G R I P P E D (NGS #6)
Ineryss · 61 chapters · 217,305 words
Gripped
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author. —- I did some changes and the timeline of this story is quite late. Gonna edit soon!
P R O L O G U E
Gripped
Warning: This is one of my poorly-written old story that might disappoint you. I don’t have time to edit this so read at your own risk. I’ll do some changes once I’m not busy anymore! Thank you.
————
Tame
“Grabe ’no… Binasted pala ng pinsan mong si Zera si Trey? Eh ’di ba at kalat na kalat sa school na baliw na baliw siya sa kanya? Gosh!” ani Lexy in a very oa way lalo na’t nagrolled eyes pa siya.
“Oo nga… I really thought Zera was serious with her feelings for him! Knowing Trey, one of the hottest guys in this school… Sino bang aayaw sa kanya? Tapos binasted lang ni Zera!” si Kiera.
“Iba talaga pag mga Delafuente. They always get what they want… and dump them like they’re just toys,” si Penny, who’s talking bullshit like I am not a Delafuente.
Gusto ko nang umirap habang narito kami sa cafeteria, at bukambibig na naman nila ang kumakalat na balita sa unang pagpasok ng Enero, na binasted ng pinsan ko si Trey.
Naguguluhan rin naman ako kung bakit iyon ginawa ni Zera. She didn’t share anything to me kaya wala talaga akong alam na nagkakamabutihan na pala sila at nanligaw na pala! Where did my brain go?! Or I mean… bakit may ibang mundo sila at hindi napapadpad sa mundong binubuo ko!
“Brielle?” Lexy snapped her fingers in front of me, ang singkit na mga mata ay agaw pansin.
Kumurap ako at napagtantong nag space out saglit. Ngumiti ako sa kanila ng matamis.
“Yes? Ano nga ’yon?” tanong ko, lalo na’t di ko naintindihan ang tanong niya kanina.
“We’re asking you if ganoon ka rin ba… Like… nambabasted ka rin ba ng mga hot na boys?” si Lexy na masyadong nacucurious.
“Knowing Zera, she’s a badass Delafuente. Your cousins are well known as playboys, too. Eh ’di ba si Nana nalink din siya sa isang sikat na singer named Aries Sebastian! Imposibleng ikaw… ni isa…” Naninimbang na agad ang tingin ni Kiera sa akin habang sinusuklay ang medium length niyang buhok.
The thing about being one of the Delafuentes—one of the most influential and wealthy clans in Asia—is that it’s a big deal, and the people expect me to act like one. To dress like one.
I also have the blood of the Fortalejos—famous and westernized, and they wanted me to have those qualities as well.
To act like one—such as becoming a hustler among boys, just like how my cousins are well known for being playboys and my girl cousins for dumping the hottest men in this school.
And to dress like one—just like how Zera and Cassey would come to school as if there were a runway. Ganoon sila. Magarbo at kapansin-pansin manamit.
My style is in between Nana and Zera. Simple yet comfortable. As a Delafuente and a Fortalejo, they expect me to act more than myself.
Why are they so nosy?! Sobra akong napepressured and I don’t want them to feel like I’m an outcast in our clan! Anong sasabihin ko? I’m sorry guys but I am still virgin and ako lang ang walang karanasan sa boys. I’m sorry because I am plain and boring!’
Like no way! Mawawalan ako ng friends if I did that. Or they might hate me at baka isipin nilang ampon lamang ako o sampid sa mga Delafuente dahil ako itong naiiba sa lahat.
Ako ang ikalawang pinaka batang Delafuente sa mga babae kong pinsan. Ang pinaka batang babae ay nasa Canada, si Brandy, na wala rito. Si Zera ang ikatlo, ang bratty kong pinsan na habulin ng mga boys at super popular and lastly si Nana, the innocent Delafuente.
For me, nasa gitna ako ni Zera at Nana. I can relate to Nana’s innocence, but I can relate to Zera sometimes too. I just know how to blend well with the people around me, like Zera.
I am the combination of my Mom, Ellie Klaire Fortalejo Delafuente, and Daddy, Tayden Delafuente. Mommy was once a model in America, while my father doesn’t like showbiz at all. Sa side ng mga Fortalejos ang exposed sa showbiz at sa side ni Daddy ay more on career—graduated in Latin honors, and wellknown as the business tycoon in the business industry.
To sum it up, I have both of their blood. People expect me to become like the Fortalejos and Delafuente in one frame. I have the quality of my other Fortalejo cousins lalo na’t friendly ako, approachable at maraming friends, just like Cassey and Chey. The only problem is that I am really ignorant about boys because I wasn’t raised Westernized like my Fortalejo cousins! My parents are old-fashioned.
Pero bakit bigla bigla akong nasasali sa pagiging notorious playboys ng mga pinsan kong boys at pagiging expert ng mga pinsan kong girls sa mga lalake? Bakit ako nasasali? Hindi ba pwedeng unique ako? Nasa gitna? Hindi ba pwede ang ganoon?
“Hindi ka marunong mang-akit ’no?!” si Penny na lumakas ang boses sa cafeteria, kulang nalang iannounce na iyon.
Nagtawanan agad silang tatlo, like I am such a loser Delafuente, na ako itong blacksheep sa angkan namin. No way!
“Marunong ako ’no! Ako pa… I am a Delafuente and a Fortalejo. Nasa dugo namin ang pagiging hardcore when it comes to flirting and getting the boys easily…” I flipped my hair at ngumiti ng mayabang.
They looked at each other meaningfully. Nag-aangat ng kilay si Kiera.
“Oo naman, Brielle… You are good at it eh Delafuente ka. So… You mean… Naranasan mo naring mambasted or mang-akit ng boys?” si Kiera na sobrang lapit na ng mukha sa akin, seryosong seryoso sa kanyang tanong.
Nalaglag ang aking tingin sa pagkain at tumango ng walang pag-aalinlangan.
“Yes, of course… When I was in highschool, nakailang basted ako sa mga sikat na lalake sa school and may iba pa nga na pinag-aawayan ako.” Ginalaw ko ang aking pagkain at hindi na tiningnan ang kanilang mga mata habang gumagawa ng kasinungalingan.
“Wow… Really? Eh ’di ba at ang strict ng mga Kuya mo?” Isinabit ni Lexy ang tumakas na hibla ng buhok niyang may pagka kulot sa gilid ng kanyang tainga, masyado nang naeexcite sa kanyang upuan dahil humilig narin palapit sa akin.
“Nope… Not really. I’m spoiled ah! Nasusunod lagi ang gusto ko. Plus hindi naman totoo na masyado silang possessive sa akin kaya naglalayuan ang mga boys, ang totoo niyan ay nabasted na talaga kaya takot na at walang guts lumapit sa akin…”
Sabi pa naman nila ang mga sinungaling ay hindi kayang tumitig sa mga mata kaya dapat ay dalasan ko ang paninitig. Confident dapat ako since I am a Delafuente, natural na dapat iyon sa akin!
Kuminang ang kanilang mga mata. Sumubo ako at umaktong natural lamang ang lahat kahit deep inside ay gusto ko na talagang magwalk-out nalang.
“So mas malala ka pa pala kay Zera?” Nalaglag ang panga ni Lexy.
“No way… Zera’s alluring beauty and intimidating aura is very far from you. Like no offense, sa lahat ng Delafuente, si Zera ang pinakagusto ko since she’s very savage and she’s such a badass. Eh ikaw…” si Kiera na iyon, ang inggeterang ito!
I smiled at her. “Mas malala ako kay Zera when it comes to handling with boys believe me, Kiera… I just don’t show it pero magkatulad lang kaming lahat na mga Delafuente. Eh si Nana nga she’s very friendly too pero tingnan niyo… she got link with a famous singer… Ako pa kaya? Sadyang wala pa talaga akong interes ngayon na lumandi since the boys here are really boring but soon, pag may nakita akong interesting ay aakitin ko agad. Wala pang five seconds, mababaliw na iyon sa akin!” I smirked.
Pumalakpak si Penny, si Lexy ay napangiti narin unlike Kiera who’s not convince.
“I can tame all the boys using my smile, I assure you! Kahit pa mga badboys ’yan…” sigurado kong bigkas, ang boses ay umaabot na ata sa kabilang table dahil naglilingunan na ang iilan.
“Stop doubting her, Kiera! I’m sure matinik din si Brielle sa mga boys like Zera. Baka nga she’s very badass eh…” ani Lexy na tinapik pa ang aming inggeterang kaibigan.
“Alright… But Brielle needs to prove it to us first… I want to see her tame someone who’s such a badboy…” Ngumisi si Kiera sa akin.
Ngumisi rin ako in a very sweet way.
“Of course… Kahit bilangan mo pa ako, Kiera. Five seconds,” pagmamayabang ko.
“Deal! Let’s find someone you’re going to tame this Summer!”
Huh? Summer? Eh bawal akong gumala gala mag-isa! No! Papalpak ito pag kasama ko sina Kuya!
Really, Elle? Pinagmamayabang mo pang hindi possessive pero ngayon problemado kana agad dahil naalala mong may curfew ka pala!
“Uhm… Summer talaga?” Natawa ako, halos maubo.
Tumango si Kiera. “Oo. You’re already a college student. You are not a kid anymore. Besides, spoiled ka naman ’di ba. They won’t say no to you,” nanghahamon na ang boses na iyon.
Natriggered naman agad ako kaya tumango ako, walang pag-aalinlangan ulit.
“Yes, right… Summer then…”
Iyon na ang nagpa occupy ng aking utak nang matapos ang breaktime at pumasok na ako sa next subject ko. Naroon na si Zera, nakatingin sa labas ng bintana.
Pumwesto ako sa likuran niya at kinalabit siya. Lumingon siya sa akin at medyo irita dahil nadisturbo ko ang pagmomoment niya sa bintana.
“Pumunta kaya tayong Cebu this Summer?”
Iyon nalang talaga ang gusto ko, ang umalis kami sa ibang lugar nang may alibi ako sa kanila na nabusy kami kakatravel ng mga pinsan ko.
Hindi siya kumibo at ibinalik ang tingin sa bintana, malayo ulit ang tingin.
Sumimangot ako. Apektado pa rin kaya siya sa issue na ibinibintang sa kanya? That she’s the mastermind behind that big scandal in our school? Last year lang iyon eh, noong Intrams.
Now I’m regretting why I said yes to Kiera’s hamon!
And Jesus, Elle! Paano ka mang-aakit aber? Do you even know how to flirt?! Yuck! Hindi naman ako malandi! Hindi ako marunong lumandi! For me, ako dapat ang hinahabol. Pero bakit parang mas bigdeal na kaming mga Delafuente itong nang-aakit? Just because my cousins are good at dumping girls, including Zera who just dumped Trey, ay ganoon narin dapat ako! Ano iyon, virus?!
Ugh… What should I do? Saan ako magpapaturo? Kay Ken? Gosh. Baka maruruming bagay na ang malaman ko! Yuck. No way!
Akala ko naman pag-aaral ko lang ang proproblemahin ko this college. Hindi ko alam pati lalake pala?! But no. I am a Delafuente. This is my cousin’s field of expertise, and I will show them that I can tame a bad boy.
1st Gripped
Legal Age
“Mag Bar kaya tayo tuwing gabi? Total legal age na ako. Pwede na akong gumala gala…” sabi ko kay Zera, nang maalala kong magkatabi pala kami.
“Akala mo naman papayag si Tito. At boring doon,” sagot niya at halos tamarin pa sa pakikipag-usap sa akin.
Papayag si Daddy ’no! Sabi nila pwede na ako magpagabi pag nasa legal age na ako! And I want to experience some night life, too! Naiinggit ako kay Zera kasi ang lakas ng loob niyang tumakas kahit hindi siya pinapayagan. Hindi ba siya takot mapagalitan ni Tito? Eh ako… takot akong mapagalitan ako ni Daddy.
Pero ang tamlay talaga ni Zera. Humalukipkip ako sa sofa at nag-isip nalang ng pwedeng pagkaabalahan.
“Eh iyong Cebu? Tuloy ba iyon? Kuya Hiro agreed…”
Nagkibit lang siya. Ngumuso ako at nahulog ang tingin sa pagkain sa center table. Hmm… How about tomorrow?
“Tomorrow? Magmall kaya tayo,” suhestyon ko.
“May lakad kami ni Irah.”
Oh… So… So hindi ako kasama?
“Kayo lang?”
Tumango siya at kinagatan ang pizza.
“Isama niyo nalang ako. Wala akong gagawin…” Sumimangot ako sa kanyang tabi.
“And what’s the purpose of your friends?” sarkastiko ang boses na iyon, tila may ideya agad siya.
Bumuntong ako ng hininga. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at kinagatan iyon ng tahimik.
“I don’t really get why you’re keeping them as your friends,” she rolled her eyes.
Well, the fun? I mean sometimes they’re toxic but they’re fun? And I can’t relate to her and Irah!
Bumaba naman si Kuya Hiro, bagong paligo lalo na’t kinukusot niya ang kanyang basang buhok, suot ang sleeveless shirt at shorts saka siya nagtungo rito.
“Hi Kuya…” Ngumiti ako sa kanya.
Tumango siya at tinabihan ako sabay kuha ng pizza.
“May lakad kayong dalawa?” tanong niya.
Umiling ako at ngumuso, tinitingnan ang malaking kagat ng kanyang pizza nang isubo niya ito.
“Meron,” si Zera ang sumagot na ikinagulat ko.
“May lakad tayo?!” excited kong tanong.
“No. I’m with someone…” ani Zera at hinaplos ang kanyang buhok.
Napawi ang excitement sa aking boses. Si Kuya Hiro naman ay bumagal ang pagnguya at tumitig ng makahulugan sa kanyang kapatid.
Hindi ako masyadong nagtagal sa bahay nila Zera at umuwi rin naman ako. Nakatanggap agad ako ng mensahe galing kay Kiera.
Kiera:
Tomorrow is Saturday. Manonood kami ng drag race. You want to come with us?
Drag race? May sumunod ulit na panibagong text kaya naging maliit ang aking mga hakbang hanggang sa huminto ako sa side ng subdivision na nilalakaran ko pauwi sa bahay para basahin iyon.
Kiera:
And I want you to seduce someone… Napaka badboy kasi noon.
Kinagat ko ang aking labi. Nagtipa ako.
Ako:
I’m in.
Napakapalaban mo naman, Elle! Saan ka humuhugot ng tapang mo? Baka pwede kana ring magsundalo niyan ah! Pwede kanang pumasok sa militar at ipaglaban ang West Philippine Sea sa sobrang katapangan mo!
Naglakad ulit ako nang may biglang umakbay sa akin. Nang nilingon ko ito ay si Ken pala. Nakajersey na itim, sleeveless shirt, sapatos at pawisan.
“Yuck! Pawisan ka!” Itinulak ko siya ng kaonti kaso humalakhak siya at ginulo ang aking buhok.
“Nagjogging ako eh. Saan ka galing?” Yumuko siya at hinipan ang loob ng kanyang suot na sleeveless shirt.
“Sa bahay nila Zera…”
“Oh, sa bahay ng mga maharlika.” Humalakhak siya.
Ngumiwi ako. Bakit ba kahit ang pagtawa niya parang nakikipagflirt lang?
Speaking of flirt…
Bumagal ang aking paglalakad ganoon din siya, sumasabay lamang sa akin.
“I have a question Ken. I am just curious…”
“Hmm? What is it?” Pinunasan niya ang pawis sa kanyang leeg.
“How do you flirt with girls? Bakit habulin ka? Ginagayuma mo sila ’no?” Tinuro ko ang kanyang mukha.
Humagalpak agad si Ken. Sumimangot naman ako.
“What? Hindi ko sila ginagayuma. Sila ang nagagayuma sa kagwapuhan ko at niluluhuran ako,” sabay suklay paatras ng kanyang buhok.
Ang yabang naman! Is that even true?! Oo gwapo naman ang mga pinsan ko pero sapat na ba ang kagwapuhan ng lalake para mabaliw ang isang babae at maghabol?
“I don’t get it.” Humalukipkip ako, napagod na sa kakatingala sa kanyang katangkaran kaya mas nagfocus nalang sa daan.
“Hindi gets ang alin?”
“Ikaw. Hindi kita magets,” sabi ko na ikinangiwi niya.
“Ang dali lang intindihin noong sinabi ko ah. Ikaw ang mahirap magets, Elle.” Humalakhak siya.
Sumimangot ako at umirap. Mahirap talaga siyang intindihin! Hindi naman ganoon kadali maakit ang mga girls! Katulad ko, hindi ako ganoon kadali maakit sa lalake kasi hanggang ngayon ay wala parin akong nagugustuhan talaga unlike sa mga boys na pag maganda lang ay gusto na agad nila. Na pag malaki lang ang dibdib ay pasok na agad sa standards nila, na pwede na agad ligawan kasi nga, may big boobs. Eh ang girls? Mapili kami. Attitude matters! Ayoko sa suplado, sa badboy, sa masama ang ugali! I want someone like my father and my Kuya’s. Iyong may mga pleasing personalities. Iyong hindi lang looks kundi maganda rin ang ugali.
“So ganito nalang. Paano ka nang-aakit ng girls?” tanong ko, pasimple nalang iyong nililiko.
Ken was fixing his messy hair, na ginulo niya kanina at inayos niya lang rin ngayon. So weird!
“Hmm… Paano ba?” Pinisil niya ang pulang pang-ibabang labi.
Tumagal din ang paninitig ko sa kanya.
“Ngumingiti lang naman ako. Nag ha ‘hi’ at boom. We’re already kissing…”
Huh?! What the heck?! Kiss?! That is so dirty and disgusting! I mean why would you let someone touch your lips with someone’s lips! And yuck! May laway pa iyon! Kadiri! I can’t imagine myself kissing! Ako lang ba ang hindi kinikilig sa mga ganoon? Palagi kong iniisip kung nagtoothbrush na ba sila? Kung ano ang huling kinain? Kung hindi ba yellowish ang teeth.
“Yuck…” I muttered with my thoughts.
“Anong yuck? Kissing is fun, Elle!” Kinurot niya ang aking pisngi. “You can say all the words the lips can’t tell through kissing.”
“Anong klaseng words ba ’yon? Alien language?” Nasira ng husto ang aking ekspresyon.
Humagalpak siya. “Ano ba ’yang pumapasok sa mga isip mo? Ba’t ang layo?”
What? I make sense naman ah! Kissing on the lips is dirty! End of topic.
“Ewan ko talaga sa’yo. You need to avoid talking with your brothers you know… They’re bad influence. Kung saan saan lumilipad ang isip mo. You’re always high!”
“Mas bad influence ka kaya! You’re talking about kiss. Eh hindi nga nagtatopic ng ganyan ang mga Kuya ko…”
“Of course… Virgins can’t relate.” Kinindatan niya ako.
Umismid ako sa kanya.
Hinatid niya ako sa bahay. Kapwa kami pumasok sa loob. I’m sure makikikain lang iyan at pag busog na ay aalis din.
Pagkapasok namin ay nadatnan ko ang mga kapatid ko sa sala, si Kuya Red sa may countertop na may kung anong kinakain, at si Kuya Blue sa sofa na nanonood ng news?
Dumeritso ako sa kanya at tumabi. Si Ken naman ay doon dumeritso sa pagkain, kay Kuya Red.
“Kuya. Tuloy ba ’yung Cebu?”
Inakbayan niya ako at ginulo ang aking buhok. Sumimangot ako saka iyon inayos.
“Bakit atat kang magbakasyon sa ibang lugar? May ginawa kang kalokohan ’no?” Umangat ang kilay niya sa akin.
Umawang ang aking bibig at sasagot na sana nang pumaibabaw ang boses ni Ken.
“Ang bunso niyo nagtatanong sa akin kung paano ako nang-aakit ng girls,” si Ken na may kagat nang slice of pizza.
Namilog ang aking mga mata. Natigilan ang mga Kuya ko, na kahit ang makapal na kilay ni Kuya Blue ay nagkasalubong na.
God, Ken! Your mouth is really a troublemaker!
“Bakit ka nagtatanong ng mga ganyang bagay? Are you interested with girls too, Elle?” Kuya Red asked me softly.
Nalaglag naman agad ang aking panga. Nauubo namang inabot ni Ken ang tubig at mukhang nasamid. Humagalpak si Kuya Blue.
“H-Hindi ’no!”
“Tangina ka, Red. Hindi ba pwedeng sa opposite guy? She’s already curious, man! Ang problema kasi sa inyong dalawa, akala niyo baby pa. She’s already a college student! Ain’t a baby anymore,” si Ken.
“Shut up, asshole. We are protecting her from boys like you,” ani Kuya Blue.
Ilang sandali pa silang nagbatuhan ng kung ano ano. Kulang nalang tumayo si Kuya Blue at i headlock siya.
“Ba’t ka nacucurious sa ganoon?” si Kuya Blue nang ibalik ang atensyon sa akin.
“Hindi naman ako curious! Nagtanong lang ako pero hindi naman ako curious na malaman iyon!” giit ko at halos sumimangot.
“Kaya ka nga nagtatanong kasi curious ka,” ani Kuya Blue, nakaangat na naman ang isang kilay.
“Sino ba ’yang nagugustuhan mo?” Pinindot niya ang pisngi ko.
“W-Wala, Kuya!”
Mas lumawak ang ngisi niya at nanunuya pa iyon sa kanyang labi, naglalaro na marahil sa kanyang utak na meron talaga.
“Masyado kang guilty…” Itinuro niya ang mukha ko.
“Eh pinapaguilty mo ako!”
“Because you are guilty kaya ka naguguilty.”
“Wow logic. This house is full of weird people.” Humagalpak si Ken sa countertop.
Nilingon ko siya roon. Siya nalang ang kumakain lalo na’t busy na si Kuya Red at tila may ginagawa na dahil sa tumutunog na blender.
Ibinalik ko ang tingin kay Kuya Blue.
“Wala nga akong gusto. Curious lang ako sa pinaggagawa ni Ken. He’s not that goodlooking pero bakit siya hinahabol ng girls.” Nagkibit ako.
“Ouch, Elle! Of all girls… ikaw pa talaga ang magsasabi eh magkadugo naman sana tayo! You hurt my feelings!” Madrama niyang sambit doon.
Umirap ako sa kawalan. Nilingon siya ni Kuya at nginisihan.
“Elle sees you as an ugly monkey.”
“Fuck you, Blue. Shut-up!”
Humalakhak si Kuya Blue at hinawakan ang buhok. Bumaling siyang muli sa akin.
“May crush kana?” Naging seryoso ulit ang kanyang boses.
“Kuya naman! Wala!” Tatayo na sana ako sa sobrang inis nang hinila niya ulit ako paupo.
“Eh ba’t ka nagagalit? Nagtatanong lang ako kasi wala akong alam.” Tumawa siya.
“Sa akin ka magpaturo, Elle. If you want to seduce someone then you can count on me. Wala pang limang sigundo…” Nanunuya na ang boses ni Ken.
Bumuga ako ng hangin. Sumunod naman ang lagapak doon sa countertop at ang pagdaing ni Ken na tila nagrereklamo nang masakit at mukhang sinapak ni Kuya Red.
Ininat ni Kuya ang aking pisngi. Mabilis kong hinawi ang kanyang kamay at bumusangot. Tumawa siya.
“Kawawang baby naman ’to…”
God! I am not a baby anymore! Nor a minor! Dalaga na ako!
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang presensya ni Kuya Red sa aking likuran, sa likod ng sofa. Tiningala ko siya lalo na’t ginawan niya ako ng shake.
“Thanks, Kuya…”
“Stop teasing her.” Pinalo ni Kuya Red ang balikat ni Kuya Blue.
Ngumisi sa kanya si Kuya saka ako tiningnan na nasa shake na ang buo kong atensyon.
Umupo si Kuya Blue sa may balikat ng sofa. Kahit si Ken ay nagtungo narin dito, may platong dala at bundok na pagkain na ang naroon.
“Dalaga na kasi iyang si Elle. Stop caging her, man… Bahala kayo… Kakababy niyo riyan magkababy agad ’yan.” Ngumisi si Ken habang matalim na ang tingin sa kanya ng dalawa kong Kuya.
“Iluwa mo nga ’yang kinakain mo,” si Kuya Blue.
Tumawa si Ken. Dinilaan ko naman ang gilid ng aking labi dahil sa napuntang shake doon.
Kumalma muli ang ekspresyon ni Kuya Blue at bumaling sa akin.
“Who is it?” seryoso niyang tanong.
Sumimangot na talaga ako. Nilingon ko rin si Kuya Red at ganoon rin ang kanyang ekspresyon, but more softer unlike Kuya Blue.
“Wala, Kuya…” sabi ko sa kanya.
Tumango si Kuya Red sa akin at tiningnan si Kuya Blue.
“Wala raw. At kung meron man, hayaan mo na total normal lang naman ang crush,” si Kuya Red.
Tumawa si Ken. “Man! Walang normal sa inyo!”
“Lumayas kana nga rito!” Pananaboy ni Kuya Blue sa maingay na si Ken.
Umatras agad ito lalo na’t nag-amba pa si Kuya Blue na tatapunan na siya ng soft pillow. Mabilis siyang lumabas, dala dala ang aming plate!
“Eh ba’t ka nagtatanong ng mga ganyan kay Ken?”
Bumalik ang tingin ko kay Kuya Blue at naiwala ang aking atensyon sa paglabas ni Ken.
“Bigla lang iyong nag pop out sa utak ko, Kuya. There’s nothing to bigdeal! Wala bang nagpapop out bigla sa mga utak niyo?” Nilingon ko sila isa isa.
Napaisip naman agad si Kuya Red. Si Kuya Blue ay lumambot na rin ang ekspresyon at pinisil ang labi.
“Hmm… Kahit anu-ano lang rin naman,” aniya.
“See?! Ganoon din sa utak ko. May mga naiisip lang ako bigla kahit hindi ko naman iniisip talaga!”
“Eh ba’t mo naisip kung hindi mo naman pala iniisip?” tanong ni Kuya Red.
“Oo nga?” si Kuya Blue.
Nag-isip narin ako. Akma pa sanang kukunin ni Kuya Blue ang aking shake nang tinampal ni Kuya Red ang kanyang kamay.
“Para ’yan sa kanya.”
Well… Hindi ko naman pwedeng sabihin na naisip ko iyon kasi may gusto akong iseduce. Baka magulat sila at baka kung anu-ano nang pumasok diyan sa utak nila.
Bumuntong ng hininga si Kuya Blue.
“But you’re already on your legal age. And liking someone is normal, Brielle,” ani Kuya Blue sa kalmadong tono ng boses.
Dumaosdos na si Kuya Red at tuluyang tumabi sa akin. Dahan dahan akong uminom ng shake.
“But be responsible for your feelings. Huwag padalos dalos,” si Kuya Red na inakbayan ako.
“Hmm… hindi siya ang mag-aadjust, Blue. Ang lalake ang huwag magpadalos dalos sa kanya. We can fight,” ngisi ni Kuya Blue sa nanghahamong tinig.
Sa gabing iyon ay nagtext ulit si Kiera. Napairap ako habang nakahiga na.
Kiera:
Let’s meet tomorrow at 6PM. I’m sure pwede kanang lumabas since legal age kana, right? Ikaw pa. You’re spoiled.
I can see her annoying face smirking at me. At ba’t ako magpapatalo?
Ako: Yes, of course. Kahit hanggang alas dyez pa iyan.
Kaya umaga palang, nagpaalam na agad ako.
“Hindi pwede. Gabing gabi na ’yon,” ani Daddy na ikinalaglag ng aking panga.
What?
“Daddy gabi naman talaga ang 10 PM! Hindi ko naman sinabi na umaga-”
“Hindi. Hindi ka pwede sa ganoong oras, Brielle,” putol niya agad habang nagbabasa siya ng kung anong libro dito sa patio while having his coffee.
Tumayo ako at iniusog ang aking upuan sa mismong tabi niya. Umupo akong muli roon at niyakap siya sa gilid. Hinalikan niya ang aking noo.
“Daddy please… You told me pwede na akong magpagabi pag legal age na ako! You promise!” Sumimangot ako at tiningala siya.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin sa akin, pilit pinapanindigan ang seryosong mukha at ayaw matablan.
“Twenty-two kana ba?”
Namilog agad ang aking mga mata. “But I’m almost there! College na nga ako!”
“Almost. But not yet. Wait until you’re twenty-two,” kalmado niyang sabi at inilipat ang page.
Nadismayado ako ng husto. No… I already said yes to Kiera! At ayokong sabihin noon na hanggang salita lang ako! Sa aking inis ay tumayo ako at iniwan si Daddy roon. Tatakas talaga ako mamaya.
Nakasalubong ko si Mommy sa hagdan. Ngumiti agad siya sa akin, kakagising palang at nakaroba pa habang magulo ang buhok.
“Good morning sweetheart…”
“Good morning, My. Daddy is so unfair!” sabi ko at nilagpasan siya.
Padabog akong nagtungo sa aking kuwarto. I can’t believe this! Gusto ko nang lumabas labas!
Nagbeep ang aking cellphone at nakita roon ang text ni Penny. Binuksan ko iyon.
Penny:
Kiera told me you’re coming with us. Omg! You’re really free now!
Hindi ko pa lang iyon narereplayan ay sumunod na ang text ni Lexy.
Lexy:
At last, hindi kana pinagbabawalan! See you later, Brielle!
At sumunod ang text ni Kiera.
Kiera:
I’m sure papayag parents mo pero kung hindi ay tumakas ka nalang. Si Zera nga nakikita ko sometimes sa mga Bar and I’m sure tumatakas rin ang pinsan mo. Do it, Brielle. ;)
I sighed heavily. Tatakas talaga ako mamaya. Nakakaya nga ni Zera kaya siguradong ako, kaya ko rin!
Nagtipa ako.
Ako:
Nasa legal age na ako. I’ll seriously do it.
2nd Gripped
Devilish Stare
May kumatok sa kwarto. Mabilis kong hinila ang kumot at nagtalukbong.
“Elle?”
I heard Kuya Red’s soft voice. Hindi ako kumibo at pinanindigang tulog.
Nakarinig ako ng footsteps. Pumasok na siya lalo na’t papalit iyon nang papalapit.
“Iiwan ko rito sa gilid ang breakfast mo.”
Narinig ko ang paglalapag niya noon. Ngumuso ako.
“Thanks, Kuya…”
“Sinabi ni Dad na nagpaalam ka raw umalis until 10PM?”
Sumilip ako sa kumot, hindi na napanindigan ang gusto. Nakita ko siyang nakatayo at nakapamulsa sa kanyang suot na khaki shorts.
Tumango ako, tanging mga mata lang ang pinapakita sa kumot.
“Saan ka pupunta? Hindi ka naman mahilig lumabas sa mga ganyang oras.” Kumunot ang noo niya.
“Sa labas…”
“Saang labas?”
“Basta sa labas lang.” Nag-iwas ako ng tingin.
“Sa labas ka lang naman pala eh ba’t hanggang 10PM? Lalamukin ka sa labas niyan.”
Kinagat ko ang aking labi. This conversation is so nakakabobo! Bahala sila. Lalabas ako mamaya at hindi ako magpapaawat.
“Lumabas kana, Kuya.” Nagtalukbong ulit ako ng kumot.
Bumuntong siya ng hininga.
“Sabihan mo ako kung saan ka mamaya nang masamahan kita.”
What? No! Gusto kong ako lang mag-isa! Ayokong sinasamahan ako. Ayokong may bumubuntot sa akin at pagbabawalan ako sa mga ginagawa ko! Bakit ba ang higpit higpit nila? Eh si Zera nga nagagawa naman lahat ng kanyang gusto! Dapat ako, ganoon din! Gagawin ko rin lahat ng gusto ko.
Kinain ko ang breakfast kong fried egg, bacon and fried rice with my milk. I think si Kuya Kaizen ang nagtimpla nito since siya naman ang sobrang hilig na binibaby ako. And he’s more softer than Kuya Blue. Ang hirap rin kasing tansyahin ni Kuya minsan. Mas maluwag pa si Kuya Red compared to him who’s quite strict.
Hindi ako lumabas ng kwarto ko. Naroon lang ako sa loob, nagmomovie marathon ng kung anu-ano sa aking laptop.
Naka tatlong movie ako. Mga recommendation lang naman iyon sa youtube na sinubukan kong panoorin. Medyo nakakagulat lang iyong huling napanood ko na Crush. I can’t do that to seduce someone! Hindi na ako ganoon kabaliw para gayahin ang babaeng iyon! She’s creepy!
Mga bandang twelve ng hapon ay may kumatok muli sa aking kuwarto. Bumukas iyon. Hindi ako lumingon at tumitig lang sa laptop.
Sumipol si Kuya Blue.
“Nagtatampo ka raw kay Daddy?” Nagtungo siya sa aking gawi, dala dala ang tray and probably my lunch.
Hindi ako umimik at nagpatuloy sa paghahanap ng susunod na panonoorin.
Nalanghap ko agad ang pabango ni Kuya Blue nang tuluyan siyang makalapit sa aking gawi. Inilapag niya iyon sa bedside table at kinuha ang tray kanina na naubos ko na ang laman.
“Ano ’yang pinapanood mo? Patingin nga.” Tumagilid pa ang kanyang ulo para lang masilip iyon.
Ipinaharap ko sa kanya ang aking laptop.
“It’s suitable for my age, okay!”
Tumawa si Kuya Blue. “Chill, baby. Ano ka ba? Si Daddy ang kaaway mo hindi ako.”
Umirap ako at iniharap muli ang laptop sa akin. Kuya smirked at me. Nakikita ko iyon sa gilid ng aking mga mata.
“Tayo nalang dalawa ang lumabas. Ipagsh-shopping kita. My treat…”
Umirap akong muli. “Lumabas kana, Kuya. Manonood pa ako.”
“Ang sungit ah? May period ka siguro…” Nailing na lamang ito at naglakad narin paalis.
Tuluyan rin namang lumabas si Kuya. Nilingon ko ang iniwan niyang lunch ko. It’s a pancake with orange juice on the side. Ibinalik ko ulit ang tingin sa aking laptop at naisip na magresearch about seducing someone.
Mabilis akong nagtipa roon.
“How to… flirt…” Tinipa ko iyon at may nagsilabasan agad na mga recommended ni Google.
Gosh! Too much for having a strict parents and brothers!
Cinlick ko iyong una na how to flirt like a pro hanggang lumabas agad ang maraming videos. Namili nalang ako ng most watched at iyong may ten million views.
Hmm… The title is quite interesting too like you’ll never flirt the same after watching this. Talaga lang ha!
Nagsimula iyon sa isang babae na parang nagbabalita lang or talk show at may kasama siyang lalake na naka suit.
“Smiling and eye contact do appear to be universal method used by men and women to to convey romantic interest…”
Ah? So you just need to smile and do more eye contact to show him that you’re interested! In that way ay makakapasa kana raw ng signal at maaattract so you really need to smile alot and dapat with confidence.
So I just need to be confident, smile and more eye contact! Iyon lang naman pala, eh! I’ll try this later.
“You have to appear inviting and confident!”
Huh? What does she mean by inviting? Like I’m game? Ganoon? Oh… kay?
May mga sinuggest din silang ways of touching someone to attract men.
So may shoulder push, shoulder tap or shandshake. Huh? Nakakaattract pala iyong itulak ang balikat ng lalake? Hindi ba iyon offending? Maybe a hand shake is fine.
Ang gagawin ko lang ay eye contact, smile, flirt with confidence and handshake! In that way makakaattract na ako ng boys. And you’re a Delafuente, Elle! Walang tumatanggi sa isang Delafuente!
Mga bandang 5PM ay naligo na ako. Kinabisado ko pa iyon sa aking utak habang kumakanta at sinasabunan sa shower ang aking katawan. I wore a simple white dress na above the knee after taking a bath. Napasulyap pa ako sa malaking salamin para suriin ang sarili.
I got my skin from my mother’s side. Most of the Fortalejos are white. I also got the color of my eyes from the Fortalejos, which is a bit foreign for having golden eyes, but the Spanish blood screams more dominating in my features that made me angelic, which is the Delafuente’s blood. I am mixed with American and Spanish blood.
Malaki ang aking dibdib. Sakto lang din ang aking height sa edad ako. I’m almost five foot six.
Today is Saturday so nasa court sina Kuya Blue and Kuya Red. I already told Manang Sandra na sabihin sa kanilang maaga akong matutulog at hindi na sasama roon sa court.
“Brielle. Nandito na po iyong ipinatawag niyong taxi,” sabi niya nang bumaba ako ng dahan dahan.
Tumango ako at ngumiti.
“Thanks po…”
“Hindi ka ba magpapasama sa mga Kuya mo? Alam ba nila ito?” Nag-aalalang tanong ni Manang Sandra habang sinusundan akong lumalabas ng bahay.
Umiling ako. Sumunod siya sa paglabas ko sa gate.
“Nako baka mapagalitan ka ng Daddy mo Elle…”
Ngumiti ako kay Manang.
“Mamaya pa naman ’yon,” sabi ko at binuksan ang backseat ng taxi.
Gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mukha. Iwinagayway ko ang aking kamay para magpaalam at tuluyan din namang pumasok.
Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib noong tumakbo na ang taxi. This is my first time going out alone! O M G! Ganito pala ang feeling na lumalabas ka at hindi nagpapaalam! Parang kailangan mong sulitin ang pagsasaya dahil baka huling beses na at hindi kana makakaulit dahil sa galit ng parents mo.
Pero uuwi rin naman agad ako mga bandang 10PM. Hindi ako lalagpas! Hindi ako magpapaabot ng eleven! I’ll just worry later…
Kiera:
Where are you?
Binuksan ko iyon. Gosh! Can’t she wait?! Wala pa namang six ah?
Ako:
On the way. Nagtaxi ako eh.
Nagreply naman agad ito.
Kiera:
Hindi ka pinayagan ’no?! Tumakas ka?!
Ngumuso ako. Napapansin ko pa ang bawat pagtingin ng driver sa itaas ng salamin. Kinakabahan tuloy ako. First time kong magtaxi na ako lang mag-isa!
“Hindi naman po kayo bad guy ’di ba?” tanong ko sa driver, nangunguna na ang kaba sa akin.
“Eh kung ibaba kita sa gilid ng daan, Miss?”
Namilog ang aking mga mata. “I-I’m sorry po. First time ko kasi at-”
“Tss. Mga mayayaman nga naman. Mga judgemental.” Nailing ito at bumilis pa ang pagpapatakbo.
Lumunok ako at tiningnan ang labas ng bintana. Hindi na nga lang ako magsasalita. Nagtatanong lang naman… grabe kasi makatingin! Pabalik balik! Baka kung ano na ang pumapasok sa isip niya.
Inihinto niya rin naman ako sa sinabi kong lugar. Binigyan ko siya ng five hundred at hindi nalang nanghingi ng sukli. Sa kanyang inis ay pinaharurot niya agad ang taxi nang makababa na ako. Umirap ako lalo na’t nagulat pa ako sa biglaan nitong pag-alis.
“Brielle!”
Kumalma ang aking ekspresyon at nilingon si Penny lalo na’t boses niya iyon. Nakita ko agad sa kanyang gilid si Lexy.
“Oh my gosh!”
Nagtatalon agad silang dalawa nang lapitan ako kaya tumawa rin ako.
“This is your first time! Ang saya namin at sumama ka talaga!” ani Penny.
Ngumiti ako ng matamis.
“Ako pa ba?”
Humagikhik si Lexy. “Namention pa naman ni Kiera na may iseseduce ka raw dito. Excited akong makita kang mang-akit! I’m sure katulad mo rin si Zera na matinik sa boys.”
Natawa lamang ako ng plastic. Halos tatlong he he he nga lang iyon dahil hindi ko na alam ang kahihinatnan nito mamaya.
“Nasaan pala si Kiera?” Iginala ko agad ang mga mata ko sa isang malawak na openspace.
Napansin ko agad ang mga mamahaling kotse’ng nakaparada. Most of them are sports cars. Wow. I can really smell the elites all around the corner.
“Halika…” Hinawakan ni Lexy ang aking pulso at hinila na ako.
Unti-unti nang gumagabi. Naglalaro narin ang mga ilaw sa kotse at ang ilaw na nanggagaling sa mga poste.
“Kiera!” tawag ni Penny kaya napunta agad ang aking tingin sa grupo ng mga girls.
“Oh my gosh!” Nanlalaki ang mga mata ni Kiera nang makita ako, nakapaskil pa ang matagumpay na ngisi sa kanyang labi.
Humagikhik ako at nagtungo kaming tatlo sa kanya.
“You made it!” Niyakap niya agad ako, tuwang tuwa.
She’s also wearing a black tube top paired with highwaist shorts. Maganda si Kiera, payat at matangkad. Sadyang may ugali talaga siya na hindi ko gusto.
“So this is Brielle, guys… She’s one of my close friends in Saint Teresse and she’s a Delafuente,” pagmamayabang niya roon sa tatlong babaeng kasama niya.
Namilog agad ang kanilang mga mata. Ngumiti ako isa-isa.
“You mean iyong mga elite na magpipinsan? Oh my gosh! Hi!” Naglahad ng kamay sa akin iyong may medium length hair na babae at naka body hugging sleeveless dress. She looks pretty, too!
“Hi!” Tinanggap ko ang kanyang kamay.
“Pinsan mo si Ken?” Her eyes twinkled with amusement.
Napatingin rin agad sa akin iyong isa pa nilang friend.
Hmm… Pag si Ken agad ang namemention nangangamoy isda talaga. Something’s fishy… Siguro ay may gusto ito sa pinsan ko?
“Yes,” sagot ko.
“Oh… Tell him I said hi. I am Rica Montemayor.” Kinindatan niya ako.
“Rica is famous since she’s an elite and suki siya sa mga pageant na palagi niya talagang naipapanalo,” ani Kiera.
Pageant? Kaya pala tindig palang parang may something na since she really got a nice body and uh… also her ass…
Humagikhik si Rica at binitiwan ang aking kamay, sumunod naman iyong babae ring may mahabang buhok who’s wearing a cap. Maganda rin, may pagka chinita ng kaonti and fair skin.
“Hi… I am Hailey…” pagpapakilala niya naman.
Tinanggap ko ang kanyang kamay.
“She’s Hailey Chavez, Elle,” si Kiera. “May pinsan siyang sikat na model and she’s close with the Rocales sister! Iyong sikat na artistang si Kaedy and modelong si Keyla?”
“Ah… Nice to meet you!” Ngumiti ako kahit ang totoo, ni isa, ay wala akong kakilala sa mga iyon.
Who are they? At hindi ako mahilig sa tv.
Madali lang rin naman kasing kabisaduhin ang ugali ni Kiera Melendez. Halos lahat ng kanyang mga dinidikitan ay hindi basta basta, either anak ng may-ari ng school, anak ng politician, sikat na model, may connection sa mga artista, and so on. Gusto niyang may maipagmamalaking pangalan ang kanyang mga social friends kaya rin siguro ay isa ako sa mga nahila niya since she’s very friendly to me from the start.
Nagsimula narin naman ang drag race. Ang ingay ng mga busina ng kotse. Narito ata halos lahat ang mga mamahaling kotse. Halos mga BMV, Camaro? Oh, Chevy… Wow. At may dalawang Mustang. Ang isa ay kulay pula at ang isa naman ay kulay orange.
“Go Raiden!” sigaw ni Hailey, chinicheer ata iyong pinsan niya.
“She’s with his famous model cousin named Raiden. Iyong may Mustang na kotse,” bulong naman ni Kiera sa akin na hindi ko gaanong pinagtuunan ng pansin.
“I have so many close friend who has a showbiz cousin. Baka nga maging close ko rin si Keyla since I’m close with Hailey.” Hagikhik niya pa.
Tiningnan ko kung paano ibinagsak ang flag hudyat na umpisa na at kung paano nagsitakbuhan ng mabilis ang mga kotse, agad na nangunguna ang pulang Mustang na ikinahiyaw ng mga girls. Ni hindi na pumasok sa aking utak ang pinagbubulong ni Kieta kanina at nakipalakpak narin ako.
“He’s really the fastest racer!” sigaw ni Rica.
Dala ng pagkamangha, halos kabahan ako sa sobrang tulin ng kanilang pagmamaneho. Hindi ba sila mababangga?!
May iba nang nagpupustahan, ang iilan ay naglalabas ng isang libo, na kahit sina Penny at Lexy ay nakisali rin sa pusta.
“We’ll always bet for Haze!” ani Kiera at tumawa nang maglabas rin ng pera.
“I really don’t know kung para saan pa ang pustahan since alam rin naman nating lahat kung sino ang mananalo,” si Rica iyon at nakitawa na rin.
Naglahad ng kamay sa akin si Kiera kaya mabilis din akong naglabas ng pera at kumuha ng isang libo. Inilahad ko iyon sa kanya saka siya kumindat.
“May pang Bar tayo later since mananalo rin naman tayo,” aniya at iwinagayway pa ang pera.
Ngumiti lamang ako at mabilis na lumingon sa pagsusulputan ng mga kotse, malapit na sa finish line.
Mas lalong umingay ang paligid. Kanya kanyang cheer ang lahat pero nangingibahaw ang isang pangalang Haze. Who is he?
“Sinong Haze?” tanong ko na kay Penny na iyon rin ang sinisigaw na pangalan.
“Si Haze ang palaging nangunguna sa drag racing car, Brielle. Ang bilis bilis niya kasing magmaneho,” sagot niya.
Tumigil ang mga kotse at nagsisilabasan na ang iilang nagmamaneho roon, lahat ay mga nag gugwapuhang lalake. Nilingon kong muli si Penny.
“You mean iyong may-ari ng pulang Mustang?”
Iyong pulang Mustang rin kasi ang napansin kong pinakamabilis at nanalo lalo na’t naghiyawan na sila Kiera, nagtitilian dahil sa pagkakapanalo nito.
Tumango siya at ngumiti. “Yep. At alam mo ba na ang badboy looking rin ng may-ari ng Mustang na ’yan? Sikat na sikat siya rito,” bulong niya pabalik sa akin.
Huh? Badboy?
“Badboy?” Isinaboses ko ang aking iniisip na ikinatango niya, ang mga mata ay natatangay sa mga kotse at hindi makafocus sa akin.
“Oo… Siya iyan oh.”
Nilingon ko ang kanyang nginuso. Ang kakalabas lamang na lalake sa pulang Mustang ang nakita ko. Inaayos nito ang nagulong buhok habang lumalabas doon, nakaleather jacket, gray tshirt na panloob, dark pants at black boots.
Medyo malayo kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha. But he’s really manly at matangkad pa. His physique screams intensity. Kahit hindi lumingon alam mo agad na guwapo.
“Siya ang tinutukoy kong aakitin mo, Brielle.” Ngumisi ng matagumpay si Kiera sa akin nang napansin niyang nakatingin na ako roon sa lalakeng kalalabas lamang sa Mustang at hindi ko maaninag ang mukha dahil sa kanyang paggalaw.
Napasinghap sina Lexy at Penny. Iyong Rica at Hailey naman ay nilapitan na iyong may-ari ng orange na Mustang na kausap na nila.
“Seryoso ka ba, Kiera?! Si Haze?!” Nagugulantang na tanong ni Lexy.
Tumango si Kiera. “Oo… Eh sabi naman ni Brielle kahit badboy kaya niyang akitin, right? And she’s a Delafuente. I’m sure piece of cake lang sa kanya ang pangseseduce so we’ll challenge her.”
Nanunuya na ang ngisi ni Kiera sa akin. Kumalabog naman agad ang aking dibdib. Bakit? Anong meron sa Haze na iyon?
“Seriously?! Haze is such a badboy! There’s no way in hell-”
“Ngayon na ba?” putol ko sa pagkakagulantang rin ni Lexy.
Mas nalaglag ang panga ng dalawa. Lumawak lalo ang ngisi ni Kiera.
“Kaya mo siyang lapitan?”
Nagkibit ako. “Why not? Watch me.”
Umalis agad ako sa kanilang harapan, tanging singhap nila ang aking narinig at masyadong nawindang sa aking confidence. Check, Elle! Ngayon ay eyw contact at smile nalang. Pag nakompleto mo iyon with matching handshake then I’m sure ay wala na silang masasabi pa sa’yo.
Tuloy tuloy ang aking lakad, patungo roon sa lalakeng nakasandal na sa ulo ng kanyang pulang Mustang, ang isang kamay ay nasa bulsa habang ang isa ay hawak ang cellphone at naroon ang buong atensyon.
So his name is Haze. Say hi, Elle! Like. Hi Haze! Or… Wait. Hmm, ‘Hey!’
Tuluyan akong nakarating sa kanyang gawi, nilagpasan ang iilang mga kotse at kung sinu-sinong lalake na nagsipulan pa nang dumaan ako. Gosh, mga kauri ata ni Ken ang nandito!
Tumigil ako sa gilid noong Haze. I tilted my head and smiled quickly. Kalahati palang ng mukha ang gwapo na!
“Hey!”
Nakuha ko rin naman agad ang pansin nito at nilingon ako. Wala pang limang sigundo ay napawi na agad ang aking ngiti at napaatras ng isang hakbang.
In his devilish stare, I almost forgot how to breathe. W-what the heck? Ang gwapo naman sana pero ba’t ganoon?! Oh my God! I can’t look at those pair of eyes! H-He’s scary and very intimidating!
Huling tingin pa, ay nakumpirma kong pamilyar nga siya. Namutla nalang ako, hindi na halos makangiti sa malamig at nakakatakot niyang paninitig.
3rd Gripped
Guilty
Oh my gosh no way! I can’t seduce this ruthless badboy who stares devilishly! Nagmukha akong bato sa kanyang harapan, gulat at namumutla parin.
I scanned him secretly using my eyes. Kumintab pa ang earring sa right side ng kanyang tainga. I can smell his expensive manly perfume, too. He’s so familiar!
Tumayo siya at nagkasalubong ang kilay. Hindi ko siya makitaan ng interes lalo na’t hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon. I almost choke with his actions yet I manage to stay still. I tried to smile again at naglahad ng kamay.
“Hi! You’re Haze, right?”
Ibinulsa niya ang cellphone at nilingon ang grupo na mukhang tinawag siya lalo na’t narinig ko rin ang kanyang pangalan sa dakong iyon.
Huling sulyap sa aking dibdib, ay nilagpasan niya na ako. Ni hindi rin tinanggap ang aking kamay at iniwan ako sa aking kinatatayuan nang walang sinasabi. Parang isang hangin na dumaan lamang sa aking gilid dahil sa kanyang magaang galaw.
Nalaglag ang aking panga. Nakarinig pa ako ng mga hagikhikan ng mga babae na mukhang nakakita sa kahihiyang ginawa ko at pangdededma noong Haze na nagpapula ng aking pisngi.
In my entire life, walang ni isa ang namahiya sa akin ng ganito ka lala. Iniwan niya na nga ako, hindi niya pa tinanggap ang kamay ko!
Kinagat ko ang aking labi at nanlamig. I am so embarrased! Noong nilingon ko ang gawi nila Penny, humahagikhik na si Kiera pati narin ang ibang nakakita.
“Nako Miss. You flirted the wrong dude. Ako nalang ang landiin mo.” Kumindat sa akin iyong lalakeng nakasandal sa kanyang BMW.
Parang hindi ko na kayang maglakad na may mukhang dala dala sa sobrang pagkakapahiya. May iilang babae pa na nanunuya ang mga ngisi sa akin, nagbubulung bulungan at mukhang ako na ang topic. Just great! Hindi ata ako makakatulog sa nangyari!
“What happened? Nilagpasan ka lang niya!” Tumawa si Kiera maliban kina Penny at Lexy na mukhang gusto pa akong yakapin.
“Akala ko ba limang sigundo lang? What happened Brielle?” ani Kiera, humahalo pa rin ang tawa roon.
Ramdam ko na pinagtitinginan parin ako ng iilan. Ang hirap lumunok at parang may nakabara sa lalamunan ko. Did I break my parent’s rule just to embarrased myself? The heck. Ang sarap niyang sigawan na hindi naman siya kagwapuhan! Maybe I just got blinded for a bit dahil nakakasilaw ang kagwapuhan niya kanina pero ang totoo ay hindi naman talaga! Ang pangit ng kanyang ugali and f.y.i. hindi ko nga type eh! Duh!
Tumikhim ako at isinabit ang buhok sa gilid ng aking tainga, pilit hinihila pabalik ang kumpostura.
“Ang maldito niya…” sambit ko sa medyo iritadong boses.
“Kaya nga badboy! Ano bang pagkakaintindi mo sa ganoong mga lalake, Brielle?” At tumawa muli si Kiera, tila enjoy na enjoy sa pagkakapahiya ko.
“Huwag nalang si Haze, Kiera. We all know he’s very ruthless with girls around him,” si Penny.
“Oo nga… Marami pa naman diyan-”
“No,” putol ni Kiera kay Lexy. “Mas mabuti kung si Haze nang machallenge naman si Brielle.”
Nagkatinginan kaming dalawa. She smiled at me.
“You can do it again, right? Ikaw pa… Baka nga si Zera kayang paamuhin si Haze ng sampong sigundo eh. I’m sure kaya mo rin iyon.”
Why does she keeps on comparing me with Zera? Natitrigger talaga ako!
Imbes na umiling ay palaban ulit akong tumango.
“Oo naman. Warm up lang iyon kanina actually. Strategy ko talaga iyon. Pinag-aralan ko lang siya at kung paano siya magreresponse sa akin para sa huli, siya ang mahulog sa patibong ko. I can’t just act carelessly infront of him, ’di ba…”
Namangha agad sina Lexy at Penny. Napawi naman ang ngiti ni Kiera. Why am I so magaling when it comes to this?
“Baka nga kaya iyon nagwalk-out kasi he can’t stand my presence. Baka masyado siyang naakit kaya umiwas siya sa tukso.” Humagikhik ako.
Napangiti sina Lexy at Penny, nagtatanguan na habang si Kiera naman ay humalukipkip, nakatitig sa akin.
“I knew it! We’re thinking the same thing, Brielle!” Tumili si Penny.
“Oh my gosh! Nakakaexcite tuloy!” si Lexy naman na pasulyap sulyap pa sa grupo ng mga girls na pinuntahan ni Haze.
Lumingon na rin ako roon. He’s talking with a girl. May tatlong girls at dalawang boys doon at siya talaga ang kapansin pansin dahil sa tindig.
His earring, ruthlessness, dark stares and all of it look like he’s Satan’s apo.
“They’re leaving!” ani Penny nang napansin naring bumabalik na iyong Haze sa kanyang kotse kasama ang kanyang friends.
“Pupunta sila sa Club for sure,” ani Kiera nang sinundan din ito ng tingin.
“So susunod tayo?” tanong ni Lexy na ikinangiti agad ni Kiera.
“Of course! Magba-Bar din tayo ’no. Doon talaga ang sadya natin after ng drag race!”
Shit… Tiningnan ko ang aking suot na wrist watch at nakitang eight o’clock na. Two hours more, CinderElle.
Nagpaalam muna si Kiera roon sa kanyang dalawang friends na hindi ko na natandaan ang mga pangalan.
Sumakay kami sa taxi at nagtungo sa tinutukoy nilang Bar. Thank God at hindi sila sa 3DBar or else malalagot talaga ako! I’m sure Ken is there, or maybe Wayt! Makilala agad ako roon!
“Lumipat tayo sa Bar niyo after this, Brielle?” suhestyon ni Kiera na nasa front seat.
“Huwag na, Kiera. Mga nosy kasi ang pinsan ko at hindi ako makakapagsaya pag nandoon ako,” sabi ko nang nilingon niya ako rito.
“Ayaw mo niyan, hahalo pa sila sa table natin. Ipakilala mo naman kami sa mga pinsan mo…” Humagikhik siya.
Ngumiti rin ako at nilingon sina Lexy at Penny na pinapagitnaan ako.
“They’re playboys and ayokong mapunta kayo sa mga cousin ko. Sasaktan lang nila kayo and I don’t want my friends to feel that way…” marahan kong sabi.
“Aww Brielle… I love you…” Niyakap ako ni Penny sa aking gilid.
“You’re so sweet…” si Kiera naman sa front seat. “You really love us. Aww…” she said like a puppy.
Mga ilang minuto iyon hanggang sa naliko rin naman ang topic at napunta ulit kay Haze, that ruthless man and Satan’s apo.
“Ang guwapo ni Haze ’no?” si Penny na nakangisi na sa akin.
“Kahit napakabadboy ng datingan niya ay ang gwapo niya pa rin,” si Lexy naman na humagikhik pa.
Nagkibit ako. “Not really… He’s not my type eh and he’s not that goodlooking,” sabi ko, lalo na’t sobra akong napahiya kanina.
Nalaglag agad ang panga ng dalawa. Si Kiera ay napalingon na rin dito.
“Are you blind, Brielle? Haze is very handsome!” si Kiera naman.
“Oo nga. He looks like Isaiah for me… But he’s more ruthless looking,” si Penny.
“Shut-up, Penny. Isaiah is a rapist. Don’t compare him to Haze,” giit ni Kiera sa iritadong boses at umirap pa.
Natutop agad ang bibig ni Penny. Si Lexy naman ay nag-iwas ng tingin, marahil ay biglang naawkward.
“He’s not a rapist, Kiera. Zera told me he’s innocent-”
“He molested my friend, Keesha!” Medyo tumaas ang kanyang boses na kahit ang driver ay napatingin sa kanya.
Natutop ang aking bibig doon. Oo nga pala, they’re close friends…
Dumaan ang katahimikan. Nagtitinginan nalang kami nila Penny at Lexy, magngingitian saglit at iiwas din naman.
And I know why she’s hating Isaiah too much. She despise him for being poor and having a low profile in society. Basang basa ko na siya eh. He prefers Haze maybe because that guy is mayaman unlike Isaiah na kalat sa school namin ang pagiging matalino and scholar niya.
But isn’t that unfair? Dapat bang maging batayan ang estado to hate someone? Ipinanganak lang naman sila sa ganoong buhay at hindi nila iyon pinili so why is she hating him so much? Dapat nga ay magpasalamat siya na ipinanganak siyang may kaya.
Doon lang rin ulit kami umingay nang nakarating na sa Club na tinutukoy nila.
“Dito madalas si Haze with his friends… This is a very expensive Club and minsan ay may mga modelo ring napapadpad dito like 3DBar,” bulong ni Kiera sa akin.
Dim ang loob at sobrang lakas ng trance music na pumapaibabaw. Naglalaro pa ang neon lights sa kabuuan, ang amoy ay masyadong matamis at malamig rin ang loob.
Panay ang pagbebeep ng aking cellphone sa aking slingbag. Hindi ko iyon pinansin at sumunod kina Lexy na patungo na sa mga couches.
“Ayun si Haze… He’s with his friends…” ani Kiera nang umupo na kami sa four seated couch na inukupa naming apat.
May lalake agad na lumapit, naka all black and he looks like a bouncer while naglalahad siya ng menu. Kiera smiled at him at tinanggap iyon.
“What do you like, Brielle?” tanong niya habang naroon ang mga mata.
Inayos ko ang aking damit at hinila pa iyon para hindi gaanong makita ang aking legs.
“Juice nalang,” sagot ko.
Her eyes narrowed at me. Sina Penny at Lexy ay tatawa na rin ata.
“What?! Are you kidding?” Humagalpak na si Kiera. “Like juice talaga? We’re here para maglasing, Brielle!”
Huh? Iyon ba ang sadya nila rito? I’m just here because I’m triggered with Haze! Wala naman sa list ko ngayon ang maglasing at gumapang pauwi!
“Mapapagalitan ako ni Dad pag nag-inom-”
“Para saan pa ang pagtakas mo if you’re not going to have fun? And you’re spoiled! Hindi ka matitiis ng Daddy mo for sure! Stop being a pussy, Brielle. Have fun!” Tumawa si Kiera na ikinatango rin nila Lexy at Penny.
“May mga drinks naman na hindi hard, Brielle. Pwede ka sa smirnoff or citrus drinks na hindi ka malalasing agad,” si Penny.
“Weak… Let’s let her try hard drinks para maging memorable sa kanya ang unang gabing ito!” ani Kiera na ngumingisi na sa dim na paligid.
“Magpasundo ka nalang para walang masamang mangyari sa’yo and safe ka,” si Lexy.
Gosh. I am so dead later!
Nagsimula na ngang mag-order si Kiera ng mga hard drinks. Ngumiwi pa ako nang maglapag na iyong lalakeng mukhang bouncer ng bote ng isang hard drink, shot glass, lemon and salt at mga finger food like french fries and nacho.
Nagsalin si Kiera roon at ibinigay sa akin with salt around it. Kalahati lamang ang laman ng loob pero parang masusuka na agad ako just by staring at it. It doesn’t look good to me. Parang iyong kulay ay parehas ng wiwi ko.
“Go Brielle!” hiyaw nina Lexy at Penny.
Tinanggap ko iyon at inamoy muna.
“It smells strong and mabaho.” Ngumiwi ako.
“Hindi ka lang siguro sanay,” ani Lexy at binigyan ako ng lemon. What’s this for? Kailangan ko ba itong isqueeze sa loob? Ano? Lemon juice?
“You don’t know how to drink a tequila?” tanong ni Kiera nang tinitigan ko pa iyon.
Ang bobo mo! It’s my first time so hindi talaga!
“Eh may Bar ang mga pinsan mo eh,” dagdag niya pa.
“Bale kailangan mo lang sipsipin ang lemon after drinking, Brielle…” ani Lexy sa marahang boses.
Ah… Ganoon lang pala? Akala ko talaga gagawa na ako ng lemon juice! Phew.
Nilagok ko iyon ng isang bagsakan sa aking lalamunan at mabilis na sinipsip ang lemon. Ngumiwi pa ako ng husto nang bumyahe ang hapdi roon at parang nasunog pa dahil sa init ng aking pakiramdam. Ew! Is this a poison?! I want to puke!
Tumawa sina Lexy at Penny ganoon din si Kiera dahil sa aking ginawa.
“Dapat dahan dahan lang kasi!” si Penny iyon.
“Ew!” sigaw ko, hindi na nakaya at mabilis na tumayo. “I’ll just wash my tongue!”
Nagtawanan sila lalo sa aking inasta lalo na’t tuloy tuloy na ang paghakbang ko at gusto ko nang tumakbo paalis. I think I burned my throat! My lalamunan is so mahapdi!
Nagtungo ako sa cr. Thank God walang tao! Mabilis kong binuksan ang gripo at itinapat agad ang aking dila roon. I look like a frigging dog in the mirror!
Pinunasan ko ang aking bibig noong tissue at lumabas din naman. Bago bumalik ay nagtungo muna ako sa countertop to ask for a clean water.
“May malamig na tubig ba kayo?” tanong ko sa bartender nang makalapit ako roon.
“Yes po, Ma’am…” Ngumiti ito sa akin at mabilis na kumilos.
Ngumiti ako pabalik at iginala ang mga mata sa paligid. Malakas parin ang tugtog at parang nanghihila iyon sa dancefloor lalo na’t may mga nagsasayawan narin doon. Ngumiwi ako nang maalala ko ang hiphop dance namin sa P.E.
“Heto po, Ma’am…”
Lumingon ako at ngumiti sa inilahad niyang basong tubig. Tinanggap ko iyon.
“Thanks…”
Nagbeep ulit ang aking cellphone. Bago ko pa iyon mabuksan ay nakita ko si Kuya Red sa entrance na nakajacket ng itim at pants, ang cellphone ay nasa kanyang tainga habang ang isang kamay ay nakapamulsa at gumagala pa ang kanyang mga mata, tila may hinahanap.
Naibuga ko agad ang tubig sa aking pagkakagulat. Nagsigawan naman ang mga grupo ng babaeng dumaan at natalsikan.
“Baliw ka ba?!”
“S-Sorry…” Nagpeace sign ako at yumuko para hindi makita ni Kuya Red.
Ipinatong ko agad iyong baso sa countertop at naglakad na habang nakayuko. Shit! Lagot talaga ako ngayon!
Tumakbo ako at mabilis na pumunta roon sa dulo at nagtago agad sa likod noong couch. Tinakpan ko ang aking bibig at sinilip si Kuya Red na umaabante na, tuluyan nang gumala sa loob. Laking tuwa ko at dim ang paligid kaya hindi niya agad ako napapansin dito.
Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Kinagat ko ang aking labi. Bakit niya ako natunton dito?! Kasama niya ba si Kuya Blue?! Or what if he’s with Daddy?!
Bago ko pa mahanapan ng sagot ang mga tanong sa aking utak, nauna kong nahanap ang gwapong mukha ng isang lalake at ang pares ng kanyang mga matang nakatitig sa akin dito. Ang pinagtataguan kong couch ay inuupuan nila, ni Haze!
We locked gazes for seconds. He arched his brow while his devilish eyes intensified as they slowly drifted to my chest.
Sa aking takot at pamumula ay mabilis akong tumayo saka napaatras. Matutuwa na sana ako dahil ang gwapo kaso those eyes suddenly scares me! And he’s so manyak! Sinilipan niya ako! Sinilip niya ang dibdib ko!
“Woah!” Nagulat ang mga kasama niya nang tumingala sa akin.
Nakuha ko ang atensyon ng dalawa niyang kaibigang lalake dahil sa biglaan kong pagsulpot sa kanilang likuran.
“Brielle!”
Nagulat ako sa pumaibabaw na boses ni Kuya Red. Sumimangot ako nang mahanap ko agad ang mga mata niya sa dagat ng mga tao lalo na’t lahat din ng mga nakaupo sa couch ay sa akin na nakatingin.
Huli na para umatras. Malalaki agad ang hakbang ni Kuya Red para makapunta sa aking gawi.
“K-Kuya-”
Isang hila lang sa aking pulso ay mabilis na akong nakalapit sa kanya.
Nailing siya sa akin, dismayadong dismayado akong tiningnan.
“Uuwi kana. Ngayon din,” malamig niyang tugon na ikinatango ko.
Hinila niya ako paalis doon, ni ang magpaalam sa tatlo ay hindi ko na nagawa.
“Hindi ba at pinsan iyon ni Zera?” Narinig ko iyon sa aking likuran, sa mga kasamang lalake noong Haze.
Mukhang ako lamang ang nakarinig noon lalo na’t wala nang pake si Kuya at gusto na agad akong ilabas doon. Deri-deritso na ang aming paglalakad at nagtungo sa parking lot kung saan niya iniwan ang kanyang kotse.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat. Pumasok ako ng tahimik doon saka niya iyon isinara. Hinila ko ang seatbelt at sinundan pa ng tingin ang kanyang pag-ikot. Dapat ay magpasalamat parin ako na si Kuya Red ang nakahanap sa akin at hindi si Kuya Blue.
Pumasok si Kuya, deritso agad ang tingin sa akin.
“Alam mo bang pinaghahanap kana?” sabi niya sa pigil na boses, ayaw akong pagalitan.
“Eh paano mo ako nahanap?”
“Naka on ang GPS mo,” aniya at binuhay na ang kotse.
Ah! Oo nga pala! Dapat next time ay naka off na ang cellphone ko.
Nilingon akong muli ni Kuya, nailing pa.
“Alam mo ba ang pinasok mong lugar, Elle?”
“Oo. Club iyon-”
Natutop agad ang aking bibig nang nanliit ang mga mata niya sa akin. Sumimangot ako at nag-iwas ng tingin.
“Hindi ka nagpaalam!” giit niya.
“Nagpaalam kaya ako kaso hindi ako pinayagan,” sabi ko sa maliit na boses.
“At tatakas kana? Dapat ay sinama mo nalang ako.”
“Pero Kuya, gusto kong mag-isa!” Nilingon ko siya sa sobrang frustration.
“Mag-isa? Eh mukhang kasama mo nga iyong mga friends mo…” sagot niya habang nasa kalsada na ang buong atensyon.
Humalukipkip ako at deritso narin ang tingin sa harap. Ang mga streetlights at nadadaanan naming mga kotse ang nagbibigay ng daan sa madilim na bahagi ng kalsada.
“Mapapagalitan ka talaga ni Dad…”
Namutla ako roon. Sa sobrang kaba ay para na akong maiiyak ano mang oras.
“K-Kuya…” Hinawakan ko agad ang kanyang braso.
Nailing siya at nahaplos ang buhok.
“Uminom ka ba?”
Hindi agad ako nakasagot. Nilingon niya ako kaya mabilis akong tumango.
“Nakailang shot ka?”
“I-Isa lang…”
“Buksan mo ang harap. May mint na gum sa loob. Kainin mo.”
Sinunod ko iyon at binuksan ang compartment. Nagulat ako at ang rami ngang mga mint na gum doon. Kumuha ako ng isa at binuksan.
“Ba’t marami kang ganito, Kuya?”
“Para ’yan sa isa mo pang Kuya na mahilig uminom.”
Ah… si Kuya Blue? Masyado na ata siyang nawiwili kakasama kina Ken kaya nacucurious na rin siya at natututo na.
“Magperfume ka rin nang hindi ka maamoy ni Dad,” ani Kuya.
“Huh?”
“Sundin mo nalang nang hindi ako pumalpak sa pantatakip sa’yo.”
Bumaba agad ang aking balikat. Bigla akong naguilty. Magsisinungaling siya kay Daddy para lang pagtakpan ako.
“I’m sorry…” bigkas ko sa maliit na boses at yumuko na.
Bumuntong lang siya ng hininga. “Saan mo ba natutunan ’yang pagtakas mo? Kailan ka pa natutong sumuway kay Dad?”
Hindi ako nakaimik at bumuntong na lamang ng hininga.
4th Gripped
No One
Pagkauwi namin ni Kuya, bumungad agad sa sala sina Daddy, Mommy at Kuya Blue. Tingin palang nila, napayuko agad ako.
“Umupo ka rito,” ani Dad at tinutukoy ang sofa.
Nagtungo ako roon at umupo. Tinabihan rin naman ako ni Mommy at pinisil ang kamay kong nasa aking kandungan kaya tiningala ko siya. She smiled at me.
“Saan mo nahanap?” tanong ni Kuya Blue.
Napatingin agad ako kay Kuya Red na hinaplos ang batok.
“Nasa rides sila ng mga kaibigan niya,” ani Kuya, kalmado lamang iyong sinabi.
Lumunok ako at pinisil ang aking mga daliri. Hawak naman ni Mommy ang aking pulso.
“Ba’t hindi ka nagpaalam Brielle?” tanong ni Daddy na nakahalukipkip na sa aking harap at seryoso na ang timbre ng kanyang boses.
“N-Nagpaalam ako pero hindi ka naman pumayag,” sagot ko sa mahinang boses.
“See? I told you to let her!” si Mommy sa matigas na boses.
“Hindi ako pumayag dahil gabing gabi na ang 10PM,” si Dad sa marahang boses.
“Dad… Gabi naman talaga iyon,” si Kuya Red naman.
“Sino bang nagsasabing umaga iyon Red?” si Kuya Blue na bahagyang natawa.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila at sumimangot.
“Ang sabi niyo sa akin pag legal age na ako ay pwede na akong lumabas. I’m already a college student! Hindi na highschool! Eh ba’t hindi pa rin pwede? Si Zera nga nakakalabas naman ah! Ba’t ako hindi pwede?”
Binasa ni Dad ang labi. Sina Kuya naman ay natutop ang bibig at nakay Dad narin ang mga mata.
“Scammer ka pala eh,” ani Mommy kay Dad.
Tiningnan siya saglit ni Daddy at may sasabihin sana nang naunahan ni Kuya Red.
“Pwede ko namang samahan si Elle, Dad… Kawawa nga rin naman kung ikukulong lang natin siya rito sa bahay. Baka nabobored na iyan…” aniya.
“Kinukulong ba si Elle? Nakakalabas iyan,” si Kuya Blue naman.
“Iyong katulad kay Zera ang gusto ko! Nakakalabas siya tuwing gabi at pwede na siya hanggang 10PM!” giit ko.
Bumuntong ng hininga si Daddy. Si Mommy naman ay nasa likod ko na ang isang kamay at hinaplos ako roon, naninimbang din ang mga mata kay Daddy na ngayon ay nakapameywang na.
“I’ll let you if you’re with your cousin Zera,” ani Dad na agad kong ikinabusangot.
“Pero may mga sariling lakad si Zera na hindi ako kasama. She’s close with Irah…” Yumuko ako at humalukipkip. “Ayaw niya akong sinasama kaya sumasama nalang ako sa mga friends ko.”
Ilang sigundo silang hindi nakaimik.
Yumuko si Daddy hanggang sa makalebel ko na ito. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin.
“Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa’yo, Elle. I am just worried…” Namungay ang mga mata niya sa akin.
Ngumuso ako at nilingon si Mommy na nakangiti narin pero halata ring sang-ayon kay Daddy. Si Kuya Red ang nag-iwas ng tingin habang si Kuya Blue ay tumango-tango naman.
“Pero ayoko rin namang nalulungkot ka rito. Ayokong nagseselos ka sa pinsan mo at pakiramdam mo ay pinagbabawalan ka namin sa mga gusto mo. I forgot you’re not a kid anymore… Na dalaga na ang baby namin…” Daddy smiled at me.
Isinandal ni Mommy ang ulo niya sa kanyang balikat at niyakap ako sa gilid.
“Dalaga na nga siya. Baka nga ay may boyfriend na ito at-”
“W-Wala! Yuck!”
Nagtawanan sila sa naging reaksyon ko.
“Anong yuck?” Natatawa ring si Mommy at bumangon na, hinahawi pa ang aking buhok para mas makita ang aking nandidiring ekspresyon.
“You’re very pretty Elle… You look like me with a mixture of your Daddy… You’re a Delafuente kaya hindi na nakapagtataka kung marami riyang nagkakagusto na sa’yo at gusto kang ligawan,” ani Mommy.
Sumimangot si Daddy roon. “Huwag na muna iyang boyfriend boyfriend. Ayoko pa niyan.”
The truth is, ayoko rin naman muna sa boyfriend since I don’t know how to kiss and I think it’s disgusting?
“Pero wala pa naman iyon sa isip ko. Gusto ko lang naman mag-enjoy with my friends…” sabi ko na ikinakalma ng kanilang mga ekspresyon.
“Elle doesn’t lie, Dad,” si Kuya Red iyon, halatang suportado sa akin.
“Sus… Baka nga may crush kana lalo na’t nagtatanong ka pa kay Ken kung-”
“Sinabi niyang bigla lang iyong nagpop-out sa utak niya,” putol naman agad ni Kuya Red kay Kuya Blue.
Hinaplos ni Kuya Blue ang kanyang batok at ngumisi kay Red. Sumimangot naman ako habang si Daddy ay naninimbang pa rin ang tingin sa akin.
“Oh sige… Papayagan na kita…”
Namilog agad ang aking mga mata. Oh my gosh! Is this true?!
“Really?!” Lumawak agad ang aking ngisi.
Tumango siya at lumawak rin ang ngisi sa akin kaya kahit si Mommy ay napangiti narin.
“Basta ay hindi lalagpas ng ten.”
Tumango-tango agad ako at sa sobrang saya ay niyakap ko na si Daddy.
“Thanks a lot, Daddy! I love you!”
Daddy smiled. “Love you too…”
After magdinner ay pumanhik rin naman agad ako sa aking kwarto. Naghalfbath ako at deritso na sa kama pagkatapos. Katext ko sina Lexy Penny at Kiera na naroon parin sa Bar.
Lexy:
You left! :(
Penny:
Ang aga mo namang umuwi. We saw your Kuya! Sinundo ka niya?
Kiera:
You’re weak. Akala ko ba game ka?
Nagtagal ang titig ko sa text ni Kiera. Why is she saying that I’m weak? Sa kanya agad ako nagreply.
Ako:
Sinundo ako ni Kuya eh. Next time nalang ulit.
Nireplayan ko rin si Penny.
Ako:
Yep.
Nagtipa narin ako ng reply for Lexy.
Ako:
Sinundo ako ni Kuya. Next time nalang ulit.
Ang mabilis na nagreply ay si Kiera.
Kiera:
How about tomorrow?
Huh tomorrow? Sunday bukas ah? I can’t! Family bonding namin iyon.
Ako:
May family bonding kami tuwing Sunday. Next time nalang.
May kumatok sa pinto kaya inilapag ko ang aking cellphone at hinila ang aking kumot. Pumasok naman si Kuya Blue, may dala-dalang mug.
“I brought your milk… Si Red ang nagtimpla nito,” ani Kuya habang naglalakad na palapit sa akin.
Tumango ako at idinikit ang aking hita sa aking dibdib. Niyakap ko iyon habang sinusundan siya ng tingin na ngayon ay nasa gilid na ng aking kama.
“Thanks, Kuya…”
Inilapag niya iyon sa bedside table at ibinulsa ang mga kamay, nilingon na ako. Kinabahan agad ako sa seryoso niyang ekspresyon.
“Hindi ko nagugustuhan ’yang pagba-Bar mo,” seryoso niyang sabi kaya halos atakihin ako sa kalabog ng aking dibdib.
S-Sinabi ni Kuya Red?
“Halatang nagsisinungaling lang si Red at pinagtatakpan ka,” ani Kuya, tila nababasa ang tumatakbo sa aking isipan.
Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Isang shot lang naman ’yon. I was curious so…” Mas hinila ko pa ang kumot para pagtakpan ang aking tuhod.
Tumango si Kuya Blue at ngumiti sa akin.
“Matulog kana after drinking your milk.” Yumuko siya at hinalikan ang aking noo.
“I’m sorry…” sambit ko sa maliit na boses at nag-iwas ng tingin.
Ang ngiti niya ngayon ay umabot na sa kanyang ekspresyon hindi katulad kanina na matabang lamang. Ginulo niya ang aking buhok.
“I’m worried, you know… Sa susunod ay magpaalam kana ng maayos.”
Tumango ako sa kanya at dumaosdos na sa kama pahiga.
“Goodnight Kuya…”
“Goodnight…” Ngumisi siya sa akin at tinulungan pa akong kumutan ang aking sarili.
Lumabas rin naman siya habang naiwan akong nagmumuni-muni. Iniisip ko tuloy si Kuya Red. Pinagalitan ba siya ni Kuya Blue? Ibang iba pa naman si Kuya Blue. He’s smart and he knows how to observe people. Siya iyong tipong nanghihingi ng kapalit sa isang bagay na gagawin niya unlike kay Kuya Red na gagawin lang iyon ng libre dahil ganoon siya kabait. Kung gagalitin mo ang dalawa, mas iba magalit si Kuya Blue.
Bumuntong na lamang ako ng hininga at bumangon para inumin ang aking gatas. Sinulyapan ko ang screen ng aking cellphone at napansin ang text doon ni Kiera. Dinampot ko iyon at binuksan.
Kiera:
Next week?
Nagtipa ako.
Ako:
Mag Ce-Cebu kami ng mga pinsan ko.
Isa rin kasi iyon sa napag-usapan kanina sa hapag. Kuya Blue said na pinagpaplanuhan na raw nila Kuya Hiro ang outing namin sa Cebu. I’m not sure if Kuya Grey and Kuya Toshi are coming with us. They’re very busy kaya baka kami kami lang.
Inilapag kong muli ang mug nang magreply si Kiera.
Kiera:
Tumatakas ka ’no?
Sumimangot ako at gigil na nagreply.
Ako:
Bakit naman? Chill Kiera. Maaakit si Haze sa akin before this Summer ends. I assure you.
Lumabas na ata sa earth ang confidence ko at nangibang planeta na. Ganoon na kalayo ang narating noon sa sobrang taas ng aking confidence. Baka sa huli ay mapahiya kana naman niyan ah?
Naisip ko tuloy ang ginawang pangdededma noong Haze sa akin. Akala niya siguro patay na patay ako sa kanya purket ako ang unang lumapit! The nerve! Ba’t naman ako magkakagusto sa apo ni Satanas? And duh. Ang layo layo niya kaya sa mga type kong boys. I will never like someone as ruthless like him!
Big check na sana kasi gwapo kaso ang maldito na nga, ang sama at ang lalim pa makatingin, plus his ruthless aura, bagsak agad siya sa standards ko sa mga lalake.
Nakakainis siya! Pagbubutihan ko talaga ang pang-aakit sa kanya nang mabasted ko siya agad at nasa akin ang huling palakpak. Paluluhurin ko talaga ang apo ni Satanas.
Nagcheck-in kami sa Ocean Vida Resort nang mag-Cebu rin at binisita ang Bounty Beach. May mga Bars kaming pinuntahan na malapit lang noong gabi but I noticed how my cousins don’t pay attention on girls anymore unlike last time.
Naisip ko kasing baka may matutunan ako kay Ken when it comes to flirting since he’s very good at it. Hindi na ako magtatanong at panonoorin nalang siya total sa bawat lakad namin, basta may babae sa paligid ay awtomatiko agad siyang nagiging higad.
Tumayo rin naman ako at gumala sa malambot ng buhangin ng Bounty beach dala dala ang aking polaroid. Regalo ito ni Daddy sa akin noong seventeen ako lalo na’t parehas kaming nakahiligan ang pagkuha ng pictures.
Kinunan ko ng picture ang gumagalaw na palm trees at tila sumasayaw dahil sa hampas ng hangin. Kinunan ko rin sina Kuya Blue at Kuya Red sa may dagat na naghahagalpakan sa isang bagay, puro rin mga topless.
Pumulot ako ng shells at kahit ang pagdikit ng pino at puting buhangin sa aking palad ay kinunan ko rin. Noong nilipat ko ang tingin sa pwesto ni Zera ay kinunan ko rin siya ng picture na perpektong nakaupo roon at kumikinang pa dahil sa pagtama ng araw sa kanyang puting balat.
Noong napagod rin naman ako kakapicture ay sinamahan ko rin si Zera na naliligo na sa pool area ng Resort.
“Ang ganda sa Cebu ’no!” sabi ko nang umahon siya at humilig sa inuupuan kong gilid ng pool.
Hinilamos niya saglit ang kanyang mukha at pinasadahan ng haplos paatras ang basang buhok. Tumango siya at tumingala, hinayaan ang katamtamang buhok na sumayaw roon sa tubig.
“I want to live here someday…” wala sa sarili niyang bigkas, nakapikit parin.
Sa mga napuntahan rin naman kasi namin dito, ang ganda nga ng Cebu.
“Huh? Talaga? Ayaw mo na sa Manila?”
Umiling siya. “Mas tahimik ata rito unlike Manila…”
Hmm…
“Sasabihin ko kay Trey ’yan.” Humagikhik ako.
Umahon siya at tuluyang tumabi sa akin. Pinagmasdan ko siyang piniga ang basa niyang buhok sa gilid.
“Ba’t mo naman sasabihin kay Trey?” Nagkasalubong ang kanyang kilay roon.
“Eh ’di ba you like him so at least may ideya si Trey sa syudad na gusto mong tirhan.”
Umangat ang kanyang kilay sa akin.
“And how sure are you na si Trey ang gusto kong pakasalan?”
Huh? Eh diba she likes him? I’m sure kung sino ang gusto niya ay siya rin ang gusto niyang pakasalan.
“Edi sasabihin ko nalang iyon sa lalakeng mapapangasawa mo someday.” Ngumiti ako sa kanya.
Hindi na siya umimik doon at nasa ibang bahagi na ang tingin. Hmm… Kung hindi na si Trey, edi sino ang gusto niyang pakasalan? Akala ko pa naman siya rin ang gusto niyang mapangasawa.
That night ay nagdinner kami sa malapit na Restaurant. Talagang napapansin ko na medyo may something sa mga pinsan kong boys dahil uh… hindi interested sa girls?
Si Kuya Blue at Ken ang madalas na magkasama at nag-uusap. Si Kuya Hiro naman at Wayt. Medyo nakakapanibago na hindi lumalandi si Ken… coz the last time I remember, grabe siya kung mang chic. Naalala ko tuloy iyong panlalandi ni Ken noong nasa Batangas kami…
“You’re very flirt! Inirapan ka noong babae kasi hindi ka niya type.” Tumawa akong muli.
Sumulyap siya saglit sa mga inilapag na beers noong lalakeng waiter ata kasama pa ang iilang pulutan like sisig and french fries sabay balik sa akin.
“The girl likes me, Elle…” Ninakawan niya ng tingin ang kabilang table, nang ibalik sa akin ay nakataas na ang dalawang kilay.
Lumingon rin ako roon at tiningnan iyong babaeng may short hair at naka body hugging dress na kulay pula. Singkit ito at maputi.
“Nagtataray lang ’yan pero pag nilapitan ko ’yan at nginitian, bibigay agad ’yan.” Nakangising pagmamayabang ni Ken sa akin.
“Talaga?”
Tumango siya at inabot iyong isang sanmig. Tinungga niya iyon pagkatapos ay binasa ang kumintab na pula niyang labi.
“Yup. I’ll get her number later…” Kumindat siya sa akin.
Humalukipkip ako. “Inirapan ka niya so it means she’s not interested.”
Tumawa siya.
“Ganyan naman iyan sa umpisa, ipaparamdam at ipapakita sa’yo na kunwari ay hindi ka nila gusto. Tatarayan ka, iirapan, pero deep inside ay nagpipigil lang ’yan. Baka nga isang kalabit lang ay sumabog agad sila sa pagpipigil. Believe me Elle… girls can’t resist my charming smile. No one can resist a Delafuente’s charm… Ten seconds…”
Looking now at Ken, who’s only talking to my brother, hindi kaya… may girlfriend na siya? Or nasa serious stage na ng life niya? because he’s never been the serious type. Unlike now. He seems so off, like my other cousins, who seem so serious.
5th Gripped
Nervous
Humihikab ako kinaumagahan. Humabol kami sa buffet ng Restaurant para maraming mapagpilian na mga food kaso inaantok pa ako noong ginising nila ako.
Dumating na rin ang aking mga pinsan. Inilapag ni Kuya Red ang isa niyang hawak na plato sa aking harapan, ganoon din si Kuya Blue na naglapag ng juice para sa akin.
Tiningnan ko ang plato ni Zera at napansin iyong Cordon Bleu na wala sa aking plato.
“Kuya Red… You forgot my cordon bleu,” sabi ko at itinuro ang nasa plato ni Zera.
Napakurap siya at hindi natuloy ang planong pag-upo.
“Kukunan nalang kita. Paborito mo nga pala ’yon…” ani Kuya Red pero bago pa siya makaalis ay dumating na si Kuya Blue at naglapag ng maliit na bowl kung nasaan ang paborito ko.
“Alam kong makakalimutan niya iyon…” ani Kuya at sabay sulyap kay Kuya Red na ngayon ay hinahaplos na ang batok.
“Buti at kabisado kita.” Tumawa si Kuya sa kanya.
Ngumiti narin ito at umupo na. Naglakad na rin si Kuya Blue sa isa pang bakanteng upuan sa tabi ni Hiro at doon siya umupo.
Bumalik narin si Ken, may dala nang isang plato habang nakabulsa pa ang isang kamay. Tumabi siya kay Kuya Blue, lalo na’t naroon ang bakante at sa right side niya naman ay si Hiro.
Huling araw na namin iyon doon lalo na’t uuwi narin kaming lahat. Halos nakaka two weeks narin kasi kami rito sa Cebu at kung saan-saan lamang kami napapadpad, sa huli ay dito na talaga sa Bounty Beach naisipang magtagal.
Katabi ko si Zera sa eroplano, sa likuran ay si Ken at Kuya Blue ang magkatabi, sa likuran nila ay si Kuya Blue at Wayt at sa aming harapan naman ay si Hiro na mag-isa lamang at naka earphone pa.
Tulog si Zera lalo na’t nasa may bintana siya. Nakapikit ako pero hindi naman ako dinadalaw ng antok kaya naririnig ko ang usapan ni Wayt at Ken sa likuran.
Medyo hangover pa ako sa naging byahe namin sa Cebu kaya halos bumawi ako sa tulog sa bahay.
Sabado. Dumagsa na naman ang mga text ni Kiera sa akin. Alam niya nang umuwi na kami noong isang araw dahil sa social media ng aking mga pinsan since she followed them. Ako lang ata ang nagfollowback sa kanya sa instagram.
Binasa ko ang kanyang text habang kumakain ng cereal sa umagang iyon sa aming patio.
Kiera:
Manonood kami mamayang 4PM ng motocross. Haze is there, too.
What’s motocross? I haven’t heard about it.
Nagtipa ako.
Ako:
Sige. Isend mo nalang sa akin ang lugar kung saan at kung anong oras.
Nagreply agad si Kiera.
Kiera:
Sure, Brielle! Buti at sasama ka.
Ako:
Why not? Namiss ko kasi kayo!
Ngumiwi ako at ginalaw muli ang aking cereal na natutunaw na sa fresh milk na nilagay ko.
Kiera:
Aw… You’re such a cutie, Brielle. I miss you, too! Wala ba akong pasalubong?
Nagtipa ako ng reply.
Ako:
Meron. May mga keychains akong binili and some neon tshirt with I Love Cebu City. Bibigyan kita later.
“Kaya pala may binili kang souvenirs ha…”
Nagulat ako sa boses ni Kuya Blue sa aking likuran at kamuntik ko pang mabitiwan ang aking cellphone. Nasapo ko ang aking dibdib at nilingon na si Kuya Blue na nakangisi na.
“Kuya! You scared me!”
Nakapamulsa siyang nagtungo sa harap at umupo roon wearing a plain white tshirt and khaki shorts.
“Who’s Kiera? One of your friends?” tanong niya at sumandal sa kanyang upuan.
Tumango ako.
“Yup… Mga kaibigan rin nila Penny,” sabi ko.
Tumango siya at binasa ang labi.
“May lakad kayo?”
Ngumuso ako at tumango. “Oo… ’Tsaka ibibigay ko rin iyong mga pinamili kong souvenirs…”
Tumango siyang muli. “Kanino ka magpapasundo? Kay Red o sa akin?”
“Kay Kuya Red.”
Madramang sinapo ni Kuya Blue ang kanyang dibdib.
“Ouch… Mas gusto mo pang kasama si Red kaysa sa akin. Mas mahal mo pa ata siya…”
Tumawa ako sa pagdadrama ni Kuya.
“Pantay lang naman kayo. Mahal ko kayong dalawa!”
Mga alas dos y media ay nagsimula na akong maligo lalo na’t ang bagal bagal ko pang kumilos. Mga three ay nagb-blower na ako ng basa kong buhok at three-thirty ay nagbihis na ako.
I just wore a button front cami top and belted shorts short plus sandals. Dinampot ko ang aking mini packbag at pinaglalagay roon ang aking mga gamit like cellphone, wallet and hand sanitizer. Inilugay ko ang buhok kong umaalon na naman at tiningnan ng huling beses ang aking mukha sa salamin.
Nagtipa ako ng mensahe para kay Daddy habang bumababa ako sa enggrande naming hagdan.
Ako:
Daddy may lakad ako with my friends. I love you!
Fin-or-ward ko na rin iyon kay Mommy at in-edit lamang ang Daddy.
“Nasaan sina Kuya? Nasa Clubhouse?” tanong ko habang lumalabas ako at namataan si Manang Sandra.
Tumango agad ito.
“Ang sabi ng Kuya mo ay magpahatid ka raw sa driver at huwag nang magtaxi total alam naman nilang gagala ka ngayon.”
Tinanguan ko si Manang Sandra na bumubuntot sa aking paglabas. Naroon na nga ang driver namin, nakahanda na sa aking pag-alis lalo na’t pinagbubuksan na ako ng pinto.
Nagpaalam ako kay Manang Sandra at tuluyan rin namang pumasok. Nagbeep ang aking cellphone kaya tiningnan ko agad ang screen at nakita ang text ni Daddy.
Daddy:
O sige. Mag-ingat ka. I love you too.
Napangiti ako roon lalo na’t sumunod narin ang reply ni Mommy.
Mommy:
Mag-ingat ka, okay? I love you, too sweetheart!
Katext ko sina Penny at Lexy sa gitna ng byahe. Naroon narin pala sila at hinihintay nalang ako.
Penny:
Nandito si Haze! Aakitin mo pa rin siya?
Nagtipa ako.
Ako:
Oo naman. This time, hindi na warm-up ang gagawin ko.
Napangisi ako sa ginagawa kong kasinungalingan. Nakikita ko narin sa aking isipan ang kalalabasan ng aking plano since I will copy how Ken flirts. It was always his usual move every time the girls were around. And in just seconds, it will always end up with ’Do you want to go somewhere else? or ‘Gusto kasi kitang masolo.’ And poof! The asshole wins the girl’s attention.
Iyon ang gagawin ko kay Haze later. Memorize ko ang bawat steps sa isip ko at ilang beses ko na iyong sinaulo para lang mapormahan ko siya. And this time, I know he will fall into my trap! Masosolo ko ang badboy na ’yon just like how Ken would always get the girl’s trust!
I think this is a good day! Nararamdaman ko talaga na may mangyayaring progress sa plano ko.
Noong dumating ako, ang napansin ko agad ay ang mga bundok bundok and some motorcycles. Hindi gaanong patag, hindi rin semento ang kinatatayuan noong mga riders. What’s this place? Hindi naman maputik but I’m still worried with my sandals dahil baka madumihan.
“Brielle!” si Lexy ang unang nakapansin sa akin at mabilis akong kinawayan.
Ngumiti ako sa kanya at naglakad sa hindi sementong sahig. Hindi naman muddy at may pagka green pa ang paligid dahil sa mga puno at bermuda grass sa ibang bahagi ng sahig.
Napatingin narin si Kiera sa akin, naroon siya at nakahilig sa barricade. Ginawa iyong harang at nasa loob ang mga rider ata lalo na’t nakasuot sila ng something helmet. Karera ito ng mga motorcycles?
“Kumusta ang Cebu?” tanong niya habang naglalakad na kami patungo roon.
“Okay lang naman. And I bought some souvenirs for you!” Ipinakita ko sa kanya ang paperbag na ikinangiti niya.
“Thanks!”
Nakalapit na rin naman kami sa kinatatayuan nila Kiera. Nagngitian kami at nag-usap saglit about my cousin’s outing in Cebu pero nagfocus rin agad sa nangyayari sa loob ng barricade.
Nagulat ako nang magtalunan ang mga motorcycle sa ere at lumalanding naman ng safe saka ulit na paharurot ang takbo. Para nang nagiging usok ang nadadaanan nilang buhangin dahil sa kapal ng alikabok na nasasama sa kanilang mabilis na pagmamaneho.
“Go Haze!”
Iyon ang kadalasang sinisigaw na pangalan ng mga babaeng nanonood at nakahilig din sa barricade. May mga nagtitilian pa sa tuwing lalagpas at mangunguna sa maraming grupo iyong naka longsleeve ng itim at black na kulay ng helmet.
Nalaglag ang aking panga nang kulang nalang ay lumipad ito sa ere at mabilis namang babagsak. Oh my gosh! They’re flying with their motorcycles!
Sa sobrang extreme ay natakpan ko ang aking mga mata. This motocross is very dangerous! Hindi ba sila mapapahamak niyan?! What if mamali ang landing nila at madisgrasya sila?
Nangatog ang aking tuhod sa kakapanood sa mga motorsiklong nagliliparan, parang walang takot kay kamatayan at kulang nalang ay salubungin pa nila ito. O baka nga isa na riyan sa mga riders si Kamatayan at nakikipaghabulan narin!
Nahipo ko ang aking dibdib pagkatapos ideklara ang panalo na pinangungunahan na naman noong nagngangalang Haze. Sakto pang tumigil ito sa aming gawi at inalis ang kanyang helmet kaya mas malinaw naming nakita ang kanyang pagmumukha.
He’s a bit sweaty and his hair were very messy. Pero kahit ganoon, nangingibabaw parin ang kanyang kagwapuhan at ang pagiging intimidating nito.
Kung kani-kanina ay ang lakas ng tilian ng mga girls sa kanya, ngayon ay nasa malapit siya, ni isa ay walang nagtatangkang tawagin siya o kaya ay kunin ang kanyang atensyon. Lahat sila, lahat ng mga babae ay nagbubulong-bulungan lang at tahimik siyang tititigan habang inaayos nito ang kanyang buhok at isinara ang isang mata, ang mukha ay seryoso pa.
“Ang gwapo niya ’no?” bulong sa akin ni Lexy.
Hindi ako tumango, since I am not a fan of badboy looking and his ruthless aura. I just hate him for being so… so evil.
Sumulyap si Kiera sa akin, ang mga mata ay nanghahamon na at marahil ay naghihintay sa aking hakbang.
May nakita akong mga babaeng pumapasok na sa barricade para lapitan ang iilang kakilalang rider, pero pasulyap sulyap parin kay Haze na busy na sa kanyang motor.
Umalis ako sa kinahihiligang barricade at nagpasyang pumasok narin sa loob. Namilog ang mga mata nila Penny at Lexy, hindi makapaniwala sa aking ginawa habang si Kiera naman ay tahimik lang na nakamasid, walang gustong palampasin sa aking galaw kaya hindi na kumukurap.
Nakita ko ang pagsulyap ni Haze nang tuluyan akong pumasok. Ang kanyang mga mata ay sinusundan ang aking paghakbang. W-Why is he staring at me like that?
It’s always the way his devilish eyes stare at me intensely that churns my stomach and strips my confidence.
Hindi umalis ang titig niya sa bawat hakbang ko, tila ba nakaabang sa aking paglapit at ayaw akong pakawalan, sinisiguradong sa kanya ako lalapit, sa kanya ako patungo.
Gosh! He’s making me nervous with those stares!
6th Gripped
Old
Pagkalapit na pagkalapit ay ngumiti agad ako sa kanya. Doon na siya nag-iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pagchecheck sa kanyang motor.
“Hi! Ang galing mo palang magpalipad ng motorcycle?” Humagikhik ako.
First compliment! Check. I’m sure mag-iinarte siya or magsusuplado katulad noong ginawa ng babae na diniskartehan ni Ken.
“You’ve seen it with your eyes close?” tanong niya sa baritonong boses.
Kumurap ako, hindi inaasahan ang kanyang sagot.
“H-Huh?”
Sumulyap siya saglit at umatras para doon naman sa may pwetan ng motor ituon ang atensyon.
“How come you’ve seen it when you’re just covering your eyes the whole time?”
Napasinghap ako roon, nakatingin sa seryoso niyang mukha at wala sa akin ang mga mata.
Hinaplos ko ang aking siko at ngumuso.
“I’ve s-seen it! Sumilip ako ng kaonti sa mga daliri ko! Ang gagaling niyo nga at lumilipad kayo sa ere!”
He licked his lips. Hindi siya umimik doon at binuksan ang upuan saka kumuha roon ng basahan. Yumuko siya at sinimulang punasan ang alikabok na dumikit sa ibang parte.
Kinagat ko ang aking labi at nag-isip isip. Ano pa nga iyong mga sinabi ni Ken? He told her she’s pretty! Oh, alright!
“You’re so gwapo…” sabi ko at ngumiti ng matamis.
Hindi siya naapektuhan doon kaya hinintay ko nalang ang kanyang pagsusuplado at itaboy ako. Pag gagawin niya iyon ay isisingit ko agad iyong girlfriend thingy…
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Ilang sigundo ang lumagpas at parang lalamukin na ako sa kakahintay ng kanyang pananaboy sa akin pero wala! His eyes were fix on this motorcycle, wala sa akin!
Hindi ako nawalan ng pag-asa at yumuko, ginaya ang kanyang posisyon with my legs close. Humilig ako sa aking mga hita at sinilip ang kanyang mukha. Siguro hindi niya ako narinig.
“You’re so gwapo…” ulit ko sa maliit na boses.
Hindi siya umimik kaya napanguso akong muli. Ano pa nga iyong mga pinagsasabi ni Ken? Oh! About the girl’s boyfriend! Okay!
Tumikhim ako at kunwaring iginala ang mga mata pero ibinalik ko rin agad sa kanya.
“I’ve been watching you the whole time and hindi ko napansin ang girlfriend mo. Oh… I’m sure you’re single since nakakalapit pa ako sa’yo, right?” Tumawa ako ng marahan.
Tumingin siya sa akin. “Wala akong girlfriend,” he said clearly.
Lumiwanag agad ang aking mukha at mas napangiti pa ako. Yehey! He fell on my trap! Iyan din iyong sagot ng babae kay Ken and then boom! May progress na dahil parang nafall na ang babae! So I just need to repeat Ken’s words.
“Mabuti naman… Baka magkagulo agad pag may lumapit sa’yo,” panggagaya ko sa sinabi ni Ken.
Nagkasalubong ang kanyang kilay at natigilan sa pagpupunas. Nilingon niya ako, marahil ay hindi alam ang pinagsasabi ko. I smiled at him cutely.
“Do you want to go somewhere?”
Mas lalo nang nagkasalubong ang kanyang kilay. Gumuguhit na sa gwapong mukha niya ang pagtataka.
Doon ko napagtanto na hindi dapat ako ang magsabi noon, dapat siya! Oh my gosh! Nalito ako!
“Why?” tanong niya.
Hindi muna ako sumagot at binalikan ang pinaggagawa ni Ken sa aking isipan. He whispered those words to her! Lumapit siya!
Umabante narin ako, sapat lamang para bumulong sa kanya. Sa sobra kong lapit ay naamoy ko agad siya, ang kanyang manly na pabango na tila nahahaluan nalang ng kanyang pawis.
“Gusto kasi kitang masolo,” bulong ko at ngumiti agad ng matamis nang malaglag ang mga mata niya sa akin, ang kilay ay kulang nalang magkapantay dahil sa pagkakasalubong.
Haze stared at me like I am the weirdest girl he met.
“Anong binubulong bulong ng babaeng iyan?”
“Sino ba siya? Ba’t ang lakas ng loob niyang lumapit kay Haze?”
“Bakit siya hinahayaan ni Haze na lumapit sa kanya? Dapat ay tinataboy niya iyan!”
Iyon ang mga nakalap ng aking tainga sa paligid. Ano ba itong si Haze para sa kanila? Maladiyos kaya takot silang lapitan dahil baka masilaw sila sa kanyang kagwapuhan? Ganoon ba?
Noong matapos siya ay tumayo rin naman ito. Tumayo rin ako at pinanood siyang buksan ulit ang upuan para ipasok doon ang basahan. May suot naman siyang gloves kaya hindi nadumihan ang kanyang kamay.
Kinuha niya iyong helmet, buong akala ko ay isusuot niya ulit pero nagulat ako nang isinuot niya iyon sa akin. Hindi lang ata ako ang nagulat lalo na’t ang rami kong narinig na nagsinghapan, marahil sila ay hindi rin inaasahan ang kanyang ginawa.
Umatras ako pero hinawakan niya ang aking braso, pinipirmi ako.
“Gusto mo akong masolo, hindi ba?” malamig niyang tanong.
“Magp-papahangin tayo?”
Hindi siya umimik at naunang umangkas sa kanyang motor. Isang sipa lang ay tumunog na agad iyon, handa nang kumaripas ng mabilis ano mang oras.
Nilingon niya akong muli at sinenyasan akong sumakay sa kanyang gilid.
Namutla ako, halos gusto nang umatras sa kanyang binabalak. No way! Hindi ako sasakay riyan lalo na’t alam kong paliliparin niya iyan sa ere! Pero pag tumanggi ako ay makikita naman nila Kiera na duwag ako at hanggang salita lang! Dapat nga ay matuwa ako dahil pwede kong ipagmayabang sa kanila ang nasaksihan nila, na pinasakay ako ni Haze sa kanyang motor. Pero magagawa mo pa bang magyabang mamaya kung namatay kana, Elle!
Hinila niya ang aking pulso at iginiya na ako sa likod. Nanginginig akong umangkas at mabilis na humawak sa kanyang balikat.
“Mommy…” daing ko ng mahina dahil sa takot.
“Grip on my waist,” aniya sabay pihit noong hinahawakan niya kaya mas tumunog iyon.
“B-Bakit?”
“Gusto mong mahulog?”
Namilog ang aking mga mata at mabilis na kumapit. Ilang sandali lamang ay humalo na ang aking tili sa ingay ng pagpapatakbo niya dahil sa sobrang bilis noon.
Nadikit ako ng husto sa kanyang likuran, halos manalangin ako na sana ay makababa ako ng buhay.
“Slow down!”
Imbes na makinig, mas binilisan niya pa! Namilog ang aking mga mata nang makita ko sa harapan na barricade na ang naroon. Oh my gosh! I’m going to die! Pinagsisisihan ko na ang pagiging matigas ng ulo ko! Nagsisisi na ako sa pagsuway ko noon kay Daddy at Mommy! Hindi na ako uulit!
“Ahhhh!”
Umangat kami sa ere at para nang lumipad nang tinalon niya ang barricade. Parang nabutas ang aking tiyan noong nasa ere na kami at noong bumagsak ay parang naiwan sa itaas ang aking kaluluwa.
“You’re a devil!” sigaw ko sa sobrang takot at humahalong galit.
“Ibaba mo ako! Ahhhh! Help!” Nagsisigaw ako sa kanyang likuran, gusto nalang na bumitaw pero takot rin namang mahulog.
Haze didn’t say a word. Mas binilisan niya pa at nakikipagkarera na ata kay Kamatayan na hinahabol na kaming dalawa. I think nasa likuran na siya at konti nalang ay maaabutan na kami, na makukuha niya na ang buhay ko!
Naiiyak na lamang ako, gusto nang bumaba at ayaw nang lumapit sa kanya. Is he planning to kill me?!
Nagmistula akong bato sa kanyang likuran noong bumagal na ang kanyang bilis at tuluyang huminto sa kung saan na hindi ko alam na lugar.
Mabilis akong bumitaw sa kanya at naunang bumaba, halos magmadali ako sa nanginginig kong mga tuhod. Nilingon niya ako, ang munting ngisi sa labi ay nakita ko pa.
H-He’s enjoying this! Siguro ito ang paraan niya para itaboy ako? Ang takutin ako ng sobra?! Oh my gosh ang sarap niyang saktan!
“I-Isusumbong kita sa mga K-Kuya ko!” Tinuro ko siya habang umaatras ako, iginagala ang mga mata sa hindi ko alam na lugar.
Bumaba siya roon at hindi pinansin ang aking isinigaw. Isang hila niya lang sa suot niya sa likuran ay nahubad na iyon ng tuluyan.
Nagulat ako, natigilan nang makita ang topless niyang pangangatawan kung saan batak na batak ang abs at sobrang tigas pang tingnan noon.
Humiga siya sa bermuda grass at inunan ang mga braso niya sabay pikit.
“Magpapahangin tayo, hindi ba?” mapang-uyam niyang tanong.
“I-Ibalik mo na ako roon sa mga friends ko! Ayoko rito!” Iginala ko ang tingin sa paligid.
Mga puno ang nakikita ko, walang ni isang bahay o kung ano man at ang patag pa. Pwede na sana akong magtatakbo at matuwa sa nature kaso naisip ko rin na kasama ko itong apo ni Satanas na si Haze ay gusto ko nalang maglakad pabalik sa aking daan.
“Did your friends tell you to flirt with me? Pinagpustahan niyo ako?” tanong niya sa siguradong boses.
Hindi agad ako nakasagot at natulala ng ilang sigundo. H-How did he know? Mali naman siya pero parang tama narin lalo na’t ako rin ang may pakulo nito.
Dumilat siya at nilingon ako rito. Isinara ko agad ang nakaawang kong bibig.
“You don’t know how to flirt. Masyado kang trying hard…”
Namilog ang aking mga mata. T-Tinawag niya akong trying hard! Ang kapal ng apo ni Satanas!
Sa aking inis ay marahas kong hinila paalis ang isinuot niyang helmet sa akin. Iyon nga lang, hindi ko iyon halos makuha. Nakita ko na siyang tumayo, namulsa at naglakad patungo sa akin.
Umatras ako, pilit paring tinatanggal ang helmet para itapon agad iyon sa kanya sabay karipas ng takbo. Nilaro ng hangin ang kanyang buhok, ang kagwapuhan ay madilim ang ekspresyon ngunit kalmado lang naman itong tingnan.
“You don’t even know what you’re saying. Paano mo ako maakit niyan kung ganyan ang galawan mo?” mayabang niyang sabi, nakaangat na ang isang kilay.
May mga tao pala talagang ang sarap murahin ’no?
“You’re flirting with me desperately, and it’s not really working. You look like a kid who’s just playing around, and you think you can fool me?”
Bawat binibitiwan niyang salita ay humahakbang siya palapit. Umatras naman ako, gustong magkaroon ng distansya sa kanya dahil parang mananapak na siya sa seryoso niyang ekspresyon. He is such a devil! A ruthless devil!
“You are not my type,” seryosong sabi niya, ang titig ay sobrang lalim na naman.
Sobrang lapit niya na sa akin. Humakbang ulit ako paatras, natatakot na mapalapit sa kanya dahil parang hindi mapagkakatiwalaan iyang gwapo niyang mukha.
“I’ll seriously punch you! L-Lumapit ka rito and I’ll really hit your f-face!” Ipinakita ko sa kanya ang dalawa kong kamao.
Umangat ang kanyang kilay at humakbang pa. Kumalabog ng husto ang aking dibdib, hindi alam kung anong gagawin kaya mas pinag-igihan ko nalang na tanggalin ang helmet para iyon ang gawing sandata laban sa kanya.
“Ang tapang mo kanina para lumapit. What’s that for? You chickened out?” Ngumisi siya pero iyong klase ng ngisi na hindi na umaabot sa kanyang ekspresyon.
Huling hakbang paatras ay hindi ko na nagawang makalayo dahil hinila niya ang aking baywang at idinikit ako sa kanyang katawan.
Kumalabog agad ang aking dibdib dahil sa yumakap na kaba. Nagkatitigan kami habang suot ko parin ang kanyang helmet at topless siya!
He licked his lips and smirked at me devilishly.
“You need to try harder to seduce me little girl…” he said with so much insults.
Doon ako natauhan. Ang walanghiyang apo ni Satanas ay mas grabe pa ang hangin na dala ng isang malakas na bagyo. Sa aking inis ay nagpumiglas ako at gusto siyang itulak.
“I am not a little girl! Eighteen na ako!”
He gripped my waist firmly.
“Ah… Virgin…”
This badboy! Gusto ko sana siyang sampalin kaso natatakot ako dahil baka gumanti siya sa akin at sampalin din ako pabalik.
“Shut-up!” Nafufrustrate kong sigaw, hindi na alam kung anong ipinaglalaban dito lalo na’t sobra niya na akong natitrigger.
Hinawakan niya ang aking helmet at inalis iyon sa aking ulo. Noong matanggal niya iyon ay naramdaman ko agad ang malamig at preskong hangin na umihip sa aming dalawa.
Hinangin ang aking buhok kasabay ng mariin kong tingin sa kanya at nakakuyom kong mga kamay.
“I’ll make you mine!” sigaw ko sa namumulang mukha, desididong magmayabang sa kanya at patunayang hindi ako takot.
His brow shot up. There’s a mocking in his eyes, a judgmental stare telling me that he won’t fall for it.
“Did you hear me, Haze?! Papatunayan ko sa’yo na maaakit kita!” palaban kong sigaw.
Tumango siya, wala sa sarili.
“Goodluck, then. Pag nanalo ka, sa’yo ako.”
Kumalma ang aking ekspresyon. Para akong nakarinig ng mga nagkakantahang anghel sa kalangitan. Pag nanalo ako ay mapapasa akin siya! Maipagmamayabang ko na panalo ako dahil nakuha ko siya! Mapapatunayan ko sa kanila na kaya ko ring mang-akit katulad ng mga pinsan ko. And knowing Haze is such a very badboy, magiging isang malaking trophy ko siya!
“But if you lose…”
Doon ako natauhan sa aking pinag-iisip. Yumuko siya, sapat lamang para makalebel ko. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi at mas lalo pang lumapit.
Mariin akong pumikit, hindi na siya kayang tingnan pa sa sobrang lapit niya sa akin.
“P-Pag natalo ako?” ulit ko, gustong malaman ang sagot sa kanyang bibig.
“You need to stop bugging me because you’re really annoying,” bulong niya sa labi ko, ang kanyang hininga ay hinalikan na ang aking labi lalo na’t tumama na iyon doon.
Hindi ako halos nakahinga sa limang sigundo. Inisip ko pang mabuti ang sinabi niya. Napakapabor naman noong kondisyon niya! So kahit matalo parin pala ako ay hindi rin naman iyon masyadong bigdeal. Ayaw ko kayang nadidikit sa kanya! Ang badboy na nga ang sama pa ng ugali! Kaya nga badboy kasi masama ang ugali! Iyon na nga! He’s the worst of the worst!
Umatras ako at dumilat. Tumuwid naman siya sa pagkakatayo, seryoso na ang tingin sa akin.
“Deal!” sigaw ko.
Wala na siyang iba pang sinabi at tumalikod. Isinabit niya sa kanyang motor ang helmet at bumalik doon sa kanyang hinihigaan para humigang muli. Ang nanlalambot kong mga tuhod ay iniupo ko na talaga sa sahig. Sinapo ko ang dibdib at hinabol ang hininga.
Gosh, Elle! Nababaliw kana ba?! Ngayon na alam niya na ang balak mo ay baka magmatigas iyan lalo sa’yo! You are not thinking!
Parang lumalabas na nakikipaglaro narin ako sa apo ni Satanas. Para akong napapaligiran ng apoy at nagdadasal nalang na hindi masunog habang tinatangka kong lumabas doon kahit na napakaimposible na.
Bumuga ako ng hangin at sa sobrang frustration ay pinagbubunot ko iyong mga damo. I don’t like this deal! Nahulaan niya nga agad ang mga kilos ko tapos nagmayabang pa ako ng kung anu-ano! Halata namang eksperto siya sa mga babae! Mukha palang parang ang dami niya nang nasaktan!
Bumusangot ako at napagtantong nakalbo na ang isang area na pinagbubunutan ko ng mga damo. Napansin ko ang anino ni Haze na tumayo kaya tumingala ako.
Doon ko lang napansin na kumalat na pala ang namumuong sunset sa paligid. Haze stared at me curiously. Namangha ako sa kanyang likuran dahil sa kulay ng kalangitan. Humahalo na ang orange sa pula at may iilang dilaw rin. Ang ganda!
“Alis nga Haze! Tinatakpan mo ang magandang view,” sabi ko at sinimangutan siya lalo na’t nakaharang pa siya roon.
He just stared at me curiously. Sumimangot ako at tinagilid nalang ang ulo para mas masilip ang magandang kulay ng sunset na hinahalikan na ang bawat paligid na nadadapuan ng sinag nito, lalo na si Haze na akala mo ay kakababa lamang sa langit.
Hinubad ko ang suot kong bag at kinalkal agad ang aking cellphone para kunan ng picture ang sunset. Tumayo ako at pinagpagan ang aking tuhod at pwet.
Tumakbo ako patungo sa kanya.
“Uh, kunan mo ako ng picture…” sabi ko at inilahad ang aking cellphone.
Tiningnan niya iyon ng ilang sigundo. Ngumuso ako.
“Kukunan din kita ng picture… Give and take!” Ngumiti ako.
He licked his lips at kinuha rin naman iyon sa aking kamay. Nagsimula akong umatras palayo sa kanya habang hawak niya iyon gamit lamang ang isang kamay, ang isa ay nakabulsa pa.
“Say cheese,” he said nonchalantly, walang ka emo-emosyon.
“Haze!” Ngumiti ako ng matamis sa kanya, at nagpeace sign pa.
Magkatunog lang naman ang cheese and Haze eh.
Tumitig siya sa camera at narinig ko ang pagclick noon. Lumapit akong muli at inagaw iyon sa kanya. Noong makontento ay siya naman ang tiningnan ko.
“Ikaw naman.”
Umiling siya. “I don’t like cheesy things.”
“Huh?”
Binasa niyang muli ang labi at nag-iwas ng tingin sa akin. Ngumiwi ako. Ang arte naman! Para picture lang cheesy na agad?
“Or tayong dalawa nalang!” Lumapit ako sa kanya.
Napalingon siya sa akin. Tumingin ako saglit sa topless niyang katawan at tiningala rin ang mukha niyang hinahalikan parin ng sinag ng sunset.
“Ang gwapo mo pala talaga ’no?”
Umangat ang kanyang kilay.
“Matatalo ka agad niyan… Baka ikaw agad ang maakit…”
Ngumiwi ako. “I am not into badboys! Hindi rin kita type ’no.”
“So you’re just doing this to impress your friends, is that it?”
Sumimangot agad ako. Ganoon ba ako kaobvious na nababasa niya agad ako?
“Pero hindi ka namin pinagpupustahan ah. Baka magalit ka pag-”
“So? As if I’m going to fall with your tricks?” Inayos niya ang hinangin na buhok.
“Edi… paano?” I asked him curiously.
Tumingin siya sa akin, parang binabasa lamang ang aking ekspresyon.
“You’re not attractive and…” Bumaba ang kanyang tingin sa aking dibdib. Umangat ang dalawang kilay niya roon. “And you’re ignorant.”
Huh? Iyon pala ang sasabihin niya tapos bakit tumitingin pa sa dibdib ko? Akala ko pa naman may sasabihin siya tungkol doon.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sakit niya namang magsalita! Anong hindi ako attractive! At anong ignorante! Purket ang raming nagkakagusto na mga babae sa kanya ay feeling niya sobrang attractive niya narin?! At purket expert siyang bumasa ng kilos ng babae ay tatawagin niya na akong ignorante! Hah! Baka sa huli mapatid siya ng mga salita niya at mahulog siya sa akin!
“Edi anong gagawin ko para maakit kita?”
Hinaplos niya ang batok at nag-iwas ng tingin.
“Just try harder since I am not really attracted with girls who’s very far from my age.”
“So how old are you? You look old to me. Kaya siguro hindi ka natatablan kasi hindi naman tayo magkaedad.”
Tumingala siya sa kalangitan.
“I am five years older than you…”
Dahan dahang namilog ang aking mga mata. W-What?! H-He’s already twenty-three?! He’s very old!
“Kaya pala hindi rin kita nagustuhan unlike sa mga babaeng nakapaligid sa’yo! I don’t like boys who’s far from my age, too! The reason why you look grumpy and scary because you’re already old!” Tinuro ko ang kanyang mukha at bumungisngis.
Hindi umimik si Haze roon. Sumulyap lang siya saglit sa pagbungisngis ko at inalis rin naman agad ang mga mata sa akin.
He’s really not my type. Nasa kanya lahat ng hindi ko hinahanap sa isang lalake at mukhang nasa akin din lahat ng ayaw niya sa babae. I guess we’re mutual!
“I prefer older girls…” he whispered.
Tumango-tango ako. “Ako rin… Gusto ko rin iyong parehas sa edad ko.” Tumingala ako at nag-inat.
Tiningnan niya ang tiyan ko lalo na’t umangat ang aking top at sumilip ang aking pusod. Ibinaba ko agad ang aking kamay. Nag-iwas rin naman siya ng tingin at naglakad na pabalik sa motor.
“Bumalik na tayo.”
7th Gripped
Basta Delafuente
“Oh my gosh, Brielle! Oh my gosh!”
Ang tilian nina Lexy at Penny ang nagpabalik sa akin sa aking sarili. Kumurap ako at nilingon sila, ang mga panga ay laglag at nanlalaki pa ang mga mata nila.
Humalukipkip si Kiera sa gilid, habang ang dalawa naman ay nasa aking harapan na at kulang nalang magtatalon sa kanilang tilian.
“Hindi ako makapaniwalang pinasakay ka niya sa motor niya!” ani Penny.
“Oh my gosh! Ang swerte mo! Naakit mo ata si Haze!” ani Lexy.
Ngumiti ako sa kanila. “Oo… Parang ganoon na nga. We’re close now.” Humagikhik ako sa kanila.
Nagtilian sila lalo, ang iba pang mga babae rito ay pinagtitinginan ako, marahil ay dahil nga sa pagpapasakay ni Haze sa akin sa kanyang motor.
“You got his number? Niyaya kang makipagdate?” tanong bigla ni Kiera.
Napatingin ako sa kanyang dako. Oo nga pala! I forgot to get his number! Ni hindi rin kami nakapagpicture dalawa!
Umiling ako at ngumuso. Hawak ko parin ang aking cellphone kaya hinalungkat ko agad ang picture ni Haze roon kanina na kuha ko.
“I’m sure prinangka ka ni Haze to stop bugging him because you’re annoying him. Tama ako ’no?”
Napatingin narin ng makahulugan sina Lexy at Penny sa kanya. Natigilan naman ako lalo na’t iyon nga talaga ang sinabi ni Haze sa akin. But we have a deal… Pag naakit ko siya ay mapapa saakin siya.
Ipinakita ko agad ang screen sa kanila nang matauhan ako. Nagulat agad sina Lexy at Penny, ang aking cellphone ay mabilis pa nilang kinuha.
“Ang gwapo niya!” Tumili ng malakas si Penny, kahit si Lexy ay nalaglag na naman ang panga kakasilip sa picture ni Haze.
“Wala naman siyang sinabing ganyan sa akin, Kiera…” sabi ko at ngumiti.
Mas naging malalim ang paninitig niya sa akin.
“Siya ba ang nagpicture nito sa’yo, Brielle?!” Ipinakita ni Lexy sa akin ang picture kong nakangiti, nagpepeace sign.
Tumango ako at marahang natawa. Mas lalo lang nila iyong pinagkaguluhan.
“Ang swerte mo at nautus-utusan mo siya ng ganoon! Nakakatakot nga siyang lapitan at kausapin tapos ikaw… Oh my gosh! Bilib na talaga ako sa’yo! Delafuente ka nga! Ang galing niyong mang-akit at nakukuha niyo talaga ang gusto niyo!” ani Penny sa dala ng matinding saya.
Hinawi ni Kiera ang kanyang buhok, tila hindi parin kumbinsido dahil masyado pang seryoso ang kanyang ekspresyon.
“Did you two kiss? Did he kiss you?” deritsahan niyang tanong sa akin.
“H-Huh?”
Umangat ang kilay niya sa akin, ang ngisi ay unti-unti na namang lumabas sa labi.
“Who’s your first kiss, Brielle? Or maybe… you don’t know how to kiss.” Natawa siya roon.
“He kissed me on my cheek after saying I’m pretty…” sabi ko sanhi para matigilan si Kiera, ang dalawa naman ay may mas ikakalaki pa pala ang mga mata.
“S-Seryoso ka ba riyan, Brielle?!” ani Lexy sa gulat na gulat na mukha.
Tumango ako at itinuro ang aking right cheek.
“Dito oh…”
Mas tumili sina Penny at Lexy, silang dalawa na ngayon ang nagtatalon talon sa sobrang saya kaya natawa ako. Si Kiera naman ay umangat lamang ang kilay, hindi parin kumbinsido.
“Haze doesn’t kiss like that. He prefers a kiss on the lips or a french kiss…”
Ano iyong french kiss? I should research about it nang hindi ako naiignorante.
“Oo nga eh. We’ve seen him make-out with different girls, Elle. He’s always aggressive and…” si Penny na iyon, namumula pa ang mukha sa kinukwento.
Oh no! Mali ako?! Hindi pala siya humahalik sa pisngi! Eh iyon lang naman ang mas katanggap tanggap para sa akin! Ayokong sabihin na hinalikan niya ako sa labi dahil maski ako ay hindi talaga iyon tanggap kahit na kasinungalingan lang naman. I don’t want his lips on my lips! Ew! No! Yuck!
“Haze is not just a badboy but a notorious playboy, Brielle. At lahat ng iyon ay mga panandalian lamang. Mga pang one-night…” si Lexy iyon.
Okay? I’ve heard that somewhere… Parang narinig ko na talaga iyan sa bibig ni Ken, iyong one-night. Kahit anu-ano lang naman ang naririnig ko pag nag-uusap sila at aksidenteng umaabot sa tainga ko. So… So puro lang pang one-night ang mga girls ni Haze?
“So if he kissed you on the cheek then I guess you’re not really his type. Hindi ganoon si Haze sa babae. He doesn’t kiss someone on the cheek, Brielle.” Kiera laughed mockingly.
Lumunok naman ako, pilit pinapagana ang utak para makalusot sa palpak kong kasinungalingan.
“Uh… I think it’s a goodbye kiss. Kasi sabi niya… See you next time and he kissed me on the-”
“Eh sabi mo sinabihan ka niyang maganda ka? Tapos goodbye kiss?” Tumawang muli si Kiera ng matabang at hinawi pa ang buhok.
“He said that before saying goodbye to me,” depensa ko agad.
Ngumiti naman si Penny sa akin at inilahad ang aking cellphone.
“At least may progress. I think Haze likes you…” sabi niya at kumindat pa sa akin.
“Oo nga.” Humagikhik si Lexy. “Ikaw palang ang babaeng nakita kong pinasakay niya sa likuran ng kanyang motor. I think Haze likes you…”
Ngumuso ako at nagflashback agad sa aking utak ang sinabi ni Haze na hindi niya ako type. Paulit-ulit iyon sa aking isipan na parang sirang plaka. As if he’s my type, too. Parehas lang kami ng nararamdaman para sa isa’t isa.
Hindi ko nalang masyadong pinagtuunan ng pansin ang pagiging bitter ni Kiera at pagpupush na taliwas sa mga kwento ko ang tunay na Haze. Edi sila na ang maraming may alam sa kanya! Hindi naman ako madalas manood ng mga drag race at motocross niya so wala talaga akong ideya. And why would I even involve myself with a badboy? Bahala siya ’no. Nakakatakot ang mga pinaggagagawa niya.
“Nasa shooting range siya this Monday, for sure,” ani Kiera habang nasa taxi na kami.
“Shooting range?” pag-uulit ko.
Tumango si Penny sa akin.
“Yup. Haze is expert with guns, Brielle. Not just guns but also jiu-jitsu.”
“Plus archery,” si Lexy na ang dumagdag.
Wow… Ba’t ang rami niya naman atang alam na mga delikado? Parang ang extreme ng mga outdoor activities niya.
“Ano pa?” tanong ko.
“He plays golf, bowling… at nagcacasino,” ani Penny at ngumisi.
Casino?! So he’s really rich! Malamang, Elle. Have you seen his car?! Mustang pinangdrag race niya lang! Sinong matino ang isasali ang ganoon ka mamahaling sasakyan sa isang extreme na karera? Ako ang naaawa sa mamahalin niyang kotse.
“Mga stalker kayo?”
Humagikhik sila, kahit si Kiera ay napatingin narin dito sa likuran.
“We used to follow him since Kiera likes him noon at-”
“Noon lang,” giit agad ni Kiera.
Nagtanguan ang dalawa.
“Oo noon lang at plinano namin na maakit si Haze kay Kiera but-”
“But nabored ako kay Haze so ayun, tumigil nalang ako since nawala rin iyong feelings ko sa kanya,” putol niya kay Lexy.
“Oo kaya marami kaming alam kay Haze,” si Penny naman.
Oh… I see. So ang mga gawain nila noon ay parang ipinasa lamang nila sa akin. Bale ako lang ang nag-uulit ng mga pinaggagawa ni Kiera noon.
“Bale hindi siya natablan sa’yo?” tanong ko kay Kiera na itinuon nalang ang tingin sa harap.
“Haze told her he has high standards with girls infront of many people. Biruin mo iyon, Brielle… Kaya hindi basta basta nalalapitan si Haze dahil grabe iyon makapagsalita. Masakit siyang mambato ng sasabihin sa’yo at mapapahiya ka talaga,” ani Penny.
“Eh knowing Kiera. She’s pretty, matangkad, payat, maraming socialite friends and rich pa pero pinamukha parin ni Haze na mataas ang standards niya sa isang babae. Parang lumalabas na mala hollywood models na ata ang gusto ni Haze dahil hindi pasok si Kiera sa kanyang mga gusto,” natatawang si Lexy.
Duh! So what kung maganda at mayaman si Kiera? At sa naobserve ko kanina, base sa sinabi niyang trying hard ako at nahulaan niya pa ang mga plano ko ay hindi malabong eksperto nga siya sa mga babae. Hindi malabong nabasa niya rin si Kiera. She’s a total package of being manggagamit! Baka ayaw ni Haze sa mga ganoon ’no.
“Pinangako kasi ni Kiera na maghahanap siya ng katapat ni Haze…” bulong ni Penny sa akin, lalo na’t napapagitnaan ulit ako nila ni Lexy rito sa backseat ng taxi.
Mukhang hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Kiera lalo na’t lumingon siya sa amin.
“Friends before boys, right, Brielle?” She smiled at me.
Tumango agad ako. And Haze is not my type! Imposibleng magkagusto ako sa badboy na iyon ’no. He’s old and scary.
Kahit noong nasa Restaurant na kami ay iyon parin ang aming topic, si Haze parin. Hindi ako masyadong makapagconcentrate sa kinakain kong Cordon Bleu.
“That was a year ago… Nakamove-on narin naman ako sa kanya. Pero ang gwapo niya parin talaga hanggang ngayon,” ani Kiera at humagikhik.
Tumango-tango sina Lexy at Penny.
“I have a crush on Haze, too… He really reminds me of Isaiah kaya naaattract talaga ako sa kanya.”
Tumalim agad ang mga mata ni Kiera kay Penny, lalo na’t nabanggit na naman si Isaiah.
“You like a rapist, Penny?” Kiera asked annoyingly.
Ngumuso si Penny. “Hindi pa naman siya nakasuhan noong nagkacrush na ako sa kanya noon, Kiera. Kahit snob si Isaiah, he’s very smart and he’s so handso-”
“So magsesettle kana agad sa ganoong lalake just because he’s smart and handsome?” Umangat ang kanyang kilay.
Nagkatinginan naman kami ni Lexy. Si Penny ay napaawang ang bibig, pilit ipaglaban ang kanyang pinupunto pero dahil sa katarayan ni Kiera ay natutop na lamang ang kanyang bibig.
Umirap si Kiera at ipinagpatuloy sa paghihiwa ng kanyang baby back ribs.
“Ang yabang yabang ng lalakeng ’yon. Akala mo kung sinong snob but the truth is, may hidden agenda talaga siya kay Keesha. Yuck! Nakakasuka siya! Buti nga sa kanya. Knowing the Apolinario’s connection, wala siyang kawala.”
“Pero nakakaawa ang sinapit ng mga Apolinario ’no? Their entire Mall got burned and nakasuhan pa ang parents niya dahil sa kanila sinisi ang kapabayaan. They got bankrupt…” ani Lexy sa malungkot na boses.
Binitiwan ko ang aking kubyertos at inangat ang baso ng aking juice. Uminom ako roon ng kaonti at inilapag rin iyon pabalik sa pwesto.
“I’m sure makakaahon agad ang mga Apolonario. Their empire is quite big and-”
“Pero may bumili na raw roon sa lupa ng pinagtirikan ng Mall ng mga Apolinario eh,” putol ko sa kanya.
Sandaling natutop ang kanyang bibig.
“At wala na si Keesha sa school. Siguro nangangapa na sila ngayon dahil sa nangyari,” dagdag ko pa at dinampot iyong table napkin para punasan ang aking labi.
“She’s depressed, Brielle! I’m sure nagstop muna siyang mag-aral dahil sa trauma na naranasan niya kay Isaiah! He ruined her life!” giit niya, ang boses ay galit na galit.
Bumuntong ako ng hininga at tumango.
“Nakakaawa talaga si Keesha ’no?”
Lumambot naman ang kanyang ekspresyon at sumang-ayon sa akin. But Zera doesn’t like Keesha.
“Edi ako plastic at oa ako?” sabi ko, nang mapag-usapan namin iyon sa hapon ng Sabado.
“You’re both pero pinsan naman kita kaya sanay narin ako,” she smiled at me, iyong hindi na gumuhit ang saya sa kanyang mukha.
I have this weakness… Takot akong mag-isa. Takot akong walang kasama. Takot akong maging loner. I don’t know how Zera does it but I really envy her dahil kaya niyang walang kaibigan. Pero nariyan naman si Irah… She can stick with her all the time dahil nagkakasundo sila. Eh ako? The reason why I chose to be friendly para may kasama rin ako, para hindi ako mapag-isa.
I don’t know if I’m the one who’s faking them or I’m just faking myself. Para kasing mas lumalabas na iyong sarili ko nalang ang pinaplastic ko eh.
Sunday.
Nasa simbahan kaming lahat, halos nakikita ko lang rin ang aking mga pinsan. Tapos na ang misa at nagyayaya nang mag-uwian ang iba habang ang aking parents ay nakikipagtawanan pa sa mga kakilala habang nag-uusap.
Umalis ako sa upuan at iginala ang mga mata para maghanap ng kakilala. Ang una ko agad nakita ay si Ken na nasa grupo ng kung sino, ang mga mata ay nakatitig sa babaeng may mahabang buhok at naka below the knee dress.
I need to get closer! Baka may makalap akong ediya sa pinsan ko when it comes to flirting! Pero teka nga… Nasa simbahan pa siya ah? Isn’t that sinful?!
Mabagal lamang ang aking paghakbang. Lumingon sa akin si Kuya na naroon sa may pinto, nakapamulsa at kasama ang iilan pa naming mga pinsan na nag-uusap rin, probably for their basketball or lakad.
Naririnig ko ang topic nila, pertaining to Ken’s expertise in girls.
“Iyan pa! Basta Delafuente, matinik dumiskarte!”
Oh… Basta Delafuente, matinik dumiskarte.
Ngumisi ngisi nalang ako paalis doon at nagtungo na sa may pintuan para lapitan sina Kuya. Narinig ko agad ang plano nila mamayang gabi na mag bar.
“Ano na namang tsismis ang nakalap mo roon sa gawi ni Ken?” tanong ni Kuya Blue at inakbayan ako.
“Huh?”
Umangat ang kanyang kilay sa akin.
“Halatang nakikinig ka sa usapan nila.”
“Ah… Narinig ko na sinabi noong friends niya na basta Delafuente, matinik daw dumiskarte.”
Napatingin agad si Kuya Hiro sa akin, nakaabot iyon sa kanyang pandinig kahit na medyo malayo naman siya ng kaonti.
Tumawa si Kuya Blue, nailing.
“Is that true, Kuya?” Tiningala ko siya.
“Hmm… Wala pa namang gusto ng isang Delafuente ang hindi nakukuha sa diskarte kaya siguro ay totoo iyan,” sabi niya at ngumisi sa akin.
“Pero paanong matinik ba?”
Umalis rin naman ang tingin ni Kuya Hiro sa akin at ibinalik sa usapan nila. Narito si Kuya Trey, Wayt, at Kuya Toshi. Nagmukha akong bata rito dahil sa kapayatan ko sa mga manly na mga lalake.
“Matinik. Matinik sa babae. Matinik bumanat. Matinik mang-akit. Matinik magmahal. Ganoon. Matinik!”
Oh… So matinik pala talaga ang mga Delafuente?
Dumeritso kami sa bahay nina Tito Jiro since he’s going to cook for us. I think hanggang seven kami rito at pwede akong umalis mamayang eight, after ng bonding with relatives.
“Gusto mong sumama, Zera?” tanong ko nang madatnan ko siya rito sa may veranda, tulala at malayo ang tingin hawak ang kanyang wine glass.
Umiling siya, hindi na ako tiningnan.
Nagsisimula na naman siyang magmukmok.
“I’m with my friends. Masaya ang pupuntahan namin!” sabi ko at sinilip ang kanyang ekspresyon.
“Matutulog ako ng maaga. Kayo nalang total mas magaling kang mangplastik at baka maprangka ko lang ’yang mga friends mo.”
Sumimangot ako at tumango nalang, ayaw na siyang pilitin pa ng husto dahil alam kong hindi ko naman talaga mababali iyang desisyon niya.
May problema ba siya?
Sa gabing iyon, ay nagpaalam agad ako kay Mommy at Daddy na may lakad kami nina Kiera. Pumayag naman si Dad, lalo na’t sabi niyang pwede na ako hanggang alas dyiz ng gabi.
“Susunduin nalang kita mamaya. Isasabay ko na sa pagsundo sa Kuya mo,” ani Kuya Red nang bumaba ako sa staircase at nadatnan siya rito sa sala na nagcecellphone.
“Alright! Thank you, Kuya!”
Tumango siya at tiningnan ang aking suot. Isang pasada lamang iyon at nakontento naman siya sa kanyang nakita kaya lumabas din ako.
Sumakay ako sa aming service para magpahatid sa aming driver. Inayos ko lang ang aking suot.
Tiningnan ko ang labas ng bintana at hinaplos ang malalalim kong collarbone since it’s really expose lalo na’t square neckline ang may parteng dibdib. I wonder why Haze isn’t attracted with Kiera. Para kasi sa akin ay may ikakabuga naman si Kiera kung ganda at katawan lang ang labanan. She’s fair skin and her body is like an hourglass. Kung sa dibdib naman… I think mas lamang ako pero hindi naman siya flat kaya okay parin. Siguro sa ugali talaga?
Halos mapatalon ako sa pagkagulat nang magbeep ang aking cellphone sa aking slingbag. Mabilis akong natauhan at kinalkal agad iyon.
Kinuha ko ang aking cellphone at nakita sa screen ang text ni Kiera. Binuksan ko iyon ng buo.
Kiera:
Oh my gosh! Nakaakbay si Haze sa isang babae! He’s flirting her!
Kiera:
I told you! Hindi talaga siya natablan sa’yo! I saw them kissing earlier! Nagmimake-out sila rito sa Bar! Come here quickly!
Ew! Ekis talaga itong si Haze sa akin. He’s a badboy and a playboy!
Nagtipa ako.
Ako:
Malapit na ako.
Nagreply agad ito.
Kiera:
Hurry! Awayin mo iyong kalandian niya!
E-Eh? I am not a warfreak! I can’t do that! Hindi ako marunong magtaray!
Kiera:
Delafuente ka, ’di ba? Then show us how you claimed Haze as yours. Go, Brielle! ;)
Ngumuso ako at parang sirang plangkang nagbalik sa aking isipan ang narinig ko kanina sa simbahan.
Basta Delafuente, matinik dumiskarte! Papanindigan ko iyon!
8th Gripped
Kiss
“Brielle! Finally!” si Kiera iyon, naglahad agad ng shot glass sa akin nang lumapit ako sa kanilang table pagkapasok sa isang Bar.
Tiningnan ko ang iniinom nilang bote ng isang hard drink na Hennessy.
Tinanggap ko iyon at umupo na roon.
“Bakit ka naka pants?” Tumawa si Kiera sa aking suot nang pasadahan niya ako ng tingin.
Sumimsim ako ng kaonti at agarang napangiwi sa lasa noon.
“Wala kasi ako sa mood magdress,” sagot ko at inilapag ang kalahating laman ng shot glass.
Tumawa naman si Kiera.
“Paano mo maaakit si Haze niyan? He prefers sexy girls, Brielle…”
“I don’t think so. Hindi nga siya naakit sa’yo eh palagi ka namang sexy manamit,” wala sa sarili kong bigkas at napapangiwi parin sa dumaang hapdi sa aking lalamunan.
Napatingin sina Lexy at Penny sa akin, doon ko napagtantong napawi na pala ang ngisi ni Kiera.
“I mean… Parang hindi naman kailangan na sexy na manamit dahil kaya ko naman siyang akitin eh ako pa… matinik ako dumiskarte.” I giggled.
Well, I’m just wearing denim pants and a sweetheart white chiffon top with puff sleeves. I ponytailed my hair. Nakita roon ang alon ng aking buhok at mas na depina ang malalim kong collarbone. The neckline showed the valley of my breast, where the pendant of my necklace is resting.
“Go Brielle! Alam naming kaya mong paamuhin si Haze,” ani Lexy na ngumingiti ng matamis sa akin.
Tumango-tango ako at sumulyap ulit sa kabilang side kung nasaan ang friends ni Haze. He’s still not there…
“Nasaan pala si Haze?” tanong ko at ibinalik ang tingin sa kanila.
“He went outside with a girl,” sagot ni Kiera, humalukipkip pa sa kanyang kinauupuan.
Tumango ako at tumayo. Tumingala silang tatlo, sinundan ako ng tingin.
“Pupuntahan ko…”
“Goodluck!” ani Penny na may pa gesture pa sa akin.
Humagikhik akong muli at tumalikod na paalis doon saka ako bumusangot. Mas mabuti pang lumabas nalang ako para makaiwas sa iniinom nila kaysa manatili roon at malasing. My Kuya will probably kill me for drinking.
Unti-unting naging mahina ang tugtog noong lumabas ako ng tuluyan. Nakarating agad ako sa parking area.
Gumala ako hanggang sa hindi kalayuan, may nakita akong pamilyar na lalake at babaeng nakasandal sa pader. Lumapit pa ako ng husto dahil pamilyar ang lalake na naka fit na leather jacket, dark pants at itim na sapatos. Ang ayos palang ng buhok at kalahati ng kanyang mukha ay alam kong si Haze na iyon.
“Haze?” bigkas ko hanggang sa malinaw kong nakita ang ginagawa nila.
Namilog ang aking mga mata at natigilan sa paghakbang. Haze kissed her aggressively, ang kanyang dila ay nakita ko pa kung paano iyon pumasok sa bibig ng babae habang ang kanyang kamay ay pumapasok sa blouse noong babae, ang isa namang kamay ay nasa pwetan na pinapasok niya rin doon sa masikip nitong body hugging dress nitong kulay itim.
Nakaabot sa aking tainga ang nakakakilabot na ungol ng babae. Haze pushed himself between her at inangat pa ang isang hita nito na ikinaangat pa noong dress ng babae.
Gusto ko nang tumalikod at ako ang tinutubuan ng hiya sa kanilang dalawa. Bago ko pa man iyon magawa ay dumilat ang babae at napansin ako kaya mabilis niyang naitulak si Haze na napatigil sa panghahalik sa kanya.
“Ba’t ka nanonood, Miss?!” galit niyang sigaw sa akin habang inaayos ang dress kaya natataranta kong tinakpan ang aking mga mata.
“Disturbo! Let’s go Haze… Sa ibang lugar nalang tayo,” galit nitong sabi.
Sumilip ako sa aking mga daliri at nakita kong hinila niya ang braso ni Haze pero hindi ito natinag.
“You go first Roxy,” aniya sa baritonong boses.
“Huh?” Tumawa siya, nilingon ako. “Do you know her?”
“I said you go first,” saka niya ito nilingon na ikinapawi agad ng ngisi ng babae, natakot na.
Ibinaba ko ang aking mga kamay. Ngumiti ng pilit ang babae at noong sumulyap sa akin ay ang talim ng tingin.
“A-Alright… Nasa loob lang ako,” malambing niyang sabi at umalis rin naman habang sinusuklay ang nagulo niyang mahabang tuwid na buhok.
Dumaan siya sa aking tabi at pasimple pang binangga ang aking balikat sabay ‘tss’. Bumusangot ako roon at sinamaan ng tingin si Haze na ngayon ay may dinudukot nang pakete ng sigarilyo sa kanyang pants at kumuha ng isang stick doon.
Naglakad ako patungo sa kanya. Lumingon siya sa akin, sinisindihan na ang stick ng sigarilyong nakaipit sa pagitan ng kanyang labi. Parang hindi man lang ata siya naguilty na napanood ko silang naghahalikan. Ako pa itong tinutubuan ng hiya! Napakawalanghiya!
“Girlfriend mo ’yon?” tanong ko.
Umiling siya at dahan dahang ibinuga ang usok ng sigarilyo. His disheveled hair looks good on him. Para talaga siyang badboy na nagtatago sa dilim at naghihintay ng bibiktimahing inosenteng babae.
“Ba’t ka nakikipaghalikan at naninigarilyo?” Tinakpan ko ang aking ilong at ginaya ang kanyang posisyon, sumandal din ako sa pader sa kanyang tabi.
Hindi parin siya umimik. Tumingala pa ito, binubuga roon ang usok na tila pinaglalaruan niya.
“You should stop kissing and smoking cigarette. Nakakaturn-off…” maarte kong bigkas.
“So? Do I care?” he said boyishly.
“I told you I’m going to own you! Eh ba’t ka nakikipaghalikan sa iba?” Sinimangutan ko siya.
Sumulyap siya sa akin, ang mga mata ay mabilis ring nalaglag sa aking suot at tumitig sa ribbon ng aking top. Doon namalagi iyon ng ilang sigundo.
“So you want me to kiss you instead?”
Umismid ako at mabilis na umiling.
“H-Hindi rin! I don’t want you to be my first kiss since hindi naman ikaw ang gusto kong mapangasawa.”
Umangat ang kanyang tingin at napunta sa aking mga mata.
“That’s so corny.”
“Hindi ka relate eh malandi ka!” Sinamaan ko siya ng tingin.
Kinagat niya ang labi at inilabas ang binubulsang kamay para haplusin ang buhok. Humithit siyang muli sa kanyang sigarilyo, ang tingin ay nasa kalangitan na.
“Hinahayaan mo lang naman akong lumandi sa iba. I thought you’re going to claim me?”
Oh… Paano ba? Baka masabunutan rin ako kung bigla-bigla ko siyang hinila roon sa kahalikan niya ’no! At ayokong makadisturbo dahil baka magalit pa siya.
“Paano ba dapat?” mahina kong tanong.
“Why are you asking me? You’re going to lose if you keep being like that.”
Huminahon ang aking ekspresyon at tiningnan narin ang kalangitang may mga kumikislap na bituin.
Umusog ako palapit sa kanya. Ibinulsa ulit ni Haze ang kanyang isa pang kamay, hindi ako nililingon kaya umusog akong muli hanggang sa nadikit na ako sa kanyang gilid, ang kanyang pabango ay amoy na amoy ko na at magkadikit na ang aming mga braso.
Napangiti ako nang hindi niya man lang ako tinulak at hinayaan ako roon. Naalala ko bigla ang halikan nila kanina, kung paano ko nakita ang kanyang dila na ikinangiwi ko.
“Have you try kissing someone on the cheek?”
“Not yet.”
Ngumuso ako at inilagay ang aking mga kamay sa ilalim ng aking likuran. Inipit ko iyon doon at tiningnan ang aking suot na flats.
“Why?” I asked him curiously.
Nagkibit siya. “Not my thing.”
So iyong sinabi ko sa mga friends ko, kina Kiera, ay hindi niya pala talaga ginagawa sa babae? I thought it’s cute and sweet kaya iyon ang sinabi ko pero hindi pala talaga kapani-paniwala dahil kilalang kilala nila si Haze.
Bumuntong ako ng hininga at kiniskis ang aking paa sa isa pa.
“Bakit?” tanong niya, binabasag ang katahimikang namuo.
“Ah… I told my friends y-you kissed me on the cheek and they told me you prefer kissing someone on the li…” Hindi ko iyon nadugtungan at napagtantong nadulas ang aking dila.
Bakit ko iyon sasabihin sa kanya?! Alam kong alam naman ni Haze ang tungkol doon pero hindi iyon effective sa pang-aakit ko sa kanya! He’s going to think I am really trying hard to flirt with him! Na talagang ignorante ako at napaka inosente!
Kinagat ko ang aking labi at mas sumimangot. Tiningala kong muli si Haze na bumubuga lamang ng usok at tahimik lang habang seryoso ang mukha.
“Why do you like kissing them on the lips? Nasasarapan ka sa ganoon?”
Tumango siya at sinilip ang aking ekspresyon. Sinalubong ko agad ang kanyang mga mata.
“I think kissing is disgusting. I haven’t try it yet and I want to try it after marriage.”
“So you never had a boyfriend?” Medyo masigla ang boses na iyon, kumpara sa nakasanayan kong malamig at walang kabuhay-buhay.
Umiling ako. “Wala pa.”
I heard him chuckled. Nagulat ako roon kaya mabilis akong nag-angat ng tingin pero ang bilis niya ring naiblangko ang kanyang ekspresyon, nasa ibang bahagi na ang mga mata.
“Did you just laugh at me?” Tinuro ko ang kanyang mukha.
“Gusto mo bang sa akin ang maging unang karanasan mo sa lahat ng bagay kaya sinasabi mo iyan sa akin?”
Namilog ang aking mga mata.
“H-Hindi ah! N-Nadulas lang ang dila ko! Hindi ko dapat iyon sasabihin sa’yo!”
“Eh ba’t sinabi mo?” Tiningnan niya ako.
“Eh nagtatanong ka! K-Kaya sinagot ko lang!”
He smirked at me coldly. “And you think you’ll seduce me with that? Ayoko sa mga babaeng inosente at masyado pang bata.”
“Alam ko ah. Ilang beses mo nang sinasabi iyan ng paulit ulit sa akin at hindi naman ako makakalimutin.”
Tumango siya. “Good. At least you’re aware you’re not attractive to me.”
Sumimangot talaga ako. Tiningnan ko siya ng mariin habang humihithit siyang muli sa kanyang sigarilyo. His lips were very red, marahil dahil sa pakikipaghalikan kanina o sadyang natural talagang mamula mula iyon, katulad ng nakasanayan kong nakikita.
Tumahimik muna ako at nag-iisip isip ng sasabihin ulit. Hmm? Nabanggit sa akin nila Kiera na nasa shooting range siya tomorrow. Is that true?
Tumikhim ako at itinuon ang tingin sa parking area.
“Alam ko kung nasaan ka bukas… Nasa shooting range ka ’no?”
Lumingon siya sa akin. Lumingon din ako at ngumiti agad.
“Tama ako ’no?!”
“Your stalker friends told you,” aniya, na siguradong sigurado siya roon.
Ngumiwi ako habang tinitingala ito.
“Hindi ’no! Alam ko talaga iyon. I research about you since… since I like you…” I smiled cutely again.
Umangat lamang ang isa niyang kilay roon kaya humagikhik ako.
“Uy kinikilig!” Binangga ko ang kanyang balikat kaso imbes na siya ang matablan ay ako pa itong kulang nalang ay tumilapon sa aking kinatatayuan.
Gosh! Bakit ang tigas niya! Mabilis kong naibalanse ang aking sarili bago pa matumba.
Bumalik ako sa pagkakasandal sa kanyang tabi at nilingon siyang muli na humihithit na naman sa kanyang sigarilyo.
Ang hirap ah!
“I think pupunta ang mga friends ko sa shooting range tomorrow,” sabi ko.
Tumingala siya at ibinuga niya sa ere ang usok. Natulala pa ako saglit sa kanyang nakadepinang panga.
“Sasama ka?” tanong niya, kasabay ng pagsink-in noong usapan kahapon ng mga friends ni Ken at ang sagot niya roon.
“Sasama ako pag sasama ka…”
Nagkasalubong ang kanyang kilay.
“Sila ang bumubuntot sa akin kaya bakit ako sasama sa kanila?” he answered coldly.
Oh… Oo nga pala. Ginaya ko lang naman ang linyahan ni Ken! Sinimangutan ko siya at ginalaw galaw nalang ang aking mga paa, nagtitip-toe roon.
“Sasama ako,” sabi ko. “Kasi gusto kitang makita…”
“Just don’t close your eyes so you can see me…”
Ano ba iyan! Hindi umepekto ang banat ko sa kanya! Ang galing niyang mambara! Si Ken kasi pag bumabanat hindi talaga siya nababara pero bakit pag ako…
Imbes na may sabihin ay bigla bigla nalang akong sininok. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig at dahan dahang nilingon si Haze na nasa akin na ang mga mata.
Sininok akong muli. He stared at me curiously, lalo na’t sa tuwing sumisinok ako ay napapatiptoe pa ako ng kaonti.
“Uminom ka?” tanong niya.
Tumango ako at nauna agad ang sinok.
“Pero kaonting kaonti lang-” Naputol iyon sa sinok kaya tinakpan kong muli ang aking bibig.
“Don’t breathe for twenty seconds…”
“Bakit?”
“Para mawala ang sinok.”
Oh! Alright! Mariin akong pumikit at nagsimulang hindi huminga habang nagbibilang sa aking mga daliri. Noong matapos ko ang twenty ay mabilis akong dumilat at bumuga ng hangin. Sinapo ko ang aking dibdib habang habol habol ang hininga.
“I think it worked! Oh my gosh!” Natawa ako at tiningnan si Haze na nakatingin na sa ribbon ng suot kong top. Doon iyon namalagi, tila ang mga mata ay gusto iyong hilain.
Nag-iwas siya ng tingin at inihulog ang maliit na kapiraso ng kanyang sigarilyo. Inapakan niya iyon hanggang sa namatay iyon. Bigla namang may nagsink-in sa aking isipan.
“I have a question…”
Hindi siya umimik, naghintay sa susunod kong sasabihin.
Sinenyasan ko siyang yumuko. Hindi niya iyon sinunod kaya ang ending ay ako at tumingkayad at humawak sa kanyang balikat para makabulong.
“Do you like sexy girls?”
Naramdaman ko ang pasimple niyang paglayo sa aking pagbulong. He licked his lips and brushed his hair lightly.
“Yes,” sagot niya, walang pag-aalinlangan.
Tumingkayad akong muli para bumulong.
“Do you like me?”
“No,” mabilis niyang sagot, ni hindi man lang talaga pinag-isipan!
Bumusangot ako at tumingkayad ulit para bumulong sa ikatlong pagkakataon.
“I like you…” I giggled softly.
Tila napaso siya at lumayo pa ng kaonti ang kanyang ulo sa akin.
“You’re annoying,” sabi niya sa magkasalubong na kilay.
Bumalik ako sa pagkakasandal sa kanyang tabi habang siya ay kinakagat-kagat na ang labi, iyon ang pinaglalaruan.
“Ang snob mo naman. You remind me of Isaiah a lot…” sabi ko, bigla nalang iyong nabigkas nang wala sa sarili.
“Isaiah?”
Tumango ako at tiningnan ang flats kong ikiniskis ko sa makintab na sahig.
“Yep… You two are friends, right? Ikaw iyong nakakatakot na gitarista.” I chuckled with my thoughts about him that day.
“What about Isaiah?” tanong niya, hindi pinansin ang aking sinasabi.
“Ah… He’s snob too and he’s very attractive,” sabi ko.
“I thought you hate badboys?”
“Isaiah isn’t a badboy!” Tinaliman ko siya ng tingin. Mariin niya rin akong tiningnan, tila gustong higitan ang talim ng aking mga mata.
“You just said I look like Isaiah-”
“But he doesn’t look like a badboy. He’s just snob but you’re ruthless and you smoke too! Hindi rin siya nakikipaghalikan-”
“You like him?” Nagkasalubong ang kilay niya roon, ang mga mata ay nagsisimula nang umiba ang tingin sa akin.
Tumango ako. “I have a slight crush on Isaiah-”
“He’s four years older than you. You don’t like older men…” putol niya agad sa akin.
Tumango ako. “Oo alam ko at slight lang naman iyon-”
“He doesn’t like annoying girls, too. He won’t like you,” dagdag niya pa, para bang pinuputol niya na agad ang namumuong pantasya sa aking utak sa aming dalawa ni Isaiah kahit ang totoo ay wala naman talaga.
“I know that, too. Hindi naman ako nag-eexpect na magugustuhan niya ako pabalik dahil slight crush lang naman iyon-”
“Hindi kayo bagay,” putol niyang muli, ang buhok ay hinangin na kaya sinuklay niya ang buhok paatras at bumalandra na ang noo, ang mukha niyang napakaperpekto at sobrang gwapo.
Tumango tango ako, na naiintindihan ko talaga iyon at wala naman akong pinipilit sa aming dalawa.
“I know! Hindi rin tayo bagay!” giit ko pa sa inis dahil masyado niya nang pinapamukha sa akin.
He licked his lips as his expression calmed down.
“Hindi mo ako maaakit kung ganyan ka.” Sabay iwas ng tingin.
Oh… I forgot about it! Nakakainis kasi siya!
“Pupunta ako bukas sa shooting range and I’ll stalk you. Kaso ayoko namang makita kang nakikipaghalikan lang kaya-”
“Baril ang aasikasuhin ko roon hindi babae,” giit niya, pinutol agad ako.
“Eh dito nga dapat alak ang inaasikaso mo at hindi babae but you’re kissing…”
“I just got bored…”
Bored?! Bored lang siya kaya siya nanghahalik?! Iyon lang?! Nakakadisappoint naman itong si Haze. Akala ko talaga namimili siya eh.
Ang sabi ni Daddy sa akin ay halikan mo ang taong gusto mong pakasalan. Ganoon kataas ang standard ni Daddy sa isang babae na nagsettle talaga siya sa isang babae lamang.
Pero ngayon na naririnig ko ang rason ni Haze at nakikita ko siyang nakikipaghalikan sa hindi niya naman girlfriend ay nakakadismaya talaga.
“My friends told me you got high standards with girls. Kaso bakit nakikipaghalikan ka sa mga babaeng hindi mo naman pala girlfriend? I think they got the wrong idea about you. You don’t have high standards. Makati ka lang talaga.”
Naoffend ko kaya siya? B-Baka bigla nalang akong suntukin nito! But I think he’s not even bothered. Wala nga ata siyang pakialam sa opinyon ko.
“I’m not going to do that again,” bulong niya, sapat lamang na marinig ko.
Napanguso ako roon at gumuhit ang ngiti sa aking labi. Mabuti naman…
Hindi na ako nakaimik dahil sa kanyang sinabi. Umihip ang malamig na hangin sa aming dalawa. Nagtaasan ang aking mga balahibo, tila dumaan ang mga multo at mga kaluluwang hindi matahimik maliban sa aming sobrang tahimik.
“Pumasok kana,” bigla niyang sabi.
Tumango naman ako at umalis sa pagkakasandal. Mabuti pa nga. Gagawa gawa nalang siguro ako ng kung anu-ano sa mga kaibigan ko total maniniwala rin naman sila sa akin.
“I’ll tell my friends we kissed…” pagmamayabang ko at natawa, handa nang humakbang paalis.
Bago pa magawa iyon ay hinila niya na ang aking braso at hinatak palapit sa kanya. He leaned closer and kissed me on the cheek smoothly.
Namilog ang aking mga mata, ang balahibo ay mas nanindig at parang hinalikan lamang ako ng malamig na hangin. I really felt his soft lips on my cheek!
“Go and tell them I kissed you on your cheek and stop making-up stories,” bulong niya na ikinalunok ko.
Nilingon ko siya at hinawakan ko ang aking pisngi. Tumuwid siya at ibinulsa ang mga kamay, parang wala lang sa kanya ang paghalik dahil hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon at ako lamang itong nagbibigdeal dahil sa malakas na kalabog ng aking dibdib.
“Go. Pumasok kana,” he ordered me like a king.
Sa takot na halikang muli ay mabilis akong kumaripas ng takbo paalis sa kanyang harapan dala dala ang pulang pula kong mukha.
Oh my gosh! He literally kissed me on the cheek! Totoo na talaga! Hinalikan niya ako sa pisngi!
Akala ko ba hindi niya iyon ginagawa sa mga babae?! Akala ko ba ayaw niya sa mga ganoon?! Bakit niya ako hinalikan?!
9th Gripped
Hobby
Para nalang akong nakalutang sa ere noong bumalik ako sa loob, hawak hawak ang aking pisngi na ramdam ko ang pang-iinit.
“Brielle?”
For the first time, someone kissed me on the cheek. Ewan ko kung mandidiri ba ako o ano, but his lips feels so warm. Parang hindi naman siya nakakadiri total hindi naman sa labi.
“Are you okay, Brielle?”
Pero nakakapagtaka talaga… Base sa sinabi niya, hindi siya iyong tipong nanghahalik sa pisngi. Tapos hinalikan niya ako. Edi ibig sabihin, ako ang kauna-unahang babaeng hinalikan niya sa pisngi? Ibig sabihin din ba nito ay… ay naakit ko na siya?
Penny snapped her fingers in front of my face kaya napakurap ako, napagtantong nakaupo na pala ako rito sa kanilang tabi at nawala lang sa sarili.
“Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala,” natatawang sambit ni Penny.
Tiningnan ko silang tatlo.
“Haze kissed me on the cheek…” sabi ko.
“Ulit?!” si Lexy iyon.
“Nawiwili na ata siya sa kakahalik sa pisngi mo,” ani Penny.
Naninimbang ang mga mata ni Kiera sa akin, hindi nagsasalita pero parang may malalim na iniisip.
“Pulang pula pa ang mga pisngi mo, Brielle. Baka hindi lang halik sa pisngi ang ginawa ah…” tukso ni Lexy at tinusok pa ang aking tagiliran.
Umiling agad ako. “He just kissed me on the cheek…”
Naghagikhikan ang dalawa, marahil ay nagkakaintindihan sila roon sa binibintang ni Lexy sa akin.
“Did he give his number to you?” tanong ni Kiera.
Kumalma ang aking ekspresyon doon, natigil naman sa kakahagikhik ang dalawa.
“Oh… Nakalimutan ko na namang hingiin,” sabi ko at sumimangot.
Napasimangot rin ang dalawa habang si Kiera ay ngumisi.
“Hindi namimigay ng number si Haze, Brielle. Pwede mo namang aminin sa amin na hindi ka niya binigyan. We won’t diss you…” Tumawa siya habang nagsasalin na muli ng inumin.
“Hindi talaga ako nanghingi. I forgot to ask for his number,” paglilinaw ko kaso parang hindi na nakikinig itong si Kiera.
“Hindi easy to get si Haze, ’no. Pang one-night lang talaga iyang hilig niya.” Sabay lagok noong shot, ang mga mata ay namumungay narin.
Tumango-tango naman agad sina Lexy at Penny, sang-ayon kay Kiera. Ngumuso na lamang ako at hindi na isinaboses ang aking pinupunto. Bakit ayaw nilang maniwala na nakalimutan ko lang kunin ang number niya? O mas madali talaga para sa kanila ang paniwalaang hindi namimigay basta basta si Haze ng personal number niya dahil iyon ang alam nila, ang nakasanayan nila sa kanya.
But Haze kissed my cheek! Feeling ko close na kami ng slight eh. Parang may kaonting koneksyon na kami. Iyong parang kuryente na nagmemeet…
Natuwa ako noong sinundo rin agad ako ni Kuya Red sa gabing iyon, binigyan na naman ako ng gum kahit ang sabi ko ay hindi ako uminom at nagspray rin siya ng perfume sa akin.
“Susunduin pa natin ang kuya mo,” aniya, iniikot na ang manibela patungo sa 3DBar.
“He’s drunk?” tanong ko.
“Siguro. Pero mas mabuting sunduin nalang nang makasigurado tayong makakauwi siya ng safe sa bahay,” ani Kuya.
Tumango ako at tiningnan ang kumikinang na mga streetlights na nadadaanan namin. Naglalaro agad sa aking isipan ang mangyayari bukas sa shooting range. Will I see him there? They say he’s an expert with guns. So he really knows how to shoot? Marunong siyang bumaril? Magpupulis ba siya?
Namalayan ko nalang ang paghinto ni Kuya Red sa parking area ng 3DBar. Inalis niya ang seatbelt.
“Dito ka lang. Ako na ang papasok,” aniya sabay bukas ng pinto.
Humikab ako at pumikit, itinulak ng kaonti ang upuan paatras para makahiga ako kahit papaano. Hinubad ko rin ang aking suot na flats at ipinatong sa itaas ng dashboard ang aking mga paa.
Ang huli kong iniisip ay ang paghalik ni Haze sa aking pisngi bago ako dalawin ng antok.
Nagising nalang ako kinabukasan sa aking kuwarto. Bumalikwas ako sa aking kama at humihikab na palabas ng aking kuwarto. Tinanghali ako ng gising.
“Good morning!” bati sa akin ni Kuya Blue, malawak ang ngisi nang lumapit sa akin at sinalubong ang pagbaba ko sa hagdan.
Niyakap niya ako at hinagkan sa aking ulo.
“Kuya may lakad ako ngayon with friends…” sabi ko nang tiningala ko siya.
“Ouch, Elle… Wala kana talagang oras sa akin,” madrama niyang sabi at mas hinigpitan ang yakap.
Tumawa ako at sinilip si Kuya Red na naroon sa countertop, pasulyap sulyap lamang sa amin habang may pinagkakaabalahan habang nakaapron pa. Probably my breakfast!
“You’re so busy with your friends…” Pinaliguan niya ng halik ang aking ulo.
“Tama na! Hindi pa ako naliligo!” Itinulak ko siya kaya lumuwag ang kanyang yakap hanggang sa pinakawalan ako.
Inakbayan niya nalang ako at sabay kaming naglakad patungo sa countertop.
“Dumadalas na talaga ang paglabas mo nang hindi kami sinasama purket nasa legal age kana at pinayagan ni Dad ay parang ayaw mo nang sinasali kami sa mga lakad mo.”
Humagikhik ako at umupo sa stool.
“Sinusulit ko lang ang summer, Kuya!”
Tumabi narin siya sa akin, nakasimangot pa. Napangiti naman agad si Kuya Red sa akin at yumuko para makalebel ako kaya hinalikan ko ang kanyang pisngi.
“Morning, Kuya Red!”
“Good morning… Late kanang nagising kaya nilutuan nalang kita ng brunch mo,” ani Kuya at inilapag ang plato na may ulam at kanin na.
Dalawang tatlong ulam ang naroon. May cordon bleu, ham and hotdog!
“Nakatulog ka kagabi sa kotse,” ani Kuya Blue nang humilig siya sa counter at pinanood akong galawin ang aking pagkain.
“You had fun with your friends?” tanong niyang muli.
I smiled and nodded. His brow arched.
“Baka kunwari friends lang ’yan ha. Boyfriend na pala,” nanunuya ang tinig niya na kahit si Kuya Red ay naninimbang ang tingin sa akin.
“Hindi pa ako magboboyfriend Kuya. Don’t worry…” Ngumiti ako sa kanya ng matamis.
Nagkatinginan silang dalawa ni Kuya Red. Umangat agad ang kilay ni Kuya Blue at sinilip ang aking mukha habang sumusubo ako ng pagkain.
“Talaga?”
Tumango ako. “Yup! I don’t have a crush right now. Wala rin akong gusto. I think wala ring nagkakagusto sa akin, pati sa school! Pero tuwing Valentines marami akong natatanggap kaso sa personal wala namang lumalapit. I think hindi talaga ako habulin ng boys unlike Zera.”
Nag-iwas agad ng tingin si Kuya Blue sa akin. Noong magawi ang mga mata ko ay Kuya Red ay ganoon din, nag-iiwas. Pabalik balik ko silang tiningnan. Sumipol pa si Kuya Blue.
“Siguro tinatakot niyo ’no? Feeling ko marami eh kaso tinatakot niyo.”
“You’re just a baby. You’re off limits,” ani Kuya Blue.
“I’m not a baby!” I yelled.
Kuya Blue leaned closer to me. “A baby.”
“I’m not!” I glared at him.
Kuya Red chuckled and pulled Kuya Blue’s arm.
“Baby don’t do boyfriends until they’re on their twenties,” ani Kuya Blue.
“What?!”
Humalakhak si Kuya Red at inawat na si Kuya Blue. Kuya Blue kept on smirking at me. I frowned.
Kuya Blue is the strict type of brother, unlike Kuya Red, who would let me explore while he was watching me. Si Kuya Blue, nasa isip niya pa na baby ako, kaya hindi muna dapat mag explore. Kuya Red thinks that I need to have my own pace too, but of course, under his watch.
Kahit noong naliligo na ako, iyon parin ang umuulit sa isipan ko. Paano nalang pag nagkaroon na ng sariling pamilya ang mga Kuya ko? Paano nalang pag nakahanap na sila ng mamahaling babae? Paano nalang kung may kahati na ako sa atensyon at hindi na ako ang priority nila? Si Kuya Red mukhang wala parin namang gusto but I’m not sure with Kuya Blue.
I just realize I am very dependent with them! Sa school, pati pagkuha ng libro sa aking locker minsan nga inuutos ko pa kay Kuya Blue! Lahat lahat nalang… Kaya kahit sa pang-aakit, heto ako at wala talagang kaalam alam.
I surely lose with Haze!
Nagpalit rin naman ako ng damit after my long shower. Mga bandang two na noong natapos ako at nakapagbihis narin ng maayos na white chiffon crop top and shorts short paired with sandals.
Kailan kaya ako magdedesisyon para sa sarili ko na ikakaproud ko? Pati pang-aakit ginagaya ko pa sa pinsan ko. Tss. Wala akong originality talaga.
“Kuya Red. Patali ako ng buhok.” Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang aking hawak na tali.
Umupo ako sa kanyang tabi, napagtantong pati sa pagtatali ay iniaasa ko rin pala sa kanya.
Agaran niya namang binitiwan ang kanyang cellphone at humarap ng buo sa aking likuran.
“Hindi mo parin ako isasama?” tanong niya, katulad ni Kuya Blue ay parang nagtutunog tampo narin.
Hinagod niya ang aking mga buhok paitaas para maiponytail iyon ng maayos.
Umiling ako. “I’m with my friends at baka masyado silang madistract pag kasama kita.”
“Kahit sa malayo lang?”
“Kuya! I want to be free like Zera! Si Kuya Hiro nga hindi naman bumubuntot sa kanya! I think he’s letting her! Dapat ganoon narin kayo starting today since I’m already eighteen!” bigkas ko sa magkasalubong na kilay, pilit siyang nililingon pero hindi ko masyadong magawa.
Hindi nakaimik doon si Kuya Red. Mahigpit niyang itinali ang aking buhok at sinuklay iyon gamit ang kanyang mga daliri.
Tumayo agad ako ng matapos. Tiningala niya naman ako, nakasimangot na.
“But it doesn’t mean we will stop protecting you, Elle. You’re our baby sis…”
Ngumisi ako. “Watch me grow old! Makikita niyo talaga na hindi na ako baby. Bye! I love you!” Nagflying kiss na lamang ako at tumakbo na paalis sa kanyang harapan.
“Mag-ingat ka!” sigaw ni Kuya Red, pahabol.
Pinagbuksan ako ng pinto ng aming driver. Pumasok ako roon at kinuha ang cellphone sa aking sling bag. Nakita ko agad ang text doon ni Kiera at ang lugar na pagkikitaan namin kaya ipinakita ko nalang iyon sa driver.
Pagdating ko roon, entrance palang ay pamilyar na agad sa akin ang shooting range. Madalas si Kuya Red dito since sa tabi nito ay ang madalas na pinupuntahan niya pag naglalaro ng Archery.
Pumasok ako at pinagbuksan ng guard sa entrance. Nagtanong lang ako kung saan ang shooting range area sa kanya at nagtungo rin naman agad doon.
Mabilis kong nakita sina Penny, Lexy at Kiera.
“Akala namin hindi kana pupunta. It’s almost three…” ani Penny at tiningnan pa ang suot niyang wrist watch.
“Tinanghali ako ng gising…” sagot ko at iginala ang tingin sa transparent glass.
“Let’s watch him,” ani Kiera at nauna nang maglakad.
Sumunod kaming tatlo sa kanya. Marami silang kwento sa akin sina Penny at Lexy at sinabing customer na pala talaga raw si Haze rito, bale he already signed-up at minsan ay nasa VIP area pa. This is an expensive hobby! Si Kuya nga na madalas mag Archery ay namamahalan na ako, ano pa kaya ang ganito?
Nakita ko rin naman agad si Haze, nasa harap ng isang table kung saan may mga guns na nakalapag doon suot ang isang headphone at eye protection. Inaasinta niya iyong target sa hindi kalayuan and he’s really focus.
Umupo lamang kami sa bench, medyo malayo sa kanya since nasa isang exclusive place siya, bawal na kami roon lalo na’t wala kaming access.
“Close na ba kayo ni Haze, Brielle?” tanong bigla ni Penny, na kahit si Kiera ay napalingon narin sa akin.
“Uh… Oo,” sabi ko at ngumiti sa kanila. “We’re talking…”
“Really?” si Lexy iyon.
Tumango ako at ngumiti. “Yup…”
Humalukipkip si Kiera, mukhang hindi na naman kumbinsido.
“Why don’t you talk to him today? Hindi namin nakikita na nag-uusap kayo eh. Baka gawa-gawa mo lang iyan.”
Nilingon ko saglit ang gawi ni Haze at napagtantong sumusulyap na pala siya sa akin. Tinawag niya iyong lalake na mukhang isa sa mga assistant sa loob.
“Baka mahalata si Brielle pag masyado tayong malapit sa kanila, Kiera,” si Lexy iyon na gumuhit ang pagtutol sa mukha.
“I agree with Lexy. Baka pag nahuli niyang may kalokohan si Brielle ay magalit din siya sa atin at tayong apat pa ang malagot. I’m scared!” si Penny naman.
Sumulyap akong muli roon sa gawi ni Haze at tumatango na iyong lalake sa kanyang sinabi. Umalis iyon at naglalakad na patungo sa amin. Ibinalik ko ulit ang tingin kay Kiera dahil siya na ang nagsasalita.
“Gusto ko lang namang makita na kinakausap siya ni Haze. He doesn’t like talking with girls. Hindi naman madaldal si Haze and he prefers kissing rather than talking.” Hinawi niya pa ang kanyang buhok, masyadong maarte ang pagkakasabi noon.
Bago pa umawang ang aking bibig para sana may sabihin ay nakalapit na rito iyong lalakeng lumabas sa shooting range area.
“Excuse me, Ma’am, pinapatawag po kayo sa loob,” sabi niya, ang tingin ang nakasentro sa akin.
Mabilis kaming nagkatinginang apat. Si Kiera agad ang tumayo.
“Sino sa aming apat?”
“Ah… Siya po, Ma’am,” sabay turo sa akin.
“Are you sure, Kuya? Ano bang sinabi? Wala siyang sinabing pangalan?” pang-uusisa ni Kiera.
“Ah…” Nagkamot siya ng batok at tila nag-aalangan pang magsalita.
“Anong sabi, Kuya?” tanong ni Penny na mukhang interesado ring marinig.
“Ang sabi po noong VIP customer namin ay papasukin ko sa loob iyong maganda.”
Nalaglag ang panga nina Penny at Lexy, si Kiera ay napasinghap sabay lingon sa akin, pinasadahan pa ako ng tingin. Kumpara sa aking suot, mas sexy talaga siya since naka haltered top lamang ito unlike my top na medyo tinatago pa ang iilan kong balat.
“Baka naman pinakamaganda, Kuya!” ani Lexy at natawa.
Umiling muli si Kuya na nakadilaw na polo at nagkakamot parin ng batok, tila nahihiyang sabihin ang sinabi ni Haze sa kanya.
“Ang sabi niya iyong maganda lang po raw at nakaputi. Pero para sa akin, lahat naman kayo magaganda. Siguro nagjojoke lang iyon.” Sabay tingin sa akin. “Girlfriend ka po ba, Ma’am?”
Ako lang naman ang nakaputi sa aming apat lalo na’t black ang top ni Kiera, pula ang blouse ni Lexy at naka gray na sando naman si Penny.
Umiling agad ako. Humalukipkip na si Kiera sa kanyang kinatatayuan, seryoso na ang mukha.
“Pumasok kana, Brielle. Teach that asshole a lesson. Ipagtanggol mo kami,” she said annoyingly.
Tumayo ako at sinulyapan sina Lexy at Penny na nakasimangot, dismayado sa narinig kay Kuya.
“Aren’t we attractive? Haze is so mean!” Penny pouted.
“Tara na po, Ma’am,” sabi ni Kuya kaya sinenyasan ko nalang ang tatlo na papasok na ako.
Nagsitanguan sila, ang mga mukha ay parang binagsakan ng langit. Ngumuso ako at sumunod na roon kay Kuya, na hindi masyadong malapit sa akin at dumidistansya pa kaya hindi ko tuloy matanong kung ano pa ang sinabi ni Haze.
Sinenyasan nalang ako ni Kuya na lapitan ang quarter ni Haze, kung saan siya nag-aassemble ng panibagong baril.
Naglakad ako patungo sa kanya. Nilingon niya ako, tila pinapanood na naman ang aking paglapit sa kanyang dako. His eyes gripped on me like he’s telling me to come closer to him everytime he stared at me like that!
“Did you just insulted my friends?” Iyon agad ang pambungad ko nang tuluyan akong makapunta sa kanyang dako.
Binitiwan niya iyong gun at dinampot iyong headphone sa mesa.
Humarap siya sa akin at isinuot iyon.
“I’ll teach you how to shoot,” sabi niya sabay bigay sa akin noong gun.
Namilog ang aking mga mata.
“N-No! I am scared with guns!” Umatras ako kaso ang makulit na si Haze ay hinawakan pa ang aking braso, mas hinila ako palapit.
“You’re scared with guns, but you’re not scared to flirt me. How ironic, Miss…” Umangat ang kanyang kilay at binasa ang labi.
Sumimangot ako, tiningnan ang target niya na marami nang butas at malapit pa sa gitna. Wow! He’s really good! May isa pa na nakadaplis talaga sa gitna noong pula!
“Wala akong paggagamitan ng ganitong hobby. Ayoko.” Itinago ko agad ang aking mga kamay sa aking likuran para hindi ko mahawakan iyong inilalahad niya nang gun sa akin. What kind of gun is that?
“Then try shooting your fake friends.”
Nalaglag ang aking panga. Bago pa ako makasagot ay hinila niya na akong muli patungo sa kanyang harapan at walang anu-ano’y kinuha niya roon ang aking kamay at ipinahawak sa akin iyong baril. He’s guiding me to hold it, halos niyayakap narin ako.
Napasandal ako sa kanyang likuran, dala ng takot sa baril na iginiya niya pa roon sa mismong target.
“I don’t like this hobby!” Pumikit ako, dala ng takot at kalabog ng aking dibdib kahit na hawak niya rin naman ang aking kamay para siya mismo ang kumalabit noon.
“I’ll signed you up so you’ll like this hobby, too… You can come here more often and we’ll play together.”
Bago pa ako makasagot ay kinalabit niya na ang baril na ikinaigtad ko.
A-Ano raw?
10th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Jonah Domingo. Belated happy birthday!
Wala Kang Takas
Mabilis kong binitiwan ang baril pagkatapos kalabitin ni Haze iyon. Namutla ako at umalis agad sa kanyang harap. Sumulyap siya sa aking buhok na nakaponytail at ibinalik rin naman sa hawak na baril saka iyon inilapag.
“Guns are very dangerous at pag nalaman ng mga Kuya ko na sumasali ako sa ganito ay magagalit sila,” giit ko.
“That’s why I’m going to teach you. I’m expert with guns…” Hinubad niya ang kanyang eye protection at headphone kaya iyon narin ang aking ginaya.
“P-Pero kahit na!”
Binasa niya ang labi at nameywang sa akin.
“How about archery?” suhestyon niya.
“Ayaw ko rin ng ganoon!”
“Golf?”
Umawang ang aking bibig pero nang napagtantong hindi naman iyon masyadong delikadong hobby ay natutop agad ang aking labi.
“Marami akong pinagkakaabalahan. And I like girls who’s sporty.”
Ngumuso ako. Tumitig siyang muli sa ayos ng aking buhok, kalaunan ay nag-iwas ng tingin at umangat ang dalawang kilay.
“Bahala ka nga. Ikaw na nga itong binibigyan ng ediya para makuha ako…” pagpaparinig niya lalo na’t masyado ring malakas ang kanyang boses kaya rinig na rinig ko talaga.
“Okay… Pumapayag na ako. I think I can handle guns…” sabi ko agad, nang magkaediya na mapapalapit nga naman kami sa isa’t isa pag nakahiligan ko rin ang mga hobby niya.
“Ang bilis magbago ng isip mo,” aniya sabay haplos sa kanyang buhok.
“Because I want to own you!” pagmamalaki ko sa kanya na ikinaliwanag ng kanyang mukha.
Tumikhim siya, nag-iwas din ng tingin.
May naalala ako bigla, iyong napaanood ko sa Movie. I should try it! Tinitigan ko ang suot niyang plain gray tshirt, ang sa ibaba ay dark pants at itim na sapatos naman. Ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kanyang tshirt at hinila palapit sa akin.
I was expecting he’ll end up closer to me. Pero ang nangyari ay hindi man lang natinag si Haze na kahit anong hila ko sa kanyang tshirt ay hindi talaga siya napapalapit sa akin!
He stared at me curiously, magkasalubong ang kilay habang ako itong bumusangot na.
“Come closer!”
Humakbang rin naman siya palapit kaya huminahon agad ang aking ekspresyon at napahagikhik nang sobrang lapit na namin sa isa’t isa.
“Akin ka. Gets mo?” seryoso kong sabi.
Namulsa si Haze, nakaangat ang kilay at bumaba ang tingin sa kamay kong hawak parin ang kanyang tshirt.
“Oo gets ko…” he said seriously, hindi ko alam kung nakikiride-in lang sa aking pakulo o pinagtitripan ako.
“So… Nagtagumpay ako?”
“Try harder. Make me fall on my knees…” he said cockily.
Bumuga ako ng hangin at nafu-frustrate siyang tiningnan. Sinasabi ko na nga ba! Bakit ba hindi gumagana sa kanya ang mga diskarte ko? Sumimangot ako sa kanya.
“You are so heartless…”
Hindi siya umimik doon kaya binitiwan ko ang kanyang tshirt. Humarap siyang muli roon sa table at hinila pa ako paharap doon. Dinampot niyang muli iyong gun.
“I’ll teach you how to assemble it.”
Tumango ako at pinanood ang kilos ng kanyang kamay. Mabilis kumilos si Haze, at sobrang gaan din ng galaw niya. Noong ginaya ko na, mahirap pala!
“Pag marunong na ako ay ikaw agad ang babarilin ko,” sabi ko sabay tawa.
Hindi siya umimik at pinanood ang pag-aassemble ko. Ngumisi ako sa kanya at itinapat iyon sa kanyang dibdib.
“I’ll shot your heart, Haze… Bang, bang!” I said cutely sabay kindat pa.
Ilang minuto rin akong pabaril baril lang at hindi pa nakakaasinta sa target. Parang ang layo layo ata ng akin. Oh well, beginner pa naman ako.
“Sign her up on VIP,” sabi niya roon sa lalakeng lumapit sa akin kanina para tawagin ito.
Tumango agad ito sabay bigay sa akin noong form.
Nagfill-up ako roon sa mga tanong. Pangalan, edad, kasarian, at kung anu-ano pa. Nakarefer ako kay Haze since siya rin ang magbabayad ng aking registration sa shooting range.
Pagkatapos noon ay binigyan na nila ako ng card as their VIP customer with my name on it!
“Elliana Brielle,” basa niya nang tingnan din ang tinititigan kong gold na kulay ng aking card.
Nilingon ko siya. “My relatives call me Elle while my friends call me Brielle. Ikaw? Anong gusto mong itawag sa akin?”
Nakita ko siyang nag-isip pero kalaunan ay bigla nalang niya iyong ipinagkibit.
“Kahit ano. You’re not that special to have a nickname.”
Grabe talaga! Napakamean! Sabi ko bang naghahangad ako ng nickname?
Ngumiwi ako. “You can call me Brielle or Elle since it sounds angelic…”
Humalukipkip siya, nakatitig lang sa pagkibot ng aking labi. Tiningnan ko ulit ang aking card.
“Your name sounds evil, alam mo ba iyon? Haze sounds like a bad person to me.”
“Haze is just my second name.”
Oh…
“Ano naman?” Tiningala ko siya.
“Anzai,” sagot niya.
“Talaga? So you’re Anzai Haze?”
Tumango siya. “Yes. Pwede mo akong tawaging Anzai kung hindi ka komportable sa Haze. Anzai sounds angelic so…”
Huh? Angelic ba ang Anzai? Purket letter A rin ang umpisa at sunod ay n na letra? I don’t think so…
Tumango nalang akong muli at tinitigan ang aking card. Masyado akong naiignorante sa kulay gold noon at kumikinang pa. I should hide this to my brothers baka magtanong sila kung ba’t may VIP access ako sa isang shooting range! May ganito pa naman si Kuya Red pero sa archery nga lang.
Nagbeep ang aking cellphone. Chineck ko muna iyon at lumayo-layo kay Haze.
Nakita ko ang text ni Penny roon.
Penny:
Biglang nagyayang kumain si Kiera. Nasa labas lang kami.
Penny:
Ang sweet niyo! Mukhang naaakit mo na nga siya! Sayang at gusto agad umalis ni Kiera since she’s hungry! Goodluck!
Ay… Iniwan nila ako kay Haze! I am hungry too…
Sumulyap ako sa kanya na ngayon ay nakahalukipkip lang doon, hinihintay akong matapos sa aking cellphone.
Ibinulsa ko iyon sa suot kong short at naglakad na papalapit sa kanya. Magpaalam narin kaya akong umalis?
“Iniwan na ako ng mga friends ko,” sabi ko at sumimangot.
“I have my car. Ako nalang ang maghahatid sa’yo.”
Namilog ang aking mga mata. I-Ihahatid niya ako?! Umiling agad ako.
“I mean… Iniwan nila ako pero hindi naman nila ako ihahatid pauwi. At hindi mo ako pwedeng ihatid!”
Bahagya niyang pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok sabay iwas ng tingin sa akin. Tumawa ako.
“Mabait ka pala sa girls eh!”
Hindi na siya umimik sa bagay na iyon kaya mas inasar ko siya. Tumigil rin naman ako noong makaramdam na talaga ng gutom at nagyaya nalang kumain.
Nagtungo kami sa parking lot kung saan niya iniwan ang kanyang kotse. This time, hindi iyong Mustang ang gamit niya. It’s a black Mercedez Benz! Itim iyon at halatang latest pa. Ngayon ay naiintindihan ko na kung ba’t siya nagustuhan ni Kiera noon. Amoy mayaman itong si Haze.
Katext ko si Lexy habang nasa front seat ako. Panay ang kanilang tanong kung ano na ang ginagawa namin ni Haze.
