FORGOTTEN FEELINGS (BLASNIQUE•ONE-SHOT)
Brictorique · 1 chapter · 4,337 words
FORGOTTEN FEELINGS (BL)
FORGOTTEN FEELINGS
written by Brictorique.
DISCLAIMER: Ano mang pangyayari, bagay, o pangalan na nakasaad sa kwentong ito ay pawang imahinasyon lamang at hindi kinuha sa totoong istorya ng buhay kaya ano pa man ang pagkakahawig na inyong mababasa ay hindi sadya dahil hindi lang naman ikaw ang nagiisang manunulat na may weirdong pagiisip. Maraming salamat.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at pumayag akong makipagkita sa kanya. Ilang taon na din ang nakalipas mula ng lisanin ko ang bandang binuo namin na nuo’y simpleng pangarap lamang dahil sa personal na dahilan at alam ko sobra ko silang nasaktan sa biglaan kong pag iwan sa kanila lalo pa at nasa peak ang banda namin ng paghakot ng recognition bilang young indie artist pero wala eh. Ganuon talaga siguro ang buhay.
Kapag pakiramdam mo okay ang lahat, kaya mo ng makamit ang lahat, na puro saya lang saka ka biglang sasampalin ng katotohanan.
Sa totoo lang hindi ko alam kung tama ba itong desisyon na makipagkita. I mean, hindi ko naman itatanggi na nagkaruon sila ng sama ng luob sa nangyari nuon, tampuhan na siyang humantong sa pagputol ng koneksyon namin sa isa’t-isa na siyang dahilan din kung bakit hindi na ako nagbukas pa ng kahit na anong social media application after kong pumirma ng kontrata under Sir Kean at maglabas ng solo album. Umasa kasi ako na ng mga panahon na iyon kahit papaano magre-reach out sila sa akin at icocongratulate ako pero hindi. Wala sa mga iniisip ko mangyari ang nangyari bagkus tinapatan din nila ang paglabas ko ng album ng single nila bilang grupo. Grupo kung saan wala ako.
Masakit? Oo, syempre pero kinailangan kong lawakan ang pag intindi ko dahil hindi naman sila pwedeng bumitaw nalang din basta ny dahil lang sa pag alis nuon pa na nakikilala na talaga ang banda namin. Ika nga, tuloy lang ang buhay.
Hindi ko alam paano nila nakayanan pero masaya ako dahil sa tingin ko naman ay hindi gaya ko, naging mas maayos sila kesa sa akin.
After kong umalis sa grupo, pakiramdam ko ninety percent ng sarili ko, naiwan sa kanila. Naiwan sa isang tao na siyang tunay na rason ng pag alis ko ng grupo na tanging ako lang ang siyang nakakaalam. Kahit ang mismong mama ko hindi alam ang tungkol duon. Akala niya ng mga panahon na iyon, ang dahilan ng pagpayag ko ay dahil sa mga sinabi niya sa akin, sa mga opportunity na maaari kong makuhanng ako lang mag-isa. Na mas may potensyal ako kesa sa kanila. Kung alam lang niya, siguradong baka dinala niya na ako nuon sa Amerika para duon mag bagong buhay.
Napangisi ako bago nagpakawala ng malalim na buntung-hininga. As if namang may magagawa pa siya sa mga bagay na nakalipas na. Isa pa, nabigay ko naman na sa kanya ang pangarap niya na makapagtapos ako ng kolehiyo kahit na hindi ang pangarap niyang course para sa akin ang kinuha ko. Anong magagawa ko? Para akong na-trauma na humawak na ng kahit anong instrumento matapos lahat ng nangyari nuon.
Kaya nga heto ako at nagtataka, nagdadalawang-isip bakit ako pumayag na makipagkita sa taong siyang tunay na dahilan ng pag alis ko ng banda.
