Game Of Love (Buenaventura Series #3)
Ineryss · 63 chapters · 200,141 words
Game Of Love
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.
Prologue
Game of Love
This is one of my old works and it contains poorly written chapters. Read at your own risk. I’ll edit this once I’m not busy anymore.
Game
Ipinakita ko sa mga kaibigan ko na nakaupo rito sa bleachers ng gymnasium ang isang larawan na lubusang nagpamangha sa kanila. Yashin, my bestfriend, stood up and started to clap continuously.
“I know you’re going to pin that guy down, Red. Ikaw pa.” Hannan, my other bestfriend, said proudly.
Napangiti ako ng matagumpay sa tatlong lalake sa harapan namin. Leeland and Klint were laughing while Troy looks problematic.
“That’s what you get from playing with Red, asshole. Alam mo namang makamandag ang pulang iyan pagdating sa lalake.” Si Klint, tinatapik na ang kaibigan naming hindi man lang makangiti.
“Maybe your Mom didn’t name you Red for nothing.” Hannan said.
I smiled playfully. Siguro ay nahulaan ni Mommy na lalaki akong nakakaakit at hot kaya iyon ang ipinangalan niya sa akin. Red is just my second name anyway. Pero nasanay rin akong iyon ang tawag nila sa akin dahil iyon rin naman ang gusto kong itawag sa akin.
“I can’t wait for our outing next week! Sagot lahat ni Troy!” Anunsyo ni Yashin dahil sa pagkakapanalo sa aming deal.
Binigyan niya kasi ako ng isang linggo para akitin iyong basketball player na sikat rito sa aming eskwelahan. Pero tatlong araw pa lang ay parang asong ulol na iyong si Martin kakahabol sa akin. That picture I showed them was him courting me inside our subvision. That’s very risky. Knowing the bodyguards in our house, he’ll get shoot if I didn’t tell them that he’s my classmate.
It was just for fun anyway. Mga dare ng squad para may mapaglipasan ng oras sa pag-aaral na nakakasabog ng utak.
“Fine, fine. I lost. You win, Red.” Tumayo si Troye, naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon sa kanya. Pero imbes na makipagkamay ay hinila pa ako nito, niyakap ng mahigpit.
“Let go of me you bastard!” Natatawa ko siyang itinutulak.
“Pasalamat ka at natalo ako, kung hindi ay nalagasan talaga ng isa ang mamahalin niyong mga kotse!”
“Confident rin naman ako na mananalo ako kaya malakas ang loob kong itaya ang kotse pag natalo ako. I’m not going to lose anyway.” Sabi ko, tuluyan ng humiwalay sa pagkakayakap ni Troye.
I always get what I want. Simula noong bata pa ako, lahat ng gusto ko ay ibinibigay sa akin at nakukuha ko. That’s how my parents raised me. Nasanay akong hindi pinaghihirapan ang isang bagay. Mom and Dad were not that strict compared to other parents. Kahit na alam kong maimpluwensya ang aking mga magulang, lalo na si Papa. Maling galaw ko lang ay pwede ko ng masira ang reputasyon niya lalo na’t senador ito.
“Let’s make a list, then. Total mukhang nag-eenjoy si Red, gumawa tayo ng list ng mga lalakeng aakitin niya rito. At pag nanalo siya, siya ang may karapatang mamili kung ano ang gusto niyang kunin sa atin.” Klint suddenly suggested.
Nagkatinginan silang lima. Are they sure about this?
“Sigurado kayo?” Tanong ko, isinasatinig ang iniisip.
Leeland raised his brow. “Are you chickening out?” Mapang-uyam niyang tanong.
I shrugged. “It doesn’t even affect me at all. I’m always game you know…” I said in a softer voice.
“Ayun! Ang palabang si Red!” Sigaw ni Troye, itinaas pa ang kamao sa ere.
“Sige. Ako ang maglilista.” Boluntaryo ni Hannan, game rin sa naisip ng mga lalake.
“This is fun.” Yashin smirked.
Nasa notepad na hawak ni Hannan ang tingin namin. Ang mga lalake naman ay busy sa pag-iisip kung sino ang mga lalakeng ililista nito. They were so carried away with the game.
“What about that nerd?” May tiningnan si Troye sa di kalayuan kaya nasundan narin namin ang tingin nito. Napangiwi ako sa nasaksihang imahe. He’s wearing a baduy uniform! And what’s with the thick glasses?
“Nakabrace ba iyon?” Puna ni Yashin.
“Yuck. I don’t want to end up kissing that nerd. H’wag nga, Troye!” Pagtanggi ko, diring diri.
Troye laughed evilly, tinuturo na ang aking mukha.
“Game over, Red! You’ll surely lost it this time!” Humalakhak siya.
“Oh yeah? Baka nga sa isang sigundo ay lumuhod na agad iyan sa akin. This is a piece of cake for me.” I said confidently.
Unti-unting nasira ang pagdidiwang ni Troye. Hannan scribbled that nerd on her notepad. Napangiwi ako. Like yuck!
“Prove it then.” Nanghahamong sabi ni Hannan. “Anong ipupusta mo rito?” Tanong niya sakin.
“Our yatch.” Walang pag-aalinlangan kong sabi. Ganoon ako kasigurado na nalaglag ang kanilang mga panga.
“Seriouly Red? That’s very luxurious!” Si Klint, hindi na napigilang mamangha.
Nagkibit ako ng balikat, ngumisi lamang. “Paano pag nanalo ka?” si Leeland.
“Then I’m going to get Troye’s credit cards.”
Troye gulped. Hindi na maitsura ang mukha na kahit hindi pa nga nagsisimula ang laro ay halata na sa kanyang ekspresyon ang kaba.
“Chill, Torye. Di pa nga nag-uumpisa.” Humalakhak ako.
“You’re very sure. Ngayon pa lang, magpapaalam na ako sa yate mo.” Malungkot niyang sabi, dismayado.
“At sa credit cards mo, Troye.” Pang-aasar ni Yashin na ikinahagalpak na naming lahat ng tawa.
Limang lalake ang kailangan nilang ilista roon. May kanya kanya silang mga pinapasulat roon. Naitaya ko na ang aking mahal na kotse, ang condo ko, gadgets, isang milyong pera, at kung ano ano pa na alam kong hindi naman makukuha sa akin.
“I feel like we’re all going to lose.” Kabadong saad ni Klint.
“Ba’t pa ba ako sumali sa pustahan? Magiging pulubi ata ako sa magarbong gusto ni Red pag nanalo siya.” Si Yashin, nagsisimula ng magreklamo.
“May isa pang bakanteng numero. Sino ang hindi pa nakakabigay ng pangalan?” Tanong ni Hannan, gimagala na ang tingin.
“Ako.” Si Leeland, nakangisi na nang binalingan ako. I don’t know if he’s just creepy o ayoko talaga diyan sa lalakeng naiisip niya.
“Isulat mo iyong isa sa magkapatid na Buenaventura.”
Kumalabog ng husto ang dibdib ko hindi dahil may isa akong gusto sa kanila kundi dahil sa kaba. Holy shit, Leeland! May Buenaventura akong lalandiin?! Those playboy brothers?!
“Woah! Ba’t di ko ’yan naisip?!” Si Troye, tumatayo na rito sa bleacher na inuupuan namin.
Napasinghap ako. Binasa ang pang-ibabang labi at kunot-noong tiningnan si Leeland.
“Huh? Eh parang pabor parin naman iyon kay Red ah. Alam nating mga playboy sila. Madali rin silang bibigay kaya imposible paring matalo ang babaeng iyan.” Si Yashin, nailing nalang.
Yes, Yashin is right about that Buenaventura brothers. Sikat sila sa eskwelahang ito sa pagiging womanizer. Kahit si Uno na mabait at gentleman ay marami ring babae, papalit palit lamang ng girlfriend. Lalo na iyong si Dos na pinagsasabay ata lahat. Except for that Buenventura…
Leeland’s creepy smile grew even wider. At hindi ko iyon nagugustuhan. At sana naman, mali ang kutob ko.
“Sinong may sabing iyong mga playboy na Buenaventura ang tinutukoy ko? I am talking about Tres.”
Napalunok ako ng laway nang marinig ang pangalang iyon. Para ng nagsisitayuan ang maliliit na balahibo sa aking katawan.
“That coldhearted, heartless man?” I said almost a whisper, hindi na marehistro sa utak ang kabuuan ng Buenaventura’ng iyon. Basta ang alam ko lang, wala siyang interes sa babae.
Sumipol si Klint habang si Troye ay tawang tawa na. Nagawa pang mag-apir ng dalawa na kahit si Leeland ay ngiting aso narin. Yashin is celebrating with them habang si Hannan, tulala sa numerong blangko at hindi pa isinusulat ang pangalang binanggit ni Leeland. Just please, no.
“Napakachallenging nga naman ng lalakeng iyon para kay Red! I can’t wait for this game!” Si Troye, hindi na matigil sa pagsasaya.
Hindi ko na alam kung anong ekspresyon ang angkop sa oras na ito. Leeland stared at me, smiling like an idiot.
“Are you chickening out, Christienne Red Valerio?” Now, he’s really into this game.
Umiling ako, pilit binubuo ang sarili para hindi mahalatang may pag-aalinlangan ako.
“You know I’m always game Leeland. At sigurado akong ako rin naman ang mananalo sa bandang huli.” Buong kasiguraduhan kong sabi sa kanya.
“I don’t think so.” Tawang tawa si Yashin.
“Anong pusta mo Red! Mamumulubi ka talaga!” Pang-aasar ni Klent na kahit ang messy niyang buhok ay nagugulo na lalo. He’s a combination of a playboy and a badboy. Ganoon ang awra niya.
“Anong pusta mo Red?” Si Leeland, kinklaro ang tanong kanina ni Klent. This man has an evil awra. He looks like a hot villain lalo na’t may earring pa ito sa tenga niya. Si Troye lang ata itong mabait tingnan pero may pagka manyakis ang dating.
I saw how Hannan stare at me, nag-aabang rin sa magiging sagot ko.
“Our house.” Deklara ko na ikinatahimik nila ng ilang sigundo, natigilan sa aking sinabi.
“Are you serious?” Laglag pangang tanong ni Yashin.
“Yeah. I’m going to win anyway. Sigurado ako roon.” I said cockily.
Binalingan ko si Hannan, nginitian ito pero nag-iwas ng tingin at isinulat ang pangalan ng Buenaventurang iyon sa huling numero.
“But what of she win, Leeland? Anong ibibigay mo?” Si Klint, interesado sa itataya ng kaibigan sa larong ito.
“Si Red ang magsasabi kung ano ang gusto niyang makuha sa akin pag natalo ako. At para fair, ako rin dapat ang magsasabi ng kukunin ko sa’yo pag natalo ka.” Paliwanag niya na ikinataas ng aking kilay.
“Ipinupusta ko na ang bahay namin Leeland. Iyon na ang pinakamalaki kong maibibigay.”
“I’ll give you an option anyway. You know that’s very risky. Siguradong sisiklab ang ama mo at ayoko namang baka ipabaril ako pag nalaman niya ang kalokohan natin.” sabi nito.
I eyed him unbelievably. Anong naiisip niyang ibang option kung ganoon?
“What is it?”
“We’ll see about it when the time comes Red. So prepare yourself. Make sure you’re not going to lose…” Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kaba. I know how heartless that guy is. Para tuloy akong sumabak sa digmaan at handang masaktan dahil alam kong uuwi akong duguan.
Chapter 1
Game of Love
Nerd
“Good morning, Red.” Bati sa akin ng mistesong lalake pagkapasok ko ng eskwelahan. Katulad ng nakasanayan ko, ngumiti ako ng matamis rito at bumati rin.
“Good morning.” I said in a softer voice. Hinawi ko ang aking buhok paatras at marahang humagikhik dahil sa pamumula ng mukha nito.
Siguro, kilala ako hindi lang dahil anak ako ng isang senador na gumagawa ng ingay sa politika kundi narin dahil sa pagiging friendly ko. I am treating the people around me nicely. Kadalasan ay mga lalake ang malapit sa akin. To think na dalawa lang rin ang babaeng kaibigan ko rito at mga lalake na ang iba.
“Good morning, babe.” Klint greeted me pagkapasok ko. Nakasanayan niya na iyong endearment. Just for fun lang rin naman kaya walang kaso iyon sa akin.
I chuckled. “Good morning,” sabi ko, inilapag na ang mga gamit ko sa aking desk.
Klint placed his chin on my desk while grinning. “Hindi ka ba kinakabahan sa dare ni Leeland sa’yo? You might lost it, this time.”
Itinulak ko ang kanyang mukha paalis roon na nagpaatras sa kanya. Umupo ako, kinuha ang aking salamin sa loob ng purse at tiningnan ang sarili.
“I don’t think so. May lalake bang hindi matatablan sa karisma ko, Klint?” tanong ko habang pinapasadahan ng haplos ang aking mumunting bangs. I placed it sidewards para maenchance ang maganda kong noo at ang maganda kong kilay.
“Oo,” he said surely kaya napatingin ako sa kanya.
“Who?”
“Edi si Tres.” Mapang-asar niyang sagot. Tumataas na ang dalawang kilay, ngumingisi ng malaki.
Nailing ako. “Lalake parin naman iyon. Baka konting pacute ko lang bumigay na ’yon.” I said softy.
“Hmm… Let’s see about that.”
Sinimangutan ko si Klint. Alam kong kilala ng lahat si Tres rito bilang heartless. Saksi rin kasi lahat ng mga estudyante rito sa pagiging coldhearted ng lalakeng iyon. At isa pa, naging kaklase namin siya ni Hannan noong Grade 7 kami. He was very silent at nakaupo lang sa likod, minsan nasa labas ng bintana ang tingin at madalas ay natutulog sa desk.
“Baka nga pag ngitian ko lang ’yon tayuan na iyon ng ano…” Malisyoso ko siyang tiningnan at humagalpak rin ng tawa. Klint’s jaw dropped.
“Sabi mo ha!”
“Talaga!” Pagmamalaki ko pa.
Sa lahat ng mga lalakeng namamansin sa akin, si Tres itong ni minsan ay hindi man lang ako nagawang kausapin kahit na magkaklase kami. I don’t even find him attractive kasi nga hindi kagaya niya ang mga type ko. Kaya nga hindi ko rin magawang gustuhin ang katulad niya dahil feeling ko ang boring niyang kasama. I am very outgoing and adventurous, palakaibigan rin ako at hindi ata nabubuhay na walang kasama. Unlike him…
Hannan used to like him noon. Iyon rin ang ikinakabahala ko noong nasali si Tres sa dare namin. Baka kasi hanggang ngayon ay gusto niya parin iyon. But that was 2years ago anyway.
I can’t imagine myself being with that Buenaventura. Siguro namatay ako sa sobrang tahimik niya. Minsan, namamataan ko iyan sa bleachers, nakahiga roon habang may takip na libro ang mukha. I never seen him on crowded area such as cafeterias, gym, basta iyong maraming tao. Para siyang isang invisible.
I wonder bakit may mga ganoong lalake? Nakakacool ba iyon? I find them boring to be honest. Sina Klint, Leeland at Troye ay hindi naman ganoon. Even Marco. They’re happy go lucky like me.
Si Yashin at Troye ang kaklase ko habang naiiba naman ng classroom sina Leeland, Hannan at Klint. Yashin is not an early bird person kaya mas nakakadaldalan ko pa sa umaga si Troye kaysa sa kanya. Tamad iyong gumising nang maaga.
Nagtungo kaming dalawa ni Yashin sa gymnasium pagkatapos ng klase. Pagpasok namin, nakita agad namin ang kaibigang pinupunasan ang sarili dahil sa pawis. She was wearing a halter back sando paired with short shorts. Her nape is quite expose dahil sa buhok niyang nakabun.
“Hannan!” It was Yashin who called her. Lumingon ito sa amin, kumaway si Yashin sa kanya kaya kumaway rin ito sa amin, nakangiti.
“Let’s have our lunch. Sabi ni Troy manlilibre raw siya.” Anyaya ni Yashin.
“Mauna na kayo. Kailangan ko pang magpractice. They need my presence here.” Paliwanag niya.
“Aren’t you hungry? I’m sure Leeland will get mad kung nalaman niyang hindi ka kakain ngayon lunch.” Sabi ko.
“I’ll just eat later.”
Napasimangot kaming dalawa. Lalo na’t nagtungo na ito sa bleachers at kumuha roon ng bottled water. Sinenyasan pa kami nitong mauna nalang.
“Let’s just go, Yash.” Hinila ko ang kaibigan paalis roon kahit na mukhang ayaw niya pang umalis para kumbinsihin pa si Hannan.
Hannan is a cheerleader. Bukod kasi sa maganda rin ito, flexible ang kanyang katawan at magaling mang-akit ng manonood. Nakakaya niyang kunin ang atensyon ng lahat at titigan na lamang siya sa kanyang ngiti.
Wala rin naman kasi akong interes sa mga ganyang bagay kaya nagstick nalang ako sa pag-aaral. Ayoko rin ng distraction dahil iyon nalang ang naibibigay kong kasiyahan sa aking mga magulang na palaging busy.
“Red, si Tres oh!” Itinuro siya ni Yashin. Kapwa kami natigil sa paglalakad dahil sa lalakeng nakapamulsa, may nakayakap na headphone sa leeg at walang emosyon ang mukha.
He was wearing his usual uniform without his ID. Matangkad ito, maganda ang tindig at may misteryosong mga mata.
Pero hindi iyon ang lubos na kumuha ng aking atensyon kundi ang babaeng nasa harapan niya. Nakaupo ito sa sahig at nagkalat ang mga gamit.
“T-Tres…” The girl called in a shaky voice.
Yumuko si Tres. Ni hindi nakitaan ng pag-aalala sa eskpresyon nito.
“Ikaw ang pumulot total tatanga tanga ka.” he said coldly. Nagawa pa nitong hawiin ang gamit ng babaeng nakaharang sa kanyang daanan gamit ang kanyang paa saka umalis roon.
My heartbeats went wild. Ganoon siya kawalang-puso sa mga babaeng nakapaligid sa kanya.
“Hindi man lang tumulong. Napakaheartless.” Halos pagalit kong sabi, wala sa aking sarili.
Hindi ko namalayang nasa malapit na pala ito. Kung hindi ako siniko ni Yashin ay hindi ako matatauhan sa kanyang presensya.
“I think he heard you.” Pabulong na sabi sa akin ng kaibigan, kinakabahan.
Nakaramdam narin ako ng kaba pero hindi iyon pinahalata. Nagpatuloy ang kanyang paglalakad hanggang malagpasan kami. Ni hindi man lang nagsalita. I even smelled his manly perfume. Para iyong naiwan sa aking gilid at kumakalat na sa paligid.
I sighed. Handa ko na sanang puntahan ang babae at tulungan kung hindi lang dumating iyong isa niya pang kapatid. Lumuhod si Uno sa harapan nito at tumulong sa pagpulot ng gamit.
“I’m sorry for my brother’s behavior. Are you okay?” Tanong ng concern na si Uno.
Nahihiyang tumango iyong babae lalo na’t hinawakan pa ni Uno iyong kamay niya at pinatayo siya. Hinakot ata ng Buenaventurang iyan ang pagiging gentleman at mabait kaya walang natira sa kapatid niya.
“Oh, nasa’n si Hannan?” Tanong agad ni Leeland nang makarating kami sa cafeteria.
“Kailangan niya pa raw magpractice eh. Malapit narin ang kompetesyon kaya siguro ganoon na siya kapursigido,” ani Yashin.
“Eh ba’t ang tagal niyo?” Si Troye.
“Eh kasi nakita namin si Tres sa hallway! May sinupladuhan na naman,” si Yash.
Napatingin sa akin ang tatlo. Ngumuso ako at umubo ng fries.
“H’wag nalang kaya nating isali si Tres, Leeland. Ayoko namang matulad si Red sa mga babaeng pinagmukhang tanga ng lalakeng iyon.” Klint complained.
“Stop worrying, Klint. I can handle that heartless man, ako pa!” I assured him.
Ginulo ni Troye ang buhok ko. “Oo nga naman. Ikaw pa eh bilib na bilib ka sa sarili mo.”
Hinawi ko ang kanyang kamay, umirap. “Makikita mo Troye, pababaliwin ko siya sa akin.”
“This is very exciting.” Leeland chuckles.
Iyon ang naging usapan namin habang naglalunch. Hindi ko nalang muna prinoblema iyong si Tres dahil nangunguna pa sa listahan iyong baduy na nerd.
Kumuha ako ng kahit anong libro sa bookshelf. Nasa loob ako ng library. Dito rin naman kasi ang tambayan nitong nerd na ito. And as expected, nakita ko siya sa sulok, mag-isang nakaupo at kasama ang mga patong patong na libro. Troy is really making fun of me. Sa daming lalakeng makikita itong nerd pa.
“Hey…” I said sexily in a softer voice.
Napakurap ito. Nagawa akong tingalain gamit ang makakapal niyang eyeglasses.
“R-Red…” Nauutal niyang tawag.
“Uhm, pwedeng umupo?” Ngumiti ako ng matamis na ikinapula ng kanyang pisngi.
“H-Ha? Sure!” Mabilis ang kanyang pagtayo. Sa pagkakataranta ay nasagi niya pa iyong pinagpapatong niyang libro sanhi para malaglag. Ay tanga.
Napayuko ako at akmang tumulong kung hindi lang rin siya yumuko kaya ang ending ay nagkabungguan ang aming mga ulo. Ang tanga tanga jusko naman!
“S-Sorry! Sorry!” Natataranta niyang hinawakan ang aking ulo, kaso nang maalala niyang hinahawakan niya ako ay mas nataranta pa siya. Napakaabsentminded naman ng baduy na nerd na ito.
Kinuha ko ang kanyang eyeglasses na nalaglag at ibinigay iyon sa kanya. “Okay lang.” Medyo natatawa kong sabi, binabalewala ang masakit kong ulo. Darn it.
His cheek turned red. Mabilis ang kanyang kilos sa pagpulot ng libro lalo na’t narinig na namin ang librarian na sinasaway kami rito dahil sa pagiging maingay.
Isang libro lamang ang nakaya kong pulutin. Tumayo ako at ibinigay iyon sa kanya. Inilapag niya naman iyong iba sa mesa at kinuha narin iyong akin.
“S-Salamat.” Nahihiya niyang bulong.
Ngumiti ako, umupo sa tabi ng kanyang upuan.
Ramdam ko ang pagiging uneasy niya. Kung paano niya inaayos ng mabuti ang kanyang eyeglasses at nililingon ako minsan. Noong tumama ang kanyang braso sa akin, halos mataranta siya. Akala mo nakuryente o ano.
“N-Ngayon lang kita nakita rito. M-Mahilig ka palang magbasa R-Red?” Nauutal niyang tanong.
“Not really.” Tumawa ako ng marahan. Kumurap siya, nahihiyang yumuko. Asa naman na mahihilig ako sa pagbabasa. Ang boring.
“A-Ah ganon ba…”
“Yea… May hinahanap lang akong libro kasi hindi ko magawang sagutan iyong assignment ko.” paliwanag ko na ikinaliwanag ng mukha niya.
“P-Pwede bang matingnan ang assignment m-mo?”
Tumango ako, ibinigay iyong dala kong notes. Sa totoo lang, sinadya kong hindi sagutan iyong assignment dahil alam kong magagalit ko iyon sa kanya. Matalino ang nerd na iyan kaya magkakainteres talaga siya sa mga assignments ko.
Pinasadahan niya iyon ng tingin, seryosong sinusuri ang bawat tables. Math kasi kaya nakakatamad rin sagutan.
“M-Madali lang naman ito.” Sabi niya, nagsisimula ng sulatan gamit ang ballpen niyang nasa bulsa ng kanyang polo. Nerd talaga, tsk.
Panay ang kanyang pag-explain sa akin habang ako ay tumatango nalang, gusto ng mahikab dahil sa kanyang pinagsasabi. I am not interested, anyway. Shit talaga itong si Troy!
“Ang talino mo naman! How I wish kasing talino mo ako para hindi ako mahirapan sa assignments ko.” Ngumuso ako, pasimpleng nagpapacute sa kanya. Yuck!
Namula ang kanyang pisngi, inilagay ang kamay sa batok at parang kinamot iyon. “A-Ah, pwede namang ako nalang ang s-sumagot sa a-assignments mo R-Red…”
“Talaga?” tanong ko, sumisilay na ang ngiting tagumpay sa labi. This is the first step!
“O-Oo naman!”
We became close. Let’s just say tuwing lunch ay kasama ko ito sa library. Pakiramdam ko tuloy nagbabible study kaming dalawa. At minsan, dinadalaw rin talaga ako ng antok sa sobrang boring.
Siya na ang sumasagot ng mga assignments ko. At sa mga nagdaang araw ay palagi akong nakakakuha ng mataas na marka dahil nga sa tulong niya. Hindi rin naman pala masama.
“U-Uh, Red…”
“Hmm?” Binalingan ko siya, tapos niya ng sagutan ang aking panibagong assignment kaya aalis narin ako.
“A-Ano kasi…” Namula ang kanyang pisngi, hindi na halos makapagsalita ng matino. Bumabaliktad na naman ang dila kaya nabubulol at hindi na alam paano magsalita ng maayos.
“Ano ’yon Cesar?” Tanong ko. Kahit ang pangalan niya ang baduy pakinggan.
“P-Pwede bang ano, s-sabay tayong maglunch b-bukas… I-Ililibre naman k-kita…”
“Sure!” Walang pag-aalinlangan kong sagot na mabilis na ikinaangat ng kanyang tingin at lumalaki ang dalawang mga mata dahil sa gulat.
“Talaga?!” Halos mapasigaw siya.
“Keep quiet!” Saway ng librarian sa amin kaya nahihiya siyang tumango roon.
“Yep, why not.” I smiled sweetly. “Thank you pala sa assignment ha! See you tomorrow! Bye!”
Iniwan ko ito sa library. Napabuntong nalang ako ng hininga. Nagsisisi tuloy ako kung ba’t pa ako pumayag sa paanyaya nitong sabay kaming kumain bukas.
“What?” Yashin laughed hysterically. Halos hampas hampasin niya ang aking desk sa kakatawa ng malutong pagkatapos kong ikwento sa kanya na maglalunch kami ng nerd na iyon bukas.
“Ikaw na talaga Red! Hangang hanga na ako diyan sa karisma mo!” She laughed again, hindi ko na maawat.
Nakabusangot kong isinandal ang aking ulo sa aking desk. What if kumalat na dinidate ko ang nerd na iyon? Pero alam naman ng lahat na super friendly ako kaya iyon rin siguro ang iisipin nila pag kasama ko iyong baduy na nerd.
“Hindi ko alam kung kailan maiisipan ng lalakeng iyon na ligawan ako para matapos na.” Reklamo ko.
“Wala iyong confident sa sarili kaya baka nauunahan iyon ng hiya kaysa maisipang ligawan ka.” sagot ni Yashin, pinupunasan na ang gilid ng mata sa kakatawa kanina.
“Kating kati na akong bastedin ang lalakeng iyon para matapos na ang pakikipaglaro ko sa kanya. He’s a torture.”
“Kahit ako, wala sa bukabularyo ko ang pumatol sa nerd!”
Noong nalaman iyon ng mga lalake ay tawang tawa narin sila. They can’t believe na nagkalakas-loob raw iyong nerd na yayain akong maglunch bukas. Siguro ay tuluyan na iyong nahulog sa akin. Wala lang talagang lakas ng loob pumorma. Iyon ang hinihintay ko.
It was lunch time, nasa cafeteria kaming anim. May kinukwento sa amin si Troy kaya hindi kami maawat kakatawa. Kung hindi lang talaga sumulpot iyong nerd.
“R-Red…” Nahihiya niyang tawag sa akin na nagpatigil sa amin sa kakatawa.
Palihim na siniko ni Troy si Klint, nagpipigil ng tawa ang dalawa dahil nga sa imahe nito sa aming harapan. Namumula ang kanyang pisngi, suot ang makapal na eyeglasses at ang sinturon niyang nakikita sa suot na pants dahil sa tack-in niyang uniporme. Idagdag pa ang sintas ng kanyang sapatos na may rainbow na kulay. Ang baduy talaga nakakakilabot!
“Yes?” tanong ko. Alam ko namang ngayon iyong pag-aanyaya niya sa aking kumain kami ng sabay pero sinadya ko talagang kalimutan.
“U-Uh, d-diba n-niyaya kitang kumain?”
“Ay oo nga pala. Nakalimutan ko!” Pagpapanggap ko, iyong mga lalake nagpipigil na ng tawa kahit si Yashin ay kagat kagat ang pang-ibabang labi maliban kay Hannan na nakatitig sa nerd.
“G-Ganon ba…” Dismayado ang kanyang mukha, namumutla na ito.
“Maybe next time.” Sabi ko.
Tumango tango siya, hindi mahitsura ang ekspresyon dahil sa hiya.
“S-Sige.” Tumalikod na siya, nag-akma nang umalis kaya tinawag ko itong muli.
“Cesar!”
“R-Red?” Mabilis ang kanyang paglingon sa akin, lumiliwanag na ang mukha.
“Uh, may project kasi yung mga kaibigan ko. Total matalino ka naman, pagawa naman oh.”
Nawala ang excitement sa kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. Tumango siya, hindi na umaabot ang saya sa kanyang mga mata kahit na nakangiti naman ito.
“Sige. Akin na.” Lumapit siya sa aming mesa.
Ang tatlo naman ay kanya kanyang kuha sa kanilang mga project at ibinigay kay Cesar. Isinama ko narin iyong akin at kahit si Yashin ay nakisali na.
“Ikaw Hannan. Isali mo na iyong sa’yo total magiging busy ka sa pagpapractice.” Sabi ko sa kanya.
“Kaya ko namang sagutan. Kayo nalang.” sabi niya sa akin.
“Isama mo nalang. He’s smart don’t worry. May nerd bang hindi?” Malutong akong natawa na ikinatawa narin ng iba. Yumuko iyong nerd habang si Hannan naman, nagkakasalubong na ang kilay at hindi man lang nagawang makisali sa tawanan. What’s wrong with her?
Chapter 2
Game of Love
Kababaeng
Tao
Hannan walked out. I don’t know what’s her problem. Siya na nga itong tinutulungan para hindi mahirapan sa project niya siya pa iyang ganyan. Akala mo kung sinong inapi.
Umalis narin iyong nerd dala dala lahat ng project namin.
“Nag-away ba kayo ni Hannan, Red?” tanong ni Yashin na ipinagkibit ko ng balikat.
“I don’t know. Let her. Babalik rin ’yon.”
“Baka naman magpapractice na ulit iyon.” Si Troy. Baka nga.
Hindi ko nalang pinansin ang pagiging cold ni Hannan sa akin. I know she’ll get over it at papansinin ulit ako. Hahayaan ko nalang muna siyang magdrama at hindi ko alam kung sa anong dahilan. Busy rin naman kasi siya sa pagiging cheerleader niya kaya hindi na kami gaanong nagkakausap.
“I got higher grades because of you. Thank you for helping me Cesar.” Pagpapasalamat ko sa kanya na ikinapula na naman ng mukha niya. Madali mong mababasa ang kanyang nararamdaman dahil masyadong expressive ang kanyang mukha. Kahit ang kanyang mga mata ay kumikislap sa tuwing natutuwa siya sa isang bagay.
Tumayo na ako, handa na naman itong iwan rito sa library na lungga niya. I hope this is the last.
“Uh R-Red…” Hinawakan niya ang aking pulso, pinipigilan ako sa pag-alis. Napatingin ako roon na mabilis niyang ikinataranta at binitiwan agad iyon.
“Hmm?”
“A-Ano kasi… P-Pwede bang ano… m-mang…”
Tumunog ang aking cellphone. Thank God! Natigil siya sa pagsasalita lalo na’t nasa screen na ng cellphone ko ang aking buong atensyon.
Klint: Iwanan mo na iyang nerd. Nasa cafeteria kami.
Ibinulsa ko iyon, binalingan si Cesar na namumutla na naman dahil sa kaba. Para na itong masusuka o ano dahil sa nararamdaman. Ang weird naman ng isang ’to.
“I need to go na eh. My friends are waiting for me. Kung may sasabihin ka sakin, nasa cafeteria lang ako. Bye!” Kinawayan ko siya, ngumiti ng matamis at tuluyan itong tinalikuran.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagpipigil ng tawa dahil sa reaksyon noong nerd pag-alis ko. He was so hilarious! Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa!
Pagdating ko sa cafeteria, naroon na nga silang lahat. Hannan smiled at me when our eyes met. Mukhang tapos na nga siya sa pagdadrama niya. Mabuti naman.
“Kumusta ang date niyo noong nerd?” Pang-aasar agad ni Yashin.
“Kadiri.” Komento ko, umupo sa tabi ni Hannan at kumuha ng fries. Nagkalat sa mesa ang iba’t ibang pagkain.
“Did he tried to kiss you?” Troy grins at me. “Imagine him kissing Red… Tapos iyong brace niya. And to think wala iyong karanasan baka makagat niya pa ang labi mo at kumalat ang laway sa baba mo.” Humagalpak siya ng tawa habang ako ay nandidiri na.
“Ew!” I almost panicked.
“Poor nerd…” Si Leeland, tawang tawa rin.
“Speaking of.” Ngumuso si Klint roon sa may pinto kaya napatingin narin kami. Nakita ko iyong nerd, taas noong naglalakad rito, nakakuyom na naman ang mga kamao at kagat kagat ang pang-ibabang labi. What is it this time?
“This is going to be fun.” I heard Troy murmuring.
Hinawi ko ang aking side-bangs, napangiti ng matamis at inaabangan ang paglapit nito.
Napalunok ito ng laway nang mapansin ang pagtitig namin sa kanya pero nagpatuloy siya sa paghakbang. Mukhang ibinuhos niya na ang lahat ng lakas niya para lamang umakto ng ganyan.
“R-Red!” He shouted, looking so proud with his thick glasses.
“Hmm? Cesar?” I called him in a softer voice.
Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong palihim na nagvivideo si Troy.
“P-Pwede…” Huminga siya ng malalim lalo na’t nakatingin na sa kanya ang lahat dahil sa pagsigaw niya sa aking pangalan kanina.
“Pwedeng?” Tanong ko, nabibitin sa kanyang pagsasalita. Just say it, tsk.
Pumikit siya ng mariin, mas ikinuyom ang mga kamao. “Pwede ba kitang ligawan?!”
Napasinghap ako, nagugulat parin sa kanyang confident na ipinapakita ngayon.
Maraming humiyaw na mga estudyante. Kahit si Klint ay napasipol na. Si Yashin naman ay nailing at natatawa. While Hannan, panay na naman ang titig roon sa nerd.
Tumayo ako, nilapitan ito na nagpalaglag ng kanyang panga. Pulang pula ang kanyang mukha at hindi maalis ang pagkakatitig sa akin.
Huminto ako sa kanyang harapan, kumurap-kurap siya. Matapang akong tiningnan sa mga mata.
“Cesar…” I held his both hands. Kung kanina ay dalawang pisngi lamang ang namumula, ngayon ay ang buo niya ng mukha. Para siyang kamatis.
“Sorry but I only see you as a friend.” Madamdamin kong sabi sa kanya na unti-unting ikinawala ng kulay ng kanyang mukha.
“Pasensya na ha. Hindi ko alam na nabibigyan mo na pala ng kahulugan ang pagiging malapit natin. Maybe I’ll just leave you alone. Ayoko namang paasahin ka. Mas mabuti sigurong dumistansya nalang ako sa’yo.” Malungkot kong sabi, penepeke ang emosyon sa mukha.
He swallowed hard. Napaawang ang bibig para sana magsalita pero nauwi iyon sa pagkatutop.
Binitiwan ko ang kanyang kamay at bumalik sa aking upuan. Nanatili siya ng ilang sigundo roon, nakatayo at naninigas dahil sa kahihiyan lalo na’t kinakantyaw na siya ng lahat. Everyone is laughing and teasing him. May nag boo-boo pa.
Mabilis siyang tumalikod at tumakbo paalis kaso sa katangahan ay nakalimutan niyang glass door iyong nasa harapan niya kaya nabangga siya roon. Nabasag ang kanyang suot na eyeglass sanhi para mas umingay sa loob ng cafeteria. Kahit ako, tawang tawa narin. Ang lamya!
Pinulot niya iyon at nagmamadaling lumabas. Napuno ng hiyawan ang loob. Kahit sina Leeland, Troy at Klint ay hindi na maawat sa kakatawa. Yashin just smiled aside from Hannan, naiiba na naman sa aming lahat.
“Why aren’t you laughing? That’s very funny! Tatanga tangang baduy na nerd!” I said laughing, hawak na ang tiyang sumasakit.
Mas naging seryoso ang mukha ni Hannan. “You humiliated him infront of everyone Red.” She said like it was a bigdeal.
“What’s the bigdeal Hannan? This is just for fun. At isa pa, siya ang sumugod dito. I didn’t ask for it.” Paliwanag ko, pinupunasan ang luhang namuo sa gilid ng mata dahil sa kakatawa.
“Oo nga naman Hannan! Ang bait pa nga ni Red at ginamit na naman ang famous line niyang “I only see you as a friend” sa nakakadramang paraan!“ Si Klint.
Natawa akong muli lalo na’t ginaya pa nito ang tono ng pananalita ko. Nailing si Hannan. Hindi na kumibo at sumubo nalang ng pagkain.
Dahil sa napagkasunduan ay nakuha ko nga ang credit cards ni Troy. I am going to spend it with them, chilling.
“Tara, cut tayo ng class!” Alok ko na ikinapayag agad ng tatlo. Aside from Yashin and Hannan.
“Pero may quiz pa tayo mamaya, Red.” Si Yashin, nababahiran na ng pag-aalala ang mukha.
“Who cares, Yash? Pwede namang bayaran nalang ang prof para ipasa tayo.”
Nasira ang kanyang mukha. Oo nga pala.
“Oo nga pala, scholar ka lang dito.” Sabi ko na ikinaiwas niya ng tingin sa akin. “Kung ayaw mong sumama kami nalang. Pag nagtanong ang prof kung nasan ako sabihin mo umuwi ako. I’ll pay you tomorrow.”
Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi na iyon mahitsura.
“Tayo na Yash. May practice pa ako.” Hinila siya ni Hannan patayo.
“See you tomorrow!” Sabi ko sa dalawa, kinawayan ito. Nang tuluyang makalabas ay sumimangot rin ako. “Mga kj talaga.”
“Seryoso si Yashin sa pag-aaral at seryoso naman si Hannan sa pagiging cheerleader. You can’t blame them, Red.” Si Klint.
“Pero kahit na. Mas masaya parin kung sasama sila. Masyado silang mga seryoso sa bagay-bagay.” Nailing ako.
Lumabas nga kaming apat. Nakabuntot naman sa akin ang dalawa kong bodyguards incase na baka may mangyaring masama sa akin. Hindi naman naexpose sa media na anak ako ni Dad kaya wala ring alam ang ibang tao na hindi nakakakilala sa akin maliban lang sa school.
“Hindi ba magsusumbong ang mga bodyguards mo, Red?” Tanong ni Leeland. Nasa driver’s seat ako ng kanyang sports car habang ang dalawa ay nasa likod.
Umiling ako. “Sesesantehin sila ni Dad pag nalaman nilang hinayaan nila akong gumala. Kaya pinayuhan ko nalang sila na h’wag akong isumbong dahil hindi rin naman ako magpapapigil sa pag-alis.”
Nailing si Leeland, inipit ang sigarilyo sa gitna ng labi at akma itong sisindihan nang inagaw ko iyon. Nagkasalubong ang kanyang kilay, tiningnan akong ngumingisi na at sinindihan iyon mismo. He smirked after that.
Sumama ako sa madalas nilang puntahan tuwing nagkacutting sila. Nakauniporme pa ako hindi katulad ng tatlo na hinubad lang ang mga polo at nakatshirt nalang.
“Woah…” I was so amazed when we went inside. May mga estudyante rin roon na naglalaro ng billiard. The place looks like a clubhouse. Nagkalat ang mga pasaway na estudyanteng lumiban sa klase para lang tumambay rito.
Nanuot sa aking ilong ang matamis na usok ng vape na binubuga noong isang estudyante lalo na’t airconditioned ang loob. Nakaupo ito sa sofa kasama ang mga kaibigan niya at may black label sa kanilang harapan.
“If you got bored then just tell us.” Si Klint, nasa aking tabi.
“Bored? This place looks cool, Klint! Hindi ako maboboring!” Manghang-mangha kong sabi.
Natawa ng marahan si Troy sa reaksyon ko. Hindi inaasahang magugustuhan ko ang ganitong lugar na bihira lamang ang mga babae.
They started to play billiard. Nasa gilid naman ako ni Leeland,seryosong pinapanood ang mga bolang tinitira nila para maishoot roon sa mga nagkalat na butas sa bawat gilid ng pool.
Magaling si Leeland. Siya itong nakakashoot palagi. Si Klint naman ay nakakshoot rin minsan hindi kagaya ni Troy na kanina pa nagmumura dahil hindi pa nakakashoot.
“Pahinging stick, Leeland.” Naasar na sabi ni Troy.
Kinuha ni Leeland ang isang paketeng sigarilyo sa kanyang bulsa at inihagis iyon kay Troy.
Kumuha siya ng isa roon. Lumapit naman agad ako at ako mismo ang nagsindi ng dulo ng kanyang sigarilyo lalo na’t hawak ko lang ang lighter ni Leeland.
“Ano bang feeling, Troy?” Tanong ko habang tinititigan siya sa paninigarilyo.
“Nakakakalma pag mainit ang ulo mo. Want to try it?” Inilahad niya sa akin iyong sigarilyo niya.
Iginala ko ang tingin. Mukhang nasa labas ang dalawa kong bodyguards.
Kinuha ko iyon kay Troy, walang pag-aalinlangan. He was smirking while watching me hold it like a lollipop.
“Paano ba ito?” Nakukuryuso kong tanong, sinusuri ng mabuti ang sigarilyong may black na nakayakap sa dulo.
“Para lang naman iyang enhale exhale. Hithitin mo ang usok tapos ibuga.”
“Ah, ganon lang pala.”
Hinawakan ko ang dulo at inipit iyon sa mga labi ko saka ko hinithit iyong usok na sinasabi ni Troy. Pero hindi ko palang ito nabubuga ay naubo na ako dahil sa hapdi ng naramdaman ko sa aking lalamunan. Pakiramdam ko lumabas rin ito sa aking ilong!
“Akin na nga yan.” Inagaw iyon ni Troy sa akin at natawa sa aking reaksyon.
“Teka! I’ll try it again.” Kinuha ko ulit sa kanya at inipit muli sa aking labi. Kaso katulad ng nangyari kanina ay naubo na naman ako.
Troy was laughing at me harshly. Seryoso kasi ang dalawa sa paglalaro kaya hindi na kami napansin rito.
“I suck at smoking.” Bumusangot ang mukha ko. Sa hindi kalayuan, may nakita akong imahe ng estudyanteng kakapasok lamang. Napakurap-kurap ako nang napagtanto kong ang pamilyar na lalakeng iyon ay isang Buenaventura.
Naglakad ito papalapit sa amin at huminto rin naman sa harap ni Troy. Nakabulsa ang dalawang kamay at nakakasindak ang hitsura. Dito ba siya madalas?
“I’m going to play.” Sabi niya kay Troy.
“Ah, sige.” Ibinigay ni Troy ang hawak niyang stick. Kinuha agad ng kanyang mga tattoo sa kanyang kamay ang aking buong atensyon.
Binalingan niya ako, inagaw sa akin ang sigarilyo. “You don’t even know how to do it properly. Sayang lang ang usok at di ka naman marunong.” Sabi niya at inipit iyon sa kanyang labi. Madilim ang ekspresyon nito at matalim ang mga mata. He has this dark awra that can scare you. Marunong ba itong ngumiti?
Umalis ito sa aming harapan. Nagtungo na roon kina Klint at Leeland. Nagkatinginan naman kami ni Troy, kapwa nagugulat at nasindak sa Buenaventura na kumausap sa amin kanina. Feeling ko pag nagsasalita siya nagiging itim yung paligid. Scary!
“Aatakihin ata ako sa puso dahil sa lalakeng iyon.” Madramang hinawakan ni Troy ang kanyang dibdib.
Natawa ako. “Ako nga rin eh. He’s so intimidating.”
“Buti nalang talaga at hindi si Dos ang naisipan ni Leeland na isali sa dare kundi paglalamayan ka talaga, Red.” Bulong sa akin ni Troy.
I don’t think so. Oo nakakatakot siya pero marunong naman siyang lumandi ng babae. He’s a womanizer too, just like his brother Uno. Iyon nga lang mabait lang talaga ang lalakeng iyon kumpara sa kanya na parang dinadaan sa dahas ang lahat.
Para sa akin, mas mahirap parin landiin si Tres. Wala kasi itong interes sa mga babae at walang pakialam sa nakapaligid niya. Siya iyong tipo ng lalakeng kaya maging mabait pero mas pinipiling magsuplado dahil sa katamaran. Parang hinalo ang ugali ng dalawa niyang kapatid at siya ang naging resulta.
I watched that Buenaventura play with my friends. Napapailing na si Leeland sa bawat bolang natatamaan noong si Dos at walang palya sa pagshoshoot. Balita ko, palagi lang itong nagka cut ng klase. Dito rin ba siya madalas pumunta?
“Palagi nalang talaga tayong natatalo ng Buenaventurang iyon.” Nailing si Klint, bumubuga narin ng usok ng sigarilyo pagkatapos nilang maglaro.
Nilingon ko si Dos. Naroon na siya sa couch, nakikipag-inuman na sa iba. Siguro ay kilala siya rito. O baka naman hindi lang talaga pumalapag ang mga lalake sa tuwing nakikisawsaw siya. Madalas nga ata ito rito.
“Kaya nga ayokong makipaglaro sa kanya dahil baka pag natalo ko siya ay isaksak niya sa akin iyong stick.” Sabi ni Troy na ikinangiwi ng dalawa
“Eh hindi ka rin naman marunong.” Si Leeland.
Kinuha ko iyong inilapag na stick ni Klint sa pool. “Turuan niyo ako.”
Tumaas ang kilay ni Leeland. “You sure?”
Tumango ako. “Para naman pag nandito ako ay hindi lang puro panonood ang magawa ko. I want to play too.”
Pumusisyon si Leeland sa aking likod. Para niya akong niyayakap roon. Hawak niya ang aking kamay sa paggiya ng hawak kong stick.
“Concentrate. Just aim the ball and hit it.” Sabi niya, halos ibulong iyon sa aking tenga. Naamoy ko pa ang mint ng sigarilyong hinithit niya kanina.
Nahihirapan akong gamitin iyong stick. Bukod pa sa hindi naman kahabaan itong braso ko kumpara sa mga lalake, hindi rin ako magaling humawak noon.
Nalilibang ako sa tuwing kasama ko ang mga lalake. Sila kasi iyong walang drama at puro pagsasaya lang ata ang iniisip.
Lumiban kaming muli sa klase kinabukasan. Doon na naman kami pumunta. Pero mabilis lang naman kami roon at babalik agad sa eskwelahan lalo na’t may long quiz sa huling quiz.
“Run faster, Red!” Hiyaw sa akin ni Klint pagkapasok namin ng gate. Malapit ng magsimula ang huling subject. Kumpara naman sa mahahaba niyang biyas, nahuhuli ako sa pagtakbo at hindi man lang ito mapantayan.
“Wait!” Hinihingal kong sigaw. Halos habulin ang sarili kong hininga.
Sa pagmamadali kong makarating agad, hindi ko na napansin iyong estudyanteng nasa aking harapan at nabangga ito.
Sa sobrang lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig. Napasigaw nalang ako dahil sa sobrang sakit ng pagkakatama ng aking pwet roon.
“Oopse! Sorry! My fault.” Natatawa kong sabi, tiningala ang lalakeng huminto na sa aking harapan, nakapamulsa at wala man lang reaksyon sa pagkakabangga sa akin. It was my fault anyway.
Tuluyang naglaho ang aking ngiti nang mapagtanto ko kung sino ang lalakeng iyon. Tres was standing infront of me while staring coldly. He didn’t even bother offering his hand to help me.
Oh shit.
“U-Uh… I need a help.” Sabi ko, lalo na’t masakit ang pagsalampak ko at kailangan ang kamay niya para hilain ako patayo.
He just stared at me blankly. Wala man lang planong ilahad sa akin ang isa niyang kamay na nakabulsa. H’wag kanang umasa Red! You know how heartless that man is!
Inamoy niya ang kanyang polo saka nagkasalubong ang kilay na binalingan akong muli.
“Amoy sigarilyo.” Tumaas ang kanyang kilay. May pagkadisgusto ang mga mukha dahil nahawaan ko pa ito.
Nanlaki ang aking mga mata at inamoy ang sarili. Hindi naman ako sumubok ulit kanina pero dahil nga napapaligiran ako ng mga taong nanonigarilyo ay baka dumikit na iyon sa aking blusa.
“B-Baka dumikit lang sa a-akin iyong usok–Hey!” Napasimangot na ako nang nilagpasan niya na ako. Hindi man lang ako tinulungang makatayo!
I heard him tsked. “Kababaeng tao naninigarilyo.”
Chapter 3
Game of Love
Fool
“What happened to her?” tanong ko pagkapasok ng classroom kinaumagahan. May umiiyak na kaklase ko sa kanyang armchair.
Inilapag ko ang aking mga gamit habang tinatapunan ng tingin iyong babaeng kahit ang mga eyeballs niya ata ay naiiyak niya na palabas. Namatayan ba iyan?
“Si Tres ang salarin.” Sagot ni Yashin na ikinabura agad ng haka haka sa aking isipan. Si Tres? Ah, brokenhearted panigurado.
Naging interesado agad ang buo kong atensyon. To think na nakabangga ko pa ito noong nakaraang araw at hindi man lang ako tinulungan! Siguro kung crush ko ito ay matutulad ako sa babaeng iyan, hindi lang ata ang mga mata ko ang maiiyak ko palabas kundi pati narin ang mga lamangloob ko.
Umupo ako, tiningnan sa unahan ang armchair ni Klint na bakante pa. He’s not yet here.
“Anong ginawa ni Tres?” I’m curious, alright! Kasi naman, kahit alam kong wala talaga iyong puso, gusto ko paring marinig iyong pinaggagawa niya. Maybe, maiwasan ko iyong pinaggagawa ng ibang babae sa kanya na hindi na gumana.
Binalingan muna ito ni Yashin saka bumulong sa akin. “Nagconfess siya na mahal niya ito…”
Nalaglag ang aking panga. Mahal? Ang bilis naman ata. Posible mo bang magustuhan ang isang lalakeng hindi naman kamahal-mahal ang ugali? Bakit niya ito minahal eh wala nga silang pinagsamahan. Why did she fell inlove with that heartless man? Dahil ba gwapo ito? Sapat na ba ang dahilang iyon para mahalin mo ang isang lalakeng wala namang pakialam sa’yo?
She’s a transferee student. Kaya rin siguro malakas ang loob niyang magconfess dahil hindi niya nasaksihan ang ugali ni Tres rito. Hindi ata ito naniniwala sa mga sabi-sabi. O baka naman alam niya at malakas lang talaga ang loob niya.
“At alam mo ba ang sabi ni Tres kaya umiiyak iyan na parang namatayan ngayon?” She paused for a moment just to glimpsed at her. “He’s not her type.”
Was that enough to hurt you so bad? Sapat na ba iyon para iyakan ang ganoong klaseng lalake? I mean parang ang babaw naman ata. Yes it hurts. Pero kailangan ba talagang magsayang ng luha?
I admit, I’ve never been inlove. At bata pa naman ako kaya puro laro lang muna itong ginagawa ko. I am having fun because it is not the right time to take things seriously. Anong alam ko sa pagmamahal sa edad na 15? I am just exploring discovering new things. Kaya rin siguro lumalayo ako sa mga love love na iyan dahil wala naman iyang naidudulot sa mga babae kundi sakit lang sa puso. Base on what I see in movies…
Naging usap-usapan sandali sa campus ang pagbasted ko raw doon sa nerd. Sanay na ako sa mga ganoong issue dahil alam rin naman talaga ng lahat na stick ako sa pag-aaral ko. Well…
Kung gaano kabilis ang araw na lumilipas, ganoon rin kabilis nahuhulog ang mga lalakeng pinag-uutos nila sa aking pabigayin ko raw. It is not easy to tame someone you don’t exactly know. Bukod kay Tres, may maldito rin pala silang isinali. Akala ko kasi dalawang tao lamang ang may ganoong ugali rito. Iyong si Dos at si Tres.
Pero iyong pagiging maldito niya ay tumiklop rin naman sa akin. He was treating me nicely. I don’t know how I do it, sadyang naaakit lang talaga sila.
“You dumped 3guys in just a week. Wow, you’re a legend for being a heartbreaker.” Kunwari ay naiiyak si Troy habang pinapalakpakan ako. Madrama niya iyong ginagawa rito sa tambayan nila. We cut our classes again.
Tumawa ako. “Bilib ka naman masyado.”
Paano ba naman, iyong isa na napabaliw ko sa akin ay pumunta talaga sa classroom at ipinangalandakan ang pagmamahal niya sa akin. Doon ko rin siya binasted. Sa harap ng marami kong kaklase.
Iyong isa naman ay sa gymnasium. Umakyat lang naman ito sa stage at inagaw ang mic roon sa nagsasalitang student council para lang magtapat sa akin sa harapan ng lahat. At katulad ng ginagawa ko, binasted ko rin ito sa maraming tao.
“Isang lalake nalang ang paaamuhin mo at mapupunta kana sa lalakeng katapat mo.” Si Klint, ngumingisi na.
Ngumuso ako. Bakit ba iniisip nilang katapat ko ang lalakeng iyon? Have you forgotten what happened between you and Tres, Red? You have no effect on him! Ni hindi ka man lang nagawang tulungan and worst ay mukhang nagalit pa ito sa akin dahil nadikitan ko siya ng amoy ng sigarilyo. Ang arte naman ata ng lalakeng iyon!
Hindi ko na sinabi iyon sa kanila dahil ayoko ring asarin nila at pagtawanan. I’m pretty sure magdidiwang talaga sila pag nalaman nila iyon.
Kinuha ko ang stick ni Troye at pumwesto sa harap ng pool. Yumuko ako ng kaonti at seryosong tiningnan ang bolang gusto kong ishoot. Tinira ko iyon. Bumangga ito sa iba pang mga bola hanggang sa nashoot iyong isa.
Leeland whistled while Klint and Troye were clapping.
“Para akong isang parents na proud sa pinalaki kong anak at may mga achievements nang ganito.” Si Troye.
Binatukan siya ni Klint. “Anong klase kang magulang kung tuturuan mo ang anak mo sa mga ganitong klaseng bagay?”
Pumwesto si Leeland sa tabi ko habang nagtatalo ang dalawa. I laughed a bit. Para rin talagang mga bata ang dalawang iyan.
“Are you excited to pin down that Buenaventura, Red?” tanong ni Leeland, makikita ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Like he was so sure with something…
“Oo naman! So prepare yourself Leeland. I am starting to like your sports car. Baka iyon ang hilingin ko sa’yo pag natalo kita.” Mayabang kong sabi na ikinatawa niya.
“You’re the one who needs to prepare, Red…” Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nakakapit sa gilid ng pool. Napakurap ako roon at bumaba ang tingin. Hinaplos haplos niya iyon habang ngumingisi siya sa akin at tumataas ang kilay.
Pasimple ko iyong binawi at tumawa. “I’m always prepared. No need to remind me.”
Hindi naman purket wala akong karanasan sa mga bagay bagay ay ignorante na ako sa mga ganito. Sa pagiging heartbreaker ko, nababasa ko na ang iilang gestures ng mga lalake. Nahuhulaan ko kung anong kahulugan ng mga kilos nila. Pero ewan ko ba, I am not falling.
It was a hot afternoon. Naka PE kami at panay ang takbo rito sa gymnasium. I was sweating real big time!
Kaya imbes na manatili roon at makisali, palihim akong tumakas para pumunta sa shower room. I’m going to take a bath! Hindi ako makakatiis sa ganito!
Magkatabi ang locker room ng babae at lalake. Hindi palang ako tuluyang nakakapasok sa locker namin ay may nakita na akong babae sa locker room. Out of curiousity ay doon na pala ako dinala ng dalawa kong mga paa. Patago akong pumasok.
Gaga ka rin talaga Red! Paano kung may ginagawa pala talaga iyang kababalaghan edi nakasaksi ka ng live porn! Ew! I can’t imagine someone pumping his thing in and out inside her! Ang sagwa naman!
Nilalamon ako ng pag-iisip ko kung hindi ko lang narinig ang malambing na boses ng babae.
“T-Tres… please…” Napakurap ako roon. Si Tres na naman? Tsk tsk. Kawawa naman ito. Wala na ba siyang magawang matino sa kanyang buhay kaya pinaglalaanan niya ng oras ang walang pusong lalakeng iyan? Kahit alam ko na ang kahihinatnan niya, hindi ko parin magawang umalis.
“I’ll d-do anything… P-Please… Let’s just try… B-Bigyan mo naman ako ng chance oh.” She’s teary-eyed while pleading oh my gosh! May luha na namang masasayang! Araw araw atang pinapabaha ng luha ni Tres rito sa campus! Lahat ata ng babae rito ay kaya niyang paiyakin kahit wala siyang gawin.
“Sabihin mo nga sakin anong nagustuhan mo?” The coldhearted man asked in a baritone voice.
Hindi ko makita ang imahe ni Tres dahil nga sa kakatago ko rito sa gilid. Ang tanging malinaw lamang sa akin ay iyong babae.
“N-Noon palang. N-Noong first day of school gusto na kita! Unang araw pa lang minahal na kita…”
Pakiramdam ko ay ako ang nahihiya para sa kanya at namamangha rin sa pagiging confident niya. Poor girl… Bakit sa lahat ng lalake na may kaaya ayang ugali ay kay Tres pa siya nagkagusto? I mean he’s not that likable since he’s masungit and all. Mas attractive pa rin ang mga mababait.
He tsked. “We’re not even close. Ano yan? Love at first sight?”
“Basta alam ko… g-gusto kita…” Sabi nito sa nanginginig na mga labi.
“Hindi kita gusto.” Deritsahang pagbibitiw ng salita ni Tres. Walang labis, walang kulang. Sakto lang para bumuhos ang sandamakmak na luha ng babae. Para takpan ang boses nito at hindi tumakas ang kanyang pag-iyak.
“Now leave. Di mo man lang binigyan ng kahihiyan ang sarili mo at pumasok ka pa talaga sa locker room ng mga lalake.” Walang puso nitong sabi. Ouch, natamaan ako doon ha! Eh nacurious ako bakit ba!
Dismayadong dismayado ang babae nang tumakbo ito palabas. Mabilis pa akong nagtago sa sulok at natamaan iyong mga nakalagay na equipments roon kaso mukhang wala itong pakialam sa presensya ko at nagtatakbo na palabas.
Sa sobrang pagpapanic kong makatago ay nagsilabasan ang iilang equipments. Mga barbell iyon na ginagamit ata ng mga lalake rito para magwork-out.
Handa narin akong umalis kung hindi lang talaga may pumulot ng barbell sa aking harapan. Sinundan ko ang braso nito, mula roon ay unti-unti kong inakyat ang aking tingin sa kanyang mukha. Tumayo siya ng tuwid at tiningnan ako sa nakataas niyang kilay. Nanlalaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang kanyang ayos. His hair was dripping wet without any clothes on! Towel lamang ang nakayakap sa kanyang beywang. Oh my g-gosh!
“Naninilip ka ba?” tanong niya na ikinaawang ng aking labi. Jusko Red huwag na huwag mong ibababa ang iyong tingin sa kanyang tiyan kung ayaw mong mahimatay sa kanyang kakisigan!
Suminghap ako, hindi magawang makapagsalita. Natutop ang aking bibig. Mabilis akong tumayo. Sa sobrang sikip rito sa sulok ay nahirapan pa akong umalis. Itinulak ko siya paalis sa aking harapan. Nakaya kong hawakan ang basa niyang tiyan oh my gosh oh my gosh ang kamay ko! Nagkakasala na ang malambot kong kamay oh my gosh!
Bago paman ako makaalis ay nahawakan niya na ng mahigpit ang aking pulso. Walang kahirap-hirap niya akong hinila pabalik at isinandal sa locker. Nanlalaki ang aking mga mata nang bumalandra sa akin ang mukha niya. Misteryoso ang matalim at inaantok na mga mata at nakatingin sa akin ng deritsahan.
“T-Tabi nga! Aalis na ako.” I tried to escape pero halos mapatalon ako nang marahas niyang itinukod ang isa niyang kamay sa aking gilid sanhi para gumawa iyon ng kalabog. Ngayon ay nakaharang na ang kanyang kamay at lumelebel sa aking leeg.
“What are you doing here?” tanong niya, hindi nagbabago ang ekspresyon
Mabilis kong pinagana ang aking utak para gawing alibi. Hindi naman pwedeng sabihin kong nacurious ako roon sa babae at baka ano ang isipin nito sa akin!
“N-Naligaw ako okay? Papunta sana ako sa locker room ng mga babae kaso di ko namalayang dito pala ako nakapasok.” Paliwanag ko, hindi maipirmi ang mata sa kanyang mukha at bumababa talaga iyon doon sa bumabakat. Tatakasan ata ako ng katinuan sa imahe niya.
Tumaas lalo ang kilay. Halatang hindi kumbinsido ang kanyang nukha.
“Sa tinagal-tagal ng pag-aaral mo rito ngayon ka pa naligaw. What an excuse. Just admit it. You’re here to confess your feelings. Am I right?
Nalaglag ang aking panga. Aba’t hindi lang pala ito suplado, walangpuso, walanghiya, walang modo, lahat ng wala, assuming rin pala!
Natawa ako. Sa harapan niya ay humagalpak ako ng tawa. Umigting ang kanyang panga roon.
“Mataas ang standards ko no. Di kita type. Wala kang epekto sa akin.” Mataman kong sabi sa lalakeng wala man lang ekspresyon ang mukha. Katulad ng mga lalakeng binabasted ko na makikitaan mo ng sakit sa ekspresyon, siya itong parang hindi interesado kung gusto mo siya o hindi. Ang mahalaga sa kanya ay ang nararamdaman niya.
“Really?” It was like a sarcasm. Lalo na’t tumaas pa ang kanyang kilay.
“Oo naman!” Pagmamalaki ko. Bumaba ang tingin sa nakatapis na tuwalya at walang ano-anoy hinila iyon.
Ay shit ba’t mo iyon ginawa Red?! Anong klaseng kadiliman na ba ang sumanib sa kamay mo at mukhang gusto mo ng mapunta sa impyerno?!
“See?” Itinaas ko iyon, ipinakita sa kanya sa kabila ng pagwawala ko sa aking loob at dinadasalan ang sarili na huwag ibaba ang tingin.
Isinabit ko iyon sa kanyang balikat. Don’t you dare look down, Red!
“You’re heartless. Why would I even like someone like you?” Walang preno kong sabi.
Walang nakitaang kahit ano sa kanyang mukha. Tsk. Wala talaga eh. Matigas ang lalakeng ito.
Lakas loob kong hinawi ang kanyang braso at umalis sa kanyang harapan. Mahinahon ang aking paglalakad.
“Ka babaeng tao manyakis.” Narinig kong sabi nito na ikinalunok ko ng laway at mabilis nang kumaripas ng takbo palabas. Feeling ko kasi baka hilain niya ulit ako at madidikit ako sa walang tuwalya niyang katawan!
Kailangan ko atang pumunta sa simbahan at manghingi ng holywater. Kailangan kong patakan ang aking dalawang mata at hugasan ang aking kamay. At ano raw? Manyakis ako? Eh gusto ko lang naman patunayan sa kanya na wala siyang epekto!
“Kanina ka pa nangingisay. Klint si Red sinasapian ata!” Sigaw ni Yashin nang mapansin akong nangingisay sa aking upuan. Paano ba naman, minumulto ako ng perpektong hubog ng katawan ni Tres! Hindi tinatantanan ang aking utak!
“Nakapag-almusal ka ba Red?” Tanong ni Klint, nasa harapan ko na habang pabaliktad ang pagkakaupo sa upuan.
“Oo naman. May naalala lang ako.” Namula ang aking pisngi. Kadiri naman! Polluted na ang aking utak! Ang walang pusong nilalang na iyon ay pinasukan na ng karumihan ang aking loob!
“Are you inlove?” Tanong ni Klint.
Napakurap si Yashin. Nagkatinginan silang dalawa at umiling. “Imposible.” Sabay nilang sabi.
“Tigilan niyo nga akong dalawa.” Iniub-ob ko ang aking mukha sa aking desk.
“Magsimba kana Red dahil mukhang naengkanto kana.” Payo sa akin ni Yashin.
Ano ba kasing meron sa katawan ng Tres na iyon at nagkakaganito ako? Oh my gosh Red don’t tell me naattract ka?! That’s impossible!
Bumagabag iyon ng husto sa akin buong araw. Nakalimutan ko nang nilalandi ko pala iyong lalakeng ikaapat sa listahan. Kung hindi lang ito humarang sa aking harapan habang palabas ako ng gate ay hindi ko ito maaalala.
“Red.” Tawag niya sa akin. Napakurap ako.
“Jed.” Ngumiti ako ng matamis. Binalewala ang katawan ni Tres na hindi na umaalis sa aking isipan.
Wala na masyadong tao ay uwian na. May iilan lamang na lumalabas ng gate pero hindi na gaanong marami. Nabibilang mo lang iyon.
Luminga-linga ako. Wala pa ata ang sundo ko roon sa parking lot.
“Red.” Tawag niyang muli. Unti-unting ibinaba sa lupa ang isang tuhod hanggang sa sumunod ang isa. Sa sobra kong pagkagulat ay napaatras ako, hindi iyon inaasahan.
Hinila niya ang aking pulso kaya hindi ko na nagawang lumayo sa kanya ng ilang metro. Tinitingala niya ako habang kumikinang ang pares ng mga mata. He was known for being a badboy. Paanong?
“Can I court you?” Walang paligoy-ligoy niyang tanong sa akin. “I know we’re just starting to get along together… But you see, I want something deep. I want something Red. More than friendship.” Puno ng sinseredad niyang sabi.
Hindi ko man lang maibigay sa kanya ang buong atensyon ko at nagagawa ko pang tingnan ang ibang estudyanteng nalalaglag ang panga at may iba pang kinukunan kami ng picture.
“Alam ko namang marami kanang binabasted. But Red, I’m here in my knees begging for a chance. Just let me prove myself to you.”
Kumislap lalo ang kanyang mga mata. Puno iyon ng pag-asa pero nang unti-unti kong binawi ang aking kamay ay mabilis ring nawala ang kislap. His face started to look pale.
“I’m sorry Jed but I only see you as a friend. Hindi pa ako handa sa mga ganitong bagay e. And we’re still young–“No, no. Let’s just try, Red. You’ll realize it eventually–No Jed. Hindi ko na iyon marerealize dahil ngayon palang alam ko na. I’m sorry.”
Alright! I’m done! Iyon ang isinisigaw ko ang aking isipan habang naglalakad sa parking lot. Ni hindi ko ito nagawang lingunin. Makakamove-on rin iyon eh gwapo naman siya.
I can’t wait to claim my prize! Kinuha ko agad ang aking cellphone sa aking bulsa at handa nang itext si Klint nang may biglang magsalita sa aking likuran na halos magpatalon sa akin.
“Look who’s talking about being heartless.”
Natigilan ako sa aking kinatatayuan. Hindi na ako makahakbang pa dahil sa malamig na boses na boses ni Tres sa aking likuran.
Ilang sigundo lang ay nasa tabi ko na siya, nakabulsa ang dalawang kamay at nilalagpasan ako.
“You’re right. Who would even like someone as heartless as you?” Nilingon niya ako gamit ang madilim niyang mga mata. “They’re fool for liking you.”
Chapter 4
Game of Love.
Quit
Para akong kiti-kiting hindi mapakali sa aking kama. Gaga ka, Red! Bakit ka naman kasi nagpadalos dalos sa pagbibitiw ng salita?! Nakalimutan mo na bang nasa listahan mo siya?! Nakita mo lang iyong katawan niya nawala kana sa isip mo!