Lexy:
Are you two kissing?
Ako:
Nagyaya akong kumain sa labas.
Nagreply naman agad ito.
Lexy:
Oh my gosh! And he agreed?!
Ako:
Oo. Pumayag naman. He’s nice.
I really think they got the wrong idea with Haze. Kahit na pinangalanan ko siyang apo ni Satanas, o carbon copy ng kung ano pa riyang demonyo, I think he’s nice! Siguro ay hindi lang talaga naiiwasang maging first impression sa kanya ang pagiging badboy dahil napakaruthless niyang tingnan.
Siguro ay hindi lang talaga nila masyadong kilala si Haze kaya nasisindak agad sila at iniisip na maldito siya.
Or he’s really maldito pero marunong ring maging mabait sa girls?
Nilingon ko siya. He looks bored while driving. Namumungay ang mga mata at isang kamay lang ang gamit sa pagdadrive. His hair were disheveled too, kaya kung titingnan ay ang maldito talaga since his thick eyebrows look intimidating including his deep brown eyes. Tapos kung makatitig pa…
Lumingon siya sa akin, sinalubong agad ang aking mga mata. Kumurap ako at nahihiyang ngumiti. He just look at me curiously pagkatapos ay ibinalik rin sa harap ang tingin, nagkasalubong pa ang kilay.
Itinuon ko naman ang aking atensyon sa reply ni Lexy.
Lexy:
Akitin mo na siya ng todo, Brielle! I’m one hundred percent sure he’ll fall inlove with you!
Lexy:
Don’t forget to get his number.
Oh! Oo nga pala! His number! Tumikhim ako at lumingon ulit sa kanya.
“May cellphone ka ba?” tanong ko.
Tumango siya. Doon ko naman napagtantong masyadong pangbobo ang tanong ko. Of course meron! Lahat ng tao ngayon ay may cellphone na ’no!
“Mahilig kang magtext?” tanong kong muli.
Tumango ulit siya sabay kuha ng cellphone niya sa kanyang dashboard. Tinipa niya muna ang password doon na nakabisado ko agad sa aking utak saka niya inilahad iyon sa akin.
“Save your number so we can text,” sabi niya.
Nalaglag agad ang aking tingin sa kanyang iPhone. Ang bilis lang naman pala! Akala ko mahihirapan akong kunin ang number niya since Kiera told me hindi siya basta basta namimigay ng number. Eh ngayon nga hindi lang number ang makukuha ko dahil pati kanyang cellphone ay nahawakan ko pa.
“Pwede mo ring buksan ang inbox at phone numbers…” sabi niya, pinipisil na ang pang-ibabang labi.
“Bakit? Pwede ko namang isave sa contacts ang number ko.”
He licked his lips. “You can check it. Baka gusto mo lang tingnan. Ikaw lang ang babae riyan kung isisave mo ang number mo…”
Nagulat ako roon. Wow… Akala ko pa naman ang rami-rami niyang katext na babae dahil sabi ng mga friends ko ay playboy siya. At nakita ko rin siyang may kahalikan ah!
Out of curiousity ay binisita ko na talaga ang inbox and it’s really empty! Binista ko rin ang contact numbers at puro nalang lalakeng pangalan ang naroon and her Mom’s number.
“Babae rin naman ang Mommy mo ah?” Sabay lingon sa kanya.
Nilingon niya ako, saglit lang.
“Do you want me to delete it?”
Nagkasalubong na talaga ang aking kilay. Wala naman akong sinasabi na burahin niya!
“Bakit naman?”
Nagloosen ang kanyang balikat.
“Baka gusto mong ikaw lang ang babaeng nakasave,” he said cooly.
Natawa ako ng bahagya sabay iling. Hinaplos niya naman ang kanyang buhok at tumango, ang basang labi ay nakaawang pa ng kaonti.
Ibinalik ko ang atensyon doon at sinave na ang aking number. I put my full name Elliana Brielle Delafuente para makilala niya agad na akin iyon.
“Text your number using my phone so you can save mine too…”
Tumango ako at nagtungo agad doon sa icon ng kanyang messages para bumuo ng text.
“Anong itetext ko?” tanong ko.
“Anything you like…”
Ngumuso ako at tinitigan muna ang keyboard. Ano bang pwede kong sabihin sa sarili ko? Siguro tuldok nalang? Iyon nga ang isinend ko at kasabay noon ang pagbeep ng aking cellphone, natanggap ang text galing sa unknown.
Isinave ko agad ang kanyang number at inilagay sa contacts ang pangalan na Anzai Haze.
Inilahad ko iyon sa kanya.
“Just keep it for awhile. Hawakan mo nalang muna.”
Tumango ako at tiningnan ulit ang kanyang screen na naka off na. Wala naman akong balak buksan…
“The password is six zeros…”
Nagtataka ko siyang nilingon. “Bakit mo sinasabi sa akin? Privacy iyon ng cellphone mo.”
Nagkibit siya, kagat kagat na ang pang-ibabang labi.
“So you can have an access to my phone anytime you like.”
Tiningnan ko siya ng ilang sigundo, takang taka parin. Paano kung ichange pass ko iyan edi namroblema siya? O kaya ay ireset ko at idelete ang mga pictures niya.
Hinawakan ko nalang iyon pati ang aking cellphone. Ipinarada niya rin naman ang kanyang kotse sa parking area noong hinintuan naming Restaurant at bumaba. Ang sabi ko sa cafe lang! Iyong malapit lang sana sa shooting range para makabalik agad kami kaso mukhang lumayo pa siya para kumain sa isang Restaurant!
Pumasok kami roon at umupo sa two-seated table. Inilapag ko ang dalawang cellphone sa gilid ng plate at pumangalumbaba roon sa gilid ng mesa.
Nag-order si Haze ng tatlong putahi. Iyong Cordon Bleu lamang ang idinagdag ko at hinayaan na siya sa iba pa. Kaya habang naghihintay ng order ay gumala ang aking mga mata sa paligid, walang ibang magawa.
Pumangalumbaba rin si Haze sa table, ginaya ang aking posisyon at inayos ayos ang kanyang buhok.
“You look good on your ponytailed hair…” mahina niyang sambit, tila ibinulong lamang sa hangin.
“My Kuya ponytailed my hair,” pagmamalaki ko.
Umangat agad ang isa niyang kilay.
“I don’t like girls who’s dependent with their brothers. You should do it to yourself next time since it’s your hair,” sabi niya, halos bumusangot na.
“Ah… Ayaw mo pala sa ganoong girls? Alright, copy!” Tumango-tango ako at ngumisi sa kanya.
Haze licked his lips and stared at me devilishly. Nariyan na naman ang tingin niyang pamatay! Ano ba talagang utang ko sa kanya at parang naniningil lagi ang kanyang mga mata? Sa sobra ring lalim parang dinaig pa ang balon!
“Nakailang girlfriend kana?” biglaan kong tanong, iyon na ang sumagi sa aking utak kakatitig din sa gwapo niyang mukha.
“I don’t like girlfriends…”
“So lahat… puro ano lang… uh…” Pinisil ko ang aking labi at naghanap ng magandang term. Nahulog naman ang mga mata niya roon, halos mamungay na kakatitig.
“Uh… Mga one-night?” Since it’s my friend’s term so… iyon siguro?
“What’s one-night?”
“Isang gabi!” sigurado kong sagot, masyadong confident na iyon talaga ang totoo.
“Tinagalog mo lang.”
“Iyon naman talaga ah?” Nahulog ang aking tingin sa baso. Bago ko pa mahawakan ang pitsel ay nauna na siyang hawakan iyon at sinalinan ng tubig ang aking baso.
“Totoo naman ’di ba? Mahilig ka sa one-night,” I said clearly.
“Huli na ’yon…” he said softly.
“Pero mahilig ka parin! Nakikipag one-night ka sa mga girls,” giit ko at pinaningkitan siya ng mga mata.
Inilapag niyang muli ang tubig at itinulak ang baso palapit sa akin. Hinawakan ko iyon at uminom.
“Hindi na mauulit,” he said softly.
Tumango ako. “You should avoid kissing someone if you’re not planning to marry them. Hindi ka dapat nanghahalik dahil bored ka lang.”
“Okay… Ano pa?” He tilted his head, ang mga mata ay masyado nang namumungay sa akin since his eyes were very sleepy.
“Hmm…” Tumingala ako sa ceiling para makapag-isip isip.
I’ll teach this badboy a lesson! Dapat mapaano ko siya para unti-unti siyang mahulog sa akin. In that way, mapapatunayan kong matinik din akong dumiskarte at hindi na nila ako pinagkukumpara kay Zera. I guess?
“Wala na. Iyon lang,” sabi ko at tiningnan siyang nasa aking leeg ang tingin.
“Ako naman,” sabi niya na ikinakurap ko.
“Anong ikaw naman?”
Umalis siya sa pagkakahilig sa mesa at humalukipkip, nakasandal na ngayon sa kanyang upuan.
“Gusto mo akong akitin, ’di ba? I’ll give you clues para may guide ka.”
Oh.. that’s better! Para kasing ang hirap niyang akitin at wala akong alam sa ganoong bagay!
Tumango ako at mataman siyang tinitigan para makinig.
“You should avoid talking with boys,” seryoso niyang bigkas.
“Huh? Anong kinalaman noon sa pang-aakit?”
“Ayoko sa mga babaeng clingy sa ibang lalake. Nakakaturn-off.”
“Marami akong pinsan na lalake at mga lalake rin ang kapatid ko.”
Nagloosen ang kanyang balikat at binasa ang pang-ibabang labi hanggang sa kinagat niya iyon ng matagal.
“Or at least be loyal.”
“Ah… Ikaw lang rin naman ang inaakit ko.” Ngumisi ako sa kanya.
Tumango siya. “You don’t have crushes? How about in your school?”
Umiling ako.
“Wala eh…” I crunched my nose. “Kadalasan kasi roon sa mga lalake sa school namin ay badboy type at mga snob. Kung hindi naman badboy type or snob ay mga playboy naman and worst mga Senior pa. I can’t find someone who’s jolly and friendly like my Kuya. Wala rin naman akong natitipuhan sa mga kaedad ko.”
“Find someone who’s older than you. Mga magagaling iyong maghandle ng relasyon,” aniya.
“Really?”
He nodded slowly.
“Iyong mga nasa limang agwat ang edad sa’yo…” sabay iwas ng tingin at haplos ng kanyang batok. “Those men are good at handling girls like you who’s innocent and ignorant with love…”
Talagang limang agwat? He’s five years older than me, too.
“Eh ikaw nga limang agwat lang rin ang pagitan sa akin pero ayaw mo sa mga kagaya ko ’di ba? Hindi mo type…”
Kinagat niya ang kanyang labi. Hindi na muna siya sumagot at nilingon ang waiter na dala-dala na ang aming order kaya iyon narin ang aking tiningnan.
Pinanood namin siya ni Haze na ilapag sa aming mesa ang mga pagkain. Pagkatapos noon ay umalis din naman ito at nagpaalam kaya sinimulan ko agad galawin iyong Cordon Bleu na may maganda pang plating. Tinusok ko agad ang isa at kinagatan.
“This is my favorite,” sabay ngiti ko.
“Lemme try.” Hinawakan niya ang aking pulso at iginiya iyon sa kanyang bibig.
Kinagatan niya ang parteng kinagatan ko. Ngumuso ako at pinanood ang ekspresyon niyang tila nakontento naman sa lasa.
“Masarap nga…”
“Of course!”
Nagbeep ang aking cellphone kaya iyon ang aking sinilip. It’s a text from Kiera! Dinampot ko iyon para mabasa ng buo.
Kiera:
Nasaan na kayo? Umalis kayo sa shooting range?
Nagtipa ako.
Ako:
Yup. Kumain kami.
Ipinatong ko iyong muli sa cellphone ni Haze at nagfocus sa pagkain. Hinihiwa niya iyong steak at nilalagyan din ang aking plato kaya ngumingiti ako sa kanya. Iyon nga lang, hindi man lang ngumingiti pabalik malditong si Haze.
I enjoyed my food while talking nonsense things. Nagdessert pa ako like special halo halo and leche flan pagkatapos ay umalis din naman kami roon at bumalik na sa kanyang kotse.
“Hinihintay na ako ng mga friends ko sa shooting range,” sabi ko at hinila ang seatbelt.
“Just go home. Ayoko sa mga babaeng masyadong gumagala at ganyan pa ang suot,” sabay tingin sa aking legs.
Tiningnan ko rin ang aking makinis na hita. Inilagay ko nalang doon ang aking sling para hindi gaanong maexpose.
“I thought you like sexy girls?” I frowned at him.
Tandang tanda ko pa iyon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil nililista ko sa utak ko ang mga gusto at ayaw niya sa babae for my infos about his standards with girls.
“Hindi lang naman pisikal ang tinutukoy ng sexy. There are girls who smile sexily, who talks sexily… or a girl with a sexy personality.”
“So alin ako roon?” I asked curiously.
Ibinaba niya iyong salamin sa itaas at tiningnan ang kanyang buhok. Inayos niya muna iyon ng kaonti at ibinalik rin naman agad sa itaas.
“You’re none of the above,” sagot niya at binuhay na ang kotse.
Sinamaan ko talaga siya ng tingin. Kung naging kutsilyo palang iyon ay gusto ko na siyang saksakin dahil ang sama ng ugali! I get it okay! I am not his type. Wala ako sa category!
“Maaakit parin kita. Just wait and see! Wala sa’kin yang kayabangan mo pag napabaliw kita sa akin!” I greeted my teeth with annoyance.
“I’ll really wait…” sabi niya sabay hila paatras ang clutch. Naglanding ang aking mga mata sa maugat niyang braso. Wow… His arm looks so manly! Pati sa may bandang kamay may maugat din!
Kinalma ko ang aking ekspresyon at binura ang inis habang kinakabusado ang kanyang bawat galaw.
Inikot niya ang manibela kaya nagflex ang kanyang muscles. He bit his lowerlip while his face looks so serious. Kahit ang earring niya ay tiningnan ko rin. Noong napagtantong masyado na akong tumititig ay natauhan din naman ako at napunta ang tingin sa hawak kong cellphone niya.
Tinipa ko roon ang password na puro zero at bumukas ulit iyon, bumungad ang wallpaper niyang kulay itim.
“We forgot to take a photo together last time… Sayang iyong sunset,” sabi ko.
“We’ll find tomorrow.”
Napalingon agad ako sa kanya. “Tomorrow?”
Tumango siya. “We’ll play golf tomorrow.”
Bigla akong naexcite sa hobby na iyon. Papaluin lang naman kasi ang bola and it’s not really extreme so I guess kaya ko naman.
“Sige!”
Nilaro niya ang kanyang pang-ibabang labi, kinakagat kagat iyon habang nakatitig ng malalim sa kalsada.
Ibinalik ko ang tingin sa harap at ngumuso, nag-eenjoy sa mga nangyayari. Feeling ko talaga naaakit ko na siya eh. Pag nagtagal ang pagiging close namin ay mapapasa-akin na si Haze. I’m going to win!
After ko siyang ibasted, pwede naman kaming friends ulit. Pero kung ayaw niya rin ay bahala siya.
Pero paano ko ba malalaman pag naakit ko na siya? Sasabihin niya ba iyon like, ‘Brielle… I give-up. Panalo kana. Napakamatinik mong dumiskarte at naakit mo na ako. Sa’yo na ako.’
Napabungisngis ako ng wala sa oras sa aking iniisip. He’s going to say that in bended knees habang umaamin sa akin! Pagkatapos ay naroon pa sina Kiera, Lexy and Penny. And that’s the time ibabasted ko agad siya like ‘I’m sorry Haze pero hindi talaga kita type. You’re old and ruthless.’ And Haze, Satan’s apo, will cry and beg for his chances!
Wait… Hindi kapani-paniwala iyong iiyak siya at magmamakaawa sa akin. I think masyado ko nang iniexaggerate ang aking iniisip sa kanya. Baka nga kahit iyong luhod ay imposible eh!
Humagikhik akong muli kaya ang ending ay sinita na talaga ako ni Haze.
“What’s funny?” Magkasalubong ang kanyang kilay, nalilito sa aking pagbungisngis.
“Wala lang… Feeling ko mananalo ako sa’yo. No hurt feelings pag binasted kita ah.”
Umangat ang kanyang kilay roon. Namilog ang aking mga mata kaya mabilis kong tinakpan ang aking bibig. Oh no! Nadulas na naman ang aking dila! Dapat hindi ko sinasabi sa kanya ang plano kong babastedin siya! It should be a secret! Iyon dapat ang plot twist ko sa dulo eh! Oh my goodness! Ano na ngayon ang gagawin ko! Alam niya na ang secret ko!
Nailing si Haze sa akin, hindi ko alam kung nairita o ewan pero basta, nailing siya at siguro ay nadismaya. I am so stupid! Nasiwalat ko ang plano ko!
Huminto rin naman ang kanyang kotse. Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pinto para mauna sanang lumabas nang bigla nalang iyong ma automatic lock sa loob.
“Try to open it…” sabi niya nang lingunin ko siya habang kinakalampag ang handle.
“Nilock mo kaya paano ko mabubuksan?” Sinimangutan ko siya.
“Exactly. No matter how you gripped the handle, it’s lock. Wala kang takas,” makahulugan niyang sabi sa seryosong boses.
“S-Saan?” Napalunok ako.
Nagkibit siya at in-unlock rin naman ang loob, hindi na umimik sa aking tanong.
11th Gripped
Gripped
This chapter is dedited to Danessa Jane Lariosa. Happy reading! Merry Christmas everyone!
Mas Magaling
“OMG, Brielle!” Nagtilian agad sina Lexy at Peny lang lumapit na ako sa kanilang gawi.
Nagtatalon si Lexy, hawak ang aking mga kamay habang si Peny ay parang nangingisay pa. Tumawa ako at sumulyap kay Kiera na nakahalukipkip lamang, katulad ng palagi niyang reaksyon.
“He taught you how to shoot! Ang cool cool!” sigaw ni Lexy sa nangingislap na mga mata.
Humagikhik ako at ipinakita sa kanila ang aking gold card.
“He also signed me up. May access na ako rito sa shooting range as their VIP customer, too,” pagmamayabang ko.
Si Kiera agad ang kumuha noon at tiningnan iyon ng seryoso. Kahit sina Lexy at Penny ay sumilip narin doon, nanlalaki ang mga mata nang tingnan ang makinang kong gold card.
“Holy shit, Brielle… What did you do to Haze?” Halos suminghap si Penny, nakapaskil ang gulat.
“He’s treating you like a frigging Princess!” si Lexy naman at tingin sa akin.
Ngumiti ako. “Basta Delafuente, matinik dumiskarte.”
Napasulyap narin si Kiera sa aking sinabi.
“And how about his number?”
Bago pa ako makapagsalita ay nagbeep na ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa aking sling at tiningnan ang screen.
Nabasa ko agad doon ang pangalan ni Haze.
Anzai Haze:
Let’s play golf tomorrow. 2PM.
Ngumuso ako at ipinakita nalang sa kanila ang aking screen.
“Nagtext siya.”
Ang namimilog nilang mga mata kanina, ay may mas ikakalaki pa pala. Iyon na ulit ang kanilang pinagkaguluhan. Si Lexy ang naunang kumuha ng aking cellphone, sina Penny at Kiera ay nakisilip na naman.
“Ang una niyang text sa’yo ay tuldok!” si Kiera iyon, nagdududa.
“Ah… Ako ang nagtext niyan sa sarili ko. He told me to save my number on his phone at itext daw ang sarili ko kaya…” Pinisil ko ang aking pang-ibabang labi.
“H-Hinayaan ka niyang hawakan mo ang cellphone niya?” si Penny.
Tumango ako. “Alam ko rin ang password ng cellphone niya. He told me para raw may access ako sa phone niya anytime.”
“Oh my gosh! Haze is already falling! Naakit mo na siya, Brielle! Parang hulog na hulog na siya sa’yo!” ani Lexy.
Iniabot muli ni Penny sa akin ang aking cellphone. Tinanggap ko iyon at naramdaman ang naninimbang na mga mata ni Kiera sa akin.
“I’m not sure… Pero parang kulang pa eh. I think Haze is just being nice to me…” sabi ko.
“Kulang pa? You mean… Hindi pa siya nahuhulog sa iyo? You got a damn VIP card! A gold card, Brielle!” Nawiwindang na si Lexy.
“Shut-up, Lex. Tama nga si Brielle. Hindi pa sapat ang pagkakahulog ni Haze sa kanya. Dapat ay gumapang ito, para pag binasted siya ni Brielle ay sobrang masakit ang magiging impact kay Haze. We all know that ruthless guy is very heartless. At least si Brielle ang magpaparanas sa lahat ng sakit na ginawa ni Haze sa mga girls,” ani Kiera.
Nawala agad ang pagdidiwang sa mukha ni Lexy, kahit si Penny ay tumango, sang-ayon kay Kiera.
“Si Brielle pa eh Delafuente ito. I’m sure she’s like Zera, too… Pahuhulugin niya ng husto si Haze at sa huli ay hindi niya ito sasaluhin, right, Brielle?” Ngumisi siya sa akin.
Tumango naman agad ako.
“Of course… Iyon naman ang plano ko,” sabi ko.
“Good. Walang lalake ang makakasira sa friendship natin, right? You’re not going to fall inlove with him, right?” Inabot niya ang aking kamay at hinawakan iyon, ang mga mata ay kumukurap-kurap.
Tumango ako at ngumiti, tiningnan narin sina Lexy at Penny na nakangiti sa akin.
“Right…”
“Aww…” Niyakap agad ako ng aso.
That day ay nagpasundo rin naman ako kay Kuya Red, pati sina Lexy, Penny at Kiera ay nakisakay narin sa amin.
“Sino ang una kong ihahatid sa inyo?” tanong ni Kuya sa kanila, tinitingnan sila sa itaas ng salamin doon sa back seat.
“Idrop mo nalang kami riyan sa kanto, Kuya Kaizen…” malambing na sabi ni Penny, namumula pa.
Kuya is popular in school kaya hindi na ako magtataka sa epekto niya sa aking mga friends.
“Ihahatid ko nalang kayo sa mga bahay niyo at baka mapano pa kayo. It’s getting dark…” ani Kuya nang tumingin nang muli sa kalsada.
“Kuya Kaizen is right, Penny,” si Kiera iyon sabay hagikhik. “Thank you, Kaizen. Ang babait talaga ng mga Delafuente kaya kasundong kasundo rin namin si Brielle since she’s very nice, too…”
Tiningnan siya ni Kuya sa ibabaw ng salamin, ngayon ay namumutawi na ang ngiti sa labi. Ngumuso naman ako.
“Thank you for treating our baby well, girls…”
“Baby rin namin si Brielle, Kuya Kaizen,” ani Lexy at humagikhik, may binulong bulong pa kay Penny.
“Pero magiging baby na ng iba,” pagpaparinig ni Kiera.
Kumunot agad ang noo ni Kuya Red. Nakagat ko ang aking labi at nilingon si Kiera na ngumiti pa sa akin, ang inosenteng mukha ay nangingibabaw.
“Sinong iba?” tanong ni Kuya Red.
Kinabahan agad ako lalo na’t hindi nagegets ni Kiera ang binibigay kong signal gamit ang aking mga mata. Gosh! She’s going to get me in trouble!
“Someday, Kuya! Hindi naman ako forever na baby niyo,” sabi ko agad at plastic na natawa.
Huminahon agad ang ekspresyon ni Kuya, tila nagets agad ang aking alibi.
“Ah… Matagal pa naman. Mga twenty years pa.”
Nalaglag ang aking panga at natawa naman ang tatlo sa likuran.
“Ang possessive mo naman pala, Kuya Kaizen!” Humagikhik si Kiera.
Ngumiti siya sa kanya sa salamin at nahulog agad ang tingin sa kalsada.
“Bawal pang magboyfriend itong si Brielle. Magfocus na muna kayong apat sa pag-aaral. Makakahintay naman iyang mga lalake,” ani Kuya.
“Pero what if nariyan na, Kuya Kaizen? Paano kung nanliligaw at nagpaparamdam na?” si Lexy iyon.
“The right man can wait, girls. Hindi niyo naman kailangang ipriority ang pag-ibig dahil kusa iyang ibibigay sa inyo sa tamang panahon.”
Nagtanguan silang lahat doon. Kuya smiled at them on the mirror.
“Sayang ang ganda niyo kung magpapakatanga kayo sa maling tao.”
Namula silang tatlo roon. Ngumisi naman ako kay Kuya Red. He’s not good with girls unlike Ken pero tinatrato niya ng pantay pantay ang mga babae. He’s always nice and gentleman, kagaya rin ni Kuya Blue.
Nauna naming ihatid sina Lexy at Penny total ay parehas lang naman ang subdivision na tinitirahan ng dalawa, panghuli naman si Kiera na nakikipagkwentuhan pa kay Kuya Red. Nang kami nalang ang matira ay ngumiti agad siya sa akin.
“Kiera looked nice…” ani Kuya Red. “Silang tatlo pero mas malambing iyong Kiera.”
Kiera looked malandi, ah! Gusto ko iyong isaboses kaso alam kong mapapagalitan niya ako for saying that.
Sumimangot agad ako. Of course ganoon naman talaga siya makitungo sa mga taong alam niya ay may malaking benefits sa kanya pag nakaclose niya. And knowing Kuya Red, he’s popular and he’s a Delafuente! Para kay Kiera Melendez, parang nanalo na siya ng lotto pag nakasungkit siya ng elite na friend.
“Hindi ’no. Ganoon lang siya sa’yo kasi alam niyang Delafuente ka.” Humalukipkip ako sa aking upuan.
“Pinaplastik mo ang mga ’yon?” tanong niya.
Hindi ako nakasagot. Sinimangutan niya ako.
“They’re treating you right, Elle. Bakit mo sila paplastikin eh wala naman silang ginagawang masama sa’yo? At halatang nag-eenjoy kang kasama sila.”
“I know, Kuya. I like them, a bit… Mabait naman sila talaga.” Si Kiera hindi gaano.
Hindi ko na iyon isinasaboses dahil alam kong against agad siya roon. Nababaitan siya kay Kiera eh.
“And what’s wrong? Dapat hindi mo sila sinisiraan dahil kaibigan mo naman ang mga iyon.”
Bumusangot ako ng husto. Hindi ko rin naman mababago iyang mindset niya sa mga babae. Hindi siya marunong bumasa ng babae! Feeling niya lahat mababait.
“I can sense Kiera’s attitude, Kuya. Ang sabi ni Zera sa akin, kailangan ko raw makiramdam palagi at sundin ang gut feel ko.”
“Zera isn’t friendly with girls kaya malamang ay dinidemonyo ka lang noon.”
“Pero she’s right! May something! Parang evil…” Mas bumusangot ako.
Kinagat niya ang labi at pinasadahan saglit ng haplos ang buhok.
“Hindi mo kasi gets kasi feeling mo lahat ng babae ay mababait. Pero someday, pag may nakilala kang babae na masama ang ugali at sinaktan ang mahal mo, I’m sure magbabago talaga iyang pananaw mo.”
Umangat ang isa niyang kilay at sumulyap saglit sa akin.
“Hindi ako nananakit ng babae, Elle. Para ko narin kayong sinaktan ni Mommy niyan.”
And what if mahal mo na ang sinaktan? What if ako? What if si Mommy? O ang mahal mo talagang babae?“
Natutop ang kanyang bibig doon at nanatili na ang tingin sa harap. Hindi agad siya nakasagot at mukhang naglalaro parin iyon sa kanyang isipan.
Pagkarating sa bahay, pagkapasok ko palang sa aking kuwarto ay nagbeep ulit ang aking cellphone. Tiningnan ko ang screen at nakita ang one month load na ipinasa ng account ni Haze sa akin.
Namilog ang aking mga mata at natigilan sa paghuhubad ng aking sling bag. Bakit niya ako binigyan ng ganito kalaking load?!
Ipinagpatuloy ko ang paghuhubad sa aking sling bag at inilapag iyon sa paanan ng aking kama. Umupo ako roon at hinubad ang aking flats nang magbeep ulit ang aking cellphone.
This time ay text na iyon, galing parin kay Haze.
Haze:
We’ll text so I already sent you load. Hindi ka nagreply.
Oh… Oo nga pala… Nakalimutan kong replayan iyong text niya kanina na magg-golf kami bukas. Pero anong reply pa ba ang gusto niya roon?
Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.
Ako:
Thanks sa load. I forgot hihi sorry.
Inilapag ko ang aking cellphone at tumayo para magbihis muna. Pumasok ako sa walk-in at nangalkal agad sa aking drawer ng mga pambahay. Kumuha ako ng Tshirt at shorts short saka rin hinubad ang aking damit.
Pagkatapos ko rin namang magbihis ay naglakad ulit ako patungo sa aking kama lalo na’t umilaw ang aking cellphone. I think nagreply na si Haze.
Dinampot ko iyon at sumandal sa headboard ng kama. Binuksan ko naman ang reply niya.
Haze:
You text very slow. I don’t like it.
Teka… Wala pa namang limang minuto ah? Active ba siya sa pagtetext? Ayaw niya ba sa mga ganoong babae? Reply faster, Elle! Paano mo iyan maaakit sa iyo kung slow ka! Dapat ay mabilis! Mabilis nga akong nagtype.
Ako:
Nagbihis aki.
Ako:
Ako hihi sorry mali.
Tinitigan ko ng ilang sigundo ang aking reply. Bakit parang ang pangit naman ng pinagsesend ko? I don’t know how to text oh my gosh! Siya palang ang kauna-unahang lalake na nakatext ko!
Ang hinihintay kong reply niya ay tawag ang dumating. Nagulat ako at mabilis agad iyong sinagot, natataranta pa dahil baka mabagalan siya.
Inilagay ko agad iyon sa aking tainga at narinig ang pag buntong niya ng hininga roon.
“Let’s just talk para hindi ka namamali sa pagreply.” His voice was very husky.
Natanga pa ako, masyadong namamangha sa kanyang husky na boses na tila paos. Is he lasing?
“Uhm… May pag-uusapan tayo na mahalaga?” Pinaglaruan ko ang dulo ng aking buhok.
Natahimik siya roon ng ilang sigundo, ang paghinga nito ay naririnig ko naman.
“About tomorrow… Let’s play golf tomorrow,” aniya.
Tumango ako. “Oo… Nabasa ko naman iyong text mo.”
“Just making sure. Baka makalimutan mo.”
“Okay sure…” sagot ko, ang mga mata ay naigala ko pa at hindi iyon maipirmi.
“Okay… See you,” he said softly.
“See you…” I pouted.
Isang katahimikan ang namayani. Tumingala ako sa ceiling at doon na iginala ang mga mata. Tiningnan ko ang mga neon stars na naroon at hindi pa naman masyadong umiilaw dahil sa nakabukas na ilaw.
Ibababa ko na ba ang tawag? Tapos na ba? Iyon na ba? O baka hinihintay niya lang na ako ang mag- ooff?
I heard him clear his throat, mukhang may sasabihin pa.
“Susunduin kita.”
“H-Hindi na!” Natataranta kong sagot at nahulog agad ang mga mata sa aking hita.
“Why not…” he said in his deep voice.
“Isend mo nalang sa akin ang address tapos ako nalang ang pupunta. My brothers are strict…” Ngumuso ako.
I heard him groaned. “Just tell them I’m going to fetch you. Hindi naman kita huhubaran. You’re not my type, you know…”
Namula agad ako roon.
“H-Hindi naman ganyan ang iniisip ng mga kuya ko. Ayaw lang nila sa mga boys…”
He tsked. “Alright…”
Kinagat ko ang aking labi at dumausdos sa aking kama. Wala na naman akong masabi at gusto ko nang patayin ang tawag pero ang sarap din pakinggan ng kanyang malalim na boses. Kaya siguro nagkacrush si Kiera sa kanya kasi ang perpekto niya na.
Para sa akin, kung hindi rin siguro siya badboy looking, maldito, at matanda, ay magkakacrush ako sa kanya. But he’s the opposite! He’s intimidating and he looked very ruthless! Siya iyong tipo ng lalake na madalas iniendorse sa akin ni Kuya Blue na boys are evil. Fit na fit talaga siya roon. I think he’s the mastermind behind all the evil things in the world because of his ruthlessness! Kahit ang kanyang kagwapuhan ay nakakasindak! Ang kanyang mga tingin ay pamatay! Ang kabuuan ay nakakapanglaway!
Oh wait… Hindi naman nakakapanglaway pero nakakalaglag panga talaga siya. Iyon nga lang, di ko talaga siya type eh. He’s very far from my standards with men.
“Uh… I ooff ko na ba? Wala na ba tayong pag-uusapan?” tanong ko, nang mapagtantong pinapakinggan na lamang ata namin ang paghinga ng isat-isa.
“We’re still talking…” he whispered.
Kumurap ako. Masyado ba akong nagspace-out at hindi ko namalayang nagsasalita pala siya?
“Huh? Talaga?”
“Yes… We’re talking through our breaths…”
Oh… Joke ba iyon? Tumawa agad ako, kahit plastik at sobrang pilit ay tumawa ako dahil ayoko siyang maoffend.
Umubo siya ng pilit.
“You are so innocent…” aniya, ang boses ay parang nang-iinsulto pa.
Tumigil ako sa pagtawa at umayos sa pagkakaupo. Mabilis na napawi ang aking pagngisi.
“Is it a turn-off?” I asked curiously.
“Yes… Boys will find you boring so I’m telling you… just avoid flirting and seducing someone else… Mapapaasa lang ang mga katulad mo at mauuto dahil alam nilang wala kang karanasan.”
“Ganoon ba ang nararamdaman mo sa akin?” I frowned.
Tumikhim siya. “Hindi naman. Pero sigurado akong ganoon ang mararamdaman ng mga lalake sa’yo. If I were you just stick on me.”
Tumango agad ako. Sang-ayon ako kay Haze. Alam ko kasing hindi talaga ako magaling mangseduce at feeling ko pinapahiya ko lang ang sarili ko. He’s expert so susundin ko nalang total nasasanay narin siguro siya sa akin. At least binibigyan niya rin ako ng ediya kung paano siya aakitin. Mabait din siya ng slight sa akin kaya mas okay talaga na si Haze nalang.
“I am just telling this as a warning. Naaawa lang ako sa’yo. You’re ignorant and very young. Mukhang madali ka pa namang mauto.”
I frowned more. Madali ba akong mauto?! Hindi ako uto-uto ah! At bakit naman ako uutuin ng boys?! Ano namang mapapala nila sa akin?
“Paano ba sila nang-uuto?”
“In your case… baka kaonting masarap lang na salita bumibigay kana agad.”
Pinisil ko ang aking labi. Naguguluhan ako.
“Paanong masarap na salita?”
“Compliments.”
“Ah… Okay, copy!”
So pag may nagcompliment sa akin, hindi ko agad papaniwalaan dahil uutuin lang nila ako sa masarap nilang salita! Oh my gosh! I’m learning! Boys are really evil! Iyon rin ang ginagawa ni Ken ah! Ang hilig niyang mang compliment!
“Ano pa?” Kumuha na ako ng unan at niyakap iyon, gusto nang makipagkwentuhan kay Haze ng matagal.
“I have so many things to tell you but and it might last for hours. Ayokong makapuyatan ka sa tawag. I don’t like you, you know…”
“Ay… Pero gusto ko pang malaman! Sige na, Haze!” Halos mafrustrate ako.
“Alright,” agad niyang sabi, ni hindi na tumanggi.
Lumiwanag agad ang aking mukha at napangiti.
“Let’s talk until night… I’ll tell you everything,” he said in his bedroom voice.
Tumango agad ako.
“Okay! Hmm… Ano pa? Feeling ko kasi maraming mang-uuto sa akin diyan sa tabi-tabi eh. Gusto ko agad malaman para hindi matuloy.”
“Yes. Marami riyan sa tabi-tabi. And you need to be wise para hindi kana masyadong nakadepende sa mga kapatid mong lalake.”
“Oo! Oh my gosh! Tama ka, Haze! Gusto ko na ngang maging independent!”
Natahimik muna siya roon, kalaunan ay narinig ko ang kanyang pagtikhim.
“Get some paper and pen.”
Mabilis agad akong tumayo at nagtungo sa aking drawer. Sa pagmamadali ay kamuntik pa akong madulas. Mabilis kong ibibalanse ang aking sarili at binuksan ang unang drawer. Nangalkal ako roon ng maliliit kong notebook at isang ballpen saka dumapa sa aking kama at inilapag iyon doon.
Kinagat ko ang takip ng ballpen para buksan iyon at binuklat ang maliit na notebook, ang kabila ko namang kamay ay nakahawak sa cellphone.
“Number One…” ani Haze.
Sinulat ko agad iyon.
“If someone compliments you, tell them right away that you’re not interested.”
Oh! Ganoon pala! Sinulat ko agad iyon habang inaangat ang aking mga paa sa ere at pinaglaruan iyon doon.
“Done! Anong number two?” Kinagat ko ang dulo ng aking ballpen.
“Number two. If someone stares at you, never stare back.”
Sinulat ko iyong muli sa ilalim noong number one. Tumango-tango ako.
“Ano pa?”
“Number three. Never entertain boys.”
Sinulat ko ulit iyon.
“Number four. Stop being clingy with your brothers.”
Natigilan ako saglit.
“Huh? Paano iyon nasali sa pang-uuto ng mga boys sa akin?”
“If you want to learn being independent then stop being clingy… You won’t learn anything if you keep on being a baby,” he said seriously.
“Oh… Oo nga ’no? O sige. Iiwas nalang ako.” Tumango ako at agad iyong isinulat.
“Number five. This is the last…”
Sinulat ko agad ang number five sa ilalim ng four.
“Ano ’yon?” Kinagat kong muli ang dulo ng ballpen at pinasadahan ng tingin ang aking mga naisulat.
Siguro kung masasaulo ko agad ito, ni isang lalake ay wala nang makakapang-uto sa akin. I am going to be expert with boys just like my cousins! Hindi na ako magiging ignorante!
Kawawa naman itong si Haze… Medyo nakokonsensya ako sa kanya kasi ginagamit ko siya ng husto pero sa huli ay may plano pala akong bastedin at saktan siya. Siguro after noon ay magsosorry nalang ako at makikipagfriends total may naituturo naman siya sa akin. I really feel sorry for Haze. Kawawa naman…
“Ano pa, Haze?” ulit ko sa marahang boses.
“Always believe in me,” seryoso niyang sabi.
“Okay…” Isinulat ko agad iyon.
Hay kawawa talaga. Nakakakonsensya naman itong ginagawa ko. Pinagsasamantalahan ko ang pagiging expert niya. Baka pag nalaman niya ngayon ang balak ko ay magagalit talaga siya.
“Thank you ha…” malungkot kong sabi.
“Follow those steps if you don’t want to be deceive by boys around you,” matigas niyang sabi.
“Oo… Kakabisaduhin ko ito.”
“Good…”
“So tapos na? Ibababa ko na or ikaw ang magbababa?” tanong ko at isinara ang notebook.
“Not yet…” pigil niya.
“Huh? Meron pa?”
Akala ko huling bilang na iyong five!
“I sing like Isaiah, too…” halos pabulong nalang iyon kaya hindi ko pa masyadong marinig.
Itinabi ko ang aking maliit na notebook at tumihaya sa aking kama.
“Ano ’yon?”
I heard him cursed softly.
“I said I also sing like… like fucking Isaiah, too,” he groaned.
“Talaga?! Ang ganda pa naman ng boses ni Isaiah. Iyon din ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya kaya ko siya crush-”
“I sound better,” he cut me off in his cocky voice.
Nakakagulat naman itong si Haze! Marami rin pala siyang talent? Akala ko kasi gitara lang at iyong mga hobbies niya eh. At kung mas maganda ang boses niya kay Isaiah, eh bakit si Isaiah ang vocalist? Eh ba’t guitarist lang siya?
“Pero si Isaiah ang vocalist niyo eh…”
“Kung hindi ako tinubuan ng katamaran, ako dapat iyon. Iniisip ko rin ayokong masyadong tinitilian ng mga babae. They’re annoying. I don’t like girls.”
Oh… Iyon pala.
But why does Haze sounds like an endorser? Para siyang iyong mga commercial sa tv? Iyong may binibentang products kaya ganoon ang tono ng pananalita. Ewan ko kung ba’t ko iyon masyadong naiisip. Nasobrahan ata ako sa panonood ng commercials sa tv. Pinilig ko ang aking ulo at nagconcentrate sa pakikipag-usap sa kanya.
“Ah… Edi mas maganda ang boses mo kay Isaiah?” tanong ko.
“Yes. Mas magaling ako sa kanya, sa lahat ng bagay. Isaiah is weak and he’s such a snob. Tsk tsk.”
Eh? Ba’t niya pa dinadagdagan ng panglalait kay Isaiah? Friends pa naman sila. Ang sama rin talaga ng ugali nitong si Haze!
Pero malay mo Elle, parehas lang rin kayo ng sitwasyon kaya siguro magkasundo kayong dalawa. Alright! I’m not going to judge him!
“Uh… Pwedeng… Pwedeng parinig ng boses mo?” I said softly, a bit embarassed.
“Tss. Ba’t kita kakantahan? I am not planning to make you fall inlove with me kaya hindi ako magsasayang ng laway sa’yo,” he said coldly.
Ano ba iyan! Masyado na akong nacucurious! Gusto kong marinig!
“Hindi naman ako mafa-fall sa isang kanta lang! Please!”
He tsked. “Ayoko. Baka isipin mo niyan inuuto kita dahil kinakantahan kita. Girls are assuming…”
“Pero ako naman ang may gusto! Hindi naman ikaw! At hindi mo naman ako type!” Nafufrustrate ko nang bigkas.
“Fine. Just one song. Hindi kana makakaulit sa akin,” he said surely.
Napangiti agad ako at mabilis na naexcite.
“Hindi ko masyadong gagalingan dahil ayokong mawili ka sa boses ko, okay?”
“Okay…” Humagikhik ako.
12th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Jersey Shayne G. Ramos. Happy reading!
Golf
“Do you know the song entitled Stay by Cueshe?” tanong niya.
“Uh… Old song ba ’yan? Hindi kasi familiar.”
“Yes. It’s an old song. Iyon lang ang kakantahin ko.”
“Okay…” Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita.
Tumikhim siya, hanggang sa nakarinig na ako strum sa kabilang linya. Gusto kong magtanong kung naggigitara ba siya ngayon pero masyado rin namang obvious eh.
Hindi raw gagalingan pero nag-eeffort naman. Hindi ko nalang iyon isinaboses lalo na’t nagsisimula na siya at ayaw kong makadisturbo.
“I believe… We shouldn’t let the moment pass us by life’s too short. We shouldn’t wait for the water to run dry…”
Namilog ang aking mga mata sa malamig niyang boses. Parang masyadong effortless ang kanyang pagkakakanta dahil sobrang ganda ng boses na iyon.
“Think about it, ’cause we only have one shot at destiny all I’m asking, could it possibly be you and me?”
Napasinghap ako. Kagat ang pang-ibabang labi ay mabilis akong bumangon sa pagkakahiga dahil pakiramdam ko ay lulubog na ako sa kama, sa lamig at lambot ng kanyang boses.
He’s really better than Isaiah, I guess! Narinig ko naman si Isaiah eh pero parang may kakaiba sa boses niya, para iyong nanghehele at nangbibihag. Kung namangha ako kay Isaiah, sa kanya ay parang pati kaluluwa ko ay gusto naring lumabas at makinig sa kanya. Ang boses niya ay tila hinahawakan ang aking puso, halos pigain iyon kaya halos kapusin ako ng hininga.
“So if you’d still go, I’ll understand… Would you give me something just to hold on to? And if you’ll stay I’ll hold your hand… ’Cause I’m truly, madly, crazily in love with you…”
Sumandal ako sa kama at natulala na lamang. Bakit parang ang galing galing niya naman ata!
“Time has come for us to go our separate ways… God forbid, but my mind is going crazy today…”
“I feel so cold. Feel so numb I’m having nightmares but I’m awake. Help me lord. Fight this loneliness, take this pain away…”
Pumikit ako at dinama nalang ang kanyang boses sa aking tainga, ang pagstrum niya ng gitara na nakakadagdag rin sa kanyang boses. My heart is beating loudly. Para iyong isang drum na hinahampas at nakikipagsabayan din kay Haze. Huminga ako ng mabilis, pakiramdam ko’y tumatakbo talaga ako.
“So if you’d still go, I’ll understand… Would you give me something just to hold on to? And if you’ll stay, I’ll hold your hand ’Cause I’m truly, madly, crazily in love with you…” masuyo niyang kanta.
“So if you’d still go, I’ll understand… Would you give me something just to hold on to? And if you’ll stay, I’ll hold your hand… ’Cause I’m truly, madly, crazily in love with you…” Halos ibulong niya na lamang iyon, ang boses ay mas lalong lumambot dahil sa paghina noon.
“Now that you’re gone I’m all alone…. I’m still hoping that you would come back home. Don’t care how long, but I’m willing to wait… ’Cause I’m truly, madly, crazily in love with… you…”
Nagloosen ang aking balikat at napadilat. Sapo ang nag-iingay na tibok ng aking dibdib, kinagat ko ang aking labi.
“Can you sing it again? Irerecord ko lang sana,” sabi ko agad, masyado nang nakukulangan at gusto nalang pakinggan ang boses niya buong araw.
He tsked. “Nawili ka agad. I told you I’ll just sing once,” matabang ang boses na iyon, parang ayaw nang mabali ang kanyang desisyon.
“Please, Anzai…” I said softly.
Natigilan siya sa kabilang linya, ni ang kanyang paghinga ay biglang hindi ko na narinig. Ngumuso ako at napagtantong baka ayaw niya na talaga.
“I’m sorry. Sige, huwag nalang-”
“Alright, I’ll sing it again,” putol niya, ngayon at seryoso na ang boses.
Lumiwanag ang aking mukha at napangisi agad ako. Halos bumangon pa ako sa pagkakasandal sa headboard ng aking kama.
“Really?!”
“Yes… But in one condition,” aniya sa paos na boses.
“Ano ’yon?”
“Pilitin mo muna ako. Say my name again.”
Napisil ko ang pang-ibaba kong labi.
“You mean, Anzai?”
“Yes…”
“Please, Anzai…” ulit ko.
“A lil softer, Elliana…”
Nagulat ako sa pagbigkas niya sa aking unang pangalan. Wala pang tumatawag noon sa akin, bale siya palang.
Kumalabog ang aking dibdib at para akong kinabahan sa boses niya.
“Please, Anzai…” I pleaded more.
“What do you want, hmm?” Mas malambot na ang boses na iyon.
“Uh… I want you to sing again… T-That song…” Pinamulahan ako ng pisngi, kinakabahan sa kanya.
“Do you like it so much?” he whispered sexily.
“Y-Yes.”
“Is it better than Isaiah?”
Pumikit ako, tumango na kahit hindi niya naman nakikita.
“Yes…”
He chuckled. Napadilat ako roon, nagulat sa kanyang munting tawa na mabilis lang naman.
“Alright… I’ll sing for you again,” sabi niya sa masiglang boses.
Ngumuso ako at kakaibang tuwa na ang aking naramdaman. Mabilis ko nang pinindot iyong record. Iniloudspeak ko nalang iyon para mas mapakinggan ko siya ng maayos at humiga akong muli.
Kinabukasan ay tinanghali na naman akong gumising. Buti nalang at pumasok si Kuya Red sa aking kwarto at ginising ako para kumain ng aking brunch. Mga eleven na ata ako nakatulog kagabi dahil sa tawagan namin ni Haze.
Mga nasa alas una na iyon noong nabasa ko ang mga text niya.
Anzai Haze:
Morning…
Anzai Haze:
I’ll wait for you later.
Anzai Haze:
Lunch?
Ang rami niyang text! Nagtipa agad ako.
Ako:
Kakagising ko lang. Yes. Kumain na ako :))) Kain kana rin.
Nagprepare agad ako para sa aking gala ngayon. Naligo ako at agarang nagbihis. Habang binoblower ang aking buhok ay nakatanggap naman ako ng text galing kay Kiera.
Kiera:
Pupunta rin kami sa golf center today. We’ll monitor you. Galingan mo sa pang-aakit okay? And please Brielle, wear some sexy dress! Gayahin mo naman ang damitan ni Zera!
Sumangot agad ako. Pangit ba ang choices ko sa mga damit? Pero doon rin kasi ako komportable eh. And my brothers hate offensive clothes! Baka hindi ako makalabas ng bahay.
Nagtext siyang muli.
Kiera:
Show your cleavage. I’m sure madidistract si Haze niyan at para mapabilis ang pagkafall niya sa’yo. Para mabasted mo na agad. ;)
Medyo hindi ako nakakibo, ang aking mga daliri ay parang naninigas at hindi makapagtipa.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin, lalo na ang suot kong simpleng tshirt lamang at jeans since magg-golf lang naman. Inimagine ko agad sa utak ko ang mangyayari mamaya kung ganoon ang suot ko. Makakapaglaro ba ako noon ng maayos?
Hmm… Should I try it? May punto rin naman kasi si Kiera. And I want to try it, too… Bale magjajacket nalang ako palabas tapos pag nasa kotse na ay huhubarin ko nalang.
Eighteen kana rin naman, Elle… You should practice wearing sexy clothes. Si Zera nga, ganoon rin naman dahil masyado siyang confident. Ganoon din dapat ako.
Alright! I’ll wear sexy tops today! Marami namang pinagbibili si Mommy sa akin na hindi ko masyadong sinusuot dahil nga ay para na iyon sa pagdadalaga ko. And now I’m already eighteen so legal age na siguro akong magsuot ng mga ganoon.
Inilapag kong muli ang blower at mabilis na tumayo. Nagtungo ako pabalik sa walk-in para mangalkal ng sexy na top.
May nakita akong white tube top. Doon nagtagal ang aking mga mata kaya hinubad ko na ang aking Tshirt at iyon ang isinuot.
Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin na inuukupa ang isang diba ng pader sa loob ng aking walk-in. Bagay iyon sa jeans ko since it’s a high-waist pants. Iyon nga lang, may kaonting sumisilip na balat sa aking tiyan lalo na sa parteng dibdib.
Kinuha ko iyong denim jacket at pati cap na kulay itim saka rin naman ako lumabas.
Pagkababa ko, kapwa nasa sala sina Kuya Blue at Kuya Red. Ngumiti agad ako sa kanila.
“Magg-golf kayo ng friends mo ngayon?” tanong ni Kuya Blue, nakahilig sa tinatalikuran niyang countertop, ang mga mata ay pinasadahan agad ako ng tingin.
Nagpaalam narin kasi ako kina Mommy at Daddy kaya may ediya sila. Ang sabi ko sina Kiera ang kasama ko at totoo naman iyon dahil naroon naman talaga sila mamaya. Hindi nga lang ako sigurado kung maglalaro rin ba sila.
Tumango ako at ngumiti.
“Yep…” sabay tingin kay Kuya Red na ang mga mata ay nasa akin din, kunot ang noo habang nakatingin sa aking suot.
“You should close your denim jacket, baby,” suhestyon ni Kuya Blue.
Tumingin narin ako roon lalo na’t pati si Kuya Red ay tumango.
“I think it’s fine.”
“It’s not fine. Mainit sa labas kaya isarado mo,” ani Kuya Blue at umalis pa sa kanyang kinauupuan.
Mabilis akong umatras at pinigilan ito sa paglapit sa akin. Alam kong uutuin ako ni Kuya Blue!
“Malaki na ako! This is fine!” sabi ko, medyo tumaas ang boses.
Tumayo narin si Kuya Red. “Your cute tummy is almost showing.”
Umiling ako sa kanila at mabilis nang naglakad palabas. Hinabol pa ako ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga mata, nakasunod at kapwa nakabusangot.
“Bye!” Kumaway ako sa kanila, nginisihan nalang ang kanilang mga ekspresyon.
“You’re being naughty!” sigaw ni Kuya Blue kaya tumawa lang ako at naglakad na patungo sa sasakyan.
Nagtext agad ako kay Haze na papunta na ako roon ganoon din kay Kiera lalo na’t naroon narin pala sila. Sinuot ko narin ang aking cap habang nasa byahe at tiningnan ang mainit na labas, ang mga naglalakihang building na nalalagpasan namin.
Naalala ko bigla ang pagkanta kagabi ni Haze, lalo na iyong pinagawa niya sa akin na pilitin siya habang sinasambit ang una niyang pangalan. Siguro ay mas gusto niyang tinatawag ko siyang ganoon. Pansin ko ang bilis niyang pumayag kagabi. Tinawag niya rin akong Elliana. Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa boses niya. Pumipintig agad ng malakas ang puso ko.
Pagkarating roon, sina Kiera ang sumalubong sa akin. Nalaglag ang panga ni Lexy at Penny sa akin.
“Oh my gosh! You are so pretty, Brielle!” ani Penny.
“Thanks…” Ngumiti ako at inilipat ang tingin kay Kiera na nakangisi rin sa akin, pinapasadahan pa ako ng tingin sa nanunuya niyang mga mata.
“Halata talagang nagpapaganda ka for Haze!” Humagikhik si Lexy.
Tumawa rin ako.
“Hubarin mo dapat ang jacket mo, Brielle. Dapat iyong tube lang ang iwan mo,” ani Kiera at ngayon ay hinihila na ang aking jacket pababa.
“Uh…”
Hindi ko siya napigilan lalo na’t may pwersa na ang pagkakahubad niya roon. Sa huli, nahubad niya nga iyon.
Napasinghap sina Lexy at Penny. Natakpan pa ni Penny ang kanyang bibig dahil sa pagkalaglag ng kanyang panga.
“Ang payat payat mo! Plus your waist! OMG! Matutuyo ang lalamunan ni Haze sa’yo!” Halos tumili na si Lexy.
“Ang ganda ganda mo, Brielle! Lumiliwanag ka sa sobrang ganda!” Pinasadahan pa ako ng tingin ni Penny, manghang mangha ang mukha.
“And I think mas malaki ang dibdib mo compared to Zera. I mean hindi naman sa flatchested si Zera pero mas malaki lang talaga sa’yo. Kapansin-pansin,” ani Lexy na nasa aking dibdib na ang tingin.
Tipid akong napangiti at hinaplos ang aking braso, nahihiya ng kaonti imbes na magmukhang confident.
“See? Mas maganda ka pag ganyan ang ayos mo hindi iyong masyado kang Maria Clara. Sure ako hulog na hulog na si Haze sa’yo pag nakita ka niya. And make sure, Brielle, pag binasted mo siya, dapat ay naroon kami. Inform us para masabi agad namin kay Haze na ang lahat ng ito ay pakulo lang at pinaglalaruan mo lang siya!” Humagikhik na si Kiera sa kanyang plano.
Nagkatinginan naman agad sina Lexy at Penny, hindi na halos makangiti.
“Kiera I think that’s too much… Baka magalit si Haze sa kanya at ano pang gawin kay Brielle,” nag-aalalang si Penny.
“Oo nga. Malalagot tayong apat,” si Lexy naman.
Umiling agad si Kiera, mas malawak na ang ngisi ngayon. Ang mapulang labi ay parehas ang kulay sa kanyang sleeveless top.
“Hindi ’no. I’m sure hindi papayag si Brielle na madamay tayo. She’s a Delafuente. Sigurado akong malulusutan niya ang galit ni Haze… right, Brielle?” nanunuya niyang bigkas.
Tumango ako. “Yup… Aakuin ko lahat at hindi ko kayo idadamay.”
Napatingin agad ang dalawa sa akin.
“Kinakabahan ako baka kasi makaabot sa Kuya mo, Brielle…” si Lexy na namumutla na nang banggitin ang aking kapatid.
“Shut-up, Lex! You’re so oa! Katuwaan lang naman ito! Hindi mapapahamak si Brielle!” ani Kiera na natawa pa sabay haplos ng kanyang buhok.
Ngumiti narin ako sa dalawa at tumango. Hindi rin naman nila alam na close friends na kami ni Haze. At alam niya naman ang plano ko sa umpisa palang. Iyon ang hindi alam nilang tatlo, na parang dinadaya ko sila, na alam na ni Haze ang plano kong akitin siya.
Siguro pagkatapos ng lahat ng ito ay hihingi nalang ako ng tawad kay Haze at sasabihin kong pakulo ko lang naman ang lahat para hindi narin mag-alala sina Lexy at Penny na baka madamay sila.
Tinext rin naman ako ni Haze kung nasaan na ako kaya nagpaalam agad ako sa tatlo na papasok na sa Golf course.
Pagkaapak palang ng aking paa sa berdeng patag na sahig ay naaninag ko agad si Haze na naka button white shirt at khaki shorts. Pinaglaruan pa ng hangin ang kanyang buhok na inaayos niya lang. Hindi lamang siya ang naririto at may mga lalake ring naglalaro.
Lumiwanag ang kanyang mukha nang magtama ang aming mga mata. Nahihiya akong ngumiti lalo na’t hindi ko pa suot ang aking denim jacket. Akala ko masasanay agad ako total ganito naman si Zera pero medyo uncomfortable pala lalo na’t mabilis pang dumilim ang mukha ni Haze nang mahulog ang kanyang nga mata sa aking suot.
May narinig akong sumipol, meron ring sumisinghap at panay pa ang pagtawag sa akin, tila kinukuha ang aking atensyon.
“Ganda mo, miss!”
Malalaki agad ang hakbang ni Haze, binitiwan pa ang golf bag para mas mabilis na makarating sa aking gawi.
Bumagal ang aking paghakbang lalo na’t naaninag ko agad ang galit sa kanyang mga mata. Mas marami na ngayon ang napansin kong nakatingin sa akin na mga nasa loob din ng golf course para maglaro.
Hinaplos ko ang aking siko paakyat sa aking braso at mas naging hindi komportable.
Nakalapit na lalo sa akin si Haze. Isang hila lang sa aking braso ay mabilis akong nadikit sa kanya. Noong tumingala ako para tingnan siya ay gumalaw na ang kanyang panga at pinaglilingon ang mga lalakeng tumingin sa akin kanina.
Sinundan ko rin iyon ng tingin at nakita ang kanilang takot lalo na’t may iba na napaatras pa kahit ang layo naman sana nila sa amin, ang ilan ay mabilis na nag-iwas ng tingin at may iba ring namutla. The anger on his face gripped tightly, almost embracing all over it.
Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, tila ay ayaw akong pakawalan at pakiramdam ko ay nagmarka na sa aking balat ang kanyang kamay.
“You’re gripping my arm too much…” reklamo ko at lumunok habang nakatitig sa dalawang nakabukas na butones ng kanyang suot, sumisilip pa ang gold necklace doon.
Nang napagtanto niya ang kanyang ginawa ay mabilis naman agad iyong lumuwag. Sinilip ko iyon sa aking gilid at nakita agad ang pamumula noong hinahawakan niya.
“You’re distracting all the men in here,” he growled angrily.
Nagulat ako sa kanyang galit at takot na tumingala sa pagsiklab niya. Nang makita niya ang aking ekspresyon ay lumambot din naman ang kanyang ekspresyon, tila nagulat din sa kanyang pagsiklab. He licked his lips at bumuntong na ng hininga.
“I’m sorry,” he said softly.
Binitiwan niya ang aking braso at ipinulupot ang kamay sa aking beywang.
Nagulat ako roon lalo na’t nadikit agad ako sa kanya. Tila itinatago niya ako na walang makakakita sa aking suot o kahit sa akin. Yumuko siya at bumulong.
“Damn… You’re seducing all the boys in here. Mapapaaway pa ata ako…”
Lumunok ako, ang aking dibdib ay mabilis na nagwala kaya parang gusto ko agad siyang itulak palayo. Ngunit masyado nang mahigpit iyon, ayaw na akong pakawalan pa kaya nakagat ko nalang ang aking labi.
Nilingon ko ang mga lalake na hindi na talaga ako ninakawan ng tingin. Masyado ba akong sexy?
Haze sighed heavily again, tila problemado. Noong tiningala ko siya ay nadatnan ko pa siyang nakatingin sa aking dibdib. Umiwas rin naman siya nang napagtantong masyado nang matagal ang paninitig niya roon.
Sinenyasan niya nalang iyong lalakeng empleyado ata rito na tumango rin naman. Ilang sandali lamang ay bumalik na itong nakasakay na sa two seated na puting golf cart, nasa likuran narin ang golf bag ni Haze kung nasaan ang mga golf clubs niya. Lumapit iyon sa amin saka siya bumaba roon.
“Enjoy Sir, Ma’am…” Ngumiti ito sa amin kaya nginitian ko ito pabalik.
“Thanks…”
Mabilis akong nilingon ni Haze, magkakasalubong na. Inalalayan niya akong pumasok sa golf cart at pinasakay sa tabi ng driver’s seat.
“You forgot what I told you last night…” Madilim ang kanyang ekspresyon, tinitingnan ang bawat galaw ko at sinisiguradong wala siyang nakakaligtaan.
Umupo ako ng maayos. Iyong empleyado ay lumayo narin sa amin lalo na’t tiningnan ito ni Haze ng masama, ayun parang natakot.
“Like?”
Umikot siya patungong drivers seat at umupo roon sa aking tabi. Hinawakan niya ang manibela hanggang sa umandar na kami paalis.
Iginala ko agad ang mga mata sa kabuuan ng golf course. Presko ang hangin at pinaglaruan pa ang aking buhok. Hinubad ko ang aking cap.
“You’re not suppose to entertain boys,” giit niya, halos pigil ang boses na huwag lang magtunog galit.
“Oh…” Nilingon ko siya. “Oo nga pala!” Tumawa ako at isinabit ang humawing mga hibla ng aking buhok sa aking pisngi.
Nilingon niya ako, hindi makalma ang pagkakasalubong ng kilay. His eyes wandered all over my face, tila kinakabisado iyon.
“Memorize it,” he said seriously.
Tumango ako at ngumiti. Kumalma ang kanyang ekspresyon at nahulog ang tingin sa aking tube top. Kinagat niya ang labi at ibinalik ang tingin sa harap.
Napansin ko na masyado kaming lumayo at pumunta sa hindi gaanong mataong golf course. Huminto rin naman kami. Nauna siyang bumaba at mabilis na umikot para alalayan akong makababa.
He sighed again, ang mga mata ay nasa top ko na naman.
“Bra ba ’yan?”
Namilog ang aking mga mata sa kanyang tanong.
“T-Tube top!” Namumula kong sabi.
“Exactly. A tube top called bra,” aniya sabay halukipkip, ang tingin ay tila sisingilin na naman ako sa kanyang utang.
“This isn’t bra!” Mas lalo akong namula.
Bakit niya pinaparatangang bra ang suot kong tube top?! At hindi ba siya nahihiya na binabanggit niya ang bra?! Lalake siya!
Hinangin ang aking buhok. Pinigilan ko ang pagtakip noon sa aking mukha at isinabit muli sa aking tainga. Mabuti nalang at may cap ako. Nag-iwas nalang ng tingin sa akin si Haze, naiiling pang ginulo ang buhok.
Umikot siya roon sa likod at kinuha ang golf bag. Sumunod naman ako. Naglakad kami patungo sa magandang area.
Inilapag niya ang golf bag at kumuha ng isang Golf club. Ibinigay niya sa akin ang isa saka siya naglagay ng golf ball doon sa itaas ng tee na nakabaon sa lupa, katulad ng sabi ni Haze na tawag sa lalagyan noon. For me, para iyong colored na pako.
Tinuruan niya ako. Pumusisyon siya sa aking likuran at hinawakan din ang aking hawak na golf club para tulungan ako sa pagpalo noong golf ball na mapunta iyon sa butas. Siya ang coach ko imbes na kumuha ako ng sarili kong coach.
“You should hit the ball with the iron like this…” ani Haze sa seryosong boses at iginiya iyon sa direksyon ng butas.
Imbes na magconcentrate, nahahati pa ang aking atensyon dahil masyado siyang mabango. Kitang kita ko ang kalahati ng kanyang mukha at namamangha pa ako sa kanyang kagwapuhan. Hinahangin ang kanyang buhok at nakatutok siya sa pagtuturo sa akin.
“You’re still beginner so it’s okay if you’re not yet good at it,” aniya nang sundan ng tingin ang pagtakbo ng bola.
Sinundan ko rin iyon hanggang sa nalaglag iyon sa butas. Nagulat ako at mabilis na tiningnan si Haze. He smirked at me.
“I’m good at playing golf…” he said cockily.
“VIP ka rin dito?” tanong ko na ikinatango niya.
“I’ll signed you up, too. We’ll get your card later.”
Isn’t that too much?! This is such an expensive sport! Alam ko iyon dahil nag golf din noon sina Kuya pero tumigil din naman sila at mas nagfocus nalang sa Archery tuwing summer.
Hindi ba masyado nang mabigat sa bulsa kung pati ako ay isasali niya rin?
Tinuruan niya ako ng ilang oras doon, noong mapagod na ay kapwa din kami umupo sa golf course. Napapansin ko talaga kung ilang beses niyang tinitingnan ang aking tube top at magsasalubong pa ang kanyang kilay.
“Hindi bagay sa’yo ang suot mo,” aniya, dismayado pa ang boses.
Nagulat ako roon. Sinuot ko pa naman sana ito para akitin siya tapos… tapos hindi pala siya nagagandahan?
“Talaga?” Sumimangot ako at nahulog ang tingin sa aking dibdib.
“Yes. I think you look good with long sleeve when you’re in public area…” sabay higa sa kanyang bisig, ang isa namang kamay ay nasa tiyan namamahinga.
Tiningnan ko siya. Pumikit ito.
“Pag hindi public?”
“You mean if you’re alone with me?”
“Oo…”
Tinakpan niya ang kanyang mga kamay at ipinatong doon ang namamahingang kamay sa kanyang tiyan kanina.
“Pwede na kahit wala kang damit…” mahina niyang bulong, hindi gaanong klaro.
“Huh?” Yumuko pa ako para marinig iyon.
Analis niya ang kamay hanggang sa nagulat siya nang mapagtantong masyado na akong malapit sa kanya. Namungay ang kanyang mga mata sa akin. Ang iilang hibla pa ng aking mga buhok ay nalalaglag sa kanyang balikat.
“Hindi ko marinig,” sabi ko, halos kabahan nang tumititig na naman siya ng malalim.
“Come closer, then…”
Yumuko pa ako lalo, kunot-noo na at nag-aalala dahil baka bigla siyang bumangon at magtama ang mga mukha namin.
“Ano ’yon?”
Halos takpan na ng aking buhok ang kanyang mukha na hinawi ko agad.
“I said you can wear anything… when you’re alone with me…” Tumitig siya sa labi ko.
“Ah…” Ngumiti ako sa kanya.
“O kahit wag na…”
13th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to JelsenLeila Legaspi. Belated happy birthday and happy reading!
Gustong Gusto Ko Pa
Sa mga sumunod na araw ay hindi na kami gaanong nakakapagkita ni Haze. Pa text text nalang at tumatawag siya paminsan minsan pero may mga araw din namang nakakalimutan ko talagang magreply.
Naging busy rin kasi ako lalo na’t nagpaplano sina Mommy at Daddy na pumunta sa US para bisitahin namin sina Lolo at Lola. Doon ata kami mamamalagi ng ilang araw, kami ng mga Kuya ko at mga pinsang Fortalejo, lalo na’t birthday din ni Lolo.
“Pupunta rin ba sina Ate Chey, Mommy?” pangungumpirma ko habang nasa isang Mall kami, namimili ng mga ipapasalubong kay Lolo.
“I guess so… Pupunta rin kasi ang Tita Cheyenne mo roon so baka makakasama natin sila including your other cousins.”
Tumango ako at tiningnan ang aming cart na medyo napupuno na. Puro lang naman iyon pagkain na hindi nabibili roon.
Sa mother’s side ay nasa Pilipinas rin naman lahat ng aking pinsan. Sa father’s side naman ay may iba na nasa ibang bansa talaga like Nana and Brandish. Ang mga Fortalejo ay nandito rin kasi. Iyon nga lang ay busy rin sila sa mga sarili nilang buhay kaya hindi kami masyadong nagkakabonding, maliban nalang kung may okasyon.
Nagbeep ang aking cellphone kaya bumagal ang aking paglalakad at hinayaan si Mommy na mas mauna. Busy ang kanyang mga mata sa paghahanap ng mabibili pa namin.
Tiningnan ko iyon at nakita ang text ni Haze roon.
Haze:
You’re leaving tomorrow with your fam?
Nabanggit ko sa kanya ang pagpunta namin sa US kaya baka matagalan pa ulit bago kami magkita. Nagtataka nga ako rito kay Haze. Isn’t he working? He’s already old… Kaedaran niya lang ata sina Kuya Toshi at Kuya Grey. Ang dalawa ko ngang pinsan ay sobra nang busy sa pagtatrabaho at halos hindi na nakakasama sa aming mga bonding tapos itong si Haze ay nagagawa pang sumali sali sa mga drag race.
Graduate na ba siya?
“Baby…” tawag sa akin ni Mommy nang napansing wala na ako sa kanyang tabi.
Mabilis akong humabol sa kanya at ibinalik ang cellphone sa aking bag, baka at mapansin niyang masyado akong busy sa aking cellphone.
Sinamahan ko si Mommy sa Mall ng ilang oras doon. Kumain muna kaming dalawa sa isang Restaurant na malapit at doon lamang nagpasyang umuwi noong mapagod narin, lalo na’t sinundo rin kami ni Daddy.
“Naasikaso mo na ang lahat?” tanong ni Mommy kay Daddy.
Nasa likod lamang ako, kumakain ng fries.
Tumango si Daddy. “Marami namang maiiwan.” Saka niya ako nilingon sa likod. “Hi gorgeous…”
Humagikhik ako kay Daddy at sinubuan siya noong fry na aking hawak. Ngumisi siya pabalik sa akin.
“Sinabihan mo na ba ang mga friends mo, Elle? Matagal tayong mawawala. Baka gusto mong imbitahin sila sa bahay for dinner…” ani Daddy nang nasa daan na ulit ang tingin.
“Yes po. And huwag na, Daddy. Bibilhan ko nalang sila ng pasalubong,” sabi ko at sumubo ng fries.
“You sure?”
Tumango ako at ngumiti nang tiningnan niya ako sa itaas ng salamin.
Naisip ko rin kung iimbitahan ko sina Kiera, Penny, Lexy, and some of my friends ay baka kung ano pang mabanggit ni Kiera sa parents ko, including to my Kuya. Baka pag nalaman nila ang mga pinaggagawa ko ay hindi na ako payagang gumala kaya mas mabuting huwag nalang.
Sina Mommy at Daddy na ang nag-uusap sa kalagitnaan ng byahe habang ako naman ay busy sa aking cellphone, lalo na’t nagtext ulit doon si Haze.
Makulit talaga ito! Sa isang araw, hindi lang isang text ang natatanggap ko sa kanya kundi lagpas lima.
Binuksan ko ang panibago niyang text.
Haze:
Kailan kayo babalik?
Nagtipa ako.
Ako:
Not sure pa. Baka matagalan kami roon eh, sabi ni Daddy.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang mga nalalagpasan naming mga malalaking building. Nagbeep naman agad ang aking cellphone kaya nalaglag din sa aking kandungan ang aking mga mata.
Binuksan kong muli ang text ni Haze.
Haze:
Ah… Hmm, skype?
Skype? Like mag-uusap talaga kami roon through video call? Seryoso ba siya?
Umahon ako sa pagkakasandal sa upuan dahil parang lulubog na naman ako sa kaba. Naiisip ko palang na magvivideo-call kami parang… parang kinakabahan na agad ako.
Nagtipa ako ng reply.
Ako:
Okay :)))
Nakakapagtaka talaga itong si Haze. Parang ang rami niyang oras. Hindi ba talaga siya nagtatrabaho? Hindi siya mukhang busy eh. Parang ano… tambay?
Sa gabing iyon ay nag-impake na agad ako ng mga dadalhin kong damit doon. I think walang snow this month kaya nagdala ako ng mga komportableng damit.
Habang nag-iimpake ay tumunog pa ang aking cellphone. Tumatawag si Haze…
Lumunok ako at mabilis iyong dinampot. Isang click ko lang sa answer button ay ibinaba ko agad iyon at iniloudspeak na lamang para makapagtupi ulit ako.
“Busy?” Pambungad niya.
“Uh… Hindi naman. Naglalagay lang ako ng damit sa luggage ko,” sagot ko at tiningnan pa ang screen ng aking cellphone.
“You’re not replying on my texts…” Medyo mahina ang boses na iyon pero narinig ko naman.
“Busy ako noong ibang araw,” sagot ko.
Huling kita kasi namin last week pa iyon eh. Kahit nga si Kiera ay nangungulit na sa akin na makipagkita kay Haze at akitin na ito ng husto. Naalala ko pa iyong suggestion niya na halikan ko raw at baka mawili sa akin.
‘Paasahin mo siya ng husto sa’yo hanggang sa huli ay lumuhod siya at magkandarapa. Break his heart, Brielle.’
Iyon ang text niya na hindi ko nalang rin nireplayan at nagpanggap na masyado talaga akong busy na magreply doon.
Wala naman sa aking plano ang halik. Hindi rin sa hindi ako marunong at nakakadiri rin iyon, para sa akin ay dapat ibigay ko lang iyon sa lalakeng mapapangasawa ko. Haze isn’t my type and I’m not his type, too, kaya hindi talaga kami pwedeng magkiss.
But sometimes I really got curious with kissing someone. Noong nakaraan, sa aking kuryusidad ay nagsearch pa ako at nanood ng tutorial pero iyon talaga ang impression ko… Hindi ko talaga gusto and it’s really disgusting.
“I have a question,” bigla kong nasambit sa malalim kong pag-iisip sa bagay na iyon.
“Hmm?”
“Uh… Who’s your… your first kiss?”
Hindi agad siya nakasagot doon. Bumagal naman ang pagtutupi ko sa aking sweethearts shirt. Kinagat ko ang aking labi at tumitig sa screen.
Sa rami-rami siguro ng nahalikan niya ay hindi niya na maalala.
“Can’t remember…” sabi niya na hindi ko na ikinagulat.
“Ilang taon kana noon?
“I was just twelve and…”
“Twelve?!” Napasigaw na talaga ako.
“Yes…”
As in twelve years old palang siya tapos nanghahalik na siya ng babae? Hindi ko imagine!
“Why did you kiss her?” tanong ko at pinagtuunan muli ang tinutupi kong damit.
“Because she’s pretty…”
Jusko naman. Iyon lang ang rason niya kaya niya hinalikan. Kami kasi nila Kuya, namulat kami na sagrado ang halik. Iyon talaga ang palaging sinasabi ni Daddy sa amin. Huwag daw kaming manghahalik kung wala naman kaming balak na pakasalan ang taong hahalikan namin.
Siguro ay para lang iyon kay Daddy lalo na’t ang mga pinsan ko ay lumaki namang mga playboy unlike my two brothers. Siguro sa pamilya lang talaga namin bigdeal ang mga ganoong bagay, I guess.
“How about you?” he asked softly.
“Uh… Wala pa akong nagiging boyfriend, ’di ba? Kaya wala.”
Tumahimik siya saglit. Dumampot ako ng panibagong tutupiin habang pinapakinggan ang kanyang paghinga sa kabilang linya.
“That’s good. A girl with no experience is a turn on,” halos pabulong nalang iyon.
So attracted siya sa mga hindi marunong humalik? Akala ko ba ayaw niya sa mga virgin? Hindi ko siya magets. Parang paiba-iba ang takbo ng isip niya.
“Edi may malaking tsansa na maf-fall ka sa akin?” tanong ko habang inilalagay loob ng bagahe ang natupi kong shorts short.
“Not sure. If you’re going to try harder like follow my steps and avoid kissing someone so I guess there’s a big chance, Elliana.”
Napangiti agad ako sa pagsambit niya ng first name ko.
“Alright, Anzai…” Humagikhik ako.
Narinig ko ang pagbuntong niya ng mahabang hininga. Masyado iyong malambot na hindi ko maiwasang tingnan ang screen ng aking cellphone.
“Do you like it when I call you Anzai?” tanong ko.
“Yes…” he said softly.
“Oh… Edi sige. Iyon nalang ang itatawag ko sa’yo…”
Ipinagpatuloy ko ang pagtutupi. Tumahimik naman siya roon, ayaw namang patayin ang tawag kaya hinayaan ko nalang. Tumikhim siyang muli kaya napatingin ako sa screen.
“Do you want me to sing?” suhestyon niya, ang boses ay sobrang malambot.
“Pwede rin… Uh… I-Iyong kinanta mo parin kagabi?”
“Do you like that song?”
“Oo… Parang maganda iyong kanta at bagay sa boses mo.”
“Hmm… Alright. I’ll sing it for you. Sa’yo lang.”
Naroon na naman iyong kabang nararamdaman ko sa dibdib ko. Ang bilis na naman ng kalabog noon at umaalon pa ang aking tiyan sa boses ni Anzai.
Kaya habang nagtutupi ako, kinanta-kantahan niya ako. Hindi rin naman kami nagpuyatan sa tawag dahil maaga pa kami bukas. Iyon ang huli naming pag-uusap lalo na noong nasa eroplano na ako.
“Use this.” Ibinigay ni Kuya Red sa akin ang malambot niyang pillowneck.
Katabi ko siya sa eroplano. Sa aking likuran ay si Kuya Blue na may katabing stranger at sa harap naman ay sina Daddy at Mommy.
“Thanks, Kuya…” Ngumiti ako sa kanya at kinuha iyon.
Idlip, kain lang naman ang ginagawa ko buong byahe. Pag gising din si Kuya Red ay sabay kaming nanonood ng movie at nagseselos pa si Kuya Blue sa likod, gusto ring makinood kaya panay ang silip sa amin.
Mga halos seventeen hours ang tinagal ng byahe patungong US. Noong nakarating na kami ay ramdam ko ang pananakit ng aking pwet at parang namamanhid pa ang aking mga tuhod kakaupo ng matagal. Buti at inalalayan ako ni Kuya Blue.
Pagdating namin sa bahay ng parents ni Mommy, ang magarbong sala agad ang sumalubong kung nasaan si Lola.
“Elle?” Suminghap si Lola, ang Mommy ni Mommy, nang makita ako.
“Lola!” Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya.
Bumukas ang kanyang mga kamay at sinalubong agad ang aking paglapit ng mahigpit na yakap. Naamoy ko pa ang pabango niyang masyadong pang matanda.
“I miss you, apo! Ang ganda ganda mo sobra! Halos hindi kita nakilala kanina!” aniya at hinagkan ang aking ulo.
“I miss you rin po.” Humiwalay ako sa kanta at ngumiti.
Lumapit narin sina Kuya Red at Kuya Blue at nagmano sa kanya. Ganoon din sina Daddy at Mommy na humalik sa kanyang pisngi.
“I miss you, Mommy,” ani Mommy.
“I miss you too, EllieKlaire. Grabe itong bunso mo… Ang ganda ganda.” Sabay sulyap ni Lola sa akin kaya humagikhik ako.
“Mana sa Mommy, Ma,” ani Dad kaya nagkantyawan agad sila.
“Ang gugwapo rin ng kambal! May mga girlfriend na ba kayo?” tanong ni Lola nang tingnan niya isa-isa sina Kuya.
Ngumisi si Kuya Blue at umiling, ganoon din si Kuya Red.
“At bakit?”
“Study first, La…” si Kuya Blue ang sumagot at namulsa pa.
Sumulyap ako saglit kay Daddy na tinulungan ang mga kasambahay sa pagpapasok ng aming mga gamit. Tumawa naman si Lola kaya nalipat agad ang aking tingin sa kanila.
“Aba’y mabuti! Pero sa gwapo niyong iyan ay imposibleng walang magkandarapa sa inyo!” si Lola.
“Wala naman, La…” ani Kuya Red na inaayos pa ang nabuhaghag na buhok.
Lumabas din naman si Lolo na galing sa itaas, nang makita ako habang pababa sa hagdan ay mas lumiwanag ang mukha.
“Apo!”
Tumawa ako at naglakad para salubungin si Lolo. Naka blue tshirt ito at short, may suot namang indoor slipper.
“Mano po.” Nagmano ako sa kanya, ganoon din sina Kuya na bumuntot sa akin.
“Ang tatangkad na nitong si Red at Blue! Itong si Elle sobrang ganda pa!”
Nalunod kaming tatlo ng compliments. Mahaba-habang kwentuhan din ang nangyari sa sala at naging maingay pa iyon dahil sa tawanan. Kahit noong nagdinner na ay hindi parin natapos ang kanilang pag-uusap at kahit saan saan lang napapadpad.
“Pupunta rin sina Vincent dito, hindi ba?” Si Lolo iyon, sumubo rin pagkatapos.
Si Mommy ang tumango.
“Yes, Daddy. Baka bukas ay narito na sila with his wife… si Ate and their daughter Chey.”
“How about your other cousin, EllieKlaire?”
“Tinawagan ko si Vlad noong nakaraang araw kaya baka pumunta rin sila Daddy,” ani Mommy.
“Are they doing great? Ang sabi sa akin ni Steph ay masyado raw busy ang mga iyon sa Pilipinas,” si Lolo.
“Oo nga Dad eh. Lumalago kasi iyong business na sinimulan nila roon. Nagtatayo narin kasi ng kompanya kaya doon nila halos binubuhos ang kanilang mga oras,” si Mommy na inabot ang tubig at si Daddy naman ang nagsalin.
Tumango-tango si Lolo.
“That’s good to hear.”
“Kuya, tubig…” sabi ko kay Kuya Blue na nasa aking tabi lamang.
Agad niya namang kinuha ang pitsel na malapit lamang sa akin at sinalinan ng tubig ang aking baso. Sumulyap saglit sina Lolo at Lola sa akin, ngumiti lamang, at ipinagpatuloy ulit nila ang kanilang topic.
Pagkatapos ng dinner ay pumanhik din naman ako sa sarili kong kwarto pagkatapos mag good night sa kanilang lahat. Naghalf bath muna ako ng warm water at bumagsak din naman sa kama pagkatapos.
Naalala ko bigla ang sabi ni Haze sa akin, na mags-skype kami kaya nagsign-in agad ako. Ito rin naman ang gamit ko sa tuwing nakikipag-usap ako kina Lolo at Lola kaya may sarili na akong account.
Humikab ako habang hinihintay siyang tumawag. Pinahinga ko muna ang aking cellphone at pumikit. Malamig ang pagkakayakap ng hangin sa akin, gawa ng aircon at suot kong sleeveless dress na pantulog.
Ilang sandali lamang ay nagulat nalang ako nang magring ang aking cellphone. Sa sobrang kaba ay mabilis akong bumangon at nahulog pa ang cellphone sa aking tiyan.
Dinampot ko agad iyon at natatarantang tiningnan ang screen. Nakita ko ang tawag roon, ang pangalan ni Haze! Wala naman siyang picture pero alam kong siya ito!
Inayos ko muna ang aking sarili at sinagot rin naman iyon. Bumungad siya sa akin, nakatopless habang inaayos ang buhok at tila kakagising lamang.
“Morning…” bati niya.
“Uh… Good morning. Anong oras na riyan?” tanong ko at tiningnan narin ang aking suot na wrist watch.
Ala syete na ng gabi. Maaga dapat akong matutulog dahil pagod sa byahe pero heto ako, mas inuna ang pakikipag-usap kay Haze.
“It’s already eight in the morning,” sagot niya at humikab.
Eight? Ganoon pa ka aga tapos gising na siya at tumatawag na sa akin? At mukha siyang antok na antok pa ah?
“Maaga kang nagising?” tanong ko at pinagmasdan siyang kinamot ang kanyang abs.
Tumango siya at sumandal sa headboard ng kanyang kama.
“Yup. Early bird…” aniya.
Ah… Mas maaga pa ata siyang gumising sa akin na tinatanghali pa!
Bumaba ang kanyang tingin sa parteng dibdib. Tumaas ang dalawa niyang kilay at hinaplos ang buhaghag na buhok.
“When are you coming home?” tanong niya, ang boses ay parang naiinip pa.
“Kakarating lang namin dito kaninang two…” Ngumuso ako.
He licked his lips. Hindi nagtagal ay kinagat niya ang mamula mula at namamasang labi, ang mga mata ay wala sa camera at tila nasa malalim ang pag-iisip.
“Where are you again?” tanong niya, titig na titig sa akin.
“America?”
“Ah…” Tumango-tango siya, kinamot muli ang abs.
Napunta ang aking mga mata roon kaya sumimangot ako.
“Please wear a tshirt, Anzai,” sabi ko.
Lumiwanag agad ang kanyang mukha, napaawang pa ng kaonti ang labi.
“Oh, Sorry… Magbibihis na.” Agaran itong tumayo lalo na’t gumalaw pa ang camera, nakikita ang ilang parte ng kanyang malinis na kwarto.
Hinintay ko siyang matapos. Sinuklay suklay ko ang aking buhok hanggang sa gumalaw ulit ang camera at tumambad siya roon, naka plain white cotton tshirt na.
“Is this fine?” tanong niya sa kanyang suot na inaayos niya pa.
Tumango ako at ngumiti, kahit na mukhang bagay naman sa kanya lahat ng kanyang susuotin. He looks like a gorgeous beast with his evil eyes. Pero may mga beast pala talagang goodlooking ’no? Kahit nakakatakot ay nag-uumapaw parin sa kagwapuhan at napakapamatay pa kung makatitig.
“You should change your clothes, too… I can see your cleavage,” ani Haze, deritso ang tingin sa aking dibdib.
Mabilis na nalaglag ang tingin ko roon. Sa namumulang pisngi ay mabilis kong hinablot ang kumot at tinakip iyon doon. He smirked at me.
“You’re not that hot, don’t worry…” kantyaw niya kaya umismid agad ako.
“S-Sinabi ko bang hot ako?!”
Kinagat niya ang nakangising labi. Sumimangot naman ako at napatitig sa gwapo niyang mukha. Parang napakadelikado niyang gwapong lalake. Iyong pag naakit ka sa ngisi niya o sa kagwapuhan niya ay babasagin ka niya agad? Iyon ang feeling ko.
“Palibhasa kasi mas type mo iyong mga game, ’yung handang maghubad para sa’yo.” Hindi ko na napigilan ang aking boses, iyon na ang nasabi.
Ngumuso siya.
“Iyon ang mga type mo kaya hindi mo ako type!” giit ko sa galit na boses.
Halos makita ko ang pagtakas ng kanyang ngisi. Nang mapagtantong halos ay kumawala na iyon sa kanyang labi ay tumikhim siya at humalukipkip, seryoso na ulit ang ekspresyon.
“Do you really want to seduce me so bad?” Umangat ang kanyang kilay sa akin.
“I said I’ll make you mine!” Confident kong sigaw na ikinaliwanag na naman ng kanyang mukha.
Tumikhim siyang muli at nagseryoso.
“I’ll give you an idea. This is the easiest way I know so I’ll fall inlove with you, deeply…” he said huskily.
Mabilis akong naging interesado. Tinitigan ko ng husto ang gwapo niyang mukha, ang pagkibot ng kanyang labi at inilapit ko pa lalo sa aking mukha ang cellphone para walang mapalampas sa sasabihin niya.
“Ano ’yon?” tanong ko.
He licked his lips at napunta ang tingin sa ibang direksyon.
“Let’s date…”
Napaawang ang aking bibig. D-Date?
“Date? Tayo?”
Tumango siya, tumingin muli sa akin.
“Yes. If we’ll date then I’m so sure I’m going to lose… Maaakit mo talaga ako ng husto. I’m not into dating, you know… But through this, you’ll get to know me better and we’ll get really close…” sabay kamot ng batok.
Oh… Oo nga ’no? Para narin iyong getting to know each other. If we’ll date then mas madali kong makikilala si Haze, mas makakabisado ko siya at makukuha ko agad ang kanyang kiliti dahil nga hindi naman siya mahilig sa date! OMG! This is so brilliant! Road to winner na ako nito!
“Sure!” sagot ko, naging desperada na agad ang boses.
Mas lalong lumiwanag ang kanyang mukha, akala mo ay nasinagan ng araw kaya ganoon kakinang.
“Sigurado ka? Baka mahirapan ka sa akin. It’s my first time and you might get bored since I’m not into dating-”
“You won’t get bored, promise, Anzai!” Ipinakita ko pa sa kanya ang aking palad.
Ngumuso siya, halos pinipigilan lamang ata ang pagngiti. Umubo siya ng peke at sumeryoso, hinaplos pa ang buhok.
“We’ll date…” he said softly at inihilig ang ulo sa headboard.
Tumango ako at ngumiti. Niyakap ko ang aking mga tuhod at hinalikan ang aking tuhod.
“You’re going to be mine…” I whispered.
Tumitig siya ng husto sa akin. Pakiramdam ko ay nasa harapan ko lamang siya dahil parang lulubog na naman ako sa aking kaba at parang kinikiliti ang aking tiyan. Ang weird weird ng loob ko. Parang may nangyayaring digmaan doon na ewan.
Inilapag niya saglit ang cellphone kaya ang ceiling ang aking nakita. Maganda iyon. Masyadong manly ang style. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko siyang muli at ngayon ay inaayos na ang camera, mukhang pinapatayo niya iyon.
Umupo siya ng maayos sa kama at kinuha ang gitara at inilagay iyon sa kanyang kandungan.
“I’ll sing again for you…” aniya sabay strum noon.
Kinagat ko ang aking labi. Seryoso siyang nagstrum doon.
“This song is entitled Twenty-four hours by Cueshe. Wala akong ibang maisip na kanta kaya ito nalang,” sabi niya kaya tumango ako.
He licked his lips and stared at me seriously. Doon palang ay kinabahan na naman ako. His eyes gripped on me like he doesn’t want to let me escape from his sight. Ang paninitig na iyon ay tila mahigpit nang nakakapit sa akin at wala na akong kawala pa.
“I’ve been lying here and wide awake. Til the night dies out and day to break… Every minute seems like endless hours. When I’m with you…”
Kinilabutan agad ako sa kanyang boses. Kung hindi ako kakapit, pakiramdam ko ay mahuhulog talaga ako sa isang malalim na bangin at malulunod sa ganda ng kanyang boses. Hindi ko alam pero natatangay talaga ako. Ang sarap sarap niyang pakinggan.
“I miss your eyes, your smile, and lovely face. I can’t forget your sweet embrace. We both could share our endless dreams if you were here…” Nangungusap ang kanyang mga mata sa akin, seryosong seryoso ang paninitig at hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata.
“Doesn’t matter if I’m alone. I got a place I call my own. I don’t care if you’re away, coz I know you’ll be back someday… someday…” He smiled at me.
Nawala agad ako sa ngiting iyon. Ang kagwapuhan niya ay mas lumala lamang at halos masilaw pa ako, nakakabulag, nakakabihag.
Bigla kong napagtanto na ayaw ko munang matapos agad ang pang-aakit ko sa kanya. Ayoko siyang bastedin agad. Gusto kong tumagal ang masasayang oras naming dalawa. Ewan ko pero parang… parang gusto ko pa siyang kasama. Gusto ko pa. Gustong gusto ko pa.
14th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Arieen Belle Lerio. Happy reading!
Date
Pagkagising ko sa umaga, maingay agad ang sala dahil sa malakas na tv.
Bumaba ako ng husto para mas makita kung sino ang mga naroon.
“Ellle!” tawag ng pamilyar na boses ni Ate Chey, anak ni Tito Vincent.
She’s wearing an above the knee dress with ruffles on each side at kulay cream iyon, kaya mas humubog ang kanyang katawan at litaw na litaw pa ang kaputian. She’s way older than me… Mga kaedaran ni Kuya Grey so baka nasa twenty-two na siya.
Hindi lang si Ate Chey ang nakita ko, lalo na’t ang nakahalukipkip sa sofa, busy sa cellphone ay si Naia, anak ni Tito Vince, na nag-angat din ng tingin sa akin, naka simple top at shorts short lamang.
“Good morning…” bati ko.
“Good morning,” bati ni Ate Chey at inabutan ako ng cookies na hawak niyang bowl.
Kumuha ako roon ng isa. I’m sure Lola baked this.
“Nasaan sila?” tanong ko at iginala ang mga mata lalo na’t walang katao-tao sa bahay.
“They all went out. Magb-basketball daw ata sila,” si Cassey ang sumagot, anak ni Tito Vlad, na kakalabas lamang sa kitchen at may dala-dalang bottled water.
Hindi ko sila gaanong nakikita sa school lalo na’t nasa kabilang building sila ni Naia, mga kalevel sila ni Hiro, Wayt, Ken at mga kuya ko.
“Pati sina Lolo at Lola?” tanong ko at pinasadahan ng tingin ang kanyang kapayatan.
Tumango si Cassey at binuksan ang bottled water, iniinom na iyon. I think she grew taller at mas lalong pumayat lalo na’t umangat pa ng kaonti ang kanyang top at sumilip ang kanyang flat na tiyan noong uminom siya.
“Mukhang nag grocery sina Mommy,” si Ate Chey ang sumagot na ngayon ay nanonood na ng tv.
Tumango ako at tumabi kay Naia na tahimik lamang. Kinagatan ko ng kaonti iyong hawak kong cookies.
Mukhang nasa court din ata ang dalawa kong Kuya kasama sina Dad at nagbabasketball din siguro sila. Sana pala mas maaga akong gumising para nakasama ako kina Mommy mag Mall. Parang gusto kong gumala rito sa America.
Tumabi narin si Cassey sa akin, sumusulyap sa aking katawan lalo na sa aking dibdib. Tiningnan ko siya pabalik at napagtantong mas malaki pa ang dibdib ko sa kanya.
“Hindi kita nababalitaang may boyfriend ka. Binabakuran ka ng mga Kuya mo?” Isinabit niya ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng aking tainga.
Umiling ako.
“Ayoko pa. Focus muna ako sa school,” sagot ko.
Napatingin narin si Ate Chey sa akin, nakiupo narin sa sofa at tinabihan si Naia, ang mga mata ay nasa akin na.
“O baka naman tinatakot ni Grey ang mga suitors mo? Tell me nang mabugbog ko ’yon,” pambabanta niya.
Tumawa ako at umiling. “Wala po talaga. Ayoko sa boys…”
“Himala at hindi ka nahawa sa pinsan mong…” hindi iyon madugtungan ni Naia pero alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
“Napaka maldita pa naman ng batang iyon,” ani Ate Chey at nailing.
“Iba ang tabas ng dila noon,” si Cassey.
“Pero tama ba iyong narinig ko? Binasted niya si Trey?” si Ate Chey iyon, masyadong interesado ang mukha.
Natuon na ang mga mata nila sa akin, halos hindi kumukurap at parang gustong malaman ang totoo.
Tumango ako. Napangiwi agad si Ate Chey, si Cassey naman ay napangisi at walang karea-reaksyon si Naia.
“Napakamapanlinlang talaga ng mga angkan niyo,” ani Cassey, tila may iba pang tinutukoy.
“I thought she likes him alot? Kalat sa school ang pag buntot buntot niya kay Trey minsan…” si Ate Chey.
“Nagulat rin ako pero hindi naman makwento si Zera sa mga ganoong bagay. She’s more close with Irah,” sabi ko na awtomatikong ikinaangat ng kilay ni Ate Chey sa binanggit kong pangalan.
“Oh… Magkasundo ang dalawang may matataas na sungay,” matabang niyang sabi at kumuha ng panibagong cookies sa loob ng bowl.
“Bitter ka parin?” Tumawa si Cassey, marahil ay tinutukoy ang pangbabara ni Irah sa kanya noong nakaraang taon.
Umirap lamang ang aking pinsan.
“Nanggigigil parin ako sa batang ’yon. She acts like she can dominate anyone! Mas matanda ako sa kanya, hello!”
“Baka nga pag patarayan wala kang kaya roon,” ani Naia.
Sumimangot si Ate Chey, mukhang sang-ayon naman.
“Mga Buenaventura palang…” si Cassey iyon. “Si Franca nga nakakapangduda ang kabaitan.”
Mabilis na umismid si Naia nang nabanggit ang pangalan ni Franca.
“She’s not nice.”
“She’s very nice, Naia,” si Ate Chey ay pinandilatan siya ng mga mata.
Umangat ang kilay ni Naia. “I don’t think so. Si Nana lang ang pinakamabait na kilala ko sa mga taong nakapaligid sa atin. The rest…” sabay sulyap sa akin.
Huh? Edi hindi rin siya nababaitan sa akin? Mabait naman ako ah! O masyadong pilit?
“Hmm… Nana is very pure kaya talagang mabait iyon dahil masyado ring inosente. She smiles alot at lahat ng nakapaligid ay papansinin talaga,” si Ate Chey na tumatango-tango.
“No offense Elle lalo na’t Delafuente ka pero talagang may pagka sugo ni Satanas ang iilan sa mga pinsan mo. Ewan ko ba.” Nailing si Cassey.
Noon pa talaga sila ganyan makapagsalita sa mga pinsan kong lalake. Mapa Naia, Ate Chey at Cassey, lahat sila ay nagkakasundo sa panlalait sa mga pinsan ko. Parang ang laki-laki ng mga galit nila kaya minsan ang mga Fortalejo ay hindi nalang sumasabay sa grupo namin dahil puro away lang talaga ang nangyayari, lalo na si Cassey at Wayt na palaging aso at pusa.
Doon umikot ang topic at nahinto lamang nang nagsidatingan na sina Dad, mga pawisan at naghahalakhakan sila kasama sina Tito Vince, Tito Vincent at Tito Vlad with Lolo at mga Kuya ko.
Hindi ako masyadong humahalo sa mga pinsan ko dahil hindi rin naman ako nakakarelate sa kanila. Madalas ay nasa kwarto lang ako buong araw, o di kaya ay kasama si Mommy at Lola sa kitchen, o kina Kuya sa court, o si Daddy sa jogging.
Ganoon ang ginagawa ko araw-araw. Ang mga babaeng pinsan ko naman ay madalas nagkukwentuhan at lumalabas, gumagala sila. Gusto ko sanang sumama kaso ayokong ma out of place. Kina Kuya nalang siguro ako.
Tatlong gabi na ang lumipas at hindi nagpaparamdam si Haze sa skype. Online naman ako pero hindi siya online. I think he’s busy.
Wala akong magawa buong araw sa bahay. Lumabas ako at nakita sina Kuya na bihis na bihis, mukhang may lakad.
“Saan kayo pupunta?” tanong ko.
“Bibili ng regalo para kay Lolo,” sagot ni Kuya Blue, inaayos pa ang buhok, naka plain white tshirt, denim jacket, pants at sapatos.
“Sasama ako!”
Napatingin silang dalawa sa akin, kahit na si Kuya Red na busy sana sa pagsisintas.
“Ang bagal mo pa namang kumilos. Maligo kana. We’ll wait for you,” ani Kuya Red kaya napangiti agad ako at mabilis na umakyat pabalik sa kwarto.
Hindi ako masyadong nagtagal sa cr. Naligo ako ng mabilis, nagbihis ng mabilis, at bumaba agad habang suklay lamang ang dala at suot na ang aking sling bag. Sa kakamadali ay kamuntik pa akong mahulog sa hagdan, mabuti nalang at nakahawak agad ako sa gilid.
Kaya noong nasa kotse na, si Kuya Red na ang nagsusuklay ng aking buhok sa backseat habang si Kuya Blue naman ang nagmamaneho, hiniram ang kotse ni Lolo.
“Hindi ka sumasama sa mga girls. Nagmumukmok ka lang sa kwarto,” ani Kuya Red, mukhang napansin ang pinaggagawa ko.
Nagkibit ako. “Ma a-out of place lang ako eh… Hindi ako masyadong close sa kanila. Hindi ako relate.”
“Kailangan bang relate ka para lang sumama sama ka?” tanong ni Kuya Blue, tiningnan pa ako sa itaas ng salamin.
Tumango ako. “Oo naman. Ayoko makaramdam ng naiiba ako sa grupo ’no. Parang ang lungkot ng ganoon… Iyong hindi ka makasali sa usapan kasi wala ka namang alam. At mga dalaga na sila eh.”
“Eh ikaw dalaga kana rin ah?” ani Kuya Red.
“Binibaby niyo nga ako.” Sumimangot ako.
Natahimik silang dalawa saglit pero hindi rin nagtagal ay tumikhim si Kuya Blue.
“Eh iyong mga friends mong sina Kiera? Relate ka sa mga iyon?” tanong niya.
Tumango agad ako. Belong na belong ako sa grupo nila. Feeling ko nga minsan ako ang angat eh. Pero minsan din naman ay pantay kaming lahat na pare-parehas ang hilig at pare-parehas ang mga gusto kaya hindi ako naa-out of place.
“Takot kang mag-isa?” marahang tanong ni Kuya Red na ikinatango ko agad.
“Oo, Kuya… Ayokong mag-isa.”
Ngumiti siya sa akin. “Hindi naman lahat ng mag-isa ay malungkot, Elle. Pag mag-isa ka, mas marami kang oras para sa sarili mo. Bale kailangan mo ring makipagbonding sa sarili mo ganoon…”
“But avoid talking alone, okay? Mapagkakamalan ka niyang baliw.” Humagalpak si Kuya Blue.
Sumimangot lamang ako at hindi nalang umimik. Ayoko nalang masyadong isipin ang mga kinakakatakutan ko total nariyan naman sina Mommy at Daddy, mga Kuya ko, mga friends ko, pinsan, at ang Diyos. Okay na iyon. I’m happy and contented. I am not alone.
Pagkarating sa malaking Mall ay puro agad mga foreigner ang aking nakita, wala gaanong mga Pinoy. May iba akong namamataang mukhang pinoy pero hindi rin ako masyadong sigurado kung pure ba.
Dumeritso kaming tatlo sa Department ng Mall. Ngumingiti ang mga blond na saleslady, pasulyap sulyap din sa mga matatangkad kong Kuya.
Humawak ako sa braso ni Kuya Red habang ginagala ang aking mga mata.
Natigilan silang dalawa sa gitna mismo, kaya pati ako ay tumigil narin. Nagkatinginan sina Kuya Red at Kuya Blue, kapwa nakakunot ang mga noo.
“Ano bang pwedeng iregalo kay Lolo?” biglang tanong ni Kuya Red.
“Iyon nga rin ang iniisip ko eh. Akala ko may ediya ka kaya gagayahin ko nalang sana sa’yo,” si Kuya Blue.
“Ganoon nga rin sana ang plano ko…” At nagkamot ng batok si Kuya Red.
Napangiwi ako ng husto. Kanina bihis na bihis pa sila at parang planado ang lakad tapos malalaman ko hindi pala nila alam ang bibilhin nila? Goodness! Mga abnormal!
“How about pustiso?” suhestyon ko kaya tiningnan nila ako.
“Bakit pustiso?” tanong ni Kuya Red.
“Because Lolo is already old?” sagot ko naman, hindi gaanong sigurado.
Para na kaming nagb-brainstorming sa gitna, ang iilan ay nagtitinginan pa sa amin sa tuwing nilalagpasan kami.
“Sana pala tinanong nalang natin si Lolo kagabi kung anong mga hilig niya,” nafufrustrate na bigkas ni Kuya Blue.
“Kaya nga…” si Kuya Red naman.
“Let’s just buy something na magugustuhan niya. I’m sure maaappreciate iyon ni Lolo,” sabi ko at hinila na ang braso ni Kuya Red para umabante na kaming dalawa.
Pagala gala kami sa Department, hindi alam kung ano ang bibilhin. May titingnan tapos ibabalik din at maghahanap ulit. Kulang nalang ay libutin namin ang bawat sulok hanggang sa napadpad kami sa kitchen appliances.
Tiningnan ni Kuya Red ang dustpan. Lumapit din si Kuya Blue at kumuha ng isa, tiningnan pa ang presyo. Ginaya ko rin sila at kumuha ako ng isa, bale chinicheck ko lang naman.
“Mas maganda pala ang dustpan nila dito ’no?” ani Kuya Red.
“Oo nga. Parang matibay kahit ihampas,” si Kuya Blue naman.
“Ito ang ireregalo niyo kay Lolo?” tanong ko na ikinailing agad nilang dalawa.
“Hindi,” si Kuya Red.
Sabay-sabay namin iyong ibinalik sa lalagyan at nag-ikot ikot ulit. Sa huli ay lumabas kami roon dahil nagutom na.
“Anong gusto mong kainin?” tanong sa akin ni Kuya Red, iginagala pa ang mga mata sa nakikita naming Restaurants.
Pinisil ko ang aking labi gamit ang isa kong kamay lalo na’t nakahawak parin ako sa kanyang braso. Bago pa makasagot ay nagulat nalang kaming dalawa nang may biglang bumangga sa kanyang balikat. Sa sobrang lakas ay nabitiwan ko ang braso ni Kuya Red.
“Oh, sorry,” si Kuya Red iyon, humihingi agad ng tawad sa estrangherong nabangga kami.
“Be careful next time, bro,” seryosong sabi ni Kuya Blue at tiningnan iyong lalakeng nakaleather jacket.
Hindi ito umimik pero lumingon din naman sa amin, tumango lamang at tiningnan ako.
Namilog ang aking mga mata nang mapagtantong si Haze iyon. P-Pero imposible! Baka kamukha lang? Kaso hindi! Buhok palang, ang katangkaran, pananamit, anggulo, malalim na mga tingin, alam kong si Haze iyon!
Naglakad na ito paalis. Nailing naman si Kuya Blue at nakay Kuya Red na ang tingin na hinilot pa ang balikat.
“Masakit?” tanong ni Kuya Blue.
“Oo medyo. Ang lakas ng pagkakabangga niya kahit alam ko namang hindi niya iyon sinasadya,” ani Kuya Red habang namimilipit ang mukha.
“May iba talaga sa kanila mga bastos. Hayaan mo na… Kumain nalang tayo,” ani Kuya Blue.
Pabalik balik ang tingin ko sa lalakeng lumalayo na sa amin. Likod palang alam kong si Haze na iyon! Hindi ako pwedeng magkamali!
“Ah… Kuya, ano… C-Cr muna ako, pwede?”
Napatingin ang dalawa sa akin.
“Oh sige. Sasamahan na kita,” si Kuya Blue ang nagpresenta.
“Huwag na. Diyan niyo nalang ako hintayin. Diyan tayo kumain.” Tinuro ko iyong malapit na Restaurant.
Tiningnan muna nila iyon saka muling bumaling sa akin.
“Sigurado ka? Baka maligaw ka rito…” ani Kuya Red.
Umiling ako at humakbang na paalis.
“Mauna na kayong mag-order,” sabi ko at mas nilakihan na ang aking hakbang paalis.
Kulang nalang ay tumakbo ako, maabutan lang agad iyong lalake na humahalo na sa mga tao. Hindi ako halos kumurap para hindi lang mawala sa aking paningin iyong naka leather jacket. I’m sure it’s Haze! Hindi lang sila basta bastang magkamukha! It’s him!
Sinundan ko iyon hanggang sa lumiko siya. Lumiko rin ako. Ang lalaki ng kanyang hakbang kaya halos hindi ko na siya mapantayan. Kumalabog ang aking dibdib. Kinagat ko ang aking labi at huminto.
What if it’s not him? Pero paano kung siya rin iyon? Humigop ako ng lakas para sa aking binabalak.
“Anzai!” sigaw ko ng malakas.
Mabilis siyang huminto at lumingon sa akin. Lumiwanag ang aking mukha pero mabilis ding napawi ang ngiti nang mapagtantong marami palang lumingon sa aking pagsigaw.
Ngumuso ako at naglakad muli patungo sa kanya. Humarap siya ng buo, naghintay lamang habang ang isang kamay ay nasa bulsa at isang kamay ay hinaplos na ang kanyang batok, doon na nakahawak habang mariin ang tingin sa akin.
“Nandito ka!” Namimilog ang aking mga mata nang huminto sa kanyang harapan at napagtantong siya talaga. Bango palang…
“Oh? Nandito ka rin?” Inosente niyang tanong.
Tumango agad ako. “Oo! Akala ko nasa Pilipinas ka! Bakit ka nandito? Sino ang kasama mo? Anong ginagawa mo rito?” sunod-sunod kong tanong.
“Ah…” He licked his lips. “Gumala lang.”
Huh? Gumala lang? Gumala lang siya? Ano iyon? Parang nagising siya kinaumagahan at napagdesisyunang gumala kaya dito siya napadpad?
“Mag-isa ka lang?”
“Yes. Wala akong kasamang babae o kahit sino. Nagcheck-in akong mag-isa,” sagot niya, kompleto pa ang detalye.
Tumango-tango ako, napangiti.
“Namimili kami ng regalo nila Kuya para kay Lolo. Kami iyong nabangga mo kanina,” sabi ko.
“Ah… Kayo pala ’yon? Hindi ko napansin kasi nagmamadali ako,” sabi niya at namulsa na ng buo sa aking harapan.
Sinimangutan ko siya.
“Sa susunod, tumingin ka sa daan mo.”
Tumango siya at pinasadahan ng tingin ang aking suot. Umangat pa ang kanyang kilay.
“Nice dress…”
Tiningnan ko narin ang aking suot. Long sleeve kasi ito na below the knee. Sa pagmamadali ko, ito nalang ang isinuot ko at ni polbo hindi na nagawa kahit liptint.
“Thanks…” Saka ko nilingon ang aking likuran. “Uh… Kailangan ko nang bumalik kina Kuya-”
“Mamaya na,” putol ni Haze at hinawakan ang aking pulso.
Napalingon ako sa kanya, lalo na’t nakuryente ako sa paghawak niya roon. Kinakabahan na naman ako. Parang sasabog ang dibdib ko. Ang lakas lakas ng kalabog.
“H-Huh? Bakit?”
Namumungay ang kanyang mga mata sa akin, ang hinlalaking daliri ay hinahaplos pa ng marahan ang likod ng aking palad.
“I told you we’re going to date…” he said softly.
Nagloosen ang aking balikat. Parang may kumikiliti sa tiyan ko. Hindi ko maipaliwanag.
“A-Akala ko sa Pilipinas n-na…”
He titled his head and pull me closer.
“Let’s start it here… We’ll just date again pag nasa Pilipinas na ulit tayong dalawa.”
Tumango ako, halos mawala na sa kanyang malalim na paninitig. Ang kamay niya ay dumaosdos pa sa aking palad, ang kaba ay mas lumaki lalo na nang dahan dahan niyang ipinagsalikop ang aming mga kamay.
Nahihiyang bumagsak ang aking mga mata. Para akong kakapusin sa aking hininga at hindi ko makalma ang pagwawala ng aking sistema.
Hinawakan niya ako, sobrang higpit noon at parang ayaw niya akong tumakas o kumawala man lang sa kanya kahit wala naman akong plano. Panay ang aking paglunok at sobrang ingay pa talaga ng pagtibok ng puso ko. Sobrang kakaiba ng nararamdaman ko. Parang sasabog na ako anytime.
“Anong ginagawa mo rito sa Mall?” tanong ko habang naglalakad kami, pilit iniibsan ang kaba at gustong sipain iyon palabas.
“Bumili ako ng mga damit,” sagot niya.
“Wala kang dalang damit?” tanong ko, tinitingala siya lalo na’t hanggang balikat lamang ako.
“Wala akong dalang bagahe.”
“Huh?” Tumawa ako. “Gagala ka lang talaga rito?”
Tumango siya at nilingon ako. “Yes. And I’m planning to stay for awhile. Baka mga isang linggo pa kaya bibili nalang ako ng mga damit.”
Wow. He’s filthy rich! Kakaiba pala siya kung gumala? Dito talaga napapadpad sa ibang bansa?
Tinext ko nalang sina Kuya na mags-shopping akong mag-isa at pwede na silang maunang umuwi total alam ko naman ang pauwi. Nagreply agad si Kuya Blue.
Kuya CadenBlue:
Sabay tayong uuwi. Maliligaw ka rito.
Ako:
Matatagalan ako, Kuya! Marami akong bibilhin!
Kuya CadenBlue:
We’ll wait for you.
Bumuntong ako ng hininga at wala nang nagawa. Total maaga pa naman. Siguro at least dalawang oras lang kami ni Haze?
“Babalik agad ako,” sabi ko sa kanya habang namimili siya ng popcorn since manonood nalang kami ng sine.
“Pwede naman kitang ihatid nalang sa inyo,” suhestyon niya at nagbayad ng pera sa titig na titig na blonde girl sa kanya.
“Hindi pwede…”
Inangatan niya ako ng kilay.
“Aren’t you planning to introduce me to your parents?”
Natigilan ako roon, hindi agad nakasagot. Bumili rin siya ng dalawa pang drinks at hindi na sumulyap sa blonde girl na panay ang pagpapacute sa kanya saka niya hinawakan ulit ang aking kamay, iginigiya na ako sa madilim na parte papasok ng sine.
“I want to meet your parents,” ani Haze, nang makaupo na kami sa assigned seat na binili naming ticket.
Hindi ko alam kung anong palabas iyong pinasukan namin basta alam ko action iyon eh.
“Bakit?” tanong ko, kinakabahan na naman.
“So I can visit you freely…”
Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha. Inayos niya naman iyong mga pagkain namin, ang mga drinks ay inilagay sa butas at hinawakan niya ang popcorn.
Inisip ko ng mabuti ang kanyang sinabi. Mabait naman si Daddy, lalo na si Mommy. Siguro pwede ko siyang i-introduce as my friend? My close friends? Hindi naman siguro sila maghihinala na may mga kalokohan akong pinaggagawa kasama ang mga kaibigan ko, right?
“You can also come over to my place, Elliana,” he said seriously, nasa harap na ang tingin.
“S-Sa bahay niyo?”
Umiling siya. “My condo.”
“Talaga? Pwede ako roon?”
Tumango siya, walang pag-aalinlangan.
“Yes. Kahit tumira ka roon pwede rin,” sabay lingon sa akin at sinubuan ako noong kinuha niyang isang popcorn.
Kinuha ko iyon, nahihiya sa kanyang galaw at ako nalang ang sumubo noon sa aking bibig.
“Bawal akong mag sleepover eh… Lalo na kung sa lalake pa. Mapapagalitan ako,” sabi ko sabay simangot.
“Sleepover huh…” he smirked at me.
Tumango ako. “Oo… Sabi mo… pwede akong tumira roon?”
Kinagat niya ang kanyang labi, nangingislap ang kanyang mga mata kahit madilim naman, lumiliwanag parin ang kagwapuhan ng mukha.
“I want that…” he said softly.
“Ang alin?” Tiningnan ko saglit ang malaking screen sa harap. Puro pa mga commercial ang lumalabas.
“Sleep-over… I want that…” he said huskily.
Nilingon ko siyang muli. “Masaya ang ganoon. Madalas kaming magsleepover nila Kuya sa mga pinsan namin noon. Naglalaro kami. Naghahampasan ng unan… nagk-kwentuhan… nagtatawanan.” I smiled cutely.
Tumitig siya sa akin ng husto.
“Baka hindi ka makatawa pag ako ang kasama mo kaya sa susunod nalang…”
“Huh?”
“Nevermind.” Hinaplos niya ang buhok at tumingin na sa harap.
Ngumuso ako at tumingin nalang din sa harap nang mas kinuha ng aking atensyon ang sa ibaba namin. Naghahalikan sila na ikinalaglag ng panga ko.
“Yuck. They’re kissing,” iritado kong sabi sa aking sarili.
Napatingin narin si Haze roon. Huminga siya ng malalim at sinipa ang likod ng kanilang upuan. Natigil ang dalawa, imbes na tinangalain kami ay napatingin sila sa harap dahil nagsisimula na ang movie.
“Bakit mo sinipa?” Halos matawa ako.
Tiningnan niya ako, mapupungay ang mga mata at bumagsak agad iyon sa aking labi. Mariin siyang pumikit, ginulo pa ang buhok at hinilamos ang mukha.
“Okay ka lang?” Hinaplos ko ang braso ni Haze na ikinagulat niya pa.
Nagulat din ako at mukhang napaso siya kaya binawi ko ang aking kamay.
“Tangina…” bulong niya with so much frustration. He licked his lips at sumubo pa ng sunod sunod na popcorn.
Nagkasalubong na talaga ang aking kilay. Okay lang ba siya?
15th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Wenzie Marie Rapista. Happy reading!
Gusto Kita
Hindi palang natatapos ang movie ay dinadagsa na ang cellphone ko ng sunod sunod na tawag nila Kuya. Hindi na ako makapagconcentrate sa panonood dahil kahit si Haze ay panay buntong hininga lang naman, tila may malaking problema.
Nagtipa ako ng text kay Kuya Red.
Ako:
Papunta na ako riyan, Kuya. I’m sorry it took me long.
Pagkasend ko noon ay nilingon ko agad si Haze, nakahilig doon sa kabilang balikat ng upuan, malayo sa akin at nakabusangot.
“Uh…”
Tumingin agad siya sa akin. Umayos siya ng upo at naghihintay ang mukhang iyon ng sasabihin ko.
“Hinahanap na ako ng mga Kuya ko. Hindi ko nalang siguro tatapusin ang ano…”
He licked his lips and nodded. Tumayo siya at ibinigay sa akin ang popcorn. Tinanggap ko iyon at tumayo narin.
“Sayang naman ’yong movie…” Bumuntong ako ng hininga, nanghihinayang habang tinatahak na namin ang daan palabas.
“We can watch it again if you like,” aniya, nasa aking gilid, hindi gaanong malapit at may distansya pa.
“Kailan naman?”
Iniisip ko palang ang mga araw na hindi ako pwede ay nalulungkot na ako. Parang hindi na iyan magtatagal eh.
“Ikaw…” Ibinulsa niya ang mga kamay, nasa harap ang tingin.
Tuluyan kaming nakalabas. Tumigil ako roon kaya tumigil din siya. Mapupungay parin ang mga mata niya sa akin, tila inaantok ngunit hindi naman.
“Pasensya na. Sina Kuya kasi…” Sumimangot ako.
Tumango siya, seryoso lamang.
“Marami pang araw. We’ll just watch again.”
Tumango rin ako at ngumiti. “Kahit ibang movie nalang basta makapanood tayo.”
“Alright…”
Nilingon ko ang dinaanan ko kanina. Malapit lang naman iyon at alam ko kung nasaang Restaurant sina Kuya. Nilingon kong muli si Haze.
“So… Mauna na ako. Malapit lang sila Kuya eh.”
Tumitig siya sa akin. Malalim na naman iyon, seryoso parin.
“We’ll skype later. I’ll call you,” he said deeply.
Tumango ako at ngumiti. “Akin nalang ’to?” Sabay pakita ng hawak kong popcorn.
Tumango siya at hinaplos ang gilid ng buhok.
“Bye, Anzai… Salamat sa sine…” Humagikhik ako habang humahakbang palayo sa kanya, kinakawayan na lamang siya.
Isinandal niya ang isa niyang braso sa pader at tiningnan ako ng malalim habang lumalayo na ako sa kanya. I smiled again before turning my back.
Bumuntong ako ng hininga at mas nilakihan na ang aking mga lakad. Huling lingon ko sa kanya ay naroon parin siya sa pinag-iwanan ko, nakatingin parin at walang balak umalis para panoorin ako.
I hope I can spend more time with him. Parang pagkatapos kasi ng bakasyong ito ay busy na ulit sa nalalapit na pasukan. Maghihintay na naman ako ng Summer bago kami magkitang muli. Parang nakakalungkot…
“Ano ’yang dala mo?” tanong ni Kuya Red nang pumasok na ako sa Restaurant.
Hindi pa nila nagagalaw ang mga pagkain at tila nanlalamig na iyon. Umupo ako sa bakanteng table. Ang agad kong napansin ay ang Cordon Bleu. May tatlong putahi rin silang inorder.
“Iyan lang ang binili mo?” tanong ni Kuya Blue, naghahanap pa ng kung ano sa akin.
Tumango ako at inilapag iyon. Oo nga pala… Nag-alibi akong may bibilhin!
“Popcorn?” si Kuya Red naman, takang-taka.
“Oo… Mahaba ang pila at… at gumala ako saglit,” sabi ko habang ginagalaw na ang pagkain.
“Nawala ka ng isang oras,” ani Kuya Blue, nilalagyan narin ng pagkain ang aking plato.
Ngumuso ako at pinanood siya. Nagsisinungaling ako sa kanila dahil kay Haze. Naguguilty ako pero parang gusto ko paring ulitin makipagkita lang ulit kay Haze. Nakita ko naman sana siya kanina, parang gusto ko ulit bumalik at makita siya ulit.
What’s happening? Posible bang mamiss mo ang isang tao na kakakita mo lang sa kanya? Gusto ko siyang kasama lagi. Gusto kong nakikita lagi ang mukha niya. Gusto ko bawat sigundo, nasa tabi ko lamang siya.
Nakailang buntong hininga ako noong nasa likod na ako ng kotse. Nakatingin ako sa labas ng bintana, tinitingnan ang mga matatayog na building na nadadaanan.
Pagkarating sa bahay, nasa sala silang lahat. May pinagkakaabalahan silang decorations at kung anu-ano pa para sa party kinabukasan. Kami-kami lang naman lalo na’t ayaw rin ni Lolo ng enggrande. Iimbitahan niya ang mga friends niya kaya baka maging crowded rin dito bukas.
Dumeritso ako sa aking kwarto. Gusto ko sanang tumulong pero ang sabi nila ay kaya na raw nila kaya heto ako at nagmumukmok nalang.
Kakatapos ko lang magbihis. Ang popcorn na hindi ko naubos kanina ay nasa bedside table ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko riyan at ayoko rin namang itapon dahil bigay iyan ni Haze. Siguro ay uunti-untiin kong kakainin mamaya hanggang sa maubos ko.
Nagring ang aking cellphone. Nang tiningnan ko iyon ay namilog ang aking mga mata sa aking nakita.
Anzai Haze is calling…
Mabilis ko iyong dinampot at sinagot. Naabutan ko siyang nasa kanyang kama na, nakasuot ng plain white tshirt at magulo pa ang buhok.
“Umuwi ka rin pala agad?” Sumandal ako sa headboard, unti-unti nang napapawi ang nararamdaman kong kakaibang lungkot kanina dahil nakita ko na siya.
“Yes. I just bought some stuff…”
Nawala sa kanya ang camera at napunta iyon sa likuran. Gumalaw siya at ipinakita sa akin sa kanyang paanan ang mga paperbags ng mga mamahaling brands. Nakahelera iyong lahat doon, hindi ko pa mabilang kung ilan sa sobrang dami.
“Anong mga pinamili mo?” tanong ko.
Gumalaw muli ang kanyang camera at umusog siya roon sa paanan lalo na’t nazozoom in na ang mga paperbag.
“Tshirts… Pants… Shoes… Boxers…” Sabay pakita ng loob ng paperbag sa camera.
Namula ako nang makita ang Calven Klein na boxers na binili niya. Pumikit pa ako at noong dumilat ay nasa kabilang paperbag na iyon at leather jacket na.
Marami siyang biniling tshirts. Meron ring mga cotton shorts at sweatpants.
“I am alone. Walang narito kundi ako lang,” sabi niya at iginala pa ang camera sa isang malaking kwarto ng hotel.
Maganda ang loob noon. Mahahaba ang kurtina at malinis ang loob, idagdag pa ang kulay nitong hindi masakit sa mga mata.
“Oo, sabi mo kanina…”
Tumikhim siya at inilipat na sa harap ang camera.
“I just want to prove it that I am not lying. Ako lang dito. Walang babae,” he said surely, kahit hindi ko naman tinatanong.
Tumango ako, halos pigilan ang ngiti.
“Ako lang rin dito… Mag-isa lang,” sabi ko sa marahang boses at ipinakita rin ang kabuuan ng aking kwarto.
“How about your brothers?”
“Uh, nasa kabilang kwarto sila,” sagot ko at inilipat ulit sa akin ang camera.
Tumango siya at nakontento naman sa aking sagot, lalo na’t kumalma ang kanyang ekspresyon.
Natahimik kaming dalawa. Kagat kagat ni Haze ang kanyang pang-ibabang labi, pinaglalaruan iyon. Ginaya ko rin siya at kinagat ang aking labi.
“Don’t do that,” pigil niya.
Kumurap ako at mabilis na tumigil.
“Bakit?”
“Hindi magandang tingnan,” he said and looked away.
Oh… Okay. Tumango ako at ngumiti nalang.
“Ano bang mga… mga gusto mo na pwede kong gawin? Iyong… Iyong magandang tingnan,” sabi ko, halos lumiit na ang boses at namumula pa ang aking mukha sa hindi ko alam na dahilan.
“To seduce me?” he added.
Nagulat ako. Hindi ko naman iyon iniisip. Kamuntik ko na rin iyong makalimutan na kailangan ko pala siyang akitin. This time, parang gusto ko lang maging presentable sa kanya, iyong magugustuhan niya ako at matutuwa siya sa nakikita niya. Hindi ko na iniisip na maaakit siya. Ang gusto ko, sa tuwing nakikita niya ako, ay maganda akong tingnan.
“Hindi… Uh… Iyong gusto mo sa babae.” Mas lalo lamang akong namula.
Haze stared at me curiously. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin, hindi napigilang kagatin ang aking labi. Kinakabahan na naman ako. Hindi na naman ako mapakali sa paninitig niya.
“Why?” he asked in his deep baritone voice.
“Gusto ko lang na… na maganda ako sa paningin mo,” pag-amin ko, mas lalo lamang namula.
Lumiwanag agad ang kanyang mukha, ang labi ay napaawang pa, halos suminghap. Yumuko ako at mas lalong nahiya. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko dahil ito sa kanya.
“Why?” he asked again, tila natutuwa sa aking reaksyon.
“Ayokong tumingin ka sa iba k-kaya…” Suminghap ako, hindi kinakaya ang aking mga sinasabi.
Humalakhak si Haze. Namilog ang aking mga mata at mabilis siyang tiningnan. Nagulat ako at humahalakhak talaga siya. Ang gwapo gwapo niya!
“Do you want me now all for yourself? Ayaw mo na akong mapunta sa iba?” Ngumisi siya, naaaliw ng husto.
Tumango ako, nakasimangot na.
His lips curved even more. He chuckled again.
“Hindi naman pwede ’yan, Elliana. Hindi mo ako pwedeng ipagdamot.”
Nadismaya ako ng husto roon. Nagloosen ang aking balikat at para akong maiiyak sa kanyang sinabi. Nang nakita niya ang aking reaksyon ay napawi ang kanyang ngisi.
“Pero kung gusto mo talaga… Sa’yo nalang ako,” agad niyang pagbawi sa sinabi niya kanina.
Napatitig ako ng husto sa kanya. Ang ingay ingay na ng dibdib ko. Pang-ilang beses na akong lumunok at tila may nakabara talaga sa aking lalamunan.
“I am all yours now…” he said softly, sobrang namumungay ang mga mata sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko. Dapat matuwa ako dahil akin na siya at nanalo ako, na pwede ko na iyong ipagmalaki sa mga kaibigan ko, kina Kiera. Pero may parte sa akin ang ilihim iyon at ipagdamot nalang. Gusto kong sa akin na lamang iyon. Gusto kong itigil nalang ang kahibangang sinimulan at magsimula ng panibago kasama si Haze.
“I’m yours, Elliana,” ulit niya, tila gustong ipamukha sa akin ang totoo.
Napangiti ako roon. Ang hirap hirap magsalita. Parang may bumubukol sa aking lalamunan at naspeechless ako sa kanyang kagwapuhan. Haze is very different from what I used to. He looks like a smitten kitten. Imbes na maging tigre sa aking paningin, ganoon na siya kaamo at pagbibigyan ata ako sa lahat ng aking gusto.
“Gusto mong… p-pumunta dito bukas?” tanong ko, ang pakiramdam ay masyadong sumasabog.
“You mean… Imbitado ako?”
Umiling agad ako.
“Uh… Pwede kang…” Nag-isip ako kung paano ko siya maipupuslit sa loob nang hindi nila nalalaman.
Ayoko namang mabakuran ako nila Kuya pag nalaman nilang malapit ako sa isang lalake. Ayoko ring matulad kay Nana na dahil nahuli siyang lumalapit lapit kay South, ayun at binakuran siya. Ang malala pa noon ay pinatira na siya sa ibang bansa para rin makaiwas sa issue na kinasangkutan.
Parang ikakamatay ata ng mga boys pag kami na ang lumalapit-lapit sa mga lalake at pinapalayo agad nila kami. Ewan ko ba…
“Marunong kang umakyat ng kwarto?” suhestyon ko na ipinagsalubong ng husto ng kanyang kilay.
“Walang CCTV rito sa bahay ni Lola, eh… Nasa second floor din ang aking kwarto at madali lang atang akyatin sa likod.”
“You want me to… go to your room?”
Tumango agad ako. “Oo… Busy sila bukas sa party kaya pwede ka sa kwarto ko. Pwede tayong dalawa rito total nasa baba silang lahat.” I smiled at him.
Naging problemado agad ang kanyang mukha. Inisip ko naman kung may mali ba sa plano ko. Hindi siguro siya marunong umakyat?
Nahilamos niya ang kanyang mukha at kulang nalang ay sabunutan na naman ang buhok. Okay?
“Ayaw mo?” Sumimangot na ako.
“No… I like it…” agaran niyang sagot.
Ngumuso ako, halos pigilan ang paghagikhik.
“Ayaw mo akong ipakilala nalang sa parents mo?” suhestyon niya.
Umiling ako. Siguro pag nakagraduate nalang ako. Iniisip ko rin sina Kuya eh. I’m sure hindi nila magugustuhan pag nalamang may lalake ako. Mapaparanoid sila. Mas mabuting secret nalang muna. Mas mabuting patago tago muna.
“Ibibigay ko ang address at dumaan ka sa likod ha. Pwede kang umakyat doon. Wala namang makakapansin sa’yo dahil hindi iyon masyadong pinupuntahan,” sabi ko.
He nodded. “Are you sure you want me in your room?”
“Oo. Pero huwag kana munang mag sleepover. Next time nalang ang ganoon…”
Haze sighed heavily. “You are so innocent…”
Ginaya ko siya at bumuntong din ako ng hininga. Why am I so innocent?
Kausap ko si Haze buong gabi. Nakikinig lang siya sa mga plano ko. Noong antukin na ay doon lamang iyon natapos. Imbes na makatulog agad ay ang rami pang tumatakbo sa aking isipan. What did Haze do to me? Bakit ganito na? Kahit hawak ko na siya, parang gusto ko pa siyang hawakan lalo. I want to gripped him so tight and tell him I want him just for myself. Ayokong mag kahati ako. Ayokong may iba siya. Gusto ko, ako lang.
But isn’t it a bad thing if you gripped something you’re not suppose to own? Ayoko siyang bitiwan. It’s frustrating me… Ayoko siyang saktan. Nanalo na ako. He already said he’s all mine… Pero bakit hindi ko kayang sundin ang sinabi kong kailangan ko siyang bastedin?
Just own him, Elle. Huwag mo nalang hayaang ligawan ka niya para hindi mo mabasted. Oh right… Pero hindi niya rin naman ako liligawan total hindi niya ako type.
Namula ako ng husto. Bakit parang… parang gusto kong… b-boyfriend ko siya? Paano ba iyon? Pwede bang boyfriend ko siya pero hindi niya ako girlfriend? Pag ganoon ang estado namin ay pwede ko siyang hindi bastedin.
Natampal ko ang aking noo. I think I’m crushing with Haze. Gusto ko na ata siya. Gusto ko akin lang siya.
Nakatulog ako sa tambak tambak na mga iniisip. Noong magising ng tanghali, humihikab ako at feeling ko ay kulang ako sa tulog.
Pagkababa ko ay nakita ko na ang desinyo ng sala, ang labas na may mga tables na para sa mga bisita at mukhang handang handa na para sa selebrasyon mamaya ni Lolo.
“Happy birthday, Lolo!” Nilapitan ko agad siya nang mamataan ko siya sa garden na nakaupo, kausap si Lola.
Niyakap ko siya sa gilid at hinagkan ang kanyang pisngi. Iginiya niya naman ako paupo sa kanyang kandungan.
“Ang laki-laki mo na, Elle… Baka ilang lalake na ang pinaiyak mo ha…” Tumawa si Lolo, ganoon din si Lola na nakaupo sa harapan.
“Wala pa po, Lolo…” Humagikhik ako.
“Hindi pa nagkakaboyfriend dahil masyadong binabakuran ng mga Kuya niya. Kahit si V, noong tinanong ko ay bawal pa raw,” ani Lola na natatawa rin.
“Aba’y bakit naman? Sa pagkakaalam ko nga ang aga aga nagkagirlfriend niyang Daddy mo. Highschool palang iyon, hindi ba?” Tiningnan niya si Lola na tumango.
“Oo. Si Ekkin…” Ngumiti si Lola ng matamis.
I know her! Nakwento iyon ni Mommy sa akin. Ang aga aga palang nagkagirlfriend ni Daddy pero ba’t sa akin hindi pa pwede?
“Meron ka bang nagugustuhang lalake ngayon?” tanong ni Lolo, sinusuklay na ang aking buhok.
Tumango ako at sumenyas na huwag maingay kina Kuya. Tumawa naman silang dalawa.
“Sino ’yan? Ipakilala mo naman kami…” ani Lolo.
“He’s Haze, Lolo, si Anzai. Please don’t tell my brothers…” Pabalik balik ko silang tiningnan ni Lola.
Tumango silang dalawa.
“Normal lang naman ’yan sa edad mo, Elle. Hindi mo iyan mapipigilan… Hindi napipigilan ang puso sa pagtibok, baby,” ani Lola.
Tumango ako at ngumiti. It’s normal! Si Zera nga… Wala namang mali rito.
“Alam ba noong Haze na gusto mo siya?” tanong ni Lolo.
Sumimangot ako at umiling. Hindi ko pa iyon nasasabi kay Haze. Kagabi ko lang naman parang narealize na nagkakacrush ako sa kanya. Na gusto ko siya. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko.
“You should tell him, baby!” si Lola na iyon.
Tiningnan ko saglit ang paglabas ni Daddy. Lumingon siya sa akin at kumaway kaya kumaway rin ako lalo na’t busy rin siya sa pagtulong sa aking mga Tito. Noong nag-iwas na ng tingin si Daddy ay ibinalik ko ang atensyon kina Lolo at Lola.
“Aamin ako?” I asked them.
Kapwa sila tumango.
“Yes. Kaming mga lalake, mas gusto naming vocal sa amin ang mga babae lalo na’t ang hirap niyong intindihin,” ani Lolo.
Oo nga ’no?
“And you’re very pretty, Elle. Walang lalake ang hindi magkakagusto sa’yo. Walang lalake ang makakatanggi sa’yo,” ani Lola.
“Just be responsible with your feelings. Know you limitation. Huwag masyadong magpadala sa bugso ng damdamin at baka magkauban agad ang Daddy mo sa sobrang pagkakunsumisyon.” Humalakhak si Lolo.
Tumawa rin ako. Magugulat nga iyan si Daddy pag nalaman niyang may gusto akong maging boyfriend. Sabihin ko kaya kay Mommy?
Noong mga bandang five ay nagsisimula nang magdatingan ang iilan. Bihis na bihis na ako at nakasuot narin ng pulang dress na may laces sa harap, sa parteng dibdib. This is Zera’s gift to me and it’s a Klara dress. Wala akong ibang maisusuot kaya ito nalang.
Dala-dala ang mug na may lamang ice cream, pinanood ko ang mga bisitang pumapasok na sa bahay. Lolo introduced me to his friends, mga matatanda narin at kaedaran niya kasama rin ang kanilang apo na lalake.
“Ilang taon na ba ’yan? Janrick is already twenty… Baka naman pwedeng ipagkasundo.” Tumawa ang kaibigan ni Lolo, katabi iyong lalakeng titig na titig sa akin.
“Bawal ito. Baka magalit ang Daddy…” ani Lolo at humalakhak.
Nakipagngitian nalang ako sa mga kaibigan ni Lolo. Kung sinu-sino nalang ang aking mga kinakamayan, mga nakikilala na apo ng mga kaibigan ni Lolo at hindi ko na iyon mabilang dahil masyado ring okyupado ang aking isipan sa pagdating mamaya ni Haze. Iyon ang mas nagpapaexcite sa akin.
Magkakaparehas lang lahat ang kanilang reaskyon sa akin, lahat ay nagugulat at pinapaliguan ako ng compliments.
“Ang ganda ganda ng batang ito! Half?”
May iba ring friends si Lolo na puro mga foreigner. Hindi ako halos makaalis, kahit sina Kuya ay tumutulong din sa mga bisita ganoon din ang iba ko pang mga pinsang babae.
Noong makatakas na ay kumuha agad ako ng pagkain at inilagay iyon sa plato para kay Haze. Ang sabi ko ay magsisimula ang party around five. Pwede siyang umakyat sa kwarto ko sa oras na six. Noong chineck ko ang aking relo, alas syete na ng gabi. Hindi ko namalayan ang oras kanina.
“Saan ka pupunta?” Boses iyon ni Kuya na ikinatigil ko sa hagdan.
Kahit kabado, nilingon ko si Kuya Blue.
“Ah… K-Kakain nalang ako sa kwarto ko, Kuya. Ang rami kasing bisita. Ang crowded dito sa ibaba,” sabi ko.
Tumango naman siya, tila sang-ayon sa aking gusto.
“Mabuti pa nga. Sa kwarto ka nalang at ang rami-raming nagkakainteres sa’yo rito sa ibaba,” seryoso niyang sabi na ikinangiti ko.
Umakyat rin naman agad ako, nabunutan na ng tinik. Binuksan ko ang aking kwarto at inilock iyon. Ini-on ko ang ilaw at inilapag ang dala-dala kong plato roon sa bedside table.
“You met fifteen boys…”
Nagulat ako sa boses ni Haze. Paglingon ko sa aking likuran ay siya nga, nakapamulsa suot ang button down shirt na kulay blue, ang dalawang butones ay nakabukas pa at isang shorts sa pang-ibaba.
“K-Kanina ka pa rito?” tanong ko, kinakabahan sa kanyang napakagwapong imahe.
Tumango siya at tiningnan ang bukas kong veranda.
“Nabilang ko pa ang mga lalakeng kinamayan mo habang pinapanood kita sa veranda at nasa labinglima lahat,” seryoso niyang sagot, matabang ang boses.
Fifteen ba lahat? O baka sinali niya pati iyong matatanda? Tiningnan niya ang aking suot, bumaba pa ang mga mata sa laces ng aking dibdib at umangat ang dalawa niyang kilay.
“Dinalhan kita ng pagkain,” sabi ko at tiningnan ang inilagay ko sa aking bedside.
Hindi siya umimik at umupo sa aking kama, masyadong seryoso. Pakiramdam ko tuloy ay may kasalanan ako sa kanya. Pakiramdam ko ay galit siya sa akin at hindi niya lang kayang sabihin.
“Ayaw mo bang… nakikipagkamay ako sa mga lalake?” tanong ko, hinuhulaan nalang lalo na’t iyon ang kanyang binanggit kanina.
Humilig siya sa likuran, nasa ibang direksyon ang tingin.
Ngumuso ako at hindi alam ang sasabihin.
“Mukhang type mo iyong nakapula ah? Kaedaran mo lang ata iyon lalo na’t nginitian mo pa,” iritado niyang sabi.
Oh si Janrick…
“He’s already twenty,” sabi ko, naalalang siya rin iyong nakapulang polo kanina.
“He’s staring at you too much. He likes you,” dagdag niya pa, ang iritasyon ay kumalat na sa mukha.
Para nang manlalambot ang aking tuhod kaya tumabi ako sa kanya sa kama. I saw how he swallowed and move away from me. Nagulat ako sa kanyang ginawa. G-Ganoon ba siya kagalit na… na ayaw niya akong makatabi?
“I don’t like him,” pag-amin ko, nananalangin na sana ay huwag na siyang magalit.
He licked his lips annoyingly. Ngumuso ako at umusog para sana makatabi siya. Haze sighed heavily and brushed his disheveled hair with frustration.
“And how about that rat who’s wearing a denim jacket?”
Rat? Grabe naman makapanglait ito! Si Edwin ata iyon! Iyong kaedaran ni Kuya Red na apo noong kaibigan din ni Lolo.
“Si Edwin?”
Haze glance at me with his intense eyes. I pursed my lips and gripped the hem of my dress. Nasisindak ako sa galit niya, nakakapangliit…
“Pati pangalan nila ay memorize mo pala?” he smirked at me, iyon nga lang ay sobrang tabang noon at parang hindi siya natutuwa.
“Nagpakilala sila kaya alam ko ang mga pangalan nila,” sagot ko sa marahang boses.
Matabang siyang natawa sabay basa ng pang-ibabang labi.
“Sino roon ang gusto mo, kung ganoon?” Matigas ang boses na iyon, para nang kidlat na sumusulpot sa madilim na langit.
“They’re not five years older than me… Ang sabi mo ay mga ganoon ang dapat kong magustuhan…”
Natigilan siya sa aking sinabi, ilang sigundo siyang hindi nakapagsalita. Kung tutuusin, mas lamang pa siya sa mga iyon, mas gwapo siya kahit nakakasindak ang kanyang imahe. Haze is ten times more attractive. Kahit iyong half na si Greyson, para sa akin ay mas gwapo pa nga si Haze. He looks like a God, mala Adonis…
“Ni isa, wala kang natipuhan?” tanong niya, hindi parin humuhupa ang pagkakasalubong ng kilay.
“Meron…”
He leered at me intensely.
“Who?” Nakakapaso na ang tinging iginawad niya sa akin, tila may pinapahiwatig na ang namumuong galit at nagliliyab iyon sa kanyang mga mata lalo na’t sobrang dilim pa ng kanyang mukha.
“Ikaw…” sagot ko, desididong umamin.
Tila hinagupit ng bagyo ang galit sa kanyang mukha at mabilis iyong nahawi. Hinangin lang iyon at kahit kaonting ebidensya na galit siya kanina ay wala na akong mahanap.
“Ano?” Kumalma ang pagkakasalubong ng kanyang kilay, ang boses ngayon ay malambot na hindi kagaya kanina.
Ngumuso ako, namumula siyang tiningnan.
“Gusto kita, Anzai…” pag-amin ko, pilit siyang tinitigan kahit parang malulusaw na ako.
Lumiwanag agad ang kanyang mukha.
“G-Gusto kitang maging boyfriend…” dagdag ko pa, kulang nalang ay lumubog ako sa malambot kong kama dahil sa kabang yumakap sa akin.
His lips parted while staring at me. Yumuko ako at pumikit, nasapo ang dibdib kong sasabog na ata.
Para akong mahihimatay! Hindi na ako halos makahinga sa bilis ng pintig ng puso ko! This is crazy!
16th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Elaiza Rose Biares. Happy reading!
Boyfriend
Inisip kong mabuti kung tama ba ang pag-amin ko. Siguro ay masyado lang akong nagulat? O di kaya ay masyado lang akong nagpapadala sa bugso ng damdamin, katulad ng sinabi ni Lolo. But how can I control it if it’s overflowing? Parang pag hindi ko inilabas, pag hindi ako umamin, ay sasabog na ako.
Dumilat ako, nacucurious sa pagiging tahimik niya. Nakita ko siyang nakapikit, tila may pinapakalma at tumataas baba pa ang kanyang balikat dahil sa mabibigat na paghinga.
“Can I use your comfort room first?” halos hirap niya iyong sinambit.
Dumilat siya. Nagulat ako sa nag-aapoy niyang mga mata, tila susunugin na ako ano mang oras.
“Oo… Iyang kulay cream ang pinto.” Itinuro ko iyon.
Mabilis siyang tumayo, deri-deritso na ang lakad papasok sa aking cr at naririnig ko pa ang mahaba niyang pagmumura ng ‘tangina…’, tila hirap naman sa isang bagay.
Bumuntong ako ng hininga at kinalma ang aking sarili. Maingay ang agos ng tubig sa loob. Kaya habang naroon siya ay bumaba rin ako para kumuha ng tubig at parang nanuyo ang aking lalamunan sa pag-amin.
Walang tao sa kitchen. Ang lahat ay naroon talaga sa labas. Ang nasa sala ay si Naia, hindi nakikisali sa kasiyahan sa labas. Nginitian ko lamang siya saka ako muling umakyat sa kwarto.
Pagkapasok ko, hindi parin nakakalabas si Haze. Masakit ba ang tiyan niya? Hindi ba maganda ang pakiramdam niya?
Naghintay nalang ako hanggang sa lumabas din naman siya. His hand is wet and he looked… he looked tired…
Yumuko akong muli, nahihiya na naman sa kanyang presensya. Bakit ba kasi napakagwapo niya? Hindi na ata takot ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung takot man, hindi na sa kanya kundi sa ibang bagay na. Takot ako na baka bigla nalang bumaliktad ang kasiyahang ito. Takot ako na baka… baka sa sobrang kagustuhan kong hawakan siya ng mahigpit, siya na ang kusang bumitaw.
“So… You want to be my girlfriend?” tanong niya, mukhang nakabawi na sa pagkagulat at okay na.
Mabilis ko siyang tiningnan at umiling agad.
“Hindi…” sagot ko.
Nagkasalubong ang kanyang kilay, nalilito na at nameywang sa aking harapan.
“You said you want me to be your boyfriend?”
Tumango ako. “Oo pero ayoko munang maging girlfriend mo. Ikaw na muna.” Ngumuso ako habang tinitingala ito.
He looked shock and confused. Hinaplos niya ang gilid ng kanyang buhok.
“I thought you like me?” he said silently.
Nag-isip ako ng iba pang ediya. Hindi naman kasi pwedeng girlfriend niya narin ako. Bawal pa ako noon. I need to tell this to my parents first. Mas okay na iyong boyfriend ko na muna siya at pag pwede narin ako ay girlfriend niya na ako. Pero sa ngayon, akin siya.
“Pumapayag ka ba?” tanong ko, tinutukoy ang sinabi ko kanina.
He bit his lowerlip. “Iyong alin?” Dumako ang tingin niya sa laces ng aking dress.
“Na… Maging… maging boyfriend ko?” I whispered softly.
Haze sighed. Humilig siya sa kanyang mga hita at yumuko habang hinahawakan ang ulo.
“And you’re not my girlfriend yet?”
“Uhm, oo… Parang ganoon na nga.”
He sighed again, like he’s really problematic with my idea.
“I think that’s very unfair…” He almost frowned, parang hindi sang-ayon sa aking gusto.
Hindi naman ako namimilit. Pwede namang hindi muna, kung ayaw niya. Para lang naman iyon sa akin, na gusto ko siyang maging boyfriend dahil gusto ko siya. I want to hold him like he’s mine. If it’s a bad idea then edi huwag nalang.
“Kung ayaw mo ay pwede namang huwag muna-” sabi ko, nahimasmasan narin sa aking mga iniisip ngunit pinutol agad ako.
“Gusto… If you want me to be your boyfriend then I am your boyfriend,” he said with finality.
Napangiti agad ako roon, parang sumusuko na agad siya sa aking kapritso kahit na hindi ko naman pinipilit ang aking gusto. Na handa siyang lumuhod sa isang utos ko lang. A beast who’s willing to bow down just to show his submission.
Iyon naman pala! Edi boyfriend ko na siya. But of course it’s a secret. Kami lang dapat ang makaalam noon. Hindi ko ito sasabihin kina Kiera, sa parents ko, kina Kuya, o kahit kay Zera. This is our secret.
Pinakain ko kay Haze iyong dinala kong handa para sa kanya. Kaonti lang ang kanyang ginagalaw, pag titingnan ako ay tila nanghihinayang na ewan. He looked very confuse. Siguro ay hindi niya parin magets ang pinupunto ko.
May pagka slow rin pala si Haze? Ang dali lang naman intindihin noon ah? Boyfriend ko siya at hindi na muna niya ako girlfriend para hindi ko siya mabasted. Hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanya! He’s going to freak out with my plans! Pag pwede na akong makipagrelasyon, pag maluwag na ang parents ko, si Daddy, sina Kuya, ay pwede niya na akong ligawan.
Maingay na ang ibaba. Ang tugtog ay umaabot pa sa veranda at noong sumilip ako ay nagkakasiyahan na silang lahat doon, kahit ang halakhakan ay umaabot dito, ang mga lights na naglalaro sa paligid ay nakikita ko rin.
I think my two brothers are having fun, too. Siguro iniisip nila na nakatulog na ako rito sa loob kaya hindi na nila ako dinidisturbo.
Gumala si Haze sa aking kwarto. Kahit anu-ano lamang ang kanyang tinitingnan sa mga gamit at tila inaabala ang kanyang sarili. Umupo naman ako sa kama at sinusundan lang siya ng tingin.
“May gusto ka pang kainin?” tanong ko na nagpatigil sa kanya.
Nilingon niya ako. His eyes watch the laces of my dress again.
“May pwede pa akong kainin?” Umangat ang kanyang kilay sa akin.
Tumayo naman agad ako, handa nang bumaba.
“Oo marami pa roon sa ibaba. Ano bang gusto mo? Maraming dessert doon. Gusto mo ng cake? Or carbonara?”
Nagloosen ang kanyang balikat at umiling.
“I’m already full…”
Akala ko pa naman gusto niya pang kumain lalo na’t nagtatanong siya kung anong makakain. Umupo na lamang ulit ako sa paanan ng aking kama, siya naman ay agad na nag-iwas ng tingin at naging abala roon sa patingin-tingin sa mini bookshelf. Kumuha siya ng libro roon, iyon ang binubuklat buklat.
“Paano ka umakyat? Nakaya mo talaga?” Tumawa ako, iniisip kung nahirapan ba siya sa pagsampa sa railings.
“Madali lang naman,” he said nonchalantly and took a small glance at me.
Ngumuso ako. “Pwede mo akong puntahan tuwing gabi… Pag… Pag tulog na silang lahat,” mahina kong bigkas, sapat lamang na marinig niya.
Nilingon niya akong muli.
“Ano bang gusto mo? Gapangin kita rito tuwing gabi?” he said smirking.
“Akyatin, hindi gapangin,” paglilinaw ko.
He bit his lip. “Oh right… Aakyatin kita tuwing gabi.”
Tumango ako. Nag-iwas na agad siya ng tingin at inilipat lipat ang pahina noong librong tinitingnan niya. Seryoso siya roon pero tila hindi naman nagbabasa, parang napipilitan lang tingnan ang libro dahil mukhang hindi naman siya interesado.
“You like books?” Tumayo ako at naglakad patungo sa kanya.
“Hmm, not really. I’m not into books,” aniya sabay sara noon, handa na atang umalis sa gawing iyon pag nakalapit ako ng husto.
Ano ba? Maghahabulan ba kami rito sa loob ng aking kwarto? Bakit parang… parang allergic siya sa akin? Kaonting lapit ko lang, aalis agad, didistansya agad.
Ang mga pinsan ko nga, pag nagiging boyfriend ng isang babae ay gentleman sila at extra clingy. Eh bakit si Haze? O baka naman iba-iba talaga ang pagiging boyfriend ng isang lalake?
Hindi nalang ako lumapit sa kanya. Bumalik ako sa kama at umupo ulit doon.
“What is the purpose of being a boyfriend, Anzai?” tanong ko, nang binuklat niya ulit ang libro at iyon na ulit ang pinagkainteresan.
Humilig siya roon sa shelf.
“Duties… You’re going to take good care of your girl… Hug her… Kiss her… Mga ganoon lang naman,” sabi niya, ang mga mata ay nasa libro, at may diin pa iyong huling binanggit niyang duties.
Kiss? We can’t kiss yet!
“Do you want a kiss?” tanong ko na mabilis ikinaliwanag ng kanyang mukha.
Nang mapagtantong masyado siyang naexcite ay tumikhim siya at sumeryoso na ulit.
“Ikaw… Kung gusto mo… I am not going to insist it, you know. It’s just a kiss,” sabi niya, hindi gaanong nagbibigay ng interes doon.
“Ah… Bawal pa ako sa ganyan eh. I am not your girlfriend yet…”
Tumango siya, tila bigo pero hindi naman gaanong nakikita sa kanyang ekspresyon.
“I am not a kiss addict. I can be your boyfriend without kissing you…” he muttered.
“And we’re not yet married.” Tumawa ako, kalaunan ay natakpan ang aking bibig.
Umamin lang naman ako pero hindi ko pa naman iniisip na siya narin ang gusto kong pakasalan. Kaso siya lang rin ang nagugustuhan ko ngayon eh. Siya lang ang gustong gusto ko ngayon. Baka siya rin pala sa huli. Baka hindi narin magbago ang nararamdaman ko.
Tumango siya, na naiintindihan niyang mabuti ang aking sinasabi habang nakatitig ng malalim doon sa kanyang hawak na libro.
Binawi ko ang aking kamay sa aking bibig at nilaro ang lace ng aking dress, iyon ang iniikot ikot ko sa aking daliri. Napapansin ko naman siyang nagnanakaw lamang ng sulyap sa akin at mag-iiwas rin agad. Hindi ko alam kung masyado na ba siyang nawiwili roon sa librong hawak niya eh tungkol lang naman iyon sa mga bulaklak o ano…
“How old are you again?” He asked me after a long silence.
“Eighteen.”
“Eigtheen…” Tumango-tango siya, na ipinapaalala niya iyon sa kanyang sarili para maintindihan ng husto.
“College level?”
“Magse-second year na sa pasukan,” sagot ko.
Pumikit siya, hindi nakaligtas sa akin ang kanyang pagmumura ng ‘tangina…’ halos ang haba pa ng paghinga niya. Na iyon na naman ang nagbibigay ng problema sa kanya at hinilamos na naman ang mukha, kulang nalang ay burahin iyon ng kanyang palad. Nakakailang mura na ba siya?
Noong mga ten na, ay nagpasya narin siyang umalis. Pumayag rin naman ako kahit gusto ko pa siyang manatili muna kahit sandali lang. I think it’s too much. Baka sumuko agad siya sa pagiging boyfriend ko kasi ang clingy clingy ko.
“Good night, Elliana,” sabi niya sa marahang boses, noong ihatid ko siya sa veranda.
“Good night, Anzai…” Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
He chuckled a bit with my smile, too. Ang dilim sa kalangitan sa kanyang likuran ay kumikislap ang bituin, ganoon rin ang mga mata ni Haze.
He leaned closer to me. Kinabahan agad ako, hindi alam kung handa ba sa kanyang binabalak. Mapupungay ang kanyang mga mata nang magtamang muli ang aming tingin.
He leaned more, almost touching the tip of my nose with his nose. Pumikit ako, halos manlambot na. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko nalang sa aking noo ang malambot niyang labi, kung paano niya ako hinalikan doon ng masuyo at matagal.
God… Wala akong pagsisisihan sa desisyong ito. I really want him.
Bagsak sina Kuya at Daddy kinabukasan. Nakipag-inuman pala sila kay Lolo. Sina Tito Vince at Tito Vincent ang nadatnan ko sa kitchen. Si Tito Vlad ay bagsak din daw.
“Do you like the taste?” tanong ni Tito Vincent, humilig pa sa mesa at sinilip ang aking ekspresyon.
Tumango ako at ngumiti. Ngumisi siya sa akin at ginulo ang aking buhok.
“How’s your school? Wala namang pumuporma?”
“Wala naman, Tito…” sabi ko na ikinatango niya.
“That’s good, baby. Magtapos kana muna bago pumasok sa relasyon. Distraction iyang lovelife.”
Hindi ko siya matitigan ng buo kaya ang pagkain nalang ang aking tingingnan. Wala naman kaming relasyon ni Haze. I am not yet his girlfriend. Pero kahit na ganoon pa ang nangyayari ay nakakaguilty parin.
“Ayaw mo rin akong magka boyfriend, Tito?” tanong ko at sumubo.
“Hmm… Kung pwede nga ay huwag nalang kayong magdalaga ni Chey. But you two are grown-ups now… Ang hirap pigilan ng pagtakbo ng oras. Baka magulat nalang ako bukas kasal na iyang unica hija ko.” Sumimangot si Tito, halatang hindi pa handa sa ganoon.
May boyfriend na ba si Ate Chey? Hindi naman nagiging sila ng type niyang si Kuya Toshi ah? I think my cousin likes someone else. Hindi niya ata type si Ate Chey. Or maybe he finds her annoying? I don’t know… Baka may mas gusto lang talaga si Kuya Toshi kaya hindi talaga nagiging sila ni Ate Chey.
Pumasok rin naman si Tito Vlad, nagkakamot pa ng abs. Nang makita niya ako rito na nagb-breakfast ay mabilis siyang napangiti.
“Good morning, baby Elle…”
I smiled at Tito Vlad. Lumapit pa siya sa akin at hinagkan ang aking ulo. Umupo siya sa aking tabi kaya umalis si Tito Vincent sa pagkakahilig sa mesa at bumalik sa inaasikaso niya roon sa sink.
“Good morning, Tito. Masyado ata kayong nakarami kagabi. Lasing na lasing din daw si Daddy,” sabi ko na ikinahalakhak niya.
“Your Daddy was so drunk he almost kissed the bottle!”
“And you kissed the floor,” ani Tito Vincent, nginisihan ang kanyang kapatid.
Napawi ang halakhak ni Tito Vlad. Nagkamot siyang muli ng kanyang abs. Masyado ata silang nawili lahat at ako naman ay nawili lang sa pakikipag-usap kay Haze sa loob.
Sina Mommy at ang mga asawa ng aking Tito ay ang kasama niya atang nagsaya rin kagabi, kaya ni isa, ay wala nang dumisturbo sa akin sa kwarto. Lahat sila ay masyadong okyupado sa party.
Sa hapong iyon ay umalis ang aking mga babaeng pinsan, ang sabi nila ay mamimili sila ng mga damit. Sina Mommy naman ay gagala rin daw. Pinapapili lamang nila ako kung kanino ako sasama. Sa kanila ba o kina Kuya. Wala bang other option, like Haze?
“Pwedeng ako lang?” suhestyon ko habang namimili siya ng susuoting damit.
Napatingin siya sa akin, lalo na’t nakaupo lamang ako sa kama at pinaglalaruan sa aking kamay ang aking cellphone.
“This is a big City, baby… Baka mawala ka. Mas mabuting may kasama ka. Like your brothers…”
“Pero may cab naman, My… Pwede akong magpahatid sa cab pauwi,” sabi ko.
“At paano kung mapahamak ka? Sumama ka nalang sa amin total sa Mall din naman ang balak namin. Plano naming magpa spa.” Sabay balik ulit ng tingin sa pamimili ng damit.
I sighed and just nodded. Hindi ko talaga pwedeng ipagpilitan ang gusto ko lalo na’t ayaw rin nila. Feeling talaga nila hindi ko kayang mag-isa. Feeling ko nga rin hindi ko kayang mag-isa eh.
I informed Haze about our plans today, na pupunta kami sa Mall of America o MOA. Sinabi ko rin ang aming destinasyon lalo na’t nagtatanong siya kanina habang nags-skype kami. Baka nga gabihin pa sina Mommy sa paggala dahil noong umalis na kami ay mga bandang 3PM na.
Nasa bahay lamang sina Daddy, ang mga boys, at nagpapalipas ng hang-over. Iyon ang kanilang topic at nagtatawanan pa ang matatanda habang ako ay ka chat lamang si Haze. Baka raw ay susunod siya, iyon ang sabi niya.
“Magpapaspa ka rin ba, Elle?” tanong ni Tita Cheyenne sa akin nang pumasok kami sa isang Spa.
Umiling ako at tiningnan si Mommy na hinihintay rin ang aking desisyon.
“Uh, magpapanails nalang ako, Mommy.”
“Okay. Nandito lang kami ha,” sabi niya kaya tumango ako at nagpaalam sa kanilang apat.
Lumabas din naman ako at tiningnan ang chat ni Haze.
Anzai Haze:
I’m already here. Where are you?
Ginala ko ang aking mga mata at huminto muna. Nagtipa ulit ako ng reply.
Ako:
Nasa second floor. Magpapanail polish ako.
Hindi ko na hinintay ang kanyang reply at pumasok na sa isang Salon. Binati agad ako ng blonde na gay. I smiled at him.
“Yes, gorgeous? May I help you?”
Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan. May iilan na nagpapaayos ng kanilang buhok, kadalasan ay babae pero meron ring gays.
“I want a nail polish,” sabi ko at ipinakita pa ang aking mga kuko.
“This way, Ma’am…” Iginiya niya ako roon sa malaking couch.
Umupo ako roon at binigyan niya ako ng brochure. Mamili lang daw ako roon ng gusto kong style.
May panibagong pumasok. Nag-angat ako ng tingin at agad na nakita ang imahe ni Haze. Nakapamulsa pa ito suot ang gray na longsleeve, ang sleeves ay nakarolyo sa mga kamay, khaki shorts, black shoes plus his black glasses and disheveled hair. Parang nanuyo ang aking lalamunan, umawang pa ang aking bibig at hindi na makakurap. Oh Lord… You created a masterpiece! Sobra pa sa perfection ang kagwapuhan nitong si Haze!
“Oh lala…” Ang gay iyon, parang naging asong ulol nang makita ang kanyang kabuuan.
“Yes Sir?”
Napatingin si Haze sa akin. Itinuro niya lang ako.
“I’m with that girl over there,” aniya sa matigas na ingles at nilagpasan na iyong gay. Tinawanan pa ito ng kanyang mga kasama rito.
Kinagat ko ang aking labi at umayos sa pagkakaupo. Tumabi siya sa akin, ang kanyang pabango ang agad na nanuot sa aking ilong. Ang itim na couch ay nagmistulang maliit dahil sa kanyang kakisigan.
Hinubad niya ang itim na glasses at isinabit sa neckline ng kanyang suot. Ngumuso ako at hindi halos makatingin sa kanyang gwapong mukha.
“Anong bagay sa akin?” Ipinakita ko ang colors na naroon.
“Hmm…” He leaned closer, para lang matingnan iyon ng maayos. Kinagat niya ang labi, pinasadahan na iyon ng tingin. He smelled so nice! Ang sarap niyang yakapin lalo na’t niayayakap narin ako ng kanyang pabango.
“This one.” Itinuro niya iyong nude color.
“Okay.” Ngumiti ako at tiningnan na ang bading na nakay Haze parin ang mga mata.
Nasa tabi ko lamang siya habang sinisimulan nang ipolish ang aking mga kuko. Tahimik siyang nakahalukipkip at tinitingnan din ang paghawak noong gay sa aking daliri.
“He’s your boyfriend?” biglang tanong sa akin noong bading.
Nilingon ko si Haze saglit pero ibinalik ko rin sa harap ang aking mga mata. Nahihiya akong tumango, iyon nga lang ay hindi niya ako girlfriend. Hindi pa…
Ngumisi siya sa akin. “Nice taste…” At kindat pa sa akin.
Haze shifted from his seat. Noong nilingon ko ay magkakasalubong ang kilay, ang mga mata ay masama makatingin sa bading, o siguro ay halusinasyon ko lang iyon lalo na’t ganoon naman talaga ang kanyang mga mata, akala mo ay galit lagi.
He waited for me patiently. Makalipas ang ilang minuto ay natapos rin naman, at siya pa ang nagbayad. Nakipagtalo pa ako roon sa kanya pero sa huli, mas tinanggap noong bakla ang kanyang pera.
Namili narin ako ng mga damit. Bumuntot naman si Haze sa akin, tahimik lamang sa aking gilid. Hindi naman siya mukhang nabobored. He even carried my slingbag for me. Siya ang nagsuot noon kahit na magaan lang naman sana iyon, kaya hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil masyado siyang gwapo at manly tapos ang cute ng slingbag ko.
Napadpad kami sa mga brassiere. Dalawa lang kasi ang nadala ko at iyong isa pa ay nasira ang strap kaya iyon rin sana talaga ang plano ko ngayon.
Iginala ko ang aking mga mata. Ang mga babae ay nagtitinginan pa sa aking katabi na si Haze. Patay malisya nalang ako.
“Cup C area,” sabay nguso niya sa kanyang tinutukoy.
Namula ako sa kanyang sinabi at napagtantong naroon nga ang mga Cup C. How did he know my size?
“Bakit mo alam?” Tiningnan ko siya ng maigi.
“I’ve been watching it many times so I guess you’re Cup C,” pag-amin niya na ikinagulat ko.
Pwede palang ganoon?! Titignan niya lang ang dibdib ng isang babae tapos alam niya agad ang Cup ng dibdib? At umaamin talaga siyang tinitingnan niya ah?
Namumula akong nagtungo roon, nakasunod naman siyang nakapamulsa, tila wala lang sa kanya ang mga ganitong bagay.
“This one is better,” sabay kuha niya noong kulay pulang brassiere.
Tiningnan ko ang mga babaeng napapatingin sa amin. Mabilis ko iyong binawi kay Haze. Inangatan niya naman ako ng kilay.
Kumuha ako ng dalawa pa. Tinitigan niya lang ang ilang bra roon at tiningnan pa ang iilan. Hindi ba siya na-aawkward? Ako lang ba ang naaawkward? Feeling ko sinisilipan niya narin ako dahil sa paninitig niya sa mga iyon!
“How about panties?” suhestyon niya pa nang malalaki na ang aking hakbang patungong cashier.
Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata. Kinagat niya lamang ang labi at humabol pa sa akin.
“Take this, Miss,” ani Haze na humilig pa sa aking likuran nang makaabot ako sa counter at inilahad niya ang kanyang card.
“Ako na,” giit ko at gustong bawiin ang kanyang kamay.
“This is the purpose of being your boyfriend,” aniya.
Bumuntong nalang ako ng hininga at hinayaan siya. Kung balak niyang gastusin ang pera niya sa akin edi sige… bahala siya. Mas mabuti nga iyan nang makatipid ako rito sa America.
“Thanks…” sabi ko nang makalabas na kaming dalawa sa Department.
“Let’s eat first…”
Tumango ako at lumebel na sa kanya. Humawak ako sa kanyang braso at naramdaman ko agad ang kanyang pagkagulat, na parang napaso siya sa aking pagkakahawak doon.
Nagkatinginan kami. Mabilis na namungay ang kanyang mga mata sa akin, ang mukha ay agad na umaamo.
“Ayaw mo bang… hinahawakan kita?” I asked him curiously.
“Gusto… Gustong gusto ko,” he whispered sensually.
Kumalabog ang aking dibdib. His stares were deep and very intense. Para na akong maliligaw sa mga matang iyon.
“Ano pa bang mga gusto mo?” tanong ko habang naglalakad na kami.
Parang lasing na ang kanyang mga mata.
“Kung ano ang gusto mong gawin sa akin. Ikaw ang bahala…”
Nag-isip ako. Wala naman akong maisip dahil wala naman akong karanasan sa mga ganitong bagay. And he’s my first boyfriend. Wala talaga akong ediya sa mga ganito.
“Can you give me some suggestion?”
“Hmmm…” Using his free hand, he pressed his lowerlip.
“Wala akong maisip eh. But how about… kissing?”
“Kissing?” Ulit ko, dahil baka mali lang ang aking pandinig.
Tumango siya. “Yes. Kissing is like talking you know… If you’re speechless then you can talk using your lips… with mine…”
“So… If I’m speechless… I can kiss you instead?”
Tumango agad siya, namamangha dahil nagegets ko iyon.
Oh, I see…
Pero bawal pa ako roon. I think I am too young for that. Huwag nalang muna. I should reserve that… My Daddy said I should give my first kiss to someone who’s going to marry me, who’s only loyal to me. Hindi ko parin naman iyon nakakalimutan.
Pumasok kami sa isang Restaurant. Umupo siya sa aking tabi. Iginiya niya ang aking kamay sa kanyang hita at doon niya iyon ipinahinga.
Kaya habang naghihintay ng order, nag-uusap usap nalang kami ng kung anu-ano habang nakahilig siya sa mesa, ang buong atensyon ay nasa akin lamang.
“Pag pasukan na, magiging busy na ako. Eh ikaw?”
“Maybe I’ll work…”
Hindi pa siya sigurado?
“You’re already old. You should work,” sabi ko na ikiangat pa ng kanyang kilay sa akin.
“Money isn’t a problem, Elliana. You don’t have to worry. Kaya nga kitang buhayin kung gusto mo,” aniya, masyadong seryoso ang boses.
“May parents ako ’no.” I chuckled softly.
Bumaba ang mga tingin niya sa aking labi. His lips parted. Lumunok naman ako nang umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking labi, tila may binubura roon.
“You have a very soft lips…” namamangha niyang sabi.
I smiled cutely. “Thanks.”
“Masarap kagatin,” he even added, nag-iwas ng tingin kaya hindi ko na masyadong pinansin dahil baka namali lang ako ng pandinig.
17th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to JelsenLeila Legazpi. Happy reading!
Demon
Pagkatapos ng isang buwang bakasyon sa America ay nagpasya rin naman kaming umuwi. Naging maganda naman ang mga araw namin doon. Nagshopping, nakipagbonding kina Lolo at Lola, nagbeach, at kung anu-ano pa. Sinulit namin ang bawat araw namin doon kaya noong umuwi ay ramdam ko rin ang pagod sa byahe.
“Here!” Ibinigay ko kay Zera ang nabili kong pasalubong sa kanya sa umaga ng Sabadong iyon.
Napatingin siya sa inilahad kong paperbag. Ngumisi ako sa kanya. Binitiwan niya ang hawak na cellphone at kinuha na iyon sa akin.
Tumabi ako sa kanya at tahimik na pinagmasdan ang pagmamadali ng kamay niyang buksan iyon.
“This is a nice top. Thanks,” aniya nang makit ang loob at kinuha ang isang sleeveless top.
“You like it?” tanong ko habang pinapanood siyang tinatapat na iyon sa kanyang katawan.
Tumango siya, ang labi ay kumurba ng tipid. Humagikhik ako.
“How about mine?” Ang kabababa lang na si Kuya Hiro iyon, humihikab pa suot ang sleeveless shirt, nakashorts at indoor slipper.
“I think Kuya Blue bought some shoes for you, Kuya Hiro,” sabi ko.
Umangat ang dalawa niyang kilay at dinukot agad sa suot na short ang kanyang cellphone. May kung sino siyang tinawagan, ang isa namang kamay ay hinawak-hawakan ang kanyang kamay.
“Nasaan ang pasalubong ko? Ihatid mo rito,” utos niya roon sa kabilang linya, mukhang kausap na si Kuya.
Pinatayan niya agad ito ng tawag at sumulyap sa top na binili ko para kay Zera.
Bumili rin naman ako ng mga pasalubong kina Penny. Nagkita kaming apat sa isang cafe. Kasama ko si Zera pero nasa kabilang table siya at inienjoy ang kanyang slice of cake at kape, habang naka glasses pa suot ang top na binigay ko na pinaresan niya ng shorts short, at busy sa kanyang cellphone.
Sumama siya sa akin dahil mamimili rin kami maya-maya ng gamit para sa nalalapit na pasukan.
“This is so cute, Brielle! Thank you so much!” Lumiwanag ang mukha ni Penny nang tingnan ang mamahaling mini backpack na binili ko para sa kanya.
Mahilig kasi siya sa ganoon. May mga collection siya ng iba’t ibang bag kaya hindi ako nahirapang mag-isip kung ano ang ibibigay sa kanya.
“OMG! This is so elegant! Thank you!” si Lexy naman na malawak ang ngisi sa bracelet. Kung dito iyan sa Pilipinas bibilhin, siguro ay nasa mga 5k ata.
I smiled at her too at itinuon ang tingin kay Kiera na binubuksan palang ang paperbag. She loves stilletos. Kabisado ko naman ang kanyang size.
Inilabas niya ang box at nahulaan agad ng dalawa ang laman noon dahil sa paghahagikhikan.
“You’re going to love that,” sabi ko.
Sumulyap siya sa akin saglit sabay bukas noon. Kumurap siya at kinuha ang isang pares ng stilletos.
“Ang ganda!” si Penny iyon na kinuha narin ang isang pares.
Kinilatis iyong mabuti ni Kiera. Yumuko pa siya at hinubad ang suot na flats saka niya iyon isinukat.
Tiningnan din naming tatlo ang kanyang paa at bagay na bagay nga sa kanya iyong kulay nude na strap noon. Maputi siya kaya hindi mahirap maghanap ng babagay sa kanyang skin tone.
“Did you like it?” tanong ko habang naroon ang kanyang mga mata at tinitingnan ang bawat anggulo noon.
“Hmm… Okay narin… But I think it’s better if the color is silver or gold,” aniya.
Unti-unting napawi ang aking ngisi. Sumulyap siya sa akin kaya ngumiti ulit ako, pero hindi na gaanong maliwanag.
“Pero okay narin naman,” sabi niya, nginitian ako.
“Bagay sa’yo, Kiera,” ani Penny na ikinatango rin ni Lexy.
Nagkibit siya at hinubad nalang iyong muli, gusto nang ibalik sa box. I suddenly feel awful. Ang sarap niyang prangkahin na dapat ay naaappreciate niya ang binibigay ko eh kung tutuusin hindi ko nga dapat siya binibigyan kasi nag-aaksaya lamang ako ng pera pero mas pinili kong bigyan siya. Parang kasalanan ko pa dahil hindi ko nabili ang gusto niya.
Inspite of the bitter taste, I remained calm, nagpapanggap nalang na wala iyong epekto sa akin kahit na iba na ang tumatakbo sa aking isipan.
“Oo nga pala… About Haze…” pag-iiba niya ng topic.
Nilingon ko saglit si Zera na medyo malayo naman sa amin at mukhang may sariling mundo roon, walang pakialam sa kanyang paligid kaya ibinalik ko ulit ang mga mata kay Kiera.
“I’m sure you two are texting and calling each other. Magkikita ba kayo ulit? When?” Humilig pa siya paabante, seryoso na.
Isinabit ko ang tumakas at nalaglag na hibla sa aking balikat.
“Uh… Magiging busy kasi ako these days kaya baka…”
I saw how she got disappointed. Humalukipkip siya, nakaangat na ang kilay.
“So next summer mo na balak ulit?” tanong niya, matabang na ang boses.
Tumango ako, tinitingnan din sina Penny at Lexy na naninimbang lamang ang mga mata sa akin.
Natawa ng matabang si Kiera. “Baka nagkikita na kayo ng palihim ha. Baka nagbago na iyang plano mo at pinapasakay mo lang kami.”
Ngumuso ako at palihim na pinisil ang aking mga daliri. So what? Pakialam niya roon? At bakit niya ba ako dinidiktahan sa desisyon ko? Ano ngayon kung magbago?
Iyon ang gusto kong isampal sa kanya kaso ay wala akong sapat na lakas na kalabanin siya. She’s my friend…
“Hindi naman nagbabago,” sabi ko. “Sadyang busy lang talaga eh matatapos narin ang summer.”
“Baka kasi tinatraydor mo na pala kami para lang sa isang lalake…” She eyed me seriously.
Natawa ako roon, kahit sina Lexy at Penny ay ganoon din.
“Hindi rin naman naging kayo, Kiera. Hindi mo iyon matatawag na pangta-traydor,” marahan kong sabi, hindi na napigilan ang bibig.
Nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay nagulat ako, kahit siya ay nanliit ang mga mata sa akin, sina Lexy at Penny ay natigilan din.
“Ano? Are you bluffing now, Brielle? Are you falling inlove with Haze?” Mas lalong nanliit ang kanyang mga mata, na pag nagkamali ako ng sagot ay sasabog na ito sa galit.
“I think it’s inevitable, Kiera. Sino bang hindi mahuhulog kay Haze?” si Lexy na iyon, nakisali na dahil sa namumuong tensyon.
Tumango rin si Penny, sang-ayon.
“We can’t blame Brielle if she-”
“Shut-up, both of you! Payag lang kayo na lumiko si Brielle dahil lang sa lalake at traydurin tayo? Payag kayong ipagpalit niya ang friendship natin over that… that ruthless man?” putol niya sa dalawa, nanlilisik na agad ang mga mata.
Nilingon kong muli si Zera na nag-angat na ng tingin dito. Lumunok ako at tiningnan muli si Kiera na kinalma agad ang ekspresyon nang mapansing narito narin ang mga mata ng aking pinsan. She smiled at me.
“I mean, Brielle… We’re great friends at ayoko lang namang masira tayo ng isang lalake. It’s our deal, as great friends… Dapat ay sumunod ka. This is just a challenge… Pero pag lumiko ka, para mo naring pinatunayan sa amin na kayang kaya mo kaming talikuran para lang sa isang lalake, ’di ba? At pag sasaktan ka ni Haze? Kanino ka tatakbo? Sa amin parin,” she said, trying to control her voice.
I smiled back at her. My stomach feels empty. Iyong parang may nakapasok na hangin at masyado akong lutang. Hindi ko mapunto ang pinipilit niya. O kahit napupunto ko ang gusto niyang ipilit ay ako ang may ayaw, ako parin ang lumiliko at hindi gusto ang kanyang plano.
“Pinapahulog ko parin naman si Haze sa akin. Gusto kong mabaliw muna siya para pag binitiwan ko ay lumagapak siya sa sahig. Iyon ang gusto mo, hindi ba?”
She smirked at me, this time ay mas nakakaloko na. Sina Lexy at Penny nalang ang hindi magawang makangiti man lang.
“I trust you Brielle… Alam kong gagawin mo rin ang ginawa ni Zera. At baka nga ay higitan mo pa ang pananakit kay Haze. Delafuente ka. Niluluhuran ka dapat. Ikaw dapat ang palaging nasusunod. Hindi si Haze,” she said it with so much power.
Tumango ako, pilit iyong iniintindi at nilingon muli si Zera na ngayon ay nakahalukipkip na, tila naiinip na roon sa kanyang silya.
“I know, Kiera…” bigkas ko, kulang nalang ay ilabas iyon sa aking ilong sa sobrang gaan ng pagkakasabi.
“Noong wala ka, hindi rin namin namataan si Haze sa mga galaan niya. He’s also absent. Naghinala nga kami baka magkasama kayo pero imposible naman dahil nasa America ka.” Tumawa si Penny at nailing, na isa iyong kahibangan.
I tried to smile, too, sobrang pilit nalang at pakiramdam ko ay mahuhulog ako ano mang oras sa aking upuan dahil sa kanilang hinala.
“Lulubog lilitaw rin naman kasi iyang si Haze. Baka nabusy lang sa iba niyang babae,” ani Kiera.
“Or maybe he’s working?” si Lexy iyon, nakalagay pa ang index finger sa baba at halata ang pag-iisip.
“Siguro nga,” sabi ko at uminom ng aking frappe.
Mabuti nalang talaga at wala silang ediya sa ibang lakad ni Haze, na nangibang bansa rin ito. Imagine, Elle? Para lang biglang naisipan ni Haze na gumala sa America. Nagtungo sa airport nang walang dala ni isa kundi wallet at passport lamang at naisipang sumakay sa eroplano. Who would even think na iyon lang pala ang purpose niya kaya siya lumipad sa ibang bansa?
Siniko ako ni Lexy, kahit si Penny ay may nginuso na sa aking likuran. Ang pagtuwid palang ni Kiera sa pagkakaupo ay alam ko na agad na napugto na ang pasensya ni Zera sa paghihintay at nagtungo na rito.
“Matagal pa ba?” tanong niya sa matabang na boses, nang makarating na rito.
Nasa kanya na ang aming mga mata. Si Kiera agad ang ngumiti at pinaghila ng upuan si Zera, para doon sana ito paupuin.
“Umupo ka muna Zera. Sumali ka sa amin,” aniya, malambing ang boses.
Zera showed no interest. Humalukipkip siya at umangat ang kilay, hindi man lang sumulyap sa kanya.
“I don’t speak Chinese,” aniya na ikinakunot ng aming mga noo.
Tumawa sina Lexy at Penny, ako naman itong hindi magawang makangisi dahil alam ko kung saan malalaglag ang usapang ito.
Tumayo ako at niligpit ang aking gamit. Handa nalang umalis dahil halata namang walang balak sumali ng aking pinsan.
“Hindi naman kami mga Chinese dito, Zera,” si Lexy ang sumagot, natatawa pa habang isinasabit ang tumakas na buhok sa tainga.
Sumulyap ako sa kanila saglit at ibinalik muli sa pinsan kong nakaangat na ng husto ang kilay.
“Oh really? Mga made in China tapos hindi marunong magchinese? Ah… Magaling lang sa pampaplastik…” Sabay irap at talikod na “Hurry up, Elle.”
Lumunok ako at natawa nalang, taliwas sa tatlo na napawi na ang mga ngiti dahil sa sinabi ni Zera.
“Alam niyo naman na ganoon talaga siya pero joke joke lang ’yon. B-Bye…” sabi ko at tiningnan ang tatlo na masyado na atang naiintimidate sa aking pinsan, na kahit si Kiera ay ramdam ko ang pagsisisi niyang alukin pa ito ng upuan.
“We understand… Sige bye, Brielle,” ani Lexy at ngumiti, ganoon din si Penny pero pilit nalang habang si Kiera ay humalukipkip pa sa upuan, seryoso na ulit ang mukha.
Kinawayan ko nalang sila saka ako humabol kay Zera na naroon na sa may pinto.
Lumabas kaming dalawa at nagtungo sa parking lot kung saan naghihintay ang driver. Kapwa kami pumasok sa backseat, ang kanyang mukha ay lumukot pa.
“Hindi ka ba napapagod kasama ang mga plastik na ’yon?” ani Zera, halata ang iritasyon sa tinig habang binubuksan ang laman ng kanyang sling bag.
“Minsan…” Nagkibit ako at ngumiti.
Umangat ang kilay niya sa akin, hawak na sa kamay ang polbo na nakuha niya sa loob ng kanyang bag.
“And? Ba’t di mo pa tinatapon sa trashcan ang mga bagay na hindi na napapakinabangan?”
Ngumuso ako. “Pwede ko ba silang itapon sa trashcan?”
Nanliit ang kanyang mga mata sa akin, kulang nalang ay ipokpok sa akin iyong hawak niyang polbo.
“Figurative speech, abfuckingnormal!” Umirap siya at nilagyan ng powder ang kanyang palad.
Sinuklay ko ang aking buhok at ayaw nalang isaboses ang aking rason. Ayoko namang isipin niyang nanglilimos nalang ako ng atensyon sa iba dahil takot akong mag-isa. She’ll just diss me for that. Tatawagan niya akong mahina.
Tumahimik din naman siya pagkatapos magpolbo, nakatutok na sa kanyang cellphone at mukhang may katext siya roon. Noong sumilip ako, nakita ko ang pangalan ni Irah. They’re texting…
“Sasama si Irah?” tanong ko, nang aksidenteng masilip ang iba niyang reply.
She glance at me, matalim agad ang tingin.
“Tsismosa.” Inilayo niya ang cellphone.
“Sasama siya? Bale okay rin kung marami tayo para hindi ka mabored sa lakad kasi nandiyan siya,” sabi ko nalang, inunahan na at ngumiti sa kanya.
She flipped her hair in a very maarte way. Namangha ako saglit sa kanyang ganda at resting bitch face niya pero binura ko rin naman agad iyon sa aking mukha.
“Yes. She’s going to buy some stuff, too. She’s with Franca.”
Tumango ako. “Mabuti naman. Kaysa kung tayo lang dalawa.”
Hindi na siya kumibo sa bagay na iyon kaya nagpanggap nalang rin akong busy sa aking cellphone. Ang bumungad din naman sa screen ay ang text ni Haze na ikinagulat ko. Binuksan ko iyon, halos nag-iingat at pasulyap-sulyap kay Zera na wala naman atang pakialam sa pinagkakaabalahan ko sa kanyang tabi.
Inihulog ko ulit ang tingin sa screen ng cellphone para makapagtipa ng reply.
AnzaiHaze:
You’re not planning to text me this day?
Ako:
Bakit?
Bago ko pa maialis ang tingin ko roon pagkatapos kong maisend ay nagreply agad ito, tila nakaabang lamang sa kanyang cellphone.
AnzaiHaze:
Your boyfriend is waiting, you know…
Kinagat ko ang aking labi at sinikap na hindi mamula. Sumulyap muna ako saglit kay Zera na nasa bintana na ang tingin saka ulit ako nagtipa ng mabilis na reply para kay Haze ako.
Ako:
Anong klaseng text ba ang hinihintay mo?
Tumingin narin ako sa labas ng bintana at itinaob ang aking cellphone sa aking kandungan. Hinabol ko ng tingin ang mga matatayog na building na mabilis ring nawawala dahil sa pag-usad namin.
Nagvibrate ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong chineck.
AnzaiHaze:
Like goodmornings? Lunch? Your plans? Or update me anything lalo na sa mga lakad mo.
Gusto niya bang nakakatanggap ng ganoong text sa akin? Nagtipa ako.
Ako:
Okay sige. Iaapdate kita.
Katext ko lang si Haze habang nasa Mall na kami ni Zera. Hindi ako masyadong nagpakabusy sa aking cellphone lalo na’t ayoko ring mairita ang aking pinsan at baka isipin niyang iyon pa ang inuuna ko.
Nasa Department na kami nang sumulpot sina Irah at Franca. Irah is wearing a denim jacket with white tube top, plus jeans and heels. Halos pulutin ko ang pagkalaglag ng aking panga dahil naka bun pa ang kanyang buhok while Franca is very innocent in her simple white dress.
“Hi Elle…” she smiled at me, masyadong malaanghel ang ngiting iyon kaya napangiti agad ako pabalik.
“What’s with the navel? Tingin mo ba kameet-up mo ang pinsan ko at masyado kang sexy?” Iritadong puna ni Zera sa damit ni Irah, ang dalawa na ngayon ang magkatabi lalo na’t umabante si Zera sa kanyang gawi.