Hindi ko nga rin alam kung seryoso ba siya na gusto niya akong makita dahil siya ’yung sobrang nasaktan ng umalis ako kaya ganuon nalang ang gulat ko ng naka receive ako ng email mula sa kanya at nagtatanong kung maaari ba kita magkita, mag usap. Marahil ay dahil ilang taon na rin ang nakalipas at mga nagsi-mature na rin siguro ay naisipan niyang ayusin ang naging gusto namin nuon na ako naman talaga ang may sala ngunit hindi ko nagawang kailan man na mag reach out sa kanila sa takot na i-reject nila matapos ang mga nangyari kaya kahit papaano ay thankful din ako na gusto niya makipagkita.
Siguro, siguro ito na iyon. Baka ito lang ang kailangan namin, kailangan ko para maka move forward na sa nakaraan.
Nakahinga ako ng maluwag ng pagdating ko ng meeting place ay ako ang nauna sa aming dalawa. Mabuti naman dahil hindi ko alam paano ako kikilos o ano ang unang sasalita ang lalabas sa bibig ko kung siya ang nauna.
Napangiti ako ng malamlam ng tignan ko ang signage ng meeting place namin. Dito nagsimula ang lahat. Parang kailan lang ngunit sariwa pa rin sa akin ’yung pakiramdam.
“Good evening po, Sir.” bati sa akin ng security guard. Sa tansya ko nasa 20s lang siya gaya ko pero mas matanda ako syempre. Halatang nagulat siya sa prisensya ko at nag isip pa kung kokomprontahin ako o hindi, “Hindi ba ikaw ’yung. .”
Ah, naging fan siguro namin ito nuon. Medyo nakakagulat na may nakakakilala pa rin sa akin kahit na wala na ako sa limelight at iba na rin ang physical feature ko. Hindi na gaya nuon na unting ihip lang ng hangin ay matatangay ako.
Hindi ko alam pero kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya dahil may nakakakilala pa rin pala sa akin.
Bago pa ako um-oo sa tanong niya ay may kinuha siya sa parang mini table niya at agad na namukaan iyon.
“Pasensya na kayo, Sir sana okay lang sa inyo. Hindi kasi ako nakaabot sa book signing ninyo ng nakaraan kaya kung ayos lang, baka pwede naman po makakuha ng autograph ninyo.”
Nagulat ako dahil iba pala ang pagkakakilala niya sa akin. Medyo nalungkot ako kasi akala ko may nakakaalala pa sa akin bilang kung sino ako nuon hindi ’yung ngayon pero ayos na din dahil nakaka overwhelm na may lalaki din pala nagbabasa ng gawa ko. Lalaki nga ba talaga? Nangiti ako at kinuha ang ballpen na hawak-hawak niya bago ko sunod na kinuha ang libro na siyang ako ang sumulat.
Walang pagsidlan ng tuwa ’yung security guard matapos kong paunlakan ang hiling niyang autograph. Turns out, fan ko pala talaga siya. Ilang beses na pala siyang bag attempt na makapunta sa mga book signing na inorganize ng company ko pero laging hindi siya nakaka abot sa cut-off. Nakakatawa nga dahil tinandaan daw talaga niya ang mukha ko dahil hindi nga ako pumapayag ng picture taking sa mga readers ko kada book signing dahil sa gusto ko lang. Wala namang meaning behind sa gawi ko na iyon pero for some reason, naging way iyon para dagsain lagi ang book signing ko sa mga exclusive events.
Natawa ako sa isip ko ng makapasok na ako ng resto bar dahil tinuro ako sa isang bakante/reserved table. Hindi ko alam kung bakit niya naisipan pero dahil siguro ’yung table or rather ’yung pwesto na kinuha niya ay siyang paborito naming spot nuon tuwing nandito kami but the other side of me thinks otherwise. Agad akong umiling. Nah, impossible. At saka ilang taon na din ang nakakaraan, kung meron dito na naglihim at hindi naka get over sa sarili niyang kalokohan, ako iyon hindi siya.