Dapat nga inakit mo iyon e! Dapat sinabi mong matagal kanang may lihim na pagtingin sa kanya at tinatago mo lang dahil nga wala siyang interes sa babae! Gaga ka talaga!
Oh damn, this is a disaster. Baka mas mahirapan akong paamuhin iyon. Oh my gosh I don’t want to lose our house! Dad will surely get mad pag nalaman niya itong mga kalokohan ko! Oh no mahihimatay ata ako!
Nang gabing iyon ay nagbrainstorming ako sa mga ways na pwede kong gawin maakit lamang siya. Nagawa ko pang magresearch. Ang landi ko naman, masyado akong nag-eeffort sa ganito. Tsk.
But come to think of it, Red! Hindi ka naman masasaktan sa pananaboy ni Tres sa’yo kung sakali dahil wala ka namang nararamdaman para sa kanya. Oo nga naman! I think chasing someone as heartless as Tres is quite fun! I’m going to make him think na deds na deds na ako sa kanya. Ipapakita ko sa kanya na nababaliw na ako sa pagmamahal na nararamdaman ko. Baka bumigay iyon! Kahit 0% ang tsansang may puso iyon, may pag-asa parin! Zero is a number too! Kasunod noon ang one kaya may katiting paring pag-asa!
“Blooming natin ngayon ah. Hindi naman ikaw ang nasaktan pero ba’t paganda ka nang paganda?” Bola sa akin ni Klint pagkapasok ko ng room. Nagawa pa akong akbayan na hinayaan ko lang dahil sanay naman ako sa mga ganoong paandar niya.
Nakatunganga naman si Yashin sa kanyang notebook. Mukhang sinasagutan ang assignment ni Klint na nakalimutan ring gawin.
Tumawa ako. “Natural sa akin ang pagiging maganda Klint. At natural rin na lumalala ito araw-araw.” Hinawi ko ang aking side bangs, ngumiti ng matamis.
“That’s our girl.” Kinurot-kurot ni Klint ang aking pisngi na ikinanguso ko.
“Stop it na nga!” Natatawa ko siyang itinulak paalis.
Tumabi ako kay Yashin at inilabas ang aking notebook. Inilapag ko iyon sa kanyang tabi.
“Yash pasuyo rin ako. Nakalimutan ko ring sagutan eh.” Ngumuso ako.
“Sure!” Ngumiti sa akin si Yash, hindi na nag-abalang tingnan ako dahil masyadong tutok sa pagsagot.
“Thanks! Libre kita later ng lunch.”
Hindi maawat sa kakatawa ang mga lalake noong nasa cafeteria na kami. As expected, kumalat nga sa buong campus iyong litrato naming dalawa ni Jed. Nakaluhod ito sa aking harapan at hinahawakan ang aking pulso hanggang sa unti-unti ko iyong binawi sa kanya. Lahat ng pictures ay detalyado lalo na noong nagwalk-out ako.
“Ang dakilang heartbreaker,” sabi ni Klint, itinapat sa aking bibig ang fries kaya natatawa ko iyong kinain.
“Oh! Si Tres na ang sunod!” Napapapalakpak na si Yashin, kinukuha lahat ng atensyon.
“Bawal magback-out, Red ha! Susuotin mo ang isang buwang walang laba na brief ni Leeland pag umatras ka! Parusa yan!” sabi ni Troye na nagpangiwi sa akin.
“Ew! Kadiri ka, Troye!” Pumulot ako ng isang fries at itinapon sa kanya kaso nashoot rin iyon sa kanyang bibig dahil sa pagnganga niya ng malaki.
“You need to stop playing with someone’s feelings guys.” Biglang react ni Hannan na ikinatigil namin. Nasa akin na ang kanyang tingin, ang mga mata niyang may pinupunto sa akin. “It’s no fun.”
I chuckled. “Ang seryoso mo naman Hannan. May gusto ka pa kay Tres no?” I pointed her, inaasar ito.
Nailing siya, uminom ng ice tea. Walang nagsalita at nasa kanya lamang ang tingin hanggang inilapag niyang muli ang baso.
“Hindi naman ito tungkol sa feelings ko. Tungkol ito sa feelings ng iba na pinaglalaruan mo.” Deklara niya na ipinagsalubong ng aking kilay hanggang sa humagalpak ako ng tawa. Ngayon pa ba siya magrereklamo eh halos matapos na ako sa pakikipaglaro?
“Oh please Hannan! Kaya nga dare diba. Kaya nga tinawag na laro dahil naglalaro lang naman tayo. What’s the bigdeal ba?” I sipped my frappe while eyeing her. Gosh, she’s unbelievable! Ang kj talaga eh.
“Kaya okay lang sa’yong paglaruan ang damdamin ng iba dahil laro lang naman iyon sa’yo? But what about them Red? They’re serious about courting you.” She said almost a hissed, namumula narin ang pisngi sa kakapaliwanag.
Gusto kong humagalpak ng tawa pero tanging ngisi nalang ang nakayanan.
“Di ko na ata iyon problema. Come on, Hannan. You know me.”
Nailing siya, tumayo. “Grow up, Red.” Pagkatapos noon ay umalis siya sa aming harapan.
Ngumuso ako. Hindi talaga mapunto ang galit niya. At isa pa, kasali naman siya sa dare ah?! She even scribbled their names! Tapos kung makareact ito akala mo ay pinaglalaruan rin siya.
“What’s her problem ba?” Nakangiwi kong tanong na ipinagkibit-balikat lang ng mga lalake. Pagdating kasi sa ganyang sagutan, tikom ang kanilang bibig. Di sila nakikisali dahil iba rin ang takbo ng utak ng mga babae.
“Ikaw Yashin.” Binalingan ni Klint ang isa naming kaibigan na tahimik lang. Kumurap kurap ito.
“Naooffend ka ba sa larong ’to?” Tanong nito.
Mabilis na umiling si Yashin. “Hindi ah! Ang cool nga ni Red, eh!”
“She’s sport. Unlike Hannan. Hindi kaya ay may period ang babaeng iyon?” Nagtatakang tanong ni Troy.
“She’ll get over it again. Hintayin nalang nating humupa iyang pagdadrama niya,” sabi ko.
Grow up, Red. Tsk. Hindi purket matanda siya sa akin ng isang taon ay immature na ako sa paningin niya. Masama bang magsaya? Kaya nga tinawag na just for fun dahil wala naman talagang balak seryosohin. But why is she like that all of a sudden? Siguro ay aburido na ang kanyang utak sa mga bagay bagay at idagdag pa ang pagiging cheerleader niya. To think na matalino rin ito at nangunguna sa kanilang klase.
Hindi ko binigdeal ang sagutan namin ni Hannan. She’s my friend afterall kaya hahayaan ko nalang kaysa patulan. At hindi naman ako affected sa pinagsasabi niya.
“Grabe no? Wala talaga siyang interes sa mga babae.” Narinig ko ang dalawang babaeng nakasalubong ko sa corridor. They’re talking about someone familiar to me.
Binagalan ko ang aking paglalakad at mas nilakihan ang mga tenga. I need to get infos! Ano na naman kayang ginawa ng walang pusong nilalang na iyon?
“Oo nga eh. Biruin mo ang ganda ni Keisha pero nagawa niyang hindi tanggapin iyong binigay nitong loveletter. And worst pinabasa niya ito sa harapan niya dahil lang natatamad siyang buksan ito. Grabe naman! Bilib ako sa confidence ni Keisha!”
“Pero katulad ng mga babaeng tinaboy niya, isa lang doon si Keisha. Ang swerte naman ng magugustuhan ni Tres!”
Keisha? Iyong maganda sa kabilang section? Patay na patay rin iyon kay Tres?! Sayang naman ang maganda niyang mga mata kung mapapaiyak rin siya noong lalakeng iyon! Napakaheartless.
Sa hindi kalayuan, nakita ko ang kanyang kapatid na si Uno at pinapalibutan ng mga babaeng Senior lalo na’t Grade 11 din ito. Nakikipagtawanan siya sa mga ito habang may inaakbayan siyang magandang babae. Familiar ako sa babae dahil modelo iyan at sikat rito.
Kung gaano kaheartless si Tres sa mga babae, itong si Uno naman ay nasobrahan ata kalaki ang puso at akala niya ay kasya lahat ng babae roon!
“Uno.” I called him. Huminto sila sa aking harapan. Ngumisi siya sa akin. Tsk. Womanizer.
“Hey babygirl…” He said in his most sexiest way while smiling at me. Wow, he’s really charming! Iyong parang bumaba lahat ng bituin sa langit at napunta sa kanyang gilid kaya ganoon nalang siya kaliwanag. Nakakasilaw naman ang lalakeng ito.
“Babe…” Tawag noong babae na inaakbayan niya. Hinihila niya na ang polo nito. Ay ano ba iyan parang tuko kung makakapit.
“May kailangan ka ba?” Tanong ni Uno sa akin nang mapansin na naiinip na iyong babae.
“Uh, about your brother…”
“Hmm, you mean Dos? Isa ka ba sa nilandi ng lalakeng iyon? Can’t get over him that’s why you want my help-“No it’s Tres.” Putol ko agad sa kanya na ikinaawang ng bibig niya. Binasa niya ang pang-ibabang labi at suminghap.
“Oh!” Medyo gulat ang kanyang mukha.
Tumango ako. “Uh, pwede mahingi ang number niya? Ang suplado kasi ng kapatid mo eh.” Sabi ko.
I am not sure if he’s going to give it or not. Pero mabait naman si Uno. Maybe just in case.
“Ikaw si Red diba?” Naiiritang tanong noong isa sa mga babaeng kasama niya, nakahalukipkip habang ang iba’y tinataasan ako ng kilay.
Tumango ako. Mga ahead sila ng dalawang taon sa akin at ka batch ni Uno kaya wala ako gaanong kilala. Nakakapagtaka at kilala nila ako.
“Red? That girl who dumped Jed?” Pagtatama naman noong isa.
“Marami siyang binasted eh. Ang ganda mo naman ata hija.” Nakakaloko siyang ngumisi. Mas matangkad ito sa akin, may malaking dibdib.
“Easy there, girls. H’wag niyong awayin ang bata.” Humalakhak si Uno. Purket 15 ako!
“You like Tres?” Tanong noong inaakbayan ni Uno. Tumango ako, walang pag-aalinlangan.
“Really huh? O baka naman nachachallenge ka lang dahil wala iyong pakialam sa babae. Sa dami daming gustong manligaw sa’yo ay si Tres pa talaga ang gusto mo.” Iyong may malaking boobs.
Kung alam niyo lang! Magiging homeless ako kaya shut up kayong lahat. And what’s the bigdeal ba? The heck.
“Can I have his number, Uno?” Inilahad ko sa kanya ang aking cellphone, binabalewala ang pinagsasabi ng mga alipores niya. Desperadang tingnan pero dapat iyon talaga ang makita ni Tres sa akin para naman masabi niyang may gusto ako sa kanya. And when he fell then boom! Red win again!
“I can’t I’m sorry. That’s my brothers privacy. Just ask him for his number.” He patted my head at iniwan rin ako rito.
Wow. Ang bait naman. Kumpara doon kay Dos na Grade 10! Kung gaano kadilim ang nakikita ko sa kanya ganoon naman kaliwanag kay Uno.
Hindi rin naman pwedeng kay Dos ako manghingi diba? And speaking of Dos that Grade 10! Namataan ko ito sa di kalayuan. Kaso may hinihilang babae ano ba yan. Mga womanizer talaga.
I suddenly remembered Hannan. Magkaklase silang dalawa! Baka naman pwede ko siyang puntahan sa classroom nila para narin masilip si Tres. She knew about the dare. Baka sakaling matulungan ako noon.
Mabilis kong tinahak ang hagdan patungo sa kanyang classroom. Habol habol ko ang aking hininga nang tuluyang makarating roon.
Iginala ko ang tingin sa loob. Sobrang tahimik noon at wala man lang estudyante maliban sa isa. May napansin akong isang lalakeng nakapatong ang magkabilang hita sa desk habang nakasandal sa kanyang upuan at may takip na libro ang kanyang mukha. That’s Tres! Hindi ako pwedeng magkamali.
Out of curiousity, dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pumasok ako at maingat na inihakbang ang mga paa.
Pagdating ko sa kanyang harapan ay akma kong kukunin iyong nakatakip na libro nang bigla niyang hinawakan ang aking pulso. Sa sobra kong gulat ay napatili ako, nagpupumiglas ako sa kanyang kamay na sana ay bitiwan niya iyon.
“Pakialamera,” usal niya.
Napalunok ako ng laway. “L-Let go of me.”
“Why are you here?” tanong niya, mas hinila ako. Kung wala ang takip na libro sa kanyang mukha ay baka nagkatitigan na kami. Some of my hair were falling on the cover of the book. At kahit anong bawi ko sa kamay ko, mas lalo iyong humihigpit. Mas hindi ako nakakawala.
“Hannan is my friend. Siya ang sadya ko.” Rason ko.
“Nakita mong wala siya rito pero pumasok ka parin,” sabi niya sa iritadong boses.
“Uh, akala ko kasi tulog ka.”
He tsked. “What an excuse.” Binitiwan niya ang aking pulso. “Leave.”
Nahawakan ko ang sariling pulso pagkatapos niya iyong bitawan. Halos magmarka iyon ng pula dahil sa pagkakahawak niya ng mahigpit. Heartless!
Nag-akma na akong tumalikod nang mapagtanto kong may kailangan pala ako sa lalakeng ito. Ugh, alam kong mabobored ako pero kailangan ko paring magtiis.
Umupo ako roon sa bakanteng upuan katabi ng kanya nang walang ginagawang ingay. Humilig ako sa mesa, maigi ko siyang tiningnan.
I heard him tsked again. Siguro ay nararamdaman niya parin ang presensya ko. I don’t know how he do it.
“Labas na. Disturbo.”
“Edi wala kang kasama.” Marahan kong sabi.
“Gusto kong mapag-isa.”
“Huh? Ang boring naman ng ganoon. Mas masarap sa pakiramdam na may kasama ka.”
“Kung kasingdaldal mo lang rin naman mas mabuting mag-isa nalang.”
Naka 9 words siya. Dapat na ba akong matuwa dahil mahaba na iyong sinabi niya?
“Wala ka bang kaibigan?”
“Wala.”
Having no friend to talk with, is very boring! Paano niya nakakaya ang boredom?
“Bakit wala?”
“Dahil ayoko.”
“Bakit ayaw mo? Ayaw mo bang may kausap ka?”
“I’m not talkative.” Hmm, that’s not an excuse.
Nakulangan ako ng sasabihin dahil sa mga sagot niya. It’s like he’s always ending the conversation para hindi mo na siya kausapin pa. Iyong sasagot lang at walang balak dagdagan dahil ayaw niyang humaba ang usapan niyong dalawa.
Ngumuso ako. Hindi katulad noong apat, sila naman palagi ang nag-oopen up ng topic para dumaldal lamang ako at makausap nila ako ng matagal. Pero itong si Tres, kahit ata sa boses ko ay ayaw niya.
“Ang introvert mo naman…” Wala sa sarili kong bulong, nakahilig parin sa mesa, nasa libro ang tingin.
“Ang daldal mo labas na.”
Grabe naman kung makataboy ang walang pusong lalakeng ito! Kaya siguro iyong mga may gusto sa kanya ay naiiyak talaga. Masakit para sa part nila na nirereject sila ng taong mahal nila. I’m not hurt anyway. Dapat nga sina Leeland ang kasama ko ngayon at nagsasaya hindi ang coldhearted na si Tres.
“Paano kung…” I started to compose my words, heto na!
“Paano kung nagkagusto ako sa’yo? What will happen?”
“I’m going to reject you just like how I rejected annoying girls.” Deritsahan niyang sagot na ikinalaglag ng panga ko. Ano ba kasing nakain ni Leeland at isinali nila ang lalakeng ito?! At hoy! I am not annoying! I am darn cute!
Prove them wrong, Red! Kaya mong paamuhin ang lalakeng iyan!
“Paano kung hindi ako sumuko at kinulit kita lalo?”
Hindi ko inaasahang hahawiin niya ang nakatakip na libro sa kanyang mukha. Nagtama ang aming mga mata. Napasinghap ako. Ang walang buhay niyang ekspresyon at ang inaantok na matalim niyang mga mata ay nakikita ko na.
“Wala kanang mahanap na ibang lalakeng paglalaruan kaya ako na ang napili mo?” aniya sa malamig na boses. Na kahit ako ay naramdaman ang lamig ng kanyang ugali.
Why is he like that? He’s very certain with his words. Hindi niya man lang iniisip na baka masasaktan iyong sinasabihan niya. Kaya ang raming umiiyak dahil masyado siyang heartless!
“What? I am not like that.” Pagtanggi ko sa kanyang paratang. Halata ba?
“Nachachallenge kang pabigayin ako sa’yo?” Now his brow was raising. Para iyong nagsasabi na nababasa niya ang galaw ko. Na hindi ko siya malilinlang dahil hindi siya katulad ng iba.
“W-What are you saying?” I laughed a bit.
He tsked. Kinuha niya ang libro at itinakip muli sa kanyang mukha.
“Hindi lahat ng lalake rito, mapapaluhod mo sa’yo.”
May parte sa akin ang kumirot. His words were like bullets, natatamaan ako at tumatagos iyon sa aking likod. Nag-iiwan nalang ito ng mga damage sa aking loob.
“Red?”
It was Hannan’s voice. Mabilis ang aking pagtayo sa upuan at nilingon siya.
She titled her head, sinisilip si Tres sa aking likuran saka ibinaling sa akin ang buong atensyon.
“Why are you here?”
“Uh, pinuntahan kita. Tapos…” Sumenyas ako at tinuro si Tres na agad niya namang napunto. Alam niya naman iyong sa dare eh.
“Just leave him, Red. He’s taking a rest.” Sabi niya sakin. Buti pa nga!
Hindi na ako nagsalita. Naglakad nalang ako patungo sa kanya. Suot niya pa ang madalas niyang suotin pag nagpapractice sila. Hindi pa ba siya tapos?
Talak ako nang talak nang makalabas na kaming dalawa. Nakalimutan ko na nga na nagkasagutan kami noong nakaraang araw.
“Ang sama ng ugali ni Tres, Hannan! Diba gusto mo iyan noon? Paano mo nagustuhan ang ganoong klaseng lalake?”
Halos isuka ko ang mga salitang iyon sa sobrang inis. I never been this angry before with someone! Ngayon lang talaga!
“I don’t know either. ’Tsaka malayo rin naman sa kagya niya ang type mo kaya hindi mo siya nakakayang gustuhin.” Paliwanag niya.
Hinawi ko ang aking side bangs. Halos pumantay na sa linya ang magkasalubong kong kilay. Ang sarap inailcutter ng balahibo sa ibaba ni Tres sa totoo lang! Naiinis talaga ako sa kanya! He’s just too heartless!
“Talagang malayo! Opposite siya sa standards ko! Malayong malayo.” Nailing ako.
“Opposite attracts.” Tumawa siya ng marahan.
“Ang boring niya kaya! I’m not into silent type of guys! Ano iyon, magtititigan lang kami hanggang magkaintindihan kaming dalawa?”
“Then just quit the game, Red. Stop being childish. Grow up.”
Chapter 5
Game of Love
No
Fun
“Hindi mo magugustuhan ang katulad ni Tres, Red. He’s just going to piss you off,” mataman niyang sabi.
Oo nga naman, Red! Pinapakulo nga ng lalakeng iyon ang dugo mo! Tapos ang boring pang kasama!
“I am not being childish, Hannan.” Depensa ko sa dami ng sinabi niya.
Her doe eyes glared at me. Nanliliit iyon. “Anong tawag mo diyan sa ginagawa mo kung ganoon?”
“Uh, dare? Playing games? Having fun?”
“Exactly Red. You’re being immature.”
Sumimangot ako. “Kung ihihinto ko naman edi pinatunayan ko lang sa tatlong iyon na wala talaga akong panama roon kay Tres.”
“So what? Stop saving your ego, Red.”
May parte sa akin ang gustong sumunod sa pinagsasabi ni Hannan. Pero may parte rin sa akin ang ipagpatuloy nalang. Besides, nakikipag-usap sa akin si Tres! Hindi ba ay malaki na iyong achievement? At isa pa, natutuwa ako sa paghahabol sa kanya.
“Laro lang naman. No bigdeal.” Kibit balikat ko.
“Masasaktan ka lang sa lalakeng ’yon.” She sighed.
Humalakhak ako. “I don’t like him kaya hindi ako masasaktan. Stop worrying about me! Aww… Hannan!” Niyakap ko siya ng mahigpit. “Thank you for caring!”
“You’re such a baby,” usal niya na ikinahagikhik ko.
Part lang naman siguro sa friendship ang hindi nagkakaintindihan. As long as matibay ang pundasyon ng inyong pagkakaibigan, walang makakasira noon. Kahit pa sa mga maliliit niyong away.
“Akin na Klint!” Natatawang hinabol ni Yashin si Klint sa loob ng classroom. He was holding her lipstick while running. Nagniningning ang mga mata ng kaibigan ko dahil sa kakatawa.
“Akin na nga!” Nahigit ni Yashin ang uniporme ni Klint. Tumingkayad siya pero itinaas lamang ni Klint ang kanyang braso.
“Mas matangkad ako sa’yo.” Tumawa si Klint.
“Ay ang daya! You’re both having fun without me.” Nagpout ako na ikinatigil ng dalawa. Mabilis na binitiwan ni Klint ang hawak na lipstick at pinuntahan ako.
“Where have you been?” Pinitik niya ako sa noo.
“Nangapitbahay ako sa kabilang classroom.” Ngumuso ako. “Sinulong ko si Tres kaso sinupladuhan ako, Klint.” Parang bata kong sumbong sa kanya.
He patted my head. “Ano? Bubugbugin ko na?”
Humagikhik agad ako, marahang sinapak ang kanyang dibdib.
“I am not yet starting. Matatablan rin iyon ng alindog ko.”
“How can he resists our beloved Red? Eh ang ganda ganda mo.” Pinagpipisil niya na naman ang aking pisngi. Kung hindi ko sinapak ang kanyang kamay ay hindi siya matitigil.
“Sinupladuhan ka ni Tres, Red?” Nag-uusisa na ngayon si Yashin.
Tumango ako. “Pero okay lang naman! Di ako affected sa kasupladuhan ng lalakeng iyon!”
Inakbayan ako ni Klint. “Ganyan nga babe. Besides, may back-up ka naman. Isang utos lang Red.”
Umismid ako. “Yabang mo! Buenaventura iyon.”
“Martinez ako! We’re powerful too, Red.” Pinagkukurot niyang muli ang aking pisngi. Sinasapak ko na ito na tumigil na kaso ang kulit kaya nagtawanan nalang kaming dalawa.
Maaga ulit akong pumasok. Eksaktong nadatnan ko si Tres na papasok kaya halos takbuhin ko ang espasyong namamagitan sa aming dalawa.
Mabilis akong humarang sa kanyang daan, hinihingal ko siyang tiningnan na ngayon ay napahinto na sa aking harapan.
“Good morning! How’s your sleep?” Hingal na hingal kong tanong, pilit hinahabol ang hininga pero nagawa ko parin siyang ngitian.
Basa ang kanyang buhok na ginulo niya lamang ata at hindi na nagawang suklayin dahil sa kanyang katamaran. Nakabulsa ang dalawang kamay at may nakasabit na headset sa kanyang polo.
Imbes na sagutin ako, sinaksak niya ang kanyang headset sa magkabilang tenga at nilagpasan ako. Napasimangot ako roon pero humabol rin sa kanya.
“Ang suplado naman!” Natawa ako. “Nagbreakfast ka Tres?” Tanong ko habang nasa likod ang aking dalawang kamay, halos tumakbo narin ako mapantayan lamang ito sa paglalakad dahil sa malalaki niyang hakbang. Kaasar ha!
Nang hindi siya sumagot ay nagtanong akong muli.
“Anong ulam mo?” Tinagilid ko ang aking ulo at dinungaw ang kanyang mukha. Nasa harap ang kanyang tingin, walang emosyon ang mukha.
“Nabusog ka ba?” Wala sa sarili kong hinawakan ang kanyang tiyan na nagpairita sa kanya. Halos mapatalon ako sa gulat at napagtanto narin ang ginawa ko. Nagdududa na talaga ako rito sa kamay ko. Parang may sapi talaga ni Satanas at kung ano ano nalang ang nagagawa ko.
“Ano bang binubuntot-buntot mo?” Iritado niyang tanong.
“Sungit!” Tumawa ako. “Bawal bang malaman kung kumain ka? Anong ulam mo at kung nabusog ka ba?”
“Ba’t di ka mag-apply bilang katulong sa bahay nang updated ka.” Pagkatapos niya iyong sabihin, mas nilakihan niya ang kanyang paghakbang.
“Hindi ako marunong sa gawaing bahay eh!” Tumakbo narin ako.
“Saan ba ang bahay niyo?” Dagdag ko.
Hindi siya sumagot. Buntot lang ako ng buntot sa kanya. Ang bilis pa maglakad kaya hinawakan ko iyong sling ng bag niya kaso hinila niya iyon sa akin, matalim akong tiningnan.
“Ang kulit mo.”
“Ang arte mo!” Ngumuso ako.
Nakarating kami sa kanilang classroom. Derideritso ang kanyang pasok kaya akma narin sana akong papasok nang matigil rin ako dahil sa pagdapo ng kamay ni Tres sa aking noo at itinulak ako palabas ng classroom nila.
“Go back to your room,” usal niya, tinalikuran rin agad ako.
Sumimangot ako habang dinudungaw siya sa loob. May iilan na roong estudyante.
“Red.”
Napalingon ako kay Hannan na kararating lang rin. Late comer pala ito?
“You’re almost late,” sabi ko.
“Ikaw rin naman.”
“Sanay na ako.” I laughed a little.
Dumungaw siya sandali sa loob ng classroom saka ibinalik sa akin.
“Why are you here? Nasa kabilang building ang classroom mo ah?”
“Hinatid ko si Tres.” Natawa ako sa sinabi ko. I can’t imagine myself. Kailan pa ako naging ganito sa isang lalake? Swerte ng lalakeng iyon tapos tinataboy taboy lang ako!
“Nakasabay mo siya?” tanong niya.
Tumango ako na nagpasalubong ng kanyang kilay.
“Itutuloy mo parin iyong game?” Halos pabulong niyang tanong sa akin.
“Oo naman! Di rin naman kasi bigdeal eh.”
Bumuntong siya ng hininga. “Do whatever you want stubborn girl.”
Natawa ako. Mukhang pati siya ay hindi nalang rin ata iyon ibibigdeal.
“Sige Hannan. See you later sa carfeteria. Bye!” Hinalikan ko ang kanyang pisngi saka rin ako tumakbo paalis.
It was just for fun anyway. At isa pa, wala namang laro ang hindi masaya. Lahat ng laro, nakakaexcite. I have no idea why people get serious with things na dapat ay laro lang naman. Kung hindi sila nagseseryoso sa pag-ibig, edi hindi sila iiyak. Hindi sila masasaktan. Katulad lang iyan ng problema, kung seseryosohin mo, mas mamomroblema ka lang.
“Ba’t ayaw mo na namang sumama Yash?” I embraced her arm while we’re walking.
Nagyaya kasi si Troye na magBar raw kami this Sunday at hetong si Yashin, ayaw na namang sumama.
“Strict ang parents ko sa mga ganyang bagay, Red. Alam mo naman si Papa.” Sumimangot siya.
Hindi rin naman ako pinapayagan sa mga ganito pero pag kinukumbinsi ko si Dad ay napapapayag ko rin naman ito sa huli. Unlike her… siya itong ayaw ring subukang kumbinsihin ang mga magulang niya.
“Ihahatid ka naman namin! At h’wag mo nalang sabihing sa Bar tayo. Just tell them na sa bahay ka namin pupunta. I’m sure hindi yan mag-aalala dahil may bodyguards naman ako.”
“Hindi talaga pwede Red. Kailangan ko pang mag-aral dahil malapit na ang exam. Bawal akong makakuha ng maliliit na marka.” May pag-aalala ang boses niya. Bakit ba kasi scholar siya.
“Quit being a scholar, Yash. Binubugbog mo naman ang utak mo sa kakaaral. Ang boring ng ganyan.” Humalukipkip na ako habang naglalakad.
“Di rin naman kasi kami kasing yaman niyo Red.” Tumawa siya.
Bumuntong nalang ako ng hininga. Di ko nalang ito pipilitin kung ayaw niya. Madali naman akong kausap.
Dala ang binili kong frappe, inilapag ko agad iyon sa mesa. Nandito rin pala sa classroom si Troy. Busy ito sa pangongopya ng notes ni Klint na alam kong kinopya niya rin lang naman kay Yashin.
“Si Yashin ayaw na namang sumama.” Balita ko sa dalawa na kapwa napalingon na sa amin.
Troye stood up. Mabilis ang hakbang makarating lang sa aming desk.
“Pinapalungkot mo si Red oh, Yash.” Dinampot ni Troye ang aking frappe, ininuman iyon.
“Di talaga pwede eh.” Pilit na ngumiti si Yashin, nakaupo na ito habang binubuklat ang panibagong aklat.
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko narin ang presensya ni Klint sa aking likuran. Inakbayan niya ako at kinuha ang frappe na ipapasok ko na sana sa aking bibig iyong straw.
“Bakit naman Yash?” Tanong ni Klint, nayakap na halos ang aking leeg dahil sa pagsipsip niya sa frappe. Nasa gilid ko na ang kanyang mukha. Yumuko pa talaga ito para lang makapantay ako.
Nag-angat ng tingin si Yashin pero mabilis ring binawi. Itinuon niya iyon sa pahinang nililipat lipat niya.
“Di ako papayagan ni Papa…” Halos pabulong niyang sagot, humihina ang boses.
Nailing si Troye. Nilingon si Klint at mabilis na sinampal.
“Walanghiya ka ako uminom niyan kanina! Nagka indirect kiss tayo!”
“Iinom rin naman si Red dito h’wag kang maarte.”
“Bakla ka ba Klint?!” Hindi na nagpaawat si Troye. Kumalas naman si Klint at ibinalik sa akin iyong frappe. Nalihis na ang buong atensyon ng dalawa at nagsasapukan na. Tumawa nalang ako.
Tinabihan ko si Yashin. Dinungaw ko ang kanyang tinitingnan na libro. Nakakapagtaka at baliktad iyon.
“Baliktad ang libro, Yash.” Natatawa ko itong ibinalik sa dati. Kumurap siya, nag-iwas ng tingin sa akin. What’s wrong with her? Ba’t parang wala siya sa kanyang sarili?
Sinipsip ko ang straw. Tumingin siya sa akin sandali, nginitian ko siya at nginitian niya naman ako ng tipid saka rin ibinalik sa libro ang tingin. Laking tuwa ko talaga at mayaman kami dahil kung hindi, baka magiging katulad ako ni Yashin. Hindi naman sa bobo ako, pero ayoko lang talagang magseryoso ng lubusan sa mga bagay bagay. Para kasing wala namang thrill ang ganoon.
“Daddy…” Niyakap ko si Dad na kakauwi lang. Galing siya ng Malacañang at late ng nakakauwi. Tapos pagdating sa bahay pagod na pagod pa.
“Hey, sweetie.” Hinalikan niya ang aking noo. Umupo siya sa sofa kaya mabilis akong pumwesto sa kanyang likuran para masahiin ito.
“Mukhang naglalambing ah. What is it, hmm?” Tiningala ako ni Dad. Ngumuso ako.
“Uhm, Dad… Yung friends ko kasi nagkayayan magBar–Christienne Red. Have you forgotten how old you are?” Putol niya agad na ikinasimangot ko.
“Yes Daddy pero I’ll bring my bodyguards naman please po! I just want to have fun this night. Please, daddy…” Niyakap ko na siya. Naaamoy ko ang nakasanayan kong pabango sa kanya. It’s my Mom’s favorite perfume. Her addiction.
“Oh honey, you know I hate it when you’re sad.” Hinaplos niya ang aking buhok. Ngiting tagumpay agad ako.
“You’ll let me?!”
“Magpapapigil ka ba? Dahil kung oo ay pipigilan talaga kita.” We both chuckled.
“I’ll be good I promise! ’Tsaka exclusive naman iyon Dad eh. Di ako maglalasing swear! I just want to dance!”
“Alright, alright. Bring your bodyguards okay? Have fun.”
Sa sobra kong tuwa ay hinalik-halikan ko na ito sa kanyang pisngi. “Thank you Daddy! You’re the best!”
Nagtatatakbo na ako paakyat sa aking kwarto.
Eksaktong 10pm nang makarating kami sa sikat na Bar rito. Kumikinang ang malaking pangalan ng Bar sa labas. Tumatakas rin ang malakas na tugtog ng loob. Kaya rin dinadayo ang Bar na ito dahil mga gwapo iyong may-ari na magpipinsan.
Isang bouncing dress ang aking isinuot at 3high heel stilleto. Kinulot ko rin ang dulo ng aking buhok at iniba ang pagkakaayos ng buhok kong nasa left side. Humalo na ang aking side bangs roon at mas nag-eenhance sa mukha ko para maging mature ako tingnan. I need to look like one or else hindi ako papapasukin.
“Let me carry this.” Kinuha sa akin ni Klint iyong sling bag ko saka niya iyon isinuot.
“I’m starting to think that you’re really gay, Klint.” Ngumiwi si Troy na nagpahagalpak ng tawa sa akin.
“It’s cute, Troye! Stop teasing my babe!” Niyakap ko ang braso ni Klint, inirapan si Troy na nasisira ang ekspresyon.
“Selos lang itong si Troye dahil wala siyang masuot na sling bag.” Panggagatong naman ni Klint.
“May pitaka ako lul!” Nagdirty finger siya kay Klint. “At may lamang condom ito para sakaling swertehin ako ngayong gabi at makahanap ng magandang chic!”
Troye went wild in the middle of the dancefloor. May nakakasayaw na itong babae na tinatawanan lang namin ni Klint.
“Tara!” Hinila ko narin ito sa gitna ng dancefloor. Ngumingisi ito sa akin at nagpapahila. Wearing a faded jeans paired with black polo shirt, nakatupi ang magkabilang manggas sa kanyang braso at may suot na isang earring sa tenga. Kumikinang iyon kasabay ng pagngiti niya. He looks like a frigging hot model na may foreign features. Tapos suot niya pa ang slingbag ko.
“You know I don’t dance.” Kahit hindi marunong, sinabayan niya parin ako.
“Hindi mo kailangang maging dancer para sumayaw sa ganitong lugar, Klint!” sigaw ko sa kanyang tainga dahil narin sa lumalakas na trance music at nasa peak na.
Hinawakan niya ang aking beywang, hinila ako palapit sa kanya dahil natatamaan rin ako ng ibang sumasayaw.
“Eh kahit ikaw hindi ka naman dancer,” sabi niya.
“But I know how to dance sexily! Hindi man kasing lambot ng katawan ni Hannan iyong akin, marunong naman akong sumayaw pagdating sa ganito!”
“Too close!” Pumagitna bigla si Troye. Laglag ang aking panga nang makita itong topess na at winawagayway ang suot sa ere.
“Oh my gosh, Troye!” Humagalpak ako ng tawa.
“H’wag mo kaming ipahiya!” Si Klint ay nailing narin at natawa.
“Strategy ang tawag dito. I need to show my abs para maglaway ang mga chics!”
“Kadiri ka!” Inawat ko ito pero pursigido talaga siya sa pagpapahiya sa kanyang sarili sa maraming tao. Noong nagmacho dance na ito ay hindi ko na talaga kinaya. I was laughing my ass out at hindi na magawang sumayaw. Hinila nalang namin ito ni Klint para matigil na.
“Nakakahiya kang kaibigan Troye! Gwapo ka lang talaga e!” Umiiling-iling ako at sumimsim roon sa tropicana juice na nasa aking harapan. Bawal alcohol eh.
“Magaling akong sumayaw, Red! Kung naging babae lang ako baka hindi naging cheerleader iyang si Hannan! I’m way better than her!” Tumayo siya, nagsimula na namang sumayaw kaya hinila ko paupo.
“Kumpara sa akin na hindi marunong ay mas katanggap tanggap pa ata ang giling ko,” si Klint. Tinungga niya ang beer at hindi alam kung anong ekspresyon ang ibibigay kay Troye.
Speaking of Hannan, sa pagkakaalam ko ay sinundo pa iyon ni Leeland. Ang tagal naman ata ng dalawa.
Iginala ko nalang ang tingin sa dancefloor, and there I saw Uno grinding himself at the back of a hot chic. Hawak niya ang balakang nito, sinasabayan ang nakakaakit na giling ng babae habang hinahalik-halikan niya iyon sa gilid ng tenga. Uno is really hot pero napakawomanizer rin talaga!
Speaking of Buenaventura, I wonder if Tres was like that too. Masasahol ang kanyang mga kapatid sa babae. At imposible namang walang karanasan si Tres diba. Baka nga masahol rin iyon-The heck Red what are you thinking oh my gosh! At bakit ko naman iniisip ang lalakeng iyon?! He’s hopeless Red. He’ll remained like that, boring! Walang ka thrill thrill sa buhay! Katulad ng linya ni Hannan, he’s no fun, tsk.
Chapter 6
Game of Love
This chapter is dedicated to Alexies Altarep. Happy reading!
Serious
Humihikab ako habang papasok ng school. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa ulo kong pumipintig. Damn it! Hindi naman ako uminom ah pero ba’t ganito kasakit? Maybe dahil kulang ako sa tulog. Anong oras narin kaming nakauwi kagabi. It was very late. Hindi na natopic kaninang umaga sa bahay dahil nagmamadali ako.
I was holding my head when someone spoke. Sa pagkagulantang ko ay mabilis akong napaangat ng tingin sa lalakeng nilagpasan nalang ako.
“Kababaeng tao umiinom.” He even tsked. T-Teka?
“How did you know?” Hinabol ko ang presensya ni Tres, pumantay ako sa kanyang paglalakad at dinungaw ang kanyang mukha.
Hindi siya sumagot kaya ngumuso ako. “I didn’t drink last night ’no. Siguro nandoon ka kasi nandoon rin ang kuya mo-“Hindi ako interesado.” Sa sinabi niyang iyon, mas nauna na siyang naglakad dahil sa paglaki at pagbilis ng kanyang hakbang.
Nasira ang aking ekspresyon. Tres is the coldest guy I know. Na kahit ako ay nanlalamig diyan sa ugali niya. Why is he like that?
Tumakbo akong muli, hinabol ang natitirang espasyo sa aming dalawa. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang uniporme sanhi para matigil siya.
“Teka!”
Lumingon ito sa akin, matalim ang tingin sa aking kamay na nakahawak sa dulo ng kanyang uniporme.
“Pag ’yan nagusot sisirain ko rin iyang botones ng suot mo.” Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib na ikinalaglag ng aking panga. Mabilis kong binitiwan ang kanyang uniporme dahil sa pagkasindak.
“A-Ang suplado mo!”
Umismid siya sakin. “Papansin.”
Gosh! Anong klaseng ugali ba ang meron siya?! Ang sakit magsalita! No wonder napapaiyak iyong mga may gusto sa kanya.
Umabante akong muli, pinantayan siya. “Papansin ako dahil gusto kita.” I said softly. Nilingon niya ako, tumaas ang isang kilay kaya ngumiti ako ng matamis.
“Gusto kita Tres.” Ulit ko, mas malinaw sa pagkakataong ito.
I never done this before. Iyong sasabihan ko ang lalakeng gusto ko. Pero sa ugali ni Tres, sa kanyang pinaggagawa sa akin, mapipilitan talaga ako sa ganitong bagay. Why am I into this game anyway? Just to remind you Red, magiging homeless ka. Alright!
Ilang sigundo ko siyang tinitigan. Ang reaksyon niyang hindi man lang nagbabago. Hindi niya ba nagustuhan ang pag-amin ko? Siguro kung sa ibang lalake ko ito ginawa baka namula na ang kanilang pisngi. Pero itong si Tres…
“Playgirl,” sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. Did he just called me a p-playgirl?
“I am not!” Namula ang aking pisngi.
Ang kanyang walang buhay na mga mata ay hindi nagtagal sa akin at nalipat rin iyon sa harapan.
“Wala akong panahon sa pag-ibig kaya tumigil kana.” Pag-amin niya saka ako nilingon. Yumuko siya, inilebel ang mukha sa akin habang nakapamulsa.“Wala akong panahon sa’yo.”
Napakurap ako. Ilang sigundo kong tinitigan ang kanyang malalim at misteryosong mga mata. Katulad ng mga kapatid niya, ganito rin ang kanilang mga mata pero may kung ano sa mga mata ni Tres na mas natutulak kang pasukin ang madilim na parteng iyon. Na parang may nag-uudyok sa’yong pasukin ang isang lugar na alam mong ipinagbabawal.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. Unti-unti akong bumalik sa aking sarili at humagalpak rin ng tawa. Hawak ko ang aking tiyan, hindi maawat ang sarili.
“I just said I like you! Hindi ko naman sinabing gustuhin mo rin ako pabalik! Oh my gosh you’re assuming!” I pointed his face, laughing.
Hindi ko alam kung naoffend ba siya o ano pero tumayo lamang siya ng tuwid, ilang sandali akong tiningnan sa blangko niyang emosyon na nagpapamukha saking para akong weirdo dito sa kanyang harapan kakatawa kahit wala namang nakakatawa.
“Mongoloid,” sambit niya na ikinatigil ko sa pagtawa. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya. M-Mongoloid? Wait? A-Ako?
Imbes na sundan ulit ito ay isinalba ko nalang ang sariling dignidad at dumeritso na sa aking classroom. Baka kasi pag hinabol ko siyang muli ay ano na naman ang lumabas roon sa bibig niya. Iyon ba talaga ang tingin niya sa akin?! Papansin, playgirl, at higit sa lahat mongoloid?! Nagsalita ang abnoy!
“Mongoloid ba ako?” Out of nowhere kong tanong sa mga kaibigan kong kumakain rito sa cafeteria.
Nahinto sila sa pagsubo, na kahit si Troye ay nabulunan dahil sa biglaan kong pagtanong. Si Klint naman ay bumagal ang pagmuya. Ang mga mata ay nakatuon na sa akin.
Humagalpak ng tawa si Troye nang makabawi sa pagkasamid. Kung hindi siya binatukan ni Klint ay hindi siya matitigil.
“San yan nanggaling, Red?” Hannan asked me.
Ngumuso ako. “Uh, i-iyong isa sa mga binasted ko noon. Siguro ay nagtanim ng galit.” I lied. Hindi rin naman kasi pwedeng sabihin na si Tres iyon! I’m sure magdidiwang sila dahil halatang walang progress na nangyayari sa pang-aakit ko sa lalakeng iyon.
“Napakawalang-puso naman ng nagsabi niyan sa’yo, Red! Di ka kaya mongoloid!” si Yashin, pero kinakagat ang pang-ibabang labi at pinipigilang hindi matawa.
“Sinong lalake ba yan, Red?” Singit naman ni Klint na mas seryoso sa lima. Ngumuso ako.
“Uh, I forgot his name eh.”
“Ituro mo sakin mamaya.”
Nagkatinginan si Leeland at Troye. Kahit si Yashin ay sumeryoso ang mukha. We all know kung paano magalit si Klint. Kahit na mukha itong happy-go-lucky, pero sa oras na nagseryoso ay nakakatakot.
Tumawa ako. “Ano ka ba Klint! Hindi naman bigdeal! I am just asking kasi curious ako baka ganoon na talaga ako.”
“You’re not like that, Red,” si Leeland.
“Oo nga! Di lang matanggap ng lalakeng iyon ang pambabasted mo kaya ganoon siya makapagsalita.” Si Troye.
Tumango-tango ako. Nakontento sa pinagsasabi ng dalawa. While Klint is clinching his jaw.
“Init ng ulo mo, Klint. Regla?” pagbibiro ni Troye na ikinatawa namin.
“May extra ako, Klint!” si Yashin naman.
Ngumisi siya, pero iyong nakakaloko.
Alam kong overprotective sa akin ang mga kaibigan ko lalo na iyang mga lalake. And I really appreciate it. Natutuwa ako dahil may mga ganoon akong kaibigan.
Kaya nga hindi ko lubos maisip ang estado ni Tres. Iyong dalawa niyang kapatid hindi naman mga anti-social. Si Dos kahit walang squad rito, may mga babae naman siyang kasama. Nakita ko pa nga iyon sa pinagtatambayan nila Klint at nakikipaghalubilo sa isa kahit na nakakasindak siya. While Uno, he’s very friendly too. Lalo na sa mga babae. NagbaBar pa nga iyon. Unlike Tres… Para siyang bumubuo ng sarili niyang mundo at kung papasok ka ay mapapatapon kalang palabas.
Maybe I should start being his friend. And after I get to know him, mas madali na iyon sa akin. I’ll attack him slowly. In that way, baka mas makilala ko ang tunay na misteryosong si Tres.
Sumilip ako sa classroom nila Hannan. She’s not here lalo na’t nasa gymnasium na naman iyon, nagpapractice. At katulad noong una kong punta rito, wala na namang tao tuwing lunch maliban sa isang lalake.
Itinulak ko ang pinto. Ang nakaupong si Tres sa kanyang silya, may hawak na libro, tanging pangloob na puting polo ang suot at pulang necktie, nilingon niya ako gamit ang walang emosyon niya na namang mukha.
“Uh, pumasok ako!-“Kita mong sarado pumasok ka pa.” Putol niya agad sa akin.
Ngumuso ako, ipinagpatuloy ang paglalakad. “Eh hindi nakalock!”
Hindi na siya nag-abalang sumagot. Ibinalik niya lang ang tingin sa kanyang hawak na libro.
Tuluyan akong nakalapit sa kanya. Umupo ako roon sa kanyang tabi at dumungaw sa binabasa niya.
“Book lover ka pala?” magiliw kong tanong.
Imbes na sumagot, itinulak niya ang aking upuan palayo sa kanya. Ngumuso ako. Allergic ba siya sa tao?
Humilig ako sa mesa, nasa kanya ang tingin. I watched his jaw closely. Ang perfect naman ng lalakeng ito kahit nakasideview. Itinagilid ko ang aking ulo at tiningnan ang kanyang anggulo na mas nagpakumbinsi sa aking perpekto talaga siya. No wonder ang raming nababaliw sa kanyang babae. Siguro kung romantic lang siya at palangiti, friendly, maybe… I’m gonna like him.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Nabahiran na naman ng pagkakairita ang mukha at nilingon ako.
“Ba’t ka ba nandito?”
“Wala lang. Sinasamahan lang kita kasi mag-isa ka.” Ngumiti ako. Shit naman! Para akong timang rito!
“I don’t need you here,” sagot niya, tumatabas na naman ang dila.
“Sinabi ko naman na gusto kita diba. Kaya ko ito ginagawa dahil gusto kita. Gustong kitang kasama. Gusto kitang makita. Gusto kitang kausap,” paliwanag ko, mas nilalambingan ang boses.
“Hindi kita gusto. Labas.” Matalim niya akong tiningnan. Napangiwi ako. Siguro kung may kasamang pagmamahal itong pinaggagawa ko, baka nateary-eyed na ako sa pananaboy na niya. His words were just too much to take!
“Ouch, Tres.” I acted. Sapo pa ang sarili kong dibdib. Dumako ang kanyang tingin roon.
“May nahawakan ka?”
Sa sobra kong pagkagulantang. Mabilis na nawala ang pagdadrama sa aking mukha at napalitan ng panlalake ng aking mga mata.
“B-Bastos! Meron akong dibdib!” Naisigaw ko na talaga iyon.
“Ah, hindi halata.” Walang buhay niyang sabi, ibinalik ulit sa libro ang tingin.
Gusto ko nang magbuhat ng isang bangko rito at ipukpok sa kanyang ulo dahil lang sa ugali niya. Why is he like that?! Grabe!
“K-Kahit hawakan mo pa!” I challenged.
Nilingon niya ang dibdib ko, namula ang aking pisngi. Damn… Ano bang laro itong pinasok ko? Parang ako itong napaglalaruan.
“Para mo narin akong inutusang hawakan ang blackboard sa harapan.”
Laglag panga ako. Oh my gosh nakakagigil ka Tres! Anong klaseng lalake ka ba?!
“May dibdib ako!”
“Gusto mo ako?” Biglang pag-iba ng kanyang topic. Seryoso parin ang mukha.
Huminahon ang aking mukha at dahan-dahang tumango.
“Anong hahawakan ko pag naging tayo?” Bumaba muli ang kanyang tingin sa aking dibdib. Oh shit.
Kulang nalang ay pasukan ng langaw ang aking bibig dahil sa pagkakaawang nito ng malaki. Ang bastos ng lalakeng ito! No wonder isa siyang Buenaventura! Na kahit hindi siya mambabae, may ganoon parin siyang likas na ugali.
“Syempre a-ang kamay ko! Holding hands!”
“Pag public. Pero pag tayong dalawa lang?” Dagdag niya na ikinapula ng aking pisngi. I am not expecting this kind of topic. Akala ko kasi tahimik lang siya. Akala ko ako lang itong dadaldal. Pero shit lang! Ako itong natatameme ngayon!
“Ganoon ang gusto mong babae?” tanong ko, unti-unti na akong nawawala sa aking kompostura.
“Malamang babae ang gusto ko. Edi may dibdib.”
Hindi ko alam kung maooffend ba ako o ano. Meron naman ah?! Kahit 15 pa ako alam kong meron! Paano na kaya pag nagdalaga ako! Lalaki ito!
Sa sobrang pula ng aking pisngi, napatayo na ako ng wala sa oras. Nakakuyom ang dalawa kong kamay, kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
He lazily watched me. Tumalikod ako at nagmartsa na. Wala na akong iniwang salita. I can’t take his attitude! Never akong nabastos ng ganito sa tanang buhay ko!
“Now you have no reason to like me.” Narinig kong sabi niya nang pipihitin ko na sana iyong doorknob para tuluyang makalabas.
Nilingon ko siya, balik na ang kanyang tingin sa librong hawak. Sinadya niya ba iyon para tabuyin ako?
Hindi na ako nag-abalang sumagot pa. Napabuntong nalang ako ng hininga pagkalabas ko. Eksaktong kakaakyat lang ni Hannan, pawisan ito at may hawak na bottled water. She was still wearing her outfit. Tanging cycling short at halterback sando. Basang basa ang kanyang leeg at hinihingal.
Kumpara sa magandang katawan ni Hannan, mas nahubog iyong kanya. Medyo malaki rin ang kanyang hinahanap. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganitong insecurity. She’s older than me kaya malamang Red mas nahubog na talaga ang kanyang katawan kumpara sa’yo na nagsisimula palang huminog. He’s unbelievable. Sa dami ng nagkakagusto sa akin dito ni isa ay wala pang nagreklamo sa pisikal kong hitsura. Siya lang talaga itong may makapal na libag para pagsabihan ako ng ganoon. Bahala nga siya!
“Red?” Medyo nagkasalubong ang kanyang kilay nang makita ako sa tabi ng kanilang classroom. Mabilis agad ang hakbang niya para makarating sa akin.
“Ang suplado ni Tres. Sinabihan akong flatchested ako.” Nayayamot kong sabi. Hindi naman iyon talaga ang sinabi niya pero halatang doon rin iyon patungo. Na ipinaparating niyang flatchested ako!
“You’re not.” Pangungumpirma ni Hannan. See! Hindi talaga!
“Ewan ko diyan kay Tres. Ayoko na sa larong ito. Ayoko nang makipaglaro sa lalakeng wala namang puso.” Napairap na ako sa ere at nagpaalam rin kay Hannan.
I want to quit this game! Bahala na nga! Ayoko nang bumuntot-buntot sa walang pusong Buenaventura na iyon! Tanggap ko pa iyong mongoloid, pero ang bastusin ako ay hindi ko na makaya. May dibdib ako!
To my frustration, nahawakan ko ang aking dalawang dibdib. Meron nga! Kainis ang lalakeng iyon!
“What are you doing, Red?”
Natauhan ako sa presensya ni Leeland sa aking harapan. Ngumingiwi siya sa akin. Doon ko lang napansin na hawak ko pala ang dalawa kong dibdib. Sa sobra kong pagkagulat ay binaba ko agad iyon. Uminit ang aking pisngi, mabilis na umiling.
“W-Wala! A-Ano lang…” Nangapa ako ng maisasagot. Pero nang ngumisi siya, nailing ay bumuntong nalang ako ng hininga.
“Si Tres sinabihan akong flatchested raw ako.” Ngumuso ako.
Nagulat siya. “Really?” Hindi makapaniwala nitong tanong.
Tumango ako. “Oo Leeland. At ayoko nang habulin ang lalakeng iyon. Suko na nga ako. Sige na. Siya na ang pinakawalang puso. Talo na ako. Inaamin ko na.” Bumuntong ako ng hininga.
Pumaskil ang malapad na ngisi sa kanyang labi. “Wow, the competitive Christienne Red Valerio is giving up?”
Ngumuso ako. Kaysa naman bumuntot buntot ako sa lalakeng iyon na tinatapakan na ang dignidad ko! He’s heartless and I hate it so much! Ako na ang napaglalaruan! Ayoko na talaga.
“Ang bastos niya. Wala pang puso. That Buenaventura is gay, Leeland. Hindi siya attracted sa babae.” I reasoned out.
He chuckled. Nilapitan niya ako lalo. Hinila ang aking kamay.
“Tara labas tayo. May malapit na cafe diyan. Ililibre kita ng frappe.”
Nagningning agad ang mga mata ko at nagpahila. I really needed this right now. Naubos ata ng Tres na iyon ang energy ko. I can’t believe may nag-eexist na katulad niya! Di ko talaga alam ba’t ang raming naghahabol sa kanya kung ganoon iyong ugali niya.
Umupo kami ni Leeland sa two-seated round table. Nasa tapat kami ng transparent glass at nakikita ang labas. May iilan ring estudyante rito pero hindi naman gaanong marami. Siguro mga lima ata.
“Total ikaw ang nanalo, diba sabi mo ikaw ang magdedesisyon kung anong gusto mong prize? Labag sa loob ko rin iyong bahay, Leeland. My Dad will surely get mad…” Panimula ko habang hinahalo ang straw sa loob ng frappe. Nandoon ang tingin ko sa cream na unti-unti nang nahahalo.
“Yeah.” He chuckled. “I’m sure hindi mo magugustuhan ang hiling ko. You can still continue playing with Tres if you didn’t like my offer.”
Ngumiwi agad ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Ayoko na nga Leeland. Ang rami ko nang natanggap na masasakit na salita doon. Akala mo kung sinong gwapo.” Umirap ako. Gwapo naman talaga pero akala mo kung sino!
“You sure?” Tumaas ang kanyang kilay. Tumango ako at magsasalita na sana kung hindi lang tinakpan ng kanyang boses ang akin.
“Then hear me out first. Baka magbago ang isip mo.”
“Ano ba ’yon?” I sipped my frappe while eyeing him. Ngumisi siyang muli, pero sa pagkakataong ito, may pinupunto na iyon.
“I want you to be my girlfriend. I want a serious relationship with you, Red.”
Chapter 7
Game of Love
This chapter is dedicated to Allyza Aquino. Happy reading!
Right
Halos masamid ako sa sinabi ni Leeland. Nauubo kong tinanggap ang tubig na inilahad niya sa akin. Ininom ko iyon at kulang nalang ay iligo ko sa aking sarili para lang mahimasmasan sa narinig.
Inilapag ko ang baso saka siya pinandilatan ng mata.
“You what?!” I almost screamed at the top of my lungs.
May mga customer na napatingin sa akin pero hindi ko na iyon prinoblema dahil sa sinabi ni Leeland na kumuha ng buo kong atensyon.
“Ikaw. Gusto kitang maging girlfriend. Pero seryoso. Iyong hindi laro.”
Mas nanlaki ang mga mata ko dahil sa linaw ng kanyang pagkakasabi. Oh my gosh! Nababaliw na itong si Leeland!
“You’re inlove with me Leeland?” I almost panicked. Nakakagulantang kasi! I mean… hindi ko lang talaga maiproseso sa utak ko.
“Kung ayaw mo naman, pwede mong ipagpatuloy iyong kay Tres hanggang sa mapaamo mo siya sa’yo. I am giving you the most challenging game, Red. If you don’t want to end up being my girlfriend, then tame that heartless Buenaventura. Paibigan mo sa’yo.” Ngising aso na ito sa akin. Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko.
Sumandal ako sa upuan at humalukipkip roon. Mariin kong tiningnan ang kaibigan kong may malapad nang ngiti.
“Seems like you’re not serious naman ah? You looked like playing…”
He laughed. “I am, Red. Ano game ka ba?”
Ngumuso ako. He’s not serious pero pag natalo ako ay gusto niyang maging girlfriend niya ako in a serious way. What’s with Leeland? May pagkaabnoy rin pala ang lalakeng ito.
Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Tiningnan ko iyon kaya tiningnan niya rin iyon na para bang sinesenyasan niya akong tanggapin ang alok niya. Nailing ako at nakipagkamay rin sa huli.
“Game,” sabi ko palabang boses na ikinakurba lalo ng labi niya.
“May the best player win, Red,” makahulugan niyang sabi.
I don’t know why he wants to push this kind of game. Sa una ay parang parte lang naman ng kasiyahan ito pero sa pagkakataong ito, parang may isinusugal na. Isang laro na pag natalo ang isa, siguradong may masasaktan.
I don’t want to get serious with this game pero ayoko rin namang mahulog na girlfriend ni Leeland! Tapos gusto niya iyong seryoso pa! Ganoon kalaki ang kompyansa niya na hinding hindi ako mananalo kay Tres. Well, I already gave up kung hindi ko lang nalaman ang hinihingi niyang kapalit. He’s my closest friend and I don’t want to ruin that friendship we build. At isa pa! I am not yet ready for serious relationships! That’s very toxic for me.
Inilihim namin ang deal namin ni Leeland sa mga kaibigan namin. Ayoko ring malaman nila na kamuntik ko nang sinukuan si Tres. Like hell! This time, sisiguraduhin ko na talagang si Tres ang susuko sa pagkakataong ito.
It was raining hard. Tinitingala ko ang makulimlim na langit rito sa waiting shed na kinatatayuan ko. Mukhang walang balak tumila ng ulan. Para itong nagluluksa sa kung ano kaya ganito nalang kalakas ang buhos.
Akma ko na sanang bubuksan ang dala kong payong nang mapansin ko si Tres na kakalabas lamang sa malaking gate ng eskwelahan. His longsleeve polo were rolled till his arms, showing his luxurious rolex watch. Nakabulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay hawak ang itim na payong. Swabe ang bawat paghakbang nito na tila lumulutang lamang sa ere.
May mga ibang estudyante pang kinikilig sa kanyang likuran at nakabuntot. Para silang nangingisay hawak hawak ang kanilang mga payong at tinitingnan ang likod ng lalakeng walang pakialam sa presensya ng iba.
Mabilis na gumana ang aking utak. Ang hawak kong payong ay agad kong itinapon sa gilid ng makapal na halaman at inayos ang sarili.
“Tres!” Tinawag ko siya rito, kumaway kaway pa ako para lang mapansin niya. Naglingunan pa iyong mga babae, ngumingiwi na sila at mukhang nairita sa pagtawag ko.
Unti-unti itong nakarating sa waiting shed at nilingon ako. Ang walangbuhay niyang mga mata ay mas makulimlim pa sa kalangitang nagluluksa.
“Oh?” he asked lazily. Walang pinagbago ang tingin sa akin, hindi man lang iyon nalagyan ng kung anong emosyon. Masyadong plain…
Ngumuso ako. “W-Wala kasi akong payong eh. Baka nasa parking lot na iyong sundo ko,” sabi ko sa mahinahong boses.
“Then text them,” sabi niya at nag-akmang humakbang paalis nang nagsalita akong muli. Ni hindi ko na nilingon ang mga babaeng humahagikhik.
“L-Lowbat ako eh!”
Tumaas ang kanyang kilay. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. “Uh, pasilong nalang sa payong mo. Nasa dulo lang naman. Pasabay nalang ako…”
Walang nakitang pagsang-ayon sa kanyang mukha. Ipinapamukha pa sa akin na hindi siya gentleman at hindi siya mabait sa mga magagandang babae kagaya ko.
“Use your umbrella,” sabi niya.
“Wala akong payong!”
Ngayon ay mas tumaas ang kilay. Ang mga mata ay parang nanghuhusga na sa akin.
“Kung hindi mo itinapon ang payong mo edi may magagamit ka sana.” Nilingon niya ang gilid ng waiting shed kung saan ko itinapon ang payong ko. Nalaglag ang aking panga. Sa sobrang kahihiyan ay halos masunog ang aking mukha dahil sa nangangapoy kong dalawang pisngi.
Nakita niya pala iyon?! Pero nasa daan lang naman ang tingin niya noon at mukhang walang pakialam sa paligid! How did he do that? I’m starting to think that he’s really an abnoy. May sarili siyang mundo oh my gosh ang creepy!
“P-Pero natapon ko na. Hindi ka ba naaawa sakin?” Nagpout ako.
“Hindi,” sabi niya at humakbang na paalis. Laglag panga naman ako rito sa waiting shed. Makidlatan ka sana! Grabe ang sama ng ugali! Napakaheartless!
Humagalpak ng tawa ang grupo ng mga babaeng tsismosa. Na kahit iyong ibang nakasaksi sa pag-alis ni Tres ay natawa rin. Bakas sa kanilang mga mukha ang nakapaskil na “Pahiya ka tuloy.” Kahit hindi ko man marinig ang bulong-bulungan nila dahil sa malakas na ulan. Makidlatan rin sana kayo!
Nayayamot kong dinukot ang cellphone ko sa aking bulsa. Just when I about to open the screen, bigla nalang iyong nagshutdown. Ay lintek Red nabungangaan mo ata! Kung minamalas nga naman!
Nilingon ko ang halaman. Wala na roon ang payong ko. Anong klaseng kamalasan ba ito? Nakalimutan kong sugo pala iyon ni Satanas kaya imposibleng may kabaitan sa buto ng lalakeng iyon! Ayan tuloy ang mahal kong payong ay nadamay pa.
Tiningala kong muli ang ulan. Bumusangot ang mukha ko nang mas lumakas ata lalo iyon. Para itong nanunukso dahil sa pagpapahiya ko sa aking sarili kay Tres. Nakikisabay rin sa mga estudyanteng pinagtawanan ako kanina.
Ayokong sumulong sa ulan dahil takot akong mabasa. Tinitigan ko nalang iyon habang nakaupo rito sa waitingshed at binibilang ang bawat esudyanteng pakonte na nang pakonte.
Gusto ko ang patak ng ulan pero iyong maligo habang pumapatak ito ay hindi ko na gusto. Gusto ko lang iyong pinagmamasdan. Gusto ko ang naibibigay nitong pakiramdam sa akin.
Nararamdaman ko na ang ginaw. Siguro ay akala noong mga bodyguards ko nasa loob parin ako. Lowbat rin ako kaya paano nila ako matutunton? At isa pa, nasanay silang may dala akong payong. Hindi ba gumana ang utak nila na baka may nangyari na sa aking masama kaya natagalan ako? Damn…
Wala na akong naaninag na estudyanteng palabas. Tiningala ko muli ang kalangitang hindi nagbabago ang kulay. “Ano bang pinagdadaanan mo at hindi ka matigil tigil sa kakaiyak?”
Bumuntong ako ng hininga at ibinabang muli ang tingin saktong may napadaan na estudyante. Pamilyar sa akin ang imahe niya at hindi ako pwedeng magkamali na siya iyon! Ang lalakeng tumanggi sa akin na pasilungin ako kanina!
Nagdadalawang-isip akong tawagin ito dahil baka ireject niya na naman ako pero wala na akong choice. Inipon ko ang natitirang lakas ng loob at tinawag ito.
“Tres!”
Hindi ito lumingon at nagpatuloy sa paglalakad. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tumayo. Kinuyom ko ang aking mga kamay at bumwelo ulit.
“Tres!”
This time, huminto siya, nilingon ako rito.
“Nandiyan ka parin?”
Nahihiya akong tumango. “P-Pasilong…”
Lumunok ako ng laway. Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. Pero nang naglakad ito palapit sa akin ay lumiwanag agad ang aking mukha. Na kahit ang paligid ay kuminang sa aking paningin sa kabila ng makulimlim na langit.
Huminto siya sa aking harapan. Ngumuso ako lalo na’t may baitang pa sa waitingshed na pag bumaba ako patungo sa kanya ay mababasa ako.
“Akyat ka pa.”
Nabahiran ng pagkairita ang kanyang mukha pero wala akong narinig sa kanya. Sa halip, humakbang siya paakyat hanggang sa huminto siya sa mismo kong harapan.
Nahihiya akong nag-angat ng tingin sa suplado niyang mukha. Ano ba itong lalakeng ito! Nakikisabay rin sa makulimlim na langit! Nakikipagpaligsahan!
Hinawakan ko ang kanyang braso. Kahit naiinis ito ay hindi ako nagpaawat at ngiting ngiti na humakbang paalis sa waitingshed.
“Ba’t ka bumalik? Siguro nakonsensya ka ’no?” Hindi ko na mapigilang matawa.
“May nakalimutan ako sa loob ng eskwelahan. H’wag kang assuming.”
Ngumuso ako at itinuon nalang ang tingin sa harapan. Hindi ko mapigilang mapangiti. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at dikit na dikit pa ako sa kanya! Hindi ko alam na nakakaexcite palang kasabay itong si Tres.
Pumasok kami sa loob. Pinayagan naman kami ng gwardya pero dapat ay lumabas daw agad kami.
Huminto kami sa loob. Napatingin siya sa kanyang braso kaya napatingin narin ako doon.
“Bitaw.” Inagaw niya iyon sa akin kaya mabilis ko rin iyong nabitiwan. Pang-ilang beses ba akong mapapahiya sa lalakeng ito?
Sumunod ako sa kanya. Sobrang tahimik ng loob dahil nakauwi na lahat ng estudyante. Nakakabingi iyong katahimikan at rinig na rinig ko pa ang mga yapak namin.
“Anong kukunin mo?” tanong ko.
Hindi siya sumagot. Deritso lang ang kanyang lakad hanggang makarating kami sa locker’s room. Sumunod ako roon.
Tiningnan ko siyang binuksan ang kanyang locker. Nagulat ako nang may nalaglag na mga envelope roon. Mga love letters?
Hinawi niya iyong nasa loob kaya nalaglag ang lahat ng iyon. Ni isa, wala man lang siyang tiningnan. Ni isa, wala siyang tinangkang buksan. Halatang ang effort pa ng pagkakagawa noong bawat love letter.
“Mahilig kang magbasa diba?” tanong ko sa kanya, iyong iba ay pinulot ko.
“Libro hindi basura,” sabi niya at inilabas ang isang libro sa loob. Iyon lang ang kanyang kinuha at isinara iyong muli.
“Hindi naman sila basura, ah? Ang gaganda pa nga oh.” Ipinakita ko sa kanya ang iba. “Gusto mo buksan ko tapos ako ang magbabasa?” Alok ko sa kanya.
Sapat na bilang sagot ang pagkuha niya noong mga hawak kong envelope at pinunit iyon sa harapan ko. Nanlalaki ang mga mata kong sinundan ang mga papel na nalalaglag na sa sahig.
Wala siyang sinabi at nilagpasan na ako. Dismayado ang mukha ko sa mga nagkalat na loveletters saka rin ito sinundan.
“Uh, Tres pahiram ako ng cellphone. Lowbat kasi ako. Itetext ko lang ang sundo ko na kunin ako rito,” sabi ko.
Duda akong pahihiramin niya ako ng cellphone. Sa ugali niya palang…
“Oh.” Inilahad niya sa akin ang may tatak na apple niyang cellphone na ikinagulat ko. Pahihiramin niya ako?
Sa sobrang pagkagulat ay ilang sigundo ko pa iyong tinitigan. Nabarihan agad ng pagkairita ang kanyang mukha.
“Tititigan mo nalang?”
Ngumuso ako at agad iyong kinuha. Wala itong password. Black ang wallpaper at nakafullcharge pa. Hindi niya ba ito ginagamit? Ganoon ba talaga siya ka… tamad?
Nagtipa ako ng mensahe roon. Buti nalang at kabisado ko iyong numero ng driver ko.
Manong si Red ito h’wag niyo nalang akong sunduin kasama ko ang kaklase ko. Ihahatid niya po ako.
