L U R E D (NGS #5)
Ineryss · 60 chapters · 218,804 words
Lured
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.
P R O L O G U E
Lured
Too Young
Pinalis kong muli ang malalaking luha na umagos sa aking mga mata. My eyes hurts so much for crying just because of him. Ngayon lang ako umiyak ng ganito kalala buong buhay ko na sobrang hirap patahanin ng aking sarili habang naninikip ang aking dibdib.
Kahit anong balik ko sa aking isipan sa mga ginawa ko sa nagdaang buwan, hindi ko talaga mahukay kung masyado ba akong napariwara sa pagkagusto ko kay Trey o masyado akong nawili sa binuo kong imahinasyon sa aking isipan na magiging kami rin sa huli.
It’s frustrating me so much. Gusto kong makatulong pero paano ako tutulong kung ako ang puno’t dulo ng kaguluhan. And worst… And worst…
Sinapo ko ang aking dibdib at ibinaon ang mukha sa unan para sa iyak kong sobrang lakas na. I cried helplessly, praying for a miracle to change the decisions I made.
It’s a foolish act, I know! But I am not that shallow! I am not that desperate! I remember those days, I just want… I just want to be part of Trey’s life. Gusto ko lang namang may lugar rin ako. Pero bakit nagkagano’n na? Bakit biglang lumiko ang lahat?
High school ako noong nagsimula akong pumunta punta sa college building, kung saan nag-umpisa lahat ng aking kahibangan. Kung alam ko lang na hahantong sa ganoon ang pagtatagpong iyon, kung alam ko lang na mahuhulog ang lahat sa ganito kakomplikadong sitwasyon, ako nalang sana ang umiwas.
But no, it’s like something is luring us to be so close with each other. Something’s luring me to be with him…
“It’s already lunch. Punta na tayong cafeteria?” tanong sa akin ni Elle sa hapon ng Martes na iyon.
Umiling ako sa aking pinsan habang nagliligpit ako ng gamit. Agaran siyang bumusangot, ang tingin ay nasa ginagawa ko na habang nakahalukipkip.
“Bawal ka roon ah? Mapapagalitan kana naman talaga ni-”
“I don’t fucking care.” Nagkibit ako at kinuha ang aking cellphone saka iyon ibinulsa.
Nang nasigurado kong naligpit ko na lahat ay kinuha ko na iyon.
“Kanino ako sasabay?”
Di ba ito makakakain nang wala ako?
“Friends?”
“Who?” Takang-taka niyang tanong.
Umirap ako, nailing.
“Someone you’re not faking to be with,” tangi kong sagot at nagdesisyon nang talikuran siya.
Makakahanap ba siya ng ganoon? She needs to stand up with her own kaysa iyong nakadepende nalang sa kung sino sino. Gusto ko siyang sanayin lalo na’t hindi iyon magawa gawa ng kambal sa kanya. Lagi nalang kasing binibaby kaya ayan…
I curled my hair using the tip of my hand while walking. Pumipintig agad ang aking puso habang tinatahak ko ang daan palabas ng school. I know if they saw me there, they’re all going to get mad again. Kahit pagbawalan nila ako, aakyatin ko parin ang gate! Or I’ll tell Mommy to fire the guard for not letting me in. At pag nalaman ni Daddy, isusumbong ko rin siya kay Mommy pag pinagalitan niya ako.
“Magandang hapon, Ma’am…” Ngumiti sa akin ang gwardya.
Ngumiti ako pabalik habang pinapanood ko siyang binubuksan ang gate para sa akin.
“Dadalawin niyo po ang pinsan niyo?”
It’s cringe to visit my cousins lalo na’t lagi kaming nagkikita pero tumango nalang ako para wala nang iba pang maging tanong. At least may alibi ako pag tinanong rin ako ni Daddy kung ba’t palagi akong nagagawi rito.
Pagkapasok ko, ang bumungad agad sa akin ay mga college students suot ang naiiba nilang uniporme sa akin. Malaya akong naglakad doon, ang iilan ay nililingon pa ako.
“Ba’t nakapasok ’yan dito?”
“Isa ’yan sa mga Delafuente…”
“Brat ’yan kaya kahit pinagbabawalan ng mga pinsan, nandito parin.”
Hindi ko pinansin ang grupo ng mga ulupong girls na pinagt-tsismisan ako. And what’s with the term brat?! Kulang ang info na iyon ah? Dapat may ‘pretty’ sa unahan bago nila dinudugtungan ng kung ano-ano.
Hmm, nasaan ba ngayon ang lalakeng ’yon? I’m sure he’s with his friends again. Basketball? Canteen? Locker room? Cr? Oh… Mauna kaya ako sa boys cr? Hihihi.
Nagsimula akong maglakad habang hinihila pa ang ang skirt ng aking uniform na umiiksi lalo. It’s already showing my knee! Nagdasal ako na sana ay hindi ako makita ng isa sa aking mga pinsa-
“Zera!” Pumaibabaw ang malaawtoridad na boses ni Kuya Toshi.
Sa aking pagkagulat ay mabilis akong napatigil at naging yelo sa kanyang boses. Kinagat ko ang aking labi, kalaunan ay nakita ko na nga ito sa aking harapan suot ang malinis niyang uniporme, matalim ang tingin sa akin habang nagkakasalubong ang kilay at bumagsak pa ang tingin sa aking palda.
“’Di ba sinabi na namin sa’yo noong nakaraan na bawal ka rito?” Nameywang ang aking pinsan.
“Bakit ako bawal?” I twinkled my eyes.
“Dahil mga college ang naririto,” giit niya.
“Alam ko naman ah? This is a college building so mga college student talaga…” marahan kong sabi.
Umangat ang kanyang kilay sa akin. May dumaan pang grupo ng mga babaeng binati siya na nginitian niya at tinanguan pero noong ibinalik ang tingin sa akin ay naging seryoso muli.
“Magpasalamat ka talaga at ako ang nakakita sa’yo. Kung si Grey pa…”
Ang aking tingin ay napunta sa kanyang likuran. Agad kong nakita ang grupo ng mga lalakeng naghahagalpakan. Ang aking mga mata ay mabilis na dumako kay Trey, nangunguna roon habang ginagalaw ang kanyang buhok at sobrang gwapo. Oh finally… My boyfriend…
Hindi ko na halos mapakinggan ang pagbubunganga ni Kuya Toshi dahil kumikinang na ang aking paligid. Para nang may mga bumabang anghel at kumakanta habang slowmo na ang galaw ni Trey.
“Zera.” Pinitik ni Kuya Toshi ang aking pisngi.
Natauhan ako at ibinalik ang tingin sa kanya. Kunot-noo siyang lumingon sa kanyang likuran, at nang makita kung sino ang naroon ay umangat agad ang dalawa niyang kilay saka ako tiningnan sa makahulugang tingin.
“Aren’t you too young to chase someone who’s very far from your age-”
“Shut-up! Don’t embarass me!” Tumingkayad ako at tinakpan ang bibig ni Kuya Toshi.
Mas lalo lang nagkasalubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa palad kong tinatakip ko sa kanyang bibig. Pinaningkitan ko ng tingin si Kuya Toshi at hinawakan pa ang kanyang braso lalo na’t masyado siyang matangkad para sa akin! Nangangawit na ako kakatingkayad.
“Zera?” Ang pamilyar na boses ni Trey ay parang naging awit ng isang anghel sa aking tainga.
Nilingon ko siya. I smiled cutely at him.
“Hi, Trey…” bigkas ko sa malambing na boses.
Tinanggal ni Kuya Toshi ang aking pulso at hinila ang aking braso saka ako inakbayan. I sighed in defeat inwardly. Gusto kong sikuhin si Kuya Toshi. Or better yet bayagan ito.
Ang naggagwapuhang at puro matatangkad na mga barkada ni Trey ay nasa akin na ang tingin, nakangiti ng matamis lalo na’t puro rin sila barkada ng aking mga pinsan. Si Davin Tan, ang half na Chinese ay kaclose ni Kuya Hiro at isa rin sa mga chic magnet dito lalo na’t barkada pa ni Trey. si Castel Guevarra, ang hari ng kapilyuhan at close ni Ken ganoon rin ni Wayt at nabibilang sa mayamang angkan na kumikinang rin ang mga mata habang nakatitig sa akin and lastly… the coldest and the very intimidating of them all, Isaiah who has a godlike visual and very snobbish aura… Nahuli ko pa itong nakatitig sa aking skirt, tila nadidisgusto.
Wala akong masyadong info sa kanya dahil wala rin siyang mga kaclose sa pinsan ko, tanging si Trey lamang. Pangalan ko lang ang alam ko sa kanya at ang kasupladuhan niya but overall, wala na.
“Pinapagalitan mo na naman?” tanong ni Trey habang inaayos ang expensive watch niya sa pulso.
“Masyadong matigas ang ulo,” ani Kuya Toshi at ginulo ang aking buhok sa harap mismo ng aking ideal boyfriend. Nagmukha akong mangkukulam na gulo gulo na ang buhok!
“Stop it!” pabulong kong bigkas kaso in-elbow lock pa ako ni Kuya. God!
“Sali ka sa amin mamaya, Tosh?” tanong ni Castel.
“Maglalaro kayo?” si Kuya.
Tumango silang tatlo, maliban kay Isaiah na sobrang snob, ang tingin ay nasa ibang direksyon na at mukhang naiinip.
“Sa Clubhouse tayo?” si Kuya.
“Sure. Ikaw Isaiah? Di ka parin sasama?” tanong ni Trey.
Malamig na umiling si Isaiah.
“May gagawin ako,” bigkas niya sa malamig na boses.
Tiningnan lang siya saglit ni Castel pero ibinalik rin kay Kuya Toshi.
“Isali nalang natin sina Hiro para marami tayo,” aniya.
Tumango naman ang aking pinsan at ibinulsa na ang isang kamay, ayaw paring pakawalan ang leeg kong niyakap niya na. Hinawakan ko ang kanyang bisig gamit ang dalawa kong kamay at pilit iyong tinatanggal kaso masyadong matigas! Trey chuckled at me when he saw my movement.
“Makulit ka kasi…” sabi niya sa akin, akala mo ay nakikipag-usap lang sa isang kuting.
“Kuya Toshi…” malambing kong sabi at tiningala ang aking pinsan. He’s really embarassing me, treating me like a five years old kid!
“Shut-up, Zera,” aniya at ibinalik ang tingin sa mga barkada ni Trey.
“Magkita nalang tayo mamayang Six.”
Nagsitanguan sila, maliban kay Isaiah na hindi sasama.
“Alis na kami,” pagpapaalam ni Trey.
Tumango naman si Kuya hanggang sa isa isa na silang umalis sa aming harapan. Sinulyapan ako sa huling beses ni Trey at napangisi habang naiiling. God… I hate my cousins!
“Natuturn-off na ’yon!” sigaw ko at marahas nang nagpumiglas kay Kuya Toshi.
Pinakawalan niya naman ako, nakangisi na.
“Eh may girlfriend ’yon.”
“I know! And he’s just my crush… Why do you have to stop me from liking him?!” Namula ako ng husto sa pagkainis.
Pinitik niya ulit ang aking pisngi kaya sa aking inis ay hinawi ko ang kanyang kamay. Tumaas ang dalawa niyang kilay dahil sa aking pagkairita.
“Hindi ka papatulan ni Trey dahil masyado ka pang bata para sa kanya. Four years ang gap niyo. You’re too young for him,” aniya sa boses na nangtuturn-off.
Humalukipkip ako, tinaliman siya ng tingin.
“Kaming mga lalake, ayaw namin sa mga sobrang bata para sa amin, Zera. Lalo na sa mga brat at matataray… Ano kami, mga babysitter niyo?” Inilebel niya ang kanyang mukha sa akin, pinapamukha ang reyalidad.
“I hate you,” bigkas ko sa matigas na boses.
Ginulo niyang muli ang aking buhok.
“Tara… Ililibre nalang kita ng lunch.” Sinenyasan niya ako gamit ang paggalaw ng kanyang ulo.
Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan, sobrang nabwesit dahil nagmukha akong batang paslit sa harapan ni Trey kanina. Kuya Toshi sighed at hinila ang aking pulso. Nagpatianod ako sa kanya habang nakabusangot.
“Naiinis talaga ako sa inyo. Pinagbabawalan niyo kaming lumandi pero kayo kabi-kabila ang panglalandi. Eh halos pati nga sa ibang University pinopormahan niyo tapos ako…” Hinabol ko ang hininga at gustong sabunutan ang sarili sa panggigigil.
Natawa si Kuya Toshi at inakbayan ako.
“Someday you’re going to understand why we’re so protective with you, Zera… Sa inyong mga babae. Pinoprotektahan lang namin kayo sa mga lalakeng hindi kayo kayang ingatan katulad ng pag-iingat namin sa inyo.”
Umirap lamang ako at pinanindigan ang aking inis habang nakahalukipkip.
“Ilibre mo talaga ako.” I said annoyingly.
Ngumisi si Kuya at kinurot ang aking pisngi.
“Brat.”
1st Lured
Lured
Annoying
“Ano ’yung naririnig ko na napapadalas daw ang punta mo sa college building?” ani Daddy sa hapag ng gabing iyon.
Sinumbong ba ako ni Kuya Toshi? Oh don’t conclude too much, Zera. Wala namang nabanggit na ‘sinabi ni Toshi’ at tanging nabanggit lang ay narinig. Maybe Daddy is just trying to get me through his words.
“Kanino mo narinig, Dad?” tanong ko habang ginagalaw ang aking pagkain.
My Kuya isn’t around. He’s probably playing basketball on the Clubhouse with Trey’s friends and Kuya Toshi since nabanggit rin nila iyon kanina.
Sinipat ako ng makahulugang tingin ni Mommy habang nagsasalin siya ng juice sa aking baso.
“I have my connections, Zera. Hindi mo alam na may pinapabantay ako sa’yo para matyagan ka?”
Oh that’s a bluff! Baka nga ako pa ang makakabantay sa kanila.
“Hiro is already a college student kaya hindi na nakakapagtaka kung magawi si Zera roon,” ani Mommy na agad kong ikinatango.
“And Trey?” dagdag ni Daddy.
“Pati ba naman ikaw Dad?” Nanliit ang aking mga mata.
My parents are aware I like him since sa tabil ng dila ng aking mga pinsan, sa Kuya kong palagi akong binabaliktad sa kanilang harapan ay mahirap na iyong itago.
“You should prioritize your studies first, Zera. Kung si Trey ang mas pagtutuunan mo ng pansin, anong matututunan mo?”
Paglandi, Dad? Kaso hindi ko iyon isinatinig at baka lagot pa ako sa biro ko.
Sumubo si Mommy at tumango-tango pa sa sinabi ni Daddy. Sumubo na rin ako habang nakatitig naman si Daddy sa akin.
“I know you’re playful but don’t play too much, Zera. Hayaan mo na iyong si Trey total malaki na iyon,” dagdag niya.
Well obviously he’s really older than me kaso humahanga lang naman ako ah? I just like him. Hindi naman ako sobrang nauuhaw sa pag-ibig na nanglilimos na ako ng pagmamahal sa kanya. Ang lahat ng nakapaligid sa akin ay masyado lang talagang paranoid at pakiramdam nila ay nalulunod na ako sa sarili kong nararamdaman kay Trey.
“Zera is wise. You don’t have to tell her about her studies since wala rin naman siyang bagsak,” ani Mommy.
Tumango naman agad ako. I agreed with Mom!
“Nasa stage pa talaga siya ng pagtuklas sa nararamdaman niya. She’s curious and it’s normal for her to act that way…” ani Mommy na tinatapunan ako ng tingin paminsan-minsan.
Binasa lamang ni Daddy ang kanyang labi at nailing.
“She’s not being wise, Scarlet Gail. She’s being carefree,” si Daddy.
“Well she can be both? Wise and carefree…” ani Mommy sa malambing na boses.
Nagkasalubong nalang ang kilay ni Daddy kaya hinaplos ni Mommy ang kanyang panga.
“Masyado kang hard… Zera just turned eighteen. Let her have a boyfriend,” Mom chuckled.
Ngumuso ako at napagtantong iyon ang kinakatakutan ni Daddy. Kinagat ko nalang ang aking labi para hindi ako matawa.
“She’s going to have a boyfriend anytime since she’s chasing him,” si Daddy.
“Oh believe me she won’t. Trey doesn’t like her.”
Agad akong napabusangot sa sinabi ni Mommy.
“He’s going to like me soon, Mommy,” pagtatanggol ko sa positibong boses.
“Confident lang talaga siyang magkakaroon ng sila pero hindi naman ibig sabihin ay mangyayari na iyon. Hayaan mo nalang si Zera na tumuklas sa mga bagay bagay.”
Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako o ano pero hinayaan ko nalang silang mag heart to heart talk.
Si Mommy ang maluwag pagdating sa akin kumpara kay Daddy na may pagka mahigpit talaga. He doesn’t like the idea of having a boyfriend at an early age while Mom is cool with it since it’s part of growing up. Daddy said, love can wait while Mommy said if you can handle it well then why not enter in a relationship?
Para silang gatas at kape na pag ihahalo mo ang dalawa ay mangingibabaw parin talaga ang kulay ng kape at lalamunin ang gatas. Kung kulay ang pagbabasehan ay ang kape talaga ang mangingibabaw pero kung titikman naman ang lasa ay ang gatas ang mas kakalat sa iyong bibig. May mga araw na si Daddy ang nasusunod pero may mga araw rin namang natatangay siya ni Mommy sa mga gusto nito.
Kaya rin siguro nagagawa ko pa rin ang aking gusto at hindi natatakot na mapagalitan dahil alam kong naroon si Mommy para depensahan agad ako kay Daddy.
Hindi na ako nagtaka noong kinabukasan ay natagpuan ko muli ang sarili ko sa college building dala-dala ang aking tumbler.
Ang alam ko, tuwing Thursday ang P.E. nila Trey kaya madalas rin silang naglalaro ng basketball pagkatapos ng subject na iyon.
And how did I know it? Syempre, simpleng stalk lang naman. Basta passionate ka talaga sa ginagawa mo, alam kong may mararating ka balang araw.
And how I wish, hindi ko makasalubong si Kuya- Oh nevermind… Hindi ko na nga lang iisipin dahil sa tuwing binabanggit ko rin naman ang mga pangalan nila, ay para silang mga kabuting bigla-bigla nalang nagsusulputan. Weird!
Isinabit ko ang iilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tainga at dinukot ang salamin sa aking bulsa para makita ang aking labi kung makintab pa ba. The lipgloss I wore is still there, tila nang-aakit ang aking mga labing madikitan ng kung kaninong labi.
Nagtungo na ako sa gymnasium. Pagdating ko roon ay narinig ko agad ang spike ng suot nilang mga sapatos na nagtutunugan na habang nangingibabaw ang boses ng mga lalake. Pumasok ako at bumungad rin naman ang mga pawisang college students na nagpapasahan ng bola.
May mga babae namang nakaupo sa bleachers, kanya kanyang cheers at sigaw sa mga pangalan ng mga lalakeng kung sino-sino.
“Isaiah!”
Sinisigaw rin naman ang pangalan ng iba but Isaiah’s name is just too loud na iyon nalang ang nangingibabaw na pangalan. What’s with him?
Ang agad kong nakitang isa sa mga tumatakbo roon ay si Isaiah, lalo na’t dahil siya lamang ang nakaitim na tshirt at itim na jersey short. His intense dark eyes move with his speed as he seriously dribbled the ball while running.
“Isaiah!” sigaw ng mga kababaihan at halos mag-iyakan na ata.
Okay? Puro Isaiah ang halos naririnig ko kaya pasimple kong hinanap ang imahe ni Trey roon. Hindi siya ang may hawak ng bola. And there I found him smirking cooly habang hinahabol si Isaiah! Darn hot…
“Balita ko patay na patay raw ’yan kay Trey.”
“Kaya nga eh. Iba talaga pag galing ka sa makapangyarihang angkan. Inispoil ka masyado.”
“Isn’t she aware that Trey is already taken?”
Nilingon ko ang tatlong babaeng pinagtitsismisan ako. Inangatan ko agad ito ng mga kilay. What’s the bigdeal? Trey is still our family friend. Kung hindi lang nila lalagyan ng malisya ay wala lang naman talaga iyon. Can’t they think of me as one of his friends or what? Just because he’s taken ay parang off limits na rin sa mga babaeng kaibigan? Ganoon ba dapat ’yon?
At nasa matinong pag-iisip pa naman ako. Alam ko ang boundary ko. Hindi ko rin intensyong landiin si Trey habang in a relationship siya. Kahit nga single ’yon, mahirap pa rin dahil sa mga pinsan ko!
Nagulat sila sa aking pagtataas ng kilay kaya mabilis silang nag-iwas ng tingin at kapwa pa nagsitayuan para siguro lumipat sa ibang bleachers. Abala ako sa kakatingin sa kanila hanggang sa namalayan ko nalang ang pag gulong ng bola patungo sa akin.
Itinuon ko ang tingin sa harap at nakita ang pamilyar na mukha ni Isaiah na nagha-half jog na habang pawisan dala dala ang kanyang supladong mukha at sinundan ang bola.
Tumigil iyon sa aking paanan at bago pa mapunta sa aking likuran ay mabilis niya na iyong naabutan. Nalaglag ang aking tingin sa kanyang pagkakayuko. He smells like sweat and uh… anong perfume ba iyon? I think it’s just his sweat?
Umahon rin naman siya at tumuwid rin sa pagkakatayo hawak-hawak ang bola habang malamig ang tingin sa akin.
“Hi!” I smiled at him cutely.
Imbes na ngumiti pabalik, nagawa pang umiwas ng tingin at hindi man lang umimik, tila isa akong pader rito na hindi niya napansin o narinig.
Sa aking inis ay sinamaan ko ng tingin ang kanyang likurang naghahalf-jog na ulit pabalik sa gitna ng court habang dinidribble ang bola. Matalo sana ang team mo! Napaka snob! Pasalamat siya pinapansin ko siya since he’s one of Trey’s close friends. Malay mo siya pa ang kunin na best man ni Trey pero sa ugali niya h’wag nalang ’no! Buti pa sina Castel at Davin mga friendly unlike him.
Umupo ako sa bleachers at inilapag doon ang hawak kong bottled water. Nagsimula na ulit silang maglaro at sobra talagang charming ni Trey habang tumatawa sa gitna ng court. Nakipag-apiran pa siya kay Castel while Isaiah is very serious, ang makakapal at maiitim na kilay ay tila nagkakasalubong na.
Wala naman ang mga pinsan ko rito kaya makakatambay ako ng ilang oras para manood ng kanyang practice. No one’s gonna mock me for liking someone who doesn’t even like me.
I watched Trey jog towards his girlfriend. Tumayo naman ito at nag girlfriend’s duty sa kanya like punas ng pawis, bigay ng gatorade while smiling with each other.
May kung anong sinabi ang kanyang girlfriend sa kanya kaya lumingon rin naman si Trey rito.
Lumingon rin ang kanyang girlfriend sa akin. Naunang mag-iwas ng tingin si Trey at naiwan nalang ang girlfriend niyang nakatitig sa akin.
Nagsimula muli ang kanilang laro. Nawili naman akong manatili roon kahit na may ibang shoot si Trey na sablay. It’s okay… Di ako natuturn-off. Magkamali ka lang nang magkamali! I still like you.
After kong manood ng kanilang basketball ay umalis rin naman ako roon. Hindi naman ako ganoon ka gaga na hihintayin pa siyang lapitan ako.
Panalo ang team ni Trey at ayun nga, talo ang team nila Isaiah. Buti nga! I want to laugh at him so hard and mock him for being a loser kaso magmumukha akong baliw pag nilapitan ko siya bigla para lang pagtawanan ’di ba? Ayokong maturn-off si Trey at isipin niyang inaaway ko ang kanyang mga kaibigan.
At sa anong kadahilanan, dahil nasusupladuhan ako? Lame.
Nagtungo muna ako sa cafeteria lalo na’t may water fountain doon para lagyan ng panibagong tubig ang aking tumbler.
Nasa labasan palang ako ay nakasalubong ko na si Castel at Davin. Tumagilid ang aking ulo at sinilip kung sino pa ang nasa kanilang likuran at hindi nga naman ako nagkamali, naroon si Trey kasama ang kanyang girlfriend. Wala si Isaiah.
“Sabay kana sa amin maglunch, Zera,” ani Castel.
Umiling agad ako.
“Busog pa ako eh. Kayo nalang.”
“Nabusog kana kakapanood kay Trey?” ani Davin na nagawa pang humalakhak.
Natatawa siyang siniko ni Castel para tigilan ang pangungutya sa akin lalo na’t nakalapit na rin nang tuluyan si Trey at ang girlfriend niyang todo higpit ang kapit sa braso na akala mo ay hihilain na sa kanya at aagawin.
“Mapapagalitan kana naman talaga pag nakita ka ng pinsan mo rito,” ani Trey nang magkasalubong ang aming mga mata.
Nagkibit ako.
“I just want to watch the game,” sabi ko.
Sumipol si Castel at malawak na ang ngisi. Si Davin naman ay tumawa pa. Trey just shook his head while smiling.
“Babe… I’m hungry na,” maarteng sabi ng girlfriend ni Trey kaya nalihis ang tingin sa akin.
“Ah… Gusto mong sumabay sa amin, Zera?” anyaya naman ni Trey.
Umiling lamang ako katulad ng pagtanggi ko kay Castel. Hindi na ako gano’n ka manhid para saktan ng harap-harapan ang aking sarili!
“Alis na ako, Trey,” paalam ko sa mahinahong boses.
Tumango naman si Trey at ngumiti saka ako naglakad.
“Dapat nagku-kuya siya sa’yo,” rinig kong reklamo ng kanyang girlfriend.
Umangat ang aking kilay roon. Ba’t ako magkukuya kung gusto ko na baby ko siya?
Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad at hindi nalang hinintay ang sagot ni Trey. Palabas palang sana ako ng gate ay nakasalubong ko pa si Kuya Grey. Sa namimilog kong mga mata ay mabilis akong tumakbo at naisipang sa kabilang gate nalang dumaan.
I admit takot ako ng kaonti kay Kuya Grey. He’s very grumpy! Baka kaladkarin talaga ako palabas noon and worst he’ll order the guards na h’wag na akong papasukin. Knowing him!
May possibility rin naman akong mahuli nila Kuya pero sa ganitong oras ay may klase pa sila lalo na’t mga first year college kaya malabong mahuli ako ng mga iyon.
Sa 4th gate ako dumaan, ang pinakalikod na rin ng college building kung saan paglabas ko, ang iilang mumurahing kainan agad ang bumungad sa akin. Dapat pala doon nalang sa second gate para at least cafe man lang ang madadaanan ko hindi iyong ganito ka crowded at baka madumihan pa ako.
Kadalasan sa mga kumakain roon ay trabahante ng malalapit na Mall sa school. May usok pa na nagpapasira ng aking ilong kaya nauubo kong pinaypayan ang aking sarili.
I should avoid this gate! Wala bang nakaparadang taxi rito?
Iginala ko pa ang aking tingin hanggang sa may napansin akong pamilyar na lalakeng kakalabas lang roon sa isang kainan at may kinakagat pang toothpick habang nakapamulsa at dala-dala na naman ang seryosong ekspresyon. Naka itim na plain tshirt parin ito at itim na slacks habang ang puting uniporme ay nakasabit pa sa kanyang balikat.
Umubo akong muli nang grumabe lamang ang nalanghap kong usok. I should call him and ask for his help!
“Isaiah!” sigaw ko habang maarteng pinapaypayan ang harapan maalis lamang ang usok.
Parang bingi si Isaiah na hindi man lang lumilingon, tila walang naririnig sa kanyang paligid at deri-deritso ang paglalakad habang nakapamulsa. Nagawa niya pang itapon iyong stick at hinaplos ang buhok niya na ginulo niya lamang.
Masyado bang mahina ang aking boses?
“Isaiah!” Halos mabutas na ang aking lungs sa pagsigaw ng sobrang lakas. Kahit ang iilang napapadaan ay napapalingon na sa akin at nililingon din si Isaiah na talagang walang pake!
“Isaiah!” sigaw kong muli at sa wakas ay lumingon na talaga!
Oh thank God he finally noticed me!
Ang kanyang paglalakad ay unti-unti nang bumabagal hanggang sa ilang sandali lamang ay nasa harapan ko na ito, nakapamulsa at nakaangat agad ang kilay bilang sagot sa aking pagtawag.
“Help me, Isaiah! Ang usok!” I crunched my nose at tinakpan ang aking ilong.
“Arte. Hindi ito ang main gate,” aniya at handa na sanang iwan ako dahil sa paghakbang.
“W-Wait! Naliligaw ako! Ihatid mo ako sa paradahan ng taxi!” sabi ko.
Tumigil siya sa paghakbang at nagtataka akong nilingon. Ngayon na medyo malapit kami sa isa’t isa, mas malinaw kong natitigan ang kanyang mukha. His thick brows complements his thick lashes giving justice to his light brown eyes. He got those features that would envy all the girls out there who’s wishing for a perfect brows and lashes. And his messy hair… hindi ko alam kung magulo ba talaga dahil maayos namang tingnan sa kanya. I just really hate the way his eyes stares intensely at me. Para akong may kasalanan sa kanya kahit wala naman.
“Tricycle lang meron,” sabi niya, halos walang pake at balak na naman sanang umabante para iwanan ako kaya sa aking inis ay humarang na talaga ako sa kanyang daan.
“You’re rude, you know? I am Trey’s future girlfriend kaya dapat ay maging magkaibigan tayo.”
Mas lalo lamang nagkasalubong ang kilay ni Isaiah sa akin. He even tilted his head like he’s really annoyed because of me.
“So?” sagot niya sa akin pabalik na ikinalaglag ng aking panga.
D-Did he just… Namilog ang aking mga mata. Tinarayan niya ba ako?!
Kinuha niya ang unipormeng nakasabit at nagawa pa iyong isuot sa aking harapan in a very manly way.
“Hindi ka ba aware na malapit nang maging kami?”
Wala sa akin ang buo niyang atensyon at naroon sa pagbobotones noong uniporme niya. Dinukot niya pa ang ID sa bulsa at isunuot muli iyon. Napatitig ako sa maugat niyang kamay.
“Malapit nang maging friends?” Mas umangat lamang ang kanyang kilay, ang supladong mukha ay mas sumuplado pa.
Laglag muli ang aking panga. Bago pa ako may masagot ulit ay umalis na siya ulit sa aking harapan. Hindi na ako nakagalaw at laglag panga lang itong sinundan ng tingin.
In my entire life, no one answered me that way! Mas malala pa ata siya kay Wayt ah? He really said ‘so?’. The nerve of that loser!
Sa aking inis ay bumalik na lamang ako sa loob lalo na’t hindi ko rin talaga kabisado ang pasikot sikot doon. Ayoko namang magtricycle? I don’t want to try that thing!
Pero nakakapagtaka, ba’t nandoon siya? Doon siya kumakain? Nagtitipid? Pero hindi ba siya naaalibadbaran na bukod sa maiingay na trabahante ang naroon, sobrang crowded pa?
Nakabalik rin naman ako nang matiwasay sa highschool building but sad to say I smell like shit.
“Ba’t amoy barbeque ka?” Humagalpak na ng tawa si Elle sa akin nang maamoy na rin ako.
Umirap ako ng husto at gusto nalang umuwi para makaligo. I don’t like my smell.
“Kumain ka ng barbeque?” tanong niya pang muli sa isa naming subject.
“Hindi pa ako nagla-lunch,” sabi ko at iritadong kinuha ang aking perfume sa bag. That fucking snob!
“Huh? Eh ba’t amoy barbeque ka?”
“May nadaanan ako,” sagot ko at inabalang ispray iyon sa aking katawan.
“Huh? Saan banda? Wala namang nagbabarbeque malapit sa school ah?”
Hindi na ako umimik at ayaw ring banggitin sa kanya na napadpad ako sa 4th gate doon sa college dahil alam kong makakaabot agad iyon sa kambal at ang dalawa naman ay ikukwento kay Ken saka rin aabot kay Kuya. Ganoon sila ka productive pagdating sa tsismis.
Noong uwian na ay sinundo rin naman ako at sunod naman si Kuya. Minsan hindi siya nakakasabay kaya si Elle rin ang madalas kong kasama sa pag-uwi lalo na’t sumasabay rin siya palagi sa akin.
“Sumama nalang kaya ako sa’yo bukas sa pinupuntahan mo tuwing lunch?” ani Elle.
“I can’t bring you. Masyado kang pagong kasama.”
“Huh? Eh saan ka ba pumupunta? Tumatakbo ka?”
Hindi ko na siya nasagot nang huminto na ang SUV sa main gate kung saan nagsisilabasan ang mga college students. Binuksan ko ang bintana at hinanap agad ang imahe ni Kuya.
Ilang minutong nakalipas ay lumabas rin naman siya roon kasama si Castel na kausap niya at ngumingisi pa. Tinanguan niya lang ito saka siya bumaba ng tuluyan sa mga hagdan at nagtungo na sa pinaradahan ng SUV.
Dumeritso sa front seat si Kuya, nakaw tingin pa sa akin sa itaas ng salamin.
“Anong ginagawa mo roon kanina sa gymnasium? Nahawa kana kay Chey?” aniya.
“Huh? Nasa highschool lang ako, ’di ba Elle.”
Tumango naman agad si Elle. “Yep! Sabay kami naglunch ni Zera.”
Tumaas ang kilay ni Kuya Hiro at nilingon na talaga ako rito sa backseat.
“Sinabi sa akin ni Castel, Damonisse. So you’re a cheerleader now?” nanunuya niyang sabi na ikinabusangot ko ng husto.
Agad kong sinipa ang likod ng kanyang upuan. Si Elle naman ay umusog nang mapansin na ang pag-aaway namin.
“At least you’re already good at it. Pag nabroken ka, pwede mo naring icheer ang sarili mo.” Ngumisi si Kuya Hiro sa akin na sobra ko talagang ikinabwesit.
Itinuon niya narin naman ang tingin sa harap habang ako naman itong inis na inis na. Bakit ba ang tabil rin ng dila ni Castel? Purket friends sila ni Kuya lahat nalang babanggitin niya?
Argh. This is so annoying!
Pag ako nakagraduate sa pagiging Grade 12 ay malaya na talaga akong makakagala roon nang hindi nila sinisita!
2nd Lured
Lured
Friendly
Pabalik balik lang naman ang ginagawa ko sa mga nagdaang araw. Bibisitahin ko paminsan-minsan ang college building at may mga araw ring ayaw kong masyadong magpupunta roon para mamiss ko rin naman si Trey.
Hindi lang rin naman ako ang pumupunta sa college building dahil kundi pati si Irah, that fucking Buenaventura, ay pumupunta rin doon.
Hinayaan ko siya dahil para naman madistract niya si Kuya Toshi at malihis ang kakabantay sa akin doon.
Napapansin ko kasi pag naroon siya, natutuliro rin si Kuya. I don’t know kung anong meron pero mas mabuti nang napapakinabangan ko rin ang greatest enemy ko. That annoying girl is always getting on my nerves when we were kids! At sa tuwing nakikita ko talaga ang pagmumukha niya, ang sarap niyang asarin o pikunin.
“Nandito ka ulit…” ani Hilary, ang recent girlfriend ni Trey nang tumambay muli ako sa gymnasium habang kumakain ng sandwich. I brought a lunchbox with me at nasa tabi ko lang ito para hindi ako magutom habang nanonood.
Hindi ako umimik at sinundan ng tingin ang galaw ni Trey. Humalakhak siya at tuwang tuwa pagkatapos maka three point shot.
“Pwedeng tumabi?” Ngumiti siya sa akin.
Bago pa ako makasagot, umakyat na siya sa ikatlong baitang ng bleachers kung saan ako pumwesto at umupo sa aking tabi. Nasa pagitan naman naming dalawa iyong lunchbox kong may mga sandwich.
Nilingon niya saglit si Trey pero ibinalik rin naman sa akin. Kahit hindi ko siya lingunin ng buo, kapansin pansin agad ang kanyang dibdib na halos hindi na makahinga sa kanyang unipormeng sobrang fit.
Si Trey ba ang nagpalaki niyan?
“Aware ka naman sigurong kami ni Trey, right?” tanong niya.
Of course I’m aware. Eh sila halos ang magkasama rito sa school kaya paanong hindi? Kalat na kalat pa.
“I understand you’re crushing with my boyfriend and you’re their family friend pero sana minsan, ilugar mo ang pagiging…”
Nilingon ko siya sa nakaangat kong kilay.
“Am I not allowed to watch the practice? How sure are you na si Trey ang ipinunta ko? Pwede namang si Castel… si Davin… o si Isaiah?” Well damn it. Ang layo layo kung pupunta ako rito para lang sa mga kaibigan ni Trey lalong lalo na sa snob na si Isaiah! Bawal bang manood?
“But there are rumors that-”
“Rumors,” I cut her off and smiled flatly.
Natutop ang kanyang bibig nang mapagtantong unti-unti siyang nawawalan ng salitang idadagdag. Kinagatan ko ang aking sandwich at ibinalik ang tingin sa harap. Am I disturbing their quality time? Bawal bang manood? Tss.
Ugh, do I need to make an excuse everytime I’ll watch their game? At sinong irarason ko? Sa magkakaibigan, si Trey ang tipo ko! Ang pangit naman kung si Castel o Davin ’di ba? At mas lalong pangit kung si Isaiah!
Tumayo rin naman siya at wala nang ibang sinabi pa. Bumusangot ako at sinundan ito ng tingin. Ang selosa naman! Well if I were Trey’s girlfriend I’ll do the same thing. But I am not flirting her boyfriend! D’yan siya magalit kung nilalandi ko. Eh hindi naman?
At wala ba siyang tiwala kay Trey?
Napapansin ko, sa tuwing magkakaroon ng bagong girlfriend si Trey, palaging ako nalang talaga ang pinag-iinitan nila. Is it wrong if I like him? Tapos iyong panay pa selos hindi rin naman nagtatagal bilang girlfriend niya. Sa dami dami ng babaeng nagkakagusto kay Trey, sa akin kumukulo ang kanilang dugo.
Kaya noong nabalitaan ko kay Kuya Hiro na break na si Trey at Hilary ay hindi na ako nagtaka. Nasa New Year na ata ’yon nang mapansin kong panibagong girlfriend na naman ang kanyang kasama noong nagkasama muli ang aming mga pamilya.
Kuya even gave me a mocking smile when he saw Trey with his new girlfriend.
“Anong problema ni Kuya Trey? Eh mas maganda ka pa riyan eh!” ani Elle nang sinundan niya ng tingin ang nakadikit na babae kay Trey.
They’re talking with my cousins, parang ipinapakilala niya ata at heto kami sa may veranda ng pool area, ayaw makisali roon.
She has a same vibe with Hilary. An elite.
“Trey is a frigging playboy,” aniya at ininom ang hawak na orange juice.
Ilang babae kaya ang gusto niyang pagpraktisan bago tuluyang malaglag sa akin? I am not rushing anyway since I know I am still going to like him after all these years kaso hindi ako ganoon ka pasensyosa. Baka bukas gumawa na ako ng oplan ‘how to lure the guy I like to like me back?’
Hindi ko muna iyon masyadong inisip since masaya rin ako sa papalapit na Graduation. At last I’m free to explore my college days with Trey! Kahit huling year niya na rin next year sa college, I am still happy at hindi na ako mahihirapang silipin siya araw-araw.
And knowing gagraduate na rin si Kuya Grey, gagawa ako ng maayos na plano kung paano kami mapapalapit sa isa’t isa sa taong iyon.
Kaya noong sumapit rin ang summer ay iyon ang pinagkaabalahan ko. Mainit ang pagtama ng araw sa aking balat habang suot ang aking two piece bikini pero masyadong natatangay sa malayong parte ang aking isipan.
“Do you want some juice, honey?” ani Mommy nang tinabihan na ako sa lounger.
Umahon ako sa pagkakasandal at tinanggap ang kanyang inilahad. She’s still wearing her dress since Daddy is just around, nambabato agad ng matalim na tingin pag naghuhubad si Mommy.
Sinipsip ko ang straw habang nakatitig naman si Mommy sa akin.
“Are you still thinking with your crush?” Ngumisi siya, pinaparating na nababasa niya ako.
Ngumuso ako at tumango.
“Yes. Fourth year college na si Trey this school year Mommy. Malapit na siyang grumaduate.”
Ipinatong ko ang hita sa isa ko pang hita at pinaikot ang tubig gamit ang straw para paglaruan iyong ice cubes sa loob.
“Hmm… Gusto ko talagang maging close kami kaso ang kj ng mga boys. Ayaw nila akong lumalapit kay Trey.”
“Why don’t you provoke Trey instead, Zera?”
Kumurap ako at nag-angat ng tingin kay Mommy.
“Huh?”
“Bakit ikaw ang maghahabol kung pwede namang siya ang maghabol sa’yo?” Ngumisi si Mommy sa akin.
Here we go again…
“How?”
Nilingon niya saglit si Daddy sa cottage. Naroon rin si Kuya Hiro, natutulog sa upuan at nakatakip pa ang braso sa mga mata habang ang isang kamay ay nasa tiyan niya lamang namamahinga.
Ibinalik ko ang Mommy ang atensyon nang magsimula siyang magsalita.
“Lure him to like you back. Think some way he’ll like you kahit na hindi mo siya nilalapit lapitan. Iyong siya dapat ang mabaliw kakaisip sa’yo hanggang sa maging interesado siya.”
Parang tinayuan ng Meralco ang aking isipan at lumiwanag na ang kabuuan noon. Napangisi ako pabalik kay Mommy.
“Oo nga ’no? Iyong walang magagawa sila Kuya Toshi kasi si Trey na ang lumalapit lapit sa akin. Iyong magkusa siyang manligaw.”
“Yes…”
I giggled. “You’re really smart, Mommy.” Sinipsip ko muli ang straw habang umuulan na ng ideya sa aking utak.
I think hindi lang sa first day of school ako maeexcite kundi pati na rin sa aking plano. Wala namang nabanggit si Mommy kung ano ang dapat ko talagang gagawin pero iyon na ang hahanapan ko ng paraan. Sa ngayon, nanamnamin ko nalang muna ang summer.
Lunes iyon nang nagpasya akong manood ng basketball nila Kuya sa Clubhouse dala dala ang aking tubig.
Hindi pa nakakarating si Trey. I think sinusundo pa noon ang girlfriend niyang si Jiarra, isang half chinese at nag-aaral sa all girl’s school, lalo na’t tuwing naglalaro siya dinadala niya talaga ang babae niya.
Si Red pa lang ang nagdidribble, pinaglalaruan muna ang bola habang hinihintay nila si Trey habang pilit naman iyong inaagaw ni Caden sa kanya. Si Kuya ay nakaupo sa sahig at tinititigan ang kanyang cellphone habang sa kabilang dako ay naroon rin si Ken at Wayt na kapwa rin nakaupo sa sahig.
“Tangina ka. Tirik na tirik naman sana ang araw pero ibang tirik ang pinapanood mo,” reklamo ni Wayt at tinapunan ng matalim na tingin si Ken.
Humagalpak ang aking pinsan habang hawak ang kanyang cellphone.
“Warm-up lang para ganado mamaya sa pagshoot ng bola.”
Nailing si Wayt at halos ibalibag na ata si Ken sa kanyang tabi.
Dumating rin naman si Trey kasama sina Silas at Castel pero walang babae.
“Asaan ang girlfriend niya?” tanong ni Elle.
Medyo umusbong ang pag-asa nang mapagtantong mag-isa lamang siya. I smirked inwardly. So… He’s single again?
Nagsitayuan na rin ang mga lalake nang dumating ito. Nakipag high five pa si Ken kay Silas.
“Where’s the girlfriend? Wala ka atang binaong babae?” si Ken na pangisi ngisi.
Sinundan ko ang munting galaw ni Trey nang ipinasok niya ang isa niyang kamay sa jersey short habang ang isa naman ay humawak sa batok habang ngumingisi sa mga boys, makahulugan lamang na umiling.
Humalakhak si Ken at nailing.
“Just find another one, Trey. There’s a plenty of fish in the sea, you know…” Tinapik niya ang balikat nito.
Tumawa si Trey. “Gago ka talaga.”
Ken is so bad influence! I really hate my cousins for being a playboy. But how come I don’t hate Trey for jumping from one girl to another, huh? S’yempre exempted siya lagi. I’m willing to turn a blind eye for his playboy side. Hihi.
“Oh… Single na ulit…” bulong sa akin ni Elle.
Lumingon si Trey rito. Agad akong ngumiti sa kanya kaya ngumiti naman siya pabalik. Nilingon na rin ako ni Kuya Hiro, nakaangat ang kilay at naiirita ata sa pangiti ngiti ko kaya bumusangot agad ako. Tss…
Nagsimula silang maglaro. Tumatawa si Trey habang pinapasa ang bola kay Wayt na agad rin naman iyong d-in-ribble saka nag three point shot.
Trey is not really good at playing basketball pero palagi siyang nag-eenjoy tuwing naglalaro. Makikita mo siya sa court na kung hindi nakangisi ay tumatawa naman. Kaya siguro noon palang ay palagi ko na siyang tinitingnan dahil ang guwapo niya talaga.
Pagkatapos ng First Quarter ay kanya kanya rin naman silang pahinga. Tumayo ako at kinuha ang aking bottled water saka bumaba sa ikalawang baitang ng bench na aming inuupuan ni Elle.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Elle.
“I’m going to give this to Trey,” sabi ko at iniangat ang tumbler nang hindi na ito nililingon.
Wala na siyang girlfriend, ibig sabihin ay pwede na akong lumapit! I should try getting near him para naman may progress na ang friendship namin habang single pa siya.
Naglakad na ako ng deritso habang tinitingnan si Trey na naroon sa may dulo at nakikipagtawanan kina Silas kasama ang kambal.
Pero bago pa ako makarating roon ay humarang na bigla si Kuya na hindi ko man lang napansin eh nakaupo lang naman ito sa sahig kanina.
He fully covered my way at nagawa pang kunin sa aking kamay ang aking tumbler.
“Thanks, Damonisse. Bumabait ka ata ngayon?” Ngumisi siya habang binubuksan ang takip noon.
“That’s not for you-”
“Painom rin, Hiro!” si Ken na nag half jog na rin habang papunta rito.
Natutop ang aking bibig at napabusangot na lamang dahil kahit si Wayt ay tumatayo na rin sa pagkakaupo sa sahig para makiinom sa aking dinalang tubig.
Sa aking inis ay sinuntok ko ang dibdib ni Kuya kaya medyo tumalsik ng kaonti ang tubig sa kanyang bibig saka ako nagmartsa pabalik sa bench.
Humagalpak ng tawa si Ken. They’re all annoying!
Hindi talaga ako nagkaroon ng chance na malapitan man lang si Trey sa araw na iyon dahil bukod sa kasama niya ang mga pinsan ko ay naroon pa ang Kuya kong isa rin sa sugo ng dyablo at grabe makapanira ng gabi!
But maybe, it’s really not our time yet. Don’t worry Trey, I have enough time this school year. I’ll secretly lure you to like me back and I’m going to make sure magbabago talaga ’yang tingin mo sa akin bilang bata.
“Todo make-up ah? Debut mo ulit?” ani Kuya sa first day of school ng Lunes na iyon.
Ganoon agad niya kagustong sirain ang aking araw kahit sobrang good mood ako.
Umirap ako.
“It’s just a soft make-up, Kuya… You’re so oa,” maarte kong sabi.
Pinunasan ni Kuya ang aking pisngi ng kanyang panyo kaya sa aking inis ay sinapak ko agad ang kanyang braso.
“Stop it!”
“Tingnan mo oh… ang dumi ng mukha mo,” aniya at ipinakita ang panyo niyang nadumihan dahil sa blush on na inilagay ko.
“Pakialamero ka talaga kahit kailan, Kuya! Kaya ka siguro walang girlfriend dahil annoying ka!” Naiinis kong hinawi ang kanyang panyo at binuksan ang aking bag sa kandungan.
Kuya didn’t stop there… Mas nagpatuloy siya kakapunas sa aking mukha hanggang feeling ko ay natanggal niya na lahat dahil kahit sa aking labi ay ipinunas niya rin iyon. Ang retouch ko ay useless lang dahil sa kanya.
“I hate you! Annoying!” Sinuntok ko na ang kanyang braso sa pagkakataong ito but he looks unbothered, di man lang nasasaktan.
“Malalaman ko rin naman kung nilapit-lapitan mo si Trey.” Sabay angat ng kilay.
Yes of course… Kay Castel at Davin pa lang wala na akong kawala. Ang dalawang iyon ay sumbongero, and even Silas, isa rin sa barkada ni Trey ay close rin kay Ken na sobrang tsismoso rin na report agad kay Kuya.
See Zera? Kahit pa may plano ka, kung may sisira rin naman ay useless rin.
Naghilamos nalang muna ako at itinali ang buhok pagkapasok sa college building. Wala na akong oras na maglagay pa ng make-up all thanks to my Kuya.
Most of my subjects ay kaklase ko si Irah. She’s very silent and her serious face is luring me to diss her most of the times. Magkatabi kaming dalawa sa bawat subject at tahimik talaga siyang babae.
“Ang guwapo noong mga 4th year ’no?” Naghagikhikan ang grupo ng mga babaeng nadaanan ko.
“Iyong kinabibilangan noong Montiel…”
“Oo, ang gugwapo ng mga kaibigan niya. Friendly looking iyong nagngangalang Silas.”
“Halos friendly looking naman lahat maliban doon sa isa.”
Umangat ang aking kilay. Trey is getting more fangirls!
“Siguro pag isa tayo sa naging girlfriend ng mga barkada ni Trey magiging close na rin tayo sa buong samahan nila.”
“Oo nga… Kahit maging friend man lang natin ang isa sa kanila para mapalapit sa kanilang lahat.”
Napatigil ako roon dahil sa isang light bulb na lumabas sa aking isipan.
Oo nga ’no? Come to think of it, Zera… Kung may kaclose ka na barkada ni Trey na kaya kang tulungan ay mas mapapadali ang lahat para maghabol si Trey sa’yo. Someone who’s not close with your cousins, someone you know you can trust…
Nagtungo ako sa next subject ko pero iyon ang laman ng isip ko. Mabilis kong nilista sa aking isipan ang mga close kay Trey na close rin sa aking pinsan.
Sa apat niyang kaibigan na sina Davin, Silas, Castel at Isaiah, dapat isa sa apat na iyon ang walang kaclose sa aking pinsan. Castel is already X since nagawa na nga akong isumbong noon kay Kuya Hiro last year. Davin is X too since he’s close with Ken the tsismoso! Si Silas ay ganoon din… He’s really close with Ken and they really get along well kaya useless rin.
So… Ang tanging kaibigan ni Trey na hindi close sa mga pinsan ko ay si… si Isaiah, the most snob of them all.
Oh seriously?! Of all peaple…
Pero nakakapagtaka nga. Bakit wala siyang kaclose sa mga pinsan ko? Never ko pa ngang nakita si Isaiah sa Clubhouse ng Subdivision namin tuwing nagbabasketball sila. Is he an outcast? An introvert? May sariling mundo? Kasi kahit noong nasa gate four ako ay nakita ko siyang lumabas sa isang mumurahing kainan while Trey’s friends were eating on a cafeteria that time. It’s confusing.
“Gusto mo?” alok ko sa binili kong sandwich nang makatabi kong muli si Irah sa huling subject bago ang break time.
Tiningnan niya iyon at umangat ang kilay.
“Ang creepy kung ang bait mo.”
Binawi ko ang aking kamay.
“Testing lang naman if ever kaya kitang lasunin ng ganoon kadali,” sabi ko at matamis siyang nginitian.
Ngumiwi na lamang siya at ibinalik ang tingin sa librong nasa desk. Ngumuso naman ako ng palihim. Isn’t she hungry?
“Kakasimula pa lang ng klase ah? Why are you reading too much? Di ka ba naaawa sa utak mo?”
Hindi siya kumibo at inilipat ang pahina. Binuksan ko naman ang sandwich at sinimulan iyong kagatin habang binabasa narin sa aking mga mata ang kanyang binabasa.
Nag-aadvance reading siya sa kursong kinuha niya… Wow. Ako kaya? Kailan ako magiging ganyan ka ganado sa pagbabasa? I’m interested with novels pero pag textbook ay sobra na akong nabobored basahin. Hindi ko na kaya ang isang page at para na akong maduduling pag masyado akong nagseryoso.
Pero sabagay, her Daddy is a lawyer. Baka namana niya ang katalinuhan niya roon. Sa akin kasi ganda lang ata ang ipinamana sa akin at sa utak ay hindi naman masyadong grabe.
Pagdating ng aking breaktime ay mag-isa nalang akong naglakad lakad since mamaya pa ata ang break time ni Elle. So… Saan ako pupunta? Nasaang room kaya ngayon si Trey?
Shut-up, Zera! Dapat no more stalking na! You need to use someone to do the stalking for you! Iyong tutulungan ako kay Trey nang hindi ako lumalapit para hindi naghihinala ang mga pinsan ko.
Hmm, kaibiganin ko kaya si Isaiah? Fit na fit na sana siya for my plans but he’s such a snob! Hindi ko parin nakakalimutang sinagot niya lang ako ng ‘so’. Tss.
Lalong lalo na iyong encounter namin sa gate four! Iniwan niya ako! Ni hindi man lang ako tinulungan! Nakakakulo siya ng dugo. Sobrang snob.
But come to think of it, siya lang talaga ang makakatulong sa aking mga plano. I should try… Baka may pagka friendly rin naman siguro ’yon. Hindi lang talaga kami close kaya sobrang stranger niya talaga sa akin.
Nagbaka sakali akong lumabas ng Gate four ulit para icheck kung naroon ba ng oras na iyon si Isaiah since it’s already lunch time. Nang malanghap ko na naman ang usok, ang bumungad na mga mumurahing kainan sa akin, ay mabilis kong tinakpan ang aking ilong habang nasisira ang aking ekspresyon.
God, Zera! Ano… Papasok ka sa mga ganyang lugar?! What if may makuha akong virus?! What if macontaminate ako ng isang nakakahawang sakit?
Pero pumapasok nga si Isaiah edi baka hindi rin naman siguro marurumi sa lugar na iyon right? And I should stop being so maarte kung kakaibiganin ko si Isaiah. Kailangan kong makahiligan ang hilig niya para naman maging komportable siya sa akin.
Huminga ako ng malalim at naglakad na nga ng ilang hakbang para suyurin isa isa ang mga kainan doon. Ang una kong pinasukan ay kung saan ko siya nakitang lumabas.
Bumungad agad sa akin ang isang not so good looking canteen at may mga mesang nagkalat na inuukupa ng mga customer. Kulay mint green naman ang loob kaya medyo magandang tingin kahit papaano. Maingay pa ang palabas sa tv na tinitingala nila at ang tanging nagbibigay hangin sa loob ay dalawang electric fan na nakadikit sa ibabaw ng pader habang umiikot ito.
“Hi, miss ganda! Kakain ka rito?” tanong sa akin ng not so poging lalake na mukhang tindero ata.
Hindi ako umimik at iginala ang paningin habang may nakatakip na panyo sa aking ilong. And this place is really hot! I can’t believe nakakaya ni Isaiah rito!
Iginala ko sa sulok ang aking tingin until may nakita akong mag-isang kumakain na nakatalikod at malapad ang balikat suot ang isang pamilyar na itim na tshirt.
Agad akong naglakad patungo roon. Kakaibiganin ko siya starting today! I need to be friendly!
3rd Lured
Lured
Desperate
“Hi Isaiah,” bati ko na ikinagulat niya pa ata dahil sa biglaang paggalaw ng kanyang balikat.
He glanced at me wearing his annoyed expression.
Inukupa ko naman agad ang harap na upuan since it’s a table with two seats. Kunot noong bumagsak ang tingin ko sa kanyang kinakain na hindi masyadong pamilyar sa akin kung ano. What are these?
“Ba’t ka nandito?” matigas niyang tanong na ikinaahon ng aking tingin.
Magkasalubong na naman ang kanyang kilay at tila galit na naman ang mga mata niya sa akin. Tingnan mo na ang snob na ’to. Wala pa nga akong ginagawa galit agad!
I tilted my head when I saw his sweaty neck. Dumudungaw pa roon ang kanyang collarbone.
“Ba’t ka rito kumakain? I mean… Look at the place…” Iginala ko ang tingin at ngumiwi. “May cafeteria naman sa loob ah?”
Binitiwan niya ang hawak na kubyertos at uminom sa basong kulay green. Kahit ang mga plates na gamit rito ay puro plastic. I even scratched my arm dahil parang may dumapong kung ano.
“Ang layo ng sagot mo sa tanong ko,” suplado niyang sabi.
Oh…
“Uhm…” Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa pagkain niya.
Naghintay naman si Isaiah sa aking sagot, tahimik na nakamasid sa bahagyang nakaawang na mamula mulang labi at masyado na namang intense ang paninitig.
“I want you to help me with Trey,” deritsahan kong sabi.
Hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya. Walang pinagbago roon, tila naiirita pa rin sa aking presensya rito.
Humilig ako sa mesa para mas mapalapit sa kanya. Mas mataman ko siyang tinitigan at ngayon ko lang napansin na bago na pala ang haircut niya kumpara last year, noong Grade Twelve pa lang ako.
“I want you to lure him to like me,” dagdag ko pa.
Isaiah licked his lips at humalukipkip, nakaangat na ang kilay.
“Anong nakain mo at sinasali mo ako sa mga kalokohan mo?”
“Well, you two are close and-”
“Ba’t sa akin ka humihingi ng tulong? Tingin mo ba may panahon ako sa mga kalokohan mo?”
Nalaglag ang aking panga.
“Anong kalokohan? You’re too much!” Sinimangutan ko siya.
He tilted his head and looked at me in a mocking way.
“Desperada.”
Medyo bumaba ang aking balikat doon at mukhang hindi siya bothered with what he said since it’s really true.
“Yes, I’m obviously desperate kaya nga I need your help ’di ba?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Nailing siya at hinaplos ang buhok. May kung ano siyang sinabi na hindi ko na narinig saka siya tumayo, handa nang umalis habang may dinudukot sa kanyang bulsa.
Iiwan na naman ako!
Agad rin akong tumayo at dinukot muli ang panyo para takpan ang aking ilong saka ako bumuntot sa kanya.
Tumigil siya sa cashier at nagbayad doon ng kanyang kinainan. Seryoso siya lagi sa kanyang ginagawa. Todo pa pacute ang babaeng tindera na hindi niya man lang tiningnan ang mga mata at umalis rin siya.
“Isaiah!” Naiinis kong tawag at sumunod.
Hindi siya umimik at nagpatuloy sa paglalakad habang nakapamulsang muli.
Imbes na patungo sa gate ay nagulat ako nang naglalakad na siya sa ibang direksyon.
“Where are you going?” tanong ko at humabol sa kanya.
Nilingon niya ako. “Uuwi. Sasama ka?” He smirked at me, revealing his dimple on the right side.
Oh, may pa dimple pa pala ang godlike visual na lalakeng ito?
Natutula ako saglit at hindi agad nakasagot man lang kaya napawi ang kanyang ngisi saka bumuga ng hininga sa ere, parang nairita na sa aking pagsunod. Split seconds lang ang smirk at snob na ulit!
“I told you to help me. Pumayag kana,” makulit kong sabi.
Hindi siya umimik sa bagay na iyon hanggang sa huminto kami sa paradahan ng mga tricycle. Agad siyang pumasok doon sa huling tricycle na puno.
“Isaiah!” Naiinis kong tawag pero tila wala na namang naririnig at nagawa pang magbayad sa driver.
“Kawawa naman ang girlfriend niya… Nag-away ba sila?”
“Iba na talaga ngayon. Kadalasan babae na ang naghahabol at lalake na ang nang-iiwan.”
“Oo nga mare. Eh sa panahon natin nag-aalay pa ng baka at kalabaw sa ating magulang bago makuha ang kamay natin. Itong mga kabataan ngayon apo na agad ang ibinibigay sa magulang.”
“Sinabi mo pa. Marurupok. Hahabol habol. Masasaktan. Iiyak.”
“Baka nabuntis na at ayaw panindigan ng lalake dahil hindi pa handa kaya tinatakbuhan na?”
Tinaliman ko ng tingin iyong dalawang babae sa harapan na pinagt-tsismisan ako. What are they thinking? Isaiah isn’t my type!
Nagsimula namang umandar ang tricycle kaya mas nagkasalubong ang aking kilay sa inis.
He’s so mean… And such a snob!
Hindi siya tumingin sa akin habang pinanood ko ang pag-alis ng tricycle. Nanatili ako sa aking kinatatayuan, nakakuyom ang mga kamao at nakabusangot iyong sinundan.
Bwesit talaga. Hindi ko talaga maaasahan si Isaiah. Dinaig niya pa si Wayt sa sobrang sama ng ugali at mas nakakairita pa siya kaysa kay Kuya!
Pero bago matapos ang ritwal ko sa kanya ay kumalma ang aking ekspresyon nang biglang tumigil sa kalagitnaan ang tricycle na nakakalayo na sa akin. Lumabas doon si Isaiah, buhaghag ang buhok na akala mo ay sinabunutan niya at nagsimula nang maglakad patungo sa akin.
Ang aking inis ay parang nilipad sa hangin at hindi ko napigilang mapangisi. Nag-iwas siya ng tingin at naglakad pabalik sa akin.
Tumawa ako nang huminto na siya sa aking harapan at sobra pa siyang nairita sa bagay na iyon.
“May konsensya ka naman pala.”
“Sama ka?” malamig niyang tanong.
Kumurap naman ako.
“Saan?”
“Uuwi nga,” aniya.
Dinukot ko ang cellphone ko sa aking bulsa at chineck ang oras. Two hours ang breaktime ko so I really have more time.
Tumango ako. Binasa niya naman ang labi at sinenyasan akong pumasok sa panibagong nakaparadang tricycle.
Namilog agad ang aking mga mata at umatras.
“No frigging way! Magtataxi nalang ak-”
“Arte mo.” Hinila niya ang aking pulso at pinapasok na roon sa harapan.
Sumunod rin naman si Isaiah at tumabi sa akin, inuukupa ang malaking espasyo sa aking tabi with his parted legs. He’s too big to ride this thing!
“Is this safe?” bulong ko sa kanya.
“Hindi ikaw ang nagmamaneho kaya safe,” aniya.
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Wala ba talaga siyang nasasabing nice?
“I think it’s not.” Ngumiwi ako at nilingon ang driver na nginitian pa ako.
“Safe ito, hija. Mag-iingat ako sa pagmamaneho eh ang ganda ganda ng nakasakay sa tricycle ko.”
Dahan-dahan kong nilingon si Isaiah na matalim agad ang tingin sa driver.
“Usog,” aniya at hinila pa ang aking braso hanggang sa nadikit ako lalo sa kanya, malayo na sa tabi ng driver.
Hindi na lamang ako kumibo at sinilip pa ang labas ng tricycle, parang isang ignoranteng bata na tinitingnan ang labas.
I never tried this since hatid sundo ako ng family driver. Kung wala man ang sundo ay nagtataxi rin ako. I am not really familiar how this tricycle works.
Noong napuno na rin ang likod ay nagsimula na iyong umandar in a very loud way. Sa aking pagkagulat ay napahawak pa ako sa hita ni Isaiah.
“Manyak,” bintang niya sa akin at kinuha paalis ang aking kamay roon.
“Ang arte mo.” Umirap ako sa kanya at nilingon ang pagmamaneho ng driver.
So this is the feeling of riding a tricycle huh? Medyo okay lang naman kaso mainit lang talaga and the noise of it is too annoying.
Inilipat ko ang tingin kay Isaiah na nasa labas ang mga mata. Pinaglalaruan ng hangin ang kanyang buhok at kalmado lamang ang ekspresyon habang tinititigan ang kalsada.
Ngayon ko lang narealize na bukod sa mumurahing canteen ay sa isang tricycle lang rin siya sumasakay. Is he poor? Pero masyadong mahal ang tuition sa school since it’s private. How come nakapag-aral siya roon? Or baka kuripot siya? Nagtitipid lang?
Ito pa talaga ang pinoproblema ko kaysa problemahin kung ba’t ako biglang sumama sa kanya eh hindi ko nga ito masyadong kilala.
But there’s really something about him na parang magaan sa pakiramdam. Siya iyong tipong kukunin talaga ang iyong atensyon at magtataka ka ng husto sa kanya dahil masyado rin siyang misteryoso.
And I guess hindi niya naman siguro ako sasaktan ’di ba? Knowing my family background I’m sure he’s aware of it.
Being a Delafuente is a bigdeal. Our clan is wellknown not just for being rich but also for being powerful. I don’t need to brag that I’m a Delafuente coz I know he’s aware that I am one.
Huminto rin naman ang tricycle. Nagbayad siya ng twenty pesos bill at naunang lumabas. Sumunod naman agad ako at iginala ang tingin kung nasaan na kami.
“Nasaan tayo?” tanong ko.
“Philippine area parin,” sagot niya at naglakad ulit.
I should stop from asking him such thing dahil napatunayan kong hindi naman siya matinong sumagot.
Mabilis naman akong sumunod. Why does he likes leaving me behind?! Nagmumukha akong aso na sunod nang sunod! Huminto nga ako kakahabol kay Trey tapos ito namang si Isaiah ang nagpapahabol!
Pumasok kami sa parang isang eskinita. Hindi iyon subdivision at may mga bata pang nagtatakbuhan. Dito siya nakatira?
“Oh Isaiah! Sino ’yan?” tanong ng kung sinong matandang babae at nangingiti akong tiningnan.
“Schoolmate po,” magalang niyang sabi.
I’m shocked he knows how to be calm and respectful. He’s just too snob. I couldn’t believe someone can humbled him.
“Oh, first time kong makita kang may kasamang babae. Girlfriend mo ba?” nangingiti pa rin ang Ginang.
Umiling agad si Isaiah kaya tinawanan siya noong matanda. Nagpaalam lamang siyang mauna na saka rin bumalik sa suplado mode ang mukha.
“Hi Kuya Isaiah!” bati ng mga batang babae.
“Hi Lena,” bati pabalik ni Isaiah.
“Kuya sino ’yang kasama niyo?” taka akong tiningnan ng mga bata.
Nilingon naman ako ni Isaiah sa nakaangat na kilay.
“Ang ganda niya po Kuya Isaiah!” dagdag pa noong bata.
“H’wag kayong masyadong magtakbuhan baka madapa kayo,” tanging sabi ni Isaiah na ikinatango agad ng mga bata.
Wow. This environment can tame him! Maamo siya kanina pa.
Pumasok kami sa isang gate at umakyat sa isang hagdan patungo sa isang pinto. May dinukot siyang susi saka iyon binuksan at nauna ring pumasok.
Sumilip naman ako sa loob. So he’s living in a small apartment? Medyo malapit nga lang naman sa school at ten minutes lamang ang byahe kaya siguro naisipan niyang dito nalang pero may mas mga convenient pa namang condo ah? Or nagtitipid pa rin?
Napatingin siya sa akin kaya tiningnan ko rin siya pabalik.
“Papasok ako ha…” sabi ko at inimbita na ang sarili dahil nalunok na ata ni Isaiah ang kanyang dila para man lang yayain ako papasok.
Nag-iwas siya ng tingin. May hinila siyang monoblock chair at sinenyasan akong doon umupo. Iginala ko naman ang aking mga mata sa loob habang may pinagkakaabalahan na siya sa drawer.
Makintab na pulang semento ang sahig. Kulay puti ang pader at medyo madungis tingnan dahil mukhang matagal nang hindi ulit napipinturahan. May maliit na bintana at puting kurtinang tumatakip. May isang kama, isang mesa na maliit, isang upuan at wala man lang ref or tv pero may lutuan at maliit na lalagyan ng gamit sa kusina. Hindi rin kalakihan ang space kaya sakto lang ang mga gamit na nasa loob pero masyado iyong maliit para sa akin and I think mas malaki pa nga ang Cr namin eh.
“Sino ang kasama mo rito?” tanong ko at dumapo ang mga mata sa kama niyang maayos ang pagkakaarrange ng unan at kumot.
“Ako lang,” sagot niya.
“How about your parents?”
Hindi siya umimik sa bagay na iyon at yumuko pa habang may hinahalungkat. Sa aking kuryusidad ay naglakad ako patungo sa kanya at tumayo roon sa kanyang likod. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likuran saka sinilip ang kanyang ginagawa.
“What are you looking?”
Medyo nagulat siya ngunit iritado niya lang akong nilingon saglit.
“Umupo ka nalang doon,” aniya at may pinagpagan pa na gamit.
I crunched my nose when I felt some dust. Agad akong umatras at nabahing. Nilingon ako ni Isaiah kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“I’m allergic to dirt!”
“Pake ko?” tangi niyang sabi at ibinalik ang atensyon sa paghahanap doon.
I think ’yan ang rason ng kanyang inuwi.
Lumayo ako sa kanya lalo na’t mas dumadami na ang alikabok. Imbes na sa maliit na upuan ako umupo ay doon ako umupo sa malambot na kama. In all fairness, his place smells nice and manly. Kahit one fourth lang ang kalakihan nito sa aking kuwarto ay ayos pa rin naman but it’s really small.
“Magcondo ka nalang kaya? Sina Silas at Castel nga naka condo naman para may kasama ka.”
Tumayo siya at nahanap ang isang lumang textbook. Hindi niya pinansin ang aking sinabi at doon naman nanghalungkat sa panibagong drawer na binuksan. Kumuha siyang muli ng panibagong black tshirt at isang puting uniporme ng school saka hinila ang laylayan ng suot habang nakatalikod.
I saw half of his back. I even tilted my head for a clearer view pero bago pa iyon mahubad ng tuluyan ni Isaiah ay nilingon niya na ako, magkasalubong ang kilay at naudlot ang paghuhubad.
Kumurap ako at ibinalik sa posisyon ang aking ulo. I smiled sexily.
“Hot…”
“Pikit,” utos niya, iritang irita na naman.
Tumawa ako. “Nahihiya ka sa’kin?”
Umangat ang kanyang kilay at hinarap ako ng buo. He looked at me in a challenging way and pulled his tshirt off. Bago ko pa makita ang kanyang topless na katawan ay mabilis na akong pumikit.
“Sino ngayon ang nahihiya?” nanunuya niyang tanong na ikinabusangot ko.
He’s really something! Siya iyong pag hinamon mo ay mas titriplihin pa ang expectation mo.
Pagdilat ko ay nagbubutones na siya ng puting uniporme. It’s clean and well-ironed. Sa loob ng kanyang puting uniporme ay itim pa rin na tshirt.
Tumayo na rin ako sa kama at mas gusto pang sa labas nalang kaysa sa loob. Doon ako pumwesto sa may pinto.
“So… Are you going to help me?” I asked using a hopeful voice.
“If you’re going to help me, I’m going to help you with your crush, too!” dagdag ko pa.
“Hindi mo nga matulungan ang sarili mong lovelife tapos iyong sa iba pa?” Umahon ang kanyang tingin sa akin. “Such a scammer.”
Ngumuso ako habang pinapanood siyang kunin na ang kanyang textbook, mukhang handa nang umalis.
“Eh siyempre mahigpit ang mga pinsan ko,” sabi ko at nauna nang lumabas.
Lumabas na rin ito. Pinapanood ko siyang ilock na ang pinto.
“I’m good at advicing so I can help you…”
“Di ko ’yan kailangan.”
“May girlfriend kana?” tanong ko.
Nauna siyang bumaba. Sumunod naman agad ako.
“Wala.”
“Oh… So you’re single! Nakailang girlfriend kana kung ganoon?” tanong ko at tiningnan ang railings para sana humawak doon but it’s too rusty kaya naging mabagal ang aking paghakbang.
Nauna si Isaiah sa ibaba. Tiningala niya ako at nalaglag pa ang tingin sa palda kong maiksi.
“Nakailang girlfriend kana?” tanong kong muli nang sa wakas ay makababa ako.
Ibinulsa ni Isaiah ang mga kamay at umiling. Nalaglag naman ang panga ko.
“Seriously?! Eh mukha ka ngang expert eh!”
Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, iritado niya ulit akong tinitigan. Ang kanyang matalim na mga mata ay para nang tumatagos sa aking katawan.
“I mean, you’re Trey’s friend and most of his friends, including him, are expert with girls. Imposibleng pati ikaw ay hindi?”
“Wala akong mga panahon sa ganyan.”
Humagalpak naman ako ng tawa habang sinisilip at tinitingala ang hindi nagbabagong ekspresyon ni Isaiah.
“Liar! Ang sabihin mo torpe ka! Oh my gosh, kaya ka siguro suplado sa mga babae dahil torpe ka ’no?!” Itinuro ko ang kanyang mukha.
Nagsimula ulit siyang maglakad kaya sumunod ako habang tumatawa.
“You really need my help, Isaiah! I’ll help you with your problem with girls and you’ll help me with Trey! I’m sure may gusto ka eh… Imposibleng wala. You’re just torpe!”
Hindi na umimik si Isaiah sa bagay na iyon. Nagtricycle ulit kami at hindi niya na talaga ako iniimikan kahit anong pamimilit ko sa kanya na pumayag nalang.
Tumahimik nalang ako pero ilang sigundo rin ay nalaglag ang aking tingin sa dala dala niyang textbook.
“Oo nga pala… Since 4th year na si Trey so ibig sabihin 4th year kana rin ’di ba?”
Nilingon niya ako kaya itinuro ko ang textbook.
“Eh ba’t iyong old na book ang dala mo? May mga binebenta namang new books sa school. Nagtitipid ka ba?”
“Ano bang tingin mo? Lahat ng tao ay kasingyaman niyo? Na afford ang mamahaling libro?” matabang niyang tanong na ikinakurap ko.
“It’s an expensive private school and doon ka nag-aaral so…”
“Scholar ako,” sagot niya at nag-iwas ng tingin.
Namilog naman ang aking mga mata. Oh… Scholar… Pero ’di ba ay may babayaran parin naman?
“Still… I don’t think-”
“Full scholar,” dagdag niya sa mas malinaw na boses.
Natutop ang aking bibig. Ibig sabihin ganoon siya ka talino para makakuha ng full scholar sa school? Ang alam ko hindi basta basta nag ooffer ng scholar ang school namin unless kung may potential ka talaga.
So, he’s super smart?
“You’re super smart? A nerd? Mga torpe pa naman talaga ang mga nerd. Kunwari suplado…” Ngumisi ako.
Isaiah just licked his lowerlip annoyingly at ayaw na akong lingunin.
“Kung mang-iinsulto ka lang rin naman, h’wag kana lang lumapit-lapit sa akin.”
Napawi ang aking ngisi. Hindi ko naman siya iniinsulto! I am just joking! Nerd naman talaga ang tingin ko sa mga nasobrahan sa talino.
Dumaan kaming muli sa fourth gate nang makarating na sa school. Kahit ilang minuto palang kaming nagkasama ay feeling ko close na kami, pwede na siya ang gamitin ko para mapansin ako ni Trey romantically.
“Let’s talk again tomorrow, Isaiah,” sabi ko ngunit hindi niya na ako nilingon pa at deri-deritso na ang lakad palayo sa akin.
I just frowned. Such a snob! Dumeritso nalang ako sa cafeteria nang kumalam ang aking sikmura at napagtantong hindi pa pala ako kumakain.
Pagkauwi ko ng bahay ay tinanong ko agad si Mommy tungkol sa mga scholars.
“Huh? What for, Zera?” tanong ni Mommy habang may tinitingnang documents sa kanyang study table.
Humilig ako sa mesa habang pinapanood ang may kulay nude niyang kuko na lumalandas sa mga papel.
“I have this friend who’s a scholar so nacurious ako kung ba’t sila nagiging scholar.”
“Simply because they can’t afford the tuition,” ani Mommy.
Base on what I learned while I’m with Isaiah… para ngang hindi siya nanggaling sa isang mayamang pamilya.
“Eh ’di ba pili lang ang nabibigyan ng full scholar, Mommy?”
Tumango siya. “Yup. Mga Valedictorian lang noong highschool ang nabibigyan ng full scholar at hirap sa buhay ang binibigyan ng ganoon ang school. Your friend must be very smart huh?” ani Mommy at nasa dokumento parin ang mga mata.
So, Valedictorian si Isaiah noong highschool? Wow…
“Anyway… Kumusta ang first day?” Tinapunan na ako ng tingin ni Mommy sa pagkakataong ito.
“Okay lang. I got tired a bit.” I got tired following Isaiah! At naranasan ko ring sumakay sa tricycle for the first time! Medyo nakakatakot pero noong second time na ay hindi na gaano.
Gusto ko man iyong ikwento kay Mommy ay baka bigla ring sumulpot si Kuya Hiro at macurious sa aking pinaggagawa. I’m sure makikialam na naman iyan kaya I’ll just keep it to myself nalang muna.
“And your crush?”
Nagkibit ako. “I forgot to check him kanina. I got busy with other things…”
Tumango naman si Mommy.
“Don’t take it seriously, Zera. Baka darating ang araw mabaliw kana lang bigla. Falling inlove is complicated so it’s really better if you just focus with your studies first. Don’t be so desperate with love.”
Narinig ko bigla ang boses ni Isaiah sa aking isipan. Tinawag niya rin akong desperada. Hindi ko nga alam kung pumayag ba ’yon lalo na’t halata namang naiirita siya sa akin.
Hindi ako umimik at tumango nalang lalo na’t may plano narin naman ako. Ayaw ko ring magback-out eh. I know it’s a desperate move to use his friend just to lure Trey to like me romantically pero kung sobra na ay titigil rin naman agad ako. But for now, I’ll just try… If it works then mabuti, pero kung hindi ay hindi ko rin naman talaga ipipilit.
4th Lured
Lured
Natulala
May mga araw na hindi tugma ang break time ko kay Isaiah at mukhang MWF lang ang break time kung saan nagkakatulad kami at nahuhuli ko siya roon sa madalas niyang kinakainan.
Tuwing sumusulpot ako roon para kumbinsihin siya ay naiirita agad siya sa akin at tatapunan na ako ng matalim na tingin. He’s intimidating but I don’t want to be intimidated so mas nilalakasan ko nalang ang loob ko.
Tuesday iyon nang makasalubong ko sila Trey habang papunta kami ni Elle sa library for some books rin may ireresearch kami na part sa aming Economics na subject.
“Crush mo oh…” ani Elle at hinawakan pa ang aking pulso.
Naging mabagal agad ang aking paglalakad nang makita ko ang guwapong itsura ni Trey habang nakauniporme, sa gilid ay kasama niya si Castel na kahagalpakan niya at sa kabilang gilid niya ay naroon rin si Isaiah na parang may ibang iniisip habang seryosong seryoso.
Wala talagang araw na mukha siyang mabait at hindi masungit.
“Hi Elle. Hi Zera,” si Castel agad ang bumati sa akin kaya huminto narin si Trey.
I smiled cutely na kahit si Isaiah ay nagawa pa akong tingnan. He just glanced at me curiously pero walang gumuguhit na ekspresyon sa mukha.
“Saan kayo pupunta?” tanong ni Trey sa kalmadong boses.
“Uh, sa library. I need to do some research since I’m busy with my studies…” sabi ko sa malambing na boses na ikinaangat agad ng kilay ni Isaiah.
Tumango si Trey at ginulo ng marahan ang aking buhok.
“Tama na ’yan, Zera. You should focus on your studies…”
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti saka ko siya tinanguan. Noong nagpaalam na sila ay pinakawalan ko agad ang isang mahabang hininga at kinagat ang aking labi.
H-He touched my hair…
“Oh my gosh, sino iyong isa pang kasama ni Trey? He’s not familiar to me. Bagong friend ni Trey?” tanong ni Elle sa namimilog na mga mata.
“Si Isaiah?” tanong ko.
“Kilala mo ’yon? Yung suplado?”
Tumango naman ako at hinaplos ang buhok kong ginulo ni Trey. I’m torn between taking a bath or just preserve his touch.
“Ba’t hindi ko siya napapansin sa Clubhouse? Hindi ko siya nakikita tuwing nagbabasketball sila every Sunday!”
Nagkibit ako. “Ewan ko. Hindi siguro siya sumasama.”
Binalikan niya ang dinaanan ng tatlo at ibinalik sa akin ang mga mata.
“Ang guwapo ’no? I mean, gwapo naman si Castel at Trey pero iba iyong Isaiah!”
Hindi ko siya masyadong sinagot at kinagat ang aking labi nang maalala ko ang paghaplos ni Trey sa aking buhok. Dapat hindi ko kalimutan ang araw na ito.
Habang papunta kami ni Elle sa library ay iyon ang laman ng isip ko at siya naman itong may dinadaldal saakin na hindi ko gaanong pinagtutuunan ng pansin. Okyupado ang aking isipan. I am happy dahil wala pa ring girlfriend si Trey which means, pag pumayag si Isaiah sa aking gusto baka this year ay may progress na ang friendship namin ni Trey.
I sound so desperate but if Trey will just clarify things at sabihin sa akin na magtapos muna ako bago kami pumasok sa seryosong relasyon ay willing naman ako. Ang akin lang naman ay magustuhan niya rin ako. Gusto kong makita niya ako bilang babae hindi iyong bilang pinsan ng kanyang malalapit na close friends.
Friday. Nagbaka sakali ulit akong naroon si Isaiah sa kinakainan niya at hindi naman ako nabigo. Naroon siya, mag-isang kumakain at mukhang kakasimula lamang.
“Ang ganda talaga ng batang ito…”
“Amoy mayaman.”
Hindi ko na nilingon ang mga empleyado sa kabilang mesa at tiningnan ang kinakain ni Isaiah na hindi ko na naman alam kung anong pangalan. Naka black tshirt pa rin ito, hindi nakauniporme at kinakamay pa iyong ulam niya na hindi pamilyar sa akin. Is it sunog or what?
“Mamimilit kana naman?” tanong niya nang nag-amba akong ibuka ang aking bibig.
Humilig ako sa mesa at umiling. I want to gain his trust so at least maging friends nalang muna kami. I should stop from talking about my plans or else he’ll lose his temper.
“What’s this?” Itinuro ko ang kanyang ulam.
“Talong,” sagot niya.
Kumurap ako at mas tinitigan iyon.
“It doesn’t look like an eggplant to me. Bakit black? Did they over fry it to look like this? And it’s circle…”
“Ignorante.” Nailing siya at kumuha ng kaonti roon saka niya isinawsaw sa soy sauce na may lemon.
Pinanood ko siyang kumain at wala naman sa kanyang ekspresyon na masama ang lasa noon. Naging mabagal naman ang kanyang pagnguya at parang may naisip.
“Kumain kana?” tanong niya.
Umiling ako. “Maybe later sa cafeteria-”
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tumayo na si Isaiah at nagtungo ulit doon sa harap kung saan nakahelera ang kanilang mga ulam. Seryoso niyang pinagbubuksan ang mga takip doon at nilingon ako saglit pero nag-iwas rin ng tingin.
I watched him ordered food. Napapansin ko na talagang hindi siya tumitingin sa mata ng babae habang todo naman titig sa kanya ang tindera at nangingiting sinusunod ang sinasabi ni Isaiah.
Ilang sandali lamang ay bumalik na siyang may dalang dalawang plato. Inilapag niya sa aking harapan ang isang rice at isang ulam na hindi kagaya sa kanya. I think it’s a Chicken Curry.
“Hindi ako sanay kumain sa ganito,” sabi ko kaso ngumiwi lamang siya.
“Ang arte mo. Hindi mo ’yan ikakamatay,” sabi niya at bumalik sa kanyang upuan.
Tiningnan ko iyong muli at ibinalik ang mga mata kay Isaiah na kumakain na ulit. Kahit ilang beses na akong pabalik-balik dito ay hindi talaga ako kumakain since mas comfortable rin ako kung sa cafeteria or something like Restaurant nalang.
“Uhm, thanks…” bulong ko sa maliit na boses at sinimulang sirain iyong shape ng kanin.
Kumuha ako ng maliit lamang at nagawa ko pa iyong amuyin muna bago ko tuluyang isinubo. Tiningnan naman ako ng mataman ni Isaiah habang magabal siyang ngumunguya.
“It actually taste like… chicken curry,” sabi ko.
“Hindi ba ’yan mukhang chicken curry sa paningin mo?” Tiningnan niya iyong ulam ko.
“Hindi ako sanay sa mga canteen ’no.” Umirap ako sa kanya.
“Karinderya hindi canteen,” giit niya.
“Ah… Kalendary pala.” Tumango-tango ako na ikinatalim ng tingin niya.
“Karinderya hindi Kalendary.”
“Kalendarya,” ulit ko naman.
“Karinderya,” sabi niya, ginigiit iyong matigas na parte.
“Ka… lin! derya,” malakas kong bigkas kaya nagsitinginan ang mga kumakain sa akin.
“Jusko talaga itong mga mayayaman,” may kung sino ang nagsabi noon.
Nailing na lamang siya at sumubo. Sumubo narin ako ng kaonti habang kinakabisado sa aking isipan ang tinuro ni Isaiah. Kalindary!
Dumating naman iyong babaeng tindera at may dala nang isang pitsel at dalawang baso.
Inilapag niya iyon sa harapan at sumulyap kay Isaiah.
“Heto na po, Sir…” malambing niyang sabi na ikinatango lamang ni Isaiah, ni hindi na nag-abalang tingnan ito at deri-deritso na sa paglalagay ng tubig sa kanyang baso.
Umalis rin naman iyong babae at panay pa ang sulyap sa kanya saka ako nilingon. Pasimple kong isinabit ang ilang hibla ng buhok sa aking tainga na ikinainis niya.
Ginaya ko rin ang ginawa ni Isaiah. Kinuha ko iyong baso pero bago ko pa mahawakan ang pitsel ay agad niya na iyong inilayo sa akin.
“Don’t annoy me,” sabi ko at inabot iyon kaso inilayo niya.
“Kukunan kita ng sa’yo,” sabi niya at tumayo na kaya hindi ko nalang ginalaw ang pitsel at pinanood siyang bumalik doon sa harap.
May kung ano siyang binili at bumalik rin naman sa aming mesa at inilagay sa tabi ng aking plato iyong mineral water na binili niya.
“Baka di ka sanay sa tubig sa gripo lalo na’t ang arte mo pa naman,” aniya habang nag-iiwas ng tingin at inaasikaso ulit ang kanyang pagkain.
Mabait rin naman pala ’to. I think masyado lang talaga siyang intimidating tingnan because of his snobbish awra but he really knows how to be nice in his own way.
Nakakakalahating oras palang ako roon ay halos maligo na ang leeg ko sa pawis. Sobrang init ng aking pakiramdam at pinapaypayan ko na ang aking sarili dahil kahit ang puti kong blouse ay nababasa narin. I have no choice but to ponytail my hair.
“Baka gusto mong bilhan na rin kita ng aircon?” sarkastikong sabi niya na ikinasimangot ko.
“I told you hindi ako sanay sa ganitong mga lugar.”
Bumaba saglit ang kanyang tingin sa aking leeg pero mabilis rin iyong nalaglag sa kanyang plato at inubos ang natitirang pagkain doon.
Doon lamang humupa ang aking pamamawis nang lumabas rin kaming dalawa roon. Uminom ako sa binili niyang tubig at hinayaan ang hangin na patuyuin ang pawis sa aking leeg.
“So, payag kana?” pangungulit kong muli nang pumasok na kami pabalik sa school.
Nahilamos ni Isaiah ang mukha at parang nabubwesit na naman sa akin. I smiled cutely at him.
“Sino bang crush mo? I can help you with her… Tell me para give and take tayong dalawa. We can use each other kung ayaw mong ako lang ang may kailangan sa’yo.”
Nakatingin siya sa ibang bahagi with his parted lips. Tumitig naman ako sa maitim niyang buhok at halos takpan na ang kanyang makapal at perpektong hugis ng kilay pero isang pasada lamang ng kanyang palad ay bumungad muli ang kanyang noo.
Binasa niya iyon at namaywang na. Ibinalik niya muli sa akin ang kanyang mga mata.
“Ano bang gagawin ko?” sabi niya at tila suko na dahil sa aking pamimilit.
Lumawak agad ang aking ngisi.
“Payag kana?”
Tumango siya kahit iritado ang mukha. Sumilay ang nanunuyang ngisi sa aking labi. Umangat ang kilay niya roon pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako.
“May klase na ako. Sa ibang araw nalang natin ito pag-usapan.”
“When? Tomorrow? It’s friday…”
“Marami akong gagawin bukas at wala ako roon sa 4th gate,” aniya.
“Uh… So Sunday? We can meet since walang pasok…”
Nagkasalubong ang kanyang kilay.
“May trabaho ako,” sabi niya na ikinakurap ko.
“You’re already working?” tanong ko sa hindi makapaniwalang boses.
Tumango siya.
“What time ba sa sunday ang work mo? Maybe pwede kitang bisitahin saglit…”
Isaiah sighed at may dinukot sa kanyang bulsa. Inilahad niya sa akin ang kanyang Android phone.
“Save your number, then. I’ll just text you.”
Kinuha ko iyon at itinipa habang seryoso naman niya akong pinapanood sa bawat galaw ko. Ibinalik ko ulit sa kanya pagkatapos kong isave iyon ng Zerathepretty saka niya deri-deritsong ibinulsa.
“Pumunta kana rin sa subjects mo,” sabi niya kaya tumango ako.
“See you, Isaiah,” sabi ko nang tinalikuran niya na ako.
Totoo nga iyong sinabi niyang busy siya sa Sabado dahil hindi ko man lang siya namataan sa araw na iyon except for Castel.
“Nasaan si Trey?” tanong ko nang makita ko siyang mag-isa lang. Mukhang papunta na ito sa next subject niya.
“Nasa room na siguro…” sagot ni Castel na ikinatango ko.
“How about Davin and Silas?”
“Nasa kabilang room. May chix na pinopormahan.” Ngumisi si Castel ng makahulugan kaya nailing nalang ako.
“And how about… Isaiah?”
Natawa agad si Castel nang binanggit ko ang kanyang pangalan.
“H’wag mo nang balakin na kaibiganin iyon, Zera. Hari iyon pagdating sa pandededma sa mga babae,” aniya sa natatawang boses.
“He really doesn’t look like friendly.”
Tumango naman si Castel.
“Himala nalang kung tiningnan ka noon sa mga mata. Girls irritate him. Ganoon talaga siguro pag masyadong matatalino,” pabiro siyang tumawa.
Weird… Napakaintense nga noon kung makatitig. And we already made eye contact multiple times so I guess we’re really friends now.
Noong sumapit ang linggo ay nasagot rin ang tanong ko noong manood ulit ako ng basketball nila Trey sa Clubhouse. Kaya pala hindi nila madalas kasama si Isaiah sa mga ganitong araw dahil busy ito at may trabaho na.
He’s not just super smart but he’s also hardworking, too. Masyado lang talagang suplado at iyon nga, ayun kay Castel ay hari talaga ng pandededma. Naalala ko pa iyong ilang beses ko siyang tinawag noong Grade 12 ako at hindi niya man lang ako nilingon. I think sinadya niya talaga iyon para dedmahin ako lalo na iyong nag hi ako sa kanya.
Girls irritate him huh? No wonder he’s always irritated when I’m around. Kaya rin siguro pumayag na siya para matigil ako sa kakapilit.
4pm pa lang ay naligo na agad ako since I know 6pm magsisimula ang work niya. Hanggang ilang oras ba iyon matatapos? And what kind of work does he has? Baka naman sa office? Pero hindi pa siya graduate so maybe may part time job siya sa mga fast food?
5pm noong mareceive ko ang unknown text at isang lokasyon sa isang Park. I think this is Isaiah. Grabe naman. Tamad ba siyang magtext?
I wore a haltered black top and white high waist paired with black boots. Hinayaan kong lumugay ang buhok kong medium length at umalis rin naman ng 5:30.
Kagabi palang ay nagpaalam na agad ako kay Mommy and luckily pinayagan naman ako basta kasama lang ang driver para may maghatid sa akin at meron agad magsundo. Goodthing Kuya isn’t around so walang masyadong tanong!
Eksaktong 6pm na noong dumating ako. Suot ang aking sling bag ay lumabas ako sa pinagbuksang pinto ng driver at iginala ang tingin.
Ba’t may mga barricade at masyadong crowded? May nakikita pa akong mga kaedad ko lang rin na may dala-dalang something like banners and such tapos may iba namang pumapasok doon sa mismong gitna kung saan may mga upuan.
Maybe I’ll just wait Isaiah inside the barricade since may mga upuan naman doon. Ayoko rin namang tumayo rito since wala rin akong ediya.
May napansin akong mga babaeng nakasuot ng puting Tshirt na may nakalagay na Silvestre’s wife at nakakapasok agad sila roon sa loob. The stage is even set at mukhang may magpeperform.
Puro nga Silvestre ang napapansin ko. Silvestre’s Wife. Silvestre’s girl. What’s with this cult? Weird… Baka maling park ako? But anyway… I need a seat!
Papasok na sana ako roon nang hinarang ako ng kung sinong babae.
“Hep hep… Mga fans lang ang pwede sa loob. VIP ito,” mataray niyang sabi at tiningnan ang aking kabuuan.
Fan?
“I am also a fan,” pagsisinungaling ko nalang.
“Anong fan? Eh nasaan ang tshirt mo? Sinungaling ka.” Tinaasan niya ako ng kilay.
I think marami sila since they’re all wearing the same white tshirt kaya baka madumog pa ako nila.
Dumukot nalang ako ng isang libo sa aking sling bag at ibinigay.
“How much is the tshirt? Is this enough?”
Nagningning agad ang kanyang mga mata at lumambot ang ekspresyon. Mabilis niyang binuksan ang harang para papasukin ako.
“Joy! May isa pang fan oh! Bigyan mo nga ito ng tshirt at paupuin mo sa pinaka first row ha! Bigating fan iyan kaya alagaan mo ng mabuti,” aniya sa babaeng lumalapit na sa akin.
“Hi! Bagong fan ka ba?” tanong noong Joy na binibigyan na ako ng tshirt.
Tumango na lamang ako since I don’t really want to talk too much at baka mabuko pa ako. I just need a seat dahil ayoko namang tumayo lang doon while waiting for Isaiah.
Isinuot ko iyong tshirt na hanggang hita ko saka niya ako kinaladkad sa pinakaharap.
Halos napupuno na iyong loob at meron ring tumatayo lamang roon sa labas ng barricade para manood ng kung ano.
“Bagong recruit?” tanong ng naka eyeglass na para pang nerd na babae kay Joy nang umupo ako.
“Oo eh… Sabi ni Stella bigatin daw?”
“Ah… Halata naman oh… Yayamanin,” aniya.
Hindi na ako sumali sa usapan at inilabas ang aking phone para itext si Isaiah.
“Naks naka iPhone…”
“Mayaman nga ’di ba.”
What’s with this people? Nagfocus nalang ako sa pagtitipa.
Ako:
Nasa park na ako. Where’s your workplace?
Ibinalik ko na iyon sa slingbag lalo na’t nagsisimula naring umingay dahil sa MC sa harap.
“Thank you sa pagpunta sa aming event at bago magsimula ang program, alam kong lahat ng fans ay excited para sa naimbitahang performer ngayong gabi. Are you all excited?!”
Nagsigawan agad lahat ng mga babae maliban sa akin na umismid pa habang nakahalukipkip lamang sa aking upuan. Hindi nga sasakit ang paa ko kakatayo sa labas pero sasakit naman ang tainga ko. Oh good grief!
“H’wag na natin itong patagalin pa! Let’s start the show!”
Tilian ulit at hiyawan ang bumalot sa kabuuang paligid habang umaalis na iyong babae na MC sa harap at may panibagong umaakyat na mga lalake.
Nagsimula pang umambon kaya tiningala ko ang langit at agad na nairita habang sobrang lakas na ng hiyawan. Hindi pa nga umuulan, nagsisimula nang umulan ng laway sa paligid ko dahil sa kakasigaw nilang lahat.
Pumikit ako at tinakpan ang aking tainga. Ayan, fan ka pala ha… Now deal with the noise!
May nangibabaw na isang tugtog. It’s like an old song na kinakanta ng mga banda noon kaya dumilat ako dahil sa kyuryusidad.
“What’s that song?” tanong ko sa katabi na para nang zombie sa pangingisay.
“Kung ayaw mo h’wag mo by Rivermaya! Total bagong fan ka pa naman ng banda nila, iyan ang lagi nilang kinakanta talaga pag naiimbitahan sila sa mga events para kumanta,” sagot ni Joy pero tutok na tutok sa stage.
Oh banda pala… At nasali pa talaga ako sa ganito.
May apat na mga lalake sa stage. Dalawa na nakatayo habang may gitara, isa sa drum at ang isa ay ang kanilang vocalist na hawak ang stand ng mic at gumagalaw ang ulo, tila sinasabayan ang beat.
“Hari ng dedmahan ng teleponong apat na magdamag nang di umiimik…” kanta ng kung sinong pamilyar na boses na ikinalaki ng aking mga mata nang titigan ko na ang pinanggagalingan ng boses.
Ang vocalist na nakasimpleng plain black tshirt, tattered jeans at black boots ay tila lasing ang mga mata habang kumakanta ng seryoso na akala mo ay wala nang pakialam sa paligid kung makaasta ay walang iba kundi si Isaiah!
Mas lalong nagtilian ang mga fans nang magpatuloy siya sa pagkanta at nagawa pang pumikit, tila dalang dala sa kanta at sobrang lamig pa ng kanyang boses.
“Kung di ka tatawagan, may pag-asa kayang maisip mo ako’t biglang mamiss…” Dumilat si Isaiah sabay pasada ng buhok at binasa ang mamula mulang labi.
Mas naging intense ang drum at paggigitara kasabay ng nakakadalang kanta niya na nagpaingay lalo sa buong paligid.
“Hindi kita mapipilit kung ayaw mo… H’wag mo akong isipin, bahala na…”
Nagsimulang umulan ngunit sa halip na magpanic ang lahat ay mas sumigaw pa.
“Hindi kita mapipigil kung balak mo, ako’y iwanang nag-iisa…”
Kinuha ni Isaiah ang mic sa stand at inindak pa ang kanyang mga paa, walang sinasalubong na tingin habang nagpapaubaya lamang sa tono. He started doing some small headbang while licking the side of his lips in a very seductive way.
What. The. Fuck?
Everyone’s screaming. Tulala nalang ako at naninindig ang balahibo hindi alam kung dahil ba iyon sa lamig na gawa ng ulan na parang dumaan lang o sa lamig ng boses ni Isaiah.
I didn’t know he knows how to sing in a very charming yet alluring way even when he’s not smiling! At sobrang galing niya dahil maaapektuhan ka agad sa kanyang boses at gusto mo ring makisabay sa pagkanta o sumigaw sigaw nalang.
Maski ako, namalayan ko nalang na tulala na pala ako habang pinapanood si Isaiah roon. Para akong nasindak ng isang multo at sa sobrang lamig, natulala nalang.
5th Lured
Lured
Food Market
Pagkatapos ng kantang iyon ay nagpasalamat rin naman sila sa mga nanood pagkatapos ay bumaba rin at nauna pa talaga si Isaiah na umalis. Ilang sandali lamang ay nagbeep ang aking cellphone.
Mabilis ko iyong chineck. Ni hindi ko na namalayan ang nauna niyang text kanina.
Unknown:
Pumasok ka sa cafe.
Unknown:
Where are you?
Magtitipa na sana ako nang may kumalabit pa sa akin.
“Hi! Ikaw iyong bago ’di ba?” Ngumiti sa akin iyong nagpapasok kanina.
Tumango ako sa kanya at tiningnan iyong inilalahad niyang cellphone.
“Pwede ko bang makuha ang number mo para pag may ganitong event iuupdate nalang kita nang hindi ka mahirapan,” aniya.
“Pwede rin siyang maging admin,” iyong isa namang mala nerd.
Tumango iyong nagpapasok sa akin.
“Oo pwede kung gusto niya…”
Kinuha ko ang kanyang cellphone at itinipa ang aking number.
“Ikaw ang leader ng fans club noong banda?” tanong ko.
Tumango naman agad ito.
“Yes ako… Pero marami kaming sumusuporta. Sumusunod talaga kami kung saan sila kumakanta lalo na at madalas silang naiimbitahan o kaya may sinasalihan silang competition.”
Tumango ako at hindi na gaanong nagbigay ng opinyon saka ibinagsak ang tingin sa cellphone kong may panibagong text.
Unknown:
Wala ka rito sa cafe.
Tumayo na ako.
“Aalis kana?”
“Yep…” tipid nalang akong ngumiti habang iwinawagayway na ng iba sa akin ang kanilang mga kamay for a goodbye.
“Ano palang name mo?” sigaw pa noong Joy.
Nilingon ko sila sa kalagitnaan ng aking paglalakad.
“Zera,” sabi ko na ikinangiti nila sa akin at kumaway muli.
Natuyo na ako lalo na’t kanina ay medyo basa pa naman sana ako. Wow… Hinayaan kong maulanan just because Isaiah is fucking singing! Nababaliw na ba ako? Since when did I started acting so careless?
Nagtipa ako ng mensahe kay Isaiah.
Ako:
Nasa barricade ako banda.
Tuluyan akong lumabas doon. Ilang sandali lang ay nagreply ulit ito.
Unknown:
Punta ka sa backstage.
Lumingon ako sa dulo kung nasaan ang stage. Nagsimula akong humakbang papunta roon. May kung ano nang nangyayaring speech sa stage na hindi ko na masyadong pinagtuunan pa ng pansin.
Ilang sandali lamang ay may humila na sa akin hanggang sa nakita ko ang pamilyar na mukha ni Isaiah. Dinala niya ako sa mismong backstage at pinapasok doon kung nasaan rin nakatambay ang ilan pang mga kasali ata sa event pero doon kami nanatili sa parang maliit na room at may mga nakatambak na gamit.
Humarap siyang muli. Parang may sasabihin na sana siya akin nang bumaba agad ang kanyang tingin sa aking suot. Nanatiling nakaawang ang kanyang bibig at napatitig sa tshirt.
“Saan mo nakuha ’yan?” tanong niya habang nagkakasalubong na naman ang makapal na kilay.
“Ah… I bought this for a free seat since ayaw kong tumayo.”
“Binili mo?”
“Yup. Nagbigay ako ng cash.” Ngumisi ako na ikinatalim agad ng kanyang tingin sa akin.
Bago pa siya may masabi muli ay may nagsisulputan na sa kanyang paligid. Nailing na lamang siya at umalis saka nagtungo sa isang dako.
“Uy sino itong nabingwit mong magandang fan, Isaiah?” tanong ng lalakeng guitarist ata nila.
“Ang ganda naman nito! Parang first time ko atang mapansin ang ganito ka gandang fan mo.” Tumawa iyong isang lalake na siniko pa iyong katabi niya.
“Hindi yan isang fangirl. Isa ’yang scammer,” ani Isaiah na may binubuksang bag sa isang upuan.
“Huh? Paanong scammer?” Nalilitong tanong noong may pagka mistiso.
“Silvestre’s wife pa oh! Kasali ata ito roon sa isang fanbase natin na may parang binuong team!”
“Who’s Silvestre, anyway?” tanong ko sa dalawa na unti-unting napawi ang mga ngiti.
“Ay scammer nga,” dismayadong sabi noong guitarist.
“Hindi mo kilala si Silvestre?” Nagtataka namang tanong noong mistiso.
Umiling ako.
“I just bought this for a free chair,” sabi ko na ikinahagalpak ng tawa nilang dalawa.
“Akala ko talaga fan na! Hindi pa pala markado ng Silvestre eh!”
“Nakakapagtaka rin kung may pinulot na fan si Isaiah purket maganda lang! Magpapa lechon talaga ako!”
Panay ang kanilang hagalpakan at nag-aapiran pa. Iritado akong tinapunan ng tingin ni Isaiah rito pero nag-iwas rin naman agad.
“So hindi mo rin kilala si Jace?” tanong noong guitarist na nagpapahid ng luha kakatawa.
Umiling ako. “Kasali sa banda niyo?”
Humagalpak muli silang dalawa at nag-apir. What’s so funny? Sino ba si Silvestre? Is this their band? And who’s Jace? Lider nila?
“Kilala mo si Isaiah?” tanong ng guitarist.
Tumango ako. “He’s my schoolmate.”
“Eh paanong kilala si Isaiah pero hindi mo kilala si Jace at Silvestre?” Iyong mistiso.
“Ewan ko. I’m not fond with strangers,” sagot ko kaya sumulyap muli si Isaiah sa tingin niyang hindi ko na naman mapunto.
“Full name iyon ni Isaiah. Isaiah Jace Silvestre,” iyong guitarist.
Silvestre? So ibig sabihin itong suot kong tshirt na may Silvestre’s wife ay siya ang tinutukoy?
“Huhubarin mo ba ’yan o paninindigan mong asawa kita?” malamig na tanong ni Isaiah nang mapansin siguro ang aking realization sa tshirt.
Hindi agad ako nakasagot. The tshirt is really comfortable pero medyo nabasa rin kasi ito kanina and natuyo lang.
Sumipol ang dalawa niyang kasama lalo na’t naglalakad na ito papunta sa akin at may dalang black na tshirt. He’s probably going to change.
“Huhubarin ko nalang,” sabi ko kaya pinagtutulak niya agad ang dibdib ng dalawa gamit ang isang kamay.
“Lumabas muna kayo.”
“Dito nalang kami, Isaiah.”
“Ano Lyle? Gusto mong masapak?” sarkastikong sabi ni Isaiah kaya natawa iyong mistiso.
“Gago ka talaga, Lyle.” Hinila niya ang damit nito. “Tara. Puntahan natin si Anzai.”
Sinundan ni Isaiah ng tingin ang dalawa at kalaunan ay ibinalik rin naman sa akin. Umangat ang dalawa niyang kilay at sinenyasan akong tumalikod.
“Maghuhubad ako. Talikod.”
Humalukipkip ako.
“Bawal sa bata,” dagdag niya pa na ikinatalim agad ng aking tingin sa kanya.
“How dare you! I’ve seen worst in porn!” pagyayabang ko nalang kahit hindi naman totoo.
Hindi man lang nagulat si Isaiah o nagbago ang supladong eskpresyon. Nagkasalubong lamang ang kanyang kilay.
“Porn huh…” nanunuya niyang bigkas, ang mga mata ay parang nanghahamon ng away.
I nodded cockily.
“Yep. A topless man will never affect me. At all.”
“Sige tumitig ka.” Hinila niya ang damit sa likuran gamit ang isang kamay at hinubad iyon ng tuluyan.
His intense stares were mocking me as I watched how his muscles flex. Bumaba pa ang aking mga mayayabang na mga mata sa kanyang tiyan at nakita agad ang v-line sa may abdomen part niya.
He has a very well toned body proportion as I tried not to close my eyes just to tell him I’m not backing down.
Isaiah watched me carefully as I examined his body with my eyes. Sinikap kong hindi suminghap at ipakita ang katapangan.
Nang hindi na ako kumurap ay nagulat nalang ako dahil bigla niyang itinakip sa aking mukha ang kanyang itim na tshirt. Naamoy ko kaagad ang pabango niyang humalo narin ata sa kanyang pawis. But it still smells nice.
“Manyakis,” sabi niya.
Marahas ko iyong hinila paalis sa aking mukha saka ko siya nakitang nakatalikod na sa akin at nagpapalit ng long sleeve na fit black shirt. Nilingon niya akong muli habang inaayos ang magulong buhok.
Tiningnan niya ang suot kong damit kaya napagtanto ko rin ang kanyang iniisip. Tumalikod ako para hubarin iyon kaso noong nasa may parteng dibdib na sana at malapit ko nang mahubad ay hinila niya iyong muli.
“H’wag mo nalang hubarin,” aniya.
“Why? Do you like me as your wife?” Nanunuya ko siyang nginisihan nang nilingon ko ito.
“Ni hindi mo nga alam na ako ang sinusuot mo.”
Tumawa ako nang maalalang binili ko lamang ito just for a free chair. At ngayon, pati iyong sa fanbase nila ay makakasangkutan ko pa ata.
“Don’t worry… I’m loyal. And this is just a tshirt,” sabi ko.
Pagkatapos nilang magpahinga sa backstage ay kumanta ulit sila roon. Hinintay ko nalang sila kasama pa ang ilang event organizer habang dinig na dinig ko ang malamig na boses ni Isaiah.
“Isa ka sa fansclub noong banda?” tanong bigla sa akin ng lalake na kasama ata sa mga organizer since he’s wearing an ID.
Bago pa ako makapagsalita ay may sumagot na sa kanya.
“Mukhang girlfriend iyan noong vocalist.” Tinawanan niya iyong lalake.
“Ah… Girlfriend pala siya,” sabi niya nang nilingon niya ang lalake.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tiningnan ang aking cellphone. I receive a text from Kuya.
Kuya:
Uwi ka ng 8.
What is he saying?! Ang sabi ko kay Mommy hanggang 10PM ako ah and she agreed! It’s already 7:10PM!
Ano bang nangyayari kay Kuya? Ang strict!
Nagtipa ako.
Ako:
Mommy agreed 10PM ako uuwi.
Ilang sigundo lang ay nagreply agad si Kuya.
Kuya:
Where are you?
Ako:
Gumala!
Narinig ko ang pasasalamat ulit nila Isaiah sa mga naroroon kaya itinigil ko muna ang pagrereply habang pinanood sila isa-isa sa pagbaba at pumupunta na rito.
Lyle is laughing with that mistiso guy while both serious naman si Isaiah and the one who’s also a guitarist. He’s probably Anzai.
If Isaiah’s looks screams dominance with his intense eyes, Anzai is more ruthless with his cold yet devilish stares. He lightly fixed his hair at malamig na sumulyap sa akin.
“Yan ’yong sinasabi nila Lyle?” tanong niya kay Isaiah.
Nagkatinginan pa ang dalawa.
“Kuha muna ako ng maiinom!” si Lyle na may pinuntahan na kung saan.
Iyong mistisong nagngangalang Raziel, as I remembered awhile ago, ay sumulyap muli sa akin at tiningnan ang dalawa. Ngumisi bigla si Anzai kay Isaiah at marahang sinuntok ang dibdib nito.
“You don’t bring girls.”
Sumulyap si Isaiah sa akin pero saglit lang at dinilaan ang pang-ibabang labi.
“May kailangan sa’kin,” tangi niyang sabi na ikinahalakhak ng marahan ni Anzai.
“Kailangan, huh? A tiger turning into a cat eh?” Tumagilid ang ulo ni Anzai para lang kutyain lalo si Isaiah.
Nailing si Isaiah at sinapak ang dibdib nito. Anzai touched his chest and smirk more saka muling sumulyap sa akin.
Okay? I am just here listening how they talk about me. Pero mas maganda na ang ganoon kaysa sa pag-uusap ng girls na pagtalikod mo diyan kana agad titirahin ng mga salita.
Bumalik naman si Lyle na may dalang mga… uh, something like big ice candies but there’s a water on it. Ice water?
Binigyan niya isa isa ang kanyang mga kasama at huling naglakad sa akin pero bago pa makarating ay hinila na ni Isaiah ang likod ng tshirt nito.
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Bibigyan ko lang iyong kasama mo, Isaiah. Baka nauuhaw,” sabi ni Lyle at nagpupumilit kumawala.
“Bawal siya ng ganyan.” Saka binitiwan ni Isaiah ang likod nito at dumukot sa kanyang bulsa. “Bilhan mo ng mineral water.”
Nasamid agad si Raziel sa narinig while Anzai looks very curious at me, the way he glances when Isaiah said bawal iyon sa akin.
“Huh? Bakit? Anong meron sa ice water?” ani Lyle.
“H’wag kanang magtanong. Bilhan mo nalang,” ani Isaiah at sinenyasan na itong umalis.
Nilingon naman ako ni Lyle at ipinakita sa akin ang isa pang ice water.
“Hindi ka umiinom ng ganito?”
Dahan dahan akong umiling at ngumiti ng tipid. Hindi ako umiinom ng tubig na nasa cellophane! Baka masira ang tiyan ko. Tumango rin naman agad si Lyle at tumakbo na ulit palabas.
Natauhan rin itong si Raziel sa pagkakasamid at tiningnan agad si Isaiah sa namimilog na mga mata.
“Bago ’to ah! Kailan ka pa naging concern sa babae? Girlfriend mo ata ’yan eh!”
Ininom lang ni Isaiah iyong hawak na ice water at agad pa iyong naubos dahil sa pagpayat noong katawan. Para siyang bampira na mabilis iyong sinipsip.
“Baka magiging girlfriend palang?” si Anzai naman.
Itinapon ni Isaiah iyong cellophane sa gilid at sumulyap saglit sa akin. He just checked on me using his dark intense eyes pero nang makontento ay nag-iwas din ng tingin.
Hindi siya tinantanan ni Raziel at mas lalo pa siyang pinapaamin if may something ba sa amin. Masyado silang nagugulantang kay Isaiah na may kasamang babae.
Hindi pala talaga siya mahilig sa girls? How come since he has a godlike visual? Ang rami rami niya pa palang fans at sabi pa ni Castel ay dinidedma niya lang rin talaga ang girls. I think he’s focus with his studies more than anything…
Trey isn’t like that. Bata palang ako, nakita ko na siyang papalit palit ng babae. He always bring his new girlfriend with him pero ilang weeks or month lang bago na ulit. I don’t know why it doesn’t even disgust me eh parehas lang naman sana iyon sa mga pinsan kong papalit palit rin ng babae na pinandidirian ko pero pagdating kay Trey ay wala akong pakialam kung papalit palit man siya ng babae.
Bakit kaya may mga lalake ring ayaw muna sa mga babae like Isaiah? I think magkakasundo sila ni Kuya Hiro since my brother isn’t the playboy type, too. Hindi rin naman playboy si Red at Blue but they’re really friendly with girls unlike Kuya who’s such a snob.
Naisip ko tuloy kung ano rin ang rason ni Kuya ba’t ayaw niya na lumalapit lapit ako kay Trey? Is it being overprotective or may iba pa?
Dumating naman si Lyle dala dala ang mineral water.
“Heto…” Inilahad niya iyon sa akin.
Sumulyap saglit dito si Isaiah na nagliligpit na ng gamit saka rin naman nag-iwas nang tinanggap ko na iyon.
“Thanks,” tipid kong sabi at nag-iwas ng tingin since he’s blushing.
I think they’re already leaving since nagliligpit na rin iyong iba niya pang kasama. Si Anzai naman ay may kinakausap na isa sa mga organizer at may tinanggap na sobre.
Are they all poor? Is this their way of living? Now I’m so curious…
“Ang laki mamigay talaga pag ganitong event eh! Ano… Kumain muna tayo bago umuwi?” si Lyle iyon habang naglalakad na kami paalis doon.
I silently walked beside Isaiah who’s silent, too. Hawak ko ang aking cellphone since naiinis na ata si Kuya sa akin dahil hindi ako nagrereply.
Kuya:
I’ll fetch you at Nine.
Kuya:
If you’re not yet okay with it then I’m going to track your location and drag you there.
Bumusangot ako ng husto habang nagtitipa. Kulang nalang iisipin kong may nananakit kay Kuya kaya ako ang pinagbubuntunan lagi ng galit!
“Manlilibre ako, ano?” si Lyle.
Tumawa si Raziel.
“Nandito lang si Zera masyado kana agad bumibibo. Sapakin mo nga Isaiah.”
“Nagiging mabait lang ako eh first time rin na may kasamang babae si Isaiah. Parang sinisikatan na ng liwanag ang kaibigan nating nakatira sa dilim!”
Naghagalpakan silang dalawa maliban kay Anzai at Isaiah na tiningnan lang sila sa nang-iinsultong paraan.
Ako:
Fine, Kuya. I’ll send my location later.
Ibinulsa ko iyon at nilingon si Isaiah na nasa daan lang rin ang mga mata.
“Saan na kayo pupunta?”
“Kakain,” sabi niya.
“Really? Pwedeng magsuggest?”
Napatingin agad si Lyle at iyong mistiso sa akin. Kahit si Isaiah ay nagkasalubong na ang kilay while Anzai just took a small glance at me with his eyes.
“Sige, Zera. Saan mo gustong kumain? Ililibre ka namin total malaki ang nakuha namin,” ani Lyle.
“I know a five star Restaurant and they really serve delicious food. Lalo na iyong grilled beef nila…” sabi ko na unti-unting ikinapawi ng excitement ni Lyle.
Humagalpak naman iyong mistiso.
“Ano, Lyle? Five star Restaurant daw?”
Sumulyap si Anzai kay Isaiah. Si Isaiah naman itong mariin ang tingin sa akin at para akong pagagalitan.
“Isaiah, baka masira ang tiyan niyan pag dinala natin sa madalas nating kinakainan,” ani Lyle na nagkamot pa ng batok habang tumatawa parin iyong mistiso.
“Uhm, actually I already tried eating on a fine Kalindary so I think…” Pinisil ko ang pang-ibaba kong labi.
Kunot noong nagkatinginan ang dalawa habang si Anzai ay deritso ang tingin sa akin.
“Anong kalindary?”
Kinagat ni Isaiah ang labi at nahaplos ang buhok, nag-iiwas ng tingin na nagpipigil lang ata matawa.
“Ano nga ulit ’yon, Isaiah?” Nilingon ko ito.
Tumikhim si Isaiah.
“Karinderya,” sabi niya na ikinagulat ng dalawa at ilang sandali lamang ay naghagalpakan na.
“Saan nanggaling yung sosyal na Kalindary! Ang yaman pa pakinggan ah!” Tumatawang si Lyle.
Oh… Ka rin… darya.
“I mean sa karindarya,” pagtatama ko kaya naghagalpakan ulit ang dalawa habang si Anzai ay ngumisi na ganoon din si Isaiah na agad pang lumabas ang dimple.
“Karinderya,” ulit niya sa akin sa baritonong boses.
Nagkasalubong naman ang aking kilay. Mali ba ang binibigkas ko? Katunog naman ah?
Iyon ang pinagkatuwaan nila Lyle at Raziel, iyong mistiso. Panay nila akong pinapaulit sa pagbigkas at hahagalpak ulit ng tawa dahil may accent pa raw ang pagkakabigkas ko.
Nakarating rin naman kami sa parang isang kalye na puro mga stall ng pagkain ang naroroon. Maraming tao at makikita ko agad ang mga nagbabarbeque habang may iba pa na umuukupa na ng mesa at doon kumakain. It looks like a food bazaar with big stores.
“Kalindarya parin ’to? A big one?” pabulong kong tanong kay Isaiah.
“Hindi. Food market ’to,” sabi niya, hindi nalang masyadong pinansin ang pagbigkas ko sa Kalindary.
Tumango tango ako at iginala ko ang aking mga mata sa paligid. May ibang parte na mausok dahil sa barbeques at may mga nakadisplay na mga pagkain.
“What’s that?” Itinuro ko iyon kay Isaiah.
Nagtinginan sa akin ang iba.
“Is that your ulam? ’Yung lagi mong kinakain sa kalindary?” tanong ko.
“Nilutong galunggong yan,” sabi niya.
“Huh? Gunggong?”
Kitang-kita ko kung paano nagpigil ng tawa ang mga bumibili. Hindi ko alam kung ako ba ang pinagtatawanan nila or what… Kahit iyong tindera ay natauhan ata sa paninitig kay Isaiah at napalingon narin sa akin.
“Galunggong,” giit ni Isaisah sa matigas na boses.
“Ah… Gonggong.” Tumango tango ako hanggang sa may narinig na talaga akong mahihinang tawa.
Mali ba? I pouted my lips as I tried to recall it from my mind.
“Galunggong,” ulit ulit ni Isaiah nang sobrang lapit niya na para lagyan iyong cellophane ng pineapples ko ng ganoon.
“Golonggolong?” I asked him curiously while staring on his lips the way he says it.
Mas lumakas ang tawanan noong mga nakarinig. Isaiah talks fast! And I’m not familiar with it!
“Ang sweet naman ng boyfriend… Mukha pa namang maarte ang babae.”
“Kutis palang halata nang mayaman eh…”
Why are they saying we look like couples? Hindi ko nalang pinansan lalo na’t naiiling nalang si Isaiah habang ibinibigay iyong dalawang cellophane. Binigyan niya rin ako ng stick kagat kagat ang labi.
“H’wag mo nalang bigkasin,” aniya.
Humagikhik ako sa kanyang reaksyon dahil parang nafufrustrate na siya sa pagtuturo sa akin. Natatandaan ko naman! It’s called golong golong.
Nalihis rin naman ang aking atensyon sa isang stall na puro mga prutas ang tinitinda. Iyon nga lang, naka plastic cellophane sila but they really look clean to me.
“Safe naman ’di ba?” I asked him again while opening my bag.
Bago ko pa iyon nagawa ay pinigilan niya na ako.
“Ano bang kakainin mo? Ako na eh baka maglabas ka pa ng malaking pera at wala silang sukli,” sabi niya.
Oh, right…
Itinuro ko sa kanya iyong stall ng mga prutas.
“I want those pineapple and mangoes,” sabi ko.
Naglakad doon si Isaiah kaya sumunod agad ako. Sina Lyle ay nilingon kami saglit na naghahanap pa ng table kaya tinuro ko ang stall ng prutas na ikinatango nila.
Pumwesto ako sa kanyang likuran at sumilip silip lang doon since ang rami ring tao. Nagbigay ng 20 pesos si Isaiah sa tindera na nagulat pa ata sa imahe nito. She looks very stunned since titig na titig talaga siya habang hindi kumukurap, akala mo ay nakakita ng hollywood actor.
May mga babaeng napalingon sa amin na namimili rin. Tiningnan pa nila ang suot kong tshirt saka sila nagbulungan.
“Ang cute naman ng couple na ’to… Naka black ang boyfriend tapos naka white ang girlfriend at mukhang couple tshirt pa.”
Hindi ko iyon pinansin at tiningnan iyong mga sauce for their fruits. What are these? It looks like a small shrimps with a vinegar on it to me. Meron ring iba ang istilo pero kulay pink na ewan parin.
“Is this the sauce?” Itinuro ko iyon. “Mga baby shrimps?”
“Masyado mong inaartehan eh bagoong alamang ang tawag diyan.”
“Oh okay, bugoong.” I nodded cutely.
Nagpasya rin naman kaming umalis roon habang tinitingnan ko ang hawak kong cellophane with the sauce inside on it.
“Bakit hindi baby shrimps ang tawag dito?” tanong ko habang naglalakad na kami roon sa mga may barbeques kung nasaan sina Lyle.
Humagalpak na si Isaiah, tila naputol na ang taling kanina niya pa pinipigilan. Sinimangutan ko siya at gusto ko nalang tumigil sa panggagaya sa tuwing sinasabi ko iyon dahil mali.
“Ano ka ba, Amerikana?” nakangisi niyang tanong at lumalabas na ang dimple.
“It’s hard since it’s my first time on a public food market.”
Nailing siya at binasa ang labi.
“Mga mayayaman talaga…”
6th Lured
Lured
Type
Pagdating namin ay namangha agad si Lyle sa aking hinahawakang dalawang cellophane.
“Kumakain ka niyan?” tanong niya habang nakaupo na sila roong tatlo, tila naghihintay nalang ng order dahil sa numerong nakalagay sa mesa.
Tumango ako at umupo roon sa hinila ni Isaiah na upuan para sa akin.
“Yep. This is my first time eating pineapples with golonggolong and it’s not that bad huh-”
Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ay nagsihagalpakan na si Lyle at Raziel. I think mali na naman ang nabigkas ko.
Napatakip nalang ng mukha si Anzai at mukhang siya ang nahihiya para sa akin habang si Isaiah naman ay seryoso lang akong tinititigan.
“Mali?” tanong ko sa kanya.
“Ulam ’yang tinutukoy mo,” aniya na ikinagulat ko.
Oh… So iyong bugoong ata? I pouted cutely.
“Iba talaga ’tong si Zera!” tawang-tawa na si Lyle.
Humilig si Isaiah sa mesa at mukhang suko narin sa pagtuturo sa akin lalo na’t naiiling nalang.
“I’m not really familiar so nakakalimutan ko. Kung ano ’yong nabibigkas ko yon na ang naalala ko,” sabi ko.
“Pero hayaan mo na, Zera. Ang cute mo namang pakinggan,” si Lyle.
Binatukan siya ni Raziel habang si Lyle naman ay dumaing pa bigla at nahimas ang paa. Sinimangutan niya si Isaiah na nakahilig na sa isa niyang palad.
“Naninipa ka, Isaiah…” reklamo ni Lyle.
Sumulyap si Anzai kay Isaiah at nailing na lamang.
Habang naghihintay kami roon sa five seated table na inukupa namin ay iyong binili ni Isaiah ang kinakain ko. I am a food lover and pineapple with baby shrimps is really tasty! I should recommend this to Mommy para matikman niya rin.
Nagkaroon rin naman ng sariling topic si Lyle at Raziel habang si Anzai ay nagcoconcentrate sa cellphone at si Isaiah ay tahimik lamang.
Naubos ko na iyong pineapple kaya iyong mangga naman ang sinimulan kong kainin habang sumusulyap kay Isaiah.
“We should talk about our deal,” sabi ko sa kanya.
Nilingon ako ni Isaiah at mukhang naalala rin iyon kaya umusog siya hanggang sa sobrang lapit na niya sa akin. We lazily put his palm again on his chin and watched me seriously.
“Baka gusto mong ipakasal ko nalang kayo ni Trey?”
Umirap ako.
“I would love to but it’s too early for that.” Tumusok ako ng mangga at kinagatan iyon ng kaonti. Si Isaiah naman ay tumitig kung paano ko iyon nginuya. Nagkakasalubong na naman ang kilay.
“Napapagod na akong magpapansin sa kanya kaya I’m asking you to lure him to like me para siya naman ang maghabol sa akin,” sabi ko at ngumiti ng mayabang.
Isaiah put his other hand on the table and played with his fingers while tapping them. Umahon rin naman ang aking tingin pabalik sa kanya.
“Ang talino mo naman ata pagdating sa ganitong bagay?”
“I just learned since when I was in highschool marami na akong mga crush kaso palaging tinatakot ng Kuya ko kaya walang nagtatagal. Even Kuya Grey threatened them maliban nalang kay Trey na hindi talaga gusto kaya hinahayaan nila akong gustuhin siya.”
“Playgirl huh?”
Sinamaan ko siya ng tingin. Compared to his eyes these past few days, ngayon ay namumungay, probably he’s exhausted because of performing awhile ago. Ang lasing na mga matang iyon ay parang iyong kumakanta siya, nang-aakit ang paninitig sa tamad na paraan.
“I am not,” depensa ko.
“You are.”
Inirapan ko siya at kumagat muli sa mangga. Nalaglag rin ang tingin niya roon.
“Want some?” alok ko sa cellophane na may natitira pang tatlong slice ng mangga.
Napunta ang kanyang tingin sa kamay ko na hawak iyong stick at may kalahati pa noong slice ng manggang kinagatan ko at iyon ang iginiya niya patungo sa kanyang bibig saka niya iyon kinain.
Medyo nagulat ako ng kaonti pero mabilis ko rin naman iyong binalewala. He lazily fixed his messy hair at tumitig muli sa akin sa namumungay na mga mata.
“So… Are you going to tell me who’s your crush?” tanong ko.
“Sa pasukan na. Ituturo ko nalang,” sabi niya.
Oh… I see. He really likes someone else.
“Kaklase niyo?”
Hindi siya kumibo at pinaglaruan ulit ang mga daliring nag tatap na naman.
“Is she pretty?”
“Basta may mukha,” sabi niya.
“Hindi ka nagagandahan?” I tited my head for a clearer view of his expression.
“Ano bang meron sa ganda ng babae at iyon agad ang tinatanong mo?” tanong niya pabalik sa magkasalubong na kilay.
“My cousins prefer pretty girls. Boys prefer pretty girls. So you’re willing to date someone who’s… ugly?”
Binasa niya ang pang-ibabang labi.
“I’m going to date someone I like. Ugly or not,” paglilinaw niya.
Oh… Hindi siya nagbabase sa mukha. O baka naman nagbabase siya sa dibdib?
Nanunuya akong ngumisi kaya napatitig siya roon. I pointed him using the stick with the half of slice of the mango.
“Sa dibdib mo binabase ’no?” mahina kong sambit.
Umabante ang ulo ni Isaiah at kinain ulit iyong kalahati saka ako inangatan ng kilay. Ngumiwi ako at tinusok muli ang ikalawang mangga saka iyon kinagatan.
“Manyakis ka talaga,” sabi niya sa akin.
“Bakit? Don’t tell me you want someone who don’t have boobs?”
Tinaliman niya ako ng tingin at parang nagagalit na naman ang mga mata dahil sa aking pinagsasabi. Humagikhik ako.
“Come on… Stop being so secretive! Dapat sinasabi mo sa akin since we’re going to help each other.”
Hindi siya kumibo kaya nagtanong ulit ako.
“Saan ka attracted sa katawan ng girls?”
Isaiah’s eyes were now burning me with his stares. Hindi ako nagpasindak at tinaasan siya ng kilay.
“Is it their waist? Do you prefer someone who has a small waist?”
Parang nakukulitan na siya since he shifted from his seat at humalukipkip na ngayon, nakatingin parin sa akin.
“Gap,” sabi niya na ikinakurap ko.
“Huh? Which gap?”
Nag-iwas siya ng tingin at pinasadahan ng haplos ang buhok. Nilingon ko narin ang tatlo na pasulyap-sulyap lang pala sa amin ni Isaiah habang nag-uusap kaming dalawa. Ngumisi pa agad si Raziel.
Hindi ko nalang iyon masyadong inisip dahil nababanguhan na ako sa pagkain. Ang raming klase-klaseng barbeque sa aking paningin at may iba pang hindi na naman familiar sa akin.
“What’s this?” tanong ko nang nilagyan ni Isaiah ng stick ang aking plato.
“Panga ng isda,” sabi niya na ikinakurap ko.
“Jaw part ito ng fish?”
“Iniingles mo lang. Panga ’yan,” sabi niya habang pinipisil iyon lemon sa maliit na plate for it’s sauce.
“Pero ayaw ko ng isda,” nakangiwi kong sabi.
“Ikaw ang kakain sa isda o ang isda ang kakain sa’yo?” tanong ni Isaiah na ikinairap ko.
“Try mo ’yan, Zera. Masarap ’yan,” ani Lyle.
Tumango ako at nagawa pa iyong amoyin. It doesn’t smell bad so maybe I can try this.
Kinuha ko iyong tinidor at tinusok. Nilingon ako ni Isaiah na parang siya itong nahihirapan sa pinaggagawa ko.
“Hindi na ’yan kailangang tinidurin. Kamayin mo,” sabi niya.
“But it’s quite hot…” reklamo ko at hinipan iyon.
Nailing si Isaiah saka iyon kinuha sa akin at sinimulan niyang kamayin para kumuha ng piraso ng parte noon. Inilagay niya iyon sa aking plato.
“Don’t use your hand,” sabi ko na ikinaangat lang ng kanyang kilay.
“Gusto mo paa ko ang gamitin ko?”
Iba talaga kung makapagsuplado! But his hand is clean anyway… Bahala nga siya!
Ipinaglalagay niya iyon sa aking plato kaya tinusok ko iyon ng tinidor. Inilapit niya naman sa akin iyong ginawa niyang sauce kaya doon ko iyon ibinabad saglit.
Sumubo ako ng kaonting rice at kinagat na iyong isda na ikinaliwanag ng aking mukha. I am not really into fish but this one tastes good!
Napasarap ang aking pagkain at mukhang napansin rin iyon ni Isaiah dahil pati iyong kanya ay ibinigay niya ulit sa akin. Sumulyap pa si Anzai sa pinaggagawa niya pero wala namang sinabi at kumain nalang rin.
May dumating na tindera at naglapag na limang maliliit na coke. Imbes na iyon ang akin, ang supladong si Isaiah ay binawalan ako at iyong mineral water na dala dala ko kanina pa ang pinainom niya. Sa aking inis, nakipaghilaan talaga ako.
“Umamin nga kayong dalawa. May relasyon kayo ’no,” ani Raziel habang pinapanood niya kami ni Isaiah na pinagtatalunan iyong bote ng coke.
“May imaginary boyfriend ’to,” ani Isaiah na hinawakan na ang aking ulo para hindi ko maabot ang iniaangat niyang bote.
“Imaginary?” Tumawa si Lyle. “Ano ’yan? Nasa books lang? Imaginary boyfriend?”
“Nag-iimagine siyang magkakagusto iyong taong hindi siya gusto,” ani Isaiah.
“He’s going to like me, soon!” sabi ko at hinawi ang kanyang kamay sa aking noo. I can feel how rough his hand is…
“Eh ba’t hindi nalang si Isaiah, Zera?” si Raziel na ngumingisi.
“Hindi ko ’to type. Masyadong maarte,” agad na sabi ni Isaiah at ininom iyong bote ng coke na para dapat sa akin.
Sinamaan ko ito ng tingin. Ibinaba niya ang kamay at inusog sa akin iyong mineral. Sa aking inis ay tinabig ko iyon kaya nahulog sa sahig. Isaiah’s eyes sharped at me. Ang kanyang mga kaibigan naman ay pabalik balik na ang tingin sa akin.
“Tss. Brat,” ani Isaiah at tumayo.
Kumalma ang aking ekspresyon nang mapagtantong nasa isang public place kami. Well, I don’t care! Kaya sumimangot ulit ako at humalukipkip.
“Saan ’yon pupunta?” tanong ni Lyle.
Tahimik na sumulyap si Anzai sa akin, ang mga mata ay naninimbang lamang habang si Raziel ay sinusundan ng tingin si Isaiah.
“First time ko talagang makita si Isaiah na nakikipag-usap sa babae. Ni hindi nga iyon tumitingin man lang kahit sa mga mata,” aniya.
“Kaya nga eh,” saka sumulyap si Lyle sa akin. “Wala kayong relasyon?”
Umiling agad ako. Parang nadismaya agad ang kanilang mga mukha. Isaiah isn’t my type. We’re just helping each other para makuha ang mga gusto namin.
Bumalik na si Isaiah kaya tinantanan rin nila ako sa kanilang mga tanong. Kitang kita ko ang pagngisi ni Anzai nang makitang nilagyan ni Isaiah ng straw iyong bote ng sprite na dala niya at ibinigay sa akin.
Tiningala ko ito. Wala sa akin ang kanyang mga mata habang inilalahad iyon at iritado parin. Kinuha ko iyon at sumipsip sa straw. Ngingisi na sana ako nang marealize ko ang lasa noon. Sa sobra kong inis ay inilapag ko iyong muli.
“Lasang tubig!” sigaw ko sa kanya na ikinahagalpak ni Isaiah.
What the fuck? He’s making fun of me! Ang dimple ay litaw na litaw sa kanyang pagtawa dahil masyado siyang nasisiyahan sa ginagawang pang-aasar. Umupo siyang muli at inayos ang buhok na nagulo habang nasa akin ang mga mata.
Sinapak ko agad ang kanyang balikat ng paulit-ulit pero hindi naman siya umiilag o pinipigilan ako habang naiiwan ang ngisi sa kanyang labi at tuwang tuwa parin.
“Inumin mo na ang softdrink mo,” aniya at inilapit muli ang bote noon.
God! I can’t believe him! He’s the worst! Ang sarap niyang gilitan ng leeg!
“Wala na… Mukhang may nahuhulog na,” ani Anzai pagkatapos panoorin ang pagtawa ni Isaiah.
Nang mapagtanto rin naman iyon ni Isaiah ay nabura agad ang ngiti sa kanyang labi. Umismid siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain.
“Baka bukas mabalitaan nalang namin na nakipagtanan kana Isaiah,” si Raziel na humagalpak agad.
“Zera maawa ka naman. H’wag mo masyadong akitin ang kaibigan namin,” si Lyle na sinipa ulit ni Isaiah sa ilalim ng mesa dahil sa pagdaing nitong muli.
“Gago,” ani Isaiah.
Sorry Isaiah kahit godlike visual ka, kahit may banda ka, kahit nagbabasketball ka, kahit na may dimple ka at matalino ka ay loyal parin ako kay Trey. At ayoko sa mga suplado ’no! Those kind of guys remind me of my annoying kuya alot kaya no way!
Kinuha niya ang bote ng coke at nilagok iyon. Nangalahati agad iyon nang inilapag niya kaya agad ko iyong kinuha. Nilingon niya nalang ako sa pagkakataong ito, pinapanood akong dahan dahang inilalagay ang straw roon habang nakangisi akong nakatingin sa kanya at dahan dahan ding sumipsip.
“Tigas ng ulo mo. Bahala ka,” aniya at nailing.
“Wala akong U.T.I. no since I love to drink water, too…” sabi ko.
“Laklakin mo ’yan at bibilhan pa kita ng marami,” sarkastiko niyang sabi at nairita na ata sa katigasan ng aking ulo.
Ginaya ko lang ang kibot ng kanyang labi. Sa kanyang inis sa aking ginawa ay akma niya na sanang pipitikin ang aking labi kaya mabilis akong umatras at humagikhik. Isaiah look at me sharply kaya sinipsip ko agad iyong straw habang nanunuya ang tingin ko sa kanya.
Panay naman ang ngisi ni Raziel at Lyle sa aming dalawa habang si Anzai ay wala nang pakialam habang tutok sa kanyang cellphone.
Nagbeep ang aking cellphone kaya chineck ko iyon at nakita ang text ni Kuya. I texted him awhile ago with my location at ngayon ay 8:30 palang, nagtext na siya.
Kuya:
I’m already here.
Nalaglag ang aking panga. Is he serious?! Humaba agad ang aking leeg at luminga linga sa paligid. Dapat hindi niya ako makita with Isaiah or else magsususpitsya agad iyon ng kung ano-ano.
No, Zera! Lagot ka talaga pag nakita ka niya kasama ang mga puro lalake. Magsusumbong iyon kay Daddy at baka hindi na ako palabasin nang walang kasama.
“Sinong hinahanap mo?” tanong ni Isaiah.
“My Kuya is here!” sabi ko hanggang sa nagawa ko na talagang tumayo at napansin ang pamilyar na kotse sa di kalayuan.
Tumayo narin si Isaiah.
Itinuro ko iyong pamilyar na kotse. “That’s his mustang,” sabi ko, siguradong sigurado.
“Ihahatid na kita. Ako nalang ang magpapapalam-”
“No. Hindi ka niya dapat makita!” Hinarap ko siya at tiningala. “Babakuran na ako niyan sa’yo pag nalaman niya at pag-iinitan ka niyan.”
Hindi agad siya nakasagot at nakatitig lang sa akin, tila nag-iisip. Nilingon ko ang kanyang mga kaibigan na nakatingin lang sa amin.
“Bye. Alis na ako. See you next time,” sabi ko sa kanila.
“Sige Zera… Sayang naman,” ani Lyle.
“Bye Zera,” si Raziel.
Tinaguan lang ako ni Anzai saka ko ibinalik ang aking mga mata kay Isaiah na nasa kotse ng kuya ko ang mga mata.
“I need to go, Isaiah. See you on monday,” sabi ko at hinawakan ang kanyang braso para kunin ang kanyang atensyon.
Nalaglag ang kanyang tingin sa akin at seryosong tumango. I just smiled cutely saka rin ako nagsimulang maglakad paalis doon.
Nakita ko kung paano bumukas ang pinto at lumabas ang imahe ni Kuya na naka black hoody. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya para hindi na siya lumapit pa at baka mamukhaan niya si Isaiah.
“Anong ginagawa mo rito?” Nagtataka niyang tanong.
“Uh, kumain ako roon,” saka ko itinuro ang food market.
Umangat ang kanyang kilay at pinitik ang aking noo.
“H’wag mo akong pinagloloko eh ang arte arte mo,” aniya.
“Totoo nga! Kumain ako!”
“Sinong kasama mo?” tanong niya.
“Uh, my new friends! Mga girls,” saka ako umikot papunta sa pinto ng front seat. “Let’s go, Kuya.”
Kinakabahan ako at ang lakas ng pintig ng dibdib ko. Kuya Hiro is good at reading someone’s mind through their actions and the way they speak with lies. I’m sure kahit makatakas man ako ngayon, one of these days ay malalaman niya rin ang mga kalokohan ko.
What if he’s going to interfere with my plans since he doesn’t like when I’m giving too much attention with my feelings towards Trey? Paano kung malaman niya lahat ng ito? What will he do?
Tahimik siyang nagmamaneho kaya pinakialaman ko ang kanyang stereo at nagpatugtog since I hate so much silence while he hates so much noise! We’re very opposite. I really talk too much while he doesn’t.
Hinayaan ako ni Kuya na pakialaman ang kanyang gamit. Nagpatugtog ako randomly at nilingon si Kuya na nakatitig sa daan.
“Wala kayong basketball nila Trey ngayon?” tanong ko.
“Wala. May lakad si Trey,” sabi niya.
“Huh, saan?”
Nilingon niya ako at makahulugan na naman ang paninitig.
“May panibagong nililigawan.”
Napalunok ako sa sinabi ni Kuya. He’s planning to court someone or he’s already courting her?
“Nililigawan na or liligawan palang?” tanong ko.
Nagkibit siya. “Doon parin iyon patungo. Liligawan parin,” sabi niya.
“Nanliligaw ba talaga siya sa babae, Kuya? Or pag gusto siya tapos gusto niya rin ay ginigirlfriend niya agad?”
“Hindi. Ngayon lang ’yan. Mukhang plano niyang ligawan at suyuin ang babae,” pag-amin niya na ikinaputla ko.
“Maghiniwalay lang rin naman sila eh,” sabi ko at nagkibit.
“At natutuwa ka namang magkagusto sa lalakeng hindi ka kayang piliin?”
“Paano niya ako pipiliin kung hinahadlangan niyo rin siya? And maybe he values friendship more over love kaya iniisip niya rin na baka magalit kayo pag niligawan niya ako.”
“My ass. He doesn’t like you and I don’t want him for you. Kwits.”
Tumingin ako saglit sa mga streetlights na nadaanan namin at ibinalik kay Kuya na seryoso ang mukha.
“Eh bakit? I like him for myself…”
“I don’t want you to end up with a playboy. Choose someone who’s willing to choose you even if there are so many choices.”
Nanunuya akong ngumisi kay Kuya at tinusok ang kanyang tagiliran. Nagkasalubong ang kanyang kilay at nilingon ako saglit.
“Relate ka siguro ’no? Hindi ka siguro choice ng choice mo kaya ka ganyan?” Humagalpak ako na ikinadaan agad ng iritasyon sa mukha ni Kuya.
“H’wag mong nililiko ang topic,” aniya.
Humalukipkip ako at ibinalik sa normal ang aking ekspresyon. Tumingin ako sa labas ng kalsada. Kumikinang ang mga ilaw ng streetlights doon habang nilalagpasan namin iyon.
“Eh gusto ko siya,” tangi ko nalang sinabi.
“Gusto hindi mahal,” paglilinaw ni Kuya.
“Ganoon parin iyon! Like turns into love kapag tumagal na!” giit ko at nilingon siya.
“Hindi ka type ni Trey,” aniya sa baritonong boses.
“I don’t care! He’s still my type.”
“Hindi ko rin siya type para sa’yo.”
“I still don’t care!” Umirap ako. “Kami naman ang magpapakasal hindi kayo.”
“Tss. Kayong mga babae ang hilig niyong mamili ng mga lalakeng hindi kayo gusto.”
“Shut-up, Kuya.”
“Trey is an ass…hole.”
Hindi nalang ako umimik. Sanay naman ako sa paninira niya kay Trey since he really doesn’t like him for me. Wala ata talaga siyang gustong lalake para sa akin dahil kahit noong may mga gusto ako ay hinahadlangan niya agad. I don’t know if he’s just teasing me or it’s his own way as my brother to protect me with boys.
“Someday… Trey will going to like me. Alam ko ’yon…” out of nowhere kong bigkas sa kalagitnaan ng katahimikan.
“Humanda siya sa akin kung ganoon.”
Sinamaan ko na talaga ng tingin si Kuya. Kalmado lang naman ang kanyang ekspresyon habang namumungay ang mga mata sa kalsada.
“Seriously Kuya? Hahadlang ka talaga sa kasiyahan ko? You’re so cruel. I will really hate you for that.”
“Kung ikaw payag kang mapunta ka sa maling lalake ako hindi.”
“But he’s nice! Magiging barkada niyo ba siya kung hindi? He’s so nice to me! He’s a nice person!”
“And do you think a nice person can handle a relationship well, Zera? Just because he’s nice then you think he will never hurt you?” Nilingon niya ako. “Then tell me why does he has so many ex if he’s nice?”
That part will always leave me hanging. Bakit nga ba? Experience? He just want to have so many ex girlfriends? I don’t know! Eh ganyan rin naman si Wayt ah!
“At least ginigirlfriend niya unlike Ken!” giit ko at gustong panindigan ang aking pinaglalaban.
“Parehas paring fuckboy.”
“God I hate you! Magkaibigan pa naman sana kayo.” Umirap akong muli at humalukipkip.
Hindi na umimik si Kuya kaya kaya hindi narin ako umimik lalo na’t nilamon na ng inis ang buo kong sistema.
7th Lured
Lured
Torpe
Pagkadating namin sa bahay ni Kuya, narinig ko agad ang boses ni Mommy at Daddy sa kusina. I think they’re having fun cooking.
Deri-deritso na ang lakad ni Kuya paakyat sa enggrande naming hagdan at mukhang dederitso na sa kuwarto. Hinubad ko naman iyong suot kong tshirt at napagtantong hindi ko ito nahubad kanina.
Napatitig ako roon. D-Did Kuya notice this? Tumingala ako sa ikalawang palapag ng bahay namin at binalikan ang nangyari kanina.
He didn’t ask me about the tshirt, though. Hindi ko rin siya napansing tumitig so maybe he doesn’t care anymore since he’s pissed.
Itinupi ko iyon at inutusan ang katulong na ihatid ang aking gamit sa aking kuwarto saka ako dumeritso sa kusina.
“Mommy, Daddy…” sabi ko nang maabutan ko silang nagtatawanan. Daddy is hugging her waist while he’s trying to cook something infront of Mommy.
Napatingin si Mommy sa akin ganoon rin si Daddy. They’re both wearing their couple apron and it’s their favorite color, the disgusting pink.
“You’re early…” ani Mommy at tiningnan ang relo na katutungtong palang ng 9.
“Mabuti naman at naisipan mong hindi masyadong magpagabi,” si Daddy.
See? Si Kuya lang talaga ang sobrang higpit! Kulang nalang magtayo ng militar dito sa bahay at kung makakilos ay akala mo siya ang hari rito!
“Kuya fetched me early,” sabi ko at umupo sa upuan.
“Oh… Nagtatanong nga ’yon kung nasaan ka raw dahil hindi ka nakita rito sa bahay,” ani Mommy.
Humilig ako sa aking mga palad at bumusangot. Anong gusto niya, palagi niya akong makita rito? I’m already old enough to handle myself! Hindi ako batang paslit!
Bumalik ulit si Daddy at Mommy sa pagtatawanan habang maarteng nagluluto ang dalawa. Kaya sila natatagalan dito sa kusina dahil mas marami pa ang ganoong eksena kaysa magluto.
I stared at them curiously. Siguro ganyan rin akong asawa ’no? Will Trey like it if I hug his back while he’s cooking? Pag ako kasi ang pinagluto niya, baka hindi kami makapagtawanan man lang dahil talagang makakasunog ako since I don’t know how to cook. I’m quite a lazy person when it comes to cooking. Mahilig lang talaga akong kumain pero wala akong kwenta pagdating sa pagluluto.
Nagpaalam muna si Daddy na magcr kaya agad kong sinilip ang ginagawa ni Mommy sa sink. They’re marinating a pork at iyon na ang siniset aside ni Mommy. I think bukas pa nila iyon iluluto para siguro manuot ang sauce na nilagay.
Speaking of sauce!
“Mommy… Can we buy some sauce for pineapple?”
Napalingon siya sa akin.
“Sauce or juice?” nagtataka niyang tanong.
Umiling ako at humilig sa sink habang ang mga mata ay nasa bowl.
“Sauce. Iyong nilalagay sa pineapple para mas sumarap ang lasa.”
“What’s the name of the sauce? Hindi ko alam may sauce palang nilalagay sa pineapple. Akala ko puro lang ’yon juice like you know… the del Monte chunks pineapple? May juice iyon…”
Umiling ako.
“Iba rin naman ’yon. This one is different. Slice yung pineapple and isasawsaw mo sa sauce…”
“What’s its name?” Sumulyap siya sa akin habang hinuhugasan ang kanyang kamay.
“Golonggolong sauce,” sabi ko.
Natigilan siya at parang na puzzled sa aking sinabi.
“Golonggolong?” ulit niya, halos magkasalubong ang kilay dahil sa pagtataka.
Tumango ako ng may kasiguraduhan.
“Yup! Golonggolong na nilalagay sa mangoes or pineapples para sumarap ang lasa.”
“I haven’t heard about that sauce. Meron bang ganyan?” aniya at pinatay ang tubig saka ipinunas sa apron ang kamay.
“Yes, it exists, Mommy!”
“Baka naman gulong, Zera?”
“No! It’s really golonggolong! Baka nga si Daddy alam rin iyon eh.”
Tumango siya at halata ang kyuryusidad sa mukha.
“Siguro alam niya since marami siyang alam pagdating sa pagkain. Eh ako tagatikim lang naman ako. Wala akong masyadong alam.”
See? Mommy isn’t aware with the sauce called golonggolong, too! Hindi naman kami mahilig sa mga public market eh. At bakit ngayon ko lang ’to na discover? Ang sarap pala ng mga tinda doon!
“Masarap ’yon, Mommy.”
Ngumiti siya. “Eh food lover ka eh.”
“But it’s really tasty. Magdagdag tayo ng golonggolong sa mga sauce natin.”
Tumango si Mommy at hinubad na ang apron.
“Alright… I’ll tell your father about it later para masali natin sa list of groceries, okay?”
Tumango agad ako sa kanya. I’m sure she’s going to like it, too!
Kinabukasan ay ang nagtataka ring ekspresyon ni Elle ang pumaskil sa kanyang mukha nang sinabi ko ang tungkol sa sauce na iyon na inilalagay sa pineapple. Nagtatanong kasi siya kung nasaan ako kahapon since hinanap niya pala ako roon sa bahay.
“First time ko makarinig ng ganyang sauce. Golonggolong?”
Tumango agad ako habang naghihintay kami ng prof sa loob ng classroom.
“Anong itsura noon?”
“Mga baby shrimps sila na sobrang rami at niluto,” sabi ko.
“Baby shrimps? Eh hindi naman sauce ang ganoon,” sabi niya. “Baka naman nagkamali ka lang sa pangalan at hindi golonggolong. Baka ginger?”
Ginger? Ang layo naman noon sa ginger.
“How come it’s ginger?” tanong ko.
“Kasi parehas sila ng kulay ng pineapple?”
Ano bang iniexpect ko sa mga naiisip niya?
“Nope. Ginger isn’t a sauce. Eh iyong golonggolong mga baby shrimps ’yon.”
Tumingala siya at para naring nag-imagine.
“Eh ’di ba ulam ’yon? Paanong inilalagay sila sa pineapple? Kadiri iyong ganon!”
Umirap ako. Hindi niya talaga nagegets pag ieexplain ko. Iba naman iyong iniisip niyang shrimp, iyong madalas niya talagang nakikita na siniserve sa mesa.
“Nakakain kana ba ng pineapple na tinutusok sa stick?” tanong ko na ikinamilog ng kanyang mga mata.
Agad siyang umiling.
“Hindi pa ’no! And isn’t it so weird, Zera? Ano ’yon, barbeque?”
Oh, fine… Hindi naman siya nakakapunta sa ganoon. Hindi nga namin natry ang mag grocery kaya wala talaga kaming alam pagdating sa mga pagkain. Kumakain lang naman ako kung anong niluluto ni Daddy.
I stop from talking about it dahil nadidismaya lang ako sa mga naiisip ni Elle sa tunay ko talagang pinaparating. Naging kaklase ulit namin si Irah sa next subject kaya siya naman ang kinulit ko. Malay mo she knows about the sauce called golonggolong.
“Kumakain ka ng pineapples?” tanong ko habang nagsusulat ito at seryoso pa ang ekspresyon.
“Not really. Makati sa dila,” sabi niya.
“Baka naman expired na?” pabiro kong sabi pero hindi na siya umimik at mukhang nagets agad na walang kwenta ang sasabihin ko.
Humilig ako sa desk at itinagilid ang ulo para masilip ang kanyang mukha.
“Eh iyong tusok tusok na pineapple na may golonggolong? Na try mo na?”
Saglit siyang tumigil at nagkasalubong na ang kilay.
“Ha? Gulong? You mean wheels?”
Bumusangot ako nang parehas lang sila ng reaksyon ni Mommy. Si Elle lang ang naiiba at akala niya ay ginger iyon.
“Imagine it, Irah. Ang talino mo tapos sauce ang pinag-uusapan natin tapos mapapadpad ka sa gulong. Tsk. Tsk.” Nailing ako ng dismayado kaya napairap siya sa akin.
“Napakadisturbo mo talaga,” sabi niya nalang at ipinagpatuloy ang ginagawa.
“Ano ba ’yan?” Tiningnan ko narin ang kanyang sinusulat.
“Assignment,” sabi niya.
“May assignment?” tanong ko.
“Hindi. Sa isang subject ko ’to. Ibinigay kanina kaya ginawa ko na agad para wala akong gagawin sa bahay.”
Huminahon naman ang aking mukha at akala ko talaga may aasignment ngayon. Puro gala pa naman ako kahapon.
Tumigil na rin naman ako sa pagtatanong tungkol roon since they’re all clueless. Today is Monday so nandoon si Isaiah sa madalas niyang kinakainan. Doon nalang rin siguro ako kakain. Noong first kain ko roon ay hindi naman sumakit ang tiyan ko so I think the food there is really clean.
Kaya noong breaktime ko na ulit ay agad akong dumeritso roon. Nadatnan ko siya na nakaupo lang at wala pang order. Naka plain black tshirt na naman siya.
Isaiah ordered food for me again. Ang raming nakahilera na ulam na hindi ko naman alam kung anong tawag sa iba pero nag-order siya ng adobo para sa akin at sa kanya naman iyong overfried eggplant na kulay black ang kanya. It only costs twenty pesos while mine costs sixty!
“Wala silang siniserve rito na golonggolong?” tanong ko na halos ikinasamid niya habang kumakain.
Kumunot ang aking noo at tiningnan siyang umuubo habang sinusuntok ng marahan ang dibdib.
“You mean the sauce?”
Tumango ako at sumubo ng dahan-dahan habang nasa kanya pa rin ang aking mga mata.
“Walang ganoon rito. Mabibili mo lang ’yon sa mga food market. Basta iyong may mga prutas,” paliwanag niya kahit nagkakasalubong parin ang kilay.
Tumango naman ako.
“Pero nabibili siya sa Malls? I told Mommy about it kaso pineapple chunks lang ang alam niya at ang juice noon. She’s not familiar with it.”
“Syempre ikaw lang naman ang nakakaalam sa term mo,” aniya at sumubo muli.
“Nope. I guess hindi talaga nila alam since they don’t eat tusok tusok.”
Sobra na talagang nagkasalubong ang kilay ni Isaiah sa aking pinagsasabi. Hindi ko na nga halos mailarawan ang kanyang ekspresyon. But the intensity in his eyes is still there, telling me how snob he can be.
Mabilis kaming natapos sa pagkain kahit hindi ko naman talaga naubos iyong akin ay bumalik agad kami sa school since he told me yesterday na ituturo niya sa akin iyong crush niya rito. Iyon narin ang kinulit ko sa kanya habang nakauniporme na ulit ito.
“4th year college rin ba? Or hindi? 2nd? 3rd?” Tiningnan ko siya habang narito kami sa daanan ng mga 3rd year students.
Gumala ang tingin ni Isaiah, hindi ako sinagot. Iginala ko rin ang aking tingin dahil parang may hinahanap siya. Maybe dumadaan iyon dito? Kabisado niya na siguro? Is he a stalker?
“Are you her stalker?” Tumawa ako.
Hindi pa rin umimik si Isaiah hanggang sa tumigil ang kanyang mga mata sa isang lugar. Sinundan ko iyon at nakita ang tatlong babae.
“Hanapin mo riyan sa tatlo,” sabi niya.
Tiningnan ko isa isa ang tatlo.
“Which one? Walang maganda.”
Isaiah stared at me with his sharped eyes, annoyed.
“Bakit? Wala akong mapili eh.”
Bumuga siya ng hangin at nagulo ang buhok. Binasa niya ang pang-ibabang labi at makikita mo na na naman ang iritasyon sa mukha.
“Just tell me. H’wag mo na akong pinapahula,” iritado ko naring bigkas.
“Ayang sa gitna,” sabi niya at halos padabog pa.
Huminahon ang aking ekspresyon at ibinalik ang tingin sa tatlo. Iyong sa gitna ang tinitigan ko. She’s wearing a cute headband with some flowers on it at bagsak na bagsak ang buhok while she’s hugging some books. She’s petite and she has a small face. Maputi, makinis, matangkad, pero ewan kung malaki ang dibdib since natatakpan ng libro.
Napansin niya ang pag tingin ko sa kanya na tila ikinagulat niya. Inangatan ko ito ng kilay kaya nag-iwas agad ng tingin at lumipat ang tingin sanhi para mataranta ang kislap sa kanyang mga mata.
Nilingon ko naman si Isaiah na nasa ibang lugar ang tingin at iritado parin. Ngumisi ako ng malisyoso.
“Torpe ka pala eh…”
Mabilis niya akong nilingon.
“You can’t even look at her…”
Umangat agad ang kanyang kilay pero nanatiling walang sinasabi. The way he stares at me intensely says it all that he’s guilty! Or maybe not? Ah basta guilty siya.
Sumulyap akong muli sa tatlo. Her friends were laughing while Isaiah’s crush is smiling shyly. Ngumiwi ako. I don’t like her vibes. She reminds me of Trey’s exes.
“What’s her name?” tanong ko at ibinalik ang tingin kay Isaiah.
Inhilig niya sa likuran ang kanyang mga kamay sa siya sa pader na katamtaman lamang at nagkibit.
Humalukipkip ako sa kanyang harapan at dismayado siyang tiningnan. Slowly, his eyes lowered to watch me infront of him.
“You’re so torpe you don’t even know her name. You really need my help, Isaiah. Walang mangyayari sa inyo if you’re like that.”
He nibbled his lowerlip while watching me talk in his lazy eyes, tila lasing na naman at gusto nalang makinig sa akin dahil sa kaantukan.
“I’m going to lure her to like you back and if nagtagumpay ako, tutulungan mo na ako kay Trey. Ano, deal?” Inilahad ko ang aking kamay sa kanya.
Bumagsak ang kanyang mga mata sa aking kamay. I even wiggled it annoyingly dahil parang wala siyang balak makipagshake hands.
Umalis ang isa niyang kamay sa pagkakahilig at hinawakan lamang ang aking hinlalaki. Doon siya nakipagshake hands kaya sa aking inis ay sinapak ko agad siya. Isaiah is unbothered about it at ngumisi pa sa akin, revealing his attractive dimple again.
“Don’t treat me like a fucking baby,” inis kong sabi na ikinaseryoso niya agad.
“How do you want me to treat you then, Damonisse?” he asked darkly.
Nagulat ako sa kanyang itinawag sa akin.
“Why do you know my second name?” Sumimangot ako.
“Kalat sa buong school ang pangalan mo kaya paanong hindi ko malalaman? Ang pinakabrat na apo ng eskwelahan na masyadong friendly sa boys pero masyadong snob sa girls. You’re famous,” iritado niyang sabi.
Oh I’m aware about that rumor. Si Elle kasi ang mukhang social butterfly kahit ka-plastikan niya lang ’yon. Pero mabait talaga ’yon sa lahat. Parang nakuha niya sa dugo ng mga Fortalejo girls ang pagiging social butterfly niya lalo na’t ganoon din sina Cassey, her cousins.
“Zera,” malamig na tawag ng pamilyar na boses sa akin na ikinalunok ko.
Tumayo naman ng tuwid si Isaiah, hindi nilingon ang tumawag sa akin at balik na sa seryosong ekspresyon. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay, mukhang handa nang umalis.
“Hindi ko alam kung nasaan si Trey. Sina Castel nalang ang tanungin mo,” aniya at umalis sa aking harapan.
Huh? What is he talking about?
Bago pa ako makapagsalita ay inakbayan na ako ni Kuya Hiro at nagawa agad pitikin ang aking noo habang ang isang kamay ay nasa bulsa. Iritado ko itong tiningala at nakitang sinundan niya ng tingin ang likod ni Isaiah na lumalayo na.
“Ang suplado niya, Kuya,” alibi ko para makuha ang kanyang atensyon.
Nalaglag ang kanyang tingin sa akin.
“Eh sino bang hindi maiirita sa’yo eh puro ka Trey?”
Doon ko napagtantong kaya iyon sinabi ni Isaiah para hindi magduda si Kuya sa amin. Wow… He’s really wise! Nalusutan niya agad iyon.
“Mababait sina Castel, Davin at Silas sa akin ah,” sabi ko, denedepensahan na ang aking sarili para wala siyang maisip sa amin ni Isaiah.
“He doesn’t like annoying girls, Damonisse. Scholar ’yon at baka maging Cum Laude pa this school year kaya wala iyang panahon sa mga wala mong kwentang tanong.”
Kumalma ang aking ekspresyon at hindi masyado nagpakita ng interes sa kanyang sinasabi.
“Ah… So he’s a nerd? Loser.”
Hinilamos ni Kuya ang aking mukha kaya naiinis kong hinawi iyon.
“Kaysa naman sa’yo na mas inuuna ang paglandi kaysa sa pag-aaral ng mabuti?”
“Excuse me! Nababalance ko kaya ng maayos ang pag-aaral at nararamdaman ko para kay Trey. Ganoon ako ka wise, Kuya.” I smirked.
May nilingon siya at nginuso iyon.
“Oh ayon na ang crush mo, may pinopormahan na namang iba,” mapang-uyam niyang sabi kaya mabilis kong sinundan ang kanyang tingin.
Nakita ko si Trey na nginingitian ang babaeng nakita ko kani-kanila lang. Namilog ang aking mga mata. That’s Isaiah’s secret crush! S-Siya ang nililigawan ngayon ni Trey?
“Kailan niya lang ’yan nililigawan?” tanong ko lalo na’t namumula pa ang pisngi ng babae.
Of course, sino ba ang hindi magbablush kung isang Trey Montiel na ang nasa harapan mo? What’s with this fucking bitch? Bakit niya nagawang kunin ang atensyon ni Trey? Ugh.
“Bago lang.” Nagkibit si Kuya, naroon parin ang tingin sa dalawa.
“What’s the name of that girl, Kuya?”
“Aawayin mo?”
Tiningala ko agad ito. “Hindi ako nang-aaway ng mga girlfriend ni Trey ah? I’m not petty.”
“Then why are you curious with her?”
Geez. Ang hirap lusutan nitong si Kuya! Wala ba itong gusto nang maging busy naman siya sa buhay niya hindi iyong nasa akin lagi ang atensyon niya.
Napalingon si Trey rito kaya iginiya agad ako ni Kuya paalis at nagawa pa akong isiksik sa kanyang dibdib. Sa aking inis ay itinulak ko ito kahit ang hirap hirap makawala.
“Ano ba… Kuya!” Halos hirap na akong makahinga.
Lumuwag rin naman ang kanyang braso sa akin kaya nakawala agad ako sa kanyang pagkakaakbay. Ibinulsa niya nalang ang kanyang mga kamay habang magkalebel kaming dalawa sa paglalakad. Nayayamot kong inayos ang nagulo kong buhok.
“Annoying!” sigaw ko kaso biglang pinitik ang aking labi.
“Stop shouting.”
“Annoying!” Mas nilakasan ko pa iyon hanggang sa nagsilingunan ang mga estudyante sa amin.
Napabuga nalang ng hininga si Kuya at hindi na nagsalita. Ipinadyak ko ang aking mga paa dahil sa inis sa nangyari sa aking buhok. B-in-lower ko pa naman ito tapos natagalan pa ako sa pag-aayos!
Pero maiba ako… Nililigawan ni Trey ang babaeng lihim na gusto ni Isaiah. Ayan kasi napakatorpe kaya nauunahan na! And I should really help Isaiah para hindi rin sagutin ng babaeng iyon si Trey! Si Isaiah naman ang nauna kay Trey ah? Isaiah is just too shy to admit his feelings since he’s torpe kaya ako nalang ang magsasalita para sa kanya. May pag-asa pa si Isaiah hangga’t hindi pa sinasagot noong babae si Trey!
Kahit na noong makauwi na kami ni Kuya ay kinulit ko talaga siya ng husto kung anong pangalan noong babae.
“Bakit gusto mong malaman?” tanong niya habang nasa backseat kami ng SUV, pauwi na.
“I just want to know!”
“Hindi mo ba kilala ang babaeng ’yon eh sikat iyon doon. Isa sa mga crush ni Ken.”
“Ken likes her? Huh?” Parang hindi ma-digest ng utak ko.
Pero come to think of it, tipo naman lahat ni Ken ang mga babae sa syudad na ’to.
Sino nga kasi ’yon!“
Tinitigan ako ni Kuya. “Pag nalaman kong…”
“Ano ka ba, Kuya? Hindi ba pwedeng nacucurious lang ako like his other girls?” Humalukipkip ako at inangatan siya ng kilay.
Huminahon naman ang kanyang ekspresyon.
“Si Keesha Apolinario.”
Kumurap ako. “Keysha? Keesha? She’s not familiar to me. Friends ba ’yan nila Hilary o iyong Catherine?”
“Isa ’yon sa mga naging crush ni Ken noong first year pa kami kaso masyado raw pihikan at ang gusto ay pang long term na relasyon.”
Ah… Kaya pala hindi napatulan ni Ken eh takot iyon magcommit eh. Buti hindi rin pinatulan ni Wayt?
At bakit ang rami atang nagkakacrush sa kanya? I know Ken’s standards with girls. Basta ay tingin niya maganda ang katawan ay nagiging asong ulol agad iyon na naglalaway. Kung mga standards naman ni Wayt depende lang talaga sa kanya but most of his girls are gorgeous, too.
“Crush mo rin ’yon?” tanong ko sa kanya.
Umiling siya, nasa labas ng bintana pa rin ang mga mata.
“Mabait ’yon, Kuya?”
“Kung ikukumpara sa’yo? Oo.”
Sumimangot ako. Pero sabagay, lahat naman talaga ng type ni Trey parang may trademark. They’re all looked nice and innocent pero taliwas pala sa mukha ang ugali.
Poor, Isaiah… I should help him para hindi kami mabroken hearted dalawa. Ako ang manliligaw para kay Isaiah at sisiguraduhin kong mas mahuhulog si Keesha kay Isaiah at hindi na sagutin si Trey.
Sino bang hindi magkakagusto kay Isaiah? Except sa’kin siyempre, eh he has a godlike visual, a light brown eyes na nagbabago pa ng kulay pag nasisinagan ng araw at mas gumaganda ang kanyang mga mata. Even his pointed nose is very attractive. Idagdag pa ang mamula mulang labi na sobrang perpekto ng hugis na madalas niya pang kinakagat o dinidilaan plus his messy hair that suits him well! Baliw itong si Keesha kung aayawan niya si Isaiah.
Sa kakadescribe ko kay Isaiah ay nakita ko na ang mukha niya sa aking utak. Gaano kaya ’yon ka torpe? Does he even know how to kiss a girl? I giggled with my thoughts.
8th Lured
Lured
Plan
Bumili ako ng cute notebook para sa mga plans namin ni Isaiah at mailista ko rin doon ang mga masasagap ko kay Keesha if ever I already started talking to her. Ano, paplastikin ko ’yon?
Pero as what Kuya said, sabi ni Ken ay mahinhin daw. Mga mahinhin ba ang type ni Trey? Eh kung tumakbo ako ng slowmo sa harapan niya? Will he fall inlove with me? O baka tatawanan lang ako noon dahil sa paningin niya, para lang akong batang naglalaro.
“Look at this! Isn’t it so cute?” Ipinakita ko agad ang cute notebook ko kay Isaiah na tumitig lang doon sa Miyerkules ng hapong iyon sa kalindary.
“This is a notebook,” dagdag ko pa nang masyado niya iyong tinitigan.
“Ah… Notebook…” Tumango-tango siya ng sarkastiko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Seriously, Isaiah?” Umirap ako at tumikhim. “Anyway… Dito ko isusulat ang mga makakalap ko kay Keesha para may idea ka kung paano siya didiskartehan. But I think she’s an easy to get girl so baka idate mo lang iyon sa Restaurant-”
“Wala akong budget sa ganyan,” putol niya at humalukipkip sa upuan looking so snob.
“Huh? At least ask her out once a month! Or a week!”
Tumingin siya sa akin sa magkasalubong na kilay.
“Oh, saan ko siya dadalhin? Interesado ba siyang mamasyal kami sa kalye habang may kinakaing tig pipisong chichirya at may dala dala kaming ice water?”
Namilog ang aking mga mata. Ganoon ang date na naiisip niya? At anong tag pipiso?! Keesha looks like a simple girl to me, iyong walang arte pero sana naman mag-effort siya, right?
“Anong tig pipiso? 20 pesos ang piattos ah!”
And seriously, ice water talaga?! Hindi ba pwedeng mineral water nalang?
“’Yon na nga. Wala nang tig pipiso kaya hindi ko nalang siya yayayain. Wala akong maipapakain sa kanya,” iritado niyang bigkas.
Siya ata iyong klase ng lalake na hindi magg-girlfriend hangga’t walang pera. Edi kailan? Pag successful na siya? Dapat maghanap siya ng babaeng kahit hindi pa siya successful, tanggap na agad siya!
“Eh bakit iyon ang ipapakain mo? You can buy her chocolates!”
“Tanungin mo kung kumakain siya ng flat tops. Bibilhan ko siya,” sabi niya, hindi parin nawawala ang tabang sa boses at mukhang sinasarkastiko lang ako.
Bumuntong ako ng hininga at halos sumabog na ata ang ugat sa aking ulo dahil sa kanyang pinagsasabi. I am not familiar with flat tops.
“That’s not an appropriate date, Isaiah,” sabi ko, nanggigigil siyang tiningnan.
Humilig siya sa mesa at tinitigan ang mga pagkain naming kanina pa namin hindi ginagalaw dahil sa pag-uusap.
“Because I’m not into dates.”
Humilig rin ako hanggang sa ilang distansya nalang ang mukha naming dalawa. Mataman niya akong tinitigan sa mga mata, hindi na kumukurap at naglalaro ang daliri sa mesa.
“Ang mga girls, gusto nila ng mga romantic dates. Gusto nila iyong inaalagan sila, iyong pinaparamdam na special sila, na may oras ka sa kanila, ganon lang naman…”
Tinitigan niya ang labi kong nagsasalita.
“Ganyan ka rin?” bigla niyang tanong sa baritonong boses.
“Well… I haven’t try dating someone since pinagbabawalan pa ako ni Kuya but maybe yes? Nag-iimagine ako na kumakain kami ni Trey sa isang fine Restaurant. We’re going to talk about ourselves at ihahatid niya ako pauwi tapos hahalikan ang aking noo… Mga ganon lang. It’s romantic.” I smiled cutely at him.
“Romantic na ’yan para sa’yo? Pinakain ka lang sa mamahaling Restaurant kinikilig kana agad?”
Tumango ako. “Oo naman! Eh bakit iyong sa’yo tingin mo romantic ’yong naglalakad kayo sa kalye tapos ice water lang ang dala?” Umirap ako.
“Kailan kita pinainom ng ice water?” Inangatan niya agad ako ng kilay.
Umawang ang aking bibig para sana may sabihin nang matutop iyon at napagtantong pinagbabawalan niya ako sa mga ganoon. Mineral water talaga ang binibili niya para sa akin at sa ulam naming dalawa, mas special akin.
But this isn’t about me!
“Eh ba’t si Keesha paiinumin mo ng ice water habang namamasyal kayo sa kalye dala dala ang tig pipisong chichirya? You like her so you need to treat her more special.” Nanliit ang mga mata ko sa kanya.
Tamad niyang ginalaw ang pagkain at sumubo, parang wala nang pake sa aking sinabi. Napakatorpe! Mauunahan talaga siya ni Trey. But speaking of that guy…
Lumapit pa ako lalo kay Isaiah para lang sabihin iyon ng mas malapitan. Sa sobrang pag-abante ko ay naamoy ko na siya. Kaya noong umahon ang kanyang mga mata ay agaran kaming nagkatitigan.
I saw how his jaw move while he slowly chewed his food. Mariin siyang nakatingin sa akin.
“Alam mo ba, I found out Trey is courting her… You’re going to lose your girl with Trey if you’re so torpe, Isaiah.”
Hindi siya kumibo ngunit nakatitig parin, nakikinig lamang sa akin.
“Dapat nating unahan si Trey so don’t be a turtle! He’s mine… Ayokong mapunta siya sa Keesha mo,” galit kong bigkas.
“I don’t own her,” sabi niya. “At hindi rin sa’yo si Trey kaya h’wag mo munang inaako,” giit niya.
Mataray ko siyang tiningnan.
“Akin siya ’no. Trey belongs to me. Hindi niya palang alam ngayon but soon… he’s going to realize he only belongs to me,” mayabang kong sabi.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at dumaan pa ang iritasyon sa mukha.
“Oh anong gagawin ko nang hindi ka maagawan?” matabang niyang tanong at sumubong muli.
“Lure Trey to like me! Ibida mo ako sa kanya. Dapat lagi mo akong bukambibig para mafall siya sa akin dahil sa mga sinasabi mo.”
Tumango siya, pero parang hindi naman nakikinig dahil nasa pagkain ang buong atensyon. Umayos ako sa pagkakaupo at tiningnan ang ulam kong shrimps kaya tiningnan niya rin iyon.
“Kumain kana,” sabi niya.
I crunched my nose. “I don’t want my hands to get dirty.”
Sinamaan niya ako ng tingin. Binitiwan niya ang kubyertos at iritadong kinuha ang bowl.
“Paano ka ba kumakain sa inyo? Sinusubuan ka pa ba?” he asked me annoyingly.
“Daddy do that to me sometimes…”
Ninakawan niya ako ng tingin pero ibinalik niya rin sa binabalatang shrimp. I stared on his long fingers. He has a clean nails! Babae ba ito? He got a perfect shape of nails! Parang palaging naka nailcutter.
“You have a nice long fingers,” biglaan kong sabi na ikinatingin niya sa akin.
My head even tilted just to see the veins on his hands. Maugat si Isaiah. He really got a very manly hands. Wala bang parte sa kanyang katawan ang hindi nakakaattract?
Natapos niya nang balatan iyong isa kaya inilapag niya iyon sa aking plato at hinalikan ang kanyang hinlalaking daliri para kunin ang dumikit na juice roon.
“Don’t lick your finger! Aren’t you aware of indirect kiss?!”
Tiningnan niya ako, nakaangat na ang isang kilay. “So?”
I frowned. Why is he so… so… maarte?
Bahala nga siya since he’s really doing well with undressing the shrimps. Ang bilis ng kanyang kamay at ang linis pa ng kanyang pagkakagawa. Kung ako yan, pugot ulo na ang shrimp at lasog lasog na ang katawan na akala mo ay namurder.
“Pwede kayong sabay ni Keesha rito kumain. Yayayain ko siya rito,” sabi ko.
“Kung gusto niyang kumain ng tortang talong…”
“Ah… so that’s the name of your favorite ulam! Itong overfried eggplant! This black! Tololong…” Natutuwa ko iyong itinuro.
“Tortang talong hindi tololong,” pagtatama niya.
“Ah… Okay. I get it. Tor… tang, talong!” Ngumisi ako ng matagumpay.
Bumuntong nalang ng hininga si Isaiah at nailing. He can’t blame me! I’m not really familiar with this kind of food.
Nagbeep ang aking cellphone kaya binitiwan ko iyong kubyertos para icheck. It’s an unknown number.
Binuksan ko iyon at may lumabas na text galing sa kung sino.
Unknown:
Hi Zera! This is me, Lalaine! Iyong leader ng fansclub ng bandang Chasing Sunset.
“Chasing Sunset ang pangalan ng banda niyo?” tanong ko kay Isaiah na tumango at napatingin sa aking cellphone.
Ibinalik ko ang tingin sa screen nang magtext ulit ito.
Unknown:
May gig ang banda nila this Sunday kaya pumunta ka ha! Sasabihin ko sa’yo ang location.
Unknown:
Baka gusto mo ring maging admin? Total close na tayo. :)))
Ngumiwi ako. Anong close roon? I just bought a tshirt tapos close na? Tss.
“May gig kayo this sunday?” tanong ko kay Isaiah na tumango naman agad pagkatapos ilapag ang baso na ininuman niya.
“Ba’t mo alam? Humingi ng number si Lyle sa’yo? Si Lyle ’yan?” tanong niya at aagawin na sana ang aking cellphone kaya iniangat ko agad iyon.
“Nope… May nakilala akong babae sa fansclub niyo. The one who let me in… Pinapasali ako and she’s offering me to be one of their admins.” Ngumisi ako sa kanya.
Kumalma naman ang kanyang ekspresyon nang mapagtantong mali ang kanyang hinala.
“Oh, tapos? Sasali ka? O nawiwili ka lang suotin iyong apelyido ko?” Nanunuya niyang tanong na ikinairap ako.
“Duh! It’s just your surname. Tshirt lang ’yon. Ako nga nangangarap masuot ang boxers ni Trey someday…” Humagikhik ako na agad ikinawala ng kanyang ngisi at napabusangot.
“Ang manyak mo.”
I smirked evily at nagtipa ng mensahe para sa babae.
“Maghuhugas lang ako ng kamay,” ani Isaiah na ikinatango ko saka siya tumayo.
Ako:
Okay.
Gusto ko rin maging admin para palagi akong nasa harap pag magpeperform ang banda ni Isaiah. Ayokong sa backstage ako ’no! Maganda rin naman kasi ang boses niya at worth it siyang panoorin dahil ang angas at ang cool niya sa stage. Palaging malamya ang mga mata niya at tila dalang dala palagi sa kinakanta niya.
Noong umupo na siyang muli ay hindi ko na naiwasang isaboses ang aking iniisip.
“Alam mo bang ang guwapo mo sa stage?” biglaan kong sabi.
Humilig siya sa lamesa habang inaayos ang kanyang buhok.
“Pag nakita ka ni Keesha na kumakanta I’m sure mahuhulog agad siya sa’yo. You should let her watch you sing…” sabi ko.
Hindi siya kumibo at parang walang balak sa aking mga suggestions.
“Pag naging close na kami, I’ll invite her sometimes-”
“H’wag na,” putol niya agad.
“Huh? Ayaw mo ’yon? You’re going to be so close to her… Masyado ka ba talagang nilalamon ng katorpehan mo?” I asked curiously.
Binasa niya ang mamula mula niyang labi at hindi agad nakasagot. He just looked away annoyingly.
“I want you to own her since you like her. Ayoko siyang mapunta kay Trey, Isaiah,” seryoso kong sabi.
“Wala tayong magagawa kung sila pala ang itinadhana sa isa’t isa,” aniya sa baritonong boses.
“Ayoko nga! May magagawa tayo ’no. Hindi ako papayag na brokenhearted tayong dalawa.”
“Ewan ko sa’yo. Bahala ka nga,” iritado niyang bigkas.
That’s my plan and Isaiah needs to cooperate. He needs to stop being so torpe or else kaming dalawa talaga ang maaagawan.
Hindi ko matyempuhan iyong babae tuwing natatapos na ang aking subject o kahit break time ko na. I think she’s busy since ang ilap talagang makasalubong. Sa laki rin naman kasi ng school eh. I should try walking on each building para magkasalubong naman kami.
“Zera, ano ’yong pinapasabi ng Mommy mo na sauce na gusto mo?” tanong sa akin ni Daddy sa gabing iyon habang kumakain kami.
Napatingin narin si Mommy sa akin. He’s chewing his food slowly while Kuya is drinking his juice.
“Ah… It’s called golonggolong, Dad,” sabi ko na ikinasamid ni Kuya. Si Mommy naman ay halatang wala paring kaalam-alam.
“Anong gulonggulong? Wheelswheels?” ani Daddy at tumawa silang dalawa ni Mommy.
Umiling ako.
“No! Iyong sinasawsaw sa pineapples Daddy! Pwede rin siya sa mangoes.”
“Huh? Baka bagoong?” si Daddy.
“Yes Daddy! Iyong bugoong,” natatawa kong sabi nang maalala ang turo ni Isaiah. Masyado kong napaghahalo halo sa isip ko ang mga iyon since I’m really not familiar with the term.
“Kaartehan mo ang lala na,” ani Kuya at umiling.
“Bagoong iyon, Zera. Iyong pink?”
“Yes, Dad! Iyong pink na mga baby shrimps!” sabi ko.
Tumango si Daddy. “Oo nga. Bagoong nga. Saan mo ba ’yan naririnig? Paano mo nalaman ang bagoong? Kumain ka?”
“Nag public market ’yan si Zera noong linggo,” ani Kuya at naninimbang ang mga mata. “Baka doon niya ’yan nakuha.”
“Talaga, Zera? Sinong kasama mo?” tanong ni Mommy.
“Uh, my friends…” Tiningnan ko si Daddy. “Daddy bumili ka noon ha. Masarap ’yon pag niluluto at sinasawsaw sa pineapples,” pag-iiba ko agad ng topic.
Tumango si Daddy sa bagay na iyon. Tumingin siya kay Mommy at tumawang muli habang sinasambit iyong joke niyang wheels wheels.
Si Kuya lamang ang walang ka amor amor na kumain but I really hate it since he’s throwing me some suspiscious look! Feeling ko tuloy nahuhuli niya akong nagsisinungaling na ewan. I should be careful…
“Zera sabay na tayong maglunch!” ani Elle nang matapos ang aming subject.
“Can’t. May lakad ako,” sabi ko na ikinasimangot niya habang mabilis na nililigpit ang gamit.
“Pupuntahan mo si Trey?”
Tumango ako kahit ang totoo ay dederitso ako sa kalindary. Nasasanay narin akong kumain doon kahit na medyo cheap looking but the food tastes better there… And nanglilibre rin kasi si Isaiah.
“Okay… Sasama nalang ako sa friends ko,” sabi niya at isinuot sa likuran ang cute niyang bag.
Tumango ako at isinuot narin ang itim na mini backpack ko. May kasalanan pa si Isaiah sa akin! That guy is fooling me!
Pagdating ko roon, nang makita ko agad siya na nakaitim na tshirt ay mabilis ko siyang sinimangutan.
“I already told my parents about the sauce at tinawanan nila ako. Nalilito ako sa bugoong at golonggolong!” Padabog akong umupo sa kanyang harapan.
“Pinagtatawanan ka nila dahil mali ang pagkakabigkas mo,” paglilinaw niya na ikinailing ko.
“So iyong baby shrimps ay bugoong, right?”
Ngumuso siya.
“Bagoong hindi bugoong.”
“Iyon na nga!” Bumusangot ako.
“Galunggong ang sabi ko.”
Napairap na lamang ako at humalukipkip sa aking upuan. Ipwinesto niya naman sa aking harapan iyong plato at ulam na Kaldereta.
Pabago bago ang ulam ko pero ganoon parin iyong kanya, iyong sinasabi niyang torta.
“Masarap ba ’yan?” tanong ko at tiningnan iyong kanya.
Tumango siya at inilapit rin iyon sa akin. Nagkatinginan pa kami saglit saka ko ibinalik sa overfried eggplant. Kinuha ko ang tinidor at kumuha ng kaonti saka isinawsaw sa madalas sinasawsawan ni Isaiah.
Kumain ako ng kaonti noon at hinayaan ang lasang kumalat sa aking bibig. Well, it’s okay… Hindi masama ang lasa pero hindi ganoon kasarap for me.
“Okay lang,” sabi ko at kinuha iyong mineral water na bili niya rin.
“Kumakain ka ba ng kahit ano?” biglaan niyang tanong.
Tumigil ako sa pag-inom at isinara iyon saka siya itinuon muli ang buo kong atensyon sa kanya.
“Oo naman. Basta masarap isusubo ko,” sagot ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
His lips parted a bit. Hindi siya umimik pero kakaiba ang tingin sa akin kaya ilang sigundo rin kaming nagtitigan hanggang sa nag-iwas siya at ginulo pa ang buhok. What’s his problem?
Sa bawat araw na nakakasama ko siya ay mas lalo na akong nagiging komportable kay Isaiah. Suplado siya pero he has his own way to handle you right. I think he’s really nice with girls.
Sabado iyong makasalubong ko ang nililigawang babae ni Trey. Ang kanyang kasamang dalawang babae ay mabilis na may ibinulong sa kanya kaya napatingin narin sa akin iyong babae.