Umorder muna ako ng sisig at isang red horse habang wala pa siya sabay kuha sa bulsa ng hinubad kong suit ng isang pakete ng sigarilyo.
Tinupi ko ng bahagya ang long sleeve ko at pinatong sa naka cross legs kong nga binti ang suit ko bago sindihan ang sigarilyong naka ipit sa labi ko.
Napangisi ako. Natawa sa isip ko dahil sa sunod na pamilyar na tugtugin na siyang tinutugtog ng bandang nasa harap ng stage.
Bahagya akong pumikit. Napalunok at pilit na pinipigilan ang unti-unting pagsikip ng dibdib.
Ugh.
Ilang taon na pero bakit ganuon? Hindi ko pa rin kayang pakinggan ang kantang isinulat at kinanta ko ng dahil sa kanya? Dahil ba hanggang ngayon siya pa rin?
Minulat ko ang mga mata ko para sana pigilan ang sarili ko na huwag maluha dahil sa mabigat at pamilyar na pakiramdam na matagal ko ng kinimkimkim pero mali yata ang ginawa ko dahil mas lalo lang nitong pinaalala sa akin ang nakaraan.
Alam ko ’yang mga ngiting ganyan. Tinginang mga ganyan sa pagitan ng main vocalist at ng isa sa kabanda niya. Hindi lang dahil ninanamnam nila ang kanta o dahil ang isa sa kanila ay may tama na dahil sa ininom na alak bago sumabak sa entablado. Hindi.
Alam ko iyan dahil minsang naging ako iyan at siya. Alam ko iyan dahil d’yan ko din napagtanto na ang puso ko, hindi para sa opposite sex pero ganuon pa man, kailan man hindi ko nagawang mahulog sa iba gaya ng sa kanya. Gaya ng sa pagtingin ko sa kanya sa entablado na parang kami lang dalawa.
Patuloy kong hahanapin kahulugan ng pag ibig
at habang buhay na nag iisa, ah
Tayong dalawa’y magkasama sa iisang panaginip at habang buhay na mag iisa, ah
Saglit kong inalis ang sigarilyong nakapagitna sa labi ko para ibuga ang usok na namuo sa bibig ko sabay abot sa red horse na nasa lamesa at umisang lagok.
Ilang taon na ang lumipas pero ang sakit pa rin. Totoo pala talaga ’yung unspoken words. Minsan napapaisip ako, paano kung sinabi ko? Paano kung umamin ako? Baka hindi ganito kasakit. Baka matagal na akong naka move on.
Agad akong napalingon sa gulat ng may humablot sa hawak kong sigarilyo at paglingon ko ay halos hindi na mag function ang utak ko.
“Matagal ko ng natanggap ’yang pagiinom mo ng alak pero ’yang paninigarilyo mo? Ano bang meron d’yan at hindi mo matigil?” inis na sabi nito ng makaupo sa tabi ko. Agad siyang nag manspread pero ang kinabigla ko ay ng iipit niya sa pagitan ng labi niya ang sigarilyo ko.
“Ter!” inis kong sita sa kanya at binalak na agawin iyon kaso kinabig niya ang kamay ko palayo sabay buga ng usok sa kabilang side.
“Kamusta, Nik?” tanong nito sa tono na hindi ko ma-eksplika, ang alam ko lang maraming emosyon ang naglalaro sa tanong niyang ’yon.
“Ayos lang. Ikaw?” tugon ko ng hindi tumitingin sa mga mata niya. Hindi ko kaya. Pakiramdam ko kapag ginawa ko ’yon, baka mahirapan na ako ng tuluyan kalimutan ang mukhang meron siya thou hindi ko naman kinalimutan. Hindi ko kaya. Siya lagi laman ng isip ko mula nuon at hanggang ngayon pero alam kong hanggang duon lang siya pwede. Sa isip ko, dahil sa realidad hindi maaari. Bawal. Mali. Kasalanan.
