunay na babae iyan?” ang nakataas na kilay ng mga palikante.

Kaya naman lumapit ako sa kanila at nag salita. “Pwede po bang pahiram ng ballpen.” ang wika ko na ang boses ay medyo malaki pa rin.

“Ay boses lang ang medyo lalakihan sa kanya. Nakakainggit ka naman teh, naka mag kano ka ba dyan? Overall retoke ba iyan?” ang tanong ng mga ito kaso ay hindi na ako nakasagot dahil hinila ako ni Justine sa pinaka harap. “Ilagay mo na rito yung application mo Hija, ako na ang bahala dyan.” ang naka ngiti niyang wika.

“Hanggang dito ba naman sa pila may politics pa rin?” pag paparinig ng mga beki sa likod.

“Kahapon pa rito si Miss Precious kaya inuna ko na siya.” ang sagot ni Justine sabay kindat sa akin.

Noong mga sandaling iyon ay rumampa ako sa hallway sa ground, feel na feel ko ang kagandahan ko. Paki wari ko ay walang tatalo sa akin noong oras na iyon. Marami mga beki ang nagalit sa mga kasama nila boyfriends dahil ang mga ito halos mabali ang leeg sa tingin sa akin. Marami rin naimbyerna at nag duda kung bakla nga ba ako o isang babae.

Hapon na noong ako ay makauwi. Pag pasok palang sa parlor ay bumulaga na sa akin si Larry. “Hoy Alfredo, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap, bigla ka nalang nawala doon sa gusali.” ang paninita nito

“Ah e, nag karoon kasi ng aksindente doon sa palengke yung kasamahan ko doon ay isinugod sa ospital kaya agad akong nag tungo doon, pasensiya na kung hindi ko na kayo nasabihan, emergency kasi. Teka, anong nangyari?” ang tanong ko

Umupo si Larry at napahinga ng malalim. “Hay submission palang ng application ay palakasan na talaga. Biruin mo yung isang beauty guru na si Justine ay may alagang isang magandang babaihan. Kaloka, favored to win agad ang peg.” reklamo niya

“Maganda ba talaga? Nakita mo?” ang tanong ko naman na parang kinikilig

“Maganda, parang kalevel ni Marga. At ang babaihan powers niya ay 98.20% lang naman. Sabi ko nga kay Betty kung ganyan ang makakalaban niya ay umuwi na lang siya at mag saing ng bigas noh. Kaloka.” ang wika ni Larry.

“Sana ay nakita ko rin siya.” ang tugon ko

“Naku wag mo na pangarapin dahil tiyak na maiinggit ka lang at lalo kang mababaliw. Paki walisan na nga itong mga buhok sa sahig. Nakakapagod ang pumila.” ang wika niya sabay higa. “Oy alam mo ba, mukha hiwalay na si Brad Ford kay Marga. Nabasa ko yung post niya sa IG kanina. Kawawa naman, isa nanamang gwapong lalaki ang binasura ni Marga. Noong nakaraang buwan nga ay niligawan siya nung title holder ng Mister International, kaso ay hindi siya bet nito kaya ligwak rin siya.”

“Ang swerte ni Marga no? Sobrang ggwapo ng mga lalaking binabasted niya. Yung mga ganoong uri ng lalaki ay mga suntok sa buwan para mapansin tayo.” ang wika ko

“Suntok sa planet pluto ang sabihin mo. Yung mga lalaking katulad ni Brad Ford ay mga uri ng lalaki na pag jajakulan mo nalang ang picture sa CR. Inshort hanggang picture lang tayo.” ang wika ni Larry.

“Hanggang picture ka nalang! Berat!” ang bulong ko sa sarili ko sabay walis ng mga kalat sa sahig. Nasabi ko ito dahil alam kong may pag asa akong makita ang mga lalaking gwapong iyon.

Kinagabihan, nag desisyon akong mag tungo sa isang sosyal na bar sa siyudad, dito madalas umiinom yung mga gwapong lalaki kaya dapat ay maka awra ako dito. Landi landi rin pag may time at kung di ka naman masyadong babaihan ay wala kang karapatang lumandi. Nag ayos ako ng husto bilang si Alfredo. Pag dating sa pinto ng bar ay hinarang agad ako ng guard. “Bawal ang mag solicitor dito. Bawal mag solicit.” ang wika niya

“Pero Mister Bouncer, customer ako at hindi solicitor.” ang wika ko

“Eh basta bawal ka dito. Bawal yung mga panget na baklang naka damit ng pambabae. Baka mapag tripan dito sa loob e mabugbog ka pa.” ang pag tataboy sa akin ng nag babantay.

“Discrimination ito, porket ganito ang itsura ko ay bawal na akong pumasok?”

“Yung ang utos at ang policy. Tingnan mo ito?” ang wika ng bouncer sabay pakita sa isang karatulang “No Pets Allowed!”

“Anong akala mo sa akin aso? Napaka sama mo talaga! Makikita mo!” ang sigaw ko sabay lakad palayo.

Nag tatakbo ako sa gilid at isinuot ang aking magic bra ng katarungan. Dito ay mabilis na nag bago ang aking anyo at naging diyosang babaihan.

Inayos ko ang aking sarili at rumampa sa harap ni Kuyang Bouncer. “Sir, may bakante pa?” ang mahinhin kong tanong.

“Diba sabi ko sa iyo ay bawal ka dito!!” galit na wika ng bouncer sabay harap sa akin.

Nalungkot ako at hinawi ko ang aking buhok. “Sorry po kuya..” ang umiiyak kong salita

Napatingin sa akin ang binatang malaki ang katawan at napatulala nalang ito..

you said ‘hello’ and I turned to go but something in your eyes left my heart beating so I just knew that I’d love again after a long, long while I’d love again

“Aw, shit! Sorry Miss Ganda. Sorry kung sumigaw ako. Syempre ay mayroong space para sa iyo. Pwede ko bang makuha ang number mo? May boyfriend kana ba?” ang tanong ng bouncer habang nag papahid ako ng luha.

Nasa ganoong posisyon ako noong dumating ang isang lalaki. Matangkad ito at naka suot ng jacket. “May problema ba? Bakit umiiyak ka miss?” ang tanong nito at noong humarap sa akin ay muli kong hinawi ang aking buhok at inipit ito sa aking tenga.

Natulala rin siya at napa nganga..

It was destiny’s game, when love finally came on I rushed in line only to find that you were gone

Beautiful girl, I’ll search on for you till all of your loveliness in my arms come true you’ve made me in love again, after a long, long while in love again

“Kayo pala sir Brad Ford, medyo napag taasan ko po ng boses si Mam, ang akala ko kasi ay siya yung baklang makulit kanina. Nanghingi naman po ng sorry at pati number niya ay hinihingi ko rin.” ang wika ng bouncer

“Are you alone? May kasama ka ba?” ang tanong ni Brad. Halos hindi ako makapaniwala na heto siya ngayon sa aking harap, ang bango bango, makisig at sobrang lalaki ang datingan.

“Wala akong kasama. Gusto ko lang sana manood ng live band.” tugon ko.

“Ehem, kung ganoon ay pwede ba kitang samahan magandang dilag?” tanong niya sa akin..

Ngumiti ako at kumapit sa kanyang braso na kanyang ikinatuwa..

Pag pasok namin sa loob ng bar ay naka tingin na agad ang mga tao sa amin. Hanggang sa kapwa kami maupo sa isang table sa gilid malapit sa stage kung saan makikita ang mga kumakanta. “Galing ka ba sa QofQ?” tanong niya

“Ah e, nag apply palang ako.” sagot ko

“Pasok kana doon, sigurado iyon. Anong pangalan mo?” tanong niya

“Precious, prey nalang ang itawag mo sa akin.” ang tugon ko sabay ngiti.

Muli nanaman siyang napatulala. “God, you are so beautiful.” ang bulong niya..

“Ano iyon?” kunwaring pag lilinaw ko.

“Wala, gusto mo ng drinks Prey?” ang tanong niya at nasa ganoong pag tingin kami sa menu noong may dumating na isang baso ng lady’s drink sa aking harapan.

“Para sa inyo po miss.” wika ng waiter

“Sandali, hindi pa ako umoorder. Baka mahal to e.” ang bulong ko sa kanya.

“Miss, ipinabibigay lang po iyan nung lalaki sa likod. Si Mister Nelson Gomez yung captain ng Basket ball team sa isang malaking campus dito sa siyudad. At heto pa po yung isang drinks na ipina aabot naman ni Sir Kyle Marquez yung sikat na modelo ng underwear. Hayun po sila.” ang wika ng waiter

“Hoy, paki sabi sa kanila tigilan nila yung date ko.” ang wika ni Brad na natatawa at kinawayan pa ang mga kaibigang nag padala ng drinks sa akin.

Natawa ako at ganoon rin ang waiter..

Noong mga sandaling iyon ay halos mapuno ng inumin ang aming lamesa bigay ng mga lalaki sa paligid, may mga lumapit sa akin na mag sikat sa manlalaro sa iba ibang lugar at mayroon ring mga modelo. Para akong nasa loob ng isang magandang panaginip noong mga sandaling iyon, ito ang pangarap kong buhay na kung saan ay maappreciate ako ng lahat, mapapansin ako at hahangaan, hindi pag tatawanan o kaya ay kukutyain batay sa aking pisikal na anyo.

“Alam mo kapag nag dadate kami ni Marga sa isang private place, madalas kasing ganito ang eksena kapag kasama ko siya, inuulan rin kami ng mga inumin galing sa mga taga hanga. Sayang ang relasyon namin, balak na nga namin mag ka anak e. Kaso ay career centered ang isang ito kaya parang walang patutunguhan ang aming relasyon.” Malungkot na wika ni Brad

“Idolo ko si Marga at maraming humahanga sa kanyang mga katulad ko rin, batid ko gusto lang niyang manatili ang kinang niya sa itaas kaya masyado siyang naka focus doon.” ang wika ko naman.

“Alam mo natumbok mo, mas mahalaga ang posisyon sa kanya kaysa sa pag ibig. Anyway huwag na natin siyang pag usapan, ikaw taga saan ka? Paano mo nakuha ang ganyang kagandang looks? Parang isang tunay na babae kana ah, mas maganda ka pa sa mga artista.” ang namamanghang wika ni Brad

“Dito lang sa Bra, este ang ibig kong sabihin ay sa Brazil, ano, may kaibigan akong mga taga Brazil, sila ang nag sponsor sa akin.” ang tugon ko naman sabay punas ng tissue sa aking noo.

“Ah kaya naman pala sobrang ganda mo.” ang naka ngiti niyang sagot sabay order pa ng makakain at maiinom. “Kung may gusto ka pa ay sabihin mo lang. Ako na ang mag hahatid sa iyo pauwi.” ang naka ngiti pa niyang dagdag.

Noong gabing iyong ay enjoy na enjoy ako sa pakikipag usap kay Brad, para akong nanaginip ng gising lalo na kapag ngumingiti sya sa akin ay gusto ko siyang sunggaban ng halik, gusto ko ring humiga sa kanyan matipunong dibdib at dito ay pumikit habang iniisip ang magagandang bagay na nang yayari sa aking buhay.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nag simula nang tumugtog ang banda..

Para akong babaeng hinaharana noong mga sandaling iyon lalo na noong niyaya ako ni Brad na sumayaw. Hindi naman ako tumanggi, inakay nya ako sa gitna ng dance floor, inilagay ang kamay sa aking balingkinitang baywang samantalang ipinatong ko naman ang aking kamay sa kanyang matipunong dibdib. “Napaka ganda mo, alam mo ba iyon? Shit, nakaka adik kang titigan.” ang bulong ni Brad habang naka tingin sa aking mga mata

Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan at dito ay naramdaman kong unti unting lumalapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Hahalikan niya ako..

Ibayong kaba ang aking naramdaman kaya naman ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang pag kakataon na mahalikan ako ng isang gwapong lalaki na pinapantasya ng lahat..

Pakiwari ko ay huminto ang mundo para sa aming dalawa..

Unti unting lumapit ang kanyang labi sa aking labi at naramdaman ko na ang init ng kanyang pag hinga kaya naman inilapit ko pa ang aking labi hanggang sa mag dikit ang mga ito.

Nasa ganoong posisyon kami ng bigla mag liwanag ang aking katawan at bumalik ako sa dati, hindi ko napansin ang oras. 12:01 na pala at nawala ang epekto ng bra.

Kumabog ng husto ang aking dibdib lalo na noong makita kong nag balik ako sa pagiging si Fredo na maskulado at 18% na babaihan powers.

Itutuloy..

Reyna Part 7

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 13, 2018


STORY 2

Reyna

Unti unting lumapit ang kanyang labi sa aking labi at naramdaman ko na ang init ng kanyang pag hinga kaya naman inilapit ko pa ang aking labi hanggang sa mag dikit ang mga ito.

Nasa ganoong posisyon kami ng bigla mag liwanag ang aking katawan at bumalik ako sa dati, hindi ko napansin ang oras. 12:01 na pala at nawala ang epekto ng bra.

Kumabog ng husto ang aking dibdib lalo na noong makita kong nag balik ako sa pagiging si Fredo na maskulado at 18% na babaihan powers.

Part 7

Nakapikit pa rin si Brad noong mga sandaling iyon kaya naman umatras ako at dumistansiya sa kanya. Bago pa dumilat ang kanyang mga mata ay sakto namang namatay ang ilaw sa buong bar. Ito na ang hudyat para ako ay tumakas at umalis. Sa sobrang landi ko ay hindi ko na pansin ang oras, na wasak na pala ang sumpa at bumalik ako sa pagiging chaka.

Agad akong nag tatakbo palabas ng bar at bago pa sumindi ang liwanag ay natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa labas, sa ilalim ng isang puno kung saan nakita ko si Brad na tumatakbo at hinahanap ako sa piligid. Nag kamot pa ito ng ulo at sumakay sa kanyang sasakyan.

Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman noong mga oras na iyon, malungkot ako dahil agad natapos ang magagandang sandali, pero masaya naman ako habang naka hawak sa aking labi, parang nararamdaman ko pa rin ang lambot ng kanyang labi na dumadampi sa akin. Ibang klase ang pakiramdam na iyon, para bang ang lahat ay huminto at parang naging sarili lamang namin ang mundo.

Halos mag damag akong parang lumulutang sa alapaap habang nakahiga sa aking papag. Paulit ulit sumasagi sa aking isipan ang pang yayari kanina, ni hindi ako dalawin ng antok dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon.

KINABUKASAN..

Nagising ako na may ngiti sa aking mga labi. Kahit sa pag lilinis ng parlor ay talagang parang lumulutang ako sa alapaap. Nagawa ko pang isayaw ang mopler at ang walis na aking hawak na parang isang baliw. “Anong nangyari kay Larry bakit parang naluluha siya?” ang tanong ko kay Betty

“Naawa si Larry sa kalagayan mo, para kasing hinahangin na raw ang utak mo at parang nababaliw kana.” wika ni Betty habang nag kukulot ng matanda.

“Masaya lang naman ako at gusto ko lang itong iexpress.” ang tugon ko naman.

“Mukhang lahat yata ay masaya pati itong mga fans ni Marga at Brad. Nag kabalikan na yata sila kagabi. Tingnan mo oh, mag kasama sila sa condo ni Marga. Pinost ito noong alas 3 ng umaga, mukhang na kangkang nanaman ng big bird ni Brad ang lola mez!” ang wika ni Larry at dito tiningnan ko yung larawan, dito nga ay nakita kong mag kayakap ang dalawa sa kama. Naka hubad si Brad at naka unan sa dibdib niya si Marga.

Nabigla ako sa aking nakita. “Hindi maaari! Hindi pwede!!!” ang sigaw ko dahilan para magulat ang dalawa sa aking tabi.

“Hala! Baliw ka na nga, kung maka sigaw ka naman ay parang niloko ka ni Brad. Apektadong apektado ang gaga! Mag linis kana nga doon! Baklang twooee.” ang wika ni Betty

“Mahirap talagang kalabanin ang beauty ni Marga Delfin, walang makatapat sa kanya.” ang wika ni Larry

“97% babaihan powers lang si Marga Delfin remember? At mas mataas sa kanya yung isang bakla na alaga yata ni Justine na guru doon sa QofQ, 98% babaihan powers yon! Parang secret weapon na inilabas ng org para puksain tayong mga bakla!” ang wika ni Betty samantalang ako naman ay hindi na kumibo pa, ramdam na ramdam ko ang babaihang lungkot na gumuguhit sa aking sugatang puso noong mga oras na iyon.

Agad kong tinapos ang aking trabahong pag lilinis at mabilis na umakyat sa aking silid. Kinandado ko ang pintuan at dito ay muli kong isinuot ang magik bra.

Walang nangyari..

“Hala! Anong nangyari bakit chakabels pa rin ako? Bakit ogre pa rin ako? Jusko!” ang pag tataka ko habang naka harap sa salamin

“Help! Fairy Fairy nasaan ka? Wala na yatang battery itong bra.” ang pag aalala ko habang sinusuri ang tela nito kung may lalagyan nga ng battery.

Maya maya ay laking gulat ko noong sumulpot si Fairy Fairy sa aking likuran, naka upo ito sa aking papag at mukhang kakagising palang dahil may nakalagay pang mask sa kanyang mukha. “Ano bang problema mo chaka? Ang ingay ingay mo.” ang reklamo nito.

“Sorry, nag panic lang kasi ako. Ayaw na gumana nito bra, baka nawalan ng baterya o baka napagod na siya sa pag tulong sa akin.” ang pag aalala ko na hindi maitago ang lungkot

“Anong oras pa lang ba? Alas 8 palang ng umaga. Wala pang bisa ang bra! Mamaya pang alas 9 ng umaga hanggang alas dose ng hating gabi ang bisa niyan. 9am to 12am parang office hour ng mga taong hayok sa OT. At mawawala ang bisa nito sa oras na 12:01 midnight hanggang 8:59 am. Maliwanag ba? Jusko no, hindi naman pwedeng 24 hours kang maganda, too much na yon! At please lang bawas kalandian, humanap ka ng lalaking mag mamahal sa iyo bilang isang chakang si Fredo. Huwag kana mag hangad ng gwapo dahil masasaktan ka lang. Yung mga itsurang ganyan sa iyo ay hindi dapat dinadaan sa biglaan, dapat nakakasanayan iyan.”

“Alam kong panget ako pero bakit ang sakit sakit kapag ikaw ang nag sasabi non?” ang tanong ko

“Wala akong sinabing panget ka, ang sinabi ko ay isa kang CHAKA, mag iba iyon. Dyan kana nga. Babushhhh!” ang wika niya pero pinigil ko siya “Bakit?”

“Alam mo sobrang ganda ng mga pangyayari sa akin kagabi, parang sobrang blessings ito sa buhay ko. Nanaginip lang ba ako? Totoo ba ang lahat ng ito?” ang tanong ko

Ngumiti siya at nag wika. “Halika Alfredo, lumapit ka sa akin.”

Ngumiti rin ako at lumapit sa kanya..

Gumalaw ang kanyang kamay pasampal sa akin…

Umiwas ako. “akala mo ha.” ang pag mamalaki ko ng biglang bumalik ang kanyang sampal at tumama ito sa aking kabilang pisngi. “Akala mo rin ha, bumabalik ang sampal. Anyway, hindi ka nanaginip Alfredo, totoo ang lahat ng ito.” ang biglang hinhing wika niya at biglang nawala sa aking paningin.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay isang katok sa pintuan ng aking silid ang aking narinig. “Hoy, Freda lumabas ka dyan bilis.” ang boses ni Larry

“Bakit?” ang tanong ko naman at dito ay may narinig ako isang atungal ng taong umiiyak. “Sino ba yun?”

“Si Betty, inilabas na yung mga nakapasok sa QofQ. At hindi siya nasali.” ang wika niya sabay pakita sa listahan ng mga nakapasok sa site ng Organization. Kauna unahan dito ang pangalan ko este ni Precious na may 98% babaihan powers.

“Nakakalungkot nga e, medyo naging bias ang QofQ ngayong taon dahil ang top 20 na nakapasok mula sa nag sumite ng application form ay may babaihan powers na 98% hanggang 85% lang. Yung mga 84% pababa ay ligwak kasama si Betty na may halos 70% lang.” ang malungkot na wika Larry.

“Sa isang Linggo na ang training ng mga nakapasok at titira ang mga ito sa isang dormitory bago ideploy sa mga kani-kaniyang field. Iba kasi talaga kapag galing ka sa QofQ, kapag sumali ka raw ng contest at nalaman nila na kabilang ka sa org na ito ay otomatikong mayroon kang pwesto. At ang sikat na mga title holders ay galing rin sa QofQ kaya parang sisterhood ang datingan, tutulungan ka nila para maachieve mo ang goals mo. Kung gusto mo maging reyna, modelo o isang guru.” ang dagdag pa niya

“Parang kapatiran diba? At ang QofQ ay training ground ng mga baklang nag nanais na marating ang bituin na nais nila.” ang namangha kong tugon ay maya maya ay isang malakas na iyak ang aming narinig.

“Teka si Betty!” ang sabay naming salita.

Agad naming pinuntahan si Betty na noon ay nag lulupasay sa sahig. Alam namin na masakit para sa kanya ito dahil pangarap niya talaga mapabilang sa org. Kaya nga abot abot ang pag hahanda niya sa pamamagitan ng pag papa turok para maging babaihan pero hindi pa rin talaga ito sapat. “Ang sakit, gusto ko na mamatay!!” ang pag atungal nito

“Ano ka ba sis! Hindi ka pwedeng mamatay dahil marami kapang duty bilang Miss Gay Kalikasan 2019! At ipapasa mo ang korona mo next year! Huwag kang umiyak dahil para sa amin ni Freda ay ikaw ang maganda.” ang wika ni Larry

“Hindi ako maganda! Hindi ako magandaaaa!” ang sigaw niya

“Maganda ka Betty, maniwala ka sa amin.” wika ko naman

“Kung maganda ako ay bakit hindi ako nakapasok sa org?” ang tanong niya

Natahimik kami..

“Siguro ay hindi mo palang oras, alam mo naman na ang lahat ng bagay may tamang timing diba? Kung hindi para sa iyo kahit mag tambling kapa sa boteng basag o tumulay ka pa sa sinulid ay hindi talaga magiging sa iyo. Alam kong may nakalaan na mas maganda para sa iyo. Huwag kana umiyak.” ang pang aamo ko.

“At ikaw ang pinaka maganda dito sa compound natin. Ikaw pa rin ang reyna dito kahit anong mangyari.” ang tugon pa ni Larry sabay yakap kay Betty.

Nag group hug kami kaya naman mas lalong umiyak si Betty..

“Niyakap nyo pa ko ang aasim ng kili kili ninyo! Lalo kana Alfredo! Juskoooo!” ang sigaw nito..

Tawanan kami..

Noong mga sandaling iyon habang nakayakap ako sa aking dalawang best friend ay nabubuo ang isang mahalagang desisyon na ipag tapat sa kanila ang lahat ng aking nararanasan, alam kong hindi nila ako mauunawan at hindi sila maniniwala sa mga sasabihin ko pero naisip ko na totoong tao sila sa akin, tinanggap nila ako, pinakain at binigyan ng libreng silid na matutuluyan. Deserve nilang malaman ang babaihang katotohanan tungkol sa akin at kay Precious.

Itutuloy..

Reyna Part 8

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 13, 2019


STORY 2

Reyna

Noong mga sandaling iyon habang nakayakap ako sa aking dalawang best friend ay nabubuo ang isang mahalagang desisyon na ipag tapat sa kanila ang lahat ng aking nararanasan, alam kong hindi nila ako mauunawan at hindi sila maniniwala sa mga sasabihin ko pero naisip ko na totoong tao sila sa akin, tinanggap nila ako, pinakain at binigyan ng libreng silid na matutuluyan. Deserve nilang malaman ang babaihang katotohanan tungkol sa akin at kay Precious.

Part 8

At katulad nga ng aking napag isipan, noong gabing iyon ay hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon. Seryoso kong kinausap sina Betty at Larry tungkol sa kababaglahang nagaganap sa aking pag katao sa tulong ng mahiwagang bra ng katarungan. Pinapasok ko sila sa aking silid at dito ay tumayo ako sa kanilang harapan.

“Ikaw Alfredo ha kapag hindi bumenta sa amin ang paandar mong ito ay papalayasin na talaga kita dito sa parlor ko.” ang wika ni Larry

“Ano ba iyan kasi frend, gabi na oh. Sa daming ng ginupitan at nirebond ko ngayong araw ay parang ayoko nang makinig sa iyo.” ang nag hihikab na hirit ni Betty

“Sandali mahalaga ito. Paano ba ako mag sisimula. Naniniwala ba kayo sa magic? Sa isang mahiwagang bra na kapag isinuot mo ay gaganda ka at magiging babaihan na may powers na 98.26%?” tanong ko

“Walang ganon, sa mga fantasy story lang may mga ganon.” ang pag tutol ni Betty

“Diba sabi ko naman saiyo bawas bawasan mo ang pag babasa sa wattpad. Yang fantasy story ni Ai Tenshi na paborito mong manunulat ay may sumpa, hayan naapektuhan na ang utak mong hindi pang babaihan.” ang wika ni Larry

Natawa si Betty. “Ano ba iyan, pati ba utak nitong si Alfredo ay hindi babaihan?”

Tawanan sila..

Nainis ako at nag hubad sa kanilang harapan. “Manood kayo mga bakla. Siguradong luluwa ang mga eyeballs ninyo.” wika ko naman

“Yuck! Hindi tayo talo noh! Ni minsan ay hindi ko pinangarap na makita ang kahubaran mo. Mainam pang mag suicide nalang ako!” ang wika ni Larry habang naduduwal

“Anong klaseng bakla ka ba? Bakit kailangan mong ipakita ang maskulado mong katawan sa amin? Nakakadiri ka namam Freda!” ang hirit ni Betty

“Huwag nga kayong ambisyosa, mga madudumi ang utak niyo. Heto ha, manood kayong dalawa sa magaganap sa akin.” ang wika ko sabay pakita sa bra. Itinapat ko pa ito sa kanilang mga mukha para ipag mayabang ng husto

“Isang bra na pula? Bra pa yata ng lola mo yan. Hay naku, marami akong bra doon Freda, kunin mo at sa iyo nalang kaysa naman nag ttiyaga ka dyan sa lumang bra na iyan.” tugon ni Betty

“Hindi ito basta bastang bra. Manood kayong mabuti at patutunayan ko sa inyo na totoo ang sinasabi ko.” wika ko sabay suot sa bra.

Dito ay nag liwanag ang aking katawan at bumalot ito sa buong silid. Kitang kita ng dalawang bakla ang aking pag babagong anyo, naka nga nga nalang sila at natulala.

“Taddddaaaa! 98% babaihan powers!” ang bungad ko sabay pose sa kanilang harapan.

Hindi sila naka kibo, naka nga nga lang sila kaya naman isinara ko ang kanilang mga bibig at tinampal ang kanilang mga pisngi.

Noong bumalik sa ulirat at napatingin sila sa akin at kapwa nag sisigaw na parang natatakot. Paikot ikot kami sa aking silid na parang mga baliw.

“Oy, kumalma naman kayo. Ako ito si Alfredo, ang aking 18% na babaihan powers ay naging 98% na sa katauhan ni Precious! Ano naniniwala na ba kayo?” tanong ko at muli kong inialis ang bra kaya bumalik ako sa pagiging si Fredo.

Hihimatayin pa sana sila ngunit pinigilan ko ang mga ito at dito ay ikinuwento sa kanila ang lahat. Alam kong mahirap paniwalaan ngunit nag sasabi naman talaga ako ng totoo at ang bra na aking hawak na siyang nag papa bago sa aking anyo ang matibay kong ebidensya.

Makalipas ang halos isang oras napaliwanagan..

“Lalo yatang sumakit ang ulo ko sa iyo Freda.” ang wika ni Larry habang umiinom ng tubig

“Masama talaga ang loob ko dahil hindi ako nakapasok sa org pero gusto kong malaman mo na susuportahan kita bilang kaibigan kahit alam kong kadayaan festival ang peg mo noh. Anong plano mo?” tanong ni Betty

“Plano kong ituloy pa rin ang pag punta sa org ng QofQ sa abot ng makakaya ko. Alam kong mali ang mandaya ngunit nais kong matuto ng mga bagay na magagamit ko para matupad ang pangarap ng aking ina para sa akin.” ang sagot ko

Napabuntong hininga ang dalawa at maya maya ay sumang ayon rin sila sa aking kagustuhan, alam ko naman na kahit parati nila akong binubully o inaasar ay mahal nila ako, sila ang aking pamilya at batid kong iyon rin ang turing nila sa akin. Siguro ay kung mag kabukingan man ay babalik ako sa pagiging si Alfredo at mabubuhay ako ng mapayapa. Pero sa ngayon nais kong mag iba ang aking kapalaran at ang oportunidad na ito ay ang mga bagay na hindi ko kayang tanggihan.

Noong mga sandaling iyon ay tila lumuwag aking pakiramdam, pakiwari ko ba ay mas naging matapang ako dahil alam kong hindi ako nag iisa. At bukod pa rito ay ang pag nanais kong makagawa ng unang hakbang para baguhin ang aking sarili ay ang mga bagay na pinang hahawakan ko para ituloy ang lahat ng ito. Ngunit baka lamang makasanayan ko ang ganito anyo at hanap hanapin ko na ito kapag nag laho.

Tahimik..

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakaharap sa salamin bilang si Precious.

Mabilis lumipas ang araw, dumating ang oras na aking pinakahihintay, ang pag pasok sa org ng QofQ. Siyempre ay full support ang natanggap ko kay Betty na siyang nag ayos sa akin, unat na unat ang aking buhok at palong palo ang light make up na parang natural na babaihan lamang. Pinahiram rin niya ang lahat ng damit niya sa akin pati yung mga casual na talagang iniingatan niya ng lubos. At si Larry naman ay sinuportahan ako ng pinansyal. Alam kasi nila na halos isang buwang akong titira sa dormitoryo ng QofQ para doon ay matuto ng mga babaihang galawan.

Pag dating namin sa gate ng gusali ay proud na proud ang dalawa habang pinatabi ang mga bakla sa gilid. “Tabi kayo dyan, dadaan na ang TOP 1 sa listahan, ang babaihang may 98.26% powers! At aming precious na alaga. Si My Precious Lara Gray!” ang wika ni Betty habang si Larry naman ay hila hila ang aking maleta.

“Salamat sa inyo ha.” ang bulong ko.

“Luwa ang mata ng mga bakla!” ang natatawang wika ni Larry at maya maya dinagsa na sila ng media. “Kayo ba ang handler ni My Precious Lara Gray?” ang tanong nito

“Oo ako nga, at siya naman ang make up artist ni Precious, sya ang sikreto sa kagandahan ng aming alaga. Ang talented na si Miss Betty!” ang wika ni Larry

Kumaway si Betty sa camera..

“Oh paano Precious, hanggang dito nalang kami, mag ingat ka at mag text ka agad sa amin kapag kailangan mo ng tulong ha. Sige pumasok kana doon at sumama sa mga 95% to 85% na babaihan powers. “ ang wika ni Larry na parang umiiyak pa

“Bye Precious, oh hiramin mo muna ito relo ko. Baka makalimot ka sa oras ha. Iwasan mo ang pag labas ng halimaw sa banga.” ang wika ni Betty

Natawa ako at niyakap ko silang dalawa “maraming salamat sa inyo.”

“Oh sya gora kana doon, wag kana mag drama dito. Galingan mo at ligwakin silang lahat.” ang wika ni Larry

Pag pasok ko sa silid kung saan naroon ang mga babaihang nakapasa sa application, agad nila akong sinalubong at kinamusta. Mababait sila, halos magaganda lahat at napaka elegante kung mag si kilos. Hindi ako makapaniwala na kilala na nila ako agad, kung sa bagay ay ako ang naka kuha ng pinaka mataas na babaihan powers kaya heto feeling sikat ako sa mga baklang ito. Ang iba sa kanila ay nakipag beso a, selfie at kung ano ano pa. Pakiwari ko tuloy ay ako si Catriona Gray na dumating sa Thailand at pinag kaguluhan ng mga fans. Reynang reyna ang aking datingan at talaga hinahangaan ng lahat. May ilang beki na feeling close at best agad ang tawag sa akin. May iba naman na ramdam kong plastic at mapag panggap pero gayon pa man ay totoo pa rin akong nakikisama sa kanila.

“Good morning ladies, My name is Justine , Miss Babaihan Internatioanal 2017 at ako ang inyong Beauty Guru sa darating na mga linggo. First of all, congratulations for being a part of our organization. Sa susunod na mga linggo ay matututo kayong kumilos na parang mga tunay na reyna. Huhubugin kayo ng Organization para maging mahusay na beauty queen, model o kahit ano pang nais ninyong gawin sa inyong mga babaihang katawan. Kayo ngayon ang tatawaging mga “ELITE na babaihan”.

Palakpakan…

Tumagal ng halos dalawang oras ang orientation, pag katapos noon ay niyakap ako ni Justine at sinabi expected na niya na ako ang makakapasok. Nangako rin sya na tutulungan ako sa abot ng kanyang makakaya para matupad ko ang aking pangarap.

At bago matapos ang hapong iyon ay sinamahan niya kami sa dormitory ko QofQ kung saan kami titira ng halos isang buwan para mag training. Maganda ang gusali, parang hotel at bawat nakapasang applicante ay may kanya kanyang silid. Bahagi ito ng luxary living bilang isang kasapi ng organisasyon. Ang lahat ay manghang mangha bagamat patikim pa lamang daw ito sa aming mga mararanasan kapag kami naging epektibong reyna na.

“Siya si Miss Elfie, siya ang inyong landlady. Siya ang may alam ng mag rules and regulations sa gusaling ito kaya sana ay sumunod kayo sa kanya.” wika ni Justine.

Maya maya ay lumakad si Elfie sa amin, isang babaihang beki na may katandaan na. “Bawal ang babae dito! Bawal mag papasok ng lalaking chuchupain at titira sa inyo. BAWAL ang outsiders! Bawal malate ng uwi pwera nalang kung may party sa org at BAWAL ang panget dito! Ayoko rin ng tumatakbo sa hallway at ayoko ng tumatakbo sa hagdan. Ayoko ng maingay at ayoko ng mga SINUNGALING! Yun lang pasok na!!!” ang bulyaw nito dahil para matakot kami.

Papasok na ako noong bigla niya akong hawakan sa braso. “98.26% Babaihan power? Bakla ka ba talaga o isa kang babae?” ang tanong niya dahilan para mapahinto ang iba.

“Teka po Miss Elfie, hindi pa ba obvious sa boses ko? May adams apple ako oh.” ang wika ko naman.

“HINDE!!” ang bulyaw niya

“Paano ko ba mapapatunayan na lalaki talaga ako, I mean magandang babaihan lang?” tanong ko

“Madali lang iyan! Upo!” utos niya kaya naman naupo ako sa silya.

“Bukaka!!” ang sigaw pa niya.

Bumukaka ako.

“Ibuka mo iyang hita mo, titingnan natin ngayon kung isa ka bang tunay na bakla o isang babaeng nag papanggap.” ang wika ng landlady ng dormitoryo

“Mader, bakla talaga ako. Mukha lang talaga akong babae. Babaihan nga e.” ang sagot ko naman at laking gulat ko noong kapain niya ang aking ari.

“Hmmm, may bukol nga. Medyo jutay lang kaya hindi halata.” ang wika nito

“Sabi ko naman sa inyo e isa akong bakla na mukhang 100% na babae. Taas ang kilay nyo no? Ganda lang!” pag yayabang ko naman sabay hawi sa aking mahabang buhok.

“Ang swerte mo naman mader, jutay iyang etits mo. Siguro kapag nag susuot ka ng swimwear sa mga contest ay wala kang worry na sumilip si junjun.” ang naiingit na hirit ng isang boarder.

“Syempre naman. Siguro lahat kayo ay mga daks kaya inggit na inggit kayo sa akin. Anyway tapos na ang meeting na ito. Napatunayan na ang dapat patunayan kaya babush!” ang pag papa alam ko naman sabay panhik sa hagdan

Walang nagawa ang landlady kundi ang mapailing nalang habang sinusundan ako ng tingin..

Isang matamis na ngiti naman ang aking isinukli sa kanya bago pumasok sa silid.

Itutuloy..

Reyna Part 9

Cover by: Godwin Palaca Dalumbay

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 14, 2019


STORY 2

Reyna

Part 9

“Stand straight! Sustain! Maging fierce look kayo! Think murder! Isipin ninyo na papatayin ninyo ang kaaway ninyo! Ayan! Tingnan nyo si Miss Precious!” wika ni Justine habang sinasabayan kami sa pag lakad

“Lakad lang girls, ganyan ang mga professional na model.” ang pang eengganyo ng isa pang guru samantalang kami naman ay paikot ikot na rumarampa sa catwalk, talagang bawat galaw namin ay maiging sinasala.

Halos isang linggo at kalahati na rin ang nakalipas simula noong mag simula ang training namin sa organization. Makalipas ang isang buwang mahigit ay ipapadala na kami sa mga contest at sa mga talent search na maaari naming lahukan. Nag sisimula ang training namin tuwing alas 10 ng umaga at natatapos ng alas 6 ng hapon. Mabuti na lamang at pasok pa rin ito sa oras ng mahika ng bra kaya hindi ako nabubuking. At kapag gabi naman ay nakaka ligtas pa rin ako dahil may curfew sa aming dorm, kapag alas 11 na ang gabi ay nakapasok na ang mga girls sa kanya kanyang silid. Kapag alam kong babalik na ako sa pagiging si Chaka Doll ay mag kukulong na ako sa kwarto at alas 9 na ako ng umaga lalabas.

May isang pangyayari pa nga na nais matulog ng mga kaibigan ko sa aking silid, kwentuhan daw kami at inum inom ng kaunti, iyon nga lang ay hindi ako pumayag, nag sakit sakitan ako upang hindi matuloy ang plano. Ngayon ay kaunting linggo nalang ang aking hihintayin at matatapos na rin ang pag ttraining sa org.

“Miss Justine, nandyan na po ang mga press. Kailangan raw ng isang applicant na isasama kay Miss Marga sa interview.” ang wika ng guard.

“Ah ganoon ba, sige ikaw nalang ang sumama Miss Preciuos tutal naman ay ikaw ang rank 1 sa babaihan powers noong inilabas ang listahan ng pumasang aplikante.” wika ni Justine.

Lumapit ako sa kanya at nag punas ng pawis mukha. “Okay lang ba ang itsura ko? Baka nakakahiya doon sa media?” tanong ko

“Don’t worry hija, maganda ka pa rin kahit pawisan. Halika at kaunting retouch lang iyan.” ang wika niya sabay tawag sa mga kasamahan ko. “Girls emergency, kailangan ng retouch ni Prey!” ang malanding wika ng isang kasamahan ko kaya naman nag tilian sila at kanya kanyang kuha ng make up kit.

Pina upo nila ako sa isang silya malapit sa aircon at saka inayos ang aking mukha, buhok at kung ano ano. “Kailangan ay maligwak mo si Marga sissy. Dapat ay hindi ka mag mukhang alalay niya sa national television ha.” ang wika ng isa.

Tawanan sila..

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ako sa studio at sinamahan ako ng guard sa lobby ng gusali kung saan naroon si Marga na inaayusan ng kanyang make up artist na alalay. Naka suot ito ng gown na saksakan ng haba na animo isasagala, samantalang ako naman ay naka bestida lamang na kulay puti. Mukha akong model ng baretang panlaba noong mga oras na iyon. Ang damit na ito ay ginamit lang ni Betty na pang doxology noong buwan ng wika. Pero ayos lang, keri pa rin!

Lumapit ako kay Marga at hindi ko maitago ang matinding hiya, hindi ako makapaniwala na ang idol ko ay heto ngayon at katabi ko pa. Ang puso ko ay lumulundag sa tuwa, ang aking dibdib ay kumakabog sa kaba ngunit hindi ko lubos maisalarawan ang aking pakiramdam lalo na noong ngumiti sa akin si Marga at kinamusta ako.

Bago mag simula ang interview ay nag karoon kami ng kaunting briefing, si Marga ang star at siya ang laging unang mag sasalita, ako naman ay susuporta lamang sa lahat ng kanyang sasabihin. Ang layunin ng prescon ay ipromote ang QofQ at ipakilala ang mga aabangan beauty queens na mag mumula sa aming lupon. Medyo naalangan ako sa datingan namin ni Marga, mukha akong taga bitbit ng kanyang gown. Parang isang usherette o alalay ng isang ikakasal.

In 3.. 2… 1…

Camera!

Rolling!

On Air! Live!

Kumapit si Marga sa aking bewang at ngumiti sa harap ng camera, ako rin ganoon ang ginawa, bagamat naiilang ako. Sa isang monitor ay parang super close talaga kami ni Marga, siya pa ang naka lingkis sa akin.

HOST: Nandito tayo ngayon sa lobby ng QofQ organization kung saan kasama natin ang Queen of Queens na si Marga Delfin at ang super rookie pag dating sa kagandahan na si My Precious Lara Gray. Silang dalawa ang patunay na paganda ng paganda ang ating mga transwomen.

Umupo kaming dalawa ni Marga sa magarbong sofa..

Naka ngiti pa rin..

HOST: Miss Marga, ano ang aasahan namin sa mga bagong aplikante? Maiuuwi kaya nila ang mga korona sa mga contest na kanilang lalahukan?

Ngumiti is Marga “They are really amazing, lahat sila ay talagang magaganda at full confidence. I know na ginagawa ng org at mga guru ang kanilang mga best para I train at I mold ang kakayahan ng mga bagong beauty queens. Lalo na ngayon, ang mga Pinoy ay tinagurian nang power house pag dating sa mga pageants. Mapa contest man ng babae, lalaki o kahit LGBT. Ang ating bansa ang nangunguna at kinatatakutan.” Ang naka ngiting wika ni Marga

HOST: Bilang isang pinaka elite at tinitingalang babaihan sa bansa, sa tingin mo ba ay may tatalo na kay Marga Delfin?

Natawa si Marga. “I worked so hard para maachieve kung ano man ang mayroon ako ngayon. Sa tingin ko ay marami maraming bigas pa ang kakainin ng nag nanais na palitan ako. Right now sa tingin ko ay wala pang deserving para maalis ako sa aking trono.” ang confident na wika nito

Maya maya nag taas ng kamay ang isang reporter na beki. “Pero Miss Marga, hindi ka ba kinakabahan sa katabi mo? Pareho kayong maganda at halos hindi nag kakalayo at as far as I know siya ay mayroon 98.26% babaihan powers at rank one sa lahat ng applicant. I remember noong ikaw ay applicant mayroon ka lamang 96.43% na babaihan powers at kamakailan ay naging 97% ito. Ngunit mas mataas pa rin si Miss My Precious Lara Gray. Hindi kaba na tthreat sa kanya?” ang intrimidang tanong nito, walang takot at diretso.

Natawa si Marga bagamat batid kong hilaw ito. “NO. Hindi syempre. Baguhan pa itong si Prey at mahiyain pa siya. Hindi pa rin nakakaranas ng isang major contest. At para sa akin ay isa siyang kaibigan, isang fan at hindi katunggali.”

HOST: Anong masasabi mo doon Miss Prey, hindi ka raw itinuturing na katunggali o karibal ni Miss Marga.