She has an angelic face but I really don’t like her vibe. She smiled at me kaya tipid rin akong ngumiti to show na I’m friendly. I need to be friendly or else Isaiah won’t help me with Trey!
“Do you like bands?” tanong ko bigla nang makarating siya sa aking gawi.
Tumigil silang tatlo at nagtatakang napatingin sa akin. Sinuklay ko ang aking buhok at tiningnan ng buo iyong Keesha na ngayon ay hairpin na ang nakaipit sa gilid ng buhok.
Ganito ba ang mga type na babae ni Isaiah? Mahinhin? Mukhang hindi makabasag pinggan at mabait tingnan? Plus she has a nice body.
“Ako ba?” tanong niya, ang boses ay singlambing ng bata.
Tumango ako.
“Uh… Oo… Mahilig ako ng slight,” aniya.
So she likes bands? Slight lamang.
Tumango ako. “Okay… Bye,” sabi ko na ikinakurap niya at mukhang nagtataka sa aking kinikilos.
I need to slow down. Ayoko namang magtaka siya kung ba’t nagtatanong ako bigla ng kung ano-ano.
“Bakit ka niya kinausap? Napapabalita pa naman na gustong gusto niyan si Trey. Baka aawayin ka niyan, Keesha,” narinig kong sabi ng kanyang kaibigan.
“Hindi naman siguro. She seems nice…” si Keesha.
Hindi ko nakikita si Isaiah tuwing sabado kaya tinext ko nalang ito. He told me he’s really busy with school stuff during Saturday at tuwing sunday ay may mga gigs naman sila.
I just realized he doesn’t have a rest day tapos namamanage niya paring maging matalino sa ganoong lagay.
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
Your crush Keesha likes bands!
Hindi ito nagreply sa araw na iyon. He doesn’t text much. Kahit na noong gabi na ay mas natanggap ko pa iyong text ni Lalaine sa gig nila Isaiah tomorrow pero walang reply kay Isaiah. Tsk. Such a snob.
Lalaine:
See you tomorrow, Zera!
Nagtipa ako.
Ako:
See you.
I haven’t told Isaiah yet na pupunta ako sa gig nila pero namention ko rin naman na nirerecruit ako as admin noong fans club nila kaya baka magka ediya rin siya.
Gabi palang ay nagpaalam na agad ako kay Daddy.
“Sinong kasama mo bukas?” tanong ni Daddy.
“Ako lang, Dad. May bibilhin lang ako sa Mall and may pupuntahan akong cafe,” sabi ko.
Tumango siya. “Anong oras ka uuwi?”
“Hmm… Pwede until nine?”
“Gabing-gabi na ’yon, Zera,” ani Daddy at agad na sumulyap sa pagbukas ng kanilang bathroom.
Lumabas doon si Mommy na nakatapis lamang ng nipis na towel. Inaayos niya ang basa niyang buhok nang tiningnan niya ako.
“May lakad ka ulit?” ani Mommy.
“Yup… Nagpapaalam lang ako kay Dad,” saka ko nilingon si Daddy na nakay Mommy parin ang tingin.
“May pera ka pa ba, Zera?” ani Mommy nang dumeritso sa bed side table kung nasaan ang kanyang maliit na purse.
“Meron pa pero kaonti nalang,” sabi ko at tiningnan si Daddy na ngayon ay nag-iwas narin naman ng tingin at pasimpleng inayos ang unan.
“Here…” ani Mommy at inilahad sa akin ang dalawang libo.
Lumapit ako roon at kinuha.
“Thanks, Mommy,” saka ko nilingon si Daddy na tiningnan rin ako. “Kulang pa?”
Umiling ako at humagikhik.
“You’re staring too much, Dad…”
Tiningnan narin siya ni Mommy saka niya ito nginisihan.
“Goodnight! Hindi na ako mangdidisturbo,” sabi ko at naglakad rin naman palabas since mukhang ayaw na ni Daddy na naroon ako.
Just like my daily routine, iyon na ang pinagkaabalahan ko kinabukasan sa araw ng Linggo. Magsisimula ng 6 ang gig nila Isaiah so magshashopping nalang muna ako first to buy some new dress.
Bihis na bihis na ako noon wearing a mocha colored sweetheart dress with small heart shape patterns and a lace ribbon on the chest part revealing a bit of my skin. Nagflats lamang ako at sinuot ang sling bag habang bumababa na ng hagdan.
“Saan ka pupunta?” biglang sulpot ni Kuya na ikinagulat ko.
“Magcacafe,” sabi ko sa kanya at inirapan ito.
“Susunduin kita ng 8,” aniya na ikinagulat ko.
“I told Daddy na hanggang 9 lang ako dahil gagala pa ako,” sabi ko.
“Magcacafe ka lang naman ah? Saan ka pa ba pupunta?”
“Magsha-shopping rin ako, Kuya! And please… stop being so killjoy. Hanggang nine ako,” sabi ko at naglakad na deri-deritso papuntang garahe para magpahatid sa driver.
Hindi narin naman nangulit si Kuya pero sumunod talaga siya hanggang humalukipkip siya roon sa veranda. Tiningnan niya ako gamit ang nanunuri niyang mga mata habang pumapasok ako. Geez.
9th Lured
Lured
Lasing
Nagpahatid muna ako sa malapit na Mall to buy some new dress since it’s still 5pm. It really take me an hour for a single dress. Ganoon ako ka mabusisi when it comes to my clothes. May nakita akong isinuot ni Irah last week eh and I like the detailed of her dress so I’m going to find one that look exactly like her.
Hindi ko na namalayan ang oras at naka dalawang pili na ako. Doon lamang ako tumigil nang tiningnan ko ang aking suot na wrist watch ay 6:10 na.
I also checked my phone at may text na nga roon si Lalaine.
Lalaine:
Nandito na kami ni Joy.
Why am I suddenly close with this girl? Inisip ko kung saan ito nagsimula since I don’t really like friends. Oo nga pala… They’re Isaiah’s fans… Banda pala.
Hindi na ako nagreply and took my time to pay for my clothes.
6:30 na noong dumating ako, dala dala ang dalawang paperbag at isang milktea sa aking kamay.
Pumasok ako sa parang Bar since may mga nag-iinuman ng beer nang tuluyan akong pumasok at medyo dim pa ang paligid.
Hindi gaanong maingay at mukhang chill ang loob. May counter where the bartender serves some beers at may maliit naman na stage sa harap with some stools and such para sa mga kakanta.
Malamig ang loob at mukhang mayayaman ang mga naririto.
“Zera!” tawag ng kung sino.
Iginala ko ang tingin while sipping my milktea hanggang sa nakita ko ang pamilyar na si Lalaine, si Joy at iyong mala nerd with her thick glasses. Seriously…
Nagtungo ako sa kanilang gawi. Kitang kita ko kung paano namangha iyong nerd at si Joy dahil hinead to foot pa nila ako. Ako lang ata ang masyadong girly manamit since lahat sila ay naka pants. Pare-parehas rin ang suot nilang tshirt at may nakalagay na ‘Chasing Sunset’. Mga nerd.
“Ang ganda mo! Para kang model!” si Joy nang makalapit na ako ng tuluyan.
Tamad akong ngumiti ng kaonti at inilapit sa bakanteng upuan ang paperbags.
“Ano ’yan, Zera? Patingin ha,” si Lalaine na kinuha pa iyon.
Kahit si Joy ay nakisilip narin habang ang nerd ay titig na titig parin sa akin. Inilapag ko ang aking milktea at umupo. Wala ba silang order? Nakapaskil sa labas na ang mga oorder lang ang pwede rito ah?
May lumapit na waiter.
“Pwede na po ba Ma’am?” tanong nito na ikinalingon ni Lalaine at tumango.
“Oo pwede na. Nandito na ang friend namin! Pakibigay nalang sa kanya ang menu,” aniya at ibinalik ang tingin sa loob ng paperbag.
Umangat ang aking kilay. Did they just use me para makapasok sila sa mamahaling lugar na ito?
But anyway… May extra naman akong pera so nevermind. Pupunta rin naman talaga ako rito since I want to watch Isaiah, too.
Bumalik ang waiter at inilahad sa akin ang menu. Pinasadahan ko iyon ng tingin at puro drinks lamang ang naroon. Maybe I’ll just go with beer na may mga flavors.
“Ang ganda naman nito, Zera! At ang mahal mahal pa! Piso nalang ang kulang 1k na oh!” ani Lalaine nang inilabas ang binili kong dress.
“Don’t touch it too much baka masira,” sabi ko nang makita kong hindi niya iyon hinahawakan ng maayos.
“Ibalik mo na ’yan, Lalaine. Baka nga masira pa,” ani Joy at parang siya itong tinutubuan ng hiya.
“Hindi ’no!” Tumawa si Lalaine at iyong isang paperbag naman ang pinakialaman. “Gagawin ko nang admin si Zera since friends na kami at para mas may chance siyang mapalapit sa Chasing Sunset. Sino ba ang crush mo sa apat? H’wag na kay Isaiah ah,” aniya.
Tiningnan ko kung paano niya binuksan iyong paperbag at ang isa namang paperbag ay inilapag pa sa sahig. Kinuha ko iyon at inilagay sa mesa.
“Si Isaiah ba ang idol mo sa apat, Zera?” tanong naman noong nerd na nagawa pang ayusin ang kanyang glasses.
Tumango ako total si Isaiah lang din ang close ko. “Yes.” At pinasadahan muli ang menu.
“H’wag na si Isaiah, Zera. Mag-aaway talaga tayo,” ani Lalaine na tumawa pa ng pabiro.
“Okay lang.” Nagkibit ako at nilingon ang waiter. Nang mapansin ako ay agad naman itong lumapit.
Nagkatinginan naman si Joy at iyong nerd habang si Lalaine ay parang natigilan pa sa aking sagot.
“I’ll go with vanilla flavor beer. Apat iyong large size plus sisig and french fries.”
Tumango iyong waiter habang inililista iyong sinabi kong order saka niya kinuha ang menu.
“Iyon lang po ba, Ma’am?” tanong niya na ikinatango ko at humilig sa mesa.
“Yes…”
Tumango muli iyong waiter saka nagpaalam na. Kinuha ko naman ang aking milktea habang nagtitinginan silang apat.
“Si Isaiah ang gusto mo sa Chasing Sunset, Zera?” tanong muli ni Lalaine.
Kinuha ko ulit iyong paperbag ko na inilapag niya sa mesa saka ko itinabi sa isa pa.
Nag-aalibi lang naman talaga ako na fan ako just for a free seat. Isaiah and I are close kaya no need na sana sa mga ganito but I want a VIP seat so I really need to deal with them.
“Hindi ko naman siya type. I support the band. Not Isaiah,” tangi kong sabi na marahang ikinatango noong nerd.
“Pero pag nakita ka ng Chasing Sunset baka magustuhan ka rin nila, Zera. Eh ang ganda ganda mo,” si Joy.
“Suplado si Anzai lalo na si Isaiah na hindi namamansin ng babae ’no. Baka sina Lyle at Raziel,” ani Lalaine.
Hindi ako umimik. What is she talking about? Tingin niya ba may papansin rin sa kanya sa apat? Just because she’s supporting them too much?
“Ako talaga si Isaiah ang pinaka gusto ko eh. Sobrang guwapo… Ang galing kumanta… Kahit napakasnob ay napaka attractive niya parin,” ani Lalaine na akala mo ay nagdidaydream na.
Ngumiwi ako at sinuklay ang aking buhok sa aking daliri. Isaiah has so many fangirls. Anzai is very good looking too kahit napaka ruthless tingnan and I’m sure marami rin iyong fans.
I mean sila naman atang apat? Lyle and Raziel are both goodlooking too.
Isinerve ang aming drinks. Hindi naman ito nakakalasing since it’s a flavored beer so maybe Kuya Hiro won’t noticed this.
“Nandiyan na sila,” ani Joy na excited na niyugyog si Lalaine at may tinitingnan sa harap.
“Gosh! Ang guwapo ni Isaiah!” si Lalaine na halos malagutan na ata ng hininga dahil sinapo pa ang dibdib.
“Ang guwapo nila…” si nerd naman.
Malapit ako sa mini stage dahil parang dalawang hakbang lang naman ang pagitan ng aming mesa kaya agad kong napansin sina Anzai na inaayos ang kanyang gitara, si Lyle na isinusuot narin ang gitara habang si Raziel naman sa drum.
Natuon ang tingin ko kay Isaiah na seryosong inaayos ang stand ng mic at inaadjust iyon, nakasuot na naman ng plain black tshirt at ang suplado niyang mukha. Ang neon light na naroon ay tumatama sa kanya kaya masasabi mo talagang ang guwapo niya dahil tumitingkad lang siya lalo.
Ang agad na nakapansin sa akin ay si Lyle. Mabilis siyang napatingi at kumaway sa akin. May kung ano siyang sinabi na hindi ko na narinig. I smiled slightly kasabay pa ng paglingon ni Isaiah, naabutan akong nakangiti saka iritadong nilingon si Lyle.
“Teka… Kinawayan ka ba ni Lyle?” tanong ng nerd.
Nagkibit ako at kumuha ng fry para isubo. Lumingon narin si Raziel sa akin at nagawa pang ngumiti. I smiled back saka ko nilingon si Anzai na hindi talaga sumusulyap at seryosong inaadjust ang kanyang gitara habang nakaupo narin sa stool.
“Nginingitian ka nila Lyle at Raziel,” ani nerd.
Tinalikuran ko ang stage at humarap na muli ng buo sa mga pagkaing nakalapag. Si Lalaine ay kakaiba pa ang tingin sa akin, naghihintay sa aking isasagot.
“Baka crush ka nila, Zera,” ani Joy.
“Pero nakita ko kanina tiningnan din siya ni Isaiah eh…” si nerd.
“Imposible ’no. Dim ang paligid Maritez kaya baka namalik mata ka lang. Hindi nakikipag eye to eye contact si Isaiah sa babae. Hindi siya tumitingin sa babae,” ani Lalaine sa siguradong boses.
“Siguro nga,” ani nerd na nagngangalang Maritez.
What’s with this Lalaine? Eh ano nalang kaya kung sabihin ko sa kanyang grabe iyan makapanitig si Isaiah sa akin? Friends kasi kami kaya tinitingnan niya ako.
Puno na ang loob at may umuukupa na sa lahat ng mga mesa. Everyone is just talking calmly. Hindi masyadong malakas ang ingay at bumabalot narin ang lamig sa aking katawan habang amoy na amoy ko ang matamis na kung anong pabango na nagkakahalo na.
Nagsisimula nang magfangirl sina Joy at Maritez ganoon rin si Lalaine na todo na titig kay Isaiah kahit hindi pa nga ito nagsisimulang kumanta dahil may kung ano pang inaayos doon. Nang lumingon akong muli sa aking likuran, nakita ko kung paano rin hinuli ni Isaiah ang aking mga mata, tila binabantayan lamang ang paglingon ko para matingnan niya rin agad ako pabalik.
I smiled cutely at him kaso ang supladong si Isaiah ay iritado na naman dahil sa magkakasalubong na kilay pero ibinalik rin sa stand ng mic ang atensyon.
“Oh my gosh! Feeling ko tiningnan ako ni Isaiah, guys!” ani Lalaine na nasa aking left side lamang.
“It’s dim. Baka namamalikmata ka lang,” sabi ko, ginagaya ang tono ng pananalita niya kay Maritez kanina.
Pabirong tumawa si Joy habang si Lalaine ay naninimbang na ang titig sa akin.
“Oo nga naman, Lalaine…” ani Joy.
May sasabihin pa sana siya nang malipat ang kanyang tingin sa aking likod. Kahit sina Joy at Maritez ay natulala na sa namimilog na mga mata.
“Isaiah…” tawag ni Lalaine habang nakangiti at halata ang pamumula sa pisngi.
Bago pa ako makalingon ay nasa aking tabi na si Isaiah. Iritado niyang inilagay sa tapat ni Lalaine ang aking baso at tinaliman ako ng tingin.
“Ba’t ka umiinom?”
Napasinghap sina Joy at Maritez dahil sa tanong ni Isaiah sa akin. Kahit si Lalaine ay laglag panga pa, hindi makapaniwang kinausap at tiningnan ako ni Isaiah.
“That’s a flavored beer, Isaiah-”
Natutop ang aking bibig nang yumuko siya para bumulong sa akin.
“Bawal ang bata dito. Gusto mong isumbong kita? They’re going to drag you out…” pambabanta niya na ikinasimangot ko.
“Anong bata? I am not a kid anymore!” I glared at him. Ano ’to second version ni Kuya?
Tumayo siyang muli ng tuwid habang ibinubulsa na ang isang kamay at nakaangat ang kilay. Nagbanta lamang ang kanyang tingin saka ulit bumalik sa harap.
Umirap ako sa ere. Napakabossy rin talaga nitong si Isaiah. As if malalasing ako sa flavored beer na ito?
“Ba’t ka kinausap ni Isaiah? Magkakilala pala kayo?” tanong ni Joy.
Si Lalaine ay hindi na maipinta ang mukha. Hindi alam kung magsasalita ba o hindi. Kahit si Maritez ay namamangha na ewan.
“Yes. Schoolmate. Nothing special,” tangi kong sagot.
“Huh? Anong nothing special? Hindi basta basta kumakausap ng babae si Isaiah, Zera. Ni hindi nga iyon tumitingin sa mata ng babae tapos sa’yo…” si Maritez.
Tiningnan ko si Lalaine na ngayon ay namumutla na. Nagkibit ako at nilingon si Isaiah na naroon na ulit sa stage.
Ibinalik ko sa kanila ang aking atensyon.
“Friends lang kami,” sabi ko.
“Anong friends?” si Lalaine. “Hindi naman kayo ’di ba?”
Tumango ako. “Yes. Special friends, maybe.”
“Ang unfair naman ni Isaiah… Eh matagal na akong fan niya at suportado ko pa siya tapos ikaw pinapansin niya,” aniya sa nakabusangot na mukha.
Humilig ako at tinaasan siya ng kilay.
“Nanghihingi ka ba ng sukli kay Isaiah sa binibigay mong suporta sa kanya?”
Napatingin si Lalaine sa akin.
“Ang akin lang, dapat fair siya. Purket maganda ka lang…” Tinaliman niya ako ng tingin.
“Tama na, Lalaine… Baka magalit pa si Isaiah pag nalaman niya,” si Joy.
Ngumiwi ako kay Lalaine. “You’re a toxic fangirl.”
Nalaglag ang kanyang panga. Si Maritez ay nagulat dahil sa deritsahan kong sinabi na kahit si Joy ay napalunok na.
“Excuse me?” Tumaas ng kaonti ang kanyang boses.
“To-xic…” I mouthed at kinuha ang aking milktea para sumipsip doon.
Umawang ang kanyang bibig at may sasabihin na sana nang magsimula na talaga silang tumugtog.
“You and Me by Lifehouse ata ang kakantahin ni Isaiah,” ani Maritez nang itinuon na ang tingin sa stage.
“H’wag na kayong mag-away,” si Joy naman.
Umirap ako at inilagay ang aking hita sa isa pa. Nag-iwas nalang tingin si Lalaine sa akin at itinuon narin doon sa harap.
Duh!
Lumingon narin ako sa stage at nakita si Isaiah na nakaupo narin sa stool habang ang isang paa ay nakaapak sa ibaba noon at ang isa naman ay nasa sahig nakaapak. Ang isa niyang kamay ay nasa hita niya lang at iyong isa ang may hawak sa stand.
“What day is it? And in what month? This clock never seemed so alive I can’t keep up and I can’t back down I’ve been losing so much time…” Nakapikit na kumanta si Isaiah, damang dama ang bawat salita noon dahil sa bawat pagbigkas niya ay mararamdaman mo talagang buong puso iyon.
Dumilat siya, ang neon lights na kulay pula ay dumaan sa kanyang mukha at nakita ko ang tila lasing at namumungay niyang mga mata. Mabilis niyang nahanap ang aking mga mata, halos hindi kumurap nang kinanta ang chorus part noon.
“’Cause it’s you and me and all of the people with nothing to do Nothing to lose And it’s you and me and all of the people And I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you…”
Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik sa pagkain sa harap. Kumuha ako ng fry at iyon ang nilantakan. Isaiah’s voice is sending chills all over my body. Para lang bumubulong ang malamig niyang boses sa aking leeg kaya halos ramdam ko ang paninindig doon.
“All of the things that I want to say just aren’t coming out right I’m tripping on words You’ve got my head spinning I don’t know where to go from here…”
Well yeah, Isaiah. You’re torpe. Kinikilabutan ako sa lyrics niya dahil parang mensahe lamang iyon at doon niya idinadaan ang gusto niyang sabihin.
Uminom ako noong beer. Hindi iyon masyadong mapait katulad ng ordinaryong beer dahil narin sa flavor kaya mas masarap iyon noong dumaan ang lamig sa aking lalamunan.
Lumingon akong muli. Nakapikit na muli si Isaiah, ang guwapong mukha ay dinadaanan ng makulit na ilaw kaya mas malinaw mong makikita ang seryoso niyang pagkanta.
“Cause it’s you and me and all of the people with nothing to do Nothing to prove And it’s you and me and all of the people And I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you…”
Nag-iwas akong muli ng tingin at kumuha ng dalawang fries. Tinitigan ko pa iyon habang pinapakiramdaman lamang ang malamig na boses ni Isaiah, mas malamig pa ang hagod noon kaysa sa loob na tumatagos talaga sa kasuluksukan ng sistema mo pag narinig mo ito.
“There’s something about you now I can’t quite figure out Everything she does is beautiful Everything she does is right…”
Napatingin ako kay Lalaine. Nakangiti lamang siya habang kumakanta ito. Kumikislap ang kanyang mga mata, parang maiiyak na ano mang oras ganoon rin ang dalawa na dalang dala sa boses ni Isaiah.
“’Cause it’s you and me and all of the people with nothing to do… Nothing to lose, And it’s you and me and all of the people And I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you… And me and all of the people with nothing to do… Nothing to prove And it’s you and me and all of the people And I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you…”
“What day is it? And in what month? This clock never seemed so alive…”
Nagpalakpakan ang ilan kaya pumalakpak narin ako. Nilingon ko si Isaiah na ngayon ay nag-aabang na ulit sa panibagong kanta nila.
Why does I don’t know the song? Intro palang parang napakabago agad sa aking pandinig.
“Iyan ang pinakapaborito ni Lalaine na kinakanta ni Isaiah na 3 AM by Finding Hope kasi ang sexy raw pakinggan. Bagay na bagay sa boses ni Isaiah,” bulong naman ni Maritez sa akin, marahil ay napansin ang pagkakasalubong ng kilay ko lalo na’t ang second voice pa ay si Lyle.
“Baby it’s 3:00 AM… Had you on my mind And it’s not the first time we’ve gone through this…”
Namilog ang aking mga mata at napalunok. Shit… He sounds so fucking sexy! Para niya lang iyong binubulong sa hangin at tila nang-aakit ang tinig habang nakapikit.
“Wanting you more and more I can’t help but think of what we could be…” Yumuko si Isaiah at dinilaan ang mamula mulang labi, noong umahon muli ay pinasadahan pa ng haplos ang buhok saka muling itinapat ang bibig sa mic.
“And baby if I could tell you…” si Lyle na nagsecond voice.
“Baby if I could tell you, if I could tell you How much I care, I’m in despair Are you still there?” kanta niya at nakadilat na.
“Just tell me…” si Lyle.
“Just tell me how we can make this work How we can make this work…”
“’Cause baby if I find a way, I’m sure of it this love won’t stray Just give me a chance to say I love you And I need you Now are you here to stay, or fade away like every other day? You’re the reason that I lie awake…”
Napapalunok na lamang ako sa bawat hagod ng kanyang boses sa bawat lyrics. Parang may bumabarang kung ano sa aking lalamunan at natatangay pa ako kaya halos hindi ko mabilang kung ilang beses akong lumagok noong beer para lang may kung anong maalis sa sistema ko.
“Baby it’s 3:00 AM Had you on my mind And it’s not the first time we’ve gone through this Wanting you more and more I can’t help but think of what we could be…”
Si Isaiah ata iyong pag kumanta ay papaungulin kana sa boses niya palang. He’s just really too sexy when he sings! Gosh! Nakakapanindig balahibo!
“And baby if I could tell you…” si Lyle.
“Baby if I could tell you, if I could tell you How much I care, I’m in despair Are you still there?”
“Just tell me…” si Lyle.
“Just tell me how we can make this work How we can make this work…”
Isaiah is frigging sexy. Iyon talaga ang masasabi ko habang kinakanta niya iyon. If Keesha heard this… she’d probably fall hard! Pumipintig ng malakas ang dibdib ko kaya halos suminghap ako at uminom ng beer. Gosh… His voice is just too much! Napaka illegal!
Tumayo ako kaya napatingin ang tatlo. Naiihi ako kakainom ng beer.
“Saan ka pupunta, Zera?” tanong ni Lalaine, tila nakalimutan ang galit sa akin dahil sa boses ni Isaiah.
“I’m just going to pee,” sabi ko at sinulyapan narin ang dalawa na tumango lamang at tumingin muli sa harap.
They’re all whipped with the way Isaiah sings and I really can’t blame them. He really got a nice soothing voice. Parang nanghihila ng garter ng panty ang boses!
Nagtungo ako sa comfort room at umihi. Pagkatapos noon ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.
I pouted my lips. Hindi pa rin naman nabubura ang pamumula noon kaya nilagyan ko nalang ulit ng lipgloss. Napatingin ako sa squared neckline at hinaplos ang pendant na suot doon sa aking balat. Hindi naman ako mukhang bata ah? Bakit kaya ganoon ang tingin ni Trey sa akin? At frigging Isaiah too!
I looked like the younger version of my Mom. I have a very attractive eyes and a small face. I am tall and petite. Sakto lang naman ang kapayatan ko at medyo malaman ang dibdib pero mukha pa rin ba talaga akong bata?
Ngumiwi ako sa salamin at tumigil sa kakatitig sa aking sarili. Lumabas rin naman ako kaso halos mapatili pa ako nang bumungad doon si Isaiah.
“Sumusulpot ka!” inis kong bigkas at inirapan ito.
Tumuwid siya sa pagkakatayo at lumapit sa akin, seryoso ang mukha kaya napakurap ako at sumandal sa pader, nagmistulang butiking dumikit doon dahil sa mabilis na galaw ni Isaiah.
Yumuko siya ng kaonti, magkasalubong ang kilay na inamoy ako sa parteng leeg.
“Uminom ka talaga?” tanong niya, ang tono ay pagalit.
Ah… ’Yon pala!
Itinulak ko siya ng bahagya.
“Yes. And it’s just a flavored beer, I told you! Hindi nakakasaling ’no,” sabi ko at inayos ang aking sarili.
“Ang sabi ko huwag.”
Umirap ako at humalukipkip sa kanyang harapan. Paano ako hindi mapapainom kanina eh nakakatuyo ng lalamunan ang boses niya?
“Eh gusto ko.”
“Hindi ko gusto,” aniya, pagalit ang pagkakasabi.
Nagsukatan kami ng tingin. Kitang kita ko ang yumayakap na iritasyon sa guwapo niyang mukha at naka half open pa ang mamula mulang labi. Sa kalagitnaan ng pagtitinginan ay naroon na ang aking mga mata.
“Isaiah. I have a question.”
Hindi siya kumibo pero nakatitig parin, naghihintay lamang sa aking sasabihin.
“Do you know how to kiss?” Direkta ko siyang tiningnan at huling-huli ko kung paano natutop ang kanyang bibig, kung paano gumalaw ang kanyang adams apple sa paglunok at kung paano siya nag-iwas ng tingin.
“Kung lasing ka, h’wag kang mandamay. H’wag mo rin akong lasingin sa ibang bagay.”
10th Lured
Lured
Mutual
Bumalik rin naman ako sa aking upuan. Kumanta parin sila and mga requested nalang ng customer iyon. Kumain nalang ako ng fries habang sina Joy at Maritez ay panay naman tanong kung paano ko naging close si Isaiah.
Pwede ko namang sabihin na he’s my barkada’s crush kaso kakaiba ang dating noon and they’re not that special para ishare ko pa iyon sa kanila.
“Baka naman inaakit-akit mo,” ani Lalaine habang nangangalahati na ang beer.
“He’s not my type,” sabi ko habang ngumunguya.
“Huh? Nakakagulat ka naman, Zera. Ikaw lang ata ang bukod tanging babaeng hindi naaattract kay Isaiah,” ani Joy sa gulat na mukha.
Paano ako maattract kung attracted ako sa iba. And Trey is very nice to me unlike ni Isaiah na ang sungit sungit! ’Tsaka may iba rin namang gusto si Isaiah so I just need to help him para pag nakuha na namin ang mga gusto namin, pwede na kaming hindi magkibuan.
“Salamat nga pala sa libre, Zera…” ani Maritez at nginitian ako.
Tumango ako at hindi siya tiningnan sa mga mata. Tinitigan ko nalang ang french fries.
“Ang bait mo. Eh hindi mo naman kami masyadong kilala pero nanlibre ka parin,” si Joy naman na kahit hindi ko tingnan ay malawak ang ngiti.
Hindi ako makatingin sa kanilang mga mata at tahimik lang na sumubo. I’m not really comfortable with compliments lalo na kung ‘bait’ pa na word. May extra naman ako so wala ring kaso kung gumastos ako total may ikakagastos naman ako. Mapagbigay sa akin ang parents ko at hindi sila madamot sa akin kaya gusto ko, ganoon din ako. Ayoko ring magdamot dahil hindi naman ako pinagdadamutan.
Siniko ni Joy si Lalaine na umirap lamang.
“Naiinis ako sa kanya. Hindi niya man lang sinasabi noong una na friends pala sila ni Isaiah,” aniya sa nagtatampong boses.
“I didn’t know he’s a vocalist. And I didn’t know he’s part of the band,” sabi ko na ikinalingon niya.
“Weh? Di nga?”
Umismid nalang ako at ayaw nang masyadong magsalita pa. Bahala nga siya riyan. I don’t care.
“Nagsasabi ng totoo si Zera, Lalaine,” si Maritez.
“Oo nga… Hayaan mo nalang kasi si Isaiah at suportahan nalang natin sila. Eh fans tayo eh… Kung saan sila masaya, dapat masaya rin tayo,” si Joy.
Bumusangot si Lalaine at dismayado nalang na tumango.
“Basta kung kayo man ni Isaiah, h’wag na h’wag mo siyang sasaktan kundi ang rami mong makakalaban na mga fans niya!”
“I said we’re not couples.” To think na pinagtitripan niya pa ako.
“Malay mo gusto ka ni Isaiah,” si Joy na ngumingisi na.
“I don’t like him,” deritsahan kong bigkas. “May iba akong gusto.”
“Malay mo… Eh si Isaiah pa naman mala badboy,” si Maritez na humagikhik pa.
“Ibinibigay ko na nga siya sa’yo tapos ganyan ka parin. Eh ikaw nga lang ang kauna-unahang babaeng kinakausap at tiningnan niyan sa mga mata ng matagal. Ako nga nangangarap ng kahit daplis man lang niya akong tingnan pero wala talaga,” si Lalaine.
Kumuha ako ng fry at kinagatan. Bakit ba tinutulak ako ng tatlong ito kay Isaiah? Bawal kaming maging couple. I like Trey while he likes Keesha. May plan pa kami and imposibleng mahulog kami sa isa’t isa. He’s the opposite with the guy I really like.
’Tsaka inamin rin naman ni Isaiah sa akin na si Keesha ang gusto niya. He’s just being torpe kaya hindi niya man lang matingnan tingnan sa mga mata or malapitan man lang. Eh si Trey, pag gusto niya ang isang babae ay yayayain niya agad iyan at ipaparamdam na gusto niya itong maging girlfriend. Ni isa nga ay wala talagang nambabasted sa kanya. At sino namang tatanggi sa isang Trey Montiel? May sakit ata sa ulo ang mga ganoong babae.
Mga 8pm na noong tumigil na sina Isaiah sa pagkanta. Nagsibabaan agad si Raziel at Lyle sa stage lalo na’t may free beers pala sila. Si Lyle ay kumukuha na agad ng upuan at itinabi iyon sa akin.
“Buti at pumunta ka, Zera!” ani Lyle na tuwang tuwa at tatabihan na sana ako.
Bago pa iyon mangyari ay nahila na ni Isaiah ang likod ng damit nito at pinapalayo sa aking gawi. Isaiah occupied his seat instead beside me.
Nagkatinginan agad ang tatlo at parang nag-uusap na sa mga mata nila, sending signals lalo na’t ang lawak rin ng ngisi ni Joy.
“H’wag mo kasing nilalapitan, Lyle!” Natatawang sabi ni Raziel nang inilapag niya ang malalaking mug ng beer sa aming mesa.
“Dito na kami hahalo ah… Okay lang ba ’yon mga girls?” si Raziel na pinasadahan ng tingin ang tatlong na starstruck sa kanya.
Nagsitanguan sila, parang mga de remote na.
Nagkamot naman ng batok si Lyle habang kumukuha ng panibagong upuan at ipinwesto iyon sa tabi ni Lalaine lalo na’t umusog pa siya para bigyan ito ng espasyo.
Wala gaano si Isaiah sa tapat ng mesa. Nasa mismong tabi ko lang ito at inihilig pa ang kanyang kamay sa likod ng aking upuan, nababagot na pinaglaruan ang kanyang buhok sa kanyang daliri na marahan niyang sinusuklay.
“Dito kana rin, Anzai,” si Raziel na itinuro iyong inilagay niyang isa pang upuan sa tabi ni Maritez.
Nagtungo si Anzai roon at walang imik na umupo. Si Lyle naman ay nginitian pa isa isa ang tatlong naging bato na ata dahil hindi makapaniwalang ang lapit lapit na sa kanila ang iniidolo nilang banda.
Ibinaba ko iyong paperbags ko at inilagay sa paanan ni Isaiah. Tiningnan niya iyon pero wala namang sinabi.
Marami silang free beers. Ang hirap ngang ubusin noong large eh. Pero iyong kanina ay non flavored beer ata, iyong mapait talaga unlike ours na may pagka matamis pa.
“Anong oras ka susunduin?” tanong ni Isaiah sa aking tabi, halos bumulong nalang dahil sa ulo niyang nakatagilid at malapit na sa aking tainga.
Nilingon ko siya ng bahagya pero hindi gaano or else we’ll kiss!
“9… Susunduin ako ng Kuya ko,” sabi ko.
“Mabuti,” aniya at binasa ang labi.
Umirap na lamang ako at nahuli ang tingin ni Joy na nakangisi sa akin.
“Anong pangalan niyo?” si Raziel na inientertain na ang tatlo dahil sobra nang natahimik.
“Uh J-Joy…” Namula pa si Joy..
“A-Ako naman si M-Maritez.”
“Lalaine,” si Lalaine na hindi naman makatingin sa mga mata.
“Ah… Kayo iyong madalas pumunta tuwing nagpeperform kami eh. Salamat ng marami,” si Lyle na matamis ang ngiti sa tatlo.
“Walang anuman ’yon, Lyle… Susuportahan namin kayo hanggang dulo,” si Joy na nakayuko na.
“Thanks,” si Raziel saka sinulyapan si Anzai na nagcecellphone, walang pake at si Isaiah sa aking tabi na ganoon rin, mas walang pake habang namumungay ang mga mata.
Kinuha ko ang aking beer nang maramdaman ko agad ang mariing tingin ni Isaiah sa akin. Tiningnan ko siya habang dahan dahan kong iniaangat ang baso.
“This is a flavored beer and it won’t affect me,” sabi ko sa kanya dahil ang talim na talaga ng mga mata.
“Bahala ka. Matigas ang ulo mo eh.”
Umirap ako at uminom. Hindi naman ako palaging umiinom rin ’no. Napapainom lang ako ng wines pag may okasyon sa bahay lalo na’t my cousin’s parents own a Bar kaya exposed din ako. To my curiousity, I even tried cocktail drinks and I really don’t like the taste. Pinatikim lang ako ng kaonti noon ni Mommy eh para hindi raw ako maignorante.
Naghahagalpakan na sila Lyle at Raziel nang lumipas ang oras. Nangangalahati na ang beer ni Isaiah na iniinom niya at mapupungay na ang mga matang hindi mo alam kung lasing na ba talaga o hindi pa. It’s just a beer!
“Nakausap ko pala si Keesha kahapon,” sabi ko kay Isaiah nang maalala ko.
“And?”
“And she likes bands, a bit… Pero I’m sure pag narinig ka niyang kumanta, she’s going to really like you. Baka di niya na sagutin pa si Trey.” Ngumisi ako sa kanya.
“At tuwang tuwa ka naman?”
“Of course! Pag naging kayo na ni Keesha, I’m going to ask Trey for a date. Malay mo ’di ba pumayag siya.” Ngumisi ako.
Isaiah just stared on my lips with his parted lips. Basa ang kanyang mamula-mulang labi dahil sa pag-inom at medyo namumula na, marahil sa ininom niyang beer.
“Magiging girlfriend mo si Keesha, magiging kami naman ni Trey…” I said hopefully while busy naman sila sa kanya kanya nilang topic.
“Ikaw. Bahala ka,” tanging sabi ni Isaiah at kinuha ang kanyang baso para lumagok ulit.
“Torpe ka kasi. You’re a turtle,” sabi ko habang pinanood ko ang paggalaw ng kanyang adams apple dahil sa pag-inom.
Binasa niya ang labi at inilapag ang baso saka muling sumandal sa upuan at inihilig ang kamay sa likod ng aking upuan. He lazily tilted his head and played with his hair using his finger while his eyes were already sleepy.
“You think so?” nanunuya ang kanyang tinig.
“Oo naman! You can’t even look at her in the eyes…”
“Tss. Hindi ako torpe. I’m aggressive,” aniya.
“Liar. Ang rami rami mo nang pinagsasabi sa aking kalokohan kaya hindi ako maniniwala. You’re a turtle.”
“I’m not.”
“You are. Slow. Torpe. And you don’t know how to kiss.”
Nagkasalubong na ng husto ang kilay niya.
“Nanghahamon ka ba?”
Umiling ako.
“Feel ko lang since you’re very torpe. Buti pa ako, kahit alam kong never pa akong nakatikim ng ganoon, at least I know how to do it since I’m watching some tutorials.” Humagikhik ako.
Hindi umimik si Isaiah at napainom na lamang ng beer. Tiningnan ko naman ang mga kaibigan niyang nakikipag-usap na kina Joy, Maritez at Lalaine. Hindi pa rin nila kayang tingnan sa mga mata ang idolo nila and the three are really blushing hard. Si Anzai naman ay focus lang sa cellphone.
Nagbeep ang aking cellphone kaya tiningnan ko iyon. It’s a text from Kuya.
Kuya:
I’ll fetch you later.
Nagtipa ako.
Ako:
Okay, Kuya!
Nadatnan ko ang pagsulyap doon ni Isaiah na nakabalik na ulit sa pwesto. Kumuha ako ng isang fry at kinagatan iyon. Nang mapansin naman ni Isaiah ang kalahating hawak ko ay kinuha niya ang aking pulso at iginiya iyon sa kanya saka niya isinubo sa kanyang bibig. His tongue even touch the tip of my finger! Ewan ko ba kung sinadya niya iyon o hindi.
“Aggressive natin Isaiah ah?” ani Raz nang mapansin ang ginawa nito at humagalpak agad.
Sumulyap si Anzai sa aming dalawa dahil sa sinabi ni Raziel.
“Kaya nauubusan eh,” pagpaparinig ni Anzai.
Pumikit si Isaiah at tumingala habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang daliri at walang pakialam sa sinasabi ng kanyang mga kaibigan.
“Tapos itatanggi pa,” si Lyle.
Nagkatinginan narin ng makahulugan ang tatlo. Ipinagkibit ko nalang ang kanilang mga topic at nagconcentrate sa pagkain ng french fries. Noong makita ni Isaiah na ubos na ay sinenyasan niya ang waiter.
“Fries iyong large,” sabi niya roon.
Sumipol si Raziel.
“Napapagastos talaga ang kuripot…” pagpaparinig niya.
Ngumisi nalang si Anzai at nailing saka ibinalik ang mga mata sa cellphone. Si Lyle naman ay ang lawak parin ng ngisi.
They’re getting the wrong idea about us. Hindi kasi nila alam na natotorpe lang itong si Isaiah kay Keesha eh. Hindi nila alam na tutulungan lang namin ang isa’t isa para makuha ang mga gusto namin. Hindi nila alam na ang tipo talaga ni Isaiah ay si Keesha at ang akin naman ay ang barkada ni Isaiah.
Naubos na ni Isaiah iyong isa niyang beer kaya iyong panibago naman ang kanyang iniinom. Ako naman ay nasa bagong inilapag na fries ang atensyon.
“Ang mga mata mo, Lyle,” ani Isaiah sa nambabantang boses na ikinahagalpak ni Raziel.
Kumurap naman si Lyle at nang tingnan ko ay mabilis na nag-iwas ng tingin. Walang nagsalitang babae dahil busy rin kami sa pagkain ng fries.
“Mahirap maghanap ng eye donor Lyle kaya tigilan mo na ang kakatitig. Galit na si Isaiah,” ani Raziel habang tumatawa.
Nilingon ko si Isaiah. Namumungay parin ang kanyang mga mata at pulang pula na ang pisngi dahil sa kakainom. His lips are very red, too! Mas lalo siyang gumwapo lalo na’t nakaitim pa.
“Stop staring at my lips,” he said hoarsely and close his eyes.
Kumurap ako at ngumiwi.
“Arte…” bigkas ko saka kumuha ulit ng fry.
Naramdaman ko nalang ang malamig na hangin sa aking leeg. Nang lingunin ko si Isaiah ay tumigil agad siya sa ginawa niyang pag-ihip at nag-iwas ng tingin. Hinaplos ko ang aking leeg.
“What’s your trip again?”
Isaiah just smirked at me cockily, bragging his dimple.
“Hala… Ngumingiti si Isaiah!” gulat na bigkas ni Joy, hindi na napigilan ang bibig at agad rin naman iyong tinakpan.
“Oo… Ngumingiti ’yan pagdating kay Zera,” si Raziel ang sumagot.
“Kayo siguro ’no?” ani Lalaine na mukhang naglakas loob na talagang isaboses iyon.
Umiling agad ako.
“Nope…” saka ko nilingon si Isaiah. “’Di ba?”
Nagkibit lang si Isaiah, ang mga mata ay nasa akin lamang.
“Secret,” saka ngumisi sa akin kaya ang ending ay nagsitilian ang tatlo.
Nalaglag naman ang aking panga. Humiyaw narin si Lyle at Raziel habang si Anzai ay napangisi pa.
“Anong secret! Tell them!” sabi ko.
“Ayoko nga,” ani Isaiah, kagat kagat ang labi. “It’s our secret,” aniya sa nakakaakit na boses.
What the fuck? Mas pagdududahan nila kami kung ganyan ang mga sagutan niya! Lasing na ata ito eh!
“You’re stirring-up some rumor between us,” sabi ko at umangat ang kanyang kilay.
“So?”
Umirap na talaga ako. Ang aking mga eyeballs ay halos lumabas na dahil sa sobrang pag gulong noon. He’s drunk!
After a couple of minutes ay nagtext rin naman si Kuya na susunduin niya ako. Nagpaalam rin ako sa kanila, kahit gusto ko pang manatili ay baka pumasok pa si Kuya at magulat sa madadatnan niya.
Hindi naman masyadong nag-usisa si Kuya since may mga dala rin akong paperbag at doon ako pumwesto sa harap ng cafe noong dumating siya para wala na masyadong tanong tanong. But the more he’s silent, the more he’s creepy. I know may tumatakbo na sa isipan niya at hinuhuli niya nalang ako sa ibang paraan.
Pag nalaman niyang ginagamit ko ang barkada ni Trey just to get on him I’m sure Kuya will surely get mad at me. Ewan ko nga ba sa kanya, he really doesn’t like Trey! Eh mabait naman sana…
Nagpatuloy ang kakakain ko roon sa Kalindary every MWF. Tuwing Tuesday Thursday at Saturday ay nakakasabay ko naman minsan si Irah. Wash day iyon nang sinuot ko ang bago kong bili na katulad sa kanya and she really stared on my dress.
“You’re copying me again,” aniya nang umupo ako sa kanyang tabi.
“Excuse me. May pera ako at afford ko ang mga ganito. I bought this because it’s nice not because you’re wearing it, too.” Umirap ako at inilapag ang aking bag sa aking likod.
I remembered those days we used to fight dahil lang parehas kami ng suot. Irah is such a bitch when she’s triggered. Gumanti siya sa akin at itinulak niya ang mukha ko sa cake noong mga bata pa kami! No one do that to me… siya lang talaga ang palaging malakas ang loob na kalabanin ako.
“And how’s your fangirling with Kuya Toshi?” Mapang-uyam kong bigkas nang tumahimik na siya.
Nilingon niya ako, ang paglalaro sa kanyang ballpen ay natigil.
“Anong fangirling?”
“Ikaw… You’re such a die hard fangirl. Nangangarap ka ng taong imposibleng mapasa’yo. So sad…” Malungkot kong bigkas sa pekeng paraan.
Hindi man lang naguhitan ng inis ang kanyang mukha at tila sanay na sa akin.
“Eh bakit ikaw… napapansin ka ba ni Kuya Trey? ’Di ba hindi?”
“Soon…” sabi ko. “Abangan mo lang, maghahabol ’yang si Trey sa akin.”
“Ang taas rin talaga mangarap ng isang fangirl ’no?” aniya at nginisihan pa ako.
May sasabihin pa sana ako kaso dumating na ang prof kaya natutop nalang ang aking bibig at hindi na nagsalita pa.
It was thursday nang mamataan ko si Keesha na mag-isa sa cafeteria. Agad akong lumapit sa kanya, total wala naring bakante.
“Pwedeng umupo?”
Napatingala siya at nagulat nang makita ako. Nilingon niya ang paligid, nang makumpirmang walang bakante ay ibinalik niya sa akin ang mga mata at tumango.
Inilapag ko ang trey roon na may mga lamang pagkain. Inusog niya rin ang kinakain niyang spaghetti ganoon ang C2 at hindi halos makatingin ng deritso sa akin.
Umupo ako at hinawi ang aking buhok. Pinagkukuha ko sa tray ang mga pagkain habang tahimik niya akong sinusulyapan.
She ponytailed her hairtoday using a cute ribbon. Pansin ko rin ang bracelet niyang suot na may mga flowers and her nails were polished. She’s very girly like me. Iyon nga lang, mukhang ako itong maarte talaga at makikita sa mukha unlike her who looks very innocent.
“Your hair is cute,” sabi ko at tiningnan ang ribbon noon.
Kumurap siya at napangiti.
“T-Thanks, Zera…”
“You know me?” tanong ko at kinuha ang pineapple can saka iyon binuksan.
Tumango siya.
“Oo naman… Bakit naman hindi? Medyo natatakot nga ako dahil baka galit ka sa akin dahil… dahil pinopormahan ako ni Trey.” Nag-iwas siya ng tanong at tila nahiya sa akin.
I wrinkled my nose at uminom ng pineapple juice. Ilang sigundo iyon saka ko rin inilapag at humilig sa mesa.
“I am too young for Trey and I understand it. Family friend kasi kami so I really look up to him as a Kuya…” sabi ko na ikinalingon niya.
“Talaga? Eh kalat ’di ba na gusto mo siya?”
Nagkibit ako. “Oo. But I’m not really pushing it. Nakakailang girlfriend na nga si Trey eh and I’m okay with it.”
Napangiti siya sa akin.
“Buti naman… Edi pwede tayong friends?” aniya.
Oh… So hindi ako mahihirapan sa kanya? I can easily lure her to like Isaiah! I think the angels are on my side. Pinapaboran ako ng langit ah?
Tumango ako.
“Sure…”
She smiled innocently at me. Tipid lamang akong ngumiti at pinagtuunan ng pansin ang aking pagkain.
“May I ask what do you like about boys?” tanong ko.
“Ha? Uhm… Iyong mga… Mga suplado tingnan at mga snob.” Namula ang kanyang pisngi.
Snob? Isaiah is the most snob I know. Sa awra palang noon mapapasabi ka talagang napaka snob niyang lalake.
“Hmm… What else?”
“Iyong seryoso sa pag-ibig. Matalino… Nagsisikap mag-aral. Masipag… Iyong hindi playboy,” sabi niya sa nagniningning na mga mata at hindi na nagalaw ang pagkain.
Nagkasalubong ang aking kilay. Bakit parang si Isaiah ang dinidescribe niya? Trey is not like that!
“Trey isn’t like that. He’s nice, gentleman and he smiles alot,” sabi ko.
Tumango siya.
“Oo nga eh… Pero sino ba ako para tanggihan ang isang Trey Montiel? Lahat naman ng mga babae nangangarap maligawan ng kagaya niya eh.”
Tss. Sino nga naman siya para tanggihan ang isang Trey Montiel. But I don’t want her for him!
“Pero what if someone likes you who really fits on your standards with boys?”
Ngumuso siya at nalaglag ang tingin sa spaghetti. Kinuha niya ang tinidor at inikot ikot iyon.
“Hindi ko alam…” bigkas niya. “Parang wala naman ata.” Tumawa siya ng marahan at kinagat ang labi.
“Nope… I know someone who likes you. Fit siya sa description mo kaso he’s torpe,” sabi ko at ginalaw ang pagkain.
Nagulat siya. Ang kanyang mga mata ay parang kumislap at nag-iisip kung sino iyon. Sumubo ako at pinakiramdam ito.
“Huh? Sino?” she asked with hopeful eyes.
This is it.
“Can I trust you? Barkada kasi siya ni Trey and I think nagpaparaya nalang siya since the two are really close…”
Nagulat siya, ang mukha ay namula na akala mo ay may ediya siya.
“S-Sino? Si Castel? Si Davin? S-Si Silas?”
“They’re all playboys, you know that. Isa lang naman ang barkada ni Trey na sobrang snob sa babae, matalino at seryosong seryoso tingnan.” Ngumisi ako sa kanya.
Lumunok siya at napatitig sa pagkurba ng aking labi. I saw how her eyes twinkled, hoping we’re thinking the same person.
“At wala sa tatlo ang may gusto sa’yo,” sabi ko at mas tinamisan ang ngiti.
Suminghap siya at sobra nang namula. Why is she blushing so hard? Don’t tell me…
“Si…” she trailed off, parang takot bigkasin ang pangalang natitira.
Sumubo akong muli at tinitigan ang kanyang reaksyon. Halata ang sobra niyang pagkainteresado.
Ang pag-asang nakita ko sa kanyang mukha ay parang bula na nawala at napalitan ng pagkadismaya.
“Pero imposible…” aniya. “Isaiah is very snob and intimidating. Imposibleng mapansin niya ako,” malungkot niyang bigkas.
Gusto kong humagalpak ng tawa pero kinimkim ko nalang iyon. This is so interesting! I think they’re mutual! Konting tulak lang nitong si Keesha kay Isaiah ay mahuhulog na ito lalo and at the end, hindi niya na sasagutin si Trey!
11th Lured
Lured
Birthday
“Si Isaiah ang tipo ng lalakeng hindi mo pwedeng lapitan basta-basta dahil parang palaging galit ang mga mata, Zera,” ani Keesha sa bigong boses.
I crunched my nose and brushed my fingers using my fingertips.
“Is that so?”
Tumango siya.
“Hindi ko siya nakikitang… may pinapansin,” aniya at nag-iwas ng tingin. “Pero nakita ko kayong nag-uusap.”
“I can help you with him if you like,” sabi ko na mabilis niyang ikinalingon, nagulat na.
Sumubo ako at hindi masyadong nagbigay ng buong atensyon sa kanya while she’s staring at me too much, shocked and amused.
She’s very easy to read. Bakit parang may gusto ito kay Isaiah? Her twinkled eyes says it all.
“Pero baka kung ano ring sabihin ni Trey pag nalaman niya. He might think I’m doing this to ruin you two so nevermind.” Ngumiti ako sa kanya na ikinailing niya agad.
“H-Hindi ko nalang babanggitin kay Trey. A-At hindi ko pa naman siya sinasagot eh…”
It was a sure ball. Keesha will surely going to like back Isaiah since I can sense she likes someone who’s like him, o baka nga si Isaiah ang tinutukoy niya eh.
Alright! I’m going to play as cupid para naman magkalovelife itong torpeng si Isaiah!
Sa susunod na mga araw ay nahahalata ko na ang pagkainteresado ni Keesha sa aking sinabi. Palagi niya akong binabati sa tuwing nagkakasalubong kami o minsan pa ay sa tuwing kasama niya si Trey.
“Hi Zera…” aniya at ngumiti sa akin.
Tipid akong ngumiti at nilingon si Trey na ngumiti narin sa akin.
“Nasaan ang Kuya mo?” tanong niya.
“I think he has classes right now,” sabi ko na ikinatango ni Trey at nilingon si Keesha.
Nagpaalam rin naman ako dahil ayokong masyadong masaksihan kung paano niya ito lalandiin. Masakit sa mata.
Ganoon lamang ako pinapansin ni Trey. He’s going to ask me about my cousins or my Kuya pero pagkatapos noon ay wala na. Meron ring mga araw na mararamdaman ko lang na concern siya sa akin na akala mo ay kapatid niya akong babae pero ni minsan ay hindi talaga nagbigay ng motibo na may pag-asa kaming dalawa.
I always question what’s wrong with him pero ayoko rin namang masyado iyong isipin. I don’t want to hurt myself.
Naging busy kami sa P.E. We need to perform a dance next week kaya todo practice na kami sa gymnasium kasama ang aking mga kaklase.
“Nangangawit na ang paa ko. I don’t know hiphop!” ani Elle na yumuko na at pawisan.
Hindi kami magkagrupo. Ang kanilang lider ay mas piniling hiphop ang gawin habang kami naman ay sexy dance. Kanina ay kulang nalang gumulong gulong ako sa sahig dahil sa nakakaakit na steppings.
“I don’t know how to break dance!” mas nagreklamo pa si Elle at maarteng pinaypayan ang sarili.
Hindi ako kumibo roon at nilingon si Irah na naka P.E. rin. She’s sweaty too pero ngayon ay nakaupo na sa bleachers at umiinom ng tubig. Kagrupo ko siya and she knows how to dance a bit pero iyong klaseng sayaw na para lang talaga sa grado.
Marunong akong sumayaw at flexible naman ang katawan ko kaya hindi iyon mahirap sa akin. I know how to split and bend and I really know how to sway my hips and grind so hindi ako masyadong nahihirapan.
“Dito pa naman ipeperform ang sayaw. Knowing may mga tumatambay rito na mga Seniors!” si Elle na hindi parin matigil tigil sa kakareklamo.
“Nahihiya ako para sa sarili ko! Para akong stick na pinipilit ang sariling sumayaw! Imagine it, Zera!”
“Too bad for you,” sabi ko at binuksan ang aking bottled water.
Naalala ko agad ang madalas ring pagtambay nila Trey tuwing P.E. hours namin dito sa gymnasium dahil pagkatapos namin ay sila agad ang gumagamit since it’s their P.E. time, too. Minsan ay tumatambay sila sa bleachers to watch us.
Namumula agad ako kakaisip na mapapanood ako ni Trey habang nagsesexy dance. Bigla akong ginanahan…
Sunday. It’s Kuya’s birthday and Mommy is throwing a party sa bahay kaya hindi ako nakaalis since dadayo rin sina Trey with his family rito lalo na’t they’re invited. Nagtext sa akin si Lalaine na may gig daw sina Isaiah ngayon kaya tumanggi nalang ako.
Ako:
It’s my Kuya’s birthday. Next time nalang.
Pumili agad ako ng fit na dress na masusuot para sa party later. Pinili ko iyong blue dress na tube top na Chanel at inihanda na saka rin ako bumaba.
Busy na ang mga kasambahay sa paghahanda at may dumating naring event organizer to put some tables on our open space. Nadatnan ko pa si Kuya sa sofa na naglalaro ng video games. Siya lang ata iyong may birthday na iyan pa ang inaatupag.
“Happy birthday, Kuya!” bati ko na ikinatango niya lang at hindi man lang nagawang lumingon sa akin.
Ngumuso ako at iginala ang mga mata. I even went to the kitchen to check them kaso wala sila roon.
“Where’s Mommy and Daddy, Kuya?” tanong ko.
“They went out,” sabi niya at hindi inalis ang tingin sa malaking flatscreen tv.
Baka sinamahan ni Dad si Mommy magpa ayos? Ganoon kasi si Mommy pag may mga parties or okasyong importante.
Nagtungo ako sa kanya at tumabi. Kinuha niya ang isang controller at ibinigay sa akin.
“Buti at wala kang lakad,” aniya at hinayaan akong mamili ng aking player.
Pumili ako ng babaeng character since we’re going to fight.
“It’s your birthday, Kuya. This is an important occasion kahit palagi mo akong binubwesit,” sabi ko.
Hindi umimik si Kuya at inayos pa ang buhok habang hinihintay namin ang loading ng game.
Nang magstart ang game ay agad nang sinipa ni Kuya ang aking character. I dodged his kick pero agad niya iyong sinuntok sa tiyan at natilapon agad sa sobrang lakas noon.
“Kuya!” Hinampas ko siya sa kanyang braso pero mas lalo niya lang binanatan ang aking player.
“Maawa ka naman sa chix!” sabi ko at napangiwi sa lifeline noon na bumababa na.
“Girls are weak,” aniya at inilagan ang aking suntok saka niya ginamit ang paa para mawalan ng balanse ang aking character.
Tumayo na ako at halos pinanggigilan ang controller matalo lamang siya pero katulad ng inaabot ko pag siya ang kalaban ko ay palagi siyang nananalo at bugbog sarado ang aking player.
Umupo ako at napabusangot nang mabasa ang K.O. at nakita ko sa aking side ang You lose. Ngumisi siya sa akin.
“Another round.”
Umirap ako at binalibag ang controller.
“You’re so heartless! Ayoko nang makipaglaro sa’yo. Hindi mo naman ako hinahayaang manalo.”
“Because you don’t know how to play well.”
“You’re just so aggressive to win!” Umirap ako sa kanya at humalukipkip.
“Masyado ka lang talagang nagfofocus sa ibang bagay kaya hindi mo na napapansin ang mga galaw ko,” aniya.
Umangat ang aking kilay.
“Like…”
Nagkibit siya at humilig siya sa kanyang mga hita habang iniiba na ng setting para mag-isa nalang na maglaro. Nakahalf-open pa ang labi ng hinayupak habang seryosong ginagalaw ang controller. Hindi na ito kumibo pa kaya hindi narin ako nagsalita.
Tss. Napakadaya talaga.
“Nakikita kitang kinakausap si Keesha ah? Himala at kinakaibigan mo ang kaagaw mo kay Trey,” aniya nang ilang minuto ang lumipas.
“Mabait si Keesha.”
Binasa niya ang labi at sumandal muli sa sofa habang hinihintay na magloading ang game. Tumingin naman ako sa screen ng tv.
“And what’s wrong if I’m being friendly?”
“So unusual. We both know you’re not friendly with girls.”
Napalingon ako sa kanya.
“I am friendly,” depensa ko para wala siyang makitang mali roon.
“Sa lalake lang,” aniya at nagsimula nang bumilis ang galaw sa controller habang nakatitig ng mariin sa tv.
Umirap na lamang ako. Ba’t ang rami niyang napapansin na hindi na dapat pansinin? So creepy.
Dumating rin naman sina Mommy at Daddy kaya napunta ang atensyon ko roon. Tumayo ako at nakita ang maganda kong Mommy na may dalang paperbags. Ang agad kong napansin ay ang nails niya.
“Ang daya niyo. Ba’t hindi niyo ako sinama?” tanong ko.
“Disturbo ka lang sa date namin ng Mommy mo,” ani Daddy at ibinigay sa akin ang dala niyang pagkain.
Tinanggap ko iyon at sumimangot. Si Mommy naman ay nakangiting umikot sa aking harapan.
“Do you like my new hair?”
Tumango ako at nagandahan sa curls noon. Si Daddy naman ay nagtungo na sa gawi ni Kuya at ibinigay sa kanya ang isang taco.
“Hoy Damonisse, mamigay ka ng drinks,” ani Kuya na binelatan ko agad.
“Binugbog mo ang player ko.”
Sinamaan niya ako ng tingin pero ibinalik niya rin sa screen ang mga mata.
“Nakapili kana ba ng masusuot mo, baby?” tanong ni Mommy nang ibigay sa katulong ang paperbags para ilagay iyon sa kanilang kuwarto.
“Yep. It’s just a blue dress. Iyong Chanel na pinadala ni Lolo,” sabi ko.
“Oh that’s nice! Nandito pa naman si Trey.” Kinindatan ako ni Mommy.
Kapwa agad napalingon sa aming dako sina Kuya at Daddy. Nasa sofa narin si Dad, katabi si Kuya at hawak ang controller habang may kagat niya na iyong ibinigay niyang taco.
“Ano na naman ’yan, Scarlet Gail?” ani Daddy.
“Tsismoso ka. Girls talk iyon na hindi mo pwedeng pakialaman,” ani Mommy at umirap.
“Kaya umaasa iyang si Damonisse dahil grabe rin kung makasulsol si Mommy, Dad,” si Kuya na ibinalik ulit ang mga mata sa tv.
“Alam niyo kayong dalawa masyado kayong mga Oa. H’wag kayong mga praning,” si Mommy na sinusuklay na ang aking buhok.
Tumango ako at hindi makapagsalita dahil sa nginunguyang hamburger. Sabay pang nailing si Daddy at Kuya at hindi na nagsalita pa dahil si Mommy na ang nagbigay ng opinyon.
Mga bandang 6pm ay unti-unti na ngang dumadating ang mga bisita na kadalasan ay mga family friend lang rin. Sumilip naman ako sa high walls window namin habang iniisa isa ang mga dumadating.
“Asa pa.”
Nagulat ako sa boses ni Kuya. Nilingon ko ang walanghiya sa aking likuran na inaayos ang sleeves ng kanyang suot na button down shirt.
“Go away, Kuya!”
Tiningnan niya ako at ginaya ang kibot ng aking labi saka rin naglakad paalis. Umirap ako at tumingin muli sa bintana.
May pamilyar ngang dumating. Lumawak agad ang aking ngisi nang mamataan ko ang guwapong si Trey sa suot niyang leather jacket, tight pants at black boots habang nakikipag high five kay Kuya Toshi.
Gosh! Pinaypayan ko ang sarili kong mukha at umalis doon sa bintana para lumabas narin. Inayos ko pa ang aking damit at pinasadahan ng haplos ang aking buhok saka ulit humugot ng hininga.
Just greet him hi, Zera… Ngumiti ka tapos h’wag masyadong tumitig. Iyon lang!
Lumabas rin naman ako at nagtungo na sa open space. May tumutugtog na violin sa gilid habang kumikinang ang paligid dahil sa mga lights na nakadecorate sa aming mga halaman at masyadong maganda ang pagkakadesinyo ng kabuuan.
May mga umuukupa na ng mga pabilog na tables at pamilyar pa sa akin ang ibang mukha.
Gumala ang aking tingin para hanapin ang aking mga pinsan. Sa gilid ay nakita ko ang hagalpakan nila Kuya Toshi, Trey at Ken habang nakangisi lamang si Kuya Grey. Kuya is with Wayt on the other corner talking seriously at mukhang wala pa sina Tita Ellie since I failed to spot my cousin, Elle.
Naglakad ako sa malapit na table kung saan sila nakatayo at nagkunwari nalang na binati sina Tita Chan and her husband which is my Tito.
“Hi Tita Chan,” sabi ko at yumuko para humalik sa pisngi.
“Zera! Ang ganda ganda mo naman. Mas tinalbugan mo na ata ang Mommy mo ah,” ani Tita Chan.
I smiled cutely since sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko agad ang pasimpleng paglingon ni Trey.
“Thank you, Tita…”
“Kumusta naman ang pag-aaral mo, Zera?” si Tito na nakabukas pa ang dalawang butones ng suot niyang black shirt.
“Okay lang naman po,” sagot ko at tinamisan ang ngiti since ramdam ko rin ang tingin ni Trey.
Tumango si Tito at Tita Chan na mala anghel sa suot niyang elegant dress. Naka ponytail pa ang kanyang buhok at medyo makinang ang suot pag natatamaan ng ilaw.
“Buti naman at nag-aaral ka ng mabuti. Eh boyfriend?” Ngumisi agad si Tita Chan, nanunukso ang tingin.
“Bata pa si Zera, Chan…” ani Tito.
“Pero maganda si Zera. Hindi malabong maraming nanliligaw sa kanya. Balita ko pa naman kay Toshi ang rami raming pumuporta sa kanya sa school tapos tinatakot daw nila Grey noon.”
“Graduate na si Kuya Grey kaya makakapang lalake na ako sa school, Tita,” pabiro kong sabi na ikinahagikhik niya.
“Ano ’yon, Zera?” si Kuya Toshi iyon.
“Kung makapagsalita ka akala mo wala kami rito ah?” si Kuya Grey naman na madilim ang ekspresyon.
Humagikhik ako. Ngumuso naman si Trey.
“Hayaan niyo na kasi si Zera. Masyado kayong mahigpit,” ani Trey at tumawa.
“Bakit? May bago ba ’yang gusto?” si Ken naman na nagtataka na.
Nagkatinginan ang aking mga pinsan. Si Trey ay nahipo ang batok at ayaw magsalita. Tiningnan ako ni Ken sa clueless na mukha.
“Hindi na si Trey ang gusto mo?”
God! Sa magpipinsan talaga may isang bugok. Siniko siya ni Grey kaya napangiwi ito. Si Trey naman ay ibinulsa ang mga kamay at binasa nalang ang labi.
“Zera,” tawag ni Kuya bago pa ako makasagot.
Lumingon ako kay Kuya. Sinenyasan niya akong lumapit kaya nagtungo na ako sa kanya. Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad.
“Kunin mo nga ang cellphone ko sa kuwarto ko,” aniya na ikinalaglag ng aking panga.
“Seriously, Kuya? Ako talaga ang uutusan mo?”
“Eh sino pa ba? May iba pa ba akong kapatid bukod sa’yo? Kunin mo na at nang hindi ako mairita sa pagpapapansin mo sa riyan kay Trey.” Umalis ang kanyang kamay sa pagkakaakbay kaya umirap nalang ako at nagtungo sa loob ng bahay.
But I’m really thankful for him for saving me on that situation. Ayokong masyadong maging vocal sa feelings ko para kay Trey at aminin na siya parin naman because I don’t want to look like a fool and desperate infront of him. Buti nalang at nariyan si Kuya, tila lawin na nakamasid lang sa paligid at napapansin agad ang aking mga galaw.
Umakyat ako sa grand staircase at nagtungo sa kanyang kuwarto. Pinihit ko ang doorknob at pumasok. Off ang lights kaya hinanap ko nalang iyon sa gilid hanggang sa umilaw ang paligid at bumungad sa akin ang malinis na loob.
Nagtungo ako sa bedside table nang makita ko agad iyon. Nagawa ko pang buksan but I don’t know his password. May babae rin kaya itong katext? I always wonder if he likes someone else para naman may pamblackmail ako sa kanya but he’s really secretive so malabo rin na malalaman ko iyon. He knows well how to hide his shit.
Handa na sana akong tumalikod nang may makita akong cute keychain na nakaupo sa itaas ng headboard ng kama kung saan may mga nakadisplay niyang gamit sa shelves.
Kinuha ko iyon at nagtatakang tiningnan. Kuya Hiro doesn’t like cute things. Bakit siya may ganito ka cute na keychain? And I think galing pa ito sa ibang bansa, ah?
Kinuha ko narin iyon at lumabas rin naman sa kanyang kuwarto. Pagkababa ko ay hinanap ko agad ito. Natagpuan ko siya sa table kasama si Wayt at Ken. Naroon narin ang kambal so I guess nandito narin sina Tita Ellie, ang kanyang asawa at si Elle.
Nagtungo ako sa kanya at inilahad ang kanyang cellphone. Natigil ang kanilang topic. I smiled at Kuya evilly.
“Do you like cute things, Kuya?” nanunuya kong tanong habang tinatago sa nakakuyom kong palad ang natagpuang keychain.
“What kind of cute things, Zera?” ani Ken.
“Like cats?” si Red.
“May pinakialaman ka ba sa mga gamit ko?” si Kuya.
Humagalpak naman si Ken.
“What the fuck, man? Are you fond with cute things? Ganoon na pala pag nadadagdan na ang edad?”
Kuya just rolled his eyes as a response, hindi masyadong pinagtuunan ng pansin si Ken.
“Anong cute things ba ’yan, Zera?” si Blue na nakangisi na rin.
Masyado na silang curious at si Wayt lang ang walang pake na nasa drinks niya lang ang atensyon.
Tumayo si Kuya at nagmistula nang puno sa harapan ko. Malaki kasi ang kanyang katawan at matangkad pa!
Umatras agad ako at mabilis na lumayo. Anong meron sa keychain na ito? May sentimental value? O baka naman bigay sa kanya? I’m sure he doesn’t have a girlfriend!
I spotted Franca and Irah with their parents and the Montiel family on a one table. Nagtungo ako sa kanila para mag hello kay Tita Addi and Tita Christienne. Simula noong sumabog ang issue ni Nana at nainvolve ang mga Buenaventura, hindi na masyadong sumasali sa ganitong okasyon sina Tita Aly at Tito Uno. Iniimbitahan naman sila pero they chose not to come at pinapadala nalang ang regalo as a sign of their presence. Buti nga at pumunta ngayon sina Tito Dos at Tito Tres with Tito Trev and his wife, Tita Shy ngayon eh.
Pinuri ako nila as usual. Tito Dos and Tito Tres shared the same vibes, iyong snob pero mamamansin pa rin ng kaonti. Ayaw ko sanang lumapit dito dahil masyadong intimidating ang mga Buenaventura but I need to show respect infront of Trey’s parents.
“Hindi sumama si Brey, Tita Shy?” tanong ko, tinutukoy ang bunsong kapatid na babae ni Trey.
“Hindi eh. Nagpaiwan siya sa bahay at natulog ng maaga,” aniya.
Tumango ako. May iba talagang Montiel na mailap. They don’t really socialize alot unlike Trey who’s really present when it comes to parties and such. Basta kung nasaan ang mga pinsan ko, naroon rin siya.
“Hi Zera,” bati ni Franca sa akin.
Franca is really the combination of class and elegance with her innocent face. Iyon nga lang, her eyes screams the opposite. Hindi napapanindigan ng mala anghel niyang mukha ang makikita mong dilim sa kanyang mga mata. Buti nga at mahinhin siya at malambing magsalita kung hindi ay pagdududahan ko talaga siyang mas maldita pa kay Irah.
Aksidente ko pang nahulog iyong keychain ni Kuya na gumulong agad sa kanyang paanan.
Yumuko siya at siya mismo ang pumulot noon. Nagtataka niya iyong tiningnan saka inilahad sa akin.
“That’s very cute… Kanino ’yan?” tanong niya.
“Uh, kinuha ko lang sa kuwarto ni Kuya,” sabi ko at itinago iyong muli sa palad.
Marahan siyang tumango at ngumiti. Sumulyap naman ako kay Irah na tahimik lang akong tiningnan.
Hindi ako masyadong nagtagal doon. Their eyes scares me. Lahat sila pare-parehas ang mga mata. Those eyes screams power and dominance.
Nagtatawanan na ang iilan habang tumatakbo na ang oras. Kasama ko naman si Elle sa iisang table with her parents. Ang alam ko ay may after party pa si Kuya Hiro sa 3DBar eh with his friends. I think naroon rin sina Silas, Davin at Castel and I think Ken invited some girls, too… Of course.
“Nag-usap kayo ni Trey?” bulong ni Elle na naka straps dress.
Umiling ako at pasimpleng nilingon si Trey sa kabilang mesa na nakasandal sa kanyang upuan habang nakangisi sa kanyang cellphone.
“This is your chance to talk to him. Wala iyong hito niyang nililigawang si Keesha,” aniya sa iritadong boses.
Kalat narin kasi sa school ang pamomorma ni Trey kay Keesha, ang third year student na 19 years old. Dalawa lamang ang kanilang gap unlike us na apat since Trey is already 21.
“Kalabitin mo kaya siya mamaya tapos yayain mong makipag-usap?” sulsol muli ni Elle sa akin at parang bubuyog na bumubulong sa aking tabi.
“Our cousins are around. Mahirap siyang iapproach,” malamig kong sabi.
Lumingon akong muli sa dako ni Trey at nasa kausap na si Kuya Toshi na ang mga mata. Nang maramdaman niyang nakatingin ako ay lumingon siya sa aking gawi kaya nagkunwari nalang akong iginala ang tingin sa ibang lugar at hindi sinalubong ang kanyang mga mata.
12th Lured
Lured
Selos
Noong mga bandang 9pm na ay nagkakayayaan na sila Ken na pumunta na sa Bar at hayaan nalang ang matatanda na tapusin ang party.
“Saan sila pupunta?” tanong ni Elle nang mapansing hinahakot na ni Ken ang iilan naming mga pinsan at gusto nang umalis.
He’s probably excited since he’s just going to flirt!
“Magba-bar,” sagot ko at nilingon ang banda ni Mommy na nakikipag-usap kina Tita Shy.
“Huh? Sasama ka ba? Kung sasama ka sasama rin ako,” aniya.
Sasama ako of course. Naroon si Trey kaya kahit hindi naman kami nag-uusap ng matagal ay gusto ko paring sumama.
Nakita ko na si Ken na si Kuya na ang sinisenyasan na umalis na sila. Tumayo narin ako at lumapit kay Kuya habang si Elle ay sumunod narin sa akin lalo na’t naroon rin ang kanyang mga kapatid, katabi ni Kuya na nakapameywang pa.
“Kuya. Sasama ako,” sabi ko.
Napatingin si Kuya sa akin at awtomatikong umangat ang kilay.
“Ba’t kita isasama kung alam ko lang naman ang gagawin mo?”
Bumusangot agad ako ng husto lalo na’t humagalpak pa si Blue sa akin.
“Sasama ka, Kuya? Sasama rin ako pag sasama si Zera!” si Elle.
“Oo sasama ako. Si Red hindi,” ani Blue.
Bago pa makapagsalita si Elle ay inunahan na siya ni Red.
“Hindi tayo sasama. Baka mawili ka sa mga ganyan,” si Red.
Bumusangot si Elle. Niyugyog ko naman ang braso ni Kuya.
“Sasama ako, Kuya! Magpapaalam ako kay Daddy!” sabi ko.
“Hiro! Tara,” si Ken na sumisigaw na habang kasama sina Wayt at Trey na naroon na. Kuya Toshi isn’t coming ganoon din si Kuya Grey.
Agad na akong humawak sa braso ni Kuya kahit na pilit niya iyong tinatanggal. Nagawa ko pang magpabigat na ikinabusangot niya kaya sa huli ay inakbayan niya na lamang ako.
“Magpaalam muna tayo kay Mommy at Daddy,” aniya na ikinangisi ko.
Bumusangot si Elle na ayaw payagan ni Red. He’s not into Bars or parties unlike si Blue na parang nawiwili sa ganoong bagay. Marahil ay nahawaan na ni Ken at napasahan ng virus kaya nacucurious narin siya unlike Red na mas gusto lang talagang sa bahay nalang.
Nagtungo kami sa table nila Mommy. They’re laughing with something. Si Daddy ay sumulyap pa sa amin ni Kuya na naroon sa tabing table lang rin with our Titos.
“Ma, alis na kami,” ani Kuya na ikinalingon ni Mommy sa amin ng buo.
“Oh… Isasama mo si Zera? You sure?” saka ako nilingon ni Mommy.
“Gusto kong sumama kay Kuya,” sabi ko.
Tumango si Mommy at ngumiti.
“Okay. Enjoy, you two… Please drive carefully, Hiro.”
Tumango si Kuya. Si Daddy naman ang naninimbang na ang mga mata at pasulyap sulyap agad sa amin, ang tingin niya palang parang hindi niya na gusto ang ideya ng pagsama ko.
“Dad, sa 3DBar na namin ipagpapatuloy ang party,” ani Kuya nang makalapit kami roon.
“Sige,” saka niya ako nilingon. “Oh ikaw, Zera? Makukulitan lang ang Kuya mo roon sa’yo.”
“Dad, gusto kong sumama. Hindi naman ako masyadong magkukulit. And it’s Kuya’s birthday!” Niyakap ko agad sa beywang si Kuya.
May sasabihin pa sana si Daddy nang mangibabaw ang boses ni Mommy sa likod
“Pagbigyan mo na, Jin. She’s with Hiro…”
Natutop ang labi ni Daddy. Ngumisi ako at nilingon si Mommy na kumindat pa sa akin.
“Thank you so much,” sabi ko na ikina thumbs-up niya.
Nilingon ko muli si Daddy na seryoso parin ang ekspresyon pero mukhang wala nang pagtutol sa mukha.
“H’wag mong masyadong painumin ’yan, Hiro. Be responsible,” ani Daddy na ikinatango naman ni Kuya.
Binati muna siya saglit nila Tito at may kung ano-ano pang pinapayo bago kami nakawala roon at nakaalis din. Hinila ko ang seatbelt sa front seat ng kanyang Mustang at ikinabit iyon sa likod. Binuhay naman ni Kuya ang kotse at nagsimula nang buhayin iyon.
Nagdala ako ng maliit na purse for my phone. Walang curfew si Kuya kaya pwede kaming umuwi anytime and knowing na sina Ken ang naroon, I’m sure baka umabot pa ng 3:00 am ang kanilang pagpaparty.
Naalala ko naman iyong dala-dala kong keychain at nilingon ito. Ipinakita ko sa kanya.
“Is this yours, Kuya?”
Napalingon siya at nagkasalubong agad ang kilay nang makita iyon. Mabilis niya itong hinablot saka niya binuksan ang compartment ng kanyang kotse at ipinasok iyon doon.
“Pakialamera ka talaga.” Nailing siya.
“But that’s very cute! Is that even yours?”
“Oo. Akin ’yon,” sabi niya, siguradong-sigurado.
Tumawa ako. “Why do you have a cute keychain like that? Binili mo?”
“H’wag kang nangingialam ng gamit ko Zera,” seryoso niyang sabi at matalim pa akong tiningnan.
Napawi ang aking ngisi nang makita ang kanyang ekspresyon. Ngumuso ako at tiningnan ang nadaanan naming streetlights.
“Pero di ka naman mahilig sa mga cute,” sabi ko.
“Tss…”
Ngumiwi ako at umismid nalang din. Ang sungit! Ba’t siya naiinis sa simpleng cute keychain? May sentimental value ba ’yan or something? Nilingon kong muli si Kuya.
“Siguro binigay ’yan sa’yo ng babaeng gusto mo ’no?”
Hindi siya kumibo at nanatili ang mga mata sa daan. Umirap ako at itinuon narin ang mga mata sa bintana. Fine… Hindi na ako magsasalita dahil birthday niya rin. I don’t want to argue with him.
Dumating rin naman kami sa famous 3DBar. Nauna akong bumaba at hinintay si Kuya na patayin ang makina noon saka narin ito lumabas.
“Sure ako may regalong babae si Ken sa’yo. I can drive your Mustang you know-”
“Tigil-tigilan mo ako sa pang-uuto mo,” aniya at pinitik pa ang aking noo.
I know how to drive! Sixteen pa lang ako noong nagpractice ako ’no. Baka nga mas safe pa akong magmaneho kay Ken na palaging suki sa disgrasya.
Pumasok rin naman kaming dalawa. Bumati ang mga bouncer sa kanya na tinanguan niya. Ang ingay agad ng loob ang sumalubong sa amin nang tuluyang nakapasok. Ang pamilyar na matamis na amoy ay kumalat na sa aking ilong at yumayakap narin ang lamig sa aking katawan lalo na’t masyadong maiksi rin ang suot kong dress.
Dim ang paligid at tanging neon lights ang nagpapabuhay ng loob na sinasabayan ang malakas na trance music na pinapatugtog ng DJ.
“The prince is in the house! Happy birthday, Hiro!” bati ng DJ na ikinalakas agad ng hiyawan at nagsitinginan pa kay Kuya.
Nauna na sila Ken at naroon na agad sa inukupang couches. Kahit sina Silas, Davin at Castel ay naroon na. Where’s Trey?
“Pag ikaw nawala sa paningin ko…” ani Kuya na nagbabanta agad nang makalapit kami roon.
Tumawa ako. “Chill, Kuya! Uupo lang ako sa couch, ’no,” sabi ko habang natatangay ang aking mga mata sa mga lalakeng nakakasalubong namin at binabati siya.
Tinanguan iyon isa-isa ni Kuya saka siya nailing sa akin.
Nakarating rin naman kami sa kinaroroonan nila Ken.
“Happy birthday, bro!” si Castel na tumayo pa at nakipag bungguan ng balikat si Kuya.
Sumunod naman sina Davin at Silas na binati rin siya habang nakikipaghigh five saka rin naman umupo ang mga ito.
Umupo ako sa isa pang couch kung saan rin tumabi si Kuya.
“Hiro. May ipapakilala ako sa’yo mamaya. Birthday gift ko sa’yo,” ani Ken at kumindat pa.
Kuya showed him his dirty finger.
“Come-on! This chic is hot!” ani Ken na nakabukas pa ang dalawang butones ng kanyang shirt.
“Hindi mo talaga yan mahihila sa mga kalokohan mo,” hagalpak ni Blue na nasa kanyang tabi.
Naglahad ng inumin si Wayt kay Kuya. Gumala ang aking tingin at hinanap si Trey. Nasaan siya? Ang alam ko sumama siya eh.
“Ang tagal naman ni Trey,” ani Castel at humaba pa ang leeg sa entrance.
Ngumisi si Davin sa akin ganoon din si Silas nang mabanggit ang pangalan ng lalakeng alam nilang gusto ko.
“Mukhang sinusundo niya iyong si Keesha ba ’yon? Iyong third year?” si Ken na lumilingon na rin.
“Oh nandiyan na oh,” si Blue ang nakapansin kaya napalingon narin ako.
Kahit dim ang ilaw, kahit ang rami-raming tao na labas masok at pakalat kalat sa Bar ay agad ko silang nakita. Ang kamay ni Trey ay nakapulupot sa beywang ni Keesha na nakasuot ng isang tube top at highwaist jeans. Nakalugay ang kanyang buhok na nakasuklay sa kabilang banda para medyo maging messy iyon at ibang iba sa nakasanayan kong ayos niya sa school na palaging may cute na mga hairpin or headband. Ngayon ay mas wild siyang tingnan lalo na’t medyo nakikita pa ang kaonti ng kanyang tiyan because of her small white tube top.
“Ang ganda rin talaga mamili nitong si Trey eh,” ani Ken.
Nag-iwas ako roon ng tingin. Ang sakit sa mata.
“Mas maganda pa riyan si Zera, hindi ba?” ani Castel at siniko si Silas.
Nagtanguan ang dalawa, ewan ko kung chinicheer-up lang ba ako. Pero totoo rin naman ang sinasabi nila.
“Huh? Si Zera?” ani Ken at napalingon pa sa akin. Inangatan ko agad ito ng kilay.
“Hindi pumapatol sa bata si Trey,” pang-aasar niya na ikinairap ko.
Nanatili akong tahimik lalo na’t dumating narin sila rito. Inalalayan niya pa itong umupo sa isa pang couch, malapit lamang sa akin at tinabihan ito. Keesha glance at me and smiled. Hindi ako ngumiti pabalik at nagpanggap nalang na hindi iyon nakita.
Ilang sandali lang ay si Ken naman ang tumayo at may pinuntahan nang bagong dating na grupo ng mga babae. Nilapitan niya ang isa sa mga babae roon na mukhang ka fling niya ata. Nagsilingunan pa ang tatlong babae rito na kasama noong tinabihan niya at hinawakan sa beywang saka rin lumingon si Ken.
“Mukhang nandito na ang regalo ni Ken sa’yo, Hiro,” ani Silas sa nanunuyang boses.
“Tangina niya,” tanging sambit ni Kuya at nilagok iyong hawak na shot.
Nagtawanan ang tatlo. Si Wayt ay sumulyap saglit sa grupo ng mga babaeng kasama ni Ken pero ibinalik rin naman sa hawak na cellphone. Nang hindi tumayo si Kuya Hiro ay may kung ano nalang na sinabi si Ken sa babae saka niya dinala rito iyong kanina niya pa hawak hawak ang beywang.
“Everyone, this is Hailey Chavez,” pagpapakilala ni Ken sa chix niyang naka body hugging dress at nasa may pwetan na nito ang isang kamay ni Ken.
She isn’t familiar. Mukhang hindi taga school. Hindi ako masyadong namansin. Ang mga boys lang ang nakipagkamay sa kanya na kahit si Wayt ay wala ring pake at kanina pa busy sa kanyang cellphone.
Mas naging hype ang tugtog. Naubos na ang nauna nilang shot at naglapag ng panibagong inumin. This time, Henessy na ang tinitira nila habang may smirnoff rin for girls.
May binulong si Keesha kay Trey kaya kumuha ng isang bote ng smirnoff si Trey at ibinigay iyon sa kanya saka niya muling binulungan. Keesha laughed at it at uminom noong smirnoff.
So she also drinks? Akala ko pa naman hindi makabasag pinggan ang babaeng ito but she’s really shocking me. I even spotted Trey’s hand on her waist. Nanghahaplos iyon doon at nagngingitian sila sa isa’t isa na kahit dim naman, malinaw kong nakita kung gaano katamis ang dalawa.
“Kuya, iinom din ako,” sabi ko kay Kuya Hiro na nilingon alo. Sumulyap siya saglit sa gawi nila Trey saka niya ako tiningnan.
“Anong gusto mo, coke?” tanong niya, halatang pinagdidiinan na iyon lang ang pwede sa akin ngayon.
Umirap ako at kumuha ng smirnoff. May sasabihin na sana siya kaya inunahan ko na.
“My heart hurts… I want to drink,” mahina kong sabi, sapat lang na makarating sa kanyang tainga.
Natutop ang kanyang bibig kaya lumagok ako roon. Medyo mild lang naman ang lasa ng smirnoff kaya hindi ako malalasing pag nakaubos ako ng isa noon. And it tastes good, anyway…
“Isang bote lang…” he warned me.
“Yep. Ito lang ang akin,” sabi ko at inilapag ulit ang bote.
Hindi na siya kumibo at napunta ang tingin sa dako ni Ken. Napatingin narin ako roon at nakita itong hinahalikan na si Hailey Chavez. Noong pasimple kong nilingon ang gawi ni Trey at Keesha ay nag-uusap lang sila ng kung ano na hindi abot sa aking tainga dahil rin naman masyadong malakas ang tugtog.
“Hindi raw pupunta si Isaiah?” Narinig kong tanong ni Castel kay Davin na umiling.
“Hindi. Alam mo naman ’yon… Mas gugustuhin pa noong kumanta kaysa magpalipas ng oras sa mga ganito at wala siyang mapapala,” si Davin.
“Thank God I wasn’t born as smart as him. Hindi ko kaya ang pinaggagawa niya. Nakakatigang,” si Silas na ikinahagalpak ng tatlo.
Speaking of Isaiah, I almost forgot him! Matext ko na ’yon. Sa kanya ko nalang ibubuhos ang inis ko nang may karamay ako.
Nagtipa ako ng mensahe. I know he’s busy right now pero gusto ko parin siyang itext para mainform siya.
Ako:
Keesha is here with Trey. Naglalandian sila!
Sinamahan ko iyon ng rolled eyes emoji. Uminom ulit ako ng smirnoff at inaliw nalang ang aking sarili while si Kuya naman ay kausap na si Wayt. Nakita ko pa ang pagbulong ni Ken kay Hailey saka ito tumango.
“We’ll just dance,” ani Ken saka siya tumayo at inalalayan si Hailey.
“What kind of dance, Ken?” si Silas ang nagtanong.
Ngumisi si Ken at umiling lamang. Kahit si Hailey, the girl who’s pulling the hem of her dress just chuckled, too.
Scary… Nagegets ko ang mga cryptic na pag-uusap nila.
Umalis rin naman ang dalawa at kahit si Blue ay nagpaalam naring pumunta sa dancefloor. Nalaglag naman ang aking tingin sa screen dahil sa pagvibrate noon. He replied!
Isaiah:
Nandiyan ka sa Bar?
Nagtipa ako.
Ako:
Yep. Sumama ako kay Kuya.
Hindi na nagreply si Isaiah. Ang alam ko ay may gig sila ngayon eh. Ang kanilang kanta ay palaging umaabot hanggang 12. Tiningnan ko ang oras sa aking phone and it’s still 10:30. He’s probably busy right now.
Naramdaman ko ang pagtingin ni Keesha sa akin. Hindi ako lumingon dahil ayaw ko ring ngumiti sa kanya. Hindi ako natutuwa sa nakikita kong sweetness nila ni Trey. Sinagot niya na ba ito? Sila na ba? They’re so close and Trey is even smelling her neck tapos ay may sasabihin na ikakatawa niya. Nakikita ko sila sa gilid ng aking mga mata.
Nangangalahati na ako sa aking smirnoff nang kinuha nila Castel ang aking atensyon, hindi lang pala ako dahil kami talagang lahat na nakarinig sa kanya.
“Damn it, Isaiah!” Malawak ang ngisi ni Castel nang makita ito.
Huh? He’s here?
Mabilis akong napalingon at nakita nga itong kararating lamang. Nakasuot ng itim na leather jacket, sa loob noon ay itim na tshirt, pants, at kahit hindi ko makita ang ibaba, I’m sure he’s wearing a black boots since iyon ang suot niya tuwing nagpeperform.
Kitang kita ko kung paano nagsisinghapan ang mga babaeng nilalagpasan niya at natatangay nito ang kanilang mga mata. Kahit si Keesha, nakaparte na ang labi nang lingunin niya rin ito. Hmm…
“Himala! Anong nakain mo?” ani Castel at tumayo saka sila nagbungguan ng balikat nang makalapit.
Nagkibit si Isaiah at hinaplos ang buhok. Tumama pa ang neon lights saglit sa kanyang mukha kayas mas malinaw na bumalandra ang kagwapuhan nito.
“Maagang natapos,” aniya saka sumulyap sa aking banda.
“Happy birthday,” bati niya kay Kuya, sa kanya pala nakatingin.
Tumango si Kuya Hiro at inabutan siya ng shot. Kinuha naman iyon ni Isaiah saka nilagok iyon agad.
“May lagnat ka ba? Tangina. This is so new,” ani Davin na hinihipo pa ang leeg nang umupo narin ito sa kanilang tabi.
“Gago,” ani Isaiah at hinila paalis ang kamay ni Davin.
“Bigyan ng babae ito! Binyagan!” si Castel na ikinahagalpak agad nila.
Pasimple kong tiningnan si Keesha na ngayon ay nakaupo na ng maayos hindi kagaya kanina na halos humiga sa balikat ni Trey.
Isaiah just licked his lowerlip at humilig sa mga hita niya habang pinaglalaruan sa kanyang daliri ang hawak na cellphone, hindi na masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga kaibigang naghahagalpakan. Kahit dim ay nakita ko kung paano niya ako tiningnan. His dark eyes watched me intensely without saying anything.
Ngumuso ako at kinuha ang aking smirnoff. Umangat ang kanyang kilay at nahulog agad ang atensyon sa hawak na cellphone saka nagtipa ng kung ano roon.
I stop from drinking when my phone vibrated. Tiningnan ko iyon at nakita sa screen ang pangalan ni Isaiah. Sumulyap ako sa kanya saglit na ngayon ay nakay Castel na ang mga mata dahil may sinasabi sa kanya.
Itinuon ko ulit ang tingin sa cellphone.
Isaiah:
Stop drinking.
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
My heart hurts. Uminom ka rin since I know your heart hurts, too.
Napatingin agad siya sa kanyang cellphone at seryosong binasa ang aking text. Nagkasalubong pa ang kanyang kilay habang nagtitipa.
Isaiah:
Dont care.
Isaiah:
Stop drinking or I’ll steal that from you.
Huh? Seryoso ba siya? Not infront of Trey! And hindi niya akong pansinin since Kuya is here! Maghihinala talaga ito at pag nalaman niya ang plano naming dalawa ni Isaiah ay mawawalan na talaga kami ng tsansang makuha ang mga gusto namin!
Tinaliman ko ng tingin si Isaiah sa harapan. His eyes rose and stared back at me, sinusuklian ng mas intense ang aking paninitig at halos nakakapaso na.
Nag-iwas ako ng tingin at binitiwan ang smirnoff saka iyon inilapag. Kumalma naman ang kanyang ekspresyon at binalingan muli sina Castel na panay sa pagsasalita.
“Total nandito ka rin naman, might as well enjoy the night, Isaiah. We’ll give you a hot chic,” si Davin na gumagala ang mga mata sa dancefloor.
Umiling si Isaiah.
“Hindi na Davin,” aniya.
“Sus! Wala ka bang condom? We’ll give you,” pabirong sabi ni Silas saka sila humagalpak at naghigh five ni Castel.
“Hindi ko kailangan ng condom pagdating sa kama, Silas,” he answered cockily.
Napa ‘ohhhh’ sila kay Isaiah. Kahit si Wayt ay sumulyap na sa kanya ganoon rin si Kuya while Trey is smirking, looking so proud.
What is he talking about? Alam ko namang inamin niya na aggressive siya but I don’t believe him! Hindi niya nga kayang pormahan si Keesha and he can’t even look at her in the eyes tapos magsasalita pa siya ng ganyan? Duh.
“Kahit snob ’yang si Isaiah at hindi pa nagkakagirlfriend ay wild ’yan,” ani Trey. “Sadyang focus lang talaga muna sa pag-aaral.
Nang sumulyap ako sa kanilang gawi, nahuli ko kung paano namula si Keesha habang ninanakawan ng sulyap si Isaiah. Don’t you dare make Trey as your boyfriend if you Iike Isaiah. Leave him…
“Damn you, bro!” si Castel. “You really need to free your monsters! H’wag mong tinatago! Stop being so heartless with girls!”
“Stop lurking in your dark world. Embrace the brighter one, Isaiah. Embrace heaven!” si Davin na ang pumayo.
Listen to them, Isaiah! Stop being so torpe!
Kinagat lang ni Isaiah ang kanyang labi. Naglahad ng shot si Trey sa kanya na tinanggap niya saka iyon nilagok sa ikatlong pagkakataon. Unti-unti na namang namumula ang pisngi, bumabyahe na sa bridge ng kanyang ilong ang pamumula noon. Ganyan pala talaga ang epekto sa kanya ng alak pag umiinom siya. Agad siyang namumula, tila pinapantayan ang basa at mamula mula niya ring labi.
“Umiinom na pala itong si Zera?” ani Trey nang mapansin niyang pinaglalaruan ko ang katawan ng smirnoff.
Kanina pa ako uminoom but he didn’t notice it. Tss.
“Matigas ang ulo. Kahit pagbawalan ay ipipilit talaga,” ani Kuya.
Tumawa si Trey.
“Stop being so overprotective, Hiro. Let her… Maiignorante ’yan sa alak at baka magrebelde pag masyado mong hinigpitan,” aniya.
“Ang lala nga ng katigasan ng ulo nito,” ani Kuya.
“Hayaan mo ’yang maglasing nang magsisi sa lasa,” si Wayt naman.
“Pag hindi na hinihigpitan ’yang si Zera baka magulat nalang kayo at isa na ’yan sa madalas dito,” ani Castel na nakangisi sa akin.
“Ilang taon kana ba, Zera?” si Keesha.
“Eighteen,” sagot ko na ikinagulat niya.
“You’re so young… Akala ko nasa nineteen or twenty kana since you looked mature.”
“She’s not yet mature. Baby pa ’yang si Zera, Keesh…” si Trey sa malambing na boses at nasa kanya ang mga mata.
Ngumuso ako sa term ni Trey. Bago pa ako magblush ay nagvibrate muli ang aking cellphone dahil sa text ni Isaiah kaya sumulyap ako sa kanya saglit.
I saw how Isaiah’s tongue licked the side of his lips as he brushed his hair with his finger while his jaw was clenching. Ang mukha ay nadaanan ulit ng neon lights at nasulyapan ko ang iritasyon doon.
He’s probably jealous with Trey and Keesha. Maybe? Binasa ko ang kanyang text.
Isaiah:
Baby. My. Ass.
Ang bitter ng lecheng ito! Ganyan iyan siya purket katabi ni Trey si Keesha. Umahon ang aking mga mata at nahuli ko agad ang malalim na tingin ni Isaiah sakin sa dim na paligid. Inangatan ko siya ng kilay saka ako muling nagtipa.
Ako:
Selos ka dahil katabi niya si Keesha ’no? I feel you.
Nagtipa rin ng mensahe si Isaiah saka kumuha ng smirnoff sa aming table. Nilagok niya iyon at pinaglaruan ang kanyang cellphone sa kabilang kamay habang nakay Castel ulit ang tingin dahil sa sinasabi nito.
Binuksan ko naman ang kanyang text.
Isaiah:
Pake ko sa kanila.
Seriously? Why is he so masungit?! Akma ko na sana ulit paglalaruan ang katawan ng aking smirnoff nang wala na iyon sa aking harapan. Tiningnan ko ang iilang smirnoff na hindi pa nabubuksan saka ko tiningnan ang hawak ni Isaiah na smirnoff. Naningkit ang aking mga mata nang mapagtantong iyong akin ang nadampot niya!
13th Lured
Lured
Territorial
Napapansin ko kung paano ninanakawan ng tingin ni Keesha si Isaiah na hindi talaga nilingon ang kanyang gawi kahit isang beses man lang. He’s focus with his phone or talking with his friends.
Nagdala na ng mga babae sina Silas sa aming lugar. Kumandong pa iyong babae kay Castel kaya iritadong umusog si Isaiah nang nadikit ang paa nito sa kanyang hita. Ganoon siya kaarte kahit na hindi naman talaga masyadong natamaan.
“You choose, Isaiah. We’ll give you a girl or you find your own girl?” ani Silas sa kanya.
Kuya and Wayt are still talking with each other. Gusto ko mang makinig pero alam kong babae rin iyon and it would only irritate me so nevermind.
“I’m fine with this,” saka ipinakita ni Isaiah ang cellphone.
Tumawa ang kanyang mga kaibigan.
“Bastard. A phone can’t turn you on,” si Davin.
Isaiah licked his lips and just shrug. Tumayo naman ako nang makaramdam ako ng pagkaihi at naramdaman ang pagbaba ng tube top ng suot kong dress. Medyo inayos ko iyon at nahuli ang pag-angat ng tingin ni Isaiah, madilim akong pinapanood sa aking ginagawa sa aking damit.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Kuya nang napansin ang aking pagtayo.
Isaiah looked away at uminom sa kanyang smirnoff.
“Iihi,” saka ko tinuro ang dancefloor. “And I’m going to dance later,” sabi ko na ikinatingin muli ni Isaiah.
“Siksikan doon, Zera,” si Wayt. “Masisiko ka lang eh ang liit liit mo.”
“Excuse me? I’m 5’4 tall!” Umirap ako at padabog na naglakad para makaalis.
Tumayo naman si Keesha.
“Samahan na kita, Zera,” aniya.
Tumango na lang ako ng tipid at hinayaan siyang sumunod sa akin. I hate her this day! Ang sweet sweet niya kay Trey tapos ganoon siya makatingin kay Isaiah.
“Balik agad,” si Kuya naman na narinig ko pa.
Hindi na ako sumagot at sinuklay nalang ang aking buhok gamit ang aking daliri. Tinabihan naman ako ni Keesha. She’s 1 inch taller than me and she’s more curvy than me, plus her breast is more firm than mine pero nangingibabaw pa rin ang aking ganda, ang aking kaputian, ang aking dugong Delafuente na hinding hindi niya malalamangan. Lamang lang siya ngayon dahil nililigawan siya ni Trey but overall, I can still top her when it comes to beauty.
Hihilain ko pa ba pababa ang sarili ko kung sarili ko lang din ang kakampi ko? Of course not.
“Ang guwapo ni Isaiah ’no,” sabi niya bigla at napangiti pa. “Sinabihan mo ba siya na… na nandito ako? K-Kaya siya sumunod?”
I texted him about them kaya nga siguro sumunod si Isaiah.
“Yes. Maybe he’s jealous,” sabi ko at nagkibit, hindi masyadong nagbigay ng emosyon nang binigkas ko iyon.
Keesha blushed hard. Kahit dim ang nilalakaran namin patungo sa comfort room ay malinaw kong nakikita ang pamumula sa kanyang pisngi.
“Parang imposible talaga pero gusto ko ring maniwala…” sabi niya.
“Sinagot mo na si Trey?” tanong ko, iniiba ang topic dahil wala naman akong pakialam sa nararamdaman niya.
Umiling agad siya. “Hindi pa! Niyaya niya lang talaga ako dahil birthday ni Hiro.”
“Then why are you so touchy with him? Akala ko tuloy kayo. Baka akalain din ni Isaiah na kayo,” sabi ko at naunang pumasok sa cr.
Sumunod naman siya. Nakita ko pa sa salamin ang imahe niyang kagat kagat ang labi at problemado.
“Tell Isaiah hindi ko pa sinasagot si Trey, Zera…” she pleaded.
Tumango ako at humarap sa salamin. Sinuklay ko ang aking buhok na medyo kumalat agad pero bumalik rin naman sa kani-kanilang lugar. Tinitigan naman ako ni Keesha sa salamin.
“Ang ganda mo pala talaga ’no. Pag lumipas ang mga taon, mas lalo ka pa sigurong gaganda,” pamumuri niya at bumabakas sa mukha ang pagkamangha.
I gave her a small smile saka ako pumasok sa cubicle para makaihi na. Narinig ko rin ang kabilang pinto na binakante niya.
“I really want to talk to him sometimes pero nahihiya akong iapproach si Isaiah. He looks so snob,” aniya na ikinairap ko.
Bukambibig niya na si Isaiah pero lumalapit lapit pa rin kay Trey. But anyway… nasa kanya naman na iyon. It’s her own decision! Kaya dapat maliwanagan na siya.
“I’ll help you with that. Pwede kang sumama sa akin pag manonood ako ng performance niya with his band,” sabi ko at tumayo na.
“What? He has a band?” Nagulat siya.
Lumabas ako at tumango. Nagtungo ako sa harap ng sink saka hinugasan ang aking kamay.
“Yup. He’s a vocalist. Kumikita siya roon sa pagkakanta niya para tustusan ang sarili niya,” sabi ko at narinig ang pagbukas rin ng ginagamit niyang cubicle kaya tiningnan ko siya sa salamin.
Bumabakas sa kanyang mukha ang pagkamangha.
“Alam ko namang scholar siya pero grabe pala talaga… he really works hard for his dreams…” saka niya rin ako tinabihan and wash her hands.
Pinatuyo ko ang aking kamay gamit ang automatic hand dryer na lumikha pa ng ingay nang itinapat ko ang aking kamay roon.
“Yeah… He’s handworking… Just like your taste with boys,” sabi ko at ngumisi sa kanya.
Namula agad siya sa bagay na iyon. Lumayo ako sa hand dryer at siya naman ang sumunod na gumamit. Inayos ko ang aking buhok sa salamin at ganoon rin ang parteng dibdib ng aking suot saka rin naman kami lumabas dalawa.
Nasa peak na ang kanta at mas gumagrabe na ang tugtog sa loob. Everyone’s having fun and I even spotted Silas who’s making out with a chic. Si Wayt ay nasa countertop na while using his phone katabi si Blue habang ang naiwan naman sa couch ay sina Kuya, Davin, Castel, Isaiah at Trey.
“Hari talaga ’to ng pandededma eh!” ani Castel at pumalakpak habang humahagalpak naman sina, Trey, tinutukoy si Isaiah na magkasalubong ang kilay.
A girl just walked away, mukhang nanggaling pa rito lalo na’t iritadong lumingon sa dako ni Isaiah. Inisnaban niyan niya ba iyon?
Hindi muna ako umupo at tiningnan ang dancefloor. Si Keesha naman ay bumalik na sa tabi ni Trey. Bumulong siya rito, tila may sinabi kaya bumulong rin si Trey sa kanya.
Tahimik lang si Isaiah na nakatitig sa inumin sa harapan habang pulang pula parin dahil sa kakainom at nakahubad na ang suot na leather jacket, naka black tshirt nalang sa itaas.
“Grabe di mo man lang tiningnan eh ang ganda sana. You’re really heartless, Isaiah. Dami mo ring nasasaktan eh,” si Davin.
“Eh type ’yan ni Blanche Valiente pero dinedma niya rin. He passed her by while she’s confessing, imagine…” si Castel na nailing pa habang nakahilig sa couch.
“Sayang nga ’yon eh ang ganda noong babae. Kasali pa ’yon sa dance squad tapos para lang hangin na nilagpasan niya,” si Trey naman.
Blanche Valiente? Iyong nasa kabilang all girls school na popular rin? He passed her by while she’s confessing?! Naririnig ko ang pangalan noon since Ken is just too hype with popular girls kaya nagiging updated din ako minsan and I can’t believe nagconfess pala iyon kay Isaiah.
“Hindi ko type,” si Isaiah na pulang pula parin dahil sa kakainom at hinubad na ang suot na leather jacket, naka black tshirt nalang sa itaas.
“Eh ano bang type mo?” tanong ni Kuya.
Isaiah brushed his hair using his fingers. Nakaawang na ng kaonti ang kanyang basang labi kakainom habang natulala pa sa ere. Hindi niya iyon sinagot at binasa na lamang ang labi, namumungay na ang mga matang tila lasing na naman.
Ang torpe torpe. But maybe he’s thinking about their friendship. Close si Trey at Isaiah. Maybe iyon siguro ang isa sa mga rason niya.
Pero kahit na. Ayokong magparaya siya. I don’t want Trey to end up with Keesha.
“Kuya, sa dancefloor lang,” sabi ko kaya nilingon niya ako sa likod ng inuupuan niyang couch, kung saan ako nakatayo.
Umahon na rin ang mga mata ni Isaiah, ang panga ay gumalaw at humiwalay ang labi sa isa’t isa.
“You’re going to dance?” tanong ni Kuya na ikinatango ko.
“Magaling pa naman na dancer itong si Zera. Sayang at hindi sumali sa dance troupe sa school,” ani Trey na ikinatingin ko agad sa kanya.
Wait. Alam niyang I know how to dance? Akala ko talaga wala siyang napapansin sa akin but I’m wrong! This is a good sign… Napapansin niya naman pala ako.
“You know how to dance, Zera?” tanong naman ni Keesha.
I wrinkled my nose. “A bit…”
Trey chuckled. “Humble. You’re good at it.”
Ngumuso ako at namula sa kanyang sinabi. I smiled at him. Patikhim tikhim naman si Silas at Davin, nang-aasar.
“Thanks…” sagot ko sa malambing na boses.
Tumikhim si Kuya kaya napawi agad ang sayang yumayakap sa akin. This KJ! Sinamaan ko ito ng tingin at nahagip narin ng tingin si Isaiah na iritadong iritado habang nakatitig sa kawalan.
“I’m going to dance, Kuya,” sabi kong muli.
Tumango siya sa akin at nilagok iyong maliit na shot.
“Pag may humawak sa’yo suntukin mo,” aniya.
Ngumiwi ako. Hindi ko nalang pinansin ang bagay na iyon at nagtungo na sa dancefloor. I even spotted Blue, my cousin, who’s enjoying the dancefloor too while laughing with some girls.
Ayokong tumambay roon dahil hindi narin kaya ng aking mga mata ang presensya ni Trey na nakikipaglandian sa ibang babae.
Mas sumabog ang kanta na Middle ni DJ Snake at nilalagyan ng ibang beat ng DJ na mas ikinahyper lalo ng mga narito sa dancefloor.
“I promise to build a new world, for us two, with you in the middle!” sigaw namin at sinabayan agad ng sayaw at pagwawala ang sunod noon na beat.
Hinayaan ko ang katawan ko na sabayan ang musika at hinaplos ang aking buhok, sinuklay iyon paatras saka pumikit at natatawa na lamang. Ang nakapaligid sa akin ay kadalasan babae, kung may lalake man at napansin ako ay didistansya rin pagkatapos mamukhaan na isa akong Delafuente.
Ilang minuto akong naroon at doon lamang naisipang tumigil nang pawisan na ako. Pinunasan ko ang namuong pawis sa aking leeg habang bumabalik na sa couch.
Kuya isn’t there. Noong mapansin ni Castel ang palingon lingon ko ay sinenyasan niya akong nagcr daw. Tumango naman ako at dinampot iyong smirnoff total wala si Kuya kaso nagulat nalang ako nang iritado iyong binawi ni Isaiah sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Castel and Davin were busy spotting some chic on the dancefloor kaya hindi napansin while Keesha and Trey are talking with each other.
Inangatan ko siya ng kilay. I want to talk to him casually kaso ayaw ko rin namang mapansin ni Trey ang pagiging close namin, kung paano ako makipag-usap ako kay Isaiah.
Umupo nalang ako at itinaas ang hibla ng buhok saka yumuko para paypayan ang sarili. I am so sweaty! Masyado ata akong nacarried-away!
Nagvibrate ang aking cellphone sa aking maliit na purse kaya chineck ko iyon. Nanggaling ito kay Isaiah. Sumulyap muna ako sa kanya saglit na iniinom na iyong smirnoff habang nasa screen ang mga mata saka ko rin ibinagsak ulit ang tingin doon.
Isaiah:
Pull your fucking tube, Damonisse.
Napagtanto ko ang kanyang tinutukoy kaya humagikhik ako sa kanya at inangat ang aking tube. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin kaya nagtipa ako ng reply.
Ako:
I’m seducing Trey.
Padabog niyang inilapag ang bote ng maliit na smirnoff na gumawa pa ng ingay. Nilingon siya nila Silas na nagulat doon.
“Natatamaan kana, Isaiah? Lasing na?” aniya at tumawa.
“Told you we’ll give you some chic para naman lumamig lamig ang ulo mo,” si Davin.
Kahit si Trey ay napatingin narin sa kanya ganoon rin si Keesha, siguro ay natauhan nang makita ang galit sa mga mata nito at umayos muli ng upo.
Hindi kumibo si Isaiah sa kanila at tumitig sa kanyang cellphone hanggang sa nagvibrate ang akin.
Isaiah:
You can’t seduce someone with your small boobs.
Namilog ang aking mga mata. Did he just insulted my… my breast?! I am not flatchested! Mas malaki pa nga ang dibdib ko kay Nana!
Gigil akong nagtipa.
Ako:
Fuck you. I am not flatchested! Akala mo naman nakita mo na?
Nagkasalubong narin ang kanyang kilay at mabilis na nagtype. Ni hindi na lumilingon sa paligid, gusto nalang atang magtext.
Isaiah:
Kaya nga h’wag mong ipakita sa iba. A small boob is not a turn on, you know?
Mariin ko siyang tiningnan. Sinalubong niya agad ang aking mga mata, masyado ring malalim ang paninitig sa akin, ayaw magpatalo. Umirap ako at nagtipa.
Ako:
Hindi purket malaki ang dibdib ng gusto mong babae ay mamaliitin mo na ang akin. Bastos.
Isaiah’s brows raised. Binasa niya ang labi habang ang mga mata ay kalmado at namumungay na, hindi kagaya kanina na masyadong matalim.
Isaiah:
Hindi kita binabastos.
Inihilig ko ang aking mga kamay sa sofa at doon nagtipa ng mensahe, facing the other side, where Trey and Keesha’s couch are located. Nakikita ko sila sa aking harapan kahit na nasa cellphone ko naman ang aking tingin.
Nagtipa ako muli ng reply.
Ako:
You just did, Isaiah.
Umirap ako sa ere. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko pa ang pag-ahon ng kanyang tingin sa akin. Nakita ko rin siyang nagtipa muli.
Isaiah:
Ikaw ang bastos. Face me.
Hindi ako nagpatinag sa kanyang sinabi. Bahala siya riyan. Nabubwesit ako sa mukha niya. Masyado talaga siyang magaling mang-inis.
Nagtipa ako.
Ako:
Bahala ka.
Ngumuso si Isaiah. I heard him chuckled. Hindi ako nagpadala roon at ayaw siyang tingnan maliban kay Keesha na napatingin sa biglaan niyang pagtawa. And what’s funny?
Binasa kong muli ang kanyang text.
Isaiah:
Damonisse…
Narinig ko agad iyon sa aking utak, na tinatawag niya talaga ako sa baritono niyang boses.
Hindi ako kumibo, hindi lumingon, ayaw siyang tingnan. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko kung paano niya kinagat ang kanyang labi habang nagtitipa ng mensahe.
Isaiah:
Damonisse!
What the fuck is his problem? Lasing na ba ’to? Iritado ko siyang nilingon ng palihim at ang hinayupak ay mabilis na nahuli ang aking mga mata, ngumisi sa akin at ipinagmamayabang ang napaka attractive niyang dimple na lumabas na kaya umirap ako.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Napawi ang kanyang ngisi at ngumuso na lamang, halata ang kalituhan sa mukha dahil sa aking galit.
Nagtipa ako.
Ako:
Lasing kana! You go home now, Isaiah!
He brushed his fingers again on his hair using his one hand. Humilig siya ulit sa mga hita at nagtipa ng mensahe. Binasa ko naman iyon nang matanggap ko ito.
Isaiah:
You go home first. Naiirita ako sa’yo rito.
Pake nito? Mas nakakairita siya dahil masyado siyang natotorpe!
Ako:
Naiirita rin ako sa’yo.
Isaiah:
Then let’s just go home together since we’re both annoyed, hmm?
This jerk! Pinagtitripan talaga ako. Ugh. I hate him. Bago pa ako makapagtipa ay nakita ko na ang imahe ni Kuya Hiro. Nagtungo siya sa countertop at kinausap saglit si Wayt na tinanguan siya saka nila tiningnan si Blue. Nag-usap pa sila hanggang sa tinapik na ni Kuya ang balikat nito at nakapamulsang naglakad patungo rito.
Sinenyasan niya akong tumayo. I think aalis na kaming dalawa. What time is it? It’s already 11:40.
“Uuwi na kami,” ani Kuya na kumuha ng kanilang atensyon.
“So early, Hiro,” si Castel.
Ibinulsa ni Isaiah ang cellphone at tumingin sa akin ng makahulugan. Pasimple akong umirap at tumayo na.
“May klase pa bukas at masyado nang nagpupuyat ang isa riyan,” ani Kuya, sumulyap pa sa akin.
“Happy birthday again, Hiro,” si Trey na tumayo at nakipagbungguan ng balikat.
“Bye Zera,” si Castel.
Tumango ako at tipid siyang nginitian.
“Bye, Zera…” si Keesha naman na tumayo pa at niyakap ako.
Nagulat ako roon, hindi agad nakayakap pabalik hanggang sa humiwalay siya at ngumiti sa akin.
“Next time ulit ha…” aniya.
Tumango na lamang ako, wala nang masyadong sinabi pa at pinulot ang aking maliit na purse sa couch saka ko roon ipinasok ang aking cellphone.
Sumulyap ako kay Trey na tumingin din sa akin.
“Bye…” aniya at hinawakan ang aking ulo.
“Bye, Trey…” sagot ko sa marahang boses na ikinangiti niya sa akin.
“Tara na,” ani Kuya sa naiinip na boses kaya binawi rin ni Trey ang kamay.
Namula na lamang ako habang naglalakad paalis doon, hindi na nagawang sumulyap pa sa iba.
Kahit ganoon lang ang ginawa ni Trey ay parang umangat na ako sa ere at hinangin na palayo ang aking katinuan, halos mablangko na lamang ako. I really like him alot… I like him… alot.
“Hinawakan ka lang sa ulo ganyan kana katuwa,” ani Kuya nang mapansin ang pangiti-ngiti ko habang hinihila ang seatbelt sa front seat ng kanyang Mustang.
Tumawa ako.
“Inggit ka lang!”
Umangat ang kanyang kilay habang binubuhay niya ang kanyang kotse. Hinila niya ang clutch paatras saka tumingin sa rear view mirror at inikot ikot na ang manibela.
“Anong kaiinggitan ko? Ang mga ganoong haplos ay pambata. Tingin sa’yo ng crush mo batang paslit,” ani Kuya, sinisira na naman ang aking pagdidiwang.
“At least he still cares for me… Malay mo sa future manliligaw na siya,” sabi ko.
“Imposible,” aniya at nanatili na ang tingin sa daan lalo na’t tuluyan na kaming nakaalis sa parking lot.
“Posible ’yon! Gaganda ako lalo, magiging sexy lalo!” pagmamayabang ko.
“Sus, baka sa susunod niyan ibang lalake na pala ang iniiyakan mo,” nanunuya niyang bigkas na ikinaismid ko.
“Loyal ako ah… Tatagal ang paghanga ko kay Trey. Humahanga na ako sa kanya noong bata pa ako. At sino naman ang makakahigit kay Trey sa paningin ko?”
“Malay mo… Nasa tabi tabi lang,” makahulugan niyang sabi.
“Wala akong nakikitang makakahigit kay Trey sa tabi tabi lang, Kuya. Siya na ang pinaka best para sa akin. Matagal ko na siyang gusto kaya hindi na iyon basta basta pang mababali.”
“H’wag kang magsalita ng patapos. Baka hindi mo alam nahuhulog kana pala sa iba…”
“Huh?! That’s impossible! Matagal ko nang gusto si Trey, Kuya. You know that…”
“And you think it’s already love? You like him for so many years so you’re thinking it’s already love?”
“Oo naman.”
“Hindi pagmamahal ’yang sa’yo. Kung pagmamahal ’yan, hindi mo kayang manatili roon habang nakikita si Trey na may katabing babae. Nanggaling ka sa angkan ng mga seloso hindi ka man lang tinatablan sa dalawa.”
Nagkasalubong ang kilay ko roon. I’ve heard that… Alam ko ang background ng angkan namin pero normal lang naman na kahit nagseselos ay kimkimin nalang.
“I’m jealous but I’m not really bothered since Trey will going to replace her right away, anyway…” Napunta ang aking mga mata sa labas ng kotse, tiningnan ang naggagandahang streetlights na nadadaaanan namin.
“We’re territorial, Zera. We mark our own territory and claim it ours. Kung hindi mo magawang markahan ang taong gusto mo, kung hindi ka sumasabog habang nakikita siya sa ibang tao, pwes hindi mo siya ganoon kamahal. You’re just infatuating things. Nasanay ka lang talagang paniwalain ang sarili mong gusto mo siya kahit hindi naman talaga.”
Nanindig ang balahibo ko roon. Napalunok ako sa sinabi ni Kuya. Ayokong maniwala na infatuation lang ’to. My feeling for Trey is very clear. Hindi ko lang talaga masyadong siniseryoso dahil alam kong family friend pa rin ang tingin ni Trey sa akin.
Nilingon ko siya, takang taka na.
“Eh ikaw ba… Kung si Keesha iyong gusto mo tapos nasa ganoong sitwasyon ka kagaya ko. What will you do?”
“Hinawakan palang ang beywang niya ay magkakagulo na talaga. I’d seriously punch someone’s jaw for touching her,” ani Kuya sa kalmado ngunit malalim na boses.
“Pero hindi naman sa’yo ang babae. Paano kung walang gusto sa’yo?”
Kitang kita ko kung paano dumaan ang iritasyon sa kanyang mukha.
“Wala akong pakialam. Ang akin ay akin. I’ll mark her mine in any ways I know,” sabi niya sa malalim na boses at parang may pinanghuhugutan na.
Are we still talking about me? Para kasing… hindi na.
Nagmuni-muni ako sa front seat. Iniisip ko ang nararamdaman ko para kay Trey. May mga oras naman na gusto kong manampal sa tuwing nagseselos ako pero iniisip ko para saan ba ’yon? Ba’t ko sasampalin?
Magaling lang siguro talaga magkontrol ng damdamin pag nagseselos ako, nakikimkim ko pa. I think I’m a unique Delafuente…
14th Lured
Lured
Ignorante
Sa mga sumunod na araw ay naging busy na kami sa kakapractice for our performance in P.E. Palaging nauubos ang tubig sa aking bottled water dahil sa walang sawang practice lalo na’t parte rin iyon ng exam namin.
Bawat steps muna ang inaral namin saka namin iyon isinabay sa kanta na Earned it by The Weekend. It’s really a sexy dance so we need a sexy song on it.
“Grabe kayo. Para na kayong nang-aakit sa sayaw niyo,” ani Elle pagkatapos naming magbreak muna.
“Kaya nga sexy dahil nakakaakit,” sabi ko at binuksan ang aking bottled water.
“Eh ako, Zera? How’s my dance?”
Uminom muna ako habang inaalala kung paano siya sumayaw. It’s hiphop at hindi bagay sa kanya na nakapaarte ng galaw at pinipilit ang kanyang katawan na tigasan nalang.
“Okay lang. Para kang nanghahamon ng away sa tigas ng katawan mo.” Ngumisi ako na ikinabusangot niya ng husto.
“Sabi ko na nga ba ipapahiya ko lang ang sarili ko!” Sinabunutan niya ang buhok at sobra nang bumusangot.
Their steppings are quite good but Elle is just too stiff when she moves kaya hindi nabibigyan ng justice ang sayaw.
Nilingon ko si Irah na nakaupo ulit sa bleachers at busy sa kanyang cellphone. Palihim akong nagtungo sa kanya at dumaan sa likod para hindi niya ako mapansin. Nang makarating ako roon ay agad kong sinilip ang kanyang cellphone at nakita roon ang text niya for my cousin. He texted him Good Morning kaso hindi naman nagreply ang pinsan ko.
“Aw… Poor heart…”
Nagulat siya sa aking boses sa likod at ini-off agad ang screen ng kanyang cellphone. Nilingon niya ako at tiningnan sa madilim niyang mga mata.
Bumaba ako sa bleacher na pinatungan at tinabihan siya. Ibinigay ko sa kanya ang aking bottled water.
“Hindi ka nireplayan ’no? I told you hindi ka priority ni Kuya,” sabi ko sa nanunuyang boses.
Tinanggap niya ang aking tumbler at binuksan iyon. Uminom siya roon habang pinapanood ko siya.
“He’s just busy,” sagot niya sa positibong paraan.
“Busy? Busy with someone else?”
Umirap siya sa akin at tinakpan ulit ang aking tumbler saka niya iyon ibinalik sa akin.
“My cousins aren’t like that. They always find ways… Less priority ka talaga…” dagdag ko pa.
Sinuklay niya ang buhok paatras na agarang sumabog pero bumalik rin naman sa kani-kanilang lugar.
“If you’re brokenhearted because Kuya Trey is not interested with you then don’t include us. At least we’re texting. Eh kayo ba? Do you even have his number?” Mapang-uyam niyang tanong.
“Wala pero sa future magiging gano’n din kami so whats the point?” Nagkibit ako.
She looked at me sharply.
“I really don’t like you for my cousin,” ani Irah, bigla iyong sinabi na ikinalingon ko sa kanya.
Ilang ulit niya na ’yang sinasabi sa akin, kahit ako ay ibinabalik ko nalang rin at sinasabing ayaw ko rin siya para kay Kuya Toshi but if she really likes him then who am I to interfere?
“Natatakot kang mahaluan ng maganda ang angkan niyo at malamangan kita ’no?” Ngumisi ako.
Umismid siya.
“Naaawa ako kay Kuya Trey pag sa’yo lang siya mapupunta,” aniya.
“Wala kang magagawa since nakadestined si Trey sa akin.”
Destined huh? Ang dali dali lang bigkasin pero ang hirap kunin.
But isn’t it so sad when you’re chasing the wrong person all this time you think who’s right for you? Paano mo ba masasabi na nasa tamang tao ka? Paano mo masasabi na nasa tamang landas ka sa pag-ibig? It’s confusing.
Wednesday. Wala akong masyadong ginawa noong araw na iyon kaya noong dumating ang break time ay agad akong nagtungo sa Kalindary.
Nakita ko ang paglabas ni Isaiah roon na inaayos ang buhok at mukhang tapos nang kumain.
“Isaiah!” tawag ko na ikinatingin niya agad sa akin.
Ang kanyang paglalakad ay tumigil. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya lalo na’t hinihintay rin nito ang aking paglapit.
“Hindi ka babalik sa loob?” tanong ko nang mapansin itong sa may paradahan na ata ng tricycle papunta.
Umiling siya.
“May pupuntahan ako,” sabi niya at ibinulsa ang mga kamay. “Hindi ka busy?”
Umiling agad ako at inilagay ang aking mga kamay sa aking likuran. Pinisil pisil ko iyon habang tinitingala ito.
“Nope… May 3 hours break time ako today since mamaya pang 4pm ang huli kong subject.”
Tila nag-isip isip ito. I smiled cutely and tilted my head.
“Uuwi ka? Sasama ako,” sabi ko na ikinatingin niyang muli sa akin.
Umiling siya. “May pupuntahan ako.”
“Huh? Sino?”
“Si Anzai,” sagot niya at nagsimula nang humakbang.
Oh… Si Anzai, iyong suplado ring ka banda niya.
“Okay! Sasama ako.”
Sumabay rin ako sa paglalakad sa kanya at hinayaan niya lang naman ako. Nasa dulo pa iyong mga pumaparadang tricycle pero mga nasa sampong hakbang lang naman ata.
“Isasama ko si Keesha this Sunday,” sabi ko na ikinalingon niya sa akin.
“Kung nakita ka niyang nagpeperform sa stage then I’m sure mahuhulog agad siya sa’yo. She’s going to like you back!”
Wala man lang namutawing saya o pagdidiwang sa mukha ni Isaiah. Tumigil kami sa naunang tricycle saka niya ako sinenyasan na maunang pumasok.
Sumunod naman si Isaiah at tumabi sa akin. The tricycle doesn’t scare me anymore pero hindi ko talaga maiwasang mapahawak sa hita ni Isaiah for a support.
Hinayaan niya ang aking kamay roon sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung napapansin niya o hindi.
“I’m doing my best to lure her to like you back so you really need to do your best, too. Persuade Trey,” sabi ko habang pinapanood siyang inaayos ang buhok niya sa salamin.
“Paulit ulit kana. Alam ko,” iritado niyang bigkas kaya ngumiwi ako.
Tahimik na si Isaiah kaya tumahimik narin ako dahil mas nangingibabaw narin ang ingay ng pag-andar ng tricycle. Ang aking mga mata ay sumilip sa labas habang si Isaiah naman ay paminsan minsan akong nililingon.
Tumigil rin naman ang isang trycicle sa isang building. Tumigil kami sa isang condominium. Dito nakatira si Anzai?
Pumasok kami sa loob. Sumunod lamang ako kay Isaiah. Paminsan minsan niya akong lilingunin para siguraduhing nasa likod niya ako o kaya ay aabante nalang ako at sasabayan siya.
“Nagcocondo si Anzai?” tanong ko sa kanya nang pumasok kami sa elevator.
Tumango siya at may pinindot na floor saka siya humilig sa sumandal sa elevator, nakapamulsa na.
Tiningala ko naman ang pag-akyat noon sa bawat floor hanggang sa tumigil ito at bumukas.
So may kaya si Anzai? Mukha rin namang may kaya sila Lyle at Raziel? I don’t know.
Naglakad kami sa pasilyo ng mga rooms at tumigil sa isang pinto. Nagdoorbell doon si Isaiah habang nanatili naman ako sa kanyang likod.
Bumukas iyon.
“Ang tagal mo.” Ang pamilyar na baritonong boses iyon ni Anzai.
I tilted my head to see his view and smiled at him cutely while waving my hand. Kumurap siya, hindi inaasahan ang aking imahe at nailipat ang mga mata kay Isaiah.
“Oh… Kasama mo pala ang girlfriend mo,” nanunuyang sabi ni Anzai, nakaangat ang dalawang kilay.
Topless lamang ito, tanging pants ang suot habang buhaghag ang buhok at tila kakagising lamang. Why does he looked like a gorgeous beast with those devil eyes?
Hindi pinagtuunan ng pansin ni Isaiah ang sinabi ni Anzai saka siya pumasok kaya sumunod rin ako. His place is clean and big. Sinenyasan naman ako ni Isaiah na umupo muna roon sa sofa.
Nagtungo ako sa comfortable sofa ni Anzai at umupo roon. Nagtungo naman si Anzai sa ref at binuksan iyon.
“Ano bang kinakain niyan bukod sa pinapakain mo? I only have water here…” ani Anzai sa baritonong boses.
Walang laman ang fridge niya!
“Pwede tayong mag-order ng yellowcab pizza,” sabi ko na sabay na ikinalingon ng dalawa sa akin.
Tiningnan nila ako sa malamig nilang mga mata kaya sumimangot ako. Bakit? Anong meron sa pizza?
“Kaya pala ubos ang allowance,” ani Anzai at nailing na isinara ang fridge.
“Arte niyan,” si Isaiah naman na tila alam ang tinutukoy ni Anzai at umismid pa sa akin.
Ngumisi lamang si Anzai at may dinukot sa kanyang bulsa.
“Favor. H’wag mo nalang bayaran basta punuin mo lang ng pagkain ang ref ko. Total magaling kang mamalengke at magtipid. Dito na tayo kumain,” ani Anzai at may inilahad na pera kay Isaiah.
“Magbabayad pa rin ako,” si Isaiah naman saka iyon ibinulsa.
Sinapak ni Anzai ang kanyang dibdib.
“I got you, Isaiah. Lahat naman nagbibinata,” aniya at nanunuyang ngumisi.
“Tanginang pagbibinata,” si Isaiah na ngumisi pabalik at itinulak ito ng marahan.
Nagbungguan lang sila ng balikat saka rin naman kami nagpasyang umalis doon. Base on what I saw, he borrowed money? Pwede ko naman siyang pahiramin! Sa akin nalang sana siya nanghiram!
“Nanghiram ka ng pera? Eh ’di ba may gig ka last Sunday?”
“Hindi ’yon natuloy. Nagcancel sila,” aniya at hindi makatingin sa akin ng deritso.
“Huh? Akala ko ba maagang natapos?”
Nairita agad siya.
“H’wag nang maraming tanong. Napakatsismosa mo,” aniya at tumalim ang tingin sa akin.
Umismid ako at kinurot ang kanyang hita lalo na’t naroon lamang namamahinga ang aking kamay. Walang naging reaksyon si Isaiah roon kaya ngumuso na lamang ako at tiningnan ang dinadaanan ng aming tricycle.
“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ko.
“Palengke.”
“Wait… I know that place! It’s a cheap grocery store-”
“Palengke hindi cheap grocery store,” pagtatama niya.
“Iyon na nga! Palengke.”
Nailing nalang si Isaiah sa akin. Unti-unti namang bumagal ang tricycle hanggang sa pumarada ito sa gilid ng kalsada.
Naunang bumaba si Isaiah pagkatapos magbayad. Sumunod naman ako at agad napangiwi sa naamoy na malansang amoy.
“Ew! What’s that smell?” Tinakpan ko ang aking ilong.
Magkasalubong ang kilay ni Isaiah na nakatingin sa akin, nang-iinsulto ang mga mata.
“Arte mo.” Nagsimula siyang maglakad kaya mabilis akong sumabay.
“Ang baho!” sabi ko sa aking sarili habang pumapasok na kami sa mga nakahelerang mga baboy, isda at kung ano ano pa.
The place is noisy and smelly. Ang raming nagsisigawan, ang raming mga paninda na parang nakalagay lang sa de kahoy na pahirabang mesa at hinahati-hatian nila. I can even see some flies! Hindi ba marumi ang mga tinitinda rito? Buti pa sa Mall eh nakafridge talaga unlike here na pinapaypayan lang nila para hindi langawin.
“Sir pogi! Bili kana rito!”
“Pogi! Heto oh! Fresh pa ang mga isdang ito! Kakakuha lang kanina!”
“Gulay ba ang hanap mo pogi?!”
“Ang guwapo naman nito… Parang galing sa langit at bumaba lang.”
“Ang ganda rin ng girlfriend oh. Kaso mukhang maarte.”
Sa bawat nilalagpasan niyang mga nakahelerang paninda ay nakukuha niya talaga ang atensyon ng lahat, na kahit kaming dalawa ay pinag-uusapan na.
Gusto ko mang sabihin na hindi ko boyfriend si Isaiah pero magmumukha akong tanga sa bagay na iyon kaya hinayaan ko nalang. Total wala naman kami sa school…
Tumigil kami sa isang tindera at tiningnan ang baboy na nakahelera roon. Mas lalong nasira ang aking mukha dahil sa amoy na masangsang at mas grumabe lamang sa aking ilong.
“Isang kilo,” ani Isaiah sa tindera na natulala pa sa kanya.
Nang matauhan ay naging mabilis rin naman ang kilos nito lalo na’t lumilingon pa si Isaiah sa ibang banda.
Ako naman itong kulang nalang ay masuffocate sa kakatakip sa aking sarili. Napatingin si Isaiah sa akin.
“I can’t breathe…” I said dramatically.
Ilang sandali lamang ay inakbayan niya na ako at tinakpan ang aking ilong gamit ang kanyang mabangong palad.
Dahan dahan akong tumingala para tingnan siya. Kalmado lamang ang kanyang ekspresyon, nasa harap na ang mga mata at hinihintay ang binili.
Medyo kumalma ako sa amoy noon. It smells like mint flavor at iyon na ang mas nangingibabaw na amoy sa aking ilong. Isaiah smells nice… Na kahit siguro ang kanyang pawis ay mabango parin.
“Heto na pogi,” sabi noong tindera. “150, lahat…”
Binigyan siya ni Isaiah ng 500 at kinuha ang cellophane. Hinintay pa namin ng ilang sigundo ang sukli habang sumusulyap ito sa amin at nakangiti pa.
“Ang cute naman ng girlfriend mo… Parang first time ata sa ganitong lugar at nababahuan. Ang swerte at alagang alaga mo…” aniya at tumawa.
Hindi kumibo si Isaiah, ang mga mata ay nakasentro lang sa panukli pero hindi rin naman tutol sa pinagsasabi noong babae.
I wonder if he’s going to act like this too with Keesha? Pag naging sila na, I’m sure Isaiah is going to be a good boyfriend to her since he knows how to take good care of a girl in his own way.
Pagkatapos namin doon ay nagsimula ulit kaming maglakad. Masyado na akong nakadikit sa kanyang gilid lalo na’t nakaakbay lang rin siya sa akin at tinatakpan parin ang aking ilong at bibig. Naging mask ko ang malaki niyang kamay.
May nadaanan kaming isda hanggang sa naalala ko iyong sabi ni Daddy. Itinuro ko agad iyon kay Isaiah sanhi para huminto kami sa tapat noon.
“Daddy told me pag hindi raw red ang color ng mga mata ng isda then it means it’s fresh,” pagmamayabang ko.
“Ano ’yon, hija?” galit na tanong ng tindero kaya napatingin ako sa kanya at nakita ang kanyang pulang mga mata.
My eyes widened. Si Isaiah naman ang kanyang tiningnan.
“Pagsabihan mo ’yang girlfriend mo, hijo,” naiinis nitong sabi kaya agad akong iginiya ni Isaiah paalis doon habang tumatawa ako sa kanyang palad na nakatakip na muli sa akin.
“He’s not fresh anymore!” I giggled.
“Pahamak ka,” tanging sabi niya at idiniin ang kanyang palad sa aking bibig pero agad rin namang lumuwag para makahinga ako ng maayos.
Magaling mamalengke si Isaiah, iyon ang napansin ko. He knows how to pick a fresh baboy, fresh shrimps, chicken, and so on just by looking at it. Maybe natuto siya lalo na’t mag-isa rin siya sa kanyang apartment kaya kahit ang pamamalengke ay alam niya na.
“Ako sa prutas!” sabi ko nang mapadpad na kami sa mga nagkalat na prutasan.
Inalis niya ang kanyang kamay at hinayaan akong magtungo sa mga nakahelerang prutas.
“Daddy told me you need to sniff them first before buying them,” sabi ko at kumuha noong apple saka ko inamoy.
Lumebel naman siya sa akin at inilagay sa aking gilid iyong basket para doon ko ilagay ang aking mga mapili.
Kumuha ako ng orange at inamoy iyon saka ko inilagay sa loob ng basket. Kumuha rin ako ng mangga at inamoy iyon saka ko inilagay sa basket. Kumuha ako muli ng apple at inamoy iyon saka muling inilagay sa basket.
“Inaamoy mo lang ata eh. Ito hindi pa masyadong hinog kaya hindi matamis ang lasa,” ani Isaiah at kinuha iyong apple na medyo pale nga.
“Kaya nga. Sabi lang naman ni Daddy amuyin muna bago bilhin so that’s what I’m doing.” Ngumisi ako sa kanya.
Bumuga ng hangin si Isaiah at matalim akong tiningnan.
“Akala ko pa naman alam mo na ang ginagawa mo.” Nailing siya at tinulungan na ako sa pamimili.
“I’m doing right, okay!” Umirap ako at kumuha ulit ng orange saka iyon inamoy.
“Smell it,” sabi ko at itinapat narin iyon sa kanyang ilong.
Hinawakan niya ang aking pulso using his free hand at inamoy iyon ng maayos. Tumagilid naman ang aking ulo at tiningnan ng maayos ang seryoso niyang ekspresyon.
“Mabango?” tanong ko.
Binitiwan ni Isaiah ang aking pulso at tumango.
“Amoy orange,” aniya kaya agad kong sinapak dahil sinasarkstiko na naman ako.
Panay ako amoy at lagay sa basket habang si Isaiah naman ang nagchecheck ng mga ilalagay ko at ibabalik ang iba na tingin niya ay mabilis na raw na masisira dahil over ripe na.
“Nakakapagod!” Maarte kong pinunasan ang pawis na namuo sa aking noo.
Naglalakad na kami ngayon palabas ng palengke. Dala lahat ni Isaiah sa magkabila niyang kamay ang pinamili habang bumubusangot ako sa kanyang gilid.
“I think I smell awful,” inis kong sabi sa kanya.
Tumingin siya sa akin at tumigil kaya tumigil din ako.
“Tumingala ka,” aniya.
Napakurap ako pero dahan dahan ring tumingala. Naramdaman ko agad kung paano niya inamoy ang aking leeg, kung paano aksidenteng lumapat ang dulo ng kanyang ilong sa balat ng basa kong leeg.
Lumunok ako nang bumyahe pa iyon sa kahabaan ng aking leeg, ang kanyang paghinga ay nagpapatindig na ng aking balahibo.
“Ang arte mo lang talaga,” aniya at tumuwid, marahil ay nakumpirmang hindi naman iyon dumikit talaga sa akin, at nasa ibang direksyon na ang tingin.
“But I can still smell it!” sabi ko.
“Eh nasaan ba tayo? Nasa Mall?” Nailing siya.
Hindi natapos ang aming bangayan doon dahil habang naglalakad ay iyon talaga ang nirereklamo ko sa kanya. Isaiah will just look at me darkly while I’m talking about it. Doon lamang ako natigil nang nadaanan namin ang isang stool ng mga prutas.
“Isaiah! May tusok tusok rin doon oh!” Itinuro ko agad iyon.
“Gusto mong kumain?” tanong niya na ikinatango ko agad at excited iyong nilingon.
Tumango naman si Isaiah kaya halos mauna ako sa paglalakad doon. Hinanap ko agad ang pineapple na nakalagay sa cellophane at kumuha ng isa.
“Kumuha ka ng pera sa bulsa ko,” sabi niya sa’kin, ang mga kumakain rin doon ay napatingin na at napasinghap sa kanyang imahe.
Humarap ako sa kanya lalo na’t nakapwesto siya sa aking likuran at dumukot sa kanyang bulsa. Isaiah watched me carefully with his eyes, wala nang ibang nililingon pa.
“How much ba?” tanong ko at tiningala ito.
“10 pesos lang ’yan,” sabi niya.
Tumango ako at dinukot iyong coins niya. Sobra iyon kaya ang iba ay ibinalik ko sa bulsa at ibinayad doon sa tindera na pabalik balik ang tingin sa amin ni Isaiah.
“Is this the bugoong?” tanong ko sa tindera at itinuro iyong isang lalagyan.
“Huh? Anong bugoong?” Iyong tindera na kahit ang ilang mga nasa paligid ay nagpigil na ng tawa.
I glance at Isaiah with confusion.
“Ano nga ’yon?” I whispered.
“Bagoong,” si Isaiah.
Lumingon ulit ako sa tindera na nakatingin sa aking likuran pero nahihiya ring nag-iwas ng tingin dahil sa pamumula ng pisngi.
“Ah… Bagoong… Oo miss… Akin na. Ako ang maglalagay.” Naglahad ito ng kamay.
Ibinigay ko sa kanya iyong supot at pinanood siyang lagyan ang loob noon. Kumuha ako ng stick at kinuha rin iyong cellophane na inilahad ulit ng babae na may laman nang bugoong.
Kaya habang nakasakay na ulit kami sa tricycle ni Isaiah ay iyon ang kinakain ko. Ang aming mga pinamili naman ay naroon sa paanan at doon niya nilagay.
Inihilig ang aking mga siko sa kanyang hita. Natuon ang kanyang mga mata sa aking buhok at may kung anong pinunasan doon.
Pagdating namin ulit sa condo ni Anzai ay kapwa na silang dalawa nagpasya na magluto. So Anzai is good at cooking, too? Kahit si Isaiah ay marunong rin eh.
Nasa sofa lang ako, nakaupo roon habang kumakain noong prutas na hinugasan ni Isaiah at ibinigay sa akin para kainin ko habang naghihintay.
Pagkatapos rin naman nilang magluto ay kumain din kami. Nagluto ng ginataang shrimp si Isaiah and it really tastes good. Siya pa ang bumabalat noong mga shrimps ko kaya si Anzai itong panay ngisi at naiiling.
“Hindi ka pa nagkakaboyfriend, Zera?” biglang tanong ni Anzai na kahit si Isaiah ay napasulyap sa kanya.
Umiling ako.
“Hindi pa. My cousins are strict.”
“Sinisi mo pa sa mga pinsan mo. Hindi ka lang talaga gusto ng taong gusto mo,” sagot naman ni Isaiah na ikinatalim ng tingin ko sa kanya.
“That hurts, Isaiah,” ani Anzai sa mapang-uyam na boses.
Nagkibit lang si Isaiah, nasa binabalatang shrimps ang mga mata.
“Bahala siya,” suplado niyang sabi.
“Ignorante pala,” si Anzai at tiningnan ako.
“Huh? Ako?” I pointed myself.
Tumango siya at sumubo.
“Ignorante sa pag-ibig,” aniya.
Umawang ang aking labi, handa nang magsalita. Gusto ko sanang sumagot sa bagay na iyon at ipagtanggol ang aking sarili kaso ang walanghiyang si Isaiah ay ipinasok agad sa aking bibig ang kanyang nabalatan nang shrimp kaya hindi na lamang ako nagsalita at ngumuya nalang.
15th Lured
Lured
Pissed
Sa condo kami ni Anzai nagpalipas ng oras. Nanonood ako ng tv na nasa HBO at may palabas na vampire something while the two are talking seriously for their upcoming gig this Sunday. Iyong iba naman ay sila nalang ata ang nagkakaintindihan.
“Okay na kayo?” si Isaiah iyon.
Naroon sila sa bandang veranda. Noong pasimple akong lumingon ay nakita ko si Anzai na na naninigarilyo na roon habang si Isaiah ay seryosong nakatingin sa kaibigan.
Ibinalik ko agad ang tingin sa tv nang lumingon si Isaiah. Kumuha ako ng grape na nasa aking kandungan at iyon ang kinain.
“Kailan ka uuwi?”
Hindi kumibo si Anzai sa tanong ni Isaiah.
“Buti nga ikaw may uuwian pa,” aniya, naging matabang ang boses.
Hindi ko maiwasang mapalingon sa kanya. Nahuli niya agad ang aking mga mata at tinaliman ako ng tingin kaya ibinalik ko nalang ulit ang tingin sa tv.
What does he mean by that? Nasaan nga pala ang pamilya ni Isaiah? May kapatid ba siya?
Hindi rin naman kami nagtagal doon at iniwan rin namin si Anzai. Habang pabalik kami sa school at nakasakay na sa tricycle ay hindi ko na naiwasang magtanong.
“I’m just curious… Nasaan ang parents mo?”
Malamig ang ipinukol niyang tingin sa akin, nakatitig lamang at wala atang balak sumagot.
“Narinig kita kanina… You told Anzai-”
“Tsismosa,” aniya at nag-iwas ng tingin.
“Bakit? I am just curious since you’re living alone. Taga province ka ba? Did you went here to pursue your dreams? May kapatid ka?”
Isaiah licked his lowerlip and brushed his hair using his finger. Medyo nabalandra ang kanyang noo dahil sa kanyang ginawa saka humawak sa gilid ng tricycle.
“Ulila ako,” malamig niyang sagot. “Bata pa noong mamatay ang parents.”
Dahan-dahang umawang ang aking bibig. W-Wala na siyang parents? Kaya ba ganoon na lang siya ka sipag? He only have himself. Wala palang tumutulong sa kanya. Maybe the reason he study really hard because of this.
Hindi na ako nakapagsalita at nakatitig na lamang sa kanya. Gusto ko pa sanang magtanong kung anong ikinamatay nila pero halatang ayaw niya rin iyong pag-usapan dahil sa yumayakap na ekspresyon sa kanyang mukha. Nang mapansin niyang nagtagal ang aking mga mata ay bigla niyang hinilamos ang kanyang palad sa akin.
“Stop staring,” iritado niyang sabi.
Kumurap ako at tumitig parin sa kanya.
“Namamangha lang ako. You’re working hard for yourself. Nag-aaral ka and nagwowork at the same time plus namimaintain mo pa ang grades mo.”
“Determinado akong makatapos kaya makakatapos talaga,” sabi niya.
“Eh ano bang course mo?”
“Engineering…”
“Wow… Engineer Silvestre.” Ngumisi ako na ikinailing niya at nag-iwas ng tingin sa akin. I tilted my head just to see his expression kaso mas lalo lang iniwas ni Isaiah ang mukha, ayaw nang titigan ko siya.
“Pag may license kana as an Engineer, sa’yo na ako magpapagawa ng bahay.”
Sumulyap ang kanyang mga mata sa akin.
“Mahal ako maningil,” sabi niya sa baritonong boses.
“It’s okay. I’ll pay you.” I chuckled.
Naging seryoso lalo ang kanyang ekspresyon at nag-iwas muli ng tingin sa akin.
“Pupunta ka sa Linggo? Wala na bang may birthday?” tanong niya sa mahinang boses pero sapat lang para marinig ko.
“Yes. I’ll try to bring Keesha with me.”
“Kahit ikaw nalang,” ani Isaiah, dumaan agad ang iritasyon sa mukha.
“Mas maganda kung nakita ka niyang kumakanta, Isaiah. Stop being so torpe.” Tinapik tapik ko ang kanyang balikat.
“Tss. Bahala ka nga,” suplado niyang bigkas.
Naging busy ulit ako sa mga sumunod na araw. Last practice nalang rin kasi at magpeperform na kami this Saturday sa gym. Hindi naman rin kami nahihirapan sa choreography lalo na’t binase namin iyon sa napanood namin sa youtube na Sheryl Murakawi Choreography and they really killed it with the chair as their props.
“We shouldn’t tie our hair to achieve the seduction.” si Vienne, isa sa mga kagrupo ko.
I agree with her since sa video rin ang ganda panoorin ng kanilang buhok na sabay sabay pang gumalaw. We’re not that professional dancers but we really work hard and give our best para lang at least mabigyan namin ng justice ang ganda noong Sheryl Murakawi Choreography ng Earned it.
Kaya noong sumapit na ang araw na iyon ay halos kabado ako, hindi dahil alam kong kasali iyon sa magiging exam kundi dahil sa nakikita kong pumapasok na mga Senior sa gym. Why am I so nervous? Sanay naman sana akong nagpapasikat kay Trey pero ngayon ay nilalamon talaga ako ng kaba.
I pursed my lips to feel my lipgloss. Nagmake-up rin kami and we put some eyeliners to our eyes, lahat ay uniform at walang naiiba.
Sumulyap agad si Irah sa akin nang napansin niya rin ang grupo ng mga 4th year na pumasok, inuukupa pa ang malapit na bleacher. Nang napagtanto niya kung sino ang isa roon ay agarang ngumisi sa akin.
“Goodluck. I hope you embarass yourself infront of your crush.”
Hindi iyon nakatulong sa akin pero medyo kumalma rin naman ang aking pakiramdam dahil alam kong magkagrupo kaming dalawa. Kami pa naman ang mauunang magpeperform.
“Zera! Zera!” sina Castel at Davin iyon.
Nilingon ko sila sa bleachers at pumalakpak agad sila. Ngumisi ako saka sumulyap kay Trey na busy sa phone at nilingon narin ang katabi niyang si Isaiah, seryosong nakahilig sa likod na bleachers habang nasa akin ang mga mata.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin, hindi na alam kung saan mas lalong kinabahan. Ang confident ko pa naman sana the other days pero ngayon ay para nang magmemelt ang aking mga tuhod.
My team are all wearing some leggings and fit long sleeve plus our killer heels for a twist. Medyo nipis lang ang aking pang-itaas at buti nalang ay naka tube ako sa loob para hindi gaanong klaro.
“Group One,” si Sir Gomez iyon.
Naglapag ng upuan ang kaklase naming lalake para doon umupo si Sir. Dala dala ang tanging index card ng bawat grupo ay pumwesto rin naman siya sa harap.
“Ready na?” tanong niya sa amin.
I nodded as a response, ganoon rin ang aming kagrupo habang nakaupo na kaming lahat sa upuan ng tuwid at nakadikit ang mga hita. So what kung nanonood si Isaiah? I need to focus! And the heck with Isaiah?
Pasimple akong sumulyap kay Irah sa aking tabi, medyo kalayuan sa akin ang gap para hindi kami magtatamaan pag nagsimula na. She looks serious now and ready to perform. Palihim naman akong humugot ng hininga at hinintay nalang ang kanta para makapagsimula na.
Sinenyasan naman ni Prof ang isa naming estudyante na iplay na ang tugtog kaya noong nagsimula agad ang intro ng Earned it by The Weeknd ay kusa nang natangay ang aking katawan, nakabisado na ang napagpraktisan namin sa nagdaang mga araw.
I slowly parted my legs wide apart as I let my fierce expression ruled my face for our first stepping. Kasabay noon ay ang dahan dahan na pagtingala at marahas na ibinangon ang ulo sanhi para nagsiliparan ang buhok sa ere, sumasabay sa biglaang pagrahas ng aming galaw.
Lumingon kami sa harap at humawak sa likod ng upuan saka ipinwesto ang mga hita sa gilid at yumuko roon. Nang sumabog ang sunod na lyrics ay sabay ulit kaming umahon ng dahan dahan at nagbody roll saka ulit nagbend at bumangon, hinahayaan ang buhok naming sumabog rin sa ere.
I heard some whistles. May mga lalake rin akong naririnig na nagmumura pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin at nagconcentrate sa lyrics at counting sa aking isipan.
So I love when you call unexpected
’Cause I hate when the moment’s expected
Inikot namin ng tatlong beses ang aming mga ulo kasabay ng pagpwesto muli sa gilid ng upuan, ngayon ay nakatalikod na sa bleachers. Humawak ako sa likod ng upuan habang dahan dahang ipinapadaosdos ang heels sa sahig at iginalaw ang balakang sa nakakaakit na paraan.
So I’ma care for you, you, you
Humarap ako sa kabilang gilid at iniapak ang isang paa sa gilid ng upuan, ngayon ay nakaharap na sa bleachers, kung nasaan nakaupo sina Trey at titig na titig sa aming performance.
I’ma care for you, you, you, you, yeah
I sexily move my head up and caresess my hair, brushing it backwards slowly while bending my back more.
Nang umahon muli ako at dumilat, nahuli ko agad ang mga mata ni Isaiah sa harapan. He’s watching me intensely using his dark eyes while his lips were part a bit.
I left his eyes and turned around the chair while we’re sexily walking and stop, bend our legs and throw our heads up as we clutched the back or the chair and wait for the chorus part.
’Cause girl you’re perfect
You’re always worth it
And you deserve it
The way you work it
’Cause girl you earned it, yeah
Girl you earned it, yeah I love
We rolled our hips and parted our legs again, throwing our head up together with our hair, at muling babangon para igiling sa mabagal na paraan ang pwetan at humilig sa likod ng upuan.
Damn I realize this choreography is just too sexy! At sa tuwing ipaparte ko ng malaki ang aking mga hita, hindi ko maiwasang sumulyap sa bleachers. I only notice how Isaiah’s jaw clenched habang gumagalaw ang lalamunan dahil sa paglunok. Palaging nagtatama ang mga mata at sa tuwing nangyayari iyon, hindi man lang siya kumukurap, ipinapakita niya talaga sa akin kung gaano kalalim ang kanyang paninitig and it’s really different. His eyes were filled with something foreign to me. Tila isang apoy na kumakalat sa kanyang mga mata kaya sobrang nakakapaso ang tingin sa akin.
You know our love would be tragic (oh yeah)
So you don’t pay it, don’t pay it no mind
We live with no lies
Hey, hey
And you’re my favourite kind of night
So I love when you call unexpected
’Cause I hate when the moment’s expected
So I’ma care for you, you, you
I’ma care for you, you, you, you, yeah
’Cause girl you’re perfect (girl you’re perfect)
You’re always worth it (you’re always worth it)
And you deserve it (and you deserve it)
The way you work it (the way you work it)
’Cause girl you earned it (earned it, yeah)
Girl you earned it (earned it, yeah)
I catched my breathed after our dance number. Nakaawang na ang bibig ni Sir Gomez, at hindi lamang iyon, napuno na ng mga lalake ang mga bleachers, nakikinood narin at ganoon rin ang reaksyon, halos hirap isara ang bibig.
Bumuo kami ng isang linya at nagbow para masabi lang kay Sir Gomez na tapos na iyon at doon rin naman siya natauhan dahil sumabog ang palakpakan at maraming sipol ng mga tao sa paligid.
“Grabe! Ang galing mong sumayaw, Zera!”
I heard my names on the crowd. Ngumisi ako at pinunasan ang pawis sa aking leeg. I guess it’s worth it! Hindi ako nagkamali!
“Good job, Group 1,” ani Sir Gomez at tumayo para pumalakpak narin.
Nagkatinginan kami ni Irah at sabay na tumawa. Pero nang mapagtanto naming naghahagikhikan kaming dalawa ay sabay rin kaming umirap.
Paglingon ko sa bleachers, pumapalakpak narin si Trey, malawak ang ngisi ganoon sina Castel at Davin maliban kay Isaiah na nawala na sa kanyang pwesto. Nasaan na ’yon?
But I’m happy Trey clapped for us! Kanina lang busy siya sa phone niya! I think he really believed in me that I dance so well.
“Tumayo nipples ko sa’yo, Zera! Grabe! Your alluring face is such a turn on!” sabi noong kaklase kong babae na si Cheena.
“Thanks…” sabi ko at nilapitan si Elle na kabadong kabado na.
“Masyado niyong ginalingan! Ayan tuloy ang rami rami nang nanonood,” aniya at bumusangot ng husto.
Kinuha ko sa kanyang gilid ang aking bottled water at binuksan. Pagkatapos noong mangalahati ay nginisihan ko siya.
“Handa kanang mabali ang buto mo para sa grades mo?”
Mas lalo lamang sumimangot si Elle. Ibinalik ko muli ang tingin doon sa kabilang bleachers at wala na talaga si Isaiah. Sina Castel nalang ang naroon, naghahahalpakan at nag-aapiran ang tatlo.
Why did he walk-out? Hindi pa tapos ah?
Iyon na ang bumagabag sa aking utak sa sumunod na oras. I already change at naka fitted jeans na paired with sweethearts top.
“Ba’t ka nakatitig sa cellphone mo?” biglaang tanong ni Irah habang nasa cafeteria kami kasama si Elle.
Namalayan ko nalang na kanina ko pa pala iyon tinititigan. I’m thinking if I’ll text Isaiah to ask him why he walked out and didn’t finish the performance… or hayaan nalang?
“Wala,” tangi kong sagot at ibinulsa iyon.
“May number kana ni Trey? Nagtetext na kayo? Eh ’di ba may nililigawan siya?” ani Elle.
“Wala akong number ni Trey,” tangi kong sabi at ginalaw na ang pagkain sa harap.
It bothered me for a couple of minutes. Kahit noong tumayo ako dala dala ang aking bottled water para lagyan iyon ng tubig ay nakikita ko parin ang malalim na paninitig niya sa akin habang sumasayaw ako kanina.
Since when did I started thinking about him looking at me intensely?
“Hi, Zera! Anong oras tayo bukas?” si Keesha iyon, nakasalubong ko sa corridor.
Naalala ko agad iyong sinabi kong isasama ko siya para mapanood na kumanta si Isaiah. And tomorrow is Sunday.
“Maybe 5? Let’s just text each other,” sabi ko.
Tumango naman siya at inilahad sa akin ang kanyang cellphone.
“Pakisave nalang ang number mo,” aniya.
Kinuha ko iyon at itinipa ang aking number doon. Lumalandas naman ang ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone.
“Excited na ako. First time ko siyang maririnig na kumanta…” Nangislap agad ang kanyang mga mata nang tingnan ko iyon.
“He’s really good,” sabi ko na ikinalawak lalo ng kanyang ngiti.
“Thank you so much, Zera… Thank you…”
Tanging tango lang ang naisagot ko at nagpaalam rin naman na umalis na. Bakit ganon? Parang may mali. I don’t feel good… Bigla akong nabubwesit.
Sa gabing iyon ay natulala nalang ako sa ceiling. I am seeing Isaiah’s serious face and I really hate it. Hindi ko siya matanggal sa isipan ko. This isn’t the first time he look at me like that pero ewan ko ba… It’s so weird…
Bakit ba kasi napakahayop makatitig ng lalakeng iyon? Para siyang nanghuhubad sa kanyang mga mata!
Nahipo ko ang aking noo at bumusangot. At bakit naman siya nagwalk-out? I’m really curious!
Bumangon ako nang hindi na makayanan ang kaingayan ng aking isipan. Tiningnan ko ang bedside table at nakita roon ang oras.
It’s already 10:40 pm! Maaga naman sana akong dinadalaw ng antok pero ba’t ang hirap matulog sa oras na ’to?
Kinuha ko ang aking cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Isaiah.
Ako:
You walked out.
Humiga akong muli at gustong isantabi ang pinag-iisip kaso noong nagvibrate ang aking cellphone ay mabilis ring dumagsa ang pagnanasa kong malaman ang dahilan niya.
Tiningnan ko iyon at binuksan.
Isaiah:
I watched the whole performance.
Napanood niya?
Nagtipa ulit ako.
Ako:
Nawala ka ’no. Hindi kita nahanap sa bleachers.
Gumulong ako at niyakap ang aking unan. Hinalikan ko iyon at ibinaon ang aking lani roon habang hinihintay ang kanyang reply.
Lumabas rin naman agad iyon.
Isaiah:
Lumabas ako.
Nagtipa ako.
Ako:
Saan ka pumunta? Tumayo ka agad at umalis.
Natagalan siya sa pagreply kaya pumikit muna ako. My heart hurts… Nadidismaya ako bigla sa lakad ko bukas.
Noong naramdaman kong magvibrate ang aking cellphone ay mabilis akong dumilat.
Isaiah:
Babawi nalang ako bukas.
Napanguso ako roon. Kinagat ko ang aking labi at nagtipa ng mensahe.
Ako:
You’re going to treat me with tusok tusok?
Isaiah:
Oo.
Hindi mabura bura ang aking ngiti at nagtipa ulit ng mensahe.
Ako:
Okay.
Bago pa ulit ako makatipa ng panibago ay may panibagong mensahe ang lumabas at nanggaling sa unknown number. Binuksan ko iyon.
Unknown:
See you tomorrow, Zera!
Napawi ang aking ngiti nang mabasa ang text na iyon. This is Keesha. H’wag ko nalang kaya itong isama? Why not, Zera? What’s the sudden change of mind?
Nagvibrate ulit ang aking cellphone at mabilis iyong binuksan pero nadismaya nang si Lalaine lang pala iyon.
Lalaine:
Pupunta ka bukas?
Nagtipa ako.
Ako:
Yup.
Nagreply rin naman agad ito.
Lalaine:
Sige. See you, karibal!
I sighed and close my eyes. Naiirita na agad ako habang iniisip pa lang na naroon si Keesha. At bakit naman, Zera?
Itinulog ko na lamang ang mga tanong na hindi ko mabigyan ng sagot o ayoko lang talagang sagutin ng deritso sa aking sarili. I don’t want to complicate my mind, the situation and myself. I need to stick with my plan. Hindi pwedeng lumiko nalang ako bigla sa hindi ko alam na dahilan at kung bakit bigla bigla akong nagkakaganito.
Kinabukasan ay handa na ulit akong umalis. I wore a square neck chiffon croptop with ribbons paired with black jeans, showing a bit of my stomach plus sandals. Isinuot ko ang gucci sling bag ko at tiningnan ang sarili sa malaking salamin sa aking kuwarto.
Nakahalf ponytail ang aking buhok at bumabalandra ang malalalim kong collarbone. Masyadong maliit ang aking mukha na may light make-up lamang at bumagay iyon sa hugis at kahabaan ng aking leeg.
Nang makontento ako sa aking hitsura ay nagspray ako ng perfume saka rin naman bumaba.
Agad akong tiningnan ni Kuya habang nasa grand staircase pa lamang ako.
“May lakad kana naman?” tanong niya sa kalmadong boses.
“Yep! You can fetch me later at 9 or 10, Kuya,” sabi ko, inunahan nalang ito dahil alam kong iyan ang kanyang sasabihin.
Tumango siya.
“Magtext ka nalang kung magpapasundo kana,” aniya na ikinakurap ko.
That’s new…
“Okay! Bye! Nagpaalam na ako kina Daddy at Mommy don’t worry,” sabi ko habang naglalakad palabas ng bahay.
Hindi na ito sumunod sa akin. Pumasok ako sa loob ng SUV na maghahatid sa akin at naramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone. Chineck ko iyon.
It’s Keesha.
Keesha:
Nandito na ako. Nasaan kana?
Umangat ang aking kilay roon. Hindi naman halatang excited siya, right?
Sa isang malaking stage ngayon magpeperform ang banda ni Isaiah at hindi sa isang Bar. I think katulad ulit ito noong una ko silang napanood ng live at mukhang may nag-imbita ulit sa kanila sa isang event.
Buti nalang at naroon sina, Lalaine. Sila na ang magbibigay ng upuan para sa akin.
Nagtipa ako.
Ako:
Otw
Tamad ko iyong ipinasok sa purse at umismid. Naiirita na agad ako at hindi ko na naman alam kung bakit.
Or maybe… Nevermind.
Ilang minuto lang ay dumating rin naman ako sa venue. Lumabas ako at nagpaalam sa driver namin saka tinext si Keesha.
“Zera!” ang pamilyar na boses ang agad na umalingawngaw sa aking boses.
Nilingon ko si Joy, sa kanyang gilid ay si Maritez at naka ‘Chasing Sunset’ tshirt na naman sila. May nakita ulit akong iilan na hindi pamilyar sa akin ang mukha at mukhang fan ni Isaiah dahil sa Silvestre’s wife.
“Buti pumunta ka! Wala ka noong Sunday! Alam mo ba kung anong nangyari… Hindi natuloy ang performance nila kasi nagwalk-out daw si Isaiah, pinacancel doon sa isang Bar!” balita agad ni Joy sa akin sa malungkot na boses.
Huh? Akala ko ba nacancel? Pinacancel niya pala? Eh pumunta pa ’yon sa 3DBar noong gabing iyon after I texted him that Keesha was there.
Naisip ko palang ang rason na iyon, kumulo na agad ang aking dugo.
“Ang ganda ganda mo talaga, Zera… Ewan ko pero para kang anghel tapos may sungay!” si Maritez na humagikhik pa.
“Maiinlove lalo niyan si Isaiah sa’yo eh! Kaya hindi talaga iyon tumitingin sa ibang babae!” si Joy naman.
Ngumisi na lamang ako. Really huh? Really, Isaiah? Tingnan nga natin mamaya since Keesha is here.
And speaking of that girl… Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.
Ako:
Nasa gym area ako.
Tiningnan ko ang mga barricade na nakaharang. Naka set na ang stage at mukhang ilang minuto nalang ay magsisimula na. Crowded ang paligid at mas marami atang tao ngayon kumpara noong una.
“Zera!” si Lalaine na iyon, sumulpot narin dito at naka Silvestre’s wife.
Tinitigan ko iyon saglit pero inilipat ko rin s kanyang mukha.
“Nagpaganda ka naman ata ng husto. Akala mo ba maaagaw ko si Isaiah sa’yo?” Umismid siya nang tingnan ako mula ulo hanggang paa.
Sinuklay ko ang aking buhok at ngumisi lamang. Come to think of it, Zera. Lahat ng nakapaligid sa’yo, itinutulak ka kay Isaiah. Why are they like this? Bagay ba kami?
“Zera,” isang pamilyar ulit na boses ang tumawag sa aking likuran.
Lambing palang noon ay alam ko na agad kung sino.
Nasa likod ko narin ang tingin nila Joy, Maritez at Lalaine, takang taka kung sino iyon. Nilingon ko si Keesha hanggang bumungad sa akin ang kanyang kabuuan.
She’s wearing an A line dress, showing a bit of her cleavage and some flats. Ramdam ko ang pagsinghap ni Joy sa aking likuran.
“Sino ’yan, Zera? Ang ganda niya,” aniya, pabulong lamang.
“Ang ganda nga niya,” si Maritez iyon, sumasang-ayon narin.
Hindi ako nakakibo. Their compliment suddenly pissed me.
16th Lured
Lured
Trouble
“Hi! Mga supporters rin ba kayo ni Isaiah?” Nakangiting tanong ni Keesha sa tatlo na nasa aking likuran at nakatitig lamang sa kanya.
Tumabi ako para mas magkaharap sila. Nakangiti sina Joy at Maritez habang tumatango maliban kay Lalaine na nalilito kung sino ito.
“Uh, this is Keesha… schoolmate rin namin ni Isaiah,” pagpapakilala ko.
“And this is Joy, Maritez and Lalaine,” walang gana kong bigkas.
Nakipagkamay naman agad si Keesha, who looks very overwhelmed, sa tatlo. Hindi pa rin nawawala ang kislap sa mga mata ni Maritez, katulad noong una niya akong nakita ay ganoon ulit ang kanyang reaksyon including Joy who’s very friendly too unlike Lalaine…
“Ang cute naman ng tshirt. Pwede rin akong magsuot since fan rin ako ni Isaiah,” ani Keesha nang mapunta ang tingin kay Lalaine.
Imbes tingnan siya ni Lalaine, nilingon ako nito.
“Upo na kaya tayo? Baka magsisimula na,” si Lalaine, na nagtataray na naman sa mga nararamdaman niyang kay Isaiah may gusto.
Tumango ako.
“Sabay ka sa amin, Keesha,” si Joy na ang umasikaso sa kanya lalo na’t kay Lalaine rin ako lumebel sa paglalakad.
Sila ni Maritez ang nakikipag-usap kay Keesha sa likuran kahit noong nakaupo na kami. Si Lalaine naman itong takang taka sa aking gilid.
“Sino ’yan? Parang di ko gusto,” bulong ni Lalaine at ngumingiwi.
“Mabait ’yan,” tangi kong bigkas at nakafocus ang mga mata sa stage.
“Ayoko parin. Pumayag na ako sa inyo ni Isaiah ah. Pero pag ibibigay mo siya sa iba ay hindi na talaga ako papayag.”
Hindi ako kumibo sa bagay na iyon. I don’t feel like explaining my side that we’re not couples. Parang mas gusto ko nalang hayaan na ganoon ang isipin nila. I want them to say it to Keesha for her to know that they ship Isaiah with me.
Okay. What?
“I am already 19,” si Keesha iyon sa likuran.
“Ah, edi 2 years lang pala ang gap niyo ni Isaiah?” si Maritez naman.
Keesha giggled.
“Nasabi rin ba sa inyo ni… ni Zera? Nakakahiya naman.”
Umangat ang aking kilay roon. Humalukipkip ako at ipinatong sa isang hita ang isa pa. Nasabi ang alin? Don’t tell me…
“Ang alin? Hindi naman masyadong nagkukwento si Zera kasi si Isaiah lagi ang kausap niya. Close sila,” si Joy.
“Yes I know they’re close… Uhm… Zera told me that…” Suminghap siya. “Nevermind. Nahihiya ako eh.”
“H’wag kanang mahiya. Mababait naman kami,” si Maritez.
Keesha giggled again. Napairap ako roon at matalim na tiningnan ang stage. Can’t she just shut-up? Nakakairita ang boses niya.
“Ang sabi ni Zera, m-may gusto raw si Isaiah sa’kin,” ani Keesha sa dalawa na kahit si Lalaine ay napalingon na roon.
“Huh? Si Isaiah may gusto sa’yo?” si Lalaine.
Lumingon narin ako at nakita ang pagtango ni Keesha habang nakangiti.
“Sinabi ni Zera. Isaiah likes me…”
Nagkatinginan sina Joy at Maritez, hindi alam kung paano rereact na kahit si Lalaine ay nilingon ako habang magkasalubong ang kilay.
“Totoo, Zera?” si Maritez na ngayon ay nakatingin sa akin, medyo dismayado.
“Gusto siya ni Isaiah?” si Lalaine naman, pagalit ang pagkakatanong.
Hindi man lang ako makasagot. Parang may bumabara sa aking lalamunan. Gusto kong sabihing oo ngunit parang ayaw makisama ng aking katawan.
Bigla nang nagsigawan ang mga manonood kaya mabilis kong iniwas ang aking tingin at laking pasasalamat na lumabas narin sina Isaiah.
“Oh my gosh!” si Keesha iyon.
Isaiah looks so snob while fixing the mic infront of him. Sina Lyle at Anzai ay ganoon na rin, ang gitara na ang inaasikaso at pumupwesto na habang si Raziel ang nakaupo sa harap ng drums.
Nagtilian lalo ang mga tao. Sa sobrang lakas ay napangiwi nalang ako.
“Isaiah! Isaiah! Isaiah! Isaiah!”
“I love you Chasing Sunset!”
“Isaiah! Isaiah! Isaiah!”
Dumaan ang iritasyon sa mukha ni Isaiah, marahil ay nairita sa pasigaw sigaw sa kanyang pangalan na ikinangisi ko. He’s really snob with girls.
Nagsimula na silang tumugtog. Binasa ni Isaiah ang kanyang labi habang nakahawak na sa mic at pumikit habang ang isang paa ay sumasabay sa beat na nag ta tap ng marahan.
“Hari ng dedmahan ng teleponong apat na magdamag nang di umiimik…” kanta niya sa malamig na boses na ikinasigaw agad ng lahat.
I remained watching him how he brushed his finger on his hair and licked his lips again.
“Kung di ka tatawagan, may pag-asa kayang maisip mo ako’t biglang mamisss…” Dumilat siya, iginala ang mga mata rito hanggang sa tumigil iyon sa akin. Ni hindi na ako makakurap, ang aking mga mata ay masyadong nakasentro sa kanya.
Ngumisi siya na ikinalabas ng kanyang dimple. Mas lalong nagsigawan ang mga tao. Puro nila bukambibig si Isaiah.
“Ngumiti siya!”
“Ngumiti si Isaiah, for the first time!”
“May dimple pala siya!”
“Isaiah Jace Silvestre! Bumaba ka riyan! Pakasalan mo ako!”
“Hindi kita mapipilit kung ayaw mo… H’wag mo akong isipin, bahala na…” kanta niya habang ang ulo ay sumasabay sa beat.
“Hindi kita mapipigil kung balak mo ako’y iwanang nag-iisa…”
Kumalabog ng husto ang aking dibdib at parang nakikipagkompetensya sa malakas na beat ng kanilang kanta. Sinapo ko iyon at suminghap. Para na akong mawawalan ng hangin sa sobrang lakas na nabingi na lamang ako.
God… Am I… Am I falling?! Ngayon pa kung kailan nagugustuhan narin siya ni Keesha?!
Nabingi na ako at hindi ko na marinig ang kinakanta. Nagslowmo na si Isaiah sa aking mga mata. Seryosong seryoso na ulit ang kanyang mukha habang lasing ang mga matang nakatingin sa kawalan katulad ng nakagawian niya.
Lumunok ako, doon lamang natauhan nang may bumulong sa akin sa likuran.
“Nakapagdesisyon na ako, Zera! Hindi ko na sasagutin si Trey. I’ll tell him tomorrow to stop courting me!”
Nilingon ko si Keesha na nangingislap ang mga mata at hindi mabura bura ang ngiti. She’s even blushing hard at makikita mo talaga na manghang mangha siya sa napapanood niya.
Tumango lang ako, hindi na gaanong nagbigay ng opinyon at ibinalik ulit sa stage saka bumusangot.
Are you crazy, Zera?! ’Di ba ito naman ang gusto mo? Ba’t parang hindi ka masaya? You already did your part. You successfully lured her to like Isaiah pero bakit… bakit ako na naman itong ayaw sa ediyang iyon.
Kinagat ko ang aking labi at ipinaalala sa sarili ang lahat ng ito. You like Trey, right? Right, Zera?
“Thank you so much!” si Lyle iyon, nagpapasalamat na sa mga fans nilang mas nagsigawan lang.
“Ang guwapo mo Lyle!”
“Ang ganda mo rin,” ani Lyle at humalakhak kaya nagkagulo lalo.
Siniko ako bigla ni Lalaine.
“Oh nakatingin si Isaiah sa’yo oh!” aniya, medyo palakas ang pagkakasabi kaya umahon ang aking mga mata sa stage.
Nahuli ko agad ang pag-iiwas ng tingin ni Isaiah at dinukot ang kanyang cellphone habang pumupunta na sa backstage.
“Hindi ko tuloy alam kung si Zera o si Keesha ba ang tiningnan ni Isaiah,” si Maritez iyon.
“Torpe kasi si Isaiah eh,” si Keesha iyon. “He can’t even look at me in the eyes…”
Nilingon siyang muli ni Lalaine.
“Oo, ganoon talaga siya sa lahat ng babae dahil hindi siya interesado. Marami tayong hindi tinitingnan niya, h’wag kang mag-alala,” si Lalaine sa sarkastikong boses.
“Sa tagal tagal din kasi naming sumusuporta sa Chasing Sunset nakabisado na namin isa isa ang members. Si Isaiah ang sobrang snob sa kanilang apat na kahit tumingin sa mga mata ng babae ay hindi ka talaga pagbibigyan. Si Anzai kung titingin man, matatakot ka rin dahil napaka ruthless niya tingnan, si Lyle at Raziel naman ang mga friendly na nagfafanservice talaga,” si Joy.
“Si Isaiah kasi focus lang sa pagkanta. Focus lang siya sa sarili niya at walang pakialam sa mga sumisigaw sa pangalan niya. Pero kahit ganoon siya, siya ang may pinakamaraming fans dahil nga ang guwapo niya sa pagiging snob niya. Guwapo naman silang lahat pero si Isaiah kasi…” si Maritez iyon, hindi na nadugtungan at parang walang salitang mahanap para idugtong.
“Oo kaya baka hindi totoo na gusto ka ni Isaiah. Hindi siya torpe, sayang wala lang talagang pakialam kaya di makatingin sa’yo,” si Lalaine.
Tumawa si Keesha sa marahang boses.
Alam ko ang ugali ni Lalaine dahil ginanon niya rin ako noong una. But why am I liking her now? Kung noong una ay naiirita pa ako sa ganyan niyang ugali, ngayon ay parang nakahanap ako ng magsasaboses ng aking isipan.
“I understand you. Gustong-gusto mo rin kasi si Isaiah kaya siguro hindi mo tanggap na may nagugustuhan na siyang iba,” ani Keesha.
“No… Girl. Ginive-up ko na si Isaiah pero hindi sa’yo,” si Lalaine.
“Zera told me at alam kong totoo ’yon dahil noong Sunday… Pumunta siya sa Bar dahil nagseselos daw sabi ni Zera.”
Natigilan na roon si Lalaine. Sina Joy at Maritez ay gulat ang mukha na nakikita ko pa sa gilid ng aking mga mata.
“P-Pinacancel ni Isaiah ang gig nila noong araw na ’yon at umalis. Nagulat nga kami kasi first time iyon. Ikaw ang pinuntahan niya?” si Maritez.
“Huh? P-Pinacancel niya talaga?” gulat namang tanong ni Keesha.
“Oo. Wala ngang nagawa si Anzai eh. Hinayaan nalang nila,” si Joy.
“Naroon kasi ako sa Bar… At bigla rin siyang sumulpot. Ang sabi ni Zera nagseselos raw ata si Isaiah,” si Keesha.
Napairap ako ng husto roon. Of course I’m luring her to like him back kaya ko iyon sinabi. Isaiah didn’t tell me that he’s really jealous pero iyon rin naman ang inisip ko. But Isaiah didn’t clarify it!
“Talaga? Eh si Zera kasi ang sabi niya rin sa amin hindi niya type si Isaiah pero close talaga sila,” si Maritez.
“Yep. Hindi type ni Zera si Isaiah dahil alam ko kung sino talagang gusto ni Zera. Kalat iyon sa buong school and it’s not Isaiah. Close lang talaga si Zera sa mga boys since she’s friendly,” si Keesha.
“Ah ganon pala…” si Joy.
“Ang swerte mo naman at gusto ka ni Isaiah,” si Maritez.
“Salamat…” ani Keesha.
Umirap nalang si Lalaine at makahulugan akong tiningnan. Hinaplos ko lang ang aking buhok at ayaw magbigay ng ekspresyon sa kanilang pinag-uusapan.
“Ganyan talaga si Lalaine, Keesha. Si Zera nga noong una tinarayan niya rin,” ani Joy at tumawa.
“Okay lang. I understand since being a fangirl is really hard. Palagi kang pinapangunahan ng selos at gusto mo sa’yo lang ang tinitingala mo,” si Keesha.
Iritang irita na ako at gusto ko nang patigilin ang kanilang pag-uusap. May panibago nang pumalit sa stage at mukhang may tumatakbong konsehal or something lalo na’t nag-speech na roon na iboto ito.
Makaraang ilang minutong mahaba haba at sobrang boring na speech ay umakyat muli ang banda ni Isaiah para kumanta.
“This is our last performance tonight. Thank you for inviting us, Governor…” si Lyle ang nagsalita.
“I love you fans,” si Raziel naman na humagalpak agad kaya nagsigawan muli ang mga babae.
Naglagay na ng stool si Isaiah at doon umupo. He looks so serious at hindi man lang tumitingin dito. Si Anzai ay isinuot muli ang gitara at handa na muling magperform.
“Gusto niyo bang interviewhin ko muna si Isaiah? Ang napaka snob nating vocalist?” ani Lyle at itinapat pa ang mic rito.
“Oo! Gawin mo, Lyle!”
Tumango naman si Lyle at nagtungo sa tapat ni Isaiah na iritado siyang tiningnan.
“Chill… H’wag mo akong takutin,” aniya at humagalpak.
“Ang guwapo mo Isaiah!”
“Magsuplado ka lang lalo, Isaiah!”
“Isaiah! Ba’t mo ninakaw ang puso ko?!”
Narinig ko ang hagikhik ni Keesha sa aking likuran. Umirap ako roon at bumusangot ng husto, nang ibalik ko ang tingin sa harap ay magkasalubong na ang kilay ni Isaiah sa akin. Nadistract rin siya at itinuon ang mga mata kay Lyle na kinukuha ang kanyang atensyon sa pamamagitan ng pagwawagayway ng kamay nito sa kanyang mukha.
“Sige ito nalang ang tanong ko. May pag-aalayan ka ba ng kanta?”
Itinapat ni Lyle ang mic sa kanya at simpleng tango lang ang ginawa ni Isaiah habang inaayos na ang buhok.
Agad namang inilayo ni Lyle ang mic.
“Grabe ang lakas ng boses mo, Isaiah! H’wag ka namang sumigaw!” sarkastiko niyang bigkas na ikinatili muli ng mga babae.
Natawa ako sa pinaggagawa ni Lyle. Isaiah frowned when he catched me laughing. Marahan niyang pinalo ang tiyan ni Lyle.
“Tama na ’yang kalokohan mo,” aniya kaya tumango tango rin si Lyle at kumaway pa sa fans habang naglalakad pabalik sa kanyang pwesto.
“Ang cute mo Lyle!”
“I love you, Lyle!”
Nagsimula rin naman sila.
“May pag-aalalayan pala si Isaiah sa kanta niya ngayon…” si Joy.
“Nalilito talaga ako…” si Maritez naman.
“First time ba ’to? Na mag-aalay siya ng kanta sa babae?” si Keesha.
“Oo first time. Kung kailan nandito ka…” si Joy.
Sa aking inis ay lumingon ako sa likod.
“Ang ingay niyo,” matigas kong sabi na ikinagulat nilang tatlo.
Natutop agad ang bibig ni Maritez. Si Joy naman ay nag-iwas ng tingin habang si Keesha ay ngumiti.
“Pasensya na, Zera,” aniya.
Umirap ako at humalukipkip ulit sa harap. Si Lalaine naman ang lumingon sa likod.
“Tama na ’yan ah. Kakanta na si Isaiah,” aniya.
Nagsimula naring magstrum si Anzai, maya-maya ay sinabayan agad ng drums ni Raziel.
“Ah… Borrowed time by Cueshe ata ang kakantahin ni Isaiah,” si Lalaine na bumulong sa akin.
Borrowed time?
“Ohhhh… Ohhhhhh…” Nagsecond voice na si Lyle.
“Every fight needs mending. Every start has an end… Like the sunrise and the sunset, this is how it is…” kanta ni Isaiah sa malamig na boses, nakapikit at bawat salita ay dinadama.
“Ang sakit naman ng kinakanta ni Isaiah tapos iniaalay niya pa sa isang babae,” may narinig akong isa sa mga fans niya.
Lumunok ako at hindi inalis ang tingin kay Isaiah. Dumilat siya, namumungay ang mga mata at seryosong seryoso ang mukha. He found my eyes again and stared at me.
“Love on borrowed time… Will never be yours nor mine. I need you like you need me, the way we ought to be…” kanta niya.
Tumindig ang aking balahibo. Hindi alam kung dahil iyon sa lamig ng kanyang boses o dahil sa lyrics noon.
Pumikit siyang muli at tumingala.
“Oh it’s good to be true… When our dreams come true… Wish that I had more, of this borrowed time… If only it would last a lifetime…”
Yumuko siya at tinapik tapik ang kanyang hita, kagat kagat na ang labi habang sinasabayan ng kanyang ulo ang beat.
Bumigat naman ang pakiramdam ko. Para iyong isang mensahe na ayokong pakinggan dahil masyadong masakit ang bawat pagkakabigkas niya ng lyrics.
He finished the song with pain on his voice. Para siyang nanglilimos ng isang oras sa kanyang kanta na kahit alam niyang may katapusan ay nananalangin nalang siyang wala na iyong hangganan.
And why does it hurts so bad? Bakit parang ang sakit sakit pakinggan? Hindi sa kanila ang mga oras na iyon at hiram lang.
Pinilig ko ang aking ulo at gusto nalang umuwi. I really don’t feel good today. Wala ako sa mood, hindi ako natutuwa sa nangyayari at naiirita ako.
Nagbeep ang aking cellphone. Nakita ko roon ang text ni Isaiah.
Isaiah:
Punta ka sa backstage.
Tumayo na agad ako. Nang mapansin ni Keesha ang aking pagtayo ay tumayo narin siya.
“Aalis kana Zera?” si Lalaine.
Tumango ako sa kanila, hindi na gaanong ngumiti habang si Keesha ay nagpaalam agad kina Joy at Maritez habang niyayakap niya ang mga ito.
I can’t leave her here. Ako ang nag-invite, ako ang nagdala sa kanya. Just go with the flow, Zera! This is your plan!
Sumabay naman si Keesha sa akin habang palabas na kami sa barricade.
“Grabe… Ang puso ko hindi makarecover sa nangyari kanina. Ang guwapo ni Isaiah… Ang lamig lamig ng boses… Ang galing niya,” aniya habang sapo ang dibdib.
Kahit iritado, hindi ko nalang masyadong ipinakita sa kanya na nangangati na akong supalpalin ang kanyang bibig.
“Saan tayo pupunta, Zera?” tanong niya nang mapansing papunta na kami sa backstage.
“Kay Isaiah,” sabi ko sa malamig na boses.
“T-Talaga?!” Natataranta siyang nag-ayos sa kanyang sarili.
Inirapan ko nalang ang aking sarili. Nang makarating kami roon ay narinig ko agad ang hagalpakan ni Lyle at Raziel. Ang unang nakapansin sa akin ay si Anzai na agad siniko si Isaiah na nakapameywang pa ang isang kamay habang umiinom ng tubig sa isang mineral water.