Binura ko agad iyon pagkatapos kong isend. Ibinalik ko sa kanya ang cellphone niya at ngumiti.
“Thanks.”
Hindi na ito nagsalita pa. Lumilipad naman ang aking isip kung ano ang pwedeng pag-usapan naming dalawa. Kaso mukhang nahawa narin ako sa kanya at wala man lang akong maisip na itopic.
Tiningnan niya sandali ang kanyang cellphone at ibinulsa rin. Sa sobrang tahimik, napapansin ko na ang maliliit na detalye sa kanyang imahe. Iyong maugat niyang kamay. Ang katikasan ng kanyang pangangatawan. His image screams heaven I must say! Hindi naman sa wala akong nakikitang gwapo kaya naiignoy na ako dito kay Tres pero wala pa akong nakikitang katulad niya.
This is the first time I appreciated someone’s image! Oo mga gwapo sila Klint, Leeland at Troye, but this Buenaventura infront of me is just too much! Parang umaapaw ang kanyang itsura. Masyado siyang perpekto na kung hindi lang ganyan ang kanyang ugali ay sasambahin mo na talaga ito.
“Uh, Tres? Pwede bang sumabay nalang ako pauwi?” Pilit akong ngumiti sa kanya kahit na pinipilipit ang aking tiyan sa bawat paglingon niya sa akin. Kinakabahan ako sa mga pagsisinungaling ko. I’m good at this! Gawain ko naman ito sa ibang mga lalake para makuha ang gusto ko at sumang-ayon ito sa plano pero may kung ano talaga sa lalakeng ito na nagpapabigay ng sistema ko. Ewan ko ba…
“May sundo ka,” sabi niya.
“Uhm, ang sabi kasi noong driver ko na hindi niya daw ako masusundo.” Nag-iwas ako ng tingin. “’Tsaka malapit lang naman ang bahay namin.”
Hindi siya kaagad sumagot. Hindi ko rin alam ang ekspresyon ng kanyang mukha. Jusko naman. Sana gumana ang plano kong makasabay siya sa pag-uwi! Baka sakaling mas makilala ko pa siya pag nakasama ko siya ng matagal. And I can brag this on Leeland! Sasabihin kong hinatid ako ni Tres pauwi!
“Okay.”
Mabilis ko siyang nilingon, gulat ang aking mukha dahil sa kanyang pagpayag.
“Talaga?”
“Yeah. Total wala ka ring payong.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi, hindi ko na mapigilang mapangiti ng husto.
“Mabait ka naman pala!” I giggled. “I really thought you’re heartless.”
Hindi siya sumagot. Nanatili ang kanyang tingin sa harap.
Hindi matanggal ang aking ngiti pagkalabas naming dalawa. Nagawa ko pang magpaalam doon sa gwardya at sinabihan itong mag-ingat sa pagbabantay rito.
Binuksan muli ni Tres ang kanyang payong kaya sumilong akong muli roon. Ngayon ko lang mas nagustuhan ang walang tigil na pagbuhos ng ulan. Natutuwa ako dahil kasama ko siyang naglalakad at sasabay pa ako sa pag-uwi. Makakapag-isip ako ng maraming topic–
“Ma’am Christienne.” Boses palang noong tumawag sa akin alam ko na agad kung sino.
Bumalik ako sa sarili kong pag-iisip nang makita ang imahe ng aking mga bodyguards. Sa likod niya naman ay ang isa pang bodyguard na binubuksan ang pinto. Why are they here?!
Wala sa sarili akong napabitaw sa braso ni Tres. Nahihiya akong mag-angat ng tingin sa kanya at makita ang ekspresyon niya.
Kinuha ng braso ni Tres ang tingin ko. Dinukot niyang muli sa kanyang bulsa ang cellphone at may ipinakita sa akin sa screen. Mas umapoy sa init ang aking pisngi. Hinihiling ko nalang na sana ay panaginip lamang ang lahat.
“Sa susunod, magtanong ka kung may load ba ako. Nabulgar tuloy ang pagsisinungaling mo.” Malamig niyang tugon.
Hindi lang ang pisngi ang uminit sa akin kundi pati narin ang magkabilang sulok ng aking mga mata habang tinititigan ang mensahe ko roon sa screen na hindi man lang nasend. Wala siyang load! Ba’t hindi mo ba iyon naisip Red?! Ang tanga tanga mo rin talaga!
Hindi ko na magawang mag-angat ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako ano mang oras pag nakita ko ang ekspresyon ng kanyang mukha na ipinapamukha sa akin sa kagagahan ko. Ni ang magsalita ay hindi ko na magawa dahil baka manginig lamang ang aking labi.
“You’re right about me. I’m heartless,” huling sabi niya sa akin bago ako tumakbo papasok sa kotse. Ni hindi na ako sumilong roon sa payong ng bodyguard.
Siguro naipon lahat ng kahihiyang nagawa ko kaya ang tanging nagawa ko nalang sa loob ay umiyak. Pahiyang pahiya ako! Damn it! Kaya siguro pumayag siyang ihatid ako dahil nahuli niya na ako sa umpisa palang! He wanted to see me embarrass myself infront of him! Napakawalang puso talaga!
“Ma’am, inaway po ba kayo ng lalakeng iyon? Bubugbugin ba namin?” tanong sa akin noong bodyguard na inilingan ko lang. Hindi pa ako napapaiyak ng lalake sa tanang buhay ko! Ngayon palang talaga!
“H’wag niyo nalang itong sabihin kay Daddy,” sabi ko habang pinapalis ang luhang nakikipagsabayan rin sa ulan. Sumisikip ang aking dibdib at hindi matanggap ang kahihiyang natamo. Wala na ata akong mukhang maihaharap ngayon na alam niya na ang pinaggagawa ko.
Chapter 8
Game of Love
Dog
“Ba’t hindi ka pumasok?”
Klint’s worried voice filled my ear. Nasa kabilang linya ito habang ako naman ay nandito sa kwarto ko, nagmumukmok at yakap yakap ang malaking teddybear.
“I’m sick, Klint. Naulanan ako kahapon e.”
“How come Red? You always have your umbrella. Hindi ka agad nasundo?”
Napanguso ako sa mga bumabalik na alaala kahapon. I am so embarrased. Ang walang pusong lalakeng iyon ay nagawa akong pahiyain sa kanyang harapan ng ganoon. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganoong lalake!
Gumulong ako sa kabilang dulo ng aking kama. Nafufustrate na naman ako!
“I’m fine, ’kay? Stop worrying nga, Klint…” I said softly.
“Nagpatingin kana sa doctor?”
“Yep, maagang pumunta yung family doctor namin kanina. He said pahinga lang daw ang gawin ko and uminom ng maraming water. Medyo sinisipon rin ako e.”
I heard him sighed. He’s really worried huh.
“Hindi naman malala Klint.” I laughed.
“Sasabihin ko nalang kay Yashin na pakopyahin ka sa mga lessons ngayon.”
“Alright! Thank you Klint!”
“Pagaling ka. I’ll hang up now. Rest,” mataman niyang sabi na ikinatango tango ko kahit alam kong hindi niya naman iyon makikita.
“Hmm, okay. Bye bye!”
“Bye…”
Napabuntong ako ng hininga. Dala narin siguro ito ng pag-iyak ko magdamag. At iyong pagtakbo ko narin sa sasakyan at sinasalubong ang malalaking patak ng langit. Nabasa ako noon e. Pero mas basa ang aking mga matang walang humpay rin sa pag-iyak.
Tama narin siguro itong nagkasakit ako. I don’t wanna see that coldhearted guy after what happened. Fresh pa sa akin lahat ng kahihiyan.
Nasa kwarto lamang ako the whole time. Dinadalhan lang ako ng pagkain ng katulong. Minsan pa nga hindi ko ginagalaw dahil wala akong gana.
“Ma’am Christienne, may bisita po kayo sa baba.”
Nagkasalubong ang aking kilay. Sino namang bibisita sa akin? Hindi kaya ay nasobrahan sa pag-aalala si Klint at hindi na nakapagpigil na pumunta rito?
Suot ang printed pajama, longsleeve na puti, lumabas ako ng aking kwarto wearing my cute indoor slipper. I lazily went downstairs.
Napakurap ako nang makita ang imahe ni Hannan na nakaupo sa malaki naming sofa habang pababa ako sa aming grand staircase.
“Red…” She slightly smiled.
“Hannan?” Napangiti agad ako. Mabilis kong tinahak ang natitirang hagdan para lamang makababa agad.
“I heard you’re sick kaya binisita kita. Here…” Ibinigay niya sa akin ang isang box ng kung ano.
Binuksan ko iyon at nakita ang isang mini cake na may cute na designs.
“Aww… thankyou!” I hug her tightly. She was still wearing her uniform.
Tinawag ko ang maid para ilagay muna iyon sa ref. I’ll eat it later.
Umupo ako sa kanyang tabi. Bumuntong ako ng hininga at sumimangot.
“Ang walang pusong si Tres ang may kasalanan kung ba’t ako nagkasakit.” I whined dramatically. Nabahiran ng pagkagulat ang kanyang mukha.
“Hindi mo naman pwedeng isisi sa iba ang pagkabasa mo sa ulan Red-“No! I was with him kahapon! Magkasama kami! Tapos pinahiya niya ako! Ayun… tumakbo ako sa malakas na ulan. He’s so heartless sobra…” Bumusangot ang mukha ko habang ang ekspresyon naman ni Hannan ay hindi ko na mabasa. It was plastered by something…
“You’re with him?”
Tumango ako. Her shocked expression embraced her whole face pero kalaunan ay nawala rin agad at napalitan ng ngiti.
“Akala ko ba ihihinto mo na? Ba’t magkasama kayo?”
Iyong boses niya ay parang papunta na sa panunukso. Nasasabi ko naman lahat kay Hannan pero hindi rin ata fair kay Leeland kung sasabihin ko sa kanya iyong deal. He said it’s our secret.
Sumandal ako sa kanyang balikat at niyakap ito. “Boring ang magiging whole year ko kung wala akong pinaglalaruan.” Biro ko. “Challenging si Tres! I’m not going to give up until hindi siya nahuhulog sa akin. I’ll make sure he’s going to get crazy over me. Iyong tipong kaya niyang lumuhod sa harapan ko,” I said dreamily. Kahit alam ko namang imposible eh knowing Tres. Nangangarap lang…
Tiningala ko si Hannan. Blangko lamang ang kanyang ekspresyon pero nang makita ako ay ngumiti sa akin.
“I need to teach that heartless man a lesson, Hannan,” sabi ko.
“He’s not going to change, Red. Ganoon na talaga siya. Masasayang lang ang paghihirap mo. Masasaktan ka lang,” mariin niyang sabi.
Nang mapagod ako sa kakatingala sa kanya ay humiga ako sa kanyang hita. Bumusangot ako. Ganoon kasigurado si Hannan dahil kilalang kilala rin naman ng lahat ang lalakeng iyon. Simula noon ay ganoon na talaga siya. Ni minsan, hindi ito nalink sa mga babae sa school kumpara sa mga kapatid niyang nangongoleksyon ata ng babae araw araw.
“It’s just for fun, Hannan. Walang masasaktan dahil wala naman akong nararamdaman para sa lalakeng iyon. Like I am not into weirdo kaya.” Natawa ako. Weird naman talaga siya! No friends! Tahimik! Suplado! Heartless! That’s very weird for a guy! Dapat ang mga lalake, gentleman, mabait, sweet, friendly, outgoing, palangiti! Unlike him!
Nailing si Hannan. Bumusangot ang kanyang mukha kaya niyakap ko siya.
“Stop worrying about me. Parehas lang talaga kayo ni Klint…” bulong ko sa kanyang tiyan.
Bumuntong lamang siya ng hininga. “Stubborn.”
Iyon nalang ang nasabi niya. She stayed until dinner. Kilala narin kasi siya nila Mom and Dad. Isa siya sa pinakaclose ko. Let’s just say bestfriend na ang tingin ko sa kanila ni Yashin. They’re always there for me.
May klase-klaseng pagkain ang nakahain sa malaki naming mesa. It was composed of 12 seats.
“Gumanda ka ata lalo, Hannan.” My mom complimented.
Hannan smiled. “Salamat po Tita.”
“I heard you’re doing great in school. Kasali ka raw sa dancetroupe?” Now it was Dad.
Tumango-tango si Hannan, nililingon pa ako at binibigyan ako ng makahulugang tingin na ikinahagikhik ko lang.
“I am bragging how talented you are, Hannan.” Sabi ko.
Nailing si Hannan, may matamis na ngiti saka binalingan si Dad. “Thanks Tito. Dagdag rin kasi iyon sa grades kung may extra curricular activity kang sinasalihan.”
“That’s good. I’m sure your parents were very proud to have you as a daughter,” si Dad.
Hannan just smiled. Sa tagal tagal na naming magkaibigan, hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila. Pati kina Yashin. Palagi rin naman kasi kaming nasa condo ni Klint sa tuwing nagcecelebrate kami ng kung ano o kaya ay kina Troye at Leeland. Those three were living a luxury life.
“How about Yashin, Red? Ba’t hindi mo inimbitahan rito?” Mom asked me.
Binalingan ko si Hannan kaya siya na mismo ang sumagot.
“Yashin is quite busy po sa paperworks sa school, Tita.”
Namangha ang mga mukha ng aking magulang. Bukod sa pagmamalaki ko kay Hannan sa kanila, ipinagmamalaki ko si Yashin. Ang sabi pa nga nila, pwede nila itong tulungan sa kolehiyo kung gusto niya.
“Hindi na ako magtataka kung magiging Valedictorian iyang batang yan,” Dad said.
“She’s very smart po talaga Dad!” Ako naman.
Mom eyed me. “Well, I am not pressuring you honey pero sana ganoon ka rin.” Biro niya kaya napasimangot ako.
Dad laughed. “I’m already fine with your grades sweetheart. Don’t listen to your Mom.”
“I am not saying na hindi ako okay sa grades niya.” Mom glared at my Dad.
“Our baby is smart. It’s just that, may mas matalino rin.”
Tumango-tango ako. Si Hannan naman titig na titig sa magulang kong nagtatalo sa harapan namin in a calm way lang naman.
“Pag naging Valedictorian ako Dad, pwede na akong magdrive?” Nakuha ko agad ang atensyon ng dalawa.
“Kahit hindi ka maging Valedictorian pwede naman. Don’t pressure yourself.”
Namangha ako sa binitiwan ni Dad. I was smiling from ear to ear when Mom suddenly interrupted ruining my happiness.
“Pag 18 kana.”
Now it was Dad who’s laughing hard. Ngumuso ako. “Unfair!”
“Your Mom is right, Red. Stop being stubborn,” si Hannan naman.
Mas napanguso ako lalo na’t tumatango na si Mommy, sinasang-ayunan si Hannan. While Dad can’t help not to smile mischevously. Inaasar ako!
Sumama ako sa paghatid ng driver namin kay Hannan. Tumatanggi siyang huwag nalang daw akong sumama at manatili nalang sa kwarto ko para tuluyang gumaling pero nag-insist talaga akong sumama. I wanted to meet her parents and explained to them bakit siya natagalan.
“Ang tigas talaga ng ulo mo.” Panglelecture ni Hannan sa akin. Nasa loob na kami ng sasakyan naming SUV. Nasa front seat naman ang isa kong bodyguard.
“It was my fault kaya ka ginabi. ’Tsaka binisita mo nga ako kaya dapat ihatid kita pauwi,” sabi ko kaso hindi man lang nagbabago ang worried face niya. Ayaw niya ba talagang pumunta ako sa bahay nila?
“I know maarte ako Hannan but I’m not going to say “kadiri” naman kung pangit ang house niyo,“ sabi ko sa maarteng boses.
“Hindi sa ganon…” Nakagat niya ang pang-ibabang labi.
Huminto ang SUV sa tapat ng malaking bahay. Tiningnan ko iyon sa bintana.
“You have a pretty house pala! Eh ba’t ayaw mong makita ko?” Sumimangot ako.
Bumaba ang bodyguard pati narin ang driver para pagbuksan kami ng pinto.
“Hayaan mo na nga.” Tumawa siya.
Minsan talaga misteryosa siya sa akin. Iyong feeling ko wala akong masyadong alam sa kanya. Ugali lang ata ang kabisado ko, maliban sa buhay niya.
Yung akin kasi, bukod sa namemedia ang pangalan ng Dad ko dahil nga senador ito, lahat rin naman aware kung anong klaseng pamumuhay ang meron kami. Kahit hindi ako naeexpose sa media, alam ng lahat na anak ako ng isang senador. I grew up with a golden spoon on my mouth.
Bumaba kaming dalawa roon. I was busy watching her house tapos siya itong nagsasalita na sa harapan ko.
“Salamat sa paghatid Red. Sige na, deritso uwi na. Magpagaling ka ha.”
I didn’t pay attention much on what she’s saying lalo na’t kinukuha ng atensyon ko ang pagkakabukas ng malaki nilang gate. I saw a lady came out. Siguro kaedad lang siya ni Mommy. Pero she looks so young… Hannan resembled her face though.
“Hannan,” she called in a stern voice.
Ngumiti agad ako. “Magandang gabi po, Tita! I am Hannan’s friend.” Kumaway pa ako.
Nilingon niya ako sandali pero she didn’t even bother to say a word to me. Her red lips remained flat. Ni hindi ito kumurba at matalim na ang tingin sa anak niya.
“What time is it?” May galit sa tono ng boses nito. Nilingon ko si Hannan sa tabi ko na nakayuko lang.
“Uh, Tita. Natagalan po si Hannan kasi binisita niya ako. I am sick po kasi…”
Binalingan niya ako, tinaasan ng kilay. “You don’t look sick to me, hija. Anong klaseng palusot ang sinulsol ng anak ko sa’yo para gabihin kayo ng ganito?”
Napakurap ako, nakaramdam ng kaba sa ektrikta niyang Mommy.
“M-May sakit po talaga ako. ’Di ba?” Nilingon ko ang aking bodyguard na nasa tabi ko. Masunurin naman iyong tumango.
Tumaas lamang ang kilay ng kanyang Mommy. “Madaling kuntyabahin ang mga bodyguard.” Binalingan niya ang anak. “Are you with Leeland?” Ngayon ay marahas na ang kanyang boses.
Mabilis na umiling si Hannan. “Mom, I told you he’s just our friend.”
“Opo Tita! Friend po namin si Leeland!” singit ko para matulungan si Hannan sa pagpapaliwanag.
Hindi nagbabago ang ekspresyon nito. Habang tumatagal ata ay patalim nang patalim ang kanyang tingin. Can’t believe na ganito ang Mommy ni Hannan. My Mom is not like that. Mahinahon iyon palagi at nginingitian ako always.
“I told you to stick on your studies! Wala kang mapapala diyan sa mga barkada mo!” she exclaimed in anger. Napayuko si Hannan, tinatago ang matang naluluha.
“Hannan is doing fine naman po sa school. Besides, mas mataas pa nga po ang grades niya sakin.” I tried to smile kahit hirap ako.
“So ikaw iyong brat na anak ni Senador Valerio?” Tumango ako. Brat? Ganoon na ba talaga ang tawag sa mga anak na masyadong maluho at maarte?
“Mom, I’m sorry.” Pag-iinterupt ni Hannan saka ako binalingan. “Red, go home now. Baka mag-alala sila Tita at Tito pag natagalan ka…” She smiled a bit. Naluluha ang kanyang mga mata at pinipigilang maiyak.
Tumango ako, hindi na nakipagtalo pa. Nakakatakot rin kasi ang kanyang Mommy.
“Bye, Hannan.” I kissed her on her cheek saka ko binalingan ang kanyang Mommy na nakahalukipkip parin. “Bye po, Tita.” I smiled a bit kaso ni tango o sagot ay wala akong nakuha sa kanya.
Laman ng aking utak ang ugali ng Mommy ni Hannan. Kaya ba parang prim and proper itong kaibigan ko dahil sa strict niyang Mommy? I didn’t know about that.
Palabas na kami ng subdivision nila nang may makita akong pamilyar na imahe ng lalakeng papasok na sa isang napakalaking bahay. Sa sobra kong pagkagulat, nataranta na ako rito sa likod.
“Stop the car!” sigaw ko, binuksan agad ang bintana. “Tres!” Wala sa sarili kong tawag rito.
Huminto ito sa pagbukas ng gate, nilingon ako. Napangiti agad ako ng malapad. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at nilapitan ito.
“Wow! Ang ganda ganda ng bahay niyo! This is the biggest house I saw in this subdivision!” Pamumuri ko at tinitingala ang 4storey house nila.
Hindi ito sumagot. Nakatitig lamang sa akin, iritado na naman ang mukha. And then I remembered something that made me stiffened. Shit ka Red! Iyong kahihiyang nagawa mo!
Napakurap ako. Hindi na alam kung kakaripas ba ng takbo papasok sa SUV o gusto nalang lamunin ng lupa.
Tumaas ang kanyang kilay sa akin. May nakapulupot na headphone sa kanyang leeg habang akay akay niya ang isang mabalahibo na puting aso. He’s just wearing a black tshirt paired with short at nakatsinelas lang.
“Uh…” Napaawang ang aking bibig, walang mahanap na salita sa loob.
“Stalker?” sambit niya na agad kong ikinailing.
“Hinatid ko si Hannan! Magkapitbahay pala kayo?”
Imbes na sagutin ako, tumitig lang siya. Malamya na naman ang mga mata na akala mo bagot na bagot sa isang bagay pero madilim iyon, walang kulay.
Tiningnan ko ang kanyang aso, err… I HATE DOGS. “Ang cute naman! Anong pangalan?” I was about to touch it nang bigla nalang itong tumahol sa akin na para bang sasakmalin niya ako pag hinawakan ko siya. Galit na galit pa ang hitsura. Like hello! I hate you rin! Ugh!
Sa sobra kong gulat ay napasigaw ako at napaatras. Bakas sa aking mukha ang takot. Kamuntik nang makagat ang kamay ko! Mana pala sa kanya iyong aso.
“Gosh your aso almost bite me!” Nahawakan ko ang aking dibdib, taas baba ang balikat dahil sa pagkakagulantang.
“Alam ng mga hayop kung sinong hindi mababait sa kanila,” he said surely.
“Hoy I love dogs kaya!” I lied.
“Umuwi kana,” sabi niya lang at tumalikod. “Ka babaeng tao lakwatchera.”
Bumusangot agad ang mukha ko. Nandiyan na naman iyang linya niyang “ka babaeng tao.”
Umuwi rin ako. Ngayon ay alam ko na ang kanilang bahay! Akala mo tatantanan na kita dahil lang masyado kang suplado at walang puso Tres? Then deal with me. Hinding hindi kita tatantanan hangga’t hindi ako nananalo sa larong ito.
The next morning, sumabay ako ng breakfast kay Mommy at Daddy. They’re in a hurry pa naman.
“Dad, I was planning to buy a…” Nakagat ko ang pang-ibabang labi.
“What is it honey? Spit it,” sabi ni Dad sipping his coffee.
“Uhm,” Nilingon ko sandali si Mommy na nasa akin narin ang tingin.
“What is it baby? May hindi pa ba kami nabibili ng Dad mo sa’yo?” si Mommy.
Umiling ako. “No, actually… I want a pet sana.”
Nagkatinginan silang dalawa. Kahit si Mommy magkasalubong na ang kilay.
“A pet?” Dad asked, confused.
“Yep! And uh… I want a dog sana…” Nag-iwas ako ng tingin.
Mom and Dad laughed. “But we thought you hate dogs?” It was Mommy.
“Remember when you’re a kid, Christienne? You’re crying hard dahil kinagat ka ng dog and you said na ayaw mo na sa dog dahil nangangagat?” Tumatawang sambit ni Dad.
Ngumuso ako. “But I want it now… Bata pa naman ako noon e…” Oh please Red, halos sakmalin ka nga noong aso ni Tres kagabi. Hindi rin talaga nagbabago ang paningin ko sa mga aso. Sadyang akala ko mabait iyon at gusto kong magpaimpress kay Tres. But it turns out na hate parin pala ako ng mga dogs. I hate them too.
“Okay, okay… Magpasama ka nalang sa bodyguards mo then buy a pet for yourself. Just get the money on your bank account okay?”
Lumiwanag agad ang mukha ko sa sinabi ni Dad. Oh my gosh! I’m going to buy a dog at iyong mabait!
“Anong gagawin mo sa aso? Aaalagaan mo?” Dad suddenly asked. No of course! May maids naman sila ang mag-aalaga baka kagatin pa ako.
“Ipapasyal ko Daddy!”
Chapter 9
Game of Love
Lumayo
Layo
Ka
“So nangangagat sila pag gutom?” I asked my maid while she’s reading the guidelines how to pet a dog.
“Mukhang hindi naman po iyan nangangagat, Ma’am Christienne.” Anang kasambahay habang tinitingan ako na nakatitig sa natutulog na aso sa cage nito. I don’t want to touch it! Baka kasi bigla nalang akong kagatin!
Naalala ko pa naman iyong sinabi ni Tres na alam ng mga hayop iyong hindi mababait sa kanila. I just don’t like them! Iyon lang naman! But I never treated them wrong! Takot pa nga ako.
“Really?” I asked with assurance. Tumango ito.
Kumurap-kurap ako. What if bigla pala akong kagatin niyan katulad noong aso ni Tres. I almost had a heart attack! Akala ko talaga mamamatay na ako! Medyo takot ako sa kanila since I was a kid kaya wala ring mga hayop dito sa bahay. But I want to have one for my plans! Pero dapat, matuto muna akong iconquer ang takot ko sa kanila.
“Oh my gosh! Gising na siya!” I pointed the innocent dog yawning.
“Opo Ma’am.” Natawa iyong katulong sa akin. “Kailangan na po siyang ilabas sa cage niya.” She was about to open it kaso mabilis ko ring hinawakan ang wrist niya.
“Wait! H-Hindi ba yan tatalon bigla tapos sasakmalin ako?” Oh God, I’m scared!
Tumawa ito. “Hindi po Ma’am! Mabait daw po itong asong ’to.”
Medyo huminahon ang aking mukha. Really? May mababait pala? I don’t think so! Mukha lang silang cute pero nangangagat talaga sila!
Sinubukan kong magsteady habang pinapanood ang kasambahay kong buksan iyong cage. Kinuha niya ito roon. I was a bit nervous lalo na’t hinahawakan niya na ang mabalahibo nitong katawan para igiya palabas.
“Oh diba Ma’am! Hindi nangangagat!” sabi niya sa akin at nagawa pa iyong hilain lalo palabas. I stiffened when she place it on my lap.
“Wait! I-Ialis mo siya! Hindi ako nakapajama baka bigla niya akong kagatin!” I panicked, not making too much movement dahil baka magulat ko ito at sakmalin ako.
Tumawa ulit siya. “Ang cute niyo po Ma’am! Hindi ka nga po kakagatin.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi, hoping she’s right about this dog. Kabado kong hinaplos iyong balahibo niya. Napalunok pa ako ng laway nang gumalaw ito at sumiksik sa akin. Nagloosen ang balikat ko at napangiti ako.
“Ang cute!” I giggled while watching the dog sleeping on my lap.
Ilang minuto lang ay nakakaya ko na itong akayin. Pinakain ko pa ng marami para hindi siya magalit. Then pinaliguan siya noong maid. I don’t want to get wet kaya sila nalang ang inutusan ko.
Nagbihis ako ng printed dress na hanggang hita ko lang. Nakaribbon ang laces nito sa magkabila kong balikat. Umikot pa ako para lang makita itong umangat sa ere at sumasabay rin sa aking galaw. I wore a cycling naman para hindi ako masilipan.
“Saan po tayo Ma’am?” tanong ng driver pagkapasok ko sa sasakyan.
“Uhm, sa subdivision nila Hannan. But please, pagkahatid niyo sakin umuwi na kayo.” Nilingon ko rin ang bodyguard sa sa front seat. He looks worried.
“Pero Ma’am, hindi ko po kayo pwedeng iwanan. Kabilin-bilinan iyon ng Daddy niyo,” sabi nito. Sanay na akong bumubuntot yan pero this time hindi pwede!
“That’s a safe area naman! It’s a subdivision filled with guards,” sabi ko. “Ipapasyal ko lang ang dog ko then bibisitahin ko si Hannan, after that uuwi na ako.”
My bodyguard is not convinced kaya sumimangot ako.
“Please? Sa loob lang ako ng subdivision.” I pleaded. Nagkatinginan pa sila ng driver.
Bumuntong ng hininga iyong bodyguard at tumango sa akin na ikinangiti ko na. Yehey!
Bumaba ako ng sasakyan habang akay akay itong aso. I am wearing a flats at walang dalang slingbag. Pambahay ko nga lang itong sinuot ko pero dahil magarbo mamili si Mommy ng mga dress, para narin akong pupunta sa isang okasyon o kung ano.
Inayos ko ng mabuti ang aking sarili at ibinaba iyong aso ko. Tinalian ko pa ito para naman makakagala ako ng maayos nang hindi siya inaakay.
“Hey… walk.” Marahan ko itong pinausog gamit ang aking paa. Kaso sa halip na maglakad, nagawa pa nitong matulog roon.
Sumimangot ako at yumuko. Sinilip ko ang mukha nito. “Natulog ka naman kanina ah? You need to walk.” Sabi ko sa kanya kahit alam kong imposible niya akong maintindihan.
Nang hindi na ito gumalaw pa, wala akong nagawa kundi akayin nalang ito. Ang tamad naman ng nabili kong aso! Wala ba iyong bubbly?
Naglakad-lakad ako sa subdivision. Napangiti agad ako nang malapit na ako roon sa bahay nila Tres. And timimg! Bumukas ang gate at may lumabas! Oh my gosh it’s Tres holding his dog!
Mabilis akong naglakad. Halos tumakbo na ako. Pero noong lumingon siya ay pasimple akong naglakad ng mahinahon.
“Tres!” Kinawayan ko siya. Tumaas ang kanyang kilay, hindi ako pinansin at ibinaba ang kanyang aso. Nagsimula iyong maglakad ng dahan dahan ganoon rin siya. Nakabulsa ang isang kamay at isinalampak na ang headset sa tenga.
Binilisan ko lalo ang paglalakad hanggang sa makatabi ko na ito.
“Ipapasyal mo rin ang aso mo?” magiliw kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko iyong aso niyang hindi rin ako pinapansin. Good thing he didn’t bark at me!
“Why are you here?” tanong niya sakin kaya nag-angat rin ako ng tingin.
“Pinasyal ko ang aso ko.” Katwiran ko.
“Pumunta ka sa subdivision na ito para lang ipasyal ang aso mo?” Hindi kumbinsido ang boses na iyon pero tumango parin ako.
“Yep!”
“Ang layo naman ata. Nasa kabilang subdivision kayo,” sabi niya na ikinakurap ko. Ba’t niya alam?
“Alam mo kung saan ang bahay namin?”
“May hindi ba nakakaalam sa bahay ng mga Valerio?” Tumaas ang kanyang kilay. Ay oo nga pala! I almost forgot about it.
Itinuon niya na ang atensyon niya sa daan. Iyong aso niya ay magiliw ring naglalakad. Ba’t pakiramdam ko kung anong mood ni Tres ay iyon rin ang mood ng kanyang aso?
Tahimik akong sumabay sa kanya. Buti nalang talaga hindi gaanong mabigat itong nabili kong aso.
“Akala ko ba ipapasyal mo?” Tumaas ang kanyang kilay, nasa aso ko na ang tingin.
“Of course!” I smiled at inilapag iyong aso. Ginalaw galaw ko pa ang hawak na tali para lang maglakad ito kaso katulad ng nangyari kanina ay natulog lamang siya sa kalsada. Oh shit!
“H-Hey! Get up! Wake up!” Marahan ko itong inalog gamit ang paa ko.
“Psh. Halatang ikaw lang ang may gustong mamasyal,” sabi ni Tres sa akin. Kakargahin ko na sana ulit ito nang magsalita siya.
“Nangangagat pa naman ang mga asong nadidisturbo sa pagtulog. Lalo na iyong palagi silang kinakarga.”
Namutla ako. Mabilis kong nailayo ang aking kamay sa aso ko. S-Seryoso ba siya?!
“T-Talaga?” nauutal kong tanong nang tiningala ko siya. Kulang nalang ay umupo ako rito sa kalsada pero hindi pa naman tuluyang nakasayad ang aking pwet.
“Do you even know how to pet your dog?” Tumaas ang kanyang kilay. May hinala na ang boses na iyon. Para bang may pinupunto siya.
Tumango agad ako. “Oo naman! I’m a d-dog lover kaya! Same tayo!”
“What’s his name?”
Napaawang ang aking bibig at sasagot na sana agad kaso natigilan rin ako nang mapagtanto kong wala naman itong pangalan. Oh my gosh Red! Ang-ilang beses mo bang mapapahiya ang sarili mo sa harapan ng lalakeng iyan!
Speaking of.
“Thirdy! His name is thirdy!”
Tumaas ang kanyang kilay. “Hoy it wasn’t your name! M-Matagal ko na iyong naisip no. Matagal na siya sa amin! Kahit noong hindi palang kita kilala he already have that name!” Depensa ko.
“I am not saying anything,” sabi niya sa baritonong boses at tumalikod rin. Napanguso ako nang maglakad siyang muli. Maiiwan na ako rito! Hindi naman pwedeng iwanan ko ang aso ko baka mahalata niyang wala akong pakialam at maghinala pa siya na nagpapanggap lang ako. I need to act like I’m a frigging dog lover!
Tiningnan ko ang aso kong mahimbing na natutulog. “Hey! Wake up! We need to walk…” I said pleading. Mahina lamang ang boses ko dahil baka magalit siya at masyado akong disturbo tapos sakmalin ako.
“Wake up…” Pinindot ko ang kanyang katawan ng ilang beses saka nag-angat ng tingin sa direksyon ni Tres na medyo malayo na sa akin pero nakatingin rito.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. I can’t even carry it! Baka matotoo iyong sinabi ni Tres at magmukha akong ewan.
Nangangalay na ang aking mga paa dahil narin sa posisyon ko. Para akong bata rito sa kalsada habang nakayuko. Gustuhin ko mang iluhod nalang ang isa kong tuhod para hindi mahirapan, kaso ayokong madumihan. Darn! This is harder than I thought! Ano bang masaya sa pag-aalaga ng aso?
Nakasimangot akong tiningnan ang aso ko at nagdadadal na sana gumising nalang siya at maisipang maglakad.
Napakurap ako nang may makita akong pares ng paa sa aking harapan. Tumingala ako at nakita ang supladong mukha ni Tres.
“Tumayo ka.” Utos niya na ikinanguso ko.
“P-Pero yung aso ko…”
Nailing siya. Nag-akmang hawakan ang aking aso kaya mabilis kong hinuli ang kanyang pulso.
“Don’t touch it! Baka kagatin ka niya pag nadisturbo mo siya!” I almost panicked.
Sandali siyang natigilan. Napatingin sandali sa ekspresyon ng mukha ko.
“K-Kasi… sabi mo ’di ba…” Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Why so careless, Red!
“Sarili mong aso hindi mo kabisado. Tsss.” Binawi niya sa akin ang kanyang kamay at kinarga ang aso ko. Napakurap-kurap ako nang hindi man lang siya kinagat. Wow, dogs love him! Kahit mga hayop naaattract pala sa kanya?
“Tumayo kana diyan. Para kang bata,” inis niyang sabi habang tinitingnan ako kaya mabilis akong tumayo.
“Oh.” Ibinigay niya sa akin iyong tali noong aso niya. Namutla ako roon. Hindi kami magkabati ng aso niya!
“Akala ko ba doglover ka?” Hirit niya pa nang mapansing hindi ko tinatanggap iyong tali ng aso niya.
Nakagat ko ang aking labi. Kinuha ko iyong tali. Medyo natawa pa ako nang hindi kumikibo iyong aso niya.
“Mabait naman pala ang aso-“Oh my gosh!” Nanlalaki ang mga mata ko nang bigla iyong tumakbo. Sa sobrang bilis ay napatakbo narin ako. “Tres!” Malakas kong sigaw. Gustuhin ko mang huminto sa pagtakbo pero natatakot rin akong mabitiwan iyong tali. Darn! This is really embarrasing!
“Third,” tawag ni Tres sanhi para huminto iyong aso. Nahawakan ko ang aking dibdib at ikinalma ang sarili. Hingal na hingal ako! Pesteng aso!
Ilang sandali lamang ay nasa tabi ko na si Tres. “Dog lover ka nga.” Halatang sarcastic iyon at nakukuha niya pang tumango.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Kinuha niya sa akin iyong tali at nagsimulang maglakad. Akay-akay niya pa nga ang aso ko tapos siya pa ang may hawak noong tali. Ano bang magagawa kong tama sa paningin niya? Sa tuwing nagpapaimpress ako palaging nauuwi sa kahihiyan.
Tahimik lang ako sa kanyang tabi. Hindi ko maiwasang lingunin siya bawat sigundo. So dog lover pala talaga siya? Mas gusto niya atang kasama ang isang hayop kaysa ang tao.
Noong makarating kami sa park ay ibinaba niya ang aking aso. Kahit iyong tali ng kanyang aso ay kinuha niya rin.
“Tumatakas sila!” Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang mabilis na pagkaripas ng takbo noong dalawang aso.
“They’re playing,” sabi niya, tumataas na naman ang kilay at parang hinuhusgahan ako ng mga mata niyang malalim.
Nagpout ako. “Ah… oo nga.” Awkward akong tumawa.
Umupo siya roon sa bench. Uupo narin sana ako sa tabi niya nang magsalita siya.
“Doon ka sa kabila.” Biglaan niyang sabi.
“Huh? Eh malaki pa naman ang space ah,” sabi ko.
“Ano?” Pasimple niyang ibinukaka ang kanyang magkabilang hita at isinandal ang magkabilang kamay doon sa likod. He was spreading his arm and leg widely.
Napangiwi ako. Dahil sa ginawa niya, wala na tuloy bakante.
“Sabi ko nga doon ako sa kabila.”
Umupo ako roon. Tiningnan ko ang mga asong naglalaro lang naman saka ko nilingon si Tres na nakasandal na ang ulo roon sa likod habang nakatingala. Nadadala siguro siya sa pinapakinggan niya sa kanyang headset lalo na’t napakapresko rin ng hangin rito. I never done this before. Ni ang pagpunta sa park ay ayoko. It’s just that I find it boring. Ayoko iyong nakaupo lang ako. Iyong tahimik.
But it’s not bad afterall. Nakakarelax rin kasing panoorin si Tres. His hair were moving while sleeping peacefully. Siguro, iyon lang ang side na masasabi kong mabait siya. Pag natutulog.
Binalingan kong muli ang aso namin kaso nagulat ako nang makita ang aso ni Tres na binubundol iyong aso ko sa likuran. Sa sobra kong gulantang ay nagsisigaw kong nilapitan si Tres.
“Yung aso ko! Binubundol at sinakyan ng aso mo!” Nagpanic ako at pinagyuyugyog si Tres. Dumilat ang kanyang mga mata. Sandali pa siyang tumitig sa akin saka itinagilid ang ulo para dungawin ang mga aso.
“So you’re really not aware that your dog is a girl? Hmm, dog lover?” It was like a tease. He sounds like he’s mocking me.
“H-Huh?” Nilingon ko sandali ang mga aso naming hindi parin tumitigil. Oh gosh. What are they doing?!
“My dog is fucking your dog.” Deklara niya na ikinalaglag ng panga ko. W-What?!
“T-Theyre what?” I felt my cheeks burning like a fire.
He lazily look at me. “Fucking.”
Napasinghap ako. I am aware of that word pero hindi lang talaga ako makapaniwalang iyon ang ginagawa ng mga aso namin. Ano bang alam ko sa hayop na iyan? Nagpapanggap lang naman akong dog lover! Kahit nga ang kasarian ng sarili kong aso ay hindi ko alam! K-Kaya ba takang taka siya sa thirdy? Oh my gosh!
“A-Aren’t you going to stop your dog?” Nahihiya kong tanong.
Umiling siya. “Ba’t ko pipigilan?”
“K-Kasi mabubuntis ang aso ko!”
“Ayaw mo niyan, marami kanang aso. Total dog lover ka naman…” He said with the tone of mockery. My cheeks burned with too much heat this time. Feeling ko buong mukha ko na iyong pulang pula. His sharp yet dark eyes were insulting me through his gaze. Na ilang beses niya na akong nahuhuli sa mga kasinungalingan ko pero gusto niya paring panoorin kung paano ako magmumukhang tanga sa kanyang harapan at ipahiya ang sarili ko. Ganoon siya ka heartless.
Hiyang hiya ako habang naglalakad kami pauwi. Naglalakad na iyong aso ko kasabay noong aso ni Tres. They look like a couple. Panay ang kanilang paglalampungan habang hawak naman namin ang kanilang mga tali.
“Thirdy…” Nanunuya ang boses na iyon. Parang inaasar ako.
“E-Eh ano ngayon kung mukhang panglalake! Sinadya ko ’yon para hindi masyadong girly total aso naman siya.” Namumula ang pisngi ko habang nagpapaliwanag. Tumaas naman agad ang kanyang kilay. Ang blangko niyang mukha ay wala paring kaemoemosyon. Iyong mga mata niya lamang ang nagiging basehan ko sa kanyang nararamdaman. Pero kahit ang mga iyon, minsan ay napakamisteryoso parin.
Tumango siya. “Kawawa ang aso mo. Nabundol.” Inosente niyang sabi na ikinapula lalo ng aking mukha. Walang katapusang kahihiyan!
“P-Para naman talagang binubundol! ’Tsaka malay ko ba kung bastos pala iyang aso mo.” Umismid akp.
“Kasalanan ng aso mong dikit nang dikit sa aso ko.” Makahulugan niyang sabi. “Natrain ko yan.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Sa mura kong edad, alam ko kung anong tinutukoy niya at kung ano ang bagay na iyon. And he’s even proud to say na tinrain niya sa ganoong bagay! Like kadiri!
“Kaya kung ayaw mong mabundol kita, lumayo layo ka.” Hirit niya sakin na ikinatindig ata lahat ng balahibo ko. Wala sa oras akong napalunok ng laway at hindi lang ang buong mukha ang uminit kundi ang buo kong katawan.
Chapter 10
Game of Love
Screwed
“Umuwi kana,” sabi niya sa akin nang makarating kami sa tapat ng kanilang bahay. Sa sobrang pagkagulantang ko sa sinabi niya kanina ay hindi ko namalayang nandito na pala kami. Papasok na siya?
Sasagot na sana ako kung hindi lang kinuha ng isang magarang sasakyan ang aking atensyon. May mga kasambahay na bumukas ng kanilang malaking gate. Nakita ko ang kanilang malaking garahe at ang iilang kotseng nakapark sa loob. Nasa mga lima ata iyon. Klase klase pang brand at sobrang mamahalin.
“Tres?” A soft voice called him. Napalingon na ako roon sa kotseng huminto sa tapat namin at nakita ang babaeng maganda. Is that his Mom?
“Hi po, Tita!” Magiliw kong pagbati at kumaway pa. Napakurap-kurap iyong Mommy niya.
“Umuwi kana,” sabi ulit ni Tres at pumasok na sa kanilang bahay. Ngumuso ako. Ba’t niya ako iniwan?! Tss walang puso.
“Ang suplado talaga ang bata na ’yan…” Nailing iyong Mommy niya at tila ba nakakalimutang anak niya ang batang tinutukoy.
Binuksan niya ang pinto at lumabas roon. So normal niya pala talaga ang pagiging salbahe sa mga babae. Nanggaling na sa Mommy niya eh.
Sandaling napako ang tingin ko sa kabuuan niya. She’s wearing a squarepants paired with fit croptop and heels. Wow… she’s a goddess! Her hair were perfectly bun at kung may nalalaglag man, mas nakakadagdag iyon ng ganda sa maliit at maamo niyang mukha. She looked very angelic with those innocent face. Baka naman sa Daddy nagmana si Tres?
“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, hija. Halika, pasok ka…” Hinawakan niya ang aking likod at iginiya ako papasok habang may ngiti sa labi.
Ang bait naman ng Mommy niya! Saan kaya nagmana ang lalakeng iyon? Baka sa Daddy nga? Si Uno ang nakikita ko sa kanya. Iyong gentleman at palangiti.
“You’re so pretty po.” Compliment ko na ikinatawa niya ng marahan.
“Thank you.”
Magarbo agad ang kanilang veranda pagkapasok ko. Sobrang laki ng espasyo ng loob. Marami silang katulong at may hardin pang minimaintain noong hardinero.
Pinaupo niya ako roon sa sofa pagkapasok namin sa loob. Ang aso ko naman ay nasa lap ko lang. Mukhang nagsisimula na namang matulog.
Nakita ko ang imahe ni Tres na kakababa lang galing sa enggrande nilang staircase. Nabahiran agad ng pagkairita ang mga mata nang makita ako.
“Anong pangalan mo, hija?” tanong ng kanyang Mommy. Siya pa mismo ang naglapag noong tray na may mga pagkain.
“Uhm, I’m Red po,” I said politely.
“Oh, what a nice name! Kaninong babae ka ba? Kay Dos o sa panganay kong si Uno?” she asked bluntly, like it’s really normal.
She was so sure na isa lamang ako sa babae ng tinutukoy niya dalawang anak. Ganoon ba karami ang pumupunta ritong babae ng dalawang iyon at mukhang sanay na sila?
Napakurap ako roon. Sasagot na sana ako kung hindi lang lumitaw si Tres sa aking harapan at hinila ako patayo.
“Uuwi na siya,” malamig niyang tugon na ikinabusangot ng mukha ng kanyang Mommy. Nabitiwan ko iyong aso kaya ang nangyari ay tumakbo na ito sa kung saan.
“Hindi pa ako uuwi,” sabi ko na ikinatalim ng tingin niya sa akin.
“Stop treating your brother’s girls like that Tres.” Binalingan ako nito. “Sino ba ang sadya mo, Red?”
“She’s not one of their girls, Ma.” Singit ni Tres, tamad na binalingan ang inang napakurap-kurap na.
“Huh? Edi kanino?” Now she sounds interested. “Sa’yo?” His Mom’s face lightened. Para siyang natutuwa na namamangha.
“Kapitbahay niyo po ako, Tita! I am Tres’ schoolmate. And his friend.” Ngumiti ako ng matamis at dinungaw ang Mommy niya. Tinatakapan ng kanyang katawan ang imahe nito lalo na’t nasa harap ko parin siya, hawak ang aking pulso.
“You’re his friend?” Gulat ang mukha ng kanyang ina, sinilip din ako. Tumango naman ako.
“Anong kapitbahay? Nasa kabilang subdivision ka,” si Tres, sumisingit sa aming usapan.
Ngumuso ako nang tingalain ko siya. “Iyon na nga, kapitbahay ng subdivision niyo sa kabilang subdivision.”
“Uwi na.” Hinila niya ako at kinaladkad palabas.
“T-Teka!” Lumingon ako sa kanyang Mommy na tutol narin sa gusto niya.
“Tres!” his Mom called.
Hindi niya ako binitiwan. “Ihatid niyo palabas,” sabi niya doon sa katulong na nagbukas ng pinto at tinanguan siya.
Marahan niya akong tinulak hanggang tuluyan akong makalabas. Mabilis akong lumingon sa kanya.
“Wait!” Papasok na ulit sana ako kung hindi niya lang isinarado ang pinto. Mabilis na bumusangot ang aking mukha. Wow, in my entire life I never been treated like this.
Nanatili akong nakatayo rito kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Mabuti nalang at hindi ako lumabas ng veranda kundi ay mauulanan na naman ako.
I have no choice but to go home. Handa ko nang kunin ang cellphone ko at itext ang driver na sunduin ako kung hindi lang biglang bumukas ang pinto at hinila akong muli ni Tres papasok.
Bumangga pa ako sa kanyang dibdib dahil sa marahas niyang pagkakahila. He groaned. Tila galit sa isang bagay.
“U-Umuulan. Hindi ako makakauwi,” marahan kong sabi.
“Entertain your visitor, Tres…” makahulugang sabi ng kanyang Mommy.
Sinilip ko ito at nakita siyang nginitian ago. “Make yourself comfortable, hija. You can stay here as long as you want. Si Tres nang bahala sa’yo.”
“Thank you po, Tita!” I smiled merrily. Tres just tsked, walking out after his Mom left.
“Tres!” I called him kaso hindi man lang ako pinakinggan at derideritso ang akyat sa itaas habang nakapamulsa. Alright! He’s really heartless. Bahala nga siya.
Nilapitan ako noong maid nila. “Ano pong gusto niyong gawin, Ma’am?” magalang nitong tanong.
“I’m a bit hungry. May food po kayo?”
Tumango ito sa akin at iginiya ako sa kanilang kusina. Their house is way bigger than ours. Alam kong mayaman ang mga Buenaventura pero hindi ako makapaniwalang ganito pala kayaman. Makikita mo agad iyon sa mwebles at kanilang mga gamit.
I ate silently. Sa sobrang tahimik ay binalingan ko nalang iyong katulong na nakatayo sa gilid at para bang binabantayan ako.
“Asan yung ibang kapatid ni Tres?” tanong ko.
“Umalis po si Sir Uno kasama ang Daddy niya Ma’am. Si Sir Dos naman ay nagBar.”
As expected sa dalawang iyon.
“Palaging nandito si Tres?”
Tumango ito. May sarili rin talagang mundo ang lalakeng iyon. Wala ba siyang hilig lumabas? MagBar? Wala siyang nightlife? Kahit nga friends ay wala eh.
May biglang pumasok rito. Ang nakakasindak nitong imahe ang kumuha ng buo kong atensyon. He was wearing a white polo. Nakabukas ang iilang botones at medyo gusot while the sleeves were rolled till his arm revealing his tats. Magulo ang kanyang buhok at parang may ikinakagalit ang mga mata.
He passed through me, ignoring my presence. Napalunok tuloy ako ng laway nang wala sa oras. He’s very intimidating at pakiramdam ko ay bigla nalang uminit sa kusina na maya maya ay susunod na si Satanas at kakalabitin ako dala ang kanyang malaking tinidor dahil sa init ng aking nararamdaman. His presence screams evil!
“Uno’s girl?” wala sa sariling tanong ni Dos. Nasa loob ng ref ang atensyon. Alam niya palang nag-eexist ako?
“Kaibigan po ni Tres, Sir Dos,” magalang na sabi noong katulong.
Natigilan si Dos at nilingon ako. His face suddenly got interested. I smiled awkwardly. “H-Hey…”
His brow raised. “Is your Dad a politician?”
Namukhaan niya ba ako? Imbes na sumagot ng oo ay tumango nalang ako dahil hindi ko na iyon maibulalas.
Mas lalo atang tumaas ang kanyang kilay. Ngumisi siya nakakaloko kasabay ng pagkinang noong dalawang suot na earring niya sa kabilang tenga. He’s purely a badboy. Iyong malapit sa basag-ulo. O kaya ay iyong may masamang binabalak sa’yo pag nakita mo ito sa daan. Though he’s really hot.
Hindi palang ito nakakalapit sa akin ay may mabilis nang humigit sa akin patayo. Dos chuckled evily. Anong klaseng bahay ba itong pinasukan ko?
Tres’s hand gripped on my pulse tightly. Kinaladkad niya ako palabas ng kanilang kusina.
“Ouch! Why are you like that ba?” Imbes na sagutin ako, ipinagpatuloy niya lang ang paghila sa akin. Buong akala ko ay palalabasin niya na naman ako kaso laking pagtataka ko nalang nang umakyat kami sa kanilang grand staircase. Pakiramdam ko matitisod ako sa hagdan nila ano mang oras dahil narin sa bilis ng kilos ni Tres.
“Can you please be gentle naman.” Reklamo ko na hindi niya lang pinakinggan.
May binuksan siyang pinto saka ako muling hinila papasok. Ni hindi na nagsink-in sa oras na iyon na nasa kwarto niya kami dahil sa pagkamangha ko sa paligid. I didn’t expect he got a clean room.
Doon niya lang ako binitiwan noong naisara niya na ang pinto at nagawa pang ilock. My eyes wandered around the room. Ramdam ko ang hapdi ng aking pulso pero hinimas ko lang iyon at hindi mapigil ang sarili sa kakamasid.
“You have a big room…” wala sa sarili kong sabi.
Nagtungo ako roon sa malaking kurtina at hinawi iyon. May sliding door na kumukonekta sa labas at isang transparent glass lamang iyon. I saw the rain pouring harshly. Para bang hindi ito maawat at walang balak tumigil.
“Umuulan parin.” Ngumiti ako at nilingon siya dahil sa naisip ko na hindi pa ako pwedeng umuwi kaso mabilis ring nabura ang aking ngiti nang nakita ko siyang nakahilata sa kanyang king size bed at topless lang naman.
I gulped. “Umuulan pero you’re t-topless.” And why the heck am I stuttering?!
“Umuwi ka pagtila ng ulan,” sabi niya sa akin, nasa binabasang libro ang tingin. Tumango ako.
Hinayaan niya akong magpalakad lakad sa loob. Kahit siguro tumambling ako at magtatakbo ay hindi ako mababangga sa pader dahil sa laki ng espasyo.
His things were properly in places. May malaki siyang bookshelf kung nasaan nakalagay ang iba’t ibang klase ng libro. I think he likes gray and black colors. Unlike sa curtains niya na mukhang dirty white.
Doon lang ako natigil sa kakamasid noong kumalam ang sikmura ko. I am hungry! Hindi ko natapos iyong kinakain ko dahil rin naman bigla niya nalang akong hinila.
Tiningnan ko siya sa kanyang kama na seryosong seryosong nagbabasa.
“Uh…” Mabilis na gumalaw ang mga mata niya sa akin. Iyon lang ang gumalaw para tingnan ako.
“I’m hungry.” Daing ko na nagpataas ng kanyang kilay.
“Can’t you do things on your own?”
Ngumuso ako. “May maids sa bahay eh.”
“Asan ang maid mo dito?” suplado niyang tanong na ikinanguso ko.
“But I’m hungry.” Iginala ko ang tingin at nakakita ng mini ref. Ganoon ba siya katamad?
Lumapit ako doon at binuksan iyon. Ang rami niyang chocolates! May mga cakes rin.
“Ang hilig mo naman sa carbs.” Nasira ang aking mukha. Di naman ako masyadong mahilig sa matatamis.
“Sa mga babae ’yan na iniiwan sa labas ng bahay at nakapangalan sakin.”
Oh, I see…
Nanghalungkat ako ng ibang makakain roon kaso walang matino. Mukhang lahat ay bigay nga sa kanya pero hindi naman nagagalaw.
No choice ako kundi kumuha ng snack bar roon. Binuksan ko iyon at kumagat habang gumagala sa kanyang kwarto. Nagtungo ako roon sa bookshelf niya at kumuha ng iilang libro. Kaso bago ko palang iyon nahila, may humawak na ng pulso ko.
“Stop touching my things,” mariin niyang sabi. Dahan dahan kong tinrace ang kanyang braso hanggang sa umabot ako sa suplado niyang mukha. Siya mismo ang nagtulak pabalik noong libro at hinila ang aking balikat paharap.
Kumalabog nang husto ang dibdib ko nang mapagtanto kong topless lamang siya at ganito pa kami kalapit sa isa’t isa. Nakatukod sa aking gilid ang kanyang braso, hinaharangan ako roon.
“K-Kahit ito?” Inangat ko ang snack bar na hawak ko. Bumaba ang tingin niya roon sandali pero agad ring bumalik sa mga mata ko. Dahan dahan siyang yumuko, hindi inaalis ang tingin sa akin at kumagat roon sa hawak kong snack bar. Natigil ako sa paghinga ng ilang sigundo dahil roon. Pakiramdam ko ay huminto ang oras at natutulala ako sa kanyang kilos.
Titig na titig ako sa kanyang ngumunguyang bibig. He was like a hot model endorsing some food kaya ganoon nalang siya kaperpektong kumain.
“Binuksan mo na. Ano pang magagawa ko?” he said lazily. Oh shit.
Umalis rin naman siya sa aking harapan. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag at kulang nalang ay mapaupo ako sa sahig. Kung hindi ako sumandal sa kanyang bookshelf baka kanina pa ako nakasalampak.
Nasa veranda niya ako. Humahampas ang hangin sa aking mukha at pinaglalaruan ang aking buhok habang nagtitipa ako ng mensahe. Maggagabi na pero hindi parin tumitila ang ulan.
Hannan, cover me up please. Kindly text my Mom na nasa house niyo ako.
Ipinasa ko ang mensaheng iyon sa kanya. Nilingon ko si Tres sa kanyang kama. He was still reading a book at topless parin habang nakasandal sa headboard doon. I sighed. Masyado palang delikado kasama sa kwarto ang Buenaventura na iyan.
Nagvibrate ang phone ko kaya itinuon ko ulit ang tingin doon sa screen.
Hannan
Where are you?
Ako:
Nasa bahay ako nila Tres. I’m inside his room right now. Please don’t tell Mom about this. Just tell her na nasa inyo ako baka matagalan akong umuwi. Para hindi sila maworried ni Dad.
Ilang sigundo ko iyong tinitigan kaso hindi parin ito nagrereply. Ibinulsa ko nalang iyon at pumasok ulit. Doon ako umupo sa sofa habang pinapanood si Tres.
“Anong tinitingin tingin mo?” wala sa sarili niyang tanong.
“Uh, hindi ka ba nabobored?”
“Hindi.”
Hindi talaga ako sanay sa ganito katahimik. Idagdag pa ang malamig na weather sa labas. Humikab ako at isinandal ang sarili roon sa sofa. Bumibigat narin ang talukap ng aking mga mata hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako bigla. Humikab ako at iginala ang tingin. Ako lang mag-isa sa kwarto ni Tres. Nandito parin ako sa sofa. Hindi man lang ako nagawang buhatin para pahigain sa kama niya. Heartless argh!
Hinanap ko ang aking cellphone sa inupuan ko. Nang makita ko iyon ay laking gulat ko nalang nang makita sa screen ang napakaraming missed calls. It was my Mom and Dad calling me multiple times. Hindi lang sila ang tumatawag sa akin kundi pati narin ang mga bodyguard at driver ko.
Pero ang lubos na kumuha ng aking atensyon ay ang mensahe ni Daddy.
We need to talk. Go home now.
“I’m screwed!” Mabilis ang aking pagtayo at nagtatatakbo na palabas.
Saktong nakasalubong ko si Tres sa kanilang enggrandeng staircase.
“Tres! I need to go home na kasi-“Ihahatid kita.” he said with finality na nagpatikom ng bibig ko. Huh? Did i heard him right?
“Nananaginip parin ba ako?” Napatunganga ako saglit, absorbing his three unbelievable words.
He tsked. Hinila niya ang aking pulso at kinaladkad pababa. Hindi ba talaga ito marunong magdahan dahan?
Doon niya lang ako binitiwan noong tuluyan kaming makarating sa kanilang garahe.
“Ihahatid mo talaga ako?” Nagningning ang aking mga mata sa nakahilerang iba’t ibang klaseng sasakyan.
Sa halip na sagutin, may tinapon siya sa aking helmet. Buti nalang at nasalo ko iyon.
“O gusto mong maglakad nalang?” Mabilis akong umiling. Pinanood ko siyang sakyan iyong… uh, motor?
“Sakay,” sabi niya.
Napatunganga ako. I don’t know how to ride that thing! I am more comfortable with cars!
“P-Pero nakadress ako!” Napaatras ako.
“Hindi ka naman nakahubad. Anong inaarte-arte mo?”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ugh. Kailangan ba talagang magtiis ako sa ugaling niyang iyan ng ganito?
Nakangiwi akong umangkas roon. He didn’t even bother to help me!
Binuksan noong maid nila ang malaking gate. Sinimulan niya namang paandarin iyon. Kaso noong tuluyan kaming makalabas, laking gulat ko nalang nang bumilis ang kanyang pagmamaneho.
“Slow down!” I gripped his tshirt tighter. Halos hilain ko iyon at lumipad ako sa kanyang likuran. Kung hindi niya lang hinila ang aking kamay at hinawakan iyon, baka tuluyan na akong nalaglag.
“Kung ayaw mong mahulog, kumapit ka,” mariin niyang sabi.
“Eh napakabilis mong magmaneho paano ako hindi mahuhulog!”
I saw him smirked. “Because I want you to fall intentionally.”
Nalaglag ang panga ko. What does he mean?
“Sa motor ko assuming.” Dagdag niya agad na ikinasira ng eskpresyon ko.
“A-Ang sama mo!”
Lumakas ang kanyang pagmamaneho kaya nasundan rin ng nakakabinging sigaw ang pinagsasabi ko.
Hindi ko na maitsura ang aking sarili noong tuluyan akong makababa sa kanyang motor. He was so calm unlike me na parang naiwan na ang kaluluwa sa kung saan at nilipad ng hangin ang katinuan. Sa lahat ng paghahatidan niya sa akin, iyong motor pa talaga.
Bumukas ang aming gate. Nagulat pa ako nang lumabas roon si Daddy. It’s like he’s really expecting my presence at this hour.
“D-Dad…” I swallowed. Lalo na’t nakay Tres ang kanyang tingin. Idagdag pa ang bodyguards ko na nasa kanyang likuran.
“Get inside. Both of you.”
Opse.
Chapter 11
Game of Love
Including
You
Kabado ako sa pagpasok. Mom was crossing her arms when I went inside.
“Oh my God, Christienne!” She hurriedly stood up and went to me.
“Mom I’m–“You made me worried!” Natakpan na ang aking boses at halos hindi makahinga dahil sa mahigpit niyang yakap.
“Mommy, nasa bahay lang po ako nila Hannan–” Mabilis niya akong pinaharap sa kanya, tumataas ang isang kilay. “Don’t lie to me.”
Ngumuso ako. “Uh, sa kapitbahay po ako nila Hannan…” Sabi ko sa maliit na boses.
Nanliit ang kanyang mga mata, agad akong umiling.
“It’s not what you think Mommy!” I said, calming her.
“You even know what I’m thinking!” Nasapo niya ang kanyang noo at naging madrama na. “You’re just turning 16, Christienne!”
I laughed hard. Gosh, ang oa ni Mommy!
“Paranoid mo, Mommy.”
Hindi na ako nito pinakinggan. Naroon na siya sa may bintana at sumisilip roon sa mahahaba naming curtains.
“Is that your boyfriend?” Nilingon niya ako, may tinuturo. “Hindi Mommy–”
“Model ba iyan?” Tanong niya, hindi na pinapansin ang sagot ko.
Nakisilip narin ako. My Dad was talking to him seriously. Dahil sa kyuryusidad, lumabas ako ng bahay at umikot sa likod para lamang marinig ko ang kanilang usapan sa veranda.
Nagtago ako roon sa malalaki naming halaman.
“Anong ibig mong sabihin sa hindi mo gusto ang anak ko?”
Di ko alam kung maiinsulto ba ako o maiinis. Alam ko naman na hindi niya ako gusto at hindi ko rin siya gusto pero iyong sabihin niya iyon ng direkta kay Daddy, baka isipin niyan na nababaliw na ako sa kanya!
“Siya itong sunod nang sunod sa akin. Umuulan at hindi ko siya mapauwi kaya nanatili muna siya sa bahay, Sir.” Sabi ni Tres sa baritono niyang boses.
“So you’re telling me that my daughter is crazy over you kaya ka niya hinahabol-habol?”
“Yes, Sir.”
Nalaglag ang aking panga. Dad chuckled. Ang kapal rin ha! Ang kapal kapal!
“Are you insulting my unica hija infront of me hijo? She likes you. Mabait ang anak ko, maganda, at wala akong nakikitang mali sa kanya para hindi mo siya gustuhin. What’s the matter?”
Oh God. I want to hug my Daddy right now. Kahit na may kasalanan ako sa kanya pero nagagawa niya parin talaga akong ipagtanggol sa iba.
“Ayoko lang po sa anak niyo. Hindi ko siya gusto, Sir.”
Ouch. He said it directly without even thinking na nasa harapan siya ng Daddy ko, ng isang kagalang galang na senador. Seriously, Buenaventura! You’re the heartless man I know!
I know Tres is very hard to please. Akala ko noong pinatuloy niya na ako sa kanyang kwarto ay may level-up na sa aming dalawa. Maybe as friends pero mukhang ako lang talaga ang nag-aassume. At least he cares a little. Ang hirap pala talagang paamuhin ang lalakeng wala namang puso.
It was Sunday. Naalala ko ang aso ko na naiwan sa kanilang bahay kaya gusto ko ulit bumalik roon. Ni hindi na sumagi sa aking utak noong araw na iyon kung paano nila nalaman na nandoon ako sa bahay nila Tres. Connections palang ni Dad parang hindi na ako makakalusot.
That night, my parents didn’t even bother to talk to me about what happened. They just let me sleep peacefully.
Ramdam ko ang paninitig ni Mommy at Daddy sa akin habang nagb-breakfast kami. Para silang naghihintay ng kung ano sa akin.
“Daddy, Mommy…” Tawag ko na ikinamangha ng mukha nila.
“Yes, sweetie?” My Mom asked, expecting something.
“Uh, can I go out? Pupunta lang ako sa subdivision nila Hannan. I’m going to get my dog.”
Nagkatinginan silang dalawa.
“Uh, please?” I said softly.
Hindi ko alam kung anong naging desisyon ni Dad doon sa kasalanan ko. I lied!
“Baby… I know you’re just 15. Are you sure about your feelings for that guy? Halatang walang interes sa’yo.” Dad looks concerned. Kahit si Mommy ay namungay pa ang mga mata.
Feeling ba nila na brokenhearted ako? At kaya ba hindi nalang si nagbother na kausapin ako last night?
“I just like him, Dad. Baka po, eventually… he’ll learn to like me back. Kahit as a friend man lang. That guy is lonely Mommy, Daddy… he has no friends.” Kasi nga Red, he prefers that way. Paano magkakaroon ng kaibigan kung ang sama ng ugali at tinataboy lahat ng may gusto sa kanya?
Nabahiran ng kung ano ang kanilang ekspresyon. They’re touched.
“Oh, sweetie…” Tumayo si Mommy, umikot dito sa kinaroroonan ko at niyakap ako sa kinauupuan ko.
“Can’t believe my baby is already mature enough to handle rejections.” She said dramatically.
I admit, halatang nirereject ako ni Tres kahit na nagsisimula palang ako. But as I said, I am not going to back down! Hindi naman ako nasasaktan sa pinaggagawa niya. Pero minsan nakakainis rin talaga ang pagiging heartless niya.
“That guy will going to like you, sweetheart. You’re very sweet and gorgeous. Just wait, okay?” Sabi ni Daddy, chinicheer-up rin ako.
Tumango ako, napangiti ng matamis.
“So, hindi niyo ako pipigilan sa desisyon ko? Paano kung nagustuhan niya ako, edi… payag kayo if ever magkaboyfriend ako?” I was hoping… kahit alam kong imposible. Not the like thingy but Tres being my boyfriend. Like duh! Hindi ko siya type at hindi ko ata kayang magseryoso. Sasaktan lang naman ako noon e. He’s heartless. Kaya hindi rin ako makokonsensya sa pakikipaglaro sa kanya. He deserves it anyway.
“You’re growing, sweetie. Falling inlove is inevitable at your age. We’ll just support you since it’s your happiness.”
Lumiwanag ang aking mukha sa sinabi ni Daddy. Sa sobra kong tuwa ay tumayo na talaga ako at niyakap siya.
“Thank you for trusting me, Daddy! I love you!” Hinalikan ko ang kanyang pisngi na ikinahalakhak niya.
“I love you too, baby.”
Kahit si Mommy ay ganoon narin ang ginawa ko. I was very happy na kahit nagsinungaling ako ay pinatawad ako nila at pinalampas nalang iyon. They even cheered me up noong nagdesisyon akong pumunta sa bahay nila Tres. Dad said na pag tinaboy daw ako, tawagan ko lang daw siya and then we’re going to drink with Mom para icomfort ako. I know he’s just joking around pero alam ko ring kaya niya iyong totohanin.
Suot ang bouncing dress at flats, nagdoorbell ako sa malaking bahay nila Tres. I’m sure na nasa bahay lang naman siya ngayon dahil hindi naman iyon mahilig gumala unlike his two brothers.
May iilan akong napansin na regalo sa tapat ng kanilang gate. May mga loveletters pang naroon. Kaya pala ang rami niyang chocolates at cakes. May mga desperada talaga sa kanya. Baka nga hindi lang sa kanya kundi pati narin sa mga kapatid niya.