Whose cousin?
“Kasama kita kaya aangatan kita,” sagot naman ni Irah, nakataas pa ang isang kilay.
“Kaya ka nagheels? And you think you can top me with that, Buenaventura?” si Zera naman.
Nagngitian nalang kami ni Franca. Tumabi siya sa akin at chineck ang aking kabuuan.
“How old are you again?” tanong niya sa marahang boses.
“Um, kaka eigtheen ko lang…” sagot ko, halos manliit sa mga mata niyang sinasalamin ang kanilang angkan.
She chucked cutely. “Talaga? Mas malaki pa ang dibdib mo kay Irah at Franca.”
Sabay na napalingon ang dalawa, matalim agad ang tingin kay Franca na bumungisngis lalo ng marahan.
“Dinaig kayo ni Elle eh mas matanda kayo ng ilang buwan sa kanya,” aniya.
Sabay rin naman silang umirap kaya ako itong nahihiya. Sumulyap muli si Franca sa aking dibdib at sa aking gulat ay pinisil niya pa iyon.
“Your boob is so soft…”
Napaatras ako, hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. She smiled innocently again.
“Ang inosente mo naman. Babae rin ako, Elle… Am I the first person who…” Hindi niya iyon madugtungan, pero sa paninitig niya ay halatang may pinaparating iyon.
Umaabanta na sina Irah at Zera, iniiwan na kaming dalawa kaya humabol ako, nililingon narin si Franca na naglalakad sa aking tabi, nacucurious parin ang mga mata.
“Walang lalake ang nagpapalaki niyan? Bale inborn?” tanong niya na ikinagulat ko.
“H-Huh?”
“I mean… Akala ko may boyfriend ka kasi ang laki ng dibdib mo. At ganoon ka kasi kagulat kanina noong pinisil ko.” Humagikhik siya.
Paanong hindi ako magugulat?! Sinong matinong babae ang bigla bigla nalang mamimisil ng dibdib ng kapwa niya babae? Parang ang awkward naman ng ganoon! Bakit niya pipisilin ang boobs ko? Anong purpose noon? She’s crazy! And what is she talking about?
“Wala pa akong boyfriend,” sabi ko, gustong dumistansya sa kanya dahil masyado siyang nakakaintimidate kahit panay naman ang kanyang ngiti sakin.
“I’m sure your boyfriend will squeeze your boobs if you find one…”
W-What?! Namula ako roon ng husto, hindi kinakaya ang kanyang pinagsasabi at mas lalo lamang natatakot.
“Hindi naman ako papatol sa manyak,” sabi ko na ikinatawa niya, masyadong malaanghel ang boses na iyon.
“Kawawa naman kayo ni Nana. Ang iignorante niyo,” she giggled.
Gusto ko sanang maoffend kaso masyado siyang anghel tingnan at ang bait bait niya rin kaya hindi ko magawang masaktan sa kanyang sinasabi dahil narin sa rahan ng kanyang boses.
“Pag nagkaboyfriend ka, normal lang na hahawakan ang dibdib mo. It’s their favorite hobby… May iba kasi na pag hindi mo pinahawak, nagagalit.”
Lumunok ako, ang bagal bagal nalang ng paglalakad dahil sa pakikipagkwentuhan sa kanya.
“Eh bakit ka magsesettle sa ganoong lalake kung babastusin ka lang pala?” I asked curiously.
Kaya nga sabi ni Daddy, dapat choose wisely. Hindi dapat puro pisikal lang. Dapat iyong panloob din.
Sumulyap muna siya sa harap saka ibinalik ulit ang malamig na mga mata sa akin, taliwas sa maliwanag niyang mukha ang naaaninag kong dilim doon.
“Pag ayaw mong ipahawak, may iba naman na hindi mag-iinitiate. Minsan kasi, para sa mga boys… nakakawala ng pagod pag pinipisil nila ang dibdib mo.”
Huminahon ang aking mukha. Medyo bastos parin pakinggan pero unti-unti ko namang nauunawaan.
“Talaga?”
Tumango siya sabay ngiti.
“Yep… Pag may boyfriend kana, hahawakan niya ang boob mo. He’ll squeeze it to make him feel better…”
Naisip ko agad si Haze. He’s my secret boyfriend! Hindi kaya ay may plano rin siyang ganoon? I should ask him!
Kaya noong dumating na kami sa area ng mga school supplies ay palihim kong tinext si Haze.
Ako:
Do you want to squeeze my boob?
Isinilid ko iyong muli sa aking sling bag at nagfocus sa pamimili ng magandang design ng aking binder. Si Franca ay naroon sa aking unahan, may mga dinadampot din na binder at seryoso pa. Sina Irah at Zera naman ay nagkasama at mukhang may pinagtatalunan pa.
Nagvibrate ang aking cellphone. Ibinaba ko muna iyong napili kong black na binder ganoon din ang basket sa sahig at may bungo na desinyo para silipin ang text ni Haze. Binuksan ko iyon.
AnzaiHaze:
Tangina?
Bumusangot ako sa kanyang pagmumura. Sumunod pa roon ang sunod na text?
AnzaiHaze:
Who fucking told you that?
Sumulyap muna ako kay Franca na walang kamalay-malay roon sa unahan, masyadong nawiwili sa pamimili dahil naroon ang buo niyang atensyon. Ibinalik ko ulit ang aking mga mata sa aking cellphone.
Ako:
Si Franca. Pinisil niya ang dibdib ko.
Isinilid ko ulit sa slingbag ang cellphone at muling hinawakan ang handle ng basket. Dumampot akong muli ng magagandang binder na nakita ko, pero bago pa makapagdesisyon kung ano ang kukunin ay nagring na ang aking cellphone sa aking slingbag. Napakadisturbo naman nitong si Haze!
Dinukot ko nalang iyon at umabante sabay pindot noong answer button.
“Yes Haze-”
“Franco? He did what? Anong pinisil ang dibdib mo? Where are you?” His voice sounds very desperate, na kung nasa harapan niya lang siguro ako ay makikita ko sa kanyang ekspresyon ang namumuong galit.
So totoo nga! He sounds very guilty! Nagmumukha siyang defensive!
“It’s not Franco. It’s Franca… Family friend namin at-”
“Full name. Address,” matigas na ang boses na iyon.
“Huh? Babae si Franca ah! At hindi iyon pwede! B-Boyfriend kita at dapat focus ka lang sa akin…” halos ibulong ko nalang iyon, nagtatampo na dahil sa pagtatanong niya tungkol kay Franca.
Medyo natahimik siya roon sa kabilang linya. Umabante akong muli at patingin tingin nalang sa mga nakadisplay na binder.
“Why did she fucking squeeze your boob?” Iritang irita ang boses na iyon, bumubuga pa ata ng mararahas na hangin sa kabilang linya.
“Ewan ko… Nagulat din ako… Siya rin ang nagsabi na… na iyon daw ang ginagawa ng mga boyfriend. Iyon daw ang hobby niyo. So… So, do you want to… um…”
Tumahimik si Haze kaya nagkaroon ako ng tsansang bigyan ng pagkakataong dumampot ang isang binder. Iyong kulay beige na ang aking inihulog sa loob na basket lalo na’t may desinyo iyong sunflower.
“You are so innocent and I don’t want to corrupt your mind but yes… It’s one of my fantasies,” he said in his deep voice, almost a whisper.
Nangilabot ako roon. Natigilan pa ako sa paghakbang at hindi alam ang mararamdaman sa aking nalaman. H-He’s going to squeeze my boob like how… like how Franca squeeze mine?
At ano raw? It’s one of his fantasies? E-Edi pinagpapantasyahan niya ako?
“But after marriage,” agaran niyang pahabol nang napagtantong hindi na ako umiimik.
Mas namilog ang aking mga mata. H-He’s planning to marry me?!
“Pero akala ko ba hindi mo ako type?” Natawa ako roon, kahit na nagugulat parin.
Tumikhim siya. “I am your boyfriend. Mukhang wala na akong choice kaya…”
“Kaya pipisilin mo na ang dibdib ko?”
“Yes… I mean, no! Fuck.” Natataranta ang boses niya noong binawi niya ang kanyang sinabi. Uminit ang aking pisngi.
“Okay lang naman,” sabi ko, masyadong mahina ang pagkakasabi.
Humalakhak siya. “You don’t know what you’re talking about, Elliana.”
“Alam ko kaya! It’s one of the boyfriend’s hobby and it’s inevitable! Okay lang, Anzai…”
Plus naririnig ko rin iyon sa mga pinsan ko ’no! They’re talking about cup sizes. Ngayon, alam ko na ang purpose. They want to make themselves feel better. OMG!
“No… I will wait until you’re ready…” he whispered sensually.
“Boyfriend naman kita kaya ready na ako. Just don’t squeeze it harshly. I’ll let you do it so you’ll feel better…”
Narinig ko siyang magmura. He sighed heavily.
“That girl named Franca… Tell her she’s a fucking demon.”
18th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Serene Pag-inig Imperial. Happy reading!
Practice
After buying school supplies ay kumain din naman kaming apat. Pasulyap sulyap lamang ako kina Zera at Irah. My cousin talks alot while Irah is just beside her, nakikinig din naman at sumasagot sagot.
Franca chuckled beside me. Nagulat ako roon at napagtantong siya pala ang aking katabi. Umupo ako ng tuwid at pasimpleng iginala ang tingin, lalo na’t hinihintay nalang namin ang aming order.
“Ang seloso at selosa niyo talaga,” aniya, sapat lamang na marinig ko.
Napatingin ako sa kanya at wala sa sariling itinuro ang aking sarili. Tumango siya at dinampot ang baso ng tubig saka sumimsim doon. Inilapag niya iyong muli at humilig sa mesa.
“Anyway… How’s Nana?” tanong niya, masyado paring marahan ang boses.
“Okay lang naman siya. Pinagpatuloy niya roon ang pangarap niyang Fashion design.”
Tumango siya. “She’s good at it. Baka nga ay sumikat pa siya. Marunong narin ba siyang mag-ayos? Hindi na manang at baduy manamit?”
Alam kong baduy manamit si Nana at iyon ang madalas sabihin ni Zera, pero iyong marinig rin kay Franca ay nakakagulat talaga. Di ko alam kung nanlalait ba siya o ano.
“Maayos naman ang mga damit niya,” sagot ko, pilit inaalala sa aking isipan ang mga sinusuot ni Nana pag bumibisita kami sa Canada.
“I see… Inosente parin?” she chuckled softly.
Tumawa narin ako, hindi alam kung tatango o iiling. Pero naririnig ko kay Tito Jimin na nahahawa raw iyon sa pinsan niyang si Heluisse. Marunong na raw makipagsocialize si Nana roon, ani Tito Jimin.
“Pag masyado ka ring inosente, baka matulad ka kay Nana na nauuto lang. That’s very sad.” Sumimangot siya sa akin.
Pinisil ko ang aking mga kamay na nasa kandungan.
“Hindi ako magpapauto ’no. Feeling ko marunong akong bumasa ng ugali ng isang tao…”
Tumawa siya, nailing. “Feeling…”
Gusto ko rin sanang idagdag na may itinuturo naman si Haze sa akin para hindi agad ako mauto pero ikinimkim ko nalang iyon sa aking sarili.
Si Franca lang ang kausap ko buong oras na iyon. Kung anu-ano lang naman ang kanyang tinatanong at kung anu-ano lang rin ang aking sinasagot. Medyo kumakalma rin ako dahil nariyan siya at may kausap ako lalo na’t si Irah at Zera ay halos ayaw na atang madisturbo.
Hindi na nasundan ang lakad na iyon sa mga sumunod na araw. Hindi narin ako gumala dahil wala naman akong kasama lalo na’t ayoko ring sumama kina Penny, Lexy at Kiera dahil alam ko ang balak nila ay pilitin akong akitin si Haze. I’m contented with our texts and calls everyday.
Noong pagpasok ulit ng klase ay kulang nalang lagnatin ako sa rami ng mga tao. Maraming bumabati sa akin na kakilala at nginingitian ko na lamang. Some of them were familiar, some were not. Kaya ayun, may mga subjects ako na kaklase parin sina Lexy, Penny at Kiera kaya no choice ako kundi sa kanila parin dumikit since Zera is always with Irah again. Minsan naman ay nagkakasabay kami tuwing breaktime para kumain, pero may mga araw na si Kiera rin ang aking kasama, dahil nga ay magkatulad ang aming break time.
Pag nasa school, hindi ako nakikipagtext kay Haze dahil baka mabuko rin ako ni Kiera na busy ako sa aking phone at ayokong pati ang aming mga pag-uusap ni Haze ay halungkatin niya pa. I want to keep it in private.
“After college, anong trabaho ang papasukin mo?” tanong ni Peny, kami lamang dalawa ngayon sa Restaurant.
Lumabas kami dahil ang crowded din ng cafeteria. May mga malalapit din naman kasing Restaurants and cafe sa BTSU.
“Hindi ko pa alam eh. Siguro I’ll work with my Kuyas…” sabi ko habang ginagalaw ang aking pagkain.
“What?” Tumawa siya. “You’re still dependent with your brothers after college?”
Tumigil ako sa paghahalo ng aking carbonara at tiningnan siya ng mataman. Nailing si Penny.
“Ayaw mo bang maging independent, Brielle? I mean I know you’re also dependent with us kasi napapansin ko naman iyon. Palagi kang may kasama. Pero ayaw mo bang maranasan na… na ikaw lang mag-isa?”
Nagulat ako. M-Masyado bang obvious ang pagiging clingy ko sa ibang tao? Is it a bad thing? But I don’t want her to know my weakness. I’m afraid they’ll make fun of me.
“Hindi ako takot mag-isa ’no.” Tumawa ako. “I mean… Makikisosyo ako kina Kuya para lumago agad ang sarili kong negosyo. Sa business, kailangan mo rin ng mga partners, investors, mga maaasahan… Iyon ang tinutukoy ko.”
Kumalma naman ang kanyang ekspresyon at sumubo ng pagkain. Sumubo narin ako, pilit nalang pinapakalma ang sarili.
“Opinyon ko lang naman ah… You should stop being too dependent… Masasanay ka kasi niyan at baka hindi kana marunong tumayo sa sarili mong paa. Worst, pati desisyon mo, kahit may sarili ka naman, ay iaasa mo narin sa opinyon ng iba. Like Kiera… She’s our friend… Yes. Pero dapat ay hindi mo hinahayaang diktahan ka niya sa mga desisyon mo. If you’re against with it, marunong kang humindi. You should learn to say no because it’s your right, Brielle.”
Nagloosen ang aking balikat doon. A-Am I too obvious?
“Delafuente ka kaya ikaw dapat ang niluluhuran, hindi ba?”
Ngumuso ako at nalaglag muli ang tingin sa aking carbonara. Hindi ako sanay na nakakakuha ng advice sa iba, lalo na kay Penny. I don’t share my problems with anyone. Feeling ko kasi pagtatawanan lang ako sa pagiging mahina. Mga casual lang naman ang pinag-uusapan namin minsan. Bale ngayon lang talaga naging ganito.
“Baka kasi dumating ang araw na mapahamak ka sa kakasunod sa desisyon ng iba. As your friend, and as a promise to your Kuya Kaizen, we will guide you. Or at least I’m willing to guide you…” she chuckled.
I chuckled, too. Hindi ako masyadong nagpakita ng pagkabahala sa kanyang sinabi. Nakikinig lamang ako sa kanya.
“Ang shallow lang naman noong mga dinidikta ni Kiera sa akin. Sarili ko parin naman ang masusunod,” sabi ko sa marahang boses.
“Yep. And you should stop pleasing others, too. We’ve been friends since highschool. Ngayong college lang talaga tayo naging close dahil nagiging kaklase kita sa iba kong mga subject. Kahit papaano ay nababasa narin kita.” Humagikhik siya.
Oh right… Penny Salazar. Naging kaibigan ko nga rin pala siya noong highschool pero iyong pansinan lang sa corridor pag nagkakasalubong. Maarte siya at kikay. She’s the daughter of Governor Salazar and her Mommy is a license engineer.
Naalala ko pa noon she used to give me gifts. Isa rin siya sa naiimbitahan tuwing birthday ko. Kumpara kina Lexy at Kiera, Penny is somehow different.
Pero kahit na may mga memories naman kami, parang ang hirap paring mag-open up sa kanya. Pakiramdam ko pag nalaman niyang nagpapanggap nalang ako minsan ay magagalit siya. Pag nalaman niyang ginagamit ko lang sila dahil no choice ako at walang kasama, natatakot lamang mag-isa ay lalayuan na nila ako. Ayoko namang mahulog sa ganoon ang friendship namin. I think we have those shared moments that’s worth keeping…
Noong Miyerkules ay sina Irah at Zera ang nakasabay ko sa break time. Tahimik lamang ako sa aming table. Zera is very noisy, tila iniinis si Irah na halatang napipikon din sa aking pinsan. Imbes na magselos ay natuwa na lamang ako. Noong last summer kasi ay ang tamlay tamlay ni Zera. Alam kong affected siya roon sa issue na binabato sa kanya ni Keesha kaya ngayon na bumabalik ang kanyang sigla ay natutuwa nalang din ako. Pero nakakalungkot kasi ako iyong gusto siyang pasayahin pero sa ibang tao niya hinahanap. Ako iyong nariyan para sa kanya pero hindi niya nakikita. It’s really sad…
“Elle!” Zera snapped her fingers infront of my face.
Nagulat ako at mabilis na bumalik sa aking sarili. Nanliit ang kanyang mga mata. Si Irah ay nasa akin narin ang tingin.
“You’re spacing out again,” sabi niya, iritado ang boses.
“H-Huh? Ano ’yon?” Nataranta ako.
“Sabi ko salinan mo muna ng tubig ang bottled water ko,” aniya at itinuro iyong fountain sa labas ng cafeteria.
“Ah… Okay.” Tumawa ako at tumayo.
Nailing si Irah sa akin, si Zera naman ay ibinalik ulit ang atensyon sa kanya. Kinuha ko iyon at pabiro nalang na humagikhik. Nang makalayo ay bumuntong nalang ako ng hininga at lumabas ng cafeteria.
Sinalinan ko iyon. Masyado akong nag-ooverthink kaya minsan ay hindi na ako makafocus. Ang rami rami ko kasing iniisip na hindi naman dapat isipin. Ang rami raming nagpapabigat sa utak ko kahit dapat ay wala naman doon. It’s making me unhappy.
Pagkabalik ko ay inilapag ko iyon sa kanyang tabi. Tapos na silang dalawa at ako itong nangangalahati palang.
“She’s dependent with her brothers kaya ganyan. Masyado kasing binibaby kaya ang bagal bagal,” ani Zera nang humalukipkip, hinihintay akong matapos.
“Wala akong gana kasi. Pwede na tayong umalis. Tara?” Tumayo narin ako, ayaw nang magpahintay pa.
Tumayo narin silang dalawa. Nauuna na si Irah, parang ayaw nang humalo sa amin.
“Maglalibrary ako,” aniya.
“I’m going too…” si Zera naman na pumapantay narin sa kanya.
Nilingon nila akong dalawa. I… I don’t like libraries… Nakakaiyak ang katahimikan doon. Umangat ang kilay ni Zera sa akin. Umiling nalang ako.
“Just be with your friends,” sabi niya bago tumalikod ulit at nakipag-usap kay Irah.
Nanginig agad ako. S-Sino naman? Lumabas nalang din ako at naghanap ng pwedeng kasama. I still have my one hour…
Lahat ay may kanya kanya namang ginagawa. Halos maiyak na ako sa pag-iisa. Dinukot ko ang aking cellphone at napansin ang panginginig ng aking daliri. Mabilis kong tinawagan si Kuya Red. Luckily, sinagot niya naman iyon kaya nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan.
“Kuya…”
“Hmm? May problema ba?” Ang boses na iyon ay halatang nag-aalala agad.
Mabilis akong umiling kahit hindi niya makikita.
“Pwedeng pumunta ako sa classroom niyo? Makikiupo lang ako sa likod. Breaktime ko kasi at…”
“Where’s Zera?” tanong niya.
“Uh… Busy siya eh. Naroon sila sa library. Ayoko naman doon. Diyan nalang ako.”
“Kumain kana ba?”
“Hindi ko natapos pero busog naman ako.”
He sighed. Kinagat ko ang aking labi.
“Lalabas nalang ako total tapos narin ako sa Quiz. Nasaan ka ba?”
“Hi Brielle!” Mga grupo iyon ng mga babae, bumabati sa akin dito sa inuupuan kong bench.
Ngumiti ako sa kanila at kumaway narin.
“Nandito sa harap ng building niyo. Nakaupo ako sa bench…”
Tumingala ako. Tiningnan ang iilang mga estudyante na bumababa at umaakyat sa mga palapag.
“Palabas na,” ani Kuya kaya kumalma rin naman ang aking pakiramdam, medyo nabubunutan ng tinik.
Pagkarating niya ay ngumisi agad ako. Nailing siya at inakbayan ako, sinusuklay pa ang aking buhok kaya niyakap ko siya.
“Isang oras ang break time ko… Wala akong kasama,” sumbong ko sa maliit na boses.
“I thought you’re with your friends?” Dinungaw niya ang aking mukha.
“Kay Zera ako sumabay ng lunch kaso naglibrary sila ni Irah,” sabi ko at nagloosen pa ang aking balikat.
“Kumain nalang tayo.” Hinagkan niya ang aking ulo habang naglalakad kaming dalawa.
Okay naman siguro na maging dependent muna ako kina Kuya. Eighteen pa naman ako eh. Siguro pag nasa nineteen or twenty na ako ay pwede nang hindi. Magsisikap na talaga akong maging independent para hindi ako nakakaabala sa kanila.
Kumain kaming dalawa. Lumabas kami ng school at sa isang Restaurant kami nagpasyang magpalipas ng oras. Sinamahan ako roon ni Kuya hanggang sa next subject ko na ulit.
Tuwing uwian ko lang katext si Haze. Nagtatawagan parin naman kami tuwing gabi. Minsan ay nakakatulog pa ako sa sobrang pagod sa school sa mga dumadaang araw. Ang rami-rami kasing gagawin. Pag nagigising ako ay nakatambak nalang ang kanyang mga text at hindi ko na naman narereplayan dahil magmamadali na akong maligo para sa pagpasok sa school.
Naging ganoon lang ang routine ko. Naging madalas ang pagdikit ko kina Kiera. Ang panay niyang topic ay ang kanyang mga plano this Summer.
“How about we find another guy for you?” suhestyon niya habang nasa cafe kaming apat sa Biyernes na iyon ng buwan ng Oktobre.
“Like… Hindi na si Haze?!” si Lexy iyon, nagugulat. “OMG!”
Nagkatinginan kami ni Penny. Ngumisi naman si Kiera sa akin.
“Mag Bar ulit tayo this summer and let’s see how Brielle seduce some stranger infront of us! Oh diba! Exciting iyon! Right, Brielle?”
Nasa akin na naman ang kanilang mga mata. Tumango nalang ako at humagikhik.
“Sure! That’s so easy!” Tumawa ako.
Pumalakpak si Lexy. Si Penny ay tumango nalang din at ngumiti while Kiera is smirking.
“We need to find another boytoy for Brielle since she’s going to dump Haze this summer. He’ll dump her in public… after their drag race. Imagine… Ang raming elite na manonood… Ang rami-raming makakasaksi ng pagiging heartless ni Brielle! And I’m sure pag nalaman ng iba na Delafuente siya, expected na agad iyon sa kanilang angkan. Ang galing ’di ba!” she said with so much amusement in her face.
Hay… Ang gagang ito ay hindi talaga napapagod sa kanyang mga kalokohan. I am not going to hurt Haze. Siguro ay sasabihin ko nalang sa kanila ang totoo sa araw na iyan. Real friends will always support you. Iyon ang mga nababasa ko sa kaka google ko pag bored ako. Ang rami rami ko kasing pinag-aaralan para makontrol ko ang weakness ko. Marami rin akong naexplore sa pamamagitan ni Google.
“Nakakakaba naman ’yan, Kiera. Haze is a bitch! Baka imbes na masaktan ay tayo pa ang sasaktan noon!” ani Penny, tila hindi sang-ayon sa kanyang plano.
“Oo nga eh… Medyo iba rin ang kutob ko,” si Lexy na ngumiwi narin, akala mo ay napaso sa kung ano.
Umirap agad si Kiera. “Are you guys chikening out? It’s just Haze! We have our back-up! Nariyan si Brielle! Isipin niyo. Pag sinaktan niya si Brielle ay buong angkan ng Delafuente ang makakalaban niya. And we’re Brielle’s friend! I’m sure taob iyang si Haze!” Tumawa siya.
I sighed inwardly. Why is she being so shallow? Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya at gusto niyang ibalik kay Haze ang pamamahiya nito sa kanya? She asked for it. At ngayon ay ako pa ang gagamitin niya para lang makaganti? Haze did nothing wrong to me. At hindi rin naman ako ang tipo ng taong gagawan ng masama ang isang tao dahil lang sa katuwaan o kung ano pa man. My father will be very disappointed if he found out I hurt someone’s feelings! Iyon pa naman ang turo niya sa akin.
Bumuntong narin ng hininga si Penny.
“At si Haze hindi galing sa mayamang angkan? Feeling ko nga ang rami niyang koneksyon eh. Mga hobbies niya palang na sobrang mamahalin ay halatang may kaya na iyon, Kiera. We don’t know him too much. Baka sa galit noon sa atin mapahamak pa tayo pag nalaman niyang pinaglalaruan natin siya…”
“Duh! Ano namang magagawa ni Haze sa atin? ’Tsaka masaya iyon, swear! We’ll laugh at Haze and we’ll clap for Brielle! Madali lang naman ’yon,” aniya, pinipilit parin ang gusto.
I really feel bad for this shallow game. Alam naman itong lahat ni Haze. Sa huli, talagang kami lang ang mapapahiya pag pinilit namin ito. I know Haze… He’s expert with girls! Baka… Baka magalit din siya sa akin!
“Itigil nalang kaya natin ito?” Naisaboses na ni Penny ang aking plano sa aking isipan.
Kiera’s face immediately crumpled. Si Lexy, ang singkit na mga mata ay halatang naninimbang narin. I think she’s agree with Penny. Ramdam ko rin ang takot niya kay Haze.
“You guys are so fucking killjoy! Game nga si Brielle eh! She’s expert with boys kaya let’s all leave it to her! Goodness! Papalapit palang ang summer pero masyado na kayong ganyan. You’re killing the fun!” Tiningnan niya kami isa-isa.
Nabuko na kami ni Haze sa umpisa palang. Iyong pang-aakit ko sa kanya ay deal namin iyong dalawa. Iyong plano ko namang bastedin siya, ay deal sana namin nila Kiera pero nagbago na ang isip ko since I like him. Kung tunay silang friends, maiintindihan nila iyon, right? Just like what Penny said to me… I’ll tell them he’s my secret boyfriend this Summer. Ipapakilala ko nalang si Haze sa kanila nang matigil narin ito.
Noong pumasok ang buwan ng Nobyembre ay naenjoy ko naman ang aking sembreak. Madalas kaming magmovie marathon nila Kuya kasama sina Mommy at Daddy. We enjoyed our quality time together at naging topic narin namin ang nalalapit kong birthday next year!
“Madadagdagan na naman ang edad ng baby namin… I am so sad. Lumalaki kana talaga…” Mom hugged me emotionally.
Nasa sofa kaming lima, si Kuya Red ay nakaupo na nga lang sa balikat noon. Napapagitnaan naman ako nina Mommy at Daddy.
Humagikhik ako. “Pwede na siguro akong magboyfriend?” Pabiro ko lang na sinabi.
“Si Zera nga wala pa namang boyfriend ah?” ani Dad, sinusuklay pa ang aking buhok.
“Zera and Brielle are different, Dad…” si Kuya Red.
“Kung gusto mo na, why not? Our house is open for your suitors baby…” si Mommy na hindi parin ako pinapakawalan sa kanyang yakap.
“Please… Huwag muna,” si Daddy naman sa aking gilid, kulang nalang ay lumuhod at magmakaawa.
Tumawa ako sa kanyang reaksyon. Kahit si Mommy ay pinaningkitan siya ng mga mata at itong si Kuya Blue ay tumatango tango pa na nakasquat sa carpet, pinaglalaruan iyong popcorn na hinahagis hagis niya sa ere at sasaluin ng kanyang bunganga.
“Gusto ko narin sanang maging independent, Mom, Dad… Kuya… Magcondo kaya ako?” suhestyon ko at tiningnan sila isa isa.
“Bubukod kana?” tanong ni Kuya Blue, nilingon na talaga ako at hindi sinalo iyong popcorn na tumama sa kanyang ulo.
“Do you know how to do the chores? Laundry? Dishes? Kaya mo nang mag-isa?” dagdag niya pa.
I’ve been thinking this lately. Isa narin ito sa mga research ko and I want to practice being alone, with myself… Kahit alam kong hindi talaga sila papayag sa aking balak.
“Hindi. Pero magpapractice ako…”
My father hugged me too. Ngayon ay silang dalawa na talaga ni Mommy ang tila ayaw akong pakawalan.
“Nasasakal kana ba rito? Hindi mo kaya ang ganoong sitwasyon, Elle. Mag-aalala lang kami pag wala ka rito sa bahay,” ani Daddy sa marahang boses.
“Dad, pag hindi natuto si Elle na tumayo sa sarili niyang mga paa, baka habangbuhay siyang dedepende sa atin,” ani Kuya Red.
“At bakit? Mas maganda nga iyon. Nandito naman tayo palagi sa kanya ah?” si Kuya Blue.
“My baby is growing-up too fast… I am so sad…” bulong ni Mommy sa madramang paraan.
“Gusto niyang maging independent kaya suportahan natin siya,” giit ni Kuya Red.
“At paano kung may mangyaring masama sa kanya? Paano kung bigla niyang masunog ang unit niya habang nagpapractice siyang magluto? She’s just a baby,” si Kuya Blue naman, iyon ang ipinaglalaban.
Natampal ko nalang ang aking noo. This is really a bad idea! Sinasabi ko na nga ba magiging paranoid rin agad silang apat!
“What if lang naman iyon. Pero kung hindi kayo papayag, edi hindi!” sabi ko, pilit na pinapatay ang tensyon.
“Just stay here with us, with your Kuya,” si Dad, pinal na ang desisyon.
Tumango ako, ayaw naring makipagtalo at ipilit ang aking gusto dahil alam kong hindi talaga nila ako pagbibigyan. Gusto ko lang sanang subukan…
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay humihikab na ako, dala-dala ko pa ang gatas na tinimpla ni Kuya Red para sa akin.
Inilapag ko iyon sa bedside table at inayos muna ang aking bedsheet. Gumapang ako roon at ayaw nang mag halfbath sa sobrang katamaran.
Nagring ang aking cellphone. Kinapa ko nalang iyon at dumilat para sagutin ang tawag ni Haze. Inilagay ko ito sa aking tainga at pumikit muli.
“You’re free tomorrow?” tanong niya, ang boses ay sobrang husky pa.
“Hmm… Wala naman akong lakad. Bakit?”
“Let’s date.”
Dumilat ako at hindi napigilan ang pagngiti.
“Sige… Gusto ko….”
Haze chuckled. “I’ll listen to your stories. Tell me everything, hmm?”
Tumango ako at humagikhik. Ang rami rami ko pa namang malaman this year. Ang rami rami kong kwento sa kanya.
“Okay. Ang rami rami kong naresearch… About friends, being independent, family… and… and about kissing…”
“What about it?” His strained voice made me shiver.
“Na marami palang uri ng halik. Like french kissing, torrid, smack, passionate…”
“And?”
“At… At nakakacurious?”
Tumahimik na muna siya. Tumihaya naman ako sa pagkakakulob at hinila nalang ang kumot para takpan ang aking sarili, pati ang namumulang pisngi ay dinamay ko na at tanging mga mata nalang ang sumisilip.
“And you want to feed your curiousity?”
Tumango ako. “Oo… Parang… Parang ganoon na nga.”
“But you’re not yet my girlfriend. Akala ko ba bawal pa?”
“Oo… K-Kaya nga magpapractice na muna tayo para pag… pag girlfriend mo na ako ay marunong na akong humalik. Sa ngayon, practice nalang muna.”
I heard him sighed heavily, tila may pinoproblema na naman. Bumuntong rin ako ng hininga, pinroblema narin ang kanyang problema.
“Ano pa bang pinagreresearch mo?” Napapaos na ang boses na iyon.
“Marami naman… Marami kasing recommendation si Google. And I found out, when you’re in a relationship. Kissing is really inevitable. I… I don’t know how to kiss, Anzai…” Pumikit ako sa kahihiyan, ang pinangdidirian kong bagay ay iniisip ko na ng husto ngayon.
“And you want to practice it first with me?”
“Oo. Preparation lang pag… pag girlfriend mo na ako.”
“At paano kung lumagpas tayo? Preparation narin sa honeymoon?” He chuckled with so much amusement.
Namula ako ng husto. Gusto kong aminin na marami akong nabasa pero nakakahiya sa kanya. The ignorant baby Brielle isn’t ready. Kasal muna bago iyon.
“Pag lumagpas ka, pakakasalan mo talaga ako ng maaga! Sige ka!” Pananakot ko nalang, na baka ay takot siyang matali.
He chuckled more. “Easy…”
19th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jecky Perez. Happy reading!
No Regrets
Nagpaalam ako ng maayos kina Mommy at Daddy kinabukasan. Pumayag naman sila, sa pag-aakalang kasama ko ang mga friends ko. Si Kuya Red ay hinayaan din ako, ang sabi niya ay basta magtext lang pag magpapasundo na.
Nagpahatid lang ako sa pagkikitaan namin ni Haze sa hapong iyon ng Sabado. Pagkababa ko ay sinabihan ko na agad ang driver na huwag na akong hintayin pa dahil baka makita niya ang pagdating ni Haze, o kung nariyan man ay baka mabuko ako.
Umalis din naman ito. Tiningnan ko lang iyon hanggang sa may bigla nalang bumusina sa aking likuran.
Nagulat ako at mabilis iyong nilingon. Nakita ko ang hindi pamilyar na kotse. Umabante iyon hanggang sa tumigil iyon sa aking harapan at bumaba ang bintana. The luxurious red Aston Martin is infront of me with Haze looking so handsome inside his flashy car.
Binuksan niya roon ang pinto at itinulak para makapasok ako ng maayos. Ngumuso ako nang mas makita ko ang kanyang kabuuan. His disheveled hair looks intimidating with his black glasses. He’s wearing a button down shirt, ang dalawang butones ay nakabukas, pants and shoes. Imbes na matakot at masindak sa kagwapuhan, namamangha ako lalo sa kanya.
Umupo ako at naging komportable sa front seat. Isinara ko ang pinto. Nalalanghap ko pa ang pabango niyang gumagala sa loob at ang iba ay dumapo na ata sa akin at niyayakap ako.
Umabante si Haze. Sa aking pagkagulat ay dumikit agad ako sa upuan. Ngumuso siya nang mapansin ang aking kilos. Kagat ang labi ay hinila niya ang seatbelt sa aking gilid.
“Ang lakas ng loob mong manghamon ng practice pero ganyan ka agad kagulat sa kaonting lapit ko,” he said in his baritone voice habang kinakabit na ang seatbelt sa gilid.
Yumuko ako at pinisil ang aking mga daliri. I missed him so much… Nakakalungkot ang pagkakamiss ko sa kanya. Parang ayoko nang matapos ang araw na ito.
“Saan tayo magdidate?” tanong ko habang binunuhay niya na ulit ang kotse.
“I know some overview… Maganda roon, mahangin at tahimik,” suhestyon niya na ikinatango ko, walang ediya sa mga ganoong lugar.
Pinakialaman ko ang kanyang stereo. Nangalkal ako ng kanyang mga CD’s. Dalawa lang naman ang naroon kaya iyong isa ang pinili ko.
“Ito ba ’yong mga madalas mong kinakanta sa akin?” tanong ko at pinaplay iyon.
Haze licked his lips and brushed his hair.
“That’s…”
Bago pa matuloy ang kanyang balak sabihin ay napatalon ako sa gulat dahil sa pagsabog noon sa loob ng kanyang kotse. The unfamiliar song made me shock! Anong… Anong language ito?
Ngumuso si Haze sa naging reaksyon ko. My eyes widened.
“Ew, jejemon!” Tumawa ako at tinuro siya.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. “You’re a racist. I like that song…”
“Ano ’to? Theme song nila Scooby Doo?” Tumawa ako nang marinig ang lyric Shibido bido na part.
“Who’s that?” Nilingon niya ako, takang taka.
“He’s a dog. Cartoon?”
Tila wala siyang ediya sa aking sinasabi kaya ibinalik niya ulit ang tingin sa harap at doon nagfocus. Tiningnan ko naman iyong title ng kanta. It’s Angel by Shaggy. Akala ko pa naman puro Cueshe ang hilig niya? Wala akong makitang CD ni Cueshe rito…
Girl, you’re my angel, you’re my darling angel
Closer than my peeps you are to me, baby
Shorty, you’re my angel, you’re my darling angel
Girl, you’re my friend when I’m in need, lady
Sinabayan niya ang beat noon sa pamamagitan ng kanyang ulo at kahit siya ay kumakanta rin. His voice is so addicting. Pagkatapos ng kantang iyon ay may sumunod ulit. Noong tiningnan ko ay iyong Shaggy parin ang may kanta na may title na It Wasnt Me. Kabisado ni Haze ang bawat lyrics dahil sinasabayan niya iyon at feeling ko ay favorite song niya pa.
Pero bakit ganoon ang lyrics? It’s like the guy is cheating… Bawat lyrics ay inintindi ko at iyon nga ang lumalabas. Kahit nahuli na ang lalake ay tinatanggi niya parin na hindi raw iyon siya.
“It’s about cheating?” Naisaboses ko na ang aking iniisip.
Napatingin siya sa akin, tumango.
“Favorite song mo?” tanong kong muli.
“I like the beat…”
“Pati ang lyrics? Like cheating?”
Hininaan niya iyon at kung pwede niyang patayin ay kulang nalang iyon ang kanyang gawin dahil sa sobra nang hina noon, ni ang lyrics ay hindi ko na marinig.
“No. Iyan lang talaga ang mga nakahiligan kong pakinggan noon,” pag-amin niya.
Pansin ko nga kasi wala siyang Cueshe. Edi kinanta niya lang iyon para sa akin kahit hindi niya hilig?
Sa huli ay pinatay niya na talaga. Tiningnan ko lang ang kanyang ginawa.
“I am not planning to cheat. It’s just a song,” sabi niya kahit hindi naman ako nagtatanong sa bagay na iyon.
“Hindi ko naman sinasabing baka relate ka sa kanta.” Tumawa ako.
He seems problematic. Panay ang paglingon niya sa akin. Ngumiti ako at itinuon ang tingin sa labas. Nagdududa na tuloy ako kung handa na ba ako sa mga relasyon. Paano kung sa huli, ay lolokohin rin pala ako? Paano kung sa huli… Paano kung sa huli ay hindi rin pala ako ang pipiliin niya? What if he get tired with my innocence? He get tired with my clinginess?
Bumagal ang kanyang pagmamaneho. Nilingon ko siya at itinuro ko ang bintana na ikinatango niya naman kaya binuksan ko iyon at doon ako humilig, pumikit nalang habang pinaglalaruan ng hangin ang aking buhok.
Being with Haze is really enchanting. A foreign feeling always gripped on me and I never felt this kind of happiness before. Sa kanya ko lang ito naramdaman. Parang ang sarap sarap siyang gustuhin. Ang sarap sarap niyang hawakan ng mahigpit at akuin, kaso nga lang… Parang nakakatakot din.
Kumanta na lamang siya, ang boses ang nagsilbing musika naming dalawa.
“Doesn’t matter if I’m alone I got a place I call my own I don’t care if you’re away Coz I know you’ll be back someday Someday…”
Napangiti ako roon. Iyan ang madalas niyang kinakanta sa akin, na paborito ko narin.
Para kasing iyong lyrics ay ang tapang tapang. De bale nang mag-isa dahil alam mo namang may isang taong handa kang makasama habangbuhay. Isang tao na kahit malayo kayo sa isa’t isa ay mas pipiliin paring manatili sa tabi mo balang araw. Twenty-four hours being with someone you truly love…
Someday, I’m going to choose him over anything. Iyon ang magiging desisyon ko para sa aking sarili na ni isa, ay walang makakadikta.
Huminto kami sa 7/11. Kinalas niya ang seatbelt.
“Ako na ang lalabas. I’ll just buy some drinks and food,” aniya na ikinatango ko.
Lumabas siya sa kotse. Pinanood ko lamang siyang pumasok habang nakahilig ako sa bintana, pinapanood siya roon na pinagtitinginan at may ilan pang napapasinghap, namamangha sa kanyang kagwapuhan at kabuuan.
Sino ba kasing babae ang hindi siya papangarapin? Sinong babae ang hindi siya lilingunin? Baka nga magkastiffneck nalang ang iba kakalingon sa kanya at mabali na ang kanilang leeg para lang sundan ito ng tingin.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas din siya roon. Tiningnan niya ako. Ngumiti ako sa kanya. His deep brown eyes were like lurking in a shadow with those intense stares.
Pumasok siya sa loob kaya umayos din ako ng upo lalo na’t pinapakita niya sa akin ang kanyang mga pinamili.
“Do you like this?” Ipinakita niya sa akin ang pineapple in a can.
“Umiinom naman…”
Sinilip ko rin ang iba niya pang pinamili. He bought two beers, two pineapple juice, chocolates like kitkats, Mamon, at kung anu-ano pang matatamis.
Nagkamot siya ng batok.
“Are these fine?”
Humagikhik ako sa kanyang reaksyon. Mukhang hindi siya sanay na namimili sa mga babae dahil halata ang pagkalito sa kanyang mukha.
“Your cousin likes pineapple so I guess you like it too,” sabi niya, na ikinakurap ko.
“Whose cousin? Si Zera?”
Tumango siya at binuhay na ang kanyang kotse. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa aking bibig. Ang tabang tabang noon at hindi na ako makangiti ng maayos.
Inilagay niya sa paanan ko ang cellophane at nagsimula nang magdrive. Naglaro agad sa aking isipan kung paano sila nagkakilala. Sa Bars ba? Since Zera likes to party too. Tumigil lang siya ngayon pero alam kong hilig niya iyon noon.
“Maganda siya ’no?” Sinilip ko ang kanyang ekspresyon, iyon nalang ang sinabi kaysa magtanong kung anu-ano dahil parang hindi ko kaya ang isasagot niya.
“Okay lang,” sagot niya, walang gaanong interes ang boses.
“She’s popular in our school. Sikat talaga si Zera kaya hindi na ako magtataka kung pati ikaw ay kilala siya. Eh mahilig ka rin sa mga babae…” Tumawa ako ng marahan. Lumingon siya, kunot ang noo.
“Maraming nagkakacrush sa kanya… Kaya hindi narin ako magtataka kung pati ikaw ay…” Pinisil ko ang aking mga kamay, hindi na iyon kayang dugtungan dahil parang binibutusan na ang aking puso.
“She’s not my type,” deritsahan niyang bigkas.
Lumiwanag ang aking mukha pero nang maalalang ganoon din naman ako ay mabilis na gumuho ang pag-asang unti-unti na sanang lumalaki.
“Ako rin naman… H-Hindi mo rin ako type.” I chuckled with my own words.
Hindi siya umimik doon at itinuon muli ang tingin sa harap ng daan.
“And compare to my cousin Zera… She’s really attractive. She’s confident. She’s not innocent and she’s not weak. Ang galing niyang dalhin ang kanyang sarili. Fashionista… Nakakaintimidate… Matinik sa boys… Ang sexy pa.” Tumawa ako, kahit sobra nang tabang ng aking pagkakasabi noon.
Haze remained silent, nakikinig lamang sa aking mga sinasabi. I feel so small compared to my cousin. Wala na nga akong alam sa mga bagay bagay, palagi pa akong naikukumpara ng mga friends ko sa kanya. Even Haze knows her… that she likes pineapple juice. I prefer orange juice instead. Kaso parang nagiging anino nalang talaga ako minsan. Ewan ko ba kung ba’t naiisip ko ang mga ganito.
“Crush mo siya?” tanong kong muli, hindi ko na napigilan.
“Tell me…” Kagat ang labi ay nilingon niya ako. “How can I replace your jealousy?”
Namilog ang aking mga mata. “H-Hindi ako nagseselos!” giit ko, naging kamatis agad ang mukha.
“You keep on comparing yourself with her. Kulang nalang ay sabihin mong nasa kanya lahat ang mga hinahanap ng lalake. Masyado mong minamaliit ang sarili mo eh hindi naman sana maliit,” sabay tingin sa aking dibdib na hindi gaanong bumabakat dahil sa suot na tshirt.
I frowned at him. Tumaas ang dalawa niyang kilay.
“May kilala akong patay na patay sa pinsan mo at parang hindi naman iyon ako. We’re opposite… He’s inlove with Zera. I am not.”
Hindi ko alam ang kanyang tinutukoy pero siguro ay isa sa kanyang mga friends? Hindi rin nakakapagtaka dahil matunog naman talaga ang pangalan ng pinsan ko sa mga lalake.
“Malay mo… Kahit kaonti man lang,” sabi ko ng pilit.
He chuckled and brushed his hair lightly.
“Payag ka?”
“Hindi!” agap ko, halos bumusangot na.
Lumiwanag narin ang kanyang mukha, namangha sa aking sagot.
“Kung ganoon, hindi rin ako papayag na mapunta ako sa iba.”
Umalon ang aking tiyan, parang may sumasalantang bagyo at gumuguho na naman ang mga itinayo kong harang doon. Ganito ba talaga pag gusto mo ang isang tao? The feeling is too much that it’s making me crazy! Parang ilang minuto lang ay pwede akong malunod sa kanya.
Tumigil narin kami ni Haze sa isang mataas na parte ng isang cliff. Lumabas kaming dalawa roon, dala dala ang mga pagkain. Inilapag niya ang cellphane sa ulo ng kanyang kotse. Nag-inat siya at pinaglaruan pa ng hangin ang kanyang buhok. Hinubad niya ang glasses at isinabit nalang iyon sa neckline ng kanyang button down shirt.
Ginaya ko rin ang kanyang ginawa kanina at nag-inat din ako. Thank God I’m wearing a comfortable tshirt! Hindi sasakit ang tiyan ko sa hangin dahil wala namang sumisilip na balat.
Umupo rin naman kami sa ulo ng kanyang kotse. Kinalkal niya ang laman noong mga pinamili niya at kinuha ang kanyang beer. Binuksan niya iyon at tinungga.
Ginaya ko rin siya at kinuha ang aking pineapple. Bubuksan ko na sana kaso kinuha niya iyon sa akin at siya ang bumukas. Ibinigay niya iyon muli.
“Cheers.” Ibinunggo niya sa akin ang kanyang beer.
Humagikhik ako. “Cheers…”
Ngumisi siya at naiiling na tinungga iyong muli. Ginaya ko rin siya at tinungga ang akin kaso naubo pa ako. Habol ang hininga ay mabilis rin naman akong nakabawi. Haze chuckled at may dinukot sa kanyang bulsa.
“Here…” Ibinigay niya sa akin ang kanyang panyo.
Ngumuso ako at kinuha iyon. Pinunasan ko ang gilid ng aking labi habang nakatingin sa kanyang labing ngumingisi. Nagloosen ang aking balikat, halos malunod na naman doon. Bakit kaya sobrang gwapo niya? Saan kaya siya ipinaglihi?
Itinuon niya ang tingin sa harap kaya itinuon ko rin ang tingin sa harap. Pakonti konti nalang ang pag-inom ko para hindi masamid.
“This summer…” panimula ko na ikinalingon niya sa akin.
“I would like you to introduce to my friends as my secret boyfriend. Papayag ka ba?”
He stared at me. “Your fake friends?”
“They’re nice…” Sinimangutan ko siya.
“Mas magaling pa ata akong mangilatis ng babae kaysa sa’yo. They’re bad influence for a girl like you.”
Tiningnan ko muna ang mamula mula at basa niyang labing kumikislap pa saka ko ulit tiningnan ang kanyang mga mata. His thick lashes is getting my attention too much.
“Ako ba… Ano bang tingin mo sa akin? Anong klase akong babae?”
“Hmm… You’re so fragile.”
Nagulat ako. “H-Hindi ka napaplastikan sa akin?”
“You are not plastic,” giit niya.
Namutawi agad ang ngiti sa akin. Kaonting compliment lang ni Haze ay ang saya saya ko na. Now I’m really curious… What’s the feeling of being his girlfriend? Ano kaya pag in a relationship kami?
Naalala ko bigla iyong mga research ko. Lumagok muna ako ng pineapple para alisin ang nakabarang hiya sa aking lalamunan saka ako nagsalita.
“Let’s practice kissing…” desperada kong sambit na ikinaubo niya pa at nasamid na ata sa kanyang iniinom.
I caressed his back. Haze looked at me in disbelief.
“Ang sabi ko, magpractice tayo,” ulit ko, dahil baka hindi niya iyon narinig ng maayos.
“No, you’re not yet ready for this.” He leaned closer, touching my chin, mukhang handa nang manghalik.
Kumalabog agad ang aking dibdib. Hindi pa nga siguro ako handa pero ba’t parang taliwas ang ginagawa niya at lumalapit pa ng husto?
Itinukod ko ang aking kamay sa kanyang hita. Namungay ang mga mata niya sa akin. Those devilish eyes were telling something foreign to me…
“You should place your hand on my shoulder. Not on my thigh…” he said huskily.
Mabilis kong binawi ang aking kamay at parang napaso.
“S-Sorry…” Sabay hawak sa kanyang balikat.
He stared at me more, mas lumalim na ang paninitig, ang mga mata ay tila naging salamin narin sa aking mga mata.
“We’re not suppose to kiss…” he whispered on my lips, sobrang lapit na at kaonti nalang talaga.
Kumalabog ng husto ang aking dibdib. Ang malamig na hangin ay walang binatbat sa sa pagtama ng mainit niyang hininga sa aking labi, iyon na ang nauunang humalik sa akin at taliwas sa sinasabi ang kilos. Bumagsak na ang aking kamay sa kanyang braso, sa kagustuhan kong matuloy lamang ang halik.
“I want a kiss, Anzai…” I pleaded with so much frustration, gripping his arm.
He groaned like a wild beast, ready for his prey. Binitiwan niya ang hawak na beer. Mabilis iyong nalaglag at gumulong habang natatapon ang loob. Nabitiwan ko rin ang akin nang bigla niya akong inatake. He claimed my lips, tuluyan nang napugto ang inaalagaang pagtitimpi. I shivered. Kinilabutan ako kasabay ng pagkalabog ng aking dibdib.
His soft lips started to nibble my lowerlip. His other hand gripped on my small waist, not wanting to let me escape from his sinful kisses.
Pumikit ako at sinikap na may matutunan. I mimicked his movement. Haze moaned. Natakot ako at huminto sa paggalaw. His kisses went deeper. He gripped my waist more, almost breaking it.
With my frustration, I let him kiss me with so much superiority. Wala akong magawa. I feel so useless pero nangingibabaw ang nakakabaliw na pakiramdam ng kanyang malalalim na halik.
Nang mapansin niyang nawawalan na ako ng hininga ay hinayaan niya akong habulin iyon. Namumungay ang kanyang mga mata, nakatitig sa akin at mukhang hindi pa tapos.
“I told you to teach me…” I whispered.
“I’ll do it more for you to familiarize my movement,” he said huskily and leaned closer again for another kiss.
Pumikit akong muli. Ang aking tiyan ay tila hinagupit na ng sunod sunod na bagyo. Hindi naman pwedeng wala akong gawin! I tried to copy his movement again and for the second time, Haze moaned sensually.
“Fuck…” Ang isang kamay niya ay nawala sa aking baba. Iginapang niya na iyon papasok at sa aking kyuryusidad ay dumilat talaga ako, tiningnan ang kamay niya sa loob ng aking tshirt.
“Are you going to squeeze my boob?”
Haze stop from kissing me. His eyes stared at me intensely. Hindi tumigil ang kanyang kamay at tila lasing na ang mga mata.
“Punch me if I squeeze it too hard…” Naramdaman ko ang awtomatikong pagka unlock ng aking bra.
Ngumuso ako, gustong matawa pero inatake niya akong muli ng halik. His hand squeeze my other boob. I shivered. Parang buong kuryente ng Miralco ang naglakbay sa aking katawan dahil sa haplos na iyon.
Haze moaned. My stomach feels weird! Nabingi ako. Naging sunud-sunuran na lamang sa lahat hanggang sa namalayan ko nalang na marunong na akong humalik pabalik. His tongue delve deeply while his hand were drawing circles around my boob, making me whimper.
“We need to fucking stop,” he growled and kissed me more.
“No… P-Practice lang ’to.” Kahit hirap, iyon pa ang nakaya kong sabihin.
Natilapon ang mga inilapag naming pagkain sa aming gitna nang bigla siyang tumayo. He settled himself between my thigh at yumuko, ang galaw ay mas naging agresibo kaya napahiga na ako roon.
“May tumutusok sa gitna ko, Anzai…” Gusto kong yumuko at silipin kung ano ang naroon pero hindi niya ako hinayaan.
Ang kuryente sa aking katawan ay mas lumala, na pag hindi niya kinuha ang tumutusok doon ay masusunog na ako sa pang-iinit. His moans were now uncontrollable.
Hinigop niya na ang aking lakas sa pamamagitan ng mapangparusa niyang halik. My nipples are hard! Naging sensitibo na ang lahat ng aking katawan na kaonting haplos lang ay napapapikit na ako sa kakaibang sensasyon.
To my horror, I pulled him more to me. Wala na akong kontrol pa, ganoon din si Haze na ang kamay ay nasa tiyan ko na, humahaplos doon at tila binubuhay ang kanyang batalyon sa aking katawan, kinikiliti ang bawat sulok noon.
“Fuck, you’re wet,” he groaned and stop from kissing me.
Dumilat ako, napagtanto ang kanyang sinabi. Tumingala ako sa langit at mainit naman ang sikat ng araw. Hindi naman umuulan.
He buried his face on my neck habang hinahabol ang mabibigat na hininga. Habol ko rin ang hininga, ay iniisip ko pa kung umulan ba o hindi.
“I’m dry, Anzai. I’m not wet…” sabi ko at tinapik ang kanyang balikat, na sana ay ituloy ulit namin ang practice.
“Tangina…” Humagalpak siya ng malutong sa aking leeg.
Gusto ko rin sanang makitawa kaso hindi ko naman alam ang kanyang pinagtatawanan. Bumangon siya sa pagkakadagan sa akin, tumatawa parin.
Sabog ang aking buhok. His hair were disheveled too. Nang tingnan ko ang butones ng kanyang shirt, apat na ang nakabukas eh dalawa lang naman sana iyon! Ganoon siya kabilis na hindi ko namamalayan ang kanyang kilos.
Hinila niya ang aking pulso at inalalayan akong bumangon. Umupo ulit ako ng maayos, siya naman ay nasa gitna ko parin pero hindi na gaanong malapit sa ano ko.
Humilig siya sa bawat gilid ko, kinukulong na ako sa kanyang mga bisig habang nakayuko para pantayan ang aking mukha. Kagat kagat niya ang labing nakangisi.
“Sa susunod na ulit tayo magpractice. We go beyong kissing…” Umangat ang isa niyang kamay at tila may binura sa aking labi.
Nahihiya akong tumango, napagtantong masyado akong nawili at sumobra. Nakakatakot palang humalik si Haze. Parang ayaw mo nang tumigil at makipaghalikan nalang lagi sa kanya.
Akala ko talaga nakakadiri ang ganito. But when I started to like him, unti-unti naring nababago ang pananaw ko sa mga ganitong bagay. Parang ang rami kong gustong madiskubrihan dahil sa nararamdaman ko para sa kanya.
“Ano bang ginagawa mo sa mga babaeng nakakasama mo? I saw you kissing someone… Bukod doon… May… May iba pa ba?” Namula ako sa aking tanong.
“Let’s stop talking about this please… I’m trying to calm myself, Elliana.” Ang mga lasing na mga mata ay hindi parin humuhupa.
“Pero…”
He sighed and hugged me. He rested his chin on my shoulder.
“I want to know what’s the difference. Gagawin din ba natin iyon?” Halos mabali ang aking leeg kakahanap sa kanyang mga mata na ipinagkakait niya na sa akin.
He hugged me more, ang isang kamay lamang ang nakapulupot sa aking beywang at sapat na ang ibinibigay niyang lakas doon para pigilan ako sa pagiging malikot.
“No. We’re not doing it,” he said with finality.
“But why?” Naging dismayado ang aking boses.
“I don’t want to disrespect your parents. Marriage before making love. That’s the difference between you and those bitches, Elliana. Kasal muna bago kama.”
Parang may nakapasok na paru-paro sa aking tiyan. Napayakap narin ako sa kanya. Nakita ko ang sunset na kumakalat na sa kalangitan. Pinaghalong kulay pula, orange, yellow at purple.
Noong una kaming magkasama ay naging saksi rin ang sunset. Ngayon naman ay ang sunset parin ang nagiging saksi sa aming dalawa. Soon, I want a marriage with a sunset view, a promise to our forever.
“Pag ikinasal tayo, gusto ko may sunset. Para saksi siya sa lahat ng kaligayahan natin…” Naisaboses ko na iyon, nang hindi sinasadya.
Bahagya siyang umalis sa aking balikat para abutin ang aking noo at hinagkan ako roon.
“We’ll do that…”
Naiiyak ako sa sobrang kaligayahan. May mga nag-eexist pa palang ganitong happiness? Masyado pang umaapaw at ang sarap sa pakiramdam.
Ang tanging mga pagkain nalang sa paanan niya ang aking tiningnan. Nagkalat iyon doon. Mamaya ay pupulutin ko ang mga iyon. Pero sa ngayon, ayoko munang humiwalay sa yakap ni Haze. This is the first time we kissed and he hugged me so tight.
Hinagkan niya ang aking leeg at ipinasok muli ang kanyang kamay sa aking likuran, inaayos ang lock ng aking bra. Kinagat ko ang aking labi at namumula na sa kanyang pinaggagawa. Is this okay?
This is okay, Elle. No regrets. Siya rin naman ang pakakalasalan mo, right? Yes, right…
20th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jaia Mae Navarro. Happy reading!
Pulang Pula
Pinulot ni Haze ang mga pagkain at isinilid ulit sa cellophane. Hindi ako mapakali. Nahihiya ako sa kanya. We really kissed… Ang rami kong naramdaman sa halik na iyon na hindi ko pa talaga nararamdaman sa buong buhay ko. He’s too expert at nahihiya ako sa pagiging baguhan ko.
Haze checked his wrist watch. Tiningnan niya ang oras at sumandal muli sa aking tabi, hindi na nakaupo kumpara sa akin.
“You’re hungry?” tanong niya nang nilingon ako.
Umihip ang hangin. Sumabog ang aking buhok. Sinundan niya iyon ng tingin at inayos iyon para hindi tumakip sa aking mukha, ang iilan ay isinabit niya sa gilid ng aking tainga.
“Ah… Anong kakainin ko?” tanong ko, nawawala sa sarili dahil lang sa simple niyang kilos.
“Ano bang gusto mo?”
Tumingala ako sa kalangitan at pinisil ang pang-ibaba kong labi. I can feel the intensity of his stares kaya nalalaglag din lagi sa kanya ang aking mga mata.
“Marunong kang magluto?” tanong kong muli.
“I lived alone so…” Kinamot niya ang kanyang batok. “Yeah…”
“Pwede tayo sa condo mo?”
Nagulat siya sa aking sinabi. Marahan akong ngumiti. Kumislap ang kanyang mga mata sa akin.
“Gusto mo?”
“Ikaw… K-Kung gusto mo,” sabi ko sabay iwas ng tingin.
“Oo. Gusto ko,” agaran niyang sagot.
Tiningnan ko siyang muli. Nakaparte ang kanyang mga labi. Ang sinag ng sunset ay tumama na sa kanyang gwapong mukha at hinalikan iyon kaya kumikislap siya. Suminghap ako dahil masyado talaga siyang nag-uumapaw sa kagwapuhan.
Four-thirty pa naman kaya noong nasa front seat na ulit ako ng kanyang kotse ay nakatingin nalang ako sa labas ng bintana. Noong nilingon ko si Haze, nadatnan ko siyang nakangisi, ang isang kamay ay nagmamaneho at ang isa ay nakahilig sa bintanang nakabukas habang pinipisil ang pang-ibabang labi. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana, hindi narin naiwasang ngumisi.
Can I tell this to Mommy, at least? Or kay Kuya Red? But I’m sure they’re against it. Hindi pa ako pwede sa ganito… B-Baka mapagalitan lang ako. Kung kay Zera naman… I’m not sure she’ll listen to me. She’s busy. Wala akong mapagkukwentuhan maliban kay Haze na napagkukwentuhan ko sa lahat ng bagay, sa lahat ng nangyayari sa buo kong araw.
Nakakaguilty kasi. What if Daddy found this out? Magagalit ba siya ng husto? Madidisappoint ba siya sa akin? Hindi ko pa naman naranasang magalit siya sa akin dahil never ko naman siya hindi sinunod pero ngayon na may sinusuway na ako ay nakakakaba.
Huminto rin naman kami sa not so familiar condominium sa aking mga mata. My Lolo owned a building of condominiums. Si Daddy ngayon ang nagmamanage noon at ang alam ko, pati sina Kuya ay nagbabalak ding magtayo ng another branch sa ibang lokasyon. Mabuti at hindi sa amin nakacheck-in si Haze kung hindi ay mabubuko na talaga ako.
Nagtungo kami sa kanyang condo. Nag-enter siya ng passcode at sa sobrang bulgar pa noon ay nakabisado ko agad sa aking utak.
“Familiarize my passcode so you can come here freely if you want to,” ani Haze nang binuksan na iyon ng buo.
“Talaga? Pwede anytime?” Bumuntot ako sa kanya.
“Yes.”
I giggled. Kinagat niya rin ang kanyang labi at nailing.
Iginiya niya ako roon sa sofa. Pinagkukuha niya ang softpillows para maging komportable lamang ako. Gumala naman ang aking mga mata sa kabuuan.
Malaki ang espasyo pero wala gaanong gamit. Malinis ang loob at sobrang manly pa ng amoy, naaalala ko agad siya.
Pinanood ko si Haze na naghuhubad na ngayon ng shirt. Isa isa niyang kinalas ang botones noon habang naglalakad doon sa countertop. Hinubad niya iyon at nakita ko talaga ang pagflex ng muscles, ang likod niyang malapad na nagpalunok sa akin.
Lumingon siya, nakaangat ang isang kilay kaya mabilis akong nag-iwas at tumikhim. Narinig ko ang pilyo niyang halakhak kaya ipinagsalikop ko ang aking mga kamay sa aking kandungan.
“Roam around, Elliana. You’re free to do anything you like,” ani Haze habang naroon siya sa countertop, may pinagkakaabalahan na.
Tumango ako at tumayo, hindi alam kung alin ang uunahin.
Naglakad lakad ako, ang mga kamay ay nasa likuran at nakasalikop. Nagtiptoe ako para tingnan ng maayos ang kanyang shelves. May frames doon. They were four in one frame. Meron din namang isa lang na sila lamang dalawa ni Isaiah.
Nilingon ko siya. Nadatnan ko siyang pasulyap sulyap sa akin kaya itinuro ko ang frame kung pwede ko ba iyong hawakan na ikinatango niya.
Kinuha ko iyon at tiningnan ng mabuti. They both looked cold. Nakatingin lang sila sa camera at tila may kumuha lamang nito, tinawag silang dalawa kaya ganoon sila makatingin.
Bakit parang magkamukha sila? But Haze is just very ruthless while Isaiah looked very snob. Theyre gaze were intense at kapwa magulo ang mga buhok, ang kagwapuhan ay masyadong klaro.
“Ang close niyo pala talaga ni Isaiah ’no?” Nilingon ko siya at hindi ko napigilang mapangiti.
Nag-angat siya muli ng tingin, nakaangat na ang dalawang kilay.
“Ang gwapo ni Isaiah rito…” Itinuro ko si Isaiah roon na nakablack tshirt habang si Haze ay naka sleeveless shirt, litaw na litaw ang biceps at sumisilip pa ang gilid noon habang nakapamulsa.
“Gwapo ba ’yan?” Nagkasakubong ng husto ang kanyang kilay, na kung pwedeng lumapit siya rito ay gagawin niya ata.
Tumango ako. “Kamukha na kayo. Ang sabi pa naman nila pag palagi mong kasama ang isang tao nagiging magkamukha na. Edi close talaga kayong dalawa…”
“Mas gwapo ako riyan,” sabi niya sa supladong paraan, iyon lamang ang pinansin sa rami ng aking sinabi.
Kumunot ang aking noo at ibinalik ulit ang tingin sa frame. Ang gugwapo talaga. Noong una kong makita si Isaiah sobra agad akong nagwapuhan. Si Haze noong una kong kita sa kanya mas nangibabaw naman ang pagiging intimidating niya kaya hindi ko naaappreciate ang kanyang kagwapuhan.
Ibinalik ko narin iyon lalo na’t tumatalim ang tingin ni Haze sa frame, parang babasagin niya na ata da pamamagitan noon.
Wala siyang books. Ang mga gamit ay masyado talagang limitado. Sa kakagala, napadpad na ako sa kanyang kwarto. I checked his stuff. Inamoy ko rin ang kanyang bedsheet. Ang bango bango ata lahat ng kanyang gamit. Pati sa veranda ay lumabas din ako, nagpahangin at tiningnan ang lumulubog nang araw.
Noong tinawag niya na ako ay pumasok rin naman ako.
Namangha ako sa kanyang table setting. He even smirked at me cockily, naka puting cotton tshirt na at grey na sweatpants, na dapat ay mamangha talaga ako dahil magaling siya. Nagluto siya ng dalawang putahi. It’s a shrimp na may puting malapot na sabaw. Meron ding Adobo.
“Have a seat.” Pinaghila niya ako ng upuan.
Nagtungo ako roon at umupo ng marahan. Hinaplos ko ang aking buhok at napanguso sa shrimp.
Umupo rin siya sa aking tabi, napansin ang aking ekspresyon.
“Mahilig ka ba sa ginataang hipon?”
So it’s called ginataang shrimp? Hindi agad ako nakasagot. Gusto kong umiling dahil hindi ko naman ito hilig lalo na’t hindi ako marunong bumalat kaya mas prefer ko ang Cordon Bleu, lalo na’t iyon talaga ang paborito ko.
“Kumakain naman…”
He licked his lips. “Iyong Cordon Bleu ang paborito mo?”
Tumango ako ng marahan.
“But this is okay too… I am not maarte.”
Inabot ko ang sandok pero naunahan na ako ni Haze. Binawi ko ang aking kamay at hinayaan siyang lagyan ang aking plato ng kanin. Nilagyan niya rin iyon ng sabaw noong shrimp at imbes na shrimp ay iyong manok nalang.
“Pag-aaralan ko nalang muna iyon at pag marunong na ako ay lulutuan kita ng ganoon,” sabi niya na ikinatango ko at napangiti.
“Ikaw? Anong paborito mo?” tanong ko.
“I don’t have any favorites. Kumakain ako basta masarap,” sagot niya at inangatan pa ako ng isa niyang kilay.
Ginalaw ko ang aking pagkain at sumubo. Nagulat ako sa lasa noong sabaw. It’s creamy and very tasty!
“Masarap!”
He smirked at me. “Masarap nga…”
“Sinong nagturo nito?” tanong ko at sumubo muling.
“Ako lang. I’m good at cooking,” pagmamayabang niya.
Naigalaw ko ang aking mga paa. Kinagat ni Haze ang kanyang labi at sumubo rin.
Mabuti pa siya magaling magluto eh ako? I’m not good at anything. I really need to practice! Gusto ko ring paglutuan si Haze. Si Mommy marunong naman kaya magpapaturo ako. Or kahit kay Manang Sandra nalang.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay may nagdoorbell. Tumayo si Haze, umangat pa ang isang kilay at mukhang kilala agad ang nasa labas.
He sighed heavily at tumayo.
“Bubuksan ko lang,” sabi niya na ikinatango ko at sinundan siya ng tingin.
Nagtungo siya sa may pinto at binuksan iyon.
“Oh I missed you, baby!”
Isang sopistikadong babae na kaedaran ni Mommy ang pumasok. Si Haze ay kulang nalang umirap. He doesn’t look happy.
“Ma. Ano na naman ba?” matabang niyang tanong nang hinalikhalikan siya nito sa pisngi.
“Don’t you missed me? Alam mo bang nagkakasakit na ako sa pangungulila ko sa’yo? When are you coming home? Galit ka parin ba?” Hinaplos niya ang pisngi ni Haze.
Nag-iwas si Haze at umalis sa kanyang harapan, nagtungo na ulit sa aking gawi. Sumimangot ang kanyang Mommy, may nakasabit pang Hermes na bag sa kanyang kamay at napakaelegante ng kanyang damit.
Napunta ang kanyang mga mata sa akin. Ang kalambingan kanina sa mukha ay mabilis na nawala at napalitan ng iritasyon. Umangat ang isa niyang kilay. Nahihiya akong ngumiti.
“Oh… You have a visitor,” aniya sa matabang na boses at naglakad narin patungo rito.
Naglagay si Haze ng panibagong plato. Kumuha rin siya ng kubyertos at hinila ang upuan sa harapan. Mukhang para iyon sa kanyang Mommy.
“She’s Elliana,” ani Haze sa baritonong boses.
Tumigil ang kanyang Mommy sa aking dako.
“Hi po…” Ngumiti ako sa kanya.
She smiled flatly at me sabay tingin kay Haze, hindi na masyadong nagpakita ng interes sa akin.
“Who is she? Bayarang babae?”
Natigilan si Haze. I saw how his eyes sharped at her, na kahit ako ay natakot doon. Tumawa ng pilit ang kanyang Mommy.
Anong bayaran?
“I’m just kidding, hijo… You’re spending your money too much with your hobbies. I know what you’ve been doing. We’re letting you since we know you’re just having fun including those bitches you bed-”
Sinuklay ni Haze ang kanyang buhok paatras, ang panga ay gumalaw na at masyado nang seryoso ang mukha. Natutop ang bibig ng kanyang ina dahil sa galaw niya, na mukhang nababasa niyang hindi na talaga nito nagugustuhan ang kanyang sinasabi.
Nilingon ako ng kanyang Mommy. Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Umangat muli ang kilay niya sa akin. Those eyes were mocking me… tila may kasalanan ako sa kanya kaya ganoon siya makatingin.
“How old are you, hija?”
“Eighteen po,” sagot ko, halos manliit sa kanyang mga mata.
Nagulat siya. Umupong muli si Haze sa aking tabi, tinatakpan na ako sa mga mata ng kanyang ina.
“Finish your food,” ani Haze sa akin, marahan lamang ang boses.
Tumango ako at ginalaw agad ang aking pagkain. Ang kanyang Mommy naman ay nagtungo na roon sa harap. Ipinatong niya ang kanyang Hermes bag sa mesa at hinawi ang tuwid na buhok sa likuran. Masyadong kapansin-pansin pa ang pearls niyang necklace.
“Ang bata pa ng kaibigan mo, Anzai.” His Mom chuckled sabay pasada noong pagkain.
“Did you cook all of this? Marunong kanang magluto?” Nagulat muli ang kanyang ina.
Haze licked his lips, hindi na umimik at sumubo nalang, ni hindi ito tiningnan. Dinampot niya ang kutsara at tinikman ang ginataang shrimp.
“Hmm… You’re doing great, huh… Pinaghahandaan mo na ata…” Ngumisi ang kanyang Mommy ng makahulugan pero sa tuwing dadako ang tingin sa akin ay nagbabago agad ang ekspresyon.
“What’s your parents business?” tanong niya sa akin.
“C-Condominiums po…”
Dalawang kilay ang umangat.
“What’s your surname?”
“Delafuente po…”
“Delafuente,” may galak sa boses na iyon. “Anong relasyon mo kina Dwight and Rico Delafuente?”
Nagulat ako at kilala niya sina Grand Uncle Rico at Dwight. Napatingin narin si Haze sa akin, tahimik lamang at mabagal ang pagnguya.
“Uh… M-Mga Grand Uncle ko po,” sagot ko, halos hindi na magalaw ang pagkain.
“Edi susunod ka sa yapak ng mga Grand Uncle mo? What’s your course? I heard alot about the Delafuentes… I’m sure you got bigger plans too.”
Kinabahan agad ako roon. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ang magiging sagot ko. Ilang sigundong nakaawang ang aking bibig at tila may nakabara sa aking lalamunan. Masyado akong niyayakap ng kaba.
Napunta ang kamay ni Haze sa aking hita. Pinisil niya iyon, tila pinapagaan ang aking pakiramdam.
“Um… Business Ad po… Wala pa po akong plano sa ngayon eh. Siguro business din po,” sagot ko, kulang nalang ay matunaw sa aking kinauupuan.
Her expression screams disappointment. She smiled flatly at me, tila may gustong sabihin pero dahil kay Haze, sa seryosong ekspresyon at madilim na mukha ay hindi niya magawang magsalita ng kung anu-ano. Pakiramdam ko ay hindi niya ako gusto. Ramdam na ramdam ko ang iritasyon at pagkadisgusto niya sa pamamagitan ng kanyang paninitig sa akin.
“My son got high standards with girls, hija…” Sabay ngiti sa kanyang anak na isang kalabit lang ata ay sasabog na dahil sa kanyang mga matang tila umaapoy. Those devilish eyes are really scary.
“I have high standards with boys din po,” sagot ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
Haze smirked at me, tila natuwa sa aking sagot. Tumikhim ang kanyang Mommy. Dinampot niya ang baso ng tubig at sumimsim doon, ang galaw ay tila lumulutang lamang sa hangin.
“Ask her kung ilang apo ang gusto niya?” bulong ni Haze sa pilyong boses.
Tumango ako at tiningnan ang kanyang Mommy.
“Ilang apo raw po ang gusto niyo?” marahan kong tanong.
Nasamid ang kanyang Mommy sa iniinom. Haze smirked at me even more, masyadong malademonyo ang ngisi. Kumindat pa siya sa akin.
“Dios mio!” Nasapo niya ang kanyang dibdib, naniningkit ang mga mata kay Haze at pulang pula ang mukha dahil sa yumakap na galit.
Namutla narin ako. Bakit ko ba iyon itinanong?!
“You okay, Ma?” tanong ni Haze, ang boses ay masyadong nanunuya.
“Don’t joke like that, Anzai. I am not going to tolerate that!”
Parang wala lamang kay Haze ang pagsabog ng kanyang ina. Nagkibit pa siya, nanunuya parin ang ngisi sa labi, akala mo ay nanghahamon ng away.
Umiling muli ang kanyang Mommy ng tubig. Bakit parang gulat na gulat siya sa ganoong tanong? Paano nalang kaya pag nalaman niyang secret boyfriend ko si Haze? Soon, magiging girlfriend niya rin ako. Pero bakit parang… parang may kakaiba sa mga pinagsasabi at reaksyon ng Mommy niya?
Parang may butas ang aking tiyan. Ang aking katawan ay tila lumulutang kaya hindi ko maramdaman ang aking sarili. Palihim ko nalang na pinisil ang aking mga daliri at nanliliit na naman.
Tumunog ang aking cellphone. Napatalon ako roon sa gulat. Mabilis ko iyong chineck na kahit si Haze ay tiningnan din ang screen.
Binuksan ko iyon at nakita ang text ni Kuya Red.
KuyaKaizenRed:
Anong oras ka uuwi? Hinahanap kana ni Blue sa akin. Susunduin na kita?
“Uuwi kana?” tanong ni Haze, nang nilingon ko ay binabasa narin pala ang text.
Tumango ako at sumulyap sa Mommy niyang sumusubo lamang ng kaonti, masyado naring seryoso ang mukha.
“How about your food?” Tiningnan niya ang pagkain kong hindi ko pa nauubos.
“B-Busog narin ako,” pagsisinungaling ko nalang, kahit ang totoo ay nabusog na ako sa kaba.
Tumango siya at tumayo, inalalayan din akong tumayo. Her mother stared at us. Tila naging interesado ito sa kilos ni Haze, kung paano niya hinawakan ang aking pulso ng may pag-iingat.
“Ihahatid ko lang si Elliana,” ani Haze sa matabang na boses, hindi na ito nilingon at iginiya na ako paalis sa mesa.
“Bye po…” sabi ko na ikinatango niya lang sa akin, ni ngiti ay hindi na umabot sa labi at nagpatuloy ulit sa pagkain.
Napawi ang aking ngiti at kinagat ang aking labi. Naglakad kami palabas ni Haze, kahit na sobrang bigat ng aking mga paa at parang nakatitig ang kanyang Mommy sa aking likuran.
Habang nasa kotse ni Haze, hindi ko maiwasang isipin ang tanong ng kanyang Mommy. She got higher expectations just because I am a Delafuente. Hindi talaga ako naaappreciate sa pagiging ako. Natatanggap lamang ako ng lipunan dahil sa apelyidong dala dala ko. Kahit wala naman talagang ikakabuga, tingin ng lahat sa akin ay hindi ako basta basta dahil nga Delafuente. They expecting too much and it’s always disappointing me dahil ganito lang naman talaga ako.
“Don’t mind my mother. Ganoon talaga iyon,” ani Haze nang mapansing masyado akong tahimik.
Ngumiti ako at nilingon siya. “Ang ganda ganda ng Mommy mo…”
Hindi siya umimik sa bagay na iyon, umangat lamang ang kilay sa akin.
“Ang gaan niyang kumilos,” dagdag ko pa.
Natuon ang kanyang tingin sa kalsada. Itinuon ko rin ang aking mga mata sa labas ng bintana. Kinakain na ng dilim ang paligid at ang tanging nagbibigay ng ilaw ay ang mga streetlights at liwanag sa mga building.
“I think she doesn’t like me,” Naisaboses ko na ang nagpapabigat ng aking balikat.
“She doesn’t need to like you and I don’t need her fucking approval,” sagot niya, seryoso ang tinig, tila may pinaparating.
Tumawa ako, walang masabi roon. Bakit nakakalungkot parin? Di ko maintindihan.
“Bakit hindi ka umuuwi sa inyo? Miss kana ng Mommy mo. Naglayas ka ba?” tanong ko, nacucurious na dahil sa narinig ko kanina.
He licked his lips. “I have my own decisions, Elliana. Hindi sila pwedeng makialam sa mga gusto ko.”
Natutop ang aking bibig. Sa reaksyon din ng kanyang Mommy kanina sa tuwing sumeseryoso si Haze, halatang ayaw niya itong galitin. Parang mas nasusunod pa siya kaysa sa gusto ng kanyang parents.
Ang tapang ni Haze… Sobra. How can he decides for his own self? Paano ba ang ganoon? Iyong desisyon na hindi pwedeng baliin kahit ng pamilya mo? Iyong pag gusto mo ay wala silang magagawa roon? Para kasing ang hirap noon.
“Eh ang Daddy mo? Nasaan?”
“Nasa ibang bansa,” sagot niya, wala masyado sa sarili kakatitig sa daan.
“Gumagala rin?” Ngumisi ako roon. “Ah… Mukhang alam ko na kung saan ka nagmana.” Humagikhik ako.
Nang marinig niya ang aking tawa ay huminahon ang seryoso niyang ekspresyon. Lumingon siya sa akin at ngumisi.
“Ipapakilala kita sa kanya pag nakauwi na ’yon.”
Tumango ako, kahit kabado ay medyo naeexcite. I think his father looked like him. Pero iyong matanda na at mas manly. Edi gwapo rin?
“Gwapo rin siguro ’yon…” sabi ko sa marahang boses.
“He’s an ugly old man,” ani Haze, naiiling pa.
Sumimangot ako. “Edi saan ka nagmana?”
Umiling siya. “Wala kang mahahanap na ganitong mukha. Inborn…”
I frowned even more. Imposible naman iyon! Ako nga, combination ako ni Mommy at Daddy! Ang mga Kuya ko naman ay kamukhang kamukha si Daddy. Imposibleng wala siyang pinagmanahan?
Gumaan ang aking pakiramdam kahit papaano dahil sa pag-uusap naming iyon. Parang may natanggal na tinik sa aking lalamunan.
Tumigil din naman si Haze sa aming gate, hindi gaanong nasa tapat ng bahay. Kinalas ko ang aking seatbelt. Pinanood niya naman sa labas ng bintana ang matayog naming gate.
“Imposible mo ’yang maaakyat ’no. May CCTV,” sabi ko na ikinatingin niya sa akin.
“Ano ako akyat bahay? What’s the purpose of doorbells?” Masyadong sarkastiko ang boses na iyon.
Akala ko kasi aakyatin niya! Eh ang galing galing niya pa naman sa ganoon. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto para magpaalam na sa kanya nang bigla niyang inilock sa loob.
“Not yet…” he leaned closer to me.
Mabilis na kumalabog ang aking dibdib. Dumikit pa ako sa aking upuan. He smelled so nice… Sa bawat paglapit, mas lalong namumungay ang kanyang mga mata at ako naman itong para nang malalagutan ng hininga.
“I’ll expect your texts everyday…” he said huskily, halos ibulong nalang sa aking labi.
Tumango ako. Tinukod niya ang isa niyang kamay sa bintana ng front seat. Pinatakan niya ako ng maliit na halik. Ngumuso ako, mas gusto iyong nauna naming halikan.
“I hope you’re not entertaining boys. I will really get mad…” He eyed me intensely.
“I am not entertaining boys. Nakakaturn off kasi hindi mo sila kaedaran,” sabi ko.
He chuckled. “You will never find someone like me,” aniya, ang kamay ay nasa aking dibdib na.
Tiningnan ko iyon ngunit hinagkan ulit ako ni Haze kaya nawala ang aking atensyon doon. Gumalaw ang kanyang labi. Pumikit ako at dinama ang masarap niyang halik. Pinisil niya ang aking dibdib. He moaned softly while kissing me thoroughly.
Tumigil ako at hinabol ang hininga. He watched me seriously. Noong makabawi na ay naghihintay nalang ako sa paglapat ulit ng kanyang labi pero parang wala na siyang balak. Nang makita niyang naghihintay parin ako ay humalakhak siya.
“Natuto ka lang humalik nawili ka agad. Ayaw mo nang umuwi? Iuuwi nalang kita?” Inabot niya pa ang seatbelt, handa na ulit iyong itali sa akin kaya mabilis akong nataranta.
“Uuwi!” Namula ako ng husto sa kahihiyan. “At hindi ako nawiwili!”
Kinagat niya ang labi at bumalik na sa kanyang upuan. In-unlock niya iyon sabay tingin sa akin.
“I’ll call you later…”
Tumango ako at binuksan na ang pinto. Bago lumabas ay inilahad niya pa sa akin iyong mga pinamili namin kanina na hindi talaga nabuksan. Kinuha ko iyon at tuluyang lumabas. Kinawayan ko siya.
“Bye…”
Tumango siya. Ngumuso ako at tuluyang lumabas, dala dala ang nanlalambot kong mga paa at iyong cellophane.
Pagkapasok ay sinapo ko nalang ang dibdib kong hindi parin matigil-tigil sa kakapintig. Nadatnan ko roon si Kuya Red, nakatayo at nakatingin sa kanyang cellphone suot ang isang white Tshirt at cotton shorts. Nang makita ako ay nagulat siya.
“Kanina pa ako naghihintay sa text mo,” ani Kuya at sinalubong na ako.
“Uh… Nagtaxi ako!”
He looked confuse while staring at me. Dumako pa iyon sa aking labi. Napalunok ako, pakiramdam ko ay masyadong obvious na nakipaghalikan ako. May ebidensya ba siya?!
“Stop staring! Wala akong kahalikan!” Namumula kong sabi.
“Wala akong sinasabing may kahalikan ka. Pulang pula lang talaga ang labi mo.” Nagulat siya, walang ediya sa aking pinagsasabi.
“Pero nambibintang ang mga mata mo! At nagliptint ako! This is because of a liptint!” Sa pagkakaasiwa sa kanyang paninitig ay tumakbo ako paakyat sa aking kwarto.
“Elle!”
Hindi ko pinakinggan ang kanyang pagtawag. Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at nilock iyon. Sumandal ako sa pinto habang sapo sapo muli ang aking dibdib. Gosh… Para na akong sasabog! Kuya’s stares are making me so guilty!
21st Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to JessieLove Petalcorin. Happy reading!
Too Painful
Dumaan ulit ang pasko at bagong taon. Wala namang pinagbago. Nakagawian na naming magpipinsan na pumunta sa Canada para makasama namin si Nana sa mga ganoong okasyon, pati narin ang iba pa like Brandy and our Grand Uncles. Mga ganitong okasyon lang kasi kami nagiging kompleto since everyone are very busy.
“Kinukumusta ka pala ni Franca,” sabi ko habang namimili siya ng damit lalo na’t gagala kami ngayong araw.
“Really? Anong sabi niya?” Malawak ang kanyang ngiti habang pinapasadahan ng tingin ang mga nakahelerang damit sa kama.
Tiningnan ko ang kanyang mga tops at dress. Nagulat ako at wala na siya noong mga baduy na loongsleeves na kulay yellow, cardigan na kulay maroon. Iyong kung anu-anong makulay at feeling niya ay cute sa kanyang paningin.
“She asked if you’re still innocent,” sabi ko at dinampot iyong sleeveless top niya, na pag susuotin ko ata ay hanggang kalahati lamang ng aking tiyan.
Marahan siyang tumawa.
“Tell her mature na ako,” sabi niya sa malambing na boses at dinampot iyong sleeveless denim dress.
I think nagmature na talaga si Nana. She already knows how to dress herself, sexily! Magaling na siyang dalhin ang kanyang sarili and she also knows how to fix her hair now.
“Ang liberated din kasi ng mga nakapaligid sa’yo. Siguro dahil doon…” sabi ko na ikinatawa niya.
“You think so?” Tumitig muna siya sa akin, naaantala ang planong magbihis dahil sa kadaldalan ko.
Tumango ako. She smiled bitterly.
“We matured from the damages, Elle. Doon tayo natututo. Ang sabi nila, kailangan mo lang madagdagan ng edad para magmature. But for me… hindi iyon dahil sa edad. Nasa mga karanasan mo iyon. Our body matured because of our age. And we matured because of the lessons we learned…” aniya sa boses na matabang.
Napunto ko agad ang gusto niyang ipamukha sa akin. What happened to her is really painful. She got bash… Nagkaissue siya dahil sa kainosentehan niya sa mga lalake.
Hindi na ako nakasagot. Nagiging abala na ang aking utak kakaisip ng kung anu-ano. Kailangan ko lang rin bang masaktan para matuto ako? Pero kailangan pa bang umabot tayo sa ganoong punto para may matutunan? Can we can avoid pain?
“Iyon ang natutunan mo? Ang magmature?” I suddenly asked.
Ngumuso siya. “Hindi naman talaga. Bale natuto lang akong pagkatiwalaan ang sarili ko kaysa magtiwala sa ibang tao. Ang mali ko kasi noon… masyado akong nagtiwala sa lalakeng mahal ko. You know Aries… I’m his fangirl… And as a fangirl mahal na mahal ko siya. Hindi ako nag-isip ng masama sa kanya kasi nga nabulag ako sa pagmamahal ko para sa kanya. Pero mali pala ang ganoon… Purket mahal natin ang isang tao, hindi na nila tayo kayang saktan. Minsan, kung sino pa iyong mahal mo, sila pa iyong kayang manakit sa’yo.”
Napalunok ako sa sinabi ni Nana. Bigla akong natakot. Parang… Parang hindi ko kaya. Anong gagawin ko pag sinaktan ako? Papatawarin ko ba agad? Iiwasan? O huwag munang padalos dalos?
Pero imposible eh. He agreed to be my boyfriend. Ang sabi niya ay tungkulin niyang alagaan ako. Bakit naman niya ako sasaktan? What’s his purpose? At anong mapapala niya roon? I don’t get it. Kahit ako, wala akong maisip na dahilan para saktan siya. And maybe… maybe we’re mutual, too. Ayaw naming magkasakitan.
Maybe I’m still young to realize all of these. My heart is very young for this love. Pero ayoko namang pagbawalan ang sarili kong mainlove. Wala namang masama roon ah?
Nagring ang kanyang cellphone sanhi para bumalik ako sa aking sarili. Tiningnan niya muna iyon saglit at tinaob. Naroon narin ang aking mga mata, nagtataka.
“Hindi mo sasagutin?” tanong ko.
Umiling siya at naghuhubad na. Tumalikod pa siya, ang mala hourglass na katawan ay masyadong kapansin pansin.
“Nope… Makulit ’yan. He wants me to be his girlfriend. Nagkiss kasi kami noong thanksgiving.”
“Nagkiss?!” Nagulat ako.
Tumawa siya at nilingon ako. “Oo. Wala ka pang nakahalikan? Oh… I’m sure sobrang higpit nila Red sa’yo.”
Huminahon ang aking mukha. Isinuot niya iyong pinili niyang top kanina.
“Nagpapahalik ka kahit hindi mo pa boyfriend?” I asked curiously, nakatingin lamang sa kanyang likod.
“Oo. It’s just a kiss. Smack lang ’yon.”
Pero kahit na! She’s not like that! Naalala ko pa noon halos hindi siya makatingin sa mga mata ng boys at palagi siyang nagf-freak-out. Zera even used to bully her for being so weak kahit na she’s one year older.
Nakapagbihis na siya. Yumayakap sa kanyang katawan ang denim dress. Ako naman itong naka simpleng shorts short, simple top lamang at cap, tinamad nang magbihis ng kung anu-ano sa rami ng mga lakad namin simula noong dumating kami rito noong Desyembre.
Umupo siya sa dulo ng kama para magmake-up. Pinanood ko lamang siya.
“Bata parin naman kayo ni Zera kaya hindi na nakakapagtaka kung wala pa kayong mga boyfriend. Turning nineteen ka lang, right?”
Tumango ako. Mahinhin parin ang kanyang boses pero ang confident niya nang pakinggan hindi katulad noon na parang nahihiya pang makipag-usap.
“Eh si Wayt? I think may girlfriend rin siya ngayon. Ano iyong sinasabi ni Ken na may kinababaliwan siyang girl? A transferee?”
Nagkibit ako roon. Wala akong ediya since hindi ako nagagawa sa kanilang building at hindi ako masyadong sumasama sa mga boys. Kung anu-ano lang din naman ang pinagkakalat ni Ken. Hindi ko rin alam kung saan niya napupulot tapos mapupulot ko at ipagkakalat narin.
Sumimangot siya at nagpatuloy sa pagkalat noong liquid powder sa mukha. She knows how to put make-ups now unlike noon na tanging polbo lang rin at takot pa ata sa lipgloss.
“Nakakamiss tumira sa Pilipinas…” she whispered.
Sa buwan ng Enero sa ikasampong araw, birthdays naman ni Kuya Red at Kuya Blue ang pinagdiwang namin. They invited some friends on our house, lalo na’t doon lang rin nila napagpasyahang iheld since malawak naman ang space. Umaga palang, pinuntahan na namin sila isa isa sa kanilang kwarto at kinantahan. Kasama ko sina Mommy at Daddy.
Dapat ay twelve midnight ang balak namin kaso baka matulad lamang noon na hindi kami nagising.
“Happy birthday Kuya Red!” Hinagkan ko ang kanyang pisngi at nagpicture kami, kahit naniningkit ang kanyang mga mata ay ngumiti siya, topless pa.
Itinapat ni Mommy sa kanya ang cake. Pumikit siya.
“I’m wishing for our baby’s happiness…” Saka siya dumilat at hinipan ang candle.
Sumimangot ako. “Why me?! Dapat para sa sarili mo.”
“I’m happy when you’re happy.”
Napangiti ako. Niyakap ko si Kuya. Kahit sina Mommy at Daddy ay nakisali rin. Humalakhak pa siya.
“Twenty kana, Red. Here’s my gift…” Inilahad ni Daddy ang maliit na box.
“Thanks Dad. I love you.”
“Happy birthday, baby!” Hinagkan din ni Mommy ang kanyang pisngi. Humagikhik ako nang pinaliguan niya pa ito at sumimangot na si Kuya.
Pagkatapos kay Kuya Red ay ang kwarto naman ni Kuya Blue ang pinuntahan namin. Kung ano ang ginawa ko kay Kuya Red, iyon din ang ginawa ko kay Kuya Blue.
“Let’s stay healthy, everyone!” Wish ni Kuya at hinipan rin ang kanyang kandila.
Binigyan din siya noong maliit na box ni Daddy. Noong binuksan niya ay susi iyon. I think silang dalawa ni Kuya Red ang may mga sarili nang kotse. Hindi na nila kailangan hiramin iyong extra car ni Dad.
Sa gabing iyon ay nagsidatingan narin ang mga bisita. Maraming mga boys, since marami rin talagang friends si Kuya Blue. Kung may nang-iimbita man ng babae, iyon ay walang iba kundi si Ken. Ang ingay na naman.
“Hi Brielle!” Binati ako ni Silas, nakadenim jacket at masyadong flashy ang kanyang ngiti, sa gilid niya ay ang nakikipag-apir na si Davin sa mga kakilala.
Tipid lamang akong ngumiti at hindi gaanong nagpakita ng interes, katulad ng turo sa akin ni Haze. Tumalikod agad ako.
“Teka… May kasalanan ba ako sa batang ’yon? Ba’t parang ang tabang ngumiti?” Narinig kong sabi niya kay Davin na humagalpak lamang.
“Nagmamature ang mga girls bawat taon. Oh baka naman may period.”
Pumasok ako at hinanap si Zera, naroon sa couch at busy sa kanyang wine. She’s busy with her phone kaya tumabi ako sa kanya. Nakapulang dress siya. I can even see the valley of her breast. Ganoon siya ka sexy with her ponytailed hair and red lips. She reminds me of Tita Sky alot with a pinch of Tito Jin.
“May gift ka kina Kuya?” tanong ko.
“Alam mo ba ang gift nilang dalawa noong nakaraan kong birthday?” Umangat ang kanyang kilay.
Umiling agad ako, walang ediya.
“Parehas nila akong binigyan ng napkins! Iyon nga lang, with wings kay Blue at non wings naman kay Red!” iritado niyang sabi na ikinatawa ko.
Kay Zera ako dumikit dikit. Pinag-usapan namin iyong mga inimbitahang girls ni Ken, katulad ng aming nakagawian. I want to entertain her so we can talk alot. Pag wala kasing topic, ang tahi tahimik niya lang at hindi kumikibo.
“May kinababaliwan raw na transferee si Wayt, balita ko noong nasa table na kami.
Maingay ang open space dahil sa malakas na music. May mga lumulutang pang balloons sa pool. Ang kabuuan ay matingkad dahil sa mga decorations na tila christmas lights sa mga puno ng palm trees.
“Saan mo na naman ba ’yan napulot?” tanong niya, masyadong focus sa plato niyang naging bundok na ang mga pagkain.
“Sabi raw ni Ken?” Sabay sulyap sa pinsan kong nakikipaghalakhakan kina Castel.
Nandito rin si Trey. Nahuhuli ko siya paminsan minsan na ninanakawan ng tingin si Zera na wala na talagang pake sa kanya. Parang bigla siyang naging stranger sa pinsan ko.
Hindi gaanong pinagtuunan ng pansin ni Zera ang aking balita sa kanya kaya heto ako, palihim na katext si Haze.
Haze:
What are you wearing?
Sinabihan ko siya na birthday ng mga Kuya ko at dito iginanap sa bahay ang party. Kanina, ang tanong niya ay tungkol sa mga bisita. Ang sabi ko ay puro boys. Ngayon naman, he’s asking about my clothes.
Ako:
Dress?
Tiningnan ko pa ang aking sarili. I’m wearing a body hugging white dress. Sleeveless ito at above the knee. I can’t wear longsleeves in parties… Magtataka si Mommy eh lalo na’t hindi pa malamig. I really don’t get Haze’ fashion style sometimes. Kulang nalang ay sabihin niya sa aking mga nerd talaga ang tipo niya.
Nagreply agad siya. Sumulyap muna ako sa kabilang table dahil sa hagalpakan nila Ken at Silas doon. Nag-apir ang dalawa. Nasa round tables sila with their other friends. May mga beers pa sa kanilang mesa. Sa gilid ay mga babae. Ew… The other girl is clinging to my cousin too much!
Binasa ko ang text ni Haze nang makontento rin ako sa kakamatyag sa kabila.
Haze:
Skype, please…
Nagkasalubong ang aking kilay. Zera stood up kaya tumayo rin ako.
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
“Cr. Sasama ka?” Umangat ang isa niyang kilay, ang boses ay masyadong sarkastiko.
Umiling ako. “Sa kwarto nalang ako. Sumunod ka kung nabobore ka rito sa ibaba ha…”
She nodded. “Mas mabuti pa ngang doon ka. Ang raming boys dito.”
Ngumiti ako at sumabay sa kanya. Nakasalubong ko pa si Mommy, may dala-dalang wine and I guess mag-iinuman sila nina Tita Julie na naririto rin with their other circle of friends.
“Sa kwarto lang ako Mommy,” sabi ko kaya tumigil siya at sinulyapan muna si Zera na papunta na sa cr.
“Hindi ka ba nag-eenjoy baby? Tell me what do you like…” Malambing ang boses na iyon, halatang concerned na concerned sa akin.
Umiling ako. “Di lang kami makarelate sa mga boys. Party rin kasi nina Kuya ito. And gusto ko nang humiga…”
“Alright. Call me if you need anything okay?” Hinagkan niya ang aking ulo.
Tumango ako at ngumiti saka rin umakyat patungo sa aking kwarto. Kahit si Daddy, nag-eenjoy rin dahil nariyan sina Tito JK. Umiinom din sila, nahahype rin sa malakas na music at bumubuo ng sarili nilang mundo dahil mas maingay pa sila kumpara sa aking mga pinsan na boys.
Pagpasok ko sa aking kwarto ay hindi ko na iyon inilock dahil baka papasok si Zera anytime.
Dumeritso ako sa kama at sumandal sa headboard. Timing naman na tumatawag na si Haze, tila hindi na nakatiis at nauna na talaga.
AnzaiHaze is calling you…
Sinagot ko iyon hanggang sa bumungad na sa screen ang aming mga camera. I found himself in his bed. Nakakulob ito, ang biceps ay masyadong klaro dahil sa sleeveless na suot plus his disheveled hair.
He tilted his head nang makita niya na ako sa camera. Umangat ang kanyang kilay.
“Your dress is very…”
Sinimangutan ko siya. “Bawal akong maglong sleeve! I am not a nerd,” giit ko.
“No. I met a sexy chic and she’s a nerd. Mga ganyan… iyang katulad sa suot mo.” Sinipat niya pa ng tingin ang strap ng aking dress.
Minsan talaga di ko gets si Haze. I’ve been with Zera in my entire life. Sa mga panlalait palang, nakabisado ko na. Mga nerd ang mga baduy at manang manamit. Pero ba’t parang iba talaga kay Haze?
Nag-isip muna ako ng ebidensyang makakapagpatunay noon.
“Magbihis kana. Just lock yourself inside your room. Hayaan mo na ang mga Kuya mo roon sa labas total malalaki na iyon,” he said bitterly.
Tumango ako at nagpaalam muna saglit na magbibihis nalang. Total wala narin naman akong balak bumaba. Nagpalit ako ng pantulog. It’s a red satin dress, isa sa mga binili ni Mommy sa akin. Kung si Daddy kasi ang mamimili, those were cute and inappopriate for my age, akala mo ay sixteen pa ako dahil sa mga ribbons and style. Pero tipo ko parin namang suotin. Komportable!
Umangat na naman ang kanyang kilay nang makita niya ako sa camera. Nanliit ang mga mata ko sa kanya.
“Pantulog ito…”
“So you sleep like that?” His voice was husky.
Tumango ako at dumausdos sa kama. Nakita ko pa ang pagsabog ng aking buhok sa camera. Inayos ko na lamang iyon. His eyes were now sleepy, tila nalalasing na naman sa kakatitig ng malalim sa akin.
“Para tuloy akong nakaibabaw sa’yo,” bulong niya, nakakulob parin habang ako ay nakahiga na.
“Huh?”
He smirked at me sabay iling.
“How’s your first kiss? Did you enjoy it?” May panunukso na sa kanyang boses kaya namula ako.
“Hmm… Oo. Ang expert mo sa ganoong bagay,” pag-amin ko sa namamanghang boses.
His smirk grew even wider, nakapaskil na ang pagmamayabang sa mukha.
“Well… I am Anzai. I’m expert at everything.”
Ngumiwi ako pero natawa rin. Wala rin naman akong maisip na hindi niya kayang gawin. Para ngang wala siyang kinakatakutan. Mga hobbies niya pa lang…
Noong pumasok narin naman si Zera sa aking kwarto ay mabilis ko nang pinatay ang tawag. Umangat pa ang kilay niya sa akin habang nilalock ang pinto.
“Ba’t ka natataranta?” Sabay sulyap sa cellphone kong itinabi ko pa.
Umiling agad ako at itinago iyon sa ilalim ng aking unan. Mas lalo siyang nagduda.
“May boyfriend kana?”
Napalunok ako. Umiling habang naglalakad na siya patungo sa aking walk-in.
“Dito ako matutulog,” aniya.
Napangiti agad ako roon. Noon, madalas siyang natutulog dito lalo na tuwing summer! Meron siyang mga damit dito, mga gamit na hinahalo niya sa akin. She doesn’t like sharing at ayaw niya rin kasing nanghihiram ng damit kaya may sarili talaga siya.
Binura ko muna ang aking make-up at sumabay kay Zera sa pag-aapply ng toner at night cream. Kapwa kami nasa banyo, nakaharap sa salamin at kapwa na naka satin na dress. Iyon nga lang, kulang itim ang kanya.
“May katawagan ka ata,” she said nonchalantly, nakatingin sa kanyang imahe sa salamin.
“H-Huh? Meron ba?”
“You are so fucking obvious when you’re lying. Sino ’yon? Boyfriend? May lalake ka?” Ang tono ng kanyang boses ay tila naghahanap nalang ng kompirmasyon sa aking bibig.
“Pag ikaw umiyak…” Nanunuya na ang kanyang boses.
Natakot agad ako sa kanyang banta kaya mabilis akong umiling.
“Wala ’no! At bakit ako makikipagboyfriend? Magagalit si Daddy sa akin. Bawal pa ako roon. Study first daw muna…” Tumawa ako ng matabang, halos masamid na sa pagsisinungaling sa naninimbang niyang malamig na paninitig.
“Basang basa talaga kita pag nagsisinungaling ka. How are you sure hindi fuckboy iyang lalake na ’yan? Baka pinipikot ka lang. Katawan lang ang habol sa’yo,” sabay tingin sa aking dibdib. “At ikaw na ignorante, mabilis mauto!”
“Hindi ako uto-uto ah! Marunong akong kumilatis ng lalake. Expert din kaya ako kagaya mo…”
Humalukipkip siya at hinarap na talaga ako ng buo.
“We both know you’re not, Elle. Tingin mo lang ay marunong ka pero ang totoo, hindi. Hindi mo kabisado ang mga lalake.” Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.
I feel so disappointed. Alam ko ’yon… Pero ganoon ba talaga ako ka walang alam sa mga boys? I’ll prove her wrong.
“Tayo dapat ang nang-uuto, hindi sila. Hindi ang mga boys. Do you understand it?”
Tumango agad ako sa palabang paraan.
“Play with his feelings before he plays with your feelings. Unahan mo na. Iparamdam mong hindi ka seryoso nang hindi na iyan lumalim at hindi ka masaktan.”
Hindi agad ako nakatango. Iyon na ang hindi ko kayang sang-ayunan. Bakit naman? At paano iyon? I am not a playgirl!
“Paano ba ’yon?” tanong ko nang humarap na siyang muli sa salamin, pinagpapatuloy ang kanyang ginagawa.
“Easy. Don’t be an easy to get. Pakipot din. Ang mga boys, pag feeling nila patay na patay sa kanila ang babae, lumalaki ang mga ulo nila. Mas magiging kampante sila sa’yo. Magtitake-advantage at aabusuhin ka,” giit niya, nagiging marahas na ang kanyang tono.
“Sila dapat ang naghahabol, hindi tayo,” dagdag niya pa.
Kumuha narin ako ng cream at nagpahid na sa aking mukha habang pinoproseso ko sa aking isipan ang kanyang sinabi.
“Naghabol ka nga kay Trey eh…” Wala sa sarili kong sabi.
Natigilan siya. Nagkasalubong ang kilay. Doon ko napagtanto ang aking sinabi. Nagulat ako.
“I mean…” Nataranta akong dugtungan ang aking sinabi lalo na’t masyado nang seryoso ang kanyang mukha.
“Sa huli, siya rin naman ang naghabol, Elle,” aniya sa iritadong boses.
Tumango ako at ngumuso. Tinakpan niya na ang kanyang cream at tapos na. Nagmadali narin akong ikalat ang akin sa aking mukha lalo na’t lumalabas na siya ng banyo. Tinakpan ko ang akin pagkatapos at ibinalik sa shelf na nasa gilid ng salamin saka ako sumunod sa kanya.
Inaayos niya na ang bedsheet. Tumulong din ako at iyong mga unan ang inayos. Hinubad niya ang indoor slipper at pumwesto na sa aking kama. Pinatay ko muna ang ilaw at binuksan ang lampshade saka tumabi sa kanya.
Tahimik… Ang tanging nanginibabaw lamang ay ang tunog ng aircon. Tumagilid ako paharap sa kanya. Tulala siya sa ceiling. Inayos ko ang kanyang kumot.
“Bakit mo binasted si Trey?” tanong ko, lalo na’t palaisipan talaga sa akin ang bagay na iyon.
“May mga tao kasing akala natin para sa atin. I realize… I’m not for him.”
Nagulat ako sa kanyang inamin. Bakit biglang nagbago? Bakit bigla akong kinakabahan ng ganito?
“Trey just taught me a lesson to find someone who’s only loyal to me. Akala ko siya na eh… But life is a bitch. Pokpok pa.”
Humagikhik ako. Zera’s terms are really below the belt. Kaya siguro ni isa ay walang nagtatangkang kumalaban sa kanya sa school. Bukod sa napakamean niyang magsalita, below the belt pa ang ibabalik niya sa’yo pag nagalit siya. Her words are too painful that it can kill someone.
Pero sa kalagitnaan ng namuong katahimikan, napagtanto ko ang una niyang sinabi. Katulad sila ng dinanas ni Nana at katulad din na natuto dahil sa pagmamahal sa maling tao. Para iyong cycle na mauulit at mauulit lang din sa aming mga babae.
Paano nga kung ang taong inaakala mong para sa’yo ay hindi pala talaga nakalaan sa’yo? Isn’t that too painful?
22nd Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Kristel Jane Parales. Happy reading!
Lagot
Natapos muli ang klase. Parang ang bilis bilis ng panahon at nagmamadali ito sa isang bagay. Nagyayaya na naman ang mga pinsan kong gumala sa kung saan-saan.
Dumaan narin ang aking birthday. I am already nineteen. Sa bahay lang rin ako nagkaroon ng party. Inimbita ko ang mga friends ko, kung sinu-sino nalang ang mga dumalo at nagbigay ng gifts, ang iba ay nagdadala pa ng kanilang friends na kilala rin ako.
“Sino iyong naka pink na kumikinang ang top, Elle?” tanong ng maharot na si Ken nang tabihan niya ako rito sa table at nakikipagtawanan kina Penny.
Kinindatan niya muna si Lexy. Ngumisi ang aking pinsan lalo na’t namula pa ang pisngi ng aking kaibigan. Kinurot ko ang kanyang tainga kaya ngumiwi siya.
“Shoo! Stop hitting with my friends!” pananaboy ko habang dumadaing siya.
“Aray! Palibhasa ang ganda mo ngayong gabi!” Tumatawang tumayo si Ken at ninakawan pa ako ng halik sa pisngi. “Love you… Happy birthday!” Sabay takbo at humahalakhak pa. Baliw talaga!
Ngumiwi ako at itinuon muli ang tingin sa tatlo na nagulat sa kilos ni Ken. Tuwing birthday ko ganoon naman talaga sila. Mga extra sweet.
“Ang gwapo ni Ken ’no?” ani Lexy, sinundan pa ng tingin ang pinsan kong naroon na sa kabila, nakapamulsa at nakikinig sa sinasabi ni Kuya Blue.
Ibinalik ko ang atensyon sa kanya.
“Not really…” Kung ikukumpara kay Haze. Ewan ko nalang.
“Anong not really!” Tumawa si Penny. “He’s so gwapo, Brielle! Crush ko siya noong highschool pa ako eh. Ang friendly kasi and he even helped me with my things noong papasok na ako sa school.”
Hindi na nakakapagtaka iyon kay Ken ’no. He’s friendly and nice with girls around him. Ang hindi nila alam, may hidden agenda na ang unggoy na iyon sa kanila. Kinikilatis na sila nito sa kanyang nadedemonyong mga mata at pinoproseso niya na sa kanyang maliit na utak kung pwede ba itong diskartehan o hindi. Si Ken pa!
“Lahat naman ng mga Delafuente eh,” ani Kiera at sumulyap sa kabilang table, kung nasaan si Wayt na masyadong suplado tingnan with my cousin Hiro. Seryoso ang dalawa roon na akala mo may prayer meeting.
“Hindi ako nagugwapuhan sa kanila,” sabi ko.
“Palibhasa kasi itong si Brielle mala Haze na ang standards kaya parang ang taas taas na ng ibig sabihin sa kanya ng salitang gwapo.” Tumawa si Lexy.
Sumisimsim ng wine si Kiera, nang mabanggit si Haze ay napatingin siya sa akin.
“Summer na…” pagpapaalala niya, naninigurado na ang boses.
Tumawa si Penny. “Malay natin after niya bastedin si Haze ay manliligaw parin ito sa kanya. What if baliw na baliw na siya kay Elle ’no?”
Bumuga ng hangin si Kiera, halos matawa.
“Stop being so stupid, Penny. Hindi tayo ipagpapalit ni Brielle sa lalakeng pinaglaruan niya lang.”
“Pero I think bagay talaga sila… Imagine Haze being Brielle’s boyfriend…” ani Lexy.
Tumawa si Kiera. Natawa narin ako ng kunwari, na sang-ayon ako sa kanya. Pero ang totoo ay natatawa nalang ako sa lahat ng ito. Boyfriend ko na nga eh. Paano ko siya babastedin?
“Hindi sila bagay ’no. Brielle is too innocent and angelic. Ang mga bagay kay Haze ay iyong katulad niyang wild din ang personality. Iyong mataray rin tingnan.” Ngumisi siya.
“Like Zera?” si Lexy.
Tumango agad si Kiera. Umubo ako at uminom ng tubig. “Oo! I think mas maganda ang chemistry nila. Ang powerful ng ganoon!” ani Kiera at kumislap pa ang mga mata.
Ngumiti nalang ako ng tipid at pasimpleng nilingon ang iba pa sa mga bisita. Tumayo ako, ayaw nang makinig sa mga hirit ni Kiera dahil nag-iiba narin ang timpla ng aking mood. Baka kung ano na namang masabi ko.
“Kukumustahin ko lang muna ang iba,” sabi ko habang inaayos ang dress kong kulay cream.
Tumango sila at nagpatuloy sa kanilang topic. Iniwan ko ang table na iyon at huminga. Hindi bagay si Zera at si Haze para sa akin. Parang ang pangit ng chemistry! Mas bagay kay Haze ang opposite sa kanya kasi opposite attracts! Kiera is just insecure kaya ganoon ang kanyang mga sinasabi. Naaatat lang talaga siyang bastedin ko si Haze dahil hindi niya matanggap na pinahiya lamang siya nito.
Dala ang iritasyon ay nagtungo ako roon sa kabilang table, kung nasaan iyong tinutukoy ni Ken na babae. She’s Sofia Merell, an elite. Kasama niya rin ang mga pamilyar niyang friends sa akin, tila nakahalubilo ko narin sa ibang parties ng aking mga pinsan, o kung saan man.
“Happy birthday, Brielle!” Tumayo si Sofia at nakipagbeso beso sa akin.
Ngumiti ako noong humiwalay siya at pinasadahan ako ng tingin.
“Wow! Habang tumatagal talaga paganda ka nang paganda! Right, guys!” Nilingon niya ang mga friends niyang nagtanguan agad.
“Thank you Sofia. I’m glad at nag-eenjoy kayo…”
“Why not? Ang sarap nga ng food…” sabi ng kanyang katabi, naka body hugging dress na may pagka tube ang itaas at kulot ang buhok.
“Thanks… Enjoy lang kayo ha!” Pinasadahan ko sila ng tingin.
Nagsitanguan sila kaya nagpaalam din naman ako.
“Nakita ko si Zera kanina. She’s such a goddess! Akala mo siya ang may birthday eh.” Humagikhik ang isa sa mga kaibigan ni Sofia.
“Si Brielle kasi, maganda naman siya pero iyong parang kulang sa confidence. Magkaedad lang sila but Zera acts very mature while pa cute naman si Brielle.”
“Hush, Treya… Pag ikaw narinig…” si Sofia iyon.
Napawi ang aking ngiti at hinaplos nalang ang buhok, mas binilisan ang pag-alis doon nang wala na akong marinig pa.
Hindi naman ako naiinsecure kay Zera pero minsan, sa mga naririnig ko naiinggit narin talaga ako. Binalewala ko na lamang iyon at inasikaso ang iba ko pang mga bisita. Tumutulong naman sina Kuya kaya nagpapasalamat ako. Si Zera ay mag-isa lang doon sa table at mukhang ayaw ng kasama. Inimbita ko naman sana si Irah…
Nilapitan ko siya.
“Hindi pupunta si Irah?” tanong ko.
Umiling siya. “She’s busy…”
Oh… “Okay ka lang dito?”
Tumango siya at sumimsim sa kanyang wine, nasa cellphone ang buong atensyon. Umupo muna ako saglit at bumuntong ng hininga.
“Ano? Napagod kang mang-entertain ng mga plastik?” sarkastiko ang kanyang boses.
Humilig ako sa mesa at tiningnan ang gawi nila Kuya Blue. Naroon siya sa kabilang table, nginingitian ang iilan sa mga bisita at mukhang inientertain niya ng maayos.
“Ang friendly ko pala talaga. Ang rami kong friends…” wala sa sarili kong sabi.
Pagod na ako pagkatapos ng party. Bagsak agad ako sa aking kama. Nagsialisan na ang mga bisita. Nagkalat ang mga regalo sa aking kwarto. Kakalabas lamang nila Kuya na tinulungan ako kanina sa paghahakot ng ibang gifts. Nililinis narin nila Manang Sandra ang mga naiwang kalat ng party.
Balak pa nga sana ni Mommy na magpa after party sa 3DBar kaso hindi na ako pumayag. Pagkatapos ng mga narinig ko kanina, hindi nila deserve na masyadong ispoil ng party ko ’no. Edi magparty sila at gumastos!
Pumikit ako habang nakakulob sa aking kama. Ang rami na namang pumapasok sa isipan ko. Kailan kaya sila matitigil sa kakakumpara? Minsan tuloy gusto ko nalang magbago. Parang nahihiya na ako sa pagiging ako. Nagiging anino nalang talaga ako ng pinsan ko. Mas sexy… Mas maganda… Mas confident… Mas magaling sa lahat ng bagay.
I sighed again heavily. Kung hindi nagring ang aking cellphone, makakatulog na siguro ako.
Tiningnan ko ang screen. Haze is calling! Ang nanghihina kong kaluluwa ay bigla nalang bumangon. Kumalabog ang aking dibdib kaya kahit ako ay bumangon narin. Sinagot ko iyon.
“Hello?”
“Am I late? Pwede ka pang lumabas?” he asked in his deep voice.
Tumawa ako. “Crazy.”
“Seryoso ako Elliana. Kailangan ko bang bumusina? O magdodoorbell nalang ako?”
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na tumakbo sa veranda. Sumilip ako roon at nakitang may pamilyar ngang kotse sa labas ng aming bahay.
“Diyan ka lang. Magpapaalam lang ako.”
Nagmartsa na ako palabas ng aking kwarto nang hindi pinapatay ang tawag. Naabutan ko sina Mommy at Daddy na tumutulong kina Manang Sandra sa paglilinis. Iyong mga event organizer naman na nagdesign ng aking party ay hindi pa tapos sa paghahakot. Bumaba ako sa enggrande naming hagdan. Si Daddy ang tumingala at sinundan ako ng tingin.
“Daddy… Pwede pa akong lumabas? Saglit lang ako,” sabi ko.
Tiningnan niya ang kanyang suot na relo saka ibinalik sa akin ang mga mata.
“Saan ba? Magpa drive ka nalang sa mga Kuya mo. I’m sure gising pa si Red,” aniya.
Umiling agad ako. “Uh… N-Nasa labas na ang friend ko. May ibibigay lang siya sa akin. Lalabasin ko lang.”
“Ba’t hindi mo papasukin dito? May mga handa pa naman.”
“Huwag na, Daddy! Nahihiya kasi siya!”
Tumango rin naman siya at ibinalik ulit ang tingin sa kanyang pinagkakaabalahan. Nagpaalam agad ako sa kanya at lumabas na.
Tinakbo ko ang namamagitang distansya ng kotse ni Haze. Mustang ngayon ang kanyang gamit na kotse. Noong nasa may tapat na ako ng front seat ay bumukas agad iyon.
Pumasok ako at nakita siya sa loob. Naka v-neck black tshirt ito habang may suot suot na denim jacket. He looks so manly… and very hot in his disheveled hair. Ngumuso ako nang mapagtantong masyado akong naexcite sa kanya. Habang tumatagal ata ay pagwapo siya ng pagwapo. Tumatagas na ang kanyang sex appeal na akala mo ay pinaka hottest man alive sa buong mundo! Ganoon ang kanyang dating sa akin.
“Happy birthday.” May inilahad siyang maliit na box sa akin.
Natuon ang mga mata ko roon. Napangiti ako at kinuha iyon sa kanyang kamay.
“Thanks…” Humagikhik ako at hinila ang ribbon ng pulang box.
Isinabit ni Haze ang iilang hibla ng aking buhok sa aking tainga para makita niya ang aking mukha ng maayos.
“Did you enjoy your party?” he asked softly.
Tumango ako, ayaw nang ikwento ang mga narinig. I want to be positive. Ayokong malungkot sa maliit na bagay at ibigdeal iyon. Ngayon na kasama ko si Haze, parang ang saya saya ko narin.
Tuluyan ko nang nabuksan ang box. Tumambad agad sa akin ang mamahaling earrings. Kumikislap iyon sa aking mga mata.
“Wow… This is too pretty…” Nilingon ko siya.
He smirked at me. Kinuha niya sa akin ang box at inilagay iyon sa kanyang kandungan. Humarap siya sa akin ng buo at kinuha iyong isang pares paalis sa box.
He leaned closer. Lumunok naman ako, naaamoy na naman ang kanyang pabango at masyado na namang nagagwapuhan sa kanya. Wala akong suot na earrings kaya madali niya iyong nailagay.
Sunod niyang kinuha ay iyong isa pa.
“I went to France last month and bought this for your birthday,” he said huskily.
Oh… Alam ko iyon. Nagpaalam siya sa akin ng maayos!
“Binisita mo ang grand parents mo?”
Tumango siya at tapos narin sa kabila. Tiningnan niya na ako ng mataman ngayon. Para na namang hinuhukay ang aking tiyan. I can’t get used to his stares… Parang kahit anong pilit kong masanay sa kanya ay hindi ko talaga magagawa.
“What are your plans this summer?” tanong niya at hinuli ang aking kamay sa aking kandungan. Ipinagsalikop niya iyon habang namumungay na naman ang mga mata sa akin.
“Hmm… Gusto ko lang sumama sa mga hobbies mo. Iyon ang pinagkakaabalahan mo tuwing Summer hindi ba?”
Ngumuso siya at nagpigil ng ngisi.
“We can make another hobby for the both of us. Iyong nag-eenjoy ka rin…” makahulugan niyang sabi.
“Ano na naman? Wala akong masyadong hobby eh…”
Haze leaned closer enough just to kiss me. My stomach feels weird. My toes curled, anticipating for his sinful kisses.
“How about this?” he whispered sensually, ang hininga ay tumatama na sa aking labi.
Humawak ako sa kanyang balikat. Umawang ang aking bibig, handa na siyang papasukin. Slowly, Haze brushed his lips with mine. Napapikit ako sa kuryenteng dumaloy sa akin dahil sa kanyang halik. He kissed me again, this time ay medyo sabik na at malalim ang hagod.
Hinawakan niya ang aking hita. Tila nagmarka na roon ang kanyang magaspang at malaking kamay dahil sa pwersang ibinigay niya, tila ayaw akong pagalawin. His other hand went to my boob.
“Anzai…” I called him as his kisses went to my neck.
He moaned on the skin of my neck. Rumagasa ang bolta-boltaheng kuryente sa akin, tila naging sensitibo na ang aking balat.
“C-Can we go further?” I whispered as he squeeze my boob more.
Nafufrustrate ako. I think I am already mature enough for this! Hindi ako naniniwalang hanggang dito nalang ako, na bata pa at masyadong inosente. Gusto kong patunayan sa sarili ko na mali sila.
“No… You’re not yet ready for this…” paos ang boses, ibinulong niya iyon habang gumagapang ang kamay sa aking inner thigh.
Tumindig ang aking balahibo. Yumuko ako at sinundan iyon ng tingin. I confidently spread my legs to give him more access. He groaned like a wild beast, shocked with my actions.
“Dahil hindi pa ako mature? Dahil ganito lang ako? Dahil ang bata bata ko pa? Kaya… Kaya may limitasyon ang lahat para sa akin?” Naiiyak ako sa aking mga sinasabi.
He stop from going further. Nagulat siya at sinilip ang aking mukha. My lips quiver. Kinagat ko iyon.
“Kaya ko rin ang mga iyon. I am already nineteen… H-Hindi na ako bata.”
Tila nahimasmasan siya nang makita ang namumuong luha sa aking mga mata. Nagkasalubong ang kanyang kilay. Hinaplos niya ang aking pisngi.
“I am not saying anything like that,” masuyo niyang sambit.
“Pero iyon ang lumalabas! Alam mo naman na masyado akong trying hard! Hindi kita kayang akitin! I am such a loser. Buti pa si Zera… Siguro pag si Zera ang nang-akit sa’yo-”
Nagulat ako at natutop ang aking bibig nang kinuha niya ang aking kamay at iginiya sa kanyang gitna. My eyes widened. Natakot ako bigla sa laki at tigas na nararamdaman ko sa malambot kong kamay.
“How sure are you, Elliana? I’ve seen your cousin and I never felt this to her,” seryoso niyang sabi.
Hindi ako makaimik. This is my first time touching someones… someone’s bulge. Hindi ko alam kung babawiin ko ba ang aking kamay dahil sa takot na nararamdaman o panatilihin nalang iyon doon at pag-aralan ng mabuti ang nagagawa kong epekto sa kanya.
“Bakit ka naiinsecure sa pinsan mo? That fucking brat isn’t attractive.”
Sumimangot ako. Kahit ang pagiging brat ni Zera ay alam niya! Gaano ba sila kaclose noon? Sure ako nagkakilala sila sa Bar!
“Bakit ang laki?” biglaan kong tanong, namumula ng husto.
Pumikit siya at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Inalis niya ang aking kamay roon at ipinulupot sa aking beywang. He hugged me tighter using his one hand. Mabibigat ang kanyang paghinga.
“Pag ipinilit mo ang gusto mo ngayon at hindi ako nakapagpigil, masasaktan ka talaga,” he whispered at hinalikan ang aking leeg.
From what I felt earlier, nakakatakot nga naman. He’s big! Nadala lang talaga ako sa frustrations ko. Hindi naman ako nagmamadali sa mga ganito. I just want to be mature… Gusto kong patunayan sa aking sarili na may ikakabuga rin ako. Sa rami kasi ng kanilang sinasabi, kahit ako ay hindi narin kilala ang aking sarili.
But why is he so big?
“Can we get married after I graduate?” I asked cutely.
“Alright. I’ll wait for you,” aniya sa marahang boses.
Namutawi ang ngiti sa aking labi. Bakit pag si Haze ang kasama ko nabubura lahat ng insecurities ko? I feel like I am so pretty. Feeling ko, ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo dahil may Haze ako.
“Ang selosa mo,” he chuckled on my neck.
Sumimangot agad ako. “I am not jealous!” Itinulak ko siya at gustong ipakita na mali siya sa kanyang binibintang sa akin.
Napabangon siya. Magulo ang buhok, namumungay ang mga mata, namumula ang nakaawang na labi… Nakakalasing pa ang kanyang kagwapuhan. Oh God… Bakit ba nag-eexist ang ganito ka perpektong nilalang?
“You. Are.” Iniisa isa niya pa iyon, nakaangat ang kilay.
Sa aking inis ay hinampas ko siya. Nagulat siya sa aking ginawa. Nang mapagtanto ay nagulat din ako. Humagalpak siya na ikinapula ko ng husto dahil mas lalo lamang siyang gumwapo.
“That hurts… Aw! You are so strong!” he acted dramatically while touching his chest at humagalpak muli.
“C-Crazy!” Nag-amba akong lumabas nalang sana sa kanyang kotse dahil sa pagkapikon nang hilain niya ang aking beywang. Nagpumiglas ako. Humalakhak siya sa aking tainga.
“Let go of me!”
Naramdaman ko ang dibdib niya sa aking likod dahil doon na ako napasandal. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Oh… Scary… Please don’t,” sabi niya sa batang boses at humalakhak din kalaunan.
Nakakainis si Haze! Sobrang nang-aasar! Iniyapos niya ang isa niyang braso sa aking tiyan at pinatakan ng halik ang aking ulo. Kumalma ako at humalukipkip nalang, inihilig narin ang aking ulo sa kanyang balikat.
“Turuan mo kaya ako ng karate?”
“At sinong bubugbugin mo?” Hinawakan ng isa niyang kamay ang aking dibdib.
Nalaglag ang mga mata ko roon. He just rested his hand, cupping it.
“Ikaw! Sino pa ba?” Bumusangot ako ng husto.
“Alright… This summer. I’ll train you,” he chuckled.
Tiningala ko siya. Yumuko siya at pinatakan ng halik ang aking noo.
“Talaga?”
“Yup.”
“Sabi ng friends ko magaling ka raw sa jujitsu.”
“So much for being a stalker huh.” He squeeze my boob.
Tiningnan ko iyon.
“May isa sa mga friends ko na… Na may gusto sa’yo noon. Pinahiya mo raw. She’s mad at you.”
“So? The fuck I care with her?” Masyadong maldito ang pagkakasabi niya noon, na sanay na talaga siya sa pananakit ng babae.
Sinimangutan ko siya at gustong bumangon ngunit hindi niya ako hinayaan. Tiningala ko nalang siya.
“Pag ako sinaktan mo…”
Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin. Natakot agad ako sa bilis ng pagbabago ng kanyang ekspresyon.
“Hindi na talaga kita patatawarin,” dagdag ko sa matapang na boses.
“Kaya nga kasal muna bago kama. Masasaktan talaga kita. I’m big and you’re virgin…”
Namilog ang aking mga mata. He smirked at me. Tarantado!
“H-Hindi iyan ang tinutukoy ko!” Pinitik ko ang kanyang ilong.
“Ah, hindi ba? Iyon lang naman ang mapagdadaanan mong masakit sa akin. Oh… And giving birth, too…”
Namula na talaga ako ng husto. Tinakpan ko na ang kanyang bibig. Hinuli niya ang aking tingin at kinindatan ako. Imbes mainis ay natawa nalang ako sa kapilyuhan ni Haze. Binaba ko ang aking kamay at nailing.
Hindi ko na rin maisip ang future ko nang hindi siya kasama. Ngayon lang talaga ako naging ganito ka sigurado. Bahala na kung masaktan. Susugal ako. I’ll gripped with his words. Magpapakasal kami. Panghahawakan ko iyon. Siya ang lalakeng para sa akin and I will claim it fully, without hesitants.
Bumalik din naman ako sa loob. Hindi ako halos makatulog sa sobrang kilig. Kaya kinabukasan, heto ako, humihikab na habang bumababa.
“Morning, Kuya…” Tinabihan ko si Kuya Red sa countertop na bagong ligo at nakapambahay. Nanonood siya ng tv. Ang palabas ay isang modelo na nasasangkot sa isang issue ng kanyang co-model.
Huh? Siya na naman? Bakit parang napakasuki niya sa mga issue? Ang rami niyang bashers dahil narin nilalait niya pabalik ang mga kaaway niya through live interviews.
“Morning…”
“Sino nga ulit ang modelo na ’yan, Kuya?”
Tumayo siya at umikot na sa countertop, marahil ay maghahanda na ng aking makakakain.
“Keyla,” sagot niya.
Medyo tumatak narin siya sa akin lalo na’t ang ganda niya. She looked mature and she’s so sexy. Ang hot niya bilang babae plus her freckles. And she looks half, may dugong spanish? Ewan.
“Siguro nasa twenties na ’yan…”
“Mas matanda ka pa ng isang taon riyan.”
Namilog ako at mabilis na nilingon si Kuya Red. Ibinalik ko ulit sa tv at commercial na ang naroon, wala na iyong news.
“Eh ang mature niya! And she looks taller than me!”
“Exactly, baby. She’s taller and mature than you.”
Sinamaan ko ng tingin si Kuya. “Bakit kampi ka sa kanya?”
Nailing siya at hinaplos ang aking buhok. Seryoso ang kanyang mukha.
“May hindi ka ata sinasabi sa akin,” aniya sa seryosong boses, nililiko na ang topic.
Tiningnan ko ang inilapag niyang plato na may laman nang pagkain. May bacon at ham doon sa gilid ng aking rice.
Humilig siya sa counter, naninimbang na sa akin ang seryosong mga mata.
“Sino iyong naka Mustang kagabi? Nakita ko sa CCTV.”
Lagot.
23rd Gripped
Gripped -PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Anna Grace Ramirez. Happy birthday to my dearest watty friend!
Galit Na Galit
Inangatan na ako ng kilay ni Kuya dahil sa pagkakatigil ko. Para akong naging bato, nakatunganga at naghahanap ng alibi.
“Uh… N-Nagpaalam ako kagabi kay Daddy at-”
“I am asking about the owner of the Mustang, Elliana Brielle,” seryoso na ang boses niya, lalo na’t buong pangalan ko na ang kanyang binanggit.
Pinaglaruan ko ang aking mga kamay.
“Uh, the Mustang Company, Kuya?” Ngumiti ako ng pilit.
Sa aking sagot ay mas lalo lamang siyang nagduda. Nailing siya sa akin, dismayado.
“May boyfriend kana pala ha…”
“Wala ah!” giit ko at tumaas na ang boses.
“Alam mo bang ang mga sinungaling ay nakakarma? Bahala ka maghihiwalay kayo niyan,” aniya, nananakot na.
Sumimangot ako.
“Eh ba’t kami magb-break eh hindi niya naman ako girlfriend,” pagmamayabang ko nang wala sa sarili.
Nagulat si Kuya. Nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay mabilis narin akong nagulat. Ilang sigundong namimilog ang aming mga mata sa isa’t isa.
OMG! Bobita!
“Anong meron? Ba’t mukha kayong mga tarsier? Titigan challenge ba ’yan? Sali ako!” Tumatawang sumulpot si Kuya Blue, naka jersey at mukhang magb-basketball sila ngayon.
Mas pinandilatan ko ng mga mata si Kuya Red. Umiling ako sa kanya habang unti-unti niya namang nilingon si Kuya Blue.
“Itong si Elle…”
Tumayo na talaga ako at mabilis na kumaripas ng takbo pabalik sa aking kwarto. Nadapa pa ako sa hagdan sa aking pagmamadali.
Habol ang hininga ay pumasok ako sa loob. Sinapo ko ang aking dibdib. Oh my gosh! Nahuli ako ni Kuya Red! Pag sasabihin niya iyon kay Kuya Blue na sumbongero kay Daddy ay lagot na talaga ako! Worst, baka hindi na ako palabasin! What should I do?! Sa pagkakadulas palang ng bibig ko kanina, alam ko na agad na mabubuko ako!
Kinalma ko muna ang aking sarili at nag-isip ng matino. Pabalik balik nalang ang aking lakad, kagat kagat ang aking labi. Hindi nila pwedeng malaman ang pinaggagawa ko!
“Elle?”
Napatalon ako sa gulat dahil sa sunod sunod na katok, baritonong boses iyon ni Kuya Red.
Nagtungo ako sa pinto at hindi muna iyon binuksan. Pinakiramdaman ko ito sa labas.
“Open your door. Dala ko ang pagkain mo,” aniya, marahan lamang ang boses at mukhang hindi naman galit.
Pinihit ko rin ang doorknob. Sinilip ko siya sa labas. May dala siyang tray. Nagkatinginan kami at sinenyasan niya akong lakihan pa iyon. Ngumuso ako at umatras, sinunod ang kanyang gusto.
Nakapasok narin siya ng tuluyan. Kumalabog agad ang aking dibdib dahil sa kaba. Sumunod siya sa akin sa veranda at doon inilapag sa table ang tray. Umupo ako sa harap noon, si Kuya naman ay naninimbang ang tingin sa akin.
Humilig siya sa railings. Yumuko naman ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. I am so guilty! Feeling ko kahit magtaray ako ay hindi iyon tatalab sa kanya ngayon.
“Ano ’yong sinabi mo kanina? Hindi ka pa niya girlfriend?” Pinilig niya ang kanyang ulo, nakaangat pa ang isang kilay sa akin.
“Did I said something like that?” I tried to sound innocent, kahit na namamayani ang pagiging guilty sa aking sistema.
“Brielle…”
Bumuntong ako ng hininga at tumango na lamang.
“Oo… May secret boyfriend ako…”
Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Kuya Red nang hinangin ang kanyang buhok. He looked confuse…
“Pero hindi ka girlfriend?” Litong lito siya.
Tumango ako. “Strategy ko ’yon para hindi ko siya ma… m-mabasted at hindi ko madisappoint si Daddy… kayo…”
Mas lalo lamang nalito si Kuya, na kahit anong explaination ko ay hindi niya ata magegets.
Binasa niya ang labi at gulong gulo talaga ang mukha. Masyadong nagkakasalubong ang kanyang kilay. Iyong tipong iniisip mo kung anong tamang sagot sa isang taong pero wala kang maisip. Ganoon…
“I don’t understand. Kung hindi ko lang nakita kagabi sa CCTV na pumasok ka sa isang Mustang ay hindi ako maghihinala. I get your friendliness pero nadulas ka kaya mas naghinala talaga ako.”
Napangiwi ako at gusto nalang pukpukin ang aking ulo. Bakit ko nga ba hindi idinahilan na kaibigan ko lang iyon at friendly lang ako? Oo nga ’no! Can I rewind this?!
“Hindi ko talaga maintindihan…” Umiling siya, litong lito na.
“Ganito ’yon, Kuya. Boyfriend ko siya pero hindi niya pa ako girlfriend-”
“Paano mo siya magiging boyfriend eh hindi ka naman inakyat ng ligaw niyan,” putol niya, pagalit ang boses.
“I just asked him if he wants to be my boyfriend and he said yes…”
Namilog ang kanyang mga mata. “You… You asked him?”
Ngumuso ako at tumango.
“You are really in trouble Elliana Brielle! Alam mo ba iyang pinapasukan mo?” ani Kuya, nafufrustrate na sa akin.
“Eh gusto ko siya! Hindi naman siya magiging boyfriend ko kung hindi ko siya gusto, Kuya!” Nainis na ako, namumula at naiirita.
Umalis ang kanyang kamay roon sa railings. Nahilamos niya ang mukha at nailing. Pumangalumbaba narin ako, tinitigan nalang ang pagkain habang nakabusangot.
“And you’re not telling this to us?” Nanliit ang kanyang mga mata.
“Kung sinabi ko edi hindi na iyon secret. Kaya nga secret boyfriend kasi ako lang ang nakakaalam.”
Sasagot na sana siya dahil masyado nang dismayado ang kanyang mukha kaya inunahan ko siyang muli sa pagsasalita.
“At bakit ko naman sasabihin eh masyado kayong mahigpit…”
Nagloosen ang kanyang balikat. Kumalma ang kanyang ekspresyon. Nag-iwas ako ng tingin.
“Ni hindi nga ako pwedeng gumala nang mag-isa eh. Sinasanay niyo akong nariyan kayo palagi sa aking tabi. K-Kaya pag mag-isa nalang ako…”
Hindi nakaimik si Kuya Red. Bumuntong ako ng hininga.
“Kulang nalang talian niyo ako. You’re all gripping me too much… Minsan… Minsan nasasakal nalang ako sa sobrang higpit niyo.” I sighed heavily.
I don’t want to talk like this pero hindi ko na talaga kaya. Kahit isa lang naman sa kanila ay malabasan ko, na maging aware sa tunay kong nararamdaman.
I should be thankful, alright… Para naman ito sa kapakanan ko, pero minsan hindi ko narin mapunto kung ano talaga ang dahilan nila. Just because I am still young?
“Hindi ko naman sinabi kay Blue,” Kuya whispered.
Nabunutan ako ng tinik doon. Ngumuso na lamang ako.
“T-Thanks…”
Lumapit siya sa akin kaya tiningala ko siya. Ginulo niya ang aking buhok.
“I wished for your happiness. Kung diyan ka masaya… edi…”
Lumiwanag agad ang aking mukha kahit na hindi niya iyon nadudugtungan. Huminga siya ng malalim.
“Ililihim ko nalang muna ito. But please, make-up your mind babysis. You need to tell this to Daddy. Pag nauna itong malaman ni Kuya Blue mo, magagalit iyon sa akin.”
“Kuya, p-plano ko sana after college nalang eh. Iyon din kasi ang sabi ni Daddy, na magtapos muna ako…”
“Ilang taon na ba iyon?”
Ngumuso ako. “He’s five years older-”
“Tang…” Kinagat niya agad ang kanyang labi, pinigilan ang pagmumura dahil sa pagkakagulat. “Kaedaran nila Grey?”
Tumango ako. Kuya sighed heavily. He seemed very frustrated lalo na’t nag-iwas siya ng tingin at nailing.
“Gusto ka rin ba niyan?”
“Oo… And we kissed.” I smiled, nawawala na naman sa sarili.
Naramdaman ko kung paano nanlambot ang mga tuhod ni Kuya lalo na’t pinigilan niya nalang ang sariling mapaluhod at mabilis na humawak sa aking upuan.
“Dalaga na ako! Kiss lang naman… Wala iyong pinagkaiba sa paghahabol ni Zera sa isang lalake,” giit ko.
“Iba si Zera, iba ka!” ani Kuya nang tumatayo ulit ng tuwid.
“Pero bakit palagi akong nakukumpara sa kanya?” Humalukipkip ako at bumusangot. “I know she’s pretty. Am I not? I know she’s sexy too… She looked like a goddess. At ako…”
“Hindi ka lang talaga marunong magdala ng sarili mo. Parehas lang naman kayong matangkad. Parehas din kayong maganda. Parehas kayong payat.” Kinurot niya ang aking pisngi.
I get it okay… Di naman talaga ako ganito ka insecure eh dahil maski ako kay hinahangaan na talaga si Zera simula bata palang ako. Ang nga nakapaligid lang talaga sa amin itong nangdedemonyo.
Pero ang sarap sa pakiramdam na alam ko nang may sumusuporta sa desisyon ko, kahit si Kuya lang. Uunti-untiin ko nalang lahat hanggang masabi ko sa kanila isa-isa.
Sa gabing iyon ay tumawag si Haze sa akin. Gusto ko sanang banggitin iyong kay Kuya kaso naunahan niya ako sa kanyang sasabihin at naging topic namin iyon.
“I’m planning to drink this night. But if you’re not going to let me then I’ll just stay here…” ani Haze sa kabilang linya.
Nasa veranda ako, tinatanaw ang madilim na gabi at kumikislap pa ang mga bituin. Ang tangi kong kasama rito ay ang ice cream sa bowl na unti-unti nang natutunaw.
“Bakit hindi kita papayagan?” Nagkasalubong ang aking kilay.
“So you want me to go there?”
Tumango ako. “Oo. Mahilig kang magBar hindi ba?”
“There are girls out there…”
“Oo meron nga. Tapos?”
Hindi ko magets ang main point niya. Iniapak ko ang dalawa kong paa sa inuupuan ko at niyakap ang aking mga binti. Hinagkan ko ang aking tuhod lalo na’t umiihip na ang hangin, niyayakap ako.
“Selosa ka pa naman…” I can hear his soft chuckles.
Sumimangot ako. “Eh iinom ka lang naman ah? Papayag ako kung iyon ang gusto mo. Pero pag nagpaalam kang mambababae roon, hindi ako papayag syempre!”
“Oh… alright… So I’m free to drink, hmm?” Masuyo na ang boses na iyon, tila hinahagkan na ang aking tainga.
Nangilabot ako sa kanyang boses. Pumikit ako at dinama ang hanging pinaglalaruan ang aking buhok.
“Oo…”
“I’ll be with Raz and Lyle later. I’ll tell them there’s no girls allowed in our table. Are you fine with that?”
Naalala ko iyong nakita ko siya sa Bar. Puno nga naman ng girls ang kanilang table. Kahit siya ay may katabing babae noon at pakiramdam ko ay kaharutan niya pa. Iniisip ko pa lang ay naiirita na agad ako.
“Oo. At uwi ka agad!”
“So may curfew na ako?” he chuckled.
Kumalma ako saglit at nag-isip isip. Hmm… Hindi naman pwedeng kontrolin ko siya. Hindi ko naman pwedeng pagbawalan ko siya sa mga gusto niyang gawin. I don’t want to be clingy. I don’t want to gripped him too much.
“Um, umuwi kana pag gusto mo,” sabi ko.
“What time?”
Anong oras na ba? Chineck ko ang aking pulso at seven-thirty na.
“Ten?”
“Before or after?”
“Before ten!”
“Alright… When are we going to meet again? I’ll enroll you on a training center for jujitsu…”
Today is Tuesday. Nagsisimula na ang summer kaya sigurado akong mamimilit na naman sina Kiera na pumunta sa drag race. Pero mukhang kung saan ang gusto ko ay doon narin ang gusto ni Haze. Iiwas ko kaya siya sa drag race at mag-alibi kina Kiera na tumigil na si Haze?
“Pwede this friday…”
Iyon ang napagkasunduan namin noong gabing iyon. Mga alas otso ay nagtext siyang aalis na at noong alas diez na ng gabi ay nagtext ulit siyang nakauwi na siya. Parang may inaalagaan na akong mga langgam sa aking tiyan at nakikiliti na ako.
Bago pa magbiyernes ay nagpaalam na ako ng maaga kina Daddy at Mommy na gagala ako this friday. Makahulugan agad ang tingin ni Kuya Red sa akin, na may ediya siya sa aking lakad.
“Sinong kasama mo? Friends?” tanong ni Daddy.
Tumango ako, deri-deritso na ang subo at hindi makatingin sa kanyang mga mata.
“Ihatid mo nalang ang kapatid mo, Blue,” ani Mommy na ikinatango ni Kuya.
“Hindi, Ma. Ako ang hahatid kay Elle,” singit agad ni Kuya Red na ikinakampante ko naman.
Nagkasalubong ang kilay ni Kuya Blue, bumabagal ang pagnguya.
“Pwede namang ako. Wala rin akong gagawin…” aniya.
“Si Kuya Red nalang, Kuya…” sabi ko na ikinasimangot niya.
Madrama niyang hinipo ang kanyang dibdib.
“Ouch… Ayaw mo na talaga akong kasama. May favoritism ka pa…”
Natawa kami roon. Tinukso siya lalo nila Mommy at Daddy sa hapag. Nagkukunwari pa siyang nagtatampo na sa akin.
Si Kiera ay panay text din sa akin, nagyayabang magBar this Saturday.
Kiera:
I have a nice plan this Saturday. See you, mwah!
Ano naman kaya? Ito ba iyong sinasabi niyang maghahanap siya ng bago kong boytoy? Ibang lalake na ang binabalak niyang ipalandi sa akin? Mukha ba akong playgirl? Nagreply rin naman ako, dahil iyon talaga lagi ang kanyang reminder at nakakarindi na. Ang talented ng asong ito.
Ako:
Alright, see you! Mwah!
Should I tell this to Haze? Nagpaalam nga siya ng maayos sa akin noong nagBar siya kaya dapat ganoon din ako sa kanya. I’ll return the favor. Magpapaalam ako ng maayos. Papayag naman siguro iyon kasi pumayag din naman ako sa kanya.
Noong dumating ang araw ng Biyernes ay naexcite agad ako sa pagkikita naming muli. Iyon nga lang, sa pagkakataong ito ay iba na.
Nilingon ko si Kuya Red sa driver’s seat na naka plain white tshirt, pants at shoes. Siya ang maghahatid sa akin ngayon kay Haze and I think he’s planning to meet him, too. Iyon kasi ang nabanggit niya sa akin kanina bago kami nilamon ng katahimikan sa byahe.
Tumikhim ako. “Baka suntukin mo ha… Susuntukin din kita,” pagbabanta ko sa pabirong paraan.
Nilingon niya ako, nakaangat ang kilay.
“Handa mo akong saktan bilang kapatid mo para lang sa kanya?”
Tumango ako, walang pag-aalinlangan kaya sumimangot siya. Humagikhik ako.
“Pero mas mabuti iyong magkaharap kami nang mawalan siya ng interes na saktan ka. Baka sakaling matakot…” ani Kuya.
Huh? Si Haze matatakot? Ano bang pinipicture-out niyang pisikal na hitsura ni Haze sa kanyang utak? Payatot? Hindi katangkaran at mukhang mahina tingnan? Katawan palang noon ang tigas tigas na nga eh! At kung ikukumpara sa kanya, walang wala siya ‘no. Haze’ physical appearance is more manly… Manly rin naman si Kuya but he’s very soft… Eh si Haze? Titig palang noon mapapaatras kana.
“Expert iyon sa jujitso, Kuya,” pagmamayabang ko.
“Tss. May kamao naman ako. Kaya ko ring manuntok…” aniya sa kalmadong boses.
“Eksperto rin siya sa baril,” dagdag ko.
Natigilan siya saglit doon. Tumikhim siya at umaayos sa pagkakaupo.
“Makikipagkilala lang naman ako ah? Hindi ako makikipag-away,” giit niya agad nang marinig ang aking sinabi.
I smirked at him. “Ang cool niya, ’di ba? Expert din siya sa archery, Kuya… Eh hindi ba madalas ka rin maglaro ng Archery tuwing Summer?”
Tumango si Kuya, nasa daan ang tingin.
“Mukhang eksperto iyan sa lahat ng bagay ah? Baka pati sa pananakit ang galing diyan niyan,” sabi niya, nang-aakusa na ang boses.
Sinimangutan ko agad siya. Napakajudgemental niya! May pagka masama talaga ugali ni Kuya when it comes to boys. Pero sa mga babae ang friendly. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid pagdududahan ko rin siyang playboy eh. But he’s not. He’s just really nice with girls…
“He’s an expert playboy noon pero hindi na ngayon,” I said, greeting my teeth.
“Playboy huh…” Naging matabang agad ang kanyang boses, parang nadidismaya sa naririnig.
“Stop judging him!”
“I am not judging him,” aniya sa marahang boses, nilingon pa ako saglit.
“You’re silently judging my secret boyfriend!”
“Napakaoverprotective mo naman ata. Ganyan ka ka inlove?” Nailing siya.
Bumusangot ako at hindi umimik. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Maganda ang panahon ngayon. Hindi gaanong mainit pero sapat lamang para pagpawisan ka. Siguro maya-maya ay mas magiging mainit pa. Alas dose pa lang naman eh…
Nakarating rin naman kasi sa isang training center na sinabi sa akin ni Haze. Tiningala ko ang pangalan noon na nakasulat pa ata sa Japanese? I don’t know. Pumasok din naman kaming dalawa ni Kuya.
Mabilis kong namataan si Haze. May kausap siyang mukhang instructor lalo na’t ang bulky ng katawan. Naka fit na black vneck tshirt siya, maong na pants at black boots. Ngumuso ako at nilingon si Kuya Red sa aking tabi na gumagala ang paningin.
“That’s him…” bulong ko kaya lumingon narin siya sa harap, ganoon din ako at nakita agad ang pares ng mga mata ni Haze, ang kilay ay awtomatikong umangat nang makitang may kasama akong lalake.
Tinapik niya ang balikat noong lalake para magpaalam. Naglakad siya patungo sa akin, seryoso ang mukha at madilim ang mga mata. Tumigil ako, gusto na lamang siyang hintaying makalapit dahil narin sa klase ng kanyang paninitig sa akin.
Tumigil din si Kuya. “Iyan ba?” Pangungumpirma niya?
Tumango ako.
“Handa na akong makipagkilala pero bakit kung makatingin ay parang handa narin akong bugbugin?” ani Kuya at hinaplos ang batok, ngumingiwi at tila naiintimidate narin.
Hindi ako umimik sa kanya at nanatili ang buo kong atensyon kay Haze. Pisikal palang halata rin naman talagang walang binatbat si Kuya sa kanya. And he’s already old! My Kuya is just twenty!
Tumigil si Haze sa aming harapan. Nagtitigan agad sila ni Kuya Red. Hindi pa ako makatyempo at makasingit dahil parang may naglalabang kuryente sa kanilang pagitan. Haze screams cruelty while my Kuya is such a soft boy. At mas matangkad si Haze kumpara sa kanya ng ilang dangkal.
“Who’s this? Your driver?” ani Haze, masyadong matabang ang boses.
Nagkasalubong ang kilay ni Kuya at namulsa. Lomobo ang kanyang kanang pisngi dahil sa pagtulak ng dila sa loob noon, tila naoffend kay Haze.
“Ah… Kuya ko pala. Si Kuya Kaizen…” pagpapakilala ko.
Naglahad ng kamay si Kuya. Tiningnan iyon ni Haze ng ilang sigundo, tila ayaw pang tanggapin.
“Anzai,” tawag ko na ikinakalma ng kanyang ekspresyon, nawala ang kulimlim sa mukha at tinanggap ang kamay ni Kuya.
“Haze,” suplado niyang sambit.
Tumango si Kuya. Binitiwan agad ni Haze ang kanyang kamay. Si Kuya naman ay binulsa iyong muli, tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa, kinikilatis ng husto.
“Kuya niya ako,” pag-uulit ni Kuya sa seryosong boses, nagiging palaban narin hindi gaya kanina.
“I heard her,” he smirked at my Kuya without any humor.
Para talagang may nagsasagupaang kuryente sa kanilang mga mata pag nagkakatinginan. Iyong kaonting kalabit nalang ay magsusuntukan na at ako nalang itong nagsisilbing harang para hindi mag-away ang dalawa. Bakit ang init ata ng ulo ni Haze? Bad mood?
“Ah, Kuya… Uuwi kana ba? Itetext nalang kita,” singit kong muli para mamatay ang namumuong tensyon.
“Dito lang ako. Manonood ako,” ani Kuya at mukhang nagbago ang isip.
Haze licked his lips. “As if I’m going to do something bad to her.” Namulsa siya.
Bumuntong ako ng hininga at hinila paatras si Kuya dahil mukha na silang mga bulkang sasabog. Ang iinit!
Nalaglag ang mga mata ni Haze sa aking kamay, kung saan ko hinawakan si Kuya Red. Sinenyasan ko siyang kakausapin ko muna ang aking kapatid. His jaw clenched and nodded, iyon nga lang, mas tumitindi ang galit sa mga mata, tila nagtitimpi nalang.
Nang tuluyan na kaming makalayo kay Haze ay tiningala ko agad ang Kuya kong ngayon pa sinamaan pa ng tingin si Haze noong nakalayo layo na kaming dalawa.
“Mukhang hindi ko gusto ang ugali noon ah. Hindi iyon mabait,” giit niya, bakas sa boses ang galit.
“Ewan ko… Mabait siya sa akin!” giit ko naman at pilit kinukuha ang kanyang atensyon lalo na’t panay parin ang lingon niya sa kinatatayuan ni Haze.
“Kuya please! Huwag naman kayong magsuntukan!” Humalukipkip ako.
“Wala rin akong balak makipagsuntukan. Wala akong alam sa jujitsu ’tsaka halatang ako ang mabubugbog sa aming dalawa,” ani Kuya, sumimangot pa.
Kumalma ang aking ekspresyon. Nilingon ko si Haze. Naroon parin siya, hinihintay ako at hindi na maganda ang timpla ng kanyang mukha. Ibinalik ko ang mga mata ko kay Kuya.
“Dapat ay pinapakitunguhan niya ako ng maayos dahil kapatid mo ako. Pero parang gusto atang makipagsuntukan sa akin…” Nailing siya.
“Ganoon talaga siya, Kuya. Kaya nga maraming takot sa kanya pero maniwala ka sa akin, mabait si Haze!” Itinaas ko pa ang aking kamay, halos manumpa sa binitiwan kong salita.
“Sa’yo lang ata. Mukhang pinagseselosan ako ah? Ano… Ako mag-aadjust? Siya ba ang kapatid?” Sinamaan niya ulit ito ng tingin, malayong malayo sa inasta niya kanina noong nasa harap siya ni Haze.
Gosh! I am not expecting this! Muli akong sumulyap kay Haze at hindi parin talaga humuhupa ang dilim sa kanyang mga mata. Galit na galit at mukhang gusto nang manakit! What’s wrong with him?!
24th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Asiana Vied Caceres. Happy reading!
High Standards
Pagkatapos naming mag-usap ni Kuya ay nagdesisyon parin siyang manatili. Hinayaan ko na lamang siya at ang lintek na si Haze naman ang aking kinakausap na masyadong tinatakot ang aking kapatid.
“Stop giving him that look! You’re scaring him!” Pinitik ko ang kanyang ilong.
Ngumuso siya at kumakalma na ang ekspresyon.
“Sinabi mo na pala?”
Dahan dahan akong tumango. Binasa niya ang labi at sumulyap muli kay Kuya na naroon lamang sa bench, nakaupo at nakahalukipkip, akala mo ay kung sinong gwapong bantay.
“Baka gusto niya ring magtraining nang makasparring ko siya…” he smirked at me.
Sinamaan ko siyang muli ng tingin. Napawi ang kanyang ngisi at hinaplos ang batok.
“I’m sorry,” agaran niyang sabi kaya kumalma naman ang aking ekspresyon. Hinila niya ng marahan ang aking beywang at giniya na ako sa paglalakad. Lumunok ako, masyadong nababahala dahil nariyan si Kuya. Noong nilingon ko ay nakasimangot siya roon. Kumaway ako sa kanya. Ngumiti naman siya at kumaway pabalik.
“He’s not my driver,” giit ko sa kanya habang naglalakad kami, ewan kung saan pupunta…
“I know. I am just teasing him,” aniya sabay pasada ng buhok.
“At bakit mo naman inaaway ang Kuya ko?”
Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, ayaw umamin.
Buti hindi si Kuya Blue iyang inaangasan niya kundi ewan ko talaga. My other Kuya is different… Malala iyon unlike Kuya Red who’s soft like an ice cream.
“Iyong mga request ko?” ani Haze sa kausap niya kanina, iyong lalakeng masyadong bulky.
May binigay siyang gymbag kay Haze. Binuksan iyon ni Haze at chineck. Sumulyap sa akin ang lalake kaya sumulyap din si Haze sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at itinuon ang buong atensyon sa loob noong bag.
“This is yours,” ani Haze at isinabit na sa kanyang balikat iyong gymbag.
“Akin?” Tinuro ko ang aking sarili.
“Yes. Binilhan na kita para makapagsimula kana agad ngayong araw.”
Oh wow… Edi magiging permanent na naman ako rito dahil may sarili narin akong equipments ko?
Pinagpalit niya ako ng damit doon. Nagsuot ako noong kulay puti. I look like a taekwondo player. Sumipa sipa pa ako kunwari roon sa loob pero lumabas din naman pagkatapos.
Nakapagbihis narin si Haze noong white kimono. Malagkit kong tiningnan ang itim na belt sa kanyang beywang. Blackbelter!
Itinali ko ang aking buhok. Inayos naman ni Haze ang belt sa aking beywang.
“I also want that belt…” Itinuro ko iyon kaya yumuko siya.
“Baka abutin ka pa ng ilang taon. But we’ll work on that…” ani Haze.
“Eh ikaw? Ilang taon kana bang jujitsu player?”
“Since I was seven. I got my belt when I was nineteen. Blackbelter na ako noon…”
Namilog ang aking mga mata. Ganoon siya kabata naging blackbelter?! I can’t imagine his experties in martial arts…
“I can paralyze my opponent in just one blow, Elliana, since I also mastered Karate and Taekwondo at the age of twenty,” aniya na ikinatakot ko.
Kawawa naman ang makakaaway nito. Hindi lang ata bugbog ang aabutin kundi comatose pa.
Ang sabi ni Haze, sa ordinaryong gaya ko ay baka abutin ako ng twenty-seven years kung gusto kong mamaster lahat ng martial arts. Pero kung sa jujitsu lang naman at pagiging black belter ay kaya niya raw akong turuan until I got my own rank too…
Bumalik din naman kami sa training ground. Maingay ang loob. Kulay blue ang sahig. Nakayapak na ang lahat ng naroon na nagsisimula narin sa kanilang training kasama ang kani-kanilang instructor. Medyo maingay.
Si Haze ang naging instructor ko. Ang sabi niya ay tuturuan niya muna ako ng mga basic, lalo na ang self defense.
Nililingon ko lamang si Kuya sa bench, tahimik na nanonood. Hindi naman siya mukhang nag-aalala, besides… mukhang may tiwala siya kay Haze.
Mga tatlong oras akong tinuruan ni Haze ng mga basic techniques. Napapatayo pa si Kuya Red sa tuwing ngumingiwi ako. Nawala siya roon at noong bumalik na ay may dala dala nang bottled water. Ipinabigay niya nalang iyon sa isang instructor din.
“Did you see me, Kuya?!” Humagikhik agad ako nang lumapit ako sa kanya.
Tumango siya at ngumiti. “Mabuti rin ’yan nang matuto ka ng self-defense…”
“I’m planning to get my own belt too, like black… Pero alam kong matagal pa iyon eh,” sabi ko habang pinupunasan ko ang aking pawis.
Sumulyap si Kuya sa aking likuran. Noong lumingon narin ako ay lumalapit na si Haze sa amin. Hindi man lang ito masyadong nagpawis unlike me.
“Let’s eat?” Anyaya niya at tiningnan narin si Kuya.
Ibinalik ko ang mga mata kay Kuya na ngayon ay umiling na.
“Kayo nalang. Total mukhang nakakampante narin naman ako,” aniya sa marahang boses.
“Uuwi kana?” tanong ko.
Tumango si Kuya. “I’ll fetch you later.”
“Ihahatid ko nalang,” si Haze.
Umiling si Kuya. “Ako na ang susundo nang mapanatag din ang kambal ko. Baka magduda na iyon.”
Hindi umimik si Haze, tumango na lamang. Nagpaalam ako sa aking kapatid. Humalukipkip lang si Haze sa gilid, seryoso lamang ang mukha.
Nang umalis na si Kuya ay nagtungo ulit kami sa locker room para makapagbihis. Pinahiram ako ng tshirt ni Haze. Hindi rin kasi ako prepared… Hindi ako nakapagdala ng extra.
Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang may kausap na babae. Nakaracerback lamang ito, may pagka foreign ang hitsura at kitang kita ang kanyang cleavage. Panay ang kanyang ngisi habang kausap si Haze.
Lumapit ako ng tuluyan. Lumingon si Haze sa akin. Napatingin narin ang babae.
“Hi…” Binati niya ako ng marahan.
“Hello…” Ngumiti ako pabalik sa kanya, taliwas sa nararamdaman kong tabang sa aking labi.
“We’ll go now, Karen…” ani Haze na ikinatango niya.
“Let’s catch-up next time, Anzai.” Hinaplos niya ang braso ni Haze.
Napunta agad ang tingin ko roon, dinaig pa ang agila sa bilis ng aking pagsulyap. Tumangong muli si Haze at hinawakan ang aking beywang.
Kumindat iyong Karen bago tuluyang tumalikod. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Haze, sabay baling sa akin. Ah… ganon…
“Isa sa mga babae mo noon?” matabang kong tanong, hindi na mapigilan ang sarili.
“I met her here…”
“Ang tinatanong ko ay kung isa ba sa mga naging babae mo noon.” Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
He swallowed. “It doesn’t matter anymore. Past is past…”
Bumuga ako ng hininga. Past is past? Ang dali lang naman ng tanong ko ah. Oo o hindi lang naman dapat. Bakit nililiko niya?
Hinawi ko ang kanyang kamay sa aking beywang. My small movement shocked him. Nauna akong maglakad ngunit mabilis niya rin akong nahabol.
“Hindi na ako babalik dito,” sabi ko sa matigas na boses at lumayo sa kanya nang magtangka siyang hawakan akong muli sa aking beywang.
“We can have our own training ground, Elliana. Pwedeng sa condo ko,” he said calmly.
Sinamaan ko siya ng tingin. Mas binilisan ko ang aking paglalakad pero nakakalebel parin talaga ako ni Haze. Hinila niya pa ako papuntang parking lot. Padabog akong pumasok sa front seat at agad na humalukipkip.
Pumasok siya, tiningnan ako ng mabuti, nakanguso.
“Seatbelt…”
“Ayoko.”
He chuckled. “You’re cute when you’re mad…”
Sinamaan ko siya ng tingin. Napawi ang kanyang ngisi at tumikhim.
“Isa iyon sa mga babae mo noon. Mahilig ka sa mga may half eh tapos pure malalandi naman pala.” Sa aking iritasyon ay hinila ko ng marahas ang seatbelt.
Nagulat si Haze. Nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay nag-iwas nalang ako ng tingin.
“Noong sinabi ko sa’yo na hindi na mauulit, hindi na ako umulit… We just talk…” he said softly, akala mo ay may pinapaamong mabangis na leyon.
“That’s called flirting! Bakit ba makikipag-usap ang babae sa’yo? Para landiin ka.”
Parang nanliliit si Haze sa kakatitig sa aking galit na mukha. Nagmistula siyang tuta sa aking harap.
“I’m sorry, okay?” Hinuli niya ang aking kamay.
Binawi ko agad iyon. Mas lalong namungay ang mga mata niya at sinubukan ulit iyong hulihin. Itinago ko sa aking likod ang aking kamay. Haze frowned at me and leaned closer.
“I don’t like it when my girl is mad at me,” he whispered at hinagkan ang aking labi. Nag-iwas ako, pinaninindigan ang aking inis kaya napunta ang kanyang halik sa gilid.
“I’m sorry…” Hinagkan niya ng marahan ang gilid ng aking labi, nanunuyo iyon habang ang isang kamay ay nakahawak na sa aking baba, iginigiya ako paharap sa kanya.
Nagpaubaya ako sa kanyang galaw. He smiled at me. Matalim ang tingin ko sa kanya, taliwas sa mga mata niyang nagpapaalipin sa akin sa sobrang pamumungay noon. Hinaplos niya ang aking pisngi.
“Hindi na mauulit…” he whispered softly while planting small kisses around my face, gusto akong paamuhin na.
Noong tinangka niya ulit akong halikan sa aking labi ay nag-iwas akong muli. He chuckled softly.
“I am not allowed to kiss you on the lips when you’re mad, hmm?”
Tumango ako.
“You’re good at punishments, huh…” Bumaba ang kamay niya sa aking leeg at doon siya humawak sa gilid.
Masyadong malapit ang gwapo niyang mukha. Masyadong nanunukso ang kanyang pabango. Ang mint sa kanyang bibig ay nakakatunaw rin ng galit idagdag pa ang kanyang boses.
Pero gusto kong panindigan ang aking inis. I don’t want him to see talking with other girls! Naiirita ako! Feeling ko pinapabaliw niya sa kanya ang babaeng nakakausap niya. Feeling ko aagawin siya anytime! Ayoko sa ganoong pakiramdam.
Binuhay niya rin naman ang kanyang kotse at nagsimula nang magmaneho, ang isa namang kamay ay hawak ang aking kamay na nakasalikop sa kanya at namamahinga sa isa niyang hita.
Ang tangi lang nag-iingay sa loob ay ang kanyang stereo. He played a song entitled Fourteen by Silent Sanctuary since iyon ang nakalagay roon.
Simula palang ng kanta ay yumakap na agad ang lungkot sa akin.
Inaayos ko ang iyong isipan
Ngunit hindi ka nakikinig
Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
Wala parin
Ilang beses ko bang sasabihin na
Wala nang kwenta ang nakaraan
Pero iyong pinipilit
“Ikaw lang ang nais kong makasama… Wala na kong gusto pang balikan, kahit ako’y papiliin ikaw ay umasang gusto kong makapiling…” Sinabayan niya ang chorus part sabay angat ng aking kamay at hinagkan ng matagal ang likod noon.
Bakit ganyan ka lungkot ang kanta niya?
“Nakakatakot magkamali sa’yo. Parang ang tigas tigas mong paamuhin,” he chuckled at me.
Kumurap ako at nilingon siya. Si Haze na walang kinakatakutan at kahit baril ay kaya niyang paglaruan sa kanyang kamay ay takot sa akin?
Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita
Ikaw lang kasi, maniwala ka
Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako’y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling
Pero bakit ganyan
Tayo ay napaglalaruan
Siguro nga’y sadyang ganyan
“But I’m willing to beg for my chance kung nagkamali man ako, Elliana. Handa naman akong lumuhod… mapatawad mo lang ako,” aniya, nilingon pa ako.
Ang kagaya niya luluhod sa kagaya ko? Parang imposible naman ata iyon! At anong klaseng kasalanan naman? Bakit… May plano siyang saktan ako?
“Hindi ganoon kadaling magpatawad ah…” sabi ko, gusto siyang takutin kahit alam ko namang mahirap na magalit sa kanya ng husto.
Doon umikot ang pag-uusap namin buong byahe. Doon ko lang namalayang okay na pala ako ulit noong pumasok na kaming dalawa sa Korean Restaurant at sinusubuan niya na ako noong iniihaw niyang karne.
“Oo nga pala… Bukas magBa-Bar kami nila Kiera…” sabi ko habang tinitingnan siyang binabaliktad na iyong mga karne sa griller na nasa gitna noong mesa sa pamamagitan ng chopstick. He’s good at it, too!
“Sasama ako,” aniya.
Namilog ang aking mga mata. Umiling agad ako.
“Hindi pwede! Kami kami lang iyon! For girls only!”
Nagkasalubong ang kanyang kilay.
“Sa ibang table ako, kung ganoon…”
“Kahit na.”
Pinilig niya ang kanyang ulo para mas tingnan ako ng mabuti. Sumimangot ako. Ayokong naroon siya at baka… baka makita niya ang gagawing kalokohan ni Kiera. At baka pag naroon siya ay utusan na ako noon na bastedin si Haze sa mismong harapan nila. Hindi iyon magandang tyempo. Mas mabuting ipakilala ko si Haze sa ibang pagkakataon bilang secret boyfriend ko.
“Alright…”
Kumalma rin naman ang aking ekspresyon kahit na mukhang hindi ako kumbinsido riyan sa pagpayag niya. Para kasing may ibang tumatakbo sa kanyang isipan.
Pagkatapos kumain ay nagpasundo narin ako kay Kuya Red. Pinaglalaruan ni Haze ang aking mga daliri sa mesa habang malalim na naman ang titig sa akin.
“Parating na si Kuya Red…” sabi ko. “Dapat magsorry ka sa kanya.
Sa pagbabago palang ng kanyang ekspresyon, halata agad ang pagtutol niya sa aking sinabi.
“That is so fucking gay…” Bumuga siya ng hangin.
Marahas kong binawi ang aking kamay. Nagulat siya, naging maamo agad ang mukha at iginapang muli ang kamay patungo sa aking kamay, hinuhuli iyong muli.
“Alright… I’ll say sorry,” marahan niyang sabi kaya napangiti ako.
Mabait oh! Sabi ko naman kay Kuya eh! Di lang talaga siya naniniwala. Itong si Haze kasi akala mo kung sinong lalakeng mataray! Maattitude ah…
Pagkarating ni Kuya Red, tumaas agad ang isa niyang kilay at nasa likuran ko na ang mga mata. Nilingon ko narin si Kuya na naglalakad na patungo sa aming gawi, may suot nang leather jacket sa kanyang plain white tshirt kanina.
Nilapitan niya kami. Binawi ko ang aking kamay kay Haze, matagal pang binitiwan. Tumayo naman ako, si Haze ay humalukipkip na sa kanyang upuan.
“Ah Kuya… Bago tayo umalis… May sasabihin daw si Anzai sa’yo,” sabi ko at nilingon si Haze na itinuro pa ang sarili, nagpapainosente na akala mo ay walang alam.
Makahulugan ko siyang tiningnan. Naging kamao ang kanyang kamay at itinapat sa kanyang bibig saka umubo ng peke.
“I’m…” Umubo muli. “Sorry,” at naubo na naman.
Parang labag na labag sa loob ah? Uminom na siya ng tubig.
“May hika?” bulong sa akin ni Kuya.
Nagkibit ako at bumulong pabalik. “He’s saying sorry for saying na mukha kang driver.”
Kumalma ang ekspresyon ni Kuya, napakurap pa siya sabay pasada sa kanyang buhok.
“Ah ’yon ba? Okay lang kung iyon ang aking papel. Ikaw nga boyfriend niya pero wala kayong label,” ani Kuya at natawa siya, tila wala sa sarili.
Gumalaw ang panga ni Haze. Nang mapagtanto niya ang kanyang nasabi ay nagyaya na agad siyang umuwi. Kinawayan ko nalang si Haze na hindi na kumikibo, masyado na namang seryoso ang mukha.
“Tss. Napakaseloso. Ang mga ganyang lalake ay mabilis na iniiwan ng mga babae. Nakakasakal ang mga ganyan,” ani Kuya nang makapasok kami sa kanyang kotse at binubuhay niya na iyon, handa nang umalis.
Hinila ko ang seatbelt at ikinabit iyon.
“Hindi naman ah?” sabi ko na ikinailing niya.
Inikot niya ang manibela habang tinitingnan ang salamin sa itaas, chinicheck kung may kotse ba o wala.
“Anong hindi? Kung ako nagkagirlfriend, magiging understanding ako. Mamahalin ko ang mga lalakeng malapit sa kanya. Hindi iyang kagaya ng Haze mo… Kuya mo ako kaya dapat natatakot siya sa akin. Pero parang ako pa itong tinatakot niya!” Halos sumimangot na siya.
“Hindi ka naman niya tinatakot Kuya…”
“Tinatakot niya ako,” giit niya.
“Ikaw ang natatakot.”
Iyon ang nililintanya ni Kuya sa akin, na payuhan ko raw si Haze na huwag masyadong maging seloso. But the point here… I like everything about him, even his flaws. Hindi niya naman kailangang baguhin ang sarili niya. My Kuya is just being oa.
Nagtawagan kami ng gabing iyon. Nag-usap lang kami ng kung anu-ano. Nabanggit niya rin sa akin na baka may lakad siya bukas with his friends. Pumayag narin ako total may lakad din naman ako eh.
“Brielle!” Ang boses agad ni Penny ang pumaibabaw sa maingay na loob dahil sa trance music, masyadong malaki ang ngisi nang lumitaw na ako rito sa madalas nilang puntahan na Bar, iyong Dream21.
Katabi niya si Lexy na sa kabila ng dim na paligid ay ngiting ngiti rin.
Ang agaran kong napansin ay ang lalakeng nakahilig sa kanyang mga hita at sumulyap narin sa akin.
“I’m glad you’re already here, Brielle!” si Kiera iyon na naka spaghetti top at highwaist shorts lamang, ang buhok ay naka bun.
Ngumiti ako at naghanap ng pwedeng upuan. Doon na sana ako pupwesto sa tabi ni Penny nang hinila ako ni Kiera.
“No… Dito kana sa tabi ni Japeth. Oo nga pala! Meet Japeth Estrella. He’s one of Hailey’s circle of friends, too!” pagpapakilala niya sa lalake na tumayo agad at naglahad ng kamay sa akin.
“Hi…” Ngumisi siya sa akin, ang pabango ay nakarating agad sa aking ilong.
Tiningnan ko ang maalon niyang buhok at naalala saglit si Haze. Kumurap ako lalo na’t masyado nang nanunukso si Kiera sa aming dalawa, tumitili na.
I smiled at him too.
“Hi…” Tinanggap ko ang kanyang kamay at nakipagshake hands.
“Ang ganda mo pala talaga… No wonder… Delafuente eh,” aniya, masyado pang mahigpit ang pagkakahawak sa aking kamay.
“Oh my gosh, Japeth! You look like inlove!” Humagikhik si Kiera.
Matabang akong natawa at binawi agad ang aking kamay. Nauna akong umupo, ayaw magpakita ng interes sa kanya.
Tumabi rin siya sa akin.
“OMG! Bagay na bagay! Right, guys!” ani Kiera sa dalawa na hindi rin kami masyadong pinagtutuunan ng pansin at nagkukunwaring abala sa ibang bagay.
“Ah… Slight?” si Lexy na nakatuon ang tingin sa paglalagay ng ice cubes sa kanyang glass.
“Oo, medyo may spark,” si Penny naman na nasa cellphone ang atensyon kanina at sumulyap lang sa amin ng pilit.
“Come on! Mga bulag ba kayo? Hindi niyo ba nafefeel ang kuryente ng dalawa?” Tumawa si Kiera at nagsalin ng inumin sa shot glass.
Pilit ang ngiti ng dalawa. Nag-iwas ako ng tingin at aksidenteng may nahagip na mga pamilyar na mukha. Ang dalawang lalakeng kakapasok lamang sa Bar ay namumukhaan ko. Tila may hinahanap sila. Ang isa ay naka button down shirt habang ang isa naman ay simpleng long sleeves na nakarolyo ang sleeves sa bawat kamay.
Noong magtagpo ang tingin namin noong isa ay pasimple niyang sinapak ang dibdib ng kanyang kasama hanggang sa silang dalawa na ang nakatingin sa akin. Nagulat ako at napagtantong masyado ko silang tinitingnan kaya nag-iwas akong muli.
“Here…” ani Japeth, lumapit pa ng kaonti sa akin para lang marinig ko siya at inilalahad sa akin ang shotglass.
“Thanks.” Tinanggap ko iyon at pasimpleng umatras.
“What’s wrong with you, Brielle? You are so silent! Akala mo naman ignorante ka sa lalake! You’re expert at flirting, right?” Ngumisi si Kiera sa akin.
Nahahati ang aking tingin lalo na’t sa kabilang table na malapit sa aming couch ay inuukupa na noong dalawa, iyong mga kaibigan ni Haze. Pasulyap sulyap sila rito, ang isa ay may katawagan habang ang isa ay busy na sa menu.
“Ah… Medyo masama lang ang pakiramdam ko,” pagsisinungaling ko nalang at nilagok ang shot.
Ngumiwi ako at mabilis na dumampot ng makakaing chips. Tumawa si Japeth.
“Mukhang hindi sanay uminom ah?” Sinilip niya ang aking ekspresyon.
Natamaan ng sumasayaw na mga neon light ang kanyang mukha kaya naaninag ko ang kanyang kagwapuhan. This guy is carrying an aura like my cousin, Ken. Ngisi palang…
Hindi ako umimik, ayaw magpakita ng interes kahit na naninimbang ang mga mata ni Kiera sa akin, tila pinag-aaralan ang aking galaw.
“Susunduin ka ba ng Kuya mo later, Brielle?” tanong ni Penny.
Tumango ako at ngumiti. “Yup!”
Nagpaalam din kasi ako kay Kuya ng maayos. He warned me not too drink too much kaya pumayag din ako nang hindi kami mapahamak kay Daddy.
“Japeth. Be gentleman naman… I think Brielle is cold,” si Kiera iyon, isiningit pa talaga.
Do I look like freezing to death? Sa aming dalawa baka nga siya itong nanlalamig dahil sa suot niyang kulang kulang sa tela. I am wearing a black pinafore dress paired with white long sleeve inside on it. Kiera is pushing him para lang makatsansing sa akin!
“Oh…” Tumayo si Japeth ay walang anu-anoy hinubad ang leather jacket.
Umiling agad ako. “No, I’m fine…”
“Sus! Huwag kanang mahiya, Brielle.” Tumawa si Kiera.
Nagtitinginan lamang sina Penny at Lexy, ayaw makisali. Ipinatanong na ni Japeth sa aking balikat ang kanyang leather jacket at tinabihan akong muli. Nahuli naman ng aking mga mata ang pag-iling ng kaibigan ni Haze. Kinabahan agad ako.
“Or maybe she needs something that can warm her more…” Japeth chuckled, ang kanyang kamay ay nakaakbay na sa likod ng headrest ng sofa na sinasandalan ko.
Kiera chuckled, too. “Oh my God!”
I sighed inwardly. Nanunuyo na ang aking lalamunan. Kating kati na akong umuwi at magpasundo nalang kay Kuya. Hindi na ako natutuwa. Kiera is bossing around at nakakapikon na. I have my own limit, too. Hindi ko lang talaga alam kung paano isasaboses ang aking saloobin. Ayokong maging kj but this ain’t fun anymore!
“Nagkascandal ang pinsan mo noon hindi ba? What’s her name again? Nana? Ang wild niyo kasing mga Delafuente.” Humalakhak si Japeth sa aking tainga na ikinagulat ko.
Lumayo ako, nairita na sa paglapat ng kanyang hininga sa aking leeg. Masyado siyang malapit. Uuwi na talaga ako.
“Kiera… stop this. Brielle isn’t comfortable with her!” si Penny iyon, mukhang nakakapansin na sa aking kilos.
Tumango rin si Lexy na halatang nag-aalalala sa akin.
Humagikhik si Kiera. “Ang oa mo, Penny. Si Brielle pa! She’s expert with boys, remember!”
Nang-init na ang aking ulo. I don’t like this set-up. Idagdag pa na narito ang mga kaibigan ni Haze. Pag nakaabot ang balitang ito sa kanya ay baka magalit iyon dahil ang sabi ko ay all girls lamang kami! Baka sabihin niyang nagsisinungaling lamang ako!
“And Japeth is such a good catch! Pasalamat nga si Brielle ay binigyan ko siya ng ganyang lalake…” Tinaasan niya ako ng kilay, nagmamalaki na ang nanunuyang tingin sa akin.
“Pero namimili naman ako nang maayos, Kiera. I have high standards with boys and obviously, hindi naman tayo magkatulad ng taste sa lalake.” Hindi ko na napigilan ang kumalat na tabang sa aking bibig, nawawala na sa sarili dahil sa pagiging okyupado sa ibang bagay.
25th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn.
This chapter is dedicated to Krizzy Lorraine de Dios. Happy reading!
Tamed
Kiera was so shock. Ang pagkakagulantang ay naipasa niya narin kina Lexy at Penny na ganoon din ang reaksyon. Kahit si Japeth ay mukhang naoffend sa aking sinabi. Noong napagtanto ko ang lahat ay nahahati ang emosyon ko kung hihingi ba agad ng tawad o huwag nalang.
“What did you say?” Natawa ng mapakla si Kiera nang matauhan.
Hindi ba ito naglilinis ng tainga?
Mas naging grabe na ang tugtog. Mas naging maingay ang loob. Bumuntong ako ng hininga at nagpasyang tumayo na. Sinundan nila ako ng tingin.
“Uuwi na ako,” pagpapaalam ko nalang ng maayos.
Kiera’s eyes sharped at me. Si Penny naman ay ngumiti at tumango, ganoon din si Lexy.
“Leaving so soon?” tanong ni Japeth habang tinitingala ako. “I am so insulted. Mukha ba akong mababa sa paningin mo?” There’s a desperation in his voice. Ang kanyang ngisi ay matabang narin.
Kumalabog ang aking dibdib at natatakot na.
“I’m sorry. Kailangan ko na talagang umuwi,” sabi ko at handa na sanang umalis nang hinawakan niya ang aking kamay.
Natigilan ako at nilingon siyang nakaupo parin. Mahigpit iyon, parang ayaw akong bitiwan.
“We’re not yet having a good time… Ayaw mo bang dalhin kita sa langit?” Ngumisi siya.
Anong pinagsasabi niya? He’s not allowed in heaven! Masusunog siya roon sa impyerno.
Nagulat sina Penny at Lexy. Ang kabilang table na mga kaibigan ni Haze ay nagsitayuan narin. Buong akala ko ay nasa amin ni Japeth ang kanilang atensyon pero nang mapagtanto kong nasa aming likuran at naamoy ko pa ang pamilyar na pabango ni Haze ay kumalabog na ng husto ang aking dibdib.
“Haze…” si Kiera iyon, namimilog ang mga mata sa aking likuran.
Bago pa ako makalingon ay marahas na akong nabitiwan ng lalake. Napaatras ako nang kinwelyuhan niya agad si Japeth at inangat palabas sa couch para dalhin sa kanyang harap. My eyes widened. Kahit sina Kiera, Lexy at Penny ay napatayo narin.
The raging anger in Haze eyes were very intense! Mas madilim pa sa suot niyang itim na leather jacket ang kanyang mukha. Ang yumayakap na galit sa seryosong mukha ay masyadong nakakanginig ng kalamnan.
“D-Dude! The fuck are you doing?” Nagpumiglas si Japeth sa kanyang mga kamay lalo na’t hindi narin nakasayad sa ere ang kanyang mga paa, tila nasasakal narin sa hawak ni Haze.
Halata sa kanyang mukha ang takot niya sa kanya. Nagmistula lamang siyang bata at mukhang hirap na hirap tumakas sa kamay nito.
Haze smirked at him evily.
“Mauna ka ngayon sa langit,” aniya at bigla nalang naging mabilis ang kanyang kilos na parang hangin.
Our eyes widened when he slammed him hard on the floor! Sa sobrang lakas ay parang may kumalabog at. Pakiramdam ko ay nabalian na siya ng kung ano sa kanyang katawan.
“Anzai!” tawag ko sa sobrang takot sa kanyang ginawa.
“Shit!” Isa iyon sa kanyang mga kaibigan, hindi alam kung lalapitan ba siya para awatin dahil natatakot narin.
Nagtayuan narin ang iba. Ang mga nasa dancefloor ay walang napapansin dahil sa malakas na tugtog pero ang mga nakakita ay nakikiusyoso na.
Japeth passed out instantly! Hindi na nakagalaw roon at parang naparalisa agad! Namulsa si Haze, umangat lamang ang kilay at tila walang reaksyon sa kanyang ginawa habang nakatitig ng mariin kay Japeth na hindi na nagigising.
“This fucking bastard…” si Haze iyon, iritang irita.
“Oh my God! Is he dead?!” Sumigaw si Kiera sa sobrang gulat.
Nang marinig siya ay nataranta narin ang ilan.
“Call an ambulance!” May kung sino ang sumigaw.
“Oh my God! Anong ginawa niya! Niwrestling niya si Japeth!” Si Penny ay napaatras habang si Lexy ay takip takip ang bibig.
“Pakilabas si Anzai, please…” May kung sino na ang nagsabi noon sa akin.
Masyado akong natulala, hindi alam ang gagawin. Gulong gulo pa ang isipan ko at parang nagkakabuhol buhol ang mga salita sa aking bibig. Nang nilingon ko kung sino ay ang kaibigan niya na iyon. Ang isa niyang kaibigan ay naroon naman sa tabi ni Haze, parang gusto itong pakalmahin.
“B-Bakit?” Wala sa sarili kong tanong.
“Pag hindi mo siya pinaalis dito ay hindi lang iyan ang aabutin ng lalake! Baka mapatay niya pa iyan!”
Sa aking narinig ay mabilis na akong umikot patungo sa gawi ni Haze na sinipa pa ang paa ni Japeth na wala na sanang kamalay malay at pinagkakaguluhan na ng iilan. Agaran ko siyang hinila palabas, takot sa ginawa niya roon sa lalake. Nagpapasalamat naman ako nang husto nang nagpatianod siya sa akin.
Oh my gosh! Japeth passed out! He slammed him! Oh my gosh! Feeling ko ay nakakita ako ng live na wrestling! Iyong wala niyang kahirap hirap na itinumba ang kanyang kalaban in just one move! Oh my gosh Anzai Haze!
Pagkarating sa parking lot ay hinanap ko agad ang kanyang kotse.
“Anong dala mong kotse?!” tanong ko sa labis na pagkakataranta, pakiramdam ko ay may tinatakasan kaming krimen!
“That red Ferrari…” Nginuso niya iyong pamilyar niyang kotse.
Hinila ko siyang muli at nagtungo kami roon. Tumigil kami sa tapat ng kanyang kotse. Pinatunog niya iyon hanggang sa kusang bumukas. Bago pumasok ay hinarap ko siyang muli.
“Is he dead?!” tanong ko at nililingon siya.
Nagkibit siya. “Kulang pa ’yon.”