Ngumiti ako at kinuha ang mic. “Simula noong unang beses kong makita si Miss Marga ay nainspired na akong maging katulad niya. Isa po akong fan at hindi ko magagawang higitan siya. Tinitingala ko siya at hinahangaan ng lubos.” tugon ko

“Sabi ko sa inyo, si Prey ay isang fan at loyal siya sa akin. I love you my girl.” ang naka ngiting wika ni Marga sabay yakap sa akin.

Pinicturan kami sa ganoong posisyon ng pag yayakapan at noong iupload ito sa social media ay nag trending ng husto. Marami nag sasabi na si Marga daw ay isang malaking plastic, mayroon naman nag comment ng ahas at sinasabing pareho kaming nag papanggap na gusto naming ang isa’t isa. Ewan, basta ako ay mananatiling taga hanga ni Marga at iyon ang totoo.

Tumagal ng halos isang oras ang interview, wala na akong naging role. Puro si Marga ang center ng usapan kahit ang org ay hindi na rin naipromote. Gustong gusto ni Marga ang limelight, ang liwanag ng camera at ang palakpak sa kanya ng mga taga hanga. Nakaka lasing ang kanyang kasikatan at talagang ang lahat ay itinuturing siyang isang tunay na reyna.

Matapos ang interview ay agad na umalis si Marga at hindi na niya ako pinansin pa o pati ang press. Basta tumayo siya at walang sabi sabing sumakay sa kanyang sasakyan. Taas kilay tuloy yung mga beking reporter sa kanyang inasal. Bumulong pa yung isa na si Marga daw ay isang “Impaktitang bakla na mataas ang lipad.”

Kaibahan naman sa akin na nilapitan niya at nag pa picture pa. Malugod ko naman silang pinaunlakan at abot abot rin ang aking pasasalamat kapag pinupuri nila ako.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag dating Brad Ford, ang bf ni Marga, may dala itong isang kumpol na bulaklak na puti at gwapong gwapo sa kanyang itsura. Hindi tuloy maiwasang kiligin ng mga beki sa paligid.

“Nalate ka yata Brad, umalis na si Marga.” ang wika ng isang beki

“Ganoon ba? Mabilis yata natapos ang interview, iaabot ko lang sana ito sa kanya.” ang wika nito at maya maya ay napatingin sa akin

Ngumiti siya at agad akong nilapitan. “Prey, nandito ka pala.” ang bati niya

“Wala, picture ko lang ito.” ang tugon ko naman dahilan para matawa siya. “Kaka alis lang ni Marga, sayang at hindi kayo nag abot.”

“Oo nga e, pero okay lang. Kamusta kana? Sorry nga pala noon, ang akala ko ay galit ka sa akin kaya ka umalis doon sa bar.”

“Galit? Bakit naman?” tanong ko

“Dahil nag tangka akong halikan ka.” ang tugon niya

“Wala iyon, masaya ako at nag kabalikan ulit kayo ni Marga, ang sweet nyo sa picture.” ang naka ngiti kong tugon sabay lakad palayo sa kanya.

“Teka wag ka muna umalis. Alam mo hindi pa naman kami okay ni Marga, nasa stage palang kami ng pag aayos sa aming relasyon. Parang napapagod na nga rin akong suyuin siya. Biruin mo araw araw ko siyang dinadalhan ng bulaklak kaso tinatapon lang niya. Ilang beses na rin akong nag makaawa sa kanya pero wala talaga.” wika nito habang lumalakad kami sa hallway

“Masaya ka pa ba sa ginagawa mo?” tanong ko

“Bakit ganyan ang tanong mo?” tanong rin niya

“Dahil kung masaya ka sa ginagawa mo ay walang rason para itigil mo ito. Ngunit kung ang ginagawa mo ay nag dudulot sa iyo ng sakit at kalungkutan, sa tingin ko ay kailangan mong mag isip kung kakapit ka pa o bibitiw na. Sabi nga doon sa isang aklat na nabasa ko. “Walang gamot sa katangahan kundi ang pag kukusa.” Ngunit hindi ko naman sinasabing tanga ka, ang ibig ko lang ipahiwatig sa iyo ay hindi mo deserve masaktan. Gwapo ka, sikat, maraming babae na humahanga sa iyo. Kung hindi kana masaya sa pag mamaka awa mo kay Marga, pwede ka naman huminto.“ ang wika ko habang naka lagay ang dalawang kamay sa likuran na parang isang cute na babaeng nag lalakad.

Napatingin siya sa akin, ako naman ay ngumiti sa kanya..

Tuloy kami sa pag lalakad..

Walang imikan..

“Nga pala, nabasa ko doon sa announcement board na bukas na pala ang “babaihan night”, isang welcome party para sa inyong mga applicant. May escort kana ba? Gusto mo ako nalang?“ tanong niya

“Utot mo, baka isumpa ako ni Marga at ng mga fans niya kapag nakita na kasama kita.” ang wika ko bagamat nakaramdam ng kakaibang kilig

“Gusto ko lang makita ang reaksyon niya kung sakaling makita niya na may kasama akong kasing ganda at kasing sexy niya.” ang wika niya

“So gagamitin mo ako sa kalokohan mo?” pang uusisa ko.

“Syempre ay hindi, isang malaking karangalan na maging escort mo. Tiyak na kaiinggitan ako ng mga kakalalakihan doon.” ang naka ngising wika niya.

“Gusto ko sana kaso ay wala naman akong isusuot na damit.”

“Hindi problema iyon, sasamahan kita sa kaibigan ko. Akong bahala sa damit mo Prey. Tara naaa!” pag yaya niya sabay hila sa akin sa kanyang sasakyan.

“Teka Mister Brad Ford, saan mo dadalhin si Miss Precious? Hindi pa siya pwedeng umalis!” pag pigil ng guard

“Pahiram muna! Iingatan ko ito! Promise!” ang wika ni Brad sabay start sa kanyang sasakyan.

Itutuloy..

Reyna Part 10

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 14, 2019

Happy Hearts Day Mga Ka Alter! Choz


STORY 2

Reyna

“Syempre ay hindi, isang malaking karangalan na maging escort mo. Tiyak na kaiinggitan ako ng mga kakalalakihan doon.” ang naka ngising wika niya.

“Gusto ko sana kaso ay wala naman akong isusuot na damit.”

“Hindi problema iyon, sasamahan kita sa kaibigan ko. Akong bahala sa damit mo Prey. Tara naaa!” pag yaya niya sabay hila sa akin sa kanyang sasakyan.

“Teka Mister Brad Ford, saan mo dadalhin si Miss Precious? Hindi pa siya pwedeng umalis!” pag pigil ng guard

“Pahiram muna! Iingatan ko ito! Promise!” ang wika ni Brad sabay start sa kanyang sasakyan.

Part 10

Ang “Babaihan Night” ay isang welcome party para sa mga bagong applicant ng QofQ org. Karaniwan ay ginaganap ito 2 weeks pag katapos ng mabibigat na training sa pag rampa. Isang acquaintance party iyon na may mga escort at nag gagandahan ang mga damit ng mga kasali. Mamimili rin sila ng Face of the night at kung ano ano pang surprise na awards para sa aming miyembro ng QofQ org.

“Saan mo ba ako daldalhin?” tanong ko

“Doon sa designer na kaibigan namin ni Marga. Hindi kita maaaring dalhin sa ibang pipitchuging designer dahil hindi iyon deserve ng kagandahan mo.” wika niya habang naka ngiti

Tinapik ko ang kanyang bilugang braso habang nag ddrive at saka ako tumawa na naka takip ang kamay sa bibig. “Ang hinhin mo talaga. Para kang si Maria Clara.” biro pa niya

“Sayang naman yung mga bulaklak mo. Pwedeng sa akin nalang?” ang tanong ko

“Hmm, o sige.” ang wika niya

“Ipamimigay ko ito sa mga girls pag uwi ko mamaya.” ang wika ko habang binibilang isa isa ang mga oras. “12 lang? Kulang pa ng 7 kasi ay labing siyam silang pag bibigyan ko.”

Natawa si Brad. “O sige, bibili pa ako mamaya. Talagang iniisip mo pa yung mga kasamahan mo?”

“Oo naman, parang mag kakapatid na kami. At kanina noong mag patawag ng prescon ay sila mismo ang tumulong sa akin.”

“Mabuti ka pa marami kang kaibigan, si Marga? Kaunti lang, yung mga friends lang niya from the upper upper.”

“May kanya kanya kasi talaga tayo ng circle of friends, siguro ay depende iyon sa uri ng status mo sa buhay. Lumaki kasi ako sa hirap kaya lahat ng uri ng tao ay napapakisamahan ko ng maayos.” naka ngiti kong tugon

“And that’s the best thing about you Prey.” naka ngiti rin niyang salita.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto kami sa isang magandang gusali, sa bungad palang nito ay marami nang naka display na gown, ang mga ito ay sobrang mamahal at halos nasa daang libo ang presyo. Hindi naman ako mag susuot ng ganitong kamahal, ibibigay ko nalang ito sa sarili ko para makapag aral ng kahit na anong kurso sa kolehiyo.

“Brad, welcome. Pasok kayo.” ang wika ng isang high class na bading

“This is Prey, kaibigan ko doon sa QofQ org. Newbie lang siya kaya huwag mo siya masyadong ipressure.” ang biro ni Brad

“I know her, napanood ko ang interview nila ni Marga kanina at believe me they both stunning, napaka telegenic ng dating mo hija. Maganda ka pala talaga sa personal at alam mo may mga anggulo na mas nalalamangan mo pa si Marga kanina ha. Para talaga kayong reyna doon.” ang papuri ng designer sabay beso sa akin.

“Salamat po.” ang magalang kong tugon

“Alam ko na kung bakit kayo nandito. Dahil sa “Babaihan Night” hindi ba? Yung ilang baguhang aplikante ay dito rin kumuha ng gowns nila kahapon.“

“Si Marga? Dito ba siya kumuha?” tanong ni Brad

“Yes, at pinaka mahal ang gown niya. Nag niningning, super sexy at napak daring. Isang see through na gown, ang takip lang sa dibdib, kepyas at pwet ay mga mamahaling gems at lahat ay hubad na. Anyway bagay kay Marga iyon dahil flawless siya.” ang wika ng designer

“So may maibibigay ka ba para kay Prey?” ang tanong ni Brad

“Oo naman, dahil halos mag kasing ganda sila ni Marga ay magandang gown rin ang ibibigay ko sa kanya. Halika.” ang wika nito sabay akay sa akin.

Namangha ako sa dami ng magagandang gown, talagang napaka huhusay ng mga desenyo, ganito ang pangarap nina Betty, Larry at ng iba doon sa compound namin. Sayang lang at wala sila dito ngayon.

Tahimik..

Maya maya ay lumabas ang designer hawak ang isang gown. Isang see through rin na damit at ang nakatakip lang sa dibdib ay mga pulang bato, ganoon rin sa gawing ibaba at sa pwet. “Tamang tama pula ang bra mo ang panty mo, mainam iyan para di ka masyadong makitaan since red ang stones na naka palibot sa tela.” ang wika nito habang inaayos ang damit sa akin. “At ang hair, mas maganda kung simple lang, straight or low ponytail will do.”

Maya maya ay iniharap niya ako kay Brad..

Napahinto ito sa pag babasa ng magasin at napabulong nalang. “Wow, you look perfect.” ang bulong niya.

“Ano pwede na ba iyan sa kanya?” tanong ng designer

“Oo naman, napaka ganda niya. Hindi ba?” ang namamanghang wika ng binata

“Okay, hindi ito for sale ha. Pero pwede ninyong irent, since hindi ka naman iba sa akin Brad ay ibibigay ko nalang sa iyo ng 190 thousand pesos.” ang naka ngiting wika nito dahilan para maubo ako.

“Masyado po yatang mahal. Doon nalang kaya tayo sa market. 500 lang doon e.” ang wika ko naman

“No hija, sa ganda mong iyan, hindi bagay sa iyo ang cheap na tela. Deserve mo ang mas mahal sa 190k. Ang damit ni Marga ay nag kahalaga ng 870k pesos. Pero dahil gandang ganda ako sa iyo at perfectly fit sa iyo ang gown na ito ay ibibigay ko nalang ng mas mura. Okay 150k nalang, naluge na ako ha.”

Natawa si Brad at kumuha ng cheke sa pinirmahan. “Wala akong cash, ikaw na ang bahala dyan.” ang wika nito.

Napa nga nga nalang ako, ganito pala ang mayayamang tao kung gumastos ay hindi nang hihinayang sa pera. Talagang maganda ang gown ngunit ang gumastos ng ganoong halaga ay hindi makatarungan para sa isang gabing kasiyahan lang. “Ang mahal naman kasi, hindi bale sana kung sa akin na yung gown na iyon o sana pala ay nag pakain nalang tayo sa mga batang mahihirap katulad niyang mga batang iyan sa lansangan. Mga gutom sila at walang makain, samantalang ako? Yung gown ko 150k? Grabe.” ang wika ko habang nasa loob ng kanyang sasakyan

Natawa si Brad. “Youre so cute.” ang wika niya sabay halik sa aking pisngi na aking ikinagulat.

Nag palitan kami ng halik at dito ay ninamnam ko ang kanyang mabangong hininga. Ang sarap at ang lambot ng kanyang mga labi. Para akong idinuduyan sa alapaap.

Tumagal ng ilang minuto ang aming halikan hanggang sa kapwa kami mag bitiw.

Panandalian katahimikan ang bumalot sa aming paligid..

Walang kibuan at parang nag kahiyaan pa..

“Kain tayo?” ang tanong niya

Ngumiti ako at tumingin sa labas kung saan may mga batang madudusing na nag hahalungkat ng pag kain. “Sige tara!” ang wika ko sabay baba sa kanyang sasakyan

“Teka Prey saan ka pupunta?” tanong niya

“Halika dali” ang wika ko sabay hila sa kanya papasok sa isang fast food. “Teka mas maraming private na kainan doon.”

“Dito nalang tayo.” ang wika ko naman.

“Sandali maraming tao sa loob.” ang parang natatakot na wika ni Brad at maya maya nga ay dinagsa na siya ng mga fans na nag papa autograph at nais mag papicture, tila nawala sa aking isipan na sikat na atleta ang kasama ko. Pero hindi ko na siya pinansin. Bumili ako ng maraming burger at itinake out.

Noong makuha ko ang order ay agad kong hinila si Brad palabas. “Saan tayo pupunta?” tanong niya at laking gulat nito noong mag tungo ako sa mga bata at isa isa ko silang binigyan ng pag kain.

Humarap ako kay Brad at ngumiti..

Ngumiti rin siya sa akin at doon ay lumapit na rin siya para tulungan ako. Noong mga sandaling iyon ay kapwa kami pinag kaguluhan ng mga tao sa paligid ang iba sa kanila ay may hawak pang cp at pinipicturan kaming dalawa.

“Ang loko mo rin hano?” ang natatawang wika ni Brad habang kumakain ng burger.

“Sarap sa feeling no? Kung mayroon ka ay dapat ibahagi mo.” ang tugon ko sabay tapat ng softdrinks sa kanyang bibig. Ininom niya ito at nagawa ko pang punasan ang kanya labi.

Napatitig nanaman siya sa akin. “Bakit?” ang tanong

“Wala, napaka bait mo pala talaga. Ibang iba ka kay Marga. Huwag kang mag taka kung mainlove ako sa iyo ha.” ang biro niya

Natawa nalang ako at saka kinilig. Tinapik ko ang kanya matipunong dibdib. “Loko”

Tawanan..

Alas 6 ng hapon noong makabalik ako sa dormitory, hawak ko ang 20 pirasong bulaklak na puti at isa isang kong ipinamigay sa mga kasamahan ko sa QofQ. Lahat sila ay tuwang tuwa habang tinatanggap ang naturang mga rosas na aking pasalubong. Pati ang aming masungit na land lady binigyan ko rin kaya naman sa halip na magalit ito ay wala siyang nagawa kundi ang umirap nalang bagamat ramdam kong natuwa siya.

Noong gabi rin iyon ay nag trending ang mga video clip at larawan ng ginawa naming pag papakain ni Brad sa mga batang kalye. Pabor din ito kay Brad dahil mas lalo pa siyang hinangaan ng mga taga suporta. “King and Queen of Hearts” iyan ang tawag sa amin dahil may puso raw kami para sa mga batang nagugutom.

Masaya kong binasa ang mga comments, maraming positive at marami rin ang negative na nagagalit sa akin dahil inaagaw ko raw si Brad kay Marga. Syempre to the rescue naman ang mga kaibigan ko sa dormitoryo dahil pinag tatanggol nila ako sa masasamang komento sa akin.

Noong gabi na iyon ay naka ukit ang ngiti sa aking labi dahil nakikita ko na ang aking sarili na lumalakad sa bulwagan suot ang magandang gown na ibinigay sa akin Brad. Tiyak na bukas ay magiging espesyal ang gabing iyon at ngayon palang ay hindi na ako makapag hintay.

Itutuloy..

Reyna Part 11

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 14, 2019


STORY 2

Reyna

Part 11

Alas 6 ng hapon noong mag simula ang party. “Babaihan Nights” kung tawagin ng mga bumubuo sa Organization. Halos alas 4 palang na hapon ay abala na kami sa pag aayos, ang lahat ay excited nang rumampa sa red carpet kasabay ang kanilang mga boyfriends, yung mga walang jowa naman nag imbita nalang ng kaibigan lalaki na maaaring mag escort sa kanila. Ang lahat ay puno puno ng hindi mapapantayang kaligayahan noong gabing iyon.

Alas 7 ng gabi noong dumating si Brad sa dormitoryo para sunduin ako. Ang ibang mga kasamahan ko ay nauna sa venue dahil maagang dumating ang kanilang mga escorts. Suot ni Brad ang isang itim suit na may pulang neck tie katerno ng aking gown. “Sorry, katatapos lang kasi ng practice game namin. Late na ba ako?” ang tanong niya

“Hindi naman, tamang tama lang ang dating mo” naka ngiti kong tugon noong inaabot ang kanyang kamay. “God, you’re so beautiful..” ang wika niya habang naka titig sa akin.

Sakay ng kanyang sasakyan, nag tungo kami sa venue..

Sa labas palang ay rinig ko na ang magandang musika pero gayon pa man ay ibayong kaba ang aking naramdaman lalo na’t si Brad ang aking kasama ngayong gabi. Gusto kong maging perpekto ito kahit sa loob lamang ng ilang oras. Alam kong may limitasyon ang kasiyahang ito kaya naman bawat segundo ay ninamnam ko ng husto.

Pag pasok palang namin sa bungad ng red carpet ay dinagsa na kami ng mga litratista, napatingin rin sa akin ang ilang mga kasama ko sa org at lahat sila na napahanga ng husto. Syempre ay may ilang na shock dahil si Brad ang aking escort, may ilang natuwa at may ilang ring tumaas ang kilay.

“You look stunning darling.” ang wika ni Justine sabay halik sa akin.

“Salamat po Miss Justine, ikaw rin sobrang ganda mo.” ang papuri ko naman.

“At ikaw ang pinaka gwapong escort Mister Brad Ford.” Biro rin niya sa binatang aking kasama.

Nag simula ang party, ang lahat ay kumikinang, ang lahat ay nag gagandahan. Halos wala akong mapag sidlang kaligayahan habang kapwa kami kumakain ni Brad sa isang romantikong table. Para kami nag dadate at nag susubuan pa ng pag kain. Hindi na ako nahihiya sa kanya at komportable na rin ako sa kanyang mga hirit na sweet at nakaka inlove.

Music Playing

Crush

David Archuleta

I hung up the phone tonight Something happened for the first time deep inside It was a rush, what a rush

’Cause the possibility That you would ever feel the same way about me It’s just too much, just too much

Why do I keep running from the truth? All I ever think about is you You got me hypnotized, so mesmerized And I’ve just got to know

Do you ever think when you’re all alone All that we can be, where this thing can go? Am I crazy or falling in love? Is it real or just another crush?

Do you catch a breath when I look at you? Are you holding back like the way you do? ‘Cause I’m trying and trying to walk away But I know this crush ain’t goin’ away-ay-ay-ay-ayy Goin’ away-ay-ay-ay-ayy

Alas 8 ng gabi, huminto ang musika noong dumating si Marga Delfin. Ang lahat ay napatingin sa kanyang pag dating, ang kanyang escort ay isang sikat na brazillian model na kadarating palang dito sa bansa. Ang kanyang damit ay halos kapareho ng sa akin, mag kaiba lamang ng kulay. Ang kanya ay asul ang mga bato at ang sa akin naman ay kulay pula. Ang aking buhok ay naka lugay lamang at ang kanya naman ay simple low ponytail lang. “Halatang idol mo si Marga, mag kamukha kayo ng damit eh.” Hirit ni Brad sabay tawa

“At halatang pinag palit kana rin ni Marga sa isang mas borta at mas dakong foreigner.” Biro ko rin sabay kuha ng baso ng alak at cheers kaming dalawa.

Sa center table umupo si Marga at ang kanyang escort, kami naman ni Brad ay nasa gilid lang at ineenjoy ang bawat sandali. Sa event na ito ay nag salita ang mga founder ng organization, ang mga guru ay nag pasalamat rin sa aming pag dalo. At siyempre nang hingi rin sila ng maiksing mensahe kay Marga Delfin na siyang tinaguriang “star ng gabi.”

Alas 9, dumating ang pinaka hihintay ng lahat, ang pag aannounce ng face of the night. O ang pinaka magandang babaihan noong gabing iyon. Ang iba ay hindi na umaasang matawag dahil tiyak na si Marga na raw ang mananalo. Ang iba naman ay hoping pa rin sa bagay na imposible.

*drum rolling..

HOST: Ang Face of the night ay si… “Miss MARGA DELFIN!!”

Palakpakan ang mga bakla paligid bagamat expected na nila kaya halatang walang kagana gana ang kanilang palakpak.

HOST: At is Miss MY PRECIOUS LARA GRAY!“

Nashock ang mga beking kaibigan ko, pati ako ay nagulat rin kaya naman ang tilian nila ay ganoon nalang. Mas malakas pa ang palakpakan at pag ccheer sa akin ng aking mga kasamahan kaysa noong tinawag si Marga.

Iyon nga lang ay nagulat ang lahat noong tumayo ako suot ang kaparehong gown ni Marga. “Ay mag kamukha ng gown, parang photo copy lang. Si Pirena at si Amihan!” ang wika ng mga guru

“Congrats darling” ang masayang bati ni Justine sabay halik sa akin.

Napabuntong hininga ako lalo na noong makita kong umasim ang mukha ni Marga noong makita ang aking damit na halos kamukha ng kaniya. Umakyat ako sa stage at bebeso sana ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

HOST: Paano ba iiyan iisa lang sash at corona. Share nalang kayo. Congrats Ladies! Both of you are really stunning tonight. Tingnan nyo mga kaibigan, para silang kambal, sa palagay ko ay iisa lang ang designer ng gowns niyo. Beautiful! Beautiful!“

Palakpakan ang tao..

Agad na bumaba si Marga, hindi niya hinawakan ang sash at korona ng face of the night kaya naman bumaba ako para ialay ito sa kanya. “Marga, sa iyo na ito. Ikaw ang idol ko at deserve mo ang crown at sash na ito.” ang wika ko dahilan para mapa palakpak ang host at ang ibang guru sa paligid.

Tumayo si Marga sa kanyang upuan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Siguro ay dapat ifired ko na ang aking designer. At binibigyan mo ako ng cheap na sash at korona? How dare you!” ang wika nito

“Pero, gusto ko lang naman na ibigay sa iyo ito. saka I love you so much Marga. Inspirasyon kita at maninitil akong fan mo kahit na anong mangyari.” ang wika ko naman sabay abot sa kanyang korona.

Tinabig niya ito ay bumagsak sa lupa. “Ilayo mo sa akin ang cheap na koronang iyan. Para ikaw, nag mukhang cheap ang damit noong isuot mo! Hindi lang korona ang ninakaw pati desenyo ng damit ko ay ninakaw mo rin! Baliw lang ang nag sabing ipinanganak na ang katapat ko. You’ll never make it. You’re nothing, but a second rate, trying hard copycat!!” ang wika niya kaya naman agad na pumaling ang aking pisngi sa kanan.

“Gaga hindi pa kita sinasampal at wala tayo sa pelikulang bituing walang ningning para gawin ko iyon. Pero eto ang mas bagay sa iyo. PALAD! In your face!” ang wika niya sabay sampal ng malakas sa aking pisngi. Kinuha rin niya ang bote ng whisky at siniboy iyon sa akin ng paulit ulit. Pati bucket ng yelo ay itinapon niya sa akin at isinuklob sa aking ulo ang walang lamang bucket nito

Agad na tumayo si Brad at ang mga organizer. “Marga, anong ginagawa mo? Huwag kang gumawa ng scene dito!” ang wika ni Brad habang pinupunasan ang aking mukha.

Ako naman ay napaiyak na lamang at natakot sa kanyang ginawa..

“Hindi ka lang mang aagaw ng korona at gown. Mang aagaw ka rin ng boyfriend malandi kaaaa! Slut!! Mababang uri ka ng bakla at gagawin ko ang lahat para mapa alis ka sa org!” ang sigaw nito at kumuha naman ng baso at ibinalibag sa akin.

Nag bubulungan na ang mga bakla sa paligid. “ay nawalan poise at glamour si mama” ang wika nila dahilan para mapahinto ito sa pag aamok. Agad siyang kinuha ng mga guru at inilayo sa akin. “Bitiwan nyo ako! May araw ka rin sa akin Brad! Male prostitute! Akala mo ba daks ka? Maliit yan!!” ang sigaw pa nito habang inilalabas.

“Are you okay? Huwag kana umiyak.” ang tanong ni Justine

Tumango ako at lumabas nalang, sinundan ako ni Brad at hinawakan sa braso..

“Don’t cry please.” ang wika niya

“Iwan mo na ako!” ang wika ko naman

Pero hindi niya ako binitiwan, hinila niya ako papasok sa kanyang sasakyan at agad niya itong pinaandar. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit hindi ko na napigil ang aking pag iyak. Hindi ako makapaniwala na sinabing lahat sa akin ni Marga iyon, hindi ako makapaniwala ang kaisa isang taong tiningala ko at inidolo ay ganoon pala ang ugali. Pati si Brad ay tinawag niya ng masama kaya’t hindi ko matanggap ang mag iyon. Ang magandang gabi ay naging disaster at iyon ang labis kong kinalulungkot. Nadamay pa tuloy ang mga kaibigan ko sa org ng dahil sa akin.

Makalipas ang ilang minuto at huminto kami sa isang gusali. Inakay ako ni Brad papasok sa kanyang condo at dito ay binigyan ako ng towel upang mapunasan ang aking katawan..

Marahan kong pinunasan ng towel ang aking mukha habang umiiyak. Si Brad naman ay naka alalay lang sa akin at maya maya ay kusang gumalaw ang kanyang kamay at niyakap ako ng mahigpit. Ako naman ay umiyak sa kanyang dibdib. Hinaplos haplos niya ang aking buhok at habang inaamo na parang isang babae.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay napansin niyang basa ang aking suot na damit kaya naman agad siya tumayo, kumuha ng isang long sleeve na puti at short sa kanyang malaking cabinet. “Wala akong damit dito na bagay sa iyo. Okay na ba ito? Para hindi ka sipunin?” tanong niya

Tumango ako at lumapit sa kanya..

Tumalikod ako at hinawi aking buhok pa balikat, inilabas ko ang zipper sa aking likuran.

Alam na niya nais kong mangyari kaya gumalaw ang kanyang kamay at marahang ibinaba ang zipper ng aking gown. Habang ginagawa niya iyon naramdaman kong dumadampi ang labi niya sa aking leeg, balikat at tenga na nag bibigay sa akin ng ibayong kiliti.

Maya maya ay tuluyang nahubad ang aking gown at ang tanging natirang saplot sa akin ay ang aking bra at panty. Agad niya akong iniharap sa kanya at inilagay ang aking kamay sa kanyang dibdib tapat sa butones.

Marahan ko itong inalis hanggang sa tumambad sa aking harapan ang kanyang matipunong katawan at ang kanyang abs na parang hinulma sa perpektong hubog.

Tumingin sya sa akin at hinagkan ang aking labi, sa pag kakataong ito ay mapusok ang kanyang ginawang pag halik kaya naman lumaban ako ng husto.

Habang mag kasugpong ang aming labi ay ibinababa niya ang kanyang pantalon hanggang makita kong umigkas ang kanyang malaking pag kalalaki sa aking harapan. Nasa halos 7 o 8 pulgada ito, hindi nakapag tataka dahil may lahing kano itong si Brad. Parang kabute ang ulo ng kanyang pag kalalaki at naka korte na parang saging, naka kurba ng kaunti paitaas.

Inalalayan niya pababa ang aking ulo at dito ay pinasubo niya ang kanyang nag huhumindig na pag kalalaki. Ito na yata ang pinaka malaking aring nakita ko kaya halos mabilaukan ako sa matinding pag sagad nito. Kaya’t di ko maunawaan kung bakit sinabi ni Marga na jutay siya e hindi naman talaga.

Sinilindro ko ng buong husay ang kanyang ari habang nakatayo siya at naka taas ang braso sa batok. Libog libog ang kanyang itsura habang naka buyangyang ang makapal na buhok sa kanyang kilikili.

Tumagal ng ilang minuto ang pag suso ko sa kanyang ari hanggang sa hinala niya ako patayo at muli akong hinalikan. Hinawakan niya ang aking dibdib at piniga ito dahilan para mangamba akong maalis ang bra at bumalik ako sa pagiging chaka kaya naman umarte ako na nasasaktan.

“Sorry, nakalimutan ko na bawal hawakan ng todo ang mga dibdib niyo.” ang wika niya sabay siil ng halik sa aking leeg at sa aking buong katawan.

Umabot ng ilang minuto ang pag dila niya sa aking buong katawan at iniwasan niya ang aking dibdib dahil baka masaktan nanaman ako.

Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan ko ang aking sarili na naka higa nakapatong sa akin si Brad at pilit na inuumang ang kanyang malaking ari butas ng aking pwet.

Nilagyan niya ito ng isang espesyal na pampadulas kaya naman ilang subok lang ay swabeng umulos ito. Napa sigaw ako dahil parang nawasak ng husto ang aking butas sa laki ng panauhing pumasok sa aking makipot na butas.

Baon na baon ito at punong puno..

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa kusa siyang kumilos at marahang gumiling..

Masakit pa rin ang aking nararamdaman ngunit maya maya ay napalitan ito ng sarap at pakiramdam ko ay lalo akong nadadala sa kanyang pag bayo. Kitang kita ko rin ang ekspresyon ng mukha ni Brad na sarap na sarap habang ninamnam ang kipot ng aking butas.

Makalipas ang ilang sandali ay pinatuwad niya ako at pumatong siya sa akin na parang hinete. Sa ganitong posisyon ay parang binabaril ng airgun ang aking kaloob looban dahil sumobrang baon ang kanyang otso pulgadang ari sa aking kaloob looban..

Napuno ng unggol at impit na ingay ang buong condo ni Brad..

“Ohhh shit! Malapit na ako! Im cumming baby!” ang wika ni Brad at dito ay ipinutok niya sa aking kaloob looban ang kanyang katas.

Ako naman ay kusang nilabasan dahil sa sunod sunod na pag tama ng kanya ari sa aking g spot.

Kapwa napagod at marahang hinugot ni Brad ang kanyang matigas pa ring kargada. Ginawaran niya ako ng isang mainit na halik sa aking labi.

Pumasok si Brad sa banyo upang mag linis ako naman ay napatingin sa orasan. Halos 10:45 na pala ng gabi kaya naman agad rin akong nag aya pabalik sa dormitoryo dahil bukod sa may curfew dito ay may curfew rin ang aking bra.

Muli akong inihatid ni Brad sa aming dormitoryo at bago bumaba ng kanyang sasakyan ay ginawaran niya ako ng isang mainit halik sabay bitiw sa mga katagang “I love you”.

Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang labi. “I love you.”

Sa kabila ng pang yayari sa party ay natagpuan ko pa rin ang aking sarili na nakangiti habang naka harap sa salamin. Naging usap usapan man ang nangyaring eskandalo sa pagitan namin ni Marga ay mas nangingibabaw pa rin ang kakaibang saya sa aking dibdib dahil sa lumalalim na samahan namin ni Brad.

Itutuloy..

Reyna Part 12

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 14, 2019


STORY 2

Reyna

Part 12

Lumipas ang mga araw sa aking buhay, masaya at perpekto pa rin ang aking karanasan sa QofQ Org, iyon nga lang ay talagang mainit ang dugo sa akin ni Marga bagamat madalang kaming mag kita ay ramdam ko pa rin ang panlalait niya sa akin at kung minsan madalas niya akong pinariringgan na “peke” at “mapag panggap”. Kaya upang maiwasan ng tensiyon sa loob ng gusali ay madalas akong iniiwas kapag siya ay dumarating. Syempre ay ayoko rin naman ng gusot at ayoko nang madamay pa ang ibang tao sa akin.

Tungkol sa amin ni Brad, maayos ang aming samahan bilang mag kasintahan, tuluyan na niyang kinalimutan si Marga at sa akin ibinaling kanyang atensiyon. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako sa org at dinadala sa kanyang condo, dito ay madalas kaming mag talik at mag pakasaya sa aming sarili mundo. Suportado ng aking mga kasama sa Org ang aming relasyon, pwera ulit kay Marga na walang humpay ang pag papasaring sa akin sa social media.

Mabuti ang pakikitungo ko sa aking mga kasama, halos araw araw ko silang pinakikisamahang mabuti, spoiled din sila sa akin dahil tuwing uuwi ako galing sa date ay mayroon akong pasalubong sa kanila. Ako nga raw ang pinaka mabait at “sweet” na babaihan sa buong org at sa aming dormitoryo.

Tahimik..

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw sa kalayuan, naka upo ako sa balkunahe ng isang lumang club house na naka harap sa berdeng bukirin, halos naging tambayan ko na ito kapag nais kong mag isip ng maayos.

“Bulaga! Anong kadramahan ito?” ang bungad ni Fairy Fairy na biglang sumulpot sa akin tabi.

Tumingin ako sa kanya “Sa tingin mo masama ba akong tao?”

“Hala, bakit mo naman itinatanong ang mga bagay na iyan?” ang pag tataka niya

“Dahil niloloko ko sila, niloloko ko si Brad na nag mamahal sa akin. Paano ko sasabihin sa kanya na ang magandang baklang minahal niya ay isang chaka at ulikbang nilalang sa totoong buhay?” ang tanong ko

“Eh hindi ko alam. Lumandi ka e, wala naman talaga sa plano ang umibig ka diba? Nandoon ka sa Org na iyon para matuto at hindi para mapag totnak sa ari ni Brad na otso pulgada, kaya di ka na makatayo ng maayos e. Ngayon alam ko na kung bakit medyo sakang si Marga!” ang wika niya

“Seryoso na kasi.” Pag mamaktol ko

“Aba e seryoso ang sagot ko, kung gusto mo ay sabihin mo kay Brad ang totoo. Pwede naman e. KUNG matatanggap ka nya.”

“Natatakot ako na magalit siya sa akin, na hindi nila ako tanggapin bilang ako. Bakit ganoon ang pang unawa ng mga tao? Kapag maganda ka ay hahangaan ka nila pero kapag panget ka naman at hindi kaaya aya sa kanilang paningin ay papatayin ka nila sa pamimintas, kulang nalang ay ibitin ka nila sa kumukong langis at sunugin ng buhay.”

“Fredo, kailangan mong maunawaan na ang mga mata ng tao ay makasalanan, ang tanging magagawa mo lang ay tanggapin ang mga bagay na sinasabi nila sa iyo at gawin mo itong positibo, o kaya naman ay gamitin mo itong inspirasyon para baguhin ang sarili mo.” ang naka ngiti niyang salita.

“Pero alam mo, hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Pakiwari ko nanaginip lang ako.” ang wika ko sabay takip sa aking bibig dahil nabitiwan ko nanaman ang salitang “panaginip”

PLAK!

Sinampal nanaman niya ako at ngumiti. “Hindi ka nanaginip hija, totoong nangyayari ang lahat ito. Pero kailangan mong tatandaan na ang lahat ng panaginip ay hindi laging maganda, minsan ay may bangungot rin na maaari nating maranasan. Ang kailangan mong gawin ay maging matapang at gawin ang dapat mong gawin para sa alam mong ikabubuti ng iyong sarili. Oh, ayan na si Brad, bahala kana sa buhay mo. Baklang twoe!” ang wika ni Fairy Fairy at nag laho ito sa aking paningin.

Dito nga ay nakita ko si Brad na lumalakad patungo sa akin, naka ngiti ito at may hawak na isang pirasong rosas na pula. “Nandito ka lang pala, anong ginagawa mo dito? Baka maya maya ay marape ka dito sa lumang club house na ito. Hinahanap kana doon sa org.” ang wika niya sabay abot sa akin ng bulaklak. “para sa pinaka magandang babae sa buhay ko.” ang dagdag pa niya

Kinuha ko ang bulaklak at ngumiti. “Brad, paano kung malaman mong hindi talaga ako maganda? Hindi talaga ganito ang itsura ko? Tatanggapin mo pa ba ako?” tanong ko

“Hindi ganyan ang itsura mo? Bakit dati ka bang unggoy? O kaya ay isang maskuladong lalaki?” ang biro niya

“Paano kung oo?” tanong ko

Natawa siya at inakbayan ako. “Alam mo kung ano anong iniisip mo, halika nga dito.” Sabay yakap sa akin.

Natahimik ako.

Noong mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng labis na pag kaguilty, hindi ko alam ngunit pakiwari ko ay ang sama sama kong tao dahil nagagawa kong lokohin ang mga taong nag mamahal sa akin, lalo na itong si Brad, wala siyang kalasanan para madamay sa gusot na ito, sa gusot ng buhay ko. Pero kung ililihim ko pa ito ay hanggang kalian? Paano kung wala nang bisa ang bra? Wala nang mahika? Paano ako? Sasabihin ko ba? O patuloy ko gagawin ang panlolokong ito? deserve ba nila ito?

“Brad paano kung hindi talaga ako ito?” tanong ko

“Wait, Prey ano bang pinag sasasabi mo?” ang tanong niya

Noong mga oras na iyon ay nag desisyon akong sabihin kay Brad ang katotohanan, naguguilty ako sa araw araw na panloloko ko sa kanya. Sa tuwing mag kasama kami ay masaya ako ngunit pag uwi ko ay kusa nalang papatak ang luha sa aking mga mata dahil alam kong isa akong manlolokong tao, nagagawa kong saktan ng palihim ang mga taong nag mamahal sa akin ng lubos.

“Gagawin ko ito dahil naguguilty na ako, ayoko nang mag panggap.” ang wika ko sabay tayo sa kanyang harapan.

Siya naman ay takang taka kung ano ang gagawin..

Inalis ko ang aking damit at dito ang natira lamang ay ang mahiwagang bra, halos hindi pa rin siya maka kibo..

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. “Ito ang tunay na ako Brad, sana ay matanggap mo pa rin ako pag katapos nito. Hindi ko na kasi kayang lokohin ka pa dahil ang bait bait mo sa akin. Hindi ko deserve iyon.” ang umiiyak kong salita at dito ay marahan kong inalis ang aking bra..

Parang slowmo ang pang yayaring iyon. Nag liwanag ang aking katawan at bumalik ako bilang si Fredo..

“Ito ang tunay na ako.” ang wika ko at noong makita ako ni Brad sa ganito anyo ay nanlaki ang mata niya at nag hihiyaw!

“Fuck! Bull shit! What are you??!! Huwag kang lalapit sa akin!! Shit!!” ang sigaw na takot na takot.

Napaatras pa ito habang nakaupo sabay tayo. “You monster!! Nasaan si Prey! Nasaan siya!” ang sigaw nito

“Ako at siya ay iisa! Please maniwala ka!” ang sagot ko

“Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka pero isa kang.. isa kang halimaw!! Huwag kang lalapit sa akin!!!” ang sigaw nito sabay takbo palayo at agad sumakay sa kanyang sasakyan..

Hindi ko na siya nagawang habulin..

Sana ay panaginip nga lang ang lahat, pero hindi dahil ang sakit sa aking puso ay hindi mapapantayan. Kung minsan ang pag sasabi ng katotoohanan ay hindi rin nakakabuti lalo’t alam mong may masasaktan.

Tila napako ako sa aking kinatatayuan at dito ay bumugso ang luha sa aking mga mata. Wala akong nagawa kundi ang mapa upo na lamang at mapatalungko sa isang sulok habang unti unting lumalabas ang aking emosyon. Wala akong magawa para tulungan ang aking sarili, alam kong gagalit si Brad sa akin ngunit pinaka masakit ay ang tawagin niya akong isang “halimaw”.

Labis akong nasaktan at kahit gawin ko ay walang paraan para matanggal agad ang sakit na ito. Nawala si Brad sa akin, wala na ring kaligayahan ang aking puso. Kahit mag sisisi ako ay huli na rin ang lahat, ang pag papalaya sa iyong sarili mula sa kasinungalingan ay hindi ganoon kadali. Tiyak na may kalakip itong sakit na hindi mapapantayan.

Tahimik.

Halos ilang oras akong nakatulala sa isang sulok sa gilid ng sirang clubhouse bago ako mag desisyon na bumalik na gusali ng Org. Siguro ay hindi ko na rin ipag papatuloy ang aking ambisyon na maging parte nito dahil tiyak na marami akong masasaktan..

Noong hapon din iyon ay nag desisyon na akong mag quit sa QofQ..

Bumalik ako sa gusali bilang si Precious, iyon nga lang hindi maikukubli ang mag kamugto ng aking mata at ang aking itsura ay talagang pinag sukluban ng langit at lupa. Lumakad ako patungo sa aming training room at pag bukas ko ng pinto ay nakita ko dito ang aking mga kasamahan.

Bumulaga rin sa akin si Marga na naka tayo sa harap isang malaking projector. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, mukhang nag patawag ng pang malakasan meeting itong si Marga dahil pati ang mga guru at mga organizer ng QofQ ay nandito rin. Siguro ay gumagawa na rin ng hakbang si Marga para mapa alis ako sa org.

“Sa wakas dumating na rin ang STAR ng meeting na ito.” ang bungad ni Marga

“Para saan ba kasi ito Miss Marga?” ang tanong ng isang kasamahan kong newbie

“Para sa lahat, para sa katotohanang hindi nakikita ng ating mga mata. Tungkol ito kay Miss My Precious Lara Gray na isang magandang Diyosa na hinahangaan ng lahat. Naalala ko noong gabi ng Babaihan Party, umariba itong malanding si Precious kasama ang dati kong boyfriend na si Brad at nag punta sa kanyang condo, syempre nag sex sila doon at tinikman niya ang boyfriend ko. Alam nyo ba habang kinakantot ang pwet niyang si Precious ay pumasok ako sa kanyang dormitory at nilagyan ng camera ang kanyang silid. Noong una ay balak ko lang sanang kumuha ng scandal at ikalat ito sa internet ngunit mas malaking bagay pa ang aking nakita.” ang pag mamalaki niya

“Marga paano kang nakapasok sa dorm? Bawal iyon ah?” ang tanong ng isang newbie

“Paano? Dahil ako si Marga Delfin at magagawa ko ang lahat ng gusto ko. At kayong mga newbie ay matutong gumalang sa akin dahil wala pa sa katiting ang naabot nyo. Mga feelingerang may babaihan powers na 85%! Shut up! At ito ang pag masdan nyo.” ang wika niya sabay play sa projector

Ibayong kilabot ang gumapang sa aking buong kalamanan, halos napaatras ako sa aking kinatatayuan..