Mapakla siyang natawa dahil sa naging sagot ko. Hindi niya siguro ineexpect na gaya pa rin ako ng dati. Nagmamaldita este nagsusungit.
“Unique.”
“Blaster.”
This time, tinignan ko na siya kasi para kaming mga batang nagsisimula ng asaran sa way ng pagtawag namin sa pangalan ng isa’t-isa at duon ko palang natitigan ng maayos ang mukha niya. Wala pa ring pinagbago.
Gaya pa rin ng dati. Gwapo. Mukhang mabango. Habulin ng babae. Chick boy.
“Ang tagal na pala talaga,” panimula nito habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Ako naman itong hindi malaman kung bakit hindi ko na magawang alisin ang tingin sa kanya.
“Mm.”
“Hindi ko inakalang may itataba ka pa pala.”
“Tsk,” inirapan ko siya bago muling binalik ang tingin sa kanya, “Syempre natuto na akong alagaan ang sarili ko. Eh ikaw? Wala man lang upgrade? Same old?”
“Same old? Baka maglaway ka kapag nakita mong hinahanap mo,” hamon nito sabay akbay sa akin. Agad akong napalunok at naestatwa sa kinauupuan ko. Heto na naman siya. Heto na naman kami.
“Ter,” sita ko sabay tanggal ng braso niya sa balikat ko kaso useless dahil binalik niya din agad, “Ano ba? Mamaya may makakita sa atin. Hindi ka ba natatakot mamaya may makakilala sa iyo?”
“Nik, ilang taon ng nakalipas. Mukha bang may nakakakilala pa sa atin?” makahulugang sagot nito sa akin. Tumikhim siya bago inabot ang bote ng red horse na hindi pa nangangalahati at nakilagok duon.
“Tanging si Zild nalang ang nasa limelight sa ating apat so I don’t see any problem as to why kailangan pa nating magtago. Nik, it’s been years. Napatawad ka na din namin. Napatawad ka na nila. Mas nauna pa sila kesa sa akin.”
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Bagkus tinuon ko nalang ang atensyon ko sa bandang nagpeperform sa harap para kahit saglit lang bumalik ako sa realidad. Para maalala ko na panandalian lang itong prisensya ni Blaster sa tabi ko at babalik lahat sa dati na ako lang mag isa, na hindi at wala akong aasahan dahil mali.
Kahit papaano ay nawala ang tensyon sa pagitan namin ng hayaan niya ako sa trip kong pananahimik pero hindi rin naman nagtagal iyon dahil nag usap na kami ng matino. Nag usap kami about sa naging buhay namin after naming mawala sa limelight. Buhay college at buhay may trabaho.
Hindi na ako nagulat ng sabihing niyang business administration ang kinuha niya sa college kasi nuon pa naman talaga gusto niya ng magkaruon ng maraming business para more money to hayahay ika nga niya. Thou siya ang nagulat ng malaman niyang hindi related sa passion ko ang kinuha kong course.
Marami pa kaming napag usapan habang maka ilang banda na rin ang tumugtog sa stage na panaka-naka kaming nakiki jam lalo na kapag ’yung mga kapanahunan namin ika nga habang patuloy ang paglaklak namin ng alak. Nakaka dalawang bucket na din kami ng red horse. Kahit ako nagulat sa sarili ko dahil hindi naman ako nakakatagal talaga sa red horse pero sa oras ba ito kinakaya ng katawan ko. Siguro dahil si Blaster naman ang may sagot nitong mga pinagoorder namin.
“Tangina ka, Ter! Sure ka bang kaya mo pa? Mayari ako kay Ate Crystal kapag umuwi kang gumagapang.” paalala ko habang inaayos ’yung pagkakataob ng mga wala ng laman na bote sa bucket. Biglang bumigat ang pakiramdam ko ng banggitin ko ang pangalan ng pinakamamahal niya. Oh, to be Ate Crystal.
Ngumisi siya, “Please, don’t use her to get away from me.”