Namilog ang aking mga mata. I equalled the intensity on his eyes.
“You almost killed him, Anzai!”
Nagulat siya sa aking pagsigaw. He breathe hard and licked his lips.
“He fucking touch you. At ano iyong sinabi niya? Putangina niya.” Nagtagis ang kanyang bagang.
“Hawak lang iyon-”
“Hindi ko pahihintulutan ang kahit ano pagdating sa’yo Elliana.” Lumapit siya ng husto at halos mahilo ako sa kanyang katangkaran. Umaapoy sa galit ang kanyang mga mata. Lumunok ako.
“At nagpaakbay ka pa talaga?” tanong niya, kinukumpirma nalang ang kanyang hinala.
“Anong akbay? Ang sinasandalan kong sofa ang inakbayan niya hindi ako,” matigas kong sabi at halos hindi maisip kung bakit alam niya rin iyon.
Pumikit siya saglit at huminga ng malalim. Nameywang siya, ang isang kamay naman ay hinilamos ang mukha. He’s controlling his anger, taliwas kanina sa inasta niya sa harap ni Japeth. Sa akin ay ramdam ko ang kanyang pag-iingat, ang kanyang takot.
“Hindi mo dapat iyon binibigdeal!”
Dumilat siya sa aking sinabi. Nanliit ang kanyang mga mata. I am already raising my voice habang siya itong may pag-iingat na huwag akong pagtaasan ng boses. Gusto ko pang magfreak-out dahil masyado siyang kalmado kahit nag-aalab sa kanyang mga mata ang galit.
“Ano ’to? Ikaw lang ang may karapatang magselos? Ako wala?” he chuckled but without a humor on it.
“Pinagbawalan mo ako sa ibang babae tapos ako bawal kang pagbawalan sa ibang lalake?” Humalakhak siya, sa sobrang tabang pakiramdam ko ay hindi na siya natutuwa. At paano niya nagagawang humalakhak nang walang saya sa kanyang mukha? He looked so disappointed.
“Ano ’yan? Sa’yong sa’yo ako pero sa iba ka?” He gripped my waist at nadikit ako sa kanyang dibdib, sa sobrang higpit ay parang ayaw niya na akong pakawalan.
“Give and take, Elliana. Sa’yong sa’yo ako basta sa akin ka.” Mariin niya akong tinitigan, ang mga mata ay tila pinaparating sa akin na may marka na akong kanya lamang.
Umalon ang aking tiyan at pakiramdam ko ay hinuhukay na naman iyon. Dumaan ang bulta-bultaheng kuryente sa bawat sulok ng aking katawan. The intense stares of his devilish eyes are melting me. Nilulunod niya ako sa pamamagitan noon. Napahawak ako sa kanyang balikat sa sobrang panlalambot ng aking tuhod. Parang mapapaluhod ako kahit hawak niya naman ako ng mahigpit.
Iyon lang ba ang pinoproblema niya ngayon?
“Sino bang nagsabi na pagmamay-ari ako ng iba, Anzai?” I whispered slowly, nadadala narin sa sitwasyon.
Namungay agad ang kanyang mga mata. Ang leyon ay mabilis na umamo nang ganoon kadali.
“Bakit ka nagpapahawak sa iba, kung ganoon?” he asked me firmly.
Hindi ako makasagot agad dahil alam kong guilty ako. I know this is Kiera’s plan pero pumunta parin ako sa kagustuhan kong may mapatunayan.
“Hindi ako nagpahawak! Hinawakan niya ako!” depensa ko agad, ayaw magpatalo.
“And you lied to me…” Atake niyang muli na nagpatutop na ng aking labi. Doon palang, alam ko na agad na wala na akong masasabi pa.
Nang maalala kong muli na may tinaob pala siyang lalake sa loob ay mabilis akong humiwalay sa kanya, nataranta na naman.
“Umalis na tayo!”
Pumasok ako sa front seat, siya naman ay sa driver’s seat. Masyadong kampante ang kanyang galaw at parang ako pa itong nag-aalala ng husto! I am the one who’s feeling guilty after he slammed him hard! At itong si Haze, kung makaakto ay akala mo wala siyang ginanon!
“Let’s just talk for awhile,” ani Haze na ikinaliit ng aking mga mata sa kanya.
Gusto niya pang makipag-usap?! Paano kung may nagreport na pala sa kanya sa pulis at madatnan kami rito?! O hindi kaya ay dumating ang parents noon Japeth at saktan siya?!
“Drive. Now!” Itinuro ko ang kanyang manibela.
Mabilis din naman ang kanyang galaw at agarang nagmaneho. Natampal ko ang aking noo at napapikit. Naramdaman ko na ang aming pag-alis.
“Akala ko ba walang lalake?” matabang niyang tanong, gusto ulit ipagpatuloy ang pag-uusap naming naudlot kanina.
Lumunok ako, napagtantong ako rin ang puno’t dulo nang lahat ng ito. Bago pa maisaboses ang aking iniisip ay narinig ko na ang tunog ng ambulansya. Dumilat ako at pinanood iyong nagmamadaling pumunta sa gawi noong Bar. Medyo nahimasmasan ako roon.
“I told you to avoid entertaining boys,” giit niya, kinokontrol nalang ang galit sa kanyang mga mata at lumalabas pa ang ugat sa kanyang kamao.
Imbes na matakot ay pinaningkitan ko siya ng mga mata. He glance at me.
“You slammed him hard and he passed out! Sana kinausap mo nalang,” giit ko sa matigas na boses.
“I hate talking,” bigkas niya sa tamad na boses.
Aba! Tapos ang daldal sa akin.
“Paano kung napahamak iyon?”
“I’d gladly celebrate,” sabi niya sa pagdidiwang na boses.
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Mabilis siyang nag-iwas, tinaliman nalang ng tingin ang kalsada kaysa sa akin.
“Malalagot ka talaga sa akin…” pagbabanta ko.
Bigla agad siyang nanghina dahil sa pagloosen ng kanyang balikat. Dahan dahan niya akong nilingon sa namumungay na mga mata. He looked so helpless.
Uhm… Anong nakakatakot sa sinabi ko? Akala niya naman kaya ko siyang ibalibag ng ganoon katindi!
Humalukipkip ako at inisip na ang kalagayan ni Japeth. Gusto kong mainis dahil masyado rin naman kasi siyang mahangin pero sa kanyang sinapit ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awa.
Tumahimik siya sa byahe. Tumahimik din ako pero sobra nang naguguilty dahil sa ekspresyon niyang sobrang tabang. Parang… Parang nagtatampo na ewan. Akala mo talaga siya itong aping api!
“Pumunta na muna tayo sa ibang lugar. Magpahangin tayo,” suhestyon ko na ikinatango niya lang, walang balak sumagot.
Ngumuso ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Dapat talaga mas priority ko narin ngayon ang magiging reaksyon ni Haze sa bawat desisyong bibitiwan ko. I shouldn’t let Kiera decides for me. May sarili naman akong isip ah? Mas alam ko kung ano ang makakabuti para sa akin. Bakit ko naman kailangang patunayan sa kanya ang pagiging Delafuente ko? Hindi naman ako ampon. Nananalaytay iyon sa dugo ko. Kung hindi siya kumbinsido edi ipa DNA test niya.
Napagtanto ko lang na nakakapagod narin talaga. Si Haze nga nagawa akong tanggapin sa kung sino ako. Ni minsan hindi naman siya nagreklamo ah? Pero bakit kung sino pa itong mas malapit sa akin, sila pa itong parang hindi ako kilala? At Delafuente ako. Hindi ako dapat nagpapadikta sa kung sinu-sino lang. Ako dapat ang nasusunod sa mga gusto ko hindi iyong pinapangunahan pa ako.
Tumigil kami sa isang openspace na tanaw na tanaw ang City lights. Doon na nabura ang mga pinag-iisip ko. Pinatay ni Haze ang kanyang kotse at binuksan ang pinto.
“Mauna na ako sa labas,” aniya sa matabang na boses.
Ngumuso ako nang lumabas na siya ng tuluyan at isinara iyong muli. Pinanood ko siyang maglakad. Nagtungo siya sa harap ng kotse at doon humilig. May dinukot siya sa kanyang bulsa at nakita ko ang pakete ng sigarilyo.
Kinagat ko ang aking labi. Nakakaguilty! Dapat pagalitan ko siya sa ginawa niya kay Japeth pero sa nakikita ko ay parang ako pa talaga itong nakokonsensya nang husto. Mas nagawa niya pa ata akong problemahin kaysa problemahin ang ginawa niya kay Japeth! He doesn’t care at all!
Lumabas narin ako. Hinahangin ang kanyang buhok at pinaglalaruan iyon. He just stared silently on the Citylights.
Nagtungo rin ako roon. Itinaas ko ang aking mga kamay at napangiti sa lamig ng hangin. Nilingon niya ako. Humagikhik ako sa buhok kong sumabog. Ang maattitude na si Anzai Haze ay nag-iwas lang ng tingin, may pinaglalaban na ata sa pagiging tahimik niya. Suplado!
Nakaipit lamang sa kanyang labi ang sigarilyo pero wala namang sindi.
“Bakit kayong mga boys mahilig manigarilyo?” Tinitigan ko ang hawak kong stick.
Hindi siya umimik. Ang hangin na lamang ang nagparamdam sa akin na malamig ang pakikitungo ni Haze sa akin ngayon.
Tinabihan ko siya at kinuha ko iyon. Hinayaan niya ako at nilingon. Ang mga mata niya ay nangongonsensya talaga. Parang gusto niyang magalit pero ayaw niya namang magalit ako kaya nagtatampo nalang.
Binali ko ang sigarilyo niya at tinapon. Hindi siya umimik at ipinatili muli ang tingin sa harap. Ngumuso ako at tiningnan ang kalahati ng kanyang mukha. Ang gwapo talaga nito. Wala ngang binatbat si Japeth sa kanyang kagwapuhan.
“Galit ka ba?” I asked him softly.
Tipid lang siyang umiling. Kumikislap na ang kanyang mga mata at tila sinasalamin ang Citylights sa harap.
Niyakap ko ang kanyang beywang. Nagulat siya at tila napaso, mabilis nang lumiwanag ang mukha sa simple kong ginawa sa kanya. Nahulog ang kanyang tingin sa akin.
“Hindi na mauulit…” I said softly, ginagaya ang kanyang linya sa tuwing may ginagawa siyang hindi ko gusto.
Nagloosen ang kanyang balikat at parang bumigay na agad siya roon.
“Damn it… Why am I so soft when it comes to you? You’re fucking killing me…” he cursed silently at ginulo ang buhok.
Napangisi ako lalo na’t nafufrustrate ang kanyang mukha. I leaned closer to him and kissed his cheek. Ang maamong mukha ay may mas ikakaamo pa pala. He looked so weak compared to his ruthless aura awhile ago. Parang ang bigdeal ng aking galaw para sa kanya. Akala mo may nadidikit na mainit na bagay sa kanyang balat at napapaso agad siya. Natatablan agad.
“Sorry…” I said cutely.
Tumango siya. “Hindi na mauulit?”
Umiling agad ako. “Hindi na mauulit, Anzai…”
“Ano pa? Tell me more…” he said softly.
Nag-isip naman ako ng pwede pang sabihin. He stared at me patiently with those sleepy eyes.
“Pagmamay-ari mo ako,” I said clearly.
Agarang lumiwanag ang kanyang mukha. Kinagat niya ang kanyang labing nakangisi na ngayon. Nang hindi mapigilan ay natawa siya kaya mas lalo lamang siyang gumwapo.
“Totoo ba ’yan?”
I nodded cutely. He chuckled again. Bigla niya nalang akong binuhat at ipinwesto ako sa kanyang gitna. Napatili ako saglit lalo na’t ang gaan ko lang ata para sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit sa aking likuran. Ang kanyang baba naman ay nakahilig na sa aking balikat. Huminga siya ng malalim sa aking leeg habang humihigpit ang kanyang yakap sa akin.
Itinuon ko ang aking mga mata sa harapan at tiningnan ang kumikinang na Citylights. Ipinatong ko rin sa bisig ni Haze ang aking mga braso.
Hindi ko talaga alam kung ano ang meron sa akin at parang kaya ko siyang takutin sa salita ko lang habang ang iba naman ay hirap siyang paamuhin. Ngayon ko lang naintindihan ng husto ang mga sinasabi ni Kiera na napakabadboy niya. Pero tiklop naman sa akin! Paano iyon? Ang ganda ko naman ata?
Umihip ang hangin kasabay ng pagyuko niya at pinatakan ako ng matagal na halik sa gilid ng aking ulo. Pumikit ako at humilig sa kanyang balikat, dinadama iyon.
“Seloso…” pagpaparinig ko sa kanya.
“I’ve never been inlove with someone in my whole life,” he whispered while his other hand is already cupping my boob.
Hinayaan ko iyon doon. Umahon ang aking tingin. Nasa harap siya nakasento. Hinaplos ko ang kanyang nakadepinang panga kaya pumikit siya, tila nahehele sa aking haplos.
“Bakit hindi ka nakipagrelasyon? Kahit isang beses lang?”
“I don’t want to be someone’s slave. Bakit ko naman pagsisilbihan ang isang babae? That’s so fucking corny.” He chuckled pero iyong matabang parin, na parang nabaliktad siya ng sarili niya.
“But look at me… Kulang nalang luhuran kita at halikan ang ’yong mga paa.” Nahulog ang kanyang tingin sa aking labi.
He stared at me with so much admiration. Ang isa niyang kamay ay inalis ang ilang hibla sa aking mukha para mas matingnan niya nang maayos iyon habang nakahiga ako sa kanyang balikat at hindi inaalis ang aking mga mata sa kanya.
“I’ve never been so patient in my life… Ngayon lang.” Inalis niya ang kanyang kamay sa aking dibdib at hinaplos ang aking pisngi at yumuko.
“I am your slave… Handa kitang luhuran ano mang oras, Elliana. On bended knees… I’d gladly worship you without regrets…” bulong niya sa aking labi.
Parang may nagaganap nang selebrasyon sa aking tiyan. Sa likod ng aking utak ay may naririnig na akong humihiyaw. Sa aking isipan naman ay nakikita ko ang mga sarili naming kinakasal sa magandang lugar at nakukulayan ang buong paligid ng magandang sunset. Ang mga imahinasyon ay nagiging pangarap ko na. Iyon na ang gusto ko. I want to get married with Haze.
Nakibalita nalang ako kay Penny sa nangyari kay Japeth sa mga sumunod na araw. Haze isn’t guilty. Hindi ata siya nagsisisi sa ginawa niya at parang pakiramdam niya ay kulang pa raw iyon. Ako lang talaga itong nakokonsensya.
“He’s comatose, Brielle… Three days na siyang hindi dumidilat. Nagkaproblema raw sa kanyang paghinga at may natamo siyang injury sa kanyang leeg. Can you believe it? Haze almost killed him in just one slam,” ani Penny sa kabilang linya ng Miyerkules na iyon.
Kakagising ko pa lang at tinext ko agad siya kanina para mangumusta sa kalagayan ni Japeth.
“Magigising pa ba?” tanong ko sa kabadong boses.
“Yes. Paralyze pa raw ang katawan ni Japeth pero pag nakarecover na ay babalik din daw ito sa dating sigla.”
Napapikit ako at parang nabunutan ng tinik. Mabuti naman…
“How about his parents?”
“His mom is worried pero walang balak magsampa ng kaso. I think umiiwas sila sa mga conflicts. And wala ring gustong ituro si Haze sa nangyari. Everyone’s blaming Japeth. He’s well known for being a ruthless man, Brielle. Baka pag itinuro siya ay madamay pa at malagot kay Haze. Walang mangangahas na kalabanin siya…”
Ano pa bang bago? Lahat naman talaga ay takot sa kanya. Dapat pala mas kinakatakutan ako. I tamed him! Bow down to me weaklings! I tamed the ruthless Anzai! I tamed his demons.
“I don’t want to sound mean pero alam mo ’yon… Parang imbes na maawa ay natatawa ako. He deserves it! Buti nga sa kanya! And compare to Haze… he’s nothing!” Tumawa siya ng malakas sa kabilang linya kaya nabura ang pinag-iisip ko.
Ngumiwi ako at dumilat. Demonyo ba ’to? Napahagikhik narin ako.
“Haze is so cool, right?! Imagine him being your jealous boyfriend, Brielle… Lahat ng lalakeng magtatangkang landiin ka ay malalagot sa kanya. OMG! Parang ang romantic! He is so hot!” Tumili na siya kaya inilayo ko muna saglit ang cellphone sa aking tainga.
Kinagat ang aking labi nang pinakinggan ko siyang muli. Hindi ko naman kailangang mag-imagine dahil totoo naman talaga iyon. Gusto ko iyong isaboses pero hindi ko nalang ginawa.
“Nakakatakot talaga ’yang si Haze eh… Kaya nga kahit ang gwapo gwapo niya ay walang girls na nagtatangkang lumapit. Ikaw lang talaga. I think he really likes you…”
“I like him too,” wala sa sarili kong sambit at natawa pa.
“OMG! Claim him, Brielle! Kinikilig ako sa inyong dalawa! Oh my gosh!”
Doon ko napagtantong napaamin narin ako ng wala sa oras. Tinampal ko nalang ang aking noo pero ayaw ko ring bawiin. Ipapakilala ko rin naman si Haze eh. Kumukuha lang talaga ako ng tyempo. Maybe this Saturday.
“That’s why you need to tell this to Kiera para matigil na siya sa mga plans niya. Hindi si Haze ang masasaktan doon, Brielle. Tayo. And worst baka balibagin din tayo ni Haze!”
“Hindi ’no. Ako ang bahala kay Anzai,” sabi ko.
Humagikhik siya.
“Did he let you call him on his first name? Special ka talaga eh!”
Eh? May iba rin namang girls na tumatawag sa kanya na Anzai ah? Pero mas gusto rin kasi ni Haze na tawagin ko siyang ganoon. Iyon nga lang, ang pangalan niyang Haze ang palagi kong nababanggit sa aking isipan.
Ano nga pala ang buo niyang pangalan? Anzai Haze chuchu? I don’t know his surname yet! Pag ikinasal kami, ano ang magiging apilyedo ko? Elliana Brielle B. chuchu? That ruthless man is really mysterious!
26th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Irahclaire Codilla. Happy birthday, Irang!
Kidnap
Sabado.
Habang hinahatid ako ni Kuya sa meeting place namin nina Kiera para manood ng drag racing ni Haze ay hindi ko maiwasang bumuo ng kung anu-ano sa aking isipan.
I am excited for their reaction. But if Kiera is against it then wala na akong magagawa. I’m done pleasing her. Kung hindi niya matatanggap ang desisyon ko edi bahala siya.
“Tahimik ka ata?” tanong ni Kuya at sinisilip ang aking ekspresyon.
Umayos ako ng upo. Nilingon ko siya.
“I’m going to introduce Anzai as my boyfriend…”
Umangat ang dalawa niyang kilay.
“Oh… Di pa pala nila alam?”
Umiling ako at nahulog ang mga mata sa suot niyang plain white tshirt.
“Hindi pa… Pagkatapos ko silang ipakilala sa friends ko, kina Daddy at Mommy naman. What do you think, Kuya?”
Tumango siya. “Pwede rin. I think Dad is cool with it. Total di ka pa naman girlfriend… Ligawan ka nalang niya muna.”
“Tapos pag nakapagtapos na ako… diyan ko na siya sasagutin?”
“Oo…”
Tumango ako sa kanya. Dalawang taon lang naman eh. After this… pwede na kahit ano. Kahit magpakasal kami, o kung ano mang maisipang gawin naming dalawa.
Ngumiti sa akin si Kuya.
“Dalaga kana talaga. May mga sarili kanang desisyon mo.”
Ngumuso ako. “I want to be independent. Gusto kong magawa ang mga bagay na gusto ko balang araw na hindi ko kayang gawin ngayon.”
“Like?”
Nagkibit ako. “Siguro ang pagiging mag-isa?”
Dumaan ang pagkalito sa kanyang mukha. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa kalsada.
“Why do you want it so bad for yourself? Hindi ka ba natutuwa sa mga friends mo?”
“Hindi naman sa ganoon pero I think mas mabuti rin na masanay kang mag-isa minsan.” Tiningnan ko ang labas ng bintana. “Iyong hindi mo kailangang umasa sa ibang tao kasi kaya mo namang tumayo sa sarili mong mga paa. Ganoon… Like it’s part of growing-up. And I want to grow as a mature younglady.”
Hindi umimik si Kuya at dumaan muna ang katahimikan. Tumahimik din ako. What’s the feeling of having a mature decision? Iyong desisyon na alam mong nasa tamang landas at masaya ka kahit tutol ang iba. I think those decisions are worth taking the risk. Para kasing ang sarap magdesisyon ng naaayon sa’yo, iyong magpapasaya sa’yo kahit na tutol ang lahat.
Pero bakit naman sila tututol kung doon ka naman masaya? It’s confusing me. Nililigaw ata ako ng sarili kong utak. I chuckled inwardly.
“Thanks, Kuya.” Hinalikan ko ang kanyang pisngi.
“Text me later.”
Tumango ako at kumaway na sa kanya. Nagtungo narin ako sa Cafe kung saan kami magkikitang tatlo.
“Hi Brielle…” si Penny ang naunang tumayo at nakipag beso beso sa akin, nakadress.
Nang humiwalay siya ay ngumiti narin ako sa dalawa pa. Matamis ang ngiti ni Lexy, suot ang isang strapless top at platted skirt habang si Kiera ay nakahalukipkip at nakatingin sa aking top. Doon ko napagtantong parehas kami ng kulay at style ngayon ng damit. Tumawa si Penny nang umupo siyang muli. Binakante ko narin ang upuan.
“Bff tops?” Tumawa si Penny.
I am wearing a chanel top, with ruffles on it’s straps. Nakatatak pa sa parteng dibdib ang brand noon habang kay Kiera naman ay wala at mukhang parehas lang talaga sa akin ang style at kulay.
“Idolo mo ba ako Brielle?” Tumawa si Kiera.
Itinuro ko naman ang parteng dibdib. “Mine is Chanel. Yours is…” Ukay ukay?
Umangat ng husto ang kanyang kilay.
“I bought this in Forever21 store,” seryoso niyang bigkas na ikinatango ko at ngumiti. It looked like ukay-ukay.
“Tama na ’yan. Pag-usapan muna natin si Haze! Like oh my gosh! Tinaob niya si Japeth in just one slam! Binalibag niya sa sahig!” Namilog ang mga mata ni Lexy at bumakas sa mukha ang gulantang.
Humagikhik si Penny. Si Kiera ay seryosong nakahalukipkip.
“Is he jealous?! There’s something fishy! Brielle… Is he courting you already?!” Tinitigan ako ng husto ni Lexy, ganoon siya kadesperadang malaman ang aking sagot.
“Gaga ka ba, Lex? Brielle is flirting him kaya nahulog na marahil iyan sa patibong si Haze,” ani Kiera sa iritadong boses.
“Pero bagay naman sila. Unlike Japeth…” si Penny iyon saka kami nagngisihan.
“Hindi sila bagay ah. Imagine Haze! Imagine Brielle! Wala kayang chemistry. Nakakaintimidate si Haze at si Brielle ay masyadong malaanghel. It’s not a good match.” Umiling iling siya.
Talk all you want. I don’t care. Hindi nakasalalay sa opinyon mo ang desisyon ko. I will never let you get on my way.
Nagpatuloy ang kanilang topic. Napag-usapan narin ang kalagayan ni Japeth. Kiera isn’t happy about it. Ang sabi niya ay dapat managot man lang si Haze sa nangyari sa kanyang friend. Japeth is an elite. Blah blah blah. Ang rami niyang sinasabing kung anu-ano. Imbes na ipagdasal na bumuti agad ang kalagayan ni Japeth, mas inuuna niya pang isisi ang lahat kay Haze.
“Kaya nga we need to stop playing na, Kiera! Baka tayo rin ang sunod na ibalibag ni Haze. I am so fragile. Ayokong mabasag niya!” ani Lexy.
Okay? Mababasag ba sila? Siguro si Kiera lamang ang safe.
“Last narin naman ito eh. Brielle will end this shit later kaya let’s cheer for her! Paprangkahin niya na si Haze na pinaglaruan niya lang ito and then boom, basted! I am so excited to see his broken expression! Baka sumakit ang tiyan ko kakatawa.” Humagalpak siya.
I’m sorry to pop the bubble but it’s the opposite. Wala akong sasaktan ngayong gabi. Wala siyang choice kundi tanggapin iyon dahil iyon lang ang ibibigay kong choice sa kanya. If she can’t… then I don’t know what would happen. Basta, paninindigan ko ang desisyon ko. Hinding hindi niya iyon mababali.
5PM na noong nagtungo kami sa madalas pagdausan ng car racing nila Haze. Marami na namang mga elites akong namataan. Iyong iba pa ay mukhang pamilyar at parang mga kalandian ng iba kong pinsan.
Haze isn’t here yet. Hindi ko siya mahanap. Pero ang alam ko naman ay pupunta siya dahil napag-usapan narin namin ito kagabi. Alam niyang ipapakilala ko siya. He doesn’t care about my friends actually. Ako lang ang namimilit.
“Ano iyong sasabihin mo sa amin ngayon?” bulong ni Penny habang tinatanaw namin ang iilang racers na naghahanda na at nag-iingay sa kanilang kotse.
“Later pag dumating na si Anzai,” bulong ko.
Her eyes widened. Ngumisi ako at kumindat. Bumakas agad ang excitement sa kanyang mukha.
Nagbeep ang aking cellphone. Tiningnan ko iyon at nakumpirmang si Haze nga.
AnzaiHaze:
I’m already here. See you after my race.
Hinanap ko agad ang kanyang kotse. Ang pamilyar niyang pulang mustang ang aking namataan. Ngumuso ako nang umabante na ito kasama pa ng iba at mukhang handa narin.
Nagsimula ang kanilang game. Mabilis agad ang kanyang paharurot at nangunguna na. Kung noon ay kinakabahan pa ako sa kanyang bilis, ngayon ay nasasanay na ako at may tiwala nang hindi siya mapapahamak. He’s expert!
Tatlong ikot ang ginawa ng mga racers. Nangunguna parin si Haze na hindi man lang napapantayan ng iba. I cheered for him. Kasama ko sina Penny sa pagsigaw sigaw sa tuwing malalagpasan niya ng mabilis ang aming gawi.
Pagkatapos noon ay idiniklara parin siyang panalo, nangunguna sa lahat. Huminto ang mga kotse at nagsilabasan ang mga naroon, ganoon din si Haze. No sweats. Masyado lang nag-uumapaw sa kagwapuhan at ang tangi lang nagulo ay ang buhok suot ang black button down shirt, pants and shoes.
Inayos niya ang kanyang buhok habang naglalakad patungo sa amin, ang isa namang kamay ay nakabulsa at masyadong seryoso ang mukha, masyadong nakakaintimidate lalo na ang malalalim niyang mga mata.
“Papunta ba si Haze sa gawi natin?” tanong ni Lexy sa kabadong boses.
“I think yes…” si Penny naman na humawak na sa aking braso at tila takot.
Kiera stared at him habang nakahalukipkip. Ano kayang iniisip niya? Hindi niya naman siguro pinagpapantasyahan sa isipan niya?
Lumingon siya sa akin, tila napansin ang paninitig ko sa kanya. Ngumisi siya.
“I’m expecting big, Brielle. Don’t disappoint me…” makahulugan niyang sabi, sapat lamang na kaming apat ang makarinig.
Tipid lamang ang ibinigay ko sa kanya at ayaw magbitaw ng sagot. Itinuon ko muli ang atensyon kay Haze na nasa aming harapan na. Si Lexy ay lumunok, halos matulala sa kanya. Si Penny naman ay kumikislap ang mga mata kakatitig kay Haze. Si Kiera ay malalim din ang paninitig, kalmado na ang ekspresyon.
Tiningnan ako ng deritso ni Haze. Ilang sandali lang ay hinila niya ang beywang ko paalis sa grupo ng tatlo. Para niyang kinukuha ang kanyang pagmamay-ari.
Ngumuso ako nang mapunta na ako sa kanyang gilid. Tiningnan ko ang tatlo na medyo nagugulat pa sa kilos ni Haze.
“Uh… May sasabihin ako sa inyong tatlo.” Pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa.
Nagpapasalamat ako ng malaki na hindi nagsasalita si Haze, hindi sumisingit at gusto lang makinig sa akin.
“Haze is my…” Kinagat ko ang aking labi at tiningala si Haze na inangatan pa ako ng kilay, mukhang nabibitin din. “My… My boyfriend,” sabay tingin sa tatlo.
Kapwa gulat sina Penny at Lexy. Si Kiera ay walang kibo, nakatitig parin habang nakahalukipkip.
“OMG!” Tumili si Lexy ganoon din si Penny. Ngumisi ako sa reaksyon ng dalawa.
“Oh my gosh! Congrats! Congrats!” si Penny ang yumakap agad sa akin.
Humagikhik ako. Noong humiwalay siya ay si Lexy naman ang nakiyakap. Kulang nalang ay tumalon siya. Maingay silang dalawa hanggang sa binasag ni Kiera ang pagsasaya sa isang hagalpak na tawa.
“Anong ikinatutuwa niyo roon?” tanong niya at niyakap ang kanyang tiyan.
Natigilan kaming tatlo at nilingon na siya.
“Obviously… That is Brielle’s strategy! Her plans worked!” sabay hagalpak.
“It’s true, Kiera-”
“Listen up everyone!” Naputol ang aking boses dahil sa pagsigaw niya, kumaway kaway pa at kinukuha lahat ng atensyon ng mga naririto.
Lumunok ako lalo na’t nagsitinginan na ang lahat sa aming gawi. Itinuro niya naman si Haze na mukhang wala namang pakialam pero nakikinig lang.
“We all know how ruthless Haze is… right?” tanong niya sa malakas na boses.
May mga babaeng nagsitanguan. May iilan na sa kanya na ang tingin at nagbubulungan pa ang iba. Nagkatinginan kaming tatlo nina Penny, nagkakasundo sa pamamagitan ng titigan.
“And this is my dearest friend… Came from a well-known clan, Delafuente! Yes guys… She’s Elliana Brielle Delafuente!” Itinuro rin ako ni Kiera.
“Kiera, stop it…” si Penny iyon, pabulong lamang.
Hindi nakinig si Kiera at nagpatuloy. Ngayon ay nakay Haze na ang kanyang mga mata.
“I’m sorry Haze pero napaglaruan ka lang ni Brielle…” Saka niya pinasadahan ng tingin lahat ng mga nanonood. “Yes! You heard it right! Ang kinatatakutan nating lahat ay napaglaruan ng isang Delafuente! And worst… He’s now her boyfriend kahit ang plano ay babastedin niya ito pag hulog na hulog na. Heartless, right?!” Tumawa si Kiera.
Nagsinghapan ang mga nakarinig. Napatingin silang lahat sa akin. Kahit alam naman ni Haze ang lahat ng ito, natakot agad ako dahil baka maniwala siya.
“Haze… Brielle doesn’t like you. We’re really sorry if napaglaruan ka niya. It’s just a dare… Ginamit ka lang niya to prove us wrong…” ani Kiera kay Haze sa marahang boses at tinapik ang kanyang balikat.
Hinuli ni Haze ang kanyang pulso at hinawakan iyon ng mahigpit dahil narin sa pag-iiba ng ekspresyon ni Kiera, tila nasasaktan. Ngumisi siya, iyon nga lang ay masyado nang malademonyo.
“Ouch…” Dumaing si Kiera at pilit inaagaw ang kanyang kamay.
“Anong gusto mo ngayon? Masaktan ako sa mga isiniwalat mo?” Inangatan niya ito ng kilay.
Lahat ng atensyon ay nasa kanila na. Kahit sina Penny at Lexy ay nanatili sa aking tabi at ayaw makisali sa dalawa. Ayoko ring makisali. Ayokong awatin si Haze.
“Let go of me… Nasasaktan ako,” si Kiera iyon, halos gumagamit ng ng pwersa makawala lamang at si Haze ay kalmado lang naman.
“You listen carefully. Alam ko na ang lahat ng ito sa umpisa palang. She told me…”
Natigilan sa pagpupumiglas si Kiera at napalingon sa akin. Kahit sina Penny at Lexy ay ganoon narin.
“Tingin mo ba ikaw ang nagmamanipula sa kanya?” Haze chuckled evily and gripped her more. Dumaing si Kiera, nagpumiglas ngunit hindi makawala.
“Ikaw ang namanipula niya. We’ve been in a relationship since last year. Nilihim niya iyon para magmukha kang tanga.” Binitiwan niya ang kamay ni Kiera ng marahas sanhi para mapaatras ito, halos mawalan ng balanse.
Lumunok ako nang tapunan ako ng matalim na tingin ni Kiera. Halata ang kanyang gulat at pagkadismaya habang hawak hawak ang kanyang pulso.
“You traitor…” galit niyang bigkas habang matalim ang tingin sa akin.
“Totoo iyon, Brielle?” si Lexy na ang nagtatanong sa akin kaya nilingon ko siya. “Pinaikot mo lang kami?”
Suminghap ako at hindi alam ang sasabihin. Hindi ako nakapagsalita. Nagwalk-out si Kiera. Sumunod naman sina Lexy at Penny. Nilingon ko si Haze na seryoso nang nakapamulsa. Kinagat ko ang aking labi at hinabol ang tatlo.
I want to explain everything. Gusto kong linawin ang lahat hindi iyong iba ang kanilang pagkakaintindi!
“Sandali lang!”
Tumigil si Kiera kaya tumigil din sina Penny at Lexy. Lumapit ako pero ang sampal agad ni Kiera ang sinalubong niya na ikinagulat ko.
“You are such a traitor! Napakalandi mo para ipagpalit ang pagkakaibigan natin para lang sa isang lalake!” Sumiklab agad siya.
Nahaplos ko ang aking pisngi. Nanginginig si Kiera, mariin ang tingin sa akin.
“You think he loves you, Brielle?! Gaano ka kasiguradong mapagkakatiwalaan mo siya?! Kami ang naging kasama mo simula palang! And you chose him instead over us?! What kind of friend are you?”
Huminga ako.
“Kailangan ba talagang may piliin ako, Kiera? Kung totoo kang kaibigan, susuportahan mo ako,” sabi ko na ikinailing niya.
“At bakit? Naging totoo ka ba? You even fooled us! Makasarili ka!”
Nagkasalubong ang aking kilay. Hindi ko magets ang kanyang pinupunto. Paanong makasarili? Ano bang ikinakagalit niya?
“Iyan ba talaga ang ikinakagalit mo? Oh hindi mo lang matanggap na mas napaamo ko si Haze kaysa sa’yo?”
Nagulat siya. Ikinuyom ko ang aking mga kamay at pinanindigan ang aking tapang kahit na masyado akong nanghihina. Hindi ko alam kung paano ilalabas ang nararamdaman ko dahil baka pangunahan ako ng emosyon at maiyak sa pagpapaliwanag.
“So you think you’re more superior now? Just because you tamed him?” Humagalpak siya, masyadong matabang.
“Tingnan natin… Huwag na huwag kang tatakbo sa amin pag sinaktan ka niya. You think you know him now just because he likes you, too? Uto-uto ka pa naman!”
Nagloosen ang aking balikat. Hinila ni Penny si Kiera para awatin. Si Lexy naman ay tinitigan ako. Bumuntong ako ng hininga.
“Kung hindi niyo kayang maging masaya para sa akin, wala na akong magagawa. I am willing to choose him over this friendship.”
Humagalpak muli si Kiera. Hinawi niya ang kamay ni Penny na nakahawak sa kanyang braso at tinuro ako.
“Malandi ka kasi! Handa mong itapon ang friendship para lang sa lalake!”
Nailing na lamang ako. Ayoko nalang patulan ang mga pinagsasabi niya dahil napapangunahan na ako ng yumayakap na emosyon sa akin.
“Bibigyan kita ng huling pagkakataon Brielle. You choose. Si Haze… O kami?” May pagbabanta na sa kanyang boses, na kung sino man ang pipiliin ko, ay may isang relasyon na dapat wakasan.
“Ba’t ako mamimili? Kung gusto mo talagang marinig edi sige! Si Haze! I am choosing him over this friendship! Nakakapagod na ang pagiging ganyan mo. Ano ba ako sa tingin mo? Robot na dapat mong kontrolin? At gaano ka ba ka totoong kaibigan? Eh dumikit dikit ka lang naman sa akin dahil Delafuente ako ah? You’re a social climber!”
Nagulat siya. Kahit sina Penny at Lexy. Nagtaas baba ang aking balikat, masyado nang sumasabog ang aking emosyon at nangunguna ang galit. Kinuyom ko ang aking mga kamao.
“I tried my best just to fit in kahit ang ginawa niyo lang naman ay ikumpara ako ng walang sawa sa pinsan ko. I am not a good friend, I know. Pero ganoon din naman kayo! You’re all making me feel like being me is a crime! Nilulunod niyo ako sa insecurities ko kakakumpara! Ngayon na punong puno na ako ay hindi ko na hahayaang masunod pa ang gusto niyo, ang gusto mo Kiera. Who are you to boss around? Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa’yo. Remember… I am still a Delafuente without you.”
Umigting ang kanyang panga. Ang mga kamay ay nakakuyom na at natutop ang bibig dahil sa aking mga sinabi. Kinimkim ko ang mga luha, gustong maging matapang.
“I think Brielle has a point, Kiera. Sa totoo lang… I don’t like it when you’re bossing around too…” Nagsalita narin si Penny, namumungay ang mga mata nang tiningnan ako.
“Ako rin! I think wala namang mali kung… kung nahulog si Brielle kay Haze. Why don’t we support her instead? Mukha namang masaya si Brielle. Pwede namang may relasyon sila while we’re bffs too…” ani Lexy.
“Hindi niyo ba nagegets ang nangyayari? Brielle chose Haze over us! She manipulated us! Pero kinakampihan niyo siya!” sigaw niya.
“Okay lang…” Tumawa si Penny. “Mas napanatag ako na ganoon ang kinalabasan kaysa iyong magalit si Haze sa ating lahat. Aren’t you scared Kiera? Binalak mong pahiyain si Haze kanina…”
Nailing si Kiera. “You’re all stupid. Magsama sama kayong lahat.”
Tumalikod siya. Si Lexy agad ang humabol sa kanya. Si Penny naman ay hinaplos ang aking siko.
“Bumalik kana kay Haze. Kami na ang bahala sa kanya. I’m really sorry if Kiera is overeacting but I’m happy for you Brielle.” Niyakap niya ako.
Tumango ako habang pinapakalma parin ang sarili. Humiwalay rin naman siya at kumaway, sinundan na ang dalawa. Bumuntong na lamang ako ng hininga.
Magaan ang aking pakiramdam dahil parang nailabas ko ang nagpapabigat sa aking dibdib. Nakarinig ako ng palakpak. Nang lumingon ako, nakita ko agad si Haze na akala mo ay isang aninong nagtatago sa dilim.
“That’s my girl…” Ngumisi siya sa akin, masyadong proud.
Sinimangutan ko siya at naglakad patungo sa kanya. Niyakap niya ako at hinagkan ang aking ulo.
“Nagiging palaban kana ah? Sinampal mo rin sana pabalik…” bulong niya.
Itinago ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Inamoy ko siya habang hinahabol ang aking hininga.
“I am not like that…” Ngumuso ako.
“May araw rin sa akin ang babaeng iyon,” makahulugan niyang sabi na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin.
Ang mahalaga ngayon ay naipaglaban ko sa kanila ang gusto. Ang mahala ay nalinaw ko na ang lahat.
“Ihatid mo na ako please…” bulong ko, nanghina sa pagtatalo namin ni Kiera.
Tumango si Haze at iginiya na ako pabalik. Wala naman akong pinagsisihan. Si Kiera ang hindi kilala si Haze. Hindi ko siya pakikinggan. Kakapit ako sa mga pangarap na binuo naming dalawa ni Haze. Iyon ang magiging inspirasyon ko para piliin siya ng walang tigil.
I am happy with my decision. Ang sarap sa pakiramdam na mas sinusunod ko na ang gusto ko, kaysa ang gusto ng iba para sa akin.
“Why do girls value friendship alot?” Nailing nalang si Haze habang nagmamaneho na.
“May mga babae kasing hindi kayang mag-isa,” sagot ko.
Inangatan niya ako ng kilay. “So natatakot kang mag-isa?”
Hindi ako umimik at sumimangot. Hinuli niya ang aking kamay.
“We can produce kids you know… Kaya naman kitang bigyan ng anak kaya hindi ka mag-iisa balang araw. You’re going to have us…”
Tumawa ako at binawi ang aking kamay. Ngumisi rin siya sa akin, hinuhuli iyong muli.
“But I’m happy you chose me over friendshit. That’s a very wise decision…”
Ngumiwi ako pero nahulog din sa pagngisi. Nahulog ang aking mga mata sa kamay kong pinaglalaruan niya. This feeling… I like it alot. Parang kahit sino ang humadlang ay kaya kong sipain palabas sa buhay ko maipaglaban lamang ito. I am so selfish… Parang ang tapang tapang ko bigla maprotektahan ko lang ang tingin ko ay para sa akin.
Sa kalagitnaan ng byahe ay pinanood ko nalang ang mga nadadaanan naming streetlights na kumikislap sa aking mga mata. Tumunog ang aking cellphone. Gamit ang isa kong kamay ay kinuha ko iyon sa aking slingbag.
Si Penny iyon. Tinitigan ko muna ito ng ilang sigundo na kahit si Haze ay tiningnan narin ang screen ng aking cellphone.
“Who’s Penny? Lalake ’yan?”
Umiling ako. “Isa sa mga babaeng friends ko,” sagot ko sabay pindot noong call.
Kumalma naman ang ekspresyon ni Haze. Inilagay ko ang aking cellphone sa aking tainga.
“Penny-”
“Brielle!” Ang humahagulhol na si Penny ang sumalubong sa kabilang linya.
Napaayos ako sa pagkakaupo. “Are you okay?”
Nilingon ako ni Haze.
“Brielle please bumalik ka rito! Si Kiera…” Nangingibabaw ang kanyang iyak kaya hindi ko siya maintindihan.
“Ano? Hindi kita maintindihan?”
“May kumuha sa kanyang mga n-nakamask na mga malalaking lalake! Pinasok nila ito sa van! Brielle! Kiera got kidnap!”
Nalaglag ang aking panga. W-What?
27th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Aretha Blaize Cozette Janio. Happy reading!
Bisita
Mabilis kong pinabalik si Haze sa daan para puntahan sina Penny at Lexy. Umiiyak sila at natataranta sa nangyari kay Kiera. Anong nangyari? Bakit siya nakidnap? Is this real? Kinakabahan ako.
“Bilis ng karma ah?” ani Haze habang mabilis na ang kanyang pagmamaneho lalo na’t tumuntong na sa ninety ang kanyang speed.
Pumikit ako. Oo nagtalo kami kanina pero hindi ko naman pinagdasal na sana ay mapahamak siya. Hindi na ako ganoon kasamang tao para hilingin iyon!
Mabilis kaming nakarating ni Haze. Pagkahinto palang ng kotse ay natataranta agad akong bumaba. Ang agaran kong napansin ay ang mga police na nagkalat at umiilaw na police mobile. Narito parin ang iilang mga nanood ng racing kanina.
“Brielle!” si Penny iyon, humahagulhol na at pilit nalang pinapatahan noong police.
Mabilis akong nagtungo sa kanya. Niyakap niya ako. Kahit si Lexy ay nakaupo roon sa may bench at takip takip din ang mukha.
“We saw it! B-Biglang may huminto na van sa aming harap at hinablot si Kiera papasok!” Nanginginig siya sa pagpapaliwanag.
“Bakit naman siya kikidnapin?!”
“We don’t know!”
Naramdaman ko ang imahe ni Haze sa aking tabi. Nilingon siya ng isa sa mga police. Hinaplos ni Haze ang aking siko saka niya iyon nilapitan.
Tinapik ng police ang kanyang balikat. Nameywang naman si Haze, seryosong nakipag-usap sa pulis na mukhang kilala niya ata.
May lumapit sa aming pulis. Lumingon si Haze sa aking gawi. May kung sinabi siya roon sa isa pang pulis na tumango rin saka siya naglakad patungo sa amin.
“Ma’am… Ikaw po ba si Brielle?” tanong niya sa akin, nang makalapit na.
Tumango ako. Humiwalay naman si Penny at nagpunas ng luha. Tiningnan ko si Haze na nasa likod na ng pulis.
“Bakit?” tanong ni Haze.
Lumingon ang pulis sa kanya.
“Ah… Nabanggit kasi ng mga kaibigan niya na ang huling nakaalitan ng biktima ay si Brielle. Gusto lang sana namin siyang imbitahan sa presinto,” sabi ng pulis.
Kumalabog agad ang aking dibdib. B-Bakit? Anong kinalaman ko rito? Ikukulong ba ako?!
“Ba’t po ako ikukulong?” Natakot agad ako kaya napatingin si Haze sa akin, parang sisiklab narin ano mang oras.
Tumawa ang pulis at umiling.
“Hindi naman po sa ganoon, Ma’am… Baka kasi makatulong lang sa imbistigasyon kaya may itatanong lang kami sa inyo… Interview lang po…”
Medyo kumalma ako roon pero hindi parin nawawala ang takot na baka ay ako ang kanilang ikulong
May panibagong lumapit na pulis, ngayon ay iyong kausap na ni Haze kanina.
“Ikaw raw ang huling nakausap ng biktima bago nawala? Ayon sa sinabi ng kaibigan ng biktima, nakaalitan mo raw bago ito nag-walk out at sinundan ni Miss Brielle? Totoo ba iyon?” tanong niya kay Haze.
Tumango ito, kalmado lamang ang ekspresyon maliban sa akin na namumutla.
“Baka makatulong ka sa imbestigasyon,” makahulugan niyang sabi.
“I don’t care about that girl.” Nagkibit lang si Haze at nilingon ako. “It’s late… Ihahatid na kita at baka mapagalitan ka pa.”
Umiling agad ako sa kanyang gusto. Hindi ako pwedeng umuwi ngayong nawawala si Kiera! Kahit na may mga pulis nang nag-iimbistiga sa nangyari ay hindi ako mapanatag! Paano kung may masama na silang ginawa sa kanya?! I am so guilty. Feeling ko may kasalanan ako. Nag-walk out siya dahil sa akin.
Hindi ako pumayag sa gusto ni Haze. Nagtext nalang ako kay Kuya Red na matatagalan ako at ihahatid naman ako ni Haze. Ayokong sabihin ang nangyari at baka mag-alala lamang siya at sumugod agad dito. I want to stay hanggang sa may matanggap kaming magandang balita! Na maayos ang kanyang kalagayan!
Hindi matahan tahan sina Lexy at Penny. Para silang natrauma sa nasaksihan. They grabbed her while Kiera is standing between them. Nagulat ang dalawa kaya hindi raw nila agad ito nahila, dala narin ng takot.
“Nakakapagtaka nga naman at sa kanilang tatlo ay iyong nagngangalang Kiera Melendez lang ang nagawang kidnapin. Baka siya talaga ang pakay ng mga suspek…” Narinig ko iyong pulis.
“Imposibleng sindikato ang dumukot dahil kung mga sindikato iyon ay sana pati ang dalawa niyang kasama ay hinablot papasok sa van,” sabi noong isa pa.
Si Haze ay kausap iyong kilala niyang pulis, mukhang ibang bagay ang kanilang pinag-uusapan dahil ngumingiti pa iyong pulis sa kanya. Siguro Tito?
“Baka inooperahan na nila ngayon si Kiera at kinukuha na ang kanyang lamangloob. Oh my God… I’ve seen that in movies!” Naiyak lamang lalo si Lexy at tinakpan ang mukha.
“Let’s be positive, Lexy!” sabi ko at hinaplos ang kanyang likod.
“Paano kung napahamak siya, Brielle?! Isa pa sa mga lalake ang may baril! What if sinaktan nila si Kiera? What if they kill her?” Nanginig ang balikat ni Penny, ang mga luha ay umaagos na naman.
Mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata hanggang sa nagpaligsahang tumulo ang mga iyon. Pinalis ko agad kasabay ng paglingon ni Haze sa aking gawi. Dumilim ang kanyang ekspresyon nang makita akong umiiyak.
Ang sikip ng dibdib ko. Masama nga talaga akong kaibigan. Kung alam ko na mangyayari ito ay sana hindi ko nalang siya inaway.
Lumapit na si Haze sa akin. Naglahad siya ng panyo.
“I’ll help…” ani Haze sa marahang boses, tila pinapatahan ako.
Tinanggap ko iyon at pinunasan ang aking mga luha.
“Nakita niyo ba ang plate number?” tanong niya sa dalawa.
Umiling ang mga ito.
“N-Nagpanic na kami at hindi namin nakita…” sagot ni Penny.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at nahaplos ang gilid ng kanyang buhok. Lumapit naman ang pulis, nagmamadali habang may kausap doon sa hawak na cellphone.
“Natagpuan na ang biktima. Nasa presinto ito ngayon,” sabi niya at tiningnan ng makahulugan si Haze.
Napatayo agad kaming tatlo. Parang nabunutan ako ng tinik. Sina Lexy at Penny naman ay nagyakapan na, tuwang tuwa sa nakalap.
“Buhay?” tanong niya.
Tumango ang pulis. Umangat ang dalawang kilay ni Haze sabay lingon sa akin.
“Feeling better? Ihahatid na kita pauwi.”
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Kanina pa siya ah! Hindi siya natinag sa aking paninitig kaya kumurap ako. Parang… Parang wala siyang pakialam kung galit ako o hindi. He doesn’t really care at all for Kiera. Pero hindi ako mapapanatag hangga’t hindi ko siya nakikita!
Pinilit ko nalang si Haze na puntahan namin ito sa presinto. He’s complaining it’s already late at baka hanapin na ako sa amin. I don’t care! Bahala nang mapagalitan ako ngayong gabi!
“Sumakay nalang tayo sa sasakyan ng pulis…” pagyayaya ko sa dalawa.
Bumuga ng hangin si Haze at ginulo ang kanyang buhok. Natakot pa sina Penny at Lexy sa kanya. Ako lang ata itong sanay na.
“Thirty minutes…” aniya, may pagbabanta na ang boses at sobrang dilim ng ekspresyon.
Lumunok ako at tumango. May napagkasunduan ba sila ni Kuya Red? Wala naman ata ah? Nagpapagoodshot ba siya kaya gusto niyang ihatid agad ako nang maaga?
Mabilis ang kanyang pagmamaneho at nilalagpasan pa ang police mobile. Nalaglag nalang ang aking panga, kahit sina Lexy at Penny sa likuran ay ramdam ko rin ang pag-aalala na baka madisgrasya kami ano mang oras o baka dakpin din ng pulis dahil masyado siyang mabilis.
Noong makarating sa presinto ay nagpaligsahan agad kaming tatlo sa pagbaba. Nag-unahan kaming makapasok sa loob at hinanap si Kiera.
Natagpuan namin siya sa sofa at nakaupo roon habang pinapaliputan ng mga pulis, mukhang ini-interview.
Nahawi sila dahil sa pagdating namin kaya nakita namin itong nanginginig, takip takip ang mukha habang humahagulhol. She looked so scared. Buhaghag pa ang kanyang buhok.
“Kiera!” tawag ni Penny.
Dumilat si Kiera, ang tingin ay nasa aking likuran. Niyakap agad ng galit ang kanyang mukha at tumayo. Tumigil kaming tatlo.
“Siya! Siya ang nagpakidnap sa akin! Arrest him! H-He planned this!” Itinuro niya ang aking likuran.
Nang lumingon ako ay natagpuan ko si Haze, nakaangat ang kilay habang nakapamulsa at mukhang hindi man lang tinablan sa bintang ni Kiera.
“Miss… Masama iyang mambintang. Wala pa tayong ebidensya kaya hindi natin siya basta basta pwedeng dakpin,” sabi noong pulis na madalas kausap ni Haze.
Umiling si Kiera at ipinakita ang kanyang namamagang pulso, kung saan siya hinawakan ng mahigpit ni Haze kanina.
“He did this to me! May galit siya sa akin dahil inamin namin na pinaglalaruan lang naman siya ni Brielle! K-Kaya siya nagalit!”
“Eh nanghahawak ka. Dapat nga ay kasuhan kita ng panghihipo,” ani Haze sa supladong paraan.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ngayon pa talaga aandar ang pagiging maarte niya na nagkakagulo na? Mas lalo siyang paghihinalaan ng mga pulis niyan! Masyado siyang nagpapahalatang hindi niya talaga ito gusto.
“And I heard them! Binanggit nila ang pangalan niya! Kilala nila ito dahil siya naman talaga ang nag-utos na dakipin ako!” sigaw ni Kiera at parang nagmamakaawa nalang na paniwalaan siya ng mga pulis.
Ngumisi si Haze sa kanya, malademonyo iyon.
“Karma mo ’yan…” aniya.
Nagtinginan ang mga pulis sa kanya. Kinagat ko ang aking labi at gustong sawayin ito. He’s getting their attention!
“See?! S-Siya ang nag-utos na kidnapin ako!” Bumuhos ang kanyang mga luha, ang mga mata ay namumula ng husto.
“Kiera… Wala ka namang ebidensya,” sabi ko.
Mabilis na tumalim ang kanyang mga mata sa akin.
“Shut-up! Isa ka pa! Baka nga ay ikaw ang nag-utos nito kay Haze! You’re mad at me, right?! Kasabwat ka siguro!”
Nagulat ako at namutla. Mabilis na namula ang aking mga mata, hindi ko kaya ang kanyang binibintang sa akin. Masyadong masikip ang aking dibdib at hindi ko mapigilan ang bumubuhos na emosyon. Nagloosen na lamang ang aking balikat.
“Kiera… Hindi iyon magagawa ni Brielle!” si Penny iyon na pinagtanggol agad ako.
“Oo nga, Kiera. She’s worried, too!” si Lexy.
“Ma’am… Huminahon lang po tayo. Iniimbistigahan na ang nangyari at sisiguraduhin po naming mahuhuli ang may sala.”
Yumuko ako at nagpunas ng luha. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking hikbi. I was so scared na baka ay napamahak na siya pero bakit pagbibintangan niya pa ako? Iyon ba talaga ang tingin niya sa akin? Na kaya ko iyong gawin sa kanya?
May humila sa aking beywang. Ilang sandali lamang ay pinihit na ako ni Haze paharap sa kanya. Yumuko siya at tumulong sa pagpupunas.
“You seriously need to go home right now or I’ll hit your fucking friend if she keeps on talking shit about you…” bulong niya sa seryosong boses.
Mas bumuhos lalo ang aking mga luha. I am just concerned… I’m sincerely concerned for her. Hindi niya ba iyon ramdam? Huminga ako. Sinalo ni Haze ang malalaki kong luha at habang ang isang kamay ay nakayapos sa aking beywang. Sa mga ganitong sitwaston ay naiiyak talaga agad ako lalo na pag masyado akong nasosobrahan sa pag-aalala, sa takot. Ang hirap maging matapang.
“Malakas ang kutob ko! Siya ang nagpadakip sa akin!” Patuloy parin si Kiera sa pagsigaw, pinagpipilitan ang kanyang binibintang kay Haze.
“Tama na Kiera…” Narinig kong sabi ni Penny.
Nag-angat naman ng tingin sa kanya si Haze.
“If I were your kidnapper, I will never let you live,” sabi niya sa matigas na boses.
“You’re a monster! Ikaw talaga a-ang nagpakidnap sa akin!”
“At bakit kita ipapakidnap? Bukod sa mukha at katawan mong hindi naman nakakaattract, wala pang laman ang iyong utak. You’re fucking useless…”
“Anzai. Ang harsh mo sa babae. Pwedeng magamit ang mga salita mo sa korte kung sakaling…” Ang pulis na kilala niya ang nagsalita lalo na’t natutop ang bibig ni Kiera, hindi na ata kinaya ang mararahas na pinagsasabi ni Haze.
“She better find a great lawyer to defend her accusations or else siya talaga ang mabubulok sa kulungan lalo na’t wala siyang matibay na ebidensya sa binibintang niya,” ani Haze, masyadong matapang ang boses.
Hinawakan ko ang kanyang panloob na tshirt para awatin siya. I think Kiera is just traumatized kaya kung anu-ano na ang kanyang sinasabi. Siguro pag kumalma na ito ay magbabago rin ang kanyang opinyon.
Naging person of interest si Haze ng mga pulis dahil narin sa binitiwang salita ni Kiera na narinig niya ang mga dumukot sa kanya na binanggit ang kanyang pangalan. Idagdag pa roon ang kanilang pagtatalo.
Ang paliwanag niya ay iniwan nalang siya bigla nito sa gitna ng daan. Hindi naman siya sinaktan at pinakawalan rin agad nila ito. In-interview muna si Haze kaya habang hinihintay ko siya ay kausap ko sina Lexy at Penny. Si Kiera naman ay hinihingan pa ng paliwanag ng mga pulis para sa kanilang imbistigasyon sa kaso.
“Paano kung… Paano kung si Haze nga ang nagpadukot sa kanya?” ani Lexy, pabulong lamang.
Kumalabog ang aking dibdib. Mabilis akong umiling. Haze can’t do that! Alam kong may pagka masama ang ugali niya pero hindi naman siguro siya aabot sa ganoong punto!
“He’s innocent, Lexy,” giit ko.
Namungay ang mga mata ni Penny sa akin.
“Ako rin, Brielle… I’m sorry but I think may kinalaman si Haze rito. What if tinakot niya lang si Kiera? Hindi naman ito sinaktan at pinakawalan agad. Maybe warning lang iyon dahil sa ginawang pangangalaban ni Kiera sa kanya. Takot ang lahat sa kanya dahil sa kaya niyang gawin, Brielle. Haze is very ruthless,” ani Penny, pabulong lang din.
Umiling ako kahit na nakakaramdam narin ako ng kaba. Parang nahahati ang aking isipan pero gusto kong kampihan si Haze, na mali ang binibintang sa kanya ni Kiera.
“You don’t know him too well, Brielle. Tingnan mo nga… Nakakatakot at pati sa pulis ay parang may koneksyon siya…” dagdag pa ni Penny.
Pumikit ako at hindi alam ang mararamdaman sa kanilang sinasabi. Doon lamang naputol ang aming topic noong dumating ang Mommy ni Kiera. She cried harder. Ang kanyang ina ay kilala kaming apat.
“Thank you for being with my daughter, girls…” ani Tita Rica.
Nagtanguan kaming tatlo at ngumiti. Hindi na umiimik si Kiera sa amin at patuloy lamang na humahagulhol sa dibdib ng kanyang ina. Natapos narin naman ang pakikipag-usap ni Haze sa pulis kaya nagyaya na itong umuwi para ihatid ako. Isinabay ko narin sina Lexy at Penny sa amin, kahit takot sila kay Haze dahil sa kanilang mga hinala.
Tahimik lamang sa byahe. Naunang ihatid si Lexy, sunod ay si Penny. Nagpaalam ako sa dalawa maliban kay Haze na hindi man lang sila inimikan. Noong kami nalang dalawa ay hindi ko narin maiwasang macurious.
“May napag-usapan kami nina Penny kanina…” sabi ko.
Nanatili ang kanyang tingin sa daan, seryoso ang mukha.
“Gusto ko lang sanang magtanong kung… Kung may kinalaman ka ba rito. Hindi naman sa pinagbibintangan kita pero curious lang ako.” Tiningnan ko siya ng seryoso.
Nakuha ko ang kanyang atensyon. Umangat ang kanyang kilay.
“Kung may kinalaman man ako, I’ll do worst than that…” makahulugan niyang sinabi, ang boses ay tila may halong pagbabanta.
Nag-iwas din naman siya ng tingin at itinuon sa harap.
“Karma niya talaga iyon. She deserves it. Kulang pa nga.” Galit niyang tinitigan ang daan.
Sa kanyang sinasabi ay hindi ko na maiwasang hindi siya pagdudahan. Pero hindi! He’s not a bad person! Kahit napakamisteryoso niya sa akin, gusto ko parin siyang pagkatiwalaan. Masyado lang sigurong napaparanoid sina Lexy at Penny dahil bukod sa akin, si Haze ang huling nakaalitan ni Kiera bago nangyari ang pagkidnap sa kanya.
Ang mahalaga ngayon ay walang nangyaring masama sakanya at nakaligtas siya sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Pero paano naman ipapaliwanag iyong narinig ni Kiera na binanggit ang pangalan ni Haze? What if sa galit niya kay Haze dahil binaliktad siya nito at siya ang napahiya sa maraming mga elites na nanonood noong oras na iyon ay si Haze ang kanyang idiniin para makaganti. Maybe?
“Ano palang sabi ng pulis? Ikukulong ka ba nila pag…” Hindi ko na matapos ang gusto kong sabihin.
“It’s not going to happen. Wala silang mahahanap na ebidensya na magdidiin sa akin. And I’m willing to fight her in court if she push this case… Pasensyahan nalang.”
Nagtagal ang paninitig ko sa napakaseryoso niyang ekspresyon. He’s releasing that murderous aura that scares me… Parang may kakaiba sa kanya.
Lowbat na ang aking cellphone. Pagkauwi ko, nasa labas na ng gate si Kuya Red, nakahalukipkip at naghihintay. Tumigil ang kotse ni Haze kaya hinubad ko ang aking seatbelt. Tumayo naman ng tuwid si Kuya at namulsa na, hinihintay ang aking paglabas.
Naunang lumabas si Haze. Tiningnan siya ng seryoso ni Kuya Red. Umikot ito at pinagbuksan ako ng pinto.
Lumabas ako. Si Kuya Red naman ay humakbang na para makalapit sa akin, ang madilim na ekspresyon ay yumakap na sa mukha.
“Eleven-thirty na,” ani Kuya, kalmado ang boses ngunit seryoso.
“It’s my fault Kuya,” sabi ko.
Hinila ako ni Kuya palayo kay Haze. Kumuyom ang kamao ni Haze pero ibinulsa niya nalang iyon habang ang kanyang panga ay gumalaw pa.
“Goodnight…” sabi niya, marahan ang boses sa kabila ng tensyon.
“Goodnight,” sagot naman ni Kuya sa pagalit na boses.
Inangatan siya ng kilay ni Haze. “Not you. It’s for your sister.”
Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kumurap si Kuya Red at napagtanto iyon kaya tumango nalang siya.
“Salamat sa paghatid,” sabi niya sa matabang na boses.
Tumango si Haze, hindi na umimik at sumulyap nalang sa akin bago tuluyang tumalikod. Pinanood namin siyang pumasok sa kanyang kotse. Huling sulyap niya sa akin ay noong nasa driver’s seat na siya. Kinawayan ko siya. Ngumiti siya at pinaharurot din naman ang kotse paalis.
Nang mawala na ito sa aming paningin ay bumuntong ako ng hininga. Pinitik naman ni Kuya ang aking noo kaya napadaing ako.
“Purket maluwag ako sa inyong dalawa ay mawiwili kana sa kanya,” aniya.
Ngumuso ako at sumimangot. “Kuya… The CCTV footage… Baka makita ito ni Daddy bukas.”
Nailing siya at inakbayan ako papasok.
“Mabuti nalang at nag Bar si Blue.” Pumasok na kaming dalawa sa loob.
Napabuntong akong muli ng hininga. Hinatid niya ako sa aking kwarto at nag-usap kami saglit. Sinabi ko nalang sa kanya ang totoo. Kinwento ko iyon.
“Sinong kumidnap?” tanong niya, nabahiran agad ng pag-aalala ang boses habang tinutulungan akong ayusin ang aking bedsheet.
“Wala nga kaming ediya eh…” Pero si Haze ang pinagbibintangan niya.
Ayaw ko na iyong banggitin pa kay Kuya Red dahil ayoko namang may maisip siyang iba kay Haze. Gusto ko paring kumapit sa pinapaniwalaan kong walang kinalaman si Haze rito. He’s not a bad person.
“Mabuti at hindi siya sinaktan. Kumusta naman siya? Baka makatulong tayo. Abogado naman si Tito Tres…” ani Kuya.
Umiling agad ako. “Wala pa namang suspek Kuya. At baka hindi narin palalakihin ni Tita Rica ang issue dahil umiiwas sila sa conflict.”
Kumalma ang kanyang ekspresyon.
“Pag nalaman ito ni Daddy baka pagbawalan kana noong lumabas. Masyado na talagang delikado ngayon kaya ikaw huwag kang naglalalabas,” ani Kuya at inayos naman ang aking mga unan.
Tumango ako sa kanya. Tumayo siya ng tuwid, handa nang lumabas.
“Goodnight, Kuya…” Tumingkayad ako para halikan ang kanyang pisngi.
“Goodnight. Buburahin ko iyong footage ng CCTV kaya matulog kana.”
“Thanks…”
Naghalfbath muna ako at medyo natagalan sa pagbababad sa bathtub. Iniisip ko ang mga nangyari sa buong araw. Ano kayang rason ng mga kidnapper? Ano ang motibo nila? Sino naman ang nag-utos? Si Haze ba? Imposible. I’m not going to buy Kiera’s accusation towards him. Wala naman siyang matibay na ebidensya eh.
Gusto ko nalang itulog ang nagpapagabag ng aking isipan. Nagtext si Haze sa gabing iyon, nag goodnight ulit. Nagreply lang ako sa kanya at pagkatapos ay nakatulog narin.
Tanghali na noong magising ako. Nagsimba ba sila? Ba’t hindi nila ako ginising? Bumalikwas ako ng kama at lumabas din ng aking kwarto.
“May bisita kayo, Ma’am…” ani Manang Sandra nang makasalubong ko ito na kakaakyat lamang.
“Huh? Sino?”
“Babain niyo na po. Mukhang galit na galit ang Daddy niyo…”
Mabilis akong namutla sa sinabi ni Manang. Tumango ako sa kanya at malalaki agad ang aking hakbang dahil baka pumunta si Haze. Nasa hagdan palang ako, natanaw ko na silang lahat doon sa aming sala. Daddy’s stared at me sharply. Sa paninitig niya pa lang, alam ko na agad na may kasalanan ako. Si Mommy sa kanyang tabi ay naninimbang din ang mga mata sa akin, mukhang nag-aalala.
Nalipat ang aking tingin kay Kuya Blue na nakahukipkip, nailing pa sa akin at tila dismayado. Si Kuya Red naman ay nasa sahig ang mga mata habang nakasalikop ang kanyang mga kamay sa isa’t isa, tila nagdadasal na.
Humawak ako sa railings ng hagdan dahil para na akong manlalambot lalo na’t ang nakaupo sa sofa na aking bisita ay walang iba kundi si… si Kiera. I have a bad feeling about this…
28th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
Chance
“Brielle…” Tumayo agad si Kiera at sinalubong ang aking pagbaba.
Huminto ako sa kanyang biglaang paglapit. Niyakap niya ako ng mahigpit habang si Daddy naman ay tumayo na, seryosong seryoso ang mukha. Sumasayaw ang aking mga mata, hindi alam kung saan ipapanatili ang tingin lalo na’t lahat sila ay pilit kong tinitingnan ang bawat ekspresyon.
“I was so worried! Pinuntahan agad kita rito dahil baka pati ikaw… pati ikaw ay napahamak narin,” ani Kiera sa takot na boses.
“Huh?” Nalilito ko siyang nilingon, gustong kumawala sa mahigpit niyang yakap.
“Haze is very dangerous at baka pati ikaw ay mapahamak din sa kanya. I also checked Lexy and Penny dahil sobrang nag-aalala ako. Baka matulad kayo sa sinapit ko at ayaw kong maranasan niyo iyon…” Nanginginig niyang sabi, hindi ko alam kung totoo ba o pakitang tao lamang.
“Haze isn’t dangerous-”
“Elliana Brielle,” tawag ni Daddy na ikinaputla ko, napagtantong binibigkas na ngayon ay pangalan ng isang lalake.
Humiwalay si Kiera sa akin. Mas yumuko lamang lalo si Kuya Red habang si Kuya Blue ay matapang na nag-aangat ng tingin, si Mommy naman ay naninimbang parin sa reaksyon ni Daddy.
“You have a boyfriend? tanong ni Daddy, dumidilim ang ekspresyon.
Huminga ako ng malalim. Si Kiera naman ay nanatili sa aking tabi. Pumikit ako at yumuko, dahan dahang tumango. Wala nang rason para itago pa ang lahat ng ito dahil mukhang alam narin nila. At anong pinagsasabi ni Kiera sa kanila?
“At ano itong naririnig ko sa kaibigan mo? Your boyfriend tried to kidnap her? And he’s what? He’s five years older than you? Paano kung inuuto ka lang pala niyan lalo na’t hindi mo pa lubusang kilala!”
Namilog ang aking mga mata nang dumilat ako. Why are they judging him na parang kilala nila ito?
“Hindi iyon totoo, D-Daddy-”
“She heard the kidnappers! Pangalan ng boyfriend mo ang binanggit nila,” matigas niyang putol.
Kinagat ko ang aking labi at mabilis na nanginig. Umahon ang mga mata ni Kuya Red sa akin. Nanlalabo na ang aking mga mata.
“Dad…” Masuyong tawag ni Kuya Red.
“Shut-up, Red. You are spoiling her too much,” ani Kuya Blue sa matigas na boses.
Nilingon siya ni Kuya Red. “I am not spoiling her. We’re caging her too much. Nasasakal na siya,” giit niya.
Humagalpak si Kuya Blue pero sobrang tabang. Tumayo siya sa inuupuan niyang balikat ng sofa at namulsa, nadilim na ang ekspresyon kay Kuya Red.
“Caging? We’re protecting her. Kakaspoil mo riyan ay matutulad pa iyan sa sinapit ni Nana. Masyadong inispoiled ni Wayt kaya ayun, napahamak!”
Tumayo narin si Kuya Red.
“Nasasakal na siya sa sobrang higpit natin. “ Pumantay siya sa katangkaran ni Kuya Blue. Tumayo narin si Mommy.
“Boys please… calm down,” ani Mommy at hinilot ang ulo.
Ngumisi si Kuya Blue at itinulak palayo si Kuya Red sa kanya.
“Pag napahamak si Brielle…”
Pumikit si Kuya Red at bumalik sa pagkakaupo. Humilig siyang muli sa kanyang hita at hinawakan ang ulo.
Natuon muli sa akin ang atensyon ni Daddy. Pinilit kong huwag malaglag ang luha sa aking mga mata kahit sobrang bigat na noong pigilan.
“You are grounded for this, do you understand? I am not allowing you to see him again!” ani Daddy sa malaawtoridad na boses, pinal na ang desisyon.
Sa aking galit ay nilingon ko si Kiera.
“Ano bang pinagsasabi mo sa kanila?!” I step closer to her.
Nagulat si Kiera at napaatras sa takot sa aking pagsiklab.
“Brielle!” Tumayo narin si Mommy.
Bumuhos ang aking mga luha at pilit ko nalang sinalo. Itinuro ko si Kiera.
“She’s lying, Mom! Naiinggit lang siya sa akin dahil gusto niya rin noon si Haze! T-That’s why she’s doing this to me! Sinisiraan niya si Haze sa inyo at kinakampihan niyo agad siya!”
“Lower down your voice Elliana Brielle!” Daddy growled angrily.
Natutop agad ang aking bibig at napaatras sa takot. Humingi agad ng tawad si Kuya Blue kay Kiera sa inasal ko. Umiling naman si Kuya Red, gusto akong patigilin. Nang makabawi ako sa takot ay matapang kong tiningnan si Daddy.
“Haze isn’t a bad person, Daddy. Kayo na ang nagmumukhang masama sa paningin ko!” Pinalis ko ang aking mga luha, ang balikat ay nanginginig at hindi ko mapigilan.
“Brielle!” Galit akong tinawag ni Kuya Blue.
Humikbi ako lalo. I am so disappointed. Hindi ko na nakakayang kontrolin ang aking galit na kahit anu-ano nalang ang nasasabi ko.
“H-Hindi ko siya mamahalin kung… kung masama siya…”
Lumambot agad ang ekspresyon ni Daddy nang makita ang sunod sunod na buhos ng aking mga luha.
“Uuwi nalang po muna ako,” singit ni Kiera.
Nagsitinginan sa kanya. Tumango si Mommy at Daddy. Si Kuya Blue naman ang nagtungo sa kanya para igiya ito palabas.
“Bye, Brielle…”
Hindi ko siya nilingon. Pinanindigan ko ang galit ko sa kanya. Nang mawala na ito at naihatid na ni Kuya sa labas ay doon muli nagsalita di Daddy.
“Bakit hindi mo sinabi sa amin ang lahat ng ito?” tanong ni Mommy, marahan lamang ang boses.
“Dahil alam kong h-hindi rin naman kayo papayag. Y-You’re always against with my decisions… Alam kong pagbabawalan niyo ako…”
“Your brother is right, baby. Pinoprotektahan ka lang namin. Tingnan mo anong nangyari sa mga pinsan mo? Kay Nana? Kay Zera? Lahat ay nasasangkot sa issue dahil lamang sa lalake! At sigurado ka bang hindi ka lang sasaktan ng lalakeng ’yan? Paano kung tama nga ang kaibigan mo?”
Pumikit ako at tinakpan ang aking mukha dahil sa aking hagulhol. Wala akong laban dito. Hinding hindi nila ako maiintindihan kakakumpara nila sa akin sa mga pinsan ko. Dahil lamang doon ay tinatanggalan narin nila ako ng karapatan? Mas nananaig pa ang opinyon ng iba kaysa ako ang pakinggan nila.
“Pero napapasaya niya ako! Bawal r-rin akong maging masaya, ganoon ba?” tanong ko at humagulhol.
Tumahimik silang lahat. Tumaas baba ang aking balikat.
“Ang higpit higpit niyo! P-Parang bawal akong magdesisyon para sa sarili ko… Lahat bawal! Minsan hindi ko na alam kung paano kikilos nang naaayon sa gusto niyong lahat! Hindi ko na alam minsan kung… kung sino ako…”
“Hindi naman sa ganoon, Brielle-”
“Ganoon ang nangyayari, Daddy!” Inalis ko ang takip sa aking mukha at deritsong tiningnan ang ama kong nagulat.
“Hindi ako nagrereklamo d-dahil iniintindi ko! Pero masyado niyo akong nilulumpo! Masyado niyo akong hinihigpitan! You’re all gripping me too much like I’m a prisoner! Lahat! Lahat bawal! Bawal umalis ng mag-isa! Bawal magpagabi! Bawal magboyfriend! Bawal magdesisyon para sa aking sarili! Sana diniretso niyo nalang at sinabing bawal rin akong maging masaya!” Bumuhos ang aking mga luha.
Namungay ang mga mata ni Daddy sa akin, gusto akong lapitan at yakapin pero masyadong sumasabog ang aking pakiramdam.
“N-Ngayon na nalaman niyo nang may boyfriend ako, mas hihigpitan niyo na ako lalo hindi ba?” Tiningnan ko silang lahat. “Sa totoo lang, nakakapressure maging Delafuente! S-Sana! Sana hindi nalang ako ipinanganak bilang Delafuente! I am trying to hate myself for being one!”
Nagulat silang lahat sa aking sinabi. Kahit si Kuya Blue na nakabalik na ulit at mukhang pinahatid lamang sa driver si Kiera ay ganoon din ang reaksyon.
“Lahat ng desisyon namin ay para rin naman sa’yo,” si Mommy sa naluluhang mga mata. “Lahat ng iyon ay para sa kabutihan mo Brielle.”
“Nasasakal na ako, Mommy!”
“Kaya nagrerebelde ka ngayon? We are just protecting you. Ayaw ka naming masaktan,” giit ni Kuya Blue.
Umiling ako. “Dapat pinoprotektahan niyo rin ako sa inyo dahil sa inyo ako mas nasasaktan!”
Tinalikuran ko silang lahat at agaran akong tumakbo paakyat.
Masamang masama ang loob ko sa kanila, sa lahat, lalong lalo na kay Kiera. Inilock ko agad ang pinto ng aking kwarto at nagtungo sa aking kama. Inihulog ko ang aking sarili roon at umiyak ng husto.
They’re all unfair… Si Daddy, I hate him! Mas pinapakinggan niya pa ang iba! Hindi nila ako iniintindi. That bitch! Napakainsecure kaya siniraan si Haze!
Umiyak lamang ako ng husto. I am so disappointed with my family. Napakaunfair nilang lahat. Why are they judging Haze? Nakilala na ba nila ito sa personal? May ginawa bang masama si Haze sa kanila? Bakit nila binabase ang pagkatao ng isang tao sa opinyon lamang ng iba? They taught me well with manners but they’re now disappointing me. Akala ko pa naman ang una kong masasandalan sa mga ganitong sitwasyon ay ang pamilya ko pero hindi pala.
Wala akong pinagbuksan ni isa. Kanina ay kumatok si Manang Sandra para hatdan ako ng pagkain pero hindi ko iyon pinakinggan. Nagmukmok ako sa aking kwarto. Kung lalabas man ako, gusto kong lumabas nang tuluyan sa aming bahay. I am hating this place. Gusto kong lumayo at kung pwede ay sumama nalang ako kay Haze.
Iyon sana ang balak ko, ang sumama sa kanya at sunduin niya ako rito. Pero hindi siya nagrereply. Naiyak lamang ako lalo. Baka… Baka pati siya ay nauna nang takutin ni Daddy. Knowing our clan!
Naghintay parin ako at sunod sunod na text ang aking ginawa.
Ako:
Haze please sunduin mo ako! I’m grounded! Pinagbawalan ako ni Daddy na lumabas dahil nagsumbong si Kiera!
Ako:
Pinagbawalan nila akong makita ka! I hate Daddy so much!
Ako:
Diyan nalang muna ako sa condo mo please. Ayoko na rito. Galit ako sa kanilang lahat.
Iyon ang mga dinagdag kong text sa mga nauna pa. Gusto ko silang iwanan. Gusto kong patunayan ang galit ko. Si Haze nalang ang hinihintay ko. Siya lang ang matatakbuhan ko ngayon sa bigat ng nararamdaman ko.
Pero dumaan ang ilang oras, natanaw ko nalang ang sumisilip na gabi sa kurtina ng aking bintana ay wala parin akong natanggap ni isa. Niyakap ko nalang ang aking mga hita at mas lalong naiyak. Sobra akong nafufrustrate sa mga nangyayari. Gusto kong magsumbong kay Zera sa kagagahang ginawa sa akin ni Kiera. Gusto kong makahanap ng kakampi… kahit isa man lang.
May kumatok muli sa aking pintuan.
“Elle…” Ang masuyong boses ni Kuya Blue ang narinig ko sa labas.
“I hate you Kuya! Go away!” sigaw ko sa garalgal na boses.
I hate him! Parehas lang silang dalawa ni Daddy! Hindi nila naiintindihan ang nararamdan ko. Buong buhay ko pa naman sana ay sinunod ko ang mga gusto nila, pero ngayon na nakahanap na ako ng magpapasaya sa akin ay pinagbabawalan na nila ako. May mali ba rito?
Lahat ng kumatok sa kwarto ay tinaboy ko. Ayoko silang pagbuksan. Iniharang ko roon ang maliit kong couch kung sakaling buksan man nila iyon sa labas.
Nagtungo ako sa veranda at tiningnan ang ibaba. Gusto kong tumakas nalang. Tiningnan ko muna ang ibaba noon kung kaya ko ba. Pag nahulog ako ay babagsak ako ng deritso sa sahig. Mababalian ba ako ng buto?
Bumalik ako sa aking kwarto at mabilis na naghanap ng maliit na packbag. Isinuot ko iyon at nagbihis din ng shorts at jacket. Kinuha ko ang cap at isinuot saka ako nagdesisyong bumaba sa veranda.
Kumapit nalang ako ng mahigpit sa bawat gilid. Takot akong mahulog pero sa kagustuhang makalabas ay mas naging desperada ako. Noong malapit na sana sa sahig ay nawalan pa ako ng balanse kaya deritso akong nahulog. Masakit ang pagkakatama ng aking pwetan sa biglaan kong pagkakaupo pero hindi ko na iyon ininda pa at tumakbo na agad ako patungong gate.
Laking tuwa ko at hindi pa nakalock iyon. Marahil akala nila nasa kwarto lang ako. At hindi naman nila maiisip na kaya ko itong gawin. Kahit nga ako ay nagugulat nalang na kaya ko pala itong gawin!
Nang tuluyan na akong makalabas ay deri-deritso na ang aking takbo. Nagmistula akong kawatan sa gabi na may tinatakasang bahay pagkatapos manloob. Oh my gosh! Naglayas talaga ako!
Nakasalubong ko pa ang aking pinsan na si Ken. Kinukusot niya ang isa niyang tainga habang naglalakad, naka jersey at mukhang pauwi na.
“Elle?” Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa.
Huminto ako at yumuko. Masyado akong hiningal sa pagtakbo.
Tumingin siya sa aking likuran. Ibinulsa niya ang mga kamay sa jersey shorts at nagtataka akong tiningnan.
“Ba’t ka mag-isa? Nasaan ang dalawa mong alipores?”
Nakakapagtaka nga pag nakikita nila akong mag-isa. Lahat ay nasasanay na may kasama ako kaya pati ako, nasasanay na palaging may kasama.
“Pahinging pamasahe, Ken.” Inilahad ko sa kanya ang aking palad.
“Huh? Ba’t hindi ka nagpahatid sa mga Kuya mo?”
Umiling ako. “Maglalayas ako.”
Namilog ang kanyang mga mata pero ilang sigundo lamang ay humagalpak siya.
“Damn it. Are you serious?” Natatawa siyang inilabas ang kanyang pitaka.
Kumuha siya roon ng limang daan at inilahad sa akin. Kinuha ko agad iyon.
“You don’t have to joke around, Elle. Bibigyan naman kita ng pera.” Sabay kindat. “Oh sige… Mag-ingat ka sa paglalayas.” Tumawa siyang muli at nailing, na tila biro lamang ang sinasabi ko.
Tumango ako at kumapiras muli ng takbo. Hindi ko na nilingon ang aking pinsan. May taxi na dumaan at mukhang lalabas na sa aming subdivision kaya iyon ang sinakyan ko.
Bumuntong nalang ako ng hininga nang nasa loob na. Saan naman ako pupunta ngayon? Sa condo ni Haze? Pero paano kung wala siya roon? Nagtipa ako ulit ng mensahe.
Ako:
Nandiyan ka ba sa condo mo? Pupunta ako.
Wala ulit akong natanggap na reply. Bumuntong ako ng hininga at tiningnan ang mga nadadaanan ng sinasakyan kong taxi. Bumibigat na naman ang aking pakiramdam. Binalikan ko ang sagutan namin kanina ni Daddy. Ipinaglaban ko sa kanilang lahat si Haze. Nakaya kong manindigan para sa sarili kong desisyon. At ngayon, ito na ang nagiging bunga ng paninindigan ko.
Ba’t sila humahadlang? Bakit hindi nila nakikitang masaya naman ako? What’s dangerous about falling inlove? Hindi ko talaga mapunto ang gusto nila. I’m sure Daddy is very disappointed right now. I don’t care. Bigla akong nawalan ng pakialam pagkatapos kong marinig ang opinyon nila para kay Haze.
“Dito lang po,” sabi ko nang matanaw ko na ang pamilyar na building ng condo unit ni Haze.
Nagbayad ako noong patak ng kilometro. Lumabas rin naman ako pagkatapos makuha ang sukli. Nagtungo ako papasok sa condo. Pinagbuksan ako ng gwardya at binati ako na ginantihan ko rin ng matamis na ngiti.
Sumakay ako sa elevator at tiningala nalang ang pagtakbo ng numero ng bawat floor. Noong huminto ay lumabas din naman ako, dala dala ang kaba at baka ay wala roon si Haze.
Huminto ako sa pinto ng pamilyar niyang condo. Tiningnan ko muna ang passcode. Kabisado ko naman eh. Pwede kaya akong pumasok nalang ng deritso? Pero paano kung wala nga siya rito?
Nagdoorbell nalang muna ako. Naghintay ako ng ilang sigundo hanggang sa may bumukas din noon.
Mabilis akong napangiti. Pero nang makita kung sino ang bumukas ay unti-unti rin iyong napawi. Kumunot ang kanyang noo habang ako naman itong napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa.
Sino siya?
“Yes? Si Anzai ba ang sadya mo?” Ngumiti sa akin ang sopistikadong babae na nakasuot ng button down shirt at naka high ponytail ang kanyang buhok. Her beauty screams elegance. Para akong nakaharap sa isang modelo at may maipagmamayabang sa industriya dahil sa kanyang kabuuan. Ako itong nagmukhang parang wala lang kung ikukumpara sa kanyang tindig. Na hindi pa talaga ako ganap na dalaga kung ibabase sa kanya.
Kumurap ako at iwinala ang atensyon sa kanyang magandang mukha. Tumango ako at napadpad sa kanyang mga hita ang aking mga mata. Nakalantad ang kanyang makinis at mahabang biyas dahil tanging iyon lamang ang kanyang suot na kahit ang pabango ni Haze ay naaamoy ko galing sa kanyang suot. Kapatid ba siya ni Haze? Pero parang imposible dahil wala namang nabanggit sa akin na may kapatid siya ah? At iba ang kutob ko. Hindi ko gusto ang naiisip ko.
“Natutulog siya eh. He’s tired…” Makahulugan niyang sabi na nagpalunok sa akin.
“Gusto mong pumasok? Gigisingin ko nalang.” Mas nilakihan niya pa ang pagkakabukas ng pinto.
Umiling ako at umatras. Parang hindi ko gusto ang ediyang iyon. Natatakot ako. Kinakabahan. Hindi ko gusto ang mga naiisip ko.
“Ah… Sige huwag nalang. Pakisabi nalang na… Na dumaan ako.” Ngumiti ako ng pilit kahit na parang binubuhusan ng asido ang aking loob.
Tumango siya at ngumiti. “What’s your name? Sasabihin ko sa kanya mamaya.”
Kinagat ko ang aking labi. “Elliana… Elliana Brielle.”
“Sige. Elliana…”
Tipid nalang na ngiti ang aking iginawad bago tuluyang tumalikod. Nasapo ko ang aking dibdib at mas lalo lamang bumigat ang aking pakiramdam.
Wala na ako sa aking sarili noong bumaba ako. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano pero hindi ko maiwasan. Bakit nakakapasok siya sa condo ni Haze? Bakit suot suot niya ang polo ni Haze? Akala ko ba hihinto na siya sa pangbababae? Sino iyon, kung ganoon? Bakit parang… parang malayang malaya siya roon?
Sinasakal na ako ng aking pagseselos. Hinabol ko nalang ang aking paghinga at pinilit na kontrolin ang aking emosyon. What’s happening? Hindi niya sinagot ang mga text ko dahil may bisita siyang babae. At bakit kailangan niyang suotin ang damit ni Haze? Ako nga hindi ko pa iyon nagagawa.
Doon ko napagtantong nanlalabo na pala ang aking mga mata. Sa paghahanap ng kakampi, heto at nabigo na naman ako. Mabilis kong pinunasan ang luhang nalaglag. Kinagat ko ang akong labi habang naghihintay ng taxi pauwi.
Noong may matyempuhan ay sumakay agad ako at nagpahatid sa aming subdivision. Wala na akong mapupuntahan kaya uuwi nalang siguro ako. Total… Total hindi naman nila alam na naglayas ako. Baka nga iniisip ng mga iyon na tulog na ako sa aking kwarto.
Tahimik akong umiyak sa backseat habang pinapanood ang mga streetlights na nadadaanan. Bakit nadidismaya ako sa mga tao ngayon? Parang wala akong masasandalan kundi sarili ko lang. Masyado akong nagpadalos dalos na akala ko ay mapagsasabihan ako ng lahat ng ito pero kahit si Haze, kahit siya ay parang dinidismaya ako.
“Salamat po,” sabi ko sa driver pagkatapos ihatad ang aking bayad.
Tumango ito at ngumiti pabalik. Bumaba rin naman ako. Nagdoorbell nalang ako sa aming gate. Si Manang Sandra ang bumukas noon ag namimilog ang mga mata nang makita ako.
“Saan ka pumunta, Elle?! Pinaghahanap ka nilang lahat!”
Imbes na magulat ay walang gana akong pumasok. Deri-deritso akong naglakad. Bumuntot naman si Manang Sandra, tila kabadong kabado.
Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Daddy na pabalik balik ang paglalakad. Tumigil siya nang makita ako. Kahit si Mommy ay tumayo na.
Sa nanlalabong mga mata ay nakipagtitigan ako kay Daddy. Ang bigat bigat na. Kanino ba ako sasandal? Bakit parang wala akong makakapitan ngayon? Bakit parang nag-iisa nalang ako?
Mabilis ang paghakbang ni Daddy. Bago ko pa mapagtanto ang kanyang ginawa ay naramdaman ko nalang ang mahigpit niyang yakap sa akin. Pumikit ako at bumuhos lalo ang mga luha.
“Where did you go? Daddy is so worried…” he said softly while caressing my back.
Iyak ang naisagot ko sa kanya.
“I’m sorry…” bulong ni Daddy habang hinahalikhalikan ang aking ulo. “Nadala lang ako sa galit kanina. I’m sorry, baby…”
“I d-didn’t mean to say those things, Daddy…” Naging maliit ang aking boses dahil sa aking iyak.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Kahit papaano ay parang gumaan ang aking pakiramdam dahil sa kanyang yakap. Kahit papaano ay parang nabawasan ang aking alalahanin.
Ganoon talaga ako pag nadadala ako sa galit ko, sa emosyon ko. Minsan ay may lumalabas na sa bibig ko na hindi ko naman sana sinasadya. I am so mean when I’m triggered. Marami akong nasasabi na hindi ko naman gustong sabihin.
Noong kumalma ay sila ni Mommy ang kausap ko sa aking kuwarto. Dumating narin sina Kuya Red at Kuya Blue, hingal na hingal ang dalawa kakahanap sa akin. Dumeritso pala si Ken dito kanina at sinabi raw sa kanila. Nagulat pa raw si Ken noong napagtantong totoo iyong sinasabi ko.
“Bakit hindi mo man lang pinakilala sa amin? Papayag naman ako kung manliligaw siya ng maayos sa’yo Elle. If he can wait until you graduate…” ani Daddy, sinusuklay ang aking buhok.
Ngumiti rin si Mommy sa akin. “See? We’re not against on it. Kaso nababahala kami roon sa sinasabi ng kaibigan mo.” Mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon. “She told us you’re in a relationship with a dangerous man! At ano iyong sinasabi niyang kinokontrol kana ng lalakeng iyon at binibilog ang iyong ulo dahil mas pinili mo pa siya kaysa sa mga kaibigan mo?”
“Mommy, Daddy… Please give Anzai a chance to prove himself. Huwag niyo agad siyang husgahan please. Wala siyang kinalaman doon sa nangyari kay Keira… Trust him because I trust him too!” Palipat lipat ang tingin ko sa kanila.
Pumasok si Kuya Red at may dalang isang basong tubig. Ibinigay niya iyon sa akin. Bumuntot naman si Kuya Blue, nakapamulsa at sinisilip sa likuran ni Kuya Red ang aking mukha. Nagpeace sign siya sa akin.
“Are you still mad at me?” tanong niya.
Sinimangutan ko siya at tiningnan sila isa-isa.
“Give him a chance please…” Pangungumbinsi ko lalo.
Natahimik muna sila, tila pinag-iisipan iyong mabuti.
29th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Princess Sam Saripada. Happy birthday!
Disappointed
“Gaano ba kalaki ang tiwala mo roon na hindi ka noon sasaktan?” tanong ni Dad, pagkatapos ng namayaning katahimikan kanina.
Despite of the presence of the woman, ayaw ko paring magconclude. Nagseselos ako at para iyong virus na kumakalat sa buong sistema ko but I don’t want to make a big deal out of it. Paano kung… kung mali pala ang hinala ko? Gusto kong makita sa mismong mga mata ko ang lahat bago akusahan ng kung anu-ano si Haze.
“I’m one hundred percent sure,” sabi ko.
“Wow… You’re trusting him too much.” Nagulat si Kuya Blue na ngayon ay nakaupo sa balikat ng aking sofa at nakahalukipkip doon.
“Mabait naman sa kanya, Dad. Maalaga at seloso,” ani Kuya Red, nakapamulsang nakatayo.
Tinaliman siya ng tingin ni Kuya. “Kaya paboritong paborito ka ni Elle dahil ang sipsip mo rin sa kanya.”
Natawa si Mommy. Nailing naman si Daddy. Ngumuso ako at hinintay ang magiging desisyon ni Daddy.
Bumuntong siya ng hininga nang kulang nalang ay mabali ang aking leeg kakalingon sa kanya. Mom gave her a soft smile.
“Our door is open for him, baby,” si Mommy ang sumagot.
Bumuga ng hininga si Daddy, tila hirap sa pagdedesisyon. I convince him more with my twinkling eyes.
“Natututo nang maglayas si Elle…” ani Kuya Blue, sumipol pa.
“We checked the CCTV. Nagmukha kang unggoy,” si Kuya Red naman at nagtawanan silang dalawa sabay apir ni Kuya Blue.
So much for being distraction! Sagot ni Dad ang hinihintay ko pero singit sila nang singit!
“I’ll decide after our talk. Ni hindi nga iyon pumunta rito. Hindi ka man lang nagpaligaw sa bahay bago mo sinagot,” ani Daddy.
“Ah… Hindi pa niya ako girlfriend, Daddy,” sabi ko na ikinanguso ni Kuya Red habang silang tatlo ay takang taka.
“Huh? You’re not his girlfriend yet? Tapos boyfriend mo? Huh? Huh?” Parang timang si Kuya Blue na mas lalong nalilito sa pag-uulit niya.
“Ganyan din ang reaksyon ko,” si Kuya Red.
“Paano iyon? Like wala ka pang label sa kanya?” si Mommy naman.
“Siya muna kasi balak ko pang magtapos. I’m scared Daddy might get mad at me kaya iyon ang naisip ko,” sabay tingin kay Dad na pilit paring iniintindi ang aking sinabi.
“Hindi ba at parang lugi ka sa label niyo? Dapat ay ikaw ang may pinanghahawakan hindi siya. Ano iyan? Hindi ka niya girlfriend kaya pwede pa siyang lumandi sa iba?” si Kuya Blue sa dismayadong boses.
Kinabahan agad ako. Naisip ko bigla ang babae kanina. I’ll ask Haze about it first at doon na ako magdedesisyon sa magiging sagot niya. Pero paano nga kung… kung may something? No! Stop thinking anything! Panghahawakan ko lahat ng sinabi ni Haze sa akin. I’ll grip on it. Ako lang. Ako lang dapat.
“You should break-up with him so he can court you properly.”
Iyon ang suhestyon ni Daddy. Marami siyang sinabi tungkol doon. I am still grounded for lying. Iyon ang parusa ko. Hindi na sila galit pero akala ko ay matatakasan ko na iyon hindi rin pala. Pero handa silang buksan ang pinto para kay Haze. Kung isasarado rin naman nila, ako ang magbubukas para sa kanya.
At least Daddy is allowing me to see him after Kiera told them lies! Iyong babaeng iyon! Masyado siyang nakakadisappoint. Kamuntik niya na kaming hinadlangan ni Haze. Pero akala niya ba mamamanipula niya parin ang buhay ko? No. Ako na ngayon ang hawak ng bawat desisyon sa buhay ko. Ako lang.
Sa gabing iyon ay tumawag si Haze. Kinabahan pa ako pero nang mapagtantong siya ang may kasalanan sa akin ay nabura agad ang kaba at napalitan ng tabang. Mag-isa na lamang ako sa aking kwarto. Lumabas na silang lahat. Eleven narin naman. Inabot ako ng ganitong oras kakahintay sa kanyang text o tawag.
Tumikhim ako at sinagot ang tawag. Bukas ang bintana ng aking kwarto. Ang kurtina ay sumasayaw sa ere at pinaglalaruan ng hangin. Natatanaw ko rito sa kama ang madilim na kalangitan at may mga bituing kumikislap.
“You went here?” His husky voice filled my ear.
“Oo… At… Babae…” Hindi ko madugtungan ang aking sinasabi sa sobrang tabang.
Hindi siya nakasagot. Lumunok ako.
“Kapatid mo? She’s wearing your shirt…” Naging matabang lalo ang aking boses, pilit nalang iniisip na mali ako ng binibintang sa kanya sa aking isipan.
“Nag-away kayo ng parents mo?” tanong niya, iniiba na ang topic.
Nadismaya agad ako sa kanyang pagliliko. Parang kinukurot ang puso ko.
“Oo… Pumunta si Kiera rito at nagsumbong. She’s accusing you of kidnapping her. Nagalit sila. Daddy even said I am not allowed to see you again pero ipinaglaban kita sa kanilang lahat.”
Natahimik siya sa kabilang linya. Pinipiga ang puso ko. Parang may mali.
“Ipinaglaban kita…” Natawa ako, sa kabila ng hapdi ay parang natutuwa ako na nadidismaya narin.
He sighed heavily. “I’ll be busy these days…”
Pumikit ako at naramdaman ang pag-agos ng aking mga luha. Hindi ako natutuwa. I am expecting he’ll say something… Bakit parang ang lamig lamig niya?
“G-Ganoon ba? Gusto ka sana nilang mameet… Pinagbabawalan kasi ako ni Dad na makipagkita sa’yo at pwede mo lang akong bisitahin dito…” Sinapo ko ang dibdib ko at inilayo muna ang aking cellphone sa tainga para humingos.
Noong ibinalik ko ay tahimik parin siya. Pinalis ko ang mga luha.
“Who’s that girl? Bakit suot niya ang damit mo?”
“Family friend,” aniya.
H-Hindi kapatid?
“Bakit niya suot ang damit mo?” Mas lalong nasugatan ang puso ko sa mga tanong na pinipilit kong makakuha ng sagot.
“Ako nga… Ako nga hindi ko pa nasusuot ang damit mo…”
He chuckled softly. “Iyon lang ba ang gusto mo? Hmm?”
Hindi ako nadala roon. Mas nananaig ang tabang sa aking sistema.
“Ang ganda niya. Para siyang modelo at may half. Mga tipo mo…” I sighed with my words.
“She’s not.”
“Maganda siya!” giit ko.
“My type.” Dugtong niya.
“Hindi mo type pero nakatulog ka sa pagod?” Wala sa sarili ko na iyong nasabi, hindi ko na napigilan ang aking bibig.
“If you’re thinking something happened between us then you’re wrong. I was tired. Yes. But it’s not because I fuck her. She just borrowed my clothes…”
“Eh ba’t siya nariyan?”
“To clean my room?” Inosente ang boses na iyon, tila nangsasarkastiko lang.
Huh? Ang ganoon kagandang babae ay maid lamang? Hindi ako naniniwala!
“Pinagloloko mo ako.” Sumimangot ako. “Kung girlfriend mo siya sabihin mo nalang sa akin para makapaghanap na agad ako ng iba,” wala sa sarili kong sabi, nalulutang na naman sa pagseselos.
I heard him swallowed. Ganoon iyon kalakas na kahit ang kanyang kaba ay nararamdaman ko. Humalukipkip ako. Hindi ko aamining hindi ko naman iyon kaya pero ayokong masyado siyang maging kampante sa akin, katulad ng sabi ni Kuya Blue, ay hindi dapat siya nakakampante dahil lang siya ang may label at boyfriend ko siya. Dapat marunong din siyang matakot na ano mang oras, kaya ko siyang bitiwan.
“She’s not my girlfriend… I’ll visit you tomorrow since I’m going to be busy. I missed you…” Marahan at sobrang nanunuyo ang boses na iyon.
Ang namatay na mga kulisap ay bigla nalang ulit lumiwanag at nabuhay sa kanyang sinabi. Kinagat ko ang aking labi.
“Nariyan pa ba ang babae?” tanong ko, imbes na pansinin ang kanyang sinabi ay iniliko ko ulit iyon.
“Babalik siguro pag may ipapalinis ulit ako,” he chuckled.
Mas lalo akong bumusangot. He’s really trolling me! Purket feeling niya ay wala akong karanasan sa lalake ay parang ang dali ko nang mauto?
“She doesn’t look like a maid…” I said bitterly.
“Oh? She looked like one.” And he chuckled softly again.
“Manloloko!” sigaw ko sa pagkainis dahil parang hindi niya talaga siniseryoso.
He sighed. “I’m sorry. How should I label her that won’t upset you? Tell me…”
Humalukipkip ako. “Ayokong nariyan siya. Huli na dapat iyon!”
“I’ll be busy so…”
“So?” Ginaya ko siya.
“I’ll introduce myself properly to your parents tomorrow,” he said with finality.
Kinagat ko ang aking labi. Lumambot ang aking ekspresyon.
“Talaga?”
“Yes. So you stop getting jealous.”
Niyakap ko ang aking mga binti. Ang naramdaman kong tabang kanina ay nabura na. Hinaplos ko ang aking paa habang nakatitig sa aking malilinis na kuko. Hindi ko rin kasi maiwasang hindi magselos. May tiwala naman ako kay Haze pero ang hirap talaga magpigil. Natutuwa ako at tama ang desisyon ko na huwag agad siyang husgahan. Sapat na ang mga narinig ko. Kahit parang may mga blangkong linya parin na hindi niya nasasagutan ay kampante na ako sa ibang tamang sagot.
“Bakit ka magiging busy?” tanong ko sa maliit na boses.
“I need to work. We’ll have dozen of kids so I really need to work to feed our children.”
Ngumuso ako. Bakit parang pinapaikot niya nalang ako sa mga salita niya? Minsan ramdam ko pero parang may kakaiba. Uubusin ko lahat ng tiwala na meron ako sa kanya para pag wala nang natira, kahit bumalik siya at magmakaawa ay wala na akong maibibigay pa sa kanya. I’ll give him chance this time. Palalampasin ko ang nakita ko. I want to be mature for him. Gusto ko na isipin niyang hindi na ako bata mag-isip na nagagalit lang agad. Pero lahat ay may limitasyon din naman at sana hindi kami umabot sa punto na kailangan nalang bumitaw dahil nabali na ang pinanghahawakan sa isa’t isa.
Sa umagang iyon ay ipinaalam ko agad sa kanila ang balita. Si Mommy agad ang nagpaasikaso ng bahay for dinner later. Sina Daddy at Kuya ay parang may papasuking bangko dahil sa sobrang seryoso ng kanilang meeting. Hinayaan ko nalang total alam kong hindi rin naman masisindak si Haze.
Namili naman agad ako ng maisusuot sa dinner mamaya. Sa sobrang excitement ay pumunta talaga ako sa bahay nina Zera with my clothes para siya ang mamili ng magandang suotin ko.
“Please decide for my dress!” Ibinuhos ko ang laman ng paperbag sa kanyang kama.
Humikab siya. “Anong okasyon?”
“May bisita sa bahay! I need to wear something… decent!” sabi ko at ipinakita sa kanya ang red.
Umiling siya nang itinapat ko iyon sa aking katawan.
“Who?” Umangat ang kanyang kilay.
Kumuha akong muli ng panibagong dress at itinapat sa aking katawan. Umiling siyang muli habang nakahalukipkip na sa headboard ng kanyang kama.
“Someone special!” Humagikhik ako.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. Ngumiti ako ng matamis at kumuha ulit ng panibagong dress. This time it’s color white.
“Lalake?”
Tumango ako, wala sa sariling itinapat ang dress sa aking katawan at umikot. Humikab muli si Zera at tamad na umalis sa kanyang kama.
“Suitor?” Sinuklay niya ang buhaghag na buhok suot ang pulang satin na pantulog. Nagtungo siya sa walk-in.
Sumunod ako sa kanya.
“Ewan ko. Bibisita lang eh…”
Nagkasalubong ng husto ang kanyang kilay nang binuksan niya ang sliding door kung saan nakahanger lahat ng kanyang mga damit. Namangha agad ako roon. Her fashion style is really different from mine!
“Ano ka ba? Palagi kana lang bang lutang? Bisita pero hindi mo alam ang sadya?” Naiirita niyang pinasadahan ng haplos ang bawat hanger.
“Ipapakilala rin kita!” sabi ko nalang, ayaw munang sabihin sa kanya dahil baka kung anu-ano na naman ang lumabas sa kanyang bibig.
Nailing siya at itinapat sa aking katawan ang kinuhang damit.
“Ano iyong nakaabot na balita sa’kin na dinukot si Kiera Melendez? And the bitch survive?!” Nanliit ang kanyang mga mata.
Lumabas din naman kami roon. Pinaghubad niya ako habang nakaupo na siya sa dulo ng kama at nakapatong na ang isang hita sa isa pa. Sinukat ko iyong binigay niya.
“Sayang at nakaligtas…” Nailing si Zera.
“Bakit ka galit sa kanya?” tanong ko habang inaabot ang zipper sa likuran.
Tumayo siya at tumulong. Nagtungo siya sa likuran ko.
“She’s one of Keesha’s friend. Same feathers flock together, Elle.”
Nilingon ko siya sa likuran. “Nag-away nga kami eh. Sinampal niya ako.”
“The fucking bitch did what?”
Nagulat ako sa aking sinabi. Agad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Ngumuso ako.
“Kinalmot mo sana sa mukha! Hindi ka lumaban?”
Umiling ako. Mas lalo lamang siyang nadismaya. Umalis siya sa aking likuran kaya tiningnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Namilog ang aking mga mata dahil ang ganda ng dress. Humalukipkip si Zera.
“Sinabi ko na sa’yo na dumistansya ka sa pangit na ’yon. Hindi natin sila kauri. Those leech are useless, Elle. At ikaw. Uto-uto.”
Umikot ako at hindi siya gaanong pinakinggan. Matapang narin kaya ako! Gusto ko sanang ikwento sa kanya ang mga nangyari pero baka hindi rin siya interesado kaya huwag nalang.
“Saan mo pala ’yan nakalap?” tanong ko lalo na’t baka kasama sa impormasyon ay ang binibintang ni Kiera na si Haze ang nagpadukot. He’s innocent!
“I heard it from Kuya. Nakwento ni Ken sa kanya…” sabi niya habang tinitingnan ang kabuuan ko.
Ken? Teka… May narinig rin akong balita sa kanya ah?
“Oo nga pala. Totoo na may siniseryosong babae si Ken? He’s pursuing someone?”
“He’s pursuing someone?” Kunot-noo niya iyong ibinalik sa akin.
Tumango ako. I heard it from Kuya Blue! Kung hindi lang talaga ako naging okyupado noong gabing iyon sa paglalayas ng ilang oras ay tatanungin ko si Ken.
“Baka naman isa lang iyan sa mga babae niya.” Hindi siya gaanong nagpakita ng interes at nagtungo roon sa bed side table at kinuha ang kanyang cellphone.
“Wala man lang nagtext?” Narinig kong sabi niya at ibinagsak ang sarili paupo sa kama.
Inayos ko ang mga kalat na damit at ibinalik sa loob ng paperbag. Doon muna ako namalagi ng ilang oras sa kanilang bahay total wala siyang lakad. Natuwa ako kahit papaano. Nag-usap nalang kami kung saan ulit pwedeng pumunta this Summer.
Mga bandang 4PM ay nasa bahay na ulit ako. Marami nang niluto si Manang Sandra para sa dinner mamaya. Si Mommy naman ay pumasok pa sa aking kwarto, nacucurious sa aking susuotin.
“Pinahiram ako ng damit ni Zera. She doesn’t like my outfit…” sabi ko sabay tayo para makita niya ang aking suot na A-line tube top dress. Kulay cream ito at napakaeleganteng tingnan dahil narin sa kumukislap na mga maliliit na bato sa parteng dibdib.
“Oh, wow… This is pretty. Zera is really good at fashion.”
“I want to dress like her, too…” sabi ko.
Lumingon siya sa akin. “Ayaw mo na sa fashion style mo? You dress cutely…”
Umiling ako at umupo pabalik sa harap ng salamin. Kinuha ni Mommy ang suklay at sinimulan suklayin ang buhok kong kakatapos ko lang iblower.
“I want to dress like a woman, Mommy.”
“You want to be like Zera?”
Umiling ako. “I want it for myself. Gusto kong suotin ang mga gusto ko na naaayon na sa edad ko. Daddy’s fashion style is quite… childish.”
Tumawa si Mommy. “Aww… Our baby is really inlove! Ayaw niya na talaga na binibaby.” Hinalikan niya ang aking ulo.
“Pero maiba ako!” Nagbago agad ang kanyang ekspresyon nang magkatitigan kami sa salamin.
“Ano na ang pinaggagawa niyo noong secret boyfriend mo? Your father is curious but he doesn’t want to ask you dahil baka magalit ka at sumbatan siyang privacy niya iyon. So… Total babae tayong pareho, gusto ko ring malaman.”
Namula agad ako. Ngumisi siya sa akin at inilebel ang mukha sa aking gilid. Hindi kami masyadong magkamukha pero may mga features siyang nakuha ko sa kanya.
“Alam mo naman ang Daddy mo. Ayaw niya sa mga alam mo na… Primitibo iyon.”
“W-Wala kaming ginagawang iba! It’s just a kiss!” Mas lalong naging kamatis ang mukha ko.
Humagalpak si Mommy. “Ano ba ’yan? Para rin palang kami noon ng Daddy mo!” Naiiling siyang tumayo ulit ng tuwid.
Mga 5PM na noong natapos kaming lahat at hinihintay nalang si Haze. Ang sabi niya ay six nandito na siya. Or seven? Sina Daddy at Kuya ay tila mga gwardya sa may pinto, nakahalukipkip na akala mo may inaabangang kawatan dahil masyado pang mga seryoso.
“Boys…” tawag ni Mommy sa tatlo na sabay pang lumingon.
Tinaliman ko ng tingin sina Kuya.
“Practice lang…” ani Kuya Blue at humagalpak.
“Sinabi ko na sa inyo. Hindi ito gagana sa lalakeng ’yon,” sabay kamot ni Kuya Red sa batok na akala mo ay napilitan lamang sa pakulo ng dalawa.
Mga bandang six-thirty ay wala parin si Haze. Nagtext siya sa akin kanina na papunta na siya. Six pa iyon… Tapos thirty minutes na ang dumaan. Traffic?
“Baka traffic,” sabi ni Mommy, tila nabasa narin ang aking iniisip dahil sa aking ekspresyon.
Tumawa si Kuya Blue. “Natraffic sa ibang babae!”
Mabilis ko siyang nilingon. Siniko siya ni Kuya Red. Si Daddy naman ay naninimbang ang tingin sa akin. Lahat kami ay nandito sa sala at parang naghihintay sa wala.
Ilang beses ko siyang tinext. Noong mga seven ay doon pa ako nakatanggap ng reply.
AnzaiHaze:
Something came up. I’m sorry. Next time nalang siguro.
Mabilis akong nanghina sa nabasa kong text. Tinitigan ko pa iyon ng ilang sigundo. Lumunok ako at hindi alam ang magiging reaksyon.
“Hindi tutuloy?” Nagulat ako sa boses ni Kuya Blue. Nilingon ko siya sa aking gilid na nakapamulsa at bihis na bihis pa sana.
Bigo akong umiling at nag-iwas ng tingin sa dismayadong mukha ni Daddy.
“Baka may iba ’yang priority ah?” Pagpaparinig ni Kuya Blue na sinita agad ni Mommy.
“Baka naman may emergency lang,” si Kuya Red naman.
Tumayo ako. “Hindi lang kayo ang disappointed. Ako rin.” Tumalikod agad ako bago pa makarinig ng kung anu-ano sa kanilang lahat.
Sinikap kong huwag mahulog ang mga kinikimkim kong luha pero nang makapasok sa loob ay mabilis na tumakas ang hikbi. Tinakpan ko ang aking bibig, na kahit hindi naman nila maririnig ang aking iyak ay natatakot parin ako na baka marinig nila ito.
I sighed with my trembled lips. Pinalis ko agad ang mga luha. I shouldn’t cry! Bakit ko naman ito iiyakan? May ibang araw pa naman ah? Pero masyado akong naging excited at natapon lamang. My parents prepared for it, too. Nakakadismaya.
Pinatay ko ang aking cellphone at nawalan ng ganang magreply sa kanya. Kung busy na siya, edi hindi ko na didisturbuhin. Mas lalo lamang kumalat ang tabang sa aking bibig at nanuot na sa bawat sistema ko.
Ganito pala talaga ang pagmamahal. Hindi palaging masaya. Hindi palaging nasusunod ang gusto mo. May mga bagay na kahit gusto mong ipilit ay hindi talaga pwede.
Kinabukasan, pagkagising ko ay pasipol sipol na si Kuya Blue. Dinaig ko pa ang zombie kung maglakad ako patungong kusina.
Sinabayan ako ni Kuya sa paglalakad na fresh from the bath pa at umaalingasaw ang amoy ng kanyang shower gel sabay akbay sa akin.
“At sinong napuyat kakahintay sa wala?”
Unlike Kuya Red, si Kuya Blue talaga ang mahilig mambwesit.
“Natulog ako ng maaga,” sabi ko sabay tulak sa kanya palayo.
Napaatras naman si Kuya Blue, tila kusang umatras nang hindi ko siya masyadong itulak. Umupo ako at pumangalumbaba. Sumulpot naman si Manang Sandra para asikasuhin ang aking pagkain.
Humilig si Kuya Blue sa mesa at sinilip ang aking ekspresyon.
“Hindi mo hinintay?”
Umiling ako. “Off ang cellphone ko. Busy siya kaya ba’t ako mangdidisturbo?”
“Palaban!” Pumalakpak siya. “Hindi marupok award goes to our beloved baby Brielle!”
Tinaliman ko ng tingin si Kuya at itinulak muli paalis sa aking gilid. He’s so annoying! Humalakhak siya at sinuklay pa ang buhaghag kong buhok.
“We’ll find someone better than him, baby. Gusto mo hanapan kita?”
Bumuga ako ng hininga at tiningnan ang kilos ni Manang Sandra na pangiti ngiti rin sa kalokohan ni Kuya Blue. Naroon siya, iniinit nalang ata sa microwave ang aking ulam.
“Natakot iyon panigurado. Baka may sabit kaya ayaw magpakita sa amin.”
Pumikit ako at pinakalma ang aking sarili.
“Galawang fuckboy. Gusto ng patago-”
“Shut-up, Kuya! Stop annoying me!”
Namilog ang kanyang mga mata sa pagsiklab ko. Mabilis siyang umatras, sa takot ay deri-deritso na ang lakad palabas ng kusina lalo na’t iritang irita pa ako.
“Scary!” Narinig kong sigaw niya, palayo na nang palayo.
Bumuntong ako ng hininga at nilingon si Manang Sandra na nagulat din lalo na’t naestatwa pa ito habang hawak hawak ang pinggan.
“Manang… Breakfast ko po,” sabi ko sa mahinahong boses.
Tumango naman agad siya, naging mabilis na ang kilos.
30th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Xhaniah Marie Delion. Happy reading!
Heartless
Napagdesisyunan kong hindi icheck ang aking cellphone sa Summer na iyon. Pwede naman siyang pumunta rito nang hindi ako tinitext ah? Naisip ko rin, kung may balak talaga siya ay maghahanap siya ng paraan para makausap ako lalo na’t nakahalata na siguro iyon na hindi man lang ako nagrereply.
I want to see him make an effort. If a person wants you in his life, he’ll make an effort.
I held my pride with me. Inakyat namin ang pinakamataas na bundok para lang hindi lumagapak at magpakaalipin ulit sa nararamdaman ko para sa kanya. Nanatili ako sa bahay, hindi gumagala gala, nilibang sa ibang bagay ang sarili at araw araw ay naghihintay sa taong ni anino ay hindi talaga nagpakita.
Maybe I trusted him too much? Maybe just like Ken who got fooled, who lost his precious someone, ay ganoon din ang bagsak ko?
Iyon ang ipinagluksa namin noong Summer na iyon. Knowing Ken… Siya ang pinsan ko na hindi marunong magalit at palagi lamang masaya. Pero sa araw na iyon, nakita ko kung paano siya dinurog ng pagmamahal. Nakita ko kung paano bumuhos ang kanyang mga luha at nagmakaawa na sana ay ibalik ang nawala sa kanya.
Napagtanto ko na ganoon nga siguro ang pagmamahal. Hindi ka nananalo basta basta. Kahit gaano mo pa kagaling, kahit anong pag-iingat, sa huli ay masasaktan ka rin.
Nawalan ako ng gana at pag-asa sa amin ni Haze. Baka nga sa huli ay mamamatay rin ang pag-ibig na binuhay namin sa isa’t isa. Sa huli ay hindi naman talaga iyon para sa aming dalawa. Pero bakit? Bakit ganito? Kahit kaonti man lang sana ay bigyan kami ng tsansa na maging masaya ulit. Ayoko sa ganitong pakiramdam. Ayokong pinapatay ako ng kalungkutan.
But do I have a choice? Ayoko namang ipilit at magmakaawa sa isang bagay na hindi pala talaga para sa akin. My young heart is still ignorant and I am so foolish for gripping on something foreign to me. Pinanghawakan ko agad ang mga salitang hindi ko naman alam kung totoo ba o puro kasinungalingan lang pala.
Natapos ang summer. Pilit ko nalang ibinabalik ang dating sigla. Nagpalit ako ng number kaya sobrang tahimik narin ng aking cellphone. Minsan pag mag-isa, bigla bigla nalang akong naiiyak.
Ang daya naman! Bakit may mga taong iiwanan ka na nga, nag-iiwan pa ng masasayang alaala! Hindi ba pwedeng umalis nalang kasama ang lahat ng iyon para wala nang babalikan pa? Napakadaya talaga! Minsan tanggap ko na hindi nga siguro para sa aking lahat ng ito pero madalas ay hinihiling ko na sana ay para nalang sa akin ang lahat.
“At sino ngayon ang mukhang naloko?” Ngumisi si Kiera sa akin nang madatnan niya akong tulala sa bench sa hapon ng Lunes na iyon.
Kumurap ako at natauhan. Nagpanggap agad akong hindi ko siya narinig at pasimpleng inilabas ang aking cellphone.
“I told you, Brielle. Haze isn’t serious. Tingin mo seseryosohin niya ang kagaya mo?” Tumawa siya at nailing.
Hindi ako umimik at nagkunwari nalang na nasa cellphone ang buong atensyon. Ayokong may sabihin dahil tama rin naman siya. Nabigo ako. Ipinaglaban ko ang mali kong pananaw sa pag-ibig.
Minsan ay nakikihalubilo naman ako kina Penny at Lexy, pero minsan ay mag-isa lang rin ako lalo na’t ayoko naring makihalo lalo na kung nariyan si Kiera. We’re not in good terms. Mas lumawak ang kanyang squad. Ang rami niyang friends na mga elite. Nangrerecruit na akala mo ay may ikakabuga kahit wala naman.
At least I’m not one of them anymore. Sa wakas at nakakahinga na ako ng malaya hindi iyong nakakalanghap ako ng toxic na hangin sa paligid. She’s not even a loss.
“Sino ulit ’yang kalandian ni Irah?” Nagulat ako sa nasaksihan sa hapon ng Huwebes na iyon sa buwan ng Oktobre.
Irah is talking with a basketball player at hinaplos pa ang kanyang beywang kanina. Umirap si Zera ng husto. I think they’re not in good terms. Napapansin ko kasi parang ilag si Irah sa amin at kung sinu-sinong lalake nalang ang kaharutan. Hindi ako sanay sa side niyang ganyan. Mas sanay ako roon sa pagiging cold niya at tahimik. Ngayon ay nakikita ko pa siyang nakikipagngisihan doon sa lalake na kulang nalang ay ilapit lalo ang mukha sa kanya at maghalikan silang dalawa roon sa field.
“Nag-away ba kayo?” tanong ko nang magtungo kaming dalawa sa cafeteria.
“May mga tao talagang nagbabago pagkatapos masaktan,” makahulugan niyang sabi na inisip ko pa ng husto.
Irah is… brokenhearted? But she doesn’t look like one! Wala naman akong nababalitaang may gusto siya rito. Pero naririnig ko na close siya noon sa isang Senior na grumaduate narin at kalevel nila Kuya Grey. I think it’s Bryce?
Mas lalo lang akong nadidismaya sa mga nakikita ko. Lahat ay lumalagapak sa lupa dahil sa pagmamahal. Ganoon ba talaga iyon ka makapangyarihan? Oo ako nasaktan ako kay Haze but I don’t think it can change me. Parang ilang month ako naging malungkot pero ngayon, okay na ulit ako! Kung may nagbago man, iyon ay kaya ko nang mag-isa. Siguro… Siguro umabot din sila sa punto na isinuko na ang lahat. Eh ako? Sumuko ako sa kalagitnaan ng digmaan. Bigla kong ibinaba ang armas at tumalikod nalang. Napagtanto ko na baka wala naman talaga akong pinaglalabang teritoryo.
Nagulat ako sa malakas na busina sa Sabado na iyon. Nasa gilid lang naman sana ako ng kalsada at nagpasyang lumabas mag-isa para magtungo sa cafe pero bakit kung bumusina ay parang paharang harang ako sa daan?
“Sorry!” Mabilis akong tumabi kahit na nasa tamang pathway naman ako.
Bumusina iyong muli. Tumigil ako at nagtatakang nilingon ang isang itim na kotse. Hindi pamilyar sa akin. Imposibleng kay Haze iyan lalo na’t-
Nagulat akong muli sa malakas na busina. Tumigil pa iyon sa gilid at bumukas ang pinto. H-Hindi kaya iyan iyong kidnapper ni Kiera?! Kumaripas agad ako ng takbo at mabilis na pumasok sa cafe. Sinapo ko ang aking dibdib ay napayuko. Ang mga naroon ay nagsitinginan pa kaya tumayo akong muli at ngumiti sa kanila.
Dumeritso ako sa counter. Nag-order ako ng shake, fries at isang slice ng cake saka nagtungo sa bakanteng table. Dito na muna siguro ako. I’m sure that car is a kidnapper! Akala siguro nila ay mauuto nila ako sa pabusi-busina? Mabuti nalang at alisto ako.
May biglang bumakante ng upuan sa harap. May naamoy rin akong pamilyar na pabango. Tiningnan ko ng maayos ang lalakeng naka cap at itim na glasses. Noong inalis niya iyong lahat ay namilog ang mga mata ko. Ang gwapong mukha ni Haze ang agarang tumambad sa harap ko.
“You change your number?” tanong niya at iritadong inayos ang nagulong buhok.
Ilang sigundo akong nagulat. Tinitigan ko pa siya ng matagal at pilit kong kinabisado ang bawat detalye ng kanyang mukha.
Tumitig siya sa akin. Sinamaan ko agad siya ng tingin. Iyan lang ba ang sasabihin niya pagkatapos ng ilang buwan na lumipas?
Binasa niya ang labi. “I told you I’m going to be busy-”
“Kaya nga hindi kita dinidisturbo!” Iritado kong sagot sa malakas na boses.
Napaawang ang kanyang bibig at tila nagulat. Kahit ang iilang customer ay napatingin pa sa amin, sa akin. Nang mapagtanto ang aking ginawa ay mabilis akong huminahon at nginitian nalang ng tipid ang mga nagambalang customers dahil sa aking boses.
Bumuntong ako ng hininga at ginalaw ang aking shake.
“Let’s talk for awhile, Elliana.” Hinuli niya ang aking kamay.
Sa aking iritasyon ay hinawi ko agad iyon. Suminghap siya at gumalaw ang kanyang panga. Hindi ako nagpatakot doon at ipinagpatuloy ang paghahalo ng aking shake.
“Talk. Makikinig ako,” matabang kong sabi.
Sumandal siya sa upuan, ang dalawang kamay ay nakabulsa. He eyed me intensely. Saan siya galing? Ba’t parang gumwapo siya lalo? O baka naghahalucinate na ako dahil ang tagal ko na siyang hindi nakita?
“I am busy with my work,” rason niya.
“Oh edi busy rin ako sa school,” giit ko naman, hindi tinitingnan ang mga mata niyang nakakapaso na.
Kinagat niya ang labi at humilig sa mesa. Kumuha ako ng fry at sumubo. Kumain ako at hindi inisip na nariyan siya sa harap. Galit ako sa kanya. Ba’t pa kaya siya sumulpot? Siguro iyong babaeng nakita ko noon sa condo niya ay pinagsawaan niya na?
“You don’t trust me,” seryoso niyang bigkas na dahan dahang ikinaahon ng aking mga mata sa kanya.
Bumuntong siya ng hininga at mabilis na ikinalma ang ekspresyon. Tumayo siya.
“Let’s talk for awhile, please…”
Nagloosen ang aking balikat. Tiningnan ko siya ng ilang sigundo. Namumungay ang kanyang mga mata. Tumango ako na agaran noong ikinaliwanag.
Ipinatake-out ko muna ang aking mga pagkain at sumunod ako sa kanya sa parking lot. Nagulat ako nang mapagtantong ang bumusina sa akin kanina ay walang iba kundi siya! It’s his new car!
Gaano ba kasi karami iyang kotse niya at papalit palit siya?
Pinagbuksan niya ako sa front-seat. Pumasok ako sa loob. Pinagmasdan ko siyang umikot. Inilagay ko sa paanan ang paperbag kung nasaan ang aking pagkain kasabay ng kanyang pagpasok. Umayos ako ng upo at tumikhim.
“May klase pa ako mamayang 2PM,” sabi ko sabay tingin sa wristwatch ko. Ala una na.
Tumango siya at inilahad sa akin ang kanyang cellphone.
“Save your new number.”
Nanliit ang aking mga mata. Ano ’to? Bagong simula? Pagkatapos niyang hindi sumipot ay babalik ulit siya na akala mo ay may naiwan lang sa akin at hindi niya pa nakukuha?
“Bakit naman?” Galit ko siyang tiningnan.
“So I can call you.”
Mas lalo lamang nagkasalubong ang aking kilay.
“Hindi kita bibigyan,” giit ko sa matapang na boses.
“Hindi kita mapupuntahan sa bahay niyo. I’m quite busy.”
“Pero may oras kang tawagan ako? Pag gusto mo na ulit sa akin?”
His eyes sharped at me. “Wala. Akong. Iba.”
Kinabahan agad ako sa tono ng kanyang boses.
“Eh ba’t galit na galit ka? Sinabi ko bang meron?”
Nagloosen ang kanyang balikat at bumuntong ng hininga. Mabilis na umamo ang kanyang mukha, ang mga mata ay namumungay na naman.
“Wala akong iba, Elliana…” he said more softer this time.
Hindi ako kumibo habang naninimbang ang kanyang mga mata sa akin na pilit kong iniiwasan. Nang hindi makayanan ang kanyang paninitig ay tinaliman ko siya ng tingin kaya ngumuso siya at pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok. Unti-unting bumaba ang kanyang mga mata sa aking katawan. Umangat ang dalawa niyang kilay.
“You look cute on your uniform…” Nalaglag ang kanyang tingin sa aking dibdib at bumyahe pa iyon sa bawat butones.
Tiningnan ko ulit ang aking relo. One-thirty. “One-thirty na. Aalis na ako.” Akma kong bubuksan ang pinto nang bigla niya iyong inilock sa loob.
Mabilis ko siyang tiningnan. “Ano ba!”
“We still have thirty more minutes.” Sabay tingin ng kanyang relo sa palapulsuhan.
“Maglalakad pa ako! At nasa third floor ang subject ko ngayon! Malilate ako sa hagdan palang!”
“Use the elevator then. Ihahatid nalang kita mamaya,” agap niya.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Inangatan niya naman ako ng kilay.
“Ba’t ganyan ka katapang umasta?” tanong ko.
“I already told you my reason. I am busy since I’m already working. And I know I am innocent…” he said surely, na malinis ang kanyang konsensya sa mga ikinakagalit ko.
Kapani-paniwala pero nakakapangduda parin. Twenty-four seven ba siyang nagtatrabaho? Kaya ganoon ka busy?
“Iyon na nga? Busy ka. Busy ako. Busy tayo pareho. Bakit pa tayo mag-uusap kung busy tayong dalawa?”
Nagkasalubong ang kanyang kilay sa aking rason. Nag-iwas akong muli ng tingin at humalukipkip nalang. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Nararamdaman ko ang kanyang paninitig, naghihintay lang na bumigay ako.
Noong hindi ko siya kausap oo nalungkot ako. Nakaramdam ako ng lungkot at naiiyak ako pag binabalikan ko ang mga alaala namin. Pero noong nakita ko kung paano nasaktan ang pinsan ko dahil sa pagkawala ng mahalaga sa kanya ay napagtanto kong hindi ako ganoon ka tapang para kayanin ang ganoon. Maybe I am not yet really ready. Sinubukan ko naman. I even gave him a chance to prove himself. Kahit ako ay sinubukan ko ring patunayan sa sarili ko na kaya ko.
Pero kaya ko parin bang bumangon pag naubos na ako? Hihintayin ko pa bang wala nang matira sa akin at diyan pa ako matatauhan? Paano kung itigil ko nalang agad ang lahat kaysa humantong kaming dalawa sa ganoon?
Gusto kong ubusin lahat ng meron ako pero napagtanto kong kawawa ako. Ayoko namang magsisi ako sa huli.
“Napag-isipan ko ito ng ilang araw…” sabi ko at nilingon siyang tinititigan ako, hinihintay lamang ang idudugtong ko.
“N-Napagdesisyonan ko na… na tigilan nalang natin ito.”
Nagloosen agad ang kanyang balikat. Malungkot ko siyang nginitian.
“Pakiramdam ko kasi… p-parang wala namang patutunguhan ang lahat ng ito. Siguro pag handa na ulit ako ay pwede na ulit tayo.”
He sighed heavily and tried to reach my hand. Inilayo ko agad iyon sa kanya. Ayokong magpadala sa mga haplos niya.
“I told you to trust me, Elliana.” He almost growled, taliwas sa mga mata niyang tila natatakot.
“I am too young and-”
Isang hila lamang ay natakpan niya na ang aking labi ng kanya. Mabilis akong nagpumiglas at gusto siyang itulak. Noong makawala ay sinampal ko siya sa halu-halong emosyong yumakap sa akin. Nagulat ako sa nagawa ko. Tila hindi siya nasaktan pero kapansin pansin ang pagkagulat niya. I… I slapped him.
“G-Galit ako kaya bakit ka manghahalik?! At hindi mo naman ako girlfriend!” giit ko, gusto iyong ipamukha sa kanya na mali ang lahat ng ito.
Napaawang ang kanyang labi. Pinilit kong magpakatatag, na ito ang gusto ko. If he can’t accept it edi bahala siya.
“S-Siguro tama nga si Kuya… Tama nga silang lahat. B-Baka inuuto mo lang ako… K-Kasi ang bata bata ko pa… Tatanggapin ko kung hindi ito para sa akin pero sana naman huwag mo akong paasahin!” Sinapo ko ang dibdib kong halos pigain sa loob. I am trying hard not to cry, not to beg for something that isn’t for me. Tatanggapin ko lahat lahat. Lahat ng kamalian ko. Hindi ko ipipilit.
Umiling siya.
“You have to trust me, Elliana. I am doing everything to give you a better future with me…” he whispered weakly.
He leaned more closer. Hinawakan niya ang aking baba.
“Please trust me…”
Hindi ako umimik. Hinalikhalikan niya ang aking mukha, marahan ang bawat paglapat noon at tila gusto akong pakalmahin, na tingin niya ay iyon lang ang makakapagpabura sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.
“I will wait for you until you’re willing to become my girlfriend. Batas mo iyon at sinunod ko. Pero kung ako lang ang masusunod ay matagal kana sanang nakatali sa akin,” giit niya, desperado ang boses.
Totoo naman. Ako ang may gusto noon kaya nga hindi ko magets at bakit nanghahalik na agad siya kung hindi pa naman sana kami official? O ganoon talaga siya? He can kiss someone without labels.
Sinubukan niya ulit akong halikan sa aking labi nang umiwas ako. Namutla siya sa aking ginawa. He licked his lips and stared at me.
“You forgot the fifth rule? Always believe in me?” Pilit niya iyong pinaalala.
Nakalkal ko agad iyon sa aking isipan.
“I don’t want a break-up Elliana. Fuck it. Walang maghihiwalay,” he whispered in a deep voice like casting a spell, na hindi iyon basta basta mababali ng kung sinu-sino lang.
“May pasok pa ako,” matabang kong sagot at gustong makawala agad sa kanya.
Iyon ang gusto ko sa aming dalawa ni Haze. Nabubuksan ang isipan ko sa pag-ibig dahil sa mga nangyayari sa paligid ko. Gusto ko parin naman siya pero ang rami-rami kong naiisip. What if it’s really work? I should think about it more.
“Nakamove-on na si Ken sa nangyari?” tanong ko kay Zera nang makita ko siyang nakikipagngisihan kay Kuya Blue sa hallway.
Sinundan niya rin ito ng tingin.
“Ewan. Hindi madaling magmove-on pero madali lang namang magpanggap.”
Araw-araw, sinusubukan ko ring magmove-on kay Haze. Iyon nga lang, araw araw ay pakulit siya nang pakulit. Namamataan ko lagi sa school ang itim niyang kotse. Noong sinabi ko kasing ihinto nalang namin ay parang hindi niya naman sineryoso.
“Bakit kana naman nandito?” Iyon ang isinalubong ko sa kanya nang pumasok ako sa kanyang front seat.
May kinuha siya sa likod at ibinigay sa akin.
“I bought some food for you…” Inilahad niya iyon sa akin.
Tiningnan ko muna iyon ng ilang sigundo.
“That’s your favorite cordon bleu…”
Hindi ako umimik. Ngumuso siya at mas inilapit pa iyon sa akin.
“Take it…”
Kinuha ko iyon at sinilip.
“Thanks. Babalik na ako sa loob.”
Paulit-ulit kaming ganoon. May mga araw na hindi siya pumupunta, kung pupunta ay magugulat nalang ako at ibang kotse na naman ang gamit. Ngingisi pa sa akin na akala mo walang kasalanan at bibigyan ulit ako ng lunch.
“Where did you buy this? Parang wala ito sa cafeteria ah?” tanong ni Zera nang kinain namin ang bigay ni Haze.
Masyado kasing marami at hindi ko naman nauubos kaya binibigyan ko palagi si Zera.
“Maniniwala ka ba kung may… may sugardaddy ako?” bulong ko na ikinalaki ng kanyang mga mata.
“I heard that term to our cousin. Mga matatandang gumagastos…” Humagikhik ako. Haze is five year older than me! He’s old!
“That is not the exact term for old man who’s giving gifts you fucking idiot! In exchange, you need to have sex with them o kung ano mang kapalit sa mga binibigay niya. Stop using that dirty word!” Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
Namilog agad ang akin. Hindi naman kami umaabot sa ganoon ni Haze! Mas lalong nagduda ang tingin ni Zera sa akin.
“Biro lang! May nagbibigay lang naman!” Namumula kong sabi.
“Sino?”
Ngumuso ako. “Si Haze…”
“Haze? Anong apilyedo? Baka kilala ko ’yan. Nanliligaw? Iyan ba iyong kinwento mo sa akin noon?” Panay ang kanyang subo habang nag-uusap kaming dalawa.
Tumango ako. Naalala ko na pinayuan niya pa ako noon na huwag masyadong magpauto.
“Ipapakilala kita next time,” sabi ko at kumuha ng isang cordon bleu.
“Ilang beses ko na ’yang narinig. Imaginary boyfriend mo na ba ’yan?” Nailing siya at mas itinuon na ang buong atensyon sa kinakain.
Oo nga. Siguro parte nalang ng imahinasyon itong si Haze. Mga imahinasyong imposibleng matupad.
Tinatanggap ko ang kanyang mga binibigay. Nagtuloy tuloy iyon hanggang Enero. Hindi ko siya nakita noong Disyembre. Naging busy rin ako sa mga okasyon at importanteng selebrasyon.
“What’s this?” Binuksan ko ang box na bago niyang bigay. It’s not food anymore.
“I bought it and maybe you’ll like it,” sabay sulyap sa aking tainga. “Hindi mo na sinusuot ang bigay ko. Itinapon mo?”
Nag-angat ako saglit ng tingin at ibinalik rin ang tingin sa box na may lamang kwintas. Ang pendant agad ang kumuha ng aking atensyon. Gold iyon at may pendant na korteng puso.
“Gusto mong suotin?”
Umiling ako at tinakpan iyong muli. Ibinalik ko iyon sa paperbag at hindi na tiningnan ang iba pang mga bigay niya.
“Busy ka ulit this Summer?” Pag-iiba ko ng topic.
Tumango siya, marahan lamang.
“Do you miss our hobbies?” Tiningnan niya ang kamay ko, gusto iyong hawakan pero sa mga araw na palagi ko iyong binabawi ay hindi niya na tinangka pa.
“Hindi. Nagtatanong lang ako. Zera and I have plans… Baka pati ang mga Kuya at pinsan ko. Kung hindi rin sila busy.”
Napagtanto kong lahat ng mga tao ngayon ay may kanya kanya narin palang buhay. Graduating na sina Kuya, Ken, Hiro at Wayt this year. They’re going to be busy for work, too. Siguro nga ganoon talaga. Kailangan mong harapin ang responsibilidad mo. Just like Haze… He has his own responsibilities too.
“You’re turning twenty. Is that the reason why you have your own decisions now?” tanong niya.
Oo nga ’no? I’m turning twenty this year. And he’s uh… turning twenty five? Or he’s already twenty five?
Hindi ko alam kung dahil ba sa edad ko kaya may desisyon akong nagpapagulat sa akin. Siguro ganito talaga ako. May mga bagay na kayang kaya kong bitiwan kahit na gustong gusto ko pang hawakan. I am not scared to lose something. O baka masyado lang talaga akong nagtatampo sa kanya dahil binigo niya ako at heto ako, nasa itaas parin ng bundok at ayaw bumaba kasama ang pride ko.
Sa Pebrerong iyon ay si Kuya Red naman ang nagkaissue. He just turned twenty-one at ayun, nainvolve na sa isang babae!
It’s upsetting me thinking he’ll be busy for someone else. Ayoko roon. I want him to clear his name and stop acting as her boyfriend! Ayokong nagpapakaalipin siya sa iba. Iyon naman ang ikinakagalit ko sa buwang iyon.
“Selosa!” Humagalpak si Kuya Blue nang makita akong nakahalukipkip sa sofa at matalim ang tingin sa news.
They’re all over the internet! Ngayon naman pati sa tv ay napapanood ko na sa mga guesting iyang Keyla? I hate her! Kuya is so busy at walang oras sa akin.
Si Kuya Blue ay parang may pinagkakaabalahan din minsan. Gusto kong unawain pero siguro nga ito rin ang ikinakagalit ko kay Haze. Wala na ngang oras, pakiramdam ko ay may iba pang pinagkakaabalahan.
Noong summer na ulit ay madalang na namang magparamdam si Haze. We’re texting again. Kakabigay ko lang ng number ko pagkatapos noong klase, noong pinuntahan niya ako at binigyan ng mamahaling bracelet. Isang taon pala talaga akong nagmatigas ’no? At anong ikinakagalit ko? Iyon ay hindi ko narin alam.
Naalala ko bigla ang sinabi niya noong huli ko siyang makasama sa buwan ng Marso, noong araw na nagdesisyon akong lumambot ulit.
“You are so fucking heartless.” Nailing nalang si Haze nang tinanggihan ko muli ang hinihingi niyang numero ko.
Inisip ko ng mabuti ang ikinakagalit ko. Nagsimula ang lahat noong madismaya niya ako. Ipinaglaban ko siya sa parents ko pero hindi siya sumipot. Maybe may emergency talaga? And he’s busy with work? Hindi ba at ang babaw lang naman ng ikinakagalit ko? Ng pagtatampo ko?
Hinuli niya ang kamay ko. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ko siyang hawakan ako. Nagulat siya kaya mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya roon na tila ba masyado siyang nangulila.
Pumikit siya at hinagkan iyon. He breathe deeply. Napatitig naman ako sa kanyang guwapong mukha. Parang araw ay mas lalo siyang nagiging perpekto sa pisikal na hitsura. He’s very manly kumpara sa mga nakakasalamuha ko sa school, sa mga lalakeng nahuhuli kong nakatingin minsan sa akin. Walang wala sila, na tindig palang ni Haze at kagwapuhan ay manliliit ang lahat.
“I’m sorry for what’s making you upset,” he said sincerely.
Maybe he deserves another chance? I still like him.
“This Summer… Pwede kang bumisita sa bahay. Hindi naman galit si Mommy at Daddy sa’yo.” Nag-iwas ako ng tingin.
“I’ll try but I think I’m going to fail you again.”
Tumango ako, tinanggap nalang iyon. Hindi na ako ang priority niya at naiintindihan ko iyon. Base from what I saw to my brothers, talagang may mas mahalaga pa bukod sa pag-ibig.
“Text?” Ngumuso ako sa aking suhestyon.
Mabilis na lumiwanag ang kanyang mukha. Halatang masyado siyang naging masaya sa aking sinabi dahil sa tamis ng kanyang ngiti.
“Finally…”
31st Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Joyce Valdehueza. Happy reading!
Pain
“Ang suplada mo ata lately? Ganyan ba talaga kayong mga babae pag sinasaktan ng mga lalake? Maiinit lagi ang ulo?” Inakbayan ako ni Kuya Blue nang madatnan niya akong nakabusangot sa umagang iyon ng Lunes.
The dinner ended well last night. Naimbitahan ang mga Rocales sa aming bahay and naroon pa iyong Kaedy na pinanggigigilan ko rin. Napagalitan ako ng kaonti ni Daddy for being mean, kahit si Mommy ay nasermonan.
Sumubo ako at hindi siya pinansin. Kinurot niya ang aking pisngi.
“Hindi ka parin pinupuntahan dito noong Anzai mo. Kaya ba kung kani-kanino mo nalang binubunton iyang galit mo?”
My eyes sharped at him. Sumipol si Kuya.
“Rawr…” He teased me even more.
“Stop it, Kuya!” Sa inis ay gusto ko siyang itulak.
Humagalpak siya at ginulo ang aking buhok. Minsan na nga lang kami magkakausap, puro ganyan pa. I want to say Haze is just busy pero ayokong masupalpal ng masakit na salita ni Kuya.
“Pag priority ka talaga, maghahanap at maghahanap iyan ng paraan para makita ka,” ani Kuya at tumayo na, handa na akong iwan dito sa kusina.
Umaasa ba ako? Hindi naman ah? I gave him chance pero hindi naman ako masyadong naghahabol. I’m giving all his time. Kung wala siyang ibibigay sa akin, hindi naman ako pulubi para manglimos.
Sa dumaan na mga araw ay tuwing gabi siya tumatawag. I tried asking him about his work lalo na’t nacucurious narin ako.
“Where do you work? Sa office? Kompanya?”
“Yes…”
“Malayo ba? Pwede akong bumisita? Uh? Like tuwing lunch?”
“No need, Elliana. Just stay inside your house. I don’t want some distractions…” he said the last word in a very sensual way.
“Edi… Bawal ako riyan? Bawal akong pumunta?”
“Bawal,” agap niya.
“How about in your condo? Bawal din?”
“Bawal…”
Habang tumatagal, mas lalo kong naiintindihan ang lahat at mas lalo lamang akong naliliwanagan. He’s very different from the usual. Parang limitado nalang ngayon hindi katulad noon na kahit siguro pakialaman ko ang kanyang cellphone ay wala siyang pakialam. Ngayon ay parang bawal na.
“Matutulog na ako. Sige… Goodnight.”
“Ellia-”
Pinatayan ko agad siya ng tawag. Bumuntong nalang ako ng hininga at ipinikit ang mga mata ko bago pa may tumulo roon. Iyon nga lang, nagkamali ako dahil may naramdaman nalang akong mainit na likidong umagos.
Why are we forcing this love? Nalulungkot na naman ako. Akala niya siguro mauuto niya ako sa mga ganoong rason. Bakit gusto niya parin akong hawakan kahit binibgyan niya ako ng maraming rason na bumitaw nalang? I don’t get him.
But a part of me still wants him. Gusto ko siyang piliin sa bawat araw na nasasaktan lamang ako. Siguro masyado lang akong naninibago at hindi sanay sa ganitong set-up hindi katulad noon na kahit nasa ibang bansa ako ay nakikita ko pa siya. Ngayon kasi parang ang layo layo na talaga namin. Nasa ibang planeta na ba siya nakatira?
Kinalimutan ko nalang ang mga alalahaning iyon sa mga lumipas na araw lalo na’t sa dami rin ng nangyari, nakakalimutan ko na minsan ang maliit kong problema.
Nasa hagdan palang ako, natanaw ko na agad si Kuya Red sa may sala, nakayuko roon at bigong bigo habang hawak ang buhok.
Last week, something big happened. Nagulat kami lalo na’t hindi naman kapani-paniwala ang issue. But the evidence are all over the internet. Sing-init ng pagpasok ng Summer ang sumabog na balita.
“Kuya. Nagbreakfast kana?” tanong ko nang tuluyang makababa.
Nanginig ang kanyang balikat at umiling. Humingos siya.
“Mauna ka nalang muna,” aniya sa paos na boses.
Nagloosen ang aking balikat. Nagtungo ako sa kanyang tabi at hinaplos ang kanyang likod. Hindi naman ako magaling sa mga ganito dahil sila madalas ang nariyan para sa akin, pero ngayon, gusto kong maramdaman niya na ako ang narito para sa kanya.
Kuya got busy for finding Keyla. Kuya Blue is busy too. Katext ko minsan si Haze. Panay nalang ang tambay ko sa bahay nina Tita Sky. Lahat ata ay may pinagdadaanan.
“Nasaan si Kuya Hiro?” tanong ko nang hindi ko ito mapansin.
“He went somewhere… Ewan.” Nagkibit siya at busy sa pagni-nailcutter ng kuko sa sofa.
Simula noong gumraduate iyon hindi ko narin namamataan. They’re all busy with their work! With their personal issues!
Humalukipkip ako nang maalala ang nangyari kay Keyla.
“Alam mo… Feeling ko may kagagawan si Kaedy sa lahat. Naalala mo iyong kwento ko na nagtetext siya kay Kuya Red? Baka she hired someone to do that to her sister?” Panghuhula ko nalang, wala ring ideya sa aking pinagsasabi.
Umahon ang kanyang tingin sa akin.
“Mukhang hindi ka nga talaga busy. You have so many time for someone else’ business…”
Ngumuso ako at itinuon nalang ang atensyon sa tv. May balita roon tungkol sa isang ambush.
“Pinaghahanap na ng mga kapulisan ang nasabing anak ng mag-asawang Georgia Narciso at ang business tycoon na si Florencio Narciso matapos maambush ang sinasakyan nito kasama ang kapatid ng kanyang ama na may natamo ring sugat sa nasabing pang-aatake ng mga hindi kilalang armado.”
“Ayun sa imbestigasyon, marahil ay iisa lang ang motibo ng mga nasa likod ng krimen at naulit lamang ang nangyari sa mag-asawa na namatay rin sa isang ambush noong nakaraang mga taon.”
Doon napunta ang buo kong atensyon. That’s so tragic! Kawawa naman. Naambush ang parents at ngayon ay ang anak naman ang naambush? May mas malala pa palang pinagdadaanan ang iba.
“I’m sure that’s because of business…” ani Zera, nakikinig rin pala.
“Business?”
Tumango siya. “Yes. There are people out there who’s willing to kill just to be on top, Elle. Handa silang maging marahas para lamang sa pwesto, sa kapangyarihan, sa pera.”
Kinilabutan ako roon. Hindi ko maisip ang mga ganoong tao. Our grand uncles are business tycoons too pero ni isa ay wala naman ata silang kinasangkutan na mga ganyan. Grand Uncle Rico and Grand Uncle Dwight are powerfuls pero mukhang ginagamit talaga nila sa tamang paraan ang kapangyarihang natamo.
Lumabas sa tv ang iilang litrato ng anak ng mag-asawang Narciso.
“Tingnan mo, Zera. Ang ganda oh!” Namimilog ang aking mga mata sa mukha ng babae.
Nag-angat niya ng tingin. Umangat ang kanyang kilay at hindi masyadong nagbigay ng interes lalo na’t nasa kuko niya na ulit ang buong atensyon.
“Aanhin mo ang maganda kung mamamatay rin ng maaga?”
Ngumiwi ako at ikinalma ang aking pagkamangha. Binalikan ko ang tingin ang nawawalang babae at pinaghihinalaang patay na. She’s so pretty.
Sinamantala namin ni Zera ang tag-init. Kaming dalawa nalang madalas ang nagbebeach. We went to Palawan. Kinunan ko pa siya ng litrato habang naglalakad siya sa dalampasigan suot ang kanyang two piece bikini.
“Smile, Zera!” Itinapat ko ang camera sa aking harap at nagpeace sign.
Tumawa ako at tiningnan ang nakuha kong picture. Napangiti ako nang makita ko siyang nakangiti habang hawak ang iilang hibla ng dulo ng kanyang buhok. She’s so gorgeous…
“Alam mo, nagseselos ako sa inyo ni Irah noon…” sabi ko nang bumalik kami sa aming room.
Umangat ang kanyang kilay. Nangangalkal siya ng maisusuot habang ako naman itong ibinagsak ang sarili sa kama.
“I am so shallow, right?” Humagikgik ako at pumikit. “Nagtatampo ako kasi bakit ang rami mong oras sa kanya at parang mas gusto mo na siyang kasama kaysa sa akin…”
Hindi siya sumagot. Dumilat ako at inilagay ang aking palad sa aking tiyan. Nilingon ko siya na nakatitig sa akin, nagkakasalubong ang kilay.
“Why are you telling this to me? Mamamatay kana ba? Para kang namamaalam,” aniya.
Tumawa ako. “Wala lang! Pagkatapos ng Graduation, magiging busy rin tayo. Masaya ako dahil naging super close tayo these months… Ang rami nating bond!”
“You’re creepy! Stop it!” Binato niya ako ng hawak niyang bra.
Lumipad iyon sa aking mukha kaya tumili ako. Mabilis ko iyong inalis.
“You sound like saying goodbye. You’re creepy.” Inirapan niya ako.
Sinundan ko siya ng tingin at ngumisi.
“Paano nga kung namatay ako ng maaga? Are you going to miss me?” Humagikhik ako.
Mabilis na tumalim ang tingin niya sa akin. Napawi agad ang aking ngiti at sumimangot.
“It’s not funny,” she said in a stern voice.
“Takot kanang mag-isa?”
“Magkaiba ang takot na maging mag-isa at takot na maiwanang mag-isa, Elle.” At padabog siyang pumasok sa CR.
Huh? Natrauma ba siya sa nangyaring pang-iiwan sa kanya bigla ni Irah? Iyon lang naman ata ang nawala niya. Kagustuhan niya rin naman iyong pambabasted niya kay Trey. Bakit kung makapagsalita siya ay parang ang rami nang nang-iwan sa kanya? I don’t think she’s going to be lonely for being alone. Eh ang tapang niya kaya.
And why is she so sensitive? Biro ko lang naman iyon… Naisip ko lang iyong balita ng babaeng pinaghihinalaang baka ay patay na at pinaghahanap nalang ang katawan. Napagtanto ko na ang iksi pala talaga ng panahon kaya dapat hindi mo basta basta sinasayang dahil baka bukas… wala kana pala.
Sa gabing iyon, katext ko si Haze. We just talked about random things. Nagtanong siya kung ano ang mga ginawa ko, nagreply naman ako. It’s a smooth conversation hanggang sa makatulog ulit ako.
I posted our Palawan adventure on my IG account. Zera isn’t active with her social media anymore kaya hindi ko nalang siya tinag roon. Ewan ko ba’t ayaw niya nang maging active sa social media. Ang sabi niya ay nawawalan lang daw siya ng gana.
Hindi nagpakita si Haze buong Summer. Nakakadismaya pero ganoon nga talaga siguro. Habang tumatanda tayo, mas may importanteng bagay kaysa sa pagmamahal. Love can wait… Besides, next year ay graduate na ako! Maybe it’s the right time to pursue my dream, too! I’m going to be busy with work. Baka roon ay maiintindihan ko na si Haze dahil nasa posisyon niya narin ako.
“Kuya? Saan ka pupunta?” tanong ko nang makitang bihis na bihis si Kuya Red sa gabing iyon ng Biyernes.
“May binugbog daw si Ken sa isang Bar. Pupuntahan ko lang lalo na’t kasama niya rin si Blue,” aniya sa seryosong boses.
Lumunok ako at tumango. Kuya Blue is getting weird these past few days, too. Hindi ko alam kung anong meron pero madalas ko siyang namamataang namumula ang mga mata. Ano bang ginagawa ng alak sa kanila? Si Ken ay madalas naring nasasangkot sa mga gulo.
Nagsimula na ulit ang pasukan. Bagong sibol palang ang kakapasok na buwan ng Agusto. May mga araw na hindi ako mapakali. Hindi ko naman alam kung ano pero parang may mali talaga. O ganito talaga ang feeling pag huling taon mo na sa college? Parang makakawala kana sa stress at may panibagong stress na naman ang haharapin? Siguro nag-aadjust ang katawan ko.
“Why are you pale?” tanong ni Zera.
Natauhan ako at mabilis na umayos sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang noo ko.
“Wala ka namang lagnat. Lalake ba ’yang pinoproblema mo?” Umupo siya sa harap at inilahad sa akin ang kanyang bottled water.
“Hindi ko alam. Di lang ako mapakali,” sabi ko at sinapo ang dibdib ko. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung anong dahilan.
Uminom ako ng tubig, nagbabaka sakaling maibsan ang nararamdaman ko.
“You’re really creepy these days. Ano bang nangyayari sa’yo?”
Umiling ako. “Ewan… Nakakasama ba ang pagkakape ng madalas? Nakahiligan ko ’yong kape sa labas ng Cafe sa school. Iyong cappucino…”
“Bakit ka lumalabas ng mag-isa?”
Uminom ulit ako ng tubig. I don’t feel well… Hindi naman masama ang pakiramdam ko pero parang ang bigat bigat.
Lunes iyon noong may naghahanap sa akin. Ang kaklase ko sa isa kong subject na si Joey ang nagsabi noon.
“Sino?” tanong ko.
Nagkamot siya ng batok.
“Hindi ko kilala pero ang ganda! Ang sexy! May iba pa ba kayong pinsan? O girlfriend ng Kuya mo?”
Huh? Ibig sabihin ay hindi taga rito? Kilalang kilala ang mga Delafuente rito, lahat ng mga pinsan ko o kahit sino pang may koneksyon sa amin. Kung ganoon… sino?
Kumalabog ang aking dibdib. Bumalik ang kabang nararamdaman ko sa mga nagdaang araw.
“Naghihintay siya sa parking lot. Puntahan mo na! Ang ganda, Brielle! Model ata iyon! Ireto mo naman ako!”
Model?
Tiningnan ko ang aking cellphone. Wala akong natanggap na text galing kay Haze lalo na’t hindi ko nireplayan ang kanyang Good Morning kanina. Sino ang naghahanap sa’kin?
Nagtungo rin naman ako roon nang lamunin narin ako ng kyuryusidad. Ang agaran kong napansin ay ang pamilyar na babaeng nakatayo suot ang isang body hugging dress na kulay itim. Ang high ponytail niyang buhok ay tiningnan ko pa saglit bago ko ibinalik sa maliit at maamo niyang mukha.
Nagkasalubong ang aming mga mata. Nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino iyon. S-Siya iyong babae sa condo unit ni Haze.
“Elliana, right?”
Pinisil ko ang aking mga daliri at tumango.
“Pwede ba tayong mag-usap saglit?”
“May pasok pa kasi ako,” sabi ko.
Nagtungo siya sa isang dilaw na Aston Martin. Narinig ko ang pagka unlock noon at binuksan niya ang front seat.
“Sandali lang naman tayo. There’s a cafe nearby. May sasabihin lang akong importante.”
Ilang sigundo akong natulala. Wala akong maalalang naging close kami para may mapag-usapan kaming importante. Ngumiti siya sa aking muli.
Tumango ako at naglakad patungo sa kanya. Noong dumaan ako sa kanyang gilid ay ang bango bango niya. Kumpara sa akin na nakauniporme at sobrang nastress pa sa aking subject ay talagang maglalaway si Joey sa kanya kaysa sa mga estudyante na ginahasa na ng bawat subject sa loob. Ang fresh niya kasing tingnan.
Pumasok ako ng tuluyan. Isinara niya iyon at umikot na. Lumingon ako sa backseat at ang agarang napansin ay ang pamilyar na leather jacket. Kinuha ko iyon at inamoy hanggang sa nahulaan ko agad kung kanino iyon.
Nang papasok na siya ay mabilis ko iyong itinapon ulit pabalik. Umayos ako sa pagkakaupo. Tumingin siya sa akin at ngumiting muli.
“Nag-aaral ka pa pala?” Marahan siyang tumawa habang binubuhay ang kotse.
“Uh, oo… Uniform itong suot ko,” sabi ko at tiningnan pa ang aking sarili baka hindi obvious na mukha akong estudyante.
She chuckled. “Anzai is such a badboy…” Nailing siya, dismayadong dismayado.
Napalunok ako roon at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Ang bilis ng kalabog ng dibdib ko. Parang nagsisi agad ako kung ba’t pa ako sumama sa kanya.
Mabilis rin naman kaming dumating sa cafe lalo na’t malapit lang naman iyon sa school. Nagpark siya at tiningnan akong inaalis na ang seatbelt. Noong makawala ay binuksan ko rin naman ang pinto palabas, ganoon din siya.
Sabay kaming pumasok sa loob. Nag-order siya ng makakain at siya narin ang nagpasyang magbayad. Mukha bang public school ang pinag-aaralan niya at parang namumulubi ako? O baka tingin niya estudyante ako kaya walang pera?
Naghanap ako ng mauupuan naming dalawa. Noong magtungo na siya sa napili kong pwesto ay may dala dala na siyang priority number.
Umupo narin siya sa harap at inilagay sa gilid ang numero.
“Anyway… Hindi ako nakapagpakilala sa’yo noong pumunta ka sa condo ni Anzai. I am Sienna, by the way…” Naglahad siya ng kamay.
Tiningnan ko iyon saglit at tinanggap din naman. Napatingin ako saglit sa kanyang cleavage pero ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
Maganda talaga siya sa malapitan. Saktong sakto lang ang kanyang labi. Matangos ang ilong, magagandang mga mata, maliit na mukha, makinis na balat at mukhang half.
“Half ka?” tanong ko, hindi na napigilan.
“Yes… My Dad is half German…” she chuckled softly.
Ah half German? German shepherd? May breed siyang aso? Gusto kong humagalpak sa pumapasok sa isip ko pero sinarili ko nalang.
Tumikhim siya at nagtawag ng waiter. May agaran namang lumapit.
“Yes Ma’am?”
“Can I ask for a glass of water?”
Tumango agad iyon at sumulyap sa akin. Tumango narin ako, lumilipad ang isipan na baka ibubuhos niya iyon sa akin at least may pambuhos din ako.
Pag-alis ng waiter ibinalik niya ang atensyon sa akin. Ang tuwid niya umupo, eleganteng elegante. Umayos din ako ng upo at inilagay ang aking mga kamay sa aking kandungan.
“Napapansin ko madalas ang pagtetext mo kay Anzai,” sabi niya, marahan lamang ang boses.
Medyo nagulat ako roon. Ba’t niya alam ang bagay na iyon? Sinasabi sa kanya? O nahahawakan niya rin ang cellphone ni Haze?
“Uh, boyfriend ko kasi siya,” sabi ko na ikinagulat niya namn.
“You’re his… his girlfriend?” Tila hindi makapaniwala ang boses na iyon.
Umiling ako, nang mapagtantong hindi ko pa nga nalalagyan ng label ang relasyon namin. Daddy said he needs to court me first. O kahit man lang makilala muna nila ng maayos si Haze. Kaso bigla siyang naging mailap at busy na.
“Hindi pa…”
Huminahon ang kanyang ekspresyon, kalaunan ay humagalpak ngunit marahan lang din.
“Oh, I see… As expected. That asshole. Mapaglaro parin talaga sa mga babae. I’m so sorry. Ako na ang hihingi ng paumanhin sa pinaggagawa niya sa’yo.”
“Mommy ka niya?” tanong ko, nagtataka sa kanyang ginagawa.
“No.” She looked offended with her stern voice. “I am his fiance.”
Hindi agad ako nakasagot. Fiance? Siya? Wala namang… Wala namang nabanggit si Haze sa akin na ganoon ah? At sabi niya magpapakasal kami kaya imposible na fiance siya.
Dumating ang waiter at naglapag ng mahahabang baso. Nginitian niya ito at tiningnan kung paano nagsalin ng tubig sa aming baso ang waiter. Noong mapuno na ang dalawa ay nagpaalam din naman.
Inangat ko ang aking baso at uminom. Gusto kong alisin ang nakabara sa lalamunan ko. Gusto kong kalmahin ang damdamin ko bago pa makapagbitaw ng kung anu-ano.
“It’s a fixed marriage, actually. But it’s not really a force marriage since Anzai agreed, too. Hindi naman iyon basta basta mapipilit…” Hinaplos niya ang kanyang buhok.
Nanginginig na ang aking kamay noong inilapag kong muli ang baso. Naguguluhan ako. Madali lang naman intindihin ang kanyang sinasabi pero parang ang hirap ipasok sa isipan ko.
“Eh… Eh boyfriend ko siya. Hindi naman kami nagbreak… Hindi siya pumayag,” sabi ko sa maliit na boses.
Namungay ang mga mata niya sa akin.
“You’re so young that’s why you got fooled, Elliana. Hindi mo pa talaga masyadong kilala ang totoong siya. Anzai isn’t into serious relationship. Noon pa man, hinahayaan ko na siyang makipaglaro sa mga babae dahil iyon ang gusto niya. I can’t stop him from being a womanizer. But last year, he told me he’ll get serious about it. He’ll focus with our up coming marriage…”
Mabilis na nanlabo ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang lahat lahat. Hindi ako naniniwala. Baka… Baka sinasabi niya lang iyan dahil gusto niya akong lumayo kay Haze.
“As his fiance… It’s my right to stop you from texting my fiance. We’re getting married at sana ikaw nalang ang dumistansya.”
“B-Bakit ako? Eh… Eh siya naman ang lumalapit lapit sa akin?” Bumagsak agad ang aking mga luha. Nanginginig ang aking labi sa labis na pagkadismaya.
“I’m really sorry if Anzai did this to you. I don’t know what gotten into his mind to fool a young girl like you.” Nailing siya at nahipo ang noo.
Deri-deritso na ang pag-agos ng aking mga luha. Gusto kong magtanong, gusto kong sabihin niya sa akin ang totoo at huwag akong paglaruan ngunit sa aking iyak ay hindi ko na magawa.
Is this real? Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Pero ano namang rason ni Haze para gawin ito sa akin? Para saktan ako? May kasalanan ba ako? May nagawa ba akong ikinakagalit niya kaya gumaganti siya sa akin ng ganito katindi?
Deri-deritso na ang pagbagsak ng aking mga luha. Mabilis niyang kinalkal ang kanyang slingbag at naglahad sa akin ng panyo. Tinanggap ko iyon at pinunasan ang aking mukha. Dismayado niya akong tiningnan na kahit ako ay nadismaya ng husto at parang hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nalaman.
Nagbeep ang kanyang cellphone. Tiningnan niya iyon.
“Anzai is looking for me. Nasa condo siya. Do you want to… to talk to him about this? Para maliwanagan ka rin. Ayoko namang ako ang magmukhang masama rito dahil sa akin pa mismo nanggaling.”
Tumango ako, walang hesitasyong pumayag sa kanyang gusto. Mas mapapanatag ako kung maririnig ko mismo sa bibig ni Haze ang lahat. Tatanggapin ko ang lahat lahat pero gusto ko lang magtanong kung bakit… kung bakit ginaganito niya ako.
Pilit akong naging matapang noong nasa loob na kami ng kanyang kotse. Hawak ko parin ang kanyang panyong pinahiram niya sa akin lalo na’t walang sawa ang pagbuhos ng aking mga luha. I am so hurt. Ayaw kong maniwala dahil imposibleng gawin ito ni Haze sa akin. Parang panaginip ang lahat.
Pagkarating sa pamilyar na floor ng building ng condo ay mas umusbong ang kaba sa akin. Kahit nanlalambot na ang aking mga tuhod ay desidido parin akong sumunod sa kanya.
Noong huminto na ay nagtipa siya ng passcode ni Haze. Pati iyon… Pati iyon ay kabisado niya.
Pumasok kaming dalawa ngunit tumigil din ako nang makita ko ang likod na topless ni Haze sa sofa. Naroon siya, nakayuko at mukhang may pinagkakaabalahan.
Nagtungo si Sienna sa kanyang gawi. Dinaanan niya ng haplos ang balikat ni Haze para kunin ang atensyon nito sanhi para umahon ang kanyang tingin sa kanya.
“What took you long?” Bumakas ang pagkainip sa tono ng kanyang boses, tila hinihintay niya ito kanina pa.
Ngumiti si Sienna at yumuko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan, ang puso ay halos pinipiga na sa nasasaksihan.
“Namiss mo agad ako?” Marahan tumawa si Sienna.
Agad? I-Ibig sabihin… Palagi silang magkasama? I thought he’s busy with work?
Sumeryoso ang mukha ni Haze ngunit nakatitig lamang sa kanya. Doon palang ay para na akong manlalambot sa sobrang pagkawarak ng puso ko. My instinct is telling me to walk out pero may parte sa akin ang gustong makita ang lahat lahat. I want to see the real him in my own eyes and familiarize it.
Hinila ni Haze ang beywang nito papunta sa kanyang kandungan. Nagsimulang manginig ang aking labi. Humagikhik si Sienna at nagpaubaya, ang mga kamay ay nasa balikat na ni Haze.
“I want to talk about Elliana,” si Sienna na titig na titig sa kanya.
“What about her? Nagseselos ka sa bata?” Umangat ang kanyang kilay, at sa tono ng kanyang pananalita ay nang-iinsulto na agad iyon.
“Actually…” Nilingon na ako ni Sienna.
Hindi ko na nakayanan pa. Tumakas ang hikbi sa aking bibig. Mabilis ang kanyang paglingon. Nang matagpuan ako ay ganoon nalang ang kanyang gulat at biglang napatayo. Para siyang nakakita ng multo sa labis na takot na yumakap sa mukha.
Sienna fell from the floor. Haze cursed violently after seeing me. Mabilis akong tumalikod at tumakbo paalis.
Kahit nanginginig, kahit hinang hina ay sinikap kong makaalis agad. Nakasakay ako ng mabilis sa elevator at doon palang ay hindi ko na kaya ang paninikip ng aking dibdib. Sa sobrang sakit ay kailangan kong isigaw ang iyak ko para lang maibsan ang sakit ngunit mas lumalala lamang at para na akong sinasakal. I clutch my chest tightly. Ang sikip sikip… Sumigaw akong muli at nakita ang imahe ko sa salamin ng elevator, kung paano gumuhit sa aking mukha ang labis na sakit.
This pain is too much! Para akong papatayin. Iniisip ko kung anong nagawa kong mali at nagawa nila sa akin ito. What did I do to deserve this kind of pain? Bakit kailangan niya akong bilugin at paniwalaing ako lang? Bakit?
Tumakbo ako palabas ngunit ang busina ang mabilis na nagpaatras sa akin. Wala na ako sa aking sarili, halos mabaliw na at gusto nalang makalayo.
“Hoy! Tangina! Magpapakamatay ka ba?!” sigaw ng driver.
Tumakbo ako sa kabilang banda. Tinakpan ko ang aking bibig ngunit mas lalo lang akong nahirapan.
“Elliana!”
Nang marinig iyon ay mas naging desperada akong tumakbo, desididong makalayo ngunit sa pagmamadali ay nadapa rin dala ng sobrang panlalambot.
I fell hardly from the ground. Ang aking tuhod ay marahas na tumama sa sahig na kahit ang aking palad ay naitukod ko pa. Ang tumayo akong muli ay naramdaman ko agad ang hapdi dahil sa sugat.
I heard him cursed loudly. Bago pa ako makatakbong muli ay niyakap niya na ako sa likuran. Mabilis akong nagpumiglas.
“S-Sinungaling ka! N-Niloko mo lang ako! Alam ko na ang lahat!” Parang sinasaksak ang puso ko ng paulit ulit, na pag hindi ko isinigaw ang aking iyak at pinakawalan ay malalagutan ako ng hininga.
“No! You got the wrong idea!”
Pinihit niya ako at niyakap. Itinulak ko siya ng malakas.
“Ang sama sama mo! H-Hinding hindi na ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo! S-Sinaktan mo ako… A-Akala ko noong sinabi mong sa’yo ako at sa akin ka lang ay totoo na pero bakit may iba ka?” Nanlumo ako ng husto sa sarili kong tanong. Para akong pinagbaksakan ng langit at lupa.
“No… Please… Listen to me first, Elliana…” Nanginginig niya akong hinawakan ngunit sa sobrang pagkamuhi ko, tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking braso.
“Pagkatapos nang lahat ng ito… P-Parang hindi na kita kayang mahalin!” Itinulak ko siya ng malakas.
Umiling siya at lumapit muli sa akin. Sinapo ang bawat pisngi ko. Isang sigaw muli ang tumakas na iyak sa aking bibig. Pinaghahampas ko siya. He looked so scared, trying to tame me.
“Hear my explanation, please… Please… Please…” Pilit niya akong niyakap kaya itinulak ko siyang muli.
“Sinabi niya na l-lahat! Bakit? Bakit mo ako pinagmukhang tanga? M-Manloloko ka!”
“Mali ang nakita mo!” Nagulo niya ang kanyang buhok, tila hirap sa pagpapaliwanag. Akala niya maloloko at mapapaikot niya ako sa pagkakataong ito?
“Anong mali r-roon?! Rinig na rinig at kitang kita ko! Ang mga ginagawa mo sa akin… Ginagawa mo rin sa k-kanya.” Nanlumo ako ng husto. Hindi sapat ang mga salita, ang pisikal na pananakit, ang iyak, ang lahat lahat para iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.
Namula ang kanyang mga mata at nailing. Sinikap niya akong hawakan ngunit sa aking galit ay tinabig ko iyon. Nagloosen ang kanyang balikat at huminga ng malalim, tila hinang hina na.
“Anong ginawa ko sa’yo? D-Dahil malayo ang agwat natin at uutuin mo ako? D-Dahil wala kang mahanap na babaeng paglalaruan h-habang naghihintay kang matali sa iba? A-At ako ang napili mong saktan? P-Pero bakit ako? Bakit ako eh wala n-naman akong ginagawang masama sa’yo?”
Ang takot ay mabilis na yumakap sa kanyang mukha at mukhang isang tulak lamang ay mapapatumba ko agad ito.
“Bakit mo ako hinayaang mangarap kasama ka kung may pinapangarap ka rin palang iba?” Bumuhos lalo ang aking mga luha, ang nadudurog kong puso ay tila hindi ko na mahawakan pa dahil nasusugatan lamang ako. Na kahit anong pulot ay hindi na maisasalba pa.
Umatras ako. Mas lalo siyang natakot sa aking ginawa. Ang mga mata ay sobrang pula na ano mang oras ay bibigay na siya.
“I-Ipinaglaban kita! Ipinaglaban kita sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko! Kahit hindi ka nila gusto para sa akin ay pinili parin kitang mahalin pero tama pala sila sa’yo!”
“Elliana please…” Pumatak ang kanyang luha at nagtangkang lumapit ngunit itinulak ko siyang muli.
“Kahit nasasaktan ako, pinili parin kita. Pero malalaman ko ang lahat ng ito? N-Napakasinungaling mo! Hinayaan mo akong panghawakan ang mga kasinungalingan mo… Lahat ng iyon ay kasinungalingan! Kumapit ako sa mga kasinungalingan mo! Inangkin mo akong pagmamay-ari mo para lang durugin a-ako!” Nabasag ang aking boses, pumikit ako at mas lalong nanlumo sa lahat.
“I’m begging. Let’s talk about this calmly…” His voice was trembling hard. Takot sa aking pag-iyak, takot sa aking desisyon. Takot sa aking galaw.
Dumilat ako at galit siyang itinulak nang gusto niya na sana akong hawakan. Kumuyom ang kanyang kamao. He looked so weak and helpless but I don’t care anymore.
Bigo ko siyang inilingan habang walang sawa ang mga luha sa aking mga mata. Huminga ako at tiningnan siya ng masama. I will never forget this pain. Ito ang gagamitin kong sandata laban sa kanya. Hinding hindi ko kakalimutan kung paano niya ako sinaktan nang tumatak sa aking isipan kung ba’t ko siya piniling talikuran. Hinding hindi ko kakalimutan ang sakit na inukit niya sa buong sistema ko. Hinding hindi ko kakalimutan ang lahat ng ito.
Tumalikod ako, handa nang umalis ngunit bago ko pa magawa ang binabalak ay may kung anong pwersa na ang tumama sa aking dibdib. Sa sobrang lakas ay nawalan agad ako ng balanse. Ang huli kong naramdaman ay ang pagbagsak koa kung anong matigas na bagay. And for the last time, I heard his violent curse bago naging itim ang lahat.
32nd Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Glaebornel Challsea Servano. Happy reading!
Castellano
Nagkamalay ako sa isang malambot na kama. Halos hindi ko maramdaman ang sarili ko. Parang ang bigat bigat ng aking katawan at hindi ako masyadong makagalaw.
Unti-unti akong dumilat. Malabo ang sumalubong sa akin, sa isang kurap ay unti-unti nang lumilinaw kaya mas kumurap pa ako.
Puti lahat ng nakikita ko. May nakainject din sa aking kamay. N-Nasa hospital ako?
May bumangong ulo na nakahilig kanina sa gilid ng kama. Nagtama agad ang aming mga mata. Namilog iyon at natatarantang tumayo.
“G-Gising kana!” Zera was so shock to see me.
Tinitigan ko lamang siya, lalo na’t hinang hina ang aking pakiramdam. Parang ang rami kong ginawa kaya ganito ako ka pagod.
Mabilis siyang nagtungo sa labas. Iginala ko ang aking mga mata. Hindi ko kayang gumalaw. Ba’t ako nandito? Ang huli kong naalala…
Pumikit akong muli nang dumagsa agad ang alaala na nagpakirot ng aking dibdib. I saw him… S-Sila ni Sienna. He’s getting married with her at niloko niya ako!
Bumuhos agad sa bawat gilid ng aking mga mata ang mainit na likido. Narinig ko ang marahas na pagkakabukas ng pinto. Nang muli akong dumilat ay sobrang dami ng aking nakita, hindi ko agad maisa-isa.
Naunang pumasok si Grand Uncle Alex, ang lolo ni Kuya Grey. Ngumiti siya sa akin.
“What a strong girl…”
Tumitig lamang ako sa kanya. Gusto kong magsalita ngunit tila kay hirap. Sunod na nagtungo sa loob ay si Mommy, ang mga mata ay namumugto at parang iiyak na naman ano mang oras.
“Thank God…” ani Mommy na pumikit at hinagkan ang mga kamay na magkasalikop na sa isa’t isa.
Sa kanyang likuran ay si Daddy na humawak sa kanyang balikat at ngumiti sa akin, namumungay ang mga mata.
Nalihis pa ang aking mga mata. Sa may pinto ay naroon halos ang mga pinsan kong lalake na seryosong seryosong dumudungaw, ang ilan ay nakahalukipkip.
Pumikit akong muli, naaalala na naman ang nangyari. Binigo ko sila. Anong sasabihin ko? Na tama sila sa iniisip kay Haze? Na ako itong naloko?
Bumuhos muli ang aking mga luha. Ang tanga ko. Pinairal ko ang puso ko kaysa sa utak ko. Ang tanga tanga ko.
“Ssshhh, baby…” Lumapit si Mommy sa akin at pinalis ang mga luha.
Sinikap kong magsalita. Umawang ang aking bibig habang walang humpay na ang pagbuhos ng aking mga luha, ayaw paawat.
“You’re already safe. Nandito na kaming lahat…” she whispered and kissed my forehead.
Mariin akong pumikit. “M-Mommy…”
“Sshh… Don’t force yourself. We’ll talk about everything pag magaling kana ha…”
“Tama kayo…” Napapaos kong sambit, mahinang mahina ngunit dahil sa katahimikang namamayani ay nangingibabaw ang aking boses, sapat lamang na marinig nila.
May kung sino na ang humawak ng aking kamay. Noong dumilat ako ay nakita ko na si Daddy na hinagkan ang aking kamay. His eyes were very red. He smiled at me.
“Nandito lang kami,” he whispered.
Nanlabo agad ang aking mga mata.
“T-Tama kayong lahat. Uto-uto nga ako…” Pumikit ako sa malalaking luha na pumakawala.
“Ipinaglaban ko ang taong handa akong talikuran…”
Mommy cried silently. Naririnig ko ang impit ng kanyang iyak at pagpatak ng kanyang mga luha sa aking pisngi. She caressed my cheek, stopping me from saying too much.
“Hush now, baby…”
“Siguro karma k-ko ito kasi sinuway ko kayo at inilihim ko kaya… kaya inuto ako…”
Daddy kissed the back of my hand, pilit akong pinapatahan.
“Biktima ka, Elle. Hindi mo ito karma,” he said softly.
Umiling ako, nakapikit parin at ayaw makita ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.
“Uto-uto ako. Ang t-tanga tanga…”
“Stop it, please, baby…” Mommy cried while wiping my own tears.
Narinig ko ang isang kalampag. Tila may nabutas o kung ano man dahil sa malakas na pwersa.
“Blue.” Boses iyon ni Kuya Grey.
I have no idea what happened to me. Ang tanging nararamdaman ko ay kirot na nasa loob ng aking puso. Para iyong dumudugo dahil sa pagkawasak. Who am I to blame? Kasalanan ko lang rin naman ata ito eh. Hindi naman ako mauuto kung hindi ako nagpauto. Sa kagustuhan kong may mapatunayan, ako ang lumapit lapit.
This is all my fault. Wala akong pwedeng sisihin dito kundi sarili ko lang. Masyado akong naging kampante na sapat na ang mga salitang binitiwan at panghawakan para hindi ka saktan ng isang tao. Masyadong matamis ang kanyang salita na nagpadala agad ako at parang kape iyong ininom, hindi na inisip na hindi niya ako kayang lasunin sa ganoong klaseng timpla.
I am so stupid. Uto-uto. Walang utak. Ignorante at masyadong inosente. Maybe I deserve this pain. Tama lang ito sa akin dahil hindi ko ginagamit ng maayos ang utak ko. I even complained when my family is gripping me too much. I am so selfish for thinking that way. Edi kung hindi ko lang pinagpipilitan ang aking gusto, hindi ito mangyayari sa akin. Kuya Blue is right. Daddy is right. They’re all right.
Noong una ay hindi ko pa maintindihan kung bakit ang higpit higpit nila. Parang hinahadlangan lagi ang kasiyahan ko. But I realize they know better than me. Mas matatanda na sila. Napagdaanan na nila ang mga daang tatahakin ko palang. At ako na matigas ang ulo, ayun at nagpumilit kahit na binalaan na.
Para lang naman ito sa kabutihan ko. Lahat ng desisyon nila ay para sa kabutihan ko. Love made me do the things na hindi ko aakalaing kaya ko pala. Ngayon alam ko na kung ba’t nadudurog sila ng simpleng salitang iyon. It’s not an easy subject to pass. Pwede kang matuto pagkatapos mong bumagsak pero hinding hindi ka agad makakausad. Hindi iyon pwedeng iretake, o pag-aralan mo muna ng mabuti at ipapasa ulit. No. Love is something you will never pass no matter how smart you are. Ngayon ko lang naintindihan ng husto.
Ngunit ano bang nagawa ko? Dahil ba hindi niya ako girlfriend? Dahil hindi matino ang label na meron sa amin? Dahil hindi kami totoong couple? Kaya ba ganoon nalang kadaling maghanap ng iba? O baka nga… ako pa ang sumasawsaw sa kanilang dalawa.
Iyong babae ang tunay at ako… ako ang sabit sa kanila. Ako na hindi naman girlfriend, ako na inuuto lamang, ako na pampalipas oras lang siguro.
Ang sakit… Hindi ko matanggap.
Sinubukan kong maidlip ng ilang minuto ngunit gising naman ang aking diwa dahil sa mga boses na nag-uusap.
“Ang hirap makakuha ng impormasyon tungkol sa mga Castellano. Parang tagong tago ang background.” Narinig ko ang boses ni Tito Jin.
Castellano?
“Those devils. Masyado nang sakim sa kapangyarihan,” ani Tito Rapmon, nanggigigil ang boses.
“Kung gusto nila ng gyera ay kaya naman natin iyong ibigay. Handang ibigay iyon ni Tito Rico. But we need to admit it they’re more powerful lalo na’t nagtatago sa dilim, umaatake pa ng palihim. Our backgrounds are expose. Tayo, ni isa, ay walang makuha sa kanila,” dagdag niya.
“All we can do right now is to guard her more. Naghahanap na ng magagaling si Rico. Someone who’s willing to kill an enemy…” ani Lolo Rence sa makahulugang boses, nandito rin pala.
Castellano? Huh? May ediya akong si Haze ang kanilang tinutukoy pero bakit ganyan ang kanilang pinagsasabi? Ni isa ay wala akong maintindihan.
I heard Daddy sighed heavily.
“Mga putangina. Subukan niya lang ulit na lumapit sa anak ko at ako mismo ang magpapasabog ng ulo niya.”
Kinilabutan ako sa galit na boses ni Daddy. In my entire life I never heard him cursed like that. Tila nasagad ang kanyang pasensya at sumabog na.
“Ni isa ba ay walang nakakakilala sa lalakeng iyon?” tanong ni Tito Suga.
“Kilala ko Tito.” It was my cousin Zera.
Marahil ay nandito silang lahat sa loob at tahimik lamang ang aking mga pinsan, nakikinig sa usapan ng mga matatanda at hindi masyadong nakikisali.
“Sino ’yon?” tanong ni Ken.
“It’s Anzai. I-Isa sa friends ni Isaiah.” Medyo humina ang kanyang boses nang banggitin ang pangalan ni Isaiah.
So he really knows him? Lalo na’t kilala rin siya ni Haze.
“Do you know that man too well, Zera?” tanong ni Lolo Rence.
“Hindi rin po gaano, Grand Uncle. He’s always silent. Magsasalita lang pag mang-iinsulto na,” si Zera.
“Fixed marriage ba iyong inanunsyong kasal nila noong Valdez?” tanong ni Grey.
“Mukhang fixed marriage iyon. Siguro ay gustong palawakin ng mga Valdez ang kanilang nasasakupan kaya sasanib talaga sila sa mga may mabibigat ng pangalan sa industriya.”
“Remember the Narciso’s downfall?” Boses na iyon ni Tito Jin.
“What about that clan?”
“They got ambush for business purposes, too. Nabalitaan ko iyong naulit na ambush na nangyari at ngayon na ang anak lamang ang tagapagmana ay mas madaling sakupin ang kompanya kung walang uupo sa trono. They also tried to kill the brother of the owner of Narciso Company pero mas pinunterya ang anak. Mukhang may mahigpit na kalaban ang mga Narciso kaya hindi talaga tinatantanan hangga’t hindi nauubos,” ani Tito Jin.
“Kung si Anzai ang tagapagmana ng mga Castellano, hindi na nakakapagtaka kung ba’t nila gustong ipa assasinate si Elle. Palagi silang walang sabit at kung tama man na naging secret boyfriend siya ni Elle at nakatali pala ito sa isang Valdez ay maaari iyong pagmulan ng issue. Maybe the Castellano are protecting their names. Kaya ni isang dumi nila o impormasyon ay wala tayong mahanap dahil magaling silang maglinis ng mga kalat para walang magamit na sandata ang kalaban laban sa kanila,” si Tito Rap iyon na nagpatindig ng aking balahibo.
T-Totoo ba ang lahat ng naririnig ko? Biglang pumaibabaw ang marahang tawa ni Tita Sky. Doon ako mas lalong nangilabot. Lahat ay natahimik, mukhang nawalang saysay ang kanilang mga teorya dahil sa kanyang pagtawa.
“Let’s not confuse ourselves too much at huwag masyadong magfocus sa mga Castellano. Pwedeng ganoon nga ang nangyayari, Rap, but aren’t you all curious why Anzai rushed her in our hospital? If he’s trying to assasinate her, pwedeng pwede niyang pabayaan si Brielle na malagutan ng hininga pagkatapos mabaril. I saw him crying like a mad wolf. Mali ang pinagbibintangan niyong kaaway natin dito. Someone is behind of this mess. Yes. The Castellano are powerful. They’re lurking in the shadow to hide their identity. But isn’t it too shallow if they assasinate an innocent young girl just because they’re afraid to stain their name? I highly doubt it. Wala silang mapapala roon. Pero ang kalaban nila, meron. They can use Elle as a bait to tame a demon.”
Ni isa, walang nakapagsalita. Nananayo lamang ang aking balahibo at gusto nang dumilat, gusto ring makitsismis.
“Kung ganoon, anong ibig mong sabihin, Langit?” si Tito Rap.