Lumingon si Isaiah ganoon rin sina Lyle at Raziel.
“Uy Zera!” si Lyle iyon at kumaway agad.
Naglakad ako patungo sa kanila, ramdam ang paninitig ni Isaiah at nagkasalubong pa ang kilay nang bumaba ang mga mata sa parteng tiyan ko. Halos madistract ako sa kanyang paninitig at pakiramdam ko’y matitisod ako ano mang oras.
Sumunod naman si Keesha. Nagtatakang tumingin si Lyle at Raziel sa aking likuran, si Anzai ay ibinaba na ulit ang tingin sa gitara niyang hawak.
“May chix ka atang kasama? Ipakilala mo naman,” ani Raziel.
Nilingon ko si Keesha nang tumigil ako sa tapat ni Isaiah.
“This is Keesha. Schoolmate namin siya ni Isaiah,” pagpapakilala ko na ikinangiti ni Keesha.
“Hi…” nahihiyang bati niya.
Namilog ang mga mata ni Lyle at mabilis na nagtungo sa harapan ni Keesha. Naglahad siya ng kamay.
“Hi. Ako si Lyle,” aniya at nakipagshake hands.
Inilahad ni Isaiah sa akin ang hawak niyang mineral water.
“Magliligpit lang ako,” aniya at nagtungo sa kanyang gamit.
Tumango ako at nakita kung paano sumulyap si Keesha sa kanya kaso agad ding nag-iwas habang pinapamulahan ng mukha.
Nagtungo narin si Raziel at nakipagshake hands din kay Keesha na sobrang tamis na ang ngiti.
“Raziel pala, Keesha,” aniya.
“Nice to meet you…” si Keesha sa malambing na boses.
Itinuro ko naman si Anzai na hindi man lang tumayo at walang balak magpakilala.
“Siya si Anzai, Keesha,” sabi ko na ikinatango niya.
“Iyong guwapong gitarista ng banda nila,” si Keesha.
“Ang sakit naman… Gitarista rin ako,” ani Lyle na nagpanggap na sapo ang dibdib.
“Kayong lahat, actually,” ani Keesha at humagikhik.
“Sama ka sa amin, Keesha. Kakain kami sa public market,” ani Lyle habang nililingon si Isaiah na nagliligpit na ng gamit.
“Sige…” ani Keesha.
Nagligpit sila ng gamit. Tumayo lamang kami roon habang pinapanood sila. Nilingon ako ni Isaiah at tumigil sa pagliligpit saka niya kinuha iyong upuang nasa tabi ni Anzai at inilagay iyon sa aking harapan.
“Upo ka rito,” sabi ni Isaiah sa akin kaya umupo ako roon.
“Uh… Pahingi rin ng… upuan,” ani Keesha pero tumalikod na si Isaiah at hindi man lang ito nilingon.
“Lyle. Bigyan mo nga ng upuan iyong isa,” si Isaiah na bumalik na ulit sa pagliligpit.
Kinagat ko ang aking labi at nagpigil na matawa. Ngumuso naman si Keesha at tiningnan si Lyle na mabilis agad kumilos para kunan siya ng upuan.
“Heto, Keesha… Dito ka umupo,” marahang sabi ni Lyle.
“Thanks…” ani Keesha at umupo narin.
Nailing na lamang si Lyle kay Isaiah at nagkamot ng batok. Now I’m wondering if he’s just torpe or he really doesn’t like her? I am already giving him the chance to persuade Keesha pero heto si Isaiah, ang sama ng ugali at hindi talaga ito nililingon man lang o pinapansin.
Katulad ng sinabi ni Lalaine, ni Castel, Isaiah doesn’t like staring at girls. At katulad ng narinig ko kina Silas, heartless si Isaiah pagdating sa mga babae. Marami na itong nasaktan at napaiyak dahil sa pangdededma niya. Hmm…
Pagkatapos nilang magligpit ay nagsilabasan rin naman kaming lahat. Nasa gilid ko si Isaiah habang sa kabila naman ay si Keesha na sinasabayan nila Raziel at Lyle, sila ang kumakausap dito at inientertain habang si Anzai ay nasa likod lamang ni Isaiah.
“Akala ko ba matutulog ka ng maaga ngayon, Isaiah? Wala ka pang tulog, ’di ba?” biglaang tanong ni Lyle na nilingon pa ito rito.
Napatingala narin ako. He… He didn’t sleep?
“You didn’t sleep last night?” tanong ko.
Ibinulsa ni Isaiah ang mga kamay at umiling.
“Bakit?”
“Isaiah is very whipped,” ani Anzai na nasa likuran niya lamang.
Kinagat ni Isaiah ang labi at bahagyang ginulo ang buhok. Nakasentro lamang ang kanyang mga mata sa kalsada.
“Matulog ka dapat ng maaga ngayon, Isaiah. Hindi maganda sa kalusugan ang nagpupuyat,” ani Keesha.
“Oh narinig mo Isaiah… Pinapayuhan kana ng anghel,” si Lyle.
“Shut-up,” iritadong sabi ni Isaiah, hindi ko alam kung si Lyle o si Keesha ang sinabihan.
“Init ng ulo,” ani Lyle at humagalpak.
“H’wag mong iniinis eh kanina pa yan naiirita sa’yo,” ani Raziel.
Nag-apir lang silang dalawa at sobrang nawiwili sa pagsusuplado ng kaibigan nila.
“Ba’t hindi ka natulog?” Ipinagsalubong ko na ang aking mga kilay.
Bumagsak agad ang kanyang tingin sa akin. He licked his lips. Umawang ang kanyang bibig para sana may sabihin pero natutop iyon at iritado niya muling ginulo ang buhok.
Nakikipagtawanan na si Keesha kina Lyle at Raziel, wala na sa amin ang atensyon habang ako itong tinataliman ng tingin si Isaiah na ayaw sabihin sa akin ang dahilan niya.
“Bakit nga?” ulit ko sa tanong.
Nakapamulsa siyang yumuko para bumulong sa akin.
“Halik muna…”
Namilog ang aking mga mata at mabilis siyang pinagsasapak. Humagalpak si Isaiah ng husto habang ramdam ko naman ang pamumula ko. Damn his attractive dimple! Damn his gorgeous face! Damn his godlike visual! Damn everything about him!
Napatingin sa amin si Keesha, nagulat sa paghagalpak bigla ni Isaiah at nagtataka akong tiningnan. I stop from hurting him lalo na’t hindi rin siya natatablan sa malambot kong kamay.
Umirap ako at humalukipkip. Nag-iwas ng tingin si Keesha at ibinalik ulit kina Lyle.
“I’m serious, Isaiah…” bigkas ko at tiningala itong muli.
Napawi ang kanyang ngisi at mabilis nang sumeryoso.
“And I am damn serious, too, Damonisse…” he said huskily.
Natutop ang aking bibig. Ayan na naman… nariyan na naman ang paninitig niyang sobrang lalim. Ramdam ko kung paano bumilis ang aking puso. Kung paano ko kagusto ang mga matang iyon na kahit galit, kahit nakakapaso, alam kong sa akin lang iyon tumititig.
This is so bad… I’m really in trouble.
17th Lured
Lured
Cold
Natahimik ako habang patungo sa public market. Maingay sina Raziel, Lyle at Keesha na nagtatawanan. Magulo ang isip ko. Ang raming nakabara roon, ang rami kong naiisip.
Did I focus too much with Trey and forgot to focus with myself? Bakit ganito na? Ramdam ko ang iritasyong dumadaloy sa katawan ko dahil nandito si Keesha. Umaalon ang aking tiyan dahil sa sagot ni Isaiah pero iritang irita parin ako.
“Mauna na kayo,” ani Isaiah at tumigil nalang bigla habang nasa harap na kami ng public market.
“Huh? Oh sige…” ani Lyle.
Tiningnan siya ni Keesha pero nag-iwas rin ng tingin at ibinalik ang tingin kay Lyle na iginigiya na siya roon. Lumagpas narin si Anzai ganoon rin si Raziel na naglalakad na. Handa narin sana akong umalis nang hinila niya ang aking braso.
“Oh, saan ka pupunta?” tanong niya na ikinatingala ko.
“Kakain,” malamig kong sagot at nag-iwas ng tingin.
May nginuso siya kaya sinundan ko ng tingin.
“Di mo ’yon napansin?”
Sinundan ko narin ang kanyang tinutukoy at nagulat nang makita ang stool ng maraming mga tusok tusok.
“Gusto mo?” tanong niya, nakatagilid na ang ulo at sinisilip ang munti kong ekspresyon.
Tumango agad ako. Kinagat niya ang kanyang labi at sinensayan akong pumunta roon. Awtomatikong umangat ang aking kamay at hinawakan siya sa braso. Nagulat si Isaiah sa aking paghawak doon at tila napaso, ang kanyang tingin ay bumaba pa roon saka ako nilingon.
Nagkatitigan kami ng ilang sigundo. I watched him carefully with my eyes. His arm feels so manly… matigas iyon at ramdam na ramdam ko ang biceps niya nang mas hinigpitan ko pa ang pagkakakapit.
His adam apple moved. Kinagat ko ang aking labi.
“Do you like it when… when I touch you?” tanong ko sa marahang boses.
Namungay ang kanyang mga mata. Dahan dahan siyang tumango, tila isang mabangis na hayop na biglang umamo ang mukha.
“So… I’m allowed to touch you anytime I want?” tanong kong muli.
Isaiah nodded again slowly.
“Ikaw ang bahala,” marahan niyang bigkas, walang pagtutol.
“Are you going to let Keesha touch you-”
“Hindi,” agad niyang putol, mabilis na nairita.
Natutop ang aking bibig at tumango. Mabuti…
Sandaling nawala ang iritasyon sa akin at bumalik ang excitement sa tuwing kasama ko siya. Nacoconscious na ako. Bawat galaw, bawat pagsulyap, bawat sagot niya ay napapaisip na ako hindi kagaya noon na binabalewala ko lang. This time, I am more paying attention to him.
Kumain ako ng pineapple with bugoong. Nakatitig lang si Isaiah sa akin habang sumusubo ako gamit ang namumungay na mga mata. Binigyan ko siya ng stick kanina para tig iisa kami kaso tinapon niya at ginamit iyong akin.
This… This is what he likes to do when I’m eating. Gusto niya iyong mga ginagamit ko rin ang ginagamit niya. Gusto niya iyong sinusubuan niya ako o susubuan niya ang sarili niya gamit ang aking kamay.
“Gusto mo bang isama ko ulit si Keesha next Sunday?” tanong ko.
“Bahala ka,” sagot niya at yumuko para kainin iyong kalahati ng pineapple na kinagatan ko.
Tiningnan ko saglit ang kanyang buhok pero sinundan rin ang kanyang mga mata nang tumayo siya muli ng tuwid.
“I’m not going to bring her this Sunday,” sabi ko.
Tumango siya at inayos ang aking buhok. Damn… His gestures are killing me. Bigla bigla nalang umaalon ang aking tiyan kahit na ganoon naman talaga si Isaiah. But this time I am overeacting with his touch. Gusto ko ’yon. Gusto ko… Gusto ko sa’kin niya lang ginagawa iyon.
I like Trey for years… How come I fell from someone I just met? Hindi ko napansin. Bigla bigla nalang. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko patungo kay Trey, para akong pinatid ni Isaiah at nahulog sa kanya.
I am not that ignorant when it comes to my feelings. I just don’t pay attention that much. Masyado akong nagfocus kay Trey at hindi binigyan ng atensyon ang mga ipinapakitang signal ni Isaiah sa akin. I don’t care if he stares at me and so what? My mind was fixed with my feelings for Trey. But this time… knowing Keesha likes him alot is already killing me.
Kinimkim ko ang nararamdaman at nagfocus ulit kay Isaiah na dinadala ako sa ibang sunod na stool.
“What’s this, Isaiah?” Itinuro ko iyong brownish na kulubot ang katawan.
“Kikiam,” aniya sa mabilis na pagkakabigkas.
“Huh? Say it slowly? Kiamkiam?” ulit ko na ikinangisi niya.
Tumango siya. “Oo, kiamkiam,” aniya at kinagat ang labi.
Umirap ako at iginala ulit ang mga mata. Maraming balls na naroon. There’s squidballs! Iyong egg na dinidip sa parang orange cover and those small balls. Ayoko nang magtanong kay Isaiah dahil alam kong mamaliin niya lang ang sasabihin niya at pagtitripan ako.
May french fries rin doon kaya iyon ang binili niya para sa akin.
“I can pay,” sabi ko at kukuha na sana ng pera kaso ay pinigilan niya ako.
“May pera ako,” giit niya.
Naalala ko na nanghihiram siya ng pera kay Anzai. Hindi ba mauubos ang allowance niya? Pero sabagay, hindi niya naman tinakasan ang event kanina so I guess may extra pa siya?
Bumili naman siya noong kiamkiam. I got so curious pero bago pa ako makahingi noon ay itinapat niya na sa akin iyong hinipan niyang half ng kinagatan niya at itinapat sa aking bibig.
“Hmm, masarap rin!” sabi ko at naexcite.
“Miss excuse,” sabi ng isang lalake na mukhang bibili rin ata.
Bago pa ako makaalis ay naunahan na ako ni Isaiah. Bigla niya akong hinawakan sa beywang at itinulak ako patungo sa kanya.
I got squeez on his chest while I’m trying hard to hold my french fries. Nanuot naman agad ang amoy ni Isaiah sa akin lalo na’t dikit na dikit ako sa kanya.
Sa aking kagagagan, I smelled him more. Isaiah wrapped his arm around my waist as I heard him curse. Nang tiningala ko siya, magkasalubong na ang kanyang kilay at parang nafufrustrate.
Ako nalang ako dumistansya sa pagkakadikit at nanatili sa kanyang tabi ganoon rin ang kanyang kamay na nanatili lang sa aking beywang, hinahawakan ako roon.
This is so weird… The feeling is so weird and I really like it alot. Gusto kong nadidikit lagi ang katawan ko sa kanya. Gusto ko ang pakiramdam sa tuwing umaalon ang aking tiyan dahil sa sinasabi ni Isaiah. It’s very foreign but I really it alot.
Palipat lipat kaming dalawa ng stall. Marami siyang pinatikim sa akin na may iba hindi ko gusto ang lasa pero may iba rin na gusto ko naman.
“Tama na ’yan. Baka maanghang na,” aniya nang nilagyan ko ng maraming sauce ang pork siomai.
“Masarap ang spicy food ah…” sabi ko at kumuha ng stick para tusukin iyon.
Kinagat ko iyong kalahati saka rin hinawakan ni Isaiah ang isa kong pulso at iginiya iyon sa kanyang bibig.
Napatitig ako sa kanya habang seryoso niya iyong isinubo. Ba’t ba ang guwapo nito? Bumaba ang mga mata ko sa labi niyang mamula mula habang ngumunguya siya.
“’Di ba hindi ka pa nagkakagirlfriend?” tanong ko bigla.
Umiling siya. “Hindi pa.”
“So… Wala ka pang nahahalikang babae?”
Bumagal ang kanyang pagnguya at marahang umiling. Mas lalo kong tinitigan ang kanyang labi.
“Edi hindi ka marunong…”
Lumunok siya at itinulak ang aking baba para malipat ang aking tingin sa kanyang mga mata. Binitiwan niya rin naman iyon kaya ngumuso ako.
I don’t like what I’m thinking. Kung magkakatuluyan sila ni Keesha, iniisip ko pa lang na maghahalikan sila, parang hindi ko na kaya.
I don’t want him to kiss someone else…
“Ba’t mo natanong?”
Umiling ako. “Just curious…”
Bumaba rin ang mga mata ni Isaiah sa aking labi pero agad niya ring binawi at nag-iwas ng tingin.
“I’m curious, too…” Narinig kong bulong niya sa kanyang sarili.
Namula ako roon. Kinagat ko ang aking labi at nakita sa aking isipan ang mga labing naghahalikan ng mapusok. Suminghap na ako nang makita ko ang paggalaw ng dila at masyadong ditalyado pa.
Gosh, Zera! Hindi ka naman sana nanonood ng porn pero ba’t ganyan na ang mga iniimagine mo! Kailanman hindi naligaw ang utak ko sa ganoong bagay sa tuwing iniisip ko si Trey pero pagdating kay Isaiah… Pagdating sa kanya ay ganito na ang naiisip ko.
Oh my gosh.
Bumalik rin naman kami roon. Mabigat ang aking paghakbang at ayaw na ipakita si Isaiah kay Keesha but I deal with my emotions. Calm down, Zera!
Yes, I need to calm down or else sasabog talaga ako ano mang oras pag hindi ko nakontrol ang aking sarili.
“Ang tagal niyong dalawa,” reklamo ni Lyle nang tumigil kami sa inukupahan nilang mesa.
Napatingin si Keesha sa amin. May bakanteng upuan sa kanyang tabi habang sa gilid ng mesa ay may bakante rin. Nauna akong umupo at inilapag iyong biniling siomai ni Isaiah na dalawa nalang ang natira.
“Nagtusukan pa kayo?” ani Anzai at tiningnan ang aking kinakain.
Nagtungo si Isaiah sa tabi ni Keesha. Namula ang pisngi ni Keesha na ikinakulo agad ng aking dugo pero bago pa kumalat ang inis sa aking buong sistema ay inangat na ni Isaiah paalis ang upuan sa tabi ni Keesha gamit ang isang kamay at ipinwesto sa aking tabi, halos wala na naman siya sa mesa at nasa gilid ko na.
I smirked inwardly. Okay lang naman kung nariyan siya, Zera. Isaiah will be Isaiah. He’s snob and heartless. Ito rin ang ginawa niya noong nasa Bar kami. How stupid, Zera?
“Hindi pala kumakain ng special panga itong si Keesha,” ani Lyle. “Parehas lang kayo ni Zera na ang arte rin.”
“Kumakain ’to ng kahit ano basta masarap,” si Isaiah ang sumagot at nakatingin sa akin.
Naghagalpakan agad sina Raziel at Lyle. Si Anzai naman ay ngumisi rin sa akin.
“Basta si Isaiah ang magsusubo nawawala ang kaartehan niyang si Zera,” aniya, marahil ay tinutukoy iyong kumain kami sa kanilang condo at panay subo sa akin si Isaiah.
“Who says I’m maarte?” Umirap ako at tinusok ang aking french fries.
Inihilig ni Isaiah ang kanyang braso sa likod ng aking upuan at pinanood akong sumubo. Noong nilingon ko siya at marahan niya lang na pinaglalaruan ang kanyang buhok.
“Hindi rin naman ako maarte. Bale… Hindi lang ako sanay talaga,” sagot ni Keesha kaya nawala ang tingin ko kay Isaiah.
“Try mo lang ang special panga, Keesha. Paborito namin ’yan nila Isaiah.”
“Talaga?” Napangiti agad si Keesha kay Lyle.
“Oo. Kahit nga si Zera kumakain,” ani Lyle.
“Kumakain pag sinusubo na ni Isaiah,” si Raziel.
Napawi ang ngiti ni Keesha roon at tiningnan kung gaano kalapit ang upuan ni Isaiah sa akin. Nag-iwas siya ng tingin at nilingon nalang ulit si Lyle.
Dumating rin naman ang kanilang order. May barbeque naring kasama roon, marahil ay para kay Keesha na hindi raw kumakain ng isda.
Ginaya ko iyong ginawa ni Isaiah noon at gamit ang aking mga kamay ay sinimulan ko iyong hawakan. Pero bago ko pa maipagpatuloy ang binabalak ko ay inagaw agad ni Isaiah sa akin ang hawak kong panga at naiiritang tiningnan ang aking kamay na nalagyan na ng sauce.
“Mangangamoy isda ’yang kamay mo,” inis niyang bigkas.
“’Yan rin naman ang ginagawa mo ah?”
Isaiah pulled my hand closer to his mouth annoyingly and licked my finger to remove the small amount of sauce. Napasinghap ako sa kanyang ginawa. Malalim niya akong tiningnan at dahan dahan rin namang ibinaba ang aking kamay nang masigurado niyang wala na roon ang sauce na dumikit.
“Tapos magrereklamo ka mayamaya na ang langsa ng kamay mo?” Tinaasan niya ako ng kilay, ni walang reaksyon sa kanyang ginawa sa akin.
Normal lang iyon sa kanya habang ako itong naghuhuramintado na. Damn… My heart is just too loud and I’m afraid he might hear it.
Aksidenteng nahagip ng aking tingin si Keesha na nakatingin kay Isaiah saka rin nag-iiwas ng mga mata at nginitian si Lyle na may kung anong sinasabi sa kanya.
Why does she keeps on looking at Isaiah? Nabubwesit na ako sa mga mata niya.
Habang kumakain ay pansin ko ang pagsulyap ni Keesha sa aming dalawa ni Isaiah. Pag magtatama ang aming mga mata ay mag-iiwas agad siya ng tingin.
“Anong gusto mo, Keesha? Gusto mo ng softdrinks? Umiinom ka naman siguro noon…” si Raziel na ang nagtanong nang mangalahati na ang aming mga pagkain.
Tiningnan ako ni Keesha.
“Anong iniinom mo Zera? Parehas nalang siguro sa’yo,” sabi niya.
“Tubig ka rin?” Tumawa si Lyle.
“Tubig?” Nagtataka niya itong nilingon.
“Pinapatubig lang ’yan ni Isaiah si Zera. Palagi ’yang pinag-aawayan ng dalawa,” ani Lyle.
Bumaba ang balikat ni Keesha at tumingin ulit sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nalaglag ang mga mata sa aking hita. Isaiah’s hand was there, holding my inner thigh. Namamahinga iyon roon at nakadikit rin sa kanyang hita na nakaparte. Ganoon iyon kadikit.
Nagtubig na rin si Keesha katulad ko but I am still stealing Isaiah’s coke para makainom lang ako.
“Ang tigas ng ulo mo,” ani Isaiah at sinamaan ako ng tingin.
Ngumisi lamang ako at kinagat ang straw noon saka ako nagpatuloy sa pagsipsip. Umiling si Isaiah at hinayaan rin naman ako.
“Nakakatuwa naman ang friendship niyo,” ani Keesha, hindi na napigilang magsalita habang nakatingin sa amin at ngumingiti.
“Baka nga hindi na ’yan friendship eh,” si Raziel na ngumisi pa sa akin.
Sumulyap narin si Anzai sa amin ni Isaiah. Sinundan niya pa ang braso ni Isaiah pero hindi na nag-abalang silipin iyon sa ilalim ng mesa.
“Friendly lang kasi talaga si Zera sa mga boys,” si Keesha.
I saw how Isaiah’s jaw clenched. Medyo naging dismayado rin ako lalo na’t alam ko… totoo iyon.
“Sa school, close talaga siya sa mga lalake. At close rin siya sa barkada ni Trey na gusto niya, iyong nanliligaw sa akin,” ani Keesha na ikinagulat nila Lyle.
Tumingin muli si Keesha sa akin at inosenteng ngumiti.
“She likes Trey alot. Isaiah’s close friend…”
Para akong bumangon sa isang kahibangan nang ipaalala ni Keesha sa akin kung sino ang aking gusto. Isaiah watched me closely, waiting for my reaction.
Natahimik sila at nakatitig sa pinagsasabi ni Keesha. Hindi naman ako makapagsalita. She’s right, anyway… Totoo naman talaga na close ako sa mga close friends ni Trey and it’s true that I’m friendly with boys. Hindi ko kayang pagtakpan ang bagay na iyon.
“Para sa akin, bagay talaga sila ni Trey since Trey is such a nice person and he can tame Zera for sure.”
Hindi ako makaimik sa bagay na iyon. She’s talking about Trey at para akong naguilty bigla. Iyon naman talaga ang puno’t dulo nito ’di ba? Kaya ko naman hinihila hila si Keesha kay Isaiah para malayo ang atensyon niya kay Trey? Kung ano man ang kinikilos ngayon ni Keesha, produkto na ito ng mga kagagahan ko.
Marahil ay napansin ni Isaiah ang aking pagkatigil kaya binawi niya ang kanyang kamay na namamahinga sa aking hita at ibinulsa na lamang iyon, ang mukha ay binalot na ng iritasyon.
“Bawal ka pa palang magboyfriend, Zera?” si Raziel ang nagtanong.
“It depends…” sagot ko.
“Malay mo Zera… This days magustuhan kana rin pabalik ni Trey. Don’t lose hope… Nagustuhan niya nga ako eh.” Ngumiti si Keesha.
“Kawawa naman pala itong si Zera. Hindi crush ng crush niya,” ani Lyle.
“But Zera is very pretty so I’m sure magugustuhan rin agad siya ni Trey. Walang umaayaw sa isang Delafuente, right… Zera?” saka niya ulit ako nginitian.
Fuck. You. Nakakairita kana kaya tumahimik kana.
Ang sarap niyang tarayan kaso alam kong may punto rin naman siya. Tama rin naman siya. Tumango na lamang ako at hindi na gaanong nagbigay ng komento. Seryosong seryoso na si Isaiah, ni hindi na ako nilingon.
Nawalan rin ako ng gana at gusto nalang umuwi na. I texted Kuya right away to fetch me. Ni hindi ko na tinapos ang aking pagkain at gusto nalang umalis dahil baka pag nagtagal ako ay hindi ko na makontrol ang iritasyon na yumayakap sa akin. Ayokong gumawa ng eksenang pagsisisihan ko lang.
“Uuwi kana?” tanong ni Keesha nang magpaalam na ako.
“Yup… Nariyan na si Kuya,” sabi ko at tiningnan narin ang iba maliban kay Isaiah.
“Oh… Okay. Dito na muna ako,” ani Keesha at pasimpleng nilingon si Isaiah.
Tumango ako at mahigpit na nahawakan ang sling ng aking bag.
“Sa susunod ulit, Zera,” si Lyle.
“Balik ka sa sunod Linggo ha,” si Raziel na tinanguan ko.
Walang sinabi si Anzai pero tahimik niya lang na tiningnan si Isaiah na pinaglalaruan ang kanyang daliring nagta-tap sa mesa habang nakatitig sa kawalan.
“Alis na ako,” huli kong sabi at tumalikod rin naman.
Walang naging pormal na pamamaalam sa amin ni Isaiah since bigla rin siyang naging cold habang ako ay nawalan ng gana na manatili ng matagal doon. I hate it when Keesha is slapping me with words.
Hahayaan mo lang ang babae na ’yon, Zera? Bumulong bulong na ang demonyo sa aking utak. Next time… Let’s give her this day. Ayaw ko munang magpadalos dalos.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa oras na iyon sa front seat ni Kuya habang nakahilig ako sa nakabukas na bintana at hinahayaan ang hangin na paglaruan ang aking buhok.
I’m so confuse… Maybe… Maybe I am just jealous because finally Keesha already likes him. Baka nasanay lang ako na ako lang lagi ang kausap o pinapansin ni Isaiah at hindi ko matanggap na may papalit na sa aking trono. Siguro ay naiinggit lang ako sa kanilang dalawa dahil hanggang ngayon, wala paring gusto si Trey sa akin.
Pero siguro pag nariyan si Trey, siguro maliliwanagan din ako. Napalapit ako kay Isaiah kaya siguro ganito ako makareact. Pero pag si Trey na ang kasama ko, baka agad ring mawala itong kakaibang feelings ko para kay Isaiah.
Maybe?
“Anong problema?” biglang tanong ni Kuya.
Hindi ko siya nilingon at sinundan lang ng tingin ang mga streetlights na napapanood ko. May mga kotseng sumasabay at tila nakikipagkarerahan sa pagpapatakbo ni Kuya. Hindi gaanong traffic kaya deri-deritso ang aming takbo.
“Naguguluhan lang ako.”
Hindi umimik si Kuya. Hinalikan ko ang aking bisig at pumikit.
“I think I’m inlove, Kuya,” bigkas ko, hindi na nakimkim ang nararamdaman.
Hindi siya muling umimik. I sighed defeatedly. Nakakabobo palang isipin pag ikaw na ang nasa sitwasyon. Ang dali lang mag-advice, ang dali lang magbitaw ng salita pero pag nangyari na sa’yo, ikaw naman ang nabablangko.
Why does love needs to be so complicated? Ang hirap intindihin.
I want to clarify my feelings first before pushing myself with someone I just met. Si Keesha naman sana ang itinulak ko pero ba’t ako ang nahulog?
At ang pangit din dahil alam ko na ako pa ang gumawa ng mga hakbang para lang mapalapit si Keesha kay Isaiah tapos ako ngayon ang mag-iinarte? This is so frustrating.
Kinabukasan ay narinig ko nalang sa tabi tabi na huminto na raw si Trey sa panliligaw kay Keesha. Some were saying binasted ni Keesha si Trey pero may ilan rin na sinasabing baka may nahanap na panibago si Trey at napagod kakaligaw kay Keesha.
Dapat matuwa ako sa bagay na iyon pero ewan ko kung bakit mas naninikip lang ang aking dibdib. I lured her to like Isaiah… I lured her to be closer to him. And now what? Ako naman ang aayaw?
I feel bad. Medyo guilty ako sa parteng iyon. Tapos ngayon, ako naman ang pakiramdam na si Isaiah itong nagugustuhan ko. At ano? Si Isaiah naman ang aagawin ko sa kanya?
Fuck. Nababaliw na ako!
Hindi na muna ako pumunta punta sa Kalindary para makita si Isaiah. Hindi ko rin siya tinitext at ganoon rin naman siya. I want to avoid him and make up my mind first. Masyado akong nalilito, nababaliw sa nararamdaman kong sobrang bago sa akin.
Tama na rin siguro ito para mabigyan ko ng pagkakataon si Isaiah na… uh… pumorma? Ayoko na ring mapanood ang parteng iyon. Ginawa ko na ang parte ko! Siya na ang bahala sa iba.
Ngunit paano kung… mutual kami? I remembered how he told me ako lang ang gusto niyang humahawak sa kanya.
Paano si Keesha kung ganoon? It was Wednesday nang makasalubong ko siya habang patungo ako ng cafeteria.
“Zera… Can we talk for awhile?”
Tumango ako at tumigil sa kanyang harapan.
“Pwedeng humingi ng favor?”
Tumango akong muli at isinabit sa gilid ng aking tainga ang tumakas na iilang hibla ng buhok.
Keesha stared at me seriously. Kinagat niya ang kanyang labi.
“Sana this Sunday, h’wag ka munang sumama sa gig ni Isaiah.”
Kinimkim ko ang pagkagulat. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bottled water ko habang seryoso siyang tinitingnan.
“Sa tuwing nariyan ka kasi nahahati ang atensyon ni Isaiah. Alam ko natotorpe at nahihiya siya sa akin katulad ng sinabi mo at gusto ko sanang bigyan mo muna ako ng tsansang ako lang ang kasama niya sa oras na ’yon. Total… Total binasted ko na si Trey. I’m sure wala kanang rason para dumikit sa kanya, right?”
Hindi alo nakakibo. Ang gagang ito, masyadong nawili agad kay Isaiah. Gaga ka rin, Zera. Parehas kayong nawili agad.
Let her, Zera. Dito mo makikita kung may progress ba sa kanila ni Isaiah kung wala ka roon. And besides naguguluhan pa ako, siguro ay hahayaan ko nalang muna siya.
Yes. Hayaan ko dapat sila. Hindi ko na dapat guluhin ang parteng iyon.
Nagconcentrate nalang ako sa exam kahit nakikita ko lagi si Isaiah sa aking utak. I can’t rely with Irah since I’m sure bibigyan lang ako noon ng maling sagot in order to trick me.
Sabado iyon nang nakasalubong ko si Trey sa hallway. At katulad ng nakagawin ko tuwing nakikita siya, agaran ko siyang binati.
“Hi Trey!”
Napatingin si Trey sa akin at tumango. Kasama niya sina Castel, Davin at Isaiah. Isaiah looks very cold and snob, ni hindi tumingin sa akin. Parang mag t-two weeks narin akong hindi sumasabay sa kanya kumain every MWF.
“Lunch?” tanong ni Trey.
Nagsikuhan agad sina Castel at Davin. Si Isaiah naman ay tamad na ibinulsa ang mga kamay, hindi talaga ako tiningnan.
“Later.”
“Sabay ka nalang sa amin, Zera. Ililibre ka niyan ni Trey,” si Castel iyon.
Ngumuso si Trey at tumingin sa akin, hinihintay ang aking sagot.
“Uhm…”
“Mauna na ako,” malamig na bigkas ni Isaiah at hindi na hinintay ang sagot ng tatlo, deri-deritso nang umalis.
Bumaba ang aking balikat at parang kinurot ang aking dibdib. I never felt this kind of pain with Trey. Ilang beses na akong nareject, ilang beses ko nang nakita kung paano siya lumandi ng harap harapan pero sa simpleng pag-alis lang ni Isaiah, naninikip na agad ang aking dibdib.
What is he thinking? Or maybe may maganda nang progress sa kanila ni Keesha? Iniisip ko palang nagdidilim na agad ang paningin ko.
“Gusto mong sumabay?” tanong muli ni Trey na nagpabalik sa aking sarili.
Umiling na lamang ako, nawalan na ng gana.
“May gagawin pa ako eh. Maybe next time…” sabi ko ng malambing.
Tumango si Trey sa akin. Sina Castel at Davin naman ay nakatingin pa rin sa likod ni Isaiah.
“Such a snob…” ani Castel at nailing nalang sa inasta ng kaibigan.
“Kakatakot eh naperfect niya pa naman iyong isang exam. Masyadong subsob sa pag-aaral…” ani Davin.
Isaiah is Isaiah. He’s smart! Napangisi ako sa sarili ko sa nalaman. Pag naging Cum Laude siya, isa talaga ako sa magiging proud. He deserves it since he’s working hard for his dreams.
But fuck it… I missed him.
18th Lured
Lured
Date
Natulala ako sa Clubhouse ng court habang naglalaro sina Kuya ng basketball sa gabi ng Sabadong iyon.
Sinundan ko ng tingin si Trey na humahalakhak habang pawisan ang buhok at nakipaghigh five agad kay Castel.
May kung ano silang pinag-uusapan na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin at sinusundan lang ng tingin si Trey.
I don’t feel the same way anymore. Sa tuwing nakikita ko siyang tumatawa, nakikita ko sa isipan ko ang pagkakasalubong ng kilay ni Isaiah na iritang irita na. Sa tuwing nakikita ko siyang ngumingisi, nakikita ko rin sa aking isipan ang nakangising si Isaiah habang ipinagmamayabang ang kanyang dimple at sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ni Trey, si Isaiah agad ang nakikita ko sa aking isipan, kung paano niya ako tinititigan ng malalim.
Trey is nice and goodlooking while Isaiah is very snob and intimidating pero bakit… Bakit parang mas bumibigat ata si Isaiah sa timbangan at siya na ngayon ang mas matimbang?
Napatalon nalang ako sa gulat nang bigla akong pinitik ni Kuya Hiro na ngayon ay nasa aking tabi na pala.
“Titig na titig ah? Balak mong tunawin?” aniya at pinunasan ang sariling pawis gamit ang aking damit.
“Yuck! Go away!” Itinulak ko agad siya.
Tumigil naman si Kuya at kinuha ang aking bottled water. Binuksan niya iyon at ininom kaya ibinalik ko ang tingin kay Trey.
Wala namang pinagbago kay Trey ah. Ganoon parin naman siya, madalas paring tumawa… Ngumingiti parin sa akin pag nagtatama ang aming mga mata, pero ba’t biglang nagbago? What did Isaiah do to me?
Baka siguro dahil si Isaiah ang lagi kong kasama? I haven’t try being with Trey for a day. Siguro pag nakasama ko siya ay maliliwanagan din ako sa gumugulo sa akin.
“Kuya, yayain ko kayang makipagdate si Trey sa akin?”
Naibuga agad ni Kiya ang kanyang iniinom at natalsikan pa ako.
“Yuck!” Itinulak ko siyang muli.
Nagsitinginan na sina Castel dito pati sina Ken, Wayt at ang kambal.
“Ew!” Maarte kong pinunasan ang aking braso.
“Sus maka ew…” Saka niya ako muling hinigit palapit sa kanya. “Anong sinasabi mong date?”
Kumalma naman ang aking ekspresyon pero magkakasalubong parin ang aking kilay.
“Like lumabas kami… Gusto ko lang maranasan na makasama siya sa isang araw,” sabi ko.
Tumitig ng makahulugan si Kuya sa akin, naninimbang ang mga mata. Ngumuso naman ako.
“Alam ko you’re kj so hindi ka talaga papayag-”
“Trey! Pwede ba raw kayong mag date bukas ni Damonisse!” sigaw bigla ni Kuya sa court na ikinamilog ng aking mga mata.
“Ayun!” si Castel iyon na mabilis nakipag-apir kay Silas.
Sumulyap agad si Trey sa akin, nakapameywang habang nakaawang ang labi at mukhang hinihingal pa.
“Payag na, Trey! Ang Kuya na ang nangyayaya oh!” ani Silas.
Sinamaan ko ng tingin si Kuya. Ano bang nakain niya? Ba’t niya isinigaw?
“Nakakaawa naman itong si Zera. Pagbigyan mo na ang pinsan namin, Trey. Masisiraan na ata ’yan ng bait sa sobrang pagkabaliw sa’yo,” ani Ken at humagalpak agad.
Umirap ako ng husto. Now they’re teasing me! Mga jerk!
Ngumisi si Trey, hindi makailing, hindi rin maka tango.
“It’s just a joke, Trey-”
“Sige,” ani Trey at tumango agad.
Natutop ang aking bibig. Nagsipulan naman sina Castel at Silas habang si Kuya ay ngumisi sa akin.
“Oh… Dream come true ba, Damonisse?” Inakbayan niya ako.
Hinawi ko agad ang kanyang kamay at sinimangutan siya. Ano bang nakain ni Kuya?
“I was just kidding, Kuya. Ba’t mo ’yon isinigaw,” matigas kong sabi na siya lang ang makakarinig.
“Oh? Ayaw mo na? Dapat excited ka ah?” Mas lalong lumawak ang ngisi ni Kuya.
God! He’s creepy and I hate him! Palagi nalang talaga akong nilalagay sa mga alanganing sitwasyon!
“Daddy will get mad at me pag nalaman niya ito-”
“Sus. Ang raming dahilan ah? Oo o hindi. Gusto mo ba si Trey?” seryoso niyang tanong na ikinalunok ko.
“You already know the answer-”
“Oo o hindi lang. Ba’t hirap na hirap kana atang sumagot? Noon lang halos ipamukha mo pa kung gaano ka kabaliw sa kanya tapos ngayon…” Nanunuya niyang bigkas.
Nahamon ako ng husto at agad na tumango.
“Oo. Of course. Gusto ko si Trey. At magdi-date kami bukas,” matapang kong sagot.
Tumango siya at ginulo ang aking buhok. Hinawi ko agad iyon. Matalim ko siyang tiningnan, taliwas sa ekspresyon niyang kalmado lang.
“Pag natapos ang date niyo at naguluhan ka parin, bahala kana talaga,” ani Kuya at tumayo rin, bumabalik na roon.
Kumalma ang aking ekspresyon habang pinapanood si Kuya na naghahalf jog patungo sa aking mga pinsan. Tumawa si Ken nang tuluyan siyang makalapit habang ang kambal naman ay mukhang may tinatanong sa kanya na ipinagkibit niya nalang.
May alam ba si Kuya?
Iyon na ang inisip ko pagkarating sa bahay. Nakahiga na ako sa aking kama habang nakatitig sa ceiling. Ni kaonting excitement, wala akong maramdaman. Tomorrow is Sunday at may gig ata sina Isaiah. Nagkakamabutihan rin ba sila ni Keesha? Ganito rin kaya ang nararamdaman niya? Is he thinking about me?
Gumulong ako at pumikit. After our date… pag naguluhan pa rin ako ay bahala na talaga ako. May alam kaya si Kuya Hiro about Isaiah? It’s not impossible since mabilis makapansin si Kuya. Kaso paano niya naman nalaman?
Paranoid lang siguro ako. I told him na naguguluhan ako kaya siguro ginagawa niya ito para malinawan ako sa nararamdaman ko for Trey. Siguro nga nadadala lang ako kay Isaiah dahil kami ang palaging magkasama.
Doon lamang nabura ang aking iniisip nang makatanggap ako ng text galing kay Lalaine. Mabilis ko iyong binuksan.
Lalaine:
Hindi ka pa rin pupunta bukas?
Nag-isip isip ako. Ayaw ko nalang sanang replayan nang may panibagong text ulit ang dumating na galing sa kanya.
Lalaine:
Iyong friend mong Keesha nandoon sa Bar na pinagkantahan nila Isaiah noong Sunday. Ang harot harot niya ha! Masasabunutan ko ’yon.
Kaya siguro ang cold na ni Isaiah kasi may something na sa kanila ni Keesha? Ang sikip na naman ng dibdib ko. Iritang irita na naman ako.
Bago pa ako makapagtipa ay may panibago ulit na text galing sa kanya.
Lalaine:
Pagkatapos nila kumanta umuwi agad si Isaiah. Badtrip ata?
Umuwi siya? Napangisi ako roon. Umuwi siya!
Nagtipa ako para kumpirmahin ang aking iniisip.
Ako:
Hindi siya nanatili ng matagal?
Nagreply naman agad si Lalaine.
Lalaine:
Hindi ’no. Iniwan niya agad ang kabanda niya. Si Keesha close na kina Lyle.
Ako:
Nag-usap si Isaiah at Keesha?
Nagreply agad ito.
Lalaine:
May babae bang kayang kausapin si Isaiah? Ang snob snob niya kaya. Ikaw lang kinakausap niya.
Lumawak muli ang aking ngisi at parang umalon ang aking tiyan. Gusto kong humagalpak ng tawa at pagtawanan si Keesha. Ano siya ngayon?
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
May lakad ako bukas eh but I’ll try.
Lalaine:
Buti naman! Tarayan mo nga ng husto ’yang si Keesha! Bwesit siya.
Natawa ako habang nagtitipa.
Ako:
Sabunutan mo ’yon total di naman kayo magkapatid.
Nagreply rin naman agad si Lalaine.
Lalaine:
Kating kati nga akong hilain ang buhok niya. Pag gumawa yon ng kagagahan magraramble talaga kaming dalawa.
Si Lalaine ang katext ko noong gabing iyon bago ako dinalaw ng antok. Kinabukasan ay nagulat na lamang ako nang maaga akong ginising ni Mommy.
“May date ka pala ngayon! You’re going out with Trey!” Lumawak ang ngisi ni Mommy sa akin habang hinihila ang aking kumot.
Bumangon ako at humikab.
“Yes, Mommy. Si Kuya biglang sumigaw kagabi sa court. Niyayaya niya si Trey,” sabi ko na ikinahagikhik ni Mommy.
“Ayaw mo niyan? Trey is your crush! Malay mo magwork kayo this time…”
“Maybe,” sabi ko.
Hindi naman ako masyadong excited sa bagay na iyon. Ni hindi ako kinakabahan. Namili lang ako ng masusuot at nagdesisyong mag dress nalang na off shoulder with floral prints. Isinuot ko rin ang isang ribbon na chocker at ini half ponytail ang buhok.
“Boyfriend mo na ba ’yon? Ba’t hindi man lang pumunta rito para manligaw?” iritadong tanong ni Daddy nang bumaba ako at nakita niya ang aking kabuuan.
Nasa sala silang tatlo, nanonood ng kung anong palabas. Si Kuya Hiro ay may pinapapak pang popcorn habang nasa screen ang mga mata.
“It’s Kuya’s fault, Daddy… Bigla niyang niyaya kagabi na idate ako,” sabi ko at nagtungo sa kanilang tabi.
Ipinaupo ako ni Mommy sa kanilang gitna. Tinapunan naman ni Dad ng tingin si Kuya.
“Anong nakain mo Hiro? Ikaw nalang sana ang nakipagdate.”
“Hayaan mo na, Jin. We all know how much Zera likes Trey,” ani Mommy habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kanyang daliri.
“Gusto rin naman ’yan ni Damonisse,” si Kuya sabay sulyap sa akin. “Excited na excited nga oh…”
Umirap ako sa kanya dahil masyadong sarkastiko ang kanyang pagkakasabi.
“Dalaga na talaga ang bunso natin, Jin…” ani Mommy na matamis pa ang ngiti.
Isinabit narin ni Daddy ang iilang hibla sa aking tainga.
“Ang bilis mo namang lumaki, Zera…” ani Daddy.
Napathrowback na si Daddy sa aking kabataan habang hinihintay naming sunduin ako roon ni Trey. Ang sabi kasi ni Kuya ay 2pm ako susunduin ni Trey. Kaya noong may nagdoorbell, kahit si Daddy ay tumayo narin.
Pinapasok ng katulong si Trey na naka button down shirt, pants at sapatos. Ngumuso ako nang makita ang kanyang kagwapuhan at kakisigan sa suot. Si Isaiah kahit na Tshirt na black lang rin naman iyon ang lakas nga ng dating eh.
Nag-usap saglit si Daddy at Trey. Si Mommy naman ay panay ngiti sa akin habang si Kuya ay nanunuya ang tingin. Hindi na ako masyadong nagpakita ng ekspresyon sa kanya lalo na’t hindi ko gusto ang kanyang tingin.
Pagkatapos rin naman ng kanilang pag-uusap ay umalis narin kami ni Trey. He opened the front seat door for me. Pumasok ako at nalanghap agad sa loob ng kanyang kotse ang pamilyar niyang amoy.
Ito iyong sinasabi kong pangarap kong date. Susunduin niya ako ng kotse, magmamaneho siya habang pupunta kami sa five star Restaurant, kakain at mag-uusap tungkol sa aming mga sarili.
This is my dream but why does it feels like an ordinary day to me? Kami ni Isaiah, kahit sa tricycle ay nakokontento naman ako basta lang ay nasa hita niya lang ang aking kamay para mapanatag ang aking loob at hindi ako matakot.
Bakit ngayon na nasa kotse na, mas hinahanap hanap ko na ang ganoon?
Pumasok rin naman si Trey kaya tumigil ako sa kakakumpara dahil nagmumukha narin akong tanga sa aking isipan. Hinila niya ang seatbelt at sumulyap sa akin.
“Kung napipilitan ka lang, Trey, pwede naman nating hindi ito ituloy. My Kuya is just stupid for saying-”
“Gusto ko rin, Zera. Don’t worry…” Ngumiti siya sa akin at binuhay na ang kotse.
Natutop ang aking bibig at tumango saka nag-iwas ng tingin. Paanong gusto niya na? Gusto niya na akong kadate? Gusto niya ako? Gusto niya kaming lumabas?
Tahimik ako habang nagsisimula siyang magmaneho. Ramdam ko naman ang pabalik balik na paglingon niya sa akin kaya nililingon ko rin siya at nginingitian.
“Weird… Akala ko pa naman ang daldal mong kasama since ang sabi nila madaldal ka raw,” aniya.
“Nahihiya lang,” sabi ko at ngumiti.
Tumango siya at binasa ang labi.
“I won’t bite you know…”
Natawa ako roon pero itinuon ko rin sa bintana ang aking mga mata at napawi ang ngiti. Ngayon palang, hindi na agad ako nag-eenjoy.
“Where do you like to eat? Wala akong alam sa mga gusto mo,” ani Trey.
“Uh, kahit saan lang,” sagot ko.
“Kahit dalhin kita sa tabi tabi papayag ka?” Ngumisi si Trey sa akin.
Tumango agad ako.
“Oo…”
Trey chuckled.
“Let’s just eat on a fine Restaurant. Mas mapapanatag ako kung sa ganoong lugar kita dadalhin at pakakainin.”
“Okay…” Ngumiti ako at nag-iwas ulit ng tingin.
Alam kong ganito si Trey. Alam kong maluho siya pagdating sa babaeng gusto niya. Wala siyang pakialam kung gumastos ng malaki at kumain sa mamahaling Restaurant. Akala ko sweet na ang ganoon… I suddenly remember Isaiah’s voice saying, ‘Kinikilig kana sa ganyan? Pinakain ka lang sa mamahaling Restaurant kinikilig kana.’
Noon nakakakilig pag iniisip ko iyon pero ngayon mas naninibago ako. I’m going to appreciate more if sa tabi tabi lang kami kumain dalawa. Like iyong tusok tusok.
“Nakakain kana ba ng tusok tusok, Trey?” bigla kong tanong na ikinalingon niya sa akin.
“Anong tusok tusok?”
“Iyong mga pineapples na may bugoong tapos kiamkiam, or sioamai, squidballs, french fries… Mga ganoong pagkain na tusok tusok.”
Nagulat siya sa aking sinabi.
“Alam mo pala ang mga ganyang pagkain?”
“Yep… Masarap ang mga ganoon,” pagmamalaki ko.
“Alam ko ang mga ganyan pero hindi ako mahilig.”
Napawi naman ang aking excitement at tumango nalang.
“Gusto mo bang kumain niyan ngayon?”
Umiling agad ako.
“Hindi na. Sa Restaurant nalang,” sabi ko na dahan dahan niya rin namang ikinatango.
And besides, mas mag-eenjoy rin naman ata ako kung si Isaiah ang kasama kong kumain noon dahil alam niya ang mga ganoon at nakikikagat pa siya sa aking pagkain. Baka pag si Trey ang niyaya ko ay panoorin niya lang ako pero wala siyang balak kumain.
Dumating rin naman kami sa isang Restaurant. Nauna siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto saka inalalayang lumabas.
Pumasok kami sa loob. Pumaibabaw agad ang isang kalmadong tugtog ng violin sa harap habang tahimik na kumakain ang mga tao sa kanya kanya nilang mesa.
Kung sa food market pa ito sobrang ingay na siguro at siksikan pa but there’s something about the crowd that excites me.
Pinaghila ako ni Trey ng upuan. Umupo ako roon at hinawi ang aking buhok saka siya nginitian at pinasalamatan. Tumango siya at umupo narin sa harapan.
Dumating ang waiting at nagbigay ng menu. Tinanggap ko iyon at walang ganang iginala ang mga mata sa pagkaing naroon. Hindi naman sana ako gaanong kumain sa bahay pero parang busog ako.
“May napili kana?” tanong ni Trey nang napansin niyang natatagalan ako.
“Uh… Kung ano nalang siguro iyong sa’yo, iyon na rin akin,” sabi ko.
Tumango naman si Trey at may itinuro na sa naghihintay na waiter sa gilid ang aming order. Humilig naman ako sa lamesa at tiningnan siya ng mabuti. Ayan na Zera… Ang gusto mong lalake simula bata ka pa ay nasa harapan mo na. Ba’t ganyan kana katamlay ngayon?
Umalis ang waiter kaya sumulyap na si Trey sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
“You’re very silent,” Trey chuckles. “Nahihiya ka parin sakin?”
Tumango ako at yumuko. Tumawa siyang muli ng marahan at humilig narin sa table.
“You’re so behave…” aniya.
Ganoon naman talaga ako eh simula pa noon. Trey can tame me using his presence. Pag nariyan siya ay awtomatiko akong bumabait at nagiging malambing. Pag nariyan siya, gusto kong magdahan dahan sa aking galaw dahil baka maturn off siya. Pag nariyan siya, gusto ko lagi akong presentable sa kanya. Nagiging mahiyain agad ako pag siya na ang kaharap ko at hindi ko alam kung magandang bagay ba iyon o hindi.
Pero pag si Isaiah naman ang kasama ko, nagiging ako talaga ako. Hindi ako nagpapanggap at natatakot sa iisipin niya. Hindi ako nahihiya. Nagagawa ko pang mag-inarte sa kanyang harapan at nakakabangayan ko pa siya minsan.
But being with Isaiah is really comfortable. Pag siya ang kasama ko, komportable akong maging ako.
Uminom ng tubig si Trey kaya ginaya ko rin iyon. Sumimsim ako roon ng kaonti at gustong burahin ang aking mga iniisip. Ibinaba niya muli ang baso at nasa akin na ang mga mata. Ibinaba ko narin ang aking baso at isinabit ang iilang hibla na nalaglag.
“Uh… Buti wala kayong lakad ngayon nila Silas?”
Umiling siya at humalukipkip sa upuan.
“Wala eh. Baka sina Silas, Davin at Castel nasa Bar pa iyon mamaya,” aniya.
“Eh si… si Isaiah?” Kumalabog agad ang aking dibdib kahit na alam ko namang walang mali roon dahil barkada niya rin ito.
“’Di ba close rin kayo?”
“Yep, we’re close. Busy iyon sa gig niya at ulila rin kasi kaya nagsisipag para sa sarili.”
Oo nga… Nakatira lang siya mag-isa sa maliit na apartment at nag gigig tuwing Sunday. Walang pahinga.
“Nakakamangha naman siya,” wala sa sarili kong sabi.
“Yeah… Swerte ang babaeng mamahalin noon. Hindi pa ’yon naggigirlfriend dahil gustong makagraduate muna at may mapatunayan bago makipagdate.”
“Huh? In what way?”
Nagkibit siya.
“Siguro gusto niya munang may marating at mapatunayan sa buhay. Napakakuripot nga noon. Hindi masyadong magastos at nagtitipid ng husto dahil narin siguro siya lang ang nagpapaaral sa kanyang sarili.”
Namangha parin ako kahit na alam ko na ang bagay na iyon. Kinagat ko ang aking labi nang maalala iyong panghihiram niya ng pera kay Anzai. He only eats torta for his lunch while ako itong nililibre niya ng mahal na ulam.
Tumigil rin naman kami sa pag-uusap sa buhay ni Isaiah lalo na’t dumating narin ang pagkain. Kinuha ko ang kubyertos at ginalaw iyon. Si Trey naman ay nagsimula naring sumubo. Ang guwapo guwapo naman sana ng kaharap ko pero lumilipad sa ibang lalake ang isipan ko.
Tahimik akong kumain. Pasulyap sulyap naman si Trey sa akin at chinicheck kung naeenjoy ko ba ang kinakain ko.
We talked about random things. Nagtatanong siya sa mga hilig ko at sinasagot ko naman tapos tatahimik ulit kami. Mag-uusap ulit tapos tatahimik ulit. It’s an on off on off conversation. Madaldal naman sana ako pero nakakablangko, wala akong matinong maisip.
After eating ay nagyaya rin akong umuwi.
“Ayaw mo nang gumala?” tanong niya kaya umiling agad ako.
“Daddy told me na umuwi agad ako eh,” sabi ko.
“But it’s just 4pm. Ang sabi ng Daddy mo sa akin, ihatid raw kita ng mga 6 or 7…”
Oh… 4pm pa pala? Dalawang oras pa lang ang mahabang oras kanina? Akala ko talaga ang haba haba na noon eh.
“But if you badly want to go home then maybe we’ll just go home,” ani Trey at binubuhay na ang kotse.
Tumango ako sa kanya.
“Nahihiya ako sa’yo. Nakakapanibago na… na kasama kita.”
Trey smirked at me. Napatitig ako sa guwapo niyang mukha.
“Don’t worry, this isn’t the last time, Zera. We’ll hang out more if you like.”
Napanguso ako roon at ngumiti.
“Talaga?”
Tumango siya at binasa ang pang-ibabang labi.
“Yup… Hanggang sa masanay ka. Nacucurious rin kasi ako sa sinasabi nila Silas sa’yo.”
“Ano bang sinasabi nila?”
Pabalik balik ang kanyang tingin sa akin, sa kalsada at susulyap ulit sa akin habang nagmamaneho gamit ang isang kamay.
“Na makulit ka raw.”
I chuckled softly.
“May ganoon palang sinasabi sina Silas sa akin?”
“Yes. Napag-uusapan ka namin minsan pero naiirita si Isaiah.” Nailing siya at natawa.
“Si Isaiah? Bakit?”
“He said girls like you are very childlike. Mga bata raw na hindi dapat dinidate dahil puro pa laro at nakakairita lang kasama.”
Nagulat ako roon. Ang walanghiyang iyon! Nagkasalubong na agad ang aking kilay.
“Ba’t niya ’yon sinasabi?”
“Sinasabi niya iyon sa tuwing tinutulak ako nila Castel na yayain kang lumabas. They kinda like you for me… aside from Isaiah who’s always against with it.”
Damn him! Binida bida ko pa siya kay Keesha tapos ako sinisiraan niya pala kay Trey! Ang sabi ko ibida niya ako pero kabaliktaran pa ang ginagawa ng lalakeng iyon! Humanda talaga siya sa akin pag nagkita ulit kami.
“He’s so mean!” Lumakas na ang aking boses sa panggigigil.
Natawa si Trey sa aking reaksyon.
“Calm down…”
Bumusangot ako ng husto at umirap.
“Ano pang sinasabi niya?”
Tila nag-isip naman si Trey lalo na’t pinisil niya ang kanyang labi.
“Mga ganoon lang naman. Mas maganda raw kung kaedad nalang dahil mas mature na sa pag-ibig. Parang bata lang din ang tingin niya sa’yo.” Ngumisi siya sa akin.
“I am not a child anymore.”
“Mature ka namang tingnan… Siguro nasasabi niya lang dahil wala rin siya masyadong alam sa’yo.”
Anong wala?! Nakakasabay ko pa nga siyang kumain 3 times a week! Nagkikita pa kami tuwing Sunday! Tapos wala? Ugh I can’t believe na ganoon ang ginagawa niya. Akala ko talaga nagkasundo na kami ng maayos na ibibida niya ako kay Trey pero iyon para, ang walanghiya iyon ay puro mga pangit ang pinagsasabi tungkol sa akin!
Tumigil rin naman ang kotse ni Trey sa tapat ng aming malaking gate.
“Thank you, Trey… I’m glad at… at nakasama kita ngayong araw.”
He nodded and leaned closer. Inabot niya iyong seatbelt para tanggalin. Dumikit naman ako sa aking upuan.
“We’ll hang out again next time,” sabi niya hanggang sa lumuwag ang seatbelt sa akin.
Tumango ako at ngumiti.
“Yes… Gusto ko rin,” mahina kong sambit.
Trey smiled at me and caressed my cheek. Kinagat ko ang aking labi at tumitig sa kanyang labi. Mukhang napansin niya iyon kaya mas inilapit niya ang kanyang labi sa akin hanggang sa lumapat iyon sa akin.
Pumikit ako at hinayaan siyang halikan ako. Marahan niya akong hinalikan at humiwalay rin naman.
Bumaba ang aking balikat at dumilat. Tiningnan ko ng matagal si Trey at napagtantong hindi na nga siya ang gusto ko para sa aking sarili. He doesn’t excite me anymore. Si Isaiah na ang laman ng puso ko. Nakay Isaiah na ang puso ko. Pagmamay-ari niya na iyon at mukhang naagaw na kay Trey.
I’m inlove with Isaiah. I’m inlove with that snob who has a godlike visual! Damn it.
19th Lured
Lured
Addiction
Hinatid rin naman ako ni Trey papasok. Nagulat pa sina Daddy at Mommy nang maaga akong umuwi. I was so happy when I went upstairs.
“Sabi ko sa inyo maaga ’yang uuwi eh.” Narinig kong sabi ni Kuya Hiro.
Hindi ko na iyon binigdeal pa at nagmadaling pumasok sa kuwarto para kunin ang tshirt na Silvestre’s wife. Inilagay ko iyon sa paperbag at tinext si Lalaine kung saan ngayon kakanta sina Isaiah.
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
Pupunta ako ngayon.
Hinubad ko ang aking dress at ganoon rin ang aking flats. Nagsuot ako ng below the knee boots at nagsuot rin ng short saka isang haltered top. I’m going to change later… Pag naroon na ako.
Noong mabasa ko ang isinend ni Lalaine ang location ng kakantahan nila Isaiah ay bumaba rin naman agad ako. Halos matisod pa ako sa hagdan sa sobrang pagmamadali dala dala ang paperbag.
“Oh? May lakad ka ulit?” Nagulat si Daddy.
“Yep! May papanoorin lang akong band. Uuwi ako mamaya. Magpapasundo lang ako kay Kuya,” sabi ko at hinalikan agad ang kanyang pisngi para magpaalam.
“Band?” Nagtatakang tanong ni Mommy.
Tumango ako at mabilis ring hinalikan ang kanyang pisngi.
“Text me later,” si Kuya naman na nilapitan ko rin at hinalikan sa pisngi.
Takang taka sina Mommy at Daddy unlike Kuya who’s just watching me.
“Anong nangyari sa date niyo at ganyan ka kasaya, Zera?” tanong ni Daddy.
Humagikhik lang ako at nagmadali nang lumabas.
“Bye!” Iwinagayway ko ang aking mga kamay at tumakbo rin patungo sa SUV.
Malakas ang kalabog ng aking dibdib. Pagkapasok na pagkapasok ko sa backseat ay hinubad ko agad ang aking top at nagbihis ng Tshirt. Binuksan ko ang aking sling bag at nangalkal ng make-up roon para mag retouch.
“You’re inlove with Isaiah, Zera!” sigaw ko sa salamin na ikinagulat pa ng driver.
“Ma’am, okay lang po ba kayo riyan sa likod?”
Tumango naman agad ako at tumawa.
“Yup!” saka ko ibinalik sa loob ng sling bag ang aking powder.
Nagtext naman si Lalaine sa akin.
Lalaine:
Nandito na ang karibal nating dalawa.
Nagtipa ako.
Ako:
Wala akong karibal.
I know Lalaine is just joking when she included herself pero sa akin, hindi karibal si Keesha. She will never be. At bakit… Did Isaiah court her? Did Isaiah claim her as his girl? Pinagsabay ba kami? Siya lang naman ang sumawsaw.
Pinasawsaw mo siya, Zera. Yes! I know I lured her to like Isaiah kaya nga lilinawin ko na sa kanya ngayon ang teritoryo ko. Ako ang nagpapasok sa kanya kaya kaya ko rin siyang sipain palabas. Let’s see if she can mess up with me. Kahit mas matanda siya sa akin, hindi ko siya uurungan!
Dumating rin naman ako sa sinabing Bar ni Lalaine. Pagpasok ko, iginala ko agad ang aking mga mata.
May sumipol pa sa aking lalake na hindi ko na nilingon pa. Dim ang paligid ngunit matingkad ang sumasayaw na neon lights.
Mas malaki ang Bar na ito kumpara sa kinantahan noon nila Isaiah. Mas maraming audience ata rito.
“Zera!” Ang pamilyar na boses ni Lalaine ang tumawag sa akin.
Hinanap ko agad iyon hanggang sa natagpuan ko siya sa mesa kasama sina Joy, Maritez, and of course Keesha who looks very shock after seeing me.
Nagtungo ako roon. Laglag panga naman si Maritez.
“Wow, Zera… Isang linggo lang kitang hindi nakita, pagbalik mo gumanda ka ata lalo. Nagbakasyon ka ba sa States?” tanong niya at pinasadahan ako ng tingin.
“Sinuot mo ang tshirt!” Nakangising si Joy naman.
Umupo ako sa bakanteng upuan at maarteng hinawi ang aking buhok. Nanliit naman ang mga mata ni Keesha pero walang sinasabi.
“Buti at pumunta ka! Matutuwa si Isaiah pag nakita ka noon! Baka hindi na iyon mapauwi ng maaga!” ani Lalaine at halos yakapin pa ako.
Ngumisi lamang ako at itinuon ang tingin sa harap. Kumalabog ang puso ko. Naghuramintado agad ang sistema ko kahit na wala pa naman sila roon. Naiimagine ko agad ang guwapong si Isaiah, naka black tshirt at sobrang snob tingnan.
“Nabalitaan ko kina Silas na nagdidate na raw kayo ni Trey. I’m happy for you!” biglang open-up ni Keesha at hinaplos pa ang aking kamay.
Binawi ko iyon. Nagulat siya sa aking ginawa kaya ngumiti ako.
“Thanks,” tipid kong sagot at itinuon ulit ang tingin sa harap.
“Huh? Nakikipagdate kana, Zera? May boyfriend kana?” si Joy.
Umiling agad ako. “Nope. He’s just a family friend.”
Tumawa naman si Keesha.
“Nahihiya ka pang aminin, Zera… Okay lang ’yan. Normal lang ang magkacrush ’no,” ani Keesha.
“Tigilan mo nga ang pagmamarunong,” iritado kong sabi na ikinagulat niya.
Napawi agad ang kanyang ngiti na kahit sina Joy at Maritez ay nabigla. Humagalpak naman si Lalaine.
“Uh, sorry…” ani Keesha at nag-iwas ng tingin sa akin.
Umirap ako at humilig sa mesa. Hindi rin naman nagtagal ay napangiti rin si Keesha nang dumating ang maraming order.
“Maraming salamat talaga, Keesha. Noong nakaraang linggo ka pa napapagasto ng malaki…” ani Maritez nang mapansin din kung gaano karami ang kanyang order.
“Wala ’yon ’no. Thankful ako sa inyo kasi sinusuportahan niyo si Isaiah. This is just a small peace offering,” si Keesha.
Halatang nangsusuhol lang ang babaeng ito para kunin ang loob nina Joy at Maritez eh. And so what kung sinusuportahan nila si Isaiah? Kung makasabi ng thankful siya sa suporta nila eh akala niya naman ay ang laki ng ambag niya sa banda ni Isaiah.
Argh! She’s really getting on my nerves! Napakafake ng innocent face niya! She’s a two-faced bitch!
“Nariyan na sila Isaiah!” Niyugyog ni Lalaine ang aking balikat.
Huminahon ang aking ekspresyon at tiningnan siya roon sa harapan. As usual, napakasnob niya parin suot ang nakasanayang black tshirt at may qoutes na nakalagay sa harap, naka dark pants at black boots habang magulo parin ang buhok pero bagay naman sa kanya.
Napansin agad ako ni Lyle. Namilog ang kanyang mga mata at mabilis na nilingon si Isaiah. May kung ano siyang sinabu rito at binanggit pa ang aking pangalan na kahit su Raziel ay mabilis akong hinanap ganoon rin si Anzai na sumulyap sa akin saglit pero maliban kay Isaiah…
Hindi siya tumingin, hindi niya hinanap ang aking mga mata. Parang naging hangin ang sinabi ni Lyle na hindi niya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalagay ng mic sa stand.
Lumunok ako. Don’t tell me he’s still cold to me? Iniiwasan niya ba ako? Iiwasan niya ba ako ngayon? No. I’m going to talk to him no matter what happened. Hindi ako uuwi ngayon nang hindi kami nagkakatitigan at nagkakausap!
Umupo na siya sa stool at seryosong seryoso parin ang mukha. Nagsimula namang tumugtog ang kanyang mga kabanda habang si Isaiah ay agad na pumikit para damhin ang kanta.
“And I’d give up forever to touch you ’Cause I know that you feel me somehow You’re the closest to heaven that I’ll ever be And I don’t want to go home right now…”
Lumunok ako at kinilabutan. Ang natural na epekto ng kanyang malamig at magandang boses ay inaatake na naman ang aking katawan. Napapatitig nalang ako sa kanya.
“And all I can taste is this moment And all I can breathe is your life And sooner or later it’s over I just don’t wanna miss you tonight…”
Hinintay kong dumilat si Isaiah at tingnan ako pero hindi niya iyon ginawa. Damn… He’s really avoiding to look at me! Madalas niya naman sana akong tingnan tuwing kumakanta siya pero hindi niya talaga ginagawa sa oras na ’to.
“And I don’t want the world to see me ’Cause I don’t think that they’d understand When everything’s meant to be broken I just want you to know who I am…”
Tinapos niya ang kantang The Goo Goo Dolls by Iris katulad ng sabi ni Lalaine na title ng kanta pero hindi niya talaga ako binigyan ng tsansang tingnan siya sa mga mata.
Alam kong matigas si Isaiah. Noon pa man, noong una ko siyang nakita, alam ko agad, ang mga katulad niya ay mga mahirap suyuin. Sila iyong tipo ng mga taong pag galit ay ipaparamdam talaga sa’yo ang galit nila. Hindi mo sila basta basta makukumbinsi sa pamamagitan ng kung ano-ano.
Kahit kabado, kahit alam kong mahihirapan ako, gusto ko paring subukan. I want to know what’s making him upset and cold at the same time! Kung si Keesha ang dahilan, kung sasabihin niyang umiiwas siya dahil may sila na ni Keesha ay magwawala na siguro ako.
No… Hindi naman siguro totoo, right? I’m just paranoid!
Pagkatapos ng isang kanta ay tumayo na si Isaiah at nagtungo ulit sa backstage. Sinundan naman sila ng tingin nila Lyle. Nailing naman si Raziel, tila nadidismayang muli habang si Anzai ay sinenyasan nalang si Lyle na kumanta ng iba pang kanta.
“Mukhang badtrip na naman ata si Isaiah… Baka uuwi na ulit iyon,” bulong sa akin ni Lalaine.
“Nagwalk-out ata ulit si Isaiah,” ani Joy sa nag-aalalang boses.
Tiningnan agad ako ni Keesha. Kahit dim, nakita ko kung paano niyakap ng galit ang kanyang mga mata.
“Sabi ko naman sa’yo Zera… Hindi kana sana dapat pumunta.”
“Hoy excuse me! Anong kasalanan ni Zera? Bakit? Inutusan niya ba si Isaiah?” si Lalaine na tumaas na ang boses.
“Tama na, Lalaine. Susundan ko nalang,” sabi ko at tumayo na.
Shit! He’s really mad! Hindi niya tatapusin ang gig niya at ano… Wala na naman siyang allowance this week? Nababaliw na ba siya?!
Mabilis akong tumakbo at umikot sa likod ng Bar para hanapin si Isaiah. Hindi nga naman ako nagkamali dahil may nakita akong lalake na kalalabas lang roon. Nakasuot ng itim na bag, itim na cap at nakapamulsang naglalakad na paalis.
“Isaiah!” sigaw ko at mabilis na naglakad patungo sa kanya.
Hindi ito lumingon, nagpatuloy lang sa paglalakad.
“Darn it, Isaiah!” sigaw ko sa sobrang frustrations at mas nilakihan rin ang mabagal kong pagtakbo dahil sa aking suot na boots na may heels.
Hindi parin ito tumigil. Malalaki ang kanyang hakbang, walang pakialam sa aking pagtawag at akala mo ay bingi na walang naririnig sa paligid.
“Isaia-Ahh!” Napapilok ako bigla at mabilis na sumalampak sa sahig.
Dumaing ako sa sobrang sakit ng aking pagkakabagsak at tumama pa ang aking kamay sa magaspang na sahig.
“Ouch…” Naiiyak kong daing hanggang sa nakita ko siyang tumatakbo na patungo sa akin.
“Shit!” Mabilis siyang yumuko at tiningnan agad ang aking kamay habang binalot na ng pag-aalala ang mukha kahit naghahalo ang pagkairita roon.
Sa aking inis ay hinampas ko siya ng isa kong kamay na walang sugat.
“Kasalanan mo ’to! I was calling you! Nabingi kana!”
Galit akong tiningnan ni Isaiah sa kanyang mga mata pero noong tiningnan ulit ang aking kamay ay nabubura rin agad iyon.
“Ang sakit…” Pumikit ako at gusto nang maiyak sa sobrang hapdi.
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang kanyang pag-ihip doon. Dahan dahan akong dumilat at tiningnan siyang hinihipan iyon ng walang sawa.
“Ba’t mo ba kasi ako hinahabol?” iritado niyang tanong at hinipan ulit iyon.
“Ba’t ka nagpapahabol?” Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Sinamaan niya lang ako ng tingin.
“Ba’t ka nandito? Hindi ka nag-enjoy sa kadate mo at pumunta punta kana rito?”
Suminghap ako. Alam niya na nagdate kami ni Trey?
Inalalayan niya naman akong tumayo pero agad akong nawalan ng balanse dahil sa kumikirot kong paa.
“Suot suot mo pa ang apelyido ko habang nakikipagdate ka sa lalake mo. Ang galing!” Mas naging marahas ang kanyang boses nang hapitin niya ako sa aking aking beywang at ilang sandali lamang ay wala niya akong kahirap hirap na inangat sa ere.
Napalunok ako at mabilis na napahawak sa kanyang mga balikat. Tinitongnan ko lamang ang kalahati ng kanyang mukhang hindi nagbabago ang ekspresyon at galit parin.
“Kumain lang naman kami,” sabi ko pero umismid lamang siya.
Hindi kumibo si Isaiah, wala na naman sa akin ang mga mata habang bumabalik sa daan. Ngumuso ako at hindi inalis ang aking mga mata sa kanya. Sobrang lapit ko sa kanyang panga.
“Umiiwas ka ba?” tanong ko sa marahang boses.
Hindi siya kumibo. Nafrustrate agad ako.
“You’re so cold, Isaiah! Hindi ako sanay!”
May pinasukan kami at doon ko napagtantong nasa backstage na ulit kami lalo na’t naririnig ko ng kaonti ang boses ni Lyle. Ibinaba niya ako at hinubad ang kanyang bag. Inilapag niya iyon sa mesa, kung nasaan ang iilang mga gamit nila Lyle.
Lumapit siyang muli sa akin at kinuha ang aking pulso. Tiningnan niya iyon at hinipan muli kahit magkasalubong parin ang kilay.
“Aren’t you happy to see me? Pumunta ako rito para makita ka,” pag-amin ko.
Tumigil siya sa pag-ihip noon.
“Ba’t ka nandito? Kailangan mo pa pala ako eh nakuha mo na ang lalakeng gusto mo.”
“Stop it, Isaiah. We’ve been friends-”
“Tsss. Tanginang friends.” Kinagat niya ang labi at nailing habang nasa ibang direksyon na ang mga mata.
“Ba’t ikaw pa itong galit? Dapat nga ako ang magalit sa’yo! Sinisiraan mo ako kay Trey! Binibida kita kay Keesha pero iba ang ginagawa mo!” Sinuntok ko ang kanyang dibdib sa sobrang inis, kahit na ang tigas naman noon at parang ako pa itong nasaktan.
“’Yan lang ba ang ipinunta mo? Ang sumbatan ako? Nakuha mo na ’di ba? Ano pang gusto mo?” matabang niyang tanong, hindi natablan sa aking suntok.
“Ba’t mo ako sinisiraan sa kanya? I want to know, Isaiah!”
“Pag ibinida kita sa kanya, maaagaw ka!” Tumaas agad ang kanyang boses kasabay ng pagtaas baba ang balikat dahil sa biglaang pagsabog.
Huminahon ang aking mukha. Imbes magalit ay napangisi ako. Nagmura ng husto si Isaiah nang makita iyon at nasabunutan na ang sarili niyang buhok. Nafufrustrate at the same time galit ang nagliliyab niyang mga mata habang basa ang labing nakaawang nang tingnan akong muli.
“Hindi naman pwedeng ganito! Hindi naman pwedeng ang rupok rupok ko sa’yo at tatanggapin agad kita dahil lang bumalik ka. Tapos pag gusto mo na naman doon sa isa, mang-iiwan ka ulit?!” Panunumbat niya na ikinalaglag ng panga ko.
“What? Iniwan ba kita?!”
“Where were you these past few days? Nang-iwan ka bigla sa ere nang malaman mo lang na single na ulit iyang Trey at wala nang nililigawan! Fucking shit, Zera! Hindi naman sa hinihintay kita pero sana h’wag mo akong pinagmumukhang tanga!” Namula ng husto ang kanyang mukha sa sobrang galit, nilalamon na ako ng buo.
“You’re getting the wrong idea, Isaiah.”
Natawa siya ng sobrang tabang at napatingala.
“Kung bumalik ka sa akin dahil lang sa sinasabi mong pagkakaibigan pwes wala kanang babalikan. I don’t want you as my friend. I will never like you as a friend.” Matabang niyang sabi at tumalikod, handa na namang umalis.
Ano, magwawalk-out na naman siya?! Maghahabol na naman ako?! My feet hurts! My hand hurts, too! Kinagat ko ang aking labi sa panggigigil at ikinuyom ang mga kamay. Damn this!
“Why don’t we kiss, instead?” panghahamon ko.
Tumigil siya sa paghakbang, halata ang pagkatigil sa aking sinabi. Nailing siya at handa na ulit humakbang.
“Duwag! Torpe! Kaya ka naaagawan ni Trey dahil ganyan ka kabagal!”
Halatang natriggered ito dahil mabilis siyang humarap muli sa akin. Madilim ang kanyang mukha at malalaki na ang hakbang para balikan akong muli.
“What did you say?” Hinarap niya akong muli, ngayon ay sobrang lapit na at halos mahilo ako sa kanyang katangkaran.
“Duwag ka. Mabagal,” giit ko sa matapang na boses.
“Anong ginawa niya?” tanong niya at biglang hinapit ang aking likod papalapit sa kanya.
Nabigla ako at napahawak agad sa kanyang balikat bilang suporta. Sobra nang nadikit ang katawan ko sa kanyang katawan.
“Sabihin mo anong ginawa niya at mas hihigitan ko pa,” matigas niyang sabi, ang mga mata ay sobrang nakakapaso na ang tingin sa akin.
“He kissed-”
Tanging singhap ang sumunod nang bigla niyang inatake ng halik ang aking labi. Mapusok iyon, walang pagdadahan dahan at malalim agad ang atake, tila gusto nang higupin ang aking lakas.
Umalon ang aking tiyan at para akong maliliyo sa halik na iyon. Nanghina ang aking tuhod kaya iniyapos ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg bilang suporta sa sarili kong mapapaluhod na ata ano mang oras.
Ang isa niyang kamay ay napunta sa ilalim ng aking buhok. Marahan niya iyong hinila para mapatingala ako lalo at hanggang sa mas nilaliman niya lang ang kanyang halik.
Napadaing ako nang kinagat niya ang pang-ibaba kong labi. Kinuha niya ang tsansang iyon para ipasok ang kanyang dila at igala iyon sa aking bibig, tila may hinanap.
Shit! His tongue is just so good! Ang aking katinuan ay parang nilipad ng hangin at halos makalimutan ko ang lahat ng nasa paligid. Biglang inangat ni Isaiah ang aking mga hita kaya awtomatiko ko iyong ipinulupot sa kanyang beywang. Humakbang siya at hinawi lahat ng mga gamit na nasa mesa na nagsilaglagan agad at gumawa ng ingay saka niya ako ipinaupo roon.
Habol ang hininga ay tumigil ako at tiningnan ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Ngunit hindi rin ako hinayaan na makawala ni Isaiah at iginiya ulit ang aking baba patungo sa kanya saka ako muling siniil ng halik.
This time ay nahiga na ako dahil sa pag-abante niya. Kumawala ang ungol sa aking bibig nang itinulak niya ang kanyang sarili sa gitna ng nakaparte kong mga hita at naramdaman ang matigas na bagay roon.
Libo libong boltahe ang naglakbay sa buo kong katawan at pinapasok ang bawat sulok ng aking sistema. Pumikit ako at napaawang na ang bibig kaya sinamantala niya iyong muli para ipasok ang kanyang dila.
Ang bawat madadaanan ng kanyang kamay ay pinaliliyab agad ako at mas lalo lamang lumalaki ang pagnanasa sa aking katawan. I want his touch! I want him to pushed himself more! I want him to kiss me more! I want him so much!
“Isaiah…” Hinabol ko ang aking hininga nang naramdaman ko ang isa pang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa aking hita.
He didn’t stop and kissed me aggressively. Pakiramdam ko ay dumugo na ang aking labi sa rahas ng kanyang halik!
“Kung balak mo rin naman akong hamunin sa ganito… Sigurado akong iiyak ka talaga sa ilalim ko habang nakapatong ako sa’yo.”
Tumindig na ang aking balahibo. Hibang na hibang na ako sa kanyang halik at ayoko nang tumigil dahil parang ikakamatay ko na ata iyon kung bigla siyang tumigil. Iniisip ko tuloy na dalasan ang panghahamon sa kanya kung ganito rin pala siya pag sobrang napuno.
His kisses tastes like mint and sugar. Ganoon iyon katamis na sa tuwing lumalalim ay para akong mawawalan ng ulirat. His tongue is just too expert! He’s just too expert to kiss!
“Isaiah? Nariyan ba kayo?” Boses iyon ni Lyle na nagpatigil sa kanya.
Ang kanyang mukha ay bumaba sa aking leeg. Ramdam ko kung paano niya hinabol ang hininga dahil sa pagtama noon sa balat ng aking leeg at kung paano nagtaas baba ang kanyang balikat na akala mo ay galing sa pagtakbo.
“Isaiah? Papasok na ako…”
“Uh, nandito kami, Lyle!” Ako na ang sumagot lalo na’t ayaw kong madatnan niya ako rito sa lamesa na nakahiga habang nakapwesto si Isaiah sa gitna ko.
“Oh sige… Para kasing may narinig akong mga natapong gamit.”
Shit… Iyong mga hinawing gamit ni Isaiah sa mesa ay mga gamit nila!
Inalalayan rin naman akong bumangon ni Isaiah. Gumalaw pa ang kanyang panga nang sumulyap muli sa aking labi at nag-iwas ng tingin. Sobrang pula ng kanyang labi, ng kanyang leeg. Gumagalaw parin ang kanyang balikat dahil sa paghinga.
Iginala ko ang tingin sa sahig. Namilog ang mga mata ko nang makitang may cellphone na nakataob doon kasama ang iba pang mga gamit at mukhang lumabas sa isang bag na nalagag rin.
“Pulutin mo ’yan lahat, Isaiah,” sabi ko at ibinalik ang mga mata sa kanyang malalim na palang nakatitig sa akin habang kinukulong niya ako sa bawat bisig niya.
“Naghalikan pala kayo? Sa unang date?” tanong niyang muli, nagkakasalubong na naman ang kilay.
God! Hindi parin ba siya tapos sa topic na ito?
“We already kissed. Hindi parin tayo bati?” Namumula kong tanong kasabay ng pag-irap.
Bumaba ang kanyang mga mata sa aking labi at hinagod iyon ng tingin. Unti-unti namang kumalma ang kanyang ekspresyon at hinaplos ang aking labi.
“I’m sorry…” aniya at halata ang pagsisisi, ang iritasyon ay nabura na sa mukha. “I was so rough I almost made your lips bleed.”
Ang hapdi nga ng labi ko. Umiling ako habang tinitingnan ang namumungay niyang mga mata.
“Okay lang.” I like it alot, Isaiah. Gaga!
Nagloosen ang kanyang balikat at pumikit. Huminga siya ng malalim habang nakayuko. Inilapit ko naman ang aking ulo sa kanyang buhok at inamoy iyon. What’s his shampoo? Ba’t ang bango nito?
Umahon siya. Agad naman akong umayos at tumigil sa kagagahan.
“Can we do it again?”
“H-Huh?”
“Let’s kiss again,” sabi niya at inilapit na muli ng dahan dahan ang mukha sa akin.
Hindi pa ako nakakatango, hindi pa nakakapayag ay lumapat na muli sa aking labi ang kanya.
This time ay humagod iyon sa mabagal na paraan. Masuyo ang kanyang halik at puno na ng pag-iingat hindi kagaya kanina.
Pumikit akong muli at sa hindi mo mabilang na pagkakataon ay muling umalon ang aking tiyan. May kung ano nang nagkagulo sa loob at natatangay na ni Isaiah ang aking pag-iisip sa ibang dimensyon habang ninanamnam ko ang tamis ng halik niyang kumakalat na sa aking bibig. Naikuyom ko ang aking mga kamay na nakahawak sa kanyang balikat. Mababaliw na ata ako!
Humiwalay rin naman siya. Bigla niyang iniwan ang aking labing nakaawang pa habang habol habol ko ang aking hininga. Nanunuya niyang inilapit muli ang kanyang labi. He just lightly brushed his lips with mine at lalayong muli. Gosh! This is such a torture! Nalalasing ako sa halik, bitin na bitin at gusto nalang na halikan niya ng walang tigil.
“Isaiah…” nagmamaakawa kong tawag na ikinangisi niya.
“Whose girl are you, Damonisse?” he asked huskily with his blazing eyes.
Kinagat ko ang aking labi at tiningnan siya sa namumungay na mga mata.
“Kay Trey?” matabang niyang bigkas at inilayo ang labi.
Umiling agad ako, nadismaya sa kanyang ginawa.
“Then whose girl are you?” tanong niyang muli at halos ibulong nalang sa aking labi.
Shit…
“I’m yours… Isaiah,” sagot ko, naging alipin na sa kanyang mapangparusa at masarap na halik.
“Pag may nagtanong kung sinong nagmamay-ari sa’yo, isagot mo ang pangalan ko.”
Tumango ako at dinamang muli ang paglapat ng kanyang labi sa akin. This is going to be my addiction!
20th Lured
Lured
Walang Kayo
Tahimik akong nakatingin kay Isaiah habang pinapanood siyang maingat na ginagamot ng bulak na may betadine ang aking kamay na nasugatan. Hiningi niya pa iyon sa management kaya heto siya sa harapan ko, nakahilig sa kanyang mga hita habang nakayuko at seryoso lamang ang tingin sa kamay ko na hawak niya.
“Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Lalaine.
Humalo na kami sa kanilang mesa pagkatapos niyang ligpitin sa backstage ang mga hinawi niya kanina. Nag-iinuman na sila at kanina pa nacucurious nang sinimulan nang gamutin ni Isaiah ang aking kamay.
“Nadapa ako,” sagot ko.
“Huh? Bakit?” Nagtatakang si Maritez.
“Naghabulan ba kayo?” ani Lyle sa nanunuyang boses.
Tahimik lamang si Keesha. Kahit dim ang paligid, ramdam ko ang kanyang tingin lalo na’t nasa tabi lang ito ni Maritez at nakasentro ang mga mata rito sa dulo ng mesa kung saan ako nakaupo ng patagilid para harapin ng buo si Isaiah na nakaharap rin sa akin.
Tumitig naman si Anzai sa aking labi. Ramdam ko iyon lalo na’t agaw pansin ang kanyang tingin.
“Ang pula pula ng labi mo. Nasobrahan sa lipstick? O nasobrahan sa halik?”
Napasinghap sila sa tanong ni Anzai at napatingin sa aking labi. Humagalpak naman agad si Raziel. Ngumuso ako at tiningnan si Isaiah na nasa kamay ko parin ang tingin.
“Oo nga ’no?” si Lyle.
“Baka lipstick lang, Anzai. Zera used too much make-up sometimes kahit sa school,” ani Keesha at bahagyang tumawa.
Binalingan ko siya.
“Isaiah bit my lips kaya namumula,” sagot ko na ikinapawi ng kanyang ngiti.
Namilog naman ang mga mata ni Lalaine. Kalaunan ay lumawak agad ang ngisi. Si Lyle ay pabalik balik ang tingin sa amin, si Raziel ay ganoon rin, nakangisi habang gulat rin sina Joy at Maritez at lumalagok naman ng beer si Anzai.
“Ba’t mo naman kinagat, Isaiah?” Tumawa si Raziel.
Umahon ang tingin ni Isaiah sa akin at tiningnan ang aking labi. He just checked it curiously.
“I’ll slow down next time,” aniya, ang boses ay sapat lang para ako ang makarinig dahil masyado pang nagugulat sa aking sinabi kanina.
Next time? May next time pa? Namula ako roon habang pinapanood siyang kinuha muli ang betadine para lagyan ang bulak na hawak.
“May tago talagang relasyon iyang si Isaiah at Zera! Hindi lang sila umaamin dahil may iba riyan na masyadong kontrabida!” ani Lalaine at humagalpak ulit.
Keesha didn’t pay attention too much. Kinuha niya nalang iyong beer niya at uminom doon. Hindi na rin naman kami nila pinakialaman at hinayaan na lamang.
“Aw…” daing ko nang maramdaman ang kirot sa ginagawa ni Isaiah sa aking kamay.
Babawiin ko na sana iyon nang mas hinigpitan niya ang pagkakahawak at hinipan iyong muli. Huminahon ako nang unti-unting napawi ang kirot.
Umahon ang kanyang mga mata sa akin, tiningnan ako ng malalim at hinalikan ang sugat ko. Lumunok ako nang napaso agad ako sa paglapat ng kanyang malambot na labi sa balat noon.
“I’m sorry,” he whispered.
Umiling agad ako. The pain is worth it! Wala naman akong pinagsisihan sa nangyari.
“Okay lang. I like what happened…” sabi ko.
Ngumuso siya at kinagat ang labi, nagpigil ng ngisi.
“We both like what happened, huh?”
Tumango ako sa kanya at napangisi na rin. Isaiah chuckled and brushed his fingers against his hair. Napatingin silang muli sa kanya habang ako itong tulala na sa kanyang mukha. Oh damn… He’s really really attractive!
At least walang regrets. Iyon nga lang ay bitin na bitin na bitin parin ako. Nasa sistema ko parin ang masarap na pakiramdam na naramdaman ko kanina. Nasa bibig ko parin ang lasa ng tamis ng halik niya. Nasa isipan ko parin ang halikang naganap at kung paano niya ako hinalikan ng sobrang agresibo at kung paano nagsilaglagan ang mga gamit.
Nilagyan niya rin naman iyon ng bandage. Niligpit niya ang medicine kit at ipinabigay rin iyon sa waiter na dumaan. Inilagay niya sa aking tabi ng maayos ang upuan at umupo roon.
Nakiinom narin siya sa mga beer na inilapag. Keesha and Lyle were talking ganoon din sina Joy at Maritez habang si Raziel at Lalaine naman ang nag-uusap. Tahimik naman si Anzai, kung hindi beer ang pagtutuunan ng pansin ay iyong hawak namang cellphone.
“Masakit parin?” tanong niya at kinuha iyong beer sa mesa.
“A bit…” Sinundan ko ng tingin ang paglapit noon sa kanyang labi hanggang sa lumagok siya noon.
Napatitig ako ng husto sa kanyang panga. Ang side profile nito ay masyadong perpekto na kahit dim ang ilaw ay maaaninag mo talaga ang kagwapuhan na hindi naitatago ng dilim.
Naalala ko ulit ang hot steamy kiss namin kanina na nagpapula sa akin. Si Trey ang naging first kiss ko sa araw na ito. Ang pagdampi ng kanyang labi sa aking labi ay walang wala sa pagsiil ng labi ni Isaiah sa aking labi. Parang nagkafireworks ng live noon sa paligid. Nabingi ako sa tibok ng aking puso at nahilo ako sa tamis ng lasa ng kanyang halik. Doon ako naaadik.
Ibinaba niya ang beer at humilig sa likod ng aking inuupuan. He lightly brushed his hair and glanced at me. Nagtama agad ang aming mga mata. Namumungay na naman ang kanya. Basa ang nakaawang na pulang labi, namumula na naman ang mukha dahil sa kakainom at niyayakap ng kagwapuhan ang kabuuang mukha.
“You should stop that, you know…” husky niyang sabi at dinilaan ang pang-ibabang labi.
“Stop what?” I asked him innocently.
Inilapit niya lalo ang mukha para bumulong.
“Stop staring. Malalasing ako agad at baka makagat ko na naman ang labi mo. Sa sobrang panggigigil, baka hindi ako makapagpigil.”
Agad na nang-init ang aking mukha. Is it bad if I stare too much? Is it bad if I like it too much? Is it bad if I tell him I want another kiss?
Itinuon ko nalang ang aking mga mata sa aking palad at tiningnan ang gilid na nakabandage. Napunta rin ang kanyang mga mata roon.
“I’m sure my Kuya will ask about this. Ano kayang isasagot ko…”
“Sabihin mo nadapa ka sa ibabaw ko.” Ngumisi siya na ikinalaglag ng panga ko.
Inirapan ko agad ito. Pulang pula na nga ang aking pisngi, ganyan pa ang mga lumalabas sa bibig niya. Ang aggressive ah? Ang rupok ah…
“He’s going to punch you pag sinabi ko ’yan.”
“Sige lang…” he answered nonchalantly.
“And I’m going to tell him we’re uh…” Kumurap ako at naghanap sa sulok ng aking utak ng pwedeng idugtong.
“That we kissed?” dugtong niya.
Hindi agad ako nakasagot. Ngayon na naghalikan na kami… Liligawan niya na ba ako? I wonder if he’s going to be my boyfriend? Pero hindi ko pa naman naaamin na… na siya na ang gusto ko kay Trey. But I told him that I belong to him. That I’m all his… Sapat na ba iyon?
Ano na ba kami? O baka… baka kami na? Malay mo kami na?
“Na gusto kong magkaboyfriend,” paglilinaw ko.
He tilted his head and rested his hand on my inner thigh. Tumango siya sa namumungay na mga mata, sang-ayon sa aking sinabi.
Tumayo ako para magcr. Ang lintek na si Isaiah ay tumayo rin, sumunod sa akin! Natatawa akong pumasok sa cr at itinulak ang kanyang tiyan nang papasok narin sana siya.
“Oh my gosh you’re already drunk!”
Hinawakan niya ang aking kamay at pinigilan sa panunulak.
“What’s wrong? Walang tao. Papasok ako.”
“Stay here, Isaiah! Iihi lang ako!”
Nakipagtulakan pa talaga ako sa kanya lalo na’t hindi ko siya matinag. Pwede naman na kaming dalawa sa loob pero iniimagine ko palang na kami lang dalawa ay namamantsahan na agad ang aking utak.
Bumusangot siya, ang mga mata ay lasing at humalukipkip nalang sa may pinto saka hinayaan akong pumasok. Ngumisi ako sa kanya at nailing. He’s cute!
Umihi ako sa isang cubicle. Pagkalabas ko, naroon parin siya, ang ulo ay nakasandal na sa gilid. Tiningnan ko muna saglit ang aking sarili sa salamin saka ko siya nilapitan.
Hinila niya agad ang aking beywang at bigla nalang akong isinandal sa pader. I hurriedly tiptoed for another kiss but Isaiah just chuckled!
Nawala ang excitement sa kabuuan kong sistema at sa aking inis ay pinagsasapak ko siya.
“Hindi ako natutuwa!” Itinulak ko siya palayo ngunit humigpit lang ang kanyang braso sa aking beywang at yumuko, mas lalong humagalpak sa aking leeg.
I got squeezed so hard. Nakatingala na ako at nakabusangot.
“Pag ganyan ka rin karupok sa akin, baka araw araw tayong pagod pag magkasama tayong dalawa,” bulong niya at kinagat ng marahan ang aking leeg.
Suminghap ako, nanindig ang balahibo at parang may dumaang multo sa aking likod habang bumabyahe sa kasuksulukan ng aking katawan ang kuryente gawa ng kanyang marahang pagkagat. Namula ako ng husto at humawak sa likod ng damit ni Isaiah para doon kumuha ng lakas.
“I don’t care,” bulong ko at itinagilid pa ang ulo para mas malaya niyang magawa ang gusto niya.
Nagmura si Isaiah at hinila na lamang ako pabalik sa Bar. Nagmura narin ako sa aking isipan. Ang rupok rupok ko!
Pag-upo naming muli ay takang taka nang tiningnan ni Lyle si Isaiah. Si Lalaine ay pangisi ngisi pa sa akin at mukhang may iniisip na iba habang si Joy at Maritez ay mukhang natatamaan na sa kakainom. Keesha just stared at us curiously pero mabilis ding mag-iiwas ng tingin.
Settled na kaya ang meron sa kanila ni Isaiah? I wonder…
“Ba’t may basag ang tempered glass ng cellphone ko?” tanong ni Lyle at ipinakita kay Isaiah ang kaonting crack ng kanyang cellphone.
Napatingin na rin ako kay Isaiah. He looked unbothered with what he did. Humilig lang siyang muli sa aking upuan.
“Nagwala ka ba sa loob, Isaiah? Pinaghahagis mo ba ang mga gamit?” tanong niya.
“Aksidenteng natabig ng kamay ko ang bag mo,” palusot ni Isaiah.
Kinagat ko agad ang aking labi at nag-iwas ng tingin lalo na’t naninimbang rin ang mga mata ni Lyle sa akin. Ayoko namang sabihin na… ‘Hinawi ni Isaiah ang mga gamit sa mesa para ihiga ako roon.’ At anong maiisip niya?! God… I just realize we almost… Almost did it. Kung hindi ba nangdisturbo si Lyle ng oras na iyon, ano nang mangyayari? Iniisip ko pa lang ang mga gagawin niya ay kinikilabutan na ako.
Isaiah is very rough when he’s triggered. I should keep that in mind and provoke him all the time. What the fuck, Zera?
Sa pagtakbo ng oras ay mas lalo nang namula si Isaiah. Nakikipagngisihan na siya kay Anzai na iniilingan siya at napapangisi rin sa kanya. Hindi ako makainom at tagaubos lang ng kanilang pulutan. Hahawakan ko palang ang beer ay hindi ko na agad kinakaya ang talim ng tingin niya sa akin.
Keesha is busy with her phone nang bigla itong sumigaw.
“Oh my gosh! Nagdidate na pala kayo ni Trey!” sigaw niya, kinuha ang atensyon ng bawat tingin sa lamesa.
“Trey? Iyong sinasabi mong gustong gusto ni Zera na barkada ni Trey?” tanong ni Lyle.
Tumango si Keesha. “Yes… Oh my gosh, Zera! I’m happy for you! Napansin kana rin ng lalakeng gusto mo!”
Hindi ko alam kung lasing na ba siya o simpleng bitch lang talaga. Why does she likes provoking me to say bad things infront of everyone?
Naninimbang lang ang tingin nina Joy, Maritez. Si Lalaine naman ay sobrang talim na ng tingin kay Keesha, tila inis na inis na habang si Raziel at Lyle ay sumusulyap lang kay Isaiah. Anzai doesn’t pay attention too much.
“We’re not dating. Naglunch lang kami-”
“Don’t be embarras about it, Zera!” Humagikhik si Keesha. “I know that feeling… Ganyan talaga pag hindi ka makapaniwala sa nangyayari.”
“Impakta ka. Di mo ba magets? Sabi ni Zera, di sila nagdidate. Eh ikaw na may sabi friendly siya kaya baka friendly lunch lang iyon!” si Lalaine naman na tumaas ang boses.
“Woah, girls… Ang iinit niyo…” si Lyle na pinipigilan agad ang mangyayaring gulo sa dalawa.
Tumawa lang si Keesha.
“Sanay na ako kay Lalaine, Lyle… Hindi naman ako warfreak and she’s a supportive fan…” aniya.
“Baka lasing na si Lalaine,” si Maritez naman at inayos ang thick glasses na suot.
“Maybe,” si Keesha. “Ipagtataxi ko nalang siya later.”
Hindi na ako umimik at ayaw nalang ring gatungan ang pinagsasabi ni Keesha. Binalingan ko si Isaiah na nakapikit ang mga mata habang naglalaro lamang ang mga daliri sa buhok niyang humahaplos sa kanyang buhok at hindi ata pinakinggan ang sinabi ni Keesha kanina.
I don’t consider it as a date… Hindi naman iyon date. I didn’t have fun so I guess it’s just a normal lunch with my former crush. Mas gusto kong iconsider na date iyong sa amin ni Isaiah.
Doon ko lang namalayan ang oras nang magtext na si Kuya.
Kuya:
Ano, wala kanang balak umuwi? Hindi kana magpapasundo? Kanina ko pa hinihintay ang text mo.
Tiningnan ko agad ang oras at 9:20 na pala. I still want to be with Isaiah…
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
30 more minutes, Kuya.
“Para saan ’yang 30 more minutes mo?” biglang tanong ni Isaiah na ikinagulat ko pa.
Tiningnan ko ito. Lasing na lasing na ang mga mata pero mukhang nasa tamang huwisyon pa naman.
“Ayaw ko pang umuwi,” pag-amin ko.
Umangat ang kanyang kilay.
“Magpasundo kana. Gabing gabi na,” aniya.
“It’s still early,” giit ko.
“Magpapasundo ka o ihahatid nalang kita?” suhestyon niya na ikinakurap ko.
May tricycle ba sa ganitong oras? Bawal ang mga ganoong vehicles sa loob ng subdivision… I don’t want to offend him kaya umiling nalang ako.
“Si Kuya nalang,” sabi ko.
Tumango naman siya. Nag-iwas ako ng tingin at nagtipa ulit ng mensahe.
Ako:
Sunduin mo na ako, Kuya.
Nagreply naman agad ito pero like sign nalang.
Nakakafrustrate naman ’to. Uuwi ako, matutulog, gigising, papasok at ilang oras pa iyon. I want to spend more time with him… Iyong bawat sigundo ay nasa tabi ko siya pag lilingon ako.
Kaya noong nasa front seat na ulit ako ng kotse ni Kuya ay malungkot ko nalang na tinanaw ang streetlights sa labas ng bintana.
“Kumusta ang banda? Masyado ka bang nag-enjoy kaya nagkasugat kana?” pambabasag ni Kuya sa katahimikan.
Nilingon ko siya na nasa daan lamang ang mga mata.
“Gusto ko nang magboyfriend.”
Hindi nagulat si Kuya. Nanatili ang kanyang kalmadong ekspresyon.
“Magpaalam ka kay Dad. H’wag sa’kin,” aniya.
Naalala ko ang sinabi noon ni Daddy. I am only allowed to have a boyfriend pag graduate na ng college, pag may trabaho na at hindi na umaasa sa parents. I don’t know if it’s just a joke but Daddy is really strict when it comes to boys.
“Gusto ko nang magboyfriend,” sabi ko at nilipad muli ang tingin sa labas ng bintana.
“Pag tapusin mo muna. Masyado kang distraction.”
Pero… pwede namang supportive girlfriend ako ah? Hindi ako mangdidistract.
Hindi ko nalang binanggit ang pangalan ni Isaiah pero iyon talaga ang nagpapafrustrate sa akin.
Pagkauwi ko, pagkapasok palang sa kuwarto ay nagvibrate ang aking cellphone. Mabilis ko iyong chineck at napangiti sa text ni Isaiah.
Isaiah:
Nasa bahay kana?
Nagtipa ako at umupo sa kama.
Ako:
Yep. Magbibihis muna ako.
Mabilis akong tumayo at nagbihis ng damit. Nagpalit ako ng satin na dress, wala nang bra at mabilis na tinanggal ang make-up gamit ang isang toner saka rin naman ako gumapang sa aking kama para atupagin ang aking cellphone.
May text na roon si Isaiah.
Isaiah:
Matulog kana.
Nagtipa ako.
Ako:
I am not yet sleepy. Mag-usap muna tayo.
Ilang sandali lamang ay nagreply agad ito, tila nakaabang lang sa aking text. Tumagilid ako at niyakap ang teddy bear na nasa aking tabi habang binabasa ang kanyang text.
Isaiah:
Sige.
Hindi ko na namalayan ang oras habang katext si Isaiah. Mabigat ang aking mga mata kinabukasan at panay pa ang aking hikab.
“Nagpuyat ka ba?” tanong ni Elle, titig na titig sa mga mata ko.
Kakatapos lang ng isa naming subject. Niligpit ko ang aking gamit at gusto nang magtungo sa gym dahil alam kong naglalaro ngayon sina Isaiah roon.
“May lakad ako kahapon. I got carried away so natagalan akong umuwi,” sabi ko at dinampot ang aking bag.
Mabilis niya ring dinampot ang bag at lumebel sa akin. Sabay kaming lumabas dalawa.
“Huh? Panay ata ang lakad mo…”
Nagkibit ako. Sumabay siya sa akin patungo sa gym lalo na’t may 30 minutes pa kami bago ang next subject since maaga rin kaming dinismiss.
Pagdating roon, narinig ko agad ang halakhak ni Trey. Nang tuluyan akong makapasok, ang una ko agad napansin ay ang paglingon ni Isaiah habang pawisan at medyo hinahabol ang hininga.
Ngumuso ako nang magtama agad ang aming mga mata. Ang nakaawang na bahagya niyang labi ay binasa niya saka sinuklay ang buhok gamit ang daliri.
“Ang guwapo ni Isaiah ’no? Sobrang snob nga lang,” ani Elle, mukhang naagaw rin agad ni Isaiah ang kanyang atensyon.
Umakyat kami sa bleachers saka ko siya nilingon dahil sinusundan niya ng tingin si Isaiah.
“Crush mo?” seryoso kong tanong.
Nangislap ang kanyang mga mata, wala sa sariling sinundan ito ng tingin at hindi pa ata ako narinig.
“Crush mo si Isaiah?” ulit ko sa mas malinaw na boses.
Napalingon siya at umiling agad, tila nasindak sa pagtaas ng aking boses.
“Hindi ’no!”
Kumalma ang aking ekspresyon at ibinalik kay Isaiah.
“Andyan babygirl mo oh!” ani Castel, kausap si Trey na nilingon agad ako.
Tumawa si Davin. “Kailan next date niyo?”
Ngumisi lamang si Trey at nailing sa mga kaibigan. Tahimik akong nanood, tahimik na sinundan ng tingin si Isaiah na nagkakasalubong ang kilay.
Naglaro silang muli. Si Isaiah lamang ang tanging seryosong nang-aagaw ng bola habang nagtatawanan naman sina Castel. Aggressive siya sa court… Sa lahat ba ng bagay ay aggressive talaga siya?
Natulala nalang ako sa kanyang galaw, sa kakatitig sa kanya. Ang bilis niyang gumalaw na pakiramdam ko ay mababali na ang aking leeg kakasunod. Nahuhuli niya pa ang aking mga mata at agad siyang ngingisi habang kagat kagat ang labi.
“Huh? Marunong pala siyang ngumisi?” Nagulat narin si Elle, mukhang siya rin ang tinitingnan.
Iritado kong nilingon ang pinsan kong manghang mangha sa panonood.
Patungo ako noon sa water fountain para lagyan ng tubig ang aking bottled water nang makasalubong ko si Keesha. Nakangiti siyang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan nang mapansin ako na ikinapawi noon.
“Mauna na muna kayo,” sabi niya sa tatlo na tumango rin naman.
Hindi ako tumigil sa paglalakad. Nilagpasan na ako ng tatlo niyang kaibigan na takang taka akong tiningnan habang si Keesha ay tumigil na sa paglalakad, hinihintay lamang na makakarating ako sa kanyang dako.
“Can we talk?” aniya nang mapansing wala akong balak tumigil.
Huminto ako. Hindi ako tumango pero sapat na ang pagtingin ko sa kanya para mapunto niya ang aking pagpayag.
“Pwede bang magkalinawan tayong dalawa? Napapansin ko kasi ang close close mo na kay Isaiah. Sana layuan mo na siya, Zera.”
The hell with this bitch? Ang tapang tapang naman atang pagsabihan ako.
“Don’t order me like I am just a kid, Keesha. May sarili akong isip,” putol ko na ikinagulat niya.
“Nagdidate na kayo ni Trey ’di ba? Eh ’di ba iyon ang gusto mo?” Nagsikap siyang ngumiti.
“Ano bang nangyari noong mga panahong hinayaan ko kayo ni Isaiah? Did he talk to you?”
“Hindi dahil—”
“Dahil ano? Wala na ako sa mga panahong iyon. Hindi ba iyon naging sapat?”
“Kung eeksena ka ulit, mahahati ang atensyon niya!”
“Hindi mo ba nararamdaman na baka… hindi ikaw ang gusto niya?”
Her eyes widened. Nakita ko kung paano siya namutla.
“Gusto niya ako ngunit nariyan ka kaya nahahati siya! Walang mag-eentertain sa’yo. Walang kakausap sa’yo. Si Isaiah ang close mo kaya ginagawan ka niya ng pabor.”
“At kaya ka niyang ilagay sa ganoong sitwasyon at isipin ang kapakanan ko kaysa sa… kapakanan mo?” I arched my brow.
I don’t want to sound mean coz I know this is my fault for pushing her ngunit dapat ay marunong din siyang makiramdam! Hindi ko na mapipilit si Isaiah sa bagay na iyon at labas na ako roon!
“Si Trey ang gusto mo, Zera. Stop acting like a fucking bitch,” giit niya.
Hindi ako nakapagsalita. That’s true. Ngunit nahulog ako kay Isaiah sa kalagitnaan!
“Nagparaya ako para sa’yo kaya sana maappreciate mo ang effort ko,” dagdag niya, pilit nalang na kinokontrol ang boses.
“I think Isaiah doesn’t like you,” deritsahan kong sabi.
“Ang unfair mo naman kung pati si Isaiah ay aakitin mo rin… Hindi naman pwede ang ganoon. Hindi mo pwedeng ipagsabay si Trey at Isaiah.” Namungay ang kanyang mga mata sa akin.
Umiling agad ako. “Wala akong pinagsasabay sa dalawa, Keesha. Hindi kami ni Trey. Hindi siya nanliligaw sa akin. Hindi ko siya boyfriend.”
“Pero gusto ko si Isaiah! Gustong gusto ko narin siya pero hinahadlangan mo na kaming dalawa!” Kumuyom ang kanyang mga kamay.
Huh?
“Hindi ko na nagugustuhan ang pagiging brat mo, Zera. Stop luring Isaiah to like you back just because you’re jealous with us!” Nanginig ang kanyang labi, halos pigilan ang pagsabog ng damdamin.
Awtomatiko namang tumaas ang aking kilay.
“Us? You’re single, Keesha. Sa tagalog, walang kayo,” giit ko na ikinaputla niya lang lalo, ang mukha ay sobrang nadismaya.
21st Lured
Lured
Boyfriend
Iritang irita ako kay Keesha. Kung siya ang gusto ni Isaiah dapat siya ang nilalapit lapitan! Sana kahit ang parteng iyon ay makuha niya.
Nakakagigil siya. Ang feeling feeling!
Holiday noon kaya walang pasok. Pagkagising ko ay nadatnan ko na si Daddy na nagluluto sa kusina. I think tulog pa si Mommy while Kuya isn’t around. Tulog pa rin siguro?
Umupo ako sa countertop at humikab. Lumapit naman si Daddy sa akin at hinalikan ang aking noo saka siya naglapag ng mug.
“Morning, princess…”
“Morning, Dad…”
Bumalik siya sa kanyang ginagawa, nakaapron at medyo buhaghag pa ang buhok.
Hinaplos ko naman ang katawan ng mug at dinama ang init noon. Inangat ko iyon at sumimsim nang maalala sa tamis ng lasa ang halikan namin ni Isaiah. Oh really? Ang aga aga iyon na agad ang iniisip ko!
But speaking of Isaiah… Tiningnan ko si Daddy habang busy sa pagluluto.
“Uhm, Dad… Pwede na ba akong magboyfriend?” tanong ko.
Tumango naman agad ito, hindi man lang sumulyap sa akin at may kung anong ginigisa.
“Oo naman.”
Napangisi agad ako saka siya sumulyap.
“Pag nakapagtapos kana,” dugdtong niya na mabilis na ikinapawi ng aking ngiti.
“Pero ang tagal pa noon!”
Umangat ang kanyang kilay at nagbasag na ng itlog sa kabilang pan.
“Three years nalang graduate kana. H’wag mong isipin ang araw sa taon para hindi matagal.”
“Daddy unfair! Birthday gift mo nalang sana ’to sa akin!” Bumusangot na ako ng husto.
Sumulyap siyang muli.
“Pag maaga kang magboboyfriend, maaga rin kayong maghihiwalay. Pero kung naghintay ka ng three years… hindi agad kayo magb-break,” aniya na ikinairap ko ng husto.
I don’t get his logic! Gusto ko nang magkaboyfriend. I want Isaiah to be my legal boyfriend. I hate it when someone’s staring at him thinking he’s single! Ayokong ganoon. Gusto ko maisip ng lahat ng babae na titingin sa kanya na pagmamay-ari ko na siya! Gusto ko iyong maisampal kay Keesha!
“Good morning… Ba’t ang aga mong nakabusangot?” ani Mommy, bagong gising suot ang polo ni Daddy nang masulyapan ang aking ekspresyon.
I watched him went to my Daddy’s back and gave him a hug.
“Ang bunso mo, nagpapaalam na sa akin na pwede na raw ba siyang magboyfriend. Ang sabi ko pagkatapos na ng college niya,” ani Daddy.
“Mommy! This birthday, may ipapakilala ako.”
Ngumiti si Mommy sa akin at tumango.
“Sure, Zera. You’re already eighteen. Ipakilala mo sa amin sa birthday mo,” aniya na ikinalingon agad ni Daddy pagkapatay ng stove.
“Gusto ko pag nakapagtapos na siya ng college, Scarlet Gail. Pag sakaling maagang nabuntis, at least nakapagtapos na.”
“Dad!”
Mommy chuckled at hinaplos ang panga ni Daddy.
“I had my first boyfriend when I was thirteen. I even had my first kiss when I was thirteen-”
“Ano ulit?” tanong ni Daddy, madilim na ang ekspresyon.
Oh. My. God. Mommy is just 13 when she had her first kiss! Westernized siya at alam kong half of her life ay sa States siya lumaki ngunit nakakagulat pa rin! Kung alam ko lang, edi ’di ba naging inpirasyon ko iyon!
Tumawa si Mommy at hinagkan ang panga ni Daddy.
“Let her explore with her feelings, hmm? The more you cage her, the more she’ll rebel…”
Hinubad ni Daddy ang apron. Tinulungan naman siya ni Mommy. Sumimsim ulit ako sa aking hot chocolate at pinag-isipan ang sinabi niyang thirteen palang siya noong magka first boyfriend siya. Ang rupok naman pala ni Mommy! I can’t believe it! Iti-tsismis ko ’to kay Isaiah.
Tinulungan ni Mommy si Daddy sa pagseset-up ng mesa habang nag-uusap na sila tungkol sa pagboboyfriend ko. Sumulpot narin si Kuya, buhaghag ang buhok at nakapamulsa sa kanyang sweatpants.
“Morning, Kuya!” bati ko.
Tumango lang siya, hindi na ako nilingon at tamad na dumeritso sa mesa saka umupo roon. Umalis na rin ako sa counter at dinala ang aking mug patungo sa kanyang tabi.
“Masyado mo talaga ’yang niluluwagan. Baka magulat nalang tayo sa batang ’yan umiiyak na dahil maagang nabrokenhearted,” ani Daddy, hindi pa rin tapos sa pakikipagdedebatehan kay Mommy habang hinihila niya ang upuan para kay Mommy.
Maayos na umupo roon si Mommy.
“Pain will teach her and learn from her mistakes. Wala namang hindi nasasaktan sa pagmamahal,” ani Mommy.
Umupo na rin si Daddy, nagkakasalubong ang kilay. Tumango naman ako kay Mommy nang sumulyap siya sa akin at ngumiti.
“Eh si Hiro nga wala namang girlfriend ah? Twenty na ’yan pero nakakahinga naman ng maayos kahit walang lovelife,” ani Daddy habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Mommy.
Kinalabit ko n rin si Kuya at itinuro iyong ulam na malapit lang sa kanya. Sumandok siya roon at nilagyan ang aking plato.
“Maybe he likes someone who doesn’t like him kaya walang girlfriend.” Tumawa si Mommy.
Nakitawa narin ako habang si Kuya naman ay sinamaan kami ng tingin.
“Sino namang tatanggi sa akin pag ako na ang nanligaw, Ma?” si Kuya na ngayon ay iyong plato na ang nilalagyan ng kanin.
Kinalabit ko siyang muli at itinuro iyong pitsel ng juice. Tumigil siya sa paglalagay ng kanin sa kanyang plato at iritadong sinalinan ng juice ang aking baso.
“Do you want me to mention her name?” Ngumiti ng matamis si Mommy.
Nanindig ang aking balahibo roon. Omg! Kuya is having a crush with someone who doesn’t like him! Humagalpak agad ako ng tawa. Kaya naman pala ang sungit sungit!
“Kawawa ka naman pala, Kuya!”
Hindi umimik si Kuya sa bagay na iyon at sumubo nalang. Si Daddy naman ay nailing nalang at ginalaw narin ang pagkain.
Pero sino kaya ang gusto niya? Wala naman kasi akong pakialam sa mga pinagkakaabalahan ni Kuya. Ang napansin ko lang talaga na medyo weird ay iyong cute keychain na pagmamay-ari niya. Nasa school lang kaya ang gusto niya?
Naging seryoso ulit ang topic at napuntang muli sa akin.
“Aabangan ko ’yang lalake na tinutukoy mo sa birthday mo,” ani Dad.
Napatango agad ako roon. Si Mommy naman ay matagumpay akong nginitian.
“Thanks, Dad…”
Tumango siya at sumubo, mukhang ayaw nang magbigay ng komento sa bagay na iyon.
But I’m sure he’s going to like Isaiah for me. Hindi naman kasi binabase ng parents ko ang nararapat na lalake sa akin sa pamamagitan ng estado nito sa buhay. I think they’re going to like Isaiah for being hardworking and a scholar in our school. Baka nga kahit si Kuya ay magustuhan rin siya since Isaiah isn’t a playboy. Iyong mga ganoon kasing lalake ang gusto niya talaga para sa akin.
Hapon palang ay sobra na akong nabored sa bahay. Nagtipa agad ako ng text para kay Isaiah.
Ako:
Busy ka?
Ilang sigundo lang, hindi ko pa nabibitiwan ang aking cellphone ay nagreply na agad ito.
Isaiah:
May ginagawa ako.
Oh…
Nagtipa akong muli.
Ako:
Sobrang bored dito sa bahay. Nasa apartment ka ngayon?
Isaiah:
Pupunta ka?
Ako:
Yep. Pwede?
Natagalan itong magreply. Tumayo naman ako at nagtungo na sa aking walk-in para maghanap ng isusuot. Kahit hindi siya pumayag, pupunta parin ako! I am so bored! Feeling ko pag naroon ako sa apartment niya, mas marami akong magagawa.
Dala ang napiling suotin na dress, inilapag ko iyon sa kama at dinampot ang cellphone ko dahil sa reply doon ni Isaiah.
Isaiah:
Susunduin kita.
Napangisi agad ako. Ang puso ay agarang kumaripas, nauna na ata roon sa kanyang apartment sa sobrang excitement.
Nagtipa ako.
Ako:
No need. See you!
Naligo agad ako para makapunta na roon. I even used my remaining shower gel para mas dumikit ang amoy sa aking katawan. Iniisip ko palang na magsasama kami roon na kami lang dalawa ay pinapamulahan na ako ng pisngi.
Pagkatapos kong maligo ay naglotion ako at pinatuyo ang aking buhok gamit ang blower. Halos dalawang oras rin akong natagalan sa pagp-prepare hanggang sa tuluyan akong natapos.
Suot ang straps dress at sandals, bumaba rin naman ako.
“Doon kana naman sa banda?” ani Kuya nang mapansin agad akong bihis na bihis na.
Nasa sala siya, naglalaro ng playstation.
Tumango ako. “Itetext nalang kita, Kuya. And nagpaalam narin ako kay Mommy at Daddy.”
Tumango siya at sinipat ng tingin ang aking suot, umangat lamang ang kilay at ibinalik muli sa screen.
“Ingat,” tangi niyang bigkas.
Tumango ako at lumabas rin naman. Nagpahatid na lang ako sa aming driver at dumaan muna sa isang cafe para makabili ako ng frappe.
“Dito nalang ako. Kay Kuya ako magpapasundo mamaya, Manong Arturo,” sabi ko nang pagbuksan niya ako ng pinto.
“Sige po, Ma’am…” saka niya tiningnan ang hinintuan namin. “Diyan po ba kayo papasok sa iskinita, Ma’am?”
“Yep. I’m going to visit someone. H’wag niyo nalang banggitin kay Daddy…”
Tumango siyang muli. Nagsimula narin akong pumasok sa pamilyar na daan kung saan ako unang dinala ni Isaiah. Ang mga batang naghahabulan agad ay napatingin na sa akin.
“Hala! Ikaw po ’di ba iyong girlfriend ni Kuya Isaiah?!” tanong ng babae.
Tumango ako at ngumiti.
“Ang ganda naman ng girlfriend ni Kuya!”
“Bagay sila ni Kuya eh gwapo rin naman si Kuya!”
Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga bata at nagpatuloy sa paglalakad. Sumulyap pa sa akin ang nadaanan kong matanda.
“Oh… Si Isaiah ba ang sadya mo, hija?”
Tumango naman ako.
“Opo, Lola…” sabi ko sa magalang na boses.
“Ang swerte mong babae ka. Sana h’wag mong saktan si Isaiah. Ikaw palang ang unang babaeng nakita kong dinala niyan dito…”
Nalusaw agad ang puso ko roon. I feel so special. Ang sarap pala sa pakiramdam na ikaw ang una ng lalakeng hindi mo naman sana pinangarap na mapasa’yo. Nagsettle ako kay Trey. Nagsettle ako sa lalakeng hindi naiparamdam sa akin na karapat dapat akong ipriority. Pero ngayon na lumihis na ako ng daan, ang sarap sa pakiramdam maglakad patungo sa lalake na hindi ko pinagsisisihang pinili ko.
Umakyat rin naman ako sa hagdan ng apartment ni Isaiah. Kumatok ako roon habang sinisipsip ang hawak na straw ng aking frappe.
Ilang sandali lamang ay bumukas rin iyon. Bumungad sa akin ang nakapambahay na Isaiah. Naka cotton short ito at vneck tshirt na kulay itim. Medyo buhaghag ang buhok niyang inaayos niya nalang.
Pinasadahan niya ako ng tingin gamit ang kanyang mga mata. Ngumisi naman ako. Nailing siya at pinapasok ako ng tuluyan.
“What are you doing?” tanong ko nang may nakita akong mga bond papers na nagkalat sa kanyang kama.
Nagtungo siya roon at niligpit iyon.
“May sasalihan akong debate. Ako ang pambato ng school,” aniya na ikinagulat ko.
“Really?!”
Tumango siya at inilagay iyon sa gilid saka rin inayos ang mga unan.
“Oo. Tapos balak mo pang mangdistract,” aniya, iritado ang boses.
Humagikhik ako at hinubad ang aking slingbag. Nilingon ako ni Isaiah at kinuha iyon sa akin saka niya isinabit sa tabi ng nakasabit niya ring bag.
“Hindi naman ako manggugulo. You can still study while I’m here,” sabi ko at itinapat ang frappe sa kanyang bibig.
Yumuko si Isaiah at sumipsip doon, matalim ang tingin sa akin.
“Itatapon kita sa labas pag nanggulo ka,” aniya nang tumayo muli ng tuwid at nabasa na ang labi dahil sa pag-inom.
Umirap ako.
“You’re mean.”
Umangat ang dalawa niyang kilay at sinipat ng tingin ang aking suot. Iritado niya pang hinila pababa ang dulo ng aking dress. Humagikhik ako at sumipsip muli sa aking frappe.
Nagpatuloy si Isaiah sa pagbabasa roon sa kanyang kama habang nakasandal sa headboard at seryosong seryoso pa. Ako naman itong naghanap ng mapagkakaabalahan sa maliit niyang apartment.
“What are these eggs for?” tanong ko nang mapansin ang tatlong itlog na nakalapag sa mesa at nakacellophane pa.
“Ulam ko,” sagot niya kaya nilingon ko siya.
“Huh? Hindi ka pa kumakain?”
Umiling siya at inilipat sa likod ang isang bond paper, hindi man lang ako nilingon. Buong oras na ba siyang nag-aaral?
Ibinalik ko ang aking tingin sa tatlong eggs at tiningnan ang kanyang maliit na stove.
“Ako nalang ang magluluto,” sabi ko at nilingon siyang muli.
“Akala ko ba hindi ka marunong?” Sumulyap narin siya sa akin.
“Marunong ako ’no! Nakikita ko si Daddy pag nagluluto siya and madali lang naman ang mag fry ng egg. You’re just going to place the egg on the frying pan and flip it!”
May pagdududa sa tingin ni Isaiah sa akin. Ngumisi ako.
“Please… Bahala ka, magugutom ka!”
“Sige. Kumakain naman ako ng sunog,” aniya na ikinabusangot ko.
“I’ll prove you wrong. Mapapahiya ka, Isaiah,” pagmamayabang ko at umirap.
Kinagat niya lang ang kanyang labi at ibinalik ang mga mata sa kanyang ginagawa. Oh… I should stop disturbing him!
Nagsimula akong mangalkal ng damit sa kanyang drawer. Hinayaan niya lang ako, walang pakialam kahit pa siguro ay guluhin ko ang kanyang mga nakatuping damit. Namili ako ng malaking tshirt at isang short saka ako nagbihis sa kanyang maliit na cr.
In all fairness ang linis talaga ng apartment ni Isaiah kahit sobrang liit! Ang bango rin ng loob ng kanyang cr. Walang shower at tabo lang and balde ang meron but I really can smell him! May nakita pa akong pang lalakeng shower gel, ang toothbrush niyang nasa isang lalagyan kasama ang isang pang ahit, sabon at shampoo na mumurahin na nakadisplay ng maayos sa lababo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa maliit na salamin doon saka rin nagdesisyong lumabas dala dala ang aking dress.
Mabilis namang napasulyap si Isaiah sa akin, tila inaabangan lang ang aking paglabas. Malalim ang kanyang tingin, walang sinasabi at dahan dahan ring ibinalik sa kanyang binabasa.
Inihalo ko ang aking damit sa kanyang damit at pumwesto narin sa harap ng stove. Yumuko at binuksan ang mga shelves doon para maghanap ng magagamit.
“So… where’s your spinach?”
“Spinach?” nag-angat ng kilay si Isaiah.
“Yes spinach. The green leafy. That’s how you’re supposed to eat your egg. With spinach.”
Ngumiwi si Isaiah. “A plain fried egg will do.”
Oh… right. Easy!
Kinuha ko roon ang kawali at inilagay na sa tuktok ng stove. So… How do I start this? Pipihitin ko lang ba ang handle?
Pinihit ko iyon at nagulat sa pagsulpot bigla ng apoy. Daddy is using an electric stove kaya ganoon nalang ang pag-atras ko dahil sa pagkagulat.
“Wala akong malilipatan pag sinunog mo ang buong apartment ko, Damonisse,” aniya.
Sinamaan ko agad ito ng tingin. Nakasettle pa rin ang kanyang mga mata sa binabasa. He’s really mean!
Ibinalik ko ulit ang tingin sa aking ginagawa at hinayaan na ang kawali roon. Kinuha ko ang isang egg at nilagyan din ng oil ang kawali ng kaonti lamang.
Titig na titig ako sa kawali. When should I put the egg? Eh si Daddy pinupukpok lang naman ang egg sa gilid ng pan tapos lulutuin na. Iyon nga ang ginaya ko. I started cracking the egg on the side of the pan kaso hindi man lang nacrack.
Ilang pukpok ba ang gagawin ko? Pinalo ko ulit iyon. Medyo nataranta na ako lalo na’t umuusok na ang kawali. Pinalo ko ng malakas sa gilid ang egg hanggang sa nagcrack iyon at mabilis ko agad binuksan sa gitna.
“Oh my gosh!” Napatili na ako nang masama ang shell ng egg.
Natataranta akong kumuha ng tinidor at gamit iyon ay kinuha ko ang shell na napunta pa sa yellow ng egg. And worst, tumatalsik na iyon kaya sa aking takot ay pinatay ko agad ang stove.
Sumimangot ako at dahan dahang nilingon si Isaiah. Naabutan ko itong kagat ang labi, nanunuya ang ngisi pero nang mapansin akong nakatingin narin sa kanya ay agaran siyang tumikhim, iniwas ang tingin at seryosong ibinalik sa hawak na papel.
Ibinalik kong muli ang aking mga mata sa niluto kong fried egg. May toppings na iyong shell na bigo kong nakuha and worst it looks like a mess. Ang layo layo ng luto ko sa luto ni Dad. Kabaliktaran ata ito.
Kumuha ko ng spatula at maliit na bowl para ilipat na ang una kong naluto. Nakagat ko pa ang aking labi nang hindi ko iyon makuha at mukhang dumikit na sa frying pan! What should I do? Durog durog na iyon!
This is harder than I thought! Ang dali dali lang kasi tingnan pag si Daddy ang nagluluto!
Sinubukan ko ulit sa isang egg. Nagtatalsikan parin ang mantika at halos napapaatras ako, napapatili at napapatakbo palayo. I can’t even put a proper salt on it!
Pagkatapos kong magluto ay naawa nalang ako sa kinalabasan. Is this even edible?
“Uh… Gusto mo mag-order nalang ako ng food?” tanong ko kay Isaiah at hindi kayang ipakain sa kanya ang aking luto.
“Sunog na sunog ba? Oh sunog ng kaonti?” tanong niya, nanunuya pa ang boses.
“It became a scrambled egg…” sabi ko at ngumuso.
“Scrambled overfried egg?” Ngumisi siya.
Bumusangot ako at nag-iwas ng tingin. I’m not good at cooking!
“Magpapractice ako next time…”
Binitiwan ni Isaiah ang hawak na papel at bumaba na sa kama. Nailagay ko agad ang aking mga kamay sa aking likuran at napisil iyon habang humahataw na ng malakas ang aking puso. I’m worried…
Tumayo siya at nagtunto na sa mesa. Napaawang ang kanyang bibig nang makita sa bowl ang kinalabasan ng aking luto.
“May lagnat ba ang mga ’to? Mukhang not feeling well…” aniya at kinuha ang tinidor para galawin iyon.
God! I hate his mouth!
“H’wag mo nalang tikman! Aapihin mo lang ako.” Inagaw ko iyong tinidor kaso inilayo niya agad.
“Siguro naman hindi ako mamamatay sa luto mo pag tinikman ko?”
Sinapak ko na agad ang kanyang braso. Isaiah chuckled. Kinagat ko ang aking labi at pinanood siyang pinagtutuunan na iyon ng pansin.
Kumuha siya ng maliit at tinikman. Dahan dahan siyang ngumuya. Mas lalo lang akong bumusangot. He doesn’t look like he’s enjoying it…
“Okay naman…” Tumango tango siya. “Lasa paring fried egg kahit hindi mukhang fried egg.”
Nagloosen ang aking balikat at ginulo ko ang aking buhok. Tumawa si Isaiah at hinila ako ang aking beywang hanggang sa madikit ako sa kanya. Yumapos ang kanyang braso sa aking beywang na ikinaalon agad ng aking tiyan. Inamoy ko ang kanyang balikat habang abala siya sa patikim tikim sa aking luto.
“What do you call these eggs? Burned eggs?” he chuckles on my hair.
“I hate you,” inis kong sambit at niyakap ang kanyang beywang.
“Kakainin ko parin,” aniya na nagpainit ng aking pisngi.
“I want to learn how to cook…” bulong ko at iginapang ang aking kamay sa kanyang likuran saka humawak sa kanyang balikat.
“I’ll teach you next time, hmm?” Hinalikan niya ang gilid ng aking ulo.
Tumango ako at agad na napangiti roon. I imagined myself beside him while he’s teaching me how to cook properly. Para na kaming mag-asawa katulad ni Mommy at Daddy… Kapwa kami nakasuot ng couple apron at nag-eenjoy sa kusina.
Kinain nga iyon ni Isaiah. Hindi naman siya nagreklamo at nagawa pa iyong ubusin. Pagkatapos niyang kumain ay nagpresenta pa akong ligpitin iyon kaso hindi niya na ako pinayagan dahil kaonti lang daw ang kanyang mga gamit. Hinugasan niya lang iyon at bumalik ulit sa kanyang kama para mag-aral.
Gumapang na rin ako sa kanyang kama. Bumuntong ng hininga si Isaiah at hinila ang aking baywang hanggang sa napahilig ako sa kanyang dibdib. Shit. He’s so manly! Gustong gusto kong gawing kama ang katawan niya at daganan siya!
Bumaba ang isa niyang kamay at namahinga sa aking tiyan. Yumuko rin siya at inamoy ang aking ulo habang nararamdaman ko ang kanyang paghinga roon. Tiningnan ko naman ang hawak niyang papel at halos mahilo sa lalim ng nakasulat doon na hindi ko pa maintindihan. Kakabisaduhin niya ba iyon?
“Oo nga pala… Sabi ko kay Mommy at Dad na ipapakilala kita sa kanila sa birthday ko,” sabi ko.
“When is your birthday?” tanong niya sa baritonong boses.
“December…”
“So five months more,” aniya.
Tumango ako at tiningala siya. Nahulog rin ang tingin ni Isaiah sa akin. Napatitig ako sa nakaawang niyang labi. I saw him swallowed at kinagat iyon.
“I… I like you alot, Isaiah… Gustong gusto kitang maging boyfriend ko…” pag-amin ko sa namumulang pisngi.
“Ahuh? Manliligaw siguro muna ako,” he said huskily.
Manliligaw? Huwag na ’no! Mutual naman kami! Deritso ko rin naman siyang sasagutin. Useless.
Umikot ako at humarap na sa kanya. Nabitiwan niya ang mga papel na hawak hawak at namungay ang mga mata sa akin lalo na’t nakaupo na ako sa kanyang kandungan, nakaharap sa kanya.
Hinaplos ko ang kanyang panga. Pumikit siya at dinama ang aking kamay roon. Ang gwapo gwapo ng mukha niya, bawat detalye at bawat parte noon ay sobrang perpekto ang pagkakahulma. A snob who has a godlike visual…
Dala ng walang kontrol sa sarili, umabante ako at inilapat ang labi sa labi ni Isaiah. Huminga siya ng malalim at humawak na sa aking batok.
Para akong umangat sa ere at nangingibabaw na ang tamis gawa ng kanyang halik, kung paano iyon kumakalat sa buo kong katawan at kung paano ako noon kinikiliti. Bago pa man iyon lumalim ay kapwa na kami tumigil nang may tumunog na cellphone.
I was about to kiss him again when Isaiah groaned harshly at umiwas sa akin. Nahilamos niya ang mukha sa sobrang frustration.
“Bakit?” Naguguluhan kong tanong.
Dumilat siya, ang mga mata ay nag-aalab at binabalot iyon ng sensasyon.
“I am so damn turn on, Damonisse… Kung hindi tayo tumigil ngayon ay baka mahirapan kanang maglakad mamaya.”
Kinilabutan ako at napalunok. And why does my body suddenly tingled with his words?
22nd Lured
Lured
Galit
Nakaupo na lamang ako sa kama ni Isaiah habang pinapanood siyang nakatayo, ang isang kamay ay nasa beywang habang ang isa naman ay hawak ang cellphone at may kausap.
Tumango siya roon at sumulyap sa akin. Niyakap ko ang aking mga binti at hinalikan ang aking tuhod. I am so guilty… Masyado akong nanununggab… Hanggang ngayon ay para parin akong hangover sa aming halikan at hindi na naman ako makamove-on. I am still thinking about it.
Binasa niyang muli ang labi at tumango.
“Sige. Pupunta kami,” aniya at binaba rin ang tawag.
“Sino ’yon?” tanong ko.
“Si Lyle. Birthday niya. Inimbitahan tayo,” aniya at tumalikod saka hinila ang suot na tshirt.
Suminghap ako nang makita ang kanyang likod. Napaka well toned ng katawan ni Isaiah. Halos sundan ng aking mga mata ang pagflex ng kanyang muscles.
Nagtungo siya sa kanyang drawer at binuksan iyon. Nangalkal siya roon ng maisusuot saka niya inilabas ang aking dress na inihalo ko roon at inilahad iyon sa akin.
“Get dress, Damonisse.”
Dahan dahan akong bumaba sa kama. Kinuha ko iyon.
“Akala ko ba mag-aaral ka?”
Ibinalik niya ang atensyon sa harapan at nangalkal muli ng maisusuot.
“Mamaya nalang gabi. Lumabas nalang tayong dalawa at baka ano pang maisipan nating gawin dito.”
Kinagat ko ang aking labi. Nagtungo rin naman ako sa cr dala dala ang namumula kong pisngi.
Isaiah can’t blame me. Ang sarap niyang humalik at masyado niya akong nawiwili! Masyado niya akong hinihila sa karupukan at iyon nalang palagi ang aking iniisip!
Paglabas ko ay dala dala ko na muli ang kanyang mga damit. Nadatnan ko siyang binobotones ang itim na button down shirt, naka pants na at itim na boots.
Inilapag ko sa kama ang kanyang damit at sinubukan iyong tupiin. Isaiah watched me do it. Ilang beses ko iyong pinagbabaliktad kaso parang hindi ko naman natutupi ng maayos hanggang sa lumapit narin siya at siya nalang gumawa noon.
Umupo ako sa kama at pinanood siyang tupiin iyon ng mabilis.
“I’m really good at nothing,” sabi ko.
Umangat ang dalawa niyang kilay sa akin. Tumayo siya dala-dala iyon at inilagay na sa loob ng drawer.
“You’re good at seducing me.”
Iyon lang… Pero pagdating sa mga gawaing bahay, ni isa wala. I don’t know how to cook, I don’t know how to fold some clothes, I don’t know how to wash dishes, I don’t know anything…
Tumayo siya at kinuha ang aking sling bag. Tumayo narin ako para maunang lumabas.
Humalukipkip ako habang pinapanood siyang isara ang kanyang apartment. Isaiah looks so fine kahit nakatalikod siya.
Bumaba rin naman kami roon. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa ibaba. Humawak ako sa kanyang braso habang naglalakad na kami.
“Ilang taon na si Lyle?” tanong ko.
“21,” sagot niya.
“Ah… Matanda na pala siya?”
“Natatandaan ka sa 21? I am 21, too…”
Ngumisi ako sa kanya. “So apat na taon ang agwat natin… Apat na taon rin ang gap namin ni Trey.”
Nang marinig niya ang pangalan ng aking binanggit ay awtomatikong dumilim ang kanyang ekspresyon at nag-iwas ng tingin sa akin. Unti-unti namang napawi ang aking ngiti nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Shit…
Naging tahimik si Isaiah. Doon lamang siya nagsalita nang binati siya ng mga bata na pinagngingitian niya isa isa.
“Kuya, gusto ko pong maging katulad ng girlfriend mo kaganda paglaki ko!” sabi ng isa sa mga babae na lumapit.
Ginulo ni Isaiah ang buhok nito.
“H’wag kang gumaya sa kanya, Lili. Brat ito…” ani Isaiah habang nakangisi sa bata.
“Huh? Brat siya?”
“Oo. Spoiled,” si Isaiah naman.
“Pero ang ganda ganda niya!”
“Mas maganda ka kaya h’wag kanang magtatakbo at baka madapa ka.”
Tumango naman agad ang bata at ngumiti rin ng matamis sa amin. Pagkatapos niya rin namang kausapin ang mga iyon ay napawi rin ang kanyang ngisi at balik ulit sa seryosong mukha.
“Sinisiraan mo ako sa mismong harapan ko.” Sumimangot ako.
“Binabanggit mo ang ibang lalake kahit ako ang kasama mo,” matabang na sagot ni Isaiah.
I tilted my head and smirked cockily. Binasa niya naman ang labi at nag-iwas ng tingin.
“Are you… jealous?” I giggled softly.
Ang snob na si Isaiah ay hindi na kumibo sa akin. Panay ang aking silip sa kanyang ekspresyon pero panay rin ang kanyang iwas.
Sumakay kami sa tricycle pero ganoon parin siya, sobra paring nagsusuplado dahil lang sa pagbanggit ko sa pangalan ni Trey.
Hindi na kumibo si Isaiah pero nililingon niya naman ako paminsan minsan. Hinawakan ko ang kanyang panga at hinaplos iyon, ginaya ang ginawa ko kanina na ikinapungay agad ng galit niyang mga mata. Nagloosen ang kanyang balikat at tila kumalma sa pamamagitan noon.
“Do you want a kiss?” I asked him cutely.
Mabilis akong sinamaan ng tingin ni Isaiah. Humagikhik ako sa kanyang reaksyon at binawi ang aking kamay saka iyon inilagay sa kanyang hita.
“Ayaw mo?” I asked him again.
Nag-iwas siya muli ng tingin at pinasadahan ng haplos ang gilid ng kanyang buhok.
“Gusto,” matabang niyang sambit sa magkakasalubong na kilay.
Hinalikan ko ang kanyang pisngi hanggang sa kitang kita ko kung paano kumalma ang kanyang hitsura at kung paano siya bumuntong ng hininga.
“Isa pa,” aniya sa banayad na boses.
Hinalikan ko siyang muli sa kanyang pisngi. Kinagat niya ang labi.
“Do it again…”
Humagikhik ako at hinagkan siyang muli. Ngumisi narin si Isaiah na sobra ring nawiwili sa aking maliliit na halik. He’s really right… Pag magkasama kaming dalawa, baka mapapagod lang talaga namin ang isa’t isa. I can’t control myself when it comes to him. Palagi akong available. Palagi akong handa pagdating sa kanya. Kahit ano ay handa ata akong gawin pag si Isaiah na.
Maayos na ulit si Isaiah pagkatapos lamang noong pahalik halik ko sa kanyang pisngi. Hindi na siya gaanong nagsusuplado at mukhang nakalimutan na ang pagbanggit ko kay Trey.
Siguro kung dadating man ako sa puntong papipiliin sa kanilang dalawa, I would definitely choose Isaiah. This isn’t a simple like anymore or a mere infatuation I have for someone else. Palagi akong nakakaramdam ng kakaiba. Palagi niya akong napapatulala, napapahina at napapangiti ng wala sa oras. I would sacrifice everything just to be with him. I would give-up my all just to be with him… Gusto ko palagi na akong nasa tabi niya. Gusto ko, kami na hanggang huli.
I was still young and my feelings would probably change after so many years. But I guess my heart will still choose him over and over again. I am still going to choose him no matter what happened. Makokontento ako sa piling niya basta ay siya ang kasama ko.
I smiled with my own thoughts. Napansin niya iyon na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Why are you smiling like that?” tanong niya at mukhang nagtataka.
“Let’s get married someday…”
Nagulat siya, kalaunan ay humagalpak sa aking sinabi habang nangingislap ang mga mata. May mali ba sa sinabi ko?
“May mali ba roon?” tanong ko.
“Mali ang ganyan… Ako dapat ang nagsasabi niyan at hindi ikaw,” aniya sa sobrang lawak na ngisi.
“Naisip ko lang… I know I am still young but I am certain with my feelings, Isaiah. We can get married after I graduate…”
Hindi mabura bura ang ngisi ni Isaiah habang nakatitig sa akin. Isinabit niya pa ang iilang hibla sa gilid ng aking buhok at malalim ang paninitig sa akin.
“I’m excited to eat your burned eggs for breakfast,” he chuckles.
“Ang yabang mo! Those aren’t burned eggs!” Hinampas ko ang kanyang dibdib.
Hinuli lang naman iyon ni Isaiah at iginiya iyon sa kanyang labi. Hinagkan niya iyon na ikinahinahon ng aking mukha. Ang kampon na inaalagaan ko sa aking tiyan ay nagkagulo na naman.
Ipinagsalikop ni Isaiah ang aming mga kamay at ipinahinga iyon sa kanyang hita saka niya ako seryosong nilingon.
“I don’t have my riches yet, Damonisse. Wala pa akong maipagmamalaking kayamanan ngayon kaya sana hayaan mo akong ikaw muna ang ipagmalaki ko. Ikaw pa ang meron sa akin ngayon na kayamanan ko.”
God… I want him. I want to be with him forever. Iba ang atake noon sa akin at sobrang natangay sa aking sinabi. Umiling ako.
“Kontento ako, Isaiah. I can live without those things…”
“Isang taon nalang…” aniya, makahulugan iyong sinambit at tinutukoy marahil ang kanyang pagtatapos.
Sigurado na ako. Si Isaiah ang gusto kong makasama habang buhay. I’m going to build my dreams with him. I’m going to marry him someday. I’m going to be his wife. I… I love him.
Dumating rin naman kami sa isang malaking bahay. Nagdoorbell si Isaiah roon. Ilang sandali lang ay binuksan iyon ng isang katulong.
“Hi po, Sir Isaiah…” bati ng babaeng katulong at namula pa.
Tumango lamang si Isaiah at iginiya ako papasok. Maingay na agad ang loob at mukhang may party na nananaganap sa loob. May mga tao na sa loob ng bahay at napansin ko pa sa labas ang mga nakapark na kotse so mukhang may iilan na talagang dumating na bisita.
Hinawakan ako ni Isaiah sa beywang habang papasok na kami. Ang napansin ko kaagad ay ang paglingon ng iilang mga babae sa kanya nang pumasok kami sa bukana ng magarang bahay.
“Shit… He’s here,” isa sa mga babae ang narinig kong suminghap.
“Girlfriend?”
“I thought he’s such a snob?”
“Who’s that lucky girl?”
Sikat talaga itong si Isaiah pagdating sa mga babae. Nawili ako sa kanilang pagsunod ng tingin sa amin habang naglalakad kami lalo na’t nakapaskil rin sa kanilang mukha ang inggit sa aming dalawa.
“Isaiah!” ang pamilyar na boses ni Raziel iyon.
“Ang sabi ni Lyle ay tinanggihan mo raw siya kagabi! Buti at pumunta kana talaga ngayon!” aniya at nakipagbungguan ng balikat kay Raziel.
Ibinalik muli ni Isaiah sa aking beywang ang kamay. Lumipat agad ang tingin ni Raziel sa akin at makahulugang ngumisi.
“Iba ka talaga, Zera… Hindi ko alam kung anong pinakain mo rito kay Isaiah at masyadong…”
Marahang itinulak ni Isaiah ang tiyan nito at ngumisi sa kanya. Tumawa naman si Raziel.
“Inlove na inlove ka,” ani Raziel at nailing.
Napanguso na ako roon at natutuwa sa aking naririnig. I am really going to marry Isaiah no matter what happened. Hindi ko siya isusuko nang basta basta lang.
Sumunod kami kay Raziel sa likod ng bahay, sa pool area kung nasaan raw si Lyle. Paglabas namin doon, ang agad na bumungad sa akin ay ang mga lalakeng bisita na agarang napalingon sa aming dako, sa akin.
“Isaiah!” Lumawak agad ang ngisi ni Lyle na naroon sa grupo ng mga lalake.
Malalaki ang kanyang hakbang at mabilis nang nagtungo sa amin.
“Happy birthday,” bati ni Isaiah.
“Buti at pumunta ka!” saka lumipat ang tingin ni Lyle sa akin. “Pinilit mo ba ’to, Zera? Maraming salamat! Kagabi ko pa ’to pinipilit eh hindi ito mahilig sa mga party!” Akma niya sana akong yayakapin kaso hinila na ni Isaiah ang kanyang suot na damit at ipinalayo ito sa akin.
Ngumisi ako at umiling. Sinimangutan niya naman si Isaiah.
“Happy birthday, Lyle… Wala akong dalang gift kaya sa Sunday nalang-”
“H’wag mo nang bigyan,” putol ni Isaiah sa akin na ikinahagalpak ni Lyle.
“Oo na, Isaiah… I get your jealousy. Sapat nang regalo ang pagpunta mo.” Tinapik niya ito sa balikat at malawak na ngumisi.
Ngumuso na lamang ako. Nailing naman si Lyle at nanunuya ang tingin sa aming dalawa.
“Mamaya pa ata dadating si Anzai. Iningganyo ko lang rin iyon ng babae para pumunta. Mabilis naman iyong kumbinsihin pag may mapagkakaabalahan siya hindi kagaya sa’yo na sobrang tigas talaga,” si Lyle.
“Pupunta ’yon,” si Isaiah.
“I’ll tell him na nandito ka para mas maengganyo iyong pumunta,” ani Lyle at dinukot pa ang kanyang cellphone.
Pasimple kong napansin kung paano ako kinawayan ng isa sa mga bisita niyang lalake. Siniko pa siya ng isa at nagtawanan silang dalawa.
“Sa loob nalang kami,” ani Isaiah kay Lyle na tumango rin naman agad.
“Tatawagan ko lang si Anzai. Kumain muna kayo ni Zera sa loob,” aniya na ikinatango pabalik ni Isaiah at iginiya na ako papasok.
Pumasok rin naman kaming muli roon. Si Raziel ay namataan kong nakikipag-usap sa grupo ng mga kababaihan. Nang mapansin niya kami ay nagpaalam agad iyon at lumapit sa amin ni Isaiah.
“Ang raming may bukambibig sa’yo roon,” ani Raziel at natatawa kaming sinabayan sa mga nakalatag na pagkain.
Kumuha ng paperplate si Isaiah at iginala ang tingin sa mga pagkain.
“Marami siyang fans doon, Raziel?” tanong ko.
Napatingin siya sa akin. “Hindi ’yon mga fans, mga kaibigan lang namin ni Lyle na gustong gusto si Isaiah noon pa man. Ilang taon niya naring dinidedma ang mga iyon at ni isa ay wala talagang pinansin.”
Isaiah has high standards when it comes to girls. Bale, ako lang ang nakapasa.
Hindi ko na isinaboses ang kayabangan ko at kinimkim ko nalang iyon habang seryoso si Isaiah sa paglalagay ng maraming pagkain sa aking plato.
“Ikaw lang talaga ang bukod tanging babaeng pinansin nito, Zera,” ani Raz at humalakhak pa.
Ngumisi ako at tiningnan si Isaiah na walang pake sa pinagsasabi ng kanyang kaibigan. Nagconcentrate lang siya sa pamimili ng pagkain at inilalagay iyon sa paperplate.
Nagtungo rin naman kami sa bakanteng table. Pinaghila niya ako ng upuan doon at inilagay sa aking harapan iyong paperplate. Si Raziel naman ay nagpaalam na munang bumalik roon sa grupo ng mga babae na panay ang sulyap kay Isaiah.
“Bakit ang snob mo sa mga babae?” tanong ko nang maalala iyong una ko siyang nakita.
Iniharap ng buo ni Isaiah sa akin ang kanyang upuan, tinatalikuran ang mga babaeng naroon lamang sa hindi kalayuan at hindi niya talaga binigyan ng tsansang masilip man lang nila ni kaonti sa kanyang mukha. Ganoon nga talaga si Isaiah. Hindi siya papangalanang Hari ng pandededma nila Castel kung namamansin siya basta basta.
Pero kung nagkakilala ba kami ng maaga, papansinin niya parin ba ako kahit hindi ko siya pinapansin? He’s not close with my cousins kaya hindi rin ako nagkaroon ng tsansang makilala siya noong highschool days pa ako. Sina Silas, Davin at Castel lang naman ang madalas na dinadala ni Trey sa subdivision namin at nakakasama nila ang mga pinsan ko sa Clubhouse para magbasketball. Isaiah is really mysterious to me… Kahit ngayon ay ganoon parin ang epekto niya sa akin kahit na madalas ko naman siyang kasama.
“Hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang mga walang kwentang bagay,” sagot ni Isaiah at ibinigay sa akin iyong kubyertos.
Kinuha ko iyon at tinusok ang isang chicken fillet. Kinagatan ko iyon habang nakatingin ako sa kanya.
“Kaya hindi ka talaga nag girlfriend?”
Tumango siya at malalim na naman akong tinitigan, iyong klase ng titig na para akong tutunawin.
“I approached you first… Kung hindi kita pinansin, hindi mo rin ba ako maiisipang pansinin?”
Umiling agad siya, siguradong sigurado.
“Kinukuha mo lang ang atensyon ko noon pero hindi rin ako ganoon ka pursigidong makilala ka,” aniya.
Ngumiwi ako at kinagatan muli ang chicken fillet.
“You’re so mean, Isaiah. Pero noong unang kita ko sa’yo hindi ka naman ganoon ka attractive.” Ngumisi ako.
Kinuha niya naman ang aking pulso at iginiya ang hawak kong tinidor sa kanyang bibig at isinubo ang natitirang kalahati ng chicken fillet.
“Hindi ako nagkacrush sa’yo,” dagdag ko pa.
“Kwits. Hindi rin ako nagkakacrush sa’yo.”
“But you’re staring too much at me,” I said cockily.
Nagkibit siya at dinilaan ang labi na kumintab agad dahil sa mantikang kinakain. Mas lalo tuloy itong nakakaakit tingnan.
Panay ang aking subo sa mga pagkaing inilagay ni Isaiah sa aking plato. Sinusubuan ko siya paminsan minsan at natutuwa ako sa tuwing masunurin niyang iaawang ang bibig at hinahayaan ako sa aking ginagawa.
Dumating rin naman si Anzai ilang minuto ang nakalipas suot ang isang button down shirt, dark pants at sapatos. He looks very ruthless with his serious face, madilim pa ang ekspresyon na akala mo ay may ikinakagalit ngunit kalmado lang naman. Nakita ko siyang nakipagbungguan din ng balikat kay Raz at may kung ano agad ang sinabi sa kanya saka dumako ang kanilang mga mata rito.
“Anzai!” Bati ng babae na tinanguan niya at nilagpasan ang kanilang grupo saka naunang nagtungo sa amin.
Tinapik niya ang balikat ni Isaiah kaya nilingon siya nito.
“So unusual,” aniya at sumulyap sa akin. “Anong gusto mong regalo, Zera? You’re taming him too much.”
I wrinkled my nose. “Hmm… Pizza!”
“Sige. Bibilhan kita,” ani Anzai.
“Shut-up, Anzai,” si Isaiah naman na halos irapan na ang kaibigan.
“Sobrang himala dahil nakikita kita sa mga ganitong party. Iba talaga…” nanunuya niyang bigkas at nagtungo roon sa mga nakahelerang pagkain.
Sinundan ko ng tingin si Anzai pero ibinalik ko rin naman iyon kay Isaiah.
“Anzai acts like you sometimes. Parehas kayong napaka cold tingnan at parang walang pakialam sa paligid.”
“You’re wrong with that,” aniya at sumulyap kay Anzai.
Sumulyap akong muli sa kanya at nakita itong naglalakad na patungo sa amin. Naglapag siya ng juice sa harap ni Isaiah at inilapag rin ang paperplate na may maliit na pagkain doon.
“Para ’yan sa’yo. Baka pag kay Zera ko inilagay manuntok ka pa.” Ngumisi si Anzai sa kanya at kinamay iyong chicken fillet na kinagatan niya.
“Alam nating dalawa na wala akong binatbat sa’yo pagdating sa ganoong bagay,” si Isaiah naman at ininuman iyong juice na ibinigay ni Anzai sa kanya saka niya iyon ibinigay sa akin.
Uminom din ako roon. It’s a pineapple juice…
“I’m going to let you punch me, you know…” si Anzai.
Nagngisihan lang ang dalawa na sila sila lang rin ang nagkakaintindihan. Pansin ko mas close si Anzai at Isaiah sa kanilang apat na magkakaibigan. Napapansin ko naman na nakikipag-usap rin si Anzai kay Lyle at Raziel pero iba talaga pag si Isaiah na ang kausap niya at parang nagkakasundo agad sila sa lahat ng bagay. Same feathers flock together, eh? Kapwa mga badboy looking.
Dumaan ang ilang oras at unti-unti nang kumakalat ang dilim gawa ng langit sa labas. Nanatili narin kami ni Isaiah sa pool area dahil doon rin tumambay si Anzai.
Nag-uusap lamang ng kung ano-ano ang dalawa habang may San Mig sa kanilang table at fries na ako lang ang kumakain. Sa tabi naman ng san mig ni Isaiah ay ang pineapple juice ko na medyo nangangalahati na lalo na’t iyon lang rin ang iniinom ko.
Naroon naman si Lyle sa kabila na nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakikipagtawanan parin sa mga lalakeng may kanya kanyang hawak na beer. May isang lalake roon na sumulyap rito at may binulong kay Lyle saka ito sumulyap sa akin. Umiling si Lyle at may kung anong sinabi sa lalake.
Hinaplos ni Isaiah ang aking hita kung saan namamahinga ang kanyang kamay. Kinuha ko naman ang aking pineapple juice at inubos ang laman noon.
I played with Isaiah’s finger while he’s seriously talking with Anzai. May nagegets ako sa topic nila pero hindi ko na masyadong ipinasok sa isip ko at mas nawili sa pakikipaglaro rin ni Isaiah sa aking mga daliri habang nakay Anzai ang buo niyang atensyon.
Nakaramdam na ako ng pagkaihi kaya inalis ko ang kamay niya roon. Napatingin naman si Isaiah sa akin.
“Iihi ako Isaiah,” sabi ko at tumayo na.
Akma na rin sana siyang tatayo kaya pinigilan ko agad.
“Stay here. Baka kung ano pang maisipan natin doon pag magkasama tayo,” sabi ko na ikinangisi niya.
Anzai chuckled too.
“Bumalik ka agad. Susundan kita roon pag masyado kang nagtagal,” sabi niya.
Tumango ako at sumulyap saglit kay Anzai saka rin nagpaalam. Pumasok ako roon. Nakita ko naman si Raziel na nakikipagtawanan sa isang babae na agaran akong nilapitan.
“Nasaan ang cr?” tanong ko.
“Pumasok ka diyan tapos lumiko ka,” sabi niya at itinuro iyong kaliwang banda ng bahay.
Tumango ako at naglakad na patungo roon. Hindi rin naman ako nahirapang hanapin dahil medyo kalakihan rin ang cr na agad mong mapapansin. Pumasok ako roon at umihi.
Tiningnan ko muna ang aking sarili bago tuluyang lumabas. Binuksan ko ang aking maliit na slingbag na suot suot ko parin at inilabas doon ang isang matte lipstock. Nilagyan ko ng kaonti ang aking labi at inayos ang aking buhok saka rin namang nagpasyang lumabas ng tuluyan.
Isinilid ko pabalik sa loob ng aking sling bag ang aking lipstick nang may biglang tumampal ng aking pwet na ikinagulat ko.
Agad kong nilingon ang lalakeng nakangisi na sa akin. Halata ang kalasingan sa kanyang mukha at mukhang ito iyong kumakausap kanina kay Lyle.
“Hi gorgeous…”
Sa aking galit sa kanyang ginawa ay awtomatikong lumagapak ang aking palad sa kanyang pisngi. Nagulat siya sa aking ginawa. Tumaas baba naman ang aking balikat sa sobrang galit.
“Zera? Anong nangyayari?” si Raziel ang sumulpot.
“Tinampal niya ang pwet ko!” sigaw ko at itinuro ito, halos sumabog ako sa aking nararamdaman.
May mga nagtinginan rito nang marinig ang aking malakas na boses. Tumayo pa ang iba para makita ang nangyayari.
“Aba gago. Tumakbo kana dahil pag nalaman ito ni Isaiah-” galit na bigkas ni Raziel.
Napaatras ang lalake nang may mapansin sa aking likuran.
“Anong ginawa?” Ang galit na boses ni Isaiah ang narinig ko hanggang sa makarating ito sa aking harapan.
Nag-akmang tumakas ang lalake ngunit mabilis itong nahila ni Anzai at pwersahang ibinalik sa harap ni Isaiah gamit lamang ang isang kamay.
“That jerk slapped my butt!” sumbong ko kay Isaiah sa galit na mukha.
Mabilis na tumalim ang kanyang mga mata at wala pang limang sigundo, sa bilis ng kanyang galaw ay napadaing nalang ang lalake at agad na napaluhod nang bigla siyang sinikmuraan ni Isaiah.
Nakakuyom ang kanyang mga kamao, halos habulin ang paghinga dahil sa galaw ng balikat at gusto pa atang tuluyan ang lalakeng namimilipit na sa sakit kaya mabilis ko siyang hinila.
I was mad but seeing how Isaiah got desperate to hurt him suddenly scares me. Ramdam ko ang kagustuhan niyang lapitan ito at saktan muli kaya halos pigilan ko siyang h’wag na itong lapitan pa habang niyayakap ang gilid ng kanyang beywang.
“Anong nangyayari?” biglang sumulpot si Lyle at napatingin sa kaibigan niyang nakaluhod.
“Ilayo mo ’yan rito at baka mapapatay ko siya,” ani Isaiah sa matigas na boses.
“Tinampal niya ang pwet ni Zera,” si Raziel naman ang sumagot.
“Tangina?” ani Lyle at galit na napatingin narin sa lalake.
“Ano? Tutuluyan ko na ’to?” si Anzai naman na pinatunog na ang bawat kamao.
Umiling agad si Raziel at parang naawa sa lalake na masyado nang namimilipit sa sakit sa sahig.
May sumulpot naring mga kaibigan ng lalake at inalalayan itong tumayo.
“Papauwiin nalang namin itong si Dominic. Kanina pa kasi ito lasing. Pasensya na Isaiah,” Iyong lalake.
Hindi kumibo si Isaiah at niyakap ang aking beywang saka ako isinisiksik sa kanyang dibdib. Kumalma ako nang maamoy ko siya at napanatag.
Nailing si Lyle at napatingin sa akin.
“Kalmahan mo lang, Isaiah,” si Raziel na tinapik pa ang kanyang balikat.
Namaywang si Lyle at nailing.
“Kanina pa ’yon nagtatanong tungkol kay Zera. Binalaan ko na kaso hindi talaga nakinig at gusto ka atang makilala,” ani Lyle.
“Tangina niya. Pabalikin mo rito at bubugbugin ko siya,” galit na siklab ni Isaiah.
Hinaplos ko ang kanyang braso at tiningala ito sa namumungay kong mga mata. Sobrang dilim ng kanyang ekspresyon at gumagalaw pa ang bagang dahil sa galit. Nagsisilabasan na ang ugat sa kanyang kamao at para na atang papatay ng tao dahil sa sobrang talim ng kanyang mga mata na nakasentro sa labas kung saan dumaan ang lalake na inalalayan nalang ng kanyang mga kaibigan.
“Calm down, Isaiah…” marahan kong bigkas, gustong pahupain ang galit sa kanyang sistema.
23rd Lured
Lured
This chapter is dedicated to Jhazmine Anne dela Cruz. Happy reading! Comment your full name for dedications.
Truth Or Dare?
Galit na galit si Isaiah. Hindi parin humuhupa ang apoy sa kanyang mga mata na kahit anong sabihin ko, kahit anong panghahaplos ko ay ramdam ko parin ang kagustuhan niyang manakit sa nambastos sa akin.
“Paano nalang kung kinaladkad ka noon sa madilim na parte?” iritado niyang tanong, ang aking mga sinasabi ay nilalamon niya.
“It’s crowded Isaiah… Sisigaw naman ako-”
“Makakasigaw ka pa kaya kung tinakpan niya ang bibig mo?” putol niyang muli na ikinaawang ng aking labi.
Natutop iyon. Binasa niya ang kanyang labi at iritadong kinuha ang sanmig saka iyon tinungga.
Anzai was talking seriously with Lyle, ganoon rin si Raziel na nakahalukipkip at mukhang iyong lalake rin ang kanilang topic. Anzai said something na mukhang nagpadaan ng takot sa mukha ni Lyle, hindi na makakibo at nilingon na lamang ako.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon muli rito kay Isaiah na nakaupo ngunit hindi parin humihinahon ang ekspresyon.
Ganoon pala siya magalit? Thinking about it gives me chills all over my body. Kung hindi ko siya pinigilan ay baka niyupi niya na ang pagmumukha ng lalakeng iyon.
Tumulong rin sina Raziel sa pagpapakalma sa kanya. Kung ano-ano ang kanilang pinagsasabi, nililiko nalang ang topic ngunit si Isaiah, iritang irita parin.
“Ako nang bahala sa gagong iyon,” si Anzai ang nagsalita.
Hindi kumibo si Isaiah ngunit makahulugan niyang tiningnan si Anzai. Si Lyle naman ay namutla nalang, si Raz ay naging seryoso rin.
“No need, Anzai…” sabi ko lalo na’t ayoko sa kanyang sinabi.
“Ano, Isaiah?” si Anzai, kinukumpirma nalang iyon.
Bumaling si Isaiah sa akin. Sumimangot ako. Ayokong… Ayokong ipahamak ang kaibigan niya dahil lamang sa nangyari. Nothing happened! That jerk slapped my butt! Kung nalaman rin ito ng mga pinsan ko, alam kong hospital din ang bagsak niya pero ayoko namang dalhin ang bigat ng konsensyang matatamo ko na may naipahamak ako dahil sa akin.
“Tell him…” marahan kong sabi kay Isaiah.
Nilingon niya si Anzai at inilingan ito na medyo ikinapanatag ko.
“Hayaan mo na,” matabang na sabi ni Isaiah at pinasadahan ng haplos ang buhok.
Tumango rin naman si Anzai, wala nang iba pang sinabi at dinampot ang bote ng sanmig.
“Swerte niya,” ani Anzai at tinungga ang sanmig.
Tila nakahinga rin ng maluwag si Lyle. Kahit si Raziel ay ngumiti sa akin, parang natutuwa sa aking naging desisyon. Halatang takot sila sa binabalak ni Anzai.
“Inimbitahan ko naman iyong friend mong si Keesha, Zera… Baka maya-maya dadating na iyon,” ani Lyle at tiningnan ang suot na relo.
Tinanguan ko nalang si Lyle. Gusto kong mairita at sabihing hindi ko naman iyon kaibigan pero ayoko ring magtunog kontrabida. Ako ang nagpakilala kay Keesha sa kanila. And Lyle is close with her. Birthday niya rin naman kaya ang pangit pakinggan kung pati iyon ay hahadlangan ko pa.
Hindi ko nalang siguro siya papansinin. Pero sa huli naming pag-uusap, hindi maganda ang nangyari. I’m not sure if I’m really going to like her precense. Iritang irita ako sa kabuuan niya.
Noong magcr akong muli ay hindi ko na pinigilan si Isaiah sa pagsama sa akin sa Cr. Nadala narin ako sa nangyari at mas mabuti talagang kasama ko siya palagi.
Maybe I should stop drinking pineapple juice. Iyon rin kasi ang rason kaya pabalik balik nalang ako kakaihi.
Hinubad ko ang aking slingbag at isinuot iyon kay Isaiah. Hinayaan niya lang ako at humalukipkip sa may pinto, ang tingin ay sobrang lalim sa akin.
Ngumuso ako at tumalikod rin naman. Pumasok ako sa cubicle at nagsimulang umihi habang pinapakiramdaman ko si Isaiah sa labas na walang imik.
Pabalik balik nalang sa aking utak ang galit niyang mukha kanina, kung paano niya sinikmuraan ng mabilis ang lalake na napaluhod sa sobrang sakit at halos hindi na makatayo. Darn he’s scary when he’s mad… Parang handa talaga siyang pumatay pagdating sa akin.
Tumayo ako at f-in-lush iyon gamit ang aking paa saka naghugas ng kamay. Lumabas rin naman ako at nadatnan itong naghihintay lamang sa akin, tahimik lamang na nakamasid sa aking galaw.
Nagtungo rin naman ako sa kanya. Hindi pa siya gumalaw kaya huminto ako sa kanyang harapan. Binuksan ko ang slingbag kong suot niya at kinuha roon ang aking handkerchief. Ipinunas ko iyon sa aking kamay habang sumusulyap ako kay Isaiah na nakatingin parin.
Nang matuyo na iyon ay ibinalik ko rin sa loob at hinaplos ang kanyang braso. Tila napaso siya sa munting paglapat ng aking kamay dahil sa marahan niyang pagkagulat.
“Nagtatagis parin ang bagang mo. Okay naman ako. He didn’t hurt me-”
“Hindi ko pahihintulutan ang ganoong panghahawak sa’yo,” giit niya, gumalaw muli ang panga.
Kinagat ko ang aking labi. Darn, ang tigas rin talagang paamuhin. Ang tagal tagal humupa ng galit!
Ang aking kamay na nasa kanyang braso ay dumaosdos sa kanyang bisig hanggang sa napunta iyon sa kanyang kamao. Tinitigan ko ang kanyang reaksyon. Nag-iwas siya ng tingin at iritang irita parin kaya iginiya ko ang kanyang kamay sa aking pwetan at inilapat doon ang kanyang kamay.
Nilingon niya akong muli. I smiled at him.
“Why don’t you replace it with your touch, then?” panghahamon ko.
Natigilan siya, titig na titig na sa akin at unti-unting nabubura ang iritasyon sa mukha.
“Did he touch you here?” tanong niya at pinisil ang kanang bahagi.
Tumango ako at napahawak sa kanyang balikat. Hinaplos niya iyon, tila may binubura roon na nagpanguso sa akin para magpigil ng ngisi.
“Ako lang dapat ang nakakahawak sa’yo,” sabi niya sa nangmamarkang boses.
Tumango ako at isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. Yumuko siya at bumuga ng hangin sa aking ulo, tila inilalabas doon ang frustration.
“Ayokong may ibang kamay na lalapat sa katawan mo. Ako lang dapat ang may karapatan, Damonisse…” Hinagkan niya ang aking ulo at ang isang kamay ay yumapos na sa aking beywang.
Ang aking kamay na nasa kanyang balikat ay unti unti ring gumapang sa kanyang leeg at iniyapos ko na iyon doon. Humigpit ang kanyang kamay sa aking beywang saka ako tumingkayad at hinigpitan rin ang pagyakap sa kanya para ipahinga ang aking baba sa kanyang balikat.
Isaiah buried his face on my neck and sighed heavily.
“Handa akong gawin ang lahat maprotektahan lang kita. Walang makakapanakit sa’yo,” bulong niya sa akin, ang boses ay tila nasusugatan dahil sa sakit ng kanyang pagkakabigkas.
Ang binitiwang salita ni Isaiah ay parang nanuot na sa kasuluksulukan ng aking sistema. I felt so safe… Basta ay nariyan lang siya, basta ay kasama ko siya, parang hindi ako mapapahamak, walang makakapanakit sa akin basta nasa tabi ko ito.
But it suddenly scared me. Bigla akong may napagtanto. What about him? Who’s going to protect him? I don’t like it.
Hinanap ko ang kanyang mukha. Inalis niya iyon sa aking leeg para makita rin ako. Namumungay na ang kanyang mga mata, nagiging maamo na naman ito.
“You don’t have to do that,” sabi ko.
Hindi siya kumibo at tinitigan lamang ang aking pagsasalita.
“Ayokong mapahamak ka dahil sa akin, Isaiah. You should think about yourself first…”
“At pababayaan kita?” matabang niyang tanong.
“I can handle myself, okay?” Naglaro ang aking kamay sa kanyang buhok sa likuran.
Pumikit na lamang siya, ang pamumula dahil sa pag-inom ay makikita mo parin sa kanyang mukha. Nakaawang ang mamula mulang labi kaya tumingkayad ako at hinagkan iyon.
Dumilat si Isaiah. Humiwalay rin naman agad ako nang makita ko kung paano nabuhay ang apoy sa kanyang mga mata.
“Friends don’t kiss…” Napahagikhik ako sa aking ginawa.
Umangat ang kanyang kilay.
“We’re not friends.”
Nalaglag ang aking panga. Nagkibit siya.
“I told you I don’t want you as my friend,” sabi niya.
Ngumuso naman ako.
“Hmm… Bawal pa akong magboyfriend eh. You’re not yet allowed to kiss me… We’re not yet allowed to kiss…”
Yumuko pa si Isaiah, nanunuyang inilapat ang labi sa akin at hinalikan ako ng mababaw, nanunukso ang paghagod noon at nakakabaliw na halos makalimutan ko ang pagtitimpi at gusto agad iyong laliman.
Humiwalay siya, iniwan ang labi kong nakaawang at bitin na bitin.
“So what? Hindi mo kailangang maging girlfriend ko para pagbawalan ko ang sarili kong halikan ang labi mo.”
Isaiah the snobbish king who has a godlike visual is really aggressive!
“Ganyan ka ba? You sound like an expert playboy! Kung hindi ka siguro snob… siguro isa ka sa mga lalakeng maraming pinapatulan sa school.” Sinimangutan ko siya.
“Walang bawal pagdating sa’yo. Lahat pwede kong gawin kung gusto mo…” Makahulugan niyang sabi na ikinatitig ko agad sa kanyang labi.
Pwede naman pala? At kung gusto ko… Bigla biglang nananayo ang balahibo ko. Bigla biglang nanunuyo ang lalamunan ko. Ang aking isipan ay may sinasuggest na ikinakapula ng pisngi ko.
“Kiss me, then…” matapang kong sabi kay Isaiah, ang boses ay nanghahamon na.
Umangat ang kanyang dalawang kilay.
“Where?” matapang niya ring tanong.
Parang tinupok ng apoy ang buo kong katawan. God!
“Anywhere you like,” sagot ko, ramdam ang pamumula ng aking mukha.
“Anywhere, huh…” Hinawakan niya ang aking baba at itinaas.
“Anywhere, Isaiah…” Pumikit ako, halos manalangin na pagbigyan ang aking hiling.
Ilang sandali lang ay lumapat ang kanyang labi sa aking leeg. Suminghap ako nang dumagsa agad ang libo libong boltahe sa aking katawan. Bumyahe sa kahabaan ng aking leeg ang mapangparusa niyang labi, ang hininga niyang nagpapatindig ng aking balahibo at kung paano ko naramdaman sa aking balat ang eksperto niyang dila na nanunuya rin ang kilos.
Umalon ang aking tiyan. Nanginig ang aking tuhod. Isaiah didn’t stop there and continued planting small kisses on my neck up to my jaw, licking the side of it and sending a tingling sensation all over my body.
Ang aking kamay ay hindi nakayanan ang paghawak sa kanyang batok. Mahigpit iyong bumaba sa kanyang balikat at doon kumuha ng lakas. Para na akong matutunaw. He’s just so expert! Ang baguhan na kagaya ko, ang walang karanasan sa kahit ano ay mas naging ignorante lamang dahil sa kanyang galing.
“Isaiah…” daing ko at halos magmakaawa na ang boses.
Hinawakan niya ang aking baba at naramdaman ko agad ang pag-akin niya ng buo sa aking labi.
Ang aking tiyan ay hinampas ng walang sawa ng alon. Iyon ang naging epekto ng kanyang halik sa aking katawan at halos manghina ako nang gumala ang tamis sa aking bibig dahil sa paglalim noon.
Ang isa niyang kamay ay naramdaman kong pumasok sa loob ng aking dress at hinawakan ang aking pwetan. Bumaliktad siya bigla at isinandal ako sa pader para takpan ako, at ipitin ako roon habang hindi pinuputol ang halikan.
I got sandwiched between the wall and his masculinity. Mas inilapit ko pa ang aking katawan sa kanya habang ang kanyang kamay naman ay hindi nakontento at pumasok na sa aking panty saka niya pinisil ang pwet ko na nagpasinghap sa akin.
“No one’s allowed to touch you. You get it?” malaawtoridad niyang sabi na ikinatango ko, naging alipin na lamang at sunud-sunuran sa kanyang gustong mangyari ngayon.
“Zera?” Ang pamilyar na boses ni Keesha ang aking narinig.
Tumigil si Isaiah at pasimpleng inalis ang kamay sa loob ng aking panty saka niya hinila ang aking dress. Itinago niya ang kanyang mukha sa aking leeg habang ako naman ay tumingkayad pa para masilip si Keesha sa kanyang balikat.
Nagulat siya, natulala sa amin. I smiled at her.
“Hi, Keesha,” bati ko sa inosenteng boses at ang isang kamay ay iginapang sa likod ni Isaiah saka ako roon humawak.
Sinundan iyon ng kanyang mga mata. Hindi agad siya nakagalaw. Ramdam ko ang kanyang pagkagulat, ang kanyang reaksyon sa nadatnan.
Now tell me you owned this man? I own him. Akin lang si Isaiah. Ipapakita ko iyon sa kanya para unti-unting maintindihan ng maliit niyang utak na ang lalakeng ito ay pagmamay-ari ko.
“Nabanggit kasi ni Lyle na nandito ka rin at…” Tiningnan niya ang likod ni Isaiah sa nangingislap na mga mata, tila maiiyak na ano mang oras.
Cry all you want! I don’t care. You should realized Isaiah is into me!
Isaiah started kissing my neck again. Mabababaw lamang iyon at nakakakiliti pa.
“Stop it, Isaiah,” marahan kong tinampal ang kanyang likod, hindi naman gaanong nanglalaban at ang totoo ay gustong gusto rin naman.
“Ah… S-Sige. Hintayin ko nalang kayo roon,” ani Keesha at nag-iwas ng tingin saka tumalikod.
That’s enough as an evidence that Isaiah likes me! Hindi siya. Kung hindi siya maniniwala sa akin sa salita, dapat ay maniwala siya sa kanyang nakikita.
Tumigil rin naman si Isaiah at tumayo ng tuwid. Inayos niya ang aking buhok at isinabit iyon sa gilid ng aking tainga.
“Aren’t you aware that Keesha likes you… alot?” tanong ko.
“So?” Inangatan niya lang ako ng kilay, walang pakialam sa bagay na iyon.
“Hindi mo ba siya pinansin? Kinausap? Pinagbigyan?”
“What for? It will give her false hopes. She’d assume things. I don’t want that.”
How come Keesha wants to push it?
“Sinabi ko pa naman sa kanya na… gusto mo siya kasi crush mo siya ’di ba?”
Huminga siya. “Talk to her and tell her about us.”
I already did! Hindi ba dapat sapat na ring ebidensya ang turing ni Isaiah sa kanya? He never showed interest to her. Kaya bakit pinipilit niya pa rin?
“Ikaw lang ang gusto ko,” namamaos na bulong ni Isaiah at hinagkan ang gilid ng aking ulo.
I chuckled. Damn this. Ako lang dapat.
Bumalik rin naman kami roon. Mas grumabe na ang party at mukhang may pinagkakatuwaan na sila dahil sa paghihiyawan doon na nasa lampas bente ata.
Hinila ko papunta roon si Isaiah nang balak niya sanang maghanap ng mauupuan namin. Lumapit ako kay Raziel na nakikitawa rin.
“Anong meron?” tanong ko.
Nilingon niya ako.
“Truth or dare. Pag hindi mo kayang gawin iyong utos ay kailangan mong uminom ng hard drink,” ani Raziel.
Oh… Ba’t parang maganda?
Sinipat ko pa ng tingin ang mga inumin na nakalapag sa bilugang mesa at kung saan ipinapaikot ni Lyle ang walang lamang bote habang pinapalibutan nila iyon.
May bacardi roon, henessy, johny walker… tequilla… rum? Okay… Puro nga hard.
Sa tabi ni Lyle ay naroon si Keesha na pangiti-ngiti rin at mukhang kasali.
“Kasali lahat?” tanong ko kay Raziel habang hawak ko ang kamay ni Isaiah sa aking likuran para manatili ito.
“Oo… Si Anzai nga oh, ayun!” Nginuso niya rin si Anzai na nasa tabi ng isang babae at nakatingin sa pag-ikot ng bote.
“Si Anzai pa. Game ’yan pag mga ganitong laro na,” ani Isaiah.
Humagalpak si Raziel.
“Oo eh… Matinik!”
Huminto ang bote sa isang babae na nakadress na tube top at nakabun ang buhok. Naghiyawan agad sila. Ang iilan ay may hawak pang mga pulang plastic cups at natapon pa iyong isa dahil sa pagpalakpak niya.
“So, Diana… Truth or dare?” si Lyle ang nagtanong.
“Dare…” Ngumisi si Diana at kumindat pa sa kanya.
“Kiss Anzai,” ani Lyle at nginisihan ang kaibigang tiningnan din siya. “French kiss for 10 seconds.”
Nagtilian ang mga girls habang ang mga lalake ay nagsipulan. Humagikhik naman iyong Diana habang si Raziel ay pumalakpak pa at tawang tawa.
“I don’t like this game. Pag naituro sa’yo ang bote ay babasagin ko talaga,” ani Isaiah na nairita bigla.
Tumingala ako at humagikhik. Tumalim pa ang kanyang tingin sa akin.
“Kj!” Umirap ako at mabilis na itinuon kay Anzai na ngayon ay nilalapitan na ng babae.
Ilang sandali lamang ay nakayapos na ang kamay niya sa leeg ni Anzai at hinalikan niya na ito ng mapusok. Anzai responded and pushed her closer to him.
Wow… I didn’t know he’s game with this kind of play? Akala ko talaga seryosong seryoso si Anzai. May pilyong side rin pala.
“Wooooh!”
“10! 9! 8!”
“Ang intense!”
“Go Diana!”
“7! 6! 5!”
Nakita ko ang dila ni Anzai, kung paano iyon gumalaw at pumasok sa loob ng bibig ng babae na napasinghap at halos mawalan ng hangin.
“4! 3! 2! 1!” sigaw nila at nagsipalakpakan.
Si Anzai ang tumigil, ni wala lamang gumuhit sa mukha habang ang babae ay halos hinabol na ang hininga. Inalis ni Anzai ang kanyang kamay sa beywang ng babae at nanatili ang seryosong mukha saka sumulyap kay Isaiah na nginisihan niya.
“Walanghiya talaga itong si Anzai!” Hagalpak pa ni Raziel.
“Anzai may reward ako ha!” ani Lyle na ikinatango lang ni Anzai kaya siya napahagalpak at nailing.
Inikot muli ni Lyle ang bote. Sinundan iyon ng tingin ng lahat nang sa unti-unti nang tumigil iyon sa kung sinong lalake na naka puting button down shirt at khaki shorts.
“Truth or dare, Tobias…”
Ngumisi ang lalake. “Truth,” aniya.
“Lame, dude! Dapat nagdare ka!” sabi noong katabi niyang kaibigan at siniko pa siya.
Tumawa lamang ang lalake at binasa ang labi habang ang isang kamay ay may hawak na pulang plastic cup.
“Alright… So… If you’re going to court someone right now… Sino iyon?” tanong ni Lyle.
Tumawa ang lalake. “Man… Ayokong ako ang ikalawang masuntok ni Isaiah,” aniya at nahaplos ang batok.
Nagsipulan agad ang mga lalake. Ang mga babae naman ay mabilis akong nilingon. Si Isaiah naman ay ipinulupot agad ang kamay sa aking beywang hanggang sa napasandal na ako sa kanya.
“Daming nagkakagusto sa’yo rito, Zera. Ikaw ata lahat ang tipo-” ani Raz na dumaing agad at mukhang siniko ni Isaiah.
“Oh… Isaiah. May pangalawa kanang bubugbugin,” ani Lyle kaya naghagalpakan ang lahat.
“I’m sorry, bro. Gandang ganda lang talaga ako,” ani Tobias at nag peace sign pa sa aking likuran, saka ako ninakawan ang tingin.
Hindi umimik si Isaiah sa aking likod pero mahigpit ang pagkakayapos ng kamay sa akin. Si Lyle naman ay humagalpak at nailing nalang habang si Keesha ay kakaiba ang tingin sa akin. Nag-iwas rin naman agad ito nang mahuli ko siya.
Inikot muli ni Lyle ang bote. Sinundan namin iyon ng tingin hanggang sa unti-unti iyong bumagal at naturo ang aking kinatatayuan.
Mabilis akong nilingon nilang lahat.
“Game!” palaban kong bigkas kaso bigla nalang akong inilagay ni Isaiah sa kanyang gilid at matalim agad ang mga mata nang magkatinginan kaming dalawa.
“Who says you’re playing?” seryoso niyang tanong sa akin.
Walang nakapalag doon, ni isa. Bumusangot ako.
“KJ! Truth lang naman,” sabi ko at nilingon si Lyle. “Anong tanong, Lyle?”
Nahaplos ni Lyle ang batok at sumulyap pa kay Isaiah, tila humihingi ng permiso.
“Ah…”
“Ayus-ayusin mo at baka ikaw ang ikatlong bubugbugin niyan,” ani Anzai na ikinatawa ng lahat.
Natawa narin si Lyle at binasa ang labi saka inilagay ang isang kamay sa beywang.
“Hmm… Ako o si Isaiah?”
“Gago ka talaga, Lyle!” Tumawa narin si Raziel.
“Iyon lang ang maisip kong tanong na hindi ako masasaktan ni Isaiah,” ani Lyle na ang lawak rin ng ngisi.
“Isaiah,” sagot ko at tiningnan si Keesha na titig na titig sa akin.
Got a problem with that, Keesha?
“See? It’s very easy.” Nagkibit si Lyle at inikot muli ang bote.
“I’m waiting, bottle…” ani Raziel na parang inoorasyon ng bulong ang bote na ituro rin siya.
Bumagal iyon hanggang sa unti-unting huminto sa tapat ni… ni Keesha.
Sumipol ang mga boys. Ngumiti naman ng marahan si Keesha saka siya nilingon ni Lyle.
“Game ka ba, Keesh?” tanong ni Lyle.
Tumango agad si Keesha.
“Oo naman… Ako pa,” aniya at tumawa.
“Ohh!” sigaw ng mga boys.
Tss.
“Sige, truth or dare?” tanong ni Lyle.
“Dare.” Saka niya pasimpleng ninakawan ng tingin si Isaiah sa aking gilid.
“Palaban rin itong si Keesha kahit ang hinhin tingnan at ang inosente ng mukha,” ani Raz.
I really don’t like how Keesha acts. Napaka bitchy at nasa loob ang kulo. Taliwas sa mukha ang ipinapakita!
“Kiss someone you like,” utos ni Lyle. “Kaya mo?”
Ngumuso si Keesha at tumango, ni hindi iginala ang tingin para maghanap ng hahalikan at mukhang may napili na.
“Kaya ko, Lyle,” ani Keesha.
“Then who do you want to kiss?” tanong ni Lyle.
Namula ang pisngi ni Keesha at tumingin sa aking gilid, kay Isaiah.
“Si Isaiah…” sagot niya sanhi para maghiyawan ang lahat.
Awtomatiko namang tumaas ang aking kilay. Ang aking kamay ay pumulupot agad sa braso ni Isaiah.
“Si Isaiah?” Tumawa si Lyle at napalingon sa akin.
“Yes, si Isaiah. ’Tsaka game lang naman ito,” aniya at ngumiti ng marahan.
“Tsk tsk,” si Anzai iyon na nailing pa. “Ano, Zera… payag ka?”