“Pinapaalalahan lang kita dahil ayaw kong madamay sa galit ni Ate Crystal. Saka paano ’yung kotse mo? Hindi ako marunong mag drive, Ter.”
“Eh di i-uwi mo ako.” biro niya.
“Gago!” naiilang pero namumula kong sita.
“Akala mo namang sa bahay ninyo ako dati umuuwi kapag nalalasing ako. Remember? Tabi pa tayo natutulog.”
“Hoy! Umayos ka nga. Mamaya may makarinig sa pinagsasasabi mo iba pa isipin sa atin.”
“Pakialam ko? Ikaw gusto ko.”
“What?” tama ba ’yung narinig ko o dala lang ng tama namin ito? Probably the latter.
“Namiss talaga kita, Nik.” bulong nito at halos yakapin na ako sa pwesto namin. Buti nalang at dito kami banda sa may likod kaya hindi kami gaanong pansinin but still.
“Namiss din kita, Ter.” patuloy kong hinahaplos ang buhok niya habang pinanunuod ang nagpeperform sa harap habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Hindi na ako umorder pa pagka ubos ko ng huling bote ng red horse kasi knowing him feeling ko talaga lalabas na itong gumagapang ng resto-bar.
Bahagya siyang gumalaw ng kapwa naming makilala ang pamilyar na tugtugin.
“Now that I think about it. Tama nga siguro si Tita. You’re better off without us. Tignan mo pang ilang kanta mo na ’yang tinutugtog samantalang ’yung sa amin twice palang mula ng dumating ako.”
“Ter.”
“So it always makes me wonder, why? Bakit bigla ka nalang tumigil at nawala ng parang bula after you solo debut? Impossibleng dahil lang iyon sa mga pumuna sa atin after mong humiwalay sa amin.”
“Yeah, you could say that.” tama naman kasi siya. I remember kahit si mama nagtampo sa akin sa nangyari but what can I do? Lahat ng mga kantang sinulat at nilabas ko, most of those were all for one person at sa sobrang sakit sa tuwing narerelieve sa akin sa tuwing kinakanta ko siya, I decided to stop.
“I hope you’re okay now.”
“Still working on it.”
“Just tell me if you need my help, Nik because I’m still working on mine too.”
“What do you mean?” nilingon ko siya samantalang umalis naman siya sa pagkakasandal sa balikat ko para kumuha pa ulit ng isang stick ng sigarilyo at sindihan iyon.
“Ter,” sita ko pero this time, hindi ko sinubukang agawin iyon sa kanya. He looks disturbed not sad. Longing but not doubftul.
“Wala na kami ni Crys.”
“Huh?” tama ba narinig ko?
“Matagal na.”
“So, can I stay with you, ’Nik?” he look at me like a lost puppy and who am I to say no? Mamaya may kung ano pang mangyari sa kanya kapag hinayaan ko siyang umuwi mag isa. Mamaya ko nalang iisipin paano kami uuwi ng walang aberya since nag commute lang ako paounta dito at wala akong balak na mag drive pa siya pauwi sa apartment ko. Yes, sa apartment na ako nakatira since nasa ibang bansa naman na ulit si mama kasama ang mga kaibigan niya sa isang long vacation somewhere sa New Jersey.
“Kailan pa?” tanong ko after awhile.
“After mong umalis sa grupo. Hindi ko rin alam paano pero mas nalungkot pa ako ng umalis ka kesa ng nag break kami siguro kasi tayo naman talaga lagi magkasama nuon kesa sa aming dalawa dahil madalas siyang busy.”
Wishing that I’ll be the man that you’ll touch and see I’ll give my love that can’t explain
We will be running in the rain and I will hold your hand
Napalunok ako ng walang ilang niyang hinawakan ang kamay ko at inintertwine sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nasa kanya pa rin pala ’yung singsing na binili namin nuon sa isa sa mga shops sa cubao expo. Akala ko ako lang nag nag keep sa aming dalawa.