Iyong katulong ang bumukas. Pinapasok nila ako sa loob. Wala raw ang parents ng magkapatid. I know they’re busy just like my parents.
Sandaling gumala ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay pero natuon rin iyon sa lalakeng kakababa lamang. It was Uno wearing his charming smile.
He whistled cooly. “Sup baby girl.” Bati niya sa akin.
Ngumiti ako. “Hey, Uno! Uhm, si Tres?”
“Mukhang nasa kwarto pa. Do you want me to call him?” Huminto siya roon sa grand staircase.
“No, it’s okay! I can wait naman. Maybe he’s still sleeping.”
He chuckled. “Baka kung malaman noong nandito ka mas hindi na iyon lumabas ng kwarto niya. Ilag siya sa babae.”
Oo nga pala. So, do I have to go there and knock the door of his room?
Tumayo ako. “Ako nalang ang tatawag. Since nakapasok na ako roon sa kwarto niya e.”
Namangha siya sa aking sinabi. Kalaunan ay humalakhak siya. Hindi ko alam kung anong meron.
“One of a kind. You must be very special huh.”
Wala akong ediya roon. Lalo na’t wala narin akong maisip kundi ang sasabihin ko nang makarating ako sa harap ng kwarto ni Tres.
I was hesitant to knock at first pero kalaunan ay kumatok rin ako.
“Tres?”
Sunod sunod ang aking katok nang hindi ito sumagot.
“Uh, I’m here to get my dog!”
Bumusangot na ang mukha ko nang hindi man lang ito sumasagot. Maybe naririnig niya pero ayaw niya lang talagang lumabas. O baka naman natutulog parin siya. Pero lunch na ah!
“Told you, hindi siya lalabas.” Nilingon ko si Uno sa gilid, nakahalukipkip siya roon at nakasandal sa pader habang nakaharap sa akin.
“I just want to get my dog.” sabi ko.
“Hmm, what dog? Let’s go downstairs. I’ll help you find it.”
Tumango ako. Nag-akma nang humakbang paalis sa harapan ng kanyang pinto kaso nagulat nalang ako nang bumukas iyon bigla at hinila niya ako ng marahas papasok.
I was astonished when I saw him topless infront of me, buhaghag ang kanyang buhok at may ikinakagalit ang misteryosong mga mata.
“Why are you here?” Galit ang boses na iyon.
“I’m here to get my dog no! S-Si Thirdy. Baka binubundol na naman iyon ng bastos mong aso sa likod. Kawawa.” I snap.
Tumaas ang kanyang kilay. “Ang aso ba talaga ang sadya mo o ako?”
Aba’t!
“Oo! Ikaw rin! Syempre!”
Imbes na matuwa siya, parang mas nairita lamang siya.
Hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Tres. He’s always cold and heartless. Na kahit ako, nasasanay narin sa ganoon niyang ugali.
Nang araw na iyon, pinauwi niya rin agad ako. Ni hindi ko man lang madala ang aking aso dahil nawiwili na roon. Maybe she likes being there because Tres knows how to pet her well o baka naman malandi talaga iyong aso na iyon at gustong gustong nagpapabundol roon sa bastos na aso ni Tres!
Well at least may reason ulit akong bumalik roon.
“I missed you, babe!” Klint hug me tightly early in the morning. It was Monday. Kakapasok ko palang ng classroom siya agad ang sumalubong sa akin.
I giggled and hug him back. “Miss you too, babe!”
“Nagpapamiss ka!” Humiwalay siya sa akin, nakasimangot.
“Sabi ko naman diba may sakit ako noong friday.”
Hinipo niya ang aking noo. “Hmm, you’re not hot.”
“I am hot!” Ngumuso ako na ikinangisi niya at niyakap akong muli.
“I miss you so much!” Hinalik-halikan niya ang aking ulo. Kung hindi ko siya sinapak ay hindi siya matitigil. We just both chuckled.
Nasa pinto naman si Yashin, kakapasok lamang. Mukhang nagulat ito sa aking presensya.
“Yash!” Nilagpasan ko si Klint at tinakbo ang espasyong namamagitan sa amin.
“Red!”
Nagyakapan agad kami. I missed her! Si Hannan lang kasi itong madalas kong nakakausap. She’s busy tuwing weekends eh.
“Buti naman at magaling kana. Sobrang worried si Klint sa’yo.” Humalakhak siya. “Ako rin!”
Tatlong araw ko lang naman silang hindi nakita pero namiss ko rin talaga sila. Kaya noong lunch, bukambibig ko ang pagkukwento sa kanila about doon sa progress namin ni Tres. Di ko na sinali iyong mga heartless part niya.
“Talaga?! N-Nasa kwarto ka niya! Nakapasok ka?!” Umabot na ata sa labas ng cafeteria ang boses ni Yashin. Kahit ang mga lalake ay hindi makapaniwala.
I nodded cockily. Sumisilay ang ngiting tagumpay sa aking labi.
I was about to say something nang makuha ng imahe ni Hannan ang atensyon ko. I hurriedly went to her and hug her.
“I miss you!” Malambing kong sabi na ikinangiti niya.
“Nagkita tayo noong Friday ah?”
Nagpout ako. “Noong Saturday and Sunday di tayo nagkita.”
Nailing siya. “Ang baby mo.”
We both went to the table at umupo rin. Alam rin naman ni Hannan iyong tungkol sa amin ni Tres kaya no need to elaborate na sa kanya kahit late siya.
“Hannan! Si Red nasa kwarto ni Tres!” Si Yashin masyado nang excited sa pagkukwento, nang marealize niya iyon ay bigla rin naman siyang natigilan.
I laughed. “Alam na ni Hannan! I even texted her to cover me up!” Speaking of. “Oo nga pala Hannan, I’m sure Mommy didn’t believe you ’no! She said I was lying.” Sumimangot ako sa kanya. Dapat pala di ko nalang dinamay ang kaibigan ko dahil mafifigure out rin naman iyon ni Mommy. Sila pa.
“Paranoid Mommy mo, Red.” Si Hannan.
“Oo nga eh!” Napangiwi ako.
“Hoy Christienne Red h’wag kang pabitin sa kwento mo.” Singit ni Troy. “Anong nangyari sa loob ha?”
Ngayon ay seryoso na silang lahat sa pag-aabang ng kwento ko. Dapat bang sabihin ko na nakahilata lang naman si Tres the whole time sa kanyang kama habang nagbabasa ng libro at sa sobrang boredom ay nakatulog ako?
Nah, they won’t like that! Do I need to sugarcoat my answer? Hmm, iyong itinulak ako ni Tres sa kama at pinaibabawan ako dahil sa pagiging maingay ko and then tinakpan niya iyong labi ko ng kanya. Just like I’ve seen in movies! Ganoon naman palagi pag nag-iingay ang babae. Kaso unfortunately, hindi ganoon ang mangyayari sa isang kwarto kung si Tres ang kasama mo. Baka ihagis ka pa noon sa bintana ng kanyang kwarto just to kick you out.
Sinenyasan ko silang lumapit kaya halos magkakadikit na ang aming mga mukha.
“He pinned me on the wall and ate–“Kinain ka niya?!” Putol agad ni Troy na ikinasira ng ekspresyon ko. Leeland shut him up and covered his mouth.
“And ate the chocolate I’m holding.” I smiled playfully.
Kumurap-kurap si Yashin, inilayo agad ang mukha sa gitna at pinaypayan ang sarili.
“Ang hot noon!”
I nodded. “Kahit ako hindi nakahinga!” I laughed.
“He didn’t kiss you?” It was Hannan asking me. May namumuong pagdududa sa kanilang mga mata.
“He kissed you?” Si Klint naman ngayon ang nag-usisa nang matagalan ako sa pagsagot.
Ngumuso ako, umiling. Troy burst into laughter. Ang unggoy na ito!
“Sabi ko naman sa’yo Red di ka type ng Buenaventurang si Tres!”
“Maghintay ka lang Troy! Baka magulat ka nalang sa isang araw na hinahabol-habol na ako ng Tres na iyon!”
“That’s the fighting spirit, Red!” Nag-apir pa kaming dalawa ni Leeland. Siya lang talaga ang sumusuporta sa akin rito. Si Troy kasi palaging killjoy at sinasabing katapat ko raw iyan si Tres. While Klint, he’s just worried na baka raw ay masali ako sa paiiyakin ni Tres na mga babae. Parehas sila ni Hannan. Si Yashin naman suportado rin ako.
Kaya after ng lunch namin ay pumuslit ulit ako sa kanilang classroom. Alam ko namang mag-isa lang siya tuwing ganitong oras dahil lumalabas lahat ng kanyang kaklase para bigyan siya ng privacy. Ginagawa niya itong kwarto niya tsk.
Pinihit ko ang doorknob at bubuksan na sana ito ng malaki kung hindi lang ako nakarinig ng boses ng babae.
“Tres, please… I swear I can do anything! Susundin ko lahat ng gusto mo! J-Just give me a chance please… Gustong gusto kita.” The girl said between her sobs.
Sumilip ako ng kaonti at nakita ang babaeng nakatayo sa harapan ni Tres. Tinatakpan niya ang kanyang mukha dahil sa kanyang pag-iyak. While Tres is just sitting like he doesn’t even care. At all.
“Lahat?” Tanong ni Tres na ikinatango agad ng babae.
“O-Oo! Lahat! Kung pwedeng sambahin kita gagawin ko!”
Tsk. Ang desperada naman ng ganyan. Tres is not even God. That’s beyond my imagination!
“Luhod.” Walang hesitasyong utos ni Tres. Nalaglag ang panga ko roon. Don’t tell me susundin iyon ng babae! No! Don’t lower yourself on that heartless man!
Kaso taliwas ng gusto ko ang ginawa noong babae. Lumuhod siya! Oh my gosh baliw! Feeling niya ba rebulto si Tres!
Dahil sa ginawa noong babae, malinaw ko nang nakita ang imahe ni Tres at hindi na natatakpan. Ang kanyang buong atensyon ay nasa libro lamang. Ni hindi man lang tiningnan iyong babaeng pinaluhod niya.
“Tres… I can do anything…”
“Kahit gawin mo ang lahat ng gusto ko, hindi magbabago ang desisyon kong wala akong gusto sa’yo. Labas.”
Iyon ang nagtulak sa babae para tumayo at tumakbo palabas. Sa sobrang pagpanic ko, mabilis akong nagtago sa likod ng pinto kaso nagmamadali rin ang babae kaya di man lang ako napansin.
Wow, Tres and his stone heart. Grabe!
I was about to get in para umeksena rin kaso hindi pa ako nakakaapak sa loob nang tuluyan ay nagsalita na siya.
“Including you.”
Chapter 12
Game of Love
This chapter is dedicated to Yzah Evangelista. Happy reading!
Clinic
Naging busy kami sa school papers. I mean sila, kasi ako, nangongopya lang naman ako kay Yashin at minsan ay inaasa ko pa iyong assigments ko sa kanya. Nagg-group studies kami pag malapit na ang exam kaya nakikisabay narin ako sa pagb-brainstorming dahil mahirap mangopya pag exam na.
“Gusto ko nalang mag kodigo.” Sumimangot ako nang makita ko ang handouts ni Yashin. Ang haba noon. Marami siyang pinagsusulat na maaari raw lumabas sa exam.
Humalakhak si Troye. “Remember when we’re first year? You were caught cheating in the middle of examination.”
Pinaalala pa talaga ng tukmol! It’s because tinamad akong mag-aral noon at iniasa nalang sa mga kaibigan ang mga sagot. But it turns out na strict iyong teacher at pinalagay lahat ng phone sa desk niya! Nandoon pa naman sana ang answers.
“Kaklase pa natin noon si Tres.” Pagpapaalala ni Hannan.
Napangiwi ako. Oo nga ’no? Noon pa pala talaga ay napapahiya ko na ang sarili ko sa kanya nang hindi ko man lang namamalayan. Pakialam ko ba sa introvert na iyon noon?
Dad even told the teacher na h’wag nalang daw palakihin ang issue. Na parte lamang daw iyon ng pag-aaral ko. Hindi daw talaga iyon naiiwasan ng mga estudyanteng nap-pressure but of course nagkaroon parin ako ng parusa sa pagc-cheat.
“They always say na easy lang ang exam eh malamang kasi sila alam nila ang answers!” Bumusangot ako.
“Stop worrying, Red.” Sinubuan ako ng fries ni Klint. “May matalino kang seatmate. Source.” Tiningnan niya si Yashin at kinindatan.
Yashin just nodded while laughing. “Swerte mo, Red!”
“I don’t really trust my brain pagdating sa examinations.” Pumangalumbaba ako sa sariling upuan. Tamad akong magstudy! Noong first year nagpapasalamat talaga ako at matalino si Hannan, and she’s my seatmate too!
Palagi akong nakadepende sa iba. Nasanay na ako sa ganoon. Even sa bahay, ganoon rin. May mga maids ako, bodyguards, driver, they do the things I need to do. Noong elementary ako naaalala ko pa kung paano ako tinutulungan ng sarili kong yaya sa pagpapalit ng damit. Minsan siya narin ang pinapasuklay ko sa aking buhok. Ni isang gawaing bahay ay wala akong alam.
“Then let’s have a dare, Red.” Now it was Leeland smirking. Ano na naman kayang naisip niyang kalokohan.
I’ve seen how Hannan raised her brow, si Klint na nasa kanya narin ang atensyon katulad rin ng iba.
“Ano ’yon?”
“Kung bumagsak ka sa test, kailangan mong gumawa ng eksena sa program,” sabi niya na ikinamangha agad ng mukha ni Troye.
“Pasado naman sa exam si Red ah? At kung bumagsak man iyan, hindi masyadong challenging iyong paggawa ng eksena sa program eh alam mo naman si Red, game sa lahat ng bagay. It will going to be a piece of cake for her.” Paliwanag ni Troye, ngumingiwi na.
Natawa ako. Oo nga naman. I am always confident. Wala ata akong kahihiyan sa buto. Kaya noong first time kong mapahiya sa harapan ni Tres, ganoon nalang ang pag-iyak ko. Like what the hell! Nakakafrustrate kaya!
“Pumapasa lang naman ’yan dahil sa pangongopya.” Hirit pa ni Leeland.
“Akala mo rin naman hindi mo naranasang mangopya sakin!” Si Klint na tumatawa na.
“Nangopya ka pa sa umaasa rin sa pangongopya!” Hagalpak ni Troye, pinagsasabihan si Leeland.
Natawa kami sandali, pero ibinaling rin naman ni Leeland ang atensyon sa akin.
“Iyon na nga, pumapasa lang si Red dahil sa pangongopya. Kaya dapat hindi siya pakopyahin ni Yashin. Sariling sikap dapat. Kung pumasa edi celebration, pero kung lumagapak…” Makahulugan akong tiningnan ni Leeland at ngumingisi na ng malaki.
Sumimangot ako. “Are you trapping me? I’m sure lalagapak talaga ako!”
“Then study hard,” aniya.
“If ever na matalo ka Red, anong klaseng eksena ang gagawin mo?” tanong ni Yashin.
Hmm, ano nga ba.
“Well,” I smiled playfully. “Ipagsisigawan ko sa mic na gusto ko si Tres!”
Nalaglag lahat ang kanilang panga. Troye even stood up just to clap dramatically.
“I’m so proud, Red!” Pagbibiro niya na ikinatawa ko.
“You’re going to make a trouble, Red.” It was Hannan complaining again. Ang kj rin talaga nito minsan.
“Stop worrying, Hannan. You know me naman, I’m always game!” Confident kong sabi na ikinasira lang ng ekspresyon niya.
Nailing si Klint, tumatawa. “Just let her do the things she wants, Hannan. Gusto rin naman iyon ni Red at wala tayong magagawa roon.”
“Aww babe…” malambing kong sabi. “Nakakatouch naman…”
“Yep, Hannan! Stop being kj!” si Yashin.
“Kayo ngang bahala.” Tumawa na rin si Hannan.
Sa aming anim kasi, si Yashin at Hannan lang ata itong hindi nakaranas mangopya hindi katulad sa aming apat na nararanasan talaga iyon tuwing exams. Pero may utak naman talaga kami! Tamad lang talagang mag-aral. Mas matataas pa nga yung scores ko kay Troye!
Maybe because we don’t value our grades that much. May natututunan kami sa klase at sadyang hindi lang talaga bigdeal sa parents namin ang malalaking grades. Sapat na iyong may learnings kami.
Alam ko matalino si Tres eh. Noong first year kasi ako, siya iyong top 1 sa klase. Alam kong matalino rin si Uno, while Dos… doon ata ako hindi sigurado.
“Pwede kang mangopya sa’kin Red kung nahihirapan ka talaga sa ibang questions.” Alok ni Yashin kinaumagahan. I was late kasi at mas nauna pa itong makarating sa classroom.
“Sa Math lang naman talaga ako nangongopya. You know super slow ako sa numbers na may letters,” reklamo ko. “Simula noong hinaluan ng letters ang numbers doon na talaga nagka de leche leche ang buhay ko.”
Pero hindi naman lahat ng subject nangongopya ako! May mga alam parin ako kahit papaano. Sadyang weakness ko lang talaga ang Math.
“Papakopyahin kita.” Offer niya sa akin.
Umiling ako. “No need, Yash. A deal is a deal. Besides, magtataka si Leeland kung bat mataas grade ko sa Math eh alam naman ng lahat na slow ako doon.”
“Edi magtanong ka nalang sa akin kung anong numbers ka nahihirapan.”
Ngumuso ako. That’s very tempting pero no! A deal is a deal! Pag nalaman ni Leeland na hindi ako sumunod edi ano pang saysay ng rule.
“Nope, it’s okay Yash. I’m going to study. Besides! Okay rin ito. Maybe studying is not that boring…” Pangchecheer-up ko sa aking sarili.
My parents don’t challenge me when it comes on my studies. Ang sa kanila lang, mag-aral ako ng mabuti at huwag lumiban sa klase. Not to mention nagka cutting class ako just to have fun with those three boys. Ganoon na talaga kami since Elementary. They’re my closest friend. Including Marco na kababata ko and bestfriend at the same time.
Dito lang rin naman kasi namin nakilala si Yashin. Si Hannan naman, naging seatmate ko siya noong first year ako. And Yashin, seatmate ni Klint at naging ka close niya. Of course, that jerk needs a source of answer sometimes. May mga subject talaga kasi na mahina kami. Si Klint sa Science, ako sa Math at si Troye sa lahat. Gwapo lang talaga ’yon at mayaman. Tamad rin magstudy kaya ayan, walang pumapasok na learnings sa utak.
Umuuwi agad ako ng maaga para magstudy. Minsan naman sa classroom ako after ng lunch. Kung pumupunta man si Troye sa classroom para guluhin ako, mabilis siyang pinipigilan ni Klint.
“Hey… why are you still up sweetie?”
Nag-angat ako ng tingin kay Dad na kakauwi lang. He got this tired face habang linuluwagan ang kanyang neck tie.
Si Mommy natutulog na dahil sa pagod. Si Dad talaga itong madalas umuwi ng late.
Pumunta siya sa akin. I kissed his cheek and smiled to him nang umupo siya sa aking tabi rito sa sofa. “I’m studying Dad.” Pinakita ko sa kanya ang hawak kong notebook.
Napangiti ako. “Wow. Dapat pala bumili ako ng regalo sa’yo bago umuwi.”
Natawa ako. “No need na Dad! This is not a bigdeal naman.”
“That’s a bigdeal for me. You’re studying…”
Napanguso ako. Sumasaya pala talaga ang parents pag nag-aaral ng mabuti ang kanilang anak. Nakonsensya tuloy ako sa pagka-cutting class ko.
“Normal lang naman ’to dahil student ako, Dad. I need to study para makakuha ako ng high grade sa exam.”
Tumango-tango siya. “I know baby, I know. But I just want to reward you.”
“No need na Dad! My friends will reward me pag hindi raw ako bumagsak! I mean, pag may hindi ako naibagsak na subject! Kaya todo ako study sa Math. I’m challenge!”
His face lightened. “You really choose the right friends. Mga good influence.”
“Oo nga Dad. Ako lang ata ang bad influince sa kanila.” Natawa ako.
Nailing si Dad, he’s even convinced! Eh kasi, aware siya na hindi naman talaga ako ganoon ka attentive sa klase. At aware rin siya na nagkacutting class ako. Though minsan lang naman pag nasa mood talaga akong lumabas ng school dahil sa boredom.
“Want a help? We can hire a tutor tomorrow. So that she can help you while you’re studying. Para naman may kasama ka at may magga-guide sa’yo.” Hinawi niya ang aking buhok at isinabit iyon sa gilid ng aking tainga.
Napasimangot agad ako. Natetempt kasi ako sa offer niya. I never did things on my own. Palagi talagang may nakaalalay. Never ko nga naranasan maging loner. Like I’m the type of person na hindi mabubuhay ng walang kasama dahil wala akong gaanong alam sa buhay. I just know how to spend my time and have fun.
Kaya rin ako nasasanay na palagi akong may katulong sa mga gagawin ko dahil nga sinanay ako ng parents ko. Ganoon na sila simula pagkabata ko. They’re super busy kasi and I understand that kaya sila naghahire ng mag-aalaga at gagabay sa akin everyday. My yaya used to chase me doon sa park just to feed me. Sinusubuan niya ako while I’m playing with others. O kaya naman my bodyguard would carry me pag napagod ako kakatakbo at siya ang pinapatakbo ko sa playground.
Kaya siguro kahit mga small things, iniaasa ko talaga dahil may willing rin naman gumawa noon for me. Kahit nga elementary ako my yaya used to bath me at susubuan ako. Like kahit paghawak noon ng spoon and fork di ko ata kayang gawin. Well unlike now na malaki na ako at kaya ko naman!
“Stop spoiling me too much, Dad. I can do this on my own.”
He chuckled. “I am spoiling you because I love you.” Sabi niya at hinalikan ang aking noo. Aww, Daddy…
“So, kahit hindi ako makagraduate dahil bumagsak ako sa subject okay lang?” biro ko.
Tumaas ang kanyang kilay. “Then the school will going to pay for that. Ang mahal mahal ng tuition nila pero hindi nila tinutulungan ng maayos ang estudyante sa pag-aaral. That’s not your fault, sweetie. Kasalanan yan ng mga pabayang guro na walang pakialam sa estudyante.”
Eh? Kahit kailan talaga Dad is always on my side. Kahit na mali ko pa, ipinapasa niya iyon sa iba. Sila ang sinisisi.
“But Daddy, kasalanan rin ng studyante kasi teachers are doing their best para magturo pero may ibang students na hindi naman nakikinig talaga. Na wala naman talagang interes sa pinagsasabi nila sa harapan.” And that’s me! Naghihikab pa nga ako minsan lalo na pag math subject!
“Still, they need to guide their students properly. Kung alam nilang mahina ito sa isang subject, dapat kausapin nila ng masinsinan hindi iyong bibigyan nila ng bagsak na grade. Kaya mas binibigdeal nalang ng mga estudyante ang matataas na grado kaysa ang matuto. Nangongopya nalang.” Nailing si Dad.
Oo Dad. Kaya nga nangongopya nalang ako minsan. Thank you for defending those students like me. I want to voice it out kaso wag nalang. I don’t want him to blame my teachers though lalo na’t alam ko rin sa sarili ko na may pagkukulang ako bilang estudyante na hindi na pwedeng isisi sa guro.
Naghihikab ako nang pumasok ako sa classroom. I’m late again! Napagod ako kagabi kakaaral!
Goodthing wala ang teacher. Di sila pumapasok tuwing exam na bukas to give us more time to study. They’re busy rin kasi sa test papers plus nabigyan na nila kami ng handouts kung anong lalabas sa exam.
“Good morning.” Bati ko kay Yashin na nginitian agad ako.
“Good morning. Tara! Study tayo! Nagpuyat ako kagabi kaya igaguide nalang kita ngayon.” Offer niya na ikinatango ko agad.
I was about to sit down when Klint hurriedly checked on me.
“You look tired.” Concern niyang sabi. Nasa tabi ko na at nagawa pang burahin ang kung ano sa ilalim ng mata ko. I am now facing him.
“May eyebugs ako?!” Bigla akong nagpanic at hinagilap ang salamin sa aking purse.
“Your eyes look tired. Kulang ka ng tulog?” Humalukipkip siya sa aking harapan.
Tumango ako, naghikab ulit. “I studied hard kagabi eh.”
“Leeland is pressuring you.” Medyo inis niyang sabi saka hinawakan ang pulso ko at hinila ako.
“Tara, ihahatid kita sa clinic. Get enough sleep. Gigisingin lang kita pag lunch na.”
Mabilis kong hinila ang aking pulso na nabitiwan naman agad ni Klint. “No need na, Klint.” Nilingon ko si Yashin na tutok na tutok sa libro na hawak. “I’m going to study pa with Yashin.”
Kaso imbes na pakinggan ako nito, pinisil pa ang ilong ko. “You stubborn brat. You’re tired, kulang ka ng tulog kaya bumawi ka. Baka magkasakit ka niyan.” Hinila niya akong muli kaya wala akong nagawa kundi magpatangay nalang. I got 7hours of sleep lang kasi unlike sa 9 hours na palagi kong nakakasanayan. Feeling ko nabugbog ko ang utak ko kaya nagrereklamo ito sa loob at nakikita sa mukha ko ang pagod.
Pumasok ako sa clinic kasama si Klint.
“Sige na, Klint. Bumalik kana sa classroom. Magstudy ka rin.” Medyo itinulak ko pa ang dibdib niya kaso he didn’t even budge a little.
“Get enough some sleep, okay? And text me if you’re already awake. Or I’ll just call you pag lunch time na.”
Natawa ako ng marahan. “Oo na. I’m going to nap then I will text you pag gising na ako.”
“Dapat lang. Look at your face babe… you look like a panda.” He teased.
I frowned. “Seriously?”
He chuckled. “Maganda ka parin don’t worry. I’ll go now.”
Ginulo niya ang aking buhok saka rin umalis. Napangiti nalang ako.
“Boyfriend niyo Miss Valerio?” tanong noong nurse dito sa maliit na boses. Nakangisi na ito sa akin at parang kinikilig sa amin ni Klint.
Umiling ako. “Oh no. He’s my close friend. Normal ko talaga ’yon sa mga guy friends ko.”
“Talaga? Ang swerte mo naman at may mga ganoon kang sweet na kaibigan na lalake.”
“Oo nga eh.” Natawa ako kaso natigil rin nang sinenyasan niya akong h’wag masyadong maingay.
“Nasa kabilang kama si Tres, natutulog.”
Napakurap ako. Talaga? At this kind of hour? Akala ko pa naman nagbabasa siya ng notes niya ngayon dahil exam na bukas.
“Bakit?” tanong ko. “Anong sakit niya?”
“Wala siyang sakit. Ganoon talaga siya pag exam na sa susunod na araw. Pinapahinga niya ang utak niya at natutulog rito.”
Really? Kakaiba talaga ang lalakeng iyon.
Speaking of Tres, medyo hindi ko na ito nakukulit dahil nga tutok rin ako sa pag-aaral. Nakakalimutan ko na siyang puntahan tuwing lunch at pumunta sa bahay nila after school. Ang plano ko nga sa weekend nalang eh.
Doon ako natulog sa kabilang kama katabi niya. May puting tela naman na nakatabon sa bawat gilid para magsilbing pinto. Imbes matulog, gusto kong hawiin iyong kurtina at kulitin siya. Kaso I don’t want to pest him lalo na’t naghahanda rin siya sa exam tomorrow.
I already close my eyes when I heard my curtains being opened. Sa pagkakacurious ko, dumilat ako. I thought it was the nurse checking on me kaso laking gulat ko nalang nang makita ang nakatayong si Tres, blangko ang mukha at buhaghag ang buhok. Halata na kakagaling lang nito sa pagkakahiga.
Umawang ang aking bibig para sana magsalita kaso walang lumalabas roon. I’m stunned.
Lumapit siya lalo sa akin. “Usog.” Sabi niya at itinulak pa ako.
“H-Huh?”
Humiga siya sa aking tabi na ikinalaki ng mga mata ko. Nakakulob siya roon at nakaharap sa akin ang ulo habang nakapikit na. Nagawa niya pang hilain ang aking unan kaya nalaglag iyong ulo ko roon.
“This is my roo-“Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin nang tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang kamay.
“H’wag kang maingay at hayaan mo akong matulog.”
Chapter 13
Game of Love
Di ako magpipigil
Nakatitig ako sa mukha ni Tres na natutulog at hindi man lang magawang isara iyong mga mata ko. His palm was still covering my mouth, na sinisigurado niyang hindi talaga ako mag-iingay ngayon.
And how can I frigging sleep right now kung nakikisalo siya sa sarili kong kama at inagaw pa ang ulan ko! I badly want to get up and sleep on the other bed instead. Kaso ang hirap bumangon.
Ngayon ko lang naappreciate ang pilikmata niya, ang sobrang itim at makapal niyang kilay. Para iyong minimaintain ng isang bakla sa salon kaya ganoon nalang kaperpekto ang hugis. Para bang nakatadhana talaga sa kanyang mukha ang pagiging perpekto at walang kapintasan.
Biglang bumukas ang kanyang mga mata kaya mabilis ko ring naipikit ang akin.
“Pagtulog ba ang ipinunta mo dito o titigan ako?” Tanong niya.
Napadilat ako roon at nakasalubong ang kanyang mga mata. Inalis ko ang kanyang kamay sa aking bibig at ngumuso.
“Paano ako makakatulog kung nakikisalo ka rito sa kama ko? Tapos inagawan mo pa ako ng unan.” Sumimangot ako.
“Daldal.” Tangi niyang sabi at tinakpan ulit ang aking bibig. Aba’t!
Hindi na ako makapagsalita pa. I badly want to close my eyes but there’s a part of me saying na h’wag kong ipikit ang mga mata ko dahil masasayang ko yung magandang view. Staring at him while he’s sleeping is quite… weird. May kung ano akong nararamdaman sa tiyan ko. Like they want to see his perfection too.
“Did you study hard kaya pagod ang utak mo?” Tanong ko nang medyo lumuwag ang kamay niya sa aking bibig.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Napanguso na lamang ako. Ganoon ba talaga ka ayaw ni Tres sa maiingay? Why does he hates talking? Bakit sobra niyang tahimik? Bakit kaya ganito siya? Masyado siyang anti-social.
Nang dahil sa mga pinag-iisip ko ay dinalaw rin ako ng antok. Doon lamang ako nagising nang may yumugyog sa akin.
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Kumurap-kurap ako nang makita ang mukha ni Hannan. She smiled a bit.
“It’s already lunch, Red.”
Tiningnan ko ang gilid ko. Mag-isa nalang ako roon.
Bumalikwas agad ako.
“Have you seen Tres?” Tanong ko sa kaibigan na umiling lang.
“Let’s go. I’ll help you study after our lunch.”
Naging busy nga kami sa pag-aaral. I can say na madali lang naman pala talaga iyong lesson kung pag-aaralan mo lang ng mabuti. Unfortunately, iyong pananaw ko sa Math ay hindi nagbago. Para akong maduduling sa mga numbers na nanganganak pa ng little numbers. And what the hell is pie? Bakit pati pagkain ay sangkot? Pati nga hugis such as square and cubes. Oh my gosh! Math is really complicated! Kahit iyong slopes at mga tuldok ay pinipiga ang utak ko. Para lang connect the dot.
Nakaya kong hindi magtanong kay Yashin noong exam. She even told me na pakokopyahin niya ako sa Math but I refused. At ngayon nagsisisi na ako kung ba’t hindi ko tinanggap iyong offer niya na pakopyahin ako sa Math when I saw my testpaper.
“You almost pass, Red! Wooh! Sayang! Isang point nalang sana at pasado ka!” Diklara ni Troy pagkatapos tingnan ang testpaper ko.
Actually nandito kaming lahat sa cafeteria at pinagkakaguluhan nila ang bukod tanging test paper kong lumagapak.
“At least 74 kaysa sayo na 72!” Singhal ko kay Troy.
“Babawi ako next time!” Humalakhak naman ito.
“I’ll review it. Baka may tama ka at aksidenteng namalian.” Sabi ni Hannan na tutok na tutok na sa aking testpaper.
“Cut it, Hannan. Bumagsak talaga si Red. And a deal is a deal.” A triumphant smile was now plastered on Leeland’s face.
“At least consider her offorts, man. She studied hard. Nagpupuyat pa nga.” Klint defended me. Tumango si Yashin.
“Oo nga Leeland! Pasado si Red. Ni hindi yan nangopya o nagtanong sa akin.”
Leeland just chuckled, kahit si Troy ay ngising aso rin. Damn these two.
“Total umaapaw naman ang self-confidence ni Red sa sarili, kayang-kaya niya iyong dare. Yan pa.” Mungkahi ni Troy.
Nailing si Hannan. “Para kayong mga bata. Dare nang dare…”
Humalakhak lamang si Leeland. We all know na hindi talaga mahilig sa ganito si Hannan. She’s quite serious. At naiintindihan ko na kung bakit masyado rin siyang seryoso sa pag-aaral. Knowing how strict her Mom was, baka ako rin sa sitwasyon niya ay mag-aaral rin talaga ako ng mabuti para mag top ako sa klase.
Tomorrow iyong sinasabi nilang program. Hindi muna ako umuwi ng bahay at dumeritso sa subdivision nila Hannan. I already texted Dad na baka gabihin ako sa pag-uwi dahil dumaan ako sa subdivision nila.
Nagdoorbell ako sa malaking bahay nila Tres. Dala-dala ko ang aking mga testpapers. Gusto ko lang ipagmayabang sa kanya iyong matataas kong marka sa ibang subjects. I almost got perfect!
“Magandang hapon po, Manang! Nandiyan ba si Tres?” Tanong ko sa bumukas na katulong.
“Oo hija. Halika, pasok.” Ngumiti sa akin iyong matanda at iminuwestra sa akin ang loob.
Napangiti ako ng matamis at naglakad papasok. “Thank you po!”
“Walang anuman. Diba ikaw iyong anak ng senador?”
Tumango ako roon.
“Kabilin-bilinan ni Ma’am na papasukin lang kayo pag bumisita kayo.”
Ah. Kaya pala! Ang bait naman ni Tita. Akala ko matutulad ako sa ibang babae ng magkapatid na tinatakwil daw ni Tres. Pero sabagay, ano bang pinagkaiba ko eh tinatakwil rin naman ako ng lalakeng iyon.
“Tatawagin ko lang si Sir Tres, Ma’am. Magpapahatid nalang rin ako ng meryenda rito.” Sabi niya sa akin nang makaupo na ako sa malaki nilang sofa rito sa sala.
Nagpasalamat ako roon sa matanda. Siguro, siya iyong pinakahead ng mga katulong rito. Kasi kahit sa bahay ay may ganoon rin sa mga katulong namin. Siya ang nagdedevide sa mga maids ng gagawin nila.
May inihatid na meryenda sa akin. Napunta sandali ang atensyon ko roon. Iginagala ko pa ang tingin ko sa kabuuan baka makita ko si Thirdy kaso mukhang imposible ko iyong mahanap sa sobrang laki ng kanilang bahay. Maybe kasama niya na naman iyong bastos na aso ni Tres.
Umangat ang aking tingin nang mapansin ko ang imahe ni Tres sa enggrande nilang staircase na bumababa. Nakapamulsa ito sa suot niyang shorts at itim na plain tshirt. He was wearing his usual blank expression ngunit madilim na naman ang mga mata.
Tumayo agad ako, napangiti ng malapad.
“Tres!” Kinawayan ko siya nang lumapat ang kanyang tingin sa akin.
“Why are you here?” Iyon agad ang isinalubong niya sa akin nang makarating siya sa aking harapan.
Ibinigay ko sa kanya ang mga testpapers ko. Nahulog ang tingin niya roon pero hindi niya man lang iyon kinuha.
“I want you to show my result! Ang galing ko sa exam. I got higher scores!” Pagmamalaki ko. “I’m smart diba!”
Imbes na matuwa ito, nag-angat lang siya ng tingin sakin.
“Ba’t mo yan ipinagmamalaki sa’kin? Am I your parent?” Tumaas ang kanyang kilay.
“Uh…”
Hindi palang ako nakakacompose ng salitang sasabihin ay nagsalita itong muli.
“Umuwi kana.”
Tinalikuran niya ako na agad kong ikinaalarma.
“P-Pero!”
“Labas.” Dagdag niya pa at umakyat na roon sa staircase.
Mabilis kong dinampot ang purse ko at tumakbo para sundan siya.
“Ikaw yung naging inspiration ko sa pag-aaral ko kaya dapat maging proud ka!” Sabi ko sa kanyang likod, pilit pinapantayan ang kanyang malalaking hakbang paakyat.
“Nakakaproud.” He said without any humor. Parang ang lamya pa ng pagkakasabi niya. It sounds like a sarcasm to me.
“And I’m here to thank you! Matutuwa si Dad sa’yo pag nalaman niyang ito ang naging epekto ng pagkakagusto ko sa’yo! Na matatas ang scores ko sa exam! I’m sure magugustuhan ka niya!”
Panay ang sunod ko sa kanya habang nagsasalita ako sa kanyang likuran.
“Gusto ko rin ang sarili ko.”
Binuksan niya ang pinto at pumasok kaya sumunod rin ako.
“Well, I like you too!” Ngumisi ako ako hindi niya man lang ako nilingon at dumeritso agad sa kama niya.
Ngumuso ako. He didn’t even bother to say he’s flattered or whatever he was feeling after my confession. Like he really doesn’t care at all!
Iginala ko ang tingin ko sa kanyang kwarto. Katulad ng nakasanayan ko, naka organize parin ang kanyang mga gamit. Malinis parin ang loob pero maliban lamang doon sa study table na may mga papel na nagkalat.
Nilapitan ko iyon at pinagdadampot ang kanyang testpapers. Nalaglag ang aking panga nang makitang naperfect niya lahat ng examinations niya. Nanliliit tuloy ako sa pinagyayabang kong resulta.
“Naperfect mo ang Math exam!” Hindi ako makapaniwala sa hawak kong testpaper niya. Ni erasures ay wala siya! Parang sigurado talaga siya sa lahat ng answers niya. Wow! Iyon ba ang napapala ng mga taong palaging nagbabasa at tahimik lang?
“How did you do this Tres?” Nilingon ko siya. He was leaning at the headboard of his bed now looking so hot with his cold stare at me.
“Nag-aral ako ng mabuti.”
Napabusangot agad ako. “H-Hoy! I studied hard too! Actually, nagpuyat pa nga ako! It’s just that… mahina talaga ang kokote ko sa numbers and letters with squares, pie, cube at ano ano pang ingredients ng Math subject na yan.”
“Hindi ka seryoso sa pag-aaral kaya ka bumagsak yun iyon.”
“I am serious! Bumagsak ako dahil kulang talaga ang learnings ko!”
“Malamang, sa dami ng pinagkakaabalahan mo.” Napaismid siya sakin. Ang tinutukoy niya ba ay iyong mga paggala ko? Alam kong aware na si Tres sa pinaggagawa ko. Pero hindi naman ako lumakwatsya noong mga nakaraang araw before exam dahil nga busy ako sa pag-aaral.
Nilapitan ko siya sa kanyang kama. Nagawa ko pang hubarin ang aking sapatos at umupo roon sa harap niya.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. Nairita pa ito nang medyo nagulo ko ang kanyang bedsheet.
“What if turuan mo ako.” I said softly while smiling.
He tsked and pulled his bedsheet. Halos matangay ako dahil sa ginawa niya.
“Lumabas kana nga. Ginugulo mo ang kama ko. Tabi diyan.” Itinulak niya ako paalis, dinidedma ang sinasabi kong turuan niya ako.
Umalis ako sa kanyang kama at tumayo sa gilid. Pinanood ko siyang ayusin iyon. Napakaperfectionist naman ata ng lalakeng ito. Feeling ko gusto niyang nakaorganize lahat sa kanyang kwarto. His indoor slipper was properly put in place too.
Isinuot ko iyon. “Ang comfy naman ng slipper mo!” I giggled a little while watching them on my feet.
Naglakad-lakad ako na hindi inaalis ang tingin roon. I am enjoying his stuff! Para kasing ang sarap sa feeling.
“Feeling ko pag nanatili ako rito for some couple of days magiging kaamoy na kita!”
He didn’t bother saying anything. Hindi ko narin ito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad sa loob. Ang sarap naman sa paa ng indoor slipper niya! Kahit ang laki nito sa akin pero napakacomfortable parin suotin.
Nang mangalay ang paa ko kakalakad ay nagtungo ako sa kanyang ref. Binuksan ko iyon at nagulat dahil sa laman.
“Nasan na yung mga sweets mo rito? Yung chocolates? Cakes?”
“Tinapon ko.”
Nalaglag ang panga ko. Ba’t niya tinapon eh bigay iyon sa kanya!
“Bakit?!”
“Basura malamang itatapon.” Sagot niya lang.
I felt sorry for the girls who gave it to him. Sayang ang efforts nila. Dapat they need to learn their lesson rin na heartless talaga itong si Tres.
“You don’t know how to appreciate small things.” Sabi ko at kumuha ng pagkain roon. He just tsked. Pinalitan niya kasi ng healthy foods ang laman ng kanyang fridge.
Kaya rin ba masyado siyang witty? Pero ba’t ako hindi naman? I am living a healthy lifestyle. Plus, umiinom pa nga ako ng 8glasses of water per day. How come yung utak ko hindi ata gumagana ng matino unlike him?
“Pahingi ako ha.” I stood up, opening the yogurt.
“Kahit tumanggi ako binuksan mo na.”
Bumungisngis ako. “Thank you!”
Doon ako umupo sa kanyang sofa. Nakasquat ako roon at nilalantakan iyong yugort habang hindi naman siya umaalis sa kanyang pwesto. May binabasa na naman itong libro sa kanyang kama.
“Oo nga pala, birthday ko sa Saturday. I want to invite you.” Tiningnan ko siya na hindi man lang inaalis ang tingin sa libro. “I’m turning 16 so my parents are throwing a big party for me.”
He sexily licked his thumb and turned the page of the book. Is he even listening?
“I want you to come on my birthday, Tres. Malaking bagay iyon for me.” I said softer.
“Ba’t naman ako pupunta?”
At last he spoke! Akala ko talaga matutuyuan na ako ng laway kakausap sa kanya.
“Because you’re special to me! So I want you to be there…” At isa pa, kung naroon siya, I’m sure they’re all going to be shock. Even my friends. Knowing Tres Buenaventura. At kung mapapapayag ko siya, para narin akong nanalo noon sa dare! I’m sure Leeland’s expression is going to be priceless! Exciting iyon!
Kaso nabura rin lahat ng imahinasyon ko sa sagot niya.
“You’re not special to me.”
“Pero we’re friends na ah!” Gulat kong sabi.
“Stop assuming things.”
Wow. Just wow. Ang heartless talaga. Feeling ko talaga kulang siya ng organ sa loob eh. Wala talaga itong puso sure ako.
To my frustration, inilapag ko ang yogurt sa sofa at tumayo roon. I crawled on his bed and went to him. Kinuha ko pa ang librong hawak niya. He was spreading his legs wide apart kaya hindi iyon naging sagabal sa pagpunta ko sa kanyang harapan.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ako sa mismong harapan niya. Para akong maliit na kuting sa imahe ko ngayon.
“May puso ka ba?” I touched his chest. Nagkasalubong ang kilay niya roon.
Nang hindi ko maramdaman ang tibok ay idinikit ko na talaga ang aking tenga sa kanyang dibdib. I heard his normal heartbeat.
Nag-angat agad ako ng tingin. “Meron naman pala pero ba’t ang heartless mo?!”
Nailing siya. “May gusto ka bang buhayin sa katawan ko?” Naiirita niyang tanong.
“Huh? I am just checking your heartbeats!”
Nailing siyang muli, parang may pinagdadaanan na kung ano.
“Ka babaeng tao pero walang alam.” He blurted out.
Teka? What is he talking about?
“Hoy! Akala ko lang naman na wala kang puso kasi napakaheartless mo!”
Mariin siyang napapikit, parang may pinipigilan. Nang dumilat siya ay nakaramdam agad ako ng kaba.
“M-May masakit ba?” Natataranta kong iginala ang tingin ko sa kanya. Baka kasi may sugat siya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang short at nagulat nalang ako sa nasaksihan.
“Oh my gosh!” Nanlalaki ang mga mata ko at natakpan ko pa ang aking bibig. Sa sobra kong pagkagulat ay napaatras na ako. Kaso Tres suddenly grab my pulse and pinned me on his bed. Ni hindi ko na nasundan ang mabilis niyang galaw.
Nagwala ang kalabog ng aking dibdib. He was infront of me, nakatukod sa magkabilang gilid ang kanyang kamay at nakaibabaw sa akin. My legs were even spread apart! Shit, Red get up!
“I’ll teach you a lesson you won’t forget.” Matigas niyang sabi.
Umawang ang aking bibig para sana magsalita kaso wala akong maibigkas na kung ano. His eyes were darkened with something foreign to me. It was sleepy and sharp at the same time. Mas pumula naman ang labi nitong nakaawang. Na parang nauubusan siya ng hangin kaya dapat nakaparte iyon sa isa’t isa para may mahigop siya.
He lowered himself to me. I almost screamed when I felt his thing on my thigh. Oh my gosh help! Para akong sinindihan na posporo at unti-unti na iyong kumakalat sa buong katawan ko. It feels really weird!
“Stay.” He whispered huskily at mas idiniin ang sarili sa gitna ko. “I’ll rock you senseless until morning.”
It sent shiver down my spine. At lahat ata ng balahibo sa aking katawan ay tumindig na lalo na’t marahan pa siyang gumagalaw sa aking ibabaw pushing his proud crotch back in forth in a slow pace. Oh my gosh I’m going to faint! B-Binubundol-bundol niya ako ng marahan!
Agad ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko. Beads of sweats formed on my forehead. Umaagos na iyon pababa sa aking leeg dahil sa pagkakataranta ko.
“I-I’m going home!” Mabilis ang aking kilos. Ni hindi ko na nagawang damputin ang aking sapatos at tumakbo na sa pinto. I even heard him chuckled evily. What the heck! He’s making fun of me!
“Keep that in mind if you dare to come here again. Di ako magpipigil.”
Chapter 14
Game of Love
Talo kana
Hindi ko maitsura ang aking sarili na tumatakbo palabas ng bahay nila Tres na nakamedyas lamang. Nagpanic na ako! Can’t believe he did that to me! Kasi naman, sanay akong tahimik lamang iyon o kaya ay susupladuhan ako. Is this what Dad been telling me na boys are very dangerous?
Tres has really his own ways to push people away from him. Kung hindi niya ako makuha sa masasakit niyang salita, dinadaan niya ako sa mararahas niyang galaw. At sa totoo lang, nakakatakot talaga! Hindi na iyon abot ng imahinasyon ko!
Naninindig parin ang aking balahibo sa tuwing naaalala iyon. He… he pinned me and pushed his crotch back and forth on my private part with my clothes on! Gaga Red ba’t parang dismayado ka dahil nakadamit pa kayo?! Oh shit I think I’m going insane.
“Ready?” Inakbayan ako bigla ni Leeland. Doon lamang ako bumalik sa aking sarili.
Late pa naman ako pero buti nalang may gaganaping program kaya natakpan iyon. Plus, I slept late! Binabagabag ako noong ginawa ni Tres sa akin! And what’s that electricity I felt?! Iyon na ba ang tinatawag nilang malalanding hormones?! Gosh, maloloka ata ako.
“Hey.” Klint suddenly showed up and snap his fingers infront of me.
Napakurap-kurap ako. Hindi na nakaakbay si Leeland sa akin, nakahalukipkip ito habang nasa akin ang tingin. Nandito narin si Troy. I don’t know where the girls are.
“Lutang ka ata. Nervous?” Concern na tanong ni Klint.
“Si Red kakabahan?” Inakbayan na ako ni Troy. “I don’t think so.”
Napabuntong nalang ako ng hininga. Should I tell them what happened to me? I’m sure magdidiwang si Leeland dahil parang it sounds ano eh… uhm, did he seduce me? Iyon ba ’yon? But for me it’s disgusting! That’s my first time! Bastos talaga ang Tres na ’yon. No wonder his dog was like that too.
Katulad ng plano ay umakyat nga ako sa stage at gumawa ng eksena. The students were very shocked. And I am too when the principal showed up and summoned me on her office. Opse.
“What are you thinking, Miss Valerio?” Tanong ng Principal sa akin, nagkakasalubong na ang kilay. “Bakit ka gumawa ng eksena sa program?”
Hindi ko mamaintain ang titig ko sa kanyang mga mata. Gumagala talaga iyon.
“Ma’am, marami nang gumagawa ng ganoon ah? Last month nga may lalakeng gumanon sa akin.” I explained while crossing my arms.
Nailing ito, dismayadong dismayado ang mukha.
“But this program is different, Miss Valerio! It’s a Mass for God’s sake! Paano mo nagagawang gumawa ng eksena sa gitna ng prayer!” Nanlalaki ang mga mata niyang may suot na makapal na eyeglass. Napanguso ako, nag-iwas ng tingin.
“I am not in myself when I did that Madame–“Oh please. I’m going to talk to your father about this. Maaari kang masuspend ng ilang araw sa ginawa mo, hija. You should have known better. You need to pay for your actions.”
Wait. What!
Calm down, Red. Your Dad will surely find a way. I’m sure malulusutan mo ’to.
Kagat-kagat ko ang aking labi habang hinihintay si Daddy rito sa labas ng office ng Principal. Nasa loob na ito. He’s not going to be mad at me I guess. I hope he won’t.
The door opened. Mabilis akong napatayo sa kinauupuan kong sofa. Lumabas roon ang ama ko at ang principal. Parang tapos na ang dalawa sa pakikipagnegosasyon sa isa’t isa at may nagawa nang deal.
“Thank you Madame.” Nakipagshake hands si Daddy sa kanya. He’s still wearing his suit. Nadisturbo ko pa talaga ito.
I thought it’s romantic. Na mapapahiyaw ang mga students. Ganoon diba ’yon? Kaso mukhang sa movies lang ata iyon dahil sa reyalidad ay Principal’s office ang bagsak mo. I hope Tres heard it. Mukha kasing wala siya roon kanina. But I’m sure kakalat iyon kaya makakarating rin iyon sa kanya.
“I’m really sorry if we disturb you, Sir. Pero hindi ko rin kasi pwedeng palampasin ito.” The Principal eyed me. Na kahit si Daddy ay napalingon narin sakin kaya itinaas ko ang aking kamay at nagpeace sign sa kanila while smiling awkwardly.
Nailing si Dad. “I know my daugther too well and I understand you, Madame. Sadyang nasa stage pa ng paglalaro iyang unica hija ko kaya ganyan.” He reasoned out. “She’s quite childish…” I heard him murmur.
Nagpout ako. I am not childish! I just know how to have fun!
“So… hindi na ako suspended?” Singit ko.
“Yes, honey. Hindi na.” Dad smiled at me.
“Oh really?!” Napatalon na ako. Tumango ang principal.
“But it doesn’t mean you’re not going to suffer the consequence, baby…” Malungkot na sabi ni Dad.
“That’s okay Dad! I know it’s my fault. I understand.” sabi ko. Hindi naman siguro ganoon kalala ang parusa sa akin diba?
“1 week kang maglilinis sa library Miss Valerio…”
Nalaglag ang panga ko. “Sa library?”
“Dapat nga ay sa cr pero humingi ng pabor ang Daddy mo. He said you don’t know how to clean and do things on your own kaya sa library nalang kita iaassign. Books won’t harm you right?”
Napatingin ako kay Dad. His expression was trying to cheer me up kaya ngumiti nalang ako ng pilit.
So maglilinis ako roon ng 1week. Iniisip ko palang ang maraming book shelf roon gusto ko nang mahimatay. Paano ba maglinis ng library? Alisin yung alikabok sa mga books? Sweep the floor? Pero may janitor naman ah! Gosh, my pretty nails! Naka colorless pa naman ito kasi bawal sa school ang may kulay ang kuko at medyo mahaba pa. What if mabali?
Maraming napatinging estudyante sa akin nang pumasok ako. Sigurado akong pinagtatawanan na nila akong lahat dahil sa suot kong parang maid. Ngayon ko lang naappreciate kung gaano kaganda iyong uniporme ko.
“As much as I want to help you but the principal didn’t allow us, Red. Masususpende rin daw kami,” sabi ni Klint na lumabas pa talaga ng classroom para icheck lang ako dito.
“I’m fine, Klint! Stop worrying.” I tried to cheer him up lalo na’t busangot na busangot ang kanyang mukha habang nakapamulsa. His black messy hair looks properly tamed at pulang pula ang natural niyang labi.
No wonder he’s also a heartthrob in this school…
“Itong si Leeland pahamak.” Naiirita niyang sabi.
“I said I’m fine, babe!” I chuckled. “This is not a bigdeal! At hindi naman ito mabigat oh.” I showed him the featherdust I’m holding.
“You don’t know how to clean.” Nagtaas siya ng kilay sa’kin while he’s smirking.
“Alam ko kaya. Sige na, maglilinis na ako at bumalik kana sa klase.” I slightly pushed his chest. He budge a little pero ngumingisi pa rin.
“Alright, alright. Kami nalang ni Yashin ang bahala sa mamimiss mong mga lessons.”
“Okay, thanks!”
Pagkaalis ni Klint ay kinausap rin ako ng librarian na doon daw ako sa pinakadulo magsimula. So kailangan ko lang alisin ang mga alikabok sa bookshelves. Ganoon lang naman pala!
Hindi na ako masyadong nag-abalang pansinin ang paligid. Wala rin namang estudyante.
Nagsimula ako doon sa isang bookshelf. Panay ang punas ko sa aking noo habang naglilinis.
“Hay, kapagod!” Reklamo ko. Gosh, ang hirap palang maglinis! Nakakangalay sa kamay! Bilib na talag ako sa mga maids. Sila lahat ang gumagawa at ni minsan hindi ko sila narinig na nagreklamo.
“Isang shelf palang nagrereklamo kana. Hindi ka pa nga nakakaisang minuto sa paglilinis ganyan kana ka pagod.”
Halos mapatalon ako sa boses na iyon. And it’s very familiar! Iyan iyong boses ng lalakeng tinakbuhan ko noong nakaraang araw! H-He’s here?!
“Kababaeng tao hindi marunong maglinis.” dagdag niya pa. He even tsked.
Nanlalaki ang aking mata at nilingon ang dulo ng shelf. Nakita ko siya roon, nakaupo at nakasandal sa isa pang shelf habang may binabasang libro. Ang isang paa ay nakapiko habang ang isa ay nakahiga sa sahig. But wait! Ba’t siya nandito?!
“B-Ba’t ka nandito?” I manage to say.
“Hindi ba obvious?” Ipinakita niya sakin ang librong hawak. “Tingin mo anong gagawin ko rito?”
Napanguso ako. Unti-unti na namang bumabalik sa aking alaala iyong nangyari at ang nakakahiya rito ay pinapamulahan ako ng pisngi! Oh shit, Red you’re too obvious!
“You left your shoes. When are you planning to get it?” Tanong niya at nilipat ang pahina ng librong hawak, naroon ang atensyon. Wala na akong planong bumalik ’no!
“I-I have extra shoes naman. Marami ako non kaya doon nalang ’yon.” Palusot ko.
“Ahuh. And your dog?”
“I can buy another. Plus, binundol na iyon ng aso mo kaya dapat panagutan niya iyon! Magsama sila!”
Nag-angat siya ng tingin sa akin, nakataas ang kilay. Napalunok ako.
“Binundol rin kita. Dapat bang panagutan rin kita?”
My cheeks heated. Hindi na ako mapakali. Calm down Red! Baka sabihin niyan masyado kang oa! It’s normal! Yeah, t-that’s normal.
Umirap ako. “No need. Wala namang nangyari.” Nagpanggap nalang akong naglilinis ng shelf. Ang sarap ring linisin ng bunganga niya! Ang dumi dumi ng pinagsasabi!
“Got scared that’s why you ranaway huh.” It sounds like he’s mocking me. Halatang halata iyon! What a bully.
“T-Tumakbo ako dahil maggagabi na. I need to go home fast or else mag-aalala na naman sila Dad. Baka maulit ulit iyong dati.” I lied.
“Ah… so you didn’t run because you got scared? I thought you chickened out.” Wala sa sarili niyang sabi.
“Oo naman! T-That’s normal! And I’m turning 16! Expose na kaya ako sa ganyan. I’m always with boys, Tres. Sina Klint, Troy, Leeland… at simula bata pa ako ay lalake na ang kaibigan ko. Si M-Marco…” Parang mabubulol ako dahil sa mga mata niyang matalim na ang tingin sakin. Madilim na naman iyon at misteryoso. Walang nakaguhit na emosyon sa blangko niyang ekspresyon. Ang tanging pinagbabasehan ko lang ay ang mga mata niya.
Tumayo siya. Namutla ako at napaatras na ng isang hakbang. Relax, Red! Tinatakot ka lang niya at aalis din siya! Hah!
“So you mean, you’re game?” Nanunuya ang boses na iyon, naninimbang ang misteryosong mga mata.
Tumango-tango ako. “O-Oo! Kaso nagmamadali ako noong oras na ’yon. Gusto kita at normal lang ’yon…” Nag-iwas ako ng tingin. Hinding hindi na talaga ako babalik sa bahay na iyon! Lalo na sa kanyang kwarto!
Huminto siya sa aking harapan kaya napasandal agad ako sa bookshelf. Ilang beses na akong napapalunok ng laway at parang hindi ko maalis iyong bukol na bumabara sa lalamunan ko. I badly want to run again.
“Total sunod ka nang sunod. Pagbibigyan kita.”
Nagulat ako nang ibinaba niya ang zipper ng kanyang suot na pants. Oh shit! Nababaliw na naman siya! Sinasapian na naman siya ng mga malalanding demonyo! Ang sarap niyang basbasan ng holywater! Gosh, kalma Red! Kalma!
“T-Tres… A-Ano k-kasi…”
“Huh?” Lumapit siya sa akin. Itinukod ang isang kamay sa gilid ko.
“You saying?” Hinawakan niya ang baba ko at iniangat iyon, he even caressed my chin. His eyes were penetrating through my soul. Masyadong malalim ang tingin niya sakin at parang hinuhukay ang loob ko, nakakapaso ang mga matang dumidirekta sa akin. Oh dear God please bring back my sanity.
Tumataas baba ang aking balikat. Pinagpapawisan ako lalo at nanginginig ang aking tuhod dahil sa kaba.
Minsan hindi ko tuloy gets kung ayaw ko ba talaga ang ganito siya kalapit sa akin o hindi ko lang talaga matagalan dahil parang matutunaw ako lagi sa pinaparamdam niya sa akin.
“K-Kasi ano… m-may p-period ako…” Bulong ko sa ere.
Hindi lang ang pinaggagawa niya ang nakakatulala kundi pati narin ang mukha niya. It’s like he’s seducing you para kusa karing bumigay without any efforts. Hindi na kailangang maglipbite o kumindat, sapat na ang mga mata niya, ang supladong mukha at mamula-mulang basang labi. Sapat na ang buong mukha niya at ang umaapaw na karisma para mahulog ka sa patibong.
“Can’t hear you.” Binitiwan niya ang aking baba at inilapat ang kamay sa kanyang polo. Sinisimulan niyang tanggalin ang botones roon. Isa isa, dahan dahan at pababa nang pababa na ikinalaglag ng panga ko.
“D-Dumudugo yung ano ko… m-meron ako…” Nawawala na ako sa aking sarili at hindi na alam ang pinagsasabi ko.
He stop midway. Medyo natanggalan ako roon ng tinik pero shit lang, naeexpose ang kalahating dibdib niya kahit hindi niya nakalas lahat ng botones! Wala siyang panloob shit lang! Sasabog na ata ako!
“Talaga?” He lazily tilted his head, tinitingnan ako gamit sa mga mata niyang inaantok. Pakiramdam ko lalong lumalalim ang kanyang boses.
Tumango ako, hindi na makalma ang kumakalabog kong dibdib na nagwawala sa loob.
“Sayang. Advance birthday gift ko nalang sana sa’yo.” He said cooly.
S-Seryoso ba siya?!
Laglag panga ko siyang tiningnan. No Red! He’s making fun of you again! H’wag kang matakot diyan! He wanted to push you away kaya dito niya na dinadaan. And seriously it’s working. Natatakot na akong lumapit sa kanya. Nakakatakot nang sundan sundan ang lalakeng ito.
“Go and clean the shelves.” Namulsa siya at tumalikod rin.
Isang mahabang buntong hininga agad ang napakawalan ko nang umalis ito sa aking harapan. Nahipo ko ang sariling dibdib at unti-unting napasalampak sa sahig. My knees are shaking! Paano niya ito nagagawa sa sistema ko! Parang kumakalas lahat ng turnilyo sa aking mga buto kaya ganito nalang ako kung manlambot.
Hindi ko natapos ang paglilinis dahil narin sa nangyari. One week pa naman Red kaya pwedeng sa susunod na araw nalang iyong iba. Pero sana naman diba wala nang Tres na umaaligid!
Gusto ko nang tumigil sa kakaakit roon kay Tres. Kasi naman parang ako itong inaakit niya! Ako itong nababaliktad ng sarili kong laro at ako na ang pinaglalaruan niya. And I hate feeling that weird thing on my stomach! Naiinis ako tuwing nanginginig at nanglalambot ang tuhod ko. How dare him do this to my system!
“Leeland si Tres inaakit ako!” Mangiyak-ngiyak kong sumbong sa kaibigan nang makarating ako rito sa cafeteria. Wala pa iyong iba kaya ganito nalang ako kung magsumbong sa kanya.
He chuckled. “Wow! Mukhang effective ang pang-aakit mo sa kanya ah? Pag niligawan ka niya edi nagtagumpay ka!”
See?! He thinks it’s funny! Tapos ako itong naghihirap!
“Hindi ko kinakaya ang pinaggagawa niya, Leeland! H-He almost strip infront of me! At ang malala ay sa library pa! He said na birthday gift niya daw sana sakin!” I whined dramatically. Idagdag pa iyong nangyari sa loob ng kanyang kwarto noong nakaraang araw. Ayoko nang idagdag pa iyon dahil sobrang nakakahiya!
Humagalpak siya.
“Wow! That’s unbelievable, Red! Ang isang heartless na Tres Buenaventura gumaganon sa isang babae? Are you kidding me?” Hawak niya na ang kanyang tiyan sa kakatawa.
“Seryoso nga! Halatang gusto niya na akong patigilin sa pagbuntot-buntot sa kanya kaya ginagawa niya iyon sa akin para tigilan ko na siya! And I badly want to stop this! Mababaliw ako sa lalakeng iyon!” Nasabunutan ko ang sarili kong ulo. This is really a disaster for me. Ako dapat iyong nang-aakit pero hindi ko na magawa gawa kay Tres dahil nasasapian na siya ng katauhan ng mga kapatid niya.
Inilapit niya sa akin ang kanyang mukha. “Ang isang Red magbaback-out nang ganito nalang? You’re better than this, Red. Ikaw ang nagpapaluhod hindi ang pinapaluhod. Palalampasin mo ba ang pinaggagawa ni Tres sa’yo? You need to teach him a lesson.” Mapanghamon niyang sabi.
Napabusangot ako. Palibhasa walang alam itong si Leeland.
“That Buenaventura is driving me nuts, Leeland!” I scowled in frustration.
“You can’t back down Red. Ngayon pa na mukhang mapapabigay mo na ang isang heartless na Buenaventura. That’s an achievement.” He smirked at me.
Nailing ako. Pinagsisihan ko na tuloy ang larong ito. Napakadelikado ng Buenaventura na iyon.
Nagsidatingnan ang iba kaya hindi na ako nakapagsalita pa ng irereklamo kay Tres. Lalo na’t itong si Leeland ay humirit pa.
“Naduduwag si Red kay Tres. She wants to back down.”
Laglag panga sina Yashin at Troye. Si Klint naman mukhang naninimbang ang tingin ganoon narin si Hannan.
“Di ba ako nagkamali ng pandinig? Ang umaapaw sa self-confidence na si Red tiklop kay Tres?” sabi ni Troye sa mapang-uyam na boses. I knew this would happen. Magdidiwang ’yan!
“H-Hindi ah! I am just kidding! Besides, pupunta pa nga siya sa birthday ko.” I smirked. I can’t just back down! Ba’t nga ba ako nagpapatalo sa lalakeng iyon? I’m Red! Wala akong inaatrasan.
“You’re lying.” Natawa si Troye. “Si Tres mapapapunta mo sa mataong lugar? That’s absurd, Red!”
“Tres doesn’t like crowded places, Red. Ayaw niya sa maiingay na lugar.” Dagdag naman ni Hannan na ikinatango agad ni Yashin, sumasang-ayon. Nailing lamang si Klint.
I need to convince that pervert! Total mukhang game na game na siya sakin mapapapayag ko ’yon.
“Pag napapunta ko siya, panalo na ako.” Ngumisi ako kay Leeland, mapanghamon ko siyang tiningnan.
“Go on.” Sagot niya naman sakin, mas lumaki rin ang ngisi.
“Pero pag hindi siya pumunta…” Napangisi na siya ng nakakaloko. “Talo kana.”
Chapter 15
Game of Love
Birthday wish
“Ayoko.”
Iyon agad ang sagot ni Tres sa akin nang madatnan ko siya ulit rito sa library.
“Pero it’s my birthday! Pwede ka namang umalis right away if you want. Magpakita ka lang sa mga bisita. Sa parents ko,” sabi ko sa kanya, pilit itong kinukumbinsi.
“Ba’t ako pupunta?” Tumaas ang kanyang kilay, nakatingala na ngayon sa akin. Nakaupo lang siya roon sa sahig, katulad ng nakasanayan niyang pwesto.
“Please?” I said softly.
“Hindi.”
Bumusangot na ang mukha ko. Paano ko ba siya kukumbisihin? Nakapagbitaw na ako ng salita sa kanila. At isa pa, pag hindi ko siya napapunta edi talo na ako! Ayoko! I don’t want to lose! Kung meron mang matatalo rito, iyon ay si Leeland at mapapaamo ko ang lalakeng ito.
“Kung pumunta ka sa birthday ko promise titigilan na kita.”
Natigilan siya roon sandali pero nagpatuloy rin sa paglipat ng pahina.
“Diba gusto mo naman ’yon? You want me to stop right? Then I can stop after you do me a favor.” I smiled.
“Wala rin naman akong pakialam.” Kibit niya ng balikat na ikinalaglag ng panga ko.
Seryoso ba talaga siya? Kahit kulitin ko siya o kahit tumigil man ako, wala siyang pakialam roon! Anong klaseng puso ba ang binigay sa kanya ng Panginoon at ganyan siya kabato!
“Tres! Please…” Yumuko na ako para makalebel lamang siya. I am still holding a featherdust. At hindi pa ako nakakalinis ng shelf dahil mas inuna ko ang pagkumbinsi sa kanya.
Imbes na sagutin ako, tumayo lamang siya. Napatingala ako sa kanya. Akala ko ay may sasabihin pa ito pero nalaglag nalang ang panga ko nang naglakad na ito paalis. Mukhang hindi ko talaga ito makukumbinsi.
Sa tuwing namamataan ko siya sa library ay iyon agad ang itinatopic ko pero katulad ng nakagawian niya tuwing dumadaldal na ako ay nagwawalk-out na. It’s like he’s really not interested at all. It’s going to be a big party kaya malamang maraming tao! Hindi naman pwedeng magbawas ako ng bisita just to please him. I can’t do that. Mas marami, mas masaya!
“Happy birthday, Christienne Red.” Bati sa akin ng lalakeng sobrang miss ko na.
It was midnight. Katulad noong birthday ko, nagpupuyat ako para lang makausap itong kababata ko. Siya kasi palagi ang nauunang bumati sa akin.
“Thank you Marco! I miss you! Sana man lang birthday gift mo sakin ang pag-uwi mo.” Sumimangot ako sa camera. He chuckled, looking good with his brownish messy hair, topless.
“I would love to baby but I can’t.” He said while his eyes were sparkling, a bit sorry.
“Hay, busy ka lang diyan sa mga blonde girl eh. I’m really jealous.” Ngumuso ako na nagpahalakhak ulit sa kanya.