Napatingin narin sa akin ang lahat. Sumeryoso ang aking mukha. Papayag ako basta ilalampaso ko pagkatapos ang mukha ni Keesha sa sahig.
“Pass. Ako na ang iinom ng shot,” ani Isaiah at inabot iyong maliit na shot glass sa tapat ng henessy saka niya iyon nilagok.
“Tangina mo!” Tumawa si Lyle sa ginawa ni Isaiah.
“Ang arte mo rin talaga,” ani Raz na humalakhak din.
Tiningala ko si Isaiah na binasa na ang labi at inilapag ang shotglass. Kahit ang mga babae na nandito ay siya rin ang tinitingnan. May iilan pa na napapatingin sa akin pero mabilis ding iiiwas ang mga mata pag titingnan ko na sila pabalik.
Si Keesha naman ay hilaw nalang ang ngiti at hindi maipirmi ang tingin. Ano… Pahiya ka? Do you think Isaiah will let you kiss him? Baka hindi pa lumalapat ang labi mo sa kanya ay nauna na ang kamay ko sa mukha mo.
24th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Jhay Lengua Avila. Happy reading!
Court
Alas nwebe y media na noong namalayan ko ang oras. Namilog agad ang aking mga mata at mabilis na chineck ang aking cellphone. Nakita ko roon ang missed calls ni Kuya.
Ilang sandali lamang, nadatnan ko na ang kanyang tawag. Mabilis ko iyong sinagot habang lumalayo ng bahagya lalo na’t sobrang ingay parin nila dahil sa panibagong laro.
Sinundan ko ang tingin ni Isaiah. Itinuro ko ang cellphone ko kaya tumango siya, ngunit nakasunod parin ang mga mata sa akin habang lumalayo ako.
“Kuya…” sagot ko sa kabilang linya.
“Hindi purket pinapayagan kang gumala tuwing gabi ay sosobra kana. Nasaan ka ngayon? Susunduin na kita.”
Kinagat ko ang aking labi at nilingon muli si Isaiah na nakatingin sa akin, ang mukha ay namumula parin dahil sa kakainom.
Ibinalik ko ang tingin sa harap at tumango.
“Uh… Itetext ko sa’yo pagkababa nito, Kuya,” sabi ko.
“Siguraduhin mo,” aniya at pinutol rin ang tawag.
Hindi ko rin talaga gets itong si Kuya. Supportive minsan tapos biglang magsusungit. Sino ba ’yang crush niya at parang pinapainit ang ulo ni Kuya?
Bumuntong ako ng hininga at nagtipa ng mensahe para isend ang aking lokasyon. Bumalik rin naman ako sa gawi ni Isaiah.
“Susunduin na ako ni Kuya.” Sumimangot agad ako.
Tumango naman siya.
“Better,” aniya.
Mas lalo lamang akong sumimangot. I still want to be with him! Ang sarap na h’wag nalang umalis sa kanyang tabi at kami nalang ang magkasama palagi.
Hindi na ako nagtaka noong mabilis ring dumating si Kuya. Katext ko nalang si Isaiah sa front seat habang si Kuya ay palingon lingon naman sa akin.
“Ang tamis ng ngiti mo baka langgamin tayo rito,” aniya.
Mas lumawak ang aking ngisi.
“Katext ko ang future boyfriend ko. I’m going to have a lovelife after my birthday!” pagmamayabang ko sa kanya.
“Marupok ka eh,” ani Kuya at ipinatili ang tingin sa kalsada, suot ang itim na jacket at supladong mukha.
“Ipapakilala kita sa kanya, don’t worry Kuya… You will like him I’m so sure of it.”
Tumango naman si Kuya, ni hindi hinulaan kung sino iyon, o binanggit man lang ang pangalan ni Trey. Iniisip niya bang si Trey iyon o iba na ang takbo ng isip niya?
Nagvibrate ang aking cellphone kaya nalaglag agad ang aking tingin doon. Binasa ko ang reply ni Isaiah sa tanong ko kung uuwi na ba ito.
Isaiah:
Uuwi ako maya-maya dahil may kailangan pa akong kabisaduhin.
Ah, I remember! May sasalihan nga pala siyang patimpalak at siya ang pambato ng school!
Nagtipa ako:
Ako:
Uwi ka agad. Don’t drink too much!
Nagreply naman agad si Isaiah, tila nakaabang lang.
Isaiah:
Alright.
Lunes.
Wala nga si Isaiah buong araw dahil nasa ibang school. Tinext ko siya kaninang umaga para mag goodluck at ipinagdasal ko rin ang kanyang pagkapanalo but I really trust him that he’s going to win our school. Si Isaiah pa eh ibang klase iyon! Magaling siya sa lahat ng bagay!
“Pansin ko wala iyong isang barkada ni Trey,” ani Elle nang makasalubong namin sina Castel at Davin habang papunta kami sa sunod na subject.
“Nagcompete sa ibang school,” sagot ko, wala sa sarili kakaisip sa magiging resulta.
“Huh? Talaga? Ba’t mo alam?”
Hindi ko na sinagot ang bagay na iyon. Noong makapasok kami sa classroom ay nagtipa ulit ako ng mensahe para sa kanya.
Ako:
I’m sure you’re going to win.
Kahit na nasa kalagitnaan na ng klase, lumilipad parin ang utak ko kay Isaiah. Iniisip ko kung nakasagot ba siya, kung magaling rin ba ang mga kalaban niya, kung may maganda bang babae roon, kung pinagtitinginan ba siya. Ang rami rami kong iniisip na kinalabit na ako ni Irah.
“Tawag ka ng prof,” aniya kaya napatingin agad ako sa harap.
“Yes, Sir?” tanong ko.
Bumuntong ng hininga si Mr. Ebañez.
“Nevermind, Delafuente. Makinig ka sa susunod please. H’wag kang gumaya sa ibang pinsan mong lutang sa klase,” aniya sa tonong nagmamakaawa na.
“Huh? Hindi ba ako nakikinig?” bulong naman ni Elle sa likuran, naguilty agad.
Ibinagsak ko ang aking mga mata sa nakabuklat na aklat. Siguro ay ang tinutukoy niya ay sina Ken at Wayt?
Iyon na ang huli kong subject bago ang break time kong tatlong oras. Mamaya ay may dalawa pa akong subject at hindi pa magkatulad ang breaktime namin ngayon ni Elle kaya ayun, mag-isa akong gumagala sa school dala ang aking bottled water para lagyan iyon sa water fountain.
Papunta palang ako noon nang makasalubong ko si Trey sa corridor. Ang alam ko, breaktime niya rin ngayon. Magkaparehas lang naman sila ng breaktime ni Isaiah.
Tumigil siya nang makita ako kaya tumigil rin ako at nginitian siya, katulad ng madalas kong ginagawa pag nakikita ko ito.
“Going somewhere?” tanong niya at nalaglag ang tingin sa hawak kong bottled water.
Tumango ako. “Lalagyan ko lang ng tubig. Ubos na kasi,” sabi ko.
Binasa niya ang labi at namulsa sa suot na slacks. Ang linis niyang tingnan sa suot niyang uniporme at ang aliwalas pa ng kanyang guwapong mukha. Kahit ilang pulgada lamang ang aming layo sa isa’t isa ay naamoy ko na agad ang mamahalin niyang pabango.
Well, that’s Trey Montiel. Hindi na iyon bago sa akin dahil ganoon naman talaga siya. Ang tanging nagbago lang ata ay ang epekto niyang hindi na ako tinatablan.
“Kumain kana ba?” tanong niya.
Dahan dahan akong umiling. Ngumiti siya at hinaplos ang batok.
“Do you want to come with me? Kumain tayo sa labas. My treat…”
Hindi agad ako nakasagot sa alok ni Trey. Noong una kaming kumain sa labas, sumang-ayon ako sa kanya na kumain kami ulit. Ngayon na niyayaya niya akong muli ay nahihiya naman akong tumanggi. Trey is very nice…
“Nahihiya ka parin ba?” Marahan siyang tumawa.
Umiling agad ako.
“Sana hindi ka tumanggi,” ani Trey.
Ngumuso ako at dahan dahang tumango. Lumawak agad ang kanyang ngiti.
Kakain lang naman, right? Our family are close friends! Wala namang malisya rito. He’s just being nice at wala naman akong nakikitang mali roon. Alright! Mas mabuti ring ganito. Mas mabuti ring maging friends nalang talaga kami ni Trey para hindi na ako mailang pa.
Nagtungo kami sa parking lot. Naroon ang kanyang itim na Ford na sasakyan. Tumunog iyon nang pinindot niya ang alarm at pinagbuksan ako sa front seat.
Tiningnan ko ang aking cellphone. Hindi parin nagrereply si Isaiah at marahil ay busy siya roon kaya ayoko naring kulitin pa dahil baka makadisturbo lamang ako.
“Hindi kana masyadong nanonood ng laro namin ng mga pinsan mo tuwing Sabado,” aniya habang nagmamaneho na gamit ang isang kamay.
“Ah… Gumagala ako,” sabi ko.
“Really? Pinapayagan ka palang gumala tuwing gabi?”
Tumango naman ako at ngumuso. Mapilit rin kasi ako kaya siguro imbes na pagbawalan ako ni Daddy at Mommy ay hinahayaan na lamang ako basta ay umuwi lang sa takdang oras unlike kay Elle na hindi marunong mamilit. Kaya nga siguro ako natatawag na brat dahil gusto ko nasusunod ang gusto ko. Gusto ko nakukuha ko ang gusto ko.
“Anong oras ang curfew mo?” tanong niya.
“Uhm, dapat alas dyes palang ay nasa bahay na ako. Sinusundo rin kasi ako ni Kuya Hiro,” sabi ko.
“Ah… Mahigpit rin talaga si Hiro pagdating sa’yo. Napapansin ko ’yon simula pa noon,” aniya, palingon lingon sa akin.
“Oo. Mas strict pa siya kay Daddy.”
Natawa si Trey sa aking sinabi. “Kaya nga ang hirap mo ring diskartehan.”
Mahirap ba? Parang hindi naman ah? Kung diniskartehan niya agad ako noon, baka hindi ko na naisip pang lapitan si Isaiah para tulungan ako sa kanya. But I’m glad hindi niya ako diniskartehan. I’m glad naging tulay ang nararamdaman ko kay Trey para makilala si Isaiah.
Hindi ako makakibo roon at napangiti nalang. Itinuon ko ang tingin sa labas at tiningnan ang mga building na nadadaanan namin. Naalala ko na naman bigla ang ngisi ni Isaiah, ang dimple niya kaya kinagat ko ang aking labi at napangisi nalang rin.
“Saan ka ba pumupunta tuwing gumagala ka? Do you hang out with your friends? Do you party? Or shopping?”
Nilingon ko siyang muli.
“Nanonood ako ng banda,” sabi ko.
Nagulat siya. “Oh… Mahilig ka sa banda?”
Tumango agad ako.
“Si Isaiah… may banda iyon,” sabi niya.
Gusto ko mang sabihin na alam ko ay hinayaan ko nalang iyon.
“Narinig mo na siyang kumanta?”
Umiling si Trey. “Hindi ko pa siya napapanood ng live pero alam kong marami siyang gig at palipat lipat sila ng mga Bar o event.”
Tumango ako sa bagay na iyon at hindi masyadong nagbigay ng komento. Ilang sigundong katahimikan ulit ang dumaan saka siya muling nagsalita.
“Pwede tayong lumabas tuwing weekends kung gusto mo. Hindi naman ako nabobored kahit na magshopping ka.”
Natawa ako sa kanyang sinabi. Ngumisi rin si Trey sa akin at binasa ang labi.
“Mabobored ka lang, I swear!”
Humalakhak siya. “Hindi nga!”
Umiling naman ako. “Nope… Mabobored ka talaga kakasunod sa akin. Matagal akong mamili ng damit. It always takes me an hour for a single item pag nags-shopping ako.”
“Pag kasama mo ako, pwede kitang tulungang mamili para mapabilis. I know how to choose a nice dress, you know…”
Ngumisi ako kay Trey at nailing.
“At least we’re together, right? Hindi ako mabobored niyan total ikaw ang kasama ko.”
Right, Trey… Hindi ka mabobored pero mabobored ako dahil alam kong hindi si Isaiah ang kasama ko.
Hindi ko iyon isinatinig at hinayaan nalang iyon sa aking isipan. How ironic… Noon lang ito pa ang gusto ko, ngayon na nandito na ay hindi ko na gusto. Pinaglalaruan ata ako ng tadhana. Marahil ay ginawa lang talagang kasangkapan si Trey para makilala ko si Isaiah. Ang pagdating niya sa buhay ko ay naging gabay ko lang patungo sa nararapat na lalake para sa akin.
Pero minsan naiisip ko talaga kung hindi ako nagkagusto kay Trey, baka hindi ko rin nakilala si Isaiah. Ipinagpapasalamat ko rin ang atraksyong binuo ko dahil iginiya ako noon sa lalakeng hindi ko pinangarap na makuha ko.
I guess ganoon nga talaga ang gawain ng tadhana. Hindi lahat ng ating gusto ay nakukuha natin. Kung nakuha ko si Trey, baka hindi talaga kami nagkaroon ng pagkakataon ni Isaiah na makilala ang isa’t isa.
Kumain kami sa isang five star Restaurant. Nag-usap lamang kami ng kung ano-ano lalo na iyong second periodical exam next week.
“Buti at hindi ka naman nahihirapan sa mga subjects mo. ’Di ba parehas kayong Business Ad ni Irah?”
Tumango ako habang sumusubo ng pagkain. Nginuya ko muna iyon ng maayos at uminom ng tubig saka nagsalita.
“Nahihirapan ako ng kaonti sa Algebra pero nakakaya naman. Pwedeng bumagsak anytime,” sabi ko.
Marahang natawa si Trey. Uminom siya ng tubig at nailing sa aking sagot.
“Pwede kitang turuan kung gusto mo. May alam naman ako kahit papaano sa Algebra.”
Umiling agad ako. Kung magpapaturo man ako ng mga subjects ko, dederitso na ako kay Isaiah.
“I’m fine, don’t worry… Kahit hindi ako kasing talino ni Irah I know kaya ko namang grumaduate.”
Tumango tango siya.
“Good… At least you’re focus with your studies. Hindi na baleng matataas ang grades. Ang importante ay may natututunan ka.”
Tumango rin ako sa kanya at sumubo ng pagkain. Why are we talking about school? Bakit kaya pag kaming dalawa ang magkasama ni Isaiah ay hindi ganito ang mga topic namin? Puro mga walang kwenta pero humahaba pa talaga iyon kahit na kapwa kami mabilis mairita.
Goodness, Zera! Puro ka Isaiah!
Ang bagal kong naubos ang aking pagkain. Hinahayaan naman ako ni Trey at hinihintay lang akong matapos. Isinerve na iyong dessert pero ako itong nangangalahati pa sa aking plato. Gosh! Pag Isaiah ang kasama ko, kanina pa ito naubos dahil tinutulungan niya akong balatan ang shrimp o hiwain ang karne.
Nang dumaan muli ang waiter ay ipinakuha ko na talaga iyon at hindi na inubos. Natawa nalang si Trey sa akin. Iyong dessert naman ang inatupag ko na special halo halo at leche flan.
“Wait… There’s something on your…” Kinuha niya ang tissue at pinunasan ang gilid ng aking labi.
Ngumuso ako. “Uh, thanks…” sabi ko na ikinatango niya at umupo ulit ng maayos.
Nagconcentrate nalang ako sa aking dessert habang si Trey naman ay ramdam ko ang pasulyap sulyap sa akin. Ayokong salubungin ang kanyang mga mata, ayokong magtitigan kaming dalawa kaya sinisikap kong mas titigan ang leche flan at iyon ang mas pagtuunan ng pansin.
“Kailan nga ulit ang birthday mo?” tanong niya bigla na ikinaahon ng aking tingin.
“December Five…”
“Five months more,” aniya at makahulugan na iyong sinambit.
Tumango ako at ngumiti nalang. May plano ba siya roon? Kung hindi ko nakilala si Isaiah baka nagdiwang na ang kampon niya sa tiyan ko pero iba na ngayon. Parang ang mga kampon pa ngayon ang pilit siyang pinapatalsik at wala nang lugar doon.
Ilang minuto kong kinain ang leche flan. Noong chineck ko ang oras ay nakaka thirty minutes na ako sa sobrang pagdadahan dahan doon. Noong halo halo naman ang sinubukan ko ay hindi ko na talaga nakayang ubusin.
“You really love eating huh?” ani Trey na nakahilig na sa mesa, nawiwili sa panonood sa akin.
Tumango ako. “Masarap kasing magluto si Dad kaya nakahiligan kong kumain.”
“How about you? Do you know how to cook, too?”
Umiling agad ako. “I can’t even fry an egg… Nasasali ko pa ang shell and worst, nasusunog.”
Natawa siyang muli habang ako naman ay binabalikan ang pagluluto ko sa maliit na apartment ni Isaiah. Pinagtiisan niya talagang kainin ang luto ko!
“You’ll learn eventually. You’re still young at marami ka pang araw para matutunan ang pagluluto.”
“I really want to learn…” sabi ko habang tinitingnan nalang na matunaw ang ice cream sa halo halo at halos nagiging tubig na ang loob.
“Hmm… I’m not that expert, too. Marunong ako pero hindi rin gaanong magaling.” Ngumisi siya.
Isaiah is good at cooking! Hindi lang iyon, marunong siyang mamalengke. Marunong siyang magtipid ng pera. Marunong siyang maghanap ng pera. Marunong talaga siya sa lahat ng bagay.
“Puro ka kasi party. Napaka sociable mo.”
Trey licked his lips. Hindi parin nabubura ang kanyang ngiti.
“Ang dami mo pala talagang alam sa akin ’no?” namamangha niyang sabi.
Nagulat ako. Nang makabawi rin naman ay tumango rin sa kanya. Sa ilang taong nagustuhan ko siya, ang rami ko naring alam sa pinaggagawa niya. I know his likes and dislikes. I know his exes. I know almost half of his life. Ang hindi ko lang ata alam ay ang mga lakad niyang siya nalang ang nakakaalam.
“Pero ako, limitado lang ang alam ko sa’yo. Ang rami rami ko pang gustong malaman,” ani Trey.
Binitiwan ko ang kubyertos at uminom ng tubig. Ibinaba ko iyong muli at humilig narin sa mesa.
“I want to know you more. I want to know your likes and dislikes. Your hobbies…”
“Huh? Bakit?” Natawa ako, kahit may ediya, ayokong isaboses ang aking naiisip.
Nahulog saglit ang kanyang tingin sa pagkain pero bumalik rin naman agad sa akin. Sumeryoso ang kanyang mukha.
“I’m planning to court you,” ani Trey sa seryosong boses.
Natigilan ako. Ang pagkabigla ay naging dahan dahan na natulala ako at halos mabingi. Kahit anong pilit kong intindihin iyon o ipasok man lang sa aking kokote ay hindi ko talaga maintindihan. Masyado akong nablangko.
“Your father told me I can court you after you graduate. Tagal pa no’n. Baka ngayon pag nagpaalam ako, pwede na ulit?”
Goodness, Dad!
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Trey. Walang pagdidiwang sa aking isipan.
Nagulat ako sa pagvibrate ng aking cellphone. Nagpaalam ako saglit kay Trey na icheck iyon at tumango naman siya.
Ang lakas agad ng kalabog ng aking dibdib nang makita ko sa screen ang pangalan ni Isaiah. Kahit hindi ko pa nababasa, masyado na akong kinakabahan at nagiguilty.
Binuksan ko iyon.
Isaiah:
Nawala lang ako saglit, nasa ibang lalake kana ulit.
Para akong nanghina sa kanyang sinabi. Ilang sandali akong natulala at nakatitig lang doon. Gusto ko mang magreply ay wala rin akong maisip.
Ipinasok ko iyong muli sa bag at tiningnan si Trey. Halata namang naghihintay lang siyang bigyan ko siyang muli ng atensyon.
“Sino ’yon?” tanong niya.
“Uh… S-Si Kuya. Hinahanap ako. Hindi niya ata ako nahanap sa school kaya nagtatanong siya kung nasaan ako.”
“Oh, ganoon ba? Let’s go? Baka mapagalitan ka pa,” aniya at tinawag ang waiter sa pamamagitan ng kanyang kamay.
Nag bill-out rin naman kami. Kabado na ako habang nasa kotse ni Trey. Wala naman akong ginagawang mali. Ieexplain ko nalang kay Isaiah na kumain kami and nothing special happened. Kaso naiimagine ko palang ang nagkakasalubong na kilay ni Isaiah, ang iritasyon sa kanyang kabuuang mukha, ay nanghihina na agad ang aking tuhod.
Calm down, Zera… There’s nothing to be worry about. Hindi ka dapat naguguilty dahil wala lang naman ito.
May sinasabi si Trey sa akin pero puro tangi nalang ako at ngiti, hindi na halos makapag-isip ng matino at okyupadong okyupado ang aking utak sa text ni Isaiah. Noong tumigil ang kanyang kotse sa parking area ng school, noong binuksan niya ang front seat ng pinto para sa akin ay lutang parin ang aking isipan.
“Slow down… Baka madapa ka,” ani Trey at hinawakan ang aking braso habang naglalakad kaming dalawa sa school.
Masyado akong nagmamadali na hindi ko namalayang ang lalaki na pala ng aking hakbang. Nilingon ko si Trey at nginitian. Nalipat naman ang kanyang tingin sa harap.
“Oh, Isaiah,” ani Trey na nagpalunok sa akin.
Shit!
Dahan dahan akong lumingon hanggang sa nakita ko ang kabuuan ni Isaiah. Seryosong seryoso ang mukha, ang tingin ay madilim at nasa kamay ni Trey na nakahawak sa aking braso habang nakapamulsa siya.
God! I’m really dead! Naglalaro agad ang iritasyon sa kanyang mukha na ikina estatwa ko.
Nalaglag ang aking tingin at halos hindi makatingin sa kanya ng deritso. Napansin ko pa ang isang pulang lace na kung ano sa kanyang bulsa na isiniksik niya lang lalo hanggang sa hindi na iyon makita.
“How’s your competition?” ani Trey at binitiwan ang aking braso, nawili agad sa pakikipag-usap sa kanya.
Nagkibit si Isaiah. “Panalo,” tanging niyang sabi.
Mabilis na umahon ang aking mga mata sa kanya. Gusto kong magdiwang sa tuwa at batiin siya kaso nilalamon rin ako ng kanyang galit.
I think that red lace is a medal!
“Sabi ko na nga ba maipapanalo mo ’yan. Ikaw pa,” ani Trey at tinapik ang balikat nito.
Ngumisi lang si Isaiah pero masyado iyong tipid at matabang. Kahit ako ay ramdam rin ang kanyang kalamigan na nagpapanginig sa akin kaya mas lalo akong naninigas at wala man lang masabi kahit isang salita.
“Ano celebrate? Magpapainom na ba kami?” Humalakhak si Trey.
Umiling si Isaiah.
“H’wag na. Hindi naman gaanong importante…” sagot niya, nangingibabaw na naman ang pagiging snob.
“As expected, Isaiah,” ani Trey. “Ihahatid ko muna. Mag-usap ulit tayo sa classroom.”
Tumango lang si Isaiah na hindi na gaanong kumibo at walang ganang tinapik ang kanyang balikat bilang paalam saka ito umalis sa aming harapan.
Nablangko na ako ng tuluyan. May namumuo nang pawis sa aking noo at mas lumaki lamang ang kaba sa akin. Tila may nakaharang na sa aking lalamunan at hirap na akong lumunok, hirap nang magsalita at hirap nang gumalaw.
“Lets go?” ani Trey.
Wala sa sarili akong tumango at humakbang habang nananalangin na sana ay panaginip lang ang nakita kong galit sa mukha ni Isaiah.
25th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Aira Lengua Avila. Happy reading!
Luha
Tulala na lamang ako sa mga sumunod na subjects. What should I do?! I want to talk to him. Gusto kong mag-explain na wala lang naman iyon. Kinagat ko ang aking labi at nagtipa ng mensahe sa kanya habang pauwi na ako sa bahay, sa aking tabi naman sa likod sa SUV ay si Kuya na tahimik na nakasuot ng earphone.
Ako:
It’s not what you think.
Ilang sigundo ay wala paring reply hindi kagaya noon na pag nagtext ako ay mabilis agad na susunod ang kanyang reply.
Nagtipa akong muli.
Ako:
Kumain lang kami! Nothing happened!
Halos dumugo na ang aking labi sa lakas ng aking kagat. Gosh! Sigurado akong dededmahin ako noon! Kung hindi ko siya susuyuin sa personal, mas mahihirapan akong paamuhin siya sa text text lang dahil alam ko talagang wala akong mapapala sa bagay na iyon. Alam kong magmamatigas siya.
Ako:
We didn’t kiss…
Nagtipa akong muli at tinadtad siya ng text.
Ako:
Kumain lang kami. ’Yon lang.
Ako:
Mabilis lang naman ’yon.
Sa aking frustration ay naibato ko na ang aking cellphone sa harap. Nasabunutan ko pa ang aking buhok sa panggigigil kaya nagulat si Kuya at nilingon na ako.
“Nababaliw kana ba?” tanong niya at pinulot ang aking cellphone sa paanan.
Inilahad iyon ni Kuya pero hinawi ko lang ulit iyon sa aking inis kaya nalaglag muli. Nagkasalubong ang kilay ni Kuya. Imbes na pulutin iyon ay nagawa pang sipain kaya napunta na sa pinakailalim.
Humalukipkip ako at matalim na tiningnan ang labas. Sumasabog na ang aking pakiramdam at naiinis na ako ng husto. Ba’t ayaw niyang maniwala? Okay sana na nagkiss kami ni Trey pero hindi naman ah! Kumain lang naman! What’s wrong with him?!
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-iling ni Kuya.
“Ano na namang kasalanan mo?”
Mabilis ko siyang nilingon at pinaningkitan ng mga mata.
“Bakit ako ang may kasalanan? Ayaw niyang magreply eh nag-eexplain na nga ako!”
Napaismid siya. “Brat.”
Umirap ako at ibinalik muli ang mga mata sa labas ng bintana. Kung hindi siya magrereply then fine hindi ko siya ititext. Siguro naman susuyuin niya rin ako, right? Alam ko ’yon… Hindi ako matitiis ni Isaiah.
Pero paano kung hindi, Zera? Sa inyong dalawa, mas matigas iyon! Mas maarte! Mas snob. Hari nga ng pangdededma ng mga babae ang lalakeng iyon tapos magpapasuyo ka pa?
Oh right… Fine fine… Susuyuin ko siya.
Hindi ko kinuha ang aking cellphone at hinayaan nalang sa kotse. Ayokong mafrustrate lalo pag nakita kong wala siyang reply at baka mabasag ko lang iyon.
Tuesday. Hindi akma ang breaktime namin at alam kong wala siya roon sa kalindary kaya hindi ko siya napuntahan. Sumilip rin ako sa gym pero hindi naman sila naglalaro ng basketball.
Wednesday. Noong sumapit ang break time ko ay mabilis akong nagtungo sa kalindary but he’s not there! Hindi ko rin siya matyempuhan sa hallway. Walang bakas ni Isaiah. Para talagang pinagtataguan niya ako.
Thursday. Nagbaka sakali ulit ako sa kalindary, sa gym, sa bawat sulok na pwede ko siyang makasalubong ngunit nabigo ako hanggang biyernes ay ganoon parin.
Noong sabado na ay tuluyan na talaga akong nafrustrate lalo. Alam kong nasa school lang naman siya pero parang ang ilap ilap niya. Para siyang anino na nagtatago sa dilim kaya ang hirap hanapin.
God! Isaiah is the most snob person I know! Kaya niya talagang mandedma ng babae kung gusto niya. Kaya niyang iparamdam ang galit niya sa pamamagitan lamang ng ganito. I am so darn frustrated. Natapos ang limang araw na walang bakas ni Isaiah!
Sa gabing iyon, pinakuha ko na talaga sa driver namin ang aking cellphone sa ilalim ng upuan. Noong chineck ko ay tanging text lang ni Lalaine ang naroon para sa lokasyon bukas ng event na dadaluhan nila Isaiah para kumanta. Ni isang text mula sa kanya ay wala talaga. Kahit man lang sana isang salita lang.
Tomorrow, I’m really going to make sure he’s going to talk to me. Titibagin ko iyang pagiging yelo niya. Tutunawin ko iyon. Siguro ay parehas lang naman ito noong una, right?
Sana nga… It’s frustrating because I miss him so much!
Kinabukasan ay sobrang aga kong nagising. Marahil ay nakapikit lamang ako pero parang gising ang buo kong diwa dahil masyadong maingay ang aking utak. Nabubwesit na ako sa pumapasok sa aking isipan. Kung ano ano nalang. Baka… Baka… Baka… Baka sa sobrang galit niya sa pagkakataong ito…
Is that even possible? Galit na nga, halik pa ang iniisip ko! Bumukaka pa ang iniisip ko!
“May lakad ka?” tanong ni Daddy nang lapitan ko siya rito sa kusina.
Ang labi kong nakaawang at magpapaalam pa sana ay hindi natuloy. Natutop iyon saka ako tumango.
Nagkasalubong ang kilay ni Daddy.
“Saan na naman? Manonood na naman ng banda?” tanong niya habang may hinihiwa.
Humilig ako sa sink at tumango.
“Pag hindi kita papayagan anong gagawin mo?”
“Uh… Tatakas ako,” sabi ko.
“Paano kung nilock ko ang gate?”
“Aakyatin ko, Daddy,” sabi ko na ikinalingon niya sa akin.
“Eh kung putulin ko nalang kaya ang paa mo?”
Daddy please! Susunduin naman ako ni Kuya eh. Gusto kong lumabas mamaya,“ nafufrustrate kong bigkas.
“Oh sige, sasama ako,” ani Dad na ikinalaki ng aking mga mata.
“What?! No! Hindi ako papayag!” Napatayo na ako ng tuwid.
“Oh ba’t tumataas ang boses mo?” ani Dad habang inililipat iyong cubes ng mga pork sa isang strainer.
“Dahil lakad ko iyon! Hindi ka dapat sumasama,” giit ko at halos ipadyak na ang paa.
Binuksan ni Daddy ang gripo. Itinapat niya roon ang strainer at hinugasan ang pork. Humalukipkip naman ako habang hinihintay ang kanyang sagot.
“Sige. Hanggang 6pm lang,” ani Dad at ipinunas sa ang kamay sa suot na apron.
Nalaglag naman ang aking panga. Kumalas ang aking mga kamay sa isa’t isa at hindi makapaniwala.
“No! Dad naman!”
“H’wag kang sumisigaw sigaw. Ilang beses kanang lumalabas. Hindi ka ba napapagod? Wala ka bang rest day? Parang full time na iyang mga paa mo ah?”
Sumimangot na ako ng husto. Nagpatuloy naman siya sa pinagkakaabalahan niya. Kinagat ko ang aking labi.
Pag hindi ako natuloy ngayon, mamamatay na ako sa kakaisip! Baka hindi na talaga ako matutulog mamayang gabi. I badly want to see Isaiah tomorrow! 6pm pa nagsisimula ang pagkanta nila tapos papauwiin na agad ako!
Nagloosen ang aking balikat at niyakap na ang beywang ni Daddy. Natigil siya sa kanyang ginagawa roon at nilingon na ako.
“Please… Daddy… Please…” pagmamakaawa ko.
“Pumayag naman ako ah? Hanggang 6pm, princess…”
“No… Ayoko ng 6pm. Kahit 10pm, Dad. Susunduin ako ni Kuya… Please…” Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya hanggang sa hindi niya na nagagawa ng maayos ang kanyang ginagawa.
“Daddy please! Pumayag kana. Mamamatay ako rito sa bahay sa sobrang boredom! Ang stress pa sa school. Feeling ko mababaliw na ako sa iba kong subjects kaya inaaliw ko ang sarili ko tuwing Sunday. I am so pressured, Daddy!”
“Ano? Napepressure ka pa pala sa maliliit mong grado? Kulang nalang bumagsak ka pa sa Algebra subject mo,” aniya.
Ngumuso ako at namungay ang mga mata. Nailing naman si Daddy at nagulo ang buhok.
“Fine… Mana ka talaga sa Mommy mo. Parehas kayong spoiled.” Nailing siya.
Humagikhik naman ako at tumingkayad. Hinagkan ko ang kanyang pisngi.
“Thank you! Pahingi narin ng pera Dad ha.”
Tanging iling ang nagawa ni Daddy. Masaya naman akong umakyat sa aking kuwarto at namili ng susuotin. Hmm… Magcleavage kaya ako? Really? Wala ka ngang cleavage!
Namili nalang ako ng white haltered top at shorts short. Noong 4pm na ay naligo agad ako at mabilis na nag-ayos. Inilugay ko lamang ang aking buhok at nagsuot ng nipis na choker na may ribbon sa gitna. Isinuot ko ang aking sandals at namili ng magandang mini packbag. Iyong gucci ang kinuha ko at inilagay roon ang aking mga gamit katulad ng pang retouch, alcohol, handkerchief, cellphone at wallet.
Light make-up lamang ang aking nilagay at b-in-lower ang aking buhok. Nadatnan ko pa si Kuya sa countertop na kumakain ng apple at sinundan ako ng tingin.
“Baka maamnesia kana naman at makalimutang magtext,” pagpaparinig ni Kuya habang humahakbang ako palabas.
“I’ll text you, okay! Bye!” sabi ko at malalaki na ang hakbang palabas ng bahay.
Nagpahatid rin naman ako sa sinend na lugar ni Lalaine kung saan magpeperform sina Isaiah. Pag hindi ko talaga siya nakausap ngayon ay ewan ko nalang. Pag magmamatigas parin siya ay ewan ko nalang. Maiiyak na siguro ako sa frustration.
“Taray ang ganda ganda natin ah?” ani Lalaine nang magkita kaming dalawa.
Sobrang rami na naman ng tao at halos mapuno na ang loob ng may barricade. Malaki ang stage at may mga lights na nakakabit na roon, meron ring pausok. Naglalaro pa ang iilang lights sa itaas habang may nag-aayos ng mga wires at speaker.
“Hindi pa nagsisimula?” tanong ko habang naglalakad na kami papasok sa barricade.
“Hindi pa. At nariyan na naman ang inggratang si Keesha.” Umirap agad siya na kahit ako ay napairap narin.
Ano bang iniexpect mo sa isang ahas? Kung nasaan ang kanyang tutuklawin, naroon siya. Napakahigad!
Walang upuan sa loob ng barricade. Ang open space ay napupuno na ng mga tao. Bawal raw ang chairs since may siniset-up rin na foam machine. Ang sabi ni Lalaine ay may foam party kasi habang nagpeperform sina Isaiah.
So mangangalay ako kakatayo?! Tapos siksikan pa! Paano nalang pag nabangga ako? Omg! Kung alam ko lang nagdala ako ng sarili kong chair!
Shut up, Zera! May kasalanan ka kaya kailangan mo talagang magtiis! Alright… I hope this is really worth it!
“Hi Zera! Ang ganda ganda mo naman ata ngayon!” ani Maritez na nagawa pang ayusin ang thick glasses para i head to foot ako.
Kahit si Keesha na nakatayo rin at naka body hugging dress na straps lamang ay napatingin sa akin. Habang patagal ng patagal paiksi ng paiksi ata ang mga damit niya? Baka next Sunday nakahubad na ito.
“Palagi naman akong maganda,” sabi ko na ikinahagikhik rin ni Joy.
“Oo nga… Ang ganda ganda mo lagi. Nakakainggit,” aniya.
“Syempre maganda ’yang si Zera kaya nga baliw na baliw si Isaiah sa kanya,” si Lalaine naman at tila pinaparinggan si Keesha.
Hindi umimik si Keesha at itinuon nalang ang tingin sa stage lalo na’t nagtilian agad ang mga babae. Tumingala narin ako at nakita roon ang banda ni Isaiah. Ang aking mga mata at nagfocus agad sa pinaka gwapong nilalang na sobrang snob tingnan suot ang itim na leather jacket, itim na panloob na tshirt, tattered pants na maong at black boots. Ang kanyang magulong buhok ay nakaatras at medyo messy pero bagay na bagay sa kanya, mas lalo lamang siyang gumwapo dahil doon. May dala siyang mic at wala akong napapansing stand ng mic sa harap. Si Raziel ay umupo narin sa harap ng drums. Sina Anzai at Lyle ay suot suot narin ang kani-kanilang gitara.
“Shit… Napakahayop talaga ang kagwapuhan nitong si Isaiah. Malalaglag ata ang bra ko…” ani Lalaine sa aking tabi.
Hindi ako kumibo sa bagay na iyon dahil kahit ako, halos hindi ako kumurap habang tinititigan siya roon na kausap si Lyle sa seryosong mukha.
“Isaiah! Ang guwapo guwapo mo!”
“Anzai! Anzai!”
“Isaiah anakan mo ako ng isang dosena!”
Mabilis kong sinundan ang boses na iyon. Kung sino man ang sumigaw, mabaog sana!
Bago pa uminit ang aking ulo ay nagsalita na si Lyle sa mic.
“Are you all guys excited?” tanong ni Lyle sanhi para maghiyawan ang madla.
Mabilis kong tinakpan aking mga tainga sa sobrang lakas ng tilian nilang lahat. Kahit si Keesha ay nakisali pa sa pagtili kaya nabwesit ako.
Tumawa si Lyle sa mic.
“This song is Pangako by Cueshe. May isa kasing inspired sa amin. Masyadong inlove,” ani Lyle at pasimpleng nilingon si Isaiah na naghihintay lamang na magsimula, nasa kawalan ang tingin.
Nagtilian pa sila. Sina Joy at Maritez ay niyugyog si Keesha habang si Lalaine ay ang lapad ng ngisi sa akin.
“Si Isaiah inlove na inlove kay Zera!” sigaw niya, kahit na sobrang ingay ay rinig na rinig ko ang kanyang boses.
Ngumisi ako sa kanya at nailing. Si Keesha ay napalingon pa sa amin. Tadyakan kita riyan!
“Enjoy guys!” ani Lyle at inilahad pabalik ang mic kay Isaiah.
Kinuha niya iyon. Nagsimula agad magstrum si Anzai gamit ang kanyang electric guitar sunod naman si Raziel na sinimulan naring paluin ang drums habang nagheheadbang ng kaonti, sinasabayan ang beat.
Gumalaw ang kamay ni Isaiah at pinalo niya iyon sa kanyang hita habang nagheheadbang din ng kaonti, sinasabayan ang beat na kahit ang kanyang paa ay sumusunod narin.
Nagsigawan ang lahat nang yumuko siya sa dulo ng stage at bumukaka roon habang seryosong pumikit.
“Kislap ng ’yong mga mata Ako’y iyong nadadala Parang anghel ang ’yong ganda Di maiwasan hahanap-hanapin ka…”
Napaawang ang aking bibig. Nanindig ang aking balahibo. Sa sobrang guwapo ni Isaiah roon ay natulala nalang ako sa kanyang napakaseryosong mukha.
Dumilat siya, walang tiningnan. Ang mga bulang nagsisimulang lumutang sa ere ay nagmistulang snow na unti-unting rumarami at nalalaglag dito idagdag pa ang lights na sumasayaw rin sa bawat paligid at tila sinasabayan ang beat.
Tumayo si Isaiah at seryosong gumala sa stage suot ang supladong mukha habang hinahawakan ang kanyang buhok kaya halos mabingi ako sa lakas ng tilian.
O kay tamis ng ’yong mga ngiti Ako’y iyong naaakit Tulad ng rosas nakakaaliw Di mapigilan mabighani sayo…“
Nagheadbang siya at tumalon pa roon sanhi para lumabas ang usok sa stage. Tumingala siya at kinanta ng buong puso ang chorus part.
“At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa’kin!”
“Oh my gosh! Oh my gosh! Iyong una niyang kanta may lyrics na ‘hindi kita mapipilit kung ayaw mo’ tapos ngayon nagbago na! Pipilitin niya na!” Parang balw na nagwala si Lalaine sa aking tabi.
Natawa ako sa kanyang ginawa lalo na’t lahat talaga ay dalang dala sa beat ng kanta at sa boses ni Isaiah.
“Pag sapit ng gabi Sa isip ay ikaw pa rin Mga larawan mo sa aking tabi Na laging nakamasid…”
Nakakalasing ang kanyang pagkanta. Ang kanyang mga mata ay tila nang-aakit. Ang kanyang boses ay sobrang lamig. Ang bawat galaw ay nakakaakit. Lahat ng kanyang gawin sa stage ay nakakabaliw!
“At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa’kin At hinding hindi ka mag aalinlangan pangako ito Gagawin ang lahat para sa’yo!”
Nagsitalon narin ang mga babae at sinasabayan ang pagkanta ni Isaiah. Lahat ay dalang dala na sa kanta habang ang mga bula sa ere ay nagmistulang ulan na sa sobrang rami na ng lumulutang at nalalaglag rin dito.
“Woohh ohh ohh ohh… Woohh ohh ohh ohh…” si Lyle ay nakisabay narin at nagsecond voice kay Isaiah.
“At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa’kin At hinding hindi ka mag aalinlangan pangako ito Gagawin ang lahat para sa’yo…”
Tilian ang isinukli ng lahat nang unti-unting humupa ang kanilang pagtugtog. Ang pawisang si Isaiah ay nagawa pang hubarin ang leather jacket at isinabit iyon sa kanyang balikat habang ang isang kamay na hawak ang mic ay nasa kanyang beywang at hinahabol ang hininga.
“Ang guwapo guwapo niyo! Lalo kana Isaiah!” sigaw ng kung sinong babae at pumutok na ata ang ugat sa leeg dahil sa lakas noon.
Ngumisi si Isaiah at binasa ang labing mamula mula. Mas nagtilian sila. Kinuha niya pa iyong mineral water sa gilid saka niya iyon binuksan at tumingala para uminom.
“Anzai! Kahit ang maldito mo mahal na mahal kita!”
“Lyle! I love you!”
“Raziel!”
“Isaiah! Isaiah! Ako nalang! Hindi kita sasaktan! Hindi mo na kailangang pilitin ang puso ko dahil hulog na hulog na ako sa’yo!”
Sumimangot ako sa nagsisigawan at si Isaiah ang pinupunterya. I know he’s very hot pero shit lang! Ang sarap laslasin ng leeg! Tingnan natin kung makasigaw pa.
“One more! One more! One more!” tili agad ng mga tao.
Ibinigay naman ni Isaiah ang mic kay Lyle.
“We’ll be back later guys… Enjoy the party first…”
“Ang daya! Gusto pa namin! Isa pa! Isa pa!”
“Paisa!” sigaw naman ng kung sino kaya natawa si Lyle.
Naunang bumaba si Isaiah kaya awtomatiko agad akong umalis akong umalis.
“Zera! Saan ka pupunta?” tawag ni Lalaine pero hindi na ako nakinig. Kakausapin ko si Isaiah!
Nakipagsiksikan ako paalis sa crowded na paligid. Halos itulak ko ang iba at iritang irita ako. Sa sobrang siksikan, may umapak pa ang paa ko! My gosh! Ang sarap manambunot!
“Ano ba, Miss!” sigaw pa ng kung sino.
Hindi ko iyon pinansin at deri-deritso nang umalis. Ang babaho pa ng iba! Yuck! Ano ba ito! May mga putok na ata iyong iba rito na nakikisigaw pa ng Isaiah! Ew!
Nang makadaan narin ako sa barricade at sa wakas ay nakalabas na ay mabilis kong kinuha ang aking alcohol sa bag at nandidiring ipinahid iyon sa aking braso na nadikit pa sa iba. This is stressing me!
Nagtungo ako sa backstage. May iilan pang nagtinginan sa akin pagdating ko roon at ang iba ay nagsisikuhan kaya nililingon na ako ng lahat.
Iginala ko ang aking mga mata habang pumapasok.
“Hi miss ganda! May hinahanap ka ba?”
Hindi ko iyon pinakinggan at nakita rin ang isang lalakeng nakatalikod habang may kinakalkal sa loob ng bag.
Naglakad ako patungo roon. Bumaba narin sina Lyle at Raziel, sa likuran nila ay si Anzai na nasa akin agad ang mga mata.
“Oy Zera! Naks! Ang ganda natin ah?” si Lyle iyon na siniko pa ni Raziel.
Hindi lumingon si Isaiah at pinanindigan talaga ang pagmamatigas. Nginitian ko lamang ng tipid si Lyle saka ako tuluyang nagtungo sa kinaroroonan ni Isaiah.
Pawisan siya pero kahit ganoon ay ang bango niya parin. Ang tatlo ay nagtungo sa ibang bahagi at mukhang ayaw kaming disturbohin. Dahan dahan ko namang sinilip ang ekspresyon ni Isaiah na sobrang suplado.
“Hi, Isaiah…” I smiled cutely, ang aking mga kamay ay nasa likod pa at pinisil pisil iyon.
Hindi siya kumibo at tila walang narinig. Ngumuso naman ako.
“Did you receive my texts? Did you read my explainations? Are you still jealous?” tanong ko sa marahang boses.
Hindi siya umimik. May kinuha siyang tshirt at tuluyan nang isinara ang bag. Hinila niya ang likod ng kanyang tshirt at walang kahirap hirap iyong hinubad.
Darn… Ang hot! Ang tigas tigas ng katawan. Para siyang isang bato na pag binangga mo ay masasaktan ka talaga. Napaka godlike visual talaga ng snob na ito!
Ipinunas niya sa kanyang sarili yong tshirt na basa, hindi talaga sumulyap sa akin. Kinuha niya naman iyong bagong malinis na itim na tshirt at iyon muli ang isinuot.
“I miss you… Hindi mo ako kinakausap.” Sumimangot ako.
Hindi parin ito kumibo at tinupi pa ang tshirt. Sumulyap pa rito si Anzai pero hindi naman agad nagtatagal ang kanyang tingin at ibabalik agad kina Raziel at Lyle na mukhang may ibang topic.
“Ang rami namang sumusulpot na magaganda,” sabi ng kung sino sa likuran.
Napalingon ako roon at nakita si Keesha na nandito narin na may dala dalang gatorade! Ugh! Napaka bitch talaga nito!
“Keesha!” si Lyle ang tumawag sa kanya.
Sumulyap saglit sa akin si Keesha pero ibinalik rin ang tingin kay Lyle at naglakad patungo roon. Ibinalik ko agad ang tingin kay Isaiah.
“I told you it was just a friendly lun-”
“Umuwi kana,” matabang niyang putol at tumalikod, handa nang umalis.
Nalaglag ang aking panga. Mabilis ko siyang sinundan. Patungo siya sa gawi nila Lyle.
“Isaiah!” tawag ko pero hindi niya talaga ako kinibuan.
Nang makalapit siya roon ay ngumiti agad sa kanya si Keesha. Inilahad niya sa kanya ang hawak na gatorade.
“For you, Isaiah,” aniya sa malambing na boses.
Kinuha iyon ni Isaiah. Namula ang pisngi ni Keesha nang makita itong binubuksan iyon at nilagok na kahit hindi naman siya nito tinitingnan.
Tumigil ako sa paghakbang. Napalingon sa akin si Anzai. Humapdi agad ang aking mga mata at parang nahulog ang aking puso sa lupa. Kumuyom ang aking mga kamao. Bago pa may tumulo roon ay mabilis na akong tumalikod at malalaki ang ginawang hakbang makaalis lamang agad.
Tinanggap niya ang ibinigay ni Keesha sa kanya! Kung ginawa niya iyon para paselosin rin ako then nanalo na siya! Edi magsama silang dalawa! Bahala siya! “Nagwalk-out si Zera!” boses iyon ni Raziel.
Tumakbo na lamang ako dala dala ang inis na nararamdaman para kay Isaiah habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Parang nasugatan ang puso ko sa nakita ko. Bago pa ako sumabog sa aking damdamin ay mas mabuting umuwi nalang siguro ako.
26th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Ailene Avila. Happy reading!
Inlove
Halos bumaon ang aking mga paa habang tinatahak ang hindi ko alam na daan makalayo lamang sa stage, makalayo lamang kay Isaiah. I don’t care kung maligaw ako. I don’t care kung saan ako makarating. I don’t care! Gusto kong makalayo sa kanya, sa kanilang lahat.
Hindi ko tanggap iyong ginawa niya. Tinanggap niya ang ibinigay ni Keesha! Para niya naring hinayaan itong tanggapin si Keesha. I told him Keesha likes her tapos ganyan pa siya!
Kung galit siya, h’wag niya akong paselosin! Sinusuyo ko na nga siya, siya pa itong nagmamatigas!
Ang sikip sikip ng aking dibdib habang pinapalis ko ang mga luhang panay ang pag-agos. Shit lang! Shit lang talaga, Isaiah! Walang nagpaiyak sa akin ng ganito! Walang nanakit sa akin ng ganito na halos ang hirap nang huminga! I hate you! I hate you!
“Damonisse!” May pamilyar na sumigaw ng aking pangalan.
It was fucking Isaiah!
Hindi ako lumingon at tumakbo ng mabilis. I don’t want to see him! Ayoko siyang kausap! Ayoko sa kanya! Naiinis ako sa kanilang dalawa ni Keesha! Naiinis ako! Ngayon pa niya ako hahabulin kung kailan ay tumatakbo na ako palayo sa kanya! Nasaan na ang pagmamatigas niya? Ba’t hindi niya nalang iyon panindigan!
Narinig ko ang yabag ng kanyang mga paang hinabol ako sa likuran. Mas mabilis ang hakbang na iyon, tila mas triple pa ang bilis sa aking pagtakbo.
Ilang sandali lamang, mabilis niya na akong nahigit. Niyakap niya ako kaya nagpumiglas agad ako sa kanyang mga bisig. Galit na galit ako sa kanya!
“Let me go! Uuwi na ako! Ang sabi mo uuwi na ako ’di ba!” Sobra sobra ang aking pagpupumiglas makawala lamang. Sinuntok ko pa ng malakas ang kanyang dibdib kahit na parang wala lang iyon sa kanya at ako pa itong nasaktan dahil sa tigas noon.
“Ihahatid kita, kung ganoo-”
“Shut-up! Bumalik ka roon!” Tinulak ko nalang ang kanyang dibdib.
Bumitaw naman si Isaiah, nakaawang ang labi at nang magtama ang aming mga mata ay namutla agad siya dahil sa aking mga luha. Agad kong pinalis ang mga iyon at matalim siyang tiningnan.
“Gumaganti ka ’no?! I already explained tapos ngayon pagseselosin mo ako! Fine! Uuwi na ako! And don’t you even dare text me! Magsama kayong dalawa ni Keesha!” Tinulak ko siyang muli ng malakas na ikinaatras niya.
Hindi ko alam kung ganoon ba ako kalakas o ganoon siya kahina habang nakatitig sa akin.
Naglakad ulit ako habang nakakuyom ang aking mga kamay. Narinig ko naman ang pagsunod ni Isaiah. Ang kanyang anino ay nakikita ko lamang sa gilid.
“Binigyan lang ako ng gatorade ganyan kana kagalit. Eh ako? Sumama ka pa sa putanginang pinagseselosan ko ng husto,” galit niyang bigkas.
“Sinabi ko na kumain lang kami! We didn’t even kiss!”
“Tangina! Ayokong sumama ka sa kanya kahit kakain lang kayo!”
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Sinamaan niya rin ako ng tingin.
“I told you it’s just a friendly lunch-”
“Diyan tayo nagsimula, Zera! You were being friendly to me! Sinasabayan mo rin akong kumain tapos sasabihin mo sa aking wala lang ang ganoon?!”
“Then bahala ka! Paniwalaan mo ’yang pinapaniwalaan mo!” Mas nilakihan ko ang aking mga hakbang at itinuon ang tingin sa harap.
Nakita ko naman sa kanyang anino kung paano niya ginulo ang kanyang buhok.
“Huminto ka nga muna!”
“Ayoko! Leave me alone! Uuwi na ako and I promise hinding hinding hindi na kita kakausapin! Magsama kayo ni Keesha! Mas mabuti nga sigurong kay Trey nalang ako!” Tumakbo ako sa aking frustrations.
Tila natigilan siya sa aking sinabi dahil hindi ko na narinig ang yabag ng kanyang mga paang sumunod. Bahala siya! Nilalamon ako ng galit, poot, inis, at kung ano ano pa. Gusto kong saktan si Isaiah ng pisikal pero ayoko rin. Gusto kong sabihin na hindi ko na siya mahal pero ayoko rin. Nahahati ang mga gusto ko. Nahahati ang emosyon ko.
Hindi ko alam kung nasaang parte na ako at parang madilim na eskinita na ata ang napasukan ko. Hinubad ko ang aking bag pero bago ko pa iyon mabuksan, nagulat nalang ako nang may biglang humablot noon at biglang kumaripas ng takbo.
“Oh my gosh! My gucci bag! Isaiah!” Mabilis kong nilingon kung nasa aking likuran ba ito.
Bago pa man makita ang kanyang imahe ay humangin na ang aking gilid at sobrang tulin agad ng kanyang pagtakbo mahabol lamang iyong humablot ng aking bag.
Kumalabog agad ang aking dibdib. Humupa ang aking galit at hindi alam ang gagawin nang sundan ko ng tingin ang likod niyang unti-unti nang nawawala dahil sa paghabol sa magnanakaw.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa aking daan para humingi ng tulong. Is he going to be okay?! Ba’t niya pa iyon sinundan?!
Sa hindi kalayuan ay nakita ko agad sina Raziel, Lyle at Anzai kasama si Keesha. Tumakbo ako sa kanila.
“Zera?”
“Si Isaiah!” Itinuro ko ang eskinitang tinakbuhan ni Isaiah.
“Ha?! Bakit?!” si Lyle na nagpanic na.
Hindi na hinintay ni Anzai ang aking sasabihin at mabilis agad na tumakbo patungo sa parteng itinuro ko. Nagmura si Raziel at tumakbo narin para sumunod.
“Ninakaw ang bag ko at s-sinundan ni Isaiah! Hinabol niya!” Halos mabulol ako sa pagsasalita dahil sa labis na kabang lumulutang.
“Tangina! Baka anong magawa ni Anzai! Wala pa naman iyong kontrol!” ani Lyle at tumakbo narin para sumunod.
Namutla ako habang pinapanood silang nagtatakbuhan na. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib at ang lamig ng aking mga kamay.
“Tingnan mo na! This is all your fault! Nag-iinarte ka pa kasi!” galit na sabi ni Keesha habang binabalot ng pag-aalala ang mukha.
What the fuck?
“You shut-up, okay! Insecure ka lang!” galit ko naring sigaw.
Nailing siya sa akin.
“See? You’re just so insensitive! Imbes makinig ka sa payo ko, imbes na ikaw na itong mali ay pinapairal mo pa ang katigasan ng ulo mo. Napaka brat mo! Ikaw naman sana ang may kasalanan pero ikaw pa itong may ganang magalit kay Isaiah!”
“Wow… The insecure bitch is talking-”
“You’re the one who’s bitch here, Zera! Tinulak tulak mo ako sa kanya tapos ngayon na pwede na kami ay ganyan kana agad ka desperada at hindi na nakontento kay Trey! ’Di ba at nagdidate na kayo? Sinasaktan mo lang si Isaiah! Pinapahamak mo siya! Kahit sa party ni Lyle ay napaaway siya nang dahil sa’yo! At ngayon ito na naman! You’re going to put him in danger because of your stubbornness!”
Matalim ko siyang tiningnan habang tumataas baba ang kanyang balikat dahil sa pagsigaw sa akin. Binabot ng poot ang kanyang mukha at ramdam ko ang galit niya. Napakawalanghiya talaga ng babaeng ito! Kung pagsabihan ako akala mo kung sino! Eh siya rin naman ang may kasalanan dahil kung hindi niya nilalandi si Isaiah ay hindi ako magwawalk-out!
Bago pa man ako may masabi pabalik ay narinig ko na ang iilang yapak, ang bumabalik na rito. Humupa ang nararamdaman kong inis kay Keesha at mabilis na nilingon ang kinaroroonan ni Isaiah.
“Gago ’yon! Pasalamat siya at inawat ko pa si Anzai kundi nayupi talaga ang mukha niya!” ani Lyle sa nanggigil na boses.
Nagloosen ang aking balikat nang magtama ang aming mga mata namin ni Isaiah. Dala dala niya na ang aking bag habang nasa gilid niya naman si Anzai, nakapamulsa at parang walang bumakas na may binugbog siya. Bigla akong naguilty at nag-iwas nalang tingin kay Isaiah.
“Ang mahal mahal rin kasi ng mga gamit nitong si Zera kaya nakakaattract talaga ng magnanakaw,” si Raziel naman nang makarating narin sila sa aming harapan.
Lumapit sa akin si Isaiah at inilahad iyon.
“Sa susunod, h’wag kanang tumakbo sa kung saan-saan,” malamig na sabi ni Isaiah.
Marahan akong tumango, halos hindi makatingin sa kanya noong kinuha ko iyon. Isinuot ko iyong muli at sumulyap sa kanya.
“I’m…” Kinagat ko ang aking labi at hindi mabigkas ang salitang sorry.
Umangat ang kanyang kilay. Sumimangot ako at nagtungo sa kanya saka siya niyakap. Dumaing bigla si Isaiah at nahawakan ang gilid ng kanyang tiyan. Mabilis akong napahiwalay at tiningnan ang kanyang tinatakpan doon.
“H-H’wag mong sabihing may sugat ka, Isaiah?” si Lyle iyon.
Kinilabutan ako. Bahagya akong napaatras sa kanya lalo na’t namumutla narin ito habang bumabakas sa mukha ang sakit.
“I think he’s hurt!” si Keesha iyon na agarang nagpanic.
Mabilis na nilapitan ni Anzai si Isaiah at inangat ang kanyang tshirt. Napasinghap ako at natakpan ang aking bibig nang makita ko roon ang umaagos na dugo.
“Shit! Nasaksak ka ba?!” si Raziel na dumalo narin.
“Daplis lang… Hindi naman… gaanong… malalim,” ani Isaiah na kagat kagat na ang labi at namimilipit sa sakit.
Nanginig agad ang aking mga balikat. Namuo ang luha sa aking mga mata habang umaatras ako sa takot. Sumulyap sa akin si Isaiah at binasa ang labi.
“Hindi ito malalim, Damonisse…” aniya kahit na bumabakas ang sakit sa mukha.
“Isusugod ka namin sa hospital. Kailangan ’tong matahi,” ani Anzai.
“Putanginang lalakeng ’yon! Kung alam ko lang hinayaan ko na si Anzai na patayin siya sa bugbog!” galit na sigaw ni Lyle.
“Isugod niyo na siya sa hospital! He’s going to faint if he lost some blood!” si Keesha na putlang putla narin.
Natulala ako habang nagkakagulo sila. Hindi ko malapitan si Isaiah. Pumara ng taxi si Raziel at mabilis na inalalayan itong ipasok sa backseat.
“S-Sasama ako!” matapang kong bigkas kahit na nilalamon na ako ng takot.
Napalingon silang lahat sa akin. Tumalim agad ang mga mata ni Keesha, halatang sinisisi ako. I am very guilty pero ayoko ring umuwi ngayong araw nang hindi alam ang nangyayari kay Isaiah!
“Will you stop, Zera! Sasama ka pa talaga!” galit na bigkas ni Keesha.
Tumango naman si Anzai sa akin, hindi pinansin ang pagsigaw ni Keesha.
“Kaysa naman ikaw ang sumama eh hindi ka naman kailangan doon ni Isaiah,” malamig niyang sabi kay Keesha saka ako sinenyasang pumasok. “Tara na.”
Gusto kong magdiwang dahil natutop agad ang bibig ni Keesha dahil sa sinabi ni Anzai pero masyado pa akong nag-aalala kay Isaiah kaya deri-deritso na ang aking pagpasok.
Tiningnan ko agad si Isaiah na nakasandal habang hinahawakan ang kanyang sugat. Nakapikit siya at kinakagat ang labi, parang tinitiis na lamang iyon.
“Balitaan mo nalang kami, Anzai. Hindi na tayo kakasya sa taxi,” ani Lyle sa bintana ng front seat kung saan nakaupo si Anzai.
Tumango ito sa kanila. Umandar rin naman agad ang taxi. Nilingon kami rito ni Anzai.
“Kaya pa, Isaiah?” tanong niya.
Tumango si Isaiah. “Daplis lang naman ’to…”
Nailing siya at napatingin sa akin.
“Daplis lang ’yan. Pag natahi ’yan okay na ’yan,” ani Anzai.
Tumango ako at tiningnan muli si Isaiah. Ibinalik naman ni Anzai ang kanyang atensyon sa harap. Dumilat si Isaiah sa namumungay na mga mata at tiningnan ako. Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang sariling huwag umiyak kahit na nabigo na ako sa bagay na iyon.
“I’m sorry…” bulong ko sa garalgal na boses.
Tumango siya at hinila ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako gamit ang isa niyang bisig at isiniksik sa kanyang dibdib. Pumikit ako at sobrang nagsisisi sa kagagahan ko kanina. Nadala lang talaga ako sa pagseselos ko, sa galit ko. Kung alam ko lang na mangyayari iyon, sana huminto nalang ako at nakipag-usap ng maayos sa kanya.
“Ang rami ko nang kasalanan,” bulong ko at napahikbi sa labis na pag-aalala.
“Ang mahalaga ay okay ka. Ang mahalaga ay nabawi ko ang gamit mo,” bulong niya at hinagkan ang aking ulo.
Umiling agad ako.
“I don’t care about my things, Isaiah… Sana hindi mo nalang hinabol. Sana hinayaan mo nalang,” dismayado kong bigkas at halos mabasa ko narin ang kanyang dibdib dahil sa walang sawang pagpatak ng aking mga luha.
“This is just a small cut, Damonisse.”
“Pero nasaktan ka parin!” giit ko at mas lalo lamang nasugatan ang puso kong pinipiga dahil sa pagsisisi.
He sighed heavily on my hair.
“Mas gusto kong ako ang masaktan kaysa ikaw. Mas doble ang sakit na mararamdaman ko pag ikaw ang nasaktan,” bulong niya sa akin.
Humikbi ako. “I’m sorry… I’m sorry… H-Hindi ko sinasadya. I’m sorry, Isaiah…” Mas lalong bumuhos ang aking mga luha habang sinasabi iyon sa maliit kong boses.
Lumandas ang kanyang kamay sa aking likuran at pilit akong pinatahan. Keesha is right… Masyado ko siyang pinapahamak dahil sa katigasan ng ulo ko. Siguro kung nakinig lamang ako sa kanya agad ay hindi na ito nangyari.
Pagdating namin sa hospital ay inasikaso naman agad si Isaiah. Gustuhin ko mang dalhin siya sa hospital ng aming angkan, baka pag doon rin kami pumunta at nakita ako ni Tito roon ay isumbong pa ako kay Daddy. Pag nalaman nila na kamuntik na akong napahamak at may napahamak dahil sa akin ay baka pagbawalan narin akong lumabas. Ayokong mangyari ang bagay na iyon.
Tinahi ang sugat ni Isaiah. Kasama ko naman si Anzai sa labas na naghihintay lamang. Kapwa kami tahimik. Nakapamulsa siyang nakasandal sa pader habang ako ay nakaupo at yakap yakap ang aking bag.
Tumingin siya sa akin. Nang maramdaman ko iyon ay tiningnan ko siya pabalik.
“Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagdating mo sa buhay niya o ano…” ani Anzai sa seryosong boses.
Yumuko ako at tiningnan ang aking sandals.
“Sino ’yong Trey?” malamig niyang tanong, ang boses ay parang may pinaparating.
“Family friend,” sagot ko sa maliit na boses.
“Sino ang mahal mo sa dalawa?” deritso niyang tanong kaya umahon agad ang aking mga mata para tingnan siyang muli.
He looks very ruthless when he’s serious. Kahit na alam ko namang hindi niya ako sasaktan, sa dilim ng kanyang ekspresyon ay kinakabahan parin ako.
“Si Isaiah,” sagot ko.
Tumango siya at itinuon ang tingin sa pinto.
“Mabuti.”
Ngumuso ako at pinisil na lamang ang aking mga kamay. Ngayon ko lang napagtanto ang kasalanan ko. Dapat pinaalam ko muna kay Isaiah na sasama ako kay Trey at kakain kami sa labas. O dapat ay tumanggi na lamang ako para hindi na kami umabot pa sa ganito. Hindi sana ako nagpadalos dalos. Nang dahil doon ay napahamak si Isaiah dahil sa akin.
Masakit parin ang puso kong nanghahapdi. Sinisisi ko parin ang aking sarili. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung sakaling malala ang nangyari sa kanya. I love him so much… But putting him in danger because of me will surely kill me. Mas gugustuhin ko nalang siguro na bitiwan si Isaiah kaysa iyong ako ang maging rason ng paghihirap niya.
Pero paano iyon? Mas mahal ko pa siya ngayon kaysa sa sarili ko. Mas mahal ko siya sa lahat ng bagay. Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung kaya ko bang mabuhay sa isang araw nang hindi siya nakakasama.
It’s frustrating… Ayokong bitiwan si Isaiah. Ayoko.
Pagkatapos tahiin ng kanyang sugat ay pinapasok rin naman kami sa loob. Nauna na ako lalo na’t nagpaalam rin si Anzai para bayaran iyong bill.
“I’m going to contribute, too,” sabi ko at inilalabas na ang aking pitaka kaso nagtuloy tuloy na ang paghakbang ni Anzai.
“Ako na. Just save your coins,” aniya.
Sumimangot ako. Anong coins! Hindi naman barya ang ibibigay ko! Maldito nga talaga itong si Anzai.
Nauna nalang akong pumasok roon sa loob. Nadatnan ko naman si Isaiah na nakaupo sa matress ng higaan habang topless at may bandage na ang gilid. Mukhang natahi na iyon.
“Kaano-ano niyo po ang pasyente, Ma’am?” tanong sa akin ng nurse.
Kumurap ako at napisil ng labi.
“Uh…”
“Girlfriend po ba kayo?” tanong niyang muli.
Ngumuso ako at dahan dahan nalang na tumango. Malalim naman akong tinitigan ni Isaiah, seryosong nakamasid sa akin.
“Kailangan lang ng pahinga ng pasyente, Ma’am. Mababaw lang naman ang sugat niya at mabilis rin ’yang gagaling. Pag nakaramdam siya ng kirot ay ito po ang gamot na iinumin niya,” aniya na ikinatango ko.
May inilahad siya sa aking isang pack ng tablet. Ibinigay niya rin sa akin iyong hawak niyang folder at pinapirma ako roon.
“Thanks…” sabi ko.
Tumango siya at sumulyap narin kay Isaiah.
“Maiwan ko na kayo. Maya-maya ay pwede kanang madischarge,” sabi nito bago tuluyang umalis.
Tiningnan ko ang kanyang sugat. Mukhang okay na siyang tingnan pero namumungay parin ang kanyang mga mata.
“Kaya mo bang tumayo? Paano ka papasok? Paano ka maglalakad? Eh mag-isa ka lang sa apartment, ’di ba? Makakakilos ka ba niyan?” nag-aalala kong tanong.
“Mababaw lang ang sugat ko. Kaya kong gumalaw,” aniya.
Bumusangot ako at sinamaan siya ng tingin.
“Sa susunod kasi Isaiah, pag tingin mo hindi mo naman kaya ay h’wag mo nang ipilit! Ang tigas rin ng ulo mo ayan tuloy nagkasugat ka!” Umirap ako sa kanya.
Sinenyasan niya akong lumapit. Naglakad ako patungo at huminto sa kanyang harapan kaso nagulat nalang ako nang bigla niyang hinila ang aking beywang hanggang sa mapunta ako sa kanyang gitna.
Hinaplos niya ang aking pisngi. Itinulak niya ang iilang hibla ng aking buhok patungo sa aking likuran habang ang isa niyang kamay ay nakapulupot parin sa aking beywang.
“Mas masakit pa ang sugat na nasa puso ko noong nalaman kong kasama mo siya…” pag-amin niya sa seryosong boses.
Namungay ang aking mga mata sa kanya. Nagloosen ang aking balikat at nahulog na ang tingin sa ibaba.
“I’m sorry… Sumama lang talaga ako dahil… Dahil gusto ko as friends nalang kami ni Trey. I didn’t know…” Napabuntong ako ng hininga. “I didn’t know my shallow desicion will put you in danger. Kung alam ko lang sana…”
Hinawakan niya ang aking baba para matingnan niya akong muli sa mga mata. Namumungay narin ang mga mata ni Isaiah habang seryoso ang mukha.
“H’wag mong sisihin ang sarili mo. Sa susunod kung may balak kang makipaglunch sa kanya, sabihin mo sa akin para masamahan kita.”
Ngumuso ako at natawa.
“Hindi na ’no! Hindi na ’yon mauulit. Ayoko nang magalit ka. Ang tigas mong suyuin.” Umirap ako at humalukipkip sa kanyang harapan.
Binasa niya ang labi at pinilig ang ulo para masilip ang aking ekspresyon.
“Narinig ko kina Castel na may balak palang manligaw si Trey sa’yo. Dumagdag lang iyon sa galit ko,” sabi niya habang hinahaplos ang aking pisngi.
Ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya.
“Bakit hindi mo ako tinanong? Manliligaw lang naman siya pero hindi ko naman sasagutin ah? I told you you’re going to be my boyfriend after my birthday! I told you we’re going to marry each other, someday! Bakit ka nagagalit agad?”
Ngumuso si Isaiah para sana itago ang ngisi pero sumilay parin iyon sa kanyang labi at lumabas na talaga, hindi na napigilang kimkimin.
“Ikaw ang sasagutin ko, Isaiah! Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pipiliin ko,” giit ko sa matapang na boses.
Isaiah chuckles softly while caressing my chin using his thumb. Tinitigan niya ang aking labi habang lumalabas ang kanyang dimple dahil sa munting pagtawa, ang mukha ay mas lalong gumagwapi dahil sa pagtawa.
“Wala lang ’yong lunch namin. Wala lang ’yon kumpara sa mga kainan nating dalawa,” sabi ko.
Humagalpak na si Isaiah.
“Anong kainan? Iba na ata ’yan?” Nanunuya niyang inilapit ang kanyang labi sa aking labi.
Ipinulupot ko naman ang aking kamay sa kanyang leeg at isinandal ang aking ulo sa kanyang noo. Pumikit si Isaiah at bumuntong ng hininga.
“Damn this… I am so inlove with you. Ayokong makita kang may kasamang ibang lalake bukod sa akin,” bulong niya sa malungkot na tinig.
Hinalikan ko ang tungki ng kanyang ilong.
“Sa’yo lang ako, Isaiah… I am so inlove with you, too… Ayoko ring may kasama kang ibang babae bukod sa akin.”
Dumilat siya at mas namungay ang mga mata. He leaned closer and brushed his lips lightly with mine. Nanunukso ang hagod noon at mababaw lamang ang halik na kanyang ibinibigay.
Parang may fireworks agad na sumabog nang lumapat ang kanyang labi sa akin. Nawawalan na naman ako ng pakialam sa lahat ng bagay at ang mahalaga lamang ay ang paggalaw ng kanyang labi na inaangkin ang bawat sulok noon.
Pumikit ako para madama ang tamis noon. Slowly by slowly, he deepened the kiss. Umalon agad ang aking tiyan at para na naman akong mapapaluhod dahil sa tuhod kong nanginginig.
“Natakot ako kanina noong tinalikuran mo ako. Natakot ako na baka sa huli, iba parin ang piliin mo kahit na handa naman akong ibigay ang lahat sa’yo,” bulong niya nang tumigil siya sa paghalik.
Tinitigan ko siya. Nabibitin ako sa kanyang halik pero gusto ko ring marinig ang kanyang sasabihin dahil sa boses niyang tila may kinikimkim na sakit.
“Desperado na akong malaman kung hahabulin mo rin ba ako pag ako ang tumalikod sa’yo. Susuyuin mo ba ako pag ako ang nagalit sa’yo. I am desperate to know if you’re going to do the same thing… Kung ikaw ang tumalikod, sigurado naman akong maghahabol ako. Kung ikaw ang galit, sigurado akong susuyuin kita. Pero paano kung ako? Nagbabaka sakali ako na sa pagkakataong ito ay parehas tayo ng nararamdaman dahil ayokong sa huli, kahit handa kong gawin ang lahat para sa’yo, sa huli ay iiwan mo parin ako. Sa huli ay tatalikuran mo rin pala ako.”
Nagulat ako sa pag-amin ni Isaiah. Minsan lang siya vocal sa kanyang nararamdaman kaya ngayon na isinasatinig niya iyon ay nalaglag na ang aking panga.
Nakakabigla ang mga narinig ko. Hindi ko alam kung anong isasagot lalo na’t pinipiga rin ang aking puso. Hinaplos ko ang kanyang panga. Hinalikan ko siya ng buong puso.
“Darn Isaiah… I’m really going to marry you… Siguradong sigurado na ako. I want to grow old with you. I want to be with you until my last breath. I… I love you, so much…” bulong ko sa kanyang labi.
Napatitig ng husto si Isaiah sa akin. Siya naman ngayon ang humalik sa akin, malalim agad ang atake noon at parang nang-aangkin ang bawat galaw ng kanyang labi.
“Sisiguraduhin ko ang bagay na ’yan dahil pagka graduate mo ay itatali agad kita sa akin at aanakan kita ng marami.”
Ngumisi ako at mas hinigpitan ang pagkakayapos ng aking mga kamay sa kanya.
“I’m very excited…”
27th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Cyril Orpia. Happy reading!
WARNING: SPG
Ulan
Doon lamang natigil ang aming halikan nang may biglaang kumatok. Pag lingon ko sa may pinto, naroon na si Anzai, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pinto.
“H’wag niyong gawing hotel ang hospital,” aniya.
Ngumuso ako at ibinalik ang tingin kay Isaiah na ayaw paring bitiwan ang aking beywang. Kumalas ang aking mga kamay na nasa kanyang leeg at napunta nalang sa kanyang balikat. Tiningnan niya naman si Anzai.
“Pwede na raw akong umuwi?” tanong niya.
Tumango si Anzai.
“Oo pwede na.”
Nagloosen ang balikat ni Isaiah. Ibinalik niya sa akin ang kanyang mga mata, sa aking labi. Pinatakan niya iyon ng mababaw na halik.
Nadischarge rin naman si Isaiah. Si Anzai ang nag-aalalay sa kanya. Napanatag rin ako noong sinabi niyang sa condo muna ni Isaiah si Anzai. Ayaw pa sana ni Isaiah pero hindi na iyon pinakinggan ni Anzai.
Masaya ako dahil kahit ulila si Isaiah, may mga kaibigan siyang katulad nila Anzai. May masasandalan siya. May tutulong sa kanya sa mga ganitong oras.
Sinundo rin naman ako ni Kuya. Katext ko naman si Isaiah. Now I’m wondering if he’s going to school tomorrow? Eh exam na bukas. I’m sure papasok parin iyon.
But the nurse told me na hindi naman iyon masyadong malalim. He can still walk. ’Tsaka mukhang may pain reliever naman siyang gamot, iyong ibinigay ko kay Anzai na ipainom kay Isaiah para mabilis itong gumaling.
Katext ko siya kahit noong nasa kuwarto na ako.
Ako:
Diyan ka nalang kaya sa condo ni Anzai? Pwede ka naman diyan.
Nagreply rin naman agad si Isaiah.
Isaiah:
May sarili akong apartment. Babalik rin ako roon pag magaling na ako.
Ako:
But why? Mabait si Anzai sa’yo kahit ang maldito niya.
Napairap pa ako nang maalala ang sinabi niyang coins. Hindi ko naman nakikita ang mga gamit ni Anzai na maluho ito. Eh puro tubig nga lang ang laman ng fridge niya! Nag-aaral ba ’yon? Saan siya pumapasok? Ilang taon na ba siya?
Ang reply ni Isaiah ang nagpatigil sa aking iniisip.
Isaiah:
Nagreview kana ba? Exam na bukas.
Shit… Pinaalala pa talaga! Nagreview naman ako last week pero dahil hindi niya ako pinapansin, lahat ng ipinasok ko sa utak ko ay para ring tumagas palabas sa tainga ko. Lahat ng ’yon ay limot ko na agad.
Nagtipa ako.
Ako:
Bukas pa.
Isaiah:
We’ll review together tomorrow.
Mabilis akong napangisi. Makakaconcentrate ba ako? Iniisip ko lang na mukha niya ang kaharap ko sobra na akong nadidistract.
Gumulong gulong ako sa kama. Natatawa ako sa pinag-iisip ko.
Nagtipa rin naman ako ng reply.
Ako:
Alright.
Isaiah:
Sleep now.
Isaiah don’t text much. Halata talagang hindi sanay sa mga ganitong bagay. He doesn’t really know how to text, at all… Hindi siya masyadong nagtatopic. Hindi rin masyadong marunong magreply. The ignorant Isaiah! That’s what he gets for being so snob with girls huh? Kahit sa text napaghahalataan eh…
Nagsimula rin ang examination. Kung ano ang subject na i-eexam ay doon lang rin ako nag-aaral. I really don’t do advance study. Pag advance study ako, makakalimutan ko rin agad iyon. I am not like Irah who loves to study in advance to store some stock knowledge in her brain.
Si Isaiah ang naging kasama ko magreview roon sa kalindary. Buti at mabilis kong nagegets ang mga turo niya. Ang galing niyang magturo. Mas naiintindihan ko pa siya kaysa sa pinagsasabi ng prof.
“Pag mataas ang result ng exam ko, may reward ba ako sa’yo?” tanong ko habang nagrereview ulit kami para sa exam bukas.
“Anong reward ba ang gusto mo?” tanong niya na nakahilig sa mesa, habang ako naman ay nasa kanyang tabi lang rin at hawak ang aking notes.
“Hmm… I’m fine with tusok tusok,” sabi ko.
Ngumisi siya sa akin. “Okay…”
“And we should celebrate yours, too! ’Di ba ay nanalo ka sa competition na sinalihan mo? You didn’t show me your medal.”
Ang ngisi ay agad namang napawi. May kaonting iritasyon pang dumaan sa kanyang mukha at nag-iwas siya ng tingin.
Sumimangot ako nang mapagtanto kung ano ang pinanggagalingan noon. Iyon iyong araw na nakita niya kaming magkasama ni Trey.
Hinaplos ko ang kanyang braso. Naramdaman ko pa ang bahagya niyang pagkagulat at tila napaso sa simple kong haplos. Nahulog ang kanyang mga mata roon ngunit agaran ring nag-iwas. So darn suplado!
“Lamang na lamang ka kaya kay Trey,” bulong ko sa kanyang tainga.
Hindi siya lumingon, tahimik parin kaya ipinagpatuloy ko ang pagbulong.
“You’re going to be my first boyfriend and my last. And we’re going to get married.”
I heard him chuckles. Humagikhik rin ako sa kanyang tainga. Nilingon niya ako at inangatan ng kilay. Tumitig pa siya sa aking labi at akma akong hahalikan. I anticipated for his kiss. Lumapit pa ako ng husto pero ang bwesit na si Isaiah ay umatras pa at ngumisi sa aking pagsunod sa kanyang labi.
Darn him!
Pinagtuunan ako ng oras ni Isaiah sa Algebra subject ko lalo na’t doon rin ako hirap. Binigyan niya pa ako ng mas madaling formula and luckily ay iyon pa ang mas nagegets ko. Naging ganado ako sa pagsagot ng aking exams at baon baon ko ang mga itinuro ni Isaiah sa akin.
“Ang bilis mong natapos!” gulat na sambit ni Elle pagkatapos ng aming exam.
Pinaglaruan ko ang aking ballpen sa aking daliri.
“I’m genius,” mayabang kong sabi at sinundan ng tingin si Irah na nauuna na agad lumabas.
Ikalawa akong nagpasa ng test paper, sunid kay Irah. Si Elle naman ang pinakahuling natapos.
“Halos mahimatay ako sa mga given problems! May pagtatawanan na naman si Kuya Blue…” Ibinaon niya ang kanyang mukha sa desk at nasabunutan na ang sariling buhok.
“Matatawa ’yon dahil sigurado akong parehas kayong bagsak.”
Ang mga sumunod na exam ay naging magaan nalang para sa akin. Masyado na akong confident sa pagsagot dahil tandang tanda ko sa aking utak ang bawat sinasabi ni Isaiah. Maybe I should stare and listen too much to my prof too… Ganoon ako kay Isaiah eh. Baka pag sa prof ay gumana rin.
After the exam ay pangisi ngisi nalang ako kay Kuya. Magkakasalubong naman ang kanyang kilay at mukhang naweirduhan sa akin.
“Let’s bet, Kuya,” sabi ko.
“Ano ’yon?”
Mas lumawak ang aking ngisi habang nasa backseat kami ng SUV ng biyernes na iyon at pauwi na.
“Pag mataas ang grades ko this periodical exam, you’re going to let me have fun in just one day…”
Napairap si Kuya roon. Isinaksak niya muli ang earphone sa kanyang tainga.
“Ganyan kana ka confident dahil alam mong mataas ang makukuha mo.”
“Yes! Of course! Kaya ano… deal?”
Hindi na ako inimikan ni Kuya at nagconcentrate na sa pamimili ng kanta sa kanyang cellphone. Tss. Bahala siya. Basta magcecelebrate kami ni Isaiah this Sunday! He’s going to treat me with tusok tusok!
Hindi ko lang iyon kay Kuya ipinagmayabang kundi pati narin kay Daddy, of course… Kahit si Mommy ay natuwa sa simple kong achievement. They both know I’m not really good at math. Pag balibaliktarin man subject na ’yan, talagang mahina ako. But because of Isaiah, I am improving!
“Ano bang gusto mong prize, princess?” ani Daddy nang pumasok ako sa kanilang kuwarto at nagmayabang ng husto.
“Nothing. Gusto ko lang gumala this sunday,” sabi ko habang nakaupo rito sa dulo ng kama.
Nagkatinginan sina Mommy at Daddy.
“Saan naman?” si Daddy.
“Somewhere… Kakain ako ng tusok tusok.”
Nanlaki agad ang mga mata ni Daddy. Si Mommy naman ay humagalpak ng tawa.
“Anong tusok tusok? Parang iba na ’yan ah?”
Ngumuso ako at nagpigil na matawa.
“It’s a pineapple with bugoong, okay!”
“Bagoong hindi bugoong,” ani Dad.
“Kaya nga!” sabi ko habang si Mommy ay panay tawa parin.
“I am not going to ask anything! Gusto ko lang talagang gumala. ’Yon lang,” sabi ko.
Tumango naman agad si Daddy. Si Mommy naman ay pinapahupa pa ang tawa at pinunasan ang luha.
Pumayag si Daddy sa munti kong hiling. Alam ko kasi noong nakaraang gala ko ay nagalit siya kaya baka pag nagpaalam ulit ako ay hindi na ako payagan. Sinisigurado ko lang dahil ayoko namang hindi matuloy ang celebration namin ni Isaiah.
Kaya noong Sunday ay sobrang saya ko nang magkita kaming dalawa. I wore an all black outfit. A button down body hugging dress paired with above the knee boots. Kulay itim iyon dahil alam kong nakaitim rin si Isaiah para match kami.
Umangat ang dalawa niyang kilay nang pasadahan niya ako ng tingin. Inayos ko pa ang aking cap na suot at ngumisi sa kanya na naka plain black tshirt, tattered jeans at black boots din.
“Ba’t ang hot mo?” tanong niya, magkasalubong ang kilay.
Natawa ako sa kanyang tanong.
“Is that a compliment?”
Hinila niya ako sa beywang. Ang kanyang isang kamay ay napunta sa dulo ng hem ng aking dress saka niya iyon hinila pababa.
“Hindi ako natutuwa sa suot mo,” sabi niya, nagkakasalubong parin ang kilay at tila iritado sa aking suot.
I chuckled on his chest. Kinuha ko pa ang aking cellphone sa aking sling bag saka kami nagpicture. The snobbish king named Isaiah just stared at me with irritation habang ang tamis ng aking ngiti sa camera.
“So darn cute!” sabi ko nang tingnan ko ang first photo namin together.
Nakayapos ang kanyang braso sa aking beywang, ang isang kamay ay nakabulsa habang matalim ang tingin sa akin habang ako itong nakasandal sa kanyang dibdib at sobrang tamis ng ngiti.
Kahit hindi ata siya ngumiti at simpleng pagkakasalubong lang ng kilay ay sobrang guwapo niya na.
Nagtungo rin naman kami sa public market na maraming tusok tusok. Panay lamang ako turo ng kung ano-anong pamilyar sa akin.
“These are kiamkiam, right?” tanong ko at itinuro pa iyong brownish na pagkain.
Napatingin ang mga tao sa akin. Tumango naman si Isaiah at ngumuso. Binilhan niya ako noon ng isa.
Kahit ano nalang ang pinagkakain ko. Naka dalawang pork siomai ako, isang plastic cup ng fishballs, isang orange egg, at maraming pineapples.
Umupo kami sa isang bench habang ang dalawa kong binti ay nakapatong sa kanyang isang hita at nakaharap ako sa kanya ng buo.
“So wala kayong event ngayon? Wala kayong gig?” tanong ko habang tinutusok iyong isang slice ng pineapple at hawak niya ang cellophane.
Tumango siya. “Wala…”
“Wala o pinacancel mo na naman?”
“Basta wala,” ani Isaiah at ngumisi pa sa akin.
Bumusangot ako. Mahalaga ang gig sa kanya. Iyon ang source of living niya. Baka panay utang na pala siya kay Anzai. Speaking of Anzai…
“Nakatira ka parin sa condo niya?”
Umiling siya. “Umalis rin ako agad. Mas gusto kong sa apartment nalang ako,” sabi niya.
“Ang arte mo naman! Pumapayag naman si Anzai ah?”
Nagkibit nalang siya at pinanood akong sumubo ng pineapple.
“Pero okay na ang sugat mo? Hindi na masakit?”
Umiling si Isaiah.
“Hindi na gaano.”
Tumango tango naman ako at sinubuan rin siya ng pineapple.
Kahit ano lamang ang pinag-usapan namin. Maaga pa naman kaya nagpasya kaming magtungo sa malapit na rides. Nilakad lang namin iyon dahil malapit lang naman habang nag-uusap parin kami ng kung ano-ano.
“Tuwing pasko at New Year, saan ka nagcecelebrate?” tanong ko.
“Kasama ko sina Anzai, Raziel at Lyle.”
“Wow… Ang close niyo pala talaga ’no?”
Tumango siya at inakbayan ako habang hawak na ang aking cap na suot.
“Eh ikaw? Out of the country?”
Tumango rin ako. “Yup. Nasa Canada ang dalawa naming pinsan kaya tuwing pasko ay naroon kami to celebrate with them.”
Hindi na siya umimik sa bagay na iyon at tumango nalang. Tumahimik rin ako habang tinatanaw ang mga ilaw sa dulo kung nasaan ang sinasabi ni Isaiah na mga rides.
Come to think of it… Sobrang layo ng estado naming dalawa sa buhay. I came from a very well known clan in Asia while he’s striving alone to reach his dreams. Ako kahit hindi na mag-aral ay kaya ko namang makakuha agad ng trabaho.
Pero imbes na iyon ang humadlang sa aming dalawa, pakiramdam ko ay mas lalo akong nahuhulog kay Isaiah. Naglalaro na sa aking utak ang future namin na kami nang dalawa ang nagtatravel. Ang rami kong naiisip na kasama ko siya. We’re going to travel alot and we’re going to live happily ever after. I am not fond with fairytales like how Mommy got addicted with it when she was young pero nangangarap narin ako na sana ganoon rin ka enchanting ang magiging buhay naming dalawa ni Isaiah.
“Excited na akong grumaduate,” sabi ko at tiningala siya.
“I am excited, too…” aniya at naglaro ang ngiti sa kanyang labi.
“Excited akong pakasalan ka,” sabi ko.
Lumawak agad ang kanyang ngisi at lumabas ang kanyang dimple.
“Excited rin akong anakan ka,” aniya at humagalpak.
Natawa ako at hinampas ang kanyang dibdib.
“Masakit ang manganak! Are you fine with 2 kids?”
“Hmm… I am planning a big family, Damonisse. Gusto kitang buntisin bawat taon…” pilyo niyang bigkas na ikinapula ng aking pisngi.
“I only want 2,” sabi ko.
“12,” si Isaiah naman na ikinalaglag ng aking panga.
“That’s too much!”
Isaiah chuckles with my reaction. Pulang pula na ako at nag-eenjoy pa siyang asarin ako.
Bago pa kami makarating sa dulo kung nasaan ang mga rides ay bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Sa aking gulat ay nagtitili na ako.
“Oh my gosh!” sigaw ko ng malakas.
Mabilis namang hinawakan ni Isaiah ang aking pulso at kapwa na kami tumakbo. Mas lalo lamang iyong lumakas hanggang sa naramdaman ko na ang tubig sa buo kong katawan. Nagmura si Isaiah nang mapansing basang basa na ako.
“Ang bagal mo!” Bigla siyang tumigil sa pagtakbo at humarap sa akin saka niya ako walang kahirap hirap na pinasan.
“Aaaaaahhh!” sigaw ko at nagpumiglas sa balikat ni Isaiah.
Para akong naging sako na isinampay niya roon at tumakbo siya ng malakas. Pinagpapalo ko ang kanyang likod habang tumatawa dahil sa kanyang pagmamadali.
“There’s no use! Put me down!” Mas nagpumiglas pa ako.
“Stop moving! Mahuhulog ka!”
“Aaaahhh!”
“Shut-up, Damonisse!”
“Aaaaahhhhh!” Malakas ko paring sigaw.
Tila naingayan na siya sa aking boses kaya ibinaba niya rin ako at lumuhod saka ako pinasakay sa kanyang likod. Humagalpak ako roon at niyakap ng mahiglit ang kanyang leeg.
“Shit!” mura niya nang kinagat ko pa ang kanyang leeg. “Ihuhulog kita!” pagbabanta niya kahit na sobrang higpit naman ng pagkakahawak sa aking mga hita.
Tumawa lamang ako hanggang pati siya ay natawa nalang rin sa pagtatakbuhan namin sa gitna ng malakas na ulan. Nag-iba siya ng landas at hindi na kami pumunta sa mga rides. Nagpasilong muna kami sa isang waiting shed saka siya pumara ng tricycle para makauwi kaming dalawa sa kanyang apartment.
“Pag umuwi kang basa ay baka magkasakit ka pa,” ani Isaiah.
Basang basa nga ako. Kahit ang aking underwears feeling ko ay sobrang basa rin. Ganoon kalakas ang buhos ng ulan.
Noong nakarating kami sa kanyang apartment ay katamtaman nalang ang lakas ng ulan sa labas. Pumasok kaming dalawa roon at nag-init agad siya ng tubig habang ako naman ay inaasikaso ang paghuhubad ng aking boots.
Yumuko ako at humawak sa may gilid ng mesa para hubarin iyon. Nang mapansin niya ang paghihirap ko ay nagtungo siya sa akin at bigla nalang akong inangat sa mesa para doon paupuin.
Humilig ako sa likuran at pinanood siyang buksan ang zipper ng aking boots. He’s already topless kaya naglakbay ang aking mga mata sa kanyang katawan hanggang sa tumigil iyon sa kanyang nakabandage na sugat.
Nahubad na ni Isaiah ang isang boots at inilagay iyon sa gilid saka niya muling inasikaso ang isa.
“Do you still drink your meds?” tanong ko.
Tumango siya, hindi makatingin sa akin at seryoso lamang sa paghuhubad ng boots ko.
Tumitig nalang ako sa kanyang katawan. Noong mahubad niya narin ang isa ay handa na sana siyang umalis sa aking harapan kaya mabilis ko siyang kinulong sa aking mga hita.
Nanunuya akong ngumisi sa kanya nang magkasalubong na ang kanyang kilay.
“Pwede naman lahat pagdating sa akin, ’di ba?” tanong ko, hindi alam kung ba’t iyon bigla ang lumabas sa aking bibig.
Unti-unting namungay ang kanyang mga mata, tila isang halimaw na agad na umamo dahil lang sa isang babae.
Umahon ako sa pagkakahilig sa likod at inilandas ang aking kamay sa kanyang katawan. I watched him curiously how he swallowed with my touch.
“It’s still raining and I’m cold. Wala ba tayong gagawin?” tanong ko sa marahang boses.
“Ano bang gusto mong gawin?” he asked me in his sleepy eyes.
“Uh… We can practice for our future, you know… We’re planning to have a baby and…” Namula ako at ngumuso habang hinahaplos ko ang bandage ng kanyang sugat.
“Don’t provoke me,” halos ibulong niya nalang iyon habang natatangay na sa kung anong sensasyon ang nakakalasing niyang paninitig.
“Am I provoking you? I’m just saying if we can practice… you know… like…” Hinaplos ko ang kanyang braso.
Pumikit si Isaiah at tumingala dahil sa aking ginawa. Napunta ang aking tingin sa kanyang leeg kaya inilapit ko ang aking sarili roon at hinalikan siya.
Nagmura si Isaiah. Nang dumilat ito ay nagbabagang apoy na ang kanyang mga mata. Ang paghagalpak ko ay hindi na natuloy dahil inangkin niya na agad ang aking labi sa mapusok at malalim agad akong hinalikan.
“I have my limit, Damonisse…” frustrated niyang bulong sa aking labi at halos higupin na ang aking lakas.
“Ayokong nagpipigil ka sa’kin, Isaiah. I think I’m ready…”
He groaned and kissed me like a wild beast.
“No, you’re not yet ready!” bigkas niya at hinawakan ang aking pwetan para kargahin ako saka niya ako idinikit sa pader.
Mahapdi ang pagkakatama ng aking likuran doon pero mas nangibabaw ang bolta-boltaheng kuryente sa aking katawan nang umangat ang aking dress sa balakang at itinulak lalo ni Isaiah ang kanyang sarili sa akin.
He kissed me with dominance. Ang kagustuhan kong makipagsabayan sa kanyang labi ay hindi ko magawa dahil masyado na iyong mapusok at nakakapanghina.
“Mababaliw ako sa’yo,” bigkas niya at bumaba ang halik sa aking panga habang ang kanyang kamay ay nanginginig na binubuksan ang botones ng aking dress.
Tumingala ako at napahawak sa kanyang buhok habang mariing nakapikit. Ang kanyang halik ay mas bumaba pa sa aking leeg na kahit ang kanyang dila ay nararamdaman ko narin sa aking balat.
“I’m already ready for this, Isaiah…” daing ko sa nagmamakaawang boses.
“You’re not!” aniya at pinisil ang aking dibdib.
Napaliyad ako sa rumagasang init sa buo kong katawan. Pilit kong inaalala kung may ininom ba akong nakakalasing o masyado ba akong nasobrahan sa pineapple kaya ganito na ngayon kainit ang katawan ko at sobra nang nalalasing sa sensasyon.
Bumaba ang halik ni Isaiah sa aking collarbone hanggang sa bumaba pa iyon at ang isang kamay ay pumasok na sa aking loob. Naramdaman ko agad ang pagluwag ng aking bra. Dumilat ako at nakita kung paano inangkin ang kanyang labi ang isa kong dibdib na nagpadaing sa akin ng husto.
“Shit, Isaiah!” I moaned so loud as I arched my back.
I felt his tongue played with my peak. Umiikot iyon roon at humahalik habang ang isa niyang kamay ay nasa dibdib ko at namimisil rin.
“Shit…” Mariin akong napapikit nang nagsimula namang bumaba ang kanyang haplos.
Bumalik ang kanyang labi sa aking leeg paakyat sa aking labi at hinalikan ulit ako ng malalim.
“Ah…” Isang daing na ang kumawala sa aking bibig nang maramdaman ko ang kanyang daliri sa aking gitna.
I am very aroused to think about what he did when in fact I like it alot! Ayaw ko siyang tumigil. I want him to touch him more. I want him to go deeper!
Ang isa namang kamay ni Isaiah ay nagpatuloy sa pamimisil sa aking dibdib habang ang kanyang dila ay bumyahe na sa aking panga patungo sa gilid ng aking tainga at nilaro laro roon ang kanyang dila.
Hibang na hibang ako sa init ng aking katawan. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Hindi ko narin makontrol ang aking daing na nakikipagkompetensya sa lakas ng ulan sa labas.
“Shit Isaiah!” Napahawak ako sa kanyang likod at nakalmot siya roon nang hinagod niya ng haplos ang aking panty.
“Fuck, Damonisse…” he groaned and suck my neck.
I can feel my wetness. Naririnig ko kung gaano ako kabasa roon dahil sa kanyang daliring walang sawa akong hinahagod. The pleasure is just too much that’s already blinding me.
Nakagat ko ang balikat ni Isaiah habang sinisimulan kong igalaw ang aking balakang para salubungin ang kanyang haplos. Isang hawi niya lang roon sa aking panty ay napasigaw na ako nang mas tumindi ang pagnanasa sa aking kabuuan.
His finger moved back and forth. Hinabol ko ang aking paghinga. Mas lalong naging grabe ang galaw ng aking balakang na kahit ang balakang ni Isaiah ay sumasabay narin kaya halos mawala na ako sa sarili kong huwisyo.
I felt myself convulsed. Ang aking boses ay lumabas na ng bintana sa sobrang lakas. Habol habol ko pa ang aking hininga nang kinarga niya akong muli at ibinagsak sa higaaan.
Nakapwesto ako sa dulo at kalahati lamang ng aking katawan ang nakahiga. Lumuhod si Isaiah at binaluktot ang aking binti. Bumangon ako at humilig sa aking mga kamay para panoorin siyang hinahalikan ang gilid ng aking hita.
He watched me with his dark eyes. Nakakapaso ang kanyang paninitig na bawat baba ng kanyang halik ay lumiliyab ulit ang buo kong katawan.
My breath hitched as I anticipated for his kiss between my thigh. I am just too confident he’s going to do it that’s why I gave him the full access and spread my legs more.
“Shit…” tanging mura na lamang ang aking nasambit at kinagat ang aking labi nang hindi nga ako nagkamali sa aking hinala.
“I’ll lick you hard with my tongue until you convulse in my mouth, Damonisse…”
Nanindig ang aking balahibo sa kanyang sinabi. Bago pa ako makaatras ay hinawakan niya ng ng mahigpit ang aking pwetan at hinalikan agad ako ng malalim roon.
Nanghina ako ng tuluyan at bumagsak sa kama. May narinig akong napunit pero masyado na akong dumadaing nang maramdaman ko ang kanyang dila roon.
The sensation is just too much that it’s already killing me! He licked me hard while pushing my butt back and forth just to suck me harder.
Hindi ko na makilala ang aking boses. Napahawak ako sa bedsheet. Umawang ang aking bibig. I can almost taste my climax. Sarado na ang aking isipan. Nabibingi na ako sa sensasyon. Ang aking katinuan ay lumipad na sa kung saan at ang tangi ko nalang nagawa ay sumigaw ng sumigaw.
I felt myself convulsed for the second time but Isaiah didn’t stop until I reached my third climax. Hinang hina na ako noong gumapang siya sa akin. Para akong gulay na hindi nadiligan kaya naging lupaypay nalang.
Dumilat ako at tiningnan ang guwapo niyang mukha. Hinaplos ko ang kanyang panga.
His intense eyes were still burning with so much desire. Ang apoy ay naglalaro roon at nakakapaso ang kanyang paninitig.
“You’re not yet ready so I’m going to slow down…” aniya nang maramdaman kong may ipinosisyon siya sa akin.
Napatingin ako roon. Umawang ang aking labi nang mapagtantong hubad na siya at ang matigas na tumutusok sa aking bukana ay ang kanya. His hard erection made me gulp.
“Oh God, Isaiah…” bigkas ko at hindi makapaniwala sa aking nakikita.
Huli na para umatras dahil kahit siya ay wala na rin atang balak tumigil sa gabing ito. And I am not planning to stop him to because I am really rooting for this day. This is one of my fantasies everytime he kissed me.
“Tell me if it hurts…” He started to push himself slowly. Mabilis akong pumikit at nakagat ng malakas ang aking labi. Damn it hurts!
“It hurts…” bigkas ko.
He tried entering me again gently. Umawang ang aking bibig at namatay na ang sensasyon sa akin. I think it wont fit! Hindi ko makalimutan ang kanyang kalakihan at parang imposible talaga iyong ipilit.
Ito lang ata ang tusok tusok na hindi masarap! I cannot!
Pero kahit masakit, kahit pakiramdam ko ay mamamatay na ako ay gusto ko paring tumuloy. I want him. Gusto ko ang nangyayari. Gusto kong markahan niya ang bawat katawan kong kanya. I badly want him inside me.
Sa huling tulak niya sa kanyang sarili ay naiyak na ako sa labis na sakit at pakiramdam ko ay may napunit sa akin. Isaiah showered my face with small kisses. Ang isa niyang kamay ay pinisil muli ang aking dibdib.
“Move, Isaiah…” pagmamakaawa ko.
“It’s too early. H’wag muna nating pilitin-”
“Pilitin natin, please…”
Nagkasalubong ang kanyang kilay, tila naputol na ang pasensya at unti-unti nang gumalaw.
He watched me intensely as he move on a slow pace. Mariin akong pumikit at ramdam pa rin ang sakit. I don’t know if I can adjust with the pain. It’s just too much!
“Slow down,” bulong ko.
Mas binagalan niya pa ang paggalaw ngunit ramdam ko kung paano niya iyon binabaon pabalik sa akin ng sobrang sagad. Sa bawat paggalaw niya ay may humahalo na roon hanggang sa nag-umpisa ulit akong dumaing at sinubukan naring salubungin ang kanyang galaw.
Lumuhod siya nang mapansing nakakaadjust na ako at binaluktot ang aking mga binti sa kanyang braso saka siya nag-umpisang gumalaw ng mabilis.
Umuuga ang kama. Isaiah groaned harshly as he moved with so much speed. Lumalabas ang kanyang ugat sa leeg at naliligo na siya sa sarili niyang pawis ganoon rin ako na hindi na alam kung saan kakapit.
Kasabay ng paghupa ng ulan sa labas ay ang kapwa pagdaing naming dalawa nang maabot namin ang dulo. Hinihingal niyang naibagsak ang kanyang sarili sa aking leeg. Niyakap ko siya at ramdam parin ang pag-iisa naming dalawa.
“Mahal na mahal kita, Damonisse…” bulong niya at hinagkan ako sa noo.
28th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Beverly Avila. Happy reading!
Sabik
“Bakit mo pinunit ang panty ko?” Pinaningkitan ko na ng mga mata si Isaiah nang makita ko sa sahig ang punit kong panty.
Ngumuso siya at dahan dahang nag-iwas ng tingin habang nakaupo sa kama. He’s just so guilty he can’t even look at me in the eyes!
“Anong susuotin ko pauwi?!”
Kinagat ni Isaiah ang kanyang labi at nagpigil na matawa. Masakit ang aking gitna at ramdam ko parin ang kapusukang ginawa naming dalawa kanina pero nang makita ko ang punit kong panty ay iyon na ang mas inaalala ko.
“Darn it, Isaiah!” Hinampas ko ang kanyang braso.
Humagalpak siya at sinalo ang aking kamay. Sinamaan ko siya ng tingin habang ang kanyang mga mata ay nanunuya sa akin.
“Just wear my boxers. Basa rin ang dress mo kaya ’yang tshirt nalang muna at shorts ko ang suotin mo pauwi,” aniya at hinila ang aking beywang.
Nahulog ako sa kanyang hita. Kapwa na kami bihis. It was still painful to move pero pinipilit ko nalang ang aking katawan.
“You’re crazy!” Kinurot ko ang kanyang braso.
Pumikit siya at niyakap ako saka niya ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg.
“Yes… I know…”
Ngumuso ako at inisip kung anong magiging reaksyon ni Daddy at Mommy pag nakita akong umuwing ganito. Lalo na si Kuya… Alam kong magsususpetsya agad iyon!
“I’ll slow down next time,” bulong niya at gumapang na sa suot kong malaki niyang tshirt ang kanyang kamay sa loob noon.
I don’t know if he even know that word. He’s very aggressive and he can’t even move slowly. Kung mag dadahan dahan man ay mabilis ring mapuputol ang kanyang pagtitimpi at bigla nang magbabago ang kilos.
Wala akong pinagsisisihan sa nangyari. I love him and I’m willing to give in. Gusto kong malaman niyang handa ako palagi pagdating sa kanya. Gusto kong mabura ang pinag-iisip niyang handa ko siyang iwanan para lang sa iba.
I want him to know that I am madly inlove with him, too.
Hinaplos niya ang aking dibdib. Wala parin akong suot na bra kaya malaya niyang nagawa ang kanyang gusto. Hinayaan ko siya roon.
“Bukas… Uhm… Pwede tayong dito nalang kumain sa apartment mo since uh… 3 hours naman ang ano ko.”
Tumigil si Isaiah sa kanyang ginagawa at hinanap ang aking mga mata. Namula ako sa aking sinabi at yumuko.
“You’ll get pregnant if we’re like this everyday, Damonisse.”
Kinagat ko ang aking labi at tinubuan ng hiya sa aking hiling. Kahit hindi ko isaboses ang gusto kong mangyari, ang pagyayaya ko rito ay siguradong napunto niya na agad.
Naaadik na ata ako.
“And you’re still sore,” dagdag niya pa.
“It’s bearable…” bulong ko nalang.
Isaiah chuckled. Sumimangot naman ako. Masisisi niya ba ako kung masyado niya akong winiwili sa kanya? I love doing anything when I’m with him. Game ako sa lahat ng bagay basta si Isaiah.
“We’ll do it again next time…” ani Isaiah.
Dahan dahang umahon ang aking mga mata sa kanya. Buhaghag ang kanyang buhok ngunit nakabalandra ang noo kaya sobrang gwapo niyang tingnan. I can’t even compare him with men in my age. His godlike visual is very dominant. Mapa pilikmata, makapal na kilay, brown na mga mata, matangos na ilong, hulma ng labi, ang pangang perpektong pagkakadepina… Lahat ng meron sa kanya ay wala kang maipipintas. God made him perfectly.
Wala sa sarili akong umabante at hinagkan ang kanyang labi. Agaran namang humagod sa mabagal na paraan ang labi ni Isaiah para pagbigyan ako sa aking gusto.
“I love you, Isaiah…” bulong ko, dalang dala na sa emosyon.
I felt him smiled as I tried to deepened our kiss. Dumilat ako sa namumungay kong mga mata. Natatakot ako na pag sinaktan niya ako, baka mabaliw ako sa sakit ng pang-iiwan niya. Hindi ko alam kung kaya ko ba.
Inalis niya ang kanyang kamay sa loob ng aking tshirt at hinuli ang aking palad sa aking kandungan. Dahan dahan niya iyong pinagsalikop saka niya ito inangat at hinagkan.
Pag kasama ko si Isaiah, palaging mabilis ang pag-usad ng oras. Kung kani-kanina ay nasa kama niya pa lang ako, ngayo naman ay nasa gate na ako ng aming bahay. Hinatid niya ako rito at heto ako sa pagitan ng gate, tinitingnan parin siya sa labas.
“Bye…” sabi ko na ikinatango niya roon habang nakapamulsa.
“Bye…”
Ngumuso ako at isinara ng kaonti ang gate kahit na sumisilip parin ako. Pinilig naman ni Isaiah ang kanyang ulo para mas makita ako ng maayos.
“I love you,” sambit ko sa maliit na boses.
Kinagat niya ang kanyang labi.
“I love you, Damonisse…”
Napangisi ako roon. Hindi naputol ang aming titigan. Kanina pa ako rito at hindi ko talaga kayang isara ang gate.
“Pumasok kana,” ani Isaiah sa marahang boses.
Tumango ako.
“Bye…” sambit ko sa hindi ko mabilang na pagkakataon kung ilang beses ko na iyong sinabi.
Isaiah watched me silently as I tried to close the gate. Pero bago pa siya mawala sa aking paningin ay binuksan kong muli iyon ng malaki at mabilis na tumakbo patungo sa kanya.
Sinalubong ni Isaiah ang mahigpit kong yakap. Bumuntong siya ng hininga at hinagkan ang aking leeg.
“Parang ayoko nang umuwi,” sambit ko sa malungkot na boses.
“Text?”
Umiling agad ako. “Iba parin pag kausap kita…”
Isaiah chuckles and caress my hair. Mas tumingkayad ako at mahigpit siyang niyakap. Hinilig niya naman ang kanyang baba sa aking balikat.
“We’ll talk tomorrow. We’ll see each other tomorrow,” he said, assuring me.
“Pero ang tagal pa.”
He chuckled again on my ear. Tahimik niya akong niyakap. Inamoy ko naman siya, kinakabisado iyon kahit na kabisadong kabisado ko na ito. I just can’t get enough… Palagi akong hindi nakokontento.
“Or I call later, hmm?”
Tumango ako sa kanyang sinabi pero ramdam ko parin ang lungkot. Ganito na ba ako kabaliw? Sinakop na ni Isaiah ang kabuuan ko. Kahit ang aking kaluluwa ay markado niya narin ata at inangkin niya naring kanya.
Hindi ko na naalala kung paano ko nakayang pumasok sa bahay noong oras na iyon. Nasa kuwarto na sina Mommy at Daddy. Ang tanging nasa sala lamang na nanonood ng tv ay si Kuya na may kinakain na popcorn.
Nilingon niya ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil alam kong mapapansin niya talaga ang suot kong panglalake.
“Ang rupok rupok…” nanunuyang sabi ni Kuya nang sinundan niya ang aking paglalakad.
Ngumuso ako at nagdahan dahan lang. I am still sore at ayokong mapansin niya iyon.
“Isusumbong mo ako?” tanong ko at umupo sa kanyang tabi.
Ibinalik niya ang tingin sa tv. Kumuha naman ako noong popcorn.
“Ba’t ko gagawin ’yon?”
“Gawain mo kaya ’yon. Sinusumbong mo ako para mapagalitan ako,” sabi ko at isinubo ang iilang popcorn na nakuha.
“Tss. Malaki na tayong dalawa.”
Ngumisi ako. Hindi niya ako nilingon at nagconcentrate lang sa panonood.
“Sana pala pinakilala nalang kita kanina. Hindi mo naman susuntukin, ’di ba?”
“Susuntukin ko siya pag sinaktan ka niya,” seryoso niyang bigkas.
Tumango tango ako. Kumuha ako ng iilang popcorn at tumayo rin naman para makapanhik na sa kuwarto.
“Goodnight, Kuya…” bigkas ko.
“H’wag masyadong padalos dalos baka sa huli ay umiiyak kana,” makahulugan niyang sabi kaya napalingon ako sa kanya.
Naroon parin ang kanyang mga mata sa tv. Ipinagkibit ko nalang iyon ng balikat at umakyat na.
Wala akong pinagsisisihan sa padalos dalos na desisyon kong iyon. I am already sure with Isaiah. Siya na ang gusto kong pakasalan. Siguradong sigurado na ako na hindi magbabago ang isip ko sa kanya. Walang makakapabago noon.
Hindi rin naman ako kayang saktan ni Isaiah. Hindi niya iyon magagawa sa akin dahil alam kong mahal niya rin ako. We’re both mutual with our feelings. Kung malaman man nila Mommy at Daddy ang tungkol sa amin ay hindi ko naman itatanggi ang bagay na iyon dahil nagmamahalan naman kami. I’ll tell them I’m going to be responsible with my feelings. Mag-aaral ako ng mabuti para pagka graduate ko ay malaya na agad kaming dalawa ni Isaiah kahit saan man kami mapadpad.
Sa gabing iyon ay tumawag nga si Isaiah. Hindi ko na naalala ang iba naming pinag-usapan kagabi dahil pagkagising ko ay nalowbat na ang aking cellphone. Nakatulog ako…
Hindi ko na maitago ang saya ko sa mga sumunod na mga araw. Palagi akong excited na makita siya. Palagi parin kaming sabay kumain tuwing lunes, miyerkules at biyernes at okay naman ang daloy namin ni Isaiah.
Ang prinoblema ko lang tuwing linggo ay ang hindi na pagpayag ni Daddy na umalis ako nang walang kasama. Kinukumbinsi naman siya ni Mommy minsan pero matigas na talaga si Daddy.
Paminsan minsan nalang akong pumupunta sa gig ni Isaiah. Hindi niya rin naman pinipilit at sinabi niyang mas mabuti ngang ganoon nalang muna dahil baka masyado nang nag-aalala si Daddy sa mga lakad ko. Nagtatawagan nalang tuloy kami.
Dumating rin ang semi-final exam. Si Isaiah pa rin ang katuwang ko sa pagrereview lalo na’t mas mabilis kong nagegets ang tinuturo niya at ang mga subjects ko pag siya ang kasama ko.
Hindi na nasundan iyong una naming gabi. Hindi niya rin kasi ako masyadong iniimbitahan sa apartment niya kahit gusto ko mang pumunta roon ay umiwas nalang daw muna kami sa tukso dahil baka mabuntis niya ako ng maaga.
“You can use a condom-”
“Shut-up, Damonisse…” Mabilis niyang tinakpan ang aking boses.
Narito kaming dalawa sa kalindary, kumakain. Nagyayaya ako na doon nalang kami kumain ng lunch sa apartment niya pero iniinsist niyang iwasan talaga muna.
Kumurap ako. Noong ibinaba niya ang kanyang kamay ay ngumisi na ako.
“Tama naman ah?”
He sighed and licked his lips. I smiled again cutely. Nailing siya sa akin.
“You’re such a tempt. Kung ganito tayo palagi karupok sa isa’t isa ay magkakaresponsibilidad talaga tayo ng maaga.” Nailing siya sa akin.
“I get it, Isaiah…” Tumawa ako ng marahan at humilig sa may mesa habang siya naman ay nagulo ang buhok at nafufrustrate naman.
“You’re still studying. Hindi ka pa pwedeng…”
“Oo nga. It was just a joke. May period rin ako ’no,” sabi ko at inilaglag ang tingin sa pagkain kahit medyo dismayado.
Kinagat niya naman ang kanyang labi.
“Ah… Sayang,” ani Isaiah kaya pinaningkitan ko agad siya ng mga mata.
“Now who’s the real tempt?!”
Humalakhak siya sa aking reaksyon, kagat kagat ang labi at naaaliw sa akin.
Umirap na lamang ako sa kanya kaya ang pilyong si Isaiah ay yumuko at kinagat ang aking tainga ng marahan. Sinapak ko siya roon kaya humagalpak siyang muli habang sinasalo na ang aking mga kamay.
“Highblood… Ang sarap tuloy pumaibabaw sa’yo.”
Namula ako ng husto. Mas lalo siyang humagalpak nang suntok na talaga ang balak kong gawin. Kani-kanina lang ang sabi niya ayaw niya tapos noong nalaman na may period ako inaakit na agad ako!
Pero may mga araw rin na muntik kaming nalalaglag sa ganoon pero may mga araw na puro lang talaga kami make-out lalo na pag magkasama kaming dalawa. Ako ang mapilit at siya naman ang hirap magpigil kaya sa huli ay ginagawa rin talaga namin. Iyon ang madalas naming ginagawa at doon kami laging nawiwili. Anzai even caught us kissing aggressively with each other! Hindi naman siya umimik. Wala siyang sinabi sa bagay na iyon at lumabas lang rin ng room sa back stage na parang walang nakita.
“Daddy, bukas gagala ako ha,” sabi ko nang sabado ng gabing iyon.
Makahulugan na ang titig ni Mommy sa akin. Napapansin ko na iyon simula noong nagpupumilit na ako palagi sa mga lakad ko tuwing linggo.
“Oh sige basta umuwi agad,” ani Daddy na abala noong oras na iyon sa dyaryo.
Hindi na siya gaanong mahigpit since I’m doing good with my studies.
Napangisi agad ako roon. Si Mommy naman ay sinenyasan akong lumapit sa kanya saka ito naglakad papasok sa kusina. Sumunod ako sa kanya roon.
Umupo ako habang siya itong nasa harap ng ref. Binuksan niya iyon at naglabas ng cake. Pinanood ko siya kung paano siya maglagay ng isang slice sa tig iisang platito saka rin ibinalik iyong cake sa loob ng ref.
Nagtungo siya sa akin dala dala iyong dalawang platito. Inilapag niya ang isa sa harapan ko kaya nginitian ko siya. Kumuha rin siya ng tinidor at ibinigay sa akin bago tuluyang umupo sa bakanteng upuan sa aking tabi.
“Hindi na tayo masyadong nag-uusap but you’re really doing great with your exam. Palaging malalaki ang marka mo. Are you inspired?”
Tumango ako kay Mommy at ginalaw ang aking cake. Wala namang nakakaalam ni isa sa amin ni Isaiah. I don’t really share it with anyone. I just don’t like the idea of exposing us when I am still minor at baka makarating kay Daddy at mapagalitan ako.
“Zera. You know you can share your secrets with me…” ani Mommy na naninimbang na ang mga mata sa akin.
Lumunok ako at dahan dahan siyang tiningnan. Ngumiti si Mommy at isinabit ang iilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tainga.
“I am very secretive when I was young and I don’t want you be like that to me. I know you’re inlove. Nababasa ko sa kilos mo.”
Ngumuso ako.
Wala naman talaga akong balak itago ito ng matagal. Eventually, they’re going to know about Isaiah. But for now I just want to keep it.
“Come on…” ani Mommy at nanunuyo na ang boses.
Bumuntong ako ng hininga at tiningnan siya sa namumungay na mga mata.
“He’s smart and he’s hardworking, Mommy… Ayoko lang sabihin dahil baka balaan ni Dad.”
Ayokong matulad kay Trey ang sa amin ni Isaiah. Palaisipan pa rin sa akin kung hindi naniwala si Trey kay Daddy na maghintay hanggang naka graduate ako ng kolehiyo, matagal na sigurong naging kami?
Ngunit bakit nga naman nagkakaroon siya ng girlfriend? At hindi ko na rin pinag-iisipan ang bagay na iyon. Kuya is right. I deserved someone like Isaiah. Some who would choose me first. Someone who would wait patiently without entertaining other girls. Every girls deserved a man like Isaiah.
“Oh Zera… I knew it… So it wasn’t Trey?”
Dahan dahan ulit akong umiling. Natawa naman si Mommy.
“Is he a scholar? May banda?”
Namilog ang aking mga mata. Ngumisi si Mommy sa akin.
“Noong nagtatanong ka sa akin tungkol sa scholar ay nagduda na ako. And you’re not really into bands dahil alam kong crowded ang mga ganyan and you hate those kind of places unless kung may pinupuntahan ka roon,” ani Mommy at ngumisi sanhi para manindig ang aking balahibo.
Ano bang maitatago ko kay Mommy? Kahit hindi ako magsalita, kahit itago ko ito, alam kong malalaman at malalaman niya dahil magaling niya sa bagay na iyon. Magaling siyang magmasid sa nangyayari sa paligid.
“I love him…” tangi kong nasambit.
Tumango si Mommy, na kahit wala naman akong sinasabing pangalan ay pinaparating niya na naiintindihan niya agad ang pinupunto ko.
“I’m going to support you, okay? Hindi naman kami hadlang sa kasiyahan mo. If you like him then go. We won’t stop you…”
Napangiti ako roon.
“You’re going to like him, Mommy. Ipapakilala ko siya sa’yo on my birthday.”
Tumango naman si Mommy.
“Hihintayin ko ’yon. But for now let’s just keep it with your Dad or else maga-grounded ka talaga.”
Fine. Usapan naman sa birthday ko. Edi sasabihin ko kay Daddy sasagutin ko na tapos boyfriend ko na agad. God. So much for having a strict father.
“Thanks, Mommy…”
“Know your limitations, okay?”
“Okay…”
Medyo naging magaan ang aking loob dahil alam na ni Mommy na hindi si Trey ang kinababaliwan ko at may mahal na ako. At isa pa, dalawang buwan nalang rin naman at birthday ko na rin. Ganoon naman kabilis ang araw kaya malapit ko naring maipapakilala si Isaiah kina Mommy at Daddy pati kay Kuya.
But Kuya knows him so I guess kay Mommy at Daddy nalang.
“Anong balak mo this semester break? Yayain kaya natin ang mga boys mag beach ulit. What do you think, Zera?” ani Elle sa umaga ng lunes na iyon.
I was busy doing my homework for tomorrow. Inaadvance ko nang gawin para ang aatupagin ko nalang mamayang gabi ay makipagtawagan kay Isaiah.
“Nakikinig ka ba?” Pinilig na ni Elle ang kanyang ulo para tingnan ako ng maigi.
Tumango lamang ako at binuklat ang libro para magbasa ulit lalo na’t doon nakabase ang homework.
Tiningnan narin ni Elle ang aking ginagawa nang mapansin niyang masyado akong concentrate roon.
“Teka… Bukas pa ’yan ah? Kailan ka pa naging ganito ka sipag mag-aral?”
Hindi ko siya sinagot at nagconcentrate ako roon. Takang taka niya akong tiningnan at pabalik balik na sa akin at sa libro.
“Maiba ako, Zera… Napapansin ko hindi mo na gaanong sinisilip si Trey tuwing naglalaro sila sa gym.”
“Shut-up, Elle. Hindi ako makaconcentrate,” iritado kong sabi.
“Bakit hindi mo na pinupuntahan si Trey? Siguro palihim na kayong nagdidate ’no?”
Umirap ako sa aking pinsan. Nang napansin niyang wala na talaga akong balak magsalita ay hindi nalang rin siya umimik.
Nakakasalubong ko naman minsan si Trey sa school. Sina Isaiah, Castel at Silas parin ang palagi niyang kasama. Pag naroon si Isaiah, hindi na ako masyadong nagtatagal sa harapan ni Trey. Nagpapatay malisya nalang ako na hindi ko sila nakita para wala akong rason na pansinin si Trey o nagpapanggap nalang na kunwari ay nasa ibang parte ang aking tingin.
I want to avoid some conflicts since the last time I approached him nicely ay hindi naging maganda ang kinalabasan noon sa amin ni Isaiah. Mabait naman si Trey at mukhang iniisip niya nalang na busy talaga ako sa school.
Sunday.
May gig sina Isaiah sa isang Bar. Hindi na ako nagtaka noong naroon na naman si Keesha. Ang sabi sa akin ni Lalaine, noong mga araw na hindi ako pumupunta ay napapansin niyang kinakausap niya si Isaiah pero hindi naman siya kikibuan o titingnan man lang. Hindi parin talaga sumusuko ang gagang ito.
“Buti at pumunta ka! Mas okay na nandito ka para walang pumapapel riyan kay Isaiah… Alam mo na…” ani Lalaine at pinaparinggan na naman si Keesha.
Umupo ako at hinawi ang aking buhok. I am just wearing a denim sando with ribbon paired with highwaist pants and boots. Nakatali ang aking buhok kaya litaw na litaw ang aking collarbone.
“Habang tumatagal lalo ka talagang gumaganda, Zera. Napaka fashionista mo pa…” si Maritez.
Tipid ko siyang nginitian at hinaplos ang aking buhok. Si Keesha naman ay hindi ako masyadong tiningnan. Naka sleeveless rin ang higad at nakashorts short. Grabe makapang-akit akala mo naman talaga kaakit akit.
Nagsimula rin namang magperform sina Isaiah ng iilang cover songs. Naka sampo silang kanta at tumagal ng dalawang oras iyon saka lang sila tumigil at nakihalo na ulit sa amin.
Noong tinabihan na ako ni Isaiah ay bumulong agad ako sa kanya.
“Alam na ni Mommy ang tungkol sa atin…”
Napalingon siya sa akin habang inaayos ang medyo magulo niyang buhok.
“Anong sinabi?”
“She told me it’s fine and she’s expecting to meet you on my birthday…” Ngumisi ako sa kanya.
Tumango siya. “How about your Dad?”
I wrinkled my nose. “Hmm… He didn’t know yet. But you’re going to meet him on my birthday, too.”
“ Eh kuya mo?“
“Di ko pa nababanggit sa kanya but I think he’s going to like you since you’re not playboy.”
Kinuha niya iyong beer at uminom. Akma ko narin sanang kukunin ang beer kaso mabilis niya na iyong pinigilan. Sinimangutan ko siya.
“Beer won’t harm me!” giit ko.
Imbes na pakinggan ako ay pinisil niya pa ang aking dalawang pisngi gamit ang isang kamay.
“Kailan ba kayo aamin?!” si Lalaine na ang nagsalita at mukhang hindi na nakaya.
Tumawa ako sa kanyang tanong. Kahit ang topic nila Lyle Raziel at Anzai ay naantala dahil sa kanyang boses. Sina Joy, Maritez at Keesha ay tahimik lang rin na sumulyap sa amin.
“It’s a secret,” panggagaya ko sa sagot noon ni Isaiah noong matanong rin kami ng ganito.
Inakbayan ni Isaiah ang aking upuan. Nag-iwas ng tingin si Keesha at kinuha iyong beer saka nilagok.
Ang huli naming pag-uusap ay iyong napahamak si Isaiah. Ngayon hindi na siya masyadong kumikibo at sina Lyle nalang ang kinakausap pero nararamdaman ko parin ang kanyang mga mata sa aming dalawa. I hate her.
Nagpaalam akong magcr. Katulad ng nakagawian ni Isaiah ay sinamahan niya ako. Ngumisi ako at mabilis siyang hinila sa cubicle. Napunto niya agad ang gusto kong mangyari at nagpatianod sa akin, tila sabik na sabik rin sa balak naming gawin.
“Let’s kiss for awhile, Isaiah…” sabi ko at ipinulupot agad ang aking mga kamay sa kanyang leeg.
Mabilis rin namang tumugon si Isaiah at nagawa pang buhatin ang aking pwetan saka niya ako isinandal sa pader.
“Fuck, Damonisse…” he groaned and kissed me deeply.
Ang hirap nga talaga kung parehas kaming palaging sabik sa isa’t isa.
29th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Jenelyn Tinga. Happy reading!
Desperate
Naging busy ang pasok ng buwan ng Oktobre. Final exam na at Intramurals ng school. May isang linggong celebration ang magaganap after ng duguang exam. I know I am still going to make it. Nariyan naman si Isaiah para tulungan ulit akong magreview kaya hindi ako masyadong pressured.
“May banda pala na pupunta sa school ’no?” ani Elle sa Martes ng hapong iyon habang nagpasya kaming kumain sa cafeteria.
Elle is really good at tsismis. Ewan ko kung paano niya iyon ginagawa pero magugulat nalang ako kung ano-ano na ang nakakalap niyang balita.
“Band?” tanong ko at natuon na sa kanya ang buong atensyon pagkatapos ilapag ang tray.
“Oo, banda… Magpeperform daw dito sa darating na Intrams. Sa first day of Intrams ata at ang sabi ay nag-aaral daw dito ’yung vocalist,” aniya habang hinahalo na ang kanyang spag.
Dito nag-aaral? Hindi kaya ang Chasing Sunset iyon? Pakiramdam ko ay banda iyon nila Isaiah.
“Ikaw, Zera… Mahilig ka sa banda?” tanong niya at sumulyap sa akin.
Nagkibit ako at kinuha na ang kubyertos saka ako sumubo ng baked mac.
“Okay lang,” sabi ko.
“Maiingay ’yon ’di ba? Sana naman acoustic band,” sabi niya.
“Imagine… Opening ng Intrams ng school tapos gusto mo acoustic.” Ngumiwi ako.
“Huh? Okay naman ah?”
Suko na talaga ako sa kanya. Umiling na lamang ako at tinutukan ang aking pagkain.
For sure magugulat sila pag nakitang si Isaiah ang vocalist. Ang rami-rami na naman ang magpafangirl sa kanya. Ang rami-rami na naman ang sisigaw ng kung ano-ano. Tulo laway na naman ang lahat marami na naman siyang mabibihag sa maganda niyang boses.
Kung may excited man ako sa mabilis na pag-usad ng araw ay ang nalalapit na sembreak. Gusto kong yayaing mag beach si Isaiah. Or at least camping? Basta iyong alam kong masosolo namin ang isa’t isa. Gagawin ko ang best ko sa last exam para payagan ulit akong umalis ni Daddy at sana ay makumbinsi ko siya sa overnight na plano ko.
Really Zera? At anong binabalak mo sa overnight ninyo ni Isaiah? Well… Sleep? Tss.
Sinabi ko narin iyon kay Isaiah, ang mga plano ko sa papalapit na sembreak. Pumayag naman siya since isang araw lang naman.
“Anong mas gusto mo? Beach or camping?” tanong ko habang kumakain kaming muli sa kalindary sa araw ng Miyerkules.
“Camping,” sagot niya.
“Where? Sa tuktok ng bundok?”
“Sa gitna ng kalsada.” Ngumisi siya kaya agaran akong bumusangot.
“You’re not taking me seriously! Seryoso ako!”
Isaiah licked his lips. Nanunuya parin ang kanyang ngisi at naglalaro naman ang kislap sa mga mata. Tiningnan ko saglit ang kanyang dimple pero sa huli ay napairap rin ako.
“Ikaw ang bahala,” aniya at hinawi ang buhok ko para mapunta sa aking likuran.
Kumalma naman ang aking ekspresyon at bumalik ang excitement na sandaling naglayas kanina. I smiled cutely and rested my hand on his thigh.
“Overnight… At tayo lang dalawa. Anong gagawin natin?” mahina kong tanong sa kanya.
Nalaglag saglit ang kanyang mga mata sa aking kamay na nasa kanyang hita pero agad iyong umahon, nakataas na ang dalawang mga kilay.
“Matutulog?” Inosente niyang hula.
“Matutulog pagkatapos magpagod?” dugtong ko naman.
Isaiah chuckled. Humilig siya sa mesa at pinaglaruan sa kanyang daliri ang kanyang buhok. Humilig narin ako para mas magkalapit ang aming mga mukha.
“Baka nga hindi tayo makatulog,” ani Isaiah.
I giggled softly. “Okay lang.”
Kinagat ni Isaiah ang kanyang labi at marahang pinitik ang aking ilong. My nose wrinkled and smirked at him.
“Nasa apartment mo pa rin ang damit ko. Kunin kaya natin? Umuwi kaya tayo roon. Total may ilang oras pa naman… What do you think, Isaiah?” I tilted my head to watched him closely.
“Gusto mo bang magboxers nalang sa next subjects mo?” Makahulugan niyang tanong at malalim ang paninitig.
Namula ako sa kanyang tanong pero rumagasa agad sa akin ang excitement. But I don’t want to lose another panty…
“Bakit ba pinagbaboxers mo ako?”
“Coz it’s one of your dreams? To wear Trey’s boxers. Tss.”
What? Humalakhak ako. Oo at sinabi ko iyon pero grabe naman, naaalala niya iyon!
Lumapit siya lalo sa akin. Amoy na amoy ko na siya at naaadik na naman ako sa kanyang pabango.
“Ayos lang naman sa akin…”
“Baka sa sobrang pagod di kana makalakad pabalik sa klase,” bulong ni Isaiah at hinagkan pa ang aking tainga.
Nanindig ang aking balahibo. He smirked while watching me intensely. Kumurap naman ako at halos naging speechless nalang.
“Next time?” I said cutely.
“Next time…” Tumango-tango naman si Isaiah.
Siguro kung mag-asawa na kami palagi lang kaming nasa kuwarto. Feeling ko talaga hindi na ako babangon pag katabi ko na siya sa kama! Hindi naman siguro magiging ganoon, right?
Nalihis rin naman sa ibang bagay ang aming topic. We talked about the upcoming Intramurals. So totoo pala talaga iyong nakalap na balita ni Elle na kakanta sila sa opening. Mga guwapo rin naman sina Lyle at Raziel lalo na si Anzai kahit napaka ruthless tingnan and I’m sure mabubulabog talaga ang gymnasium ng tilian idagdag pa ang vocalist na si Isaiah.
Ang pinaka highlight rin naman sa Intrams ay ang basketball game lalo na’t maglalaban ang 4th year vs 2nd year sa first day. May mga dadayo rin kasi rito sa school tuwing Intrams para sa basketball match na kasali sila Kuya at iba ko pang pinsan kaya talagang exciting.
Wala naman akong gaanong sinalihan but I’m going to participate. Magpeperform rin kasi kami sa araw na iyon at iyong performance namin sa P.E. ang isasayaw namin. But this time we’re going to perform the whole song at kaming lahat na ng babae sa subject na P.E. ang magpeperform.
Iyon na ang pinagkaabalahan ng lahat. Naghahanda sila sa Intrams at the same time ay pinaghahandaan din ang nalalapit na exam.
Kasama ko ulit na nagreview si Isaiah. This time ay sa apartment na talaga kami. Magrereview lang kami… Magrereview lang, Zera.
“This is quite hard…” Ipinakita ko sa kanya ang mahirap na given problem na example sa libro.
Kapwa kami nakasquat sa sahig habang nakahilig parehas sa kama kung nasaan nagkalat ang aming mga notebook kasama ang mga libro.
“Madali lang ’to kung itong formula ang gagamitin mo,” ani Isaiah sa seryosong boses at itinuro sa hawak na ballpen ang formula na nasa book.
“It’s still hard… Nalilito ako sa formula na ’yan.” Bumusangot ako sa kanya.
Kumuha siya ng scratch paper at may isinulat doon. Lumapit naman ako ng bahagya at tiningnan. Isaiah has a very nice penmanship lalo na’t left handed siya habang ako naman itong right handed. We’re really opposite…
“Ayan… Ganitong steps ang tandaan mo nang hindi ka mahirapan,” saka niya iyon inilagay sa aking harapan.
Tiningnan ko ito ng mabuti. Tiningnan ko rin ang explaination sa libro at sa ginawang example ni Isaiah at mas madali nga ang sa kanya.
“Try answering this problem using that formula,” aniya at itinuro iyong tinutukoy na problem.
Tumango ako at nagsimula naring magsulat sa scratch paper. Inihilig ni Isaiah ang kanyang kamao sa gilid ng ulo at tiningnan ako ng mabuti sa aking ginagawa. Gamit ang hawak na ballpen ay hinawi niya ang iilang hibla ng aking buhok at isinabit sa gilid ng tainga at malalim akong tinitingnan.
Nilingon ko siya. “You’re distracting me…”
Imbes na sumagot ay umabante lamang si Isaiah sa akin at hinalikan ako. Agad naman akong tumugon at nabitiwan ang hawak na ballpen saka ko ipinulupot ang ang aking mga kamay sa kanyang leeg.
Kinagat ni Isaiah ang aking labi at iginiya na ang aking beywang patungo sa kanyang kandungan hanggang sa nailagay niya ako roon.
Naantala ang aming pagrereview sa araw na iyon dahil sa mahaba habang make-out lalo na’t dalang dala na naman ako at gumagalaw na ang aking balakang habang nakaupo ako sa kanyang hita.
Wala talaga kaming nagagawang matino pag nasa mga ganitong lugar na. Kung hindi ako ang mag-iinitiate, si Isaiah naman ang bigla biglang manununggab! We are both addicted with each other!
“Ah! Isaiah!” daing ko na nang lumapat ang kanyang mga halik sa aking dibdib at nabuksan na ang iilang botones ng uniporme ng aking blusa.
It was a long make-out. Doon lang kami tumigil noong kapwa na mahimasmasan ang init ng katawan at balik ulit sa pagrereview na akala mo ay walang nangyari. Kapwa buhaghag ang aming buhok at kapwa namumula ang mga labi dahil sa pagkakagatan.
Sumapit ang exam. I got confident again while answering the test papers. Kung hindi ako ang mauunang magpasa, pangalawa ako minsan kay Irah. Ganoon na ako kabilis matapos na nalalaglag nalang ang panga ni Elle sa akin. Napasmirk nalang ako. Perks of having a smart boyfriend. Huh? Boyfriend? Future boyfriend, Zera.
Lunes na noong mapansin ko ang mala fiesta na hitsura ng buong school. May mga nakasabit na kung ano anong makulay na design sa itaas at handang handa narin ang malaking gymnasium sa magiging opening at performance ngayong araw.
“Oh my gosh! Nandito na iyong bandang magpeperform! Ang gugwapo!”
“I heard ang pangalan daw ng banda ay Chasing Sunset! Omg ang hot nila!”
“Crush ko na ata iyong maldito tingnan! I saw him oh my gosh he’s so hot and very attractive!”
“I can’t wait later!”
Iyon na ang bukambibig ng bawat estudyanteng nadaanan namin ni Elle habang patungo kami sa gymnasium. Kapwa kami naka pula since may bawat theme color per year. Pula sa mga first year, yellow sa mga second, white sa mga third and black naman ang mga fourth year.
“Ang lalandi naman ng mga ’to. I’m sure hindi naman kagwapuhan ang mga ’yan,” ani Elle na iritang irita sa ingay na naririnig.
“Mga nerd kaya ang mga kasali sa banda!” dagdag niya pa at iyon ang iginigiit habang papasok na kami sa gymnasium.
Umakyat kami sa ikalawang palapag lalo na’t doon mas maraming mauupuan. May limang baitang ang naroon na nakaikot sa kabuuan ng gymnasium at halos mapuno narin iyon ng mga students with their themed color tshirt and their long balloons.
Umupo kami sa ikalawang baitang. Inilapag ko sa aking tabi ang aking bottled water at inayos ang lace ng aking suot na top at sinuklay narin ang aking buhok gamit ang aking daliri.
Nagsimula ang program. Naroon ang MC sa gitna para sa opening remarks at mga kung ano-ano pa.
“We invited a band for this day at isa sa mga vocalist nila ay estudyante ng BTSU. Let’s all welcome the Chasing Sunset band!”
Naghiyawan agad ang mga students. Halos mabingi ako sa lakas ng kanilang boses habang lumalabas na sina Isaiah roon sa backstage at inuukupa ang kabuuan ng stage.
“Oh my gosh! Is that Isaiah?!”
“It’s Isaiah!”
“Oh my gosh! Guwapong guwapo pa naman ako sa kanya and now may banda pala siya?!”
Kahit si Elle ay laglag panga rin nang tiningnan si Isaiah roon na inaayos ang buhok na medyo magulo suot ang kanyang plain black tshirt, itim na pantalon at black boots. Tumatagas na ang kagwapuhan ni Isaiah roon at siya halos ang bukambibig ng mga students na hindi makapaniwalang ang snob na lalakeng iyon ay may itinatago palang ganyang talento.
“Ano ulit ang sinasabi mong mga nerd? Saan ang nerd diyan?” mapang-uyam kong tanong sa aking pinsan na namamangha narin sa kanila.
Hindi na siya nakasagot. Nakatitig nalang siya sa stage. Anzai is very ruthless in his all black outfit, too. Naka leather jacket ito at nagkakasalubong pa ang kilay habang nasa gitara ang tingin. Si Raziel naman ay ngumingisi at si Lyle ay kumakaway rin sa mga girls kaya nagsisigawan lalo.
Nagsimulang magperform sina Isaiah. Pamilyar na sa akin ang kanilang kinanta na nagpapahype ng mga students na winawagayway ang kanilang balloons at sinasabayan ang kantang Pangako by Cueshe.
Isaiah is doing some headbangs and singing his heart out. Nag-iiba talaga ito pagdating sa stage. Ang snob sa mga babae ay biglang nang-aakit ang tinig doon at nakakalasing ang kanyang bawat galaw.
“At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala! Pipilitin ko ang puso mong mahulog sakin…” Ngumisi si Isaiah at pumikit habang nakatingala.
Doon na sumabog ang mas malakas na tilian sa gymnasium. Nagsisigawan ang mga babae at may mga maaarte pa sa aking likuran na nagrereklamong hindi na makahinga dahil masyadong naaakit kay Isaiah. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin kaso masyado silang tutok sa stage kaya hindi na nila ako napansin.
Ang sarap magmayabang na akin si Isaiah pero ikinimkim ko nalang iyon.
“Ang guwapo ni Isaiah!” tili ni Elle pagkatapos nilang magperform.
“I think you’re really crushing on him,” inis kong bigkas at pilit hinuhuli ang mga mata niyang naroon parin.
“Ang swerte naman ng magiging girlfriend niya!”
Napairap na ako ng husto sa ere. She’s not listening! Nagiging lutang na naman siya dahil lang sa kagwapuhan ni Isaiah.
“Pero ang maldito noong gitarista nila ’no? Parang Isaiah the second lang kaso mas ruthless…” ani Elle at mukhang tinutukoy si Anzai.
Itinuon ko sa stage ang atensyon. They are now singing another song.
“Type mo ang ganyang boys?” tanong ko.
Agad siyang napangiwi. “Not really… Mas prefer ko iyong mabait at palatawa. Ayoko sa mga ganyan na lalake. Sasaktan ka lang lalo na’t badboy…”
“Badboys aren’t evil,” depensa ko at tiningnan si Anzai na seryosong naggigitara.
Umiling parin si Elle.
“He looks evil,” aniya at napaismid.
Mukha rin naman kasing sugo ni Satanas itong si Anzai. His eyes screams hell! Iyong pag titingnan ka ay mapapaso ka agad sa init ng impyerno. Parang ang expert niyang manakit ng babae.
Wala rin naman kasi akong masyadong background kay Anzai. Kahit kay Isaiah ay wala rin akong gaanong alam. I am still confuse with his parents. Namatay ba both? Hindi siya masyadong makwento pagdating sa ganoon at kahit si Anzai ay wala rin namang binabanggit ganoon narin sina Lyle at Raziel.
After their performance ay pumasok na ang dance troupe at inukupa ang open space sa ibaba. Namataan ko pa si Ken doon sa kabilang bleachers at ang lapad ng ngisi habang katabi si Wayt na nakahilig sa kanyang mga hita at seryoso lang na nanonood.
Napairap ako roon. They like girls who wears shorts short! Ang ningning sa mga mata ni Ken ay dinaig pa ang Meralco sa sobrang liwanag at ang labi ay halos mapunit na sa laki ng ngisi.
Umalis ako sa aking upuan dahil sa pagkauhaw. Agad namang tumayo si Elle para sumunod sa akin. Nagtungo kaming dalawa sa cafeteria habang topic namin iyong performance namin bukas.
“Kinakabahan ako dahil baka mahulog ako sa upuan…”
“Ba’t ka mahuhulog? Hindi ka naman tatayo roon. Uupo ka,” sabi ko.
“Iyon na nga! Paano kung madulas ang upuan at bumagsak ako! Paano kung mabali ang paa?! Nakakahiya!” Natataranta niyang pinaypayan ang sarili.
Inirapan ko nalang ito. Utak niya iyan eh.
Pagdating namin sa cafeteria, ang agaran kong napansin ay ang isang table na inuukupa nila Isaiah kasama ang kanyang banda. Naghahagalpakan pa si Lyle at Raziel at mukhang may topic na naman.
Maraming babae sa cafeteria na panay lingon sa kanila. Nakita ko pa ang isang babaeng palihim na kinukunan ng stolen picture si Isaiah habang kumakain at nakahilig ang isang kamay sa mesa.
Sa aking inis ay pasimple kong pinatid ang table na iyon kaya agad niyang nabitiwan ang cellphone at natilapon.
Gumawa iyon ng ingay kaya nagtinginan ang lahat sa akin, ganoon narin ang table ni Isaiah.
Laglag panga ang babae. Nilingon ko siya sa malamig na mga mata.
“Opse… Sorry,” matabang kong sabi at naglakad na patungo sa counter area para bumili ng maiinom.
“Pasensya na,” si Elle iyon. Nang nilingon ko ito ay siya ang pumulot sa cellphone na malapit sa paanan ng mesa nila Isaiah at ibinalik iyon sa babae.
“It’s okay Brielle,” sabi noong student na nginitian niya at nagtungo rin naman sa akin.
So much for being plastic.
Bumili ako ng sprite ganoon rin si Elle. May pamilyar na mga boses ang namayani sa cafeteria kaya napalingon agad si Elle roon.
Nilingon ko narin ang naghahagalpakang kambal.
“Dinaig pa talaga ang asong ulol pag may mga babae nang nakikita! His face is so epic!”
“Si Ken pa,” si Red naman at mas lalo silang naghagalpakan.
They’re probably talking about Ken’s behavior when he’s around with girls. Nagmumukha kasi talaga iyong parang asong ulol na naglalaway na. Ew!
Nakarating rin naman ang dalawa sa aming likuran. Inakbayan agad ni Blue si Elle. Si Red naman ay ngumiti sa akin at tiningnan ang aking hawak.
“Goodluck sa inyo bukas. Elle is really nervous,” aniya.
“You can do it! Magpapabanner kami bukas to support you,” si Blue naman at ginulo pa ang buhok ng kapatid.
“Stop it!” si Elle naman na tinawanan lang ng kambal.
Umalis rin naman kami roon. Nagsulyapan lang kami ni Isaiah sa aming mga mata at tiningnan pa ang aking suot. Sina Raziel at Lyle ay mukhang hindi na nag-abalang tawagin ako at ipinagpapasalamat ko rin ang bagay na iyon. The twins are quite nosy including Elle. Tatadtarin nila ako ng tanong.
Mga bandang 6PM noong magsimula na ang basketball game. Inukupa lahat ng students ang mga bleachers at kanya kanyang sigaw ng pangalan at team. Naka black jersey ang 4th years at naka red jersey naman ang mga 2nd year.
It was a tough battle. Bawat galaw ni Isaiah ang sinusundan ko at minsan ay mabilis pang nababawi ni Wayt ang bola saka siya tumatakbo sa kabilang ring habang nagd-dribble at magt-three point shot.
“Go Delafuente!”
“Delafuente! Delafuente!”
Wayt was so serious while playing. Nang marinig naman ni Ken ang aming apelyido ay ngumisi agad siya sa mga girls kaya nagtilian ang lahat.
“Loser!” sigaw ko kaya mabilis akong nilingon ni Ken na kahit si Kuya ay napalingon sa akin pati narin ang kambal.
Sinamaan ako ng tingin ni Kuya. Si Ken ay sumimangot pa at nagsiilingan ang kambal.
Tumawa si Elle sa aking tabi. “Weak ka, Ken!”
Nagtawanan kaming dalawa nang masira ng husto ang kanyang ekspresyon habang hinahabol ang bola na hawak ni Isaiah. Bago niya pa iyon maabutan ay nag 3 point shot agad si Isaiah kaya kapwa kami pumalakpak ni Elle.
Itinuro kaming dalawa ni Ken at nagthumbs down sa amin. Hindi naman kami tumigil sa kakasigaw ng kung ano-ano kaya sobrang distracted si Ken at hindi talaga nakakapuntos.
Nanalo ang second year laban sa fourth year. Wayt is just too aggressive at panay ang kanyang 3 point shot! Maganda naman ang laban iyon nga lang ay tinambakan talaga ang team nila Trey.
The next day ay ang performance naman namin ang aking pinagtuunan ng pansin. Sa gabing iyon ay katext ko pa si Isaiah. He’s quite worried kaya natatawa ako sa kanya.
Isaiah:
Don’t spread your legs too much tomorrow.
Nagtipa agad ako habang nakangisi.
Ako:
Crazy! Parte iyon ng steppings namin! Finish our performance, okay? H’wag kang magwalk-out.
Isaiah:
Hmm, not sure.
I giggled while typing.
Ako:
I’ll dedicate my dance for you. I’m going to dance sexily to seduce you.
Isaiah:
Fuck…
Tumawa ako ng malakas. Naiimagine ko ngayon ang kanyang mga matang namumungay na ngayon at ang labing nakaawang. It was very erotic to imagine him in that way with his hand on his… Oh stop it, Zera!
Kaya ganadong ganado agad ako noong araw na iyon dahil alam kong tititig ng husto si Isaiah sa akin. Nasa locker na ako habang nagbibihis ng aming susuotin sa performance. They already did our make-up at uniform kaming lahat habang nakalugay lang ang aming mga buhok suot ang fit na black long sleeve paired with leggings. Kung may mahahighlight man sa aming performance iyon ay whole song na ang aming sasayawin and may effects na such as smokes and neon lights.
Paglabas ko, ang agaran kong napansin ay ang mga students na nagtatakbuhan. Inayos ko ang sleeve ng aking suot at nabwesit pa nang mabangga ako noong isa.
May banda ba ulit? Why are they so hype?
“Zera!” sigaw ni Elle sa akin, namumutla at bihis na bihis narin.
Masyado ba siyang nininerbyos at mukha nang kulay papel ang kanyang mukha?
“Zera! Oh my gosh! Si Trey!” Tumakbo siya sa akin, hingal na hingal at hinahabol ang paghinga.
“Huh? Talk slowly Elle…” sabi ko at tiningnan itong humilig sa kanyang mga hita at may itinuturo.
“Si Trey! Si Trey sinuntok si Isaiah!”
“What?!”
Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin at tumakbo narin ako. Bumilis agad ang kalabog ng aking dibdib. Tumakbo rin si Elle at sinundan ako.
Ang agad kong napansin ay ang mga students na may pinagkakaguluhan. Mabilis akong sumiksik doon hanggang sa tumambad sa akin si Keesha na buhaghag ang buhok, nanginginig sa takot yakap yakap ang sweethearts top niyang hindi na nakabutones at halos malantad na ang dibdib. Her hair is quite messy, too. W-What happened to her?
Mabilis kong nilingon si Isaiah na nakaupo na sa sahig at pinunasan ang dumudugong labi habang pinapalibutan siya ng mga guards at sa kanyang harapan ay naroon si Trey, galit na galit at nakakuyom pa ang mga kamao.
“You’re so desperate, Isaiah! What gotten into your mind?!” galit na sigaw ni Trey habang pumapaibabaw naman ang iyak ni Keesha sa kanyang likuran.
“What’s happening, Trey?!” Umabante ako.
Napalingon sila sa akin maliban kay Isaiah na nakayuko lang at walang balak na tumayo, ni wala ring balak na sumulyap sa akin.
“Anong nangyayari?!” sigaw ko nang hindi agad ako nakakuha ng sagot at tiningnan si Keesha na matalim ang tingin sa akin sa kabila ng mga luhang umaagos.
“Isaiah did something to Keesha,” ani Trey sa matigas na boses.
Nagtataka kong tiningnan si Isaiah at ibinalik kay Trey. Gulong gulo parin ako. Humagulhol naman lalo si Keesha.
“Isaiah molested me!” sigaw niya sa nanginginig na labi.
W-What?
30th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Aretha Blaize Cozette Janio. Happy reading!
Sana…
Natulala ako ng ilang sigundo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa sinabi ni Keesha pero habang pinapanood ko siyang umiiyak at takot na takot ang mukha ay hindi ko magawang tumawa.
Isaiah… Isaiah molested her? Isaiah can’t even look at her in the eyes! Paano iyon? Baka naman tulog siya buong araw at nanaginip sa sobra niyang pag-iisip na magugustuhan rin siya ni Isaiah.
“It was all your fault!” sigaw niya sa akin at itinuro ako sa galit na mukha.
“Keesha. Walang kasalanan si Zera rito,” ani Trey ngunit umiling lang si Keesha.
“No… You don’t know anything, Trey! Plano itong lahat ni Zera! She told me Isaiah likes me! She lured me to like Isaiah back just to get you!”
Napaawang ang bibig ni Trey at takang taka akong nilingon. Napalunok ako roon. This bitch is crazy!
“Alam ng lahat kung gaano siya kabaliw sa’yo. Alam mo kung gaano ka niya kagusto kaya noong nalaman niyang nililigawan mo ako ay nagalit siya! She used Isaiah to get you! K-Kaya kita binasted dahil p-pinaniwala niya akong g-gusto ako ni Isaiah at ngayon… At ngayon marahil ay inutusan niya rin si Isaiah para wala nang hadlang sa inyong dalawa…” Bumuhos lalo ang kanyang mga luha at tinakpan ang mukha.
Rumagasa agad ang aking sa aking sistema pero nangibabaw ang takot. Sa tingin ni Trey, ang kanyang mga mata ay takang taka at hindi makapaniwala sa narinig.
“Is that true, Zera?” tanong niya sa akin.
Kinagat ko ang aking labi. Yes… Yes it’s true pero sa umpisa lamang iyon! Isaiah told me he likes her kaya ko siya nilapit lapitan.
“Zera,” tawag ni Trey sa baritonong boses na kahit hindi naman malakas ang kanyang boses ay nagulat na ako.
“Close silang dalawa! Saksi ako r-roon, Trey! Zera planned all this t-to pushed me away from you…” ani Keesha at halos habulin ang hininga.
“Ba’t mo…” Hindi na halos madugtungan ni Trey ang kanyang tanong at nasa akin parin ang mga mata. Litong lito parin.
“U-Umamin kana, Zera!”
“Shut up you bitch!” sigaw ko sa galit. “Napakasinungaling mo! Baka nga… Baka nga-”
“At ako pa ngayon ang babaliktarin mo?! You manipulated me! Hindi ba at totoo naman?! You used Isaiah to lure me! Para mailayo ako kay Trey! Hindi ba?!”
Matalim ko siyang tiningnan habang nanlalabo ang aking mga mata. Hindi agad ako nakasagot. Shit!
“Zera,” bigong tawag ni Trey sa akin.
Napatingin ako sa kanya habang pinipigilan ang aking mga luha.
“Is that… is that true?” marahan niyang tanong at tila gusto nalang kumpirmahin ang kanyang iniisip sa aking bibig.
Bumuhos agad ang aking mga luha. Hindi ako dapat maiyak sa simple niyang tanong pero hindi ko na napigilan.
Tumango ako at yumuko.
“Totoo pero…”
“See?! You’re the mastermind behind all this things and you even lured Isaiah to… to molest me-”
“Tama na!” sigaw ni Isaiah at tumayo.
Pumikit ako habang pinapalis ang aking mga luha. It was true. I did that to lure her to Isaiah… I did that to pushed her away to Trey. Pero sa kalagitnaan ay nagbago iyon. Sa kalagitnaan ng aking kagustuhang makuha si Trey ay nahulog ako kay Isaiah.
“Totoo ba ang lahat ng ito, Isaiah?!” sigaw ni Trey.
“Ako lang ang may kasalanan dito kaya h’wag niyo nang pinapasa sa iba,” malamig na sabi ni Isaiah.
Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha. Kahit anong punas ko, kahit anong kimkim ko roon ay pumapatak sila. Masyado akong nabablangko sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Hindi ko alam kung anong iisipin. Masyado akong nagugulat.
Dumating ang Mommy ni Keesha. Dumating rin sina Daddy at Mommy. Pinatawag ang aming mga parents para isettle iyon pero maliban kay Isaiah. No one’s coming for him…
Iyak parin ng iyak si Keesha kahit nasa loob na kami ng office. Nakayuko lamang ako at pinupunasan ang aking mga luha. Kinakabahan ako sa nangyayari. Natatakot ako para kay Isaiah.
“Ayon sa mga nakakita, kinaladkad daw ni Mr. Silvestre itong si Miss Apolinario sa isang Restroom. Ilang minuto ang lumipas ay nagtatakbo na itong si Miss Apolinario at humihingi ng tulong habang sira na ang butones ng damit at buhaghag ang buhok.”
Nanindig ang aking balahibo roon at napatingin sa Prof na nagsalita. Gulat lahat ng aming mga mukha habang si Isaiah ay nakayuko parin at nakahilig lamang sa kanyang mga hita.
Tumayo ang Mommy ni Keesha at bigla nalang sinugod si Isaiah.
“Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa anak ko?! Demonyo ka!” sigaw niya at alit na galit itong sinampal at pinalo sa kanyang bag.
“Tama na, Mrs. Apolinario,” awat ni Daddy at ibinalik ito sa kanyang upuan.
“Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo sa anak ko, hijo! You can’t get away with this! Gagamitin ko lahat ng koneksyon ko makulong ka lang!” Tinuro niya si Isaiah na walang imik at nakayuko parin.
“Teka lang Mrs. Apolinario. We don’t know anything, yet. H’wag agad tayong padalos dalos-”
“Kinakampihan niyo ba ang nambastos sa anak ko?! Hindi pa ba sapat ang mga pasa sa katawan niya?!” putol niya kay Mommy.
Agad kong tiningnan ng maigi si Keesha. May pasa nga ito sa kanyang pulso. Umiiyaj parin siya at kanina pa hindi tumatahan.
Walang CCTV sa mga Restroom kaya mas lalong mahihirapang makita kung ano talaga ang nangyari at maibabase nalang iyon sa mga nakakita o pagkakalahad ni Keesha.
Napayuko ako at bumuhos lalo ang aking mga luha nang mafrustrate na ako sa kakaisip ng paraan. This mess is just too much! Gusto kong magsalita para kay Isaiah pero hindi ko alam ang sasabihin. Masyado akong nagugulat.
“Hindi naman sa kinakampihan ko si Mr. Silvestre pero ang akin lang ay tingnan muna natin ang bawat anggulo,” ani Mommy.
“My wife is right, Mrs. Apolinario. Baka may misunderstanding lang dito,” si Daddy.
“Anong misunderstanding?! Hindi niyo ba nakikita ang hitsura ng anak ko?! He molested my daughter!”
“Hindi iyon totoo,” giit ko sanhi para mapatingin silang lahat sa akin. “Keesha likes Isaiah alot at baka gawa gawa niya lang ito! Isaiah can’t even look at her in the eyes-”
“Shut-up, Zera! Kasalanan mo itong lahat! Kasalanan mo ito! Kung hindi rin naman dahil sa’yo ay hindi iyon magagawa sa akin ni Isaiah! You told me he likes me! Sinabi no iyon ’di ba?! You lured me to him to get Trey! Masyado kang nagseselos dahil nililigawan na ako ni Trey kaya ginamit mo si Isaiah para hindi ko siya sagutin!”
Matalim agad ang tingin sa akin ng kanyang Mommy at nasa akin na ang buong atensyon.
“Ano?! You little brat-”
“Excuse me, Mrs. Apolinario. You’re talking to my daughter,” putol naman ni Mommy sa kanya.
Nailing si Mrs. Apolinario at dismayado na ang mukha.
“Kaya pala! Kaya pala kinukunsinte niyo ang mali ng inyong anak at kinakampihan ang nambastos sa aking anak dahil sangkot ang inyong anak! Wow! This expensive school is not fair!” Tumaas ang boses ni Mrs. Apolinario.
“Wala kaming kinakampihan rito pero kung pagsasalitaan niyo ng kung ano-ano ang anak ko ay ibang usapan na iyon,” si Mommy sa malamig na boses.
“Alam kong ina ka kaya mo kinakampihan ang anak mo pero ina rin ako! Kung kayo ang nasa katayuan ko ay baka mas masahol pa ang gawin niyo maprotektahan lang ang inyong anak! He molested my daughter and he needs to be punished! Kung hindi iyon ibibigay ng eskwelahan at ipipilit niyo ang gusto niyo ay idadamay ko ito sa pagsampa ng kaso. You are being all unfair!”
My Mom remained silent. Alam kong naiintindihan niya si Mrs. Apolinario sa parteng iyon.
Hinaplos ni Daddy ang kanyang siko at inilingan ito para pakalmahin si Mommy saka niya ako tiningnan.
“Totoo ba ang sinasabi niya, Zera?” tanong ni Dad sa akin.
“Of course, Zera can’t do that!” si Mommy.
Yumuko ako at tinakpan ang aking bibig dahil sa hagulhol na tumakas doon.
“I-It was true D-Daddy… P-Pero s-sa u-umpisa l-lang naman i-iyon-”
“See?! She manipulated me, Mom! Siya ang mastermind-”
Bago pa matapos ni Keesha ang kanyang sasabihin ay mabilis na akong tumayo. Sa aking galit, sa naninikip kong dibdib ay nilapitan ko siya at sinuntok ang kanyang bibig.
“Zera!” Mabilis akong hinila ni Daddy.
“That bitch is talking bullshit, Daddy! Sumusobra na siya!” sigaw ko at pinalis agad ang mga luha.
Dumugo agad ang kanyang ilong dahil sa aking ginawa. Dumaing siya sa sakit kaya mas lalong tumalim ang tingin ni Mrs. Apolinario sa akin.
“How dare you! Napaka brat mo! I will really file a case for this! Hinding hindi ko ito mapapalampas! Ang anak ko na nga ang minolestya, imbes na ako ang kampihan niyo ay ganito pa kayo! This expensive school is nothing but a trash! Kung hindi kayo makikipagcooperate sa akin at parusahan ang may sala then might as well we fight this in court…” ani Mrs. Apolinario sa matigas na boses.
Nagloosen ang balikat ni Isaiah at tumayo. Ang kanyang mga mata ay malamig at walang kabuhay buhay.
“Inaamin ko ang pagkakamali ko at handa akong tanggapin ang parusa, Ma’am,” sabi niya na ikinalaglag ng aking panga.
“What?! Isaiah, no! We both know that lunatic girl-”
“Tama na. Nadala lang talaga ako kaya ko iyon nagawa sa kanya at pagbabayaran ko iyon. Aakuin ko lahat total ako naman ang nangmolestya,” malamig niyang sabi at nalaglag agad ang mga mata sa sahig.
Umiling agad ako. Gusto ko siyang lapitan pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Daddy sa akin. He’ taking all the blame! Sinasalo niya lang ang lahat ng ito! I know him well! Naniniwala ako sa kanya na hindi niya iyon magagawa.
“Hindi niyo na kailangang idamay ang school at si Zera sa kasalanang ginawa ko Mrs. Apolinario. Handa akong umamin sa kasalanan ko,” ani Isaiah nang tingnan niya ito.
Humagulhol ako ng husto. Hindi ito pwede! He’s innocent!
“H’wag kang magsinungaling, please!” Nagpumiglas ako kay Daddy.
Nang bitiwan niya ako ay mabilis kong pinuntahan si Isaiah at niyakap agad ito.
“Wala kang kasalanan! Kilala kita, Isaiah! Please don’t do this! Please!” Pagmamakaawa ko at mas niyakap siya ng mahigpit.
Inihilig niya ang kanyang mukha sa aking leeg at bumuntong ng hininga roon.
“Stop defending me… Ako dapat ang nagtatanggol sa’yo, hindi ikaw…” bulong niya na ikinahagulhol ko lalo.
“Isaiah please! Don’t do this please!” Mas lalo lamang akong umiyak, nananalangin na sana ay magbago ang kanyang isipan at bawiin ang kanyang inamin.
Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking leeg dahil sa kanyang mga luha kasabay ng paglapat ng kanyang labi roon sa aking balat at pinatakan iyon ng halik.
“I’m going to miss you, Damonisse…” bulong niya sa garalgal na boses.
Parang sinaksak ang aking puso. Para akong binagsakan ng mabibigat na bagay sa aking mga balikat at sobrang hirap na akong huminga. Bumuhos lamang ang mga luha kong walang tigil nang umagos.
Hindi ko ito kaya. Hinding hindi ko ito makakaya. The pain is just killing me too much.
Why does he needs to do this? Bakit kailangan niyang saluin ang lahat?! Bakit palaging ako nalang ang kailangan niyang ipagtanggol! Paano ang sarili niya! Paano siya?
May kumatok doon saka iyon bumukas.
“Nandito na ang ipinatawag na police mobile ni Mrs. Apolinario…”
Hindi ko na nilingon ang nagsabi noon at mas lalo lamang humigpit ang aking pagkakayakap kay Isaiah. Ang aking hagulhol ay mas lumakas at ayaw ko na siyang bitawan.
God, please… Please! Help him, please! He’s innocent! Hindi niya na ito kailangang pagdaanan pa!
“Zera,” malamig na tawag sa akin ni Daddy.
Hinaplos ni Isaiah ang aking likod para pabitiwin ako sa kanya.
“No! Hindi ’t-to pwede! Isaiah! Nagmamakaawa ako hindi siya ganoong tao! H-He’s innocent!” sigaw ko at nanalangin nalang na sana may makinig sa akin at hindi paniwalaan ang kasinungaling sinabi niya.
“Tama na…” marahan niyang sabi at kinalas ang aking kamay.
Mariin akong pumikit at nanlumo ng husto. May kung sino ang humawak sa aking braso at inilayo ako kay Isaiah. May kung sino na ang yumakap sa akin ng mahigpit at sa pabango palang ay alam ko na agad na si Kuya iyon. Siguro ay pumasok siya kanina at hindi ko na napansin pa.
“He’s innocent! Please!” sigaw ko at halos mawasak na ang aking lalamunan para lang may makarinig sa akin.
Narinig ko ang pinto. Nang tingnan ko iyon ay lumabas na si Isaiah kasama ang iilang guards. Nanginig ako at gustong humabol pero masyado nang mahigpit ang yakap sa akin ni Kuya o masyado narin talaga akong nanghihina.
Sumigaw na lamang ako sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Hindi ko matanggap ang nangyari sa kanya. Hindi ko matanggap ang pagsalo niya sa lahat ng ito at pag-amin sa kasalanang alam kong hindi niya naman ginawa. Hindi siya ganoon!
I cried harder. Ang sakit na ng aking ulo at pumipintig na iyon pero wala akong pakialam. May humaplos narin sa aking likod at niyakap rin ako.
“Sshh, Zera… We have no choice. He needs to be punished. Umamin siya…” si Mommy iyon.
Umiling ako. Gusto kong magwala at ipaglaban na ang lahat ng ito ay kagagahan lamang ni Keesha. Na gawa gawa niya lamang ang lahat dahil sa kanyang inggit pero hindi ko rin alam kung paano iyon patutunayan.
Wala na sa loob sina Mrs. Apolinario at Keesha. Naiwan kami roon habang pilit nila akong pinapatahan. Nakaupo ako at bigong bigo parin sa nangyari. Si Daddy naman ay nasa labas at mukhang may inaasikaso.
“Isaiah is innocent, Mommy! Si Keesha ang nagsisinungaling! He can’t do that to her!-”
Yumuko si Mommy at hinaplos ang aking pisngi nang makalebel ako.
“Tumulong man tayo ay lalabas rin na kinakampihan nga natin ang nangmolestya kay Keesha na isa sa estudyante ng ating school. Umamin si Isaiah kaya mas malaki ang ebidensya na hawak ni Mrs. Apolinario lalo na’t may pasa rin kay Keesha and worst may mga estudyante pang nakakita sa pangangaladkad ni Isaiah sa kanya. Mas ididiin lamang ni Mrs. Apolinario na pinagtatakpan ka namin dahil sangkot ka rin at isa sa mga idinidiin ng kanyang anak. Isaiah molested her and it’s against the law, Zera. We can’t do anything about it but to let them serve the right punishment for him,” ani Mommy.
Fuck the law! Ikukulong nila ang walang sala and knowing Isaiah’s background, wala siyang laban! Ulila na siya at hindi niya kayang bigyan ang sarili ng mas magaling na abogado!
Mas lalo lamang iyong nagpabigat ng aking loob. Hindi ko na alam kung paano ko nakayang umuwi ng araw na iyon. I even convinced Daddy to help him and used all our damn connection pero katulad ng opinyon ni Mommy ay iyon rin ang kanyang sinabi. Kung hindi sana umamin si Isaiah, kung hindi niya inako iyon ay mas maipagtatanggol pa namin siya.
“Pero kung tumulong rin tayo ay baka madamay na ang eskwelahan sa laki ng eskandalo, Zera. Sa mata ng batas, si Keesha ang biktima at hindi si Isaiah. Kung ipinaglaban natin iyang gusto mo ay baka pati ikaw ay mas lalaki lang ang gulo dahil sisiguraduhin ko rin na hinding hindi ka mapapahamak.”
Kahit alam kong tama sila ay hindi ko parin tanggap ang nangyari. I’m at fault, too! Ako ang nag-umpisa nito! I lured her to Isaiah! Ako ang puno’t dulo ng gulo! Pero bakit… Bakit kailangan niyang akuin ang lahat? Pinagtanggol niya ako at heto ako, walang magawa para ipagtanggol siya.
Nagpatuloy ang Intramurals pero wala na akong ganang lumabas pa at sumali sa kasiyahan. Nagmukmok nalang ako ng kuwarto at naghihintay ng balita kay Kuya.
Kaya noong pumasok siya sa aking kuwarto sa seryosong mukha, kahit na maliit lamang ang tsansang may ibabalita siyang maganda sa akin ay nanalangin parin ako na sana ay pinagbigyan ang dasal ko.
“He got jailed…” ani Kuya sa bigong boses na ikinabuhos agad ng aking mga luha.
“Kinasuhan siya ng act of lasciviousness at makukulong siya ng anim na buwan.”
Humikbi ako at hinang hina na.
“M-Magkano ang p-pyansa niya, Kuya? B-Baka d-doon ay m-may m-magawa t-tayo-”
“His case is not bailable, Zera. He needs to wait for his parole if he-”
“But he’s innocent!” putol ko at ayaw nang pakinggan pa ang kanyang sasabihin.
It’s not bailable… Ibig sabihin… Ibig sabihin ay hindi siya pwedeng pyansahan! Makukulong siya roon at maghihirap sa loob dahil sa akin! Dahil sa pagtatanggol sa akin!
Bigo akong tiningnan ni Kuya. Bago pa man ako mapaupo sa sahig ay niyakap niya na akong muli.
“Wala kang magagawa ngayon kundi maghintay… kundi hintayin siya,” bulong niya at hinaplos ang aking likod.
Ang sakit sakit na… Para nang pinipiga ang puso ko pero patuloy para parin iyong inaapak apakan ng walang tigil. Nabawian na nga siya ng scholarship bilang parusa sa kanyang ginawa, ngayon naman ay ikinulong pa siya. And knowing his background, he will never give himself a best lawyer to defend him and to fight for his right. Wala siyang laban…
Sa mga sumunod na araw ay tulala nalang ako. Pagod na pagod na akong umiyak pero hindi parin ata pagod ang aking mga mata.
Pinalis kong muli ang malalaking luha na umagos roon. My eyes hurts so much for crying too much. Ngayon lang ako umiyak ng ganito kalala buong buhay ko na sobrang hirap kong patahanin ang aking sarili habang naninikip ang aking dibdib.
Kahit anong balik ko sa aking isipan sa mga ginawa ko sa mga nagdaang buwan, hindi ko talaga mahukay kung masyado ba akong napariwara sa pagkagusto ko kay Trey o masyado akong nawili sa binuo kong imahinasyon sa aking isipan na magiging kami rin sa huli.
It’s frustrating me so much. Gusto kong makatulong pero paano ako tutulong kung ako ang puno’t dulo ng kaguluhan. And worst… And worst…
And worst nakulong si Isaiah.
Sinapo ko ang aking dibdib at ibinaon ang mukha sa unan para sa iyak kong sobrang lakas na. I cried helplessly, praying for a miracle to change the decisions I made.
It’s a foolish act, I know! But I am not that shallow! I am not that desperate! I remember those days, I just want… I just want to be part in Trey’s life. Gusto ko lang namang may lugar rin ako. Pero bakit nagkaganon na? Bakit biglang lumiko ang lahat?
Kung alam ko lang na mangyayari ito, kung alam ko lang na ako ang magiging dahilan sa pagkasira ng buhay ni Isaiah ay sana hindi ko nalang siya nilapit lapitan. Nagsisisi ako kung bakit ko pa siya dinamay sa atraskyon ko para kay Trey. Nagsisisi ako kung bakit ko siya ginamit para lang magkaroon ako ng parte sa mundo ng taong gusto ko.
I regretted all my decisions! Kung ibabalik lang ang oras ay hindi ko nalang sana hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya. I’d rather give-up all the chances to be with him and sacrifice my happiness if it will just put him in danger.
Mas gugustuhin ko nalang na mag-isa. Mas kakayanin ko nalang na wala ako sa tabi niya. Mas tatanggapin ko nalang na hindi siya para sa akin kung ang magiging kapalit lang pala ng pagmamahalang ito ay ang pagkasira niya.
Those borrowed time isn’t for us! Ang hiram na mga oras na kasama ko siya ay tuluyan naring binawi dahil hindi naman talaga iyon para sa aming dalawa.
Ang pagkapariwara ko sa nararamdaman ko para kay Trey ay ang nagbigay sa akin ng daan para makilala siya. Kung maibabalik lamang ang oras ay hindi nalang sana ako nagpadalos dalos at iniwasan ang daan na maghahatid sa akin kay Isaiah.
Sana… Sana ibalik ako sa unang araw kung kailan ko siya nakilala nang maiwasan ko siya at hindi ko nasira ang buhay niya.
31st Lured
Lured
This chapter is dedicated to Angeline A. Caberte. Belated happy birthday! Happy reading…
Karma
Tumambay lamang ako buong sembreak sa bahay. Wala akong ganang lumabas, wala ring ganang gumala. Tinitingnan ko lang ang bintana kung paano nag-iiba ang kulay ng langit hanggang sa unti-unti nang kinakain ng dilim ang paligid.
Pwede ko namang bisitahin doon si Isaiah pero natatakot akong magpakita sa kanya. Mommy even advice me to do it at kahit si Daddy ay pumayag noong gabing kinausap nila ako tungkol sa kanya.
“Siya ba ’yong…” ani Mommy, hindi agad nadudugtungan ang sasabihin.
Dahan dahang bumuhos ang aking mga luha. Kaonting banggit lang sa kanya ay ganoon agad ako ka sensitibo at naiiyak na.
Pinalis ko iyon at humalukipkip muli sa sofa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.
Bumuntong ng hininga si Daddy. Si Mommy naman ay namungay na ang mga mata.
“Mabilis lang naman ang six months, Zera. Pag nakalabas siya, pwede natin siyang tulungan in our way so that he can start again in school. Sa school lang naman nabawi ang kanyang scholar lalo na’t may sinusunod na rules doon at kailangan iyong ipataw sa kanya pero pwede naman tayong tumulong sa ibang bagay pag labas niya,” ani Mommy.
Hindi ako umimik. I know Isaiah too well. Hindi iyon basta basta tatanggap ng tulong nang hindi niya pinagsisikapan.
“And if you said he’s innocent then we will believe you…” dagdag pa ni Mommy.
Bumuhos ulit ang aking mga luha. Mainit iyon at sinasakop ang aking mukha hanggang sa nararamdaman ko na ang pag-agos noon sa kahabaan ng aking leeg. Tanging iyak nalang ang aking naisasagot sa kanila.
“Hindi ka namin pagbabawalang makita siya. You can always visit him, princess…” ani Daddy sa masuyong boses.
Hindi parin ako umimik. Tumatakbo rin iyon sa aking isipan pero wala akong planong gawin. Nangingibabaw ang takot sa akin at galit para sa aking sarili.
Pag pumunta ako roon at nakita ang kanyang kalagayan sa loob ay madudurog lamang ang puso ko. Mas isasampal ko lang sa sarili ko na ako ang may kasalanan ng lahat. I will only hurt myself… And worst I might do a crime just to be with him inside the jail. And what crime, Zera? Papatayin mo si Keesha? Iyon nga lang baka mauna pang lumabas si Isaiah sa akin. Napakabaliw na ng ganoon at kung ano-ano nalang ang pumapasok sa aking isipan.
Ayoko nang pinag-uusapan pa nila si Isaiah kaya para hindi humahaba ang topic ay hindi nalang ako nagbibigay ng opinyon at mas pinipili nalang na tumahimik. Nagpaalam lang ako papunta sa aking kuwarto at doon na ipinagpatuloy ang pag-iyak.
Ang tanging nagawa ko lang buong sembreak ay umiyak nang umiyak. Hindi ko na mabilang kung ilang balde na ang aking naipon dahil sa walang humpay na pag-iyak.
Lunes iyon nang may kumatok sa pintuan. Nasa balkonahe ulit ako ng aking kuwarto, niyayakap ang mga binti habang pinagmamasdan ulit ang langit hanggang sa magbago rin ang kulay noon at lamunin ng dilim ang paligid.
Bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-abalang lingunin iyon. May yapak ng mga paa akong narinig. It’s my Kuya.
Ilang sandali lamang ay nakita ko rin siya sa gilid ng aking mga mata. Inilapag niya ang dalang tray na may laman kong agahan sa tabi ng mesang inuupuan ko.
“Have your breakfast,” ani Kuya.
Walang gana akong tumango at hindi na siya nagawa pang lingunin. Bumuntong siya ng hininga at hinila iyong isang upuan na lumikha pa ng tunog saka siya umupo roon. Napapagitnaan kaming dalawa ng mesa pero nakikita ko parin ang seryoso niyang mukha. Yumuko siya at humilig sa kanyang mga hita saka ipinagsalikop ang mga kamay.
“Ayaw mo siyang bisitahin?” tanong niya.
Agarang nanubig ang aking mga mata at handa na namang umagos iyon.
“I’m sure he’s waiting…” ani Kuya sa baritonong boses.
Tatlong linggo na siyang nakakulong simula noong ikalawang araw ng Intrams. Sa susunod na lunes ay pasukan na ulit. Magkakaroon na ako ng dahilan sa aking sarili na hindi siya bisitahin dahil busy na sa pag-aaral.
“Alam ko ang plano mo Zera. Masasaktan mo siya riyan sa binabalak mo.”
Umagos agad ang aking mga luha at nanikip na ang aking dibdib. Ayoko nang isipin pa kung paano niya iyon nalalaman pero kapatid ko siya at kabisado niya ako, bawat galaw ko at bawat desisyon ko. Kabisadong kabisado niya ako.
“It wasn’t your fault. H’wag mong masyadong isisi ang lahat sa sarili mo,” seryoso niyang sabi.
Alam ko namang may kasalanan rin si Keesha rito pero inaako ko ang lahat. Hindi naman aabot ang lahat sa ganito kung hindi ako lumapit lapit kay Isaiah. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung nakontento nalang sana ako sa nangyayari sa amin ni Trey.
Ilang araw ko nang pinag-isipan ang lahat. Lahat lahat. Pero kahit anong kalkal ko sa aking isipan wala akong makitang rason na wala akong kasalanan sa nangyayari. Palagi akong nauuwi sa panunumbat sa aking sarili kung bakit ako masyadong nagpapadalos dalos sa aking desisyon. Palagi akong nauuwi sa hagulhol.
I am such a brat… Kahit ang gusto ng aking sarili ay hindi ko pwedeng tanggihan at kailangan iyong gawin agad para maibigay ko lamang ang gusto kong mapa saakin. Sumobra ako. Lumagpas ako sa linya. Nagpadala ako sa damdamin ko kaya noong lumiko rin ang lahat ay nagulat nalang ako na hindi ko na kayang iangat ang aking sarili dahil hulog na hulog na pala ako.
Ganoon ang palaging ginagawa ni Kuya. Hinahatiran niya nalang ako ng pagkain sa kuwarto lalo na’t hindi ako lumalabas at tuwing gabi naman, pag uuwi na si Mommy ay dumederitso siya sa aking kuwarto para kumustahin ako.
Ang tanging hiling ko sa kanila ay pabayaan muna akong mapag-isa. Ayoko munang may kumakausap sa akin. Ayoko munang marinig ang pangalan ni Isaiah. Ayokong may dumadamay sa akin dahil mas nararamdaman ko lang ang sakit. Gusto kong solohin ang lahat.
Hindi lamang ang pangarap ni Isaiah ang winasak ko kundi pati narin ang pangarap naming dalawa. Hindi ako makapaniwalang ako pa pala ang sisira ng lahat ng iyon. Ako pa pala ang magiging dahilan ng pagkasira niya.
Humikbi akong muli at niyakap ang unan. Hinang hina na ako at gusto ko nang tumigil sa pag-iyak pero hindi ko rin alam kung paano patatahanin ang sarili. Masyado nang napipiga ang aking puso. Masyado nang nanghahapdi ang aking mga mata. Pagod na pagod na ako kakaiyak.
Gabi na iyon ng Sabado nang nagdesisyon akong bumaba. Sinusuklay ko ang aking buhok habang nasa sala naman sila Mommy at Daddy. Nang makita nila ako ay napatingi agad si Mommy at sinenyasan akong tumabi sa kanya.
Nagtungo ako roon at umupo. Makahulugan ang tingin ni Daddy sa akin pero hindi gaanong nagsalita. Alam kong mugtong mugto parin ang aking mga mata lalo na’t kahit ako ay ramdam ang bigat noon. Siguro ay nagets din ni Daddy na ayokong pag-usapan kaya wala siyang sinabi.
Kinuha ni Mommy sa akin ang suklay.
“Gusto mong lumabas tayo bukas? Bumili tayo ng new bag mo lalo na’t klase na ulit sa Lunes,” sabi ni Mommy habang marahan akong sinusuklay.
“Magshopping narin kayo,” suhestyon naman ni Daddy sa kanyang tabi.
“Yes… We can buy new clothes, new shoes and new bags, Princess…” ani Mommy, ang boses ay halatang gusto akong pagaanin.
Tumango ako. Nagulat siya at nasilip ang aking mukha.
“Really?”
“Yes, Mommy. Nababagot narin akong magmukmok,” sabi ko habang nakatingin lang sa palabas sa tv. They’re watching news.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkurba ng kanyang labi. Nagkatinginan pa sila ni Daddy na natuwa rin sa aking naging desisyon.
Nagmistula narin kasi akong lantang bulaklak dito sa bahay. At least man lang aliwin ko ang aking sarili dahil baka sa pamamagitan noon ay maokupa ng ibang bagay ang aking utak at hindi ko maisip ang mga nagpapabigat sa aking dibdib.
“Lumang gusali ng mall sa Batangas na pagmamay-ari ng mga Apolinario, pinapaimbistigahan dahil sa malaking sunog na nangyari na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang customer at mahigit dalawampu’t pitong bilang ng sugatan dahil sa trahedya.”
Kinuha ang buo naming atensyon dahil sa news na iyon. Apolinario? Alam ko namang hindi basta basta ang mga background ng mga estudyanteng kayang mag-aral sa BTSU since it’s a very expensive school. Hindi na ako magugulat kung ang Apolinario na tinutukoy sa nasabing balita ay ang parents ni Keesha. I know she came from a rich family pero hindi ko alam na may-ari pala ang parents niya ng isang malaking Mall sa Batangas.
“Apolinario? Is that Keesha’s parents?” tanong ni Mommy.
Hindi ako kumibo roon at tinitigan ang babaeng newscaster na patuloy sa pagsasalita.
“Ayun sa imbestigasyon ay mukhang may kapabayaan ang nangyari kaya naging resulta iyon sa pagsiklab ng apoy sa nasabing lumang gusali ng mall. Tinatayang nasa mahigit dalawang bilyon ang nasabing danyos dahil sa pagtupok ng apoy na tumagal ng sampong oras bago iyon tuluyang napatay ng mga bombero.”
“Ang mag-asawang Apolinario ay nagbigay na ng tulong sa mga nasaktan sa sunog ganoon rin sa dalawa pang nasawi at patuloy parin ang imbistigasyon kung may kapabayaan ba ang establisyemento o sinadya ang sunog.”
Nagulat si Mommy at Daddy roon. Kahit ako ay biglang nangilabot sa sinabi nilang sadya iyong sunog.
“Who would so such thing? Kung sadya ang sunog ay hindi basta basta ang nasa likod nito. The entire mall got burned!” si Mommy.
“Baka marami nang nakakalaban rin ang pamilyang iyan…” si Daddy.
“Paano kung napatunayang may kapabayaan sila, Daddy? Anong mangyayari?” tanong ko.
“Maaari silang masampahan ng kaso at pwedeng makulong,” sagot niya.
Napalunok ako roon. Masyado na ba akong masama kung sabihin kong karma na ito ni Keesha? I’m sure he framed-up Isaiah! At ngayon ay ang negosyo nila ang lumiliyab at may parte sa akin ang natutuwa roon. Masyadong triggered ang mga inner demons ko at naghahagalpakan na sila sa loob.
“Or maybe they got framed-up,” si Mommy na mukhang takang taka sa nangyari.
“Siguro. Pero kung frame-up man iyan, hindi basta basta ang nasa likod noon lalo na’t masyado ring malinis ang pagkakagawa. Hindi man lang nakita sa CCTV,” si Daddy.
“Kaya pala ang lakas ng loob manghamon ni Mrs. Apolinario ng demandahan at ipinagmayabang pang gagamitin ang lahat ng kanyang koneksyon dahil may maipagmamayabang rin naman pala sa lipunan,” ani Mommy.
Napatingin si Daddy sa akin, ang mga mata ay agarang naninimbang.
“Hindi ba at scholar si Isaiah?”
Napatingin narin si Mommy sa akin, mukhang napunto agad ang balak na itanong ni Daddy.
Tumango ako.
“Kilala mo ba ang parents niya? Anong trabaho?”
“Ulila si Isaiah, Daddy. Patay na raw ang kanyang parents,” sagot ko at kinutuban narin sa kanyang tanong.
Are they thinking Isaiah is behind the mess? Pero imposible naman iyon! Nakatira lang siya sa apartment at nagtatrabaho pa para sa kanyang sarili para pangtustos sa pang-araw araw na gastusin. Napakaimposible…
Ibinalik ni Daddy sa tv ang atensyon.
“Baka may nakabangga na makapangyarihang businessman iyang mag-asawa…” ani Dad.
“Maybe. Sa tabas palang ng dila ni Mrs. Apolinario kahit ako ay nanggigigil.” Umirap si Mommy.
“Tama rin naman siya, Scarlet Gail. Kung kay Zera iyon nangyari at namolestya baka nga hindi lang kulong ang aabutin sa akin ng lalakeng gumawa noon sa kanya,” ani Daddy na may pagbabanta sa tono ng boses.