Bumulaga sa video ang aking imahe na naka bra lang na pula bilang si Precious. Naka harap ako sa salamin at naka ngiti. Pumose pa ako at pinag masdan ang aking magandang katawan. Ilang minuto rin ako sa ganoong pag kakatitig sa salamin bago gumalaw ang aking kamay at alisin ang bra sa aking dibdib..

Dito ay biglang nag liwanag sa monitor at kitang kita ng lahat na nag bago ang aking anyo at naging si Fredo. Gulat na gulat ang lahat ng nanonood na wari’y mga napanganga nalang sa pag kabigla. “Tama naaa! Marga please!! Nakipag hiwalay na ako kay Brad, huwag mo nang gawin sa akin to. Maawa ka.” ang pag susumamo ko.

“I don’t know kung anong klaseng nilalang ka pero panahon para ipakita mo ang sarili mo witch!! Demon o kahit ano pang kamalignuhan ang mayroon kaaaa!” ang sigaw nito at dito ay sinabunutuan niya ako, lumapit sa akin ang kanyang mga alalay at sapilitang winasak ang aking damit, inalis nila ang bra sa aking dibdib at dito ay laking gulat nila ng bumalik ako sa pagiging si Fredo.

Shock ang lahat at napasigaw! Halos hindi sila makapaniwala sa nakikita ng kanilang mga mata..

“Halimaw? Mambabarang! Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka, pero kung wala ang bra? Wala na rin si Precious. Goodbye fake!” ang wika niya at dito ginupit gupit niya ang bra na kanyang hawak.

Noong mga oras na nag desisyon akong lumalis sa isang magandang panaginip ay siya namang pagiging bangungot nito. Tila masisiraan ako ng bait noong mga oras na iyon.

Hindi pa nakontento si Marga, kumuha pa siya ng itlog at binato ng ibinato sa akin. “Iyan ang dapat sa iyo peke! Ambisyosang bakla! Panget!!” sigaw niya kaya nilapitan na ako ni Miss Justine at hinarang ang mga lumilipad na itlog..

“Are you okay?” tanong niya

Napatingin ako sa kanya at nag wika “Im sorry. Im sorry.” ang wika ko sabay takbo palayo sa kanila.

Lumabas ako ng silid at halos hindi ko malaman kung saan ako pupunta. Sira ang aking damit at walang tumatakbo sa aking isipan kundi ang maka alis sa lugar ng bangungot na ito.

Takot na takot ako at nanginginig ang aking kalamanan, walang direksyon ang aking ginawang pag takbo hanggang sa kusang mawala ang aking sarili.

Parang isang magandang sayaw na tumigil ang musika at naiwanan ako sa entablado ng mag isa..

Itutuloy..

Reyna Part 13

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 15, 2019


STORY 2

Reyna

“I don’t know kung anong klaseng nilalang ka pero panahon para ipakita mo ang sarili mo witch!! Demon o kahit ano pang kamalignuhan ang mayroon kaaaa!” ang sigaw nito at dito ay sinabunutuan niya ako, lumapit sa akin ang kanyang mga alalay at sapilitang winasak ang aking damit, inalis nila ang bra sa aking dibdib at dito ay laking gulat nila ng bumalik ako sa pagiging si Fredo.

Shock ang lahat at napasigaw! Halos hindi sila makapaniwala sa nakikita ng kanilang mga mata..

“Halimaw? Mambabarang! Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka, pero kung wala ang bra? Wala na rin si Precious. Goodbye fake!” ang wika niya at dito ginupit gupit niya ang bra na kanyang hawak.

Noong mga oras na nag desisyon akong lumalis sa isang magandang panaginip ay siya namang pagiging bangungot nito. Tila masisiraan ako ng bait noong mga oras na iyon.

Part 13

Ang magandang panaginip ay biglang natapos sa isang malagim na bangungot. Tama nga sila na ang kaligayahan ay may limitasyon, kaya kung masaya ka ngayon ay maaaring matakot ka bukas dahil tiyak na walang katapusang luha ang maidudulot nito sa iyo.

Wala akong tigil sa pag takbo habang ang aking katawan ay walang humpay sa panginginig, para akong masisiraan ng bait kapag naalala ko ang mga pangyayari kanina, si Brad ay natakot sa akin at ang aking mga kasama sa Org ay tiyak na itinakwil ako dahil niloko ko sila at niloko ko rin ang aking sarili. Iyon ang pinaka masakit na parte sa lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa isang bus pauwi sa probinsya kung saan ako nag mula. Taglay ko ang kaunting pera na aking itinatabi sa aking pitaka na aking gagamitin bilang pamasahe. Isang paraan na rin ito para ako ay makatakas sa malupit na mundong ito. Alam kong malupit rin doon sa aking ama ngunit mas makakaya ko siguro ang pananakit niya dahil kadugo ko siya. Ang pinaka masakit ay saktan ako ng mga taong hindi ko kaano ano batay sa aking anyo at batay sa mga bagay na hindi nila matanggap sa akin.

Isinandal ko ang aking likuran sa bangkuan at kasabay ng pag andar ng bus ang isang musika na lalong nag paigting sa aking emosyon.

Tomorrow

Avril Lavigne

And I wanna believe you, When you tell me that it’ll be ok, Ya I try to believe you, But I don’t

When you say that it’s gonna be, It always turns out to be a different way, I try to believe you, Not today, today, today, today, today…

[Chorus:]

I don’t know how I’ll feel, tomorrow, tomorrow, I don’t know what to say, tomorrow, tomorrow Is a different day

It’s always been up to you, It’s turning around, It’s up to me, I’m gonna do what I have to do, just don’t

Gimme a little time, Leave me alone a little while, Maybe it’s not too late, not today, today, today, today, today…

Halos alas 11 na ako ng gabi dumating sa aming probinsiya, pag baba sa terminal ay sasakay pa ako jeep kaya’t eksaktong alas 12 ay nandoon na ako. Siguro makikituloy na muna ako kina Pedring, ang aking baklang kaibigan kung saan parati akong nakikibalita tungkol kay Itay, sa kanya rin ako parating nag papadala ng pera para maiabot sa aking ama. Kahit naman malaki sama ng loob ko sa kanya ay hinding hindi ko pa rin siya matitiis kaya kada buwan ay nag papa abot ng kahit na maliit na halaga para sa kanya.

“Freda? Ikaw ba iyan? Jusko gabing gabi na ahh, hindi ka man lang nag pasabi na uuwi ka.” ang bungad ni Pedring noong kumatok ako sa kanyang tirahan. May ari siya ng isang maliit na apartment at baba nito ay gupitan.

“Hindi na ako nakapag sabi, biglaan kasi eh. Pwede bang dito muna ako makituloy? Baka mabigla si Itay kapag nakita niya ako e, magulpi pa ako ng di oras.” ang biro ko

“Lika na nga dito, bukas ang pintuan ko para sa iyo noh, ikaw pa ba e ang laki ng naitulong mo sa akin. Sa tingin mo ba, hanggang ngayon ay galit pa sa iyo ang iyong ama?” tanong niya

“Siguro, alam mo naman na ayaw niya akong maging bakla at isa pa ay iniwan ko siya at lumayo ako.” ang wika ko naman na hindi maitago ang lungkot.

“Matagal na panahon na iyon at alam rin niya na ikaw ang nag papadala ng pera sa kanya. Sa palagay ko ay nag hilom na ang sugat ng kahapon sa inyong dalawa Fred.”

“Paano kung hindi pa?” tanong ko

Napa buntong hininga siya at napatingin sa akin. “Freda, ngayon ay kailangan ka ng iyong ama, alam mo ba na may sakit siya ngayon? Kakainom kasi e at kakabisyo.” ang wika niya

Noong marinig ko iyon ay tila gumuhit ang lungkot sa aking dibdib, parang hindi ko yata makakaya na mawala pa ang kaisa isang bagay na kumukumpleto sa aking pag katao. Dito ay unti unti kong binalikan lahat ng mga nangyari noong kabataan ko, kung paano ako gulpihin ni Itay kapag nakikita niyang lumalambot ako o kaya kumekendeng sa pag lalakad. Madalas rin niya akong pinapalo ng walis tambo o kaya ay sinturon kapag sya ay nalalasing dahil ayaw niyang maging isang bakla ako. Minsan nga ay nakita niya pinag lalaruan ko ang koronang pag aari ng kaibigan ni Inay, noong nahuli nya ako ay binitin niya ako ng patiwarik at pinag papalo ng walis sa mukha.

May kalupitan si itay kaya nag pasya akong lumisan, ang mga alaala iyon ay naka tanim pa rin sa aking isipan kahit ilang beses ko na itong iwinaksi. Patuloy pa ring bumabalik kapag siya ang aking na aalala.

KINABUKASAN..

Maaga palang ay binuo ko na aking loob na puntahan ang aking ama. Ngayon ba ako aarte? Eh ang dami dami nang nangyari sa aking buhay nitong mga nakakaraang araw. Sa mga mahahalagang desisyon na ginawa ko sa buhay ko ay hindi na ako takot pang sumugal. Sanay na akong nasasaktan, sagarin na natin o kaya sulitin nalang para mas maging matatag ako sa mga susunod na panahon.

Isang malalim na buntong hininga ang aking binitiwan, inayos ang aking sarili, hindi ako nag damit pang babae. Marangal at maayos ang aking itsura ngayong mga oras na ito. Marahan kong binuksan ang pintuan at dito ay agad kong nakita ang aking ama na kumakain sa lamesa, mag isa. Noodles ang kanya agahan, ang kayang katawan na matipuno ay tila nag laho na dahil napalitan na ito ng kapayatan. Ang kanyang mukha ay tumanda at ang kanyang itim na buhok na nag karoon ng puting hibla.

Nang gilid ang aking luha habang pinag mamasdan siya sumusubo ng matabang na sabaw..

Inipon ko ang aking lakas ng loob at huminga ang malalim. Sabay bitiw ng katagang.. “ITAY..”

Tahimik..

Napahinto siya sa pag subo at napatingin sa aking kinalalagyan..

“Itay, alam ko po na galit kayo sa akin at masama ang inyong loob. Patawarin nyo po ako sa pang iiwan ko sa iyo. Tayong dalawa nalang po dito sa mundo, sana po ay bigyan mo ako ng pag kakataon na alagaan ka at mahalin bilang isang anak. Alam ko po na hindi niyo ako tanggap pero okay lang po iyon itay. Kahit ilang beses mo ako pag buhatan ng kamay ngayon ay malugod ko pong tatagapin. Dahil mahal na mahal kita itay..” ang umiiyak kong salita

Tila nag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha..

Tumayo siya sa kanyang lumang silya at marahang lumakad sa kabinet. May kinuha siyang isang bagay dito at saka iika ikang lumapit sa akin..

Noong nakita ko ang bagay na kanyang hawak ay lalo akong umiyak.. “Patawarin mo ako itay, patawarin mo ako dahil iniwan kita. Pangako na hindi na ako aalis sa tabi mo. Kahit anong mangyari.”

Patuloy na lumapit sa akin si Itay hawak pa rin niya ang bagay na iyon sa kanyang kamay at noong nasa harap ko na siya ay pumikit nalang ako at inihanda ang aking sarili sa kanyang gagawin..

Tahimik ulit..

Naramdaman kong inahawakan niya ang aking ulo at inilagay ang bagay na iyon, Ito yung korona na pinag lalaruan ko noon, itinabi niya kahit wala na itong kinang..

Inayos niya ang korona sa aking ulo at nag wika. “Ikaw pa rin ang aking anak, at ikaw ang aking Reyna. Patawarin mo ako anak.” ang wika niya sabay yakap sa akin ng mahigpit..

Napa hagulgol ako sa matinding tuwa, hindi ko man natupad ang pagiging reyna sa QofQ org ay pinutungan naman ako ni Itay ng isang hindi matatarawang saya na kahit kailan ay hinding hindi ko malilimot. Batid kong ito na ang simula ang aming bagong samahan, at nangako ako sa aking sarili na gagawin ang lahat upang matulungan siya sa kanyang pag papagamot.

Sa pag daan ng mga araw ay umusbong ang bagong samahan namin ni Itay, ngayon ay inaalagaan ko siya at tinutulungan sa mga gawaing bahay, kung minsan umeekstra ako sa mga parlor ng aking kaibigan para may kitain pambili ng kanyang gamot. Hindi naman nila ako pinababayaan lalo’t alam nila na kailangan ko ito para sa aking ama.

Minsan ay sumasagi pa rin sa aking isipan yung mga pangyayari sa siyudad, naalala ko pa rin si Brad, ang kanyang mga yakap at halik at tila nararamdaman ko pa rin sa aking katawan. Ngunit ang lahat ng iyon ay isang panaginip lamang, ang taong nakaranas noon ay si Precious, ngayon ay hindi na siya nag eexist sa mundong ito. At wala na ring paraan para makabalik pa siya dahil wala na ang bra sa akin.

Sa mga araw nag daan ay pilit kong kinalimutan ang mga bagay na naranasan ko sa siyudad na iyon, ang buhay ko rito sa probinsya ay payapa at malayo sa gusot. Siguro ngayon ay hindi na ako mag hahangad na gumanda pa o kaya’t maging sikat dahil iyon ang mga bagay na hindi para sa akin, dapat ay talikuran ko na ang ambisyon kong ito at makontento na lamang sa mga bagay na alam kong mayroon ako.

Araw ng Lunes..

Habang abala ako sa pag lilinis ng aming bakuran at may isang itim na van ang huminto sa aking harapan. Dito ay nakita kong bumaba si Miss Justine, kasama sina Betty at Larry. Mag tatago sana ako kaya dumapa ako sa ilalim ng lamesa ngunit nakita ako ni Betty. “Hayun si Bakla! Mag tatago ka pa ha!!” ang wika nito sabay bukas sa aming bakod na kahoy. “Paano nyo nalamang nandito ako?” tanong ko

“Nakita namin ang address mo doon sa kwarto mo. Buti nalang at hindi kami naligaw. Bakla ka, bakit umaalis ka ng walang paalam? Akala ko ba ay kaibigan mo kami?” pag tatampo ni Larry

“Nandito ba kayo para ikulong ako? O kaya ipa pulis dahil niloko ko kayo?” ang tanong ko naman.

Natawa sila..

“Hindi no, kakampi mo kami. Alam kung nag kataon nandoon kami noong ginawa sa iyo ni Marga iyon? Naku baka nabasag ko ang mukha ng gagang baklang iyan.” ang gigil na wika ni Betty

“Kasalanan ko rin naman dahil nanloko ako, deserve ko ang mga bagay na ito. Alam ko galit ka sa akin Miss Justine, pero nais kong mag pasalamat dahil isa kang magaling na guro. Marami akong natutunan sa iyo.” ang wika ko.

Ngumiti si Justine at niyakap ako. “Wag ka mag pasalamat sa akin, ngayon pa lang nag sisimula ang laban.” ang wika niya

“Anong laban?” ang tanong ko naman

“Papayag ka ba na ganoon nalang? Eto na ang katapusan ng lahat? Pwes ako ay hindi! Mag kamatayan na!” ang gigil na wika ni Larry

“Makinig ka sa akin darling, let me explain para maunawaan mo.” ang wika ni Justine at dito ay binalikan niya lahat ng pang yayari sa Org noong mga oras na wala ako. Pati ang eksena matapos ang pag papahiya sa akin ni Marga

FLASH BACK

“Maliwanag ang lahat! Kitang kita ninyo na niloko tayong lahat ni Precious! Isa pala siyang fake, isang panget na halimaw at isang mambabarang! Dapat lang na alisin na siya dito sa Org! Para ito sa magagandang babaihan at hindi para sa mga panget na impostora! Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang “My Precious” dahil kamukha niya si Gollum ng lord of the ring!“ ang wika ni Marga

“Pero Miss Marga, maaaring niloko nga tayo ni Precious pero mabait siya at hindi parati niya kaming pinapasaya. Hindi naman itsura niya ang hinangaan namin sa kanya kundi yung ugali niya na mabuti.” ang wika ng isang newbie

“Shut up! Ang isang newbie na hindi naman kagandahan katulad mo ay bawal mag salita! Kumuha ka ng panyo at ipasok mo sa bibig mo! Baklang twoe! Syempre mabait siya dahil niloloko niya tayo. At wala na siyang lugar sa organisasyong ito!” sagot ni Marga

“Miss Marga Delfin, bakit kung mag salita ka ay parang ikaw na ang may ari ng Org na ito? Ang alam ko ay hindi ka pa legal na Reyna dito. Maaaring ikaw nga commercial model at indorser ng QofQ pero wala pa ni isang bakla ang masasabing reyna dito. Sa aking pag kakaalam ay nag dadaos sila ng competetion na kung tawagin ay Queen of Queens at kung sino ang mananalo ay siya ang magiging reyna ng organisasyon. Tama ba Madam Lucita Santos?” ang tanong ko naman.

“Tama ka doon Miss Justine, I was crowned Queen of Queens 2000, 19 years old ako, noong tinalo ko si Besty Impakta De Castro. That time ay halos nag karoon kami ng conflict, halos lahat ng member ng org dahil nag aagawan kami at nag hahangad maging reyna ng org na ito. Kaya naman nag decide sila na pag laban labanin ang mga girls at kung sino ang mananalo ay siya ang kilalaning Reyna.” ang wika ni Madam Lucita

“At bakit ko naman papatulan ang mga paandar na iyan? Ako si Marga Delfin, marami akong endorsement! Marami akong shows at celebrity ako. Bakit lalaban ako sa mga katulad nila? Ganyan ba ka cheap ang tingin nyo sa akin?” tanong ni Marga

“Mataas ang tingin namin sa iyo Miss Delfin at sa sobrang taas nito ay hindi kana maabot, masyado ka na ring yumabang at lumaki ang ulo. Ayaw mo ba talagang lumaban dahil mataas kana o baka naman takot kang matalo ng mga baguhang ito?” ang tanong ko

“Ako takot? Patawa ka ba Justine? Kung iyan ang gusto niyo. Lalaban ako sa contest na ito at ipapakita ko sa inyo kung sino si Marga Delfin, ngunit sa isang kondisyon.” ang wika niya

“Anong kondisyon iyon Miss Delfin?”

Natawa siya at hinawi ang kanyang magandang buhok. “Isali nyo ang baklang halimaw na si Precious. Ibandera ninyo sa media ang kahihiyan ng Org na ito.” wika niya

“Bakit pa? Dahil gusto mo bang ipag kalandakan na hamak ganda mo sa kanya?” tanong isang newbie

“OO, at wala kayong magagawa doon, sumali na rin kayo para naman may clapper ako. At kung wala ang halimaw ay hindi ako pupunta so make sure na darating siya.” ang wika ni Marga sabay walk out sa silid.

End of Flashback

“Hala tahimik na ako e, bakit may ganoon pa?” ang tanong ko

“Alam mo darling, nag kaisa ang mga kasamahan mo sa org na turuan ng leksyon si Marga kaya naisip namin ang isang patas na kompetisyon kung saan ang mananalo ay ang kilalaning reyna ng org. Ito lang ang tanging paraan na naisip namin para mapatalsik si Marga sa posisyon niya. Karaniwan, ang mga “reyna ng org ay pinipili lamang sa dami ng kanyang achievements katulad ng mga naupo noong mga nakaraang taon. NGUNIT maaaring hadlangan ito kung maraming tututol sa kanyang pag upo at dito mag kakaroon ng contest para pigilan ang kanyang pag kakalugmok. Si Marga Delfin ngayon ay may pinaka maraming achievement sa Org, at automatic na mauupo siya bilang Reyna, ngunit dahil sa kanyang ipinakitang kagaspangan ay may ilang babaeng newbie ang humamon sa kanya kaya’t bubuksan ang contest. Kailangan ay sumali ka dito.” ang wika niya

“Ako sasali? Bulag ba kayo? Tingnan nyo ang itsura ko? Hindi ako maganda! Kinalimutan ko ang ambisyon kong maging reyna. Wala na ang bra, wala nang magik! Saka paano nyo naiisip na matatalo ko si Marga Delfin? Nababaliw na ba kayo?” ang tanong ko

“Tutulungan ka namin. Kaming bahala sa iyo.” ang tugon ni Betty

“Nababaliw na ba kayo? Ang gusto ni Marga ay gawin akong katawa tawa! Huwag nyo akong ganyanin at tiyak na pag tatampulan lang ako tuwa doon!”

“Listen darling, narito kami para tulungan ka at gagawin namin ang makayaya namin para hindi ka mag mukhang katawa tawa. Mag tiwala ka sa amin.” ang wika ni Justine

“Ayoko! Umalis na kayo! Ayoko na ng gulo.” ang tugon ko sabay talikod sa kanila

Nasa ganoong posisyon ako ng bigla may mag salita sa aking likuran..

“Pwede bang gawin mo ito para sa akin.” ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

Humarap ako sa kanila at dito ay nakita ko si Brad na nakatayo sa likod nina Betty. “Nag byahe kami dito para lang tulungan ka. Sana ay pumayag ka.” ang wika ni Larry

Ngumiti sila sa akin..

Maya maya nakita kong lumabas ng bahay ang aking ama, hawak niya ang kanyang tungkod at halatang hirap ito sa pag lalakad. Ngumiti siya sa akin at sinabing “Maganda ka para sa akin anak, alam kong kaya mong harapin ang mga bagay na iyan. Tanggapin mo ang aking suporta.” ang wika niya

Dito ay natahimik ako at napaiyak nalang..

Kasabay nito ang pag yakap nila sa akin..

Bumuhos ang aking emosyon noong mga sandaling iyon, hindi akalain na may natitira pa pala sa akin at iyon ay ang aking mga tunay na kaibigan.

Itutuloy..

Reyna Part 14

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 16, 2019


STORY 2

Reyna

“Tutulungan ka namin. Kaming bahala sa iyo.” ang tugon ni Betty

“Nababaliw na ba kayo? Ang gusto ni Marga ay gawin akong katawa tawa! Huwag nyo akong ganyanin at tiyak na pag tatampulan lang ako tuwa doon!”

“Listen darling, narito kami para tulungan ka at gagawin namin ang makayaya namin para hindi ka mag mukhang katawa tawa. Mag tiwala ka sa amin.” ang wika ni Justine

“Ayoko! Umalis na kayo! Ayoko na ng gulo.” ang tugon ko sabay talikod sa kanila

Nasa ganoong posisyon ako ng bigla may mag salita sa aking likuran..

“Pwede bang gawin mo ito para sa akin.” ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

Humarap ako sa kanila at dito ay nakita ko si Brad na nakatayo sa likod nina Betty. “Nag byahe kami dito para lang tulungan ka. Sana ay pumayag ka.” ang wika ni Larry

Ngumiti sila sa akin..

Maya maya nakita kong lumabas ng bahay ang aking ama, hawak niya ang kanyang tungkod at halatang hirap ito sa pag lalakad. Ngumiti siya sa akin at sinabing “Maganda ka para sa akin anak, alam kong kaya mong harapin ang mga bagay na iyan. Tanggapin mo ang aking suporta.” ang wika niya

Part 14

Noong una ay ayokong tanggapin na hamon, ngunit dahil sa suportang ibinibigay sa akin ng aking mga kaibigan kahit papaano ay lumalakas ang aking loob. Tungkol kay Brad, nang hingi siya ng tawad dahil sa kanyang naging reaksyon noong malaman niya ang katotohanan, ngunit sinabi niya sa akin na mas mahalaga pa rin ang aking pag katao dahil iyon talaga ang nagustuhan niya sa akin. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang estado ng aming relasyon, basta ang alam ko lang ay naka focus ako sa pinaka mahalagang laban sa aking buhay. Ang labanan si Marga Delfin ay napaka imposible, para akong papel bumangga sa isang malaking bato. Walang tiyansa kung aking iisip, ang tanging habol ko lang ay huwag maging katawa-tawa sa kanilang paningin katulad ng kanyang nais.

“Gusto mo bang imagic ko nalang ang pez mo para mawala iyang mga kurikong?” ang wika ni Fairy Fairy habang naka upo kami sa tabing ilog

“Parang ayoko na yata ng magik, okay na sa akin yung kaligayahang ibinigay ng mahiwagang bra. Sorry ha, naisira na ito.” ang wika ko naman.

“Ayos lang iyon, mahalaga ay may aral kang nakuha sa gamit nito.” ang wika niya sabay tapat ng kanyang magic wand sa aking ulo at nag labas ito ng mga golden dust. “Para saan iyan?” tanong ko

“Ang tanging magagawa ko lang ay alisin ang galit at peklat sa sugatan mong puso. Sana ay makatulog kana ng maayos ngayong gabi dahil batid kong naka abang sa iyo ang isang positibong bukas.” naka ngiti niyang wika

Ngumiti ako. “Maraming salamat sa iyo.”

“Oh, sya ayan na si Brad. Mag heart to heart talk na kayong dalawa.” dagdag pa niya sabay kumpas sa kanyang wand at nawala siya sa aking paningin

“Hi, mag isa kana naman dito. Okay ka lang ba?” ang tanong ni Brad

“Humarap ako sa kanya at ngumiti “Oo naman, teka madilim dito ah, hindi kaya matakot ka ulit sa akin?” biro ko dahilan para matawa siya. “Loko ka talaga, You never failed to make me laugh.” ang wika niya

“Syempre, ito na nga lang ang mayroon ko e, ipag kakait ko pa ba? Gustong gusto ko ang nakapag papa saya ng iba tao. Atleast ay may napapangiti pa rin ako sa mga pag kakataon na kahit ako mismo ay hirap ngumiti.” tugon ko

“Iyan ang gusto ko sa iyo, kahit sino ka pa. Mukha mo lang naman ang nag bago, yung ugali mo at kung paano ka makisama sa mga tao ay ganoon pa rin. Tama nga sila na ang pisikal na anyo at lumipas at nawawala pero ang ugali, kung sino at ano ka ay mananatali sa iyo.” ang tugon niya

“Salamat.” bulong ko

Tahimik..

Kapwa kami naka tanaw sa kalayuan..

“Bakit kailangan pa akong lumaban kay Marga? Alam nyo naman ang malaking deperensiya ng aming anyo. Diyosa siya at ako ay isang halimaw sa banga.” ang seryoso kong salita pero lalo siya natawa. “Minsan sa buhay kailangan mong harapin ang takot mo kahit alam mong imposible ito. Maniwala ka lang sa mga tao na naniniwala sa iyo. Ito ay para sa sarili mo at para maging mas mabuti kang tao. Ngayon ay mapapatunayan mo sa iyong sarili na hindi mo kailangan ng magic para mahalin ka ng mga tao sa paligid mo.” ang wika ni Brad dahilan para mapatingin ako sa kanya at matameme.

“Alam mo hindi ka lang gwapo, sobrang bait mo pa.” ang wika ko pa sabay yakap sa kanyang braso. “Isipin mo nalang si Precious ako.” ang dagdag ko pa.

Tawanan..

Pag bukas ng bagong araw ay muli akong isinama nina Larry pabalik ng siyudad, ayoko sanang iwanan ang aking ama dahil walang mag babantay dito kaya naman nag tulong tulong sina Brad at iba pa kumuha ang pribadong nars na mag aalaga sa kanya habang wala ako.

Pag dating sa siyudad ay nag simula ang aking training, sunod sunod rin ang schedule ko sa mga salon upang mag karoon ng make over. Ipinaayos nila ang aking ngipin, pina scrub ang aking buong katawan, pina facial at kung ano ano pa. Noong una ang akala ko ay ang pinaka masakit na parte sa lahat ay ang pag tiris at pag kutkot sa aking mukha pero mali pala dahil ang pag wwax at paalis ng mga buhok sa aking binti, hita at sa ibang parte ng aking katawan ang pinaka mahirap sa lahat. “Aray! Ayoko naaaa, uuwi na ako!” ang sigaw ko.

“Gaga, tiis ganda nga. Saka pag kakataon na rin iyan para maalis iyang buhok sa binti mo, daig mo pa lalaking balbon, kaloka ka.” ang wika ni Larry

“After natin sa waxing ay didiretso naman si Freda sa doktor para ayusin ang kanyang ilong.” ang wika ni Betty

“Ilong? Ipaparetoke nyo ko?” ang tanong ko

“Hindi, wag ka ngang ambisyosa kaya na ng nose line iyang ilong mo, ipapa alis lang natin yung mga natira black heads dyan sa ilong mo, second session diba? Hindi mo naman kinaya yung mag hapong kutkutan ng mukha at napagod na rin yung mga tao doon sa clinic.” ang wika nila

Tawanan..

Dumaan din ako sa mahigpitang pag didiet. Dalawang linggo buhat noong dumating ako dito sa siyudad ay hindi na ako naka kain ng kanin at karne, parating pandesal o mani ang ibinibigay sa akin ng mga kasama ko habang sila ay kumakain ng masasarap. Sibukan rin nila akong iparetoke ngunit hindi na pumayag ang doktor dahil hindi naman daw taba ang nasa aking katawan kundi muscles at naawa na rin siguro ang doktor sa dami ng ginawang pag kutkot sa aking mukha dahil talagang maga pa ito.

“Lumakad ka dyan ng lumakad hanggang sa lumiit ang binti mo Freda, jusko mukha ka pa ring konduktor ng bus!” ang wika ni Larry sabay balibag ng bote ng c2 sa akin.

“Nahihilo na ko, gusto kong kumain ng kanin.” ang tugon ko

“Walang kanin para sa iyo, mag tiis ka muna. Para rin ito sa ikagaganda mo.” ang wika ni Betty

Napahinto ako sa pag lalakad at dito nakaramdam ako ng pag kaduling. Maya maya ay naramdaman kong bumagsak ang aking katawan sa sahig dahilan para mag titili ang dalawa. “Bakit? Ano nang yari?” ang tanong ni Justine

“Eh hinimatay po si Freda, 3 weeks na siyang di kumakain ng tunay na pag kain e, puro mani at pandesal lang ang binibigay namin sa kanya.” ang wika ni Betty

“Okay na iyan. Salaksakan nyo nalang ng maliit na chocolate ang bibig niya para bumalik ang energy niya. Ganyan talaga hija, tiis ganda.” ang wika ni Justine

“Hindi kaya mamatay na si Freda bago ang contest?” ang bulong ni Betty

“Ang kailangan dito ay determinasyon, kapag gusto mo ang isang bagay ay magagawa mo ito kahit saan o anong paraan. Kaya iyan ni Freda.” ang wika ni Brad

“Freda na talaga? Hay patay na talaga si Prey.” ang reklamo ko na hindi maitago ang pang hihina

“Hindi na ito tungkol kay Prey o kahit na kanino pa man, ito ay tungkol na sa iyo Freda kaya galingan mo.” ang wika ni Larry sabay hampas ng walis tambo sa akin. “Tayo na! Isang daang lakad ulit at umikot ikot ka hanggang sa maloka loka ka.”

“Hindi ko na kaya please, kakain muna ako ng kanin at ulam.” Pag mamaka awa ko habang bumabangon

“HINDE!! LAKAD!!” ang sagot ni Larry

Sa pag lipas ng mga araw, ang resulta ng mabilisan, sagaran at patayang training at pag hahanda ay mabilis kong nakita. Pumayat ng kaunti ang aking braso at ang hita ay ganoon rin, ang aking balat kuminis bagamat may kaitiman pa rin ito, at ngayon ay may hubog na rin ang kaunti ang aking katawan. Hindi nga lang ito sobrang babaihan pero pwede na ring irampa sa mga Miss Gay Barangay. Ngayon ay nag karoon na ako ng desiplina sa aking sarili, sa aking diet at pati na rin sa aking ehersisyo. Nag pakita rin ako ng mag pupurisge lalo’t ang resulta nito sa akin ay talagang positibo.

“61% babaihan powers, ano keri pa ba?” ang tanong ni Larry noong sukatin ang aking kagandahan.

“Bakit hindi mo itapat sa puso ko? Mabuti akong tao baka mag 100% iyan.” ang hirit ko

“Gaga! Pag kababae ng isang bakla ang sinusukat nito hindi ang kalinisan ng puso! Baklang to, mag papa scrub pa tayo bukas at wala kaming paki alam kung maalis na ang balat mo sa katawan!” ang galit na wika ni Larry

“Huwag kang mag alala Larry, sa Queen of Queens 2019 ay walang bearing ang babaihan powers sa guider counter, dahil ang mga hurado pa rin ang pipili ng mga ito.” ang wika ni Justine

“Sino ba mga judge? Baka may kilala tayo o baka may kilala si Marga e mag lutuan na!” ang wika ni Betty

“Don’t worry, ang mga hurado ay ang mga nag daang beauty queen ng Miss QofQ! At kabilang na rin dito ang pageant winners internationally. Kaya huwag kayo mag alala, malabo pa ring manalo si Marga.” ang wika ni Justine.

“Mabuti naman kung ganoon, ah basta mag papa kaskas ka pa ng balat bukas, pati iyang peslak mo ay kakaskasin rin! My God ang singit mo Freda! Ipapa bleach natin iyan! Nakakahiyaaaa!” ang nalolokang sigaw ni Larry.

“Guys tingnan nyo ito.” ang wika ni Betty sabay bukas sa tv dito ay bumulaga sa amin si Marga na ini-interview ng media tungkol sa kanyang pag hahanda sa naturang Miss QofQ 2019.

Report

Reporter: Wow! 99.50% babaihan powers, paano mo pinag handaan ito Marga?

“Well, as you can see isa na akong transgender woman ngayon, parang si Angela Ponce o mas kilala bilang Miss Spain. Siguro pag katapos kong makuha ang korona ng Queen of Queens ay sasabak na ako sa pageant ng tunay na babae dahil halos doon na ako nabibilang. Baka ito na rin ang huling contest ko na ang kalaban ay mga bakla. Parang pinaka remembrance ko nalang ito sa mga kalaban ko, na minsan sa buhay nila ay may nakatunggali silang isang Marga Delfin.” ang sagot ni Marga

Report: Siguradong sigurado na talaga si Marga Delfin na maiuuwi niya ang korona ng Queen of Queens. Sa kanyang gandang pang Miss Universe ay hindi nakapag tataka na siya nga ang tanghaling reyna. Ako po si Lucy Mae Lawit, fresh na fresh at kaka apply pa lamang! Nag uulat!!

End of report

“Patayin mo nga iyan, ambisyosang Margang iyan, pati contest para sa mga babae ay lalahukan, para yatang hinahangin na ang utak niya sa kasikatang tinatamasa!” ang wika ni Larry sabay kuha ng remote at pinatay ang telebisyon.

“99.50% babaihan powers na siya, mula dito hanggang doon sa bahay nila ay nadedetect na ng guider counter ang powers niya oh, naka flash na ito sa mga counter sa buong bansa. Wag na kaya akong sumali?” ang wika ko na pinang hihinaan ng loob

“May isang linggo pa para mag sanay! Walang aatras! Mag kamatayan naaaaa!” ang wika ni Larry

Wala naman akong nagawa kundi ang manahimik at tumingin sa youtube kung saan ipinapakita ni Miss Justine sa akin ang video clips ni Yendi Phillips ang Miss Jamaica 2010 na kalaban ni Venus Raj, medyo mag kahawig daw kasi kami at ipinapakita niya sa akin ang confidence na mayroon ang kandidata na sa sana ay makuha ko raw. Naka ngiti ako habang nanonood ngunit takot na takot na ako, baka mapahiya nanaman ako o kaya ay masaktan ng paulit ulit..

Matapos ang puspusang training at pag hahanda ay dumating na ang gabing pinaka hihintay ng lahat, pag pasok ko pa lamang sa dressing room ay talaga punong puno ng pressure lalo na noong makita ko ang aking mga kalaban, mga kasamahan ko rin sila sa Org at talagang sobrang gaganda nila. May ibang nag tatawa at nag tataka kung bakit ako nasali dahil sa 20 candidate ay ako lamang ang maitim. Pero ang sabi sa akin ni Miss Justine, Larry at Betty ay gamitin ko ang aking kulay para maging advantage dahil tiyak na mapapansin ako agad. Ang definition daw kasi ng babaihan ngayon ay maputi, makinis at may porselanang balat, ako ay angat at ito ang tatandaan ko.

Ang nag ayos sa akin ay si Betty, ang aking mga damit ay sina Larry, Justine at Brad ang gumastos kaya hindi ko sayangin ang kanilang effort.

Tahimik..

Nasa ganoong pag tingin ako sa salamin noong biglang pumasok si Marga sa dressing room. “Mabuti naman at hindi mo naisipan umatras? Ano kayang pang kukulam ang gagawin mo ngayon? Pero gusto kong malaman mo na kahit ano pang mahika ang gamitin mo ay hindi mo ako matatalo, baliw lang ang nag sabing may tatapat sa akin! Ang mainam pa ay bumalik ka nalang sa nanay at tatay mong maligno! Doon ka nababagay.” ang wika nito

Ngumiti ako sa kanya at tumayo. “Ang nanay ko ay matagal nang pumanaw, ang tatay ko naman ay may sakit. Kaya hindi na mahalaga kung anong klaseng halimaw ba sila. Lahat naman ng tao ay halimaw at isa ka sa mga ito. Ikaw ang pinaka masamang halimaw na nakilala ko.” ang sagot ko

“How dare you?!!” ang sagot niya sabay amba ng sampal sa akin pero sinalo ko ang kanyang kamay at isinampal ito sa kanyang mukha.

“Amanos! At hindi kita sinampal dahil hindi sumayad ang mga kamay ko sa iyo. Sinampal mo ang sarili mo. Noon ang akala ko ay mabait ka, sobra kitang minahal at tiningala. Ngayon ay nag sisisi ako dahil ang taong hinahangaan ko pala ay mas matindi pa sa pekeng alahas na mapag panggap.” ang tugon ko

Muli pa sana siyang sasampal ng isa pang beses noong dumating si Larry at Betty. “O, sige bakla ituloy mo ang pag sampal sa kanya, sisiguraduhin kong bugbog sarado ka sa akin at sa ospital ang bagsak mo.” ang wika ni Larry

“Lapit ka dito bakla, nakita mo ba ito? Papaimpisin ko iyang suso mong puro hangin katulad ng utak mong hinahangin! Pakshet!” ang wika ni Betty sabay kuha sa kanyang gunting.

Walang nagawa si Marga kundi ang matahimik at lumabas sa aming dressing room. “Mga squatters! Pag katapos ng gabing ito ay sa basurahan kayo pupulutin!”

“At ikaw sa morgue kita dadalhin, baklang twoe!” ang sigaw ni Larry

Tuluyang umalis si Marga at isinara ni Larry ang pinto.

Humawak siya sa kanyang dibdib at huminga ng malalim, maya maya ay nag titili ito at tumawa ng malakas. “Nakita niyo ba iyon? Namutla ang gaga! Akala niya ay uurungan natin siya.” ang wika ni Larry at pati si Betty ay tawa rin ng tawa.

Humarap sila sa akin at ngumiti. “Ito ang gabi mo Freda, ang mga sandaling ito ay inukit na sa palad mo. Ikaw ang pamilya namin at gusto namin sabihin na ikaw ang pinaka magandang bakla na kilala namin. Maganda sa loob at ganoon rin sa labas.” wika nito dahilan para mapaiyak ako.

Nagyakapan kaming tatlo. Isa itong emosyonal na oras para sa amin..

Pag katapos noon ay pinunasan nila ang aking luha at inayos ang aking damit..

“Huwag kang matakot, nandito lang kami sa tabi mo.” ang wika ni Betty.

“Handa kana ba?” tanong ni Larry

Ngumiti ako at tumango. “Handa na ako.”, tugon ko sabay bukas ng pinto ng dressing room.

At kasabay nito ang pag dagundong ng isang malakas na kanta na sumalubong sa aking pag labas.

Where have you been/Shine

Regine Velasquez Remix

Where have you been? All my life, all my life Where have you been, all my life? Where have you been, all my life? Where have you been, all my life? Where have you been, all my life?

There I was alone in the shadow Couldn’t find my way Then you came in And brought along the sunshine Now you’re here to stay

() You make me shine, shine Like the stars in the heavens Shine, shine You keep me shinning through Shine, shine With the light that you give in, it’s true I’m shinning on, all because of you

https://youtu.be/-0BGzyf7ZPY

Ito na ang simula ng tapatan para sa iisang korona. Batid kong mula dito ay tiyak na mag babago na ang lahat..

Tatapusin..

Reyna Part 15 (STORY 2 FINALE)

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 16, 2019


STORY 2

Reyna

Part 15

Nag simula ang program sa pag rampa ng candidate suot ang Goddess attire. Pagandahan at pabonggahan ng mga damit. Ang lahat ay parang modelo, ibang iba sa katatawanang Miss Gay na parati kong sinasalihan. Ang venue ay parang Miss Universe Pageant, mamahalin at napaka susyal ng set up. Malakas ang tilian ng mga fans sa mga naunang kalahok at mas lalong nagiba ang buong venue noong lumabas si Marga suot ang pinaka mahal at pinaka magandang costume sa lahat. Para siyang isang tunay na Diyosang nag lalakad sa stage kaya naman ang lahat halos matulala sa kanyang kagandahan.

Tinawag ang aking numero. Kinakabahan man ay pilit akong ngumiti. Huminga ako ng malalim at humakbang palabas sa stage. Suot ko ang isang puting damit at isang gintong pakpak ng anghel. Bagamat kontra ito sa aking kulay dahil maitim ako.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at noong makatapak ako sa entablado ay napa pikit nalang ako dahil tiyak na pag tatawanan nila ako, katulad sa mga nilalabanan kong Miss Gay na kulang nalang ay batuhin kami ng kamatis at sabuyan ng dumi sa mukha.

Ngunit laking gulat ko noong wala akong marinig na tawanan, bagkus hiyawan at tilian ang aking narinig, noong imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang aking mga kaibigan sa probinsya, sa compound at pati ang aking mga dating kalaban sa Miss Gay Pangkalawakan, lahat sila ay nag ccheer para sa akin. Parang sinasabi nila na itayo ko ang bandera ng mga baklang parating pinag tatawanan ng mga tao sa lipunan. Mga baklang mababa ang tingin at salot kung matahin.

Sa pag kakataong ito ay hiyawan ng pag hanga ang aking narinig kaya naman parang may kung anong lakas ng loob ang lumukob sa aking pag katao, buong gilas akong rumampa, nasa isip ko pa rin ang mga tinuro sa akin ni Miss Justine, nila Larry at ng iba pa.

Nag tuloy tuloy ang gabi ng labanan, matapos ang pag papakilala ay dumating sa swimwear competition, dito ay malakas nanaman ang tilian kay Marga dahil sa ganda ng katawan nito. At syempre ay pinag paguran ko rin naman ang aking katawan, kaya buong gilas ko itong dinala, hindi nga ako maputi katulad nila ngunit ang aking kulay ay aangat sa lahat. Ito ang parati kong itinatatak sa aking isipan sa tuwing makaka ramdam ng takot at pag kainggit.

Matapos ang swimsuit ay tinawag kami lahat sa entablado para sa pag bibigay ng awards. Unang bagsak palang ng mga awards galing sa mga sponsor na shampoo, sabon, lotion at kung ano anong spa ay hinakot lahat ni Marga. Sa sampung award na minor ay wala siyang itinapon. Halos hindi na siya makadala sa dami ng sash tropeyo at bulaklak. Hindi rin matatawaran ang hiyawan ng lahat para sa kanya.

Inaward rin ang best in costume at sa kanya pa rin ito ibinigay. Ang pinaka huli ay ang major na best in swimwear na nakuha ni..

Marga Delfin!

Sa 16 na award noong gabing iyon ay wala siyang pinalagpas..