Pinasunod na siya ng parents niya sa ibang bansa noong highschool na ako. Nasa states kasi ang parents niya at minsan lang sila rito sa Pilipinas. Marco continued his studies there. Sayang nga at dalawang taon na kaming hindi nagkikita. Puro kami video call tuwing gabi.
“Busy ka rin naman diyan sa tatlo mong lalake ah?” Nag-acting siyang nagtatampo.
“Pero mas mahal parin naman kita because you’re my childhood friend and bestfriend at the same time!”
“Pero hindi lang ako ang lalake sa buhay mo. Apat kaming pinagsisiksikan mo diyan sa puso mo.”
I laughed hard. Gosh! Simula elementary ganyan na silang apat e. Palagi silang nagcocompete sa akin. Kung sino ang mas matimbang.
“Stop it nga, Marco! Ikaw nga noong elementary tayo hindi ako nagreklamo doon sa crush mo!”
“Hindi ka nagrereklamo dahil hindi rin naman ako pinapansin ng babaeng iyon. She doesn’t even know me. She’s busy ditching her class and going out with her friends.” Bumusangot siya. Malala nga naman ang babaeng iyon. Sa pagkakaalam ko her Dad just paid the school to let her graduate noong elementary eh. And I’m sure later nasa party ko ang babaeng iyon. Last time kasi nandoon rin siya. Well I know they always gate-crash.
“Balita ko pa naman doon sumasali na sa gangs! Your crush is such a badgirl. Buti hindi ko iyon kinaibigan.” sabi ko para maturn-off ito.
“Kahit noong elementary wild na talaga iyon, Red. At matagal na akong nakamove-on. She’s just one of my former crush when we’re elementary.” Humalakhak siya, bumusangot ako. “Anyway, Mamaya nandiyan na iyong padala kong regalo for you.”
As always.
“You know much I love you more than those expensive things so pretty please umuwi kana. Please, please… Marco!” Inilapit ko lalo ang mukha ko sa camera ng aking laptop para lang magmakaawa sa kanya. Nakakulob ako sa aking kama, nakikipag-usap sa lalakeng tumawa lang. Psh.
“You’re so cute, Red! Ilang lalake na ba ang nabibihag mo diyan sa charm mo? I bet buong lalake sa school niyo head over heels na naman sa’yo.” He said surely. Kung alam mo lang Marco, may isang demonyo at alagad ni Satanas akong hindi nabibihag!
Kinwento ko sa kanya iyong dare na sinimulan naming magkakaibigan. Hindi narin iyon bago sa kanya dahil noong elementary kami ay ganoon rin naman ang gawain naming lima. They would ditched the class at isasama ako sa paglabas para lang gumala. Tapos si Marco ang palaging nagpapaliwanag sa Dad ko at palaging sumasalo sa akin.
“What a heartless man. Just quit that game, Red.” Sabi niya pagkatapos kong ikwento lahat. Pero hindi ko na isinali iyong mga intense na nangyari.
Tiningnan ko siya ng makahulugan na nagpabuntong rin sa kanya ng hininga.
“Alright, alright. You’re not going to quit dahil palaban ka at hindi ka agad umaatras sa laro unless hindi ka nanalo. Yeah, I know you too well.” Nailing siya at pinasadahan ang kanyang buhok.
Isa siya sa nakakakilala sa akin. Maliban kay Troy, Leeland at Klint, kay Marco ako sobrang komportable. Naaalala ko pa noong mga bata kami we used to take a bath together. Wala namang malisya roon dahil naglalaro lang kaming dalawa sa bath tub. Kaya rin siguro hindi ako nabubully noong bata pa ako dahil palagi siyang nasa tabi ko.
“I’m going to punch that asshole pagdating ko diyan. Ka lalakeng tao walang puso!”
Meeyo natawa ako sa bumalik na alaala. He’s really my savior kahit noong mga bata pa kami. He even tried to punched the owner of the dog noong bata pa kami kaso it turns out na siya ang nasuntok. Kaya kung ano talaga ang aso, ganoon rin ang amo.
Marami akong natanggap na messages ng gabing iyon. Isa na roon ang mga kaibigan ko. Nagreply ako kina Klint, Troy, Leeland, Yashin and Hannan saka rin ako natulog. Hindi ko na mareplayan sa social media iyong mga bumabati sakin.
I wore a spaghetti straps A-line dark red satin dress paired with 3inches stilletos. Nakahalf ponytail ang aking buhok at may curls sa dulo, mas binibigyang pansin ang malalalim kong collarbone at ang maliit kong mukha. Pakiramdam ko ay dalaga na ako dahil nga medyo expose rin ang aking dibdib dahil sa suot kong dress pero hindi naman gaanong masagwa tingnan.
“Wow! Your dress really fits your name and your personality!” Salubong sa akin ni Hannan, humahagikhik na. She’s with our friends too. Nakanganga pa si Klint at Leeland tapos si Troy naman itong napasipol. Yashin stared at me unbelievably.
“Alam ko namang maganda ka talaga pero hindi ko inaakalang may ikakaganda ka pa pala Red!” Si Yashin.
Humalakhak ako sa compliment ng mga kaibigan. Maingay na ang labas ng aming bahay. Nandito lamang kami sa openspace at may dj naman roon sa stage. Nagkalat na ang mga bisita ko sa bawat sulok. The trees were covered with fairy lights. May malaking jar sa gilid para sa mga drinks na gusto nila lalo na’t ang iba ay may hawak nang party cups at sinasabayan ang nakakadalang trance beat ng dj.
“Happy birthday.” Klint handed me a box. Niyakap ko agad siya nang makuha ko iyon. His hand snaked on my waist as I wrap my arms around his neck.
“Thank you!”
Troy pulled me away na ikinatawa naming dalawa ni Klint.
“Ang ganda mo naman ata? Dapat ako rin makayakap sa’yo.” Tila nagseselos na sabi ni Troy dahil nagpout pa.
“Oo na seloso!” Naghug rin ako sa kanya na ikinatawa niya rin kalaunan.
Niyakap ko narin si Leeland. We all laughed saka rin nagdesisyon na makihalubilo sa iba pang bisita.
Inimbita ko lahat ng kaklase ko pati narin ang schoolmates. Feeling ko nga may mga stranger pa pero monitor naman ang paligid dahil sa nagkalat na mga bouncers at bodyguards ko if ever may mangyaring masama.
Nakisiksik narin kami sa iba na sumasayaw sa beat ng kanta. It was so intense na kahit ang lamangloob mo ay mahihila ng beat para sumayaw rin.
“Raise your cups and let’s greet the birthday girl, Red! Happy birthday!” Itinaas ng dj ang kanyang hawak na party cup sa kalagitnaan ng trance music na mas umientense na at ginaya narin ng iba.
“Happy birthday, Red!” They all shouted habang nasa peak na ang kanta at ang mga lights na tila nagwawala narin.
I giggled together with my friends. Nakatayo kaming lahat rito sa openspace at sumasayaw sa malakas na tugtog. Natatapon pa iyong laman ng cups nila dahil sa masyadong wild na beat na sinasabayan rin ng kanilang galaw. Everyone’s very lively. Walang nasa sulok. Lahat nakikisaya.
Nakaakbay ako kina Troy at Klint ganoon rin sila sa akin habang tumatalon talon kami at sumisigaw para sabayan iyong kanta na tinatangay ang aming katinuan at gusto nalang ay magwala sa kanta ni Axwell na More than you know. Nakakadagdag pa ang mga beat na dinadagdag ng sikat na dj na inimbitahan ko.
“I just need to get it off my chest yeah, more than you know yeah, more than you know!” Sabay naming sigaw tatlo.
“You should know that baby you’re the best yeah, more than you know yeah, more than you know!”
Mas sumabog ang beat ng kanta ganoon rin ang mga lights na pinapantayan ang pagwawala namin. We all dance, jump and screamed together with the rythm.
“It’s so fun!” I shouted. Klint suddenly kissed me on my cheeks na kahit si Troy ay ginawa rin iyon sa kabila. Napahalakhak ako at pinagsasapak ang dalawa na humagalpak lang rin ng tawa.
Hinila ko sila paalis roon. Troy is already topless at basa pa ang kanyang katawan dahil sa mga inuming natatapon. Si Klint ay medyo basa rin pero hindi naman naghubad unlike Troy. Nakabukas nga lang ang dalawang botones ng suot niyang denim polo at mas gumulo ang ayos ng buhok.
“Grabe! I really love parties! Woooh!” Pag-iingay ko habang naglalakad kami roon sa malalaking jars para kumuha ng inumin.
“Ang daming hot chic kanina, Red! Iyong isa nabangga pa ang dibdib sakin! Man! I’m so heat up!” Parang loko lokong pahayag ni Troy na mabilis binatukan ni Klint.
“Hindi ito panahon sa paglandi, unggoy. We’re here for Red’s birthday.” Hirit ni Klint na ikinaasim agad ng mukha ni Troy. Nagsisimula na naman ang dalawa kaya natawa nalang ako.
Kung hindi lang kinuha ng lalakeng lumapit sa akin ang atensyon ko ay hindi ako matitigil sa kakatawa.
“Hey, birthday girl…” He smiled seductively. Ang charming charming nito sa kanyang suot na denim jacket at may itim na panloob. I know this guy!
“Hey!” I waved at him.
“Happy birthday. Here.” Binigyan niya ako ng box.
Tinanggap ko iyon. “Uhm, thanks!” I smiled cutely. Ang gwapo rin naman kasi! Can’t remember his name pero alam ko kuya niya iyong sikat na basketball player sa kabilang school. His profile is well known not just because pinsan siya noong magkapatid na Buenaventura kundi pati narin sa angkin niyang kagwapuhan.
Bigla namang lumitaw si Klint sa tabi ko, nakaakbay na pagkatapos niyang ipitin ang leeg ni Troy sa kanyang braso.
“Sup Kazi.” Klint greeted him.
Nailing ito, mas tumamis ang ngisi. Mas lalo itong naging charming. Iyong tipong kumikinang ang paligid dahil sa nakakaakit niyang ngiti.
“Where’s Leeland?” Tanong nitong Kazi.
Oo nga no? Mukhang naiwan namin ang tatlo sa kumpol ng mga bisitang sumasayaw roon kanina.
“He’s just around. Sinong kasama mo?” Tanong ni Klint. “Nandiyan ang mga pinsan mo?”
Tumango si Kazi. “Aside from Tres. He doesn’t like this kind of party. See yah.” Kinindatan niya ako.
Natural ba talaga sa dugo nila ang pagiging attractive at womanizer?
Hindi na ako magtataka kung nandito si Uno at Dos. Malaking party ito and I’m sure nandito lang ang dalawa para mambabae. Sure ako nakikiparty si Uno, si Dos baka nasa gilid gilid lang, nakikipagmake-out.
“Mukhang hindi pupunta si Tres.” Sabi sa akin ni Klint.
Ngumuso ako. “Mahaba pa ang gabi. Baka late lang!”
Nagtaas siya ng kilay, nameywang na sa aking harapan.
“He’s not coming, Red. Just have fun this night without that heartless.”
“Makakasama ko siya ngayong gabi, Klint! That’s my birthday wish so I’m sure magkakatotoo iyon.”
Klint just shrug, binasa ang pang-ilalim na labi at ngumisi. I laughed.
Hinanap ko sa mga nagkalat na bisita sina Hannan at Yashin. May mga bumabati sa akin ng happy birthday na nginitian ko agad. They’re all familiar to me lalo na’t mga high profiles rin ito pero I’m not really close with them.
May kung sino ang nakabangga sa akin dahil sa pagsayaw nito.
“Opse!” She laughed at me. She has this wavy hair and a red lips. Ni hindi man lang sumambit ng sorry.
I knew it! Nandito nga ang badgirl na ito! Kahit schoolmate namin siya noong elementary hindi naman ito gaanong pumapasok so we’re not that close rin. Maldita iyan eh kaya hindi ko rin magawang kaibiganin noon. She always cause trouble sa school. May sinapak pa nga siyang guy na dumugo ang ilong. Ewan ko ba anong nakita ng bestfriend ko sa kanya noon. It’s just that Marco really likes her kasi nga she’s very pretty kaya marami ring nagkakagusto sa kanya despite of her attitude.
“It’s okay!” I smiled kaso imbes na ngitian rin ako pabalik ay dinedma niya na ako at nakipagtawanan ulit sa kanyang apat na kaibigan. I’m pretty sure wala itong ediya na ako ang may birthday. She’s really a badass. Tama nga ang kumakalat na balita sa nag-iisang anak ni Mr. Heira. At halatang nag gate-crash na naman! I didn’t invite her! Hayaan na nga. Expected ko rin naman talaga ang presensya niya.
Hindi ko nahanap ang dalawa. Kaya imbes na patuloy silang hanapin, nagdesisyon nalang akong umalis.
It was already 11pm. Lumabas ako ng kotse at suot parin ang pula kong dress.
“Sigurado po ba kayo na hindi ka namin hihintayin dito, Ma’am?” Tanong noong driver na kahit ang bodyguard ko ay tinitingnan narin ako sa itaas ng salamin.
“Yep! I’m just going to text you pag magpapasundo na ako.” Sabi ko sa kanila nang ihinto nila ang sasakyan sa harap ng malaking bahay.
Lumabas ako roon. Tiningnan ko munang umalis ang sasakyan saka ako nagdoorbell sa malaking bahay ng mga Buenaventura. I’m sure his two brothers are not home yet. Buti pa si Dos kahit sobrang nakakasindak nagagawang magparty unlike him!
“Hi po! Nandiyan po si Tres?” Tanong ko sa katulong na bumukas sa akin.
“Opo Ma’am. Pasok po muna kayo.” Sabi nito na ikinailing ko agad.
“Uhm hindi na po. I’ll just wait him here! Pakisabi sa kanya nandito si Red sa labas. I’ll wait him.”
Tumango-tango naman iyong katulong. Gusto kong iwasang pumasok sa bahay nila as much as possible para makaiwas ako sa kanyang kwarto. Baka kasi kaladkarin niya nalang ako bigla sa kanyang kwarto.
Bumukas ulit ang gate. Lumabas roon ang katulong, medyo malungkot ang mukha.
“Ma’am pinapasabi po ni Sir Tres na umuwi na raw po kayo. Hindi raw po siya lalabas.”
“Please po tell him na maghihintay ako rito sa labas. Di po ako aalis.” Sabi ko rito na ikinatango niya naman.
Ngumuso ako at tiningala ang kanilang malaking gate. Sobrang dilim ng kalangitan. Ni isang kumikislap na bituin ay wala akong natagpuan roon. I wonder where are they? Naalala ko tuloy ang madilim at misteryosong mga mata ni Tres. Hindi mo iyon mahulaan. Hindi mapunto.
Umupo ako sa gilid. Nagawa ko pang hubarin ang aking stilletos at inilapag iyon sa aking tabi. Tiningnan ko ang aking cellphone at malapit nang mag-12. Matatapos na ang kaarawan ko. I waited for almost an hour seriously! Damn that heartless.
Halos mapatayo ako sa pagkakaupo nang kumidlat. Tiningala ko ang kalangitang nagbabadya ng kung ano. No please! H’wag ka namang umulan! I need to see Tres!
Nilingon kong muli ang maliit na gate kung saan lumalabas si Tres. Walang bakas roon na bubukas iyon at magpapakita ang hinihintay ko rito. Quit it, Red! You know that guy!
Pumatak ang malalaking buhos ng ulan. Napasinghap ako at mabilis na binuksan ang aking cellphone para itext ang aking driver kung hindi lang bumukas ang malaking gate nila at umilaw ang magarang itim na kotse. Mabilis na kumalabog ang aking dibdib. Posible kaya?
Mas bumuhos ang ulan. Unti-unti na akong nababasa. Huminto iyon sa aking harapan at bumukas ang bintana sa driver’s seat. Nagningning ang mga mata ko nang makita ang supladong mukha ni Tres. Nakahawak ang isa niyang kamay sa manibela habang ang isa ay nasa clutch at walang buhay ang mga matang nasa harapan ang tingin.
“Get in.”
Chapter 16
Game of Love
Opposite
I am hugging myself inside Tres’s car. Nang mapansin niya iyon, siya na mismo ang nagpatay ng aircon.
“Ang sabi ko umuwi kana.” Iritado niyang sabi habang nagmamaneho gamit ang isa niyang kamay. He was wearing a plain black tshirt paired with shorts.
“I told you to come on my birthday kaso hindi mo ako sinipot!”
“Sinabi kong hindi ako pupunta. Ang tigas rin ng ulo mo.” Matalim niya akong tiningnan ngunit hindi iyon nagtatagal sa akin at mas nagiging marahas ang tingin sa daan.
Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone. Oh just great. 12 na! Tapos na ang birthday ko.
“Birthday wish ko na makita ka. Pero tapos na ang birthday ko.” Sumimangot ako sa kanya. Hindi siya kumibo. Pinapanindigan lamang ng kanyang ekspresyon kung gaano siya kairitado ngayong oras na ’to.
Kahit pinatay niya na ang aircon ay hindi ko parin mapigilang hindi manlamig. I rub my both arms while shivering. Damn, its cold! Tapos sinasabayan pa ng kanyang ugali! He’s freezing me to death!
Itinabi niya ang sasakyan at huminto roon. Sinundan ko siya ng tingin na may kinukuha sa likod.
“Oh.” Inilahad niya sa akin iyong denim na jacket. Napakurap ako roon.
“Take it.” Inis niyang sabi kaya mabilis ko rin iyong kinuha.
“T-Thanks.” Nahihiya akong ngumiti. He cares?
“Cover your chest.” Tiningnan niya ang aking dibdib na medyo expose ang balat. “It’s not even big to be proud of.” Ismid niya at nagsimulang magmaneho.
My jaw dropped. Sa sobrang kahihiyan, mabilis kong sinuot ang kanyang jacket.
“B-Because I just turned sixteen! What are you expecting?”
“Shut it. Ang ingay mo.” Aniya na ikinabusangot ng mukha ko.
Humalukipkip ako sa upuan. Asar na asar ako sa kanya. What’s wrong with this guy? Bakit hindi niya man lang maappreciate ang ganda ko? I mean alam ko namang biniyayaan ako ng perpektong mukha pero sa tuwing dinededma ako ni Tres, pakiramdam ko ang pangit ko.
“Your cousin Kazi even told me that I’m pretty.” Pabulong kong sabi, sapat lamang na marinig niya. “I think he likes me.” Medyo natawa ako.
“Wala iyong pili sa babae. Lahat naman nagugustuhan niya.”
Nanliit ang aking mga mata. Pulang pula na ang aking magkabilang pisngi dahil sa kahihiyan tapos humihirit pa siya.
“I’ve seen his girls! Magaganda iyon! He’s even dating a model! Mataas ang standards ni Kazi ’no!” Pagmamalaki ko. This is not the first time we have seen each other. Minsan nagkikita kami sa mga magagarbong birthday parties at nakikita ko rin ang mga babaeng kasama niya. Paiba-iba at lahat angat. His cousin is such a playboy at hindi nawawala sa mga malalaking party.
“Pinuri ka lang naman. Ikaw narin ang may sabing mataas ang standards kaya imposibleng maging isa ka sa kanyang babae.”
Buong mukha ko na ata iyong namula. Nangigigil na ako sa inis, pagkapikon, hiya, halo-halo na ang nararamdaman ko at gusto ko nalang itago ang aking mukha. Dapat talaga hindi ko nalang siya kinakausap eh.
Itinuon ko ang aking atensyon sa labas ng bintana. Walang tigil parin sa pagbuhos ang ulan. Nagiging malabo na ang bintana at kahit ang nadadaanan namin ay hindi ko narin naaaninag ng husto ang nadadaanan namin.
Sa sobrang tahimik, naririnig ko ang ingay na ginagawa ng ulan sa labas, ang windshield na pabalik-balik ang pagpupunas sa harap at ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Tumikhim ako, nilingon siya. “Bakit ang heartless mo sa mga babae? Ayaw mo bang magkagirlfriend?”
“Di mo ba kayang hindi magsalita?” Sabi niya sa mahinahon na boses, ngayon ay blangko na ang ekspresyon at cool na nakasandal sa kanyang upuan.
“Just answer it!” Frustrated kong hiyaw.
Ngumiwi siya.
“What’s good about having a girlfriend? Girls are loud, annoying, overacting, childish and loud. Sakit na nga sa ulo, sakit pa sa tenga.” Brutal niyang sabi na pangalawang beses pa talagang binanggit iyong una niyang sinabi.
“How can you say that? Eh wala ka ngang kaibigang babae.” Sabi ko. He’s bluffing!
“I just describe you.”
“You’re wrong about me Tres. I am sweet, attractive and cute!”
“You’re the opposite.”
Bakit ba masyado siyang savage? Siguro kung ibang lalake pa ito ay dinadaan na ako sa matatamis na salita pero siya salungat ata sa lahat ng ineexpect ko sa isang lalake.
“Paano na yan kung naging boyfriend kita…”
Tumaas ang kanyang kilay, nasa akin na ang tingin. Kahit wala itong sabihin, sa mga mata niya palang halatang nanghuhusga na.
Kumurap ako. Iginala ang tingin sa loob at nakagat ang pang-ibabang labi.
“Wala ka bang planong ligawan ako?” Halos ibulong ko nalang iyon sa hangin at sana tangayin nalang ng kung ano para marinig niya. I know this is too embarassing pero sanay na ako sa kanyang rejections kaya ano pang pinagkaiba noon?
Hindi muna siya sumagot. He manuevered the car smoothly at huminto sa isang lugar. It’s still raining. His eyes were fix on the road at walang balak lingunin ako.
“I know I’m just 16 pero alam ko kaya ko namang ihandle ang u-ugali mo. I’ll be the sweetest girlfriend!” I said merrily while trying to meet his gaze. Hinanap ko ang tingin niya ngunit hindi ko man lang iyon magawang salubungin.
My heart raised fast while waiting for his answer. Tiningnan ko ang maugat niyang braso na may hinila sa gilid ng upuan sanhi para umatras ito ng kaonti. Ngayon ay medyo nakahiga na siya, inuunan ang dalawang kamay.
“Kahit suplado ka sakin napagtitiisan ko kaya! Ako lang ata ang babaeng hindi sumusuko sa’yo!” Tumawa ako kahit na pinapahiya ko na naman ang sarili ko sa kanya.
“Then just give-up. I don’t need a girlfriend.” He tilted his head finally meeting my eyes.
Napalunok ako ng laway. Napaawang ang aking bibig at suminghap ng kaonting hangin. Kahit hindi pa ako nagsasalita ay parang mabubulunan na ako.
Hindi ko rin naman pinapangarap na maging girlfriend mo ’no! I am just using you to feed my ego. Hindi ko lang talaga matanggap na nagagawa niya akong dedmahin ng ganito.
I chuckled. “Okay lang! Di ko rin naman kailangan ng boyfriend!”
Nanatili ang kanyang malamyang tingin sa akin, sinusuri ako noon.
“I mean, I have my friends! I’m fine living without a boyfriend…” I smiled. “but I can’t live without friends.”
Isa rin iyon sa rason kung hindi ako pumapasok sa isang relasyon. I am happy and contented with my life at masaya naman ako kahit wala akong boyfriend. Alam ko kasi maraming nasasaktan sa pag-ibig. Iyong mga babae palang na iniiyakan si Tres ay patunay na kung gaano kalupit ang pag-ibig sa oras na nahulog ka. Paglalaruan nito ang nararamdaman mo hanggang sa maubos ka.
“I have Yashin, Hannan, Klint, Leeland, Marco, and Troy. Masaya ako sa kanila. Kaya kahit wala akong boyfriend, kaya kong matulog ng nakangiti at gumising ng nakangiti dahil alam ko, maraming nagmamahal sa akin. May mga taong mahal ako na mahal ko rin.”
Inalis niya ang pagkakatitig sa akin at pumikit. Alam kong hindi siya interesado sa mga pinagsasabi ko pero gusto ko paring sabihin sa kanya na masarap ang may kaibigan, ang may nasasandalan.
“Kung kontento ka naman pala sa mga kaibigan mo, ba’t mo pa sinasabing gusto mong maging girlfriend ko?” Tanong niya bigla.
“Uh…” Dahil sa dare? Psh, Red! You can’t say that. Baka bigla ka nalang sipain niyan palabas ng kotse niya.
“Dahil naaawa ako sa’yo. Dahil wala kang kaibigan. Kahit nga h’wag mo nalang akong igirlfriend, kahit friends nalang. I know you won’t like me back at tanggap ko naman ’yon. You see, no man is an island. You can’t manage life all by yourself. Everyone relies on others…” And I mean it.
May parte sa akin ang gusto siyang maging kaibigan sa kabila ng mga negative comments ko sa kanya. I mean, he’s not that bad afterall. Maybe ayaw niya lang talagang makihalubilo. Ayaw niya lang talagang dumaldal, ayaw magparty, ayaw makisalamuha, ayaw niya lang dahil may sarili siyang desisyon sa buhay at iyon ang paninindigan niya.
“I’m not lonely. I have myself.” Tipid niyang sagot na ikinangiwi ko nalang.
Magkaiba nga naman ang lahat ng tao. Maybe he enjoys being alone rather than being with someone unlike me na hindi ata mabubuhay kung walang kasama. Pero hindi ibig sabihin noon ay ihihate mo na siya dahil lang hindi siya naaayon sa gusto mo. Just because he’s quite different than you used to.
“I don’t hate you so I’m quite curious ba’t hate na hate mo ako.” I chuckled.
Tumagilid siya, nakahilig na sa kanyang palad at nasa akin ang tingin, facing me wholly. I swallowed. Kinakabahan ako sa mga kilos niya at baka may bigla na naman siyang maisipang gawin.
“I don’t hate you. I hate your actions.” Sabi niya sa baritono niyang boses.
“Huh?”
I’m shocked. He doesn’t hate me! So normal lang pala talaga na masama ang ugali niya? Is that it?
“Ayoko sa mga babaeng nag-eeffort sa lalake. Trabaho namin iyon kaya ba’t niyo inaako?”
“Nag-eeffort ang mga babae kasi gusto nila. Nag-eeffort ako k-kasi gusto kita.”
He tsked. “Kung gusto kita, tingin mo kailangan mo pang mag-effort?”
Napasinghap ako roon. Parang tambol ang aking puso at hinahampas ng kung ano kaya ganoon nalang ang kalabog nito. Nabibingi ako sa tunog at nahuhulog ako sa mga malalalim na salita ni Tres.
“Eh kasi hindi ka naman nag-eeffort sa kahit sino. Malay ko ba kung sino ang gusto mo.” Napairap ako sa ere, pinapamulahan ng mukha.
“Tinataboy ko sila hindi dahil masama ang ugali ko kundi dahil hindi ko sila gusto. Yun iyon.”
Ouch. Edi isa pala talaga ako doon. Ang labo naman. He doesn’t hate me pero hindi niya rin naman ako gusto. Edi ano?
Natahimik ako saglit. Pakiramdam ko sobrang lawak ni Tres kumpara sa pag-iisip kong masyadong mababaw sa mga bagay-bagay. Iyong nabibigyan ng maikling depinisyon ang buhay hindi katulad niyang may malalalim na sagot. Kahit sa pananaw ay magkasalungat parin kami. Hindi kami nagkakatugma sa lahat. At kaya rin siguro hindi ko siya magawang intindihin.
Paano nga naman magkakasundo ang masyadong seryoso sa buhay at ang paglalaro lamang ang alam? Ang katulad kong hindi nagseseryoso at ang katulad niyang hindi nagbibiro. Mababalanse pa ba ang ganoon sa timbangan kung magkaibang magkaiba ang dalawa?
Nang wala na akong masabi ay ginaya ko nalang ang kanyang upuan at inilebel iyon sa kanya. Humiga rin ako roon pero nasa harap ang aking tingin, tinitingnan ang bawat pagpatak ng ulan.
“I really like when it’s raining. Gustong gusto ko yung patak ng ulan, iyong pakiramdam na nakukuha ko sa t’wing umuulan. Ikaw, gusto mo rin ba ang ulan?” I faced him. Nasa akin parin ang kanyang tingin.
Umiling siya na ikinabusangot ko. “Wala ba tayong pagkakatulad? They say opposite attracts pero ba’t di ka naaattract sakin?”
“I just hate it.” Kibit niya ng balikat.
“You mean hate mong maattract sa’kin?” Pagtatama ko.
“I hate the rain.”
“Eh iyong sagot mo sa isa ko pang tanong?”
“You’re the rain.” He smirked.
“Bully!” Napaismid ako. His smirk grew even wider. Nakakainis rin. Nagagawa lamang siyang ngumisi pag naiinis niya ako. How opposite.
“Feeling cold?” He suddenly asked randomly.
“Mas cold ka pa sa ulan.”
“Ah, akala ko gusto mo ng body heat.”
“You’ll hug me?” I’m half amused. Nagningning pa ang mga mata ko.
“Hindi rin. Sabi mo cold ako e.” Mapang-uyam niyang sabi, nanunukso.
I pursed my lips just to stop from giggling. Bakit para siyang bata? Iyong nagtatampo.
“You’re cold and hot at the same time.” I said softly, giving him my sweetest smile.
Tumitig siya sandali sa ngiti ko pero nag-iwas rin ng tingin. Tumahimik na siya kaya tumahimik narin ako kahit nabibingi na naman ako.
“Kailan kaya titigil ang ulan ’no?” Tanong ko ilang sigundo ang makalipas.
Hindi siya sumagot. Ipinikit niya lang ang mga mata niya. Napangiti ako. Maybe, Tres is really not a heartless. He just hated those girls who desperately chase for love. Dahil para sa kanya, dapat ang lalake ang nag-eeffort. So ibig sabihin itong mga babae talaga ang may problema ganoon ba iyon?
Kalat na kalat ang balitang birthday ni Tres kahapon pagpasok ko kinaumagahan sa school. Birthday niya pala? Ba’t hindi niya man lang nabanggit? Pagkatapos niya kasi akong ihatid ay umalis rin siya. Ni hindi na pumasok sa bahay.
“Bigla ka nalang nawala sa birthday mo. Where have you been?” Iyon agad ang salubong ni Klint sa akin pagkapasok ko sa classroom.
Nilingon ko sandali si Yashin na nasa libro ang tingin saka ibinalik kay Klint. Nasa magkabila kong balikat ang kanyang kamay at desperadong-desperado na makakuha ng sagot.
“Uh… pumunta ako sa bahay nila Tres.” Sabi ko na ikinalaglag ng kanyang panga.
“Pero hinatid niya naman ako pauwi, Klint! So don’t overeact okay!” Pagbabanta ko dahil mukhang marami na itong pasasabugin na masasakit na salita sa kanyang bibig.
“You already lose, Red. Ba’t ka pa lumalapit-lapit doon sa lalakeng iyon? Ni hindi nga pumunta sa birthay mo.”
“Kasi ayaw niya sa maraming tao. We need to understand him.” sabi ko.
His eyes narrowed, hindi na makapaniwala sa sinasagot ko.
“Since when did you start caring for that guy, Red?”
Uhm? Kagabi? Medyo namangha lang ako sa kanya iyon lang. Naiintindihan ko siya ng kaonti. Ganon lang naman.
Inalis niya ang kanyang kamay sa magkabila kong balikat nang mapansin niyang wala na akong balak sumagot. Pumunta ako sa upuan ko, bumuntot naman siya.
“Maaga ba kayong umalis ni Hannan noong birthday ko, Yash?” Tanong ko.
Tumango siya. “Oo maaga akong umuwi, Red. Alam mo naman bawal akong umuwi ng matagal. Pasensya na.” Malungkot niyang sabi at agad na binawi ang tingin sa akin.
“Baka gusto mo na iyong Buenaventura na ’yon ha.” Singit naman ni Klint, hindi parin winawala ang topic. Pinaningkitan ko siya ng mata.
“Bumalik kana nga sa upuan mo Klint.” Nailing akong umupo.
“You can’t like him Red.” Mataman niyang sabi, umuupo na roon sa harapan ko.
“Alam mong napakaimposible niyan Klint dahil opposite siya sa standards ko sa mga lalake.” Natawa ako.
“Mabubugbog talaga namin iyon ni Troy.” Pinatunog niya pa ang mga daliri niya, ang kamay niyang nakakamao at nagkakasalubong ang mga kilay.
“Quit it! Bumalik kana sa upuan mo!” Natatawa kong sabi.
Yashin suddenly stood up. Kapwa kami napatingin sa kanya ni Klint. Lumabas siya sa kanyang upuan at derideritso na ang lakad.
Tumayo narin ako na ikinatayo naman ni Klint.
“Wait Yash! Where are you going?” Tanong ko, handa nang sumunod sa kanya.
“Cr lang ako. Mabilis lang naman.” Sabi niya at tumakbo na palabas. Ngumuso ako at bumalik sa pagkakaupo ganoon rin si Klint. Pinaningkitan ko ito ng mata.
“Bumalik kana nga sa upuan mo, Klint.”
“Okay, okay.” Tumayo siya at ngumingisi pa. Nailing nalang ako.
Kinuha ko iyong notebook ko at kinopya ang mga lesson na hindi ko napag-aralan last week. Sumagi sa aking utak iyong pag-uusap namin ni Tres kaya hindi ko namalayang natigil na pala ako sa pagsusulat at napangiti nalang.
“Nakita ko ’yon! Ngumingiti ka diyan!” Biglang sigaw ni Klint na ikinaagaw ng atensyon ko. Nilukot ko ang papel na nasa desk at itinapon sa kanya.
“Nosy!” Malutong akong natawa.
“Don’t you even dare like that guy, Red!” Pagbabanta niya. Mas tumawa ako.
“Never!”
Noong lunch ay iyon rin ang naging usapan namin sa cafeteria. Sinabi ko sa kanila ang lahat maliban roon sa naghintay ako ng mahigit isang oras sa labas at naulanan pa ako.
“Ba’t parang may something na sa inyo?” Malisyosong tanong ni Troy.
“Wala ’no!” Natawa ako.
“Eh ba’t parang namumula yang pisngi mo?” Puna niya pa.
“I have a natural rosy cheek you moron! Quit it Troy.” Hindi ko mapigilang hindi humalakhak. Ako lang itong natutuwa samantalang sila ay naghihinala na.
“Did he kissed you?” Tanong ni Hannan na ikinailing ko.
“I am not that easy to get, Hannan. Hindi purket hinahabol-habol ko siya ay magpapahalik na ako.”
“Edi mukhang hindi ka pa talo, Red. Seems like that Buenaventura is getting used with your presence.” Sabi ni Leeland, ngumingiti na ng makahulugan.
“Ihinto niyo na nga iyang dare niyo.” Naiinis na sabi ni Klint.
“I object!” Hinampas pa ni Troy ang mesa. “Paluluhurin muna ni Red ang Buenaventura na iyon. Walang aatras.”
Natatawa kaming nag-apir ni Troy. Klint frowned while Yashin just stared at us. Si Hannan naman ay napainom ng tubig.
“I know Red doesn’t want to lose either. She’s going to win or else…” Leeland said trailing.
“Ba’t ba kasi bahay ang ipinusta mo, Red? Ibahin mo nalang.” Si Klint.
Nagkatinginan kami ni Leeland. He just laughed. Bakit ba kasi gustong gusto niyang maging girlfriend ako? Nakakapagtaka rin ang lalakeng ito eh sabi niya di niya naman ako gusto. What’s his real reason?
Pero sabagay, nakikilala ko na ang totoong Tres kaya hindi narin masama itong pagpapanggap kong gustuhin siya. I am knowing the real heartless Buenaventura. At baka sakaling hindi lang kami ang opposite, baka pati ang pananaw ko sa kanya ay maging salungat narin. Maybe…
Chapter 17
Game of Love
Beg first
Maaga akong umuwi. Bumili ako ng isang kahong chocolate cake na pinacostumize ko pa para batiin si Tres. Mabilis ang aking pagpapalit ng floral dress at flats saka nagtungo sa kanilang bahay.
Nakakapagtaka at hindi maingay sa loob. Alam kong hindi ako invited but I’m sure his Mom will let me in. Kaso ba’t parang walang nagaganap na party?
“Red?” It was Tita Tracy who opened the gate. Mukhang may lakad ito base narin sa kanyang hitsura. Wala atang araw na hindi siya eleganteng tingnan at hindi maganda.
“Hi po Tita! Uhm, diba birthday ni Tres?” Tanong ko at sandaling sinilip ang kanilang loob. Walang nagaganap na party! Hindi kaya ay nasa loob ng bahay ang venue at salo salo lang ang nagaganap? Maybe a dinner?
“Yes hija! May usapan ba kayo ng anak ko?” Tanong nito.
Umiling ako. “Uh, wala po eh.” Iminuwestra ko sa kanya ang hawak kong kahon. “But I bought a cake for him, Tita. Di ko kasi alam anong hilig ni Tres so wala akong idea kung anong ireregalo sa anak niyo.”
His Mom’s face lightened. “I see…” Natawa siya ng marahan. “Pero hindi ba nabanggit sa’yo ni Tres na hindi siya mahilig sa matatamis?”
Napakurap ako roon. Oh shit Red! Oo nga! He doesn’t like sweets!
“It’s okay hija. Let’s get inside.” Hinawakan niya ang aking pulso at iginiya ako sa loob.
Iginala ko ang aking tingin sa kabuuan. Wala man lang akong natatagpuang ebidensya na maaaring may maganap na party mamaya. Hindi ba magcecelebrate ng birthday si Tres?
“Uh, Tita. Di po ba magpapaparty si Tres?” Tanong ko nang makaupo ako sa sofa.
“That guy doesn’t like party’s, Red. Ayaw niya sa matao at maingay na lugar. Tuwing birthday niya, kumakain lang kami sa labas.” paliwanag nito.
As expected.
“Tres, Red is here.” Anang Mommy nito, tinitingala na ang anak na bumababa sa enggrande nilang staircase.
Nagkasalubong ang aming tingin. Ang talim agad ng mga mata niya, nanghuhusga at malalim ang binibigay sa aking tingin. He was wearing his usual cold gaze and his handsome face without any emotion, just his dark eyes.
“Happy birthday!” Marahan kong pagbati at ngumiti sa kanya.
Hindi man lang siya ngumiti, ni ang magpasalamat ay wala akong natanggap. Inayos niya lang ang manggas ng suot niyang polo at inirolyo ito hanggang sa kanyang siko, revealing the veins of his pale hand.
Napatingin sa akin ang kanyang Mommy, naninimbang ang tingin at concern ang gumuguhit na ekspresyon sa mukha. I lightly smiled at her na ikinangiti niya rin naman.
“At least say something, Tres.” Sabi ng kanyang Mommy na nasa kanya na ang tingin.
“Something.” Tanging sabi nito na ipinagsalubong ng kilay ng kanyang Mommy, nasa manggas parin ang buong atensyon. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto kong matawa dahil sa pagiging suplado at literal niya pero kinimkim ko nalang iyon.
Her Mom glared at him. “Tres.”
“Ma. Dadating pa ba si Dad o hindi?” Pag-iiba niya ng topic.
“Wait… I’ll call him. Wala pa naman ang mga kapatid mo.” Sabi nito, may dinadial na sa kanyang cellphone.
Sumenyas ang kanyang Mommy na aalis muna ito. Tumango naman ako at nilingon rin si Tres.
“Akala ko may party sa bahay niyo.” Sabi ko.
“Di ko maalalang inimbitahan kita rito.” Sabi niya sakin, namulsa na sa aking harapan.
“Akala ko ba kaibigan na tayo?” Ngumuso ako, tinitingala ang katangkaran nito.
“Can’t remember.” Tumalikod siya. Handa nang umalis sa aking harapan kaya mabilis akong tumayo sa sofa, hawak hawak ang kahon gamit ang isa kong kamay.
“Tres! I bought this for you.” Sinundan ko siya, malalaki ang aking hakbang para lang mahabol ko ito.
“Hey!” Hinila ko ang kanyang damit kaso bigla siyang humarap at tinabig ang aking kamay. Natigil ako at nanlalaki ang mga matang sinundan ng tingin ang kahong natapon. His eyes darted on the box too, medyo nagulat rin.
“Ang kulit mo. Sinabi nang hindi ako mahilig sa matamis.” Iritado niyang sabi, hindi na makatingin sa akin ng tuwid.
Napasinghap ako at mabilis na yumuko. Binuksan ko ang box at mas nalungkot nang makitang nasira na ang hugis nito at dumikit na iyong icing sa kahon.
“Hindi ko naman sinabi sa’yong kainin mo.” Malungkot ko siyang tiningala. My heart aches for some particular reason.
His eyes never met mine. Nakatingin siya sa kabilang direksyon at nakapamulsa na habang nakatayo sa pinakaunang baitang ng kanilang grand staircase. He was so mighty na akala mo kung sinong prinsepe sa isang palasyo. Walang korona sa ulo at ang tanging suot ay ang masama niyang ugali.
“I didn’t tell you to buy a cake for me.” Iritado niyang sabi.
“Kasi birthday mo. K-Kaya bumili ako.” Mas malungkot kong tugon sa kanya.
Naiiyak ako sa hindi malamang dahilan. My efforts were like thrown away, damn it. I am aware how heartless he can get pero sobra naman ata ito. I can’t believe his rude behavior will affect me so bad.
“Tres. Your Dad can’t make it. At iyong dalawa mong kapatid ay mukhang matatagalan pa– Red?” Natigil ang kanyang ina nang makita ang aming sitwasyon rito malapit sa staircase.
Mabilis kong tinakpan ang kahon at tumayo agad. Hinarap ko ang kanyang Mommy na gulat na gulat na.
“What happened hija?” Nag-amba siyang lumapit sa akin nang matigil rin siya dahil sa paglingon sa kanyang anak.
“Uh…” Bago paman ako makacompose ng sasabihin ay naramdaman ko na ang mahigpit na pagkakahawak ni Tres sa aking pulso, kinakaladkad ako palabas.
“Tres!” Tawag ng kanyang Mommy, sumusunod na sa amin.
Pabalik-balik ang lingon ko sa likod ni Tres at sa Mommy niyang sumusunod. Lumabas kami at huminto lang sa garahe. May pinatunog siyang kotse saka niya binuksan ang front seat. Napatingin pa ako sa Mommy niyang nakalabas narin.
“My God, Tres! Stop being rude!”
“Get in.” Hinila ni Tres ang aking braso para igiya ako papasok kaya natigil ako sa kakapanood sa kanyang Mommy.
Isinara iyon ni Tres. Pinanood ko siyang kausapin ang kanyang ina. Ilang sandali lamang ay hinalikan niya ito sa pisngi saka binuksan ang driver’s seat. His Mom pouted, watching his son getting in.
Pinaandar niya ang kotse habang ako ay namamangha sandali sa nasaksihan. Sweet pala siya sa Mommy niya?
“Seatbelt.” Sabi niya kaya natataranta kong hinila ang seatbelt sa gilid at ikinabit iyon sa aking katawan. Nilingon niya ako saka bumaba ang tingin sa aking hita. Nahulog narin ang tingin ko roon sa box ng cake na nasa kandungan ko.
“Sira na ang cake. Maybe I’ll just buy another tomorrow.” I tried to smile genuinely kahit na hindi ko na iyon magawa ng maayos. Gusto ko sana siyang awayin kaso come to think of it Red, kasalanan mo rin naman. If you weren’t too persistent to chase him…
Kinuha niya iyong box na nagpalaki ng mga mata ko.
“Don’t throw it! Akin nalang! Kakainin ko!” Hinawakan ko ang kanyang braso, niyakap iyon para pigilan siya sa maaari niyang gawin.
Nagkasalubong ang kanyang kilay, iritado na naman.
“Let go.” Mariin niyang sabi. Marahas akong umiling, mas hinigpitan ang pagkakayakap ng kanyang braso.
“Don’t you know how much it cost, Tres! Masama ang magtapon ng pagkain! If you don’t like it then I’ll just eat it! H’wag mo lang itapon! Sayang!”
“Sinabi ko bang itatapon ko? Bitaw.”
Napakurap ako, unti-unting humihinahon. Binitiwan ko agad ang kanyang braso at nakagat ang pang-ibabang labi.
“Akala ko kasi…”
Nailing siya, supladong suplado na ang pagmumukha. Inilagay niya iyon sa likod at saka nagmaneho na.
“Uh, akala ko ba may dinner kayo ngayon ng pamilya mo? I-Ihahatid mo ba ako? Gusto ko sanang sumama…” Bumagkas ang tingin ko sa manibela nang hindi ko makayanang tingnan ang kalahati ng kanyang mukha.
“My Dad can’t make it tonight so let’s just go somewhere…”
Nanlaki agad ang aking mga mata. “Tayong dalawa lang?”
“Stop asking obvious questions.” Iritado niyang sagot.
Tumikhim ako, ikinalma ang sarili.
“Pero hindi ba malungkot iyon? Are you sad because your Dad can’t make it? Kaya ba ako nalang ang niyayaya mo at mas gusto mo nalang na tayong dalawa lang kaysa sa pamilya mo pero hindi naman kompleto?”
“Galing mong mag-imbento ah.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Di ako mababaw na anak para malungkot sa simpleng bagay. May next year pa kaya ba’t ko didibdibin?”
“Ah…” Natawa ako ng pilit. “Nagbabakasakali lang naman.”
“Mga babae ang raming nasasabi.” Ngumiwi siya at tamad na idinako ang kamay sa botones ng kanyang polo. Binuksan niya iyong isa habang ang isang kamay ay nasa manibela.
Lumunok ako ng laway at itinuon sa harapan ang tingin. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang pagbubukas niya ng botones ng suot niya. Dalawang botones lang naman iyon pero parang kinakabahan na ako.
Gabi na. Wala akong ediya kung saan siya pupunta. Huminto ang kanyang kotse sa isang openspace kung saan mga kakahuyan ang makikita mo sa paligid.
Tinanggal niya ang kanyang seatbelt. Iginala ko ang tingin sa labas at wala akong natatagpuang building.
“Where are we?”
“Kung wala kang balak lumabas edi manatili ka rito.” Binuksan niya ang pinto kaya natataranta narin akong alisin ang seatbelt, kunin ang cake sa likod at nagmamadaling lumabas ng kotse.
“Tres, wait!” Tumakbo ako para maabutan ko siya.
May binaybay kaming mataas na hagdanan. Nasa likod niya ako at gumagala ang tingin sa paligid. Puro nakalinyang narra tree ang nasa gilid. Sa bawat pag-akyat namin, sumasalubong ang preskong hangin at pinaglalaruan ang aking buhok.
Hinihingal ako nang tuluyan siyang huminto. Gosh! What’s this place?! Rice terraces ba iyong inakyat namin?! Ba’t ang raming hagdan!
“I’m tired!” Hinihingal kong reklamo at halos mapaupo sa sahig. Nanginginig ang aking tuhod dahil sa pagod.
Umabante si Tres. Sinundan ko siya ng tingin. Nanlaki nalang ang aking mga mata nang makita ko na ang kabuuan ng paligid.
“Oh my gosh!” Napatayo ako sa sobrang pagkamangha. “Oh my gosh Tres!” Mabilis ang aking pagtakbo. Nalagpasan ko pa siya hanggang sa makarating ako sa may railings at hinawakan iyon. “Ang ganda!” I exclaimed at the top of my lung.
“Ang ganda ganda! Wow!” Nagtatalon na ako. Sumasabog ang aking buhok dahil sa hampas ng hangin. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ang malawak na citylights na nakikipagkompetensya sa mga bituin sa langit.
“Wow! They were so small oh my gosh!” Tinuro ko ang mga building na hindi na nakita ko sa baba. Kahit ang mga kotse na tumatakbo roon ay parang mga laruan lamang.
“Ang ingay mo.” Saway ni Tres sa akin, naroon na siya sa bench. Umupo siya roon at itunukod ang magkabilang kamay sa likod, halos humiga na.
Mabilis akong nagtungo sa kanya at tinabihan ito.
“How did you know this place? Madalas ka ba rito? Is this a private property? May mga pumupunta rin ba dito maliban sa’yo?” Sunod-sunod ko nang tanong. Ni hindi ko na alintana ang pagod sa pag-akyat sa maraming hagdan kanina. I got carried away!
Ngumiwi siya sa akin. “Kung hindi ka tumahimik ihahagis kita pababa.” Pagbabanta niya na ikinatikom ng aking bibig. I am just curious! Dalhin ko kaya rito sina Hannan at Yash? I’m sure they will like this place. Maybe the boys will like the view. Iyon nga lang ang tahimik rito at tanging paggalaw ng mga dahon ng punong pinaglalaruan ng hampas ng hangin ang maririnig mo. Still, the place is breathtaking!
Tumingala ako. Parang abot na abot ko lang ang mga kunikinang na bituin, masyado iyong nagniningning na akala mo ay mahuhulog na amo mang oras.
Kinuha ni Tres sa akin ang kahon kaya nahulog ang tingin ko roon.
“H’wag mong ihagis ha.” Pagbabanta ko.
“Ikaw ang ihahagis ko kung hindi mo itinikom yang bibig mo.”
Ngumuso ako. “Hindi ko kayang hindi magsalita! Ayokong mapanis ang laway ko.”
“Nagdadahilan ka pa talaga para lang makadaldal.” Sabi niya.
Inilapag niya sa gitna namin ang kahong nabuksan niya na saka kumuha ng nadurog na cake.
Nagkasalubong ang kilay ko nang isinubo niya iyon sa kanyang bibig at itinuon ang tingin sa ibang direksyon.
“Akala ko ba hindi ka mahilig sa matamis?” Tanong ko.
“Gutom ako kaya no choice.”
Napangiti ako. “Nakonsensya ka no?”
Kumuha siya ng panibagong sponge ng cake at walang ano-ano’y isinubo iyon sa aking bibig.
“Ang rami mong sinasabi. Ba’t di ka kumain total ikaw naman ang bumili nito?”
Ngumuso ako at nginuya iyon. Nang malunok ko ito ay itinaas ko ay inilagay ko sa gilid ng aking baba at sumigaw ng malakas.
“Happy birthday Tres! Kahit masungit at suplado ka, I still like you!”
Natatawa ko siyang nilingon pagkatapos kong sumigaw. Blangko ang kanyang ekspresyon at nakatitig lang sa akin. Kumuha ako ng icing at sinamantala ang pagkakataon para pahiran siya sa kanyang pisngi.
“Happy birthday!”
Nasira ang kanyang ekspresyon at pinunasan ang kanyang pisngi.
“If you didn’t stop then I’ll throw you.”
I laughed. “Kanina ka pa nananakot pero hindi mo naman ako tinatapon! You’re just scaring me! Too bad I’m not scared!” Kumuha akong muli ng icing at isinubo iyon sa aking sarili. Nakatingin siya sa akin habang ginagawa ko iyon kaya ngumiti ako ng matamis.
Lumunok siya ng laway, nag-iwas ng tingin. Inabala ko ang sarili sa pagkain.
“Akala ko ba hindi ka kumakain ng matatamis?” Tanong niya bigla.
“Huh?”
“Nagrereklamo ka sa laman ng ref ko nakalimutan mo na?”
“Ah, ’yon ba. Ayoko rin namang kainin iyon dahil halatang nag-effort ang mga babaeng nagbigay noon sa’yo. I don’t want to be rude. Besides, bigay iyon sa’yo. At binili ko naman ito kaya okay lang na kainin ko.”
He was silent kaya hindi narin ako nagsalita pa. Nadadaldalan na naman siguro sa akin. Minsan ay kumukuha siya ng maliit na sponge at kinakain iyon. Napapangiti nalang ako sa inaasta niya.
“What’s your birthday wish?” Tanong ko nang hindi ko na makayanan ang katahimikan.
“Wala.” Sagot niya, nasa harapan ang tingin.
Tiningnan ko ng mabuti ang kalahati ng kanyang mukha. Ang nakadepina niyang panga at ang tangos ng kanyang ilong. Bahagyang nakaparte ang kanyang mapupulang basang labi at pinaglalaruan ng hangin ang buhok na sumasayaw sa ere.
Nagulat nalang ako nang bigla niyang itinakip ang palad niya sa aking mukha. He was cupping my whole face!
“Your gaze is annoying. Stop it.” Reklamo niya na ikinasira ng aking ekspresyon sa nakatakip niyang kamay.
Marahas kong hinawakan ang kanyang braso at hinila iyon paalis. Sumabog sa ere ang aking buhok dahil sa paghampas ng hangin kasabay ng pagsasalubong muli ng aming tingin. Nagkasalubong ang kanyang kilay, malalim ang tingin at hindi mapunto ang misteryosong mga mata.
Ang naiinis kong mukha ay unti-unting huminahon nang makita ko ang kanyang ekspresyon. Umangat muli ang kanyang kamay hindi para takpan ang aking mukha ng kanyang palad kundi para hawiin ang buhok na tumatakip roon.
Napalunok ako ng laway. Ni hindi marehistro sa aking utak ang kanyang munting galaw. Ang mga mata niyang nakadirekta sa akin at ang kamay niyang tinitipon tipon ang hibla ng aking buhok hanggang sa iyon na talaga ang itinakip niya sa aking mukha. What the heck!
“Sinabi nang itigil mo.” Iritado niyang sabi pero hindi mo naman mahimigan ang galit sa kanyang boses.
“You’re such a bully! Tigilan mo nga ang kakatakip sa mukha ko!” Hinawi kong muli ang kanyang kamay. This time ay nasa harap na ang kanyang tingin at ibinalik sa dating posisyon ang dalawa niyang kamay. Itinukod niya ulit iyon sa kanyang likuran.
“Annoying.” Sambit niya at hindi nakaligtas sa akin ang tipid niyang ngiti.
My heart suddenly went wild. Ewan ko ba. Bigla nalang iyong bumilis na kung hindi ko hahawakan ang aking dibdib ay lalabas iyon at tatalon roon sa pinakababa.
I gasped and tried to calm myself down. Hawak ko ang aking dibdib, pilit kinokontrol ang kalabog ng puso kong nagwawala. What’s the matter heart? Why are you racing so fast? What’s wrong?
“M-Magpapahangin lang muna ako.” Mabilis akong tumayo at humakbang agad. Kaso pati rin ang aking tuhod ay nanlalambot.
Unfortunately I lost my balance. Sumalampak ako sa sahig na hindi man lang sinasalo ng braso ni Tres. Kung sa movie ay maganda na iyong timing para saluin ka ng lalake, sa reyalidad ay sakit lang sa pwet ang nakuha ko. Have you forgetten Red? He’s not that nice enough and gentleman to help you! Wala kang aasahan sa lalakeng iyan.
“Tanga.” Malutong niyang sabi habang ngumingiwi ako.
“Ouch, my butt!” Daing ko at napapikit sa sakit na natamo. Nang idinilat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang kanyang isang kamay, nakalahad sa akin habang nakayuko siya, ang isang kamay ay nakahawak na sa gilid ng upuan.
Tulala kong itinaas ang aking kamay at nag-akmang kunin iyon kaso bigla niya nalang iyong binawi.
“H-Help me…” Napapaos kong sabi sa mahinang boses.
He smiled evily and leaned closer enough just to see the embarrassment I’m hiding. My cheeks burned as my heart raced fast uncontrollably.
“Beg first, Christienne…” He said in a low yet deep voice that made me shiver. Did he just called me in my first name?
Chapter 18
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PrfctlyStbbrn
Malungkot
Nagpagulong-gulong ako sa aking kama. Kanina pa ako hindi mapakali at hindi man lang dinadalaw ng antok. I just can’t forget how he called me and smirked at me! Sa sobrang lapit noong mukha niya, pakiramdam ko ay nilayasan ako ng aking kaluluwa at nauna nang umuwi just to save face.
There’s something wrong about my heartbeat! Ba’t naman magwawala iyon?! Got to be kidding me heart! Don’t tell me you’re starting to feel something special for that heartless man! We’re not even dating! How can you raced like that?! Respeto naman sa akin na walang gusto sa kanya diba!
Napabangon ako sa aking kama at nanlalaki ang matang hinawakan ang aking dibdib. No way! I can’t fall for that Buenaventura! Hindi pwede! He’s way too far from my type of guys! Hindi kami nagkakasundo noon at opposite pa! He can’t even afford to be gentleman in just a minute! Ni ang tulungan akong patayuin ay may kapalit pa! He wanted me to beg oh darn it I’m really in trouble.
Maybe I’m just mistaken. Yeah right, Red. Nabibigyan mo lang ng ibang kahulugan ang nararamdaman mo. You’re just clouded by your wild imaginations. Imposible iyon okay? You’re not into relationship and serious type of boys! Keep that in mind.
“You didn’t sleep?” Klint watched me closely early in the morning when I went inside the classroom. Humikab ako.
“I’ll take a nap later.” Sabi ko at umupo na sa tabi ni Yashin.
Iniub-ob ko ang aking ulo sa desk at ipinikit ang aking mga mata. Kaso laking gulat ko nalang nang makita ko ang mukha ni Tres roon. Nakangisi ng malademonyo at binabanggit ang pangalan ko. Naibangon ko ang aking ulo ng wala sa oras. Kahit si Yashin ay nagulat sa inasta ko.
“This is not happening…” Nailing ako habang hinahawakan ang dibdib kong nagwawala na naman. Ginayuma ata ako ni Tres!
“Okay ka lang, Red?” Tanong ni Yashin.
Tumango ako ngunit nakangiwi. I’m not okay! May weirdong nangyayari sa sistema ko!
Nilingon ko ng seryoso ang mukha ni Yashin na titig na titig sa akin. Mukhang kahit siya ay naweweirduhan narin sa inaasal ko, sa ekspresyong gumuguhit sa mukha ko.
“Yash. I have something to ask. Pero keep this as our secret ha.” Tumango-tango siya. “Nagkagusto kana ba sa guy?” Straightforward kong tanong sa kanya sa mahinang boses.
Her cheeks burned. Kahit wala pang binabanggit na pangalan ng lalake, base narin sa hindi mapakali niyang mga mata at namumula niyang mukha, halatang may gusto nga siya. Bakit wala man lang siyang nakukwento sa akin? Well maybe hindi ko rin kilala. Sabagay she’s busy with her studies.
“You don’t have to tell me kung sino. I just want to know kung naranasan mo na ba ’yon.” Awat ko agad sa kanya dahil mukhang hindi na siya mapakali.
“B-Bakit mo naman natanong Red?”
“I am just curious. You see, kaka 16 ko lang. Sa edad kong ito diba normal lang ang magkagusto sa lalake?”
She nodded.
“Kaso paano kung hindi mo naman gusto ang lalake?” Ulit kong tanong sa kanya na ipinagsalubong ng kilay niya.
“Uh, naguguluhan ako.”
“Exactly Yash! Naguguluhan rin ako!” Frustrated kong sabi sa kanya. Natampal ko ang aking noo, nailing ng marami. “Naengkanto nga siguro ako.”
Yashin chuckled. “Kung hindi mo naman pala gusto edi hindi mo gusto. Si Tres ba ’yan?” Pabulong niya na iyong sinabi sa akin.
“No! O-Of course not! Yuck. Di ko ’yon type. No way.” Madrama kong sagot at ipinakita sa kanya ang nangdidiri kong mukha.
“Oa na masyado Red.” Humagikhik siya. “Deffensive mo naman.”
“Hindi nga talaga! Di ko type ang weirdo na ’yon no. He has his own world! Tahimik! Walang puso. At hindi naman siya gwapo. Marami lang talaga siyang fangirls.” Oh ayan Red. Maturn-off ka talaga dapat.
“Marami siyang fangirls dahil gwapo siya kahit suplado siya. Hot kaya ni Tres.” Namunukso ang kanyang boses at hindi ko na maiwasang pamulahan ng mukha. Holy shit. Anong klaseng orasyon ba ang binulong bulong ng lalakeng iyon sa akin at nagkakaganito ang sistema ko!
Nahipo ko ang sarili kong puso, pumipintig ito ng grabe na akala mo ay may itinatago akong sakit at aatakihin na ano mang oras.
“Gosh naloloka ako.” Maarte kong sabi, sapo-sapo ang dibdib.
Mas natawa si Yashin. Nililingon na kami ni Klint rito kaya I hushed her. Baka pag nalaman niya ang pinag-uusapan namin ipagkalat niya agad doon sa dalawa eh tsismoso pa naman iyan.
“Wag mong banggitin ito kay tsismosong Klint. Lalo na kay Troy! They will exaggerate my feelings!” Paalala ko kay Yashin.
“Okay, copy.” Ngumiti siya ng matamis at natatawa parin. Natampal ko nalang ulit ang sarili kong noo.
“Ikaw rin Yashin. Wag mong ibigdeal ang tanong ko. Curious lang ako. Baka kasi makahanap na ako ng gugustuhing lalake tapos maignorante ako. G-Ganon lang.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “But I don’t need it. Nandiyan naman sila Klint. Kontento na ako sa mga lalakeng nasa buhay ko.” Dagdag ko pa.
Hindi na siya sumagot pa kaya natahimik narin ako.
Lunch time. Iyong nakagawian kong puntahan si Tres sa kanyang classroom ay hindi ko na ginawa. I don’t want to see him! Basta. I’ll just fix myself first then pag wala na akong nararamdaman na mga weird things sa sarili ko, diyan ko na itutuloy iyong laro namin ni Leeland.
“Isang linggo na ang nakalipas. Wala kana atang binabalita sa amin tungkol sa inyo ni Tres, Red?” Bungad agad ni Leeland pag-upo ko rito sa cafeteria.
Hindi ko sinalubong ang kanyang mapanghinalang tingin sa akin. Inabala ko lang ang sarili sa pagkuha noong pagkain ko paalis sa tray.
“Naging busy ako eh. ’Tsaka sino bang gustong bumuntot sa lalakeng sinusupladuhan lang naman ako araw-araw? I just want to take a rest. Nakakaubos iyon ng pasensya e.” Paliwanag ko habang hinahalo ang aking carbonara.
“Akala ko itinigil niyo na yan.” Sabi ni Hannan, nakikipagsukatan na ng tingin kay Leeland.
“Nag-eenjoy kami ni Red eh.” Humalakhak si Leeland na ikinasira ng ekspresyon ni Hannan.
Sumubo ako. It wasn’t fun Leeland! Dinidemonyo ata ako noong Tres na iyon. Isang linggo na akong hindi makatulog ng maayos kakaisip sa kanya! Ang boses niyang hindi ko maalis-alis sa aking utak na kahit sa panaginip ay dala-dala ko iyon. I even told Mom na ipatingin ako sa Psychiatrist dahil parang nababaliw na talaga ako.
“You’re what, honey?” Mom chuckled harshly.
“Mom! Seryoso ako! I am experiencing weird things! At alam mo ba, hindi ako makatulog ng maayos! Kung hindi talaga naimbento ang concealer ay baka naging panda na ako! Mom, help me!” I whined dramatically.
“You’re exaggerating things Christienne!” Humagalpak na naman siya ng tawa.
“But I don’t like this guy I kept on thinking!” Bwelta ko sa kanya. Hindi ko na sinabi na si Tres iyon. Ang alam kasi nila, crush na crush ko talaga iyon. Baka magtaka sila kung ba’t ganito nalang ang pag-iinarte ko kung may nararamdaman akong kakaiba sa lalakeng iyon eh gusto ko naman talaga siya. It was just a bluff anyway!
“So nakamove-on kana doon kay Tres?” Tumaas ang kanyang kilay. Ngumiwi ako. “Aww… my poor sweetheart. Come here.”
Nilapitan ko siya sa couch kung saan siya nakaupo. Isiniksik ko agad ang aking sarili sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. Ipinatong niya sa aking ulo ang kanyang baba habang niyayakap rin ako.
“Mommy I don’t like this man! How come I kept on thinking about him? My stomach feels weird everytime I think about him. I can’t even control my heartbeats…” Pag-amin ako.
“That’s normal baby.”
“No it’s not Mommy! This is not normal! I don’t like him!” Tiningala ko na talaga ang aking ina na sana ay sabihin niya sa aking naorasyonan lang ako ng black magic o kung ano ano pang mga hindi maipaliwanag na kababalaghan diyan. I just want to clarify this weird feeling! Na wala lang talaga ito.
“Yes you don’t like him because you love himㄧChristienne!” Natatawang putol ni Mommy nang humiwalay na talaga ako sa pagkakayakap at nanlalaki ang mga matang umiling-iling.
“No Mom! That’s not true! I am not inlove with that guy Mommy! Kabaliktaran siya ng lalakeng type ko!”
“And that’s what you called love baby. It’s magical. Nahuhulog tayo sa taong hindi natin inaasahang mamahalin pala natin. Love is unexplainable and complicated. You can’t teach your heart whom to love, sweetie. The heart chooses the person. It’s not your decision.”
Nailing ako, hindi maproseso lahat ng paliwanag ni Mommy about love. “How can you love someone you don’t even like, Mommy? How can you fall for someone you’re not even attracted? It’s confusing…”
“Dahil hindi naman talaga itinakda ng Diyos na ibigay tayo sa mga taong gusto natin. Itinakda niya tayo sa mga taong mamahalin tayo ng buo at pahahalagahan tayo hanggang dulo. God always want what’s best for us, honey. Always remember that.”
Holy shit.
“But what if that guy doesn’t even like me!”
“You never know baby. Lahat ng pahina sa libro ay nagsisimula sa hindi inaasahang pagtatagpo.” Makahulugan siyang ngumiti sa akin. Na sigurado siyang may patutunguhan itong nararamdaman ko. Na mangyayari ang isang bagay na nakatakda sa ayaw ko man at sa gusto.
Natigil kami sandali sa pag-uusap ni Mommy nang may magdoorbell. Humalukipkip ako sa sofa. Lumilipad ang aking utak sa pinagsasabi sa akin ni Mommy.
“Ma’am may bisita po kayo.” Sabi noong katulong kay Mommy.
“Papasukin mo Manang. It must be one of my client.” Narinig kong sabi nito at tumayo na. Naiwan ako ritong hindi gumagalaw at walang balak tumayo. Nilalamon na ako ng pinag-iisip ko.
“My God, hija. Stop spacing out.”
Napakurap-kurap ako dahil sa boses ni Mommy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang nasa tabi niya na si Tres, nakatingin sa akin ng blangko.
“B-Ba’t ka nandito?!” Napatayo ako sa sobrang pagkagulat. Oh no. I am still wearing my bear prints pajama at top na pangtulog ko lang rin. My hair is a mess at hindi man lang ako nakapagpolbo o liptint man lang sana!
Bumaba ang tingin niya sa inaakay niyang aso ko saka ako muling tiningnan ng makahulugan. Na h’wag kong ibigdeal ang pagpunta niya dahil isinauli niya lang naman iyong aso.
“Ba’t mo iyan isinauli? Pwede namang sa’yo nalang.” Ngumuso ako, nag-iwas ng tingin. Shit heart. Stop racing harshly! Isang linggo mo lang siyang hindi nakita tas ganyan kana makareact! This is really unbelievable!
“Christienne don’t be rude. Purket may bago kang crush ay tatratuhin mo na ng ganyan si Tres. He’s still your former crush. Be friendly.”
Hindi nakaligtas sa aking tingin ang pag-angat ng kanyang kilay. Ngayon ay mukhang interesado na ito.
“Mom!” Saway ko na ikinahagikhik niya. “O siya, asikasuhin mo ang iyong bisita.” Pumunta siya sa aking likod at itinulak ako paabante kay Tres. Para niya akong ipinapamigay sa ginagawa niya.
“Ipapadala ko nalang ang meryenda.” Sabi ni Mommy at nagtungo na sa kusina.
Nahihiya akong yumuko. Hindi mapakali ang aking kamay at pinaglalaruan ang ribbons na nakasabit sa aking suot. Masyado siyang malapit sa akin na kahit ang pabango niya ay amoy na amoy ko na.
Napakurap nalang ako nang bigla niyang dinungaw ang aking mukha, ang isang kamay ay nakabulsa at ang isa ay hawak parin iyong aso.
“Your Mom is really right. Mukhang nababaliw kana nga.”
Ngumuso ako at umatras. Tumuwid naman siya sa pagtayo.
“E-Eh ano naman ngayon? Normal lang daw ’yon sabi ni Mommy! And I’m already 16! Normal na sa akin ang magkagusto sa mga lalake.” Napairap ako sa ere, namumula ang pisngi.
“Yeah normal. At normal rin na hindi ka gusto noong gusto mo.” Mapang-uyam niyang sabi na ikinapula lalo ng aking pisngi. Mukhang sinabi na nga ni Mommy sa kanya ang lahat! Buti nalang talaga hindi ko sinabi na si Tres iyon kundi nabuking na talaga ako.