“I get it, Jin. Pero ang akin lang ay nasa tingnan muna ang bawat side! We didn’t raise Zera as a liar! And Isaiah is one of the smartest students in BTSU. Bakit naman siya gagawa ng bagay na alam niyang ikakasira niya?” si Mommy.
Hindi nakakibo roon si Daddy at mukhang napunto agad ang gustong sabihin ni Mommy.
“Either he got framed-up or he got triggered kaya nagawa niya iyon kay Keesha. Nakita sa CCTV kung paano niya kinaladkad si Keesha papasok sa Cr at nakita rin doon kung paano lumabas si Keesha na sira sira na ang butones at nagtatatakbo na para humingi ng tulong. Ilang sandali lang ay hinabol siya ni Isaiah. Pwede nating sabihin na iyon nga ang nangyari, na minolestya niya nga sa loob. Pero sa tingin mo hahayaan niya pang makalabas doon si Keesha kung alam niyang magsusumbong talaga ito na ikakasira niya?”
Natigilan kaming dalawa ni Daddy. Malakas rin talaga ang kutob ko na sinet-up ni Keesha si Isaiah. She’s just too insecure kaya iyon nalang ang kanyang ginawa.
“And she’s pointing our daughter as the main mastermind. Marahil ang gusto ni Kessha ay si Zera ang madiin pero inako lahat ni Isaiah ang kasalanan at sinalo niya iyong lahat kaya nalihis ang atensyon sa sinasabi niyang ang anak natin ang may plano ng lahat ng iyon,” ani Mommy.
“Sabagay… Kaya rin siguro hindi na masyadong ipinilit ni Mrs. Apolinario na idamay si Zera dahil alam niyang lalaban rin tayo. Eh si Isaiah? Scholar lang iyon at kahit na mapatunayang walang sala ang bata, sa pamamagitan lang ng koneksyon ay madali niyang mailalagay sa kulungan si Isaiah,” si Daddy naman.
“Connection my ass. Look at what happened to them? I’m sure karma nila ’yan for abusing their power. And her daugther is pointing fingers to Zera instead of Isaiah! Mukhang ang anak pa natin ang gusto niyang idiin sa nangyari sa kanya,” ani Mommy at umirap.
“Lugmok na agad sila dahil sa pinsala ng Mall na mahigit dalawang bilyon at may pananagutan pa sila sa mga naging biktima ng sunog. At kung hindi napatunayan na sinadya ang sunog ay sa kanila mailalagay lahat ng sisi dahil sa kapabayaan. They need to take full responsibility of it. Bankrupt na nga, baka makulong pa…”
What Daddy said gave me chills. Ang karma nga naman, hindi talaga pabaya. Ngayon ay naniningil na ng malaki dahil sa kagagahan ni Keesha.
Iyon ang naging palaisipan na kina Mommy at Daddy. They’re saying someone is behind the fire. Hindi raw basta basta at baka sobrang makapangyarihan dahil nagawa noon ang ganoon karuming strategy sa sobrang linis na paraan. Pero hinala rin nila ay baka nga may nakalaban ang mag-asawa sa business kaya ginagantihan sila.
Imposible rin naman kasi na may kinalaman iyon kay Isaiah. Wala na siyang parents at ulila na siya.
“Breaking news! Kakauwi lamang sa Pilipinas ng isa sa mga pinakamayamang may-ari ng Shipping Company na si Mr. Castellano kaninang umaga at nakita itong bumaba sa private jet kasama ang kanyang mga bodyguards…”
Hindi ko na masyadong pinakinggan ang balitang iyon tiningnan na lamang ang aking kuko. Magpapa nail polish nalang rin siguro ako bukas. Total pasukan na, ayoko namang pumasok na parang namatayan dahil sa hitsura ko.
“Napakalaki na ng net worth ng lalakeng ’yan. Nangunguna siya ngayon sa pinakamayamang business tycoon sa Pilipinas pagdating sa Shipping Company,” narinig kong sabi ni Daddy.
“Do you know him?” tanong ni Mommy.
“Hindi pero kilalang kilala ’yan pagdating sa business. Bukod sa sobrang yaman ay napaka rumi raw niyan pag nakalaban mo. Gagawin ang lahat manatili lang sa unang pwesto kaya hindi basta basta napapatumba kahit na ang rami nang mga Shipping Company ngayon pero siya parin ang nangunguna.”
“Oh… A ruthless devil in business world…” ani Mommy.
Kinabukasan ay nagtungo nga kami ni Mommy sa Mall. Inabala ko ang sarili ko sa pamimili ng designer bags while si Mommy naman ay nasa kabilang banda at namimili rin.
“Is that Zera?”
“Sshh! Baka marinig tayo!”
Pasimple kong tiningnan sa gilid ng aking mga mata ang tatlong babae na mukhang taga BTSU rin. Hindi nila ako makikilala kung hindi sila mga estudyante roon.
“Wow look at this brat… I really believe na siya ang mastermind noong scandal ni Keesha eh. We all know how much she likes Trey…”
“Oo nga. And nakakaawa si Isaiah kasi he’s suppose to graduate this year and scholar pa sana but because of her mukhang hindi na ’yon makakagraduate.”
“At habang naghihirap si Isaiah at Keesha, narito siya at may gana pang magshopping. I really don’t like her. Kaya wala siyang mga kaibigan eh. Masama ang ugali.”
“Mas mabait pa nga si Elle kahit may pagka mataray rin iyong tingnan unlike her who’s such a brat.”
Nilingon ko ang saleslady.
“Excuse me. Pwede ko bang itest kung gaano ito katibay?”
Napalingon narin si Mommy sa akin. Iyong saleslady naman ay nag-aalangang tumango.
“Uh, paano niyo po siya itetest, Ma’am?”
Nilingon ko ang tatlo na nag-iwas agad ng tingin sa akin.
“Ihahampas ko sana sa makakapal na mukha nila,” sabi ko na ikinagulat nila.
Ibinalik ni Mommy ang tingin sa designer bag na napili habang iyong saleslady naman ay nanlaki ang mga mata at iyong tatlo ay nagsialisan agad.
Mga takot naman palang masupalpal tsss.
Kaya noong pasukan na ulit ay hindi na ako nagtaka noong kakaiba ang tingin ng mga estudyante sa akin. Kumalat sa school ang nangyaring eskandalo at iyon na ang pinagpipyestahan nila. May naririnig akong sang-ayon kay Keesha na ako raw ang mastermind lalo na’t masama rin ang aking ugali at napaka brat. Aware naman ako na marami rin talagang may ayaw sa akin at ngayon na may nalantad na eskandalong sangkot ang aking pangalan ay sumasang-ayon agad sila na kaya ko iyong gawin.
“May eskandalo kang ginawa?” tanong ni Irah nang magtabi kami sa first subject.
Siguro wala siyang ediya sa nangyari. She’s probably busy with Kuya Toshi at doon laging nakafocus ang kanyang atensyon kaya walang kaalam alam sa nangyayari.
Nagkibit ako at ayaw nalang pag-usapan. Nang napansin niyang ayaw ko ring magsalita sa bagay na iyon ay tinantanan niya rin naman ako at ibinalik ang atensyon sa kanyang cellphone.
Hindi na nag-enroll si Keesha at mukhang lumapit siya sa ibang school. Ayoko na ring alamin kung bakit.
“Nasunugan pala sila Keesha ’no?” ani Elle noong nasa cafeteria kami.
“Natupok ng apoy ang buong Mall nila sa Batangas! Tapos may namatay pa… Ano kayang mangyayari sa parents niya?” aniya at sumubo.
“Karma,” inis kong bigkas habang hinahalo ang aking spag.
“Feeling ko nga rin karma niya ’yon kasi hindi mo naman ’yon kayang gawin-”
“Kumain ka nalang,” putol ko at ayaw nang makarinig ng kung ano-ano tungkol kay Isaiah.
Fresh pa ang lahat sa akin. Parang kahapon pa ang lahat at kung pag-uusapan na naman iyon ay baka maiyak lang ako. Gusto ko nalang munang ipahinga ang sarili ko sa sakit. Gusto kong magkunwaring okay lang ako at kimkimin nalang iyon.
May iilang estudyante na pinaparinggan talaga ako. Maybe they’re Keesha’s friends kaya ang tatapang.
“For sure kung hindi lang malakas ang kapit ng mastermind makukulong rin talaga siya since she’s the main reason why Isaiah did it to Keesha. I’m sure her parents cover her up and save her from her mess kaya hindi siya naparusahan at si Isaiah ang nagsa-suffer,” sabi ng babaeng katabi ko lang sa sink at naglilipstick.
“Shut-up, Kendy…” saway naman noong kaibigan niyang patingin tingin sa akin at namumutla.
“Opse… Di ko sinasadya. Nandiyan pala siya …” and she giggled.
Nilakasan ko ang agos ng gripo at walang hesitasyong binasa siya sa pamamagitan ng aking mga kamay na ikinaatras niya, laglag panga dahil sa pagkabasa ng kanyang mukha at buhok ganoon narin ang kanyang blusa.
“How dare you!” galit niyang sigaw.
“Opse… Di ko sinasadya. Nandiyan ka pala?” Ngumiti ako ng inosente na ikinatalim ng tingin niya sa akin.
“T-Tara, Kendy…” Hinila siya ng kanyang kaibigan palabas.
“Napaka brat!” iritang-irita niyang bigkas.
Hindi ko nalang iyon pinansin at pinatay na ang gripo.
32nd Lured
Lured
This chapter is dedicated to Bea Balindan. Belated happy birthday and happy reading!
Complicated
Nagkikita kami ni Trey sa school ganoon rin nila Davin, Silas at Castel. Hindi ko alam kung galit sila sa akin dahil sa nangyari kay Isaiah pero pinapansin parin naman nila ako.
Hindi ko rin alam kung galit ba si Trey sa akin pagkatapos niyang malaman kay Keesha ang ginawa ko. Umiiwas nalang ako at hindi na gaanong tumatambay sa gym para manood ng basketball o dumadaan sa building nila.
Pero may mga araw na kahit anong iwas ko ay kusa talaga kaming pinagtatagpo.
Lunes iyon nang matagalan ang driver namin sa pagsundo sa akin. Nauna na si Elle sa akin kasama ang kanyang mga kuya.Sa kakahintay ko sa may parking lot ay may dumaan nang pamilyar na Ford na sasakyan sa aking tabi.
Huminto iyon sa aking harapan at bumukas ang front seat. Nakita ko agad si Trey sa loob.
“Ihahatid na kita total pauwi na rin ako.”
Hindi agad ako nakakilos. May parte sa akin ang ayaw pumayag dahil ayokong magalit si Isaiah pero may parte rin sa akin ang sinusulsulan akong sumakay nalang.
“Come on, Zera. Lalamukin ka rito kakahintay,” aniya at ngumisi sa akin.
Nilingon ko ang paligid at wala pa talaga ang aking sundo. Ibinalik ko sa kanya ang aking tingin at tumango saka ako pumasok.
Isinara ko ang pintuan at naramdaman agad ang lamig na yumakap sa aking katawan dahil sa full blast na aircon. Nanunuot narin sa aking ilong ang pamilyar niyang pabango na nakasanayan ko sa kanya.
Hinila ko ang seatbelt habang nagsisimula na ulit siyang magmaneho.
Inilagay ko sa aking kandungan ang aking bag at medyo nakaramdam ng awkwardness sa pagitan namin lalo na’t nangingibabaw rin ang katahimikan.
Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko siyang sumulyap sa akin. Sumulyap rin ako sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Umawang ang kanyang bibig at may sasabihin sana nang natutop rin iyon saka niya pinasadahan ng haplos ang buhok at ibinalik ang mga mata sa kalsada.
Nag-iwas rin naman ako ng tingin at pinaglaruan ang zipper sa aking bag. Alam kong gusto niyang magtanong sa amin ni Isaiah pero mukhang hindi niya lang alam kung paano iyon itatanong.
“Kumusta ka naman?” tanong niya, tuluyang binasag ang katahimikan.
Nilingon ko siyang muli at ngumiti ng bahagya.
“Okay lang naman…”
Tumango siya at binasa ang labi. Napadpad naman ang aking mga mata sa mga daliri niyang nagtatap sa manibela.
“Good… Akala ko ay naapektuhan ka sa binibintang ni Keesha sa’yo.”
“Ikaw ba… Naniniwala ka na…”
Nilingon niya ako at agarang umiling.
“I’ve watched you grow, Zera. You’re maybe naughty and playful but you’re not that manipulative… Baka iyong Kuya mo pa dahil masyadong creepy minsan.” Ngumisi siya sa akin kaya napangisi narin ako.
“Kuya is really creepy…” sabi ko kaya nagtawanan kaming dalawa.
Kinagat ko ang aking labi at nalaglag ang mga mata sa aking kandungan. Gusto kong matuwa sa sinabi niyang hindi naman siya naniniwala kay Keesha na kaya ko iyong gawin pero masakit para sa akin na mas nakaya niyang paniwalaan ang bintang ni Keesha kay Isaiah eh kaibigan niya rin naman sana ito.
Ako lang ba ang bukod tanging naniniwala na hindi iyon kayang gawin ni Isaiah? Habang tinatalikuran siya ng lahat, naroon ako at tumayo lamang sa kanyang gilid para ipaglaban na inosente siya at walang kasalanan. Pero hindi naman pala lahat ng oras ay papanigan ka ng swerte. May mga pagkakataong kahit anong hiling mo na sana ay magkaroon ng himala ay hindi talaga iyon darating.
“Wala ka namang kasalanan sa nangyari. Isaiah molested her… Si Isaiah ang gumawa noon hindi ikaw kaya hindi dapat ikaw ang sinisisi ni Keesha,” aniya.
Hindi na ako kumibo at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Weird… Hindi man lang ako naiiyak kahit naririnig ko ang pangalan ni Isaiah. Marahil ay namamanhid narin ang aking mga mata at tuluyan na ngang napagod.
“Ewan ko ba… Hindi ko talaga mapunto kung ba’t niya iyon nagawa. Kahit kaibigan ko siya ay hindi ko kukunsintihin ang ganoong gawain pag babae na ang binastos,” seryoso niyang pahayag.
Ewan ko ba kung matutuwa ba dapat ako sa pagiging gentleman niya o ano. I don’t feel anything… at all.
“Graduating na sana… Konti nalang… Running for Summa Cum laude pa naman sana tapos nangyari pa ito. Kung kailan malapit na siyang makamit ang pangarap niya ay diyan naman lumiko ang isip niya. Nakakalungkot at pati scholarship ay binawi rin sa kanya.”
Dahan dahan akong pumikit dahil sa pagkirot ng aking dibdib. Tama na… Tama na please… Pagod na pagod na ako kaya sana naman maipahinga ko kahit sandali lang ang puso ko na kakatahi ko lang dahil sa pagkabasag.
Nanaig ulit ang katahimikan at ipinagpapasalamat ko ang bagay na iyon. Pinatili ko nalang ang aking tingin sa labas ng bintana para hindi na magtama ang aming mga mata at wala na gaanong mapag-usapan. Gusto ko nalang umuwi at humiga sa kama. Napapagod na naman ako kahit wala akong ginawa. Naniningil na naman ang aking katawan ng pahinga dahil sa mga gabing puyat na puyat ako kakaiyak.
“Nabanggit ni Keesha na close kayo. Hindi iyon nabanggit ni Isaiah sa akin. Are you two…”
“Friends,” agad kong sagot.
Natutop ang bibig ni Trey at wala nang sumunod noon. Nilingon ko siya.
“Just friends,” sabi ko sa mas malinaw na boses.
Tumango siya at ngumiti.
“Do you want to visit him? Pwede kitang samahan…”
Umiling ako at itinuon ulit ang tingin sa labas ng bintana.
“Hindi na. I’m busy with my subjects. Pahirap kasi ng pahirap ang mga lessons…”
“Ganoon ba? Do you want me to help you instead with your subjects?”
Tumango ako ng dahan dahan.
“Sure…”
Bumigat agad ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay may nagwewelga sa aking loob na kahit ang aking inner demons ay nagsisigawan na.
This is the only way I know… I need this.
“Just tell me your breaktime and we’ll work on it… okay?” ani Trey nang nilingon ko siyang muli.
Tumango ako at ngumiti ng bahagya.
“Okay…”
Ngumiti rin siya sa akin. Nauna akong bumitaw sa aming titigan lalo na’t nagring rin ang aking cellphone. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Kuya.
Sinagot ko iyon at sumulyap saglit kay Trey na naninimbang lang rin ang tingin at tahimik na.
“Hello… Kuya?”
“Nasaan ka?” tanong niya sa malamig na boses.
“Uh… Kasama ko si…”
“Deritso uwi. Hihintayin kita rito sa bahay.”
Napatango ako roon. Wala rin naman akong balak gumala talaga.
“Okay,” sagot ko saka niya ako binabaan ng tawag sa kabilang linya.
Napasulyap si Trey sa aking cellphone nang binaba ko iyon.
“Si Hiro?”
Tumango ako.
“Hinahanap na ako.”
“He’s really strict. Kaya nga noong siya mismo ang nangyayaya na gusto mo akong yayain lumabas ay nagulat ako. I can’t really read your brother. Sa lahat ng magpipinsan siya itong napaka lalim para sa akin. Kung gaano kababaw si Ken gaanon naman siya ka lalim.”
Kinagat ko ang aking labi at nagpigil ng ngisi sa sinabi niya kay Ken. Tumawa si Trey.
“Ken is shallow, you know… Maglagay ka lang ng babae sa harapan noon mawawala na iyon sa katinuan niya.”
“Mabilis kasi siyang madistract sa babae,” natatawa ko naring sambit.
Trey chuckled, too. Agad kong hinanap sa kanyang pisngi ang dimple pero nabigo akong matagpuan iyon. Napawi ang aking ngisi at pasimpleng tumingin muli sa labas ng bintana. Palihim akong humugot ng hininga at nakita sa aking isipan ang nakangising si Isaiah.
Kumusta na kaya siya roon? I hope he’s fine… Iyong tulugan niya maayos kaya? Nakakakain ba siya ng maayos? Hindi ba siya nilalamok? Okay lang ba siya?
Bumigat ang aking pakiramdam sa aking iniisip. Unti-unti namang bumagal ang pagmamaneho ni Trey hanggang sa tuluyan siyang nagpark sa tabi ng malaki naming gate.
Natanaw ko naman agad doon si Kuya sa labas, nakahalukipkip at madilim ang ekspresyon. Hindi ko alam kung galit ba o ano.
Naunang lumabas si Trey. Hinubad ko ang seatbelt at sinundan siyanng tingin na naghalf jog pa para pagbuksan ako ng pinto sa front seat. Lumabas ako roon saka niya ako inalalayan. Ngumiti ako sa kanya kaso hindi rin iyon nagtagal dahil lumapit na agad si Kuya, parang handa na akong hilain kung hindi agad ako lalayo kay Trey.
“Salamat sa paghatid,” ani Kuya kay Trey at hinila ang aking braso.
Tumango si Trey saka ako sinundan ng tingin.
“Thanks, Trey…”
“Basta ikaw, Zera,” aniya.
Inakbayan ako ni Kuya at iginiya rin ako para talikuran agad si Trey. Hindi narin ako lumingon pa dahil pumapasok narin kami sa loob ng gate.
“Sinasaktan mo lang talaga ang sarili mo,” ani Kuya sa iritadong boses nang makapasok na kami.
Inalis niya ang kanyang kamay sa aking balikat. Nauna naman akong maglakad.
“I don’t know what you’re talking about, Kuya…” pagmamaang-maangan ko.
“Tss. Ewan ko sa’yo. Bahala ka kung saan gagaan ang pakiramdam mo at pakiramdam mo ay mas makakabuti para sa inyong dalawa ay doon ka. Basta ako, hindi ko kayo susuportahan ng Montiel na ’yan.”
Kahit cryptic iyon, nagets ko agad ang kanyang ipinaparating. Hindi ko na siya nilingon pa at deri-deritso na ang aking pag-akyat.
Hindi ko naman hinihingi na suportahan niya ako dahil kahit ako ay ayaw ko rin naman but I have no choice. Mas makakabuti ito para sa amin ni Isaiah. I want to end our pain, our misery… Gusto ko nang matapos lahat ng paghihirap at tuldukan nalang ang lahat.
Masakit siguro pero sa paglipas ng panahon ay makakalimutan rin namin ang nakaraan. Makakamove-on rin kaming dalawa at baka nga ay mas maging maganda pa ang takbo ng aming mga buhay. Who knows? Isaiah is smart… I know he will survive this… without me.
Naging malapit kami sa mga araw na nagdaan ni Trey. Sa mga breaktime ko ay siya ang kasama ko at tinuturuan niya ako sa mga hirap kong subjects.
“Hindi ko parin talaga gets…” Sumimangot ako kahit na ang dami nang explaination ni Trey sa isang buong papel.
“Hmm… Let’s try another formula. Baka nahihirapan ka talaga sa formula na ’to.”
“Siguro nga…” sabi ko at dinampot ang frappe sa aking gilid at sinipsip ang straw noon.
Nagsulat ulit si Trey ng panibagong formula. Nasa isang cafe kami at lumabas talaga ng school. Tuwing Martes, Huwebes at Sabado nagkakatugma ang breaktime naming dalawa. Sa dalawang oras na iyon ay siya ang kasama ko minsan.
Tiningnan ko siya ng maigi kung paano niya seryosong ginamit ang scientific calculator at kahit siya ay tila naguguluhan narin dahil sa pagkakasalubong ng kanyang kilay.
“Try this…” aniya at ipinakita sa akin ang isinulat niya roon.
Ibinaba ko ang frappe at dinampot ulit ang ballpen para magsulat. Kahit hirap parin akong kabisaduhin ay pinilit ko nalang na may maipasok sa aking utak dahil ramdam ko rin ang paghihirap ni Trey. I don’t want to complicate him too much.
“Ah… Ganito lang pala. I get it.” Tumango tango ako at ngumisi sa kanya.
“Damn… Akala ko hindi mo parin gets…”
Humagikhik ako at nailing sa kanyang ekspresyon. Napangisi rin siya at kinuha ang kanyang frappe saka sumipsip doon.
Naalala ko bigla ang pag-inom ni Isaiah sa aking inumin sa tuwing magkasama kaming dalawa. Siguro kung siya rin ang nagtuturo sa akin ay hindi ako aabutin ng kalahating oras at magegets ko agad iyon. Ibang iba talaga pag siya ang kasama ko. Walang makakapantay noon. Kahit sino.
Dinalaw nila si Isaiah noong Sabado ng hapon at dinaanan nilang apat doon. Kasama ni Trey sina Davin, Silas at Castel. Tinext ako ni Trey na baka magbago ang isip ko pero tumanggi ako at nag-alibi nalang na marami akong assignment para hindi ako makasama sa kanila.
Gusto ko siyang makita pero ayaw ko rin. Ganoon na nga siguro ako kadesperada at nakakaya ko nang hindi sundin ang sarili kong kapritso. Siguro nga ay maisasakatuparan ko rin ang aking plano ngayong ganito na ako katigas na panindigan ang gusto kong mangyari sa aming dalawa.
“Kinumusta ka pala ni Isaiah,” ani Trey nang magkasama kaming muli sa Martes ng hapong iyon sa cafe.
Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng itinuon sa cake na nasa aking harapan.
“Oh tapos?”
“Ayon… Ang sabi ko busy ka sa subjects mo at hirap ka pa sa Algebra mo kaya nagpapatulong ka madalas sa akin,” aniya at ngumisi.
“Ano namang sabi niya?” Sumubo ako at nagkunwaring itinuon ang tingin sa labas ng transparent glass.
“Iyon lang naman… Mabilis lang rin kasi ang visiting hour kaya hindi na humaba ang usapan namin.”
Para agad naging tambol ang aking puso. Naiimagine ko ang mukha niyang galit na galit sa nakalap na impormasyon kay Trey. It was one of my plans, to make him believe that I’m doing fine without him. Alam kong pagsisisihan ko rin ito sa huli pero ayoko nang umatras pa.
Desyembre. Malamig ang pasok ng buwang iyon at madalas ang pag-ulan. Sumapit ang aking birthday pero wala akong gana na magkaroon ng enggrandeng party sa kaarawan ko. I promise to myself Isaiah is going to be there with me… Kung hindi man iyon matutupad ay ayoko nalang na magpaparty.
“Pero bakit? Sayang naman, Zera. Your Daddy and I already planned a big celebration for you,” ani Mommy sa dismayadong boses nang sinabi ko sa kanya ang aking gusto.
Kapwa kami nasa countertop at may kinakaing ice cream. Gabi na at matutulog na sana ako nang madatnan ko siya rito na kumukuha ng ice cream kaya sumabay narin ako.
“Ayoko lang, Mommy. Pwede naman tayong mag out of the country to celebrate my birthday. Iyon tayong apat nila Kuya…”
“But honey… mas maganda parin kung iyong nakasanayang celebration ang gawin natin. Invite your friends-”
Natigilan siya nang napagtanto ang kanyang sinabi. Nag-iwas ako ng tingin at matamlay na hinalo ang chocolate ice cream ko na medyo naging melted na.
“Is this because of Isaiah?” tanong niya sa marahang boses.
Hindi ako kumibo at tumitig lamang sa aking ice cream. Bumuntong naman ng hininga si Mommy at tumango.
“Fine… Mag a-out of the country nalang tayo.”
Ngumiti ako sa kanya.
“Thanks, Mommy…”
Tumango naman si Mommy at sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.
“Hindi mo parin siya binibisita. Hindi ka naman namin pinagbabawalan na makita siya, Zera. Your father even agreed about this. Malulungkot si Isaiah roon kung hindi mo siya bibisitahin habang nasa loob siya.”
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at sumubo ng kaonting ice cream. Hinayaan ko ang tamis na kumalat sa buo kong bibig kahit na masyadong matabang ang yumayakap sa buo kong sistema.
Nakapag-isip isip na ako at buo narin ang aking desisyon. Kahit masakit ay ayoko nang umatras at paninindigan nalang ito hanggang dulo. Alam kong para rin ito sa ikakabuti naming dalawa. Sa ikakabuti niya.
Nagloosen ang balikat ni Mommy.
“I’m scared with your decisions… Are you really sure, Zera? Madalas kana ring hinahatid dito ni Trey. You two are getting close…”
“Okay naman si Trey, Mommy. I think siya parin naman iyong lalakeng nagustuhan ko simula pa noong bata pa ako.”
“But you don’t love him… I know you don’t love him,” aniya sa siguradong boses.
“Bata pa naman ako. Who knows? Mabilis namang nananakaw ang puso.”
Isinabit ni Mommy ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng aking tainga. Ang kanyang mga mata ay namumungay at nakaharap sa akin habang ako ay nakaharap sa counter.
“So you’re telling mabilis ring mananakaw ni Trey ang puso mo dahil ganoon iyon kabilis nanakaw ni Isaiah sa’yo?”
Nagkibit ako. “Maybe…”
Umiling si Mommy.
“Paano niya mananakaw ang puso mo kung nanakaw narin iyon ng iba sa’yo? It’s hard to act that you’re deeply inlove with someone you don’t even want to have, Zera.”
Nangilabot ako roon. Pumikit ako at nahipo ang aking noo. Kinagat ko ang aking labi at nagloosen na ang aking mga balikat. This is really terrible. I am so fucked-up.
“Bahala na…” wala sa sarili kong sagot.
Buo na ang aking pasya. Hindi ko na ito babaguhin. Bibitawan ko si Isaiah kung iyon lamang ang paraan para lumipad siya at makarating sa itaas ay handa akong magparaya para sa kasiyahan ko. Parang isang saranggola na kung hindi mo bibitawan ay hinding hindi ito aangat sa ere. He needs to reach his dreams and he’s going to do it without me. I want him to be successful.
Nagcelebrate nga kami ng aking 18th birthday sa ibang bansa. Pumunta kami sa France. Naging masaya rin naman ako dahil kasama ko sina Mommy at Daddy lalo na si Kuya kahit panay ang pagsusungit at ayaw pa akong kunan ng picture sa Eiffel tower.
“Kuya!” Nabubwesit kong tawag dahil kanina pa ako nangangawit kakangiti pero ang tagal tagal niyang kiniclick ang camera.
“Ang pangit ng ngiti mo,” aniya at nailing pa.
“I hate you! Just do it, okay!”
Umiling siyang muli. “Pangit ang ngiti.”
“Just fucking do it, Kuya!” galit ko nang sigaw kaya nagtinginan pa iyong iba.
“Ngumiti kana ulit,” aniya at ipinosisyon ulit ang camera para kunan ako ng picture.
Sunod sunod ang kanyang click kaya ngumiti ako ng matamis. Noong matapos iyon ay umirap agad ako at tumakbo patungo sa kanya. Tinignan niya iyon kaya sumilip din ako. Nailing siya.
“Ang pangit ng ngiti mo. Pumunta ka kasi sa maling tao,” makahulugan niyang sabi na agaran kong ikinabusangot.
Hindi talaga siya nakakatulong. Imbes na sinisikap kong magmove-on ay heto si Kuya, panay ang bato sa akin ng kung ano-ano at dinidemonyo ako. I know he’s talking about Trey since he really doesn’t like him. Ewan ko sa kanya. Parang may galit talaga siya kay Trey! Mas mahigpit na siya ngayon sa akin kumpara noong kay Isaiah. Ayaw niya na akong lumalabas mag-isa total kahit ako ay ayaw ko rin namang lumabas labas.
Maybe he really likes Isaiah… Ewan ko kung bakit but I’m sure he’s in favor with Isaiah than Trey. Mas maluwag siya sa akin noon eh kaysa ngayon.
“Nasa legal age na ako so ibig sabihin pwede na akong ligawan…” sabi ko sa kanya nang maglakad na kami patungo sa kinaroroonan ni Mommy at Daddy na nagpipicture rin.
Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay sa kanyang pants. Hindi siya kumibo sa bagay na iyon.
“At wala kang magagawa kung sino man ang gusto kong maging boyfriend.”
“Kung makapagsalita ka ay akala mo talaga gusto mo rin,” matabang niyang sabi.
“Gusto ko…” mahina kong bigkas at kahit ako ay halos hindi na marinig ang aking sarili.
Gusto ko dahil iyon ang tama.
You won’t regret this, right, Zera?
Ang plano ni Daddy ay sa summer na tumanggap ng manliligaw sa bahay and I think Trey agreed about his condition. Wala rin namang kaso sa akin dahil hindi naman masyadong distraction si Trey at hindi naman ako nagmamadaling pumasok sa relasyon.
Alam kong gets ni Mommy at Kuya ang plano ko maliban lamang kay Daddy na hindi talaga iyon magets.
“Ganyan kayong mga babae eh. Nagkaroon lang ng kaonting sabit ay tumatalon na agad kayo sa ibang lalake,” ani Daddy nang sabihin ko sa kanyang okay lang sa akin na ligawan ako ni Trey.
Napasimangot si Mommy at sinundan ng tingin si Daddy na papunta nang kusina.
“Ang galing galing niyo lang magparamdam na mahal niyo kami tapos handa rin pala kayong tumalikod at bitiwan kami sa huli,” dagdag pa ni Daddy na naroon na sa loob ng countertop.
“Aww Jin… Base on experience ba ’yan?” mapang-uyam na tanong ni Mommy at ngumisi.
Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Daddy.
“Kausapin mo ’yang anak mo at parang sumusunod sa yapak mo.” Nailing pa si Daddy.
He’s aware I’m inlove with Isaiah pero ngayon na tinatanggap ko si Trey bilang manliligaw ko ay iyon na ang kanyang hindi maintindihan. Kahit anong sabi ko na gusto ko naman talaga si Trey kahit noon pa ay ayaw niyang maniwala sa akin. He even accused me of being a playgirl!
It’s complicated but I really have no choice…
33rd Lured
Lured
This chapter is dedicated to Alexandra Jaurigue. Happy reading!
Summer
Nagtungo kaming magpipinsan sa Canada noong Pasko and New Year to be with Nana kasama ang mga parents namin.
Sa eroplano pa lang ay maingay ang iba kong mga pinsan lalo na si Ken na nakikipaghagalpakan kay Blue. Panay ang kanyang pagnguso roon sa sexy na flight attendant pagkatapos ay magtatawanan sila.
Katabi ko si Elle. Si Kuya ay katabi si Wayt na ayaw katabi si Ken dahil sa kaingayan. Si Ken at Blue ang magkatabi habang si Red naman ay isang stranger ang katabi at sa kanyang likuran ay si Kuya Toshi at Kuya Grey na seryosong nag-uusap.
Ang aming mga parents ay nasa kabila. Hindi ko na masyadong inusisa ang kanilang ginawa roon at tiningnan ko lang ang bintana lalo na’t nakaangat narin kami sa ere.
“Kumusta na kaya si Isaiah ’no? ’Di ba naging friends naman kayo, Zera? Ayaw mo ba siyang bisitahin?” tanong ni Elle.
“I’m busy with my studies,” sabi ko sa matabang na boses habang pinatili ang mga mata sa labas ng bintana.
“Huh? Sunday?”
“Maraming homework,” sagot ko.
“After homework?”
Iritado ko siyang nilingon. Kumurap naman siya at hinawi ang buhok.
“Bakit ayaw mo siyang bisitahin?” nagtataka niyang tanong at hindi natatablan sa aking tingin.
Nag-iwas ulit ako ng mga mata. I just don’t like it… Hindi ko siya kayang tingnan doon.
“Kawawa talaga si Isaiah. Sana man lang makonsensya si Keesha sa ginawa niya.”
Hindi na ako umimik at itinulog nalang ang natitirang oras. Pagkagising ko ay malapit na kaming bumaba. Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan muli ang bintana. Nilingon ko naman si Elle sa aking tabi na tulog parin. Lumingon ako sa likod. Tulog din si Wayt maliban kay Kuya na nasa labas lang ng bintana ang tingin. Napalingon siya sa akin kaya mabilis kong binawi ang aking mga mata.
Hapon na noong dumating kami sa bahay ng parents ni Tita Abbegail sa Canada. Doon kasi nanunuluyan si Nana with her parents. Malaki naman ang bahay lalo na’t ang tanging narito lang rin ay ang lolo at lola niya na parents ni Tita.
“Zera! Elle!” Nakangiting tumakbo si Nana sa amin at pinagyayakap kami.
“Namiss ko kayo!” Nagtatalon na siya sa tuwa na kahit si Elle ay humagikhik narin.
Tanging ngiti ang naigawad ko at sinulyapan ang kanyang suot. Naka shorts short lamang siya at Tshirt. Ang buhok ay naka bun ngunit magulo at may nalalaglag pa. Sa dibdib ako nagfocus. Walang improvement kahit twenty na siya. Wala parin atang boyfriend…
“Tumangkad ka ba, Zera?!” gulat niyang tanong nang ako ang pinagtuunan ng pansin.
“I don’t know. Maybe,” sabi ko habang hinuhubad ang aking mini packbag na suot.
“Pumayat ka,” aniya nang tingnan pa ako mula ulo hanggang paa.
Tinantanan niya rin naman ako lalo na’t nagsipasukan narin ang mga boys na nahubad na ang kanilang mga sapatos at doon naman tumakbo si Nana. She hugged Wayt first who smiled at her at iniyapos rin ang kamay sa kanyang beywang para gumanti ng yakap.
Sobra nang ingay sa loob. Humahagikhik si Nana habang sina Kuya Toshi at Kuya Grey na ang nangungumusta sa kanya. Si Ken ay iyong aso naman ang nagawang paglaruan at hinabol habol pa habang ang kambal ay nawili roon sa pacookies ng Lola ni Nana.
Ang mga parents naman namin ay nanatili sa living room at nakikipag-usap agad sa parents ni Nana while kami naman ay umakyat na sa kuwarto para rin ilagay ang aming mga gamit.
Ang mga boys ay uukupahin iyong isang guest room at doon sila magsisisiksihan pero baka dito rin humalo ang kambal sa amin total malaki ang kuwarto ni Nana.
“May boyfriend kana, Zera? May progress na ba sa inyo ni Trey?” tanong ni Nana na nasa aking likuran at sumisilip silip sa aking hinahalungkat sa bagahe.
“Medyo close na sila ngayon,” si Elle ang sumagot na nakaupo sa kama.
“Talaga?! And nasa legal age kana eh… Pwede kanang magboyfriend,” aniya.
“Oo pwede na,” sagot ko at isinara ang aking bagahe pagkatapos kumuha ng pampalit na damit.
“Bagay kayo ni Trey… I’m sure he’ll handle you well since he’s way older than you. Ilang taon nga ang gap niyo? Four? Five?”
“Four,” si Elle ang sumagot.
Tinalikuran ko sila at hinubad ang aking suot na pants at top para magpalit ng komportableng dress.
“Ah, four… Ang layo rin pala.”
“Oo nga ’no? Ako mas prefer ko talaga ang kaedad ko lang. Or at least one year older sa akin. Pag matanda kasi parang ang boring na ng ganoong mga lalake kasi seryoso na masyado sa buhay,” ani Elle.
Nilingon ko siya habang hinihila ko ang laylayan ng aking dress.
“Bakit? Gusto mo ba iyong hindi seryoso at lolokohin ka lang?”
Tumawa si Nana sa aking tanong. Ngumuso naman si Elle. Ibinalik ko ang aking atensyon sa isinuot na dress at inayos ang lace noon.
Boys ang kanilang topic habang naroon kami sa kuwarto. Noong bumaba kaming tatlo at nakisali narin sa mga pinsan namin na sobra nang ingay ay kahit saan saan nalang napadpad ang topic. Si Nana ay naroon na sa tabi ni Wayt at nag-uusap na ang dalawa. Ngumingiti siya ng matamis na ganoon rin si Wayt at ngumingisi sa kanya. Halos nakaupo ang iba sa sofa at may mga kinakain na while wala naman ang parents namin at mukhang kasama na nila Tita Abbegail sa kabilang bahay. I think mamaya sa mansyon kami nila Lolo Rico…
Noong sumapit ang pasko ay sa mansyon kami ni Lolo Rico nagcelebrate. Kompleto kaming lahat sa hapag para sa noche buena at kahit sina Tita Ylisanna ay Tito Stolich ay nandito rin kasama ang kanilang nag-iisang anak na si Brandish, nasa 9-year-old pa lamang.
“I want that!” Itinuro ni Brandish ang isang wine habang nakaupo sa hita ni Grand Uncle Rico.
“Opse… This isn’t suitable for your age, Brandy…” ani Tito, ang Daddy ni Nana, na inilayo agad iyon.
“Bigyan mo na. Kawawa ang bata,” si Grand Uncle Rico iyon.
“Dad. Bawal ’yan sa kanya,” giit ni Tito.
Nakay Brandy na lahat ang aming tingin lalo na’t umiling iling pa siya.
“Patikim ako. I want that…” Itinuro niya na iyong muli sa nagkakasalubong na kilay, ang pisngi ay mamula mula pa ganoon rin ang perpektong hugis ng mala bow ng kupido niyang labi.
“Brandy,” tawag ni Tito Stolich sa anak na hindi nakinig.
Imbes na makinig ay humilig na ito sa mesa at pilit inabot ang bote ng wine. Si Grand Uncle Dwight ang kumuha noon.
“Alright… We’ll give you… Sit properly,” ani Grand Uncle at sinalinan na ng kaonti ang isang wineglass.
Brandy smirked playfully at umupo muli ng maayos sa hita ni Grand Uncle Rico. Sinuklay pa nito ang kanyang maalon na nakapigtail na buhok at mukhang wala ring pagtutol sa binabalak ni Grand Uncle Dwight.
“Pa, hindi ba siya malalasing niyan? She’s just eleven,” ang Daddy ni Kuya Toshi na alalang alala.
“Kaonti lang naman. Gusto lang tumikim ng bata,” ani Grand Uncle Dwight na ibinigay kay Brandy ang wine glass na may laman nang kaonti.
“Noon halos magtago pa kami makatikim lang ng alak para hindi niyo mapagalitan tapos ngayon harap harapan niyo nang pinapamukha sa amin na may favoritism talaga kayo,” ang Daddy naman ngayon ni Wayt na ikinahagalpak ng lahat.
Knowing Grand Uncle Rico… I’m sure sobrang higpit at strict niya as a father.
“Eh mas spoiled pa ata ’yan kaysa sa kabataan ni Yui,” ang Daddy ni Elle.
“Sinabi mo pa. Baka nga mas malala pa ang ugali niyan kaysa kay Zera,” si Daddy naman.
“Nagtatantrums kasi kung hindi pagbibigyan,” si Tita Ylisanna naman.
“Eh sinanay niyong pinagbibigyan lagi,” ang Daddy ni Kuya Grey ang nagsalita.
“Si Uncle Rico and Uncle Dwight! They’re spoiling Brandy too much,” ani Tita Ylisanna.
“Oo nga, Pa?” ang Daddy ni Nana naman. “Napaka favoritism mo naman ata. Noon halos magpa solicit pa ako sa mga pinsan ko para lang madagdagan ang allowance ko tapos ngayon malalaman kong sobra mong inispoil si Brandy.”
Naghagalpakan kaming muli.
“Ang layo na kasi ng generation ng mga kabataan ngayon sa generation natin noon. We’re working hard to give them everything we didn’t have when we were kids…” si Mommy naman.
“Pero kahit less gadgets tayo noon ay mas marami naman ang bonding,” ang Daddy ni Kuya Grey na ikinatango rin nila.
Ganoon ang kanilang topic. Nakikinig lamang kami at nakikipagtawanan sa kanila. I guess their childhood were more fun compared to us. Pero masaya rin naman ang childhood ko… Kaso I really don’t play alot since I hate being so sweaty.
Noong sumapit naman ang New Year ay kami kami parin ang nagcelebrate. Sabay naming pinanood ang live fireworks na plinano ni Grand Uncle Rico. Sa kalagitnaan ng pagsasaya, sa kaingayan ng paligid, sa pumapaibabaw na mga halakhakan, bigla kong naalala si Isaiah.
H-How did he celebrate his New Year? May bumisita ba sa kanya? Binisita ba siya nila Lyle, Raziel at Anzai to celebrate New Year? Iniisip ko pa lang iyon ay naninikip na agad ang aking dibdib. I hope he’s okay right now…
Nagsiuwian rin naman kami sa Pilipinas pagkatapos ng ilang araw ng celebration doon. Balik klase na ulit at nagsisimula na namang magreview for incoming test.
February.
Araw ng mga puso. Para akong nagkaroon ng allergy nang makita ko ang mga nakasabit na korteng puso sa school. Masakit sila sa mata at sobrang nakakabitter.
Bakit hindi man lang namin naabutan ni Isaiah ang ganitong taon? I would really glad to bake him some cakes with Daddy’s help! Gusto ko rin namang makalimutan niya iyong burned eggs ko kaya at least man lang sa cake ay pumasa sa kanya.
Bumuntong ako ng hininga. Damn you, Zera! Gusto mong makamove-on pero heto ka at binabalik-balikan ang alaala niyo sa utak mo.
“Dami palang may nagkakacrush sa akin?” Nagulat si Elle sa dami ng mga chocolates na nasa ibabaw ng kanyang locker.
Kasabay ko siyang kumuha ng libro at puno nga ng chocolates ang ibabaw noon. Meron rin namang akin na pinagkukuha ko at inilagay sa loob ng aking bag para may snacks ako mamaya. Pagbukas ko sa aking locker, naglaglagan agad ang mga letters.
“Ang rami!” Namilog ang kanyang mga mata at nagawa pang pumulot doon ng isa.
Binuksan niya iyon sa aking harapan. Hinawi ko pa iyong ibang letters na naglaglagan at kinuha ang textbook para sa next subject.
“Dear sweetiepie- ewwww! Kadiri! Sweetiepie?!” Napangiwi siya ng husto at binitiwan agad iyong letter.
“Ang creepy naman ng sweetiepie! Nakakapanindig balahibo! Ang corny!” aniya nang binuksan narin ang kanyang locker.
Nababaliw narin talaga ang babaeng ito. Hindi naman sana para iyon sa kanya pero kung makapagreact feeling niya siya ang sinabihan.
Pinagkakain ko lamang iyong mga chocolates at iyong mga letters na natanggap ay hindi ko na binuksan pa. Nakatanggap naman ako ng text kay Kuya at pinapapunta pa ako sa kanyang classroom.
Nagtungo ako roon. Kuya is very popular with girls. Maraming nagkakagusto sa kanya pero masyado siyang snob at ni isa ay wala talagang pinapansin. I really don’t know if he’s allergic with girls or he likes someone who doesn’t like him.
“Oh sa’yo na ang mga ’yan.” Ibinigay niya sa akin ang malalaking chocolates.
Ba’t iyong mga natanggap ko ang liliit? Mga cloud 9, kitkat, at dairymilk lang ata ang medyo kalakihan. While kay Kuya ay may isang pack siya ng Ferrero, plus ang rami niya ring kitkat at hindi ko mabilang ang mga dairymilk niya ’tsaka ang isang pack ng kisses.
Buong araw ko iyong pinagkakain. Wala namang gaanong klase dahil sa program kaya bawat oras ay may kinakain talaga akong chocolates.
Iyong iba na hindi ko na naubos, kahit gusto ko pang kainin, ay ibinigay ko nalang kay Irah.
“Thanks,” tipid niyang sabi at hindi makatingin sa aking mga mata habang tinatanggap iyon.
“I’m not really into sweets,” aniya.
Bumusangot ako. “Then don’t eat it.”
Umirap ako sa kanya habang siya naman ay tinitigan lamang iyon. Wala man lang ba siyang ibibigay pabalik sa akin? A single chocolate will do!
Nakatanggap ako ng text kaya nawala saglit ang aking isipan at napunta ang tingin sa aking cellphone. Nakita ko ang text doon ni Trey.
Trey:
Happy Valentines, Zera.
Sumulyap ako saglit kay Irah na binubuksan na iyong kitkat. Ngumuso ako. Kakainin naman pala…
Nagtipa ako ng mensahe kay Trey.
Ako:
Thanks :’)))
Ibinulsa ko iyon at tiningnan si Irah na kinagatan iyon ng kaonti. Ngumiwi ako. Kaya ayaw kong nagmomodel dahil masyadong nagiging conscious sa katawan. Hindi naman sa tumataba ako kakakain lalp na’t mabilis ang aking metabolism pero ayaw ko talaga iyong pinagbabawalan ko ang aking sarili na kumain.
Nagbeep ulit ang aking cellphone. Tiningnan ko iyong muli at nakita ang reply ni Trey.
Trey:
Let’s go home together.
Nagtipa naman ako.
Ako:
Alright…
Kaya noong alas kuwatro y media ay nagkita kaming muli sa parking lot. Huminto ang pamilyar na sasakyan niyang Ford sa aking harapan at lumabas siya roon, may dalang bouquet of roses na ikinakurap ko.
Inilahad niya iyon sa akin nang makarating siya sa aking harapan. Kinagat ko ang aking labi saka iyon tinanggap.
“Thanks…” sabi ko at nginitian siya.
Ngumiti pabalik si Trey at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat.
Pumasok ako roon dala dala ang bulaklak. Inilapag ko iyon sa aking kandungan saka niya isinara ang pinto at umikot.
Hinila ko naman ang seatbelt. Pumasok si Trey sa driver’s seat at tiningnan ako habang hinihila rin ang seatbelt.
“Do you want to have dinner first with me?” tanong niya sa marahang boses.
“Maaga pa naman… Okay lang.”
“Alright…” saka niya inikot ang manibela. “Where do you want to eat?”
“Uh… Ikaw na ang bahala, Trey…” sabi ko, katulad ng aking sagot sa tuwing tinatanong niya ako ng ganoong bagay.
Nasasanay narin naman akong kumain kami ni Trey sa labas. Noong January, niyaya niya rin ako. Hindi nga lang palagi dahil parang sinasapian ng demonyo si Kuya Hiro at nagsusungit na ng husto pag hindi ako nakikita sa bahay.
I celebrated my Valentines Day with him. Napaangiti niya naman ako pero sa tuwing uuwi ako ng bahay ay pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko. Maybe I am just missing Isaiah too much.
Ang pagpipigil ko ay umabot ng Marso na hindi ko talaga siya dinalaw. Papatapos na ang klase. Nabalitaan ko naman kina Silas na matatapos na ang parole ni Isaiah at lalabas sa kalagitnaan ng April.
Lalabas na siya sa susunod na buwan… Sa mismong pagpasok ng Summer. Bigla akong kinabahan. Parang ang laki laki ng utang ko sa kanya na pag siningil niya ako at wala akong maibabayad doon ay magagalit siya ng husto.
Sana matuon nalang sa ibang bagay ang kanyang atensyon. Sana ay bumalik agad siya sa banda at asikasuhin nalang ang kanyang pag-aaral. O hindi kaya ay nabagok siya at nakalimutan ako para nang rason pa para magkita kaming dalawa.
Pero kahit anong isipin ko, alam kong magkikita at magkikita talaga kaming dalawa. Alam kong may ediya siya sa pinaggagawa ko dahil madalas siyang binibisita nila Silas at hindi malabong naikwento ng mga iyon ang tungkol sa pagiging close namin ni Trey. Idagdag pa ang hindi ko pagbisita sa kanya. Sigurado akong mas dadagdag iyon sa kanyang galit.
Handa naman ako. Handa ako sa galit niya, sa sasabihin niya. Handa ako sa ano mang mangyari. Pero hindi ko alam kung handa ba akong bumitaw talaga. Pinilit ko nalang alalahanin ang mga araw na sa tuwing kasama niya ako ay napapahamak ko siya. Sinikap kong iyon nalang ang itatak sa aking isipan.
I’m no good for him…
Sa buwan ng Abril ay naging busy kami sa clearance at sa huling exam sa semester na iyon. Okay naman ang lahat. Naging smooth naman. Wala akong bagsak. Bumaba ng kaonti ang grade ko sa Algebra hindi kagaya noong first sem na ang tataas ng grades ko. Ganoon kalaki ang naging epekto noong hindi na si Isaiah ang nagtuturo sa akin.
Hayaan mo na, Zera. At least pasado at wala kang bagsak.
“Bakasyon na! Sa wakas!” Halos magsisigaw si Elle nang pumunta siya sa aming bahay sa umaga ng Lunes.
Mainit ang pagpasok ng bakasyon at parang tinutulak kaming pumunta sa beach dahil sa tirik na tirik na araw. Ang sarap maligo lalo na’t sobrang nakakabagot sa bahay.
“Magboracay kaya tayo next month? Or mag Cebu? What do you think, Zera? Isama natin si Kuya Hiro at ang mga Kuya ko para may kasama tayo roon,” aniya at tinabihan ako sa sofa.
Boring ang umagang iyon at kumakain lang ako ng popcorn habang nanonood ng palabas sa tv.
“Pwede,” matamlay kong sagot.
Napalingon siya nang marinig ang yapak ng mga paang bumababa sa hagdanan.
“Papayag ka bang mag Cebu kami next month, Kuya Hiro? Pwede kang sumama…” ani Elle.
“Kayo ang bahala. Total Summer naman,” sagot nito.
Lumawak agad ang ngisi ni Elle.
“Oo nga pala, Damonisse…” si Kuya iyon, ang boses ay parang may pinaparating agad.
Tamad ko siyang nilingon. Inaayos niya ang magulong buhok at ngumisi sa akin.
“Lumabas na si Silvestre. Nakalaya na siya,” sabi niya na ikinalunok ko.
“Huh? Si Isaiah?! Talaga?!” si Elle na tuwang-tuwa.
Halos makalimutan ko kung paano huminga noong oras na iyon. Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib at bigla akong kinabahan ng husto. Shit…
34th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Yzah S. Evangelista. Happy reading!
I’m Sorry
Hindi na ako mapakali noong araw na iyon. Kahit ano ano nalang ang pinaggagawa ko. Para akong nawala sa sarili. I am so guilty… Wala pa naman sana si Isaiah sa harapan ko ay pinagpapawisan na ako.
Pag nagtanong siya, ano ang isasagot ko? Alibi Zera! Yes… Mag alibi ka na busy ka sa school. But what if he won’t buy that? Paano naman ang tanong niya tungkol kay Trey? How will I answer it without stuttering? Just don’t look at him in the eyes! Avoid looking at him in the eyes and excuse yourself immediately. H’wag mong hayaang magtagal ang usapan niyo.
Sinapo ko ang puso kong sobrang nagwawala. Hinabol ko ang aking hininga at mariing ipinikit ang mga mata. Past 10 o’clock pm na ng gabi pero heto ako at sobrang nababahala sa balita ni Kuya sa akin kaninang umaga.
Nagchange ako ng number kaya hindi niya narin ako matetext. Pero pwede siyang sumulpot dito anytime! I am really really nervous. Parang matutunaw agad ako sa kanyang harapan.
Nagbeep ang aking cellphone na ikinagulat ko. Tiningnan ko iyon at nakita ang text ni Trey.
Binuksan ko ang kanyang mensahe.
Trey:
Pupunta ako bukas sa bahay niyo.
Tinitigan ko pa iyon bago ako nagtipa. I can’t remember anything. May okasyon ba bukas dito sa bahay?
Nagtipa ako.
Ako:
Why?
Bago ko pa iyon mailapag ay nagreply na agad si Trey.
Trey:
I’m courting you, remember?
Oh… Summer na nga pala. Ibig sabihin ay tatanggap na ng manliligaw si Daddy sa bahay. Akala ko nga eh nagsisimula na siya. He’s being extra sweet to me these past few days. Sinusundo niya ako, tinitext ng Good morning, good night. Niyayaya sa labas. Marami siyang ginagawa na akala ko ay panliligaw na.
Nagtipa ako.
Ako:
Okay… May lakad tayo bukas?
Trey:
We can go somewhere if you like.
Ako:
Sige. Gusto ko rin kasing gumala.
Ayoko rito sa bahay. Ayokong manatili rito dahil parang aatakihin ako sa puso ano mang oras. I need a fucking diversion! Gusto kong lumayo. Gusto kong magsaya. Gusto kong umuwi ng gabi at matulog agad nang walang inaalala.
Oh really, Zera? Just admit to yourself that you’re avoiding him, you’re avoiding Isaiah.
Nagreply ulit si Trey.
Trey:
Do you want to travel?
Naalala ko bigla ang pangarap ko, ang pangarap namin ni Isaiah. What happened, Zera? What happened?
Bumuntong ako ng hininga at kinagat ang labi. I still want to save that with Isaiah. Kung hindi rin naman siya ang makakasama ko ay h’wag nalang. Pangako ko iyon na kung hindi ko man matutupad kay Isaiah, ay hindi ko rin gagawin sa ibang lalake.
Ako:
Not really. Medyo tinatamad ako since we’re really travelling alot.
Nagreply rin naman si Trey.
Trey:
Okay. Roadtrip?
Ako:
Pwede :)
Pinipiga ang puso ko sa bawat desisyon na binibitiwan ko. But there’s no turning back. Nasimulan ko na rin naman. Bahala nalang kung saan man ako dalhin ng aking desisyon. I just want him gone… No… Ako ang gustong lumabas sa mundo niya. Ako ang tatalikod. Ako ang mang-iiwan. Pero kung hindi ko rin kaya, siya nalang ang itutulak ko palabas sa mundo ko.
Tama naman ’di ba, Zera? Yes… This is the right thing to do! I know this is the right thing to do.
Maaga akong natulog at hindi gaanong nakakapuyatan si Trey sa cellphone. We really don’t talk much through text. O kahit sa personal naman siguro. Wala kasi akong topic na nabubuksan habang siya naman ay hindi gaanong madaldal. Puro lang kami small talks. Medyo dry…
Kinabukasan, hindi na ako nagtaka noong pumunta si Trey sa aming bahay. Nagdala siya ng bulaklak at chocolates for me. Nakasuot pa ako ng pajamas while si Kuya naman ay tinatapunan ako ng kakaibang tingin.
“May lakad ba kayo ngayon?” tanong ni Mommy habang inilapag ang tray sa mini table.
Tumango si Trey.
“Gagala raw si Zera, Tita… Ipagmamaneho ko siya,” ani Trey.
“Oh… Ganoon ba?” Ngumiti si Mommy at tiningnan ako na tinititigan ang bulaklak sa aking kandungan.
“Enjoy, okay?” ani Mommy.
Tiningnan ko siya. She’s giving me a weird look. Tumango nalang ako at ngumiti rin.
“Nabago pa naman ang curfew ni Damonisse. Hanggang 6 PM nalang siya,” ani Kuya sa gilid at nakahalukipkip pa sa seryosong mukha.
Tiningnan namin siyang tatlo. Si Mommy ay hindi nakailing. Ako naman ay nagkasalubong ang kilay at si Trey ay tumango naman.
“Sure… Ihahatid ko siya pagsapit ng 6…”
“5:30,” pagtatama ni Kuya.
Nagkatinginan kami ni Mommy. Sumulyap saglit si Trey at tumango rin naman.
“Okay… 5:30,” aniya.
“Baka nga 4 PM nagyayaya nang umuwi iyang kapatid ko,” mapang-uyam na sabi ni Kuya at nagawa pang ngumisi.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pasimple namang hinaplos ni Trey ang kanyang braso at mukhang naapektuhan sa nakakakilabot na ngisi ng aking kapatid.
“Stop it…” pagbabanta ko.
“Sa ating dalawa alam mong ikaw dapat ang huminto, Zera,” seryoso niyang bigkas.
“You two… stop it. Nakakahiya sa bisita kung sa harapan niya kayo magbabangayan,” si Mommy sa marahang boses.
Bumusangot ako at tinapunan ng matalim na tingin si Kuya. Hinaplos niya lamang ang buhok at hindi parin nagbabago ang seryosong ekspresyon ngunit kalmado lang naman.
Si Mommy muna ang nang-entertain kay Trey habang nagbibihis ako. Kahit walang ganang kumilos ay pinilit ko na lamang ang aking sarili. I just wore a sweethearts top and jeans paired with flats. Binlower ko ang aking buhok para ma bun ko nalang iyon at tinatamad akong maglugay ngayon.
Bumaba rin naman ako. Si Kuya ay panay parin ang pagtatapon sa akin ng tingin while Mommy is smiling innocently at Trey. Nasa work pa kasi si Daddy but he’s aware that Trey is coming today. Siguro sinulsulan niya rin si Kuya o sadyang ayaw lang talaga ni Kuya na narito si Trey since he told me he’s not going to support me with Trey.
“Alis na kami, Mommy…” Hinagkan ko ang kanyang pisngi.
Tumayo narin si Trey at nagpaalam. Nakipagkamayan pa siya kay Kuya na tumango naman sa kanya kahit ang suplado parin ng mukha.
“Pilitin mong mag-enjoy,” matabang na sabi ni Kuya at mukhang ako lamang ang nakarinig.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago kami tuluyang lumabas ni Trey. Bakit ba dinidemonyo niya ako? He’s irritating!
Wala kaming malinaw na destinasyon ni Trey noong makapasok na ako sa kanyang kotse at nag-umpisa niya na akong tanungin kung saan ko gustong pumunta. Wala naman talaga akong gustong puntahan. Gusto ko lang naman umalis ng bahay.
“Kahit saan, Trey…” sabi ko.
Ngumisi siya at nailing.
“Kahit saan? You mean kahit saan kita dadalhin ay papayag ka?”
Tumango ako.
“Oo…”
Tumawa siya at nahaplos ang buhok.
“You don’t want to travel with me but you want me to bring you anywhere… You’re so adorable,” si Trey na humahalakhak parin.
Oo nga naman, Zera. May ikakabobo ka pa pala.
“Uh… Just bring me anywhere or uh… let’s have a roadtrip nalang?”
Tumango tango si Trey, kagat kagat ang labi. Medyo hindi ako makatingin doon at itinuon nalang sa kalsada.
Hindi gaanong traffic. Smooth lamang ang kanyang pagmamaneho. Nangingibabaw ang kanta sa kanyang stereo at ang pinaka nakakainis pa ay pamilyar iyon.
Oh it’s good to be true, if our hopes and dreams come true…
Wish that I had more of this borrowed time
If only we would last a lifetime…
Pinatay ko agad iyon. Nagulat ata si Trey sa aking ginawa na kahit ako ay nagulat narin.
“Oh, uh… sorry. Pinapakinggan mo ba?” tanong ko at balak nalang ulit iyong buhayin ulit.
Umiling naman siya.
“Hindi rin. But that song is really nice. Ayaw mo ba sa ganoong kanta?”
“Ayoko… I don’t like sad songs…”
“Heartbreaking nga iyong pakinggan,” ani Trey at binasa ang labi.
Heartbreaking na nga pakinggan ay naaalala ko pa ang mga moments namin ni Isaiah kung saan nagkakasiyahan kami. Parang naging mv iyon ng masakit na kanta na nauwi sa paghihiwalayan, nauwi sa masakit na pagtatapos.
Lahat nalang ata sa paligid ay pinapaalala sa akin si Isaiah. How can I even move-on if he’s in my mind all day? Lahat ng bagay ay naiisip ko agad siya. Kahit ang mga ginagawa ni Trey ay siya parin ang naiisip ko. Walang pumapasok sa aking isipan kundi siya lang.
Gaga ka talaga, Zera.
Nagdrivethru kami ni Trey para sa aming roadtrip. Ang sabi niya ay may pupuntahan daw kami na isang overview para doon kami tumambay. Maganda raw roon lalo na kung gabi.
Tumango naman ako. Iyong feeling na gusto mong umuwi pero hinahayaan mo nalang na palipasin ang oras? Ganoon ang feeling. Ang utak ko ay lumilipad pa sa kung saan. Hindi ako makapagconcentrate ng maayos. Pupunta pa nga lang kami, may nag-uudyok na sa akin na umuwi na agad. Ganoon na ako ka baliw.
Binuksan ko ang bintana. Kinalas ko ang naka bun kong buhok at humilig doon para damhin ang hangin na pinaglaruan agad ang aking buhok.
Pumikit ako at hinayaan ang isipan na tangayin ng hangin. Lintek talaga. Kahit anong sikap kong h’wag isipin si Isaiah ay sa kanya talaga ako dinadala ng aking isipan. Kahit anong bura ko sa kanya ay para siyang magnanakaw na walang pasabing pumapasok at namamalagi roon, ayaw nang lumabas.
If he’s not meant to stay in your heart then at least let him stay in your mind, Zera.
Nadurog ang puso ko roon. Sinipa ko siya palabas sa puso ko kaya heto siya at umakyat sa isipan ko, halos ayaw nang umalis doon. What did you do to me, Isaiah? Why am I so crazily inlove with you?
It was a peaceful moment for me while I’m reminiscing our past. Ngunit noong nagsalita si Trey, doon ako muling nagising sa reyalidad na siya pala ang kasama ko. Na siya pala ang pinili ko.
“Are you going to watch my Graduation Day this June?” tanong niya bigla.
Nilingon ko siya at nginitian.
“Sure, Trey…”
“We’re going to have an after party.”
“Sige… Pupunta rin ako,” sabi ko.
Tumango siya at ngumiti.
“Mom will be happy if she sees you… She likes you,” aniya at natawa ng marahan.
“I miss her, too… Busy ba siya kay Brey?”
“Yup. Since Brey is really obsess with her ballet class every Summer. Sinasamahan siya lagi ni Mommy.”
Maganda ang kapatid ni Trey. She looks like Tita Shy alot with Tito Trever’s cold expression. Her fierce eyes are really powerful. She looks very snob yet she really has an angelic face like Tita Shy.
Iyon nga lang napaka tahimik ng batang iyon. She barely talks. Kahit nga si Ken, ang pinsan kong malandi ay gandang ganda rin sa kanya. Halatang napasahan rin iyon ng dugo ng mga Buenaventura kaya ganoon kung makatingin minsan, parang galit lagi at iritado.
Nasa overview na kami ni Trey at tinatanaw ang magandang kabuuan ng syudad. Siguro mas maganda rito kung gabi at makikita mo ang Citylights. Pero kahit hindi pa naman kumakagat ang dilim ay masasabi mo agad na maganda talaga ang paligid. Ang sarap pa ng preskong hangin habang nakaupo kaming dalawa sa ulo ng kanyang kotse at kumakain.
Kahit ano ano nalang ang aming pinag-uusapan. Tungkol parin iyon sa next schoolyear. Magsesecond year college na ako habang siya naman ay magtatrabaho na. Wala naman iyong kaso sa akin. Okay lang kung magiging busy siya.
Mga bandang 4 PM na noong nakatanggap ako ng mensahe galing kay Kuya. Tiningnan ko iyon at natigilan sa nabasa roon.
Kuya:
Guess who’s here?
Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Sumulyap si Trey sa akin. Nginitian ko siya at pasimpleng ikinulob ang aking cellphone.
“Is it Hiro?” tanong niya.
“Oo. Nagtetext lang ng kung ano ano,” sabi ko kahit na hindi ko na makalma ang aking puso.
Tumango siya. “Napaka possessive niyang kapatid.”
Napangisi ako at hindi nalang pinansin ang kanyang text. Maybe he’s just trolling me. Alam niyang kabado ako tapos papalalain niya pa.
Nagtext siyang muli. Binuksan ko agad iyon.
Kuya:
Your Isaiah is here.
Suminghap na talaga ako. Ang kalabog ng aking puso ay mas lalo lamang grumabe. Napainom ako ng wala sa oras na mineral water na nakalapag sa aming gitna at halos hirap pa akong lumunok.
I am not yet ready to face him! Pwede bang bigyan niya nalang muna ako ng oras? Handa naman sana ako sa mga binabalak ko at malinaw naman sana sa akin ang gagawin ko pero iyong naiisip ko palang ang imahe niyang naroon sa bahay ay hindi na agad ako makalma.
God… Para akong hihimatayin ano mang oras!
Hindi na ako mapakali noong pauwi na kami. Ni hindi narin pumasok sa isipan ko ang pinaggagawa namin ni Trey. Nakalimutan ko na talaga ang salitang mag enjoy dahil sa pinagtetext sa akin ni Kuya.
Nakita ko kung paano lumubog ang araw hanggang sa unti-unting nilalamon ng dilim ang daan. Nagpagabi ako, nagbabaka sakaling walang madatnang Isaiah roon sa bahay. I am not yet prepared! Bigla akong nilayasan ng tapang at nananaig ang kaba sa akin.
“Dito nalang, Trey,” agaran kong sabi nang balak niya na sanang bumusina sa gate.
Napatingin siya sa akin, kunot ang noo.
“Are you sure?”
Tumango ako at kinalas ang seatbelt. Kabadong kabado na ako.
Nang mapansin ni Trey ang aking ginawa ay mabilis niya ring kinalas ang kanya at inunahan ako sa pag labas. Sinundan ko ang kanyang pag-ikot hanggang sa binuksan niya ang pinto para sa akin at inalalayan ako.
“Thanks…” sabi ko at ngumiti sa kanya.
Isinara iyon ni Trey at ngumiti sa akin pabalik. Ibinulsa niya ang mga kamay at tiningnan pa ang gate namin bago ulit ako tiningnan.
“I’m free again tomorrow. Baka may lakad ka pa.”
“I’ll just text you…”
Tumango siya, dahan dahang bumaba ang tingin sa aking labi. Noong yumuko siya at marahang pinatakan ng halik ang aking labi ay hindi na ako nakaatras pa at hinayaan siyang gawin ang gusto niya.
Humiwalay rin naman si Trey. Ngumiti akong muli sa kanya habang namumungay ang kanyang mga mata sa akin.
“Pasok kana…” sabi niya.
“Sige lang. Mauna kana muna.” Ayoko pang pumasok dahil alam ko kung ano ang madadatnan ko roon.
“You sure?”
Tumango agad ako.
“Yup.”
Tinitigan niya ako ng ilang sigundo pero kalaunan ay mukhang pumayag rin sa aking gusto. Pinanood ko siyang pumasok doon sa pinto ng kanyang kotse at pasulyap sulyap sa akin.
Iwinagayway ko ang aking kamay. Pinanood ko kung paano paano iyon nawala sa aking paningin hanggang sa nakalayo narin iyon.
Bumuntong ako ng hininga at sinapo ang dibdib. Kabadong kabado na naman ako. Tiningnan ko ang gate nang may mahagip ang aking mga mata.
Napasinghap ako nang makita si Isaiah sa hindi kalayuan, nakatanaw sa akin gamit ang matalim na tingin at nakapamulsa sa kanyang pantalon. Ang suot niyang itim na t shirt ay mas madilim pa sa ekspresyong bumabalot sa kanyang mukha.
He… He saw it…
Lahat ng aking plano ay biglaang natupok ng apoy dahil sa lalim ng kanyang paninitig. Bigla kong nakalimutan ang aking mga kinabisado sa maaari naming pagtatagpo at ni isa ay wala na akong maalala.
Naglakad siya sa akin. Para nang hinataw ng tambol ang aking puso. Tiningnan ko ang bawat paghakbang niya na mas lalo lang nagpapahina sa akin. I don’t want him near me! Ayoko siyang maamoy! Ngayon palang na nakikita ko siya pagkatapos ng anim na buwan ay para na akong maiiyak. I missed him so much!
Ang kanyang paglalakad ay mas bumilis. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at galit ang mga mata. Para akong matutunaw kaya nagawa kong umatras na ikinagulat niya. Tumigil siya sa paghakbang at nanlumo sa aking ginawa.
“Ano ’yon?” matabang niyang tanong at ramdam ko ang kanyang galit.
Hindi agad ako nakasagot. Tinitigan ko lang ang galit sa kanyang mukha na kumakalat na. He never changed at all. Ang gwapo niya parin. Siya parin iyong lalakeng kinabaliwan ko ng husto.
“Ano ’yon?!” sigaw niya na ikinagulat ko.
“Naghintay ako sa loob ng anim na buwan tapos ito ang madadatnan ko?” Namula agad ang kanyang mga mata, ang boses ay masyado nang nagiging garalgal, tila naipon na ang sakit kaya ngayon ay agad siyang napuno.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan. Sinikap kong kimkimin ang sakit at ang mga luha. Sinikap kong huwag magpakita ng kung ano mang eskpresyon.
“Wala namang tayo, Isaiah,” matabang kong sagot.
Nakita ko kung paano siya nagulat. Kung paano nagloosen ang balikat niya sa isinampal kong salita sa kanya.
“Remember… Wala tayong label,” dagdag ko pa.
Hindi siya nakapagsalita roon. Noong tiningnan ko ang kanyang mga mata ay pulang pula na iyon.
“Noong wala ka… Noong nasa loob ka ng kulungan… Si Trey ang palagi kong kasama. At sa mga araw na iyon ay bumalik ang nararamdaman-”
“Shut-up, Damonisse,” putol niya.
“Bumalik ang nararamdaman ko para kay Trey at narealize ko na… na siya parin pala-”
Umiling agad siya at hinila ako. Sa aking takot na yakapin niya ako, sa aking takot na baka ay matunaw lamang ako roon at makalimutan ang aking plano ay mabilis ko agad iyong binawi.
“H’wag mo akong hawakan!” sigaw ko sanhi para magulat siya at mamutla.
Nanginig ang aking labi at kinagat ko na lamang iyon.
“Dahil ba ito sa issue? Nagkakaganyan ka ba dahil sa nangyari?” Pinilit niya akong hawakan ulit pero umiling lang ako at umatras.
“It’s not about the issue anymore, Isaiah! Ayoko na!”
Nakita ko kung paano siya natakot sa aking isinigaw. Nahilamos niya ang mukha at nabasa ang pang-ibabang labi. Halos mafrustrate siya at nagkakasalubong pa ang kanyang mga kilay.
“Paanong ayaw mo na? Ngayon ka pa aayaw sa ating dalawa na isinuko mo na ang lahat sa akin? Paanong ayaw mo na?!”
Napatalon ang aking balikat doon sa gulat pero hindi ako nagpatinag. I’m going to end this here. Isasagad ko na ang sakit para matapos na lahat.
“Sa kalagitnaan ng paghihintay ko sa’yo… nahulog ako sa ibang tao!” sigaw ko sa matigas na boses.
Kitang kita ko kung paano namuo ang mga luha sa kanyang mga mata na dismayadong nakatingin sa akin.
“Pero nandito na ulit ako. I am going to forgive you for falling inlove with someone just… just comeback to me…” Bumuhos agad ang kinimkim niyang mga luha.
Nilapitan niya ako kaya sa aking galit ay tinulak ko siya ng malakas. Marahil ay ganoon na siya kahina dahil napaatras ko agad ito sa isang tulak ko lang.
“Naririnig mo ba ang sarili mo, Isaiah?!”
“Damonisse please… H-Hindi ko ’to kaya. Kung friendly date lang iyon ay patatawarin naman kita. Kung sinabi mong wala lang iyon ay maniniwala ako sa’yo. Ako na ulit ang nandito at hindi mo na siya kailangan… I am willing to lower down my pride damn it! I am willing to forgive you just don’t leave me!”
“Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi?!” sigaw ko at bumuhos narin ang aking mga luha.
Tumitig siya sa akin. Ang mga luha ay walang humpay ang pagbuhos. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Pulang pula ang kanyang mga mata at sobrang sakit ng kanyang paninitig sa akin dahil sa mga mata niyang sobrang namumungay.
“Ayaw ko na! Gusto ko nang itigil lahat ng meron tayo!”
Pumikit siya at huminga ng malalim.
“Hindi mo na ako mahal? Iyong… Iyong mga pangako mo? Ang pangarap natin? Nasaan na iyon? Itinapon mo nalang ng ganon ganon kadali? Ganoon ba talaga kadali sa iyo ang bitawan ako?” tanong niya habang pumapatak ang malalaking luha sa sahig.
Hindi agad ako nakasagot doon. Pinalis ko ang aking mga luha at parang may nakabara na sa aking lalamunan.
Umahon muli ang kanyang tingin. Walang humpay na ang pagbuhos ng aking mga traydor na luha. Gusto kong ipakita sa kanya na matapang ako at sigurado na ako sa aking desisyon pero tinatraydor ako ng buo kong katawan.
“Sagutin mo.” Humakbang siyang muli papalapit sa akin.
Gumalaw ang aking balikat dahil sa aking iyak. Hindi ko kaya… Hindi ko kaya, Isaiah!
“Hindi…” Mas nanlabo ang aking mga mata. “Hindi na…”
Bago ko pa masambit ng buo ang gusto kong sabihin ay mabilis na akong nahila ni Isaiah at niyakap ng mahigpit.
Napapikit ako at parang yelong natunaw dahil sa init ng kanyang yakap. Humagulhol ako nang maamoy ko siya, nang maramdaman ko ang yakap niya. Ang naipong pangungulila ay parang tumagas at halos hindi na ako makahinga.
“Hindi na…” Itinulak ko siya kahit hinang hina na ako.
Humigpit lalo ang kanyang yakap sa akin at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Humagulhol siya roon.
“H’wag ganito, Damonisse… Hindi ko kakayanin… Kung ikaw kaya mong tumalikod ako hindi! Kung ikaw kaya mong bumitaw ako hindi! Hindi ko ito kaya! Walang matitira sa akin pag pati ikaw… pag pati ikaw ay iniwanan ako! H’wag mo naman akong saktan…” Hinang hina niyang sambit na ikinabuhos lang lalo ng aking mga luha.
“Isaiah. Nagmamakaawa ako sa’yo! Bitawan mo na ako! Ayaw… Ayaw ko na!” Itinulak ko siyang muli ngunit ayaw niya akong pakawalan.
“Magsisikap ako ulit. Mag-aaral ako ng mabuti. Mag-uumpisa tayong dalawa kung iyon ang pinoproblema mo. Gagawin ko ang lahat basta h’wag lang ganito!”
Umiling ako at itinulak siya. Gumalaw ang kanyang mga balikat at sunod sunod na ang kanyang paghinga. Basang basa na ang aking leeg dahil sa walang humpay na pagbuhos ng kanyang mga luha. Yumuko ako at bigong bigo.
I want you to grow without me. I want you to reach your dreams without me! I want you to be successful and if hurting you is the only way for you to set me free then I will sacrifice my happiness! I dont want to ruined you again.
“Hindi na kita mahal,” matapang kong bigkas na ikinaluwag ng kanyang pagkakayakap sa akin.
“Hindi na kita mahal, Isaiah!”
Pumikit siya hanggang sa makawala ako sa kanyang pagkakayakap. Narinig ko ang kanyang iyak, ang kanyang paghinga, ang sakit ng ginawa ko sa kanya.
Bago ko pa mabawi ang lahat, bago pa ako lumuhod at magmakaawa sa kanya na h’wag paniwalaan ang mga kasinungalingan ko ay tumakbo na agad ako papasok.
Mabilis kong isinara ang maliit na gate at napasandal doon. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi tumakas ang malakas kong iyak doon at agarang nanghina. Unti-unti akong napaupo habang naririnig sa labas ang kanyang iyak. Ganoon iyon kalakas na halos madurog ang puso ko at malagutan narin ako ng hininga.
I’m sorry… I’m really sorry! Mahal na mahal kita Isaiah pero hindi na pwede ang gusto nating dalawa! Hindi ko na kayang manatili sa tabi mo kung alam kong ako lang ang sisira sa’yo! I’m really sorry…
35th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Jessica Marie Bustillo. Happy reading!
New Chapter
Ilang minuto akong naroon at umiiyak lamang. I can’t even get-up. Hindi lamang ang puso ko ang nadurog kundi bawat parte ng aking katawan. Masyado akong nanghihina para tumayo. Masyado akong nanghihina sa ginawa kong desisyon.
I hope this is all worth it! Alam ko makakaya niya kahit wala ako. I am only a burden to him. Pag ipinagpatuloy namin ito, baka mas malala pa ang mangyari. I want to be selfish but this love is just too much!
“Ma’am… Okay lang po ba kayo?” Dinaluhan agad ako ng katulong at tinulungan akong makatayo.
Panay ang aking paghikbi. Pinalis ko ang mga luha pero grumabe lamang ang agos noon. Stop crying, Zera! Ginusto mo naman ang nangyari! Plinano mo naman siyang itulak palayo sa’yo! Ito naman ang gusto mo kaya h’wag kang umiyak iyak na parang sising sisi ka! Hindi mo na iyon mababawi.
Nagpapasalamat ako ng husto noong pumasok ako ay may pinagkakaabalahan sila. Deri-deritso na ang aking akyat at hindi na kayang sumagot pa kung sakali mang nagtanong sila kung anong nangyayari sa akin.
Anong isasagot ko? Mom, Dad, Kuya… I just pushed someone I really love because I want him to pursue his dreams without me. Ako lamang ang sisira ulit sa buhay niya at ayoko nang maging hadlang pa. Ganoon ba?
Kahit noong nasa kuwarto na ako ay hindi parin ako tumatahan. Gusto ko nalang dukutin ang puso ko palabas at hilingin na sana ay huminto ito sa pagkirot para makahinga na ako ng maluwag.
This decision isn’t for myself. This is for him. If we’ll meet again someday, I’m going to accept the changes. Tatanggapin ko ang galit niya. Tatanggapin ko kung mapunta siya sa iba. Tatanggapin ko ang lahat kung iyon ang magiging bunga ng desisyon ko para palayain siya.
Bumuhos muli ang aking mga luha. I am not even sure if I can love another man aside from Isaiah. Pero kahit masakit ay titiisin ko nalang. Ako ang bumitaw kaya ako ang walang karapatang manumbat sa kanya balang araw.
I am going to accept everything. Kung hindi man siya para sa akin ay tanggap ko rin. Siguro nga may mga pag-ibig na panandalian lang talaga.
Pagkagising ko ay mugtong mugto ang mga mata ko. I didn’t sleep enough last night. Tulala lang ako sa ceiling at paulit ulit sa aking isipan ang pag-iyak ni Isaiah.
“Umiyak ka ba buong gabi?” Madilim agad ang ekspresyon ni Daddy nang makita niya ang aking imahe habang nakaupo ito sa sofa at may tinitingnang dyaryo.
Umiling ako at matamlay na nagtungo roon sa countertop at doon nagdesisyong umupo.
“Sinaktan ka ni Trey?” Mas matigas na ang kanyang boses ngayon sa aking likuran.
Narinig ko ang panibagong yabag ng mga paang bumababa sa hagdan. Pumangalumbaba ako sa aking upuan at walang ganang tiningnan ang nakadisplay na mga prutas.
“I am not going to let him court you again!” galit niyang sabi.
Bumuntong ako ng hininga. Naramdaman ko naman ang presensya ni Kuya sa aking tabi at umupo ng patalikod sa countertop saka siya humilig sa likuran.
“Dad… This isn’t about Trey,” matamlay kong sabi.
Kumuha si Kuya ng isang apple at kinagatan iyon. Buhaghag ang kanyang buhok at topless, tanging sweatpants lamang ang suot.
“Oh edi sino iyang nagpaiyak sa’yo?”
“Nothing… Kasalanan ko rin naman,” bigkas ko.
“You’re rushing too much with your decisions,” si Kuya.
Nilaro ko ang aking mga kamay. Mahapdi parin ang aking puso, ang aking mga mata.
“Ano bang nangyayari riyan sa kapatid mo, Hiro?” si Daddy.
Nagkibit si Kuya at kinagatan ang kanyang apple na hawak.
Ilang beses akong kinulit ni Daddy tungkol sa mugto kong mga mata. Doon niya lang ako tinantanan noong nagtungo na siya sa kompanya para sa kanyang trabaho at si Mommy naman ang naiwan para kausapin ako.
I really don’t want to talk about what happened. Ayokong pakinggan ang sasabihin nila dahil alam kong hindi naman nila maiintindihan ang desisyon ko. I did those things for Isaiah. Those selfish decisions were all for him…
“You’re going to regret that someday, princess…” ani Mommy sa namumungay na mga mata.
Tumango ako, pagod nang isipin ang lahat.
“Alam ko, Mommy. Handa naman ako.”
Nailing si Mommy. “I suddenly remember my past self when I was at your age, too. But I hope you matured from the damages…”
Hindi na ako nagtanong pa kung anong tinutukoy niya sa bagay na iyon. Sariling desisyon ko naman ito. Sarili kong kagustuhan. I am mature enough for setting him free.
“Pag nakahanap ’yon ng iba huwag kang umiyak iyak ha,” si Kuya na kanina pa nakikinig, nakadamit na.
“Stop it, Hiro,” si Mommy.
“Si Isaiah pa eh hinahabol habol ’yon ng mga babae. Hindi malabong makahanap agad iyon ng ipapalit kay Damonisse.”
Alam ko namang iniinis lang ako ni Kuya at pinapakonsensya pero kung makahanap man siya ng iba ay tanggap ko naman. After what I did, I will no longer chase him again. Hindi para sa amin ang pag-ibig na ito.
“I think may nakuha rin si Zera sa ugali ko kahit papaano. Akala ko ganda lang eh…” ani Mommy.
“Kaya pala pinaparinggan ka ni Daddy na sumusunod siya sa yapak mo,” si Kuya.
Marahang tumawa si Mommy.
“Your Dad did everything just to reach me when we were young… He’s not even my first boyfriend. Malala ako magdesisyon noong nasa edad ako ni Zera. But I guess those pain are worth it since we both grow from it. Marami kaming natutunan. Ako, ang Daddy mo…”
“Ganyan siguro talaga kayong mga babae…”
Mommy chuckled.
“Hindi ka relate kasi hindi ka rin naman gusto ng gusto mo,” mapang-uyam niyang bigkas kaya sumulyap narin ako kay Kuya na nagkasalubong agad ang kilay.
“Sino ’yan, Mommy?” Nakisali narin ako para idistract ang sarili sa sakit.
“Oh… Someone familiar…” Ngumisi ng makahulugan si Mommy kay Kuya na nasa harap namin, naroon sa sofa at nakahilig sa kanyang mga hita.
Ngumiwi si Kuya. “H’wag mong itsismis kay Damonisse, Ma.”
Marahang tumawa si Mommy. Umirap naman ako. Pakialam ko riyan sa lovelife niya. Hindi naman ako katulad niyang pakialamero! Wala akong mapapala roon.
Noong hapong iyon ay nakatanggap ako ng text galing kay Trey. Binuksan ko iyon at binasa.
Trey:
Any plans for today?
Napabuntong akong muli ng hininga. Isa pa ’to… I don’t want to hurt him. Alam ko namang walang patutunguhan ang panliligaw niya. Pinilit ko lang ang aking sarili sa kanya para may diversion ako pero at the end of the day ay si Isaiah parin naman ang pinipili ng isipan ko. Kay Isaiah parin ako bumabagsak.
Trey is such a nice person and I don’t want to be unfair to him. He deserves someone who’s going to love him. Hindi ko naman masusuklian ang nararamdaman niya. Pwedeng ipilit pero ayoko ring pati siya ay masaktan ko dahil lang sa kagagahan ko. And I want to enjoy the pain for hurting Isaiah. Gusto kong parusahan ang sarili ko at h’wag nalang magmahal pa.
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
Can we meet later?
Nagreply naman agad ito.
Trey:
Yeah sure.
Nahipo ko ang aking noo. Ano ba itong napasukan ko? I know love is really complicated pero mas lalo ko lang atang pinakomplikado pa.
After all this heartaches I am just going to focus with myself and with my studies. Isasantabi ko nalang muna ang mga ganito. I think this can wait. I am not sure if I can find another man like Isaiah in the future but I know I am going to meet another person for me. Sa ngayon, focus nalang muna ako sa mga priorities.
4:30 PM noong sinundo ako ni Trey sa bahay. We just went on a nearby cafe. Hindi na ako lumayo pa dahil gusto ko lang naman siyang makausap.
“Uh, I want to talk about something…” Panimula ko pagkatapos niyang ilapag ang tray na naglalaman ng aming mga order.
Inilabas niya iyon isa-isa. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa kanyang ginagawa.
“Ano ’yon?”
Kinagat ko ang aking labi at gumala pa ang aking mga mata sa mga pagkain. Tiningnan ko ng ilang sigundo ang cake saka dahan dahan siyang tiningnan sa mga mata.
“Trey… You’re a nice person but I don’t think we’ll work out,” deritsahan kong bigkas na nagpakunot ng kanyang noo.
Hindi iyon nagtagal dahil marahan siyang ngumiti.
“That’s why I’m courting you so we’ll work out,” mahinahon niyang sabi.
Umiling agad ako.
“No… We’ll never work out… Iyong pagkagusto ko sa’yo ay hindi pa umaabot sa puntong handa na akong maging… maging girlfriend mo. I think I am just infatuating things…”
“Zera. We can work on that. I am not rushing you. Kaya nga kita liligawan para makilala natin ang isa’t isa,” aniya sa tinig na nanunuyo.
“No… I am not yet ready for this and I don’t think I am going to be ready for us. May…” Huminga ako ng malalim at tumitig sa kanyang mga matang namumungay. “May ibang laman ang puso ko.”
Agad na nagloosen ang kanyang balikat. Bigla akong naguilty. Napayuko ako at tiningnan ang frappe.
“I… I don’t understand. Ang alam ko sa akin ka lang naman nagkakagusto. Your cousins are even aware about it.” Nahaplos niya ang buhok at binalot ng pagtataka ang mukha.
Pinisil ko ang aking mga daliri sa aking kandungan.
“Bigla kasing lumiko ang nararamdaman ko noong mga panahong gusto kita. Hindi ko namalayan na… na nahulog na pala ako sa iba,” pag-amin ko.
Hindi agad nakapagsalita si Trey. Tinitigan niya pa ako ng ilang sigundo. Hindi ko siya halos matingnan sa kanyang mga mata.
“Wala bang second chance?” bulong niya.
Umiling ako. “Let’s just stay friends, Trey…”
Bumuntong siya ng hininga at nabasa ang pang-ibabang labi.
“I don’t know what to react.” Natawa siya pero halatang matabang na. “Pinaramdam mo sa akin na gustong gusto mo ako pero ngayon na ako na ang nagkakagusto sa’yo ay ikaw naman itong umaayaw na.”
“I’m sorry,” tangi kong bigkas.
“Damn, Zera… You lured me with your actions and it’s really confusing why you’re stopping this now. I really thought you like this, too…” bigo niyang sabi sa akin.
I accepted my mistakes. I am really rushing into things. Masyado akong careless. Nagdedesisyon agad ako nang hindi man lang nag-iisip kung anong kahahantungan noon sa dulo. Kung alam ko lang na hindi ko mapapanindigan ang pinakita kong atraksyon sa kanya ay hindi ko nalang sana ipinaramdam para hindi siya nahulog sa bagay na iyon.
Sigurado akong maniningil talaga ang karma sa akin balang araw dahil sa mga kagagahan ko.
Kahit masama ang loob ni Trey sa akin ay hinatid niya parin naman ako pauwi. He’s disappointed. Makikita ko iyon sa seryoso niyang ekspresyon.
Brat… Such a brat.
“This isn’t the last, right?” tanong ni Trey nang kalasin ko na ang seatbelt pagkapark niya sa gilid ng bahay.
Tiningnan ko siya at umiling.
“I am not closing the doors, Trey. We can still be friends…”
Marahan siyang tumango, hindi na halos makangiti.
“You really hurt me,” pag-amin niya sa namumungay na mga mata na ikinasimangot ko.
“I didn’t mean to…” I trailed-off.
“Kahit hindi mo sinasadya ay masakit parin, Zera. But I’m going to respect your decision. You’re still young and maybe you’re really not yet ready for a serious relationship. I am still going to wait…”
“Trey-”
“Hindi ko naman ipipilit kung ayaw mo talaga. But I am still going to try, Zera. Baka sa paglipas ng panahon ay magbago ang isip mo. Baka naguguluhan ka lang ngayon,” aniya at kinalas narin ang kanyang seatbelt.
Huminahon ang aking ekspresyon. Tiningnan ko siyang lumabas ng pinto at umikot para pagbuksan ako sa front seat.
Inalalayan niya akong lumabas. Ngumiti ako ng tipid at bigo siyang tiningnan.
“I’m really sorry,” sabi ko.
Tumango siya kahit na taliwas ang tipid na ngiti sa mga mata niyang nangingislap sa sakit.
“Kung kailan hulog na hulog narin ako sa’yo, diyan mo naman ako hindi sinalo.”
God, Trey… Mas lalo lamang akong naguilty. Parang ang rami ko nang atraso. Ang rami rami ko nang kasalanan. Lahat ng taong minahal ko ay tinalikuran ko rin sa huli. Pagkatapos kong iparamdam na gusto ko sila, at ngayon na ako naman ang nagugustuhan ay ako na agad itong umaayaw na.
Bahala nalang siguro. Hindi ko sila deserve. Makakahanap sila ng mas mamahalin sila hindi katulad sa akin.
Hindi naman ako naiyak sa araw na iyon. Parang namanhid na ang aking puso. Nasasaktan ako sa nangyari sa amin ni Trey pero hindi na iyon umabot sa aking mga mata dahil alam ko namang tama rin ang aking ginawa. Ayoko nang mas palalimin pa ang nararamdaman ni Trey sa akin dahil baka mas lalo ko lamang siyang masaktan.
Summer stressed me out. Sunod sunod ang mga kaganapan. Bigla nalang hindi na namamansin si Irah. Things got even worst when Ken got accused of raping someone.
Doon ako sumabog. I remember Isaiah who got framed-up dahil lang sa isang babae. Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko at nakasampal pa.
I was so triggered! Pinapaalala niya sa akin si Keesha, ang nangyari kay Isaiah. Paano nalang kung hindi namin naareglo ang kaso? Anong mangyayari kay Ken?
“We’re all stupid if we’re going to believe her,” ani Wayt sa gitna ng kaguluhan at nasa labas na kami ng presinto.
I thought he called her stupid. Iyon pala ang ibig niyang sabihin…
I don’t really get the girl’s point! Awang awa kami kay Ken noong mga oras na iyon. Hindi rin naman siya nagtagal sa loob at pinalabas din dahil nasettle na ng kanyang parents ang lahat.
Napaka unfair talaga. Kung nabibilang rin ba sa mayamang angkan si Isaiah ay mababaliktad ang nangyari noon? Makakalaya rin kaya agad siya dahil maaareglo iyong kaso? What if iyon nga ang nangyari. Hanggang ngayon kaya ay kami parin?
Bumuntong nalang ako ng hininga at hinayaan iyong mabura rin sa aking isipan. Wala na akong gaanong balita sa kanya. Ang alam ko lang kinuha niya ang buong requirements niya sa school at mukhang lilipat ng school but I am not sure where. Ayoko rin kasing napag-uusapan si Isaiah. He belongs in my past. Iyon nalang ang pinapanindigan ko kahit ang sakit parin talaga.
Inenjoy ko nalang ang Summer kasama ang aking mga pinsan. Bumalik rin naman ang lahat sa dati, sa normal. Hindi ako masyadong nagluksa, o nalungkot. Inienjoy ko lang ang bawat paglipas ng araw pero bago matulog ay dinadalaw rin talaga ako ng mga what ifs.
“Napanood mo ba ulit sa news iyong sinapit ng business nila Keesha?” ani Elle sa hapong iyon sa beach.
Nakaupo siya sa lounger chair suot ang isang one piece bikini unlike me who’s wearing one piece bikini.
“Hindi ko na napanood. I am not really into news,” sabi ko habang pinapahiran ng sunblock lotion ang aking katawan.
“Nabankrupt sila at mukhang may bumili na noong lupain na tinitirikan ng kanilang Mall sa Batangas. Nakakawawa ’no?”
Umirap ako. “May kapalit lagi ang masamang gagawin mo.”
“Ang laki ng karma niya. Bigla silang nalugmok sa kahirapan.” Nailing siya.
Marahil ay pabor ang langit kay Isaiah kaya ayan at ang lala ng dinanas ng mga Apolinario. Kung sino man ang nasa likod nito ay gusto ko silang pasalamatan at naibigay nila ang karapat dapat na karma para kay Keesha. Sana naman makonsensya siya ng husto.
Wala naman masyadong magandang nangyari noong magsimulang muli ang pasukan. I got tanned pero mga ilang araw rin naman ang lumipas ay bumalik rin ang maputla kong balat.
Bahay at eskwelahan nalang ako. Hindi na ako gaanong gumagala unlike Elle na nagsisimula naring gumala dahil nga ay nasa legal na edad na rin. She just turned 18 this year.
“Gusto mong sumama sa akin later?” pangyayaya niyang muli sa Huwebes ng umagang iyon sa unang subject namin.
Umiling ako.
“Ikaw nalang. Wala ako sa mood…”
“Pero palagi ka namang wala sa mood ah? We can watch some drag race! Masaya ’yon! And motocross!”
Napangiwi ako sa kanyang mga pinapanood. Ayaw niya sa banda pero mahilig siya sa ganoon na kulang nalang ay buwis buhay na. Ba’t napaka baliktad mag-isip ng babaeng ito?
“Sino namang kasama mo niyan?” tanong ko.
“My friends…”
“Sumama ka sa amin,” pangungumbinsi niya habang nakahilig sa kanyang desk at nasa akin ang buong atensyon.
Umiling ako.
“It will bore me. Wala akong interes sa mga ganyan.”
“Bahala ka… Naroon nga rin iyong ka banda ni Isaiah.” Umalis siya sa pagkakahilig sa desk at may kung anong kinalkal sa loob ng kanyang bag.
Iyon naman ang kumuha ng buo kong atensyon.
Sinong kabanda niya? Si Raziel? Lyle? O baka si Anzai?
“Who?” tanong ko at hinabol ang mga mata niyang hindi na tumitingin sa akin.
Bago niya pa iyon masagot ay pumasok narin ang prof. Natutop na ang aming bibig at kinalimutan nalang rin ang topic.
Mabilis ang pag-usad ng mga araw. Maraming nangyayari. Maraming pagbabago. Sumapit ulit ang birthday ko, ang pasko, ang bagong taon hanggang sa nakakapaso ulit ang sikat ng araw dahil sa pagpasok ng tag-init.
Sa daming nangyayari, nagfo-focus nalang ako sa magandang bagay na nangyayari sa aking buhay.
“Congrats, Princess!” Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy at malapad ang kanyang ngiti pagkatapos ng Graduation Day.
“Thanks, Mommy…” Ngumiti rin ako pabalik sa kanya at sumulyap kay Daddy na naglahad pa ng bouquet of roses.
Malaki ang aking ngisi noong kinuha ko iyon saka siya yumakap sa akin at hinagkan ang gilid ng aking ulo.
“We are so proud of you… Graduate kana ng kolehiyo… You are going to start another new chapter of your life. Unti-unti mo nang naabot ang pangarap mo,” si Dad.
Napangiti ako pero hindi na gaanong malaki katulad kanina. Bigla kong naalala ang pangako ko kay Isaiah. Bigla kong naalala kung paano ako nagbitaw ng salita na pakakasalan ko siya pagka graduate ko.
Paano na ’yan, Zera? I think you will never reach that dream anymore. Para na iyong langit na mahirap abutin. Kahit pilitin ko man, huli narin ang lahat.
36th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Rochelle Anne Ablaneda. Happy reading!
Quit
“Is it okay?”
Tiningnan ko nang maigi ang ekspresyon niya habang nagf-free taste sa ipinaglalagay kong cake sa kanyang harapan.
“This one is too sweet while this one is is too creamy…” aniya at itinuro iyon isa isa.
“Nilalait mo lang ata lahat eh.” Umirap ako at kinuha ang tinidor na hawak niya saka rin iyon tinikman.
“Ano pang silbi ng opinyon ko kung hindi mo naman pala paniniwalaan?” Umirap si Irah at hinawi ang buhok.
Tumayo ako at nagtungo sa counter. Inilapag naman doon ni Berning ang panibagong set ng mga coffee.
Kinuha ko ang tray at dinala iyon sa table ni Irah na nakahalukipkip na.
“Try this one by one, too…” sabi ko at inilapag iyon doon.
Naningkit ang kanyang mga mata nang tingnan ang bawat tasa.
“Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos?”
“Chill… Wala namang lason ang mga ito kaya baka hindi ka rin mamatay agad,” sabi ko.
Irah brushed her hair using her fingertips. Nakabusangot na siya habang tinitingnan akong iniaarrange isa isa iyong mga tasa.
“This one is caramel while this one is pure black coffee and I think this one is cappucino.” Ipinagtuturo ko iyon at umupong muli.
Kinuha niya ang teaspoon at napangiwi.
“Kailangan pa ba akong mag free taste nito eh mukhang magaling naman ang nakuha mong barista,” sabay sulyap niya roon kay Camilo na aligaga sa counter.
Humilig ako at hinaplos ang aking leeg. Camilo is two years older than me, a 25 years old Barista. He’s expert when it comes to coffee lalo na’t sa ibang bansa niya pa iyon napag-aralan kaya noong nag-apply rin siya sa aking cafe ay tinanggap ko agad ito.
Pinakinabangan ko rin naman ang aking kurso at nagpasya nalang magtayo ng cafe since I am such a food lover lalo na’t mahilig rin ako sa matatamis. I named it after my second name Damonisse with an italic font at nasa ibaba ang maliit na nakasulat na cafe.
Busy narin ang mga pinsan ko sa kanya kanya nilang mga business kaya nagpasya narin akong magtayo. Even Nana has her own clothing line now here in the Philippines and I’m really proud with her achievements.
“These are fine,” ani Irah at nagthumbs up kay Camilo na napatango agad doon sa counter.
So iyong cakes nalang ang problema ko. Or maybe Irah has a problem with her tastebud since it tastes okay to me. Still, Zera… You need to make sure your cakes are worth the prize! Ayokong magsettle sa ‘okay lang’ na lasa. I want the best…
Nagtungo rin naman si Camilo rito at pinagliligpit ang mga iyon. Irah even glance at him. Medyo natahimik kami saglit at tahimik siyang sinulyapan.
“Iwan mo nalang ito at ito,” ani Irah at kinuha ang isang cake at tasa ng cappucino.
Tumango si Camilo at ngumiti, ang dimple sa kanang bahagi ay lumitaw pa. Nag-iwas rin naman ako ng tingin doon at hinintay ang kanyang pag-alis sa aming harapan.
Irah sipped on her coffee again. She seems very contented with its taste. Noong umalis rin naman si Camilo dala dala iyong tray ay tumikhim agad siya, ang ngisi ay agarang nanunuya sa akin.
“Buti at hindi ka nadedevelop sa Barista mo,” nanunuya niyang bigkas at may pinupunto nang iba.
Sumulyap ako saglit kay Camilo pero ibinalik ko rin naman kay Irah.
Camilo is somehow attractive. May kaonting Spanish blood kasi kaya matangkad at mistiso. His messy hair complements his soft feature at mabait pa. Napaka pleasing rin ng personality niya kaya hindi ako mamomroblema sa customer dahil alam kong maayos niya iyong maeentertain.
“He’s not my type,” bigkas ko.
“Oh… Is he too young?” Her mockery is just too obvious.
“Ba’t hindi mo deritsuhin?” Umirap ako sa kanya.
“You want someone who’s four years older than you?” she chuckles.
Gumala ang aking tingin sa mesa namin. Naglalaro na ngayon sa aking isipan ang malinaw na mukha ni Isaiah. Ilang taon na ba siya ngayon? The last time we met, he’s already 21 years old. Baka ngayon ay 26 or 27 years old na iyon since I’m already 23 years old.
“May balita ka ba sa kanya?” tanong niya, medyo sumeryoso na ang boses.
Umiling ako, ang lungkot ay hindi na umabot sa aking mukha at nanatili lamang iyong blangko, hindi sinasalubong ang kanyang paninitig sa akin.
“How about Elle?” tanong niya.
Nagkibit ako. “Ewan ko rin sa tsismosang iyon.”
Hinaplos niya saglit ang buhok at humalukipkip sa kanyang upuan.
“Baka naman kasal na iyon ngayon? I don’t remember Isaiah at all when I was in first year college pero isa ang pangalan niya sa naririnig kong matunog sa mga girls. They say he’s such a snob.”
“And a godlike visual,” dagdag ko pa.
Eh paano niya rin ba maaalala si Isaiah when she’s too focus with Kuya Toshi? She chase him like a dog who run after his master. Ganoon din siya kabaliw.
“A godlike visual who’s very smart, talented and snob. I think he’s already married. Ang mga ganyang lalake ay hahabul-habulin,” aniya.
Nairita ako sa kanyang tono pero hindi ko na masyadong ipinakita sa kanya. Humalukipkip nalang rin ako.
“Ba’t mo kasi itinulak tulak? You two can grow together, you know…”
Nagkibit ako. “Kung naging kami ni Isaiah baka hindi ako nakagraduate at nabuntis agad ng maaga. I’m addicted with him when I was young…”
Tumaas ang kanyang kilay.
“Eh ngayon ba?”
Hindi ko iyon nasagot agad. Simula rin naman noong umalis si Isaiah ay hindi narin ako masyadong naging interesado sa lalake. Wala akong pinagkaabalahan bukod sa pagmomodelo sa clothing line na Cana o kaya ay sumama kay Irah sa mga beach. I stop entertaining boys since I’m really not into it right now. Baka nga sa mga susunod pang taon ay wala parin akong gana sa mga lalake. A karma hits so hard.
“Baka pag nagkita ulit kayo noon may karga karga na iyong bata.” Ngumisi siya sa akin.
Tanging tabang ang nalasahan ko sa aking bibig. Gusto kong isipin iyon, na masaya na siya sa kanyang buhay. May pamilya na, may successful na trabaho, may maikakabuga na at narating na ang kanyang mga pangarap pero may parte sa akin ang binubura ang iilan doon. A successful godlike snob who’s single and still available.
Pero iniisip ko rin, sa katulad ni Isaiah ay imposibleng wala rin talaga iyong girlfriend ngayon. Ano na kayang hitsura noon? Ang palagi ko lang kasing naaalala pag binabalikan ko rin ang mukha niya ay iyong gumuguhit na sarap sa guwapo niyang mukha noong nasa ibabaw ko siya. It was a nice sight to remember and quite disappointing.
Palagi kong naiisip na paano kung sa pagtulak ko sa kanya, hindi ko alam na siya na pala sana iyong the one ko? At ngayon na naghihintay ulit ako ng para sa akin, kahit hindi na si Isaiah ang dumating, ay wala nang ibinibigay ang Panginoon dahil sinayang ko rin iyong lalakeng minahal ako ng higit pa sa sarili niya.
Isn’t it sad when you’re waiting patiently for someone you know who’s never coming back? Pero kung babalik man, tingin mo ba ay dederitso rin sa’yo pagkatapos mong saktan at itulak?
“Mukhang tatanda ka atang mag-isa.” Nailing nalang si Irah sa akin.
“Okay lang. I am just going to adopt a baby,” sagot ko nalang.
After her free taste in my cafe ay nagtungo rin naman kami sa Cana para puntahan si Nana. Alam kong may bagong ilalabas siyang mga Summer Collection na mga damit ngayon eh.
Pagdating namin doon ay nasa office siya, busy sa pagsketch ng bagong designs.
“Kumusta ang pagtatayo mo ng cafe, Zera? Magbubukas kana?” tanong niya agad nang umahon ang tingin sa akin.
Umupo ako sa swivel chair at dinampot ang iilang mga bond papers na nagkalat sa kanyang desk. Tiningnan ko iyon ng maayos. Her designs are really jaw dropping. Ang ganda ng bawat detail noon at halatang ibinibigay niya talaga ang best niya sa bawat damit.
“Maybe pwede na next month. Hindi ko rin naman minamadali total wala naman akong hinahabol na deadline. I am the boss,” sabi ko.
“I’m excited! Kami ng asawa ko ang una mong customer doon.” Ngumiti siya sa akin ng matamis.
Tumango ako. “Thanks.”
Si Irah ay busy rin sa pagsulyap sa mga nagawa nang designs ni Nana. May iilan pa siyang dinampot na bond papers para tingnan iyong maigi.
Maingay naman ang tv sa loob ng kanyang office na mukhang nasa isang channel na kinaiinisan ko. Tiningnan ko iyon lalo na’t ipinalabas ang isang sikat na aktres na matamis ang ngiti habang inienterview.
“Look at this two-faced bitch,” iritado kong bigkas na ikinatingin narin ni Irah roon.
“Is that Kaedy Rocales? Iyong nalilink kay Kaizen? Kay Red?” Hindi siguradong sambit ni Irah.
“Hindi nalilink. Linta lang talaga at dikit ng dikit,” sabi ko.
“She’s looks pretty and innocent,” si Nana.
Napairap ako roon. Ayoko talaga sa mga babaeng may inosenteng mukha. Bigla bigla kong naaalala si Keesha. Ang mukha noon mala anghel din eh. Iyon pala dinaig pa ang sungay ng demonyo dahil sa ugaling tinatago.
“Does Kaizen likes her? Ang rami nilang fans. Isa sila ngayon sa may pinaka malaking fandom,” ani Irah.
Nagkibit ako at wala ring ediya. Pinasok rin kasi ni Red ang pagmomodelo sa isang kompanya. May billboard pa nga ang dalawa and they have lots of stolen pictures where they have seen together.
Pero hindi naman iyon ang priority ni Red. Nagtayo siya ng panibagong branch ng kanilang condominium kaya doon siya mas nagiging busy. Ayaw ko rin namang makialam kung anong pinaggagawa niya at bakit pati iyang lintang iyan ay hinahayaan niyang dumikit sa kanya. Ang hindi ko lang matanggap ay papatol siya sa mababang uri ng babae. Wala naman iyong pili pero sana naman mamili rin ng maayos.
“Okay naman sila. Bagay sila,” si Nana iyon na hindi alam ang pinagsasabi.
Kung hindi ko lang talaga alam ang pinaggagawa ng babaeng iyan at hindi nakwento sa akin ni Elle ay hindi ko iyan pag-iinitan eh. Kaso nasa loob rin talaga ang kulo. She reminds me with Keesha alot. Parehas silang ang sasarap ilampaso ng mukha. Mga maninira at nilalamon ng inggit.
“Her sister is one of my co-models years ago… Hindi nga lang kami parehas ng agency noon pero ang mas maganda pa kay Kaedy ang kapatid niya. She got some freckles and she really stood out when it comes to runway because of her fierce eyes yet innocent face,” ani Irah na nakaupo narin sa aking harap, ang tingin ay nasa tv parin.
“Hindi artista ang kapatid niya? Model lang?” si Nana.
“Hindi eh. She’s one of the most hated model since they say nakapasok lang daw sa model industry because of her Mom’s connection in showbiz. Others say ay binili lang daw ang kanyang career at hindi naman pinaghirapan talaga. And she’s known as the most bratty model for cancelling her runway sometimes and for getting involve in different scandals.”
I’ve heard about some of Kaedy’s sisters scandal, too. Ang rami nga naman. Iyong iba ay hindi naman bigdeal at pinapalala lang ng mga bashers pero iyong huling eskandalo na kinasangkutan niya ang pinaka malala. She got bashed and they even hurt her in the airport. Ganoon iyon kalaki at pinagpyestahan rin talaga sa social media noon.
“Ilang taon na ba ’yon?” tanong ni Nana, tila nacucurious narin.
“I don’t know… But I think Zera and I are one year older than her. Baka si Elle ang kaedaran noon since bata pa iyon.”
Iyon ang naging topic namin sa loob ng office ni Nana. Noong matapos rin naman ang interview ni Kaedy sa tv ay tumalon rin kami sa panibagong topic at pinag-usapan ang iba pa naming mga pinsan. Pagkatapos rin naman noon ay nagmaneho rin ako pauwi sa sarili kong condo.
Pagod kong inilublob ang hubad kong katawan sa bathtub at ipinikit ang mga mata. Tahimik ang kabuuan. Walang ingay. Mag-isa lang rin naman ako rito.
I chose to live alone. Minsan ay bumibisita naman ako sa bahay, kay Mommy at Daddy, pero madalas ay nandito rin ako at nagmumukmok lang, abala sa kung ano ano.
Bumuntong ako ng hininga nang dinalaw ulit ng kahapon ang utak ko. When will I forget him? Hindi naman ako umaasa na may mangyayari pang himala sa aming dalawa pero hirap talaga akong makalimot. I hated myself for holding on too much with something I just give-up.
Akala mo ba lahat ng bibitawan mo ay kaya mo pang pulutin at angkinin ulit na pagmamay-ari mo? Stupid.
But I really wonder where is Isaiah. Engineer na ba iyon? Ni minsan hindi talaga kami nagkasalubong sa daan. Hindi rin kami nagkasalubong sa mall, sa kahit saan pa. Parang walang bakas niya at bigla bigla nalang na naglaho na parang bula. Is he happy now?
Bumigat agad ang aking pakiramdam. Hindi ko kayang mag-isip ng kung ano ano. Tanggap ko naman kahit nanghihinayang ng kaonti pero ayoko naring maghangad pa. I am just going to be happy for him. Iyon nalang…
Sunday. It was such a boring day kaya niyaya ko si Irah na magshopping kaming dalawa.
“Hindi pa nga nagbubukas ang cafe mo ay napaka gastador mo na. Wala ka pang income kaya h’wag ka munang masyadong gumastos,” sabi niya, nasa aking tabi at namimili narin ng damit sa isang mamahaling brand.
“So what? Wala pa naman akong bubuhaying anak at mag-isa lang naman ako sa buhay. Kahit ubusin ko ang pera ko ay walang magugutom,” sagot ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga naka hanger na damit.
Hindi narin naman ito umimik at mukhang may napili nang damit. Ipinakita niya iyon sa akin kaya tumango ako. Ibinalik ko ang tingin sa iilang nakahanger na damit nang may kumuha ng aking atensyon.
Nilingon ko ang babaeng titig na titig sa akin. She’s wearing a body hugging dress with white collar with her ponytailed hair. Ilang sandali lamang, ang pamilyar na mukha ay unti-unti ko naring namukhaan.
“Ikaw nga! Zera!” Mabilis itong lumapit sa akin, malawak agad ang ngiti.
Napasulyap narin si Irah sa kanya. Hindi rin naman iyon nagtagal at ibinalik niya rin agad ang atensyon sa iilan pang mga damit sa harap.
“Oh my gosh! After so many years ay nagkita narin tayo! Ang ganda ganda mo parin! Mas lalo ka lang atang gumanda!” Pinasadahan niya ako ng tingin sa nangingislap niyang mga mata.
“Thanks, Lalaine,” sambit ko.
“Gosh, Zera! Ang rami rami nating kailangang pag-usapan! Anong ginawa mo kay Isaiah?! Alam mo bang nag quit siya sa banda?!”
Sa sobrang lakas ng kanyang boses, ang mga mata ay nanlilisik pa, ayun at pinagtinginan na kami.
“Lower down your voice,” sabi ko ngunit mukhang dalang dala talaga siya sa kanyang emosyon.
“Nabuwag ang Chasing Sunset!”
Napalunok ako roon. Para akong binuhusan ng tubig na malamig. Wala naman akong natatanggap na balita sa banda nila noon pero ang malamang pati iyon ay nasira rin ay parang nakakapanikip ng dibdib.
“Pagkatapos rin kasing huminto ni Isaiah ay ayaw narin ni Anzai. Medyo nawalan rin ng gana sila Lyle at Raziel kaya ayun… Ang huli nilang performance ay pinaiyak talaga kaming mga fans.” Naging malungkot ang kanyang boses doon.
Hindi agad ako nakapagsalita. Ang raming tanong na nakabara sa isipan ko. Banda lang naman ang pinagkukunan ni Isaiah ng pangtustos sa sarili niya. Nabawian rin siya ng scholarship at sa kanyang record hirap siyang makakakuha ulit ng panibago.
Kung ganoon nga ang nangyari, saan siya kumukuha ng pera? Nag-aral ba siya ulit? Ano na ang pinagkaabalahan niya pagkatapos ng banda?
Hindi ako nakabili ng damit at hinintay nalang si Irah na ipacounter ang kanyang pinamili saka kami kumain sa isang Restaurant kasama si Lalaine. Nagsimula ulit ang kanyang mga tanong sa akin, pagalit pa niya iyong binigkas.
“Feeling ko talaga isa ka sa dahilan kaya nag quit si Isaiah sa banda eh.” Sinamaan niya ako ng tingin.
Tahimik lamang si Irah sa aking tabi habang naghihintay kami ng order. Hindi naman agad ako nakasagot sa ibinibintang sa akin ni Lalaine. Hinaplos ko nalang ang aking buhok at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Nawala siya ng anim na buwan alam mo ba ’yon? Tapos noong sumulpot rin naman ay binuwag agad ang banda nila. Nagquit agad ito!”
Para nang sinabuyan ng asido ang aking puso. Mas nanghapdi lamang iyon. Iyon ang naging epekto ng desisyon ko noon kay Isaiah.
“Wala rin namang sinasabi si Anzai kaya wala talaga kaming ediya kung anong nangyayari! Pagkatapos noon, ni isa sa amin ay nawalan na ng balita kay Isaiah,” bigo niyang sabi at nagloosen pa ang mga balikat.
Tss. Really Anzai? Kakaiba rin talaga ang lalakeng iyon. Napaka malihim!
“Ano ba kasing ginawa mo? Ano ba ang huli niyong pag-uusap? May nabanggit ba siya?”
Umiling ako. Si Irah naman ay napainom na ng tubig.
“Wala rin akong balita sa kanya,” tanging sagot ko nalang, ayaw nang magkwento sa nangyari noon.
Pumangalumbaba si Lalaine, bigong bigo ang ekspresyon.
“Sayang talaga… Ang laki ng tsansa nilang sumikat eh. Mahal na mahal ni Isaiah ang pagpeperform kaya nakakagulat talaga ang naging biglaan niyang desisyon. Kahit iyong alok ng isang producer para gawan sana sila ng album ay naibasura rin dahil sa pagkabuwag ng Chasing Sunset.”
Parang sinaksak ang aking puso. Nahulog ang aking mga mata sa aking kandungan at napaisip kung may nangyari bang maganda sa buhay ni Isaiah pagkatapos ng pagpaparaya ko.
Ayoko siyang sirain pa kaya ko siya binitawan pero sa pagbitaw ko rin sa kanya ay nabasag siya at nadurog. Why did you quit the band, Isaiah? Ngayon ay nasaan kana? Ano nang nangyari sa’yo?
“Ulila siya, ’di ba?” tanong ko na ikinatango rin naman ni Lalaine.
“Oo, patay na ang Mama niya,” sagot niya.
Kinuha noon ang buo kong atensyon.
“Mama? How about his father?”
So hindi parents? There’s a big possibility that his father is still alive! Or maybe he’s with his father?
“Wala kaming alam sa background ni Isaiah eh. Isa iyon sa palaisipan sa amin. Basta ang alam namin ay galing rin sa mayayamang angkan sina Lyle at Raziel. Si Anzai naman ay nakatira sa condo, may kotse at involve rin sa magagarang outdoor activities kaya masasabi mong may kaya rin. Nabuo ang banda dahil rin naman talaga kay Isaiah. Iyon ang pinagkukunan niya ng pera lalo na’t mag-isa lang siya.”
Naging palaisipan iyon sa akin. Baka naman he’s with his father? Pero kung ang sabi niya ay ulila na siya. He’s even working just to feed himself. Walang sumusuporta sa kanya maliban sa sarili niya kaya hindi ko rin talaga alam kung bakit hindi siya sinusuportahan ng Papa niya kung sakaling buhay man ito.
“Do you know where’s his father?”
Nagkibit siya. “Wala kaming ediya na mga fans eh. Di nga namin alam kung may kapatid ba iyon o wala. Kung anong ikinamatay ng Mama niya. Ang kabisado lang namin sa kanya ay ang ugali niyang sobrang snob at hindi talaga namamansin pero maliban doon ay wala na.”
Nahipo ko ang aking noo. Itinulak naman ni Irah ng bahagya ang basong may laman nang tubig papunta sa aking harap kaya dinampot ko iyon at uminom para maibsan ang alalahanin. Now I’m worrying too much.
“Akala nga naming mga fans ay nakipagtanan sa’yo eh nawala ka rin!” aniya.
Inilapag kong muli ang baso. Hindi na ako kumibo pa sa kanyang sinabi lalo na’t dumating rin ang waiter at ipinaglalapag ang aming mga order.
Nasaan kaya iyon? I hope he’s really doing fine.
Ginalaw namin ang aming mga pagkain. Nakakatakam naman sana ang baked scallops pero parang wala akong gana. Kahit na ang aking order na grilled pork chop at boneless chicken ay tinitigan ko nalang. Nakakailang subo na si Lalaine at pasulyap sulyap sa akin. Si Irah ay nagawa pa akong sikuhin ng bahagya at doon ko napansing natulala pala ako.
Kumurap ako at ginalaw ulit ang kanin. I should stop thinking, alright. I know he’s fine. Hindi rin naman siguro ipapahamak ni Isaiah ang sarili niya ’di ba? He’s smart!
“Wala ka bang contact sa kanya?” tanong ni Lalaine at pinunasan ng table napkin ang bibig.
Umiling ako. “Wala.”
Sumimangot siya.
“Baka talaga may pamilya na ’yon ngayon. Sayang naman… Nawalan ng saysay ang pagpaparaya ko kasi akala ko kayo talaga ang magkakatuluyan!”
Napasulyap narin sa akin si Irah, ang mga matang malalim ang paninitig sa akin ay hindi ko nagugustuhan dahil nababasa ko ang tingin na iyon. Fine… I really lost him.
“May iba na ’yon,” matabang kong bigkas kahit parang pilit ko nalang kinukumbinsi ang sarili ko.
“Sabagay… Sina Raziel at Lyle nga may mga babae narin eh. Lalo na si Anzai kaya imposibleng pati si Isaiah ay wala rin,” ani Lalaine sa siguradong boses.
Tumango nalang ako at sumubo, ayaw nang magbigay ng opinyon doon.
37th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Femenelle Alcantara. Happy reading!
Lonely
Binuksan ko rin naman ang aking Damonisse Cafe sa publiko pagkatapos ng ilang buwan. Maganda naman ang unang araw noon dahil marami agad ang pumunta at nasatisfy naman ang mga customer na nasa menu lalo na ang loob na sobrang comfy.
Architect South Buenaventura designed the interior design of my cafe. Elegante ang loob katulad ng gusto ko at hindi masakit sa mga mata ang kulay na ginamit.
The beige walls have vertical wood panels design with small white frames on it. The ceiling has a decorative lighting, complementing its materials. Ang counter area ay halos black lahat ganoon rin ang menu. Pagkapasok mo ay bubungad agad sa harapan ang mahaba na counter kung saan nakadisplay ang mga cakes sa gilid na nasa loob ng transparent glass, sa kabilang side naman ay mga coffee maker ganoon rin ang mga macaroons at snacks na nakadisplay at sa ibaba noon ay mga shelves kung saan nakalagay ang iilan pang mga gamit.
May four seated brown tables with small gray couches sa gitna para sa mga gustong mas relax, meron ring two seated brown table, ang mga upuan ay mala stool at pabilog naman ang mesa na malapit sa itim na walls and single high stools na nakalinya sa mahabang mesa sa kabilang side. Ang sahig ay gawa sa makintab na mahogany at kumu-complement rin. iyon sa kulay ng wood panels.
My cafe can accomodate 50 customers over-all lalo na’t may second floor rin naman kung saan matatanaw mo lang rin sa ibaba. South even used transparent glass walls outside to view the interior design of the cafe and attract customers.
Wala akong naging reklamo ni isa sa kanyang gawa. No wonder he’s a well-payed Architect because he really satisfies his customers.
“Congrats with your new cafe, honey! I am so proud of you!” Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit dito sa counter area.
“Thanks, Mommy. Do you like the design of my cafe?” tanong ko nang humiwalay siya.
“Of course! It’s very elegant. Feeling ko nasa ibang bansa ako,” aniya nang gumala ang mga mata.
“Thanks, Mommy…”
Ibinalik ni Mommy sa akin ang buo niyang atensyon. Pinisil niya ang aking kamay.
“Kumusta ka naman? Hindi ka masyadong umuuwi sa bahay. Are you fine living alone? Hindi ka ba nalulungkot doon eh mag-isa ka lang.”
Umiling ako at ayaw nang magkwento ng kung ano ano na ikakaalala niya.
“Okay lang naman. Pagdating ko rin kasi roon eh bagsak na agad ako sa pagod at mabilis na nakakatulog,” pagsisinungaling ko nalang.
Mommy caress my cheek. Ang kanyang mga mata ay namungay sa akin.
“I really hope you’re okay. You can call me if you want someone to talk to, Zera.”
I will never hide my pain when it comes to my Mom. Kahit na nahahalata niya ay sinikap ko nalang na ngumiti.
“I’m fine, Mommy. But I’ll call you next time…”
Noong hapong iyon ay si Daddy naman ang dumating. Nagdala ito ng bulaklak at pumasok sa aking cafe with his corporate attire. Natuwa ako ng husto roon at natawa pa nang binigyan niya ako ng frame kung saan buhat buhat niya ako noong baby pa lamang ako.
Kahit ang mga pinsan ko ay hindi rin pinalampas ang araw na iyon. Sa gabi pa lang ay nagsidatingan na sila na may mga dala pang bulaklak at pinuno ang second floor area. Sobra nilang ingay habang pinagdidikit ang four seated tables at inukupa isa isa ang mga couches.
“Stop it! H’wag niyo ngang dumihan ang mga magagandang gamit sa cafe ko.” Pinigilan ko ang kanilang mga balak na pirmahan ang tasa ng kanilang mga kape pero huli na dahil hindi talaga siya nagpapigil.
“You can display this, Zera,” si Red na ipinakita sa akin ang pirma niya.
God! Gusto ko silang pagsigawan isa isa pero habang tumatagal ang kaingayan at hagalpakan dahil sa pinaglalagay nilang design sa tasa nila ay napangisi nalang rin ako.
Their noises made me feel that I am not alone. Their noises comforts my loneliness.
Hayaan mo na, Zera. Pag uwi mo mamaya ay yayakapin ka rin naman ng kalungkutan kaya pagbigyan mo na ang sarili mo kahit ngayon lang.
Naging maganda naman ang usad ng pagsisimula ng aking cafe. Palaging malaki ang aming sale sa isang araw dahil hindi kami nauubusan ng customer at palagi pang dinadayo. Malapit lang rin kasi ito sa Malls at malalaking building such as condominiums kaya madali rin talagang puntahan. Some were business man na madalas dito ginagawa ang kanilang meetings and some were students, too.
“Napaka elegante naman ng cafe mo! Amoy pang mayaman talaga,” ani Lalaine nang binisita niya ako bigla.
Umupo kami sa four seated table lalo na’t mas komportable ako sa mala couch na upuan. Panay naman ang paggala ng kanyang mga mata sa loob, sa itaas at sa buong paligid.
“Wow… Ang ganda rin ng ceiling… Ang mahal mahal siguro ng pagpapatayo mo nito,” aniya at sa sahig naman napadpad ang mga mata.
“Napaka girly mo pa naman tapos hindi ako makapaniwalang mahilig ka pala sa dark colors. Akala ko pink, yellow or light colors ang madadatnan ko…”
Noong huli naming pagkikita ay nag bigayan kami ng number sa isa’t isa. She texted me she wants to visit my cafe since natanong niya rin kung anong pinagkakaabalahan ko kaya heto siya ngayon at manghang mangha na.
“Here you go, Ma’am…” Inilapag ng kakadating lang na waiter ang coffee latte para sa akin at frappucino naman kay Lalaine saka dalawang platito ng slice ng mousse cake sa lamesa.
My cafe is self service pero dahil bisita ko ito ay nilibre ko nalang at nagpaserve ng cake at kape for her.
“Thanks…” Ngumiti siya sa kanya.
Tumango ito at bumalik na roon sa counter.
Lalaine sipped on her frappe habang ako naman ay hinalo ang aking kape gamit ang kutsarita.
“Kumusta ka naman? May boyfriend kana ’no? Gumanda ka pa naman lalo! Naiinggit ako sa mahaba mong buhok na may natural curls…” Bahagya niyang inabot ang dulo ng maalon kong buhok at hinawakan.
“Okay lang naman,” sagot ko sa nauna niyang tanong at inilapag ang kutsarita sa gilid.
Hindi ko na sinagot ang iba niya pang tanong sa akin. Inangat ko ang tasa at sumimsim sa aking kape habang siya naman ay tumigil din sa paghaplos ng aking buhok.
“Eh boyfriend?” tanong niya, nakahilig na sa mesa.
Nakontento ako sa masarap na lasa na gumala sa aking bibig. Ibinaba ko iyon at isinabit ang ilang hibla sa aking tainga para hindi maging sagabal saka nagkibit.
“Wala? Sa ganda mong ’yan? Baka nga papalit palit kana ng lalake eh! Si Isaiah nga nasungkit mo noon kaya imposibleng wala kang boyfriend!”
“Tinatamad pa ako,” sabi ko na ikinaliit ng kanyang mga mata.
“Ilang taon kana ba? Twenty-five na nga ako…”
“Twenty-three…”
“Oh ’di ba? Eh graduate kana. May business na cafe na. Boyfriend nalang ang kulang sa’yo!”
Nagkibit ako. “Maybe next time…”
Ngumisi agad siya sa akin.
“Next time pag nariyan na si Isaiah? Hinihintay mo ’no?” Tinuro niya ang aking mukha at nanunuya pa ang tingin sa akin.
Ibinaba ko iyon at umirap.
“Hindi ko siya hinihintay.”
“Weh? Hinihintay mo eh… Kahit ako siguro ’no kung naging kami ni Isaiah hindi rin ako makakamove-on kahit na lumipas pa ang panahon. Ang hirap kayang kalimutan ng ganoong lalake!”
Sobrang hirap nga…
Hindi ko nalang isinaboses ang sinabi ko sa aking isipan at sumimsim ulit sa aking kape. Si Lalaine naman ay iyong cake ang ginalaw.
We talked about random things. Ngayon ko lang nalaman na Lalaine Dizon pala ang buo niyang pangalan. Nagtatrabaho na siya ngayon sa isang Hotel at wala pang asawa. She’s really talkative, katulad pa noon na ang rami raming nasasabi. Nakakagulat nga at sa paglipas ng panahon ay parang itinuring niya akong isa sa kanyang mga kaibigan.
Lalaine visits me alot tuwing weekends. Kung wala ako sa Cana ay tambay lang rin naman talaga ako sa cafe kaya okay rin naman na may nakakausap ako paminsan minsan.
“Bakit napapadalas iyon dito?” Iritado ang boses ni Irah nang makasalubong sa may pinto ang paglabas ni Lalaine.
Nasa counter na ulit ako noong pumasok siya. Medyo matao ngayong Sabado ang cafe at halos mapuno pa.
“Bumisita lang,” sagot ko habang tinitingnan ang sales ng buong month sa aking laptop.
“Bestfriend na pala kayo,” sabi niya nang umupo na sa aking tabi at sinilip ang aking ginagawa.
“She’s annoying but I like her a bit,” sabi ko.
“Ah… Friendly kana pala sa babae. Huhubarin ko na ba ’to?” Hinawakan niya ang lock ng friendship bracelet namin.
Nilingon ko siya at ngumisi. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Nakasuot ito ng haltered top at fit na jeans. Sa ibaba naman ay isang nike shoes, matching the color of her top.
“Selos ka?” pang-aasar ko na ikinairap niya agad.
Ibinalik ko naman ang aking mga mata sa laptop. Hindi na siya kumibo sa aking gilid at magkakasalubong ang kilay. Hindi pa ba ito binubuntis ni Kuya Toshi? O baka naman may balak ulit silang magtravel this year since they really travel alot.
“Wala ka pa bang balak mabuntis?” tanong ko.
Sinuklay niya ang buhok paatras at humilig sa mesa.
“Wala pa… Toshi and I agreed na ienjoy muna namin ang buhay mag-asawa. Bakit? Naiinggit ka ’no?”
“Ba’t ako maiinggit? Being single is okay to me. Less sakit sa ulo,” sabi ko.
“But you’re lonely,” she said almost a whisper, sapat lamang na makarating sa aking tainga.
Binalewala ko iyon at nagpanggap na walang narinig kahit na nakatitig nalang ako sa screen ng aking laptop at naiwala sa aking isipan ang tinitingnan doon.
Well, yeah… I am very lonely. I sleep alone. I eat alone. I am alone. Wala pa akong kasama sa condo ko at hindi pa ako mahilig manood ng tv. Sobrang tahimik at ramdam ko talaga ang pag-iisa ko.
Maybe this is my karma. Minsan ay tulala nalang ako sa veranda at niyayakap ang aking mga tuhod habang nagpapalipas ng oras para dalawin na agad ng antok. May mga gabi ring bigla nalang akong naiiyak sa frustrations at pinagsisisihan ang naging desisyon ko noon.
Pero kung ibabalik rin siguro ang panahon, iyon parin ang magiging desisyon na gagawin ng batang ako pero magsisisi agad pagkalipas ng ilang panahon.
Ang tapang tapang ko noon. Akala ko kaya kong mag-isa. Akala ko panandalian lang ang lungkot. Akala ko pagkalipas ng ilang taon ay magiging masaya rin naman ako pero hindi pala. I am alone and very lonely…
Hindi ko nalang inisip ang mga ganoong bagay at nagpaka busy nalang ako sa cafe at sideline ko sa Cana bilang model tuwing may runway. Iyon ang gawain ko. Kung may mga gabi man na hindi ko na talaga kaya ang kalungkutan ay umuuwi nalang ako sa bahay para bisitahin sina Mommy at Daddy.
“Kumusta naman ang sales ng cafe mo?” tanong ni Dad nang mag dinner kami.
“Okay naman. Medyo mataas ang sale ko ngayong buwan ng July,” sagot ko habang hinihiwa ang steak.
“That’s good, Princess… I’m sure mas tataas pa iyan sa mga susunod na buwan since isa agad siya sa mga most recommended cafe rito,” si Mommy naman sa proud na boses.
“Yes, Mommy. Ang ganda nga ng feedbacks sa social media ng Damonisse Cafe,” sabi ko at sumubo.
“Boyfriend nalang ang kulang sa’yo,” si Dad naman, wala sa sariling nasabi iyon.
Medyo natahimik ako, hindi agad nakapagsalita at dahan dahang nginuya ang pagkain. Si Mommy naman ay siniko pa si Daddy na tinaasan siya ng kilay. Pasimple akong uminom ng tubig at nag-iwas ng tingin.
“Ayaw ko muna sa ganyan, Dad,” pabiro akong natawa nang inilapag ko ang baso.
Nagkatinginan sila ni Mommy. Noong ibinalik sa akin ay naninimbang na ang kanyang mga mata.
“Oh? Nasa tamang edad kana. Hindi kana namin pagbabawalan kung sino man ang gusto mong idate.”
“Wala rin naman akong gustong idate…” sabi ko na ikinatitig sa akin ni Mommy.
“Bakit wala? Do you want me to set up you on a date? Marami akong kakilalang mga businessman na may mga anak na lalake,” si Dad.
“Daddy, no!” Natawa ako sa kanyang sinabi.
“Why so desperate, Jin?” Kahit si Mommy ay natawa narin. “Baka iset-up mo narin iyan sa fix marriage ha! Ako talaga ang makakalaban mo,” pagbabanta naman ni Mommy.
“I am just worried. She lives alone and she’s very focus with her work. That’s not healthy,” ani Dad sa nag-aalalang boses.
Ngumuso ako at napatingin kay Mommy. Hinaplos niya ang kanyang buhok at nag-iwas ng tingin sa akin. I’m sure may nabanggit siya kay Dad kaya ganyan ang pinagsasabi niya ngayon.
“Mom, Dad… I’m fine okay? Stop worrying too much. Malaki na ako and I know how to handle myself now,” sabi ko with assurance.
“We’re just worried… You change alot at pumayat ka pa. Are you even eating well?” si Mommy nang sinipat ng tingin ang aking katawan.
Tiningnan ko narin ang aking sarili. Para sa akin sakto lang naman ang katawan ko sa taas na 5’5. Siguro ay naninibago lang sila dahil hindi nila ako masyadong nakikita araw araw at buwan buwan lang na bumibisita rito.
“Dito nalang kaya muna?” si Mommy iyon.
Nag-angat ako muli ng tingin sa kanila. Dad is even eyeing me seriously. Ang mukha ay binalot na ng pag-aalala.
“I am going to cook for you, Princess. Just stay here,” si Daddy naman.
Ngumisi ako at nailing.
“You two are just paranoid. I want to be independent, Mom, Dad… I want to learn and explore things with my own,” sabi ko.
Nagkatinginan sila, ang mga mata ay nangungumbinsi na maniniwala ba sa akin o hindi. Sumubo ako ng pagkain habang tinitingnan sila ng maigi.
“Eh iyong si Isaiah-”
Mabilis akong nasamid sa sinambit ni Daddy. Nauubo kong dinampot ang baso habang si Mommy naman ay sinalinan agad iyon ng panibagong tubig lalo na’t nangangalahati nalang.
Uminom ako roon hanggang sa unti-unting kumalma ang aking sarili. Inilapag ko iyong muli habang si Mommy naman ay bumalik sa pagkakaupo.
“Let’s not talk about him please, Dad,” sabi ko at pinunasan ng table napkin ang aking bibig.
I don’t want to cry infront of them. I don’t want to confess my loneliness and frustrations. Ayokong aminin sa kanila na hindi ko na magawang maging masaya dahil parang may kulang sa buhay ko. I don’t want to worry them too much.
I admit I haven’t move-on yet. Mahirap iyon lalo na kung ang puso ko mismo ang ayaw magmove-on. Araw-araw ko nalang na kinukumbinsi ang sarili ko na maging masaya nalang sa nangyayari pero hindi ko talaga iyon maibigay.
Sa gabing iyon ay nangalkal ako ng mga luma kong damit sa aking walk-in. May iilan na kasya pa naman sa akin pero may iilan rin na hindi ko na masyadong gusto dahil sa mga designs.
May nakalkal rin akong pamilyar. Tiningnan ko iyon ng maigi at nagawa ko pang amuyin. Isaiah’s jersey short is still here! Even his black tshirt was here, too.
Mabilis ko naring kinalkal sa drawers ng mga underwears ko at nahanap ko nga roon ang kanyang boxers. Natawa ako nang makita iyon. I kept it since nakalimutan ko naring ibalik sa kanya noong naulanan kami at may…
Namula ang aking pisngi. Ang araw na iyon ay sobra pang malinaw. I even heard his familiar groan while calling me. Biglang nanuyo ang aking lalamunan a nanindig ang aking balahibo sa aking pinag-iisip.
Mabilis ko iyong binitawan lalo na’t sobrang init narin ng aking pisngi. Shit, Zera! Hindi ka naman siguro tigang, ’di ba? Sa tuwing maalala ko siya ay mga ganoon agad ang binabalikan ng isipan ko. Kahit anong bura ko noon sa aking utak ay hindi talaga ako tinatantan kaya sa huli ay naliligo agad ako para lang matigil ako sa kakaisip ng kung ano-ano.
Sinuot ko ang black tshirt at jersey short niya and luckily, I slept early! Hindi ako nahirapang matulog at dinalaw agad ng antok hindi kagaya sa condo na inaabot pa ako ng siyam siyam para lang makatulog agad. I can still smell him… Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya kaya ang haba pa ng tulog ko.
Dinala ko narin iyon sa condo ko nang nagpasya rin naman akong umuwi. I’m going to wear it in bed. Really, Zera? Well… Just to sleep early… So I can sleep comfortably. Iyon lang naman.
“Coffee, Ma’am.” Inilapag ni Camilo sa aking harap ang tasa.
It’s Tuesday. Umuulan sa labas at pinapanood ko nalang ang mga customer na pumapasok sa cafe.
Nalaglag ang tingin ko sa kape. Nakita ko agad doon ang smiley at nakasulat na Smile. Ngumuso ako at tiningala si Camilo na ngumisi agad, showing his dimple.
“Are you flirting your boss?” I asked casually at dinampot ang latte na kanyang ginawa para sumimsim doon.
“Kanina ka pa kasi tulala, Ma’am… Parang ang lalim ng iniisip niyo,” aniya at humilig sa harap, ang mga mata ay nasa akin.
Umangat ang aking kilay. Inilapag ko ang tasa at tiningnan ulit ang bumubuhos na ulan sa labas.
“May iniisip lang,” sagot ko.
“Hmm… Lalake ’yan, Ma’am ’no? Nako…” Nailing siya.
Hinaplos ko ang aking buhok at sumandal sa upuan. May panibagong customer na pumasok na nakikita ko agad lalo na’t nasa dulo lang naman ako ng counter. Piniko pa nito ang payong at naglakad patungo roon sa counter kung nasaan ang iilang mga babaeng empleyado ko.
“May namimiss ka, Ma’am?” tanong niya sa akin.
Hindi ako kumibo at tinitigan ang tasa. Hinaplos ko ang katawan noon para maramdaman ang init lalo na’t medyo malamig narin ang loob gawa rin ng ulan sa labas.
“One Cappucino, Camilo,” sabi ni Thalia, isa sa mga empleyado ko na nakaassign sa counter.
Kumilos naman agad si Camilo at nagtungo sa harap ng coffee maker para gawin iyong order ng babaeng pumasok kanina.
Ipinagpatuloy ko ang pagtitig sa labas. I hate it when it’s raining. Bukod sa isa rin iyon sa nagpapalungkot sa akin ay hindi ko rin nagugustuhan ang lamig na dala noon. Mas lalo akong nalulungkot sa hindi ko malaman na dahilan at siguro ay parte ng pangungulila ko sa kanya.
Nagplay ang panibagong kanta at napalitan ng pamilyar. Iyon na ang pumaibabaw sa kabuuan ng cafe.
Every fight needs mending
Every start has an end
Like the sunrise and the sunset
That’s just how it is
Sinalo ko agad ang nalaglag na luha at itinigil ang pagtitig sa ulan. The heck with the song?! Gusto ko man iyong ipapatay pero hinayaan ko nalang. This is really frustrating me…
Sumulyap ako kay Camilo na panay ang sulyap sa akin habang inilalagay na sa pabilog na itim na tray ang platito at tasa. Ang kanyang kilay ay nagkakasalubong at mukhang nakita ang pagpupunas ko ng luha.
“Umiiyak ba kayo, Ma’am?” Nag-aalala niyang tanong.
Umiling ako at bahagyang ngumiti.
“Napuwing lang,” pagsisinungaling ko nalang.
Tila hindi kumbinsido roon si Camilo. Nag-iwas ako ng tingin at napansin ulit ang panibagong pumasok na grupo ng mga teenagers. Hindi ko na sila tiningnan pa at itinuon nalang ang tingin sa tasa lalo na’t naninikip na naman ang aking dibdib.
Kailan ba ako makakamove-on sa kalungkutang ito? Ako ang nang-iwan pero pakiramdam ko parang ako pa itong iniwanan. Ako ang nanakit pero pakiramdam ko ako ang labis na nasasaktan. God, Zera! Just fucking move-on!
38th Lured
Lured
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Yoon and Jhazmine Anne! Happy birthday and iloveyouu both. Happy reading!
Reklamo
Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa paglipas ng ilan pang taon. Nakaya ko namang mabuhay nang malungkot kahit na minsan ay hinihiling ko nalang na sana ay magka amnesia nalang ako nang makalimot na.
Walong taon na ang lumipas na hindi ko siya nakikita. On the twenty-forth day of my birthday, I wished for Isaiah’s happiness. On my twenty-fifth day of my birthday, humiling naman ako na sana ay maging maganda ang takbo ng buhay naming dalawa. And the last time I celebrated my birthday, I just wished for my own happiness. This time, I am really moving on. My loneliness isn’t healthy anymore. I am having nightmares and worst I can no longer sleep. Hindi ko alam kung nasobrahan ba ako sa kape o ano.
I already accepted the pain and the love that wasn’t for me. Sapat na siguro ang walong taon? I should start dating, I guess…
“Ma-Mi…”
“Dada…”
“Say, Ma… Mi!”
“Dadada…”
Iyon ang naabutan ko sa bahay ni Nana nang bumisita ako at iniwanan muna ang Cafe. Napangisi agad ako sa boses ng kanilang one year old na anak na si Trench. “Magaling atang magturo si South,” sabi ko at inilapag ang aking bag sa couch.
Nasa isang matt silang dalawa. Nakaupo roon si Trench habang pinapaligiran ng kung ano anong plush toys na gustong gusto niyang kinakagat at pinaglalaruan habang si Nana naman ay nakasquat din sa harap ng anak.
Marami nang kayang gawin ang kanyang anak. Marunong nang gumapang si Trench, umupo nang hindi ito inaalalayanan, tulungan ang sarili sa pagtayo at medyo nakakapagsasalita narin ng ilang mga salita na minsan ay siya lang rin ang nakakaintindi. Kahit bata pa naman, makikita mo agad sa kanyang mukha na guwapo talaga itong bata lalo na’t pinaghalong Delafuente at Buenaventura pa.
Tiningnan ako ni Nana at sumimangot. Nilapitan ko sila. Itinaas naman agad ni Trench ang kanyang mga kamay at gusto nang pumunta sa akin. Kinarga ko ito.
“Hi Trench! Did you miss your pretty Tita?” tanong ko sa pambatang boses.
Hinawakan niya ang aking pisngi at pinisil pa ang aking labi kaya natawa ako. Tumayo naman si Nana, hindi pa nakakaligo at buhaghag ang buhok marahil sa pakikipaglaro sa kanyang anak.
“May emergency ako sa kompanya kaya sa’yo ko sana gustong iwanan. Magagalit rin kasi si South kung iiwanan ko iyan sa maid,” sabi niya habang isinusuot na ulit ang indoor slipper.
“It’s fine with me. Wala naman akong ginagawa. I’m always free,” sabi ko nang sundan ko siya ng tingin na paakyat na sa hagdan.
Nilingon niya ako.
“Bakit kasi hindi kana rin magboyfriend? The last time we ask you, you told us you’re still young. You’re still twenty-three. Ngayon na twenty-six kana, hindi kana bata. Naunahan ka pa ni Elle!”
Ngumisi ako at itinuon ang pansin kay Trench na kinakagat na ang kanyang hinlalaking daliri.
“I will start dating this year…” sabi ko at hinagkan ang mamula mulang pisngi ni Trench. “I want to have a baby so I need a boyfriend.”
“God, Zera! That’s not a nice excuse! Baka magpapaanak ka lang tapos iiwan mo rin!” si Cana na umalingawngaw na ang boses sa second floor ng bahay.
Tumawa ako at kiniliti ang leeg ni Trench. Hinuli niya ang aking kamay at handa na iyong isubo dahil sa nakabukas na bibig.
Ang lakas talaga ng dugo ng mga Buenaventura. Ang mga mata palang ni Trench napaghahalataan na agad kung kanino namana. He has a deep brown eyes with long black eye lashes. He really looks like his father, South. Ewan ko nga kung nasaan ang kay Nana.
Naligo si Nana habang nakikipaglaro ako kay Trench sa sala. Ako ang madalas na nagbabantay sa kanya lalo na kung may mga emergency ang aking pinsan sa Cana Clothing line. South is very strict when it comes to their baby. Buti nga at pumapayag sa akin lalo na’t medyo naattach narin si Trench at hindi umiiyak kung ako ang kumakarga sa kanya.
“I’m really sorry. Bibilisan ko naman at susunduin ko agad siya roon sa Cafe mo,” sabi ni Nana nang ibigay sa akin ang bag kung nasaan ang mga gamit ni Trench.
“It’s fine. Naaaliw rin ako pag naroon si Trench,” sabi ko.
Namungay agad ang kanyang mga mata sa akin.
“You should stop waiting…” makahulugan niyang sabi.
May ediya narin si Nana kay Isaiah lalo na’t panay rin ang parinig sa akin ni Irah tungkol kay Isaiah pag nasa kompanya niya kami. Doon niya nalaman na may hinihintay ako.
“We want you to be happy, Zera. I am always praying for your happiness. Ibang iba kana at halatang halata na ang lungkot sa mga mata mo,” sabi niya.
“Paranoid.” Tumawa ako kahit naninikip ang aking dibdib.
“I am not! Your eyes are really sad…” aniya habang lumalabas na kaming dalawa sa bahay at dala dala niya ang infant car seat ni Trench.
“Alright… Alright! Stop it! I hate dramas…” sabi ko at tiningnan ang aking dinadaanan lalo na’t karga karga ko si Trench na kinakagat ang laruan niyang hawak.
Si Nana ang nagbukas ng back seat ng aking kotse. Inilagay niya roon ng patalikod ang car seat saka siya humarap sa akin. Ibinigay ko naman si Trench. Maingat niyang ipinasok ang kanyang anak doon at ikinabit na ang mga safety belts para hindi ito malaglag.
“Bye, baby… Mabilis lang ako, okay?” Hinagkan niya ang noo ng kanyang anak at inihaplos ang kanyang ilong sa ilong nito.
Napangiti ako roon. Nana is such a loving Mom…
Siya na ang sumara noon at hinarap akong muli. Tumikhim ako at pasimpleng ibinura ang ngiti saka nag-iwas ng tingin.
Bumuntong siya ng hininga.
“Hay, Zera…”
“Aalis na kami. Tell your husband I am going to take care of Trench,” sabi ko at umikot narin sa driver’s seat.
Tumango si Nana at sinundan ako ng tingin. Kumaway ako sa kanya bago tuluyang pumasok. Nilingon ko ang kalagayan ni Trench na masyadong busy sa kanyang laruan kaya binuhay ko narin ang kotse.
Tuwing kasama ko si Trench ay nasa forty lang talaga ang speed ng aking pagmamaneho. I am always extra careful at baka mapatay pa ako ng kanyang ama.
Fifteen minutes lang naman ang byahe papunta sa aking Cafe pero kung traffic ay inaabot minsan ng twenty minutes.
Pagkarating ko sa Cafe ay maayos akong nagparking doon at pinatay rin naman ang buhay noon.
Lumabas ako at binuksan ang backseat. Kinalas ko ang mga belts sa inuupuang car seat ni Trench at nginitian ito na tinitingnan ang aking ginagawa.
Inilabas ko siya ng dahan dahan saka ko kinuha ang bag kung nasaan ang kanyang mga gamit at isinabit sa aking balikat. Isinara ko ang pinto at pinindot ang alarm ng kotse para awtomatiko iyong malock.
Nagsimula akong maglakad papasok nang magpumiglas na itong si Trench.
“Stop moving, Trench!” saway ko nang mahirapan narin lalo na’t ang lakas niya pang bata.
“Wait. Your child drop this.” Isang baritonong boses ang narinig ko sa likuran.
Tumigil ako at nilingon ang lalakeng naka button down white tshirt, jeans at sapatos. Hawak niya na ang laruan ni Trench. Oh… Kaya pala ang likot likot kasi nalaglag ang laruan niya.
“Oh, thanks.” Ngumiti ako at kinuha iyon lalo na’t inaabot rin iyon ni Trench sa akin.
“No… This is dirty,” sabi ko at inilayo iyon sa kanya.
The guy infront of me chuckles. Tiningnan ko siya at natigilan nang pamilyar ito sa akin.
Napawi narin ang kanyang ngisi nang tumitig narin siya ng maayos sa aking mukha. Kumalabog agad ang aking dibdib.
“Zera?” tawag niya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Tiningnan niya pa si Trench saka ibinalik ulit sa akin.
“Anak mo ba ’to?”
Hindi ko agad iyon nasagot kaya nalipat ang buo niyang atensyon kay Trench na nagpupumiglas parin dahil ayokong ibigay ang kanyang laruan.
“Ang guwapo naman ng anak mo. Hi…” Hinawakan niya ang kamay nito na hinuli agad ni Trench at hinawakan ang kanyang daliri.
Natawa si Lyle. Hindi ko agad siya namukhaan lalo na’t masyado narin itong nagmature. He looks very manly now at mukhang mas tumangkad pa. Ang kanyang buhok ay nakaatras kaya sobrang aliwalas ng mukha.
Ibinalik niya sa akin ang kanyang mga mata.
“I almost didn’t notice it was you…” aniya nang pasadahan ako ng tingin sa namamanghang mga mata.
Tiningnan ko ang pinto ng aking Cafe saka ko siya muling tiningnan.
“Sa loob nalang tayo mag-usap,” sabi ko na ikinatango niya rin naman agad.
Pumasok kami roon. Binuksan ng guard ang pinto para sa amin at binati pa ako. Tumango ako at ngumiti ng bahagya saka naglakad ng deritso sa four seated table.
Inilagay ko sa isang couch si Trench. Itinuro niya pa sa akin ang kanyang laruan na hindi ko na ibinigay at sinenyasan si Thalia sa counter na nagets naman agad ang aking gusto.
Inilapag ko sa paanan ang bag at umupo na sa katabing couch ng inuupuan ni Trench ganoon rin si Lyle na binakante naman ang harapan. Humilig siya roon at ipinagsalikop ang mga kamay habang nakay Trench ang mga mata.
“Mana ba ’yan sa Daddy?” tanong niya, tila nacucurious.
Tumango ako at hinaplos ang makapal na buhok ni Trench. Sinundan niya ang aking kamay at hinuli iyon, gusto na namang kagatin.
“You’re already married?” nagugulat niyang tanong.
Dismayado akong umiling. “Gusto ko na nga sana…” pagbibiro ko.
Tumingin siyang muli kay Trench, ang kilay ay nagkakasalubong pa. Bago pa ito may masabi ay dumating rin naman si Thalia na may dalang tray.
Inilapag niya sa harap ang yogurt na madalas kinakain ni Trench dito at isang kutsarita.
“Pakidalhan narin ng kape ang bisita ko,” sabi ko kay Thalia na tumango naman.
“What kind of coffee do you want, Sir?” tanong niya kay Lyle.
“Uh, black coffee nalang,” ani Lyle.
Tumango si Thalia at bumaling sa akin.
“How about you, Ma’am?”
Umiling ako. “Black forest cake nalang. Make it two. Para sa kanya,” saka ko tiningnan si Lyle.
Tumango naman si Thalia at nagpaalam rin na umalis.
“Sa’yo ba ang cafe na ’to?” tanong niya.
“Yes…”
“Talaga? Wow… I think you’re doing great for the past years…”
Tanging ngiti ang naisagot ko at binuksan ang yogurt lalo na’t pilit na naman iyong inaabot ni Trench. Kinuha ko iyong kutsarita at sinimulan siyang subuan.
Titig na titig si Lyle sa akin, parang may gustong sabihin pero hindi lang matuloy tuloy. Sana nga ay h’wag niya nalang isaboses ang kanyang iniisip lalo na’t ayoko ring malaman iyon. I would be very happy of he’ll just keep his mouth shut.
“May binanggit ba si Anzai tungkol kay…”
“Wala eh,” agad kong sagot habang nakay Trench lang ang aking mga mata.
I haven’t ask Anzai about it. Kahit gustong gusto kong malaman, may parte rin sa akin ang hindi nalang nagtatanong at ayaw makarinig ng balita sa kanya. I wasn’t ready and I don’t think if I’m going to be ready. Basta ang sigurado lamang sa akin ay maayos naman ang kalagayan nito. Sapat na iyon para hayaan ko narin ang aking sarili na sumaya na at kumawala sa kalungkutan.
“H’wag mo nalang ikwento,” dagdag ko pa nang makita ko sa gilid ng aking mga mata na may sasabihin sana ito.
Natutop ang kanyang bibig. Inilapag ko ang yogurt at kinuha sa paanan ang bag ni Trench saka iyon binuksan para kumuha ng bib para hindi ito madumihan habang kumakain.
Isinuot ko iyon sa kanyang leeg at kinuha ulit ang yogurt para subuan ito.
“Hindi talaga namin alam kung anong nangyari sa inyong dalawa. Noong binuwag niya ang banda ay wala rin siyang nabanggit,” ani Lyle.
Hindi na iyon nakakapagtaka kay Isaiah since he really doesn’t talk much. Kahit nga ang background niya hindi niya gaanong kinukwento sa akin eh. May mga bagay na inililihim niya nalang at ayaw pang pag-usapan.
Dumating rin ang kape ni Lyle at dalawang platitong slice ng black forest cake na inilapag ni Thalia sa aming mesa. Gumala naman ang mga mata ni Lyle sa kabuuan ng cafe at pinagtuunan na iyon ng pansin.
“Damonisse Cafe…” Natawa siya at nailing. “Naririnig ko ang boses ni Isaiah sa salitang Damonisse…”
Ngumuso ako. Am I too obvious? Isa iyon sa rason kung bakit Damonisse ang ipinangalan ko lalo na’t iyon ang tawag ni Isaiah sa akin. Naririnig ko palagi sa aking isipan ang kanyang marahang boses na tinatawag ako sa aking pangalan.
“Sayang… Akala ko talaga kayo ang magkakatuluyan eh. Ikaw lang ang babaeng bukod tanging ginaganon ni Isaiah,” ani Lyle.
Nakadagdag lamang iyon sa bigat ng aking nararamdaman. Sayang nga… Sayang na sayang. Pero anong magagawa ko kung hindi talaga kami ang para sa isa’t isa? I can’t force our love anymore. Kung may babalikan man ako ngayon ay alaala nalang dahil alam kong kahit si Isaiah ay hinding hindi narin babalik sa akin.
Sino bang gustong balikan ang taong nagawa ka lang saktan?
Nanubig agad ang aking mga mata nang magbalik bigla sa aking alaala ang gabi kung paano siya nagmakaawa sa akin. Pasimple ko nalang tiningnan si Trench at nginitian ito saka muling sinubuan.
“Namnam…” Pagbibaby talk ko kahit nanginginig ang aking labi at parang babagsak ang mga luha ano mang oras.
Nagtataka akong tinitigan ni Trench. Si Lyle naman ay nakatitig lang rin sa aking ginagawa. Goodness, Zera! You are freaking crazy! Baka kung ano pang isipin ni Lyle riyan pag umiyak ka bigla.
“Are you okay, Zera?” tanong bigla ni Lyle, ang boses ay nag-aalala.
Nilingon ko siya at tumango.
I really hate talking about him. Ako lang naman ang gusto nang magmove-on pero iyong bawat parte ng aking katawan ay nagrereact parin talaga pagdating sa kanya.
“Uh, yes… Ikaw… You seemed fine, too. Kumusta ka naman?” tanong ko at niliko nalang ang topic para hindi na matuloy tuloy ang mga luha sa pagpatak.
Hinaplos niya ang batok.
“Okay lang rin. Ako ang nagpapalago ngayon ng business ng pamilya namin,” sabi niya na ikinatango ko.
“That’s good…”
“Namnam!” si Trench iyon na nagkakasalubong na ang kilay at inaabot na sa akin ang yogurt, nagagalit na sa pagiging mabagal ko.
Sinubuan ko siyang muli. Hinuli niya ang aking kamay at pilit na namang inaagaw ang yogurt kaya iniangat ko iyon at bahagyang natawa.
“Ang swerte ng asawa mo sa’yo,” biglaang sabi ni Lyle habang nakangiti.
He’s probably thinking Trench is my baby and I am already married. Hindi ko nalang nilinaw ang lahat dahil wala rin namang saysay kung ipapaliwanag ko na sa nagdaang mga taon ay hindi naman ako nagkaroon ng boyfriend. Sa mga nagdaang taon ay wala akong ibang minahal kundi si Isaiah lang kaya kahit sarili ko, pakiramdam ko ay napagkaitan ko narin na maging masaya. Sa nagdaan na taon ay masyado akong kumapit na baka may plano ang tadhana sa amin. Pero habang dumadaan ang mga taon at naiiwanan parin akong mag-isa, napagtanto ko na siguro ay hindi talaga para sa akin ang kasiyahang hinahangad ko.
Sa gabing iyon ay iniyak ko nalang ulit ang aking frustrations nang makauwi akong muli sa aking condo at mag-isa na naman. Halos isang balde ng luha ang aking iniyak. Pinalis ko iyon ng paulit ulit at pinagsasabihan ang sarili na pagbigyan nalang ang sarili na maging masaya dahil napapagod narin ang aking mga mata.
Pero paano ko naman pagbibigyan ang sarili kong maging masaya kung wala rin naman akong ibang mahal kundi siya lang?
Mas lalo akong nafrustrate at bumuhos lalo ang mga luha.
I failed to sleep early again. Kaya kinabukasan sa Cafe ay humihikab na ako.
“Puyat kana naman, Ma’am? Namumugto pa ang mga mata niyo,” ani Camilo at naglapag ng tasa sa aking harap.
Nahilot ko ang noo at humilig sa harap. Pumikit ako, dinama ang bigat ng aking mga mata.
“Nagreview ako ng sales kagabi,” pagsisinungaling ko na ikinatawa niya.
“Naiyak po kayo sa inakyat ng sales niyo?” mapang-uyam niyang sabi.
Dumilat ako at tiningala siya. Ngumisi siya at nagtungo narin naman doon sa coffee maker.
Dalawa na ang aking Barista. Si Camilo at si Cleo. Nasa sampong empleyado narin ang aking pinapasweldo. Meron nang naka assign na dalawa sa kitchen para maghugas, tatlo sa counter, dalawang Barista, isang guard at dalawang Baker para sa mga cakes and Macaroons.
Tatlong taon narin ang Damonisse Cafe at wala pa namang reklamo na natatanggap ang aking cafe sa mga customer. Lahat ay puro positibo ang binibigay na feedback.
Tumunganga ako sa harap ng tasa, halos matulala na roon habang nag-iisip na naman ng kung ano ano.
Pumunta kaya akong Bar mamaya? Biglang gusto kong uminom. Or magshopping? Magtravel kaya akong mag-isa? How about camping? Umakyat akong mag-isa sa bundok.
Magandang ediya ba iyon? Baka kinabukasan kalat na ang mukha ko sa mga kalye dahil pinahanap na ako ng mga pinsan ko.
Hindi na kasi ako nag ba-Bar. Huling shopping ko, iyong kaming dalawa ni Irah. Huling beach ko naman, iyong kami rin ni Irah. Ang rami kong mga naging huli na hindi na ulit nauulit pa sa kadahilanang wala na ako sa mood. Pagkatapos ko sa cafe ay uuwi na agad ako at magmumukmok nalang sa loob.
There’s something wrong with me for the past years. Ramdam ko iyon dahil hindi naman sana ako ganito ka tamlay. Pero parang bigla bigla na akong nawawalan ng gana sa lahat. Money doesn’t excite me anymore. Party… Shopping… Beaches… It doesn’t excite me anymore.
“Shit ang guwapo!”
“Kadalasan may mga guwapo naman talagang dumadayo rito pero shit nakakalaglag siya ng bra at dibdib!”
Naririnig ko ang bulung-bulungan ng iilang babae kong empleyado rito sa counter at mukhang may natipuhan na namang customer.
Sanay na ako sa kanila lalo na’t ganoon talaga si Thalia, Gail at Krizza.
Bumuntong ako muli ng hininga at tumitig sa aking kape. Naghahagikhikan naman ang tatlo at mukhang kinikilig na.
“Aanhin niyo ang gwapo kung may girlfriend na?” si Camilo iyon at nakisali narin.
“H’wag ka ngang kj! Ngayon lang kami nakakita ng ganyan ka gwapo kaya syempre kikiligin kami,” si Gail.
Tiningnan ko sila. Nang napagtanto nilang nakuha na nila ang aking atensyon ay mabilis rin naman silang umayos at nagsibalikan sa pwesto.
Lumapit naman si Camilo sa akin at tiningnan ang aking tasa.
“Hindi mo iniinom, Ma’am… Hindi mo gusto ang lasa?”
Umiling ako at bahagyang ngumiti sa kanya.
“Kailan ba hindi naging masarap ang lasa ng kapeng ginagawa mo?”
Ngumisi siya sa akin at namula ang pisngi. Nahaplos niya pa ang kanyang batok.
“Langhiya Ma’am… Kinikilig ako sa inyo,” ani Camilo na ikinatawa ko.
“Mawawalan ka talaga ng trabaho niyan, sige…”
Ngumuso siya at tumingin sa akin.
“Ma’am… Ayaw ko pong iwan ang Cafe kaya sana habang buhay na akong magtrabaho para sa inyo.”
Umangat ang aking kilay at hindi ko narin mapigilan ang malawak kong ngisi. Bago pa man may masabi, sumulpot na si Cleo sa harap ng counter at medyo kabado.
“Ah, Ma’am Zera… May nagrereklamo pong customer sa kape niya,” sabi niya na ikinakurap ko.
Napatayo na ako sa aking pagkakaupo. This is the first time someone complained. Namali ba si Camilo? O baka naman si Cleo?
Inayos ko ang suot kong White lace up ruffle scoop neck puff short sleeves skater mini dress ko lalo na ang parteng dibdib noon na medyo bulgar saka ako lumabas ng counter area suot ang aking killer heels.
I am always prepared to face the customers complaints at sa tatlong taon ay ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong reklamo. At least may experience rin ang aking Cafe sa negative feedback para agaran kong masolusyonan at hindi na maulit pa.
May iilan na napapatingin sa akin lalo na’t gumagawa ng ingay ang aking paghakbang.
“Ang ganda talaga ng may-ari ng Damonisse Cafe… Kaya ganado akong dito pumunta dahil nakikita ko siya araw araw.”
“Aling table, Cleo?” tanong ko habang sinasabayan niya ako sa aking gilid.
“Ah… ’Yung nasa four seated table, Ma’am. Iyong may kasamang babae,” sabi niya kaya gumala ang aking mga mata.
May agad na humagip ng aking tingin at naudlot ang aking paglalakad. Sa sobrang lakas ng pagkalabog ng aking dibdib pakiramdam ko ay sasabog iyon ano mang oras habang nakatitig sa pamilyar na lalake.
Nanlamig ako. Ang puso ko ay parang nahulog na sa sahig at narinig ko pa kung paano iyon nabasag. Nakakabingi. Nakakamanhid.
Tinitigan ko ng husto ang lalakeng ngumingisi sa kanyang upuan habang nakatingin sa kasamang babae at nakangiti rin habang may pinag-uusapan ang dalawa.
H-Hindi ako pwedeng magkamali… The guy who’s complaining is fucking Isaiah!
39th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Louie Anne Singson. Happy reading!
Fuck You, Isaiah!
Akala ko ay handa na ako pag nagkita ulit kami. Akala ko sa walong taong lumipas ay makakaya ko siyang makitang masaya sa ibang babae. Pero lahat ng iyon ay parang hinipan ng hangin palayo. Masyadong masakit sa mga mata.
“Ma’am?” Kinuha ni Cleo ang aking atensyon.
Natauhan ako at mabilis na hinila ang katinuan pabalik sa akin. Control your emotion, Zera! You already done this for the fucking eight years! Ngayon ka pa ba mawawalan ng kontrol?
Naglakad akong muli, ganoon din si Cleo. Taas noo kong tiningnan ang table ni Isaiah kahit hindi man lang ito lumingon at tutok na tutok ang mga mata sa kasama niyang babae. His smirk is just too annoying that I want to smack his face using a chair.
Shut-up, Zera! Pull your shit together! Magmomove-on kana kaya patunayan mo sa sarili mo ang bagay na iyon. Show Isaiah you’re already happy, too!
“Excuse me?” Kinuha ko ang kanilang atensyon nang tumigil ako sa kanilang harapan.
Slowly, the girl who’s wearing a body hugging dress glance at me. Ang agad kong napansin ay ang dibdib niyang hindi na ata makahinga at para nang sasabog sa kanyang suot. She’s very slender and her hair has curls, too. Ang labi ay pula, maganda ang mga mata, matangos ang ilong, maputi ang balat pero makapal ang mukha.
Bumaling ako kay Isaiah who’s wearing a leather jacket, nakarolyo ang sleeves at lumalabas ang maugat na kamay, a v-neck dark blue t shirt and jeans paired with black boots since nakabukaka ito. Nagmistulang maliit ang couch dahil sa kanyang kakisigan.
Kahit hindi siya tumayo, kahit nakaupo lamang ito ay kapansin pansin na talaga ang kanyang tindig. He’s even wearing an expensive watch and an expensive necklace. I think he really succeeded..
Ang agaran ko namang napansin ay ang portrait tattoo sa gilid ng kanyang leeg na baybayin. May apat iyon na letra na mas nagpadagdag ng kanyang kagwapuhan. I don’t know how to read it…
Umahon ang kanyang tingin sa akin, seryoso na ang mukha at malamig akong tiningnan. I shivered. Lumunok ako ng pasimple nang magtama agad ang aming mga mata. God… Isaiah, the snob king who has a godlike visual looks frigging hot with his undercut messy hair! Napaawang pa ng bahagya ang aking labi nang bumyahe pa ang aking mga mata sa kanyang katawan. His masculinity screams dominance. His broad shoulder and bulky chest made my throat ran dry.
What did he do for the past eight years? Ang godlike visual na si Isaiah ay mas lalong sumarap.
“Sir… Siya po ang may-ari ng Damonisse Cafe,” pagpapakilala ni Cleo na titig na titig din kay Isaiah.
Isaiah licked his lips. Hindi na ako tiningnan pa at nasa kanyang tasa na.
“My coffee is too creamy. I don’t like it,” aniya sa baritonong boses.
Para akong nangilabot sa kanyang boses. His raspy voice is just too manly at masyadong nang-aakit ang boses kahit na sinabi niya lang naman iyon ng maayos.
“Sinong gumawa ng kape niya?” tanong ko kay Cleo.
“Ah Miss Zera, si Camilo po…”
“Camilo is good at making coffee. Anong naging problema?” Nagtaka narin ako.
Kahit si Cleo ay ganoon rin ang naging ekspresyon.
Tiningnan ko muli si Isaiah na nakikipagngisihan sa babae niyang kasama. Fuck his handsome face! Nafufrustrate ako bigla dahil noon ay ako lang naman ang tinititigan niya. Noon ako lang ang nginingisihan niya. Pero ngayon, ngayon halos hindi niya man lang ako tingnan at nasa ibang babae na ang buong atensyon niya.
“Pwede ko bang tikman ang kape?” marahan kong sabi na ikinapawi ng kanyang ngisi at tinanguan ako.
“Sure,” he answered flatly.
Kinuha ko iyon at inangat. Sumsim ako roon at wala namang nalasahang kakaiba. Inilapag ko iyong muli.
“There’s nothing wrong with your coffee,” sabi ko.
Isaiah shifted from his seat. Humilig siya sa mesa at tiningnan akong muli.
“But I don’t like the taste…” reklamo ng maarteng si Isaiah.
“Masama ba ang lasa?” marahan namang tanong noong babae sa kanya.
Tiningnan siya ni Isaiah at tumango. Itinulak niya pa bahagya ang platito para umabante sa babae iyong tasa.
“Taste it…”
Kumurap ang babae at dinampot rin naman ang tasa. Pasimple ko itong tinaliman ng tingin. Noon, ako lang naman ang nakakaindirect kiss ni Isaiah. Noon… Fuck. Noon iyon, Zera! Stop bringing your past. Tapos na iyon.
“Uhm… Okay lang naman ah,” aniya at inilapag iyong muli.
Kinagat ni Isaiah ang labi. Hindi ko naman maiwasang mapatitig doon.
“We’ll just give you another coffee, Sir,” sabi ko.
Tumango lang siya sa akin, hindi na ako tiningnan pa at itinuon ulit ang buong tingin sa babae.
Sinenyasan ko naman si Cleo na kunin iyon. Tumalikod nalang ako at umalis doon lalo na’t ayaw ko naring makadisturbo.
Nanginginig ang aking labi at halos manlambot ang aking tuhod. This is it… Your questions has been answered. Your Isaiah is happy now.
“Ano raw ang problema, Ma’am?” Salubong sa akin ni Camilo nang pumasok akong muli sa counter.
“Gawan mo siya ng panibagong kape. Something that he’s going to like, Camilo…”
Tiningnan niya saglit ang table ni Isaiah saka ibinalik sa akin.
“Sige, Ma’am…”
Bumalik naman akong muli sa aking upuan. Tanaw na tanaw ko pa rito ang kinaroroonan ng dalawa. He’s still smiling with her and it’s really irritating.
I tried not to glance at Isaiah but his fucking handsome face is just too much to handle. Palagi akong nagnanakaw ng tingin doon. Hindi naman siya lumilingon dito kaya hindi rin ako nahuhuli.
Ang bigat ng aking balikat. Naninikip na naman ang aking dibdib. Parang may nangyaring gyera kanina sa loob at nag-iwan ng malaking pinsala. Nanghihina ako. Nasasaktan. Pero wala rin akong karapatang magreklamo dahil ito rin naman ang bunga ng ginawa kong desisyon noon.
Si Krizza ang naghatid ng kape sa table ni Isaiah. I watched him how he took a sip on it. Kitang kita ko kung paano dumaan ang pagkadismaya sa kanyang mukha at nagtawag ulit ng empleyado.
I sighed heavily. Kung meron mang hindi nagbago sa kanya ay iyong pagiging maarte niya. What’s wrong again?
“Ma’am… Masyado raw pong matabang,” ani Krizza na dala dala muli ang tray.
“Ano bang gusto niya? Kape parin ba iyan?” ani Camilo na mukhang takang taka narin sa pagiging reklamador ni Isaiah.
Tumayo ako at nagtungo roon sa coffee maker.
“Ako na ang gagawa,” sabi ko na ikinatingin nila sa akin, tila nagulat sa pagrerepresenta ko.
“Ang swerte naman ata ng customer na ’yan at ikaw pa mismo ang gagawa, Ma’am,” si Camilo na patingin tingin narin sa table nila Isaiah.
Hindi ako kumibo at nagconcentrate na. Marunong naman ako kahit papaano lalo na’t isa rin ito sa inaral ko sa nakalipas na taon. Camilo taught me how to do it. Nananalangin nalang ako na sana ay mahuli ko ang panlasa ni Isaiah at magustuhan niya iyon.
“Girlfriend niya kaya ’yon?” si Krizza iyon, mukhang si Isaiah parin ang kanilang topic.
“Maganda eh. Imposibleng hindi,” si Camilo.
“Purket maganda girlfriend niya agad?” si Gail naman sa matabang na boses.
“Malay natin…” Nagkibit pa si Camilo.
If that’s his girlfriend then so be it. Hinanda ko naman ang sarili ko sa araw na ito. Alam kong may girlfriend na talaga siya pag magkikita kaming ulit pero hindi ako naging handa sa sakit na dulot noon sa akin.
I’ve seen how he treated me awhile ago. Hindi ko alam kung namukhaan niya ba ako o sadyang wala na talaga siyang pakialam sa akin. But it’s impossible… I named my Cafe after my second name. Imposible namang makalimutan niya iyon ng basta basta nalang.
Pero saan ba ang mas masakit? Ang katotohanang kinalimutan kana niya o naaalala ka parin naman pero wala na siyang pakialam kung sino ka.
This is all my fault anyway… But I’m happy to see him doing fine with his life. He looks happy. Siguro ako ay pipilitin ko nalang ring maging masaya sa buhay ko. Ako ang nang-iwan sa kanya at ngayon ay ako naman ang naiwanan dahil masaya na pala siya sa iba.
Hinatid ulit ni Gail ang kape sa lamesa ni Isaiah. May kung anong tinanong si Isaiah sa kanya na sinagot naman ni Gail saka niya iyon tinikman.
Tinitigan ko ang kanyang ekspresyon. Wala akong nakita roong kakaiba. He seemed satisfied and he even nodded with Gail.
Kinagat ko ang aking labi at nasiyahan sa bagay na iyon. Parang gusto ko biglang magmayabang na ako ang may gawa niyan.
“Nagustuhan niya, Ma’am!” masayang balita ni Gail sa akin na ikinangiti ko.
Sumimangot naman si Camilo.
“Baka gusto lang noon na ikaw ang magtimpla ng kape niya,” aniya.
Tumawa ako sa kanya at kahit ang iilan ring empleyado ay natawa sa kanyang sinabi. Ayoko namang sabihin na kilala ko si Isaiah at dakilang maarte talaga ang lalakeng iyan. Maybe it’s better if we stay this way… Like a stranger to each other.
Nagtagal silang dalawa sa Cafe. Ala sais na noon pero naroon parin sila sa kanilang mesa at hindi parin ata tapos sa pag-uusap.
Hindi ko narin masyadong tiningnan pa si Isaiah dahil ayokong isampal sa sarili ko na masaya na siya sa iba. Nagconcentrate nalang ako sa harap ng aking laptop at nireview ang sales.
Humikab ako ilang minuto rin ang makalipas. Kulang pa pala ako sa tulog…
“Ma’am. Umuwi kana lang po ng maaga. Kami na ang bahala rito,” si Camilo iyon.
Humikab ulit ako at hinihila narin talaga ang aking mga mata.
“Oo nga, Ma’am… Puyat na puyat kayo eh. Matulog nalang po kayo ng maaga,” si Gail naman.
Isinara ko ang aking laptop at tumango sa kanila.
“I think you’re all right. Uuwi nalang siguro ako nang makabawi ako sa pagtulog.”
Niligpit ko ang aking mga gamit. Tinulungan naman ako ni Camilo. Kinuha niya ang aking bag para ihatid iyon sa aking kotse katulad ng ginagawa niya.
Lumabas kaming dalawa ng counter. Isaiah is still talking with her bitch while leaning on his seat cooly. Hindi ko na sila tiningnan muli at deri-deritso na ang aking lakad habang nakasunod si Camilo sa akin.
Pinindot ko ang car alarm ng kotse kong Jaguar F-Type Coupe na kulay pula. Binuksan naman ni Camilo ang front seat at inilagay doon ang aking gamit. Umikot ako patungong drivers seat.
“Ingat po sa pagmamaneho, Ma’am…” ani Camilo na tinanguan ko.
Pumasok ako roon at pinaandar na. Gusto ko man iyong ipaharurot ay ayoko namang mahulog lang ako sa kulungan at doon na matulog.
Control your emotion, alright! Akala ko ba magiging masaya ka sa kasiyahan niya? You can’t just stop Isaiah from falling inlove with someone just because you can’t move-on. Hindi naman pwedeng sabihin mo ‘Uy, tayo na ulit. Mahal parin kita. Tayo nalang ulit.’ Gaga! Baka nga pasalamatan ka pa noon at itinulak mo siya dahil naging masaya narin siya ngayon.
Pagkauwi ko sa aking condo ay bumagsak na agad ako sa sofa. Ni hindi ko na hinubad ang aking heels at ipinatong nalang sa balikat noon ang aking mga paa.
Nahipo ko ang aking noo habang ang isa ko namang kamay ay namahinga sa aking tiyan.
I can’t forgot his handsome face. Lumala si Isaiah ngayon. Ang gwapo niya na nga noon tapos ngayon ay may mas ikakagwapo pa pala. Pumikit ako at pinigilan ang paglabas ng mga luha. Ilang sandali lamang ay may mainit nang likido ang dumaan sa gilid ng aking mga mata.
Para saan naman iyang iyak mo ngayon? Sising sisi kana? Gusto mo nang bawiin? Ano, bigla mo siyang hihilain pabalik sa’yo ngayong masaya na siya sa iba? Hindi siya mapupunta sa iba kung hindi mo siya binitiwan noon, gaga!
Itinulog ko nalang ang panghahapdi ng aking puso. Noong magising ako ay nasa sala parin ako, kung ano ang suot ko kahapon ay iyon parin at suot ko parin ang aking heels.
Bumangon ako at nahipo ang leeg kong sumakit dahil sa aking hinigaan. I don’t feel like going to Cafe today. Baka bigla na namang sumulpot si Isaiah roon.
But don’t you want to see him?
I want to see him…
Oh iyon naman pala! Ano pang inaarte arte mo? So what if he has a girlfriend? Maaagaw ko ba siya sa pamamagitan ng titig? Hindi naman ah? And… And I missed him…
God… This is really frustrating me.
Late na akong nagising at kumain nalang muna bago pumunta roon. It’s already two thirty PM. Wala akong ganang sumubo at tiningnan pa ang ulam kong ham at sunny side up na itlog.
Naalala ko bigla iyong kasama niyang babae. Bumaba naman ang tingin ko sa aking dibdib. Kinapa ko iyon. Mas malaki iyong kanya pero may dibdib rin naman ako. Hayaan mo na, Zera. Lumamang ka naman sa ganda. Lamang lang siya sa malaman niyang dibdib!
Napairap na lamang ako sa ere. Why am I compairing myself with someone who looks like a rat?! Ew.
Pagkatapos ko rin namang mahimasmasan sa pagkairita ay niligpit ko na ang plato at inilagay iyon sa sink. Hinugasan ko iyon saka rin nagpasyang maligo.
What should I wear today? Oh bakit? Balak mong akitin si Isaiah? And do you think it will work? Nasaan na ang sinasabi mong magmomove-on ka?!
Ganito ba talaga ako palagi sa kanya? Palagi nalang ba akong magpapakarupok? Noon palagi kaming sabik sa isa’t isa. Kahit siya ay umaming marupok siya sa akin. Ngayon ba… Ngayon kaya ay may epekto parin ako sa kanya? Then find out yourself, Zera.
After taking a bath for an hour, nagbihis rin naman ako. I wore a red Klare dress. Ang parteng dibdib noon ay laces ang nagmistulang botones. Iniribbon ko iyon at hinigpitan pero medyo kita parin talaga ang kaonting sumisilip na balat noon.
I paired it with black boots at hinayaang lumugay ang aking buhok. Pagkatapos noon ay lumabas rin naman ako at pumasok sa pula kong Jaguar na kotse.
Ano ’yan, Zera? Ba’t puro pula? Sinong aakitin mo ha?
Binalewala ko ang tanong ng aking inner demons at ngumisi nalang sa salamin. I promise to myself I’m going to start dating this year. Kung walang mahanap edi ba’t hindi nalang si Isaiah ulit?
Ang kapal kapal ng mukha natin ah?
Nasa sixty ang aking speed ng pagmamaneho. Wala pang sampong minuto ay nakarating rin naman agad ako sa Cafe. Bumaba ako roon at kinuha sa loob ang aking purse saka rin iyon inilock.
Transparent ang Cafe sa labas. Pasimple akong tumingin doon at nakita agad ang pamilyar na si Isaiah. May kausap ulit itong babae suot ang isang long sleeve na gray t shirt at nakarolyo sa kanyang mga kamay.
Pinagbuksan ako ng gwardya ng pinto.
“Ang ganda ganda natin ngayon Ma’am, ah?” sabi ni Guard.
Ngumisi lamang ako at tuloy tuloy na ang pagpasok.
May nagsilingunan agad na mga customers. Meron ring kumakain sa itaas na napatingin din dito. Kahit ang grupo ng mga lalakeng estudyante ay nagsikuhan pa.
Sinuklay ko ang aking buhok paatras at deritsong naglakad patungo sa counter. Sa gilid ng aking mga mata, nasa babaeng kasama parin ni Isaiah ang kanyang buong atensyon.
Oh ano? Akala mo lilingon? Parang hindi mo kilala iyan. Mas matigas pa iyan sa bato at mas snob pa iyan sa lahat ng snob.
Hindi ko nalang iyon masyadong inisip at pumasok na sa counter. Nalaglag pa ang panga ng iilang mga empleyado, lalo na si Camilo na napatitig sa akin ng husto.
“Ang ganda natin, Ma’am ah?” si Camilo.
Ngumisi ako sa kanya at nagtungo sa aking pwesto.
“Grabe Ma’am Zera. Araw araw ata ay lalo kang gumaganda,” si Gail naman na medyo napalakas pa ang boses at mukhang nadala na sa emosyon.
“Si Ma’am Zera pa,” si Krizza naman.
Umupo ako at bahagyang natawa sa kanila. Si Camilo naman ay lumapit agad sa akin.
“Ma’am… Iyong nagrereklamo kahapon, nandito ulit. At nagrereklamo ulit,” ani Camilo sa mahinang boses at palingon lingon sa table ni Isaiah.
Tiningnan ko narin ang table nila. Ang agad na kumuha ng aking atensyon ay ang tuwid na buhok ng babaeng kasama niya. Hindi ko ito masyadong makita pero parang hindi naman iyan ang kasama niya kahapon.
“Iyong babae parin ba ang kasama niya kahapon?” tanong ko nang tingnan kong muli si Camilo.
“Hindi na eh… Iba na. Ang sabi ko nga kina Gail ay fuckboy iyang crush nila,” aniya.
Iba na? Nasaan na iyong kahapon? Ano ’yan Isaiah? May schedule na ang mga babaeng dinidate mo araw araw at sa cafe ko pa talaga naisipan mong dalhin ang mga ito?
Hindi ko alam kung mabubwesit ba ako o ano. Engineer na ba siya? ’Di ba at dapat gusali ang mga tinatrabaho niya pero bakit ngayon ay parang mga babae na?
And what’s his problem now? Nagrereklamo na naman sa lasa ng kanyang kape?
“Ano na namang inireklamo?” tanong ko kay Camilo.
“Iyong cake, Ma’am… Hindi niya raw nagustuhan ang lasa.”
Cake? Ano bang gusto niyang lasa sa cake niya? Maalat?
Tumayo ako at nagtungo sa mga nakahelerang cakes. Binuksan ko ang sliding door noon at namili ng pwedeng ipatikim sa kanya.
“Kung ako lang talaga ang may-ari ng Cafe sasabihan ko nalang siya na h’wag nang pumunta rito eh puro lang naman siya reklamo,” ani Camilo sa nayayamot na boses.
Kumuha ako ng Dark Chocolate cake. Inilagay ko ang isang slice noon sa platito.
“We need to serve the customer, Camilo. Pag binastos natin sila ay ang Cafe rin ang kawawa at baka makarating pa sa ibang customers ang negative feedback niya,” sabi ko.
“Kaya nga Ma’am kaso ang arte niya naman atang lalake?” inis niyang sambit.
Inilagay ko iyon sa tray. Nilingon ko si Camilo na nakasimangot na.
“May mga katulad niya talagang lalake na dinaig pa ang kaartehan ng isang babae,” sabi ko.
Hindi nalang kumibo si Camilo. Nagtungo naman ako palabas ng counter dala dala iyong tray.
“Ma’am! Ako nalang po,” si Thalia na aagawin na sana iyon sa akin.
“Ako na. Baka magreklamo lang ulit,” makahulugan kong sabi at tuluyan rin namang naglakad doon.
Gusto ko rin kasing makita ang ikalawa niyang babae sa malapitan. Sino kaya ang girlfriend niya? Iyong nauna? Oh itong pangalawa? Or both?
Masasaktan na sana ako kung iyong babae parin kahapon ang kasama niya pero ngayon na iba na ulit ay parang nagdidiwang ang mga inner demons ko. May bumubulong sa akin na baka sa akin parin ang huling halakhak dahil sa akin parin siya babagsak.
Pero hindi ko rin magawang magsaya talaga. Isaiah is very hard to predict.
Pagdating ko sa kanilang table ay inilapag ko agad sa kanyang harapan ang platito kung nasaan ang slice ng cake.
Napatingin sa akin ang babae. She’s wearing a tube top and highwaist jeans. Kumpara sa naunang babae kahapon ay mas maganda ang mukha nito. Iyon nga lang, parang sinampal ng blush on at sobrang pula rin ng labi. Nasobrahan sa pagpapaganda kaya ayan ang naging resulta. And she looks like a fish out on a water to me.
Umahon rin ang mga mata ni Isaiah na imbes tingnan ako ng deritso sa aking mga mata ay dumapo pa ang tingin sa aking dibdib.
“I want to recommend this cake and maybe you’ll like it…” sabi ko sa marahang boses.
Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at dinampot agad ang tinidor. Tumitig ako sa kanyang mukha pero ninanakaw talaga ng kanyang portrait tattoo sa gilid ng kanyang leeg ang aking atensyon. Isaiah is so fucking hot…
“How was it?” tanong ng babae niyang kasama at humilig pa paabante sa mesa.
Tiningnan siya ni Isaiah saka siya muling kumuha ng kaonting cake at inilapit ang tinidor sa babae.
Iyon ang nagpalunok sa akin. Parang nagkabuhol buhol ang aking lamangloob at hindi ko alam kung aatras nalang ba o hayaang saktan ang aking sarili sa ginagawa ni Isaiah.
“Taste it for yourself,” sabi niya sa babae na tumamis agad ang ngiti at kinain iyon.
Nanigas ako, hindi alam kung saan idadako ang mga mata pero matapang parin akong tumayo roon kahit na parang hinihiwa na ang aking puso.
The girl giggled. Isaiah licked his lips and tilted his head.
“How was it?” tanong ni Isaiah.
“Okay naman… Matamis… Lasang chocolate…”
Napairap ako roon, hindi na napigilan ang aking sarili. Malamang dark chocolate ang isinerve ko. Mas magtaka siya kung lasang ube iyan.
“Enjoy eating,” matabang kong bigkas at tumalikod na pabalik sa counter.
Nagloosen nalang ang aking balikat. Ititigil ko na talaga ang kahibangang ito. Tanggap ko narin naman na hindi siya mapapa saakin ulit. Tanggap ko na kung ayaw niya narin sa akin. Ayokong isiksik ang sarili ko ngayon sa mundo niya dahil lang ako na itong naging miserable sa pagkawala niya.
Ang gwapo gwapo mo sana pero fuck you, Isaiah! Napaka higad mo!
40th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Liezel Diane Castillo. Happy reading!
Sad
Sumasakit ang ulo ko sa iritasyon kay Isaiah. Hindi na ako muling lumapit pa sa table nila at nanatili nalang sa counter.
Kung sinasadya niya man iyong landiin sa mismong Cafe ko pa talaga ay gusto ko na silang itulak palabas.
Is he making me jealous? At bakit? Para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya noon? Gusto niyang ipamukha sa akin na masaya siya at marami siyang babaeng makukuha kahit na itinulak ko siya?
He didn’t know my reason! Ginawa ko iyon para sa kanya. I made some white lies just to pushed him away.
Pero naisip ko rin kung ano ang naging epekto noon sa kanya. I can’t judge his pain. Nasaktan nga ako sa ginawa ko ano pa kaya na siya eh sinaktan ko siya ng husto?
Hindi ko nalang masyadong binigdeal ang kanyang pinaggagawa araw araw sa aking cafe. Nagdadala siya ng babae at nag-uusap sila. Paiba iba pa iyon at hindi ko alam kung saan niya lahat napulot.
Pag ako ang naghahatid ng kanyang kape, ang palagi kong tinititigan ay ang leeg niyang nakabalandra na at minsan ay natatakpan naman ang ilang letra. Those are four letters. Or five? But it looks like four! I just hate the neckline of his jacket dahil natatakpan minsan kaya hindi ko nakikita ng maayos. Siguro… Siguro Zera iyon?
Gaga. Wala naman akong nakitang Z. Alangan naman bigla ko ring hilain pababa ang kwelyo ng kanyang suot at bilangin edi mas naging sobrang weird! And I don’t know how to read it but I’m really curious. Malay natin baka Zera iyon.
May mga araw rin namang mag-isa lamang si Isaiah and those were the days I tried on hitting on him. Hindi talaga siya kumikibo sa akin pero hindi rin naman masyadong nagagalit. Iyong simpleng walang pakialam lang.
Sabado iyon noong nag-order lang siya ng black coffee at umupo sa two seated table with his laptop at seryosong seryoso, mag-isa at walang kasama.
“Iyan ba iyong follow-up order ng maarte nating customer?” tanong ko kay Thalia na kumukuha na ng mousse cake at inilalagay iyon sa platito.
We named Isaiah as our maarteng customer. Siya lang kasi ang bukod tanging customer namin na nakakailang reklamo pero pabalik balik naman dito. They’re suspecting he’s living near our Cafe or may binabalik balikan daw ito rito.
Baka kasi ako?
“Opo, Ma’am…” sagot ni Thalia at inilagay iyon sa tray.
Tumayo ako. Napatingin naman si Camilo sa akin na nasa harap ng coffee maker at gumagawa ng panibagong kape.
“Ako na,” sabi ko at nilapitan si Thalia.
Nagulat agad ito, nag-aalangang ibigay iyon sa akin.
“Sigurado ka po, Ma’am?”
Tumango ako at kinuha iyon. Nagpaubaya naman si Thalia at ibinigay iyon sa akin.
Dinala ko iyon palabas ng counter. Maingat akong naglakad patungo sa kanyang table suot ang aking offshoulder sweetheart dress and heels.
Pagdating ko roon ay marahan ko iyong inilapag sa kanyang gilid. Hindi naman kumibo si Isaiah, seryosong may tinitipa sa kanyang laptop at naka plain black t shirt at denim jacket na nakarolyo, jeans tsaka itim na boots.
He smells really really expensive now. Kahit hindi ako lumapit ng husto ay parang tumatagas ang marangyang amoy sa kanyang katawan.
Agaw pansin ang kanyang suot na silver na kwintas. Tumagilid ang aking ulo at sinilip ulit ang kanyang baybayin na portrait tattoo. Binilang ko iyon ulit. I’m confuse if it’s four or five since the neckline of his denim jacket is covering some of its part…
Hindi ko nalang iyon masyadong inisip at sinilip rin ang kanyang ginagawa. Inilagay ko sa aking likuran ang aking mga kamay at sumulyap sa screen ng kanyang laptop.
He’s typing something with his long fingers. Masyadong mabilis ang kanyang pagpindot sa bawat letra sa keyboard at nagfocus nalang ang aking mga mata sa maugat niyang braso.
Tumigil ako sa aking ginagawa at tiningnan na ang gwapo niyang mukha na masyado talagang snob.
“Why are you alone?” tanong ko sa marahang boses.
Hindi sumagot si Isaiah, ni mag-angat ng tingin ay hindi talaga ginawa sa akin.
“Can I sit here?” Itinuro ko ang nasa harap na upuan sa kanyang harapan.
“Go away,” matabang niyang sabi na ikinasimangot ko.
Hindi man lang ako tiningnan noong sinabi ko iyon. Ang snob snob! Akala mo naman hindi namin natikman ang isa’t isa noon!
Gusto ko iyong isaboses pero ayoko namang pahiyain ang sarili ko sa kanyang harapan. Iba pa naman ang tabas ng dila ni Isaiah. Dinaig pa ang matulis na kutsilyo dahil nakakahiwa talaga iyon.
Bumalik rin naman ako sa counter. Naroon lang ako, nakaupo at tinitingnan siya. Chineck niya ang kanyang cellphone na iPhone at inilapag rin naman iyon saka niya sinimsim ang kape habang nasa laptop ang tingin.
Bakit kaya wala siyang kasama ngayon? Hmm…
Tumayo akong muli at hindi na nakatiis. Nagtungo ulit ako sa kanyang table. Katulad ng kanila ay hindi niya ako tiningala o kahit nilingon man lang.
“Do you like the taste of your cake?” tanong ko.
Simpleng tango lang ang kanyang sinagot. Ngumuso ako.
“How about your coffee?”
Tumango siyang muli, iyon lang ang ibinigay na sagot.
Grabe naman Isaiah! Pwede kanang maging bato sa sobra mong tigas!
“Were you waiting for someone?” makulit kong tanong.
Marahan siyang umiling. I pouted and bit my lowerlip. Sinilip ko ulit ang kanyang laptop. Ang haba na ng natitipa niya roon at wala talaga akong naiintindihan.
Ayoko namang magmukhang tanga roon sa kanyang gilid kaya bumalik na ulit ako sa counter. Nagtataka pa akong tiningnan ni Camilo.
“I am just checking if he likes his order,” agaran kong sabi kahit wala naman itong binanggit.
“Hayaan mo ang maarte na ’yan, Ma’am…” ani Camilo.
“We need to serve them right, Camilo,” sabi ko at umupo muli.
Hindi nalang kumibo si Camilo at pinagtuunan ulit ang panibagong order ng bagong customer.
Hanggang ala sais si Isaiah sa Cafe. Noong napagod na ata ay umalis rin at sumakay sa magara niyang kotse na nakapark sa labas na alam kong Ferrari 458 Italia since parehas sila ni Kuya Toshi ng kotse. Iyon nga lang ay kulay itim sa kanya.
Isaiah the snob king who has a godlike visual is already filthy rich! Kaya siguro ang rami rami na ng babae dahil may pang gastos na siya kung sakaling nabuntis niya?
Nakaka apat na babae na kasi siya sa mga nagdaang araw. Those were all sexy. Masarap ang mga katawan at siksik sa laman ang dibdib. Ewan ko kung pinapamukha niya ba sa akin na playboy na siya o ano. Malay mo Zera nakamove-on narin at nag-iba na talaga ang kanyang lifestyle. Baka mga ka fling niya iyon o ka hook-up?
Linggo iyon. Hindi ako pumunta sa Cafe at nagtungo nalang sa bahay ni Nana para bisitahin si Trench. Nagdala pa ako ng yogurt bilang pasalubong sa kanya.
Pagkapasok ko ay nadatnan ko sila sa sala.
“Oh… Napadpad ka.” Ngumiti agad si Nana nang makita ang aking pagpasok. Nakasquat rin ito sa matt at may hawak na laruan ng anak.
“Boring sa condo,” saka ko nilapitan ang play mat kung saan gumagapang si Trench.
Nagsquat ako roon at inilapag ang yogurt sa harapan. Nang mapansin niya iyon ay mabilis itong gumapang papunta sa akin.
“Not so fast, Trench!” Tumawa ako at mabilis siyang inangat nang makarating siya sa aking harap.
Mabilis niyang hinawakan ang aking pisngi at pinagtatampal iyon. Hinalik halikan ko ang kanyang leeg na ikinainis agad nito dahil tinulak tulak na ang aking mukha.
“Find a boyfriend, Zera. I think you’re already ready as a mother,” ani Nana.
Ibinaba ko rin naman si Trench at ipinaupo sa aking gitna. Inabot niya iyong yogurt at kinuha ang isa saka niya iyon kinagat kagat.
“Wala akong mahanap na boyfriend,” sabi ko at inagaw ang yogurt kay Trench.
Binuksan ko iyon. Tumingala si Trench at inabot iyon, gustong kunin sa aking kamay habang nakanguso ng husto.
“Iyong Barista mo? He’s goodlooking…” Nanunuya siyang ngumisi sa akin.
I wrinkled my nose. “Not my type.”
“Pero mukhang mabait naman iyon!” giit niya.
“Namnam!” sigaw ni Trench na kanina pa nakatingala, sobrang nayayamot na.
Mabilis ko iyong binuksan at kinuha iyong pang scoop para subuan ito. Doon lang siya kumalma nang ipinahawak ko sa kanya iyong isang yogurt na hindi pa nabubuksan.
Bago pa may masabi si Nana sa aming pinag-uusapan ay bumaba narin ang kanyang asawa. Bagong ligo ito habang kinukusot ang basang buhok gamit ang towel.
Tiningala niya ito habang bumababa sa kanilang enggrandeng hagdan. Tumayo naman si Trench at nagawa pang humawak sa aking braso para tulungang iangat ang kanyang sarili. Humarap siya sa akin at pilit na inaagaw ang hawak kong popsicle na ipinangsusubo ko sa kanya.
Nakarating rin si South sa aming gawi. Umupo siya sa sofa habang nakabukaka ang mga binti.
“Walang kadate?” tanong niya sa akin sa seryosong boses.
Nagkibit ako at sinubuan si Trench.
“Wala…”
“Tatanda ka atang dalaga,” pang-aasar niya kahit ang seryoso parin ng boses.
Tumawa si Nana. Umirap ako sa mag-asawa na pinagkakaisahan ata ako. Hindi naman siguro ako tatandang maaga. I am just twenty-six!
Lumagapak si Trench sa kanyang play mat nang bigla siyang mawalan ng balanse sa pagtayo at napaupo roon muli. Si Nana naman ay nakapwesto na sa gitna ng kanyang asawa. Nahuli ko pa kung paano yumuko si South at pinatakan ng halik nang tiningala siya ng aking pinsan.
Ugh… Ba’t ba nandito ako? Maiinggit lang ako sa kanilang dalawa.
Gumapang si Trench patungo sa kanyang Daddy. Humawak siya roon sa sofa at inangat ulit ang kanyang sarili saka siya naglakad papalapit sa kanya.
Inangat naman agad ito ni South at kinarga sa kanyang bisig. Nagmukhang maliit si Trench dahil sa makisig niyang ama.
Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa dalawa. South looks very happy while watching his son touched his face.
Naisip ko rin kung hindi ko itinulak si Isaiah ay nakarami narin siguro kami ng anak eh ang rupok rupok naming dalawa. Siguro ay tumatawa na siya ngayon habang nakikipaglaro sa mga baby namin.
Naisip niya rin ba iyon ngayon? O gusto niya narin siguro ng anak pero hindi na sa akin.
Bumigat lamang ang aking dibdib sa aking pinag-iisip kaya pinilig ko nalang ang aking ulo. Nahuli pa ako ni Nana na ginagawa iyon kaya namungay agad ang mga mata niya sa akin.
I smiled flatly at her to stop my cousin from worrying too much. These days, they’re all worried at me. Just because I’m living alone and I look lonely ay sobra na silang napaparanoid. What should I do? Ipilit ko na magkalovelife ako kung wala rin naman akong gusto?
Doon na ako nagpalipas ng gabi. Doon narin ako nagdinner. Nakatulog na si Trench sa kakalaro. Ang mag-asawa naman ay panay tanong tungkol sa Cafe sa akin pero itong si Nana ay lumiliko talaga sa aking lovelife.
“Buti pa nga si Brandy may boyfriend eh mas matanda ka pa sana ng seven years sa batang ’yon,” aniya at nagsisimula na naman akong ikumpara sa iba naming mga pinsan.
“You know that girl is very worst… Hindi ko kaya ang mga pinaggagawa niya.” Ngumiwi ako at sumubo.
Tumawa naman si Nana ng marahan.
“Mamamatay ng maaga sa sobrang pagka kunsumisyon ang boyfriend niya sa kanya.”
Buti nga iyon papalit palit lang ata ng boyfriend. I am loyal with my feelings for Isaiah kaya hindi ko rin magawang magkagusto sa iba.
I even remembered my third year in college. Kinukumusta ako lagi ni Trey kay Irah at iyong babaeng iyon ay sinisiraan lang naman ako.
Simula rin kasi noong itinigil ko ang panliligaw niya sa akin ay nagpalit din ako ng numero. I change my number for my own privacy.
Okay naman sana si Trey sa akin kaso nawalan rin ako ng ganang magmahal. Para akong nafall out of love pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Isaiah. Boys don’t excite me anymore. Parang ang hirap niyang hanapin sa bawat lalaki sa mundo na nakakasalamuha ko. Ang hirap maghanap ng kagaya niya.
“Makipag blind date ka nalang,” payo ni South sa akin.
Nagkatinginan kami ni Nana. Ganito na ba sila ka desperadang ibugaw ako sa lalake at gusto na nila akong makipag blind date?
“I am not going to do that shit,” sabi ko sa matigas na boses.
Marahang tumawa si Nana.
“Malay mo naroon na pala ang the one mo…”
And South even agreed at his wife. Sumimangot na lamang ako ng husto. I just want a baby… Kahit h’wag na iyang lalake basta may baby ako para may kasama ako sa condo. Gusto kong may inaalagaan akong bata katulad ni Trench.
“Ibigay niyo nalang sa akin si Trench at gumawa kayo ng panibago,” suhestyon ko at nginisihan silang dalawa.
Sumimangot si Nana sa akin, si South naman ay nakaangat na ang kilay.
Doon umikot ang aming topic. Marahil ay naiinggit lang talaga ako kay Nana na meron nang anak at masaya pa sa buhay kasama ang kanyang asawa. Naiinggit lang ako sa mga pinsan kong masasaya na at heto ako at kahit boyfriend ay wala parin.
I shouldn’t rush… Wala pa naman ako sa thirties… I think makakabuo parin naman siguro ako noon, right?
Monday. Nasa Cafe na ulit ako at tumatambay na naman sa counter.
Kanina pa humahaba ang aking leeg habang hinihintay ang pagpasok ni Isaiah.
“May hinihintay kayo, Ma’am?” tanong ni Camilo at tila napansin narin ang aking ginagawa.
Tumigil ako at umiling.
“Wala naman…” sabi ko at ibinalik ang tingin sa laptop.
Is he coming today? Kahit makita ko nalang siguro siya ay kontento na ako.
Eh bakit kasi hindi nalang kayo mag-usap? How can I even talk to him if he’s being cold to me. At ano namang pag-uusapan namin? Pinutol ko na ang meron sa amin noon kaya sigurado akong ayaw niya narin iyong pag-usapan pa. Eh binabalewala niya na nga lang ako ngayon.
May panibagong customer ang pumasok. Mabilis akong nag-angat ng tingin at hindi rin naman nabigo nang makita ko si Isaiah na nakasuot ng button down shirt na kulay itim at nakarolyo pa iyon sa kanyang mga braso. He looks so manly at sobra niyang tangkad tingnan with his all black outfit.
Matutuwa na sana ako. Mapapangiti na sana ako kung hindi lang nalipat ang aking mga mata sa kasama niyang babae.
Ang kasama niya ngayon ay iyong babaeng nauna niyang dinala rito. She’s wearing a long sleeve white dress at hanggang balikat siya ni Isaiah. Kung hindi ko sila kilala ay mapagkakamalan ko talagang bagay silang magcouple at nagmamahalan ng todo pero dahil kilala ko naman si Isaiah at bitter pa ako ay alam kong isa lang naman siya sa mga babaeng pinagsasawaan niya.
Sa lahat ng babaeng dinadala niya, iyan talaga ang pinaka nakakabuwiset. I hate how she stares at him. Para na siyang nanghuhubad at sobra pang nakakainis ang kanyang ngiti.
Hindi na ako tumingin pa nang umabante sila rito sa counter para um-order. Nagkunwari naman akong busy at walang pakialam sa kanila.
Si Thalia ang nag-entertain sa kanilang order. I even heard his deep baritone voice and it’s very manly. Noong pasimple ko siyang nilingon ay hinahaplos haplos niya na ang kanyang smooth na buhok habang ang isang kamay ay nasa beywang.
Iniwas ko rin naman ang aking tingin nan may sinabi ang babae at humagikhik na ikinangisi niya rin sa kanya. I even caught a glimpse of his dimple…
Noon ako lang ang nakakapagpalabas noon pero ngayon iba na.
Iyon ang nagpalungkot sa akin. Minsan hindi naman ako naaapektuhan pero madalas talaga akong binabalikan ng nakaraan at doon ako labis na nasasaktan.
I still love him… After all these years I still love him so much. But does he loves you, Zera?
Nawalan ako ng ganang manatili roon at nagpasya nalang na umuwi ng maaga. Namalayan ko nalang ang aking sarili sa loob ng condo, umiiyak at pilit na pinapatahan ang sarili habang sinasalo ang mga luhang pumapatak doon.
He’s hurting me even if he’s not saying anything. Sana pala pinagsalitaan niya nalang ako ng masakit na salita o kaya ay prinangka na hindi niya narin ako mahal para hindi narin umaasa ang puso ko.
I missed him… I missed the old Isaiah… I missed the old us.
Humikbi akong muli at niyakap ang aking mga binti habang nakaupo sa sofa. Sobrang naninikip ang aking dibdib at hindi na naman ako makahinga. Pilit kong itinatatak sa isipan na kasalanan ko naman, na ginusto ko naman ito. Pero bakit… Bakit hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako habang siya ay masaya na? Bakit hindi pwedeng parehas nalang kaming dalawa ang masaya? Bakit siya lang? Bakit hindi pwedeng pati ako ay maging masaya nalang rin?
Dahil ba ako ang nang-iwan? Dahil ako ang nanakit? Dahil ako ang may kasalanan? Iyon ba ang rason kaya hindi narin ako pwedeng maging masaya?
I cried harder again. Nanlumo ako ng husto sa lahat. Hinabol ko ang aking hininga at sinapo ang dibdib. Tama na please… Just rest from this pain! Sapat na ang walong taong pagluluksa sa namatay niyong pagmamahalan. Sapat na ang mga luhang sinayang mo! Dapat ay tumigil kana!
Pero kahit anong sabihin ko, kahit anong gawin ko ay hindi parin tumitigil ang sakit. I just feel bad for myself. Sobrang nakakalungkot…
May nagdoorbell doon kaya napatayo ako. Pinunasan ko agad ang aking mga luha at inayos ang aking sarili. Nagtungo ako roon at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin si Irah na naka above the knee na dress at sandals with her ponytailed hair, ang mga mata ay agarang dumako sa mga mata kong kakagaling lang sa iyak.
Nagkasalubong ang kanyang kilay nang pumasok siya ng tuluyan. Isinara ko naman ang pinto at naglakad pabalik sa sofa.
“Are you crying again?” pagalit niyang tanong nang sundan ako.
Ibinagsak kong muli ang aking sarili sa sofa at humingos. Ilang beses niya narin kasing nahuhuli ang aking mga mata na tila kakagaling sa iyak pero tinatanggi ko naman at gumagawa ako ng kasinungalingan.
Ayokong kaawaan ako. Ayokong icomfort ako dahil mas mararamdaman ko lang kung gaano ako kalungkot. I just want to keep the pain with me…
“May sipon,” sagot ko bilang alibi.
Umirap siya nang makarating narin dito. Inilapag niya sa mini table ang dalang pizza at umupo sa aking tabi.
“Let’s celebrate…” sabi niya at inilapag narin ang dalang bag sa gilid.
“Ano ’yon?” tanong ko.
Hindi niya pa naman birthday ah? May monthsary ba ang friendship namin?
“Is it our anniversary?” Nagtataka kong tanong habang pinapanood siyang buksan ang large pizza.
“Nope…” sabi niya at may kinalkal sa kanyang bag.
Kumuha ako ng isang slice ng pizza at kinagatan iyon. Humarap naman siya sa akin at may hawak na sa kanyang kamay. Inilahad niya iyon sa akin.
“Open it,” sabi niya at ngumiti pa ng matamis.
“Just open your palm,” sabi ko at umirap.
“Buksan mo nga!” Iritado niya nang inilapit ang nakakuyom na kamay.
Ngumiwi ako at ibinalik sa box ang slice na pizza na may kagat na saka ko ipiniko ang isang hita sa sofa at humarap ng buo sa kanya. Hinawakan ko ang palad niyang nakakuyom. Inisa isa kong alisin ang mga daliri roon hanggang sa tuluyan ko iyong nabuksan.
Napasinghap ako sa aking nakita.
“Oh my gosh!” Napatili na ako at namilog ang mga mata.
Tumawa si Irah sa aking reaksyon. Napatayo ako sa pagkagulat at natakpan ang aking bibig.
“You’re…”
Tumango tango agad siya.
“Yes! Two weeks!” she announced happily.
Nagbagsakan ang aking mga luha sa sobra kong saya. Napahikbi pa ako sa kanyang harapan na ikinagulat niya.
“Ba’t ka ba umiiyak?” Tumayo narin siya at hinaplos ang aking likod, ang boses ay nag-aalaa na.
Umiling ako at pinalis ang aking mga luha. Tumawa ako habang nakabusangot siya sa akin.
“Tears of joy! I am h-happy… Duh!” sabi ko at umirap habang hindi parin mapigil ang mga luha.
Namungay agad ang kanyang mga mata.
“What’s wrong, Zera?” seryoso niyang tanong.
Umiling ako at gusto nang awatin ang sarili sa pag-iyak. Gusto ko mang kimkimin pero parang napuno na ang loob ko at hindi niya na kayang dalhin pa ang bigat. I’ve been keeping these and maybe I got triggered kaya naiyak nalang.
I just feel so alone and tired. I feel so sad. Is this my karma for pushing Isaiah away?
41st Lured
Lured
This chapter is dedicated to Kinley Carl Lynch. Happy birthday! Happy reading.
Espresso
Hindi nalang muna ako pumasok sa Cafe ng ilang araw. I just want to take a break with the heartache. Sinama samahan ko muna si Irah sa mga workout session niya for pregnant women.
Nakaka thirty minutes siya araw araw. May recommendation naman siya sa kanyang OB na safe ang mga exercise na iyon kaya wala rin kaming pangamba. And of course I was there with her like I’m also pregnant too while doing some workouts.
Pawisan siya noong umupo na kami sa isang bench. Binigyan ko siya ng bottled water. Tinanggap niya iyon at uminom. Hindi pa naman gaanong malaki ang kanyang tiyan and she still looks very fit. Siguro mga ilang buwan ay lolobo narin ’yan.
“I hope it’s a baby girl,” sabi ko.
Sumulyap siya sa akin at isinara ang bottled water. Tiningnan niya ang kanyang tiyan.
“Kadalasan pa naman sa mga dugo niyong Delafuente puro lalake ang nagiging anak. I hope, too…”
I can imagine a baby Irah with a mixture of Kuya Toshi. Sana iyong ugali kay Kuya Toshi nalang para hindi sakit sa ulo at hindi sila makunsumisyon. But I guess its really depend on how they raise their child…
“Do you want a first born girl, too?” tanong niya sa akin.
I nodded. “Hmm… I grew-up having a Kuya and he guided me well so I guess pwede rin namang lalake.”
Hinaplos niya ang kanyang tiyan at pinanood ang iilan ring buntis na naririto. May iba na makikita na talaga ang bilugang mga tiyan. Ibinalik ko ang tingin sa kanya.
“Buti at pumayag si Kuya Toshi sa mga ganito,” sabi ko.
“Hindi siya pumayag, actually. I told him it’s safe since may guide rin ng OB ko and he told me he’ll join me next time para mas makasigurado siya.”
“I can join you,” sabi ko na ikinaangat ng kanyang kilay.
“Are you my husband?” mapang-uyam niyang tanong, nanunuya pa ang ngisi.
Umirap agad ako. Eh ano rin namang gagawin ko? Nabobored na ako sa condo. Nabubwesit naman ako sa Cafe dahil naninikip lang ang dibdib ko. This is a good diversion.
Umupo narin ako sa kanyang tabi at pinunasan ang pawis sa aking noo. Itinaas naman ni Irah ang kanyang pulso at inilebel sa mukha para makita ng maayos ang suot na bracelet.
“You should start dating, you know… Or just get Isaiah back,” suhestyon niya.
Why not both? Why not start dating with Isaiah? Kaso ayaw noon eh. Ayoko namang manglimos. Ano ako pulubi?
“Ayokong ipilit,” nagkibit nalang ako.
Alam niya na na sumusulpot minsan si Isaiah sa aking cafe. Noong una kong sinabi iyon sa kanya noong nakaraang araw, noong first session niya, ay nagduda agad siya.
“Baka naman kasi ikaw ang sadya noon?”
“Eh ba’t may dalang babae?” tanong ko naman habang kumakain kami sa isang nadaanang Restaurant pagkatapos maglakad lakad.
“Maybe he’s making you jealous because you pushed him away,” hula niya.
Iyon rin naman ang hula ko noong una kaso naisip ko rin na baka ginagawa niya iyon para ipamukha sa akin na masaya na siya. Ni hindi niya naman ako pinapansin. Hindi niya ako masyadong binibigyan ng atensyon. He doesn’t even want to look at me. Para akong naging isa sa mga babae noon na ayaw niyang tingnan kahit sandali lang.
“Not sure…” bigkas ko at sumubo.
Uminom siya ng tubig at nag-isip na ng malalim.
“Hmm… How about you make him jealous? Like you know, triggered him…”
Nanliit agad ang aking mga mata. Ako na nga itong may kasalanan sa kanya noon, ako pa ang magpapaselos. And I don’t want to use another man just to get him. Nadala na ako noon sa nangyari sa amin ni Trey. Si Isaiah ang ginamit ko para maging tulay and what happened with my wreckless decision? Ako pa ang nabaliktad.
“Ayoko na sa mga ganyang strategy. Baka mas maging komplikado lang lalo ang sitwasyon at sumabog na talaga ang ulo ko.” Nailing ako.
“Sabagay… You have a point. Using another man to get someone’s attention might really lead you to danger. Baka iyong ginagamit mo iba na pala ang takbo ng utak.” Nagkibit siya.
Ngumisi naman ako. “Base on experience ba?”
Umirap siya sa akin at sumubo. I chuckled. Sumubo rin ako at saglit na nag-isip. Naroon kaya siya sa Cafe ko? Did he notice I wasn’t there? Eh ano naman? He has lots of girls anyway… Bahala siyang magpakasawa sa mga iyon.
“Ano nang naiisip mong plano?” biglaan niyang tanong at marahil ay wala ring maisip na iba.
Uminom ako ng tubig. Tiningnan niya ako ng maigi at dahan dahang sumubo. Inilapag ko ang baso at humilig sa mesa.
“I’ll talk to him. Gusto ko lang ng closure nang maalis narin ang bigat na dinadala ko. Siguro kulang lang talaga kami sa ganoon. I want to end it nicely… Just you know… to recover from the pain. Siguro kung nakahingi ako ng patawad ay makakamove-on na ako. Kaya rin siguro ako ganito dahil sinisisi ko ang sarili ko sa lahat at nasaktan ko pa siya.”
Mataman nang tumitig si Irah sa akin, ang mga matang madilim ay seryosong nakasentro sa aking mga mata. I smiled flatly.
“Pag nakausap ko na siya ay baka gumaan na ang pakiramdam ko,” dagdag ko pa.
“But what if he doesn’t want to talk to you?”
“Hmm… Then I’ll find a way. I know how to provoke Isaiah but I don’t want to use that against him. Baka mas magalit pa iyon.”
Ngumiwi siya.
“What kind of plan do you have?”
I smiled wickedly. Reserba ko lang naman iyon kung sakaling hindi talaga siya nadaan sa magandang usapan, o kung nagmatigas talaga siya. It’s a 50/50 chance he’ll click on my bait but who knows… Baka meron parin talagang natitirang karupukan sa kanya.
“It’s a secret…”
Nanliit ang kanyang mga mata. Ginalaw ko ulit ang aking pagkain at sumubo. Kumalma naman ang kanyang ekspresyon at tila nag-isip ulit.
“Its hard to say, ‘Just find another guy and move-on’ since you can’t force yourself with someone else if you’re still inlove with a certain person. Hindi rin naman kita pwedeng payuhan na maging masaya nalang dahil mahirap rin talaga iyon. Siguro tama ka nga… You really need to talk to him and settle your past para maging magaan na ang pakiramdam mo.”
Tumango tango ako.
“And after that I’ll start dating. Bahala na si Isaiah.”
“Ayaw mong maghabol?”
I wrinkled my nose.
“Ayoko…”
Tumitig muna siya ng ilang saglit. Nang wala na akong idinugtong ay hindi niya narin ipinilit at sumubo nalang.
Noong itinulak ko rin naman kasi si Isaiah, tinanggap ko na ang kahihinatnan ng desisyon ko. Tinanggap ko na na maaaring wala na akong babalikan sa hinaharap. Tinanggap ko na na makakahanap siya ng iba. At ngayon na nakikita ko naman siyang masaya, ba’t pa ako manggugulo? Ang gulo gulo naman kung babalikan ko siya ulit pagkatapos ko siyang basagin dahil lang buo na ulit ito.
“Baka dumating ang araw malalaman ko nalang may pinatay kanang babae dahil sa matinding pagseselos ha,” ani Irah nang mapansing natulala ako.
Kumurap ako para bumalik sa sarili.
“Medyo nakakapagtimpi pa naman.”
“Ang seloso pa naman ng angkan niyo.” Naninimbang na agad ang kanyang mga mata sa akin, inaakusahan ako at siguradong sigurado ang tinging iyon.
“I am a unique Delafuente. Sila lang ’no.”
Nailing nalang si Irah, parang hindi naniniwala sa aking sinabi. Kung selosa ako, baka ipinaskil ko na sa labas ng aking cafe ang mukha noong mga babae ni Isaiah at naglagay ng babala na No ugly pets allowed pero hindi ko naman ginagawa ah? I am unique since I know how to control my emotion. Hindi ako sumasabog.
Ilang weeks rin akong hindi sumulpot sa Cafe. Nag-enjoy naman ako kakasama kay Irah. Iyon nga lang, saksi rin ako sa maliliit nilang away ni Kuya Toshi. Bigla bigla nalang siyang nagagalit sa maliliit na bagay. She’s very frustrating! Uminit agad ang ulo niya dahil hindi nasagot ang una niyang tawag.
“Buti at napagtitiisan ni Kuya Toshi ang ugali mong ganyan,” sabi ko pagkatapos niyang babaan ito ng tawag, halos umirap pa sa kawalan.
“He’s annoying,” giit niya sa panggigigil.
Iyon na ang ikinabwesit niya sa ilang minuto habang tumatambay kami sa kanilang bahay. Ayaw niya na raw makita si Kuya Toshi at maghahamon na ng hiwalayan. She’s saying it with her mad face at parang sasabog na.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating si Kuya Toshi, may dalang pagkain. I watched him move closer to his wife and kissed her head. Umirap pa ang gaga pero isang haplos lang ay kumalma agad ang ekspresyon at ngumuso.
Kailangan ko ba talagang mapanood ang ganito? Kailangan ba talagang ipamukha ng mga nakapaligid sa akin na ang saya saya nila? God.
Doon ako nagdinner. Kuya Toshi is asking me with things about the Cafe at sinasagot ko nalang iyon ng maayos. Napag-usapan rin naman saglit si Kuya. His busy with his girl…
Umuwi rin naman ako at hindi na gaanong nagtagal. Tiningnan ko lang saglit ang ipinasang file ni Krizza na sale nila sa nagdaang mga araw at pinilit ko agad ang sarili kong matulog ng maaga.
Lunes na noong nagpasya akong bumisita muli sa Cafe. Tuwang tuwa ang mga empleyado nang makita ako. Medyo nagulat pa ako dahil namiss pala nila ako sa mga nagdaang araw.
“Eh Ma’am Zera, mas maganda parin kung nandito ka ’no… Iba ang awra ng Cafe pag nandito ka,” si Gail.
“Akala ko nga nakikipagdate kana,” si Camilo naman sa aking gilid.
May kung sinong pumasok na customer. Hindi ko na iyon nilingon pa.
“Oo nga, Ma’am! Akala talaga namin busy kana sa lovelife mo!” si Thalia naman na medyo napalakas pa ang boses.
“Magseselos talaga ako, Ma’am…” si Camilo naman na sinimangutan pa ako.
Tumawa ako ng bahagya at nailing. Bago pa may masabi ay may tumikhim na na customer sa counter kaya mabilis agad silang nagsibalikan sa kanilang pwesto.
Ang customer ay walang iba kundi si Isaiah na naka suot ng fit black polo shirt at black denim jacket. Hindi ko man tingnan ang ibaba, alam kong naka pants siya at boots.
Mag-isa ito, madilim ang ekspresyon at nasa menu ang mga matang matalim ang tingin. Kahit sina Thalia at Krizza ay kinabahan pa sa kanyang presensya.
Nag-iwas nalang ako ng tingin at hinaplos ang aking buhok. He’s here…
“One Espresso and dark chocolate cake,” aniya sa baritonong boses.
Nagkatinginan sina Cleo at Camilo, hindi alam kung sino ang gagawa noon lalo na’t alam nilang ayaw naman ni Isaiah sa timpla ng ginagawa nilang Espresso para sa kanya. Tumayo ako at nagtungo sa coffee maker.
“Ako na,” sabi ko.
Wala namang umimik at hinayaan ako sa gusto kong gawin. Nagtungo narin si Isaiah sa kanyang table at binuksan ang laptop niya roon.
Subukan ko kayang makipag-usap ngayon? May kasama ba siya? But pushing a conversation when he doesn’t even want me to sit infront of him is really quite hard. Baka mairita siya.
Medyo kabisado ko ang gusto niyang timpla sa kanyang kape. I think he really loves black since Espresso is a strong black coffee. Most of his outfit were all black, too. Kahit noon pa man, napapansin ko na iyon.
Napangiti ako sa mga detalyeng naaalala ko sa kanya. Dagdag impormasyon lang ngayon na pati sa kape ay alam ko narin.
Inilagay ko rin naman iyon sa tray at isinama iyong isa niya pang order na dark chocolate cake. Nagtungo rin naman ako sa kanyang mesa.
May iilan nang mga customer. Medyo lagpas narin sa sampo lalo na’t alas diez pa naman ng umaga.
Inilapag ko iyon sa kanyang mesa. Tumingin siya saglit sa tray pero ibinalik rin ang mga mata sa screen ng laptop. Maingat ko iyong inilagay sa gilid at tiningnan ang gwapo niyang mukha na madilim parin ang ekspresyon.
“Are you alone?” tanong ko sa mahinahong boses.
He nodded, magkasalubong pa ang kilay at tila may ikinakairita.
Dahan dahan kong tiningnan ang bakanteng upuan sa harap. Tiningnan niya rin iyon saka siya nag-angat ng tingin sa akin. Ngumuso ako, bago pa makapagsalita ay naunahan niya na.
“Go and take a sit,” bigkas niya sa baritonong boses na ikinakurap ko.
Is this even true? Isaiah the snob king who has a godlike visual and portrait tattoo on his neck is asking me to have a seat?
O… kay? Mukha siyang bad mood pero parang good mood na ewan.
Tumango rin naman ako at umupo. Inilagay ko ang tray sa aking kandungan at inayos ang suot kong Klara Dress na kulay powder blue. Sumulyap siya saglit sa parte kong dibdib lalo na’t inayos ko ang laces doon. Binawi niya ang tingin at umangat ang dalawa niyang kilay.
Dumaan ang katahimikan sa aming pagitan. Nangingibabaw ang kantang Shut up by Greyson Chance at naririnig ko rin ang iilang pag-uusap ng customer. Kalmado ang paligid pero ako itong kinakabahan at parang aamin ng nararamdaman sa lalakeng matagal mo nang gusto. Ganoon ang feeling ko.
“Uh… Isaiah…” tawag ko.
Sumulyap siya sa akin, seryoso ang pagmumukha.
Lumunok ako. Nang hindi agad ako nagsalita ay bumaba agad ang kanyang tingin sa laptop.
You dress in all black, the middle of the summer
You’re smoother than you think, you rock that Alex Turner
Your style, your arms, wrapped in leather, makes me want you forever (oh, oh)
Nagkasalubong ang aking kilay at tiningala ang magandang ceiling dahil sa lyrics ng kanta. The fuck?
But I cannot break this habit, pure anxiety
Stuck here searching for some words that you might need
Maybe you don’t need them, it’s not what we’re about
And maybe I’ll just slow it down, down, down, down, down
Tumikhim ako, pilit inaagaw ang kanyang atensyon. I stared at Isaiah who’s seriously typing something with his parted lips. Mas lalo ko siyang natitigan dito lalo na’t magkaharap lang kami.
Isaiah’s face screams perfection. His angular jaw, his pointed nose, his brown eyes, his thick brows and black lashes… kahit anong titig mo sa kanya ay mas lalo ka lang mahuhulog dahil ganoon siya kaperpekto. Bagay na bagay ang kanyang buhok na undercut at messy.
Sumulyap siyang muli sa akin at hinuli ang aking mga mata. Malalim ang kanyang paninitig, seryosong seryoso ang mukha at hindi ko mabasa ang yumayakap na ekspresyon. He’s such a snob…
“Can we talk?” Kahit kabado, hindi naman nagkabuhol buhol ang salitang gusto kong sabihan.
“Talk,” sabi niya, na ito na ang oras na pwede ko siyang kausapin.
O ito lang ang oras na maibibigay niya para kausapin ko siya.
“Gusto ko sanang… pag-usapan natin iyong… Um… Iyong nangyari eight years ago?”
Naramdaman ko ang pagtigil niya sa pagtipa pero hindi naman nakatingin sa akin. Hinaplos ko ang aking leeg at nalaglag ang tingin sa likod ng kanyang laptop.
Dinampot niya ang tasa at sumimsim sa kape. Pinanood ko ang kanyang ekspresyon. Walang dumaang pagkadismaya roon saka niya iyon muling inilapag at ibinalik ang atensyon sa laptop.
“Hindi naging maganda ang pag-uusap natin noon and I feel like I’m at fault so… I want to say sorry…” Naging mahina ang boses ko roon.
Nagtagal naman ang titig ni Isaiah sa screen ng laptop. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya o may binabasa roon lalo na’t gumagalaw ang kanyang mga mata.
“Maybe we can stay as f-friends at least-”
Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at sinagot ang tawag. Tumingin siya sa akin saglit kaya natutop ang aking bibig at ibinaba ng dahan dahan ang tingin.
“Yes…” sagot niya roon, ang ekspresyon ay agarang kumalma.
“Yeah sure. Later then…” He smiled a bit while talking smoothly.
“Okay. I’m going to fetch you,” he drawled lazily and glance at me.
Nalaglag ang aking tingin sa aking kandungan. Para na namang hinahampas ng matigas na kung ano ang puso ko. Really Zera? Do you really want him to be your friend? Iyan pa talaga ang gusto mo ha… Friends pero pinagnanasaan mo?
Lumunok ako kahit hirap ko na iyong gawin at parang may nakabara na sa aking lalamunan.
“Bye…” bigkas niya at pinatay ang tawag.
Inilapag niya ang kanyang iPhone sa gilid at sumulyap muli sa akin, malamig ang tingin.
“What were you saying again?”
Fuck. Hindi nga siya nakikinig. Mababaliw ako sa pinaggagawa niya! Naf-frustrate na naman ako at gusto ko na siyang sampalin pero ano namang isusumbat ko? Na hindi niya ako binibigyan ng buong atensyon? Na mas inuuna niya ang iba? Na nagagawa niya akong baliwalain? Baka pag siya ang nanumbat sa akin ay hindi ko rin kayanin.
Pinanood ko siya kung paano niya isinara ang kanyang laptop at tiningnan ang kanyang relo. Parang hinihintay niya lang na magsalita ako at pwede na siyang umalis agad ano mang oras.
Nagtagis ang aking bagang. Nagsisimula akong mabwesit, mainis, madismaya. Halo halo na ang emosyon ko at nagsisimula na silang umikot sa loob, tila mga labahin na nakalimutang ihiwalay sa puti at de kolor, ngayon ay namamantsahan na ang pag-iisip ko ng iba.
Isaiah really knows how to trigger me, kahit noon pa man. Magaling siyang higitan ang mga pinaggagawa ko at ako itong naiiwang tulala at nagugulat.
I’ve done my part. Nagpakumbaba ako. Gusto ko lang namang makausap siya ng maayos. Pero kung ganito siya kailap, kung ganito siya katigas ay hindi ko narin hahayaan na pagmukhain niya akong tanga sa harapin niya lalo na’t sinubukan ko pang magtimpi at ibaba ang bwesit na pride ko.
Anong gusto niya, lumuhod at magmakaawa? Iyon ba ang gusto niya saka niya lang ako pagbibigyan sa panlilimos ko ng kaonting atensyon?
“Is that important?” tanong niya pa, ngayon ay tumatayo na talaga.
Tiningala ko ang kanyang katangkaran.
“Not really…” sabi ko sa marahang boses, halos sikapin nalang na magtunog kalmado.
Tipid siyang tumango at kinuha narin ang kanyang cellphone saka niya ibinulsa. Wala na siyang sinabi pa at umalis rin agad.
Kinagat ko ang aking labi at pumikit nalang. Fuck. Nang-init agad ang sulok ng aking mga mata. Ang sarap humagulhol. Ang sarap sumigaw sa sobrang frustration. Ang sarap niyang habulin at sampalin sa sakit ng aking nararamdaman para man lang maiparamdam ko iyon sa kanya.
Hindi ko na talaga alam kung galit ba siya o ano. Kung wala na siyang pakialam dapat dinideritso niya nalang sa akin hindi iyong binabalewala niya ako dahil nafufrustrate lamang ako kakaisip!
Sinalo ko agad ang malaking luha na pumatak at kinontrol ang balikat kong nanginginig na, gusto na namang bumigay sa bigat.
This is the last time. I promise to myself this is the fucking last time he’s going to treat me like this. Sa susunod na mag-uusap kami, ako naman ang mangtitrigger.
Shit ka talaga, Isaiah. Kung hindi lang kita mahal ay hindi kita paglalaanan ng oras! Hindi kita lalapit lapitan at kakausapin! Bwesit ka!
Nakita ko ang gawa kong kape na hindi man lang nangalahati. Sayang ang kanyang bayad tapos di niya inuubos.
Dinampot ko iyon at ininom pero kaonti palang ang nalalasahan ko ay kamuntik ko nang maibuga.
Ba’t ang pangit ng lasa?! This is very far from Camilo’s espresso! Yuck! Hindi ko maintindihan kung anong lasa noon! Imbes masama ang pakiramdam ko kay Isaiah ay mas masama ata ang lasa noon! Paano niya nakakayang inumin ang ganyang kape-
Wait… Iyan ang madalas niyang inumin pag nandito siya at sinasabing ayaw sa lasa ng ginagawang kape ni Camilo pero nakokontento naman sa lasa ng gawa kong kape. Tanging siya lang rin naman ang customer na ginagawan ko kaya wala ring nagrereklamo sa akin kung anong lasa noon dahil hindi naman siya nagrereklamo.
Kung ganito kasama ang lasa, ba’t iniinom niya parin? Bigla akong napabungisngis nang wala sa oras. Imbes na galit sana ay bigla akong natuwa na parang loka loka rito sa aking upuan.
There’s a big chance, Zera! Remember your burned eggs?! God… I am really going to provoke you! This is my last shot! Pag hindi parin gumana ang naglalarong ediya sa aking isipan ay ewan ko na talaga.
Kakapit ako sa maliit na tsansang iyon at mananalangin nalang na sana ay gumana.
42nd Lured
Lured
This chapter is dedicated to Lyz dela Cruz. Happy birthday and happy reading!
Marupok
Tinitigan ko ng mabuti si Camilo na nakatitig sa hawak na tasa. Gumawa ako ng Espresso para matikman nila. Gusto kong siguraduhin na pangit talaga ang lasa noon.
“Titikman ko na, Ma’am…” ani Camilo na ikinatango ko.
Dahan dahan siyang sumimsim doon. Nakita ko kung paano humaplos ang kape sa kanyang labi pero bago pa lumagok ay mabilis niya na iyong ibinaba at nasira ang mukha.
Namilog ang mga mata nila Thalia. Mabilis siyang nagsalin ng tubig at uminom.
“Grabe ka naman makareact, Camilo!” si Cleo iyon nang sundan rin ng tingin si Camilo.
“Oo nga… Ang oa mo. Eh nagugustuhan nga noong maarte nating customer ikaw pa kaya,” si Gail naman na bahagyang natawa.
Hinaplos ko ang aking buhok.
“I think it really tastes awful. Right… Camilo?”
Hindi agad nakareact si Camilo. Ibinaba niya ang baso ng tubig at pinunasan ang bibig gamit ang kamay.
“Hindi naman, Ma’am… Grabe naman po,” si Thalia.
Umiling ako. “No… Tinikman ko rin eh. Hindi naman ako maooffend kasi ang pangit talaga ng lasa.”
“Oo Ma’am… Parang… Parang may gusto kayong lasunin sa kape niyo,” ani Camilo.
Pinandilatan agad siya ng mga mata ng mga babae. Kahit si Cleo ay siniko pa siya na malapit lamang sa kanya.
“Sisisantehin ka talaga ni Ma’am! Napaka mapanglait mo naman!” si Krizza, pabirong tumawa.
“Okay lang. Mas gusto ko nga iyong honest eh,” sabi ko na ikinakalma naman ng kanilang ekspresyon.
Humilig si Camilo sa gilid ng counter at nasa mukha parin ang pagkadismaya sa lasa.
“Ganoon pala ang taste noong maarte nating customer?” tanong niya.
Siguro nga… Siguro ganoon parin ang taste ni Isaiah. Gusto niya parin iyong masasamang lasa ng luto ko, o ng gawa ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano but it really gave me hope that he still likes me… kahit kaonti. Parang may natitira pa.
“Oo nga eh… Pag timpla ni Ma’am hindi iyon nagrereklamo,” si Thalia na nagtataka narin ang mukha.
Inangat ni Cleo ang tasa ng gawa kong kape at sumimsim narin doon. Pero katulad ng reaksyon ni Camilo ay halos ibuga niya narin ang kanyang iniinom.
“Ano ba ’yan, Cleo!” Natatawang si Thalia.
Mabilis na inilapag ni Cleo ang tasa at nagsalin rin ng tubig sa counter. Uminom siya roon at nang makabawi ay nag peace sign sa akin.
“Ma’am… No offense pero ang sama po talaga ng lasa,” aniya.
Tumango ako at hindi nagpakita ng pagkadismaya sa kanilang naging reaksyon. Ganoon rin naman kasi ang naging reaksyon ko kanina.
Humalukipkip ako at sumandal sa counter habang sila naman ay pinag-uusapan na ang lasa ng aking kape.
Hmm… Should I ask Isaiah about it? At anong itatanong mo, aber, Zera? ‘Isaiah. Why do you like my coffee? It tastes awful.’ At ano ang isasagot niya kung ganoon? Hmm… Maybe ganito. ‘I like your taste, Damonisse.’ In a very erotic way…
Oh fuck. Mali! Mali!
Iba na ata iyon! I think it’s not my coffee anymore! What the heck, Zera. Sa lahat ng maiisip mo iyan pa talaga?
Sa nagdaang araw ay wala talagang absent si Isaiah. I am just watching him silently. Ako ang gumagawa ng coffee, ako ang naghahatid pero hindi ko siya kinakausap. May kasama siyang babae minsan at nag-uusap sila pero may mga araw rin na mag-isa lamang siya.
Hindi ko na siya masyadong kinausap. Hindi ako masyadong nag-initiate. Hinahayaan ko lang siya roon at may mga araw pang hindi pa ako pumapasok sa Cafe.
I need to condition myself. Dapat distansya muna. Gusto kong siya na ang mag initiate na gusto niya nang makipag-usap sa akin. Dapat mafeel niya na busy rin ako sa ibang bagay.
“Kumusta naman si Isaiah? Did you two already talk?” tanong ni Irah nang mapadpad akong muli sa kanilang bahay.
She’s eating this weird food at ako ang napapangiwi. Masarap ba ang cup noodles with grated cheese? Ew! Mas katanggap tanggap pa kung egg eh.
“Hindi pa. My last attempt failed. Binalewala ako,” sabi ko dinampot ang pineapple juice sa mini table.
“Pakipot lang ’yon,” sabi niya at pinunasan ang pawis sa noo dahil sa kinakain.
I guess so… Kaso minsan nahuhuli ko siyang lumilingon sa counter. Minsan din ay sa akin. Pero sa tuwing may kasama siyang babae ay doon talaga nakafocus ang kanyang tingin.
I’m really wondering saan sila nalalaglag dalawa after leaving my Cafe. Dinadala niya sa tinitirhan niya? Anong nangyayari? Imposibleng wala. The way Isaiah stares at them is really intense. Para siyang nanghububad kung makatitig.
Nakailang babae na kaya siya?
Pinilig ko ang aking ulo sa iniisip. Tiningnan ko si Irah na ganadong ganadong kumain. Nakakailang cup noodles na siya.
Inilapag niya lamang iyon noong maubos na ang laman. She looks satisfied on what she’s eating. Weird…
“Ako ang naduduwal sa kinakain mo,” reklamo ko.
Pinunasan niya ang gilid ng bibig at hinubad ang tali na suot sa kanyang pulso. Tinalian niya ang kanyang buhok lalo na’t tumatagas rin ang pawis sa kanyang leeg.
“You wouldn’t understand it since you’re not pregnant,” sabi niya. “Iyon ang gusto ng baby.”
“But it doesn’t look yummy. Paanong nagustuhan iyon ng baby? How did you know?” tanong ko.
Nagkibit siya at iniangat ang paa sa sofa. Ipiniko niya iyon doon.
“Parang bigla ko lang naisip. Masarap kumain ng cup noodles with cheese…”
“Ew.” Nasira agad ang aking ekspresyon.
Umirap naman siya sa akin.
“Magpabuntis ka nang relate ka,” sabi niya.
Hindi ako nakakibo agad. I really want a baby kaso parang hindi ko pa siguro time. Maghihintay nalang ako.
Tumingin siyang muli sa akin, ang mga mata ay parang may ipinaparating na.
“Akala ko pa naman si Kuya Trey talaga ang gusto mo noon,” aniya at nailing.
“Akala ko nga rin eh…”
Sandali siyang natahimik. Tumahimik rin ako at tiningnan ang mga cup noodles sa mini table na wala nang laman.
“Edi seven years kana palang tigang?” biglaan niyang tanong.
Nagkatinginan kaming dalawa. Ang awkward noon dahil hindi agad ako nakasagot. Humagalpak siya ng tawa.
“Oh my God…” Nahipo niya ang noo at napaypayan ang sarili.
Kinagat ko ang aking labi. Anong isasagot ko? Yes. I’ve been dreaming alot of him that his on top of me! At pag nagigising ako ay basa na ang panty ko! Iyon ba? Iyon ba ang gusto niyang marinig?
Tumawa siyang muli at tila aliw na aliw sa kanyang naiisip. Namula naman ako, naiirita na.
“Tumigil ka nga.” Sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi siya naawat doon. Bumusangot ako at mas lalo lamang namula. Hindi ko naman kontrolado ang isip ko. Iniisip ko siya gabi gabi pero hindi ko alam kung ba’t ganoon minsan ang panaginip ko. Parte lang naman iyon ng pangungulila ko kay Isaiah!
Hindi siya nakonteto sa kakatawa at nagawa pa talaga akong asarin. I can’t believe she’s saying tigang daw ako ng eight fucking years! What the heck? It’s true but what the heck?
May narinig akong usap-usapan nila Ken noon eh. My cousin said ang mga babae raw, kung sinong unang naka divirgenize sa kanila ay doon daw sila mababaliw at maghahabol ng husto. Ang sabi pa ni Ken ay mahihirapan pang magmove-on ang girl sa unang gumalaw sa kanya.
Noon nga akala ko isa lang iyon sa mga marumi nilang topic at kamanyakan ng aking pinsan but I guess he’s really right about it. I haven’t move-on yet after eight fucking years!
Kung ganoon ang babae sa lalake, ganoon rin kaya ang lalake sa babae? Hindi rin kaya agad sila nakakamove-on sa naging unang karanasan nila? I’m sure ako ang una ni Isaiah since hindi siya nagkagirlfriend. I’m very sure of it… Pero ang hindi ako sigurado kung parehas ba ang epekto namin sa isa’t isa.
Monday.
I wore my favorite Klara dress again with a front lace. Kulay white iyon at naka bun pa ang aking buhok at expose my collarbone plus half of my chest.
Napapansin ko kasi, sa tuwing Klara dress ang suot ko ay nahihila ko ang mga mata ni Isaiah. Baka naman favorite dress niya? Gandang ganda siguro siya sa akin at ayaw lang umamin.
Pagkapasok ko palang sa hapong iyon, sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko agad ang pagsunod ng tingin sa akin ni Isaiah.
He’s alone again. Wala ba siyang schedule ngayon na babae?
May kung sinong sumipol. Hindi ko na iyon pinansin pa at dumeritso na sa counter. Nang makita ako ni Camilo ay nalaglag agad ang tingin.
“What?” Inosente kong bigkas.
“Ma’am… Ang… Ang ganda niyo,” aniya at nangingislap ang mga mata.
I chuckled cutely. Bahagya ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya para makita ng maayos ang mukha niyang namula lalo.
“Gaano ako kaganda, Camilo?” bulong ko sa nakakaakit na boses.
Lumunok siya. Ang mukha ay naging kulay kamatis na. Ngumisi ako at nanunuyang itinulak ang kanyang bibig para sumara iyon lalo na’t nakaawang pa ang kanyang mga labi.
“One espresso.” Narinig ko ang boses ni Isaiah, pagalit ang pagkakabigkas.
Lumayo rin naman ako kay Camilo at humagikhik. Tinapik ko ang kanyang balikat.
“One espresso raw, Camilo,” sabi ko.
“I want your coffee,” sabi ni Isaiah, ang boses ay matigas pa.
Nilingon ko siya. Nagulat sina Thalia sa kanyang boses. Umangat naman ang aking kilay. Tumitig ng husto si Isaiah sa akin, mariin ang tingin at nakakapaso.
“Akala ko ba mag-uusap tayo?” he asked he using a hard tone.
“Ah… Oo nga pala. I remember,” sabi ko at pinisil ang labi.
Isaiah’s face darkened. Mas madilim pa iyon sa suot niyang itim na long sleeve na vneck t shirt. Nakarolyo ang mga sleeves noon at kumikislap pa ang silver na kwintas.
Isaiah licked his lips at si Camilo na ang tiningnan. Nilingon ko rin si Camilo sa aking likod na biglang namutla.
“M-Ma’am? Ba’t ganyan makatingin ang maarteng customer natin? May something ba kayo niyan?” bulong ni Camilo.
“Ewan ko riyan. Nasobrahan na ata sa kape,” sagot ko at nagkibit.
Galit agad, Isaiah? Para na siyang papatay kung makatitig! Anong ikinakagalit niya? Na ganito ako ka close kay Camilo? Akala ko ba snob ito?
Imbes mainis ay natuwa ako roon. Nagtungo ako sa harap ng coffee maker at sinimulan siyang gawan ng kanyang paboritong Espresso.
“I’m going to wait you on my table,” malamig niyang sambit at tumalikod pagkatapos mag-iwan ng bayad sa cashier.
Sinundan siya ng tingin nila Thalia. Kahit ako ay natanga pa ng ilang sigundo at parang nayanig sa kanyang sinabi.
So he’s willing to talk to me now? I think this is the right time, huh?
“Ma’am… May something po ba sa inyo noong maarteng customer?” tanong bigla ni Thalia, tila hindi na napigilan ang pagtataka.
Nasa akin na lahat ang tingin ng aking mga empleyado. Kahit si Camilo ay ganoon rin, naninimbang ang mga mata.
“Type niya ata ako,” mayabang kong sabi at kumuha ng tasa.
Natawa sila. Ngumisi naman ako ng matamis at sumulyap sa table ni Isaiah. Busy na siya sa laptop niya pero madilim parin ang ekspresyon.
Kinagat ko ang aking labi. What’s making you mad hmm, Isaiah? Kung nagseselos ka naman pala, ba’t nag-iinarte ka pa sa akin?! Kung hindi ka nagpapakipot edi sana masaya na tayong dalawa ngayon!
Pinaliguan naman ako nila ng kantyaw habang ginagawa ko ang Espresso ng maarte naming customer na may godlike visual na si Isaiah.
“Ang ganda talaga nitong si Ma’am Zera eh…” si Gail.
“Kaya siguro pabalik balik ’yan dito dahil kay Ma’am,” si Krizza.
“Baka naman nagayuma ni Ma’am sa lasa ng kanyang kape!” si Thalia at naghagalpakan sila ng tawa.
“Tsss. Fuckboy ’yan eh kahit sino sinong mga babae nga ang kasama. Hindi deserve ni Ma’am Zera na lokohin at saktan. Sayang ang maganda niyang mga mata kung paiiyakin lang pala siya,” si Camilo iyon.
Siya naman ang niligo nila ng kantyaw. Kahit ako ay natawa rin sa kanyang sinabi. Kung nalaman lang rin nila ang ginawa ko noon kay Isaiah, baka ni isa sa kanila ay hindi rin ako kakampihan. They’re probably going to say I’m stupid for pushing someone away like him. O baka may maiintindihan rin naman ang desisyon ko lalo na’t ginawa ko iyon para kay Isaiah.
Pagkatapos kong magtimpla ng Espresso ay nagtungo rin naman ako sa kanyang table.
Inilapag ko iyon. Iritado niyang tiningnan ang parteng dibdib ko at doon agad bumagsak ang mga mata. Alam kong medyo kita ang balat noon pero dahil maputi naman ako at maputi rin ang aking suot ay hindi rin naman gaanong obvious.
Inilapag ko sa tabi ng kanyang laptop ang platito kung nasaan ang tasa. Inilagay ko rin doon ang kutsarita.
“Any follow-up orders?” tanong ko.
“Aren’t you planning to sit?” Nagliliyab na ang kanyang mga mata nang tumama iyon sa akin.
Sumusobra na ah! Siya pa itong galit!
“Kung may pag-uusapan tayo…” sabi ko sa marahang boses.
“We’ll talk,” he said firmly.
Iyon naman pala! Madali naman akong kausap!
Umupo ako sa kanyang harapan at inilapag ang tray sa mesa. Inangat niya ang tasa at sumimsim doon. Wala namang nagbago sa kanyang ekspresyon at tila gustong gusto niya talaga ang lasa ng gawa kong Espresso.
Humilig naman ako sa mesa. Ang kanyang tingin ay dumako ulit sa aking dibdib nang inilapag niya na ang tasa.
“Wala kang kasama ngayon? You’re not busy?” tanong ko.
“Wala,” sagot niya, matabang parin ang boses at ibinalik ang buong atensyon sa laptop niya.
Tumango tango ako at hinaplos ang aking batok.
“Kailangan pa ba natin iyong pag-usapan?” tanong ko at sumulyap sa counter, kunwari ay wala na gaanong pakialam. Kunwari ay snob narin ng kaonti kagaya niya.
Sumulyap din si Isaiah roon. Nakita ko si Camilo na patingin tingin dito ganoon rin ang iba pang mga babae. They’re probably curious about us.
Hindi siya umimik. Ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya. Bumalik rin agad ang mga mata niya sa laptop at nagtipa ulit doon.
“I told you I want us to be friends before someone called you,” sabi ko, pinapaalala nalang iyong naudlot na usapan.
Hindi siya kumibo. Naririnig niya naman siguro ako at mukhang wala talaga siyang komento.
“Pero kung ayaw mo rin naman ay okay lang. Total magiging busy narin naman ako at baka hindi na ako makakadalaw ng madalas dito sa Cafe…” pagpaparinig ko at pasimpleng iginala ang tingin sa ibang bahagi.
Mukhang nakuha noon ang kanyang buong atensyon dahil nag-angat siya ng tingin.
“Busy saan?” he asked curiously.
Ibinalik ko sa kanya ang aking mga mata at hinaplos ang aking collarbone. Sinundan niya iyon ng tingin at kusa pang bumaba ang kanyang mga mata.
“Dating?”
His stare suddenly turned into blazing fire. Umangat ang kanyang kilay.
“I mean… Iyong asawa kasi ng pinsan ko… Uh, iniarrange ako sa isang blind date. We’ll meet this Saturday on a Bar-”
“Which Bar?” agad niyang tanong kahit hindi ko pa nabibigkas ng maayos.
“Sa 3DBar… Doon kami magkikita. Alas dies ng gabi…”
Wala siyang naging reaksyon doon. Wala namang gumuguhit na kung ano sa ekspresyon pero kakaiba parin ang kanyang paninitig.
“Makikipagblind date ako since I’m bored. And my cousin’s husband told me matitipuhan ko raw iyong lalake…” I smiled innocently.
Hindi kumibo si Isaiah at nalaglag ang mga mata sa laptop. Kinagat ko naman ang aking labi. Is this going to work? Maniniwala naman siguro ito. Eh kanina nga parang nagalit noong medyo nagkabiruan lang kami ni Camilo. Hindi naman sa assuming ako but I know him too well! Alam ko ang mga ganyan niyang galawan! He’s jealous!
Wala naman talaga akong ka blind date. Gawa gawa ko lang iyon para mapatunayan kung may gusto parin ba siya sa akin. Gusto kong makita na pipigilan niya ako. Gusto kong makita na parehas parin kami ng nararamdaman para sa isa’t isa.
Pero paano kung hindi na pala, Zera? Paano kung sa huli ay ikaw na ang umiyak? At least I tried, right… No regrets.
Pamilyar ang kantang pumapaibabaw pero mas naririnig ko pa ang paghataw ng kaba sa aking dibdib. Isaiah is still typing on his laptop. Wala paring imik sa aking sinabi.
“Kaya ko rin gustong makipagkaibigan nalang sa’yo dahil malay mo… Pag ikinasal ako ay pwede kitang imbitahan as one of our guest since may past din naman tayo,” nanunuya kong sabi.
Nag-angat siya ulit ng tingin sa akin, ang kilay ay nagkakasalubong na ng husto. I smiled at him cutely.
“Are you still mad at me, Isaiah?” Malambing kong tanong.
I saw him swallowed and licked his lips. I pouted and tilted my head and eyed him curiously.
“We can be good friends, you know… Pwede mo akong ipakilala sa girlfriend mo at ipapakilala rin kita sa boyfriend ko.”
Tumigil siya sa pagtitipa at inangat ang kanyang kape. Sumimsim siya roon. Pinanood ko naman ang paggalaw ng kanyang adams apple.
Ano na kayang iniisip nito? Naniniwala kaya siya? O baka naman masyado akong napaghahalataan na gumagawa lamang ng kasinunangalingan?
Pero kahit walang kasiguraduhan, kahit hindi ko alam kung umepekto ba sa kanya ang aking pinagsasabi, noong pagsapit ng Sabado ay nagtungo parin ako sa 3DBar.
Damn. You’re really crazy, Zera! Napaka confident mo naman ata na kakagat sa pain ang lalakeng iyon! Ikaw na nga itong nanakit, ikaw pa ang nagpapahabol!
Aba dapat lang. I am not good at running. Bakit ako tatakbo kung pwede namang siya ang kusang bumalik sa daan niya at balikan ako?
Wearing my slim fitting mini length dress with a center front tie, showing a bit of my skin and adjustable strap, I paired it with killer heels.
Hinayaan kong lumugay ang maalon kong mahabang buhok at naglagay rin ng light make-up.
Pagkatapos kong mag-ayos ay natagpuan ko nalang ang sarili ko sa stool ng Bar at nakakailang shot na ng vodka.
Maglalasing ako at magbabaka sakali nalang na makikita ko si Isaiah rito. Humanda talaga siya sa akin pag lumitaw siya rito! I’ll seriously slap him with my questions!
Maingay ang loob ng 3DBar, as usual. Nangingibabaw ang matamis na amoy sa dim na paligid at ramdam ko ang lamig dahil narin sa aking suot but the cold is really bearable. Hinayaan ko ang aking ulo na sabayaan ang ritmo ng tugtog ng trance music na sumasabog.
Everyone’s so loud. Naglalaro ang neon lights sa bawat paligid at nagkakasiyahan ang lahat. Nilagok ko ang panibagong shot na inilapag na agarang ikinasira ng aking ekspresyon dahil sa hapdi na bumyahe sa aking lalamunan.
Ngayon lang ulit ako nakainom. Masyado pala talaga akong nagpakabusy sa buhay ko at hindi ko na nagagawang mag-enjoy. And if my plan failed this night then might as well have fun, Zera! Umuwi kang masaya, lasing at inaantok na nang wala kanang oras na umiyak mamaya.
Tumayo ako at naramdaman agad ang tama ng vodka sa aking katawan. Hindi ko iyon pinansin at nagtungo sa dancefloor. Nakihalo ako sa mga sumayaw roon at sinabayan narin ng aking katawan ang tugtog.
Pumikit ako at ngumisi. I am really such a brat… No, you’re fucking crazy! Natawa ako at dumilat nang may mahagip ng tingin ang aking mga mata.
Bahagya akong nagulat pero agad iyon napalitan ng isang ngisi. Rinig na rinig ko ang malademonyong hagalpak ng aking inner demons at nagpalakpakan pa sila sa akin, proud na proud dahil sa lalakeng kumuha ng buo kong atensyon.
Kahit dim at tanging neon lights lang ang gumagala, malinaw ko paring nakita ang gwapo at madilim na ekspresyon ni Isaiah habang alalim ang paninitig sa akin. Nakaupo siya roon sa stool suot ang kanyang fit leather jacket, black tshirt, pants at boots habang nakahilig sa likod ng counter at may hawak na inumin sa isang kamay.
Oh fucking shit, Isaiah! Marupok ka parin talaga!
43rd Lured
Lured
This chapter is dedicated to Christine Jade Capurihan. Happy reading!
WARNING: SPG
Hinding Hindi
He was watching me intensely with his dark eyes kaya nanunuya akong ngumisi sa kanya. Nakakapaso ang paninitig na iyon pero hindi ako nagpadala at sumayaw sa nakakaakit na paraan. I even brushed my fingers on my hair backwards while I’m watching him back.
Ano, triggered ka sa ka blind date ko? Gusto mong makita ang ipinagpalit ko sa’yo kaya ka nandito? O baka naman ay may alibi kana naman, Isaiah? Walang kape rito kaya hindi mo ako maloloko dahil Bar ito!
I started moving my hips sexily. Umaayon narin ang kanta na pumapaibabaw at may iilan nang lalake na humarap sa akin para makipagsayaw.
A stranger smirked at me when he saw me dancing. Bahagya siyang lumapit habang pinapasadahan ako ng tingin.
Nilingon kong muli si Isaiah. Gumalaw ang kanyang panga at tumalim na ang mga mata. I smirked playfully at hinarap muli ang lalake sa aking harapan.
“You’re so hot…” aniya nang bahagya siyang lumapit para bumulong.
“I know.” Kumindat ako at natawa.
Kinagat niya ang labi. Pero bago pa man humaba ang aming pag-uusap ay nagulat nalang ako nang may marahas na humila sa aking tiyan hanggang sa napasandal ako sa isang matigas na bagay.
“Fuck off,” matigas ang pamilyar na boses ni Isaiah at parang binugaw paalis iyong lalake.
Nagtaas agad ito ng kamay bilang pagsuko at umatras. Ang malaki niyang kamay ay nakalapat sa aking tiyan, na hindi ako makakatakas dahil nariyan na siya.
Tiningala ko ito at nakita nang mas malapitan ang guwapo niyang mukha na binabalot na ng matinding galit.
Pinihit niya ang aking beywang kaya napaharap agad ako sa kanya. Shit. Isaiah’s movements are really aggressive! Nakakahigop ng lakas!
“I am so drunk, Isaiah…” maarte kong sabi para pagtakpan ang kagagahan na pinaggagawa.
Isaiah watched me closely. Ang mga mata ay lumiliyab parin sa galit. I pushed myself closer to him.
“Ang siksikan ’no?” sabi ko kahit na ang totoo ay medyo may space naman talaga.
Dahan dahan kong iginapang ang aking mga kamay sa kanyang balikat. I felt him gripped my butt and pushed me more. Lumunok ako roon at nanindig ang balahibo dahil sa ginawa.
“Where’s your fucking date?” he asked on a hard tone.
Nasa kanyang batok na ang aking mga kamay. Pinaglaruan ko ang buhok niya at sinayawan siya ng bahagya.
“Who’s date?” inosente kong tanong.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. Humagikhik ako.
“H’wag mo nga akong inaakusahan ng kung anu-ano. You’re crazy, Isaiah…” I said cutely.
Nanliit ang kanyang mga mata sa akin. Mas lalo akong humagikhik.
“Ah… I’m so drunk…” I whined dramtically again at sumimangot pa.
“Nakailang baso ka ba?” tanong niya, ang boses ay unti unti nang lumalambot, ang mga mata naman ay namumungay na sa akin.
Fuck… Ang gwapo! Shit! Nag-uumapaw talaga ito sa kagwapuhan eh. Kahit sino ata ay hinding hindi siya mapapantayan sa bagay na iyon.
“Hmm… Can’t remember. But I’m sure I’m really drunk. Baka… Baka hindi na ako makauwi ngayon ng maayos. Baka hindi na ako makapagdrive…” I said softly.
Naglaro ang kislap ng kanyang mga mata sa akin. Bumaba naman ang aking tingin sa mamula mulang labi niyang nakaparte pa.
Shit… He’s so damn attractive! Sa bawat pagtama ng neon light sa kanyang mukha ay mas lalo lamang akong nalalasing. Nakakalasing ang kanyang kagwapuhan! Iyong titigan mo lang siya ay babagsak kana agad! Gosh! His godlike visual is such a tempt!
“Why are you here, Isaiah? Wala namang Espresso sa Bar,” mapang-uyam kong bigkas at natawa rin ng marahan.
Hindi siya sumagot pero nakatitig parin siya sa akin.
“Did you come here to see me?” Kinagat ko ang aking labi na ikinatitig niya roon.
“I think you really miss me…” sabi ko naman.
Wala siyang kibo pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking beywang na akala mo ay tatakbuhan ko siya kahit hindi naman.
“Naumay kana ba sa mga babae mo? Did they bore you? Wala ka bang makitang katulad ko sa kanila, hmm?” I smirked at him.
Umangat lamang ang kanyang kilay, nang-iinsulto ang tingin.
At bakit… Kung hindi totoo ang sinasabi ko ay dapat wala siya rito! Dapat naroon siya sa isa sa mga babae niya! Pero nandito siya. Nasa harapan ko siya.
Ibig sabihin lamang nito ay wala sa mga babaeng iyon ang naibibigay sa kanya ang gusto niya. Maybe he just use them to satisfy his need as a man but they will never satisfy him as Isaiah. Alam kong mataas ang standards ng kilala kong Isaiah at alam kong ako lamang ang nakakapasa noon.
Gusto kong sabihin na wala na talaga pero nasa harap ko na siya! This is my chance! Kung may nangyari man na pagsisisihan mo kinabukasan, sabihin mo nalang na lasing ka at itanggi ang nangyari! Isisi mo nalang sa alak ko kaya ay mag alibi ka nalang na wala kang matandaan!
Kahit sa huling pagkakataon man lang ’di ba… Kahit halik lang? Hindi niya naman siguro ipagdadamot iyon sa akin. Kahit iyon nalang!
Tumingkayad ako at inihawak ang isa kong kamay sa kanyang braso. Ang buo kong akala ay hindi niya ako pagbibigyan pero nagulat pa ako nang yumuko siya para lang hindi na ako mahirapan pang abutin ang kanyang labi.
He lightly brushed his lips on my lips. Napapikit agad ako. It feels so good… His lips feel so good…
Dumaloy agad ang bolta-boltaheng kuryente sa aking katawan nang tuluyan niya nang angkinin ng buo ang aking labi at nagsimula siyang halikan ako na agaran ko namang tinugunan. It suddenly excite me. Umalon ang aking tiyan at para kong nakalimutan ang nakapaligid sa akin.
Iniyapos ko ang isa kong kamay sa kanya at idiniin ang aking sarili para mas lumalim ang halikan namin.
Tinugunan rin naman agad iyon ni Isaiah at mas doble pa ang ibinigay. I gasped as I felt his tongue in my insides. Ang balak kong halik lang sana ay bigla nalang napalitan ng iba pa. Sa bawat paglalim ng kanyang halik, sa bawat paggalaw ng kanyang labi ay mas naghahangad na ako ng higit. I am starting to be selfish. Gusto ko pa. Gusto ko pa…
The familiar taste of his kisses spread like a melted sugar on my mouth as his tongue expertly claimed each side of it. Halos maliyo ako sa sarap ng kanyang halik. Para akong binyahe sa alapaap at hindi ko na maramdaman ang sarili ko sa lupa. Para nalang akong nakalutang.
Idiniin ko lalo ang aking sarili. I don’t care if masyado na akong nadidikit sa kanya! I don’t care if someone sees us making out! I don’t fucking care as long as Isaiah is kissing me!
Humiwalay siya sa akin. His eyes were filled with lust. Hinabol ko ang aking hininga at tinitigan ang nakaparte niyang labi na basa at nangingislap.
“More, Isaiah…” sabi ko at tumingkayad muli.
Pumikit ako at dinama ang kanyang labi, ang ritmo ng halik niyang nakakalasing at nakakapanghina. Para na akong matutunaw. Nanlalambot ang aking tuhod at ang lakas ng kalabog ng aking dibdib.
I felt his other hand inside my dress. Dim naman ang paligid kaya walang makakapansin sa amin sa gitna ng dance floor at iba na pala ang pinaggagawa.
Pinisil niya ang aking pwetan sa loob na ikinasinghap ko. Isaiah bit my lowerlip. Hindi niya ako hinayaang makawala sa kanyang labi.
Kumapit na ako ng husto sa kanyang balikat dahil parang malalaglag ako. Para akong mahuhulog ano mang oras pag hindi ako kumapit sa kanya.
“Isaiah…”
Ang kanyang halik ay bumyahe sa aking tainga. I let a soft moan when I felt him touch my sensitive part! Shit… Para akong mawawalan ng ulirat ano mang oras!
“Let’s go to my place,” he whispered erotically and kissed my earlobe.
Nagliyab agad sa init ang aking katawan. Tumango ako, agaran nang nagpaubaya sa kanyang gusto.
Wala na sa tama ang aking pag-iisip. Haplos lang niya ang katapat ng lahat at handa na akong lumuhod at magpakaalipin sa pagnanasa. Nagiging sunud-sunuran na sa kanya ang bawat parte ng aking katawan.
Hinintay ko siyang hilain ako sa dancefloor at umalis na kami roon but Isaiah continued touching me. Niyakap ko na ang kanyang leeg at kinagat ang aking labi. Hinalikan niya naman ako sa gilid ng aking leeg habang panay parin ang kanyang paghaplos doon.
“Ah, Isaiah…” I couldn’t let myself anymore. Nababaliw na ako! Pinapabaliw niya na ako! Ang aking halinghing ay humahalo sa malakas na tugtog.
“You’re damn wet,” he whispered huskily.
Mariin akong pumikit. This is so enbarassing! Hindi ko maitago ang pagkasabik ko sa kanya! And he really knows how to pleasure me! Alam na alam niya ang mga gusto ko at kahinaan ko. Oh damn him.
“Please… Let’s go to your place,” pagmamakaawa ko.
Mabilis agad ang kanyang paghila sa akin. Ang alam ko lasing ako kanina pero noong hinalikan niya ako at may ginawa siya sa aking katawan ay mas nalasing na ako sa tamis ng kanyang halik at sa sensasyong pumapaibabaw sa akin.
I missed this feeling. I missed his kisses. I missed him so much. After eight years…
Kahit alam kong wala pa namang malinaw sa aming dalawa. Kahit hindi pa kami nagkakausap ng maayos. Kahit pakiramdam ko ay galit parin naman siya sa ginawa ko sa kanya noon ay ayaw kong hadlangan ang sarili na sumaya kahit sa kaonting oras man lang. I want to spend time with him.
At saan, Zera? Sa kama? Closure ang gusto mo pero hindi mo naman nalinaw na closure pala ng katawan niyo ang hanap mo. Shit ka!
Everything was so fast. Naalala ko nasa front seat lamang ako ng kanyang kotse. Pumikit lamang ako at noong dumilat na ay nararamdaman ko na ulit ang katawan niya sa aking katawan.
He crushed his lips with mine as he slammed me on the wall. Masakit ang pagkakatama ng aking likod doon pero agaran akong nawalan ng pake sa bagay na iyon nang sumunod agad ang pagdikit ng kanyang sarili sa akin.
Isaiah’s aggressive kisses were deep and rough. Para nang dudugo ang aking labi at halos hindi ko masabayan ang galaw ng kanyang labi.
Hindi ko alam kung nasaan kami. Wala akong ediya kung ano ang pinasukan namin. Ang nangingibabaw lang sa akin ay ang kanyang halik, ang kanyang katawan na dikit na dikit sa akin ang kanyang kamay na lumapat na sa aking dibdib at sinimulan iyong masahiin.
I moaned softly as he nibbled my lowerlip. Isaiah muttered some curses and started moving. Nangilabot ako at napadaing nang maramdaman ko ang paggalaw niya sa aking gitna. I can feel his erection between my thigh while he’s grinding back and forth!
“Isaiah…” I moaned softly.
His kisses travelled on my neck while his hand pulled my legs up. Agad ko iyong napunto at ipinulupot ang aking mga hita sa kanyang balakang.
He started walking without breaking our kisses. I can feel his erection at sobra akong nafufrustrate dahil sa kanyang pants na nakaharang, sa mga damit namin na nakaharang. I want them remove! I want us naked!
I tried to grind just to feel him. My eyes shut close as I felt him grew bigger. Sobrang sarap ng pakiramdam noon at hindi ko na napigilan ang aking sarili.
“Shit!” Nabitiwan niya ako at nailapag sa baitang ng hagdan, ni hindi man lang kami nakaabot sa kuwarto.
Yumuko siyang muli at siniil ako ng halik. Nanginginig naman na nagtungo ang aking kamay sa kanyang belt at kinalas iyon. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay sa likod ng aking dress at ibinababa na ang zipper noon.
I stop from removing his belt when he pulled my dress harshly at itinapon lang iyon sa kung saan.
“Remove this,” sabi ko at hinawakan ulit ang kanyang belt.
Tumayo siya at marahas din iyong hinila habang nasa akin ang mga mata niyang nagliliyab parin.
Hinubad niya rin ang kanyang leather jacket at sinunod naman ang tshirt na hinila niya lang sa kanyang likuran.
Nanubig agad ang aking bibig nang mapagmasdan ko ang matigas niyang tiyan habang nagfeflex pa ang kanyang muscle sa bawat pag galaw. I think he’s lifting! Sobrang toned ng kanyang muscles!
Nakaparte ang aking mga hita habang nakaupo sa baitang ng hagdan. Dim ang paligid at mukhang dito siya nakatira.
Balak ko na sanang isara ang nakabukas kong mga hita nang iniharang niya agad ang kanyang paa roon.
“No,” he said huskily.
Yumuko siyang muli at hinalikan ako. Napahilig ako sa isa pang baitang ng hagdan habang ang kanyang kamay ay nasa aking hita na, ang isa naman ay namimisil sa aking dibdib.
I was so excited that he’s going to touch me again. Tumigil ako sa paghalik sa kanya at yumuko para sundan ng tingin ang kanyang kamay.
“Faster, Isaiah. Don’t tease me…” nagufrustrate kong sabi nang nasa inner thighs ko parin ang kanyang kamay.
He chuckled on my ear and kissed my earlobe. I hate this! He’s fucking teasing me!
“Isaiah!” sigaw ko nang hindi niya pa talaga itinuloy.
“What do you want?” tanong niya sa paos na boses.
“Touch me,” pagmamakaawa ko at hinuli ang kanyang mga mata.
“Where?” he asked me again.
Hinuli ko ang kanyang kamay at iginiya sa aking gitna.
“Here…” matapang kong sabi, nawalan na ng hiya matugunan niya lang ang aking gusto.
I finally felt his finger in between my thigh. Napaawang ang aking bibig habang tinititigan niya ako ng malalim at nagsimula akong haplusin doon.
Isaiah’s lips parted as he stroke me back and forth. Dumaing ako, hindi na nakilala ang boses at halos maitapon na ang ulo sa aking likuran pero hindi hinayaan ni Isaiah na umiwas ako sa kanyang mga mata.
He pleasured me using his long fingers while watching me intensely. Gusto ko nang itago ang aking mukha sa kanyang balikat ngunit hindi niya talaga ako hinahayaan.
My eyes were very sleepy. Nanginginig na ako. Yumuko siya at hinalikan ako sa aking leeg. Tumingala ako at naghanap ng makakapitan. Doon ako kumapit sa gilid ng fence lalo na’t bumababa na ang kanyang halik.
Napamura ako nang angkinin ng mainit niyang labi ang aking dibdib at sinimulan akong hagkan doon. Ni hindi ko namalayan na natanggal niya na pala ang aking bra!
I was already crying mess at mas lalo lamang lumalala ang aking nararamdaman nang marinig ko rin ang kanyang daing at ang ingay na ginagawa ng kanyang daliri sa aking gitna.
“Ah, Isaiah…”
Isaiah kissed my chest alternately. He twirled his tongue around my aroused peak and played with it. Para akong mahihimatay sa sarap ano mang oras. The sensation is just too much to handle!
Gumagalaw narin ang aking balakang para salubungin ang kanyang ginagawa roon. Nahihibang na ako at wala na akong pakialam kung masyado akong maingay at kung may makarinig man.
His kisses travel down to my navel and pulled my panty off. Ipiniko niya ang aking binti at tiningnan ako roon. I know what he’s planning to do with my position like a fucking frog! Alam na alam ko iyon at imbes na pigilan siya ay parang ako pa itong naiinip.
“I’m sure this is sweeter than your coffee,” he said with mockery.
Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko na ang dila niyang humagod doon na nagpaawang ng aking bibig. Parang mababali na ang aking likod kakaliyad at dahil hindi na makayanan ang lumulukob na kiliti sa aking kaibuturan.
Mariin akong napapikit. Habol habol ang hininga ay naramdaman ko ang pagbuga niya roon ng mainit niyang hininga na nagpa init lamang lalo ng aking katawan.
“Isaiah!” sigaw ko nang maramdaman ang dila niya roong humagod.
Shit. This is a torture! Hindi ko na makayanan! I think I’m going to pass out anytime!
His tongue expertly licked me back and forth while his other finger was stroking me! Ang isa niya namang kamay ay nasa aking dibdib at namimisil parin, palipat lipat lamang.
My world shattered. Nabingi na ako. Nakalimutan ko na ang lahat. Nahibang ako sa nangingibabaw na sensasyon at hindi ko na maisara ang aking mga labi.
I started to grind as I almost taste my climax. Napahawak ako sa kanyang ulo at hindi alam kung papatigilan ba siya o ano.
But Isaiah is just too desperate! He didn’t stop and pushed his finger. I felt myself convulse as he keep on licking me.
I was so exhausted. Nakapikit na ako at parang nawalan ng lakas. Kaso bago pa ako makaadjust na pagyanig ng aking mundo ay naramdaman ko ulit ang kung anong tumutusok doon.
Humilig si Isaiah sa bawat gilid, sapat lamang na hindi ako madaganan at magkalebel na ulit kami. He stared at me while his other hand directed his erection on my entrance.
Yumuko ako para tingnan iyon. I shivered when I saw how big it was. Hindi ko na halos makalkal sa aking memorya ang unang gabi namin dahil mukhang mas lumaki ata iyon.
With one pushed, I felt half of him filled me. Kinagat ko ang aking labi nang dumaan ang kirot sa kanyang pagpasok. He pushed again. Pumikit ako ng mariin nang masakit parin iyon. Kailan ba ako makakaadjust sa kalakihan niya?!
One more pushed at kapwa kami napadaing habang titig na titig sa isa’t isa. Hindi agad nag-aksaya ng oras si Isaiah at gumalaw ng dahan dahan, tila pinag-aaralan pa kung makakaya ko ba ang kanya.
Masakit… Masakit iyon.
Niyakap ko siya at kinagat ang kanyang balikat. Ang dalawa niya namang kamay ay itinulak lang lalo ang aking mga binti para mas maiparte pa ang aking mga hita.
Nanginginig siya at parang nagpipigil lang. I tried to immitate his movements too. It was a bit painful pero sa tuwing sinasalubong ko ang kanya ay parang may humahalong kakaiba.
Isaiah cursed loudly when I move fast.
“Damn it. Stop- Fuck!” He groaned and slammed himself deeper and on a blinding speed, tila nawalan na ng pasensya.
Umawang ang aking bibig at masakit ang pagkakatama ng aking balakang sa hagdan dahil sa lakas at bilis ng kanyang paggalaw.
“Isaiah!”
“Fuck!” He slammed deeper again.
His movements were aggressive. Wala nang pagdadahan dahan doon at parang mahahati ang aking katawan sa bawat pag labas masok ng kanya.
He lift my other legs at inilagay na iyon sa baitang kung saan rin ako nakaupo ganoon rin ang isa pa saka siya mas gumalaw ng mabilis. Bumabaon iyon sa akin at sagad na sagad sa aking kaibuturan. I was crying mess underneath him. Isaiah groaned like a wild beast and slammed himself roughly again.
Maya maya lamang ay may namumuo na sa akin. Sunod sunod na ang aking daing at hindi ko na makilala ang aking boses hanggang sa may kung anong sumabog sa akin.
Isaiah was still moving. Ang bilis ay unti unti nang bumabagal at sunod sunod narin ang kanyang mararahas na mura.
“Ah… fuck!”
I felt him convulsed inside me. Hinabol niya agad ang kanyang hininga at pagod na isinandal ang mukha sa aking leeg. I can feel his heavy breath. Nakakakiliti ang pagtama ng kanyang hininga sa aking balat.
“Let’s do it on my room. I want another round,” ani Isaiah na ikinalaki ng aking mga mata.
What? Is he fucking serious?!
Bago pa ako makaprotesta ay binuhat niya na ako at naglakad na siya paakyat. Ba’t hindi nalang ako matulog dito? Magpapaumaga nalang ako sa kwarto niya, kung ganoon naman pala ang balak niya. At akala niya ba tatanggi ako? Hinding hindi.
44th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Maxine. Belated happy birthday and happy reading!
Weird
Nagising ako sa isang malambot na kama. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata habang nakakulob at hubad parin.
Mag-isa ako sa kama. Wala si Isaiah at ang tanging nagpapatunay na may nangyari kagabi ay ang sakit ng aking balakang. Shit… I think nabalian ako ng buto roon lalo na’t noong sinubukan kong gumalaw ay naramdaman ko agad ang kirot.
Did I break my back bone?
Iginala ko ang aking mga mata. He has a large bedroom and I can even smell Isaiah’s scent. Ang transparent glass wall ay nagmistulang pader at nakikita ko ang matatayog na building sa labas lalo na’t may isang high curtain na nakabukas, habang ang iba ay nakasara naman.
Inangat ko ang aking sarili at bumalikwas sa kama. Ginamit ko ang kanyang itim na kumot para itakip iyon sa hubad kong katawan at napatingin sa bukas na sliding door na kumukonekta sa veranda.
He really got a very manly and luxury place. Mapapansin ko iyon sa mga kagamitan na nakikita ng aking mga mata. The floor is made of mahogany, I guess… pero kulay gray iyon. He has a large tv. Ang kaliwang bahagi ay mukhang banyo ata. Ang isa namang pinto ay mukhang walk in. Maybe? The ceiling looks elegant too. I think the style of its lighting is ambient since noong pinapili ako ni South ng style ng ilaw ay medyo nagkaroon rin ako ng ediya.
Nasa paanan ng king size bed niya ang aking dress na nakatupi. My panty was even there including my bra.
Where is he?
May narinig akong boses sa nakabukas na veranda kaya dahan dahan akong bumaba. I felt the warm carpet when my feet touched the floor.
Tumayo ako at halos mapangiwi nang maramdaman ang sakit ng aking balakang ganoon rin ang aking balakang. Our first round on the stairs was really rough. Biruin mo iyon… He fucked me on his grand staircase! At sino bang hindi makahintay?
Pinilig ko ang aking ulo at ayaw nang alalahanin ang mga nangyari kagabi dahil namumula lamang ako. Magulo ang bedsheet. Ang iilang unan ay nasa sahig pa. Kahit ang aking buhok ay parang nasabunutan ng maraming demonyo. Ganoon kalala iyon at kahit noong naglakad na ako habang ginagawang tuwalya ang kumot ay sobrang hapdi ng aking gitna.
Shit… I think I really ripped my vagina.
Naglakad ako ng dahan dahan patungo sa veranda. Ang kanyang baritonong boses ay mas naging malinaw sa akin.
“Yes… We’ll just meet today. Just set a dinner… May inasikaso ako kagabi kaya hindi kita nasipot. Let’s just meet later… I’m sorry… Babawi ako mamayang gabi…”
Nagloosen ang aking balikat. Balik na naman ako sa reyalidad. Isinampal agad sa akin na ang nangyari kagabi ay wala lang para kay Isaiah.
Bumalik ako sa kama dala dala ang naninikip kong dibdib. It hurts. Akala ko pag nahalikan ko siya ay mawawala na lahat ng sakit. Akala ko pag umabot kami sa ganitong punto ay okay na ulit. But I was wrong. What happened was purely sex. Wala iyong sa mga movies na pagkatapos ay magyayakapan sila sa kama o kaya ay hahatdan ng pagkain. Wala iyong ganoon…
Iyon lang ata ang gusto niya eh. At ngayon na naikama niya na ako ay parang kasali na ako sa koleksyon niya sa mga babae. Pagkatapos niya sa akin ay tatalon naman siya sa iba pa.
Just go with the flow, Zera. Make him feel you’re thinking the same way. Make him feel you’re not assuming things like sweet moments and such. Edi kung hook-up ang gusto niya sige! Ako pa ang hahamunin niya ha…
Nagbihis ako. Noong lumabas siya ng veranda ay nadatnan niya na akong inaayos ang lace sa may parteng dibdib ng aking dress.
Isaiah was topless. Naka gray lang na sweatpants at buhaghag pa ang buhok. Ang mukha ay sobra pang gwapo at masarap ring sampalin ng malakas.
“I’m going home,” sabi ko sa kanya at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.
Hindi agad siya nakakibo. Tiningnan niya ako, naninimbang ang malamig niyang tingin.
“Aren’t you planning to stay for awhile?” tanong niya, ang mga mata ay sinusundan ang bawat galaw ko.
Ngumisi ako ng nakakaloko.
“Bakit? Gusto mo pa? Hindi ka nakontento sa apat na rounds mo kagabi?” mapang-uyam kong tanong.
Isaiah’s face darkened. I chuckled softly at naglakad na palabas ng kuwarto niya. Mabilis namang sumeryoso ang aking mukha. Fucking asshole.
Narinig ko ang yapak ng paa niyang sumunod rin. Bumaba ako sa hagdan at halos mapalunok pa ako nang makita sa aking isipan ang naging posisyon namin dito kagabi. Humawak ako sa fence para hindi matisod dahil nanlalambot na naman ang aking tuhod habang humahakbang sa bawat baitang.
Hindi ko na iginala ang tingin sa kabuuan ng lugar. He’s filthy rich at nakatira na sa magandang condo unit. Malayong malayo ito sa maliit niyang apartment noon. Malayong malayo rin ang pakiramdam na ibinibigay nito sa akin dahil ang tangi ko lang nararamdaman ay ang lamig.
Mas mabuti pa iyong apartment niyang maliit dahil ang rami naming magagandang memories. Nakita ko lahat ng side niya roon habang sa condo na ito ay ang malamig na pakikitungo lang ni Isaiah ang nararamdaman ko.
Kinuha ko ang nagkalat kong heels at nagtungo sa sofa. Nakasuot na siya ngayon ng black tshirt at mukhang nagbihis siya habang nakasunod sa akin.
Yumuko ako at isinuot ang aking heels. Inayos ko ang strap noon sa gilid pero bago ko pa matapos ay yumuko na si Isaiah at tinulungan din ako.
Umupo ako ng maayos at hinayaan siya. Hinagilap ko naman ang aking sling bag. Where did I put it? Wala na akong maalala kung saan ko iyon iniwan. Kahit ang kotse ko ay naroon pa sa Bar.
Pagkatapos niya iyong gawin ay tumayo rin naman ako, handa nang umalis at ayaw nang magtagal. Isaiah followed me silently. Ni hindi ko siya nilingon habang lumalabas ako.
Sinuklay kong muli ang aking buhok noong pumasok na ako sa elevator. Nasa gilid ko narin si Isaiah, tahimik parin.
“Where’s my sling bag?” tanong ko nang hindi ko na nakalkal sa aking isipan kung nasaan iyon.
“Nasa kotse ko,” matabang niyang sagot.
Tumango ako at hindi na ito tiningnan pa.
Pagdating namin sa parking lot ay tumunog agad ang kanyang pamilyar na Ferarri. Binuksan niya ang front seat noon at nilingon ako. Umangat naman ang aking kilay.
“Do you do this after sex? Extra gentleman kana?” Natawa ako ng pilya.
Iritado niya akong tiningnan. Binasa niya ang labi.
“Just. Get. In,” aniya, ang panga ay gumalaw pa.
Umiling ako at hinaplos ang aking buhok.
“I just need my sling bag. May pera ako roon at kaya ko namang magtaxi,” sabi ko.
Nanliit ang kanyang mga mata. Ang iritasyon ay kumalat sa mukha. Tumawa akong muli ng marahan.
“Don’t tell me you’re like this after you bed your girls?” I asked him in a very insulting way.
Nagtagis lalo ang bagang ni Isaiah. O anong gusto mo? Ang makita na luhuran kita pagkatapos ng nangyari? Ang magmakaawa sa’yo na ako nalang? Damn you! Oo sinaktan kita noon pero kung balak mo akong gantihan sa pamamagitan ng pagsampal sa akin na marami kami ay hindi mo ako makikitang nasasaktan! Para saan pa ang pagiging brat ko kung babalik ako sa’yo na parang kuting?
“Just fucking-”
Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil nagring ulit ang kanyang cellphone. Dinukot niya iyon at inalis ang tingin sa akin.
Fuck you ka rin!
Bahagya siyang lumayo at inuna iyong tawag. Gago. Akala niya naman may pakialam ako riyan sa katawagan niya! Palayo layo pa.
Nagtungo ako sa kanyang kotse at hinanap doon ang aking sling bag. Nang makita ko ito sa front seat ay kinuha ko rin iyon at naglakad na paalis. Narinig ko siyang magmura at ang pagtakbo niya para sundan ako.
“I said I’m going to drive you home,” matigas niyang sabi at hinila ang aking braso.
Nagpumiglas naman agad ako.
“God! I can go home alone!” Natawa ako ng sobrang tabang at hinawi ang kanyang kamay.
Isaiah’s deep brown eyes stared at me with so much intensity. Matapang ko iyong tiningnan at ipinakita na hindi niya ako masisindak.
“Hindi naman purket may nangyari sa atin ay magpapaka extra gentleman kana, Isaiah. I was drunk. We both like what happened, right?”
“Ihahatid kita,” giit niya, iyon lang ang gusto at mukhang walang pakialam sa sinasabi ko.
“Why?” Nagtataka ko namang tanong. “Dahil may kotse kana? Kaya gusto mo akong ihatid?” Tumawa ako ng mapakla at sinipat ng tingin ang mamahalin niyang kotse.
Sumeryoso ang kanyang mukha. Doon ko napagtanto ang aking sinabi. Did I offend him?
Wala na siyang sinabi pa at hinila na ako palapit ulit sa kanyang kotse. He gripped my pulse, almost breaking it. Hindi na ako nagpumiglas pa at gusto nalang makauwi dahil parang sasabog narin siya sa galit ano mang oras.
Pumasok ako sa front seat. He even slammed the door kaya halos mapatalon ako sa gulat. Sinundan ko siya ng tingin. Gumagalaw ang kanyang panga at sobrang dilim ng ekspresyon.
Noong pumasok siya sa driver’s seat ay umirap na lamang ako. Isaiah the snob king is such a fucking playboy. Akala niya hindi ko narinig ang usapan niya ng kung sinong babae sa veranda? Tss.
“Ihatid mo nalang ako sa Bar. I’m going to get my car,” malamig kong sabi at humalukipkip.
Hindi siya nagsalita at matalim ang tingin sa kalsada. Tinaliman ko rin ang tingin sa kalsada. Nanaig ang katahimikan pero nagsisigawan ang mga inner demons ko at gusto siyang sabunutan.
Ayan kasi. Ang rupok rupok mo. Akala mo naman may mangyayaring magic sa inyong dalawa pagkatapos ng mainit na gabi. You’ve seen him flirt with different girls and you think you’re special now? Tingin mo ikaw na ang ipapriority niya? Wake the fuck up, Zera.
Itinigil niya ang sasakyan sa parking lot ng Bar. Kinalas niya ang seatbelt kaya binuksan ko na ang pinto at naunang lumabas.
Tiningnan ko siyang lumabas narin.
“Thanks for the ride, Isaiah,” I said bitterly as I slammed the door.
Sinundan niya ako ng tingin. Hinagilap ko ang susi sa aking sling bag at pinatunog ang aking Jaguar na pulang kotse. Tiningnan ko siyang muli na naroon lang sa kanyang kotse, nakahalukipkip.
I smirked and waved my hand. Wala siyang naging reaksyon doon, madilim parin ang ekspresyon kaya nag-iwas na ako ng tingin at binuksan na ang pinto sa driver’ seat.
Pagkapasok na pagpasok ko ay nang-init agad ang sulok ng aking mga mata. Pumikit ako saglit. Gaga. Stop crying! Ginusto mo naman ang nangyari kagabi! Eh ano ngayon kung hindi siya naging sweet sa’yo pagkatapos? Ano bang inaassume assume mo? Na babalik agad sa dati ang lahat dahil lang sa unang gabi? Akala mo ba iyon agad ang mangyayari?
I breathe heavily. I guess iyon na ’yon. Kung balak niya rin namang isabay ako sa lahat ng kanyang mga babae ay huwag nalang. Edi doon siya.
Pinaharurot ko agad ang aking kotse at mas nauna pang umalis doon. Kinagat kagat ko nalang ang labi para ibaling doon ang sakit kaysa pagtuunan ng pansin ang naninikip na dibdib ko.
Bumagal ang aking pagmamaneho nang marinig ang malambing niyang boses kanina sa veranda habang nakikipag-usap sa kung sino. Tumulo agad ang aking mga luha. You’ve done well, Zera. Kahit man lang isalba mo ang puso mo ’di ba? Kahit bumigay ka sa gabing iyon ay isinukli mo naman na parehas lang kayo ng gusto sa isa’t isa. Okay na ’yon. At least he’s not thinking you still love him after all this years. Kahit iyon nalang ang isalba mo.
Masakit sa puso. Nakarma na nga ako ng walong taon, kinakarma niya pa ako. Hindi siya nakokontento. He wants to ruined me. Kung gaganti siya ay matagal na siyang nakaganti sa ginawa kong pananakit sa kanya. I already suffered!
Pero hindi parin siguro iyon sapat. Siguro ay gusto niyang ibalik lahat ng sakit. I ruined him. Ipinagpalit ko siya. Nagmakaawa siya pero tumalikod lang ako. At ngayon na bumalik na siya ay parang gusto niyang ako naman ang dumanas noon. Halata naman eh. Galawan niya palang basang basa ko na. He just want to get even.
Imbes na dumeritso sa condo ay dumeritso ako sa bahay ni Kuya Toshi since Irah is calling me multiple times.
Pagdating ko roon ay ang halakhak ni Kuya Toshi ang pumaibabaw. Nakaupo sa sofa si Irah habang nakakapit sa braso ni Kuya Toshi at nagpapabigat kaya halos nakayuko na ang aking pinsan.
“Good fucking morning,” matabang kong bati na ikinalingon ng dalawa sa akin.
“Your mouth, Zera,” ani Kuya Toshi at tiningnan ako ng maigi.
“She’s here… Bye… Pwede kanang umalis,” ani Irah at pinagtulakan na ang aking pinsan.
“You’re unfair. Kani-kanina lang…” Nailing si Kuya at hinuli nalang ang labi nito para patakan ng halik.
Humalukipkip ako sa sofa at nag-iwas ng tingin sa kanila. Irah chuckled playfully. Tumawang muli si Kuya Toshi at nang tingnan ko silang muli ay pilit hinahabol ng aking pinsan ang labi ng kanyang asawa.
Tumayo ako at nagtungo nalang sa kusina para uminom ng tubig.
“Bye, Zera!” Umalingawngaw ang baritonong boses ni Kuya roon.
Hindi na ako sumagot pa at inubos ang tubig sa baso. Inilapag ko rin naman iyon at nagpasyang bumalik sa sala.
Nadatnan ko si Irah roon na nakaupo at kakaiba agad ang tingin sa akin.
“Ba’t ganyan ang suot mo? And what’ with your messy hair?” Nagkasalubong ng husto ang kanyang kilay.
Hinubad ko ang sling bag at inilagay iyon sa mini table saka umupo narin. Agaran naman siyang gumapang palapit sa akin na ikinagulat ko pa.
“Go away!” Inilayo ko ang aking sarili at umatras.
Inamoy niya ako at hindi nagpatinag sa panunulak ko sa kanyang balikat. Nang makumpirma niya ang iniisip ay namilog ang kanyang mga mata.
Sumimangot ako at humalukipkip.
“Was it Isaiah?” tanong niya sa nanliliit na ngayong mga mata.
Nagloosen ang aking balikat at nag-iwas ng tingin.
“Grabe ka! Ang bilis mong bumigay!”
“Gaga. Ako ang nang-akit,” sabi ko, iritado ang boses.
“Is that your plan?!”
Ngumuso ako. Her jaw dropped.
“And what happened after?”
“Wala. Narinig ko lang siya na may kausap sa cellphone.”
“Wala? As in…”
“Wala. Walang cuddle, walang sweet moments. Pure sex lang. We’re both drunk at noong nahimasmasan bumalik na siya sa sarili niya,” sabi ko sa dismayadong boses.
Nagloosen ang kanyang balikat. Hindi naman ako makatingin ng deritso.
“Susugurin ko ’yon,” galit niyang sabi na ikinatingin ko sa kanya.
Umangat ang aking kilay.
“Para pag may nangyari sa baby mo ako ang makakatay ni Kuya Toshi ganoon ba?”
“At papayag ka lang na tratuhin kang ganoon? You’re Zera! Nasaan na ’yang sungay mo? Ba’t parang hinahayaan mo lang siya na saktan ka?”
“I made him feel the feeling is mutual, alright… Wala naman akong nilinaw. I didn’t beg for a chance. Nagyaya lang akong umalis. Umakto akong pure sex lang rin ang gusto ko. And I think that’s enough,” sabi ko na ikinahinahon rin naman ng kanyang mukha.
“Ano pang plano mo? Mag-assume parin iyon na marupok ka sa kanya,” giit niya.
“Kaya nga… That’s why I’m planning to make him feel my absence. Hindi na muna ako papasok sa Cafe. Sigurado akong gumaganti lang siya eh.”
Umirap siya ng husto nang marinig iyon. Natulala naman ako sa kawalan. Namanhid na ako bigla at walang maramdamang sakit.
“H’wag kana talaga munang magpakita. Baka sabihin noon na maghahabol kana sa kanya dahil lang may nangyari.”
My ass. Kahit nag-enjoy ako eh hindi rin ako ganoon ka gaga na habul-habulin siya ’no. Bahala siya riyan. Kamuntik niya pang mabali ang back bone ko! And worst ang hapdi pa ng gitna ko! Tapos pagkagising ko mahuhuli ko siyang may sinasabihan ng ganoon sa katawagan? I am not stupid. Alam kong isa iyon sa mga babae niya at hindi niya ako maloloko!
“Pero hindi man lang ba siya nag-explain? Hindi ka niya pinilit kausapin? Hinayaan ka lang niyang umuwi?” tanong niya nang kumalma muli.
“Gusto niya lang akong ihatid. Iyon lang. Hindi nga nagpumilit na mag-usap kami. Walang nangyaring ganoon. Galawang pang fuckboy talaga ang dating. Pagkatapos magpakasawa sa akin kagabi ay nawalan na ulit sa akin ng pake.”
Irah was convinced too that Isaiah is up to something. Kung wala man siyang plano, sadyang ganoon na talaga siguro siya at ako lang itong nasasaktan dahil naghahangad ako ng higit pa roon.
And who’s fault it is now? Sa akin parin? Ako parin ang may kasalanan dahil ako ang nang-iwan?
Hinding hindi talaga ako maghahabol sa kanya. Papatunayan ko iyon.
Iyon nga ang ginawa ko sa nagdaang mga araw at hindi pumasok sa Cafe. Tumambay ako sa bahay ni Kuya Toshi at sinasamahan ang buntis niyang asawa na walang ginawa kundi kumain ng kumain.
Naging ganoon ako buong buwan. Kuya Toshi was thankful since naroon ako at hindi na kailangang sumama ni Irah sa kompanya dahil grabe rin daw iyon mangdisturbo at wala na siyang nagagawang matinong trabaho. He’s worried to leave him alone in the house.
“Don’t use my spoon! Baka pati ikaw maglihi narin,” ani Irah nang ginamit ko ang kanyang kutsara.
“Who said that?” Imbes maniwala ay isinubo ko na iyon na may ice cream na.
“Si Mommy. Naipapasa raw ang paglilihi. Gusto ko ngang gamitin sa pinsan mo para siya nalang ang maglihi…” Ngumisi pa siya ng pilya.
Is that even true? Ilang araw narin akong gumagamit sa mga pinagkakainan niya eh. Baka naman paniniwala lang ulit ng matatanda.
Kaya noong sa bahay naman ako ni Nana napadpad ay pinag-usapan rin namin iyon.
“Oo… Totoo iyon, Zera. H’wag ka dapat nakikipagshare sa pagkain ng buntis at maglilihi ka rin,” sabi niya habang binubuksan ko ang yogurt ni Trench.
“Really?”
Tumango si Nana.
“Don’t do it again. Manghihina ka niyan. Mawawalan narin ng gana at aaktong parang buntis. Avoid sharing food with Irah,” payo niya sa akin nang kargahin si Trench na tumayo sa kanyang harapan.
It didn’t bother me since mukhang wala naman akong nararamdamang kakaiba. Iyon nga lang ay wala parin talaga akong ganang pumasok sa Cafe at nirereview nalang ang sales ng Cafe. Maganda naman ang takbo noon kahit na wala ako roon para magmonitor. And there’s a CCTV so pwede ko lang ring tingnan iyon pag nakabalik ulit ako roon.
Palagi nalang akong umiiyak tuwing gabi at sobrang nafufrustrate sa mga nangyayari. Nakakatulog akong mabigat ang dibdib at ang almusal ko ay ang iyak ko ulit dahil sa sama ng aking pakiramdam kay Isaiah. Sobra akong nanggigigil na nagbabagsakan agad ang malalaking luha sa aking mga mata pag naiisip ko ang mukha niya.
Inaabala ko nalang ang aking sarili. Palipat lipat ako ng bahay na binibisita. Nakikipaglaro ako kay Trench paminsan minsan o kaya ay naroon ako kay Irah at dinadamayan siya sa mga mood swings niya na kahit ako ay naiirita agad at gusto ko na talagang pitikin. Alangan naman hindi magtrabaho si Kuya Toshi at gusto niya ay palagi siyang inaatupag? God! Pati ako naiistress sa kanya!
Sabado iyon.
Pinasyal si Kuya Toshi si Irah na nagtatampo sa kanya kaya nauwi ulit ako sa bahay ni Nana. May dala akong maraming yogurt kay Trench. Humikab pa ako habang pumapasok at hinipo ang likod kong sumasakit.
Hindi parin ba nawawala ang epekto noong hagdan?
“Hindi ka parin pumupunta sa Cafe mo?” tanong ni Nana nang makita akong muli.
Kapwa sila nasa play mat ni Trench. Gumagapang ang kanyang anak at hinahabol iyong laruang gumagalaw. Noong madatnan niya ay bigla niya nalang hinampas.
“I’m quite tired… Baka sa lunes nalang,” sabi ko at nagsquat narin sa mat.
Sinabi ko kasi last week na pupunta ako kaso mukhang tinamaan na naman ako ng katamaran. At tuwing naiisip ko na naroon si Isaiah ay nabubwesit agad ako kaya mas nabibigyan ako ng dahilan para hindi pumunta dahil baka gawin ko pang pamunas sa table ang mukha ng babaeng kasama niya.
Tumayo si Nana at nagpaalam na may kukunin sa kuwarto. Naiwan naman ako kasama si Trench na nasa aking harapan na at pinapanood akong buksan ang yogurt.
“Namnam!” Inabot niya iyon kaya mabilis kong itinaas.
“Wait, Trench…” sabi ko at natawa sa kanya.
Tuluyan kong inalis ang takip at naamoy ito. Why does he likes this flavor so much? Inamoy amoy ko pa iyon at naakit ring tikman iyon.
“Mumum!” si Trench iyon na nagmamaktol na habang pinapanood akong sumusubo, ang nguso ay humahaba pa.
Masarap rin pala ang plain na yogurt para sa mga babies? Kaya siguro ganito siya ka addict sa yogurt.
Nakailang subo na ako. Tumayo na si Trench at hinawakan ang aking braso. Umiiyak na siya habang malalaki na ang patak ng mga luha at gusto nang bawiin sa akin ang yogurt.
Mabilis na bumaba si Nana, tila nataranta sa malakas na iyak ng kanyang anak. Nadatnan niya pa akong sumusubo ng yogurt habang si Trench ay nakahawak sa aking kamay at pinipilit iyong bawiin sa akin.
“What happened?” tanong niya nang maglakad sa aming dako.
Tiningnan ko ang laman ng yogurt at napagtantong naubos ko iyon. Bumagsak si Trench sa play mat saka siya umiyak habang tinuturo ang hawak kong yogurt.
Tumawa si Nana.
“Inubos mo ang yogurt niya, Zera!” ani Nana at umupo sa play mat dala dala ang bib ni Trench.
“Di ko napigilan. Marami naman akong dala, Trench…” saka ko ipinakita ang isang pack. “Namnam!”
Umiyak lamang ito at gumapang papunta sa kanyang Mommy. Tumawa si Nana at kinarga saka pinunasan ang mga luha.
“Weird, Zera… You don’t like that kind of yogurt… Epekto na iyan ng pakikipagshare mo ng pagkain kay Irah! Para kana ring naglilihi!” Tinawanan niya ako habang hinahaplos ang likod ni Trench.
Medyo natigilan ako roon. Tiningnan ko pa si Nana na pinatahan si Trench at sumakit talaga ang loob dahil hindi ko man lang binigyan at sinubuan kanina.
Oo nga ang weird… Since when did I like this kind of yogurt? Mas gusto ko kasi iyong strawberry flavor unlike sa kinakain ni Trench na plain milk lamang.
Parang biglang hinukay ang aking tiyan nang maalala ang strawberry flavored yogurt. Natakpan ko ang aking bibig at mabilis nang napatayo para tumakbo sa kusina.
“Zera? Okay ka lang?” tanong ni Nana roon.
Mabilis akong nagtungo sa sink at sumuka. Parang bumaliktad na ang aking sikmura at wala na akong tigil sa pagduwal. Naiiyak na ako. Nasobrahan ba ako sa yogurt?! Pang baby lang ba iyon kaya nasira agad ang tiyan ko?!
Narinig ko ang yapak ng mga paa ni Nana. Ilang sandali lamang ay lumitaw na siya rito. Pinaandar ko ang tubig at nagmumog.
“See? I told you to stop sharing food with a pregnant women! Ayan ang sinasabi ko… Para kana ring buntis na naglilihi eh wala ka naman sanang boyfriend,” inosenteng sabi niya na kumuha ng atensyon ko.
Pinatay ko ang tubig at tiningnan ng makahulugan si Nana. Trench is watching me too, ang mga mata ay namumula ganoon rin ang ilong dahil sa pag-iyak kanina dahil sa ginawa ko sa pagkain niya na hindi ko naman sana gusto.
Oh my God… I just realize my period is delayed! Oh my god… H-Hindi kaya ay…
45th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Nicolle Ibañez. Happy reading!
Stain
Pinag-isipan ko ng mabuti kung ilaw araw na akong delayed. I even checked my calendar on my phone at nakumpirmang two weeks na akong delayed!
Isaiah didn’t use a protection I’m so sure of it! Hindi siya nagcondom sa akin at ito palang ang unang beses na nadelayed ang menstration ko since I’m regular. At may nangyari pa sa akin sa nakaraan na buwan!
Hindi na muna ako nag pt at pinakiramdaman ang aking sarili. Noong linggo ng umaga ay nagising nalang ako at nagsusuka na. Sobrang sama ng aking pakiramdam at para na talaga akong mahihilo. Madalas pa akong nag kaka cramps at kahit ang aking likod ay sumasakit din.
Gosh… I think I’m really pregnant! Malakas ang kutob ko roon!
Ibinalita ko agad iyon kay Irah through text that my period is delayed. Umaga ng lunes ay nagulat nalang ako na sinugod niya na ako rito sa condo ko.
“Use this.” Ibinigay niya sa akin ang dalawang pt na mukhang binili niya pa.
Buhaghag pa ang aking buhok. Kakatapos ko lang magsuka at masakit na naman ang aking ulo. Ni hindi pa ako nakakahilamos tapos bumungad na itong bihis na bihis sa akin, bagong ligo suot ang dress niyang kulang nalang ay maging bestida sa aking mga mata.
“Why are you so early?” tanong ko at isinuot ang indoor slipper, bumababa muli sa kama ko.
“Just use the pregnancy test!” Iritado niyang sabi at gusto na ata akong itulak sa cr.
“Okay! Okay! Ba’t ka sumisigaw?” Iritado ko rin akong umirap at naglakad na papunta sa cr dala dala ang pt.
Kinakabahan ako actually pero nangingibabaw ang excitement. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Pagkatapos kong umihi ay naglagay agad ako noon sa pt at lumabas para hintayin ang result.
Inilagay namin iyon sa mini table at kapwa namin tinitigan. Hinintay namin iyon, ni isa ay walang nagsasalita.
“Ba’t ang tagal?” Naiinip kong sabi at gusto nang tumayo kaso hinila niya ako.
“Wait! Look!”
Walang kumukurap nang unti-unti nang kumalabas ang result. Ang puso ko ay parang lalabas sa aking ribcage.
“Oh my God! Oh my god! That’s positive!” Nagtitili na si Irah nang makita ang dalawang linya.
“Really?!” Napatayo narin ako.
“Yes! Oh my God you’re pregnant!”
Nagtilian kaming dalawa at napatalon sa sobrang saya. I was so happy! Halos makalimutan kong buntis rin pala siya at nagtatalon pa kaya pinigilan ko agad.
“You’re pregnant!” Niyakap niya ako ng mahigpit.
Tumulo agad ang aking mga luha at hindi mabura bura ang ngiti sa aking labi. Ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito katindi!
I always want a baby! Gustong gusto ko nang magka responsibilidad at magkaroon ng kasama sa buhay. Ang walong taon na binalot ng kalungkutan ay sa wakas at natapos narin…
Oh my gosh… I am so happy! Sobra sobra akong nawiwindang at sobra sobra akong natutuwa sa naging resulta. Sa lahat ng padalos dalos na desisyon, sa lahat ng nangyayaring hindi maganda sa buhay ko, ito na ata ang pinaka masaya!
“Ano nang plano mo ngayon? Are you going to tell this to Isaiah?” tanong niya nang mahimasmasan kaming dalawa.
Umupo ako sa sofa at naalalang si Isaiah pala ang nakabuntis sa akin. Bigla kasing iyong baby nalang ang naging matimbang. Bigla akong nawalan ng pake kay Isaiah.
Hindi agad ako nakasagot.
“Itatago mo ba ’to sa kanya?” Nanliit ang kanyang mga mata.
Umiling agad ako.
“Of course, not! Sasabihin ko naman… Karapatan niya iyong malaman dahil ama siya ng baby ko.”
Kumalma ang kanyang ekspresyon at tumango.
“Kaso paano kung…” Hindi ko agad iyon nadugtungan. Nagkatitigan pa kaming dalawa.
“Paano kung?”
“Irah, he’s mad at me. Hindi ko kakayanin kung pati ang baby ko ay madamay sa galit niya sa akin,” giit ko.
“Just try… Malay natin magbago ang isip niya pag nalaman niyang may baby na kayong dalawa.”
Biglang gumana ang aking isipan. Fuck. I can use the baby to lure him and come back to me! Kaso hindi ba at kalabisan na iyon? Anong kalabisan doon, Zera? He’s the father of your child! Kung itatago mo iyan at dumating ang araw na malaman niya ay baka lumala lamang ang sitwasyon or worst your child will going to hate you for being so selfish… A child deserves a father. Kahit kaya mo siyang buhayin ay maghahanap at maghahanap parin iyan ng ama.
Ang desperada kong pakinggan pero sa pamamagitan nito ay pwedeng si Isaiah na ang maghahabol sa akin. I will no longer chase after him because I’m sure the baby will lure him to come back to me.
“Sasabihin ko ito kay Isaiah. I am not going to keep this to him… Malay mo… Malay mo matuwa siya ’di ba?” Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang aking tiyan.
Sumimangot siya sa akin. Sinikap kong hindi maiyak dahil bigla akong naawa sa sarili ko.
Buntis ako at ang masaklap pa ay hindi ko alam kung mahal parin ba ako ni Isaiah. I don’t want my child to grow up without having a father. Pero kaya ko rin bang bigyan siya ng pekeng pamilya? Mahal ko parin naman si Isaiah pero ganoon parin ba siya sa akin? Parang lumalabas na ako itong nanglilimos nalang ng pagmamahal.
Iyon naman ang ikinatakot ko, ang magiging reaksyon ni Isaiah. Ang balak ko ngayon ay sabihin sa kanya ang totoo at protektahan ang aking baby. Payag naman ako kung ako lang ang nasasaktan. Nakaya ko naman ang walong taon. Pero iyong iniisip ko palang na dalawa na kaming masasaktan ni Isaiah ay parang hindi ko na ata kakayanin. I want my child to be happy and if luring him again just to come back to me just go give my child a family then I’m willing to do it! Ibababa ko ang pride ko. Kahit lumabas na nanglilimos nalang ako ng atensyon ay gagawin ko.
“Talk to him, okay?” ani Irah na tinanguan ko.
Gusto ko narin itong sabihin kay Mommy at Daddy na magkakaapo sila pero natatakot ako dahil wala pa akong maipapakilalang Daddy. My father will surely get mad at baka kung ano pang magawa kay Isaiah.
I’ll just talk to him first and settle our problem saka kami haharap ng magkasama sa aking parents. Iyon ang plano ko…
Ang dali dali talagang pagplanuhan pero pag dating kay Isaiah bigla biglang bumabaliktad ang lahat dahil kakaiba rin iyon mag-isip!
But don’t be so nega, Zera. A baby is a very big blessing! Matutuwa siya for sure… Alam ko… Alam ko matutuwa siya kahit kaonti man lang.
Kinabukasan ay pumunta na nga ako sa Cafe. As usual I got late since ang sama ng pakiramdam ko tuwing umaga at nabubwesit pa ako sa pagkaka delay ng aking order na breakfast. Kumain ako at isinuka iyon ulit pagkatos ay nakatulog bigla sa sofa.
Alas dos na noong dumating ako roon. Ipinark ko sa sarili kong parking area ang aking Jaguar na kotse at bumaba rin doon.
Transparent wall ang Cafe kaya nakita ko agad ang naroon at ang pambungad agad na nakita ko ay si Isaiah kasama ang isang babae na nakikipagngitian pa sa kanya.
Mabilis na kumulo ang aking dugo. Isaiah was saying something serious while the bitch infront of him is nodding.
Nacucurious na talaga ako kung ano ang palagi nilang pinag-uusapan. And imagine… Nakita ko ang loob ng condo ni Isaiah at sobrang magara iyon. I always wonder why he bring his girls on my cafe instead on a fine Restaurant. If he wants to date them? Bakit sa cafe ko pa talaga? He can afford fice star Restaurants now. Pa cafe cafe pa. Ano, kape kape lang ganoon?
Halata talagang nananadya rin itong si Isaiah! Siguro dahil talaga ’yan sakin…
Pumasok rin naman ako wearing a mini long sleeve stripes dress. Ang may may parteng tiyan noon ay masikip at hanggang hita ko lang. Ang may dibdib ay may lace ulit na iniribbon ko nalang with a square neckline, revealing some skin of my chest part including my deep collarbones. I can’t distinguish the color but it’s a bit white with grey stripes on it and paired it with flats para mas maging comportable ako at iwas tapilok narin for my baby’s safety.
“Good afternoon po, Ma’am… Long time no see,” bati sa akin ng gwardya.
I smiled sweetly as a response nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Humakbang ako papasok. There are some customers inside. Mga nasa lagpas sampo ata, lalo na’t sa itaas ay may tatlo akong nakita.
On the side of my pheriphiral view, nakita ko kung paano napalingon sa akin si Isaiah. Hindi ako lumingon at deritso na ang lakad sa counter.
Nauna akong mamataan ni Thalia na mabilis ring pinagkukuha ang atensyon ng iba at tiningnan narin ako ng iilang empleyado.
Pagkarating ko roon sa loob ng counter ay pigil na silang bumati sa akin, gusto atang magtilian at yakapin ako sa sobrang saya ng pagpasok ko.
“Namiss ka namin ng sobra, Ma’am!” ani Gail nang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Itong si Ma’am Zera pag bumabalik sobrang ganda! Saan po ba kayo tumatambay Ma’am at pupuntahan ko rin,” si Gail naman.
“Oo nga, Ma’am… Ang blooming niyong tingnan,” si Cleo na nasa harap ng coffee maker.
“Diyan lang sa tabi tabi,” sabi ko at tumawa ng marahan saka binalingan si Camilo na nakangisi.
“Namiss ka namin, Ma’am…” marahan niyang sabi kaya napa ‘ayiee’ sila.
Nginitian ko siya ng matamis.
“I miss you, too…” at tumawa ako sabay haplos ng nakalugay kong buhok.
Pinaliguan nila ng kantyaw si Camilo na malawak ang ngisi. Kontrolado ang kanilang boses para hindi gaanong makadisturbo sa iilang customer pero may iba parin na napapatingin dito.
“Palagi ka pa naman naming topic, Ma’am… Feeling namin may boyfriend kana talaga eh. Busy kana sa lovelife mo,” si Krizza iyon.
May dumating na customer na babae sa harap ng counter na agad namang inasikaso ni Thalia.
Imbes sagutin ang kanyang tanong ay makahulugan lang akong ngumiti at hinaplos ang aking tiyan.
Maingat rin naman akong umupo sa madalas kong inuupuan at hinubad ang suot na sling bag. Inilapag ko iyon sa gilid. Si Camilo ay naroon na sa coffee maker at pasulyap sulyap sa akin.
Pasimple kong tiningnan ang mesa ni Isaiah. He’s staring seriously with the girl infront of him, nakasandal sa upuan habang ang kamay ay naglalaro sa mesa na tumatapik tapik ang mga daliri roon.
Tiningnan ko ang dalawang butones na nakabukas sa suot niyang dark blue polo, ang sa ibaba naman ay grey short. He looks very handsome but I really hate how he stares at her! Ang sarap sumugod at tusukin iyang mga mata niya.
“Ma’am… coffee,” si Camilo na sumulpot bigla sa aking tabi at naglapag ng paborito kong Capuccino.
Agad kong naamoy ito at nakaramdam agad ng pagduwal. Napatayo ako, takip takip ang bibig ay mabilis na naglakad palabas ng counter para pumunta sa cr.
May nagtinginan lalo na’t halos tumakbo pa ako, pinipigilan ang sariling maduwal. Pumasok agad ako sa cr at mabilis na yumuko sa sink para sumuka.
Naiiyak kong pinunasan ang aking labi. Pinaandar ko ang gripo at tiningnan ang aking sarili sa salamin. Hinugasan ko ang aking kamay at pinatay iyon.
Nagtungo ako sa hand dryer habang nag-iisip kung paano lalapitan si Isaiah gayong may kasama siyang impakta. So what? Pakialam ko roon sa kasama niyang babae! I need to talk to him immidiately. Kailan pa ako makikipag-usap kung ganoon? Kung lumobo na ang tiyan ko? At ano ang mangyayari? Ipapasa niya na sa ibang lalake at pagbibintangan akong hindi iyon kanya? I’d seriously smash his face! Subukan niya lang talaga.
Lumabas rin naman ako. I saw how Isaiah lazily glance at me. Isang sulyap lang sa akin sa malamig niyang tingin at ibinalik rin naman agad sa harap.
The girl is still talking. Nakakabwesit ang mukha. May pa cleavage cleavage pa! Umirap ako sa kawalan at iritang irita noong bumalik na sa counter. Kinagat ko ang aking labi, gusto nang puntahan si Isaiah.
“Ma’am, okay lang po kayo?” tanong ni Camilo na alalang alala ang mukha.
“Uh, yes… Medyo masama lang ng kaonti ang aking pakiramdam. Pakikuha nalang ng kape, Camilo. I don’t feel like drinking coffee today,” sabi ko.
Tumango naman agad siya lalo na’t tinakpan ko pa ang aking ilong. I don’t like the smell! Nasusuka ako roon!
“Baka gusto niyo ng iced coffee, Ma’am? O kahit frappe nalang?” aniya habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa mga nakahelerang coffee maker.
Umiling ako at bumalik sa aking upuan. Nilingon ko saglit si Isaiah na naabutan ko pang nag-iwas ng tingin. Oh, he’s watching me, too…
“I’m fine, Camilo. Thanks,” sabi ko nang lingunin ko siyang muli at nginitian ito.
Binantayan ko ang oras. Alas kuatro na pero hindi parin sila tapos at naroon parin ang babae. Nakahilig na si Isaiah sa mesa, medyo malapit na sa babaeng nakahilig din habang tumatawa.
Kumulo agad ang aking dugo. I can’t take this anymore! Pag hinintay ko pa silang matapos ay tutubuan na ata ako ng lumot dito sa inuupuan ko sa sobrang pagkainip!
Tumayo na ako nang hindi na nakapagtimpi pa at lumabas ng counter. Naglakad ako patungo sa kanilang mesa. I don’t care if madisturbo ko sila. I don’t fucking cafe if customer sila ng cafe ko. I need to talk to Isaiah and get his attention away from that ugly skank!
Nang makarating ako sa kanilang table ay nag-angat ng tingin agad ang babae sa akin. She ordered iced coffee at nangangalahati na iyon saka isang mousse cake while Isaiah ordered nothing, just water.
“Yes… Miss?” tanong niya dahil sa paglapit ko.
Hindi ko siya sinagot at itinuon ang buong atensyon kay Isaiah na nakatitig sa ibang bagay.
“Isaiah. We need to talk,” sabi ko, seryoso ang boses.
Umahon ang kanyang tingin sa akin. Pabalik balik naman ang tingin ng babae sa aming dalawa. She’s probably curious why I know his name. Excuse me. Siya lang naman ang nakadivirginize sa akin at mas excuse me, nauna ko siyang tikman!
Gusto ko iyong isaboses pero ayoko namang gumawa ng eskandalo at magulat nalang ako bukas viral na ako.
“Later,” tanging sagot ni Isaiah at tiningnan ang babae. “Where are we…” saka niya ipinagsalikop ang mga kamay.
Halos mairita ako. Anong later?! Nakakagigil ha!
“I want to talk to you right now,” giit ko, ang mga ngipin ay naibaon ko na sa isa’t isa at nakakuyom narin ang aking mga kamay.
“Later,” ulit niya sa akin, marahan lamang ang boses at mukhang walang pakialam.
“I want it now,” sabi ko, nagtatagis na ang bagang sa inis.
Nagloosen ang kanyang balikat.
“You wait after this,” sabi niya sa akin nang tiningnan akong muli.
Nalaglag ang aking panga. Ano ’to? Mamaya pa ang schedule ko sa kanya? Na iyang babae muna ang priority niya ngayon? Damn him!
“You heard him. He said later-”
“Shut up o pasasabugin ko ’yang dibdib mo. H’wag kang sawsawera,” inis kong putol sa babae na ikinalaki ng mga mata niya at laglag panga na.
“Excuse me?” her tone suddenly hardened, too. “Bakit mo ba pinipilit na kausapin ka ni Isaiah? Nakikita mong may kasama siya at nag-uusap kami rito kaya baka ikaw itong sawsawera,” sabi niya.
My blood suddenly boils. Ang init na ng pakiramdam ko sa matinding galit at nangangati na ang kamay ko na manghila ng buhok. Sobra na akong natitriggered.
“Bakit ako hindi pwedeng sumawsaw? This man,” saka ko itinuro si Isaiah, nakikinig lamang, “is the father of my child. At bakit bawal akong sumawsaw? Kayo ba, may anak kayo?” Tinaliman ko siya ng tingin.
Kitang kita ko ang kanyang pagkagulat. She can’t believe it. Ang kanyang panga ay sobrang nalaglag at halos hindi na siya makapagsalita.
Binalingan ko si Isaiah, nagkakasalubong ang kilay at nakatingin sa aking tiyan.
“Kung ayaw mong makipag-usap sa akin then fine. At least you’re aware you have a child to me and-”
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sa biglaan niyang pagtayo, hinihigitan na ang aking katangkaran at nagmukha na lamang akong maliit dahil sa kanyang tindig.
“Let’s talk inside my car,” bulong niya at hinaplos ang aking siko.
Iritang irita ako pero masyadong inaagaw ng kanyang pabango na amoy na amoy ko lalo na’t ang lapit lapit ko na sa kanya. He smelled so nice… Hinihila noon ang aking atensyon para kumalma kahit papaano.
Binalingan niya ang babae.
“We’ll just talk, Kaira,” ani Isaiah sa baritonong boses.
Napairap ako. Ang galit ay pumaskil na sa aking mukha at naging maskara. I hate how he talks to her using his baritone voice! I hate it!
Nauna akong magmartsa palabas. Nakakailang irap pa ako at gustong balikan iyong babae para lang hilain ang kanyang buhok kaya nagpigil ako ng husto.
Natakot ang gwardya nang binuksan ang pinto para sa akin, marahil ay nakita niya kung gaano ako kairitado.
Sumunod naman si Isaiah at pinindot agad ang alarm ng kanyang kotse. Tumayo ako sa tapat at humalukipkip habang sinasamaan ito ng tingin.
Binuksan niya ang front seat at binalingan ako, sinenyasang pumasok doon gamit ang kanyang tingin.
Umirap akong muli at nagmartsa papunta roon. Pumasok ako sa front seat at nang maamoy ulit ang pumapaibabaw niyang pabango ay saglit na kumalma.
Umikot siya at pumasok rin naman sa driver’s seat. Nabwesit ulit ako kaya humalukipkip ako sa upuan.
Bakit ganoon? I can’t see how excited he was after knowing I’m pregnant. Ako lang ba ang nagustuhan ang balitang ito? Ako lang ba ang may pakialam? Ako lang ba ang excited? Ni hindi man lang siya ngumiti. Nagkasalubong pa ang kanyang kilay.
Bigla akong nafrustrate sa aking iniisip. Is he thinking the baby is just a burden to him? Na hadlang ito at sabit lang para hindi na siya makapambabae?! Kaya noong inanunsyo ko iyon roon sa harap noong babae niya ay tumayo agad siya at pinigilan ako sa ano pang masabi dahil natatakot siyang malaman noong nilalandi niya na ama na siya at may responsibilidad sa akin?!
Nang-init agad ang sulok sa aking mga mata, ang mga luha roon ay gusto nang kumawala. Nafufrustrate ako bigla sa iniisip ko.
“Are you sure you’re pregnant? Did you went to the doctor-”
“Hindi mo naman kailangang ipilit kung ayaw mong panindigan ang bata, Isaiah,” putol ko sa kanya at halos manlabo na ang aking mga mata nang tiningnan ko siya.
Napaawang ang kanyang labi dahil sa pagputol ko. Mabilis kong pinalis ang luha at nag-iwas ng tingin.
“Akala mo ba gusto ko ring mabuntis mo ako?” Nagbagsakan na ang malalaking luha sa aking mga mata.
I am excited with having a baby pero kung kay Isaiah lang naman na ganyan ang reaksyon at sinisigurado pa sa akin na buntis ba talaga ako ay h’wag nalang sana! Mas gusto ko pang sa iba nalang! At kung ayaw niya man sa baby namin, pwes hindi ko iyon ipipilit! Makakaya ko namang buhayin ito ng mag-isa dahil financially stabled naman ako.
Oo gusto kong bigyan ng masayang pamilya ang baby ko pero kung ganyan si Isaiah ay hindi ko na agad kaya. Nakakapanghina ang reaksyon niya. Parang… Parang ako lang itong natutuwa sa baby. Parang ayaw niya pa!
Mas lumala lang ang pagdagsa ng mga luha. Dalawang kamay na ngayon ang ginamit ko para lang punasan ang mga iyon pero hindi parin tumitigil.
“Kung ayaw mo edi h’wag! I can take care of the baby! Hindi ko ipipilit sa’yo na panagutan mo ako-”
“Sinong nagsabing hindi kita pananagutan?” galit niyang putol habang pinapanood akong nagpupunas ng luha.
“Bakit hindi ba? Hadlang na ba kami ng baby riyan sa mga pambababae mo?! Paiba iba ka pa nga! Kung hindi lang ako buntis sa tingin mo lalalapit lapitan pa kita?!”
He stared at me intensely. Sa aking inis ay gusto ko nalang lumabas ng kotse niya at umuwi. Gusto ko nalang umiyak buong magdamag at matulog. Nabubwesit ako ng sobra sa kanya!
“Napaka galing mo rin talaga! Ang galing galing mo lang sa kama pero pag nagbunga ay-”
“Shut-up, Damonisse…” putol niya at nahipo ang noo, parang nafufrustrate narin sa aking sinasabi.
Iyon naman ang panibagong dahilan ng aking mga luha, dahil lang narinig ko siyang sinambit ang aking pangalan. I feel so miscerable. Sobra niya akong sinasaktan! Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang sikip sikip ng dibdib ko.
“Kung ayaw mo sa baby edi h’wag-”
“Gusto ko,” putol niya sa akin at hinuli ang aking kamay na panay ang pagpunas sa aking mukha.
Namumungay na ang kanyang mga mata sa akin. Kalmado ang kanyang ekspresyon habang tinutulungan akong magpunas ng luha. Hinawi ko iyon sa aking pagkairita.
“Kung ayaw mo sa baby-”
“I said I like it,” giit niya, ang boses ay mas luminaw at may pagka desperado na ang pagkakasabi.
Tinitigan ko siya ng ilang sigundo. Binasa niya ang labi at may dinukot sa kanyang bulsa. Kumuha siya roon ng panyo at inilahad sa akin. Hinawi ko iyon sa sobrang inis ko sa kanya. Umangat ang dalawa niyang kilay at sinundan ang pagkahulog noon sa aking kandungan.
Kagat ang labi ay pinulot niya iyon. Akala ko ay ilalahad niya ulit iyon sa akin pero siya nalang ang nagpunas ng aking luha. Sinamaan ko siya ng tingin habang ginagawa niya iyon.
“Kung ayaw mo sa baby ay hindi kita pipilitin-”
“Ang kulit mo. I said I like it. I like the baby,” putol niyang muli, ang boses ay marahan at nanunuyo.
“Napipilitan ka lang,” giit ko naman.
Umangat ang kanyang kilay sa akin. Ang tingin ay nang-iinsulto at ang kagwapuhan ay nag-uumapaw.
Tiningnan niya ang suot na relo.
“Dito ka lang,” sabi niya at binuksan ang pinto ng kotse. “Babalik agad ako” pahabol niya pa nang dinungaw ako sa loob.
Umirap ako. “Edi balikan mo sa loob ang babae mo. Pakialam ko riyan,” sabi ko kahit na rumagasa ulit ang panibagong luha.
Isaiah just sighed at isinara na ang pinto. Sinundan ko ng tingin ang kanyang pagpasok sa Cafe. He walks so smoothly, like a king… Nakakabwesit talaga! Kahit likod niya ay sobrang perpekto tingnan at masasabi mo talagang may guwapong hitsura!
Inabala ko ang aking sarili sa pagpupunas ng luha. Gusto ko nang tumigil sa pag-iyak pero sa tuwing naiisip ko na naroon parin siya sa loob ay sobra na naman akong nafufrustrate. Ang tagal tagal niya! Ano pa kayang alibi niya roon! Siguro ay nagsinungaling nalang siya. Siguro ay itinanggi niya!
Umiyak ulit ako sa frustration ko. Hinaplos ko pa ang aking tiyan at gusto na namang sumuka sa labis na pagkadismaya. Ang tanging nagpapakalma lang sa akin ay ang nalalanghap kong amoy ni Isaiah na tila pinapatahan ako sa labis na sama ng aking loob.
Lumabas rin naman siya ulit, dala dala na aking sling bag habang hinahaplos ang kanyang buhok at malalaki ang hakbang.
Sinundan ko siya ng tingin. Binuksan niya muli ang pinto ng drivers seat at inilagay ang aking sling bag sa likod.
Lumapit siya sa akin at hinila iyong seatbelt. Ang lapit lapit niya na pag umabante ako ay talagang mahahalikan ko siya.
Ikinabit niya iyon sa gilid at siniguradong hindi gaanong mahigpit iyon. Lumayo rin naman siya at nagconcentrate sa pagbuhay ng kanyang kotse.
Saan kami pupunta?Ihahatid niya ako tapos ano… babalikan niya ulit iyong babae? Naaawa lang siya dahil buntis ako kaya ganito siya sa akin?
“Nandito ang kotse ko at kaya kong umuwi,” sabi ko kahit na nagsisimula na siyang magmaneho at gumagalaw na kami paalis sa parking.
Kagat kagat ang labi ay hindi niya ako pinakinggan, ang buong atensyon ay nasa salamin para tingnan ang likuran.
Hindi nalang muna ako nagsalita. Noong nasa kalsada na talaga kami at nakikipagsabayan na ang magara niyang kotse sa iilang tumatakbo rin ay muli akong nagsalita.
“H’wag mo na nga akong ihatid,” giit ko sa pagalit na boses.
Nilingon niya ako, kalmado lamang ang ekspresyon.
“We’ll get your things first…”
Nagkasalubong ang aking kilay.
“Ano?” Parang mali kasi…
“I said we’ll get all your things,” sabi niya, mas malinaw na ang sinabi.
“Bakit?”
“You’ll live with me since you’re pregnant. I need to make sure the baby is okay…” makahulugan niyang sabi, ang tingin ay nasa kalsada at isang kamay nalang ang nagmamaneho sa mabagal na paraan.
Dahil lang sa baby… Concern siya dahil sa baby. Gusto kong mafrustrate at umiyak ulit pero may parte sa akin ang medyo kontento rin. Pero gusto kong mag-inarte. Ayoko rin kaya umiyak ulit ako.
Nilingon niya ako lalo na’t nagpupunas na naman ako ng luha.
“Stop crying. Hindi kita pababayaan,” aniya sa marahang boses.
Humikbi ako sa front seat. Nabubwesit talaga ako sa kanya! Nakakainis siya! Hindi ako natutuwa! Ayaw ko siyang kausapin.
Ganoon lang ako buong byahe. Umiiyak lang at tatahan tapos iiyak ulit. Isaiah was calm, pabalik balik ang tingin sa akin at sa kalsada. Kahit sinasabi niyang paninindigan niya ang baby ay masakit parin ang puso ko. Nafufrustrate parin ako. Ang rami rami kong iniisip.
What if gagamitin niya ang baby para gantihan ako sa ginawa ko eight years ago? What if paglabas ng baby ay iwan niya ako at kukunin lang iyon? I cried harder. Habang pumapasok kami sa building ng condo unit ay gumagalaw ang aking balikat kakaiyak.
Noong pumasok na ako sa aking condo ay nag-iimpake akong tumutulo ang malalaking luha. Tumulong naman siya at kagat kagat pa ang labi.
“Nandito na ba lahat ng gamit mo?” tanong niya nang buksan ang sliding door ng iba ko pang mga damit kung saan nakahanger.
Tumango ako at lumabas ng walk-in, dala dala ang iilan kong mga damit. Ano? Hindi ka man lang aatras? Gustong gusto mo rin eh… Paiyak iyak pa pero excited naman na nag-impake at hindi man lang tumanggi sa alok ni Isaiah! Ayun ang ibinubunganga ng mga inner demons ko sa akin, pinapagalitan ako.
Walang itinira na gamit si Isaiah sa aking condo. Lahat ng aking gamit ay pinagkasya niya sa dalawang bagahe ko. Noong izinipper niya iyon ay nagsalita naman ako.
“Bakit pa ako titira kasama ka kung pwede naman akong tumira sa parents ko. Makakadisturbo pa ako riyan sa mga pambababae mo eh kaya ko namang alagaan ang sarili ko,” galit kong sabi.
Ipinatayo ni Isaiah ang bagahe at hinila ang handle noon. Iyon rin ang ginawa niya sa isa saka niya ako tiningnan.
“I don’t want a scandal to stain my name. Hindi ako pagkakatiwalaaan ng mga clients ko kung pati pala ako ay hindi kayang solusyonan ang aking problema,” paliwanag niya na ikinakurap ko.
Clients? Iyong mga babae? Huh? Engineer ba siya?
Marahil ay napansin niya ang pagtataka ko. He licked his lips and brushed his hair.
“I’m a lawyer…”
46th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Floramae Ronquillo Salidad. Happy reading!
Baby
Sumusunod lang ako kay Isaiah na hinahakot ang aking mga gamit habang panay ang hikbi at hingos. Ang pula pula na ng aking ilong. Hindi pa matigil tigil ang aking mga luha.
Nafufrustrate ako. Napaghandaan ko naman sana na babalik siya sa akin pero dahil lang sa baby pero iyong pinapamukha niya talaga ay ang sakit sakit parin.
He’s a lawyer… at kliyente niya ang mga iyon. Really huh? Eh ba’t ganoon siya ka sweet sa kanila? Ano ’yan? May pa extra service si Attorney?
Inilagay niya ang aking mga gamit sa likod ng kotse. Pinalis ko ang mga luha at kasabay noon ang paglingon niya sa akin. May dinukot siya sa kanyang short at ibinigay sa akin ang panyo. Sa pagkairita ko ulit ay hinawi ko iyon kaya nalaglag na talaga sa sahig.
Nanliit ang kanyang mga mata sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Stop crying,” sabi niya, ang boses ay nafufrustrate narin.
“Anong gusto mo? Humalakhak ako? Tumawa tawa ako?”
Tumitig siya sa akin, kalmado lamang ang ekspresyon. Nagpunas ulit ako ng luha dahil mas rumagasa na iyon. Isaiah sighed heavily and pulled my waist closer to him.
Nagulat ako lalo na’t nadikit agad ako sa kanyang dibdib. Gusto ko sana siyang suntukin kaso masyado siyang mabango at doon na nabaling ang aking atensyon.
“Lumayo ka nga!” sigaw ko kahit na ako rin itong hindi umaatras.
Dinungaw niya ang aking ekspresyon, inangatan ako ng kilay.
“Push me,” nanghahamon niyang sabi at tila sinasamantala ang ginagawa kong hindi nagpupumiglas.
Itinulak ko nga siya. Galit ko siyang tiningnan. Napaatras naman ito at kinagat lang ang labi saka niya pinasadahan ng haplos ang buhok.
Umirap ako at naglakad patungo sa front seat para doon ituloy ang aking pag-iyak.
He was still busy outside with my things. Nililingon lingon ko siya roon at inaayos niya pa ang aking mga gamit. Nang napansin niyang tumitingin tingin ako ay agad akong umirap.
Nakakafrustrate si Isaiah! Sobrang nakakabwesit!
Pumasok rin naman siya sa drivers seat. Marahas kong hinila ang seatbelt para hindi niya na iyon gawin para sa akin. Isaiah watched me how I do it. Nang matapos rin naman ako ay tinakpan ko ulit ang mukha ko at umiyak ulit. Para akong namatayan sa laki ng mga luhang pinapatak! Basta sobra akong nafufrustrate sa kanya!
Tahimik siyang nagmaneho. Tumahimik rin naman ako sa gitna ng byahe at natuyo na ang mga luha. Nasa labas lamang ng bintana ang aking tingin at nakikita ko pa sa salamin ang pulang pula kong ilong. I should stop crying! Pero sa tuwing naiisip ko rin ang mga pinagsasabi niya, ang reaksyon niya, ay nafufrustrate lang ulit ako.
He only cares for the baby… Nanggaling talaga iyon sa kanyang bibig! Kahit man lang sana ipinaramdam niya sa akin na hindi siya nagsisisi pero taliwas sa gusto kong maramdaman ang ginagawa niya. I feel bad for myself and for the baby.
“I still have my meeting later and if you like… you can come with me-”
“Pakialam ko riyan,” putol ko sa galit na boses, hindi siya nilingon.
“Tapos pag iiwan kitang mag-isa iiyak ka lang buong oras?”
Hindi ako kumibo at tiningnan lang ang mga nalalagpasan naming mga kotse. Ayokong sumama sa kanya, sa mga lakad niya. Ipapamukha niya lang sa akin na nasa kanila ang buong atensyon niya. Ganoon naman ang gagawin niya. Siguradong sigurado ako.
“Those were just my clients,” sabi niyang muli, nagsasalita ng mag-isa kahit hindi tinatanong.
“Wala akong girlfriend doon,” dagdag niya pa.
Inisip ko ng mabuti ang kanyang sinabi. Walang girlfriend at kliyente lang lahat pero nagsusubuan, sinusundo at sobra pa siya kung makangisi! Talagang may pa extra service eh! Liar! I’ve seen how my cousin flirt with girls at tingin niya mapipikot niya ako?
“Eh ba’t hindi mo dalhin sa Restaurant? Ba’t sa Cafe ko pa?” matabang kong tanong.
“Malapit lang ang Cafe mo sa building kaya doon ko nalang dinadala ang mga kliyente ko to have our meeting. Lalayo pa ba ako?”
Tss… Excuses! Ako pa talaga! Ang sabihin niya ay pinapamukha niya lang sa akin na marami na siyang babae! Pwede naman siyang sa iba ah! At bakit? Cafe lang ba ang naroon? May mga Malls nga. May mga Restaurant rin sa unahan. Tapos sa Cafe pa talaga!
Hindi na ulit ako umimik at sobra na namang nabwesit. Attorney my ass. Puro pa babae.
Hindi ko talaga nilingon si Isaiah. Kahit silip man lang sa mukha niya hindi ko talaga ginawa. Pinanindigan ko ang tingin ko sa labas ng bintana kahit sumasakit na ang aking leeg. Hindi mawala wala ang pagkairita ko sa kanya. Hindi mawala wala ang frustrations at galit na nararamdaman ko.
Kahit noong tumigil kami sa isang parking lot sa loob ng isang building ay nauna agad akong lumabas at pinagbuksan ang aking sarili.
Lumabas rin naman si Isaiah kaya nauna akong maglakad at ayaw siyang tulungan sa aking mga gamit.
Noong lumingon ako ay seryoso niya nang hinihila ang lahat, hindi man lang nagkakasalubong ang kilay o nagagalit.
Iyon naman ang ikinabwesit ko. Ako lang ba ang nafufrustrate sa kanya? I want to frustrate him, too! Gusto ko parehas kaming nafufrustrate sa isa’t isa!
Kahit noong sumakay na kami ng elevator ay sobrang layo ko sa kanya at halos idikit ko na ang sarili ko sa dulo. Wala lang naman iyon kay Isaiah, na may malaking gap ang namamagitan sa amin at tahimik lamang siya. I don’t want to go near him!
Huminto ang elevator sa isang floor at may pumasok na lalake, ang mga mata ay mabilis na napunta sa akin.
“Come here,” ani Isaiah nang tingnan ako.
Umirap agad ako at humalukipkip. Akala niya ba natutuwa ako sa kanya?
Sumara ang pinto. Ang lalake ay pumwesto sa aking banda. Bago ko pa mapanindigan na doon lang ako ay hinila na ni Isaiah ang beywang ko papalapit sa kanyang dako.
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala iyong naging epekto sa kanya at ipinatili ang kamay sa gilid ng aking beywang. Tumingala nalang ako at pinanood ang bawat paggalaw ng numbers pataas.
Huminto iyon sa floor na pinindot niya kanina. Nauna agad akong lumabas. Nilingon ko siya na sumunod rin naman, hila hila ang aking mga gamit. Parang ang gaan gaan lang ng mga iyon dahil hindi man lang siya nahihirapan.
Mabagal nalang ang paglalakad ko hanggang sa lumebel na talaga siya sa akin. Pinakiramdaman ko lang kung saang pinto kami papasok.
Huminto rin naman siya sa isang pinto at nag-enter ng passcode doon. Masyado iyong bulgar kaya nasaulo ko agad sa aking isipan ang mga numero. Baguhin ko kaya iyon para hindi siya makapasok?
Pumasok rin naman kaming dalawa. Nakita ko ang magarang sala. Masyadong malaki ang space dahil limitado lang ang kanyang mga gamit.
Ang sahig ay mahogany at may carpet na kulay beige sa kanyang mga couches at naglalakihang sofa. May dalawang large sofas, sa harap ay dalawang maliliit na couch na pang isang tao lamang, at sa gitna ay ang mini table na pabilog.
Maganda ang kanyang hagdan na kumukonekta sa second floor. Kulay gold iyon at may pagka spiral pa ang style. Nang-init agad ang aking pisngi nang maalalang diyan ata kami nakabuo ng baby dahil diyan halos mabali ang aking back bone.
Nakaw pansin din ang artificial lighting na mala chandelier sa sala. Ang mahahaba niyang curtains ay kulay cream at may mga mwebles siyang kulay gold din. Kahit iyong stand ng kanyang lampshade ay kulay gold. Ang counter area ay may pagka cream din ang kulay at may nakasabit na parang design na kulay gold din.
I still remember his room. Doon lang ata ang pure black. Kung dito sa sala ay wala kang gaanong makikita na itim. Ah… Iyong malaking flat screen tv lang pala.
Nilingon ako ni Isaiah na naroon na sa hagdan kaya sumunod din ako dahil sa kanyang makahulugang paninitig.
Hinintay niya ako roon sa gitnang baitang at tiningnan ng maayos ang aking paghakbang.
“Careful,” sabi niya.
Umangat agad ang aking kilay roon. Sa pagkainis ko sa kanya ay nagdabog akong humakbang.
Tumalim agad ang kanyang mga mata sa akin. Umirap naman ako at nauna pa siyang lagpasan habang naglalakad ng padabog. Naka flats naman ako at nakahawak sa gilid kaya alam kong hindi rin ako matatapilok.
Noong nilingon ko siya ay nahuli ko itong ginulo ang buhok. Ngumisi lamang ako at naglakad ulit para maunang igala ang aking mga mata sa second floor.
Napansin ko agad ang transparent wall ng loob ng kanyang gym. So diyan siya nagwowork-out?
May dalawa pang pinto. Ang isa riyan ay kuwarto niya at ang isa naman ay siguro guest room. Doon ako naglakad nang huminto rin ako dahil sa kanyang pagsasalita.
“That room isn’t available…”
Mabilis akong lumingon at nakikita na siyang ipinapasok ang aking mga gamit sa kanyang kuwarto. Namilog ang aking mga mata at malalaki agad ang hakbang para sundan ito.
“Wala akong sarili kong kuwarto?!”
Bumuntot ako sa likuran ni Isaiah at iyon ang ipinagmamaktol. No! Ayoko rito sa kuwarto niya! Hindi ako makakatulog! Mabubwesit lang ako sa mukha niya! No! I don’t want to be with him inside his room! Ayoko!
“At bakit gusto mo ng sariling kuwarto?” tanong niya habang ipinapasok ang aking mga gamit sa walk-in.
“Gusto ko sa guest room ako!” giit ko.
Binuksan ni Isaiah ang aking bagahe at itinuon ang buong atensyon sa pag-aayos ng aking mga damit.
“I told you it’s not available,” sabi niya nang sinimulang ihanger ang iilan kong dress at inihalo sa kanya.
“Edi saan ako?”
“Sa kuwarto ko,” simple niyang sagot.
Nalaglag naman ang aking panga. Ayoko rito! Ayoko siyang makatabi! Hindi pwede!
“Are you kidding me?!” Nanliit ang aking mga mata sa kanya.
Nilingon niya ako saglit pero itinuon din sa paghahanger ng aking mga damit.
“Gusto mo sa sofa?”
“Ikaw sa sofa,” giit ko naman.
“This is my place. Sa kuwarto tayong dalawa.”
“No!” Protesta ko agad.
Umangat ang isa niyang kilay sa akin, ang tingin ay nanunuya na at nagawa pa akong pasadahan noon. Shit talaga! Napakabwesit.
“Anong ikinakatakot mong makatabi ako eh nagbunga na nga… We can do it many times since you’re already-”
“Fuck you!” putol ko at namula ang pisngi sa kanyang sinabi.
Anong we can do it?! Is he crazy?! Nagkasundo lang naman kami at pumayag ako sa gusto niya dahil sa baby lang naman ang concern niya. Eh ba’t sinasabi niya riyan ngayon na pwede namin iyong gawin?! Ano kami, mag-asawa!
Hindi niya pinansin ang pagmumura ko at iyong isang bagahe naman ang binuksan. Inilabas niya roon ang aking mga sandals at binuksan ang sliding door sa ibaba saka niya iyon doon inilagay.
I hate that he’s so calm at ako itong sobra talagang nanggigigil! Nakakainis at siya ang nasusunod! Nakakainis at parang pinapaikot ikot niya ako sa kanyang palad!
Binuksan niya ang panibagong zipper ng loob noon at tumambad ang aking mga underwears. Napatitig siya roon at dahan dahan akong tiningnan.
Namula ako ng husto. Sa aking inis ay iniwan ko siya sa walk-in at umupo na lamang ako sa kama dahil nahihilo na naman ako. Bahala siya roon…
Hinubad ko ang aking flats at iniangat ang aking mga paa roon saka ako sumandal sa headboard. Hinipo ko ang aking ulo.
Nasobrahan na ata ako sa pag-iyak iyak kaya heto ako ngayon, nanghihina na naman at napapagod sa mga simple kong ginagawa.
Lumabas rin naman si Isaiah at napansin ang ginagawa kong paghilot sa aking ulo. Umirap akong muli. I hate him alot! H’wag na h’wag niya akong malapit lapitan at tatadyakan ko talaga siya.
Ewan ko kung ano ang nagtulak sa aking mga talukap na bumigat. Isaiah was busy doing something on his laptop habang nakaupo lamang ako sa kama at naeenjoy ang nalalanghap kong pabango niya.
Even his pillows smell like him! Pinagkukuha ko iyon at inamoy amoy. It really smells like him! Pati iyong kumot ay hinila ko pa at iniyapos sa aking katawan. It smells like him! Sobra akong natuwa roon na humiga na talaga ako para lang balutin ang aking sarili ng kumot. I hugged some of his pillows hanggang sa iyon na ata ang nagtulak sa akin para makatulog ng mahimbing.
Alas singko y media na pala. Malapit nang mag gabi. Iginala ko ang aking mga mata at ang agarang napansin ay ang tray na may pagkain sa bed side table. May dalawang putahi roon ng pagkain at meron ding pineapple juice in a can.
Ngumuso ako at bumalikwas sa pagkakahiga. Nagsquat ako sa harap noon at inamoy ang kanyang niluto. It doesn’t smell like him. Are you crazy?!
Kumain na lamang ako habang naglalaro sa aking isipan ang topless na si Isaiah at niluluto iyon. Napansin ko pa ang note sa gilid kaya binasa ko iyon.
I’ll be back later at six. We’ll have dinner together.
Oo nga pala… Ang sabi niya ay may appointment pa siya sa kanyang kliyente mamaya. So what? Pakialam ko riyan sa pinaggagawa niya. Okay lang naman sa akin kahit gabihin siya o di kaya ay madatnan pa siya ng hating gabi.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko rin naman iyon at lumabas ng kanyang kuwarto.
Nagtungo ako sa ibaba. Nagpunta ako sa kitchen area at inilagay ko iyon sa sink. Pinaandar ko ang gripo nang mabasa ko roon ang sticky notes.
Just leave the plates. Ako na ang maghuhugas mamaya.
Napataas ang kilay ko roon. Bakit ba basang basa niya ang aking mga galaw? Creepy!
Iniwan ko nga iyon doon at nagtungo sa sala. Naghanap ako ng sticky notes pero wala nang nakalagay. Hmm… Doon ako pumunta sa may pinto at hindi nga ako nagkamali! Mayroong sticky note na nakalagay.
Go back to our room.
Bumungisngis ako lalo na’t naririnig ko talaga ang kanyang boses sa aking isipan. Ba’t niya alam na pupunta ako rito? Bumalik nalang ulit ako sa second floor. Nagtungo ako roon sa guest room at sinubukan iyong buksan but it’s really lock. Napaismid ako at walang nagawa kundi bumalik sa aking daan.
Pumasok ulit ako sa kanyang kuwarto. Sumalubong agad ang kanyang bango kaya napahikab ako. Sa condo ko hirap na hirap akong matulog at nagpupuyat pa ako pero rito parang bawat minuto ata akong inaantok. Naamoy ko lang siya ay kumakalma na ako at gusto na ulit humiga sa kanyang kama.
Siguro dahil iyon sa baby? I think the baby likes his scent. Imposible namang ako! Ba’t naman ako maaadik sa amoy ng Isaiah na iyon. Hindi naman purket dito niya ako pinatira ay bati na kami. I am still mad at him. Wala akong specific reason pero basta ay galit ako sa kanya.
Gumala ako sa kanyang kuwarto. Binuksan ko pa ang sliding door ng veranda para makapasok ang hangin. Isinuot ko ang pares ng kanyang indoor slipper at nangalkal din sa kanyang walk-in.
Ang mamahal na ng mga gamit niya. Lahat ay puro branded at kahit ang mga sapatos ay ganoon din. He also got his expensive perfume. Nakalinya iyon doon kaya kumuha ako at nagspray sa paligid.
Binuksan ko isa isa ang sliding door. Kahit ang mga drawer na may mga boxers niya ay pinakialaman ko rin. Calvin Klein huh… And some of it were black!
Isinara ko naman iyon at iyong sunod na drawer ang binuksan. Marami siyang ties, probably for his work. Mayroon nga rin siyang mga nakahanger na suit, at iyong iba pang mga damit ay puro na maiitim.
Hinalo niya ang mga gamit ko sa kanya kaya naging makulay na iyong tingnan since I love light colors. Masyadong naging girly tingnan iyon at noong inihalo sa itim niyang mga damit ay naging maganda tingnan ang blending.
Nagbihis narin ako ng pambahay. Nagsuot ako ng sando bilang top at pajama. Lumabas din naman ako roon pagkatapos at iyong loob naman ng fridge ang aking tiningnan.
Pagkabukas ko ay bumungad agad ang sari-saring mga chocolates! Lahat ng nasa loob ay puro lang matatamis! Ang rami niya ring pineapple in a can. May sanmig siya pero mas marami talaga ang mga pineapple.
Gusto niya bang magka diabetes? I can’t remember him eating too much sweets. Kumuha ako ng kitkat at binuksan iyon saka ko pinakialaman ang kanyang shelves.
May mga books na nakadisplay roon. Iyong iba naman ay mga frames. He got this picture in New York Times Square where he just stood in the middle wearing a black jacket, wearing dark pants and his favorite black boots while his hands were on his pocket.
Seryoso siyang nakatingin sa camera. Ang buhok ay medyo buhaghag pa at nakunan pa sa pictures kung paano siya nilingon ng grupo ng mga babae. Sino rin bang hindi mapapalingon sa godlike na si Isaiah?
Lumipat naman ako sa isa pang picture. Now I have a clearer view of his baybayin portrait tattoo! It’s four letters! Kumalabog agad ang dibdib ko. Baka naman ZERA? How do you write that in Baybayin?
Inisip ko iyon habang kinakagatan ang aking hawak na kitkat. Noong maubos ko iyon ay tumakbo ulit ako sa kanyang fridge at kumuha ng isa pa.
Hindi naman siguro iyon magagalit. At ang rami niyang chocooates! Pasalamat nga siya tinutulungan ko siyang kumain since I really love eating sweets.
Noong mapagod ako ay ang malaki niyang tv naman ang aking pinakialaman. Marami siyand dvds kaya nagkalkal ako ng pwedeng panoorin. More on action movies iyon pero may ibang humahalo na… err… Romance? Are these porns?
Should I watch it, too? Kahit isa lang? I’m curious… Pero baka madatnan niya akong nanonood ng ganoon at baka ano pang isipin niya kaya ang ginawa ko ay ibinalik ko nalang iyon sa dvd rack kung saan iyon nakalagay.
Nanood nalang ako ng tv. Marami namang movies sa HBO saka ako muling tumakbo patungo sa fridge para kumuha ulit ng makakain. Nakakailang kuha na ako. Maybe I’ll just pay it? Baka kasi magalit ang masungit na iyon.
Umupo ako sa kanyang kama habang yakap yakap ang unan. I’m not familiar with the movie. Naghahalikan na roon ang mga bida habang itong utak ko naman ay nakikita ang paghahalikan namin ni Isaiah! Goodness! Bigla akong kinabahan. Napagtanto kong kami lang talaga dalawa rito. There’s a big possibility that we’ll kiss again lalo na’t nasa iisang kuwarto pa kami.
Duh. He’s busy! Pag umuwi siya ay matulog kana lang. At pag aalis siya ay gumising ka ng matagal. Plus his bed is king size! Pwede namang hindi magdikit! Ang dali lang noon!
Chineck ko ang suot kong relo at six thirty na. He told me six palang ay nandito na siya ah? I even checked his note again at six talaga ang nakalagay roon! Napakasinungaling! Napasarap siguro ang date nila ng client niya kaya nakalimot na siya sa pinagsasabi niya!
Iyon na ang nagpabwesit sa akin. Iritang irita ako at hindi na ako makapagconcentrate sa panonood. Bawat minuto ay chinicheck ko ang oras at wala pa talaga siya! I am alone… Baka nakalimutan niya na nandito ako? Nawiwili talaga iyon eh!
Patulo na ang aking mga luha. Konti nalang ay iiyak na talaga ako nang may marinig rin ako sa labas. Mabilis akong umayos at itinuon ang aking atensyon sa tv kahit na hindi ko na naiintindinan ang nangyayari.
Isaiah opened the door. Nakita ko siyang pumasok dala ang kanyang briefcase while he’s wearing a suit. Tiningnan ko lang siya saglit lalo na’t hindi ko matiis ang kanyang kagwapuhan. Isang sulyap lang naman…
“I’m late… Medyo natagalan sa hearing,” sabi niya at naglakad patungo sa akin.
Bumilis agad ang kalabog ng aking dibdib.
“Pwede ka namang magpagabi ah? Ano ako… selosang asawa mo?” pagtataray ko para pagtakpan ang umaahong kaba.
Isaiah put his briefcase on the bedside table at mas lumapit sa aking gilid, hindi pinansin ang aking pagtataray. He looks very serious habang ang mga mata ay pagod. Bago ko pa mahulaan ang gagawin niya ay yumuko na siya at pinatakan na ako ng halik sa aking ulo.
Agarang nagwala ang aking inner demons. Ang aking puso ay mas lalong kumalabog. Naghuramintado ang aking sistema at walang humpay na ang pag-alon ng aking tiyan. I can smell him… Sobra sobra akong naaadik sa pabango niya na gusto ko pa siyang hilain palapit.
Nagpigil ako at tiningnan ang tv na hindi ko na talaga naiintindihan ang nangyayari. Ipinagsalubong ko ang aking kilay at bumusangot para pagtakpan ang aking nararamdaman sa loob habang nakahalukipkip.
“Let’s have our dinner,” bulong niya at hinaplos ang aking siko.
Tipid na lamang akong tumango. Tumayo naman siya ng tuwid at tiningnan ang mga nagkalat na wrapper ng kinain ko sa bedside table.
“Kumuha ako. Babayaran nalang kita-”
“That’s all yours,” sabi niya habang hinuhubad ang suit.
Naiwang nakaawang ang aking bibig. Ang kanyang mga mata ay bumaba naman sa botones ng suot niyang long sleeve white polo. Natutop ang aking mga labi at lumunok. Shit… Shit!
“Babayaran parin kita!” giit ko kaya sumulyap siya sa akin, ang mga mata ay namumungay habang kinakalas isa isa ang botones.
Napasigaw na ako sa aking kalooblooban. I can’t take it! Gusto kong takpan ang mukha ko. Gusto kong magtago! His stares are just too much!
“Binili ko ’yan para sa’yo,” sabi niya sa baritonong boses at tuluyang hinubad ang natitirang saplot sa itaas.
Kitang kita ko kung paano nagflex ang kanyang muscles. Bumalandra sa akin ang matigas niyang abs na batak na batak, ang kanyang biceps… ang katawan niyang nakakatirik ng mga mata pag tititigan mo iyon ng sobra!
Ngumuso ako at nag-iwas.
“Iyan ba ang pinaglilihian mo?” he asked me curiously.
“Hindi,” sagot ko, padabog ang pagkakasabi.
Humilig siya sa bawat gilid ko at lumebel ang mukha sa akin. The intensity of his stares almost choke me. Ang lapit lapit na naman ng guwapo niyang mukha at parang wala talaga akong kawala dahil kinulong niya ako sa matitigas niyang mga bisig.
“What does my baby wants then?” tanong niya sa malalim na boses.
Hindi ako halos makatingin kahit na pinapanindigan ko ang inis sa aking mukha. My toes curled because of his manly voice. Hindi ko makayanan…
Iyong baby naman sana ang tinutukoy niya pero bakit nagfefeeling ako na ako ang baby niya?! God… damn it!
I felt his hand on my stomach. Nanindig ang aking balahibo nang hinawakan niya ang dulo ng suot kong top at inangat iyon.
“Isaiah!” saway ko sa sobrang pamumula!
Hindi niya ako pinakinggan at yumuko roon para makalebel ang aking tiyan saka niya pinatakan ng maliliit na halik, ang labi ay sobrang nanunuya at nakakaputol ng hininga.
Nangilabot ako roon. His lips feels so good on the skin of my stomach. Para niyang kinukumusta ang baby sa pamamagitan noon. Nanigas na lamang ako at sobra sobra nang sumasabog ang aking pakiramdam.
Tumingala siya at tiningnan ako ng malalim. Kinagat ko ang aking labi at sinikap na hindi mamula kahit alam kong huli na ang lahat.
“Gusto mo rin?” mapang-uyam niyang tanong na ikinalaglag ng aking panga.
Ngumisi siya na ikinalitaw ng kanyang dimple at tumayo. Pinulot niya ang kanyang mga damit sa kama at naglakad na patungong walk-in.
Shit… Halos kapusin ako ng hininga. Sinapo ko ang dibdib at paulit ulit na ang paglunok. Darn him! Napakalandi!
47th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Shaniah Faith Pareñas Terig. Happy reading!
Chance
Habang nagbibihis si Isaiah sa walk-in closet ay pilit ko namang tinatali ang aking katinuan sa akin para hindi na ako layasan pa. Ayokong makita niyang may epekto iyon sa akin. I want him to think that I am just here because of the baby.
And he told me he only wants this to avoid creating a scandal that can stain his name as a lawyer. Kung iyong baby lang naman ang dahilan ng lahat ng ito edi iyon nalang.
But a part of me still hopes for something… Gusto kong isa sa maging rason kaya niya ito ginagawa. Gusto kong magkaroon ng parte sa buhay niya, hindi lamang ina ng anak niya kundi dahil may iba pa.
Isn’t that too much, Zera? You’re asking too much… Ang kaya niya lang ibigay ay ang responsibilidad niya sa bata. Pero iyong hinihiling mo ay parang imposible na ata.
I just sighed about it. So dito ako for nine months? Anong mangyayari sa siyam na buwan na iyan? Ngayon pa nga lang na wala pang isang araw ay hindi ko na kinakaya ang ginagawa niya, sa mga susunod na araw pa kaya? Baka malunod na ako sa nararamdaman ko para sa kanya at sa huli ay ako na itong magmakaawang h’wag niya akong iwan.
Tinigil ko nalang ang pag-iisip ng ganoon nang mafrustrate na naman ako. Lumabas rin naman si Isaiah. Naka sweatpants na at plain black vneck tshirt na. Hinahawakan niya ang buhok habang lumalabas doon at sobrang guwapo talaga.
Sabay kaming nagdinner noong gabing iyon. Tahimik lang naman kaming dalawa habang kumakain. He’s probably tired kaya hindi na masyadong nag-iinitiate ng topic.
O baka naman ayaw niya lang talaga akong kausap?
Siya ang naghugas ng aming pinagkainan. Hindi ko na siya hinintay at nauna na ako sa kuwarto. Humiga ako roon at nagpanggap nalang na tulog na.
Noong pumasok siya ay nakapikit na ako. Kumalabog agad ang aking dibdib. Makakatabi ko siya sa kama. Iniisip ko palang na kaonting espasyo lang ang pagitan naming dalawa ay bigla na akong pinagpapawisan.
Naramdaman ko ang pag-alog ng kama. Dumilat ako at nilingon siya sa aking likuran. Nakita ko siyang nakasandal sa headboard habang may laptop sa kanyang mga hita.
Napansin niya ang paglingon ko kaya tiningnan niya rin ako.
“Busy ka parin sa kliyente mo? Hindi ka nakontento sa date niyo kanina?” matabang kong tanong.
“Let’s mind our own business…” sagot niya na ikinairap ko.
Sige ha! Walang pakialamanan! Walang patungan!
Sa aking inis ay hinila ko ang kumot ng marahas. Inangat niya naman ng kaonti ang kanyang binti lalo na’t naiipit niya iyon. Ibinalot ko ang aking sarili at umusog pa palayo sa kanya, halos nasa dulo na ako ng kama.
“Careful,” sabi niya na ikinairap ko lang at palihim na ginaya ang kibot ng kanyang labi sa maarteng paraan.
Gusto ko nalang maunang matulog. Gusto kong h’wag nang pansinin si Isaiah pero sa tuwing nililingon ko siya at nakikita itong busy parin sa kanyang laptop ay nafufrustrate na naman ako.
“Hindi ka pa matutulog?” tanong ko sa nagkakasalubong na kilay.
Umiling siya, nasa laptop ang buong atensyon.
“You go first,” aniya.
Umirap nalang ulit ako. Pumikit ako ng ilang minuto at pinilit ang aking sarili para makatulog pero hindi ko talaga magawa. Isaiah is getting my attention!
Nilingon ko siyang muli sa aking likuran. Hinuli niya naman agad ang aking mga mata. Umirap ulit ako at pumikit. Bakit ba hindi pa siya natutulog?
Pinalipas ko muna ang ilang minuto. Pero noong hindi ulit ako makatiis ay nilingon ko siyang muli. Isaiah sighed and close his laptop.
Kumurap naman ako nang makita ko siyang itinatabi na iyon. Matutulog na ata siya.
Hinila niya ng suot na tshirt. Akala ko ay iyon lang ang huhubarin niya pero nagulat ako nang pati ang kanyang sweatpants ay hinubad niya rin.
“Ba’t ka naghuhubad?” tanong ko.
“I sleep naked,” sabi niya sa baritonong boses na ikinalunok ko.
W-What? He sleeps naked?! Namula ang aking mga pisngi at mabilis na ibinalik ang tingin sa harapan. Shit… Walang patungan ha! Wala talaga!
Pumikit ako at gusto nalang itulog ang aking mga pinag-iisip. Gumalaw ulit ang kama dahil sa kanyang paggalaw hanggang sa naramdaman ko ang kumot kong hinihila niya na ang kalahati.
Oh my gosh! Don’t tell me share rin kami ng kumot?!
“Why are you pulling my comforter?!” Pinaningkitan ko siya ng mga mata nang lingunin ko siya sa aking likuran.
“It’s cold…”
Ang galing galing, Isaiah! Malamang malamig dahil may pahubad hubad ka pang malalaman tapos ngayon magrereklamo ka pala!
“Wala ka bang isa pang kumot?” Sinimangutan ko siya.
“Wala na,” sabi niya at umabante pa, hinihila lalo ang kumot para takpan ang katawan.
Is he even serious?! Ang yaman yaman niya tapos isa lang ang kumot?
Hindi ko nalang iyon pinansin at ibinalik ulit ang tingin sa harap. Hindi ko na magawang pumikit lalo na’t nararamdaman ko ang pag-usog ni Isaiah sa aking tabi. Naramdaman ko pa ang paa niya na malapit narin sa aking paa. “Dumidikit kana,” inis kong bigkas nang nilingon ko siyang muli.
Nagsisiksikan na kami rito sa kalahati ng kanyang kama at sobrang laki ng space roon sa kabila!
“I need to get closer to my baby…” aniya.
Namula ako roon ng husto. Damn it. Who’s your baby, Isaiah?!
Ginaya niya ang aking posisyon na patagilid pero sa pagkakataong ito ay nakaharap na sa aking likuran. He even pulled my waist closer to him.
“’Yung baby sa tiyan mo,” dagdag niya pa at naramdaman ko ang hininga niya sa aking batok, tila nababasa ang nasa aking isipan.
Mariin akong napapikit. I like the feeling he’s giving me but I can’t just fully give-in! Marupok na nga ako tapos magpapakarupok pa ako lalo sa kanya!
“Bakit? May sinasabi ba ako?” iritado kong tanong habang dahan dahan niya na akong dinidikit sa kanyang katawan.
“So my baby is jealous with our baby, huh…” he whispered huskily.
Nanindig ang aking balahibo sa batok. Nagpumiglas ako sa kanyang tabi at gustong lumayo pero ayaw akong pakawalan ni Isaiah.
“Kahit kailan talaga napakaselosa mo…”
Buong mukha ko na ang uminit. Kung pinagtitripan niya lang ako ay hindi na talaga ako natutuwa! I just can’t take him! Marahil ay nag-eenjoy siya dahil napapansin niyang may epekto iyon sa akin!
Kumalma rin naman ako at hindi na nagpumiglas pa. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking batok. Naaamoy ko siya. Napakainit ng yakap niya na bumibigat agad ang talukap ng aking mga mata.
Mabilis akong nakatulog. Sobrang komportable noon sa pakiramdam na hindi ko na pinilit ang sarili kong matulog pa dahil para na akong hinihele.
Iyon nga lang, ginising ako ng pagsusuka. Nagtatakbo ako sa cr sa umagang iyon at halos maiyak sa loob ng cr.
Nagising si Isaiah at tinulungan ako. He even prepare a hot milk for me.
Kung pwede sanang doon nalang siya buong araw. Iyon sana ang gusto ko… Kaso noong nakatulog ulit ako ng tanghali, pagkagising ko ay nag-iwan nalang siya ng note at nakasulat doon ang oras ng kanyang pag-uwi.
Nanood lang ako ng movie, kumain, naglibot libot, nabored, kumain ulit at nanood ng panibagong movie. Alas otso na ng gabi noong umuwi siya at nagluto ng dinner para sa aming dalawa.
Nakahawi lahat ng kanyang high curtains at kitang kita ang citylights sa labas. Maganda ang kabuuan habang hinihintay ko siyang matapos magluto sa inuupuan kong sofa. It took him thirty minutes at pagkatapos noon ay ipinaglalapag niya na iyon sa four seated table. He even pulled the chair for me at inalalayan pa ako. Hinayaan ko lamang siya since I know he’s doing it because I am pregnant and he only cares for the baby.
Tatlong putahi ang niluto niya. I always know he’s good at cooking kahit noon pa man at ako lamang itong hindi marunong.
“Alam na ba ng mga magulang mo ang kalagayan mo?” tanong niya bigla, sa kalagitnaan ng katahimikan.
We haven’t talk about this last night. Nawala rin kasi sa isipan ko.
Dahan dahan akong umiling.
“Hindi pa. Sasabihin ko pa lang,” sabi ko na ikinatango niya at nalaglag ang tingin sa pagkain.
“Tell me when para maibakante ko ang schedule ko.”
“Bakit?”
Sumubo muna si Isaiah, ang tingin ay nagtagal pa sa akin kaya sumubo rin ako.
“We’ll both tell them about the baby,” simple niyang sabi.
Iyon rin naman ang plano ko. Ang gusto ko talaga ay sabihin sa kanila na kasama siya para wala masyadong tinatanong si Daddy at Mommy. Ayoko ring makaabot pa sa aking mga pinsan at baka magkagulo lang. Lalabas kasi na binuntis ako at parang walang balak na panindigan o kung pananagutan man ay parang dahil lang sa baby.
Kahit mapaniwala ko nalang sila na hindi ganoon ang mangyayari. That Isaiah and I both like what happened. Kahit ganoon nalang siguro kahit ang totoo ay inaalagaan lang talaga ni Isaiah ang pagiging abogado niya.
I ate silently. Parang nakakapagod rin pala siyang tarayan. Tahimik lang rin siyang sumusubo at pinapakiramdaman ako dahil sa madalas niyang pagsulyap sa akin.
“This Sunday…” panimula niya, binabasag ulit ang katahimikan.
Kinuha ko ang baso. Bago ko pa mahawakan ang pitsel ng tubig ay naunahan niya na ako at siya ang nagsalin ng tubig sa aking baso.
“Let’s go out this Sunday,” sabi niya habang nakatingin sa pag-agos ng tubig sa loob.
Ano ’yan? Date?
Inilapag niyang muli ang pitsel. Naghintay naman ako ng kanyang idudugtong doon.
“Wala nang laman ang fridge ko kaya mag grocery tayo. I’m also planning to buy you a ring,” casual niyang sabi at ginalaw muli ang pagkain.
“Singsing?” Nagkasalubong na ang aking kilay.
Tumango siya, wala sa akin ang mga mata.
“You need to wear a ring and act as my fiance since I don’t want my clients to think that I’m not a responsible man,” aniya.
Napakawalanghiya talaga! Hindi pa nakontento sa pagpapatira niya sa akin at may mga reklamo pa siya. Eh ba’t hindi niya nalang ipaliwanag na nabuntis niya lang ako?
“Dadalhin rin kita sa ibang meetings ko and you can also visit me in my office so I want you to wear a ring. I want them to think you’re my fiance since you’re pregnant,” he said coldly.
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko nakakaya ang ugali niya. Baka sa susunod ay may iba na siyang hilingin? Sa susunod ay gusto niya naring magpanggap na asawa niya ako. O kaya ay ikinasal kami at pakulo lamang para hindi mapahamak iyang pangalan niya, na hindi siya magka issue.
Hindi ako kumibo roon at sumubo na lamang. Nabubwesit na naman ako sa kanya. Kahit noon pa ay masama na talaga itong ugali ni Isaiah. May pagkasa demonyo rin talaga!
Uminom ako ng tubig at padabog iyong inilapag. Hindi man lang siya nagulat doon.
“Total magaling ka namang lawyer, pagkatapos kong manganak ay doon narin natin pag-usapan ang custody ng bata. Hindi ako madamot, Isaiah. You can visit our child sometimes,” sabi ko sa matabang na boses, gusto naring higitan ang kanyang mga alok at makipagsalpukan sa kanya.
Hindi niya ako tiningnan. Seryoso lang ang kanyang ekspresyon habang kumakain.
“We can fake a marriage-”
“Don’t you fucking use me just to save your fucking name as a lawyer,” putol ko at sumabog na sa galit.
Isaiah glance at me. His eyes were cold.
“I want our child to carry my name and you need to marry me for that,” he said desperately.
Nailing ako at matabang na napakangisi.
“Ano ka sinuswerte? Pwedeng dalhin ng bata ang apelyido mo nang hindi tayo nagpapakasal,” giit ko sa galit na boses.
His eyes sharped at me. Desperada rin akong nakipagtitigan sa kanya, matapang iyong sinalubong at ipinaparating na hinding hindi niya ako mapapaikot. Sapat na iyong pumayag ako sa iba niyang alok pero iyong papakasalan ko lamang siya dahil may pangalan siyang iniingatan at gusto niyang dalhin ng bata ang kanyang apelyido ay hindi na ako makakapayag. May hangganan ang pagtitimpi ko sa kanya. May hangganan at limitasyon ang lahat ng ito at hindi niya pwedeng ipilit ang mga hindi ko gusto.
“Do you want our child to get bullied? Hindi mo bibigyan ng buong pamilya ang anak natin?” Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.
At kasalanan ko pa ngayon?! I was thinking about it, too! Pero iniisip ko palang ang ugali niya, ang lahat ng ito, ang paggamit sa amin ng baby para lang maging malinis ang pangalan niya ay sumusobra na! I’d rather live alone with the baby! Hindi ko kaya iyang mga kondisyon niya!
“Hindi ko kayang pakasalan ka, Isaiah! You get it?!” Tumaas na ang aking boses sa sobrang galit na namuo sa aking puso. He’s just too much!
Nagloosen ang kanyang balikat. Ang bibig ay natutop ang dumaan ang galit sa kanyang mukha.
“Magaling ka naman sa kama ’di ba? Ipinagmayabang mo pa iyan noon. Sa lahat ng ikinama mo, ba’t ako pa ang binuntis mo kung ipapamukha mo lang pala sa akin na magiging sabit lang kami sa pagiging abogado mo?” Nagbagsakan agad ang aking mga luha, hindi na kinaya ang nagpapafrustrate sa akin.
Tumahimik siya at nag-iwas ng tingin, ni hindi na nagalaw ang pagkain. Pinalis ko ang mga luha at mariin siyang tiningnan.
“I will never going to marry you.” Tumayo ako at umalis sa aking upuan.
Umakyat ako sa second floor dala dala ang mabigat kong puso habang umiiyak na. He’s really too much! Sana pala ay hindi nalang ako pumayag na tumira rito kung ganyan lang ang maririnig ko sa bibig niya!
Okay na sana iyong panindigan niya ako dahil may malasakit siya sa baby. Tanggap ko na sana iyon pero ang iparamdam niya sa akin na minamantsahan ko lang ang pagiging abogado niya ay sobra ko nang ikinadismaya.
Parang… Parang nabasura ang pagsasakripisyo kong pakawalan siya. Ngayon na dumidikit na ulit ako sa kanya ay pakiramdam ko ako na naman ang may kasalanan na maaaring masisira ang reputasyon niya dahil lang buntis ako.