Ang pinaka huling category ay ang long gown. Ang ibang candidate ay pinang hinaan na ng loob dahil parating si Marga na nakaka kuha ng award. Ang ilan sa kanila ay tinanggap na ang pag katalo..

Katulad ng dati ay malakas nanaman ang tilian noong lumabas si Marga, suot isang sexy na berdeng gown. Halos mapuno ng mamahaling bato ang kanyang suot at walang habas ang pag kinang nito sa entablado. May mga bato rin ang suot kong gown ngunit hindi ito sapat para masapawan ang damit ni Marga na milyones ang halaga at dinesenyo pa sa ibang bansa.

Suot ko naman ang isang puting gown, ito ang pinili ni Larry upang umangat raw ang aking kulay.

Hindi pa rin humuhupa ang suporta sa akin ng tao sa akin, tila hindi pa rin sila nawawalan ng pag asa sa kabila ng nakikita ng kanilang mata na talagang tagilid ang laban. Hindi pa rin sila sumusuko para sa akin kaya dapat lang na hindi ako sumuko para sa kanila.

Lumakad ako sa entablado suot ang aking damit, dinama ko ito at pilit kong ipinakita na ito bagay sa akin. Isang ikot ang aking ginawa at dito ay kuminang ng husto ang aking suot damit. Ewan, ngunit napatingin na lamang ako sa isang sulok kung saan naroon si Fairy Fairy na kumakaway at isa pang ikot ang aking ginawa ay lalo pang ng labas ng kakaibang kisap ang aking kasuotan..

Matindi ang hiyawan ng mga tao sa paligid..

At noong makalakad ako sa pinaka gitna ng stage, sa harap ng mga hurado at isa pang pag ikot ang aking ginawa at dito ay nag bago ang kulay ng puting sa aking damit, ang lahat ay naging kulay asul at mas lalo pang nag labas ng nakaka silaw na kisap noong tamaan ito ng liwanag..

Isang lakad pa ang aking ginawa pabalik sa gitna ng entablado at muli nanaman akong umikot at mula sa asul na kulay ng aking gown ay naging kulay pink na ito. kaya naman halos mag wala ang mga manonood sa kanilang nasaksihan.

Naging maayos ang aking ginawang pag rampa sa kategoryang iyon at bago ang announcement ng top 3 ay nag bigay muna ng mga special award galing sa mga sponsor. Katulad kanina ay puro si Marga naman ang nag hakot nito, pati ang Miss Pink Condom, Miss Clean Air Deodorant, Miss Flawless Shaver ay siya pa rin ang kumuha.

Panandalian tumahimik noong iabot sa host ang isang sobre..

HOST: And now, another major award. The best in Long Gown.

Candidate number 12! Miss Freda Domingo!

Halos magiba ang venue sa lakas ng tilian, parang nag wild ang mga kasamahan ko sa compound at ang ilan sa kanila ay nahimatay pa. Naitapon ni Marga ang isang Major award ngunit hindi pa rin ako makapaniwala.

Ganoon niya kabilis inanunsyo ang nanalo kaya naman hindi agad ako nakalakad sa gitna dahil baka nag kamali ito, baka si Marga iyon ay pina paasa lamang ako..

“Candidate number 12! Miss Freda Domingo! Our best in Long gown 2019!” ang pag uulit ng host kaya naman dito ay lumapit at kinuha ang tropeyo, sash at isang kumpol na bulaklak..

Matapos maiaward sa akin ang kategoryang iyon at tinawag na agad ang tatlong finalist. Ang una sa listahan ay ang isa aking kasamahang newbie noon sa org, siya ay may babaihan powers na 95%. Ang ikalawang tinawag at si Marga Delfin at ang pinaka huli ay walang iba kundi “ako”.

Halos himatayin ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari noong gabing iyon, ang sabi nila ay obvious naman daw dahil naka kuha ako ng major award, pero hindi ko na naisip pa iyon dahil sa masyadong magaganda ang aking mga kalaban at hindi ko inakala na makakapasok pa. Okay na sa akin manalo ng isang award, atleast ay hindi ako uuwing luhaan.

HOST: Ngayon ay dumako na tayo sa final challenge ng kompetisyong ito. Ang question and answer portion. Ang isang reyna ay hindi lang basta maganda at babaihan, dapat ay matalino rin ito at may kakayahang mag salita para sa lahat.

At mauuna kang sumagot Miss Marga Delfin..

Bumunot si Marga ng pangalan sa fish bowl at iniabot ito sa host. “Miss Universe Top 10 Miss MJ Lastimosa.”

“Hi Marga, eto ang tanong ko sa iyo. Ano ang kahalagahan ng pagiging isang babaihan? At bakit?” ang tanong ng hurado

Sumagot si Marga “Magandang gabi po mga giliw kong manonood, naniniwala po ako na ang isang magandang katanungan ay nangangailan rin ng isang magandang sagot at ang isang magandang sagot ay dapat galing sa puso, walang halong kaplastikan at walang halong pambobola. Ang isang tunay na babaihan ay marunong manindigan sa kanyang nararamdaman at hindi basta nag papasindak sa kanyang kalaban. Ang inyo pong katanungan ay kung ano nga ba ang kahalagahan ng pagiging isang babaihan? Ladies and Gentlemen ang kahalagahan po ng pagiging isang babaihan ay yung maipakita mo kung sino at ano ka mundong iyong ginagalawan. Bilang babaihan, masasabi kong mahalaga ako sa aking society dahil marami akong bagay na naicocontribute katulad na lamang ng aking mga endorsements, bilang commercial model at syempre ang aking mga accomplishments iyon mga bagay na hindi naachieve ng isang ordinaryong babaihan lamang. Ang ibig sabihin ay ang isang katulad ko na may 99.50% na babaihan powers at parang isang tunay na babae na rin ay maraming contribution sa komunidad at sinisigurado ko na kapag ako ang nanalo bilang reyna ng QofQ ay mas patataasin ko pa ang standard ng organisasyong ito, ang lahat ng makakapasok sa org ay mga taong deserving lamang, mga taong magaganda at hindi matutumbasan ang mga naaccomplish na katulad ko. Sa makatuwid ang kahalagahan ng pagiging isang babaihan ay ang mga bagay na maaari mong gawin sa iyong komunidad. And I thank you!”

Tilian sa buong venue, iyon ang mahaba at punong puno ng paninidigang sagot ni Marga Delfin. Ang pinaka huling tinawag ay ako kaya naman agad akong lumapit sa host at bumunot ng pangalan ng hurado..

HOST: Ang nabunot mo ay si Miss Universe TOP 10 Miss Rachelle Peters.

“Hi Freda, ang tanong ko sa iyo is “Ano ang kahulugan ng salitang “babaihan?”

Huminga ako ng malalim at kinuha ang mikropono. “Para sa akin ang kahulugan ng salitang babaihan ay hindi naman nakikita sa pisikal na anyo, hindi ito tungkol sa mahabang buhok, porselanang kutis, may kurbang katawan o sa magandang dibdib. Para sa akin ay tungkol ito sa puso ng isang bakla na nag nanais na matupad ang lahat ng kanyang pangarap sa buhay. Marami sa atin ay mga bakla lumaki sa hirap katulad ko na kinakailangan pang maging kargador sa palengke o kaya ay taga hakot ng bato sa construction para mag kalaman ang sikmura. Paano akong magiging isang magandang babaihan kung ang aking ginagawa ay gawain ng isang malakas na lalaki? Ang iba sa atin ay kumakayod, nag papawis at nag papaka pagod para sa ating pamilya at sa mga taong mahal natin. Kung minsan ay umuuwi tayo na mukhang halimaw dahil sa init ng mag hapon pero nagagawa pa rin nating ngumiti at mag pasaya ng ating kapwa, pumapayag tayo na laliitin, pag tawanan, kutyain batay sa ating pisikal na anyo pero naka ngiti pa rin tayo at sinasabi sa ating sarili na “AYOS LANG!” Pero ang hindi nila alam ay durog durog na ang mga puso natin.

Ang isang babaihan ay hindi nasusukat sa ganda ng iyong pisikal na anyo, ito ay nasusukat sa ganda at bulisak ng iyong puso, na kahit ano pang hirap, pasakit o pag subok ang iyong pagdaan ay ngingiti ka pa rin dahil alam mong malakas ka at walang kahit na anong bagay ang pag papahina sa iyo. Ang isang babaihan ay hindi rin nasusukat sa dami ng korona o mga bagay na nakamit mo sa buhay mo dahil ang lahat ng iyan ay pala muti lamang, bagkus ito nasusukat sa pag mamahal mo sa iyong kapwa at iyong sarili. Ang kagandahan isang babaihan ay wala sa pisikal na anyo kundi nasa kalooban at kahit ano pang mangyari ay masasabi kong “Reyna” tayong lahat dahil mayroon tayong isang koronang hindi makukuha, hindi kukupas at hindi mawawalan ng kinang. At iyon ang ating mga puso. Ito ang kahulugan ng isang babaihan. Salamat po.“

Natahimik ang lahat..

Ang karamihan sa kanila ay umiyak at nag papahid pa ng luha..

Maya maya ay isang masigabong palakpakan ang ibinigay sa akin ng mga manonood, ang iba sa kanila ay tumayo pa sa silya at isinisigaw ang aking pangalan. Ni hindi na rin nagawang makapag salita ng host dahil pati siya umiyak rin at nakita kong nag papahid ng luha..

Makalipas ang ilang minuto ay inabot naman sa host ang resulta ng contest ang lahat ay natahimik lalo na noong tumunog sa entablado ang isang suspense na sound effects.

HOST: And now, the moment of truth. Nasa kamay ko na ang resulta ng isang mahabang contest na ito..

Marahan niyang binuksan ang sobre..

Walang runner up, agad niya iannounce ang pangalan ng nag wagi…

OUR MISS QUEEN OF QUEENS 2019 is….

*drum rolling..

Candidate number..

Tumama ang matinding liwanag sa aking mata at nakakabinging hiwayan ang aking narinig. Nakita ko nalang na lumapit si Marga sa gitna ng entablado na umiiyak habang palapit ang korona at kumpol na bulaklak sa kanyang kinatatayuan..


MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO..

Natagpuan ko ang aking sarili na naka tayo sa labas ng gusali ng Q of Q, nakasara ang tarangkahan nito kaya naman maigi kong sinusulyapan ang loob kung saan nag ttraining ang mga dati kong kasamahan. Parang kailan mag buhat noong maging parte ako ng organisasyon ito, halos hinding hindi ko malilimot ang aking mga naging karanasan, ang bawat pang yayari sa buhay ko noon ay naka tatak pa rin sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang lahat, tila kahapon lang at ang sarap nitong balik balikan.

“Congrats Miss Long gown!!” ang bati ni Fairy Fairy na sumulpot sa aking tabi.

Natawa ako “Salamat sa pag magic mo sa long gown ko ha, atleast nag karoon ako ng major award.” ang wika ko naman.

“Ano ka ba, hindi minagik iyon, ikaw talaga iyon. At yung telang ginamit ni Larry doon ay kumikinang kapag natatamaan ng liwanag, at yung mga bato ay nagiging asul kapag nailawan ng husto kaya noong gumitna ka sa entablado ay nag iba ang kulay nito dahil ang lahat spot light ay nasa iyo. Doon ka kina Larry mag pasalamat dahil sila ang totoong Fairy mo. Pero anyway maraming salamat sa pag tulong sa akin ha, ito ang pinaka magandang beauty with a purpose sa lahat. Mag kikita pa tayo muli! Babush!!” ang wika nito at bago umalis ay ginawaran ko pa siya ng isang mahigpit na yakap.

Tahimik ulit.

“Oy bakla nandito ka lang pala, anong pinag mamasdan mo? Yung larawan ba ng nanalo?” ang tanong niya noong makita akong nakatingin sa isang tarpaulin sa gitna ng gate ng org at dito ay nag balik sa aking isipan yung eksena noong gabing iannounce ng host ang nanalo sa contest ng Miss QofQ 2019.

FLASH BACK

HOST: And now, the moment of truth. Nasa kamay ko na ang resulta ng isang mahabang contest na ito..

Marahan niyang binuksan ang sobre..

Walang runner up, agad niya iannounce ang pangalan ng nag wagi…

OUR MISS QUEEN OF QUEENS 2019 is….

*drum rolling..

Candidate number..

12!! Miss FREDA DOMINGOOOOO!!!

Tumama ang matinding liwanag sa aking mata at nakakabingin hiwayan ang aking narinig. Nakita ko nalang na lumapit si Marga sa gitna ng entablado na umiiyak habang palapit ang korona at kumpol na bulaklak sa kanyang kinatatayuan..

“No!! Hindi ito maaari! Reyna? Siya? Isang halimaw na mandaraya!!!” ang sigaw ni Marga sa mga hurado. “Bakit sila ang mga hurado? Mga walang alam!!!” ang pag iiskandalo nito pero hindi na siya nakapalag dahil pumasok ang mga guard ng org at hinila siya pababa sa entablado..

Inakay ako ng isang hurado at dinala sa gitna ng entablado..

Isang malakas na hiyawan ang aking narinig noong iputong sa akin ang korona bilang reyna ng QofQ..

“Sa wakas inay, nakamit ko na rin ang pangarap mo para sa akin!” ang bulong ko sa aking sarili habang umiiyak at tinatanggap ang kumpol na bulaklak. Dito lumapit na sa akin ang lahat kabilang na ang aking mga kasamahan sa org na tuwang tuwa sa aking pag kapanalo.

Maya maya ay lumapit sa akin si Brad. “Wow, congrats.” Ang naka ngiting bati niya

“Ano Mister Ford, maganda na ba ko sa paningin mo? Anong panama ni My Precious sa kamandag ko?” biro ko naman pero hindi na ako nakapag salita noong bigla niya akong halikan sa labi at buhatin na parang isang babae at inikot ikot sa ere.

Palakpakan ang lahat sa entablado..

End of Flash back

Malakipas ang dalawang linggo ay muli naming binuksan ang tarangkahan ng Org, ang isang gusali doon ay binuksan namin para sa mga babaihang katulad ko na hindi naman ganoong kagaganda. Lahat ay nais matuto at nais masundan ang aking yapak. Tungkol naman kay Marga, ang balita ko ay nag punta ito sa ibang bansa matapos ang kanyang pag katalo at usap usapan na lalaban raw ito ng Miss Universe, sige kung saan siya masaya.

Sina Larry, Justine at Betty ay naging bahagi ng Org bilang mga guru. Instant celebrity Job ito para sa kanila. Binago ko ang mukha ang orginasasyon, ngayon ang aming layunin ay makapag bigay ng pag asa, saya at pangarap sa mga katulad kong nag nanais maging isang beauty queen.

At tungkol naman sa amin ni Brad? Kami pa rin at going strong ang aming samahan. Natatawa nga siya dahil may shota na siya ay may pare pa siya..

Natutunan ko ang pagiging isang bakla ay wala sa haba ng buhok o ganda ng katawan. Ang iyong pisikal na anyo ay mag lalaho pag dating araw pero ang kabutihan mong dulot sa inyong kapwa ay mananatili ng daang taon sa puso at isipin nila. Kung babaihan ka na may mataas na powers ay gamitin mo ito upang maka impluwensiya sa kagandahan dulot dito. Kung hindi ka naman babaihan ay maging masaya ka pa rin dahil ikaw ay isa sa pinaka magandang likha ng Panginoon.

Sa huli, lahat tayo ay may korona, isang mabuting puso na huhubog sa iyo bilang isang..

REYNA..

WAKAS..

STORY 3

Ito ay tungkol sa dalawang mag kasintahan na pilit nilalabanan ang mga limitasyong humahadlang sa kanilang kaligayahan. Ang kanilang pag mamahalan ay tiyak na mag iiwan ng inspirasyon at aral sa ating lahat. Syempre, sabi nga nila ay “save the best for last” kaya heto malugod kong inihahandog sa inyo ang final episode ng kwentong Facets.

  ![](https://img.wattpad.com/8fdd77b5f2d771b52bcd69ebb55824968332e238/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f744d5873527a45756d4d656e71413d3d2d3730323430313139352e313538383763343536626265313338393531333834383638313838382e6a7067)

P.S

Maraming salamat sa pag tangkilik ng mga kwentong ginagawa ko, sa pag kakataong ito ay hindi ako natakot na sumubok ng kakaiba at masaya naman ako sa naging resulta. Ginawa ko ang kwentong Facets para makapag relax na rin at makapag take ng break sa mga mabibigat na kwentong nagawa ko noong mga nakakaraang buwan. Hindi naman kasi biro ang mag sulat ng kwento lalo’t mabilisan pa ang update.

Basta, maraming salamat sa naka appreciate at kung hindi naman ay maraming salamat pa rin. Godbless!

Romualdo Part 1

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 18, 2019


STORY 3

Romualdo

“Top, ang sabi ng doktor ay maaari kana raw lumabas bukas. Sa ngayon ay mag relax ka muna dito.” ang naka ngiting wika ni Beng ang aking matalik na kaibigan.

“Si Joe? Wala ba siyang balak dalawin ako?” ang tanong ko

Nag kibit balikat si Beng, wari’y hindi alam ang isasagot. “H-hindi ko alam, sinubukan kong iMessage si Joe sa social media ngunit naka off ito. Friend, alam mo hindi makabubuti sa iyo ang labis na pag iisip dahil baka sama nanaman ito sa katawan mo.”

“Hindi ko lamang maiwaglit sa aking utak yung mga bagay na ginawa niya. Kahit sa pag tulog ko ay paulit ulit pa rin itong nag babalik sa akin isipan, na parang isang makamandag na sumpa.” tugon ko.

“Hindi maka bubuti ang labis na pag iisip, mag relax ka muna ngayon.” wika niya

“Tila ayaw makisama ng aking katawan, ayoko nang isipin pa ang mga pang yayaring iyon, pero heto at parang pinaparusahan ako. Bagamat wala naman akong kasalanan diba?” ang wika ko na halong matinding kalungkutan

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakaramdam nanaman ako ng kirot sa aking puso at kasabay nito ang pag sikip ng aking pag hinga kaya naman agad kong hinawakan ang aking dibdib at dinakot ito..

“Ayos ka lang ba Top? Nurse! Tulong!” ang sigaw ni Beng at kasabay noon ang unti unting pag bigat ng aking pakiramdam, parang nag didilim ang aking paningin at bumibigat ang talukap ng aking mga mata..

Wala na akong natandaan pa..

Part 1

Ang pangalan ay Kristopher, ako ay nasa 21 taong gulang at may taas na 5’8. Pansamantala akong tumigil ng pag aaral dahil sa kahirapan ng aming buhay. Hindi ko rin naman kasi kayang mag trabaho ng todo dahil may dipernsiya ang aking katawan bagamat maayos naman ito kung iyong pag mamasdan. Ang aking ina ay isa mananahi at aking ama naman ay barangay tanod. Kapwa sila kumakayod ng husto para mapag aral ulit ako sa darating na pasukan.

Alam ng aking mga magulang at kaibigan ang aking pag katao, ang ibig kong sabihin ay alam nila na ako ay isang silahis. Bagamat hindi mo naman ito mahahalata dahil lalaki akong kumilos at walang bakas ika nga nila.

Ang una kong naging kasintahan ay si Joe, siya ay 22 taong gulang at nag aaral pa rin bilang isang nurse. Noong una ay maayos ang aming relasyon hanggang lumabo ito ng lumabo at kami ay mauwi sa pag hihiwalay. Nakakalungkot lamang kapag sumasagi ito sa aking isipan.

“Welcome home anak, ang sabi ng doktor ay kailangan mo ng wastong desiplina sa iyong sarili. Mag ingat ka sa mga kinakain mo at bawal mag pagod ng husto.” ang wika ng aking ina.

“Maayos na ako inay, bukas ay pwede ko nang ideliver ang mga tahi mo sa mga nag pagawa. Kayang kaya ko na po!”

“Ah hindi hijo, mag papahinga ka muna at huwag mag papagod. Kayang kaya ko na ito. At isa pa ay nandyan naman si Beng, nag offer siya ng tulong.”

“Tama iyon, ako na muna ang gagawa ng trabaho mo dito sa tahian frend.” ang wika ni Beng sabay hawak sa aking wheelchair at itinulak niya ako patungo sa aking silid.

“Salamat ha, kung sakaling mawala ako ay panatag ako dahil nandiyan ka. Ikaw na ang bahala kina inay.” ang wika ko

“Gaga! Ang lakas lakas mo kaya. Saka papayag ka ba na etits lang ni Joe ang una at huling uten na maisusubo mo? Pwes, ako ay hindi!!” ang wika niya dahilan para matawa ako.

“Ayoko nang pag usapan ang tungkol kay Joe, gago siya.” ang tugon ko.

“Tama, gago siya!” ang wika nito na may halong pag gigil kaya naman mas bumilis ang pag tulak niya sa wheelchair at malaglag ako dito. “Ay! Sorry frend na carried away ako masyado.”

“Ayos lang lalakad nalang ako.” tugon ko

“Eh bakit pa ba kasi naka wheelchair kapa e hindi ka naman lumpo. Lika na nga, ayusin natin yung kwarto mo at palitan natin yung mga sapin mo higaan at kurtina mo para makamove on kana. Alam ko naman na bawat sulok dito ay nag papa alala sa iyo ng umaatikabong bakbakan niyo ni Joe noong mga oras na mainit pa ang inyong samahan.” hirit pa niya.

“Wag mong aalisin yung kurtina, ayoko ng maaliwalas, gusto yung makapal para walang sinag ng araw na pumapasok.”

“Aswang ka ba frend? Kailangan mo ng sikat ng araw para mag karoon ng vitamins iyang balat mo. Basta ako na ang bahala dito, mag pahinga ka lang diyan at mag relax.” naka ngiti niyang sagot.

At iyon nga ang set up, nilinis ni Beng ang aking silid. Binago niya ang ayos nito at ganoon rin ang mga kulay ng sapin sa papag at punda ng unan. Simple lang naman ang aking kwarto, nasa pinaka likuran ito ng aming bahay at ang bintana ay nakaharap sa bukirin kaya pumapasok ang malamig sa hangin mula sa labas.

Halos ilang oras ring nag aayos si Beng, inilalabas niya ang mga gamit na naka tambak lang sa mga sulok at isinisilid sa kahon, ito raw kasi ang best way para makapag move on, ang mag start ka sa iyong silid at sa iyong sarili.

Tahimik..

Nakaupo lamang ako sa tabi ng aking binatana at nakatanaw sa kalayuan ng berdeng bukirin, paminsan minsan ay humihinga ako ng malalim para pumasok ang sariwang hangin sa aking baga na nag bibigay ng ibayong lamig at masarap sa pakiramdam.

Nasa ganoong posisyon ako noong pumasok si Beng sa aking silid, hila hila niya ang isang putol putol na katawan ng mannequin ng isang lalaki na itinapon ni Inay. May hawak siyang glue gun, tape kung ano ano pa, saka niya ito inassemble.

“Aanin mo naman iyan?” ang tanong ko.

“Siya muna ang bf mo ngayon. May nabasa akong libro tungkol sa isang babaeng di maka move on kaya ang ginagawa niya ay kinakausap niya yung life size na stuffed toy niya. Eh wala naman tayong ganoon kaya etong mannequin nalang ang kausapin mo. May abs pa ito, maganda ang dibdib at modelo kung tumindig.” ang wika niya habang sinusuotan ng pantalon at tshirt ang naturang mannequin.

Natawa ako..

“Ano naman ang ipapangalan natin sa kanya?” ang tanong ko

“Tatawagin natin siyang “Romualdo”. Diba lalaking lalaki, matipuno, makisig at malakas ang dating!“ ang wika ni Beng habang sinusuotan ng pantalon ang naturang mannequin.

Matapos madamitan ay itinayo niya ito sa gilid ng aking kama paharap sa akin. “Hindi kaya mag katililing ako kapag iyan ang kinausap ko?” tanong ko naman.

“Hindi naman siguro, saka gentle man itong si Romualdo, tiyak na makikinig siya sa iyo at itatago niyang lahat ng sikreto mo.” ang wika ni Beng. “Gwapo o, alam mo kung totoong tao ito ay baka artista na ito ngayon.”

“At kung totoong tao iyan ay tiyak na magagalit iyan dahil nakahawak ka sa betlog niya.” biro ko naman.

Tawanan ulit..

Katulad nga ng set up ay hinayaan ko nalang ang mannequin sa aking silid. Minsan nga ay nagugulat ako kapag pumapasok ako dahil sa kwarto dahil para talaga itong taong nakatayo sa gilid ng aking kama. Gayon pa man ay natutuwa talaga ako dahil mayroon akong bantay o kaya ay kasama kapag ako ay mag isa lang sa aking silid.

Kapag natutulog ako ay nag “g-good night” pa ako sa kanya at natatawa nalang ako sa aking sarili dahil nilalagyan ko ng tuwalya o kumot ang kanyang balikat para hindi siya lamukin.

At kapag naman nalulungkot ako ay parati akong nag lalabas ng sama ng loob sa kanya, alam kong hindi siya kikibo o mag sasalita atleast ay tama nga itong si Beng dahil makatutulong ito para gumaan ang aking pakiramdam. Mukha nga lang akong tanga at sira ang ulo pero okay lang naman, matutulong ang pakikipag usap at pag lalabas ng sa loobin sa aking kondisyon.

“Anak, bakit mo naman nilagyan ng mannequin ang kwarto mo?” tanong ni Inay habang kumakain kami ng hapunan.

“Inay, si Romualdo iyon. Inilagay lang ni Beng doon para daw mayroon ako hingahan kapag mabigat ang pakiramdaman ko.”

Natawa si Inay. “O siya, sabihin mo dyan kay Romualdo ay maraming salamat dahil pinakikinggan ka niya ng walang reklamo. Mabuti at hindi siya naririndi sa kwento mo?”

“Hindi naman inay, tahimik nga siya at walang kibo. Nakatayo lang at nakikinig sa mga kwento ko.”

Maya maya ay napatingin sa akin si inay. “Anak, alam kong nalulungkot ka dahil hindi kita maipadala sa paaralan, huwag kang mag alala dahil kapag nakaluwag ay isisinggit ko ang pang matrikula mo.”

“Inay huwag na kayo mag isip ni Itay, makakapag aral naman ako sa mga susunod pang taon. Wala namang pinipiling edad ang pag aaral sa kolehiyo. Hindi po ako nalulungkot dahil maswerte ako at mayroon akong mga magulang na inuunawa at minamahal ako ng lubos. Doon palang ay masasabi kong swerte na ako, hindi ko na kailangang tumingin pa sa mga bagay na wala ako.” ang naka ngiti kong tugon.

Tunay ngang mahirap ang buhay pero hindi ko na ito pinapansin pa dahil lalo lamang bibigat ang aking kalooban. Minsan ay nakakaramdam ako ng sakit o kaya ay inggit sa mga bagay na mayroon sila at wala ako pero gayon pa man hindi ito ang dahilan para kaawaan ko ang aking sarili. Alam kong marami pang balakid at pag subok ang darating sa akin kaya’t ang aking nararamdaman ngayon ay pag hahanda pa lamang..

Tahimik..

Ngumiti ako habang naka harap kay Romualdo. Ilang saglit rin ako sa pag titig sa kanya bago ko ito lagyan ng kumot sa balikat..

“Goodnight” ang bulong ko at pinatay ko ang ilaw sa aking silid..

Itutuloy..

Romualdo Part 2

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 18, 2019


STORY 3

Romualdo

Part 2

Araw ng Lunes, habang dala ko ang mga damit na idedeliver ko sa mga nag patahi kay Inay ay hindi inaasahang makita ko ang aking nakaraan. Ang nakaraan na nag bigay ng ibayong sakit at takot sa aking pag katao. Ito yung parte ng kahapon na hinding hindi ko malilimot, hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kirot lalo na noong makita ko ang kanyang mukha..

Hindi pa rin nag babago ang kanyang mukha, dati pa rin ito. Ang kanyang anyo noong unang beses na makilala ko siya ay ganoon pa rin ngunit ang aking pakiramdam ay nag bago na..

FLASHBACK

Nakilala ko si Joe sa isang social site kung saan kami unang nag chat, biruan lang tapos kung ano anong topic ang pinag uusapan namin hanggang mag pakita kami ng sweetness at care sa isa’t isa.

Yung mga simpleng salita na “kumain ka na ba?”, “Anong ginawa mo buong araw?”, “Ingatan mo ang sarili mo”. Mga bagay na nag papangiti sa akin hanggang sa tuluyan na nga kaming mahulog sa isa’t isa. Mutual ang feelings at walang ligawang naganap. Siya rin ang aking unang pag ibig, sa kanya ko naramdaman ang pag ka adik sa pag mamahal na paminsan minsan ay talagang nagiging seloso ako.

Nag aaral si Joe noon sa kolehiyo samantalang ako naman ay nag ttrabaho bilang promodiser sa isang mall sa siyudad. Nag uusap kami sa pamamagitan ng text o kaya ay sa pag tatawagan. Halos tumagal kami ng ilang buwan sa ganoong set up hanggang sa mag pasya kaming mag kita. Dahil nga may kalayuan ang distansiya namin sa isa’t ay nag pasya kaming mag kita sa siyudad. Ito yung pinaka masayang araw sa buhay ko noon. Kumain kami, nag date at umupa ng isang silid para sa aming pag tatalik.

Ang aming pag kikita ay nasundan pa ng nasundan hanggang sa isang summer ay nag pasya siyang mag bakasyon dito mismo sa aming bahay. Halos tatlong linggo siya dito, namuhay kami na parang mag asawa at wala kaming ginawa kundi mahalin at alagaan ang isa’t isa. Wala naman akong inamin sa aking mga magulang tungkol sa samahan namin ni Joe at hindi na rin sila nag tanong marahil ay alam na rin nila iyon. Sino ba naman ang kaibigan tatagal ng ilang linggo sa bahay at halos kulang nalang ay mag live in kami ng tuluyan.

Noong matapos ang tag init ay bumalik si Joe sa pag aaral at ako naman ay nag hanap ng ibang malilipatang trabaho na may mas magandang sahod. Gusto ko lang mag ipon para sa amin ng aking kasintahan, para makapunta kami sa mga lugar na aming nais. Halos sa lahat ng bagay na aking ginagawa ay siya pa rin ang aking iniisip.

Hanggang sa pag dating ng tag ulan. Dito ay naging abala si Joe sa paaralan at ako naman ay sa aking trabaho. Gayon pa man ay siya pa rin ang priority ko at hindi nag babago iyon.

Sa pag daan ng mga araw ay naging madalang mag text si Joe, minsan ay lumilipas ang mag hapon na hindi siya nag paparamdaman, kapag naman tinatawagan ko siya ay parating mainit ang ulo niya o kaya ay parati siyang maraming gagawin. Mga bagay na hindi ko lubos maunawaan ngunit nag bibigay sa akin ng ibayong sakit. At noong mga oraw na iyon ay wala akong kamalay malay na mag sisimula na pala ang isang malaking pag babago sa aming relasyon.

“Hindi naman sa nakiki alam ako frend, pero palagay ko may iba na iyang si Joe e. Yung mga itsurang ganyan ay mabilis mag sawa.” ang wika ni Beng

“Masyado ka namang judgemental, busy lang si Joe, marami siyang requirements na ipina pasa sa school.” pag tatanggol ko

“Eh sino si “best” niya? Tingnan mo nga yung larawan nilang dalawa, busy pero nasa resort?“ tanong niya habang ipinapakita yung larawan ng mag kaibigan sa social media

“Nakita ko na iyan, ang sabi niya sa akin ay straight guy iyang kaibigan niya at may GF. May tiwala ako kay Joe, hindi mag loloko iyan dahil kilala siya ng mga magulang ko at tinanggap namin siya bilang kapamilya.” ang tugon ko

“Straight? Jusko!” ang bulong ni Beng sabay hatak sa akin palabas sa store na aming pinag ttrabahuhan.

“Teka saan tayo pupunta?” ang tanong ko

“Wait muna frend, parang nakita si Joe na nag daan kanina e.” ang tugon nito habang lumilinga linga. “Hayun! Siya iyon diba?” ang tanong niya

“Naka suot ng uniform ng pang nursing, siya nga iyon. Teka lalapitan ko.” tugon ko ngunit pinigil ako ni Beng, hindi ka lalapit dahil sspy natin sila. “ang bulong niya sabay lakad at pasimple naming sinundan si Joe at yung bestie niya.

Paikot ikot sila sa mall, minsan ay nag ngingitian tapos ay tumitingin ng mga damit, pabango, sapatos at kung ano ano pa. Nag seselfie rin sila sa magandang background na kanilang makita. Pictorial na animo mga modelo ang peg nila noong mga oras na iyon. Ang saya nila, ngunit bakit ganoon? Ni hindi man lang niya ako maalang itext hawak naman niya ang kanyang cellphone. Lalo lamang akong nasaktan noong mag text ako at itanong kung “kamusta kana?” pero nabasa niya ngunit hindi niya ito pinansin.

Tuloy ang kanilang pag lalakad sa mall hanggang sa umakyat sila sa second floor at dumiretso sa isang pay toilet. “Pay toilet talaga? Naku ha, pwede naman doon sa cr sa baba e. Sino ba naman yung gagastos ng 10 pesos para umihi no.” ang wika ni Beng pero tuloy tuloy pa rin siya sa pag sunod dito

Naunang pumasok sina Joe sa cr at makalipas ang ilang minuto pag hihintay sa labas ay hindi pa rin lumalabas ang dalawa kaya naman nag pasya na kaming pumasok ni Beng. Pag dating sa loob ay wala namang tao sa paligid, malinis ang banyo at walang kaluskos dito kaya naman dala ng kalokohan ay gumapang si Beng sa mga cubicle para sumilip dito.

“Wala tao sa lahat, maliban doon sa pangatlo at sure ako nandoon sila! Sabi na nga ba may milagrong nagaganap dito. Tatagan mo ang loob mo dahil ito na ang moment of truth okay?” ang bulong niya sabay pasok sa katabing cubicle.

“Sure ka ba na si Joe ito?” tanong ko naman

“Nursing shoes aber. Silipin mo na!” ang bulong niya kaya naman marahan akong tumuntong sa bowl at marahang sumilip.

Kabang kaba ako noong mga sandaling iyon, nanunuyo ng labis ang aking lalamunan na parang nahihirapan akong huminga..

Ipinag patuloy ko pa rin ang pag silip hanggang sa nakita ko nga ang dalawa sa kanilang kababalaghang ginagawa.

Nakita kong nakatayo ang bestie at si Joe naman ay naka luhod, subo subo niya ang mala kabuteng ari ng kaibigan. Kapwa sila nakapikit at napapaunggol. Hinahawakan ni Joe ang mala saging na ari nito at dinidilaan na parang ice cream mula sa ulo, pababa sa katawan at pati ang bulbol na makapal ay sinisibasib rin niya na parang hayok na hayok.

“Ano na?” ang tanong ni Beng

Napatingin ako sa kanya at napailing, kasabay nito ang pag baba ko sa aking pag silip, wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang habang si Beng ang sumilip. “Putaaa, chumuchupa si Joe.” ang wika niya

Muli akong sumilip at dito ay nakita kong jinajakol ni Joe ang ari ng kaibigan at maya maya na ungol ito. “Im cumming best” ang wika niya at dito isinubo ni Joe ang pag kalalaki at hinayaang pumutok sa bibig niya ang semilya nito.

Hindi na ako nakapag pigil, parang lalong sumikip ang aking dibdib sa nakita kaya naman dito ay sumigaw na ako. “Mga manloloko kayo!! Manlolokooooo!” ang sigaw ko na kanilang ikinagulat, nailuwa ni Joe ang ari sa kanyang bibig at tumalsik ang semilya sa kanyang mukha.

“Shit! Sheettt!! Bakit nandito kayoo???!” ang bumigay na sigaw ng kanyang bestfriend at tila nawalan naman ng dugo si Joe sa pag gulat.

Agad akong hinila ni Beng..

“Gago bakit sumigaw ka? Halika umalis na tayo.” ang wika niya sa akin sabay hila palabas sa cubicle.

“Top, sandali lang. Im sorry babe, mag eexplain ako.” ang nanginginig na wika ni Joe pero isang malakas na sampal ang iginawad sa kanyang mukha.

“May video kayo sa akin, ikakalat ko ito para makita ng mga fans nyo sa twitter mga alter na baklang twoe!” ang wika ni Beng sabay senyas ng suntok kay beshie

Mabilis akong inialis ni Beng sa cr at inilayo kay Joe, habang nasa ganoong pag lalakad kami ay mas lalong tumindi ang paninikip ng aking dibdib at dito ay kumirot ang aking puso na hindi ko maunawaan. Nahirapan akong kumilos na nabuwal ako sa sahig dahilan para mag kagulo ang mga tao sa loob ng mall.

Akala ko noon ay mamatay na ako, parang sinalubong ako ng isang malakas na liwanag at wala na akong tandaan pa..

Basta pag mulat ng aking mata ay nasa loob na ako ng ospital..

End of Flashback

Halos dati pa rin ang mukha ni Joe, ang mukha ng manloloko at demonyong tao na nakilala ko. Siya ang unang nag pasaya sa akin, at siya ang nag bigay sa akin ng kalungkutan. Ngayon ay natatakot na akong mag mahal ulit dahil baka kaparehong sakit lamang rin ang aking maranasan. Siguro ngayon natuto na rin ako sa isang leksyon na dapat kapag ikaw ay nag mahal, mag tira ka para sa iyong sarili. Dahil ang pag ibig ay nakakabaliw at hindi mo namamalayan na unti unti ka nitong inuubos na parang isang kandilang nasusunog sa apoy. Sa una ay maganda ngunit darating oras na mawawala rin ito ay matutunaw, walang matitira kundi ang malamig na bakas na maiiwan sa lugar kung saan ito dating naka tirik.

Tumingin sa akin si Joe at kumaway. Parang wala lang sa kanya ang lahat..

Hindi ako nag bigay ng kahit na anong reaksyon, bagamat masakit na makita siyang naka ngiti na parang wala nagawang pag kakamali. Wala akong nagawa kundi ang tumalikod at lumakad sa salungat na daan palayo sa kanya.

Itutuloy..

Romualdo Part 3

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 19, 2019


STORY 3

Romualdo

Part 3

“Naka ngiti pa ang gago at hindi man lang nang hingi ng tawad sa akin. Parang wala lang e.” ang wika ko habang umiinom ng kape

“Eh bottomesa pala ng taon iyang si Joe. Makati pa sa higad e. Mabuti nalang at nahuli natin siya atleast kahit papaano ay malaya kana sa mga panloloko niya. Sira ulong iyon! Daig pa ang pakawalang bakla dyan sa kanto kung chumupa.” ang tugon ni Beng

“Maging ako ay hindi rin makapaniwala sa mga nagawa niya. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Samantalang siya? Parang hindi man lang nalungkot noong mawala ako.”

“May reserba kasi siya kaya ganoon. Saka baka iba ang pananaw niya mga relasyon ng lalaki sa lalaki. Para sa kanya ay isa lamang itong malaking laro at patungkol lamang sa tawag ng laman.”

“Pero naramdaman kong minahal niya ako noong mga panahong mag kasama kami.”

“Noon iyon, syempre kapag mag kasama kayo ay loyal siya sa iyo pero paano kapag hindi na kayo mag kasama? Malamang ibang etits na ang niluluhuran niyan.” ang inis na wika ni Beng sabay siko sa mannequin na si Romualdo. “Ikaw Rom ha, wag mong sasaktan itong si Top. Wasak na wasak na ang puso niyan, dapat alagaan mo siya at mahalin.” ang dagdag pa nito

Natawa ako. “Syempre hindi sasaktan ni Rom, iyan lang ang siguradong loyal sa akin. Diba mahal?” ang pag sakay ko sabay akbay sa mannequin.

Tawanan..

Bago matulog ay inayos ko pa ang damit ng mannequin at saka sinuutan ito ng sumbrero. Pag katapos noon ay isinaksak ko ang radyo at dito ay tumugtog ang isang magandang musika. Japanese nga lang ito ngunit maganda sa pandinig..

Human Touch

Moshimo kokoro wo me de miru koto ga dekita nara

Kizutsuita itami ki ga tsuite
Iyashite agetai no ni sotto
Itsu kara na no Sunao ni
Naku no wo yamete Gaman shite ikite ’ru

WHEN YOU FIND LOVE IN YOUR HEART
Omoidashite ne
Honto wa ai sarete iru koto wo
Umareta sono hi kara

Moshimo kokoro wo te no hira ni noseraretara nara
Donna tsurai koto kara datte
Ryoute kabe tsukutte mamoru
Shiawase to yasashisa ga
Anata to iru to hitotsu-zutsu fuete ’ku

WHEN YOU FIND LOVE IN YOUR HEART
Taisetsu na no wa
Dare ka to arasou koto ja nakute
Ai shi-tsuzukeru koto

Kurushimi mo yorokobi mo
Onaji kimochi de kanjitai anata to

WHEN YOU FIND LOVE IN YOUR HEART
Omoidashite ne
Honto wa ai sarete iru koto wo
Umareta sono hi kara
IF YOU BELIEVE
IN HUMAN TOUCH

https://youtu.be/1LhBsQK25IA

Napatitig ako sa mannequin at kinuha ang kanyang kamay. Ewan, natatawa ako sa aking sarili, para akong isang tanga na iginalaw galaw ang kanyang katawan at isinayaw ito sa saliw ng musikang iyon. Tuwang tuwa ako habang patuloy sa pag indak “sanay ay nararamdaman mo rin ang saya, sana ay totoo ka nalang para hindi na ako nalulungkot pa.” ang bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa blangkong mukha ng mannequin.

Syempre ay wala akong makukuhang sagot, asa pa ako eh isa lamang itong manika na sinusuotan ng retaso ng damit.

Patuloy sa pag tugtog ang musika at ganoon rin ako sa aking pag indak haggang sa matapos ito.

Muli kong inayos ang mannequin sa kanyang pwesto at inalagyan ito ng tuwalya sa balikat. “Salamat sa pag sasayaw ha, heto ang kumot at baka lamigin ka pa. Magandang gabi Rom.” wika ko pa sabay ngiti.

Lumakad ako palayo sa kanya at nahiga sa aking papag. Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan bago tuluyang ipikit ang mga mata.

Hindi ko alam kung kailan ako dinalaw ng antok basta ang aking mata ay nakapikit ngunit ang aking diwa ay gising at ramdam ko pa rin ang nagaganap sa aking paligid.

Malamig pa rin ang hangin na dumadampi sa aking katawan galing sa labas ng bintana na nag bibigay sa akin ng ibayong ginaw kaya marahan kong kinuha ang aking kumot at ibinalot ito sa aking katawan.

Nasa ganoong posisyon ako ng may narinig akong tumatawag sa aking pangalan. Kakaiba ang kanyang tinig, hindi ko maunawaan kung lalaki ba o babae ito. Baka bakla, pero baka nanaginip lang ako. “Top, yuhu. Gumising ka.” ang wika nito.

Hindi ako dumidilat at nag panggap lamang akong natutulog bagamat malinaw kong naririnig ang kanyang tinig. “Top, gumising ka. Umulat mo ang inyong mga mata. Pero dahan dahan lang ha, huwag kang magugulat dahil may sakit ka sa puso at baka tegi ka pa no.” ang wika nito

“Ayoko! Nanaginip ako! Hindi totoo ang lahat ng to!” ang sigaw ko sa aking isip.

“Imulat mo ang iyong mga mata Top, huwag kang matakot sa akin.” wika pa niya kaya naman tinapangan ko ang aking sarili at mabilis akong bumalikwas ng bangon. “Sino ka ba?! Tama naaaaa!” ang sigaw ko naman habang pilit na iniipon ang lakas sa aking dibdib.