“You’re still wearing it too.” sabi niya in a as a matter of fact tone.
“Mm.” hindi ko alam kung tipsy na ba ako pero nakita kong may kinang sa mga mata niya habang nakangiti siya. ’Yung tipong glint of hope type of sparkle sa mga mata niya.
Nah, my brain is just probably playing tricks on me. Mali talagang makipag inuman ka sa taong may feelings ka pa rin because it will make you delusional but on the otherhand, I can use these emotions for my next story.
“Tangina ka, Ter! Sigurado ka ba talagang kaya mo? Baka naman punerarya diretso natin nyan!” sabi ko habang alanganing nakasunod sa kanya. Inaalalayan ko siya habang magkahawak ang kamay naming dalawa. Hindi ko rin alam bakit ang clingy niya kasi kahit naman sabihin na matagal kaming hindi nagkita at nag usap, ang weird pero at the same time nakaka miss ’yung feeling.
“Mm.” tanging sagot niya bago ako pinagbuksan ng pinto ng itim niyang fortuner.
“Sure ka ba talaga kaya mo mag drive?”
“I can drive, Nik.”
Napa buntung-hininga na lamang ako bago niya simulang paandarin yung kotse. Wala pang five minutes mula ng mag drive siya eh bigla niyang inabot ang kaliwang kamay ko at pinagsalikop ng kanya.
Magsasalita palang ako pero naunahan niya. Well, more like kumanta pero grabe ang goosebumps na hatid nu’n sa akin. Iba talaga hagod ng boses niya pero hindi ko inexpect na ang kakantahin niya ay ’yung isa sa mga kantang naisulat ko ng dahil sa kanya.
Yes. Blaster, my mindnight sky.
“You said awhile ago, you’re still working on being better. .”
“. . .”
“. . I wonder, you know. . it’s been years but, was it because of me?”
Unknowingly, para akong tinakasan ng dugo sa out of nowhere pero makahulugan niyang tanong. Never have I ever thought na darating ako sa point ng buhay ko na, finally, Blaster will realise, that he will ask about the real reason why I left and that reason was him.
“You don’t have to answer, Nik. I understand if I’m late. Nuon palang, sa ating apat nila Kuya Badj, ako ang pinaka immature. All I think about was myself and fun times,” he says, I can feel his smirk and it was of disappointment.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong niya but then I realise, maybe this is the time wherein I have to out all of the things na kinimkim at dinala ko na siyang sigurong rason bakit hindi ako makapag move on.
I swallow the lump in my throat at tinuon ang atensyon ko sa labas ng bintana at marahang pinisil ang kamay niya. The feeling, ambiance and the settings are all too familiar. Exactly the night before everything changed rapidly.
“Yes,” I bitterly smiled ng unti-unting pumatak ang ulan sa labas and my chest tightens. It was like the rain wants to remind me na kung meron mang unang dadamay sa akin, ang ulan mismo iyon.
“I’m sor—.”
“Don’t. Hindi mo kasalanan, Ter.”
“You say it wasn’t but if you look at it, if I will look at it now, there’s a part wherein we could’ve, you know. .” isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya, “But I was a coward and kept my distance not knowing it will be your breaking point. Kung alam ko lang, I shouldn’t have run away, I should’ve face it. Hindi para i-keep ang band, no. It could’ve been great, yes if we still keep doing music as a band and get recognize but it was a torture not being able to have someone get you the way how you get me more the way Crys couldn’t. It was a lot, really. I thought lilipas din ’yung feelings na nuon hindi ko maintindihan. I thought it was just separation anxiety because we used to be so close, closer than kuya Badj and Zild but I was proved wrong many, many times.”
Muli akong napalunok. Trying to calm my self down as I try not get ahead of whatevee this conversation is going. Mahirap umasa. Ayaw ko ng ulitin. Baka this time, tuluyan na akong mawalan ng bait but I’ll try to hold on a little longer. I also want to close this chapter of me na with him for my peace na rin and also to his.