How dare him!
Hindi ko kinaya ang bigat ng aking nararamdaman. Para akong mababaliw kakaiyak at sobra talagang naninikip ang aking dibdib.
I don’t want to be with him. Gusto ko nalang magback-out. I hate living with him! He’s stressing me! Mas okay pa sigurong sa bahay nalang ako.
Nagtungo ako sa walk-in at hinila ang aking bagahe. Naiiyak akong pinagkukuha ang aking mga gamit. He’s frustrating me!
Padabog kong pinagkukuha ang lahat ng iyon at deri-deritso na ang pagpasok sa bagahe. Ang iilang hanger ay gumawa pa ng ingay dahil sa marahas kong pagkakahablot.
Pinalis kong muli ang malalaking luha. Hindi ko kayang manirahan dito kung ang sasakit ng sasabihin niya. I already suffered from the pain I caused him pero kung sasaktan niya lang ako ngayon at buntis pa ako, hindi ko talaga alam kung mapapatawad ko ba siya kung may nangyari sa baby. He’s such an asshole!
Narinig ko ang kanyang yapak. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.
Ilang sandali lamang ay may pumigil na sa akin. Naamoy ko siya sa aking likuran.
“You’re not leaving this place,” malamig niyang sabi at hinila ako palayo sa mga damit.
Agad akong nagpumiglas. Humarap ako sa kanya at sinapak ang kanyang dibdib. Sa sobrang tigas noon, sa aking galit ay sinuntok ko na talaga para lang maipasa sa kanya ang frustrations ko.
“At bakit hindi ako pwedeng umalis, ha?! Dahil nabuntis mo ako?! Dahil lang may paninindigan ka sa akin?! You’re stressing me, Isaiah!” Nanghina ako sa huling subok kong suntukin siya.
“I admit I was wrong when I hurt you! I admit I was at fault, too! I was y-young and immature! I was weak and scared! P-Pinagsisihan ko naman iyon! Pinagsisihan ko ang pananakit ko sa’yo pero k-kung gagantihan mo lang a-ako dahil doon ay hindi kita papayagan sa pagkakataong ito! You’re going to kill me!” Itinulak ko siya ng malakas habang bumabagsak ang aking mga luha.
Isaiah licked his lips as his jaw clenched. Tumalikod akong muli at gusto nang paghihilain ulit ang aking gamit nang pinigilan niya ulit ako sa aking binabalak.
“Bitiwan mo ako!” sigaw ko at nagpumiglas.
Pinihit niya ako paharap sa kanya hanggang sa niyakap niya agad ako ng mahigpit. He breathe heavily on the skin of my neck as I tried to push him away.
“Bitiwan mo ako, Isaiah!”
“Wala akong planong gantihan ka, Damonisse. Fuck. I never planned of hurting you!” pag-amin niya at mas humigpit ang yakap.
“S-Sa ginagawa mo… Sa pinaparamdam mo… Alam ko na agad. You just want to get even… D-Dahil sinaktan kita noon… I am ready for my karma but please Isaiah, I-I’m pregnant! Hindi mo ako pwedeng durugin ngayon dahil mahina ako! L-Lumaban ka naman sana ng patas!” Humagulhol na ako.
Isaiah cursed and hugged me tighter. Itinulak ko siya pero hinang hina na ako para gawin iyon. Mas niyakap niya lang ako ng mahigpit.
“I’m sorry… I… I didn’t mean to… fuck.” He breathe heavily again.
Ang mga kamay kong nasa kanyang dibdib ay kumuyom na roon. Hinila ko ang kanyang suot sa sobrang sakit ng aking nararamdaman.
“Ihatid mo nalang ako pauwi, p-please… A-Ayoko na rito…” bulong ko, halos magmakaawa nalang.
Naramdaman ko narin ang pagkabasa sa aking leeg. Doon ko napagtantong umiiyak narin siya dahil sa panginginig ng kanyang labi.
“Fuck… I really don’t know how to make you stay… Palagi nalang nauuwi sa ganito. Sa huli… Sa huli ay iniiwanan mo lang rin ako,” he whispered with so much pain.
Hindi ako nakaimik doon pero patuloy parin ang pag-agos ng aking mga luha. I don’t understand him.
“Nakakatakot kang mahalin ng sobra sobra dahil pag nakita mong baliw na baliw na naman ako sa’yo, tatalikod ka rin at iiwanan ulit ako,” dismayado niyang sabi.
“D-Dahil sa tuwing minamahal kita ay pakiramdam ko… pakiramdam ko ako ang sisira sa’yo, Isaiah! You got jailed because of me! You lost your scholar because of me! P-Pinagsisihan kong nakilala kita dahil sinira ko ang mga pangarap mo! T-Tapos ngayon… Tapos ngayon ipapamukha mo pa sa akin na… na ako lang ulit ang makakasira ng pangalan mo dahil sa baby natin… A-Ang sakit… I feel like I will never be good for you… P-Palagi nalang akong pabigat…”
“I didn’t mean to made you feel that way, Zera. I just want you to stay with me and if this is the only way to lure you then I’m willing to do it. Pero kung nasasaktan narin naman kita… Ihihinto ko na. I’m sorry if I lured you through this… I’m sorry… I’m really sorry…”
Lumakas ang aking iyak sa kanyang dibdib. Pinaulanan niya naman ng halik ang aking balikat.
“I’m sorry… It wasn’t true. I just want to lure you into marriage para hindi kana makawala pa at maisipang iwanan ulit ako…”
Damn it, Isaiah! Pinapafrustrate mo lang ako lalo! I can’t believe I am hearing this to you!
“You’re not even excited w-with our baby… P-Parang ako lang ang may g-gusto.”
“Iiwan mo ba ako kung sinabi kong sinadya ko ang pagbuntis sa’yo? I already celebrated your pregnancy after the day something happened between us. Nauna na akong maexcite dahil siguradong sigurado akong magbubunga iyon…” bulong niya na ikinagulat ko.
A-Ano? He… He planned it?! Binalak niya talaga?! Oh my God…
“Eh ba’t hindi mo ako pinapansin?”
“Because I badly want to frustrate you… Gusto kong makita na ikaw naman ang nababaliw sa akin hindi iyong ako nalang palagi ang pinapabaliw mo sa’yo. Gusto kong makita na hindi mo kayang mapunta ako sa iba katulad ng nararamdaman ko para sa’yo. Nadala na ako noong iniwan mo ako, Damonisse… This time, I am making sure you’re not leaving me. Maninigurado na ako.”
Mariin akong napapikit. Iyan ba ang naging bunga ng ginawa ko sa kanya? He’s doing it in purpose just to lure me back to him in a very frustrating way?
God, Isaiah! Wala namang nagbago sa nararamdaman ko para sa’yo! I am still madly inlove with you! Magpapabuntis ba ako kung hindi? Hahayaan ko bang may mangyari ulit sa atin kung hindi?
Dumilat ako. Humiwalay siya sa akin, namumungay ang mga mata at hinaplos ang aking mga luha.
“Hush now, Damonisse… My heart hurts when you’re crying.”
Ngumuso ako habang nararamdaman ang pag-agos ng panibagong mga luha. Ang isa niyang kamay ay pumulupot sa aking beywang at itinulak ako papalapit sa kanya. He wiped my tears using his thumb while staring at me.
“What am I going to do with you, brat? I badly want to pin you down but I am such a slave when it comes to you… Sa huli, ako parin talaga ang napapaluhod mo sa’yo,” masuyo niyang bulong.
Damn, Isaiah…
Pumikit ako at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking ulo at huminga roon ng malalim saka ako muling niyakap.
“I’m sorry…” Hinalik halikan niya ang aking ulo.
Isiniksik ko lalo ang sarili ko sa kanya. His smell calms me. Ang lahat ng aking frustration ay unti-unti nang nabubura dahil doon, dahil sa kanyang mga inamin at sinasabi.
Kinarga niya ako. Niyakap ko ang kanyang leeg at isiniksik ang aking mukha roon. Now I’m getting crazy… Ayaw ko nang umalis sa tabi niya. Kani-kanila lang ay gustong gusto ko nang umalis pero ngayon ay ayaw ko na ulit.
I want to give ourselves another chance. Kung noon ay tinalikuran ko siya dahil lang sa kaonting problema, ngayon ay gusto kong subukan ulit na manatili sa tabi niya kahit maging komplikado ang mga bagay bagay. I want to understand him… I want another chance to build our relationship together. Gusto kong sa pagkakataong ito ay maging matibay kaming dalawa at sabay na harapin ang lahat. I don’t want to leave him anymore…
Inilapag niya ako sa kama. Hindi ko agad binitiwan ang kanyang leeg kaya napayuko siya at nalaglag pa ang kanyang kwintas sa aking dibdib. Ganoon na siya kalapit sa akin.
“I’m sorry…” bigkas ko sa malungkot na boses. “N-Nadala lang ako sa galit ko kanina kaya kung ano ano rin ang nasabi ko. Those weren’t true…”
He licked his lips and smiled a bit. Nalusaw agad ako roon. Kaonting ngiti niya lang ay umalon na ang aking tiyan.
“Hindi na mauulit, Isaiah. Hindi na kita iiwan ulit,” pag-amin ko at kinagat ang aking labi.
Bumuntong siya ng hininga at inilapit ang mukha sa akin. Hinaplos niya ang aking ilong sa pamamagitan ng kanyang ilong. Umawang ang aking bibig at naghintay sa paglapat ng kanyang labi sa aking labi.
Bumyahe ang tungki ng kanyang ilong sa aking panga at hinaplos iyon doon habang dinadaanan niya rin iyon ng maliliit na halik.
Napunta naman ang aking kamay sa kanyang likuran at hinila ang kanyang tshirt.
Lumuhod siya sa aking paanan. Hinila rin iyon ni Isaiah sa likod at hinubad iyon sa aking harapan habang nakatitig ng malalim sa akin.
Yumuko siyang muli at sa pagkakataong ito ay inatake niya agad ng halik ang aking labi.
Agad akong napapikit. Marahan ang galaw ng kanyang labi, nanunuya at nakakalasing iyon.
Kumalabog ng husto ang aking dibdib. Nang-init agad ang aking katawan habang ninanamnam ang tamis ng pagkalat ng kanyang halik sa kabuuan ng aking bibig.
I was still dizzy when he left my lips. Nakaawang ang aking mga labi at namumungay ang mga mata. Damn it… I still want him to kiss me!
“Ayaw kitang puyatin at pagurin. Let’s sleep early…”
Ay. Nagsigawan agad ang aking mga inner demons sa pagkadismaya. Walang mangyayari?
Humiga siya sa aking tabi at hinila ang kumot. Inilapit niya ako sa kanya, ang braso ay nagsilbi nang unan ko habang nakadagan ang isang paa sa akin. Magkaharap na kaming dalawa at langhap na langhap ko ang pabango niyang tinutulak na ako sa kaantukan.
Pumikit ako habang nakatingala. I feel so secure… Sobra sobra na naman ang kaligayahang bumabalot sa puso ko at natatakot na naman ako sa mga maaaring mangyari sa labis na pagmamahal ko para sa kanya.
Hinaplos niya ang aking pisngi. Bumaba pa iyon sa aking baba at iyon naman ang kanyang hinaplos. Noong magsawa siya roon ay ang buhok ko naman ang kanyang sinuklay suklay. Iyon ang nagtulak sa akin para makatulog agad, hinihiling nalang na sana hindi panaginip iyong lahat.
48th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Fatima Naog. Happy birthday and happy reading!
Warning: SPG
Crazy
Maaga ulit akong nagsuka. Iyon na naman ang gumising sa akin at para na namang hinuhukay ang aking tiyan.
Nagising ko rin si Isaiah dahil doon. Kami nang dalawa ngayon ang narito sa countertop habang ipinagtitimpla niya ako ng mainit na gatas.
Tinitigan ko ang kanyang ginagawa. I am wearing his thick jacket habang nakapangalumbaba roon sa stool.
“Do you want coffee?” tanong ko pagkatapos niyang itinulak sa aking gawi ang baso ng gatas.
“Your own version of Espresso?” May pang-aasar ang boses na iyon kaya naningkit agad ang aking mga mata sa kanya.
“My coffee tastes like hell. Natikman ko,” sabi ko sa dismayadong boses.
Humilig narin siya sa counter at inilebel ang gwapong mukha sa akin. He got this smug on his face na nagpasimangot lalo sa akin.
“I always like it even if it’s the worst.” Ngumisi siya na ikinairap ko.
Inaamin niya na talaga na sobrang sama ng lasa noon.
“Drink your milk now…”
Hinawakan ko ang katawan nito at hinaplos. Medyo mainit pa iyon pero sakto lang naman.
“Camilo taught me well and I really thought I learned…” bigkas ko.
Dumilim agad ang guwapong mukha ni Isaiah. Halos makita ko ang pagbusangot niya dahil sa binanggit kong pangalan.
“Your fucking Barista?” he said in a hard tone.
Nanliit ang aking mga mata sa kanya.
“Camilo is nice.”
“You’re smiling at him too much. I hate it.”
“Eh ganoon ka rin naman sa mga kliyente mo ah?”
“Don’t change the subject. We’re talking about yours not mine,” aniya.
Umismid ako at ininom iyong gatas. Pinanood niya naman ako habang malalim akong tinititigan.
Ibinaba ko iyong baso. Umangat ang kanyang kamay at pinunasan ang gilid ng aking labi.
“Parehas parin naman tayong nagngingitian sa iba ah? Iyon ang point ko,” giit ko, nakikipagbatehan sa isang abogado.
I think I’m going to win a conversation with Isaiah… Baka sa court, pag naging abogado rin ako ay matatalo ko siya sa isang hearing. Feeling ko talaga… Pag hindi naman siya magpapatalo ay malalagot siya sa akin.
I giggled with my own thoughts. Isaiah’s brows furrowed, takang taka. Bago niya pa maisaboses ang pag-awang ng kanyang bibig ay nagring na ang kanyang cellphone.
Dinukot niya iyon at tiningnan ang screen. Sinilip ko rin iyon at nakita ang pangalang Ms. Madrigal.
“Who’s that?” tanong ko.
“Kaira Madrigal. One of my clients,” sabi niya at sinagot iyon. He even press the loudspeak button at inilagay iyon sa gilid.
Naroon na ang aking mga mata. Nagkasalubong agad ang aking kilay nang marinig ang pangalan na Kaira. Iyan iyong bwesit na kasama ni Isaiah na kung makasabi sa akin ng sawsawera akala mo kung sino. She irritates me alot!
“Good morning Isaiah…” bati nito.
“Morning,” si Isaiah naman, walang ka amor amor ang pagbati at binanggit lamang iyon.
Sinamaan ko siya ng tingin. Umangat ang kilay niya sa akin at hinuli ang aking kamay sa counter. Pinaglaruan niya ang aking daliri.
“Anong oras tayo ngayon? Gusto ko sanang idiscuss ulit iyong kaso. Pwede bang sa ibang Cafe nalang tayo? H’wag na roon sa Damonisse…” she said softly.
Sobrang nasira ang aking ekspresyon. Sa pagkairita ay gusto ko na talagang sumabat at magsalita. Is she trying to flirt Isaiah? Halatang halata sa tono ng pananalita!
“Alright… Maybe we can discuss it in my place?” ani Isaiah.
“Huh? Really? Sure!” she giggled.
“See you then Ms. Madrigal,” ani Isaiah, handa na iyong patayin.
“See you…”
Pinindot niya iyong end call. Umirap naman ako ng husto.
“Ba’t mo siya dadalhin dito?”
“Because you’re here. Diyan lang naman kami sa sala. I’ll try to set my meetings with my client here so you can see us…”
Nagkasalubong ng husto ang aking kilay. Alam kong parte iyon ng kanyang trabaho, na kliyente niya iyong Kaira Madrigal but a part of me doesn’t buy it. Nabubwesit parin ako at iritang irita. Iyon talaga ang babaeng iyon ang pinanggigigilan ko.
Maaga ring nagluto ng breakfast si Isaiah. Hawak ko naman ang kanyang cellphone habang naghihintay akong matapos ito. Hinayaan niya akong kalkalin ang mga iyon at puro talaga babae ang kanyang clients.
“Who’s Grace?” tanong ko.
“She’s already a forty year old, woman. Isa siya sa mga recent client ko na may kasong Domestic Abuse sa kanyang asawa.”
Huh? What does it mean? Abuse lang ang naintindihan ko. Ni isa ata sa law ay wala akong masyadong pamilyar. Oh… I suddenly remember his case… Hindi pa namin iyon napag-uusapan.
“How about your case? Iyong sinampang kaso ng mga Apolinario sa’yo?”
“Ah… Act of lasciviousness. Arresto mayor ang inihatol sa akin ng judge kaya anim na buwan akong hindi pwedeng magpyansa hanggang sa parole ko since it’s not bailable…”
Tinitigan ko ang kanyang likod. Busy siya sa paghihiwa ng kung ano-ano roon habang nandito naman ako sa sofa, ang isang kamay ay hawak ang kanyang cellphone at ang isa ay hawak ang baso ng gatas.
Hindi na ako nakapagsalita lalo na’t bumabalik rin sa aking isipan ang araw na iyon. It was such a painful day to remember. Iyon ang pinakamasakit na hindi ko ata kayang balikan. I was so scared and I can’t even visit him…
Natahimik ako kaya niya ako nilingon. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
“You don’t have to be guilty. Tapos na ’yon,” sabi niya.
Bumuntong ako ng hininga at tumango. I will always believe Isaiah is innocent. Kahit kinulong siya dahil umamin siya sa kanyang kasalanan ay alam kong ginawa niya lang iyon dahil may mabigat siyang rason.
He will never molested that bitch! Napaka assumera lang talaga at kating kati na siguro kaya pinaparatangan nalang si Isaiah.
Kumain rin naman kami pagkatapos niyang magluto ng fried rice, sunny side up, bacon and ham for our breakfast. I should practice this, too… Prito lang naman! I think madali lang.
Marami kaming topic habang kumakain. He’s asking about me for the past eight years. Gusto ko sanang sabihin na nagkaboyfriend ako para pikunin siya kaso naisip ko rin na baka aminin niyang nagka girlfriend rin siya para mafrustrate ako kaya hindi bale nalang dahil baka mag-away lang kami.
“I focus with my Cafe after I graduate. Three years na iyon… Medyo naging abala rin ako sa modeling sa Cana clothing line but aside from that ay wala na.”
Isaiah nodded while listening carefully.
“Eh ikaw? You’ve been into different countries… Siguro…” Nanliit agad ang aking mga mata.
Nanunuya ang kanyang ngisi. Gusto ko agad siyang hampasin sa ipinapahiwatig noon.
“I studied law in Stanford University at doon lang ako nagfocus…”
Stanford? Sa California iyon ah? And that’s very expensive school! Hindi ka basta basta makakapasok doon. Connections? Ano pa ba. Matalino rin naman kasi si Isaiah kaya hindi narin nakakapagtaka kung naging qualified agad siya sa mga ganoong eskwelahan.
“And what are you doing in New York Times Square? I saw your picture…”
Nagkibit siya at sumubo.
“Gumala lang.”
What the fuck? Maluho rin naman ako, kami ng mga pinsan ko, at kung saan saan lang nakakaabot pero iyong rason niyang ‘gumala’ lang ay nakakatrigger! Of course pag lumalabas kami ng ibang bansa either may cinicelebrate kaming importanteng okasyon o pinupuntahan ang mga pinsan namin. Tapos siya… Goodness!
“Nagkape ka lang doon?” tanong ko.
Isaiah chuckles. Nagdududa na talaga ako. I know he’s such a snob king with girls kaso iba na pag nasa ibang bansa ka. You’ll meet different kinds of girls. Imposible kung hindi talaga siya natukso, right?
“Siguro…” Tinitigan ko siya ng husto.
Umangat ang dalawa niyang kilay habang naninimbang narin sa akin ang mga mata.
“Imposibleng hindi ka natukso. Ikaw pa eh lapitin ka ng mga babae kahit ang sungit sungit at snob mo…”
“I got friends but I don’t really flirt… Ikaw ang naging huli ko sa kama,” pag-amin niya na ikinapula agad ng aking mukha.
Oh… Don’t get your high hopes too much, Zera! Last month iyong huli niyo! So… So pwedeng-“
“Last eight years… Ikaw ang huli, at ikaw rin ulit ngayon…” dugtong niya nang mapansing nagkakasalubong na ang aking kilay.
Well wow… That’s amusing… Hindi ko iniexpect na makakaya niya iyon. Lalake siya at maiintindihan ko kung maghanap siya ng pampainit sa katawan. I am going to understand it since nawalan rin kami ng connections and I told him I don’t love him anymore.
Pwede naman siyang maggirlfriend ulit pero hindi niya ginawa. He remained faithful inspite of the pain. I remained loyal with the pain I caused him, too. Nawalan ako ng gana sa mga lalake dahil sa sakit ng nararamdaman ko para sa aming dalawa.
But I guess the pain is worth it. Siguro kung hindi ko rin siya itinulak noon ay hindi niya maiisipang pumunta ng ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. We both grow from the damages. We both earned something from the pain.
“Nakaya mo?”
“I am not obsess with sex. The girls around me doesn’t turn me on…”
Tumawa ako. Ang yabang naman pakinggan ng snob king na ito! Napadpad naman ang kanyang kamay sa aking hita at ipinahinga niya iyon doon. Yumuko siya at pinatakan ako ng halik, mababaw lamang pero sobra agad akong naadik doon.
“Let’s take shower together,” bulong niya at hinagkan ang gilid ng aking labi.
Iyon ang nagpaexcite sa akin. Pagkatapos kumain ay hinugasan niya muna ang mga iyon saka niya rin ako kinarga paakyat, pabalik sa aming kuwarto.
Doon niya lamang ako binaba noong makapasok kaming dalawa sa banyo. Inihanda niya ang bath tub. Ibinuhos ko pa ang kanyang shower gel doon para magkasing amoy na kami.
Hinubad ko rin naman ang lahat ng aking saplot at walang iniwan sa aking katawan. Namula ako nang makita ko kung paano ako tinitigan ng malalim ni Isaiah habang nakaawang ng kaonti ang mamula mulang labi.
Inalalayan niya akong pumasok sa bath tub. Inilubog ko ang aking sarili roon na ikinaapaw pa ng tubig sa sahig.
Si Isaiah naman ang naghubad. Namumula ang aking pisngi kahit na tinitingnan ko lang ito sa gilid ng aking mga mata. His masculinity screams heaven. Walang wala ang kapayatan ko sa hubog ng kanyang katawan na parang kaya akong durugin pag pumaibabaw siya sa akin.
Pumasok narin siya sa bath tub at pumwesto sa aking likuran. Umapaw muli ang tubig dahil sa kanyang bigat. Ipiniko ko pa ang aking mga binti para lang magkasya siya roon at bigyan siya ng mas malaking pwesto.
Isaiah pulled me closer to him. Isinandal ko naman ang aking likod sa kanya.
Yumuko siya at pinatakan ng halik ang aking balikat. May naramdaman ako sa aking pwetan kaya nilingon ko siya.
“You’re hard…” Medyo namula ako.
“You’re always making me excited,” aniya at gumapang ang kamay sa aking dibdib.
Tiningnan ko ang kamay niya roon. Pinisil niya ito na nagpaalon ng aking tiyan. His touch made my sanity flew away. Pumikit ako at inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat.
“Naging kayo ba ni Trey?” biglaan niyang tanong, ang boses ay medyo pagalit na kinokontrol niya lamang.
Umiling ako. “Binasted ko siya.”
“And you’re letting him kiss you?” Now he sounds pissed.
Hindi ako makaconcentrate sa kanyang tanong lalo na’t naglalaro na ang kanyang daliri sa tuktok ng aking dibdib. Sa ganitong oras niya pa talagang napili na pag-usapan ang bagay na iyan?
“Goodbye kiss lang naman ’yon. It doesn’t mean anything to me…”
I heard him cursed. Gusto ko naring magmura sa sensasyong gumagapang sa aking sistema.
“Wala na ’yon, Isaiah… I was very inlove with you… Gusto ko mang pagbigyan ang sarili ko na mahulog nalang sa iba noon ay hindi ko naman mapilit ang puso ko. My heart is just too loyal…”
He lifted my other leg at ipinatong iyon sa gilid ng bath tub. Iyon rin ang ginawa niya sa kabila hanggang sa lumabas na ang dalawa kong hita na nakasabit nalang sa bawat gilid.
Kumalabog agad ang aking dibdib. I suddenly anticipated for his plans on doing something to me.
“You’re very inlove with me yet you let someone else kissed you…” he whispered while his other hand is slowly touching my inner thigh.
Pumikit ako at kinagat ang aking labi. Fuck…
“Isaiah, please…” Napakapit ako sa kanyang batok. I am so darn frustrated!
“Sshh… I am still thinking how to pin you down, brat. Paano ba kita pababaliwin sa akin?”
Goddamnit! Ngayon nga lang ay baliw na baliw na ako! Wala pa siyang ginagawa ay halos masiraan na ako ng bait. Anong klaseng kabaliwan ba ang gusto niya.
I felt his finger brushed my in between my thigh. Umawang ang aking bibig pero nang napagtanto kong dinaanan niya lang pala iyon ay gusto ko na siyang sabunutan.
“Darn it, Isaiah!” sigaw ko sa frustrations.
He chuckles on my ear. Iginiya niya ang aking baba paharap sa kanya at ginawaran ako ng halik. Malalim agad iyon at halos nanghihigop ng lakas. His tongue played inside my mouth. I moaned softly.
Isaiah is really expert when it comes to this! Hindi ko alam kung ako ba itong kulang pa ang karanasan kahit na parehas lang naman kaming dalawa o sadyang mas marami lang talaga siyang alam pagdating sa ganitong bagay.
Lasing pa ako sa kanyang labi nang iwanan niya iyon at bumaba na ito sa aking panga hanggang sa kahabaan ng aking leeg.
“Tell me you’re not leaving me,” he said while showering small kisses on my shoulder.
“I am not leaving you,” sagot ko.
“Say it again…” I felt his finger caress my thigh.
“I am not leaving you, Isaiah… Hinding hindi na kita iiwan,” I said softly while anticipating for his touch.
Iyon lang ang kailangan niyang marinig at naramdaman ko na ang haplos niya. I was so expose because of my legs on the side of the bath tub kaya hindi siya nahirapang gawin ang gusto niyang gawin doon.
My toes curled. Halos mabali ang aking likod kakaliyad. Isaiah wrapped his other hand around my waist to stop me from moving too much, para maipirmi niya ako.
Napahawak narin ako sa gilid ng bath tub nang humagod na iyon sa mabilis na paraan. My breath hitched as I anticipated for my climax.
His expert long fingers are just too much to handle! Idagdag pa ang kanyang halik nanunuya sa kahabaan ng aking leeg at ang dila niyang naglalaro sa aking tainga nang dumako iyon doon.
“I am the only guy who can satisfy you… Ako lang ang makakagawa nito sa’yo, Damonisse…”
I muffled a soft moan when his finger move in a fast pace. Naramdaman ko ang pagbaba ng tubig, hinihigop na iyon palabas ng bath tub.
Isaiah’s other hand played with my aroused peak, his kisses on my earlobe and his finger between my thigh. I was already crying mess. Hindi ko na makilala ang sarili kong nakakakilabot na tinig.
Wala nang natirang tubig sa loob. Hindi ko nalang rin iyon pinansin dahil sa sumasabog na sensasyon sa aking sistema.
“Fuck, Isaiah!”
Sinalubong ko na iyon. Tila nasama na sa paglubog ng tubig ang aking huwisyo kaya hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Ilang sandali lamang ay nanginginig na ako at naramdaman kung paano yumanig ang aking mundo. I came so hard!
Nanghina ako at hinabol ang aking hininga. Iniwan naman iyon ni Isaiah at dalawang kamay na ang namimisil, ang naglalaro sa aking dibdib.
“We’re not yet done,” he whispered to me.
Dumilat ako at gustong magtanong. Pero nang inangat niya ang aking balakang ay nagkaediya agad ako sa kanyang gusto.
He glided his erection in between my thigh as he slowly enter me from the back. Umawang ang aking bibig nang humalo agad ang kakaibang sarap doon.
He pushed himself until I felt him filled me. Nagsimula siyang gumalaw habang itinataas baba ang aking beywang para masalubong ko ang bawat pagbaon niya sa kanya.
Kulang nalang ay sumigaw ako. The sensation is just too much! I was already crying mess as he move in a blinding speed while my legs were spread wide apart.
Gumapang muli ang kanyang kamay roon sa akin at hinaplos iyon ng paulit ulit habang sumasagad na ang kanyang galaw.
“Isaiah!”
Mariin akong napapikit. Umawang ang aking bibig at hindi na alam kung saan hahawak. Isaiah groaned harshly and sucked the skin of my neck while his pace change.
He cursed loudly while I’m crying mess. Naghahalo ang aming mga boses at ganoon narin ang galaw naming lumilikha ng tunog.
Ilang sandali lamang ay kapwa na kami napasigaw nang maramdaman naming dalawa ang matinding pagsabog. Naging lantang gulay agad ako habang taas baba ang aking balikat sa sobrang pagod.
Ibinaba niya ang aking mga binti at hinalikan ang aking balikat. He’s still hard… parang hindi pa kontento sa nangyari habang ako itong hinang hina na. Hindi rin naman ako tatanggi kung gusto niya pa…
Tumayo siya at kinarga ako. Ipinulupot ko naman ang aking mga kamay sa kanyang leeg, ang aking mga mata ay namumungay habang nakatitig sa kanya.
Dumako ang aking tingin sa kanyang leeg at tiningnan ang portrait tattoo na baybayin.
“What does your tattoo mean? How do I read it?”
Binuksan niya ang sliding door at pumasok kami sa shower. Inilapag niya ako. Tumayo ako at naramdaman agad ang panghihina ng aking mga tuhod kaya humawak ako sa kanyang mga balikat habang ang isang kamay naman ni Isaiah ay pumulupot sa aking beywang.
“Is that Zera?” mayabang kong bigkas na ikinangisi niya.
“No…”
Agad na nanliit ang aking mga mata at bumusangot.
“It’s four letters!”
“With three syllables…” Makahulugan niyang sabi.
“Huh?”
Zera is just two syllables! Edi hindi… Bumusangot ako ng tuluyan.
Isaiah tilted his head as he watched me with mockery in his eyes.
“Are you disappointed?” Nanunuya na ang kanyang ngisi at bumabalandra pa ang kanyang dimple.
“Okay lang kung hindi iyan ako.” Pero kung babae niya iyan baka pag-iisipan ko na ngayon kung paano ko iyan tatanggalin sa kanyang balat. I need an expert lawyer for my crimes!
Isaiah chuckled and open the shower. Bumuhos agad ang tubig sa aming katawan. Kinuha niya ang sabon sa gilid at sinabunan ako sa aking dibdib.
“Ano nga ’yan?” Sinamaan ko na siya ng tingin.
“My first love…”
“Ako nga!” mayabang kong sambit na ikinatawa niya.
“And she’s a brat…”
“Ako parin ’yon!” giit ko na ikinahagalpak niya na.
Oh bakit… I am very confident that’s my name! Zera! Baka niloloko niya lang ako riyan sa three syllables niya. Paano iyon? Z E Ra? Ganoon? Ziera? Three syllables?
Hinaplos ko iyon at pilit na binubura. Hindi ko matatanggap pag ibang babae ’yan! Lalaslasan ko siya ng leeg.
“You’re frustrating me!” inis ko nang sigaw.
Kinagat niya ang kanyang labi at pinatay ang tubig. Sumimangot pa ako.
“It’s Damonisse…”
Kumalma ang aking ekspresyon. Oo nga ’no? Damonisse is three syllables! At pangalan ko rin pala iyon na gusto niyang tinatawag sa akin.
“Talaga?” Lumawak na ang aking ngisi.
Tumango siya at ngumuso, ang gwapong mukha ay masyadong umaapaw.
Humagikhik ako. Isaiah chuckled with my reaction, too.
“Magpa tattoo rin kaya ako ng Isaiah? Dito sa upper boob?”
Ang kanyang maaliwalas na mukha ay mabilis na dumilim dahil sa pagbusangot.
“No.”
“Pero gusto ko ring suotin ang pangalan mo sa katawan ko. There are expert tattoo artist today… Mga lalake…” Nanunuya kong bigkas na mas lalong ikinadilim ng kanyang ekspresyon, ang mga mata ay tumalim pa.
“Subukan mo lang…” pagbabanta niya.
I giggled and wrapped my arm around his neck. He gripped my butt and pushed my body closer to him.
“But I want to wear your name, too… Isaiah,” I said cutely.
He licked his lips.
“Marry me, then… That’s the only way you can wear my name… My surname.”
Ngumisi ako lalo. Damn him for being so smart! Palagi talagang nauuwi sa kasal ang gusto niya!
“Alright…”
Namungay agad ang kanyang mga mata sa akin. Kumikislap na agad iyon at tila nakatitig sa bituin sa kalangitan.
“You’re going to… to marry me?” he asked softly.
Tumango ako. “Oo naman. Hindi parin naman nagbabago ang pangarap ko, Isaiah. Ikaw parin ang gusto kong pakasalan. Ikaw parin ang gusto kong makasama habang buhay.”
Ngumuso siya at nagpigil ng ngisi. Kalaunan ay ibinaon niya na ang kanyang mukha sa aking leeg at tumawa roon. I giggled, too.
“Damn, brat… You’re the one who’s suppose to fall inlove with me. Ikaw dapat ang nababaliw sa akin pero ba’t ako na naman itong pinapabaliw mo sa’yo?”
“I am inlove with you, Isaiah… I am crazy inlove with you…”
49th Lured
Lured
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Asiana Vied Caceres. Happy reading!
Moody
Sabay rin naman kaming lumabas ng banyo at sabay ring nagbihis sa walk-in. Ako ang namili ng kanyang suot for his meeting later na dito lang rin gaganapin sa kanyang living room at damit niya rin ang napili kong suotin.
I like his smell alot. Kung pwede nga na palagi nalang nakadikit si Isaiah sa akin ay papayag ako.
“This one looks bigger on me!” sabi ko nang itinaas ko ang aking mga kamay na ikinaangat pa ng kanyang shirt na kulay itim.
Hinila ni Isaiah ang dulo noon para takpan ang aking panty.
“Wear something… You’re going to distract me later,” sabi niya at pinatakan ng halik ang aking ilong.
I giggled softly. Hmm… Ang bwesit na Kaira pala ang ka meeting niya mamaya, ha…
Hindi ako nakinig sa sinabi niya at ginawang dress ang kanyang button down shirt. Hanggang hita ko naman iyon pero kung iaangat ko ang aking mga kamay o gagalaw lang ako ng kaonti ay makikita agad ang aking panty.
I want to distract him later! Hindi ko nagugustuhan ang bwesit na Kaira na iyon kaya ipapamukha ko sa kanya na akin lamang si Isaiah.
Mga ala una y media na noong may nag doorbell sa condo ni Isaiah. Ako agad ang bumaba ng mabilis. I want to ruined her imagination. Marahil ay iniisip niyang masosolo niya si Isaiah. I know she’s thinking that way… Hagikhik palang kanina!
Binuksan ko ang pinto at sumilip. Ang ngiting ngiti na babae ang bumungad sa akin, nakasuot ng body hugging dress na kulay itim at may pa cleavage pa.
Tuluyang napawi ang kanyang ngiti. Ako naman ang ngumiti sa kanya.
“Yes? Ikaw si Ms. Madrigal? Isaiah’s client?” tanong ko sa marahang boses.
“Si Isaiah?” Hindi niya pinansin ang aking tanong at nagawa pang sumilip.
This fucking bitch! Isinara ko pa iyon ng kaonti para matigil tigil ang pasilip silip niya. Sapat nalang ang espasyo para magkakitaan kaming dalawa.
Ibinalik niya ang mga mata sa akin. The curl on her hair looks fake. Ang kalakihan rin ng kanyang dibdib ay pinagdududahan ko na. Siguro… Siguro nagpaturok? Gaga. Malaki talaga ang dibdib niya.
“Isaiah is upstairs…” sabi ko, tiningnan narin siya ng seryoso.
“Pinapunta ako rito ni Isaiah-”
“Yes I know… Narinig ko kanina sa tawagan niyo kasi nakaloudspeak iyon. And why are you calling him Isaiah? It should be Attorney Silvestre. You’re his client.”
Kitang kita ko ang iritasyong dumaan sa kanyang mukha. She stared at me unbelievably. Naglalaro ang kanyang mga mata sa akin at tila may iniisip na. Nakahandusay na siguro ako riyan sa isipan niya.
Ang iritasyon sa kanyang mga mata ay agaran rin namang nawala at napatingala sa aking likuran. Bago ko pa makumpirma ang kumuha ng kanyang atensyon ay naamoy ko na si Isaiah sa aking likod. Hinaplos niya ang aking beywang at hinila ako, ang isa namang kamay ay itinulak ang pinto para buksan iyon ng mas malaki.
Isaiah wrapped his arm around my waist. Nadikit na ang aking likod sa kanya, tila inaawat niya ako kahit wala naman akong ginagawa.
Humalukipkip ako, tiningnan ng seryoso si Kaira na ngayon ay nasa kamay na ni Isaiah ang tingin.
“She’s not really friendly…” ani Isaiah kay Kaira at pinapasok na ito.
Ngumiti si Kaira. “Okay lang… Maiinit talaga ang ulo ng mga buntis,” aniya at humagikhik.
Makatawa ka pa kaya kung susuntukin ko ’yang dibdib mo at gagawin kong punching bag?
“We’ll just going to discuss something…” bulong ni Isaiah nang yumuko siya.
Tumango naman ako at walang imik. Hinagkan niya ang aking pisngi. Nag-iwas naman ng tingin si Kaira.
Binitiwan rin naman ni Isaiah ang aking beywang at iginiya niya na ang kanyang malanding kliyente roon sa sala. She’s tall compared to me. Ang pwet ay siksik na siksik din at maliit ang beywang.
Siguro mga nasa 5’6 siya, lamang ng one inch sa akin. So what? What’s the purpose of heels. At ’yang pwet niya, wala lang naman ’yan… Isaiah loves to grip my butt more than her butt!
Nilingon ako ni Isaiah rito na nakahalukipkip habang nakaupo na sila roon. Nakaupo na silang dalawa, na kahit si Kaira ay nilingon narin ako.
Kinalas ko ang aking mga kamay sa isa’t isa at nagtungo sa countertop, syempre dumaan ako sa kanilang gilid, sa likuran ng inuupuang couch ni Isaiah at dinaanan ng haplos ang kanyang balikat kaya sumunod ang tingin niya sa akin.
“I’ll prepare some snack,” sabi ko.
Tumango naman si Isaiah at humilig na sa kanyang nakabukakang hita, ang kamay ay ipinagsalikop habang nasa akin parin ang mga mata. He’s distracted…
“So… Let’s start?” ani Kaira, kinuha ang kanyang atensyon.
Nagtungo narin naman ako sa countertop para hindi makinig sa kanilang usapan. I trust Isaiah. Pero doon sa kliyente niya ay wala talaga.
Binuksan ko ang ref at nangalkal ng pwedeng ihatid na meryenda para sa kanila.
Buti nalang at may cake kaya iyon ang inihanda ko. May ice cream naman sa fridge na inilabas ko narin at napagpasyahang gumawa ng milkshake.
Kailangan nga talaga naming maggrocery para mapuno na ang laman this coming Sunday. Marahil ay wala siyang trabaho noon.
Iyon ang inatupag ko sa countertop. Kinuha ko iyong blender at isinaksak iyon sa malapit na plug. Kumuha rin ako ng high ball na klase ng baso para doon iyon ilagay.
Binuksan ko ang takip ng vanilla ice cream. Nagsimula akong magscoop doon at inihulog iyon sa loob ng blender.
Nilagyan ko iyon ng apat na scoop ng vanilla ice cream saka ko binuhusan ng gatas ang loob noon. Nararamdaman ko naman ang pagnanakaw tingin ni Isaiah sa akin, chinicheck lang ang aking ginagawa pero seryoso ring itutuon ulit ang tingin kay Kaira.
Sinimulan ko na iyong paikutin at noong matapos na ay ibinuhos ko rin sa loob ng baso. Nilagyan ko rin ng whipped cream ang itaas noon at gumawa ulit ng panibago para sa bwesita ni Isaiah.
Inulit ko lamang ang ginawa ko kanina. Noong inilapag ko na muli ang blender ay medyo napalakas pa lalo na’t madulas narin iyon kaya gumawa ito ng ingay.
Nagulat si Kaira. Si Isaiah naman ay mabilis na napatayo at parang handa na akong puntahan, ang ekspresyon ay nag-alala agad.
“Uh… Napalakas…” sabi ko na ikinakalma rin naman ng ekspresyon nito nang napagtanto kung ano ang nangyari.
“Careful…” bigkas niya at bumalik muli sa pagkakaupo.
Tumango ako at kumuha ng pamunas. Nag-iwas narin ng tingin si Kaira sa akin saka sila muling nag-usap ni Isaiah, seryoso na ulit.
Nilinis ko muna ang countertop. Pagkatapos noon ay iyong cake naman ang hiniwa ko at kumuha ng slice saka ko inilagay sa platito.
Ipinaglalagay ko iyon sa tray pagkatapos. Binuhat ko iyon at nagsimulang maglakad. Tumayo si Isaiah at sinalubong ako.
“Ako na,” sabi niya, “Thanks for this…”
Ngumuso ako at natuwa dahil parang may tama rin akong nagawa na nagustuhan ni Isaiah.
Sumunod ako sa kanya. Inilapag niya ang tray sa mini table. Si Kaira naman ay pangiti ngiti pa sa akin. How old is she? I think she’s older than me. She looks older than me.
“Marunong ka rin pala sa gawaing bahay?” namamangha niyang tanong sa akin.
Isang tipid lang na ngiti ang isinagot ko. Si Isaiah naman ay inilalabas ang mga iyon sa tray at patingin tingin lamang sa akin.
“Mukha kasing ang brat brat mo… Sorry Isaiah ha… Pero noong nakita ko siya parang ang brat talaga. Parang walang alam na gawaing bahay,” at tumawa pa ito ng marahan.
Isaiah licked his lips, hindi gaanong binigyan ng atensyon ang sinabi nito pero parang nakikinig naman.
“Marami naman akong alam sa gawaing bahay. I can teach her…” ani Isaiah at itinabi na ang tray.
“Huh?” Nagulat ang bwesit na si Kaira, pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.
“So wala talaga siyang alam sa gawaing bahay? Eh paano na ’yan… You’re an Attorney and you’re going to be very busy. Dapat ikaw ang inaasikaso pag-uwi mo. Pagod kana nga tapos madadatnan mo pang madumi ang bahay…”
Nagkasalubong na ng husto ang aking kilay. Is she insulting me? Bigla akong nangati na kunin iyong tray at ihampas sa dibdib niya nang maging flat iyan!
“Buti ako bata palang ako ay natuto narin ako sa gawaing bahay lalo na’t lumaki ako sa lola ko. Natuto na akong maghugas ng plato, magluto, maglaba… Kahit nga magmasahe ay kaya ko,” aniya at tumawang muli.
“Oh talaga? Ba’t hindi ka mag-apply bilang maid dito nang mapakinabangan naman ’yang talent na ipinagyayabang mo,” sabi ko sa matabang na boses.
Napawi agad ang kanyang ngiti.
“Damonisse…” tawag ni Isaiah, ang boses ay inaawat na ako.
Nakakainsulto eh! I tried my best to serve her food! Kahit galit ako ay pinakitunguhan ko siya ng maayos tapos iinsultuhin niya ako! Kung alam ko lang ay sana nilagyan ko ng lason iyang milkshake niya!
“Okay lang Isaiah…” aniya sa malambing na boses.
Napairap ako ng husto at umalis na lamang sa kanilang harapan. Padabog akong umakyat sa may hagdan nang nagring agad ang aking cellphone na nakacharge roon sa countertop.
Sinundan agad iyon ng tingin ni Isaiah. Naantala ang aking pag-akyat. Nagtungo ako roon at tiningnan kung sinong tumatawag.
It’s Irah!
Mabis kong tinanggal ang charger at malalaki na ang aking hakbang para pumunta sa kuwarto.
“Who’s that?” tanong ni Isaiah, nagkakasalubong ang kilay.
Hindi ko siya sinagot at deri-deritso lang ang aking pag-akyat sa hagdan. Bahala nga silang dalawa riyan. Magkukulong nalang ako sa kuwarto.
Pagkapasok ko roon ay doon ko sinagot ang tawag ni Irah. Inilagay ko iyon sa aking tainga.
“You’re not in your condo and you’re not replying on my text!” galit niyang sabi sa kabilang linya.
Bahagya ko iyong nailayo dahil sa tinis ng kanyang boses. Lumabas ako sa kuwarto at doon umupo sa balkonahe dahil sa preskong hangin.
“I’m with Isaiah…” sagot ko.
“Oh my gosh, malandi ka!”
Natawa ako sa kanyang sinabi.
“I know…”
“Gaga ka. Napakamarupok mo!”
Ngumisi ako at iniangat ang aking mga paa sa inuupuan. Tiningnan ko ang mga building sa malalayo.
“Bati na kami…” sabi ko sa marahang boses.
“So is that mean…”
“It means bati na kami.”
Irah laughed hysterically. Ang tawang iyon ay may pinaparatang agad sa akin. Fine… Marupok parin talaga kami ni Isaiah sa isa’t isa. Wala atang nagbago at kapwa kami laging sabik.
Isaiah just matured alot pero siya parin naman iyong Isaiah noon na kilala ko. Marunong na nga lang siyang maghandle ng babae hindi iyong katulad noon na ako lang talaga ang pinapansin niya. But which is better?
He needs to work, Zera… That’s part of his work. Wala kang magagawa sa bagay na iyon. Sa paglipas ng panahon ay may mga pagbabago talaga.
Iyon ang itinatatak ko sa aking isipan, na nagtatrabaho siya pero naiisip ko pa lang siya na may kasamang babae sa ibaba, naf-frustrate na agad ako. Bigla kong naalala ang kabataan ko. I was very young and immature. Pinagsisihan ko ang mga araw na pinaramdam ko sa mga naging ka relasyon ni Trey ang ganitong frustration. His girlfriend doesn’t deserve those kind of disrespect.
Ngayon na ako na ang nasa lugar nila, nagseselos sa mga babaeng nagpaparamdam ng motibo sa lalakeng mahal mo, ay bigla kong isinusuka ang naging asal ko noon. I regretted for acting like a bitch with someone’s man.
Gusto kong intindihin ngayon ang trabaho ni Isaiah pero napapangunahan talaga ako ng iritasyon ko. Nanggigil ako lagi sa galit. Iyong ang sarap sarap laging awayin si Isaiah. Ang sarap sarap niyang ipagdamot sa lahat ng babae at aawayin ulit siya.
Humalukipkip ako at natauhan sa iniisip nang magbago na ang timbre ng boses ni Irah, medyo kalmado na.
“Anyway… Did you tell your parents about your pregnancy?”
“Not yet. This Sunday ay pupunta kami ni Isaiah sa bahay.”
“Tita Sky will be very happy…”
“Kaya nga.”
We just talked about random things kaya nadistract rin naman ako at hindi na masyadong inisip na may bitch sa ibaba. Nasa kalagitnaan kami ng topic tungkol sa mga pagkain nang magtubig bigla ang aking bibig. I want to eat something… like… shrimps deep with honey…
Bumaba ako habang hawak parin ang cellphone ko at katawagan si Irah. Dahan dahan akong sumilip sa hagdan at nakita sila roon sa baba na nag-uusap parin.
Isaiah immediately found my eyes. Mabilis akong bumalik sa itaas at tumakbo pabalik sa kuwarto.
“Irah… Let’s go out today. Pumunta tayong Restaurant,” sabi ko at dumeritso na sa walk-in.
Inilapag ko iyon at iniloudspeak.
“Okay… I want to eat some pork ribs, too…”
Nagpalit ako ng komportableng dress na below the knee at naghanap rin ng komportableng flats. Nagpolbo ’tsaka lipgloss nalang ako at kinuha ang aking sling bag pagkatapos noon ay bumaba na ako.
Pinatay ko rin naman ang tawag. Nasa hagdan palang ako nang mag-angat muli ng tingin si Isaiah sa akin, agarang nagkasalubong ang kilay dahil bihis na bihis na ako.
“Aalis ako. Maybe I’ll be back later,” sabi ko nang hindi matigil tigil ang paninitig niya at halatang nagtatanong ang mga mata.
Natutop narin ang bibig ni Kaira at napalingon sa akin. Her stares says it all. Bwesit ka. Bwesit kayong dalawa ni Isaiah!
“Malapit na kaming matapos. Just wait for awhile,” ani Isaiah.
Wait. My. Ass.
“I said lalakad ako. Hindi tayo,” giit ko sa nakabusangot na mukha at deri-deritso nang naglakad papunta sa pinto.
“Damonisse!”
Hindi ako nakinig kay Isaiah. Unahin niya iyang higad sa harap niya. Bahala silang dalawa rito. Hindi niya man lang ako pinagtanggol kanina! Tss. Maiirita lang ako lalo pag hindi ako umalis dito.
Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 1st floor. Naglalaro na agad sa aking utak ang aking kakainin. Bigla kong gustong lumipad para mabilis agad akong makarating.
Lumabas agad ako ng building at naghanap ng pwedeng sakyan na taxi. Ang init pala! Napaatras ako at sumilong sa medyo hindi abot ng sinag ng araw.
Bago pa ako makahanap ng taxi ay may humawak na ng aking braso.
Nang nilingon ko kung sino ay tumambad agad si Isaiah. Sa kanyang likuran naman ay si Kaira na humahabol sa paglalakad patungo rito.
Iritado kong hinawi ang kanyang kamay kaya ang mismong hinila ni Isaiah ay ang aking beywang hanggang sa napasandal ako sa kanyang dibdib.
“I’m going Isaiah…” ani Kaira, malambing ang boses at sumulyap pa sa akin.
Tumango si Isaiah sa kanya.
“I’m sorry I need to end it right away…”
Hindi mawala wala ang ngiti ni Kaira habang nakikipag-usap sa kanya. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang nakahalukipkip.
“Okay lang… I understand you. Ang hirap rin kasi ng sitwasyon mo,” makahulugan niyang sabi at sumulyap sa akin.
Mas lalong nagkasalubong ang aking kilay. Anong mahirap sa sitwasyon ni Isaiah? Iniisip niyang pabigat ako? The heck with this bitch?
“Bye…” ani Kaira na tinanguan rin naman ni Isaiah, saka rin seryosong nalaglag ang tingin sa akin.
Hinawi ko ang kanyang kamay sa aking beywang at gusto siyang itulak paalis si Isaiah.
“Dapat nanatili nalang kayong dalawa sa loob. Ayaw niyo ’yan… solo niyo ang buong condo mo,” nanggigigil kong sambit at halos saksakin siya sa talim ng aking mga mata.
Isaiah licked his lips and pulled my waist again.
“Sino ’yong katawagan mo?” tanong niya sa medyo iritado ring boses.
“Stop touching me!” Kinuha ko ang kanyang kamay at humakbang nalang sa kahit saan.
“Damonisse!” Hinila niyang muli ang aking beywang.
Nagpumiglas ako. Ganoon nalang ang panlalaki ng aking mga mata nang bigla niya akong inangat at kinarga.
“Isaiah! Put me down!” Iginalaw ko ang aking mga paa, ang aking flats ay nagawa pang lumipad sa kung saan.
“Stop moving, Damonisse!”
Sinimangutan ko siya ng husto. Sinundan iyong flats ko at pinulot. Kahit ang isa ko pang flats sa paa ay kinuha niya narin at dinala iyon.
Nagtungo kami sa parking lot. Tumunog ang kanyang kotse na itim na Ferrari. Binuksan niya ang front seat at ipinasok ako. Umikot siya sa drivers seat habang pinapasadahan ang buhok ng seryosong seryoso.
Pumasok siya. Marahas ko namang hinila ang seatbelt sa sobrang inis. Naglalaban ang demonyo at anghel sa aking loob dahil sa amoy ng sasakyan ni Isaiah na pabango niya at ang galit ko sa kanya.
Sumisigaw ang aking mga inner demons. Sobrang init ng aking ulo at nabubwesit ako dahil dapat kumakain na ako ngayon.
“Sino ’yong katawagan mo?” tanong niya muli noong binuhay ang kanyang kotse.
Ginaya ko ang kibot ng kanyang bibig at umirap agad. Nanliit ang mga mata sa akin ni Isaiah. Ang sarap sarap niyang sabunutan! Kung hindi lang talaga gwapo iyang mukha niya gusto ko na siyang ibalibag!
Nagbeep ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at nakita ang text ni Irah roon. Pansin ko naman ang pagtalim ng mga mata ni Isaiah habang binabasa ko ang text sa aking isipan.
Irah:
Where the fuck are you?
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
Bwesit na Isaiah! Hinatid ako.
“Let me see,” si Isaiah iyon, makulit na sinisilip ang aking cellphone.
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Nakialam ba ako sa inyo ni Kaira?”
Umawang ang bibig ni Isaiah. Binasa niya iyon at itinuon ang tingin sa kalsada.
“I told you she’s my client…”
Eh naiinis ako! Nabubwesit ako! Kahit kliyente niya iyon, kabit, girlfriend, kapatid, o kung ano mang koneksyon nila ay nabubwesit talaga ako ng husto.
Sinabunutan ko ang aking buhok sa sobrang pagka frustrate. Dahan dahan akong nilingon ni Isaiah, titig na titig ng ilang sigundo. Ibinalik niya rin naman iyon sa kalsada, kagat kagat ang mamula mulang labi at parang nagpipigil na ng ngisi.
Nakakafrustrate talaga iyang kagwapuhan niya!
Binasa kong muli ang text ni Irah na nagreply narin.
Irah:
Mas nakakabwesit ang pinsan mo. Hinatid rin ako!
Wait… Kuya Toshi is with her? Ibig sabihin… Ibig sabihin may possibility na magmemeet si Kuya Toshi at Isaiah ngayon?
Kinagat ko ang aking labi at natulala saglit. Doon lang ako natauhan nang hinaplos ni Isaiah ang aking hita. Nilingon ko siya.
“Who’s that?” tanong niyang muli, sinisikap nalang na palambutin ang boses.
Hindi ko iyon sinagot at itinago ang aking cellphone sa loob ng sling bag ko. Kuya Toshi and Isaiah knows each other. Ano kayang magiging reaksyon noon?
Hindi na ako umimik sa byahe at humalukipkip nalang. Isaiah keeps on glancing at me. Iritado ko rin siyang nililingon pabalik pero wala namang sasabihin.
“Ano ba?” pagalit kong tanong.
Umiling siya at kinagat muli ang labi.
“Ang moody ng buntis…”
Umirap lamang ako at tumingin muli sa labas ng bintana. I should calm down, alright! Kaso sobra talagang kumukulo ang dugo ko.
Inihatid niya rin naman ako sa Restaurant na pagkikitaan namin ni Irah. Lumabas agad ako, hindi na ito hinintay na pagbuksan ako ng pinto.
Isaiah pulled my waist right away. Gusto ko mang magpumiglas ay nakalimutan ko na iyon nang maamoy ko na naman ang kanyang pabango at tila niyayakap ako, pinapakalma.
“Zera,” malamig na tawag ng kung sino.
Nilingon ko si Irah na naka dress na hindi gaanong fit at naka half ponytail ang buhok, ang tingin ay nasa aking likuran agad kung nasaan nakatayo si Isaiah.
“Ah… Babae pala,” si Isaiah iyon, lumuwag na ang pagkakahawak sa aking beywang.
Anong iniisip niya? Na lalake ang kakitaan ko?
Bago ko pa maisaboses ang nasa aking utak ay kinuha na ng aking pinsan ang aking atensyon.
“Si Zera naman pala ang kakitaan mo hindi mo agad sinasabi,” si Kuya Toshi iyon, ang mukha ay huminahon rin agad na naka button down white shirt, khaki shorts at nakapamulsa rin sa kanyang likuran.
Hindi ko na alam kung paano namin iniwan ang dalawa sa labas at pumasok sa Restaurant. Natagpuan nalang namin ang aming mga sarili na kapwa naghihimutok sa may table habang naghihintay ng order.
I told Isaiah to buy me honey since wala ring siniserve na honey sa loob. Kasama niya si Kuya Toshi at nagtungo sila sa malapit lang rin na Mall.
“Doon kana tumira sa condo niya?” tanong niya, pagkatapos ng mahaba habang pananahimik.
Tumango ako.
“Hinakot niya ang mga gamit ko.”
Nanliit ang kanyang mga mata.
“Gustong gusto mo naman?”
“Oo naman. Eh ikaw nga noon may pa sugod sugod ka pa sa kompanya ng pinsan ko…”
Humalukipkip siya at sandaling natahimik. Kumalma narin ang aking ekspresyon at ngayon naman ay panay ang aking paglingon sa may pinto, gusto na muling makita si Isaiah.
Napunta rin naman sa ibang bagay ang topic namin. She’s asking about our wedding, kung may balak na ba kami. Napag-usapan naman namin iyon ni Isaiah but I don’t know when… Sana hindi pa nakakalabas ang baby ay kasal na kaming dalawa. Iyon ang gusto ko.
“Baka pagkatapos mong manganak buntis kana ulit ha…”
“Ayaw ko pa ’no. I’m going to give my full attention to my baby,” sabi ko at hinaplos ang aking tiyan.
“Eh paano naman kung si Isaiah agad ang may gusto na sundan iyon? Paninitig niya palang sa’yo…”
If he likes another child then why not? Okay rin naman sa akin kung bumuo agad kami ng malaking pamilya. Naalala ko pa na twelve ang gusto niyang anak.
Doon lamang tumigil ang aming topic nang makita ko ang pagpasok ni Isaiah sa Restaurant kasama si Kuya Toshi. Nakabulsa ang isa niyang kamay, ang isa ay may dalang cellophane habang nakikipag-usap siya ng seryoso sa pinsan ko.
Maraming napatingin sa kanila. Kadalasan mga babae. Isaiah is really hot… lalo na’t masyado pang lumilitaw ang tattoo sa kanyang leeg at nakabukas pa ang dalawang butones ng suot niyang itim na polo paired with dark jeans and boots.
“Da mo ne se… Damonisse, huh? He tattoed your name…” ani Irah.
Hindi na ako nagtaka kung marunong siyang magbasa ng baybayin since she’s smart.
Mayabang nalang akong ngumisi. Umirap agad siya.
50th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Princess Honeylette Maningas. Happy reading!
Session
Isaiah helped me with the shrimps. Siya ang nagbabalat noon habang isinasawsaw ko iyon sa honey. Irah was busy eating her baby back ribs, too. Si Kuya Toshi naman, pasulyap sulyap sa aking kinakain, hindi na nagtataka at marahil ay may ediya na.
Kuya Toshi and Isaiah were talking with their work seriously habang kami naman ni Irah ay iba rin ang topic, malayong malayo sa topic ng dalawa.
“Ano ba ’yang kinakain mo? Nakakaduwal…” reklamo niya nang isinawsaw ko iyong muli sa honey.
“Eh sino kaya itong nilalagyan ng cheese ang cup noodles?”
Kuya Toshi glance at me. May sasabihin sana ito kaso nang matalim na tiningnan ni Irah ay natutop ang bibig at ibinalik ang atensyon kay Isaiah.
Noong magtagal na ang aming pag-uusap, nakisali narin sila sa amin at agad naming sasamaan ng tingin. Balak kasi sana naming mag travel na kami lang sanang dalawa at hindi agad sila pumayag.
“Ayaw mo niyan… Hindi ka maiistress ng ilang araw dahil wala ako,” ani Irah kay Kuya Toshi.
“Mas maiistress lang rin ako kung wala ka sa tabi ko. You’re not going anywhere,” si Kuya, ang boses ay puno na ng awtoridad na hindi talaga pumapayag.
Naiisip ko tuloy kung sino talagang mas clingy. Ang mga babae o ang lalake? Sa aming dalawa ni Isaiah. Sino ang mas clingy? Am I clingy?
Inisip ko ang mga araw na kasama ko siya. Three days palang simula noong tumira ako sa condo niya. See, Zera! Tatlong araw palang ang lumipas at nagkabati agad kayo! Clingy na ba ’yon? Should I distance myself sometimes? Nakakasakal ba ’yon?
Pagkatapos rin namang kumain, noong busog na busog na ako, ay nagpasya narin kaming umuwi ni Isaiah since gusto naring iuwi ni Kuya Toshi si Irah dahil bawal daw nalalamigan ang buntis.
Noong malaman rin iyon ni Isaiah ay ayun, gusto narin akong iuwi.
Kalmado narin naman ako lalo na’t busog na at higit sa lahat ay naaamoy ko na naman siya.
“Gusto mo bang magtravel?” biglaan niyang tanong habang pauwi na kami, nagmamaneho ito gamit ang isang kamay.
“Of course…”
Tumango siya at pinisil ang labi.
“Let’s travel after my hearing. Ibabakante ko na muna ang mga schedule ko.”
Isaiah is very busy pero nararamdaman ko naman na naglalaan talaga siya ng oras para sa akin. He always update me with his work, his meeting and such.
Kaso may mga gabi talagang natatagalan siya sa pag-uwi.
Huwebes iyon noong matagal siyang nakauwi at nakatulog nalang ako sa paghihintay. Doon lamang ako nagising noong umuga ang kama at nakita ko na si Isaiah.
“I’m sorry… Medyo natagalan ako.” Pinatakan niya ng halik ang aking ulo.
I was tired to argue with him pero ramdam ko ang pagtatampo sa aking sistema. Tumalikod na lamang ako at hinila ang kumot, ayaw na itong kausap pa.
Akala ko kasi sabay kaming magdidinner. Naubos ko nalang ang isang plato ng pagkain ay wala parin siya kaya nagpasya nalang akong matulog.
Nakatulog ako sa sobrang frustrations dahil sa iniisip ko na baka iba na ang kanyang pinagkakaabalahan. We’re not yet married. Buntis lang naman ako at nagkabati lang naman ulit kami but I don’t know yet if we’re really couple or not.
Pero iniisip ko sobra pa sa couple ang pinaggagawa namin. Gusto kong itanong kay Isaiah ang bagay na iyon pero parang lumalabas na ako pa itong nag-iinitiate ng label.
Naiyak ako sa kakaisip ng kung anu-ano at nakatulog pa. Noong gumising at nandito na siya, naaamoy ko na siya, ay kumakalma rin naman agad ako kahit papaano.
“Kumain kana?” tanong niya sa aking likuran at mukhang naghuhubad na ng damit.
Hindi ako kumibo sa kanya. Oo syempre! Busog na busog nga ako sa frustrations ko sa’yo!
Tiningnan ko pa ang oras sa bedside table at nine thirty na pala. Ang tagal tagal niyang dumating… Nainip na ako sa paghihintay.
Umuga ang kama. Gumalaw rin ang kumot. Ilang sandali lamang ay nasa mismong likuran ko na si Isaiah at niyakap ako roon.
Nasa batok ko na ang kanyang mainit na hininga. Ang kanyang kamay naman ay nakapulupot narin sa aking beywang at ang paa ay malapit narin sa aking paa.
“I’m sorry…” masuyo niyang bulong at hinagkan ang aking balikat.
Lumayo ako ng kaonti at gustong umusog kaso ang lintek ay mas hinila ako pausog sa kanya.
Pasalamat siya wala ako sa mood magalit kaya noong pinihit niya ako paharap ay hindi na ako umangal. Magkasalubong ang aking kilay. Tiningnan ko siya ng masama lalo na’t tumambad sa akin ang topless na si Isaiah.
Hinila niya ang kumot at isinisiksik ako sa kanyang dibdib. Ayan na naman iyang amoy niya… binubura na naman noon ang pagtatampo ko. Nanghehele na naman.
I tried to pushed him, kahit hindi gaanong malakas ay itinulak ko parin siya para maramdaman niya ang pagtatampo ko.
Hinuli ni Isaiah ang aking pulso at yumuko. Hinalikan niya ako ng marahan, nanunuyo at nang-aakit.
Ang mainit niyang halik ang agarang tumupok ng aking galit. Ang nagwawalang mga demonyo sa aking loob ay mabilis niyang napaamo hanggang sa namalayan ko nalang na tinutugunan ko na iyon.
Lasing pa ako sa tamis na kumalat sa aking bibig nang iwanan niya ang aking labing nakaawang. Hinabol ko ang aking hininga at nakipagtitigan kay Isaiah.
Kinagat niya ang kanyang labi at hinawakan ang aking baba.
“You like my kisses alot, huh…” he smirked cockily.
Sumimangot ako kaya hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. Kumalma agad ang aking ekspresyon. Isaiah chuckled with my reaction. Ang mint na lamig ng kanyang hininga ay tumama pa sa aking pisngi kaya halos matukso akong halikan niya ulit.
“I am mad, you know… Nagtatampo ako…” pangongonsensya ko.
Isaiah leaned closer again and kissed me thoroughly. Mabilis na lumaki ang excitement sa akin, halos makalimutan na ang ikinakagalit.
“Galit ka parin?” he asked while caressing my waist.
I gave him a tiger look. “Oo…”
Idinagan niya sa akin ang kanyang binti at tumawa sa aking labi. Namangha agad ako sa gwapo niyang mukha.
God Isaiah… Ba’t ba nasobrahan ka sa kagwapuhan? It’s annoying!
“Nakakabwesit ang kagwapuhan mo ’no?” Hinawakan ko ang kanyang panga.
Pumikit siya roon at isinandal ang noo sa aking noo. Pinatakan niya muli ng halik ang tungki ng aking ilong.
“Ako ba ang pinaglilihian mo?” he asked me, half amused.
“Huh? At bakit ikaw? I don’t want my child to have a godlike visual like you! Pagkakaguluhan siya paglaki niya…”
“Hmm… Godlike visual huh?” Nanunuya niyang inilapit muli ang labi sa akin, hinahaplos lamang iyon sa akin.
Diyan talaga gumagana ang pang-aasar niya sa akin pag sobra rin akong nabubwesit sa kanya! Hindi ko alam kung sasampalin ko ba siya o gusto ko nalang halikan.
Or both? Pwede bang pagsasampalin ang guwapong si Isaiah pagkatapos ay hahalikan ko rin agad? Gaga.
“Tell me… Sinadya mo bang lumapit lapit sa akin noon dahil ang totoo ay lihim kang nagkakagusto sa akin?” aniya.
Namilog ang aking mga mata. Hindi ko natatansya ang kayabangan ng isang ’to!
“Huh? I don’t have a crush on you the first time I saw you! Assuming!” Itinulak ko siya.
Mas humigpit ang mga binti ni Isaiah na nakadagan sa akin para hindi talaga ako makawala. And it’s hard to pushed him too since nakahiga rin ako sa kanyang braso habang nakapulupot iyon sa aking balikat habang ang isang kamay ay nakayakap rin sa aking beywang. Kulong na kulong ako at dikit na dikit sa kanya.
“Liar… You stared alot too much… Baka alibi mo lang iyong kay Trey noon. Ang totoo niyan… ako talaga ang gusto mo.”
Nalaglag na talaga ang aking panga. Pilyo naman ang ngisi si Isaiah, ang dimple ay bumabalandra na.
“Baka naman ikaw? Pakunwari kunwari ka pa na tinutulungan mo ako kay Trey pero ang totoo ay sinisiraan mo lang pala ako!”
Humagalpak agad si Isaiah. See! He’s really guilty! Napakawalanghiya niya tapos sa akin pa ipapasa ang pinaggagawa niya!
“Habang palihim mo siyang pinagpaplanuhang angkinin… Palihim naman kitang pinapahulog sa’kin.”
What the?
I stared at him unbelievably! Nanliit pa ang aking mga mata at ngising demonyo lamang ang godlike na si Isaiah!
“And look at you now? You’re pregnant with our child and you’re craving with my kisses… You’re even addicted with my smell…” he said cockily.
The heck! Nahulog talaga ako sa kanyang patibong! He’s the one who lured me from the start with his godlike visual!
“I made sure you’re going to be my prize after luring you to me, that I’m going to help you… I took advantage with your weakness since I know you need me for your plans. But guess what, Damonisse? No one can manipulate me so easily… Ngayon tingnan mo at saan ka bumagsak?” Ibinulong niya iyon sa aking labi, halos ipamukha sa akin na ako ang namanipula niya noon imbes na ako dapat ang nangmamanipula.
I was so sure my plans will going to work. Siguradong sigurado ako noon na mamamanipula ko si Isaiah sa mga gusto ko at makukuha ko si Trey. Pero ang totoo, ako nga ang namanipula at binaliktad niya. Sa sobrang pagkabaliktad ay ako na ngayon itong patay na patay sa kanya.
Damn it. I really can’t believe this! Napakamapangmanipula rin niya!
“Napakawalanghiya mo…” Sinabunutan ko siya.
Isaiah chuckles and kissed me one more time. Ang aking mga kamay na nasa kanyang buhok ay doon na kumapit at dinama ang malambot niyang buhok sa aking mga daliri.
“I love you… Mahal na mahal kita. I will never be successful in life without you, Damonisse… Please stay with me forever… Huwag mo na akong itataboy ulit…” bulong niya sa pagitan ng halikan, ang kamay ay pumapasok na sa aking tshirt.
Tumango ako at hinalikan siyang muli. Nahuli niya ang aking dibdib at pinisil iyon.
Mayapaya rin naman akong nakatulog sa gabing iyon. Magaan ang aking pakiramdam dahil sa mga halik ni Isaiah. Mahimbing ang aking tulog dahil yakap yakap niya ako.
Isaiah:
I’m with my client named Teresse. She’s already thirty.
Iyon ang natanggap ko sa Cafe noong Biyernes ng hapon.
Nakokontento naman ako sa mga updates niya, nakokontento ako sa paghatid sundo niya sa akin sa Cafe lalo na’t ayaw niya rin na kasama niya ako dahil baka madistract lang siya sa akin.
Minsan ay pumapasok naman ako sa Cafe pero may mga araw na ayoko rin talaga at nasa condo lang ni Isaiah, natutulog sa kanyang kuwarto ng mahimbing.
Nagtipa ako ng reply.
Ako:
Anong oras mo akong susunduin?
Ang pinaka nakakafrustrate lang talaga ay iyong bawat minuto ay gusto ko agad siyang makita. Pag nariyan naman siya, umiinit agad ang aking ulo at naiirita ako sa kagwapuhan niya. Naiinis ako dahil masyado siyang nakakaakit at hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya.
Inilapag ko iyon at humikab. Nang mapansin iyon ni Camilo ay nag-alala agad ang mukha.
“Ma’am… Kape po?” alok niya, nasa harapan na ng coffee maker at nag-aabang sa mga customer.
Umiling ako. I still don’t like the smell of coffee. Ayokong naduduwal.
Nagbeep ang aking cellphone kaya doon rin napadpad ang aking atensyon. Mabilis kong binuksan ang text ni Isaiah.
Isaiah:
Six thirty.
Six thirty? Ang tagal pa… Eh alas dos palang. Ang alam ko nasa office siya ngayon eh. Gusto ko nga sanang sumama roon kaso inisip ko rin iyong sinasabi niyang madidistract ko lamang siya. Baka mamaya niyan ano pa ang magawa namin doon.
Bago pa ako makapagtipa ay nagtext ulit ito.
Isaiah:
I have thirty minutes break. Let’s text for awhile.
Humikab akong muli at nilalabanan nalang ang antok. Pagod na pagod ako kahit wala namang nangyari sa amin ni Isaiah kagabi. We sleep early.
Nagtipa ako.
Ako:
I’m sleepy. :’(
Umahon ang aking tingin sa pagbukas ng pinto. Sumulyap ako sa mga customer na pumasok, ang lakad ay deri-deritso na rito sa counter.
Noong magbeep ang aking cellphone ay nahulog agad ang aking mga mata roon.
Isaiah:
Do you want me to fetch you? Ihahatid na muna kita sa condo.
Ayaw na ni Isaiah na nagmamaneho ako. Iyon ang isa sa mga ikinakagalit niya pag sinasabi kong magmamaneho ako. He’s worried since I’m pregnant. Siya nalang daw ang magmamaneho para sa akin.
Haynako Isaiah…
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
No. I’m fine.
Tinitigan ko pa iyon. Nakikita ko siya ngayon, seryoso lamang na nakatitig sa kanyang cellphone at sobra na namang gwapo.
Nagtipa ulit ako ng mensahe.
Ako:
I miss you.
Ngumisi ako nang magtipa ulit ako ng panibago.
Ako:
Your kisses.
Hindi agad siya nakareply. Bumaling ako kina Thalia na busy sa pag-aasikaso sa mga orders ng customer. Si Camilo at Cleo ay kapwa narin gumagawa ng kape roon sa coffee maker.
Humikab akong muli at tamad na sumandal sa aking upuan. Nagbeep naman ang aking cellphone, nagreply na ulit si Isaiah.
Isaiah:
I miss you more. I want to kiss you, each part of your body.
Nabuhay agad ang aking katawan, ang antok ay mabilis nang lumabas sa Cafe at iniwan ako.
Iniisip ko palang ang halik niyang nanunuya sa aking katawan ay nangingilabot agad ako. Hindi agad ako nakapagtipa at may sumunod agad doon.
Isaiah:
I want to kiss your jaw, your neck and your deep collarbones.
Namilog ang aking mga mata. Why is he texting me like this?! Naiimagine ko pa talaga! And shit… His effect on me is really strong. Hindi na ako mapakali sa upuan ko.
Nagtipa ako.
Ako:
Stop it!
Mariin akong pumikit at nakita talaga sa aking isipan ang nanunuya niyang ngisi, ang paglabas ng kanyang dimple.
Isaiah:
Goodthing you’re not here or I’ll really do you on my table. I’ll slam deeper.
Oh. My. God!
Sobrang nang tumaas ang aking balahibo at ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Para akong lalagnatin sa mga pinagsasabi niya!
Nanginginig akong nagtipa ng mensahe.
Ako:
Sunduin mo nalang kaya ako?
Akala niya ha! I kinda like his idea… Gosh… I am such a slut when it comes to him! Ang bilis bilis kong bumigay. Ang bilis bilis kong pumayag! Para akong nahihibang palagi dahil sa kanya.
Nagreply naman si Isaiah.
Isaiah:
Later. Six thirty.
Sumimangot ako. Pagkatapos niya akong painitin ganyan na siya!
Ako:
But I miss you!
Talaga lang ha? Kani-kanina lang ayaw mo pang sunduin ka niya at ihatid sa condo tapos ngayon na ganoon lang ang pinagsasabi niya gusto mo agad magpasundo! My inner demon rolled their eyes at me.
Binasa ko agad ang text ni Isaiah:
Isaiah:
I’ll call.
Nataranta ako sa kanyang sinabi. Kinabahan ako kahit na palagi naman kaming nag-uusap sa condo. Parang gusto kong maghanap ng lugar na ako lang ang makakarinig sa kanya.
Nag ring na nga ang aking cellphone. Mabilis ko iyong sinagot kahit na sumasabog na naman ang kalabog ng aking dibdib. Isaiah will always have an effect on me! Kahit na nabuntis niya na ako, kahit na nagkakasama kami palagi ay hindi parin talaga ako masanay sanay. Palagi nalang nag-oovereact ang sistema ko sa kanya.
Inilagay ko sa aking tainga ang cellphone. Nagawa ko pang hilain ang upuan at inilapit iyon sa harap para humilig doon sa medyo desk ko.
“Isaiah…” tawag ko at narinig ang hininga niya sa kabilang linya.
“Are you still sleepy?” tanong niya, ang boses ay may pagka paos.
“Uh… Hindi na,” sagot ko at sumulyap sa dako nila Camilo na busy parin.
“Nabuhay ko ang katawan mo?” I heard him chuckled.
Nang-init agad ang aking pisngi. Kinagat ko ang aking labi at ipinagdikit ang mga hita kong medyo nakabahagi. Sinadya niya ata iyon para magising ako! At ngayon nga ay nagtagumpay siya.
“Stop teasing me…” pagalit kong bulong.
“Ako lang dito sa office. Mag-isa ako. My clientwill be here later…”
“Ba’t mo sinasabing mag-isa ka lang? Ba’t parang may pinaparating ka?” Nanliit ang aking mga mata kahit na alam kong hindi niya iyon makikita.
Isaiah chuckled.
“If I know your voice sounds so sexy in calls then I’m going to call you minute by minute…” he whispered sexily.
Lumunok ako at tila binubulung-bulungan lamang ako ni Isaiah. Napapikit nalang ako. Darn… Mababaliw na talaga ako. Namimiss ko na agad ang amoy niya. Namimiss ko na agad siya. Gusto kong niyayakap niya ako ngayon. Gusto ko nasa tabi ko lang siya.
“Damonisse…” he called me sensually.
Kinagat ko ang aking labi at dumilat. Sobrang init na ng buo kong mukha. Nanginginig pa ang aking mga tuhod.
“Ano?” inis kong sagot sa kabila ng sumasabog na nararamdaman.
“Call me,” aniya, ang boses ay sobrang paos na.
“H-Huh?”
“My name…”
Nilingon ko muli ang aking mga empleyado na busy lang naman. Bakit ba kinakabahan ako sa pinag-uutos nitong lalakeng ito! Nakakasuspetsya!
“Isaiah,” tawag ko, pagalit.
“Softer…”
Ngumuso ako at gumala ang tingin sa kahit saan.
“I… Isaiah…”
I heard him breathe heavily.
“Again…”
“Uh… Isaiah?”
“Longer, Damonisse…”
Gosh! Bakit ganyan na ang boses niya?! Nakakatindig balahibo! Nakakakilabot! Para nalang siyang bumubulong sa akin at tila lasing pa ang boses. Naiimagine ko ang mga mata niyang namumungay ngayon.
“Isaiah…”
I heard him cursed. Kinagat ko naman ang aking labi at nag-enjoy. Pero bakit ganoon? Parang… Para na akong umuungol! Damn it. I should stop this! Hindi na rin talaga ako mapakali at kinikiliti narin ang aking tiyan.
Noong napagtanto ko rin namang nagmumukha na akong timang ay hindi ko na sinunod. Tumawa pa ang walanghiyang godlike na si Isaiah!
His manly voice comforts me for awhile. Noong namatay na ang tawag ay gumana ulit ang aking kaantukan at gusto ko na talagang matulog.
I took a nap on the desk. Noong magising ay six na. Hindi ako ginising ng mga empleyado dahil ang himbing daw ng tulog ko.
Nakaramdam na ako ng pagkagutom. Kumuha nalang ako ng cake at iyon ang kinain habang nagpapalipas ng oras para masundo na ni Isaiah. Umupo ako sa stool at nakihalo narin sa mga customer.
Six twenty noong nakita kong pumarada sa madalas na pinagpaparkingan ni Isaiah ng kanyang Ferrari ang kumuha ng aking atensyon.
Tumayo agad ako at bumalik sa counter para kunin ang aking slingbag.
“Aalis na ako.” Palam ko sa mga empleyado na nagsitanguan sa akin at nginitian ako.
“Ingat, Ma’am!” si Camilo ganoon rin ang iba pa.
Tumango ako at excited na humakbang palabas, mas inuunahan na si Isaiah.
Pagkalabas ko ay nadatnan ko rin itong lumalabas sa drivers seat, may dala dalang bulaklak habang nakasuot ng suit at sobrang guwapo kahit na seryoso ang mukha.
Tumigil ako sa harap. Nang magtama ang aming mga mata ay pinasadahan niya ng haplos ang buhok hanggang sa bumaba iyon sa kanyang batok.
Lumapit siya sa akin at iniabot ang bulaklak na kahit ang kanyang amoy ay parang humagod narin sa akin.
“For you…”
Hindi ko napigilan ang aking ngisi. Kinuha ko iyon.
“Thanks… Pero para saan ’to?” Inamoy ko ang bulaklak at nagawa pang tingnan ang bawat detalye noon. Red roses iyon na nagawa ko pang bilangin. Mga nasa twelve…
Isaiah pulled my waist and kissed me on the forehead.
“Wala lang. Gusto lang kitang bigyan,” sabi niya na ikinatingala ko at ngumisi lalo.
Pinagbuksan niya naman ako ng pinto sa front seat at inalalayang pumasok. Kahit nasa loob na ay hindi parin ako maka get over sa malaking bulaklak na bigay niya. It’s his first time giving flowers to me!
Pumasok siya sa drivers seat.
“Nagustuhan mo?” tanong niya habang binubuhay na ang kanyang kotse.
Tumango agad ako at inamoy ulit iyon. Mabango naman pero wala talagang nakakatalo sa amoy ni Isaiah. His smell is addicting!
“Let’s date for awhile before going home…” aniya habang iniikot ang manibela.
Napanguso ako. “Sige…”
Napag-usapan namin sa buong byahe ang ginawa ko buong araw sa Cafe. I told him nakatulog ako roon pagkatapos ng tawagan namin. Sinabi niya rin sa akin ang nangyari sa araw niya. He’s preparing for another hearing next week.
Dumaan rin kami sa isang five star Restaurant at doon na raw kami magdinner. Nag-order kami ng apat na putahe. Habang naghihintay ng order.
Humilig naman ako sa mesa. Isaiah took off his coat at kinalas ang tie. He even unbotton the two button on his shirt and rolled the sleeves, revealing the veins on his arm habang kagat kagat ang labi. Hindi siya nakontento sa ginawa at bahagya pang ginulo ang buhok. And darn… Sa imahe niya palang busog na busog na ako.
Iniisip ko tuloy ang kanyang mga babaeng kliyente. Isaiah’s angles are breathtaking. Kahit saang anggulo mo siya tingnan ay mapapamura ka talaga sa godlike visual na meron siya. Nakakaconcentrate kaya sila? Tinitingnan ba nila si Isaiah bilang lawyer nila o pinagnanasaan narin nila?
And one more thing… Bakit may pa flowers siya sa akin? Bakit siya nagyayaya ng date? Siguro may kasalanan ito?
“May kasalanan ka siguro sa akin ’no?” Tiningnan ko siya ng makahulugan.
Humilig narin si Isaiah sa mesa para mas mapalapit sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at pinaglaruan ang aking mga daliri, ang mga matang tila lasing ay malalim ang paninitig sa akin.
“Kaya ka siguro extra sweet kasi may ginawa kang kabulastugan.”
Nagkasalubong ang kanyang kilay, tila walang ediya sa aking pinagsasabo at ako lamang itong ginagawan siya ng kasalanan.
“Anong kabulastugan?” he asked curiously while he’s still playing with my fingers.
“Sa kliyente mo… Kay Kaira…”
Umangat ang kanyang kilay. The mockery on his eyes were telling me that I don’t make sense but I want to make sense kaya dinagdagan ko pa, gustong ipilit ang topic.
“Iyong may malaking dibdib… Iyong malaman ang hinaharap…”
“So?” ani Isaiah sa supladong boses at walang pakialam.
“Kunwari ka pa… I know you’re staring at her boobs, too… Lalo na pag kayo lang…”
Isaiah licked his red lips. Dumako pa ang aking mga mata roon.
“I am not attracted with girls who have bigger boobs. Anong pakialam ko eh dibdib lang ’yan.”
“I don’t believe you… Ang mga lalake ay mas prefer ang malalaking dibdib, iyong malalaki talaga na para nang puputok,” mariin kong sabi.
He shifted from his seat. I want to win a conversation! Attorney lang siya! Mahal niya ako. He needs to let me win!
“Are you insecure with her boobs?” saka dumako ang tingin niya sa aking dibdib. “Do you want a bigger size of boobs? I can work on it, you know… Palalakihin ko ’yan lalo.”
My eyes widened. Sinabi niya iyon na parang normal lang ang gagawin niya. The heck!
“I-I’m contented with my boobs!” Medyo tumaas ang aking boses, ang iilan ay naglilingunan.
Isaiah licked his lips sexily. Damn him! Kahit kailan talaga ang galing mambaliktad! Ako na tuloy ang naiirita.
Umabante lalo si Isaiah, mas inilalapit sa akin ang mukha at mukhang hindi pa tapos sa pambubwesit.
“We’ll start our session tonight…” bulong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Anong session ba ’yan?
Binawi ko ang aking kamay at bumusangot sa aking upuan. Isaiah smiled at me.
“Shut-up,” I hissed.
Isaiah chuckled.
“Wala kang tiwala sa’kin?”
Namula ako ng husto. Nakikita ko sa aking isipan kung paano niya pinipisil ang dibdib ko kaya kulang nalang ay pati ang aking mga tuhod ay manlambot na.
“Stop it, Isaiah!” diin ko.
Tiningnan niya muli ang aking dibdib.
“Tiyan mo nga nakaya kong palakihin, ang dibdib mo pa kaya?”
Oh damn him!
51st Lured
Lure
d
This chapter is dedicated to Glaebornel Challsea Servano. Happy reading!
Bothered
Hindi mawala wala sa aking isipan ang sinabi ni Isaiah. Naiserve ang pagkain pero naroon parin ang aking isipan. Halatang nakamove-on na siya sa topic habang ako naman itong natutulala pa.
Ba’t masyado akong excited sa session na sinasabi niya? Bigla kong gustong magyaya umuwi… Oh my gosh… Napaka lala ko na talaga!
Itinigil ko narin naman ang topic na iyon. I didn’t win pero hindi naman iyon labanan na dapat ay may matalo at manalo. And we’re not in court! It’s just a conversation. Pag nagseryoso talaga ako, sigurado akong mananalo ako sa kanya! Totoo iyon!
It was a nice dinner date. Ang gaan sa pakiramdam ng violin at ang sarap rin ng siniserve nilang pagkain. Bigla ko pang naalala iyong madalas naming ginagawa noon na nasa tabi tabi lang, nasa kalindary or tusok tusok lang. Maybe it’s really not about the place that’s making it feel special. It’s the person who’s making the place feel special.
Dinidate rin naman sana ako ni Trey noon sa mga ganito pero parang walang dating at ngayon na si Isaiah na ang gumagawa ay kakaibang kilig ang nararamdaman ko. Kailangan lang talaga ay kasama mo ang taong mahal mo para maging memorable ang bawat lugar na pinupuntahan niyo.
Umuwi rin naman kami after magdinner. Naghalf bath ako pagkauwi. Si Isaiah naman ay deritso sa kanyang laptop, seryoso na naman doon.
Nakasandal ito sa headboard ng kama, nakasweatpants nalang at topless pa, ang buhok ay magulo habang seryoso ang tingin sa screen noon.
Gumapang ako sa kama suot ang aking silk na pulang dress at tumabi sa kanya. Tiningnan niya ako saglit pero umalis rin ang tingin sa akin.
Sinilip ko ang screen ng kanyang laptop. May nababasa akong something law roon na hindi ko maintindihan. Umupo ako sa kanyang tabi at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.
Nilingon ako ni Isaiah, mukhang masyado na ata akong malikot sa kanyang tabi. Ibinaba niya ang laptop at iginiya ako paupo sa kanyang gitna na nakabahagi.
Inilapag niya ang laptop sa aking kandungan at kinukulong na ako sa magkabila niyang bisig kung saan nagsisimula ulit siyang magtipa roon habang ang kanyang baba ay nakahilig pa sa aking balikat.
Ibinigay ko lahat ng aking bigat sa kanya. Sumandal na ako sa kanyang matigas na dibdib at amoy na amoy na naman ang kanyang pabango.
“So… Anong oras ang session natin?” I asked softly.
“What session?” wala sa sarili niyang sagot, ang buong atensyon ay nasa ginagawa.
“Yung sabi mo na… ano… Session…”
Hindi agad nakasagot si Isaiah kaya sinulyapan ko ang kanyang tinitipa. Mabilis ang kanyang kamay at parang may ginagawang dokumento? Bumusangot ako at gusto na iyong ibalibag dahil hindi niya ako pinagtutuunan ng pansin.
“’Yung session na sinabi mo sa Restaurant!” giit ko sa namumulang mukha at tiningnan ang kalahati ng mukha niyang nakabalandra.
Hinagkan ni Isaiah ang aking balikat, hindi ako sinagot at mukhang hindi niya parin talaga naaalala.
Humalukipkip ako. Akala ko ba totoo ’yon? O baka naman pinagtitripan niya lang ako? But I want that session…
Hindi nalang ako kumibo at hinintay nalang siyang matapos sa kanyang ginagawa. Pinatakan niya ng halik ang gilid ng aking ulo. Bumibigat naman ang talukap ng aking mga mata. Ayaw ko pa sanang matulog at gusto ko pa iyong session but I think he already forget about it…
Nagising nalang ako kinaumagahan dahil sa morning sickness ko. Noong magising ako ay nahuli ko ang aking sarili sa ibabaw ni Isaiah at doon nakahiga habang ang kanyang kamay ay nasa aking pwetan at ang kanyang braso ang nagsilbi kong unan.
Mabilis akong bumangon sa pagkakadagan sa kanya at nagtatakbo sa banyo para sumuka.
Gosh… Hanggang kailan ba ang pagsusukang ito?!
Naiiyak na ako at noong pakiramdam ko ay wala nang lumalabas ay nagtungo rin naman ako sa sink para maghilamos.
Weird… Hindi sumunod si Isaiah. Pag nagigising kasi ako ay gising rin siya para ipagtimpla ako ng gatas.
Lumabas ako at nakita itong hindi man lang nagising sa ginawa ko pag bangon kanina. He’s probably so tired… Anong oras na kaya siya natulog? Nauna pa ako kagabi eh.
Nag ring ang kanyang cellphone. Nakailang ring iyon sa bedside table kaya nilapitan ko na lalo na’t gumalaw rin si Isaiah at nagpalit ng posisyon.
Mabilis ko iyong dinampot at bahagyang lumayo para hindi iyon makadisturbo sa kanya.
Tiningnan ko ang tumatawag at agarang nakita ang naka phonebook na Ms. Madrigal.
Isn’t it too early? Ba’t siya tumatawag? Kumulo agad ang aking dugo. Ang aga aga namang lumandi ng bwesit na ’to.
Tiningnan ko lang ang pagriring noon. Namatay rin naman iyon at balak ko nalang sana ulit na ilagay sa bedside table kaso tumawag itong muli.
What the heck? Sinagot ko agad iyon.
“Hello Isaiah. Good morning! I just want to remind you about our trip-”
“Isaiah is still sleeping,” sagot ko at humalukipkip, matalim na ang tingin sa kung saan.
“Oh… Ganoon ba? Tatawag nalang ulit ako mamaya. And please let him answer my call. Si Isaiah ang tinatawagan ko kaya dapat hindi mo sinasagot.”
Aba! The nerve of this bitch! Bago pa ako may masabi ay narinig ko na ang pagbaba niya ng tawag.
Namilog ang aking mga mata nang tiningnan ko ang screen. Did she just hang-up?!
Mas kumulo ang aking dugo, tila isang bulkan na agarang sumabog. Sa aking galit ay mabilis kong pinukpok sa pader ang cellphone ni Isaiah. Ilang ulit ko iyong hinampas at iniimagine ang mukha noong Kaira na sana ay siya nalang ang aking ginaganito!
Doon ko lamang iyon tinigilan nang mapagtanto kong nawasak na ang screen noon at tila nagkaroon na ng glitch ang wallpaper. Taas baba ang aking balikat sa lumulutang na galit. Pag nakita ko talaga ang babaeng iyon ay siya naman ang makakatikim sa akin!
Nilingon ko si Isaiah na hindi parin nagising sa labis na ingay na ginawa ko. Ilang minuto akong nagpalamig ng ulo at pinakalma muna ang sarili.
Inilapag ko ulit sa bedside table ang cellphone niyang kahit anong pindot ko ay hindi na talaga gumagana. Kinagat ko nalang ang aking labi.
What should I say? Nalaglag? Gosh! Magagalit siya for sure! Hindi iyon normal na pagkakalaglag dahil sobrang basag talaga ng screen! I wrecked his iPhone!
Nakakabwesit kasi ang Kaira na iyon! Tawah nang tawag at ang kapal pa ng mukha na sabihin niyang si Isaiah ang dapat sumasagot! At anong klase siyang client na sobrang aga kung tumawag?! Hindi lang isa kundi paulit ulit pa! Isaiah is tired and he needs to sleep more tapos napakadisturbo niya!
God… Parang kailangan ko nga talaga si Isaiah sa buhay ko bilang magaling na abogado dahil napuputol na ang aking pasensya sa babaeng iyon.
Bumalik ako sa tabi ni Isaiah. Niyakap ko siya at isiniksik ang aking sarili sa kanyang kili kili. Gumalaw naman si Isaiah at humarap sa akin kahit nakapikit parin saka niya ako niyakap. Mukhang nagising ko ito sa kalikutan ko.
Will he get mad at me? Ideny ko nalang kaya? Kaso napakaimposible rin eh. Mag-aalibi nalang siguro ako? Patatawarin niya rin naman agad ako. I’m so sure of it!
Kinakabahan tuloy ako. Itapon ko nalang kaya ang cellphone niya para walang ebidensya? Pag hinanap niya ay magkunwari nalang rin ako na walang alam.
“Morning…” Ang husky na boses ni Isaiah ang nagpagulat sa akin.
Gosh… Gising na siya!
“Good morning Attorney…” I greeted her softly and kissed his lips. Saglit lamang iyon lalo na’t dahan dahan na siyang dumilat, magkakasalubong ang kilay habang dinudungaw ang aking ekspresyon.
Ngumiti ako ng matamis.
“Gusto mo ipagluto kita ng breakfast?” pang-eenganyo ko, mabilis nang nagiging guilty kahit hindi niya pa naman alam.
Mas lalo lang nagkasalubong ang kilay ni Isaiah. He looks very handsome on his messy hair. Nag-uumapaw na naman siya sa kagwapuhan at nakikita ko na agad ang dadapong galit mamaya sa kanyang mukha pag nalaman niya ang kasalanan ko.
Pumikit siyang muli at parang babalik na sa pagtulog.
“I’m probably dreaming…”
Huh? Nagtataka ko siyang tinitigan. Maya maya ay dumilat siyang muli at tiningnan ako. I abruptly smiled cutely at him.
“Anong ginawa mo?” tanong niya, paos pa ang boses nang idikit ang kanyang noo sa aking noo at nakapikit na muli.
“H-Huh? Is it wrong if…”
“Masyado kang moody tuwing umaga. Palagi mo akong tinatarayan. This isn’t you in the morning.” Pinatakan niya ng halik ang aking ilong.
Kumalabog agad ang aking dibdib. Shit… Dapat pala nagtaray nalang ako para hindi obvious na may pinagtatakpan akong kasalanan!
“Let’s have our breakfast. Maaga pa ako ngayon. I’m going to meet a client,” sabi niya at nagsisimula nang bumalikwas.
Mas lumaki lamang ang kaba sa akin. Bakit naman ako kakabahan?! Nanggigil lang ako kay Kaira! She’s annoying! Kung hindi siya tumawag tawag ay hindi ko iyon magagawa!
Tuluyan nang tumayo si Isaiah at nagtungo pa sa bedside table, probably to check his phone. Mabilis rin akong bumalikwas at sinubukan munang ayusin ang bedsheet.
Narinig ko na itong nagmura. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay dahan dahan niya na akong nilingon, nakaawang ang labi, ang kilay niya ay masyadong nagkakasalubong at mukhang nangbibintang na ang tingin.
“I’m going to cook breakfast for you! Just fix the bed, okay?” Ngumiti ako at mabilis na tumalikod, malalaki agad ang hakbang palabas ng kuwarto.
“Damonisse,” tawag niya, ang boses ay medyo matigas at nagpaparatang na.
Tumakbo ako at hindi na siya pinakinggan pa. Shit. Parang sasabog ang kalabog sa aking puso. Darn! His glares will going to give me a heart attack! Bakit ako agad ang tiningnan niya? Hindi ba pwedeng hindi ako ang may gawa noon? Bakit ako agad?!
I went to the kitchen area. Inilabas ko sa ref ang madalas niyang agahan sa umaga such as bacon and ham. I am just going to fry them so hindi naman iyon mahirap.
Paglulutuan ko siya! Mag-eeffort ako para pag nakipag-away siya ngayon at least may maisusumbat ako, right? Oh really, Zera?
Inihanda ko ang frying pan at ipinatong iyon sa electric stove. Nagsuot pa ako ng apron para hindi madumihan ang silk na dress. It’s quite revealing the skin of my boob since it’s neckline is vneck and above the knee pa iyon.
I wore this last night for our session kaso iyon pala ay walang mangyayari! But oh well… I need to do good! I need to prepare a breakfast for him!
Nilagyan ko ng kaonting olive oil ang frying pan nang mapansin kong umuusok na iyon ng sobra which means ay mainit na.
Dahan dahan kong inilapag ang mga bacon na ang hirap pang iarrange. Narinig ko ang yapak ng paa ni Isaiah na bumababa narin sa hagdan. Nilingon ko siya saglit at nakitang napaka seryoso ng mukha nito, dala dala ang kanyang cellphone at naka itim na tshirt na.
Kinagat ko ang aking labi at ibinalik sa aking niluluto. Medyo nagiging brown na ang iba roon habang ang iba ay hirap ko ring ayusin dahil hindi iyon nakahiga lahat at may nagsasapawan pa. Mas lalo lamang iyong umuusok.
“I’m cooking smoked bacon for you!” agad kong sabi nang maramdaman ko siya sa aking likuran.
“Smoked bacon huh… Literal ngang umuusok,” aniya sa mapang-uyam na boses.
Kinagat ko ang aking labi. Bago ko pa ito malingon ay naramdaman ko na siya.
Niyakap niya ako patalikod. Inagaw niya sa akin ang hawak kong spatula at may pinindot sa electric stove. Ngumuso ako nang inihilig niya pa ang kanyang baba sa aking balikat, ang isang kamay naman ay nakayapos sa aking beywang.
Eksperto iyong pinagbabaliktad ni Isaiah at pinag-aayos ang pagkakalagay noon. Nakahiga na silang lahat at maayos nang tingnan pero iyong iba nga lang at nasunog na ata.
“What did you do to my phone?” seryoso niyang tanong habang nasa bacon ang mga mata.
“U-Uh…” Tiningnan ko ang seryoso niyang mukha. He doesn’t look angry.
“Someone’s calling you and… uh… it slipped on my hand…” pagsisinungaling ko sa maliit na boses.
“How many times did it slip on your hand? Maraming beses bang nahulog? Sirang sira at hindi na gumagana ang cellphone ko,” he said in his baritone voice.
Ngumuso ako at itinuon ang tingin sa mga bacon na pinagkukuha niya na roon at inilalagay sa isinet-up kong bowl sa gilid.
Bumuntong nalang ako ng hininga. I am so guilty! I think there’s no use kung itanggi ko na hindi ako ang may gawa. He’s probably thinking I’m the only one who can do it to his phone.
“Kaira called you. I got pissed so…”
Handa na ako sa kanyang galit. Handang handa na ako at hinihintay ko nalang na sumabog siya, na may sabihin siya sa akin. Pero ang aking hinihintay ay hindi dumating at mas nauna pang lumapat ang kanyang halik sa aking pisngi.
“You really don’t like her huh…” marahan niyang bigkas.
Napakurap kurap ako. Nilingon ko siya. Walang dumadaang galit doon. Ni ang iritasyon ay wala rin. O…kay? Hindi man lang ito nagalit kahit kaonti.
Pinanood ko siyang lagyan ng ham ang frying pan. He even snuzzled on my neck and kissed my shoulder.
“You’re not mad?” tanong ko, hindi na talaga nakatiis.
Umiling siya. “It’s just an iPhone. Bibili nalang ulit ako bukas ng bago.”
Oh. Wow. It’s just an iPhone. Kulang nalang sabihin niyang barya lang iyon sa kanya eh. Latest model pa naman iyon…
Bigla kong naalala si Anzai. Coins…
“Pero paano ang contacts mo?” tanong ko.
“I have my copy, don’t worry…”
Ah… Ganoon naman pala. Kaso nakakagulat talaga kasi akala ko mapapagalitan niya ako. Kung alam ko lang na ganyan ang reaksyon niya edi sana mas winasak ko pa iyon para lang mailabas ang inis ko kay Kaira.
Inihilig ko nalang ang aking ulo sa kanyang balikat habang pinapanood siyang binabaliktad na iyong perfect brown na ham. My bacons got burned too much! May mga area roon na okay naman tingnan pero masasabi mo talagang nasunog ang iilang bahagi.
I am not really good at cooking. Hindi ko iyon nagawang aralin at mas nagfocus pa ss pagbibake. Nag-oorder lang rin kasi ako ng pagkain for my breakfast. Minsan ay kumakain narin ako sa labas lalo na pag nasa Cafe lang ako ay nagpapadeliver lang rin.
Iniisip ko tuloy iyong sinabi ni Kaira. I am not good at chores. Pagod si Isaiah pag dumadating pero ni minsan ay hindi talaga siya nagrereklamo. Siya pa nga ang nagluluto pagkauwi.
Pero paano kung dumating ang araw na mapagod siya sa paulit ulit na ganoong proseso? Paano kung mag-init na ang ulo niya? What if he’ll get tired of me?
Mag-aaral na talaga ako. Ayokong maging pabigat sa kanya.
Nagpasya akong tumulong sa kanya sa paglapag noon sa mesa. Kaso kakahawak ko pa lang ng pinggan ay binawi niya na agad.
“Umupo kana. Ako na rito.”
“Kaya ko naman, Isaiah,” sabi ko at balak pa sana iyong agawin kaso inilayo niya na sa akin.
I pouted. See? Hindi niya rin naman ako hinahayaang gumawa ng mga gawaing bahay. Kahit ang sisimple lang naman noon ay ayaw niya.
Nagtungo nalang ako sa coffee maker at nagpasyang gawan siya ng kape. This is the least thing I could do for him. Kahit hindi rin kasarapan ang lasa ay gusto niya naman.
Isaiah went to my side at kumuha rin ng mug. Tinimplahan niya rin ako ng gatas. Pagkatapos namin doon ay dinala niya rin naman ang dalawang mug at nagtungo na kami sa mesa.
Umupo siya at hinila agad ang aking beywang, iginigiya ako sa kanyang kandungan para doon maupo.
I wrapped my left arm on his shoulder at doon humawak sa kanyang likod. His right hand was wrapped on my waist too for a support.
“I’ll practice cooking…” sabi ko nang magsimula siyang lagyan ng pagkain ang plato.
“When? I’ll teach you,” sabi niya.
“Siguro pag vacant time mo?”
Tumango siya. “Next Sunday since we’ll going to visit your parents tomorrow after having a grocery.”
Oo nga pala… Linggo na pala bukas.
Tumango ako at kumuha ng ham. Kinagatan ko iyon. I can’t eat the bacons! Tinitingnan ko palang parang hindi ko na kaya. Ano nalang kaya iyang kape ko? I’d probably puke!
“Sino ang kliyente mo mamaya?” tanong ko, iniisip kung papupuntahin niya ba rito ang bwesit na si Kaira.
“Hmm, it’s Mrs. Mendoza. Gusto mong sumama sa office?” tanong niya.
Kumalma naman ang aking ekspresyon nang marinig ang Mrs. A married woman.
Naisip ko iyong text niya kahapon sa akin. He’ll slam me on his table! Bakit iyon agad? Bakit doon ako naeexcite? God… I should keep this dirty thoughts inside my head.
“Are you going to be alone in your office?” tanong ko sa maliit na boses, ang mga mata ay wala sa kanya.
Isaiah chuckles. Agaran akong namula. Hinagkan niya ang aking braso.
“Why?” he asked me, his voice was a bit taunting.
“Wala lang… I’m just curious…”
“Not sure since isiningit ko rin si Ms. Madrigal. Binibilisan ko ang kaso niya para hindi mo na masyadong pinag-iinitan,” sabi niya at sinubuan ako.
So… So Ms. Madrigal? Ms?
“How old is she?”
“Twenty eight…”
“Single?” Nanliit na ang aking mga mata.
Nagkibit siya. “I don’t know. I didn’t ask about it.”
Kumulo agad ang aking dugo. Kaya pala ganoon iyon makalandi dahil nasa twenties pa.
Hinaplos niya ang aking beywang.
“I’ll finish her case right away. Hindi ko na hihintayin na masuntok mo ’yon sa mukha.” Ngumuso siya, tila may naalala.
Kinalkal ko naman iyon sa aking utak hanggang sa naalala ko ang pagsuntok kay Keesha. Baka nga si Kaira na ang susunod pag hindi siya lumugar diyan sa kalandian niya.
At least Isaiah is aware with my attitude. Talagang susuntukin ko ’yon! Baka sobra pa sa suntok ang gawin ko!
After our breakfast sabay rin naman kaming naligo. Wala namang nangyaring kung ano at sinabunan niya lang ako. I want to insist something kaso kinimkim ko nalang. Siguro wala muna ngayon? Bukas? How about tomorrow? And how about our session? Hindi na ba iyon matutuloy?
Si Isaiah ang namili ng dress ko. Ako naman ang namili ng suit niya. Parang pare-parehas lang naman ang mga iyon. Pero para maiba ay kinuha ko iyong dark blue polo. Inamoy ko pa iyon bago ko tuluyang ibinigay sa kanya na ikinangisi niya.
Nagbihis kami roon. I’m wearing a long sleeve above the knee dress with square neckline. It’s a white dress with a ribbon on the chest area.
“I’ll buy you new clothes tomorrow. This one is too accessible…” aniya at iginapang ang kamay sa aking pwetan noong lumabas kami roon.
Lahat nga ng damit ko ay masyado ngang accessible. Ayaw niya ’yan… hindi siya mahihirapan.
Dinala ako ni Isaiah sa kanyang office. Kakapasok pa lamang namin sa building ay ipinulupot niya na ang kanyang beywang sa akin.
Napansin ko agad kung paano humaba ang leeg ng mga taong naroroon. Masyadong nacucurious ang kanilang mga mata na sinundan nila ako ng tingin.
“’Yan na siguro ang girlfriend ni Attorney…”
“Akala ko talaga iyong maganda niyang kliyente na madalas bumisita rito.”
“Baka ’yan na talaga eh mas maganda ’yan kumpara roon. Malaki lang talaga ang dibdib noon.”
“Ang swerte naman nitong si Attorney. Iba talaga pag sobrang gwapo. Nakakasungkit ng mga ganyang babae na mala diyosa na sa sobrang ganda.”
Iyong dalawang lalake na may mga hawak pang papel ang narinig kong pinag-usapan kami. At sa bawat paglalakad namin ay may mga bumabati rin naman sa kanya.
He must be very popular because of his looks. Ang tindig palang ni Isaiah talagang mapapalingon ka at susundan ito ng tingin pag dumaan sa gilid mo. His snob awra will make you drool at him lalo na’t mala godlike pa ang kanyang kabuuan sa sobrang perpekto.
Pinihit niya ang doorknob at pumasok kami sa malaki-laking office. Sa labas ay nabasa ko pa ang Attorney Silvestre na gold ang kulay ng pangalan.
He has a big office and it’s clean. Suminghot ako at agarang naamoy ang kanyang pabango na nagkalat rin dito sa loob. Better.
Inalis niya ang kanyang kamay sa aking beywang. Naglakad ako roon patungo sa sofa. Hinubad ko ang aking sling bag at inilapag iyon doon. Si Isaiah naman ay naroon sa kanyang table, inilalapag narin ang dalang briefcase.
“Pag inantok ka, pwede ka riyan sa sofa since malambot naman iyang tulugan at kasya ka. Meron rin akong unan,” ani Isaiah na nakaupo na roon sa swivel chair niya at may pinagkakaabalahan.
Sleep? I don’t think if I can sleep… Tumitig ako sa mesa at mukhang kasya nga ang kalahati ng katawan ko riyan. Damn it, Zera!
Napasulyap si Isaiah sa akin, namumula akong nag-iwas ng tingin. Gosh… Ano ba itong mga nasa utak ko. Puro nalang kahalayan!
Isaiah sighed.
“Come here, Damonisse…” tawag niya sa marahang boses.
Tumayo naman ako at naglakad patungo roon. Bahagya siyang umabante para bigyan iyon ng kaonting espasyo saka hinila ang aking beywang at iginiya paupo roon sa kanyang kandungan.
Patagilid ang pagkakaupo ko. Iniyapos ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg at inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat. Isaiah wrapped his hand on my waist for a support. Hinagkan niya pa ang aking ulo.
“Mas gusto mo bang matulog sa kandungan ko?”
Umiling ako at ngumuso. Umahon ang aking tingin at sinundan ang isa niyang kamay. Naroon iyon sa desk at may pinagkakaabalahang mga papeles.
“I am not sleepy…” sagot ko.
Umangat ang kilay ni Isaiah at tiningnan ako. Namula ang aking pisngi at nag-iwas muli ng tingin. Hindi naman talaga ako inaantok ah?! Kahit napakakomportable ng aking posisyon at naglalaban ang antok at pagnanasa, hindi ako inaantok!
Itinuon ko ang aking mga mata sa kanyang leeg. Hinaplos ko ang tattoo niya. Nang hindi ako makontento ay umabante ako at hinalikan iyon. I kissed the length of the side of his neck. Naramdaman kong tumigil na siya sa ginagawa sa harap at nagloosen na ang balikat habang mahahaba na ang hininga. I think he’s aroused!
His neck smells good. Itinigil ko rin naman ang paghalik at sumulyap sa kanyang mukha. Nakapikit na ito at noong dumilat para tingnan din ako, masyado nang namumungay ang lasing na mga mata. I smiled cutely.
“I am not going to bother you…” sabi ko sa marahang boses.
Binasa ni Isaiah ang labi at inatake agad ako ng halik na agarang lumalim.
“Now I’m bothered if we can do it fast before my client arrives…” he whispered hoarsely at ang isang kamay ay nasa aking dibdib na.
Oh my…
52nd Lured
Lured
This chapter is dedicated to Hanna Esquejo. Happy reading!
More Than My Life
Nagising nalang ako na nasa kandungan parin ni Isaiah. May boses akong naririnig sa harap at mukhang dumating na nga ang kanyang kliyente.
I got tired after what we did. Ni hindi na ako nakalipat sa sofa at dito nalang sa kanyang kandungan naidlip. I drained all my energy. Ramdam ko parin ang hapdi…
Bahagya akong gumalaw. Sinilip ni Isaiah ang aking mukha. Hinagkan niya ang aking ulo. Nilingon ko kung sino ang nasa harap at nakita ang isang babaeng nasa thirties na habang nakangiti sa amin.
“Oh… Ang ganda naman…” aniya nang magkasalubong ang aming mga mata.
I smiled a bit at itinago ang aking mukha sa leeg ni Isaiah.
“Ang ganda ganda ng asawa mo, Attorney…” dagdag pa nito.
“Thanks…” si Isaiah.
“May anak na ba kayo?”
“She’s pregnant,” sagot ni Isaiah, ang boses ay nagmamalaki.
“Oh… Kaya pala ganyan ka clingy. Ikaw ata ang pinaglilihian. Ganoon pa naman ang mga buntis. Palaging gustong nilalambing ng asawa.”
“Ganoon nga siya. She’s madly inlove with me,” pagmamayabang niya.
Ako pa talaga ngayon? At bakit Zera? Hindi ba?
Tumawa iyong babae sa harap.
“Sigurado akong ang guwapo ng anak niyo. Kung babae man ay magmamana iyan sa Mommy. Ang ganda ganda rin…”
Nagpatuloy ang kanilang topic tungkol sa amin ni Isaiah. She even suggested some vitamins for me. Ang rami niyang payo kay Isaiah habang nakikinig lang rin ako lalo na’t hinihila parin ng antok ang aking mga mata.
Nagpaalam rin naman ang kanyang kliyente. Si Isaiah naman ay nag-order ng pagkain para sa akin.
Doon na ako umupo sa sofa lalo na’t baka madumihan pa ang mga papel na nasa mesa niya dahil sa mga pagkain. Katabi ko siya roon. Ang sabi niya sa akin ay may isa pa siyang kliyente and after that ay uuwi narin kami.
Anong oras narin ba? Chineck ko ang suot kong wrist watch at nakitang alas dos y media na pala. Dalwang oras ako nakatulog! Masyado niya akong pinagod.
“Is this soundproof?” Iginala ko ang mga mata sa paligid ng kanyang office.
“I don’t know. Why?”
Namilog ang aking mga mata sa sagot ni Isaiah.
“A-Ang ingay ko ba kanina?” Namula ang aking pisngi nang mapagtanto ang kasabikan ko sa ginagawa at nadala na, nakalimutang hindi lang pala kami ang mga tao rito.
Tumango siya. “Maingay ka naman talaga palagi. You scream too much everytime we’re doing it…” Nanunuya ang ngising pumaskil sa kanyang labi.
Bumusangot ako. “Nakakahiya, Isaiah!” Pinalipad ko ang aking kamay sa kanyang braso.
Hinuli niya iyon at hinalikan ang likod ng aking palad. Umirap ako, naiisip ang boses ko na sigurado akong pinagpipyestahan na marahil sa labas.
“No one heard you. O kung meron man, mas mabuti nga iyon nang malaman nilang akin ka lang.”
Damn… Ang possessive!
Mga alas tres ay naging busy na si Isaiah. Nasa harap naman ako ng kanyang computer at naglaro roon ng games. Ilang sandali lamang at may kumatok.
Bumukas rin naman ang pinto at may pumasok. Mabilis ko iyong nilingon at nakita ang babaeng naka body hugging dress na kulay champagne, naka high heels at may dala dalang paperbag.
Awtomatikong kumulo ang aking dugo. Lalo na noong nagtama ang aming mga mata at ang kanyang ngiting matamis ay nabura na.
“Ms. Madrigal,” boses iyon ni Isaiah.
“Oh… Dumaan lang ako to give you a lunch. Dating gawi…” aniya at naglakad narin doon.
Lunch? At dating gawi? Kaya pala usap usapan na madalas siyang binibisita ng babaeng may malaking dibdib!
Sinundan ko iyon ng tingin. Napatingin narin si Isaiah sa akin, ang mga mata ay naninimbang.
Kaira placed the paperbag on his table. Matamis na ulit ang kanyang ngiti habang inilalagay ang iilang hibla sa gilid ng tainga.
Sinilip iyon ni Isaiah saka rin itinabi sa gilid.
“Thanks,” aniya at itinuro ang upuan.
Umupo sa harap si Kaira.
“I called you early in the morning to remind you about our trip. Noong tinawagan kita ulit hindi na kita makontak…” saka niya ako nilingon. “Siya ang sumagot sa tawag ko.”
“She broke my phone,” casual na sabi ni Isaiah at may kinuhang folder sa gilid.
Nalaglag naman ang panga ni Kaira, sumulyap muli sa akin. Dapat lang na magulat ka dahil baka sa susunod iyang mukha mo na ang babasagin ko.
“So wala kanang cellphone?”
Umiling si Isaiah sa tanong ni Kaira, ang kanyang mga mata ay nasa folder lang.
“Oh… How about our trip? Paano kita matatawagan?”
What trip? Huh? Aalis silang dalawa? Sila lang dalawa?
May panibagong kumatok sa pinto. Napatingin ako roon. Bumukas iyon at sumilip ang isang lalake na naka suit din. Sumulyap ito sa akin, ang mga mata ay namangha pa at napaawang ang bibig. Tumikhim si Isaiah kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
“We need you for awhile,” aniya at sumulyap muli sa akin.
Tiningnan ko si Isaiah na tumayo na. He excuse himself from Kaira at nagtungo sa akin. Yumuko siya para bumulong.
“Sa kabilang office lang ako. And please… avoid from punching her face…” At hinagkan niya ang aking ulo.
Ngumuso ako at tumango. Aware pala talaga na gigil na gigil akong gawin ang bagay na iyon.
Sinundan ko ang malapad na likod ni Isaiah at naglalakad na papunta roon sa may pinto.
“Tama pala talaga ang usap usapan sa floor na sobrang ganda raw ng girlfriend mo.”
“Shut up or I’ll punch you,” ani Isaiah at tinapik ang balikat nito.
Humalakhak ang lalake. Sumulyap saglit si Isaiah sa akin at isinara rin naman ang pinto.
Naiwan kaming dalawa ni Kaira sa loob. Nilingon ko siya. Nasa mga gamit ni Isaiah ang kanyang tingin, tila iniiwasan lang na mapunta ang kanyang mga mata sa akin.
Tumayo ako. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin lalo na noong naglakad ako patungo sa desk ni Isaiah.
Nagtungo ako roon sa harap. Itinulak ko lang ang swivel chair at iniupo ang gilid ng aking balakang doon sa desk. Tiningnan ko iyong loob ng dala niyang paperbag at nakita ang mga naka tupperware na mga luto.
“Are these homemades?” tanong ko at inangatan siya ng kilay.
Kaira nodded and smiled sweetly.
“Yes… Mahilig kasi si Isaiah sa mga ganyang pagkain-”
“Attorney Silvestre,” pagtatama ko na ikinapawi ng kanyang ngisi.
“Hinayaan niya akong tawagin ko siya sa unang pangalan niya. Pati ba iyon pagseselosan mo?” Tumawa siya at nailing.
“You’re his client Ms. Whatever your surname is. At hindi gawain ng kliyente ang mga ganitong bagay. Titig mo palang parang hindi bilang Attorney ang tingin mo sa kanya. Aren’t you aware he’s in a relationship with me?”
“I am aware, of course… That you’re pregnant. Pero ang alam ko ay pinaninindigan niya lang ang responsibilidad niya sa’yo. I’ve seen how you got mad at him. Sinabi mo na nabuntis ka niya. And Isaiah doesn’t look like he’s interested with you. Baka nga napipilitan lang siya sa’yo dahil sa baby.”
Ang kapal ng mukha! Sinasabi ko na nga ba… Kaya ganito ka confident ang bitch na ito dahil may pinanghahawakan siya.
Tumayo ako ng maayos at humilig sa harap. Hinawi ko ang paperbag na bigay niya at agaran iyong nalaglag sa sahig, gumawa pa ng tunog at mukhang natapon na sa loob.
Her eyes sharped at me. Tinitigan ko rin siya ng higit pa roon.
“Let me ask you. Did he fuck you already?”
Nalaglag ang kanyang panga sa aking tanong. I see… Isaiah told me ako ang naging una at huli.
“Hindi purket buntis ka ay ipapasa mo na sa akin ang gawain mong magpabuntis sa kanya. I am not as desperate as you,” galit niyang bigkas.
Ngumisi ako.
“Isaiah fucked me hard because he badly wants me in his life. Ganoon siya ka desperado na binuntis niya ako. Hindi mo pwedeng sabihin na nagpabuntis ako sa kanya. Siya ang may plano noon hindi ako,” paglilinaw ko na ikinalaki ng iritasyon sa kanyang mukha.
“Ganyan ba ang sukatan mo? Just because he fucked you hard? And just because you’re pregnant? Baka naman natukso lang…” sabi niya sa nang-iinsultong boses.
Humagalpak ako.
“Natukso siya sa akin pero sa’yo hindi? Ganoon siguro ako kaattractive sa mga mata niya,” nanunuya kong sabi.
“Syempre… Daig naman ng maganda ang malandi. Sinong lalake ang hindi mapapasubo sa ganoong babae?”
“Oh kaya nga… Dinaig na nga kita sa ganda, dinaig pa kita sa landi. Mas naakit ko siya kumpara sa pang-aakit na ginagawa mo. Or you just can’t accept that he’s not into you no matter how you seduce him… You’re even luring him using your cleavage yet you still fail to give him hard ons…”
Kitang kita ko ang pagkatigil niya. Ang labing nagagawang ngumiti sa akin kanina ay nanigas narin at hindi na kumukurba.
Sumimangot ako, nagpanggap na malungkot.
“Aww… Isn’t it sad when the only choice you have is to pleasure youself because Isaiah will never pleasure you?” I asked softly, mocking her.
“You’re a slut! Baka naman naawa lang siya sa’yo dahil nakikita niyang patay na patay ka sa kanya kaya pinagbigyan niya ang pantasya mo,” matigas niyang sambit, ang mga mata ay nag-aapoy na sa galit at namumula narin ang mukha, tuluyan nang nawalan ng pasensya sa akin.
I chuckled softly and brushed my hair.
“At least my fantasies with him got granted. Lahat ng pagnanasa ko sa kanya ay tinutugunan niya. Eh ikaw? The way you stared at him says it all. You badly want him too… Parehas lang siguro tayong may matinding pagnanasa sa kanya pero tingnan mo, sa akin lang siya naawa at pinagbigyan ako. But how about you? Hanggang pantasya ka nalang? Hanggang titig nalang sa kanyang katawan? A client who’s willing for an extra service but too bad Attorney Silvestre is just too loyal with me that your big boobs can’t even turn him on. Baka naman kasi sa’yo siya hindi interesado bilang babae at nakikita ka lamang niya bilang kliyente…” Malademonyo na akong ngumisi lalo na’t binalot na ng galit ang buo niyang mukha.
Kaira stood up. Matapang kong sinundan ng tingin ang pag-ahon ng kanyang mga mata sa akin. Parang ilang sandali lamang ay kayang kaya niya na akong sampalin.
“Sa ginagawa mo, mawawalan ng kliyente si Isaiah. Wala sa lugar iyang pagiging brat mo at pagiging selosa,” sabi niya habang nakakuyom ang mga kamay.
“Sa lahat ng kliyente niya, ikaw lang naman ang mawawala dahil ikaw lang itong wala rin sa lugar ang pagiging malandi at desperada,” matapang kong sagot, pinaparamdam na hinding hindi niya ako matitinag kahit ano pang sasabihin niya dahil hihigitan ko iyon at ibabalik sa kanya ng mas triple pa.
Her eyes sharped at me intensely.
“Sino ka ba sa tingin mo?!” sigaw niya, ang mga mata ay namumula sa sumabog na galit.
Ngumisi ako sa pagsiklab niya.
“Ako lang naman ang magiging asawa ng pinagnanasaan mo.”
Nagtaas baba ang kanyang balikat. I licked my lips and brushed my hair while looking at her calmly.
“Leave my man alone and keep your fucking fantasies to yourself. Hindi mo siguro magugustuhan kung ako mismo ang kumamot ng pagiging makati mo sa pamamagitan chainsaw.” I glared at her.
Napaatras siya, iritang irita parin at marahas nang kinuha sa upuan ang kanyang cheap na bag. Naiiling siyang tiningnan ako ng huling beses.
“H’wag kang malandi sa hindi mo pagmamay-ari. Isaksak mo ’yan sa kokote mo kung ayaw mong ako mismo ang sumaksak sa’yo” nanggigigil kong sabi at kung hindi pa ito aalis sa aking harapan ay susugurin ko na talaga.
Umawang ang bibig para sana may sabihin pero sa huli ay natutop rin iyon at tumalikod nalang. Padabog siyang naglakad at halos ibaon ang kanyang heels sa tiles. Matisod sana!
Umirap ako. Fucking bitch! H’wag niya talaga akong mahamon hamon at susunugin ko talaga siya sa impyerno. No one mess up with Zera!
Pero kahit papaano ay kumalma narin naman ang aking pakiramdam. Pinahupa ko nalang muna ang kalabog ng aking dibdib. Ang sarap talagang saktan eh!
Bumalik akong muli sa harap ng computer nang humupa ang iritasyon sa aking sistema at umupo roon na parang walang nangyari. Ipinagpatuloy ko ulit ang nilalaro kong cafe na gumagawa ng cakes.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay bumukas na ang pinto. Pumasok doon si Isaiah. Ang agaran niyang tiningnan ay ang nasa sahig sa gilid ng mesa. Oh… Inihulog ko pala iyong bigay ni Kaira sa kanya na homemade.
Nagkasalubong na ang kanyang kilay at naglakad patungo sa akin. Ibinalik ko naman ang tingin sa screen ng computer at pinagpatuloy ang aking laro since ang rami nang nabubwesit na customer.
Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat. Tiningala ko siya.
“Did you…”
“I didn’t punch her face, unfortunately…” sabi ko na ikinakurap niya.
“I don’t know if it’s a good news or not…” saka siya lumingon sa inuupuan kanina ni Kaira.
Ibinalik ko naman ang mga mata sa harap. The customers are fucking annoying! Ayan tuloy ay namamali ang pinaggagawa ko dahil sa given time.
“Where is she?” tanong muli ni Isaiah.
Nagkibit ako. “Ewan,” matabang kong sagot.
I don’t care if Isaiah lost her as his client. Hindi naman siya kawalan at naniniwala ako sa kalidad niya bilang Attorney. Indemand siya at kung aatras si Kaira dahil doon ay bahala siya. Better! Eh halata namang ibang bagay ang habol niya. I fucking hate her.
Wala naring tinanong pa si Isaiah kung nasaan si Kaira lalo na’t mabubwesit lang rin ako kung kukulitin niya ako sa bagay na iyon. Pinalinis niya sa janitor ang natapong pagkain at hindi narin nagtanong sa bagay na iyon, marahil ay may ediya na.
Buti nga at hindi ko binalibag ang mesa sa sobrang pagkairita riyan sa kliyente niyang bukod sa malaki ang dibdib ay makapal pa ang mukha. She’s just insecure because Isaiah chose me over her. She’s insecure dahil lamang na lamang ako sa kanya.
Umuwi rin naman kami pagkatapos ng kanyang mga trabaho. Habang nasa byahe, naalala ko naman iyong sinabi ni Kaira na trip nila ni Isaiah.
“Ano ’yung sinasabi ni Kaira na trip niyo?” tanong ko habang nasa kalsada ang kanyang mga mata.
Madilim na ang daan. Ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang mga ilaw na nanggaling sa mga streetlights at mga citylights na nadadaanan namin.
“We’re going to visit their land on their province.”
“Huh?”
“May minana kasi siyang lupa na inangkin ng mga kadugo niya at balak niya nang bawiin. Ten hectares iyon na may mga pananim nang lumago.”
So titulo ng lupa ang ipinaglalaban niya? Ba’t kung umasta siya ay parang hindi na iyon ang habol niya kay Isaiah? Ba’t parang hindi lang lupa ang gusto niyang angkinin?
“Isang araw lang naman ’yon. I’ll just check the land with her at uuwi rin agad. Next week narin ang kanyang hearing kaya konting tiis nalang,” aniya.
Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi. Marami ang pwedeng mangyari pag nagsama silang dalawa. What if akitin siya ni Kaira? O di kaya ay lasingin siya? And he’ll get her pregnant? And Kaira will fight for the child’s right.
Damn, Zera. Napakaparanoid mo!
Inilagay ni Isaiah ang kanyang kamay sa aking hita at doon humawak sa aking inner thigh.
“Do you want to come with us?”
Lumiwanag agad ang aking mukha. P-Pasasamahin niya ako!
“Really?”
Tumango siya. “Yes… Baka pag iniwan kita at matagalan ako sa pag-uwi ay maparanoid ka lang. I know you…” Nilingon niya ako at tiningnan ako ng makahulugan.
Ngumuso ako at hindi maipagkaila ang bagay na iyon. Bakit ba nababasa niya ako?
Pero tuloy parin ba iyon? Siguro naman hindi aatras si Kaira sa kaso. Eh siya naman ang may kailangan kay Isaiah. It’s her loss.
“But in one condition…”
Napatingin akong muli kay Isaiah. Nadaanan pa ng liwanag ang kanyang mukha, ang kagwapuhan niya ang nagpatulala sa akin lalo na’t nakabalandra ang kanyang noo at may iilang hiblang tumatakas roon sa buhok na nakaatras.
“Avoid using your talent,” seryoso niyang sabi.
“Talent? What talent?”
“You’re good at boxing.” Ngumisi ng nakakaloko si Isaiah sa akin.
Nalaglag ang aking panga nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi. Humagalpak siya ng tawa lalo na’t unti unti akong sumimangot.
“Pinadugo mo pa nga noon ang ilong ni Keesha…”
“Because she’s at fault! Pinagsasalitaan ka niya ng kung ano-ano! Nakakabwesit siya!”
Isaiah licked his lips at ngayon ay nakangiti na.
“You were my first Attorney before I became one…” makahulugan niyang sabi.
Kumalma ang aking ekspresyon. Tumitig ako sa kanya na nasa kalsada na ulit ang namumungay na mga mata.
“That day… when you cried infront of me while fighting for my right, I promise to myself I’m going to defend you. Ipagtatanggol kita sa lahat ng mananakit sa’yo. Gusto kitang protektahan sa lahat.”
Napasinghap ako roon. Nilingon ako ni Isaiah, ang kislap sa kanyang mga mata gawa ng mga ilaw na nadadaanan ay sobrang gandang titigan, nang-aakit ang mga iyon.
“Kahit na nasaktan ako noong paglabas ko, ipinagpatuloy ko parin ang pangarap na ’yon. Some of my clients were all girls and I’m thinking what if it’s you? Iyon ang nagbibigay saakin ng inspirasyon na ipanalo ang kaso dahil ayokong makakita ulit ng babaeng nasasaktan.” He sighed heavily.
“Isaiah…” Nanlabo agad ang aking mga mata.
Sa kabila ng ginawa ko sa kanya ay nanatili siyang matatag. Sa kabila ng lahat, ng pananakit ko ay ako parin ang inisip niya. His love is just too much… Parang hinding hindi ko iyon matutumbasan.
Hinuli niya ang aking kamay sa kandungan at ipinagsalikop iyon. Inangat niya ito saka dinala sa kanyang labi para halikan iyon ng matagal.
“And now you’re with me. You’re now my first priority before anything else…”
Nahulog ang malaking luha. Sobrang saya ko dahil ipinaparamdam niya sa akin ang ganitong pagmamahal na hindi ko inaakalang mararamdaman ko pa pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa.
“I’ll do anything for you… Anything,” he whispered while showering small kisses on the back of my hand.
It made me smile. Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko. Kontentong kontento na ako sa nangyayari. I just want to grant Isaiah’s wish… Mananatili ako sa kanya habang buhay hanggang sa pagtanda naming dalawa.
It was a long silence after our heartwarming talk. Ninamnam ko ang nangingibabaw na katahimikan habang pinaglalaruan niya ang aking daliri, ang isang kamay ay nagmamaneho. Tiningnan ko lamang ang mga citylights pero bawat minuto ay inaagaw ni Isaiah ang aking tingin at napapalingon ako sa kanya.
Ano kayang gagawin ko kung nawala si Isaiah sa buhay ko? I’m sure that’s the cause of my death… Hindi ko na talaga kakayanin.
Pagkarating sa bahay, inabala ko ang sarili sa pagtitipa ng mensahe para kay Mommy. Doon ko napagtantong hindi ako masyadong nagrereply sa kanya. Nangungumusta pala ito palagi.
Ako:
Mommy. I’m going to visit tomorrow.
Inayos ko ang kulay itim na bedsheet ng aming kama. Isaiah was still in the shower.
Isang tawag ang bumalandra roon. Dinampot ko iyon at mabilis na sinagot.
“Really, hon? What time?” Agad na bungad ni Mommy nang ilagay iyon sa aking tainga.
Pinisil ko ang labi at tumayo ng tuwid. Bago pa ako makasagot ay bumukas ang pinto ng banyo. Sumilip doon si Isaiah, halatang hindi pa tapos lalo na’t may sabon pa ang mukha.
“Who’s that?” tanong niya, ang kilay ay nagkakasalubong.
“Si Mommy,” sagot ko na agarang ikinakalma ng kanyang ekspresyon.
“Ah…” Tumango tango siya at isinara muli iyon.
The fuck? Baliw!
“Oh my gosh Princess Zera Damonisse!”
Napangiwi ako sa pagsagot ni Mommy, hindi dahil matinis ang kanyang boses kundi dahil sinali niya ang kinaiinisan kong pangalan ko.
“Mom!” gigil kong bigkas.
“Are you with a man?! May boyfriend kana?!” excited niyang tanong.
“Sino? Si Zera?” Boses naman iyon ni Daddy.
Mariin akong napapikit at natampal ang noo.
“Yes! I think she has a boyfriend, Jin! May kasama siyang lalake. Kaya pala ang busy busy niya these days…” Humalakhak si Mommy.
Umupo ako sa paanan ng kama at dumilat muli.
“Ba’t hindi man lang ipinakilala sa atin?” si Daddy.
“She told me she’s coming tomorrow. Baby… Are you going to introduce him to us?”
Tumango ako. “Yes, Mom… Dadalhin ko siya riyan…”
Narinig ko ang kanyang pagsinghap. Nararamdaman ko ang kanyang saya kahit sa cellphone ko lamang siya naririnig.
“I am so happy for you!” ani Mommy.
“Thanks, Mom…”
“Dalhin mo muna rito, Zera. I need to make sure he’s not going to hurt you. Tatakutin ko ’yan,” ani Dad.
Tumawa si Mommy. Kinagat ko naman ang aking labi lalo na’t tumatakas na ang ngiti sa aking labi.
Pag nalaman nilang si Isaiah, sigurado akong hindi nila ito pagdududahan. They both know how much I love him… Saksi sila noon kung paano ako nawalan ng gana sa mga lalake pagkatapos noong sa amin ni Isaiah.
Paano na kaya kung malaman rin nilang magkakaapo na sila? I can imagine Mommy’s face! Lalo na si Daddy. Magiging lolo at lola na silang dalawa.
“Baka mala Isaiah ’yan,” ani Mommy, ang boses ay nanunuya agad.
Bago pa ako makasagot ay lumabas na rin si Isaiah sa banyo. Nakatapis ng tuwalya ang kalahati ng kanyang katawan habang bumabalandra ang matigas na abs, ang muscles ay nagf-flex pa lalo na’t ang isa niyang kamay ay kinukusot ang basa niyang buhok at ang pinaka agaw pansin na vshape sa parteng abdomen niya na sobrang nakakatuyo ng lalamunan.
Umangat ang kilay ni Isaiah sa akin nang magtama ang aming mga mata. He smirked cockily at naglakad sa aking gawi.
Doon ko napagtantong nakaawang na pala ang aking labi, tulala pa at kulang ay tumulo ang aking laway. Mabilis ko iyong isinara ganoon din ang mga hita kong nakabahagi at tumikhim.
“Baka may asawa na iyong Isaiah. Eh tinulak niya iyon, ’di ba?” ani Dad.
“Who knows? Zera will never fall inlove with someone if it wasn’t Isaiah. O baka naman mala Isaiah kaya nahulog siya,” si Mommy naman.
Nakarating na si Isaiah sa aking harapan. Yumuko siya at inihilig ang magkabila niyang kamay at inilebel ang mukha sa akin. I smelled his shower gel at sobrang nakakaakit talaga iyon.
Inilapit niya pa lalo ang kanyang tainga sa hawak ng cellphone at nakinig sa usapan ni Mommy at Daddy sa kabilang linya.
“Eh ang guwapo noong Isaiah. Walong taon na ang lumipas at baka nakahanap narin iyon ng iba,” si Daddy.
“True love never dies, Jin…” si Mommy naman na kahit si Isaiah ay tumangi rin, sang-ayon doon.
Inalis niya rin naman ang kanyang tainga roon. Bumaba pa ang aking tingin sa v-shape at lumunok saka mabilis na nag-iwas ng tingin.
“Mom, Dad… I’m going to hang-up now… Bibisita kami riyan after namin mag grocery,” sabi ko.
“Okay, baby… We’ll prepare some dinner,” si Mommy.
“Okay. I love you…”
“Love you too,” si Mommy.
“Love you…” si Daddy.
Napangiti ako at pinatay narin ang tawag.
“I love you, too…” ani Isaiah at ngumisi pa.
Tumawa ako at inilapit ang mukha sa kanyang mukha para halikan ito. Nakakatukso ang bango niya! Nakakapang-init.
“I love you, Isaiah… so much…” bulong ko sa kanyang labi.
“I love you… more than my life…” he whispered back and kissed me gently.
53rd Lured
Lured
This chapter is dedicated to Vengilyn Blanca. Happy reading!
Proud
Sunday.
Umaga palang, nasa gym na kami ng condo unit si Isaiah. I was eating some baked potatoes while watching him lift some barbells.
Pawisan na ito. Topless at nakasweatpants lamang. His muscles are flexing. Ang ripples sa dibdib ay nakakapanglaway. Ang matigas na tiyan ay nagpapatulala rin sa akin.
Nagtreadmill ako kanina, pero noong napagod na at heto ako, kumakain habang nakaupo na.
May malaking salamin dito, halos inukupa ang buong pader at makikita mo talaga ang kabuuan, kahit ang likod ni Isaiah ay nakikita ko rin doon kung paano iyon gumagalaw sa bawat pagbubuhat niya.
May malaki ring flatscreen tv sa itaas, mga sari saring equipment.
Sumulyap siya sa akin, malalim agad ang tingin kaya kumurap ako at hindi na gaanong tumitig sa kanya. Isaiah smirked at me, nanunuya na naman ang ngisi sa labi.
Alam niyang guwapong guwapo ako sa kanya at ginagamit niya talaga iyon para alipinin ako. Darn. His stares can melt me anytime, too! Kumakalabog na naman ang puso ko.
Tumayo rin naman siya pagkatapos. Nagtungo siya sa aking gawi at pinasadahan ng haplos ang mamasa masang buhok.
Tumigil siya sa aking harapan at dinampot iyong tuwalya. Isinabit niya iyon sa balikat saka iyong bottled water naman ang dinampot at binuksan.
Napunta ang aking mga mata sa sumisilip na v shape sa may abdomen part. Iniisip ko pa lang ang mas ibabang parte ay mabibilaukan na ata ako sa aking kinakain. God, Zera! Shut-up you pregnant woman! H’wag kanang pumunta sa madilim na parte ng iyong pag-iisip!
“Anong oras tayo aalis?” tanong ko nang ibinalik niya na muli sa tabi ko ang bottled water.
Yumuko si Isaiah, sapat lamang para makalebel ako. He positioned himself between my thigh at ipinulupot ang mga kamay sa aking beywang, sa likod ko na nakahawak.
“Hmm… Around ten or eleven?”
Tumango ako at sinubuan siya ng fry. Nginuya niya naman iyon ng dahan dahan. Ibinaba ko ang bowl sa aking kandungan at kinuha ang towel sa kanyang balikat para punasan ang kanyang buhok.
Pumikit si Isaiah, hinayaan ako sa aking ginagawa. Nasa leeg ko ang kanyang tingin.
“Medyo kinakabahan ako sa reaction ni Dad,” pag-amin ko habang nasa buhok ang aking tingin.
“Why? Your Dad looks strict…” ani Isaiah.
Kinagat ko ang aking labi.
“Strict nga siya compared to my Mom.”
“Ganoon talaga ang mga Daddy. Nag-iisang babae ka rin kaya hindi na nakakapagtaka ’yon,” aniya.
Tumigil na ako sa pagpupunas ng kanyang buhok at ibinaba na iyon sa kanyang leeg. Bahagya pa siyang tumingala para pagbigyan ako access doon.
“Yes… I was spoiled when I was young pero nararamdaman ko talaga ang pagiging strict ni Daddy. Lalo na ni Kuya…”
“Kahit ako rin siguro… I’ll be very strict to you if you’re my daughter. Ang pilya pilya mo at mukhang ikaw pa itong unang lumalapit sa lalake.”
Tumigil ako sa pagpupunas at hinampas ang kanyang balikat. Ngumisi siya.
“How dare you!” pagalit ngunit natatawa ko iyong ibinigkas.
“Totoo naman ah? Remember when we were in college? Ikaw ang unang lumalapit lapit sa akin.”
Natawa na talaga ako kahit na pinaliliguan ko siya ng sapak at hinuhuli niya ang aking mga kamay.
“Ganoon ka agad ka patay na patay sa akin at ikaw na talaga ang unang lumalapit lapit.” Humagalpak si Isaiah.
Nalaglag ang aking panga. “Ang kapal ng mukha mo, Isaiah!”
Mas lalo siyang humagalpak. Mabilis niya pang sinalo ang bowl na kamuntik nang malaglag sa aking kandungan at natapon ang iilang fries na naroon na agarang nagkalat sa sahig.
Umirap ako. Inilagay niya iyon sa gilid ko saka ako nginisihan.
“Admit it, Damonisse… Hindi mo lang talaga inaamin noon pero ang totoo niyan, ako talaga ang totoo mong gusto. Wala nang iba.”
Aba! Ilang araw niya na bang pinagpipilitan ang mga bagay na ’yan. Ang laki rin talaga ng confidence nitong si Isaiah! Purket ang rami raming nagkakandarapang mga babae sa kanya noon. Purket kinababaliwan siya!
“Trey is more attractive since he smiles alot unlike you.”
Napawi ang kanyang ngisi at agad na napabusangot.
“Ako kahit hindi ako ngumiti nakakaattract na nga agad ako, paano pa kaya kung ngumiti ako sa’yo? Edi maaga kang nagkandarapa sa akin?”
Napakawalanghiya talaga ng bibig nito! Kahit na naaasar na sa aking pinagsasabi ay nakakaya paring lumusot! He’s indeed a lawyer!
May balak pa sana akong sabihin nang mabilis na siyang umabante at tinakpan ang aking bibig gamit ang kanyang mga labi.
“Your lips are mine. Pangalan ko lang dapat ang lumalabas dyan…”
Ipinulupot ko narin ang aking mga kamay sa kanyang leeg. I can really smell him, even if he’s sweaty. Iyong pawis niya ay parang naging perfume niya dahil sobrang bango niya parin talaga.
Natukso na akong ilapit sa kanya ang aking labi. Hindi naman ako binigo ni Isaiah at hinalikan ako, sinalubong niya iyon at agarang tinugunan ang aking gusto.
I smirked while he’s moving his lips with mine. Dumilat siya, nakakunot ang noo nang napagtantong ngumingisi ako habang hindi niya tinatantanan ng halik ang aking labi.
“What?” tanong niya sa pagitan ng halik.
“Nothing…” Mas lalong lumawak ang aking ngisi. Isaiah groaned and kissed me deeper.
Siya itong nagmamayabang sa akin ng kung anu-ano pero alam ko kung gaano siya kabaliw sa akin. Not what, Isaiah? Kaya pa rin kitang alipinin sa akin! Baliw ako sa’yo pero sigurado akong mas baliw ka!
We spent the remaining hours kissing inside his gym. Kahit nga ay habol habol ko na ang aking hininga ay aatakihin niya muli ang aking labi at ako itong parang uhaw na uhaw na gusto agad iyong laliman.
Noong nagsawa ay sabay rin naman kaming naligo para makapunta na sa Mall for oue groceries. Eksaktong 11AM ay nasa front seat na ako ng kanyang kotse habang inaayos ko ang long sleeve ng dress kong suot.
Ito lang ang mga bukod tanging damit ko na gusto ni Isaiah. It’s an A-line dress at hanggang hita ko pa, medyo mahigpit sa may bandang dibdib na may laces at tiyan.
“I’ll buy new clothes for you,” aniya nang matapos na siya sa kakarolyo ng kanyang sleeves suot ang longsleeve vneck gray na shirt paired with khaki shorts.
Nilingon ko siya at nahuling nasa hita ko na ang kanyang mga mata, ang kilay ay magkasalubong pa at nakabalandra sa guwapong mukha na hindi niya talaga gusto ang aking damit.
“Anong ipapasuot mo sa akin, Isaiah? Longsleeves and pajamas? Baka gusto mong bilhan na rin ako ng mask?” nanunuya kong sabi at humagalpak.
Gumalaw ang kanyang panga at binuhay na ang makina ng kanyang kotse.
“I am not joking, Damonisse. Ayokong nakikitaan ka,” sabay sulyap sa dibdib kong may square neckline kaya medyo exposed lalo na ang aking malalalim na collarbone.
“At sino bang titingin sa akin pag kasama kita? Tingin mo palang para mo na silang kakatayin.” Bumaba pa ang tingin ko sa kanyang leeg kung saan nakabalandra ang kanyang tattoo.
Hindi umimik si Isaiah sa aking sinabi pero gumalaw ang kanyang kamay at ipinatong niya iyon sa aking hita.
Hindi naging tahimik ang aming byahe papunta sa Mall. Bawat minuto ko siyang iniinis hanggang sa nagkakasalubong na ang kanyang kilay.
“Isaiah…” tawag kong muli sa hindi na mabilang na pagkakataon.
Lumingon siya, ang kilay ay magkasalubong parin at wala talagang ediya sa tinatawag tawag ko.
“What is it?”
Hindi ako umimik at pasimpleng itinuon ang tingin sa labas ng bintana, kagat kagat na ang labi. Noong nilingon ko siya ay nasa daan na ang kanyang tingin. Ibinuka ko muli ang aking labi at tatawagin sana siya ulit kaso mabilis niya akong nilingon.
“May lakad tayo. Stop seducing me…” nafufrustrate niyang bigkas na ikinalaki ng aking mga mata.
Humagalpak ako. Isaiah frowned while driving. Ano raw? Inaakit ko siya? Humagalpak ako lalo habang magkakasalubong na ang kanyang kilay.
Kahit noong nakapasok na ako sa Mall ay panay parin ang aking pagtawa. Hindi na ako maintindihan ni Isaiah. Nakahawak siya ng mahigpit sa aking beywang at iginigiya ako sa paglalakad lalo na’t hindi ko parin mapigilang matawa.
“Nawiwili kana Isaiah! You’re so addicted to me! Oh my gosh… Attorney!” I pointed his face.
Isaiah groaned at humigpit pa ang kanyang kamay sa aking baywang, ang aking mukha ay naibaon na sa kanyang dibdib. Tumawa ako roon habang nakahawak sa kanyang damit bilang suporta.
“Don’t give me hard ons Damonisse… Stop laughing…” Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo at inamoy pa iyon.
Humagikhik ako. Tama kaya iyong sinasabi ni Nana na pwedeng ipasa ang paglilihi? Naaadik na rin kasi si Isaiah sa akin. O baka naman ganyan lang talaga siya? Masyadong adik sa akin? O baka kaming dalawa?
Nauna kami sa isang store para makabili ako ng damit. Kumalma na rin naman ako at nakamove-on na habang may itinatapat na hanger si Isaiah sa akin at seryoso akong tinitingnan.
Nakakatatlong pili na siya at pang-apat na ito. Pumili rin naman ako ng pwede kong maipasuot sa kanya, iyong match sana kami.
Nakailang oras kami roon at noong lumabas ay may dala dala na siyang paperbags. Iniwan lang namin iyon sa baggage counter para bumili ng kanyang cellphone.
Pumasok kami sa iCenter. Iyong latest ang kanyang binili at hindi rin naman kami masyadong nagtagal doon at dumeritso naman sa grocery, kung saan talaga ang tunay naming pakay rito.
Nasa tabi ako ni Isaiah, nakahawak sa kanyang braso habang tulak tulak niya ang malaking cart.
“I want that.” Itinuro ko ang nadaanan naming chichirya.
Tumigil kami at tiningnan na rin iyon ni Isaiah sa seryosong mukha. Kumuha siya ng isa at tiningnan naman ang likod noon.
“This isn’t healthy…” sabi niya.
Hindi ko siya pinakinggan at kumuha pa ako ng tatlo pang chichirya. Ipinagpapasok ko lahat ng iyon sa loob ng cart.
“H’wag mong dalasan ang pagkain nito,” aniya at inihulog pa rin sa loob ang hawak.
Tumango ako at bumalik sa kanyang tabi. Iniyapos kong muli ang aking kamay sa kanyang braso.
Wala pa nga kami sa meat area ay napupuno na ng kung ano anong pagkain na pinagdadampot ko ang cart. Feeling ko lang naman masasarap ang mga ’yon. And Isaiah isn’t complaining!
Bumitaw akong muli nang may makita akong trolli. Nasa itaas iyon. Dahan dahan kong nilingon si Isaiah at tiningnan sa nangingislap na mga mata para magpaalam kung pwede pa ba akong magdagdag ng isa pa.
Isaiah nodded. Lumawak agad ang aking ngisi at mabilis na kumuha ng tatlo noon.
Inihulog ko iyon sa cart habang tinitingnan ang pagsisiksikan ng mga pagkain doon na kung anu-ano lang. Iyong iba pang mga chocolates ay hindi ko na mabilang.
“I wonder if I can eat it all in just a day…” sabi ko.
“We should consult your OB first, Damonisse. Pag sinabi niyang safe ang mga ganyan ay papayagan kitang kumain ng marami.”
“But I think the baby wants it!” Sumimangot ako.
Tumaas ang kanyang kilay habang tinutulak na muli ang cart.
“Yes. My baby wants it. I can see it in your face that you badly want them…” nanunuya niyang bigkas.
Namula ako roon. We both know sobrang hilig kong lumamon ng kung ano-ano. I am such a food lover!
“Not me! This baby!” Itinuro ko ang aking tiyan habang sinasabayan ko siya.
“My two babies want it…” Tumango tango siya.
Damn, Isaiah!
Puno na ang cart. Nagdagdag nalang ng isang basket si Isaiah para sa mga meat and such. Seryoso siyang namimili roon habang ako naman ay humihikab na. Napansin iyon ni Isaiah kaya ipinalupot niya ang kanyang kamay sa akin.
“You’re sleepy?” bulong niya sa aking ulo at hinagkan iyon.
“Konti…” Niyakap ko ang kanyang baywang at inamoy ang kanyang leeg. Nabubuhay na naman ang katawan ko sa kanyang amoy.
“Prutas nalang at matatapos na ’to,” aniya.
Inaantok na dapat ako pero dahil lang sa kanyang amoy ay nahuli ko na rin ang sarili ko noong mapadpad kami sa fruit area at inaamoy amoy ko na naman ang bawat prutas na dinadampot ko.
Ngumisi si Isaiah nang mahuli niya ako sa aking ginagawa.
“Good old days huh…” aniya at natutuwa sa panonood sa akin.
Inilapit ko sa kanyang ilong ang orange.
“It smells nice…” sabi ko.
Inamoy niya iyon at tumangi habang nakahilig sa hawakan ng cart.
“Yeah… smells like orange…”
Umirap ako sa kanyang sinabi at dumampot ng apple tsaka iyon inamoy. Humalakhak si Isaiah. Bahala siya riyan! Pake niya kung amuy-amoyin ko? Iyon na ang nakasanayan ko kaya wala siyang magagawa.
Nagpacounter rin naman kami ng aming mga pinamili. Nakahilig ako sa balikat ni Isaiah habang nasa likuran ko siya at ibinibigay ko lahat sa kanya ang aking bigat, ang kanyang kamay naman ay nakahawak sa gilid ng aking beywang.
“Nagugutom ako…”
“Hmm? What do you want to eat?” bulong ni Isaiah sa akin.
Nasa third row kasi kami. May malalaking cart din ang mga nasa harap.
“I don’t know… Basta gusto kong kumain,” sabi ko habang nakahalukipkip.
“Pagkain ba ’yan?”
Napalingon sa amin ang babaeng kaedad ko lang ata, marahil ay nagulat sa isinagot ni Isaiah. Her eyes glared at me. Ang napansin ko agad ay ang matangos niyang ilong at ang morena niyang kutis. She looks half and she’s really curvy lalo na’t hubog na hubog ang katawan niya sa suot na dress. Ang kanyang tingin ay halatang nang-iinsulto pa at iyon ang hindi ko nagugustuhan.
Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at ipinagpatuloy ang sweet moments ko kay Isaiah. So what?
“I want your kisses…” malambing kong sabi na ikinahalakhak niya sa aking tainga, para lang inisin lalo iyong nasa harapan.
Mas lalong nairita ang babae sa akin. Tiningnan niya si Isaiah at agarang nabura ang iritasyon doon. Nagulat siya at nangislap ang mga mata.
“Isaiah?” tawag niya rito at ngumiti pa ng matamis.
Who’s this? Nilingon ko si Isaiah at nakita narin siyang tinitingnan pabalik ang babae. Hindi pa ito nakapagsalita agad, tila kinakalkal pa sa kanyang memorya kung sino iyon.
“Beca! Remember? Iyong kaibigan ni Serene! Iyong gusto half Italian na chix! Drey’s cousin! Magkaklase tayo sa States!”
Napawi na ang aking ngisi. Tumayo ako ng tuwid at nawalan na ng ganang dumikit kay Isaiah. Who’s Serene?
Isaiah pulled me again para mapasandal akong muli sa kanyang likod. Bumusangot ako habang ang babae ay nasa akin na ang mga mata.
“I can’t remember Serene but I do remember Drey,” ani Isaiah.
Tumawa ang babae. “Oh my gosh, why? We’re even assuming na something happened that night since she’s really drunk noong isinakay mo siya sa kotse mo… And she likes you alot…”
Naging matalim na ang aking tingin. Hinawi ko ang kamay ni Isaiah sa aking baywang na ikinatingin sa akin ng babae.
Imbes na alalahanin ang gutom ay naisantabi ko na iyon at nabusog na sa galit. Napakasiningaling! Akala ko ba ako lang?! Fuck. Iniisip ko palang ang mga pinaggagawa niya roon ay sumasabog na ako sa galit.
“Are you an Engineer now?” tanong noong babae na hindi parin mahinto hinto kahit na iritang irita na ako. She’s not even looking at me!
Umalis nalang ako roon at nauna sa kanyang kotse. Sobrang busangot ng aking mukha sa front seat. Chineck ko ang suot na relo sa pulso at nakitang alas tres na. Umirap ako at gusto nalang lumabas sa kanyang kotse at mauna sa bahay ng parents ko. Kaso noong binuksan ko palang ang pinto ay nakita ko na si Isaiah, dala dala ang aming mga pinamili.
“You stay inside the car. Ilalagay ko lang ito sa likod,” sabi niya at nagtungo roon sa backseat.
Padabog kong isinara ang pinto at muling humalukipkip. Nakikita ko naman ang seryoso niyang mukha sa itaas ng salamin habang pinafile iyong mga cellophane doon sa likod.
Naglaro agad sa isipan ko kung paano ko bubugahan ng apoy si Isaiah tungkol doon kay Serene. He can’t remember her… O baka naman masyado siyang nasarapan ng gabing iyon kaya kahit pangalan ay hindi niya na naalala?
Naiisip ko palang ang bagay na iyon ay kumulo na lalo ang aking dugo.
Bumukas ang driver’s seat. Sumulyap siya sa akin. Sa aking inis sa kanya ay agad ko siyang tiningnan ng matalim.
“Ba’t ang tagal mo? Nawili ka sa topic niyo tungkol sa babaeng hindi mo maalala?” matabang kong tanong kahit wala pang twenty minutes ang pamamalagi ko rito habang hinihintay siya.
Pinasadahan niya ng haplos ang kanyang buhok at binasa ang labi.
“Marami tayong binili kaya natagalan ako sa counter-”
“Liar! Ang sabi mo pa sa akin ako ang naging una at huli mo sa kama pero ang totoo ay may nakalimutan ka lang talaga! Masyado bang masarap at nakalimot ka-”
“Ano ba iyang pinagsasabi mo?” putol niya at nanliit ang mga mata. “I never fuck someone else aside from you.”
“Liar. Pinagtatakpan mo lang talaga.” Umirap ako at hinablot ng marahas ang seatbelt.
Bibuhay narin ni Isaiah ang makina ng kotse. Ang isa niyang kamay ay inabot ang seatbelt at ikinabit iyon sa gilid habang panay ang pagsulyap sa akin.
Ayos lang naman kung may tinikman siyang iba noong mga panahong iyon kaso sinabi niya sa akin na ako lang!
“Hindi ko kilala ang tinutukoy niya. Hindi ko maalala. Maybe she’s just one of my admirers in school…”
Namilog ang aking mga mata. One of his admirers? Really Isaiah Jace? Edi ikaw na talaga ang sobrang gwapo at habulin lagi ng babae!
“Kaya nga, Isaiah. At nakakapagtaka na sa dami ng humahabol sa’yo ay ni minsan hindi ka man lang natukso!”
Halos pumutok na ang aking ugat sa galit pero mas lalo lang akong nairita nang nakita ko siyang kinagat ang kanyang labi at nagpigil ng ngisi.
“Nagseselos ka pa rin pala kahit na binuntis na kita?” Ngumisi siya sa akin at nagawa pang magnakaw ng sulyap sa aking tiyan.
Iritang irita ako kay Isaiah. Ang init init ng ulo ko at dumadagdag pa talaga iyang pangisi ngisi niya!
“Stop changing the topic!” giit ko, kulang nalang ay sapakin siya.
“I am not changing the topic. Talk all you want. Pero hindi ko talaga maalala ang Selene na tinutukoy niya-”
“Serene,” pagtatama ko sa naniningkit na mga mata.
“Oh basta Serene or whatever. I can’t remember her. At kung may nangyari man, maaalala ko iyon katulad ng nangyari sa ating dalawa dahil uulit ulitin ko iyon sa aking utak,” sabi niya sa mahinanong boses.
Napatanga ako at walang maisip na matinong sasabihin. Halatang hindi niya rin maalala dahil Selene pa ang kanyang nabanggit.
“I told you… I never fuck someone else after we made love. At bakit ko iyon hahanapin sa ibang babae kung alam kong sayo lang ako nang-iinit?”
Shit… Ngayon ako naman ang nang-init ang mukha. Natutop ang aking bibig at wala nang masabi pa. This is just so unfair! Feeling ko talaga may kasalanan siya at magaling lang siyang magreason out! So so unfair! Ako nalang palagi itong may maling hinala!
“Parang meron talaga eh…” sambit ko sa maliit na boses habang nakasimangot.
Sumulyap siya sa akin, nakaangat na ang kilay.
“Naghahanap ka lang talaga ng ikakaselos mo,” aniya.
Umirap ako at humalukipkip. Pake niya! Eh nabubwesit ako pag may naririnig na babaeng nalilink sa kanya. Hindi ko nakokontrol ang galit ko, ang pagseselos, ang kumukulo kong dugo na kumakalat sa sistema ko.
Tahimik na ako buong byahe, taliwas sa pag-iingay ko kanina noong papunta palang kami sa Mall. Hindi ako umimik at wala akong balak na imikan siya.
Napapansin ko ang kanyang pagsulyap at hindi ko talaga siya nilingon. Tiningnan ko nalang ang mga sasakyan sa kalagitnaan ng byahe, ang mga matatayog na building na nadadaanan namin o di kaya ay ang aking cellphone.
“Should I park here or…”
Hindi ko siya nilingon, hindi ko rin siya sinagot. Ako na mismo ang pumindot noong busina niya sa gitna ng manibela para masabihan na nandito na kami at mabuksan ang gate.
Isaiah sighed and pulled my arm closer to him. Nagpumiglas ako kaso nagpumilit siya hanggang sa iniharap niya ako sa kanya at agaran akong niyakap. Itutulak ko na dapat siya nang manuot agad sa aking ilong ang kanyang amoy na hinihele na naman ako at pinapakalma ang galit ko.
Hinalikan niya ang aking ulo at huminga roon ng malalim.
“Don’t you trust me?” he whispered.
Bumaba ang aking balikat. Kinagat ko ang aking labi. May tiwala naman ako sa kanya pero hindi ko maiwasan ang magalit at nabubwesit pa ako sa gwapo niyang mukha, sa godlike niyang kabuuan!
“I know I’m faithful to you even when I’m drunk, Damonisse… Believe me.” Hinagkan niya akong muli roon.
I am, too…
Unti-unti akong tumingala hanggang sa natagpuan ko ang namumungay niyang mga mata. Ngumuso ako.
“So… So wala lang ’yong kay… kay Serene?” tanong ko sa kalmado at maliit na boses.
Umiling siya at hinaplos ang aking pisngi.
“Noong inamin ko noon na marupok ako sa’yo. Sa’yo lang ’yon… Sa’yo lang ako nagkakaganoon. Kahit ngayon, magalit ka lang, magselos, umiyak… Parang gusto ko na agad lumuhod at magpakaalipin nalang sa’yo,” masuyo niyang sabi, ang mga mata ay nangingislap pa na nalalaglag sa akin.
Namula ako at kinagat ang labi. Fine… Tuluyan na akong kumalma.
Nag-iwas ako ng tingin at medyo guilty na naman. What’s with my sudden burst out?! Minsan talaga pakiramdam ko ako itong problema.
Kumalas rin naman si Isaiah sa pagkakayakap sa akin nang kanina pa pala nakabukas ang gate. Ipinasok rin naman ni Isaiah ang kotse roon habang ako itong naguguilty sa aking inasta.
Pinatay niya ang buhay ng kotse. Naunang lumabas si Isaiah at pinagbuksan ako ng pinto. Sa sobrang guilty ay nag-iwas ako ng tingin. Binalingan ko ang katulong na nakatunganga sa aming harapan at laglag panga pa kay Isaiah.
“Sina Mommy at Daddy?” tanong ko sa matabang na boses.
Natauhan siya at itinikom ang bibig.
“Nasa loob po, Ma’am… Kanina pa po kayo hinihintay,” sabi niya sabay tingin ulit kay Isaiah.
“Pakikuha nalang ang cellophane kung nasaan ang mga meat sa backseat at ipasok mo muna sa ref. Baka kasi mapano sa loob,” utos ko na ikinatango niya rin agad.
Bigla nang humataw ng malakas ang puso ko nang tingnan ko na ang pinto papasok sa aming bahay. Hinuli ni Isaiah ang aking kamay at ipinagsalikop niya iyon.
Alam ko namang hindi sila magagalit kung si Isaiah ang dinala ko rito pero ang iniisip ko ay ang balitang dala dala ko sa aking tiyan. How will my Daddy react?
Pumasok rin naman kaming dalawa. Nang makita ako ng isa pang katulong ay nagtungo agad ito sa second floor ng bahay at mukhang tatawagin na ang aking parents.
Umupo kami ni Isaiah sa sofa. Sumulyap naman ako sa mga katulong na hinahanda ang mesa at may pasulyap sulyap pa rito. I’m sure after this ay lilipad agad ang balitang ito sa lahat ng aking pinsan, lalo na kay Kuya.
“Oh my God! I knew it!” Boses iyon ni Mommy.
Tumingala ako at nakita siyang malawak ang ngisi habang bumababa ng hagdan suot ang eleganteng champagne na dress. Tumayo kami ni Isaiah. Si Daddy naman ay nakasunod, nagulat pa nang makumpirma kung sino ang aking kasama habang inirorolyo ang sleeves ng suot niyang button down shirt at bumababa narin sa hagdan.
“I missed you!” Mabilis na nagtungo si Mommy sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
“I miss you too, Mom… Pasensya na at natagalan sa pag bisita,” sabi ko nang humiwalay siya sabay sulyap kay Isaiah.
Nakipagbeso beso siya rito. Humagikhik pa si Mommy, ang kislap sa mga mata ay naglalaro nang sumulyap muli sa akin.
“Imposible talagang magkagusto ka pa sa iba eh si Trey nga nagawa mong basted-in para lang kay Isaiah…” sabay kindat ni Mommy sa akin.
Ngumuso ako at napatingin sa kanyang likuran. Nakarating narin si Daddy at naglahad agad ng kamay kay Isaiah.
“Long time no see, hijo,” seryoso niyang sabi.
Tumango si Isaiah. Si Mommy naman ay matamis ang nanunuyang ngisi sa labi.
“I told you, Jin… Palaging tama ang kutob ko.” Sabay kindat kay Daddy na seryoso parin ang mukha at nakaexpose pa ang noo.
Nagtungo rin naman kaming apat sa harap ng mesa lalo na’t nagreklamo narin akong nagugutom na. Doon nila ipinagpatuloy ang pag-uusap.
Ang raming nakahandang pagkain sa table. Hindi maalis alis ang tingin ko sa pink tullips sa gitna at gusto iyong kunin para lang amuyin ngunit nadidistract din sa nakahelerang pagkain.
Napansin pa ni Daddy ang ipinasok na groceries ng katulong sa ref at bumaling sa amin ni Isaiah.
“Galing kayong grocery store?” tanong niya, ang boses na malamig ay naninimbang.
Tumango ako. “Yes Dad… Naubusan na kami since alam mo namang ang hilig kong kumain.” Saka ko sinulyapan si Isaiah sa aking tabi na tahimik lamang na ngumunguya ng pagkain.
“Naubusan? Naglilive-in na kayo? I thought you two are just lovers? Ba’t hindi man lang ata nanligaw?” si Daddy, ang mukha ay dumilim pa.
Uminom ng tubig si Mommy at binalingan ito.
“Don’t scare Isaiah too much, Jin… Don’t be so serious,” ani Mommy at humagikhik.
Hindi nakinig si Daddy, ngayon ay deritso na ang tingin kay Isaiah.
“Ang tagal mong nawala at ngayon lang nagparamdam sa anak ko. Akala ko nga ay nag-asawa kana… Baka hindi namin alam ay may asawa kana pala at ginagawa mo pang kabit itong si Zera,” ani Daddy sa matabang na boses.
Nilingon ko si Isaiah, ganoon din si Mommy na nasa kanya na ang tingin.
“Nagfocus po ako sa pag-aaral ko, Sir…” sagot ni Isaiah.
“For eight years?” si Daddy, nakaangat pa ang kilay.
Isaiah licked his lips. Kahit na alam ko naman ang pinagkaabalahan niya pero gusto ko paring marinig.
“After having an Engineering degree, I pursued law, Sir… Kaya naging ganoon po katagal ang pamamalagi ko sa ibang bansa dahil pagkatapos kong magka degree holder ay nag-aral ulit ako ng law,” paliwanag niya.
“Engineering what?” tanong ni Daddy.
“Civil, Sir…”
Napasinghap ako. A-Akala ko he’s just an Attorney? Akala ko nagship lang siya ng course. Iyon pala ay ipinagpatuloy niya pala talaga ang kursong iyon! Wow… Naninindig ang balahibo ko sa mga naririnig ko.
Kahit si Mommy ay laglag panga na.
“Oh wow… You must be very smart, Isaiah…Nakakamangha ang mga narating mo. Which school did you study law?” tanong ni Mommy.
“Stanford University, Madame,” sagot ni Isaiah na ikinamangha lalo ni Mommy.
“Wow… That University is one of the world’s leading teaching and research institution! Diyan rin nag-aral ang Daddy ko ng law since he’s a lawyer and he told me hindi talaga basta bastang nakakapasok doon kung wala kang potensyal. Ang galing galing mo…”
Mas lalo lang akong humanga kay Isaiah. I really knew it… Napaka perpekto na ata ng godlike na ito! At mas lalo pa siyang naging perpekto dahil ako ang pinili niyang buntisin! Oh my gosh…
Ngumiti ng tipid si Isaiah saka binalingan si Dad na wala nang masabi pero seryoso parin.
“Pasensya na at pinaghintay ko ng walong taon ang anak niyo. Gusto ko lang na may mapatunayan pag haharap na ulit ako sa inyo. The last time we met each other was quite scandalous…”
Nagkatinginan kami ni Isaiah. He’s probably talking about what happened in school.
But did he went outside the country because he badly wants to succeed? O may iba pang dahilan?
“Hindi naman kami nagbabase sa estado, Isaiah. Kung sino ang mahal ng anak namin ay hindi kami hahadlang. It’s her choice. We’ll support her if it makes her happy,” si Mommy.
Si Daddy naman ay humilig sa mesa at ipinagsalikop ang mga kamay. I knew it… Papahirapan niya talaga si Isaiah, titig palang…
“My daughter believe that you’re innocent. At kung iyon ang paniniwala ng anak namin ay iyon rin ang aming paniniwalaan. But I want to ask you… Did you really molested Mrs. Apolinario’s daughter?”
Gusto kong pigilan si Daddy sa kakatanong sa parteng iyon ngunit sa ikakampante ng kanilang isip ay sinikap kong tumahimik.
“I didn’t, Sir…” si Isaiah na sigurado.
“Pero ba’t mo kinaladkad?” si Daddy.
“May sinabi siya na kung ano tungkol sa buhay ko, Sir. Naunahan ako ng galit ko kaya mas pinili ko nalang syang kausapin sa ganoon ka pribadong lugar.”
Huh? May alam si Keesha sa buhay niya? Isaiah is very mysterious when it comes to his family, to his background. Alam ko ang kay Anzai dahil sumabog ang balitang iyon sa news pero wala parin akong ideya pagdating sa kanya.
“See? I told you, Jin…” si Mommy naman, kampante lamang.
“So she triggered you?” si Dad.
Tumango si Isaiah.
“She force herself to me. Tinanggihan ko siya. She even opened the button of her blouse just to force herself to me kaya may nasabi akong hindi maganda…”
Ang malanding iyon! Sinasabi ko na nga ba na walang interes si Isaiah sa kanya! Kahit si Mommy ay nairita agad nang marinig iyon.
“Edi ikaw pala itong namolestya,” ani Mommy. “Kung hindi mo siguro inako ang kasalanang ibinibintang niya sa’yo ay maipapanalo namin ang kaso mo.”
“Mas gusto ko nalang rin pong makulong kaysa lumaki pa ang gulo,” si Isaiah.
Bumaba naman ang balikat ni Daddy, si Mommy ay namungay ang mga mata.
“Is that the reason why you also pursued law? Zera told us about your background… Ulila ka at binubuhay ang sarili. Dahil ba iyon sa kawalan mo ng hustisya kaya gusto mong patunayan sa sarili mo na may mararating ka balang araw o…”
Umiling si Isaiah. “Dahil po iyon sa anak niyo, Madame. She defended me and I promise to myself I’ll do the same way to her. Ayokong may makapanakit sa kanya.”
Natutop ang bibig ni Daddy. Si Mommy ay nilingon pa si Dad at nanunuya na ang ngisi.
“Ano, Jin? May tanong ka pa?”
Umiling si Daddy kay Mommy. Ako naman ang tiningnan ni Daddy.
“May isa lang akong pabor,” ani Dad.
“What is it, Daddy?”
Bigla akong kinabahan riyan sa pabor niya. Si Mommy ay halatang wala ring ediya dahil nakatingin sa kanya ng mabuti.
Inangat ko ang baso ng tubig para makainom.
“Marriage before sex-”
Mabilis akong nasamid at padarag na nabitiwan ang baso na tumapon pa ang laman.
“Jin!” saway ni Mommy habang si Isaiah naman ay mabilis na hinaplos ang aking likod para pakalmahin ako.
Nauubo kong tinanggap ang table napkin na inilahad ni Isaiah. Pinunasan ko ang aking bibig.
“Daddy!” Namumula kong sigaw. Si Isaiah ay kagat ang labi.
“What’s wrong? Dapat manigurado ako dahil babae ka. Paano pag may nangyari sa inyo at nabuntis ka? Sa gwapo ni Isaiah, sa success na kinalalagyan niya ngayon, sa pagiging Engineer at Attorney niya ay maraming maghahabol sa kanya. Mas mabuting kasal muna bago ang bagay na iyon,” siguradong sambit ni Daddy.
Gosh… Buntis na nga ako eh!
Humagalpak naman si Mommy. “Just admit you’re afraid to get old, Jin! Natatakot kang matulad sa pinsan mo na kinakantyaw nang may apo kaya umiiwas kana rin.”
“Shut-up, Scarlet Gail.” Bumusangot si Dad kaya mas lalong tumawa si Mommy.
Nilingon ko si Isaiah na nakangisi na rin sa aking tabi. Yumuko siya at bumulong.
“Is your father expert with guns?”
Umiling ako at nagtataka siyang tiningnan.
“Good… Safe pala ako ngayong gabi pag nalaman niya ang kondisyon mo,” sabi niya at umayos muli ng upo.
Napansin iyon ni Mommy.
“What condition?” nagtatakang tanong ni Mommy, hindi nakaligtas sa pandinig ang sinabi ni Isaiah.
“Um…” Tiningnan ko sila ng pabalik balik ni Dad.
Lumunok ako at parang may bumara sa aking lalamunan. Shit! Oo na… Daddy… Ang rupok rupok ko na…
Bago pa ako may masabi ay nangibabaw na ang boses ni Isaiah.
“She’s pregnant…”
Kinagat ko ang aking labi. Namilog ang mga mata ni Mommy at napatayo, takip takip ang nakaawang na bibig sa sobrang pagkagulat. Si Daddy naman ay namutla sa kanyang upuan, hindi na halos kumukurap.
“Oh my gosh! I am now a grandmother?!” Tumili si Mommy at mabilis na umikot. Nagtungo siya sa akin at niyakap ako sa aking gilid.
“Congrats, baby! Oh I’m so happy for you!” Hinalik halikan niya ang aking ulo na ikinangiti ko.
Daddy looked really stunned. Hindi pa rin kumikibo.
“Mommy… Baka mastroke ’yan si Daddy. Masyado ko atang binigla,” bulong ko.
“Ewan ko d’yan sa ama mo. I’m happy for you!” si Mommy.
“Don’t worry, Sir. I’ll take full responsibility of what happened. At mahal ko po ang anak niyo. Paninindigan ko siya hindi po dahil sa bata kundi dahil gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya.”
Nalaglag ang panga ni Daddy. Humagikhik ako na kahit si Mommy ay napasinghap nang marinig iyon.
“Did you force yourself to my daughter?” Hindi makapaniwalang tanong ni Dad.
Dad… Parang baliktad. Nakakahiya naman.
“I always wanted a life with her, Sir. It wasn’t just a plan. It’s a dream. Sa walong taon, wala akong pinangarap kundi ang magkaroon ulit ng tsansa na makapasok sa buhay niya.” Saka ako dahan dahang nilingon ni Isaiah.
My Mom chuckled. “Kaya pala patay na patay ka kay Isaiah, huh?”
Ngumuso ako. I remember my young heart falling inlove with him. Simula noong nahulog ako sa kanya ay hindi na ata ako nakaahon pa. Bumagsak ako sa mas malalim na paraan. At hanggang ngayon, patuloy pa rin akong nahuhulog sa kanya.
Tumayo si Daddy at nagtungo sa gawi ni Isaiah. Napalunok ako, kinakabahan sa maaari niyang gagawin.
Inilahad niya ang kanyang kamay kaya tinanggap iyon ni Isaiah kaso bigla siyang hinatak ng aking ama patayo at niyakap habang tinatapik ito.
“You’re a man! You made me proud, hijo… Tama nga ’yang ginawa mo sa anak ko.”
54th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Neri Angel Miranda Pido. Happy reading!
Low Class
Sa paglubog ng araw ay nanatili na kami sa labas, facing the pool, lalo na’t nag-iinuman sina Daddy at Isaiah. Bigla bigla silang naging close at para nang mag-ama dahil sila na ang madalas na nag-uusap at nagngingisihan. Malayong malayo na ang kanilang topic. Kapwa sila may beer habang kami naman ni Mommy ay may sarili ring mundo dito sa may veranda.
Nakaupo ako sa bilugang couch ganoon din si Mommy na sinusuklay suklay ang aking buhok. Namumungay ang kanyang mga mata, hindi parin nabubura ang kislap doon dahil sa nalaman.
“Ilang weeks na ba ’yan?” tanong ni Mommy.
“Eight weeks na po ata ang tiyan ko, Mommy…”
“God… Sobrang saya ko sa’yo. I can’t wait to carry my apo, Zera.”
Ngumiti ako kay Mommy at hinaplos ang flat kong tiyan. Iniisip ko na kung kanino siya magmamana. Kay Isaiah ba? O sa akin? O baka naman magkakahalo kaming dalawa? Mamamana niya ang katalinuhan ni Isaiah habang mamamana niya sa akin ang ganda. O di kaya, kung lalake man, ang karupukan ko at pagiging habulin ng babae niya katulad ng kanyang Daddy.
But I really do hope it’s a boy… Halata kasing plano pa ni Isaiah na magdagdag ng anak.
“I already texted your Kuya! Ibinalita ko sa kanya sa sobra kong pagkaexcite!” ani Mommy na kumuha ng aking atensyon.
“Tingin mo may ideya siya na si Isaiah, Mommy?”
Tumango agad si Mommy.
“Of course… Ako nga nagka-ideya na si Isaiah ang maaari mong dalhin dito si Hiro pa kaya. I’m sure si Isaiah rin ang maiisip noon.” Ngumiti siya sa akin.
Sabagay… Kuya is Mommy’s boy version pagdating sa malalakas ang kutob at maraming napapansin sa paligid. Ang sabi rin ni Mommy sa akin, hindi raw siya madaldal noon at makulit unlike me so maybe mana ako kay Daddy? Si Kuya kasi ang tahi-tahimik na nga, sobrang suplado pa.
But I know how to provoke someone… Iyon nga lang, ginagamit ko lang pag needed na. Katulad noong case ni Kuya Toshi… Iyong naenvolve siya sa ibang babae. Irah is my dearest friend kaya nasaktan talaga ako sa nangyari.
“Maiba ako… Did Isaiah told you about his background?” Nilingon niya ang kinaroroonan ng dalawa kaya napalingon narin ako.
Humagalpak si Daddy roon, si Isaiah ay nakangisi lamang at pulang pula naman ang mukha, katulad ng nangyayari sa tuwing umiinom siya.
“What about it, Mom?”
“Alam mo na… Baka matulad na naman sa sinapit ni…”
Nang magkasalubong ang aming mga mata ay alam ko na agad ang kanyang tinutukoy. Hindi naman siguro ganoon ka makapangyarihan ang kanyang Daddy right? Baka sadyang nakitaan talaga siya ng potensyal kaya siya nakapag-aral sa mamahaling school sa ibang bansa.
But how about those other countries? Iisipin kong naging full scholar siya roon pero paano naman ang mga gala niya? He did it while studying… Nakakapagtravel pa siya around cities in US.
“I’m not sure pero wala namang nangyayari sa akin, Mommy…”
“I’m just worried you know. They’re friends, right?”
Tumango ako. “Close…”
“Alam mo naman na ayaw kong mangyari sa’yo iyon… I’ll probably die because of worrying too much,” malungkot niyang saad sa boses na halata rin ang takot.
Natahimik ako roon. Inisip ko tuloy kung tatanungin ko ba si Isaiah tungkol sa Daddy niya or kung buhay pa ba iyon at iyon ang sumusuporta sa kanya o hintayin nalang na iopen up niya sa akin.
Siguro ay nagkaroon lang talaga ng takot sa aming lahat noong may nangyari noon. We got worried… Lahat ng koneksyon ay ginamit namin para lang sa safety at hindi na maulit pa ang nangyari. Pero anong magagawa ng ganoon ’di ba kung sobra ring makapangyarihan ang nasa likod? Ang rami rami lang talagang kaguluhan noon na mas maganda nalang na ibaon sa limot at h’wag nang isipin pa.
“Wala naman sigurong koneksyon si Isaiah sa ganoon ka makapangyarihan na tao, My… Close lang talaga siguro sila but aside from that ay wala na,” sagot ko, kahit hindi rin sigurado sa aking sinasabi.
Tumango tango si Mommy.
“I hope too… I really hope too… Ang rami rami ko lang tanong.”
Mommy is just thinking too much. Ewan ko kung saan saan na naman umaabot ang kanyang pag-iisip. Pero kahit ako ay bigla ring kinabahan. Siguro naman tapos na ang banta sa buhay ng mga Delafuente, right? Years had passed. Nakakasigurado akong nagawan na iyon ng paraan.
Gusto ko tuloy iyong iopen up kay Isaiah. Sigurado akong nakaabot iyon sa kanya since close naman silang dalawa but I’m still thinking about it. Dahil kung totoong may koneksyon siya roon, ibig sabihin ay baka sadya rin talaga ang sunog na nangyari sa mga Apolinario. Imagine how powerful that man is… Sa rami ng gustong makipagsanib pwersa sa kanila ay handa na talagang pumatay maalis lamang ang mga humahadlang.
Nakakatakot pero gusto kong mag-isip ng positibo. Tapos na iyon. Hindi na iyon mauulit. Tama na ang lahat na nangyari noon.
Nagchange topic na lamang kami ni Mommy at naging positibo nalang. Nangangalahati na ang bote ng panibago nilang iniinom na henessy. Now I’m worried if Isaiah can still drive.
“Dito na kayo matulog ni Isaiah. I’m sure sinasadya niyang lasingin iyan pero pati rin pala siya ay nalalasing narin.” Nailing si Mommy.
I guess Mommy is right… Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa amin sa daan. Buntis pa naman ako. I want to be extra careful kahit alam kong hindi rin hahayaan ni Isaiah na may mangyari sa aming dalawa.
Bandang alas onse ng gabi ay natahimik na silang dalawa roon. Nang tingnan namin ni Momy ay kapwa na tulog ang dalawa.
Inalalayan ni Mommy si Daddy habang ako naman itong tinitingnan si Isaiah kung kaya ko ba ang kanyang bigat. Gusto kong magpatulong sa maid pero ayoko ring mahawakan siya.
Nakayuko ito habang nakahalukipkip. Kahit hindi ko silipin ang mukha ay alam kong tulog na ito dahil sa paghinga.
“Isaiah…” Ginalaw ko ang kanyang balikat.
“Hmm…” Ungol niya na ikinangiwi ko.
Bakit ba kasi nilasing ito ni Daddy? Akala ko talaga hanggang beer lang sila tapos lumipat pa sa henessy kaya sinong hindi tataob doon?
“Let’s go upstairs… Hindi kita kayang buhatin,” sabi ko at nagbabaka sakali nalang na nagegets niya ang aking pinupunto.
Nag-angat siya ng tingin, ang mga mata ay dahan dahang bumubukas habang nakaawang ang mamula mulang labi. Goodness! Ang guwapo parin kahit lasing na lasing na! Sobrang pula ng kanyang pisngi na akala mo ay may nilaklak na sili! Ang gulo narin ng kanyang buhok.
“Matulog nalang tayo sa kuwarto ko. Bukas na tayo umuwi,” sabi ko at hinila ang kanyang braso.
Tumayo rin naman si Isaiah, halos mawalan pa ng balanse kaya mabilis kong inalalayan. Nagpapasalamat ako ng buo noong kaya niya pa naman palang maglakad. Nagawa niya pang ngumisi sa akin habang namumungay ang mga mata.
“Your father agreed I’m going to marry you… Wala kana talagang kawala…” he muffled while smiling.
He’s really drunk. Lasing na lasing siyang tingnan at halos hindi na makadilat.
Nasa hagdan na kami. Humawak siya sa gilid noon para mas makahakbang ng maayos. Kahit na braso niya lang naman ang nakasampay sa aking balikat ay sobrang nakakahawi na! Ang bigat bigat!
Binuksan ko ang aking kuwarto at noong makapasok kami ay binitiwan ko agad si Isaiah na deritsong natumba pahiga sa aking kama.
Naligo ang aking noo sa pawis. Pinunasan ko iyon gamit ang aking kamay at bumuga ng hangin. Parang pati ata ang aking matres ay malalaglag dahil sa bigat niya!
May kumatok sa pinto. Ilang sandali lamang ay bumukas iyon.
“Nariyan na ba si Isaiah? Wala na kayong kailangan?” tanong ni Mommy.
Umiling ako at ngumiti. “Wala na Mommy. Ako na ang bahala sa kanya.”
Tumango siya. “Goodnight…”
“Goodnight, Mommy…”
Ngumiti siya pabalik bago iyon inilock sa loob at tuluyang isinara.
Bumuntong ako ng hininga at nilingon si Isaiah na nakatihaya sa aking kama, ang paa ay nakasayad pa lalo na’t kalahati lang ng kanyang katawan ang nasa kama. Nagmukhang cute iyon dahil sa kanyang laki. Nagulo pa ang aking bedsheet…
Yumuko ako at hinubad ang kanyang sapatos. He sleeps naked… Should I remove his pants too?
Yes. Remove it! Remove all his clothes! Suhestyon ng malalanding inner demons ko.
Namula ako noong gumapang ako sa kanya at sinimulang alisin ang kanyang sinturon. Tinitingnan ko ang kanyang mukha na sobrang gwapo talaga.
Hinila ko agad ang kanyang pantalon paalis pagkatapos ring maibaba ang zipper. Ang tanging naiwan nalang doon ay ang kanyang boxers na nagpalunok pa sa akin dahil sa umbok doon. Gosh! Huwag mo namang pagsamantalahan ang lasing, Zera! Calm your fucking hormones!
Nang magtagumpay ako ay iyong pang-itaas naman ang aking pinagtuunan ng pansin. Inisa isa ko ang botones noon hanggang sa unti-unting tumatambad sa akin ang kanyang dibdib na bumabakat ang ripples at ang kanyang biceps.
Lumunok ako. Nakakatukso talaga! Bawal naman ang iniisip ko! He’s already sleeping! Ayokong ipilit!
“Take this off, Isaiah…” sabi ko nang nabigatan na akong alisin iyon sa kanyang ilalim.
Dumilat si Isaiah, natagpuan akong hinuhubaran siya habang nakapatong sa kanya. Napalunok ako at mabilis na namula.
“You’re very drunk and I-I am just undressing you since you sleep naked!” paliwanag ko.
Bumangon siya at hinawakan ang aking likod para hindi ako malaglag sa kanyang ibabaw. Nakaupo na siya ngayon sa dulo ng aking kama habang ako naman itong nasa kandungan niya na. At dahil sa kanyang ginawa ay mas nagkaroon ako ng pagkakataong hubarin ang kanyang suot na damit.
Hinayaan niya akong gawin iyon. Inihilig niya pa ang kanyang baba sa aking balikat at ibinaon ang mukha sa aking leeg.