“Tapang tapangan, kunwari keribels ang nerbyos. Pero ang totoo ay nanginginig ang tuhod.” ang wika nito at doon ay nakita ko ang babae na nakaupo sa aking tabi suot ang isang makitab na gown.

Napasigaw ako at napa atras, kasabay nito ang pananakit ng aking dibdib kaya naman agad niyang itinutok ang kanyang hawak na stick sa aking ulo at dito ay parang kumalma ang aking katawan. “Ang sabi ko sa iyo ay wag kang sisigaw e. Matetegi ka pa niyan, at kasalanan ko pa iyon. Chilax lang, kung wari ay wala lang okay?” ang wika niya

Pansalamantalang kumalma ang aking katawan..

Tahimik..

Pumikit ako at sinabing “panaginip lang ito. Hindi ito totoo! Mawala kana, mawala kana.”

Noong imulat ko ang aking mata ay naroon pa rin siya, naka ngiti at isang sampal ang iginawad sa aking pisngi. “Plak! Hindi ito isang panaginip hijo, totoong nangyayari ang lahat ng ito.”

“Aray, bakit sinampal mo naman ako? Sino ka ba? Saka paano ka nakapasok dito?” ang tanong ko

“Ako si Estelle! Isang diwata na nag mula sa fairy land. Napadaan lang ako dyan sa likod bahay nyo noong makita kong isinasayaw mo itong mannequin. Akalain mo silahis ka pala? Lalaking lalaki ka at ang ganda ng tabas ng katawan mo ha. Hindi ka naman babaihan pero sige tutulungan kita dyan sa trip mo.”

“Ikaw yata ang nag ttrip e, diwata? Adik ka ba?” tanong ko naman

“Ito ganda kong ito? Adik ako? Gusto mo bang gawin kitang palaka.” ang tanong niya habang inaayos ang blonde at kulot niyang buhok

“Kahawig mo si Chokoleit, yung artista doon sa telebisyon. Teka ano bang kailangan mo sa akin?” tanong ko

“Gusto ko lang makipag tulungan sa iyo, tulungan mo ako at tutulungan rin kita.” naka ngiti niya tugon.

“Paano?”

“Ganito kasi iyon. Nag hahanap ako ng subject para sa gagawin kong beauty with a purpose. Isa itong competition doon sa kaharian namin sa fairy Land. Ang contest na ito ay tinatawag na Fairy Queen 2019. At bago ka maging isang ganap na Queen ng mga diwata ay kailangan mong makagawa ng isang sagad sa butong good deeds sa kapwa mo. Kaya ngayon ay nais kitang tulungan. Kung papayag kang maging subject ko sa beauty with a purpose na ito ay matutulungan mo na rin ako sa pagka panalo ko.” ang wika niya habang naka ngiti.

“Kung wala naman itong masamang epekto sa akin ay pumapayag ako. Ano bang gagawin natin?” tanong ko ulit

“Pag kakalooban kita ng isang good deeds, alam kong ito ang mag papasaya sa iyo Top.” ang wika niya at dito ay nag liwanag ang kanyang kamay at lumabas ang isang kristal na hugis puso. Nag liliwanag ito ng asul at nakaka akit pag masdan. “Ano iyan?” ang tanong ko

“Ito ang puso ng katarungan, bibigyang buhay nito ang isang bagay na nais mo.” ang wika niya sabay tayo at marahang lumapit sa mannequin. Itinapat niya ang kristal sa kaliwang dibdib nito at unti unting pumasok sa katawan ng estatwa.

“Gising na Romualdo, hinihintay kana ng taong nag mamahal sa iyo.” wika niya sabay himas sa mukha nito at dito ay unti unting nag bago ang kanyang katawan at naging isang tao.

Nag liwanag ng husto ang katawan ng mannequin habang unti unting nabubuhay ang kanyang balat at nagiging tao. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman noong mga oras na iyon, gusto kong sumigaw sa pag kabigla ngunit tila ayaw makisama ng aking bibig. Kaya naman halos naka nga-nga nalang ako dahil sa matinding pag kamangha sa mga bagay na hindi pinaniniwalaan ng aking mga mata.

Makalipas nag ilang sandali ay nawala ang liwanag sa paligid ng silid at dito ay nakita kong tao na si Romualdo, matangkad ito, gwapo at halos napaka perpekto ng anyo. Ang kanyang mukha ay napaka amo, mapula ang labi, matangos ang ilong, makinis ang balat. Halos daig pa niya yung mga artista sa telebisyon.

Hindi ako makapaniwala na naging tao siya, basta ang alam ko lang ay napako ang aking paningin sa kanyang kinatatayuan, para ba akong nabato balani sa isang magandang tanawing nasisilayan ng aking paningin. “Bongga diba? Alam ko naman na nalulungkot ka Top, rinig na rinig ko ang pag pintig ng iyong sugatang puso kaya naman naisip ko na bigyan ka ng kaunting kaligayahan. Sana ay makatulong ako sa pag hilom ng iyong sakit na nararamdaman.” ang wika ng diwata

“Paanong naging tao si Romualdo? Pwede ko ba siyang hawakan?” ang tanong ko

Ngumiti siya at tumango kaya naman marahan akong lumakad patungo sa kinalalagyan ng nakatayong si Rom sa paanan ang aking kama. Naka ngiti lang siya sa akin at pinag mamasdan ang aking pag lalakad. Hindi ko maipaliwanag ngunit nanginginig ang aking buong katawan habang inilalapit ko ang aking palad sa mukha ni Rom.

Noong mahawakan ko ang kanyang pisngi ay mas lalo akong nagulantang dahil tao na talaga ito at hindi isang matigas na estatwa. “Kamusta ka?” ang tanong nito kaya naman natakot ako at napalundag sa aking kama. “Tang inaaa, tao na nga siya!!” ang sigaw ko

Natawa ito at lumakad palapit sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at inilagay sa kanyang dibdib. “Tumitibok ang aking puso, masaya akong damayan ka. Ngayon ay hindi na mabigat ang kalooban ko dahil sa tuwing kakausapin mo ako ay makakasagot na ako. At maaari na rin kita isayaw ng hindi ka nahihirapan sa pag bubuhat sa katawan ko.” ang naka ngiti niyang salita.

“O diba? Love is on the air! Pero nais kong ipaalala sa inyo ang kasunduan.Ang kristal na puso ay makapangyarihan dahil nag bibigay ito ng buhay ngunit nais kong malaman ninyo na ang kaligayahan ay may limatasyon. Meaning ay may oras lamang ang pagiging tao ni Romualdo. Simula bukas, pag tapat ng alas dose ng hating gabi ay babalik siya sa pagiging mannequin. Pero huwag kang mag alala dahil muli siyang magiging tao pag tapat ng alas 10 ng umaga.” ang wiika nito

“Bakit may oras?” ang tanong ko naman

“Dahil hindi maaaring mag tuloy tuloy ang kaligayahan Top, kinakailangan ay maging balanse ang lahat. Kung parati kang masaya ay baka kunin kana ni Lord agad agad. Ang ibig kong sabihin ay mawawalan ng saysay ang kalungkutan. Maging masaya ka nalang sa mga bagay na nararanasan mo ngayon hijo.” ang wika niya

Natahimik ako at napatingin kay Rom na noon ay nakatitig lang sa akin..

“Nanaginip lang ba ako? Tila yata ang hirap paniwalaan.” ang tanong ko

Ngumiti ang diwata at inilahad ang kanyang kamay. “Halika anak, lumapit ka sa akin.”

Tumayo ako at lumapit sa kanya..

Noong nasa harap na niya ako ay bigla nalang niya akong sinampal. “Plak!”

“Arekuppp!” reklamo ko naman. Pangalawang sampal na niya ito sa akin.

“ Hindi ka nanaginip Top. Maging masaya dahil deserve mo ito. Babushhhhhh!“ ang pag papaalam niya at dito ay nawala siya sa aking paningin.

Tahimik..

Napatingin ako kay Romualdo noong mga oras na iyon at dito ay nakita kong bumalik na siya sa pagiging mannequin. Noong mga sandaling iyon ay gulong gulo ang aking isipan, hindi ko lubos maisip kung paano paniniwalaan ang mga kaganapang iyon, para ba akong pinag laruan ng kung ano. Pakiwari ko ay lumipad ang aking imahinasyon sa kung saan at noong bumalik sa normal ang lahat ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na silid.

Nag tataka at pilit na pinaniniwalaan ang isang bagay na tila yata imposibleng mangyari.

Itutuloy..

Romualdo Part 4

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 20, 2019


STORY 3

Romualdo

“O diba? Love is on the air! Pero nais kong ipaalala sa inyo ang kasunduan.Ang kristal na puso ay makapangyarihan dahil nag bibigay ito ng buhay ngunit nais kong malaman ninyo na ang kaligayahan ay may limatasyon. Meaning ay may oras lamang ang pagiging tao ni Romualdo. Simula bukas, pag tapat ng alas dose ng hating gabi ay babalik siya sa pagiging mannequin. Pero huwag kang mag alala dahil muli siyang magiging tao pag tapat ng alas 10 ng umaga.” ang wiika nito

“Bakit may oras?” ang tanong ko naman

“Dahil hindi maaaring mag tuloy tuloy ang kaligayahan Top, kinakailangan ay maging balanse ang lahat. Kung parati kang masaya ay baka kunin kana ni Lord agad agad. Ang ibig kong sabihin ay mawawalan ng saysay ang kalungkutan. Maging masaya ka nalang sa mga bagay na nararanasan mo ngayon hijo.” ang wika niya

Part 4

Hindi ko alam kung totoo ba yung nangyari kagabi dahil pag gising ko ngayong umaga ay parang normal naman ang lahat. Si Romualdo ay nakatayo pa rin sa lugar kung saan ko siya iniwan pag katapos naming mag sayaw. Pero kakaiba talaga ang aking panaginip, para itong totoo na hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang itsura ni Rom noong naging tao siya. Sobrang gwapo, maganda ang mata, matangos ang ilong, mapula ang mga labi at kung tumitig ay parang laging nang aakit. Pero imposible naman kasi talaga na mabuhay ang isang mannequin.

“Top, ikaw na ang bahala sa tahian. Kapag may nag dala ng pagawa ay sabihin mong nag tungo lang ako sa seminar doon sa kabilang bayan. Huwag mong kalimutang kuhanin ang sukat at pangalan nila. Darating raw dito si Beng para ikaw ay tulungan. Isara mong mabuti itong mga pinto para walang makapasok na loko loko.” ang wika ng aking ina habang abala kami sa pag aalmusal.

“Inay, ayos lang ako. Alam ko na ang gagawin ko kaya wala kang dapat ipag alala.”

“Noong huling sinabi mo sa akin na huwag akong mag alala ay iyon ang oras na inatake ka sa puso. Kapag sinasabi mo ang ganyang bagay ay mas lalo akong binabalot ng pangamba.”

“Inay, ang nangyari noon ay aksidente lamang. Sabihin na natin na may nanakit sa akin.” tugon ko dahilan para mapabuntong hininga siya. “Anak, ayos lang na mag dala ka ng kaibigan dito sa bahay pero sana ay kikilalanin mong mabuti ang kanyang pag katao para hindi ka nasasaktan.” wika niya dahilan para matahimik ako at napatingin nalang sa sahig.

“Ngunit gayon pa man, mahalag pa rin ang kaligayahan mo.” ang dagdag pa niya noong makita akong nalungkot. “O siya, huwag kana malungkot. Aalis na ako at ikaw na ang bahala dito sa bahay.”

Noong maka alis si Inay ay sakto namang pag dating ni Beng. Tuwing nag tutungo sa seminar ang aking ina ay pinapaki usapan niya si Beng na samahan ako sa bahay dahil baka raw biglang may mangyari sa akin. Pero para sa akin ay normal naman ako, wala naman akong nararamdamang kahit ano sa aking sarili maliban sa hindi maipaliwanag na tuwa kapag naalala ko ang mukha ni Romualdo sa aking panaginip. Para bang gusto ko nalang matulog ulit, baka sakaling makita ko siya roon.

Hindi ko tuloy maiwasang ikwento kay Beng yung tungkol dito. Nakinig naman siya pero taas ang kilay niya at halatang hindi naniniwala. “Masyado ka lang frustrated mag karoon ng jowa. Feeling ko ay bitter ka pa dahil nakatagpo nanaman ng bagong shota si Joe at ikaw ay zero pa rin.” ang pang aasar niya habang kumakain ng mani sa garapon.

“Hindi naman talaga nababakante iyang si Joe. Baka ikamatay niya yung segundong mawalan siya ng shota. Ang sabi sa akin ng bestfriend niya noong nag chat ito at nang hingi ng tawad ay “swerte pa raw ako dahil umabot kami ng 7 months ni Joe.” Sila nga raw ay 3 weeks lang ang inabot at nakipag hiwalay na ito dahil may nakilalang isang gym instructor.“ tugon ko

“Syempre sawa na si Joe sa mga ordinaryong lalaki na kasing edad lang niya. Mag hahanap na iyan ng mas matatanda sa kanya, mas malalaki ng katawan at ari. Nag ccrave na siya sa sekyu, sa construction worker, at mga taxi driver.” ang sagot ni Beng

“Kaya nga diba, wala matagal na relasyon sa taong tikim lang ang intensiyon, iyan si Joe ay parang isang ligaw na pusang pagala gala para makahanap ng atensiyon.” tugon ko

“Kung mag salita ka ay parang 100% move on kana. Salamat kay Romualdo.” ang wika niya

“Oo nga, salamat kay Rom.” naka ngiti kong tugon.

“Gaga! Huwag mong sabihin sa akin na naiinlove ka sa isang mannequin? Jusko no, daig mo pa ang psycho pag nag kataon. Pero anyway kung iyan talaga ang trip mo ay oorder ako ng isang belt na may artipisyal na titi, ikakabit natin iyon kay Romualdo para kung sakaling gusto mong mag patorjak sa kanya ay mayroong tutuhog sa iyo. Self service nga lang ha. Alam mo namang supportive akong kaibigan diba?”

“Kung ano anong pinag iisip mo e. Loko ka talaga.”

“Ikaw nga dyan, iniisip mo na buhay yung mannequin. Mas malala ka kaya sa akin.”

Tawanan..

Habang nasa ganoong posisyon kami ay may narinig kaming isang kaluskos mula sa aking silid sa itaas. Noong una ay hindi namin pinansin, tuloy pa rin kami sa kwentuhan hanggang sa naging mas madalas na ingay at kapwa namin napahinto sa pag tatawanan.

“May alaga ka bang daga sa kwarto mo?” ang tanong nito

“Pusa nga wala e, daga pa kaya?” tugon ko

“Isinarado mo ba yung bintana mong pag kalaki laki sa itaas? Baka naman pasukin tayo ng akyat bahay at gahasain ako. jusko!”

“Tingnan mo kaya?” tanong ko at maya maya ay kumalampag na ito ng malakas kaya naman kapwa na kami napatayo at kumuha ng kahoy na pambambo. Nag ipit rin si Beng ng kutsilyo sa kanyang likod. “Mag kamatayan na ito.” ang bulong niya habang umaakyat sa hagdan.

Naka sunod ako sa kanya..

“Eh kung mauna ka kaya? Bahay nyo to diba?” ang bulong niya.

“Hindi, ikaw na ang mauna dahil may hawak kang kutsilyo. Pag masamang tao ay saksakin mo agad.” ang tugon ko naman.

Iyon nga ang set up, kapwa kami umakyat sa hagdan patungo sa aking silid. Walang ingay, ni kaluskos ay wala rin.

Pag dating dito ay marahang sumilip si Beng sa pinto at dito ay napa bulong ito. “Oh my God.” ang wika niya na nanlalaki ang mata.

“Bakit?” tanong ko

“May tao.” ang wika niya sabay tapik sa aking balikat na animo kinikilig. “Ang gwapo. May lalaki doon sa papag mo naka upo. Ang pogi!” ang bulong niya na hindi malaman kung matatakot o maeexcite.

Sumilip rin ako at dito nga ay laking gulat ko noong makita ang lalaki sa aking panaginip, ang taong version ni Romualdo na naka upo sa aking papag at nag babasa ng mga lumang libro. “Iyan yung lalaki sa panaginip ko. Iyan si Romualdo.” ang bulong ko

“Gaga, si Romualdo ay isang mannequin, ito ay totoong tao. Wag ka ngang ano dyan. Pero eto ha, kahit gwapo siya, makinis, hot at mukhang artista ay hindi dapat tayo basta basta nag titiwala. Huwag mong ibaba ang depensa mo at kung ano’t ano man ang mangyari dapat ay nakahanda tayo.” ang wika niya sabay hinga ng malalim at sumigaw..

“Yaaaaahhhhhh! Hi pogi! Ang gwapo gwapo mo naman! What’s your name boy?” ang wika nito na binitiwan ang patalim at malandi ang pananalita. “Akala ko ba ay hindi mag bababa ng depensa?” bulong ko sa aking sarili.

Ngumiti ang lalaki at ibinaba ang aklat niyang hawak. “Ikaw pala Beng, ikinagagalak kitang makilala.” ang wika nito.

“Teka sino ka ba? Bakit kilala mo ako?” tanong niya

“Hindi mo ba ako naalala? Ako yung dinamitan mo at binuo mo noong nakaraang linggo. Ikaw ang umayos sa katawan ko. Ako si Romualdo, naalala mo ba?” tanong niya

“Romualdo? Yung mannequin? Nakadrugs ba kayong dalawa? Huwag nyo nga ako pinag ttripan. Top, alam ba ng mudrabels mo na nag tatago ka ng gwapong lalaki dito sa bahay nyo? At jusko, ni hindi mo man lang sinabi sa akin? Kailan mo ito balak sabihin sa akin? Kapag buntis kana?” inis niyang tanong.

“Sandali, huwag mong sisihin si Top, kagabi lang kami nag kasama.” wika ni Rom

“Tingnan mo, kunwari ka pang api apihan e may lalaki ka pala kagabi! Akala ko ba best friend tayo?” tanong niya

“Kanina ko pa sinasabi sa iyo yung tungkol sa panaginip ko pero hindi ka nakikinig sa akin. Noong una ang akala ko ay panaginip at imahinasyon ko lang ang lahat. Maging ako ay hindi makapaniwala na si Romualdo ay nabuhay at naging tao.” ang tugon ko dahilan para maloka loka si Beng. “Top, natatakot na ako sa mga pinag sasasabi mo.” ang tugon niya.

“Pero nag sasabi siya ng totoo. Ginawa akong tao ng isang mabuting diwata. Ang pangalan niya ay Fairy Estelle na galing sa fairy land.” ang wika ni Rom at dito nga ay isinalaysay ko sa kanya ang buong pangyayari kagabi.

Pero hindi kinaya ni Beng ang mga kwento ko kaya hinimatay ito at panandaliang nawalan ng ulirat. Binuhat namin siya at inihiga sa katre.

“Ayos lang ba ang kaibigan mo?” ang tanong ni Rom

Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay. “Oo naman ayos lang siya. Totoo ka nga, sabihin mo sa akin na hindi nanaginip.” ang wika ko.

Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi. “Hindi ka nananaginip. Totoo ang lahat ng ito Top.” ang sagot niya sabay lingkis ng kanyang braso sa aking likuran.

“Marahil ay natakot ng husto ang kaibigan mo kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.” ang wika ni Rom

Natawa ako. “Magiging maayos rin siya mamaya. Gusto mo ng pag kain? Nagugutom ka ba?”

“Ngayon tao na ako ay talagang makakaramdam ako ng gutom at pag kauhaw. Salamat at naisip mo ito.” naka ngiti niyang sagot.

Bandang hapon na noong magising si Beng, talagang diniretso na niya sa pag tulog ang kanyang pag kahimatay. Gayon pa man ay pinanindigan ko pa rin ang aking salaysay hanggang sa tuluyan na siyang maniwala. “Alam nyo mahirap talagang paniwalaan ito ng mga sinasabi ninyo pero ayoko nang maloka loka sa pag kalito. Pero anyway ang gwapo mo talaga, artistang artista ang datingan mo Romualdo.” ang wika ni Beng habang pinag mamasdan ang mukha ni Rom.

Maya maya ay narinig namin ang kalam ng kanyang tiyan kaya naman natawa kami at agad na nag luto ng espeyal para sa hapunan. Si Rom naman ay nanonood lang at naka ngiti sa amin.

Hindi man namin maipaliwanag ang mga kaganapan sa aming buhay pero ang mahalaga ay ang saya naming nararamdaman noong mga oras na iyon.

Sa tingin ko ay ito na ang simula ng magandang samahan namin ni Rom at kung panaginip man ito ay handa akong matulog ng matagal para sa kanya.

Itutuloy..

Romualdo Part 5

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 19, 2019


STORY 3

Romualdo

Part 5

Araw ng sabado, napag desisyunan namin ni Beng na ipasyal sa labas si Rom. Para makita na rin niya ang ganda ng mundo sa labas. Sa pag lipas kasi ng mga araw ay madalas lang kami sa silid at nag kkwentuhan. Ipinakilala ko rin siya sa aking ina at syempre ay hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Pinakilala ko si Rom bilang pinsan ni Beng na isang modelo sa kabilang siyudad at nandito siya para mag bakasyon. Hindi naman mausisa si Inay kaya’t hindi na ito nag tanong pa, bagkus ay natuwa pa nga siya dahil kakaiba raw ang kagwapuhan ni Rom, parang hindi tao kung iyong tititigan.

Tawa nalang kami ni Beng..

“Wag mo naman masyadong ibongga ang damit ni Romualdo, baka maya maya ay mapag kamalan pa tayong alalay niya. Okay na iyang tshirt sa pantalon. Panalo na iyan.” ang wika ni Beng

Agad ko namang kinuha ang mga damit at ibinigay ka Rom na noon ay katatapos palang maligo. “Pag katapos mong mag bihis ay nasa baba lang ako. Hinihintay ka namin doon.” ang wika ko

“Sandali, paano ba kinakabit ang mga ito?” tanong niya sabay turo sa mga sinturon, relo at kwintas.

Natawa ako at lumapit sa kanya. Nasa ganoong posisyon sya noong bigla niyang hubarin ang tuwalya na naka takip sa kanyang bewang dahilan para bumuyangyang sa aking harapan ang kanyang maganda at perpektong katawan. Putok ang dibdib, may abs ang tiyan at maganda ng likuran. Naka agaw pansin rin sa akin ang kanyang maputing ari na parang lantang gulay. “Hala, mag damit kana at baka ka sipunin.” ang utos ko naman sabay abot sa kanya ng brief at damit.

“Salamat.” ang naka ngiti niyang tugon at nag bihis siya sa aking harapan. Wala siyang arte sa katawan at lalong walang paki kung makita ko pa ang kanyang kasingit-singitan. Basta naka ngiti lang siya at halatang excited sa aming pamamasyal.

Tumayo ako sa kanyang likuran at ikinabit ang sinuturon sa kanyang bewang. Nilagyan ko rin ng relo at kwintas ang kanyang braso at leeg para naman may accessories ang kanyang katawan. Ewan, kahit yata pag suotin mo siyang basahan ay babagay pa rin. Yung tipong nakaka batobalani talaga ang kanyang taglay na kagwapuhan. May pag kakataon nga na nawawala ako sa konsetrasyon lalo na kapag nag kkwentuhan kami at nakatitig lang siya sa akin na animo isang tanga. Pero parang may kakaibang kilig ako nararamdaman sa tuwing mag tatagpo ang among mga mata.

Alas 11 ng umaga noong kami ay sumakay sa taxi at mag pahatid sa mall. Si Rom noon ay parang isang bata na nakatingin lang sa labas ng bintana at maiging pinag mamasdan ang buong paligid, ang mga nag lalakihang gusali, maingay na sasakyan at ang mga taong nag lalakad sa kalsada ang nag papahanga sa kanya ng lubos. Samantalang si Beng naman ay parang isang tourist guide na walang ginawa kundi ang ipaliwanag ang lahat ng nakikita sa paligid.

“Foreigner ba iyan? Saang bansa ka ba galing hijo?” ang tanong ng taxi driver.

Napatingin sa akin si Rom na parang hindi alam ang kanyang isasagot. “Made in Korea sya, eto galing siyang korea.” ang wika ni Beng

“Bakit Korea?” ang tanong ko

“Eh kasi nung inaassemble ko siya ay nakita ko likod niya ang salitang “made in Korea” kaya siguro ay taga korea talaga siya.Saka nakita mo naman parang Kpop ang datingan.“ ang sagot ni Beng

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba kami sa mall at nag tungo sa isang kainan. Tanggap na namin na pag baba palang ng taxi ay talagang umagaw na ng atensiyon si Rom, ang akala nila ay isang artista ito na naligaw sa mall. Yung ibang mga babae ay kilig na kilig habang hawak ang kani kanilang cellphone. Yung iba naman ay talagang hinarang pa kami para mag pakuha ng larawan sa kanya. Kitang kita ko ang pag tataka sa mukha ni Rom noong mga oras na iyon, ang sinabi ko lang sa kanya ay ngumiti siya at ang lahat ay magiging maayos.

Pag pasok sa kaninan ay agad ko siyang pinaupo sa gawing sulok habang kami naman ni Beng ay nag tungo sa pila umorder. Walang kibo si Rom, naka tingin lang siya sa akin at kapag natitingin ako sa kanya ay ngumingiti ito, pati ang mata niya ay nakangiti rin kaya hindi ko maiwasang humanga at kiligin. Pakiwari ko ba hanggang ngayon nanaginip pa rin ako at ang makasama ang isang tulad niya ay para hindi makatotohanan. “Hoy ikaw na, iorder ng chicken si Rom dahil favorite niya iyan. Pati spag at kung anik anik pa.” ang wika ni Beng

“Syempre alam ko ang paborito niya.” ang naka ngiti kong tugon at habang abala ako sa pag order ay siya namang pag kalabit ni Beng sa aking likod. “bakit nanaman?” tanong ko

“Tingnan mo kung sino yung lumapit kay Romualdo.” ang bulong niya kaya naman patingin ako sa kinalalagyan ni Rom. Dito ay laking gulat ko noong makita si “Joe! Anong ginagawa niya dito?” ang tanong ko

“Ano pa ba edi nakikipag kilala nanaman ang ex mong makate. Sinusubukan niyang ipick up si Rom. Pokpok ang peg ng gaga! Saka napansin mo ba yung kilos niya? Noong kayo pa ay ang tigas ng kilos niya, lalaking lalaki. Ngayon ay para lalambutin na ang datingan niya, parang patungo na siya sa pagiging 8% babaihan.” ang wika nito

“Iyan ang tinatawag na “bi now gay later! Kunin mo yung order natin at ako na ang bahala sa malanding ex ko.” ang wika ko naman sabay lakad patungo sa table ni Rom

Medyo malayo palang ako ay naririnig ko na boses ni Joe, kinukulit nito si Rom. Ang akala niya siguro ay wala itong kasama. “Pare, facebook mayroon ka ba? Anong number mo? Gusto mo punta tayo sa place ko?” ang tanong niya

“Hindi ko alam ang mga sinasabi mo, pasensiya na ngunit hindi kita kilala.” ang sagot ni Rom

“Kaya nga nakikipag kaibigan ako, tara sama ka sa akin, masaya to.” ang naka ngiting wika niya sabay kuha sa kanyang cp at inaya pang mag selfie si Rom pero tumanggi ito. Dahil sa pangungulit niya ay hindi na ako nakapag pigil, lumapit ako sa kanilang kinalalagyan na kanyang ikinagulat. “Top? Anong ginagawa mo dito?” ang tanong niya

“Edi kakain, kainan to diba?” ang sagot ko naman

Natawa siya. “kamusta kana pala?” ang tanong niya na parang wala lang. Sa kabila ng panloloko niya sa akin ay nagagawa pa niyang humarap at umasta na parang normal lang ang lahat.

Ngumiti ako “Maayos na ako, mas better kaysa noong kasama pa kita.” ang wika ko

“Bitter much? Pwede naman tayong maging mag kaibigan. Nga pala, kaibigan ko. Gwapo no?” ang pag yayabang niya na para bang pinag seselos ako. Ang akala naman niya ay kakagat ako sa mga palabok niya.

“Ah kaibigan mo pala yung boyfriend ni Top? Wow ha! Feelingero itong bottomesang itey!” ang wika ni Beng.

“Boyfriend ni Top ito?” ang nag tatakang tanong ni Joe sabay tawa ng malakas. “niloloko nyo naman ako.”

Napabuntong hininga si Beng “Niloloko mo ang sarili mo, im sure kating kati na iyang wetpaks mo na parang sinilihan ngayon kaya kung sino sinong lalaki ang pini-pick up. Chipipay much.” ang wika ni Beng

“Ang mabuti pa ay lumipat nalang tayo ng table.” ang wika ko naman kaya tumayo si Rom at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang aking mukha “Ayos ka lang ba? Galit ka ba?” tanong niya

Ngumiti ako at yumakap sa kanya. “hindi, masaya ako. “ ang tugon ko habang naka tingin kay Joe na noon ay halos hindi makapaniwala.

“Nga nga much teh! Ligwak ganern! Niloko mo si Top kaya pinalitan ka, hamak gwapo no? Inggit much? Sino ang bitter? Diyan kana nga baklang twoe!” ang wika ni Beng sabay rampa palayo kay Joe.

Lumipat kami ng lamesa at pinakita namin kay Joe kung gaano ako kasaya. Ang totoo noon ay maligaya naman talaga ako. Tama nga ang sinabi nila, hindi ka makakalimot sa isang bagay hanggang hindi napapalitan ang mga ala-ala ng mas bago at mas masaya. Patuloy kang malulungkot at masasadlak sa matinding sakit hangga’t hindi ka nakakatagpo ng isang taong papalit sa taong nanakit sa iyo. Kapag natutunan mong mag mahal ng iba ay makakalimutan mo ang kalupitan ng kahapon na idinulot sa iyo. Pero hindi ko naman sinasabing epektibo ito sa lahat ng tao o sa lahat ng pag kakataon. Mas mainam pa rin na matutunan mong mahalin muna ang sarili mo bago ka mag mahal ng iba.

“Nakita mo ba yung mukha ni Joe? Daig pa niya ang naka kita ng multo. Iyan na ang pinaka karma niya! Wagi tayo this time!” ang wika ni Beng

Natawa ako “Totoo nga na ang kaligayahan ang pinaka magandang pag hihinganti sa mga taong nanakit sa iyo.” Tugon ko sabay harap kay Rom “Salamat ha.” Bulong ko sa kanya

“Para saan?” tanong niya

“Sa pag salba sa akin. Sa pag papasaya at sa pag paparamdam na hindi ako nag iisa.” ang tugon ko rin

“Nabuhay ako para sa iyo, at tungkulin ko ang pasayahin ka sa abot ng aking makakaya.” ang naka ngiti niyang sagot kaya naman mas lalo akong binalot ng pag kakilig.

“Ang lalandi naman.” ang wika ni Beng na may halong inggit.

Hindi masusukat ang kaligayahan ko noong mga sandaling iyon. Ang galit at sakit sa nakaraan ay para bang bula na nag laho sa aking puso’t isipan. Habang abala kami ni Rom sa pag kain ay napatingin ako sa gilid ng kainan kung saan naroon si Joe. Dito ko napag tanto na ang lumang pag mamahal ay napapalitan ng bago kapag oras na nitong matakpan ng iba. At habang nakatingin ako sa kanya ay sumagi sa aking isipan na handa ko na siyang patawarin, at sa mga sandaling ito ay naka move on na rin ako sa mga sakit at kirot na kanyang dinala sa aking nakaraan.

Itutuloy..

Romualdo Part 6

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 19, 2019


STORY 3

Romualdo

Hindi masusukat ang kaligayahan ko noong mga sandaling iyon. Ang galit at sakit sa nakaraan ay para bang bula na nag laho sa aking puso’t isipan. Habang abala kami ni Rom sa pag kain ay napatingin ako sa gilid ng kainan kung saan naroon si Joe. Dito ko napag tanto na ang lumang pag mamahal ay napapalitan ng bago kapag oras na nitong matakpan ng iba. At habang nakatingin ako sa kanya ay sumagi sa aking isipan na handa ko na siyang patawarin, at sa mga sandaling ito ay naka move on na rin ako sa mga sakit at kirot na kanyang dinala sa aking nakaraan.

Part 6

Sinulit naman ang pag lilibot, okay lang kahit maubos ang ipon ko basta makita ko lang na masaya si Rom sa kanyang mga bagong karanasan. Ang bawat bagay na kanyang nasisilayan ay talagang labis na nag papangiti sa kanya, kahit ang simpleng ilaw sa mall ay hinahangaan niya. Sana ay ganito ang lahat ng tao sa mundo, naappreciate nila ang ganda ng mga simpleng bagay na nabibigay ng kaligayahan sa kanilang pag katao. Ngunit iba na kasi ang pag iisip ng nakararami ngayon, ang mga tao sa panahong ito ay hindi marunong makontento at tiyak na mag hahanap at mag hahanap ng bagay na mag papasaya sa kanila sa kahit anong paraan. Wala appreciation at walang simpleng saya na katulad ng ipinakita ni Rom.

Matapos kumain ay nanonood kami ng sine, namili ng mga damit at nag laro sa arcade. Pag katapos noon ay nag lakad kami patungo sa plaza kung saan mas marami pang magandang makikita. Ang nakapag pasaya lang sa amin ng lubos ay ang pag bati ni Rom sa mga mannequin sa damitan. Ang iba dito ay kinawayan pa niya at inayos na para bang mga kakilala niya ang mga ito.

“May dumi yung labi mo.” ang wika ko sabay punas sa labi ni Rom. Abala ito sa pag kain ng minandal.

“Sayo rin may dumi.” naka ngiti rin niya tugon at ginawa rin niya ang ginawa kong pag punas sa kanyang labi.

“Eh yung labi ko may dumi ba?” ang tanong ni Beng

“Wala, malinis ang labi mo.” ang tugon ni Rom kaya naman isinubsob ni Beng ang nguso niya sa sauce ng fishball. “Ano may dumi na ba ang labi ko?” pag uulit niya

“Oo meron. Heto ang panyo, linisin mo dahil baka ka langgamin.” ang tugon ni Rom

Nag maktol si Beng at napanguso. Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang kanyang bibig. “Sa inyo ay punasan ng dumi gamit ang mga hinlalaki samantalang sa akin ay self service. Nakaka inis naman.” pag mamaktol niya

Tawanan kami..

Nanatili kaming naka upo sa ilalim ng isang malaking puno sa parke. Kapwa namin pinag mamasdan ang magandang tanawin sa paligid habang si Beng naman ay bumili ng inumin. “Ayos ka lang ba? Napapagod kana ba?” ang tanong ko sa kanya.

Umiling siya at muling nag bitiw ng isang matamis na ngiti. Yung mga ngiting hinding hindi mo pag sasawaan. “Hindi ako napagod pero tumitibok ng mabilis ang puso ko. Parang gusto kong tumalon o sumigaw o tumawa ng malakas. Kakaibang pakiramdam ito sa aking katawan. Ito ba ang tinatawag na kaligayahan? Masaya ako diba?” ang tanong niya

“Yung pakiramdam na parang tumatalon ang iyong puso, parang may kung anong positibong enerhiya na nanalaytay sa iyong katawan na gusto mong lumipad o kaya at sumigaw ng malakas. Iyan ang tinatawag na kaligayahan.” tugon ko

Kinuha niya ang aking kamay at ipinatong sa kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso. “Pumipintig siya ng malakas, ito pala ang pakiramdam ng may puso. Ibat ibang emosyon ang maaaring maranasan.”

“Dahil ang puso ang sentro ng ating emosyon, ang pag pintig nito ang pag papatunay na tayo ay nabubuhay. At ito rin ang huling titigil kapag tayo ay namatay. Isa rin ito sa sinasabing pinaka makapangyarihang parte ng katawan ng tao. Dahil may kakahayan itong mag paligaya, mag palungkot sa isang tao. Pero kahit anong emosyon pa ang dulot nito, masarap itong damhin lalo na kung alam mong ang lahat ito ay malalagpasan mo.” ang naka ngiti kong tugon.

“Ang sarap maging tao, ang sarap mabuhay. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit may mga taong sinasayang ang biyayang ito. Para sa katulad kong isang matigas na estatwang mannequin, labis labis ang kaligayahan ko na maranasan ko ang lahat ng ito. Maraming salamat sa iyo.” ang wika niya sabay lingkis ng kamay sa aking bewang.

“Ako nga ang dapat mag pasalamat sa iyo, nakikinig ka sa lahat ng kwento ko at hindi ka nag sasawa sa mga ito. Sana ay habang panahon ka nalang na ganito, at walang limitasyon.”

“May dahilan kung bakit ganito lang kaligayahang ibinigay sa akin Top, at balang araw ay mauunawaan mo rin kung bakit.” ang naka ngiting tugon niya.

“Anong drama naman iyan? Alam nyo huwag nyo na isipin ang ganyang bagay dahil maloloka loka lang kayo. Damhin ang kaligayahan ang nararamdaman ito, mag enjoy, tumawa, mag paka gago o kaya ay mag paka wild na parang isang pokpok na naka tira ng binurong tamod! Ganyan ang kaligayahan!” ang wika ni Beng sabay abot sa amin ng mga inumin.

Natawa ako “Pang adik rin yung depenisyon mo ng kaligayahan e.” ang tugon ko naman

Tawanan..

Halos nag aagaw na ang liwanag at dilim noong kami ay maka uwi. Medyo bitin ang aming pamamasyal dahil mga simpleng bagay pa lamang ang nakikita ni Rom, wala pa yung mamagandang tanawin na makikita sa duluhan ng bayan kaya naman nangako ako sa kanya na muli kaming mag lilibot at gagawa ng mamagandang ala-ala sa kanyang puso at isipan.

Pag pasok sa aming silid ay tinulungan ko siyang mag alis ng sapatos, para siyang isang asawang lalaki na pinag sisilbihan ng kanyang kabiyak. Minasahe ko pa ang kanyang mga paa dahilan para matawa siya at makiliti. Hinila niya ako patayo at pinakandong sa kanyang hita. Inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking bewang at hinaplos ang aking pisngi gamit ang kanyang ilong at labi. “Maraming salamat sa araw na ito. Paano ba kita mapapaligaya?” ang malambing niyang tanong

Humarap ako sa kanya at hinalikan ang kanyang labi. “ayos na sa akin ang isang halik.”

“Masarap sa pakiramdam ang ginawa mo sa akin, gusto ko itong ulitin. Maaari ba?” tanong niya

Tumango ako at pumikit. “Dito ay kapwa kami nag halikan, nag sugpong ang aming mga labi at nag dikit ang aming mga katawan. Marahil ay hindi niya lubos maunawaan ang pakiramdam ngunit kakaibang sarap at saya ang dinudulot ng aming ginagawa. Ramdam ko iyon dahil habang tumatagal ay pumupusok ang kanyang pag halik na para bang may sariling buhay ang kanyang mga labi.

Patuloy kami sa pag hahalikan hanggang sa kusa niya akong inihiga at inalisan ng dami. Nag hubad rin siya at walang itinirang saplot sa katawan. “Hindi ko alam ang gagawin ko, ngunit kusang gumagalaw ang aking katawan. Ito ang nais kong gawin Top, nais kong angkinin ka ngayong gabi.” ang bulong niya sabay patong sa akin. Muli niya akong hinalikan sa labi pababa sa aking leeg.

Kakaibang sensasyon ang dulot ng kanyang malambot na labi, ang kanyang mainit na hininga ay nag bibigay ng ibayong kiliti sa aking balat at nakakadagdag ito sa aking pag kakilig. Hindi ako makapaniwala na ang isang gwapong lalaki ay heto ngayon, kayakap ko at pilit akong pinaliligaya sa paraang alam niya. Hindi ko naman hinihingi ang mga bagay na ito ngunit sa pag kakataong itong ay tila ba hindi ko na makontrol ang aking sarili kaya gumapang na ang aking kamay at hinimas himas ang malaking bukol na naka tago sa loob ng kanyang brief.

Hinimas himas ko ito at kinapa ang ulong nag huhumindig sa katigasan, medyo basa na ito dahil sa tindi ng kanyang nararamdamang kasabikan..

Gumapang ang aking kamay at lumingkis pabalik sa kanyang matipunong likuran. Sarap na sarap ako sa kanyang ginagawang pag halik sa aking leeg at tainga. Ngayon ko lamang ulit naranasan ang ganitong uri ng pakiramdam. Walang kasing ligaya at para bang ano man oras lalamunin ako ng matinding pag nanasa.

Makalipas ang ilang saglit ay kapwa na kami hubot hubad. Dahil hindi naman niya alam masyado ang gagawin ay ako na mismo ang nag higa sa kanya at pumatong. Hindi ko na rin makontrol ang aking nararamdaman kaya naman agad kong sinunggaban ng halik ang kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Pinag laruan ko ang kanyang dalawang utong gamit ang aking dila dahilan para mapa igtad siya sa ibayong kiliti.

Bumaba pa ang aking pag dila sa kanyang tiyan patungo sa kanyang pusod. Noong makababa ako sa kanyang pribadong parte ay nakita kong tigas na tigas ang kanyang makinis na pag kalalaki. Napapalibutan ito ng manipis na buhok at ang ulo ay talagang nag mumura sa galit.

Hinawakan ko ito at nilaro laro, nakita kong napa pikit siya at napahinga ng malalim. Ipinag patuloy ko ang pag lalaro sa kanyang pag kalalaki at dito nakita kong nag dedeliryo siya ng husto. Ito na ang hudyat para isubo ko ang kabuuan nito, medyo mataba at mahaba kaya may pag kakataon na nabibilaukan ako at nangangawit. Gayon pa man, sa tuwing nakikita ko ang kanyang ekspresyon na para bang mababaliw sa sarap ay mas lalo ko pang ginagalingan ang pag kain sa kanyang laman.

Makalipas ang ilang minutong pag subo ay tumayo ako para kunin ang pampadulas sa aking kabinet. Pinahiran ko ng maraming lotion ang kanyang ari at gayon rin ang aking butas. Dahil sa sobrang pag nanasa ay nagawa kong upuan ito at hindi ko na ininda ang matinding sakit ng pag tanggap ng malaking bisita sa aking makipot na lagusan.

Habang umuulos ang katawan ng kanyang ari sa aking lagusan ay nakita kong nag dedeliryo sa sarap ang mukha ni Rom. Napahawak ito sa aking bewang at sinalubong ang aking pag taas baba. Halos kapwa kami parang mababaliw sa mag sasanib ng aming katawan. Kada baon ng kanyang pag kalalaki ay parang umaabot sa aking bituka dahil sa sobrang haba nito at idagdag mo pa ang aming posisyon na naka upo ako sa kanyang kargadang nag mumura sa matinding katigasan.

Napuno ng impit na ungol ang aking silid habang patuloy niyang binayo ang kanyang ari pasalubong sa aking pag kakaupo. Tigas na tigas rin ang aking pag kalalaki na nakahanda nang sumabog.

Bumilis ng bumilis ang aming pag salubong sa ari ng isa’t isa hanggang sa kusang sumabog ang aking katas at tumama sa kanyang dibdib, leeg at ang iba ay napunta pa sa kanyang labi. Naramdaman kong bumilis rin ang kanyang pag bayo hanggang sa tuluyan siyang sumabog sa aking kaloob looban. Halos mamuti ang kanyang mata sa kakaibang sarap dulot ng pakikipag talik.