“It’s pretty obvious. Hindi Castellano ang kalaban natin dito. But if we keep on getting involve with the Castellano, baka nga ay maubos ang angkan natin dahil humahadlang na tayo. Old Rico is right. We need more protection. Lalo na kay Elle.”
Bumukas muli ang pinto. Mukhang may mga dumating pa.
“Old Rico huh. Ang bibig mo talaga.” It’s Grand Uncle Rico!
Nagtawanan sila. May mga narinig akong yapak.
“Sky is quite right pero sa mga ganitong oras ay wala tayong kikilalaning kakampi. Lahat ng sabit ay kikilalanin nating kaaway. Even the Castellanos… Let’s show no mercy since they pulled the trigger first,” ani Uncle Rico, ang awtoridad sa boses ay nangingibabaw.
Sandali silang tumahimik, walang gustong umapila. Mukhang tama nga si Lolo Rence. Handang handang makipag gyera si Grand Uncle Rico pagdating sa ganitong sitwasyon.
“Anyway…” Tumikhim siya. “This is Tobias Clemente. He’s going to be Brielle’s personal bodyguard and he’s a great sniper,” ani Grand uncle Rico sa nagmamalaking boses, mukhang may pinapakilala.
“Ang gwapo niyan, Pa. Marunong ba yang gumamit ng baril?” tanong ni Tito Suga.
Nakarinig ako ng mabilis na pagkasa. Nagsinghapan silang lahat. Naubo naman ng peke si Tito Suga.
“Kung babarilin mo ako magsasayang ka lang ng bala. Matanda na ako.”
Nagtawanan silang lahat.
“What’s my order, Tobias?” tanong ni Grand Uncle Rico.
“Protect the Princess. Shoot all the enemies.” Parang sundalo itong nagsalita, matigas ang boses at tila may ipinaglalaban.
“Good,” ani Grand Uncle.
Napalunok ako sa lahat ng aking mga narinig. S-Someone’s trying to assasinate me? At may kinalaman ang mga Castellano? Si Haze? B-Binabalak nila akong patayin?
Pero bakit naman? Hindi pa ba sapat ang sakit na pinaramdam sa akin? Hindi pa ba sapat ang lahat ng iyon at gusto nilang literal akong mamatay? G-Ganoon sila ka walang puso dahil lang nahahadlangan ko ang pinaplano nila? Dahil lang gusto niyang maikasal ng walang sabit at tingin nila’y dumi ako kaya kailangang linisin agad?
Ganoon ako ka walang kwenta? Huminga ako ng malalim, pilit kinokontrol ang panginginig. I can’t take all of these. Kaya ko namang ibasura ang nararamdaman ko para sa kanya kung sinabi niya lang na hindi ako ang pangarap niyang makasama! Bakit pa kailangang durugin ako para lang kusa akong bumitaw sa kanya?
Umagos muli ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata. I cried silently. Awang awa ako sa sarili ko.
Gusto ko nalang dumilat at sumilip. Ngunit ayoko namang makadisturbo sa kasiyahan ng pag-uusap nila. At gusto ko pang makinig dahil parang may kailangan akong marinig na dapat ay hindi ko malaman.
“Grand Uncle. Pwede po ba tayong mag-usap. May itatanong lang sana ako,” si Kuya Blue iyon.
“Alright, hijo. Halika sa labas.”
Dumaan saglit ang katahimikan. Bumukas ang pinto at sumara.
“Dumilat kana Elle. Nanginginig ang mga mata mo,” ani Zera.
Unti-unti nalang dumilat. Mabilis kong natagpuan ang mga mata nila sa akin. Dumako ang aking mga mata sa bukod tanging estranghero na naka itim na shirt at fit jeans. Tumitig siya ng malalim at malamig sa akin. I saw him swallowed.
“Baby…” Lumapit muli si Mommy sa akin.
Tiningnan ko siya.
“May gusto ka ba? Tell me… May masakit pa ba?” Pumwesto siya sa aking gilid.
Bumangon ako. Mabilis akong inalalayan ni Mommy na kahit si Daddy ay naglakad narin patungo sa akin. Lahat ay binabantayan ang bawat galaw ko, titig na titig na akala mo ay mababasag ako ano mang oras.
“Careful,” ani Dad na kumuha pa ng unan at inilagay sa aking likuran.
Doon ako sumandal. Pumikit ako saglit at huminga. Yumuko si Daddy at pinatakan ng halik ang aking noo.
“May gusto ka ba?” he asked me in his soft voice.
Umiling ako at dumilat. Sinapo ni Mommy ang aking pisngi at ngumiti. Wala siyang sinasabi ngunit sa kanyang kumikislap na mga mata ay ang rami kong nababasa roon. She’s so worried.
Napunta ang aking mga mata sa malalim na paninitig noong estranghero sa loob ng kwarto. His strong jaw tightened as I watched him curiously with my eyes. Nag-iwas siya ng tingin, ang mga mata lamang ang gumalaw habang nakatayo siya roon at akala mo ay may gintong binabantayan, takot na baka manakaw iyon ng kung sino.
He’s tall and lean. Nakaclean-cut ang kanyang buhok, tila may lahing iba dahil sa kanyang hitsura. Tito Suga is right. Gwapo ito ngunit masyadong seryoso ag nagmumukha nang suplado. Ang build palang ng kanyang katawan, ang muscles na umuukit sa suot ay halatang hindi nga ito basta basta. My Grand Uncle hired him to protect me… Iyon ang narinig ko. And he’s willing to shoot all the enemies. Sino, kung ganoon?
My cousins became loud after a couple of hours. Nagpapasahan sila ng pagkain, doon nagl-lunch. Si Ken naman ay binabalatan ako ng apple, si Kuya ay sinusubuan ako at si Zera ang nasa aking tabi.
Ang mga matatanda ay nasa labas, including my parents. Ang estrangherong si Tobias ay nasa labas ng pinto, kasama ang ilan pang gwardya na ang sabi ni Zera sa akin ay umabot sa sampo. Nagkalat sila roon para lang magbantay.
Noong sumapit ang gabi ay sina Daddy at Mommy na ang nagbantay sa akin, ganoon din si Kuya Red na nasa sofa humiga. Kailangan ko pang magpagaling. Ang napansin ko nga ay may bandage ako sa parteng dibdib, sa ibaba ng aking collarbone sa kanang bahagi.
Maybe they aimed to shoot me on my chest, sa parteng puso, ngunit hindi nagtagumpay. I almost didn’t make it, iyon ang sabi ni Mommy sa gabing iyon. The way she trembled hard while talking to me hurts me alot. Kasalanan ko ito.
“I will never survive if I lost you, Elle…” Hawak ang kamay kong nakakulong sa nakasalikop niyang mga kamay, tinitigan niya ako sa namumulang mga mata.
“I’m s-sorry, Mommy…” Umiyak ako ng husto kaya nagising si Daddy na mukhang puyat na puyat pa at tumayo roon sa sofa para lang lapitan kami.
“I’m s-sorry, Daddy…” Mas lalo akong humikbi.
Tinabihan ako ni Daddy sa aking kama. Umupo siya sa gilid at niyakap ako, ang aking ulo ay binabaon niya sa kanyang dibdib habang hinahagkan ang aking ulo.
“Ang importante ngayon ay ligtas kana, Elle. Stop worrying too much. We’ll help you heal your heart, okay? Nandito lang ako. Mahal na mahal ka namin… Mahal na mahal kita.”
I am so guilty for hurting their feelings. Sising sisi ako sa lahat lahat. Pinaglaban ko ang taong sinaktan lamang ako. I will grow from this pain and learn from my mistakes. Sa susunod na magdedesisyon ulit ako, pag-iisipan ko na iyong mabuti at hinding hindi na ako magpapaloko. I will treasure this pain so I can earn something from the future.
Sa mga nagdaang araw ay medyo bumabalik narin naman ang aking sigla. Ang napapansin ko lang ay may usapan ang matatanda na parang ayaw iparinig sa akin, ngunit sa tuwing nakapikit ang aking mga mata ay aksidente kong naririnig ang kanilang usapan.
“Bawat kampo naman pala ang may gusto noong kasal. The both parties agreed with the agreement. Kung totoo man, mukhang napaglaruan nga itong si Elle at baka takot ang bawat kampo na may lumabas na baho at magkaissue kaya nililinis ang mantsa,” si Ken iyon, ang boses ay seryoso.
Kumirot ang puso ko. Parang masamang panaginip. Ang hirap hirap paniwalaan.
“Ba’t hindi niyo man lang binantayan ng maayos si Elle.” Galit ang boses ni Kuya Grey, nakikita ko na sa aking isipan na matalim niyang tinitingnan ang dalawa kong kapatid.
“Someone’s spoiling her too much,” si Kuya Blue sa matabang na boses.
“Huwag na kayong magsisihan. Parehas lang kayong pabaya,” si Ken.
“Ang importante ngayon ay sumang-ayon sa plano ng matatanda. Mukhang pati si Tito V ay may utos kay Tobias…” dagdag niya pa.
“Ano raw?” si Kuya Red.
“To shoot that Castellano. They started war so I guess mukhang handa iyong ibigay ng ating angkan. Grand Uncle Rico even agreed to kill someone if needed just to keep her away from them. Just to keep her safe.”
Hindi ko iyon halos maiproseso sa aking utak. Hindi ko alam kung totoo ba ang aking narinig o ano. They’re already triggered. Marahil ay nasa hangganan na ang galit dahil sa nangyari at kanilang mga hinala.
Madalas ang pagbisita ni Zera sa akin. Nagtataka nga ako kung pumapasok pa ba siya o hindi.
“Walang pasok?” tanong ko nang inilapag niya ang prutas sa bedside table.
“Meron. I excuse myself,” sabi niya at inilapag ang mamahaling bag. Nakauniporme pa ito, nakalugay lamang ang buhok at tila may ikinakairita.
Lumabas saglit sina Mommy at Daddy, kasama sina Lolo at Grand Uncle Rico lalo na’t nandito pa siya sa Pilipinas, hindi pa bumabalik sa Canada. Ang alam ko, ang iba kong pinsan ay nagsisibalikan na sa kanilang ginagawa. Bumibisita nalang paminsan minsan.
Si Tobias ang palaging nasa labas ng aking pinto, lalo na’t isa siya sa nagbubukas ng mga bisitang pumapasok sa kwarto.
“Marami naman akong bantay rito,” sabi ko habang nakikita siyang iritang iritang tinitingnan ang pinto.
“That fucking bodyguard! He checked my things before coming in! Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? And I am your cousin! Isn’t he informed?!” Itinuro niya iyon, inis na inis at hindi pinansin ang aking sinabi.
Gumalaw si Kuya Red dahil sa kanyang boses. Umirap ng husto si Zera, gusto pa atang sugurin ang pinto at sipain dahil sa talim ng tingin niya roon. Ngumuso ako.
“Iyong Tobias?”
She nodded angrily.
“Oo! Iyong supladong bodyguard mo!” she shouted, tila nagpaparinig sa labas.
Gumalaw muli si Kuya Red, mukhang naiingayan na ngunit ayaw lang magreklamo. Sinenyasan ko siyang huwag maingay. Umirap siya at binuksan ang basket na dala.
“What do you want? Apples? Orange? Grapes?” Pinakita niya iyon sa akin, kalmado na ngayon.
“Grapes nalang,” sabi ko. “’Tsaka pahingi rin ng tubig, please…”
Tumango siya ng hindi nagrereklamo sa aking mga utos at binuksan iyong drawer, kung nasaan ang iilang gamit. Naglabas siya ng bowl at inilagay roon ang grapes. Pagkatapos noon ay iyong mineral water naman ang kanyang hinaplos.
“This isn’t cold. Wait. Uutusan ko ang supladong bodyguard,” sabi niya at nagmartsa na patungong pinto.
Gusto ko na sanang sabihin na ayos lang kung hindi malamig ngunit naroon na siya sa may pinto. I watched her opened the door. Dumungaw siya roon at may sinilip sa gilid.
“Brielle wants some cold water. Bilhan mo nga,” sabi niya sa matabang na boses.
“I am not allowed to leave her. Why don’t you buy instead?” he said in his cold baritone voice, puno iyon ng awtoridad.
Nagulat ako habang pinapanood ang likod ni Zera na nakaharang sa pintuan. Grand Uncle Rico hired a coldhearted bodyguard.
“Mamamatay siya sa dehydration. Do you want it?” ani Zera, tila tinutulak ang hangganan ng pasensya ni Tobias.
Hindi ito sumagot, sa halip ay itinulak niya papasok si Zera at isinara muli ang pinto ng marahas. Her eyes widened. Kahit si Kuya Red ay nagulat ngunit tumalikod lamang at sumiksik lalo sa sofa, antok na antok ata.
“Did you see that? He’s so rude!” Nagmartsa siya muli patungo sa akin, dala dala ang naiinis na mukha.
Humagikhik ako. Nailing siya at kinuha ang bowl saka ibinigay sa akin. Inilagay ko iyon sa aking kandungan, lalo na’t nakasandal lang naman ako sa headboard ng aking kama. Umupo naman si Zera sa bakanteng upuan na nasa gilid.
“I heard they’re going to…” Tiningnan niya ako sa naninimbang na mga mata.
Kinagatan ko ang isang piraso ng grapes na dinampot ko sa bowl. Nagkatinginan kami ng ilang sigundo.
“They’re going to hide you,” she said and eyed me seriously.
Hindi agad ako nakasagot. B-Ba’t nila ako itatago?
“Ikakasal si Anzai roon sa nagngangalang Sienna Valdez. His identity was revealed on tv last two weeks. Anak siya noong business tycoon na si Martin Castellano, ang nangunguna pagdating sa Shipping Companies sa buong Asia,” aniya, ang boses ay medyo gulat at hindi makapaniwala.
Ibig sabihin, ganoon kayaman at ka-makapangyarihan ang ama ni Haze? He came from a wealthy family? Alam ko naman iyon dahil sa mga hobbies niyang ang mamahal pero iyong may mas ikakalaki pa pala ng aking iniisip ay nakakagulantang.
“While the marriage is still on going, plano nilang itago ka muna, to protect you. Baka… Baka hindi kita kasamang grumaduate since I heard from Tita Ellie Klaire magho-homeschool ka nalang. I think you’re going to live somewhere… away from this City.”
Wala akong masabi, nanatili lamang tahimik. Ang inaasam asam kong pag-iisa, sa wakas ay kusa na nilang ibibigay. But this time, they’re going to hide me. Siguro ito na ang unang hakbang para maging matapang rin ako para sa aking sarili. Ito na ang panahon para tumayo ako sa sariling mga paa.
“Anzai is the only heir of their family lalo na’t only child, ayun sa balita. Their empire is really big, Elle. No wonder he mocked me after I offered my money. He named my cash with coins! Nakakainsulto,” aniya, tila may binabalikang alaala lalo na’t napapangiwi siya.
“Close kayo?” tanong ko.
Kumalma siya at umiling.
“Close sila ni Isaiah. He’s the guitarist of their band so… I got a chance to know him, a bit…” Sabay ngiwi.
Tumango ako at ngumiti ng tipid, ayaw nang pahabain ang topic tungkol sa kanya. Tiningan niya agad ako ng masama.
“At bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat ng ito? Na iyong Haze pala ay si Anzai.” Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.
Hindi ako sumagot. Bumuntong siya ng hininga, tila ayaw narin iyong pag-usapan pa. Siguro ay napapansin niya rin sa mukha ko ang bumabakas na pagkakadismaya sa lahat lahat.
She sighed and looked away.
“At least you’re fine. Thank God…” mahina niyang bulong, sapat lamang na umabot sa aking tainga.
33rd Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Elaiza Rose Biares. Belated happy birthday!
Snob Uncle
Marami ang dumadalaw sa akin noong nasa hospital pa ako. Bumisita rin ang mga pinsan kong Fortalejo, pati sina Tito Vlad, Tito Vince at Tito Vincent. May kanya kanya silang dala para sa akin kaya ang raming nakatambak na kung anu-ano sa loob ng kwarto.
“Ang gwapo noong supladong bodyguard mo ah,” ani Cassey, pasulyap sulyap sa may pinto.
“He’s so cold… He reminds me of…” Tiningnan ni Ate Chey si Cassey ng makahulugan.
Inangatan niya lamang ito ng kilay at nagtungo sa may table para ayusin ang mga fruits. Tumawa si Ate Chey. Si Naia naman ay nagbabalat ng apple para sa akin, tahimik lamang katulad ng aking nakasanayan sa kanya.
Ibinalik muli ni Ate Chey ang buong atensyon sa akin. Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay.
“Your Grand Uncle is an expert doctor. Hindi na nakakapagtaka at nakaligtas ka sa panganib,” ani Ate Chey.
“Sadyang hindi niya pa talaga oras,” si Naia naman na lumapit na sa akin at inilahad iyong bowl.
Kinuha ko iyon at inilagay sa aking kandungan.
“Thanks…”
Tumango siya at binalingan muli si Ate Chey.
“I’m sure pati si Grey ay magiging ganoon din. Ngayon pa nga lang eh ang expert expert niya rin…” ani Ate Chey, nagniningning ang mga mata.
“Expert saan?” Nagsmirk si Cassey nang marinig iyon.
Pinaningkitan niya ng mga mata ang aming pinsan. Ngumuso ako.
Hindi ganoong maingay ang kwarto pag mga Fortalejo ang bumisita. Pero pag ang mga pinsan ko na talaga, parang daig pa ang ramble sa loob sa sobrang ingay dahil sila pa ang kumakain noong mga dinadala ng bumibisita sa akin.
Noong malapit na akong makalabas dahil okay narin ako at pakiramdam ko ay malakas narin ako ay nakausap ko pa si Grand Uncle Rico. Babalik narin siya sa Canada. Sinigurado niya lang na maayos ang aking kalagayan.
“Don’t scare us like that again…” ani Grand Uncle sa marahang boses.
I know he’s already old pero pag tititigan siya ng malapitan ay hindi talaga naitatago ng katandaan ang kanyang kagwapuhan.
“Thanks Grand Uncle.” Niyakap ko siya.
Hinagkan niya ang aking ulo at yumakap pabalik.
“Our baby… Sisiguraduhin kong hindi na iyon mauulit. Wala nang makakapanakit sa’yo ng ganoon, Elle.”
“Thank you po, Grand Uncle…” I squeezed him more.
Nag-usap sila saglit ni Tobias. Seryoso siyang tatango kay Lolo at mukhang iyon na ang kanyang batas, na bawat utos ay susundin niya at hinding hindi iyon mababali nino man. Nang napansing masyado na akong nakatitig ay tumingin din siya pabalik. He stared at me coldly, like an ice.
Sa tinagal tagal ko sa hospital ay hindi talaga kami nakakapag-usap ni Tobias kahit siya naman ang nagbabantay sa akin. Ang alam ko, he was trained in US as a good sniper. Ganoon siya kagaling umasinta. And he seemed very dangerous, lalo na’t sa kanyang gilid ay palaging may nakaipit na armas, like gun.
Pagkalabas ko ng hospitay ay palihim na nila akong ideniretso sa isang hotel. Ang sabi ni Grand Uncle, mas mabuting huwag dumeritso sa bahay dahil baka may umaaligid doon. Si Tobias ang lagi kong kasama, pati sa hotel kung saan kami tumuloy kasama narin sina Mommy, Daddy, kapatid ko, at iilan ko pang mga pinsan.
“Mamayang hating gabi ay aalis kayo ni Tobias,” ani Mommy, ang lungkot sa mga mata ay hindi na naitago.
“Saan po, Mommy?” tanong ko, hindi na tumanggi pa sa kanilang plano.
Nagkatinginan sila ni Daddy. Tahimik namang nakikinig ang mga pinsan ko, nakahalukipkip lang, lalong lalo na si Zera na seryosong nakikinig habang nakaupo sa couch.
“Well… Your lolo bought a new Resthouse on a province secretly. It’s a good place for you. Magugustuhan mo roon for sure,” ani Mommy habang nakangisi.
Ngumuso ako. “Ilang araw ako roon?”
Mas lalong naging tahimik. Nakita ko pa ang paglunok ni Kuya Red, nag-iiwas ng tingin sa akin habang nakahilig sa kanyang mga hita at nakasalikop ang mga kamay.
“A year or so,” si Grand Uncle Rico na ang sumagot.
Nagulat ako. G-Ganoon ako katagal mawawala?
“Or until they get married,” si Lolo Rence naman.
K-Kung naikasal na si Anzai at Sienna? Doon lamang nila ako pauuwiin? Doon lamang ako lalabas?
“Paano ang college ni Elle?” si Zera iyon.
“Homeschooled siya roon. I already hired a great professor for her,” si Grand Uncle.
“Gagraduate pala akong mag-isa,” ani Zera at lumubog lalo sa couch nang sumandal siya ng husto.
“Close kayo ni Irah ah?” si Kuya Toshi iyon.
“Not anymore,” matabang na sambit niya kaya nag-iwas nalang ng tingin ang aking pinsan sa kanya.
Tumayo ng tuwid si Ken sa pagkakasandal sa pader at nag-inat. Nakita pa ang kalahati ng kanyang matigas na tiyan.
“If this is what’s best for Brielle edi sige. Aanhin natin iyang kasama natin siya rito pero nanganganib naman ang buhay niya?” aniya sa seryosong boses.
Tumango ang aking mga pinsan, maliban kay Zera na tahimik lang habang nakatingin sa akin, tila malalim ang iniisip.
Is she going to be okay? Wala na si Irah. She has no friends. Malalayo narin ako. Sanay naman siyang mag-isa hindi ba?
Dumating si Kuya Blue, seryosong nakapamulsa.
“Nailagay ko na lahat sa kotse ang mga gamit ni Elle,” aniya.
Sumimangot ako, ang aking mga mata ay agarang nanubig. Ito ang unang beses na mapapalayo ako sa kanilang lahat. Ito ang unang beses na wala akong makakasama sa kanila, ni isa.
“I’m sorry for being a burden…” Yumuko ako at bago pa maiyak ay naramdaman ko na ang mainit na yakap ni Daddy sa akin.
“Stop saying that… Sshh. Para sa’yo ang lahat ng ito, Elle. Kahit masakit ay handa ka naming pakawalan dahil alam naming ito ang makakabuti,” bulong niya sa akin.
Humiwalay si Daddy at dinungaw ang aking ekspresyon. Pinalis niya agad ang mga luhang pumatak.
“Ang ganda ganda mo pa naman tapos sasaktan ka lang? Hinding hindi ako papayag, Elle.”
“Oo nga. Ang ganda ng lahi natin tapos uubusin lang tayo? Sayang naman kung hindi natin maikalat,” si Grand Uncle Rico iyon kaya marahan kaming natawa.
Pati ang aking mga pinsan ay nagpaalam narin sa akin. Niyakap ako nila isa-isa. Naiyak ako ng husto sa mahihigpit na yakap. Nasanay ako na bawat araw ay nakikita ko sila. Bawat taon ay gumagawa kami ng magagandang alaala. Nasanay ako na palagi silang nandiyan para sa akin. Hindi ko inaasahang dadating pala ang araw na ’to.
“Take care… Mahal na mahal kita.” Niyakap ako ng sobrang higpit ni Kuya Blue at pinaulanan pa ng halik ang aking ulo.
“I’m sorry, Kuya…” bulong ko.
He sighed heavily. “It’s not your fault. Tama na ang kakasisi sa sarili mo.”
Iyon ang hinding hindi ko maiaalis sa sistema ko. Lahat ng ito ay nangyayari dahil rin naman sa mga padalos dalos na desisyon ko. Sa pagiging matigas ng ulo ko. I am such a stubborn girl, a stubborn daughter. Kung sa umpisa palang ay nakinig na ako, hindi kami aabot sa ganitong punto.
Sunod na yumakap sa akin ay si Kuya Red. He’s very sorry for spoiling me.
“Sa kagustuhan kong maging masaya ka ay sinuportahan kita sa bawat desisyon mo. I’m sorry if I spoiled you too much, baby…”
Umiling ako kay Kuya. “Kasalanan ko ’yon eh nagpupumilit din ako. Dinamay lang kita.” Marahan akong natawa kahit basang basa na ang mukha ko.
Memories… Babaunin ko ang lahat ng iyon. Marami pa namang pagkakataon para gumawa ulit ng panibago. Baka nga hindi ako umabot ng taon sa pagtatago total nangangati rin naman si Anzai na pakasalan ang babaeng iyon. I’m sure a month or so ay makakauwi na agad ako.
Ang huling pinsan na yumakap sa akin ay si Zera noong sinamahan niya akong magbihis sa kwarto. Sa unang pagkakataon ay niyakap niya ako. Mahigpit iyon at bumuntong agad siya ng hininga.
“I will miss you…” bulong niya, tila masyadong mabigat ang salita na halos hinayaan niya nalang ang hangin na ilipad iyon sa aking tainga.
“Ako rin… Pasensya na. Okay ka lang naman hindi ba?”
Tumango siya at humiwalay.
“Yes. Kaya ko namang mag-isa unlike you,” seryoso niyang sabi ngunit nangingislap ang mga mata.
Ngumiti ako. “Alam ko. Mas matapang ka kaysa sa akin. Wala ka namang hindi kaya. You like being alone.”
Tumango siya ngunit hindi na makangiti pa. Tila nagpipigil nalang ng emosyonsa pagkakataong iyon ay ako na mismo ang yumakap ulit sa kanya. I felt her trembled. Bumuntong siya muli ng hininga.
“Is this my… my karma?” she asked me.
“H-Huh?”
“Everyone’s… Everyone’s leaving… me…” Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko ngunit hindi ko masyadong narinig ang kanyang mahinang idinaing.
Parang ang bigat bigat ng tinatago niyang lungkot na kahit ako ay napaluha narin. We’re going to heal after all this pain. Zera is a strong woman. Alam ko, alam kong kaya niya ito at kakayanin ko rin. I am not going to be weak for myself. Magiging matapang ako para sa mga taong mahal ko at nagmamahal sa akin.
“May mga tao talagang dapat nating bitiwan dahil iyon ang mas nakakabuti,” aniya at nagpunas rin ng luha pagkatapos humiwalay sa akin.
Ngumiti ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang naluluha. Hindi ko alam kung ba’t ko pa iyon ikinatutuwa pero masaya lang ako dahil alam kong nag-aalala lang siya ng husto. I thought she doesn’t care at all pero nakalimutan kong magaling pala siyang magtago ng emosyon. She’s brave for letting someone go even if it will hurt her.
“Baka pagbalik ko kasal kana!” Humagalpak ako, pinipilit nalang na maging masaya sa kabila ng mga luhang pumapatak.
“Imposible,” tangi niyang sagot.
Bakit ba kasi binasted niya si Trey? Pero baka sa paglipas ng panahon ay makahanap din siya ng iba, o baka may darating ring lalake para sa kanya. I’m so sure of it.
Niyakap ko narin sina Tito at Tita, si Lolo, si Grand Uncle. Mahaba habang pamamaalam iyon. Kahit si Tobias ay kinausap din ng aking parents, tila may hinahabilin. Noong eksaktong twelve midnight ay umalis na nga kami ni Tobias. May itim na van na nakavonvoy sa amin, kung nasaan ang ilang guards habang nakasakay ako sa kotse na minamaneho ni Tobias.
Tahimik lamang ako at hindi makatulog. Tumutulo ang aking luha na pinupunasan ko nalang habang pinapanood ang mga ilaw ng gusaling nalalagpasan namin.
“Wipe your tears,” ang malamig na baritonong boses iyon ni Tobias, binasag ang katahimikan.
Nilingon ko siya at nakita ang inilahad na panyo, ang mga mata ay nakasentro sa harap at nagmamaneho gamit ang isang kamay.
Kinuha ko iyon.
“Thanks,” sabi ko.
Hindi ito umimik at seryoso lamang. Pinahiran ko ang mga luha at naamoy pa ang pabango niyang masyadong manly.
Mahaba haba rin ang byahe. We travelled through land. Nagbarko kami, kasama rin ang nakaconvoy na van.
Lumabas lamang ako ng kotse noong nagutom. Kasama ko palagi si Tobias, kahit saan. Kumain kaming dalawa ngunit masyado siyang tahimik, hindi umiimik at kahit tingnan man lang ako ay hindi rin gaano.
Mas malapit siya sa akin ngayon lalo na’t nakaupo kami sa two-seated table. Sa labas naman ay naaaninag ko ang iilang tauhan ni Grand Uncle Rico. Naka itim ang mga ito, pormal ang suot at tila mga bouncer ang datingan. Tobias is the most manly compared to them. Para siyang boss na palaging bida sa action movies dahil sa mukha at tindig. Ganoon ang nakikita ko sa kanya.
“Ilang taon kana?” tanong ko nang hinintay ko nalang na maiserve ang dessert.
“Twenty-four,” sagot niya.
Twenty-four? Edi… Apat na taon ang agwat niya sa akin? Humilig ako sa mesa para mas lalo siyang makausap. He wiped his mouth using the table napkin, ang mga mata ay nasa ibang bahagi ng Restaurant sa loob ng barko.
“Gaano ka kaexpert sa baril?” tanong kong muli, inaaliw na lamang ang sarili.
He lazily watched me. Nagulat ako sa kanyang mga mata. Mahaba ang kanyang pilikmata, makapal ang kilay at ang ganda ng kanyang mga mata. Iyon nga lang sobra niya talagang supladong tingnan.
Sumimsim siya ng kanyang tubig. Mas lalo ko siyang tiningnan dahil mukhang wala siyang balak sumagot.
Siguro bawal niya rin akong kausapin? May ganoon bang utos si Grand Uncle o ang mga parents ko? But he offered his handkerchief awhile ago. Nagsalita pa nga siya.
O baka naman ayaw niya lang talaga akong kausap? Siguro ay naaalibadbaran siya sa akin? I should stop it. Baka… Baka pag masyado akong nakipag-usap ay isipin niyang nagpapapansin ako. Baka isipin niyang may interes ako sa kanya at sa huli ay mauuto na naman ako.
Natutop ang aking bibig at yumuko, sinikap na huwag masyadong mag-isip ng kung anu-ano.
Pagkatapos kumain ay nanatili ako sa railings ng barko. Tiningnan ko ang unti-unting paglabas ng sunrise.
Napasinghap ako sa sobrang ganda ng kalangitan. Ang tubig ng dagat ay mas lalong naging malinaw at tila hinahalikan noong sinag ng langit. Kumikinang iyon, nagtatalo na ang dilim at liwanag, hudyat na mag-uumaga na.
“You should stay inside the car. It’s cold.” Ang baritonong boses iyon ni Tobias.
Nilingon ko siya. Nakabulsa ang kanyang mga kamay sa suot na dark pants. Ang buhok ay hinahangin at nakasuot ito ng denim jacket, sa loob naman ay itim na tshirt.
Tipid akong ngumiti at umiling nalang, ayaw nang magsalita dahil alam kong ayaw niya rin akong kausap.
Ibinalik ko ang tingin sa harap at yumuko, medyo giniginaw kahit naka long sleeve naman ako at pants. Masyado lang talagang nipis ang tela noon.
Ilang sandali lamang ay may pumatong nang mainit na denim jacket sa aking balikat. Nilingon ko si Tobias na pumwesto sa aking gilid at humilig din sa railings. Pinaglaruan ng hangin ang kanyang buhok. Ang liwanag ng sunrise ay hinalikan ang kanyang mukha kaya nagliliwanag na ito, mas naging malinaw ang bawat detalye ng kalahating mukha.
Nag-iwas akong muli ng tingin at mas naging komportable dahil sa init ng kanyang jacket. Amoy na amoy ko rin ang pabango niyang yumakap narin sa akin. Isinabit ko ang iilang hibla ng aking buhok sa gilid na pinaglalaruan din ng hangin at seryosong tinitigan ang magandang sunrise.
Kumusta na kaya sina Mommy at Daddy? Sina Kuya? Ang mga pinsan ko? Si Zera? Nalulungkot parin ba sila? I hope they’re not worrying too much. Kaya ko naman eh. Hindi narin naman ako bata. Alam kong kaya ko ang lahat ng ito. Kaya kong bumangon pagkatapos ng pagkakadapa ko. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Kaya ko.
Noong mapagod na ako sa kakatayo at hinihila narin ako ng kaantukan ay natulog ako sa loob ng kotse lalo na’t babyahe narin ulit kami pagkatapos ng ilang oras.
Noong magising ako ay nasa isang malambot na kama na ako. Bumangon ako at napagtantong nasa isang kwarto na nga ako. Ang silid ay medyo malaki. Nakasara ang bintana ng veranda at nakababa ang mahahabang kurtina.
Malaki ang kama. Kulay cream ang makapal na nakadagan na kumot sa aking katawan at kulay itim naman ang malalaking unan.
Tiningnan ko ang bedside table. Naka bold doon ang oras na eight-thirty. Ganoon ka haba ang tulog ko? Mga eleven hours?
Nagpasya akong bumaba. Ang agaran kong napansin ay ang makintab na mahogany na sahig. I think dumating na kami? Is this the Resthouse? Iyong binili raw ni Lolo Rence?
Nagtungo ako sa veranda. Hinawi ko ang mahahabang kurtina at nagpasyang lumabas. Pagkabukas ko sa double door ay bumungad agad ang tunog ng hampas ng alon ng malawak na karagatan.
Sumalubong ang malamig na hangin at sumabog ang aking buhok, agarang sumayaw sa ere. Malamig ang sahig noong humakbang ako ng tuluyan palabas.
Humawak ako sa railings at mas lalong namangha sa nakikita ko. Maganda nga ang lugar na ito! Kahit kinakain ng dilim ang kabuuan ay parang lumiliwanag parin ang kumikislap na tubig ng dagat. Parang kani-kanina lang ay nasa barko pa kami ah?
Oo nga pala? Kung nakatulog ako? Sino ang bumuhat sa akin kung ganoon?
May kumatok. Mabilis akong lumingon lalo na’t bumukas din ang pinto. Bumungad si Tobias na naka simpleng puting thirt at shorts nalang.
“Your food is ready. Dadalhin ko rito?” tanong niya.
Tumango ako at ngumiti ng bahagya. Dito nalang siguro ako kakain sa veranda.
Isinara niya rin muli ang pinto at lumabas, wala nang gaanong sinabi pa.
Ganoon lagi si Tobias sa mga nagdaang araw. Two-storey ang Resthouse at sa tabi siya ng aking kwarto natutulog. Sa ibaba naman ay ang tatlo pang mga bantay. Hindi ko alam ang mga pangalan nila kaya mas tinatawag ko silang B1, B2, at B3.
Tuwing weekend ako pinupuntahan ng hired Prof para maipagpatuloy ko ang pag-aaral. Okay rin naman pala pag sa bahay lang. Tahimik. Walang disturbo at pakiramdam ko ay mas nakakapagconcentrate ako sa mga lessons.
Iyon nga lang, pag masyadong mahihirap ang iba kong subject ay wala akong nahihingian ng tulong hindi kagaya noon na isang takbo lamang sa bahay ng aking pinsan na si Kuya Grey ay may sagot na agad ako. Ngayon, bukod sa mag-isa lang ako, mahina pa ang koneksyon sa probinsyang ito kaya imposible talagang makakalap agad ng signal.
“Tobias!” Sinitsitan ko siya nang dumaan ito sa sala, mahina itong tinawag.
Lumingon siya, huminto at nakaangat agad ang kilay. Sinenyasan ko siyang lumapit at nilingon ang Prof kong lumabas saglit dahil baka bumalik agad.
“Patulong ako,” sabi ko at iwinagayway sa kanya ang Math textbook.
Namulsa siya at naglakad na sa aking gawi. Natuwa agad ako lalo na’t hindi naman kami masyadong nag-uusap kahit palagi kaming magkasama sa loob. Tahimik siya ganoon din ako. Ayokong nag-iinitiate ng topic kung hindi naman kinakailangan.
Yumuko siya nang huminto na sa aking gilid. Mabilis kong ipinakita iyong problem.
“Ito raw ang formula kaso nahihirapan parin ako,” sabi ko sa mahinang boses at kinamot ang aking ulo gamit ang dulo ng ballpen.
“Isulat mo. B…”
Hindi ko muna iyon isinulat at pinakinggan siya.
“Sunod?” Tinitigan ko siya ng seryoso.
“A… G… S… A… K…”
Binasa ko iyon sa aking utak at napagtanto ang mga letrang iyon. Sinasabi ko na nga ba. Buti nalang hindi ko agad isinulat.
“Salamat sa tulong.” Umirap ako at sinenyasan siyang umalis.
“You’re welcome.” Tumayo rin siya ng tuwid at tumalikod na, na akala mo ay ang laki laki ng kanyang naitulong.
Tss. Sa pang-uuto lang ba magagaling ang mga lalake?
Pag nabobored ako sa loob ng Resthouse ay napapakinabangan ko naman ang dagat. Palagi akong lumalangoy roon, naaaliw sa hampas ng alon at sa lamig ng tubig. Si Tobias ay babantayan parin ako, nasa malayo ngunit nakatanaw sa akin, minsan ay naninigarilyo pa. May naaalala ako pero hindi ko na hinayaang mamalagi sa aking isipan ang kanyang pangalan at hitsura. Mabilis ko agad iyong binubura at sa araw araw ay natutuwa ako’t hindi ko siya masyadong pinag-iisip dahil ayoko rin naman.
Umahon ako pagkatapos. Binuga ni Tobias ang huling sigarilyo at inihulog iyon saka niya inapakan. Bahala siyang manigarilyo. Siya naman ang magkaka lung cancer. Hindi ako. Hindi ko na siya babalaan sa bagay na iyon total alam kong aware naman siguro siya sa dulot noon sa kalusugan. That’s his life, anyway.
Lumapit siya sa akin at inilahad ang bathrobe. Kinuha ko iyon, tipid na ngumiti at isinuot din naman. Isang sulyap lang sa aking katawan ang kanyang ginawa lalo na’t naka tshirt at shorts lang naman ako.
Piniga ko ang aking buhok.
“Pumasok kana,” sabi niya.
“Alright Uncle…” Humagikhik ako at nagpasyang maglakad palayo.
I can sense his death glares behind my back. Pinasadahan ko ang aking basang buhok at nilingon siya. Natagpuan ko siyang matalim nga ang mga mata. Ngumisi ako at ibinalik din naman ang tingin sa harap, papasok na sa loob ng Resthouse.
Magdadalawang buwan na kaming kasama pero ang suplado niya parin. Marami naman akong pinagkakaabalahan para hindi ako mabored at maisipang kausapin siya kaya hindi pa talaga kami gaanong close.
At para saan rin naman ang pakikipagclose? Seems like he doesn’t want a friend. Edi ayaw ko rin. Kung ayaw niya ng kausap edi sige. He’s such a snob Uncle.
34th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Niña Mae H. Berol. Happy reading!
Comfortable
“Fifty Shades, huh?” Umangat ang kilay ni Tobias nang binasa niya ang librong dinampot ko rito sa loob ng isang maliit na Mall sa bayan.
Napag-interesan ko ang pagbabasa ng libro pagkatapos ng aking homeschool. I’ve been reading alot of Romance these past few days. Kahapon ay natapos ko iyong Fifty Shades of Grey kaya ngayon ay ang hinahanap ko iyong Book 2 naman.
“Oh bakit? Nabasa mo narin ba ito? Oh baka iyong movie ang pinanood mo?”
His brow lifted like he’s ready to mock me. Ibinigay ko iyon sa kanya kaya awtomatiko niyang hinawakan at nagkasalubong pa ang kilay noong tiningnan ang cover ng mabuti.
Isang taon na kaming magkasama ni Tobias at may improvement naman sa friendship naming dalawa hindi kagaya noon na para kaming aso’t pusa sa Resthouse. Sabihin nalang natin na ang bilis mag-init ng kanyang ulo pag lumalabas ako ng mag-isa at hindi siya sinasama sa aking mga lakad kaya magagalit agad.
“Calm down, Uncle!” Tinapik ko ang kanyang balikat sa hapong iyon, ang talim ng kanyang mga mata ay hindi humuhupa lalo na’t pang-ilang beses ko nang takas iyon.
“I wore my mask and my sunglasseses! Sinong makakakilala sa akin eh balot na balot ang mukha ko?” agap ko nang maamoy ko ang nagbabaga niyang mga salita na malapit niya nang pakawalan.
Minsan sa katigasan ng aking ulo ay talagang binubuhat niya ako pabalik, pauwi! Gusto ko lang naman sanang gumala gala sa bayan ng mag-isa. Wala namang nakakakilala ah?
May mga araw na kulang nalang ay pagbabatuhin ko siya ng kung anu-ano sa sobrang inis pag hindi ko na talaga kaya ang kanyang kasupladuhan. Eksperto niya naman iyong sasaluin at babatuhin ako ng matalim na tingin.
But there are times I feel like he really care for me, more than my bodyguard.
“Bata ka ba na tatakbo at madadapa nalang bigla?!” He growled at me, galit na galit habang ginagamot ang sugat sa aking palad.
I got a small scratch on my palm. Medyo maliit lang naman dahil nabuwal ako sa batong nakaharang at naitukod ko ng malakas ang aking kamay.
This isn’t the first time I tripped like this. Iyong una, ay iyong may tinakbuhan ako. Ngayon naman, ay dahil lang talaga sa katangahan ko.
Maingat niyang idinampi sa balat ang bulak na may betadine habang hinihipan iyon. I stared calmly on his face, on his eyes. Ang ganda talaga ng kanyang mga mata.
“May girlfriend ka ba?” tanong ko bigla, nacucurious na sa tumatakbo sa aking isipan.
Umahon ang kanyang tingin sa akin.
“Wala.”
Oh… So he’s single? Sa edad na… Twenty-four?
Hindi siya umimik at ipinagpatuloy ang paggagamot. Tumahimik din naman ako, tumititig parin sa kanya. Nagkasalubong ang kanyang kilay, tila naaalibadbaran sa aking paninitig kaya idiinin sa akin iyong bulak.
Napadaing ako sa sobrang hapdi. Binawi ko agad ang aking kamay at gusto siyang hampasin.
“Stop staring. It’s bothering me,” pag-amin niya at binawi muli ang aking kamay para gamutin.
He’s bothered? Baka naman…
Pero may mga araw rin namang kalmado lang kaming dalawa. Madalas ako sa dalampasigan, namamasyal at nangunguha ng kung anu-anong inaalon galing sa dagat at saka ko pupulutin, titingnan kung anong klaseng shell iyon.
“May kilala ako na mahilig mangolekta ng shell,” sabi ko bigla, lalo na’t nakapamulsa lamang siya roon suot ang tshirt at shorts.
Nang maalala si Irah ay awtomatiko ring sumagi sa aking isipan si Zera. Tila tinangay ng alon ang emosyon ko kanina at pinalitan ng panibago.
I missed them. I missed my cousins. Ano na kayang pinaggagawa nila? Ang mga okasyong lumipas ay mag-isa ko nalang na sinicelebrate. Minsan tumatawag sina Mommy at Daddy, magpapadala ng kung anu-ano pero nakakalungkot parin.
I always wonder what’s taking them long to get married when they both like it? Ano? Nakarma? Baka naman natauhan? Why are they delaying it so much? Ganoon ka enggrande ang kasal na kailangang paghandaan ng husto at sobrang haba ng preparation? Ba’t di nalang magpakasal agad nang makauwi na ako.
Tuwing gabi, umuupo ako sa dalampasigan at nakikinig sa alon habang niyayakap ng lamig. Hindi rin naman iyon magtatagal dahil sasamahan din ako ni Tobias at gagawa pa siya ng bonfire sa aming harapan.
Iyong gabing iyon ang pinagsimulan ng lahat, kung paano unti-unti naming binubuksan ang sarili sa isa’t isa. Parang iyong harang na inilagay sa pagitan naming dalawa ay ibinaba niya muna.
“You missed them?” tanong niya, nakahilig sa likod ng kanyang mga kamay.
Hinagkan ko ang aking tuhod at niyakap ang aking mga hita. Hindi ko na alintana ang ginaw dahil narin sa ipinatong na tuwalya ni Tobias sa aking balikat.
“Oo…” sagot ko sa marahang boses.
“Wala pa akong utos na natatanggap na pwede kanang pauwiin,” aniya.
Tinitigan ko ang apoy. Pulang pula iyon at nahahaluan ng kulay orange. Hindi ako umimik. Alam ko kung bakit pero ayokong banggitin. Nanatili lamang akong tahimik.
Umayos siya ng upo, ngayon ay inihilig na ang isang bisig sa kanyang tuhod habang ang isang paa ay nakahiga na sa buhangin. Tiningnan niya ako. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang kanyang gwapong mukha lalo na’t tumitingkad siya dahil narin sa repleksyon ng apoy.
“Boyfriend mo iyong may fiancee? And he cheated?”
Pumikit ako. Hindi nga namang matatawag na kami noong mga oras na iyon dahil hindi naman ako girlfriend. But the fact that he promise to me, the fact that he made me believe, matatawag na iyong panloloko. Bakit siya magbibitaw ng ganoong salita kung may pinapangakuan din pala siya sa kabila?
“I just heard it from your clans. Pero wala akong ideya sa lahat,” aniya, kalmado lamang ang boses.
Dumilat akong muli. It still bothers me pero unti-unti ko narin namang natatanggap na may mga tao talagang mapanakit ng damdamin. Ang akin lang talaga, bakit sila nananakit? What’s the purpose?
“You’re nosy, Uncle,” bulong ko, sapat lamang na marinig iyon.
“Stop calling me like that,” matigas ang kanyang boses, matalim pa ang tingin sa akin.
Nilingon ko siya. “Un… Cle…”
His eyes sharped at me. Humagikhik ako at hinagkan muli ang aking tuhod. Mabilis na napawi ang ngisi at napalitan ng panibago.
“I missed my parents. My Kuya… My cousins…”
“They’re going to be proud. Like how did you set the egg on fire?” Bakas ang sarkastiko sa kanyang boses.
Nang maalala ang araw na iyon, kung paano ko nasunog ang simpleng pagpiprito ng itlog sa kusina ay namula ako ng husto.
Nagliyab ang kawali! Umuusok iyon at kinain agad ng apoy ang loob. Nagtitili pa ako at kung hindi mabilis na binuhusan ng tubig ni Tobias ay buong Resthouse na ata ang masusunog ko. Sa sobrang boredom kasi, kung anu-ano nalang ang pinagkakaabalahan kong gawin. Kaya simula noon ay may ipinadala ng tagaluto sa loob, para hindi na mahirapan pa.
“I’m going to learn! Just wait!” sigaw ko sa sobrang inis.
Ngumisi siya, sa unang pagkakataon, sa tinagal tagal naming pag-aaway, pagbabangayan ay ngumisi na siya. It shocked me. Umaliwalas kasi ang kanyang mukha at mas lalo siyang gumwapo.
Kaya simula noon, medyo hindi na ako naiilang sa kanya. It’s like he’s watching me grow while I’m exploring different things.
“Ba’t hindi nalang ito?” Ipinakita niya sa akin ang isang pambatang libro na may pamagat na ‘Jack and Jill.’
“Ano ako, kinder?!” Kinuha ko iyon sa kanya at ibinalik sa lalagyanan.
“And you think this book suits for you just because you’re…”
Nagkatitigan pa kami. This Uncle is very strict! Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang button down shirt at nakabukas ang dalawa. Lumapit ako, gusto iyong ibutones lalo na’t naalibadbaran ako ngunit mabilis siyang lumayo, akala mo ay mapapaso sa simple kong haplos.
“What?”
Nanliit ang kanyang mga mata.
“Iyan na ba ang mga natututunan mo sa binabasang libro?”
Mabilis akong humagalpak ng tawa. Ano siya, si Christian Grey?! At mukha ba akong nang-aakit? I just want to close the buttons! Iyon lang!
“Ganyan ka kabilis maturn-on?” I asked him curiously.
His eyes sharped at me. Ngumisi ako at naglakad muli sa kabilang pasilyo. Bumuntot naman si Uncle Tobias na handa na namang makipagtalo sa akin.
I learned alot because of reading too much Romance. Mas mabuti rin iyong bukas ang isipan mo sa lahat ng bagay para hindi ka agad nauuto dahil alam mong malawak ang isipan mo. Hindi mo alam iyong friendly gesture lang ay nanghihipo na pala. I remembered someone…
“You should stop reading-”
“Ba’t naman? Hindi ko naman sa’yo gagamitin ang mga natutunan ko sa libro. I’m going to save it for my future husband…” I smirked naughtily at nilingon siya sa aking gilid.
Huminto ako sa harap ng isang shelf. Pinasadahan ko ang mga libro roon ng tingin at haplos. I can sense his anger just by watching him on my periphiral vision. Humagikhik ako at kinuha ang panibagong Romance book na nakitaan ng interes ng aking mga mata. Tobias went closer to me, nakisilip narin.
“Will you buy it for me?” Ipinakita ko iyon sa kanya.
Tumitig muna siya, tila nag-aaway pa ang bawat kampo sa kanyang utak kung kukunsintihin ba ang hilig ko o mag-aaway kami ritong dalawa. He tilted his head and watched my expression carefully.
“Please?” I smiled cutely.
Tumango naman siya, kaonting lambing lang ay bibigay rin naman pala agad. Inihulog ko agad iyon sa dala dala niyang cart at umabante, mayabang siyang nginisihan.
Namili rin naman ako ng cook book lalo na’t gusto ko rin talagang matutong magluto.
“Bawal ka sa kusina, nakalimutan mo na?” tanong niya nang makiusyoso na naman sa aking idinampot.
I glance at him. “Ayaw mong lutuan kita?”
Natigilan siya, sandaling nagulantang sa binitiwan kong salita. Humagalpak agad ako.
“You’re blushing…” Itinuro ko ang kanyang mukha kahit hindi naman talaga.
Tobias pulled my finger down annoyingly.
“You are not my type,” sabi niya, malinaw na malinaw.
Talaga lang ah? Ang deffensive naman.
“Hindi ka nadedevelop sa akin eh isang taon na tayong magkasama? Like you know… Wala kang nararamdamang kakaiba?” tanong ko.
I’ve been curious with things since then. Kahit noon pa man. Aksidente ko nalang na naisasaboses at hindi na napipigilan ang aking bibig. Kahit ngayon, ganoon parin. Lalo na’t natututo na ako sa mga bagay bagay, sa kalikutan ng aking imahinasyon ay hindi ko namamalayang tumatakas na pala sa aking bibig.
He eyed me curiously. Ang gwapo niyang mukha ay mas lalo pang sumuplado, na ito na naman ang ikakainis niya dahil sa kadaldalan ko.
“It’s been a year. Paano kung mas tumagal pa tayo rito? What if mainlove tayo sa isa’t isa?” I tilted my head so I can see a clearer view of his expression.
“Why can’t you shut your mouth?” May pinapahiwatig na ang kanyang tono.
Ginaya ko ang kibot ng kanyang labi. Mas lalo siyang nainis kaya mabilis akong lumipat sa kabilang pasilyo para hindi makatikim ng pitik sa kanya. He loves to do that when I’m annoying him so much! Isa narin kasi iyon sa nakahiligan kong gawin pag magkasama kaming dalawa. I love annoying him!
Noong kumalma ay sumunod rin naman siya ng mahinahon sa akin. Sumulyap ako sa kanya. Sumulyap siya pabalik. Ngumuso ako at namili nalang ulit ng libro.
Ngayon, may label na ang friendship namin. We’re already friends! Minsan enemy. But at least we’re friends. Noong nasaktan ako, hindi ko naman sinali lahat ng lalake sa buong mundo. Napagtanto ko kasi na isang lalake lang naman ang nanakit sa akin kaya ba’t ko idadamay ang iba? Mga lalake rin naman ang mga kapatid ko, ang Daddy ko. Pero di naman nila ako sinaktan.
Siguro ay dapat mamili tayo ng mga lalakeng papapasukin natin sa ating buhay. Iyong alam mong mahal na mahal ka at hindi ka kayang saktan. O huwag nalang masyadong ibuhos ang tiwala at para sa huli, hindi ka masaktan pag nabigo ka niya. Expectation hurts alot.
Mabait naman si Tobias kahit may pagka masungit at suplado minsan. Nagkakaintindihan naman kami kahit papaano.
“Pumunta muna tayo sa Center,” sabi ko pagkalabas naming dalawa.
Tumango siya, hindi na gaanong nagsalita at sumunod na sa akin.
Sa isang taong pamumuhay rito ay medyo napalapit ako sa mga bata roon sa Center. Sila ang mga inabandona at ulila na. Ang kadalasang nag-aalaga sa kanila ay ang mga Madre.
May nadaanan kaming bakery kaya namili ako ng mga tinapay para ibigay sa mga bata. Alam ni Tobias ang hilig ko sa kanila dahil sila ang madalas na rason kung ba’t lagi akong nagyayayang pumunta sa bayan. He supports me. Basta ay kasama lang talaga siya at mababantayan ako ng maayos.
“Brielle!” Malawak agad ang ngisi ni Sister Wilcel nang makita ang aking pagpasok.
Mabilis kong sinalubong si Sister Wilcel at niyakap agad ito. Yumakap siya pabalik, mahigpit iyon at unti-unting lumuwag nang pakawalan na ako.
“Mabuti at napadaan ka!” Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
“Gusto ko lang bumisita saglit. Nakalabas po ako kahit papaano dahil walang period si Uncle…” Humagikhik ako at nilingon si Tobias na nakahalukipkip sa aking likod.
Natawa rin si Sister Wilcel sa aking biro, lalo na’t pati siya ay saksi sa pagiging aso’t pusa namin minsan ni Tobias.
“Nako! Baka mapikon na naman iyang si Tobias at mapitik kana naman sa noo!” Tiningnan niya ito sa aking likod.
Nagsulputan din naman ang mga batang nakakakilala na sa akin. Apat silang nagpaligsahang tumakbo at sabay sabay akong dinagsa para yakapin. Natuwa ako ng husto at natatawang yumuko para kumustahin sila isa-isa.
Ibinigay naman ni Tobias ang mga pinamili kong pagkain sa kanila. Kilala narin naman nila ito at kahit nasusungitan ay marunong namang makibagay si Tobias sa mga bata. Medyo malapit din sa kanya ang iilan.
“Kuya Toby!” Tumakbo si Karen sa kanya.
Yumuko si Tobias, ngumisi sa bata at iniangat agad ito para buhatin. Naging abala naman ako sa kwento nina Rita, anim na taong gulang na babae, Aira, limang taong gulang na babae na karga karga ni Tobias, Kiki, limang taong gulang na lalake, Ismael na limang taon at Arron na anim na taong gulang. Sila ang madalas kong kakwentuhan dito at napalapit narin sa akin.
“Wala kaming pasok kanina kasi nag quit na iyong teacher namin. Wala pa raw substitute… Lumipat na raw sa Syudad,” malungkot na sabi ni Aira, hawak hawak ang ribbon ng kanyang puting bistida.
“Edi wala kayong klase kanina?”
Tumango sila, sabay sabay. Tumayo ako ng tuwid at hinarap muli si Sister na nakikinig lamang sa mga bata.
“Wala pa pong substitute?” tanong ko sa nag-aalalang boses.
“Oo eh. Wala rin namang papatol sa sahod na ibinibigay ng Center. Iyon lang kasi ang kaya namin para kahit papaano ay may matutunan ang mga bata habang lumalaki sila rito at hindi pa nakakahanap ng aampon sa kanila. Hindi talaga sapat ang sahod dito kumpara sa normal na paaralan sa syudad, Brielle…”
Nilingon ko saglit si Tobias sa aking likuran na nakikipag-usap kay Aira ngunit pasimpleng susulyap sa akin, mukhang nakikinig din. Ibinalik ko ang tingin kay Sister.
“Bakit hindi po muna ako ang magsilbing teacher nila habang wala pa iyong substitute, Sister?”
Nagulat siya sa aking alok.
“Nakakahiya naman sa’yo Brielle! Alam naming mahal mo ang mga bata rito pero kung pati ito… p-parang kalabisan na! Ang liit liit pa ng sahod!”
Umiling ako at natawa.
“Okay lang po. Kahit libre nalang po at wala nang sweldo. Iyong ibibigay niyo nalang po sa akin ay pang snacks nalang ng mga bata. ’Tsaka wala rin akong masyadong ginagawa sa Resthouse at tapos narin naman ang pag-aaral ako. I’ll be very happy if I’m going to teach them, Sister…”
Hindi agad siya nakapagsalita, nakatitig parin siya sa akin at tila nagugulantang sa aking balak. Lumapit si Tobias at tumabi sa akin.
“I want to be their teacher for the mean time…” sabi ko, gusto ring marinig ang kanyang opinyon sa bagay na iyon.
Tumango naman agad siya, suportado sa aking balak kaya napangiti ako. Binalingan kong muli si Sister na pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.
“Baka at hindi niya kayanin ang kakulitan ng mga bata, Tobias,” ani Sister, nag-aalala.
“I’ll help too, Sister.”
Namilog ang kanyang mga mata. Lumiwanag agad ang aking mukha at natuwa sa kanyang sinabi.
“Sigurado ba kayong dalawa?! Magiging teacher kayo?” Medyo napalakas ang kanyang boses kaya noong marinig ng mga bata na naaaliw sa pagkain ay mabilis nang nagsitakbuhan pabalik sa aming gawi.
“Talaga po, Ate Brielle?!” si Rita.
“Magiging teacher ka po namin?!” si Ismael na nagugulantang narin.
“Kung papayag si Sister…” Humagikhik ako.
“Please po, Sister!” Niyugyog na siya ng mga bata. Kahit si Aira ay ipinagsalikop pa ang kanyang mga kamay, nasa bisig parin ni Tobias. Kinurot ko ang kanyang pisngi at naaliw sa kanya. Tumingin si Tobias sa akin. Tumingin din ako habang nakangiti, hindi iyon mabura bura dahil sa mga bata.
“Oo na! Sige na! Pumapayag na ako! Basta ay huwag kayong masyadong magkukulit at baka mapagalitan kayo ni Kuya Toby niyo pag masyado niyong pinasakit ang ulo ni Ate Brielle niyo.”
Doon naputol ang tinginan namin ni Tobias. Nagpalakpakan ang mga bata. Nakisali ako sa kasiyahan kaya mas lalong umingay. Pinagyayakap nila ako. Lahat ay natutuwa at excited na ako muna ang magiging teacher habang wala pang substitute.
Noong mga hapong iyon ay nagpaalam din naman kaming dalawa ni Tobias para umuwi na. Ang sabi ni Sister, bukas na bukas ay pwede na akong magsimula. Bigla tuloy akong ginanahang gumising ng maaga bukas.
“Masyado kanang napapalapit sa mga bata. Akala mo naman dito kana talaga titira,” aniya habang pauwi na kami at nasa kotse na.
“Kaya habang nandito pa ako ay gagawa ako ng masasayang alaala. Iyon naman ang importante hindi ba? Kaysa naman kalungkutan ang baunin ko sa pag-alis ko. Mas masakit iyon.” Tumawa ako ng bahagya.
Lumingon siya saglit ngunit kalaunan ay nasa daan narin ang tingin. I’m already twenty-two. I’m quite learning how to deal with the things around me.
Hinubad ko ang flats at inusog ang upuan para maipwesto ko ang aking mahahabang binti sa may dashboard. Ipinatong ko iyon doon. Tumingin saglit si Tobias sa pagbalandra ng aking legs ngunit nag-iwas din agad.
“Are you attracted with my legs?” tanong ko, nginisihan siya.
“No,” sagot niya rin naman agad.
Hmm… Hindi pa namin napag-uusapan ang lovelife niya. Meron ba? May naiwan ba siyang babaeng naghihintay sa kanya?
“Hindi ka makakapaglovelife because of guarding me. Is that okay?”
He nodded.
“I’m not so into it. Makakapaghintay ’yan,” aniya sa baritonong boses.
Oh, I see. Sabagay rin naman. He’s good looking. Madali lang maghanap ng babae kung ibabase sa kanyang tindig ay halatang makakakuha agad siya ng babaeng gusto niya.
Ngumiti na lamang ako at pumikit na, gusto munang ipahinga ang sarili lalo na’t napagod ako sa pakikipaglaro sa mga bata.
Siguro kung naging maaga palang ang pagtuklas ko sa aking gustong propesyon ay pipiliin ko nalang na maging teacher. Nag business Ad kasi si Zera kaya iyon nalang din ang kinuha ko, sa kagustuhan kong may makasama ako palagi.
Kaya siguro noon ay litong lito rin ako sa aking mga gusto dahil kahit ako ay hindi ko rin naman alam kung ano talaga ang gusto. Lahat ay ibinabase ko nalang sa ibang tao. I am too weak to decide for my own self. Ganoon ako kahina kaya siguro ayon… humantong sa ganoon.
Hindi ko na namalayan. Noong maalimpungatan ay may kung sino na ang bumuhat sa akin. Nang idinilat ko ang aking mga mata ay ang gwapong mukha agad ni Tobias ang nasilayan ko. Gawain niya ito lalo na’t mabilis akong nakakatulog.
Inilapag niya ako ng dahan dahan sa kama. Doon niya napagtantong gising na ako. I smiled at him.
“Thanks…” Unti-unti akong pumikit, gustong bumalik ulit sa pagtulog.
I felt his lips on my forehead.
“Sleep well,” he whispered.
Hindi ko alam kung naging parte nalang ba iyon ng aking panaginip o talagang naramdaman kong hinalikan niya ako sa aking noo.
Noong magising sa umaga, iyon na ang iniisip ko nang maalala kong muli.
I am not closing the door for anyone. Handa naman ulit akong mainlove. Handa ulit akong magmahal pero sa pagkakataong ito ay doble na ang pag-iingat at hindi dapat magpadala agad sa bugso ng damdamin.
Pero paano kung magkagusto ako kay Tobias? Ganoon din siya sa akin? I think wala namang kaso roon. Iyon nga lang, masyado rin siyang misteryoso sa akin. I don’t want to rush things and I want to give ourselves a chance to know each other first.
O baka naman masyado ko lang binibigdeal, ah! Purket hinalikan lang ako sa noo ay kung anu-ano na agad ang aking maiisip!
“Your breakfast.” Inilapag niya iyon sa aking mesa nang bumaba ako, humihikab.
Unang araw ko ngayon sa Center kaya iyon nalang muna ang mas inisip ko.
Umupo siya sa aking tabi. Naamoy ko agad ang humahalimuyak ng kanyang showergel. Lumapit ako at inamoy pa siya ng husto kaya sa pagkairita ay itinulak niya ang aking noo.
“Ouch!” Sinimangutan ko siya at madrama iyong hinaplos.
“Ang bagal bagal mo. Baka mauna pa ang bell ng pag-uwi ng mga bata kaysa sa pagpasok mo.”
Iyon ang nagpabilis sa aking galaw. Inangat ko agad ang kubyertos at sumubo. Sinalinan niya naman ng tubig ang aking baso.
“Dahan dahan.”
“I don’t want to be late!” sabi ko at sumubo ulit, halos punuin na ang aking bibig.
Nailing si Tobias at isinabit ang tumakas na hibla sa aking buhok.
“Eat slowly. Nasasama na ang ilang buhok mo,” aniya at gumalaw na sa kanyang inuupuan.
He positioned himself behind me at tinalian na ang aking buhok. Naging mabagal ang aking pagnguya. Tobias is caring sometimes. I’m comfortable when I’m with him but I don’t want to be so into it. Ayokong masyadong sindihan ang namumuong apoy at hayaan nalang itong mamatay ano mang oras.
35th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Ma. Viem Imeree Llorente. Happy reading!
Good At Breaking Things
Si Tobias ang palaging tumutulong sa akin sa paggawa ng mga makulay na visual aids sa pagtuturo ko sa Center. His good at drawing! Iyon rin ang kinabibiliban ko sa kanya. He knows how to draw well compared to my human stick. Kahit nga ang pagguhit ng aso ay simpleng bilog lamang, na akala mo ay baboy at ang naiiba ay ang matutulis nitong tainga.
Tuwing gabi, iyon ang aking pinagkakaabalahan. Namimili kami ng mga coloring materials, mga flash cards, prizes, drawing books at kung anu-ano pa. It’s satisfying. Lalo na pag nakikita ko ang reaksyon ng mga bata, ang gaan gaan sa pakiramdam na magturo.
“Isang linggo ka palang na nagtuturo pero ganadong ganado na silang lahat sa’yo,” ani Mother Jovy nang mapadaan sa aming maliit na classroom.
Si Tobias ang nasa loob lalo na’t lumabas ako saglit para makipag-usap kay Mother. Siya ang umaalalay sa ibang mga bata habang nagcocolor ang mga ito.
“Nakakatuwa rin naman po silang turuan,” sabi ko at tiningnan si Tobias na nakayuko sa gilid ni Rita. Nagmukhang maliit ang bata dahil sa kanya. He’s just so manly.
“Mahilig kayong dalawa ni Tobias sa mga bata eh ba’t hindi nalang gumawa?” suhestyon ni Mother na ikinagulat ko.
Mabilis ko siyang nilingon, namumula at mabilis na umiling.
“Hindi po kami ni Tobias Mother…” I was so flustered about it. Humagikhik siya, pasulyap sulyap sa bintana para tingnan si Tobias at ibabalik rin naman agad sa akin.
“Eh kay gwapong lalake ni Tobias. Ang ganda ganda mo rin. Imposibleng walang nabubuong pagtitinginan sa tinagal tagal niyong pagsasama?” Ngumisi siya sa akin ng makahulugan, handa na akong asarin.
Umiling ako. “Kaibigan lang talaga Mother.”
“Asus!” Pasimple niyang kinurot ang aking tagiliran. “Ako na na babae ay gandang ganda sa’yo. Ano pa kaya si Tobias? Napaka anghel ng mukha mo Brielle. Walang lalake ang hindi maaakit pag tinitigan ka.”
Nahihiya akong tumawa. I am not sure if Tobias is attracted with me. I mean… Base on his stares, minsan ay ramdam ko naman na may something pero hindi ko talaga masyadong pinapalaki at kinukulayan ang aking imahinasyon. I don’t want to fail myself from expecting too much. Hinahayaan ko ang usad ng panahon kung saan dadalhin ang lahat ng iyon.
“Hindi niya ako tipo, Mother,” sabi ko at sumulyap ulit sa bintana.
Ngayon ay nasa dako na ni Aira si Tobias, siya naman ang kanyang inaalalayan. The little girl whined something about her missing colors at mabilis iyong natugunan ni Tobias kaya tumahan agad ito, hindi na masyadong nag-inarte pa.
“Eh ikaw… Tipo mo ba?” tanong niya, naroon narin ang mga mata.
Tumayo si Tobias at nameywang. Nag-angat siya ng tingin at napagtantong nakatingin ako. He raised his brow at me. He’s wearing a simple white tshirt with denim jacket pero ang lakas parin ng kanyang dating. Siguro dahil narin sa katangkaran, sa hubog ng katawan at sa kanyang kagwapuhan. Plus his snob aura pero hindi gaanong malala kumpara noong una ko siyang nakita. This time, he’s more tamed.
“Tipo mo, Brielle?” Mother Jovy asked me in her playful voice.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ibinalik kay Mother na nakangisi na sa akin.
“There’s a big chance I’m going to like him, Mother. Maalaga kasi siya kahit ang suplado minsan. He’s such a strict Uncle sometimes.” Humagikhik ako.
“Aba’y huwag mong pigilan ang sarili mong mahulog! Bagay kayong dalawa! Suportado namin kayo. Simula pa man noon ay nakikita na namin kung gaano ka iniingatan ni Tobias, inaalagaan. Baka hindi mo alam gusto kana pala niyan…” Kumislap ang kanyang mga mata sa kanyang mga duda.
If I’m going to fall inlove again, gusto ko iyong wala nang sabit. Iyong alam kong mahal ko dahil mahal ko. Hindi iyong mahal ko lang dahil gusto kong makalimot at mapatunayan sa aking sarili na nakamove-on na talaga. I am completely healing myself from the pain. Siguro, kung handa na ulit ang puso ko ay magmamahal na ulit ako.
Pero sa ngayon ay hindi ko nalang muna masyadong pagtutuunan ng pansin. Love can wait. Ayokong pangunahan ang mga bagay bagay.
Noong magpaalam na si Mother Jovy ay pumasok narin naman ulit ako para tumulong kay Tobias. He licked his lips when I went to him.
“Anong pinag-usapan niyo?” tanong niya.
Tinulungan ko siya sa pagdidistribute noong recess ng mga bata na Zest-O at Mamon.
“Nothing…” Mabagal kong sagot at inilahad kay Ismael ang kanyang recess. Nginitian ko siya at ginulo ang buhok.
“Kuya Toby!” Tumayo si Aira at nagtungo sa kanya. Nilingon siya ni Tobias. Inilahad niya ang kanyang Zest-O kaya kinuha niya iyon at itinusok ang straw.
Noong mapansin narin ng iba pang mga bata ang ginawa ni Tobias ay nagtayuan narin sila at pumila pa para ipagawa iyon sa kanya. Kumuha rin si Kiki ng isa pang Zest-O at inilahad kay Tobias habang ang isang kamay ay may hawak hawak pang isang juice.
“Tusukin mo rin kay Ate, Kuya!” ani Kiki.
Napatingin si Tobias sa akin. Ngumuso ako. Umangat ang kanyang dalawang kilay at kinuha iyon kay Kiki.
Sinaksak niya ng straw ang pwetan ng juice at hindi ko alam kung ba’t masyado akong napalunok doon. Inilahad niya iyon sa akin.
“Ate Brielle oh. Sa’yo narin ito,” si Kiki na binigyan din ako ng Mamon.
Kinuha ko iyon at nginitian siya.
“Salamat Kiki…” Kinurot ko ang kanyang pisngi.
Nagtilian agad ang dalawa pang mga lalake. Tila inaasar nila ito.
“Crush ka po ni Kiki, Ate!” si Ismael.
“Pakakasalan ka raw po niya!” si Arron at tinulak tulak pa si Kiki nang magtungo na ito sa kanyang upuan.
“Hindi pwedeng magpakasal si Kiki at Ate Brielle ’no! Magagalit si Kuya Toby!” si Rita iyon, nakabusangot habang hawak hawak ang kanyang juice at may Mamon pa ang kanyang pisngi.
Nagtungo ako sa kanya at kinuha iyon. Yumuko ako para ayusin din ang kanyang buhok.
“Akin si Kuya Toby ah!” sigaw naman ni Aira na tumakbo agad sa kinatatayuan ni Tobias.
Ang iba naman ay nagsibalikan na sa kanilang upuan, ngunit si Aira ay gusto pa talagang magpakarga kay Tobias.
“Hindi siya para sa’yo! Si Ate Brielle at Kuya Toby ang bagay!” sigaw pa ni Rita habang inaayos ko ang kabilang tali ng kanyang naka pigtail na buhok.
Humagikhik ako at tiningnan si Tobias na naaaliw din sa panunukso ng mga bata. Niyakap siya ni Aira. Ang Zest-O ay nabitiwan pa habang si Kiki ay tumayo narin.
“Akin si Ate Brielle!” sigaw ni Kiki, akala mo ay maiiyak na ano mang oras.
Tumayo narin si Rita, tinaliman ng tingin si Kiki.
“Bakit? Kasing gwapo ka ba ni Kuya Toby? Ha? Ha? Hindi nga kompleto ang ngipin mo!”
Mabilis ang pag-iyak ni Kiki lalo na’t naghagalpakan sina Ismael at Arron. Natatawa kong pinaupo si Rita para awatin sa pang-aasar kay Kiki. Kinagat naman ni Tobias ang kanyang labi, nanonood lamang habang karga karga parin si Aira na ayaw narin siyang pakawalan dahil nakayakap ito sa kanyang leeg.
Noong makaupo na siya ng maayos ay si Kiki naman ang aking nilapitan na nakatago na ang mukha sa desk at pumapaibabaw ang iyak.
“Tahan na Kiki…” Hinaplos ko ang kanyang likod.
Mabilis siyang tumigil sa pag-iyak. Noong inangat niya ang kanyang mukha ay pinunasan ko agad ang kanyang luha sa pisngi.
“Pag lumaki kana, pwede mo na akong yayaing magpakasal,” sabi ko para aliwin ito.
“Pag tumubo narin ang ngipin mo,” si Arron naman, sumasabat pa habang kinakagatan ang kanyang Mamon.
“Wala naman ’yan sa ngipin eh. Nasa puso ’yan,” sabi ko.
Medyo huminahon ang kanyang ekspresyon sa narinig kahit hindi naman talaga masyadong naiintindihan ang aking sinasabi.
“I love you po, Ate…” Nahihiya niyang sambit, tumutulong rin sa pagpupunas ng luha.
“Sige nga… Kiss mo nga ako.” Tinapik ko ang aking pisngi sa pamamagitan ng hintuturong daliri.
Nagtilian sina Arron at Ismael. Tumayo naman si Kiki at mabilis na hinalikan ang aking pisngi. Humagikhik siya at nahihiyang tinakpan ang kanyang labi. Natawa narin ako lalo na’t mas nagtilian lang sina Arron at Ismael.
Ganoon ang palagi naming ginagawa ni Tobias. Napapansin ko, kahit siya ay naeengganyo narin naman sa mga bata. At first, he doesn’t really like the kids since ang sabi niya ay mga annoying daw. Pero noong sa dalas kong pagpunta sa Center at kasama siya roon palagi ay unti-unti narin naman siyang bumibigay lalo na’t ang babait ng mga bata sa kanya.
Mainit ang sikat ng araw sa linggong iyon. Tiningnan ko ang aking sarili sa loob ng kwarto pagkatapos magbihis ng two piece bikini. I think I grew taller at mas nahuhubog na ang aking katawan. Did I lose weight? Ba’t parang ang liit liit ng beywang ko? Idagdag pa ang flat kong tiyan at maliliit na braso ay mas lalong naging nipis ang katawan ko.
Mahaba na ang aking buhok at lagpas dibdib na. The natural curls on it are still there. Nipis lamang ang aking buhok kaya mas magaan itong tingnan. Hinaplos ko lamang ang mamula mula kong pisngi at sa huli ay nagpasya ring lumabas.
“Maliligo po kayo, Ma’am?” tanong ni B1, ang bodyguard na nasa sala.
Tumango ako habang bumababa. Humawak ako sa railings at iginala ang tingin sa high windows.
“Nasaan si Tobias?” tanong ko.
“Nasa labas, Ma’am. Naninigarilyo sa may dalampasigan,” aniya.
Tumango ako at lumabas din naman. Si B2 ay kumaway pa sa akin nang makita ako. Kumaway ako pabalik at naglakad na patungong dalampasigan.
Nakita ko rin naman ang malapad na likuran ni Tobias, nakatanaw sa malawak na karagatan habang hinahangin ang kanyang buhok at ang isang kamay ay nasa beywang.
I went closer to him. Sumilong narin ako sa lilim ng punong tinatayuan niya. Noong makalebel na sa kanyang gilid ay huminto ako at inilagay ang aking mga kamay sa aking likod. Nalaglag ang tingin niya sa akin at sumulyap sa aking bikini top.
“Mainit. Maliligo ako,” sabi ko.
Binuga niya ang sigarilyo sa kabilang dako at tumango, hindi na muling tingin sa akin at lumipad na iyon sa kabilang dako.
“Ayaw mong maligo?” tanong ko.
“It’s not a good idea,” he said deeply.
Oh… Is it a turn on for him to be with me on the water? Wala ba silang kontrol sa libido nila?
“Ganyan ba ang epekto ng mga babae sa’yo… O… Ako lang?”
Humithit siyang muli ng kanyang sigarilyo. Hindi ko iyon maamoy lalo na’t mas nananaig sa aking ilong ang kanyang pabango. It’s very strong and very manly.
Nagkibit siya, dahan dahang ibinuga ang sigarilyo. I remembered someone pero hindi ko na masyadong hinayaang mamalagi sa aking isipan. I watched him more.
Tumingin siya sa akin, tila naaalibadbaran na naman sa aking paninitig. Hinangin ang aking buhok kaya mabilis iyong sumayaw. He swallowed as his shoulder loosened.
“Asshole,” sabi niya, matabang ang boses.
Kumurap ako. “Asshole? Ako?” Itinuro ko ang aking sarili.
“He’s an asshole for hurting and not choosing you…” marahan niyang bulong, ang boses ay tila nadidismaya pa.
Huminahon ang aking ekspresyon at nagloosen ang aking balikat. Tiningnan ko ang kumikinang na dagat dahil sa sikat ng araw na tumatama roon. Parang may mga maliliit na kristal na nakalutang at masyadong kulay bughaw ang malinaw na tubig.
Itinaas ko ang aking mga kamay at nilanghap ang preskong hangin. Pumikit ako, hinayaang bumalik ang lahat ng alaala sa nakaraan.
“I think the pain is worth it since I learned alot…” sabi ko habang nakikita sa aking isipan ang masakit na araw na iyon. Ang kauna-unahang lalakeng minahal ko, ang kauna-unahang lalakeng nanakit sa akin.
“Do you still… love him?” tanong ni Tobias sa marahang boses.
Dumilat ako at natawa. Huli kong iyak sa kanya ay noong nasa hospital ako. Ibinuhos ko na ang lahat lahat. Inubos ko na ang natitirang pagmamahal at naiwan nalang ang kanyang pananakit, ang galit na nararamdaman ko para sa kanya.
But I am not really hating him so much. Naisip ko rin na magsilbi nalang siyang leksyon sa akin. Pero hindi naman ibig sabihin noon na okay na ang lahat sa amin. If I see him again, I’d gladly thank him for hurting me. Dahil doon ay nakawala ako sa kanyang pagkakahawak. I free myself from his grip. I learned from the wrong person I love. Ang rami rami kong natutunan at iyon nalang ang positibong iniisip ko kung ba’t pa siya dumating sa buhay ko kung hindi rin naman pala siya para sa akin.
“I’m still healing… Pero ayoko na,” I answered honestly.
He licked his lips and nodded slowly. Tumakas ang kaonting sinag ng araw at hinagkan ang kanyang mukha. Ang maitim na buhok ay mas lalong umitim. Ang mukha ay mas lalong lumiwanag. The black sleeveless his wearing looks attractive to him.
“Let’s swim?”
In a swift motion, he pulled his shirt at his back at mabilis na tumambad sa akin ang topless niyang katawan.
I’ve seen him topless many times. May mga araw na mag-isa siyang naliligo at papanoorin ko lamang siya sa veranda ng aking kwarto. He’s very well toned. Marahil ay dahil narin iyon sa pagiging eksperto niya sa baril at sa paglilift.
Nauna akong tumakbo sa dagat. Humabol lamang siya. Natatawa ko siyang sinabuyan ng tubig pero noong gumanti siya sa akin ay naubo na talaga ako dahil sa pagpasok ng maalat na tubig sa aking bibig.
“Ew!” sigaw ko nang mapagtantong nalasahan ko pa iyon.
Humalakhak si Tobias at sinuklay paatras ang buhok. Ang sinag ng araw ay hinahalikan narin ang basa niyang katawan kaya parang kumikinang narin ito. Wow… Ang gwapo niya pala talaga. Baka sa kakatitig ko ay magkagusto pa ako.
Lumangoy ako papalapit sa kanya. Nanatili siya sa kanyang pwesto, tila hinihintay lamang ang paglapit ko. Noong tuluyang mapalapit ay mabilis ko siyang sinabuyan muli ng tubig.
Hinilamos ni Tobias ang mukha at natatawa akong pinigilan lalo na’t hindi ko na talaga siya tinantanan. Umalingawngaw ang kaingayan naming dalawa. Sa kanyang kagustuhang pigilan ako sa pangwiwisik ng tubig ay hinila niya ako lalo palapit hanggang nadikit ako sa kanyang dibdib.
His chest is really hard, like a rock. My boobs got squeeze as his hand was supporting my back, ang isa namang kamay ay nakahawak sa aking pulso para patigilan na iyon sa paggalaw.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkalapit kami ng husto. Nahulog ang tingin niya sa akin at noong umahon ang aking mga mata sa kanya ay nagkatitigan pa kami.
He swallowed hard as his lips parted. Tumitig siya ng husto sa akin, tila namamangha sa isang bagay dahil sa pangingislap ng kanyang mga mata.
“You are so damn pretty,” halos ibulong niya iyon, tila wala sa sarili at hindi nakaligtas sa aking pandinig.
Namula ako sa kanyang sinabi. Humawak ako sa kanyang batok dahil parang hinihigop na ang aking lakas. His jaw clench, like it’s a sin to hold him like this, to be so close to him like this.
Ngumiti ako sa kanya.
“Ang ganda ng mga mata mo Tobias,” sabi ko habang nakatitig doon.
Ngumuso siya at binitiwan ang aking pulso para suklayin ang buhok paatras. Isang tikhim niya lang ay sumeryoso muli ang kanyang mukha ngunit unti-unti nang dumadaos-os ang kamay sa aking beywang.
“Is this… fine?” Hinawakan niya ang aking beywang.
Tumango ako, ngumingisi sa kanyang paos na boses.
He breathe deeply. Walang wala ang lamig ng tubig nang tumama ang mainit niyang hininga sa aking pisngi. I chuckled more, lost with my senses.
“You’re hard…” I whispered when I felt him.
He chuckled like I found out his little secret.
“Ngayon alam mo na?” bulong niya, nasa balikat ko na ang baba habang umaalon kaming dalawa sa tubig.
“That? I’m turning you on?” Sinilip ko ang kanyang ekspresyon.
Kinagat niya ang labi at tumango, ang kamay ay mas humigpit pa sa aking beywang. Humagikhik ako.
“Is it because of my boobs? Dahil masyado akong malapit? Should I pull myself back?”
“No!” agap niya, ayaw sa aking naisip.
Ngumuso ako. Natutuwa sa kanyang agarang pagtanggi.
“I will not take responsible for that, Tobias,” sabi ko sa pilyang boses.
He sighed heavily. “Fuck it…”
Humalakhak ako nang niyakap niya ako ng mahigpit. I am not closing the door… Hindi ko pinagbabawalan ang sarili ko dahil noong nagmahal ako ay masarap iyon sa pakiramdam. Napapasaya ka ng pagmamahal at ayoko namang ikulong ang sarili ko sa kalungkutan.
Kung nahulog ako kay Tobias, hindi ko naman iyon pagsisisihan dahil mabait siya at alam kong hindi niya ako kayang saktan.
But isn’t it scary when you’re the one who’s capable of hurting someone? Paano kung sa kagustuhan mong huwag masaktan ang iyong sarili ay ikaw na pala ang nakakapanakit?
Kumalma rin naman siya ilang minuto ang nakalipas. Panay ang panunukso ko sa kanya kahit sa gabing iyon ay umaalingawngaw parin ang aking tawa sa loob kaya halos ang talim ng tingin niya sa akin.
“It’s normal,” sabi niya, para tigilan ko na siya.
“Uncle. I am just twenty-two…” Humagalpak ako lalo.
Namula siya ng husto. Kahit ang cook namin na si Aling Honey ay naaliw rin sa aming dalawa dahil pangisi ngisi ito, nakikinig lamang.
Nahilamos ni Tobias ang kanyang mukha, nakasandal sa upuan at problemadong problemado, hindi kinakaya ang pang-aasar ko.
“So? You’re not a fucking minor,” pagsusuplado niya.
Ngumisi ako at humilig sa mesa. He licked his lips, trying to avoid my eyes pero nabibigo lamang siya. He’s willing to stare back at me.
“And you’re twenty-six, Uncle.”
“Shut-up.”
“You’re twenty-six and you’re old. Sayang… Ang gwapo gwapo mo pa sana, kaso paano nalang kung tumanda tayong dalawa edi ikaw ang unang mamamatay? Maiiwan akong mag-isa.”
Kumalma ang kanyang ekspresyon, nag-angat ng kilay sa akin. Humilig narin siya sa mesa, medyo malapit na. Hindi ko namalayan ang kanyang atake at napadaing nalang ako nang pinitik niya ang aking noo.
“You’re saying impossible things…” he drawled lazily.
“Bakit? Totoo naman ah? Sa ating dalawa, ikaw ang mas mauuna-”
“Na tatanda tayong magkasama?” putol niya, na iyon ang kanyang pinupunto.
Naiwang nakaawang ang aking bibig sa ere. Nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi ay natutop din iyon. Nilingon kami ni Aling Honey nang mamuo na ang katahimikan lalo na’t busy siya sa kanyang niluluto at ginagawa naming tambayan ang kusina para lang mag-ingay.
Namulsa siya at bumalik ulit sa pagkakasandal sa kanyang upuan. Naninimbang ang kanyang mga mata sa akin, may gustong sabihin ngunit hindi lamang masabi dahil narin siguro sa presensya ni Aling Honey.
“Luto na. Baka gutom na kayo. Papapasukin ko narin maya-maya iyong tatlo pa para makakain narin,” ani Aling Honey at hinuhubad na ang apron.
Tumayo si Tobias at gumagalaw na para ihanda ang mesa. Tumayo rin ako para tumulong. Kumuha siya ng bowl para sa ulam at ako naman sa mga plato.
“Nako, ako na riyan Brielle… Umupo ka nalang,” sabi ni Aling Honey at inagaw iyon sa akin.
“Gusto ko pong tumulong,” sabi ko.
“Umupo ka nalang. Ang hirap pa namang maglinis ng basag na mga gamit,” ani Tobias na ikinabusangot ko agad.
“Excuse me! I know how to place the plates properly!” singhal ko.
Lumingon siya sa akin, tanging ulo lamang ang gumalaw. Ang mga matang iyon ay tila may pinapaalala, mga kapalpakan ko noon na kitang kita niya at siya rin naman ang naglilinis.
“You’re good at breaking things…”
Tumawa si Aling Honey. Sinamaan ko Tobias ng tingin. Marahang itinulak ni Aling Honey ang aking likuran at iginiya ako pabalik sa aking upuan.
“Umupo ka nalang Brielle. Nagsisimula na naman kayong dalawa eh.” Natatawa niyang sabi.
Pagkaupo ko ay doon ko naisip ang sinabi ni Tobias. I’m good at breaking things? Ano pa bang kaya kong basagin maliban sa mga gamit sa kusina? Kung makapangbintang siya akala mo ang rami ko nang nababasag.
Or… Maybe… He’s talking about something else?
36th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Myx Karyll. Happy reading!
Landon Amarillo
Pasko… New Year… Kaarawan ng aking mga Kuya… Kaarawan ko. Kaarawan ng aking mga pinsan, nina Mommy, Daddy… Lahat ng iyon ay lumipas na parang bula sa ere. Sa bilis ng usad ng panahon ay takang taka na ako kung bakit parang wala atang kasalang nangyayari.
Nagtagal akong teacher sa Center lalo na’t mas napamahal na sa akin ang mga bata. Ako parin ang nagtuturo sa kanila dahil mukhang iyong hinihintay nilang Substitute ay hindi rin kaya ang sahod.
Wala akong balita kung ano na ang nangyayari. Bakit hindi parin ako pinapauwi? Ilang taon na kaming nabubulok dito ni Tobias at parang naging bahay nalang namin ang Resthouse, naging mga Uncle ko naman ang aking mga kasama sa loob na todo bantay parin sa akin.
Ang ibig sabihin lamang nito ay hindi parin natutuloy ang kasal. O baka naman ikinasal na pero wala lang binabanggit sa akin dahil baka iniisip nila na nawiwili narin ako rito at baka masaktan lang ako sa balita pag nalaman ko iyon.
If Anzai is happy with her eh ano pang magagawa ko? Tapos na akong masaktan. Matagal na akong nasaktan. Ito pa ba? I already accepted our fate. Tanggap ko na ang lahat. Then why are they delaying the marriage? Ano? May iba na namang pakulo? Baka naman pinagsaawan niya narin si Sienna at may panibago na ulit?
I’ve been thinking about it for the past days. Wala naman akong binubuhay na pag-asa sa aking imahinasyon at matagal narin namang namatay ang mga kulisap sa aking tiyan pero hindi ko lang talaga maiwasang isipin ang bagay na iyon.
Did he change his mind? Anzai is very hard to read. Hindi mo siya map-predict sa isang sulyap o titig lamang. Kahit nga ilang taon mo na siyang kilala ay parang hindi mo parin ito lubusang kilala, kung ano talaga ang tunay na pagkatao nito. Why is he delaying the marriage? Iyon talaga ang gumagambala sa isipan ko.
Hindi ko makalma ang aking isipan sa araw ng Sabadong iyon. Walang pasok ang mga bata kaya heto ako sa Resthouse, malalim ang tingin sa mainit na kumikislap na karagatan.
May kumatok. Lumingon ako at nakitang pumasok si Tobias. Hawak niya ang cellphone at itinuro iyon.
“Tumatawag ang Mommy mo,” sabi niya.
Noong marinig ko iyon ay mabilis akong tumayo at nagtungo sa kanya. Bumaba kaming dalawa. Tumakbo pa ako sa hagdan makalabas lang agad sa Resthouse para makapaghanap ng magandang signal lalo na’t hindi gaanong malinaw ang boses sa kabilang linya sa tuwing nasa loob.
“Mommy?” Naglakad lakad ako, si Tobias naman ay nakabuntot.
“Elle… baby…”
Napangiti ako nang marinig ang kanyang boses. Tumigil ako at sumilong sa lilim ng puno. Tumigil din si Tobias, seryoso ang tingin sa akin.
“How are you? Miss na miss kana namin ng Daddy mo. Natanggap mo ba ang mga padala namin? Did you like it?”
“Yes, Mommy. Thanks sa magagandang damit. I like it so much,” sabi ko.
Bumuntong siya ng hininga. Sumandal naman ako sa katawan ng puno habang tinitingnan ang aking sandals na medyo napasukan ng buhangin. Iniyugyog ko iyon para maalis.
“Hindi ka naman nalulungkot diyan? Nabalitaan ko kay Tobias na nawiwili kana raw sa pagiging teacher. I’m happy at may napagkakaabalahan ka.”
“Nakakatuwa kasi ang mga bata. I am even planning to have a lisence in teaching. I’m starting to love the kids…” I chuckled.
“Pwede naman Brielle. You can take Education. Hindi pa naman huli ang lahat…”
Bumuntong ako ng hininga at nilingon si Tobias na tinitingala ang lilim ng puno habang nakapamulsa.
“Kailan ako uuwi, Mommy?” tanong ko, nacucurious na kung ano na ang nangyayari.
Tumikhim si Mommy. Saglit siyang natahimik at tila naririnig ko ang boses ni Daddy sa kabilang linya.
“Sabihin mo na…” si Daddy iyon, tila nakikinig lamang.
“Ikaw nalang kaya?” si Mommy naman. Mukhang nagpapasahan na ang dalawa.
“What is it?” tanong ko, medyo nagtataka na.
Sumulyap sa akin si Tobias. Nagkatitigan kami saglit. It’s like he’s curious too.
“Ah… Your Daddy and I decided to add another bodyguard for you,” bulong ni Mommy, hindi gaanong klaro.
Umalis ako sa pagkakasandal sa puno at naglakad lakad pa para mas makahanap ng magandang signal. Noong makarating muli sa isang lilim ng puno ay doon naman ako sumilong. Si Tobias ay umabante narin, medyo malapit na ulit sa akin.
“Ano ’yon, Mommy?” tanong ko.
“Your father and I decided to add another bodyguard for you. Bale… For safety purposes lang naman…” ani Mommy.
“Tobias is an expert bodyguard, Mommy. Nandito rin ang tatlo pang mga bodyguard. Tatlong taon na ang lumilipas at wala namang nangyayari sa akin. What’s happening?” Gulong gulo ako lalo na’t kahit si Tobias ay nagkasalubong ang kilay.
“Baby, this is your Daddy.” Boses na iyon ni Daddy.
Pumikit ako at tumingala, hinayaan ang sinag ng araw na tumakas sa lilim ng mga dahon at hinagkan ang aking mukha. Mainit ang pagtama noon na sandaling nagpatikom ng aking bibig.
“We’ll add another bodyguard. May nakuha kami ng Mommy mo na magaling din. Baka next week ay nariyan na siya. His name is Landon,” si Daddy.
I don’t get it. Bakit sila nagdadagdag ng bodyguard? Iyon ang gusto kong malaman at hindi ko talaga mapunto kung ano ang dahilan. Is this because of the marriage?
“Hindi parin sila kinakasal?” Naging matabang na ang aking boses.
Hindi agad sila nakasagot. Kinagat ko ang aking labi. What’s happening? Anong rason, kung ganoon? Akala ko ba atat na atat na silang matali sa isa’t isa? Nauuna na nga ata ang kanilang honeymoon eh. Mukhang sobra pa sa pagpapatungan ang ginagawa ng dalawa lalo na’t mukhang madalas si Sienna sa kanyang condo.
Huwag nilang sabihin sa akin na nagtitigan lang? And the way they kissed? Imposibleng walang hubaran ang naganap. Baka nga at sobra pa sa kainan ang kanilang pinaggagawa! Thinking about it makes me wants to vomit. Anzai is such a slut.
Kailanman ay hindi ako nagalit kay Sienna. Siguro dahil wala rin akong pinanghawakang pangako sa kanya. Lahat ay naibuhos ko kay Anzai sa araw na iyon kaya sa kanya ako mas sumiklab. Kung hindi lang talaga sana siya nangako…
Pero hayaan na. I am already over it. We’re living our different lives now. Alam ko namang hindi na mauulit ang pananakit na iyon. And I am not living in guilt. I already free myself from it. Sinikap kong maging masaya, kahit hindi na kasing saya noong una ay sinisikap ko parin.
“Baka naman hindi lang pinublic, Dad?” tanong ko, lalo na’t hindi niya agad iyon nasagot.
“I don’t know baby… Suhestyon din naman ni Papa na mas mainam ngang dagdagan ka nalang ng bodyguard para mas makasigurado tayo.”
Bumuntong ako ng hininga at tumango, kahit alam kong hindi niya iyon makikita. I can feel Tobias’ deep stares at me. Naguguluhan siguro iyan sa frustration ng aking mukha.
“So… When is he coming? The new bodyguard? Did Grand Uncle Rico hire him?”
“Hindi. Kami lang ng Mommy mo ang naghanap ng pwedeng idagdag dahil nahihiya narin kami sa Grand Uncle mo. Masyado na tayong nakakaabala. Nakabase pa naman iyang si Tobias sa Canada kaya hindi rin iyan basta basta kaso masyadong napaparanoid ang Mommy mo kaya magpapadala ulit kami ng isa pa.”
“Iyong Landon na tinutukoy niyo?”
“Yes… We found him here. Si Landon Amarillo. Eksperto rin naman sa baril at may mga karanasan narin sa pagiging bodyguard. I’m sorry for this, baby… Konting tiis pa.”
“I understand, Daddy. Besides, hindi naman ako gaanong nalulungkot dito. May nakakausap naman ako at napagkakaabalahan.” Sumulyap ako kay Tobias na hinahangin na ang buhok, pinaglalaruan na naman iyon.
My father chuckled.
“May teacher na pala dapat kami?”
Natawa rin ako. “Sana nga… Masaya palang magturo ng mga bata.”
Doon na umikot ang aming topic ni Daddy. He’s asking many things. Nagkukwento rin ako ng kung anu-ano lalo na iyong bago kong kaibigan dito na si Potpot, isang batang naglalako ng pandesal sa umaga at palagi akong hinahatdan noong special pandesal na may cheese sa loob. Gumigising ako ng maaga para lang doon lalo na’t mainit init pa iyon.
Kadalasan ata sa mga nagiging malapit din sa akin dito ay mga bata na, maliban din kina Sister at Mother Jovy, iyong mga nasa Center. I am also close with B1, B2 and B3 lalo na kay Aling Honey na aming cook. She’s the one who’s helping to how to cook. Kahit papaano ay marunong narin akong hindi magpaliyab ng pagkain.
Tobias and I remained close. Kung dati ay close kami, ngayon ay mas tumibay at lumalim ang aming friendship. We used to talk alot, lalo na tuwing gabi at tambay kaming dalawa sa dalampasigan habang may bonfire sa gitna. Tuwing tanghali naman ay napapansin niya ang hilig kong tumambay roon habang tinatanaw ang magandang sunset, ang paglubog ng araw at kung paano unti-unting nakukulayan ang kalangitan.
I am always inlove with the sunset. Kahit wala na iyong taong nakasama ko sa magagandang alaalang binuo ko kasama iyon ay ipinagpatuloy ko parin. I don’t want to hate it just because we both like it. Maganda parin naman ang sunset, hudyat ng pagtatapos ng araw. Na kahit mag-isa mo iyong panonoorin ay mananatili parin iyong maganda sa iyong mga mata. Sadyang ang damdamin lang talaga ang nagbabago.
Nasali narin sa aming usapan ang nalalapit kong birthday. Katulad ng aking nakagawian ay sa Center parin ako magc-celebrate kasama ng mga bata, lalo na’t coincidence din na magkatulad ang birthday namin ni Kiki.
“Magdadagdag daw sina Daddy at Mommy ng isa pang bodyguard,” sabi ko nang ibalik ko kay Tobias ang cellphone pagkatapos ng usapan.
Umangat ang kanyang kilay. “Isa pa?”
Tumango ako at bumuntong ng hininga. Hindi naman sa ayaw ko na rito pero gusto ko narin sanang makauwi at makita sila, ang mga pinsan ko. Pero kung hindi pa talaga pwede ay hindi ko rin naman ipipilit.
Sa eksaktong alas singko ng hapong iyon ay natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakaupo sa dalampasigan. Maganda ang pagkalat ng sunset sa kalangitan at kahit ang dagat ay tila nakukulayan narin. Kulay dilaw iyon na may pagka orange at yellow, masyadong matingkad na kahit ang pula ay makikita mo roon.
Ano kayang nangyayari? Anzai, that ruthless devil… Ano na naman kaya ang kanyang pakulo at hindi pa sila kinakasal noong fiancee niya? He got chickened out? He realize he’s not yet ready? Oh funny. Anak na nga lang ang kulang at pwede na silang happy family. Anong pinagkakaabalahan niya at wala paring nagaganap na kasal?
I am turning twenty-four this Friday and he’s five years older than me. Edi nasa twenty-nine na iyon. What an old Uncle…
Hindi ko nalang ulit masyadong inisip. Ayoko siyang namamalagi ng matagal. Naisip ko lang talaga siya ngayon dahil nalilito ako sa nangyayari, kung ba’t wala paring kasalang nagaganap.
O baka naman palihim lang? They want to keep it as a secret? Ugh. Nevermind.
Sa nagdaang araw ay naging busy ulit kami ni Tobias sa mga bata. Bumili kami pwedeng iregalo kay Kiki sa araw ng Martes na iyon.
“Ano bang hilig ni Kiki?” tanong ko habang sinusuyod ang hindi kalakihang Mall sa hapon ng Lunes.
“Toys?” si Tobias naman, nakapamulsa sa suot niyang dark pants at naka simple white t-shirt lamang.
Tumigil ako isang bola. He loves basketball. Madalas silang naglalaro ng basketball. Ang nagsisilbing ring ay ang trashcan at ang kanilang bola naman ay iyong papel lamang na kanilang pinaglulukot para maging bilog.
“Ito nalang?”
Tumango siya at kumuha rin noong maliit na ring. Bumili narin kami ng paperbag para may mapaglagyan.
May nadaanan kaming jewelry store. Maliit lamang iyon. Kung hindi tumigil si Tobias para sumulyap ay hindi ko rin mapapansin.
“Anong gusto mo rito?” Itinuro niya ang mga necklace na nakahelera.
“Huh?” Natatawa kong tiningnan ang seryoso niyang mukha.
“Choose,” aniya sa baritonong boses.
“Huwag kanang gumagastos-”
“It’s my birthday gift for you,” sabi niya nang tingnan niya ako.
Natutop ang aking bibig. Noong nag twenty-two ako ay niregaluhan niya ako ng bracelet. It’s an ordinary yet elegant bracelet. Nasa akin parin iyon. Noong twenty-three naman ako ay niregaluhan niya rin ako ng anklet. At ngayon… ito na naman.
Kinagat ko ang aking labi at tumingin narin sa loob. Ang saleslady ay pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Tobias, minsan ay mamalagi pa ang mga mata kay Tobias at makakalimutan na ang aking presensya.
“Hmm… Ito?” Itinuro ko sa transparent glass ang necklace na may pendant na twin heart shape. Kulay gold iyon at may kaonting diamond pa ang bawat gilid.
“Bibilhin ko, Miss,” walang pagdadalawang sabi niya, dinudukot na ang wallet sa bulsa ng kanyang pants.
Tobias is treating me well these past few months. Ramdam ko iyon dahil hindi narin siya madalas na nagsusuplado sa akin. He’s always calm at madalas naring tumawa. I think it’s one of his side na hindi ko inaakalang makikita ko.
Bumalik din naman kami sa Center. Sinalubong agad kami ng mga bata. They’re quite growing. Si Kiki kompleto na ang ngipin. Si Rita ay may bangs at si Aira ay shoulder length na ang buhok. May mga pagbabagong nangyayari sa pag-usab ng taon at sa sobrang bilis ay nakakatakot narin minsan.
Pagkasapit ng aking kaarawan ay napuno ng dekorasyon ang Center. Nagpacatering ako para hindi narin mahirapan sa pagluluto at nag-imbita rin ng mga aaliw sa mga bata katulad ng clowns.
“Hiyang hiya na naman kami sa’yo Brielle. Ang laki laki ng ginagastos mo. Imbes birthday mo eh mga bata ang mas pinaprioritize mo,” ani Sister Wilcel nang naghagalpakan ang mga bata sa palabas ng clown.
“Wala po ’yon. I’m happy seeing them happy. Malaking birthday gift na iyon sa akin,” sabi ko.
“Kaawaan ka ng Diyos… Ang hiling ko sa’yo ay maging masaya ka palagi dahil ang bait bait mong bata.”
Ngumiti ako kay Sister Wilcel. Ang sarap rin naman kasi sa pakiramdam kung ikaw iyong tumutulong. My father taught me to share my blessings to those less fortunate. Kung may kakayahan kang tumulong ay huwag mo iyong ipagdamot sa iba. Iyon rin ang nakikita ko sa aking mga pinsan, sa aking mga Tito. We always share our blessings.
Pagkatapos noong palabas ng mga clowns para ientertain ang mga bata ay kinantahan narin naman ako ng Happy birthday nilang lahat. Kasama ko si Kiki sa harap ng cake, lalo na’t sabay rin kaming iihipan ang kandila.
“Bago mo hipan ay magwish ka muna, Brielle!” si Mother Jovy iyon.
Tumango ako at niyakap si Kiki na nakatayo sa upuan sa aking harapan. Pumikit ako at nanalangin. I want to fall inlove again. Gusto ko nang magmahal ulit at pakiramdam ko ay ito na ang tamang panahon. Ang hiling ko ay sana, kung magmamahal man ako sa ikalawang pagkakataon ay sa taong alam kong hindi ako sasaktan. But pain is always there kaya iba ganito nalang siguro. Gusto kong magmahal ng taong karapat dapat sa sakit.
Dumilat ako at nagkatitigan agad kami ni Tobias. He smiled at me. Ngumiti ako pabalik at sabay naming hinipan ni Kiki ang kandila.
Pumalakpak sila. Gamit ang mga kamay ni Kiki ay pinalakpak ko rin iyon kaya humagikhik siya habang ang kanyang mga kaibigan ay tinutukso na naman ito.
Naging busy na ang lahat sa kainan. Ang ikinatuwa ko naman ng husto ay ang pagbibigay ng mga gifts ng mga bata na sarili talaga nilang efforts. Nakakalusaw ng damdamin ang mga gawa nilang letters at may iba iba pang decoration.
Inilapag ni Tobias ang pagkain ko sa mesa na kinuha niya para sa akin. Hindi mabura-bura ang aking ngiti habang binabasa ang letter ni Kiki na puro pa I love you. May ginuhit din siyang stick figure na mga tao. Kami iyon. Magkahawak ang mga kamay at puro malalaki ang ngiti.
“I have mine, too…” May inilahad na papel si Tobias sa akin.
Doon napunta ang tingin ko. Wala iyong gaanong decoration pero sapat na ang magandang papel para magmukha itong maganda.
Did he write a letter for me? Sa araw araw naming pagsasama, may mga hindi pa siya nasasabi sa akin at doon niya idinadaan?
Inilapag ko ang ilang mga letters ng mga bata at tinanggap ang kanya. He looked away. Hinaplos niya ang batok.
“Read it when you’re alone… I can wait for your answer…”
Sinilip ko ang kanyang ekspresyon ngunit ipinagdadamot niya na iyon sa akin. Tumango ako at isinilid iyon sa aking sling bag. I wonder what kind of letter did he write for me. Baka naman…
Sumali rin ako sa pagames para sa mga bata. Pumapaibabaw ang hagalpakan lalo na’t pinagkakaisahan naming lahat si Tobias na maiiling nalang at ngingisi.
Ganoon ko palagi sinicelebrate ang birthday ko at nakokontento naman ako dahil narin doon na ako nagiging masaya. Ibang iba ito sa mga nakasanayan kong parties sa syudad, sa mga mamahaling regalong natatanggap, sa sosyal na mga bisita, pero iyong ngiti ng mga bata ay parang walang makakapantay na saya noon. It’s foreign and refreshing.
“Seven na po ako. Pwede na po tayo?” tanong ni Kiki na ikinatawa ko lalo na’t may icing pa ang kanyang pisngi.
Pinunasan ko iyon gamit ang tissue. Naglalaro ang iba niyang mga kaibigan dahil sa mga nagkalat na mga balloons. Iyon ang pinagkakaguluhan nila at naghahagikhikan sila habang nag-eespadahan gamit iyong hotdog na mga balloons.
“Masyado pang bata. Pag nasa mga twenty kana…” sabi ko.
Mabilis niyang tiningnan ang dalawa niyang palad at nagbibilang na roon.
“Seven ako. Twenty minus seven… Equals…” Natagalan siya roon at binilang pa ang kanyang mga daliri. Ngumuso ako, natutuwa sa panonood.
“Thirteen? Tama po?”
Tumango ako at pumalakpak. “Tama! Nagiging matalino kana sa hate mong subject ah…”
Ngumuso siya. “Thirteen birthdays pa po?”
“Oo Kiki.” Humagikhik ako at sumulyap kay Tobias na hinihila na ni Aira.
“Edi… Matagal tagal pa po pala?”
“Oo…” Nahuli ko ang mga mata ni Tobias na sumulyap siya sa akin. Natawa ako noong pinagtulungan siyang hampasin ng mga bata na ang liliit kumpara sa kanyang tindig.
“Huwag ka po muna kay Kuya Toby, Ate Brielle. Hintayin niyo po ako ha. Paglaki ko… Mas malalamangan ko ’yang si Kuya. Mas gwapo ako at kompleto na ang ngipin ko,” pagmamayabang niya.
Kinurot ko ang kanyang mga pisngi, natatawa sa kanyang pinagsasabi.
“Mas malalamangan mo nga ’yang si Uncle Tobias. Mas gwapo ka pa riyan. Mas cute… Mas bubbly…”
Namumula siyang nagpigil ng ngiti. Sa kahihiyan ay nagpaalam nalang agad itong makisali sa laro na kahit ako ay pinasali niya rin.
Sa rami ng nangyari ay pagod na pagod na ako noong makauwi kaming dalawa. Nakipaghabulan ako sa mga bata! Kaya noong bumagsak na ako sa aking kama ay deritso na agad ang tulog ko.
Pagkagising ko ay sina B1, B2 at B3 ang natyempuhan ko sa Resthouse. Nagluluto naman ng marami si Aling Honey na ipinagtaka ko pa.
“Ano pong meron?” tanong ko.
“Sinundo na kasi ni Tobias iyong bagong bodyguard mo. Maya maya ay baka nandito na sila kaya nagluto na ako ng marami,” ani Aling Honey at masyado pang aligaga sa kusina.
“Do you want help po?”
“Ay nako huwag na Brielle. Kumain kana lang…”
Tumango ako at umupo para kumain. Pinanood ko lang ang mabilis niyang kilos. So… Ngayon na pala darating iyong Landon Amarillo? Siguro kaedaran lang rin ni Tobias dahil iyon din ang nabanggit sa akin ni Mommy.
Pagkatapos ko rin namang kumain ay ako na mismo ang nagpasyang hugasan ang aking pinagkainan para hindi na makaabala kay Aling Honey. Medyo alam ko narin naman kahit papaano.
Noong mabagot at walang magawa ay nagpasya nalang muna akong maligo. Wearing my two piece bikini, lumangoy ako sa malamig na tubig ng dagat. Buti nalang at hindi ako masyadong nangingitim kakaligo rito. Namumula lamang ako pero pagkatapos noon ay babalik ulit ang tunay kong mala gatas na kutis. Kadalasan din naman ay tuwing gabi na ako naliligo rito at madalang lang ang ganitong oras. Sadyang nabobored lang ako dahil wala si Tobias at wala akong makausap.
Sa ilang oras na pagbababad ay lumitaw rin naman si Tobias, tila kakadating lamang at may kasamang lalake.
Umahon agad ako. Sinuklay ko paatras ang basang buhok habang naglalakad patungo sa kanilang dako at piniga pa iyon. Nag-angat ako ng tingin lalo na’t may mga matang tila nakakapaso ang paninitig. Noong una, akala ko ay galing iyon kay Tobias. Pero noong napagtanto kong galing sa kanyang kasama ay binalingan ko na iyon.
His devilish stare made me stop from walking. Wearing a leather jacket, grey tshirt, dark jeans, shoes and his dark expression, alam ko na agad kung sino iyon. It’s Anzai!
Ang kanyang mga mata ay mapangparusa ang paninitig, na siya lamang ang makakatitig ng ganoon sa akin, tila galit agad kahit na kalmado lamang ang ekspresyon.
Why is he here?! At bakit parang wala man lang ka rea-reaksyon ang mga bodyguard? Si Tobias?! He’s Anzai! Siya ang Castellano na hindi pwedeng lumapit sa akin!
Bago ko pa maisaboses ang aking iniisip ay nagsalita na si Tobias, tila napansin ang aking pagkatigil.
“This is Landon Amarillo. Siya iyong ipinadala ng parents mo na bagong bodyguard…”
No… No! May mali rito! He looked like Anzai! Hindi lang kamukha! Kamukhang kamukha at pakiramdam ko ay siya talaga si Anzai! His eyes! His ruthless aura! It’s him! Hindi ako pwedeng magkamali!
37th Gripped
Gripped
Mas Bagay
Kinilatis ko siya ng husto sa aking mga mata. He eyed me intensely, firing back like I did something offending to him. Unti-unti, ang mga matang iyon ay nalaglag sa aking dibdib. Nangilabot ako dahil pati ang galaw ni Anzai ay kaparehang kapareha.
He likes staring at my boobs at ganoon din itong si Landon! It’s because it’s him! He’s just trying to act like he doesn’t know me, na ibang tao siya pero hinding hindi niya maiaalis sa kanyang sarili ang katauhan ni Anzai. Mga mata palang, alam ko na agad!
“Brielle,” tawag ni Tobias kaya kumurap ako at medyo natauhan.
Naglakad akong muli at tuluyang lumapit. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang paggalaw ng panga ni Anzai- Landon?
“Siya ang bagong bodyguard?” Pangungumpirma ko kay Tobias habang sinusuklay ko gamit ang aking mga daliri ang basa kong buhok.
The irritation on his face is very visible. Mas madilim pa iyon sa kanyang leather jacket, na kahit ang apoy sa kanyang mga mata ay hindi parin humuhupa.
Tobias nodded. “Oo… Si Landon,” sabi niya.
Tumango-tango ako at sumulyap sa tinutukoy niyang Landon. Maybe magkamukha lang? And he’s more attractive. His sex appeal is oozing! I can’t hardly remember Anzai lalo na nang makita ko siya ngayon, parang walang wala ang gwapong mukha niya noon kumpara ngayon. He also got a fresh clean cut hairstyle, ang ilang hibla ay nakaatras ngunit may iilan na nalalaglag sa parteng noo. Plus he grew taller. Tila hanggang balikat nalang ako kahit na pakiramdam ko ay tumangkad rin naman ako.
His manliness screams dominance and power. Para siyang isang hari na kailangan mong sambahin at idagdag pa ang mala Adonis na katawan kaya kulang nalang ay luhuran ng mga kababaihan.
Pilit kong kinalkal ang lalakeng nanakit sa akin ngunit kung ikukumpara ang noon at ngayon, parang mas grabe ang isang ito. Anong nilaklak niya para mas lalong gumwapo ng husto? At tingin niya hindi ko siya makikilala agad dahil lang pakiramdam niya ay mas nalamangan niya na ang kanyang sarili noon?
If he’s trying to play tricks again with me then let’s see about that…
“Hi…” Naglahad ako ng kamay at ngumiti.
Tiningnan niya ang aking kamay, nagkasalubong ang kilay at nilalamon na ng kasupladuhan ang buong mukha. What’s making him angry? O baka naman dahil sa suot ko? Mas lalo lamang akong nagdududa!
Tinanggap niya iyon.
“Landon,” he said in his deep baritone voice.
Nangilabot ako ng husto. H-He sounds like Anzai too! Pinaglalaruan ba ako ng mga tao?! O baka naman ay pakulo niya na naman ito! Gusto kong magalit sa kanya at itaboy agad siya paalis ngunit nagdedebate rin sa aking isipan na baka ay nagkakamali lamang ako sa aking hinala.
“My hand, Miss,” he said coldly, like I am not allowed to touch him longer.
Ang yabang! Akala niya naman gustong gusto ko. Kumurap ako sa pagkakatulala at mabilis na binitiwan ang kanyang kamay. Ngumiti akong muli ng tipid.
“May kamukha ka lang. Don’t get the wrong idea,” sabi ko.
He licked his lips. “Boyfriend?”
Napahagalpak ako ng tawa. He’s really playing games with me. Anong pakulo niya? Ngayon na umaalingasaw pa ang kanyang pabango ay mas lalo kong nakumpirma na siya nga si Anzai. Haze… Ang sarap murahin! Wala paring pinagbago ang ugali. Mahilig paring mang-uto!
Nanatili akong kalmado. At bakit naman ako sisiklab? Bakit ko ipapakita sa kanya na apektado parin ako? He’ll get the wrong idea. Baka sabihin niyang patay na patay parin ako. Kung siya man si Anzai, sigurado akong iyon ang iniisip niya.
“I never had one…” I smiled innocently.
His jaw clenched like sobra siyang naoffend. Ngumisi ako at binalingan si Tobias na nakikinig lang, magkasalubong ang kilay.
“Hindi mo ako ginising. Edi sana sumama ako,” sabi ko at lumebel sa kanya, tinalikuran si Anzai slash Landon. Nasa aming likuran siya na kahit ang kanyang titig sa akin ay ramdam na ramdam ko.
Nilingon siya ni Tobias at sinenyasan na sumunod. Hindi na ako nag-abalang lumingon at tiningala si Tobias na nalaglag din naman agad ang mga mata sa akin.
“Pagod ka kahapon kaya di na kita ginising,” he smirked at me.
Oo nga naman, sa kakatakbo at sobrang pakikipaglaro ay bumagsak agad ako sa kama.
“I drained my energy at sobra ngang sakit ng katawan ko,” I whined dramatically.
Tobias chuckled. “Gustong gusto mo eh…”
I chuckled too. Alam niya namang pagdating sa mga bata ay kaya kong ubusin ang lakas ko. Magsasalita na sana ulit ako. Iyon nga lang, naririnig ko ang mura sa likuran. Parang may bumubuga na ng apoy at ramdam ko ang kanyang galit.
Landon huh? You disguise yourself just to see me is that it? At ano ang babalikan mo sa akin? Tingnan natin ngayon kung hanggang saan iyang pagpapanggap mo.
“Oh! Iyan na ba ang bagong bodyguard?” Sinalubong kami sa bulwagan ng Resthouse ni Aling Honey.
I heard him sighed behind my back, tila nabunutan siya ng tinik.
“Nadagdagan na naman kami?” Sumulpot si B1.
“Ang gwapo ah! Dinaig ka Tobias!” Humagalpak si B2 na sumulpot narin.
“Parang hindi ito basta basta ah? Tingin palang parang papatay na,” si B3 naman sa kung saan.
Well, gwapo rin naman si Tobias at mukha ring suplado ngunit kung itatabi mo kay Anzai, magmumukhang siyang simpleng suplado lang dahil lalamunin talaga siya ng buo ni Anzai. I am not being bias… I don’t want to sound bitter too if I said na mas lamang si Tobias. Anzai is really something else. Kahit magkasing tangkad lamang ang dalawa, may kung ano kay Anzai na talagang lalamangan niya lahat ng lalakeng makakatabi niya.
Pasimple kong nilingon si Anzai slash Landon KUNO at nakita nga ang mas nagbabagang galit sa kanyang mga mata. Inisa isa niya ng tingin ang mga lalake, tila galit na galit at gusto na atang manakit.
“Kumain na kayo! Marami akong niluto para mawelcome natin ang bagong bodyguard ni Brielle!” si Aling Honey.
Hinaplos ni Tobias ang aking siko para kunin ang aking atensyon. Yumuko siya sa aking tabi.
“You change your clothes first…” bulong niya, marahan ang boses.
Tumango ako. “Mauna kana sa kusina. Kumain kayo…” sabi ko.
Tumango rin naman siya at nakihalo na sa iba pa patungong kusina. Nilingon niya pa si Anzai na sumunod na at suplado lang siya nitong tinanguan.
Sumulyap siya sa akin noong kami nalang, ang mga mata ay mabilis na napunta sa aking two piece.
“Why don’t you change your clothes upstairs?” he almost growled, habang busy ang iba sa pagpunta sa kusina, siya itong nanatili at akala mo ay aawayin na agad ako.
Umangat ang aking kilay. “Excuse me? Ano bang utos sa’yo? Protektahan ako o bakuran ako?”
Ang kapal ng mukha ah?
Natutop agad ang kanyang bibig ngunit hindi nagbabago ang ekspresyon. Para nang mananakmal ano mang oras. Nagpanggap akong gulat, na kunwari ay hindi iyon sinasadyang sabihin.
“Oh… Sorry… Hindi nga pala ikaw ’yon. Landon,” mas sarkastiko kong sabi at tinalukuran siya para umakyat na.
Dumeritso ako sa aking kwarto at pumikit. Ang sarap sarap niyang murahin! What is his hidden agenda this time? Ang balikan ako? And he think I am willing to let him own me again? Kung iyon man ang kanyang plano, ewan ko nalang kung mananalo ba siya sa kanyang binabalak. Noong bumitaw ako, malinaw sa akin ang lahat lahat. Ngayon na bumalik siya, siguro ay nagkaamnesia at gusto niyang ipaalala ko sa kanya kung paano niya ako sinaktan.
Naligo nalang muna ako sa banyo habang nag-iisip ng kung anu-ano para kusa siyang sumuko at umuwi nalang. Ba’t hindi niya pakasalan iyong Sienna? Magparami na sila ng lahi nang makauwi na ako at makapagsimula ulit ng panibagong buhay.
Nagtagal ako sa banyo. Nakikita ko ang aking sarili sa malaking salamin. Gusto kong humagalpak bigla. Ba’t kaya siya umurong sa kasal? Did he realize I am better than her? O baka naman pinagsawaan niya na kaya ngayon ay gumagapang siya ulit pabalik sa akin?
Pagkatapos maligo ay nangalkal din ako ng maisusuot. Pagkatapos kong magbihis ay nag-ayos agad ako at bumaba rin. Nasa kusina parin sila lalo na’t ang halakhakan nina B1, B2 at B3 ay nangingibabaw.
Pagkapasok ko roon, sabay na lumingon sina Tobias at Anzai. Tobias patted the vacant seat beside him, tila nireserba para sa akin.
Nagtungo ako sa kanyang gawi at doon umupo. Awtomatiko namang gumalaw ang kanyang kamay at nilagyan ng pagkain ang aking plato, katulad ng kanyang nakasanayan.
“Haynako… Kailan ba kayo aamin?” Humagikhik si Aling Honey, ang palaging namumuna sa kilos ni Tobias.
Anzai’s jaw clenched as he chewed his food slowly. Nasa pagkain siya nakatingin lalo na’t nasa harap lamang namin ito katabi si B2 at B3. Si B1 naman ay naroon sa gilid ni Tobias.
“Twenty-four kana Brielle. Pwedeng pwede kanang magpakasal-”
Hindi natuloy ang balak sabihin ni B2 nang aksidenteng nasagi ni Anzai ang baso sa kanyang gilid at mabilis itong gumawa ng ingay sa sahig nang mabasag.
“Sorry,” sabi niya sa matabang na boses at yumuko para damputin iyon.
“Ay hijo, ako nalang! Umupo ka nalang! Ako na ang maglilinis,” si Aling Honey na pinigilan siya sa pagliligpit.
Tumango si Anzai at bumalik sa pagkakaupo. Tumikhim siya at sumulyap ng matalim sa akin, ngunit nang mahuling matalim ko rin siyang tiningnan dahil sa kanyang ginawa ay mabilis niya din namang inilaglag ang atensyon sa pagkaing ginagalaw niya na ulit.
If he’s just here to create some trouble ay ako na talaga ang magtutulak sa kanya pauwi. I don’t need him here. Sana man lang ay maramdaman niya na ayaw ko na sa kanya. O baka gusto niya iyong maramdaman habang nandito siya nang may rason siyang umuwi nalang at huwag nang manggambala pa.
Natapon narin ang kanilang topic kanina, tila nasama sa pagkabasag ng baso at iba na ang kanilang pinag-uusapan. Anzai isn’t too responsive. Puro tango lang ang kanyang isasagot sa kani-kanilang mga tanong at kung sasagot man ay tipid lang.
“Ilang taon kana? Kaedad mo lang si Tobias?” si B1 ang nagtatanong.
Tumango ako kay Tobias nang ipinakita niya sa akin ang isa pang bowl ng putahi ng ulam, hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin si Anzai sa aking harapan.
“Twenty-nine,” sagot niya.
Oo nga naman. He’s five years older than me. Hindi niya man lang ba babaguhin iyon? Ipapahalata niya talagang siya si Anzai at gumagamit naman ng ibang pangalan?
Sinimulan kong galawin ang pagkain. Si Tobias ay nakikinig narin sa kanila.
“Oh… Edi mas matanda ka ng isang taon kay Tobias,” ani B3.
“Mas lamang,” si Anzai na may ipinapamukha pang iba.
Hindi niya iyon masyadong napupunto pero ako ay alam na alam ko ang kanyang mga tinutukoy. Noon pa man, masama na talaga ang kanyang ugali sa mga lalake. He’s not friendly unlike Tobias na kaya pang makibagay. Siya, kung hindi niya talaga gusto ang isang tao ay wala siyang pakialam kung masaktan niya ito sa pamamagitan ng tabas ng kanyang dila.
Yumuko si Tobias at may ibinulong sa akin. Kitang kita ko naman ang pagtitig ni Anzai roon, mas tumatalim ang mga mata.
“Did you read my letter? What’s your answer?” bulong niya.
Doon ko lang naalala na hindi ko pa pala iyon nababasa! Kagabi kasi ay nakatulog agad ako.
Umiling ako at bumulong pabalik.
“I’ll read it later. Nakalimutan ko eh…”
Tumango siya sa akin. “I can wait…” he whispered back.
The intensity of Anzai’s stare is too much na hindi ko kayang hindi tingnan pabalik. If he hates to see this, ba’t pa ba kasi bumalik?
Pagkatapos kumain ay lumabas rin kaming dalawa ni Tobias. Hinila ko siya sa kakahuyan para matawagan ko si Mommy. Using his phone, I watched him dialed my parent’s number.
“Bakit?” tanong niya noong hinihintay naming magring ang kabilang linya.
“May itatanong lang ako,” sabi ko.
“About Landon? Hindi mo gusto?” he concluded.
Paano niya nasabi iyon?
“Kamukha ba ng… ex mo?” dagdag niya pa, naninimbang na ang mga mata.
Bago ko pa iyon masagot ay sinagot na ni Mommy ang tawag. Ibinigay niya agad iyon sa akin. Kinuha ko iyon at inilagay sa aking tainga, aksidente pang nahagip ng aking mga mata si Anzai sa di kalayuan. Naninigarilyo ito habang malalim ang tingin dito.
He smokes like Anzai, too. Talagang siya iyan! Ginugulo niya ang isipan ko eh halatang halata namang siya talaga iyan. The devil is here!
“Mommy, it’s me…” sabi ko.
“Yes baby? Dumating na ba ang bagong bodyguard?”
Nag-iwas ako ng tingin sa dako ni Anzai at tiningnan ang asul na karagatan.
“Iyon po ang itinawag ko…” sabi ko.
“Hmm. What about him? Type mo ’yon?” Humagalpak siya na akala mo’y malaki iyong biro.
“He looked like… Anzai,” mahina kong bulong, ayaw iyong marinig ni Tobias na tama ang kanyang hinala.
“Huh?!” Nagulat si Mommy. “I’ve seen Anzai at my gosh! Ang layo ni Landon! I am not being mean but… he’s… you know… tall dark and…” Tumikhim siya. “Nice?”
How on earth did he trick my parents?! Paano niya nauto ang mga ito at mukhang hindi siya si Landon ang tinutukoy nila? Did he use his connections? Unti-unti na tuloy akong nagdududa kung siya rin ba ang nagpakidnap noon kay Kiera. He came from a very powerful family at kung siya lang ang tagapagmana ay hindi na talaga nakakapagtaka ang kaya niyang gawin, ang kaya nilang gawin.
“Ayaw mo ba? Papalitan nalang namin ng Daddy mo. We’ll find another-”
Umiling agad ako, ayaw nang masyadong makaabala sa maliit na bagay lamang.
“No… Mommy. Baka nga ay magkamukha lang talaga,” sabi ko at sumulyap kay Tobias na hinahangin na naman ang buhok at tahimik lang na nakapamulsa.
“Talaga? Hindi naman good looking si Landon. Hindi pa naman ako matanda at hindi pa malabo ang mga mata ko. Ang layo, Elle… Malamodel na iyong tindig ni Anzai,” si Mommy.
Bumuntong ako ng hininga at tumango kahit hindi niya iyon makikita.
“Naghahalucinate lang ata ako,” sabi ko na ikinahagikhik niya.
“Akala ko pa naman nagkakamabutihan na kayo riyan ni Tobias. We like him for you. We’re going to support you, Elle. Malaki kana,” ani Mommy.
Kinagat ko ang aking labi. Noong aksidente kong muling masulyapan si Anzai ay palapit na ng palapit, parang umuusog lang pag di ako nakatingin. Mabilis na nasira ang aking ekspresyon. Ang lintang ito!
Natapos rin naman ang tawag. Ibinalik ko ang cellphone ni Tobias. Lumingon siya sa aming likuran at doon niya rin napagtantong nasa paligid lang din si Anzai.
Ibinalik niya ang tingin niya sa akin.
“I hate the way he stares at me. Parang nanghahamon ng suntukan,” aniya, medyo nagtataka.
Humalukipkip ako at hinawi ang hinangin kong buhok.
“Sige lang. Suntukin mo,” sabi ko na ikinasulyap niya kay Anzai na ngayon ay malapit na malapit na talaga sa amin.
He started stretching his arms innocently, like a spy who’s trying to act normal para hindi mahuli sa kanyang pinaggagawa. Sumisilip na ang kanyang tiyan habang nakatanaw siya roon sa kumikislap na karagatan at nagpapanggap nalang na naroon ang buong atensyon. Sana ay kunin siya ng alon at ibalik nalang sa kanyang pinanggalingan. Nailing ako.
“You’re bitter. Kamukhang kamukha ba? Ano bang sabi ng parents mo? Hindi ko rin mapagdudahan dahil pinadala siya ng mga magulang mo. Pero kung makatingin… parang galit agad…”
“Hindi ako bitter. And he’s ugly. Hindi naman siya attractive.” Nilakasan ko ang aking boses para marinig iyon ng tsismosong palapit lapit.
Anzai’s eyes sharped at me. Nagkunwari nalang akong hindi iyon napansin at nagyaya na kay Tobias na bumalik sa loob ng Resthouse. Sumunod din naman agad si Anzai, dinaig pa ang aso kung makabuntot.
Nagmistulang maliit ang espasyo sa Resthouse dahil kahit saan ako magpunta ay nakakasalubong ko si Anzai. Hindi ko alam kung sinasadya niyang bumuntot buntot sa akin o talagang nang-iinis siya.
Noong pumasok ako sa kusina ay pumasok din siya. Wala roon si Aling Honey at mukhang namalengke kasama si B2. Binuksan ko ang ref. Nagtungo rin siya sa aking likuran, may hawak naring baso.
Hindi ko siya pinansin at inilabas ko ang sarili kong bottled water. Isinara ko iyon at umalis din. Sinundan niya ako ng tingin, naka plain gray tshirt nalang at hinubad niya na ang kanyang leather jacket.
Palabas na sana ako nang magsalita siya.
“Are you avoiding me, Ma’am? Kamukhang kamukha ko ba?” he asked me naughtily.
Nice acting skill! Tama nga naman siya. He’s expert at everything. This is just a piece of cake for him.
Tumigil ako at sumulyap sa kanya. Pilyo ang kanyang ngisi noong binuksan niya ang ref at inilabas doon ang pitsel. Sinalinan niya ang kanyang baso ng tubig at palingon lingon sa akin.
“Hindi ka pa siguro nakakamove-on kaya kahit sa akin ay nakikita mo siya. So darn inlove…” he said cockily.
Aba?
“Pakiligo narin iyang malamig na tubig sa ulo mo nang magising ka.” I smiled innocently, handa na ulit umalis ngunit nagsalita na naman.
“I’m sure that guy is very attractive since mukhang hirap kang kalimutan. At kung kamukha ko… Ang gwapo nga. He’s not ugly. Baka iyong isa mo pang bodyguard…” makahulugan niyang sabi, mukhang hindi matanggap ang narinig kanina at pinagtatanggol niya na agad ang kanyang sarili.
“Oh? You mean ikaw? I have good looking bodyguards. Noong dumating ka… Napagtanto kong masyado pala talagang gwapo si Tobias.” I smirked at him.
Napawi ang kanyang ngisi. Tiningnan niya ako ng masama. I smiled one last time before leaving him. Noong makalabas ay mabilis na napawi ang aking ngisi. Wala pa nga siyang isang araw rito ay parang magpapatayan na kaming dalawa sa mga salita. Sige lang! Akala niya ba uurungan ko siya? Ipapakita ko sa kanya na ang babaeng inuuto-uto niya lang noon, natuto na ngayon.
Pumasok ako sa aking kwarto dala dala ang aking bottled water. Nakita ko sa bedside ang sulat ni Tobias. Bago ko pa man iyon mapuntahan ay may kumatok muli.
Nagtungo ulit ako sa pinto para pagbuksan iyon. Tumambad sa akin ang walanghiyang si Anzai. Ano na naman ba ang kailangan nito? Pati ba naman dito ay gusto niyang sumunod?
“Dito ba ang kwarto ko?” Inosente niyang tanong na akala mo ay naliligaw.
Nanliit ang aking mga mata. Gusto ko siyang itulak dahil halatang nagpapanggap lang siya! His manly scent is just too much! Anzai na Anzai!
“Sa ibaba,” giit ko.
“Ah… How about that room?” Itinuro niya iyong katabing kwarto.
“That’s Tobias’ room. Sa ibaba ka,” matigas kong sabi na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Bakit sa ibaba?” he asked softly.
Darn him! Masasampal ko na talaga ang mapagpanggap na ito!
“Gusto mo sa bubong?” I asked him rudely.
He licked his lips and tilted his head para lang silipin ang loob ng aking kwarto.
“You have a large bed…”
Itinulak ko siya gamit ang isa kong kamay. Napaatras siya roon, akala mo ay napaso lalo na’t lumunok pa.
“Sa. Baba. Ka,” ulit ko at diniinan ang bawat salita.
Masunurin siyang tumango at namulsa habang ang mga mata ay malagkit na ang tingin sa aking katawan. This annoying slut! Linta! Nagkaamnesia siguro siya? Ang galing umarte! Buti at hindi siya nag-artista?
“Naligaw lang. I’m sorry.” Kinamot niya ang kanyang batok, na akala niya ay madadala niya ako sa palusot niyang iyan.
“Sanay na ako. Naligaw ka nga sa iba, hindi ba?” I smirked at him sabay sara ng marahas ng aking pinto.
Ba’t pa Landon ang ginawa niyang pantakip sa pangalan niya eh pwede rin namang Landi? Mas bagay…
38th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Youree Madeline. Happy reading!
Main Priority
Sa gabing iyon ay kasabayan namin si Anzai sa hapag. Palaging nauuna sina B1, B2 at B3 dahil kailangang magbantay sa labas. Si Tobias lang talaga ang hindi pwedeng umalis sa aking tabi, at ngayon… hindi lang ata si Tobias ang magsisimulang didikit dikit sa akin, pati narin ang lintang si Anzai.
“Aling Honey, kumain na po kayo?” tanong ko pagkatapos niyang hubarin ang apron.
“Oo Brielle. Busog na busog ako. Kumain na kayong tatlo riyan. Nakapagsnack din kasi kami ni Alias sa bayan kanina habang namamalengke,” aniya.
Tumango ako. Nagpaalam din naman siya sa aming tatlo at iniwan kami sa loob ng kusina.
Tahimik akong sumubo. Si Anzai na nasa aming harapan ni Tobias ay ganoon din, tahimik na sumusulyap sa amin habang sumusubo.
Tumikhim si Tobias at lumingon sa akin kaya nilingon ko rin siya.
“Wala ka bang plano bukas? It’s Sunday…” aniya.
Nag-isip muna ako. Si Anzai naman ay dinampot ang baso ng tubig at uminom.
“Hmm… Wala naman kasing magandang pasyalan dito. Hindi rin gaanong kalakihan ang Mall,” sabi ko.
“Speaking of Mall. I need to buy some clothes,” si Anzai iyon, sumasabat.
Napatingin kaming dalawa ni Tobias sa kanya.
“Wala ka nga palang damit. Pwede kang mamili roon,” ani Tobias sa baritonong boses.
Hindi siya pinansin ni Anzai at deritso ang tingin sa akin.
“I don’t know this place yet. Maybe you can tour me around?”
“We can tour you around,” si Tobias, agad iyong sinagot.
Tumango ako. “Tobias can tour you around. Dito nalang ako,” sabi ko kaya nagkatinginan ang dalawa.
Sumubo ako, hindi na tiningnan si Anzai na naninimbang ang mga mata sa bawat galaw ko.
“Kung ganoon, baka dito lang rin ako. Kay Alias ka nalang magpasama, Landon,” ani Tobias.
Tss. Iyan ang ugali niya eh. Pupunta sa ibang lugar at hindi man lang magdadala ng damit. Deri-deritso nang aalis at ang tanging dala ay iyang sarili niya.
Tumahimik siyang muli habang kami naman ni Tobias ang maingay at nag-uusap ng kung anu-ano.
“Gumala kaya tayong dalawa bukas? Hindi ba at may malapit daw na Spring dito?” tanong ko kay Tobias.
“Alright. What time?” May kung ano siyang kinuha sa aking pisngi. Bago pa ako makasagot ay tumayo na si Anzai.
Buong akala ko ay magwawalk-out ito ngunit noong umikot siya at nagtungo sa aking gawi ay doon ko napagtantong ako ang kanyang sadya. Marahas niya akong hinila patayo, sa sobrang lakas ay natapon agad iyong basong may laman ng tubig at nasalo lamang ni Tobias para hindi mabasag.
Mabilis kong binawi ang aking kamay sa mahigpit na pagkakahawak ni Anzai. I glared at him. He glared at Tobias, wanting to hurt him so bad with his sharped eyes.
“Dude… What’s your problem?” Tumayo si Landon, pinantayan narin siya at marahas akong hinila palapit sa kanya.
Sa sobrang lakas noon ay mabilis akong napunta sa kinatatayuan ni Tobias. His raging eyes is just too much, na nasagad narin siya ni Anzai.
Anzai step closer, ang mga ugat sa kamao ay naglalabasan na.
“Ano bang problema mo?” I spat angrily.
Agarang nalusaw ang galit ni Anzai nang sa akin malaglag ang kanyang mga mata. Nagloosen ang kanyang balikat, isang titig lang sa galit kong mukha ay agaran siyang natauhan sa pagsiklab.
“Nothing… Ma’am…” he whispered softly and looked away, ang panga ay gumagalaw pa at nagpipigil nalang atang magalit.
Bumuga ng hininga si Tobias.
“Fix your fucking attitude, man… Pinadala ka rito bilang bantay,” Tobias said firmly.
Sumulyap si Anzai sa kanya, agad na tumalim ang mga mata. Noong makita niyang matalim parin ang tingin ko sa kanya ay mabilis ulit siyang nag-iwas ng tingin, kumakalmang muli.
“Anong nangyayari rito?” Sumulpot si Aling Honey, palipat lipat na ang tingin sa dalawa at sa huli, ako ang tiningnan na itinatago na ni Tobias sa kanyang likuran.
Anzai gripped his hair as his jaw clenched for the nth time. Umiling siya sa matanda at dinukot ang pakete ng sigarilyo sa kanyang pants. Huling sulyap sa akin, sa bigong tingin ay lumabas siya at nagsisindi na ng kanyang sigarilyo.
“Anong nangyari kay Landon?” tanong ni Aling Honey nang sundan niya ito ng tingin.
Iginiya ako paupo ni Tobias. Kumuha siya ng pamunas at pinunasan iyong basang mesa.
“Ewan ko po roon. May sayad sa utak,” matabang kong sabi at humalukipkip sa aking upuan.
Nagtagal ang tingin ni Aling Honey sa akin, takang taka at hindi nakokontento sa aking sagot. Noong hindi na ako umimik ay nagpaalam rin itong umalis na. Si Tobias naman ay seryosong seryoso narin ang mukha, na kung wala ako kanina ay marahil magsusuntukan na ang dalawa.
“Maattitude,” ani Tobias sa galit na boses.
“Huwag mo nalang iyong patulan. Baka hindi siya mahal ng Mommy niya?” Ngumisi ako, pilit siyang pinapakalma.
“Tss… Nagseselos ba ’yon? Unang araw palang…” Makahulugan niya akong tiningnan. “Nahulog ata agad.”
Napawi ang aking ngisi.
“Bakit? Ikaw? Ganoon ka rin ba? Noong una mo akong nakita?”
Hindi agad siya nakasagot ngunit titig na titig na sa akin. I chuckled softly.
“Nag-iiwas ka rin ng tingin…”
“I’m trying hard… not to fall,” he whispered, hindi ko gaanong narinig kaya umabante ako.
Tobias pushed my head annoyingly. Tumawa ako at hindi nalang siya masyadong kinulit sa bagay na iyon.
“Ako… Ang first impression ko sa’yo ay masyado kang supladong tingnan. But later on… Okay ka rin naman pala Uncle…” I giggled softly.
Hindi siya umimik, titig na titig parin. Ginalaw kong muli ang aking pagkain at sumubo.
“Let’s visit the Spring tomorrow. Dalhin natin sina B1 at B2?” Suhestyon ko.
Kumalma ang kanyang ekspresyon.
“You… You haven’t read my letter yet?”
Oo nga pala… Hanggang ngayon ay hindi pa.
“Mamayang gabi. Bago ako matulog. Babasahin ko,” sabi ko.
Unti-unti siyang tumango, mukhang nababahala roon sa kanyang sulat na hindi ko parin binabasa. I tilted my head, wanting to tease him so bad.
“Aww… Uncle is mad… Signs of aging na talaga pag ang bilis mag-init ng ulo.” Humagikhik ako na ikinatalim ng tingin niya.
“Stop it…” Binasa niya ang labi at sinuklay ang buhok paatras.
“Stop it…” Panggagaya ko sa kanyang boses kaya pinitik niya agad ang aking noo.
“Finish your damn food, woman.”
Nginisihan ko siya at itinuon ko rin naman ang atensyon sa aking pagkain. Naging tahimik siya, na kahit ako ay naging ganoon narin. Nakakainis si Anzai. He really can’t control his temper. But he didn’t change… Takot parin siya sa akin, sa galit ko. Is that even a nice idea? Is he after me? He’s still into me? Tsss. Hindi iyon ganoon kadali.
Pagkatapos naming kumain ay pinaakyat na ako ni Tobias sa aking kwarto para makapagpahinga na. Naghalfbath muna ako para irelax ang katawan ko at magtanggal ng stress. Pumikit ako at dinama ang maligamgam na tubig sa bathtub. I can still see Anzai’s mad face in my mind. I’m sure these days, he’s going to failed at controlling his temper. Baka nga bukas magsusuntukan na ang dalawa pag naiwanan lang silang magkasama.
Tobias isn’t the kind of person who’s friendly, too. He’s maybe calm and friendly these days to me pero ibang iba siya makitungo sa ibang tao. Ako nga ilang buwan din akong nagtiis sa pagiging snob niya bago kami naging malapit sa isa’t isa at nakikita ko na ang iba niyang katauhan. I think he doesn’t like Anzai and Anzai feels the same way, too. Parehas pa namang eksperto sa baril…
Medyo gumaan din naman ang aking pakiramdam pagkatapos magbathtub. Nagbihis ako ng satin dress na pantulog at inayos ang bedsheet ng aking kama. Weird… Parang… Parang may naaamoy akong pamilyar na pabango. And where’s my other pillow?
Nakakita ako ng anino sa pinto ng veranda. Nagtataka akong lumapit doon at binuksan ang isang pinto. Ganoon nalang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko si Anzai, naglalapag na ng kumot sa sahig at mukhang doon matutulog dahil may unan pa.
“Anong ginagawa mo rito?” I almost scream in horror.
Hindi siya umimik at tila nagtatampo, ayaw akong pansinin. Tinaliman ko siya ng tingin lalo na’t ang gamit niya pang unan ay iyong unan ko!
Lumabas ako at kinuha iyon. Kahit ang kumot ay gusto kong kunin. He watched me using his soft eyes.
“Malamig… Dito ako matutulog…” he said carefully.
“May kwarto ka sa ibaba ah?” Hinigit ko muli ang kumot, gustong gusto iyong bawiin sa kanya nang maisipan niya nalang bumaba.
Kahit kailan talaga ay napaka akyat bahay nito!
Hindi siya sumagot, namumungay lamang ang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi ako nagpadala roon, o baka lahat ng awa ko ay naubos na dahil sa mga nangyari noon.
“Umalis ka rito,” pananaboy ko sa matapang na boses at hinila muli ang kumot.
Nabitiwan niya iyon, hindi dahil matapang ako kundi dahil ayaw niya masyadong gumamit ng lakas pagdating sa akin. Na kahit itulak ko siya ay mananalo agad ako.
“I’m going to guard you.”
Matabang akong natawa. He watched me using his eyes, mahinahon lamang ang ekspresyon hindi kagaya sa pagsiklab niya kanina.
“Excuse me Landon. I hate it when you’re around. I hope you get what I’m trying to say.” Humalukipkip ako, hawak hawak na ang aking kumot at unan.
“I’m still going to stay, Ma’am…” Ang huli niyang sinabi ay masyado niyang nilambingan.
Hanggang kailan ba iyang pagpapanggap niya?
“You are not welcome,” sabi ko, gusto na iyong isampal sa kanya na sana ay maintindihan niya ang pinipunto ko.
“I know. Sisiksik parin ako hanggang magkasya ako. Hanggang matanggap mo ulit ako,” seryoso niyang sabi, may ibang kahulugan na iyon.
Ilang sigundong namalagi ang aking mga mata sa kanya. Binalikan ko lahat ng masasakit na alaala para tumatak sa aking isipan kung bakit ako ganito ngayon. He hurt me… Iyon ang gusto kong panindigan. Ayokong maramdaman niya na madali niya ulit akong makukuha sa kaonting suyo lang. Hinding hindi niya ako madadala sa ganoon kadaling paraan.
Nailing na lamang ako, ayaw nang makipag-usap pa at umalis na lamang sa kanyang harapan.
“Bahala ka riyan.” Padabog akong pumasok dala dala ang kumot at unan.
“O kahit diyan nalang ako sa loob?” He even suggested. “It’s fucking cold…”
Umirap ako at isinara nang muli ang pinto ng aking veranda. I even lock the door. Baka maisipan niyang pumasok sa aking kwarto! Bahala siyang manginig sa lamig doon sa labas. It’s his choice. Kung hindi niya kaya edi bumaba siya at bumalik sa kanyang kwarto!
Pinatay ko na ang ilaw para matulog nalang. Kakahiga ko pa lang ay narinig ko na ang katok sa pinto ng aking veranda. Pumikit ako at pinatay na ang lampshade. Tinalikuran ko ang veranda at sa kabila na humarap. Kumatok siyang muli roon.
“Ang raming lamok…” I heard him cursed at tila hinahampas na ang kanyang balat dahil sa naririnig kong tunog.
Hindi ako umimik at sinikap na patulugin ang sarili. He knocked on the door again.
“Elliana…” Masuyo niyang tawag na ikinadilat ko. That voice…
I heard him sighed again. “Ayaw mo bang makipag-usap sa akin dito? Kahit saglit?”
Hindi ko alam kung ba’t pinipiga ang puso ko. I want him to know that I am over him,that I am mad at him. Pero hindi ko alam kung ba’t may parte parin sa akin ang parang may pakialam.
Buo ang desisyon ko na huwag siyang bigyan ng dahilan na umasa na may babalikan pa siya. Alam kong alam niya na noong dumating pa lang siya rito ay kilala ko na agad siya. If he can fool the people around him easily, ako hindi na. Tapos niya na akong lokohin. Tapos niya na akong utuin. Hindi niya ako basta bastang mahihila pabalik sa kanya. He needs to earn my trust again kung gusto niyang maibalik ang dati. Pero alam naming pareho na mahirap iyon. Lahat ay galit na sa kanya. Pati ako… Iyon din ang nararamdaman.
This pain… will turn me into a heartless monster. Ganyan ba ang itinuro ng pagmamahal sa’yo, Elle? You’re willing to make him feel the pain you felt? At ano ang mapapala mo pagkatapos mong manakit?
Bumuntong ako ng hininga at tumayo, natatauhan sa aking galit. Binuksan ko ulit ang lampshade at bumaba sa aking kama. Dinampot ko ang unan at kumot saka ako naglakad patungo sa pinto ng veranda para ibigay ulit iyon sa kanya.
I’m going to teach him a lesson in a right way. Not in this way…
Binuksan ko ang pinto at naroon nga siya, nakaupo lamang habang nakahalukipkip. Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo. Lumiwanag ang kanyang mukha at napatingin sa aking mga dala.
Inilahad ko iyon sa kanya isa-isa. Kinuha niya iyon. Kinagat niya pa ang kanyang labi, nagpipigil lamang na mapangiti sa akin.
“Bawal ka rito sa kwarto ko,” I said clearly.
He nodded. “I understand. Sleep well…”
Tumango ako at nag-iwas nalang ng tingin. Isinara ko iyong muli at inilock. Bumalik ako sa aking kama, hindi na gaanong nag-isip ng kung anu-ano.
Pumikit akong muli, gusto na lamang matulog. He’ll get tired… Susuko rin siya. Alam kong may hangganan ang lahat ng ito. Sa huli, pag napagod siya ay lilipat lang ulit siya sa iba.
Humikab ako sa umaga ng Linggong iyon. Maaga akong ginigising ni Tobias lalo na’t inaabangan ko rin si Potpot na naghahatid ng pandesal para sa akin.
“Good morning po Ate Ganda!” bati niya nang pumasok ito, dala dala na ang isang karton kung saan nakalagay ang mga maliliit at maiinit na tinapay.
I smiled at him. Twelve pa lamang si Potpot pero masipag na siyang magtinda ng pandesal para may maibaon siya sa kanyang pang araw-araw. His parents are not that wealthy… Construction worker ang kanyang Papa at ang Mama niya ay buntis pa kaya tumutulong siya.
Kumuha ako ng plato para doon ilagay ang mga pandesal. Binuksan ko ang malaking karton at hinawi ang nakatakip na puting tela. Si Tobias naman ay inilabas ang kanyang pitaka para bayaran iyon.
“Oh heto. Sa’yo na ’yan. Baon mo narin…” aniya nang maglahad siya ng limang daan.
Namilog ang mga mata ni Potpot. Tiningnan niya pa ang hawak na limang daan at hindi makapaniwala sa hawak na malaking pera.
“Ang bait niyo po Kuya Tobias!” Napalakas ang kanyang boses.
Gamit ang food thong kay kumuha ako ng tig iisa at maingat na inilagay iyon sa plato. Ngumisi naman si Tobias at ginulo pa ang buhok ni Potpot.
“Morning…” Ang pamilyar na baritonong boses ng kung sino ang narinig ko, bumababa iyon sa hagdan.
Tiningala ko ang kakagising lamang na si Anzai at nagkakamot pa ng kanyang topless na tiyan, buhaghag ang buhok at naniningkit ang mga mata. I wonder how’s his sleep on that cold veranda?
Napatingin narin ang dalawa sa kanya. Nag-iwas din naman ako at hindi siya masyadong pinansin. Si Tobias naman ay tila nagtataka, siguro ay iniisip niya kung saan ito natulog at bakit galing sa itaas.
Tumabi siya sa akin nang makarating sa ibaba at kumuha ng isang pandesal sabay kagat doon.
“Sino siya?” bulong ni Potpot kay Tobias.
“Bagong bodyguard ni Brielle,” sagot naman ni Tobias, hindi maganda ang timpla ng kanyang boses.
Inayos ni Anzai ang kanyang buhok at sumulyap na sa bata.
“How much is this?” tanong niya, medyo paos pa ang boses.
“Ah… Dalawang piso po…”
Dinukot ni Anzai ang kanyang pitaka at naglabas doon ng isang libo. Inilahad niya iyon kay Potpot.
“Keep the change. Baon mo nalang,” he said, tila ginagaya si Tobias.
Nanlaki agad ang mga mata ni Potpot sa perang inilahad sa kanya ni Anzai. Si Tobias naman ay seryosong namulsa, naninimbang ang mga mata kay Anzai na nagawa pa siyang ngisihan. Tobias licked his lips annoyingly, tila naiirita na ewan.
Hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy sa pagkuha ng pandesal. Noong mahigit twenty na ang aking nailagay ay tumigil din naman ako. Mahilig din kasi sa pandesal sina B1, B2 at B3. Nakakatatlong piraso lang rin naman ako at iyon lang ang kayang ubusin.
“Salamat po…” si Potpot na namamangha sa perang hawak hawak.
Tumango si Anzai at sumulyap sa akin. Umalis ako sa kanyang tabi at iniusog ang plato sa dako ni Tobias. Doon narin ako nagpasyang umupo.
Hindi purket nagmagandang loob ako sa kanya kagabi ay didikit dikit na siya sa akin na parang linta. May boundary parin. And he’s still not welcome.
“I’ll prepare your coffee,” ani Tobias na tumayo pa.
Umangat ang kilay roon ni Anzai. Walang anu-ano’y tumayo narin siya, sinabayan pa si Tobias doon sa harap ng coffee maker.
“Do you often do this to her?” Narinig kong tanong ni Anzai, ang boses ay masyadong matabang.
“Sa mahigit tatlong taon? Oo…” si Tobias naman, ang boses ay akala mo nanghahamon narin at mukhang nasasagad na.
Kagabi pa sila ah? Ano ito? Round two? Continuation?
Hindi ko pinansin ang usapan nilang dalawa at nginitian si Potpot na tinabihan ako. Dumampot ako ng isang tinapay at kinurot iyon, sumusubo ng maliit sa aking bibig habang pinapanood siyang nagbibilang na sa kanyang kamay.
“Ate Ganda. Magkano po ’yong Vitamins para sa mga buntis?” tanong niya sa akin.
“Para sa Mama mo?”
Tumango agad siya.
“Ako nalang ang bibili para hindi mo na magastos ang pera mo. Bukas, bumalik ka rito at ibibigay ko sa’yo. Keep your money…” sabi ko habang nakakarinig ng mga dabog sa aking likuran, tila nagsasalpukan ang mga tasa na akala mo ay mababasag na.
Tumango si Potpot sa akin at napalingon narin sa dako ng dalawa. Tahimik sila roon, nakatayo sa harap ng coffee maker habang kanya kanyang gumagawa ng kape. Anzai’s muscles are even flexing. Nakakagulantang nga at pati si Tobias, topless narin!
“Enemy po sila?” bulong sa akin ni Potpot, marahil ay napansin ang distansya ng dalawa at ang tensyon sa pagitan.
Nagkibit ako at ibinalik ang tingin sa kinukurot kong tinapay. I’d rather enjoy my food kaysa usisain ang problema ng dalawa sa isa’t isa.
Noong bumalik si Tobias ay may dalawa na siyang bitbit na tasa. Mabilis ding bumalik si Anzai, may sariling bitbit na tasa at umupo sa tabi ni Potpot, si Tobias naman ay sa aking tabi.
“Move here, buddy…” Tinapik ni Anzai ang kabilang upuan, pinapalipat ni Potpot.
“Nauna ’yong bata,” si Tobias naman sa malamig na boses, kumuha na ng tinapay.
Anzai’s jaw clenched. Hindi siya umimik doon at sa halip ay iniangat si Potpot. Siya ang umupo sa upuan nito at pinaupo niya nalang ito sa kanyang isang hita. Tiningnan ko siya ng masama. Kalmado siyang dumampot ng tinapay at kinagatan iyon ng malaki habang wala sa akin ang kanyang mga mata.
Namuo ang katahimikan sa pagitan naming apat. Ang tangi lang maririnig ay ang ingay ng kutsaritang hinahalo, ang pagsimsim ng kape at ang nakakabinging katahimikan. What’s wrong with this two? Kahapon parang okay pa sila ah? O baka naman napapansin na ni Tobias ang kilos nitong si Anzai?
Noong nagpaalam narin si Potpot at tila hindi na nakaya ang pasimpleng atake ng dalawa sa isa’t isa ay nagpaalam narin naman ito. Nagpasalamat lamang siya sa ibinigay na pera at nagmamadali nang umalis.
Noong maiwan nalang kami ay umusog ako para mas malapit kami ni Tobias. Nagkasalubong ng husto ang kanyang mga kilay, ang ginawa niya ay umusog din siya.
“Can you move? Away from me?” Marahan kong sabi.
Imbes na ako ang tingin ay si Tobias pa ang kanyang sinenyasan.
“Move… Away from her,” sabi niya.
“Ikaw ang hindi gusto kaya ikaw ang lumayo,” si Tobias naman, hinila ako at inilipat sa kanyang kabila.
Marahas na tumayo si Anzai, ang mga mata ay mabilis na sumiklab. I warned him using my death glares. He chuckled evily. Tila kinokontrol nalang ang sarili at nagawa pang basain ang pang-ibabang labi.
“Tangina… Eh bakit? Gusto ka rin ba?”
Ngumisi rin si Tobias, tumayo at pinantayan ang katangkaran nito.
“Kay bago bago mo pumapapel kana ah? Nakalimutan mo bang bodyguard ka lang niya?”
Mas ngumisi ng nakakaloko si Anzai. He even leaned closer, na konting konti nalang ay masusuntok niya na ito kung hindi lang ako nanonood.
“Eh bakit? Bodyguard ka lang rin ah?” He clenched his fist, tila ayaw nang makipag-usap at gusto nalang agad idaan sa ibang paraan. He hates too much talking. Gusto niya ay tapusin agad iyon sa pamamagitan ng lakas.
Para nang may nagsasalpukang enerhiya sa kanilang pagitan. Kapwa pa topless. Goodness! Umagang umaga ang iinit agad ng ulo!
Siguro kung aalis ako rito ay magliliparan na ang kanilang kamao sa isa’t isa. O baka nga bala pa eh.
Biglang sumulpot ang kakagising lang na si B2. Kinakamot niya pa ang medyo malaki niyang tiyan, kakagising lang.
“Nag-aaway ba kayo? Eh bodyguard lang naman tayong lahat dito ah?”
Hindi na ako nakisali at mas nagfocus nalang sa aking kape. Sayang naman ang tinapay kung lalamig agad dahil sa pang-uusyoso ko sa away ng dalawa. Bahala sila.
“Easy… Hindi niyo kalaban ang isa’t isa rito…” Tinapik ni B2 ang balikat ni Anzai at Tobias, pilit pinapakalma ang dalawa.
Isinawsaw ko naman ang maliit na kinurot kong tinapay. Humalakhak si B2 nang sumulyap sa akin.
“Pinag-aawayan ka ata ng dalawa mong personal bodyguards Brielle…” Kumuha siya ng pandesal at kinagatan iyon, nagtungo narin sa coffee maker.
Sumulyap ako kay Tobias at hinila ang kanyang pulso para paupuin narin ito. Napunta ang mga mata roon ni Anzai, parang labag sa kanyang loob ang nakikita. Nagpatianod naman si Tobias at umupong muli ngunit katulad ni Anzai ay gumagalaw rin ang panga.
“Tsss…” si Anzai iyon. Dinampot niya ang kanyang tasa at kumuha rin ng dalawang pandesal saka naglakad paalis.
Magdusa ka ngayon. You are not my main priority anymore.
39th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Alliana Marie Maranan. Happy reading!
Devil
Napagdesisyunan kong pumunta nalang sa bayan sa Linggong iyon para bumili ng Vitamins para sa ina ni Potpot. Anzai is coming with us, lalo na’t mamimili raw iyon ng mga damit.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng sleeveless vneck croptop na kulay beige plus highwaist jeans, showing a bit of my tummy. Sa aking sling bag ay isinilid ko ang importanteng mga gamit na naroon lamang sa bed side. Polbo… Alcohol… Wipes… Wallet… Bago pa mapagtanto na may nawawala roon ay natigilan na ako.
There’s something missing. Alam ko… Dito ko lang iyon nilagay sa bedside table ah? Katabi ng mga gamit ko? Nasaan na iyon?
Mabilis na akong tumayo at hinanap sa bedsheet ang nawawalang bigay na sulat ni Tobias. Hindi ko pa iyon nababasa dahil sa raming bumabagabag sa isipan ko, palagi ko nalang nakakalimutan!
Isa-isa kong binuksan ang mga drawer. Inisa isa ko rin ang mga sulat ng mga bata ngunit wala talaga roon kay Tobias. Pinagbabalik ko iyon at isinarang muli saka ako yumuko para masilip ang ilalim ng kama. Baka kasi hinangin at sumuot doon. Pero wala! Malinis ang ilalim at ni isang papel na nagkalat ay wala akong nakita!
Where is that letter? Huli ko iyong nakita noong hapon kahapon. I was about to read it kaso kumatok ang lintang si Anzai at nagdadahilan na naligaw raw at napagkamalang kwarto ang akin! Iyon ang huli! Pagkatapos noon… Sa gabing iyon, pagbalik ko ay hindi ko na namataan noong inaayos ko ang aking bedsheet at unan at kumot naman ang nawawala-
Holysh-He stole Tobias’ letter! Pinakialaman niya ba ang gamit ko?!
Mabilis akong nagsuot ng sandals at kinuha na ang aking slingbag saka ako bumaba. Nasa hagdan pa lang ako, nakita ko na ang dalawa na nakahalukipkip doon, hindi nagpapansinan na akala mo ay mga estranghero lang.
I immediately found Anzai’s eyes lalo na’t tiningala niya ako habang bumababa ako. His jaw clenched nang bumaba pa ang kanyang mga mata sa aking dibdib at sa parteng tiyan. My eyes sharped at him na kahit si Tobias, nang mapansin iyon ay napatingin narin kay Anzai. P-Paano ko iyan kukumprontahin nang hindi nalalaman ni Tobias? Baka anong isipin niya pag sinabi kong nawawala ang letter niya at hindi ko pa nababasa. He… He gave that on my birthday. Mahalaga iyon sa akin.
Naka sleeveless si Anzai, revealing his biceps, plus jeans. His hair is quite fixed. Nakaatras ang iilang hibla ngunit may nalalaglag parin, mas lalo siyang nagmumukhang ruthless. Si Tobias naman ay naka simpleng puting tshirt, jeans and shoes. His hair is properly fixed too…
Inirapan ko si Anzai nang magtungo ako kay Tobias. Lagot ka talaga sa akin mamaya, you thief! Magnanakaw!
“Are we going on a party?” sarkastikong tanong ni Anzai, pasulyap sulyap sa aking dibdib at tiyan.
Binalingan ko siya at hinawi ang aking buhok, malamig siyang tiningnan.
“Huwag mo kasing tinitingnan kung di mo naman pala gusto. Di rin kita gusto,” malinaw kong sabi at humawak sa braso ni Tobias.
“Enough…” bulong ni Tobias sa akin kaya inirapan kong muli si Anzai. Pakialamero!
Nauna kaming magtungo sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.
“You’re quite showing too much skin,” sabi niya, mukhang pinupuna narin ang aking suot.
Hinila ko ang aking seatbelt at ipinagkibit nalang iyon. He licked his lips at isinara na ang pinto. Umikot siya sa drivers seat habang si Anzai ay binubuksan na ang backseat. Padabog siyang pumasok, na kahit pagsara ng pinto ay sobrang padabog din na kulang nalang ay sirain niya iyon.
Tobias went in slowly, tinatapunan ng tingin ang lalake sa backseat na may malaki na namang problema. Hindi na ako lumingon pa at hinayaan siya roon. Siya pa ang galit ngayong may atraso siya sa akin!
Binuhay niya ang kanyang kotse. Pinakialaman ko naman agad ang stereo ni Tobias. He has his own playlist kaya hindi na ako nahihirapang magpatugtog pa. Iyong playlist niya, iyong gusto ko lang rin naman. His favorite band is Maroon five.
Habang tumutugtog ang Stereo Hearts ay nagsisimula naring magmaneho si Tobias. Pasulyap sulyap siya sa akin, tila naninibago na ewan.
“You look blooming…” aniya.
“Talaga?”
Tumango siya. Ngumisi ako.
“Ganoon talaga pag nakawala ka sa maling tao. Gumaganda lalo…” Pagpaparinig ko na ikinabuga ng hangin ng kung sino sa likuran.
Tobias smirked at me.
“The song is too corny. Wala bang iba riyan?” Pumaibabaw ang iritadong boses ni Anzai sa likuran.
Imbes na pansinin siya, mas pinalakasan ko pa ang tugtog. May sarili naman siguro siyang kotseng dala ah? Ba’t pa ba siya nakikisakay rito? Puro lang naman siya reklamo.
Sinabayan ko ang chorus part ng kanta lalo na’t tahimik narin si Tobias, ngunit tumatapik ang mga daliri sa manibela, sinasabayan rin ang beat.
“My heart’s a stereo… It beats for you, so listen close… Hear my thoughts in every note… Oh… Oh.” Ginalaw ko ang aking mga balikat para mas masabayan rin ang beat.
Sumipol si Tobias. “Nice voice…”
I giggled at ipinagpatuloy ang kanta.
“Make me your radio…Turn me up when you feel low… This melody was meant for you… Just sing along to my stereo…”
Kinagat ni Tobias ang kanyang labi at tila naaaliw sa pagkanta ko. I am aware I have a nice voice, lalo na’t madalas din akong pinupuri ng mga kapatid ko. Akala ko lang noon pinagtitripan ako kaya hindi ko masyadong ginagamit since nahihiya rin. I’d rather sing than dance. Doon talaga ako hindi marunong lalo na noong pinasayaw kami ng hiphop.
Tahimik lamang si Anzai sa likod, hindi na gaanong nag-iingay maliban sa amin ni Tobias na lagi naman talagang maiingay. We talked too much… Kahit anu-ano lang din naman.
Pagkarating sa Maliit na Mall ay bumaba rin naman kaming tatlo pagkatapos magpark ni Tobias. Anzai lazily put his hands on his pocket, ang sinag ng araw ay agad siyang hinalikan kaya ang kulay ng kanyang mga mata ay mabilis na nagbago. It almost looked like golden brown with a shade of his thick and long lashes.
Nag-iwas ako ng tingin. He looked so cold yet he still manage to look good. Lumapit ako kay Tobias at sa kanya sumabay, si Anzai ay bumuntot nalang, hindi na gaanong nagsasalita.
Pagkapasok naming tatlo, ang agad kong napansin ay mga babaeng napapasinghap. Nakakailang balik na kami rito ni Tobias kaya marahil may mga saleslady nang namememorize ang aming mga mukha, ngunit sa araw na ito ay grabe ang kanilang singhapan.
“Model?”
“Ang gwapo! Kahit parang napakamaldito.”
Noong unang beses rin kaming mapadpad ni Tobias dito ay ganoon din ang kanilang reaksyon. But this time, they’re overeacting with Anzai. Pakiramdam nila ay nakakita sila ng lalakeng bumaba lamang sa lupa kaya sobra silang namamangha sa kanyang kabuuan.
Nilingon ko siya sa likod, he’s watching my back in his cold expression, galit ang mga mata at gumagalaw na naman ang panga. Hindi siya umimik nang magtama ang aming mga mata, pasimple nalang nag-iwas ng tingin sabay pag-aayos sa kanyang buhok.
“Pwede kang mamili riyan ng mga damit,” ani Tobias sa matabang na boses, itinuturo iyong Men’s Area.
Hindi na nag-abalang tumango pa si Anzai. Nagtungo siya roon at sa sobrang lamig, di man lang kami tiningnan, deri-deritso na roon. Eh kung iwanan namin siya rito?
Hinila ko naman si Tobias sa Generic Pharmacy para bumili noong Vitamins para sa ina ni Potpot. Bumili ako ng tatlong bote noon at pagkatapos ay kumain kaming dalawa.
“Pupunta tayong spring?” tanong niya.
Tumango agad ako nang maalala ko iyon na ngayon dapat iyon.
“Oo. Mamaya? Let’s bring B3 and B2?” suhestyon ko, katulad ng plano ko kagabi.
He leaned on his seat, staring at me.
“Pwede namang tayo nalang dalawa,” sabi niya.
Medyo natigilan ako roon at nag-isip isip pa. Okay rin naman… Pero baka kasi gusto rin nilang makita ang spring. Or maybe he wants to be alone with me?
“Pwede rin naman,” sabi ko.
“Hindi mo pa nababasa?” tanong niyang muli na ikinalunok ko.
Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Babawiin ko nalang iyon kay Anzai para mabasa ko na agad. Tumango siya, medyo umiba ang timpla ng ekspresyon pero hindi naman gaanong kumakalat sa buong mukha. I just feel like he’s starting to look sad. O imahinasyon ko nalang?
Pagkatapos naming kumain ay hinanap nalang namin si Anzai lalo na’t natatagalan narin ito. Naligaw na naman ba? Gusto kong humagalpak ng tawa sa iniisip ko. Sana nga mawala siya! Pero may parte rin naman sa akin, ang kahit papaano ay nag-aalala. He doesn’t know this place yet… Wala pa namang signal dito. Kung meron man, ay sobrang hina rin.
Nahanap namin agad ito sa Men’s area, namimili pa ng boxers! Wala talaga siyang dala ni isa ’no? At hindi lamang iyon, he’s talking with someone else… Ang babae ay tila namimili rin ngunit sa kanya mas nakatuon ang buong atensyon at pangiti ngiti. The girl is half… Ang katawan palang, pamatay na agad. I suddenly remembered his taste with girls. Mga ganyan ang tipo niya noon eh… Mga pang one night niya.
Anzai looked bored, hindi naman gaanong sumasagot at seryoso sa pamimili ng kanyang boxers. Halos lahat din ata ng babae rito ay nagkakainteres sa kanya dahil ang raming napapatingin, tila isang dayo na akala mo ay endangered species!
“Iwanan nalang natin ’yan,” suhestyon ko kay Tobias at hinila na siya paalis.
Umangat ang dalawa niyang kilay.
“Ang pula pula ng mukha mo,” aniya.
Kinalma ko ang aking sarili. Bago pa ulit makaalis ay sumulyap na rito si Anzai. Tumayo siya ng tuwid, ang buong atensyon ay nasa akin agad saka siya naglakad, iniwan nalang basta basta iyong babaeng nagsasalita pa sana.
Noong tumigil ay ipinakita niya sa akin ang dalawang boxers.
“Which color do you like?” tanong niya, na iyon ang pinoproblema niya.
“Ba’t hindi ka roon magtanong sa babaeng kausap mo?” matabang kong sabi, hinihila na ulit si Tobias.
Nilingon ni Anzai ang babaeng iniwan.
“I don’t know her… Iyong saleslady?”
Too much for playing innocent. Hindi ko nalang siya pinakinggan at tinalikuran na. Tobias was silently watching me, ang mga mata ay parang nagdududa na ewan kaya kinalma ko na ang aking sarili.
I am not jealous! At bakit ako magseselos? Ang akin lang naman, napaghahalataan siya sa mga gawain niya. Iyong may babae na sa kanyang harapan ay nagdedeny parin. He’s such a liar. Manloloko. Walang pinagbago. Tingin niya ay kaya niyang mauto ang lahat ng nakapaligid sa kanya.
Pagkapasok sa kotse ay nagseatbelt agad ako.
“Umuwi na tayo. Iwanan natin ’yon.” Humalukipkip ako.
Binuhay naman agad ni Tobias ang kotse, sumunod sa aking gusto o baka naman gusto niya rin since he doesn’t like him.
“You’re jealous?” he asked coldly.
Nagloosen ang aking balikat at mabilis ko siyang nilingon. Umiling ako.
“Hindi ah.”
Hindi siya tumingin sa akin, nasa daan lamang. Seryoso ang kanyang mukha.
“He reminds you of someone you used to love. Baka nalilito ka lang?”
“Huh?” Tumawa ako. “Nalilito saan? Hindi ko iyon gusto ’no. Landon is such a…” Maniac. Linta. Malandi. He’s a devil. He loves to play innocent when he’s guilty. Kabisadong kabisado ko iyon.
Hindi na umimik si Tobias sa akin buong byahe. Hindi naman siya mukhang galit pero parang may malalim na iniisip. Kinalma ko naman ang aking sarili. Hindi naman ako nagseselos ah? Kung gusto niyang lumandi rito edi lumandi siya! Alam ko naman iyang galawan niya. Noon pa lang, alam ko namang iyon ang hilig niya. Anong pake ko roon? I’m done with him. Sadyang naiirita lang talaga ako dahil kailangan niya pang manggulo sa buhay ko at iyang buhay niya ay hindi ko naman sana pinapakialaman. He even stole Tobias’ letter!
Pagkauwi ay nag-impake agad ako ng mga dadalhin sa pupuntahan naming hot spring. Tobias was busy packing his things, too. Noong maunang matapos ay pinuntahan niya agad ako, nagpasya akong tulungan lalo na’t sa mga ganitong bagay ay alam niyang mabagal akong kumilos.
“Saan kayo pupuntang dalawa? Magtatanan na?” pabirong tanong ni B1 nang matyempuhan kaming naglalagay ng mga gamit sa likod ng kotse.
“Maliligo kami sa hot spring…” sabi ko.
Tumango siya at tila may hinahanap.
“Iyong isa pa… si Landon? Nasaan?”
“Iniwan ko sa Mall.” Humagikhik ako. “Maya maya nandito narin ’yon…”
Nalaglag ang panga ni B1 sabay sulyap kay Tobias na nagkibit lang din. Kumaway ako sa kanya, pati kay B2 na nasa may dalampasigan ay kinawayan ko narin para magpaalam.
“You’re heartless…” sabi ni Tobias nang paandarin na ang kanyang kotse.
“I am not. Buti nga at hinatid natin siya roon eh… At kaya niya naman ang sarili niya. Hindi na siya bata,” sabi ko sabay patugtog ulit sa kanyang stereo.
“Mean…” Tumawa siya. Ngumisi ako pabalik.
“Iniwan mo rin siya ah!” Sabay turo sa kanyang mukha.
“I just followed your order. Ikaw naman ang laging nasusunod ah?” Inangatan niya ako ng kilay.
Humagalpak ako. “You’re mean Uncle! Ginusto mo rin iyon eh! Iniwan mo siya purposely!”
He chuckled with my own words. Nailing siya sabay pasada ng kanyang buhok. Ngumuso ako at tumitig sa kanya. He stared back.
“You’re good at taming people…” marahan niyang sabi na ikinakurap ko.
“Ako?” Itinuro ko ang aking sarili.
Tumango siya at binasa ang labi, nasa daan na ulit ang mga mata at nakahilig sa bukas na bintana ang isang kamay.
“Yes. Lahat ata ng leyon ay kaya mong paamuhin. Or even the devils… You’re very good at it…”
Nakinig lamang ako sa kanya. Pinisil niya ang pang-ibabang labi.
“I should be mad at you for some reasons… But it’s really hard. Noon, sinikap kong iangat ang harang, ang pader sa ating dalawa. But you’re good at melting someone… Para kang apoy na lahat ng mapapalapit sa’yo ay matutunaw mo agad ang yelo na nakabalot sa kanilang pagkatao. No matter how cold the person is, walang wala iyon pagdating sa’yo…”
Natigilan ako ng bahagya. I am not aware I have a special skill like that. Noon, pinagmamayabang ko lang ang kasinungalingang iyan, na magaling akong magpaamo ng lalake. Ngayon na naririnig ko na talaga sa mismong bibig ng isang lalake ay nakakamangha pala. I realize I don’t need to fake myself just to please someone… Katulad ng ginagawa ko noon. I just need to be myself. At magugulat ka nalang na may mga kaya ka palang gawin na hindi mo inaakalang kaya mo pala.
Ganoon ang naging topic namin ni Tobias. Kung anu-ano na naman. Medyo mahaba haba rin pala ang byahe lalo na’t noong eksaktong alas kuatro ng hapong iyon ay unti-unti nang lumalabas ang sunset.
Mga four-thirty na kami nakarating sa mismong hot spring. Bale isa iyong liblib na kailangan mong pumasok para mahanap ang spring na tila nasa gitna ng isang kakahuyan. Masyadong green ang paligid, puro puno at may mga maiingay na nagliliparang ibon pa.
“Careful.” Inalalayan ako ni Tobias sa paglalakad. Hinawakan niya ang aking braso noong may dinaanan kaming medyo mabato.
May mga signage naman kung saan patungong hot spring kaya hindi rin mahirap puntahan ang lugar. I think we walked for half of an hour. Kaya noong dumating na sa mismong bukana ng hotspring ay ganoon nalang ang pagkamangha ko sa kabuuan.
It’s like a lagoon in the middle of the forest. Mabibilang lamang ang tao roon, nakalublob narin ang mga katawan at ang tubig ay medyo umuusok pa ng bahagya.
Inilapag ni Tobias ang aming mga gamit. Mabuti nalang at dinala ko ang aking polaroid kaya kumuha muna ako ng litrato sa bawat anggulo ng paligid.
“Ang gwapo…” Naghagikhikan ang grupo ng mga babae noong hinila ni Tobias sa kanyang likuran ang kanyang T-shirt at hinubad iyon ng tuluyan.
Ngumisi ako at kinunan siya ng picture, eksakto namang tumingin siya sa akin at magkasalubong pa ang kilay. Naging background niya ang magandang sunset sa langit, making him more attractive.
Nagpalit din naman ako ng bikini pagkatapos noon. Wearing a nude color bikini, unti-unti ko naring inilublob ang aking katawan sa katamtamang init na tubig.
Pumikit ako at sumandal sa likuran, hinayaang gumapang ang init na tubig sa katawan ko. I felt Tobias’ presence beside me, lalo na’t naaamoy ko rin siya.
Nagpatuloy ang paghahagikhikan ng mga babae sa kabilang dako. Masyado silang namamangha kay Tobias. I think they’re crushing on him. Eh si Tobias naman kasi, para ring ulam na mahirap tanggihan pag inihain mo sa isang mesa. Ganoon rin kalakas ang kanyang sex appeal.
Dumilat ako at nakisali narin sa katuwaan noong mga babae. Inasar asar ko rin si Tobias sa mga iyon.
“You’re still popular with girls, Uncle…” I giggled.
He frowned at me. “Ano bang tingin mo sa akin? Nasa thirties na? I am just twenty-eight,” giit niya, nababasa na ang buhok na nakaatras.
“Patungong thirties parin iyon… Pero kahit ganyan ang edad mo parang ang rami paring magkakandarapang babae sa’yo,” sabi ko at sumulyap saglit sa mga babaeng hindi matigil tigil sa kakatitig sa kanya.
Nailing si Tobias at binasa ang labi. May sasabihin pa sana ako ngunit sinabuyan niya ako ng tubig. My eyes widened. He chuckled with my reaction.
“Ang sama mo!” Sinabuyan ko rin siya.
Hinuli niya ang aking pulso para matigil ako habang natatawa ito. Noong lumuwag ay binawi ko rin naman ang aking kamay at ibinalik sa dating posisyon ang aking sarili.
Ilang minuto kaming tahimik, ninanamnam ang masarap na tubig at ang kalangitang dumilim na. Habang nakapikit ay ang rami rami kong naririnig sa paligid. Kahit ang mga tsismis ng mga babae tungkol sa kanya ay umaabot din sa aking tainga.
“I confessed on that letter,” bulong niya na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
Unti-unti akong dumilat at mabilis na hinanap ang kanyang mga mata sa aking gilid. Nakatingin siya sa kalangitan, lalo na’t unti-unti naring kinakain ng dilim ang paligid pero may mga ilaw naman para magsilbing liwanag.
“About?”
“About my feelings…” he muttered, like it’s really hard for him.
Kumurap ako, hindi iyon inaasahan. Bumuntong siya ng hininga.
“You only sees me as your bodyguard. Alam ko ’yon… Sa tagal nating pagsasama sa iisang bubong, napalapit ka lang talaga sa akin dahil kailangan kong dumikit dikit sa’yo. But if I didn’t do that, I think we’ll never get close with each other since mukhang wala ka ring interes sa akin. Parang handa ka agad pagsarhan ako ng pinto…” He chuckled.
Tinitigan ko siya ng husto. He licked his lips and cleared his throat, hindi niya ako matingnan.
“Fuck it. Nakakatorpe ka…” Bumuntong siya ng hininga, halos pilitin nalang ang sarili sa pagsasalita.
“The letter… I wrote it so you can understand me well… Sinulat ko lahat doon. At sa huli, ay tinanong kita…” Nilingon niya ako, mabilis na namumungay ang mga mata.
“Na?”
Slowly, his eyes drifted from my lips. He leaned closer, tila may ibubulong o siguro may iba pang binabalak gawin.
“I asked you on that letter if…” He leaned more closer to me.
Lumunok ako at parang lulubog na lalo sa tubig. Kung lalapit pa siya lalo ng husto ay maghahalikan na talaga kaming dalawa.
“Will you be my girlfriend, Brielle?” he asked me softly while staring at my lips.
Suminghap ako, hindi agad makapagsalita lalo na’t nablangko na ako. H-He wants me to be his… his girlfriend?
Narinig ko ang pagsisinghapan ng mga babae, tila nakatitig dito sa amin at siguro ay nagugulat na sa aming posisyon na sobrang lapit, na kaonting kaonti nalang ay pwede na kaming maghalikan. Ngunit bago ko pa mapatunayang iyon nga ang ikinakagulat nila, ang pamilyar na boses ni Anzai ang pumaibabaw, kinukumpirma noon na iyon ang kumuha ng atensyon ng mga babae.
“One move or I’ll shoot your fucking head,” aniya sa matigas na ingles, bumabalot ang galit sa bawat salita.
Noong lumingon ako, nagulat na lamang ako na itinutok niya na ang baril sa gilid ng ulo ni Tobias, na isang kasa lang doon ay mapapasabog niya agad ito.
Napatayo ako sa pagkabigla. His eyes were filled with anger as his face darkened even more. He followed us!
Tiningnan siya ni Tobias, gamit lamang sa mga mata, ayaw ring gumalaw dahil sa pagbabanta ni Anzai.
“Ba’t di natin ito tapusin sa suntukan?” panghahamon ni Tobias na ikinalaglag ng panga ko. Siya pa talaga?! He doesn’t know anything about him! He’s expert at jujitsu!
Ngumisi si Anzai ng nakakaloko at walang anu-anoy hinila niya si Tobias paalis sa tubig. Ganoon siya kalakas na napalunok na lamang ako. Ibinalik niya sa bulsa ang baril at pinatunog ang mga darili. Naging mabilis agad ang kanilang kilos noong umamba ng suntok si Tobias ngunit mabilis ring nailagan ni Anzai.
Nagtilian ang mga babae na nakakita, habang ako naman ay natulala sa kanilang dalawa. Si Anzai ang unang nakasuntok sa panga kaya mabilis na napaatras si Tobias. He smirked at him.
“Weak,” ani Anzai sa maangas na boses kaya sumugod muli si Tobias.
Nagliliparan ang kanilang kamao. Kapwa rin sila nag-iilagan. Nakaisang suntok si Tobias sa kanyang pisngi, ngunit mabilis ding nagantihan ni Anzai sa kanyang mukha. Natampal ko ang aking noo nang makitang dumugo agad ang labi ni Tobias.
“Sulpot ka nang sulpot! Mushroom ka ba?” si Tobias iyon, sinundan agad ng suntok.
Nakailag naman si Anzai. “Ang lambot lambot mo. Are you fucking gay?” Sabay suntok sa sikmura na ikinaatras muli ni Tobias.
Sandaling namilipit si Tobias, pero noong makabawi siya siya naman ang nakasuntok.
“Gay my fucking ass. Eh ikaw? Ayaw sa’yo ng babae pero pinipilit mo. So desperate!”
Anzai’s moves became more desperate. Mabilis na ang kanilang mga galaw na lahat na ng mga naliligo ay sila na ang pinapanood.
“You’re the one who’s fucking desperate!” He punched him hard. “And by the way? I burned your fucking letter… You got a bad penmanship… Nakakaturn-off,” he smirked more.
Natigilan doon si Tobias sa pag-atake, tila biglang nanghina sa narinig na kahit ako ay natigilan din. H-He burned it?
Nakakuha lalo ng tsansa si Anzai na umatake. He put him into a headlock, handa nang ibalibag ito ng malakas. I know that move! Iyan rin ang ginawa niya roon sa kaibigan ni Kiera! Bago pa magawa ang kanyang plano ay sumali na ako at marahas siyang hinila.
Humarap siya sa akin. I slapped him hard. Sa sobrang lakas noon ay gumalaw ang kanyang ulo at nawala ang kanyang tingin sa akin. His jaw clenched. Ang kamao ay unti-unti nang lumalambot.
“You are such a devil,” nanginginig kong sambit at hindi na makontrol ang aking galit.
Nagloosen ang kanyang balikat at nang sumulyap muli sa akin ay namumungay na ang mga mata.
40th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Hyacinth Peña. Happy reading!
What’s Mine
Kinaladkad ko palayo roon si Anzai lalo na’t mukhang ayaw narin ni Tobias na nakaupo nalang habang siya itong tila gustong gusto pa. Noong makalayo na ng husto ay binitiwan ko siya at itinulak. Napaatras siya, siguro ay nanghihina na lalo na’t yumuyuko narin ito.
“You stole his letter and you burned it?!” Sumiklab agad ako.
Nagulat siya sa aking boses. Kung kanina ay ang lakas lakas siya pagdating kay Tobias, ngayon, kahit pitikin ko lang ata ito ay masasaktan na.
“Bakit ba… Bakit ba napakapakialamero mo? Sumunod ka lang dito para manggulo!”
He looked at me helplessly.
“You’re choosing him over me?” he asked softly.
“I am willing to choose anyone over you!”
Namutla siya at lumunok, hindi kinakaya ang nakikitang galit sa aking mukha. Itinuro ko ang daan pauwi.
“Pwede ba? Umalis ka nalang.”
“Hindi ako aalis,” matapang ang boses na iyon, kahit na hindi siya makatingin ng deritso.
Nanliit ang aking mga mata. Ano pa bang gusto niya? Mas maraming natamong suntok si Tobias sa kanilang away! And he almost slam him! Ganoon na siya kadesperado!
Nailing na lamang ako at gusto na siyang iwan. Ngunit bago pa ako makatalikod ay hinila niyang muli ang aking pulso.
“Please…”
Mabilis kong binawi ang aking kamay. He swallowed hard. Ang mga mata ay namumungay na hindi kagaya kanina na sobrang talim kung tingnan si Tobias.
“Enough with this, Anzai. Ano bang rason mo at bumalik ka pa?” I glared at him.
Hindi siya sumagot at tumitig lamang sa akin sa maamong mukha. He looked so hurt. Talaga lang ah? Eh halos makipagpatayan na nga siya kanina at nasuntok narin siya tapos mas masasaktan siya sa akin? Nakakagulat naman ata?
Tumalikod akong muli. Bago pa makahakbang ay nagsalita na siya.
“I don’t want you to fall inlove with someone else…” he said painfully.
Noong nilingon ko siya ay nakayuko na ito. He breathe deeply.
“Sana naisip mo iyan noon bago kita nahuling may kahalikang iba.”
Tumango siya, nakayuko parin.
“I know… Can you forgive me? Kahit… Kahit kaonti lang. Bigyan mo ulit ako ng tsansa. I promise this time-”
“Nangako ka rin noon!” sigaw ko na ikinagulat niya.
“Nariyan na naman iyang mga pangako mo!” Nanginig ang aking labi, pinipilit nalang na maging matapang at maging klaro sa kanya na hinding hindi na ako papayag na maulit ang lahat sa amin.
He breathe deeply again.
“Please…” Humakbang siya papalapit sa akin.