“Let’s make another baby…” bulong niya na ikinatigil ko.
“You mean pagkatapos kong manganak?”
Umiling si Isaiah.
“Right now… Our baby is lonely inside your tummy, Damonisse. Let’s make another one…” he whispered hoarsely.
Nalaglag ang aking panga hanggang sa humagalpak ako.
“You’re so drunk!” Hinagilap ko ang kanyang mga mata.
“Am not…” aniya kahit halata sa boses.
Mas lalo lamang akong natawa. He sounds so cute lalo na’t halatang seryoso talaga siya sa kanyang sinasabi.
Bumangon ang kanyang ulo hanggang sa bumalandra ulit ang gwapo niyang mukha. Humilig ang isa niyang kamay sa likuran, nakapikit parin.
Hinaplos ko ang kanyang panga at napangiti.
“You’re drunk, Isaiah…”
Dumilat siya. Ang tingin sa akin ay mabilis na malalim at sobrang nakakapaso.
“You’re not leaving me, right? Ako na ang gusto mo. Ako na ang mahal mo. Ako na ang nagmamay-ari sa’yo, ’di ba?” seryoso niyang tanong na ikinalunok ko.
Tumango ako. “Of course… Hindi na mauulit ang dati. Hinding hindi na.”
Bumuntong siya ng hininga at pumikit.
“Sana sa pagkakataong ito ay matupad mo na ang mga sinasabi mo.”
He’s probably drunk but I think ang kanyang mga sinasabi ay galing parin sa kanya, hindi lamang dahil sa kalasingan kundi dahil natulak na iyon palabas lalo na’t nangingibabaw na ang alak sa kanyang sistema. Parang hinihila na ng espiritu ng alak ang mga iyon para maamin niya sa akin.
“Pangako, Isaiah…” sabi ko.
“Nangako ka rin sa akin noon… Anong pinagkaiba niyan sa pangako mo ngayon?” matabang niyang tanong.
Kinagat ko ang aking labi.
“I’m pregnant, Isaiah… Kasal nalang ang kulang sa ating dalawa…” pangungumbinsi ko para lamang mapagaan ang kanyang loob.
Umahon siya at inalis ang kamay sa pagkakahilig sa likuran. Hinarap niya ako ng maayos. Nakatitig na naman ang mga mata niya sa aking lasing na lasing pero hindi na kumukurap.
Ang isa niyang kamay ay napunta sa aking beywang at pumulupot na ang dalawa roon.
“Kasal nalang rin ang kulang sa atin noon. Paano ako makakasigurado na tutuparin mo na ang pangako mo ngayon?” Ang boses ay tila nagtatampo lalo na’t malungkot pa ang kanyang mga mata.
I sighed heavily and smiled at him.
“Trust me. Trust me, Isaiah…” Inilapit ko ang aking labi sa kanyang labi at marahan siyang hinalikan.
Masuyo ang kanyang halik at malumanay ang galaw. Hinaplos ko ang kanyang panga habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa kanyang balikat.
“Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya, Damonisse… H’wag mo akong iwan…” bulong niya sa pagitan ng halik.
Alam kong nadadala lang siya sa kanyang kalasingan pero sa lahat ng pwede niyang sabihin ay ito talaga. Tila may anghel na humahaplos sa aking puso at gustong alisin ang bigat sa kanyang loob. Gusto kong burahin ang ibinaon kong takot sa kanya dahil sa ginawa ko noon. I want him to think that I’m not going to push him away anymore.
“Hindi. Hinding hindi, Isaiah… I love you, okay?”
Pumikit siya at tumingala, marahil ay naglalaban ang antok at alak sa loob. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para halikan ang kanyang panga, ang kanyang leeg.
Inalis niya ang mga kamay sa aking baywang at dalawa na muli ang inihilig sa likuran, para hindi mapahiga ng tuluyan sa kama.
Dinaanan ko ng halik ang kanyang tattoo. Isaiah moaned softly. Hindi ako tumigil doon hanggang sa napadpad ako sa kanyang collarbone. My other hand played with his peak. Naramdaman ko kung paano siya nagreact doon dahil sa paggalaw ng kanyang balakang.
Bumaba ako sa kanyang kandungan at hinalikan naman ang kanyang tiyan, pababa nang pababa sa kanyang abs.
“Fuck…” Isaiah cursed with heavy breathes.
Tiningala ko siya at namangha sa pumaskil sa kanyang mukha. He seems enjoying my kisses. Paano kung…
“Isaiah… Can I kiss you down there?”
Dumilat siya at gumalaw agad ang panga sa aking sinabi. Hindi agad siya nakasagot kaya hinila ko ang kanyang boxers pababa.
“Damonisse, are you…” May pagtutol sa kanyang mukha pero tumulong naman siya sa akin lalo na’t bahagya niya pang inangat ang kanyang balakang.
I saw how his erection sprang to life. Ilang sigundo ko pa iyong tinitigan. I settled in between his thigh and slowly stroke his proud member.
“Ah, fuck!” Naitapon niya sa likod ang kanyang ulo.
Tiningala ko siya at nakita kung paano naglabasan ang ugat sa kanyang leeg, kung paano humigpit ang pagkakahawak niya sa bedsheet. Seeing my effect on him turns me on. Sobra akong natutuwa na ganito pala ang nagagawa ko sa kanya.
“Stop it!” Nagmura siya ng malutong at gumalaw ang kanyang balakang, halatang gustong gusto rin naman ang pagtaas baba ng aking kamay roon.
En my entire life, I never imagined I’ll do this to him. Pero para kay Isaiah, para maiparamdam ko sa kanya ang lahat lahat, para lamang mabura sa kanyang isipan ang kanyang kinakatakot ay handa kong gawin ang lahat.
I stroke him twice, thrice, until I can’t count my movement in a fast way. Isaiah groaned with his parted lips. Sobrang hot niya tingnan dahil pati ang kanyang dibdib ay namumula narin katulad ng kanyang mukha.
“Fuck! Stop it now!” sigaw niya pero wala namang ginagawa para pigilan ako.
I’m sure he likes it, too! Galaw palang ng kanyang balakang, pag-awang palang ng kanyang bibig, ang sarap na nakikita ko sa kanyang mukha ay sapag nang ebidensya para hindi ako tumigil.
Tiningnan ko ang aking ginagawa. Maybe I can try, right? Hindi naman siguro mahirap at… at kasya naman siguro sa bibig ko?
I lowered down my head and kissed the tip of this shaft. Isaiah cursed loudly with his long erotic moan. Bago ko pa maisagawa ang plano kong isubo iyon ay hinila niya na ako patayo at pinigilan ako sa aking binabalak. Napaupo akong muli sa kanyang kandungan.
“I am not yet done, Isaiah-”
Siniil niya agad ako ng malalim na halik at ang kanyang kamay ay hinila na ang zipper ng aking dress sa likuran.
Mabibigat ang kanyang paghinga at nanginginig ang kanyang kamay noong pinilit niyang hubarin ang aking dress.
Tinulungan ko siya roon habang ang kanyang kamay ay namimisil na sa aking dibdib.
“Let me do it!” Nafufrustrate kong sabi nang maramdaman ko ang balakang niyang gumagalaw sa aking gitna at tumutusok na iyon sa aking bukana.
“I don’t want to come in your mouth, Damonisse. I don’t want your lips to get dirty…” Isaiah ripped my panty and lift my waist so he can have a better access in between my thigh.
Oh my gosh! Nariyan na naman siya! Pag ganito na ang kanyang galawan ay sigurado talaga akong nasagad ko na naman ito.
Before I knew it, he already entered me. Umawang ang aking bibig at mahaba ang ungol na kumawala.
I tried moving but Isaiah is just too desperate! Hindi siya nakontento sa aking galaw at iginiya na talaga ang aking beywang sa gusto niyang bilis. Napahawak ako sa kanyang balikat at itinago ang aking mukha sa kanyang leeg lalo na’t hindi ko na makontrol ang sarap na gumuguhit sa aking mukha.
Sinalubong niya ang bawat paggalaw ko sa pamamagitan ng pagkontrol niya at sinisiguradong sumasagad ang kanya sa aking kinaiilaliman. Isaiah kissed my neck and sucked my skin while he’s moving in a blinding speed!
Ramdam ko ang pagyanig ng aking mundo at ang pagnginig ng buo kong katawan. Gumagalaw parin si Isaiah ngunit nagiging diin nalang iyon at hindi na gaanong mabilis hanggang sa naramdaman ko rin ang kanyang pagsabog.
We both got tired noong bumagsak kaming dalawa sa kama. Sa sobrang pagod ay kapwa agad kami nakatulog.
Pagkagising ko ay mag-isa na lamang ako sa kuwarto. Nakakumot ang aking hubad na katawan at wala nang bakas ni Isaiah sa aking tabi.
Mabilis akong bumalikwas at nagpalit ng damit. I even found a familiar tshirt kaya iyon nalang ang aking isinuot at hindi na nag-abalang mag shorts pa total hanggang hita ko naman iyon.
Agad akong bumaba habang kinukusot pa ang aking mga mata. Nadatnan ko naman si Mommy na nag-aayos ng flowers doon sa vase na nakalagay sa center table.
“Mommy! Where’s Isaiah?” tanong ko.
Nilingon niya ako saglit at bumaba ang tingin sa gilid ng aking leeg pero ibinalik rin sa kanyang ginagawa.
“Maaga siyang ginising ng Daddy mo. The two went out for a jogging para magtanggal ng hang-over,” aniya.
Kumalma ako roon. Sumulyap muli si Mommy sa akin at nanunuya ang ngiti sa labi. Hindi ko nalang iyon pinansin pa. Nailing ako at binuksan ang ref pero nang may maamoy ako roon ay mas lalo lamang bumaliktad ang aking sikmura.
Nagsuka na ako sa sink. I badly want Isaiah right now! Walang magtitimpla ng gatas para sa akin!
Hinintay ko na lamang siya roon sa veranda habang may kinakagatan akong apple. Niyayaya na ako ni Mommy na magbreakfast na raw ako pero tumanggi ako at nag-antay pa, tanaw tanaw ang gate at nagbabaka sakaling bumukas na iyon.
After a couple of minutes ay dumating na nga ang dalawa. Mabilis na nagkasalubong ang mga mata namin ni Isaiah. Pawisan siya at naka itim na jacket ganoon din si Daddy.
Mabilis akong tumayo habang nakasimangot. Tiningnan niya ang suot suot kong tshirt at napanguso.
“Ano nalang kaya kung hindi kami umuwi ni Isaiah?” pagpaparinig ni Daddy nang mapansing naghihintay ako rito.
“She’s not yet eating her breakfast. Hinihintay niya si Isaiah. Ninakaw mo kasi ng maaga eh,” ani Mommy sa aking likuran at humalakhak.
Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Hinintay ko si Isaiah hanggang sa makalapit siya sa akin. Mabilis niyang pinatakan ng halik ang aking ulo at hinila pa ang dulo ng aking suot.
“Tinago mo pala ito?” tanong niya sa nakangising labi.
Tumango ako at tiningnan ang Silvestre’s wife sa tshirt.
Isaiah chuckled. Bago pa malaglag ang kanyang labi sa akin ay tumikhim na si Daddy at tinapik ang balikat ni Isaiah. Natigil ang aming binabalak at nakalimutang nariyan pala siya.
Nagbreakfast rin naman kaming apat. Sinikap kong itago sa aking buhok ang pulang marka sa leeg dahil baka mapansin ni Daddy at iyon pa ang maging topic.
Mommy keeps on teasing him. Kaonting galaw lang ni Dad ay pinapansin agad ni Mommy.
“Ako na, Jin. Baka umatake pa ’yang rayuma mo kakatayo,” inosenteng sabi ni Mommy at tumayo para abutin iyong bowl ng chicken curry.
“What are you talking about?” Bumusangot si Daddy, matalim ang tingin kay Mommy.
Nilagyan ni Mommy ang kanyang plato.
“Lolo kana. I’m sure madalas nang aatake ang athritis at rayuma mo. You should avoid moving too much…” panunuya pa ni Mommy sa kalmadong boses.
Humagikhik ako, kahit si Isaiah ay napalingon pa sa akin. Nailing siya at parang may naglalaro sa kanyang isipan.
“Magkasama rin naman tayong tatanda, Jin… Mauuna ka nga lang na uugod ugod sa ating dalawa.”
I laughed hysterically with my Mom. Si Daddy ay sobrang dilim na ng ekspresyon habang si Isaiah ay naiiling nalang dahil sa pinagsasabi ni Mommy. Siguro kaya hindi rin siya makatawa dahil alam naming pareho na mas matanda siya sa akin ng ilang taon. He’s probably going to get old first!
“Are you already on your thirties?” tanong ko nang tumambay kaming dalawa sa veranda.
Nakaupo ako sa kanyang kandungan at kanina pa siya naaalibadbaran sa aking suot lalo na’t panay siya hila roon.
“Yes…” he answered with his dark expression.
“Kailan ’yon?” Humagikhik ako. He’s really old!
“January One,” sagot niya at nakatingin parin ng madilim sa akin.
Humagikhik akong muli. “Magkasanunod lang pala ang birthday natin! December five ako at january one ka naman…”
“Tsss… Manang mana ka sa Mommy mo. Mahilig mang-asar.”
Humagalpak lamang ako at hindi siya tinantanan noong oras na iyon.
Naging smooth naman ang takbo ng araw namin doon. I can sense how Daddy likes him alot for me. Noong hapon na ay doon lamang nakabawi sa pagkagulat si Daddy sa pagiging buntis ko at niyakap ako.
Ganoon kahaba ang pagkakagulantang niya at late na iyong nagsink-in sa kanang utak.
Ilang araw ang dumaan pagkatapos malaman ni Mommy at Daddy na buntis ako ay dinagsa na ako ng text at tawag galing sa aking mga pinsan. They congratulate me for being pregnant na kahit si Kuya ay napatawag din sa akin.
Hindi na ako nagtaka dahil si Mommy pa, sa sobra niyang excited ay naipagkalat niya agad iyon.
Sa cafe na ulit ako tumatambay imbes sa office ni Isaiah. Simula rin kasi noong makabangayan ko si Kaira roon ay ayoko nang tumambay sa kanyang office at baka pag bigla siyang sumulpot ay hindi na talaga ako makapagpigil. Sa tuwing nakikita ko pa naman ang mukha niya ay nanggigigil agad akong ilampaso iyon sa sahig.
Pero may mga araw rin naman na kay Isaiah talaga ako nabubwesit imbes sa mga kliyente niyang babae. Siya pa rin talaga ang palagi kong pinanggigigilan.
Matalim ko siyang tiningnan nang sinundo niya ako sa tanghaling iyon. Alas singko y media na at kanina ko pa talaga siya hinihintay!
Nagtungo ako sa kanya at pinagbuksan niya ako ng front seat. Hinawakan niya ang aking braso lalo na’t nakahalukipkip ako habang hindi nawawala ang talim ng tingin ko sa kanya.
“I am not late. I told you I’m going to fetch you at six,” sabi niya, halatang pinapamukha sa akin na advance pa siya ng thirty minutes.
Ang pinupunto ng aking galit ngayon ay ang paghihintay ko ng matagal sa kanya!
“Nilamok ako kakahintay sa’yo! Dapat mas naging maaga ka pa! Like four,” iritado kong bigkas at sobrang init na naman ng aking ulo.
“Nakapasok ang lamok sa loob ng cafe mo? Pinagkape mo sana…” sabi niya sa inosenteng boses habang dinudungaw ako.
Mas lalo lang akong nabwesit kay Isaiah. Pinagsasapak ko agad siya gamit ang aking slingbag. Humalakhak siya at sinalo ang bawat paghampas ko.
He’s really good at getting on my nerves! Kaya mas lalo akong sumasabog sa galit dahil riyan sa lumalabas sa kanyang bibig. Natutuwa ata siya pag nakikita akong nagtatransform na bilang dragon at kulang nalang ay bugahan siya ng apoy.
Pero kahit gaano kagalit, mabilis lang rin iyong humuhupa dahil bukod sa magaling siyang mambwesit ay mabilis niya ring pinapagaan ang aking loob. Nagulat nalang ako sa gabing iyon na may hinanda siyang candlelight dinner para sa aming dalawa habang nakabukas ang mga high curtains at naging background namin ang magagandang citylights sa labas.
I even posted a picture on my instagram account where we’re having a dinner. Dinagsa agad iyon ng aking mga pinsan dahil ngayon lang ulit ako nakapagpost after so many years of being so busy…
Kinabukasan, noong nasa cafe na ulit ako ay si Irah na ang aking katext.
Irah:
Nag candlelight dinner pala kayo kagabi.
I can hear her bitterness in each words. Inggit lang ito eh.
Nagtipa ako.
Ako:
Gusto kong kumain ng baked scallops. My treat.
Mabilis ang kanyang pagreply.
Irah:
Let’s go. Bored ako rito sa bahay since may lakad ang pinsan mo. He’ll be back by four.
Chineck ko ang oras. It’s already 2PM. Ang alam ko ay 4PM ako susunduin ni Isaiah ngayon at bibilisan niya raw ang trabaho niya para hindi na ako nagtatalak ng kung anu-anong lamok habang hinihintay siya.
Lumabas agad ako sa aking cafe. Nasanay na ang mga empleyado ko na hindi ako nagtatagal doon at naiintindihan naman nila eh tambay lang rin naman ako roon.
I used my car para mas mabilis ring makabalik mamaya sa Cafe at hindi na mahuli ni Isaiah na wala ako roon.
Nagkita kami ni Irah sa malapit na Restaurant. She’s wearing a not so elegant dress lalo na’t hindi ko talaga makita ang kanyang kurba.
“Ew… Your dress is so pangit,” pang-aasar ko nang umupo kaming dalawa.
“And how about your below the knee dress? Saan ang simba?” Tinaasan niya ako ng kilay.
Tiningnan ko narin ang aking sarili.
“This is nice since Isaiah bought this for me…”
“And your cousin bought this for me, too…” pagmamayabang niya sa kanyang suot.
Kapwa kami umismid sa isa’t isa nang mapagtantong ang suot suot namin ay ang mga binibili ng aming mga lalake. Ang hirap rin naman kasing makipagtalo lalo na’t feeling ko bagay naman sa akin?
Nag-order kami ng pagkain at habang kumakain ay kinukwento ko sa kanya ang pag-amin ko sa aking parents at kung paano namutla si Daddy habang dilat ng ilang minuto dahil sa pagkakagulat.
“Eh si Papa nga, Toshi’s father, ay umiyak pa. Ganoon siya kasaya noong ibinalita namin…” ani Irah.
Really? Si Daddy lang ba ang namutla?
“Oh… Zera… Ba’t hindi mo ata kasama si Isaiah?”
Naputol ang topic namin ni Irah nang may biglang sumingit na nakakairitang boses. Kapwa namin iyon nilingon at nakita ang nakangiting si Kaira.
“Wala ka pala sa office niya?” Humagikhik siya at ipinakita sa aking ang mukhang take out na pagkain.
She’s really good at bitching around!
“Sino ’to?” iritado na ring tanong ni Irah at dumako pa ang mga mata sa kanyang dibdib na tila puputok na naman sa suot niyang body hugging na kulay pulang dress.
Tumawa si Kaira. “Tamang tama. Pupunta ako roon. Masosolo ko siya,” nanunuya niyang sabi at halatang nananadya na agarang ikinakulo ng aking dugo.
Tumayo na ako. I’m really done talking with her! Parang iba ata ang hanap niya eh! Kung ganoon, ibibigay ko iyon sa kanya.
Sa aking inis ay mabilis kong isinaboy ang pineapple juice ko na wala pang bawas. Punong puno na talaga ako!
Nagulat agad siya at mabilis na nabasa sa aking ginawa. Inilahad narin ni Irah sa akin ang kanyang baso na wala pang bawas kaya kinuha ko iyon. Bago pa siya makarecover sa gulat dahil sa nauna kong ginawa ay marahas ko siyang sinabuyan ulit.
May mga napasinghap na customer. Kahit ang manager ng Restaurant ay bigla nang sumulpot kung maaari mang magramble na kami rito. I badly want to torture this bitch! Di ata kakalma ang inner demons ko kung wala akong nagagawa sa kanya!
“Ano hindi ka pa nagigising sa kahibangan mo sa lalakeng hindi ka naman gusto?!” U glared at her sharply.
“Oh my God you freaking freak! You are such a fucking brat! Pagkatapos mo akong insultuhin noong nakaraan ay ikaw naman itong galit dahil sa pang-iinsulto ko sa’yo! I can’t believe Isaiah chose low class brat like you!”
“Oh fuck you, you fucking slut! Mas low class ka kasi masyado kang naiinggit dahil hindi magawang kamutin ni Isaiah ang kakatihan mo! Your fucking ass just couldn’t accept it, right? You’re a fucking pokpok!”
Her eyes glared at me, halatang tinubuan ng hiya dahil sa aking isinigaw. May mga nagbulung-bulungan na ngunit matapang ko siyang tiningnan.
“I’ll really tell this to Isaiah! Sumusobra kana talaga!” Nailing siya at agarang nagwalk, hindi man lang ako hinayaang makapagsalita!
Ang bitch na ’yon! Napakalakas talaga ng loob! I’ll surely drag her in hell this time! Siya itong nangtitrigger tapos ang lakas manumbat! Ilalampaso ko talaga siya roon sa office ni Isaiah!
Mabilis akong dumukot ng pera sa aking sling bag. Nag-iwan ako ng dalawang libo at gustong sundan ang babaeng iyon. Kahit si Irah ay tumayo na, halata rin ang panggigigil.
“Make her mouth bleed. I don’t like the way she talks!”
“Talagang paduduguin ko ang labi niya! Ubos na ubos na ang pasensya ko sa malanding iyon!”
Sumasabog ako at gusto nang bumuga ng apoy, gusto nang sunugin si Kaira. I’ll really make sure matatakot na siya sa akin at mas gugustuhing hindi magpakita pagkatapos ng araw na ito! May pa sumbong sumbong pa siya eh siya ang nag-umpisang maglapag ng ikakagalit ko!
Mabilis naming sinundan si Kaira at nadatnan itong pinaharurot na ang kanyang kotse. Tumakbo narin kaming dalawa sa aking pulang jaguar para habulin ito. Akala niya tatantanan ko siya ngayon? Humanda talaga siya!
55th Lured
Lured
This chapter is dedicated to Marianne Stephanie Raguindin. Happy reading!
Worth The Pain
Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse. Ang speed limit ay lumalagpas na sa sixty para lang mahabol ang puting cheap na kotseng minamaneho ni Kaira.
“Slow down!” sigaw ni Irah sa akin, nakaseatbelt na ganoon din ako.
Imbes bagalan ay mas binilisan ko pa. Umirap ng husto si Irah at kumuha na ng unan na nakafile sa likod para ilagay sa banda ng kanyang ganoon at ganoon din akin.
“Your cousin will kill us if something bad happened, Zera! Ayaw kong makatay ni Toshi pag napahamak ang anak niya at mas lalong ayaw kong makatay ni Isaiah!”
“Hindi nila tayo kakatayin dahil si Kaira ang kakatayin natin!”
“Just fucking slow down!”
Hindi ako nakinig kay Irah at mas inapakan ko pa ang accelerator na ikinabilis lalo ng speed ng aking kotse. Binusinahan ko ang nasa unahan na kotse hanggang sa tumabi ito at pinadaan ako. Nakita ko agad ang puting kotse ni Kaira kaya mas umabante pa ako hanggang sa nakita kong dahan dahan na itong humihinto dahil sa traffic.
“Stop the car, Zera!” Natatarantang sigaw ni Irah nang makitang hindi parin ako humihinto.
“Oh my gosh!” Nagpanic siya.
Sinamaan ko ng tingin ang kotse niya hanggang sa naramdaman ko nalang kung paano bumangga ang kotse namin sa bumper ng kotse ni Kaira at gumawa pa iyon ng malakas na ingay.
Mabilis akong nagbreak. Halos matilapon kaming dalawa sa harap pero mabuti nalang at kapwa kami nakaseatbelt.
Namilog ang mga mata ni Irah, ganoon din ako at dahan dahan kaming nagkatinginan. Dumagsa ang takot sa kanyang mukha ganoon din ako na napalunok. Nahimasmasan ako bigla sa aking galit nang mapagtantong nabangga nga kami.
“May dumudugo ba sa akin? Check me!” Nanginginig akong hinawakan ni Irah.
Umiling ako, kahit ang aking sarili ay tiningnan ko narin at wala naman. Thank God! Now I’m really dead if Isaiah found out about this!
Nagkagulo na sa labas. Kitang kita ko kung paano kami pinagkaguluhan at kung paano lumabas si Kaira, laglag panga habang nakatingin sa wasak niyang bumper.
May iilan na tumatawag na ng kung ano at may ilan na todo suporta rin kay Kaira na inaalalayan ito.
Hindi kami lumabas ni Irah. Kagat kagat ko ang aking labi at pinaglalaruan ang aking mga daliri.
“What should we do?” tanong ni Irah.
Nagkibit ako. “Hindi ko rin alam…”
Kapwa kami bumuntong hininga at tiningnan ang dumaraming tao na nang-uusisa sa banggaan. May iilang kotse naman na bago kami lagpasan ay dinudungaw pa kami sa bintana.
Ilang sandali lamang ay may dumating nang police mobile.
“We’ll get sued for this!” sigaw ni Irah.
“Your Dad is a lawyer and Isaiah is a lawyer. Chill…” sabi ko.
“What chill? My Dad will kill me if I survive this! Baka sa kanya pa ako malagot, Zera! And we’re freaking pregnant!”
“So kasalanan ko na ngayon? You agreed with my plan, too!”
“Pero hindi ang banggain ang kotse niya! Dapat iyong bitch ang may damage hindi ang kotse! Hindi tayo!”
Bumusangot ako. Fine! Fine! Eh nilalamon na ako ng galit ko! Ayokong makaabot siya roon kay Isaiah! And nothing happened naman sa amin, right? Iyon ang importante.
May kumatok na police sa aming bintana. Namutla kaming dalawa ni Irah at nagtulakan pa kung sino ang haharap.
“Lumabas nalang tayong dalawa. We need to face this,” aniya at naunang binuksan ang pinto.
Binuksan ko narin ang pinto hanggang sa tuluyan kaming nakalabas dalawa. Kitang kita ko kung paano nagsinghapan ang mga naroon at kung paano namilog ang mga mata ng lalake nang makita kami ni Irah. Kahit ang police sa aking tabi ay natulala pa ng ilang saglit.
Ang mga may malasakit kanina kay Kaira ay mabilis na dumagsa sa amin.
“Okay lang ba kayong dalawa, Miss?”
“Wala bang nasaktan sa inyo?”
“Sirang sira ang harap ng kotse niyo, Miss… Buti naman at mukhang wala kayong sugat.”
Dinagsa kami ng mga sari-saring pag-aalala. Hindi kumibo si Irah at sinuklay lang ang buhok paatras habang ako naman ay tiningnan si Kaira na laglag ang panga.
Nagtama ang mga mata namin ni Kaira ay nginisihan ko agad siya. I even move my fingers in a very cute way nang kumaway ako sa kanya.
“Ikaw ang bumangga sa kotse ko?!” Halos sumugod si Kaira sa akin.
Hinawakan agad siya ng ilan para pigilan. Humalukipkip ako at humilig sa ulo ng aking kotse paupo roon.
“It was an accident,” sabi ko sa kanya.
Umiling siya at itinuro ako, ang mga mata ay nasa mga police na.
“Ikulong niyo ang brat na ’yan! Sinadya niya talaga akong banggain! She’s mad at me!”
“Ma’am, kumalma lang po muna kayo. Isettle nalang po natin ito sa presinto para sa karagdagang tanong,” sabi ng police na naka jacket na itim at parang life jacket or something.
Tumango ako, ganoon din si Irah, ayaw magsalita ng kung ano. Galit na galit parin si Kaira, makikita ko iyon sa talim ng kanyang tingin sa akin.
Hiningi ang aking lisensya at tiningnan lang naman iyon.
“So first time mo na masangkot sa banggaan, Miss Princess?”
What the. “Zera,” pagtatama ko at halos mairita.
“Ah… Okay lang aman po ba kayo, Ma’am Zera? Wala po kayong masakit na nararamdaman?” tanong sa akin ng police, ganoon din si Irah na dalawang police na ang kumakausap sa kanya.
Naglahad sila ng mga tubig para sa amin, kahit si Kaira ay binigyan din at pinahinga kami ng maayos.
“Nothing… Makukulong ba ako?” tanong ko sa malungkot na boses.
Umiling agad ang police.
“Hindi naman, Ma’am. Pero depende iyon kay Miss Madrigal. Pwede niyo naman pong bayaran nalang ang danyos na natamo ng kanyang kotse at masettle agad ito. Wala namang nasaktan,” aniya.
Sumulyap ako kay Kaira na umiiyak na sa harapan ng mga police habang inienterview ito. Umirap agad ako.
“Kilala mo po ang babaeng ’yon?” tanong niya at may hawak paring maliit na notepad.
Tumango ako. “She’s flirting my man. Pinainit niya ang ulo ko,” galit kong sabi.
Nailing ang police.
“Kaya pala…”
Isinakay kaming tatlo sa police mobile para ihatid sa presinto. Of course may pumapagitnang police dahil baka magramble kami sa loob lalo na’t ang sama sama ng tingin namin ni Irah sa kanya. Dalawa kami kaya kawawa talaga siya.
Dumating rin kami sa police station. May iilang police pa ang napatingin sa amin nang dumating kami.
Biglang nagbalik sa aking alaala ang pagkakulong ni Isaiah nang masilip ko ang presinto. May mga lalake roon na nakahilig sa mga rehas at nagagawa pang kumaway.
Siksikan doon at hindi ko talaga maimagine ang aking kalagayan niya. How did he survive? Nadetain pa siya ng six months sa loob. Iyon pa ang bumagabag sa akin ng ilang sigundo imbes na alalahanin ang kinasangkutan kong gulo.
Pinaupo kami sa harap ng isang police, ang sabi ay may mga further questions lang at kung ano ang gustong mangyari ni Kaira para masettle na ang nangyari.
“Magsasampa po ako ng kaso, Sir. She’s a threat in my life… Alam kong sinadya niya po iyon dahil galit siya sa akin,” ani Kaira, tumutulo agad ang malalaking luha at halatang nagpapaawa lamang.
“Sigurado po kayo, Ma’am?” tanong ng police habang may sinusulat na roon.
Tumango si Kaira. Umangat naman ang aking kilay.
“I’ll get my lawyer, then…” bigkas ko.
Matalim niya akong tiningnan.
“Sa ginawa mo, akala mo ba kukunsintihin ka ni Isaiah? I’m sure he’ll get mad at you. Eh ’di ba at buntis ka pa? Ganoon ka ka brat na kamuntik mo pang ilagay sa peligro ang buhay ng-”
“Don’t you fucking talk like you care for my baby! You provoke me to do this to you! Kung hindi ka masyadong malandi ay hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon!” Tumayo ako, halos gusto siyang lapitan at sabunutan pero pinigilan agad ako ng police.
“My father is a lawyer, too. And I can be the witness of Zera. Naunang manghamon iyang may watermelon na dibdib sa kaibigan ko at narinig ko kung ano ang pinagsasabi niya. What happened to her is just a collateral damage of her bitchiness. Kung ako rin naman ang sinabihan niyang lalandiin niya ang asawa ko ay baka makapatay talaga ako,” si Irah naman sa aking tabi.
Naliwanagan ang mga police sa mukhang puno’t dulo ng gulo. Si Kaira naman ay namutla nang marinig na lawyer din ang ama ni Irah. Now you’re scared? Tingnan talaga natin kung hanggang saan iyang kagagahan mo. I’ll surely flip the table at ikaw ang mananagot sa lahat ng kaguluhang ito.
Umupo akong muli at pinakalma ang sarili. Si Kaira naman ay nasa aking harap parin, nakahalukipkip at panay ang irap. Kung alam ko lang na aabot kaming dalawa sa ganitong punto, noong nasa Cafe ko palang siya ay nilason ko na siya dapat doon! The nerve of this bitch!
“Pag dumating si Kuya Toshi ay umiyak ka agad ha. I’ll do the same to Isaiah. Iiyak ako para mas mapadali ang lahat ng ito,” bulong ko kay Irah.
Tinawagan narin kasi silang dalawa ng police at ipinaalam ang nangyari. I’m sure ilang minuto lamang ay dadating na sila rito.
“Bakit tayo iiyak? I am not good at faking my tears!” bulong niya rin pabalik.
“I’m sure kuya Toshi is mad. Bahala ka… Imbes na maawa iyon sa’yo ay baka pagalitan ka pa rito.”
Umirap siya. “Subukan niya lang…”
May mga panibago ngang dumating. Nang makita namin ni Irah kung sino ang mga iyon ay namutla agad kaming dalawa. Sabay pa kaming yumuko at nagpanggap nalang na malungkot para kunwari ay kami itong aping api!
“Isaiah? Ba’t ka nandito? Isa ba rito sa dalawa ang asawa mo?” Ang boses iyon ng police na humahawak sa aming kaso.
Nag-angat ako ng tingin kay Isaiah na chinicheck ako mula ulo hanggang paa. Mabilis akong tumayo at agad na nagtungo sa kanya. Umiyak agad ako.
“Isaiah…” daing ko.
“What happened?” tanong niya at niyakap rin ako pabalik.
Humagulhol ako sa kanyang balikat. Hindi ko alam kung paano ko iyon ginawa. Basta kusang naglaglagan ang mga luha at mukhang nakikisama sa aking plano.
“Ipapakulong daw ako…” sumbong ko at nanginig sa pag-iyak.
“Sshhh… Nandito na ako. I’ll settle this,” sabi niya habang hinahaplos ang aking likod at hinahalikan ang aking ulo.
Panay na ang iyak ko sa kanyang balikat. Ni hindi ko na nagawang icheck si Irah kung iyon rin ba ang ginawa niya but I really cried harder!
Marahil ay dala narin ito ng takot na baka mapagalitan niya ako. Alam kong pagagalitan niya talaga ako dahil kabilin bilinan niya na hindi na ako magmamaneho. Nag-aalala pa lang ’yan ngayon pero pag kami nalang dalawa, sigurado akong makakatikim ako ng pangaral sa kanya.
Kinausap rin ni Isaiah si Kaira. Si Kuya Toshi naman ay nakaupo na sa upuan habang kinakausap si Irah. Sabi ko umiyak! Payuko yuko lang.
Nang tingnan ako ni Kuya Toshi, ang tingin palang alam ko na agad.
“H’wag kanang magmaneho, Zera,” malamig niyang sabi na ikinatango ko.
“I’m sorry, Kuya…” sabi ko.
Tumango ang aking pinsan sa akin.
“Ang importante rito ay walang nangyaring masama sa inyong dalawa.”
Natapos rin naman ang usapan ni Isaiah at Kaira. Ang narinig ko ay ang matinding iyak niya at hinahawakan sa braso ni Isaiah.
“I’m sorry… Please… Don’t do this. I am not going to file a case-”
“My decision is final, Kaira. Mas mabuting ganito nalang nang hindi kana rin niya pag-initan. She’s my main priority here before anything else,” malamig niyang tugon at kinuha ang kamay ni Kaira sa kanyang braso.
Umiling si Kaira, halos magmakaawa.
“No… No! Ikaw lang ang makakatulong sa akin! I promise I’ll be good this time… I’m really sorry. Don’t do this… I-Ikaw nalang ang pag-asa ko!”
Isaiah showed no mercy. Hindi niya ito pinakinggan at nagtungo na sa akin.
“I already settled the case. Umuwi na tayo.”
Napalunok ako sa kanyang inasta. He looks so serious at kahit ang mga police ay mukhang pinaboran agad ang kanyang gusto.
W-What happened? Nagtungo siya roon sa police na nakakakilala sa kanya. May kung ano itong binulong sa kanya na ikinatango niya at tinapik ang balikat nito.
Dinaluhan si Kaira noong kaibigan niya ring pumunta para sa kanya. Ngayon ay si Kuya Toshi at Isaiah naman ang nagkamayan. Nah-usap sila saglit ng kung ano.
“May kapit si Isaiah rito?” tanong ni Irah sa akin.
Nagkibit ako. “Ilang buwan siyang nakulong dito. Paano siya magkakakapit? Baka nakilala lang talaga siya ng mga police at naging close siya,” sabi ko.
“No… The police said something cryptic. May kapit siya rito. And he settled the case right away,” si Irah na nagdududa ang boses, narinig rin pala iyon.
“Huh? He’s a lawyer, Irah,” sabi ko.
Tiningnan niya ako ng makahulugan. Lumunok ako. Ano ba ang iniisip niya? Na he’s more than a Lawyer? Of course he’s a professional one kaya maliit na bagay nalang ang ganito sa kanya.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Kuya Toshi ay nagpaalam rin naman ang dalawa sa amin ni Isaiah na aalis na. Noong nasa kotse na kami ay sobrang tahimik ni Isaiah, ganoon din ako na kinakabahan na.
Gusto kong magsalita at may sabihin pero nangingibabaw ang guilt sa akin. Should I say sorry? Or just ask a question! Pag hindi sumagot edi galit!
Umawang ang aking bibig at tiningnan siya. Nang makita ko kung gaano na kadilim ang kanyang ekspresyn, kung paano naglalabasan ang ugat sa kanyang kamay dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa manibela ay natutop ang aking bibig.
Kumalabog ng husto ang aking dibdib at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. Shit! I will never win a conversation right now! Nanginginig ako riyan sa galit niya. Parang mabubugahan niya ako ng apoy.
Dumating kami sa kanyang condo. Kahit noong nasa elevator ay tahimik parin siya, hindi ako kinikibuan at hindi man lang ako hinahawakan. Sumusunod lamang ako at napapayuko sa kanyang tingin sa akin.
Pagkapasok sa loob ay nakita ko siyang bumuga ng hangin. Kinalas niya ang tie sa kanyang suot kaya nagtungo ako sa kanya at tumulong.
“Ako na…” malambing kong sabi.
Mariin niya akong tiningnan at hinayaan. His stares can really melt me at ramdam ko ang galit sa kanyang iritadong mukha.
“What were you thinking?” he asked in a deep baritone voice.
“Kaira said something to me at natrigger ako! Ginalit niya ako, Isaiah!” Nanliit ang aking mga mata sa kanya.
“At hindi kana mag-iisip dahil sa galit mo? Mas paiiralin mo ang galit mo kaysa sa kaligtasan mo? You’re fucking pregnant, Zera!”
Napaatras ako roon. Agad akong nanliit sa gumuguhit na matinding galit sa kanyang mukha.
“I told you not to drive and you didn’t listen! Anong ginawa mo? Binangga mo pa ang kotse ni Kaira!-”
“So kinakampihan mo siya over me?!”
Nagulo niya ang kanyang buhok at nahilamos ang mukha. Kinagat ko ang aking labi at nagpigil ng luha. Wala akong laban dito. His anger is really melting me.
“This isn’t about Kaira anymore! This is about you and our baby! Do you get my point?”
My lips quiver. Mabilis ang panlalabo ng aking mga mata, agad nang nagsisisi.
“Paano kung may nangyari sa’yo? Did you think about me? Mamamatay ako pag kayong dalawa ang nawala sa akin!”
“I will never forgive myself if something bad happened to you…” Dumagsa ang takot sa namumungay niyang mga mata.
Naglaglagan agad ang malalaking luha sa aking mga mata. Pumikit ako at tinakpan ang aking mukha. Humikbi ako roon at nagsimula nang gumalaw ang aking balikat. Kung kanina ay hindi totoo iyong iniiyak iyak ko at dala lamang ng aking kaartehan, ngayon ay totoo na talaga.
“I’m sorry… H-Hindi ko…”
Dismayadong dismayado ako sa aking sarili. Alam ko namang magagalit talaga siya pero nang makita ko ang takot sa kanyang mga mata ay natunaw agad ako.
Fuck, Zera! Where did you put your brain again? Nagpapadala ka nalang palagi sa galit mo. Iiwanan ka talaga ni Isaiah dahil diyan! He’ll get tired because of your stubbornness. Baka umabot pa sa puntong ang baby nalang ang mahal niya at hindi na ikaw dahil sa kagagahan mo.
Noong gabing iyon ay wala siya sa aking tabi. Tutok siya sa kanyang laptop at hindi man lang sumabay sa akin sa kama. Pinalis ko ang mga luha sa sobrang frustration. He’s really mad at me. Ramdam ko iyon…
Sa umaga naman, nagulat na lamang ako nang magising akong wala na siya sa aking tabi. Nag-iwan siya ng note at breakfast ko.
Stay inside the condo.
Iyon lang ang iniwan niyang mensahe. Sinalo ko agad ang luha. Wala man lang bang I love you? Kahit take care? Or eat your breakfast? Umiyak ako habang ginagalaw ang pagkain. He’s really mad!
Nagtuloy tuloy ang pagiging ganoon ni Isaiah. Hindi lamang isang araw, dalawa, tatlo, apat, lima… Buong week siyang ganoon na kahit linggo ay may trabaho parin siya!
“Baka naman marami lang kliyente,” ani Irah sa kabilang linya habang katawagan ko siya sa hapong iyon ng Linggo.
“No! Hindi naman siya ganyan ka busy! Simula noong nagalit siya sa akin dahil sa reckless driving ko ay naging cold na siya. Ni hindi niya ako sinasabayan sa pagtulog at pag gigising ako ay wala na siya sa tabi ko,” nafufrustrate kong sumbong habang pinapalis ang malalaking luha na tumutulo.
“Your cousin got mad at me, too. Kung alam mo lang. Grabe ang iyak ko dahil galit na galit siya. Buti nalang naawa kaya bati na kami ulit.”
Iyon ang mas dumagdag sa aking frustrations. Hindi man lang naawa si Isaiah sa akin. Ang cold cold niya pa. Parang nandididiri siya sa akin kasi ayaw niya akong samahan matulog. Pagkagising ko tanging note nalang ang naiiwan at ang habilin niyang huwag akong lumabas. Wala pang I love you…
Suminghot ako at sobrang bigat ng aking pakiramdam. Panay ang pagtulo ng aking luha. Ilang araw na akong umiiyak. Ilang araw na akong nangungulila sa kanya. Ilang araw na akong nanglilimos ng atensyon pero di niya naman ako pinagbibigyan.
Pag uuwi siya ay dederitso siya sa laptop niya. Ni hindi ko na namamalayan ang pagpasok niya sa kuwarto at pag gigising ako ay ang malamig na bedsheet nalang ang nararamdaman ko.
“Hindi pa naman kayo kasal…” makahulugang sabi ni Irah.
Nadagdagan ang takot na aking nararamdaman. Humagulhol na talaga ako. Malaki talaga ang tsansa na hiwalayan ako ni Isaiah ano mang oras. And he’s a lawyer. Baka nga mailaban niya pa ang custody ng bata at mapunta sa kanya.
“Kausapin mo nalang siya,” ani Irah.
“P-Paano ko siya kakausapin kung iniiwasan niya a-ako! Ang cold cold niya sa akin!”
“Edi takutin mo! Siguro naman may kahinaan iyang si Isaiah pagdating sa’yo.”
Pinalis kong muli ang aking mga luha. May alam naman akong kinatatakutan ni Isaiah. Pero gagana ba iyon? Ang cold cold niya pa nga.
Namumugto na ang aking mga mata. Sobra na akong nilalamon ng frustrations. Paano kung magkatotoo ang iniisip ko? Paano kung nawala na ang pagmamahal ni Isaiah sa akin dahil masyado akong brat at napagtanto niyang ayaw niya na pala? Maybe that’s the reason why he’s been so cold to me.
Kaya ginagabihan, pagdating niya ay nadatnan niya ako roon sa may hagdan na hinihintay siya at nagpupunas ng mga luha.
Nang magtama ang aming mga mata ay bumuhos agad iyon. Isaiah looked away habang kinakalas ang kanyang necktie at inilapag ang kanyang briefcase. He looks so tired yet so cold to me.
“Aalis na ako… Nakapagd-desisyon na ako na… N-Na iiwanan na kita,” sabi ko, katulad ng naisip kong panakot sa kanya.
Hindi man lang siya kumibo. Ni hindi tumingin sa akin kaya mas lalo akong nanlumo. Tumayo ako dala dala ang bigat ng aking nararamdaman.
“Mag-iimpake na a-ako at… at h-hindi mo na ako makikita… k-kami ng baby mo…” dismayado kong binigkas iyon sa maliit na boses.
Nilingon ko si Isaiah. Tila wala man lang itong narinig at ang butones na ng kanyang polo ang inaasikaso.
Humikbi ako lalo. H-Hindi na nga talaga ako mahal ni Isaiah. I think he can live without me this time…
Humakbang ako paakyat dala dala ang bigat ng aking pakiramdam. Pumasok ako sa walk-in at naghakot ng mga gamit. The last time I did this, pinigilan niya ako. Baka sa ikalawang pagkakataon ay pipigilan niya ako right?
Binuksan ko ang aking bagahe at pinahiga iyon. Panay ang pagpupunas ko ng mga luha habang kinukuha sa hanger ang aking mga damit.
Ilang sandali lamang ay nagpakita nga si Isaiah rito sa loob at topless pa, tanging slacks nalang ang suot. Gusto kong magdiwang at yakapin siya sa sobrang tuwa kaso masyado parin siyang cold. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga damit sa hanger, hinihintay nalang na aagawin niya iyon sa akin at yayakapin niya ako.
Ilang minuto ang dumaan pero walang nangyari. Ang lubusan kong ikinagulat ay tinulungan niya pa ako!
“A-Aalis na ako!” sigaw ko sa kanya, ipinapamukha ang aking balak.
“I know. That’s why I’m helping you pack your things,” malamig niyang bigkas at nagawa pang tupiin ang aking damit.
Humikbi ako habang tinitingnan siya sa kanyang ginagawa.
“P-Paaalisin mo na ako?” tanong ko sa nanginginig na boses.
Hindi niya sinalubong ang aking mga mata at kumuha ng panibagong damit ko.
Pinalis ko ang malalaking luha at pinilit na agawin ang mga gamit ko sa kanya kahit na kumukuha lang naman siya ng panibago. Siya na ngayon ang nag-iimpake at ako naman ang nagbabalik. Para kaming tanga!
“Hindi mo man lang ako pipigilan? H-hindi mo na ako mahal?”
Hindi umimik si Isaiah at nagpatuloy talaga sa pag-iimpake ng aking mga gamit. Bumuhos ang aking mga luha at inagaw sa kanya ang aking damit.
“Stop it! I am not leaving you!” Hinila ko ang kanyang braso kaso ay hindi parin siya tumitigil.
“H-Hindi ako aalis! H-Hindi kita iiwanan!”
Hindi siya nakinig at kumuha ulit ng panibago. Natakot na ako roon at mabilis siyang niyakap.
“Sorry! Sorry, Isaiah! Hindi na mauulit! A-Ayaw kitang i-iwan! H-Hindi ko kaya!” Humagulhol ako sa kanyang dibdib at sobrang bigat talaga ng aking pakiramdam.
“N-Nangako ako na hindi kita iiwanan! I am not leaving you! T-Tinatakot lang kita k-kasi akala ko pipigilan mo ako! Sorry, Isaiah! Dito lang ako, please! Hindi ko kaya pag wala ka sa tabi ko! Hindi ko kaya!” Mas hinigpitan ko ang aking yakap sa kanya, na pag binitiwan ko siya ay maaari siyang makawala sa akin, na maaari niya akong itulak paalis sa kanya.
My heart hurts so bad. Umiiyak akong tiningala siya, nagmamakaawa ang mga mata na sana ay maawa man lang siya sa akin.
Kinagat ni Isaiah ang kanyang labi. Nang malaglag ang tingin niya sa akin ay hindi niya na naiwasang humalakhak. Nagtataka ko siyang tiningnan kahit na panay pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. Is… Is this a prank?!
“You’re leaving with me, Damonisse… Tayong dalawa ang aalis,” paglilinaw niya at sinapo ang aking dalawang pisngi.
Hindi ako nakaimik habang tinitingnan siya. Ngumisi siya sa akin habang pinapalis ang aking mga luha. Hinawi ko ang kanyang kamay sa pagkairita dahil sa nanunuya niyang ngisi.
“Y-You were so busy… Sobrang cold mo at wala man lang nakasulat na I love you sa mga notes na iniiwan mo!”
“I don’t know if you’re just pregnant or you’re really a baby,” nangingiti niyang tingin sa akin habang nagpupunas ng luha kong hindi ko alam kung saan na galing.
“You are so mean, Isaiah! Sinasaktan mo ako…” Yumuko ako at tinakpan ang aking mukha habang habol habol ang hininga.
“I’m sorry… I need to finish all my work so we can have a vacation.” Hinawakan niya ang aking pulso at ibinaba.
Nagmatigas ako at nagsuplada. I am really hurt. Hindi ako makapaniwalang siya pa itong nakaya akong paikutin sa kanyang palad at ako na naman itong hindi nagtagumpay.
Hinagkan niya ang likod ng aking palad. Masuyo niya iyong pinatakan ng maliliit na halik habang sinubukan muling ibaba ang aking pulso. Hindi na ako nanlaban pero mabilis ko ring hinampas ang kanyang dibdib.
Isaiah tilted his head. Sinalo niya pa ang aking kamay, ang isa naman ay nasa pisngi ko na ulit at pinupunasan ang luha roon.
“You are just so unfair! A-Akala mo siguro hindi ko kayang totohanin ang mga banta ko?”
“Oh Jesus… My pregnant woman doesn’t really know how to give-up,” he murmured while shaking his head.
Napakaunfair talaga! Ako na ngayon itong parang pwede niyang iwan ano mang oras dahil alam niya nang hinding hindi ko siya kayang iwanan.
“I’m sorry, hmm?” Yumuko si Isaiah at hinagkan ang gilid ng aking labi. Isang haplos lamang at pumikit na ako, dinadama na agad ang kanyang halik. Akala ko ay may kasunod pa iyon pero wala na.
Kinarga niya ako palabas doon. Nagtungo siya sa may kama at umupo siya roon, ako naman ay nakaupo sa kanyang kandungan at tinatago ang aking mukha sa kanyang leeg.
“May binili akong bahay sa Cebu. We’ll stay there for the mean time…” bulong niya habang sinusuklay ang nagulo kong buhok.
Pumikit lamang ako, walang balak kumibo sa kanya.
“I understand your situation, alright? Pasensya na kung napagalitan kita kaya pakiramdam mo ay kinakampihan ko si Kaira. I was just worried with you and our baby. But always remember I prioritize your feelings more than anyone,” he whispered softly, tila isang bata ang kausap kaya pinapaintindi niya ng maayos.
“Uunahin ko ang mga hinaing at kapritso mo kahit gaano man iyon kababaw, Damonisse… Alipin ako ng mga gusto mo,” he whispered more.
Tumango ako. Lahat ng frustrations ko sa nagdaang araw ay nabura rin naman dahil sa kanyang pabango na amoy na amoy ko. Sobra kong namimiss ang yakap niya. Mababaliw na talaga ko pag totoong pinapaalis ako ni Isaiah. Hindi ko na talaga kaya na lumayo sa kanya. Kung noon ay nakaya ko pa siyang itaboy, ngayon naman ay ikakamatay ko na ata ang bagay na iyon.
Isaiah hugged me tightly. Inalis ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Napatingin niya sa akin at hinagkan ang aking mga mata, paulit ulit iyon habang nakapikit ako.
I will always crave for his warmth. Iyon ang pinakagusto ko at nagpapatahan sa akin sa tuwing mabigat ang aking loob. Naiisip ko tuloy kung may pinakain ba si Isaiah sa akin para maging ganito ako kabaliw sa kanya o sadyang parte lang ito ng pagbubuntis ko.
Nag-impake rin naman kaming dalawa noong gabing iyon. I also called Mommy para ipaalam ang pagpunta namin sa Cebu. Isaiah already bought two tickets for us. Kinabukasan sa umagang iyon ay maaga kaming nagtungo sa airport para umalis.
Tulog ako sa byahe. Kung gigising ay kakain lang tapos ay iidlip ulit. Panay pa ang aking hikab at parang bumabawi ang aking katawan sa pagpupuyat ko sa mga nagdaang araw.
Noong makababa na kami sa eroplano at naghihintay na ang mga sasakyan ay may humintong Aston Martin DBS na kulay pula. May lumabas doong chauffeur at nakay Isaiah ang tingin. Inilahad niya ang susi noon. Tinapik ni Isaiah ang balikat nito.
So… he owned this fucking car infront of us? Oh wow… Filthy rich Isaiah.
Iyong chauffeur niya ang nagpasok ng mga gamit sa likod. Pinagbuksan naman ako ni Isaiah sa front seat. Nagpaalam din naman siya roon sa kanyang chauffeur pagkatapos ay pinaharurot na ang kotse paalis.
“Ilang kotse ba meron ka?” tanong ko, hindi na napigilang isaboses ang aking mga naiisip.
“Tatlo lang,” sagot niya, ang tingin ay nasa kalsada.
Tatlo? Lang? Iyong isa ay ang Ferrari niya sa Manila, ang isa naman ay dito sa Cebu na Aston Martin. At ang isa?
“Nasaan ang isa? Nandito rin?”
Umiling siya. “Nasa US. Lambo…”
Namilog ang aking mga mata. A… A what? A Lamborghini?!
Napansin niya ang pagkagulat ko at mukhang natauhan din siya sa kanyang sinabi.
“Uh, it’s not mine…” sabay iwas ng tingin, agad iyong binawi.
Ang alam ko nag-aaral palang siya roon sa US. Nagdududa na nga ako sa gala niya roon tapos naafford niya pa ang Lambo. Now I’m starting to get curious with his background, too. May something talaga.
“Did your father help you to…”
Kitang kita ko ang pagseryoso ni Isaiah.
“Why are you curious with my father?”
Ngumuso ako. “Ang alam ko lang kasi ay patay na ang Mama mo…”
“Sinong nagkwento?” tanong niya, kalmado lang naman.
“Si Lalaine… Nabanggit niya lang. And how about your father?”
Hindi agad siya nakabibo roon. Bakit ayaw niyang sabihin? Mas lalo lang akong nagdududa pag itatago niya iyon.
“Ulila na ako,” tangi niyang sambit.
“Pero buhay pa ang Papa mo?” I tilted my head to see his expression.
Tumango siya, halatang ayaw nang may sabihin.
“Nagkikita kayo?”
Umiling siya. May gusto pa sana akong itanong pero halatang wala siyang ganang pag-usapan iyon kaya hindi ko nalang ipinilit. Maybe masakit siya pag-usapan? I don’t know. I’m really clueless. Kung kay Anzai ako magtatanong baka ngisihan lang ako noon.
Naidlip ako saglit. Nang magising ay napansin ko na ang pagpasok ng kotse sa isang private village lalo na’t pansin na pansin ko rin ang mahigpit na security. May nadaanan kaming pangalan noon at nahagip pa ng aking mga mata ang pangalang Maria Luisa Estate Park.
So may bahay siya rito?
Malalayo ang agwat ng mga bahay sa isa’t isa. Ang village ay tila isang magandang paraiso na maraming mga kahoy at sobrang lalaki ng mga bahay na natatanaw ko.
Hindi plain ang village. May iilan ring nasa tuktok pa.
This place is great to relax lalo na’t more on nature dahil sa mga punong nakapalibot. Masyadong green…
Tumigil rin naman kami sa isang four storey house. Nauna akong bumaba at tiningala agad ang kabuuan noon.
“Is this yours?” namamangha kong tanong.
“Ours, Damonisse… Bahay bakasyunan natin dito sa Cebu, ng magiging malaking pamilya natin.”
Ngumuso ako. Bahay bakasyunan lang. So this isn’t our home yet…
Sinenyasan niya akong pumasok kaya hindi na ako nagdalawang isip pa.
Nauna akong mamasyal sa kabuuan ng bahay. Nagtungo ako sa bawat floor na kahit ang mga banyo ay pinagbubuksan ko rin. Gawa sa marble tiles ang loob at malinis tingnan ang kabuuan.
Overall, may twelve na bedrooms. Ang masters bedroom ang pinakamalaki sa lahat. May bathroom, malaking bathtub, walk-in closet, at overview na bintana na pwede mong masilip ang kabuuan.
Sa bawat floors ay may magagandang living room. Halos mapagod na ako kakapasyal hanggang sa huli ay napadpad ako sa infinity pool area. Iyon ang agad bubungad pag lalabas ka.
May tatlong malalaking sofa sa may veranda na nakaharap sa pool, dalawang hanging egg chairs na nasa gilid lang din at dalawa pang lounge chairs na itim doon sa dulo.
Puro green ang makikita mo sa overview dahil sa mga puno at napakapresko pa ng hangin. May bahay rin akong natatanaw sa malayo at nasa tuktok rin ng parang hills iyon.
Ang sabi sa akin ni Isaiah ay may parks, picnic grounds, jogging trails, clubhouse, lake valley, basketball and tennis court at children’s playground daw ang village na ito kaya kung may gusto kang outdoor acitivities ay pwede ring pumunta nalang doon.
Noong nagsawa na ako kakagala sa kabuuan ay pinuntahan ko rin naman si Isaiah sa masters bedroom kung saan niya inaayos ang aming gamit.
Umupo ako sa king size bed at pinapanood siyang binubuksan ang aming bagahe.
“So… Wala ka munang trabaho? For a week lang or for a month?”
“For a month…”
Oh… Matagal tagal rin pala.
“So natapos na lahat ng mga hinahawakan mong kaso? Pati kay… kay Kaira?”
“I dropped her case. Hindi ko na hinawakan ang kaso niya,” pag-amin niya na ikinakurap ko.
Kaya ba ganoon makaiyak si Kaira? Kaya ba nagmakaawa ito sa kanya? And Isaiah showed no mercy to her. Nakita ko talaga ang dating Isaiah na walang pakialam sa mga babaeng nasa paligid niya noon.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. I’m a bit guilty. Siya rin naman kasi ang may kasalanan. She pushed my limits!
Tumulong ako sa pag-aayos ng aming mga gamit sa walk-in. Ilang sandali lamang ay may dumating ulit sa bahay, ang kanyang chauffeur at may mga dalang groceries. Marahil ay siya rin ang caretaker ni Isaiah lalo na’t napapansin kong marami siyang alam sa bahay at deri-deritso na iyong ipinasok sa kitchen area. Si bale chauffeur slash caretaker slash tagagrocery siya? Baka nga slash bodyguard narin dahil ang bulky rin ng katawan.
Nagpalit ako ng pangligo lalo na’t ang sabi ni Isaiah ay lalangoy raw kami ngayon sa infinity pool. Umalis narin naman iyong lalakeng inutusan niya kaya solo na namin ang bahay. Hindi na siguro siya magagalit kung nagsuot ako ng two piece…
Pagkatapos kong magbihis sa aming kuwarto ay may aksidente pa akong nahagip na gitara sa ilalalim ng table na malapit sa sofa. Does he knows how to play a guitar?
Dinala ko iyon palabas. Nadatnan ko si Isaiah sa lounge chair na nakaupo, nakatopless at cotton shorts lamang ang suot habang nakahilig sa kanyang mga kamay.
Kitang kita ko kung paano niya ako pinasadahan ng tingin habang naglalakad ako patungo sa kanya. Napakalalim na naman noon at feeling ko nanghuhubad na!
Umupo ako sa isa pang lounger na katabi sa kanya at ibinigay iyon sa kanya. Bumangon si Isaiah sa pagkakahiga at umupo sa gilid, nakaharap na sa akin.
“Marunong kang mag gitara?” tanong ko.
He nodded as a response, ang isang kamay ay nakahawak sa dulo at ang isa naman ay nagsisimula nang magstrum.
“Akala ko vocalist ka lang talaga at si Anzai at Lyle lang ang marunong,” sabi ko na ikinaangat ng tingin niya sa akin.
“Marunong rin akong magpiano at drums…”
“Huh? Talaga?!”
Tumango siya at ngumuso. So he’s not just good in singing. Marami rin pala siyang alam sa mga instruments. Ano pa kaya ang kaya niyang gawin?
“How about… uh, archery? Or airsoft? Like guns? Marunong ka rin sa mga ganoon?”
Umiling siya. “Si Anzai ang magaling sa mga ganyan.”
Oh, I see… Sabagay, those activities are quite expensive. Pero afford narin naman ni Isaiah ang mga ganoon ngayon. Siguro ay wala lang talaga siyang interes.
Tiningnan ko ang paligid. Nagsisimula nang magkakulay ang langit dahil sa lumalabas na sunset. Naghahalo ang kulay red, orange at yellow na nagbibigay ng kakaibang kulay sa paligid.
Nagsimulang magstrum si Isaiah kaya ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya. Tiningnan niya ako sa mga mata niyang namumungay, ang sunset ay naging background niya at lumiwanag pa siya dahil sa sinag noon na pinapatingkad ang kanyang kagwapuhan.
“I’ve been to many places I’ve met different races I’ve seen so many faces But it’s you I can’t forget…”
Nangilabot ako sa magandang boses ni Isaiah. Umihip ang hangin at pinaglaruan ang aking buhok ganoon din ang kanya. Ang hirap kumurap lalo na’t kung ganito siya kaguwapo. Parang ayaw kong may makaligtaan sa kanyang galaw.
“I’ve been through high and low ’Til I got nowhere to go I got this funny feeling That it’s you I’m missing…”
Dumilat siya at tiningnan akong muli. The feeling is very nostalgic. Parang noon lang… Ang boses niya ay may ibinabalik na alaala sa aking utak na sobrang sarap balikan.
“So baby come on don’t let this go You know I love you so Don’t throw away Let out love grow I can’t let you go…”
Nagkagulo agad ang mga demonyo sa aking loob. Para iyong mensahe na gusto niyang iparating sa akin. Humahagod ang kanyang boses sa aking kasuluksulukan at sobrang nakakakiliti iyon. Umaalon ang aking tiyan, namimilipit rin ang aking mga paa na para bang hinahalikan niya ako sa pamamagitan ng kanyang pagkanta.
“So baby come on don’t let this go You know I love you so Don’t throw away Let out love grow I cant let you go…”
His voice feels like the old days… Walang nangbago at mas tumindi lamang ang naibibigay niyang epekto sa tuwing kumakanta siya.
Ngumiti siya sa akin. Hindi ko narin napigilang ngumiti. Isaiah’s voice is really one of my addiction. Bukod sa amoy niya, nakakaakit rin talaga ang kanyang boses.
Inilagay niya iyon sa gilid at nilaro ang aking mga daliri. Nang magsawa siya roon ay inangat niya iyon saka hinagkan.
“What would I do without you in my life?” bulong niya roon.
No… Hindi dapat siya ang nagtatanong noon. Dapat ako. What would I do without him in my life? Siguro ay nalunod na ako sa kalungkutan.
Tumitig ako sa mga mata ni Isaiah. Natamaan ng sinag ang kanyang mga mata kaya mas lalong naging maganda ang deep brown eyes niya at nabigyan ring pansin ang makakapal at mahaba niyang eyelashes. Siya iyong may tipong mga mata na pag tititigan mo lalo ay mahuhulog ka agad sa kanya nang hindi mo namamalayan.
Ngumuso siya nang mapansin niya ang paninitig ko sa kanya. Kinagat niya ang labi at ngumisi, ang dimple ay lumalabas na naman. Napakurap ako at napagtantong nakaawang pala ang aking bibig.
“Alam mo ba na ganda ganda mo?”
“Oo…”
Humalakhak si Isaiah sa aking sagot. Sumimangot ako.
“Alam ko iyon…”
“Ahuh…” Binitiwan niya ang aking mga kamay at umabante. Inihilig niya iyon sa magkabila ko at inilebel ang mukha sa akin.
“Alam mo rin kung gaano kita kamahal?”
Tumango ako. “Oo…”
Isang abante pa ay tuluyan niya nang hinuli ang aking mga labi at marahan iyong inangkin. It was a passionate kiss, the kind of kiss that can melt my knees.
Bumaba iyon sa aking panga at sa aking leeg. Tumingala ako lalo na’t naramdaman ko na ang pagluhod niya habang pinaparte ang aking mga hita.
Napapikit ako at dinadama ang kanyang ginagawa, hinihintay ang maaari niyang gagawin pa lalo na’t may access na siya roon.
Isaiah planted small kisses on my belly. May binubulong siya roon, tila kinakausap ang aming baby lalo na’t nakakakiliti rin ang hininga niyang lumalapat sa balat ng aking tiyan.
“Our baby said yes…” ani Isaiah kaya dumilat ako.
Dumilat ako at ang unang napansin ay ang sunset na view sa likuran niyang sobrang tingkad na at unti-unti nang humahalo ang dilim. Nang tingnan ko siyang nakaluhod parin sa aking harapan ay inagaw agad ng hawak niyang kumikinang na singsing sa aking harapan.
“You are going to marry me, Damonisse…” Kinuha niya ang aking kamay at ipinasuot sa aking ring finger ang singsing.
I chuckled softly. He’s proposing!
“Hindi ba ako pwedeng tumanggi?” tanong ko at tiningnan ang kumikinang na diamond sa aking maputing kamay.
Umiling siya at inatake ulit ako ng halik. Tumawa ako saka ko ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg.
“You are so unfair, Attorney! Give me a choice to say no!” I chuckled softly.
Isaiah chuckled on my lips too, ang mga kamay ay nasa aking pwetan na saka siya tumayo. Mabilis kong ipinulupot ang aking mga hita sa kanyang beywang.
“You can only say no if it wasn’t me who’s asking you to marry him,” he said cockily.
Hinampas ko ang kanyang dibdib. Mas lalo lamang gumwapo ang kanyang mukha dahil sa paglawak ng kanyang ngisi.
Dinala niya ako sa pool at kapwa kami lumubog sa malamig na tubig. Sa paglubog ng araw at pagdilim ng paligid ay inangkin muli ni Isaiah ang aking labi. It was a very long kiss. A slow, soft kisses that reminds me that there are love worth waiting for… A love that’s worth the pain…
The Untold Part
Lured
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Niza Diez. Happy reading! Happy birthday to Isaiah’s brat named Zera Damonisse!
Isaiah Jace Silvestre
Hinaplos ni Lola ang aking balikat habang tinititigan ko ang lapida ni Mama. Nanlalabo ang aking mga mata kahit na sinisikap kong walang malaglag na luha ay nabigo parin ako.
Akala ko ang kawalan na ang ama ang pinakamasakit sa lahat ng bagay. Iyon ang akala ko pero mali pala.
She got shot in her chest. Alam ko iyon dahil narinig ko ang doktor. Pero iba ang sinabi ni Lola sa akin, iba ang sinabi nila sa akin. My mother got killed…
“Isaiah…” Hinaplos muli ni Lola ang aking likod nang maramdaman niyang nanginig na ako.
Bakit pinatay si Mama? Anong kasalanan niya? Mahapdi na ang aking mga tuhod sa pagluhod pero wala akong pakialam. Kung pwede ay dito nalang ako buong araw ay gagawin ko.
“Tara na… Uulan na…” ani Lola, garalgal narin ang boses.
Sa gilid ng aking mga mata, may napansin na naman akong pamilyar na mamahaling kotse. Nilingon ko iyon. Para iyong limousine lalo na’t kumikinang pa.
Namataan ko narin iyon sa aming school, tuwing lumalabas ako. Sa una ay akala ko nagkataon lang pero ngayon na nagpakitang muli ay pinagdudahan ko na.
I was just five when I lost my mother. Hindi ko iyon matanggap. Hindi ako mabilis umiyak pero sa araw na iyon ay gumuho agad ako. I lost someone who’s very precious to me.
Si Lola Yen, ang itinuturing na nanay ni Mama ang nag-alaga sa akin lalo na’t wala rin kaming malalapit na kamag-anak. Tumira ako sa kanya habang pinagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa Elementarya.
Grade six na ako noong namataan kong muli ang mamahaling sasakyan na palaging nakamasid, tila may mga pares ng matang nakatingin sa akin sa tinted na bintana.
Bago pa ako makauwi ay may biglang humablot sa akin. Kinaladkad ako ng kung sinong lalakeng may malaki ang pangangatawan at isang takip lang sa aking ilong ay mabilis akong nanghina at nawalan ng malay.
Noong dumilat na ako ay natagpuan ko nalang ang aking sarili sa isang magarang kuwarto. Pansin na pansin ko ang mga gold na kasangkapan, ang laki noon at nakabukas na mga high curtains.
Mabilis akong bumangon nang matandaan kong nakidnap ako at ipinasok sa kung anong van. Pero bago pa man makaisip ng paraan na makalabas ay nakita ko na ang lalakeng nakatalikod suot ang isang suit at nakapamulsa habang nasa labas ng bintana ang tingin.
Tila napansin niya ang aking paggalaw kaya nilingon niya ako. Nakita ko ang lalakeng marahil ay nasa mid 40’s na. Ang suot niyang salamin ay hindi maitago ang mga matang tila galit at ang mukhang seryoso na ang kalahati ay madilim.
“Gising kana…” He smiled a bit to me.
“Irereport ko ito sa pulis! Nangunguha kayo ng bata!” sigaw ko sa galit, gusto agad manlaban kahit wala itong ginagawa.
Bukas ang pinto. Pwede akong tumakbo roon at lumabas pero iniisip ko rin na hindi ko kabisado ang lugar at wala akong alam kung nasaan ako.
Naglakad ang lalake patungo sa akin. Galit ko siyang tiningnan.
“I’m sorry if it took me long,” malamig niyang tugon ngunit namumungay ang mga mata sa akin.
Ang galit ko ay unti-unting napalitan ng pagkalito. Tumigil siya sa aking harapan at naglahad ng kamay.
“I am Martin Castellano… Your father.”
Umawang ang aking bibig at tiningala ito. Seryoso ang tingin niya sa akin na kahit ako ay kinilabutan nang mapansing may anggulo siyang kamukha ako.
“Patay na ang Papa ko,” malinaw kong sabi.
“Pinaniwala kang patay na ang Papa mo dahil iyon ang sinabi ko, Isaiah…”
Nangilabot ako ng husto nang marinig ang aking pangalan. Ang raming tanong sa isipan ko. Kung siya ang aking ama, ba’t ngayon lamang siya nagpakita? Bakit hinayaan niya kaming magluksa ni Mama? Si Mama… Bakit niya ito pinabayaan na mamatay?
“I just want to keep you safe including your Mom but I failed on it… Irish died because of me,” bigo niyang bigkas at hinubad ang suot na salamin.
Nanatili akong tahimik.
“Nilagay ko kayo sa alanganing sitwasyon ng Mama mo…” Bumuntong siya ng mahabang hininga. “Pinatay siya sa kagustuhan nilang lamangan ako sa negosyo.”
Walang nabanggit si Mama tungkol sa aking ama. Ang sabi niya lang ay sobrang talino niya raw at namana ko ang iilan niyang katangian. Ngayon na nasa aking harapan na ang lalakeng nagpakilalang ama ko ay hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon doon.
Gusto kong magalit sa kanya at sumbatan siya sa mga nangyari pero nanatiling tikom ang aking bibig, tila may parte sa akin ang natatakot at may parte naman ang ayaw maniwala. I got kidnapped. Iyon ang malinaw sa akin pero wala naman akong maramdamang masakit sa aking katawan.
“This is the only way to keep you safe, Isaiah… Later on, you will understand everything,” aniya nang hindi na ako magsalita pa.
Hindi ko namalayan na may lalake na palang nakahalukipkip sa bukas na pinto. He looks like his young version… Ang mga mata palang at dilim ng ekspresyon ay sinasalamin niya na ang lalakeng nasa harap ko.
Nilingon siya ng nagngangalang Martin.
“Anzai,” tawag niya rito na tumayo rin naman at nagtungo na rito.
“This is Isaiah… your half brother.”
Wala akong imik sa nangyayari. Nanatiling nakamasid ang aking mga mata. Ang lalakeng nagngangalang Anzai at may headphone pang nakapulupot sa kanyang leeg suot ang long sleeve na black at may stripes na pula ang may parteng dibdib at sleeves ay ngumisi sa akin, ang mga mata ay nalaglag sa aking paanan.
“Nice shoes, huh…” sabi niya, halatang nang-iinsulto ang boses.
Bumaba ang aking tingin doon at nakita ang luma kong sapatos na malayong malayo sa suot niyang mamahalin.
“Dito na siya titira?” malamig niyang tanong at bumalik na sa seryoso ang ekspresyon.
Umiling ang lalakeng si Martin. Tumango iyong Anzai at muling bumaling sa akin.
“I’m already twelve. How old are you?”
Twelve? Eleven ako. Imbes sagutin ay hindi ko siya pinansin. Dapat nga ay nagsusuntukan kaming dalawa dahil magkapatid pala kami. And do you believe them? Baka ay nabagok ako noong bigla akong dinakip at ngayon ay nag-iilusyon nalang ng kung ano.
The guy named Martin snapped his fingers. Ilang sandali lamang ay may pumasok na dalawang nakasuit, nakaitim na mga glasses at mukhang bodyguard na may dalang tig iisang briefcase. Huminto sila sa aking harapan at binuksan ang laman noon sanhi para tumambad ang limpak limpak na pera.
“I want you to have this as my gift for you. Kung kulang pa ay dadagdagan ko. Is Ten Million enough?”
Ngayon ay talagang nananaginip na ata ako. Paanong may lalakeng magbibigay sa akin ng ganito kalaking pera? Ganoon siya kayaman?
Nakita ko pa kung paano kumuha ng isang limpak na salapi iyong Anzai at ibinulsa, pagkatapos ay nginisihan ako.
Ilang sigundo ko pang ipinasok sa aking utak na gising ako at totoo ang nangyayari. At para saan ang pera? Suhol? Iyon ang ibabayad niya dahil hindi siya tumayong ama sa akin?
Tumayo ako at umiling.
“Hindi ko kailangan ang mga ’yan. Patay na ang Papa ko.”
Pinanindigan ko iyon sa aking sarili. Galit ako sa nagpakilalang Papa ko. Kung ganoon naman pala siya kayaman, ba’t hindi niya man lang nagawan ng paraan ang pagkamatay ni Mama? Bakit hinayaan niya lang? He did nothing.
Iyon ang tumatak sa aking isipan kahit na noong tumuntong na ako sa Highschool at nahahagip paminsan minsan ng aking mga mata ang isang limousine. Parang isang mamahaling tao ang nakasakay kaya hindi kayang magpakita at baka pagkaguluhan.
Kung siya man iyon, gusto kong ipakita na hindi parin nagbabago ang aking isipan sa kanya. Hindi ko siya kilalanin bilang ama ko.
Nagsumikap ako para sa aking sarili. Nakatanggap ako ng scholarship kaya hindi ako nahirapan doon. Nakatanggap din ako ng full scholarship sa mga pribadong paaralan noong kolehiyo kaya naging madali sa akin na makapasok. Noong eighteen na ako ay namatay rin si Lola Yen kaya doon na ako nagsimulang magtrabaho.
Pinunasan ko ang table ng bagong kain na mga customer. Naghahagikhikan naman sa kabilang table ang grupo ng mga babae, may isa pa sa kanila na kinukunan ata ako ng video.
“Hi pogi! Ang guwapo mo naman! Hindi sa’yo bagay ang maglinis dito. Mas bagay tayo…”
Naghagikhikan silang lalo habang ipinagpapatuloy ko lang ang aking trabaho. Ipinagsalubong ko ang aking kilay. Girls are so damn annoying.
May banda sa harap na kumuha ng aking pansin. I know how to sing. Magkano kaya ang kita sa isang gabi?
Noong nasa backstage na sila ay pumunta ako roon at nagtanong.
“Depende sa binibigay sa amin pero minsan nakaka limang libo kami sa isang gabi lang. Kung naiimbitahan naman sa mga event ay mas malaki ang kita at umaabot ng sampo o lagpas pa.”
Doon ako nagkainteres sa banda. Sinwerte rin ako lalo na’t nagback-out iyong vocalist nila kaya ako agad ang pumalit. Ang sabi ni Lyle sa akin ay katuwaan lang naman nila iyon at nagbabalak naring huminto. Kaso noong nag-umpisang dumagsa ang mga suporta sa amin at nalagyan narin ng pangalan ang aming grupo ay ipinagpatuloy narin nila, lalo na’t sinabi kong ulila na ako at nagtatrabaho para sa aking sarili.
Naimbitahan kaming kumanta sa isang mamahaling Bar. Kahit dim ang ilaw ay napansin ko agad ang pamilyar na lalakeng mag-isa sa table, may mga inumin sa harap at nasasandal sa kanyang upuan habang madilim ang ekspresyon.
“You sing, too?” Ngumisi siya sa akin pagkatapos ng performance.
Nagliligpit na kami ng gamit habang ramdam ko siya sa aking gilid.
“Sino ’yan, Isaiah?” tanong ni Raz.
“Half bro…” sagot ni Anzai.
Nagsinghapan ang dalawa. Malinaw pa lahat sa aking utak ang sinabi noon ng nagngangalang Martin. Kung tago naman pala ang kanilang identity, bakit niya isinisiwalat na magkapatid kami?
“May kapatid ka pala, Isaiah?” tanong ni Lyle.
Hindi ako umimik at itinabi ang stand ng mic. Pagkatapos kong magligpit ay doon rin kami nag-usap.
“No one knows my identity. If you don’t like then let’s hide our real relationship.”
Katulad ng hindi pagkilala sa aking ama ay ganoon rin ang gusto ko sa kanya. Gusto kong walang pakialamanan. Gusto kong lumayo layo siya sa akin. Kaso sa paglipas ng panahon at palagi siyang dumidikit ay may parte narin sa akin ang unti-unti nang natanggap ang katauhan niya.
Inilihim rin nila Lyle at Raziel ang relasyon namin sa isa’t isa. Anzai’s identity remained mysterious. Naging gitarista namin ito tuwing may mga gig at naging kasundo rin nila.
“Pwede ka namang manghiram sa akin kung wala kanang pera. Or just get your money on your bank account. You got billions…” ani Anzai sa nanunuyang boses nang makitang binibilang ko ang iilang kakarampot na isang daan para pagkasyahin sa isang linggo.
Hindi ako umimik. Kung ano man iyang sinasabi niya ay hindi ko iyon gagalawin o pakikialaman. Hindi ko iyon pinaghirapan. Galing iyon sa kanyang ama at ayokong magkaroon kami ng ugnayan sa pamamagitan ng kanyang pera. I still don’t like him.
Hindi rin naman ako namomroblema sa pera dahil napagkakasya ko naman iyon sa pang-araw araw kong gastusin lalo na’t hindi rin naman ako maluho at walang masyadong binibili na walang kwenta.
“Bilib na talaga ako sa’yo, Isaiah… Eh hirap nga akong pagkasyahin ang isang libo sa isang araw tapos ikaw nakakaya mo pa iyong tipirin sa isang linggo! Anong kinakain mo? Isang bigas at isang kapirasong itlog lang?” si Lyle iyon habang nag-iinuman kami pagkatapos ng gig.
“Malamang ang lakas mo ring manlibre ng babae. Eh si Isaiah kahit ata hainan mo ng magagandang chix sa harap ay iirapan lang. Hindi pa tinitingnan,” si Raziel.
“Kung anong ikinaplayboy at ikinagastador nitong si Anzai, ikaw naman itong opposite!” sabay tingin sa kabilang mesa kung saan nakikipaghalikan ang walanghiya sa isang half na babae.
Well, I’ve never been attracted with girls around me. Their legs and cleavage don’t excite me. May mga magaganda akong napupuna at iilan din doon ang nararamdaman kong may gusto sa akin pero hindi ko makitaan ng interes.
Not until this girl…
“Opse! Sorry!” Humagikhik ang babaeng biglang bumangga sa akin, may hawak na kung anong starbucks na kape at mabilis pang tumakbo para makalayo.
Sinundan ko ng masamang tingin ang babaeng hindi na lumingon sa akin, naiiba ang uniporme sa lahat na nagbigay sa akin ng ideya kung sino. Nang malaglag ang aking mga mata sa puti kong uniporme ay may mantsa na iyon ng kanyang kape. Shit! That fucking brat! Mahirap labhan ang ganito.
Inis na inis ako noong araw na iyon. Humagalpak si Castel sa aking likuran habang nagpapalit ako sa locker room ng panibagong uniporme.
“Sino bang nakabangga sa’yo?” Natatawa niyang tanong habang ako itong iritang irita.
“Iyong kapatid ni Hiro,” sagot ko.
“Ah, si Zera!” Muli siyang humagalpak. “Makulit talaga ’yon. Baka pumasok na naman dito para makita si Trey. Grade 12 palang ’yon,” aniya.
Nagkasalubong ang kilay ko roon. Ba’t kailangan niyang sabihin na Grade 12 pa lamang? Mukha ba akong interesado sa brat na ’yon?
Hindi ako interesado sa kanya pero sa tuwing nanonood siya ng practice at si Trey ang sadya ay hindi ko maiwasang tingnan ito.
Nakaupo siya roon sa bleachers, may hawak na sandwich at sa gilid ay isang bottled water. Kahit ilang distansya ang pagitan ay makikita mo parin ang kanyang ganda. Her alluring face always lured me to look at her from afar. Ang kanyang mga mata ay tila nang-aakit na tingnan ito. Her face screams perfection in every angle, like a goddess of beauty. Her soft and wavy medium length hair made her more attractive. Nagkasalubong na ng husto ang aking kilay lalo na’t hindi rin naman siya tumitingin pabalik. Minsan ay ako nalang ang naiirita sa aking sarili sa sobrang paninitig sa kanya. Did she even remember she did something to my uniform? Tss.
“Nandito na naman ang admirer mo, Trey,” ani Silas habang tumatawa, tinutukoy ang kausap ni Toshi na babaeng naiiba ang uniform.
Tuluyan kaming nakarating sa kanilang harapan. Parang nagtatalo ang dalawa dahil sa magkakasalubong na kilay ni Toshi at tila nakukunsumisyon ng malaki sa kanyang kaharap.
“Zera?” tawag ni Trey kaya napalingon rin ito, ang iritasyon sa mukha ay mabilis na nawala at kumurba pa ang perpektong hugis ng kanyang labi.
“Hi Trey…” she said softly, like a voice of an angel. Her alluring smile made me stare at her for awhile.
Mas nakita ko siya ngayon ng malapitan at hindi lamang daplis. My perception about her never change. She really has an alluring beauty. She’s fair, tall and very slender. Sa nipis ng kanyang katawan ay parang kaonting kurot lamang sa kanyang mala gatas na balat ay mamumula na agad ito.
She has a small face and a cute chin. Sakto lamang ang kanyang noo at matangos rin ang kanyang ilong, ang makapal niyang itim na kilay ay perpektong perpekto, lalo na kanyang pilikmata…
Her alluring light brown eyes is such a tempt. Lalo na noong sumulyap siya saglit sa akin ay mabilis na bumaba ang aking mga mata, pilit iyong iniiwasan, pilit iniiwasang matukso.
Nadisgusto agad ako nang makitang mas maiksi ang kanyang palda, tila sinasadya lamang na paiksiin para magpakita ng balat. An alluring girl who’s luring all the men to fantasize about her, huh? Inalis ko ang aking mga mata roon at hindi na makalma ang pagkakasalubong ng aking kilay.
I should be grateful she’s not crushing on me. Dapat ay matuwa pa ako dahil ang kagaya niya ay malaking distraction sa pag-aaral at sagabal lamang. Mabuti ngang si Trey. Pero hindi ko maiwasang magalit sa kanya kung bakit mas inuuna niyang maghabol kaysa atupagin ang pag-aaral.
“Ang ganda talaga ng batang ’yon,” ani Silas habang pabalik na kami sa classroom.
“Kung ako sa’yo Trey, popormahan ko na agad iyon. Age doesn’t matter, you know. Ang swerte mo nga at baliw na baliw sa’yo,” si Castel naman na tinapik pa ang balikat ng ngumingising si Trey.
“She’s still young. I’ll give her time to explore first before caging her into a real relationship,” sagot niya.
Napahiyaw ang dalawa. Umangat ang aking kilay. He’ll let her explore first? Buti nga at hindi talaga sa akin naghahabol ang babaeng iyon kundi maaga talaga siyang matatali.
The fuck I am talking about?
“Eh ikaw Isaiah? Nagagandahan ka rin ba kay Zera?” tanong ni Silas na kahit ang dalawa pa ay tahimik nang sumusulyap sa akin, naghihintay ng sagot.
Ibinulsa ko ang isa ko pang kamay.
“Sakto lang…”
Sumipol si Castel.
“Anong sakto lang? Are you kidding? The girl is very attractive!” ani Silas.
Nagkibit ako. “Not really my type…”
Well, I don’t want to show interest to her. At bakit ako magkakainteres doon? She’s annoying and a headache for a man like me. Hindi ako magpapaakit sa ganoong babae. Sadyang mahirap lang talagang baliwalain ang kanyang ganda kaya napapatingin ako sa kanya but I don’t feel something special to her. Yeah, right….
Noong tumuntong ako sa huling baitang sa kolehiyo ay mas naging madali na sa akin ang lahat. Sigurado na ako na makakapagtapos ako at maisasakatuparan ang aking mga pangarap. I remained single for years to avoid some distraction. O sadyang ako rin mismo ay walang nagugustuhang babae. Wala nga ba?
“I want you to lure him to like me.” Her hopeful eyes were sparkling as she said it softly to me.
Gusto kong humagalpak sa kinauupuan ko. Kaya pala lapit ng lapit sa akin dahil may kailangan. Nakapaskil ba sa mukha ko na handa akong tumulong sa mga taong naghahangad ng gusto nila?
Tinitigan ko siya ng husto. Her alluring face is pushing me to say yes to all her request. Mapangmanipula ang kanyang kagandahan at parang ginagamit niya iyon para mang-akit, para masunod ang kanyang gusto.
Bata pa naman kaya pwedeng utuin. Pumayag ako kahit ang totoo ay wala akong pakialam sa kanyang plano. She’ll stick to me like an obedient child who’s willing to please me since she needs my help.
Iyon ang gusto ko kaso sa kalagitnaan, ako pa ata itong nababaliktad at ako na ang naaalipin niya. Fuck. Nasabunot ko nalang ang aking buhok nang mapagtantong ubos ang aking allowance sa isang linggo kakabili ng ulam para lang kumain siya kasabay ko.
Ano ngayon? Nasaan na iyang sinasabi mong ikaw ang mang-uuto sa batang iyon? Ba’t pati ikaw ay parang inuuto narin ng sarili mo?
“You’re so torpe you didn’t even know her name. You really need my help, Isaiah. Walang mangyayari sa inyo if you’re like that,” maarte niyang sabi, ang pulang labi ay wala na namang tigil sa pagkibot.
I nibbled my lowerlip as I stared lazily on his lips. Sa tuwing nasosobrahan siya sa kakadaldal, naiisip ko nalang na kagatin ang labi niya. Nakikinig naman ako palagi sa sinasabi niya pero madalas, iyon ang laman ng isip ko kaya hindi ko namamalayang napapatitig na ako ng matagal.
Nagturo lang ako ng kung sino sino riyan sa tabi tabi para may maisip siyang gusto ko at heto siya, bumili pa ng notebook para sa plano namin. This is so annoying yet I am letting her do what she wants. Her annoyance entertains me. Bahala ka riyan basta magkasama tayo. Really huh?
Si Anzai ang takbuhan ko tuwing nagigipit ako. Nanghihiram ako ng pera lalo na’t hindi na talaga umaabot sa isang linggo ang allowance ko. Maarte siya at mas lalo ko pa talagang iniispoil. Kahit h’wag ko na nga lang sanang pakainin dahil may pambili naman ’yan kaso napapagastos talaga ako.
“Okay na kayo?” tanong ko kay Anzai, nasa veranda kami. Naninigarilyo ito habang ai Damonisse ay naroon sa sala, nanonood ng tv at may kinakaing prutas.
Naramdaman ko agad ang paglingon niya rito. Tiningnan ko siya pabalik kaya mabilis niya iyong binawi. Tsismosa.
Nagkibit lamang si Anzai at ibinuga ang hinihithit na sigarilyo.
“Kailan ka uuwi?”
Hindi parin siya kumibo, halatang walang balak umuwi. He’s spending his money on expensive activities like dragrace, motocross, gulf, bowling, playing airsoft, archery, martial arts especially jiu-jitsu lalo na’t expert siya roon and many more. Noong nakaraan, nag casino ito at sampong milyon pa ang naitalo.
Hindi niya dala dala ang apelyidong Castellano pag nasa publiko. Homeschooled siya at nakapagtapos na. Kilala lamang siya sa pangalan niya at hindi na alam ng lahat ng kanyang nakakasalamuha ang buo niyang pangalan. He keep it private, his status, his wealth, our relationship as brothers, everything.
Kung may nakakakilala lang sa kanya ng husto, ako lamang. Hindi ko alam kung paano kami nagkasundo eh nabubwesit naman sana ako sa kanya.
Miyerkules iyon noong tumambay kaming muli sa gym para magbasketball, para magpapawis. Luminga linga ako at nagpasalamat nang wala sa paligid ang brat na iyon.
“Pansin ko these days hindi na gaanong nanonood si Zera sa laro natin. Nakamove-on na sa’yo, Trey?” Tumawa si Castel na nakaupo, nakahilig sa sahig ang mga kamay habang hinahabol ang hininga.
Ngumisi si Trey at nailing.
“She’s busy with her studies. Minsan naman, tuwing Sabado ng gabi ay nanonood iyon ng game,” aniya.
“Hindi ka ba naaalibadbaran sa ganyan kakulit na mga babae?” tanong ko, iritado at sa wakas ay nagbibigay na ng komento.
Napatingin sila sa akin, lalo na si Trey.
Umiling siya. “Hindi naman. Zera is very adorable. Nakasanayan ko narin kasi kaya natutuwa narin ako.”
“Tsss. Kung ako sa’yo ay prangkahin mo na nang hindi na naghahabol. Ang mga ganyan kabatang babae ay paglalaro palang ang alam. They will never understand our seriousness in life at baka sila pa itong madiscourage dahil hindi natin sila napapakitunguhan ng maayos.”
“Madaldal si Zera kaya masarap kausap ang mga kagaya niya,” ani Trey, natatawa lamang sa aking pinagsasabi.
Yes… Masarap siyang kausap pero mas masarap siyang kahalikan. I guess?
I keep my thoughts with me. Sa akin nalang ’yon.
“Sa umpisa lang ’yan. Pero sa huli ay mabubwesit kana dahil masyado nang maingay. Mas mabuti pa iyong kaedad lang dahil mature na at maiintindihan na ang gusto natin sa buhay dahil seryoso narin. Hindi katulad sa mga ganyang babae… Sakit lang sa ulo.” Nailing ako.
Tumawa si Castel.
“You sound so mad at her. Mabait si Zera, Isaiah. Pinag-iinitan mo parin ba dahil sa ginawa niya noon sa uniporme mo?”
Halos umismid ako roon. Ba’t ko naman siya ibibida sa kanila? I will never admit she’s fun to be with even if she’s annoying most of the times. Bahala sila riyan.
“May balak ako riyan kay Zera… Siguro pag nasa tamang edad na siya,” ani Trey na ngumingisi.
Ah… Kung ganoon ay uunahan na kita. I’ll make sure she’s already over you. I’ll secretly own her until she claim herself as my girl. Tingnan natin…
Iyon ang hindi alam ni Damonisse. Na habang binibida niya ako kay Keesha ay sinisiraan ko naman siya kay Trey. Nagkamali siya na sa akin siya lumapit lapit at nagpatulong. Babaliktarin ko lang ang plano niya at sisiguraduhin kong sa akin siya babagsak.
May performance sila noong araw na iyon sa gym. Nanood ako of course. I want to see her dance since they’re telling she’s good at it. Malambot pala ang katawan niya?
Naroon nga siya, isa sa mga nakaupo sa upuan suot ang nipis na top at leggings. Nagkasalubong ang kilay ko roon lalo na’t kitang kita ko ang nipis ng pangangatawan niya. This is not really good…
Nagsimula silang magperform, tugtog palang, ang galaw niyang tila nang-aakit at mukhang seryoso lamang ay napalunok na ako. She dance really well, and really tempting… I stared at her intensely. Wala akong pinalampas na galaw kahit na nasusunog na ako sa pang-iinit ng aking katawan. Fuck… I need to finish this! Fuck!
Damonisse glance at me again. Nadatnan niyang nakaawang ang aking labi at malalim na ang tingin sa kanya. I never saw her glance at Trey who’s only beside me. Gusto kong matuwa roon kaso nagtatalo na ang kakaibang sensasyon sa katawan ko.
Mariin nalang akong napapikit sa gabing iyon. Hinang hina ako, habol ang hininga at pawisan. I can’t fucking sleep! Kahit anong gawin ko ay hindi nabubura sa isipan ko kung paano siya sumayaw ng nakakaakit. Her alluring face is just too much to handle! Masyado na akong nawawalan ng lakas at pagod narin ang aking kamay. Para akong lalagnatin sa pang-iinit ko.
In my entire life, I’ve never felt this kind of sensation to someone. Sayaw pa lang naman sana… May matindi pa naman akong nakikita sa mga Bar minsan pero bakit ganito? Kahit ano nalang ang pumapasok sa isipan ko. Damn it! Magpupuyat ba ako kakapantasya sa kanya? I am already tired yet I am still turned on! Nakailan na sana ako kaso hindi parin humuhupa.
Epekto niya palang sa akin alam ko na agad na ako talaga ang luluhod sa aming dalawa. May mga araw ring bigla nalang siyang hindi nagpaparamdam, o kahit nagpapakita man lang sa karinderya.
Iyong huling pag-uusap namin ay binanggit noong Keesha na si Trey ang kanyang gusto at friendly talaga ito sa mga boys. I am aware she’s friendly pero nakakakulo parin iyon ng dugo.
“Oh? Wala ata si Zera ah…” Iginala ang mga mata ni Lyle sa Bar na kakantahan namin.
“Nag-away kayo?” tanong ni Raz habang pinapanood akong ayusin ang mic sa stand.
Hindi ako kumibo sa kanila. She didn’t showed up for a week at kahit ngayon ay wala siya. Sobrang tabang ng nalalasahan ko at kung hindi talaga tumahimik ang dalawang ito ay pagsasalpukin ko na sa isa’t isa.
“Pansinin mo naman si Keesha paminsan-minsan, Isaiah. Gusto ka rin daw niyang makaclose eh,” bulong ni Lyle.
Hindi ako interesado sa kanya. Kahit kaonti. I can’t even feel her presence when she’s around. Para siyang hangin na nararamdaman kong nariyan pero di ko makita, katulad ng ibang mga babae riyan sa tabi tabi na hindi ko magawang tingnan man lang pabalik pag tinititigan ako.
Nagtuloy tuloy ang mga araw na mailap sa akin si Damonisse. Lalo na noong narinig ko kina Silas na magkasama sila ni Trey ay sumabog lamang ako sa galit.
I am not yet sure she’s already inlove with me! Wala pa akong hawak na alas na nakakapagpatunay na sa akin lamang siya at malalaman ko nalang na magkasama silang dalawa. Matatalo agad ako nito. No… I don’t want to lose her.
Galit na galit ako at ayaw ko siyang pansinin. Sukdulan ang galit ko. Gusto kong umamin muna siya sa akin na ako ang gusto niya at hindi si Trey pero imbes mapaamin ay ako pa itong minamanipula niyang umamin sa kanya!
“Duwag! Torpe! Kaya ka naaagawan ni Trey dahil ganyan ka kabagal!” sigaw niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
Fuck her. She really knows how to push my buttons. She knows how to lure me into her plans.
“What did you say?” Hinarap ko siya sa madilim kong ekspresyon, ang aking kamay ay naging kamao na sa pagkakainsulto.
“Duwag ka. Mabagal,” matapang niyang bigkas.
This girl is really such a brat.
“Anong ginawa niya?” Hinapit ko ang likod niya at idiinin ang kanyang katawan sa akin.
Napaso agad ako roon. Pero kahit matinding init ang rumagasa sa aking katawan ay handa akong magpasunog sa kanya. I’ll face hell just to have her.
“Sabihin mo anong ginawa niya at mas hihigitan ko pa.”
“He kissed-”
I crashed my lips with her, not wanting to hear what they did. Her soft lips made me drunk. The sweet taste of her mouth lured me to kissed her more.
Habol niya ang hininga habang hinahalikan ko siya ng mainit at malalim. Ang galit ko ay napalitan ng pananabik. My anger melted like an ice cream as soon as I deepened the kiss more. Kissing isn’t enough! I don’t want to kiss her only in her lips. I want to kiss every inch of her body and claimed her mine. Gusto kong markado ko siya. Kahit ang kaluluwa niya ay gusto kong markahan na akin. Fuck. I really want her!
“Isaiah…” she moaned softly, wanting for another kiss while she’s sitting on the table.
“Whose girl are you, Damonisse?” I asked her, taunting her with my kisses.
Kinagat niya ang kanyang labi. Ang maganda niyang mga mata ay namumungay at tila nalasing sa aking halik. Damn… Don’t give me that look, baby… I am so damn turn on and inlove. Fuck.
“Kay Trey?” matabang kong suhestyon nang matagalan siya sa pagsagot.
Mabilis agad siyang umiling. There. We’re both mutual.
“Then whose girl are you?”
Huminga siya, halata ang frustrations at kagustuhang mahalikan.
“I’m yours, Isaiah…” she said between her breath.
Nangilabot ako sa kanyang boses. Minarkahan niya na ang sarili niyang akin lamang siya. I can’t help but to kiss her again, just to gave her a punishment or a reward she deserves.
Her heavy breathes are telling me that she’s really turn on with my kisses. She is now locking me with her legs while my other hand is wrapped around her waist, ang isang kamay naman ay hawak ang kanyang baba para mahalikan siya sa paraang gusto ko.
Halik ko lang naman pala ang magpapaalipin sa katigasan ng ulo niya. Hmm… I should do this more often to remind her that she’s only mine.
I thought those are enough to lure her to me, na sa akin nalang talaga siya. Pero bakit ganoon? Ang excitement na ibalitang nanalo ako at ipakita sa kanya ang aking gold medal ay napawi nang malaman ko muli kina Castel na nagdidate ang dalawa, kumain sa labas.
Nasaktan ako roon. Lalo na’t kitang kita ko pa silang dalawa na magkasama. Gusto ko siyang hilain at papiliin sa harapan ni Trey pero iniisip ko palang ang magiging sagot niya ay nanghihina na agad ako.
“I miss you… Hindi mo ako kinakausap,” she said cutely while frowning.
Hindi ako kumibo at sinikap na dedmahin ito sa aking gilid. Kung hindi ka nangibang lalake edi sana hindi mo ako namimiss ngayon dahil palagi tayong magkasama. Ang lakas ng loob na sumama sa iba pero ako parin pala ang hahanap-hanapin pag tapos na. Miss my fucking ass. I miss you too…
Palagi nalang bang ganito? Ako nalang palagi sa huli ang mapapaluhod sa kanya? Wala sa sarili ko lang na nakuha ang inilahad sa akin na gatorade dahil sa nanunuyo kong lalamunan ay galit na galit agad siya.
Damn her! Palibhasa ay baliw na baliw ako sa kanya kaya ang tapang niyang tumalon sa ibang lalake pag wala ako. Ang tapang tapang niya dahil alam niyang tatanggapin at tatanggapin ko parin siya.
I got badly lured by her alluring beauty and fell hardly… oh… fuck!
The Untold Part
Lured
This chapter is dedicated to Cristina Aliya Tresvalles.
Isaiah Jace Silvestre
Hindi ko na mabura ang ngisi ko noong nasa condo na kami ni Anzai. Kakatapos lang naming magtawagan ni Damonisse. Balik na ulit sa dati.
“Fuck!” Napadaing ako ng husto nang biglang hinampas ni Anzai ang sugat kong ka tatahi lamang.
Ngumisi siya sa akin. “Okay lang na masaksak dahil masaya naman…” nanunuya niyang sabi habang namimilipit ako sa sakit.
Gusto ko siyang pagmumurahin. Ramdam ko ang pagkirot noon. Napaka gago talaga!
Pumikit ako at humiga sa sofa, ginawa nang unan ang balikat noon ganoon din ang dulo na balikat at ipinatong ang aking mga paa roon.
“You’re willing to put yourself into danger just to protect her, huh…” aniya, may hawak nang menu at nakaharap sa telepono.
Dumilat ako at tumitig sa ceiling. Siguro nga… Handa na akong gawin lahat para sa kanya kahit ialay ang buhay ko ay ibibigay ko.
“Kakain ka ba o matutulog nalang?” tanong niya nang lingunin ako.
“Ikaw…”
“Matulog kana lang. Total mukhang busog kana sa halikan niyong dalawa kanina.”
Gusto ko siyang batuhin ng kung anong matigas na bagay. Kung hindi lang talaga ako hirap kumilos ay may dinampot na ako sa mga gamit niya rito.
“Iniligtas mo pa ako kung papatayin mo lang pala ako sa gutom.”
Ngumisi siya at ibinalik ang tingin sa menu. Natahimik rin naman ako habang naroon siya, nag-oorder na ng pagkain.
Nagsisisi tuloy ako kung ba’t ko pa siya tinaboy taboy at pinauwi nalang. I just want her to learn that I am not always available. Hindi ako isang waiting shed na pag iniwan niya ay naroon parin, at babalikan niya lang tapos iiwan ulit. I got mad of course but I still care for her. Labas na iyon sa galit ko.
“Ikaw naman pala ang mahal niya. Hindi iyong Trey,” aniya pagkatapos ibaba ang telepono.
Tiningnan ko siyang muli. Sumandal siya sa pader at namulsa roon.
“I asked her. Pag si Trey ang sinagot niya, plano ko na sanang turuan ng leksyon ang lalakeng ’yon.”
“Tsss. Kaibigan ko ’yon,” giit ko.
Umangat ang kilay niya.
“O edi si Zera nalang ang bubugbugin ko?”
Nailing ako at tumitig muli sa ceiling. Ang mahalaga ngayon sa akin ay parehas kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. The feeling is fucking mutual. Ngumisi akong muli kahit na narinig ko ang pagmumura ni Anzai dahil sa nasasaksihan.
“Bata lang naman pala ang makakapagpatiklop sa’yo,” aniya, hindi parin natitigil ang nanunuyang boses.
“She’s not a kid. She’s already eighteen…” bigkas ko.
Pinasadahan niya ng haplos ang buhok.
“And you’re turning twenty-two. Ah… Kaya pala hindi mo matipuhan ang mga babaeng kaedaran natin dahil bata ang hanap mo,” he smirked at me.
Nagkasalubong na ang aking kilay. Diyan siya magaling.
“Baliwin ka rin sana ng malayo ang agwat sa edad mo.” Mariin ko siyang tiningnan.
“Not going to happen. I’m not fond with girls who’s far from my age. Virgins are boring in bed.”
“Gago.” Humalakhak ako kaso napangiwi rin agad dahil sa pagkirot ng aking sugat. Hinawakan ko iyon, tinakpan ng aking palad at ngumisi.
Umangat ang dalawa niyang kilay, ngayon ay nakahalukipkip na.
“The last time I said that nahulog ako. Baka ikaw lumagapak ka…” Nanunuya na ang malademonyong ngisi sa aking labi.
Nagkibit siya, siguradong sigurado na hindi iyon mangyayari sa kanya. Sa rami rin ng karanasan niya sa babae, mahirap ngang paamuhin pero ewan ko lang… Magkapatid parin kami. Baka malaman ko nalang…
Balak ko lang ay manatili muna sa kanyang condo ng isang linggo lalo na’t iyon din ang bukambibig ni Damonisse sa akin. Kaso nga lang…
“Son! I miss you so much!”
Boses palang ay yumuko na ako habang nakaupo rito sa sofa at kumakain ng inorder ni Anzai na pizza.
Bumisita ng hapong iyon ang kanyang Mommy.
“Ma… Ba’t ka pumunta rito?”
“Oh don’t worry… I already payed the management for your safety- May pinapalamon ka pala?” Mabilis nagbago ang timbre ng kanyang boses, marahil ay nakapasok na at nakita ako.
“Ma…” si Anzai iyon, mukhang pinipigilan ito sa maaari pang sabihin.
“Oh bakit? Hindi pa ba sapat ang nakukuha niya sa Daddy mo? Ngayon ay ikaw naman? Purket ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng Castellano ay makikisipsip narin siya sa’yo?” Mapakla itong natawa.
Bumuntong ako ng hininga at tumayo. Sabi ko na nga ba at hindi magandang ediya na narito ako.
“Enough, Ma.”
“God, Anzai! Wake-up! You are letting your enemy take over you! Baka magising kana lang na inaangkin niya na lahat ng mana mo! Dahil lang may dugo rin siyang Castellano? The bitch really taught him well-”
“Ako nalang ang bastusin niyo at huwag niyo nang idamay ang namayapa kong ina, Madame.” Nag-angat ako ng tingin at nakita ang babaeng may eleganteng suot.
Ngumisi siya sa akin, ang tuwid na buhok ay hinawi at humalukipkip habang may nakasabit na mamahaling bag sa pulso.
“Ang kapal rin talaga ng mukha mo ano? Know your place, hijo. May dugong Castellano ka lang pero wala kang lugar sa mundo namin.” Matalim niya akong tiningnan.
Tumango ako at tumayo. Wala naman akong pinaglalaban dito. Wala rin naman akong tinatanggap na pera sa nagsasabing ama ko raw ito at nagsusumikap naman ako para sa sarili ko. Ang gandang babae at ang yaman yaman kaso nilamon na ng karangyaan.
“Aalis na ako, Anzai.” Tumalikod ako, ayaw nang isatinig ang naglalaro sa aking isipan.
Iyon ang isa rin sa mga rason kaya wala akong balak na magpalit ng apelyido, kung bibigyan man ako ng pagkakataon, dahil narin alam kong hindi ako tanggap at hindi ko rin naman tanggap na isa akong Castellano. Pwede ko namang pagtrabahuan ang pera. Madali lang naman ’yon. Tss.
Dumating rin naman ang Intrams sa school. Naimbitahan kaming kumanta roon sa opening. Maingay ang mga students noong nagperform kami, lalo na noong natapos na. Maraming nakakakilala kay Anzai.
“Isa siguro roon ang naging babae mo ’no?” Humagalpak si Lyle nang makatakas na kami sa iilan at papunta na sa cafeteria.
Inilagay ni Anzai ang dalawa niyang kamay sa likuran ng ulo at piniko iyon.
“Can’t remember.”
Naghiyawan ang dalawa. Ngumiwi ako. Napaka playboy ng hayop.
“Baka mailagay ka sa Guiness book of record niyan, Anzai! Most badboy slash playboy in town!” Tumatawang si Raz.
Hindi niya iyon sinagot lalo na’t natangay pa ang kanyang mga mata sa grupo ng mga babaeng dumaan, nakatingin sa amin. Naghagikhikan ang mga iyon.
Pagdating namin sa Cafeteria ay maingay parin ang dalawa. Ako ang nag-order ng makakain. Inilapag ko iyon sa aming harap at iyon parin ang kanilang topic, puro parin mga babae.
“Ang raming magaganda rito sa school niyo, Isaiah. Puro mga elite! Nakaya mong hindi magkaroon ng girlfriend dito?” ani Castel, ang tingin ay kahit saan umaabot.
Ginalaw ko ang aking pagkain at inihilig sa mesa ang isang kamay.
“Wala naman akong nakikita,” sabi ko na ikinangiwi ni Lyle.
“Nagbubulagbulagan ka kasi! Eh ang ganda ganda nga rin ni Keesha,” aniya.
“Raise your standard Lyle,” si Anzai na sumubo rin.
“Tangina? Ang ganda niya, dude! Kung hindi lang si Isaiah ang bukambibig niya lagi ay didiskartehan ko talaga siya.” Naiiling niyang sabi.
Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Ilang sandali lamang ay may kumuha na sa aming atensyon dahil sa mga bagong pumasok, lalo na’t may yumuko rin sa tabi ng aming table at may kung anong pinulot.
Nilingon ko ang paanan ni Anzai kung saan tumalsik ang isang cellphone at pinulot ng pinsan ni Damonisse. Ano ngang pangalan nito?
Tumayo iyon at naglakad rin paalis, nakangiting inilahad pabalik ang cellphone.
“Thanks, Brielle…”
“Walang anuman. Pagpasensyahan niyo na si Zera… Hindi niya iyon sinasadya.”
Nilingon ko ang counter, naroon ang brat niyang pinsan, nakahalukipkip at seryoso ang ekspresyon. Ano na naman kayang problema nito?
Nang ibinalik ko ang tingin sa aking plato, laglag panga na si Raz at Lyle, nakatingin doon sa dako ng pinsan ni Zera.
“Dude… Sino ’yang kasama ni Zera?” bulong ni Lyle, halos mamilog ang mga mata.
“Pinsan,” sagot ko.
“Pinsan?! Ang gaganda naman ng lahi nila. Ang ganda niya, Isaiah!” si Raz, panay narin ang sulyap doon.
“Ireto mo naman kami… Kahit imbitahan lang sa gig!” si Lyle.
Dinedma ko ang sinasabi nila. Napatingin saglit doon si Anzai, nakaangat na ang dalawang kilay at ginalaw ang pagkain.
“May boyfriend na ’yan. Dibdib pa lang…” aniya.
Nagkatinginan ang dalawa. Natigil ako sa paggalaw ng aking pagkain hanggang humagalpak sila. Nailing ako.
“Ganyan ba ang basehan mo sa mga babaeng malaki ang dibdib, Anzai?” si Lyle na halos mabaliw kakatawa sa kinauupuan.
“Mga possessive ang mga pinsan niyan…” sabi ko at ngumisi sa kanya.
Tumingin siya sa akin, seryoso ang mukha. Mas lumawak ang aking ngisi.
“Kaedaran ni Damonisse… Kung ibabase sa edad mo, limang taon ang-”
“So? Not my fucking type.”
Hindi na maawat ang dalawa sa pag-uusap tungkol doon. Kinukumpara nila si Damonisse at iyong Brielle. Mas friendly raw tingnan at may malaanghel na mukha. Suplada kasi iyong akin. Wala na ngang kaibigan, napakataray pa.
Second day na iyon. Naglakad na ako patungo sa gymnasium lalo na’t gaganapin na ang basketball.
“Hi Isaiah…” May biglang sumabay sa akin.
Kahit hindi ko tingnan, sa boses palang kilala ko na agad. Hindi ako kumibo at nilakihan ang aking mga hakbang para hindi ito makasabay. Annoying. Tss.
“Hintay naman…” Humagikgik siya sa aking tabi at sumabay parin.
“Bakit ang suplado mo? Ba’t hindi ka namamansin ng babae?”
Hindi ako kumibo roon at nagpatuloy lamang.
“Kahit hindi tayo masyadong nagkakausap, naiintindihan kita kung bakit ka ganyan. Maagang namatay ang Mama mo ’di ba? Five years old ka pa lang namatay na siya, ganoon rin ang Lola mo noong nagcollege kana.”
Fuck. Anong pinagkukwento ni Lyle sa kanya?
“Alam ko rin ang tungkol sa inyo ni Anzai…” mahina niyang bulong na ikinatagis na ng aking bagang.
Susuntukin ko talaga ang Lyle na iyon.
“Don’t worry… Mapagkakatiwalaan naman ako. Hindi naman ako katulad ni Zera na madaldal. Ililihim ko ang sekreto niyo…”
Bakit ba napakapakialamera ng mga babae? They like sticking their nose where it don’t belong.
“Nacucurious lang ako, Isaiah. Mayaman si Anzai eh magkapatid kayo. So ibig sabihin mayaman ka rin? Pero ba’t ikaw… Uh… Hindi ka ba tanggap? Kabit ang Mama mo?-”
Bago niya pa matapos ang mga sasabihin, sa aking inis ay kinaladkad ko na siya patungo sa malapit na restroom.
Nang makapasok kami roon ay marahas kong isinara ang pinto at isinandal siya roon. Lumagapak ang kanyang likod at nakita ko ang gumuhit na sakit sa kanyang mukha.
“Hindi ka ba titigil?” Mariin ko siyang tiningnan at sinuntok ang kanyang gilid na ikinagulat niya.
Ang pinakaayaw ko sa lahat ay nangingialam sa buhay ko.
“G-Gusto ko lang namang maging close tayo… I-Ipinagkait iyon ni Zera sa atin…” Hinaplos niya ang braso ko. Hinawi ko agad iyon na ikinagulat niya, halos mamutla sa aking ginawa.
“I like you, Isaiah… I like you alot… Noong simula palang… N-Noong una kitang makita. A-Ang totoo niyan… H-Hindi talaga si Trey ang una kong nagustuhan kundi ikaw.”
“So?”
Nanlabo agad ang kanyang mga mata.
“Ang s-sabi ni Zera sa akin ay may gusto ka sa akin… K-Kaya ko binasted si Trey dahil akala ko may pag-asa tayong dalawa!”
Binasa ko ang aking labi.
“Hindi ’yon totoo. Wala akong gusto sa’yo. Ni kaonti. You should stop assuming things.”
Bumuhos agad ang kanyang mga luha. Tiningnan ko kung paano siya umiyak pero wala akong maramdamang awa. Napakadrama.
Aalis na sana ako nang hinila niya ako pabalik. Bago ko pa mahulaan ang kanyang binabalak ay hinalikan niya na ako. Itinulak ko agad siya pero masyado niyang pinipilit ang sarili niya. Ans worst, marahas niya pang binuksan ang kanyang blusa sanhi para magtalsikan ang mga butones noon.
I cursed loudly and pushed her. Sa sobrang lakas noon ay tumilapon siya sa sahig. Pinunasan ko ang aking labi at matalim siyang tiningnan.
“Kaya kong higitan ang nagagawa ni Zera sa’yo! Kaya kong ibigay ang lahat, Isaiah! Kahit ang katawan ko! Ang puso ko! Ang lahat lahat!” sigaw niya habang umiiyak, nakatingala sa akin at expose na expose na ang dibdib.
“You’re fucking disgusting. You’ll go low just to please me. And you think I’ll settle on a cheap woman like you?” Dala ng galit, iyon na ang nasabi ko.
Nagulat siya. Ang luha ay mas lalong rumagasa. Tumayo siya at bigo akong tiningnan, may galit na roon.
“Minanipula lang ako ni Zera? She planned this para makuha niya si Trey! Pinaniwala niha lang ako na may gusto ka sa akin pero ang totoo ay sinabi niya lang iyon para makuha niya si Trey! She is so unfair and cruel! I’ll make sure she’ll pay for manipulating me! Gagantihan ko siya at sinisigurado kong maibabalik ko lahat ng pangmamanipula niya!”
If she’s going to do something bad to her then I’m willing to defend Damonisse. Iyon ang inaakala ko, na away babae lamang ang mangyayari ngunit nang lumabas ako pagkatapos niyang magwalk-out ay nasuntok na ako ni Trey.
She accused me of molesting her. Nagulat ako roon. I’m the one who’s been molested! She kissed me! She almost rape me! Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko kaso nagkaroon ng kaonting sabit at ang malala pa ay si Damonisse ang kanyang dinidiin.
Nagsidatingan ang kanilang pamilya. Walang dumating para sa akin. Lumaki lalo ang gulo at tinakot na akong ipapakulong ako. Pwede ko namang ilahad sa korte lahat ng nangyari kaso ang ikinakatakot ko rito ay baka ungkatin din ang pinagmulan ng aking galit. I don’t want to expose my father, at higit sa lahat, ayokong madamay si Damonisse, lalo na ang kanilang eskwelahan.
Isa pa, ayokong lumabas ang tungkol sa pagiging anak sa labas ng isang Castellano. It will create a bigger issue, a chaos. Knowing the Castellano’s empire, sigurado akong magiging mantsa ako at magsisilbing dumi para mahila pababa ang isang taong walang ipinapakitang butas sa kanyang mga kalaban.
Imagine Damonisse’s life once everyone found out that I am a Castellano by blood. Hindi ko pahihintulutang guluhin nila ang perpekto niyang buhay. I can suffer alone. Kahit ako nalang at h’wag na siyang madamay rito.
“Wala kang kasalanan! Kilala kita, Isaiah! Please don’t do this! Please!” Mahigpit ang kanyang yakap sa akin, ang iyak ay nakakabingi at nakakadurog ng puso.
I breathe heavily. At least she believes in me. Iyon lang ang mahalaga sa akin, na may tiwala siya sa akin kahit na buong mundo na ang handa akong talikuran.
“I’m going to miss you, Damonisse…” I whispered.
Ang huli kong iyak ay noong namatay si Mama. Akala ko iyon lang ang makakatibag sa akin pero hindi ko alam na sobra palang masakit na makita siyang umiiyak. I badly want to hugged her back and comfort her. Gusto kong alisin ang sakit na nararamdaman niya. Gusto ko siyang halikan hanggang sa tumahan siya noong araw na iyon.
It was one of my painful moments in life. Imbes masaktan sa sitwasyon ko sa loob ng kulungan, mas nasasaktan ako sa pag-iyak niya. Did she calm down now? Umiiyak parin ba? I hope she already stop crying for me. Naririnig ko palang ang kanyang iyak sa aking utak ay ang hirap nang huminga.
Inako ko lahat ng kasalanan, kahit hindi ko naman ginawa. Nahatulan ako ng Act of Lasciviousness at Arresto Mayor, ibig sabihin ay walang pyansa iyon sa loob ng anim na buwan sa presinto.
“Kumusta ang dalawang oras mo rito sa loob?” si Anzai iyon, pumunta agad dito pagkatapos niya iyong malaman.
Hindi ako kumibo at yumuko lang, suot suot na ang orange na damit. This color doesn’t suit me. Wala bang black?
“You got jailed for molesting that girl named Keesha? Really? Bumaba na ang standards mo? She’s not even a fucking turn on, Isaiah.”
Bumuntong ako ng hininga at nahipo ang aking ulo. He chuckled.
“I’ll get you out in here. We have great connections when it comes to lawyers, Isaiah. You don’t have to worry about it-”
“H’wag na. Gusto ko nalang hintayin ang parole ko. Pag ginawa mo ’yan, mas maghihinala ang mga Apolinario sa akin kung ba’t ako nakalabas eh hindi bailable ang kaso na isinampa nila sa akin. At ayokong baka ang isipin agad nila ay tinulungan ako ng parents ni Damonisse. Baka madamay pa ang school. Lalabas na kinakampihan nila ako.”
Sumeryoso ang kanyang mukha nang marinig ang pangalan ni Damonisse. Bumuntong ulit ako ng hininga.
“Kagustuhan ko ’to.”
“Sigurado kana rito?”
Tumango ako.
“Ako na ang bahala sa mga Apolinario. Tingnan natin ang tapang nila…” makahulugan niyang sabi.
Maraming tauhan ang mga Castellano, lalo na ang koneksyon. Alam kong wala silang kayang gawin. I’ve research about Mr. Castellano’s background in business industry. Binansagan itong halimaw sa business world dahil sa sari-saring mga issue na kinasangkutan pero wala namang ebidensyang nagtuturo na siya ang mga nasa likod ng mga bumabagsak na kompanya sa tuwing binabangga siya ng mga iyon. He remained on top, their company remained on top when it comes to Shipping Lines in Asia. Kung paano nila iyon napanatili, iyon ang hindi ko alam lalo na’t marami siyang malalagong real estates na pagmamay-ari.
May bumibisita naman sa akin noong nasa loob ako. Nakausap ko sina Trey, Silas, Castel at Davin. Galit sila sa ginawa ko pero nagmamalasakit parin sila sa akin. Hindi ko nalang sinabi ang totoo at hinayaan silang paniwalaan ang gusto nilang paniwalaan.
“Pero kawawa rin ang sinasapit ng business ngayon ng mga Apolinario. Nagfile na ata sila ng bankruptcy pagkatapos masunog ang kanilang Mall sa Batangas,” ani Castel na ikinakuha ng aking atensyon.
“Oo nga eh. May nagsasabing sadya ang sunog pero wala namang nahanap na ebidensya ang mga pulis kaya sa huli, naipasa lahat ang kapabayaan sa parents ni Keesha,” si Silas.
Naglaro na sa aking isipan ang binitiwan ni Anzai noong unang araw ko palang dito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano lalo na’t may mga nadamay pa. I can suffer without getting revenge… Pero katulad nga ng sinasabi nila Lyle, opposite kaming dalawa ni Anzai sa lahat ng bagay. Siya palagi ang gumaganti sa tuwing napapahamak ako.
Umaga iyon ng lunes nang may pumasok na dalawang pulis at ginising ako. Pinalabas nila ako at iginiya sa isang limousine.
“Dito lang kami sa labas. Maghinintay…” bulong sa akin ng pulis.
Fuck. They got payed, huh…
Pagkapasok ko, bumungad agad doon ang lalakeng ilang taon ko nang hindi nakita. Ang huli kong memorya sa kanya ay noong Elementarya palang ako, kung paano niya ako pinadukot.
“Anzai told me what happened. Ba’t ayaw mong lumabas? Pwede nating baliktarin ang kaso para mapawalang bisa iyon, Isaiah,” sabi niya, masyadong kalmado ang boses habang nakapatong ang isang hita sa isa.
“Huwag nalang sana kayong makialam,” sabi ko at yumuko, itinuon ang tingin sa aking paanan.
“Oh son…” he chuckled. “Umuwi pa ako para lang sa’yo nang malaman kong nakulong ka. Are you still mad at me?”
Bumuga ako ng hininga at nahilamos ang mukha.
“Our men burned the Apolinario’s Mall… We’re going to crash their empire until they’re left with nothing nang makabawi naman tayo sa ginawa nila sa’yo. Are you aware about that? Anzai asked them to do it. Your Kuya is really cruel you know…”
“Mana siya sa’yo.” Matalim ko siyang tiningnan na ikinahalakhak niya.
“And you’re mean, you know. Just like me…”
Nandilim ang aking ekspresyon. Hindi ko matanggap na may nakuha akong ugali sa kanya, na nananalaytay ang dugo niya sa akin.
“You are just my soft version, Anzai’s soft version…” dagdag niya.
“Kailan niyo ba ako lulubayan?” matabang kong tanong.
Namungay ang kanyang mga mata sa kabila ng pagiging intimidating ng madilim niyang mukha. His glasses will never hide those eyes…
“Believe me. One day, you’re going to comeback to me and ask for my help. You’re a Castellano, Isaiah. Apelyido lang ni Irish ang dala dala mo pero nananalaytay parin ang dugong Castellano sa’yo. I’m going to wait for that day.”
It was a tempting offer. Pwede ko namang akuin nalang ang pagiging Castellano ko at gastusin ang bilyon bilyong pera ko kaso masyadong mataas ang ego ko na hindi tumanggap ng tulong sa lalakeng naging rason kung bakit namatay ang aking ina, kung bakit maaga akong naulila. He failed to protect her.
Pero sa tuwing naririnig ko kina Castel na nagiging malapit na si Trey at Damonisse, sa tuwing naririnig ko ang kuwento niyang hirap ito sa Algebra at siya ang tumutulong ay gusto ko nang gamitin ang aking koneksyon para makalabas agad.
Ni hindi niya ako binibisita. Araw-araw, naghihintay ako pero palagi akong nabibigo. Those sleepless nights I get while thinking about her… I missed her so… so much.
Maybe she’s busy? Fuck. No. How about weekends? O baka naman…
Ayokong mag-isip ng kung ano at hinintay nalang ang aking parole hanggang sa makalabas ako. Kaso noong makita kong hinalikan siya ni Trey ay nagsimula na akong matakot lalo na’t ayaw niya naring lapitan ko siya.
“Hindi na kita mahal,” sabi niya sa gabing iyon.
Agad akong nanghina sa sinabi niya. Ang mahigpit kong yakap ay unti-unti nang lumuwag. I can’t take those words. Kahit gustuhin ko mang maging matapang ngayon, talagang pinapahina niya ako.
“Hindi na kita mahal, Isaiah!”
I shut my eyes as I cried harder. Para akong sinaksak ng paulit ulit. Gusto ko pa siyang yakapin magmakaawang huwag niya akong iwanan pero hindi ko na talaga kaya ang sakit.
Did she got tired on waiting for me? Handa ko naman siyang tanggapin kahit na nahulog siya sa kalagitnaan ng paghihintay niya! I am still willing to forgive her, damn it! Ang sakit lang talaga.
Ilang oras akong nanatili roon, nagbabaka sakaling bibigyan niya ako ng tsansa at babalik siya sa akin pero nanlumo lamang ako nang maramdaman ang malamig na hanging yumakap sa akin.
I sacrifice everything for her! Mahal na mahal ko siya! Saan ako nagkulang? Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ganoon nalang kadali ang lahat para sa kanya? Bakit bigla nalang nawala? Minahal niya ba talaga ako o naging kasangkapan lang ako dahil hindi siya magawang pagtuunan ng pansin noon ni Trey? Fuck!
Naglakad ako sa kahabaan ng kanilang subdivision habang sinasalo ang malalaking luha. Umupo nalang ako at sinikap na tumahan sa gitna ng gabi.
Dinukot ko ang aking cellphone at tinawagan doon si Anzai.
“Oh? Nasaan kana? Nagkita kayo?”
Huminga ako ng malalim. “K-Kuya. Pasundo…”
Kinagat ko ang aking labi at pumikit nang rumagasang muli ang mga luha. I feel so weak and hurt. She crashed me into pieces. Wala nang natira sa akin.
Humanda ka talaga sa akin. Balang araw, babalikan kita at babawiin kita kung kaninong lalake ka man napadpad.
“You can continue your studies in States, son… Bago pa sumabog ang balita tungkol sa kapatid mo ay wala kana dapat dito,” ani Papa sa umagang iyon ng Biyernes sa kanyang office.
Tumango ako sa kanyang gusto. I want to be successful. Nabawi ang full scholarship sa akin at hindi na ako makakapag-aral ng maayos dahil narin sa aking record sa kulungan. My father cleaned my name for me.
Tinapik ni Anzai ang aking balikat.
“May maganda rin palang dulot ang pagiging brokenhearted mo eh…”
Humalakhak si Papa. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin at hinawi ang kanyang kamay.
“Who’s this girl, Isaiah? I need to thank her… Naging daan ang pananakit niya sa’yo para bumalik sa akin at tanggapin ako bilang ama mo.”
Pumikit nalang ako nang pinagtulungan na ako ng dalawa.
“He called me Kuya for the first time while crying, Pa-”
“Shut-up!” Namula ako sa kahihiyan.
Humalakhak lalo si Papa. Si Anzai naman ay mas lumawak ang ngisi.
“Kuya… Pasundo…” he mimicked my words that night in a very dramatic tone.
“Stop it, Anzai. Hayaan mo na ’yang kapatid mo. He’s inlove and we can’t do anything about it…” Tinapik niya ang balikat nito lalo na’t asar na asar na talaga ako.
“I’ll guard her while you’re away. Iaapdate kita sa mga magiging lalake niya. I’ll send some pictures while stalking her don’t worry.” At kinindatan pa ako.
Tumawang muli si Papa lalo na’t tumayo na ako at sinugod siya. I throw some punches but he dodge it expertly. Nagulat nalang ako nang sinalo niya ang kamao ko at ipinatalikod ako sabay tulak sa akin sa pader.
Fuck! Ang sakit ng mukha ko nang pinahalik niya ako sa malamig na pader at halos mabali pa ang buto sa braso ko sa aking likuran na hawak niya, ang isa namang kamay ay nasa aking batok.
“Weak, Isaiah…”
“Walang totohanan. Mababali na ang buto ko!”
Binitiwan niya rin naman ako at inakbayan.
“You take care… Wala na ako roon. Mangchix ka ng marami sa abot ng makakaya ng isang box ng condom mo.”
Nailing nalang si Papa, naroon na sa study table niya.
“I am not like you.”
Ngumisi siya sa akin. Nailing nalang rin ako at napangisi pabalik.
Nang dahil sa nangyari ay binuksan ko ang pintong matagal nang nakarasa kay Papa at pinapasok na ito ng tuluyan sa buhay ko. I was very hurt and I needed them, I needed a family to comfort me. Hindi naman ako nabigo dahil naramdaman ko naman iyon sa kanilang dalawa ni Anzai. They supported me from my plans at ganoon rin ako sa plano ni Papa.
Nagsimula akong mag-aral sa ibang bansa. Ipinagpatuloy ko lang ang Engineering ko lalo na’t nacredits rin naman ang pag-aaral ko sa dating unibersidad sa pinasukan kong school sa US. Pagkatapos kong magkaroon ng degree sa Engineering ay nagfocus ulit ako sa Law sa Stanford University.
I used my father’s money to survive in States. Gumagala ako sa mga Cities, bumili ng sasakyan, at sumasama sa mga naging kaibigan ko roon sa tuwing may mga lakad sila tuwing gabi. I even got a tattoo on my neck. Baka kasi mabagok ang ulo ko at madisgrasya ako habang nagmamaneho so at least I marked her name on my skin so I can’t forget her.
I don’t want to move-on. I still like being inlove with her, even if she hurts me. I’m loyal with being inlove with her and I don’t think if I can stop loving her. Para ko naring pinigilan ang paghinga ko. Ayoko rin naman… Siya lang talaga.
Nangungumusta rin naman ako paminsan minsan sa Pilipinas, kay Anzai.
“Kasal na kayo ni Sienna Valdez? Papa told me about it…” Ngumisi ako habang nasa Cafe ako, malapit lamang sa aking school.
Sa wakas at may seseryosohin na siyang babae.
“Tsismoso. Ang sabihin mo, kaya ka tumatawag ay para manghingi ng update sa Damonisse mo…”
Napawi ang aking ngisi roon. I bet he’s the one who’s smirking now. I shifted from my seat at gumala na ang tingin sa loob, nasulyapan ang mga blonde girls sa kabilang table at naghahagikhikan habang nakatingin sa akin.
“She’s a model in Cana at rumarampa sa maraming manonood. Imagine it, Isaiah… Baka nga sa pag-uwi mo rito may anak na siya-”
Hindi ko iyon nakayanan sa sobrang pagkairita ay pinatay agad ang tawag. Nahilamos ko ang aking mukha. A fucking model? Anong klaseng modelo? Oh Jesus… Mamamatay ako sa kakaisip kung ilang lalake na ang masusuntok ko sa pag-uwi ko.
After finishing my law school, umuwi rin naman agad ako. May mga kliyente agad akong pinaunlakan para kahit papaano ay may mapagkaabalahan na sa Pilipinas.
“Ba’t hindi mo nalang tanungin si Anzai tungkol kay Zera? Baka may asawa na iyon at mabigo lang tayo pag pumunta tayo roon sa Cafe niya,” si Lyle iyon noong niyaya ko na talaga siyang samahan ako roon.
“He’s just going to fool me. Pagtutulungan lang ako ng mag-asawang iyon kaya mas mabuting ako nalang ang pupunta,” sabi ko habang nasa kalsada ang tingin.
“Man… Zera really whipped you! Paano kung kasal na talaga?”
“Aagawin ko,” wala sa sarili kong sagot, marahil ay nababaliw na nga.
“Gusto mo bang makulong ulit?”
“What’s the purpose of being a lawyer if I can’t fight for my rights?”
“Rights? Seriously bro… What rights are you talking about?”
“That I am only the right person for her…”
Humalakhak siya, naiiling na ibinaba ang salamin at inayos ang buhok.
“You seriously need a doctor, Isaiah… May mata ka nga hindi lang sa puso. Pati narin ata sa utak!”
Hindi ko siya pinansin. I sighed heavily. Fifty fifty nalang ang tsansa ko. It’s been years… Eight fucking years! Ilang taon na ba iyon? Twenty-six? She’s still too young to get married! Baka naman ay wala pa sa kanyang isip?
“Ang yaman yaman mo naman sana pero hindi mo nalang talaga pinapasundan para may info ka,” ani Lyle.
Nagkasalubong ang aking kilay. Akala niya ba hindi ko iyan naisip? But her alluring face and godess beauty can attract anyone! Ayokong pasundan siya sa kung sinong lalake riyan, kahit na binabayaran ko ay ayokong may palaging nagmamatyag na lalake sa kanya. It irritates me! Si Anzai nga pinanggigilan ko minsan dahil inaasar pa ako ibang tao pa kaya?
Bumagal ang aking pagmamaneho nang matanaw namin ang pamilyar na Damonisse Cafe. Malademonyo agad akong napangisi. Damonisse, huh? Pwede namang Zera ah? At bakit napili mo pa ang pangalan mo na madalas kong tinatawag sa’yo. Baka baliw ka parin sa akin? Hindi ka ba nakahanap ng ibang lalake na magpaparamdam sa’yo ng pinaramdam ko kaya ganyan kana mangulila? I smirked more with my thoughts.
“Oh, ’di ba at si Zera ’yan!” May kung sino siyang itinuro na kakalabas lamang sa isang pulang Jaguar na kotse.
Ang payat at nipis niyang pangangatawan ang nagpalunok sa akin. Lumiliwanag ito dahil sa kanyang kaputian sa pagtama ng sinag ng araw sa kanyang mala gatas na balat habang ang maalon na buhok ay mahaba na.
Fuck. She grew taller! Ang suot niyang dress ay sumasabay sa kanyang magaan na galaw at mas lalo lamang siyang gumanda kahit na nagmature na ang kanyang katawan. I swallowed hard, almost praying no one got lured on her goddess beauty. Imposible! Sigurado akong maraming lalake na ang nabighani niyan.
Pumunta siya sa likod ng kanyang kotse at binuksan iyon. Tumigil naman ako sa gilid, pinagmamasdan siya ng mabuti na yumuko sa loob at may kung akong kinukuha palabas.
“Oh… May baby…” Napasinghap si Lyle nang makita ang inakay nito na kahit ang aking balikat ay nagloosen na.
Nagtagis agad ang aking bagang. Bago ko pa mabuksan ang pinto para sumugod sa kanya ay pinigilan na agad ako ni Lyle.
“Ako na, Isaiah. Nawala ka ng ilang taon at kung magpapakita ka sa kanya na galit agad ay magugulat ’yan. Baka matakot mo pa…”
Bumuga ako ng hangin at nahilamos ang mukha. Mariin akong pumikit habang tumatango. Shit! Is she already married?! Parang may pumulupot na kadena sa katawan ko at masyadong humihigpit ang aking paghinga, ang galit ay unti-unti nang kumakalat sa sistema. Baka naman may pag-asa pa!
Pinanood ko ang paglapit sa kanya ni Lyle sa tinted kong kotse. Pumasok ang dalawa sa Cafe at halos pigilan ko nalang ang sarili na sumunod sa kanya at pumasok. Fuck. Nakailang hilamos na ako sa aking mukha at kulang nalang ay mabura iyon ng aking palad.
“Parang baby niya ata iyon eh,” hindi siguradong balita ni Lyle nang makapasok ulit sa aking kotse pagkalipas ng ilang oras.
Gumuho agad ako roon.
“Pero ang napansin ko ay wala siyang suot na singsing at alam mo ba, sobrang lungkot ng mga mata! Parang may kinikimkim na luha! Tinanong ko siya kung kasal na ba siya, ang sagot niya ay gusto niya na sana kaso hindi pa raw siya kasal! May pag-asa ka pa, Isaiah! Mukhang hindi siya masaya sa lalakeng nakabuntis sa kanya!”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa binalita ni Lyle sa akin o ano. Kaya sa mga sumunod na araw ay doon ko na ginaganap ng aking meeting para masulyapan siya at makita ang boyfriend niya, kung meron man, o ang kanyang anak man lang.
The first time I saw her after eight years almost made me fell from my seat. Wearing a white dress with laces on her chest part, I almost forgot how to breathe. She smells so nice… Kahit nasa gilid ko lamang ito ay umaabot ang pabango niya sa akin, parang nangangalabit na titigan ko siya.
“Excuse me…” Her voice echoed in my ear.
Ah… Fuck! Naninindig ang balahibo ko sa kanyang boses. Hindi ko na nakayang hindi mag-angat ng tingin, isang sulyap lang sa magandang mukha ay nagsisi na agad ako dahil parang ako agad itong mapapaluhod na naman sa kanya. She will always lure me through her alluring beauty. At ako, heto at alipin parin ay nagsumikap nalang na pigilan ang sariling ngumiti sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.
Nagreklamo ako sa kape, lalo na’t hindi ko rin gusto ang nakita ko kanina roon sa counter na nakikipagdaldalan siya roon sa kanyang barista. Ba’t may lalake pa siyang empleyado? Hindi ba pwedeng babae nalang lahat?
Nagtuloy tuloy ang pagpunta ko sa kanyang Cafe at sinisikap ko nalang na iwasan siyang tingnan, nang malayo ako sa tukso lalo na’t hindi lamang ang maganda niyang mukha ang nang-aakit kundi pati narin ang kanyang damit.
I want to ignore her. I want to make her feel that I am not that fucking Isaiah anymore who’s very inlove with her. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi na ako ganoon karupok na mapapaluhod niya agad at mapapasunod sa bawat kapritso niya. This time, I want to lure her to beg for a chance… Gusto kong siya na ang mabaliw sa akin. Gusto kong makita na magkandarapa siya pabalik sa akin at umaming mahal na mahal niya ako, na hindi niya na ulit ako ipagtatabuyan pa. I want her to see that she’s no longer my main priority unlike for the past years!
Gusto kong siya naman ang maghabol ngayon. Gusto kong siya ang mabaliw ng husto sa akin nang hindi niya maisip na iwanan ako.
Napapansin ko ang pagtalim ng tingin niya sa aking kliyente sa tuwing naghahatid siya ng kape sa akin araw araw. Are you jealous, hmm? Chill woman… Huwag kang magselos riyan dahil ikaw parin naman ang balak kong anakan. Even if your coffee tastes like you’re going to poison me. I’d gladly die for you.
Kaya noong gabing nadala ko siya sa aking condo ay sinigurado ko na talagang maaanakan ko siya. Hindi siya nanganak at wala siyang ibang lalake. That baby isn’t hers. Dahil kung kanya iyon, hindi sana siya ganito kasikip! It’s like it’s her first time doing it again! I almost thought she’s still virgin! Well, I’ll give you one, this time. Sisiguraduhin kong may baby na tayong dalawa pagkatapos nito.
“Para saan ang celebration na ’to?” biglang tanong ni Raz nang magpatapon ako ng party sa aking condo, nagyaya ako ng inuman para magcelebrate.
“I’m going to be a father…” Ngumisi ako ng mayabang habang nagkakatinginan naman silang dalawa ni Lyle.
“Huh? Eh ’di ba…”
“I’m so sure she’s pregnant,” putol ko kay Lyle at sumimsim ng kaonting rum na nasa aking kamay.
“Tangina? Eh ’di ba after one month pa ’yon malalaman kung may nabuo ba?” si Raz na napahagalpak pa.
Nagkibit ako. “Nagpadoctor ako at hindi raw ako baog.” ’Tsaka nakaapat kami… Imposibleng walang nabuo dahil hindi ako gumamit ng proteksyon.
“I am going to be a father so cheers…” Mas lalong sumigla ang aking boses
Humagalpak ng tawa ang dalawa sa aking sinabi. Gusto ko silang pag-uuntugin pero masyado akong masaya at ayaw kong masira ang aking pagdidiwang. I’ll be a father and I’m going to use her pregnancy to lure her and comeback to me for the baby’s sake! Tingnan natin ngayon iyang pagiging brat mo. You even accuse me of having one night stand with different girls huh. You are still the brat I know. And the brat I still want…
Bumili na agad ako ng bahay sa Maria Luisa Estate Park na nasa Banilad, Cebu City. I bought a four storey house with twelve bedrooms of course, since I am still planning for more babies. It costs Two hundred million pesos… Bagay sa kanya ang lugar na iyon sa kanyang pagbubuntis, presko at maraming puno.
“Akala mo ba gusto ko ring mabuntis mo ako?!” Rumagasa ang luha sa kanyang mga mata, bigong bigo na isinigaw iyon sa loob ng aking kotse.
Nagtagis ang aking bagang at nadismaya ng husto. Ganoon niya na ba talaga ka ayaw sa akin? Ang kanyang mga mata ay namumugto sa pag-iyak, parang sising sisi dahil nagbunga ang gabi naming dalawa.
May dugong Castellano nga ako at walang pinagkaiba kay Anzai at Papa. I am so cruel for luring her to comeback to me through this… Itinali ko agad siya sa akin sa pamamagitan ng batang nabuo. And she’s not even aware that the baby can still bring my surname without marrying me. Bago niya pa man malaman na pinapaniwala ko lamang siya sa ganoong paraan para mapakasalan ako, sisiguraduhin kong hindi lamang ang bata ang magdadala ng aking apelyido kundi siya rin mismo. I will make sure of it.
Naghimutok na lamang ako ng umagang iyon ng Huwebes sa sofa. Nasa Cebu parin kaming dalawa. Magulo ang aking buhok dahil nasambunutan ng buntis na sobrang init ng ulo. What’s wrong with her? Lumalala ang galit niya sa akin, kahit wala akong ginagawa ay bigla biglang nagagalit.
She is already three months pregnant. Medyo malaki na ang kanyang tiyan at madalas narin akong pagbuntunan ng galit, kahit sa maliliit lamang na bagay. Pag isang minuto naman akong nawawala sa kanyang paningin, iiyak agad at pagbibintangan akong iiwanan siya. Sometimes I find her cute but most of the time I’m really worried. Naalala ko bigla iyong nadatnan ko siyang namumugto ang mga mata habang nakaupo sa hagdan at hinihintay ako.
Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap noon lalo na’t busy ako para matapos agad ang trabaho at makapunta kaming dalawa sa Cebu. Gusto kong magrelax siya at ilayo sa mga pinag-iinitan niya. Binangga niya ang kotse ni Kaira sa sobrang galit niya rito at hindi ako mapapanatag kung hindi ko talaga siya ilalayo.
Nakakatulog siya kakahintay sa akin na matapos. Tumatabi ako sa kanya at niyayakap ito, hinahalikan ang mga matang tila natuyuan lang ng mga luha. I chuckled softly while staring at her while she’s sleeping.
Sabado iyon, sa wakas ay nakauwi na at natapos na lahat ng trabaho nang nadatnan ko siya sa hagdan, nagpupunas pa ng luha habang hinihintay ako at pulang pula na ang kanyang ilong kakaiyak.
She looks so cute and I want to laugh about it kaya nag-iwas ako ng tingin habang kinakalas ang aking neck tie.
“A-Aalis na ako… N-Nakapagdesisyon na ako na… N-Na iiwanan na kita… kami ng b-baby mo,” bigla niyang sabi na nagpasalubong ng aking kilay.
Oh dear God. My girl is such a brat! Magkakauban ako ng maaga dahil sa kanya. She loves manipulating me at sa huli, pag siya itong nababaliktad, ay ako na naman ang mag-aadjust at kailangang magpatalo sa kanya.
“Isaiah…” Malambing niya akong tinawag kaya umayos ako ng pagkakaupo sa sofa.
Nagtungo siya sa akin, mahaba ang suot niyang bestida at nakayapos ang buhok ngunit may iilan na nalalaglag, ang iba ay nahahalikan na ang expose niyang malalalim na collarbone.
Tumigil siya sa aking harapan at umupo sa aking kandungan. She’s always extra sweet to me after the fight… No… Hindi iyon matatawag na away lalo na’t hindi ko naman pinapatulan ang galit niya pagkatapos akong sabunutan.
“Hmm? What is it?” Kinarga ko ang kanyang paa at ipinatong narin iyon sa sofa, ang aking isang kamay naman ay pumulupot na sa maliit niyang beywang bilang suporta.
“I am worried about our wedding next week.” She started brushing my hair using her soft fingers.
Namungay ang aking mga mata habang nakatitig sa kagandahan niya.
“What about it?”
“Hmm… I’m thinking, what if you’re going to back out?”
I chuckled. Pero nang mapagtantong seryoso siya at sumeryoso rin agad ako, ayaw nang masabunutan ulit.
“You think so?” I tilted my head and leaned closer to feel her lips.
Tumango siya, sumisimangot habang nakatingin sa aking labi.
“Oo… Eh… Madalas na tayong nag-aaway at baka… nagbago na ang isip mo?”
God. I really like it when she’s always afraid I might leave her anytime. Takot siya roon pero hindi siya takot na bugahan ako ng apoy.
“Nag-aaway ba tayo? I can’t remember… Ikaw lang naman itong palaging galit.” I brushed my lips lightly at her.
Mas lalo siyang sumimangot. Her hand gripped on my hair, nanggigigil na naman.
“Ako ba palagi? Galit ba ako palagi?!” Tumaas agad ang kanyang boses.
I won’t get tired with her mood swings. Bahala na sigurong mapagalitan niya ako araw araw. Titiisan ko nalang ang pagiging tigre niya.
I chuckled and kissed her lightly. Kumalma siya roon, nawili agad sa aking halik lalo na’t ang isa niyang kamay ay nasa aking balikat na.
“Ba’t naman ako aatras sa kasal nating dalawa?” sabi ko sa pagitan ng halik.
Pumikit siya at kumawala ang kaonting ungol sa bibig. My hand caress her inner thigh until I reach her panty. Damn. And she’s already wet with my kisses. Hinawi ko ang tela at hinaplos siya roon sanhi para lumiyad siya.
“I’m inlove with you, Isaiah… Hindi ko kaya pag… ah… pag iniwan mo ako…” she said in between her moans.
Napangisi ako kahit na alam kong sinasadya niya lang ’yang sabihin pagkatapos maguilty sa pagsabog niya.
“You are such a brat, you know?” I teased her earlobe with my kisses.
It tickles her lalo na’t umiilag siya kaya ang leeg niya ang pinunterya ko ng halik. She’s already dripping down there as she breathe heavily.
“I am going to marry you infront of the altar next week, infront of many people. I want you to be my wife, Damonisse…”
Namungay lalo ang kanyang mga mata at kinagat ang kanyang labi. Hinalikan ko siyang muli, mas malalim na at mas agresibo na tinugunan niya agad, sabik na sabik na naman sa aking labi.
Ngumisi ako ng malademonyo. Nasa akin parin talaga ang huling halakhak.
E P I L O G U E
Lured
This is the last part of this story! It took me long to write the epilogue since ayaw ko pa sana siyang matapos and Lured already holds a special place in my heart kaya medyo emosyonal sa akin ang wakas. Sa lahat ng works ko, dito ko napansin yung pagiging active niyo as a reader and I highly appreciate it lalo na sa mga feedbacks na binibigay niyo. Thank you for letting me inspire you with my works, stubborn readers! Walang sawa akong magpapasamalat sa suportang binubuhos niyo at hindi ako magsasawang magsulat para sa inyo. Iloveyouu all!
Until The Rest Of My Life
Nagising ako sa umagang iyon dahil sa tumakas na sinag ng liwanag sa bukas na bintana. Nang magmulat ang aking mga mata, ang agaran kong napansin ay ang pagiging mag-isa ko nalang sa kama.
Hindi ko na kailangang igala ang mga mata ko dahil mabilis kong nakita si Isaiah, naroon sa rocking chair habang tulog at hawak hawak ang infant naming anak.
It made me smile for awhile while watching him. Dumapo ang kaonting liwanag sa kanila at nakita ko ang gwapong mukha ng aking asawa, mahimbing ang tulog at mukhang napuyat ng husto kagabi.
Bumalikwas ako at nagtungo sa kanya ng tahimik. Our small baby made him look so big while he’s carrying him. His biceps are showing while the baby rested on his arms.
Hinaplos ko ang kanyang panga na unti-unti niyang ikinagising. Mabilis na nalaglag ang kanyang tingin sa baby naming dalawa na mahimbing parin ang tulog.
“You rest, Isaiah… Ako naman,” sabi ko at hinaplos ang kanyang braso.
He didn’t say anything. Tinitigan niya lamang ang baby at inayos ang pagkakabalot nito sa kanya.
Radge, our first born, really looks like him in any angle. Wala atang namana sa akin ang bata. From his thick brows, lashes, pointed nose and his lips remind me of Isaiah alot. Naiisip ko tuloy na sana, ang kanyang mga mata, ay akin din. But who am I kidding? I’m sure his eyes resemble his father’s eyes, too!
“He looks like you alot…” bulong ko.
Ngumiti si Isaiah at sumulyap sa akin saglit, pero nang gumalaw ang baby sa kanyang bisig ay nalaglag agad ang kanyang tingin doon.
He started humming and rocking himself on the chair. Ngumuso ako habang nakikinig sa kanya. Namumungay ang kanyang mga mata at nakatitig sa baby na nakaawang na ngayon ang mamula mulang labi, unti-unting humihimbing muli ang tulog.
Kinuha ko agad ang aking cellphone para kunan silang dalawa ng picture. Humangin ang high curtains at mas pumasok ang liwanag, nagmistulang anghel si Radge na nakikita ang side profile at katangusan ng kanyang ilong habang magulo ang buhok ni Isaiah, ang side profile ay tila naging salamin ng kanyang anak na kanyang tinititigan.
I can really imagine our little Isaiah! Ang cute siguro pero iniisip ko palang ang kanyang kasupladuhan ay parang gusto ko na agad kurutin ang pisngi.
Sa aming dalawa, si Isaiah ang mas lalong nagpupuyat habang ako naman ay pinapatulog niya lang rin. Madalas kasing umiyak si Radge sa hatinggabi, pag aakayin ni Isaiah ay mabilis ring tatahan at kung ibababa niya na ay iiyak ulit. Kaya minsan, inuumaga nalang siya kakaakay rito.
Naisip ko tuloy kung masyado ko ba siyang pinaglihian noon na kahit ang baby, noong lumabas ay presensya niya agad ang nakahiligan. Naaawa nalang ako minsan sa kanya lalo na’t tuwing umaga ay may mga kliyente pa siyang inaasikaso.
I remembered his first time carrying him. He got teary eyed while watching him for the first time. Pulang pula ang kanyang mga mata noon at mabilis agad tumahan si Radge nang siya na ang umakay. He kissed his forehead and whispered something to our infant. Naiyak ako habang pinagmamasdan siya dahil pumaskil talaga sa kanyang mukha ang saya kahit hindi siya ngumingiti. He’ll just stare at him seriously without blinking, like it’s his first time seeing a precious gem.
Isaiah loves our baby so much. Ramdam na ramdam ko iyon lalo na noong pinagbubuntis ko palang si Radge. Palagi niyang hinahalikan ang aking malaking tiyan at binubulung-bulungan niya ng kung anu-ano. He’ll be a very loving father… I’m so sure of it.
Nauna naring nanganak ni Irah sa akin. Iniisip ko palang ang napagdaanan naming dalawa noong pinagbubuntis namin sila, nanalangin agad ako na sana hindi ganoon ka agresibo ang mga anak namin. Sakit kami sa ulo noon!
Palagi ring pinagkakaguluhan si Radge sa tuwing bumibisita ang aking mga pinsan dito sa bahay, lalo na si Mommy na parang gusto nang iuwi ang kanyang apo dahil kahit si Daddy ay panay rin ang pagkausap kay Radge.
“Napaghahalataan kang baliw sa asawa mo! He looks like Isaiah alot!” Tumawa si Elle habang nakadungaw rin sa crib, lalo na’t mahimbing ang tulog ni Radge noong hapong iyon ng Sabado.
Umismid ako at hinaplos ang aking buhok. Nana keeps on smiling, too.
“Ang guwapo guwapo niya, Zera… Pipilahan talaga ito ng mga babae pag lumaki na siya,” aniya.
And he’s going to be so snob too, just like his father so maybe wala masyadong magtatangkang mga babae riyan na magpapapansin.
Ang balak ni Isaiah ay sa Cebu na kami tumira. Our house there is really big at mas gusto ko rin kasi ang ambiance roon hindi kagaya rito sa Manila.
Isaiah has many clients in Cebu City, too. Pinagkakainteresan niya na ang pagiging Engineering niya roon at kumikita rin ng malaki lalo na’t isa siya sa indemand doon.
“Ang layo naman ng Cebu, Zera… I’m going to miss Radge…” malungkot na sabi ni Mommy habang akay akay ang kanyang apo na mahimbing na namang natutulog.
Umupo ako sa rocking chair at gumalaw agad iyon. Tiningnan ko si Mommy na nakatayo lamang, nakatitig sa kanyang apo.
“Isaiah told me pwede raw kayong sumama sa amin since malaki naman ang bahay namin doon. There are twelve bedrooms, My…”
Sumulyap siya saglit pero agaran ring ibinalik kay Radge. See? The people around him will always focus on him.
“Pwede rin since your Daddy already retired. Total nariyan naman sina Wayt, Ken at ang Kuya mo to manage the company. But we’ll still talk about it lalo na’t narito na talaga ang buhay natin, namin…”
Tumango ako. “You can visit us anytime, Mommy. Or kami ang bibisita rito.”
Hindi na kumibo si Mommy at nakay Radge na talaga ang buong atensyon dahil ngumingiti na siya. I sighed and think about it.
Nagkawatak watak narin naman kasi kaming magpipinsan dahil busy na sa kanya kanyang pamilya. May iba na mas pinili rin talagang magtayo ng bahay sa ibang lugar, like Davao City. Marahil ay magkadugtong ang isip ng mga lalake at gustong bigyan ng bagong atmosphere ang kanilang mga anak kaysa sa nakasanayan sa Manila.
“What’s this?” Tiningnan ko ang black invitation na dala dala ni Isaiah nang umuwi na sa bahay. To Mr. and Mrs. Silvestre…
Umupo ako sa kama habang binubuksan iyon, siya naman ay naroon na sa crib ni Radge at dinudungaw ito habang kinakalas ang neck tie.
“We got invited…” ani Isaiah na ikinakurap ko dahil sa nabasa roon.
“Mr. Castellano’s birthday?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Tumango siya, hindi ako nililingon at ang butones naman ngayon ang kinakalas, naaantala sa isa dahil sa kakatitig sa kanyang anak.
Tumayo ako at nagtungo sa kanya. Isaiah stop from unbuttoning his shirt. Humarap siya sa akin nang tumigil ako sa kanyang harapan at hinayaan akong gawin iyon.
“Birthday ng Daddy ni Anzai?”
Isaiah nodded as a response, nag-iwas saglit ng tingin para sumulyap muli kay Radge.
“Talaga? Pupunta tayo roon?” Tiningnan ko ang ikalawang butones lalo na’t sumisilip na ang ripples sa kanyang dibdib na nadadama ko rin sa aking daliri.
“Yes… Let’s bring Radge…”
I’m thinking if we’ll fit on that kind of party since I’m sure puro mga pure businessman ang ilang imbitado. I mean nasanay naman ako sa malalaking parties pero iniisip ko pa lang si Mr. Castellano ay nanliliit na agad ako. Para akong kuting na naligaw sa kweba ng mga dragon.
Dapat sanay na ako sa mga bigating business tycoon since my grand uncles are well known businessman too. Kaso iba parin pag hindi mo masyadong kilala at puro lang background ang alam mo, hindi gaanong nakikita sa personal o nakakasalamuha. I’ve heard alot about him kaya medyo nakakatakot rin talaga at nakakaintimidate.
Bumaling si Isaiah sa akin nang matulala ako sa ikatlong butones. He tilted his head and caress my cheek.
“He looks cruel but he’s nice. Don’t worry…” Pinaningkitan ko agad siya ng mga mata. Syempre, close sila ni Anzai kaya marahil nakakausap niya narin iyon hindi kagaya ko na first timer!
Isaiah chuckles with my death glares. Hinagkan niya ang aking labi.
“Ang talim mong makatingin. Buntis kana ulit?” he asked irotically at hinaplos pa ang aking likod, pababa na sa aking puwetan.
“Huwag muna, Isaiah! Kaka two months lang ni Radge! Paabutin mo naman ng isang taon bago mo sundan.” Sinapak ko ang kanyang braso.
Giving birth is really painful! Hindi ko makalimutan iyong sakit sa pagitan ng aking mga hita habang umiere. Halos pagmumurahin ko si Isaiah noong oras na iyon dahil sa sakit. That is really worst than our first time. Mabuti nalang at mabilis na lumabas si Radge, hindi ako gaanong pinahirapan. Humupa rin naman ang lahat ng hirap sa akin lalo na noong marinig ko ang unang iyak niya. His voice suddenly healed my pain…
“Alright… One year, then…”
Namilog ang aking mga mata. Talagang may plano pala siya! Sinapak ko siyang muli kaya humalakhak siya habang hinuhuli ang aking mga kamay.
“Besides, the doctor told me that you’re not allowed to have sex, yet. Three months raw muna dahil kakagaling mo palang sa panganganak.”
Tumigil ako sa pagpalo sa kanyang matigas na braso. Yumapos agad ang kanyang mga kamay sa aking beywang at dikit na dikit na ako sa kanya.
“Really? Three months?” I blinked twice.
He smirked while his stares are already mocking me. Ang huli kasi naming dalawa noong buntis ako kay Radge. Masyado rin kasi kaming tutok sa baby kaya nakakalimutan nang magkaroon ng quality time sa kama.
“Yes… Too bad, huh? Miss mo na ba ang pagpatong ko sa’yo?”
The. Fuck?
Humagalpak si Isaiah lalo na’t pulang pula na ako. Imbes na sabunutan siya sa panggigigil ay iniyapos ko rin ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Naiisip ko tuloy kung bakit ang dalas kong sabunutan siya noong buntis ako. Ngayon na hindi na, nakikita ko palang ang magulo niya nang buhok ay ayaw ko na iyong galawin para dahil ang gwapo niya rin.
“Baka ikaw?” Nanunuya narin akong ngumisi sa kanya.
“Hindi rin. Baka ikaw?” Inilapit niya ang sarili at nanunuya na ang labi sa aking labi.
“Ikaw lang ’no…” Hinabol ko ang kanyang labi para mahalikan agad ito.
Hindi niya rin naman ako natiis dahil kusa niya rin iyong sinalubong at binigyan ako ng matamis na halik. Umalon agad ang aking tiyan, ang epekto ng kanyang labi sa akin ay hindi parin talaga nagbabago.
Isaiah carried me in his arms at naglakad na patungo sa aming kama. He kissed me thoroughly. Every flicked of his tongue inside my mouth arouse me even more. Shit… Bawal pa! Three months pa! Baka mabinat ako.
“Pwede naman siguro kung… kung dahan dahan lang?” I suggested after placing me gently on our king size bed.
Nagulat si Isaiah, hanggang sa humagalpak siya. Bigla akong sumimangot nang mapagtantong wala talaga siyang balak gawin at halik lang ata ang nais.
“You’re so horny…” he said between his laughs.
Namula ako ng husto. Mabilis ko siyang itinulak at gusto ko nang magdabog sa inis. Damn him!
Isaiah pinned my waist on the bed. Nagpumiglas ako hanggang sa hinayaan niya ako kahit hindi parin siya matigil sa kakatawa.
“I don’t want to use so much force on you since you’re still fragile. Stop moving…” Hinaplos niya ang aking beywang.
Paanong hindi ako magpupumiglas sa inis ko sa kanya! Ako tuloy ang lumalabas rito na uhaw na uhaw! Siya itong nanunukso at pag natukso na ako ng husto ay hugas kamay agad siya!
“Five months kang hindi makakapatong sa akin! Mark my word, Isaiah!” Itinuro ko siya at nag-ambang bumangon kaso itinulak niya muli ako pahiga.
Itinukod niya sa magkabila ko ang kanyang mga kamay para hindi na ako makabangon pa, makatakas sa kanya.
“Anong tawag mo ngayon sa posisyon kong nasa ibabaw mo?” Umangat ang kanyang kilay at ngumisi.
Itinulak ko siya at nagpumiglas akong muli. He pushed himself between my thighs kaya natigil ako. Shit… His effect… Ang kuryente! Ang kiliti sa tiyan ko! Ang inner demons kong nagwala agad!
He chuckled on the skin of my neck nang napansin ang hindi ko na panlalaban. Pasimple ko siyang binigyan ng access doon at mas ipinarte pa ang aking mga hita.
“We’ll make love again after three months. Sa ngayon, wala muna…” he said while grinding.
Really, Isaiah? At bakit ka gumagalaw riyan kung wala muna? Ano ba talaga?
“And why are you moving?” Tinaasan ko siya ng kilay at hinaplos ang kanyang pisngi.
“Why did you part your legs?” Mas tumaas ang kilay niya sa akin, na ako na naman itong walang kawala sa pambabaliktad niya.
Damn him for being a lawyer!
“Eh nang-aakit ka!”
“Who said I’ll just slow down while doing it?” Mapang-uyam niyang tanong na ikinapula ko na talaga ng husto.
Nag-iwas ako ng tingin. Isaiah pulled the hem of my dress. Ngayon na panty nalang ang naroon at gumagalaw pa siya ay mas lalo akong nang-init.
“I’ll just make you feel better, okay?” bulong niya at iginapang ang kamay sa aking ibaba.
Oh… Shit. Kinagat ko ang aking labi at ramdam ko agad ang nabubuhay na pang-iinit sa aking katawan. Kunwari pa! Gusto rin naman pala.
Naaadik na talaga ako. This is not healthy anymore! Malala na ang tama ko kay Isaiah. Tsk.
Dumating rin naman ang birthday ni Mr. Castellano. A champagne gold long gown hugged my waist at backless pa iyon, tanging laces ang nagiging lock sa likuran. I bunned my hair with hanging curls on each sides at masyadong expose ang malalalim kong collarbone dahil sa tube top ng gown. The sequin of the gown made it more elegant.
“Sino bang nagdesign niyan? Ba’t ganyan ka…” Pinasadahan ako ng tingin ni Isaiah at hindi maalis alis ang iritasyon sa kanyang mga mata lalo na’t masyadong expose ang aking mga balat.
I smirked at him. Akala niya mamamanipula niya ang gown ko? I asked my cousin for this nang matupad talaga ang mga gusto ko nang hindi niya napapakialamanan.
“It’s my personal fashion designer… International…”
Isaiah frowned at me, wearing his tux at sobrang nag-uumapaw na naman sa kagwapuhan ang godlike na snob king na nakabalandra ang noo dahil sa ayos ng kanyang buhok. Nabihisan narin si Radge na mukhang excited rin dahil hindi dinadalaw ng antok at hindi pa umiiyak.
Iyon talaga ang kinabibiliban ko sa aming anak. Hindi siya palaiyak na bata. Palaging nang-iinsulto ang pagkakasalubong ng kanyang kilay at masasabi mo talagang lalaking suplado but over-all, his handsome face is really too much!
Pumwesto ako sa backseat karga karga si Radge na nakahiga sa aking mga bisig habang si Isaiah naman ang nagmamaneho, mahina lamang at nasa forty speed ang takbo. He will always look at us on the mirror, sinisilip ang aming kalagayan dito sa likod minu-minuto.
“Baby…” I softly called Radge while caressing his cheek using the tip of my pointing finger.
Gumalaw ito at humikab. Humagikhik ako at yumuko para hagkan ang kanyang noo.
“Saan mana ang kagwapuhan mo? Kay Daddy?” tanong ko sa maliit na boses.
Radge isn’t asleep. Nakatitig lamang siya sa akin habang bumubukas ang kanyang bibig at bumibigkas ng tunog, tila nakikipag-usap din sa akin pero hindi lamang nakakabuo ng salita.
“Saan naman magmamana ang ugali mo? Kay Mommy?”
Radge response with a soft sound. I giggled more.
“Sana pag may babae tayong anak ay sa akin magmana ang ugali,” ani Isaiah kaya umahon ang aking tingin sa kanya at tiningnan ang kanyang likuran.
“At bakit? A snob girl is a headache!”
“A girl like you is a headache, Damonisse. Ayokong magkauban ng maaga sa babae nating anak dahil sigurado akong sakit talaga sa ulo ang kakulitan.”
What?
“I don’t want her to be friendly with boys. Isipin mong mabuti ang magagawa ko sa mga lalakeng lalapit sa anak natin…”
Natawa ako ng bahagya lalo na’t tumalim pa ang kanyang mga mata sa salamin nang tingnan niya ako.
“Goodluck, then…” I winked at him.
“I’ll make sure he’s going to be like me. Pababaliwin kita ulit sa akin habang buntis ka para sa akin ulit magmana,” he smirked.
Ang yabang!
Noong dumating narin naman kami sa venue ay naging seryoso narin naman ang aking mukha. Nakayapos ang aking mga kamay sa braso ni Isaiah na kinakarga si Radge. Dumaan kami sa red carpet saka ko ibinigay sa mga bouncer ang invitation.
Tumango sila at umalis sa pagkakaharang para padaanin kami. Ang iilan ko namang namamataan ay puro amoy mayayaman, probably mga kasosyo rin sa negosyo o marahil ay mga business tycoon din.
Tuluyan kaming pumasok sa loob. Ang chandelier agad na kumikinang sa itaas ang umagaw ng aking pansin. Ang mga table cloth nay kulay cream na hanggang sahig, tinatakpan ang kabuuan ng mesa, habang ang mga magagandang upuan ay kulay beige.
Halos naka champagne gowns rin ang iilan, katulad ng theme ng party. May iilan namang naka plain white lamang at ang mga lalake ay nakatux.
The luxurious party were obviously for rich people only, iyong may mga pangalan talagang maipagmamalaki sa industriya.
“Honey…” si Mommy iyon, na ikinagulat ko pa.
She’s also wearing an elegant champagne gown habang nakaponytail ang buhok, sa kanyang tabi naman ay ang seryosong si Daddy na si Radge agad ang tiningnan.
“Mom…” Nagtungo ako kanya at yumuko para halikan ang kanyang pisngi.
“We got invited too…” aniya, lalo na’t napansin niya marahil ang pagtataka ko.
Hinalikan ko rin sa pisngi si Daddy. Si Anzai naman ay tanging tango nalang ang ibinigay sa aking parents lalo na’t nasa kanya si Radge.
Isaiah pulled the chair for me. Inalalayan niya muna akong umupo roon saka rin siya tumabi sa akin. Nasa round table kaming apat, ang gitna noon ay isang vase na may bulaklak at may maayos nang table arrangement.
“Kanina pa kayo?” tanong ko, pabalik balik ang tingin sa dalawa.
Umiling si Mommy, si Daddy naman ay sinisilip silip si Radge sa braso ni Isaiah at tila kinakausap na ito.
“Hindi naman… Kararating lang rin. You look so pretty, Princess…” sabay sulyap sa aking suot.
“Thanks Mom…”
Medyo napupuno na ang loob. May mga pagkain narin sa aming table, mga waiter na gumagala para magbigay ng wines at magsilbihan ang mga bisita. Nangingibabaw ang isang tugtog ng piano at violin, ganoon rin ang halakhakan at boses ng iilan na naghahalo na.
Mommy and I talked about our trip tomorrow in Cebu. Si Daddy at Isaiah naman ay may iba ring topic.
Doon lamang iyon nahinto noong nagsimula nang gumala si Mr. Castellano sa bawat table. Huminto siya sa amin at nakipagshakehands pa kay Daddy.
“Thank you for coming…” aniya, ang kabuuan ay nagsusumigaw sa karangyaan, tila dugong maharlika dahil sa postura.
“Happy birthday,” bati ni Daddy na ikinatango nito at gumuhit ang kaonting ngiti sa labi.
“And you are…” saka siya bumaling kay Mommy, ang kamay ay inilahad sa kanya.
“Scarlet Gail, Mr. Castellano.” My Mom smiled sweetly, showing respect.
“My wife,” dugtong ni Daddy kaya nagtinginan agad kami ni Isaiah. His lips even pursed habang ako itong nakagat ang aking labi.
Daddy is such a jealous husband!
Mr. Castellano chuckled. “You have a very beautiful wife, Mr. Delafuente,” aniya habang nakikipagkamay narin kay Mommy na todo parin ang ngiti.
Noong bumaling na siya sa akin ay sinikap ko agad na ngumiti para hindi mapagsabihang suplada.
“And you must be Isaiah’s wife?” Kumislap ang kanyang mga mata sa akin.
Tumango ako. “Yes po. Happy birthday…” bati ko.
“Thank you, hija… You have a goddess beauty…” Pasimple niya pang sinulyapan si Isaiah na ngumuso lamang.
“Thanks po…” I chuckled.
Nabura ang aking kaba nang marinig ko rin sa wakas ang kanyang boses at kinakausap na kami. He sounds friendly kahit na para ring si Anzai ang kanyang kabuuan. Siguro ay masyado lang talagang nakakaintimidate ang pagiging bigatin niyang business tycoon including his ruthless aura pero mukhang marunong naman palang makibagay.
“Long time no see, Isaiah…” Tinapik niya ang balikat nito.
Isaiah smirked. “You’re already very old…” makahulugan niyang sabi kaya humalakhak agad ito, ang mga mata ay mabilis na napadpad kay Radge.
“What’s his name? Can i carry him?”
Iginiya ni Isaiah ang baby kay Mr. Castellano. Hindi nabubura ang ngiti sa kanyang labi habang maingat niyang inilalagay si Radge sa kanyang mga bisig.
Nagkatinginan kami saglit ni Mommy, si Daddy naman ay nasa apo lang rin ang tingin.
“He’s Radge…” ani Isaiah.
“Radge… You look like your father alot, buddy…” ani Mr. Castellano, ang boses ay naging mas marahan pa.
Lahat ata ng makakakita kay Radge ay agarang maaakit at malulusaw ang puso. Mr. Castellano stayed in our table just to be with Radge. Kinakausap niya ito at humalakhak agad pag nagiging malikot ang mga kamay at paa ni Radge habang gumagawa ng sarili niyang salita sa pamamagitan ng tunog.
“I really like babies… They’re very adorable,” ani Mr. Castellano nang mapansin ang paninitig namin sa kanya, ang ngiti sa labi ay hindi parin nabubura nang sumulyap siya sa amin.
“Bagay kang Lolo ni Radge, Mr. Castellano…” ani Mommy, ngumingisi na sa kanya. “Sayang nga at ulila itong si Isaiah. Baka katulad din sa reaksyon mo ang reaksyon nila…” saka niya sinulyapan si Isaiah na nasa mesa ang mga mata.
Kitang kita ko kung paano tumitig si Mr. Castellano sa ngisi ni Mommy lalo na’t pasimple niyang hinaplos ang kanyang braso, gamit ang isang kamay.
“Scarlet Gail,” pigil ni Daddy.
Humalakhak si Mommy. Ngumiwi ako at hinaplos ang aking braso, kahit si Isaiah ay nagkakasalubong ang kilay sa tawa ng aking ina. God… I’m sure may naglalaro na riyan sa isipan niya. Mukhang may palihim na namang napapansin si Mommy. Ewan ko sa kanya.
Masyadong nawili si Mr. Castellano kay Radge at nagpaalam pa siyang dalhin muna ito sa kabilang table, para ipakita sa kanyang asawa ganoon rin kay Anzai at iba pa na naroon.
“Your Mom has a creepy smile sometimes…” bulong bigla ni Isaiah sa akin.
“Ganyan talaga siya pag may something siyang napapansin na kumukuha ng atensyon niya. She’s very observant,” bulong ko naman pabalik.
Sa paglipas ng oras ay nagpasya rin namang umuwi sila Daddy at Mommy lalo nagpapaalam narin ang iba pa. Kausap pa ni Anzai si Isaiah, nang mapadpad ang tingin sa akin ay kinindatan ako. Agad akong umirap at bumusangot, si Isaiah naman ay sinapak pa ang kanyang tiyan na ikinangisi nito sa kanya.
“Nagyayaya raw ng inuman sina Lyle sabi ni Anzai. Naroon sila ngayon sa isang Bar kasama ang old friends namin noon…” ani Isaiah nang bumalik na muli sa table.
“May pupuntahan pa kayo?” si Daddy naman nang marinig ang sinabi nito.
Umiling si Isaiah. “Baka hindi na kami sasama dahil malamig narin ang gabi at kasama pa namin si Radge.”
“Kami na ang bahala kay Radge. Sumama nalang kayo total bukas ay aalis narin kayo patungong Cebu,” suhestyon ni Daddy na agad namang ikinatango ni Mommy.
“Oo nga, Isaiah. Kahit sa amin nalang muna si Radge ngayong gabi…”
Nagkatinginan kami ni Isaiah. Hinaplos niya ang kanyang batok, ang mga mata ay naninimbang sa akin kung ano rin ang magiging desisyon ko.
Nilingon ko ang dako nila Anzai saka ibinalik sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang braso at tumango.
“Pumunta tayo…”
Isaiah licked his lips at sumulyap na kay Radge na tulog na sa mga bisig ni Daddy. Kalaunan ay tumango rin naman siya.
Nagtungo ako kay Radge at hinagkan ang noo nito. Hinalikan ko narin sina Mommy at Daddy sa pisngi para magpaalam.
Umalis rin naman kami ni Isaiah para pumunta sa Bar na tinutukoy nila. Nakaconvoy kami sa kotse ni Anzai sa harap since he’s with his wife, too.
Huminto rin kami sa isang exclusive Bar. Ipinark ni Isaiah sa tabi ng kotse ni Anzai ang kanyang kotse at lumabas din naman kaming dalawa. Nagtinginan kami saglit ng kanyang wife at pumasok din ng sabay sa loob.
Dim ang paligid at sumasayaw ang neon lights. Naaamoy ko ang matamis na mga pabangong nagkakahalo halo na sa lamig at malakas ang nangingibabaw na tugtog.
May mga napalingon agad sa aming pagdating, mga babaeng malalagkit ang tingin sa aking asawa. Napansin ko naman agad sina Lyle at Raziel na agarang tumayo sa kanilang mesa para salubungin kami.
Nakipagbungguan sila ng balikat kay Anzai, kinausap saglit ang dalawa pagkatapos ay sa amin na dumeritso habang ang dalawa ay patungo na roon sa mga iba pang kakilala na tumawag kay Anzai.
“Isaiah!” si Lyle iyon na agad na nakipagbungguan ng balikat sa kay Isaiah.
Nakipagngitian narin ako sa dalawa. Biglang bumalik ang alaala ng kahapon. Ganito iyong feeling ko noon… Iyong mga gig ni Isaiah na madalas kong puntahan.
“Zera!” tawag ni Lyle nang napadpad na sa akin ang tingin.
Akma na sana siyang lalapit para yumakap nang hilain siya palayo ni Isaiah. Tumawa ako lalo na’t ipinulupot ni Isaiah ang kanyang kamay sa aking beywang.
“So darn possessive! Kahit na pinakasalan at inanakan mo na…” Nailing nalang ito at nakamot ang batok.
Tumawa si Raz. “Baka magpaadvance din ’yan ng lamay sa’yo pag masyado mong nilapit lapitan ang asawa niya!”
Nakitawa narin ako sa kanila habang si Isaiah ay panay ang bulong bulong sa akin ng kung anu-ano. Iritang irita siya sa pagpapakita ko ng balat kaya hinubat niya na talaga ang kanyang coat para ipasuot sa aking balikat.
Ang mga iilang naroon ay mukhang kaibigan nila noon. Some of them were familiar, tila nakita ko na sa birthday noon ni Lyle, ang ilan naman ay hindi. May mga kaibigan din si Isaiah sa States na puro mga lalake.
“Total magkasama ulit kayong apat, baka pwede namang makahingi ng huling performance sa inyo, Isaiah…” isang babae ang nagsabi noon, nasa kabilang table.
Naghiyawan agad ang iilan bilang pagsang-ayon. Tiningnan ko si Isaiah na medyo namumula na dahil sa iniinom naming Bacardi at nginisihan siya. I want to hear him sing live again with his band!
“Ano, Isaiah? Kahit mga dalawa o tatlong kanta lang,” si Lyle.
“Oo nga…” si Raz naman na game na game rin.
Sumulyap narin si Anzai sa kanya na kanina pa busy sa kanyang katabing asawa, nakaakbay siya sa likod ng upuan nito.
Hinaplos ko ang kanyang braso para kumbinsihin siya lalo. Isaiah sighed at hinalikan muna ang aking balikat saka tumango, tumayo narin kaya nagpalakpakan agad ang lahat.
Nagtungo sila roon sa stage. Inirolyo ni Isaiah ang magkabilang sleeves ng kanyang shirt exposing his veins and expensive watch sa left wrist, ang dalawang butones ay nakabukas pa. Pumwesto siya roon sa harap ng stand ng mic na kalebel ng kanyang bibig.
Si Raz ay naroon narin sa drums, si Anzai at Lyle naman sa mga gitara. Nag-usap sila saglit kung anong kakantahin, may kung anong sinabi ni Isaiah na ikinatango rin naman ng tatlo at umayos na.
“Sa mga former fans namin… para ito sa inyong lahat at para narin sa pag-alis ni Isaiah kasama ang kanyang magandang asawa,” ani Lyle sa mikropono.
Tumawa ako nang tumalim ang tingin sa kanya ni Isaiah. Lyle chuckled on the microphone, too. Si Raz ay nailing lang habang seryoso naman si Anzai, nasa iisang babae lang ang atensyon.
“This song is entitled Bye Bye Na by Rivermaya,” si Lyle.
Nagsimula rin naman silang tumugtog. Hinawakan ni Isaiah ang stand ng mic at nagawa pang ngumisi sa akin sa gitna ng dim ng paligid ngunit umiilaw naman ang stage nila at nangingibabaw ang kulay pula roon.
“Eto na ang gabi… Na ikaw ay aalis at iiwan mo ako…”
Nagtilian agad ang mga girls dahil sa sexy ng boses ni Isaiah. Nakipalakpak narin ako, naaalala ang unang araw na narinig ko siyang kumanta. The feeling is very nostalgic! Nananayo ang balahibo ko.
“Sa lahat ng gabi, ito ang ayaw dumating. Sana ay umaga na…”
Kinagat ko ang aking labi nang nagawa pang kumindat sa akin si Isaiah, nanunuya ang ngisi habang pumapaibabaw ang malamig at maganda niyang boses sa kabuuan. My sexy husband is such a tempt my gosh!
Sumeryoso rin naman ang kanyang mukha nang kinanta na ang chorus part.
“Tatawagan mo parin ba ako? Susulatan mo pa ba ako? Tayo parin bang dalawa kahit… na bye bye na. Aalis ka na. Bye bye na rin ba, sa atin alaala…”
Nagheadbang ng kaonti si Isaiah para sabayan ang beat ng kanta at inalis ang mic doon sa stand.
“Meron kang makikita, mas higit pa sa akin… pag ika’y malayo na…” Pumikit siya at hinaplos ang buhok habang nakatingala, litaw na litaw na ang tattoo sa kanyang leeg dahil sa pulang ilaw.
Damn! Walang kupas ang galing niya sa pagkanta at pagpeperform sa stage! Kung hindi lang talaga siguro sila huminto ay may potential talaga si Isaiah at kanyang banda na sumikat at makilala. Ang galing galing niya! He’s really expert when it comes to luring people to listen to him more, to ask for more…
“Tatawagan mo parin ba ako? Susulatan mo pa ba ako? Tayo parin bang dalawa kahit… na bye bye na. Aalis ka na. Bye bye na rin ba, sa atin alaala…”
Nakisabay narin ang mga tao, lahat na ay nadadala sa kanta at sa boses ni Isaiah. Kumakalabog pa ng husto ang aking dibdib at natatawa nalang ako pag kinikindatan niya ako. Baba na riyan, Isaiah! Let’s go home and cuddle…
Kumanta pa sila ng dalawa pang kanta bago tuluyang bumaba sa stage. Tumabing muli si Isaiah sa akin, pinupunasan ang noo niyang medyo pawisan.
“Ang sexy mo paring kumanta,” bulong ko nang inakbayan niya ang upuan ko.
Nilingon niya ako. “So you really find my voice sexy when I sing?”
“Oo… Slight… Hot ka ng slight.” Humagikhik ako na ikinaangat agad ng kanyang kilay.
Baka pag umamin akong ‘Oo Isaiah ang hot hot mo at nakakatirik ng mga mata ang boses mo pag kumakanta ka’ ay aasarin niya lang ako buong gabi at ipapamukha sa akin na nababaliw ako sa kanya. I know him too well!
Inubos lamang nila iyong iniinom na Bacardi. Pulang pula na naman ang mukha ni Isaiah sa paglipas ng oras, halos madaling araw na at naghahalakhakan parin sina Raz at Lyle. Isaiah’s other hand was already wrap on my waist lalo na’t kung saan saan narin napapadpad ang kanilang topic.
Noong ala una na ay nagpasya narin naman kaming umuwi. Nagpaalam kami sa lahat since inaantok narin ako ng slight. Hindi pa naman lasing na lasing si Isaiah kahit pulang pula ang kanyang pisngi at namumungay ang mga mata. I think he can still drive.
“I missed Radge…” Humikab akong muli sa front seat habang nakasandal ang aking ulo roon, hinihila na ng kaantukan.
“Missed him too… Unang gabi ito na hindi natin siya makakasama,” ani Isaiah.
Oo nga ’no? Hmm…
“Ayaw mo niyan… Hindi ka mapupuyat at mapapagod ngayong gabi sa baby natin.” Ngumisi ako sa kanya nang tingnan ko ito.
Isaiah glance at me while smirking.
“I still have my one baby… Baka mapuyat parin ako ngayong gabi at mapagod…”
Nagsalubong agad ang aking kilay. Ang speed naman ng kanyang pagmamaneho ay naging sixty na, tila nagmamadaling umuwi.
“Radge is already three months… Remember?” Pabalik balik ang kanyang tingin.
Oh… My…
Humalakhak ako. “No way!”
Kinagat niya ang kanyang labi at nanunuya narin doon ang ngisi.
“Total tayong dalawa lang ngayon sa bahay…”
Natawa na ako ng husto sa front seat kahit ang totoo ay excited rin ako. Kaya pagdating namin sa bahay ay kinarga niya agad ako sa kanyang bisig. Umakyat kami sa hagdan patungong kwarto.
“You are so drunk!” Itinuro ko ang namumula niyang pisngi, ang gitna ng kanyang ilong, ang kanyang labi at dibdib na sumisilip sa nakabukas na dalawang butones.
Ngumisi siya.
“I’m so drunk just by staring at you…”
What the heck? Humagalpak ako.
“No… You are drunk because you drink and got drunk!”
Binuksan niya na ang pinto, tila nahilo sa aking sinabi.
“I think you’re the one who’s drunk…” Ibinaba niya ako at isinandal sa pinto.
Inilock ko iyon habang nakahawak na siya sa aking mga beywang.
“Ikaw ang lasing, Isaiah!” I chuckled and welcomed his hot kisses when he leaned closer to my lips.
Nalasahan ko ang ininom niya kanina at ang tamis na humahalo sa kanyang halik. Iniyapos ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg.
“I want another baby…” he whispered to my lips between our kisses.
Lasing nga talaga! My gosh, and why I am so game? Of course, gusto ko rin naman…
“Let’s put a baby in here…” Hinaplos niya ang aking tiyan kaya tumawa ako.
“Isaiah! We already talked about this at wala pang One si Radge!”
Bumaba agad ang aking long gown nang hinila niya lang ang laces sa likod na kahit ang silicon bra ay nalaglag na, tanging panty nalang ang naiwan sa akin.
Kinarga niya akong muli at inilapag sa kama. Pumaibabaw agad siya at hinalikhalikan ang buo kong mukha. Tumawa ako dahil sa kiliti. Tumigil siya at humilig para tingnan ako ng maayos sa lasing niyang mga mata.
“My beautiful wife…”
Namula ako roon. “I know, Isaiah…”
Hinagilap niya ang aking kamay at hinagkan ang aking ring finger kung nasaan ang aming singsing.
“Thank you for marrying me, Damonisse… Thank you for carrying Radge in your tummy for months and thank you for being my wife…” Hinaplos niya ang aking pisngi para alisin ang iilang hiblang sagabal doon.
“Bakit ka nagpapasalamat? I did it because I’m inlove with you. Hindi ka naman humingi ng pabor o ano… Nagpakasal tayong dalawa kasi nagmamahalan tayo.”
Iyon rin ang pinaka hindi ko pagsisisihan sa buong buhay ko, ang pakasalan si Isaiah. Pangarap ko ang magkaroon kaming dalawa ng pamilya at ngayon ay natupad na nga. Ang hiling ko nalang ay magkasama kaming tumanda.
“I can’t still believe that you are inlove with me…” Humiga siya sa aking tabi at niyakap na ako.
“I am already your wife because I am so inlove with you, Isaiah…” bulong ko na at tiningala siya.
Hinagkan niya ang aking noo ng matagal. Pumikit ako, dinama ang labi niya roon.
“Damn… I am so addicted. I’d rather lose my breath than lose you… Hindi ko talaga makakaya pag ikaw ang mawawala sa akin.”
Oh darn it, Isaiah! The feeling is always mutual! I don’t want to lose you, either. You lured my heart to love you until the rest of my life!
Itinulak ko siya at umupo ako sa kanyang tiyan. Nagulat siya sa aking ginawa lalo na’t ako na ngayon ang pumaibabaw. I smirked at him at yumuko.
“Let’s continue what we started,” bulong ko at inisa isa na ang butones ng kanyang shirt.
Bumangon siya at agaran akong hinalikan ng malalim nang malaglag ako paupo sa kanyang kandungan.
“Pagurin natin ang isa’t isa ngayong gabi, Damonisse…”