Dahil sa pagod ay bumagsak ako sa kanyang dibdib habang naka baon pa rin ang kanyang pag kalalaki sa aking lagusan. Muli ko siyang hinalikan at hindi ininda ang aking katawan na nasa kanyang labi. Kapwa namin hinahabol ang pag hinga habang naka yakap sa hubad na katawan ng isa’t isa..

Noong gabing iyon ay naulit pa ang aming pag tatalik, sumubok kami ng ibat ibang posisyon, nandyan yung nakatuwad ako, naka tayo, nakadapa, tagilid. Sarap na sarap si Rom sa aming ginagawa na para bang hindi siya nauubusan ng enerhiya. Ito na yata ang pinaka masayang gabi sa buhay ko dahil ramdam na ramdam kong hindi ako nag iisa.

Sinulit namin ang natitirang oras bago sumapit ang alas dose at muli siyang mag balik sa kanyang orihinal na anyo. Gayon pa man ay niyakap ko pa rin siya at kinausap. Alam kong nauunawaan niya ako bagamat wala akong makukuhang sagot sa kanya sa ngayon.

Bago ko tuluyang patayin ang ilaw sa aking silid ay hinalikan ko pa siya sa pisngi at nag wika. “Mahal kita.. sanay dito ka nalang sa aking tabi at huwag na huwag kang mawawala dahil tiyak na malulungkot ako.” ang bulong ko at muli kong nilagyan ng makapal ng kumot ang kanyang balikat.

Itutuloy..

Romualdo Part 7

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 22, 2019


STORY 3

Romualdo

Part 7

Sa pag daan ng mga araw sa buhay namin ni Romualdo, mas maging malalim pa ang aming relasyon. Sa loob ng aking munting silid ay nabubuo isang mundong punong puno ng hindi mapapantayang pag mamahalan. Kahit halos maraming araw na ang nag daan mag buhat noong dumating siya sa aking buhay ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, masyadong perpekto ang mga bagay na nagaganap sa akin at tila kay hirap bang paniwalaan ng mga ito.

Namuhay kaming dalawa na parang dalawang taong may sariling mundo, kapag mag katabi kami ay madalas na nagyayakapan, nag hahalikan, lambingan at nauuwi ito sa pag tatalik kung saan patuloy kong binibigay ang aking sarili sa kanya bilang simbolo ng aking pag mamahal. Bagamat may limitasyon nga aming samahan ay pilit pa rin naming sinusulit ang bawat minutong nag daraan sa aming pag sasama.

“Ayos ka lang ba?” ang tanong ni Rom habang hinihimas ang aking dibdib.

“Okay lang, masyado lang akong napagod sa pag dedeliver ng mga gawang damit ni Inay. Hinabol pa ako ng aso doon sa kanto kaya heto hinihingal ako.” natatawa kong tugon.

“Ang mabuti pa ay mag pahinga ka muna. Kung may natira pang gawain ay maaari naman ako nalang ang gumawa basta ituro mo lang sa akin kung papaano.” naka ngiti niyang tugon.

“Tapos na, teka nasaan si Beng? Ang sabi niya ay dito sya mag hahapunan?” pag tataka ko.

“Umalis sya kanina, ang sabi nya ay tumawag raw yung kasintahan niya at may emergency.”

“Kasintahan? Siguro ay pinatulan rin niya yung lalaking nanliligaw sa kanya doon sa social media. Kung ganoon ay ako na lamang ang mag hahanda ng pag kain para sa atin.” ang naka ngiti kong tugon sabay yakap sa kanyang likuran.

“Sandali, tutulong ako. Hindi kompleto ang pagiging tao ko kapag hindi ako natutong mag luto.” ang biro niya dahilan para matawa ako.

Katulad nga ng set up ay tinuruan kong mag luto itong si Rom, habang nasa kusina kami ay yumayakap pa ito sa akin o kaya ay inililingkis ang kanyang dalawang kamay pagapang sa aking bewang. Para kaming mag asawang nag lalambingan noong mga sandali iyon. Damang dama ko naman ang kanyang kakisigan habang nakalock ang kanyang bilugang braso sa akin. Bagay na bagay sa kanya ang sandong suot na nag papasexy ng husto sa kanyang katawan. Kaya minsan ay talagang nang gigigil ako sa kanya dahil kahit pawisan ang loko ay mabango pa rin at masarap yakapin ang kanyang mga braso at dibdib.

Nasa ganoong pag lalambingan kami sa kusina noong may marinig kaming iyak mula sa labas ng pintuan kaya naman nahinto kami Rom at nakiramdam. “Ano iyon?” ang tanong niya.

“Baka pusa lang. Teka sisilipin ko.” ang wika ko nang bigla niya akong pigilan. “Ako na ang sisilip. Dito ka lang at huwag kang aalis.” Ang tugon niya habang marahang lumalakad patungo sa pintuan.

Walang kaluskos..

Sinilip niya ito ng marahan. “Si Beng, nandito sa labas ng pinto at umiiyak. Parang inapi ng isang daang beses.” ang wika ni Rom kaya naman agad kong binuksan ang pinto at dito nga ay bumulaga sa amin si Beng na umiiyak at maya pasa sa gawing mata. “Beng? Anyare sayo?” ang tanong ko sabay alalay sa kanya para makatayo.

“Hayop na lalaking iyan, pinahiram ko pa man din ng pera ang sabi niya sa akin ay pang dagdag niya sa tuition fee niya pero niloko lang pala ako. Yung perang ipinahiram ko ay ibinigay doon sa asawa niya. May pamilya pala ang gago!” ang galit na pag iinarte nito.

“Mag kano ba yung ipinahiram mo?” tanong ko

“12 thousand pesos lang naman. Naawa kasi ako sa kanya. Kasi naman hindi ko matanggihan yung mga haplos niya na nakakapang hina, lalo na habang dumudukot ako ng pera ay talagang gumigiling siya sa harapan ko. The best talaga siyang mag sexy dancing, paano ba naman ay halos 2 years na siyang macho dancer doon sa isang bar.” ang pag kkwento na niya parang kinikilig pa

“Sana ay hindi mo pinahiram, ano bang nangyari dyan sa mukha mo?” tanong ni Rom

“Eh sinisingil ko siya, binabawi ko sa kanya ang pera. Pero nagalit siya at sinigawan ako. Ang sabi niya ay “sige, ibabalik ko yung pera mo pero ibalik mo rin lahat ng tamod ko!” Iyan ang sigaw niya sa akin na ginaya lang niya doon sa napanood nya sa youtube.

“O, anong isinagot mo?” tanong ko

“Syempre hindi ko naman nagawang ibalik yung mga tamod niya, helo nasa tiyan ko na iyon at yung iba ay naitae ko na. Ano pang tamod yung ibabalik ko sa kanya? Pero siyempre ay hindi pa rin ako pumayag, pilit ko pa ring binawi yung pera ko. Tumanggi siya, nag matigas at sinuntok ako ng malakas. Kaya heto daig ko pa ang si Tagpi ngayon.” salaysay ni Beng at mas lalo pa itong umiyak

“Oo nga, medyo kahawig mo na yung aso nyong si Tagpi. Teka anong plano mo ngayon?” tanong ko ulit

“Babawiin ko yung pera ko, at pati yung mga ibinigay ko sa kanya. Hindi tama na gawin niyang punching bag ang mukha ko.” tugon niya at dito nga ay may humintong sasakyan sa aming tarangkahan. “At talagang nag report ka pa sa pulis?” pag tataka ko

“Oo friend, reresbak ako ngayon doon sa kanila at kukunin ang dapat sa akin!” ang tugon niya sabay tayo sa kanyang kinauupuan. “Ano, join ka ba? Halika naaaa!” ang pag aaya pa niya.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumama at dahil nga walang tao sa bahay ay isinama ko na rin si Rom. Baka maya maya ay mag luto pa ito at masunog pa kami kapag iniwan ko siyang mag isa rito. “Seyoso ka talaga sa pag tawag ng pulis?” ang tanong ko habang patungo kami sa bahay ng kasintahan ni Beng

“Naman! Parurusahan ang may sala sa ngalang ng buwan! Alam ba nila na nanalaytay sa dugo ng pamilya namin ang dugo ni Gabriela Silang? Palaban kami at hindi basta basta nag papa api! Makikita ng Modesto na iyan kung sinong kinalaban niya!” ang gigil na wika ni Beng

“Hindi mo dapat ibinibigay ang lahat sa isang taong hindi mo lubusang kilala dahil maaaring ikapahamak mo ito Beng.” ang wika ni Rom

“Sadyang mapag mahal lamang ako. Gusto ko lang naman maranasan ang tinatawag nilang “kaligayahan” kaya sumubok akong mag mahal.“ ang biglang iyak na wika niya sabay subsob sa dibdib ni Rom. “Ang shaket shuket talaga papa Rom. Im so petrified!!” ang malandi niyang pag iyak

“Im so scared!!” ang malandi pa niyang dagdag kaya naman hinila ko ito at inilayo kay Rom. “Wag ka nga gumanyan baka ma scared din sila sa iyo.”

“Sir Beng nandito na po tayo sa bahay ni Modesto Garpar Jr. Bababa na ba kami para dakipin ito?” tanong ng pulis.

“Hindi, kami muna ang bababa at makikipag usap sa kanya. Kapag nanakit siya ulit ay sisigaw ako at doon kayo rumesponde.” ang wika ni Beng sabay baba sa sasakyan ng pulis, pati ako ay bumaba na rin para samahan ito. “ Nakita mo na friend, ito ang bahay ni Modesto at dito niya itinatago yung asawa at anak niya. Leche talaga ginatasan niya ako sa obligasyon niya bilang ama. Matake!“ reklamo niya sabay bukas sa pinto ng maliit na bahay ng kasintahan.

“Walang kikilos ng masama! Nasaan si Modesto?” ang mataray na tanong ni Beng

Napatingin ang tao sa loob. Nandito ang isang payat na babae at isang batang nakaupo sa isang lumang papag. Pinapakain ng babae ang bata na parang kagagaling palang sa karamdaman. “Wala si Modesto dito e, bumili siya ng gamot.” ang wika ng babae

Maya maya ay biglang bumaba ang bata mula sa kanyang lumang papag. “Kayo po ba si tito Beng? Mama siya yung kaibigan ni Papa, si Tito Beng siya yung tumulong sa akin para mailabas ako sa ospital.” ang wika ng bata at agad itong lumapit sa amin para mag mano. Mainit pa ang kamay nito at halatang mataas pa rin ang lagnat.

Tumayo ang babae at lumapit sa amin. “Beng, maraming salamat sa iyo ha. Pasensiya kana dahil hindi maka extra ang asawa ko sa trabaho. Limang araw na nga sa ospital itong anak ko, kundi dahil sa tulong mo ay hindi siya makakalabas.” ang maluha luhang wika nito.

Hindi kami naka kibo ni Beng, para kaming binusalan sa bibig. Napako kami sa aming kinatatayuan na parang isang tuod. Nasa ganoong posisyon kami noong dumating si Modesto hawak ang dalawang lata ng sardinas at gamot para sa anak. “Beng? Anong ginagawa mo dito?” ang tanong nito

“Naparito ako para isauli ang tamod mo este bisitahin pala ang anak mo. Mainam naman at magaling na siya.” ang wika nito sabay hila sa akin.

“Ano ipapatawag ko na ba yung pulis? Baka nag hihintay na sila doon.” ang tanong ko

“Wag na, okay na ako.” ang tugon niya sabay talikod. “Modesto, alagaan mong mabuti ang anak mo at kumayod ka para sa kanila. Ito na end sa samahan natin okay? Huwag kana lalapit sa akin at hindi naman kalakihan ang etits mo. Bye.” ang bulong niya sabay hila sa kain palayo sa bahay.

“Ano nangyari?” ang tanong ng pulis

“Babayaran nalang daw niya ako pag nag kapera. Pasensiya na po sir policeman.” ang wika ni Beng. “ayos lang sir, gusto mo bang mag kape muna tayong dalawa?” tanong ng pulis.

Kumapit si Beng sa kanyang braso at lumandi nanaman. “O sige, im scared to death talaga. After natin mag kape pwede sa place ko, mag gagatas naman ako.” ang wika niya habang naka kapit sa bortang pulis.

“Oo ba, juicy at magatas ito, mag eenjoy ka.” wika ng pulis na may halong malanding salita

Natawa nalang ako at agad kong hinila si Rom para sumakay sa taxi pabalik sa aming bahay. Minsan talaga ay hindi natin masasabi kung gaano kasama ang isang tao hangga’t hindi mo nakikita ang totoo sa kanyang kilos loob. May mga tao na talaga gipit lamang at magagawa nilang abusuhin ang kaibaitan mo pero gayon pa man ang mga bagay na ito ay tatanawin pa rin nilang isang malaking utang na loob. Ang aral lamang ay dapat kilalanin mong mabuti ang taong pakikisamahan mo at huwag basta basta mag titiwala sa mga ito. Para kang isang tao na naka kita ng isang malinis na ilog, maaakit ka rito kaya tatalon ka at maliligo, ngunit hindi mo alam na malalim pala ito at ikaw ay maaaring malunod at mapahamak.

“Hindi ko naman masisisi si Beng sa pang yayaring iyon. Mabait talaga ang kaibigan ko iyon at mapag bigay. Kung minsan ay talaga inaabuso lamang siya ng ibang tao.” ang wika ko kay Rom habang kapwa kami naka upo sa harap ng aking binata, naka tanaw sa malawak na bukirin na ang tanging tanglaw ay ang sinag na nag mumula sa buwan.

Inilingkis niya ang braso sa aking likuran at idinikit niya ang katawan sa akin. “kaya ikaw ay huwag kana mag papa abuso ulit. Naikwento sa akin ni Beng kung paano ka lokohin noong lalaki doon sa kainan.”

Natawa ako at kumapit sa kanyang bilugang braso “Minsan ay kailangan mo munang maligaw ng landas para makita mo ang tamang daan. At ang tamang daan na iyon ay ikaw Rom. Ang daan patungo dito sa puso mo.” naka ngiti kong tugon. Ngumiti rin siya at ginawaran ako ng isang mainit na halik sa labi. Dito ay kapwa namin pinag masdan ang kalangitan at ang mga bituin na tanging saksi sa aming kaligayahan.

Itutuloy..

Romualdo Part 8

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 23, 2019


STORY 3

Romualdo

Part 8

Mga ordinaryong araw na lumilipas sa buhay namin ni Rom, tila ba nakasanayan ko na rin na hintayin ang alas 10 ng umaga para siya ay magising at maging tao muli at magiging malulungkot naman pag sapit ng alas dose, iyon kasi ang oras na mag babalik siya bilang isang mannequin. Katulad nga ng sinabi ng diwata, walang perpektong kaligayahan dahil may limitasyon ang lahat at sa tingin ko ay paunti unti ko na ring nauunawaan ang kanyang nais ipa batid.

“Ako na ang mag dadala ng mga iyan, sayang naman itong laki ng katawan ko kung hindi kita tutulungan.” naka ngiting wika ni Rom isang umaga noong isama ko siya sa pamilihang bayan.

“Ako na, magaan lang naman iyan.” naka ngiti kong tugon.

“Baka mapagod ka, masama sa iyo ang magbuhat ng mag buhat.” tugon niya sabay kuha sa basket.

“Hala, landian dito sa wet market? Mag 50 50 kayo ng dadalhin, ikaw papa Rom dalhin mo itong mga karne, ikaw pala baks dalhin mo itong mga gulay, oh yung petchay mo medyo bugbog na. Hindi kaya yata magandang pumili ng veggies.” ang hirit ni Beng

Habang nasa ganoong posisyon kami ay may lumapit na isang middle age na beki sa aming kinalalagyan. Naka ngiti ito at agad kaming binati. “Hi, ako si Paulet, isa akong talent manager at kanina ko pa pinag mamasdan ang binatang ito.” ang wika niya sabay turo kay Rom. “Ang gwapo mo pala talaga kesho malayo o malapit. Ibang klase ang awra, gusto mo bang sumikat? Nag hahanap ako ng model para sa aming magasin.” ang wika nito

“Magasin? Baka naman Gay magasin iyan o kaya ay porn? Ayaw namin niyan.” ang wika ni Beng

“Gaga, matinong magasin ang “sweety”. Magasin ito para mga bagong fashion trend, mga health care para sa mga kalalakihan at mga tips para sila ay maging isang ulirang jowa. Ano pogi gusto mo ba? Sa gwapo mong iyan pwede pa kitang isali sa mga ramp modeling o kaya ay sa mga international pageants! Ang ganda ng katawan mo at napaka perfect para kang mannequin na nabuhay. Alam mo iyon? Mga term sa mga hindi matatawarang kagwapuhan.“ ang pag hanga nito habang naka hawak sa bilugang braso ni Rom at pinipisil pisil ito.

“Para saan ba iyon?” tanong sa akin ni Rom na halatang hindi maunawaan ang pinag uusapan.

“Kinukuha kang maging isang modelo.” ang tugon ko

“At hindi lang iyon dahil kikita siya ng malaking halaga sa isang session lang. Ika yayaman mo iyang kagwapuhan mo hijo. O kung interesado ka ay i-contact mo lang ako sa number na ito. Aasahan ko iyan ha.” ang naka ngiting wika nito at maya maya ay napatingin siya sa amin saka umirap. “Tse, hindi naman mga babaihan.” bulong niya na parang may halong inggit sabay rampa palayo.

“Mahirap talagang idisplay si Romualdo dito sa public places e. Tingnan mo naka ipon na tayo ng calling card galing sa iba’t ibang talent manager na nag nanais na kuhanin siya. Kada labas yata natin ay may lumalapit kay papa Rom para alukin ng karir. Kung sa bagay ganyan talaga pag gwapo ka, ikaw ang lalapitan ng trabaho at opportunity. Pero kapag naman chaka ka ay irereject ka nila at pag tatawanan pa. Sadyang malupit talaga ang mundo para sa ating mga chaka. Diba friend?” ang wika ni Beng

“Hindi ako makarelate sa mga sinasabi mo. Ikaw lang yung chaka no, wag mo nga ako idamay dyan.” pag basag ko.

“Langya naman e. Ilaglag ba ako.” pag mamaktol niya

Tawanan kami..

Habang nasa ganoong pag lalakad ay napahinto si Rom at nabitiwan ang kanyang dalang mga gulay. Napaluhod rin ito ng bahagya pero agad rin naka tayo ng tuwid. “Oh, ayos ka lang ba?” tanong ko habang inaalalayan.

“Ewan, ko ba. May mga pag kakataon na parang nawawalan ako ng lakas. Pakiwari ko ay lumalambot ang aking katawan at parang natutunaw ang aking mga buto.” ang wika niya at maya maya ay naupo nalang sa isang tabi malapit sa gilid ng kalsada.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at minasahe ito. “Baka nangawit lang o kaya ay namanhid. Sabi ko naman kasi sa iyo ay ako na ang mag dadala ng mga pinamili natin.” ang wika ko.

“Siguro ay kailangan natin mag rest no? Alam mo na, halos araw araw kasi ay nag lilibot tayo, baka hindi pa sanay ang katawan ni papa Rom sa matinding pagod.” wika ni Beng.

Muling sinubukan ni Rom ang mag lakad ngunit sa kada hakbang ay tila nawawalan siya ng lakas at ramdam ko rin ang pagkapatid ng kanyang hininga. Hindi ko tuloy maiwasang mag alala habang inaalalayan ito. At dahil nga medyo malayo pa ang sakayan ay inaya ko muna siyang maupo sa tapat ng isang paaralan, dito ay bumili kami ng inumin habang naka silong sa ilalim ng isa malaking puno. “Ako na lamang ang mag dadala ng mga pinamili natin. Ano ba ang nararamdaman mo?” tanong ko

“Napapagod lang ako, pakiwari ko ba ay nawawalan ng lakas ang aking tuhod.” Tugon niya

“Dito muna tayo at mag pahinga, baka sa init iyan ng araw. Alam mo baka hindi sanay ang katawan ni Romualdo sa ganitong klima.” wika ni Beng habang pinapaypayan ang binata.

Tumabi ako kay Rom at dito ay kapwa kami napatingin sa mga estudyanteng lumalabas sa paaralan. “Gusto mong mag aral hindi ba?” tanong niya.

“Oo naman, paano mo nalaman ang tungkol dito?” tanong ko

“Dahil kapag may nag papatahing uniporme sa nanay mo ay isinusukat mo yung mga iyon. Nakikita iyon lagi at masaya ka habang suot mo ang mga damit na iyon. At isa pa ay lagi mong sinasabi na pangarap mong makapag tapos ng pag aaral.” wika ni Rom

Natawa ako at ngumiti sa kanya. “Lahat naman ng tao ay nangangarap na mag karoon ng magandang kinabukasan, yung makakapag trabaho ka sa magandang kompanya, yung makakapag ambag ka ng “something” sa lipunan na ginagalawan mo. At yung matupad mo ang pangarap mo ay isang malaking tagumpay na. Kaya gusto ko ang mag aral e, kaso gipit pa kami sa ngayon kaya nag iipon pa ako para makapasok sa paaralan. Kaya paminsan minsan ay naiinggit talaga ako sa mga taong may pampaaral pero hindi nila ito ginagamit sa tama, dumarating sa punto na hinihiling ko na sana ay ako na lamang ang nasa kalagayan nila pero hindi naman iyon maaari dahil tanggap ko na iba’t iba talaga ang estado ng tao sa lipunan. At isa ako sa mga taong nag hihintay pa ng tamang pag kakataon para abutin yung pangarap ko. Sa ngayon ay iniisang tabi ko muna ito.“ naka ngiti kong sagot

“Ang lahat ay may tamang pag kakataon, may mga oras na hindi umaayon sa kagustuhan mo ang mga bagay at may mga oras naman na itinalaga ito para sa iyo. Sa kaparehong dahilang iyon ay makatutulong ito para mapayabong ang pag titimpi mo bilang isang tao, yung matuto kang mag hintay at umasa na balang araw ay ngingiti rin sa iyo ang pag kakataon at kapag dumating iyon ay tiyak na hindi kana malulungkot pa. “ ang wika ni Rom

Naluha ako ngunit agad ko rin itong pinunasan. “Salamat ha, masaya naman ako ngayon dahil nandito ka, at ang aking pamilya at saka si Beng. Lahat kayo ay pinupunan ng pag mamahal ang mga bagay na kulang sa aking pag katao. Siguro ngayon ay wala na akong hahanapin pa.”

“Yan, wag kang mawawalan ng pag asa. Lagi mong tatandaan na pana-panahon lamang ang pag kakataon. Ang kaligayahan ay hindi mawawala hangga’t kontento ka sa mga bagay na mayroon ka ngayon.” wika ni Rom

“Tama nga iyon frend, balang araw ay bobongga ka rin at tatanghaling istariray ng taon. Waitsung ka lang at magiging kabogera ang future mo. Love love love naaa!” ang wika ni Beng na may tonong si Kris Aquino.

Natawa ako at tinapik ang kanyang balikat..

Halos inabot kami ng ilang minuto sa ilalim ng puno, noong kumulimlim ay muli kaming nag lakad patungo sa sakayan ng jeep. Hindi ko pa rin maiwasang mag alala kay Rom lalo’t kapag napapantingin ako sa kanya ay ramdam kong may dinaramdam ang kanyang katawan. Pinipilit lang niya itong itago sa akin sa pamamagitan ng pag ngiti para hindi ako mag alala.

Alas 8 ng gabi, pag akyat palang namin sa aking silid ay agad kong pinaupo si Rom sa silya dito ay minasahe ko ang kanyang paa at mga binti. Baka nangawit lang ito o kaya ay hindi dumadaloy ng maayos ang dugo kaya siya nang hihina. Pinag igi ko ang aking ginagawang pag mamasahe at siya naman ay naka tingin lang sa akin. “Nag aalala ka pa rin ba sa akin? Baka makasama sa iyo iyan.” wika niya.

“Hindi ko maiwasan e, pero huwag kang mag alala dahil handa akong alagaan ka. Mahal kita e.” ang tugon ko

“Alam mo kapag sinasabi mo ang mga katagang iyan sa akin ay para pang nag iinit ang aking dibdib, parang lalabas ang aking puso at tila may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan. Kakaiba ang pakiramdam pero sobrang masarap itong damhin.” tugon niya

Ngumiti ako at ipinag patuloy ang aking ginagawa, siya naman ay naka titig lang sa akin at nangungusap ang mga mata. Lalo akong nabato balani sa kanyang taglay na kagwapuhan kaya naman hindi ko na napigil ang aking sarili na hagkan siya sa labi,

Muling nag dikit ang aming mga nguso hanggang sa kapwa namin nagustuhan ang pag hahalikang iyon..

Makalipas ang ilang sandali ay nag paalam itong bababa muna para makapag hilamos sa lababo. Ako naman ay nanatili sa aming silid at inaayos ko ang papag na aking higaan..

Tahimik..

Habang nasa ganoong pag aayos ako ay bigla na lamang akong may narinig na kumalabog sa hagdan, malakas ito at talaga maririnig kahit saan. Binalot ako ng matinding kaba dahil sa pag kagulat kaya dito ay naisip ko na baka nawalan nanaman ng lakas si Rom at nahulog ito sa hagdan. Kaya naman agad akong nag tatakbo sa labas ng pintuan.

Nag tungo ako sa hagdaan at dito nga ay laking gulat ko noong makita ko si Rom na bumalik sa pagiging mannequin. Halos alas 9 palang ng gabi at wala pa sa usapang limitasyon ng oras ang kanyang pag babalik sa dating anyo!

“Rommmm!” ang pag sigaw ko habang bumaba.

Ang kayang katawan ay nag lagas lagas, ang ulo ay humiwalay sa kanyang leeg at ang mga braso ay naalis. Halos sumikip ang aking dibdib sa aking nakita. Hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari ngunit nag bibigay ito ng hindi mapapantayang sakit at pag aalala sa aking pag katao.

Itutuloy..

Romualdo Part 9

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 24, 2019


STORY 3

Romualdo

Habang nasa ganoong pag aayos ako ay bigla na lamang akong may narinig na kumalabog sa hagdan, malakas ito at talaga maririnig kahit saan. Binalot ako ng matinding kaba dahil sa pag kagulat kaya dito ay naisip ko na baka nawalan nanaman ng lakas si Rom at nahulog ito sa hagdan. Kaya naman agad akong nag tatakbo sa labas ng pintuan.

Nag tungo ako sa hagdaan at dito nga ay laking gulat ko noong makita ko si Rom na bumalik sa pagiging mannequin. Halos alas 9 palang ng gabi at wala pa sa usapang limitasyon ng oras ang kanyang pag babalik sa dating anyo!

“Rommmm!” ang pag sigaw ko habang bumaba.

Ang kayang katawan ay nag lagas lagas, ang ulo ay humiwalay sa kanyang leeg at ang mga braso ay naalis. Halos sumikip ang aking dibdib sa aking nakita. Hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari ngunit nag bibigay ito ng hindi mapapantayang sakit at pag aalala sa aking pag katao.

Part 9

Ibayong kaba ang aking naramdaman noong bumaba sa hagdan, hawak ko ang aking dibdib dahil ang pag kabigla o sobrang emosyon ay tiyak na makakasama sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari, wala pang alas dose ngunit bumalik na si Rom sa pagiging mannequin. At ang labis kong kinatakot ay ang lasag lasag na katawan ni Rom, ang kanyang paa ay humiwalay sa kanyang mga binti at pati ang ulo niya ay naputol. Halos mapasigaw ako ng impit habang isa isa kong kinukuha ang mga parteng iyon.

Hindi ako maka hinga ang maayos habang iniaakyat ko sa hagdan hawak ang kanyang pira pirasong katawan. “Rom, please.. huwag..” ang bulong ko habang umiiyak.

Kumuha ako ng tape at kung ano anong pandikit upang pag sugpong-sugpungin ang kanyang katawan at habang ginawa ko iyon ay hindi maiwasang manginig ng aking kamay. Pakiwari ko ay tatangayin ako ng labis na kalungkutan at takot. Nangangamba ako na baka hindi na siya bumalik sa dati kung sira ang kanyang katawan sa pagiging tao kung ganitong sira na ito at wala na sa ayos.

Halos mag halo ang uhog at ang aking luha, tumatangis ako noong mga sandaling iyon na parang namatayan. Wala akong magawa kundi ang yakapin ang kanyang katawan habang nag darasal ng isang milagro na maaaring tumulong sa akin.

Tahimik..

Patuloy ako sa pag hikbi noong makaramdam ng isang mainit na bagay na lumulukob sa aking katawan. “Yung atungal mo ay naririnig ko hanggang doon sa fairy land. Ang panget panget ng iyak mo at hindi babaihan.” ang wika ng isang tao sa aking likuran.

Humarap ako sa kanya. “Fairy Estelle, ikaw nga! Tulungan mo ako pakiusap. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” ang pang susumamo ko habang naka hawak sa kanyang puting palda.

“Ay! Baka mahubuan ako! Relax lang at maayos rin ang lahat.” ang wika niya.

“Paano makakabalik si Romualdo sa dati? Tulungan mo ako pakiusap.”

Nilapitan niya ang mannequin at ginamit niya ang kanyang baston upang buuin ito at ibalik sa dati. Ang mga lamat ay nawala at muling umayos ang mga naputol na hita at ulo. “Bakit nag ka ganoon? Wala pa namang alas dose? Bakit bumalik siya sa pagiging mannequin?” tanong ko na hindi maitago ang pag kalito.

“Maaaring humihina ang kristal sa kanyang dibdib para suportahan ang kanyang katawang lupa. Alam mo ang mahiwagang kristal na iyan ay tinawag na “kristal ng buhay”, nag bibigay ito ng lakas at buhay sa sinumang gumamit. Nakuha ko iyan sa mga ninuno ko at halos daang taon na rin ito bago gamitin ni Romualdo, siguro ay hindi na ganoon kalakas ang taglay nitong enerhiya. Kumbaga sa isang alahas ay medyo nabawasan na ang kinang nito. Ngunit gayon pa man ay may kakayahan pa rin itong gawing tao si Romualdo, iyon nga lang ay dapat mag ingat lalo’t hindi natin kontrolado kung kailan siya magiging isang mannequin.

At isa pang punto ang nais kong sabihin sa iyo, si Romualdo bilang isang tao ay hindi naman talaga nabibilang sa inyong mundong ginagalawan, wala siyang kasaysayan ng kahapon, wala siyang alala maliban sa mga bagay na natatak sa kanya bilang isang mannequin. Maaaring nahihirapan siyang mag adjust at hindi lamang niya sinasabi ito.“ ang paliwanag ng diwata.

Napatingin ako kay Rom at dito ay hindi ko na napigil pa ang aking pag tangis. Awa ang naramdaman ko noong mga sandaling iyon. Ibayong sakit noong marinig ko ang katotohanan na ayokong isipin at tanggapin. Na si Rom ay hindi talaga bahagi ng aking mundo. “Bakit ganoon? Bakit kay hirap tanggapin na ang isang mabuting katulad niya ay hindi binigyan ng Diyos ng karapatang mabuhay? Bakit masyadong mapanuya ang pag kakataon? Bakit kung sino pa yung may mabuting puso ay siya pang pinag kakaitan?” ang umiiyak kong tanong na para bang unti unting pinapatay ng kalungkutan ang apoy ng aking pag asa.

“Bakit?Hindi ko rin masabi ang dahilan Top, pero marahil ay ipinapaalala sa iyo nito na ang buhay ay hindi isang perpektong bagay. Hindi ibinibigay ng kompleto ang kaligayahan at ang lahat ng bagay may ay limitasyon. Kailangan nating tanggapin na hindi sa lahat ng pag kakataon ay parating maganda ang ipapakita sa atin ng mundo. Minsan kailangan nating yakapin kung ano ang kulang at punan ito sa paraang alam natin. Kailangan nating makontento sa simpleng kaligayahan na ibinibigay sa atin ng pag kakataon dahil tiyak namasasaktan tayo kapag nag hangad pa tayo ng mas higit pa doon. Top, ang nais kong ipabatid sa iyo ay kailangan mong tanggapin na ang buhay ay mapanuya at mapag laro. Ang tanging magagawa mo lamang ay sumabay sa daloy nito at huwag mag patalo sa patintero ng mga pag subok. Alam kong mabuti si Rom, ramdam ko iyon kaya sa kanya ko ipinag kaloob ang kristal, nag kataon lamang na nag kakaroon ng limitasyon ang isang bagay kaya nag babago ito, ngunit hindi ibig sabihin nito ay dito na nag tatapos ang kaligahayan mo. Nandito pa rin siya at sulitin mo ang bawat oras na mag kasama kayo.” ang wika ng diwata sabay tapik sa aking balikat.

“Matagal ko nang tinanggap na ang kaligayahan ng isang tao ay may limitasyon dahil kapag sumobra ito ay tiyak na luha ang susunod na kaganapan sa buhay mo. Pero bakit ganoon? Kahit tanggap ko na ito ay tila may kung anong kaba pa rin sa aking dibdib na anumang oras ay maaaring mawala sa akin si Rom at tuluyan ko na siyang hindi makausap o makita? Bakit pakiramdam ko ay naka tayo na ako sa isang linya ng hangganan at kahit anong bagal ng aking pag lalakad ay palapit ako ng palapit sa hangganang iyon?” tanong ko ulit

“Sa tingin ko ay hindi makatutulong ang takot sa iyong puso, wawasakin lamang nito ang iyong kaligayahan at pag asa. Batid kong nais ka ring makasama ni Romualdo, nais ka niyang bantayan, protekatahan at alisin ang anumang kalungkutan sa iyong puso. Hindi mo kailangan mangamba at mag alinlangan. Ang lahat ng mangyayari ay may dahilan wala lang nakaka alam kung ano iyon ngunit tiyak ko ang kaligayahan ay parating pa lamang.” ang naka ngiti niyang tugon at dito ay unti unti siya nag laho sa aking paningin.

“Sandali, nais pa kita makausap.” ang pag pigil ko.

“Magiging maayos rin ang lahat Top, sa tamang oras at sa tamang pag kakataon. Bukas ay mag babalik si Romualdo sa kanyang taong anyo at ibuhos mo ang iyong pag mamahal sa kanya upang sa huli ay wala kang pag sisihan.” ang boses ng diwata at tuluyang nag laho ang kakatwang liwanag sa aking silid.

Tahimik..

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nag pupunas ng aking luha. Tumayo ako mula sa pag kakaupo sa aking papag at lumapit kay Rom, hinawakan ko ang kanyang mukha at niyakap ito ng mahigpit. “Ayokong isipin na darating ang araw na mawawala ka sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko at tiyak na malulungkot ako ng husto. Please Rom, ipangako mo sa akin na hindi ka aalis, na kakayanin natin ang lahat ng pag subok na darating sa ating samahan. Mahal kita at sana ay marinig mo ito. Sana ay maramdaman mo ang pag pintig ng puso ko na ang tanging isinisigaw ay ang pangalan mo. Huwag kang susuko at huwag kang lalayo sa akin. Pakiusap.” ang bulong ko habang naka yakap sa kanya.

Halos mamugto ang aking mga mata noong mga sandaling iyon, kahit pigilan ko ang aking luha ay tila ayaw nitong huminto sa pag bagsak. Hindi ko rin maipaliwanag ang pinag halong takot, sakit at pangamba na mawala ang mga bagay na labis nag papasaya sa akin. Ayokong isipin na isang araw ay mawawala si Rom at babalik ako sa buhay na mag isa at walang nag mamahal.

Ilang oras rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa hindi ko na namalayan na ako ay nakatulog na sa kanyang tabi. Nakasandal ako sa pader habang nakapikit at hindi ko na alam ang sumunod na kaganapan.

KINABUKASAN..

Pag mulat ng aking mata ay laking gulat ko nang wala na si Rom sa aking tabi, ang kanyang mannequin ay nawawala kaya agad akong bumaba para hanapin ito. Wala pa namang alas 10 ng umaga kaya imposibleng maging tao agad siya at kung sakali mang bumalik ang kanyang katawang lupa ay hindi naman iyon aalis ng hindi ko alam.

Pag baba ko sa sala ay naabutan si Inay at si Itay na kumakain sa dito. “Anak, gising kana pala. Ang akala namin ay mamaya ka pa babangon kaya heto nag almusal na kami.” ang wika ni Inay

“Nay, nakita mo ba yung mannequin doon sa kwarto ko?” ang tanong ko.

“Naku hindi anak. Pero baka nakuha na ito ni Agaton kanina, inutusan ko kasi siya na kuhanin ang lahat ng lumang mannequin dito sa bahay ay dalhin sa tunawan ng plastic, alam mo anak ang bait noong president ng samahan ng mga mananahi, kinukuha niya ang mga lumang mannequin at tinutunaw ito para mapalitan ng bago. Kaya naman pinakuha ko lahat ng mga sa atin dito para mapalitan ng mas maayos. Siguro ay kinuha na rin niya yung nasa silid mo para mapalitan ng mas maganda.” ang wika ni Inay

“Nakita kong maraming dalang lumang mannequin kanina ang pinsan mong si Agaton, baka isa na roon yung mannequin mo sa iyong silid. Ayos lang naman iyon at mapapalitan iyon ng mas bago.” ang wika ng aking ama kaya naman umakyat ang kilabot at matinding kaba sa aking dibdib. Eto nanaman ako sa pakiramdam na halos hindi makahinga na pakiwari ko ay mapapatid ang hangin na aking nilalanghap na parang isang marupok na pisi.

“Tay, saan ba yung tunawan? Nasaan si Agaton?” ang tanong ko

“Aba e kanina pa umalis, ang tunawan ay naroon sa tabi sa gusali kung saan sinusunog ang mga plastic at ginagawang mga bagong silya, kasangkapan at iba pa. Teka ayos ka lang ba anak? Bakit parang namumutla ka?” tanong ni itay

“Wala po ito, ayos lang ako. Doon ba sa kabilang kanto? Sa tabi ng tindahan ng mga plastic na kasangkapan?” tanong ko

“Oo anak, bakit ba? Kumalma ka nga muna, halika dito.” ang wika ni Inay pero hindi ko na nagawang lumapit sa kanila, mabilis akong lumabas sa aming tarangkahan at sumakay ng trisikel patungo sa kabilang kanto. Hindi ko na alam ang gagawin ko, halos masakit pa rin ang aking dibdib dahil sa nangyari kagabi ngunit heto pa ang pinaka malalang dagok na dapat kong kaharapin. Tila yata walang katapusang pag papasakit at pag subok ang nangyayari sa aking buhay at ang pinaka masaklap ay dumarating ito sa mga oras na hindi ako naka handa at mahinang mahina ako.

Pag dating ko sa gusali kung saan tinutunaw ang mga plastic ay hindi na ako nag aksaya ng sandali, kahit bawal ay pumasok ako sa loob nito at nag tanong sa gwardiya. “Nasaan yung mga mannequin na tinutunaw?” ang tanong ko

“Naroon sa loob hijo, bakit nandito ka? Mayroon ka bang appointment sa loob?” tanong niya

“Importante lang po, ah e, ano, ahhh ano… pinapabilang sa akin kung ilan yung mannequin na tutunawin.” ang wika ko naman bagamat nag sinungaling ako

“Ganoon ba? Bakit kailangan ipabilang pa? O sya, pumasok kana. Heto ang takip sa ilong at baka hikain ka sa baho ng mga kemikal doon.” ang wika ng gwardiya. Nag pasalamat ako sa kanya at kumaripas ng takbo sa loob.

Pag dating ko dito ay tumambad aking mata ang daan daang mannequin na naka pila para tunawin. Mag kakamukha ang mga ito at hindi ko na alam kung nasaan si Rom. Ang mga lalaki ay halos pare pareho ng itsura kaya naman halos mahilo ako sa pag hahanap.

Paikot ikot ako na para bang mawawalan ng ulirat, hindi ko maunawaan ngunit unti unti akong nawawalan ng pag asa para mahanap si Rom. Kahit saan ako humarap ay may mannequin ngunit hindi naman sila ang aking hinahanap.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko!! Tulungan nyo ako!!” ang sigaw ko sa akin isipan habang naka hawak sa aking ulo na para bang kumikirot sa matinding sakit.

Nasa ganoong pisisyon ako noong makita ko si Agaton na palabas ng tarangkahan, kaya naman kahit hirap na ako sa pag hinga ay nagawa ko pa ring tumakbo ng mabilis at isigaw ang kanyang pangalan. Hingal na hingal ako at para bang anumang sandali ay maaari na akong bumigay.

“Pinsan bakit?” ang tanong niya noong marinig ang aking pag tawag.

“Saan mo dinala yung mga mannequin na galing sa bahay?“tanong ko

“Nandoon na, nakasalang sa tunawan. Bakit ba?” ang tanong niya pero hindi na ako sumagot. Agad akong nagtatakbo patungo sa taong sa nag tutunaw ng mga plastic.

Hingal kabayo, halos lumawa ang aking mata sa pagod pero pilit ko pa ring nilalakasan ang aking loob.

Pag dating ko dito ay nakita kong inilulubog na ang mga mannequin sa tunuwan at ang hawak ng isang lalaki doon ay ang pamilyar na mannequin na may damit pa ni Rom. “Sandali, sandali po!” ang sigaw ko.

Laking gulat nila noong makita ako sa loob. “Aba, hijo bawal dito. Bakit nandito ka? umalis ka dito at baka kung mapano ka pa.” ang wika ng taga bantay

“Sandali, kailangan ko yung mannequin na iyan, iyang hawak mo sir.” ang wika ko.

“Itong lumang mannequin na ito? bakit pa? mapapalitan naman ito ng bago kapag natanaw na siya.” ang wika nito.

“Hindi niyo po nauunawaan ngunit mahalaga sa akin ang bagay na iyan. Paki usap, ibalik nyo na po sa akin.” ang tugon ko naman na may halong pag mamaka awa.

Napatingin ang lalaki sa mannequin na kanyang hawak at napa iling nalang ito. itinapon niya sa akin ang mannequin ngunit wala na ito kamay at mga paa, tangin katawan at ulo nalang ang nandito. “Nasaan po ang ibang parte?” ang tanong ko

Natawa ang taga bantay at itinuro ang mga parte nito na lumulubog na kumukulong likido at unti unting natutunaw. Kasabay nito ang pag hawak ng gwardiya sa aking braso para ilabas. “ang tigas ng ulo mo, sinabi nang bawal dito e, gusto mo bang tumawag ako ng pulis?” tanong niya sabay kaladkad sa aking palabas.

“Hinde! Kukunin ko yung ibang parte! Paki usap hayaan nyo akong manatili kahit ilang saglit pa.“pag susumamo ko

“Huwag matigas ang ulo mo bata. Halika na, labas!” ang wika nito

Mahigpit kong hinawakan ang natitirang bahagi ng katawan ni Rom habang kinakaladkad ng gwardiya palayo sa planta, ang aking mga mata ay nakatitig pa rin sa mga kamay at braso nito na unti unti lumulubog sa tunawan at humalo sa iba pang natunaw na plastic.

Itutuloy…

Romualdo Part 10

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 23, 2019


STORY 3

Romualdo

Natawa ang taga bantay at itinuro ang mga parte nito na lumulubog na kumukulong likido at unti unting natutunaw. Kasabay nito ang pag hawak ng gwardiya sa aking braso para ilabas. “ang tigas ng ulo mo, sinabi nang bawal dito e, gusto mo bang tumawag ako ng pulis?” tanong niya sabay kaladkad sa aking palabas.