Humakbang ako paatras kaya tumigil siya at nagloosen ang mga balikat. I stared at him coldly. He smiled weakly at me.
“I am prepared for this, Elliana. Kahit saktan mo ako ng paulit-ulit. Kahit ipamukha mo sa akin na masaya kana sa iba. Aagawin at aagawin kita. Guguluhin kita. Hinding hindi ako titigil hangga’t hindi ka bumabalik sa akin.”
Kahit marahan lang ang kanyang pagkakasabi ay may diin ang bawat salitang iyon, na ni isa ay walang makakabali sa kanyang desisyon at hinding hindi siya susuko.
“Ang kapal naman ng mukha mo. Tingin mo ba papayag ako na mapunta ulit ako sa’yo? Hindi mo na ako hawak at hinding hindi na kita hahayaang hawakan ako, ang puso ko. The last time I let you… you just broke it. At ngayon, gusto mo ulit?” Natawa ako ng mapakla at nailing.
Sa gitna ng kagubatan ay may mga nagsilabasan na alitaptap. Siguro ay nadisturbo namin ang mga ito sa aming kaingayan kaya pinapalibutan na kami. Gusto kong mamangha pero dahil sa galit ay mas pinili kong baliwalain na lamang iyon.
“What if I said yes? Oo gusto ko ulit. But this time I am going to make sure I’m not going to hurt you. Just… Just let me… Please?” Nangislap ang kanyang mga mata, lalo na’t dinadapuan narin siya ng mga alitaptap kaya mas lalo siyang lumiliwanag.
Hindi muna ako nakapagsalita, nagtataka kung bakit ang rami raming dumadapo sa kanya. Pati ba ang mga alitaptap ay nabihag niya agad?
“Umuwi kana,” sabi ko at tumalikod, iniwan na siya ng tuluyan doon.
Nahipo ko nalang ang aking noo. Not to mention I am still wearing my bikini. Bumalik ako sa pinag-iwanan ko kay Tobias at nadatnan siyang nililigpit na ang aming mga gamit. Noong makita ako ay inilahad niya sa akin ang aking dress.
“Let’s just go home…” sabi niya, matabang ang boses.
Tumango ako. “Gamutin natin ang sugat mo pag nakauwi na tayo.”
Tumango siya at nagbihis na ng tshirt. Ako naman ay sinuot narin ang dress dahil mukhang natuyo narin ang aking bikini. Siguro pag-uwi nalang ako magpapalit.
Tahimik kaming umalis doon. Kahit sa byahe, tahimik din si Tobias. There’s a small cut on his lips at mukhang dumudugo parin iyon. Medyo lumalabas narin ang pasa sa kanyang mukha. Nakailang suntok ba si Anzai? May pasa rin naman si Anzai ngunit hindi kasing lala ng kanya na dumugo talaga ang kanyang labi kanina.
Pumikit nalang ako, nag-iisip ng ediya kung paano maipaglalayo ang dalawa. If I tell this to my parents, at kung nalaman din ni Tobias na siya ang Castellanong iyon, siguradong malaking gulo talaga ang mangyayari. Gusto kong ako nalang ang maglinis ng kalat. I don’t want to complicate things. Napapaamo ko naman si Anzai kahit papaano. Siya nalang siguro ang pauuwiin ko.
Right… Ganoon nalang siguro. And he’s giving me so much headache! Mabuti pa nga at umuwi nalang siya. Ba’t hindi niya nalang tapusin ang unfinish business niya? Pakasalan niya nalang ang fiancee niya. I’m sure they’re just delaying the marriage for some purposes.
Siguro hinahayaan na naman noong fiancee niya na maglaro muna si Anzai. At ano? Ako na naman ang nakitang bibiktimahin? Tapos bigla bigla siyang susulpot? Sasabihin sa akin na gusto niya pa ulit? Ang alin? Gusto niya pa ulit manakit?
I don’t really understand him.
Pagkarating namin ay sinalubong kami ni B2.
“Oh? Pati rin ikaw may pasa? Nagramble ba kayo?” Natatawang tanong niya kay Tobias.
So nandito na nga ang lintang iyon? Hindi na sumunod sa amin si B2 nang tuluyan kaming magtungo sa loob. Naroon na si Anzai sa may bukana, nakapamulsa at parang naghihintay lang habang nakasandal sa gilid ng pinto.
Noong makita kami ay tahimik niyang sinundan ang aming pagpasok. Nagtapunan muna sila ng matatalim na tingin ni Tobias bago ko ito hinila papasok.
“Gamutin na natin ang sugat mo,” sabi ko at mas hinila si Tobias paakyat.
“I am hurt too,” sabi ni Anzai, kinagat pa ang namumula ring labi dahil sa suntok.
“Ba’t hindi mo gamutin ang sarili mo?” matabang kong sabi sa kanya at kinaladkad na si Tobias paakyat bago pa ulit sila magpatayan.
Kinuha ko ang medicine kit sa aking kwarto. Pinapasok ko siya roon. He walked silently. Dumeritso siya sa maliit na couch at doon umupo.
Sinimulan kong buksan ang medicine kit. Nakatitig lang siya sa akin, sa aking kilos.
“You should change your clothes first,” aniya sa medyo paos na boses.
Ngumiti ako at umiling. “Mamaya nalang…”
Tumikhim siya at pumikit. Binuksan ko ang betadine at kumuha narin ng bulak. Nilagyan ko iyon ng kaonti at ipinahid na sa may sugat ni Tobias.
“It’s just a small cut,” he whispered, nakapikit parin.
“Pag di natin iyan ginamot baka mamaga, Uncle,” I said playfully, trying to distract him from the pain.
Huminga siya ng malalim.
“I am going to wait for your answer. Liligawan kita…”
Tiningnan ko ang kanyang gwapong mukha. I didn’t agree yet. Tumahimik lang ako at pinagpatuloy ang panggagamot sa kanya.
Gumalaw siya at napangiwi, siguro ay ngayon pa lang umeepekto ang mga suntok ni Anzai sa kanyang katawan.
“Ang lakas ng gagong ’yon,” he cursed harshly.
Tumigil muna ako para makagalaw siya ng maayos. He just shifted from his seat. Ngayon ay inihilig niya na ang ulo niya sa couch at halos tumitingala na ito. He seemed so hurt with Anzai’s punches.
“Mukhang eksperto pa ata iyon sa martial arts.”
Yes Tobias. And he can paralyze his opponent in just one blow. Kung hindi ako umawat kanina, sigurado akong isa sa kanila ngayon ang nasa hospital na.
“Dapat di mo nalang hinamon.” Naiinis kong idiniin ang bulak sa gilid ng kanyang labi kaya dumaing ito.
Dumilat siya at tiningnan ako. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Ang yabang yabang mo ring manghamon eh,” sabi ko.
“Dahil nakakabwesit na ang pangingialam niya. Sana man lang, lumalaban siya ng patas. Dapat hayaan ka niyang magdesisyon. If he likes you then I am willing to fight him fairly. Hindi iyong palihim siyang aatake at sobrang dumi pang dumiskarte.” He scoff in disbelief, na kahit ako ay sang-ayon din naman.
Anzai will be Anzai. Didiskarte iyon sa paraang alam niya at wala siyang pakialam sa kanyang masasagasaan.
Pinagpatuloy kong muli ang pagpapahid ng betadine sa iba pang parte na namumula. Pumikit siyang muli at ipinahinga ang katawan.
“At talagang nakikipag-away ako para lang sa isang babae, huh? Sa babaeng sinusungitan ko lang naman sana noon?” Para bang dismayadong dismayado siya.
Natawa ako ng marahan at tumayo na ng tuwid. Niligpit ko ang mga kalat at ibinalik na ulit sa medicine kit habang nagpapahinga parin siya roon.
“I’m flattered, Uncle…”
Hinilamos niya ang kanyang mukha.
“Kukunan lang kita ng cold compress bag nang hindi na iyan mamaga lalo,” sabi ko at naglakad na palabas.
Tanging tango ang kanyang ibinigay kaya lumabas narin ako ng tuluyan. Nasa hagdan palang, naaninag ko na si Anzai sa malapad na sofa. Naroon siya nakaupo at ginagamot nga ang kanyang sarili.
Bumaba ako ng tuluyan. Noong marinig niya ang aking yapak ay nilingon niya ako.
“Mag-usap tayo mamaya,” matabang kong sabi at nilagpasan siya roon.
Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng cold compress bag. Nilagyan ko ng ice cubes ang loob noon at noong medyo mapuno na iyong kulay asul na bag ay lumabas akong muli.
“Is that for me?” Tiningnan niya ang dala ko.
Ngumiti ako ng mapakla. “Mukha bang concern ako sa’yo?” Nilagpasan ko siyang muli.
“Just a little help. Come on… I’m hurt too…” He’s almost begging pero hindi naman masyadong nahahalata sa boses niyang buo.
Tumigil ako sa may hagdan. Nilingon ko siya. Itinuro niya ang pasa niyang natamo na hindi naman gaanong grabe.
Hindi natuloy ang paghakbang ko sa sunod na baitang at bumabang muli. Nagtungo ako sa kanya palapit. Ngumisi siya at kinagat ang labi. Noong tumigil ako sa kanyang harap ay mabilis kong idiniin sa kanyang pasa ang compress bag na ikinadaing niya.
“Fuck… That hurts…” he chuckled while holding my wrist, ang isang kamay ay mabilis pang napunta sa aking beywang.
Nangilabot agad ako roon. I hate it when he’s holding me like this. Itinulak ko siya ngunit imbes na pakawalan ako ay nadala pa ako sa kanyang pagtumba lalo na’t ayaw niya rin akong bitiwan.
Mabilis kong inalis sa aking beywang ang kanyang kamay. Gusto kong tumayo ng tuwid lalo na’t ang kanyang mga mata ay nasa parteng dibdib ko nang nasisilip niya ng maayos.
“I still have an effect on you…” he said surely, na siguradong sigurado siya roon.
Itinulak ko ang kanyang balikat at sa pagkakataong ito ay marahas kong inilayo ang aking sarili sa kanya. Ngumisi siya sa akin habang nakasandal doon sa sofa, akala mo kung sinong lasing.
“Are you scared you might fall inlove again with me?”
I glared at him. “Dito ka lang at mag-uusap tayo ng masinsinan mamaya.”
Napawi ang kanyang ngisi nang marinig ang seryoso kong boses. Tumango siya ng maayos at humilig sa kanyang mga hita. Umirap ako at naglakad na ulit pabalik sa itaas.
Bumuga ako ng hininga. Napakaconfident talaga ang apo ni Satan. Akala mo kung sinong hari ng mga demonyo. Ikinalma ko muna saglit ang aking sarili saka muling pumasok sa aking kwarto. Nadatnan ko si Tobias na naghihimutok at noong makita ako ay umayos rin naman siya ng upo.
Ibinigay ko sa kanya iyon. Tumayo siya at tinanggap ito.
“Thanks. Ipagpapatuloy ko nalang siguro ito sa kwarto ko. You rest, too…” sabi niya.
Tumango ako sa kanya at ngumiti.
“Ipahinga mo nalang ang masakit mong katawan,” sabi ko.
“Yes… I badly need it.”
Inihatid ko siya sa may pinto. Tumingin siya sa akin ng seryoso, umawang ang bibig ngunit natikom rin at nagpasyang umalis na. Noong mag-isa na lamang ako ay nagpasya nalang muna akong maghalfbath.
Pagkatapos ng ilang minuto sa banyo ay nagbihis ako ng komportableng sleeveless dress. Noong nakontento na ako sa aking sarili ay lumabas din naman ako.
Wala na si Anzai sa sala. Si Tobias naman ay nasa kanyang kwarto na. Nakita ko si B1 na nasa may bukana. Siguro napansin niyang may hinahanap ako kaya itinuro niya ang dalampasigan.
“Naroon si Landon, mukhang nagpapahangin habang naninigarilyo.”
Tumango ako at humakbang narin palabas. Umihip agad ang hangin sa aking kabuuan kaya sumayaw na ang suot kong dress, ganoon din ang aking mga buhok.
Medyo malamig na ang simoy ng hangin but it’s bearable. Mabilis ko rin namang nahanap si Anzai na lumingon din sa akin, nakahilig sa kanyang likuran at tumingala pa ng bahagya para ibuga ang usok.
This devil…
Humakbang ako patungo sa kanya. Tumayo naman siya at pinagpagan ang kanyang mga kamay, nagawa pang itapon sa malayo ang stick ng kanyang sigarilyo. Bakit kaya siya bumalik diyan? Noon sinabi niya rin sa akin na huli na iyong paninigarilyo niya. He’s really also good at lying.
Namulsa siya, tumayo roon ng tuwid habang nakatingin sa akin ng malalim at hinahangin pa ang kanyang buhok.
I remained calm inspite of the intensity of his stares. Anzai is surely handsome as hell. Hindi naman iyon katanggi tanggi. Siguro kung hindi ko nakita ang kawalanghiyaan niya noon ay mamamangha ako ng husto at sasabihin kong perpektong perpekto na siya. But he’s the worst! He’s very ruthless!
Tumigil ako sa kanyang harapan. Hindi ako masyadong lumapit ngunit kahit may namamagitang distansya ay amoy na amoy ko parin ang pabango niya.
Hinaplos niya ang kanyang batok nang tingnan niya ang aking kabuuan. He looked so stunned with my presence. Hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin at tumikhim nalang para ibalik niya ang kanyang mga mata sa akin.
“I want you to go home tomorrow.”
Nakita ko ang pag-awang ng kanyang labi, kung paano unti-unting nagkasalubong ang kanyang kilay at bumabakas na ang pagtutol sa kanyang mukha.
“Uuwi lang ako kung sasama ka.”
Gusto kong humagalpak ng tawa sa kanyang pinagsasabi. He’s really pushing this!
“Gusto kong lumayo kana sa akin at itigil mo na ang kakalapit! Pag nalaman nila rito na Castellano ka ay-”
“Fuck them. Makikipagpatayan ako kung ganoon. Hindi ako natatakot,” putol niya, seryosong seryoso na naman.
Nanliit ang aking mga mata sa kanya. I knew it! Hinding hindi talaga siya magpapapigil! Tama lang talaga ang aking pasya na ako nalang ang luminis nito dahil baka kung maaga rin akong nagsumbong ay mas malaking gulo pa siguro ang mangyayari. He doesn’t care at all! Ang mahalaga lang dito sa kanya ay magawa ang kanyang gusto, ang masunod ang kanyang gusto!
And can you believe it? Hindi siya takot makipagpatayan pero natatakot siya sa akin? Mas takot pa siya sa akin kaysa sa mga bodyguards ko na kung tutuusin ay mas kayang kaya naman nitong durugin. Really Anzai Haze?
“Hinding hindi ako aalis dito nang hindi kita namamarkahang pagmamay-ari ko, Elliana,” he said with finality.
Tinitigan ko siya ng matagal. He gripped his hair and step closer. Ayan na naman iyang palapit lapit niya. Iyong tipong hindi siya nakokontento sa distansyang meron kami.
“I am going to give him a chance,” may diin kong sabi na nagpatigil sa kanyang paglapit sa akin.
Mabilis na gumuhit ang pangamba sa kanyang mukha.
“Nabasa mo naman ang sulat hindi ba? Nabasa mo rin doon na gusto niya akong maging girlfriend. Gusto niyang manligaw sa akin at papayagan ko siya.”
He swallowed. Ang kanyang ekspresyon ay unti-unti nang nag-ibaba. Parang hindi niya kayang tanggapin ang naririnig niya sa akin.
“Do you love him?” tanong niya sa dismayadong boses.
“I like him. Hindi kagaya sa’yo… mas kontento ako sa kanya.”
His eyes suddenly turned into red. Kinagat niya ang labi at tumingala saglit, tila nagpipigil nalang.
“I am still going to stay-”
“Ano pa bang gusto mong ipilit sa ating dalawa?!” sigaw ko na ikinaputla niya.
“Let me… stay here… with you… Ayokong wala ka sa paningin ko Elliana. I can bare the pain seeing you happy with someone else! Kaya ko ang ganoong sakit kaysa iyong hindi kita nakikita!” Lumabas ang ugat sa kanyang leeg dahil sa pagtaas ng kanyang boses.
Isang katahimikan ang sandaling namayani sa aming dalawa. Hinangin ang aking buhok at tumakip sa aking pisngi kaya isinabit ko iyon. Sa namumungay na mga mata ay nagloosen ang kanyang balikat at mukhang kumakalma na muli pagkatapos sumiklab.
“This pain you’re causing me right now is nothing compared to the pain I felt when you left… I want this kind of pain… Mas gusto ko ang ganito dahil kahit pinapatay ako ay alam kong nakikita naman kitang masaya.”
Tinatagan ko ang aking loob na huwag magpadala sa kanyang mga salitang alam ko ay kasinungalingan na naman. Pero kahit anong pagiging matapang ay parang pinipiga ang aking puso. Parang ang hirap na namang huminga sa tuwing naririnig ko sa kanyang boses ang pagsusumamo at sakit na kinikimkim.
“Please? I promise… This time I’ll behave. Hindi na ako makikipag-away. I’m going to let you. Just… Just let me stay here…” Bumuntong siya ng hininga at tila pinapakawalan ang bigat sa kanyang dibdib.
“I’ll patiently wait for you until you choose me again. Pangako. Hindi na ako manggugulo,” aniya sa garalgal na boses.
Namalayan ko nalang ang pag-agos ng aking mga luha. I thought I am already over with the pain. Akala ko okay na ako. Akala ko matapang ko na siyang mahaharap pag nagkita kaming muli. Pero bakit ganito? Parang may parte sa akin ang hawak niya parin. Sa sobrang higpit noon ay hinding hindi na iyon maaagaw pa ng iba.
“I’ll prove this time I can be better. Papatunayan ko sa’yo na ako dapat ang piliin mo. I’ll be fair this time…” he said sincerely, with those hopeful eyes.
Nag-iwas ako ng tingin at pinalis ang luha. Gusto kong panindigan na nagsisinungaling lang naman siya, na uutuin niya lang ulit ako, na sasaktan niya lang ako but a part of me doesn’t want to buy my own excuses. Tila may pinanghahawakan parin na kahit katiting lamang sa kanya ang nasa aking loob at iyon ang mas nananaig na hinding hindi ko kayang baliin.
Maybe we need to settle things in a different way. Ano rin bang masama kung papatunayan niya ang kanyang sarili sa akin? Bibigyan ko siya ng tsansa katulad ng pagbibigay ko ng tsansa kay Tobias. Sa paraang iyon ay mas maliliwanagan ako at mas makakapagdesisyon ako ng naayon sa lahat, na alam kong doon ako mas sasaya. I should be fair. Hindi ko na dapat ibase sa nakaraan ang desisyon ko sa kasalukuyan. Katulad ng aking hiling, handa na ulit akong magmahal na kahit masaktan man ako ay alam kong sulit naman dahil nasa tamang tao ako.
“I’m begging…” bulong niya at kulang nalang ay lumuhod sa aking harapan mapagbigyan lang.
Tiningnan ko siyang muli.
“Babalik tayo sa umpisa. Kung noon, ako ang nang-akit sa’yo. Ngayon… ikaw naman ang paaamuhin ako.”
Para siyang nabunutan ng tinik doon. He nodded while watching me carefully.
“What else?” marahan niyang tanong.
“Tumupad ka sa usapan. Tuparin mo lahat ng binitiwan mong salita kanina. Kung hindi mo naman kayang panindigan ang mga salita mo, lalo na’t doon ka pa naman magaling, then distance yourself from me.”
He smiled weakly.
“My Elliana is such a strong girl now…”
Hindi ko iyon masyadong narinig dahil narin sa lakas ng alon at sa hina ng kanyang boses. Pero mukhang nakuha niya naman lahat ng gusto kong linawin sa kanya. Nagkakaintindihan naman ata kami.
“I came here to claim what’s mine Elliana. Hinding hindi ako aalis dito nang hindi nakukuha ang alam kong pagmamay-ari ko.”
41st Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn.
This chapter is dedicated to Nicole Keith Capulong. Happy reading!
Equal
I got contented with my decisions that night. Pagkatapos ng aking mga kondisyon ay hindi ko na narinig ang kanyang mga pinagsasabi. But it’s satisfying…
Pwede ko naman siyang parusahan ng husto. Pwede kong iparamdam ko sa kanya ang galit ko. Pero napagtanto ko rin na wala talaga akong mapapala roon. It will only put me into guilt. Magiging masaya naman ba ako? Hindi. So I’d rather give a fair decision. And he’s kinda… sincere? This time I’m going to see him making an effort. Wala naman sigurong lalake ang magkakandarapang gumapang sa’yo pabalik dahil lang sa mababaw na rason hindi ba?
Nagising ako sa katok sa aking kwarto. Humikab ako at unti-unting hinila ang sarili patayo. Hindi ako agad nakatulog kagabi at medyo inaantok pa ako.
Kumatok iyong muli. Bumalikwas na ako ng kama at parang zombie na naglakad lalo na’t nakapikit pa.
Binuksan ko ang pintuan.
“Morning…” Anzai’s baritone voice filled my ear.
Iyon ang nagpadilat ng aking mga mata. He flashed his smirk infront of me, nakasimpleng puting cotton tshirt na naman.
Huh? Nasaan si Tobias? Hindi pa gising? Sinilip ko ang kabilang kwarto. Umangat ang dalawa niyang kilay at sinilip narin iyon.
“Katukin ko narin ba?” he said in a friendly way.
Kung makapagsalita ito akala mo hindi siya nakipagsuntukan kagabi. Or maybe he really meant what he said last night. Kaso si Anzai kasi ito… Napakahirap talagang paniwalaan.
Hindi niya na hinintay ang aking sagot at nagtungo na roon. Kumatok lang siya ng tatlong beses saka namulsa at muling naglakad patungo sa akin.
“Nasa baba na iyong si Patpat,” aniya.
“Potpot, hindi Patpat,” sabi ko at bumalik sa loob ng aking kwarto para kunin iyong biling vitamins para sa kanyang ina.
“Oh… Patpatin eh,” narinig kong sabi niya.
Ngumiwi ako sa kanya at lumabas na sa aking kwarto. Isinara ko ang pinto at naglakad na patungong ibaba. Pumantay naman siya sa akin. I slightly glance on his clean white cotton Tshirt plus black sweatpants. Bagay rin naman pala sa kanya ang kulay puti. He used to wear dark colors. Ngayon ko lang siya napansing nakasimpleng puting tshirt. Pumapanig na sa liwanag ang kampon ni Satanas?
I keep my thoughts with me. Sa hagdan pa lang ay si Potpot agad ang naaninag ko. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik at kumaway sa kanya.
“Oh heto… Katulad ng sabi ko…” Sabay lahad sa kanya noong Vitamins na binili ko.
Namilog ang kanyang mga mata.
“Salamat po, Ate!” Niyakap niya ako sa sobrang saya. Humagikhik ako at sinuklay suklay ang kanyang buhok.
Sabay na umangat ang mga kilay ni Anzai, parang may gustong sabihin ngunit kinikimkim nalang sa kanyang sarili at nagtungo sa coffee maker.
Inasikaso ko naman ang pagkuha ng maiinit na pandesal at inilalagay iyon sa plato. Inilapag ni Anzai sa aking harap ang kape na siya mismo ang nagtimpla.
“Thanks,” malamig kong sabi, hindi na siya tiningnan pa.
“Nasaan po si Kuya Tobias, Ate?” tanong ni Potpot, gumagala ang mga mata.
“Tulog pa ata. Masakit ang katawan noon,” sabi ko at dumako ang tingin sa paglalapag ni Anzai ng tasa sa harap ni Potpot.
Tiningnan din iyon ni Potpot.
“It’s a milk…” sabi niya. “Ang payat payat mo. Mas malusog pa ata ang mga pandesal mong binibenta.” Sabay kuha ng pandesal at kinagatan iyon.
Sumimangot si Potpot nang tiningala niya ang katangkaran nito. Ngumisi ako sa kanya at inabot ang kanyang pisngi, pinisil iyon.
“Drink your milk bago ka pumunta sa bayan para may laman ang tiyan mo,” sabi ko.
Tumango siya sa akin at hinipan na ang loob ng kanyang mug. Nangibabaw naman ang yapak sa may hagdan. Noong tiningala ko ay si Tobias iyon, inaayos ang magulong buhok at kapansin pansin ang pasa sa mukha.
“Good morning Kuya Tobias!” sigaw ni Potpot.
Tumango siya at tipid na ngumisi sabay tingin sa aking dako hanggang sa malaglag iyon sa tasa kong naglalabas pa ng usok.
“Ano pong nangyari sa mukha niya? Ba’t may pasa? Pati rin kay Kuya Landon…” si Potpot iyon, napuna na ang mga pasa nila.
Pasimple kong tiningnan si Anzai sa aking tabi na nakahilig na sa mesa, hindi pa umuupo.
“Aksidente silang nagsuntukan kagabi. Huwag kang gumaya sa mga iyan,” sabi ko sa bata nang tingnan ko itong muli.
Nakarating din naman si Tobias sa aking tabi. Kumuha siya ng pandesal.
“Good morning, Brielle,” marahan niyang sabi kaya tiningala ko siya at nginitian.
“Good Morning…” sabi ko.
“What about my Good Morning? I was first…” Narinig ko ang bulong ni Anzai sa kanyang sarili.
Nagpanggap nalang akong walang narinig at isinawsaw ang kinukurot kong pandesal sa loob ng aking kape. Si Tobias naman ay nagtungo sa coffee maker.
Hindi nag-iimikan ang dalawa sa umagang iyon, ni hindi rin nagtitinginan. Parang invisible sila sa isa’t isa at ako lamang ang pinapansin o hindi kaya ay si Potpot.
Mas okay na ata ang ganyan kaysa naman iyong bawat minuto nilang napapansin ang isa’t isa at magpapalitan ng maaanghang na salita.
Pagkatapos magpaalam ni Potpot ay inasikaso ko naman ang pagpunta sa Center para sa klase ng mga bata. I just wore a lace-up v-neck white dress. Pagdating sa pagtuturo ay nagdadamit ako ng maayos lalo na’t puro rin bata ang aking kaharap. I paired it with flats para mas maging komportable ako.
Naglagay ako ng light make-up at Dior perfume. Isa ito sa mga naging paborito ko, lalo na’t nabili ko rin ito sa US.
Noong makontento narin sa aking pinaggagawa ay lumabas na ako ng kwarto at nagpasyang bumaba. Narinig ko naman ang mga boses nila sa kusina, naroon na sila kaya doon ako dumeritso.
“Masipag pala itong si Landon! Siya rin ang gumising sa akin kanina at nagpresintang tumulong sa kusina!” si Aling Honey iyon, natutuwa ng husto.
Ang aga niya pala talagang gumising ah? O baka naman hindi na natulog sa sobrang excitement? Tss.
Nang makita nila ako ay nagsilingunan din sila. Si B3 ang nandito, nakahilig sa may sink habang sumisimsim ng kanyang kape. Si Tobias at Anzai na kapwa na nakaupo sa harap ng mesa, bihis na bihis narin at si Aling Honey na nakatayo lamang at dumadaldal.
Ang unang nakapansin sa aking pagpasok ay si Anzai. Tumayo siya at nagtungo sa bakanteng upuan. Lumingon narin si Tobias, hanggang sa tiningnan niya ang kilos ni Anzai.
“Buti at mga bata ang tinuturuan nitong si Brielle, kung hindi ay madidistract talaga ang mga estudyante sa ganda mo,” ani B3 nang pasadahan ako ng tingin.
Bumaling narin sa akin si Aling Honey, ngumingisi.
“Sit here,” si Anzai na iyon, kinukuha ang aking atensyon.
Tumingin akong muli sa upuang hinila niya sa dulo ng mesa. Sa bawat kabila naman ay kung saan sila nakaupo.
Nagtungo ako roon ng tahimik, hindi siya masyadong tinitingnan. Umupo ako ng maayos at hindi na masyadong pinansin ang naaamoy kong pabango niya, ang nangingibabaw sa kabuuan ng kusina.
May tatlong apat na putahing nakahain pero ang kapansin-pansin ay ang Cordon Bleu sa mesa. Siya ba ang gumawa nito? Imposibleng si Aling Honey eh. She doesn’t know my favorite. Hindi ko pa iyon nababanggit.
Si Tobias ang agarang hinawakan ang sandok para lagyan ng pagkain ang walang lamang platong nasa harapan ko. Pero bago niya pa iyon magawa ay nakahawak narin doon si Anzai, nakatayo parin sa aking gilid at hindi pa pala tapos sa pagsisilbi.
Nagkatinginan sina B3 at Aling Honey, ganoon din sina Tobias at Anzai. Ang kanilang mga mata ay parang nag-aaway kahit na hindi naman nag-iimikan.
Kusa kong kinuha ang sandok na pinag-aagawan ng dalawa. Doon lamang naputol ang namumuong kuryente sa pagitan. Si Anzai ay nakaisip agad ng iba at iyong baso ko ang sinalinan niya ng orange juice.
Tobias stared at him darkly. Anzai just smirked innocently at nagtungo narin sa kanyang upuan.
“Baka gusto mo ring subuan na kita?” he even suggested.
Pinaningkitan ko ng mga mata si Anzai. Tobias’ eyes sharped at him even more.
Tumikhim naman si B3. “Kulang nalang luhuran niyo ang alaga niyo ah?”
Tumawa si Aling Honey. “May kompetisyon ba?”
Walang umimik sa dalawa at nagkunwari nalang na sumubo. Kumain nalang rin ako kahit parang bawat minuto ay may nakabantay sa aking galaw. Hindi ko inaasahang magpapaligsahan pala ang dalawang ito. And Anzai is just too competetive, talagang ayaw magpatalo.
Pero infairness masarap ang Chicken Cordon Bleu na gawa niya. Pati iyong Garlic chicken na nanunuot talaga sa manok ang sauce… Did he prepared all of this? Narinig ko pa naman kay Aling Honey na tumulong si Anzai sa kusina.
Ang sipag naman ata?
Pagkatapos kumain ay si Aling Honey na ang nagpresintang hugasan ang mga plato. Lumabas rin naman kaming tatlo para magtungo na sa Center. Si B2 ang napansin naming sumisilip sa gulong ng kotse ni Tobias.
“Mukhang flat ata itong gulong ng kotse mo ah,” ani B2 at sinipa pa iyon ng marahan.
“Maayos lang iyan kagabi,” nagtatakang si Tobias at lumapit narin doon para icheck.
Sumipol si Anzai na namulsa pa.
“Paano na ’yan? Mukhang matatagalan pa ’yan ah?” Sabay baling sa akin. “Sumakay ka nalang sa akin. Malilate ka niyan… Magsisimula na ang klase ng mga estudyante mo mamayang eight…”
At kabisado niya pa ang schedule ko ah? Tiningnan kong muli si Tobias na nakayuko na, chinicheck ang biglaang pagkaflat ng gulong ng kanyang kotse.
“Matagal pa ’yan. It’s already seven-fourty…” pagpaparinig ni Anzai sa aking tabi.
“Tama si Landon, Brielle. Magpahatid ka nalang muna kay Landon total may kotse rin naman siya. Motol nalang ang available natin riyan… Nakadress ka pa naman,” si B2, sumasang-ayon din kay lintang Anzai.
Nilingon ako ni Tobias, gumalaw ang kanyang panga ngunit tumango nalang, kahit halatang hindi ito sang-ayon.
“You’re going to be late… Hahabol nalang ako kasama iyong snacks ng mga bata,” malamig niyang tugon sabay sulyap ng masama kay Anzai.
Sumipol si Anzai. “Kung makakahabol…” narinig kong bulong niya sa kanyang sarili.
Siya ba ang may gawa sa gulong ng kotse ni Tobias? Kagabi maayos pa iyon ah? Napakahirap na hindi siya pagdudahan lalo na’t nagawa niya pang sunugin ang letter ni Tobias. Diyan pa naman siya magaling… ang lamangan ang ibang tao sa kahit anong paraan para iyong gusto niya ang masunod.
Kaya noong sumakay na ako sa kanyang Ford na kotse ay doon ko na siya kinumpronta.
“Ikaw ang may gawa noon?” My eyes sharped at him.
Ngumuso siya habang binubuhay ang kanyang kotse.
“Diskarte ang tawag doon,” aniya sabay ikot ng manibela.
Nalaglag ang aking panga at pinanood ang ang ugat sa kanyang kamay habang nagmamaneho na ito gamit ang isa lamang, ang isa ay nakapatong sa kanyang hita.
“May usapan tayo kagabi ah? You’re being unfair. Akala ko ba hindi kana makikipag-away?” giit ko.
He lazily watched me. “I’m not being unfair. Diskarte iyon,” he insisted. “At hindi naman ako nakikipag-away. Depende nalang kung mapipikon siya at siya ang unang manghahamon…”
See? Napakawais niya talaga pagdating sa mga ganitong bagay! Hindi siya nagiging fair. Kung sa laro pa, ay ang dumi niyang dumiskarte.
“It’s called cheating, Haze!”
His lips pursed. Binasa niya muna iyon sabay pasada ng kanyang buhok. He’s even wearing a blue button down shirt, ang dalawang butones noon ay nakabukas pa.
“Ang hirap talagang bitiwan ng nakasanayan mo na ’no?” Humalukipkip ako sa aking upuan at inirapan ito.
Hindi na siya umimik. Itinuon ko naman ang tingin ko sa labas ng bintana.
“So… You’re teaching kids?” Nagsalita rin siya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
Hindi ako umimik, ni hindi siya nilingon. Tumikhim siya.
“At bakit ang liit liit na ng beywang mo? Aren’t you eating well? Tumangkad ka nga ng kaonti pero pumayat ka naman. Mas malusog pa sa’yo ang dibdib mo.”
Nalaglag ang aking panga kaya mabilis ko siyang nilingon. Umangat ang dalawa niyang kilay sa biglaan kong galit. He pursed his lips again… tila ayaw pakawalan ang nanunuyang ngisi sa kanyang labi at sumusulyap sa aking dibdib.
“Tumingin ka sa daan, huwag sa dibdib ko. Kaya ka nababangga sa iba eh…”
He chuckled with my words at tumingin na agad sa daan. At anong nakakatawa roon? Natatawa siya dahil totoo naman talaga?
Hindi na ulit ako umimik. Si Anzai ay nahuhuli kong minu-minuto akong nililingon. Nagkunwari akong humikab at itinuon ang tingin sa ibang bagay, ayaw siyang pansinin.
“Pwede mong pakialaman ang stereo ko. I know you don’t want to talk to me…”
Sa kanyang sinabi ay napunta agad sa harap ang aking mga mata. Hindi na ako sumulyap sa kanya at sinimulan na nga iyong galawin. Tiningnan ko ang kanyang playlist. Ang agarang sumabog na kanta ay ang Twenty-four hours by Cueshe.
Natigilan ako. This… This is the song he used to sing for me… Nangilabot ako sa kanta at hindi na lamang iyon pinahalata sa kanya.
“Ito parin pala?” matabang kong sabi.
“It’s hard to give-up on something you really love, Elliana…” marahan niyang sabi.
Tumango-tango ako.
“Ah… Kaya naisipan mo nalang ipagsabay? Kasi iyon ang mas madali para sa’yo?” makahulugan kong sabi sa matapang na boses.
Imbes na sagutin ako at pansinin ang aking sinabi ay sinabayan niya nalang ang kanta.
“I miss your eyes, your smile, and lovely face… I can’t forget your sweet embrace. We both could share our endless dreams if you were here…”
His voice never change too. Nakakakilabot parin ang kanyang boses. Ang sarap paring pakinggan noon kahit nakakabwesit ang kumanta. Kung pipikit ako, talagang isang gwapong lalake ang maiisip kong kumakanta dahil sa boses. Kung didilat naman at makikitang si Anzai ay maiirita lang ako dahil ang gwapo niya parin at mas lumala lang ata siya. He’s handsome as hell!
Wala pang limang minuto bago ang alas otso ay nasa Center na nga ako. Ganoon siya kabilis lalo na’t hindi rin naman traffic dito dahil wala gaanong mga kotse. Mabibilang nga lang sa bayan eh… Ito ang maganda sa hindi syudad. Less traffic.
“Good morning Brielle, Tob-” Natigilan si Sister Wilcel nang mapagtantong hindi si Tobias ang aking kasama.
Kumurap siya at tumagal ang tingin kay Anzai.
“Good morning Sister…” Bati ko para manakaw agad ang kanyang atensyon.
Nalipat naman agad sa akin ang kanyang mga mata. Ngumiti siya.
“Akala ko si Tobias kasi magkasing tangkad sila! Kaso buti mabilis kong napansin ang mukha. Bagong bodyguard mo? Nako… Ikaw ha…” Humagikhik si Sister.
“Hahabol lang si Tobias maya-maya…” sabi ko at hindi nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya kay Anzai dahil mukhang patungo na iyon sa compliments.
Nag-usap kami saglit pero pagkatapos noon ay dumeritso narin naman ako sa classroom. Bumuntot naman sa akin si Anzai, nakapamulsa at pagala gala ang mga mata.
“Walang lalake rito?” tanong niya.
Hindi ko iyon sinagot lalo na’t malapit narin ang pinto ng classroom. Sumilip pa roon si Kiki, na tila nag-aabang lamang sa aking pagdating. Nang makita ako ay lumiwanag agad ang kanyang mukha.
“Nandiyan na si Ate Brielle!” sigaw niya at bumalik agad sa loob.
“Umayos ka ng upo, Ismael!”
“Uy Arron pulutin mo ang binalatan mong candy kanina! Ipapalunok ko ’yan sa’yo!”
“Magbehave na tayo!”
“Matagal pa ba ang recess?”
Iyon ang mga naririnig ko sa kanila noong palapit na ako nang palapit. Pagkapasok, ang bumungad agad sa akin ay ang mga maayos nilang pagkakaupo habang si Arron na nagrereklamo sa hinihintay na recess ay masyadong matamlay.
Sabay silang nagtayuan.
“Good morning Ate Brielle! Good Morning Kuya Tob-” Nang ilipat nila ang kanilang mga mata sa aking likuran ay hindi na nila naituloy ang pagbati.
“Good Morning Kuya Tobias…” si Arron ang nagpatuloy dahil wala sa amin ang tingin at roon sa ilalim ng desk niya, mukhang may isinisiksik.
Siniko siya ni Ismael. “Hindi si Kuya Tobias ang kasama ni Ate…” mahina niyang sabi.
Lahat sila ay nagtaka. Na kahit ako ay nilingon na si Anzai na supladong nakapamulsa sa aking likuran, akala mo ay tinatakot na ang mga bata sa kanyang malamig na tingin.
“Sino ka po?” tanong ni Aira. “Nasaan si Kuya Tobias?”
Sumenyas siyang ginigilitan ng leeg ang kanyang sarili na ikinagulat ng mga bata. Sinamaan ko siya ng tingin at tuluyan na akong nagtungo sa lamesa.
“Malilate lang si Kuya Tobias.” Inilapag ko ang aking bag sa mesa at umupo ng maayos doon.
Si Anzai naman ay humalukipkip sa may pinto at doon sumandal. Nilingon ko siya.
“Pwede kanang umalis,” sabi ko.
“I’m going to watch you…”
Ang tahimik ng mga bata at parang ayaw magsalita dahil sa kanyang presensya. Lahat sila ay naiintimidate. He’s not friendly looking… Eh si Tobias sinikap rin kasing makasundo ang mga bata at nakikipaglaro sa kanila kaya nakuha niya agad ang loob ng mga ito. Pero itong si Anzai… Parang siya pa ata ang magiging rason kung ba’t iiyak ang mga bata.
Bago pa ako may masabi ay pumasok na siya. Nalaglag ang panga ni Rita sa kanya.
“Para siyang artista… Iyong mga villain sa palabas…”
Natangay ang mga mata ng bata sa kanya. Tahimik nila itong tiningnan. Kinuha ni Anzai ang bakanteng upuan at doon nagpasyang umupo sa likuran. Pinagkasya niya ang kanyang sarili sa maliit na upuang iyon at bumukaka pa roon habang nakasalikop ang mga kamay.
Ngumuso ako at nagpigil na matawa sa kanyang mukha roon. Si Kiki ang titig na titig sa kanya lalo na’t malapit lang ito sa kanyang dako.
Kinuha ko rin naman ang atensyon ng mga bata at pinatingin sa blackboard. Binuksan ko ang drawer ng mesa at inilabas doon ang mga visual aids.
“Ang subtraksiyon ay ang tawag sa pamamaraan ng pagbawas na may simbolo na bawas upang makuha ang simbolo ng pagkakaiba…”
Nakinig ng maayos ang mga bata, ganoon rin si Anzai na titig na titig din sa akin habang nakahilig sa kanyang mga hita, seryosong seryoso pa.
Ipinagpatuloy ko ang pagtuturo at binalewala nalang siya roon. Gumuhit ako ng mga prutas sa blackboard para iyon ang gawing halimbawa at mas madali nilang magets. Doon rin kasi sila naaaliw at mas nakakaintindi, iyong hindi puro numbers ang kanilang nakikita.
“Halimbawa… May limang apple. Pag binawasan natin ng tatlo…” Nilagyan ko ng ekis ang tatlo. “Ilan nalang ang natira?”
Mabilis na nag-angat ng kamay si Kiki, sumunod naman si Rita.
“Ako! Ako! Alam ko!” Tumayo na talaga si Kiki para lang siya ang aking tawagin.
Tumawa ako at itinuro siya sa hawak kong stick.
“Oh sige, Kiki…”
“Dalawa!”
Tumango ako at pumalakpak. Pumalakpak narin ang iba pa.
“Very good, Kiki!” Tiningnan ko si Arron na tulala, marahil ay recess ang nasa isip.
“Ikaw naman Arron…” sabi ko.
“Wala nang matitira sa mga apple Ate! Sigurado kaming kakainin niya lahat!” ani Ismael na ikinahagalpak agad nila.
Humagikhik ako at inawat din naman ang mga ito na huwag pagtulungan si Arron. Nahuli ko pa ang pagngisi ni Anzai, natutuwa sa panonood sa akin.
Nagpatuloy ako sa kakabigay ng examples hanggang sa nagtaas ng kamay si Aira.
“Ate… Paano po iyong may mga sagot na zero? Naguguluhan po ako roon…”
“Ang bobo mo naman, Aira!” sigaw ni Ismael kaya mabilis na binato ng eraser ni Rita.
Isang sitsit lang ni Anzai sa dalawa ay mabilis silang umayos sa pagkakaupo at hindi na naging magulo. Si Ismael ay mabilis na natakot.
“Hindi bobo ang tawag sa mga ganoon, Ismael… May mga katulad lang talaga ni Aira na hirap magproseso ng mga bagay na madali lang para sa inyo,” sabi ko na ikinayuko ni Ismael lalo na’t tinataliman ng tingin ni Anzai.
“Sorry po…” bulong niya.
Ngumiti ako at binalikan ulit ang tanong ni Aira. Dinampot ko ang chalk at guguhit na sana nang tumayo si Anzai, kinukuha na naman ang buo nilang atensyon.
Pumunta siya sa harap at tumabi sa akin.
“Subtraction is easy, little girl…” ani Anzai da baritonong boses.
Nagkamot ng ulo si Kiki.
“Wala pa po kami sa english…” reklamo niya sa pag-iingles ni Anzai.
Sinenyasan agad siya ni Rita na huwag maingay. Si Aira naman ay tinitingala ito, handang makinig.
“Example…” si Anzai na tumingin sa akin. “Dalawa kami… Isa siya, isa ako.” Itinuro ni Anzai ang aming mga sarili.
Tumango naman si Aira.
“One minus one… is equal to zero,” si Anzai.
“Eh bakit po zero?” tanong ni Aira, naguguluhan parin.
“Because I can’t live without her. I’m equal to her… Kung wala siya, wala rin ako,” seryoso niyang paliwanag na ikinatingin ko na sa kanya.
Talagang naisingit pa ah?
Suminghap si Aira. “Parang… kunwari… two minus two. Lahat may pares kaya equals zero? Kasi hindi mabubuhay ang isa pag walang kasama?”
Tumango si Anzai at ngumisi. “Yes… baby.” Sabay sulyap sa akin.
Nagulat ako at mukhang nagets agad ni Aira ang klase ng kanyang pagtuturo kahit kakaiba.
“Ah ganoon lang naman pala! Pag pare-parehas ang number sa subtraction, equals zero!” si Arron na mukhang nabuhay narin ang dugo.
“Gets ko na po! Salamat Kuya!” si Aira iyon, tuwang tuwa.
Tumango si Anzai at tinapik ang kanyang ulo noong dumaan siya sa gawi nito.
“I’ll give you an award tomorrow…”
“Yehey!” si Aira na hindi na nabura ang ngiti.
Naging maingay agad ang mga bata at gusto nang sumagot sa bawat tanong ko dahil sa narinig nila kay Anzai. Medyo nakakatulong rin naman pala…
Bumalik si Anzai sa kanyang upuan, seryoso na ulit sa pakikinig sa akin. Ngumuso na lamang ako.
42nd Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jenelyn Tinga. Happy reading!
Scared
Noong mga bandang ten ay dumating rin naman si Tobias. Napangiti agad ako nang pumasok siya sa classroom, dala dala ang snacks ng mga bata na nakasilid sa isang paperbag.
“Ang tagal mo…” Lumapit ako sa kanya.
I felt Anzai’s cold stares. Binalewala ko iyon lalo na’t pati ang mga bata ay tumakbo rin, isa-isang nagtungo sa kanya.
Binuhat niya si Aira na yumakap sa kanyang hita.
“Kuya! Marunong na ako ng subtraction!” pagmamayabang ni Aira.
“Very good…” Kinurot niya ang pisngi nito na humagikhik agad.
Kinuha ko ang paperbag para madistribute ang mga snacks nila, lalo na’t iyon pa ang kaninang hinihintay ni Arron. Umakyat siya sa aking upuan at nakisilip din noong binuksan ko na ang paperbag.
“Yes! Chocolate Monde!” Pumalakpak agad si Arron nang makita ang loob.
“Ang hilig mo sa tsokolate ah! Masisira ’yang ngipin mo…” sabi ko na ikinahagalpak ni Ismael sa aking gilid.
“Eh sira rin naman mukha ni Arron!” pang-aasar niya.
“Sshh! Mapapagalitan ka ni Kuya Landon,” bulong ni Rita at palihim na nilingon si Anzai na nanonood lamang sa akin.
Nagkasalubong agad ang aming mga mata kaya umiwas nalang ako at pinagbibigyan isa-isa ng snacks ang mga bata. Si Tobias naman ay nagbubukas na noong isang box ng juice habang nakaabang si Aira at nasa likod pa ang mga kamay.
“Dalawa po, Kuya Tobias…” sabi ni Aira, ipinapakita ang dalawang daliri.
Pagkatapos ko silang bigyan ng Mamon ay nagsitakbuhan naman agad sila patungo kay Tobias para sa juice. Tiningnan ko si Aira na naunang bigyan ni Tobias ng dalawa. Mabilis agad siyang tumakbo patungo kay Anzai para ibigay iyon.
Ngumisi si Anzai at tinanggap ang juice. Sumunod na tumakbo sa kanya papalapit ay si Arron, may dala namang straw.
Napatingin si Tobias sa dakong iyon. Umangat ang kanyang kilay, marahil ay hindi niya rin inaasahang mapapalapit agad ang ibang bata sa kanya sa kabila ng pagiging seryoso at ruthless na awra nito.
“Ate Brielle… Pahingi pa ako ng isa pong Mamon…” si Rita naman, nililingon din ang dako ni Anzai.
Binigyan ko siya ng isa at katulad ng ginawa nina Aira at Arron, tumakbo rin si Rita patungo kay Anzai.
Si Kiki at Ismael lang ata ang takot na lumapit sa kanya.
Si Tobias na ulit ang naging katulong ko sa pagtuturo sa mga bata. Si Anzai ay nanonood lamang, na sa tuwing matatawa ako ay mahuhuli ko agad ang malalim niyang paninitig.
Noong lunch time na ay sina Sister Wilcel at Sister Amara ang naghatid ng mga pagkain. Kitang kita ko ang pagkagulat ni Sister Amara nang sumulyap siya kay Anzai, lalo na’t may binubulong din si Sister Wilcel sa kanya, siguro ay nakwento niya si Anzai.
Mga packed lunch ang madalas nilang hinahatid. Si Anzai ay nagtungo muna sa labas. Ang sabi niya ay may bibilhin lang daw.
“Ate Brielle… Para sa’yo… Sinong mas gwapo? Si Kuya Landon o si Kuya Toby?” tanong sa akin ni Rita lalo na’t nasa isang malaking mesa kami na pinagdugtong lang naman para magkasya kaming lahat.
“Uy!” panunukso naman ni Ismael.
Ngumiti ako. Si Tobias ay naninimbang ang mga mata sa akin, siguro ay interesado siya sa aking sagot.
“Pag mabait si Kuya Landon perfect na siya…” si Aira iyon.
“Ayaw ko kay Kuya Landon. Pinagalitan niya ako kanina!” si Ismael sabay irap.
“Oh sige ganito nalang Ate Brielle. Sino ang gusto mong maging bf po sa kanilang dalawa?” si Rita na bumungisngis pa.
Mabilis na sumimangot si Kiki, matalim ang tingin kay Rita.
“Babae ko si Ate Brielle!” sigaw niya.
Nabulunan si Aira sa gulat. Naglahad agad si Tobias ng basong tubig sa kanya at hinipo ang likod nito. Humagalpak naman si Rita.
“Tuli kana ba?!”
Kapwa kami natawa ni Tobias ganoon din ang mga bata. Mas lalong sumimangot si Kiki, tumayo pa siya at gustong lapitan si Rita.
“Huwag kang pumatol ng babae, Kiki…” awat ni Tobias at hinarangan ang pagpunta nito sa dako ni Rita.
Bumusangot si Kiki at bumalik sa pagkakaupo. Doon lamang nahinto ang katuwaan nang kinuha ni Anzai ang atensyon naming lahat na kakadating lamang at may dalang…
“Ice cream!” Naunang tumayo si Aira, na kahit si Arron ay nanlalaki ang mga mata at iniwan narin ang kanyang pagkain.
Humaba narin ang leeg ng iba pa. Si Rita ay tumayo rin, maliban kay Ismael at Kiki na nagdadalawang isip pa kung tatayo ba o hihintayin nalang na bibigyan siya.
“Nanliligaw rin?” tanong ni Tobias sa akin, siguro ay napapansin ang pag-iiba ni Anzai simula kaninang umaga.
Nagkibit ako at pinanood siyang nilalagyan ang biniling ice cream cone ng rocky road ice cream. Ang isa pang galloon ay mukhang cookies and cream.
May ibinulong siya kay Aira at binigay ang ice cream cone. Tumango agad ito at nagtungo na ulit sa aming mesa.
“Heto po Ate Brielle…”
Ngumiti ako at tinanggap iyon.
“Thank you…”
Humagikhik si Aira at tumakbo muli kay Anzai.
“Thank you raw po!”
Napatingin si Tobias sa hawak hawak ko nang ice cream. Humagikhik ako sa kanya at ininggit siya. Nailing siya habang pinapanood akong kumakain na noon.
“Sige na, Ismael… Kiki… Pumunta narin kayo,” sabi ko sa dalawa na halatang inggit na inggit narin.
“Mauna kanang tumayo, Ismael!” si Kiki.
“Mauna ka tapos susunod ako!”
“Tumayo na kayo. Sige na…” sabi ko.
Si Kiki ang naunang tumayo at nilapitan si Ismael, pinatayo narin. Nagtutulakan pa ang dalawa makalapit lang kay Anzai.
Noong tumakbo na ang oras ay nakadikit na ang mga bata kay Anzai. Rita is asking him with random things. Nasa may mesa lang ako, binabasa ang magiging topic mamaya sa Filipino subject habang si Tobias ay kasama sina Ismael at Kiki sa labas, niyaya na naman nila itong maglaro.
“May asawa na po kayo, Kuya Landon?” tanong ni Rita habang nakaupo sa hita ni Anzai.
“Wala pa…” ani Anzai sanhi para matingnan ko ito.
Wala pa? Edi hindi talaga sila kinasal? Hindi parin siya nakatali? At bakit hindi niya itinuloy? It’s not a force wedding. Halata namang gustong gusto niya rin ang babaeng iyon.
Kinimkim ko ang aking mga iniisip at nagpanggap na abala sa pagbabasa.
“Eh anak po?” si Aira naman, titig na titig pa kay Anzai noong sumulyap ako.
“Wala rin…” Anzai chuckled smoothly, trying to sound friendly.
“Girlfriend?” si Arron iyon, nasa hita ang galloon ng ice cream at siya na ang umuubos.
Umiling si Anzai. “My suppose to be girlfriend ranaway… Tinakbuhan ako.”
“Hala bakit po?! Galit po siya sa inyo?” Nag-aalalang tanong ni Rita, dalang dala sa kwento ni Anzai.
“Yes. May kasalanan ako eh. She hates me and she’s happy with someone else now… Masaya na siya sa iba.” Naramdaman ko ang pagsulyap ni Anzai sa aking dako.
Mabilis akong nagpanggap na inilipat ang pahina at nagbasa ng mahina lamang kahit ang totoo ay hindi ko na naipapasok sa aking isipan ang aking binabasa na kwento.
“Si Ate Brielle single!” si Aira iyon.
“Hindi ah! Boyfriend niya si Kuya Toby,” si Rita.
“Friends lang sila!” giit naman ni Arron.
Ilang sandali lamang ay natahimik silang apat doon. Noong lingunin ko ay may pinagbubulong na siya sa kanila. Ano na naman kaya ang balak ng lalakeng ito? Baka pati riyan sa kalokohan niya ay idadamay niya pa ang mga bata.
Hindi lamang ang mga bata ang napapalapit narin sa kanya dahil kahit sina Sister, dumadayo na sa classroom para lang sumilip kay Anzai! Pag nahuhuli sila ni Mother Jovy ay doon lamang sila umaalis at maghahagikhikan.
Talaga lang ah? Ang lakas makahila nitong si Anzai sa impyerno. Nagiging makasalanan pa ata sila dahil sa kanya. At ako lang ba ang hindi natetempt?
I can feel how Anzai is trying to blend in with kids. He’s spoiling them with food. Kahit nangingibabaw ang pagiging intimidating niya sa mga bata ay nararamdaman ko talaga ang pagsisikap niya.
Iyon nga lang, may mga oras rin na may napapaiyak siyang bata. Lalo na noong hapong iyon… Bago ang uwian ay nagtatakbo na si Kiki sa akin.
“Ate Brielle! S-Sabi ni Kuya Landon… H-Hindi niyo raw po ako sasagutin k-kasi mas bagay raw po kayo!” Umiiyak niyang sumbong.
Ang lintang si Anzai ay mabilis kong sinamaan ng tingin na pasipol sipol pa habang lumalayo. Yumuko ako at pinunasan ang kanyang mga malalaking luha.
“Huwag kang makinig sa kanya. Magaling ’yon magsinungaling…”
Nagtuloy tuloy ang ganoong kilos ni Anzai sa mga dumaang araw. Taga gising, taga luto ng breakfast, tumutulong sa kitchen, kinukuha ang loob ng mga bata, at kung anu-ano pa na nakikita kong pinaghihirapan niya talaga.
I think he got mature when it comes to interacting with the people around him. Marunong na siyang makibagay, kahit papaano. Hindi niya narin masyadong inaangasan si Tobias at tahimik lang kaming papanoorin kung nagtatawanan kaming dalawa. He’ll silently watch me in his serious face… Pero pagkatapos noon ay tatayo siya at lalabas para manigarilyo.
“Para po sa inyo Ate Brielle…” Naglahad si Rita sa akin ng isang Rose sa Miyerkules ng hapong iyon.
“Thank you… Ang ganda nito. Saan mo pinitas?”
Wala namang garden ng rose dito ah? Kung meron man, ay gumamela ang mga iyon.
“Uhm…” Sinenyasan niya akong yumuko.
Sinunod ko ang kanyang gusto hanggang sa may ibinulong siya sa akin.
“Sana po mapatawad niyo na si Kuya Landon…” Pagkatapos iyong ibulong ay tumakbo agad siya ng mabilis.
Tumayo ako ng tuwid at tinitigan ang rose na hawak.
“Sinong nagbigay?” Sumulpot si Tobias, dala dala na ang aking bag at madilim ang mukha noong makita ang aking hawak.
“Si Rita…”
Huminahon ang kanyang ekspresyon at napatingin sa harap. Tumingin narin ako at nakita si Arron na may dala-dalang sunflower na nakalagay sa maliit na bouquet. Noong makita niya si Tobias ay namilog ang kanyang mga mata at tumakbo paalis.
Umangat ang kilay ni Tobias sa akin.
“Ba’t binibigyan ka ng mga bulaklak ng mga bata?”
Nagkibit ako at ngumisi. “Selos ka?”
“Baka si Landon ’yan… Nanliligaw ata eh…”
Anzai isn’t courting me. Siguro ay kinukuha niya lang ulit ang aking loob para patawarin ko siya sa kanyang kasalanan. Papaamuhin niya lang naman ako. Ibabalik niya lang ang tiwalang sinira niya. O baka naman… nanliligaw narin? I don’t know. It’s confusing. Ayaw ko ring magtanong. Baka iyon narin iyon.
Naging ganoon ang mga bata sa sumunod pang mga araw. They’re giving me flowers every hour! Lalo na pag lunch time at tuwing hapon. Doon sila nagsusulputan, maliban kay Ismael at Kiki. Sina Rita, Aira at Arron ang madalas na gumagawa noon at nagugulat nalang ako na ang rami-raming pagkain ni Arron. Si Aira naman ay may dinadala nang manika at pinapaupo niya pa sa kanyang tabi tuwing klase habang si Rita ay may bagong barbie na Bag.
Iyan ba ang binibigay ni Anzai sa kanila bilang kapalit? Hindi nga lumalapit lapit sa akin pero sa pamamagitan ng mga bata niya idinadaan.
“Aira is getting close with Landon,” ani Tobias nang papauwi na kaming dalawa.
Nakasakay ako sa kanyang kotse. Ang kotse ni Anzai ay mukhang nakabuntot lang sa amin.
“Halos lahat ata ng mga bata eh…” sabi ko.
“Ang dali dali niyang nakuha ang mga loob nito eh samantalang ako, umabot pa iyon ng ilang linggo,” si Tobias.
Natawa ako. I remembered those days! Pinagsasabihan ko na nga lang siya na makipaglaro sa mga bata para mabilis niyang makasundo! O di kaya ay ngitian niya nalang ang mga ito para hindi matakot na lumapit sa kanya.
Eh si Anzai kasi, idinaan niya agad sa mga pagkain, sa mga hilig ng mga bata. He knows how to get what he wants. Talagang makukuha at makukuha niya iyon.
“At nagseselos ka dahil mas favorite na ni Aira si Landon kaysa sa’yo?” Ngumisi ako sa nanunuyang paraan.
“Hindi iyon ang inaalala ko. Sa bilis niyang kumilos at makuha ang loob ng nakapaligid sa kanya. Baka pati ikaw…” Tiningnan niya ako ng makahulugan.
Napawi ang aking ngisi. Kung ititimbang ang effort ngayon ni Anzai at ni Tobias ay mas mabigat na talaga ang nagagawa ni Anzai sa mga dumaang araw. He’s doing well… Si Tobias kasi wala namang pinagbago at nasasanay na ako sa pagiging gentleman niya sa akin, sa pagiging maalalay niya. Unlike Anzai. It’s my first time seeing him like this. Parang gumagapang talaga siya kahit na hindi naman siya sanay sa mga ganoong bagay ay napapasubo siya. He’s doing his best to melt the ice burg between us.
“Nasa iyo ang desisyon. Kung saan ka sasaya, at kung sino man ang pipiliin mo ay rerespetuhin ko,” ani Tobias sa malamig na boses at nakatingin nalang sa daan.
I am still undecided. Lamang na lamang ngayon si Anzai dahil naninibago ako sa kanyang mga efforts pero parang nakukulangan pa ako. Sanay narin naman ako kay Tobias but a part of me doesn’t like being his girlfriend yet. Parang… Parang hindi pa sila makaadjust.
So parang may fifty fifty parin sa kanilang dalawa. Hindi pa talaga napupuno iyon at kulang pa. I’m going to give a fair judgement since they’re both doing their efforts. I don’t want to rush this. Gusto ko pang makakita ng magpapabilib sa akin.
Humikab ako sa umaga ng Sabadong iyon. Medyo pumapasok na ang sinag ng araw sa nakabukas na veranda. Si Tobias ang gumising sa akin at hinatid ang aking kape. I still want to rest inside my room kaya hindi nalang muna ako lumabas.
Lumabas ako ng veranda at umupo roon. Pumapaibabaw sa aking tainga ang tunog ng alon kaya napadpad ang aking mga mata sa dagat.
May napansin agad akong lumalangoy roon at kakaahon lamang. Anzai, wearing nothing aside from his boxers, brushed his wet hair while walking towards the seashore.
Namilog ang aking mga mata at mabilis na naibuga ang aking kape nang makita ko pa ang pagdaloy ng tubig sa kanyang katawan. T-The bulge on his boxers almost choke me! Parang nabuhay ang mga nababasa ko sa Romance book at binibigyan niya ng katauhan ang mga characters ng mga bidang lalake na may perpektong description.
His hair is dripping wet down to the ripples of his muscles. Parang ang tigas tigas ng buo niyang katawan lalo na noong hinalikan siya ng sinag ng liwanag sa langit ay mas naging malinaw ang bawat detalye sa kanyang katawan.
Tumingala si Anzai at nameywang. Mabilis niyang nahuli ang aking mga mata. Ngumisi siya at kumindat. Nauubo akong tumayo at bumalik sa loob ng aking kwarto.
Am I dreaming? Pinagsasapak ko pa ang aking mga pisngi. Wake-up! Huwag mong pagpapantasyahan iyan at mahuhulog ka talaga agad sa patibong! Huwag mo namang ibase ang desisyon mo sa sarap ng katawan, Elle! Be fair!
Lumabas ako ng aking kwarto at nagpasyang bumaba. Pumasok ako sa kusina at nadatnan doon si Tobias na nag-iinit ng kung anong pagkain sa microwave.
Nang makita ako ay umalis agad siya sa pagkakasandal sa pader at tumayo ng tuwid.
“Pinapainit ko nalang ang pagkain mo. Ihahatid ko sana sa kwarto mo. Ba’t ka lumabas?” Pinaghila niya ako ng upuan.
Umupo ako roon at nginitian muna siya. Inilapag ko ang mug.
“Medyo mainit na roon…” sabi ko at pinaypayan ang aking sarili.
“Namumula rin ang pisngi mo…”
Hinawakan ko ang aking mga pisngi. Mainit nga sila. At sino bang hindi mamumula kung kakagising mo palang at ganoon na ang bubungad sa’yo? Hindi naman ako bato para hindi maapektuhan at mamangha.
Nilapitan niya ang microwave at inilabas na roon ang pagkaing pinapainit niya. Habang abala siya roon ay may biglang pumasok. Ang walanghiyang si Anzai na basang basa pa at nag-iiwan ng marka sa sahig iyon!
I glared at him. Iyon nga lang ay hindi ko mapanindigan ng buo lalo na’t naka boxers lang at basa pa. May ilang kumpol ang tumakas sa kanyang buhok na nakaatras, nalalaglag iyon sa kanyang noo.
“Oh… Akala ko walang naghahanda ng pagkain mo,” aniya sabay pameywang sa mismong gilid ko.
“Lumabas ka nga! Nababasa ang sahig!”
Umangat ang kanyang kilay.
“Pagkatapos kang maglaway sa itaas kakatingin sa akin ay itataboy mo na ako ngayon?”
Nalaglag ang aking panga. Kahit si Tobias ay mabilis ang paglingon sa amin.
“I am not drooling. Anong nakakatulo laway sa katawan mo?” Pinasadahan ko siya ng tingin.
“But you’re blushing…” he licked his lips and smirked at me.
Ang confident niya na naman! Purket namumula lang! Bago pa ako makasagot ay nagulat nalang ako nang biglaan niya akong binuhat.
“Put me down!” sigaw ko agad at nagpumiglas sa matitigas niyang mga bisig.
Malalaki ang hakbang ni Tobias, dala dala ang galit na mukha at mabilis na hinawakan si Anzai sa kanyang braso.
“Ayaw niya. Huwag mong pilitin,” giit niya sa matigas na boses at sobrang talim na ng mga mata kay Anzai.
Anzai looked at him coldly. Tiningnan niya rin ang kamay nito sa kanyang braso ngunit walang balak na bitiwan ako, na ibaba ako.
“Kamay mo. Baka maputol ko.” Marahas niya iyong hinawi sa pamamagitan ng paggalaw at tinalikuran ito.
Nagpumiglas akong muli kay Anzai. Parang walang wala ang aking kalas kumpara sa kaya niyang gawin.
“Ibaba mo nga ako! Ayokong maligo!” Kinalmot ko ang kanyang braso.
“Ouch…” Ngumiwi siya at parang nasaktan sa aking ginawa. Mabilis akong natigilan at huminto sa pagpupumiglas.
Pumikit siya, gumuguhit ang sakit sa mukha. Tiningnan ko ang kanyang braso pero wala namang marka roon ng aking kuko. Maya maya ay humalakhak si Anzai. Mas lalo akong sumiklab sa kanyang mga bisig.
“Come on, Elliana… Wala ba akong reward sa’yo? I’ve been so good these past few days… Kahit ito man lang… Naiinggit na ako at nagpipigil nalang ako. Aren’t you happy?” aniya habang naglalakad na patungo sa dagat.
Tinitigan ko siya ng ilang sigundo. Wala akong masabi roon kaya naging blangko ako.
Unti-unti ay naramdaman ko ang tubig. Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin. Pinakawalan niya ako hanggang sa kusa akong lumangoy. Hindi pa lamang nakakalayo ay hinila niya na agad ang aking beywang hanggang nadikit ako sa kanyang likod. He breathe heavily on my ear.
“I missed this…” he said in a raspy voice.
Lumayo ako sa kanya ngunit pinihit niya lang ako paharap. Sa sobrang bilis noon ay napakapit agad ako sa kanyang mga balikat.
“Bumalik kana sa’kin Elliana…” Namungay ang kanyang mga mata, lalo na’t tumama pa ang liwanag sa kanyang mukha ay mabilis na nagbago ang kulay noon.
“Come back to me… Ako nalang ang piliin mo. Mas magiging masaya ka sa akin,” he whispered while staring at my lips.
Hinilamos ko ang aking mukha at gustong lumayo sa kanya. Iyon nga lang, sa sobrang higpit ay parang hindi na ako makawala. Dikit na dikit ako.
“Akala ko ba mag-eeffort ka? Are you tired? Ano? Suko kana? Edi sumuko kana,” sabi ko at itinulak muli ang kanyang balikat na sana ay pakawalan niya ako.
He gripped me more.
“Yes… I’m deeply hurt… Pero iniisip ko na mapupunta ka pa lang sa iba ay mas masakit iyon kaya hindi ako mapapagod. Hindi ako susuko hangga’t hindi kita nababawi.”
Our eyes locked from each other. Kumalabog ang aking dibdib kaya mas nabigyan ako ng rason para kumawala. Sa kagustuhan kong makatakas ay unti-unti ring lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa aking beywang.
“Huwag ka munang mahulog sa kanya. Papatunayan ko pa ang sarili ko… Babawiin pa kita…”
Lumayo ako, sapat lamang na hindi madikit sa kanyang katawan. Sinundan niya ako ng tingin.
“Kaya nga mag-eeffort ka hindi ba?” sabi ko.
He chuckled but without any humor on it. Masyado iyong matabang.
“What’s the use of my efforts if you’re not letting yourself to fall inlove with me? Binibigyan mo lang ako ng tsansa pero masyado mong hinahawakan ang sarili mo para hindi mahulog sa akin. You don’t even want to be with me…”
Natigilan ako sa sakit ng kanyang pagkakasabi noon. Na iyon ang kanyang kinikimkim at napapansin sa mga nagdaang araw.
Ano bang tsansa ang gusto niya? Iyong makipagtawanan din ako sa kanya? Makipagngitian? O baka naman gusto niyang magkilitian kami nang matawa kami sa isa’t isa?
“Ano bang gusto mo?” matabang kong tanong.
“Come closer…”
Doon pa lang ay lumunok na ako. Ayokong mapalapit sa kanya! Hindi ba pwedeng may distansya sa pagitan namin? Hindi pa ba sapat na kinakausap ko siya? Na hinahayaan ko siya?
“Why are you forcing me to fall inlove with you?” Nanliit ang aking mga mata.
“I am not forcing you, Elliana. Gusto ko lang na alisin mo ang harang sa ating dalawa. Aminin mo nga? May kakompetensya ba talaga ako o gusto mo lang ipamukha sa akin na kaya mong maging masaya sa iba?”
W-What? Iyon ba ang iniisip niya sa pagiging malapit namin ni Tobias? Na masaya ako sa iba? I can’t believe him! I am trying to be fair! Patas ko silang binigyan ng tsansa para patunayan nila ang kanilang sarili sa akin! Para maayos kong maibase roon ang desisyon ko. Pero hindi ako makapaniwalang iba pala ang nakikita niya.
“Or maybe you’re just scared?” Lumangoy siya palapit sa akin.
Nang matauhan sa aking pinag-iisip ay lumangoy rin ako palayo. Iyon nga lang, sa kanyang bilis ay hindi ko na nagawang makatakas.
He locked me again on his arms and eyed me seriously. Kumalabog ang aking dibdib at nanghina sa higpit ng kanyang pagkakahawak, sa lalim ng kanyang paninitig.
“So you’re scared huh…” Ngumisi siya ng malademonyo.
“Ano bang pinagsasabi mo-”
“Hindi pala nawala?” he whispered at nagawa pang haplusin ang aking panga sa dulo ng kanyang ilong.
I shivered on it. Parang may kuryenteng dumaan sa buo kong katawan.
“Natatakot ka bang pag masyado kang malapit sa akin ay magiging madali nalang ang lahat? Kaya ka dumidistansya dahil alam mo sa sarili mong pagmamay-ari parin kita.”
Namilog ang aking mga mata. Natutop na ang aking bibig. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa kanyang mga paratang sa akin.
Nagkasalubong ang aking kilay at nakita si Tobias sa may dalampasigan, nanonood sa amin. Nagpumiglas akong muli. Hinanap niya ang aking mga mata, gusto akong tingnan ng masinsinan.
“There is no competition in here, Elliana… Kung meron mang kompetisyon, ikaw lamang at ang puso mo.” Humaplos ang kanyang hininga sa aking pisngi sa sobrang lapit niya.
Natakot agad ako sa kanyang binitiwang salita. It was like he’s so sure of it.
“You still love me… Hinahawakan mo nalang ang sarili mo para hindi mahulog sa akin pero ang totoo, ako parin ang laman ng puso mo. Free yourself from your own grip… I dare you…” He brushed his lips on my earlobe purposely in a very sensual way.
Tila isang malamig na tubig ang ibinuhos siya sa akin, mas malamig pa sa tubig na dagat. Namungay ang aking mga mata nang mahuli niya ng tuluyan ang aking tingin.
Oo. Tama siya. Kahit itanggi ko iyon, alam kong mahuhuli at mahuhuli niya. I am still jealous with the girls around him. Naroon parin iyon. Pero kay Tobias, hindi ako masyadong nagseselos. Parang sakto lang. I am not gripping him too much unlike Anzai.
“Pag sa’yo kasi… lahat sobra. Sobrang masaya… kaya sobra rin ang sakit. Pero kung kay Tobias ay-”
“No! Fucking shit, Elliana. Hinding hindi ako papayag!” he growled angrily, na alam niya na agad ang desisyon ko.
Kailanman, hindi ako naagaw ni Tobias sa kanya. Ako nalang ang kusang inaagaw ang sarili ko na sana ay makawala ako sa sarili kong nararamdaman para sa kanya para mahulog na ako sa iba.
43rd Gripped
Gripped
Napakayabang!
Noong makahanap ng tyempo na makatakas sa kanyang mga kamay ay mabilis na akong lumangoy pabalik sa dalampasigan. Tobias watched me seriously as I stood and went to him.
Basang basa ako, ang buo kong katawan na kahit ang aking buhok ay piniga ko nalang.
“Nakakainis si Landon!” Umirap ako, gustong itago ang kaba na naramdaman ko noon at manaig ulit ang tapang sa akin.
“Change your clothes so you can eat your breakfast,” malamig na sabi ni Tobias, nakatitig sa basa kong damit.
Tumango ako at ngumiti, nilagpasan narin ito. Pumasok ako habang iniisip ang pagiging malamig ni Tobias sa akin. He’s been like that these days. Parang may mga oras na bigla bigla siyang bumabalik sa dating siya, iyong malamig at suplado.
Nagloosen ang aking balikat noong makapasok na ako sa aking kwarto. Natulala ako saglit. I should think about this seriously… I am hurting Tobias. Kahit hindi niya isaboses, alam kong nagseselos siya kay Haze, at ganoon rin naman si Anzai sa kanya.
Totoo rin naman iyong sinabi ko. Pag kay Anzai ay palaging sobra, palaging umaapaw. Parang hindi ko mapigilan at kahit ay puno na ay wala paring tigil. Hindi katulad kay Tobias na nakokontento ako. Parang isang timpla na sakto lang na hindi ka mabubusog ng husto.
And you think that’s enough, Elle? Yes. That’s enough. Ang sabi pa naman nila ay nakakasama iyong sobra. Nakakasama si Anzai sa akin.
Bumuntong ako ng hininga at pinilig ang aking ulo para matigil ako sa pakikipagdebate roon. I’ll still think about it. Pero may naiisip na akong plano.
Nagbihis ako ng komportableng dress.
Napunta ang aking mga mata sa high windows habang bumababa ako sa hagdan. Nakita ko ang imahe ni Tobias sa labas, nakaupo doon sa lilim ng puno at naninigarilyo. Bakit bumalik ulit siya riyan? Ilang buwan niya na kasi iyang inihinto at hindi ko na siya namamataang humihithit ng sigarilyo. Ano bang nakukuha nila riyan bukod sa lung cancer?
Hindi na ako lumabas at nagtungo nalang sa kusina. Ayoko rin siyang disturbuhin dahil mukhang gusto niyang mapag-isa roon. Pagkapasok ko, si Anzai ang nadatnan kong kakain din ata dahil may hawak pang plato at nilalagyan ng ulam iyon, ang kanyang bibig ay may kagat kagat pang isang loaf bread.
Tumikhim ako kaya napalingon siya sa akin. He’s topless at pansin na pansin pa ang v-line sa parteng abdomen! Kailangan niya ba talagang ibalandra iyang matigas at well-toned niyang katawan?
Nagtungo siya sa mesa at inilapag ang plato. Kinuha niya ang loaf bread na may malaki nang kagat at ngumuya. He even offered the half of it!
“Gusto mo?”
Umirap ako sa kanya at binuksan iyong takip na inihanda ni Tobias para sa akin. Umupo ako, hindi na ito nilingon na umangat pa ang dalawang kilay.
Kumuha siya ng kubyertos at ibinigay sa akin ang isang pares ng kutsara at tinidor. Tahimik ko nalang iyong kinuha at pinagtuunan ng pansin ang nakahanda kong pagkain.
Nagtungo siyang muli sa loob ng ref at kumuha roon ng isang pitsel ng orange juice. Kumuha rin siya ng mataas na baso at lumapit na sa akin.
Inilapag niya sa tabi ng aking plato iyong baso at sinalinan niya ng juice. Ginalaw ko naman ang aking pagkain, gusto siyang baliwalain kahit naaamoy ko ang kanyang showergel na kumakalat sa kabuuan ng kusina.
Umupo siya sa aking tabi pagkatapos iyong gawin. He even fixed his disheveled hair. Basa parin iyon pero mukhang malapit nang matuyo.
Sumubo ako at tumingin sa ibang direksyon para hindi ko siya nakikita sa gilid ng aking mga mata. Narinig ko naman ang paggalaw niya ng kanyang pagkain dahil sa ingay ng mga kubyertos.
“You don’t have any plans today? It’s Saturday…” Nangibabaw ang baritono niyang boses sa aking tainga.
“Kung ikaw ang kasama? Wala,” malamig kong sabi.
He chuckled. “Aling Honey is sick. Ako na ang nagpresintang mamalengke. Baka gusto mong sumama sa bayan?”
May sakit si Aling Honey? Kaya ba hindi ko siya namataan ngayong araw?
“Anong sakit niya? Uminom na siya ng gamot?” Bumaling ako sa kanya.
Tumango siya. “She’s resting inside her room. Huwag mo nang disturbuhin.”
Kumalma ang aking ekspresyon doon. Baka nabibinat na si Aling Honey dahil siya ang umaasikaso sa lahat dito.
“Hindi ko pa masyadong kabisado ang bayan. I need you to guide me…” ani Haze na ikinaangat ng aking kilay.
At baka isa na naman ito sa mga pakulo niya ah? Ang galing galing niya pa naman doon. Kaso si Aling Honey iyon eh… At si Anzai itong masyadong pabilib kaya sinasalo agad ang lahat.
“Marunong kang mamalengke?” tanong ko.
“Oo. Madali lang naman ’yan. Pare-parehas lang naman ang mga tinda roon…” sabi niya.
Nagduda agad ako. Hindi ko pa naman nararanasang mamalengke at hindi pa ako nagagawi sa palengke sa bayan pero alam ko naman kung paano papunta roon. Nag-iwas ulit ako ng tingin.
“Kay B3 ka magpasama,” sabi ko at sumubo.
“Aling Honey suggested to take you with me…”
Napalingon akong muli sa kanya. He stared at me innocently, na wala siyang kinalaman doon at kusa iyong sinabi ni Aling Honey.
“Totoo ba ’yan?”
Tumango siya at binasa ang labing kumikintab pa lalo na’t medyo may mantika ang kanyang kinakain.
“Yes… You can ask her if you want to. Iyon nga lang ay madidisturbo mo ang pagpapahinga niya.”
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Gwapo iyan pero sobrang mapanlinlang.
“Sinungaling ka pa naman…” sabi ko.
“Wala ka lang talagang tiwala sa akin.”
“Paano kita pagkakatiwalaan kung nakita ko mismo ang ginawa mo?” I fired back intensely.
“What if I have my reasons, Elliana?” seryoso niyang sabi.
“I don’t care about your reasons. Kung ano man iyon, sapat na ba ’yon para manloko ka?”
“Hindi kita niloko. Noong sinabi kong mahal kita, totoo iyon…”
Umiling ako at ayaw nang pakinggan ang kanyang mga sinasabi. The fact that I got shot… The fact that my family got worried… I caused a big trouble because of him! At kung malalaman nila itong lahat ay hindi rin nila magugustuhan ang paglapit lapit ko sa kanya.
“Alam mo ba kaya ako nandito? Dahil sa’yo,” giit ko.
His expression hardened.
“Do you want to see the scar, Haze?” I muttered angrily.
His jaw clenched. Nakatitig parin siya sa akin.
I pulled the lace of my dress down so he can see the clearer view of the small scar I got. Agarang bumagsak ang kanyang mga mata roon.
Hindi naman iyon kapansin pansin dahil sa aking kaputian ngunit kung tititigang mabuti ay may kaonti talagang pilat na hindi na natabunan ng dumaang taon. Kung hahaplusin ay mararamdaman mo talaga ang pagkakaiba nito sa aking balat.
“I was shot because of you!” I hissed, trying to control my voice para tanging siya lang ang makarinig.
Umangat ang kanyang kamay. Bago ko pa mapigilan ang kanyang binabalak ay hinaplos niya na iyon ng marahan. I shivered on his touch. Ang galit ay unti-unting nabubura.
“I’m sorry for this… I promise… this won’t happen again,” sabi niya sa masuyong boses.
Sinamaan ko siya ng tingin.
“You’re the one who hurt me the most, Anzai. Walang wala ito kumpara sa ginawa mo,” I said.
Tumango siya at tinanggap ang aking mga sinabi. He stared on the scar while caressing it. Gusto ko na sanang hawiin ang kanyang kamay roon ngunit yumuko siya bigla at pinatakan iyon ng halik.
My eyes widened. I stiffened with his kiss.
“I’m sorry…” he whispered and kissed my scar again.
Nanindig ang aking balahibo. Mabilis kong tinulak ang kanyang balikat lalo na’t para na akong matutunaw sa aking kinauupuan. He bit his lowerlip. Namula ako at hindi makapaniwalang hinalikan niya talaga.
“You are so…”
“So?” Ginaya niya ang huli kong salita, nagkakasalubong pa ang kilay.
“Linta!” sigaw ko, hindi na napigilan pa.
He smirked at me. “Or maybe you’re not satisfied that’s why you’re overeacting? Hmm… I can kiss you more, you know… Hindi lang riyan kung gusto mo.” He leaned closer, teasing me.
Sa aking inis ay itinulak ko siyang muli. But the aggressive Anzai just captured my hand at iginiya iyon sa kanyang labi. Hinalikan niya ang likod ng aking kamay habang malalim ang tingin sa akin, nakakapaso at nanliligaw.
I blushed more. Hindi ko na kinakaya ang kanyang ginagawa! Binawi ko iyong muli. He smirked evilly, contented with my reaction.
“Tingnan natin kung gaano kahigpit ang pagkakahawak mo sa sarili mo, Elliana. This time… You will never stop me. Ako naman… I’ll seriously pin you down until you lose your control. You know me too well… Eksperto ako sa lahat ng bagay. This time, I’ll tame you so hard until you come back to me with your own choices,” he said with so much authority.
Nangilabot ako. Ang bawat salitang binitiwan niya ay nagmarka agad sa aking isipan. Mabilis iyong tumatak na hindi ko alam kung hanggang saan ang pagtatapang-tapangan ko.
But I am not going to back down that easily! Lalabanan ko siya sa abot ng makakaya ko! Hinding hindi ako magpapadala riyan sa ginagawa niya.
“You are so full of yourself.” Umirap ako at ginalaw muli ang pagkain.
He chuckled playfully at nagawa pang ipatong sa aking upuan ang kanyang kamay. I felt him played with my hair.
“Tobias is better than you!” Isinampal ko talaga iyon sa kanya para lang matigil tigil iyang pagiging demonyo niya.
Imbes na masaktan, he even smirked at me. He’s really serious about what he said. Mukhang desperado na siya sa kanyang gusto lalo na’t hindi na basta bastang natatablan ng kung anu-ano.
“And you’re willing to settle with someone like that when you can have what’s best for you? When you can have me?” he said leisurely.
Namilog ang aking mga mata at hindi na magawang pagtuunan ng pansin ang aking kinakain. Ang galing galing niya talaga sa salita! Ewan ko ba!
“Masaya ako sa kanya,” matapang kong sabi at binitiwan na ang kubyertos.
He leaned closer. Hinawakan niya ang baba ko.
“Pero mas sasaya ka sa akin. You are just convincing yourself that you can be happy with him. You are just afraid I am going to hurt you again. At tingin mo ba… hindi ka masasaktan sa kanya? You’re hurting yourself for being with someone you don’t even love. Choose someone who’s worth the pain, Elliana…”
Parang gumuho ang aking tapang. Parang nababasa niya talaga ang aking iniisip. My eyes sharped at him. Iyon nalang ang tangi kong nagawa para sindakin siya. He chuckled with my reaction, with my sudden expression.
“Baby… You know I know you too well. At alam ko ring ayaw mong gamitin si Tobias bilang panakip butas, hindi ba? Why are you choosing him when you can freely choose me?” Hinaplos niya ang aking baba, ang hininga ay hinahagkan na ang aking labi sa sobrang lapit niya.
Itinulak ko siyang muli. Umangat ang kanyang kilay. Nagtaas baba ang aking balikat. I really can’t stand this devil! Feeling niya ay alam niya na ang lahat! Ang laki laki na ng kanyang self-confidence! Hindi ko siya matansya! Talagang binabalot siya ng black magic! Napakalinta!
Hindi ako nakakain ng maayos dahil sa panggugulo ni Anzai. Nakakatuliro na ang kanyang mga kilos. Ganoon na siya katapang at kasiguradong mapagtatagumpayan niya ang kanyang plano, na may epekto parin siya sa akin.
Well yes… he still affect me. But I am trying my best para hindi agad madala roon. I am not going to give-in that easily! Talagang ipapakita ko na may paninindigan ako sa mga salita ko hindi kagaya niya.
Nagbihis rin naman ako pagkatapos para samahan siya sa bayan. Mamamalengke siya!
I wore a simple white button down dress. Noong bumaba ako ay naka simpleng cotton white tshirt narin si Anzai, nakapamulsa pa sa kanyang jeans. Noong napansin niya ang aking pagbaba ay tumitig agad ito. Humawak ako sa railings para hindi mahulog.
Sumulpot si Tobias, kakapasok lamang at mukhang tapos nang manigarilyo. Ngumiti ako sa kanya nang napantingin siya sa akin.
“May lakad kayo?” tanong niya.
“Oo kami lang,” si Anzai ang sumagot sa supladong paraan.
“Oo Tobias. Mamalengke kami. Sasamahan ko lang siya. Ikaw… Gusto mong sumama?”
Napatingin si Anzai sa akin, nakaangat agad ang isang kilay. Bago pa siya may masabi ay nauna nang umiling si Tobias.
“Kayo nalang. I’ll stay here…” sabi niya at nag-iwas ng tingin.
Napanguso ako roon. Tinitigan ko siya ng ilang sigundo. Tobias smiled flatly.
“Have fun…”
Tumango ako ng marahan. Si Anzai ay naiiling pa noong tumalikod na at naunang lumabas. Binalingan kong muli si Tobias.
“Sige… Alis na kami,” sabi ko.
Tumango siya at pinanood nalang akong lumabas. Bumuntong ako ng hininga at nabahala agad sa inaasal ni Tobias. He means alot to me since siya ang nariyan noong mga panahong natututo na akong tumayo sa sarili ko.
Pagkalabas ko ay pinagbuksan agad ako ng pinto ni Anzai sa front seat. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako pumasok.
“It wasn’t my fault if he’s cold to you,” aniya, na iyon ang ikinakagalit ng talim ng aking mga mata.
Goodness!
Ayaw ko siyang imikan buong byahe. Ang nag-iingay sa loob at nangingibabaw ay ang kanta. Tahimik lang din siya, palingon lingon sa akin.
“Napagod na ’yon sa’yo. Hindi niya siguro alam na matigas kang paamuhin at hindi basta easy to get,” aniya.
Umismid ako sa kanya. Hindi niya ba kayang hindi ako kausapin?
“Tigilan mo ang kakaangat sa sarili mo dahil mas karapat dapat pa si Tobias kaysa sa’yo.”
He chuckled again.
“Really huh? Edi labanan niya ako hanggang dulo. I am not scared… At hindi rin ako papayag kung magkakatuluyan kayo. Papayag lang ako kung ako ang pipiliin mo.”
Nailing na lamang ako sa kanyang kahanginan. Pumikit ako at sumandal sa upuan. Hinilot ko ang aking noo. Nakakastress maging maganda! Nakakastress din si Anzai!
Dumilat lamang ako noong dumating na kami sa bayan. Nauna akong bumaba at hindi na siya hinayaang pagbuksan ako ng pinto.
Bumungad sa akin ang maingay na palengke sa dulo. May mga nagsisigawan para magtawag ng customer.
Lumebel si Anzai sa akin, may tinitingnang papel. Tiningnan niya iyon sa magkasalubong na kilay. Marunong ba talaga siya? Ang lakas lakas ng loob na magpresinta pero mukhang wala naman siyang ediya at hindi sanay sa ganitong bagay.
Nakisilip narin ako. Maraming inilista si Aling Honey roon. May mga gulay pa.
“Goodluck…” Ngumisi ako sa kanya at nauna nang maglakad.
Humabol din naman siya, magkakasalubong parin ang kilay at mukhang gulong gulo sa mga nakalista roon.
Nagsimula kaming pumasok sa bawat sulok ng palengke. Anzai was beside me, tila naguguluhan parin kung saan bibili. And everyone’s looking at him like he’s a damn celebrity.
Nilingon ko narin ito, nagtataka sa mga nakikita ng mga babae. He’s biting his lowerlip while he looked so confuse. Magkakasalubong ang kanyang kilay at sobrang gwapo ng mukha. Idagdag pa riyan ang kanyang katangkaran kaya nakaw pansin talaga.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
“Pogi!”
“Dito kana bumili!”
“Ang gwapo naman nito! Nakakalaglag ng dibdib!”
“Pogi! Anong hanap mo?” tanong ng tinderang babae, nakasando at kitang kita ang cleavage.
Wala sa sariling tumigil si Anzai at inilahad sa kanya ang papel, nagawa pang mapatingin sa dibdib nito. Anzai and his sinful eyes… Napakasarap tusukin!
Titingnan na sana iyon ng babae nang inagaw ko agad.
“Wala sa paninda mo ang hinahanap namin. Sorry,” sabi ko at ngumiti ng tipid.
“She has those veggies…” ani Anzai na mabilis kong sinamaan ng tingin.
“Napansin mo pala? Eh mukhang ang una mo ngang tiningnan ay ang dibdib niya,” I said in gritted teeth.
Kinagat ni Anzai ang kanyang labi. Napasimangot naman agad sa akin ang babae, tila nainsulto sa pang-aagaw ko noong papel at sa aking sinabi.
“Napakaselosa…” Narinig kong sabi ng babae.
Umalis ako sa harap noong kanyang paninda dala dala iyong papel. Sumunod naman si Anzai, pangisi-ngisi pa. Umirap ako. I am not jealous! Talagang ayaw ko lang doon sa mga paninda niya! It doesn’t look fresh!
“Basta talaga dibdib ’no?” I said with disappointment.
“She’s asking what I need so…”
“At titingnan mo ang dibdib?”
Ngumuso siya at tumingin din sa aking dibdib. Nasa kalagitnaan kami ng palengke at dito ko pa talaga napiling pagalitan ito! Ang rami tuloy nagtitinginan! Baka sabihin nila boyfriend ko ito!
Umirap na lamang ako at doon nagtungo sa matandang babae.
“My Elliana is jealous!” Humalakhak siya sa aking likuran.
Hindi ko na ito pinansin pa at inasikaso nalang ang mga nakalista roon. Tumutulong si Anzai pero halatang hindi naman marunong! Turo lang siya nang turo kung saan bibili at kung nakikita niya sa listahan.
“Pechay…” aniya at ang dinampot ay iyong green leafy na vegetable. Hindi iyan pechay ah! This ignorant…
“Kongkang ’yan!” giit ko at mabilis iyong binawi lalo na’t pinagtitinginan na kami.
“Ah Ma’am… Kangkong po. Hindi kongkang.” sabi noong tinderang nasa 40’s na.
Pinigilan nalang ni Anzai ang matawa sa pamamagitan ng pagkagat ng kanyang labi. Namula naman ako sa kahihiyan. Minsan ko lang naman iyon naririnig kaya nakakalimutan ko agad.
“Mga mayayaman ata… Hindi sanay mamalengke.”
“Tagasyudad ba ang mga ito?”
“Parang modelo pa iyong babae oh? Tapos iyong lalake mala artista ang datingan. Ang gagandang nilalang!”
Hindi ko nalang pinansin ang mga usap-usapan at nagconcentrate sa natitirang mga bibilhin. Si Anzai ang tagabitbit at ang tanging hawak ko lang ay iyong listahan. Medyo masangsang ang amoy pero hindi ko nalang pinahalatang nababahuan ako. I don’t want to offend the people around me. Baka isipin nila ang arte arte ko. Natutuwa rin naman akong makipagngitian sa mga matatandang tindera na nginingitian ako.
“Hijo! Itong seafood oh! Maganda ito para sa mga buntis! Marami itong vitamins!”
Huminto agad doon si Anzai, mukhang nakuha ng matanda ang kanyang atensyon. Huminto rin ako lalo na’t mukhang inilalabas niya na ang kanyang pitaka at naglahad ng isang libo sa matanda.
“Buntis ba ang girlfriend mo, hijo?” tanong niya kay Anzai.
“Bubuntisin pa lang…” ani Haze na halos ikinalaki ng aking mga mata. He even chuckled with my reaction na kahit ang matanda ay natawa rin.
At tingin niya ba papayag akong magpabuntis sa kanya?
“Manloloko,” sabi ko pagkatapos naming mamili roon at pabalik na sa kotse.
“Hindi ba kapani-paniwalang kaya kitang buntisin?”
Sinamaan ko siya ng tingin habang naglalakad kami. Naglalabasan pa ang ugat sa kanyang mga braso dahil sa mga cellophane na binubuhat. Medyo marami rami rin kasi ang aming mga pinamili.
“Ba’t hindi iyong Sienna ang buntisin mo? Hindi mo pa talaga pinakasalan,” matabang kong sabi at naunang maglakad, ayaw siyang makalebel.
Humabol siya sa pamamagitan ng malalaking hakbang. Ilang sigundo lamang ay nasa gilid ko na agad ito lalo na’t amoy na amoy ko rin ang kanyang pabango.
“I only see myself marrying you… Hindi ko kayang matali sa ibang babae kung hindi rin naman ikaw. I want to grow old with you Elliana, not with anyone else…”
Pag niloko ka talaga ng isang tao, kahit ano pang sabihin nito ay ang hirap nang paniwalaan.
“Liar…” matabang akong natawa.
“Hmm… Why don’t you let me prove it? Ba’t hindi tayo magpakasal?”
Tiningala ko siya. He looked so serious. Wala akong maaninag na nagbibiro siya sa kanyang gwapong mukha.
“Don’t you want to have kids with me? Ayaw mo bang lahian kita ng gwapo at magagandang anak?” he asked cockily.
Doon na talaga nasira ang aking ekspresyon. Napakayabang!
44th Gripped
Gripped
Worth It
Medyo naging busy na ulit ako sa Center lalo na’t huling examination na ng mga bata bago pumasok ang Summer. Kasama ko si Tobias sa paggawa ng Questioner, si Anzai naman ay nag-ooffer na tumulong pero hindi ko na pinapasali lalo na’t wala rin naman siyang maitutulong.
He’s already close with the kids. Dinadamay niya ang mga bata sa pagpapaamo sa akin lalo na’t hindi parin sila tumitigil sa pamimigay ng mga bulaklak pagkatapos ng klase.
Kung may napapansin man ako bukod sa pamemeste ni Anzai, iyon ang ang matabang na pakikitungo sa akin ni Tobias. Something’s off with him.
Is he still courting me?
Kinuha ko ang bathrobe at isinuot iyon. Lumabas rin naman ako ng banyo habang itinatali ang laces noon sa aking beywang.
Pagkalabas ko, nadatnan ko si Anzai na inaayos ang aking bedsheet. Nagulat ako sa kanyang presensya. Dumaan na naman ba siya sa veranda?!
“Why are you here?!” Niyakap ko agad ang aking sarili kahit na may suot naman akong damit.
Nilingon niya ako, hawak pa ang aking unan at isinandal iyon sa may headrest. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, sa sobrang lalim ay tila huhubaran na ata ako.
“I just fixed your…”
“Lumabas ka nga!” Nilapitan ko siya at itinulak patungong veranda.
Imbes na mapaatras ay hirap ko siyang magalaw. I cannot even move him a bit! Kulang nalang ay ibigay ko ang buo kong pwersa.
“I can see your boobs. Stop moving,” aniya at nakatingin na sa aking dibdib.
Sa aking inis ay sinapak ko ang kanyang dibdib. He chuckled.
“Lumabas ka nga, Haze! Magbibihis ako,” sabi ko at itinuro pa ang veranda.
Imbes na makinig ay dumako ang kanyang tingin sa iba ko pang mga gamit. Nagsimula siyang maglakad patungo sa maliit kong book shelf.
“Anzai!”
“I am not going to watch you. Maghubad ka lang…” sabi niya sabay kuha ng isang libro roon at naroon na ang buong atensyon.
Siya talaga ang pinaka matigas na kilala ko. Umiling na lamang ako at nagbihis ng komportableng damit.
Pagkalabas ko, mabilis siyang lumingon. Nakasandal ito sa pader habang binabasa iyong binuklat niyang libro.
Mabilis na nagtama ang aming mga mata. His jaw clenched as his eyes settled on my body. My cleavage is showing and… the dress is too small for me, revealing half of my legs.
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at iniwasan ang kanyang mga matang nakakapaso na naman ang tingin. Nagtungo ako sa kama at umupo roon. Kinuha ko iyong lotion at pinahiran ang aking legs.
“Do you need help?” he said hoarsely.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at inangatan siya ng kilay. Baka saan pa mapunta iyang kamay niya. Knowing him…
Hindi ko siya inimikan at ibinaba ulit ang tingin sa aking legs. I can feel his intense stares and it’s really bothering me. Hindi pa ba siya lalabas?
Pagkatapos kong maglotion ay nag-angat akong muli ng tingin sa kanya. Nadatnan ko pa ang mga labi niyang nakaawang ng bahagya.
“I’m going to sleep now. Lumabas kana,” sabi ko at tuluyang gumapang sa uluhan ng aking kama.
Humiga na ako ng tuluyan. Ibinalik naman ni Anzai ang libro at nagtungo na sa akin. Hinila ko ang kumot at tinakpan ang aking katawan. Imbes na sundin ang aking sinabi, nagulat ako at umupo siya sa gilid ng aking kama at ginawa pang unan ang kanyang mga kamay.
“Sleep… I am not going to disturb you,” he said seriously.
Nanliit ang aking mga mata. “Paano ako makakatulog kung nandito ka? Baka paggising ko…”
He smirked at me. “Baka paggising mo nakapatong na ako sa’yo? Hmm?” Inalis niya ang hiblang nakatakip sa aking pisngi at isinabit sa gilid ng aking tainga.
I swallowed.
“I am going to hate you if you did something to me…” pagbabanta ko.
“You’re already hating me… Hindi pala?” Mas lumawak ang kanyang ngisi, na nahuli niya na naman ako.
Umirap ako at tumalikod nalang.
Ilang sandali lang ay ang malambot niya nang labi ang naramdaman ko sa aking braso. Pinatakan niya iyon ng halik saka hinila ang kumot at mas tinakpan ang aking katawan, tanging ulo na lamang ang sumisilip.
“I’ll sleep here tonight…”
Napadilat ako roon lalo na’t naramdaman ko rin ang paggalaw ng kama. Mabilis akong umikot paharap hanggang sa mabilis kong natagpuan ang kanyang mga mata, nakatingin sa akin at nakahiga na sa aking kama.
“I’ve been longing for this…” he whispered.
“Lumabas kana,” I said, without any force.
He only smirked. But this time, I can see how the pain mingled in it.
“You sleep first and I’ll leave later…” sabi niya.
Dahan dahan ko siyang tiningala. Nalaglag din naman agad ang kanyang mga mata sa akin.
“I’m still in love with you, Elliana. And yes, Sienna is my fiancee but it doesn’t mean I’m marrying her. Kung ang iniisip mo ay may nangyari sa amin… Wala rin. Fuck. You set my standards with girls so high…” He squeezed me.
Hindi ako nakapagsalita kaya nagpatuloy siya
“Simula noong nangako ako sa’yo… Simula noong lumagapak ako sa’yo… Hinding hindi na ako naakit sa iba pa. Maybe it’s hard to believe since I’m a fucking dick but damn it… Ikaw lang ang minahal ko buong buhay ko,” bulong niya sa pagitan ng mabigat na paghinga at may humahalo pang sakit sa tono ng kanyang pananalita.
Pumikit ako habang naiisip ang nangyari noon.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Na… may fiancée ka?”
“My mother only set her up for me. And I didn’t care less about it at first coz I don’t have any feelings for her. It’s a family business, an expansion of our empire. Noong nakilala kita, I tried to stop it but it’s already getting out of hand. Ayokong mapahamak ka.”
“You are so mysterious. Hindi ko na alam kung paano kita titingnan sa paraang alam ko. Noong narinig ko lahat ng sinabi mo kay Sienna, doon din ako sumuko sa atin,” sabi ko sabay dilat.
I saw the pain in his eyes. He nodded but his jaw was clenching.
“You broke me,” I smiled weakly.
His jaw clenched more as his bloodshot eyes looked at me wearily. He licked his lower lip and sighed heavily.
“At hindi sapat ang simpleng paghingi mo ng sorry, simpleng pagbalik mo, at simpleng mga ginagawa mo para buohin ang dinurog mo, Anzai. Hindi ganoon iyon kadali.”
He nodded again, but I can sense his controlled pain reflected in his eyes, the longing he tried to mask with his serious face.
Pumikit ako. “Please let me go. Matagal ko nang binitiwan ang atin. Let me go, Anzai…”
There was a defeaning silence. I opened my eyes and looked at him. Our gazes locked. Titig na titig siya sa akin habang sumasayaw sa kanyang mga mata ang samot saring emosyon.
My young heart has familiarized itself with the past love I had for him. He was like an addiction with no cure. An addiction I wanted to put to an end because it’s bad for me.
Tumatak sa aking isip ang gulong maibibigay niya sa akin kung hawak niya ako. At ayaw ko na iyong maulit pa.
Siguro kakaisip niya ng sagot, pinili niya nalang itulog. Ako na dilat, nakatitig lamang sa kanya.
Mabilis na nakatulog si Haze sa aking kama. Nauna pa siya at sa sobrang himbing niya ay nagmukhang anghel ang kanyang mukha. He looked so innocent… Iyong gwapo lang talaga at pagnanasaan mo kahit tulog. Pero pag gumising ito at nagsalita na, talagang masasabi mong sugo ito sa ibaba at hindi sa itaas.
Dahan dahan akong bumangon. Doon ko napagtantong hinayaan ko siyang tabihan ako. Admit it, Elle… Your walls are not too strong to stop him from getting near you. You build them without any force, like a house of cards that would easily collapse with just one blow.
At nakakatakot dahil sa ganoong pagmamahal, natututo ang puso na magpatawad. Nagbibigay ng ikalawang pagkakataon para hayaan itong bumalik at subukan muli.
Bumaba ako at papunta na sana sa kusina nang mapansing bukas pa ang dalawang pinto. May nasa labas pa ba? And what time is it? It’s already eleven!
Nagtungo ako roon para sana isara nang may mapansin akong nakaupo sa dalampasigan. Bigla akong kinabahan dahil baka namamalikmata lang ako ngunit masyadong pamilyar ang katawan at likod noon na unti-unti ring kumalma ang aking sarili.
It’s… It’s Tobias.
Kunot noo akong humakbang palabas at nagtungo sa kanyang gawi. Niyakap ko ang aking beywang noong naglakad ako patungo sa kanya. I can feel the cold wind… Maingay rin ang alon at iyon ata ang kanyang pinapanood.
Tumigil ako sa kanyang gilid. Tumingala siya sa akin.
“Ba’t gising ka pa?” he asked.
Ngumiti ako. “Pwedeng umupo sa tabi mo Uncle Tobias?”
Nagtagal ang mga mata niya sa akin, kalaunan ay tumango rin at hinubad ang isa niya pang boardwalk slipper para ilagay roon. Tinapik niya iyon para doon ako paupuin.
Umupo ako sa kanyang tabi at niyakap agad ang aking mga paa. The cold wind played with our hair while we were both watching the crashing waves pull themselves back and run away, as if she didn’t want to get tangled by the roughness of the sea.
“Hindi ka makatulog?” tanong ko.
He nodded seriously.
“You look sad Uncle Tobias…” sabi ko sa maliit na boses, gusto siyang asarin sa pamamagitan noon.
Lumingon siya sa akin, ang mga mata ay agarang dumako sa aking labi.
“Don’t move…” seryoso niyang sabi sa akin habang lumalapit na.
Lumunok ako at kumurap habang pinapanood siyang lumalapit na lalo. He leaned closer to my lips and at bago niya pa ako mahalikan ay umiwas na agad ako. I felt him chuckled a bit. Ang kanyang hininga ay tumama sa aking pisngi dahil sa aking pag-iwas. Iyong tipong tawa ngunit hindi naman masayang pakinggan.
I don’t want him to kiss me and it makes more sense. Mas lalo lamang akong naliliwanagan sa lahat lahat.
“I knew it… May gusto kang sabihin?” tanong niya, na nahahalata niya agad iyon dahil sa aking pagtanggi.
Bumalik siya sa kanyang pwesto at tiningnan muli ang dagat. Ipinatong ko ang aking baba sa aking mga tuhod at bumuntong ng hininga. This is so hard… Ayoko namang maapektuhan ang nabuo naming friendship pagkatapos nito. Pumikit ako at hiniling na sana ay anurin nito palayo ang mali kong desisyon. But no… This isn’t a wrong decision. I’ll make everything right through this…
“Gusto ko sanang…” Huminga ako ng malalim. “Tumigil kana sa panliligaw.”
The sound of the rough waves mingled with the noise of my loud beating heart. Kabado ako ngunit desidido.
“Napapansin ko naman. Ibang iba mo siya tingnan hindi katulad ng tingin mo sa akin. I know… you like him. Or maybe it’s more than that.” He chuckled with a mixture of pain and licked his lips.
Dumilat ako at nilingon ito. Nangingislap ang kanyang mga mata. Bigo ang kanyang mukha. Bumuntong siya ng hininga at yumuko.
“We cannot force love. I understand that feeling…” Nag-angat siya ng tingin at ngumisi.
“Pero kung mahal mo… ipaglalaban mo,” I countered.
“Bakit? Kung aagawin ba kita sa kanya ay magpapaagaw ka?” matabang niyang tanong na ikinabigla ko.
He chuckled again but I can feel his pain. Iyong idinadaan niya nalang sa ganoon.
“Nauna ako sa kanya ng ilang taon pero sa napapansin ko, parang ang layo layo na agad ng lamang niya sa akin. The way you look at him says it all, Brielle. Doon pa lang, talo na agad ako.”
I smiled weakly. “I want you to settle with someone who’s going to love you fully. I think you deserve that…”
Tumingala siya sa pagkakahilig sa likuran. He sighed again.
“It wasn’t your fault. Ako ang nahulog at kagustuhan ko ang manligaw. I am not forcing you to answer me in a positive way, Brielle. Noong niligawan kita, handa na akong mabigo noon… But I still want to make an effort… Ayoko namang isumbat sa sarili ko na kaya ka napunta sa iba dahil wala akong ginawa.” He chuckled, trying to force a smile.
Mabilis na tumulo ang aking luha. Pinunasan niya agad iyon gamit ang likod ng kanyang kamay.
“Sshh… I don’t deserve your tears.”
Sunod sunod na ang patak noon na ikinahalakhak niya ng marahan. Sinalo niya ang ilan kong mga luha. His eyes twinkled with tears while wiping mine. He leaned closer and kissed my forehead.
“Alam kong mapapasaya kita pero sigurado akong mas sasaya ka sa kanya. I am willing to step backward so you can have your happiness, Brielle…” he whispered hoarsely.
Humagulhol na ako sa kanyang harap. Nasasaktan ako dahil nasasaktan ko siya. Hindi ko naman ginusto… Hindi ko siya binalak na saktan. Pero kahit anong iwas ko ay nasaktan ko parin siya.
“Stop crying. Ako dapat ang umiyak dahil ako ang iyong sinaktan,” he wiped my tears again while trying to hush me.
“I want to continue our friendship Uncle Tobias… But if it’s too much to ask then…”
Pinitik niya ang aking noo habang nagpupunas ako ng luha at sumisimangot.
“It’s fine with me. Pag sinayang ni Landon ang pagpaparaya ko at sinaktan ka niya, ako na mismo ang babaril sa kanya.”
I chuckled. Ngumisi siya ngunit umismid din naman.
“What did you do to me? I am so whipped. I hope I can sleep well after this…”
Doon ako muling napasimangot. Bago pa ako may masabi ay tumayo na siya. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Kinuha ko iyon kaya hinila niya ako patayo.
“It’s very late. Matulog kana…”
Tiningnan ko siya ng masinsinan. He pinched my cheek.
“Tama na kakatitig. I might assume things…”
Natawa ako, ganoon din siya na ngumisi at kinagat ang labi. Nagkatitigan kami ng ilang sigundo. I smiled sincerely. He smiled too.
“Thank you for this pain… I know it’s worth it. I am not going to regret this… Magsisisi ka rin pag sinaktan ka niya na hindi ako ang pinili mo,” aniya sa pabirong paraan ngunit seryoso ang boses.
He’s thanking me for the pain. Pakiramdam ko tuloy may… kakaiba roon.
Tumawa ako ng bahagya pero nalungkot din naman.
“I’m really sorry…” bigkas ko at inalis ang sumabog na buhok sa aking pisngi.
“Tsss. May mga taong handang masaktan para sa kasiyahan ng iba. May ganoong klaseng pag-ibig na hindi mo na kailangang ipaglaban para mapatunayan kung gaano mo kamahal ang isang tao.”
Ngumiti ako.
45th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Venus Eva Llacer. Happy reading!
Bad Memories
Hindi ko alam kung ano talagang nararamdaman ko. Natutuwa ako na nalulungkot. Natutuwa sa aking desisyon pero nalulungkot para kay Tobias. Siguro naman hindi iyon ganoon kalalim hindi ba? I should think in a positive way. Imagine Elle… Pag sinagot mo ay at hindi mo naman siya gaanong mahal ay hahadlangan mo lang siyang makahanap ng mas magpapasaya sa kanya. What if sinagot ko siya at sa mga araw na iyon ay dapat may makikilala siyang iba? Oo nga… Baka parang naging hadlang pa ako.
Kinumbinsi ko ng husto ang aking sarili habang paakyat na ako sa aking kwarto pagkatapos naming mag Goodnight sa isa’t isa. Iyon ang laman ng isip ko saka ko binuksan ang pinto at agad na napansin ang kama.
Huh? Nasaan si Anzai?
Isinara ko ang pinto at sumuyod sa kabuuan. Maybe nasa comfort room? No… Walang tao roon. Kahit ang ilalim ng kama ay nagawa ko pang silipin kahit alam kong wala siya roon pero ginawa ko parin and he’s not really there! Nasaan siya kung ganoon? Mahimbing iyong tulog niya noong iniwan ko siya ah?
O baka naman lumipat na sa kanyang kwarto? Hmm… Maybe. Mabuti narin iyon kaysa magtabi kami! Baka magulat nalang ako at magkakatotoo na iyong sinabi niya pagkagising ko! Isipin pa noon pinagnanasaan ko siya pag hindi na ako nakatanggi sa gusto niya.
Naiwan ang kanyang pabango noong humiga na ulit ako sa aking kama. My comforter smells like him at pakiramdam ko ay niyayakap niya ako. Bakit kaya sobra niyang bango? What’s his perfume? Pinangliligo niya ba? Kahit nga pawisan iyon ang bango bango parin. I think his sweat is made of perfume, too!
Iyon ang aking iniisip bago muling humalo si Tobias. Nalungkot ako saglit habang nakatitig sa ceiling. Magiging proud din ako sa desisyon ko pag nahanap na ni Tobias ang babaeng para sa kanya. For sure he’s going to thank me…
Kinabukasan ay humikab na ako habang bumababa ako. Walang gumising sa akin at napuyat pa ako sa kakaisip ng kung anu-ano! Mga twelve-thirty na ako nakatulog!
“Tinanghali ka Brielle!” Tumawa si Aling Honey nang madatnan ko siyang naglilinis sa sala.
“Oo nga po eh…” Humikab akong muli. “Okay na po ba ang pakiramdam niyo?”
“Huh? Wala naman akong sakit… Pero kahapon ay pinagpapahinga ako ni Landon lalo na’t siya pa ang nagpresintang mamalengke. Ang sabi niya ay isasama ka raw niya,” ani Aling Honey habang nasa pagpapahid ng high windows ang buong atensyon.
Natigilan ako sa kalagitnaan ng grand staircase. Huh? Akala ko ba may sakit siya at siya mismo ang nagsabing…. Anzai Haze! Napakasinungaling talaga ng lalakeng iyon! Ang galing galing dumiskarte!
“Nasaan po si Landon?” tanong ko, handa na itong komprontahin.
“Ah… Mukhang nasa labas? Kumain ka muna Brielle… Naroon na sa kusina ang hinandang pagkain sa’yo.”
Tumango ako at ngumiti habang bumababa na ng tuluyan. I’m going to eat after talking with Anzai! Lagot siya sa akin. Ginamit niya pa talaga si Aling Honey ah! Di na siya nakontento sa mga bata, at pati pa talaga matanda!
Si B3 ang nakasalubong ko habang palabas na. Medyo pawisan ito at mukhang galing sa jogging lalo na’t iyon ang madalas niyang ginagawa.
“Si Tobias ba? Nasa bayan sila ni Tiago… Pinaayos nila iyong motor…” aniya, na iyon ang sadya ko.
“Ah… Si Landon ang hinahanap ko,” sabi ko at humaba pa ang aking leeg kakatanaw sa dalampasigan.
“Oh… Si Landon? Nasa may kakahuyan. Boyfriend mo na ’yon?” Ngumisi sa akin si B3, nanunuya iyon at tila gusto akong paaminin.
“Hindi ah!” Tumawa ako ngunit hindi parin nabubura ang panunukso sa kanyang mukha.
Nailing nalang ako at nagpaalam na. Lumabas din naman ako. Hindi gaanong mainit. Tama lamang ang init ngayong araw. Hindi gaanong masakit sa balat at nangingibabaw ang malamig na hangin. Pinaglaruan pa noon ang aking buhok na kahit ang suot kong sleeveless dress ay sumasayaw rin.
Mabilis kong napansin si Anzai sa lilim ng kakahuyan. Naroon siya, nagpupush-up at topless pa, tanging pants lamang ang suot.
Nagflex ang kanyang muscles sa bawat galaw. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Should I ask him about last night? At hindi niya ako ginising ah? Siya ang madalas gumigising sa akin lalo na’t maaga talaga siyang nagigising.
Noong makalapit na ay nagpatuloy parin siya sa pagpupush-up. Sinamaan ko agad ng tingin ang malapad niyang likod na gumagalaw din, ang muscles ay masyadong kapansin pansin.
“You lied again! Tinanong ko si Aling Honey at wala naman siyang sakit!”
Tumigil siya sa aking boses. Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang kamay, ngayon ay mas nakita ko ng maayos ang basa niyang tiyan at abs na batak na batak. My eyes wandered on his stomach. Medyo nagtagal ang aking mga mata sa v-line na parte pero nawala rin doon nang dinampot niya ang bottled water at binuksan iyon.
Ngayong nakatayo na siya sa aking harapan, nagmukha agad akong payat na madali lamang madurog sa kagaya niyang sobrang tigas. Para akong isang cotton na liliparin agad ng hangin hindi kagaya niyang bato.
Seryoso ang kanyang mukha. He even looked grumpy! Plus nangingibabaw narin ang kanyang kasupladuhan. He look so ruthless early in the morning! Oh… Hindi na pala umaga…. Bale iyon ang pambungad niya sa akin pagkagising ko. And I feel like he’s mad for some reason…
Sinundan ko ang kanyang mga mata lalo na’t hindi parin siya nagsasalita. Nagkakasalubong ang kanyang kilay, iritado ngunit hindi naman galit tingnan. Anong problema niya? Baka naman hindi maganda ang gising edi sana di ko dinisturbo rito.
“Kumusta ang pagpupuyat mo kagabi kasama ang ibang lalake?” he asked me in a very insulting way. Ang kanyang mga mata ay wala sa akin, nasa ibang direksyon.
Oh… Nakita niya kaming nag-uusap ni Tobias kagabi? Iyon ba ang… ang ikinakagalit niya? Just because he caught me in the middle of the night talking with Tobias? At paano kung sabihin ko sa kanya ang rason? Baka magdiwang siya bigla.
Nameywang siya. “Tsss…”
At ang laki ata ng kasalanan ko dahil sa inaasal niya? Wait? Kami ba? As far as I remember, hindi pang kami ah? Ba’t galit siya? And we just talked!
“We just talked,” kalmado kong sabi sabay halukipkip sa kanyang harapan.
Ngumisi siya ng nakakakilabot, iyong may halo nang galit. Darn… Why is he good at smirking in an evil way with mix expressions? Napupunto ko agad kung galit ba siya o natutuwa sa pamamagitan ng timpla ng kanyang ngisi.
“You two kissed in the middle of the night,” he said firmly, trying to control his anger.
Tinitigan ko ang iritado niyang mukha noong tumingin siya sa akin. He looked so mad.
Kahit nasa lilim kami ng puno, tumakas parin ang sinag ng liwanag at hinalikan ang iritado niyang mukha. The color of his eyes change immediately. Parang naging golden brown na ewan… Wow… He’s such a gorgeous devil. Parang kahit ang anghel sa mga langit ay kaya niyang bihagin at paibigin sa kanya.
Natulala ako sa kanyang harapan, napagtantong masyado pala akong namamangha sa kanyang kagwapuhan kahit galit ito, taliwas sa inaasal niya pag galit ako ay siya itong namumutla. At nag-eenjoy pa talaga ako ’no?
“Iniwan mo lang ako at lumipat ka agad sa iba,” aniya sa matabang na boses sabay upo ng marahas.
Huh? Ngumuso ako at nagpigil na matawa sa kanyang inaasal. Inihilig niya sa kanyang mga tuhod ang kanyang mga kamay, nakabukaka ito habang nakatanaw na sa dagat at hinahangin na naman ang buhok.
“You are taking advantage of me because you know I’m madly inlove with you. Alam mong kahit saktan mo ako ay tatanggapin parin kita. Kahit gumawa ka ng mali ay patatawarin parin kita. Kahit magtaksil ka… mahal parin kita.”
Huh? Bakit natatawa ako sa kanyang pag-aalburoto? He’s really jealous with Tobias! Buti at hindi niya kami sinugod kagabi? Talagang pinaninindigan niyang hindi na siya makikipag-away ah?
I watched him while smirking. He looked so pissed. Ang talim talim ng tingin niya sa dagat.
“You are such a bad girl. You’re hurting me…” Tumingala siya, ang isang mata ay pumikit pa lalo na’t masyadong nakakasilaw ang sinag ng araw sa parte ng aking kinatatayuan.
Kinagat ko ang aking labi, sinikap na hindi pumaskil ang ngisi roon. I am not guilty! Wala naman akong ginawang mali kagabi pero hindi ko sasabihin dahil natutuwa ako sa kanyang reaksyon.
Inilagay ko ang aking mga kamay sa likuran at pinisil iyon. Tinanaw ko rin ang asul na asul na dagat. Naririnig ko naman ang paggalaw ng dahon ng punong sinisilungan namin lalo na’t hinahangin iyon at may mga tuyong dahon ang nalalaglag.
“Edi sumuko ka nalang…” sabi ko, pabulong lamang.
“Tsss…” Ginulo niya ang buhok. “Ang dali daling sabihin dahil alam mong hindi ako susuko kahit ano pang gawin mong labag sa loob ko. Damn. You are so heartless…” he said with so much frustration.
Ngumuso ako. “It’s not a torrid kiss… Smack lang ata?”
“Tangina? Pinamukha pa talaga?” Matalim agad ang kanyang mga mata noong magtamang muli ang aming tingin.
Ngumisi ako. He looked so annoyed and I’m annoying him more. Hindi niya alam na wala na siyang karibal. Hindi niya alam na pinatigil ko na si Tobias sa panliligaw. At hindi ko talaga sasabihin. Maybe I’m really a badgirl? But I am not…
Tumabi ako sa kanya at ginaya ang kanyang posisyon. But Anzai suddenly pulled me kaya sa kanyang kandungan ako bumagsak at doon napaupo.
My eyes widened. Ipinulupot niya agad ang kanyang braso sa aking beywang para hindi na ako makatakas pa.
“You. Are. Mine. You get it?” Umangat ang kilay niya sa akin, pinapaalala ang linya ko sa kanya noon.
Matatawa dapat ako pero nakakaintimidate ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. Talaga bang dinidibdib niya ang nakita niya kagabi?
“I am so frigging mad at you, bad girl…” he said while staring at my lips, ang isang kamay ay nakahawak pa sa inner thigh ko.
Humawak ako sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang panga at parang napaso agad siya roon. Parang pinapanindigan niya nalang ang kanyang galit at huwag agad bumigay sa ganoon kadaling paraan.
“You taught me well… Sa rami nang itinuro mo, mas natuto ako sa pananakit mo,” I said calmly, nakatitig lang sa kanyang panga.
His other hand crawled on my nape, raking my inner hair. His lips were part a bit… Napakahayop na naman makatitig na akala mo ay mawawala ako agad sa kanyang paningin pag kumurap man lang ito.
May kung sino ang tumikhim, doon ako naawat at mabilis na tumayo.
Nilingon ko ang kakarating lamang na sina B2 at Tobias. Nakapamulsa ang isang kamay ni Tobias sa kanyang pants suot ang itim na tshirt at malamig ang mga mata sa amin, sa akin.
“Ano ’yon?” Tumawa si B2. “Kaya pala ilang araw itong malungkot si Tobias…”
Sinamaan siya ng tingin ni Tobias. Humalakhak si B2. Inayos ko naman ang aking dress at nilingon si Anzai na seryoso na ulit habang nakahilig sa likuran at nakatanaw na naman sa dagat.
“Kumain kana?” tanong ni Tobias at inilahad sa akin ang kani-kanina pang hawak ng isa niyang kamay.
Lumapit ako at kinuha ang brown na maliit na paperbag. Sinilip ko ang loob at nakita ang paborito kong Cordon Bleu.
“Hindi pa… Thank you Uncle Tobias.” Humagikhik ako na ikina ‘tssss’ na naman ng lalake sa aking likuran.
Inakbayan niya ako at iginiya papasok. Ang pagmumura ni Haze ay nakaabot pa sa aking tainga.
“Ang sakit sakit niyang manuntok. Ito nalang ang ganti ko…” bulong niya habang naglalakad kami papasok sa kusina.
Nailing ako pero may parte sa akin ang natutuwa dahil parang hindi niya hinaharangan ang kanyang sarili sa akin, na mananatili parin ang pagkakaibigang nabuo namin.
“Anong nangyari roon? Kaninang umaga, dinaig niya pa ako. Akala ko nga siya ang nabasted sa aming dalawa sa sobrang seryoso,” ani Tobias habang inihahanda na iyong mesa.
Tumulong ako at kumuha rin ng mga plato at kubyertos.
“He saw us last night… Selos…” Ngumisi ako sa kanya nang lingunin ko ito.
Umismid siya. “At tuwang tuwa ka sa pananakit sa aming dalawa?”
Namilog agad ang aking mga mata. Grabe naman iyon!
Nagtungo ako sa mesa at inilapag ang dalawang plato. Hinila niya naman para sa akin ang upuan. Umupo ako roon, ganoon din siya sa aking tabi.
“You’re all making me feel like I’m a bad girl. I am not a bad girl…” giit ko at bumusangot.
Nagtunugan ang mga kubyertos noong sinimulan naming galawin ang pagkain.
“You are a heartless bad girl in an innocent way. Ang anghel anghel ng mukha mo pero ang tindi mong manakit sa paraang gusto mo.” Nailing siya at sumubo.
Nag-isip naman ako. Pinapanindigan ko lang kasi ang desisyon ko na kahit sino ay walang makakabali. Depende nalang kung pinahintulutan ko. Maybe they’re hurt because they’re expecting I’ll get soft easily… Baka akala nila ay madali lang nila akong mapapaamo pero hindi pala kaya sa huli, mas masakit dahil nalinlang agad sila ng sarili nilang expectations.
“Pag binitiwan ka niya… Mag-aabang ako at sasaluin agad kita,” ani Tobias na ikinatawa ko.
That’s impossible. Anzai isn’t the kind of person who’s willing to give way. He’s not the kind of person who easily gives up. Baka nga kahit galit, kahit anong pananakit, ay mahal na mahal parin ako noon, katulad ng kanyang sinabi. Kaya imposibleng maaagaw talaga ako basta basta kahit na ako na mismo ang magpaagaw. He’s gripping me like he owns every part of me. Na pagmamay-ari niya ako kahit na hindi ko naman inaangkin sa sarili kong kanya ako. Minamarkahan niya agad.
Akala ko humupa na ang inis ni Anzai pagkatapos noong pag-uusap namin sa labas. Iyon pala ay hindi pa! He’s very cold to me in his own way. Lumalapit naman ngunit ipaparamdam talaga sa akin na cold siya. Kinakausap ako pero sa matabang na paraan. At todo pa ang kanyang pagpaparinig.
“Ako ang galit… Pero ako ang hindi sinusuyo. Tangina.” The devil said while I’m helping Aling Honey on the garden.
Tumutulong din siya pero patuloy ang pagpaparinig! Siya ang pinagwalis ko roon sa may mga parteng puno at kulang nalang magliparan ang mga tuyong dahon sa ere dahil sa rahas ng kanyang pagkakawalis! Ganoon siya kairita pero sumusunod parin sa aking utos!
“Ano bang problema ni Landon? Ako ang namomroblema sa kanyang paglilinis. Kinakalat niya lalo ang mga tuyong dahon at wawalisin niya lang din naman ulit…” ani Aling Honey, napansin narin ang pag-iinarte ni Anzai.
“Ewan ko po riyan…” sabi ko at kinuha ang patay na mga dahon ng bulaklak.
“Baka nag-away na naman sila ni Tobias?” tanong niya, nakatanaw parin kay Anzai na nakikipag-away sa mga dahong winawalis niya ng marahas.
Nagkibit ako. “Hayaan niyo po siya, Aling Honey.”
Takang taka niyang ibinalik ang tingin sa mga bulaklak. Nahuli ko pa ang pagsulyap dito ni Anzai kaya nagpanggap akong walang pakialam sa kanya at nasa bulaklak din ang tingin. Magwalis ka riyan!
Pagkatapos namin sa may hardin ay hindi parin tapos si Anzai! Lumabas na ang sunset sa kalangitan sa araw na iyon. Sa pasado alas singko ng hapon. Nilapitan ko na siya at gusto nalang itong tulungan.
“Ako na,” sabi ko.
“Kaya ko. Bumalik kana. Doon,” tipid niyang sabi at putol putol, kagaya ng pakikipag-usap niya sa akin sa mga nagdaang araw.
“Alright… Sabi mo eh…” Ngumiti ako at tumalikod din. Narinig ko ang kanyang pagmumura. Ngumisi nalang ako. Akala mo ha… Gusto pa talagang magpasuyo… I am frustating him real big time.
Exam na ng mga bata sa Miyerkules kaya gusto kong maagang matulog sa gabing iyon. Ngunit paglabas ko ng banyo, nadatnan ko na naman si Anzai na inaayos ang aking kama. Kahit galit at naiinis ay narito parin siya.
Sumulyap siya sa akin ngunit agad ding binawi na hindi siya interesado sa kanyang nakikita. Dumeritso naman ako sa walk-in at doon na nagbihis ng pantulog. Noong linggo pa siya ganyan at ngayon ay Martes na. Tatlong araw na siyang nag gagalit galitan.
Pagkatapos magpalit ng satin dress na pantulog ay lumabas din naman ako. Nadatnan ko siya sa aking kama, nakahalukipkip sa headrest at kulang nalang bumusangot dahil sa iritasyon sa kanyang mukha.
Gumapang ako patungo sa aking kama. Sumulyap siya sa aking dibdib ngunit binawi agad. He looked so manly in his cotton white tshirt and sweatpants. Magulo pa ang buhok, galit pa ang gwapong mukha at amoy na amoy ko pa ang tumatagas na pabango. He still manage to be so hot even if he’s not trying his best to look like one. Talagang ganoon siya, kahit ano pa ang kanyang gawin ay hot talaga.
“Matutulog na ako. Lumabas kana,” sabi ko. “Hahayaan mo lang na galit parin ako? You’re not going to do anything?” he asked me in his bitter tone.
“Huh? Wala naman akong ginawa para ikagalit mo. Ikaw lang naman ang nagalit,” sabi ko habang tinatakpan ng kumot ang aking katawan at dumadaosdos na pahiga.
“Tsss. Pero pag si TobyAss ang galit may pakialam,” sabay tayo, gusto na lang atang lumabas.
Toby Ass? Is he serious? Nakaimbento agad siya ng pet name sa karibal niyang walang kaalam alam na pinanggigigilan niya parin hanggang ngayon?
“Goodnight,” he said coldly.
Ngumuso ako at mabilis na inabot ang kanyang kamay. Nagulat siya. I even felt him stiffened. Noong nilingon niya ako ay nabuhayan na agad ng loob ang kanyang mukha at parang bibigay na sa kanyang galit sa isang salita ko lang.
“Yes, Elliana?” His voice was soft kumpara sa tigas ng boses niya kanina at sa mga nagdaan pang araw.
“Pakipatay narin ng ilaw pag lalabas ka…”
Nalaglag ang kanyang panga. Binitiwan ko ang kanyang kamay at dumaosdos na ulit pahiga.
“Alright… Goodnight…” I giggled.
“Tangina…” he cursed unbelievably.
Humalakhak ako. Anzai looked at me in his sharped eyes, still shock. Ginulo niya ang buhok at ilang sandali lang ay bigla siyang bumalik sa aking kama. Hindi lamang simpleng balik dahil bigla siyang umibabaw sa akin! Lumuhod siya at ako ang nasa kanyang gitna lalo na’t nakabalot ako ng kumot.
Hindi na ako nakangiti pa. Mabilis iyong napawi lalo na noong yumuko siya at itinukod sa magkabila ko ang kanyang mga kamay.
“This is for my frustrations…”
Bago pa ako makapagsalita ay inatake niya na ng halik ang aking labi. It wasn’t a slow kiss! Mapusok agad iyon at kinagat pa ang pang-ibaba kong labi. Dumaing ako sa humalong hapdi ngunit nangibabaw ang sarap. Kinuha niya agad ang tsansang iyon para ipasok ang kanyang dila at gumalaw na sa aking ibabaw.
W-What the heck… Kahit may kumot ay ramdam na ramdam ko siya! He’s hard at mas lalo lamang iyong lumalaki sa bawat pagdiin niya at paglalim ng kanyang halik. My body suddenly tingled with his moving hips and torrid kiss!
“Elliana… Please replace my jealous face… Mababaliw na ako…” he whispered in his heavy breath.
Iniyapos ko ang mga kamay ko sa kanyang leeg. His lips parted, shocked with what I did.
“Ano bang gusto mong gawin ko?” I asked softly.
His eyes widened. Sa sobrang gulat ay gumuhit talaga iyon sa gwapo niyang mukha. Magulo ang kanyang buhok at nakakadagdag lamang iyon sa kanya.
Bumangon ako at kusang hinuli ang kanyang labi. He stiffened as I kissed him softly. Ang aking kamay ay humawak sa kanyang pisngi, ang isa naman ay nakapulupot sa kanyang leeg. He’s not expecting this… Akala niya ay magmamatigas parin ako kaya ganyan siya ka gulat.
“Kiss back, Anzai. Let’s replace those bad memories with ours…” I whispered on his lips sensually.
46th Gripped
Gripped
Hell
Bago pa kami maghalikan ay may kumatok na sa aking kwarto. It made me jump. Mabilis ko siyang itinulak. Napaatras si Anzai, nakasimangot at mukhang nabibitin lalo na’t nakaawang pa ang namumulang labi.
Tumayo ako at mabilis na inayos ang sarili. Is it Tobias? Pero hindi iyon kumakatok ng ganitong oras ah?
Pinihit ko iyon pabukas at sinilip ang labas. Si Aling Honey agad ang nakita ko, nakangiti at hawak ang cellphone.
“Buti at gising ka pa… Tumatawag ang Mommy mo,” sabi niya.
“Sige po… Salamat Aling Honey.” Kinuha ko sa kanya ang cellphone.
Tumango naman ito at nagpaalam ring bumaba na. Tumikhim ako at kinuha ang isang roba para bumaba at makakalap ng mas magandang signal. Sinundan naman ako ni Anzai ng tingin.
“Mommy called… Lalabas lang ako,” sabi ko at ipinakita sa kanya ang cellphone.
Tumayo rin naman siya, mukhang handa naring sumama sa akin lalo na’t namulsa na habang ang isang kamay ay inaayos ang medyo nagulong buhok.
“Sasama ako.”
Tinitigan ko muna siya ng ilang sigundo. Noong nakumbinsi rin naman ay tumango na lamang at nauna akong lumabas ng kwarto.
Naglakad lakad ako sa dalampasigan. Medyo madilim na sa parteng kakahuyan. Kung meron mang ilaw ay nanggagaling lamang sa Resthouse at sa buwan. Tumigil lamang ako noong nag ring na ulit ang cellphone.
Sinagot ko agad ang tawag ni Mommy at humarap sa karagatan, yakap yakap ang aking sarili lalo na’t umiihip ang malamig na hangin.
“Mommy?” tawag ko sa marahang boses.
“Baby? Buti at gising ka pa…” ani Mommy sa kabilang linya at mukhang kasama rin si Dad lalo na’t naririnig ko ang boses nito.
Ang sarap sabihing may pumapasok sa kwarto ko kaya hindi agad ako nakakatulog pero binalewala ko na lamang iyon lalo na’t mas kinuha ang aking pansin ng mainit na yakap na galing sa likuran.
Anzai placed his chin on my shoulder. Lumunok ako lalo na’t kumakalabog ang aking dibdib na kahit hindi naman maririnig sa kabilang linya at makikita ay kinakabahan parin ako.
“Ah… Yes po. Kumusta kayo, Mommy? Sina Kuya?”
“They’re fine and we missed you so much… Gusto lang talaga kitang kumustahin. I missed you, Elle… Are you fine? Hindi ka nalulungkot? I hope you’re fine, baby…”
Anzai squeezed me. Masarap sa pakiramdam ang yakap niya lalo na’t hindi ko na alintana ang lamig.
“I’m fine Mommy. Don’t worry… I missed you… And Daddy… Lahat kayo,” sabi ko.
Anzai kissed my shoulder. Nilingon ko siya dahil doon. He’s so warm.
“Wala pa kaming natatanggap na balitang ikinasal na si Anzai. The Castellanos are silent about it… It’s not yet safe to come home, Elle… Baka ikaw lamang ang hinihintay nilang magpakita. We can’t risk your life… Mas mabuting nariyan ka nalang dahil alam naming safe ka naman kaysa rito,” si Mommy sa malungkot na boses.
Mukhang narinig din iyon ni Anzai lalo na’t malapit lamang siya sa cellphone.
“Okay lang Mommy. Kaya ko pa naman. Ayaw ko naring bigyan kayo ng alalahanin pag naulit ulit ang nangyari noon. I know you’re all doing this for me… Thank you so much…”
She chuckled, na kahit si Daddy ay narinig ko rin ang marahang tawa na tila natutuwa.
“Our angel…” si Daddy iyon.
Napangiti ako nang marinig ang kanyang boses. Ilang minuto kaming nag-usap tungkol sa mga pinsan ko na may pinagkakaabalahan na rin pala.
“Maiba ako, Elle…” si Mommy iyon, mukhang lumayo pa kay Daddy.
Sa tono palang ng boses niya, alam kong may sasabihin agad siyang ayaw marinig ni Dad. Siguro ay tungkol na naman sa Castellano. Kay Anzai…
“Si Anzai…” si Mommy sa nagsisimulang boses.
I knew it.
Nilingon ko ang taong tinutukoy niya na nakapikit lamang habang nakahilig sa aking balikat. He looked so peaceful… Paminsan minsan ko lang talaga siya nakikitang ganito, iyong akala mo walang kasalanan at nagmumukhang anghel?
“What about him?”
“Hindi ka ba nagtataka at hindi pa siya kasal sa kanyang fiancee? You told us he hurt you… Ang ipinagtataka ko lang ba’t di pa sila kasal. Hindi kaya ay nakarma na iyon?”
I chuckled. “Sana nga ’no?” pabiro kong sabi na ikinahigpit ng yakap ni Anzai at naramdaman ko pa ang pagkagat niya ng marahan sa aking leeg.
Sinapak ko siya at sinamaan ng tingin. It didn’t bother him and he even sucked the skin! Kinuha naman ng boses ni Mommy ang buo kong atensyon.
“O paano kung hindi pa pala iyon nakakamove-on sa’yo and he already realized na ikaw parin pala? What if he doesn’t want his fiancee now? Baka ikaw na ulit ang gusto noon!”
Napangiwi ako sa mga hula ni Mommy ganoon narin sa ginagawa ni Anzai sa aking leeg. Gusto ko siyang sikuhin pero ayoko ring magsalita ito at baka marinig pa siya.
“Bahala siya, Mommy… It’s his loss for not choosing me,” matapang kong sabi.
Anzai chuckled on the skin of my neck silently. Sinamaan ko siya ng tingin. He captured my eyes and licked his lips. Ang malademonyo at pilyo niyang ngisi ay lumalabas na naman at ang sarap sarap niya talagang saktan.
“Ganyan nga Elle. You’re a Delafuente! Don’t settle for less. Pabayaan mo iyon. You can find someone who’s better than him! Iyang bodyguard mo nalang…” Humagikhik si Mommy.
Which bodyguard, Mommy?
“Baby? Sleep now. Pasensya na at dinisturbo ka ng Mommy mo. We missed you so much…” si Daddy.
“It’s alright, Daddy… Sige, matutulog narin ako. Pakisabi Goodnight. Goodnight, Daddy…”
“Goodnight, baby… I love you so much.”
“I love you too…” I muttered softly.
Namatay rin naman ang tawag.
“Where’s my I love you?” agaran niyang sabi na ikinangisi ko.
“Daddy ba kita? Oh… Alright… You’re old…”
Humalakhak ako habang nakatitig sa kanya. His eyes were dark and intense now, parang sinasalamin ang madilim na kalangitan. Ang kanyang maitim na buhok ay nababagay rin sa dilim idagdag pa ang mahahabang pilikmata at kanyang makapal at maitim na kilay. He obviously belongs in the dark…
“May tanong ako.” Sumeryoso na ako na ikinatitig niya sa akin ng husto.
Nakasandal na ako sa isa niyang hitang nakapiko, ang aking mga binti ay nakapiko rin at nakakulong ako sa kanyang gitna. Nakaharap siya sa dagat maliban sa akin na nakatagilid since I want to clearly see his face.
“What is it?” Isinabit niya sa gilid ng aking tainga ang sumasabog kong buhok para hindi matakpan ang aking mukha.
“Sino ang… ang nagpabaril sa akin?” Lumunok ako nang maalala ang araw na iyon.
Nagtagal ang kanyang mga mata sa akin, tinitimbang ang aking ekspresyon.
“May kinalaman ka ba roon?”
He sighed and nodded. Nangilabot ako. Ibig sabihin… T-Totoo ngang may kinalaman ang mga Castellano sa nangyari sa akin? For what purpose? Dahil sa business nila? Dahil nakakahadlang ako?
“The Valdez ordered their men to assasinate you since I don’t want to marry their daughter…” Hinuli niya ang aking kamay at ipinagsalikop niya iyon.
Valdez? Ang… Ang pamilya ni Sienna? Ibig sabihin? Totoo iyong hinala ni Tita Sky? Hindi ang mga Castellano ang kalaban namin at ang kabilang kampo. Oh my God…
“But no one can manipulate me, Elliana. Kung naging marumi sila sa kasunduan, mas marumi ako. I already settled it. You are safe now… Nilinis ko na ang mga kalat,” sabi niya sa nakakakilabot na paraan.
“At n-nasaan na iyong bumaril sa akin?”
Mas lalong dumilim ang kanyang mukha.
“Oh that bastard? I hope he’s still alive…”
Nanliit ang aking mga mata. Itinuro ko siya.
“Anong ginawa mo?”
“Let’s not talk about it. The important thing here… I already clean the mess. Hindi na sila manggugulo. Sigurado akong sapat na ang ginawa ko para matakot sila,” he said it with so much authority.
Hindi ko maisip ng husto kung ano ang kaya niyang gawin. Knowing him… Parang wala siyang kinakatakutan. Maliban sa akin?
“May pinatay ka ba?” tanong ko na ikinahalakhak niya.
“Marami akong gustong patayin noong mga araw na comatose ka but I calmed my demon down… I know you won’t like it. Magpasalamat din sila at ligtas ka. Kung hindi…”
“Stop doing bad things!” Sinimangutan ko siya.
“They need to stop hurting you first…” he leaned closer and kissed my cheek.
I sighed. He’s so mysterious. Kahit ngayon, ang misteryoso niya pa rin sa akin.
“Ang sakit noong nakita ko. Noong narinig ko… You’re not my boyfriend that time but I feel so betrayed.” Pumikit ako dahil parang tumatarak sa akin ang bawat salita.
Magulo ang label namin noon. Hindi ko nga naman siya ginawang boyfriend at girlfriend niya ako ngunit sobrang sakit. Ang bata bata ko pa. I was just eigteen. Malayo ang edad niya sa akin kaya ang una kong naisip ay inuuto niya lang talaga ako. Pampalipas oras habang hindi pa siya tuluyang natatali.
He sighed heavily and kissed the side of my head.
“I’m sorry, hmm? I promise I will earn your trust from scratch. I’ll work on it. We have lifetime, baby. Can you give me another chance? This time I will love you right. I’ll be better, Elliana. Please?” pagsusumamo ng kanyang tinig.
Alam kong nababali niya na ang paninindigan ko, ang pagmamatigas ko sa nagdaang araw. Nagiging mahina na naman ako pagdating sa kanya. Kahit matagal ng nabali ang tiwala, ang natirang katiting ay pinanghawakan ko at handa siyang papasukin ulit sa buhay ko.
Is it wrong to give someone another chance if they truly deserve it the second time around? Kung perpekto ang hahanapin ko, hindi ko alam kung meron ba. At hindi ko rin kayang itulak ang aking sarili sa taong hindi ko mahal. Handa akong ayusin ang relasyon namin ni Anzai. Naniniwala ako. Alam kong sa pagkakataong ito ay mamahalin niya ako sa tamang paraan.
Kumalma ang aking pakiramdam habang tumatango ng marahan. Isang mahabang buntonghininga ang kanyang napakawalan at para bang nakatakas siya kay Kamatayan dahil sa aking naging pasya.
“Thank you,” he whispered weakly.
You deserve it, Anzai. My heart knows you deserve it.
“Edi… Hindi mo na siya fiancee?” tanong ko nang maalala si Sienna.
Umiling siya. “She’s not my fucking type.”
Talaga lang ah? Eh ang ganda ganda noon… Katawan palang… Ang hinhin at elegante pang tingnan. Iyon nga lang, nakakadismaya at ang rumi ng kanyang pamilya. They’re willing to kill for money. For business. Mabuti nalang talaga at hindi ganoon ang aming angkan. Wala pa akong naririnig na ganoon kahit na kilalang kilala sina Grand Uncle sa business world.
“Hindi mo rin kaya ako type noon.” Inangatan ko siya ng kilay nang maalala ko ang kanyang pinagsasabi.
Ngumuso siya ngunit hindi niya na naitago ang ngising pumaskil sa labi. Kinarga niya ang aking mga binti at isinabit sa kanyang hita. Mas naging komportable ako lalo na’t ang buo kong bigat ay ibinigay ko narin sa sinasandalan kong nakapiko niyang binti. Ipinahinga niya ang kanyang palad sa expose kong hita lalo na’t bumababa na ang suot kong dress dahil sa aking posisyon.
“Hindi ko lang talaga matanggap na mapapaluhod ako ng isang…” Nalaglag ang tingin niya sa aking dibdib.
“Ng isang bata na may malaking dibdib?” dugtong ko na.
Humalakhak siya. Ngumiwi ako. Akala niya talaga di ko napapansin iyang mga galawan niya?
“You looked mature back then, Elliana. Iyon nga lang… masyado kang binibaby ng mga nakapaligid sa’yo,” aniya habang iniikot ikot sa kanyang daliri ang iilan kong hibla sa likuran.
“Ikaw rin naman ah?” sabi ko at nalaglag ang tingin sa balikat ko lalo na’t bumaba na ang roba.
Inayos iyon ni Anzai.
“That’s the scary part about you. Lahat ata ng mapapalapit sa’yo ay kaya mong paluhurin sa paraang gusto mo.”
He sounds like Tobias, too. Kaya ko ba talaga iyong gawin? Bigla tuloy akong namamangha. Ang sarap magtravel sa past at yayakapin ko ang batang ako. I’ll tell her to be herself and to stop pleasing others… I’ll tell her we made it…
Tiningnan ko ang dagat.
“Tangayin ka nalang sana ng alon paalis dito ’no?”
“Hmm… I’ll swim back to you.” Niyakap niya na ako ng buo. His warmth… It’s comforting me… Ang init init niya at walang binatbat ang lamig na dala ng hangin at dagat. Parang handa talaga akong protektahan ni Haze sa lahat ng bagay.
Natahimik ako. I want this kind of life. Iyong malayo sa lahat ng alalahanin. Iyong nakokontento ako kahit na umaapaw na. But I know we need to leave this place soon… Wala rito ang buhay ko.
“I always want this… Iyong kalmado ka.” He kissed my head.
Tiningnan ko siya. Ang lapit lapit niya sa akin. He leaned closer and brushed his lips lightly with mine.
“Naniniwala ka ba talagang kaya kitang saktan?” he whispered on my lips.
Tumango ako. “Kaya mo naman talaga ah? Kung gugustuhin mo lang.”
He lightly kissed me again, in a very frustrating way.
“Kaya ko pero ayoko. Why would I even hurt you?” Umangat ang kilay niya.
Nagkibit ako. “Ewan ko rin… Baka natukso ka ng hindi sinasadya?”
“Tss… Walang tukso ang hindi sinasadya, Elliana. Natukso ka dahil sinadya mong magpaakit.”
“Wala na ba akong hindi alam tungkol sa’yo? Lalo na’t parang ang dami dami ko pang hindi nakikita sa’yo,” I arched my brow.
Ngumuso si Anzai. He looked down and I looked down as well. My eyes slowly narrowed and blushed hard. Oh damn it.
“Wanna see it?”
Namilog ang aking mga mata. “B-Bastos!”
He smirked cunningly. “I thought you want to see all of me…”
Umirap ako kahit namumula. “Hindi ’yan!”
“This is my shade, Elliana. I am dark, without you. The only good thing about me is you.”
Seryoso ko siyang tiningnan. He smiled sincerely.
“Sobrang dilim pag wala ka. I know I was wrong for pulling out a stunt like that, but it’s the only thing I know. Kailangan ko ng alas sa mga plano ko at naging daan lang si Sienna sa mga iyon.”
Namilog ang aking mga mata. H-He did what? Ginamit niya si Sienna?
“Anong mga plano mo?” Tinitigan ko ng husto ang mga mata niyang namumungay kakatitig sa akin.
Imbes na sagutin ay hinawakan niya ang aking pisngi at ginawaran akong muli ng halik. My stomach curled as I felt the tingling sensation because of his sweet kisses. He kissed me thoroughly, with gentleness in each move. I kissed him back with the same intensity.
Tumigil ako para huminga. He watched me carefully.
“Anong… plano?” Ulit ko sa aking tanong.
Anzai crawled his hand on my inner thigh. Sinundan ko iyon ng tingin. My panty is already exposed lalo na’t ang iksi iksi pa ng dress na pantulog ko. It’s an easy access for him and even my cleavage is quite expose too.
“Plans for their own downfall,” sabi niya sabay haplos ng aking gitna.
Napahawak ako sa kanyang braso. My toes curled as he watched me seriously. Tinapangan ko ang aking sarili na huwag masyadong magbigay ng atensyon doon but I failed when his long finger move expertly.
“Like?” I gasped, trying to talk to him like it’s nothing.
Nalaglag muli ang roba sa aking balikat. And this time, he pulled down the strap of my dress, too! Wala akong suot na bra kaya noong ibinaba niya pa iyon lalo ay naexpose agad ang aking dibdib.
“Enough with the talk, Elliana.” He attacked my lips and kissed me deeply.
Tinakpan agad ang magaspang niyang palad ang aking dibdib. His big hand molded my breast as his tongue played skillfully with mine.
Nablangko agad sa aking isip at ang tanging nangibabaw ay ang kanyang pinaggagawa. I felt my sudden moving hips as the pace of his hand went faster.
He groaned on my mouth and pinched the peak of my boob. I felt him hardened. Masyado narin siyang mainit noong humawak ako sa kanyang batok para may mapagkapitan ako. Para siyang may lagnat!
“You’re so… hot,” sabi ko sa pagitan ng aming halikan.
He’s hot literally!
“You turned me on so much…” he said and left my lips with his kisses.
Bumyahe iyon sa aking leeg. Isang hawi lamang sa tela na nababasa na ay natagpuan niya agad ang kanyang balak. Umawang ang aking bibig nang maramdaman ko siya roon. He kissed my earlobe habang rinig na rinig ko ang ginagawa niya sa aking pagitan. Pag nasa katinuan na ako, sigurado akong maalala ko ito ng paulit ulit at baka hindi pa ako makatulog mamaya but I can’t control the fire anymore! Tuluyan na iyong kumalat.
His kisses went down to my expose boob! U felt his tongue played with my peak sensually as I hear him moaned. Tila naeengganyo siya sa kanyang ginagawa habang ang aking ulo ay naitapon ko na sa likod. Nakahilig na iyon ng tuluyan sa kanyang tuhod. Kinagat ko ang aking labi para hindi makagawa ng ingay but Anzai knows how to do it well. He scraped his teeth on my aroused peak causing me to convulse. Hindi ko na napigilan ang aking boses. He chuckled at binawi na ang kamay niyang basang basa. Goodness!
Mariin akong napapikit pagkatapos matauhan at nasa tamang huwisyo na. Parang ang binabasa ko sa mga libro ay tuluyan ko na ngang naranasan. Those curiousities… Ganito pala? No wonder Anastasia is very submissive!
“Next time, I’ll do worst than this. But lets just save it after marriage since I know that’s what you like, too…” he whispered at inayos na ang aking suot.
Biglang napadpad sa ibang sulok ng maruming bahagi ang aking isip. I hope he’s not planning to tie me on our bed! O iyong papaluin sa pwet! He bed so many girls when I was young. Hindi ko alam kung anong klase siyang lalake pagdating sa ganoong bagay at marami siyang babaeng napapabaliw sa kanya but I couldn’t help myself to think about it.
Hinabol ko ang aking hininga at pagod siyang tiningnan.
“Are you wild in bed?” tanong ko na ikinagulat niya.
“I’m curious… Eh marami kanang naikama hindi ba? Nakakailang-”
He kissed my lips just to shut my mouth. Noong humiwalay siya ay nakaawang pa ang aking bibig.
“Nakakailang rounds ka?” Dinugtungan ko na agad.
Humalakhak siya at nailing. I stared at him curiously.
“Answer it,” sabi ko at sumimangot.
“Dahil ba iyan sa mga binabasa mong libro?” Umangat ang kilay niya.
Humalukipkip ako, hinintay ang kanyang sagot.
“It depends with my partner… Ten rounds?”
Namilog ang aking mga mata. T-Ten?!
“Fuckboy!” Itinulak ko ang kanyang dibdib.
Ngumisi siya at hinuli ang aking kamay.
“Anim na taon na akong walang kinakama, Elliana. It’s my first time waiting patiently for the girl I love the most to give in fully… after marriage.”
Anim na taon? So noong eighteen ako ay talagang tumigil na pala siya sa pambababae? Sa kahiligan niya sa bagay na iyon? Ganon ba talaga ang mga lalake? Ang dali dali sa kanilang pumatong sa iba?
He buried his face on my neck.
“You taught me how to be patient with the things you really want… I want to own an angel like you even if I live in hell… An angel who doesn’t deserve a devil like me but I still want you. I can offer anything just to give the heaven you deserve Elliana… I promise…” Pinatakan niya ako ng halik doon sa masuyong paraan.
Napangiti ako roon. This love is worth the pain! Ito iyong pagmamahal na kahit masaktan ka ay handa ka paring magmahal ulit dahil alam mo kung gaano kasaya ang mahalin ang taong nagparamdam sa’yo ng iba’t ibang emosyon.
“I don’t mind the pain, Haze… I don’t mind living in hell as long as you’re with me… Alam kong kaya ko ang lahat ng iyon basta kasama kita.” I whispered, hindi alam kung narinig niya ba sa sobrang hina noon.
47th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Nancy Castillo. Happy reading!
Sunset
Kinaumagahan, nagkakape na silang lahat sa ibaba noong magising ako. Mukhang good mood ang lahat at naroon din si Potpot, may gatas ring iniinom.
“Maagang gumising si Landon at nagpakape… Naroon nga iyon ngayon sa loob ng kusina, nagluluto,” si B1 ang nagpaliwanag.
Huh? Himala at mabait ata siya sa lahat? Kahit si Tobias ay tahimik din sa kanyang kape, pasulyap sulyap lamang sa akin.
“Good morning, Ate Ganda!” si Potpot.
Ngumiti ako sa kanya. “Good morning Potpot… Ubusin mo ang gatas mo ha,” sabi ko.
Tumango siya sa akin at ngumiti sabay kagat noong hawak niyang pandesal. Nagtungo naman ako sa kusina para silipin si Haze.
Pagkapasok ko roon, ang sumisipol na topless na si Anzai ang nadatnan ko. Magulo ang buhok at tanging pants ang kanyang suot. Mukhang kakatapos lang rin nitong maligo dahil sa mamasa masang buhok.
Nagtagal ang aking tingin sa kanyang muscles na gumagalaw. Bigla bigla nalang sumagi sa aking isipan ang ginawa niya kagabi kaya pinamulahan agad ako ng pisngi.
Lumingon siya sa akin at napansin ako. Umalis siya roon sa harap ng stove at nagtungo sa akin. Umayos naman ako ng tayo at iniwas ang tingin. Ayokong mapagkamalang masyadong nahihibang sa kanyang katawan.
“Morning…” Ninakawan niya ako ng halik sa aking labi. Namilog ang aking mga mata at ngumisi lang ang linta.
“Ano iyong nakita ko?” Boses iyon ni Aling Honey na nasundan agad ng hagikhik.
Bumalik si Anzai sa kanyang ginagawa. Naestatwa naman ako at hindi alam kung magpapaliwanag ba o baliwalain nalang.
“Ang aga agang gumising ni Landon… Ipagluluto ka raw,” ani Aling Honey sa nanunuyang boses.
Ngumuso lamang ako at pinanood siyang ganadong ganado nga dahil sa bilis ng kilos. He looked so handsome early in the morning. May araw bang hindi? Eh lagi naman siyang ganyan.
Pumasok si Aling Honey sa kusina para may kunin sa loob ng ref. Nagtungo naman ako sa mesa at umupo sa bakanteng upuan. Ngumisi si Aling Honey sa akin ng makahulugan bago lumabas dala dala iyong water bottle niya.
Maybe she’s thinking Anzai and I have a thing? Sa nasaksihan niya, baka nga ay sobra pa ang iniisip noon. Baka naglalaro na sa kanyang isipan na kami ni Anzai slash Landon at tinatago lamang namin.
“Coffee?” tanong niya at sumulyap sa akin.
Nagtagal pa ang aking mga mata sa kanyang likod. His back looks perfect, too! Na kahit tumalikod lang siya buong oras ay masasabi mo talagang may gwapo itong mukha.
“Kape ba ang gusto mo o ako?” ulit niya at humalakhak, marahil ay nahuhuli na ang kalikutan ng aking mga mata.
Nag-iwas agad ako ng tingin at humalukipkip sa aking upuan. Itinuon ko ang aking mga mata sa ibang direksyon.
“Coffee is much better than you,” sabi ko.
“Hmm… Bitin ka ba kagabi?”
Namilog agad ang aking mga mata at napatingin sa pinto ng kusina. Mukhang wala namang nakarinig dahil sa boses nila B3 at B1 at tila may ibang topic kaya medyo naibsan ang aking kaba.
“Shut-up.” Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
He pursed his lips at ibinalik na ang atensyon sa niluluto. Nailing ako at tiningnan ulit ang likod niya. Geez… Nakakamanyak ang isang ito.
Buong araw na maganda ang mood ni Anzai. Si Tobias naman ay hinayaan na akong sumabay sa kanya papunta sa Center at marahil ay ayaw naring makipag-away kay Anzai sa mga ganoong bagay. Sa sobra niyang saya, minsan naiisip ko itong asarin para lang maputol iyon at magsuplado na. But who am I kidding? Hindi siya ganoon kadaling inisin. Baka nga ako pa lalo ang mainis sa kanya dahil sa kanyang mga sasabihin.
Tahimik ang loob ng room noong nag-eexam na ang mga bata. Kaming dalawa ni Tobias ang nakasubaybay sa kanila at nakita ko pa ang pagkakamot ng ulo ni Arron, palingon lingon sa katabi.
Iniisip ko tuloy ang mga araw na hindi na ako magtuturo sa kanila. I’m going to missed them. Hindi ko pa naman napapagdesisyunan kung kailan talaga uuwi at iniaasa nalang iyon sa usad ng panahon. Pero habang nandito pa ako, gusto kong gumawa kami ng masasayang alaala. Gusto ko silang pasayahin.
After exam, bago pumasok ang Summer at pagtatapos ng kanilang klase ay nanghingi ako ng pabor kay Mother Jovy kung pwede ba akong magdaos ng maliit na party para sa mga bata.
“Bakit Brielle? Aalis kana ba?” tanong niya sa malungkot na boses.
Umiling agad ako. “Hindi pa naman Mother pero baka bigla bigla ring may mangyari at pauwiin na ako.”
“Mamimiss ka talaga ng mga bata. Mamimiss ka namin dito sa Center. Ang bait bait mo at ramdam na ramdam namin kung gaano mo sila kamahal. Minsan nga ay kami na ang nahihiya sa mga tulong mo na hindi na namin nababayaran ng husto.”
Tumawa ako at umiling.
“It’s okay po. Sapat na po iyong masaya ang mga bata bilang tulong ko.”
Niyakap niya ako at hinaplos ang aking buhok.
“Palagi kitang pinagdadasal na sana ay palagi kang masaya. Kahit doon man lang ay makabawi kami sa’yo.”
Nalusaw agad ang aking puso. Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong ako ng ganito. I think this is an achievement… Iyong kahit hindi man kasing laki ng mga pinagkakaabalahan ngayon ng mga pinsan ko, alam kong may nagagawa akong tama sa pinili kong daan ngayon sa buhay ko.
Pumayag si Mother Jovy sa aking request kaya kinabukasan ay naging busy agad ako sa pamimili sa Mall ng mga gagamitin ko sa party. Kasama ko si Anzai lalo na’t si Tobias ay mas pinili nalang magpaiwan.
“Aira will like this,” sabay pakita sa akin noong manikang hawak niya.
Tiningnan ko iyon at binitiwan ang hawak hawak kong robot. Magpapagames ako at naghahanap ng pang prize. Mabuti nalang kabisadong kabisado ni Anzai ang mga gusto ng mga bata lalo na’t suki rin siya sa pagbibigay ng kung anu-ano sa kanila dahil sa mga utos niya noon.
“Mamimiss ko talaga sila…” bulong ko nang pumila na kami sa counter.
“Why? You’re planning to leave this year? Ayaw mo na rito?” tanong niya.
“Namimiss ko rin kasi sina Mommy at Daddy. Baka umuwi nalang ako at sabihin sa kanila na…” Nagtagal ang mga mata ko sa kanya.
Kahit wala siyang sabihin, alam kong nababasa niya ang aking isipan. Sigurado akong may ediya siya.
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod at doon niya ipinahinga.
“Kaya ko naman silang paamuhin,” aniya sa siguradong boses.
Umangat agad ang aking kilay. Talaga lang ah? At ano na naman kaya ang naiisip niyang plano? Naisahan niya nga ang mga ito kaya hindi na iyon kagulat gulat.
“Kung ano ang gusto nila ay susundin ko. Malas mo at hindi na sila boto sa’yo.” Ngumisi ako.
“That’s very easy, Elliana. Minamaliit mo ata ako. Alam mong magaling akong dumiskarte.” Sabay kindat.
Umirap ako at humalukipkip. Natatawa siyang yumuko para hagkan ang aking pisngi. Tumikhim naman ang nasa likod.
“Respeto naman sa single na katulad ko…” bulong ng kung sinong babae.
Imbes matigil si Haze, tila mas ginanahan pa akong halik-halikan sa ulo! This devil!
Noong matapos na ang exam ay naging busy naman ako sa pagdedecorate ng classroom. Tobias and Anzai helped me. Nitong mga nagdaang araw ay hindi naman sila masyadong nag-aaway. Tobias seemed cool with him at si Anzai ay hindi rin umiimik sa kanya. Siguro nga hindi talaga pwedeng ipilit ang gusto ko sa kanilang dalawa na maging magkaibigan. Ewan ko ba sa mga lalake… Feeling ko ang tataas ng kanilang pride.
Noong matapos na ay nagyaya rin ang mga bata sa kanila na makipaglaro. Pinaghihila nila Aira sina Tobias at Anzai sa gym area para doon makipaghabulan, o kung iyon man ang kanilang balak laruin.
Naiwan ako sa loob ng classroom kasama sina Sister Wilcel at Sister Diana na tumulong narin sa pagdedecorate.
“Sino na ba ang boyfriend mo sa dalawa, Brielle?” tanong bigla ni Sister Wilcel.
Tiningnan ko siya na naggugupit ng kung ano. Si Sister Diana ay ngumingisi rin sa akin.
“Siguro ay si Landon na ’no? Kung makadikit kasi sa’yo ay parang may something…” Humagikhik siya.
“Eh kung ako rin ang nasa posisyon mo, kahit sino sa dalawa ay hindi naman ako lugi! Si Tobias palang…” Makahulugan agad ang tingin ni Sister Wilcel at humagikhik pa.
“Sshh!” Sinenyasan siya ni Sister Diana na huwag maingay. “Baka marinig tayo ni Mother Jovy!”
Naghalakhakan ang dalawa. Ngumuso ako at pumatong sa upuan para isabit iyong decoration.
Iyon ang kanilang topic. Si Sister Wilcel ay si Anzai ang gusto habang si Sister Diana naman ay si Tobias. Pero kung sa sex appeal raw at napakagwapong mukha, si Anzai ang lamang na lamang. Well yeah… He’s hot.
Sa Sabadong iyon ay sumapit din ang pinaplano kong party. Nakasuot silang lahat ng party hat at puro ng decorations ang buong classroom. Nakalapag sa malaking mesa ang mga binalot naming gifts para sa mga bata at nasa gilid naman ang catering na binayaran ko para pakainin sila. Nasa loob din sina Mother Jovy, Sister Wilcel, Sister Diana at kung sino pa na kabilang sa Center.
Nagsimula ang games. Hati ang grupo ng mga bata. Ang kani-kanilang lider ay sina Tobias at Anzai na ganado rin namang talunin ang isa’t-isa. Sa team ni Tobias ay naroon sina Kiki, Ismael at Sister Diana. Sa Team Anzai naman ay sina Aira, Rita at Arron.
“Bring me…” Ngumisi ako. Ang kabilang team ay seryosong nakinig at nakapwesto pa ang mga bata para tumakbo kung ano man ang aking iuutos.
“Bring me coins!”
Mabilis na dumukot sina Tobias at Anzai sa kani-kanilang suot na jeans. Ang pagsasalubong pa lang noong kilay ni Anzai habang may kinukuha sa kanyang pitaka, alam ko na agad.
Nagtakbuhan agad sina Arron at Ismael dala dala ang binigay ng mga lider nila sa kanila. Humagalpak ang nakakita sa bitbit na pera ni Arron.
“Heto po, Ate Brielle!” si Arron na nagtatalon pa sa inilahad na isang libong papel sa akin.
“Akin Ate!” si Ismael naman na nakakuyom sa kanyang kamay ang mga barya.
“Hindi iyan coins, Arron… One point sa Team Tobias!” sabi ko na ikinatili ng kanilang grupo, si Tobias ay nakapameywang na pangisi ngisi kay Anzai.
“That’s the only coins I have,” ani Anzai na ikinatawa ng mga nakarinig.
Umirap ako sa kanya. Ang yabang ah!
Binelatan ni Ismael si Arron at pinalo rin ang kanyang pwet para asarin ito. Sumimangot naman si Arron habang naglalakad pabalik sa dako nina Anzai.
Tiningnan ko ulit ang papel.
“Bring me… chocolates and candies!” sigaw ko na agarang ikinatili ng mga bata, natatarantang naghahanap noon.
“Wala akong ganyan!” si Kiki na tila balisa na.
“Si Arron!” Sabay turo ni Ismael sa kanya na namimilog na ang mga mata.
“Takbo na kay Ate Brielle, Arron!” Itinulak siya ni Rita na kamuntik pang masubsob.
Hinabol siya nina Ismael at Kiki. Sumigaw si Arron at mabilis na nagtungo sa akin.
“Nauna ako!” sigaw niya at niyakap ang aking mga hita.
Humagalpak ako ganoon rin ang iba. Umatras naman agad ang dalawa noong sitsitan sila ni Anzai at mabilis ding natakot.
“Heto Ate Brielle!” Dinukot ni Arron ang mga chocolates at candies sa kanyang bulsa na ikinagulat ko.
“Siya ata iyong nagnakaw sa snowbear ko eh…” bintang pa ni Ismael na nagkakamot ng ulo.
“One point sa Team Landon!”
Tumalon talon agad sina Rita at Aira. Si Anzai naman ay nakapamulsa pa sa kanyang pants, naka itim na button down shirt at pasimpleng sumulyap sa Team Tobias sabay ngisi roon.
Nakailang bring me na kami at hindi parin talaga pagod ang mga bata sa pagtakbo. Nangunguna na sa puntos ang Team ni Anzai na may four points na samantalang three points naman ang team ni Tobias.
“Bring me… flowers!” sigaw ko na mabilis ikinakilos ng mga bata.
“Sa garden!” sigaw nina Ismael at nag-uunahan na sila ni Kiki palabas.
Sina Rita, Aira at Arron ay parang may pinuntahan lang sa parte ng classroom at may kinuha roon. Mabilis agad silang nagtakbuhan palapit kay Anzai at ibinigay iyon sa kanya.
“Ayieee!” sigaw nina Sister Wilcel nang maglakad na si Anzai patungo sa akin.
Umangat naman ang kilay ni Tobias, nakahalukipkip na.
“Marami kaming nakatagong flowers para kay Ate Brielle!” pagmamayabang ni Rita.
Inilahad iyon ni Anzai sa akin nang huminto siya sa aking harapan. Kinuha ko iyon. Ngumuso siya.
“One point to team Landon!” sabi ko sabay ng pagbalik nina Ismael at Kiki na kapwa pa nakahawak ng mga bulaklak kasama iyong roots!
“Diyos ko! Bakit pati ang ugat ay isinali niyo?!” si Mother Jovy na nanlalaki ang mga mata.
Nagtawanan kami. Si Kiki ay bumusangot pa at tiningnan si Anzai na nginisihan lamang siya. Pati ba bata hindi niya palalampasin?
“Itatanim nalang po namin ulit!” si Ismael na may kaonting dumi pa sa pisngi.
Nanalo ang grupo ni Anzai kaya sina Rita, Arron at Aira ang nabigyan ng prize. Si Ismael at Kiki ay halos bumusangot na.
Sa mga sumunod na laro ay mas naging hyper ang dalawa at ayaw na atang magpatalo. Lalo na noong trip to Jerusalem at nag-agawan pa talaga sina Ismael at Kiki sa isang upuan.
Noong sa chubby bunny naman ay si Arron ang nanalo. Mukhang pagdating sa pagkain ay talagang lamang na lamang ito.
Pagkatapos rin naman nilang maglaro ay nagsimula narin silang kumain. Humalo ako sa table nila Kiki at nakipagkwentuhan habang sina Tobias at Anzai ay naroon sa table nila Sister.
“Wala na bang pasok next week, Ate Brielle?” tanong ni Kiki na may sauce pa ang pisngi.
Kinuha ko ang tissue at pinunasan iyon.
“Wala na… Summer na eh. Sa August na ulit ang klase niyo,” sabi ko.
“Narinig ko po kay Mother Jovy may real substitute teacher na raw po. Eh ayaw ko sa ibang teacher… Ikaw lang ang gusto namin,” si Ismael naman.
“Oo nga! Ayaw ko sa iba! Ikaw nalang po forever Ate Brielle…” si Aira naman na kumikintab pa ang mamula mulang labi dahil sa spaghetti.
“Pag hihinto narin naman ako… Bibisitahin ko kayo rito palagi,” sabi ko.
“Pero ate! Gusto ka po naming makita lagi! Mas masaya ka pong magturo! Mas gusto po namin na ikaw ang teacher namin!” si Rita na napalakas pa ang boses.
“Pag umalis ka iiyak talaga ako…” ani Aira sa malungkot na boses.
Tumawa ako at pinagkukurot isa isa ang kanilang mga pisngi.
“Matagal pa naman akong aalis…”
Mga bandang alas kuatro na noong natapos ang party ng mga bata. Noong pumasok na ang tag-init ay mas ramdam ko ang Summer dahil sa dalas ng pagligo nina Tobias at Anzai sa dagat at puro naka boardshorts lamang habang ang mga katawan ay nakikipagkompitensya sa init ng panahon.
Hindi ako sumasali at palihim nalang na nanonood sa veranda, o di kaya ay sisilip lang. Si Anzai akala mo laging may kompetisyon lalo na’t noong nagstretching si Tobias ay ginaya niya rin at mas nilamangan.
Lunes iyon sa gitna ng Abril. Tinanghali na ako ng gising at ang agad na napansin ay ang jetski sa dagat.
Huh? May Jet ski ba rito? Hindi ko iyon napansin ah?
Bumaba ako para malaman kung kanino iyon, o kung sino ang may sakay kahit na may ediya agad ako. Si Aling Honey ang natyempuhan ko noong oras na iyon.
“Ah, si Landon… Mukhang may nabiling Jet ski sa kabilang Resort…” aniya.
Bumili siya ng… ng Jet ski sa isang Resort? Mabuti at hindi ang Resort ang naisipan niyang bilhin?
“Kumain kana Brielle… Iinitin ko muna iyong pagkain mo.”
“Sige po Aling Honey.” Sumunod ako sa kanya.
Sina B2 at B3 ang nakasabay kong kumain at topic din nila ang biniling Jet ski ni Anzai.
“Ang mahal mahal pa naman ng Yamaha Jet ski ngayon… Baka pinag-ipunan iyon ni Landon ng husto,” ani B3.
“Wala pa naman siyang isang taon dito at ilang buwan pa lang na nagtatrabaho bilang bodyguard. Imposibleng makapag-ipon agad siya ng ganoon kalaking pera,” si B2.
Uminom ako ng tubig at hindi na nakisali pa.
“Pag titingnan ko si Landon parang napaka mamahaling tao. Parang amoy mayaman…” si B3.
“Ako nga rin eh… Parang may kakaiba talaga sa lalakeng ’yan at mukhang expert pa sa jujitsu. Ang mga ganoong hobby ay masyadong mahal…”
Saglit silang tumahimik at masyadong nagkakasalubong ang kilay. Hindi nila alam, nag-iisang tagapagmana iyan ng mga Castellano at may sarili nang kompanya. Hindi nila alam na pinapaikot nalang pala sila ni Anzai sa kanyang mga palad at nagpapanggap bilang ibang tao.
Nauna akong matapos. Nagpatuloy sila sa kanilang topic. Naligo naman ako lalo na’t sobrang init din talaga sa labas. Noong mga bandang alas kuatro ay doon na ako nagpasyang magtungo sa dalampasigan.
Naramdaman ko agad ang init sa aking balat kaya sumilong ako roon sa lilim ng puno. Tinanaw ko ang topless na lalakeng ekspertong pinapatakbo ang sinasakyan niyang Jet ski. Kanina pa siya ah? Saan na ba siya nakarating at mukhang nawala siya kanina?
Noong napansin niya akong nakatayo at nakahalukipkip ay nagtungo na ito papalapit sa dalampasigan.
Kumikinang pa talaga ang kanyang tiyan dahil sa tama ng sikat ng araw sa kanyang katawan!
“Come with me…” ani Anzai pagkatapos huminto.
Umangat ang aking kilay. Nilingon ko ang paglabas ni Tobias sa Resthouse, humalukipkip roon sa kanyang kinatatayuan at narito na ang mga mata.
Napatingin akong muli kay Anzai na bumaba na ng tuluyan sa Jetski at inayos ang magulong buhok. Ngumuso ako at pilit iniwas ang aking mga mata sa kanyang katawan.
“Sumama ka sa akin. May maliit na isla pala roon sa dulo… Medyo malapit lang,” ani Anzai nang huminto na sa aking harap.
Hmm… Dalhin ko nalang din kaya ang camera ko?
“Sige… May kukunin lang ako,” sabi ko.
Mabilis akong pumasok ulit sa Resthouse. Noong makarating ako sa dako ni Tobias ay sinabi ko agad ang balak namin ni Anzai.
“Mamamasyal lang kami ni Landon. May maliit daw kasi na Isla na malapit lang dito,” sabi ko.
Tumango siya. “Enjoy… Tatawag daw mamaya ang Mommy mo. Pupunta rin kami sa bayan ni Alias ngayon…”
Tumango ako sa kanya at nagtungo agad sa itaas para makuha na ang aking pakay. Nagbihis narin ako ng bikini at dress para kung sakaling maligo man ay prepared ako. Suot ang transparent na puti at maiksing dress ay mabilis din naman akong bumaba dala dala na ang aking camera.
Nadatnan ko rin si Anzai na kakalabas lang rin ata sa kanyang kwarto lalo na’t naka puting cotton tshirt na ito.
Sabay kaming nagtungo ulit sa kanyang Jetski. Nanonood lang si Tobias habang inaalalayan ako ni Anzai na sumakay roon. Mabilis naman akong humawak sa kanyang balikat.
Kinawayan ko si Tobias bago tuluyang pinaharurot ni Anzai ang Jetski. Nagtalsikan pa ang tubig kaya nagreklamo akong magdahan dahan lang lalo na’t mababasa ang aking camera.
“Bakit mo naisipang bumili nito?” tanong ko.
“I got bored…” ani Anzai.
Wow ah? Kakaiba talaga ito mabored! Kahit anu-ano nalang ang naiisipang bilhin pag nabobored!
“Marunong ka palang magdrive nito?” tanong ko.
“Yes… One of my expertise…” makahulugan niyang sabi lalo na’t pasimple pa akong nilingon para lang ngumisi.
Ang yabang!
“Ikaw pa, expert ka naman talaga sa lahat ng bagay. Pati nga sa pananakit hindi ba?”
Mabilis na napawi ang kanyang ngisi. He licked his lips and frowned. Mas binilisan niya ang pagpapatakbo kaya tumili ako at niyakap siya.
“Bad girl… I already told you what happened.”
Kinagat ko ang aking labi at mas hinigpitan ang aking yakap. I even felt his hard rock abs! Sobrang tigas talaga noon!
Ilang minuto rin ang nakalipas ay nakarating din naman kami sa tinutukoy na isla ni Anzai. Maliit nga iyon lalo na’t puro puno lang rin ang nakikita ko at ang puting buhangin.
Inalalayan niya akong bumaba. Iginala ko ang aking mga mata at wala talagang katao tao. Ni cottage, wala…
“Baka may ahas dito ah…” sabi ko.
“Mukhang hindi pa gaanong nadidiscover ang Islang ito kaya wala pang gaanong tao,” ani Anzai.
Tama nga siya. Parang ang nature pa talaga ang may-ari dahil wala pang itinatayo ni isa rito. Ibig sabihin ay wala pa itong pangalan.
Nagsimula akong magpicture sa paligid. Si Anzai naman ay sinundan lamang ako ng tingin. Kahit anu-ano nalang ang aking kinunan at pati si Anzai ay hindi ko rin pinalampas. Nakakainis nga at kahit anong anggulo ay ang gwapo niya pala talaga.
Mga bandang 5PM ay lumabas na ang magandang sunset. Suminghap ako lalo na’t sobrang ganda noon. Ang orange at pulang kulay ay naghahalo na naman. Ganoon iyon katingkad at noong hinalikan ng sinag si Anzai ay mabilis siyang lumiwanag. Goodness! May mas ikakagwapo pa pala talaga?
“Ganito rin ’yon,” sabi ko at napangiti sa magandang sunset.
Tumayo siya at nagtungo sa aking likuran. Niyakap niya ako roon. Hindi ko ito pinigilan.
“Ang alin?” he whispered.
“Iyong unang araw na… na nakita kita ng malapitan. Iyong araw na sinabi ko sa’yong mapapa saakin ka…” Natawa ako nang magbalik tanaw sa alaala naming dalawa.
“Ganitong oras rin iyong nangako ka sa akin na pakakasalan mo ako,” bulong ko, sapat na lamang na ako ang makarinig at hindi na makaabot sa kanyang tainga.
“Do you want to get married infront of the sunset?” tanong niya.
Tumango ako. “Oo naman… Pangarap ko ’yon…”
“So you’re willing to marry me infront of the sunset?”
Humalakhak ako. Maybe someday? Nitong mga nagdaang araw, sa tuwing tinitingnan ko siya ay napapagtanto ko na siya lang talaga ang bukod tanging lalakeng kayang iparamdam sa akin lahat ng emosyon. Hindi naman siguro kami aabot sa puntong magkakasakitan kung hindi namin mahal ang isa’t isa hindi ba?
“Let’ get married…” bulong niya.
Wala sa sarili na lamang akong tumango. Iyon naman ang pangarap ko na sa huli, ang pagmamahal na ito ay sa kasalan parin ang bagsak at hindi sa paghihiwalayan.
“I mean… Right now, Elliana… I want you to marry me right now…”
Bumagsak ang aking mga mata sa ipinakita niyang maliit na pulang box. Suminghap ako at mabilis na kumawala sa kanyang yakap. Hinarap ko siya sa namimilog kong mga mata.
“A-Ano?”
Kinagat niya ang kanyang labi at binuksan iyon. May dalawang singsing sa isang box.
“I want us to get married today… Infront of the sunset… while the sky and the beach are watching us.”
Natawa ako at hindi makapaniwala sa kanyang pakulo.
“Is this… for real? Paano kung humindi ako? Anong gagawin mo?”
“Simple. We’re not leaving this place until you say yes to me. Hindi tayo aalis dito hangga’t hindi mo ako pinapakasalan,” aniya at kinuha ang aking kamay.
Natawa ako lalo, hindi alam kung ba’t masyado akong natutuwa kahit na sobra niyang seryoso. Panay ang kanyang pagkagat sa kanyang labi.
“I… Anzai Haze Castellano, take my Elliana Brielle Dafuente, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part…” Ipinasok niya ng dahan dahan sa aking ring finger ang kumikinang na singsing.
Nagloosen ang aking balikat nang makita iyon sa aking kamay. It’s very pretty…
“Your turn,” sabay bigay sa akin noong isa pang singsing.
“Pinipilit mo ba akong pakasalan ka?” Inangatan ko siya ng kilay.
Ngumisi siya at inilahad sa akin ang kanyang kamay. Ipinasok ko rin iyon doon ng dahan dahan. I don’t know if this is a real wedding or not… If he’s just fooling around… pero gusto ko rin naman. I’d gladly marry him!
“I… uhm Elliana Brielle Fortalejo Delafuente, take you Landon-”
“Anzai,” putol niya at sinimangutan ako.
Tumawa ako at tumikhim, sumeryosong muli lalo na’t titig na titig siya sa akin.
“Take you Anzai… Haze… Castellano to be my husband and…” Tinitigan ko siya ng matagal sa nalilitong ekspresyon. “What’s next?”
“To be with me until the rest of your life. Until death do us part,” dugtong niya at siniil agad ako ng halik.
Natatawa ko siyang sinapak. “Is this a true wedding?!”
“Yes, Mrs. Castellano. Mag-asawa na tayong dalawa…” sabi niya habang hinahalikan ako sa nakakabiting paraan.
Oh my gosh… It’s really real! We got married infront of the Sunset! Naging saksi ang kalangitan at karagatan sa kasal naming dalawa!
“You are really mine this time… Only mine…” bulong niya at hindi na mabura bura ang malawak na ngisi.
48th Gripped
Gripped
This chapter is dedicated to Lorraine Niar. Happy reading!
WARNING: SPG
Bleeding
Nanatili muna kami roon ng ilan pang oras. I really cannot believe I agreed to marry him! Tinitingnan ko ang aking kamay kung saan niya isinuot ang singsing at talagang kumikinang iyon sa aking mga mata.
“You like it?” Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.
Kapwa kami nakaupo sa buhangin. I still want to enjoy the sunset with him. Parang ang saya saya ko at tila panaginip ang lahat.
“Akala ko mga nasa thirties pa ako ikakasal…” sabi ko at ibinigay ang buo kong bigat sa kanya sa aking pagsandal sa kanyang dibdib.
“The first time I met you, I told myself I’ll give you a dozen of kids after your thirties…”
Namilog ang aking mga mata at nilingon siya. He smirked at me.
“Ang rami!” At talagang gusto niya talaga akong anakan ng maaga ha?
He chuckled on my neck at nagawa pa iyong kagatin ng marahan. Ang dalawa niyang kamay ay nasa aking mga dibdib na, namimisil lamang.
“Mamaya… Pag tumawag si Mommy ay sasabihin ko na ang lahat,” sabi ko na ikinatigil niya.
Hinuli niyang muli ang aking mga mata.
“I agree… Total kasal narin naman tayo.” Nagkibit siya.
“Is this your plan? You purposely marry me para wala nang magagawa ang parents ko.” Naningkit ang mga mata ko sa kanya.
He chuckled. “Diskarte ang tawag diyan…”
The heck? Ganoon siya kagaling dumiskarte at talagang alam niyang makukuha niya ang kanyang gusto!
“Beast!”
Kinagat niya ang aking tainga. “Well yeah… We still have our honeymoon later… You’ll probably scream while this beast is on top of you…” he whispered sensually and licked my earlobe.
Nanindig ang aking balahibo. Oo nga pala… Honeymoon! And we’re already married! Ibig sabihin nito… legal na kami sa ganoong bagay! Oh my gosh! May natutunan ba ako sa mga binasa ko?
“O pwedeng dito nalang? Hmm?” Ibinaba niya na ang strap ng aking dress.
Sobra na akong nakikiliti sa halik niyang nanunuya sa gilid ng aking tainga. Nabablangko nalang bigla ang aking isipan.
“Bumalik na tayo… Please?” I pleaded.
I cannot do it here! Hindi ko kayang humiga sa buhangin! And I want a memorable night with him! I think we’ll still make it. Hindi naman siguro kami lulumpuhin nitong init sa katawan at makakabalik pa naman siguro kami.
Ako ang humila sa aking sarili paalis sa kanyang gitna. His lips are very red at nag-aalab ang kanyang mga mata. Noong sumulyap ako sa kanyang gitna ay nakumpirma ko agad kung bakit ganyan na ang kanyang hitsura.
Tumayo siya at hinila na ako patungo sa Jet ski. Mabilis ang kanyang galaw. Lalo na noong nakasakay na kaming dalawa ay pinaharurot niya agad. Isinuot ko ng maayos ang aking camera at niyakap siya ng mahigpit dahil baka mahulog ako.
Goodness, Brielle! Handa kana bang maranasan ang mga nababasa mo sa Romance book? Baka magw-wheelchair na ako bukas ah?
Naging mabagal agad ang pagpapatakbo ni Anzai. Noong una, akala ko ay dahil malapit na kaming makarating sa dalampasigan pero nang makita ko rin sina B1, B2, B3 at Tobias na naghihintay sa amin ay nagtaka na ako.
“Anong meron? Tumatawag na ba si Mommy?” tanong ko sa aking sarili.
“Mauna kang bumaba,” ani Anzai sa seryosong boses.
Kinabahan agad ako. B-Bakit?
“Huh? B-Bakit?”
Hindi siya umimik at tuluyan nang tumigil. Nakapamulsa si Tobias at madilim ang ekspresyon, ibang iba sa aking nakasanayan sa nagdaang araw. Those pair of eyes were very familiar to me. Ganoon ang kanyang mga mata noong dumilat ako at nagkatitigan kaming dalawa.
Nauna akong bumaba katulad ng sabi ni Anzai kahit parang lalabas ang aking puso sa sobrang kaba. I need to ask them what’s happening.
“Tobias anong…”
Marahas akong hinila ni B1 hanggang nakita ko kung paano umangat ang kamay si Tobias at pumaibabaw na ang nakakabinging ingay na sobrang pamilyar sa akin.
My eyes widened when I saw how Anzai cursed loudly at nawalan agad ng balanse. T-Tobias shot him!
“Anzai Haze Castellano…” Ipinakita ni Tobias sa isang kamay ang punit na dyaryo. His face darkened as he watched him angrily.
Nanindig agad ang aking balahibo lalo na’t lahat sila ay tila kaaway na ang tingin sa kanya. Na ako nalang ang kakampi ni Anzai sa oras na ito at handa na silang sundin ang utos sa kanila.
Anzai licked his lips at hawak na ang dumudugong braso. He looked so much in pain ngunit nilalabanan na lamang iyon.
“Please… K-Kumalma muna kayo.” Namumutla kong sabi at pilit pumapakawala sa mahigpit na yakap ni B1.
Itinutok muli ni Tobias ang kanyang hawak na baril at sa pagkakataong ito ay mukhang sa may ulo na ang kanyang punterya. Oh God… No!
“Put your gun down, Tobias!” Sumigaw ako at siniko si B1 para lang makawala sa kanyang hawak.