“Nik?”
“Mm?”
“Umuwi ka na. Umuwi na tayo.”
Deep inside kinilabutan ako sa sinabi niya dahil alam ko ang kahulugan ng sinabi niya but I decided to push it aside.
“Uuwi naman talaga tayo,” natatawang sagot ko sa kanya, “Kaya bilisa—.”
“Nik, could you please for once stop running away like we both did years ago.” may himig ng inis sa tono ng boses niya bago siya nagpakawala ng malalim na buntung-hininga, bahagya ding humigpit ang hawak niya sa kamay ko, “It’s time we face it. You’re not the only one at lost. Gusto ko ng umuwi. . Sa iyo.”
“Nasasabi mo lang ’yan dahil nakainom ka, Ter. Bukas pag okay ka na, makakalimutan mo din itong mga sinasabi mo gaya ng. . gaya ng kung ano mang meron tayo na parehas natin pilit kinalimutan.” na pilit ko pa ring kinakalimutan kasi wala namang babalik. Walang uuwi gustuhin ko man.
“No, I’m not. Hindi mo ba narealise ’yung mga hints na binibigay ko sa iyo kanina? I didn’t just purse my course just because I want it like before but because I also realise kung may pera akong sapat, I will be able to hold on to the things that reminds you of us. The places we’d went to na pagmamay-ari ko na, Nik, it’s like how you hold on to us subtly with the books that you write. Just like me, you’re still at lost. Looking for your home and that is me. You know we’re both each other’s home.”
Agad akong napalingon sa kanya sa gulat sa sinabi niya. How did he. .?
“Kuya Badj and Zild are fans of the books you write. Sabi nila the first time I ask about the book they’re reading, makaka relate daw ako so I gave it a try and habang binabasa ko ’yung librong nirecommend nila, the more I think of you, us and duon ko narealise how much you really meant to me. That I shouldn’t have ran away but what can I do, sabi mo mga bata pa tayo nu’n but now. .”
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng highway at humarap sa akin.
“I think its time for us to face those feelings we once turned away. Nik, I want us home. Can we go home now?”
Halos huminto ang oras sa paligid. Tanging ang malamlam lang na ilaw na nanggagaling sa poste ng ilaw ang siyang nagbibigay liwanag sa amin sa luob ng sasakyan and before my lips could even utter a word, nauna na ang katawan kong kumilos. I leaned my forehead to his and we listened to each other’s beating hearts, warm breaths and the dizzying forgotten feelings.
“I am already capable of facing realities as long as you hold my hand. You’re more than enough, Nik. Aking tahanan.”
“I hope you won’t regret whatever you’re saying right now because trust me, if you do, you’ll never see me again.”
“No, Nik. That will not happen again. Hindi na muling maliligaw,” nakangising sabi niya bago tumitig sa mga mata ko, “So? Are we gonna come home now?”
Tumango ako habang nakatitig pa rin sa mga mata niyang ako lang ang nakikita.
“Yes, Ter. Hindi na maliligaw. Mundo’y magiging ikaw. “
We both laughed before sealing the chapter of our forgotten feelings that had finally been reciprocated after all these years. I guess, it was really never forgotten. It was just there waiting to be recognise by the person who caused it.
A/N:
Hello there! I’m back after two and a half months prior to my last one-shot. So just to give you guys a bit of a background, alam kong on hiatus ang said band and matagal na rin talaga since nag leave ang isa sa member but I’d been wanting to write something about their (now lubog na) ship for a long time now since kasagsagan palang ng sumisikat sila since may mga napanuod din ako sa youtube about them and I was intrigue to be honest since first time kong makakita ng pinoy indie band na may ship so yeah, but whatever they’re at right now, I’m happy for them.
Again, this is your weirdong manunulat, Brictorique, na nagpapasalamat sa inyong oras sa pagbabasa ng aking likha. Ciao!