“Hinde! Kukunin ko yung ibang parte! Paki usap hayaan nyo akong manatili kahit ilang saglit pa.“pag susumamo ko

“Huwag matigas ang ulo mo bata. Halika na, labas!” ang wika nito

Mahigpit kong hinawakan ang natitirang bahagi ng katawan ni Rom habang kinakaladkad ng gwardiya palayo sa planta, ang aking mga mata ay nakatitig pa rin sa mga kamay at braso nito na unti unti lumulubog sa tunawan at humalo sa iba pang natunaw na plastic.

Part 10

Para akong lantang gulay noong makalayo sa planta, hindi ko lubos maunawaan ang aking dapat maramdaman habang hawak ko ang katawan ng mannequin ni Rom. Para akong isang baliw na nag lalakad sa kanto habang wala sa sariling humahakbang. Wala na rin halos direksyon ang aking pag iisip, para bang nabuang na ako sa tindi ng pinag halo halong emosyon sa aking dibdib. Tuwing pumipikit ang aking mata ay nakikita ko kung paano matunaw ang mga parte ng katawan ni Rom at ang tanging naiwan lang ay ang kanyang katawan at ulo. Parang isang manikang pinutulan ng mga kamay at paa.

Ni hindi ko na nagawa sumakay ng trisikel, basta ang alam ko lang ay humahakbang ako at pilit na lumalayo sa kakaibang sakit. May mga ilang tao na pinag titinginan ako, ngunit hindi ko na sila pinansin pa, wala naman silang ideya kung ano ang pinag daraanan ko ngayon at walang maitutulong ang kanilang kakatwang tingin sa akin.

Halos alas 12 ng tanghali noong ako ay makarating sa aming compound. Hindi ko alam kung ilang oras akong nag lakad, basta ang alam ko lang ay hindi ako nakakaramdam ng pagod at para bang manhid na rin ang aking dibdib sa matinding emosyon na hindi ko tuluyang mailabas.

Pag dating ko sa bahay ay agad kong inakyat ang mannequin at kumuha ako ng pandikit para mapag sugpong ang mga crack nito. Halos lumipas na ang alas 10 ng umaga, hindi na siguro magawang makabalik ni Rom sa pagiging isang tao dahil wala na ang kanyang mga kamay at paa.

“Top, bakit dala mo pa iyang lumang mannequin? Huwag kana malungkot dahil darating na sa isang linggo yung mga bago, mas maayos iyon kaysa diyan sa luma.” ang pag tawag ni Inay.

“Hindi niyo ako nauunawaan inay, mahalaga sa akin ito. Ito lang yung kaligayahan ko.” ang sagot ko naman.

“Umiiyak ka ba? Huwag kana malungkot, nandito si Beng sa ibaba. Pumarine kana.” ang tugon niya

“Wala akong gana. Dito nalang ako sa aking silid.” ang sagot ko rin.

“Bakit nag iinarte tita?” ang narinig kong tanong ni Beng at dito ay nag pasya itong umakyat sa hagdan, malakas ang kanyang yapak kaya’t naririnig ko ito.

Pag bukas niya ng pinto ay tumambad sa kanyang paningin ang gutay na katawan ng mannequin na si Romualdo. Maging siya ay nabigla rin at napatakip ng bibig. “Oh my Gewd! Anong nangyari dyan? Saka anong nangyari sa iyo? Putlang putla kana ah.” ang tanong niya

“Wala akong paki alam sa sarili ko. Tulungan mo akong buuin si Rom. Please.” ang paki usap ko habang umiiyak.

“Huwag kana umiyak, hindi na ito mabubuo. At huwag na tayo mag effort dahil hindi iyan magagawa pa.” ang wika nito habang naka ngiti na animo nang aasar pa

Humarap ako sa kanya “Wala ka bang paki alam sa kaligayahan ko? Akala ko ba ay mag kaibigan tayo? Bakit sumusuko ka agad?!” tanong ko na may kataasang boses

“Eh kasi nga hindi naman iyan si Rom!” ang sagot rin niya.

Napatingin ako sa kanya “A-anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko at noong mapatingin ako sa pintuan ay nakita ko itong si Rom na nakatayo. Nakasuot ng isang magandang tshirt, pantalon at sapatos na maayos.

Maya maya ay dumating rin si Agaton kasunod niya. “Pinsan, wala naman akong kinukuhang mannequin sa kwarto mo, napapano ka ba? Nagagalit yung taga planta dahil nang gulo ka raw doon.” ang wika nito. Ngunit hindi ko siya pinansin, tumayo ako at nilapitan si Rom.

“Akala ko ay ikaw yung nandoon sa planta kasama ng mga tinunaw na plastic.” ang wika ko sa harap niya.

Napakamot ng ulo si Agaton habang naka tingin sa amin kaya naman hinila siya ni Beng palabas sa aking silid. “Doon na tayo sa baba dahil mag chuchukchakan na sila.” ang wika nito

“Teka, anong mag chuchukchakan?” tanong ni Agaton

“Bata ka pa para malaman ang ganoong bagay. Doon tayo sa baba at mayroon akong dalang pag kain.” ang wika ni Beng sabay kindat sa akin.

Lumapit sa akin si Rom at niyakap ako ng mahigpit. “Sorry kung nag alala ka sa akin. Kanina pa akong alas 7 ng umaga naging taong muli. Hindi ko alam kung anong nangayari, maging ako ay nagulat rin sa aking biglaang pag gising. Pag baba ko ng hagdan ay agad kong nakita si Beng sa sala at dito ay napag usapan namin yung tungkol sa pag momodelo, ang sabi nya sa akin ay malaking pera ang aking kikitain kapag tumugon ako dito. Gusto ko sanang makatulong sa inyo kaya naki usap ako sa kanya na ihatid ako sa taong maaaring tumulong sa akin. Pinag palit niya ako ng damit at yung luma kong kasuotan ay isinampay ko sa isang mannequin na naka labas sa sala. Marahil iyon ang nakuha ng pinsan mo at inakala mong ako.

Ang totoo noon ay gusto ni Beng na gisingin ka at isama sa aming pupuntahan ngunit pinigilan ko siya dahil gusto kitang supresahin. Gusto kitang tulungan, para maging maayos ang kondisyon mo.“ ang paliwanag ni Rom habang naka yakap sa akin ng mahigpit.

“Gusto kong magalit sa iyo, gusto kong suntukin ka o kaya ay hampasin ka sa dibdib. Pero hindi ko magawa dahil sobra kitang mahal. Huwag ka na ulit aalis ng walang paalam dahil mamatay ako sa labis na pag alala.” ang bulong habang naka subsob sa kanyang matipunong dibdib. Hindi ko maunawaan ngunit unti unting nawala ang takot at pangamba sa aking katawan, ang aking pag hinga ay muling bumalik sa normal.

Noong makita ko si Rom na maayos at buhay ay nawala ang aking agam agam. Ang bawat haplos niya sa aking likuran ay parang isang mabisang gamot na nag papakalma sa aking pag katao.

Ngunit tuloy pa rin ako sa pag hikbi..

“Hindi ako lalayo, ikaw ang gusto kong makasama at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang. Mahal kita kaya’t huwag kana umiyak. Nandito na ako ulit, dito lang ako sa tabi mo. Hindi ako aalis.” ang bulong niya sabay halik sa aking noo.

“Noong masira ang iyong katawan ay hindi ko na alam ang gagawin ko, takot na takot ako na baka hindi na kita makita ulit.”

“Shhhh, mag kikita tayo. Pangako iyan. Ipag darasal ko sa lahat ng Diyos na ako ay basbasan upang makasama ka. Alam kong hindi ako nabibilang dito sa mundo mo, hindi ako isang tunay na tao pero nakahanda akong ibigay ang lahat sa iyo. Basta makita lang kitang naka ngiti ay masaya na rin ako.” tugon niya na may basag na boses.

“Dumarating sa punto ng buhay ko na ayaw ko nang matulog dahil kapag ipinikit ko ang aking mga mata ay baka muli kang umalis at mawala sa akin. Kung kasaling mangyari iyon, maaari bang mag iwan ka ng isang patunay na ang lahat ng ito ay hindi panaginip?” ang wika ko habang naka tingin sa kanyang mga mata.

Pinunasan niya ang aking luha gamit ang kanyang kamay. “Ito ang patunay na hindi ito isang panaginip.” ang bulong niya sabay halik sa aking labi..

Tila huminto ang oras sa aming dalawa habang mag kasugpong ang aking mga labi. Damang dama ko ang kanyang pag mamahal noong mga sandaling iyon. Ang kanyang mga kamay ay nakalingkis sa aking likuran. At ramdam na ramdam ko ang pag tibok ng kanyang puso.

Tahimik..

Halos ilang minuto rin akong nakayakap kay Rom, pilit kong ninamnam ang init ng kanyang katawan. Masarap ito sa pakiramdam at ito rin ang patunay na hindi ako nag iisa ngayon. Ang kanyang yakap ang tangi kong proteksyon sa kalungkutan na maaaring ibato sa aking ng kapalaran. At dahil sa kanyang mga sinabi ay muling nabuhay ang pag asa sa aking puso na kaming dalawa ay mabubuhay ng masaya ayon na rin sa aming ipinangko sa isa’t isa.

Noong araw na iyon ay inobserbahan namin ni Rom ang mga nagaganap sa kanyang katawan. Hindi naman ito nakaramdam ng panghihina. Nagawa pa nga niyang mag luto ng hapunan at dito ay pormal ko na rin siyang ipinakilala sa aking magulang bilang aking kapareha. Hindi naman ako nabigo dahil una pa lang ay suportado na ako ng aking mga magulang sa kung ano mang desisyon ang aking gagawin lalo’t batid nila na mag bibigay ito ng kaligayahan sa akin. Tinanggap nila si Rom at bukas palad na pinatuloy sa aming tahanan.

At dahil nga sinabi na rin namin sa kanila ang estado ng aming samahan. Mula dito ay nag desisyon kami na mabuhay ng normal at huwag tingnan ang mga bagay na mag bibigay ng lungkot sa aming dalawa katulad ng mga limitasyon, karamdaman at maging ang mga bagay na hindi itinagalaga para sa aming dalawa. Sa ganitong paraan ay magiging masaya kami bilang mag kapareha.

Dati pa rin ang estado ng kondisyon ni Rom. Nag babalik siya sa pagiging mannequin kapag tumatama ang kamay ng orasan sa alas dose at muling nagiging tao pag dating ng alas diyes ng umaga. Marahil ay nag loko lamang ang kristal noong mga sandaling nag bago ang rotasyon ng kanyang pagiging tao pero gayon pa man ay naka handa pa rin kaming yakapin ang kahit na anong pag babago na magaganap sa aming relasyon.

Batid kong mula ngayon ay mag bubukas ang panibagong kabanata ng aming samahan.

Itutuloy..

Romualdo Part 11

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 25, 2019


STORY 3

Romualdo

Dati pa rin ang estado ng kondisyon ni Rom. Nag babalik siya sa pagiging mannequin kapag tumatama ang kamay ng orasan sa alas dose at muling nagiging tao pag dating ng alas diyes ng umaga. Marahil ay nag loko lamang ang kristal noong mga sandaling nag bago ang rotasyon ng kanyang pagiging tao pero gayon pa man ay naka handa pa rin kaming yakapin ang kahit na anong pag babago na magaganap sa aming relasyon.

Batid kong mula ngayon ay mag bubukas ang panibagong kabanata ng aming samahan.

Part 11

Muling bumukas ang bagong kabanata sa buhay namin ni Romualdo, dumaan ang mga tag ulan at tag araw, ganoon kabilis ang pag daloy ng panahon at hindi ko namamalayan na halos ilang buwan na pala kaming mag kasama at namumuhay na parang mag asawa. Sa mga nag daang araw ay kapwa kami naging abala sa pag ttrabaho. Ako ay tumutulong sa aking ina sa tahian at siya naman ay sa pag momodelo. Naka suporta sa kanya si Beng na tumatayong manager niya. Ayoko naman ipag katiwala sa iba si Rom dahil na nga sa kondisyon nito na limitado lamang ang kanyang pagiging isang tao. Kapag may extrang oras ay nanonood ako sa mga pictorial niya, may isang portion pa nga doon na nag cover sya sa isang magasin kung saan ang suot lang niya ay pantalong sira at naka bukas pa ang zipper nito. Naka buyanyang ang kanyang perpektong katawan isang propesyonal na modelo.

Medyo naramdam ako ng pag seselos dahil tiyak na maraming mag papantasya sa kanya ngunit inunawa ko na lamang na ang lahat ay trabaho lamang. Kahit paano ay nakakatulong si Rom sa amin kaya malaki rin ang utang na loob namin sa kanya. Sino ba naman ang mag aakala na ang isang katulad niya ay mag kakaroon ng lakas ng loob para makipag sabayan sa mga tunay na tao, bagamat para sa akin ay hindi naman talaga siya naiiba sa amin. Maliban nalang kapag tumatapat ang kamay ng orasan sa alas dose, ang lahat ay tumitigil para sa kanya.

Minsan ay nag woworry rin ako sa kalagayan niya kapag wala ako sa kanyang tabi, may pag kakataon kasi na nakakaramdam siya ng panghihina o pag kapagod sa kanyang dibdib kaya hindi ko maiwasang mag alala lalo na sa mga oras na wala siya sa aking tabi.

“Eto na ang second issue ng magasin kung saan cover si Romualdo, napaka gwapo oh, parang hindi tao!” ang pag mamalaki ni Beng habang ipinapakita ang larawan ni Rom na nakaupo sa isang pulang silya na parang isang hari, ngunit wala itong pang itaas na damit. Kitang kita ang kanyang magandang katawan at ang abs na perpekto ang pag kakahubog.

“Hindi naman talaga ako tao e.” ang sagot ni Rom kaya naman tinakpan ni Beng ang kanyang bibig. “Shh, baka may makarinig sa iyo. Saka tingnan mo naman ang profile mo na imbento ko, palong palo. Name: Romualdo Frederick Hizon, Age: 22, Height: 5’11 at iyong motto ay “time is gold!”

“Sana nag isip ka man lang ng ibang motto, mukha naman tanga ang asawa ko dito.” ang pag mamaktol ko sabay lingkis ng aking kamay sa bewang ni Rom. Ngumiti ito sa akin at inakbayan ako “Ayos lang, maganda naman ang shot diba?”

“Syempre naman, maganda at talagang napaka perpekto. Ako ang numero unong taga hanga mo.” tugon ko habang naka ngiti.

Niyakap niya ako at hinalikan sa labi, maya maya ay tumayo ito at nag tungo sa kusina para kumuha ng tubig. Naiwan kami ni Beng sa sala. “Ayos lang ba si Rom sa trabaho? Hindi ba siya nakakaramdam ng pagod o pang hihina ng katawan?” tanong ko

“Minsan, lalo na noong nakaraang araw, nahirapan siyang tumayo kaya ang mungkahi ko ay umuwi nalang kami at huwag na ipag patuloy ang pictorial. Pero tumanggi siya dahil sayang raw yung kikitain. Kaya hayun itinuloy pa rin niya. May katigasan din kasi ang ulo ng kasintahan mo e.” ang wika ni Beng

“Hindi ko alam ngunit para bang araw araw akong binabalot ng takot, pero hindi ito pinapahalata sa kanya.”

“Halos mag iisang taon na rin kayong mag kasama ni Rom at ang set up niyo ay paulit ulit lang. Ang ibig kong sabihin ay nabubuhay kayo sa limitasyon at iyon ang kinalulungkot ko. Wala talagang perpektong relasyon, hindi nga kayo nag aaway, hindi kayo nag kakaroon ng problema katulad ng lokohan, kabitan at kung ano ano pa, pero heto naman at oras ang iyong kalaban. Pinaka makapangyarihang elemento pa sa lahat.“tugon niya

“Minsan ay ayoko na isipin ang tungkol sa limitasyong ito. Basta ang alam ko, bawat minuto o Segundo ay mahalaga sa aming pag sasama. Ayokong dumating sa punto na mawala sa akin ang mga bagay na nakasanayan ko.” ang sagot ko

Napa buntong hininga si Beng, ako naman ay napatingin nalang sa sahig at pilit ikinakalma ang aking sarili. Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla kaming narinig na nabasag na baso sa kusina kaya naman bumalikwas kami ng tayo at tinungo ito.

Pag dating naming dito ay nakita naming si Rom nakatayo at ang aming kinagulantang ay nag balik na ito sa pagiging mannequin ng wala sa oras. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil nito nakakalipas na araw ay napapadalas na ito. “Ano ba iyan, alas 10 palang ng gabi.” ang wika ni Beng

“Mas matagal ngayon kumpara dati na alas 9 palang ay bumabalik na siya sa dati. Tulungan mo na lamang akong buhatin si Rom sa aming silid.” Paki usap ko nalang, bagamat heto nanaman ang pakiramdam ng takot at pag kabahala.

Marahan naming siyang binuhat at itinayo sa aking silid. Inayos naming ang kanyang damit na noon ay basa dahil nabuhusan ito ng tubig. Marahil habang umiinom siya ay biglang nanigas ang kanyang katawan at nag balik siya sa pagiging mannequin sa hindi inaasahang pag kakataon.

“Sa tingin mo ba ay pumapalya na ang mahiwagang Kristal ng buhay na nakalagay sa kanyang dibdib?” tanong ni Beng

“Hindi ko alam, sana ay may kakayanan akong alamin ito para kahit paano ay matulungan ko siya. Kung bakit napaka unfair naman kasi ng buhay dahil hindi ito ibibigay ng buo ang iyong kaligayahan. Kapag sumobra ito ay tiyak na luha ang magiging kasunod. Ayoko mang sabihin ngunit ramdam ko na ang nalalapit na pag lisan ni Rom. Dahil sa tuwing yumayakap ako sa kanya ay may ilang parte sa kanyang katawan ang malamig na. Hindi katulad noon na mainit at nakapag bibigay sa akin ng kakaibang enehiya. Ngayon sa tuwing yumayakap ako sa kanya ay takot at pag kabahala ang lumulukob sa aking pag katao, dahil batid ko anumang oras ay maaaring matuldukan ang kaligayahan naming ito.”

“Napaka ironic naman kasi ng buhay e, kung ano pa yung bagay na perpekto at alam mong mag papasaya sa iyo ay may katapat namang pasakit. Hindi ko alam kung anong dapat kong ipayo dahil nalulungkot rin ako kapag sinasapit si Rom ang mga ganitong bagay. Kaibigan ko rin siya at hindi niya deserve ang mga nangyayaring ito. Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan mo at ng mga taong naging parte ng buhay nya.” ang sagot ni Beng habang inaayos ang dami ni Rom na nakasuot mannequin.

Tahimik..

Alas 11 ng gabi noong mag pasyang umuwi si Beng ako naman ay naka titig lang sa mukha ni Rom, gusto kong umiyak o malungkot ngunit pakiwari ko ay said na ang aking emosyon. Makirot ang aking dibdib ngunit ang aking luha ay ayaw na rin makisama. Marami na rin akong nailabas na emosyon sa aming pag sasama dulot ng mga pabago bagong limitasyon na kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.

“Huwaw, ang gwapo naman ni Romualdo dito.” ang wika ni Fairy Estelle noong bigla itong sumulpot sa aking higaan.

“Ikaw pala Estelle, long time no see. Halos ilang buwan ka ring hindi nag paramdam sa akin ah.” ang wika ko na may halong pag tataka.

Nahiga siya sa aking papag. “Aray ang tigas naman nito. Paano kayo nag sesex ni Rom dito? Kaya siguro humihina ang katawan niya kasi matigas itong higaan ninyo.” ang reklamo niya sabay magic sa aking papag dahilan para mag karoon ito ng foam. Muli siyang nahiga dito at pinakita ang hubog ng kanyang katawan. “Anyare sa iyo? Talagang dito ka pa dumayo para matulog?” tanong ko

“Okay naman ako, eto api apihan dahil pakiramdam ko ay pinag kaisahan nila ako sa contest. Ang lakas ng loob nila na gawin sa amin mga bagay na iyon.” ang reklamo niya

“Ha? Tapos na ba? Paano itong beauty with a purpose mo?” tanong ko.

“Aba eh natural mente tapos ang contest, haller mag iisang taon na kayong mag kasama ni Romualdo, alagan namang hintayin ko pa ang kahihinatnan ng kwento niyo. Basta iprinisent ko yung good deeds ko na paligayahin ka at iyon na yon.” ang wika nito

“Anong nangyari?” ang tanong ko naman

Napabuntong hininga siya at dito ay binalikan niya ang pangyayari doon sa contest na kanilang nilahukan.

FLASH BACK

Emcee: Sino kaya kina Fairy Wanda, Fairy Fairy at Fairy Estelle ang tatanghaling Fairy Queen 2019? Matapos reviewhin ng organization ang kanilang mga isinumiteng beauty with a purpose. Ang nag wagi ay si..

Nag hawak hawak kami ng mga kamay. Ibayong kaba at pananabik ang lumukob sa aming pag katao noong mga sandaling iyon.

Emcee: Ang Fairy Queen 2019 ay wala iba kundi si…

Sabay bukas sa envelope..

“WALA!”

Nag taka ang lahat..

“Tama nga, wala pong nanalo mga kaibigan at giliw kong manunood. At para malinawagan ay narito ang president ng Fairy Queen Inc para ipaliwanag kung bakit walang nanalo sa pa contest na ito.” ang wika ng Emcee

Lumakad ang matandang diwata sa entablado at nag salita. “Maganda ang hangarin ninyo bilang isang diwata, lahat ng inyong mga ginawa sa nakalipas na buwan ay aming nirecord at naimotor ng mga taga subaybay. Ngunit may ilan kayong ginawa na labag sa patakaran ng mga diwata. At isa na rito ang pag babago sa takbo ng kapalaran ng iyong mga subject. Ang naka ukit na kapalaran sa kanilang mga palad ay nag iba dahil sa inyong kagagawan. Nagagalit tuloy ang diwata ng kapalaran dahil hindi iyon ang naka takdang maganap sa inyong mga napiling tulungan. Ikalawa, naka lagay sa kasulatan na ang inyong tutulungan ay pag kakalooban nyo lamang ng isang kahilingan at iyon lamang ang inyong ibibigay. Ngunit hindi kayo tumupad sa napag kasunduan.

Katulad mo Fairy Wanda, maraming beses mong ginamit ang iyong kapangyarihan para isalba ang kapalaran ng iyong subject at binago mo pa ang kanilang pisikal na anyo. Ikaw Fairy Fairy ay halos ganoon rin ang iyong ginawa. At ikaw Fairy Estelle, ang pinaka mahalagang yaman ng inyong angkan ay ginamit mo, at hindi ito pinapayagan. At dahil dito ay napag pasyahan ng mga hurado na kayo ay idisqualified sa contest na ito.

Ngunit, binabati namin kayo sa inyong busilak at mapag mahal na puso. Bilang ganti sa inyong mga effort ay ipinag kakaloob ko sa inyo ang tig iisang korona na sumisimbilo sa inyong walang katapusang kabutihan at pag mamalasakit sa mga nilalang na nabubuhay sa bawat sulok ng mundo. Para sa akin kayong tatlo ang panalo.

Palakpakan ang lahat..

Dito nag tatapos ang kompetisyon ng Fairy Queen 2019.

End of Flash Back.

“Ginamit mo kasi ang pinaka mahalagang yaman ng inyong angkan para buhayin si Rom. Kukunin mo na ba ito sa akin?” ang tanong ko

“Hindi no, dyan nalang iyan at mag pakasaya ka hanggang gusto mo. Okay lang naman na natalo ako basta talo rin ang kalaban ko. Since walang nanalo sa amin ay hindi ako magiging bitter. Iyon ang dahilan kung bakit matagal akong nawala.” ang wika niya

Tahimik..

“Salamat Estelle.” ang tugon ko

“Alam mo kung maaari lang ay gagawin kong tao iyang si Romualdo dahil nakita ko ang kanyang effort at kabutihan. Ngunit iyon ay ipinag babawal sa aming mundo. Ang kaya lamang naming ibigay ay ang panandaliang pag babago ng pisikal na anyo ng isang nilalang. Hindi namin hawak ang buhay nila o ang pag papagaling sa kahit na anong karamdaman. Kung papayagan kaming gawin iyon ay mawawalan ng silbi ang diwata ng kamatayan at ang diwata ng buhay.” ang wika niya

Ngumiti ako at napatingin kay Rom “maraming salamat sa mga ginawa mo para sa amin ni Rom. Ayoko nang mag hangad pa ng kahit ano, sapat na sa akin yung nakikita ko ng ngiti niya sa araw araw, nayayakap at nahahawakan ko ang kanyang mga kamay. Kung maaari ko lang sanang ibigay ang puso ko sa kanya o kaya ay mag palit kami para ako nalang ang aming mannequin at siya ang maging tao. Dahil deserve na deserve niya ito, isa siyang mabuting nilalang at may literal na puso kristal.” ang wika ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.

Natahimik ang diwata. “Ang puso mo rin ay higit pa sa isang kumikinang na kristal Top, ang maging kontento at maging masaya sa isang bagay kahit alam mong hindi ito permanente o limitasyon pa ito ay tanda ng isang pagiging mabuting tao. Karaniwan, kapag nakuha ng isang tao ang nais nila ay mag hahangad pa sila ng mas malaki pa rito. Pero ikaw ay naiiba, binibigyan mo ng magandang depenisyon ang salitang “kaligayahan”. Maging masaya kahit alam mong ano mang oras ay maaaring huminto ito. Hinangaan kita Top, balang araw ang mga luhang iyan ay mapapalitan ng ngiti. Iyon ang nakatakda para sa iyo.“ ang wika ng diwata at unti unting nag liwanag ang kanyang katawan.

Nawala ito sa aking paningin..

Noong gabing iyon ay halos hindi ako nakatulog, mag damag kong binantayan si Rom, naka titig ako sa kanyang mukha at ibinubulong kung gaano ko siya kamahal. Na handa akong mag hintay hanggang sa dumating ang oras na ang limitasyon sa aming pag mamahal ay mapalitan ng walang hanggan.

Itutuloy..

Romualdo Part 12

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 26, 2019


STORY 3

Romualdo

Part 12

Kinabukasan, pag mulat ng aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa aking papag. Katabi ko rito si Rom na noon ay abala sa pag tingin sa mga larawan sa kanilang magasin. Nakaunan ako sa kanyang braso habang ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Isang matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin sabay bati. “Magandang umaga.”

Muli akong sumubsob sa kanyang braso malapit sa kanyang kili kili na parang isang bata. “Hmmm, anong oras na? Ang aga mo yatang naka balik?” ang tanong ko.

“Alas 10 na ako nakabalik sa katawang tao. 10:45 na at halos ilang minuto kana ring naka unan sa akin. Napuyat ka siguro kagabi sa pag hihintay sa akin. Pasensiya kana, sobra akong napagod kahapon kaya maagang nawala ang aking katawan tao. Basta ang alam ko lamang ay nag dilim ang aking paningin at wala na akong naalala pa.” wika niya

“Masakit ba? Anong pakiramdam?” ang tanong ko na may halong pag kaawa.

“Ang ano?” tanong niya

“Yung bigla kang bumabalik sa pagiging mannequin.” ang tanong ko rin.

“Hindi masakit, para ka lang nakatulog ng mabilis. Kung minsan ay nanaginip ako na kasama kita, ang lalakad tayo sa isang magandang lugar, maraming bulaklak, maraming puno at walang hangganan ang ating kasiyahan. Minsan ay naiisip ko na lumayo tayo mag tungo sa isang lugar na hindi matatagpuan ng kahit na sino, kahit oras ay hindi maaaring gumambala sa atin. Sana ay may ganoong lugar, sana ay madala kita doon.” ang wika niya.

“Ang lugar na malayo sa limitasyon at sa mga bagay na pumipigil sa ating kaligayahan. Sana ay may lugar na ganoon.” ang wika ko sabay yakap sa yakap sa kanya.

Isang matamis na ngiti ang kanyang isinukli sa akin, maya maya ay bigla siyang pumatong sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay. “Bakit?” ang tanong ko na natatawa, ramdam na ramdam ko ang bigat ng kanyang katawan habang nakadagan sa akin.

“Wala, gusto ko lang mag lambing sa iyo.” ang naka ngisi niya tugon sabay siil ng halik sa aking tainga. Kaya naman nakiliti ako ng husto sa kanyang ginagawa sa akin. Natawa ako at hinalikan ko rin siya sa kanyang labi.

Ang araw na ito napuno ng lambingan sa aming dalawa ni Rom. Halos tumagal kami ng ilang oras sa higaan. Mag kayakap kami at hindi mapag hiwalay. Hanggat maaari ay ayokong umalis sa kanyang tabi, gusto kong maramdaman ang kanyang katawan na nakadikit sa aking katawan, ang kanyang mabangong hininga na umiihip sa aking mukha sa tuwing kami ay mag kkwentuhan o mag tititigan. Napaka sarap sa pakiramdam at ito ang mga bagay na hinding hindi ko kayang bitawan. Mga bagay na ayokong matapos o mag wakas pa.

“Siguro mas makabubuti kung huwag kana muna umalis ngayon, mag pahinga ka muna dito sa bahay. Noong mga nakakaraang araw ay sunod sunod ang pictorial mo sa iba’t ibang location, marahil iyon ang dahilan ng iyong pag kapagod.” ang wika ko

“Hindi ako namamalayan ang pag daloy ng panahon, halos ilang buwan na rin pala ako sa pag momodelo. Gusto ko lang talagang makatulong dito sa pamilya mo.” Tugon niya

“Lahat ng tulong mo sa amin ay tinatanaw naming malaking utang na loob sa iyo. Kahit papaano ay naka bili ng magandang makina si Inay at hindi na siya nag titiis sa lumang makinang pantahi. At iyon ang ikinatutuwa niya ng husto. Kung alam mo lang kung gaano siya kaligaya dahil matagal na niya iyong pinag iipunan.” ang wika ko habang naka ngiti.

“Kaligayahan ko na rin ang makitang masaya ka at ang iyong pamilya. Alam mo paki wari ko ay kompleto na ang pagiging isang tao ko, bukod sa nandito ka ay pinag kalooban pa ako ng mga magulang. Alam kong mahal nila ako at iyon ang kumukumpleto sa akin. Kapag nawala ako sa paligid ay sobrang mamimiss ko sila.”

“Sino naman ang nag sabi na mawawala ka? hindi mangyayari iyon. Ikaw talaga.” ang naka ngiti kong salita sabay yakap sa kanya. Kunwari ay hindi ako nag alala, ngunit bakit nasasabi niya ang ganitong mga bagay? Labis tuloy akong nangangamba.

“Mukhang seryoso ang usapan niyo ah.” ang singit ni Beng noong makapasok ito sa sala. “O, heto yung mga pinabili ninyo, inihaw na manok, pizza, bilaong pansit. Tama nga rin ang desisyon ni papa Rom na mag take ng break ngayong araw na ito. Napapagod na rin ako sa kapapanood ng pictorial nila e.”

“Tama nga, kasi naman baka nakaka apekto yung pagod ni Rom sa pag babago ng kanyang katawan sa hindi inaasahan pag kakataon. Dapat ay malaman natin ang dahilan para maiwasan natin ito.” tugon habang inaayos ang mga pag kain sa lamesa

Habang nasa ganoong posisyon ako ay tila nakaramdam ako ng kakaibang paninikip sa aking pag hinga at kirot sa aking dibdib nawari’y na ipitan ako ng ugat dito. Napahinga ako ng malalim at napatukod sa mesa. “Kaya nga dapat mag iingat si Rom, dahil.. arrgghhh.” ang bigla kong daing

“Top, okay ka lang ba? Namumutla ka ah.” ang tanong ni Rom, napatayo ito sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.

“Pinag papawisan ka ng husto. Bakit ba kasi ayaw buksan ang electricfan? Sobrang alinsangan naman ng hapong ito.” ang reklamo ni Beng

“Ayos lang ako, kukunin ko lang yung baso doon sa kusina.” naka ngiti kong tugon ngunit kada galaw ng aking paa ay parang nawawala ako sa balanse, umiikot ang aking paningin at nang hihina ang aking tuhod. Lalong kumirot ang aking dibdib dahilan para mabuwal ako. Humampas ang aking noo sa gilid ng lamesa dahilan para pumutok ito at mag dugo..

“Ayyyy! Top!!!” ang sigaw ni Beng

“Top!! Gumising kaaaa! Pakiusap!!” ang sigaw ni Rom habang pilit akong itinatayo

“Jusko Top!! Tulonggggg!! Tulongggg!!!” ang sigaw ni Beng sa labas.

“Kumapit ka Top, huwag kang pipikit. Huwag kang pipikit!!! Ibukas mo ang mga mata mooo!” ang sigaw ni Rom na may boses na natatakot at nag aalala.

Pilit akong dumilat ngunit mas lalo pang bumibigat ang talukap ng aking mga mata na para bang hinihila ako sa isang malalim na pag tulog..

Wala na akong naalala pa..

Pag mulat ng aking mata ay nakita ko si Inay at si Beng na nakabantay sa loob ng isang silid sa ospital. Halos hindi nila maitago ang matinding pag aalala sa aking kalagayan. Ang hindi ko maunawaan ay maayos naman ako noong mga nakakaraang araw, oo nga’t nakakaramdam ako ng pag kakapos sa aking pahinga ngunit bumalik rin ito sa normal makalipas ang ilang minuto. “Kamusta ang pakiramdam mo anak?” tanong ni Inay

“Maayos na inay, hindi ko alam kung anong nangyari pero sana ay huwag na kayo mag alala.” ang wika ko naman. “Nasaan si Rom?” ang tanong ko

“Umuwi na muna siya, pero nag bantay siya kanina dito. Alas 11:30 na rin kasi at baka abutan siya ng alas dose, mahirap na. Babalik siya bukas at pinasasabi niya na magiging maayos rin ang lahat.” ang sagot ni Beng.

“Mabuti naman at gising kana hijo.” ang bati ng doktor na pumasok sa aming silid.

“Kailan po ako maaaring lumabas?” ang tanong ko agad dahilan para matawa siya.

“Hijo, alam mo ba na ang heart desease ay isang traydor na sakit? May pag kakataon na wala kang nararamdaman ngunit maya maya ay bigla ka nalang aatikin. Kung iyong mapapansin ay hindi ka inaatake nitong mga nakakaraang buwan kaya itigil mo ang pag inom ng gamot. Ngunit iyon ay mali hijo, kailangan ng iyong katawan ang suporta. Maaari lumala ang iyong kondisyon sa mga susunod na araw dahil sa iyong heart failure. Nag kakaroon ng heart failure ang isang tao kung ang puso ay nawawalan ng kakayahang mag bomba ng sapat na dugo sa buong katawan. Dahil dito, nakakamatay ang nasabing kondisyon. Ilan sa mga sanhi ng heart failure ay ang atake sa puso, coronary heart disease, high blood, arrhythmia sa matagal na panahon, at pinsala sa heart muscles. Ang mga sakit sa puso ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa Pilipinas, at ang mga kaso nito ay patuloy pang tumataas sa paglipas ng panahon. Ito’y sapagkat walang sintomas at senyales o kung meron man, ay huli na para maagapan pa. Dahil dito, mahalaga na mapagtuunan ng agarang pansin ang kahit na maliit pa lamang na senyales ng pagkakaroon ng sakit sa puso. “ paliwanag ng doktor

“Ibig sabihin ay wala akong ibang pupuntahan kundi ang kamatayan?” ang tanong ko na parang natatawa na hindi mo malaman.

“Hindi naman sa ganoon, ang kailangan mo ay isang heart transplant o isang malawakang medikasyon, ngunit hindi dito isinasagawa iyon at nangangailangan ito ng malaking halaga para maisagawa. Hayaan mo at gagawa ako ng paraan para matulungan ka hijo.” ang wika ng doktor habang inaayos ang aking mga suwero.

Masyado akong nag focus sa pag mamahal, pag aalala at kasiyahan ko na kasama ko si Rom. Ang akala ko ay nagamot na ako ng labis na kaligayahan katulad ng mga nababasa ko o napapanood sa telebisyon. Pero hindi pala totoo iyon dahil ang ilang buwang ginhawa ay umikot at nanininggil na parang mayroon akong pag kakautang.

“Hindi ako inaatake nitong mga nakakaraang buwan ,ang akala ko ay magaling na ako. Hindi pala. Sinisingil ako ngayon, parang ang lahat yata talaga ay may limitasyon. Pati ang aking lakas.” ang wika ko na hindi maitago ang emosyon.

“Magiging maayos ka pa rin Top, kapag naisagawa ang malawakang medikasyon. Iwasan mo lang ang mapagod, mag labas ng sobrang emosyon o kaya ay ang pag kain ng ipinag babawal sa iyo. Lakasan mo ang loob para kay Rom at sa amin na kapamilya mo.” ang wika ni Beng.

Noong gabing iyon ay naramdaman ko ang pag babago sa aking katawan. Maginhawa ako at walang nararamdaman ngunit maya maya ay bigla na lamang maninikip ang aking pag hinga at kikirot ang aking dibdib. Pasumpong sumpong ito ngunit mawawala rin makalipas ang ilang minuto at babalik nanaman ako sa normal. At makalipas nanaman ng ilang minuto ay heto nanaman at nahihirapan ako, mamaya maya ay mawawala ulit. Parang isang sirkulo na hindi ko naman nararanasan dati.

Kinabukasan, pag bukas ng pintuan ng aking silid ay pumasok si Rom, may dalang isang basket ng mga prutas. Si Beng naman ay dala ang aking mga gamot. Isang matamis na ngiti ang ibinungad ko kay Rom upang hindi siya mag alala. Ngunit kahit naka ngiti siya ay ramdam ko pa rin ang bumabagabag sa kanyang isipan. “Kamusta ang pakiramdam mo? Nakatulog kaba ng maayos?” ang tanong niya sabay halik sa aking labi. Wala siyang pakialam kung may ilang nurse na naka kita sa amin.

“Naipaliwanag ko na kay Rom ang kalagayan mo, ayoko naman itago sa kanya lalo’t siya ang iyong kapareha.” ang wika ni Beng.

“Ayos lang. Huwag na kayo mag alala sa akin. Minsan ay nag kakamali rin ang medikasyon. Maayos ako at wala naman akong problemang nararamdaman.” ang wika ko habang nakatawa.

Tumabi sa akin si Rom at kumuha ng prutas, binalatan niya ito at ibinibigay sa akin ang bahaging madaling kainin. “Lahat ng pag subok ay nalalagpasan natin ng mag kasama diba? Dito lang ako at hindi ako aalis sa iyong tabi.” ang wika ni Rom habang nakalingkis ang kamay sa aking bewang.

“Hindi ako malakas ngunit sa tuwing nakikita kita ay nag kakaroon ako ng dahilan para lumaban. Hindi ako basta basta maitutumba nito, sakit lang ito. Mas malakas ako ngayon, lalo’t nandito ka.” ang bulong ko sa kanya

Ngumiti si Rom at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. “Kumapit ka lang at huwag kang bibitiw. Kahit gaano pa kahirap ang mga pag subok ay kakayanin nating dalawa. Pangako iyan.” ang sagot niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Hindi umalis si Rom sa aking tabi, umuuwi nga lang siya bago sumapit ang alas dose dahil mag babalik siya sa kanyang pagiging mannequin. Ngunit gayon pa man ay masaya ako dahil nakatagpo ako ng natatanging lakas sa kanyang katauhan, siya ang inspirasyon at kalakasan ko, na kakayanin kong harapin ang anumang pag subok na matatag at buo ang loob. Dahil sa kanya, ang lalaking pinaka mamahal ko.

Itutuloy..

Romualdo Part 13

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 26, 2019


STORY 3

Romualdo

Part 13

Makalipas ang dalawang araw ay bigyan ako ng permiso ng aking doktor na umuwi at mag pahinga sa bahay. Ang gastos sa ospital ay sinagot ng aming kapitan kung saan nag ttrabaho ang aking ama bilang Barangay Tanod. Syempre ay tumulong rin sina Rom at Beng para mabili ang lahat ng gamot na aking kailangan. Noong mga oras na iyon ay ramdam na ramdam ko ang hindi matatawarang suporta at pag mamahal ng mga tao sa aking paligid. Mga bagay na nag bibigay sa akin ng lakas at ibayong pananalig na ang lahat ng ito ay malalagpasan ko.

Simula noong bumalik ako sa bahay ay si Rom na ang nag alaga at umalalay sa akin. Mula sa pag kain, pag bibihis o kahit sa pag ihi ay kasama ko siya. May mga pag kakataon rin na pinapatulog niya ako sa gabi, niyakakap at saka hinahagkan bago siya bumalik sa pagiging mannequin. Kahit na may limitasyon ang lahat ay masasabi kong maswerte pa rin ako dahil nandito si Romualdo sa aking tabi at hindi siya lumilisan lalo na sa mga pag kakataong kailangan ko siya.

Nakakatawa lang isipin na kung dati ay siya lang ang aking ino-obserbahan, ngayon ay kapwa na namin tinitingnan ang isa’t isa. May pag kakataon pa rin kasi na bumabalik si Rom sa pagiging mannequin na wala sa oras, at sa kabilang banda ay may pagkakataon rin na bigla na lamang akong nanlalambot at hindi maka hinga ng maayos. Pero gayon pa man ay kumukuha kami ng lakas at pananalig sa isa’t isa kahit na kapwa kami mahina. Kumbaga sa laruan ay kapwa kami may depekto ngunit pilit pa rin itong umaandar.

Isang gabi, sinorpresa ako ni Rom sa likod ng aming bahay. Nag lagay siya ng isang lamesa at inayusan ito ng magandang set up. Ang isang malaking puno doon ay nilagyan niya ng mga running lights para mas maging maganda ang paligid. Halos hindi ko na makilala ang bakuran namin sa likod bahay dahil naging romantiko ito, isama mo pa ang malamig na hangin sa bukirin na nag bibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Nakangiti si Rom habang lumalapit ako sa kanya. Suot niya ang isang magandang polo na hapit sa kanyang katawan. Lalo siyang gumwapo sa aking paningin na wari’y isang anghel na bumaba sa kalangitan. “Surprise! Hindi kasi kita madala sa labas e, kaya heto. Dito nalang tayo mag date.” ang wika sabay abot sa akin ng isang kumpol na pulang rosas.

Nag uumapaw na kasiyahan ang naramdaman ko noong mga sandaling iyon, kitang kita ko ang effort ni Rom para pasayahin ako. Nakaka kilig at punong puno ng pag mamahal ang paligid, lalo na’t ang aming lamesa ay naka harap sa magandang bukirin. Bagamat gabi ito ay nakikita pa rin ang paligid dahil sa liwanag ng buwan.

Habang naka upo kami ay sumenyas si Rom at dito ay lumapit si Beng na naka suot ng pang waiter. Inayos niya ang aming mga baso at sinalinan ng tubig, nilagyan niya ang pag kain ang aming mga plato. Magalang na magalang ito at talagang on character kaya naman tawa ako ng tawa sa kanyang mga ginagawa. “Salamat sa inyong dalawa. Grabe ang effort ninyo ah.” ang wika ko

“Hindi lang naman kami ni Beng ang nag ayos nito, tumulong rin sina nanay at tatay. Yung mga tela dyan sa paligid ay gamit doon sa tahian. At itong polo ko ay kakatahi lang rin ni inay.” Natatawang wika ni Rom

“Maraming salamat. Bukod sa pag dating mo sa buhay ko ay isa rin ito sa mga araw na hindi ko malilimot.”

“Wala iyon, mahalaga sa akin ang bawat ngiti mo. Ito ang nag bibigay ng enerhiya sa aking katawan. Parang isang mahusay na baterya, lumalakas ako kapag nakikita ko ito.” sagot ni Rom.