“P-Pake mo? Magugustuhan niya rin ako.”
“Talaga lang ha? Sino ba yan?” Mapang-usisa niyang sabi.
“Bat ko sasabihin?! Don’t worry. Mas gwapo siya sa’yo! Mabait! Gentleman! At palangiti!”
Mas sumeryoso ang tingin niya sa akin. Napalunok ako ng laway at napaatras nalang. Sa sobrang kaba ng nararamdaman at idagdag pa ang nagwawala kong puso ay nahipo ko na iyon. Suminghap ako, sinikap na magpigil sa maaring ikakapahamak ko.
“One of your boys? Klint? Leeland? Troy? Who? Eh wala namang gwapo sa tatlo.”
Nalaglag ang panga ko sa mga pinangalanan niyang kaibigan ko. Oh my gosh ang hangin talaga! Bilib na bilib sa sarili! Think Red!
“I-Its… M-Marco! It’s Marco! And to be honest! Pag nakita mo siya, b-baka pati ikaw mabakla sa kanya!” Namumula kong pagsisinungaling. Let me use you for awhile Marco.
“And excuse me! Fyi they’re not my b-boys! They’re my friends!”
Sa tagal ng kanyang pagkakatitig sa akin, ako na mismo ang nag-iwas. Kumakalabog ang aking dibdib at para akong mahihimatay ano mang oras dahil sa sitwasyon. Calm down, heart. Calm down! Pag nalaman ng lalakeng iyan na may gusto ka talaga sa kanya ay dudurugin niya lang ang puso mo.
“What about Marco, sweetie? Iyong childhood at bestfriend mo?” Mom suddenly showed up, breaking the heat between us.
Napahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko, nakahanap ako ng liwanag sa madilim na paninitig sa akin ni Tres.
“Mommy uuwi na raw si Tres.” Sabi ko na ipinagsalubong ng kilay niya. Ayoko siyang nakakasama sa isang lugar. Pakiramdam ko sumisikip iyon at hindi ako nakakahinga ng maayos. I hate feeling this weird thing inside my tummy. Para akong may inaalagaang mga kiti-kiti roon at lumalaki na sila kaya ganoon nalang kung maglaro sa loob.
“Is that true, hijo?” Tanong ni Mommy sa kanya na kahit ako ay hindi na magawang lingunin man lang ito.
“Yeah.” Tipid niyang sagot. “Your dog.” Sabi niya sakin.
“Ihatid mo palabas si Tres, honey. And please fix yourself. Napaghahalataan kang brokenhearted ng bisita mo.” Tumawa si Mommy na ikinasimangot ako.
Nauna akong lumabas sa sobrang yamot sa mga sinasabi ni Mommy sa akin. Baka kasi kung ano na naman ang idagdag niya. Brokenhearted lang ako tingnan pero pag nag-ayos ako, triple pa ako sa babaeng nakamove-on!
“Manong pakihatid nalang po iyong bisita sa kanilang bahay—“I’m just going to walk.” Singit nitong si Tres na nasa likuran ko na ata. Para akong naging bato sa aking kinatatayuan. Na kahit iyong driver ay umalis nalang sa harap dahil mukhang may nararamdaman rin siyang kakaibang enerhiya.
“O-Okay! That’s better. Makakatipid kami ng gas. Goodbye!” Nag-akma na akong tumalikod kaso mabilis niyang hinawakan ang aking braso at hinila ako pabalik.
“Inihatid ko ang aso mo kaya suklian mo. Ihatid mo rin ako.”
Laglag panga ko siyang tiningnan. Ano siya babae para ihatid?! See Red! Ikaw magkakagusto sa ganyang ugali ng lalake?! Di man lang gentleman! Hindi inaalala na babae ka at ikaw pa talaga ang maghahatid sa kanya!
Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nung hindi ko makayanan ang misteryoso at madilim niyang mga mata ay bumunton rin ako ng hininga.
“Fine.”
Tahimik lamang ako sa kanyang gilid. Kahit wala namang bato sa daan ay nagpapanggap akong may sinisipa kunwari. Iyong mga kamay ko ay nasa aking likod at nakayuko lamang. I can’t even speak a single word! Siguro kung may bibig lang itong puso ko, baka kanina pa ako nabuko.
“Is that the reason why you didn’t show up for almost a week? Dahil lang nadedepress ka sa taong hindi ka naman gusto?” Bigla niyang sabi sa akin. Mas mabuti na sigurong ganoon nalang ang isipin niya kaysa naman ibully niya ako palagi dahil akala niya may gusto ako sa kanya. Oo ngayon mukhang meron na.
“S-Syempre malayo siya kaya nalulungkot ako. Namimiss ko lang rin siya kaya ako ganito. At t-tama lang naman na wala siyang gusto sakin dahil ayokong masira ang friendship namin. Mahal ako non…” Pagrarason ko. Mahal naman talaga ako ni Marco. As his bestfriend.
“Uto-uto talaga.” Nailing siya. “Walang lalake ang isasalba ang pagkakaiban kung mahal niya ang babae. Hindi ka talaga gusto kaya inirarason nalang ang pagkakaibigan niyo.”
Hindi ako umimik. Eh hindi ko naman gusto si Marco romantically ganoon rin siya sa akin. Ikaw kasi ang tinutukoy ko! Gosh Red! Wag mo ngang aminin sa sarili mo na may gusto kana talaga sa lalakeng iyan! Baka lagnatin kapa!
Bigla siyang lumiko kaya napahinto ako at sinundan siya ng tingin. Lumapit siya roon sa vendomachine at kumuha ng coke. Ba’t parang ang gentleman niya ngayon?
Nilingon niya ako at nadatnan akong nakatitig sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay at naging malamya ang mga matang namumungay.
“Anong tinitingin tingin mo? Hindi purket malungkot ka ay ililibre na kita.” Binuksan niya ang coke at tinungga iyon. “This is for myself.”
Chapter 19
Game of Love
Insults
Busangot na busangot ang aking mukha habang naglalakad kami. Darn him! Akala niya naman gusto ko rin uminom ng coke. I just thought na baka nagentleman siya bigla at nag-aalala sa akin dahil baka nauuhaw ako kaya siya bumili. Okay lang sana kung ganoon ang ugali niya para gustuhin ko talaga siya kaso hindi eh! He’s the opposite! Stupid heart.
“Oh.” Bigla niya iyong inilahad sakin. Napakurap ako at bumalik sa sarili. Tiningala ko siya. Umangat ang kanyang kilay.
“Seems like you badly want it. Busangot na busangot oh.” Tinagilid niya pa talaga ang kanyang ulo para lang tingnan ang ekspresyon ko. Psh!
“No way. Nainom mo na yan.” Namumula akong umirap.
“Psh, arte.”
Umirap ako lalo. Kainis naman! Dapat nga nagpapakasweet ako pero ano itong pinaggagawa ko, I am playing hard to get!
“Ba’t di ka man lang nagkotse papunta? Ba’t kailangan pang maglakad?” Naiinis kong sabi.
“Nasa kabilang subdivision lang magkokotse pa.”
Ouch ha! Oo na ganon ako pumunta sa inyo! Eh kasi nakakapagod maglakad.
Natahimik ako ulit. Hindi ko na mapanatili sa daan ang aking mga mata. Para iyong may hinahanap na hindi matagpuan kaya hindi matigil sa kakatingin sa ibang direksyon. This is so awkward! Para akong mabubuwal sa paglalakad ko ano mang oras dahil lamang nasa gilid ko siya at kasabay pa sa paglalakad.
“Ang init naman!” Reklamo ko at pasimpleng pinaypayan ang sarili. “Nakakapagod ah!” Reklamo ko ulit. “Gusto ko ng umuwi.”
Panay ako pagbubunganga habang siya ay tahimik lamang na naglalakad, nakapamulsa. Ang cool niya lang samantalang ako itong hindi na maintindihan ang sarili.
“Hindi ka ba pwedeng umuwi mag-isa?” Nayayamot kong tanong sa kanya na ngayon ay nasa akin narin ang tingin.
“Noong mga nakaraang araw halos patay na patay ka sakin. Ngayon naman ay puro kana reklamo at gusto ng umuwi. What a playgirl.”
Nagkasalubong ang aking kilay. Hindi siya mapunto. Gusto kong umuwi dahil kinakabahan na ako! Ayokong mapalapit sa’yo! Pero iba ’yong pagkakaintindi niya.
“What do you mean?”
“You chase boys and then jump from another when you get tired. Puro ka laro. Ngayon ay ibang lalake naman ang gusto mong habulin dahil tapos kana sa isa at napagod kana.” Hindi maawat niyang sabi sa pagbibitaw ng maaanghang na salita sa akin.
“D-Dahil hindi ko naman gusto ang mga ’yon.” Sagot ko.
Naging malisyoso ang paninitig niya sakin. “Oh ba’t mo lalandiin kung hindi mo naman pala gusto?”
Napaawang ang aking bibig. Handa na sana akong sumagot at sabihing katuwaan lang naman iyon pero parang may bumara na aking lalamunan at hindi na ako makapagsalita. Lumunok nalang ako ng laway at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Hindi naman ako nakikipagsex ah? At hindi ako nakikipaghalikan. I’m just being extra friendly.” Halos ibulong ko nalang iyon sa hangin at hindi na magawang mag-angat ng tingin sa kanya.
“Wag kanang magtaka kung ba’t hindi ka gusto noong gusto mo. Sino bang lalake ang seseryoso sa babaeng ang hilig mangolekta ng lalake?”
Uminit ang sulok ng aking mga mata. Wala sa sarili ko siyang tiningala kasabay ng pag-angat ng aking palad sa ere at nasampal siya. Tumagilid ang kanyang ulo dahil sa lakas ng sampal na ’yon. Gumawa pa iyon ng tunog.
Pumatak ang malalaking luha sa nanlalabo kong mga mata. Naikuyom ko ang aking kamay at napaatras nang mapagtanto ko ang nagawa ko. He just stared at me blankly. Ni ang kaonting reaksyon ay walang gumuhit sa kanyang mukha. Na hindi siya nagsisisi sa sinabi niya at hindi niya iyon babawiin.
“Just be thankful na hindi ikaw ang gusto ko! Jerk!” Sigaw ko sa kanya sa galit na galit kong mukha ngunit walang tigil sa pag-iyak.
Humikbi ako at tumakbo na paalis sa kanyang harapan. Sobrang sikip ng aking dibdib. Para iyong pinipiga sa loob. This love is really bullshit. Hindi pa nga ako umaamin sa aking sarili ay nasasaktan na agad ako. See that heart? Paano mo nagagawang tumibok para sa lalakeng iyon eh dudurugin ka lang noon?
Iyak ako nang iyak sa loob ng aking kwarto. Ngayon lang talaga ako nasaktan sa mga sinabi ni Tres sa akin. Na kahit anong sabihin niya, bigdeal na sa akin.
That jerk! Hinding hindi ko talaga siya magugustuhan. I’ll stop my heart from beating for him in any ways I know. Kung pwedeng iwasan ko na siya ay iiwasan ko siya.
Iyon nga ang ginawa ko sa mga nagdaan na araw. Kinukulit pa ako ni Leeland na akitin na daw si Tres kaso ayoko na talaga. I just told him na gusto ko munang tumigil sa pang-aakit sa walang pusong lalakeng iyon. Ba’t ko ba hinayaan ang larong ito? Ayun tuloy, parang ako ang napaglaruan dahil nahulog ako sa sarili kong laro.
“May nangyari ba, Red?” Biglaang tanong ni Hannan. Nandito ako ngayon sa bleacher ng gym. Pinapanood siyang magpractice.
“Huh?” Nagtataka kong tanong.
“You’re here. Diba mga ganitong oras ay pinupuntahan mo si Tres sa classroom? Natauhan kana at gusto mo nang tumigil?” Tanong niya sakin. Pawisan siya at umaagos iyon sa kanyang leeg.
Ngumuso ako. “Nagsisi lang ako kung ba’t lumapit lapit pa ako sa heartless na ’yon.”
Tumabi siya sa akin. “I already warned you but you were too stubborn kaya ngayon ay sising sisi kana.” Sabi niya at tinungga iyong hawak na bottled water.
Nailagay ko ang aking baba sa tuhod kong nakadikit sa isa’t isa. Niyakap ko ang aking mga binti at napabuntong nalang ng mahabang hininga. This is all my fault. Akala ko naman kasi hindi ako mahuhulog. I mean nahulog ako but I don’t like him! Iyong puso ko lang naman ang may deperensya at hindi nakikicooperate sa akin.
“Imposible talagang magustuhan ko ang lalakeng ’yon. Nakakapagtaka ba’t may mga babaeng nagkakagusto sa kanya. He’s heartless, hindi gentleman, suplado pa!”
“It’s not about the flaws he has Red.”
“Yeah, yeah whatever Hannan. Ayoko sa lalakeng iyon. Masyado siyang cold akala niya naman ang cool cool niya. For me he’s just a weirdo. At hindi naman talaga siya gwapo!” Nailing ako. Kung pwedeng mas higitan ko pa ang mga panglalait ko sa kanya ay gagawin ko talaga maturn-off lang ako. Baka nga may patay iyong kuko at mabaho ang paa. O kaya ay may bulok na ngipin kaya hindi ngumingiti!
Sa tuwing lumilipas ang araw na nakakaya kong iwasan at hindi nakikita si Tres, pakiramdam ko ay malaki na iyong achievement. At isa pa, iniisip ko rin iyong huli naming pagkikita. Nasampal ko siya ng malakas. Hindi na ako magtataka kung galit iyon. Bahala nga siya.
P.E. Kaya ibig sabihin ay magtitipon-tipon kami sa gymnasium para kalabanin iyong kabilang section sa volleyball. Oh darn it. Sa pagkakaalam ko section nila Hannan ang makakalaban ng section namin. Really? Kung kailan umiiwas na ako ay pagtatagpuin naman kami.
Pumasok nga ang kabilang section sa gymnasium. Pinirmi ko agad ang mga mata ko sa ibang direksyon at pigilang maghanap.
“Nakasimangot kana naman.” Tinabihan ako ni Klint at inakbayan ako. “Cheer up!”
Halos matakpan ng mukha ni Klint ang view sa harapan dahil lang sa pagharap niya ng buo sa akin. Itinulak ko ang kanyang pisngi at ngumisi.
“Alis nga. You’re blocking my view.”
Kasabay rin naman ang pagsasalubong ng tingin namin ni Tres. Nakatingin lamang siya, walang reaksyon ang mukha. Misteryoso na naman ang mga mata.
Napalunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin. Ngayon lang nagsink-in sa akin na nakaya ko siyang sampalin. Did it hurt him? Malakas ba masyado? For sure he’s mad at me. At hindi niya rin ako masisisi dahil ang sakit ng sinabi niya sakin.
Unang naglaro ay mga lalake. Kasali pa naman ako sa laro ng mga babae mamaya eh ang lamya kong pumalo ng bola. I wanted to back-out lalo na’t naiintimidate ako sa imahe ni Tres. I hate playing when he’s around. Pakiramdam ko masyadong masikip ang lugar at ang hirap gumalaw.
Naging maingay na kami nila Yash para icheer si Klint. He even licked his lowerlip at mayabang akong nginitian, nakapameywang doon. Kung hindi ko lang napagtantong nasa kabilang net pala si Tres ay hindi ako matitigil. Maglalaro siya eh ang tamad tamad niya.
Nagsimula ang laban. Sumisinghap ako sa tuwing pinapalo ni Klint ang bola at ngumingisi agad ang loko-loko. Proud na proud. Kaso sa kalagitnaan ay bigla nalang natumba si Klint dahil sa pagkakatama ng bola sa kanyang mukha.
“Klint!” Kapwa namin sigaw ni Yashin, alalang-alala sa kaibigan na pinupunasan na ang gilid ng labing pumutok.
Nag-amba pang tumakbo si Yashin papunta roon. Kahit ako ay bumaba na sa bleacher. Kung hindi lang humarang si Hannan kay Yash ay hindi matitigil ang kaibigan ko sa pagsugod. May kung anong sinabi sa kanya si Hannan na nagpatigil rito at mukhang natauhan.
“Is he okay?” Tanong ko nang makarating ako sa kanilang tabi. Nag-aalala kaming tiningnan si Klint na tumayo na at matalim ang tingin sa kabila.
“Do you even know how to play?” Maangas niyang tanong kay Tres na blangko lang ang ekspresyon.
“Napalakas.” Kibit-balikat niya, saka nakabulsang umalis roon. “Iswap niyo na ako sa iba.”
Gigil na gigil kong tiningnan ang likod ni Tres. Ni hindi man lang nagsorry!
Kaya noong natapos ang game ay pinalibutan agad namin siyang tatlo.
“Dapat magpaclinic ka, Klint. Your lip is bleeding.”
Dinilaan lamang iyon ni Klint, ngumiwi siya pero ngumisi rin. “Hindi na gaanong masakit. Stop worrying.”
“M-May band-aid ako, Klint.” Mabilis na inilabas ni Yashin ang band-aid sa kanyang bulsa at inilahad iyon kay Klint.
“H’wag na Yash. Ang pangit tingnan niyan sa mukha ko. Matatabunan ang pula kong labi.” Pagjojoke nito kaya kinurot ko na talaga.
“Stop joking.” Inis kong sabi.
Kaso hinuli niya lang ang aking pulso at hinila ako papalapit. Niyakap niya ako.
“Gagong Buenaventura. H’wag mo na iyong kakausapin.” Sabi niya sakin, seryoso na ang tinig.
Talagang hindi na. Ni hindi nga marunong magsorry. Ang sama sama ng ugali.
Itinulak ko si Klint na ngumisi lang. Nilingon ko sila Hannan at Yashin na kapwa tahimik.
“We’ll just buy some drinks.” Sabi ni Hannan at hinila na si Yash paalis.
Tumayo naman si Klint, inakbayan ako. “Dapat talaga naggigirlfriend ako para sa tuwing nagagalusan ang labi ko, may gagamot.”
“Marami ka namang babae kaya ba’t hindi ka pumili sa kanila?” Sabi ko
“Ayokong magkagirlfriend. Ayokong masakal.” Humalakhak siya.
“Playboy!” Kinurot ko ang kanyang tagiliran na nagpangiwi sa kanya pero nakangiti parin.
“Ouch. Nasaktan na nga ako nangungurot ka pa.” Pag-aacting niya na ikinahalakhak ko.
“Drama mo!”
Nasulyapan ko pa si Tres sa bleacher, nakapatong ang dalawang kamay sa likod ng upuan at nakasandal roon, nakabukaka habang nasa amin ang tingin. Para siyang isang hari doon na pinapanood ang paligid niya, ang kanyang nasasakupan. Lumunok lamang ako ng laway at nag-iwas rin. Wala talagang konsensya.
Sunod na naglaro ay ang mga babae. Inayos kong mabuti ang suot kong P.E. i even tied my shoelace properly. Nang mapansin ni Klint ang pagyuko ko ay lumuhod rin siya sa aking harapan at siya mismo ang tumapos sa pagtatali ng aking sintas.
“Goodluck. I know you’re not good at playing volleyball but we’re here to cheep you up, Red.”
I smiled sweetly. “I would like to win the game for you kaso alam mong kalaban ako ng bola. We’re enemy until now, Klint.” Sumimangot ako.
Tuluyan siyang tumayo sa aking harapan at may kung anong binura sa aking pisngi. “It’s okay…”
Kung hindi lang tumunog iyong pito ng coah at sinenyasan na kaming pumunta roon ay hindi malilihis ang aking atensyon. And there I spotted Tres, clenching his fist while looking at me with so much insults. Oo nga pala, pinaparatangan niya akong isa sa mga koleksyon kong lalake si Klint. Does it matter to him? Eh ano naman ngayon?
Pang-ilang beses na akong napalunok nang kalapit ko lang ang kinauupuang bleacher ni Tres. He was inches away, not taking his eyes away from me. Para bang ayaw niyang may mapalambas na maliit na galaw sa akin kaya ganoon nalang siya makatitig.
Parang may sumusuntok sa aking sikmura at hindi ako mapakali. Naaasiwa ako sa kanyang tingin. Hindi ako komportable. Ano bang karapatan niyang titigan ako? After what he said to me?!
Nagsimula ang game. Nasa kabilang team si Hannan. She tied her hair while naka bun naman iyong akin at may nalalaglag na babycurls. Nilingon ko si Yashin, nasa bleacher ito at katabi si Klint na titig na titig sa akin. I smiled at him when I saw him waved at me.
Nakagat ko ang labi nang sinundan ng tingin ang bolang lumipad na sa ere at lumipat rito sa amin. Pinalo agad iyon ng kaklase ko, nalipat iyon sa kanan na tinakbo pa ng isa at malakas na pinalo para malipat sa kalaban. Kabadong-kabado ako at pinagdadasal na sana ay h’wag nalang dumako ang bola rito sa akin.
“Red! Your turn!” Sigaw ng kaklase ko nang makita niya ang direksyon ng bolang papalapit na sa akin.
Sa sobrang pagkagulat ay tumili ako at mabilis na tumakbo sa gilid. Oh my gosh! Kamuntik nang masapol ang mukha ko kung hindi ako umalis sa pwestong iyon!
Natigilan ako nang may iilang tumawa at may iilan namang nagrereklamo. I saw my teammates glaring at me, may iba na nailing pa. I’m not a good player hello!
“Don’t avoid the ball, hit it!” Pangaral sa akin noong isa kong kaklase. Bumalik ako sa aking pwesto, inaninag ang mukha ni Hannan sa harapan na nagthumbs-up sa akin. I tried to compose myself again. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang paghilig ni Tres sa kanyang inuupuan, na akala mo nanonood ng paborito niyang sport kaya nag-eenjoy siya.
Nagsimula ulit ang laro. Ilang beses kong inulit-ulit sa aking utak iyong sinabi ng aking kaklase. Don’t avoid the ball and hit it. Hit it, Red! Hampasin mo!
“Red!” Sigaw noong kaklase ko na ikinabalik ko sa aking sarili at sinundan ng tingin ang bolang naglalanding na sa direksyon ko. Alright, I’m going to hit it! B-But wait?! P-Paano ko iyan hahampasin? Oh my gosh ngayon pa talaga ako nablangko!
Mariin akong napapikit at nanigas sa aking kinatatayuan. Inekis ko pa ang magkabila kong braso para takpan ang aking mukha dahil sigurado akong lalagapak sa akin ang bola. I waited for the ball to hit me. I waited for almost a second. Pero habang tumatagal, wala akong nararamdama. Sa halip, may naaamoy akong pamilyar na pabango.
I heard some gasped kaya nacurious ako at unti-unting iminulat ang bola. Laking gulat ko nalang nang bumalandra sa aking harapan ang malapad na likod ng pamilyar na lalake. Kumalabog ng husto ang aking dibdib at napaawang ang aking bibig. What’s this? Bakit siya nakatayo sa harapan ko?
Nilingon niya ako, tanging ulo niya lang ang gumalaw at tiningnan ako rito sa likod. He was holding the ball with his two hand. Sinalo niya iyon?
“Dont you know how to hit a ball?” Matabang niyang tanong.
“H-Hindi.” Nag-iwas ako ng tingin lalo na’t nararamdaman ko ang mapang-usisang mga mata ng estudyante. May iba na nagtataka sa kilos ni Tres. Kahit nga ako ay nagtataka rin.
“Hmm, that’s weird. You even know how to slap me.” Mapang-uyam niyang sabi na ikinaputla ko na.
“M-Magkaiba ang pagsampal sa paghampas ng bola, Tres. H-Hindi ako marunong maglaro nito.” Wika ko sa maliit na boses, nahihiya na lalo’t inuungkat niya iyong kasalanan ko.
“Akala ko ba magaling kang maglaro?” He fired back, pushing my limits.
Halatang galit nga ito base sa mga maaanghang niyang salita sa akin. Para iyong double meaning at sinasadya niyang sabihin iyon para matamaan ako.
“Mr. Buenaventura, kindly pull Miss Valerio out. Sa second game ka nalang Red.” Sabi noong P.E teacher na ikinabusangot ko na.
Hindi ko na hinintay na hilain ako ni Tres paalis roon at nagtungo na ako sa pinakamalapit na bleacher, kung saan nakaupo si Tres. Humalukipkip ako roon, ngumuso at inis na inis ang mukha. Nakakainsulto na talaga itong si Tres. Kailan niya ba ako titigilan? Ako na nga itong lumalayo. Ako na itong tumitigil sa paglalaro tapos siya naman itong humahabol.
Bumalik siya sa kanyang upuan, katabi sa akin pero may may espasyo pa namang namamagitan sa aming dalawa. Naaninag ko sa harapan si Klint, kumakaway na pabalikin ako roon kaso nagsimula na ang game at kailangan ko pang umikot sa dulo. Sa laki ba nitong gymnasium.
“Later.” I mouthed to him, na sana nabasa niya ang labi ko.
“Are you really clingy with your boy friends?” Tanong niya habang binubuksan na iyong bottled water, tinungga niya iyon.
Hindi ako sumagot. Galit dapat ako sa kanya. That jerk insulted you, Red! Itatak mo iyon sa kokote mo! Don’t be nice to him! Don’t talk to him! Don’t go near him! Avoid him!
“Oh.”
Natigil ako sa kakalista ng mga don’t sa aking isipan nang inilahad niya sa aking harapan ang ininuman niyang bottled water. Wala sa akin ang kanyang tingin, nasa harap iyon at blangko na naman ang eskpresyon.
Ilang sigundo ko iyong tinitigan. H’wag mo nga iyang tanggapin, Red. Mamaya niyan mahawa ka pa sa suplado na iyan.
“Either you drink it or I’ll pour it to your mouth.” Nilingon niya ako. “Choose.”
Padabog ko iyong kinuha sa kanya at walang ano-anoy ininom. He stared at me for awhile. Nag-iwas ako ng tingin lalo na’t nagwawala na naman ang pintig ng puso ko. Oh really heart? After what he said to you ganon ganon nalang?!
Chapter 20
Game of Love
Game
“Are you sure you’re fine, Hannan?” Concern kong tanong sa kanya. Natamaan siya ng bola sa kanyang ulo at napaupo sa sahig kanina habang naglalaro siya kaya isinugod agad siya sa clinic.
Tumango siya, nag-iwas ng tingin.
“Magaling kang maglaro ng volleyball Hannan. Paano nangyari iyon?” tanong ni Yashin na nag-aalara rin.
“I lose track with the ball. Nangyayari talaga ang ganoong bagay.” sagot niya
“Next time be careful.” Si Klint
Tumango-tango siya at hindi man lang nagagawang salubungin ang tingin namin. Bumukas ang pinto at pumasok agad sina Troye at Leeland.
“Nasapak si Hannan?!” Oa na tanong ni Troye at nakikisiksik na rito sa amin. Natawa kami.
“Nasapak siya ng bola.” Sagot ni Klint, nailing.
Lumapit narin si Leeland sa kanya. Katulad ni Troye ay mabusisi niya itong tiningnan. Hinawakan ni Leeland ang kanyang ulo kung saan may kaonting band-aid. Nagasgasan kasi ito.
“Stop it, Troy, Leeland…” Hinawi niya ang kamay ng dalawa. Si Troye na nakahawak sa kanyang balikat at si Leeland naman sa noo. Kapwa alalang-alala rin.
“Tulog kaba noong naglalaro ka, Hannan?” Pabirong tanong ni Troye at hinawakan pa ang noo. “Hindi kaya ay nagkaamnesia ka at nabobo? Sabihin mo nga kung sino ang pinakagwapo sa aming tatlo.”
“Stop it nga, Troye.” Natatawa ko siyang hinila at inilagay sa aking gilid.
“Pag hindi ako ang sagot niyan malala talaga ang tama niya.”
“Siraulo ka, Troye.” Natatawa narin si Yashin sa kanya ganoon si Klint na inakbayan na siya, medyo sinasakal.
“Yabang mo. Dapat ikaw itong mabagok nang mabago yang takbo ng utak mo.”
“Pwet lang kita, Klint. Tanggapin mo nalang.”
Hindi na maawat ang dalawa na nagbobromance na naman. Si Troye na itong iniipit ang leeg ni Klint sa kanyang braso pero agad ring nakakawala roon si Klint at vise versa na naman.
Tumawa kaming dalawa ni Yashin lalo na’t sumabog pa ang isang botones ng polo ni Troye.
“H’wag kang manghubad! Tangina mo Martinez!” Singhal ni Troy sa kanya at gumaganti na.
Sa kabila ng pagsasaya namin rito, tahimik lamang si Hannan habang nakahawak ang kamay sa magkabilang kamang inuupuan niya, nasa tabi naman si Leeland at naninimbang ang tingin sa kanya. Unti-unting napawi ang aking ngiti. Masakit ba talaga ang pagkakatama sa kanya noong bola?
“Does it really hurtㄧ”Don’t touch me.“ Tinabig niya ang aking kamay na nagpagulat sa akin, ang talim pa noong pagkakaangat niya ng tingin.
“Hannan.” Makahulugang tawag sa kanya ni Leeland kaya unti-unti siyang natauhan sa ginawa.
Natigil sina Klint at Troye habang si Yashin ay natigil rin sa kakatawa. They all stared at Hannan. Kahit ako, takang taka.
Nag-iwas siya ng tingin, bumuntong ng hininga. “I-I’m sorry Red. I didn’t mean to do that.” Mahina niyang sabi.
Sinikap kong ngumiti. “It’s okay.”
Hindi matanggal sa aking isip ang inasal ni Hannan. I know she’s a serious kind of girl pero iyon ang kauna-unahang tinarayan niya ako ng ganoon, tingnan niya ako ng matalim. I can sense her anger.
Ang sabi ni Leeland sa akin sa tuwing pagod iyon ay napapataray talaga siya ng wala sa oras. Even Troye justified it. Natarayan narin daw siya ni Hannan, si Klint tumango rin. But it’s not a bigdeal to me. Medyo nagulat lang talaga ako. Mas close kami ni Hannan pero these past few days, dahil sa pagcucutting naming apat ay nagiging close rin si Yashin at Hannan.
“Pretty please Mom! Talk to their Moms please…” I pleaded.
“Okay, okay. Pero Red, kung hindi pumayag ay wala kanang magagawa roonㄧ”Ako ang kukumbinsi, hon.“ Putol ni Daddy kay Mommy na ikinaliwanag na ng mukha ko.
Bumuntong ng hininga si Mommy. “Okay. Ako narin ang bahala sa mga pagkain.”
“Thank you! Gusto ko lang talagang bumawi sa dalawa, kina Yash at Hannan. Di na kami nakakapagbond eh. Pag nagkacut kasi kami ng class nila Leeland hindi sila sumasamaㄧ” Nang makita kong nagtataas na ng kilay si Mommy at nakahalukipkip na si Dad ay napangisi nalang ako ng hilaw. Opse, I snapped darn it.
“You’re still cutting your class, Christienne?” Mom asked in a low yet stern voice.
Hindi na mapakali ang mga mata ko. Gumagala na iyon sa kahit saan.
“Uhm…”
“Your daughter is doing good on her subjects, Jessa. Stop pressuring her. She’s just 16. Breaking rules is inevitable.” Pagtatanggol sa akin ni Dad lalo na’t siya itong napapatawag madalas sa office pag may kalokohan akong nagagawa.
“Oo nga. Wala naman akong bagsak ah? I thought grades are not a bigdeal Mommy?” I said innocently.
“Grades, Christienne. Not cutting classes.” May diin niyang sabi na ikinanguso ko. So walang ideya si Mommy sa pagkacut ko ng class? Si Dad lang? I thought it was fine to her pero iyon pala pinagtatakpan ako ni Dad.
“Are you going to punish me?” Malungkot kong tanong.
“Oh please, baby. You’re too old for punishment! Stop taking your Mom seriously! Nagbibiro lang iyan.” Tumawa si Dad.
“I think she’s serious about it Dad. Mom just glared at me.”
Lumaki ang mga mata ni Mommy. “Did I?”
“Yes you did!”
“I didn’t, sweetie.” Then she rolled her eyes.
“Hindi ko na kasalanan kung magalit iyang anak mo sa’yo. Labas ako diyan.” Natatawang sabi ni Dad, nababalewala niya na ang hinahawan niyang dyardo.
Bumuntong ng hininga si Mommy at nagloosen ang balikat.
“Hindi purket maluwag kami ng Dad mo sa’yo ay sosobra kana, Christienne. Please, stop giving me a heart attack!” Madrama niyang nasapo ang dibdib niya.
“But Mommy, doon lang naman ako nagkacut kung bored ang class.”
“Class is always boring to you, sweetie.” Sabi niya, siguradong sigurado.
Ngumuso ako. “I am not cutting my class all the time! Maybe once a week lang ata.”
Naningkit ang kanyang mga mata at nilingon si Dad sa tabi niya. My Dad just shrug.
“P-Pero nakakacatch-up naman agad ako sa lessons! Yashin is helping me out!”
“That girl is very nice… You really need to treat them. Baka magtampo na ang mga kaibigan mo sa’yo dahil mas close ka kina Klint.” sabi ni Dad. Aware siya kung gaano ako kalapit sa tatlong iyon.
Nailing si Mommy. “Don’t do it again, ’kay?”
Tumango-tango agad ako at tumayo na sa pagkakasalampak ko dito sa carpet. Niyakap ko silang dalawa at nagtatatakbo na ako paakyat ng kwarto.
Aware ako kung bakit maluwag ang parents ko sakin. Mom’s parents, my lola and lolo, were very strict to her when she was on my age. Nang dahil doon ay natuto siyang magrebelde, nasasakal siya at pakiramdam niya hindi na siya makahinga. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding hindi siya magiging katulad ng parents niya dahil alam niya ang pakiramdam noong masyadong strict ang parents mo sa’yo. Iyon daw kasi ang nagtutulak sa mga anak na mas kumawala at magrebelde.
She’s always been supportive to me, silang dalawa ni Dad. Ni minsan, kahit mapalo man lang ng stick ay hindi ko naranasan. O kahit sampal o pitik. Palaging dinadaan ni Mommy sa mahinahon na usapan ganoon rin si Dad. Kaya siguro lumaki rin akong clingy dahil clingy ang parents ko sakin.
“Your Dad showed up to our house just because you wanted a slumber party?” Tanong sa akin ni Hannan na nakapangtulog na at may yakap yakap na teddybear.
Tumango ako. “Yup! Gusto kong bumawi sa inyong dalawa. That’s why I asked for their help lalo na’t both strict ang parents niyo. Ngayon lang naman. Gusto kong maranasan na matutulog tayong tatlo sa kwarto ko.”
Nagkatinginan sila ni Yashin at kapwa rin napangiti.
“Oo naman! Mabuti nga at nakumbinsi ng Dad mo yung parents ko! Akala ko talaga di na ako papayagan.” Excited na balita sakin ni Yashin.
Hannan laughed. “Kahit parents ko eh. Spoiled mo talaga.”
Nakitawa narin ako sa dalawa at napayakap.
“I’m really happy at nandito kayo!”
Niyakap narin ako ng dalawa at nagtawanan nalang.
Nanood kami ng movie habang nakahilata rito sa carpet. Marami namang nagkalat na pagkain sa paligid. May iilang box ng pizza, spag, french fries, baked mac, chips at iba pa. Maliban sa chocolates, di ako mahilig sa ganoon e. Carbs.
“Manood kaya tayo ng romance?” Suhestyon ko na ikinapula ng pisngi ng dalawa.
“Ayoko!” Si Yashin agad ang tumutol at tinakpan ang dalawang mata kahit hindi pa naman iyon lumalabas sa malaking tv.
“I mean hindi ’yong may maraming censored! Yung kiss kiss lang!” sabi ko. Mahilig kasi talaga ako sa love stories.
Nangalkal ng dvd’s si Hannan. Mga bago iyong bili ni Mommy e. Iyon daw dapat panoorin namin h’wag daw iyong kahit anong pumasok sa utak namin. It’s rated PG!
“How about this one? Balita ko best selling novel ito.”
“The fault in our stars?” Basa ni Yashin at tiningnan na iyong mismong cover ng dvd.
“I think it’s tragic.” komento ko.
Nanood nga kami. Hindi ko ineexpect ’yong ending. Narealize ko na masyadong maikli ang buhay. What if bukas mamamatay kana pala pero ang tanging pinaggagawa mo lang ay paglalaro? Pero ineenjoy ko naman ang buhay ko sa pamamagitan doon.
“Gusto kong maranasan yung ganyang pag-ibig. Yung seryoso…” sabi ni Yashin pagkatapos naming manood. We’re both holding a box of tissue. Si Hannan lang hindi umiyak eh.
“Ako rin! I mean, not the exact flow of the story. Ang gusto ko lang, iyong seryoso talaga. Iyong alam mong sincere yung guy. Feeling ko ang sarap mainlove.”
Hannan stared at me. “Kaya nga sabi ko sa’yo tigilan mo na ’yang kakalaro.”
Tumango-tango ako. “Okay! I’ll stop playing.”
Matagal kaming nakatulog kaya matagal rin kaming nagising kinabukasan. Pagkatapos nilang kumain sa bahay at hinatid rin sila pauwi ng aming driver. Sumama pa ako para makapagthank you at may dalang cakes and cookies na binake mismo ni Mommy for them.
Dumaan ang SUV sa bahay nila Tres at saktong nakita ko itong palabas. He was hugging his dog while heading somewhere. Tumaas ang leeg ko sa kakalingon sa kanya. Iyong driver ay nagawa pang pabagalin ang pagmamaneho.
“Bababa ka po, Ma’am?” tanong niya sakin na ikinaupo ko ng maayos at umiling.
“Umuwi na tayo, Manong. Baka mag-alala pa si Mommy pag natagalan ako.”
Tumango ito sa akin at pinabilis ulit ang pagmamaneho. I sighed. Nahipo ko ang aking dibdib. Bakit ba nagwawala parin ito? How can I stop this? Hindi healthy para sa akin ang katulad ni Tres. He’s giving me weird feelings. At mas lalong hindi siya healthy dahil hindi niya naman ako tinatrato ng mabuti. Halatang hindi niya ako gusto kaya walang saysay itong nararamdaman ko sa kanya para ipagpatuloy. Ayokong lumala lang ito at itulak ako sa malalim na bangin na alam kong hindi ako masasalo.
“May maganda kang balita?” Ngumisi sa akin si Leeland nang niyaya ko siya rito sa library. Kami lang dalawa diro sa pinakadulo ng library.
“Kayo na? Hindi kita magiging girlfriend?” Dagdag niya, masyadong excited sa sagot ko.
“O-Of course not Leeland. I’m tired playing with Tres. Di ko naman naaakit. So…” Nagkatinginan kami. There’s something about his gaze that I can’t explain. Parang ang rami niyang pinagtatakpan roon.
“So?” Umangat ang isa niyang kilay.
“Uhm, gusto kong ichallenge ang sarili ko na magseryoso sa isang bagay.” Nag-iwas ako ng tingin. “Total inaamin ko nang natalo ako kay Tres, at ayoko nang landiin ang lalakeng iyon dahil alam kong matatalo rin ako sa huli, I decided…” Tiningnan ko siya at ngumiti.
“I decided to be your serious girlfriend.”
Nalaglag ang panga ni Leeland. Ilang sandali lang ay humagalpak siya ng tawa. Tuwang tuwa sa naging sagot ko.
“Anong laro na naman ba ang naisip mo? ’Di ba ang sabi ko kailangan ay seryosong girlfriend kita? Hindi iyong nachachallenge ka sa’kin Red. I want a serious relationship.” Pagtatama niya, humalukipkip at sumandal siya sa isang shelf.
Ngumuso ako. Seryoso naman talaga ako ah!
“Kaya ngaㄧ” Naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang may biglang yumakap sa aking balikat. Bumaba ang tingin ko sa pamilyar na braso ng isang lalake lalo na’t naaamoy ko rin ang pamilyar niyang pabango sa aking likuran. W-What’s this?
Ngumisi si Leeland sa aking likuran, namulsa pa siya.
“Tres.” sambit niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko at halos lumundag na iyon palabas. Marahas itong pumipintig na parang gigibain na ata ang ribcage ko. Holy…
“T-Tres?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His lazy eyes were seriously fix on Leeland. Ilang sandali lamang ay bumaba iyon sa akin.
“B-Bat ka nandito?” tanong ko at halos mapugto ang aking hininga. Ni hindi niya man lang ako binibitiwan. Dikit na dikit ako sa kanya at yakap yakap niya parin ang aking balikat. Na para niya akong pinoprotektahan kaya ganoon nalang iyon kahigpit.
“Mom is looking for you.” sabi niya, wala na namang emosyon.
“H-Huh?” Clueless kong tanong. Walang pumapasok sa utak ko dahil sa nangyayari.
“H’wag mong pilitin ang ayaw.” Bigla akong hinila ni Leeland kaso hindi niya palang ako tuluyang naaagaw, mas humigpit ang pagkakapulupot ng kanyang braso sa akin sanhi para madikit akong muli sa kanyang dibdib, napasandal na ako roon at gulat na gulat.
Ngumisi ng nakakaloko si Leeland, ibinulsa muli ang kamay pero maaaninag roon ang galit sa kanyang mga mata. A-Anong nangyayari?
“Red. ’Di ba hindi ka sasama?” tanong niya sa akin pero para rin iyong utos. Na dapat tumango ako.
Biglang yumuko si Tres sa akin, inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga habang ang isang kamay ay nakabulsa.
“Come with me, Christienne…” he whispered in a very deep voice.
Napalunok ako ng laway. His sexy voice drives me crazy! Para bang kahit anong hiling niya gamit ang boses na iyon ay mapapatango ako kahit ilegal! Walang pumapasok sa utak ko at mas pinapalala lang ng pinaggagawa ni Tres ang paghuhuramintado ng sistema ko.
Mas lumapit ang kanyang labi sa aking tainga, napasinghap ako roon dahil sa kiliti.
“Let’s go…” he persuade at ang nakayakap sa aking balikat na kamay ay iginapang niya pababa patungo sa aking baywang para doon ako yakapin.
Leeland’s eyes drifted on his hand. “Red… ano nga ulit ’yong sabi mo? Na gusto mo akong maging seryosong girlfriend ko?”
Namilog ang aking mga mata. Nawalan ng kulay ang aking mukha. Tres’ arm around me tightened. I even felt his hot breath on my neck when he scoff in disbelief.
“I will never allow my girl to cheat on me…” seryoso at malinaw na sabi ni Tres nang mag-angat ng tingin kay Leeland.
Kung may ikakabato pa ako, iyon na ata. Parang may nalalaglag na tae ng ibong Adarna sa aking ulo kaya nanigas na ako ng tuluyan.
Humagalpak si Leeland. “Tres, stop claiming the girl who’s not yours. Halatang ayaw sa ’yo ng babae pero pinipilit mo…” Saka namulsa si Leeland at nakakaloko pa rin ang tingin sa kanya.
“Naiinggit ka ba dahil gusto ako ng babaeng hindi ka kayang gustuhin?” tanong ni Tres sa malamig ngunit makahulugang boses.
I’ve seen how Leeland’s jaw clenched.
“Sa ating dalawa, halatang sa’yo ayaw ng babae. Huwag mong pilitin…” dagdag ni Tres.
Leeland’s hands turned into fist ngunit naroon pa rin sa labi ang nakakalokong ngisi.
“Don’t ever play with me. Nor with my woman. Baka nagpaplano ka pa lang, naitaob na kita,” Tres warned him.
Hindi na ako hinayaang magsalita ni Tres dahil hinila niya na ako paalis roon. Doon niya lang ako binitiwan noong makaalis kami sa aisle ng library na ’yon.
Unti-unti namang nagsink-in sa akin Hindi ko na nasundan ang pangyayari. A-Anong girlfriend niya ako? As far as I remember, I am not his girlfriend! Or maybe he’s playing games with me?
“We are not in a relationship!” sigaw ko ng malakas sa kanya rito sa backseat ng kanilang sasakyan, nang matauhan na ng husto.
Tres didn’t even bother looking at me. Nanatili iyon sa hawak niyang libro. What the heck is wrong with this guy?!
“We are,” tipid niyang sagot at inilipat ang pahina ng kanyang libro.
Namula ang aking pisngi. Nasulyapan ko pa ang mga mata noong driver nila na panay tingin rito sa itaas ng salamin.
“Hindi ko maalalang nanligaw ka at naging tayo!”
“Ikaw ang nanligaw sa ating dalawa” Umangat ang kilay niya sakin. “Hindi ba dapat at natutuwa ka dahil tinupad ko ang pangarap mo? Finally, the guy you’re chasing is already your boyfriend?”
Buong mukha ko na ang namula. He said it in a very sarcasm way. Kahit sinasabi niya, ni hindi ko man lang maramdaman ang sinseredad at emosyon doon.
“H-Hindi naman ganoon ang ating relasyon!”
No! I’m done with the game. Pag naging kami ay iisipin ng friends ko na nagpapatuloy pa rin kami sa laro. They will think that way at baka sabihin nilang pinagp-planuhan ko lang kung paano hiwalayan si Tres. Ayoko na ng headache. And doesn’t sound serious nga. Parang pinagt-tripan lang ako.
“Ganoon,” sabi niya at ibinalik muli sa libro ang tingin. “Bakit? Mas pipiliin mo ’yong kaibigan mo bilang boyfriend mo? You’re gonna ruined your friendship with him once you become his girlfriend.”
Huh? Kailan pa siya nagkapake sa relasyon ko sa aking mga kaibigan? My gosh! Ang puso ko para nang tambol sa nangyayari..
“Ano bang gusto mong mangyari?” Pinaningkitan ko siya ng mata.
Isinara niya ang libro at humarap sa akin ng buo. He even placed his one leg on the seat, nakapiko iyon habang ang isang kamay ay nakahilig sa headboard ng upuan.
“I want a game.” sabi niya na ipinagsalubong ng kilay ko. I… I knew it…
“Ano?”
“Akala mo ba hindi ko alam na pinaglalaruan mo ako?”
Namutla ako roon. P-Paano niya nalaman?
“What are you talking aboutㄧ”You liar,“ putol niya at mariin akong tiningnan, na wala na akong kawala dahil huling huli niya na ako.
Napalunok ako ng laway. Hindi ko na maipirmi ang tingin ko. Gusto ko nalang buksan iyong pinto kahit na umaandar pa ang kotse at kumaripas na ng takbo. De bale nang magkasugat-sugat ako sa paglabas ko kaysa naman manatili ako rito sa harap ng isang Tres Buenaventura. This is more dangerous!
“Ayoko.” Mariin ko siyang tiningnan. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ako papayag diyan sa pinaplano niya.
Umangat muli ang kanyang kilay. “Alright.”
Iyon na? Hindi niya na ako pipilitin? Sinasabi ko na nga ba pinagtitripan ako nito! Hindi naman siya mahilig sa mga ganitong bagay! He’s lazy! At hindi siya nangingialam sa buhay ng iba! Sarili niya lang naman ang importante sa kanya.
Nagpeke ako ng tawa, nagawa ko pang sapuhin ang dibdib ko. “P-Pinakaba mo akoㄧ”Sasabihin ko nalang sa parents mo ang nangyari. I’m sure your Dad will get mad including your Mom. Their daughter played with half of the boy’s heart in school and dumped them in a cruel way.“
Natigil ako sa pagtawa. Ano ba talaga ang gusto ng lalakeng ito? Pag nalaman ito ng parents ko baka ma-disappoint sila sa akin. They didn’t raise me like that! Katuwaan lang naman namin iyon pero alam kong lumagpas ako sa linya kaya gusto ko ng huminto sa mga ganitong laro. I don’t want to play with someone’s feelings anymore!
Kaso sa ginagawa ni Tres, parang mapapasubo pa ata ako. Bumuntong ako ng hininga.
“Fine. What game?” Humalukipkip ako.
“Be my girlfriend.”
Chapter 21
Game of Love
Miss
“A-Ano?” Hindi ko alam kung matatawa ba ako, maiinis o kikiligin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sinasabi niyang maging girlfriend niya ako.
“You heard me.”
“I mean, girlfriend? Girlfriend mo?”
Anong klaseng laro ’yon? I’ll pretend as his girlfriend and what… we’re gonna do what couples do? Huh? HUH?! Is that what he wants? To dominate me because I played with his feelings? Pero nagsisi naman na ako, ah?
Hindi na siya nagsalita saka inalis ang tingin sa akin at binuklat muli ang libro. Darn it! Ang hirap rin talagang intindihin ng lalakeng ito.
“Anong klaseng laro ’to?” Napaismid ako. Pinagtitripan niya ba talaga ako? Of course Red. Alam niyang pinaglaruan mo siya kaya gumaganti iyan.
“You should be happy. This is your cup of tea so it’s a benefit for you total dito ka magaling, sa paglalaro.” Saka nag-angat ng kilay.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “Kaya nga I’m quitting. I learned my lesson at ayaw ko na sa ganito. I’m already sorry for what I did.”
“Then take this as your punishment,” aniya.
Sumimangot ako. “Baka nagkukunwari ka lang ha… Baka gusto mo talaga akong maging girlfriend kaya dinadaan mo sa ganito. Tres the coldhearted Buenaventura, patay na patay sa akin?” Humagikhik ako.
“And you think I am not gonna break up with you anytime? I’ll return what you did to me. I’ll break your heart.”
Oh… So that’s his plan? Humagalpak ako. Tres remained his composure. Niyakap ko ang aking tiyan.
“Then goodluck! I’ll break yours, too!” mayabang kong sabi. “Game!”
Pero nang mapagtantong muli na hindi tama ang lahat ng ito ay muli akong sumeryoso. I just can’t let my guard down! He’s a bait! Sigurado akong sa huli, ako ang masasaktan. Sa huli, alam ko ako ang kawawa. He’s a wellknown for being coldhearted and heartless! Baka pagsisihan ko lang din ang lahat ng ito. He’s willing to play with me because he’s sure that his going to win, he’s gonna break my heart. At ako na tanga at may nararamdaman na sa kanya ay mas mahihirapan lang lalo. I can’t just play with him while I’m secretly liking him! Kahit pa tempting ang kanyang sinasabing game, ayoko pa ring magpadala! It’s gonna hurt big time, Red. Back out!
“Ano bang mapapala mo rito? Anong mapapala mo sa pakikipaglaro sa akin?”
“Exactly.” Umangat ang kanyang kilay at madilim na naman ang misteryosong mga matang nakadirekta na sa akin.
“Anong napala mo noong pinaglaruan mo ako? Iyong pagpunta-punta mo sa bahay, pagbuntot sa akin. Anong napala mo sa lahat ng iyon?”
Natigilan ako roon. Kung alam mo lang Tres, I fell. At pinagsisihan ko ang bagay na iyon dahil nagkagusto ako sa’yo. Na nahulog ako sa lalakeng katulad mo. Binabawi ko na ang sinabi kong mabait ka. You’re really the opposite. Heartless! Bato!
“A player finally gets played, huh… Dismayado ka ba dahil nabaliktad na ang sitwasyon? Ikaw naman ang mapaglalaruan?” He smirked at me evilly.
Para akong nasuntok sa dibdib dahil sa sinabi niya. Masakit iyon. Gumaganti siya at ipinapamukha niya talaga iyon sa akin. Na dapat ay magsisi ako sa ginawa ko sa kanya.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa labas ng bintana. Ayokong makita niya sa mga mata ko ang nangingilid na luha. This is too shallow!
“F-Fine. Kung ito lang ang paraan para maging kwits tayong dalawa, para makaganti ka sa pakikipaglaro ko sa’yo, p-papayag ako.”
Hindi na siya umimik noon. Ganito pala ang pakiramdam na paglalaruan ka ng taong gusto mo na. Bakit ba binibigdeal niya? Eh wala nga siyang pakialam noon sa akin. Okay lang sana kung nahulog siya sa’kin pero hindi naman ah! Kabaliktaran nga ang nangyari. Ako itong nahulog sa kanya.
Pagdating namin sa bahay nila ay walang katao-tao roon. Tanging katulong lamang ang nagkalat sa paligid.
“Nasaan ang Mommy mo?” tanong ko sa kanya at iginala ang tingin sa kanilang sala.
“She’s not here,” sabi niya at tuloy tuloy ang pag-akyat sa enggrande nilang hagdan.
Napako ako sa aking kinatatayuan. Akala ko ba hinahanap ako ng Mommy niya?
Tumigil siya sa paghakbang at nilingon ako. “Follow me. Act like a girlfriend, Christienne…” and he smirked coldly.
Napabusangot ako. Seryoso ba talaga siya?Tatalikod na sana ako kung hindi ko lang naalala iyong blackmail niya. Fine, fine.
Sumunod ako sa itaas. Pumasok siya sa kanyang kwarto kaya natigil ako sa may pinto. Umangat ang kilay niya sa akin.
“Come in.” utos niya.
Bumuntong akong muli ng hininga at pumasok ng tuluyan. As if this isn’t my first time being in his room. Kaso talagang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nakakapasok ako rito. I can smell his manly scent and danger. Naghahalo halo iyon na tila pinapaalala sa akin na hindi ako pwedeng magpaakit sa delikadong kagaya niya.
Nakatalikod na ito sa akin at mukhang binubuksan ang botones ng polo niya. Dumeritso naman ako sa sofa.
Parang isang cinema agad na nagplay sa aking utak iyong huling ginawa niya sa akin rito. T-Teka?
“B-Bubundulin mo ba ako?!” Napaatras na ako. “Ang bastos mo! Kaya siguro gusto mong maging girlfriend mo ako dahil itutulad mo ako roon sa bastos mong aso! Oh my gosh! You’re such a jerk! Uuwi na ako!”
Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto. Hinawakan ko agad ang doorknob at nag-akmang buksan iyon ng malaki kaso mabilis niya rin iyong naitulak pasara. Ngayon ay nasa harapan ko na siya, humaharang ang kanyang katawan roon at matalim na ang pagkakatitig sa akin. Nakabukas ang tatlong botones ng kanyang suot, lumalantad roon ang dibdib niya.
“I am not gonna do anything to you unless I have your consent. And it will be fun if you beg for it, Christienne…” Hinaplos niya ang aking pisngi hanggang bumaba iyon sa aking baba. Inangat niya ito para mas malinaw niyang makita ang mukha ko. He smirked.
“Like you’re gonna beg for my kiss, for my touch…” Sabi niya sa malalim na boses. I swallowed hard as my face heated.
This is really illegal! This is a trap! Testing ba ’to kung paano ako karupok sa taong gusto ko? Parang isinusubo niya na lahat sa akin ang gusto ko at nasa akin nalang iyon kung tatanggi o susunggab! And I can’t just fully give-in! Pag hinayaan ko siya ay mananalo siya. He’ll completely break my heart! Sa huli, alam kong laro lang naman ang lahat ng iyon at wala siyang balak seryosohin. Sa huli, maiiwan akong durog.
Hinubad niya ng tuluyan ang pang-itaas na damit. It’s like he’s doing it purposely to tempt me. Noong tuluyan niya iyong nakalas lahat ay parang robang humawi iyon sa kanyang katawan. Tumambad sa akin ang kabuuan niyang tiyan. Ang kanyang abs na kahit hindi masyadong maumbok ay meron ka paring makakapa. Siguro pag nagmodel siya pasadong pasado siya.
“The way you look at me screams like you badly want a bite…” sabi niya lang at umalis na sa aking harapan. Napahinga ako ng maluwag. Grabe! This is a torture!
Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas ulit kami ng bahay nila. Buong akala ko ay pauuwiin niya na ako pero hindi pa pala!
“S-Saan tayo pupunta?” tanong ko habang nakasunod sa kanya.
“Park,” aniya, nakapamulsa na naman at blangko ang ekspresyon.
“Anong gagawin natin doon?”
“Date.”
Natigil ako sa paghakbang at nagulat. Huh? He’s really into this, huh?
Tumigil siya at nilingon ako sa matalim niyang tingin kaya mabilis rin akong humakbang at sumabay. Naging tahimik lamang ako sa kanyang gilid at ayaw nang makipagtalo pa. Besides, wala namang mawawala kung sumama. Gaga! Gusto mo rin!
“My dog died.” Bigla niyang sabi na ikinakurap ko. Iyong aso niya? Kaya ba wala na akong nakitang aso kanina sa bahay nila?
“Oh, condolence…”
Kahit papaano ay nalulusaw ang aking puso. He’s telling something about his life to me. Nagkakaroon ako ng ideya kung masaya ba siya, kung nalulungkot, kung may pinagdadaanan o ano. Little by little, the pieces of each puzzle is suddenly right into my eyes. Unti-unti ko silang nabubuo para mas maintindihan si Tres kahit katiting man lang. Nagkakaroon ako ng tsansang sumilip sa kanyang pagkatao nang hindi labag sa kanyang loob at may permiso.
Pagdating namin sa park, may aso agad na tumakbo papalapit sa kanya. Iniluhod ni Tres ang isa niyang tuhod at sinalubong na iyong asong hinalikhalikan siya sa mukha. Ngumiwi ako dahil hindi ko ata kayang dilaan ng isang aso ang mukha ko. Pero nang makita ko ang pagngiti ni Tres, kung paano niya marahang sinasabunot ang balahibo nito ay natigilan ako.
Ang tanging nakakapagpangiti sa kanya ay aso lang. Pangalawang beses ko na siyang nakitang ngumiti ng ganyan ka-sincere. Makikita mo talaga sa kanyang mga mata ang pagmamahal niya sa mga aso.
Dinilaan muli ng aso iyong mukha niya kaya marahan na siyang humalakhak na kahit ako ay napangiti narin ng malapad dahil lang sa kakapanood sa kanya. Marunong pala siyang tumawa?
Nilingon niya ako. Nang mapansin niya ang ekspresyon ko ay mabilis ring bumlangko ang kanyang mukha. Nakakapangselos naman ang ganyan…
“Oh? Anong tinitingin-tingin mo?”
“H-Huh?”
“Your eyes says you want to be lick, too…” aniya sa malamig ngunit nanunuyang paraan.
Umismid ako. I am not gonna give-in! Babakuran ko ang sarili ko sa kanya. Hinding hindi ako dadating sa ganoong punto na magmamakaawa sa halik at haplos niya!
“Ngumingiti at tumatawa ka which is unusual for a coldhearted like you kaya napapatingin ako.”
He tsked. Napasimangot ako. Malay ko ba na marunong pala siya niyan eh palaging blangko iyang mukha niya, palaging misteryoso at madilim ang mga mata, palaging suplado, palaging walang ekspresyon.
Kapwa kami nakaupo ngayon sa bench at pinapanood ang ibang aso na naghahabulan, naglalaro. Kaya ba madalas siya rito dahil maraming aso?
“Kailan namatay ang aso mo?” tanong ko sa kanya nang hindi ko na matiis ang katahimikang namumuo sa aming dalawa.
“Last month.”
Last month? Iyong panahon na hinatid niya na rin sa akin iyong aso ko? Kaya ba ibinalik niya dahil wala na iyong kalaro? At kaya ba sobrang tamlay ng aso na ’yon dahil namatayan rin siya ng kalaro?
“But I saw you last time, you were carrying a dog.” Iyong pumunta ako kina Hannan para ihatid ito. I saw him that day.
“That’s not mine.”
“Kanino?”
“Neighbor,” tipid niyang sagot, nanatili ang tingin sa harap at pinagmamasdan ang iilang aso.
Hindi kaya ay galing na naman iyon sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya?
Ibinaling ko sandali sa mga aso ang tingin pero ibinalik ko ulit sa gilid ng kanyang mukha.
“Ba’t ang hilig mo sa aso?”
“They don’t fake their feelings. They’re loyal and they’re not annoying.”
Oo nga no? Wala nga naman akong nakitang asong nagpapanggap na pusa. Lahat sila ay totoo. Iyong walang alam sa mundo at sinusunod lang ang amo nila. Darn, Red! Ang layo naman ng naisip mo!
Kaya rin ba gustong gusto niyang gumanti sa akin dahil pineke ko ang nararamdaman ko? Dahil hate na hate niya ang ganoon? No wonder…
“Pero mas maganda paring kaibigan ang mga tao. Yashin and Hannan are my bestfriends. Sina Klint, Troye, Leeland at Marco ay mga totoo ko ring kaibigan. They won’t hurt me.”
“Kaya mas gusto ko pa ang aso kaysa sa mga tao.” Nilingon niya ako ng makahulugan. “Dog won’t betray you. They’re loyal.”
Hindi ko maintindihan si Tres. Nagiging malalim na naman siya sa katulad kong mababaw lang mag-isip.
Pagkatapos naming mamalagi sa park ay umuwi rin naman kami sa kanilang bahay. Uuwi narin sana ako kung hindi ko lang nadatnan si Tita roon at inanyaya niya akong doon nalang magdinner.
“Buti naman at naisipan mong dalawin ang bunso ko,” ani Tita sa nagagalak na boses. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na dinala ako ni Tres rito dahil sinabi ng anak niya na hinahanap niya ako kaso may kinuha ng kanyang sinabi ang aking atensyon.
“He’s been lonely since the day his favorite dog died, Red, sabi niya sa malungkot na boses, tiningnan ang itaas ng hagdan kahit na wala naman roon ang kanyang anak at nasa kwarto nito.
“Po? Si Tres lonely? Eh sanay na po iyong mag-isa eh.”
“He’s always with his dog. Sa school niya lang talaga hindi nadadala. Kaya nga mas gusto niyan na manatili lang rito sa loob o kaya ay ipasyal ang kanyang aso sa park basta kasama siya lang ang aso niya.”
I don’t know what to react. Magsusumbong pa naman sana ako na pinagtitripan ako ni Tres kaso pagkatapos ng mga narinig ko, hindi ko alam ba’t nalusaw muli ang puso ko.
“Ba’t hindi niyo nalang po siya bilhan ulit ng bago, Tita?”
“He doesn’t want it anymore. Mukhang nasaktan na ang anak ko.” Mapait siyang napangisi. “Pangalawang beses na kasi siyang namatayan ng aso. Noong bata pa siya, namatay iyong si Three, paborito niya ring aso. He cried hard. Wala iyang iniiyakan Red. Sa aso niya lang.”
W-What? Ganoon siya ka doglover na kaya niyang walang kaibigan at hindi lumabas ng bahay basta may aso lang siya?
“Kaya nga nag-aalala ako sa kanya noong mamatay iyong aso niyang si Third. Kahit hindi siya magsalita, alam kong nasasaktan siya.”
I didn’t know he’s keeping that kind of emotion. Eh sanay naman kasi talaga akong ganyan siya. Sanay akong mag-isa siya. Sanay akong heartless siya. Pero hindi ko inaakalang nagdadalamhati pala siya sa loob. He lost his favorite dog.
Ang lalim rin naman kasi ni Tres. Ang tanging malinaw lang sa akin ay masakit siyang magsalita, napakaheartless niya at makasarili siya. Hindi ko naman alam na sa likod ng pagiging ganyan niya, may nakatago palang mga salitang hindi niya sinasabi. Itinatago niya.
“He’s not showy, Red. Sa tatlong anak ko, si Tres itong naiiba. Inilalabas niya sa ibang paraan ang nararamdaman niya. He’s always deep. You won’t easily read him. Iba siya mag-isip.”
Marahil ay introvert lang talaga siya. Gusto niya lang mapag-isa. Ayaw niyang may kaibigan. May ganoon talaga sigurong mga tao na gustong mabuhay mag-isa. Ayaw ng karamay. But why?
“Wala bang naging kaibigan si Tres, Tita?” Now I’m really curious.
Umiling siya pero parang hindi sigurado. “But there’s this one girl I know when he’s a little kid. Siya iyong madalas niyang kalaro sa park. Ewan ko nga at ano nang nangyari sa friendship nila paglaki nilang dalawa.”
Eh? Nagkaroon siya ng kaibigan pero noong bata lang siya? Ang lonely nga naman ng ganoon. Ako nga di ko mabilang ang playmates ko noong bata ako. Sa sobrang rami ng nakakalaro ko, hindi ko narin maalala.
“Hindi mo ba ako ihahatid gamit ang motor o kaya kotse?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa sa subdivision. The dinner went well. Ang tahimik niya nga lang tapos kami ni Tita itong daldal ng daldal about girly things.
“Stop treating yourself special.” Umismid siya.
Imbes na magalit, napangiti ako. Hindi ko na naiwasang mag-enjoy. Kaya noong dumating ako sa bahay, hindi ko na mabura-bura ang ngiti ko.
Kakapasok ko palang sa aking kwarto ay tumunog na ang cellphone ko. Mas naging malapad ang ngiti ko nang makita ang tawag na iyon. We exchange numbers awhile ago. For emergency purposes daw. Kahit na kinakabahan, sinagot ko agad.
“Miss me?” I chuckled after reading his name on my phone.
“I do,” aniya sa malalim na boses, tila bumubulong.
Niyakap ko ang unan, hindi ko na mabura ang ngiti sa aking labi. Why am I like this? Ba’t nag-eenjoy na ako? Ba’t nagugustuhan ko na itong laro niya. Oh just great. This is just his game, Red.
Napawi ang aking ngiti at nasapo ang dibdib. Easy there, heart. He’s a trap. Makakasama siya sa ’yo. He’s gonna break you. Careful. This is just one of his game to get even. Huwag kang magpadala at tumitibok tibok diyan dahil lang sa salita niya!
“You called. Uhm, may emergency?” tanong ko nang matahimik na siya sa kabilang linya.
“I missed my dog…” He said in a low, yet deeper voice that made my breath hitched.
“Kaya mo ako tinatawagan kasi naalala mo ako sa aso mo? You’re mean as a boyfriend!” I pouted cutely, sinasabayan nalang kahit sa likod ng aking utak ay may sumisigaw na warning.
“Well I missed you that’s why I called…”
Para akong nasuntok at knock-out na agad. Binibilangan nalang ng referee kung tatayo pa ba at lalaban pero tuluyan nang nahimatay dahil sa sinabi ni Tres. This game is a torture!
Chapter 22
Game of Love
Badboy
I am quite happy at hindi ko alam kung bakit. At isa pa, he hates girls. Feeling ko may special treatment ako sa kanya sa t’wing nakakausap ko siya ng malaya at hindi natatakot na masupladuhan. Sanay narin naman kasi ako. I am getting used to his sharp words.
It was lunch time. Imbes na kumain sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ay nalihis ang direksyon ko. Nakatanggap kasi ako ng text kay Tres.
Tres:
Come here
I already get it. Alam kong nasa classroom lamang siya ngayon, mag-isa na naman.
Naging maingay lalo ang tibok ng aking dibdib nang hawakan ko ang doorknob ng kanilang classroom. Gosh heart, calm down! Stop getting excited! Susupladuhan ka lang rin naman niyan. Walang bago.
Pumasok ako. Natagpuan ko agad ang kanyang imahe sa upuan niya, nakaupo siya roon habang may lunchbox sa kanyang desk. Eh? Palagi ba siyang may baon?
“May emergency?” tanong ko nang makarating ako sa kanyang harapan.
“Ano bang tingin mo sa sarili mo pag tinatawagan kita? Ambulansya?” suplado niyang sabi na ikinangiwi ko.
Malay ko ba sa mga tawag niya? Tinapik niya ng pangalawang beses ang katabing upuan kaya umupo rin ako doon.
“Uh… dito ka always naglalunch?” Napatingin ako sa kanyang lunch box. Halatang homemade iyon. “Mommy mo nagprepare niyan?”
Hindi siya sumagot. Sumubo lamang siya, seryosong kumakain.
Ngumuso ako nang maramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan. I am not yet taking my lunch! Kung alam ko lang na naglalunch pala siya ay bumili nalang ako ng lunch sa cafeteria at dito narin kumain. Coz I’m sure he’s not going to share his food…
“Bibili nalang muna ako ng pagkainㄧ”Sit still.“
Kunot noo akong napabalik sa pagkakaupo. Inusog niya sa akin ang lunchbox at ibinigay sa akin ang tinidor. Sa kanya naman iyong kutsara.
“Bibigyan mo ako?” Hindi makapaniwala kong tanong.
“Nandito kana, ano pang magagawa ko.”
Eh nandito lang naman ako dahil pinapunta niya rin ako! He’s crazy!
Kumuha ako ng pagkain roon kaso nalalaglag iyong butil ng kanin. Tumalim ang tingin niya sa akin kaya nahihiya kong ibinaba ang tinidor.
“I-I am not good at using fork as my spoon, Tres. Bibili nalang ako later ng food.”
“Hindi ka talaga nabubuhay ng walang kapares ’no?” aniya.