Noong hindi niya ako binitiwan ay inagaw ko narin ang baril niyang nasa beywang niya lang. Mabilis kong naagaw ang kanilang atensyon. Napaatras silang tatlo at napalingon naman si Tobias sa akin lalo na’t itinutok ko nalang iyon sa kung saan.
“I said… Put your gun down…” Nanlalabo na ang aking mga mata sa luhang gustong kumawala nang itinutok ko iyon kay Tobias.
“You don’t know how to use a gun, Brielle…” malamig na tugon niya sa akin, hindi natatakot.
“I taught her when she was eighteen…” si Anzai ang sumagot habang namimilipit ang mukha at nakaupo nalang sa kanyang Jet ski.
“Ibaba mo, Tobias! Ano ba!” sigaw ko sa galit na boses.
“I am just doing my job here, Brielle! This is your father and your Grand Uncle’s order!” Mariin niya akong tinitigan.
“But I cannot let you kill him! Kasal na kami…” Nabasag ang aking boses at nalaglag agad ang aking mga luha.
Nagloosen ang kanyang balikat nang dumirekta ang kanyang mga mata sa aking kamay, nakita roon ang ebidensya na hindi ako nagsisinungaling.
“Please… Tobias… Kung hindi mo ibababa ang hawak mong baril ay mapipilitan talaga akong…” Hindi ko na iyon madugtungan, takot sa maaari kong masabi.
Gumuhit sa kanyang mukha ang sakit lalo na’t namula agad ang kanyang mga mata.
“Kaya ba hindi ako manalo nalo sa kanya? Kaya ang bilis bilis niyang nakuha ang loob mo?” matabang niyang tanong at ibinaba na ang baril.
Kinagat ko ang aking labi. I know this is my fault for keeping it to him! But I can’t just let him kill Anzai! Pwede ko namang ipaliwanag sa parents ko ang lahat! And my Grand Uncle will understand me if I explained everything, too!
“You know your family wants you to stay away from him, Brielle. And now you’re choosing him over your family?” tanong niya sa hindi makapaniwalang boses.
“I am choosing him over anything else, Tobias,” giit ko na ikinapungay lalo ng kanyang mga mata.
Bumuntong ng hininga si Tobias at yumuko. Sa kanyang ipinakitang kilos ay nahalata ko agad na suko na siya.
Nagtungo ako sa kanya at mabilis siyang niyakap.
“I’m sorry… P-Pero mahal na mahal ko siya, Tobias… H-Hindi ko kaya p-pag nawala siya sa’kin…” Humagulhol agad ako sa kanyang dibdib.
Iniisip ko pa lang na mangyayari rin kay Anzai ang nangyari sa akin ay parang hindi ko na kakayaning makita siya sa ganoong kalagayan. Bigla akong natakot na baka ano mang oras ay mawawala siya sa akin. Hindi ko kaya!
“You are so unfair…” he whispered.
“Please…” Inagaw ko sa kanya ang baril hanggang sa kusa ko iyong mabawi.
Para akong nabunutan ng tinik. Sinalo ni Tobias ang kanyang luha at humiwalay sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at tiningnan ang suot kong singsing.
“One lucky bastard…” Nanginginig ang kanyang boses habang hinahaplos iyon.
“I will still going to cherish our friendship Tobias… Hindi ko siya kayang palitan sa puso ko,” sabi ko nang magtama ang aming mga mata.
Huminga siyang muli at humingos, tila nagpipigil nalang. Binitiwan niya ang aking kamay at kinagat ang labi. Kinuha niya sa akin ang hawak kong baril sa maamong paraan.
“You better explain this to your parents…”
Tumango ako at nilingon sina B2 at B3 na tinulungan si Anzai sa pagtayo. Namumutla na ito at kagat kagat ang labi.
“Isugod natin siya sa hospital, please…” sabi ko at inalalayan narin si Anzai.
Tumango agad si B1 at mukhang natakot pa sa akin. Mabilis namang tumakbo si B2 para ihanda ang kotse. Si B3 naman ang kumuha ng pamalit na damit ni Anzai lalo na’t naka boardshorts parin ito.
Nilingon ko si Tobias na nakayuko na lang at nakaupo roon. Alam kong inilihim ko sa kanila ang totoo at nagmukha silang tanga sa nagdaang buwan pero kaya ko namang akuin lahat ng ito sa harap ng aking angkan! Sasabihin kong ako ang may kasalanan at labas na sila roon.
O baka may iba pang rason si Tobias kaya ganyan siya ka apektado ngayon. Siguro ay nasaktan siya noong malamang nagpakasal na ako kay Anzai.
“Daplis lang ata ang natamo mo,” ani B1 nang tinatalian ang kanyang sugat para tumigil sa pagdugo. Nakasuot narin siya ng pants ngayon, iyon nga lang ay topless parin dahil itinali ang tshirt sa kanyang braso.
“Mabuti at sa braso ka unang binaril ni Tobias. Sniper pa naman iyon at kayang kaya ka niyang barilin sa ulo. Mukhang itinuring ka naring kaibigan noon kahit papaano lalo na’t matinik pa naman iyan pagdating sa trabaho,” si B2 naman na nagmamaneho.
Napagtanto ko rin iyon. Tama si B2. Kayang kayang patayin ni Tobias si Anzai sa isang tira lamang. But he chose to shot him on his arm. Marahil ay sinadya niya talagang daplisan lamang si Anzai para balaan ito na may utos sa kanilang barilin siya kung kinakailangan para hindi makalapit sa akin.
Hindi naman siguro magiging sniper si Tobias kung hindi siya ganoon kagaling umasinta. Siguro ay wala rin sa kanyang isipan na patayin ito. Baka nanaig parin ang nabuo sa aming lahat kaysa pairalin ang ibang bagay.
“Baka dahil kay Brielle… Halata naman,” si B1.
“Oo eh… Akala ko nga si Brielle at Tobias itong magkakatuluyan…” si B2.
“Kaso bigla kang dumating,” si B1.
“Stop talking about it. Hindi pa ako patay para hindi marinig ang mga pinagsasabi niyo,” si Anzai naman.
Hinaplos ko ang kanyang braso. Dumilat siya at tiningnan ako. He looked so pale!
“You’re so cool Elliana…” Ngumisi siya sa akin.
Napatingin narin si B1 sa itaas ng salamin habang si B2 ay pangiti ngiti rin lalo na’t nasa gitna lang naming dalawa si Anzai.
“Oo nga… Ang anghel anghel naman sana ng mukha pero marunong palang gumamit ng baril! Natakot ako bigla sa galit mo kanina!” Humalakhak si B1.
Ngumuso ako lalo na’t nanunuya na sa kanilang mga labi ang ngisi, ganoon din si Anzai na hinuli pa ang aking kamay sa aking kandungan at ipinagsalikop iyon.
“Gusto ko nga sanang pumalakpak kanina. I taught you well…” ani Anzai.
“Tumahimik kana nga! May sugat ka pa!”
Hinila niya ako at isiniksik sa kanyang dibdib. Mabilis akong naging komportable roon. Ang takot ko kanina ay unti-unti nang nabubura.
“T-Tinakot mo ako…” Mabilis na nalaglag ang mga luha roon.
“Bala lang ’yon. It doesn’t even hurt…” he whispered habang sinusuklay ang aking buhok.
Sinungaling talaga! Masakit iyon dahil namutla siya! Nilalabanan niya lang.
Umiyak ako sa kanyang dibdib ng tahimik. Napatunayan ko talaga kung gaano ko siya kamahal, na kayang kaya ko siyang ipagtanggol sa lahat ng bagay. I am willing to choose him over anything else. Ganoon na ako katapang na nakaya ko talagang gawin ang isang bagay na akala ko’y hindi ko magagawa buong buhay ko.
Pagdating sa publikong Hospital ay mabilis kaming sinalubong ng mga Nurse. Ipinasok agad siya sa aking kuwarto para matahi ang kanyang sugat. Naghintay naman ako sa labas, kasama sina B1 at B2 na tahimik lamang.
“Congrats pala, Brielle…” si B2 ang nagsalita.
Ako lamang ang nakaupo sa bench lalo na’t kapwa sila nakatayo, nakahalukipkip lamang.
Tiningala ko si B2 at tipid na nginitian.
“Thanks… Kahit kamuntik na akong mabyuda ng maaga dahil sa inyo…”
Sabay silang napanguso ni B1.
“Kamuntik narin kaming mamatay dahil sa galit mo…” ani B1 at hinaplos pa ang batok.
“Ginagawa lang talaga namin ang trabaho namin. Kahit na naging pamilya na tayo sa Resthouse, hindi ibig sabihin noon ay maisasantabi na namin ang totoong rason kung ba’t nandoon tayong lahat,” seryosong sabi ni B2.
Tumango ako at tiningnan ang room kung nasaan si Anzai.
“Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko agad sinabi sa inyo kung sino talaga si Landon.”
“Hay… Ang pag-ibig nga naman… Lahat ay hahamakin masunod lamang ang sinisigaw ng damdamin!” Nagtunog makata si B1 na kahit ang iilang nag-iiyakan sa hospital, tila namamatayan ng mahal sa buhay ay nagawa pa siyang tingnan ng masama.
Natahimik ako ng ilang oras. Hindi ako mapanatag hangga’t hindi ko nakikitang maayos na si Anzai. Sinabi naman nila sa akin na daplis lamang iyon at hindi malala pero may parte parin sa akin ang natatakot!
I don’t want him to face his death yet! Marami pa akong gustong patunayan sa kanya. Marami pa akong gustong iparamdam na ipinagkait ko sa kanya. I still want to be the best wife for him. Gusto kong maisip niyang hindi lamang siya ang nagmamahal ng lubos lubos dahil parehas kami ng nararamdaman para sa isa’t isa.
Tumayo ako at sumilip sa may maliit na glass noong pinto. Maraming mga kama roon, kung nasaan din ang iba pang pasyente. This is a public hospital kaya hindi na nakakapagtaka kung ba’t wala silang masyadong rooms para sa iisang pasyente.
“Sino ang kamag-anak ni Mr. Castellano?” tanong ng doctor at iginala ang mga mata sa nakaabang sa labas.
Mabilis akong tumayo. “Ako po…” sabi ko.
Tiningnan niya ako at nagulat pa. Ilang sigundo siyang tumitig pero tumikhim din naman.
“Safe na ang iyong kapatid at maya maya ay pwede na siyang ilabas,” sabi niya habang nakatitig sa akin ng husto.
“Asawa ko po siya, Doc,” paglilinaw ko na agad niya namang ikinakurap.
“Ah… Ganoon ba…” Ngumiti siya ngunit tila nadidismaya na ang mukha.
“Pwede na pong pumasok?” tanong ko na ikinangiti niya.
Wala na akong inaksayang oras at mabilis nang nagtungo sa loob. Hinanap ko siya sa mga nakabukas na kurtina at iyong ilan ay sinilip ko pa. Sa ikaapat na higaan ay mabilis ko agad siyang natagpuang nakahiga na at nakatitig lamang sa ceiling habang kinakausap siya noong nurse. He’s still topless… Kaya siguro halos ayaw na siyang iwan ng nurse!
“Masakit parin ba?” Narinig kong tanong ng nurse at nagawa pang haplusin ang bandage na nakalagay sa kanyang braso.
Pumasok ako at tumikhim. Napatingin naman ang nurse sa akin.
“Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Tiningnan agad ako ni Anzai at umupo sa kama. Mabilis naman siyang inalalayan ng nurse.
“Asawa ako, Miss…” sabi ko at pasimpleng inalis ang kanyang kamay sa pagkakahawak. “Ako na.” Nginitian ko siya ng tipid.
Nagulat siya at tumango rin naman agad. Umatras siya para mas bigyan ako ng espasyo. Itinuon ko naman ang aking buong atensyon kay Anzai.
“Pwede kana raw umuwi maya maya sabi ng Doktor.”
Tumango siya habang titig na titig sa aking seryosong mukha. Tiningnan ko naman ang kanyang bandage at kahit papaano ay kumalma rin ako.
Mga bandang alas otso ng gabi ay umuwi narin kaming lahat. Niresitahan lamang siya ng gamot para may mainom siya pag kumirot iyon. Mukhang maayos narin siya hindi kagaya kanina na sobrang namumutla.
Pagdating namin ay nagtinginan lamang kami ni Tobias. Hindi na kami masyadong nag-usap pa lalo na’t ipinanhik ko na agad si Anzai sa aking kwarto para makapagpahinga agad ito.
Inalalayan ko siya sa aking kama. Ngumisi siya sa simple kong pagbuhat sa kanyang braso.
“Hindi mo ako kaya. Mabigat ako,” aniya.
“Kaya ko,” giit ko at pinilit paring akuin ang lahat ng kanyang bigat.
Anzai chuckled. “Wife’s duties?”
Nanliit ang aking mga mata at gustong tusukin ang kanyang sugat. Siya lang ata itong kamuntik nang mamatay sa kamay ni Tobias pero heto siya, pangisi ngisi na akala mo ay nakikipagpatintero lamang siya kay Kamatayan kanina.
Umupo siya sa aking kama at humilig sa headboard. Nagtungo ako sa walk-in para maghanap ng pwede niyang suotin. Buti at may mga plain tshirt naman ako na malalaki rin. I think kasya sa kanya.
Bumalik ako roon at umupo sa kanyang harap.
“I think we both have a couple tattoo now…” ani Anzai at marahan pang humalakhak.
Umangat ang aking kilay.
“I am going to have a scar too… Like yours…” Sabay kagat ng kanyang labi.
Nanliit ang aking mga mata at gusto na talaga siyang kurutin.
“Akala mo ba nakakatuwa?”
He chuckled. “Walang makakapantay sa saya ko noong pinakasalan mo ako, Elliana. This is nothing.”
Humimnahon ang aking ekspresyon at lumuhod sa kanyang harapan para suotan ito ng damit.
“Kailangan ko pa bang magbihis kung pwede namang hubaran nalang din kita?” Hinawakan niya ang aking beywang.
Nalaglag ang aking tingin sa kanya.
“Huwag muna. Magpagaling ka muna,” sabi ko at isinuot na iyon sa kanyang ulo.
“I said I’m not hurt… This is nothing…” Sumimangot siya noong tuluyan kong hilain ang tshirt at bumungad muli ang gwapo niyang mukha.
Umupo akong muli ng maayos para makalebel siya. He leaned closer and kissed me gently.
“Can you teach me?” I asked him.
Tumigil siya sa paghalik at tumingin sa akin. Kinagat ko ang aking labi.
“How can I pleasure you?”
His lips parted. Bago niya pa iyon masagot ay inatake niya na agad ako ng marahas niyang halik.
He groaned as he deepened the kiss. Natumba agad ako lalo na’t masyadong sabik ang kanyang atake. Sinalo niya ako sa isa niyang kamay at ipinulupot doon ang kanyang kamay bilang suporta.
“You turned on me so much… Fuck!” Dinala niya ako sa kanyang kandungan at pinaupo roon.
I muffled a soft moan when I felt him. Nagsimula siyang gumalaw sa ritmong nagbigay sa akin ng bulta-bultaheng kuryente lalo na’t nakadirekta iyon sa aking gitna at sobra ang dulot noon sa akin.
I felt his other hand on my back. Ang isang kamay naman ay nasa aking pwetan at itinutulak iyon para masalubong ang kanyang galaw.
Mas naging agrisibo ang kanyang halik na halos ayaw niya nang humalik ako pabalik. Ni hindi ko iyon mapantayan dahil parang mawawalan na ako ng ulirat sa kanyang ginagawa!
Naramdaman ko ang pagkaunlock ng aking bra. Isang hila lang ni Anzai sa isinuot kong tshirt sa kanyang leeg ay naalis na agad iyon at itinapon nalang iyon sa kung saan. Hinila niya rin ang aking dress. Tinulungan ko siya hanggang mahubad iyon.
Anzai leaned closer and kissed my boob. Ang isang kamay naman ay naroon na sa isa, namimisil at naglalaro.
Bigla akong nafrustrate kung bakit may suot pa siyang pants. Umabante siya lalo hanggang nahulog ako sa kanyang kandungan at napahiga na sa kama.
Lumuhod siya at marahas na kinalas ang kanyang belt. Lumunok ako habang pinapanood siyang seryoso iyong ginagawa hanggang sa nahubad niya rin ang kanyang pants at itinapon nalang sa kung saan.
The bulge on his boxers made me gulp. Ngayon ko lang ito nakitang ganyan ka buhay at ka laki…
He positioned himself on top of me. Hinawakan niya ang aking beywang at idinirekta sa aking gitna ang kanya na ikinakapit ko sa bedsheet dahil sa kuryenteng dumagsa sa aking kabuuan.
Pumaibabaw siya at hinalikan akong muli habang gumagalaw na naman sa ritmong nagpapabaliw sa akin ng husto.
“Anzai… Oh my…” Umawang ang aking bibig at hindi na kayang makipaghalikan pa sa kanya.
Anzai kissed me on my jaw down to my neck. Ang kanyang kamay ay gumapang pa sa aking tiyan at humahaplos na roon sa nakakakiliting paraan.
I cannot take it anymore! Sumalubong na ang aking beywang at wala narin akong kontrol sa aking katawan. The sensation is just too much!
I felt his finger on my panties. Hinaplos niya iyon ng paulit ulit habang walang sawa paring gumagalaw ang kanyang balakang. My toes curled as I anticipated for more.
Naramdaman ko na ang pagpasok ng kanyang daliri sa aking gitna. He parted my fold inside my panty and grind against my wetness!
“Anzai!” sigaw ko ng marahas at umawang ng husto ang aking bibig.
Naghanap ako ng makakapitan. Kahit wala pa, kahit iyon pa lamang ay hindi na ako mapirme. Nakarinig pa ako ng pagkapunit at ang pagkaalis ng aking panty. Tila naalibadbaran na siya roon.
Anzai’s kisses travel down to my chest. Nawala siya roon sa aking gitna kaya dumilat ako at gustong magreklamo na gusto ko pa ng ganoon! But when I saw how his kisses trailed down to my tummy ay nangilabot na naman ako.
Ibinaluktot niya ang aking mga hita na ikinagulat ko lalo na’t para akong palaka sa ganoong posisyon. But when Haze dive his kisses between my thigh, I almost lost it!
“Anzai!” I cried weakly.
His finger parted my folds for a better access and delved his tongue deeper. Nanghina na ako at hindi na kayang awatin ang aking boses.
His tongue played with my sensitive bud as he stroke me back and forth, licking my wetness nonstop!
I convulse and felt how I dripped hardly. Hinang hina ako habang naroon parin siya, tila hindi pa tapos.
“Comeback here… Please…”
Tumigil din naman si Anzai at hinalikan muli ang aking tiyan pabalik sa akin. Lumuhod siya at tinanggal ang huling natitirang saplot sa kanyang katawan.
My eyes settled on his erection. Nanuyo agad ang aking lalamunan. Oh. My. God.
“I’ll take you gently…” he said at ipinosisyon na iyon sa aking gitna.
I shut my eyes harshly. Alam kong mawawala naman agad ang sakit at mangingibabaw ang sarap. Iyon ang panghahawakan ko.
He started squeezing my boob as his finger tried to part my folds for his penetration. Naramdaman ko kung paano niya inumpisahang itulak ang kanyang sarili at sinabayan ng haplos sa kanyang daliri.
Anzai kissed my jaw as I felt him entered me again. I felt the pain on his second attempt pero mabilis din agad na nawawala dahil sa daliri niyang naroon din at may ginagawang nagpapasarap sa aking pakiramdam.
Sa ikatlong subok ay doon na talaga ako napadaing sa sobrang sakit. Umagos agad ang aking luha nang maramdaman kong may kung anong napunit sa akin.
His finger played with my sensitive part as he kissed my neck in a very sensual way.
“Does it hurt?” he asked while moving slowly.
Ngumiwi ako ng husto ngunit umiling din, taliwas sa nararamdaman. Oo! Sobrang sakit at ang sarap mong murahin!
“Bilisan mo na, please…” sabi ko at gusto nalang matapos agad ang sakit.
“I cannot rush this, Elliana. You’re bleeding,” he said.
Dumilat ako at hinalikan siya. Ang isa kong kamay ay napunta sa kanyang ulo para doon kumapit at mas maging malalim ang aming halikan habang ang isa naman ay nasa kanyang pisngi at humahaplos doon.
Anzai cursed when I sucked his tongue lightly. Sa isang iglap ay bumilis na ang kanyang galaw, tila napugto ko ang inaalagaan niyang pagtitimpi.
I stop from kissing him when the pain is already too much. Nayakap ko nalang siya lalo na’t gusto ko ng humagulhol sa sobrang sakit. This is not as good as I think… Sobrang sakit!
His pace change while slamming deeper. Iba na ang kanyang ritmo hindi kagaya kanina sa sobrang rahas. Ngayon ay may pag-iingat ngunit may nasasagad siya sa bawat pagbaon niya pagkatapos ng dahan dahang galaw.
“Anzai…” Hinabol ko ang hininga nang makaramdam ng panibagong sensasyon.
I felt him stroke my folds as he went deeper in each thrust. Humalinghing ako ng mahaba lalo na’t para na akong dinuduyan sa sarap. Nagbabaga na ang kanyang katawan sa tuwing nagkakadikit kami sa isa’t isa. Ganoon na siya kainit sa oras na iyon.
“Fuck it. This won’t do.” Bumangon siya bigla kaya awtomatiko kong naipulupot ang aking mga hita sa kanyang beywang.
Marahas niya akong naisandal sa pader. Malakas ang pagkakatama ko roon kasabay ng pagtulak niya lalo. He groaned in so much pleasure ganoon din ako.
Anzai gripped my butt and move in a blinding speed. Sunod sunod na ang aking paghalinghing. I cannot recognize my voice anymore. Gusto ko mang sabayan ang kanyang galaw ay parang mapapahiya ako dahil parang ang hirap hirap narin. Hindi ko na mahabol ang kanyang bilis lalo na’t sagad na sagad narin ang bawat pasok niya.
He pushed my butt to meet his thrust as I felt myself convulse. Hinang hina ako ngunit siya parin itong patuloy lamang sa paggalaw habang nakatitig sa akin, malalim ang tingin ng nag-aalab niyang mga mata at pinagpapawisan na.
I kissed his parted lips. Nagsisimula na namang may mamuo sa akin at bumabalik na naman ang sensasyon kaya halos mapayakap na ako. I can hear his thrust! I am really dripping down there at malapit na naman ako sa rurok.
Nakalmot ko siya sa likod at halos bumaon ang aking kuko sa sobrang panggigigil. One more pushed and we both moan in so much pleasure. I felt how he convulse at ganoon din ako na sobra pang nanginginig sa narating kong hindi ko na mabilang na pagsabog.
Hinang hina ako noong ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat, ganoon din siya na hinahabol ang hininga habang naliligo rin ng pawis. Bago ko pa siya matingnan ay kinuha agad ng kanyang braso ang aking atensyon.
“Anzai, your arm is bleeding!” Nanlaki ang aking mga mata.
“I want another round…” he whispered.
49th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
Introduce
“Dapat hindi muna masyadong igalaw ng pasyente ang kanyang braso at ipahinga muna ang kanyang sugat,” sabi ng doktor kinabukasan nang bumalik kami para ipatahing muli ang bumukhang sugat ni Haze.
I feel so guilty. Dapat hindi nalang ako nagpadala sa lalakeng ito. Pero mukhang hindi lang si Anzai ang kailangan ng Doktor kundi ako rin lalo na’t ang sakit sakit ng buo kong katawan.
Ngumuso siya nang tingnan niya ako ng makahulugan. Tahimik akong tumingin pabalik at ayaw nalang na magsalita. Namumula ang mukha ko sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi.
Lumabas muna ako para matawagan narin si Mommy at masabi ang aking balak na pag-uwi. Ayoko naring patagalin pa ang lahat ng ito dahil alam kong nasasaktan na ng husto si Tobias.
“Mommy…” salubong ko agad sa kabilang linya.
“Ang aga mong napatawag? May signal na riyan? Nasaan ka?” Humihikab pa siya sa kabilang linya.
“Nasa bayan po. Uh, gusto ko sanang sabihin na baka mamayang gabi ay uuwi na ako riyan,” sabi ko sa marahang boses.
“W-What? No baby… You cannot come home yet! Masyadong delikad-”
“Anzai is with me,” putol ko sa matapang na boses.
“Ano?” Tila narinig niya iyon pero lamang makapaniwala.
Kinagat ko ang aking labi at tiningnan ang ibang mga taong labas masok sa loob ng publikong hospital. I need to buy mask for myself…
“Si Landon ay si Anzai, Mommy…” sabi ko.
“No. Imposible!” Humalakhak siya. “Honey… I think you have a problem with your eyesight. That man isn’t good looking for pete’s sake!” Sa tono ng kanyang pananalita ay parang magkaibang magkaiba talaga ang dalawa.
Bumuntong ako ng hininga.
“Naisahan niya kayo. I think the real Landon knows him and they swap. Si Anzai ngayon ang narito and-”
“Oh my God! Inuto kami noong Landon?!”
“Anong meron kay Landon?” Boses iyon ni Daddy.
Pumikit na ako at hinintay nalang ang magiging reaksyon ni Daddy. I know they’re against with this. Pero alam kong kaonting pilit lang, kaonting paliwanag ay papayag din naman agad sila.
“Nagswap daw sina Anzai at Landon. And Elle said Anzai is with him right now… Anzai disguised himself as her bodyguard!”
“Akin na ang cellphone,” seryoso ang tono ng pananalita ni Dad.
Kinabahan agad ako. He ordered Tobias to shoot Haze if needed para lang hindi ito makalapit sa akin. Ang hindi nila alam ay kamuntik narin akong makapatay rito.
“Brielle,” ani Dad.
“Daddy…” Bumuntong ako ng hininga. “I’ll explain everything pagkauwi ko. I’m really sorry…”
“Kailangan mo na talagang umuwi. We’ll expect you tomorrow. You need to explain this…”
“I know… I’m sorry…”
Hindi siya umimik sa kabilang linya. Nagpaalam rin naman agad ako lalo na’t ayoko nang pahabain para makabalik ulit sa loob at tingnan si Haze.
Later on, I know they’re going to understand my decision. Hindi naman kasi napipigilan ang puso. Kahit pa siguro barilin ako ng paulit ulit ay babalik at babalik parin ako sa kanya. Mahuhulog at mahuhulog akong muli sa kanya. Para siyang nakatatak na sa sistema ko. Nakaukit na ang kanyang katauhan sa aking utak na kahit pa dumating ang maraming lalake sa aking buhay ay hinding hindi agad ako maaagaw sa kanya dahil hawak niya mismo ang puso ko.
I tried to control my feelings at first. Oo sinubukan ko namang lumayo at magmatigas. Pero natunaw parin ako ni Haze. He knows how to melt me well. Tunaw na tunaw ako at parang luluhod na naman sa kanya, sa mga gusto niya.
Sana lang ay hindi sila umabot sa puntong papiliin ako dahil baka pati sila ay madismaya ko katulad ng pagkakadismaya ni Tobias sa akin. Our wedding is not really legal. Pwede pa naman iyong mapawalang bisa agad at takasan siya. Pero para sa akin, nakatali na ako sa kanya. Parang imposible na akong maagaw nino man. That simple wedding means so much to me.
Bumalik din naman ako sa loob pagkatapos. Noong makita ako ng nurse ay agaran siyang umismid at lumayo ng kaonti kay Anzai na nakaupo na sa kanyang kama at mukhang tapos na.
“Huwag mo kasing pinapagod ang pasyente. Kaya mo naman siguro ang gawaing bahay at pagpahingahin mo muna,” aniya sa matabang na boses.
Huh? Anong akala niya sa akin? Masyadong Señorita? Na inaalipin ko si Anzai? At parang ako pa ang kanyang sinisisi ah? At anong isasagot ko? Na masyadong atat si Anzai at gusto na agad pumaibabaw sa akin? She’ll probably freak-out.
Itinuro ko si Anzai habang nakatingin parin sa nurse na hindi naman kalakihan ang dibdib pero nakikita ang cleavage.
“Kung ganyan ba ang mangangalabit sa’yo tuwing gabi hindi mo kaya pagbigyan?”
My question shocked her. Namula agad siya at mukhang may ediya na kaya bakit dumugo ang sugat ni Anzai. Noong nilingon ko siya ay pilyo na ang ngising naglalaro sa kanyang labi.
The nurse immediately excuse herself. Marahil ay nahiya. Tss. Baka nga siya pa ang palaging mag-initiate eh! Or worst siya pa ang papaibabaw!
Umirap agad ako pagkaalis nito. Humalakhak si Anzai at hinila na ako patungo sa kanyang gitna lalo na’t nakabahagi pa ng malaki ang kanyang mga binti habang nakaupo sa kama. The small bed is too cute for him! Hindi talaga siya bagay sa mga ganitong lugar.
“So that means you’re going to say yes to me every night, hmmm?” Kinagat niya ng marahan ang aking pisngi.
Itinulak ko ng bahagya ang kanyang dibdib para matigil siya sa kanyang ginagawa. I frowned at him. He bit his lowerlip at tumatakas parin doon ang kanyang ngisi.
“Hindi rin!” sabi ko sa matapang na boses.
“Hindi? Edi… Tuwing umaga nalang? Before breakfast? Or before lunch?” Bumaba ang dalawa niyang kamay sa aking pwetan at pinisil iyon.
Adik talaga ito! Pinitik ko ang kanyang ilong. His nose crunched at pumikit saglit. May mga tao pa naman sa kabilang mga kama at nakatakip naman ang bawat kurtina kaso baka marinig nila ang kahalayang pinagsasabi ni Anzai. Ang sarap iduct tape ng bibig! Or I’ll seal it with my lips, instead?
Really Elle?
“Tinawagan ko na sila,” sabi ko at sumeryoso.
“You told them about our marriage?” Idinikit niya ang pisngi niya sa gilid ng aking ulo lalo na’t nakaharap ako sa kanya.
“Hindi pa. Ang sabi ko lang na… nandito ka kasama ko.”
“You didn’t tell them you’re married to me?”
Umiling ako at tiningnan ang suot kong singsing.
“We’ll have a grand wedding this year… They’re invited anyway.”
Tiningnan ko siya. “Ngayong taon?”
He nodded. “Baka sabihin mo madali mo lang akong matatakasan dahil sa kasal natin. Bago mo pa maisipan ang ganoong bagay ay uunahan nalang ulit kita.”
I chuckled. At naisip niya rin pala iyon? Akala niya ba may balak pa akong tumakas? He took my virginity! Inalagaan ko iyon ng ilang taon! At ngayon ay isinuko ko na sa kanya. Tapos sasabihin niyang tatakas pa ako?
“Oo… Naisip ko ’yan since ilegal ang kasal natin,” sabi ko at kinalmot ng marahan ang kanyang braso.
“It’s not illegal.” Humalakhak siya.
“Eh hindi naman ’yon matatawag na legal kaya ilegal,” sabi ko na mas lalo niyang ikinatawa.
Kinagat niya ang kanyang labi.
“You are my wife now… I don’t fucking care if that’s legal or not. Handa rin naman kitang pakasalan ng paulit ulit.”
Ngumuso ako. Nakakamangha at sobra niya akong mahal. Bakit kaya?
“Bakit ka ganyan ka inlove sa akin? Is it because of my boobs?”
Humagalpak siya. “No! May mga babae pa riyan na mas malaki ang dibdib sa’yo. Gusto ko lang talaga lahat ng meron sa katawan mo…”
“At dibdib ko ang pinakapaborito mo ganoon ba?”
Natawa siyang muli sabay pasada ng kanyang buhok paatras. Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang batok at pinaglaruan ng marahan ang kanyang buhok doon. I can’t stop staring at him.
“Eh paano kung hindi malaki ang dibdib ko? Edi walang kaattract attract sa akin? Hindi mo ako magugustuhan? Hindi ko maagaw ang atensyon mo?” I frowned.
“Oh… My poor baby…” Ginaya niya ang pagsimangot ko sa nakakaasar na paraan at pinisil ang aking pisngi.
I frowned more just to let him see I’m really frustrated. Para narin magpalambing…
“Baka iwan mo lang ako kasi boring ako… When I was young… No one really likes to be with me. Feeling ko dahil kung wala ang apelyido ko ay wala naman talagang espesyal sa akin para gustuhin akong makasama ng mga tao sa paligid ko. Without my cousins or brothers… I think I’ll grow up lonely…”
Medyo lumambot ang kanyang ekspresyon. I smiled cutely.
“Kahit ako, noon pa man ay naaalibadbaran din sa dala dala mong apelyido. I want you to bring mine instead… We’ll grow old together and you will never feel lonely…” Hinaplos haplos niya ang aking beywang.
Hay Anzai… Bakit hindi nalang tayo magpakasal ulit bukas ’no? Para naman kahit sa papel ay dala dala ko ang apelyido mo. Tapos magpakasal ulit. Ulit.
“Noon lang naman ’yon.” Humagikhik ako. “Ngayon… Hindi na ako masyadong natatakot.”
Tumango siya. “Yes… You are such a mature woman now. I can really feel it. Ang hirap mo na kasing utuin.”
Ngumiwi ako. He smirked at me. At umaamin na talaga siyang inuuto niya ako ha? I knew it! Tingin niya talaga siguro sa akin noon ang dali dali lang pikutin! This devil!
Ang isa niyang kamay ay naramdaman ko nang pumapasok pa sa aking top hanggang sa pinisil niya na ang aking dibdib. Yumuko ako at nakita iyon, kung paano iyon gumalaw sa loob.
“I love that innocent Elliana years ago. I also love my Elliana now. And I’m going to love more my Elliana in the future… I love you…” He tilted his head and kissed me thoroughly.
Hinalikan ko siya pabalik at ginaya ang kanyang galaw.
“I love you too… Even if you’re such a devil sometimes…” sabi ko at ngumisi.
He sucked my lowerlip. Kinagat ko naman ng marahan ang kanyang labi.
He moaned silently. “You are such a good kisser now… Sana pala hindi kita masyadong hinalikan noon para hindi ka ganyan ka galing ngayon,” he whispered.
“Really? I thought I am such a boring kisser…”
He chuckled and buried his face on my neck. He seemed so flustered about what I said.
“Boring? Hmm… I am even thinking if we can do it again-”
Sinapak ko na agad ang kanyang brasong walang sugat. I cannot believe this man! Kagabi nga ay dumugo pa iyan tapos gusto niya ulit?
Humalakhak siya at inialis sa aking dibdib ang kanyang kamay saka hinawakan ang aking baba para mahuling ang aking tingin na nasa kanyang braso. Tinaliman ko siya ng aking mga mata. He stared at me in a very maliscious way.
“Does it still hurt?”
Namula agad ako. Kailangan niya pa ba talagang itanong ang bagay na iyon? I am trying to forgot it in my head at heto siya pinaalala na naman!
“I’m sorry…” He kissed the side of my lips. “I got so excited and you turned me on so much… Next time, we’ll do it more gentle…”
Napahawak ako sa kanyang mga hita. Nangingiliti na naman ang kanyang mga salita. Ramdam na ramdam ko parin sa aking gitna ang nangyari kagabi na kahit ang sensasyon ay hirap din akong kalimutan.
“More gentle huh…” Mapang-uyam kong ulit sa salitang iyon.
He chuckled softly while caressing my chin. Tumitig naman ako sa gwapo niyang mukha. I traced his jaw using the tip of my fingertip. He closed his eyes. Namangha lang ako lalo. May mga ganito ba talagang ka perpekto? He seems like he’s not human! Para siyang Diyos at itinakwil lang sa langit dahil masyadong pilyo.
“Anong pinaglihi sa’yo ng Mommy mo?” Hindi ko na nakayang hindi iyon isaboses.
Dumilat siya at umangat ang dalawang kilay.
“Perfection?”
Humagalpak agad ako. Ang hangin! Aware pala talaga siyang perpekto siya ah?
“Baka naman sa electricfan? Mahangin…” sabi ko sa gitna ng ngisi.
He smirked more and captured my lips for a kiss. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at mabilis na tinugunan ang matamis niyang halik. I’ll get addicted to this… Baka magulat nalang ako sa aking sarili at ako na lagi ang mag-initiate!
Pagkatapos namin sa hospital at noong madischarge siya ay nagtungo rin naman kami sa Center. Gusto kong magpaalam kina Sister, lalo na sa mga bata. Ngunit pangako ko sa kanila ay babalik ako rito ngayong taon. Babalikan ko sila rito at bibisitahin.
“Ate Brielle!” Sunod-sunod silang nagtakbuhan nang makita ang aking imahe.
Ngumiti ako at huminto lalo na’t agad nila akong pinagyayakap. Pabiro pang hinawakan ni Anzai ang ulo ni Kiki kaya hirap itong lumapit sa akin at pilit akong inaabot sa dalawa niyang kamay.
Noong paiyak na si Kiki ay doon niya lang binitiwan at hinayaang makalapit sa akin. Mabilis siyang nakisali sa panyayakap ng iba sa aking mga hita.
“Miss kana po namin!” ani Rita habang tinitingala ako.
“Namiss ko rin kayo!” Pinagkukurot ko ang kanilang mga pisngi.
Humiwalay si Aira sa akin at nagtungo kay Anzai. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at tila gustong magpabuhat.
“Aira, hindi pwede kasi-”
Bago ko pa matapos ay inangat na siya ni Anzai at ipinaupo ito sa bisig niya, sa parte noong walang sugat ang kanyang braso.
“Magaan lang siya,” ani Anzai at ngumisi.
Tiningnan ko muna ang braso niyang natatakpan ng suot niyang v-neck na grey tshirt. Baka bigla bigla na naman kasing dumugo.
Si Rita naman ay humawak sa kanyang kabilang kamay habang sina Ismael, Kiki at Arron ay sumasabay lamang sa akin. Sumabay silang lima habang papunta ako sa madalas na kinaroroonan ni Mother Jovy.
Sa maliit na chapel ng Center ko nadatnan si Mother Jovy. Pumasok ako roon at tumabi sa kanya. Noong mapansin ako ay agad siyang napangiti. Kinuha ko ang isa niyang palad at nagmano.
“Mabuti at napadpad ka rito, Brielle… Sinong kasama mo?”
Nilingon ko ang labas kahit hindi ko makita roon si Anzai kasama ang mga bata.
“Si Landon po. Dumaan kami rito para makapagpaalam po ako sa inyo ng maayos. Uuwi na po kasi ako sa syudad mamaya…”
Nagulat siya. “Pabigla bigla. May nangyari ba?”
“Emergency po.”
“Ganoon ba? Sinabi mo ba ito sa mga bata?”
Umiling ako. “Hindi pa po pero balak kong sabihin mamaya para makapagpaalam din. Sana nga ay hindi mag-iyakan…”
“Mag-iiyakan ang mga iyon dahil mamimiss ka nila.”
Iyon nga rin ang naisip ko. Ayoko namang umalis ng ganoon kabigat ang loob. If only I can adopt them. O kahit sana ako nalang ang mag-alaga pero hindi naman pwede iyon. Pag dito sila sa Center ay mas mapagtutuunan sila ng atensyon. Kulang lang talaga sa funds ang Center kaya minsan may mga bagay na hindi nila naibibigay sa mga bata.
Isa rin iyon sa napag-usapan namin ni Anzai noong papunta kami rito. I am worried with the kids. Gusto ko kasing mabigyan sila ng magandang edukasyon.
“Just leave it to me,” sabi ni Anzai habang nagmamaneho.
Iyon ang kanyang sinabi. Siguro ay may balak din siyang tulungan ang Center lalo na’t kapos talaga sila sa pondo. I’ll be very happy if he’ll do that! This place means alot to me. Isa ang mga bata sa maraming rason kung ba’t hindi ako nalulungkot dito kahit papaano, kahit malayo ako sa mga magulang ko. Hindi ako nalulunod sa kalungkutan.
Pumasok narin sina Sister kaya ipinaalam ko sa kanila ang aking pag-alis. Niyakap nila ako isa-isa at sobrang higpit pa ng yakap ni Sister Wilcel.
“Dumalaw ka ha! Huwag mo kaming kalimutan…” aniya sa naiiyak na boses.
Tumawa ako at tumango, naiiyak narin lalo na’t nakabuo pala ako ng pamilya sa lugar na ito. I’m going to miss Aling Honey, too! Hindi ko nga lang alam kung anong magiging desisyon ng parents ko sa mga bodyguards. Maybe they’re going to continue their job? I don’t know.
Lumabas din naman ako para puntahan ang mga bata. Kinakabahan ako kung paano ko sisimulan ang lahat para hindi sila magulat at mag-iyakan. Naroon sila sa harap ng garden. Nakaupo sila roon sa bench habang si Aira ay sa hita ni Anzai nakaupo. Si Kiki agad ang aking namataan, namumula ang mga mata lalo na ang ilong habang si Anzai ay may binubulong pa sa iba na panay ang tango at parang nagpipigil nalang na hindi mapahikbi.
Inaaway niya na naman ba ang mga bata?
Pagkalapit ko ay isa isa na nila akong niyakap.
“Hindi po kami i-iiyak kaya m-mag-ingat ka po sa pag-uwi Ate Brielle!” si Rita iyon.
“Mga malalaki na po kami kaya hindi na kami iiyak!” si Aira naman na pinipilit nalang itago ang mga luha.
Napatingin ako kay Anzai. Sinabi niya na?
“Huwag kayong mag-iyakan!” pagbabanta naman ni Ismael at pilit na nagtatapang tapangan.
Yumuko ako at isa isa silang tiningnan. Nakita ko pa si Arron na nagpupunas ng luja gamit iyong isang libo na hawak, at sa kabilang kamay ay meron pang isa. Huh?
Hindi lamang si Arron ang may pera kundi silang lahat ata lalo na’t sumilip pa sa bulsa ng dress ni Aira ang dalawang libo!
“Walang iiyak!” matapang namang sabi ni Arron.
Sinamaan ko agad ng tingin si Anzai na kinagat nalang ang labi. Noong bumaling ako sa mga bata ay naging malambot ulit ang aking ekspresyon.
“Dadalaw ako rito…” Nginitian ko sila.
“Opo… Hihintayin ka po namin…” ani Rita.
“Hindi ako pwedeng umiyak! Sayang ang mga chocolates!” si Arron na binunulung bulungan pa ang sarili habang nagpupunas ng luha.
Natawa ako roon kaya niyakap ko nalang sila isa-isa.
Isa sa mga binitiwan kong pangako sa kanila na babalik ako rito at bibisita. Si Kiki ang sobrang emosyonal at hindi tanggap na aalis na ako. Ilang minuto siyang tulala at tumutulo pa ang luha. Kung hindi ko pupunasan ay hindi siya titingin sa akin at maiiyak ulit.
Mga 5PM na noong makaalis kami ng tuluyan sa Center. Medyo mahaba haba rin ang ibinigay kong oras sa mga bata para lang gumaan ang kanilang loob. Binilhan pa sila ni Anzai ng ice cream at doon lang talaga tumapang lalo si Arron.
“Sinuhulan mo na naman sila,” sabi ko nang nagmamaneho na siya pabalik sa Resthouse.
“It’s just a small gift. Ang sabi ko naman ay sabihin nila kay Sister Jovy ang mga gusto nilang bilhin para maitago nila ang matitirang pera.”
Small gift? Tig dadalawang libo ang napansin kong ibinigay niya sa bawat isa sa kanila. Anong akala niya? Barya lang ang mga iyon?
“Napakagastador mo… Napapansin ko na talaga,” sabi ko at ngumiwi.
He chuckled. “I love them since you love them…” sabi niya.
“Eh ba’t halos makipagpatayan ka kay Tobias? Mahal ko siya bilang kaibigan ko…”
Umangat ang dalawa niyang kilay, mukhang ayaw magsalita sa bagay na iyon. Nang maalala ko siya ay nagloosen na ang aking balikat.
I hope he’s already feeling better now. Alam kong hindi pa kami masyadong nakakapag-usap simula noong nangyari kahapon. Parang pinamukha ko talaga sa kanya kung bakit si Anzai ang pinili ko. Sana naman hindi ganoon ka lalim ang nararamdaman niya para sa akin.
Pagkarating sa Resthouse ay ang ngiti agad ni Aling Honey ang sumalubong sa akin. Lumapit ako sa kanya. Niyakap niya ako.
“Naimpake ko na ang mga gamit mo…” bulong niya.
Tumango ako at bumuntong ng hininga.
“Mamimiss ko po kayo Aling Honey… Salamat po sa masasarap niyong luto.”
Marahan siyang tumawa at humiwalay.
“Ikaw pa ba? Eh mahal na mahal narin kita dahil ang bait bait mo. Mag-ingat kayo pauwi ha…” Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
Tumango ako at niyakap siyang muli. Hindi ko siguro mamimiss ang lugar na ito kung hindi dahil sa mga tao na nagbigay sa akin ng masasayag alaala. Ang alaala ko sa Resthouse tuwing umaga na nakatanaw sa veranda. Ang alaala ko sa dagat. Ang alaala ko sa Center… Ang mga alaala na kasama ko sila.
Kasama naming babyahe sina B1, B2, B3 at Tobias na nag-iimpake narin. Ramdam ko ang kanyang pagdistansya sa akin lalo na noong nasa barko na kami. Parang noong una lang… kung gaano siya kalamig.
Ayoko namang lumapit at ipilit ang isang topic dahil baka ayaw niya rin munang pag-usapan. Kumuha ng cabin si Anzai kaya doon ako nakapagpahinga.
Katabi ko si Anzai habang nakahiga ako sa kanyang dibdib at nakasandal naman ito sa headboard ng kama.
“For sure Grand Uncle Rico will talk to you,” sabi ko.
“I’m expecting all the Delafuente. Baka nga may salu-salo pa.”
Bumangon ako para lang tingnan siya.
“Are you expecting they’re all friendly pagkatapos ng nangyari sa akin?”
Hinila niya ako at ipinahigang muli sa kanyang dibdib. Sinuklay suklay niya ang aking buhok.
“Handa ko silang harapin kahit gaano pa kalaki ang galit nila Elliana. Kung hindi sila pumayag… Magtanan nalang tayo.”
Bumangon akong muli para lang samaan siya ng tingin. He smirked and stared at my lips.
“Baliw! Mas magagalit sila lalo.”
“I am not scared… As long as my own Delafuente isn’t mad at me then I am not scared with anyone else… I can’t wait to meet your family. Mukhang mauuna ka pang mamanhikan sa akin ah?”
Nalaglag ang aking panga habang nakatingin sa nanunuyang ngisi sa kanyang labi. This devil is really too much! Sinapak ko siya ngunit sinalo niya agad ang isa kong kamay kaya iyong isa kong kamay ang ginamit ko at nasalo niyang muli.
“Damn it, Elliana. Gustong gusto mo na talaga akong itali sa’yo ah?” Humalakhak siya.
“You are so full of youself!” Natatawa ko naring binawi ang aking kamay.
Hinila niya ako hanggang sa mabilis akong nadikit sa kanyang dibdib. Napahawak agad ako sa kanyang mga balikat bilang suporta.
“I am going to introduce you to my parents, too…”
Napawi na ang aking ngiti. Kung kanina ay kinakabahan ako sa pag-uwi, ngayon ay napagtanto kong mas may dapat pa pala akong paghandaan.
50th Gripped
Gripped
Matured
Nakaidlip ako ng ilang oras sa gitna ng byahe. Noong dumaong na ang barko ay nagising akong muli. Inalala ko na naman ang sinabi ni Anzai sa akin. I remembered his mother. Ang tingin niyang may pagkadismaya sa akin ay hinding hindi ko makakalimutan. It’s like she dislikes me.
Ang rami rami kong naiisip na mga posibilidad na maaaring mangyari sa binabalak niyang ipapakilala niya ako sa kanyang parents.
Nakakaintimidate na nga ang kanyang Mommy, paano nalang ang kanyang Daddy na produkto lamang si Anzai? He’s the real beast for sure… Baka makakaharap ko ang future Anzai pero matandang version lamang.
Nabawasan ang pangamba ko sa mangyayari pag-uwi dahil doon. Will her mother like me this time? Ilang taon narin naman ang lumipas. Baka nga hindi niya narin ako maalala dahil tumanda na iyon. Or maybe she still remember me pero dahil sa kanyang anak ay matatanggap niya na ako.
I hope so? But I am not going to back down just because she doesn’t like me for his son. Ang rami rami na naming hinarap and I almost face death. Dito pa ba ako matatakot?
Nakaconvoy nalang kami sa naunang kotse kung nasaan sina Tobias, B1, B2 at B3. Malapit na kami sa mansyon. I think they’re all there…
“You’re silent.” Hinuli ni Haze ang kamay ko sa aking kandungan.
Nilingon ko siya. He doesn’t look scared… or bothered. Parang normal lang sa kanya ang lahat na akala mo ay mga kaibigan niya lamang ang kanyang makikita.
“Your mom is quite strict…” Pinaglaruan ko ang daliri niya nang ipinahinga niya rin ang kanyang kamay sa aking kandungan.
“Is she?”
“Yes!” giit ko at nanliit ang mga mata. “Remember? She told me you got high standards with girls… Nagpaparinig ata siya sa akin.”
He chuckled. “And you answered her you got high standards with boys, too…”
“Dahil totoo naman talaga.” Umirap ako.
“I know since I’m not a typical boy, Elliana. Dapat lang na ganyan kataas ang standards mo nang ako lang ang makapasa.”
What the. Noong tingnan ko siya ay nakasmirk na ang mokong. Kahit totoo naman, gusto kong ipakita sa kanyang hindi ako sang-ayon kaya umismid ako.
Medyo nadistract ako sa aming usapan. Nakalimutan ko ang pinag-iisip ko kanina at bumalik lang din noong pumapasok na ang kotse sa pamilyar na malaking gate ng aming bahay. This is it… Whatever happens… I’ll stand with my decision. Paninindigan ko ito hanggang dulo.
Naunang bumaba ang mga bodyguard, ganoon din si Tobias na sumulyap pa sa tinted na kotse ni Anzai. Kinalas ko ang seatbelt, ganoon din siya. Pinatay niya na ang kotse at naunang lumabas.
Umikot si Anzai habang ako naman ay inaayos ang aking sarili sa loob. Ang tanging nasa bulwagan ay ang aming mga maid na nakaabang sa aming pagdating.
Binuksan ni Anzai ang pinto at inalalayan akong lumabas. Sumulyap naman ako kina B3 na pinaghahakot na ang aking mga gamit papasok at sinalubong sina ng mga kasambahay para tumulong.
Ang madilim na ekspresyon ni Tobias ang sumalubong sa akin noong hanapin ko ang kanyang mga mata. He seemed upset and cold at the same time. He’s the stranger kind of Tobias I first met…
Naramdaman ko ang kamay ni Anzai sa aking likod at kung paano iyon dumaosdos sa aking beywang. Nilingon ko siya.
“Medyo malaki rin pala ang bahay niyo,” aniya sa baritonong boses, ang mga mata ay nasa kabuuan ng aming bahay.
Medyo? Akala ko nga malaki na iyan eh. What am I expecting? For sure he got a big mansion for himself only.
“Maligayang pagbabalik, Miss Elle…” Binati ako ni Kris, ang pinakabata naming kasambahay na medyo nagmature narin.
Ngumiti ako. “Sinong mga nasa loob?”
Sumulyap siya saglit kay Anzai na ikinagulat niya sa namamanghang mga mata pero agaran din namang ibinalik sa akin.
“Ang parents niyo po at ang Lolo niyo kasama po sina Sir Rico at Sir Dwight… Narito rin po ang pinsan niyong si Sir Toshi kasama ang kanyang asawa at ang iba pa po…”
P-Pati si Grand Uncle Dwight? Ano bang binabalak nilang lahat? Ang takutin si Anzai para mapaghiwalay kami? Gaano ito ka big deal sa kanila?
Saglit na naputol ang aking hininga habang pinagmamasdan ang mga bodyguards na nauuna nang pumasok habang ginigiya sila ng iba pang katulong. Hinaplos ni Anzai ang aking beywang, kinukuha ang aking atensyon at mukhang naaatat narin na pumasok.
My gosh… I cannot believe I’ll face death for the second time! Tanggap ko pa kung sina Grand Uncle Alex at Lolo Rence but Grand Uncle Dwight? Grand Uncle Rico?! They’re not that friendly! Sigurado akong maglalabasan talaga ang maaanghang na salita mamaya.
It’s already 11AM. Umabot pa kami sa lunch at naroon daw silang lahat sa hapag. Kumpleto na at hinihintay na lamang kami.
“Elle…” tawag ni Manang Sandra sa akin, gustong ngumiti ngunit tila nag-aalala rin. “Hinahanap na kayo…”
Tumango ako at naglakad na. Anzai walk beside me smoothly. Napakaunfair talaga… Sana ganyan din ako hindi ba? O baka kasi masyado lang akong naguguilty dahil alam kong kasalanan ko rin kung ba’t ko inilihim sa kanila.
Huminto muna ako nang makarating ako sa dako ni Manang Sandra pagpasok. Niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik.
“Miss na miss kitang bata ka…” bulong niya at hinaplos ang aking likuran.
Ngumiti lamang ako at humiwalay, parang natameme nalang at hindi na makabigkas. Sumulyap siya kay Anzai at kitang kita ko ang kanyang pagkagulat, ang pagkamangha ngunit bahagyang napaatras sa pagkaka starstruck. Anzai silently wrapped his arm around my waist again, seryosong seryoso siya.
Naglakad kaming muli hanggang sa matanaw ko ang malaking mesa namin at napupuno na. Naroon din sina B1, B2 at B3 na nakatayo sa may gilid, akala mo ay mga gwardya ganoon din si Tobias na pormal na pormal ang pagkakatayo.
Napalingon silang lahat sa amin. I swallowed hard. Bakit ba sila ganyan? Seryosong seryoso silang lahat at hindi ko pa maisa isa ang mga naroon…
“Oh… Kaya naman pala binabalik-balikan ni Elle…” ani Lolo at ngumiti sa kanila.
Tumayo si Mommy at sinalubong ako suot ang isang eleganteng body hugging dress. Tumigil ako para yakapin siya.
“Baby… I missed you so much!” bulong niya at hinalikan ang gilid ng aking noo.
“I missed you too, Mommy…” Pumikit ako, medyo kumakalma rin dahil sa kanya.
Noong humiwalay siya ay nilingon niya si Anzai. Her face lightened.
“Oh my…” Suminghap siya.
“Elle… Come here and introduce your…” si Grand Uncle Rico iyon sa baritong boses.
Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi at ngumiti sa akin saka bumalik sa kanyang upuan. Kinagat ko ang aking labi at nilingon si Anzai na wala man lang gumuguhit na pagkabahala sa mukha.
Lumapit narin kami sa mesa. I saw how Irah smirked when she stared at Anzai. Noong mapansin iyon ng aking pinsang si Kuya Toshi ay dumilim agad ang kanyang ekspresyon at nag-angat pa ng kilay. I even spotted my cousin Zera beside Irah. She’s just silent at nangingibabaw ang seryosong mukha habang nakay Anzai ang mga mata.
Nakasalubong ko naman ang mga mata ni Kuya Red na seryosong seryoso na. Kung normal lamang ito na pagkikita ay titili na siguro ako dahil sa laki ng kanyang ipinagbago but I don’t want to create a scene.
“Uhm… This is… Uh… Anzai…” Tumikhim ako at halos masamid sa pagpapakilala sa kanya.
Anzai nodded humbly while eyeing each one of them. Nakapamulsa siya at kalmado lamang ang ekspresyon. Imbes na magpahinga sa byahe, parang nilayasan ako ng pagod at antok! Gising na gising ang aking diwa at mas nangingibabaw na ang kaba nang nandito rin pala sina Grand Uncle!
“Martin’s son…” ani Grand Uncle Dwight saka sumulyap kay Grand Uncle Rico na nasa kanyang tabi.
“Have a seat, hijo… Elle…” si Lolo Rence.
Tumango ako at ngumiti ng pilit. Pinaghila ako ni Anzai ng upuan at inalalayan ako roon. Tahimik silang tiningnan kami. Tumikhim akong muli at medyo naasiwa na sa kanilang paninitig. Si Anzai naman ang umupo sa aking gilid.
Lumapit ang kasambahay at nagsalin ng tubig sa aking baso. Tiningala ko siya at nginitian ng bahagya.
“Juice, Sir?” tanong naman ng isa pang kasambahay kay Anzai na nasa kanyang gilid na.
Umiling siya. “No thanks… But if you’re going to offer any hard drinks then why not?”
Natawa si Grand Uncle Rico ng bahagya. Pinaningkitan ko agad ng mga mata si Anzai na umangat lamang ang dalawang kilay. Goodness!
“No wonder…” Nailing si Grand Uncle Dwight.
Ngumuso ako at sumulyap kay Daddy na seryosong seryoso rin. Katabi niya si Mommy na ngumingiti pa. Sa left side naman ng mesa ay naroon si Tita Sky, with her husband Tito Jin. Sa kanyang tabi ay si Lolo Rence, sumunod si Grand Uncle Rico at si Grand Uncle Dwight. Sa kanyang tabi ay naroon si Anzai, ako naman ang nasa gitna. Sa kanang bahagi ko ay si Kuya Red na katabi si Kuya Toshi, si Irah at si Mommy. Si Daddy ang naroon sa dulo.
“Serve him some wine please,” si Lolo iyon na sinenyasan ang isa sa aming katulong.
Pinilit kong magrelax sa aking upuan kaso sa kanilang mga matang nasa amin lamang talaga ay hindi ako makapagrelax ng husto. Gusto ko nang kalabitin si Kuya Red kung ano ang napag-usapan nila habang wala kami rito dahil mukhang may napagkasunduan na silang desisyon bago pa kami dumating.
Pero mukhang hindi naman sila mga galit? I’m not really sure. Sigurado akong may nabuo na silang lahat na desisyon.
“So… Let’s start this prayer meeting shall we?” ani Grand Uncle Rico sa seryoso ngunit sarkastikong boses noong ipinagsalikop niya ang kamay.
“Looks like we’re all starstruck… He’s indeed a Castellano… Kasindak sindak ang tindig at kagwapuhan,” ani Tita Sky sa marahang boses at natawa. Doon lamang siya tumigil nang yumuko si Tito Jin at may kung anong ibinulong saka umamong muli si Tita.
Umayos si Daddy sa pagkakaupo at nakay Anzai na ang mga mata.
“Paano mo kami nalusutan? Kilala mo si Landon?” tanong ni Daddy, deritsahan na.
Everyone glance at Anzai. Kahit ako ay tiningnan narin siya at walang ibang pumapasok sa aking isipan kundi ang pagkamangha sa napakagwapo niyang mukha. Even if he looked so cruel in his ruthless aura.
“Connections, Sir. Marami kaming mga tauhan at ibinalita niya sa akin na may mag-asawang Delafuente ang kinuha siyang bodyguard. He told me if I can offer a double prize so…”
Nalaglag ang panga ni Mommy. “Sabi ko na nga ba hindi mapagkakatiwalaan ang ganoong mukha! Sabi ko na sa’yo,” ani Mommy na bumusangot pa.
Sinenyasan siya ni Tita Sky na hinaan ang boses. Kahit si Daddy ay hinaplos ang kanyang siko para lang mapagsabihan. Umirap si Mommy.
“So you mean…” si Lolo, naninimbang ang mga mata kay Anzai.
“Ipinagkalat ko sa lahat ang makakahanap kay Elliana at handa akong magbayad ng malaking pera para lang sa isang impormasyon,” ani Anzai.
Namula ako lalo na’t umangat pa ang kilay ni Zera, si Irah ay mas lalong ngumisi. Siguro kung kami-kami lang ay may nasabi na silang dalawa.
“Oh that’s a very desperate move… You remind me alot of someone…” makahulugang sabi ni Grand Uncle.
“Are you Chelsea’s grandson?” tanong ni Grand Uncle Dwight.
Umiling si Anzai. “No Sir. But she’s my Lolo’s sister…”
“Oh… So you’re Third’s grandson…” si Grand Uncle Rico na parang may ideya agad.
“Chelsea Castellano? Iyong…” si Lolo Rence naman.
Ngumisi si Grand Uncle Dwight at sumulyap muli kay Grand Uncle Rico.
“Iyong patay na patay kay Rico? Oo…”
Lahat kami ay nagulat doon at napatingin agad kay Grand Uncle Rico na nagkibit lang.
“He’s a slut when he was young…” si Grand Uncle Dwight na nailing pa.
Nailing nalang din si Daddy at mukhang ang rami rami pang gustong sabihin at pinapahupa muna ang topic nila.
“Good thing Katelyn isn’t here or else I’m going to die early. But I want to tell you frankly, hijo… Namana mo ang pagiging desperada ng mga Castellano,” ani Uncle Rico kay Anzai.
Ngumisi lamang si Anzai. “I think I am worse than that, Sir…”
Nakita ko ang pagkamangha ni Grand Uncle sa kanya. Kahit si Kuya ay umangat pa ang kilay at mukhang namamangha rin.
“Oo nga naman… Biruin mo, nalinlang mo kami? Hindi lang ang anak namin ang binilog mo kundi pati kami,” si Daddy sa matabang na boses.
“I’m sorry for that, Sir…” si Anzai at bahagya pang yumuko.
“Oh… Binaril ka raw ni Tobias eh? Nagulat nga ako at nakaligtas ka. Tobias is an expert sniper…” si Grand Uncle Rico at sumulyap kay Tobias sa likuran na taas noong nakatayo roon, nakatingin sa kawalan.
Ngumuso ako nang maalala iyon.
“Bakit nga ba, Tobias? Did you chickened out?” si Grand Uncle Dwight at lumingon narin sa likod.
“Sir… I was about to aim his head kaso tinutukan din ako ng baril ni Brielle. She told me to put my gun down…” ani Tobias na ikinasinghap nilang lahat.
Tanging si Anzai lamang ang ngumingisi at gulat na gulat silang napatingin sa akin. Pumikit ako at yumuko.
“My baby can’t do that!” si Mommy iyon, bakas sa boses ang pagkakagulantang.
“Is that even true? Elle is very…” si Zera iyon.
“It’s true. I taught her how to handle guns when she was young. For self defense purposes…”
Noong dumilat ako ay nasa akin na ang mga mata ni Zera. She looked so shocked. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
“Oh… Eh ba’t hindi mo binaril si Anzai nang naging kwits kayo, Elle?” si Grand Uncle Rico sa pabirong boses ngunit seryoso iyong sinabi.
“He’s not afraid with guns, Grand Uncle. Pero takot po siya sa akin kaya nagpahard to get ako…” sabi ko na ikinahalakhak ni Mommy.
“Oh damn it. Isang Castellano? Ginawang under ng isang Delafuente? That’s very surreal…” si Grand Uncle Dwight na sumulyap agad sa akin.
I smirked cockily. Oo. Napaamo ko ’yan. Paluhurin ko pa si Anzai eh. Really huh? Humahangin ka narin ata? Parang ang rami rami nang naipapasa ni Anzai ah?
“Walang hindi napapaamo ang isang Delafuente Grand Uncle,” si Kuya Red na sa wakas ay natuto naring magsalita man lang.
“Precisely, Red. Tayo ang niluluhuran,” pagmamayabang pa ni Grand Uncle Rico.
“Really huh? Baka matawa ang asawa mo pag narinig niya iyan sa’yo.” Grand Uncle Dwight said, nanunuya na ang boses.
“It only takes a special girl to tame a Delafuente. We are hard to get, katulad ng sinabi ni Elle dahil hindi naman tayo namumulot ng kung sinu-sino lang diyan. Kaya kung tayo ang napaluhod… Ibang usapan na iyon.”
Tumango sila sa sinabi ni Grand Uncle Rico. Kahit si Irah ay mayabang pa ang ngisi kay Kuya Toshi na nakikinig lamang.
“At paanong pa hard to get ba, Elle? Bakit mukhang wedding ring na iyang suot mo?” ani Tita Sky at humalakhak narin.
Nanindig ang aking balahibo hanggang sa lahat ng kanilang mga mata ay hinanap agad ang aking kamay na namamahinga sa gilid ng aking plato. N-Napansin pa iyon ni Tita sa sobrang layo niya sa akin?! At siya lang ata ang nakapansin!
Itinago ko agad iyon sa aking kandungan kahit huli na ang lahat lalo na’t pati si Anzai ay pasimple pang inangat ang kanyang kamay at ipinahinga narin sa mesa, pinapakita sa kanila ng sinasadya ang kanyang suot ring singsing.
“Oh… Ba’t hindi man lang kami naimbitahan? Are you scared we’ll stop the wedding?” si Grand Uncle Rico na nakaangat na ang kilay.
Umiling agad ako. “Magpapakasal po kami ulit, Grand Uncle. Ang sabi ni Anzai ay invited po kayong lahat…” sabi ko sa masiglang boses.
Nagkatinginan sina Mommy at Daddy.
“Ang humadlang po ay hindi invited,” pahabol ko pa kaya natawa ang iilan.
“Edi ano lang iyong nangyari? Kasal kasalan? Pagkatapos niyan ay ano naman? Bahay-bahayan? Tapos anong sunod? Anak-anakan?” si Grand Uncle Dwight.
Ngumuso ako at nilingon si Anzai. Relax na relax siya sa kanyang upuan habang sumisimsim sa kanyang wine.
“A wise person will mark his girl for an assurance, Dwight. Hindi natin alam baka buntis na iyang si Elle para hindi na tayo makatutol pa…” si Grand Uncle Rico na dumako agad ang makahulugang tingin sa akin.
“Maybe…” ani Anzai at tila may ipinaparating na ibang bagay sa kanila.
Namula agad ako at nahulog ang tingin sa aking plato na hindi ko gaanong nagagalaw ang pagkain. Nasa legal na edad narin naman ako ah? At alam ko naman na si Anzai ang pakakasalan ko kaya isinuko ko na iyon. I want to be embarass about it pero mabilis ding nawala noong hinuli ni Anzai ang aking kamay sa aking kandungan na kanina ko pa tinatago.
Humagikhik si Mommy sa sinabi ni Haze. I think she doesn’t have a problem with Anzai. Si Daddy hindi ako sigurado lalo na’t ang hirap tansyahin ng seryoso niyang mukha. Si Kuya Red naman ay parang hindi rin tutol.
“I love her so much more than everything… I am willing to do anything you ask me to do but aside from letting her go. Kung gusto niyong mahalin ko siya habangbuhay at huwag saktan ay mas hihigitan ko pa iyon. I’m willing to dedicate my whole life for her. My life is nothing without her presence… I am not going to live if I lose her.”
Hindi ko napigilan ang ngiti noong magkatitigan kami. Anzai leaned closer and kissed me on my forehead. Kinagat ko ang aking labi. This… is so comforting. Nagtagal ang kanyang halik sa aking noo saka siya bumulong.
“I love you so much…”
“I love you…” bulong ko pabalik ngunit sa sobrang katahimikan ay parang naririnig na nila kaming dalawa.
Umayos din naman ng upo si Anzai hanggang sa makita ko silang muli na mukhang nakokontento naman sa kanilang nakikita.
“Yes… My son is right. You know Elle… Nasa iyo parin naman ang desisyon. Hindi naman namin pwedeng ipilit ang gusto namin kung hindi ka naman masaya roon. We will always support you. Talagang nag-aalala lang kami sa’yo,” si Lolo Rence iyon pagkatapos punasan ng table napkin ang kanyang bibig.
Napangiti ako roon. Inisa-isa sila.
“Thank you…”
“Hindi naman kami tumututol sa mga plano niyong dalawa. Bilang ama ni Elle, priority ko ang kasiyahan ng anak ko. If she’s happy being with you then we’ll give our one hundred percent to support her for choosing you. Pero pag sinaktan mo siya, ako ang makakalaban mo sa kanya dahil aagawin ko talaga ang prinsesa ko sa’yo. Be careful…” si Daddy na ikinangiti ko lalo.
Gusto kong tumayo at magtungo sa kanya para yakapin siya but I want to save it later… Alam kong mag-uusap kami ng masinsinan mamaya.
Anzai nodded politely.
“I am letting you to kill me if I hurt her, Sir… Or I mean…” Umubo siya at nasa bibig na ang kamay na nakakuyom. “Papa?”
Naghagalpakan ang lahat. Na kahit ako ay natawa rin ng husto dahil sa pagsimangot bigla ni Daddy. Si Mommy ang may pinakamalakas na tawa lalo na’t niyakap niya talaga ang kanyang tiyan.
Inilingan ko si Anzai na painosente pa akong tiningnan at akala niya ay nadulas lamang siya.
“Parang alam na natin kung sino ang magkakaapo ah? What’s the feeling Rence? Your apo is having a child sooner. You are so old!” si Grand Uncle Rico kaya pati si Lolo ay sumimangot narin.
This is how the Delafuente talks. Hindi talaga nagiging seryoso ang pagsasalo dahil mahahaluan iyon ng tawanan. Ganoon ang kinalakihan ko. We have a happy family!
“Eh paano iyong Valdez? Hindi ba at fiancee mo iyong anak nilang babae?” si Daddy pagkatapos humupa ng tawanan.
“I already settled that issue, Sir…” ani Anzai.
“Ikaw lang ang tanging tagapagmana ni Martin sa lahat ng kanyang ari-arian. Business world is very cruel, hijo. May mga taong handang gumawa ng masama para mahila ka lang pababa. I’m sure your power will affect Elle… Siya ang pag-iinitian nila,” si Grand Uncle Dwight.
“She’s my main priority, Sir… Don’t worry. And I already cleaned the only threat in her life. Hindi na sila manggugulo pa. Sigurado ako…” Anzai said with finality.
Sumimsim si Grand Uncle Rico sa kanyang tubig at noong inilapag ay dumakong muli ang tingin kay Anzai.
“I wouldn’t be surprise if you did something cruel. Martin is known for being a monster when it comes at handling his business. Kung ano ang puno, iyon ang bunga…”
Hindi na nagbigay ng ipinyon si Anzai tungkol doon. Tumahimik lamang siya, hindi ko alam kung sang-ayon siya sa sinabi ni Grand Uncle Rico o talagang ayaw niyang pag-usapan ang kayang gawin ng kanyang ama pagdating sa business world.
Sa ilang minutong seryosong usapan ay medyo nakahinga narin ako kahit papaano dahil naging magaan nalang ang kanilang pag-uusap tungkol sa binabalak ni Anzai sa aming dalawa. He informed him about his plans, the wedding, my public appearance as his wife… at kung ano ano pa. Nagtatapunan lang kami ng tingin ni Zera at mukhang atat na atat na siyang masolo ako.
Kaya noong natapos ang lunch ay mabilis niya akong kinaladkad paakyat sa aking kwarto.
“Oh my God! Patingin nga!” Inagaw niya ang aking kamay.
Ngumuso ako noong tinitigan niya ang kumikinang na bato ng aking wedding ring.
“This is so pretty… Talagang nagpakasal kana?” Nag-angat siya ng tingin at hindi makapaniwala.
“Napaamo mo si Anzai?” Nanliit ang mga mata niya. Humagikhik ako.
“Oo…”
She looked so shock. Hindi niya iyon maitago ng husto lalo na’t pinasadahan niya pa ako ng tingin.
“You look so fine! Parang… Parang ibang tao kana kahit damdam ko parin namang ikaw iyan.”
Tiningnan ko rin ang aking sarili. Alam ko namang may nagbago sa akin pero hindi ko inaasahang magiging ganoon pala iyon ka obvious.
Nagbago narin si Zera pero hindi ko alam kung anong meron sa kanyang mga mata. She doesn’t look fine… Parang may tinatago siyang kakaiba. Masyado siyang nakakapanibago lalo na’t ang laki rin ng pinagbago ng kanyang katawan. She matured more…
Iginala ko ang tingin sa aking kwarto. Malinis parin at mukhang walang pinagbago. I cannot believe na sobra akong nababataan sa desinyo at ayos ng loob noon. Parang hindi pa nagdadalaga ang may-ari!
“My room is very cute!” I giggled softly.
“You realize you have a childish taste years ago?” Humalukipkip siya at iginala narin ang mga mata.
Tumango ako at natawa. “Oo! At napagtiisan ko talaga!”
Zera glance at me. Nadatnan niya akong tawang tawa pa.
“How come you manage to laugh like that after what you’ve been through?”
Kumalma ako at hinaplos ang aking buhok.
“Wala lang… Noong nabaril kasi ako, narealize ko na pwede tayong mamatay ano mang oras. Ayokong ipagdamot sa sarili ko ang pagiging masaya kaya nagiging positibo ako sa lahat ng bagay.”
I saw her swallowed.
“Eh ikaw… Bakit parang… parang ang lungkot mong tingnan?” I tilted my head just to capture her eyes lalo na’t iniwas niya agad iyon.
“Huh? Kakarating mo lang at kung ano ano agad ang pinagbibintang mo. I am doing great. May cafe na ako at successful ang sarili kong business. Bakit ako malulungkot?” Hinaplos niya ang mahaba niyang buhok at nasa ibang dako na ang kanyang tingin.
“Congrats! Ikaw pa… You are Zera. You’re strong…”
Napatingin siyang muli sa akin. Her shoulder loosened. She smiled at me.
“Oo nga naman… I am Zera. I am strong,” ulit niya at tila kinukumbinsi lamang ang kanyang sarili.
She’s turning twenty-five this year. Nacurious tuloy ako kung meron na ba siyang boyfriend? Wala kasi akong nasasagap na balita sa kanilang mga lovelife.
“I’m happy for you.” Narinig kong binulong niya iyon bago naglakad lakad sa aking kwarto.
Sinundan ko siya ng tingin. Binuksan niya ang sliding door ng veranda at awtomatikong sumabog ang kanyang buhok dahil sa pagpasok ng hangin.
“I miss you… Zera,” sabi ko na tila ikinagulat niya dahil sa paggalaw ng kanyang balikat.
Lumingon siya sa akin at ngumisi. “I miss you too…”
Mabilis akong nagtungo sa kanya para yakapin ito. Noong una ay masyado siyang nandidiri at gusto akong itulak pero hinayaan niya rin ako at niyakap nalang pabalik.
“It’s good to see you again… I am so proud, Elle… Seems like you are more strong compared to me when it comes at dealing with problems. Ang saya-saya mong tingnan at ikinatutuwa ko iyon… You really matured alot.”
Sa sobrang hina, hindi ko gaanong naririnig ang kanyang binubulong sa akin. Hindi ko alam kung ano iyon dahil bigla nalang siyang bumuntong ng hininga at kusang kumalas sa pagkakayakap. She frowned at me.
“I cannot believe you end up with a very ruthless man when you’re so innocent! You tamed a devil!”
Natawa na lamang ako. “Syempre Delafuente ako eh…”
51st Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
Penthouse
Bumaba rin naman kami ni Zera pagkatapos naming mag-usap doon sa loob ng aking kuwarto.
Nadatnan namin sila sa ibaba na nag-uusap parin pero nasa sala na ang mga ito. Si Daddy ay si Anzai ang kausap. Si Tobias naman ay nakapamulsang kausap si Grand Uncle Rico at seryosong seryoso ang kanyang mukha.
Binalingan ko si Zera habang bumababa kami sa hagdan.
“Wala ka pang boyfriend?” tanong ko.
Umiling siya at sinuklay paatras ang buhok.
“I’m busy with my cafe. Wala akong panahon sa mga ganyan.”
Oh… Ireto ko kaya siya kay Tobias? I think they will click?
Bumagal ang aking pagbaba at lumapit sa kanya para bumulong.
“Mahilig ka ba sa suplado?”
Mabilis na nagkasalubong ang kanyang mga kilay at tila namumula na ewan.
“Hindi gaano…” she said almost a whisper.
“Si Tobias… Single…” bulong kong muli at nginisihan siya.
Sumulyap siya kay Tobias. Sumulyap din ako sa kanya. Tobias glance at us using his serious face. Ngumiti ako sa kanya. He gave me a small smile.
Kinuha ni Grand Uncle ang kanyang atensyon kaya ibinalik niya ulit sa kanya.
“Mala Trey parin ba ang tipo mo? You can try someone who’s opposite from you, Zera. I think totoo iyong sinasabi nilang opposite attracts. Feeling ko hindi kagaya ni Trey ang mga bagay sa’yo kundi iyong mga suplado at seryosong seryoso.”
Tahimik lamang siya, masyadong seryoso ang mukha. Nagtagal ang paninitig ko kay Zera. Bakit parang may mali talaga sa kanya? Walang buhay ang kanyang mga mata hindi kagaya noon na masyado siyang hyper at madalas ang pagtataray.
Sa paglipas ng panahon ay marami namang nagbabago, maraming nangyayari. May nangyari ba sa kanya kaya ganyan na siya? It looks like she’s very lifeless…
“Wala akong mga panahon sa ganyan,” tangi niyang sabi sa malamig na boses.
Bakit parang kinukulong niya ang sarili niya sa kalungkutan? What’s the matter with her? Ako ang nalulungkot sa bigat ng pakiramdam ko sa kanya.
Nakipagkumustahan lamang ako sa iba at sinagot ang kani-kanilang tanong na kung ano ano rin naman. Pinuri pa ako ni Irah sa aking pagbabago.
“You look more happy unlike your cousin Zera,” ani Irah sa nanunuyang boses, nakahalukipkip ito at suot ang long sleeve dress.
Gusto kong punahin ang kanyang suot dahil summer naman sana pero ipinagkibit ko nalang iyon at tiningnan ang pinsan kong nakaangat lang ang kilay.
“Purket ba single ako?” si Zera sa matabang na boses.
Humagikhik ako. Nag-angat din ng kilay si Irah.
“Naunahan ka pa ni Elle. Baka mauna pa siyang bumuo ng pamilya kaysa sa’yo. Napaglilipasan kana ng panahon…”
Umirap si Zera at humalukipkip lamang.
“I am happy being alone. Mas mabuti ang ganito dahil wala akong inaalalang sakit sa ulo. I am free to do anything I want,” ani Zera ngunit walang kabuhay buhay ang binibitiwang salita.
“Baka tumanda kang dalaga, Zera,” sabi ko.
“I’m fine living alone…” Sabay kibit.
Nagkatinginan kami ni Irah. Sumulyap naman si Zera sa dako ni Anzai na ngayon ay si Grand Uncle Dwight na ang kausap. Mabilis din namang binawi ni Zera ang kanyang mga mata at hinaplos ang buhok, tila lumilipad na ata sa ibang lugar ang utak dahil sa biglaang pag-iiba ng timpla ng kanyang ekspresyon.
Nagsisialisan na ang iba sa paglipas ng oras. Kahit si Zera ay sumabay na kina Irah at Kuya Toshi sa pag-uwi, lalo na’t sila rin ang pinakahuling umalis ng bahay.
Nanatili sina B1, B2 at B3 sa mansiyon bilang bodyguard ko pero mukhang si Tobias ay hindi na.
Medyo nalungkot ako roon lalo na’t si Grand Uncle Rico mismo ang nagsabi na hindi na ito magiging personal bodyguard ko. I think he’s going back to Canada with my Grand Uncle.
“I’m going to miss you Uncle Tobias…” sabi ko nang iniwan muna kami ni Grand Uncle para makapag-usap.
He smiled a bit. “You take care, Brielle…”
Ngumuso ako at tumango. “Ikaw rin…”
Hinaplos niya ang kanyang batok at nag-iwas nalang ng tingin sa akin. Tumitig naman ako sa kanya. I’m really going to miss him… Pero hindi rin naman pwedeng pilitin ko siyang manatili sa aking tabi kung masasaktan ko lamang siya.
“Sana magkita pa ulit tayo…” bulong ko na ikinatingin niya muli sa akin.
Namulsa siyang muli. “We’ll see each other again soon… I promise I’ll introduce my future wife…”
Napangisi ako. He smirked back. Kinagat ko ang aking labi at tumango.
“Mag-eexpect ako, Tobias!”
Nailing siya at pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok habang may naglalarong ngiti sa kanyang labi kahit na taliwas ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
Hindi masyadong nagtagal ang usapang iyon dahil nakasunod na siya lagi kay Grand Uncle Rico. They’re flying back to Canada this week, kasama si Grand Uncle Dwight.
Ang alam ko, may binisita lang din silang business transaction dito sa Pilipinas at hindi rin magtatagal. They’re so busy. Hindi ba sila aware na masyado na silang matatanda? Dapat nga ay nagpapahinga na sila kaso mukhang ang lalakas parin talaga at ang kikisig.
Ang iba kong mga pinsan ay busy raw sa kanya-kanya nilang piangkakaabalahan at lilitaw nalang sa mahalagang okasyon, probably our Wedding Day? Lalo na’t pati si Kuya Blue ay sobra ring busy. He’s busy with what?
Si Kuya Red na ang nakausap ko. Kapwa kami nakaupo sa sofa. Nakatukod ang kanyang mga siko sa kanyang hita habang nakayuko at nasa akin ang bupng atensyon.
He looked so manly compared to my last memories with him! Parang ang raming nangyari kaya sobra akong naninibago. Nag-gym?
“May nakwento sa akin si Mommy na may pinasukan ka raw na Agency of modeling? Nagmomodel kana?”
He nodded. “Pero hindi naman priority. Isang beses lamang iyon…”
Nanliit ang aking mga mata lalo na’t ang kwento pa ni Mommy sa akin ay partner niya si Kaedy Rocales, that bitch I don’t like!
“At kayo ni Kaedy ang magkapares? How about Keyla?”
Kinagat niya ang labi at hinaplos ang buhok.
“Hindi ko alam kung nasaan siya, Elle…” Nag-iwas siya ng tingin. “She’s not yet coming back…”
Huh? Edi noong mga panahong umalis si Keyla, hanggang ngayon ay hindi parin pala umuuwi?
Ang rami kong gustong itanong ngunit halata ring ayaw nang pag-usapan iyon ni Kuya Red kaya nagchange topic na lamang kami.
“Eh si Kuya Blue? Anong pinagkakaabalahan niya, Kuya?” tanong ko.
Sumulyap siya saglit kay Anzai na sumulyap din sa kanya. Inakbayan ako ni Kuya at inisnaban lamang si Anzai lalo na’t kakaiba na naman ang tingin sa kanya.
Anzai stared at me darkly. Umismid ako at ibinalik ang tingin kay Kuya Red.
“Work, Elle,” aniya sa baritonong boses.
Work? Eh si Kuya Red lamang ang nagtayo ng panibagong branch ng aming condominiums ah? Anong klaseng trabaho naman ang kay Kuya Blue eh ang alam ko rin, sina Ken, Wayt at Hiro ang nagmamanage ng aming kompanya. Kuya Grey is busy being a doctor while si Kuya Toshi naman ay tumutulong din sa business ng kanyang parents, ni Grand Uncle Dwight.
I wonder what’s keeping him busy these days? What kind of work?
“May balak ba kayong umalis agad?” tanong ni Mommy nang siya naman ang tumabi sa akin. Kuya Red is already busy on his phone beside me.
“Hmm… Wala namang nabanggit si Anzai…”
“Dito ka nalang muna matulog, Elle. We missed you so much…” Niyakap ni Mommy ang aking gilid.
“Huh? Dito naman talaga ako matutulog…” sabi ko.
“At ang asawa mo?” matabang na tanong ni Kuya Red, nakikinig parin sa amin pero hindi masyadong nagbibigay ng atensyon at nasa cellphone ang mga mata.
I blushed hard with Kuya’s term. Nakakapanibago…
“Is it really a real wedding, baby? Magtatampo talaga ako ng husto…” ani Mommy na sumimangot pa at inihilig ang baba sa aking balikat.
Ngumuso ako at umiling. Hinagilap ng kanyang mga mata ang aking kamay. Inangat niya ito at tiningnan ang suot kong singsing.
“It’s pretty…” aniya.
Tumingin doon si Kuya Red. Isang sulyap lang ang kanyang ginawa at ibinalik ulit sa screen ng cellphone. Sumilip ako roon at nakitang nasa facebook app siya. He’s on Keyla’s old fanpage! Tsk. Adik!
“I’m excited for your real wedding, Elle… Uunahan mo pa ata ang mga kapatid mo sa pagpapakasal! Akala ko talaga ikaw ang huli…” Mommy chuckled.
Ibinigay ko ang buo kong atensyon sa kanya at binawi ang mga mata sa cellphone ni Kuya.
“Akala ko nga rin ako ang mahuhuli…” I chuckled, too.
“Sa ganda mong iyan, kung ako rin naman ang lalake ay itatali agad kita ’no para hindi kana maagaw!” She squeezed me.
Kapwa kami naghagikhikan. Ngumiwi pa si Kuya Red na naririnig kaming dalawa.
“I am not your baby anymore, Kuya…” nanunuya kong sabi.
“It’s okay. Hindi kana rin naman mukhang baby. Ang laki mo na.”
Sumimangot agad ako. Ang seryoso niya naman! Hanggang ngayon ba ay galit parin siya sa nangyari kay Keyla? We failed to find an evidence to prove that Keyla is innocent. O baka nakahanap si Kuya sa mga panahong lumipas? I have no idea… Umaasa lang rin naman ako sa mga tsismis ni Mommy minsan sa tawagan namin. Kahit siya ay wala ring alam eh.
“Paano pag may boyfriend na iyon?”
His face immediately darkened. Galit agad! Ganoon siya ka seryoso pag si Keyla ang topic.
“Oo nga, Red…” si Mommy naman at nakatingin narin sa kanya habang yakap yakap parin ang aking beywang.
“I am still going to wait for her…” he sighed.
“O baka nga buntis na,” dagdag ko.
Kuya bit his lips. Bumusangot siya at parang gusto na atang pitikin ang aking labi.
“Oo nga…” si Mommy naman na tumatango pa ang ulong nakahilig parin sa aking balikat.
Tumayo si Kuya Red, parang ayaw nang marinig ang mga pang-aasar namin ni Mommy sa kanya.
“Aalis na ako. Marami pa akong trabaho.” Yumuko siya at pinatakan ako ng halik sa ulo ganoon din si Mommy. “You two are so…” Nailing siya, hindi nalang dinugtungan at tumalikod na.
Naghagikhikan kami ni Mommy. Kuya seemed so problematic.
“Kawawa naman ang isa kong baby… I hope Keyla is still single. Baka pag hindi iyan balikan ni Keyla ay hindi na iyan mag-aasawa si Red.”
Tingin ko rin. My Kuya is just too loyal with Keyla. Ang ikinakainis ko lang ay bakit pa siya dumidikit doon kay Kaedy. Is it because of infos? Eh halata namang iba ang takbo ng isip noon.
Nagpasya naring umuwi sina Grand Uncle Rico at Grand Uncle Dwight kasama si Lolo. Nagpaalam lang sila sa akin at niyakap ako saka rin umalis. Nasa bahay sila ni Lolo nanunuluyan ngayon at isinama pa ni Grand Uncle Rico si Tobias.
Hindi nanatili si Anzai sa bahay noong araw na iyon at nagpaalam ding umuwi na muna. Ang sabi niya ay makipagbond muna ako sa aking parents lalo na’t gustong gusto rin akong masolo ng dalawa.
Sa gabing iyon, sa kanilang kwarto ako nanatili dahil ang haba haba pa ng aming usapan. Hindi naman galit si Daddy. Kampante na raw siya pero may parte parin sa kanya ang natatakot dahil sa maaaring mangyari ulit sa akin.
“Mahal na mahal mo talaga?” he asked me.
Nasa gitna ako ng dalawa. Titig na titig sa akin.
“Yes…” I sighed. “Para sa akin ay kasal na talaga kami at… mag-asawa na.” Kinagat ko ang aking labi habang nilalaro ang suot kong singsing.
“Mukha ngang inlove na inlove si Anzai sa’yo. The way he stares at you…” ani Mommy at ngumisi pa.
“Sana lang hindi na magloko,” si Daddy sa matabang na boses.
I want to defend Anzai pero naisip ko rin na hindi naman talaga kailangang magmukhang perpekto si Anzai sa kanilang mga mata. He’s trying his best and I want my parents to give him another chance, to trust him again and accept his imperfections.
Siguro kung totoong may nangyari ngang panloloko, handa naman akong magbigay ng tsansa at hayaan siyang patunayan ulit ang kanyang sarili. And I’ve seen him worked hard to gain my trust again. Anzai is just too persistent. Kahit ata itaboy ko ng paulit ay parang aso na babalik at babalik ulit sa akin.
Ganoon naman talaga ang buhay. We cannot seek perfection we really want. Sa mga libro lamang ang ganoon. Marami akong natutunan at sapat na iyon bilang maging leksyon. I am willing to accept his flaws and imperfections, for better or for worst…
Humihikab pa ako noong gumising ako at tinanghali na naman. Masyado akong napuyat kagabi sa pakikipag-usap kina Mommy at Daddy.
“Ma’am. Narito po si Sir Anzai… Kanina pa siya rito…” ani Manang Sandra na mabilis kong ikinatigil sa may hagdan.
Namilog ang aking mga mata nang mabilis ko siyang natagpuan sa sofa, naka fit na leather jacket, puting vneck tshirt at nanunuya ang ngisi sa labi habang nakahalukipkip sa sofa.
Mabilis kong kinapa ang aking labi at baka may natuyong laway roon sa sobrang himbing ng aking tulog! Thank God at wala naman.
Sinuklay suklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay. Humagikhik pa si Manang Sandra noong nagpaalam nang bumalik sa kusina.
Tumayo siya at namulsa. Ngumuso ako at nagtungo sa kanya. Bakit di niya nalang ako dinisturbo sa aking kuwarto?
“Ginising mo sana ako,” sabi ko nang makalapit na.
Anzai pulled my waist at pinatakan ako ng halik sa aking noo. Tiningala ko siya.
“Masarap ang tulog mo at alam kong pagod ka sa byahe,” aniya.
Humiwalay rin naman ako at iginala ang tingin sa bahay. I think my parents aren’t around. Baka ay kapwa sila nasa trabaho?
Namulsa si Anzai. “Let’s go?”
“Huh? Saan?”
“Uuwi…”
“Huh?” Natawa ako. “Nakauwi na ako ah…”
“No… This isn’t your home anymore. Sa bahay natin.”
Dahan dahang nanlaki ang aking mga mata. His playful smirk is just too much! Parang enjoy na enjoy siya sa panood sa gulat kong mukha!
“H-Huh?” Natawa ako.
“I’ll help you pack all your things. Let’s go…” Umabante siya at itinulak ang aking likod.
Mabilis akong umiling. “Huwag na. Ako nalang. Hintayin mo nalang ako rito.” Itinulak ko siya paupong muli sa sofa.
Hinawakan niya ang aking pulso. Nasama ako sa pagkakaupo niya sa sofa ngunit buti nalang ay mabilis akong humawak sa kanyang mga balikat. He smirked at naglalaro na agad ang kanyang tingin sa aking dibdib.
Mabilis akong tumayo. Ngumuso siya at humalukipkip.
“Dito ka lang,” sabi ko at lumayo sa kanya.
Masunurin siyang tumango at sinundan ako ng tingin. Mabilis akong bumalik sa itaas. Goodness. Kahit alam kong asawa na kami, ‘illegaly’ ay parang nakakakilabot paring maisip na papasok siya sa aking kwarto.
Haze is just too… Hmm… seductively hot? Baka sunggaban niya ako bigla roon at ako itong mabilis niyang naaalipin ay susunod agad.
Really? Iyan pa talaga ang iniisip mo ha!
Kaya pagkapasok sa kuwarto, tinawagan ko agad si Daddy para kumpirmahin itong sinasabi ni Anzai. Baka magulat sila na nag-iimpake na naman ako eh kakauwi ko lang naman sana.
“Yes, hon?” Narinig ko ang baritonong boses ni Daddy.
“Uhm… Hello Daddy! I just want to inform you that Anzai is here to get me-”
“Oh yes… Nakapagpaalam na iyon sa akin kahapon. Nariyan ka pa pala sa bahay? Tinanghali kana naman ng gising?” he chuckled.
W-What? He’s aware?! At kahapon pa nagpaalam si Anzai?!
“So… Payag ka? How about Mommy?”
“Oo naman… Bakit hindi? Mag-asawa narin naman kayo, hindi ba? And you’re already twenty-four, Elle. Bakit? Ayaw mo ba?”
“No? No! Of course gusto ko…” Natataranta kong sabi kaya humalakhak siyang muli. Nakagat ko ang aking labi at napangisi narin.
“Alright… We’ll just visit you or you visit us, hmm baby?”
Tumango ako. “Alright… I’ll just pack… my things…”
“Okay… Wait. Ibibigay ko sa Mommy mo ang cellphone.”
Naghintay ako ng ilang sigundo hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses ni Mommy sa kabilang linya.
“Hello, sweetie!” masiglang bati ni Mommy.
“Hi Mom. Uh… Nandito si Anzai at-”
“Yes we know… We’re expecting him there today to get you.”
Okay? Edi silang lahat ay nainform na ni Anzai sa lipatang magaganap at ako lamang itong nagugulantang. I cannot believe this! Parang noon lang…
“Payag ka rin?” tanong ko.
“Of course, baby!” Tumawa siya. “Bakit naman hindi? Ang tanda tanda mo na para pagbawalan.”
Natawa rin ako. Hindi ako makapaniwalang natutuwa ako ngayon sa mga bagay bagay. Totoo pala talaga iyong sinasabi nilang tamang panahon. I was too young back then to realize why they’re so overprotective to me. Kung bakit hindi nila ako hinahayaang magdesisyon para sa aking sarili at masyadong hinihigpitan. It’s because I am still young and I still need their guidance. At ngayong nasa tamang edad na, hinahayaan na nila ako.
Ang sarap sarap sa pakiramdam na suportado ka nila at alam mong nasa tamang landas kana dahil kahit ang iyong mga magulang ay hindi na humahadlang sa iyong desisyon.
Nag-impake ako ng ilan ko pang mga gamit na pwedeng dalhin sa lilipatan. I don’t have too much stuff kaya mabilis din naman akong natapos lalo na’t hindi ko pa ginagalaw iyong isa ko pang bagahe.
Pagkatapos noon ay naligo agad ako at nagbihis ng komportableng jeans at top. Binaba ng mga katulong ang aking gamit at pinapasok na sa kotse ni Anzai.
Noong nasa byahe na ay hindi ko maalis alis ang excitement sa akin. Kahit na naranasan ko nang tumira kasama siya sa iisang bahay ay parang hindi ko parin maiwasang kabahan lalo na’t sa pagkakataong ito ay magsasama na kami sa iisang kuwarto. I cannot stop myself from thinking too much about it!
Anzai has a luxurious Penthouse. Malaki iyon at nakakalaglag ng panga ang interior design. I really got fascinated for awhile while we’re touring around.
Malaki ang living room. From gray carpets to large black sofas and beige walls mixed with gold. The place got a grand staircase para sa ikalawang palapag. Ang ikatlong palapag ay roof deck na at swimming pool.
Maganda ang desinyo ng kanyang ceiling. Ang countertop area ay medyo may pagka puti ang theme. From dirty white large carpet with gray sofas. Malaki rin ang puting mesa na napapaligiran ng malalaking puting egg chairs. It’s a six-seated table.
His penthouse also got two large bath rooms and three comfort rooms. Meron sa bawat palapag.
The large curtains complement the color of the walls. Malinis at mabango ang kabuuan. Masyado ring malaki at napakaganda ng kanyang mga furnitures.
There are three bedrooms. Lahat ng iyon ay nasa second floor kasama ang gym area. Ang master bedroom ang pinakamalaki and it’s very elegant. May sariling bathroom at may malaki ring flat screen tv, facing the bed. A king-size bed with gray bedsheets… A comfy carpet… nice ceiling… white high curtains… Namamangha ako sa bawat paglapat ng aking mga mata sa bawat gamit sa loob dahil sa pinag-iisipang desinyo noon at nasa tamang mga lugar talaga.
“You like our room?” Niyakap ako ni Anzai sa aking likuran at hinagkan ang aking pisngi.
“Uh yes… And it’s too luxurious…” sabi ko at hinanap ang kanyang mga mata sa aking gilid.
He chuckled. “You’re not comfortable?”
“Komportableng komportable nga sa paningin ko eh…”
He squeezed me. “Hmm… This isn’t too comfortable for me when I’m living alone. But you’re already here and I never felt this kind of comfort before. Feels like home when you’re around. Nagiging komportable ako sa kahit anong lugar basta kasama kita.” Inihilig niya ang kanyang baba sa aking balikat at pumikit.
Hindi mabura bura ang aking ngiti. Kahit ako Anzai… Kahit siguro sa isang simpleng bahay lang o simpleng pamumuhay basta kasama kita ay makokontento ako at magiging komportable.
Tinulungan niya akong ayusin ang aking mga gamit sa kanyang walk-in closet. Inihalo niya ang aking mga dress katabi sa kanyang nakahanger na mga damit. Pati ang aking mga sandals ay inilagay niya rin sa parteng ibaba ng kanya.
Nahahaluan ng puting mga gamit ang loob dahil sa akin. Parang kinain ng dilim ang liwanag. Sinakop noon ang kabuuan.
“My father is coming home next week and there’s a big event. I’m going to bring you as my wife,” sabi niya habang nasa loob parin kami ng walk-in.
Topless na si Haze noong sumulyap ako sa kanya lalo na’t siya ang naghahanger ng aking mga dress at ako naman ang nagpapasok ng undies sa drawer.
“Bakit? May iba pa bang option? You can bring me as your friend, too?” Ngumisi ako sa kanya.
Sumulyap siya at umangat ang kilay. Humalakhak ako.
“Para kasing may iba pa akong option sa pananalita mong ‘as your wife’,” I chuckled.
“Bakit? Ayaw mo bang dalhin kita bilang asawa ko?”
“Depende… Kahit nga bilang stranger nalang?” Humalakhak ako.
Ngumisi si Anzai at pinasadahan ng haplos ang maitim na buhok. This handsome beast…
“Payag ka?” tanong niya.
Tumango ako. “Oo… Pag may nagtanong na media dahil nalilink ako sa isang anak ng business tycoon ay aamin akong ginagawa mo lamang akong fling. Aamin din ako na binilog mo ako sa isang pekeng kasal para maibahay.”
Humagalpak si Haze. I smiled cutely.
“At paano kung magtanong sila kung bakit ka rin pumayag?” Malawak na ang kanyang ngisi habang nakapameywang.
Isinara ko ang drawer sa huling pirasong panty na inilagay ko. Tumayo ako at nag-isip habang tumitingala sa ceiling.
“Hmm… Sasabihin ko na inakit mo ako.”
“At naakit ka naman? Hindi ka magmumukhang pinilit sa ganoong rason…”
“Sasabihin kong wais ka! Ilalantad ko lahat ng pangmamanipula mo. At higit sa lahat ay sinilaw mo ako sa kagwapuhan mo.” Tinuro ko siya.
Anzai smirked at naglakad patungo sa akin. Noong makarating na ay hinila niya ako hanggang sa madikit ako sa kanyang katawan. Iniyapos ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg habang inatake niya naman ng halik ang aking labi sa masuyo at nang-aakit na paraan.
“At nasilaw ka naman, hmm?” Kinagat niya ang aking labi at bumaba ang mga kamay sa aking pwetan.
Tumango ako sa pagitan ng halik. Ngumisi siya at lumalim ang atake ng kanyang labi.
“No choice… Ayoko ring tumandang dalaga.” Nagkibit ako.
Humagalpak si Haze at idinikit ang kanyang noo sa akin. Tumigil na sa paghalik at iniwan akong bitin.
“No choice huh? At papayag kang magpabuntis sa akin?” Tila naeengganyo na siyang sabayan ako dahil sa hindi mabura-burang ngisi sa kanyang labi.
I nodded cutely. “Oo… Mukhang maganda rin naman ang lahi mo. Pwede narin…”
“Really Elliana? You’re taking advantage of me…” he chuckled and kissed me again.
I tiptoed for a deeper kiss. His hand went to my nape to get a handful of hair for a better access to my mouth. I heard his moan and triggered me. Namimilipit na ang aking tiyan sa sensasyong rumaragasa. Ang bilis bilis niyang napapainit ang aking katawan!
“Haze… I’m so…” Kinain ng kanyang marahas na halik ang aking boses. Hindi ko na naisitinig ang aking gusto at baka pagsisihan ko lang rin ang sasabihin ko. Oh my…
“Yes I know… Our heated kisses made me so horny too…” he whispered hoarsely at inangat na ako.
Suminghap ako at namula dahil alam na alam niya ang balak kong iparating.
52nd Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
Dream
Bago pa kami makarating sa kanyang kama ay may nagdoorbell na. Sapat na iyon para mahimasmasan ako. I stopped from kissing him back. Anzai groaned with my response at nakaawang pa ang namumulang labi noong iniwan ko ito.
“May tao…” sabi ko.
I can see the blazing fire in his eyes. Magulo ang kanyang buhok habang ako itong hinihingal.
Tinapik ko ang kanyang braso para ibaba ako. The impatient visitor keeps on ringing the doorbell! Sino kaya iyan?
Bumuntong ng hininga si Anzai at pinasadahan ng haplos ang buhok. Tila may ediya na siya kung sino ang nasa labas at mukhang naaatat nang pagbuksan.
Hinuli niya ang aking palad at ipinagsalikop ang aming mga kamay. Dinala niya ako sa labas at sabay kaming bumaba.
“Sino?” tanong ko.
“Your mother-in-law…” ani Anzai.
Huh? His Mommy? Narito? Oh my gosh! Mabilis kong sinuklay ang aking buhok na nabuhaghag dahil kanina.
Pinagbuksan ito ni Anzai ng pinto. Bumungad agad ang babaeng kaedaran ni Mommy na nakahalukipkip at masyado nang matabang ang ekspresyon. Nakasabit pa sa kanyang bisig ang isang signature bag.
Her dress is very classy… Naka high ponytail ang kanyang buhok at napakakinis din. She looked so gorgeous. Iyon nga lang, tila hindi ito natutuwa.
Nalaglag ang kanyang tingin sa akin. Ngumiti ako ng kaonti.
“Ma…”
Pumasok siya ng tuluyan. “Kaya pala ang tagal mo akong pinagbuksan,” the impatient woman said, naglalakad na patungo sa living room.
Sinundan ko siya ng aking tingin. Inilapag niya ang bag doon at inilabas ang isang pamaypay. Umupo siya ng tuwid at ipinatong ang isang paa sa isa pa. She stared at me.
“Oh… Dito na siya titira?” His mother said, masyadong bitter ang boses kahit na ngumingiti naman.
Nilingon ako ni Anzai at tumango. Yumuko siya at bumulong sa akin.
“Magmano ka.”
Binitiwan ko ang kanyang kamay at masunuring tumango. Naglakad ako palapit sa kanyang ina kahit kinakabahan ako.
“Mano po…” Kinuha ko ang isa niyang kamay noong yumuko ako at iginiya iyon sa aking noo.
She got shock and offended. Ngumiti ako. Tila gustong gusto niyang bawiin ang kanyng kamay pero dahil nanonood ang anak ay hindi niya magawa.
“Anong pakiramdam na matanda kana talaga, Ma? Magkakaapo kana next year…” Haze chuckled.
“Anzai!” Namumula ng husto ang kanyang ina.
Nagtungo naman ako sa nakangising si Anzai. Bumalik ako sa kanyang tabi. Hinawakan niya ako sa beywang. He looked so proud lalo na’t yumuko siya at hinagkan ang aking pisngi…
Tumikhim ang kanyang Mommy.
“I am just here to tell you about your father’s arrival. Hindi mo sinasagot ang tawag ko,” giit niya.
“Well… I’m busy with my wife…” Anzai said cooly.
“Hijo… At least answer my calls…” Mas lumambing ang kanyang boses sa namumungay na mga mata.
“Dad called me last night. He informed me on his upcoming arrival, Ma. Pupunta ako,” ani Anzai.
Napangiti ang kanyang labi. “Thank you… Everyone’s expecting your presence. Matutuwa rin ang Daddy mo kung naroon ka…”
Tumango lamang si Anzai. Tiningnan naman ako ng kanyang Mommy. I tried to give her a friendly smile. Iyon nga lang, wala talaga akong nakukuhang ngiti sa kanya. Ayaw niya nga talaga sa akin. She’s bitter…
Tumayo ang kanyang ina at dinampot muli ang bag. Hinawi niya ang kanyang buhok na pumunta agad sa likod.
“Hindi na ako magtatagal, Anzai. Nangungumusta lang din ako…” sabi niya.
Umalis nga ang kanyang Mommy pagkatapos magpaalam kay Anzai. She doesn’t look friendly at all. Napupunit nalang ang aking labi kakangiti kaso hindi niya talaga iyon tinutumbasan.
Nawala narin sa isipan namin ni Anzai ang plano kanina lalo na’t dumeritso kami sa kusina. Walang laman ang kanyang fridge kaya nagpadeliver nalang kami ng makakain.
“She’s not really friendly…” sabi ko habang nakaupo sa kanyang kandungan at may hawak na slice ng pizza.
“Makakasundo mo rin iyon paglipas ng ilang taon,” sabi niya habang ngumunguya rin ng pizza.
Nagkalat sa lamesa ang aming mga order. Nakapulupot ang kanyang kamay sa aking likod, ang isa naman ay namamahinga sa aking kandungan. Ang isa ko namang kamay ay nakapulupot sa kanyang balikat.
Iginalaw galaw ko ang aking mga paa.
“After five years?” I concluded.
“Hmm… Maybe?” he chuckled.
Buti pa ang parents ko nakasundo niya agad. Nakuha niya agad ang loob ng mga ito. Eh ako? I will never get his mother’s attention easily. Kung makukuha man, hindi rin sa positibong paraan.
Pagkatapos naming kumain ni Anzai ay nagtungo rin naman kami sa Mall para makapag grocery. Balak naming punuin ang kanyang fridge.
“Nakakagala ka ng malaya? Hindi ba delikado eh ipinubliko mo na anak ka ng isang…” Tiningnan ko siya ng makahulugan habang nagtutulak ito ng cart at nasa grocery area na kami.
He’s wearing a longsleeve gray shirt, rolled till his arms with two buttons on it’s chest area paired with jeans and shoes. Ang gwapo gwapo niya sa kahit saang anggulo at sobra pang tumatagas ang kanyang amoy.
“May limang bodyguards sa tabi-tabi na nakasunod sa atin.”
Namilog ang aking mga mata at mabilis na iginala ang tingin. Wala akong makitang kasuspe-suspetsya pero nakita ko iyong naka plain black tshirt na may bulky na katawan at naka shades na pasimpleng tumingin sa mga nakadisplay nang tingnan ko ito. Lima silang lahat?
Huminto si Anzai sa meat area. Itinuon ko ang buong atensyon sa kanya na kumuha na ng cellophane at naglalagay na ng karne gamit iyong food tong.
“Twenty-four seven silang nakabantay? Pati sa bahay?” Tiningnan ko ang kanyang kilos.
“Sa labas lang.”
Oh… So meron rin pala talaga siyang personal bodyguards. Pero bakit hindi man lang lumalapit sa kanya? Hindi ba at maganda pag nasa malapitan lang sila?
Nang mapagtanto kong expert si Anzai sa jujitsu at kung ano pang martial arts ay medyo naliwanagan din ako. Baka nga hindi niya na kailangan ng ganoon eh…
Kahit ano ano nalang ang ipinaglalagay ko sa loob ng cart. I am picky with food since I am not really a food lover like Zera pero kung ano iyong mga nadadampot ko na pakiramdam ko ay masarap naman ay inihuhulog ko agad.
Doon ko nakita ang isa niyang bodyguard pagkatapos naming maicounter ang mga pinamili. Bigla itong sumulpot at kinuha kay Anzai ang mga cellophane para maihatid sa kotse. He looked so proffesional! The way he moves! Parang alam na alam niya ang kanyang gagawin.
After maggrocery ay binilhan niya ako ng mga damit. I don’t have any formal dress. He’s choosing below the knee long sleeve dresses! Nipis naman iyon at mukhang presko suotin pero parang… uh… balot?
“Gusto ko iyong mga ganito,” sabi ko at ipinakita sa kanya ang hanger na may puting sleeveless dress at vshape na neckline. This is going to reveal my cleavage for sure.
“Kung sa bahay lang naman…”
Bumusangot agad ako.
“But I want to wear this in your office…”
He licked his lips at pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok. Sumimangot ako kaya mabilis niya akong tinanguan at sinenyasan ang saleslady na isama iyon sa kanyang mga pinili. Ang nakatulalang babae sa kanya ay mabilis din namang natauhan.
Tulo laway ata lahat sa kanya ang mga saleslady at kung sinu-sino pang babae na makikita ito. At sino ba naman ang hindi?
May nadaanan akong lingerie area. Ngumisi agad ako kay Anzai na nasa kabilang dako, namimili pa ng damit para sa akin. Nang mapansin niya ang aking paninitig ay umangat ang kanyang kilay.
Dinampot ko ang isang pulang lingerie at ibinigay na sa saleslady, hindi na hinintay ang approval ni Haze. I saw how his lips parted nang sinundan iyon ng tingin. I chuckled cutely.
Wala akong mga ganoong damit eh. I’m sure he’s going to like those kind of clothes while we’re inside our room. Kahit doon man lang may magawa ako para sa kanya, hindi ba? It will turn him on more…
Binigyan niya ng card iyong saleslady at naghintay na lamang kami sa sofa habang pinapunch ang aming mga pinamili.
“Lingerie huh…” bulong niya sa paos na boses.
Humagikhik ako at humawak sa kanyang hita.
“Hindi natuloy iyong kanina kaya baka uh… mamayang gabi?”
Anzai groaned silently. Tumama pa ang kanyang hihinga sa aking leeg.
“Don’t get me too excited…” he said, tila may pagpipigil ang boses na paos na paos na.
I giggled more. Nakakatuwa at ang laki laki ng epekto ko sa kanya. Na ako lamang ang makakagawa noon.
Lumapit din naman ang saleslady dala dala ang sari-saring mga paperbags at inilahad kay Anzai kasama ang kanyang card. She smiled prettily.
“Thank you, Sir. Comeback again…” aniya sa malambing na boses.
Ang card lamang ni Anzai ang kanyang kinuha. Noong sumulpot na panibagong bodyguard at kinuha sa saleslady ang mga paperbags ay napagtanto ko rin kung ba’t di niya na inabala pang tanggapin ang mga iyon.
Inalalayan na akong tumayo ni Anzai. Hindi niya man lang tiningnan ang saleslady at deri-deritso na ang aming paglabas.
Kumain kami sa isang five star Restaurant. Marami siyang order at isa na roon ang paborito kong chicken Condon bleu.
Naalala ko tuloy iyong noon. Humilig ako sa mesa at tinitigan si Anzai habang ngumunguya ako ng marahan. Nang mapansin niya ang aking mga mata ay sinuklian niya agad ng malalim ang aking paninitig sa kanya.
“We used to date back then,” sabi ko.
Dinampot niya ang table napkin at pinahiran ang labi.
“I love to date you and spoil you with things…”
I chuckled. Oo nga… Kahit ang mamahalin niyang mga hobbies ay sinasali niya rin ako. Now that I remember it, the memories made me love him even more. I loved him when I was young and I still love him after everything we’ve been through.
“Paano kaya kung hindi kita nilapit-lapitan ’no? Magiging tayo parin ba?”
Hindi niya na pinagtuunan ng pansin ang pagkain at nasa akin na ang buong atensyon. His handsome face is really distracting me with my food, too. Parang mas masarap siyang titigan, mas masarap siyang pagtuunan ng pansin.
“Naniniwala akong nakatadhana tayo. Fate will find a way…”
Tumawa ako. “Paano kung hindi?”
“Then I’ll find a way.”
Oh Anzai… You are really persistent. Hindi ko rin ata maisip ang sarili ko kung hindi ko siya nakilala. I think no one can make me feel those foreign feelings I felt only for him. He’s my first with everything.
Doon umikot ang aming topic at umuwi rin naman pagkatapos. I helped him arrange the food inside the fridge. Punong puno na iyon at kompleto na ang aming pagkain.
“Alam mo ba na marunong na akong magluto! I’m already good at it,” pagmamayabang ko habang nakahilig ako sa countertop at pinanonood ang paghihiwa niya ng apple.
“Tinuruan ka ni Aling Honey?” tanong niya.
“Yes… And I’m planning to cook breakfast tomorrow. I’ll set an alarm,” sabi ko.
His brow raised. “Baka mapagod nalang ang alarm sa panggigising sa’yo…” Iginiya niya sa aking bibig ang isang slice ng apple.
Kinagatan ko iyon at sinimangutan ito.
“Hindi purket palagi akong tinatanghali ay hindi ko na kayang gumising ng maaga. I need to change my body clock. Dapat seven ay gising na ako so I can cook our breakfast.”
A sweet smile rose on his lips. Ngumuso siya at parang gusto iyong pigilan.
“Ipagluluto mo ako?”
Tumango ako at ngumisi. “Yes. Gusto mo?”
He nodded with excitement. Natawa ako.
“Anong lulutuin mo?” he asked me.
Pinanood ko siyang itabi ang kitchen knife at itinulak ang bowl kung nasaan ang mga apple. Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa countertop.
“Hmm… Ham, egg and bacon? Ano ba ang paborito mong kainin?”
Naglaro agad ang ngisi sa kanyang labi. Nang mapagtanto ko ang tumatakbo sa kanyang isipan ay namula ako.
“Do you want me for your breakfast?”
Humagalpak siya at pinasadahan ng haplos ang buhok.
“I didn’t say anything…”
“Pero halata sa pangisi ngisi mo… I am not eighteen anymore, Haze. Magegets ko agad ang mga ganyan ngayon.” Kumuha ako ng isang apple at kinagatan iyon.
Hinawakan niya ang aking pulso at iginiya iyon sa kanyang bibig saka niya kinagatan. He even licked my fingers purposely while eyeing me.
“I missed that innocent Elliana sometimes…” aniya pagkatapos lunukin ang kanyang nginuya at iginiya na ang aking kamay na wala nang hawak na apple sa kanyang pisngi.
“Why?”
“’Cause you’re so cute when you have no idea. Natatawa ako ekspresyon mo,” he chuckled.
“Edi hindi na ako cute ngayon? Dahil gets ko na?” I frowned.
“You’re still cute. But you’re really hot this time… Your body matured…” Sumulyap siya sa aking dibdib.
“Talaga?”
He nodded. I smiled.
“Ikaw mas lalo kang… um… naging hot. You smirked so sexily and uh… mas lalo ka ring gumwapo.”
Kinagat niya ang kanyang labi at umikot para makapunta sa aking harap. Inikot niya ang stool na ang aking inuupuan at ipinaharap ako sa kanya ng buo. Itinukod niya sa bawat magkabila ko ang kanyang mga kamay.
“May pagnanasa ka rin pala sa akin huh…” He stared on my lips and leaned closer enough.
Umawang ang aking labi para bigyan siya ng access. He slowly kissed me. Humawak ako sa kanyang balikat.
“Is it wrong if I tell you yes?”
“Fuck…” he groaned. I chuckled.
Nag-aalab na ang kanyang mga mata noong humiwalay ako.
“Maraming beses na. Noong mga panahong… N-Nagbabasa ako ng Romance book… M-Minsan ikaw ang naiimagine ko at… at ako iyong babae.” Namula ako sa aking inamin.
Inatake niyang muli ng halik ang aking labi. His kisses were deep and hungry.
“I’ll give you something you won’t forget this time…” he said hoarsely at inangat ako bigla.
Napahawak agad ako sa kanyang balikat. Pinaupo niya ako sa dulo ng countertop at hinawi lamang ang mga naroon.
Nagulat ako sa pagkabasag ng bowl nang malaglag iyon sa sahig. Nagkalat agad ang laman noong apple.
Bago ko pa mapagsabihan ay iginiya niyang muli ang aking baba sa kanyang labi at hinalikan ako habang gumagalaw na siya sa pamilyar na paraan.
I moaned as I felt how he rub his thing between my thigh. Ganoon na iyon kalaki habang ang kanyang isang kamay ay pumapasok na sa suot kong top at ang isa naman ay mariing nakahawak sa aking hita.
Anzai played with my tongue as he palmed my breast. Hindi ko na agad napansin na naunlock niya na pala ang aking bra. Or I am just too busy with his hot kisses.
He remove my top. He pulled his tshirt and remove it too, revealing his massive body.Tinubuan ako ng hiya nang lumantad sa kanya ang aking dibdib. He stared on it for awhile. Balak ko sana iyong takpan ngunit pinigilan niya ako at hinalikan akong muli.
His other hand squeezed my left boob. I moaned softly. Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg kaya humilig ako sa likod at tumingala para mas bigyan siya roon ng layang gawin ang kanyang gusto.
I felt him fumbled on the zipper of my pants as his kisses went down to my chest. Nang maramdaman ko ang kanyang halik sa aking dila ay nakagat ko na ng husto ang aking labi.
Anzai pulled my pants with my panty harshly. I was left with nothing anymore. Itinapon niya lamang iyon sa kung saan at itinulak ako pahiga.
He played with my peak alternately. Ang isang kamay ay namimisil habang ang isa ay nanghahaplos sa aking gitna.
“Anzai…” Hinabol ko ang aking hininga at halos mabali ang aking likod sa pagliyad.
He twirled his tongue around my aroused peak and move his finger back and forth causing me to cry in so much pleasure.
“Fuck it… You’re this wet for me huh…” I felt how he put his one finger.
“Anzai!” I cried harder as he pushed and pulled in a blinding speed.
Bumaba ang kanyang halik at halos hindi na ako mapakali sa namumuo sa aking tiyan. Nakakatakot at sinasalubong ko narin iyon, pilit na hinihigitan ang kanyang bilis ngunit hindi ko magawa.
I felt how I convulsed but Anzai is not yet done! He pushed my other leg and kissed my inner thigh while he’s still rubbing me!
Hingal na hingal ako at heto na naman… Nag-aalab na naman ang aking katawan na masyadong sensitibo sa kanyang haplos, sa kanyang halik.
Isinampay niya ang bawat binti ko sa kanyang balikat na ikinatindig ng aking balahibo lalo na’t alam na alam ko na agad ang kanyang binabalak.
Bago pa siya mapigilan ay huli na ang lahat.
“Anzai!” tawag ko nang maramdaman ko ang halik niya sa aking gitna.
He parted my folds and licked my wetness. My lips parted as I arched my back.
Gusto ko siyang paalisin doon at itulak ngunit ayoko rin dahil sa kiliting nararamdaman ko sa aking tiyan at sa namumuo na naman dahil sa kanyang ginagawa.
Masyado akong maingay at hindi ko kayang itikom ang aking bibig. Nasabunutan ko ang aking sarili nang wala akong mahanap na mahahawakan. It’s really making me crazy!
I felt the tip of his tongue on my entrance. Napahawak na ako sa kanyang buhok sa sobrang kiliting nararamdaman ko ngunit hindi siya tumigil. He gripped my butt using his both hands so he can pay attention at kissing me more.
Nakaangat na ang aking pwetan habang kinokontrol ni Anzai ang paggalaw noon at magawa ang kanyang gusto. I cried harder as his expert tongue moved hanggang sa naramdaman ko ulit ang aking panginginig.
Habol ang hininga ay nakita ko siyang tumayo ng tuwid. He licked his lips I he unbuckled his pants while watching me in his eyes filled with desire.
Bumaba ako sa counter. Naramdaman ko agad ang panlalambot ng aking tuhod pero mabilis niya rin akong sinalo. Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking beywang habang nararamdaman ko ang kanya sa aking puson lalo na’t nadikit ang aming katawan sa isa’t isa.
Bumaba ang aking mga mata at tiningnan iyon. My eyes widened as I saw how big and proud it was.
My instinct are just too powerful na hindi ko napigilang haplusin ang kanya at hawakan iyon sa aking kamay.
“Fuck…” Anzai groaned and bit his lips.
“You like it?” tanong ko at iginalaw ang aking kamay.
Anzai groaned at pumikit habang nakakunot ang noo. He seemed enjoying my movement ngunit parang nagpipigil din ng husto.
I stroke it twice and tried to do it fast ngunit nagmura na ng marahas si Anzai at nagulat na lamang ako noong bigla niya akong pinihit patalikod.
He pushed me on the countertop. Napadapa ako roon at bago pa mahulaan ang kanyang binabalik ay napasigaw na lamang ako nang bigla niyang itinulak ang kanyang sarili papasok sa aking nakaparteng hita.
“Fuck!” Anzai cursed loudly and slammed deeper.
Mariin akong napapikit nang makaramdam ng kirot. Akala ko ay tapos na ang sakit sa unang beses namin ngunit parang wala atang nagbago. Ramdam na ramdam ko ang paglabas-masok niya roon at parang mapupunit na ang aking mukha sa kakangiwi dahil sa sakit.
“Anzai. It hurts!” sigaw ko.
His rhythm change and I felt his finger again on my folds. Mabagal lamang ngayon ngunit sa bawat galaw ay sumasagad iyon sa aking kaibuturan.
I started to moan when I felt something again. Noong naramdaman niyang hindi na ako nagrereklamo at nakakaadjust na ay nagbago muli ang kanyang galaw.
I convulsed again. Hinugot niya agad iyon at pinihit muli ako paharap saka ako binuhat paupong muli sa countertop at ibinaluktot ang aking mga paa. I look like a frigging frog pero hindi na ako makapagreklamo pa dahil sa kanyang mabilis na kilos.
Umawang ang aking bibig nang itinulak niyang muli ang kanya papasok. Naliligo na ako sa sarili kong pawis at masyado na akong nanghihina noong gumalaw siyang muli.
Pumikit ako at pinilit itukod ang aking mga kamay sa likod kahit parang mapapahiga na naman ako.
My insides are throbbing hard! His ruthless thrusts are just too much, na parang naaabot na noon ang bawat sulok ng aking loob sa bawat paghugot at pagbaon ng marahas.
I tried to look at him pero sa tuwing nakikita ko ang gumuguhit sa sarap sa kanyang gwapong mukha ay hindi ko talaga kinakaya at napapapikit nalang.
Hindi nagtagal ay naramdaman kong muli ang aking pagsabog. Buong akala ko ay tapos na pero binuhat niya ang aking pwetan paalis doon kaya awtomatiko kong ipinulupot ang aking mga hita sa kanyang beywang at niyakap ang kanyang leeg.
Nagkatitigan kaming dalawa. My lips parted as I moaned while he’s intensely watching me.
“You are so beautiful, Elliana…” sabi niya habang iginigiya ang aking balakang sa bilis na gusto niya.
I cannot move anymore. Hindi ko na masabayan ang kanyang galaw. Anzai kissed my lips at mabilis na naman ang galaw.
Nayakap ko siya ng mahigpit. I cannot even kiss him back. He moaned harshly. Namumula na ang kanyang dibdib at lumalabas na ang ugat sa kanyang mga bisig at leeg na kahit ang kanyang katawan ay tila inaapoy narin sa lagnat.
“I love you so much, Elliana…” he groaned and slammed deeper.
“I…” Hindi ko iyon natuloy nang naramdaman ko na naman ang nalalapit na pagsabog.
One more pushed and I moaned louder. Kapwa kami nanginig ni Anzai dahil pati siya ay humalo ang boses sa akin. Hinang hina ako hindi katulad niya na may sapat na lakas pang buhatin ako dahil hindi niya parin ako ibinababa.
Mabilis niyang hinagilap ang aking mga mata. He kissed my forehead.
“I’m sorry… I was so rough,” namamaos niyang bulong.
Yes, Anzai! You are such a beast! Kahit hindi naman lingid sa aking kaalaman ang kanyang karanasan sa mga babae ay nagugulat parin talaga ako. Ni hindi ko mapantayan kahit kaonti man lang para sana may magawa rin ako sa kanya.
Nagtungo kami sa aming kwarto habang karga karga niya parin ako. Nanginginig ang aking mga hita at parang naparalisa na ang mga iyon, bigo nang makagalaw pa.
“I’ll do it more gentle this time…” he said at inilapag na ako sa kama.
“Wait what? M-Meron pa?”
Ngumuso siya. “Ayaw mo na? We can rest now if you’re already tired,” sabi niya at handa nang tumayo ulit.
Umiling ako at pinigilan siya.
“Okay lang… Hindi kita kayang tanggihan at… gusto ko pa.” Kinagat ko ang aking labi.
He got shocked. Ako na mismo ang humalik sa pagkakataong ito na mabilis niyang muling tinumbasan.
Hindi ko na nabilang ang mga nangyari. I was too focus with the pleasure kaya noong magising ako ay ganoon nalang kasakit ang buo kong katawan.
Oh my gosh! I think may nabaling buto sa akin sa sobrang intense ng nangyari! Parang ang bigat bigat ng katawan ko at may nakadagan na bulldozer! Nilanta ako ni Anzai kagabi at kulang nalang ay durugin niya ako.
Bumangon ako at napangiwi sa sakit ng aking gitna. I am sore down there! Bumaba ang aking tingin sa aking katawan at may suot na akong polo shirt. I can even smell him…
Kung gaano kasarap ang naranasan ko kagabi, ganoon naman ka sakit ang iniwan noon sa aking katawan. Parang bawat parte ay parang binugbog!
“Hey…”
Kumurap ako at mabilis na hinanap si Anzai na kakapasok lamang sa kwarto. Buhaghag ang buhok at naka sweatpants lamang.
Nakalimutan ko bigla ang nararamdaman kong sakit nang makita ang gwapo niyang mukha.
Nagtungo siya sa akin at itinukod ang mga kamay sa bawat kabila ko saka ako ginawaran ng matamis na halik.
“May masakit?” tanong niya nang humiwalay sa akin.
Tumitig ako sa kanyang mukha. Kinabisado ko ang bawat detalye noon. Nanliligaw talaga ang kanyang kagwapuhan. Ewan ko ba… Nakakawala sa sarili.
Ang unfair talaga! He looked so fine at ako itong parang pinarusahan!
“Uh… Konti lang. I am sore down there and I think may nabaling buto sa akin.”
Humalakhak siya. His breath smells like mint! Bigla akong nahiya sa sarili kong hininga dahil hindi pa ako nagtotoothbrush at kakagising pa lang!
“Which bone?” Hinaplos niya ang inner thigh ko.
Oh my gosh no! Hindi ko pa kaya ulit! Mabilis kong pinigilan ang kanyang kamay at sumimangot lalo na’t wala pa naman akong suot na panty.
“Mamayang gabi nalang ulit. Huwag muna ngayon kasi masakit pa,” sabi ko na ikinahagalpak muli ni Anzai.
“I am not planning to do anything to you later at night…” Nanunuya niyang sabi at hinagkan ang aking labi.
Namula ako sa kahihiyan. Itinulak ko siya para tantanan niya na ako dahil parang lumalabas na ako na itong gustong gusto sa mga nangyayari.
Ngumisi siya at bigla bigla akong kinarga. Napasigaw ako saglit at humawak agad sa kanyang mga balikat.
“Magpapanty muna ako!” sabi ko at hindi gaanong makagalaw dahil sa pangingirot ng aking gitna.
“Hayaan mo na. Tayo lang naman…” sabi niya habang naglalakad na kami palabas.
“Ano?” Natatawa ko siyang tiningnan.
Maingat siyang bumaba sa grand staircase.
“Ang weird kasi wala akong suot na panty, Anzai!” Tumawa ako kahit na namumula ako.
“I think it’s not weird. Plus I’ve seen it many times and I even kissed it. Ano pang ikinakahiya mo?” Umangat ang kanyang kilay.
Mas uminit ang aking mukha sa kanyang sinabi. Our memories last night gives me chills all over my body.
Masyado akong expose at ikinakahiya kong mabilis akong nasasabik sa kanya. Para kasing ako itong mas hibang at palaging gusto dahil sa pagiging handa.
Umupo siya sa egg chair at pinaupo ako sa kanyang kandungan. Niyakap niya ang aking mga binti habang ang isa kong kamay ay nakahawak naman sa kanyang likod. This is so comfortable…
Tiningnan ko ang mga nakahanda sa mesa. Merong chicken cordon bleu, ham, bacon and fried eggs. Sinalinan niya ng orange juice ang baso saka iyon inilagay sa aking gilid.
“Wala kang work?” tanong ko habang tinitingnan siyang lagyan ng fried rice ang plato.
“I’ll work tomorrow…”
“Edi… Maiiwan ako rito?” tanong ko.
Umiling siya at sinubuan na ako. He watched me carefully while I chewed my food.
“I’ll bring you on my office so we can see each other every second.”
Humagikhik ako. Anzai kissed my cheek.
“We are not leaving each other starting today, Elliana. Kung nasaan ako, nandoon ka. Kung nasaan ka, nandoon din ako. We’ll stick with each other for the rest of our lives…”
“Hindi ba tayo magsasawa noon sa isa’t isa?” I don’t think so… Para ngang ang hirap hirap nang bumitaw sa kanya eh.
“I won’t get tired of you. Ngayon pa ba ako mapapagod na namarkahan na kitang akin?” he smirked cockily.
I kissed his cheek. “Yabang!”
Anzai chuckled. “This is the life I want, Elliana. I want a life like this… With you… With our kids…” Hinaplos niya ang aking tiyan.
Kinilabutan agad ako. My heart melted like an ice cream pagkatapos kong marinig ang kanyang sinabi.
“Ako rin, Anzai… I am willing to sacrifice everything I have just to have a life with you… Mahal na mahal kita.”
Namutawi ang ngiti sa kanyang labi na mas ikinagwapo niya. Tiningnan niya ako sa namumungay na mga mata.
“Feels like a dream… Hindi ako makapaniwang hawak na talaga kita…” He squeezed me hard. “Hawak na talaga kita…”
53rd Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Maria Gracia. Happy reading!
Higad
Isinuot ko ang biniling damit ni Anzai para sa akin. It’s a white body hugging dress with v-shape neckline. Above the knee iyon at pinaresan ko ng killer black heels.
Itinali ko ang aking buhok at naglagay rin ng kaonting make-up. I even stared at my cleavage at nakita ang malalim na paninitig ni Haze sa salamin na ngayon ay nagsusuot na ng coat sa kanyang white shirt sa loob.
Nilingon ko siya. Magulo pa ang kanyang buhok habang binubutones ang bawat isa noon. Ngumuso ako at nagtungo sa kanya.
Tumigil siya sa pagbubutones at tiningnan agad ang aking cleavage. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang panga, saka bumaba ang aking mga kamay sa butones.
“I can’t wait to punch someone later…” he said, magkasalubong ang kilay habang nasa aking dibdib parin ang mga mata.
I chuckled. “Bahala ka… Ikaw naman ang makikipagsuntukan, hindi ako.”
He licked his lips and brushed his hair lightly. Kinuha ko naman ang necktie na hawak niya lamang sa isa niyang kamay at itinali na iyon sa neckline ng kanyang shirt.
Anzai slowly wrapped his arm around my waist. Nakatitig lamang siya ng malalim habang nasa necktie ang buo kong atensyon.
“You really look good when you’re wearing white clothes…”
Kumurap ako at tiningnan siya. “Talaga?”
He nodded. “Mas lalo kang nagmumukhang anghel.”
Ngumuso ako habang gumagala na ang kanyang mga mata sa kabuuan ng aking mukha.
“Hmm… I cannot wait to see our first born… Sigurado akong manang mana sa’yo ang ganda pag babae.”
“Ganoon kana ka excited magkaanak? Ayaw mo munang magtravel tayo?” Natawa ako ng marahan.
“Don’t you want to travel with our baby? Or my baby Elliana wants to travel with me alone first, hmm?” Tinagilid niya ang kanyang ulo at nanunuya na ang ngisi sa labi.
Tumango ako. Naiisip ko pa lang na hindi na sa akin ang buong atensyon ni Haze ay nagseselos na agad ako. Gusto ko munang gumawa kaming dalawa ng maraming alaala. Pero kung nabuntis rin naman, I’ll gladly accept our baby! Pwede nga rin naman na magtravel kaming tatlo. Mas masaya siguro iyon. Iyon nga lang, matatagalan pa.
“Gusto muna kitang masolo. Ayoko muna ng kahati sa’yo,” sabi ko.
His lips curved. Pilit niya iyong pinigilan sa pamamagitan ng pagkagat ngunit nabigo siya dahil tumakas ang halakhak sa kanyang boses. Pinagtuunan kong muli ng pansin ang kanyang necktie na malapit ko nang matapos.
“My Elliana is so selfish… She only wants me for herself…” Humalakhak siyang muli.
“Akin ka lang…” sabi ko sa maliit na boses.
He chuckled more at yumuko para halikan ang aking labi ng marahan.
“I am all yours, Elliana. Wala kang kaagaw sa akin,” he whispered.
Humagikhik ako at ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Pinatakan niya ng maliliit at nanunuyang halik ang aking labi.
“I love you…” bigkas ko.
Tumigil siya sa paghalik at tumitig sa akin. Nangingislap ang kanyang mga matang agarang namungay.
“I love you so much…” sagot niya.
“Mas mahal kita.” Ngumisi ako at naramdaman ang mahigpit na pagkakayapos niya sa aking beywang lalo na’t dumikit na ako sa kanyang dibdib.
“Mas mahal na mahal kita,” sabi niya at hindi nagpatalo.
“Akin ka lang,” sabi ko.
“Akin ka lang,” ulit niya habang nakaangat pa ang isang kilay.
Humagikhik ako at inilapit ang aking ilong sa kanyang ilong. Kung ganito kasarap lagi ang umaga ko, handa akong gumising ng maaga.
Pagkatapos rin naman naming magbihis ay umalis na kami. Excited ako lalo na’t hindi pa ako nakakapunta sa kompanya ng mga Castellano. Balita ko pa naman nangunguna ang kanilang Shipping Lines sa buong Asia. Ibig sabihin, ganoon na talaga kalaki at makapangyarihan ang kanilang nasasakupan. And I can imagine Haze on his throne… He looked like a cruel king in his ruthless aura.
Pumasok ang kanyang itim na Ferrari sa malaking kompanya. Kahit kaonti lamang ang nakuha kong pagkakataon para sumulyap doon ay namangha na agad ako sa laki noon. Mas malaki pa ang kompanya nila sa kompanya na pinamamahalaan ni Tito Jin.
Naunang bumaba si Anzai pagkatapos magpark. Mabilis siyang umikot at pinagbuksan ako ng pinto. Ipinulupot niya agad ang kanyang kamay sa aking beywang at iginiya na ako papasok.
“Good morning, Ma’am… Sir…” bati ng gwardya at pinagbuksan kami.
Ngumiti ako sa guard. “Good morning…”
Nagulat siya at napaawang ang bibig nang dumako ang buong atensyon sa akin. Suplado akong tiningnan ni Haze, lalo na’t nakaangat pa ang kilay.
Iniwan naming laglag panga ang gwardya. Natawa na lamang ako sa sobrang seryosong mukha ni Haze.
Pagkarating sa lobby, mas marami ang bumabati sa kanyang empleyado na kahit tango ay hindi niya man lang naibibigay at ako nalang ang ngumingiti pabalik at binabati rin ang mga ito mapa babae o lalake.
“Tama pala talaga ang bali-balitang nalilink si Sir sa isang Delafuente.”
“Siya ata ang asawa ni Sir Castellano…”
“Akala ko talaga si Miss Sienna Valdez.”
“Kaya pala hindi natuloy ang kanilang kasal. Kung ako rin siguro si Sir ay ipagpapalit ko talaga si Miss Sienna sa ganyang babae, ’no…”
“Balita ko riyan sa babae anak daw iyan ng isa sa mga makapangyarihang angkan ng mga Delafuente. Iyong nakapasok sa most riches clan in Asia…”
“Ang alam ko pinsan niya rin iyong International fashion designer na si Miss Cana at kapatid iyong sikat na modelong si Kaizen.”
“Grabe ang ganda niya…”
Sa rami ng naririnig ko ay panay na lamang ako ngiti sa makakasalubong ng aking mga mata. Anzai doesn’t care about it… lalo na’t masyado siyang focus sa aming pupuntahan.
Pumasok kami sa elevator at may nakasabay pang grupo ng mga lalake.
“Good morning Sir…” bati nila at yumuko ng bahagya.
Tumango lamang si Haze at inilipat ako sa kanang bahagi para hindi madikit sa mga ito, kulang nalang ay itago ako lalo na’t nalalaglag na ang mga panga ng iilan nang tingnan ako.
“Good morning Ma’am…” bati rin nila.
“Good morning…” Ngumiti ako at tiningnan sila isa isa.
Suminghap ang apat na mga lalake. Tiningnan sila ni Anzai at doon lamang sila umayos. This devil… Eh halos lamunin niya na nga ang apat sa kanyang tindig. He looked so manly at mas matangkad pa sa kanila. Nagmukha silang mga teenager sa paningin ko nang makatabi nila si Haze. They’re nothing compared to my man who’s already throwing glares at them.
Naunang lumabas ang mga lalake at nagpaalam sa kanya ngunit hindi na sumulyap sa akin. Noong sumara iyon ay tiningnan ko na siya.
“You’re scaring your employees…” sabi ko.
Umangat ang dalawa niyang kilay.
“I don’t care.”
Sinimangutan ko siya. Ibang iba talaga siyang umasta pagdating sa ibang tao. Sobra niyang intimidating at parang pinaparating niya talaga sa mga nakapaligid sa kanya na tingalain dapat ang kagaya niya. Na hindi siya basta bastang tao at malaki ang kanyang naibubuga sa lipunan. Ganoon ang dating niya pag titingnan mo siya sa unang pagkakataon.
Tumigil ang elevator sa isang floor at lumabas din naman kami. Nagtungo kami sa kanyang office.
Pagkarating doon, ang agaran kong napansin ay ang malaking space ng loob. Masyadong spacious dahil wala masyadong gamit. This is bigger than my own room! Parang dalawang kwarto na ang kabuuan!
“Mag-isa ka lang dito?” tanong ko.
He nodded. “Yes. It’s my personal office…” sabi niya at hinaplos ang aking siko. “Feel free to do anything.”
Tumango ako at ngumiti. Nagtungo siya roon sa kanyang malaking mesa. Merong personal computer, laptop, mga folders na nakastock, telephone, at kung ano ano pa.
Tiningnan ko ang high walls na nakikita ang labas. Sumulyap si Anzai sa akin noong umupo na siya at kinuha na ang bawat folders.
Ngumuso ako at nagtungo sa sofa. Inilapag ko roon ang aking purse na dala dala kung nasaan ang aking cellphone.
Hmm… Wala akong masyadong magagawa rito. Kung hindi lang nandito si Haze, mabobored siguro agad ako at mas gusto nalang lumabas at umuwi.
Lumapit ako roon sa kanya. Ang agad kong napansin ay ang frame na nakatayo sa gilid. Kami iyong dalawa noon. I think iyong first photo namin together lalo na’t ngiting ngiti ako habang siya ay magkasalubong ang kilay at nakatitig ng malalim sa akin.
Kinuha ko iyon at hinaplos. He’s really handsome as hell! Kahit saang anggulo ang perpekto niyang tingnan.
Hinila ni Haze ang aking beywang hanggang sa iginiya niya ako sa kanyang kandungan at doon pinaupo.
“You’re working! Madidisturbo kita!” sabi ko at natatawa siyang tiningnan.
“I just want to hug you…” Iniyapos niya sa aking likuran ang kanyang mga kamay at inihilig ang kanyang baba sa aking balikat saka muling binuklat ang folder.
This is so comfortable… Kung ganito rin naman pala ang magiging posisyon ko sa kanyang opisina sa tuwing narito ako then why not? I will enjoy my stay here…
Ibinalik ko rin naman ang frame sa gilid at sunod na pinakialaman ay ang kanyang cellphone na walang password. I just watched some videos on youtube while he’s busy reviewing all the folders. Ayoko nang tingnan dahil alam kong wala akong mapapala roon.
Ilang sandali lamang ay may kumatok na. Gusto ko sanang tumayo ngunit ipinulupot na ni Anzai ang kanyang kamay sa aking beywang para pumirmi ako.
“Sir…” Bumukas din ang pinto.
Bumungad ang matangkad at naka pulang blouse at itim na skirt na babae. Her cleavage is just too expose kaya iyon agad ang nakita ko.
Nang makita niya ako, na nakaupo pa sa kandungan ni Anzai, ay nagulat ito.
“Yes?” ani Anzai sa baritonong boses.
Mabilis siyang bumalik sa sarili at naglakad na papalapit sa amin. Nagkatinginan kami. I smiled first at her. Ngumiti siya pabalik ngunit tipid lamang.
“I want you to remind about your schedule for today, Sir…” May inilapag siyang note sa mesa.
Kinuha iyon ni Anzai at tiningnan na kahit ako ay pinasadahan ko rin ng tingin. May mga ka meeting siya ngayon.
“Do you want coffee, Ma’am?” tanong niya, sumulyap pa sa aking dibdib.
“Uh… May orange juice?” sabi ko.
Tumango ang babae at ngumiti. “Yes, Ma’am…”
Ngumiti ako. “Oh sige… Iyon nalang.”
“How about you, Sir?” Binalingan niya si Anzai.
“No thanks. Tell the board members to wait for me for awhile…”
Tumango ang babae at nagpaalam din naman. Napatingin ako sa maiksi niyang skirt saka ko dahan dahang nilingon si Anzai na nasa folder na ulit ang mga mata.
“Secretary mo ’yon?” I asked him.
“Yes…”
“Ganda ah? Paborito mo talaga ang mga babaeng nagpapakita ng dibdib ’no?” Medyo naging matabang ang pagkakasabi ko.
Nilingon niya ako, nakakunot ang noo.
“I thought you’re okay with her? You even smiled at her…”
“Pwede namang lalake ang secretary ah? Required ba talaga ang magaganda at ganoon ka sexy?”
Namutawi agad ang nanunuyang ngisi sa kanyang labi. Umismid ako.
“Hindi naman sa nagseselos ako. Nagtatanong lang naman ako. Nacucurious lang…” sabi ko sa mahinahong paraan habang tumititig na siya ng husto sa akin.
“Hindi ako nagseselos ah,” giit ko at sinamaan siya ng tingin.
His wicked smile is just too annoying! Humalakhak siya at hinagkan ako sa pisngi.
“Who says you’re jealous, hmm?” Binitiwan niya ang folder at niyakap na ako.
“Hindi nga,” mas matapang kong sabi.
He kissed my expose shoulder at humalakhak doon. Ang kanyang hininga ay lumapat pa sa aking balat at nakakapanindig iyon ng balahibo.
Sumimangot na lamang ako. Hindi ba siya kumbinsido? Anong tingin niya? Bawat babae na malalapit sa kanya ay pagseselosan ko? I’m confident he’ll never look at them the way he looks at me…
Tumunog ang telepono kaya natuon ang tingin niya roon. Kinuha niya ito at sinagot.
“Yes… I’ll be there…”
Ibinaba niya rin naman iyon at hinaplos ang aking beywang para patayuin ako.
“Come with me. I have a meeting right now…” sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata.
“Huh? Ayoko! Dito lang ako! Maa-out of place ako roon!”
“You just have to sit on my lap, Ellia-”
“No! Oh my gosh!” Natatawa kong putol at tumayo na.
Kumunot ang kanyang noo, sinundan ng tingin ang aking pagtayo at hinabol pa ang aking kamay. Hinuli niya agad iyon para hindi ako gaanong makalayo sa kanya.
“Why?”
“Anong why? Imagine… Nasa meeting ka at nasa kandungan mo ako. It’s awkward! Dito na lang ako. Hihintayin kita…” sabi ko at inayos pa ang kanyang buhok.
Tila nag-imagine pa siya dahil hindi agad nakasagot. Pumapaskil sa gwapo niyang mukha ang pag-iisip ng husto.
“Sige na… Stop being so clingy to me. Omg!” Natatawa ko siyang pinatayo.
Ngumisi siya at tumayo rin, ayaw akong masyadong magbigay ng pwersa sa kanya.
“If only I can cling to you every second I’ll really do it, Elliana…” Iniyapos niya ang kanyang mga kamay sa aking beywang at yumuko para gawaran ako ng halik.
His kisses were slow and tempting. Kumalat agad ang matamis sa kabuuan ng aking dibdib at ilang sigundo akong nakalimot kung nasaan kaming dalawa.
Ako ang kusang humiwalay bago pa iyon lumalim at kapusin ng hininga.
“Sige na… Hihintayin kita rito,” sabi ko at tiningnan ang nakaawang niyang labing tila nabitin.
He licked his lips. “I’m really thinking… Paano kaya kita mapapaamo ng husto? I want a clingy Elliana… I want you to crave for my presence all the fucking time.”
Ngumiwi ako. “Nakakasakal ang ganoon ’no…”
“I don’t care… Choke me.”
Humagalpak ako. That doesn’t sound right to me! Humiwalay na ako sa pagkakayakap lalo na’t napapasarap na ang aming pag-uusap at baka hindi na siya makapunta sa kanyang meeting.
“Pumunta kana sa meeting mo,” sabi ko habang nakangisi.
Kinagat niya ang labi at sumulyap sa aking dibdib. Umangat ang dalawa niyang kilay at dahan dahang tumango.
“Sige na!” Natatawa kong sabi.
Anzai smirked at ninakawan pa ako ng halik.
“I’ll be back right away…”
Tumango ako at ngumiti.
Lumabas din naman si Anzai sa office. Noong maiwan na akong mag-isa ay gumala na ang aking tingin. Hmm… What should I do now? Sana pala nagdala ako ng book para may mapag abalahan ako.
May kumatok at pumasok din ang kanyang sekretarya na may dalang tray kung saan nakalagay ang aking orange juice.
Umupo ako sa upuan ni Anzai at bahagyang lumapit sa mesa. Noong makarating siya ay kinuha niya ang isang baso ng orange juice at inilapag sa aking harapan.
“May kailangan pa po kayo, Ma’am?” she asked me softly.
Umiling ako at ngumiti. “Thanks…”
Tumango siya habang titig na titig sa aking mukha.
“Ang ganda niyo po… Kaya siguro hindi natuloy ang kasal noon ni Miss Valdez at Sir Castellano dahil po sa inyo.”
I just gave her a warm smile. Ang tsismosa naman ng babaeng ito…
“Thanks…” sabi ko at hinaplos ang malamig na katawan ng baso ng orange juice.
“Aalis na po ako, Ma’am… Pwede kayong tumawag sa telephone if you need anything.”
“Alright… thanks,” sabi ko.
Noong maiwan ulit akong mag-isa ay hindi ko na alam ang aking gagawin. Pinakialaman ko nalang ang gamit ni Anzai. I even opened his laptop. There’s a password…
Ano kayang password noon?
Hmm… I tried to enter my full name ngunit hindi naman iyon ang kanyang password. Sinubukan ko rin ang kanyang pangalan pero hindi rin. Sa ikatlo kong subok ay hindi rin.
Baka naman puro numbers? I tried to enter one two three at noong hindi tumama ay sinubukan ko naman ang one four three kaso hindi rin.
Sa kakasubok kong buksan iyon ay nagulat na lamang ako nang may biglang pumasok. Sa pagkakataranta ay nasagi ko pa ang orange juice at mabilis iyong kumalat sa mesa.
“Oh my God!” sigaw ng babaeng kakarating lang.
Mabilis akong napatayo at umalis sa mesa lalo na’t tumutulo na ang juice. Ayoko namang mamantsahan ang puti kong suot!
Mabilis kong pinatayo ang baso ng juice at naghahanap ng pwedeng ipamunas ngunit masyado nang oa ang bisita ni Anzai.
“I’m shocked! You’re here?” aniya, ang mga mata ay nanliit pa sa akin.
Tiningnan ko ang Mommy ni Anzai. He’s wearing an elegant dress with a coat on it. Sa kanyang pulso ay naroon ang designer bag niyang kumikinang sa karangyaan.
Tumango ako at pilit na ngumiti.
“Yes po… Nagulat rin po ako na… nandito kayo,” sabi ko at sumulyap muli sa mesang basang basa.
“Bakit ba dinala ka rito ng anak ko? Wala ka rin namang nagagawang tama?” Nailing siya at nahipo ang noo habang padabog na naglakad pabalik sa pinto.
Kinagat ko ang aking labi at inilayo ang laptop ni Anzai. Ang mga dokumentong natapunan ng orange juice ang aking inaalala. Baka mapagalitan ako noon.
“Yes… I need a janitor… Pakibilisan,” sabi niya habang nakadungaw sa pinto at mukhang may kausap na gwardya.
Lumayo ako ng tuluyan sa mesa. Nilingon ako ng kanyang Mommy at matalim agad ang tingin sa akin. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti pero nabura rin agad iyon at hinaplos ko na lamang ang aking siko.
“Anzai is really crazy. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at pinulot ka pa.” Narinig kong sabi niya.
Huh?
“Madame… Ako po ang pumulot sa anak niyo dahil parang masisiraan na ata siya ng bait pag hindi ko iyon ginawa…” sabi ko na ipinagsalubong ng husto ng kanyang mga kilay.
Humalukipkip siya, dismayadong dismayado ang mukha. Ang nipis nipis pa ng kanyang kilay kaya pag umaangat iyon ay on point talaga.
“Don’t be so confident about it, hija. Hindi pa kayo kasal. Pwede ka pang itapon ng anak ko ano mang oras.”
Ngumiti ako at tumango.
“Oo nga po… Hindi pa legal ang pagkakatali namin sa isa’t isa kaya pwede ko pa siyang itapon ano mang oras…” Pag-uulit ko at ngumuso.
Her eyes sharped at me. Parang gusto niyang sumugod ngunit ipinipirmi lamang ang pagiging elegante at ayaw gumawa ng makakasama sa kanyang imahe.
“Nakita na kita noon pa man… You like him so much. Para kang lintang baliw na baliw sa anak ko at dikit nang dikit. Aren’t you ashamed? Kahit ngayon… Kahit hindi ka naman parte ay sinisiksik mo parin ang sarili mo!” Tumaas na ang kanyang boses.
Hindi na ako nagulat pa sa tabas ng kanyang pananalita. She’s Anzai’s mother… Gusto kong maoffend doon ngunit iniexpect ko narin kasi na hindi niya ako gusto kaya siguro hindi man lang ako makaramdam ng kaonting kirot man lang.
“Walang galang na po pero hindi naman po ako ang baliw na baliw sa anak niyo. Siya po ang baliw na baliw sa akin. Siya ang parang lintang dikit nang dikit. Ang anak niyo po ang napakahigad sa aming dalawa. Kaya kung gusto niyo pong paghiwalayin kami, si Anzai po ang pagsabihan niyo. Hindi po ako.”
“How dare you,” matigas ang kanyang boses at halos mabura ang nipis na kilay sa galit.
“Alam ko ang dinidikit dikit mo sa anak ko, hija. You cannot fool me. Sino bang hindi kakapit sa tanging tagapagmana ng isang malaking kompanya? Are you enjoying?” Tiningnan niya ako sa disgustong paraan.
“Kung sinasabi niyo pong pera ang pakay ko, huwag po kayong mag-alala kasi marami rin kami noon. Pwede ko rin pong sabihin na ang anak niyo ang naghahabol sa akin dahil sa aming yaman.”
Namula siya ng husto sa galit. Para na siyang dragon na gusto akong bugahan ng apoy. I equalled his raging anger with a sweet smile.
She cannot pushed me using her hatred towards me. Gusto kong maramdaman kong mahal ko ang anak niya at hindi ko basta iyon bibitiwan nalang. Ito pa ba ang magpapaatras sa akin? We both conquered death. May mga oras na kamuntik na kaming mamatay dahil sa pagmamahal na pinipilit naming dalawa sa isa’t isa.
Kung sa mga ganoong salita lamang ay magpapaapekto agad ako, mawawalan ng saysay ang lahat. Besides… Those hurtful words doesn’t affect me. Kung hindi si Anzai ang magsasabi, hindi ko iyon paniniwalaan at pakikinggan.
“Kalma po kayo. Baka magkawrinkles kayo at mas makita ang katandaan niyo…” sabi ko sa marahang boses.
Her hand turned into fist. Nag-aalab na ang kanyang mga mata. Umawang ang kanyang labi at may sasabihin sana nang may kumatok sa pinto. Natutop ang kanyang bibig at mabilis niyang na kumpostura ang sarili.
Pumasok ang janitor. Napatingin siya sa akin. Ngumiti agad ako bilang paumanhin.
“Pasensya na po. Nasagi ko iyong orange juice…” sabi ko.
Sumulyap ang janitor saglit sa Mommy ni Anzai at nagbigay galang bilang pagyuko saka muling tumingin sa akin.
“Okay lang po iyon, Ma’am…” sabi niya at nagtungo na sa may mesa dala dala ang kanyang mop.
Nagtamang muli ang mga mata namin ng ina ni Anzai. Umirap agad ito sa akin habang humahalukipkip. Tahimik na lamang ako sa sofa habang naglilinis. Kahit noong umalis na ito ay nanatiling tahimik ang loob.
Ang kanyang ina naman ay iritang irita at pabalik balik ang paglalakad. Pinatawag niya pa ang sekretarya ni Anzai at sa kanya nagdrama. She almost fainted kaya inalalayan siya ng sekretarya para paupuin sa sofa.
“Where’s my son? Pakisabi at bilisan niya sa kanyang meeting dahil na ha-highblood ako,” madrama niyang sabi at hinilot ang ulo.
Tumango agad ang sekretarya at sumulyap sa akin saglit habang pinapaypayan na ang ina ni Anzai.
“Just rest for awhile, Mrs. Castellano. Gusto niyo bang tumawag ako ng medic?”
Tumango ang ina ni Anzai. “Yes please… I think I’m going to collapse…” Pumikit siya at sumandal sa sofa.
“Ipapaalam ko lang po sa anak niyo ang kalagayan niyo, Madame…”
“Yes please… Thank you…” she said in a tired voice.
Huling sulyap sa akin noong sekretarya ay umalis din naman agad ito at lumabas na. Naiwan ako rito kasama itong madramang hinihilot ang kanyang noo.
“Gusto niyo pong masahiin ko ang ulo niyo?” I offered nicely.
“Shut-up! Huwag mo akong hahawakang babae ka!” sigaw niya sa akin at galit na dumilat.
Nagulat ako at natutop ang bibig. Ang arte naman… Ba’t parang kasalanan ko pa ata ang nangyayari sa kanya?
Pumikit siyang muli at hinilot ang ulo. Anzai really inherit her bad attitude. Maarte, maattitude.
May mga pumasok na medic sa loob ilang sigundo ang nakalipas. Chineck ang kanyang blood pressure at may kung ano ano pa ang ginawa sa kanya. Bale may isang nurse at isang lalake ang naroon para icheck ang kanyang problema.
“What’s happening in here?” Sumulpot si Haze sa loob.
“Oh, son…” Madramang tawag ng kanyang ina na akala mo ay magsusumbong na.
Sumulyap si Anzai sa akin. Chineck muna ako at nagtungo sa kanyang ina na pinapalibutan pa ng mga medic.
“She’s fine, Sir… Medyo nastress lang kaya umakyat ang kanyang blood pressure,” sabi ng nurse.
“Son! That girl!” Mabilis niya akong itinuro. “Sinagot sagot niya ako!” she whined dramatically.
“She’s the reason why I’m like this! I almost collapse!” dagdag niya pa sa mas madramang paraan.
Anzai seemed unbothered about it. Hindi ko makitaan ng pag-aalala ang mukha at mukhang basang basa ang kanyang ina. Maybe she’s pulling out some tricks like that when she’s trying to get Anzai’s full attention?
“Did you check her, too?” tanong ni Anzai sa nurse at tiningnan ako.
“Sir?” nalilitong tanong nito at tiningnan din ako.
“Anzai!” ang Mommy niya na galit pa akong nilingon.
Umiling agad ako. “Okay lang naman ako… I think Anzai’s mother needs the full attention. Bata pa po ako. Wala pang sakit na nararamdaman at malakas pa…”
Ngumisi si Anzai sa akin. Her Mom’s jaw dropped. Kahit ang mga medic ay nagkatinginan.
“Ma… Huwag niyo na kasing pwersahin ang sarili niyo kung hindi niyo na kaya. You should get some rest…” ani Anzai.
“Son… I am still young at iyang babae na iyan ang nagpakulo ng dugo ko. Sinagot sagot niya ako!” aniya, iyon ang ipinagpipilitang paniwalaan ni Anzai.
“Ano ba kasing tinanong tanong mo, Ma?”
The two medic personnel pursed their lips. Ngumuso rin ako habang si Haze ay kalmadong nakapameywang sa suot niyang tux.
Hindi na nakasagot ang kanyang ina at mukhang ayaw nalang ipilit dahil parang hindi naman nakikinig si Anzai sa kanyang gustong iparating. Nagpaalam na iyong dalawang medical personnel at naiwan kaming tatlo sa loob.
Anzai went to me and kissed my head. Niyakap ko ang kanyang beywang at ipinahinga ang aking ulo sa kanyang balikat. He smells so good… It’s comforting.
“May aksidenteng nangyari?” sumbong ko.
“Hmm, what is it?” he whispered.
“Nabuhusan ng orange juice ang mga documents mo sa mesa. Nagulat ako eh…” Kinagat ko ang aking labi at kinabahan.
“Those are just useless papers. Buti at hindi ka nadumihan? Naka puting dress ka pa naman,” sabi niya sa marahang boses at gumapang na ang kamay sa aking batok, sinusuklay suklay ang aking buhok.
Mabilis na nawala ang aking pangamba na baka magalit siya. Sumulyap ako sa kanyang Mommy na galit na nakatingin sa amin. Noong sumulyap din si Anzai sa kanya ay mabilis na umamo ang kanyang mukha.
“Uuwi kana ba, Ma?” tanong niya.
“Yes, I will… Hindi na maganda ang timpla ng mood ko. All thanks to your girl,” she spat.
“You’re welcome po,” sabi ko sa pabirong paraan na ikinahalakhak ni Anzai.
Her mom’s jaw dropped.
“See?! Oh my God, Anzai Haze! There’s something about that girl!”
“Exactly, Ma. I wouldn’t choose her if she’s just an ordinary girl. There’s really something about this angel…” Anzai smirked at me.
Ngumisi ako pabalik. Natutop naman ang bibig ng kanyang ina at tumayo na, parang hindi na kayang manatili rito na kasama kaming dalawa.
“She poisoned your mind! I cannot believe this…” Narinig kong sabi ng kanyang ina bago nagmartsa paalis, dala dala na ang kanyang designer bag.
“Bye Ma. Rest well…” Anzai said in his baritone voice.
Her mother slammed the door. Bahagya pa akong nagulat. Tiningnan ko si Haze.
“Ang higad mo kasi. Sa rami rami ng babaeng pipiliin mo, doon ka pa sa babaeng ayaw ng Mommy mo para sa’yo.” Umirap ako sa kanya.
“How can I even resist this girl… Fuck the world. I’m going to choose you over and over again.” Ngumisi siya at lumapat na ang labi sa akin.
Humagikhik na lamang ako at nakiliti sa atake ng maliliit niyang halik.
54th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
Hidden Talent
“Bagay na bagay yan sa’yo…” ani Nana nang bumisita ako sa kompanya para kumuha ng gown para sa malaking event na dadaluhan.
Tiningnan ko ang isang tube top white long gown na may hiwa sa gilid ng parte noon. It looks so elegant, kahit na simple lamang ay makikita mo talaga ang dating ng dress lalo na’t may pagka silk din ang tela.
“This is so lovely…” namamangha kong sabi at hinaplos iyon na suot pa ng statwa.
Nana smiled at me.
“Bagay na bagay ’yan sa’yo… You’re going to stand out for sure,” aniya.
Tiningnan ko siya. “Kaya nga sa iyo na ako dumeritso lalo na’t iyong ina ni Anzai ay parang may pagkademonyo at sigurado akong mamaliitin ako. I need to look great… Kung mapapahiya man at makukuha ang lahat ng kanilang atensyon, at least I’m wearing your masterpiece at maipopromote pa kita.” Ngumisi ako.
Humagalpak si Nana. “You’re crazy! Hindi ka naman siguro ipapahiya! Oh my God Elle… Sa ganda mong iyan, sila ang mapapahiya sa’yo.” Kumindat siya.
I chuckled. Babaunin ko na nga lang ang self-confidence ko eh. It’s a big event and Anzai is expecting me to be with him as his date, or wife, or anything he wants me to be on that night… Di naman ako reklamador.
I’m really looking forward to it! Naroon ang Daddy ni Anzai, ang isa sa mga nirerespetong business tycoon at nangunguna pagdating sa Shipping Lines. I’m really nervous. I can imagine an old Anzai infront of me who’s more ruthless and intimidating.
Malalamon ata ako ng buo ng angkan nila! They’re really something else… Biyanan ko pa nga lang parang nadedemonyo na eh. Buti nalang talaga at well trained narin ako sa tabas ng dila ni Haze.
“You’re here…”
Sumulpot ang kakarating lamang na si Zera. She’s wearing a simple top and jeans but her navel is quite showing at nakasuot din ng glasses.
“Kukuha lang ako ng gown for a big event…” sabi ko at hinaplos ang buhok kong nakalugay.
Umupo siya sa swivel chair na malapit sa mesa ni Nana at hinubad ang suot na glasses. Her stern face got revealed more. She eyed me seriously.
“Big event? Castellano?”
I nodded. “Dadating din kasi ang Daddy ni Anzai…”
“Sino pa?” tanong niya.
Kumurap ako. Wala namang nabanggit si Anzai na dadating bukod sa kanyang Daddy. Wala rin naman kasi iyong iba pang pamilya. He doesn’t have brothers nor sisters. So I guess iyong Daddy niya lang ang uuwi.
“Wala na…”
Nadismaya siya sa aking sagot na tila may gusto siyang marinig pero mabilis din naman iyong nabura sa kanyang mukha. She nodded at sinuklay paatras ang buhok, ang mga mata ay umiwas na at natuon sa aking gown.
“Bagay sa’yo ang ganyang kulay,” aniya.
Napangiti ako roon at tiningnan muli ang gown. Si Nana naman ay bumalik na roon sa mesa.
“When am I going to meet your husband, Elle?” tanong ni Nana.
Inalis ko narin ang aking atensyon doon at nagtungo na sa kanilang gawi. Umupo ako sa bakanteng swivel chair at inayos ang suot na sleeveless white dress.
“Nagsisimula na kasi siyang maging busy eh… Pero dadalhin ko siya rito minsan…”
“I’ve seen him on magazines! He’s so hot! Hindi ako makapaniwalang napaamo mo ang ganoon ka…” she said, trailing.
“Kademonyo.” Si Zera na ang dumugtong.
Ngumiwi si Nana. Napangisi ako at pinitik ang buhok patungo sa likod. I am so proud! Hindi nga naman kasi basta basta si Haze. Noon pa man, palagi siyang naiiba sa lahat. Sa grupo, siya talaga ang madalas pinag-uusapan lalo na’t nakaw pansin talaga ang kanyang tindig at kabuuan. His image screams perfection! Idagdag pa iyang ngisi niyang malademonyo rin.
“Eh ikaw rin naman ah? South looks ruthless!” sabi ko.
“Nope… He’s not. Suplado lamang siyang tingnan at intimidating because of his deep eyes but overall, hindi siya ganoon ka…”
“Kademonyo tingnan,” si Zera muli.
Ngumuso ako. Tumawa naman si Nana at tumango tango kay Zera.
“Pero ang gwapo niya ano? He looked like a frigging hollywood actor! Iyong pwedeng bida pero mapagkakamalan mong kontrabida,” she said.
I smirked. Umismid naman si Zera kaya natuon sa kanya ang aming atensyon.
“Eh ikaw, Zera? Naunahan ka pa ni Elle can you believe it?!” Humagalpak si Nana. “Akala ko talaga ikaw ang mas mauuna since you are too…”
“Bitchy.” Ako ang dumugtong.
Tumango tango si Nana habang natatawa. Si Zera naman ay nasa kabilang dako ang mga mata at nakahalukipkip na.
“Ni boyfriend wala ka pa…” si Nana.
“Tsss. I am still young. I am still twenty-four. Hindi ko kailangang magmadali sa ganyan dahil hindi naman ako mauubusan ng lalake. Ako pa…” sabi niya, puno ng kasiguraduhan ang boses.
But she’s turning twenty-five this year! Tapos ni boyfriend wala… Balak niya bang tumandang dalaga?
“Ireto mo nalang kaya sa kapatid ni Anzai si Zera, Elle?” ani Nana na sumandal narin sa kanyang swivel chair.
“Only child si Haze eh. Wala siyang mga kapatid… Sayang nga. Edi sana isa isa tayo ng Castellano.” Tumawa ako.
Umirap si Zera. “I don’t like ruthless looking boys.”
“Iyong soft version lang ni Anzai sana,” sabi ko na ikinatango tango ni Nana.
“Kaso wala eh… Isa lang siya. His Mom looks so maarte kaya baka hindi na nagdagdag ng isa pang anak.”
“Baka mabuntis nalang kami ni Elle wala ka paring boyfriend ha,” ani Nana na ikinatawa ko.
Puro na kami kwentuhan ni Nana ng kung ano ano. Hindi masyadong nakikisali si Zera sa usapan pero sumasabat naman siya minsan. We talked about Brandy at mukhang may balak daw iyong pumarito next month.
“May dadaluhan akong fashion show sa Canada at baka sasama na iyon pauwi sa akin since iyon din ang nabanggit sa akin ni Tita Yui. They want to throw her here… Ako na naman ang makukunsumisyon sa kanya rito.”
Ilang taon na ba si Brandy ngayon? I think she’s turning nineteen this year? Oh yes… She’s already eighteen.
“Bakit daw?”
“Legal age na eh. Pwede na iyong makulong doon. That girl is too wild. Masyado rin kasing inispoil nina Grand Uncle,” ani Nana at nailing.
“Feeling ko nga mas malala pa iyon kaysa kay Zera…” sabi ko.
“Tingin niyo ba talaga sa akin napaka spoiled brat?” Umismid siya.
“Kung ikukumpara sa aming dalawa ni Elle, we all know you’re the worst, Zera,” ani Nana na ikinatango ko naman.
Umirap siya.
“For sure Brandish is your worst version,” sabi ko.
Laking ibang bansa kasi. Sa States siya ipinanganak at sa States din lumaki. Walang masyadong naghihigpit hindi katulad sa aming tatlo na lumaki talagang umaaligid ang mga pinsan namin at mga kapatid. Bantay sarado palagi.
After talking about Brandish ay nalipat din naman sa nalalapit naming kasal ni Anzai.
“Baka magkasabay kayo ni Kuya Grey, Elle… Hindi ba at engage narin sila ni Chey?” tanong ni Nana.
“Oo raw eh… Nabanggit iyon ni Mommy sa akin. Nagulat nga ako lalo na’t hate na hate ni Ate Chey si Kuya Grey.”
“She slipped,” Zera smirked. “Kakatakbo niya patungo kay Kuya Toshi noon, kay Kuya Grey din pala bumagsak.”
Natawa kami ni Nana. I remembered those days! Chey is fangirling too much! Para na siyang obsess na ewan dahil harap-harapan talagang ipinagmamayabang na si Kuya Toshi ang gusto niya. But look at her now… She end up with someone she doesn’t even like from the first place.
“But Grey is just too loyal… Baliw siya kay Chey,” si Nana naman.
Tumango ako. “Yes. Aware naman tayong lahat doon eh…”
Bumaling muli si Nana kay Zera na tahimik na naman at parang may malalim na iniisip. Bigla bigla nalang siyang natutulala at parang namemental block na ewan. She’s really different unlike her usual self. Ngayon kasi, parang palagi siyang wala sa sarili.
“Sana bago man lang ikasal sina Chey at Grey ay makapagboyfriend kana, Zera…” pang-aasar niya.
Umismid si Zera nang matauhan.
“Baka di pa ’yan matuloy eh,” she said bitterly.
Tumawa kami ni Nana.
“Bitter!”
Umirap lamang siya at sinuklay paatras ang buhok.
“Ang alam ko on off on off daw ang relasyon ng dalawa. Maghihiwalay pero magkakabalikan ulit. Hindi na nga mabilang kung nakailang break sila,” sabi ko, base narin sa nakalap na tsismis.
Tumango si Nana. “And Kuya Grey is a proffesional doctor now… Kaya hindi malabong sobrang busy talaga noon dahil may mga nililigtas na pasyente. Baka oras ang problema ng dalawa kaya on off on off sila noon,” sabi niya.
Nagkibit ako, hindi na alam kung ano pa ang rason. But one thing is for sure, Kuya Grey will never let her get away and this time… itatali niya na talaga.
“Naunahan pa sila ni Kuya Toshi at Irah sa pagpapakasal,” ani Nana at natatawang umiling.
Doon umikot ang aming topic. Minsan lang din kasi ako nakakabisita rito kaya humahaba talaga ang aming pag-uusap tungkol sa aming mga pinsan.
Noong mga alas dos ay nakatanggap na ako ng tawag kay Anzai. Nasa kompanya siya at maraming inaasikaso roon. I told him na tatambay nalang muna ako sa kompanya ng aking pinsan at pumayag naman siya pero heto siya ngayon, minu-munuto nang tumatawag!
Sinagot ko ang isa niyang tawag na natyempuhan ko na talaga. I excuse myself at tumayo para makapaghanap ng tahimik na lugar.
“Hello?”
“I missed you…” Agaran niyang salubong sa kabilang linya.
“Huh? Akala mo naman di tayo umuuwi sa isang lugar.” I chuckled softly.
“Where’s my ‘I miss you, too?’” ani Haze, hindi pinansin ang aking sinabi.
Nilingon ko ang aking mga pinsan na ngayon ay hindi na nag-uusap lalo na’t nasa cellphone rin ang atensyon ni Zera habang si Nana ay nagsisimula nang magsketch.
Binawi ko ang aking tingin at itinuon iyon sa labas ng high walls kung saan tanaw na tanaw ang kabuuan ng City.
“I miss you, too…”
He sighed. “Come here. Let’s have some lunch together.”
“Tapos na akong kumain! And it’s already 2PM! Hindi ka pa kumakain?”
“Not yet…” aniya sa malungkot na boses.
Sumimangot ako. “Kumain kana.”
“Let’s have lunch together. Kakatapos lang ng meeting ko. Gusto mong sunduin kita?”
Kinagat ko ang aking labi. Ang clingy clingy talaga nitong lalakeng ito pero ang hirap hirap tanggihan! Sino rin bang ayaw makita ang ganitong lalake? Nabibilib nga ako sa sarili ko at parang hindi ako masyadong naoobsess kahit na parang nalulunod na ako minsan sa kanyang kagwapuhan. Hindi lang talaga ako clingy… unlike him.
“Alright… Magpapaalam lang ako.”
Pinakawalan din naman ako ng mga pinsan ko pagkatapos kong sabihin na susunduin ako ni Anzai. Biniro pa ako ni Nana baka ako na raw ang susunod na magkakababy. Maybe?
“Hello…” Bati ko nang buksan niya ang front seat sa loob.
Ngumisi siya at lumapit sa akin. He gave me a kiss on my cheek at hinila narin ang seatbelt.
“Let’s go somewhere for a date…” ani Haze.
Ngumuso ako at tumango. Nakahubad na ang kanyang coat at ang tanging naiwan ay ang panloob na puting shirt na nakabukas ang dalawang butones. His hair was even disheveled at namumula ang labing panay niya atang kinakagat.
Sinimulan niya nang paandarin ang kotse. Tumingin siya sa itaas ng salamin at inikot ang manibela palabas ng parking lot.
Noong nasa highway na kami ay nagmaneho na siya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay nakasalikop sa aking kamay na panay niyang hinahalik-halikan.
“Hindi ka talaga naglunch?” I tilted my head and watched his handsome face.
Umiling siya. “Wala akong ganang kumain pag di ka kasama.” Sabay ngisi sa akin.
Grabe Anzai!
“Baliw na baliw ka talaga sa akin ’no?!”
He chuckled. “Sobra, Elliana…”
I chuckled softly, too. Kadalasan kasi ngayon sa isang relasyon, ang mga babae ang nababaliw sa lalake. Sila ang palaging sobra sobra kung magmahal. Kaya nilang ibuhos ang lahat kaya pag iniiwan, sila ang mas lalong nasasaktan dahil wala nang natitira para sa kanilang sarili.
Pero sa amin ni Anzai, he’s the one who’s pouring his love so much for me. Hindi naman sa hindi ko siya mahal, pero iyong akin ay alam kong may mga araw na kaya ko namang hindi muna siya makasama. I can live a day without him. Pero siya? He can’t even live a minute without me. Para akong heartbeat niya na pag wala ako sa tabi ay baka malagutan siya ng hininga ano mang oras. Ganoon na ang dating sa akin.
“Paano kaya kung bigla kitang iwan ’no?” I said, after my realization.
“Susundan parin kita,” sabi niya na ikinangisi ko.
I’m so sure of it! Iyon talaga ang gagawin niya pag umalis ako nang hindi nagpapaalam.
“Pero paano kung this time ay hindi mo na ako mahanap?”
He sighed and kissed the back of my hand longer.
“I’m willing to trade anything just to have you back again. Kahit pa siguro buhay ko ang kapalit, Elliana.”
Sa sobrang seryoso ng boses, bigla akong natakot sa mga kaya niyang gawin.
“I don’t want to lose you again…” he whispered.
Inabot ko ang kanyang panga at hinaplos. Pumungay agad ang kanyang mga mata nang makita akong nakangiti. I love this man so much… Finally, ito na iyong desisyon ko sa buhay na alam kong hinding hindi ko pagsisisihan. I am proud I chose him over anything else. Masaya ako at naging matapang ako para sumugal muli sa aming dalawa.
Sa gabing iyon ay may nilakad din kami. Pagkatapos ng kanyang trabaho sa kompanya, dumeritso agad kami roon sa sinabi niyang dadaanan muna namin saglit.
Umakyat kami sa isang parang building hanggang sa makarating sa pinakatuktok gamit ang isang elevator. It looked like a hidden Bar on a rooftop. Lalo na’t noong makarating kami mismo sa bukana, ang sumalubong agad sa akin ay ang malakas na chill music at mga halakhakan ng naroon.
Hinawakan ni Anzai ng mahigpit ang aking beywang. Humawak naman ako sa kanyang braso. I can smell some elite in here… Lalo na iyong mga nakatambay sa railings at nakatanaw sa magandang citylights sa malayo habang naninigarilyo.
“Anzai!” May sumigaw noon.
Pati ang aking tingin ay hinanap narin kung sino man iyon sa dim na paligid. May mga round tables at couch doon na binabakante na ng iilan. They’re drinking something, lalo na’t may bucket of drinks pa sa mesa.
Kumaway ang pamilyar na lalake, pinapapunta na kami roon.
Ang agad kong napansin ay ang mga babaeng nagtinginan hindi sa akin, kundi kay Anzai. He’s getting their attention… lalo na’t sa sobrang lagkit ng tingin at halos hindi na kumukurap. Eh sino ba ang hindi mapapatingin? Nakaputing shirt na lamang siya at nakarolyo pa ang sleeves, plus the three buttons were unbottoned! Idagdag pa ang buhok na tila ginulo niya o nagulo lamang ng hindi sinasadya. He’s so sexy! So hot…
“Iinom ka?” tanong ko habang naglalakad na kami.
“Kung papayag ka. Kung ayaw mo… hindi,” he whispered.
Ngumuso ako. It’s our first time together on a Bar. Noon kasi, kung tama man ang naaalala ko, ay puro hobbies niya ang aming ginagawa, ang aming pinagkakaabalahan. Nagkikita lamang kami sa Bar kung sumasabay ako kina Kiera, pero iyong kami talaga ang pumunta ay hindi pa namin nagawa.
Lumapit din naman kami sa table kung saan sila nakapwesto. The place has a modern style at masyadong open space lalo na’t tanging railings na lamang ang bawat gilid noon. Nasa left corner lamang ang counter na kulay itim at kung nasaan nagmimix ng drinks ang bartender at tila lumiliwanag siya roon dahil sa neon lights.
Humalakhak ang lalake at tumayo saka nakipagbungguan ng balikat sa kanya, ganoon din ang isa pa. It’s his friends! Hindi ko lang talaga alam ang mga pangalan pero namumukhaan ko sila kahit ilang taon na ang lumipas at nagbago narin ang kanilang tindig. Mas naging manly…
Hinila ni Anzai ang bakanteng upuan para sa akin at doon ako inalalayang umupo. Ngayon, nasa akin na lahat ang kanilang mga mata.
“Iba talaga ang kamandag ng isang Delafuente! Ano ’yan, goals kayo ni Isaiah? Pinaluhod at lumagapak ng husto?” Humagalpak ang lalakeng naka black shirt. His messy hair was telling me he’s a playboy… Lalo na’t sa charm din ng kanyang mga mata, parang ganoon ang dating sa akin.
Pero ano raw? Goals sila ni Isaiah? May gustong Delafuente si Isaiah? Huh? Sino naman? Eh sina Nana at Zera lang naman ang pinsan kong Delafuente. Imposible naman kung si Brandish!
“I think Anzai is more whipped!” Iyong mistiso naman at nakipag-apiran sa lalake.
Anzai rested his hand on my leg nang umupo na siya sa aking tabi. Dikit na dikit ang aming upuan at hindi na masyadong pinakinggan ang dalawa dahil nagsasalin na siya ng sarili niyang inumin.
“Pwede?” he asked me after pouring some drinks on his shotglass.
Tumango ako. Nagulat ang dalawa sa pagiging maamo ni Anzai sa akin. Iyong kahit alam na nila ang meron sa amin, nagugulat parin sila at parang hindi sanay sa pagiging ganoon ni Anzai.
Siguro ako lang ang nakakakita ng lahat ng kanyang side. They never see them beg for a chance, they never saw his eyes with tears begging for me. Hindi nila nakita kung gaano kaamo ang tinitingnan nilang akala mo ay isang mabangis na leyon.
“By the way…” Tumikhim iyong isa at napunta na sa akin ang buong atensyon. “I’m Lyle Morales…”
Naglahad ito ng kamay sa akin. Bago ko pa matanggap, si Anzai agad ang tumanggap and I think he squeezed him hard lalo na’t namilipit agad ito.
“Nice to meet you…” ani Anzai.
Tumawa ang lalake at binasa ang labi. Iyong Lyle naman ay pilit binabawi ang kamay kay Anzai na hindi niya parin binibitiwan.
“I’m Raziel,” sabi ng mistisong lalake na kumaway na lamang sa akin.
I smiled at him. “Hi…”
Napasinghap ang lalake at natulala sa akin. Kahit iyong nagngangalang Lyle ay narinig kong magmura.
“Shit… Anzai! Ang swerte mo!” he cursed more.
Anzai just smirked at nagawa pa akong akbayan saka pinisil ang pang-ibaba kong labi. Yumuko siya at bumulong.
“Stop smiling… You’re going to give them a heart attack…”
Oh… Iyon ba? Ngumuso ako. Anzai chuckled with my reaction.
Nagkatinginan ang dalawa sa galawan ni Anzai sa akin, lalo na’t hindi niya na inalis ang pagkakaakbay niya at pinaglalaruan lamang ang aking labi na pinipisil niya minsan, o kaya ay ang aking baba na pinipisil niya rin.
“Maiba ako Anzai, si Isaiah… Kailan ang uwi?” tanong ni Raziel sa seryosong tinig.
“Next year, I guess…” Sabay lagok noong sinalin niyang drink sa kanyang shot glass.
“Next year pa? Ba’t ang tagal niya roon?” si Lyle naman.
“Nag-aaral ng Law,” aniya.
Namilog ang mga mata ng dalawa.
“Tangina? Law?” si Lyle.
“Ang hirap talaga pag masyadong matalino ka.” Nailing iyong Raziel.
Nilingon ako ni Anzai just to check on me, binalewala ang reaksyon ng dalawa.
“You hungry? O gusto mong uminom ng orange juice?”
Tumango agad ako, lalo na’t gusto ko ring kumain dahil sa kabilang mesa, may nilalantakan ang grupo ng mga babae, habang ang isang babae ay umiiyak pa, tila brokenhearted.
May sinenyasan si Anzai na waiter. Lumapit ito at nagbigay ng menu. Ang dalawa ay tila nanonood nalang sa amin ni Anzai, lalo na’t nasa akin din ang buong atensyon nito at parang makakalimutan na na may kasama pa kaming iba at mga kaibigan niya.
“This one?” Itinuro niya ang fries.
Tumango ako at ngumiti.
“Ano pa?”
“Uh…” Iginala ko ang tingin. “’Tsaka chicken wings. And um… Pati ito?” Tiningnan ko siya.
Tumango siya. “Anything else?”
Tiningnan ko muli ang menu at binaliktad ito. May mga desserts doon. Itinuro ko iyong chocolate ice cream na nasa maliit na bowl.
“Ito nalang.”
Nagtawag muli si Anzai at sinabi ang aking mga order. Iyong dalawa naman ay nag-uusap na at mukhang si Anzai ang topic dahil ngumingisi sila sa kanya, sa amin.
Nangibabaw ang panibagong tugtog. It’s a tagalog song at mas humiyaw ang nasa kabilang table habang ang isa ay nakahilig na sa mesa habang humahagulhol.
Labasan ba ng hinanakit ang Bar na ito? Masyado rin kasing chill ang mga kanta hindi katulad sa 3DBar na talagang hihilain ng kanta ang kaluluwa mo hanggang sa dalhin kana sa dancefloor.
Paiba iba na sila ng topic habang ako ay kumakain lamang. Anzai keeps on watching me, ngingisi sa dalawa tapos lilingon sa akin minu-minuto. Sinubuan ko pa siya ng fries dahil parang nagpapapansin talaga sa akin sa pabalik balik niyang tingin.
“Alam mo ba na may hidden talent iyang si Anzai pag nalalasing?” Humalakhak si Lyle, tila binubuko ito sa akin.
“Shut up, Lyle,” si Anzai sa baritonong boses.
Humagalpak si Raziel, marahil ay may naaalala.
“Hindi iyan madaling lasingin pero pag natamaan ng sobra may ginagawa iyan!” si Lyle na namumula na ang mukha kakatawa.
“Shut-up.” Sinipa niya ito sa ilalim ng mesa.
“Sabihin mo sa kanya, Anzai! Expose your talent!” si Lyle na hinampas pa ang table.
“Uuwi ka talagang may pasa ngayon, gago ka!” si Raz naman na hindi rin mapigilan ang tawa.
Kumunot na ang noo ko at tiningnan si Anzai.
“Ano ’yon?”
Kinagat niya agad ang kanyang labi.
“Tell her… She’s curious,” si Anzai na masyado atang nahihiyang manggaling sa mismo niyang bibig.
“Woah! Hindi mo naman siguro ako papatayin, ’di ba?” si Lyle.
“Ano ’yon?” sabi ko at kinuha ang atensyon niya.
“Oh… Hindi ka mabubugbog ni Anzai. May alas ka oh…” Nginuso ako ni Raziel.
Nag-apir muna silang dalawa bago ako binalingang muli. Anzai squeezed my inner thigh, naroon na ang kamay at namamahinga.
“One time, nilasing iyan ni Isaiah ng husto kaya sumampa siya sa itaas ng aming mesa, isa isang kinalas lahat ng butones ng kanyang suot habang nags-sexy dance!” Humagalpak ng husto si Lyle, ganoon din si Raziel.
Namilog ang aking mga mata lalo na’t naimagine ko talaga sa aking isipan kahit na parang imposibleng gawin iyon ng isang Anzai Haze Castellano! Oh my gosh!
“Magaling iyang sumayaw pag nalalasing! Kaya siguro hibang na hibang ang mga babae dahil ang raming kayang gawin!” si Raziel at nakipaghalakhakan ulit kay Lyle.
Humagalpak narin ako. Anzai almost frowned.
“Akala ko kumakanta ka lang… Pati rin pala sayaw?” tanong ko sa nanunuyang boses.
“Huh? Narinig mo na siyang kumanta? Nako… Kailangan mo iyang pilitin ng husto dahil tamad iyan, Brielle…” si Lyle na nailing at nilagok ang sinalin sa kanyang shot glass.
Anzai brushed his hair lightly. Nakaangat pa ang isang kilay sa akin.
“Kinakantahan niya ako,” sabi ko na ikinasamid ni Lyle.
Si Raziel naman ay malawak na ang ngisi at kumuha ng isang chicken wing.
“Tangina? Seryoso?” Namilog ang mga mata ni Lyle sa akin.
Tumango ako habang titig na titig si Anzai sa akin at hinawi pa ang aking buhok saka niya iyon isinabit sa aking tainga.
“Oo…” naaaliw kong sagot.
“Kung si Isaiah, nagiging magastos sa kanyang babae imbes napakakuripot, itong si Anzai naman parang ginagawa na lahat ng mga bagay na tamad niyang gawin sa isang babae,” narinig kong sabi ni Raziel.
“He only fucks and leave…” si Lyle na hindi nakaligtas sa aking pandinig kahit napakaingay na ng iilan sa aming paligid.
“Shut-up, both of you,” si Anzai na nailing na lamang.
Tumawa ako at tinusok ang kanyang pisngi ng aking hintuturong daliri.
“Sexy dance ka nga…”
“No…” he said softly, hindi gaanong matigas ang pagtanggi at parang mapipilit ko ito pag pinilit ko ng husto.
“Gusto kong makita…” Tumawa ako.
Anzai pulled me closer towards him para itago ang aking mukha sa kanyang dibdib. Tumawa ako roon. He frowned at me.
“Pwede kana palang macho dancer?” Mas lalong lumakas ang aking pagtawa.