Ipinag patuloy namin ang pag kain ng hapunan, kami lamang dalawa sa bakuran noong mga oras na iyon, wari’y isang magandang panaginip na ayoko nang matapos pa ang mga sandaling ito. Naka titig lamang ako sa kanyang mukha, pilit kong pinag mamasdan ang kanyang anyo, iniuukit ko sa aking isipan ang kanyang matamis na ngiti. Ito ang pinaka magandang tanawin sa lahat na paulit ulit kong babalikan kahit nasaan man ako.

Habang nasa ganoong pag iisip ay hindi ko namalayan ang pag patak luha sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan at ngumiti ngunit hindi ko mapigil ang pag daloy ng aking emosyon kaya nag tuloy tuloy ang aking pag iyak. Masaya ako ngunit may lungkot rin na mamayani sa aking dibdib dahil sa mga bagay na alam kong maaaring humadlang sa aming pag sasama, at walang nakaka alam kung bukas o sa mga susunod na araw ay mag kasama pa kami. Para bang ang bawat sandali ay binibilang, sinusulit dahil patapos na ito.

Hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit..

“Pakiwari ko ba ay nasa loob tayo ng walang katapusang laro, para bang ang lahat sa mundo ay gumagawa ng paraan para saktan ako. Araw araw ay humahanap ako ng paraan para maging masaya pero ang kalungkutan ay para bang isang anino na parating naka sunod sa akin. Ngayon ay hinahawakan ko ng mahigpit ang iyong kamay,paano ko ba ito bibitawan kung gayong alam kong anumang oras ay maaari kang mawala sa akin? Na baka maaaring ito na yung huli beses na mahawakan kita. Kung pwede lang tumakbo tayo sa lahat ng ito, pero tuwing iisipin ko ang ganoong bagay ay muli akong hinihitak pabalik sa lugar kung saan labis lang ako masasaktan. “ ang wika ko habang umiiyak

“Alam mo Top, kahit hindi ko nakikita ang iyong mukha kapag bumabalik ako sa pagiging isang mannequin alam kong naka ngiti ka pa rin dahil natural sa iyo ang maging positibo sa lahat ng bagay. Kahit hindi mo man naririnig ang boses ko ay parati pa rin kitang tinatawag, habang nakatitig ka sa mannequin ay naka titig rin ako sa iyo. Makinig ka sa akin, hindi man akong parte ng mundong ito na nilikha para sa mga katulad ninyo ay naka handa akong tumawid o lumakad sa guhit ng hangganan para makasama lang kita. Kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para lang makita lang kita. Lahat ng magagandang alalang ginawa natin, mga pangarap mo na ibinahagi sa akin, mga magagandang bagay na nakita ko sa inyong mundo. Ang tatangi doon ay ang pag mamahal mo, ito ang pinaka magandang bagay na nakita ko at naramdaman higit sa kahit na anong bagay. Ang pag mamahal mo ay natatangi, wala sa mapa, hindi makikita kahit saan. Nandito lang iyan sa iyong puso. Mahal na mahal kita at huwag kang mawalan ng pag asa.” ang wika ni Romualdo habang naka titig sa aking mata.

“Pwede ba tayong manatili sa lugar ito? hindi tayo aalis at gagawa lang tayo ng masasayang alala? Pwede bang utasan natin ang oras na huwag tayong bigyan ng limitasyon? Pwede bang makasama kita habang buhay? Kahit wala akong kahit ano, basta nandito ka lang ay kompleto ako.” Tugon ko sabay haplos sa kanyang pisngi.

“Pwede nating gawin ang lahat ng bagay Top, maaaring may limitasyon ang kaligayahan ngunit nasa natin na ito kung paano natin gugugulin sa iba’t ibang paraan. Huwag kana malungkot dahil bukas ay tiyak panibagong araw ang nag hihintay para sa atin, batid kong mas maganda ito kaysa kahap.” Tugon niya at tumayo ito para kuhanin ang aking kamay.

Mula sa aming kinalalagyan ay tumugtog ang isang musika, batid kong si Beng ang nag paandar nito dahil nag mumula ito sa gilid ng aming bahay. “Ito ang musika na madalas kong pinakikinggan, pakiramdam ko ay ginawa ito para sa akin. Naalala ko pa noon kung paano mo ako isinayaw, isa pa akong mannequin noon, ngayon ay hayaan mong ako naman ang mag sayaw iyo sa saliw ng isang magandang awiting ito na tumutugma sa aking pag katao bilang si Romualdo at bilang isang mannequin.” ang naka ngiti niya salita sabay kuha sa aking kamay.

Human Touch

(Romualdo Story 3 Theme Song)

Can I find the words to tell you How I live between the walls of steel and stones How I close my eyes to find some kind of repture In a world where you can feel so alone

Inside I’m full of light and laughter There’s a flame that burns in me I need a way to set it free

When you find love in your heart You can believe from the start Dreams they come true It all comes to you, oh all at once If you believe in human touch

I see wanting in your eyes And I wonder will I always think of you Do we simply find ourselves awaking As angles touched the heartstrings of our souls

We can find a way to break the madness Take my hand and come with me To a place where we can feel

When you find love in your heart The light in your eye is a star Change that you feel Helps you to heal from all the rest If you believe in human touch

Tell me that your love will live forever Take your hand and touch my face Oh, the warmth of your sweet embrace

When you find love in your heart Nothing can tear it apart Not man or steel Nothing is real except for love

If you believe in human touch If you believe in human touch

https://youtu.be/z53Oir-pbps

Habang umiindak kami ni Rom ay nag balik sa aking alaala ang lahat ng aming mga pinag samahan, kung paano siyang naging tao, kung paano siya nag adjust at nakibagay sa amin. Marami kaming pinag daanan pag subok ngunit hindi kami bumitiw at sumuko. Damang dama ko ang kanyang mainit na katawan at ang tibok ng kanyang puso na wari’y isang magandang awitin sa aking pandinig.

“Human Touch” kapag natagpuan mo ang pag mamahal sa iyong puso, ang kahit na anong bagay ay mag iiba, ang walang buhay ay magiging buhay at ang walang saya ay magiging maligaya. Ang pag mamahal sa puso ni Romualdo ang nag bibigay sa kanya ng lakas upang maging tao. Ang musikang ito ay talagang para sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang umiyak habang ninamnam ko ang mensahe nito. At ang mukha ni Rom na naka titig sa akin, nag tatama ang aming paningin at dito ay agad niya akong hinalikan sa labi.

Habang mag kasugpong aming mga labi ay napansin kong nag liliwanag ng husto ang paligid, may mga kakatwang ilaw na sumasayaw sa aming paligid na parang umuulan ng mga magic dust. Hindi ko alam kung kasama ito sa pakulo ni Beng ngunit naka dagdag ito sa pagiging romantiko ang mga sandali.

Tinapos namin ang buong kanta at nanatili akong nakayakap kay Rom. Sa matagal na pag tayo ay para bang nakaramdam nanaman ako ng hindi maipaliwanag na pagod kaya naman tinapik ko ang kanyang balikat at muling naupo sa silya malapit sa lamesa. “Napagod ka ba? Sorry ha.” ang wika niya

“Hindi naman nakakapagod ang pag tayo at kaunting pag galaw. Talagang depekto nalang ang katawan ko. Ang ibig kong sabihin ay hindi na ito kasing lakas katulad ng dati.” ang natatawa kong salita sabay hinga ng malalim.

“Mayroon pa akong isang supresa sa iyo.” ang wika niya

“Ano naman iyon?” tanong ko na may halong pag tataka.

“Ayun oh!” tugon niya sabay turo sa kalangitan at dito ay isa isang umangat ang makukulay na paputok dahilan para mag kakulay ang madilim na paligid. Sunod sunod ang mga ito na parang mga bulaklak na namumukadkad sa alapaap.

Kapwa kami ni Rom nakatingala at pinag mamasdan ang kagandahan ng mga ito. “Si Tatay at ang mga kaibigan niya ang nag sisindi ng mga iyan doon sa bukid. Gusto ka nilang pasayahin.” ang wika ni Rom

“Salamat sa inyo. Ang ganda ng mga ito.” ang sagot ko habang naka hawak sa aking dibdib..

Tila ba lalong sumikip ang aking pag hinga noong mga sandaling iyon. Ngunit gayon pa man ay hindi ko pinahalata kay Rom ang aking nararamdaman. Patuloy pa rin ako sa panonood sa mga naturang paputok bago marahang pumikit ang mga mata at lukuban ng matinding liwanag ang aking sarili.

Naramdaman ko nalang na unti unting bumabagsak ang aking katawan sa lupa at kasabay nito ang pag sigaw ni Rom at Beng habang tinatawag ang aking pangalan.

Itutuloy..

Romualdo Part 14

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 26, 2019


STORY 3

Romualdo

Tila ba lalong sumikip ang aking pag hinga noong mga sandaling iyon. Ngunit gayon pa man ay hindi ko pinahalata kay Rom ang aking nararamdaman. Patuloy pa rin ako sa panonood sa mga naturang paputok bago marahang pumikit ang mga mata at lukuban ng matinding liwanag ang aking sarili.

Naramdaman ko nalang na unti unting bumabagsak ang aking katawan sa lupa at kasabay nito ang pag sigaw ni Rom at Beng habang tinatawag ang aking pangalan.

Part 14

Natagpuan ko ang aking sarili na naka upo sa isang magandang lugar, maaliwalas ang paligid at maraming mga magagandang bulaklak. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Wari’y isang paraisong nakikita ko lamang sa mga larawan ng magasin o sa telebisyon. Sa kalayuan naman ay makikita ang mga bundok at asul kalangitan. Masarap itong pag masdan at nakaka halina sa kalooban.

Patuloy akong tumingin sa paligid, dito ay nakita ko naman si Rom na naka upo sa ilalim ng malaking puno at nag babasa ng aklat.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi noong makita niya ako, itinigil niya ang kanyang ginagawa at saka lumapit sa akin. “Nasaan tayo?” tanong ko.

“Nandito tayo sa isang paraiso, yung lugar na pinapangarap natin. Walang limitasyon, walang lungkot o kaya ay sakit na maaaring humadlang sa ating dalawa.” ang sagot niya.

“Pero bakit tayo nandito?” ang tanong ko na may halong pag tataka.

“Para maging masaya Top. Halika!!” ang naka ngiti niyang sagot sabay hawak sa aking kamay at dito ay kapwa kami tumakbo sa luntiang paligid. Para kaming sumasabay hangin, ang mga bulaklak ay wari’y nakikisayaw sa aming dalawa habang patuloy kami sa pag sasaya.

Malayo layo rin ang aming tinakbo at ang nakapag tataka ay hindi man lang kami nakaramdam ng pagod, walang pawis at kahit na anong pag hingal sa aking katawan. “Magaling na ba ako? Wala na akong sakit sa puso!” ang natutuwa kong salita.

“Ito ang mundo kung saan ang lahat ay posible Top, ngunit hindi pa panahon para manatili ka sa lugar na ito.” ang wika niya

“Bakit? Bakit ikaw ay nandito? Bakit ikaw ay pwede? Ako ay hindi?” tanong ko naman.

“Dahil ang lahat ng ito ay hindi totoo Top, ito ay produkto lamang ng iyong isipan. Ang pag nanais mong makasama ako sa isang magandang lugar na walang limitasyon ay ang nag udyok sa iyong isipan para mabuo ang mundong ito. Maganda, perpekto ngunit kinakailangan mong gumising at harapin ang katotohanan.” ang wika ni Top

“Pero mas maganda dito, kasama kira at masaya tayong dalawa.”

“Mas maganda doon Top, marami ka pang dapat gawin, mga pangarap na dapat mong tuparin. Balang araw ay mag kakasama rin tayo sa mundong ito pero sa ngayon ang iyong pamilya ay nag hihintay sa iyo.”

“Kung aalis ako ay paano ikaw Rom?” tanong ko

“Ako ay produkto lamang ng iyong pag iisip. Ang nakikita mo ngayon ay maaaring hindi totoo. Kami ay nag hihintay sa iyo sa tunay na mundo. Imulat mo ang iyong mga mata at damhin ang pag tibok ng iyong puso.” ang wika ni Rom at unti unti siyang nawala sa aking paningin.

Kasabay nito ang pag didilim ng buong paligid. Dito ay narinig ko ang puso kong tumitibok. “Lub dub! Lub dub!”

Ilang ulit ko pa itong pinakinggan at kasama noon ang pag bukas ang aking mga mata. Hinahabol ko ang aking hininga na para bang matagal itong napatid. “Stable!” ang wika ng doktor.

Muli kong natagpuan ang aking sarili naka higa sa emergency room. Ang sabi sa akin nila sa akin ay nag 50 50 raw ang aking kalagayan, mabuti na lamang at agad akong nadala sa ospital. Ang aking ina ay iyak ng iyak, gayon rin ang aking ama, wari’y nawalan sila ng pag asa na ako ay magiging maayos pa. Si Beng lamang ang nakita ko sa paligid, si Rom ay wala na. Marahil ay umuwi na ito dahil halos alas dos na rin ng madaling araw. Gayon pa man ay nakaka kuha pa rin ang ng positibong kaligayahan kapag naalala ko yung date namin kanina, ang kanyang mga ngiti ay naka ukit sa aking isipan at kapag pumipikit ako ay iyon ang aking naalala kaya kahit paano ay napapangiti rin ako.

Pinayuhan ako ng doktor na manatili sa ospital, mukhang dito na ako titira upang masubaybayan ang aking kondisyon. Lumala na raw kasi ang damage sa aking puso kaya hindi na makokontrol ang sunod sunod na pag atake nito. Hindi na rin kaya ng gamot at ang tanging paraan na lamang ay ang mag karoon ng operasyon para sa transplant.

Unti unting bumagsak ang aking katawan kaya madalas ay naka sakay nalang ako sa wheelchair para hindi mapagod ng husto. Bagamat nakalalakad naman ako, iyon nga lang ay mabilis akong mapagod na para bang hindi kayang suportahan ng aking mga paa ang aking katawan. Kaya may pag kakataon na bubuwal ako kapag nag lalakad.

Wala kaming pera, umaasa lang kami sa tulong ng mga kaibigan ni itay sa munisipyo. Sa makatuwid ay walang pang suporta sa aking kondisyon. Isa nanaman ito sa panunuya ng buhay. Gayon pa man ay hindi ko nakalimutang ngumiti at mag pasalamat sa Diyos sa tuwing gigising ako sa umaga.

Hindi umalis sa aking tabi si Romualdo, parati niya akong inaalagaan, siya ang nag papakain, nag papaligo at nag bibihis sa akin. Madalas rin niya akong pinapasyal sa paligid ng ospital, siya ang nag tutulak ng aking wheelchair, kapwa kami tatambay sa likod at lalanghap ng sariwang hangin. Kapag kasama ko siya ay hindi ako nakakaramdam ng lungkot, at hindi ko rin naiisip ang aking kondisyon.

“Kainin mo pa ito, isang subo nalang. Kailangan ng sustansiya ng iyong katawan.” ang wika ni Rom habang kapwa kami naka upo sa pahingahan sa likod ng ospital

“Busog na ako e, sa iyo naman iyan. Parating ako naman ang kumakain.” natutuwa kong tugon sabay kuha sa kutsara at ako naman ang nag subo sa kanya.

Tinititigan ko lamang siya at pinanonood sa kanyang pag nguya..

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya

“Wala, tinititigan ko lang ng maigi ang iyong mukha. Gusto kong maalala ito kahit saan man ako dalhin ng kapalaran. Kung sakaling mawala ako o mamatay sana ay ipag patuloy mo pa rin ang pag tulong kay inay at itay. Kailangan nila ng isang anak na katulad mo.” ang wika ko habang naka ngiti

Natawa siya at ginusot ang aking buhok. Tila nag papakita pa rin siya ng lakas ng loob. “Hindi ka mawawala. Malakas ka pa o, takaw mo kaya.” wika niya sabay halik sa aking labi.

“Seryoso kasi Rom. Mahal na mahal kita.” ang wika ko habang naka titig sa kanya.

“Mahal na mahal rin kita, Top. Halika ka nga dito. Higa ka sa akin.” ang wika niya at dito ay niyakap niya ako, naka higa ako sa aking braso habang kapwa kami naka tanaw sa kalayuan.

Dinama ko lang ang yakap na iyon, at ang pintig ng kanyang puso na wari’y umaawit. “Nga pala, mamaya ay matulog kang mabuti. Bukas ay may surpresa ako sa iyo.” bulong niya

“Anong surprise ba iyan? Baka lalo akong atakihin ha.” biro ko naman dahilan para matawa siya. “Date lang, tagal mo na dito sa loob ng ospital e. Alam kong miss mo na ang labas.” ang wika niya.

“Mag papa pogi ako bukas para hindi naman ako alagan sa iyo.” biro ko. Lalong humigpit ang pag yakap niya sa akin. “Ikaw ang pinaka gwapo para sa akin.” bulong niya sabay halik sa aking noo.

Halos mag damag kong iniisip kung ano ba yung surprise ni Rom sa akin. Ang resulta nito ay napuyat tuloy ako at mas lalo pang naging hagard ang aking itsura. Gayon pa man ay excited pa rin ako sa pag sabi ng bagong umaga. Alam nyo iyon, kada umagang gumigising ako ay labis kong inaappreciate, isa na itong biyaya para sa isang katulad kong palala ng palala ang kondisyon.

Alas 5 ng hapon noong ayain ako ni Beng sa mag bihis, mag hapon kong hindi nakita si Rom, abala rin daw ito sa pag hahanda.

“Sa tuwing makikita ko si inay at itay ay para bang dinudurog ang aking puso. Hanggang ngayon ay nang hihingi pa rin sila ng tulong para maisagawa ang transplant sa akin, nais pa nilang dugtungan ang aking buhat at alam ko kung gaano kasakit iyon sa kanila.” wika ko habang isinusuot ang mga damit.

“Natural, magulang mo sila, ang isang magulang ay gagawin lahat para hindi nila makitang nag hihirap ang kanilang anak. Pero anyway huwag kana munang mag isip dahil kailangan ay gwapo ka at presintable sa gabing ito.” ang wika ni Beng.

“Teka, bakit naman kailangan ay naka pormal na kasuotan pa ako? Tuxedo talaga? Ano ito kasal?” natatawa kong tanong

“Malalaman mo mamaya frend.” ang wika niya habang abala sa pag aayos sa aking mukha at buhok.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos ang aking pag hahanda, sakay ng aking wheel chair ay agad akong inilabas ni Beng ng ospital, may permiso naman ito ng aking doktor lalo’t may kasama naman ako at alam niya na hindi ako pababayaan. Sumakay kami sa van na pag aari ng ama ni Beng dito ay hindi ko maiwasang mag taka kung saan kami pupunta at kung saan si Rom. “Nandoo na siya at hinihintay ka, relax ka lang okay? Baka maya maya ay dito ka pa atakihin, pero huwag kang mag alalala dahil dinala ko naman itong oxygen mo.” ang wika niya

Makalipas ang ilang minutong biyahe, ay nakarating kami sa isang lumang simbahan. Labis akong nag taka dahil wala namang kainan dito. “Mag sisimba tayo sa ganitong oras ng gabi? Alas 7 na ah, bakit?” pag tataka ko

“Basta frend relax ka lang okay. Ito ang pinaka luma at pinaka milagrosong simbahan sa buong siyudad, noong panahon pa ito ng mga kastila itinayo at marami na ring nag sumpaan sa altar nito. “ ang naka ngiting wika ni Beng habang itinutulak niya ako papasok sa naturang simbahan.

Binuksan niya ang pintuan nito at dito nakita ko ang magandang ayos na wari’y may ikakasal. Pero wala namang tao maliban sa akin, kay Beng at kay Rom na nakatayo sa altar, suot niya ang isang putting tuxedo, nakagwapo niya noong mga oras na iyon habang naka ngiti kumakaway sa akin. “Anong bang nangyayari?” pag tataka ko

“Ito ang date nyo at kasal ni Romualdo. Gusto niya na mangako kayo sa isa’t isa at ito ang tamang oras para gawin iyon.” ang wika ni Beng sabay tulak sa akin patungo sa altar. At habang nasa ganoong pag lalakad ito ay muling tumugtog sa paligid ang paboritong kanta ni Rom. At ito ang nag silbing wedding march patungo sa kanya. Halos hindi ako maka paniwala na nangyayari ang mga bagay na ito. Isang sikretong kasal at sumpaan sa aming pag mamahalan. Tila isang magandang panaginip

Human Touch

(Romualdo Story 3 Theme Song)

Can I find the words to tell you How I live between the walls of steel and stones How I close my eyes to find some kind of repture In a world where you can feel so alone

Inside I’m full of light and laughter There’s a flame that burns in me I need a way to set it free

When you find love in your heart You can believe from the start Dreams they come true It all comes to you, oh all at once If you believe in human touch

I see wanting in your eyes And I wonder will I always think of you Do we simply find ourselves awaking As angles touched the heartstrings of our souls

We can find a way to break the madness Take my hand and come with me To a place where we can feel

When you find love in your heart The light in your eye is a star Change that you feel Helps you to heal from all the rest If you believe in human touch

Tell me that your love will live forever Take your hand and touch my face Oh, the warmth of your sweet embrace

When you find love in your heart Nothing can tear it apart Not man or steel Nothing is real except for love

If you believe in human touch If you believe in human touch

Noong makalapit kami kay Rom ay agad niya akong inalalayan para makatayo. “Salamat at dumating ka. Sorry ha, wala kaming nakuhang pari pero naparito ako para iharap ka sa Diyos at para sumumpa sa aking walang hanggang pag mamahal.” ang wika niya.

Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay. “Eh bakit umiiyak si Beng?” tanong ko

“Natotouch lang ako, masyadong heart breaking ang moment. Doon na muna ako sa labas.” ang wika niya sabay takbo sa labas ng simbahan at doon ay nag iiyak.

Natawa si Rom at muling humarap sa akin. “Ang gwapo mo, sobrang gwapo.” ang pag bati ko.

“Salamat, ikaw rin ay gwapo at ang ngiti mong iyan ang gustong gusto ko.” ang wika niya sabay luhod sa aking harapan. Kinuha niya ang isang maliit na kahon sa kanyang bulsa at nag wika. “Top, tanggapin mo ang simbolo ng aking pag mamahal sa iyo. Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng pag kakataong mag mahal, mahalin at maranasan ng tunay na kaligayahan. Buhay na buhay ako dahil sa iyo, at kahit anong mangyari ay hinding hindi ko maaaring limutin ang mga ala-alang pinag samahan natin. Isa lang akong mannequin na sinusukatan ng damit noon, ni hindi ko inakala na makakaranas ako ng mga ganito bagay kaya masasabi kong napaka swerte ko at nakilala kita. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at ikaw ang tanging tao na nag uukit ng ngiti sa aking mga labi. Ngayon ay ihinahaharap kita sa altar ng panginoon para sumumpa na ikaw lang ang mamahalin ko, ikaw lang ang tanging pag aalayan ko ng aking buhay. Tanggapin mo ang singsing na ito bilang simbolo ng aking pag ibig.” ang wika niya habang nang gigilid ang mga luha. Isinuot niya sa akin ang singsing at saka ako niyakap ng mahigpit.

Hindi ako nakapag salita wari’y binusalan ang aking bibig..

Tuloy tuloy lang aking pag iyak..

“Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula. Araw araw kong tinititigan ang iyong mukha dahil baka dumating ang oras na hindi na ako magising pa at iyon ang kinatatakot ko. Ayokong makita kang nasasaktan o lumuluha sa oras ng lisan ko. Pero sana Rom ay tatagan mo ang loob mo. Wala akong dalang singsing na nag papatunay ng pag mamahal ko sa iyo pero inihaharap ko ngayon sa Panginoon ang aking sarili at isinusumpa ako na ikaw lamang ang mamahalin ko hanggang sa pinaka huling hangin nalalabas sa aking hininga. Gabi gabi kong pinag darasal na sana ay mas mahaba pang oras ang mayroon tayo, na sana ay walang hangganan ang lahat, na sana ay hindi na tayo mag kakalayo, ngunit sadyang mapag laro ang kapalaran. Sinusubok tayo, ngunit lumaban naman tayo diba? Iyon ang mahalaga.” ang wika ko habang naka yakap sa kanya.

Nakasubsob ako sa kanyang dibdib at patuloy ang pag tulo ng aking luha..

“Kung bukas ay hindi na ako magising, nais kong mag mahal ka at huwag mong ibaon sa lungkot ang iyon sarili.” ang wika ko.

“Shhh, huwag kana mag alala Top, hindi ka lilisan. Dahil may isa pang paraan para ikaw ay gumaling. Iyon ang sinabi sa akin ng diwata.” ang wika niya

“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko

“Ang kristal na nasa aking katawan ay may kakayahang mag dugtong at mag bigay ng buhay. Iyon ang dahilan kaya naging tao ang aking katawan.” ang wika niya dahilan para mapatingin ako sa kanya at kusa akong humakbang palayo.

“Hindi! Ayoko Rom. Ayoko ang iniisip mo.” ang wika ko.

“Top, please. Ikaw ay tao at ako naman ay artipisyal lamang. Paano na ang mga pangarap mo? Ang pag nanais mong maging isang guro?” ang tanong niya

“Ikaw ang pangarap ko. Ikaw ang nais ko. Please, huwag mong gawin ito.” ang wika ko habang umiiyak.

Tuluyan na ring umiyak si Romualdo. Pilit niya akong niyakap at ikinulong sa kanyang bisig. “Mahal kita, at hindi ko hahayaan na mawala ka sa mundong ito. Huwag kang mag alala dahil parati parin tayong mag kasama. Dito sa ating mga isip, sa ating panaginip. Doon ay parati kitang bibisitahin. Mawawala lang ako sa paningin mo pero mananatili ako sa puso mo at ako ay magiging parte nito kaya kahit saan ka mag punta o kahit saan ka pa dalhin ng iyong mga paa at kasama mo pa rin ako.

Top, ang akala mo lang ay hindi ako nasasaktan kapag nakikita kang nahihirapan kung alam mo lang, durog na durog na ako at kung pwede lang ay sa akin napunta ang sakit mo. Hindi man tayo nakalakad o nakatakbo sa isang magandang paraiso, alam kong balang araw ay mag kikita pa rin tayo. Hindi man ngayon pero pangako na ako at ikaw ay mag sasama ng walang limitasyon. Kailangan mong mabuhay at tuparin ang ating mga pangarap. Pangarap kong makita kang masaya at matagumpay. Masaya ako dahil ikaw ang una at huling taong aking mamahalin.“ ang wika niya

Hindi na ako nakapag salita. Puro iling lang aking isinagot “Wag Rom, ayoko, aanhin ko ang buhay kung wala ka na?” ang tanong ko

“At aanhin ko rin ang buhay ko kung wala ka? lalo akong maguguilty dahil alam kong may paraan pa para isalba ka! Huwag matigas ang ulo mo! Makinig ka sa akin okay! Makinig ka Top!” ang galit niya sigaw dahilan para matahimik ako..

Humarap ako sa kanya na umiiyak..

Inipon niya ang hininga at nag wika “Mahal na mahal kita.”

Lumapit siya sa akin at muli akong hinagkan sa labi. “Ingatan mo ang sarili mo. Parati kitang babantayan.” ang wika niya sabay tapat ng kanyang kamay sa dibdib.

Nag liwanag ng husto ang kanyang katawan at dito ay kinuha niya ang kristal na nag lalabas ng kakaibang init. “Mabuhay ka Top, tuparin mo ang iyong pangarap.” ang naka ngiting wika niya sabay dikit sa akin ng kanyang kamay na nag lalaman ng kristal. Pumasok sa aking dibdib ang liwanag na iyon at noong tuluyan ito mawala ay biglang bumagsak sa aking katawan si Rom.

Iyak na lamang ang aking isinagot. Marahang umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking pisngi. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit at kasabay nito ang tuluyang pag tigas ng kanyang katawan.

Si Romualdo noong mga sandaling iyon ay bumalik sa pagiging isang mannequin at iyon rin ang pinaka huling beses na nakasama ko siya bilang isang tao.

Tatapusin..

Romualdo Part 15 (STORY 3 FINALE)

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Facets

AiTenshi

Feb 27, 2019


STORY 3

Romualdo

Nag liwanag ng husto ang kanyang katawan at dito ay kinuha niya ang kristal na nag lalabas ng kakaibang init. “Mabuhay ka Top, tuparin mo ang iyong pangarap.” ang naka ngiting wika niya sabay dikit sa akin ng kanyang kamay na nag lalaman ng kristal. Pumasok sa aking dibdib ang liwanag na iyon at noong tuluyan ito mawala ay biglang bumagsak sa aking katawan si Rom.

Iyak na lamang ang aking isinagot. Marahang umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking pisngi. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit at kasabay nito ang tuluyang pag tigas ng kanyang katawan.

Si Romualdo noong mga sandaling iyon ay bumalik sa pagiging isang mannequin at iyon rin ang pinaka huling beses na nakasama ko siya bilang isang tao.

Part 15

“Alam mo ba ito Beng? Alam mo ba ang tungkol dito?!” ang tanong ko habang nakayakap kay Rom.

Hindi sumagot si Beng at nanatili itong umiiyak..

“Alam mo ba? Sumagot kaaa!” ang sigaw ko na narinig sa buong simbahan.

“Oo Top, alam ko! At noong sabihin niya sa akin ito ay buo na ang loob niya kaya kahit anong gawin ko ay hindi na ito mababago pa. Noong isang linggo pa niya ito napag desisyunan dahil narinig niya ang sabi ng doktor na 25% lang ang tiyansa na makakaligtas ka sa operasyon! Kahit makahanap tayo ng donor o ng puso ay maliit pa rin ang tiyansa na mabuhay ka at iyon ang hindi matanggap ni Rom. Kaya naman nag maka awa siya sa diwata para tulungan at iyon nga ang kanilang napag usapan, susuportahan ng kristal na nasa puso ni Rom ang iyong buhay at aalisin nito ang karamdaman mo. Ngunit kapalit noon ay ang buhay niya!” ang umiiyak na sagot ni Beng.

“Wala na si Rom, at hindi na siya babalik sa akin. Wala naaaaa!” ang pag hagulgol ko ng iyak habang hawak ko ng mahigpit ang kanyang mannequin na noon ay nakasuot pa rin ng pormal na damit.

“Mabuhay ka at tuparin ang iyong pangarap Top, iyon ang tanging habilin ni Rom. Gawin mo ito bilang pag ala-ala sa kanyang sakripisyo.” wika ni Beng.

“Sakripisyo? Bakit? Bakit paa?!” ang patuloy kong pag iyak na halos hindi na ako umalis sa aking kinalalagyan noong mga sandaling iyon.

Sa pag sibol ng bagong araw ay hindi ko na nakasama pa si Rom. Masakit iyon para sa akin, at ang kanyang ginawang pag salba sa aking buhay ay tila milagro ang naging resulta sa aking pag katao. Gulat na gulat ang lahat ng doktor na sumuri sa akin dahil sa isang iglap ay naging normal ang kondisyon ng aking puso, normal at maayos rin ang pag tibok nito. At wala ni isang problema ang kanilang nakita. Hindi nila maipaliwanag ang nangyari sa akin, lalo na ang doktor ko na kailanman ay hindi naniniwala sa milagro. Ang aking mga magulang ay halos lumuha sa matinding kaligayahan noong mga sandaling sabihin ng doktor na normal na ang aking kalagayan. Lahat ay umiyak, luha ng kaligayahan ang pumapatak sa kanilang mata noong mga sandaling iyon, kaibahan sa akin na luha ng pangungulila at kalungkutan ang nangingibabaw.

Katulad ng dati ay inilagay ko sa aking silid ang mannequin ni Romualdo. Palagi ko itong binibihisan at kinakausap sa tuwing ako ay malulungkot. Alam kong naririnig niya ako dahil nakakaramdam ako ng kakaibang init sa aking dibdib sa tuwing ako ay lumalapit sa kanya. Normal na rin ang aking kondisyon ngayon at hindi na ako nakakaramdam ng pagod o sakit.

“Apura yata ang kayod mo ngayon frend? Mag miryenda ka muna.” ang wika ni Beng habang abala ako pag aayos ng mga damit na idedeliver sa mga nag pagawa.

“Ayos lang, kailangan kumayod para makaipon ng pang matrikula, kailangan kong mag aral at tuparin ang pangarap namin ni Rom. Alam kong magiging masaya siya kapag nakita niya akong nakasuot ng uniporme.” ang wika ko naman.

“Paano mo ipinaliwanag sa mga magulang mo ang pag kawala ni Rom?” tanong niya

“Sinabi kong nag abroad siya at nag tungo sa malayong lugar, hindi ko sinabi kung kailan siya makakabalik. Ikinalungkot nila ang pang yayaring iyon dahil halos anak na rin kung ituring nila ito. At iyon rin naman ang sinabi ni Rom sa kanila noong mag paalam ito na aalis.” ang tugon ko na may halong lungkot.

“Huwag kana malungkot, ako rin ay nag desisyon na ipag patuloy ang aking pag aaral, 3rd year na ako e. sadyang mahina lang talaga ang utak ko kaya nag hinto ako. Pero ngayon ay kakayanin ko na rin, bilang inspirasyon. Kayong dalawa ni Rom aking iniidolo. Nga pala, mayroon akong ibibigay sa iyo.“ang wika ni Beng

Humarap ako sa kanya “ano iyon?” ang wika ko.

“Heto, ipinabibigay ito ni Rom noon, ang sabi niya sa akin ay saka ko na lamang ibigay ito sa iyo kapag kailangan mo na.” ang wika niya sabay abot ng isang brown envelope sa aking kamay.

“Ano ba ito?” pag tataka ko sabay bukas sa naturang bagay na nasa aking kamay at dito ay may nakita akong isang sulat. Kaya naman kinuha ko ito at binasa..

Ginawa nito ni Rom ilang buwan na ang nakakalipas..

Top,

Pasensiya kana kung parati akong inaatake ng sakit at pag kapagod. Gusto ko lamang mag trabaho para makatulong sa iyo at sa ating mga magulang. Parati kong naalala yung eksena naupo tayo sa ilalim ng puno sa tapat ng isang paaralan, nakita ko sa iyong mukha ang pag nanais mong makapag aral muli, alam kong pangarap mo iyon. Kaya naman nais kong tumulong upang maabot mo ito.

Malaki laki rin ang halagang kinita ko sa ilang buwang pag momodelo, ang lahat ng ito ay inipon ko sa bangko para pag handaan ang pag aaral mo. Gusto kong makatiyak na makapag susuot ka ng uniporme sa darating na pasukan. Gusto kong makita kang nag lalakad na may tuwa sa iyong mukha dahil unti unti mong maaabot ang iyong pangarap. Pasensiya kana kung wala akong maibibigay na kahit anong yaman sa iyo, ngunit sana ay makamit mo ang mga bagay na nais mo sa hinaharap.

P.S

Kung sakaling wala na ako kapag nabasa mo ang sulat na ito ay huwag kang malulungkot dahil kasama mo akong mag lalakad at kasama mo akong aabot sa iyong tagumpay. Dahil ang pangarap mo ay pangarap ko rin. Mahal na mahal kita..

Romualdo

Tahamik ako at binuksan ang envelop, dito ay makita akong isang bank account at sobreng nag lalaman ng pera..

“Matagal na nag modelo si Rom, at daang libo rin ang kinita niya, maliit pa nga ito dahil hindi ganoong kasisikat ang mga magasin kung saan siya kinuhang cover. Ganyon pa man ay sapat na ito para ikaw ay makapasok sa kolehiyo. Sinigurado lamang niya na kahit wala na siya sa tabi mo ay makakamit mo pa rin ang iyong pangarap. Ganoon ka niya kamahal.” ang naka ngiting wika ni Beng.

Hindi ako naka kibo, muli nanaman akong umiyak, kaya wala akong nagawa kundi ang yumakap sa aking kaibigan at humagulgol. Wala akong ideya na sobra sobrang sakripisyo ang ginawa ni Rom para sa akin. Kahit hindi siya parte ng mundo ito ay pinilit pa rin niyang makibagay para lamang matulungan akong abutin ang mga bagay na nais kong abutin. Paano ko makakapag pasalamat sa kanya? Paano ko masusuklian ang kanyang sakripisyo sa akin? Kahit mag papalahaw ako ng iyak ay wala ring mangyayari dahil hindi na siya babalik pa.

Sa pag lipas ng mga araw at buwan ay sinimulan ko ang aking bagong buhay. Bagamat tuwing alas 10 ng umaga ay parati kong hinihintay na magising si Rom, ngunit wala. Gayon pa man ay hindi pa rin pumapalya ang pakikipag usap ko sa kanya sa tuwing ako na nalulungkot kapag namimiss ko siya. At katulad ng plano, nag enrol ako noong dumating pasukan, pursigido akong maging mahusay sa klase dahil ayokong sayangin ang sakripisyo ni Romualdo sa akin. Nag sumikap ako ng husto at kahit dumarating ang mahihirap na parte ng buhay ay pilit ko itong kinakaya dahil alam kong hindi ako nag iisa.

Nag aral si Beng, at kapwa kami nag sumikap para sa magandang kinabukasan na maibibigay nito sa amin. Kapag umuuwi naman ako sa hapon ay parati kong kinukwentuhan si Rom ng mga nangyayari sa akin sa paaralan, kung paano ako sumagot sa klase, mag highest sa exam o ang pag kakamali ko sa mga quizes ay sinasabi ko rin. Tawa ako ng tawa habang kinakausap ko siya, bagamat wala akong makuhang sagot ay ayos lang basta hindi ako titigil sa aking ginagawang pag babahagi sa kanya.

Halos maraming naganap na pag babago sa mga nagdaang panahon. Ang dating parke na tinatambayan namin nila Rom ay ginawang Mall, ang mga daan sa aming compound ay giniba at pinalitan mas bagong semento. Ang aming tarangkahan ay naging bakal mula sa lumang kahoy. Si Beng ay nagka boyfriend at lumago ang tahian ng aking magulang. Tungkol sa aking Ex na si Joe, nakakalungkot na balita na pumanaw na raw ito, natagpuan ang kanyang walang buhay na katawan sa isang motel na puro saksak at hubot hubad pa ang kanyang katawan. Ang sabi ng mga pulis ay isang drug adik ang kanyang nakatalik at ito ang naging mitsa ng kanyang buhay. Marahil ay nag bunga ang gawain niya pumick up at makipag meet para sa isang gabing kaligayahan.

APAT NA TAON ang lumipas…

Nagtapos ako ng pag aaral na may karangalan, Cum Laude at nag kamit rin ako ng maraming awards ang aking pag sisikap at pag nanais na makatapos ay aking nakamit dahil sa inspirasyon na hindi kailangan man kumukupas. Nakapag tapos rin si Beng at kapwa kami kumuha ng examination para maging isang ganap na guro. At makalipas ang ilang buwan ay nabalitaan ko nalang na naka pasa rin ako dito top 9 sa buong bansa.

Halos walang mapag sidlang ligaya ang aking mga magulang at syempre ganun rin ako na hindi rin makapaniwala pero naganap dahil lang sa aking pag nanais na matupad ang aking ipinangako kay Rom na magiging matagumpay at masikap sa lahat ng bagay na aking ginagawa. Iba pa rin ang naibibigay ng insipirasyon, ito lang yata ang bagay na hindi ako binigyan ng limitasyon kaya naman ang apoy ng pag sisikap sa aking puso ay kailanma’y di nawala.

Halos apat na taon na rin na hindi ko kasama si Romualdo, ang aking piskal na anyo nag bago na rin, mas tumaba ako at nag laman kaysa dati. Nag bago na rin ang mukha na medyo nag mature ng kaunti, pero ang mukha ni Rom ay ganoon pa rin, naka ngiti pa rin siya sa akin, hindi napapawi ito at hindi nawawala. Nakatayo pa rin siya sa pwesto kung saan ko siya inilagay at habang tinititigan ko ang kanyang mukha ay unti unting nag babalik sa akin ang masasayang alalang aming pinagsamahan, ang bawat yakap at halik, ang mga haplos ng kanyang kamay ay nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon.

Music Playing

Human Touch

(Romualdo Story 3 Theme Song)

Can I find the words to tell you How I live between the walls of steel and stones How I close my eyes to find some kind of repture In a world where you can feel so alone

Inside I’m full of light and laughter There’s a flame that burns in me I need a way to set it free

When you find love in your heart You can believe from the start Dreams they come true It all comes to you, oh all at once If you believe in human touch

I see wanting in your eyes And I wonder will I always think of you Do we simply find ourselves awaking As angles touched the heartstrings of our souls

We can find a way to break the madness Take my hand and come with me To a place where we can feel

When you find love in your heart The light in your eye is a star Change that you feel Helps you to heal from all the rest If you believe in human touch

Tell me that your love will live forever Take your hand and touch my face Oh, the warmth of your sweet embrace

When you find love in your heart Nothing can tear it apart Not man or steel Nothing is real except for love

If you believe in human touch If you believe in human touch

Kung sabagay, talaga namang kasama ko siya. Dahil ang puso niya nandito rin sa aking katawan, naka kabit sa aking puso. Kaya kapag nalulungkot ako o nakakaramdam ng pag iisa ay ipinipikit ko lang aking mga mata at dadamahin ko ang pag pintig ng aking puso. Dito ay mararamdaman kong nabubuhay siya sa aking pag katao, kahit hindi ko siya nakikita o nakakasama. Pero sa akin isipan o sa bawat pag tibok ng aking puso ay parang nandito na rin siya sa aking tabi.

Tahimik..

Hinawakan ko ang aking dibdib at huminga ako ng malalim habang naka tanaw sa labas ng aking bintana. Halos ilang taon na rin ang nakalilipas, madilim din noon at nakakaramdam ako ng pag iisa noong dumating si Rom sa aking buhay. Ngayong naabot ko na ang aking pangarap na makapag tapos ay wala na akong hihilingin pa, sa tingin ko ay masaya na rin siya ngayon at kapwa kami naka tanaw isang magandang bituin katulad ng aming madalas na ginagawa.

Halos tumagal ako ng ilang minuto sa panonood sa mga bituin sa langit habang isa isa kong inaalala ang mga ngiti ng taong nag sakripisyo para sa akin, ang aking buhay at pangarap ay nakamit ko ng dahil sa kanya. Iyon ay hinding hindi ko malilimot.

Isang ngiti ng pasasalamat ang iginawad ko sa kalangitan, at bago ko isara ang aking bintana ay nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking paligid.

Nag liliwanag ang aking silid..

At noong humarap ako sa mannequin ni Romualdo ay nakita kong kumikinang ito. kasabay nito ang isang tinig na nag mumula sa itaas. “Top, tanggapin mo ang aking regalo sa iyo. Ang paulit ulit na pag susumamo niya na pag kalooban siya ng buhay upang makasama ka ay isang matagal na proseso at malaking pag tatalo ng mga Diyos, ngunit dahil sa pag determinasyon mo at paniniwala na magiging posible ang imposible ay ibinigay namin ang kanyang kahilingan. Nawa ay mag sama kayo ng walang maligaya at limitasyon.” ang boses ng diwatang si Estelle

Humarap ako kay Rom at dito ay unang kong nakita ang kanyang ngiti..

Pumatak ang luha sa aking mga mata at kasabay noon ang aking pag hakbang patungo sa taong nag bigay sa akin ng dahilan para maging isang mabuting tao na nag tataglay ng pusong hindi mapapantayan ninuman..

At siya si Romualdo…

WAKAS..


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.