Namula ang pisngi ko. “N-Nasanay lang ako na dalawa ang gamit kong kubyertos sa pagkain…”
Inilahad niya sa akin ang kanyang hawak na kutsara. Ilang sandali pa akong napatitig roon. Am I dreaming? Ba’t ang bait bait niya sa akin?
“Magpapasubo ka pa ba?” sabi niya kaya mabilis akong umiling at kinuha ang kutsara niya. Nandito na naman itong kakaibang pakiramdam sa tiyan ko.
Nahihiya akong sumubo. He was just staring at me, blangko lang naman ang ekspresyon at nakahilig sa desk habang nakaharap sa akin pero sobrang naaasiwa na ako.
Sunod-sunod ang aking pagsubo hanggang sa nabilaukan na nga ako. Nauubo kong inabot ang tubig kaso kinuha iyon ni Tres. Binuksan niya iyon, hawak ko ang aking leeg at umuubo ako. Buong akala ko ay ibibigay niya na sa akin pagkatapos niyang buksan kaso nagawa niya pa talagang uminom roon. Darn it!
Naubo ako lalo. Doon niya lang inilahad sa akin noong kalahati na ang tubig kaya mabilis ang pag-inom ko. He’s really enjoying this. Making fun of me…
“You’re so mean!” Singhal ko agad nang mahimasmasan ako.
“Di ko kasalanan kung di ka kumakain ng mabagal.”
“P-Pero kasalanan mo naman!”
Umangat ang kilay niya. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Napalunok ako ng laway at hindi na naman alam kung saan ibabaling ang tingin. Umangat ang kanyang kamay at may kinuha sa gilid ng aking labi. Isang butil iyon ng kanin na isinubo niya.
“Eat slowly,” aniya habang ako naman itong pinapamulahan na ng mukha dahil sa ginawa niyang pagkain noong natirang pagkain sa pisngi ko. His actions were confusing me. Feeling ko tuloy normal kaming magcouple.
“E-Eh kasi nakakaasiwa ’yang paninitig mo.” Sumubo akong muli at sa pagkakataon na ’to ay mabagal ko na iyong minuya.
Nang nilingon ko siya ay nakabukas na ang kanyang bibig at ang lapit lapit na sa akin. Oh my gosh! A-Ano bang pinaggagawa niya?!
“B-Bakit?”
“Slow. Feed me.” Itinuro niya ang pagkain.
Namula ang aking pisngi. He’s asking me to feed him? Susubuan ko siya? P-Pero hindi naman ganoon ang mga aso ah? Wala silang kamay para subuan ang amo nila! Ginagawa niya lang bang excuse na girlfriend ang gusto niya kahit ang totoo ay katulong talaga? I look like his slave to be honest.
“P-Pero…”
Halatang hindi na ito nakapagtimpi. Hinawakan niya ang aking pulso at kumuha ng pagkain gamit ang kutsara saka niya iyon iginiya sa kanyang bibig, sinusubuan ang sarili ngunit hawak ang aking pulso, kinokontrol niya iyon.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Para na namang masisira ang ribcage sa loob ko dahil marahas na pumipintig ang aking puso, hindi na maawat. This is really a dangerzone.
Sunod-sunod na araw ang pagtetext sa akin ni Tres, pinapapunta ako sa kanilang classroom para lang samahan siyang maglunch. Kaya minsan, kahit hindi na siya magtext, nauuna na akong pumunta roon at may dala narin akong sariling lunchbox. Ang weird lang dahil palagi siyang nakikipagswap sa akin.
Weekends. Kakagising ko palang pero nakatanggap na ako ng text sa kanya.
Tres: I’m bored. Come here.
Kaya imbes na magbreakfast, nagmadali akong maligo at nagpahatid agad sa kanila.
Nagdoorbell ako. Iyong katulong nila ang bumukas ng gate.
“Good morning po!” Masigla kong bati sa matanda.
“Magandang umaga rin, Ma’am. Ang ganda mo naman ata.” Anang matanda na ikinangiti ko ng matamis.
“Thankyou po!”
“Tuloy po kayo. Nasa kwarto po si Sir Tres. Akyatin mo nalang, hija.”
Tumango ako sa kanya at deri-deritso na sa kanyang kwarto. I even wore a fine dress. Kung alam ko lang na sa kwarto ko lang naman niya ang kahihinatnan ko ay nagpants nalang ako.
Kumatok muna ako bago ko pinihit ang pinto at binuksan iyon. I saw him rubbing the towel on his wet hair, nakatopless ito at kakatapos lang ata maligo.
“Come in,” utos niya.
Nasasanay na ata akong nakikita siya araw-araw, nakakasama siya. I am getting more comfortable these past few days. Ang tibok ng puso ko lang talaga ang hindi ko makalma, hindi ko ito maawat sa t’wing nagwawala ito.
“Lalabas tayo? Mamamasyal sa park?” I asked him.
“Nah. I want to watch a movie. Mamili ka roon sa mga dvd’s.” Itinuro niya ang mga dvd na nagkalat sa sofa.
“Manonod tayo?”
“Manonood ako. Kung ayaw mo, pwede kang hindi manood.”
Ayan na naman yang pagsusuplado niya. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtungo sa sofa. Nangalkal ako roon ng magandang movie. Puro action. Wala atang love story eh.
“Walang lovestory?” tanong ko sa kanya na ngayon ay nagsusuot na ng grey na plain tshirt.
“I don’t like lovestories. Corny.”
“Pero gusto ko ’yon!”
“Ako ang manonood. Kung ayaw mo sa mga movie na nandiyan ediㄧ”Edi h’wag akong manood. O umuwi nalang ako. Lame!“ Inirapan ko siya at namili ng dvd. Sayang naman ang pagpapaganda ko kung uuwi lang rin ako.
He was watching a movie while I’m eating beside him. Napupuno na ng kalat ko ang kama niya. He even glared at me.
“I’m going to clean it myself don’t worry.”
Hindi na siya nagsalita pa at itinuon muli sa pinapanood niya ang buong atensyon. Dalang dala na siya sa kanyang pinapanood na kahit guluhin ko ata ang kama niya ay hindi niya na iyon papansinin. So he likes action movies? Iyong naghahabulan at pinapana ang kapwa? Hunger games iyong title ng pinili kong movie since nagandahan ako roon sa babae.
Hindi ako mahilig sa action. Mas gusto ko talaga iyong pure lovestory lang. Ayoko iyong kinakabahan ako dahil baka nasa likod na ang killer. They always run for their lives. Ganoon palagi ang action. And I hate it. Guess we’re really opposite at everything.
Sandali akong napatingin sa cellphone niyang tumunog. Nilingon ko siya, sa hitsura niya mukhang ayaw niya talagang magpadisturbo.
“Uhm… your phone is ringingㄧ”Answer it.“ Sinenyasan niya pa akong umalis. Sumimangot ako at tumayo para damputin ang cellphone niya sa bedside table.
It was an unknown number. Hindi nakaphonebook. Sigurado ba talaga siyang ako ang sasagot? What if it was his girlfriend? Psh Red, that’s absurd. Kung may girlfriend ’yan baka hindi ka pinagtutuunan ng pansin ng lalakeng iyan.
Namatay ang tawag. Buong akala ko ay hindi na ito tatawag pa pero noong tumunog muli ang kanyang cellphone ay sinagot ko na talaga ito.
Pinakinggan ko ang ingay sa kabilang linya. Ilang sigundo pa ata ang dumaan bago ito tuluyang nagsalita. Narinig ko pa itong huminga ng malalim.
“Hey Tres, uhm… I just want to invite you later. Since it’s Saturday. If you’re free maybe we can watch some movie. M-My treat!” Masigla ngunit nanginginig ang boses noong babae.
Sasagot na sana ako kung hindi lang ako nagulat sa pag-agaw noon ni Tres sa akin. Tiningnan niya ang number at pinatay rin ang tawag. He’s not interested.
“I-It was a girl calling. Niyayaya ka atang makipagdate.” Natawa ako ng peke kahit na may kung anong kakaibang pakiramdam sa aking sikmura. May kinikita ba siyang babae? May nakakaalam ng number niya? Akala ko ba wala siyang kaibigan? Pero ba’t parang meron? At parang close sila?
“I didn’t know you have a girlfriend.” Hindi ko na maawat ang bibig ko kaya noong nagkasalubong ang kanyang kilay ay mapait akong tumawa. “I-I mean g-girl friends… She has your number so… maybe… uhm, she’s close to you?”
Sa dami ng katanungang bumara sa aking utak ay wala sa sarili ko nang naisatinig ang iba. He got this look that made me nervous all of a sudden. Para kasing nang-aakusa iyon ng kung ano. He crossed his both arms and lean on the wall, still facing me, hindi maalis-alis ang nambibintang na tingin. Gosh I’m being nosy!
“Don’t you know how to analyze situations?” Umangat na naman ang kilay niya at mas nanghuhusga na ata ang tingin sa akin.
“M-Malay ko ba. Maybe you’re just so lazy to phonebook her number… or m-maybe you already memorize it kaya hindi mo na nilagyan ng pangalan…” Shit! Why am I stuttering? Nag-iwas na ako ng tingin at wala sa sariling nahawakan ang aking dibdib dahil marahas na naman itong pumipintig at sisirain na naman ata ang ribcage ko.
“Why would I even cheat to my girl?” aniya na ikinakurap ko.
“Well… W-Who’s your girl?” nauutal kong tanong.
Darn it! Ba’t ko pa ba iyon tinanong?! Stupid, Red! Shut your mouth!
Mas lumalim ang titig niya sakin, para bang may isusunod siyang sasabihin na sigurado akong ikapupula ng pisngi ko. Sinenyasan niya akong lumapit.
Lumunok ako at medyo lumapit, sapat lamang na may espasyo pa rin sa aming pagitan.
“Lapit pa.”
“B-Bakit? May kalokohan ka lang na gagawin!”
“I’m gonna kiss my girl. So come here so I can kiss you.”
My eyes narrowed. Tumalikod agad ako habang pinapaypayan ang sarili. Oh my gosh! I’m gonna faint! Anong klaseng laro ba ’to? Parang challenge pa ata na huwag akong maakit sa kanya! Once I let him do the things he wants, baka sa huli ay malunod na lamang ako at magpaubaya. No! Guard your heart, Red!
“Uuwi nalang ako total may lakad kaㄧ”Not yet.“ Hinila niya ang aking braso. “I am not going anywhere,” bulong niya.
Namula ang aking pisngi. Nagkasalubong ang kanyang kilay at bigla nalang yumuko para pagmasdan ng malapitan ang aking mukha. Damn it, Tres…
“I just need your consent… Kung gusto mo ng halik. Bibigyan kita.”
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Itinulak ko siya paalis. Parang kamatis na ang aking mukha sa sobrang pula.
“I don’t want your kisses!” giit ko.
“Namumula ka. Halatang gusto mo.”
“B-Blush-on ’yan. Duh!”
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking pisngi at hinaplos iyon gamit ang hinlalaki niyang daliri.
“Wala kang make-up,” aniya habang nakatitig ng mataman sa akin.
Lumunok ako ng husto. Heto na naman ang puso ko na hindi ko na talaga makalma. I seriously want to pull it out at pahintuan nalang ang pagtibok ng ganito kabilis. Feeling ko talaga inoorasyunan ako ni Tres kaya ganito nalang ang epekto niya sa akin. This is not normal anymore!
Agad akong lumayo sa kanya at pinaypayan ang aking sarili. Nakakainis. Ang hirap talagang walang maging reaksyon sa ginagawa niya. At mukhang nag-eenjoy siyang pahirapan ako. Para siyang gas at ako itong apoy na sa tuwing nagkakalapit kami ay nag-aalab agad ang aking pakiramdam. Gusto ko nalang kadenahan ang aking sarili nang makalayo ako sa tukso.
“You bored?” biglaan niyang tanong pagkalipas ng ilang minuto habang nanonood na siya ulit ng movie.
“Uhm, yeah. Di naman ako mahilig sa ganito… iyong masyadong tahimik…” I laughed awkwardly.
“I am not bored. Too bad for you.” Ngumisi siya ng nakakaloko na ikinasimangot ko.
Sabi na…
Nangalkal siya ng dvds. Kung hindi lang may kumatok sa kanyang pinto ay hindi ako matitigil sa kakatitig sa kanya.
“Sir Tres… may bisita po kayo sa baba. May lakad daw po kayo?”
I knew it! What a liar!
Nasa akin agad ng tingin ni Tres, naninimbang iyon. Kahit wala akong mabasa sa kanyang ekspresyon, pakiramdam ko may mas pakialam pa siya sa irereact ko kaysa doon sa naghihintay sa labas.
“You l-lied.” Natawa ako ng peke.
Hindi ko rin talaga mapigil itong bibig ko. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang tanong ko lalo na’t namimilipit narin ang tiyan ko. My heart is even aching so bad… ano ba itong nararamdaman ko?
Ibinalik ni Tres ang kanyang tingin sa dvds. Namili siyang muli roon.
“Sir Tres?”
“Tell her to leave. Pakisabi at nandito ang girlfriend ko.” Utos ni Tres na ipinagsalubong ng aking kilay.
“Okay po.” At mukhang umalis rin agad ang katulong, hindi na mamimilit. I know Tres is rude when it comes to girls. Pero ngayon lang ako nakontento. Ngayon lang ako nakaramdam ng saya.
“Hindi ka ba naaawa?” tanong ko.
“Sinabi ko na sa’yo, dito lang ako,” aniya habang patuloy parin sa pagkalkal.
“At least treat her nicely. T-Talk to her… Para gumaan man lang ang pakiramdam niya kahit ayaw mong sumama.”
Napalingon siya sa akin kaya nakaramdam ako ng matinding kaba.
“Baka magselos ka pa. Ayoko ng away. I want a chill relation.”
Talaga nga naman! Nagawa ko pang mamula kahit alam kong gawa gawa niya lang iyan! Ginagamit niya rin ata ako para mataboy ’yang mga fangirls niya eh.
Sinenyasan niya akong lumapit.
“B-Bakit?”
“Choose another movie. I can’t choose.”
Iyon lang ang problema niya. Ni hindi niya inaalala iyong babae.
Lumapit ako at nangalkal ng dvds. Umupo naman siya sa sofa, katabi noon, nakapatong ang isang kamay sa headboard at nasa akin ang tingin.
“Di ko naman alam ang taste mo… baka hindi mo magugustuhan ang mapili ko.” Nag-angat ako sandali ng tingin sa kanya pero agad ko ring ibinalik sa dvd’s. Bakit ba ganyan siya makatitig?
“You have a small boobs,” biglaan niyang sabi na ikinahinto ko. Yumuko ako at tama nga ang hinala kong bumabalandra sa kanya iyong dibdib ko. Oh gosh…
Mabilis akong tumuwid, pulang pula ang aking pisngi sa kahihiyan. Tamad siyang tumingala para sundan ang mga mata ko at salubungin iyong muli.
“M-Minamanyak mo ako!”
“I saw it. I didn’t watch it on purpose.” Kibit balikat niya.
Nayakap ko ang sarili, laglag panga na. Sinadya niya ba akong utusan at umupo diyan para makita niya?!
“Stop making it a bigdeal. Akala mo naman hinipuan kita.”
“You just saw my b-boobs! Paano ako kakalma kung ganoon?” Pinaningkitan ko siya ng mata.
“If you’re just using your head. Pwede namang umupo ka sa halip na yumuko.”
“Malay ko ba may laser pala yang mga mata mo at nakakakita ng dibdib!” Pulang pula na ang buo kong mukha. Bakit nga ba ako pumunta rito?
“You crouched that’s why I saw it.” Kalmado niya paring sagot.
Nailing ako, umupo na talaga sa harap ng sofa at nagsimula nalang mangalkal ng dvd. Nalaglag rin naman ang tingin niya sa akin, nakatitig na naman. Di pa aminin! Nagagandahan talaga yan sakin.
Akala ko tatayo na siya lalo na’t gumalaw siya sa kanyang upuan pero laking gulat ko nalang nang itinukod niya ang kanyang siko sa kanyang tuhod, nakapatong ang baba sa palad at hindi inalis ang tingin sa akin. His eyes looked so bored and lazy. He’s watching me closely and I just can’t help not to look at him back.
Ni hindi man lang siya natinag sa pagtingin ko sa kanya. Akala ko iiiwas niya ang tingin pero nagpatuloy iyon. Ako lalo itong sumasabog sa kahihiyan at pinapamulahan ng mukha. Oh damn…
Bigla siyang umihip at umabot iyon sa aking mukha kaya napakurap-kurap ako at napaiwas agad ng tingin. Kahit hindi naman sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa, pakiramdam ko, sobrang lapit na.
“Tagal mong mamili.”
Imbes na sumagot, lumunok lamang ako. I never been this conscious. Ngayon ay iniisip ko na ang mukha ko, ang kabuuan ko. Iniisip ko na, na sana ay representable akong tingnan. Lumalawak na ang aking pag-iisip at hindi ko na iyon nagugustuhan. I am starting to create impossible scenes. Pinapalaki ko sa imahinasyon ko ang nararamdaman ko kay Tres at ako na mismo ang bumubuo ng magiging kahantungan namin. At pag ipinagpatuloy ko ito, masasaktan lamang ako ng sobra. Dahil alam kong salungat kami sa lahat ng bagay. Hinding hindi kami magtutugma.
Kinalma ko ang sarili at dinampot ang dvd na napili ko. Ipinakita ko agad sa kanya.
“This one!” Naputol ang pagkakatitig dahil sa pag-angat ko noon. Hindi ko narin makita ang kanyang mukha.
“Hindi ko gusto.” Ibinaba niya iyon at bumalik muli ang tingin niya sakin, wala nang harang.
Ngumuso ako. Akala ko ba kahit anong mapili ko? Kanina isang pili ko lang naman pinanood niya agad.
Nangalkal ulit ako at ipinakitang muli ang napiling dvd. Tumakip iyon sandali sa aming view pero binaba niya rin at nagsalubong muli ang aming tingin.
“Choose another.”
Iyon ang pinaggagawa ko. Itinatabi ko ang hindi niya nagugustuhan. At habang tumatagal ay para na iyong nagiging building sa aking gilid dahil nirereject niya naman lahat. Hinahawi niya lang palagi.
“This is the last dvd. Di mo parin gusto?”
Akala ko ay ibababa niya, pero bigla niya nalang ibinagsak ang kanyang sarili sa sofa hanggang sa magsalubong muli ang aming tingin. Nakaharap siya sa akin habang nakatukod ang siko at ang kamao ay nasa pisngi niya na, ginagawa niya iyong suporta sa kanyang ulo.
Itinumba niya iyong pinagpatong patong kong dvds kaya kumalat iyon sa aking harap. Yumuko ako at nagtatakang ibinalik ang tingin sa kanya.
“Choose again. May nagustuhan akong dvd pero hindi ko na matandaan. Show it again to me one by one.”
Laglag panga na ako. Eh ang dami nito! He’s unbelievable! Tao pa ba itong kaharap ko?! What a badboy!
Chapter 23
Game of Love
Maybe
“Minsan ka nalang namin nakakasabay maglunch. Saan ka kumakain?” tanong ni Troye. Si Leeland ang lalim na ng titig sa akin kahit si Klint ay nasa akin ang tingin habang sumusubo ng fries.
Alam kong may ideya si Leeland lalo na’t nagkausap sila ni Tres. Nananalangin nalang ako na hindi niya iyon mabanggit sa kanila.
“Doon sa classroom nila Tres,” pag-amin ko na ikinasamid ni Klint. Si Troye napatingin pa kay Leeland.
“Hindi parin tapos ’yang dare dare niyo?”
“Ewan ko kay Red. Tapos na ata eh.” Kibit balikat ni Leeland.
“Sa ating dalawa tapos na. Pero sa amin ni Tres hindi pa! Naggo-go with the flow lang naman ako! I am just playing. Boring kasi…” I chuckled.
Ayoko munang sabihin sa kanila ang totoo. What if lumaki ang issue tapos kumalat! I need to play safe. At mabuti na rin ang ganito. Tres is somehow tamed. I mean, he’s getting nice. Not the nice type of guy na gentleman, palangiti, matulungin, iyong nice na wala na siyang ginagawang nakakakilabot sa akin. Iyon nga lang utos nang utos! Hindi nauubusan! He’s 99% badboy and 1% nice.
“Playgirl mo Red.” Tumawa si Yashin.
“Pati weekends magkasama kayo? Hindi mo na kami niyayaya ni Yash na pumunta sa bahay niyo,” tanong naman ni Hannan, sandaling namalagi sa akin ang tingin pero bumaba rin sa pagkain.
“Yep! Feeling ko talaga maiinlove na ’yon sakin,” natatawa kong sabi. “I’m going to pin him down guys.” Pagmamalaki ko sa kanila na kahit si Troye tumayo pa, pumalakpak.
“Ang mga ganyang confident dapat binibigyan ng standing ovation!”
Klint pulled him down kaya natigil rin ito. We all laughed.
“So… noong saturday nandoon ka?” Hannan asked after laughing.
Tumango-tango ako. “And you know what Hannan, may babaeng pumunta sa bahay nila. Nakakaawa nga dahil tinaboy niya eh. Mukhang may babae pa ang hindi aware na masama ang ugali niya.”
Sumubo siya, nginitian ako.
“Tres will always be Tres,” aniya.
“Pero nakakapagtaka at mukhang hindi ka niya tinataboy. Baka may gusto sa’yo, Red?” Pag-aakusa sa akin ni Troye, he was smiling from ear to ear at inaangat angat niya pa ng sabay ang dalawa niyang kilay.
“Maybe.” Peke akong natawa. Kung alam niyo lang. Ginagawa niya akong utusan! Ang raming utos!
“Baka ikaw ang mafall niyan, Red.” Nag-aalalang sabi sa akin ni Klint na ikinahagalpak ko ng tawa. I wanted to say na I already fell at matagal na pero ayokong ibigdeal itong nararamdaman ko for him. I know it will disappear soon. Pinag-aaralan ko pa kung paano lalo na’t lumalala lamang nang lumalala.
“Ako mahuhulog?” I laughed unbelievably again. “That’s bullshit!”
Napakabullshit nga naman at nagkakagusto ako sa lalakeng opposite sa pinapangarap ko. Ganoon ba talaga? Bakit nahuhulog tayo sa taong hindi naman natin gusto? What kind of sorcery is that? Bakit nagdedesisyon ng mag-isa ang puso natin? Bakit hindi nakikioperate? Kung hindi lang siguro ito tumitibok sa taong alam naman nating hindi tayo magugustuhan pabalik, siguro walang nasasaktan ngayon. Can’t we just love someone who will love us back?
Nagtuloy-tuloy ang ganoon sa amin ni Tres. He used to text me para lang may iutos at wala akong nagagawa kundi sumunod. My Dad is a senator. Pag ipinagkalat niya ang behavior ko, ano nalang ang iisipin ng mga tao sa Daddy ko? Na hindi ako pinalaki ng maayos kaya lumalandi ng maaga at sa ganoon pang paraan. I don’t want to stain my faher’s name.
But because of that, mas naging close ako sa kanya. May nalalaman akong maliliit na detalye sa buhay niya, tungkol sa kanya. Naalala ko pa iyong pagshishare ng hates and likes niya. Hindi niya iyon iniopen-up, kusa talaga akong nagtanong.
“Your favorite color is grey and black?” tanong ko sa kanya nang mapuna ko ang mga kulay ng kanyang gamit.
Sunday noon. It was raining outside. Kaya imbes na pumuntang park, nalaglag ulit kami sa kanyang kwarto, nagkukulong na naman habang nagbabasa siya ng libro.
“It’s white,” aniya na ikinagulat ko. Talaga? Eh ba’t mas maraming grey ’tsaka black?
Umupo ako sa sofa at nagsquat roon, itinukod ko sa aking legs ang siko at ipinatong sa aking kamay ang ulo. Ganoon ang posisyon ko.
“Eh favorite food mo?” tanong ko.
“It’s none of your business.”
“Just answer it. Nabobored ako eh.”
Inilipat niya ang pahina. Nakatunganga naman ako at hinihintay ang kanyang magiging sagot.
“Pasta.”
“Ay hate ko ang pasta eh.” Nandiri ako. Opposite na naman kami.
Mahilig siya sa aso, ayoko naman sa aso. Mahilig siya sa action movie, ayoko naman sa action movie, mahilig siya sa tahimik na lugar, ayoko naman sa ganoong lugar. Mahilig siya sa white, black naman ang akin. Iyon ang mga hilig niya na alam ko.
“I love rain but I hate getting wet. Just sharing! Para naman may ideya ka sakin!” Tumawa ako. He didn’t answer and just flip the page.
“I love sweet food but I hate chocolate! Ang weird ’di ba?” Natawa na naman ako, at sa sarili ko lang ring sinasabi. I am having fun talking to myself.
“How ’bout you? What do you love? What do you hate?”
I’m not sure if he’s going to share it. Pero hindi talaga ako kumurap at inabangan ang pagbukas ng bibig niya. I am very curious and interested too.
“I hate girls…” As expectedㄧ“But I love sex.” Dugtong niya sa baritonong boses.
My cheeks heated as I gulped repeatedly. Sa ikatlong subok kong lumunok, hindi ko na iyon magawa ng maayos dahil parang may bumara na sa aking lalamunan.
“F-Funny…” Natawa ako ng peke. Para akong timang na tumatawa nalang sa sobrang awkward.
“So… wala ka pang nagiging girlfriend?” Pag-iiba ko agad ng topic para maiwala namin iyong censored part.
“Meron.”
“Huh? Sino?”
“Ano ba kita ngayon? Aso?”
Naliwanagan din naman ang aking mukha. “I mean ’yong seryoso! ’Yung hindi ganito. ’Yung totoong naging girlfriend mo.”
Nanatili siyang tahimik.
“Hindi mo pa nararanasang magmahal? Ayaw mo ba sa pag-ibig? Don’t you want to fall inlove?” I’m clueless. Alam kong tamad si Tres sa lahat ng bagay, pero pagdating sa pag-ibig, kahit gaano natin katamad, nakakaya nating gawin ang lahat. Imposible namang hindi rin ganoon si Tres… Yeah, very imposible.
“I don’t mind having it, but I’m not in the mood to chase it. To chase love.”
I was blown away for a second. Pero kung itatranslate mo iyon sa ibang kahulugan, in short, tamad siya. Pinahaba niya lang ang explanation.
“Love comes in a right time. So why do you have to chase it? Why not wait?” Dagdag niya pa.
Malalim ang pananaw ni Tres sa lahat ng aspeto sa buhay, kahit sa pag-ibig. At ako, sobrang babaw talaga.
Namula ang pisngi ko nang maalala ang araw na iyon lalo na’t hindi maalis sa aking isipan iyong hate at love niya. How come he hate girls and love that thing? Paano niya ’yon magagawa kung ayaw niya sa babae?
Malapit na ang Pasko kaya wala na kaming pasok. Last year, ginamit namin ang aming yatch at nag-island hopping kaming anim. Kaya hindi ko rin sila namimiss tuwing walang pasok dahil nagkikita naman kami.
Naglog-in ako sa aking social media account. Maingay sila sa gc at topic iyong lakad namin bago magpasko.
Klint: Tuloy ba iyong plano next week?
Ako: I’m always game. Ewan ko sa iba.
Troye: Tuloy ako.
Leeland: Hannan told me hindi siya makakasama.
Napasimangot agad ako. Why?!
Yashin: Ako rin eh.
Ako: What? Why? Libre ko naman kung pera ang problema, Yash.
Last year, nilibre ko lang rin siya eh. May kaya naman sila pero wala lang talaga silang budget sa mga bagay na hindi naman gaanong importante. Her parents prioritize her needs more than her wants.
Troye: Ang kj mo Yashin. Nakakatandang dalaga yan.
Klint: What’s the matter Yashin?
Yashin: Di na kasi ako papayagan ni Papa.
Ako: Don’t worry about it. Leave it to my Daddy.
Yashin: H’wag na, Red. Mukhang may outing kasi kaming pamilya.
Ako: Ilang days lang naman ah?
Leeland: Come on, Yashin. H’wag namang kj!
Yashin: I’m sorry guys. See you nalang sa pasukan.
Ako: Alright. Kami nalang.
Ang sabi ni Leeland, kaya hindi raw makakasama si Hannan dahil pupuntahan raw nila sa province yung parents ng Mom niya. Sa pagkakaalam ko, iyong Daddy niya ang mayaman while her Mom is just poor.
Sanay narin naman ako na palagi akong nag-iisang babae sa mga lakad namin. Tuwing nagkacut kami ng class, hindi rin naman kasi sumasama iyong dalawa. And I’m getting used to it. Medyo nakakalungkot nga lang dahil hindi ko sila makakabond ngayong December. Siguro bibisitahin ko nalang sila. Magpaplano nalang ako ng lakad na kami lang tatlo kahit isang araw man lang. I’ll treat them both.
“Here’s your pocket money, sweetie.” Inilahad sa akin ni Dad ang isang sobre na may makapal na lamang pera.
We’re having a dinner. Alam nila na tuwing December, gumagala talaga kaming magkakaibigan.
Tinanggap ko iyon. “Thanks Daddy! I’ll be good don’t worry…” sabi ko pa, sinisilip ang loob at isang libo ang naroon, hindi mabilang ng aking mga mata.
“Limang bodyguards nalang kaya ang ipaconvoy natin sa kanila, hon?” si Mommy na nag-aalala.
“Mommy! Three bodyguards are enough!” sabi ko.
“She’s with her three boy friends, hon. Stop worrying about your daughter,” wika ni Daddy na ikinatango ko agad.
Mom eyed me. “She’s just sixteen, Eduardo.” Ibinalik niya ang tingin kay Dad, ngayon ay naniningkit na ang mga mata. “What if something happened. Ilang days siyang mawawala. Marami na ang masasamang tao ngayon! Gusto mo bang mawalan ng unica hija? Jusko…” Madrama niya na namang natampal ang kanyang noo.
“Mom! Sila dapat ang mag-ingat sa akin!” Pagbibiro ko na ikinatalim ng tingin niya kaya humalakhak kaming dalawa ni Mommy.
“Hon,” my Dad held her hand. “She’s going to be safe. Pagbigyan mo na. Para naman makapagbakasyon iyan. Kakatapos lang ng klase at ilang linggo nalang pasukan na naman. At least give her time to release her stress.” Hinaplos-haplos niya ang likod ng kamay ni Mommy, nangungumbinsi rin ang mapupungay na mata.
I nodded. “Daddy is right, Mommy. Alam mo ba, nakakastress yung Math subject! Tapos ’yung mga projects! Sinong teacher ang maiisipang magpadrawing ng organ? Tapos kailangan pang pangalanan ang bawat parts. At dapat iexplain! Gosh! My brain just died Mommy… Stress na stress ang braincells ko.”
“See?” Umangat ang kilay ni Daddy.
Bumuntong ng hininga si Mommy at gumuhit sa mukha ang pagsuko. I smiled widely.
“Just be careful ’kay?” si Mommy.
Tumango ako at tumayo sa aking upuan. Umikot ako saka sila pinuntahan at niyakap ng mahigpit.
“Thank you so much! I love you, Mommy, Daddy! Best Christmas gift ever!”
“This is not yet our present for you, Christienne baby,” sabi ni Daddy na ikinaexcite ko.
They always spent too much money when it comes to me. Sa isang linggo, kaya ko atang magpalit palit ng cellphone kung gugustuhin ko lang. O kaya sa isang buwan ay bumili ng bagong kotse. Dad always spoils me. Sa sobrang bait ng mga magulang ko sa akin, hindi ko na alam kung paano sila pasasalamatan. Kung enough ba iyong pagsabi ng I love you everyday o iyong paghalik sa pisngi nila. Napakaswerte ko lang talaga bilang isang anak at lumaki ako sa ganitong pamumuhay. Hindi inaalala ang pera. And I’m lucky dahil hindi lahat ng anak, naibibigay lahat ng kapritso nila.
Ako: Dad said we can use our car service, plus our driver. So there’s no need to worry about it.
Tinitigan ko sandali ang isinend kong mensahe sa gc. Si Troye ang nagview. Iyong iba, offline pa ata.
Troye: Ayun! Thanks, Red! Nabangga ko pa naman ang kotse ko. Banned ako ngayon sa pagmamaneho.
Napairap nalang ako sa ere. That’s not new to me. Last year, nabangga niya rin iyong car ng Daddy niya, tapos iyong car rin ng pinsan niya ’tsaka kapatid. Binilhan siya ng sarili niyang kotse and unfortunately, nabangga niya na naman ulit.
Ako: Di ka kasi nag-iingat! Wala ka pa ngang license ganyan na. Bagay nga sa’yo. Bleh!
Troye: It was raining at hindi ko nakontrol ang manibela. Just be happy I’m safe.
Ako: Kahit mabangga ka, your head won’t lose anything. You have no brain!
Troy: Hey, bully! Porket kumakalat sa school na may something sa inyo noong Buenaventura ganyan kana. You don’t love us anymore. :’(
Natawa ako sa smiley at pagdadrama ni Troy. Binibigdeal kasi ng tatlo iyong rumor na kumakalat sa school last week. They say I am Tres’ hidden secret girlfriend. Eh hindi naman kami nakikita ng mga estudyante na magkadikit sa school lalo na’t hanggang lunch time lang naman kami nagkakasabay at wala pa roong tao sa classroom nila.
Pero iyong mga classmate niya, naghihinala. One time kasi nadatnan ako ng grupo ng mga babae niyang kaklase, katabi si Tres at naglalunch kaming dalawa. They looked shock. Kahit ako nga nagulat eh. Iyon ang unang beses na may makakita sa aming mga estudyante na magkasama kaming dalawa sa classroom na ’yon.
Ako: I already explained that I am not inlove with Tres. At wala ring chance na mafafall ako. I am just going with the flow okay? I’m gonna pin that badboy down. ;)
Nagview bigla si Klint, sumunod naman si Troye and including Leeland. This guy…
Klint: Alright, babe. We believe in you. H’wag mong pansinin ’yang si Troye. Alam mo namang kulang kulang ’yan.
Leeland: We’re jealous.
Ako: I’m loyal with my friends! I don’t need a boyfriend so chill guys! And thank you Klint.
Sinamahan ko pa iyon ng heart emoji sa dulo.
Troye: Gago ka Martinez! Eh mas malaki pa nga ang ano ko sa’yo!
Ako: Ew! Out na nga ako. Iba na magiging topic niyo.
I hurriedly turn my connection off dahil sigurado akong magtatopic sila ng mga boys nature and stuff. Ilalapag ko na sana iyon sa aking bedside table kung hindi lang iyon nagbeep. Someone texted me.
Tres: Let’s meet tomorrow.
I almost forgot! Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na tatlong araw akong mawawala.
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: May lakad ako bukas eh :/
Tres: Then we can meet after that.
Ako: Ilang days akong mawawala, Tres. Magb-beach kami.
Tres: With your family?
Ako: With friends.
Medyo natagalan ito sa pagreply. Ang inaasahan kong text na dumating, isang tawag ang bumalandra sa screen ng aking cellphone.
Sinagot ko agad iyon.
“Heyㄧ”Friends?“ Bungad niya agad at nagkasabay pa kaming dalawa.
“Yup! With Klint, Leeland and Troye. Nakakastress ang school kaya nagdesisyon kaming libutin ang Pilipinas sa tatlong araw. Pupuntahan namin ang magagandang beachㄧ”How ’bout your two friends? Those two girls…“
“Ah si Yashin at Hannan? Hindi daw sila sasama e,” sabi ko.
I heard him groaned. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkukwento sa magiging lakad ko.
“Bibisitahin namin ’yong magagandang beaches. Don’t worry, dadalhan kita ng souvenirs. Alam ko namang hindi ka mahilig sa mga travels unlike me. I’m into adventures!ㄧ”Your parents let you? Tapos ikaw lang ang babae?“
“Binabae kaya iyong tatlo! Lalo na si Troye ang lamya!” Tawang tawa ako sa sarili kong joke habang siya naman ay mukhang seryosong seryoso sa kabilang linya. Naiimagine ko ngayon ang magkasalubong niyang kilay.
“Do you have your bodyguards with you?”
“Uh yes…”
He’s worried. I can sense it. Kahit hindi niya direktang aminin ay nararamdaman ko kahit papaano.
“Tss. Bahala ka. Buhay mo naman ’yan,” aniya.
’Yun na nga! Ba’t bigla bigla ba kasi siyang naiinis d’yan? Iiyak ba ang araw niya pag di niya ako nabubully? Matagal akong mawawala kaya wala siyang mauuto. Buti nga sa kanya.
“Pagkauwi ko, dederitso nalang ako sa bahay niyo. Hindi ba nagbabalak ang parents mo na lumabas ng bansa? Magbakasyon ng ilang araw doon?”
“They don’t have plans. Magpapahinga lang sila sa bahay.”
“Ikaw? Magkukulong kana naman sa kwarto mo?”
“Yeah…”
Ngayon na wala na siyang alagang aso, hindi ba nakakalungkot ang araw niya? Wala na siyang mapaglilibangan. Tapos mawawala pa ako ng ilang araw. Ano nalang gagawin niya?
“Pwede ka namang sumama sa amin.” Alok ko kahit alam kong napakaimposible niyang sumama.
“Don’t want to,” he said boredly.
“Just try it Tres. Masayang magtravel. Try to have fun at least once in a year. Gift mo nalang sa self mo.” I curled some strands of my hair on my finger while talking to him.
“I am having fun,” he said lazily.
Oh right… He’s having fun bullying me! I groaned when I realized it.
“Stop making funny noises,” irita niyang sabi kaya napakurap ako.
“Huh? Funny noises?”
“Yeah…” medyo paos ang kanyang tinig.
“I am not making funny noises! I just groaned coz I remember you’re having fun and it’s because you’re bullying me!”
“Bullying, huh?”
“Yes, bullying! You don’t know how to treat a girl right,” I murmured.
“Tss. Inaalagaan kita ng maayos ah?”
My eyes narrowed. Inaalagaan ng maayos? Huh? I can’t remember that part! Walang maayos!
“Liar! Masama ang ugali mo.”
Hindi siya umimik. Siguro napagod na magsalita lalo na’t nakakarami na siya ng sinasabi.
“Uh, Tres?” I called softly.
“Hmm?”
Ngumuso ako nang mapagtanong nakikinig pa rin pala siya. So maybe… uh, I can talk more? Fine. Magkukwento na nga lang ako.
“Hindi mo pa ba ibababa?”
“Why? You don’t want to talk to me anymore?”
Lumunok ako at may sumasalakay na naman na kakaiba sa aking tiyan. Namimilipit ako sa kaba at halo halong emosyon.
“Gusto ko naman kaso baka…”
“Baka ano?”
I shut my eyes harshly. Nahaplos ko ang aking dibdib. It’s really weird. Parang sasabog ang aking puso sa kaba.
I groaned with my own frustrations.
“I said stop making weird noises,” he groaned, too.
“Nakakafrustrate ka kasi! Kasalanan mo ’to!” I sighed heavily.
“Tsss. I’ll hang up.”
Hindi man lang hinintay ang aking sasabihin at pinatay niya agad. I sighed more when I couldn’t help not to smile.
Nagtipa agad ako ng mensahe para sa kanya habang kagat ang pang-ibaba kong labi.
Ako: Good night! Sungit!
And I’m already used to it. Na madaldal talaga ako at tahimik siya. Ayaw niya sa madaldal at ayoko rin naman sa tahimik. We always don’t match. Pero sa bawat pagpikit ko sa aking mga mata gabi-gabi, hindi ko pa rin talaga naiiwasang hindi ipagdasal na sana ay totoo talaga iyong sinasabi nilang opposite attracts. Kahit malabo, kahit imposible, nagbabasakali parin ako. Maybe there’s a chance…
Chapter 24
Game of Love
Travel
Hinawakan ko ang suot na sombrero noong makalabas kami ng tuluyan sa sasakyan. I am wearing a long floral dress paired with sandals. Sumalubong sa akin ang hangin kaya sumayaw ang suot ko. Tumingala ako at napangiti dahil sa tama ng sinag ng araw.
“Nice shot!” Nilingon ko si Klint na tinitingnan na ang kanyang dslr. Sila ni Troye itong mahilig akong kunan ng stolen shots. Pero kumpara kay Klint na magaganda at pang instagram ang kuha, kay Troye naman iyong pangblackmail at hindi mo gugustuhing makita tuwing birthday mo.
Naka board shorts silang lahat at simpleng cotton shirt but unlike Klint na may suot na cup at inilalantad ang noo. He’s the badboy type kung manamit lalo na’t may isa siyang earing sa left ear pero madalas rin kasi siyang ngumisi kaya mas mapagkakamalan mo siyang playboy. Which is really true.
“Sayang at hindi nakasama ang mga babae,” sabi ni Leeland habang ginagala ang paningin sa kabuuan ng una naming naging destinasyon.
Sayang nga. Pero nagtext naman ako sa dalawa na nagpaplano rin ako ng lakad namin after nito. Pinasuggest ko sila, hindi ko pa alam kung ano ang naisipan ng dalawa.
Dala dala ng aking mga bodyguards ang iilan kong gamit. Nakabuntot sa akin ang mga ito habang bumababa kaming apat sa hagdanan. At ang nakakatakot pa rito, pababa siya, na pag natapilok ka ay magpapagulong-gulong ka talaga sa pinakaibaba at dederitso sa kulay asul na dagat. Namamangha ako dahil ang linaw rin ng tubig at kitang kita mo na ang iba pang isda na malayang lumalangoy roon.
Inalalayan ako ni Leeland, si Klint naman ang pumwesto sa aking harapan para incase daw pag natapilok ako, lalagapak ako sa kanyang likod. How paranoid. While Troye, he’s busy taking pictures!
“Epic ng mukha mo rito Red!” Tawang tawa na siya habang humahakbang pababa while watching his own dslr. This skank! Gagantihan kita mamaya humanda ka!
“Enchanted ba talaga ang river nila kaya iyon ang pangalan? Enchanted river?” tanong ko kay Klint nang tuluyan kaming makababa. The river is green and blue at the same time. Parang humahalo ang dalawang kulay at nagiging light iyong nakapalibot. Idagdag pa ang malalaking isda na nakakasama mo rin sa paglangoy. I didn’t know a beautiful river exists in this kind of place.
He nodded while watching me putting my sunblock.
“It was also named as Hinatuan Sacred River. It’s a deep river on the island of Mindanao in the Philippines.” Kinuha niya sa akin ang sunblock at naglagay ng kaonti sa kanyang palad.
Nagpasya kaming dito sa Mindanao gumala. Sumakay kami sa barko at magtatravel na through land para puntahan ang mga magagandang destinations dito.
Ibinalik ko ang tingin sa Enchanted River. So, this place is sacred? May malalim raw kasi itong parte na kailangan mo pang sisirin para lang makapunta sa pinakailalim. Napakadelikado raw sa parteng iyon.
I watched Troye took his tshirt off and jumped on the clear water. May mga grupo ng babaeng titig na titig sa kanya roon while we has enjoying himself at nagagawa pang sumigaw. Kahit na para siyang baliw, nakakaattract pa rin siya. He’s very jolly and energetic. Para siyang may palaging reserbang energy sa lahat ng bagay.
“Come here, you two!” sigaw niya sa amin habang nilalagyan ni Klint ng sunblock ang aking likod. I am still wearing my long dress.
“Later!” I shouted back.
Tumalon na rin si Leeland papunta roon. He’s topless too. Sinuklay niya agad paatras ang kanyang basang buhok nang iahon ang sarili sa pagkakalublob. Ngayon ay nasa kanilang lahat na talaga ang tingin. Sa bawat lakad talaga namin, walang babae ang hindi nakakapansin sa kanila.
I wore a halter back sando and cyling imbes na magbikini. Parang hindi kasi akma kung ganoon ang suotin ko.
Hinila ako ni Troye sa ibang parte. He was talking nonsense things to me at hindi ko na iyon maintindihan. Malamig ang tubig at napakapresko sa pakiramdam. Ibang-iba ito sa mga swimming pools na naliguan ko na. It’s like it’s really a fresh water.
Ang next naming destination ay sa Seven Seas. It was located in Cagayan de Oro. Iyon raw ang may pinakamaraming rides. Since we want a thrill. Maganda raw doon. Google suggested it to me.
“Walang signal…” Itinaas-taas ko ang iPhone ko habang nasa byahe kami. Patungo na kami roon sa Cagayan.
“Wala rin akin eh,” sabi ni Troye sa akin. He was playing games on his phone. Piano tiles. Akala mo sobrang galing maglaro eh hindi naman.
“Bakit Red? May namimiss ka?” tanong bigla sa akin ni Leeland, medyo seryoso pero ngumisi rin kalaunan.
Umiling ako. “Kukumustahin ko lang sana si Yash at Hannan. Namimiss ko na sila.”
“H’wag kang mag-alala. Nagsasaya rin ang dalawang iyon kasama ang mga pamilya nila.” Ibinigay sa akin ni Klint ang hawak niyang Pringles. Kumuha ako roon.
Nagkibit-balikat nalang ako at isinubo ang iilan.
Gabi na noong makarating kami roon. Nagcheck-in nalang kami, nagdinner saka natulog.
“Woah! Let’s ride that thing first!” Itinuro ni Troye iyong pinakamalaking slides na natanaw namin pagkapasok palang sa entrance kinaumagahan. Para iyong malaking spiral at kapansin-pansin. Sa sobra nitong laki, may kung anong gumapang na kaba sa aking tiyan. But I’m excited at the same time!
“We can’t. Dapat doon muna tayo sa mga easy na slide para may thrill,” sabi ko.
“Let’s change our clothes first,” ani Leeland na sinang-ayunan ko rin. Rashguard naman iyong akin at kulay black.
Nakatrunks lamang ang tatlo at topless na naman. Umakyat kami sa unang slides na parang madali lang naman. May mga maggaguide naman sa’yo sa itaas at tinuturuan ka kung anong tamang posisyon ang gagawin mo para hindi ka madisgrasya. Safety first.
Sa dami-rami ng kailangan naming itry na rides, nangatog na ang tuhod ko roon sa huli. Iyong para kang gagawing rocket sa loob at bigla-bigla ka nalang mahihila sa malaking tube. I even heard Troye’s scream. Para siyang nahigop noong tube at dinala sa pinakadulo. Masyado iyong mabilis na hindi mo na masundan ng iyong mata.
Kahit takot, I tried it. Ipwinesto ko ang dalawa kong kamay at sinunod iyong sinabi ng guide na pinaekis raw.
“I’m going to dieㄧ” Nakakabinging tili na ang naisunod ko. Parang may kung anong hangin ang humigop sa akin at itinutulak ako sa pinakadulo. Sa sobrang bilis ng pangyayari, natawa nalang ako nang makarating ako sa exit noong tube. It’s really scary. But fun!
“Paos na ata ako…” I murmured while we’re having lunch. Sa bawat slides ata ay tili ako nang tili.
“Tapos ako bingi. Eh palagi akong nasa harap mo sa t’wing sumisigaw ka ng malakas.” Reklamo ni Troye na sumubo agad ng pagkain.
“At least we had fun,” si Klint.
Oo nga naman. Bigla akong may naalala. Kumusta na kaya si Tres? I’m sure nasa kwarto lamang siya, lazing around.
“Is that Kazi?” Troye pointed someone. Napatingin na rin ako sa entrance at nakita nga ang playboy na pinsan ni Tres, may kaakbay na babae.
“Nandito siya?” Mapanghinalang tanong ni Leeland at nagawa pa akong lingunin. Those eyes were accusing me.
Umiling agad ako. “I didn’t know.” And wait. Ano namang kinalaman ko sa playboy na ’yan?
“Alam niyo ’yan, gala rin nang gala. Opposite sa kapatid niyang seryoso sa buhay,” ani Klint na sinang-ayunan namin. Kahit saan ngang party ay nandoon siya kaya hindi na ako magtataka kung nakita rin namin siya dito.
“Kazi!” Tawag ni Troye kaya napalingon na ito sa amin. His flashy smile were kind of taunting when he looked at me. Ewan.
“Sup!” Kumaway siya, iginigiya narin iyong babae niya rito sa aming direksyon.
“Kayo lang?” tanong agad ni Leeland noong makarating ito sa aming harapan. Hindi agad natuloy ang pagsubo ko ng fries dahil tutok na tutok na ako sa magiging sagot ni Kazi.
Sumulyap siya sa akin sandali pero umiling rin. “I’m with my friends.”
Friends? Hindi cousins? Or… Tres? That’s very absurd, Red. Ang lalakeng iyon may interes sa ganito?
“Hulaan ko, nakilala mo lang yang babae sa pool ’no?” Pang-aasar ni Klint na ngumingisi na. Nagawa pang agawin sa akin iyong hawak hawak kong fries at isinubo sa sarili.
“Hey! That was mine!” Kinurot ko si Klint. Gumanti siya at kinurot ako sa pisngi saka siya kumuha ng fries at isinubo sa akin. Ngumiwi ako.
“Yeah…” Sagot ni Kazi at humalakhak. His hair were a bit messy. Basa pa iyon at nakawhite polo lamang siya. Bukas ang dalawang botones at may kung anong pantal na itinatago roon sa loob. That looked like a hickey to me.
Umupo siya sa aming mesa. Iyong babae niyang kalandian pinaalis niya na pero binaunan niya ng halik. Ew.
“So, ano ’to? Fieldtrip niyong apat?” tanong ni Kazi habang kumakain na rin.
“Nope, we’re travelling,” si Leeland.
Umangat ang kanyang kilay. “Travel? Talaga?”
Tumango naman ang tatlo. They’re close with Kazi. Malamang kauri nila ’yan sa Bar. Nanghahablot ng babae tapos nakikipagmake-out. Boys and their nature.
“With this hot chic?” Tiningnan niya ako.
“Hot chic ba ’to? Eh ang payat nito. Walang kalaman-laman.” Puna sa akin ni Troye at nagawa pa akong akbayan.
“Stop it jerk.” Hinawi ko ang kanyang kamay. “Kaysa sa’yo dugyot.” I scowled.
“Sshhh, Red. Baka may makarinig na chic sa’yo maturn-off sakin.” Tinakpan niya pa ang aking bibig kaya hinila ko agad iyon paalis.
Kazi chuckled. “Masaya nga namang may kasamang babae sa grupo. Too bad I don’t have a girl bestfriend.” Nailing siya at sumubo.
Ibang topic na ang kanilang pinag-uusapan at hindi na ako relate kaya kumain nalang ako ng tahimik. First, basketball ang topic nila. Natopic nila iyon dahil nangumusta si Leeland doon sa kapatid niyang captain raw ng basketball team. Second, mga babae. Iyon daw madalas na magparty na si Abbey, ’yong babaeng famous sa Bar dahil sa pagiging partygirl at hot. Sayang nga daw at mas matanda sa kanila. Di daw ’yon pumapatol ng kids and that girl is already a senior. Third, mga kotse na. Nakwento pa ni Kazi na sumasali siya sa drag race tapos naging interesado agad si Troye. Mukhang alam ko na ang magiging kahihinatnan ng kotse niya.
Natigil lang sila sa pagkukwentuhan noong pumasok ang mga kaibigan ni Kazi. Mga kaklase niya rin ata.
“Kakausapin ko lang muna sila. See you later.” Tiningnan ko itong umaalis sa aming table at lumipat sa kabila saka ko itinuon sa tatlo.
“What is he talking about? Hindi pa tapos ang chitchat niyo?”
“He’s coming with us. Total pauwi na rin daw sila niyaya na naming sumama,” si Leeland.
That’s fast. Oh well. Mukhang nakulangan sila sa pag-uusap nila.
Huling destinasyon namin ay iyong Subic Beach. It was locatid in Matnog, Sorsogon. Balita ko kasi, pink sand raw iyong beach nila and I want to prove it with my own two eyes.
Travelling by land is quite exhausting pero dahil marami kami ay masaya rin. We’re always loud. Tumatahimik lamang pag tulog kaming lahat. Nagpapasalamat ako na ang dala naming sasakyan ay may komportableng tulugan.
My Dad bought this Hyundae Grand Starex Limousine for myself. Birthday gift niya saakin noong fourteen ako. I have my own room inside on it kaya ito rin ang gusto kong gamitin sa pagtatravel.
Napapagitnaan ako dito ni Troye at Klint sa likod. Nasa likuran si Leeland at Kazi, nagkukwentuhan na naman ang dalawa.
Klint and I were laughing while watching Troye’s stolen shots. May maiuupload na naman ako sa birthday niya. Si Troye naman tulog na sa aking gilid at yakap yakap pa ang aking favorite bear! Mag-aagawan na naman kami niyan mamaya.
Nakaidlip ako sa balikat ni Klint sa kalagitnaan ng byahe. Ginising lang nila ako noong dinner na and then natulog ulit ako.
Malapit na atang magmidnight noong makarating kami. Nagcheck-in nalang kami sa malapit na Hotel at natulog rin dahil sa pagod. Isang room lang ang kinuha namin pero may dalawang kama. Akin iyong isa, sa kanila naman iyong isa. Malaki naman iyon kaya kasya silang apat. Habang iyong tatlo ko namang bodyguard ay nakacheck-in sa kabilang kwarto.
The next morning, boses agad ni Troye ang nagpagising sa akin. Sa sobra niyang excited ay nagtatatalon na siya sa kama ko.
“Stop it!” Binato ko siya ng unan pero hindi siya natinag at mas nagtatalon-talon pa.
“Make him stop, Klint!” Natatawa ko nang sigaw. Klint abruptly pulled him away. Nagsasakalan na silang dalawa.
“Good morning.” Ngumiti sa akin si Kazi. He got this chinky eyes and messy hair while he’s topless.
“Good Morning!” I smiled back. “How’s your sleep?”
“I felt Troye’s foot on my face last night.” Natawa siya at tiningnan ang dalawa na nagrewrestling na ata.
Malikot talaga ang lalakeng iyon kahit sa pagtulog. Mabuti talaga at palagi akong naseseparate sa kanila. Sabi rin kasi ni Leeland, dapat may sarili akong kama.
Lumabas si Leeland sa banyo. Nakaligo na ito at kinukusot ang basang buhok.
Nagtatakbo agad ako sa banyo para ako ang maunang gumamit. I even heard Troye growled on the door while knocking it multiple times.
“Ako muna, Red! Masakit ang tiyan ko! Lalabas na ata!”
“Yuck! Maliligo na ako!” I hurriedly took my clothes off at nagshower na. Buti nalang talaga at nagdala ako ng sariling shower gel and I’m sure nanakawin na naman ito ni Troye at Klint sa akin para makigamit. Those two…
Pagkatapos maligo ng lahat ay nagtungo na nga kami roon sa Subic Beach. Nakayakap sa aking leeg ang aking dslr at panay kuha ng picture sa paligid. Suot ang white dress na hanggang tuhod ko lang, nakabun ang aking buhok para hindi maging sagabal lalo na’t mahangin.
Nang makarating kami sa mismong bukana noong beach, laglag panga nalang ako nang makita ang kabuuan. Dalawa ang beach na naroon. Subic Laki at Subic Liit iyong pangalan. The beach’s fine, pink-tinged sand also comes from crushed red corals. To my amusement, I hurriedly ran without my sandals on just to feel it with my own bare feet.
“Wow! This beach is cool!” I shouted at the top of my lungs. The wind is blowing my dress, slowly revealing the half of my legs.
“And girly.” Kazi added, suddenly took a picture of me giggling. I pouted.
“What’s that for?”
“Souvenir,” he smirked at me and turned his back.
Naghihilaan kaming dalawa ni Troye para lumusong agad sa dagat.
“Wait! Hindi pa ako nakakalagay ng sunblock!” Hinila ko pabalik ang aking sarili but Troye didn’t budge a little. Mas hinila niya ako hanggang matagumpay niya akong nadala sa dagat.
“Troye!” Sinabunutan ko na ang kanyang buhok nang inangat niya ako sa ere at natatawa akong itinapon. Oh just great!
“Nyenye!” He made faces in front of me at nagawa pa akong belatan habang ang magkabilang kamay ay nasa ulo.
“I hate you!” Binasa ko siya ng tubig. Basang basa ako. All thanks to this monkey.
Lumusong na rin si Klint. Nagawa pang mag-apir ng dalawa saka niya ako nilapitan at tinulungang makatayo.
“Tara!” Yaya sa akin ni Klint at tumalikod. Sumampa ako roon saka siya nagsimulang lumangoy. Gawain namin itong dalawa sa t’wing naliligo kami.
“Let’s go fishing!” sabi ni Troye na lumebel na sa aming dalawa.
“No! Ayoko ng magdive! Hindi naman ako katulad niyong dalawa na nakakatagal sa ilalim.” Sumimangot ako.
“Sus! Kaya mo yan! May dala akong go-pro. Magpicture tayo sa ilalim.” Mungkahi niya at ipinakita sa akin ang hawak na maliit na camera.
“Okay!” Sang-ayon ko narin at nilingon ang dalawa roon sa dalampasigan. They’re talking about something pero parehas naring topless. Susunod na siguro sila.
Sumisid nga kami sa malalim. Nagpeace sign agad ako nang itinapat sa akin ni Troye ang kanyang go-pro saka ako umaahon para huminga at sisid ulit. Nagpicture rin kaming tatlo. Minsan ay solo lang akong pinipicturan ni Troye pero sigurado akong para makastolenshot siya sa akin.
Umahon rin naman kaming tatlo at pinagdiskitahan ang pink na buhangin. Humiga si Troye roon kaya sinimulan namin siyang lagyan ng mga buhangin ni Klint.
“I’m going to bury you alive!”
He glared at me. “H’wag mong idamay ang mukha ko!”
Klint was forming something on Troye’s thigh. Para iyong maliit na stick.
“I formed your dick, Troye.” sabi ni Klint na ikinalaglag na ng panga ko at humagalpak ng tawa.
“I thought it’s a stick!”
“Hindi ganyan iyong akin Martinez, gago!” Halatang nagpupumiglas si Troye dahil sa nagw-wiggle niyang ulo pero walang magawa.
“Mga bastos!” Natawa na ako ng malutong.
“Smile!” Biglang sumulpot rito si Kazi hawak ang kanyang dslr kaya mabilis rin kaming lumebel ni Klint sa mukha nito at nagpose. I smiled widely while making a peace sign. Si Klint ganoon rin unlike ni Troye na sobrang busangot ang mukha.
Inilagay ko ang shole ko sa buhangin at umupo roon. Niyakap ko ang aking tuhod at inilagay sa aking tuhod ang aking baba. Maingay ang alon ng dagat. Papalubog na ang araw at uuwi na kami mamaya. I smiled lightly when I remember Tres’ face. Blangko lamang ang ekspresyon ngunit may madilim at misteryosong mga mata. Kumusta na kaya siya?
I felt a warm towel wrapped around my shoulder. Nilingon ko kung sino iyon at nakita si Kazi na pumupwesto narin sa aking tabi. May espasyo pa naman sa pagitan namin.
I smiled sweetly at him. “Thanks.”
Ngumiti rin siya pabalik at itinukod ang dalawang kamay sa likod niya. Para na siyang hihiga.
“Balita ko nagkakamabutihan daw kayo ng pinsan ko?”
Kumalabog agad ang puso ko. Nagsisimula na naman iyong magwala.
“H-Huh?” Natawa ako. Kunwari inosente at walang alam sa sinasabi niya.
“May nakapagbalita lang sakin. One of my girls asked me if it was true. Ang sabi ko hindi dahil alam ko namang walang interes si Tres sa mga babae. Baka fake news.”
“Girls” huh. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya but that’s true. Hindi kami nagkakamabutihang dalawa noong pinsan niya.
“Yeah. It’s a fake news,” sabi ko at ibinalik sa dagat ang tingin.
“So… sino sa tatlo ang boyfriend mo?” Nilingon niya sandali ang tatlo sa likuran namin. Nagkakatuwaan sila doon. May kung anong pinag-uusapan.
“They’re all my close friends.” Natawa ako. “At isa pa, wala sa utak ko ang magkaboyfriend sa isa sa kanila. Ayokong masira ang friendship namin.”
At alam ko rin namang iyon ang tingin nila sa akin. They flirt alot. ’Tsaka mga bata pa kami para sa mga ganoong bagay.
Ngumisi lamang siya sa akin. Ang flashy naman.
“Kung hindi ka lang siguro kaibigan ng tatlong yan, lalandiin rin kita.” Natawa siya.
Natawa narin ako. Sabi ko na nga ba type ako ni Kazi! Pasok ako sa standards niya sa mga babae. Sinungaling talaga itong si Tres.
Chapter 25
Game of Love
Rumors
The next day, we rent a boatman para mag-island hopping. Balita ko kasi marami pang magagandang beach roon so hindi muna kami umuwi para makita narin iyong iba pa.
Our first stop was in Tikling Island. It is one of those islands that has pinkish sand beach. Ilang minuto rin kaming nanatili roon. Naging busy ako kakakuha ng pictures pagkatapos ay pumunta narin kami sa sunod na island.
Our second stop was in Juag Lagoon. There were no entrance fee but they will let you buy a cup of fish food for 100 pesos. Noon raw, hinahayaan nila ang mga bisita na lumangoy kasama ang mga isda pero hindi na ngayon. Pinakain lamang iyong mga isda roon lalo na’t 20 minutes ka lang dapat manatili roon.
Iyong iba ay hindi ko na nasaulo. It was very tiring pero worth it naman dahil napakaganda noong mga isla. It’s really more fun in the Philippines!
Buong araw akong natulog pag-uwi ko. I am so exhausted. Namumula pa ang aking mukha. Ang plano kong pumunta agad sa bahay nila Tres pagkauwi ay hindi ko na naituloy dahil sa sobrang pagod. Imbes na tatlong araw lamang iyong escapade namin ay naging isang linggo na ata. Sa dami ba naman ng pinuntahan namin. Hindi naman nagalit ang parents ko dahil may kasama rin naman akong bodyguards.
Bukas na ang Chritsmas day kaya katulad ng nakagawian ng aking magulang, pumupunta kami roon sa bahay nila lola at lolo, Mom’s parents. Doon kami magnonoche-buena. Patay na kasi ang parents ni Dad. Matatanda na raw kasi iyon.
Ang bahay ng kanilang sahig ay gawa sa pinakintab na kahoy. May mga malalaking frames sa dingding at parang sa sinauna pa. Masasabi mo talagang matanda na ang nakatira sa malaking bahay. Tuwing nandito ako, gustong gusto kong dinidiligan iyong magagandang bulaklak ni Lola sa kanilang bakuran. May mga dumadapo pa ngang butterfly roon na nagagawa ko pang habulin noong bata ako.
“Ang laki-laki mo na hija, ang ganda ganda pa,” ani Lola at hinaplos ang aking malambot na buhok.
“Salamat po, La!”
Kulubot na ang kanyang mukha ganoon rin ang kanyang braso. Nag-iisang anak lamang si Mommy kaya ganoon sila nastrikto noon sa kanya noong kaedad ako ni Mommy.
“May boyfriend kana, Christienne?” tanong bigla ni Lolo nang mapalingon narin siya sa amin rito sa balkonahe.
Umiling ako. “Wala pa po, Lolo.”
“Pero may crush na. Papalit-palit ng crush, Pa!” sigaw ni Mommy roon sa kusina. She was helping the maids to cook for our noche-buena later.
“Aba’y h’wag ganyan, apo.” Gulat na sabi sa akin ni Lola, nag-aalala ang mukha. “Ang bata bata mo pa para mabuntis.”
Natawa ako. “Crush lang naman, la.”
“Kahit na! Iiyak ka lang sa mga lalake.”
Tama ka nga Lola. Iyong nagugustuhan ko ngayon, ilang beses na akong pinaiyak. And he’s even planning to break my heart! Napakacruel!
“Halika sa kwarto, may mga itinahi akong magandang dress sa’yo.” Hinila niya rin ako papasok ng bahay. Iyon ang gusto ko sa t’wing bumibisita ako rito. Marami siyang gawang damit para sa akin. Paborito niya kasi akong apo, at nag-iisa pa.
Umupo ako sa kanilang malambot na kama habang pinapanood si Lola na ilabas iyong malaking box na kulay puti. Pumasok naman si Lolo, nakikiusyuso narin.
“Ba’t namumula iyang pisngi mo, apo? Nasobrahan ka ata sa make-up.” Puna ni Lolo sa akin at tinabihan na ako rito.
“Hindi po, Lolo. Gumala po kasi kami ng mga friends ko tapos nasobrahan ako sa pagligo.”
“Buti naman at nagsasaya ang apo ko. Marami ka bang kaibigan?”
“Opo, lolo! And they’re all nice to me! Next time dadalhin ko sila Yash ’tsaka Hannan rito.” Bumulong ako kay Lolo.“Sila po minsan ang nagpapakopya sa akin sa school.”
Napahagalpak siya ng tawa. Si Lola naman ay inilapag na sa kama iyong box at nagawa pa kaming tingnan. Strikta kasi si Lola pagdating sa school. Pag nalaman niyang nangongopya ako sesermonan niya ako.
“Aba’y ang babait nga!” Natatawa niya paring sabi.
Binuksan ni Lola ang box. Tumambad agad roon ang tela ng dress. Kulay pula iyon.
“’Di ba ito ’yong paborito mong kulay?” Inangat niya ang dress at ipinakita ang kabuuan. Namangha agad ako. Kahit na medyo… balot.
“Ang ganda, Lola!” Tumayo ako at niyakap siya. “Pero black po ang favorite kong kulay.”
“Ay ganoon ba apo? Akala ko pula eh iyon ang second name mo.”
“But I like it! Thank you!” Hinalikan ko ang kanyang pisngi na nagpangiti narin sa kanya.
“Buti naman at nagustuhan mo.”
Hinalikan ko rin si Lolo saka ako nagtatatakbo palabas dala-dala iyong dress. I showed it to my Dad and Mom.
Nagsalo-salo kami noong noche-buena. Masasarap lahat ang luto. Tuwing ganitong okasyon ko lang natitikman ang masasarap na special dish ni Mommy since busy rin siya always.
Nagpalitan kami ng regalo. Niregaluhan ni Mommy si Daddy ng new watch habang ako naman ay rinigaluhan ni Daddy ng gold bracelet. Isang necktie naman ang regalo ko kay Dad since iyon ang mas madalas niyang nagagamit araw-araw. Niregaluhan rin nila sina Lolo at Lola pero hindi ko na alam kung ano.
Dalawang araw kaming nanatili sa bahay nila Lola. At sa tuwing nandoon ako, hindi ko nagagamit ang aking cellphone dahil nakikipagbonding ako kay lola at lolo. Sinusulit ko lagi ang oras ko roon sa kanilang bahay. Nagchechess pa nga kami ni Lolo kahit alam kong matatalo lang naman ako.
Overall, isang linggo ko nang hindi nakikita si Tres. Akala ko makakapunta na ako sa kanila after ng Christmas kaso nagdesisyon rin si Dad na mag-out of town raw kaming tatlo. We’re going to celebrate our New Year in Japan. Ang ganda ganda kasi ng mga fireworks nila roon. And since they’re always busy, at least man lang daw may quality time sila sa akin sa isang linggo.
Ako ang naging photographer ng dalawa. Kinukuhanan ko sila ng magagandang pictures tapos noong naggroup photo kami ay may kinalabit pa akong babae para lang picturan kami. Nagthank you rin naman ako.
It was one of my happiest New Year. Nang araw na iyon, sobrang saya rin ng parents ko. Dad even kissed my Mom after the countdown. Sumabog ang fireworks sa kalangitan.
“I love you, Christienne. Happy New Year.” Dad crouched and kissed me on my forehead.
“I love you too, Daddy! Very much!” Niyakap ko siya saka ko nilingon si Mommy na ngiting ngiti rin.
“I love you Mommy! Happy New Year!” Tumingkayad ako ng kaonti at hinalikan siya sa pisngi.
We’re exhanging sweetnothings that night. Iyong tipong gusto mo nalang pahintuin ang oras sa sobra mong saya kasama ang pamilya mo. Tumingala ako, pinanood ang pagsabog ng klase-klaseng firework sa itaas while my parents were hugging me. I hope Tres is having fun too, with his family.
Balik eskwela ulit. Noong nakaraang dalawang araw lang kami umuwi. Bumili nalang ako ng regalo sa Japan para kay Hannan at Yashin tapos mga pasalubong para sa tatlo. I also bought a keychain for Tres. Hindi ko kasi alam kung anong gusto niya eh.
“Babe! I missed you!” Sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Klint pagkapasok ko. Halos ihampas ko sa kanya iyong malaking paperbag na dala ko kung saan nakalagay ang mga pasalubong ko sa kanila.