Anzai groaned and buried his face on my neck. Sobra akong naaaliw sa pang-aasar sa kanya kaya hindi talaga ako tumigil.
“CEO sa umaga, macho dancer sa gabi!”
Humalakhak narin si Anzai. “Stop it…”
“Pwede ka pong imbitahan sa birthday party Sir? Magkano ang bayad pag gumiling ka sa isang oras?” I asked him cutely at sumunod din ang tawa.
Kinagat niya ng bahagya ang aking expose na balikat dahil sa suot kong sleeveless na damit. Humagikhik ako.
“You’re having fun teasing me…”
Tumikhim si Lyle. “Respeto naman oh…”
“Nakakagulat talaga. Akala ko walang babae ang makakapaamo nitong si Anzai…” si Raziel.
Natatawa ko nalang na itinulak palayo si Anzai sa akin. Umayos siya ng upo habang ako itong pangisi ngisi parin sa kanya. Kinuha ko ang bote ng kanilang iniinom at sinalinan ang kanyang shot glass. Pinuno ko pa iyon!
Anzai smirked at me at kinuha iyon sabay lagok. He even licked his lips after at tiningnan na ako ng makahulugan.
“I’ll give you a sexy dance later…” Sabay kindat.
Namula ako at natawa.
“I’ll slowly strip infront of you while dancing…” Ngumisi siya ng husto.
Hindi ko alam kung totoo ba iyan o inaasar niya nalang din ako. Pero naiimagine ko talaga siyang nagsesexy dance na labag sa kanyang loob dahil pinilit ko nalang lalo na’t nakabusangot pa.
Iniisip ko pa lang na gagawin niya iyon ay parang tumitili na ako sa aking isipan habang ang lintek na Anzai ay humalakhak pag nakikitang hiyang hiya na ako!
At talagang iyon na ang nangyari noong umuwi kami! Itinapon niya ako sa kama lalo na’t karga karga niya pa ako saka siya nagsimulang hagilapin ang ibang butones ng kanyang suot.
Tumili ako at gustong kumawala. Mabilis akong pinigilan ni Anzai at lumuhod sa akin para hindi na ako makatakas pa! He locked me on his legs while grinding and removing his clothes slowly.
“Oh my!” Humagalpak ako at nagpumiglas.
Humalakhak si Anzai at hinubad ang kanyang shirt sabay tapon sa kung saan. Tinakpan ko agad ang aking buong mukha at tumili roon.
“Come on Elliana… Akala ko ba gusto mong makitang sumayaw ako?” Hinila niya ang aking pulso.
Sabog na ang aking buhok habang umiiling ako. Kahit gustong gusto ko, pero iyong makita siyang sasayaw talaga habang nakaluhod sa aking ibabaw ay parang masusunog na agad ako sa impyerno sa sobrang pamumula.
Natatawa niyang hinagkan ang likod ng aking kamay at naramdaman ko ang pag-alis niya sa aking ibabaw. Tumabi siya sa akin at niyakap na ako.
Inalis ko iyon at hinagilap agad ang gwapo niyang mukha. Tumagilid ako para mas lalo akong madikit sa kanya at nang maramdaman niya iyon ay mas humigpit din ang kanyang yakap.
Inilebel ko ang aking mukha sa kanya. Nakapikit na ito pero mukhang hindi pa naman masyadong dinadalaw ng antok.
“Anzai the macho dancer…” I giggled.
Ngumisi siya. “That is so gay, Elliana…”
Nagpatuloy ang aking hagikhik lalo na’t masyado akong naaaliw sa mga nalaman at pang-aasar sa kanya.
“May hidden talent ka pa?” tanong ko habang hinahaplos ang kanyang panga.
Umiling siya. “Nakita mo na lahat…”
Lumawak agad ang aking ngisi. Wala ba siyang hindi kayang gawin?
“Dapat ang first born natin magmana sa’yo para talented din…”
Unti-unti siyang dumilat. Mapupungay ang kanyang mga mata at magulo ang buhok. Tumitig ako ng husto sa gwapo niyang mukha at kahit saan ko siya tingnan ay talagang perpektong perpekto siya.
“Gusto ko rin na mamana niya ang boses mo… ang kagwapuhan mo… Pero sana kung babae ay hindi niya mamana ang pagiging playboy mo.” Sumimangot ako.
“I am not a playboy.”
“You are!” giit ko.
“You cannot say that since ikaw lang naman ang minahal ko.”
Kumalma ang aking ekspresyon at nag-isip pa kung ano ang pwedeng ibintang sa kanya.
“May kahalikan ka kaya noon… Nahuli kita sa Bar…”
“I told you, kaya kong humalik ng babae kahit hindi ko mahal,” aniya at hinalikan ang tungki ng aking ilong.
“O kaya nga playboy. You play with their feelings. You are a silent playboy. Palihim mo silang inaakit sa kagwapuhan mo. Parang lahat ng babaeng makikita ka sa unang beses ay mapapabaliw mo agad sa’yo.”
“Hmm not sure… There’s this one girl who even called me Kuya.”
“Talaga?” Natawa ako. “Pero sabagay, ako nga noong una kitang makita sa school noong Intrams namin ay hindi ka naman attractive. Mas attractive si Isaiah dahil simpleng suplado lang, eh ikaw…”
He groaned and hugged me. Ang nipis kong pangangatawan ay gusto niya na atang pigain lalo na’t pati ang aking mga hita ay dinaganan niya narin sa kanyang hita.
“I’m jealous… Gusto ko ako lang ang nagustuhan at minahal mo, Elliana…”
I chuckled softly. “Ikaw lang naman ah? Crush ko lang naman si Isaiah dahil parang soft version mo siya.”
“Tsss. Ayokong may crush ka.”
“Noon lang ’yon!” Pilit kong lumayo para tingnan siya ngunit ayaw niya akong bitiwan.
Hindi na siya umimik pa pero unti-unting lumuluwag ang kanyang yakap, nagiging komportable na naman sa aming posisyon. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg.
“Oo nga pala… Sino iyong… gustong Delafuente ni Isaiah?”
Hindi umimik si Anzai. Sinilip ko ito at doon ko napagtantong nakatulog na siya ng sobrang himbing. Ganoon talaga siya kabilis dinadalaw ng antok pag nasa kama na kaming dalawa at katabi niya ako.
Napangisi na lamang ako at sumiksik lalo kahit wala nang space.
“Goodnight, Anzai…” I whispered at hinagkan ang kanyang pisngi.
55th Gripped
Gripped
PrfctlyStbbrn
Warm
Sumapit din naman ang sinasabing big event ni Anzai. It’s a grand event of their company since his father is going to be there later. Hindi basta basta ang mga bisita mamaya.
Nagpahome service na lamang ako para may umayos sa aking buhok at may maglagay ng make-up sa akin.
Light make-up lamang ang kanilang ginawa, hindi masyadong heavy dahil ayon sa baklang nag-ayos sa akin ay hindi ko na kailangan ang ganoon kakapal na make-up.
They also put some light eyeshadow, straightened my hair at nilagyan ng hairpin ang bawat gilid ng buhok kong nakasabit sa bawat likod ng aking tainga para mas maexpose ang aking mukha.
“Talbog mo silang lahat doon, girl! Sure ako!” Ang matinis na boses ng bakla ang umalingawngaw pagkatapos kong magbihis.
I smiled at him saka ko tiningnan ang aking sarili sa buong salamin. Suminghap ako nang makita ang aking kabuuan. Wearing Nana’s design, a tube top white long gown with a slit on it’s side revealing my other leg, parang hindi ko na halos makilala ang aking sarili. I even paired it with silver stilletos.
Pumwesto ang bakla sa aking likuran at hinawakan ako sa balikat. Ngumisi siya sa akin kaya naalala ko agad sa mga fairytales ang mga prinsesa na tinitingnan ang kanilang sarili sa salamin habang sa likuran nila ay iyong mga kontrabidang stepmother. Well, parang ganoon ang dating sa akin ngayon…
“Ang ganda ganda mong bata ka… Asawa mo ba iyong lalake?” Humagikhik siya.
Ipinakita ko sa kanya ang aking kamay kung saan ko suot suot iyong singsing namin ni Haze.
“I’m engage…” sabi ko. “Magpapakasal na.”
“Oh… Pwede pa palang agawin!” Humagalpak siya.
Natawa rin ako ng bahagya sa kanyang biro. This gay… Magpaturo rin dapat ako ng headlock kay Anzai dahil parang marami akong mapaggagamitan noon.
Nakita ko ang repleksyon ni Anzai sa salamin nang dumungaw ito sa pinto at mabilis akong hinanap.
“Done?”
Tumango ako at ngumiti. Humarap agad ang bakla sa kanya na nagngangalang Roberta, bale Roberto sa umaga, Roberta naman sa gabi.
Pumasok ng buo si Anzai, revealing his full image wearing a fine tux and a slicked back hair.
“Oh my talong…” Suminghap ang bakla at nalaglag ang panga sa kabuuan niya, ganoon din ako na titig na titig kay Haze.
He fixed the buttons of his tux while walking towards me. This man defines perfection… Parang niluluhuran talaga at akala mo kung sinong hari dahil sa kanyang kilos at tindig. Iyong kaya niyang alipinin lahat ng mga babae dahil lamang doon.
Hinila niya ako palayo sa bakla. He gripped my waist at sa sobrang lapit ay amoy na amoy ko ang tumatagas niyang pabango. Oh how much I love to have a smell like him… It’s addicting!
“Salamat sa service Mr. Roberta,” sabi ko nang bumaling akong muli sa kanya.
Tumango tango siya, ang mga mata ay hindi mapigilang hindi tingnan si Haze sa aking tabi na masyadong seryoso.
“Walang anuman, Brielle! Sa susunod, sana ako ulit ang kunin mo para ayusan ka…”
“Sure! Your service is great so why not!” Kumindat ako at humagikhik.
Anzai caressed my waist to get my attention at yumuko.
“Let’s go…”
Tumango ako at bumaling muli kay Roberta. Mabilis niya naring kinuha ang kanyang gamit na naligpit niya na kanina pa at sumabay na sa amin sa paglabas.
Iginiya ako ni Haze sa parking lot. Habang patungo kami roon ay panay ang kanyang paglingon sa akin. Narinig ko pa siyang marahang nagmura at pinatunog ang kanyang kotse.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat ng kanyang luxurious Audi r8 car na kulay grey. May mga kotse palang sobrang sexy tingnan lalo na kung kagaya niya rin ang magmamaneho. It suits him well…
Pumasok ako roon. Isinara ni Haze ang pinto at pinasadahan ng haplos ang buhok sabay ikot patungong driver’s seat.
Inilagay ko sa kandungan ang aking maliit na purse kung nasaan din nakalagay ang aking cellphone at hinila ang seatbelt.
Pumasok si Haze at sumulyap agad sa akin. Isinara niya ang pinto saka ako tinulungang ikabit ng maayos sa gilid ang seatbelt.
“Thanks…”
“You’re welcome, gorgeous…” Kumindat siya sa akin at pinaandar na ang kanyang kotse.
Natawa ako ng bahagya. Pinasadahan ko pa siya ng tingin. Nakakatunaw talaga ang kanyang hitsura! Para siyang araw na kung titingnan mo ng matagal ay masisilaw kana at mabubulag sa kanyang kagwapuhan! He’s dashing!
“You are stunning, Elliana…” aniya, pabalik balik ang tingin sa akin nang makalabas na kami sa highway.
Kumurap ako at naantala ang pagkamangha sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
“At ang gwapo mo rin, Anzai,” sabi ko.
He smirked at kinuha ang aking kamay. Ipinagsalikop niya iyon saka bahagyang inangat para halikan ang likod noon.
“My beautiful Elliana…” he whispered softly while planting small kisses on the back of my hand.
Funny isn’t it? Pakiramdam ko minsan ay ako itong nababaliw sa kanya pero mas malala parin talaga ang tama ni Haze sa akin. I realize you need to find someone who’s going to treat you like his life in this world full of cheaters.
Ito iyong klase ng pagmamahal na hindi basta basta magigiba nino man dahil ang lalake mismo ang humahawak sa inyong binuong pundasyon para hindi agad gumuho. He’s strong enough to keep our relationship on fire. Naroon palagi iyong komportableng pakiramdam na nakukuha mo sa mainit na apoy sa isang malamig na lugar. Iyong pakiramdam na para kang nakasilong sa lilim ng puno pagkatapos maglakad sa mainit na daan. That comfortable feeling… Palagi ko iyong nararamdaman sa tuwing nasa mga bisig ako ni Anzai, sa tuwing niyayakap niya ako at sa tuwing nasa tabi ko siya. It’s like a shield from everything that’s going to hurt me.
Pagkarating sa venue ng mismong event ay doon na unti-unting sumibol ang kaba sa aking dibdib. Kumapit ako sa braso ni Anzai dahil parang matatapilok ako ano mang oras sa nanlalambot kong mga paa.
He wrapped his arm around my waist at iginiya na ako sa red carpet lalo na’t may mga media agad na sumalubong at ang mga flash ng kanilang camera.
“Siya ba ang dahilan kaya hindi natuloy ang kasal niyo ni Sienna Valdez?”
“Siya na ba ang magiging asawa mo?”
“Ikaw si Elliana Brielle Delafuente, hindi ba? May merging bang mangyayari sa pagitan ng mga Castellano at Delafuente?”
Wala akong sinagot na mga tanong lalo na’t hindi rin naman humihinto si Haze sa paglalakad, hindi na gaanong nagbibigay ng atensyon sa mga reporters.
Noong makapasok na kami sa mismong hall ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag dahil wala na gaanong media na umaaligid.
Awtomatikong gumala ang aking mga mata sa marangyang set-up ng party. It’s a vintage theme with a modern mixture. Nagkalat ang mga businessman, mga babaeng nagpapasiklaban sa eleganteng suot sa kulay champagne, itim at puti, mga mayayamang nabibilang sa mataas na antas ng sosyalidad.
The sound of the violin failed to take away my nervousness. Kahit masyadong masarap at magaan ang nangingibabaw na tugtog ay hindi ko makalma ang naghuhuramintado kong sistema na dinaig pa ang tambol na hinahampas. Masyado akong kinakabahan oh my gosh!
Marami agad ang napatingin sa amin. Ni hindi ko maisa isa ang pares ng mga matang nakatitig at tila nacucurious sa akin, kung sino ang kasama ng nag-iisang tagapagmana ng Castellano Shipping Lines.
Kahit anong gala ng aking mga mata ay wala akong mamukhaan ni isa man lang! I look like a stranger on a forest surrounded with wolves! Parang lalamunin ako ng buhay rito kung hindi ako aasta ng naaayon sa kanilang estado.
“Narito na ang Daddy mo?” tanong ko at pabulong lamang habang iginigiya na ako ni Haze sa aming magiging upuan.
“Don’t expect too much with that old man. Matanda na iyon kaya mabagal na,” ani Haze at huminto sa isang table.
Ngumiwi ako sa kanya dahil sa pang-aasar sa kanyang Daddy. Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayang umupo.
Umupo rin siya sa aking tabi. May lumapit namang waiter na may dala dalang wine glasses at naglapag ng dalawa sa aming harapan.
“Thank you,” sabi ko at ngumiti sa waiter na nagulat sa aking ginawa.
Tiningnan din ni Anzai ang waiter na natanga pa ng ilang sigundo sa aking harapan. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata ay mabilis itong natauhan at umalis din.
Nilingon ko si Haze na niluwagan ang necktie habang gumagalaw ang panga. I chuckled softly at hinaplos ang kanyang pisngi. Kumalma siya at inilagay ang kamay sa aking hita, doon na iyon ipinahinga.
Sa pagdaan ng oras ay mas marami pang dumadating. May mga pumupunta rin sa aming table para kausapin si Haze pero aalis din naman agad. Ang kumuha ng aking atensyon ay ang pagdating ng kanyang Mommy suot ang isang eleganteng champagne na gown, naka high ponytail ang buhok at may pamilyar na kasamang babae na naka itim na long gown habang naka bun ang buhok at litaw na litaw ang malalalim na collarbone.
I stiffened from my seat lalo na’t ngayon lang din kami muling nagkita pagkatapos ng ilang taon. She didn’t change at all. Maganda parin naman siya katulad ng una kong impression sa kanya but thinking how the Valdez tried to kill me is such a disappointment. This bitch!
“Sienna is here?” tanong ko kay Anzai at hinanap din ang aking tinutukoy.
His eyes settled on their side, ngunit hindi masyadong nagtagal ang tingin at ibinalik din sa akin.
“Yes. I think Mama invited her,” ani Anzai sa baritonong boses.
Tumango ako at ayaw nang magbigay ng komento roon, lalo na’t ang kanyang ina kasama si Sienna ay naglalakd na patungo rito.
“Hijo!” Ang masiglang boses ng kanyang ina ang umalingawngaw sa aking tainga noong makalapit na sila ng husto.
Anzai stood up lalo na’t humalik ang kanyang ina sa kanyang pisngi. Pinaghila niya ito ng upuan.
“You look so handsome, anak!” she chuckled sabay lingon ng makahulugan kay Sienna na umuupo narin sa kanyang tabi, nakaharap sa aking banda.
Tumango lamang si Anzai at umupong muli, nasa akin na ang buong atensyon.
“You hungry?”
Umiling ako at ngumuso. I saw how Sienna stared at me, ganoon din ang kanyang Mommy na bumulong pa sa kanya.
Kaya ang ginawa ko, bumulong din ako kay Haze pagkatapos ko silang sulyapan para maisip nilang sila rin ang laman ng topic namin.
“I’m quite nervous…” bulong ko.
Yumuko rin si Haze para bumulong sa akin.
“Just imagine them as useless rocks…” bulong niya pabalik kaya humagikhik ako.
Sa gilid ng aking mga mata, kitang kita ko ang pag-iba ng timpla ng ekspresyon ng kanyang ina, marahil ay iniisip na sila nga ang aming pinag-uusapan.
May lumapit na waiter at naglapag sa kanila ng inumin. Nag-usap din silang dalawa ni Sienna na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin lalo na’t para na namang hinuhukay ang aking tiyan sa labis na kaba.
May panibagong dumating na ikinakuha ng atensyon ng lahat. A man in his late fifties with his men in black as his bodyguards went in. Hindi ko na kailangang tanungin si Anzai kung iyon na ba ang tatay niya dahil parang nakatingin lamang ako sa matandang Haze na makisig parin tingnan at hindi halata ang edad sa tindig.
Oh. My. Gosh. I think magkakacrush ata ako sa kanyang Daddy lalo na’t mas gwapo pala ito sa personal kaysa sa picture kung saan ko siya nakita noon. And Anzai is very wrong about him! Ni hindi siya mukhang matanda tingnan!
“He’s already old,” ani Anzai, parang pinapaalalahanan ako dahil sa naging reaksyon ko sa kanyang ama.
Hindi ko siya tiningnan at nagpatuloy lamang sa pagsunod ng tingin kay Mr. Castellano na ngayon ay ngumingisi na sa mga kakilalang nadadaanan niya. Nakikipagkamay siya at nakikipagkwentuhan habang ang mga men in black ay hihinto sa kanyang paligid at tila gwardyadong gwardyado ito.
“Elliana,” Anzai called me.
Ngumisi ako noong sumulyap ako sa kanya. Naaamoy ko na naman ang pagseselos niya. Kaya pala masyado niyang sinisiraan ah…
“Your father looked like your brother, Haze,” sabi ko sa natutuwang boses.
Tumaas ang isa niyang kilay. “That old man is very far from me…”
“That old man looked like you alot! Ganyan ka rin siguro pag nasa late fifties kana!” Mas lumawak ang aking ngisi, taliwas sa mukha niyang hindi natutuwa sa pangungumpara ko.
I saw how his mother grimaced at may ibinulong na naman kay Sienna na tahimik lang ding sumusulyap. Bakit nga ba kami nasa iisang table? Oh… Biyanan ko pala iyang bruhang naka gold champagne.
Hindi agad nakapunta sa aming table ang kanyang ama lalo na’t naantala roon sa ibang tables kung saan siya namalagi at nakikipagkwentuhan na roon sa mga kasosyo niya rin ata. They all looked like successful bachelors at patawa tawa nalang, mga walang problema dahil masyado ng maraming pera.
Hindi masyadong nanatili si Anzai sa aming table dahil tinatawag din siya ng kanyang ama at pinapapunta roon. Nagpaalam siya sa akin at babalik din. Kaya habang wala siya, kumuha nalang ako ng pagkain sa catering na nakadisplay kung saan kumakain narin ang iilan para maaliw ko rin ang aking sarili.
“You must be very happy right now, hija…”
Nagulat ako sa boses ng biyanan kong bruha. Tinabihan na pala ako nito at may hawak ding plato, patingin tingin sa mga pagkain pero kung ano ano ang binubulong sa akin.
“Opo… Sobrang happy po,” I answered in a sweetest tone.
“Oh dear…” Nailing siya at kinuha iyong food tong para sa fruits. “Did you see Sienna? Did you realize how sophisticated that girl is compared to you?”
Umabante ako at kinuha ang food tong para sa dessert. Kumuha ako noong maliit na mousse cake at inilagay sa gilid ng plato.
“Opo, nakita ko nga. Bakit po? Di niyo na masyadong nakikita? Magsalamin na po dapat kayo… Signs of aging na iyan…” I said without looking at her.
I can sense her annoyance. Lumayo layo ako ng kaonti. She started this! Tapos sa huli, siya na naman iyang mah-highblood!
Kaonting pagkain lamang ang nilagay ko sa aking plato. I also included my favorite chicken Cordon Bleu. Sa rami ng nakahelera, hindi ko alam kung ano pa ang ilalagay lalo na’t matalim ang tingin sa akin ng kanyang ina. Nagpapasalamat na lamang ako at may nakipag-usap sa kanya kaya humalo agad ako sa ibang tao para malihis ang kanyang atensyon.
Bumalik ako sa aking table at nahagip pa ng tingin si Anzai na sinusundan ako gamit ang kanyang malalalim na titig. I smiled at him at tinuro ang pagkain. Tumango siya, hindi iniiwas ang seryosong paninitig.
Nauna akong makabalik sa aming table. Sienna isn’t here pero namataan ko rin siya kanina na kumukuha ng pagkain. Maraming nakakakilala sa kanya lalo na’t marami ang kumakausap. Malamang… Siya ang nagmukhang legal noon eh. Ipinubliko ang magiging kasal sana nila pero hindi naman natuloy.
Bumalik din naman ang dalawa. I silently ate my food at hindi na nag-abalang tingnan pa ang mga ito. May mga umukupa narin ng iba pang bakanteng upuan at mukhang mga friends ng ina ni Anzai lalo na’t masyado silang malambing sa isa’t isa. Mga nasa apat ata ang humalo sa aming mga babaeng kaedaran lang din ni Mommy.
“Lucinda, siya na ba ang magiging asawa ng anak mong si Anzai?” tanong ng babaeng nakachampagne gown at kumikinang ang pearls na earrings.
“I’ve seen your son how he looks at her! Talagang inlove na inlove!” Iyong mid-length naman ang buhok at pinakabata ata sa apat.
Napatingin na silang lahat sa akin. Kinuha ko ang table napkin at bahagyang pinunasan ang aking labi saka ko sila nginitian.
“Ang ganda gandang babae, Lucinda! You must be very happy? Lalo na’t galing pa sa angkan ng mga Delafuente. That clan is very powerful, too!” Iyong naka itim na long gown naman.
Sienna watched me silently using her eyes. Pasubo-subo ito at nakikinig lang din kagaya ko.
Nailing ang ina ni Haze at tila dismayado pa.
“Kung ako ang masusunod, si Sienna talaga ang gusto ko para kay Anzai,” aniya, masyadong matabang ang pagkakasabi na ikinapawi ng mga ngisi ng kanyang mga amiga.
“Tita…” Sienna said softly at ngumiti sa Mommy ni Anzai.
Uminom ako ng aking orange juice. I need to get ready with her insults. Alam ko namang wala iyang sasabihing maganda sa akin.
“Oo nga pala… What happened with the Valdez, Sienna? Ba’t bigla kayong umurong sa kasal? Akala ko pa naman…” Iyong babae may maiksing buhok at nasa late fourties na ata.
“It’s a long story po kasi kaya mas pinili ko nalang pong huwag pakasalan si Anzai,” ani Sienna sa malambing na boses.
“Kung hindi mo sana itinapon ang anak ko, wala sanang desperadang babaeng pumulot sa kanya, Sienn. I am so sad… I really want you for my son,” sabi ng ina ni Anzai sa malungkot na boses.
Talaga lang ah? Si Sienna ang tumapon sa kanya? O baka nga si Anzai pa ang tumapon sa kanya eh. Sumubo na lamang ako at nagpanggap na bingi, pipi at bulag. Bingi sa kanilang mga sinasabi, mas gusto nalang manahimik at nagpanggap na bulag kahit kitang kita ko naman ang totoo nilang mga kulay. Maiitim ang mga budhi!
“Eh ikaw hija… What’s your name?” tanong ng babaeng nakachampagne dress sa akin.
Nag-angat ako ng tingin. “Elliana Brielle po.”
“You are the grand-daughter of Rence, right? Iyong may-ari ng malalaking condominiums?”
I nodded and smiled. “Yes po.”
“And your brother is Kaizen? Iyong nagtayo rin ng sarili niyang branch?” dagdag pa noong isa.
Tumango akong muli. “Yes po…”
Lumiwanag ang aking mga mukha at nakontento sa aking sagot. Pero syempre, ang kontrabida kong biyanan ay ayaw ring magpatalo.
“They’re all successful. Lalo na’t balita ko sa mga kapatid mo, magagaling magmanage ng business. Even your cousins, right?”
Tumango ako at ngumiti ng tipid.
“How about you? I’m sure there’s something behind that pretty face, too? Did you study abroad?” tanong niya sa malisyosang paraan.
Lumunok ako at tumingin saglit sa aking pagkain. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko ang palingon lingon na si Anzai rito.
“Ah… Business Ad po ang kursong natapos ko at sa ngayon ay wala pa akong hinahandle na business. But I have plans po,” sabi ko at ngumiti.
Tumango ang kanyang mga amiga, si Sienna ay uminom ng tubig habang ang ina ni Anzai ay nadismaya na ng husto.
“Oh I see… Buti pa pala itong si Sienna? She studied abroad and she graduated on a prestigious school. Plus she also passed her board exam! She got the beauty and the brain. Kayang kaya niyang tulungan si Anzai sa kompanya at malaki ang maiaambag niya. She’s very perfect for my son…” aniya sa nagyayabang na boses.
Humagikhik si Sienna. “Tita… I am not really perfect.”
Hinaplos ng ina ni Anzai ang kanyang kamay.
“No hon… You are so perfect. And you’re so humble. Nasa iyo na lahat ng hinahanap ni Anzai. I hope you’re planning to get him back to you.”
Baka naman nasa kanya lahat ng ayaw ni Anzai kaya hindi siya nagawang pakasalan? Itong bruha kong biyanan grabe rin makagawa ng tsismis!
Napatingin sa akin ang kanyang mga amiga, tila nacucurious sa aking reaksyon. Nginitian ko sila kahit pilit na lamang iyon. I hate this place.
“Lucinda, bagay na bagay rin naman sila ng anak mo. I think may malaking benefit sa Shipping Lines niyo ang koneksyon ng mga Delafuente. Si Rico at Dwight pa lang…” anang babaeng naka bun ang buhok at tila concern sa akin.
Umiling lamang ang ina ni Anzai at mabilis na nahaluan ng disgusto ang mukha.
“My son is so stupid to choose someone who’s very low compared to Sienna’s elegance. I mean… yes, she came from a well-known clan pero iyon lang naman ang meron siya, ang pangalan ng kanyang angkan. But overall, kung hindi siya isang Delafuente, she’s going to be a useless girl for my son. Eh itong si Sienna? Full package na at hindi pa bastos. She’s very classy and very well-mannered.” Sabay tingin sa akin ng pasimple.
Nagkatinginan ang apat na babae habang ako naman ay natulala sa aking pagkain. Tinitigan ko na lamang iyon ng ilang sigundo. She’s making me feel that I don’t belong in here. Na dapat wala ako rito sa kanilang mundo at hindi sinisiksik ang aking sarili dahil lamang dala dala ko ang apelyido ng aking angkan. Wala naman talaga akong ikakabuga kung tutuusin. Hindi ako matalino, oo inaamin ko. I can’t do the chores properly too but I’m still trying. Maraming wala sa akin na pwede ngang meron si Sienna. Pero pwede rin namang may wala sa kanya na meron ako.
But who am I kidding? His mother will never acknowledge me no matter how I do good. Wala naman sa akin ang kanyang boto kaya hinding hindi ko makukuha ang kanyang simpatya. Wala siyang makikitang maganda sa akin dahil ayaw niya rin iyong tingnan.
Ayoko rin namang ipilit ang aking sarili na gustuhin ako. I am here because of Anzai, wala ng iba. Sanay narin naman ako sa mga insulto at pangungumpara lalo na’t iyon naman talaga ang kinalakihan ko.
Kahit gusto kong isalba ang sarili kong manimaliit at inaapak-apakan ng ina ni Anzai ay gusto ko nalang kimkimin ang inis at nanatili na lamang na tahimik.
Nagpatuloy na sila sa pag-uusap habang ako ay tahimik na lamang. Masyado akong naa-out of place lalo na’t hindi rin binibigyan ng ina ni Anzai na mga amiga niyang kausapin man lang ako. Kinukuha niya agad ang mga atensyon nito at si Sienna ang binibida.
Kulang nalang tingalain ko ang chandelier at iyon ang kausapin. Kumusta naman kaya ang kalagayan niya riyan sa itaas? Nahihilo ba siya? Anong pakiramdam na isinabit ka sa ere? Baka magkakaintindihan pa kaming dalawa. Parehas na mukhang kasangkapan lang dahil hindi napapansin.
“Noong mga bata pa silang dalawa ni Anzai, sobrang clingy nila sa isa’t isa! They’re childhood sweethearts! Naalala ko pa noon, si Sienna lang ang bukod tanging babaeng pinakikitunguhan ng maayos ng aking anak! Anzai, my son, likes her alot. I think Sienna is his first love…”
Humagikhik si Sienna at nahiya sa mga isiniwalat ng ina ni Anzai. Panay na lamang ang aking paglunok at pilit tinatanggal ang bukol sa aking lalamunan lalo na’t ang kanyang mga amiga ay naeengganyo rin sa pakikinig.
Sa ilang minutong pagiging anino roon ay nagpasya akong tumayo.
“Excuse me po… Magc-ccr lang ako,” sabi ko sa magalang dahil baka maissue pang maattitude pag nagwalk-out ako bigla.
Anzai’s mother didn’t pay attention too much at me. Tumingin ang dalawa niyang amiga sa akin at tumango kaya sapat na iyon para umalis ako.
Kahit mabigat ang aking paghakbang ay pinilit ko paring maglakad at makapunta agad sa comfort room. Pagkarating ko roon ay pumikit na lamang ako at huminga ng malalim.
Nagtungo ako sa harap ng salamin at tiningnan ang aking mukha, ang mga mata kong nanunubig. Pag umiyak ako, sayang ang aking make-up. Umiling ako at pilit tinatagan ang aking sarili. Ngumiti na lamang ako ng pilit sa kabila ng pamamahiyang natanggap kanina.
Ano rin bang iniexpect mo sa biyanan mong bruha? Talagang gagawa iyon ng paraan masira lang ako sa mata ng lahat at mapaghiwalay lamang kami ni Anzai. She wants me to give-up her son. Iyon ang hinding hindi ko gagawin. Bahala siyang mahighblood sa akin. Baha siyang mastroke!
Pagbalik ko roon ay naroon na si Anzai at tila hinihintay ako. Tiningnan ko ang kanyang ina na maamong maamo na. Bruha ka. Isusumbong talaga kita!
Nagtungo ako sa kanya. Awtomatiko niyang pinulupot ang kanyang kamay sa aking beywang.
“Let’s go. I’ll introduce you to my father,” bulong niya na ikinatango ko.
“Anzai. Where are you taking her? Nagkakatuwaan pa kami rito,” sabi ng kanyang ina at bahagyang tumawa.
I saw how Anzai glance at his mother. Sa madilim na ekspresyon at matalim na mga mata, tila may kinikimkim na agad itong galit sa loob at pilit lamang iyong ikinukubli na hindi lumabas.
“Exactly, Ma. You’re having fun insulting her. At hindi ako natutuwa,” sabi niya sa madilim na ekspresyon.
Namutla ang kanyang ina. Kahit si Sienna ay gumuhit ang takot sa mukha ganoon narin ang apat na babaeng wala naring imik at nagtitinginan nalang. Para silang may kaharap na mabangis na hayop at takot na gumawa ng mali dahil baka mapahamak sila sa bagay na iyon.
“W-Were just talking, Anzai… Talagang binibilog na ng babaeng iyan ang ulo mo,” she said softly at natawa ng peke.
“So what, Ma? Yes… Kayang kaya niyang bilugin ang ulo ko. Kayang kaya niya akong kontrolin. Kung sinabi niyang isuko ko lahat ng meron ako at piliin siya ay isusuko ko iyon ng walang pag-aalinlangan kung iyon ang gusto niya. Kung sinabi niyang iwan ko ang sarili kong pamilya ay handa ko kayong talikuran para lamang sa kanya. And maybe yes, I am obsess with her because I am willing to please her. I am willing to ruined anything just to protect her so don’t test my patience,” aniya sa nagbabantang boses.
Natutop ang bibig ng kanyang ina. Kitang kita ko ang paglunok ni Sienna na kahit ang apat ay
Pakiramdam ko bigla akong nakahanap ng masasandalan sa lahat ng mga gustong manakit sa akin. Sinikap ko nalang na hindi maiyak sa kanilang harapan at kinayang dalhin ang bigat na aking nararamdaman at itago iyon sa kanilang lahat dahil mas nangingibabaw sa akin ang mga sinabi niya.
“Excuse us,” sabi niya at iginiya ako paalis sa kanilang harapan lalo na’t natulala na lamang ang mga ito.
Noong nilingon ko siya ay masyado nang seryoso ang kanyang mukha na akala mo ay mananakmal ano mang oras.
“Aalis din tayo pagkatapos kitang ipakilala. I’m sorry…” he whispered at hinalikan ang gilid ng aking ulo.
Tumango ako at pilit na ngumiti kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha sa aking mga mata. I will always end up crying. Ako parin naman iyong babaeng mahina pagdating sa mga ganitong bagay. May hangganan naman ang pagiging matapang ng mga tao lalo na kung nasasaktan na ng husto.
Itinago ko nalang sa aking loob ang sakit na natamo sa pamamahiya at pangungumparang natanggap kanina. She humiliated me infront of her friends, sa mga taong nakarinig kung gaano kababa ang tingin niya sa akin. Parang hinuhukay niya pabalik ang insecurities ko, na kailanman ay hindi ako magiging sapat bilang isang Delafuente dahil wala naman akong naiambag na malaki sa aming pangalan. Parang wala akong karapatang gamitin iyon. She made me feel so low…
Inspite of all the pain I felt, I remained my composure. Nakaya ko paring ngumiti sa mga matang nakasalubong ko lalo na’t kasama ko si Anzai. Parang hawak hawak niya ako para hindi ako lumubog sa aking emosyon at lamunin noon ng buo. Siya ang nasa likod ng pagiging matapang ko at siya rin ang dahilan kung ba’t nakakaya kong maging matapang. It’s all because of him.
“Pa.” Kinuha niya ang atensyon ng lalakeng nakikipaghalakhakan sa mga businessman sa malaking table.
His father glance at us. Kahit ang kanyang mga kausap ay napatingin din sa amin, sa akin.
“Finally…” Tumayo ang kanyang ama at naglahad ng kamay sa akin.
Gustong malaglag ng aking panga sa pagkamangha. Gusto kong suminghap. Gustong mamilog ng aking mga mata pero sinikap kong magmukhang matino sa kanyang harapan.
Bakit bigla bigla kong naaalala si Isaiah? Am I hallucinating? But he really looked like Anzai alot. Kaso parang may pagka, Isaiah? Nababaliw na ba ako?
“Nice to meet you, hija…” Ngumisi siya at nakita ko agad si Anzai sa kanyang mukha.
Ngumuso ako at gusto na iyong tanggapin ngunit si Anzai ang nakipagkamay.
“No need to shake her hand, old man,” ani Anzai sa baritonong boses.
Humalakhak ito. “How about a hug, son?”
Kinagat ko ang aking labi at unti-unting gumaan ang pakiramdam sa inaasta ng kanyang ama. Masyado siyang intimidating tingnan pero pag nagsalita na ay mabubura agad ang takot mo sa kanya lalo na’t masayahin ito.
“Pa. Tangina?” He lightly pushed him sa iritado ngunit pabirong paraan, lalo na’t gusto na sanang yumakap.
“Did you see this jerk? He just pushed me. He pushed his handsome father. Pati ako ay pinagseselosan,” sabi niya sa mga nanonood na humalakhak agad.
“Just accept it, Martin. Tinalbugan kana ng anak mo,” sabi noong naka eyeglass na medyo singkit.
Umangat ang dalawang kilay ng kanyang ama at bumaling muli sa amin. He smirked at his son and patted his shoulder.
“I get you, alright? Hindi na kita bubwesitin dahil mukhang nabwesit kana ng ina mo. Chill…” Ngumisi siya rito.
Anzai licked his lips at pinasadahan ng haplos ang buhok.
“Fix your woman’s attitude, old man.” Sinapak niya ang dibdib nito, pero hindi naman ganoon kalakas.
Humalakhak ito.
“That devil woman will never let me fix her. Hayaan mo na. Mas demonyo ka parin naman ah?” Saka siya bumaling sa akin. “And look at this poor angel… She doesn’t deserve hell with you, Anzai.”
Marahan akong tumawa. Inangatan siya ng kilay ni Anzai lalo na’t ngumingisi na sa akin ang kanyang ama.
“Pa, akin siya. Hindi sa’yo. Stop smirking at her as if you two are friends. You’re already fifty-nine…”
“Damn you. Stop exposing my age!” Marahan niyang sinuntok ang balikat nito lalo na’t nginisihan na lamang siya ni Anzai. Nagtawanan naman ang mga nakarinig ganoon din ako.
Mas magaan kausap ang kanyang ama na pinakakinatatakutan ko naman sana kaysa sa kanyang ina. Namana ata ni Anzai sa fourty percent na pagiging pilyo nito at ang sixty percent ay ang ugali naman ng kanyang ina.
Doon narin kami umupo ni Anzai lalo na’t may speech pa ang kanyang ama para sa mga bisita. May mga inanunsyo itong kung ano anong plano para sa kanilang kompanya at sinabi rin doon na si Anzai ang magtutuloy ng lahat ng kanyang nasimulan at aalalayan na lamang nito ang anak.
Anzai gave a simple and short message, too. Hindi siya masyadong nagtagal sa stage at tinapos agad ang gustong sabihin saka bumaba.
It’s a bittersweet moment of my life to remember. Hindi rin naman kami nagtagal doon ni Anzai at nagyaya na agad itong umuwi. Nakahinga ako ng maluwag doon.
Tulala ako sa labas ng bintana habang nasa gitna na ng byahe. Wala naman akong gaanong iniisip pinagdadasal nalang na liparin ng hangin ang mga alalahanin ko. It’s not really a bigdeal to me, iyong pamamahiya sa akin ng kanyang ina. Iyong kahit sinisikap kong maging matapang ay nakakapandurog parin talaga. Nagawa pang pagsalitaan ni Anzai ng ganoon ang kanyang ina dahil sa akin. Nakakaguilty.
Tumigil kami sa hindi pamilyar na lugar sa akin. Gabi narin kasi at alam kong hindi ito ang tinutuluyan niyang condo unit lalo na’t ibang iba ang natatanaw ko sa labas ng bintana.
“Nasaan tayo?” tanong ko habang kinakalas narin ang seatbelt.
“I rented a beach resort for the two of us…” aniya.
Namilog agad ang aking mga mata at hindi ko na naiwasan ang ngising pumaskil sa aking labi.
“Baliw ka ba?!” Natatawa kong tanong.
He smirked at me at naunang lumabas. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.
“Do you like my idea?” Ipinulupot niya ang kamay sa aking beywang.
“Oo, sobra!” Humalakhak ako, lalo na’t hindi ko talaga inaasahan ang kanyang naisip.
He rented the whole beach resort for the two of us! Para lamang sa aming dalawa.
Pagkapasok namin ay nagsibati agad ang mga employee, na iniexpect na talaga nila ang aming presensya.
“Ito na po ang susi ng inyong kwarto, Sir…” Naglahad ng susi iyong lalakeng employee kay Anzai.
Tinanguan niya ito at iginiya na ako papunta sa dalampasigan. Natatawa ako sa mga pakulo ni Anzai lalo na’t wala talaga akong ka edi-ediya na meron pala siyang ganito.
Naglalakad palang kami sa boardwalk, may mga candle na sa bawat gilid at umiilaw pa ang kabuuan. Napasinghap na lamang ako nang makita ko ang isang two-seated round table sa dalampasigan na umiilaw dahil sa mga kandila at meron pang bouquet of roses na nakalapag doon.
“Anzai! Anong meron?!” Hindi ko maikubli ang sobrang sayang nararamdaman at tumatawa talaga ako.
Tumigil siya at yumuko, kinakalas na ang bawat lock ng aking stilletos. Noong napagtagumpayan niya iyong hubarin ay bigla bigla niya akong kinarga.
Mabilis akong napahawak sa kanyang balikat. The smirk on his face is just too attractive! Kung kani-kanina lang ay sobrang down ako, ngayon, umaangat na talaga ako sa ere. Literal na akong inangat ni Anzai na pakiramdam ko ay lumulutang na lamang ako sa sari-saring emosyon.
“Masama bang pasayahin kita?” Tinaasan niya ako ng kilay habang naglalakad na ito patungo sa dalampasigan kung nasaan ang mesa.
Humalakhak ako. “Malungkot ba ako?”
“Kailangan pa bang maging malungkot ka muna bago kita pasayahin? I want you to be happy with me everyday, Elliana. Gusto kong hindi ka magsisi na pinili mo ako.”
Tumakas agad ang luha sa aking mga mata. Ito iyong luha na sa sobrang saya mo ay hindi mo na mapigilang maiyak. He leaned closer at pinatakan ng halik ang aking pisngi.
“You deserve all the happiness in this world. Hinding hindi ko ipagdadamot sa’yo ang bagay na iyon…” bulong niya sa nakakaheleng paraan.
Pumikit ako at abot langit na ang sayang nararamdaman. Inilapag niya ako sa upuan at pinaupo ako ng maayos doon. Kinuha niya ang bulaklak at ibinigay sa akin.
“Thanks…” I chuckled at inamoy ang mga kumpol kumpol na rose sa loob.
Kahit sa dalampasigan, sa mismong kinatatayuan ng mesa at mga upuan ay nagkalat ang maraming petals ng rose at sumasayaw ang apoy ng mga kandilang nakapaligid sa amin dahil sa ihip ng hangin.
Anzai remove the coat of his tux at ang tanging iniwan ay ang puting shirt na panloob. Hinubad niya rin ang necktie at tiningnan ako habang kinakalas ang tatlong butones noon, revealing the ripples of his chest.
Isinabit niya sa upuan ang kanyang coat at umupo na roon habang nirorolyo ang bawat sleeves ng kanyang shirt. God… He’s perfect. Siya ang tipo ng lalakeng papangarapin ng lahat ng kababaihan. Inayos niya ng bahagya ang buhok na nagulo lalo na’t hinahangin iyon.
“Am I too cheesy?” he asked me at nagsalin ng wine sa aming wine glass.
Tumango ako at tiningnan ang hampas ng alon. Ang sarap tingnan ng dagat lalo na’t parang sila ang parang tumutogtog sa aming dalawa sa pamamagitan noon. I really like the sound of the waves… Ang kalma kalmang pakinggan.
May mga waiter na nagserve sa amin ng pagkain at umaalis din naman pagkatapos. Hindi ko rin naman gaanong nagawa lalo na’t busog pa ako sa mga kinain sa party kaya iyong wine nalang ang ininom ko para matunawan agad sa pinagkakain kanina.
“Alam mo ba… Noong nasa Resthouse ako, may palagi akong naiimagine…” sabi ko.
“What is it?”
“Siguro nasobrahan lang ako sa binabasa kong libro kaya ganoon na ang iniisip ko pero madalas, ikaw ang palagi kong nakikitang kasama ko.” Kinagat ko ang aking labi at hindi alam kung sasabihin ba sa kanya.
“Like?” tanong niya, halatang interesadong interesado dahil ipinagsalikop niya rin ang mga kamay sa mesa.
“Uh… Na sa gitna ng gabi, katulad nito… Isasayaw mo ako habang kinakantahan. Naiimagine ko na… Na hinahangin ang mga buhok natin… Humahampas ang alon at sumasayaw tayong dalawa ng mabagal sa dalampasigan…” Namula ako.
Anzai chuckled softly at hindi nagdalawang isip na tumayo.
Nagtungo siya sa aking gawi kaya kumalabog ng husto ang aking dibdib. Nakikiliti na naman ako sa pumapaibabaw na pakiramdam sa buo kong sistema.
“Why not, Elliana? Let’s bring your imaginations into life… Wala kang pangarap na hindi matutupad dahil tutuparin ko iyon para sa’yo.” Naglahad siya ng kamay sa akin.
Parang lumiwanag ang buong paligid dahil sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay may mga alitaptap na umipad lipad dahil ganoon kaliwanag ang aming gabi.
Tiningala ko ang lalakeng walang kapantay ang kagwapuhan. Tinanggap ko ang kanyang kamay kaya hinila niya ako sanhi para madikit agad ako sa kanyang katawan.
Dahan dahan niyang idinaosdos ang kanyang mga kamay sa aking beywang. Isinandal ko naman ang aking muksa kanyang balikat. He started swaying me in a very slow motion habang umiihip ang malamig at preskong hangin sa aming dalawa.
“Save your smile… Everything fades through time. I’m lost for words, Endlessly waiting for you…”
Pumikit ako sa sobrang lamig ng boses ni Anzai. Naninindig ang balahibo ko. Umaalon ang aking tiyan at iniyapos ko na ang aking mga kamay sa kanyang leeg para mayakap ito.
“Stay with me… Yes I know, this cannot be. As morning comes, I’ll say goodbye to you when I’m done. Through the sun…”
He kissed my forehead at doon nagtagal ang kanyang labi.
“Because I’ve waiting for you, waiting for this… Dream to come true, just to be with you. And if die, remember this line, I’m always here, guarding your life…Guarding your life…”
Hinuli niya ang aking kamay at iniangat iyon saka niya ako pinaikot. Sumabog agad ang aking buhok at natangay sa aking galaw. Natatawa akong humawak muli sa kanyang balikat nang humarap akong muli sa kanya.
Humalakhak siya at nagtagpo muli ang aming mga mata. Nangingislap iyon, tila sinasalamin ang kalangitang kumikislap dahil sa mga bituing nagkalat.
“I am yours… I’m completely trapped in your soul… Dazed and confused. Swept away with your own world.” Ngumisi siya sa akin at hinawi ang buhok na dumikit sa aking pisngi.
Hindi naman sana ito ang unang pagkakataon na kinantahan niya ako pero pagkatapos ng ilang taong lumipas ay ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. This time, parang may nag-iba. His voice was warm and gentle, comforting me from my sudden sadness.
“You’re my star…. Invincible, haunting and far. Grace under fire… Someone is building my heart, in my heart…”
Ito na ata ang pinakapaborito kong kanta sa lahat ng kinanta niya para sa akin!
“Because I’ve waiting for you, Waiting for this. Dream to come true, just to be with you. And if die, remember this lines, I’m always here, guarding you…”
Umagos agad ang luha sa aking mga mata. Watching him sincerely singing for me melts my heart. Wala na akong pangangaraping buhay pa kundi iyon ay ang kasama si Anzai.
“Slowly falling into you.. I’m obsessed with the fact that I’m with you. I can’t breathe without you…” Pinalis niya ang aking mga luha at niyakap akong muli.
“I’m waiting for you, waiting for this Dream to come true, just to be with you. And if I die, remember this lines, I’m always here, guarding you life… Life….” bulong niya sa akin sa malambot na boses.
Hinding hindi ko siya bibitiwan. Panghabang buhay kong hahawakan ng mahigpit ang pagmamahal ko sa kanya na kahit ang kanyang ina ay hinding hindi iyon kayang bawiin sa akin.
“Sa akin ka lang, Anzai…” I whispered and tightened my grip around him.
Hinalikan niya ang aking expose na balikat at humigpit din ang yakap sa akin, pinoprotektahan ang nipis kong katawan sa lamig.
“I’m all yours Elliana. Sa’yong sa’yo ako.”
Kahit sobrang higpit na ng aking yakap ay gusto ko parin iyong higpitan. I will never get enough with this… May mga araw na nababaliw nalang ako bigla sa kanya at gusto ko siyang ipagdamot sa lahat ng bagay.
“It’s getting cold. Tara na sa kwarto? I’ll warm you up…” bulong niya sa nakakaakit na paraan na ikinadaloy agad ng mainit na sensasyon sa buo kong katawan.
Tumango ako, namumula na ang mga pisngi.
“I’ll warm you up, too…” I said, kagat kagat na ang aking labi.
The Untold Part
Gripped
PrfctlyStbbrn
Isaiah Jace Silvestre
Bagong taon ng Enero, iyon ang araw noong umuwi ako pagkatapos rin ng ilang taong pag-aaral sa ibang bansa ng Abogasiya.
Atat na atat na akong umuwi noon pa man pero hindi ko naman pwedeng iwanan at talikuran ang lahat lahat, pagkatapos ng mga paghihirap ay hindi naman pwedeng magpadala ako sa mga balitang natatanggap ko galing sa demonyo kong kapatid.
“It’s good to see you again.” Ang pangisi-ngising si Anzai ang sumundo sa akin sa airport.
Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin, lalo na’t ang huli naming pag-uusap ay hindi ko masyadong gusto.
Pinanood ko ang iilan niyang tauhan kung paano kinuha ang aking gamit at isinakay sa kanyang kotse. Ganito na karami ang nakaaligid sa kanya at ibig sabihin lamang noon ay binulgar niya na talaga kung sino ito sa publiko.
“Ba’t ganyan ka talim ang pasalubong mo sa akin?” he said cooly at nagawa pang isuot pabalik ang sunglasses na nakasabit sa kwelyo ng suot niyang damit sabay pasada ng buhok.
“Ano iyong sinasabi mong…”
“Oh? Iyong may pinakasalan akong kakilala mo lang at malapit sa’yong puso?” he smirked wickedly.
Kahit kararating lamang sa Pilipinas, nakipagsabayan agad sa init ng panahon ang aking ulo. I punched his shoulder, kahit hindi naman natinag.
“Putangina?”
Humagalpak si Anzai at naunang magtungo sa nakaparadang Audi r8 niyang sasakyan. Mabilis akong bumuntot sa kanya, atat na atat ng malaman iyang sinasabi niyang malapit sa akin ang babaeng pinakasalan niya.
Akala ko ba si Sienna? What happened? Iyon ang ibinalita ni Papa sa akin. That girl is the daughter of their family friend. Ang sabi niya ay magpapakasal daw ang dalawa kaya iyon lamang ang aking alam.
“Hindi malapit sa akin iyong Sienna Valdez.” Padabog akong pumasok sa front seat, pinapakita sa kanya ang pagkakairita ko na sana ay itigil niya ang kanyang biro.
He whistled while starting the engine of his car. Matalim kong tiningnan ang bawat galaw niya. He pulled the clutch smoothly at unti-unti ng inialis ang sasakyang nakapark para makalabas na sa airport.
Hinila ko ang seatbelt at ibinalik agad ang aking atensyon sa kanya.
“You’re turning thirty-one this year and you’re still pulling this trick to piss me off, huh?” sabi ko sa matigas na ingles.
Nilingon niya ako. “I am not fooling around. Isang Delafuente nga ang pinakasalan ko.”
Nahilamos ko ang mukha at ayaw agad maniwala sa kanya.
“Masyado ka kasing subsob sa pag-aaral. You know girls nowadays… They want someone who’s not busy… Iyong maraming oras sa kanila,” ani Anzai at nasa 60 na ang speed limit, nilalampasan na lamang ang mga paharang harang na kotse habang nakasandal ng kampante sa upuan.
No… He must be kidding. He’s just fooling around. Hindi ko siya pinakinggan at pilit itinuon ang tingin sa labas ng bintana.
“Ang sabi ko sa’yo ay babantayan ko. Sa kakabantay ko ayun-”
“Shut-up!” I growled angrily, hindi na nakapagtimpi pa.
Ngumisi siya sa akin. “I married a Delafuente, Isaiah. Can’t get over with your past, eh?”
Fuck! Nandidilim na ang aking paningin at talagang sugo ni Satanas na nakikita ko sa aking harapan. Sumipol sipol siyang muli.
“Kaya nga pinauwi kita noong kasal ko pero di ka umuwi. Edi hindi mo tuloy napigilan ang kasal.”
Mariin akong pumikit at sumandal sa upuan. Sa lahat ng nagpastress sa akin, siya ata ang hindi ko kayang tansyahin. Dinaig niya pa ang mga pinag-aralan ko at parang sasabog ang aking utak kung nagbibiro ba siya o hindi.
“Kahit papaano ay gwapo ka naman. Siguro akong may pupulot din sa’yo.” Tinapik niya ang aking balikat.
Hinawi ko iyon sa sobrang inis. Hindi na talaga ako natutuwa. Alam kong inaasar niya lamang ako dahil hindi ako nakadalo sa kanyang kasal pero napipikon parin ako.
“You stayed in States for years. Ni isang chic wala ka man lang pinatulan?”
Humalukipkip ako at dumilat na. Gusto ko sanang sumbatan na hindi naman ako gaya niyang malandi pero naalala ko iyong mga tawag na natatanggap ko sa gitna ng exam para lamang magtanong sa akin kung paano lutuin ang Chicken Cordon Bleu! He’s fucking whipped! Kahit hindi ko kilala kung sino, pakiramdam ko ay baliw na baliw siya sa babaeng iyon lalo na’t sumisipag siya sa pagluluto.
Naalala ko pa ang mga araw na iyon. Tumutunog ang cellphone ko sa gitna ng exam kaya palagi akong naaatat na matapos agad dahil baka ay may ibabalita na naman siyang importante sa akin.
“Ba’t ang tagal mong sumagot? May babae kana riyan?” Bungad niya nang sagutin ko ang video call.
“Gago ka. Nasa gitna ako ng exam.” Umismid ako habang tinatahak ang daan patungong cafeteria.
“Hi Isaiah…” Ngumisi ang mga kaklase ko sa isang subject.
Tumango ako, hindi na masyadong nagbigay ng interes at deri-deritso ang lakad patungo sa cafe.
Nag-order ako ng pagkain at naghanap ng bakante. Pagkaupo ay tiningnan ko na ang problemadong mukha ni Anzai.
“Anong balita mo? Bad news ba ’yan?” Kinagatan ko ang aking sandwich.
“This is more than a bad news. I fucking need your help,” aniya.
Kumunot ang aking noo. Ginulo niya ang buhok at ipinakita sa akin ang kusina.
“Teach me how to cook this fucking chicken cordon blue.”
Namilog ang aking mga mata hanggang sa humagalpak ako sa aking upuan. Maraming napatingin sa akin, lalo na’t sobrang lakas ng aking tawa. Tinaliman ako ng tingin ni Anzai.
“May nililigawan kana ba riyan? You looked so whipped!” Humagalpak ako lalo.
“Sige mang-asar ka pa. Baka gusto mong ireto ko si Lyle kay Damonisse? Baka pag-uwi mo rito magulat ka nalang-”
“Get the main ingredients,” seryoso kong sabi na ikinangisi niya.
Diyan siya magaling eh.
Kaya imposibleng si Damonisse ang kinababaliwan niya noong mga panahong iyon. Hindi rin naman kasi siya masyadong tumatawag at sobra ng busy. Naging busy rin ako lalo na’t pahirap na ng pahirap ang mga pinag-aaralan ko.
“I am loyal,” sabi ko sa pahayag niya kanina.
He chuckled. Binasa ko ang aking labi at ipinatili ang tingin sa kalsada lalo na’t nasa eighty na ang kanyang speed. Baka pag mabangga kami ay ang mukha ko agad ang masira!
“Maraming nangyari sa lumipas na taon, Isaiah. Kung ako sa’yo, binulsa mo muna iyon bago ka umalis.”
Sinikap kong hindi na lamang ito pakinggan. He’s just messing around. Nagtatampo lang iyan dahil ang rami kong napalampas na okasyon.
Pagkapark na pagkapark niya sa nasabing bahay nila ng kanyang asawa ay mabilis akong lumabas. Nauna akong pumasok sa bahay at kung pwedeng halughugin ang kabuuan mahanap agad ang kanyang pinakasalan ay gagawin ko talaga.
Sa kusina ako dumeritso lalo na’t may naririnig akong ingay roon. Kumalabog ang aking dibdib. Binilisan ko ang paghakbang hanggang sa may nadatnan ako roong naka apron habang nagbabake.
Lumingon siya sa akin. Napasinghap ako. Nakarinig ako ng hagalpak sa aking likuran.
“Isaiah…” Ngumiti sa akin ang pinsan ni Damonisse.
What the fuck? Inakbayan na ako ni Anzai na kakarating lamang sa aking gilid.
“Sabi ko naman sa’yo isang Delafuente ang pinakasalan ko. Meet my wife… Elliana Brielle Delafuente Castellano.” Ngumisi siya sa akin.
Kumaway si Brielle sa akin. Tumango ako kahit litong lito parin.
Wala akong maintindihan. Natutuwa ako na hindi si Damonisse ang kanyang tinutukoy pero may mas ikakagulat pa pala ako. I thought this jerk doesn’t like girls who’s far from his age?
“Akala ko ba si Sienna?” tanong ko.
Napawi ang kanyang ngisi. Sumulyap ako sa pinsan ni Damonisse na ngayon ay nakasimangot na. Biglang inipit ni Anzai ang aking ulo na ikinadaing ko.
Buhaghag ang aking buhok noong makawala ako sa kanyang headlock. Bumusangot ako habang nakaupo kaming tatlo sa hapagkainan at pinapanood ang mag-asawa sa aking harapan, nagsusubuan.
“Paanong nangyaring naging kayo?” tanong ko, hindi na napigilan.
Inangatan ako ng kilay ni Anzai.
“Bakit? Ikaw lang ang may karapatang magmahal ng isang Delafuente?”
Umismid ako at binasa ang pang-ibabang labi. Ngumisi siya.
“Naiinggit ka ba dahil naunahan kita?”
Nailing ako at itinuon ang tingin sa pagkain. Sumubo ako habang iniisip kung ano na ang balita sa kanyang pinsan. Should I ask her? Tiningnan ko ito kaso hinuli agad ni Anzai ang aking mga mata at inakbayan ang asawa sabay bulong ng kung ano.
“Isaiah… Nabalitaan mo na ba?” biglang sabi ni Brielle, sa tono ng boses ay halatang hindi maganda ang ibabalita sa akin.
“Ang alin?”
“Na um…” Nilingon niya si Anzai pero ibinalik agad sa akin. “Na kasal na ang pinsan ko at may baby na?”
Namutla ako ng husto at natigilan ako sa pagkain. Shit… Is that true? Sigurado akong may ediya na siya tungkol sa amin ni Zera at nakwento na ni Anzai sa kanya ang lahat.
Ngumiti siya sa akin at humagikhik.
“Si Nana… Iyong pinsan ko, kasal na at may anak.”
Humagalpak agad ang dalawa sa aking harapan pagkatapos makita ang aking ekspresyon. Nalaglag ang aking panga.
“Are you thinking it’s your one and only Damonisse?” nanunuyang tanong ni Anzai saka binalingan muli ang asawa. “Sino nga iyong boyfriend ngayon ni Zera? Iyong modelo rin sa Cana?”
“Oh… Si ano… Uh si…” Nag-isip isip si Brielle, halatang walang ediya.
“Si Josiah?” si Anzai.
Tumango agad si Brielle. “Oo! Si Josiah! Bagay na bagay sila ’no?”
“Yes… They look great. Baka magpapakasal narin ang dalawang iyon.”
Humagikhik si Brielle at ang putangina kong kapatid ay ngumisi ngisi rin.
Josiah? Really? Halos katunog pa ng pangalan ko ang inimbento.
Hindi ko alam kung mapipikon ba ako o ano. Why are they doing this to me? At talagang magkasundo pa ang dalawa? I cannot imagine myself being here with these two. They’re a pain in the ass.
Hindi na ako umasa na bibigyan nila ako ng matinong impormasyon tungkol kay Damonisse. Tumanggap na lamang muna ako ng mga kliyente para may mapagkaabalahan. Tuwing gabi, nakikipag-inuman ako kina Lyle at Raziel na wala ring mga ediya.
“Eh ba’t hindi mo nalang tanungin si Brielle?” si Raz.
“Dinidemonyo ng kapatid ko. Mali mali ang sinasabi nila sa akin,” sabi ko at nilagok ang laman ng shot glass.
Humagalpak ang dalawa.
“Grabe rin ang mag-asawang iyon! Parang nakahanap ng katapat ang kapatid mo! Sobra siyang napapaamo ni Brielle!” ani Lyle.
Binasa ko ang aking labi at ngumisi. Lumagapak na nga. Nagdilang anghel ba iyong sinabi ko sa kanya? Kahit ako ay hindi makapaniwalang sila pala ang magkakatuluyan.
“Buntis na ba ’yon?” tanong ko at nagsalin muli sa aking shot glass.
“Mukhang hindi pa. Parang may nangyari kasi…” si Raz na ngumiwi pa.
Nagkasalubong ang aking kilay. Hindi pa? Ano namang problema?
Wala silang masyadong alam tungkol sa mga Delafuente. Kahit kay Zera wala rin. Tanging si Anzai lang naman ang nagsabi sa aking babantayan niya pero ibang Delafuente na pala ang binabantayan.
Ang tanging nasagap ko ay may cafe na itong itinayo. Hmm, now I’m wondering if she’s really married or not.
“Busog na busog ka ba?” Ngumisi ako kay Anzai sa Lunes ng umagang iyon.
Nagb-breakfast kaming tatlo. Tuwing umaga, nadadatnan kong asikasong asikaso niya ang kanyang asawa. Naaalipin nga siya ni Brielle. Napapaamo siya nito.
Umangat ang isa niyang kilay. Sumimsim muna ako sa aking kape at inilapag iyon pagkatapos.
“Kinain mo rin lahat ng sinabi mo noon. You said you don’t like girls who’s far from your age. Buti at hindi ka nabilaukan sa rami ng kinain mong salita?” Ngumisi ako ng pilyo.
“Oo… Sinabi niya rin ’yon sa’kin. Oo nga, Anzai,” ani Brielle habang tinitingnan ang asawang nagkasalubong na ang kilay.
“May pa sabi sabi pa iyan noon na hindi ka raw niya type,” sabi ko.
“Oo. He said that. He’s not my type too since he’s old and very grumpy.” Humagikhik si Brielle.
“Shut-up, Isaiah. At least we’re married. And guess what? Ni minsan hindi man lang nagtanong si Zera tungkol sa’yo sa tuwing nagagawi siya rito. She really doesn’t care anymore…” Siya naman ngayon ang ngumisi at ako naman ang halos hindi na makangiti.
“Oo nga… Kaya nagulat ako na may something pala kayo ni Zera kasi di siya nagkukwento. Parang wala siyang pake,” si Brielle naman na ngayon ay nasa asawa na ulit ang simpatya.
Ibinagsak ko ang aking mga mata sa pagkain. Ginalaw ko iyon at sumubo. Ang dalawa na naman ang nanalo lalo na’t hindi ko na magawang magsalita ulit. Diyan sila magaling. Ang pagkaisahan ako.
Kaya noong may nangyari na sa amin at pakiramdam ko ay magiging tatay na ako, I also informed them. Syempre, kailangan kong ipagmayabang na mauunahan ko pa siya lalo na’t baka ay buntis na.
“We’ll celebrate later. Magpapainom ako. Baka gusto mong sumama?” anyaya ko nang mamataan ko ito sa gym na naglilift ng barbell.
Tulog pa ang kanyang asawa. Bihira ko lang silang makitang hindi magkasama sa bahay na ito dahil madalas, palagi silang magkadikit. Kung nasaan ang isa, naroon din ang isa.
“Feeling proud?” Tumayo siya at kumuha ng towel.
Ngumisi ako at humilig sa isa sa kanyang mga equipments.
“Of course. Naunahan pa kita.”
Pinanood ko siyang punasan ang pawis sa kanyang mukha. Inangatan niya ako ng kilay at isinampay iyon sa kanyang balikat.
“We’re planning for a baby last year. But something happened at masyado siyang nastress. I’m sure they’re all stress…” aniya.
Iyon ang kumuha ng aking atensyon. Something’s off with Damonisse too. Parang ang lungkot lungkot ng mga mata. Naninibago ako.
“Maraming pinagdaanan ang pamilya nila. Good thing she still agrees to marry me last year inspite of all the chaos,” sabi niya.
Natigilan ako. College pa lang ako, nakita ko na ang bond ng mga Delafuente. Kung may problema ang isa, problema nilang lahat. Is that the reason why Damonisse looked so sad? O baka isa iyon sa dahilan?
“Did you know Elliana was shot because of the Valdez? They used her to threatened me.”
I stared at him. Ngumisi siya.
“Pero papayag ba akong sila ang kumontrol sa akin? Of course not.”
Isa sa mga rason kaya ayaw ko ring ibunyag ang koneksyon ko sa kanila dahil sa kapahamakang nakadikit sa kanilang pangalan. Noong namatay ang aking ina, naging leksyon na iyon sa akin na hinding hindi ko aakuin ang apelyidong naging rason kung ba’t siya nawala.
At ngayon na naririnig ko ang nangyari sa pinsan ni Damonisse, mas nabigyan lamang ako ng rason na itago na lamang ang koneskyon ko sa mga Castellano. I don’t want to put her in danger. Mas mabuting tago na lamang ang lahat nang hindi siya mamuhay sa takot.
“Hindi alam ni Brielle?” tanong ko.
Umiling siya. “It’s not yet the right time. Maybe after years or so. Sasabihin din natin lalo na’t baka matipuhan ng mga anak mo ang anak ko. Ang ganda pa naman ng asawa ko…”
“Gago.” Ngumisi ako at nailing. “Akala mo naman hindi rin maganda ang mapapangasawa ko?”
“Oh bakit? Asawa mo na ba? You’re so assuming…”
I chuckled. “Sa akin parin ang bagsak noon kahit mag-inarte iyon,” sigurado kong sabi.
Ngumiwi siya. But he’s right… We need to tell them maybe after years or so… Sa ngayon, huwag na lang muna.
Lumipat din naman ako sa isang condo unit na binili ko, lalo na’t hindi ko narin kaya ang nadadatnan ko tuwing umaga sa bahay na iyon. His wife’s soft giggles as he tickles her is like one of my morning routines. Nakakandong sa kanya habang kumakain ang dalawa at iyon ang palaging pinambubungad sa akin.
“I’m going to pack my things today,” sabi ko at nagtungo sa coffee maker.
Mabilis kong naalala ang pangit ng lasa ng sariling kape ni Damonisse. I smirked. Doon na lamang siguro ako magkakape. But that woman is not showing for how many days now. Ewan ko at anong pinagkakaabalahan. Pagkatapos noong may nangyari sa amin, di na nagpapakita sa cafe.
“Ayaw mo na rito?” Anzai asked me.
Natauhan ako at bumaling sa kanya.
“Tuluyan na akong lilipat sa condo. You two needs privacy,” sabi ko, tiningnan narin ang kanyang asawa na nakatingin sa akin.
Her soft features reminds me of Damonisse alot. Iyon nga lang, ay mas seryoso ang aking babae. This one is so angelic and innocent looking. Iyong akin, di mo alam kung may ikinakagalit ba sa’yo pag titingnan mo dahil palaging nangingibabaw ang pagiging mataray. Her goddess beauty is really intimidating.
“May maganda ng nangyayari sa inyo ni Zera?” tanong ni Brielle sa marahang boses.
Umiling ako. “She’s not showing up in her cafe…”
Nabanggit rin kasi ng mag-asawa sa akin na hindi rin nagagawi rito ang babaeng iyon lalo na’t madalas din pala nilang pagtulungan. My poor brat… Hindi lang pala ako ang dumanas ng pagmamalupit ng mag-asawang ito. Pati si Damonisse ay pinagtutulungan din nilang dalawa, marahil ay iniinggit kaya ayaw nang bumisita rito.
“Suki kana ba roon sa kanyang cafe? At anong alibi mo sa kanya? Na nahuhumaling kana sa kanyang kape?” ani Anzai at humalakhak.
Iritado ko siyang tiningnan pero hindi naman ito natablan lalo na’t ibinalik agad ang mga mata sa kanyang asawa na nagsasalita na.
“Siguro naroon iyon kina Nana… Baka nawiwili kay Trench,” aniya.
Napanatag agad ako noong marinig ko iyon. Well, maybe… Mas mabuti ngang naroon siya hindi iyong kung saan saan na lamang siya.
“I’m planning to get her these days,” sabi ko at humalukipkip sa may sink.
“Oh bakit? Ibabahay mo na?” si Anzai.
“Naghahanap pa ako ng magandang bahay,” sabi ko.
“Zera wants to live in Cebu. Nabanggit niya iyon sa akin noon eh. Akala ko kay Trey ko ito sasabihin since gustong gusto niya iyon,” sabi niya sa inosenteng paraan.
I want to glare at her for talking about Trey kaso noong inunahan ako sa pag-aangat ng kilay ni Anzai sa akin ay hindi ko nalang itinuloy. Di naman ako galit.
Cebu? Doon niya gustong tumira? Alright… I’m going to find a house for us, Damonisse. Mag-inarte ka nalang muna riyan. Kukunin din naman kita at ibabahay. Aanakan talaga kita ng marami at sisiguraduhin kong sa bawag pagtataray mo ay markado na kita bilang asawa ko.
The thought of it inspires me alot. Palagi ko talagang naiisip ang pagmamaldita noon tuwing nasa kanyang cafe ako. I missed her poisonous coffee… Iba parin iyong gawa niya talaga. When will she showed-up? Mamaya kaya naroon siya?
“Ah… Iyong Trey?” si Anzai naman, gusto agad palakihin ang topic.
Tumango si Brielle. Binasa ko ang aking labi at hinaplos ang batok. I really need to pack my things…
“Mas gwapo ba kay Isaiah? I think that guy is very good looking…” nanunuyang sabi ni Anzai na ikinaismid ko.
Ang traydor na ito… Noon lang gusto niyang bugbugin para sa akin.
“Huh? Hindi ’no. Mas gwapo pa si Isaiah para sa akin. Eh playboy iyon. Ayaw ko sa mga babaero. Pumapangit sila sa paningin ko.”
Humagalpak ako. Unti-unti namang napawi ang ngisi ng aking kapatid at halos madismaya na. This time, he glared at me intently as his face darkened. Oh bakit ako ang pagbubuntunan niya ng galit? Ako ba ang nagsabi?
“Mag-impake kana. Umalis kana rito ngayong araw,” sabi niya sa hindi makapagtimping boses, tila naiirita na sa aking presensya.
“Ang pangit pala ng mga babaero, Brielle?” nanunuya kong tanong at ngumisi kay Anzai na sasaktan na ata ako ano mang oras pag ipinagpatuloy ko ito.
“Oo. Mga pangit sila,” she said innocently.
“May kilala akong sobrang babaero noon. Mga half pa ang tipo… Ang lakas ng loob mambabae eh pangit naman pala?”
“Shut up you son of a bitch.” Tinaliman niya ako ng husto ng tingin.
Humagalpak ako lalo. Ang sarap pala sa pakiramdam na siya naman ngayon ang napipikon ko lalo na’t palagi nalang ako itong pikon na pikon sa kanya. Si Brielle lang naman pala ang susi. At kung hindi lang siguro nakaupo sa kanyang kandungan ang kanyang asawa ay nasaktan na ako niyan. Thank God!
The Untold Part
Gripped
Anzai Haze
Castellano
“Damn you for cheating! At talagang inanakan mo pa talaga ang kabit mo?!”
Nakarinig ako ang nakakabinging ingay ng mga basag na gamit sa kuwarto ng aking mga magulang.
I was just five when I found out my father cheated with my mother. Hindi lamang iyon, nagbunga ang kasalanan at may anak ito sa labas.
“Damn you, Martin! Mapapatay ko talaga ang kabit mo!” sigaw ng aking ina, naghahalo ang galit at iyak sa kanyang boses.
Namulsa ako at hindi naituloy ang pagbaba para pumunta sa kusina. Sumandal ako sa pader habang seryosong nakikinig sa ingay na nanggagaling sa bukas na pintuan.
“I gave you everything! Lahat lahat! Bakit mo ito nagawa sa akin?” My mother’s weak voice echoed. Paos na paos na iyon kakasigaw na ikinadurog ng puso ko.
“Lucinda, we both know why we marry each other. Alam mong dahil lamang iyon sa kasunduan ng ating mga pamilya, hindi ba?” matabang ang boses ni Papa, tila hindi man lang nagsisisi sa ginawa.
“I fell inlove with Irish-”
Nakarinig ako ng malakas na sampal.
“I love her,” dugtong ng matapang kong ama at muling umalingawngaw ang isa pang sampal.
“Tss…” I scoffed. Love, huh? What is this thing? Why does it sounds disgusting to me knowing he hurt my mother because of loving someone else.
Sa gabing iyon, marami akong naisip tungkol sa salitang pagmamahal. Fuck it. Iniisip ko pa lang ay naduduwal na ako. I promise to myself I will never fall inlove with someone else if I grow up. I don’t want to be like my father who fell inlove and hurt his wife.
Pwede rin naman sigurong ikasal ng hindi naiinlove, hindi ba?
Simula noong araw na iyon ay nag-iba na si Mama. Mas naging focus siya sa negosyo at palagi niya akong pinapangaralan ng kung ano ano.
“Listen, Anzai… Ikaw lamang ang tagapagmana at wala ng iba pa. Palalakihin mo ang ating kompanya at hindi tayo maaapi nino man kung dadating man ang araw na mamimili ang Daddy mo at hindi na tayo kasama roon. I want you to be stronger. Gusto kong ikaw ang mamahala ng Castellano Shipping Lines. Do you understand?”
Tumango ako. Sa edad na limang taong gulang, alam ko na agad ang responsibilidad ko. Araw araw ay iyon ang sinasabi ni Mama sa akin, na baka darating ang araw na may makikihati at mas papaboran ni Papa. Baka dumating ang araw na may lumutang na isa pang tagapagmana at agawin sa amin ang lahat.
Ayokong maagawan. Ayokong dumating ang araw na iyon. I was mad with my father and I hated him for hurting my own mother, for cheating.
“Sir! Hinagis po ni Anzai ang laptop sa mukha ko! Ayaw niya raw pong mag-aral!”
Ang umiiyak na tutor ko ang nagsumbong sa kakarating ko lang na ama galing trabaho. Yumuko ako sa railings ng aming hagdan at pinanood ang kawawang babaeng takot na takot sa akin.
My father with a tired expression looked up and stared at me coldly. Binigyan ko siya ng higit pa roon at tiningnan ito ng mas matalim pa. This cheater…
“Pasensya na…” ani Papa at may dinukot sa kanyang bulsa. “Sana ay kaya mo pang magtiis ng ilan pang buwan…”
Money can really control everything. Iyon agad ang tumatak sa aking isipan habang bata pa ako. My father doesn’t care with my rude behavior. Pinapalampas niya lamang ang lahat ng iyon.
Napagtanto kong baka tama nga si Mama, baka ay wala na talaga siyang pakialam sa amin dahil doon sa kanyang kabit at kanyang anak sa labas.
I did everything just to push his limits. He sent me to a private school in States when I was seven just to hide my real identity. At katulad ng aking nakagawian ay hindi talaga ako nag-aaral.
“Sir Castellano. We can’t handle your son anymore! He smacked his classmate and burned half of the library using his lighter!”
Humalukipkip ako at kalmadong tiningnan ang hindi mahitsurang mukha ng aking teacher.
“Maybe this is just a misunderstanding Mrs-”
“I used this lighter, Papa…” Ipinakita ko sa kanya ang nakatagong lighter sa aking bulsa.
Natutop ang kanyang bibig. Mas naging grabe ang tingin ng teacher sa akin at ng principal na parang nakatingin sila sa isang demonyo.
“I’ll just pay for the damages. I’m really sorry for my son’s behavior,” ani Papa at naglalabas na naman ng pera.
See? I can do anything because my father is willing to pay for the damages. Ganoon palagi. Mas gusto niyang winawaldas ang kanyang pera. Total marami naman siya noon. At siguro nga, ganoon din ang ginagawa niya sa anak niya sa labas.
“Let’s go home. We’ll find another school for you tomorrow…” ani Papa, sinenyasan lamang ang chauffer na alalayan ako papasok.
“Ba’t hindi ka nagagalit sa akin? Come on, Pa. At least punch me…”
Nilingon siya at nagtaas ng kilay.
“Why would I even punch you when in fact, you’re weak? Hindi ba at galit ka sa akin? You can punch me, too. But you chose to rebel with me. And you think it’s working Anzai Haze? You fucking weakling?”
Mabilis na nagliyab ang aking mga mata sa galit. This fucking asshole! Gusto ko siyang sugurin at suntukin pero oo nga at tama siya, hindi ako ganoon kalakas para man lang suntukin siya sa katarantaduhang ginawa niya sa aking ina! And now he’s even mocking me! Humanda ka talaga at magpapalakas ako para maipamukha sa iyo iyang sinasabi mo.
At the age of seven, I already enrolled myself on a jujitsu para lamang matawag akong malakas. My father called me a weakling! Hindi ko iyon matanggap.
“Anzai, bakit ba gustong gusto mo ang ganitong hobby? This is so…” Ngumiwi siya ng pasadahan ng tingin ang mga nags-sparring sa training center.
“Mama… I am doing this to protect you. Just support me,” sabi ko at pinunasan ang sariling pawis sa noo.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Hinaplos niya ang pisngi ko.
“Really?”
Tumango ako. “Bubugbugin ko si Papa para sa’yo dahil pinapaiyak ka niya.”
My mother chuckled. Akala niya ay nagbibiro lamang ako pero ang totoo noon ay seryoso ako. I want to defeat my father. I want him to think that I am strong at hindi niya na pwedeng saktan pa si Mama. Hindi niya na ito pwedeng paiyakin pa.
I was just ten when I met Sienna Valdez. Anak siya ng family friend namin. Pinakilala ako ni Mama sa kanya.
“This is Sienna, Anzai… You’re going to marry her soon and she’s going to be your wife,” ani Mama, tinutukoy ang babaeng nakatingin sa akin suot ang isang magandang damit.
Namulsa ako sa suot na pants. They’re here in our mansion for dinner.
“Hello…” Kumaway siya, masyadong mahinhin ang boses at tila nahihiya sa akin.
Tumango lamang ako habang pinapasadahan ito ng tingin. Mas matangkad ako sa kanya. Payat ito, maliit ang mukha, maputi, at halatang anak mayaman.
Siya ang magiging asawa ko pag lumaki na ako. Iyon ang sabi ni Mama sa akin. Ang sabi niya pa, ganoon din daw sila nagkakilala ni Papa at magwowork-out din kami katulad nilang dalawa.
Hindi ko iyon masyadong binigdeal lalo na’t noong lumalaki ako ay wala naman akong nagugustuhang babae.
Noong sampong taon na, narinig ko muli ang pag-aaway ng aking mga magulang. Umiiyak si Mama at sinusumbatan sa lahat ng bagay.
“At ano, Martin? Dadalhin mo rito ang anak mo? Anong mangyayari sa amin ni Anzai? Gagawin mo kaming sampid?!”
“Tone down your voice, Lucinda-”
“Oh bakit? Nahihiya kang marinig ng anak mo na gago kang asawa?!” The desperation on her voice is the evidence of her hatred towards my father.
“Ako ang una mong nakilala, Martin! Ako ang nariyan sa’yo simula pa lang! Pero bakit… Bakit parang ang babaeng iyon ang mas minahal mo?”
Natahimik ang aking ama. Humagulhol naman ang aking ina.
“Hindi pa ba sapat si Anzai sa’yo at sinusundan mo pa talaga ang bastardo mo? Pag nalaman ito ng iyong anak ay mas lalo siyang magagalit sa’yo! He’s going to hate you!”
Now I already get it. Kaya ba ay wala siyang oras sa akin dahil naroon sa isa niyang anak ang buo niyang atensyon? Really huh?
Mas lalo akong nagrebelde sa kanya sa lahat ng aking mga nalaman. Noong hindi ko na nakayang kimkimin ang lahat ay prinangka ko na talaga ito lalo na’t sumabog na ako ng husto.
Linggo iyon noong umuwi siyang pagod at namumungay ang mga mata. I’m not sure if it’s because of work.
“Kumusta, Pa?” I asked him coldly.
Namulsa ako sa gilid ng enggrandeng hagdan, nakatayo sa huling baitang. I stared at him with so much hatred. Mahal na mahal ko ang aking ina at pinapaiyak niya lamang. Hindi ba at tungkulin niyang mahalin ito ng higit pa?
Kinalas niya isa isa ang butones ng kanyang coat. Hindi siya umimik sa akin at gusto pa akong lagpasan. Gumalaw ang aking panga at galit itong sinundan gamit ang matalim kong tingin.
“Napagod ka sa kabit mo?”
Natigilan si Papa sa hagdan. Ngumisi ako at mas ginanahan. Ah… Ito lang pala ang makakakuha ng buo niyang atensyon, ha? Ang babae niya lang pala ang kahinaan niya. Ang makakatinag sa kanyang katigasan.
“Is she better than my mother? Eh iyong isa mo pang anak? Kaya ba at wala kang panahon sa akin dahil sa kanya mo ibinubuhos lahat?” I said bitterly.
Hindi siya umimik at nagsimula muling humakbang. My hands turned into fist.
“That slut is nothing compared to my mother-”
Mabilis na natutop ang aking bibig nang bigla akong umangat sa ere at kinwelyuhan ng aking ama. Ganoon siya kabilis na hindi ko man lang ito namalayan. Nagulat na lamang ako at halos masakal sa pagkakaangat dahil sa kanyang lakas.
“You piece of shit! Don’t talk like that to me, Anzai! Anak lang kita!” he spat angrily while glaring at me in his blazing eyes.
Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakakwelyo sa akin at tinaliman din siya ng tingin. Buong buhay ko, ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka galit dahil lamang pinagsalitaan ko ang kanyang babae. He’s really choosing those garbage over us!
“Then stop hurting my mother! Ama lang kita!” Nagpumiglas ako sa ere, halos masakal na.
Hinagis niya ako gamit ang kanyang pwersa. Tumilapon ako sa sahig at sobrang sakit ng pagkakabagsak ko. I cursed loudly while throwing glares at him.
Tumayo ako at sinugod siya. I tried to throw some punches ngunit tinulak niya akong muli. Sumugod ulit ako, gustong gusto siyang saktan pero natigilan din nang makita ko kung paano gumalaw ang kanyang mga balikat at umiyak sa aking harapan.
Natamaan ko ba siya? Teka… Hindi ko maalalang nasuntok ko siya. Why is he so advance?
“Today is her death anniversary. Please, huwag na muna ngayon…” he whispered weakly.
Death? Sino?
Tumalikod siya at muling naglakad paakyat. Tiningnan ko ang ama kong hinang hina lalo na’t humawak na lamang siya sa railings para suportahan ang sarili sa pag-akyat.
Sa kyuryusidad, inalam ko kung sino ang kanyang tinutukoy at doon ko nalamang patay na pala ang kanyang isang babae.
Patay na pala? Bakit ganoon parin kagalit si Mama sa kanya? Sa kanila? I don’t understand it.
“Hindi mo ba naiisip ang kayang gawin ng isa niyang anak sa atin, Anzai? Your father will surely gave him some part of his wealth! At baka angkinin ng buo ng bastardo niyang anak at walang maiwan sa atin! Ayokong may kahati ka sa kayamaman! Gusto kong ikaw lamang ang tagapagmana ng mga Castellano!”
Iyon ang sabi ng aking ina noong tinanong ko siya sa bagay na iyon. Mas lalo lamang akong nalito. Talaga bang gagawin iyon ng isa niyang anak?
I started stalking his son just to see how he was doing. Baka nagpapakatamasa sa kayamanan ni Papa?
But no… I was wrong. Sakay sa limousine na tinted, pinanood ko ang lalakeng pumapasok sa isang publikong eskwelahan, nakasuot ng mumurahing uniporme ganoon din ang bag na tila pinaglumaan nalang dahil nakita ko ang ilang bahaging tinahi na lamang.
He’s very opposite from me. I was born with a silver spoon in my mouth, habang siya ay tila kapos palagi lalo na’t pati ang pananamit ay masasabi mo talagang mahirap lamang. I never tried wearing a simple clothes. Lahat iyon ay branded. Kahit malinis naman siyang tingnan at malayo sa akin, amoy na amoy ko ang kanyang kahirapan.
Iyan ba ang mang-aangkin ng aming kayamanan? Iyan ba ang sinasabi ni Mama na balang araw ay kakaawain kami? Balang araw ay aagawin ang meron sa amin?
Tinandaan ko ang araw na pagsiklab ni Papa at noong lumipas muli ang isang taon ay nahuli ko ang aking ama, bihis na bihis at mukhang may lakad.
“It’s her death anniversary,” sabi ko.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Yes…”
“You’re going to visit her?”
Tumango siya at ibinalik ang atensyon sa kanyang sleeves na kanyang nirorolyo.
“You wanna come with me? I’ll introduce you to her…”
Nagkasalubong ang aking kilay roon. My father is crazy. Bakit niya naman kakausapin ang patay na?
Pero kahit na tingin ko ay kahibangan iyon, sumama parin ako.
Nagtungo kami sa publikong sementeryo. Pagkarating doon, may nauna na atang dumalaw lalo na’t may mumurahing bulaklak ang naroon at mukhang pinitas lamang sa kung saan. Ngumisi si Papa.
“Palagi talagang nauuna si Isaiah rito,” aniya at inilapag narin ang dalang bulaklak sa tabi.
Namulsa ako at tinitigan ang pangalang nakaukit sa lapida. Irish Silvestre.
“Irish… This is my son, Anzai Haze… He’s one year older than our Isaiah Jace. Siya iyong kinukwento ko sa’yong napakatigas ng ulo…” My father chuckled.
Nagloosen ang aking balikat sa sobrang rahan ng kanyang boses. Noong nilingon ko siya ay kumikislap ang kanyang mga mata dahil sa luha. He sighed heavily.
“I failed to protect her, Anzai. Kung sana ay tinanggap niya lang ang binigay kong pera para makalayo sila rito ay hindi siguro siya mamamatay. Ni piso, wala siyang tinanggap sa akin.”
“Irish is such a beautiful person, inside and out. Nagpatali ako sa mama mo dahil sa kasunduan lamang, Anzai. Katulad lang din sa inyo ni Sienna na pinagkasundo lamang. Mahal ko naman ang ina mo pero noong makilala ko si Irish, doon ko napagtantong may mas mamahalin pa pala akong babae higit sa inaakala kong pagmamahal. She showed me the real meaning of love.”
Nag-iwas ako ng tingin at nasaktan para sa aking ina. I cannot take all of it. Hindi ko parin magawang intindihin ang kanyang pinupunto kung ba’t nakaya niyang saktan si Mama, ang babaeng walang ginawa kundi ibigay ang lahat sa kanya.
Anong meron sa babaeng iyan at hindi niya nakita kay Mama?
“Mama did everything for you. Binigay niya ang lahat…” matabang kong sabi.
“Maiintindihan mo rin ang lahat ng ito pag lumaki kana, Anzai. May mga pagmamahal talagang hindi masusuklian na kahit ibinuhos na sa’yo, kahit isinusubo na, tatanggihan at tatanggihan mo dahil lamang sa isang tao. Kahit hindi mo naman gustong saktan ay hindi mo maiiwasan dahil lamang sa pag-ibig. Someday, someone’s going to make you feel the real meaning of love…”
I was already twelve when I met his other son named Isaiah. Unang kita ko pa lang ay hindi na nagbago ang pananaw ko sa kanya. He looked so simple and he looked like me alot… Iyon nga lang, mas maamo siyang tingnan kumpara sa akin. It’s like he’s my soft version.
“Di mo ba iyon binilhan ng bagong sapatos, Pa? Kulang nalang magmukha siyang pulubi sa kanyang suot…” sabi ko nang umalis na ang supladong si Isaiah.
“Nakita mo naman? Nagwalk-out at tinanggihan ang pera ko. Manang mana lamang siya sa kanyang ina. Hindi mo mabubulag sa kayamanan,” he chuckled.
Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit nawala ang galit ko kay Papa, at kung bakit unti-unti kong natanggap ang kanyang pagkakamali. Maybe because I saw his weak side… Iyon nga ba? O talagang naliwanagan lamang ako na mali ang binibintang sa kanila ni Mama?
I started stalking him using my free hours, after doing some of my hobbies. At first, he tried pushing me away. Pero sa huli, hinayaan niya na lamang ako.
“Kumakanta ka rin ba? Maganda ang boses ni Isaiah kaya baka ay maganda rin ang sa’yo,” ani Lyle, ang gitarista sa kanilang grupo na sinalihang banda ni Isaiah.
Tumango ako. Tumingin si Isaiah sa akin. Tiningnan ko naman ang suot niyang itim na tshirt. Umangat ang dalawa kong kilay. Paulit ulit ang damit nito ah? Talagang napaghahalataang walang pambili?
“Edi kayong dalawa nalang ni Isaiah ang vocalist!” mungkahi ni Lyle sa natutuwang boses.
“Ayoko. I don’t really like singing.” At kakantahan pa ang mga babae? Tss. That’s not my thing.
Umalis ako sa bahay noong hindi ko na kayang pakinggan ang paulit ulit na pag-aaway ng dalawa. Noong bata pa ako, nasasaktan ako para kay Mama. Pero noong lumaki na, napagtanto kong masyado niya nalang binibigdeal ang lahat.
Yes, I love my mother so much. Pero naiirita na ako sa paulit ulit nilang pag-aaway. Gusto ko nalang munang mamuhay ng mapayapa.
“Anzai, ba’t mo ako iiwan? Sino nalang ang kasama ko rito? Umaalis na nga palagi ang Papa mo, pati ba naman ikaw?”
“You know why he doesn’t like to stay longer in this house, Ma. Palagi mo siyang inaaway,” sabi ko at nagpatuloy sa pag-iimpake.
“Kinakampihan mo na ba ang ama mo? Tama ba iyong ginawa niya sa atin? He cheated, son! At nagbunga pa ang pagkakamali! Baka hindi natin alam kaya ganyan na ka busy ang iyong ama dahil naroon palagi sa kanyang bastardo at kung ano ano na siguro ang hinihingi-”
“Stop it, Ma! Our wealth turned you into a monster. Masyado mong ipinagdadamot ang kayamanang hindi mo naman mapapakinabangan pag namatay kana. You can’t even bring it in hell with you,” matigas kong sabi na ikinaputla niya.
Alam ko ang pinanggagalingan ng galit niya pero iyong dahilan ng galit niya kay Isaiah ay hindi ko na mapunto. It’s all because of our stupid money.
Nakonsensya rin naman agad ako sa aking sinabi nang makita ko ang paglambot ng kanyang ekspresyon. Bumuntong ako ng hininga.
“Son…” Namungay ang kanyang mga mata.
Isinarado ko ang zipper ng aking bagahe at pinababa na iyon sa mga katulong.
“Nasa condo lamang ako. You can visit me freely if you want. And forget about my place in the company. I’m not going to take over it. Ang pagkakaabalahan ko nalang ngayon ay ang mga gusto ko.”
Simula noong araw na iyon ay pinamukha ko na sa kanya na hinding hindi ko pamamahalaan ang kompanya. Iyon lang naman ang gusto ni Mama, ang akuin ko lahat ng kayamanan para may makuha siya kung sakaling dumating ang araw na magdesisyon si Papa at pamanahan din si Isaiah. I’m going to let my father decides with all of it.
At iyong kasal na sinasabi niya? I will no longer support her. Hindi naman sana siya pinapabayaan ni Papa pero pakiramdam niya, ano mang oras ay mauubusan na siya ng pera. My father raised her into a spoiled brat woman.
Mahal ko siya pero hindi ko naman pwedeng suportahan lagi ang mga desisyon niya. She needs to learn.
Pinunasan ko ang pawis at nameywang na habang tinitingnan ang target na nagawa ko sa loob ng shooting range. Isa sa mga hobby ko ay ang archery. It’s a good diversion aside from sex.
“Pst! Pst!”
May kung sino ang panay sitsit sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang isang babaeng nakaupo. Awtomatikong napadpad ang aking mga mata sa kanyang dibdib. Cup C…
Tiningnan kong muli ang kanyang mukha. She has a wavy hair and a small face. Maganda ang kanyang mga mata. Her brows looked perfect including those thick lashes. Matangos ang kanyang ilong and those pink lips looked so soft plus her cute chin made her more attractive.
Ang ganda nito ah? Malaanghel na ang mukha at payat pa. May boyfriend kaya ito? Dibdib palang…
“Yes?” I said cooly, basang basa agad ang kanyang gusto. “Is it my number, Miss?”
Nagulat siya at mabilis na umiling.
“Excuse me po, Kuya. Nakaharang ka lang po kasi. Can you move a bit?” Sinenyasan niya akong tumabi, umalis sa aking tinatatayuan.
Napaawang ng bahagya ang aking mga labi. I licked my lowerlip and save myself from embarrassment. At anong Kuya?
“I am just twenty-one, Miss,” sabi ko.
“And I am sixteen.” Tumagilid ang kanyang ulo at tila walang interes sa akin. “Kindly move, Kuya?”
The. Fuck? Sixteen? She doesn’t look like sixteen to me! Bago pa ulit mapaalis at matawag na Kuya ay umusog na ako. Mabilis na lumiwanag ang kanyang mukha at napangiti sa kung sinong tinitingnan niya. Sinundan iyon ng aking mga mata at nakita ang isang lalake. Boyfriend?
Palagi kong matatamaan ang babaeng iyon sa shooting range kasama iyong lalake. Tuwing Sabado sila naroon. She really looked like a falling angel, even if without her wings, she looked like floating to me. Ang kanyang galaw ay masyadong magaan. Palagi pang nakaputi kaya pagkakamalan mo talagang anghel sa lupa. Sayang ang babaeng ito kung hindi mapupunta sa akin.
Nagpapansin ako, syempre. I tried impressing her, lalo na’t mas magaling pa akong shooter kaysa roon sa kanyang kasamang lalake. He’s fucking lame.
Pagkatapos mapana ang gitna ay sinulyapan ko agad ang kanyang inuupuan dahil sigurado akong namangha na iyon. But to my surprise, masaya itong pumapalakpak because of the jerk’s achievement! She’s not even interested at kahit kaonti man lang ay hindi ata sumulyap sa akin. Baka nga di na ako naaalala.
Putangina? This girl is very hard to please! Dumaan daan na ako sa kanyang harapan at tinakpan ang kanyang tinitingnan para lang makita niya ako at mapansin man lang pero palagi akong nauuwi sa pananaboy niya. Parang wala siyang pake sa aking kabuuan na kahit maghubad ako ay hindi niya ako mapapansin.
“Paharang harang ka po, Kuya. Excuse me po!” sabi niya sa magalang na boses, ang pamilyar na malambot niyang boses ang muling umalingawngaw nang nagpanggap akong tumayo sa kanyang harapan habang inaayos ang magulo kong buhok, kulang nalang ay madramang kagatin ang aking labi.
I licked my lips as my brows furrowed. Tiningnan ko siya sa madilim na ekspresyon na ikinaguhit agad ng takot sa kanyang mukha.
“Miss, VIP ako rito. I can stand wherever I want to,” sabi ko sa sobrang tabang, lalo na’t hindi niya rin ata napupunto ang mga pagpapapansin ko.
“Sorry po!” Tumayo agad siya, nagmamadaling umalis sa kanyang pwesto. “Nakakatakot naman ang matandang ’yon…”
Nalaglag ang aking panga. Sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko, iyon na ata ang pinakaweird. I don’t have an effect on her and worst, she only sees me as a scary old man. Damn it! Oh I’d rather entertain girls who’s always sport at ka-edad lang.
Sa unang beses, may babaeng nagparamdam sa akin na hindi lahat ay kaya kong kunin. At sa tuwing namamataan ko siya sa shooting range tuwing Summer, talagang nasa iisang lalake lamang ang buo niyang atensyon. What’s so special with this bastard?
Hindi ko na lamang iyon masyadong inisip pa. Well, as if I like her romantically.
“Ang ganda oh. Mukhang half…” Nginuso ni Lyle ang isang babae na may maiksing damit at mukhang namimigay ng sample ng mga inumin.
Sandaling tumagal ang titig ko sa dim na Bar. I know her…
“Bata pa yan,” sabi ko at tinungga ang shot glass.
Humalakhak si Raziel. Tulala si Isaiah sa kanyang inumin, walang pakialam sa babaeng pinag-uusapan namin at namumula na ang mukha.
“Matangkad ah? Nasa 5’6 o 5’7 ata oh… Ganyan pa naman ang mga tipo mo!” si Lyle naman, pangisi ngisi sa akin.
Nagkibit lamang ako ng balikat.
“Nacucurious na talaga ako kung may makakapagpatino pa bang babae sa’yo. Iyong hindi lang pang one night… Iyong susuyuin mo, lalambingin, paglulutuan, pagsisilbihan,” ani Raziel na akala mo’y may binubuo na sa kanyang isipan dahil napatingin pa sa kawalan.
“Oo nga ’no? Iyong gigising ka talaga ng maaga lalo na’t palagi kang tinatanghali. Iyong ikaw ang mapapaluhod. Iyong makakaramdam ka talaga ng selos pag may lumapit na iba sa kanya. Iyong mababaliw ka talaga,” dagdag naman ni Lyle at nag-apir pa ang dalawa.
Umismid ako. “That is so impossible… Malabong mangyari.”
Nadismaya agad sila sa aking sagot. Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone at nakalinya roon ang mga babaeng nakilala ko lamang sa kung saan saan. Nagreply ako saglit kay Jenevive, isang half British na babae. She’s inviting me later in her place. Might as well enjoy the night, huh…
Ako:
Later babe.
Bumaling sila sa kanina pang tahimik na si Isaiah.
“Eh ikaw Isaiah? Kailan mo balak mag girlfriend?” tanong ni Raz.
Natauhan ito at humilig sa mesa. “Pag naging mayaman na ako,” aniya.
Umangat ang dalawa kong kilay.
“Huh? Eh may kaya nga si Anzai edi imposibleng…”
“Tsss. Iyong pinaghirapan ko mismo, hindi iyong galing lamang sa ibang tao,” aniya sabay lagok noong kalahating laman ng kanyang inumin.
Iyon ang ikinakamangha ko sa kanya. Hindi siya nasisilaw sa pera at may sarili siyang paninindigan. Kung siguro ay ipinanganak kaming dalawa sa ibang sitwasyon ay lalaki kaming sabay at magkakasundo sa lahat ng bagay.
Natigil narin naman ang banda kaya wala na akong masyadong pinagkakaabalahan kundi ang mga hobbies ko nalang. Isaiah is already in States, doon na pinagpatuloy ang pag-aaral.
Summer iyon noong makita kong muli ang pamilyar na babaeng medyo dalaga ng tingnan. I already have a slight info about her since she’s Zera’s cousin, and of course, I saw her again in that school.
Kaya noong lumalapit lapit ay nagtaka na ako. She really doesn’t remember me at all. Pwes kung ganoon man, it’s my turn to make her feel the feeling of being embarassed. Anong tingin niya, papansinin ko siya agad pagkatapos ng ginawa niya noon? At easy to get ako? Hah! My fucking ass.
I’ve been with different girls kaya basang basa ko na ang kanyang galaw. And she’s even friends with those three stalkers who love to follow me alot lalo na’t palagi ko silang namamataan sa mga pinupuntahan ko.
Now I wonder if this is some prank? Baka naman pinaglalaruan ako? And knowing that innocent girl who even called me Kuya, halatang wala iyang kaalam alam sa paglandi.
Her friends told her to do it. I am sure of it. Galawan niya pa lang, halatang gusto niya lang maimpress ang mga ito. Really huh? You think I am an easy to get person after what you said to me? A scary old person?
Ang balak ko nalang noon ay bilugin ang kanyang ulo at utuin siya total bata pa naman. Madali lang naman iyon dahil masyado siyang ignorante. Baka kaonting suyo lang sa kanya ay bibigay rin agad.
Papahulugin ko siya sa akin para maipamukha sa kanya iyang pandededma niya noon. I’ll make sure she’ll gone crazy because of me. Gusto kong magkandarapa siya sa akin ng husto at mapagtanto niyang nasa akin lahat ng gusto niya sa lalake. Tingnan natin ngayon iyang pa kuya kuya mo noon.
She’s really attractive, alright… Unang kita ko pa lamang sa kanya sa shooting range ay nakuha niya na agad ang buo kong atensyon kahit hindi ko naman nakuha ang kanya. I still remember her unlike her who can’t remember anything. Talagang maganda ito at kung tititigan mo lalo ng matagal ay mas lalo ka lamang mamamangha sa kanyang mukha. It’s like her beauty will trap you from her own world. Ililigaw ka ng kanyang ganda at matatagpuan mo nalang ang sarili mong hulog na hulog kana pala sa kanya.
“Sino ang gusto mo roon, kung ganoon?” matigas kong tanong, hindi na napigilang kontrolin ang tono ng boses dahil sa selos sa gabing iyon.
I never felt this before. Iyong magseselos ako sa isang lalake. Pero ngayon, hindi lamang isa dahil fifteen silang lahat! Parang may tumingin lang sa kanya, sisiklab na agad ako. Shit!
“They’re not five years older than me… Ang sabi mo ay mga ganoon ang dapat kong magustuhan…” she said softly.
Sandali akong kumalma sa aking narinig. Tumalab na ba ang mga sulsol ko sa kanya? Gusto kong magdiwang at humagalpak pero masyado akong nilalamon ng pagseselos.
That’s not enough! The boys like her! Alam na alam ko iyon dahil halos hindi sila kumukurap sa tuwing titingnan nila ito!
“Ni isa, wala kang natipuhan?”
“Meron…”
Fuck it! Sino roon? Sino ang bubugbugin ko? Sino ang kumuha ng atensyon niya roon?
“Who?” I can feel the blazing fire in my eyes. Pag narinig ko agad ang pangalan, talagang sisiguraduhin kong may pagkakalagyan ang lalakeng iyon.
“Ikaw,” sagot niya.
The anger I felt suddenly vanished. Para iyong nagliliyab na apoy na bigla bigla nalang binuhusan ng malamig na tubig kaya agarang namatay. I cannot even hide the joy in my voice.
“Ano?” I asked softly.
“Gusto kita Anzai,” sabi niya, namumula na sa pag-amin.
“G-Gusto kitang maging boyfriend…” dagdag niya na ikinasinghap ko.
Damn it, Elliana! Magpakasal nalang kaya tayo? Huwag mo nalang ituloy iyang pag-aaral mo at magpakarami na agad tayo.
At talagang nasa iisang kwarto pa lamang kami. Nang-init agad ako sa kanyang sinabi. I need to control myself, alright… She’s very innocent and if I’m going to attack her right now, she’ll surely get scared.
Ayoko namang makasuhang child abuse! This can wait! I can fucking wait! Alang alang sa kanya, isasantabi ko itong pananabik ko.
Nabaliw na ako ng husto sa kanya. Unang kita ko pa lamang sa babaeng ito, nakakabaliw na ang ganda. Ngayon na umaamin sa akin na gusto niya ako, parang ako na ang mababaliw pag hindi naging kami.
Kaya noong nakidnap ang kanyang kaibigan, doon pa lang ay nagduda na agad ako.
“May kinalaman ba ito sa Daddy mo?” tanong ng pulis na kilala ang aking Papa lalo na’t sila rin ang palihim na nagpuslit kay Isaiah para makausap ito sa pribadong paraan.
“I don’t think so. Baka may kinalaman ito sa akin,” sabi ko.
“Oh… Babae na naman ba?” Ngumisi siya ng makahulugan.
“Iyong kapatid mo nakulong dahil sa isang babae. Ngayon naman, nasasangkot ka sa gulo dahil din sa babae. Iyan lang naman pala ang weakness niyong dalawa?” Natawa siya ng marahan.
Seryoso kong binasa ang aking labi at nilingon si Elliana na masyadong nag-aalala sa kanyang kaibigan habang kasama rin iyong dalawa pa. Siya ang main target ng mga kidnappers na iyon at sigurado akong napagkamalan lamang ang kanyang kaibigang siya lalo na’t parehas sila ng suot.
Kinumpirma ko ang aking hinala. Sa gabing iyon ay nakipagkita ako kay Mr. Jared Valdez. Wala akong ibang naiisip kundi sila lamang lalo na’t tumanggi na ako sa kasal.
“You showed up… This is so unusual. Sit, Anzai. I assumed you’re here dahil nagbago na ulit ang isip mo.” Ngumiti ang matanda sa akin, kaedad lamang ni Papa.
Umupo ako sa swivel chair na bakante at nilingon ang mga tauhan nilang humalukipkip, nakatingin sa akin at may mga baril pa sa bawat gilid.
“Martin told me if you agreed with this idea then he’s going to respect it. Mga bata pa lamang kayo ni Sienna noon ay pinagkasundo na kayong dalawa. You two are close, too. Pumayag ka sa kasunduan noon dahil iyon din ang gusto ng iyong ina, hindi ba?”
This asshole. Tumango ako at hindi gaanong nagpakita ng pagpalag sa kanyang mga sinasabi.
“Very well, then! Tuloy ba ang kasal, Anzai?” he asked me and smirked.
Tiningnan ko siya ng makahulugan. Mas lalong naglaro ang ngisi sa kanyang labi hanggang sa humalakhak siya.
“Please don’t give me that look. I didn’t harm her. Baka lang kasi nakakalimutan mo na ang kasunduan kaya gusto ko lang sanang ipaalala sa’yo. You can’t just back-out so easily, Anzai. This isn’t a game, you know…”
Minamaliit ata ako ng isang ito? Anong tingin niya, na purket mas matanda siya ay kayang kaya niya akong manipulahin at pasunurin sa kanyang gusto? Alright then, why don’t we start this war?
Manang mana nga ako sa aking ama. Natukso sa ibang babae habang nakatali na sana sa iba. Pero hinding hindi ko siya gagayahin. Sa huli, alam kong ako parin ang masusunod. Sila dapat ang lumuhod.
The Untold Part
Gripped
Anzai Haze Castellano
I started with my plans, to crash the empire of the Valdez. Kailangan kong siguraduhing wala na silang pakinabang sa amin nang hindi matuloy ang kasal na ito. I started gathering informations using his daughter, Sienna. Siya ang alas ko ngayon lalo na’t sigurado akong marami siyang alam sa kanilang kompanya.
“Hey…” Ngumiti siya sa akin pagkagising ko.
Narito na siya at suot suot ang aking damit. I gave her the passcode of my condo para akalain niyang tuloy na tuloy ang kasal at hindi parin nagbabago ang aking isipan.
Nagtungo siya sa akin. Hinila ko ang kanyang beywang palapit. Kitang kita ko ang pamumula niya. This is so easy…
“You’re wearing my shirt…” sabi ko at hinaplos ang butones noon habang tinitingnan siya ng malalim.
“I’m sorry. Is it okay?”
Ngumisi ako at tumango. “You’re going to be my wife soon so why not, Sienn?” I leaned closer.
Ramdam ko ang kanyang kaba lalo na’t rinig na rinig ko rin ang pintig ng kanyang puso. Ganoon iyon kalakas.
“Oo nga pala… That girl named… Elliana?”
Sa kanyang binanggit na pangalan ay mabilis akong nawalan ng ganang landiin ito. Fuck… I missed her.
“Yeah?” I tried to sound okay.
“Pumunta siya rito kanina. Hinahanap ka…” Tiningnan niya ako sa mga mata.
I need to distance myself first. Baka pag lumapit lapit ako ngayon sa kanya ay mapahamak pa siya. I’ll settle this first.
“Ang gandang bata…” sabi niya.
Mas maganda pa sa’yo, hindi ba? Gusto ko sanang insultuhin pero baka hindi ko makuha ang mga gusto kong impormasyon sa kanya. Damn it.
Hinayaan ko siyang dumikit dikit sa akin. Hinayaan ko siyang tumira sa aking condo. Hinayaan ko siyang mag-assume na may something na sa aming dalawa. Kung hindi ko nakilala si Elliana, okay naman ito. Pasado sa aking standards. Katawan palang… And we already know each other since we were kids. Kaya ko siyang pakasalan kung walang Elliana sa buhay ko. But after seeing that girl, I realized I don’t have high standards with girls if it wasn’t her. Ganoon ang pinaparamdam niya sa akin lagi.
She’s mad at me. Alam ko iyon lalo na’t wala na akong masyadong oras sa kanya. Lalo na’t noong inimbitahan niya ako sa kanilang bahay ay hindi pa ako sumipot. Kung hindi lang talaga may sumusunod ay tutuloy na ako kaso ang mga putangina ay binabantayan ang bawat kilos ko.
Pag ako nakakuha ng alas sa kanila ay babaliktarin ko talaga sila. Siguraduhin lang nilang hindi nila gagawin si Elliana dahil talagang makikipagpatayan ako.
“Anzai!” Mabilis akong niyakap ni Sienna nang binalak kong sundan si Elliana.
Tangina! Naghahalo ang aking emosyon. Galit na galit sa pangmamanipula ni Sienna at takot na takot sa maaaring epekto noon kay Elliana.
“You are bound to marry me! Hayaan mo na ang babaeng iyon!” sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.
To my anger, I pulled her away from me. Matalim ko siyang tiningnan.
“You’re nothing compared to that woman, Sienna,” I glared at her.
Mabilis siyang namutla at tila nanghina sa aking sinabi. Mabilis na akong lumabas para sundan si Elliana. Shit… This is so wrong! Maraming umaaligid na tauhan ng mga Valdez! One wrong move and they’re going to assasinate her.
For the first time in my life, I cried while watching her cry in front of me. Sinumbat niya lahat sa akin, lahat lahat kung gaano niya ako kamahal at kung paano ko siya niloko. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan ng ganito. Akala ko wala ng ikakasakit pa iyong marinig ko ang iyak ng aking ina pero meron pa pala.
She’s my weakness. Wala akong ibang kahinaan kundi siya lamang. Ginamit siya para mapaamo nila ako, para mapasunod sa kanilang gusto.
“Gago ka!”
Isang suntok ang natanggap ko sa isa niyang kapatid. Sa sobrang lakas, napaatras ako ng bahagya.
“Blue.” Inawat siya ng kanyang kakambal ngunit masyado itong sumisiklab at gusto na namang sumugod.
Tinanggap ko ang kanilang galit. Masyado rin akong nanghihina para makipagsagutan pa. Kung balak nila akong bugbugin ay hahayaan ko sila lalo na’t mas nangingibabaw sa aking utak ang duguan niyang katawan kanina.
“Ito na ang huli na lalapitan mo pa ang anak ko. Sa susunod na lumapit ka, ako na talaga ang makakalaban mo,” his father said angrily.
Lahat naman sila galit na galit. They’re all blaming me. Sarili ko rin ang aking sinisisi. Hindi ko naisip na maaari ring may gawin si Sienna.
“Track the fucking sniper. I want him alive infront of me,” sabi ko sa galit na galit na boses.
Mabilis na kumilos ang aking mga tauhan. Malakas naman ang kutob ko na ang mga Valdez ang may pakana nito pero gusto ko ring pagbayarin ang gumawa noon kay Elliana.
“Ito iyon, boss…” Itinulak nila sa aking harapan ang nahuling tauhan ng mga Valdez.
Napaluhod ito, takot ang mukha nang tiningnan ang galit na umukit sa aking ekspresyon.
Dinukot ko ang baril palabas at yumuko sa kanyang harapan para makalebel ito.
“Saan ka nagtatrabaho? Sa mga Valdez?” tanong ko sa baritonong boses.
Hindi siya sumagot at nag-iwas lamang ng tingin. Ngumisi ako at kinasa ang aking baril sa kanyang harapan. I saw how he swallowed hard.
“Valdez ang nag-utos sa’yo?”
He remained silent. Hindi talaga ganoon kahaba ang aking pasensya kaya walang anu-anoy pinaputukan ko ang kanyang hita.
He screamed with so much pain. Ang kanyang sigaw ay pumaibabaw sa isang Warehouse kung nasaan kaming lahat.
“Oh? Nakakapagsalita ka naman pala. Now answer my fucking question.” Itinutok ko ang baril sa kanyang ulo.
“Oo! Nagtatrabaho ako sa mga V-Valdez! Utos iyon ni Mr. Valdez!” natataranta niyang sagot, pawisan na at namimilipit sa sakit.
Ang lakas talaga ng loob ng gagong iyon para kalabanin ako dahil akala niya’y mapapasunod niya ako sa kanyang mga gusto. Not anymore.
Sinipa ko ito at sinenyasan ang mga tauhan na ilagay ito sa nararapat niyang kalagyan. Si Elliana ang magsisilbing panghatol ko sa kanya kung mabubuhay ba siya sa presinto o doon din siya mamamatay. She’s still in coma…
Ipinapubliko narin ang aking katauhan bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Castellano. Sa pagkakagulantang ng media, mabilis akong dinumog ng mga reporters.
“Gaano katotoo na magmemerge ang Valdez Company at Castellano Shipping Lines? Kailan ang kasal niyo ng nag-iisang anak ni Mr. Valdez na si Sienna Valdez?”
“Bakit ngayon ka lang bumunyag bilang tagapagmana ng Castellano Shipping Lines?”
“Ano nang plano mo? Susunod ka ba sa yapak ng iyong ama sa business world? O may sarili kang istratehiya?”
Wala akong sinagot ni isa at tuloy tuloy ang pagpasok sa kompanya. Mga tsismosa.
Iyon ang buong akala ng mga Valdez, na makakaya na nila akong kontrolin dahil nagawa na nila akong takutin sa ginawa nila kay Elliana. Hindi nila alam, hawak ko na lahat ng alas na magpapabagsak sa kanila. Tingnan natin ang tapang ng mga putanginang ito.
Pumasok ako sa conference room kung saan naghihintay si Mr. Valdez kasama ang kanyang anak na si Sienna Valdez.
The room were filled with their men in black. Napangisi ako roon. Mag-isa lang ako pero kailangan niya pa ng ganyan karaming bantay? Takot rin naman pala ito sa akin kahit papaano.
“My future son-in-law…” Ngumisi si Mr. Valdez at sinenyasan akong umupo.
Ngumisi ako at nagtungo sa bakanteng upuan sa tabi ni Sienna. She smiled awkwardly at me. Hindi na ako masyadong nagpakita ng interes at nilugawan ang aking necktie.
“Shall we start this meeting?” pormal kong bigkas.
Tumango si Mr. Valdez.
“Is this so important? Akala ko ay maghahanda na tayo para sa nalalapit niyong kasal ng aking unica-hija?” aniya at ipinagsalikop ang mga kamay sa mesa.
Inilapag ko sa kanyang harapan ang dala dala kong folder kanina pa.
“Bago natin pag-usapan ang kasal, may proposal muna akong ihahain…” I said and smirked.
Napatitig siya ng ilang sigundo sa akin, kahit si Sienna ay nagtatakang tiningnan ang folder. I gestured him to open it.
Tumikhim siya at binuksan ang folder. Sa kunot ng kanyang noo, alam ko na agad na may ideya na siya.
“I am not marrying your daughter,” sabi ko na mabilis ikinakilos ng kanyang mga tauhan, ganoon din ako na dumukot agad ng baril at sabay sabay kaming may tinutukan.
Limang baril ang nakatutok sa akin, habang ang aking hawak ay nakatutok sa gilid ng ulo ni Sienna. I smirked wickedly.
“Tingin mo ba mamamanipula at mapapasunod mo ako ng ganito nalang kabilis?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“A-Anzai…” Nanginginig ang boses ni Sienna, natatakot sa maaari kong gagawin.
“Lahat naman siguro tayo may tinatagong baho, hindi ba?” Nanunuya kong tanong na ikinalunok ni Mr. Valdez.
“Bakit ko hahayaan ang isang kompanyang lumaki lamang dahil sa ilegal na paraan? That folder contains your illegal transaction with your different client. To make it all clear, hawak ko ang mga rason kung ba’t hindi pwedeng matuloy ang kasal na ito.” Ngumisi ako at ipinatong pa sa mesa ang aking mga paa.
Tikom ang bibig ni Mr. Valdez habang pinapasadahan ng tingin ang bawat papel na naroon.
“You son of a bitch…” he whispered angrily.
Humalakhak ako. “Your company will put our own company into shame one day if your dirty secrets got expose. Imagine this big scandal… Your company will rot into bankruptcy. At ayoko namang ilagay sa peligro ang sariling kompanya ng ama kong pinaghirapan niya ng husto balang araw.”
Gumalaw ang kanyang panga at napatayo siya sa kanyang upuan. Itinapon niya ang folder na mabilis ikinalipad ng mga papel sa sahig. He stared at me sharply. Ngumisi ako.
“Now… I have a proposal for you Mr. Valdez. I want you to back out and tell my parents that your daughter is no longer marrying me. Kapalit ng lahat ng ito ay mananahimik ako sa mga baho mo. Hindi naman siguro ako ganoon ka demonyo para isiwalat ang mga ito, hindi ba? Depende nalang kung kakalaban mo parin ako…”
Hindi humuhupa ang nag-aalab niyang tingin sa akin. Tiningnan niya ang kanyang anak na halos hindi na gumagalaw sa aking gilid, takot na baka ilang sigundo ay paputukin ko ang kanyang ulo.
Sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na ibaba ang mga baril, halatang sumusuko na lamang. Ibinaba ko rin ang aking at tumayo na ng tuwid, inayos pa ang aking suot habang pangisi ngisi sa kanila.
“I am not the son-in-law you are wishing to have, Mr. Valdez. Believe me… Magpapatayan lamang tayo at alam naman nating sa ating dalawa, ikaw agad ang mauuna…”
He clenched his fist. Tila natutop na ang bibig sa mga nakitang ebidensyang dala dala ko na maaaring magpapabagsak ng kanyang kompanya ano mang oras.
Ako pa ang kinalaban. Nasaan na ang tapang mo ngayon? You useless trash.
Sumulyap ako ng huling beses kay Sienna. Kinindatan ko siya at nginisihan. At bakit putlang putla ka? Siguro ay iniisip mong hindi kita kayang saktan? Hmm… You’re very wrong with that. You can’t even scare the hell out of me.
“Touch my woman again and I’ll seriously crash your whole empire. Take this as a fucking warning,” pagbabanta ko bago tuluyang lumabas sa silid na iyon, iniwan sila.
Dinukot ko ang cellphone palabas at may tinawagan.
“I have a big scoop for you. I want you to publish something…” makahulugan kong sabi sa isang reporter.
Pagkatapos mapatahimik ang mga Valdez ay ang mga Delafuente naman ang aking inasikaso. They hid Elliana at hindi ko alam kung saan.
Noong una ay kaya ko pa namang maghanap. Maybe she’s going to show-up soon, right?
Iyon ang buo kong akala. Ilang buwan pa lamang ang lumipas ay parang hindi ko na kayang maghintay. Fuck it!
“Natulog ka ba, Anzai?” tanong ni Lyle, nang magyaya ang mga ito ng inom.
Walang ni isang tauhan ang makahanap sa kanya. Pinakalat ko narin at nagbigay na ng malaking pabuya sa kung sino man ang makakapagturo ng kinaroroonan niya sa akin pero talagang hindi ko ito mahanap.
Nilagok ko ang rum at padabog na ibinaba ang baso sa mesa. Nagkatinginan ang dalawa.
“Hindi mo parin mahanap?” si Raz na sinalinan muli ng mamahaling inumin ang aking baso.
My jaw clenched. Hindi ako nakakatulog sa gabi kakaisip kung nasaan na siya, kung anong ginagawa niya, kung sino ang kanyang kasama. I can feel the wrath of that clan, the Delafuente. Sigurado akong hinding hindi na nila hahayaang makita ko itong muli.
Sa tuwing natatanggap ko ang balitang wala silang ediya kung nasaan ito ay mabilis akong sumisiklab sa galit.
“Baka patay na, Sir?”
Mabilis ko itong kinwelyuhan na ikinaatras ng ilang mga tauhan.
“Baka gusto mong ikaw ang patayin ko? Just fucking find her.” My eyes sharped at him.
Tumango tango ito, mabilis na dumako ang takot sa mukha. Binitiwan ko ito at sinipa ang upuang malapit bago umalis.
Damn it. Hindi ako pwedeng sumuko. Kung alam ko lang na itatago nila ito sa akin, edi sana matagal ko nalang itong tinanan nang hindi na ako namomroblema ngayon kung nasaang lupalop siya ng mundo.
Hinithit ko ang sigarilyo sa gabing iyon habang ang isang kamay ay hawak ang beer. It’s been a year without her. Parang may kulang sa akin. I can’t even sleep at night knowing she’s not with me.
Pumikit ako at bumuntong ng hininga habang nakahilig sa railings ng balkonahe. Are you happy now? Do you miss me? Do you think of me? Fuck it Elliana… Bumalik kana sa’kin. I’ll be good this time.
Naramdaman ko ang pag-agos ng aking mga luha. I will never make it without her. I feel so lifeless without her. Parang walang kwenta ang paghinga ko kung hindi ko siya kasama. Nababaliw ako araw araw kakaisip na maaaring may nagpapasaya na sa kanya habang wala ako sa tabi niya.
I want to see her smile again. I want to hug her. I want to kiss her. Damn it. I want her in my life! Kahit siya nalang ang nasa buhay ko… Tatanggapin ko iyon. I don’t care if I am no longer welcome in her life! Bahala na. Basta hayaan niya lang akong makita siya.
Bumuhos lalo ang aking mga luha. What did she do to me? Hindi ko inaakalang ganito na pala ang kaya niyang gawin sa akin. This pain is too much. I don’t like it. I want her… Please… Come back to me, Elliana.
“You look so stress,” ani Papa, nang dumating itong muli sa kanyang business trip.
“Do you miss Isaiah?” Ngumisi siya, masyadong pilyo at halatang gusto lamang akong asarin.
Binasa ko ang aking labi at humalukipkip.
“Your men are fucking useless,” sabi ko.
“Hmm, really? Imagine, Anzai… Hindi mo magawa iyong trabaho kaya ipinasa mo sa kanila para gawin nila. And they can’t do it, too. Look who’s more useless?” Inangatan niya ako ng kilay habang kinakalas ang kanyang necktie.
“Tsss.” I scoffed.
“Babae ba iyan? Kaya ka siguro ganyan ka hinang tingnan. You look so weak…”
Hindi ko siya tiningnan. I need a diversion with all of these. Alam kong balang araw ay magkikita rin kaming muli. But for now, I need to be a better person for her. I need to show her that I deserve her for the second time.
Nag-aral akong magluto noong paborito niyang Chicken Cordon Bleu. Si Isaiah ang kinulit ko para tulungan ako. I don’t fucking care if he’s in the middle of his exam.
“Are these enough?” Ipinakita ko sa camera ang chicken breasts na sinabi niyang isa sa mga ingredients.
“Yes. Now… Slice the ham and the cheese. Ipatong mo sa chicken breast pagkatapos.”
Inilagay ko sa aking harapan ang cellphone na nakaharap ang camera sa akin at sinunod ang kanyang sinabi.
“Hindi ganyan, tangina!”
Mabilis kong itinigil ang aking ginagawa at kunot-noo siyang tinignan na namomroblema sa pagkakaslice ko.
“Huwag mo masyadong ichop! Kulang nalang gawin mong giniling na karne!” Iritado niyang sabi.
I licked my lips at itinapon ang mga iyon. Kumuha ako ng panibago.
“Paano ba?” Magkakasalubong ang aking kilay nang inilapag iyong muli sa chopping board.
“Hatiin mo lang ng dalawang beses iyong ham.”
Hinati ko nga iyon ng dalawang beses. Pinakita ko pa sa kanya.
“Is this okay?”
Tumango siya. “Iyong cheese hatiin mo rin. Mga apat na beses at hatiin ulit.”
He watched me carefully as I sliced it using his instructions.
“I set aside mo muna ’yan. Lagyan mo muna ng seasonings iyong chicken breast…”
Itinabi ko iyon at inangatan siya ng kilay. Humilig ako sa sink at tiningnan siya ng maigi. May mga namataan pa akong estudyante sa likuran, naggahagikhikan kakatingin sa kanya.
“What kind of seasonings?”
“Tangina? Ganyan ka pala talaga ka walang alam sa kusina?” Ngumiwi siya.
“Just tell me. Narito naman ata lahat,” sabi ko at iginala ang tingin sa kung saan saan.
“Kumuha ka ng asin, paminta at asukal na brown.”
“Paminta? You mean pepper?”
“Oo. Gago.” Umismid siya, di na ata ako kinakaya.
Pinagkukuha ko ang kanyang sinabi. Pati iyong utos niyang budburan ang itaas ng chicken breast at ipatong na iyong ham at cheese.
“Now, roll it…”
So… How do I fucking roll it? Doon ako nahirapan lalo na’t kailangan pang higpitan para hindi agad humiwalay ang parte.
“Gabing gabi na riyan ah? Di ka pa inaantok?” tanong niya.
Hindi ako umimik at ibinigay ang buong atensyon sa ginagawa. Noong mairolyo ko na ng maayos at hindi na lumalabas ang mga ingredients dahil sa maraming toothpick na nakatusok ay nginisihan ko agad ito.
“I did it…” Ipinakita ko sa kanya iyon.
Pumalakpak siya, masyadong pilit lalo na’t tumango tango pa.
“After an hour… Finally,” mapang-uyam niyang sabi.
Humalakhak ako. “What’s next?” Humilig akong muli sa bawat gilid ng sink.
“Coat it with flour, egg and breadcrumbs…”
Breadcrabs? I never heard that before.
“Anong breadcrabs? Is that a bread? Made of crabs?” Nalilito kong tanong.
Nasira agad ang kanyang ekspresyon at nailing. Nahilamos niya pa ang kanyang mukha.
“Breadcrumbs hindi breadcrabs! Ano ka… si-” Mabilis na natutop ang kanyang bibig nang mapagtanto ang kanyang sasabihin.
I chuckled softly. “Oh I remember someone…”
Mabilis niya akong tinaliman ng tingin. Ngumisi ako at naghanap na noong bread something…
Binuksan ko ang bawat shelves ng mga kitchen drawers ngunit wala akong matagpuang ganoon. Hindi pa naman ako namamalengke.
“Is this okay as a substitute?” Ipinakita ko ang loaf bread.
“Gago! Lumabas ka roon. Bumili ka.”
Nagkamot ako ng batok at ibinalik iyon sa lalagyan.
“So bread something isn’t a bread?”
“Breadcrumbs,” paglilinaw niya.
Kinuha ko ang cellphone at dinampot ang aking tshirt saka deri-deritsong lumabas. I need to buy the fucking ingredients.
“So it’s not a bread?” tanong ko.
“Hindi iyon literal na tinapay,” aniya, masyado nang naiirita.
Pinatunog ko ang aking kotse at pumasok sa drivers seat. Pinaandar ko iyon at gamit ang isang kamay ay nagsimula akong magmaneho.
Hatinggabi na noong matapos ako. Nakauwi narin ito at nagbabasa na ng libro habang panay parin ang aming video call para maturuan niya ako kung paano iyon gagawin.
“Lower the heat. Mabilis na masusunog ang labas niyan at hindi maluluto ang loob. Susunugin mo ba ’yan?” iritado niyang tanong.
Hininaan ko agad ang apoy at inilunod na ang nakarolyong ginawa ko kanina.
“Tangina? Mainit na ba ang mantika?”
“I don’t know. I didn’t touch it,” sabi ko at nagkibit.
Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.
“Painitin mo muna bago mo ilagay,” he almost growled.
“Chill!” Kinuha kong muli ang mga iyon at nilakasan ang apoy.
“Huwag mong lakasan!” sigaw niya kaya mabilis ko ring hininaan.
Nagkamot na lamang ako ng batok. This isn’t as easy as I thought…
Noong nakabisado ko narin naman at hindi na kailangan ang kanyang tulong at paninigaw ay pinatayan ko rin siya ng tawag. Umulit ako nang umulit hanggang pakiramdam ko ay nakakain na siya ng maayos hindi katulad noong mga nauna na parang lalasunin ako sa lasa.
It’s been years and I failed to find her. Hindi na talaga ako nakatiis at nagtanong na sa kanyang kapatid, hoping he’s going to give me an idea.
“Bakit mo hinahanap? Itinago nga sa’yo, tapos hahanapin mo?” matabang na sagot nito.
Gumalaw ang aking panga roon. He stared at me coldly.
“Hindi ko siya hahanapin kung hindi niyo tinatago,” sabi ko sa baritonong boses.
“Edi huwag mong hanapin nang hindi namin tinatago,” aniya na ipinagsalubong ng husto ng aking kilay.
He’s weird. Kahit siguro bugbugin ko ito ay hindi ito magsasalita. And hurting Elliana’s family just for an info will only cause me some problems. Hindi ko madadaan sa dahas ang pamilyang ito.
Mga ilang araw ang nakalipas ay lumitaw naman si Landon Amarillo, isa sa mga hudas tauhan ni Papa noon na tinalsik niya dahil ninanakawan pala ang aking ama.
“Balita ko hinahanap mo raw iyong babaeng anak ng mag-asawang EllieKlaire at V Delafuente?” Ngumisi siya sa akin.
“How much do you want?” tanong ko, lalo na’t alam ko na agad ang kanyang tinutukoy.
“Hmm… Baka malaki laking pera ang kailangan ko. They hired me as her new personal bodyguard. Nasa akin na ang address at bukas na bukas ay pupuntahan ko na ito.”
Napatayo ako roon. Baka naman nakaabot sa mag-asawa ang pagtatanong ko sa kanilang anak. May matino rin pala iyong kinalabasan?
“Fifty million,” I said desperately.
Humalakhak siya. “Sabi ko na nga ba at interesadong interesado ka. Deal!”
Sa sobrang excitement ay hindi na ako nakatulog sa gabing iyon. Kinabukasan, umalis ako na tanging address lamang ang dala dala at ni isang bagahe ay walang isinama sa aking byahe.
I travelled for almost twelve hours through land trip. Isang lalake ang sumalubong sa akin, mukhang isa ring bodyguard lalo na’t tindig pa lang ay hindi na basta basta.
Who’s this asshole?
“Ikaw si Landon Amarillo?” tanong niya, nagkasalubong pa ang kilay nang titigan ako.
Tumango ako at gusto agad magtanong ng kung ano ano. Relax… Mapaghahalataan ka niyan. Ilang lalake pa ba ang kasama niya? I can sense something about this guy. Lalo na’t mukhang kaedaran ko pa.
Itinatago lang pala nila ito sa isang Resthouse, malapit lamang sa isang dagat. Handa na sana akong ngumisi at langhapin ang sariwang hangin pero nang makita ko ang kakaahon lamang na si Elliana, wearing a thin bikini plus her slim body, ginapangan agad ako ng galit.
Piniga niya ang basang buhok habang naglalakad sa aming dako. I stared at her intensely. Gusto kong mamangha lalo na’t ang laki ng ipinagbago ng kanyang kabuuan pero iyong hindi lamang ako ang lalake rito ay gusto ko na agad sumiklab.
That is my Elliana! She only belongs to me! At ano iyong naririnig kong napagod siya at hindi na ginising pa? This fucking bodyguard likes my girl.
Nagpigil ako ng husto, sa tuwing nakikita ko silang magkasama at palaging nahuhuling nakangiti lamang si Elliana sa kanya. She’s happy being around him. Masaya na, aagawin ko pa ba? Tangina! Aagawin ko siya dahil alam kong mas sasaya siya kung ako ang kasama niya. Ngayon pa ba ako aayaw?
Hinding hindi ako aalis sa lugar na ito hangga’t hindi ko siya nababawi. Hinding hindi ako magpaparaya. Sila ang tumabi kung ayaw nilang masagasaan. I’ll show no mercy when it comes to her.
“You’re finally marrying her!” ani Papa at tinapik ang aking balikat.
Kinagat ko ang aking labi. Today, on the twenty-seventh day of May, I’m finally marrying her, my one and only Elliana.
Maganda ang kabuuan. Mala garden wedding ang theme ng aming kasal sa dalampasigan, kung saan matatanaw mo mamaya ang paglabas ng sunset. It’s her own idea and of course, palagi naman akong sumusuporta sa kanyang mga gusto.
Narito ang kanyang mga angkan, ang mga bata sa Center na kasali sa aming seremonya at mga nakasama niya roon sa Resthouse katulad ni Aling Honey.
Tiningnan ko si Mama na tahimik na nakaupo kasama ang iba pa sa mga bisita. She’s doesn’t like her. Ilang beses na namin iyong pinag-aawayan noon dahil mas gusto niya si Sienna para sa akin.
“Pinahiya mo ako sa harapan ng mga kaibigan ko dahil sa babaeng iyon! Hindi ko matanggap na mas mahal mo siya higit pa sa akin!” my mother cried infront of me.
Bumuntong ako ng hininga. Dala ng matinding galit, kaya ko nabitiwan ang mga salitang iyon noong event. She’s maybe cruel but I still love her. Simula bata pa ako, wala na akong ibang hinangad kundi ang makitang masaya lamang siya. We both spoil her too much, kami ni Papa.
“I’m sorry…” I tried to reach her ngunit ang maarte kong ina ay hinawi lamang ang aking kamay at umiling.
“You’re choosing her over me! Siya na ang mahal mo! Mana ka sa ama mo! Pinagpalit niyo na akong dalawa!” she said while wiping her tears.
Kagat ang pang-ibabang labi, sinubukan kong huwag mapangiti. Signs of aging na talaga. Apo nalang ang kulang nito at magiging ganap na siyang lola.
“Bibigyan ka namin ng maraming apo, Ma… don’t worry-”
“Shut-up, Anzai!” she hissed angrily.
Natutop ang aking bibig. Umiling siya at pinalis ang mga luha.
“Hinding hindi ko siya tatanggapin.”
Tumango ako. “I am not forcing you to accept her as my wife. Basta ay huwag mo lang bastusin, Ma.”
Iyon lamang ang hiningi ko sa kanya. Bahala na iyong hindi niya matanggap basta ay huwag niya lang saktan at insultuhin dahil hinding hindi ko iyon makakaya. I love her pero hindi ko rin kayang makita si Elliana na nasasaktan dahil sa kanya.
Napunta ang buo kong atensyon sa pagdating ni Elliana. Wearing an elegant wedding dress, she smiled at me with those teary eyes.
Why are you crying, hmm? Iniisip ko tuloy na baka ay hindi siya masayang pakasalan ako kahit na alam kong tears of joy iyon. I badly want to walk towards her and wipe her tears.
Seryoso ko siyang tinitigang naglakad patungo sa akin habang nakakapit sa braso ng kanyang ama. The sunset of the beach as our background made her more beautiful. Tila hindi mapantayan ang kanyang ganda at noong hinalikan siya ng sinag sunset ay mas lalo lamang siyang lumiwanag, akala mo ay anghel na bumaba sa lupa.
The familiar intro of our favorite song entitled Synesthesia echoed the whole place. The wind blow against her. Nangilabot ako ng husto at mas naging malalim ang aking paninitig sa kanya, kulang nalang ay hindi kumurap.
She’s really breathtaking… Kahit anong paninitig ko ay parang gumaganda ito lalo sa aking mga mata. I cannot take my eyes off her. Sa sobrang sarap sa pakiramdam ng lahat, para na lamang akong nananaginip.
Everything is worth it… All those pain are worth it. I’m finally having her. Ang babaeng hindi ko sinukuan at hanggang dulo kong pinaglaban, heto at naglalakad sa carpet na puno ng mga petals ng bulaklak patungo sa akin.
Because I’ve been waiting for you
Waiting for this dream to come true
Just to be with you
And if I die
Remember this line
I’m always here, guarding your life
Noong tumigil siya sa aking harapan, halos hindi ko parin makumbinsi ang aking sarili na totoo nga ang lahat ng ito.
Buong seremonya ay nakatitig lamang ako sa kanya. Ni hindi ako kumukurap. I wipe her own tears and kissed her cheek as I whispered how much I love her.
“You may now kiss the bride…”
Binuksan ko ang belo na kanina pa nakaharang sa kanya. I pulled her waist and kissed her passionately infront of everyone. Wala akong pakialam kung matagal ang halikang iyon, I just can’t believe she’s finally my wife!
Habol ang hininga ay napangiti si Elliana sa akin at namumula ang mga pisngi nang humiwalay na kami sa isa’t isa. Tumayo sila at pumalakpak. I kissed her again. She chuckled softly.
“You’re obsess with me!” she said after our long kiss.
Pwede bang dumeritso nalang kami sa honeymoon at iwan silang lahat dito?
Sa reception ay nakasalamuha ko na ang kanyang mga pinsan. Ang rami pala talaga nila. Kanina, hindi ko maisa isa pero ngayong nasa iisang lamesa na sila ay hindi ko sila halos mabilang.
“Hindi parin talaga kapani-paniwalang ikaw ang mapapangasawa ng pinsan ko,” ani Zera, may hawak na champagne flute at masyadong seryoso nang nilapitan ako.
Ngumisi ako sa kanya. “Nagulat ka ba at naunahan ko pa kayong dalawa ni Isaiah?”
Mabilis na umiba ang timpla ng kanyang ekspresyon. Umangat ang dalawa kong kilay at inosenteng nagulat ng bahagya.
“Oh I forgot… You two already broke-up. Oh I forgot again. Hindi pala naging kayo, hindi ba?”
Tumalim agad ang kanyang mga mata sa akin.
“Fuck you,” she mouthed, iritang irita sa akin.
I chuckled. “Ayaw mo bang magtanong man lang tungkol sa kanya? Ayaw mong mabalitaan kung may girlfriend na ba? Kung kailan uuwi? Kung nasaan? I can give you some information about him but I can’t promise it’s a good news for you…”
Umirap siya. “I’m not interested, Anzai. Hindi ko siya hinihintay at matagal na akong makamove-on.”
“Sabi mo eh…” I smirked more.
Umalis ito sa aking harapan. Nilingon ko si Elliana na binabati ang ilang mga bisita, kausap sina Sister. Namulsa ako at gusto na lamang siyang nakawin para makaalis na agad kaming dalawa.
Hindi ko na nasundan ang mga nangyari lalo na’t ang gusto ko lang din naman noong gabing iyon ay masolo siya.
“Finally, Mrs. Castellano,” I said at binuhat na siya papasok sa aming kwarto pagkarating sa isang Resort.
Bukas ay mangingibang bansa kami. Gusto ko siyang alisin dito lalo na’t sa mga nagdaang buwan ay hindi maganda ang mga nangyari. It’s making her stress.
I kissed her thoroughly. Maingat akong naglakad patungo sa kama at inilapag siya roon.
Tumayo ako sa kanyang harapan at pinanood siya ng malalim habang kinakalas ang bawat butones ng aking shirt. Elliana stared at me, watching me carefully using her beautiful eyes.
Hinubad ko iyon at muli siyang inatake ng halik. Ang isa ko namang kamay ay kinalas ang lace ng kanyang wedding gown sa likuran.
“Mahal na mahal kita, Anzai…” she whispered.
Nangilabot ako roon. Hindi talaga ako nasasanay sa tuwing sinasabi niya iyon sa akin. Tumigil ako sa paghalik sa kanya at tiningnan ito. Sabog ang kanyang buhok. Namumula ang kanyang pisngi. Nakaawang ang malambot na labi at kumikislap ang kanyang mga mata.
“I love you so much, Elliana…” Inangat ko ang kanyang kamay, kung saan niya isinuot ang aming wedding ring at hinalik-halikan ko iyon.
“Magkasama tayong tatanda,” sabi niya sa nangungusap na mga mata.
I nodded. “Yes… Of course…” Yumuko ako at hinagkan ang kanyang labi.
“I love you…” she said between our kisses.
I moaned. Damn it. Mas nagiging sabik ako sa kanya. I grind against her as I deepened the kiss. She parted her legs. Nang-init ako ng husto.
“Maghuhubad muna ako.” Bumangon siya at itinulak ako ng bahagya.
I watched her carefully. Nakabukas ang balkonahe. Sumisilip ang buwan at natatanaw rito ang dagat. Tumayo si Elliana. Umupo ako sa gilid ng kama at humilig sa aking mga kamay.
She slowly remove her wedding gown infront of me. Lumunok ako lalo na’t kahit nahihiya ay tumitig din siya sa akin ng husto.
Naiwan ang kanyang undies. I stared at her perfect slim body. Umawang ang aking bibig. She smiled sheepishly and went to me.
Umupo siya sa aking kandungan, paharap sa akin. Hinawakan ko ang kanyang likod gamit ang isa kong kamay lalo na’t marahan niya akong hinalikan. Hinila ko ang tali ng kanyang naka half ponytail na buhok hanggang sa sumabog iyon.
She kissed me gently. I always want to be gentle when it comes to her, pero palagi akong napapangunahan ng pagkasabik sa kanya.
“Anong feeling pag… ikaw ang nasa itaas?” she asked me curiously.
Tumigil siya sa paghalik at tumitig ang nalilitong mukha sa akin. I licked my lips.
“You’re curious…” I rocked her hair slowly.
Kinagat niya ang kanyang labi. Gumapang naman ang aking kamay sa likuran at inalis ang lock ng kanyang bra.
Nagulat ako nang bigla niya akong itinulak pahiga. She giggled softly.
“I want to dominate you tonight, Anzai…” Kumindat siya sa akin kaya humalakhak ako.
Bumangon ako at mabilis siyang inatake ng halik.
“You can dominate me forever, Elliana. And I’ll gladly bow down to you as a defeat.”
E P I L O G U E
Gripped
You are at the end of the story! Thank you so much for being patient with Gripped. Alam ko sobrang tagal nito, kumpara sa Lured na one month lang. Ito two months pa ang itinagal pero nakita ko parin kung paano niyo sinupurtahan at minahal ang bawat pahina ng Gripped. Nagpapasalamat ako ng sobra sa ibinubuhos niyong oras at paghihintay ng mga updates ko. Thank you for your warm support, stubborn readers! I love you all, so much. Happy reading, everyone!
Gusto ko ring malaman yung feedbacks niyo sa gripped for my growth and improvement as a writer. Just leave a comment. Thank you.
Grow Old Together
We patiently waited for this… Even my husband, Anzai, alam kong ito rin ang hinihintay niyang araw.
Noong nagpaplano pa lamang kaming ikasal, ang balak talaga namin ay magka baby na. Maybe I got envy since I found out Nana is pregnant. Gusto ko rin sanang magbuntis na noon, lalo na’t iyon din ang pinaka gusto ni Anzai.
Iyon nga lang, after what happened, naudlot ang aming balak. Our wedding got move, too. Na sa susunod na lamang na mga buwan imbes sa buwan iyon ng Nobyembre gaganapin, kasabayan sa kasal ng pinsan kong si Ate Chey at Kuya Grey.
“Maybe she’s pressured to marry him since after what happened… That’s very painful…” ani Zera, nang mapag-usapan namin ang naudlot na kasal ni Kuya Grey at Ate Chey.
Nanatili akong tahimik, mahapdi ang mga mata at hindi maproseso ang lahat sa aking utak habang nasa bahay ng aking parents.
“Kawawa si Kuya Grey. He loves her so much…” dismayadong sabi ni Nana, namumula rin ang ilong at natuyo na lamang ang luha.
My cousin Chey, refused to marry him infront of so many people. She ranaway…
Pumikit ako at bumuhos muli ang aking mga luha. Hindi ko alam kung sino ang kakampihan. They’re both my cousin. Nasasaktan ako para kay Ate Chey pero mas nasasaktan ako para kay Kuya Grey.
“Next week rin ang kasal niyo, hindi ba, Elle? Imomove niyo ba o…” si Nana sa naninimbang na boses.
“Imomove namin,” bigkas ko sa garalgal na boses.
Tumango sila, na iyon nalang ang dapat na gawin. This is not yet the right month to get married. Papalipasin nalang muna namin ng ilang buwan.
“Kumusta na raw si Grey?” tanong ni Brandish, kasama rin namin dito.
Walang umimik, ni isa. Pagkatapos ng nangyari, sigurado akong durog na durog siya ngayon.
Ilang buwan akong hindi mapakali noon, pilit na lamang naming pinapalipas ang mga araw, ang buwan, para makausad muli.
“We can posponed the wedding next year if you’re not still okay with what happened,” ani Anzai, nang sunduin niya ako pagkatapos ng isang buwang pamamalagi ko sa amin.
I smiled weakly. Alam kong natatakot siyang matulad kami sa dalawa. We witnessed it.
“I’m fine with May… Since it’s your birthmonth.” Hinaplos ko ang kanyang pisngi.
Sa May eleven ang kanyang birthday kaya gusto ko ring ikasal sa mismong buwan na iyon sa kanya dahil isinilang ang taong makakasama ko habangbuhay. I think it’s worth to remember…
Anzai stared at me silently. Ngumiti akong muli.
“Pakakasalan kita. Magpapakasal tayong dalawa,” paninigurado ko.
His shoulder loosened. Para bang nabibigatan na siya sa kanyang mga iniisip kaya ngayon ay nakakahinga na ng maluwag.
Kaya ngayon na nangyayari na talaga, na isinilang ko na ang una naming anak na lalake ay hindi maitago ni Anzai ang mga luha sa kanyang namumulang mga mata.
“Hey buddy… We waited for you…” Narinig kong sabi niya nang siya na ang umakay sa sanggol.
He stared at him seriously with those teary eyes. Siya ang kauna-unahang umakay sa kanya. Hinang hina ako sa panganganak pero nang makita ang reaksyon ni Anzai ay napawi lahat ng aking pagod, ang sakit na tiniis ay parang mabilis na nagamot.
“Your Daddy almost passed out! Putlang putla siya! Hindi siya mapakali at lakad nang lakad habang naghihintay sa labas!” sumbong ni Mommy sa akin nang pumasok na sila ng tuluyan.
I watched my father with a smile on my face. Karga karga niya na ngayon ang natutulog na baby at nakabalot na. He looked so happy, lalo na’t hindi nabubura ang kanyang ngiti habang nakatitig sa kanyang apo.
“Oh my gosh! Lolo kana, beyv!” ani Mommy, humagalpak at sobrang ingay sa loob.
Marahan akong natawa at tiningnan si Anzai na nakahalukipkip, nakangisi rin habang nakatingin kay Mommy.
Ilang araw akong nag bedrest, para gumaling agad galing sa panganganak. Si Anzai lahat ang sumalo ng pag-aalaga kay Joesh, ang anak naming lalakeng kamukhang kamukha niya.
Binalaan na ako noon ni Zera, na pag masyado raw clingy sa asawa ay talagang magmamana ito sa kanya.
“Tingnan mo si Radge… Kakalihi ko kay Isaiah, ayan at parang carbon copy lamang ng godlike niyang ama,” ani Zera nang tumambay akong muli sa kanilang bahay.
Dito narin kasi kami sa Cebu nagpasyang manirahan since bumili rin ng bahay ni Anzai malapit lamang sa kanilang bahay, sa Ma. Luisa Park Estate.
I’m eleven weeks pregnant. Naglilihi na ako ng kung ano ano at nabubwesit narin lagi. Kanina, inaway ko si Anzai. Ang sabi ko ay huwag siyang umalis ng bahay at samahan niya ako rito sa bahay nina Zera. Hindi ko alam kung anong ikinabwesit ko eh pumayag naman sana ito. Ngumisi lang at naimbyerna na agad ako.
“Hindi ko naman pinaglilihian si Anzai,” sabi ko habang pasimpleng iginagala ang tingin, hinahanap ang asawang inutusan kong bumili ng siopao sa isang Restaurant na madalas naming kainan.
Nang bigong mahanap ay nag-init agad ang aking ulo. Bumusangot ako at sumubo muli ng fries habang pinapanood na si Zera na naaaliw sa anak niyang limang buwan na.
“Alam mo si Radge, parang si Anzai minsan,” sabi ko nang makita ang ibang anggulo ng anak niyang sinusubo ang buong kamao sa kamay at naaaliw roon.
Nilingon niya ako. “Really? You are so inlove! Pati anak ko…”
Bumuntong ako ng hininga at mas tinitigan si Radge na pinapatunog na ang bibig at mamula mulang labi sa pagkibot.
Nasa sala lang kaming tatlo. Zera loves to play with her son. Palaging wala rito si Isaiah dahil may trabaho kaya kami ang madalas na magbonding. Tinatanong ko siya kung kaya niya bang wala sa tabi ang kanyang asawa at ang sabi niya ay okay lang daw.
“Bumabawi naman iyon tuwing gabi sa akin.” Ngumisi si Zera ng makahulugan.
Sa tono palang ng kanyang pananalita, ewan ko at namula na agad ako.
Ang hirap maging buntis! Pakiramdam ko palagi ang haggard haggard ko at ang pangit pangit ko. Ayaw kong makakita ng mga tao. Ayoko ring tinitingnan ako. Gusto ko, palagi lamang nasa tabi ko si Anzai, na kahit sa pagligo ay palagi kaming sabay dahil nag-iinit agad ang aking ulo pag nawawala siya sa paningin ko.
“Bakit ang tagal tagal mo?” tanong ko nang dumating ito, dala dala ang isang paperbag ng siopao.
Tiningnan niya ang orasan. “Thirty minutes lang akong nawala,” he said calmly.
Tinitigan ko siya ng matagal. Maganda siguro iyong babaeng cashier? Malaki siguro ang dibdib? Baka nag-enjoy muna siya roon kaysa umuwi agad sa pangit at haggard niyang asawang buntis.
“Nambabae ’yan,” ani Zera, tinitingala narin si Anzai.
Tumayo agad ako. Mabilis niya akong inalalayan, na akala niya’y mababasag ako ano mang oras sa sarili kong galaw. Hinawakan niya ang aking braso.
Lumapit ako ng husto at inamoy siya. Umangat ang dalawa niyang kilay. He doesn’t look guilty.
“Baka hiningi na ang number, Elle,” ani Zera.
Awtomatikong dinukot ni Anzai ang cellphone at inilahad iyon sa akin.
“I only have your number,” sabi niya.
“Sus… Baka memorize na…” si Zera naman.
Anzai raised his brow at nilingon si Zera na nakaupo parin sa mat at nasa anak ang buong mga mata habang nakatayo sa kanyang kandungan.
“Stop manipulating my wife,” ani Anzai sa baritonong boses.
“Oh bakit? Ganyan ka rin sa amin noon ni Isaiah ah? What’s the feeling of tasting your own medicine, devil?” she fired back, tinapunan pa ito ng nanunuya niyang tingin.
Anzai licked his lips at muling bumaling sa akin. Sinamaan ko agad siya ng tingin ngunit agaran ding nabura dahil lamang sa marahang haplos sa aking beywang.
“Uwi na tayo? Let’s continue this fight in our room.”
Mabilis akong namula. I hated to admit it but I got so excited! Gosh… Bigla kong naramdaman ang nakakakiliting sensasyon sa kanyang salita.
Imbes na tumango, itinulak ko siya at pagalit na nagmartsa paalis, nauuna siyang iniwan doon. Gusto kong ipamukha na hindi naman ako excited kaya heto at mas nilakihan ko pa ang paghakbang makauwi lang agad.
“Zera! Uuwi na ako! Bukas nalang ulit,” sabi ko, iritang irita na.
“Wala bang bago riyan sa pakulo niyong dalawa? Kunwari mag-aaway pero ang totoo…” ani Zera.
Hindi na ako sumagot doon at pinanindigan ang aking galit. Gusto kong mauna sa bahay pero nahabol din agad ni Anzai. He even pulled me inside the car.
“Nasaan ang siopao ko?!” Namilog ang aking mga nang napagtantong naiwan niya ang pinabili ko sa kanya.
“Oh… I’m sorry… Babalikan ko lang.” Akmang lalabas na sa driver’s seat ay hinila ko na ito at mabilis na hinalikan lalo na’t hindi narin ako makapagtimpi.
Anzai moaned at inadjust na ang upuan ng kanyang driver’s seat. Hinila niya ako patungo sa kanyang kandungan at doon ako pinaupo. His moving hips sent shiver all over my body while he’s caressing my back.
“Hindi na ata tayo aabot sa bahay,” aniya at hinihila na ang zipper ng aking dress pababa.
Sarado ang aking isipan. Wala akong pakialam kung nasaan kami. I just want him! Bahala na kung narito pa sa parking lot ng bahay ng aking pinsan. Hindi ko narin kaya ang pananabik.
“Feeling ko may idea na si Zera. Tingin mo?” I asked him while he’s busy kissing my jaw.
“Maybe? Halos isang linggo niya ng nakikita ang pagwawalk-out mo at sumusunod agad ako. Ako lang ata ang palaging excited tuwing galit kana at mag-aaway na naman tayo sa kama,” he chuckled.
I blushed hard. Gusto kong magpaliwanag at sabihing galit talaga ako sa kanya, na totoo iyon at hindi ko pakulo para magpatungan kami sa kama pero ewan ko ba, sa tuwing galit ako ay humahalo palagi ang pang-iinit sa katawan ko.
I am such a clingy pregnant woman. Madalas pa ang aking mood swing at ang bilis bilis kong umiyak. One time, I just cried because Anzai forgot to say ‘I love you’ in just a day. Ang sabi niya ay sinabi niya raw at hindi ko narinig. It was so shallow pero sobrang laki ng mga luha ko dahil pakiramdam ko ay hindi na ako mahal ng asawa ko at mas gusto niya na iyong magaganda at sexy.
“Hindi mo na ako mahal dahil ang pangit ko at malaki pa ang tiyan ko!” Bumubuhos ang mga luha ay sinikap ko iyong saluin.
Humalakhak si Anzai at mabilis akong niyakap. Itinago ko agad ang aking mukha sa kanyang dibdib, doon mas umiyak ng husto habang hinahalik-halikan niya na ang aking ulo, binubulung-bulungan ako.
“No… You’re the most beautiful girl I’ve seen, Elliana. Kahit ngayon, kahit umiiyak ka ay ang ganda ganda mo parin.”
Walang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal, kung gaano siya kasaya na pinakasalan ko siya at magkakaanak na kaming dalawa. Having a family with me is his biggest dream. Ang pangarap ko naman ay tumanda kaming dalawa at kasama parin ang isa’t isa.
“Kanina mo pa siya tinititigan,” sabi ko at dinisturbo ang paninitig sa kanyang anak sa hapong iyon ng Lunes.
Joesh is sleeping peacefully on his arms. Niyakap ko siya sa likuran at ipinatong ang aking baba sa kanyang balikat. Nilingon niya ako, hinagkan ang aking pisngi.
“You gave me an angel…” he whispered, ayaw madisturbo ang mahimbing na tulog ng anak.
Namumungay ang kanyang mga mata at halata ang pagod ngunit tila hindi niya iyon alintana mabantayan lamang ang aming infant.
“You made me so happy… May baby na tayong dalawa,” he said and smiled at me.
Ngumiti ako pabalik at tiningnan si Joesh. He looked like Anzai alot. Zera is right… Sa sobrang clingy ko noon, halos ayaw kong umalis si Anzai sa aking tabi ay kamukhang kamukha niya na nga ang aming anak. Bigla akong kinabahan sa magiging ugali nito. Castellano pa naman…
Biyernes iyon noong nagising ako dahil sa mga bisitang dumating. Wearing an elegant body hugging dress and killer heels, nagkatinginan kami ng ina ni Anzai.
We’re not yet in good terms lalo na’t alam kong hindi parin siya boto sa akin pero hindi narin kasi kami masyadong nagkikita lalo na’t nandito na kami sa Cebu. Minsan ay sa mga okasyon nalang.
Sa kanyang gilid ay ang asawa nitong gumagala ang mga mata sa kabuuan ng aming bahay rito sa Cebu. He looked so please, tila nagugustuhan ang kanyang nakikita.
“G-Good morning,” bigkas ko.
Tumango lamang ang ina ni Anzai habang ang kanyang ama, si Papa ay ngumiti sa akin pabalik.
“Good morning, hija… Mukhang masarap ang tulog mo…”
Mabilis akong nahiya at sinuklay ang buhaghag na buhok. Ang atensyon ng kanyang ina ay mabilis na napunta sa enggrandeng hagdan, kung saan bumababa si Anzai akay akay ang sanggol naming nakabalot sa puting tela.
“I’m excited…” sabi ng ina ni Anzai, hindi na napigilan ang sarili at napangiti na agad.
Noong tuluyang makababa si Anzai, mabilis na lumapit ang kanyang ina at sumilip sa natutulog naming anak.
“Look at our apo, Martin! He looked like Anzai so much!” Humagikhik ang kanyang ina nang nilingon ang asawa niyang nakangiti narin sa kanyang gilid.
Anzai glance at me. Napangiti ako sa reaksyon ng kanyang ina. Unang beses itong nakita ko siyang tuwang tuwa. Maganda talaga ito…
“Sinong nagpaligo sa kanya, Anzai?” tanong ng kanyang ina, dumudungaw parin.
“Ako, Mama,” ani Anzai.
“Really, son?” Humalakhak ang kanyang ama.
“Yes. My wife is still recovering from giving birth. She needs to rest…” sabi ni Anzai.
“Can I carry him?”
“Sure, Ma.” Ipinasa niya iyon ng buong pag-iingat sa kanyang ina na mabilis ding inakay si Joesh, halata ang pagiging marahan sa kanyang galaw.
Nawili agad ang mag-asawa sa kanilang apo habang nakaupo ang dalawa sa lounge area, sa harap ng swimming pool para painitan si Joesh. It’s still six-thirty at ang sabi nila, maganda raw sa bata ang init ng araw sa umaga. Isaiah told him.
“Si Joesh lang pala ang makakapaamo sa mama mo,” sabi ko nang naramdaman ko ang mainit niyang yakap sa aking likuran.
Hinalik-halikan niya ang aking balikat.
“Ikaw naman ang papaliguan ko,” sabi niya na ikinatawa ko at nilingon ito.
“Stop it, Anzai. Alam mong tinahi ang ano ko,” sabi ko at pinaningkitan siya ng mga mata.
Kumunot ang kanyang noo. “Bakit? Papaliguan lang kita. I didn’t say I’m going to fuck you-”
Mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig at tinanaw ang mag-asawa sa labas na hindi naman ata kami naririnig lalo na’t ang layo nila.
Walang anu-anoy bigla niya akong binuhat. Tumili ako at napahawak agad sa kanyang balikat. He chuckled.
“It’s my baby’s turn…” aniya at ngumisi sa akin habang naglalakad paakyat.
I giggled.
Naging madalas na ang ina ni Anzai sa aming bahay. Tinuturuan niya ako kung paano alagaan ng maayos si Joesh. Minsan pag bumibisita si Mommy, nadadatnan nila ang isa’t isa sa bahay.
“Nandito ka pala?” Ngumiti ng inosente si Mommy sa ina ni Anzai.
“Yes… Nandito ang apo ko kaya syempre, nandito ako,” sabi niya.
Tumawa si Mommy at tiningnan ako ng makahulugan.
“Buti at di mo naisipang lasunin, anak?”
“Mommy.” Mabilis kong awat.
Umismid siya at umirap ng palihim. She’s aware with her behavior towards me from the past. Galit na galit si Mommy sa kanya, na gusto niya pang sugurin noon at pagsalitaan din ng kung ano ano. Pinigilan ko siya dahil syempre, baka isipin din ng ina ni Haze na naghahanap lamang ako ng kakampi. Hindi rin naman iyon bigdeal sa akin. Pilit ko nalang iniintindi ang kanyang ikinakagalit.
“Joesh…” Inakay ni Mommy si Joesh na gising na gising na, pag naririnig ang maingay niyang boses dito sa bahay.
“I miss you!” Hinalik halikan niya ang pisngi nito.
“Don’t kiss her too much. Baka magkarashes,” sabi ng ina ni Anzai.
Kapwa kami napatingin sa kanya. Pagdating sa kanyang apo, masyado siyang maarte at hindi gaanong pinapahalik ang mukha ng aking anak. Kahit ang doctor, iyon din naman ang advice dahil sensitive ang balat ng mga bata.
“Huwag kang mag-alala. Nagmumog at naghilamos ako ng alcohol kanina,” sarkastikong sabi ni Mommy at hinalikan muli si Joesh.
I pursed my lips. Tumalim naman ang mga mata ng ina ni Anzai kay Mommy habang naiiling.
Para ring aso’t pusa ang dalawa. Palagi silang nagpapaligsahan kay Joesh. Si Mommy ay palaban din namang nakikipagkompetensya sa kanya. Kung noon ay ako ang pinag-iinitan ng ina ni Anzai, ngayon ay si Mommy na ata.
Sila lamang ang madalas kong kasama sa bahay lalo na’t wala si Anzai at pumupunta ng Manila para asikasuhin ang kompanya. Ang lamig lamig pala talaga ng kama pag di ko siya katabi. Ang laki laki noon para sa akin.
Simula rin kasi noong buntis ako, palagi ko siyang katabi. Ngayong hindi na at balik na ulit sa normal, inaalala ko naman ang mga nangyari at nangangamba ako na baka maulit ang lahat. It’s scary…
Kaya noong sinabi niyang pauwi na ay naghintay talaga ako sa may pinto. Kahit na namamanhid na ang aking paa kakatayo ay binalewala ko iyon.
Noong bumukas ang gate ng aming bahay ay lumawak na agad ang aking ngisi. Mabilis akong tumakbo patungo sa labas, inabangan ang kanyang paglabas sa kotse.
Lumabas din si Anzai. Naka button down shirt at pants. Tumakbo ako patungo sa kanya. He welcomed me and chuckled, binitiwan na ang dala dalang gamit. Sobrang higpit ng aking yakap at halos umangat ako dahil sa pagyakap niya pabalik.
Ang pangungulila ng halos isang linggo ay parang nabura lalo na’t amoy na amoy ko ang kanyang pabango, ang init na bumabalot sa akin dahil sa mahigpit niyang yakap.
“I missed you so much…” Humiwalay siya at mabilis na siniil ng halik ang aking labi.
I equalled it with so much excitement. Kinarga niya ako. He kissed me tinderly. Kahit kinakapos ng hininga dahil sa sobrang lalim ay nakipaghalikan parin ako.
“Where’s Joesh?” he asked in the middle of our kisses.
“N-Nasa kwarto niya. Binabantayan ng Mommy mo,” I answered, halos habulin ang hininga.
Anzai kissed me more. Nagsimula siyang maglakad, paakyat na sa aming kwarto. Narinig namin ang pagkakabukas ng isang pinto, ang footstep na patungo na sa aming gawi. I want to stop from kissing him ngunit ayaw paawat ni Anzai.
“Son- Oh… Let’s just talk later.” Narinig ko ang boses ng kanyang ina at mukhang bumalik na sa daan.
Pumasok kaming dalawa sa kwarto. Namumula ako sa nakita ng kanyang ina pero hindi sapat iyon para pigilan ako sa nangyayari. Anzai pulled the laces of my dress at marahas iyong hinubad paalis sa akin.
Inilapag niya ako sa kama at mabilis na pumaibabaw, ang halik ay naglakbay agad sa kahabaan ng aking leeg. Lumiyad ako at kinagat ang aking labi dahil sa kiliti.
I unbuttoned his shirt. Inatake niya akong muli ng halik habang ang kamay ay namimisil na sa aking isang dibdib.
Tinulungan niya akong hubarin ang kanyang shirt at nakita ko pa kung paano nagflex ang kanyang muscles nang tuluyan niya iyong inalis sa kanyang katawan.
Lumapit muli si Anzai sa akin at hinalikan ako.
Simula noong ikinasal kami at nangako sa altar, nangakong magsasama habangbuhay, parang may nakatali na sa aming dalawa na kahit ang aking kaluluwa ay ayaw ng humiwalay sa kanya.
Am I pregnant again? No.
“Dito ka nalang, please…” I whispered.
He kissed the valley of my boob habang ang isang kamay ay namimisil na. Inabot ko ang belt ng kanyang pants. Hinayaan niya akong hubarin iyon gamit ang nanginginig na mga kamay.
Anzai reached for my thigh. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang itinulak niya ang isa kong hita hanggang sa naramdaman ko ang kanyang haplos sa aking gitna.
Napabagsak ako sa kama, hindi natuloy ang balak ko sa kanyang sinturon. Anzai watched how I became weak with his touch.
Isang hawi lamang sa saplot na sabagal doon ay napadaing na ako ng husto. Naghanap ako ng makakapitan lalo na’t ramdam na ramdam ko ang kanyang paghagod doon.
“Anzai!”
I cannot recognize my own voice anymore. Mariin akong pumikit at sinalubong ang bawat galaw ng kanyang daliri. Noong dumilat ay nadatnan ko ang nakaawang niyang bibig, ang malalim at nakakapaso niyang paninitig sa akin habang bumibilis ang kanyang galaw.
Dumaing akong muli hanggang sa bigla siyang lumuhod at naramdaman ko na ang kanyang paghalik doon.
I whimpered loudly. Humawak ako sa kanyang ulo at pilit siyang pinapatigil ngunit hinawakan niya lamang ang aking beywang ng mahigpit.
Hindi ko na nasundan lahat ng nangyari sa oras na iyon basta ang malinaw lamang sa akin ay hinang hina ako, naliligo rin sa pawis.
Niyakap niya ang hubad kong katawan habang hinahabol ko ang aking hininga. Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib.
“Huwag kanang umalis, Anzai,” sabi ko.
Humigpit ang aking yakap at ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Masyado lang ata akong napaparanoid. Ang rami rami kong naiisip noong wala siya rito. Castellano’s are powerful at marami pa silang kalaban. Maraming gustong lumamang sa kanila. I am worried.
Sinuklay niya ang aking buhok at pinatakan ng maliliit na halik ang aking ulo.
“Were you lonely without me by your side?”
Tumango agad ako, hindi na iyon maitago pa.
“Dito ka nalang, Anzai…” I pleaded at tiningala siya.
“But baby… How about my work?” he asked me softly.
Bumusangot ako. “Kontento naman ako kahit na hindi marangya ang buhay natin. I don’t care about money. Basta dito ka lang…”
Kagat ang pang-ibabang labi, di nakaligtas sa akin ang kanyang ngisi.
“Are you scared to lose me?”
Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. Sinapak ko agad ang kanyang braso.
“I’m sorry I can’t help it. Gustong gusto ko talaga pag nakikita kitang baliw na baliw sa akin,” aniya at ngumisi na.
Isiniksik kong muli ang aking mukha sa kanyang dibdib. I missed him so much! Tumawa siya at hinalik halikan na ang expose kong balikat.
“Alam mo ba, away nang away si Mommy at Mama mo. Pinag-aagawan nila palagi si Joesh,” sumbong ko.
“Hayaan mo silang dalawa. Bonding nila ’yan…”
“Ang mama mo, ayaw nang umuwi. Gusto niyang palagi siyang nandito para makasama si Joesh.”
“Wala iyang nakakasama roon sa bahay. She’s lonely, Elliana. Papa is busy, too…”
I understand her. Hindi ko nga kaya kahit na isang linggo lang nawala si Anzai tapos siya ay umaabot pa ng ilang buwang hindi nakakasama ang asawa! I’m sure she’s struggling, too.
Hindi narin naman kami masyadong nag-aaway ng ina ni Haze. Sila na ni Mommy ang madalas na nagsasagutan, nagpaparinigan at parang aso’t pusa na hindi talaga nagkakasundo.
Kung meron mang araw na nagkasundo sila, iyon ay noong nag one year old na si Joesh. Silang dalawa ang nagplano ng enggrandeng birthday ng kanilang apo. Si Mommy sa theme at si Mama naman, ina ni Anzai, sa mga invitation cards.
“Kailan lang sila nagkabati?” tanong ni Zera, saksi rin sa bangayan ng dalawa tuwing nasa aming bahay ito.
Nagkibit ako habang sinusundan namin ng tingin ang dalawang kinakausap ang ibang organizers ng party na magsisimula na ano mang oras. The two want a perfect birthday party.
“Ngayon lang. Baka bukas magbangayan ulit sila kung sinong magpapasyal kay Joesh sa park,” sabi ko.
Ngumiwi siya at isinabit ang nakalugay na buhok sa gilid ng tainga. She looked like a goddess in her elegant dress. Sinundan niya ng tingin ang anak na takbo nang takbo sa venue suot ang itim na tux.
Radge is already two years old. Ang kanilang gwapo at supladong anak ay nagawa pang gumapang sa ilalim ng mesa at doon naglaro!
Siguro kung nasa two years old narin itong si Joesh, magiging kasing kulit niya rin si Radge. Tiningnan ko ang mag-amang nasa kabilang banda habang kausap niya si Isaiah. Karga karga niya si Joesh na natutulog sa kanyang balikat.
“Kailan niyo balak sundan si Radge?” tanong ko at nakita si Isaiah na pinuntahan na ang anak sa ilalim ng mesa.
Yumuko siya roon, sinisilip si Radge at pilit itong kinukuha palabas.
Hindi na muna siya sumagot at pinanood ang mag-ama. Isaiah pulled him out. Nakatayo na si Radge sa harap ng ama niyang nakaluhod at pinapagpagan ang slacks ng anak na nadumihan.
Bumaling si Zera sa akin at ngumiwi sa pagkaing nasa aming mesa.
“I’m actually six weeks pregnant…”
Namilog agad ang aking mga mata. S-She’s pregnant?! Oh my gosh! Edi ibig sabihin…
“Huh? Edi magkaedad lang pala ang ikalawang mga anak natin?” Hindi ko na napigilang isiwalat ang balita na sana ay mamaya pa iaanunsyo.
Namilog din ang kanyang mga mata at nalaglag pa ang panga.
“What the fuck? For real?! Eh kaka one year lang ni Joesh?”
Anzai and I both agreed for another baby. Total masipag naman kaming dalawang gumawa edi ayon, dinagdagan agad namin si Joesh. Sana nga this time ay babae na dahil pag lalake ulit, magdadagdag kami ng panibago at mananalangin na lamang na sana ay babae naman.
Mabilis kong nilingon ang dako nina Mommy na hindi naman kami narinig. Iyon nga lang, nahuli ko agad ang pagtataas ng kilay ni Isaiah na medyo malapit lang pala sa amin habang nakasakay na si Radge sa kanyang balikat at nakahawak sa kanyang buhok.
He heard it. For sure. Lalo na’t binalingan niya si Anzai at kapwa na nagngisihan ang dalawang may kanya kanyang kargang anak.
Hindi ko na natugunan ang pagkakagulantang ni Zera lalo na’t nagsidatingan narin ang mga bisita.
Dumalo ang aming mga pinsan, kasama ang kanilang mga asawa at anak. Sayang at wala sa Pilipinas sina Kuya Red at Keyla. Masyadong busy ang dalawa sa pangingibang bansa at nililibot na ata ang buong mundo.
“Ang gwapo ni Joesh, Brielle!” pamumuri ni Nana nang makita ang aking anak na gising na at magkakasalubong ang kilay, tila naiirita sa mga bisitang lumalapit sa kanya habang nakaupo ito sa kandungan ni Anzai.
I smirked cockily. Syempre saan ko ba iyan ipinaglihi? Edi sa ama niyang pinaglihi rin sa perfection!
“Ang maldito! Pinaglihi mo ba iyan sa Daddy niya?” si Brandy naman na napangiwi pa suot ang cocktail dress at naka bun na buhok.
Tumawa na lamang ako. Ang hirap paamuhin ng mukha ni Joesh since he resembles his ruthless father, alot! Maamo lamang iyan pag mahimbing ang tulog pero kung dilat ay talagang makikita mo kung paano ka niya iinsultuhin sa pamamagitan ng pagkakasalubong ng kanyang kilay at matalim na tingin.
“He looked like Anzai alot. Minsan namamalikmata ako at parang magkamukha na silang dalawa ni Radge,” ani Nana, hinabol pa ng tingin si Radge na nakawala na naman sa kanyang ama at panay na ang takbo.
Nagkatinginan kami ni Zera, lalo na’t iyan din ang madalas kong bukambibig. Ganoon siguro pag masyadong malapit sa isa’t isa ang kanilang mga tatay, nagkakamukha na.
The party went well. Medyo marami ring bisita na galing sa Manila at ang iba ay tagarito rin. Noong patapos na ay doon ko na inanunsyo na masusundan si Joesh at kahit ang buntis na si Zera ay inanunsyo rin iyon kaya nagsigawan na sila.
Hindi makapaniwala ang aming mga pinsan. Kahit si Mommy at Mama, ang ina ni Anzai, sa sobra nilang tuwang dalawa ay nagyakapan sila. Humalakhak pa si Daddy at Papa nang makita ang dalawa na madalas mag-away.
We are building a big family in Cebu. Nagkaroon kami ng tatlong anak ni Anzai while Isaiah and Zera have four kids. Kaedaran ng kanilang babae at aming babae habang tatlo ang kanilang lalake at dalawa lamang ang amin ni Anzai.
Early in the morning, naging hobby na namin ni Zera ang pagmasdan ang dalawa na binibilad ang sanggol nilang babae habang karga karga sa kanilang bisig at mahimbing ang tulog sa labas ng bahay.
Kapwa topless ang dalawa, seryosong nag-uusap at lumiliwanag din dahil sa paghalik ng sinag ng araw sa kanilang kabuuan.
“They looked like vampires… Iyong lumiliwanag sa kagwapuhan,” ani Zera na inaayos na ang pagkakatali ng buhok lalo na’t magjajogging kaming dalawa.
Sumulyap ako kay Anzai na sumulyap din sa akin. He’s swaying our infant a bit.
“Let’s go! Sa sobrang lalim makatitig ni Anzai sa’yo parang gusto na ulit sundan ang anak niyo.” Hinila na ako ni Zera paalis.
Tumawa ako at nagpatangay habang sinusundan kami ng tingin ng aming mga asawa.
“Wala na kaming balak sundan ang tatlo,” sabi ko at lumebel sa kanya na nagsisimula ng magstretching.
“Kung babae lang sana ang pangatlo namin, di na kami magdadagdag ni Isaiah. But he wants another child so ayon… we tried again at di naman kami nabigo kay Hestia.”
“Ako nga gusto ko ng magpills eh. Sinabi ko kay Anzai na magfamily planning na dapat kami o kaya ay mag birth control na lamang ako kaso ayaw niyang pumayag. Marami naman daw siyang pera…”
Umirap ng husto si Zera. “Parehas lang sila ni Isaiah, mga mayayabang. Kung hinayaan mo ay baka gawin kanang anay at anak nang anak nalang. Gusto pa ng isang dosena!”
Natawa ako roon lalo na’t iyon din ang plano ni Anzai kaso ang sabi ko ay sapat na ang tatlo.
Nagsimula narin akong magstretching. Ginaya ko lamang ang kanyang pinaggagawa. Ganito palagi ang isa sa mga morning rituals namin habang ang aming mga asawa ay busy sa aming anak.
May limang maid sa aming malaking mansyon. Dalawa ang tagalinis sa bahay, tig iisa ang bawat anak kong lalake at ang isa naman ang tagaluto.
Kung ako ang masusunod, sapat na sa akin ang tatlong maid. But Anzai told me na mas mabuting marami para wala na akong masyadong gawin sa bahay.
I am living a luxurious life with my husband. Hindi lamang ako, kundi pati narin ang aking mga anak. They’re spoiling them too much!
“Hindi ka sasama?”
Ang kakarating na si Papa, ama ni Anzai, ang bumungad sa akin sa umagang iyon ng Lunes.
“Bakit po?” tanong ko at nagawa pang humikab.
“Lolo! I forgot to tell Mama about it…” ani Joesh, bihis na bihis na nang humawak siya sa kamay ng kanyang Lolo.
Kumurap ako at tiningnan si Yaya Merry, ang personal niyang maid na nakabuntot pa sa aking anak dala dala ang isang mamahaling perfume.
“Joesh told me he wants a picture with Mickey Mouse so I’m taking him in Hongkong today. Gagala kami roon ngayong araw,” ani Papa na ikinagulat ko.
Joesh loves Mickey Mouse. Naalala ko pa iyong sagot niya noong tinanong ko siya kung ba’t niya ito nakahiligan.
“Aren’t you impress, Mama? Rats are stupid and useless but Mickey Mouse can sing and talk. How come?”
Nagsisi ako ng husto kung bakit masyado kong pinaglihian si Anzai noong pinagbubuntis ko siya! He talks like Anzai alot!
“Gagala lang, Papa?” tanong ko nang matauhan sa lakad ng dalawa.
Sabay silang tumango.
“Dame is still sleeping, Mama. Iiwan ko nalang since he doesn’t like Mickey Mouse,” ani Joesh.
“Damerell doesn’t like Mickey?” tanong ni Papa.
Tumango si Joesh at umilag sa pagspray ni Yaya Merry sa kanyang damit. Lumipat siya sa kabila at sinamaan ng tingin ang katulong.
“Ako na,” ani Papa at nginisihan ang katulong.
Nahihiya nitong inilahad kay Papa ang spray. Humalukipkip ako at tiningnan ang anak kong mabilis na umamo ang mukha.
“Lolo… Are we going to ride my new private jetplane?”
“Yes… I even encrypted your name on it, para makita mong pagmamay-ari mo iyon.”
Suminghap ako at nahipo ang aking noo. Papa is spoiling Joesh too much, lahat ng kanyang apo ay masyado niyang iniispoil! Pare-parehas lamang sila ni Daddy! Kahit si Damerell ay nawiwili sa kanya dahil wagas rin kung magbigay.
“Hindi ka ba magdadala ng mga damit, Joesh?” tanong ko nang handang handa na itong umalis dahil kulang nalang ay mabali ang kanyang leeg kakalingon sa pinto.
“Why Mama? Uuwi rin naman agad ako. Gagala lang kami roon ni Lolo,” aniya.
“Oo nga naman, Brielle. Mamasyal lang kami ni Joesh. Uuwi rin kami pagkatapos,” si Papa naman.
Tumango ako at walang masabi sa dalawa. Anak nga ito ni Anzai. Manang mana.
Joesh resembles Anzai alot. He looked like a ruthless kid with his wavy hair, deep brown eyes, thick brows, long lashes, pointy nose and natural red lips. Kung ikukumpara sa pangalawa naming anak na si Damerell, he’s the combination of Anzai and me. His features were soft but not really. He looked like an angelic badboy. Namana niya ang aking mga mata ngunit ang kanyang ilong at labi ay kay Anzai. Joesh is the sporty type unlike Damerell who’s silent. Parang iinsultuhin ka lang sa palihim na paraan hindi kagaya ni Joesh na talagang itatrashtalk ka harap-harapan.
Our third child, ang aming unica-hija, ay manang mana raw sa akin, sabi ni Zera at Mama. She’s very angelic. Sa tatlong anak, siya ang pinaka clingy kay Anzai na napansin ko dahil mabilis agad na umiiyak pag nararamdaman niyang ibabalik na siya sa crib. She loves being with Anzai’s arms…
“She’s finally asleep after singing her our favorite song…” ani Anzai sa pagod na boses at gumapang na patungo sa akin sa kama.
“Oh ano? Gusto mo pang magdagdag ng anak?” Tumawa ako.
“Why not, Elliana? I don’t have a problem about it. De bale ng mapagod at mapuyat gabi gabi,” aniya at kinarga na ako saka ipinaupo sa kanyang kandungan, sinisimulan na akong yakapin.
Nailing na lamang ako at tahimik na inihiga ang aking ulo sa kanyang balikat. Pumikit ako, naalala ang mga bata sa Center.
Kumusta na kaya sila? Alam kong pinupundohan naman namin ni Anzai ang Center para mas mabigyan sila ng maginhawang pamumuhay roon at maayos na paaralan pero hindi ko parin maiwasang hindi isipin sina Kiki na malalaki na.
“Kumusta na kaya ang Center, ’no? Siguro nadagdagan ang mga bata sa bahay ampunan,” sabi ko.
“Do you want to visit the Center?” Idinikit niya ang kanyang labi sa gilid ng aking ulo.
Tumango ako. “Oo naman… Pero siguro sa susunod na pag malaki na ang bunso natin.”
“Stop worrying too much. I’m sure they’re doing fine.”
Tiningala ko siya para hulihin ang kanyang.mga mata at makita ang ekspresyon ng gwapo niyang mukha sa susunod kong sasabihin.
“Eh si Tobias? Kumusta na kaya?” Inosente kong tanong.
Mabilis na dumilim ang kanyang ekspresyon. I can almost smell his jealousy!
“May asawa narin kaya? Hindi ko kasi siya mahanap sa instagram…”
“Tss,” he scoffed. “So you’re stalking him…”
I giggled softly at hinaplos ang kanyang panga. Awtomatikong namungay ang mga matang galit kanina. Tumitig siya sa akin ng husto, masyado na namang nagpapakaalipin sa aking haplos.
“Nagseselos ka parin? Hindi pa sapat na pinakasalan kita at nagkaanak tayo ng tatlo?” I frowned at him.
“I am always selfish, Elliana. Gusto ko, ako lang ang lalakeng iisipin mo. Gusto ko, ako lang ang lalakeng na namimiss mo. I want your full attention. Ayokong may kahati ako riyan sa isipan mo, sa puso mo… sa oras mo.” He kissed my earlobe sensually.
Gumalaw ang aking balikat dahil sa kiliti. Humawak ako sa kanyang balikat at humagikhik sa balat ng kanyang leeg.
“I am all yours, Anzai. Wala kang kahati sa akin. I am selfish, too. Gusto ko, sa’yo lang ako,” matapang kong bigkas.
Ramdam na ramdam ko ang epekto ko sa kanya dahil sa paghigpit bigla ng kanyang yakap sa akin. He’s gripping me too much, pinapaalala sa akin na walang nagmamay-ari sa akin kundi siya lamang. Palagi talaga siyang naaapektuhan sa mga sinasabi ko sa kanya. Iyong tipong hindi nagbabago ang kanyang pagmamahal sa akin at parang ito parin iyong unang beses kaming nagkakilala.
“I want to tell you something…” he whispered.
Dumaosdos siya sa kama at tuluyang humiga. Inunan niya ang isa niyang bisig habang ang isa ay sinusuklay ang aking buhok habang nakahiga ako sa kanyang dibdib.
“Hmm?” Tumingala ako at hinanap ang kanyang mga mata. Nagkatitigan kami.
“I love you…”
I giggled softly. “I want to tell you something, too…”
Lumebel siya sa akin at hinila ang kumot. Tinakpan niya ang aming mga katawan saka siya humarap sa akin.
Hinawakan niya ang aking ulo at idinikit ang kanyang noo sa aking noo. Pinatakan niya ng nakakabitin at maliliit na halik ang aking labi.
“What is it?”
“I love you, too…”
Pumikit siya at ngumiti. “I can sleep peacefully with those words, Elliana. It’s a music to my ears…”
“Talaga?”
“Yes… Even your moans. It’s a music to my ears- Ouch.” Humalakhak siya dahil sa pagkurot ko sa kanya.
“Bakit? Hindi mo ba narinig ang sarili mo sa tuwing sarap na sarap ka sa akin? Hmm?” nanunuya niyang tanong habang ginagapang ang kamay sa aking beywang.
“Stop it! Nakakahiya!” Itinago ko agad ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Humagalpak si Anzai, pilit akong nilalayo roon para masilip ang namumula kong mukha. Hinila ko ang suot niyang puting tshirt at sumiksik lalo sa kanya.
“You’re always begging for another round. Lalo na noong buntis ka. You’re always aggressive and you really scream in bed-”
“Anzai!” Sinabunutan ko siya.
Humalakhak siya at inangkin ang aking labi, hinalikan ako ng marahan na ikinakalma ko.
His passionate kiss almost melt me. Ang rami rami kong nararamdaman sa matamis niyang halik. Palagi noong hinuhukay ang aking kalamnan.
He stop from kissing me. I stared on his parted lips. Sa namumungay na mga mata ay tiningnan ko siyang sinasalamin din ang aking paninitig sa kanya.
“Ang ganda ganda mo,” he whispered.
Ngumiti ako.
“I always wanted to create a heaven with you, lalo na’t doon ka nababagay. But guess what? You made me live in heaven instead. You are my heaven. My light. My angel… My beautiful Elliana, you are my everything.” Hinuli niya ang aking kamay at hinaplos ang suot kong wedding ring.
Hinawakan niya iyon ng mahigpit at iginiya sa kanyang labi. Tiningnan niya ako ng malalim at hinalikan iyon.
“Im going to fulfill your dream. I promise…”
Pumikit ako at dinama ang kanyang halik sa aking noo. Panghahawakan ko ang kanyang pangako.
“Let’s grow old together, Anzai… Let’s both fulfill it.”