“Stop it! 2 weeks lang tayong hindi nagkita, Klint.” I rolled my eyes pero natawa rin.
“Iyon na nga. Ilang oras rin iyon?” Malungkot niyang sabi pero nalaglag rin ang tingin sa dala ko.
Kinalkal ko roon ang binili kong sapatos para sa kanya. “Oh ayan. That’s your favorite brand, Nike.” I smirked.
“You’re the best! Thank you!” Bigla niya nalang akong hinalikan sa pisngi at hindi na maawat sa sobrang saya. Nailing nalang ako saka naglakad papunta kay Yashin. I saw her reading a book again. Masyado rin talaga itong babad sa pag-aaral kahit na kakasimula palang ng taon.
Inilapag ko ang malaking paperbag sa aking desk at kinalkal roon ang regalong ibinalot ko for her.
“Here’s for you, Yash. Binili ko yan galing sa Japan. And it’s expensive because I love you!”
Tiningnan niya ang hawak kong box saka niya ako tiningala.
“Salamat, Red.” Ngumiti siya sa akin at tinanggap iyon. “Nag-abala ka pa.”
“Eh kasi nagpromise ako sa inyo ni Hannan na itetreat ko kayo after Christmas kaso hindi natuloy kasi lumabas kami ng bansa ng parents ko.”
“Bait mo talaga, Red. Kaya mahal na mahal kita. This is limited edition!” Biglang sulpot ni Klint sa aking tabi at inakbayan na ako. “Thank you!” Hinalikan niya na naman ako sa pisngi.
“Nakakadalawa kana sa’kin!” Hinampas ko ang tiyan niya.
“Hayaan mo na. Wala akong regalo sa’yo eh.” Ngumisi siya habang napasimangot na ako.
“Ang sama mo. Lumayas ka nga sa harapan ko.” Itinulak ko siya kaso hindi natinag.
“Kidding! Meron akong regalo sa’yo pero mamaya nalang.” Kumindat siya at umalis rin. Naiiling akong ngumiti. “Crazy.”
Pumasok na ’yong teacher kaya ibinigay ko sa kanya iyong binili ko rin galing Japan. Sobra sobra kasi ang bigay ni pera sa akin ni Dad kaya marami akong nabili roon lalo na’t mga mura lang roon unlike dito.
Ipinabigay ko nalang ang kay Yashin ang regalo ko kay Troye, Hannan at Leeland dahil dumeritso na ako sa classroom nila Tres. Halos isang buwan rin kaming hindi nagkita eh.
“Happy New Year!” Masigla kong bati sa kanya pagkapasok ko. He was looking outside the window.
Mas binilisan ko ang paglalakad ko saka ko inilapag ang lunchbox sa tabi ng lunchbox niyang hindi pa nabubuksan. May regalo naman roon kaya kinuha ko iyon.
“Is this for me?” Tiningnan ko iyon ng mabuti at babasahin na sana iyong note kaso inagaw niya bigla sa akin.
“That’s for me. Someone gave it to me.” Ipinasok niya iyon sa kanyang bag.
Sumimangot ako at umupo sa kanyang tabi. “Wala kang regalo sa’kin?”
“Ba’t kita bibigyan eh ilang araw kang hindi nagpapakita sakin.” He glanced at me, naninitig na naman at nagkasalubong pa ang kilay.
“Halatang nag-enjoy ka sa travel ng mga boyfriends mo ah?” aniya sa matabang na boses.
He’s pissed?
“Nabanggit ba ni Kazi saㄧ”Nasunog ang mga pisngi mo.“ Nag-iwas siya ng tingin at may ikinakainis sa isang bagay.
Ngumuso ako, pulang-pula lang naman iyon at hindi nasunog. He’s exaggerating it.
“Matagal kasi akong nagbabad sa dagat. This is Troye’s fault! Di pa ako naglalagay ng sunblㄧ”Di ako nagtatanong.“ Alright, mas trumiple ata ang kasupladuhan niya ngayong taon.
Tres didn’t change at all. Siya parin iyong nakasanayan kong supladong gwapong lalake at mahilig sa blangkong ekspresyon ngunit may misteryosong mga mata. Kung meron man, iyong nararamdaman ko lang para sa kanya. Grumabe ata at mas lumalaki.
“I bought something for you kaso baka hindi mo magustuhan. It’s just a simple keyㄧ”Akin na.“ Inilahad niya sa akin ang kanyang palad.
Natawa ako. “It’s just a simple keychain, Tres.” Ulit ko para marinig niya ng malinaw kung ano iyong regalo ko sa kanya.
“Kaya nga akin na.”
Ngumuso ako at dinukot iyon sa aking bulsa. “Oh ayan.” Inilagay ko iyon sa kanyang palad na tinitigan niya pa ng ilang sigundo. Sabi ko naman simple lang.
“Hindi ko naman ang mga gusto mo kaya hindi ko alam kung anong bibilhin para sa’yo. At kaya ako hindi nakakapunta sa inyo dahil lumabas kami ng bansa para doon salubungin ang bagong taonㄧ”Where were you before Christmas?“
“Uhm, nasa bahay kami nila Lola at Lolo. Ginawan pa ako ng dress ni Lola tapos naglaro kami ng chess ni Lolo. After noon umalis rin kami ng Pilipinas kaya wala na talaga akong oras para puntahan ka sa inyo. Iyong pangako ko ngang lakad kay Yashin at Hannan hindi ko na natupadㄧ”New Year na pero ang daldal mo parin.“ Bigla niyang putol habang pinagpapalit ang lunchbox naming dalawa.
“Eh ikaw nga suplado parin.” Itinuon ko ang pagbubukas ng kanyang lunchbox ang atensyon ko. “May oras pa palang maghanda ng lunchbox mo si Tita eh diba busy iyon?”
“Kumain kana lang,” sabi niya at nagsimulang sumubo.
Kumain nalang ako katulad ng gusto niya. Pero ko talaga nakakayang hindi magsalita ng matagal
“Kumusta ang pasko mo?” tanong ko.
“Fine.”
“New Year?”
“Fine.”
“’Yun lang? Hindi ka ba nag-enjoy?”
“Nag-enjoy.”
Tumigil siya sa pagkain at namulsa.
“Hindi kayo lumabas ng bansa? Hindi kayo pumunta sa lolo at lola mo noong Christmas? Nagkukulong ka lang ba sa kwarto mo?”
“You have such an annoying mouth.” Bigla siyang lumapit sa akin. Sa sobrang lapit ay mabilis ko nalang naipikit ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko na sobra niyang lapit sa akin. Amoy na amoy ko pa ang kanyang pabango. Is he going to kiss me? Kailangan ko bang ngumuso para salubungin ang labi niya? Iyon nga ang ginawa ko. Ngumuso ako ng marahan expecting him to kiss me just to shut my mouth kaso…
“Why are you pouting like that?”
Mabilis akong napadilat. Nakita ko siya na malayo na sa akin. Nakahilig siya sa mesa habang nasa akin ang tingin.
“Akala ko hahalikan mo ako. G-Ganoon ang nasa movie pag naiingayan ang mga lalake sa may b-babae…”
Umangat ang kanyang kilay, hindi nagbabago ang ekspresyon.
“I just something on your neck.” Bumaba ang tingin niya sa aking leeg kaya napayuko narin ako.
Nagulat ako nang makita ang isang kwintas roon. Hinawakan ko ang pendant nito. Para iyong numerong 3 pero mahaba ang dulo noong numero. Pag binaliktad mo ay nagiging korteng puso na.
“This is a necklace.” Laglag-panga kong sabi.
“Mukha bang hindi kwintas?”
Nagningning ang aking mga mata at dinedma ang kanyang pagsusuplado. Napangiti ako ng malapad kasabay ng naghuhuramintado kong sistema. He gave me a necklace! The coldhearted Tres Buenaventura gave me a necklace!
“It looked expensive!” I can’t help not to smile widely.
“Mura lang ’yan.” He glanced at me, showing no emotion on his face.
Natawa ako. “Thank you! Para saan itong kwintas?”
“It’s the proof that you belong to me,” aniya habang hindi tumitingin sa akin.
I bit my lower lip trying to supress my lips from smiling. Nahipo ko ang sariling dibdib at pinakiramdaman ang puso kong gusto na namang sirain ang aking ribcage. Chill, heart.
Walang naging bago sa amin. Nagsasabay parin kaming kumain pero maliban lang sa isang bagay. Mas lalong kumalat sa school na may something raw sa amin ni Tres. It’s just a rumor lalo na’t hindi naman kami nakikita ng lahat na magkasama sa labas.
“She’s just assuming things. Si Tres may gustong babae? You know that guy is heartless.” Narinig ko iyong estudyante rito sa cafeteria.
Simula noong araw na sinabi ni Tres sa akin na girlfriend , pinipigilan ko na ang sarili kong mahulog lalo sa kanya. Though I’m still wearing the necklacehe gave me. Nag-usisa pa nga ang lima kung kanino galing dahil halatang mamahalin daw, ang sabi ko nalang kay Dad.
Maaga kami rito sa cafeteria dahil may program bukas kaya walang matinong klase ngayon at busy ang ibang teacher roon. May iilan ring estudyante ang tumulong pero itong mga estudyante naman sa cafeteria ay busy rin sa pagpaparinig sakin. Grupo iyon ng mga estudyante. Napansin ko pa si Keisha roon. Iyong isa sa mga babaeng binasted ni Tres.
“Diba naghahabol ’yan kay Tres simula last year? Hindi parin tumitigil kahit pinagtatabuyan na.” The other girl said, nagawa pa akong batuhin ng matalim niyang tingin.
“Hindi purket maraming nagkakagusto sa kanya ay magugustuhan narin siya ng isang Tres Buenaventura. Poor girl.” And they laughed.
“Layuan mo na kasi yang si Tres, Red. Ayan tuloy pinag-iinitan ka ng mga estudyante rito.” Pangaral sa akin ni Klint.
Imbes na problemahin ang mga nagpaparinig sa akin, mas pinoproblema ko ang lowbat kong cellphone. Sa kakamadali ko kanina, hindi ko na nadala ang charger ko.
“Troy pahiram nga ako ng charger mo.”
“Naiwan ko rin, Red.”
I glanced at Leeland, umiling siya. Android ang cellphone ni Yashin kaya hindi ko rin mapapakinabangan ang charger niya. Hannan is an iPhone user pero wala siya rito, nasa gymnasium nagpapractice pa. Si Klint naman ay inilahad nalang sa akin ang iPhone niya.
“Use mine.”
Bumusangot ako.
“Charger ang kailangan ko, Klint.”
Nakita ko ang paglipat ng tingin ni Klint sa aking likuran. Mabilis na nagkasalubong ang kanyang kilay. Napansin ko rin ang pagsinghap ng iba. Pati ang pagtahimik ng cafeteria which is really odd.
Bago paman ako makalingon sa likod ko, nakarating na ang pamilyar na tindig ng lalakeng nakapamulsa.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nakita ang walang ekspresyon na mukha ni Tres.
“You’re not replying on my text,” aniya sa baritonong boses.
Maraming nagreact na estudyante roon. Kahit ang mga kaibigan ko ay laglag panga na.
“L-Lowbat ako.” Inangat ko ang aking cellphone.
He tsked. “Let’s go.”
“H-huh?”
“Uuwi na tayo.”
Mas grumabe ang singhap sa paligid. May nag-oover react na. Girls, bossy talaga siya. H’wag niyong ibigdeal dahil wala kayo sa posisyon ko. Alam kong uutusan niya lang naman akong ihatid siya sa bahay nila.
“Pero may klase pa!”
“Wala ng klase. Half day.”
Natutop ang aking bibig. Nilingon ko ang apat na naninimbang narin ang tingin sa akin. Halatang gusto nilang makisali sa usapan pero mukhang nilalamon ng takot dahil isang Buenaventura ang nasa harapan.
“Where’s your things?” Tinagilid niya ang kanyang ulo, parang may hinahanap sa aking upuan.
“Nasa classroom.”
“Then let’s get it para makauwi na tayo.”
Wala akong nagawa kundi tumayo nalang. Nagpaalam agad ako sa apat. Iyong mga pinag-uusapan naman ako kanina, laglag panga at kulang nalang ay pasukan ng langaw ang mga bibig. I wanted to show to them my sweetest smile kaso kahit ako, hindi rin makangiti sa pagkakagulantang.
Ramdam ko ang matatalim na tingin ng ibang estudyante sa akin. Iyong iba naman ay nagbubulung-bulungan at meron ring mga overeacting talaga.
“Oh my ghad! I thought it’s just a rumor?!”
“Ba’t sila magkasama?! Bakit siya hinahayaan ni Tres na sabayan siya sa paglalakad?!”
“Sinundo pa daw siya ni Tres sa cafeteria at uuwi raw ang dalawa! I think they’re really in a relationship!”
“Are they living together? Hindi kaya ay secretly married narin sila?”
“Akala ko ba walang interes si Tres sa mga babae?”
Samo’t saring komento ang narinig ko. We’re stirring rumors and it seems like Tres doesn’t care, at all.
Chapter 26
Game of Love
Couple
“Tres, aware ka ba na may kumakalat na issue sa ating dalawa?” tanong ko sa kanya noong makasakay kami sa kanilang kotse. Nakadekwarto siya at may hawak na namang libro, nagbabasa ng kung ano.
“Hindi.”
“Secret girlfriend mo raw ako. Iyong iba naman ay nakatira na raw tayo sa isang bahay at secretly married na daw.” Ngumiwi ako. Maganda sanang pakinggan kung hindi ko lang talaga alam ang katotohanan baka kinilig na ako.
Hindi siya sumagot, inilipat lang ang pahina at tutok na tutok sa pinagbabasa niya.
“Wala ka bang gagawin sa rumor? Hindi naman iyon totoo diba?”
“Let them spread rumors. Wala tayong magagawa kung ’yan ang tingin nila sa ating dalawa,” aniya.
“Pero pag hindi mo tutuldukan, iisipin nilang totoong girlfriend mo talaga ako at sinisekreto mo lang.”
Nilingon niya ako. “Malapit na ang final exam, imbes na mamroblema ka sa subjets mo at pasang awa mong grado sa Math, pinagtutuunan mo pa ng pansin ang mga walang kwentang bagay.”
Natigil ako sa kakasalita. Dapat pala hindi ko nalang iniopen-up sa kanya. Ayan tuloy napangaralan pa ako.
Kaya noong nakauwi kami sa kanilang bahay at nakapasok sa kanyang kwarto, pinabuksan niya sa akin ang mga notes ko at pinag-aral. He’s bossing around like a strict teacher and I am his stubborn student.
Tanging medyas ang suot kong sapin sa paa habang nakasalampak ako sa kanyang kama. Nakasandal naman siya sa headboard hindi katulad kong nakakulob.
“Paano ka ba nag-aaral?” tanong ko sa kanya.
“Nagbabasa. Nakikinig. Tutok sa pag-aaral.”
“Ganoon rin naman ako ah!”
“You have friends and your boys. Distraction sila sa pag-aaral hindi mo ba iyon alam?” He eyed me.
“Hindi ah! Bobo lang talaga ako.”
“Good thing you know.”
Umayos ako at umupo sa kanyang gilid. Sinilip ko iyong libro na binabasa niya.
“Siguro romance yan ’no?”
“Nosy,” Itinulak niya ng bahagya ang aking ulo paalis roon. “Review your notes so that you can gain higher grades. Hindi iyong puro pasang-awa.”
“Sa Math lang naman ah?” Kinuha ko ang kanyang libro at tiningnan ang cover. “Architecture?”
“Akin na.” Kinuha niya ulit sa akin iyon, iritado na ang mukha.
“Iyon ang kursong kukunin mo? You want to be an Architect?”
“Hindi kasi ako katulad mong walang pangarap sa buhay at puro gala ang alam.”
“That’s not true! I am planning to be aㄧ” Natutop ang aking bibig at sandaling nag-isip. I don’t have plans yet. Hindi ko pa alam ang kursong kukunin ko at wala naman talaga akong naiisip na maging sa hinaharap. We’re rich. I think I don’t need to work.
“See?” Umangat ang kanyang kilay, nang-iinsulto ang misteryosong mga matang nakadirekta na sa akin.
I swallowed. It’s not my fault! Eh nakasanayan kong magsaya at h’wag isipin ang malalaking bagay sa mundo. Hindi ako advance mag-isip at ang inaalala ko lang ay ang ngayon ko.
“Puro ka pagsasaya pero napapabayaan mo na ang kinabukasan mo.” Umismid siya sa akin.
“May plano ako, Tres. My Dad says mag-aaral raw ako ng college sa ibang bansa at pag nakagraduate na ako ay balak ko ng libutin ang buong mundo with my friends pagkatapos ay magpapakasal na ako. I’ll just ask my Mom about my course dahil alam kong may plano siya sa college ko.”
His brow raised even more. Tila isang biro iyong narinig niya.
“Don’t you know how to decide for your own self? To decide without asking someone’s opinion? Lahat ng plano mo, kasama mo ang kaibigan mo. Lahat puro pagsasaya. Ni hindi mo iniisip kung kaya mo bang mag-aral sa ibang bansa sa ganyang klaseng utak meron ka. Do you really think life is easy? Just because you grew up having everything you want easily?”
Natahimik ako.
Alam ko namang ganoon siya. Na nag-aaral siya ng mabuti dahil may malaki siyang pangarap. Wala siyang kaibigan at walang maaasahan kaya hindi siya nagbabalak magtravel kasama ang mga kaibigan niya. Sarili niya lang ang meron siya at palagi niyang ipinapamukha sa akin na kailangan ko ring mabuhay sa sarili kong mga paa.
“Hindi sa lahat ng oras, may aasahan ka. Tingin mo habang-buhay na nasa tabi mo ang mga kaibigan mo? May sarili rin silang buhay at mga pangarap. Baka nga, hindi ka kasama roon.”
“Gusto mo lang ata akong matulad sa’yo eh.” Nagpeke ako ng tawa. “Hindi naman masama kung nangangarap ako ng may kasama. ’Tsaka s-siguro ano, mag mamarketing nalang ako dahil wala ganoong Math. W-Wala rin kasi akong gustong course. Para sakin, nakagraduate lang ako ng college ay sapat na iyon.”
“Mas nakakaawa ka ata. Oo nagsasaya ka, pero wala namang direksyon ang buhay mo.”
Hindi na ako nagsalita pa. Nasasaktan na ako. Alam kong magkaiba ang pananaw namin sa buhay, sa lahat ng bagay.
Niligpit ko ang aking mga gamit at ipinasok iyon sa aking purse.
“Uuwi na ako,” I didn’t bother to glanced at him. Deri-deritso na ang lakad ko palabas dahil wala rin naman siyang imik.
Ayokong manatili ng matagal kung ganoon ang topic namin. Maiiyak lang ako sa kanyang harapan dahil alam kong mas aanghang pa ang mga salita niya.
Kinabukasan, sumalubong sa gate ang mga petals sa akin. May mga lalakeng estudyante ang nananaboy ng petals sa bawat babaeng papasok at binibigyan sila ng rose. I thanked them and went to my class afterwards.
Wala na namang klase. Kung alam ko lang ay hindi nalang sana ako pumasok dahil wala rin akong gana. Matamlay ako at dinidibdib parin ang sinabi ni Tres. Ano ba dapat? Na matuto akong mag-isa at tumayo ako sa sarili kong paa? Na dapat ay nagdedesisyon ako sa sarili ko at hindo iniaasa sa iba? Eh nasanay rin naman kasi akong may palaging umaalalay sa akin. Kailangan niya ba talagang itulad ang aking sarili sa kanya? Dapat mag-isa rin at walang kaibigan? Dapat seryoso sa pag-aaral at hindi nagsasaya? What if bukas namatay ako bigla? Edi sinayang ko ang buhay ko? Ni hindi ko naranasang sulitin man lang?
“Sino kaya ang magandang estudyanteng idate mamaya sa dating booth?” tanong ni Troye. Nandito kami ngayon sa gymnasium at tinitingnan ang klase-klaseng booth. Kasama rin kasi sa grades na kahit isa man lang, may subukan kami. Iyon nga lang kadalasan puro pangcouple.
“Dating gawi. Idate mo si Yashin, ididate ko si Red, kay Leeland naman si Hannan.” Narinig kong sagot ni Klint.
Iyon rin kasi ang ginawa namin noong Valentines Day sa school para lang magkagrades. Hindi naman ako mahilig sa chocolates kaya useless rin iyong eat all you can booth. Puro chocolates ang naroon. May isa namang wedding booth. Magpapakasal ang mga sasali pero may twist. May booth namang Quiz Bee. Pag nanalo ka, mapupunta sa’yo iyong prize. Meron ring isang booth na “Pretend as a couple”. Halatang para iyon sa mga single.
“Bawal na raw ang paulit-ulit na partner. Kaya nga manghahablot nalang ako ng iba diyan,” si Troye.
“Horror booth nalang siguro ako. Total wala akong girlfriend at para iyon sa mga single,” si Leeland.
Bumuntong ako ng hininga. Wala talaga ako sa mood sumali, wala rin ako sa mood para magsaya. Ba’t ba masyado akong affected?
“May sakit ka? Ang tamlay mo ata?” Hinawakan ni Troye ang aking noo.
“Hindi ka naman mainit ah?”
Pinalibutan na ako ng tatlong lalake. Alam kong mapapansin nila ang pagiging matamlay ko. Dapat pala kay Yashin at Hannan nalang ako sumama. Wala rin kasi ako sa aking sarili kaya hindi ko na napansin ang dalawang iyon na excited sumubok sa mga booths.
Kung hindi lang may humila sa akin paalis sa harapan ng tatlo ay hindi sila matitigil. Buong akala ko si Hannan o Yashin iyon, laking gulat ko nalang nang makita ko ang pamilyar na likod ni Tres.
“H-Hey… let go,” Nagpumiglas ako. Kaso dahil wala akong lakas ngayon, useless rin.
“Red!” Humabol si Leeland at walang ano-anoy hinila narin ako.
Sa sobrang lakas noon ay matagumpay akong nahila nito. Tres stopped from walking midway. Lumingon siya. Hindi lang ang mga mata ang madilim kundi buong ekspresyon na.
“Pambabastos na yang ginagawa mo, Buenaventura.”
Humarap ng buo si Tres. Walang ano-anoy lumapit ito at kulang nalang ay matanggal ang buto ko dahil sa marahas na pagkakahila ni Tres sa akin. He even pushed Leeland away just to make us apart from each other. Kulang nalang ay mawalan ito ng balanse sa lakas noon.
“Stop touching my girl,” ani Tres na ikinaatras ni Leeland. Ngumisi siya pero halatang pilit.
Hinila akong muli paalis ni Tres roon. Blangko lang ang ekspresyon na akala mo walang nangyari at hindi niya nasindak si Leeland. Kahit ako nga nasindak.
“I am acting as a jealous boyfriend. Don’t get me wrong.” sabi niya nang mapansin niya ang pagkakatitig ko sa kanya.
“Huh?”
“I need a grade so I joined the booth. Ikaw nalang total you’re already acting as my girlfriend.” Sabay iwas ng tingin.
Ayan na naman ’yang game na yan. Nakakawarak ng puso sa tuwing naaalala kong pagpapanggap lang ang lahat.
“Anong booth?” tanong ko.
“Act as a couple.”
Ah… Akala ko pa naman totoong nagseselos na. Iyon pala acting lang. Para ra grado. Tss.
Binitiwan niya ang aking pulso at ibinulsa muli ang kamay.
“Ilang oras ba ang binayaran mo?” tanong kong muli.
“Whole day.”
Okay?
“Mas matagal, mas malaking grado,” dagdag niya.
Psh Red, you’re hopeless. He’s never going to be that sweet boyfriend. Si Tres iyan.
Tahimik lang ako sa kanyang gilid. Kahit na nasasaktan ako at gusto ko siyang iwasan, itong tibok ng puso ko hindi ko naman maawat. Excited ito sa kabila ng masasakit niyang salita na sinabi sa akin. Cheer-up, Red.
Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang labi ni Tres sa aking pisngi. Wala sa sarili ko iyong nahawakan at tiningala siya.
“I’m giving you a kiss to cheer you up since I’m your boyfriend. H’wag mong ibigdeal.”
Lumunok ako. Unti-unti nang tinatakbuhan ng katinuan at nagsisimula na namang magrally ng puso ko sa loob. Pilit nila akong pinapakilig. Pilit pinapangiti at pilit na pinapago with the flow.
Hindi ako nagsalita at iniwas nalang ang tingin. Itinuon ko iyon sa aking paang humahakbang.
“Tell me what’s bugging you.” Biglaan niyang tanong.
“W-Wala…”
Tumigil siya kaya tumigil rin ako sa paglalakad. Yumuko ako hanggang ilang sandali lamang ay yumuko narin siya, sinisilip ang aking mukha habang nakapamulsa parin.
“Wala akong babae kaya imposibleng nagseselos ka kaya ka tahimik. Dinidibdib mo ang pinagsasabi ko kahapon?”
Lumunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin. Mas bumilis lang lalo ang pintig ng puso ko dahil sa ginawa niya.
“May pakialam ka ba kung sasabihin ko sa’yo?”
“Yeah,” tipid niyang sagot kaya nag-angat agad ako ng tingin sa kanya.
“We’re playing as a true couple today so I have the right to know what’s bugging you. Nakakairita ring makita ’yang nakasimangot mong mukha.”
Fine, fine.
“Kasi ang sakit mong magsalita. Ni wala kang pakialam sa akin! Wala kang pakialam sa mararamdaman ko! P-Palagi nalang sarili mo ang iniisip mo! Ang sakit sakit mong magsalita!”
Nangilid ang luha sa aking mga mata. Naf-frustrate ako dahil kahit sinabi niyang umakato lang kami, naiiyak ako ng totoo.
Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Ni ang kanyang labi ay man lang bumukas. Handa na akong humikbi dahil nawawalan na naman ng silbi ang pagsasabi ko sa kanya ng totoo kung hindi niya lang ako biglang hinila at niyakap ng mahigpit.
Napasinghap ako, natulala, at natigilan sa pangyayari. Iyong tipong tumigil ang mundo at tanging malinaw lamang sa akin ay ang mainit niyang yakap.
Hindi siya nagsalita. Ilang sigundo niya rin iyong ginawa sa akin saka siya bumitaw. Pulang pula ang aking pisngi at hindi ko na alam kung paano iyon itatago.
Naglakad siyang muli kaya mabilis rin akong humakbang. Ngumingiti na ako at tumatawa. I even heard him saying that I’m crazy pero sa sobra kong saya, hindi ko na makalma ang sarili.
“So dapat magpanggap ako na girlfriend mo gano’n ba?” I asked while smiling sheepishly.
“Kanina pa dapat.”
“At hindi ka magagalit dahil maunawain kang boyfriend sa kahit anong gagawin ko sa’yo?”
“I’m dominant. I make orders. Not you.”
“Hindi pwede! Dapat ako ang masunod!”
“Ako.”
Umabante siya at naglakad na kaya humabol pa ako. Feeling ko nalagyan ako ng maraming gas kaya ganito na ulit ako ka energetic.
“Ako! Dapat ako!”
Nakita ko iyong wedding booth. Sa sobrang excitement ay hinila ko na ang suot ni Tres. He glanced at me.
“Sali tayo doon!” Itinuro ko iyon at parang batang ngumangawa. “We’re couple so we need to get married!”
“It’s too early to get married,” aniya.
Nagpout ako. “Dapat sumang-ayon ka sa’kin dahil masunurin kang boyfriend.”
“I’m not.”
“Hindi kita boyfriend?”
“Hindi ako masunurin. Dapat ikaw total ikaw itong matigas ang ulo.” Akma na sana siyang hahakbang kaya hinila ko ang kanyang braso.
“Let’s go!”
Nagpatuloy parin siya kay tumakbo ako sa kanyang harapan at hinarangan siya. I even extend my both arms just to stop him from leaving.
Umangat ang kanyang kilay habang nakabulsa ang mga kamay at halatang walang balak sumali roon.
“Sige na. That’s going to be fun!” At gusto kong sulitin ang araw na ’to. Gusto kong maramdaman ang pakiramdam na mahal niya ako. I want to do the things I know it’s impossible.
“I’ll join…” Yumuko siya, nakabulsa parin ang mga kamay at may binulong sa aking tenga. “If I get a kiss from you.” He said in his deepest voice.
Tumindig ang aking balahibo, nagwala ang pintig ng aking dibdib at hindi na ako makahinga ng maayos. Pinapamulahan ako ng mukha at nagugulantang sa sinasabi niya.
“P-Pero magkikiss parin naman doon sa wedding ah?”
“It’s just a smack. I want a 1 minute french kiss,” he lazily said that made my jaw dropped.
Oh. My… Gosh! I didn’t even know how to kiss normally tapos french pa!
Tumalikod ako at naunang humakbang. “L-Let’s just walk around.” Nahihiya kong sabi.
“What’s the use of marrying in that booth If I’m going to marry you on a church someday?”
I stop midway and glanced at him.
“I’m thinking as your boyfriend. Don’t get me wrong.”
Ngumuso ako at nagpatuloy sa paglalakad. Christ! He’s giving me chills! Makakasurvive kaya ako sa larong ito?
Hindi man lang kami naghoholding hands habang naglalakad. Kahit na pagpapanggap lang, lumalabas parin talaga ang tunay na Tres. Ganoon niya ba talaga kaayaw magkagirlfriend? Eh hindi niya man lang kayang hawakan ang kamay ko.
“Diba dapat naghoholding hands tayo?” Tiningnan ko ang mga kamay namin.
“I don’t like it.”
Sumimangot ako. “Edi para lang tayong normal friends.”
“You know we’re not.”
“Ang sama mo. Boyfriend ba talaga kita? Pag pinagpatuloy mo yan hihiwalayan kita.” Umirap ako, nagpapanggap na naiinis kahit na totoo na talagang naiinis ako sa kanya.
“You know you can’t. Whole day tayong mag-on,” sabi niya.
“Pero dapat hawakan mo ang kamay ko. Paano nalang kung bigla akong mawala? O kaya mas nauuna kang maglakad.”
“That’s why I’m walking slowly.”
Nailing nalang ako. Sinadya kong bagalan lalo ang aking paglalakad hanggang sa nauna na talaga ito. Hindi niya ata napapansin na wala na ako sa kanyang tabi kaya hindi man lang ito huminto. Or maybe he doesn’t care at all.
Bumuntong ako ng hininga at hahabol nalang sana kung hindi lang may tumawag sa aking lalake.
“Yes?” I smiled at him.
Base sa color ng kanyang ID, Senior na ito.
“Uhm, gusto ko sanang sumali sa isang booth. Iyong pretend as a couple booth kaso wala akong kapartner eh. Pwede ka ba?” Nahihiya niyang tanong.
Sasagot na sana ako kung hindi lang sumulpot si Tres, madilim ang ekspresyon sa kabila ng pagiging kalmado.
“She’s taken.” He slowly snaked his arm around me. Napalunok ang laway ng lalake at umatras agad.
Nalaglag ang aking tingin sa kamay ni Tres sa aking beywang. Itinulak niya iyon ng bahagya.
“Let’s go.”
“Were you jealous?” Natatawa kong tanong.
Tumango siya, wala man lang gumuhit na ekspresyon sa mukha.
“Bakit?”
“I’m your boyfriend. It’s normal.” Paliwanag niya, nakabulsa na ang isang kamay habang hindi parin inaalis ang isa sa aking beywang. Nasa harapan lang ang kanyang buong atensyon at wala paring ekspresyon ang mukha. Napipilitan lang talaga ito eh.
Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi at pinigilang mapangiti. I am enjoying this!
Maaga kaming umuwi. Eh total wala naman daw klase. At nasa bahay daw ang Mommy niya, nagluluto ng chocolate cake.
“Hi po, Tita!” Bati ko agad nang makita ko siya.
“Red, hija! Saktong sakto ang pag-uwi niyo. Nabake ko na iyong cake. Where’s Tres?”
“Nauna na pong umakyat sa kwarto niya, Tita.”
“Ganoon ba? That boy is weird.” Nailing si Tita habang inilalagay sa isang tray iyong cake na halatang kakalabas palang niya sa oven.
“Bakit po?”
“Pinahalfday niya ako sa trabaho para ipagbake ko siya ng cake. Eh sa pagkakaalam ko hindi iyon kumakain ng ganito. Para sa’yo ata ito.”
“Pero Tita ang sabi ni Tres sa akin pinapunta niyo raw po ako rito kasi ipapatikim niyo sa akin iyong cake?” Litong-lito kong tanong na ikinailing ni Tita.
“Really?” Napangisi si Tita. Tila natutuwa sa isang bagay. Tumango ako.
“Yes po.”
Tiningnan niya ang kanyang relo at mabilis ring hinubad ang suot na apron.
“I’m going to be late Red! Enjoy the cake!” Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi saka rin umalis.
Takang-taka ako pag-akyat ko ng kwarto niya dala-dala iyong cake. Hindi kaya may pagbibigyan siya nito?
“Sino ang pagbibigyan mo ng cake?” tanong ko agad sa kanya nang tuluyan akong makapasok.
He was leaning on the headboard of his bed, topless and reading a book again. Seriously…
“Eat it.”
“May pagbibigyan ka ba?” tanong ko ulit kaso hindi na siya nagsalita kaya dumeritso nalang ako sa sofa at kinain iyon.
Malapit nang maggabi at ibig sabihin, malapit na kaming matapos sa pagpapanggap. Lalo na’t tinitext na ako ni Dad na umuwi ng maaga dahil Valentines Day daw. We’re going to have a date with Mom.
“Uh, Tres…” Nag-angat siya ng tingin sa akin.
Tumayo ako ng tuwid at kinuha ang purse ko. “Uuwi na ako. Magfafamily date kami eh.”
“Ihahatid na kita.” Tumayo siya at dinampot ang kanyang tshirt.
Lumapit ako sa kanya saka bumuntong ng hininga. Sayang naman. Hindi namin nasulit.
“Bukas ba niyan hindi na tayo true couple? Babalik na ulit sa dati?” biglaan kong tanong.
Kitang kita ko ang pag-angat ng kanyang kilay.
“I-I mean? Balik na sa dati ’di ba?!” Nagpanggap akong masaya.
“Yeah…”
“Okay! Sige, ihatid mo na ako.” Alright, I need to save face!
Handa na sana akong umalis sa kanyang harapan nang bigla niya nalang akong itinumba sa kanyang kama.
“Since this is the last, I’ll just give you something as your boyfriend.” Dinaganan niya agad ako.
Ganoon nalang ang panglalaki ng aking kamay nang lumapat ang kanyang labi sa akin. Ang kanyang kamay ay nakahawak sa aking pisngi at hinahalikan ako ng marahan.
Nagsimulang tumaas-baba ang aking balikat. Nakaawang lamang ang aking bibig at hindi ko alam kung paano gaganti. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para ipasok ang kanyang dila. I gasped, almost losing my control.
“T-Tres…” Stop oh my gosh! I don’t know how to kiss!
Imbes na huminto, mas naging mapusok ang kanyang halik. He was sucking my lower lip while his hand were slowly rubbing my cheek. Nang-init ako. Sinubukan ko nang gayahin ang kanyang labi at napahawak ang isang kamay sa kanyang balikat habang ang isa ay sa malapad niyang likod para doon kumuha ng lakas. Mas nadiin siya sa akin. Ni hindi ko na alam ang ginagawa ko. His tongue were expertly moving inside my mouth, making my body in heat.
“T-Tres…” A soft moaned escaped my mouth when he nibbled my lowerlip again. His hand was slowly sliding down to my neck. Nakakakiliti ang pagbaba ng kanyang kamay dahil dinadaanan niya ng haplos ang bawat balat na madadaanan ng kamay niyang bumababa lalo sanhi para buhayin lahat ng balahibong namamahinga sa aking katawan.
Tumunog ang aking phone. Natigil siya sa paghalik sa akin at kahit ang kanyang kamay ay natigil rin sa pagbaba. Hingal na hingal akong napatingin sa mga mata niyang nilalamon ng pagnanasa habang iyon akin naman ay namumungay. Nakaawang parin ang kanyang basa at mapupulang labi, suminghap at binasa ang pang-ibaba.
Tumayo siya. “I’ll get you home now.” Isinuot ang tshirt at naunang maglakad palabas. Nakapamulsa na at akala mo walang ginawa sa akin.
Wala sa sarili kong nahawakan ang aking dibdib na hindi ko na maaway at pilit ko pang hinahabol ang aking hininga. I can still taste his sweet kisses, para iyong naiwan roon at hindi na maalis-alis sa aking panglasa. My hair is a mess. Did we really… kissed?!
Chapter 27
Game of Love
Fight
Nadatnan ko sa labas ng gate ang imahe ni Tres. Nakapamulsa ito at nakayuko habang nakasandal sa itim niyang kotse.
“T-Tres…” I called him.
He glanced at me and opened the front seat door. “Get in.”
Umikot na siya sa kabila kaya sinikap kong ihakbang ang mga paa kong nangangatog parin. What did he do? Why am I shaking so bad like this?
Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana. I am still absorbing the kissed we did. Pinaglalaruan ko ang aking mga kamay sa aking kandungan at hindi iyon mapakali. I can still feel the heat between my…and I don’t know how he do it. Bakit ganoon nalang kalala ang epekto noon sa akin? Even my mouth was still begging for his tongue. Parang nakukulangan iyon. Na hindi sapat ang nangyari at dapat matuloy pa. Gosh! Mababaliw ako!
Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Kung hindi siya lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ako ng pinto, hindi ako babalik sa sarili ko.
Huminto ako sa tapat niya. He was blocking my way. Nakapatong ang isang kamay sa bubong ng kotse habang ang isa ay nakahawak sa pinto, locking me.
I gulped. Ni hindi ko man lang magawang mag-angat ng tingin sa kanya. Why am I trembling so hard? Naging triple na ata ang kanyang karismang taglay kaya kahit tingnan siya ng limang sigundo ay masyado na iyong mahirap gawin.
“S-So… Bukas… Uhm, S-See you…”
“You forgot something.” Sabi niya.
“A-Ano?” I tried to meet his gaze. Ganoon nalang ang pamumula ng aking mukha nang makita ko ang kanyang labi. It’s still wet and red…
He tap his cheek twice and leaned closer to me. “Goodbye kiss.”
I gasped for an air. Holy shit I’m going insane!
“The girlfriend’s duty.” Dagdag niya pa. Pinapaalala kung ba’t kailangan ko iyong gawin.
I pulled all my energy together and tiptoed just to kiss his cheek. “B-Bye, Tres.”
I hurriedly went inside. Sapo-sapo na naman ang dibdib na hindi na maawat.
“Water, please,” sabi ko sa napadaang katulong. Nanginginig ang aking tuhod at parang naiwan ang katinuan doon sa kotse ni Tres.
Kahit noong dinner namin nila Mommy at Daddy ay tulala akong sumusubo. Kahit noong pumasok ang kutsara sa aking bibig ay ang labi agad ni Tres ang pumasok sa utak ko. Nang dahil sa pinag-iisip ay nasamid pa ako.
“You okay, honey? You seemed distracted,” Mom said.
I nodded while wiping my lips with a table napkin.
“I’m fine Mommy.” I smiled sweetly.
“Kanina ka pa tahimik ah? Mind sharing?” Dad asked suspiciously.
“Uhm, nothing Daddy.”
“Did you put too much blush-on, Christienne?”
Kinapa ko ang pisngi. “U-Uh… N-Napasobra po?” Pagsisinungaling ko nalang. Hindi naman pwedeng sabihin ko na literal na namumula ako dahil sa pinag-iisip ko. Uungkatin lang lalo ni Mommy at mapipilitan akong sabihin sa kanya na nagkiss na kami ni Tres.
“Next time, do it properly okay?”
Tinanguan ko si Mommy. Uminom nalang ako ng tubig at ngumiti sa kanila ng peke.
Tumunog ang aking cellphone at nakita roon ang mensahe ni Tres. Dali-dali ko iyong dinampot. Mabuti nalang at may pinag-uusapan na ng kung ano si Mommy at Daddy kaya hindi na nila iyon napansin.
Tres:
Tell me when the family date is done.
Nagtipa ako ng mensahe. Mas lalo atang namula ang aking pisngi kahit na hindi naman sweet ang sinasabi niya.
Ako:
Why?
Mabilis ang kanyang reply. Na hawak niya lang ang cellphone niya at hinihintay ang aking reply.
Tres:
So that I can call you after.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi na naman mapigil ang kalabog ng dibdib. Gusto kong magsisisigaw sa kilig pero sinikap ko iyong kimkimin nalang.
Nanginginig pa ang aking daliri noong nagtipa ako ng reply.
Ako: Diba tapos na ang pagpapanggap? HAHAHAHAHAHAH
Sandali siyang natagalan sa pagreply. Did I exaggerate my laugh? Dapat ba small letters lang o kaya tatlong Ha lang? Damn you, Tres! Why are you doing this to me?
Sumubo pa ako ng pagkain saka muli iyong dinampot dahil sa pagtunog.
Tres:
You’re still my girlfriend. We have a game, right?
Silly, Red. You’re embarrasing yourself again! Oo nga pala… Ang sarap naman noong sa booth na true couple talaga kami.
Napatitig ako sandali sa screen ng aking cellphone. Wala akong masabi. Sinusubukan kong magtipa pero nahuhulog lang rin sa pagbura. I tried to compose another words kaso nag-pop out rin ang panibagong reply ni Tres.
Done?
Hindi na ako nahirapang bumuo ng mensahe. Nagtipa agad ako.
Hindi pa eh.
Tres:
Having fun?
Ako:
I’m with my parents. May sarili silang topic at sweet na sweet sa harapan ko.
Tres:
Chaperone ka lang ata sa date ng parents mo. Third wheel.
Ako: Bad! Ako ang dinidate nila dahil alam nilang wala akong boyfriend.
Tres:
We can date.
Ako:
Tse! Hindi naman totoo. Gusto ko ng totoong date. Hindi peke.
Tres:
Demanding. At least we’re dating.
My cheeks blushed for no particular reason. Don’t be so overwelmed, Red! Alam mo naman iyan, masyadong bully.
Ako:
I’ll get myself a real boyfriend once our game is over!
Tres:
Let’s see if you can have a boyfriend while I’m around.
Napangiti na talaga ako. Para akong timang na kusang napapangiti kahit hindi ko dapat nilalagyan ng meaning ang kanyang sinasabi. Kung hindi ko lang napansin ang titig ni Mommy at Daddy sa akin ay hindi ko malalapag ang aking cellphone.
“May boyfriend kana?” Tsismosang tanog ni Mommy na mabilis kong inilingan.
“Sino iyang katext mo kung ganoon?” Umangat na ang kilay ni Daddy. “Nagiging secretive kana sa amin ng Mommy mo.”
“It’s just Tres, Mommy, Daddy.” Dapat normal ko lang iyong sasabihin pero hindi ko na napigilang matawa. Masyadong umaapaw ang sayang nararamdaman ko kaya tumatakas na iyon palabas sa akin.
“Tres? I thought you don’t like him anymore?” Mom asked, confused.
“Well… I…”
“You?” Dad asked, trailing.
“Dad, Mom, please don’t pressure me. C-Can I keep it first? Secret ko muna?”
“Honey…”
“Please Mommy. I swear, if I already have the courage, I’m going to tell you everything.” I pleaded.
Mommy sighed while Daddy nodded, smiling at me.
After our dinner date, I hurriedly went to my room and texted Tres that the dinner was already over. Ilang sandali lang, tumunog na ang cellphone ko. My heart raced fast as I picked up my phone. Huminga muna ako ng malalim saka iyon sinagot.
“Hey!” I tried to sound normal.
He didn’t answer. Nagtataka kong tiningnan ang screen. Naroon naman ang tawag at tumatakbo pa.
“Tres?”
“Hmm?” Sabi nito sa kabilang linya na nagpapugto ata ng aking hininga.
Nagpagulong-gulong ako sa aking kama. Kinikilig ako at gusto ko talagang magwala. I can’t calm myself down.
“U-Uh… Ano…” I gasped. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
“How’s the dinner?” tanong niya sa usual tone niyang tila tinatamad at paos na boses.
“It went well! Ang sweet nila sa isa’t isa at feeling ko magkakaroon na ako ng kapatid 9 months after, after this night.” I chuckled ngunit napagtantong masyado na naman akong napapasobra sa pagiging madaldal.
Nang-init ang buong mukha ko nang maalala ang nangyari kanina. He claimed my lips and I just can’t believe how expert he was. Pinisil pisil ko ang aking ibabang labi. Hindi ata ako makakatulog ngayon. That was my first at ganoon agad kagrabe.
Yes I flirt. Pero hindi naman ako nakikipaghalikan! I am just playing around without making-out. That’s gross for me pero ngayon, iyong ginawa ni Tres sa akin, tila idinuyan ako sa ere at nakita na ang kaharian sa Langit. That’s the feeling!
“That’s normal because they’re already married,” sabi niya.
“Di naman ako mabubuo kung hindi.” Tumawa ako.
“So you want a child?” tanong niya.
“Huh? Hindi ah.”
“Gusto mong magpakasal sa booth kanina. Are you trying to say that you want to…” he said, taunting.
“O-Of course not! E-Eh ikaw nga itong itinumba ako sa kama at dinaganan ako!” agad kong depensa sa tinutukoy niyang nababasa ko.
Para na akong lalagnatin dahil sa sobrang init ng buo kong mukha. I’m sure mukha na akong kamatis ngayon.
“That’s normal since we’re true couple…”
“Edi bukas wala ng ganon?” I sound disappointed.
“Wala na.”
“Hindi naman ako kiss addict k-kaya okay lang!”
Hindi siya sumagot. Tiningnan ko muli ang screen at tumatakbo pa naman ito. I suddenly remembered that he’s just playing with me. Na gaganti lang naman siya dahil sa ginawa ko sa kanya.
“Tres?”
“Hmm?”
“Uh, k-kung hindi mo ba nalaman iyong tungkol sa dare… uhm, hindi ka ba gaganti? Hindi ba tayo magiging ganito?”
“Hindi.”
Nalungkot ako roon. So ibig sabihin lang, ginagawa niya ang lahat ng ito dahil lamang doon. Come to think of it, Red. Hindi ka niya papakialaman kung wala kang nagawa sa kanya. Hindi ka niya ilalagay sa ganitong posisyon kung wala kang ipinaramdam sa kanya na gusto niyang ibalik sa’yo bilang ganti. Siguro hindi kayo ganito kaclose ngayon at siguro hindi ka nahulog sa kanya. Kung iisiping mabuti, hindi ka sana nag-aassume at hindi ka nasasaktan ngayon.
“Am I going to be your pretend girlfriend forever?” That’s absurd Red! Well, I just want to be on his side forever. I don’t mind the way he treats me. Masaya ako pag kasama ko siya. Kahit na suplado siya, may mga araw namang kinikilig talaga ako.
“It depends…”
“Depends on what?”
“Nosy.”
Sumimangot ako. Hindi ko nalang siya kinulit pa.
Naging routine narin ata naming dalawa ang magtawagan. Tuwing lunch ay sabay parin kaming kumain at after ng klase ay nagkukulong sa kanyang kwarto. Minsan naiisip ko nalang na hindi niya na ako tinatratong iba kundi isang girlfriend niya. Kaso alam ko kung anong klase siyang boyfriend. Hindi naman siya gentleman na pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse niya pag hinahatid niya ako sa bahay, kusa akong lumalabas. Hindi niya rin hinahawakan ang aking beywang katulad noong ginagawa niya. Hindi siya nagseselos at walang nang pakialam ulit sa pagiging clingy ng mga lalake kong kaibigan sa akin. And lastly, hindi niya ako hinahalikan. Pinaparamdam niya talaga na laro lamang ang lahat lahat.
Lahat ng estudyante sa buong school ay iniisip nang boyfriend ko talaga si Tres at girlfriend ako nito. Hindi naman kinaklaro ni Tres kaya wala rin akong magawa. Tanging mga kaibigan ko lang ang may alam na hindi naman talaga kami at ako lang ang may alam na gusto ko naman talaga si Tres.
“Namumugto ba ang mga mata mo Hannan?” tanong ko nang makasalubong ko siya sa hallway. Hindi na kami halos nagkikita dahil narin si Tres na itong madalas kong kasabay tuwing lunch.
Umiling siya at naglakad na, nilagpasan ako.
“Hannan wait!” Hinawakan ko ang kanyang pulso pero laking gulat ko nalang nang binawi niya iyon sa akin, matalim akong tiningnan.
“Don’t touch me!” She said with her teary-eyes. “Stay away from me Red!” May tumulong luha sa kanyang mga mata saka siya tumakbo paalis. I was left dumbfounded. Walang alam sa sinasabi niya at pag-iyak niya.
Wala sa sarili akong naglakad patungo sa room ni Tres. Hinagilap ko ang aking cellphone at nagcompose ng mensahe para kay Leeland.
Ako: Leeland, Hannan is crying. What happened to her?
Tinitigan ko muna sandali ang aking cellphone hanggang sa nagreply rin si Leeland.
Leeland: Pinagalitan ng Mommy niya. Stop worrying. We’ll comfort her.
Ibinulsa ko ang aking cellphone at bumalik sa aking daan. Hindi ako mapanatag. Para kasing may galit itong kinikimkim sa akin. This is not the first time she glared at me like that. I think something’s wrong. Dahil ba wala na akong oras sa kanila? O kaya dahil doon sa trip na ipinangako ko kaso hindi natupad?
Nagtatatakbo ako papuntang cafeteria. Nakita ko ang mga kaibigan ko roon, pinapalibutan ang umiiyak na si Hannan. What happened to her?
“What happened to her?” tanong ko nang tuluyang makarating sa harapan nila.
“Napagalitan ng Mommy,” malungkot na sabi ni Troye sa akin at nakuha pang bumulong. “Dahil lang maliliit ang kanyang marka sa exam at bumagsak siya sa isang subject. Binibigdeal ng Mommy niya eh final exam na ’yon. Hindi na siya makakabawi.”
I’ve seen her Mom. Strikta talaga iyon sa pag-aaral ni Hannan.
“Pero hindi naman siya bumagkas over-all ah?”
“Iyon na nga Red. Binibigdeal parin ng Mommy niya iyong isang subject,” si Klint naman ang sumagot this time.
“Ngayon ay pinapalipat siya ng school dahil bad-influence raw tayo.” Malungkot na sabi ni Leeland.
That’s too much! Grade 10 na kami next year at dalawang year nalang makakagraduate na kami. Bakit naman siya ililipat dahil lamang doon?
“Hannan? Gusto mo kausapin ko ang Mommy mo?” Leeland told her.
Umiling siya. “H’wag na kayong makialam please!”
“Pwede kaming pumunta sa bahay niyo, Hannan. Magpapaliwanag kami,” si Klint.
“Oo nga Hannan. Unfair naman kung hindi ka namin makakasamang grumaduate.m,” si Troye.
“Ayokong magkalayo tayo…” malungkot na saad ni Yashin.
Umiling-iling siya. “H’wag na p-please…” daing nito sa garalgal na boses.
“Pero Hannan, sayang naman at magkakalayo tayo sa next na pasukan.Ang harsh naman ng Mommy mo.” I reasoned out.
Ibinaba niya ang kanyang kamay, matalim na naman akong tiningnan. Nagulat ako roon.
“Hindi mo kasi alam ang Mommy ko, Red! Palibhasa napakaspoiled-brat mo at palagi kang kinokonsente ng Mommy mo! Wala ka sa posisyon ko so shut up!”
Natigilan lahat ng estudyante sa kanyang sigaw rito. Lalo na ako. Hindi ko ineexpect na mamimisenterpret niya iyong sinasabi ko.
“Ayoko lang naman na m-malayo tayoㄧ”Talaga? Eh busy ka nga araw-araw kakalandi kay Tres!“
“Hannan!” Saway sa kanya ni Leeland sanhi para matutop ang kanyang bibig. Yashin hugged her again, comforting her from crying so hard.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. Sinikap ko iyong ikubli sa loob ko, pero hindi iyon naitago ng tumataas-baba kong balikat.
Suddenly, someone covered my eyes para itago ang aking mga luha sa kanila. At kung sino man ’yon ay gusto kong magpasalamat sa ginawa niya.
“Let’s eat our lunch.” I heard Tres’ baritone voice filling the whole atmosphere lalo na’t pumaibabaw ang katahimikan. Hindi ko makita ang reaksyon ng lahat. Umiyak ako sa kanyang palad at hindi na napigilang mapahikbi. Kung hindi tinatakpan ni Tres ang aking mga mata ngayon, makikita ng lahat ang tinatago kong sakit.
Naramdaman ko ang paggiya niya sa akin palabas. Nakayakap ang kanyang braso sa aking ulo at hindi parin binababa ang kamay. My shoulder rocked violently. Humahagulhol na ako ng iyak.
“W-Why are you covering my eyes… T-Tres?” I asked between my sobs.
He tsked. “That’s why I hate friends.”
Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad at iginiya narin ako. Doon niya lang inalis ang kanyang kamay nang makarating kami sa kanilang classroom.
“Wipe your tears.” Natakpang muli ang aking mukha ng mabango niyang panyo.
“Just eat when you’re finish crying.”
Tumango ako at sinikap na h’wag ng umiyak. First time ko ang masigawan ng ganoon sa maraming tao at first time ko ring masabihan ng ganoon sa maraming tao. I am just being her bestfriend pero mali pa ata ang pagkakaintindi niya sa sinasabi ko.
Tumabi ako kay Tres pagkatapos umiyak. Hindi niya pa nagagalaw ang kanyang pagkain. Wala pa kasi iyong bawas.
Inusog niya iyon at itinapat sa akin. I glanced at him and smiled a bit. “T-Thanks.”
Tahimik akong sumubo ng maliit. Wala akong ganang kumain. Kaya kahit ang kausapin siya ay hindi ko rin gaanong nagawa.
Pagkauwi ko ng bahay, sinikap kong tawagan ng paulit-ulit si Hannan. I wanted to say sorry dahil kasalanan ko rin naman. Sinabihan ko ng harsh ang Mommy niya. Syempre masasaktan siya dahil Mommy niya parin iyon after all.
“Yes sweetie, you really need to apologize. Go and talk to her.” Payo sa akin ni Mommy when I confessed what happened to me and Hannan. It was early in the Morning.
Wala na kaming pasok. Noong nakaraang araw, Recognition Day, hindi umattend si Hannan kaya hindi rin kami nakapag-usap ng masinsinan. Dahil ba nahulog siya sa Top 10 nalang? While Tres is still the Top 1. And he’s the first honor over all. There’s no doubt. Eh palagi nga iyong nagbabasa ng libro.
“But Mommy, her Mom was there! Natatakot ako!” I pouted.
“Baby, mahalaga pa ba iyon kaysa sa friendship niyo ni Hannan? Go and change your clothes. I’ll bake some pastries and cookies para may madala ka sa bahay nila.”
Tumango ako kay Mommy at pinanood siyang lumalabas na sa aking kwarto. Ilang araw narin kasi akong hindi mapakali. Hindi pa kami nagkakabating dalawa and it fustrates me. Hannan is a good friend to me! Ayoko namang masira lang dahil sa pagiging immature ng bibig ko. For saying such things without even thinking.
After maluto iyong cookies and pastries ay nagtungo rin ako sa kanilang bahay. Nagdoorbell ako roon. Iyong maid ang bumukas ng gate.
“Nandiyan po si Hannan?”
“Wala eh. Kakalabas niya lang. Gusto mo bang dito nalang hintayin sa loob, hija?”
I was about to say something when I heard her voice.
“Red?”
Napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang pauwi na ata. She’s wearing a cute dress and sandals. Did she put a make-up on her face? Saan siya galing?
“Hannan.” I smiled sheepishly. “Um, I’m here to… uh, give this to you! Mom baked it!” She stared at me for awhile. “And I’m sorry. F-For what happened.”
Ngumiti siya ng matamis saka ipinagbahagi ang mga kamay.
Napanguso ako at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya. “I’m really sorry! Swear! Hindi ko sinasadyang sabihin iyon!”
Humalakhak si Hannan. “Nadala lang rin ako sa emosyon ko. Bati na tayo?”
“Of course you’re my bestfriend!”
Chapter 28
Game of Love
Confession
“Where’s your Mom?” Iginala ko ang tingin sa kanilang bahay. Malaki ang loob at maraming abstract painting ang nakasabit sa dingding. May malaki rin silang vase na abstract design. Mahilig ata ang parents niya sa ganoon.
“Nasa work. Do you want to eat something?”
Umiling ako. Napansin ko agad iyong asong tumatakbo na papalapit sa kanya. Yumuko siya at sinalubong iyon.
“You have a dog?” Nakangiti kong tanong.
Tumango siya. “I bought it last year. His name is Chirpie. Ang cute diba?”
Tumango ako.
“May aso rin ako kaso natatakot pa ako ng slight na makipaglaro sa kanya eh.”
“Oo nga pala. May phobia ka sa aso.” Sabi niya sakin. “Diba nakuha mo iyon noong bata ka pa? Iyong may kumagat sa’yo?”
Tumango ulit ako. Alam na ni Hannan lahat ng detalye sa aking buhay. Kaya nga nasasayangan ako kung dahil lang doon ay masira kaming dalawa.
“Since Summer na. Magbeach kaya tayong tatlo ni Yashin?” Anyaya ko.
“Sige. Ikaw bahala.”
“Great! Libre ko naman lahat don’t worry. I’ll tell Mom so that she can plan it right away.”
Madalas na ang pagpunta ko sa bahay nila Hannan. Minsan nagmomoviemarathon kami at minsan rin ay nagkukwentuhan lang ng kung ano. Binigyan ko muna siya ng oras at hindi muna pinupuntahan si Tres sa kanilang bahay. Maiintindihan niya naman siguro kung gusto ko munang bumawi sa kaibigan ko. I know he doesn’t care about it pero ayoko rin namang masira ang pagkakaibigan namin kaya bahala siya diyan.
“Tuloy parin ba iyong paglipat mo ng ibang school?” tanong ko habang pumapapak ng chips. Nasa kwarto niya na naman ako.
“I convinced my Mom na bigyan ako ng second chance. Ang sabi niya huli na daw ’to. Pag bumagsak ulit ako sa isang grado, ililipat niya na ako sa ibang school.”
“Ba’t ka naman bumagsak sa isang subject?” tanong ko.
“Mababa ang nakuha ko sa exam at wala akong nasalihang booth.”
“Ganoon ba kalaki ang grades noong booth?”
“Hindi naman. Pero kung nakasali ako eh dagdag na sana iyon at pwedeng idagdag sa exam ko. Hindi naman ako katulad ni Tres na kahit walang salihang booth ay makakakuha parin ng mataas na marka dahil palaging perfect sa exam.”
Wow! He’s always perfect? Pero hindi lang iyon ang kumuha ng atensyon ko.
“Sumali ng booth si Tres, Hannan. Iyong pretend as a couple.” Mataman kong sabi.
“He didn’t, Red. Kami pa ngang dalawa ang hindi lang nakasali. Inanounce iyon sa klase.”
“Sumali siya, Hannan.” Giit ko na nagpatawa sa kanya.
“Hindi nga. I’m his classmate, Red. Alam ko ang nangyayari kay Tresㄧ”Pero ako ang naging partner niya. Ang sabi niya ay sumali raw siya sa booth kaya kailangan niya ng partner. K-Kaya nga hindi ko kayo nakasama ng buong araw dahil sa kanya.“ Nag-iwas ako ng tingin, nagi-guilty na naman.
Sandali siyang natahimik. Tila pinapasok ang lahat sa utak. Kalaunan ay ngumiti rin siya.
“Hayaan mo na. Tapos na ’yon.”
Naguguluhan ako. Kung hindi pala sumali si Tres sa booth, ano iyong inaakto-akto niya? O baka naman nakalimutan lamang siyang ilista?
Nagsimulang kumalabog ang dibdib ko dahil sa haka-hakang tumatakbo sa aking isip. That’s impossible. Ba’t naman siya magpapanggap ’di ba? Yeah right. Baka hindi lang siya nailista.
“So, nagkikita parin kayo hanggang ngayon?”
Umiling ako. “Gusto kong bumawi sa inyo ni Yashin kaya tayo nalang muna.”
“It’s okay, Red. That’s your happiness and I’m going to support you. I’m sorry kung nadamay pa kita sa problema ko kay Mommy.” Malungkot niyang sabi sakin.
Sa lahat ng pwede kong pagkatiwaan, si Hannan lang iyong nalalabasan ko. Mas feel ko kasi siya. I mean Yashin is also my bestfriend pero may mga bagay na mas komportable talaga akong nasasabi kay Hannan.
“Hannan…” I bit my lower lip.
“Hmm?” She glanced at me. Namimili na siya ng papanoorin namin.
“I think I already like Tres,” sabi ko na ikinatigil niya. Ilang sandali lang ay nalaglag na ang kanyang panga.
“Sinabi ko naman sa’yo, Tres is irrisistable. Paano na ’yan? Are you going to keep it? O alam niya na?”
Umiling ako. “Alam mo si Tres, Hannan. Heartless siya. A-Ayoko namang matulad sa ibang babae na nareject niya. Besides, he hates having a girlfriend. He hates girls.”
“But you can’t keep it forever. Malay mo may gusto rin sa’yo si Tres pero hindi niya lang sinasabi dahil hinihintay ka lang niyang magconfess.”
“Pero paano kung hindi pala?”
“At least you confessed your feelings. Kaysa naman maging huli na ang lahat ’di ba? Malay mo bigla iyong umalis edi nasabi mo sa kanya.”
Hannan was right. I really need to confess my feelings. Bahala na si Tres kung paano niya iyon tatanggapin. At ako si Red, wala akong inaatrasan. I am just going to confess my feelings and that’s all.
That night, nagpractice pa ako sa harapan ng salamin kung paano sasabihin kay Tres ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Tres…” Napatitig ako sa sarili sa salamin. Naimagine ko agad ang blangkong ekspresyon ni Tres at mukhang hindi naman interesado. Doon palang ay natampal ko na ang aking noo at napahiga sa aking kama.
Tinakpan ko ang aking mukha. I don’t think I can do it. Alam kong umaapaw ako sa self confidence pero pagdating kay Tres, nauubos ako. Walang natitira sa akin at parang hinihigip niya lahat.
May kumatok sa aking kwarto. “Come in…”
Bumukas iyon. Itinagilid ko ang aking mukha at nakita si Mommy.
“Here’s your milk, honey.”
Bumangon ako at umayos sa pagkakaupo sa aking kama. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok kong tumakip sa aking mukha.
“You okay?” Puna niya nang inilapag niya sa aking bedside table ang isang basong gatas.
Ngumuso ako at umiling. “I’m nervous Mommy.”
“Why?” Nag-aalala na siyang umupo sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking braso. “May problema ba? Tell me?”
“I am planning to confess my feelings towards s-someone Mom. I like him since last year. At lumalala lang iyon habang tumatagal.”
“Aww… baby, go and tell him.”
“That’s what Hannan told me, Mom. But I’m scared. What if ireject niya rin ako katulad doon sa mga babaeng nareject niya na.”
“You never know, hija. Tell him. If he doesn’t accept you then it’s not your loss.”
“So kahit magkaboyfriend na ako okay lang?”
She chuckled while nodding her head. “That’s your happiness so we’re just going to support you. And that’s your right as a teenager anyway. We’re just going to guide you.” Hinaplos niya ang aking pisngi at ngumiti ng matamis sa akin.
“Thank you Mommy…”
“You’re welcome.” Hinalikan niya ang aking noo. “If he rejected you then go home right away. Your Dad and I are waiting. We won’t reject our daughter. You know how much we love you, sweetie…”
Naencourage ako lalo dahil sa sinabi ni Mommy. Bukas na bukas, gusto ko na agad magconfess. So what diba kung ireject ako ni Tres. I still have my parents and friends! And besides, pagkatapos kong malaman iyong tungkol sa booth, maybe there’s really a chance.
That night, I texted him to meet me tomorrow.
Tres:
Punta ka nalang sa bahay.
Tamad talaga nito! Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako:
No, Tres! Let’s just meet somewhere. Iyong malapit na cafe sa inyo.
Natagalan siya sa pagreply. Kinakabahan ako at naeexcite at the same time. It’s now or never.
Tres:
Is that important?
Ako:
Yes. Please, just this once.
Tres:
Tsss
Was that a good sign? O hindi?
Ako: I’ll wait you there tomorrow. 2:00 pm. I’ll wait, Tres.
Hindi na siya nagreply pa. Siguro malalaman ko lang ang sagot niya bukas. Kung pumunta siya, edi mabuti! Pero kung hindi, pupuntahan ko nalang siguro siya sa bahay nila. I need to confess my feelings right away! Ayokong mahuli ako. Ayokong magpanggap at pigilan ang feelings ko para sa kanya.
Pagkagising ko, nagulat ako nang matagpuan ko si Mommy sa kusina. She was preparing my breakfast which is really odd.
“Mom?” I chuckled.
“Good Morning honey! Come here and have your breakfast. Anong oras ka ba aalis?” Aligaga siya kakalagay ng kung ano ano sa mesa. Maayos niyang inilapag sa placemat ang plato at sinalinan ng pineapple juice ang baso.
“Sit down, honey.” Pinaghila niya ako ng upuan.
She’s acting weird kaya takang taka akong lumapit roon. I am still wearing my long sleeve and pajama.
“Your Dad left early dahil may emergency. He can’t cheer you up later so I’m here to cheer you up. Goodluck later okay! Tell me when you get home.” Hinalikan niya ang aking noo na ikinangiti ko na ng malapad.
“Thanks Mommy.”
“I’ll go now, okay? Goodluck!” Kumaway siya sa akin at nagmamadali nang umalis. Napahagikhik nalang ako.
I finished my breakfast and took a bath after. Ilang oras akong nagbabad sa bathtub. Ibinuhos ko ang dalawa kong showergel doon para kumapit talaga ang bango sa aking katawan. Pagkatapos kong maligo ay nagpatawag ako ng home service para ayusan ako. Since this is an emergency so I really need to look good.
I wore an A-line dress with multiple platings. May mahaba iyong laces na kahit itali ko ng ribbon style, may masasabit paring lace. It was a black dress with white cards prints on it and paired it with sandals. Ang tanging kwintas lamang ni Tres ang suot bilang jewelry sa katawan. Hinayaan ko lang na lumugay ang aking buhok at itinutulak ko iyon para pumunta sa aking likuran at maexpose ang malalalim kong collarbone.
Maaga ako ng limang minuto sa cafe. Kaso ganoon nalang ang pagkakagulat ko nang madatnan ko si Tres roon. Napunta sa akin ang kanyang tingin. He lazily watched me from head to toe and glanced at my face again.
I gather all my strenght to walk towards him. Hindi siya natinag sa pagkakaupo at sinundan lang ako ng tingin. I pulled the chair in front of him and smiled a bit.
“You’re early. Akala ko late ka.” Marahan akong tumawa.
“Wala akong ginagawa.” Itinaas niya ang hawak na frappe. “Nandito rin ako dahil nauuhaw ako.”
I see…
Akala ko ganoon na iyon kadali. Akala ko pag nakita ko siya ay masasabi ko agad sa kanya. Pero taliwas ata sa ineexpect ko ang nangyari. Para akong matutunaw ng wala sa oras dahil sa kanyang paninitig. Kahit iyong mga isinaulo kong sasabihin sa utak ko ay bigla nalang nabura at hindi ko na mahagilap roon. I totally lost all the words I wanted to say darn it!
Inabala ko muna ang sarili sa pag-order. Ininom ko ang tubig sa aking harapan at sinulyapan siyang muli. He’s wearing a black jacket at suot ng kanyang ulo iyong hoodie. Nakabulsa ang dalawang kamay at tamad na nakasandal sa upuan. His eyes were dark and instense. Tila may ikinakagalit siya sa isang bagay pero blangko lang naman ang ekspresyon ng mukha.
“A-Ang gwapo mo.” Natatawa kong komplimento pagkatapos kong mapuna ang kanyang imahe kahit hindi ko na dapat sana isaboses. Dapat nga kinimkim ko nalang iyon pero parang isang nagtatakbong aso iyon sa labas ng gate at nakalimutang isara kaya ganoon nalang ang pagkakabitaw ko, hindi sinasadyang nakatakas.
He sipped on his frappe while eyeing me. Ang isang kamay ay hindi parin inilalabas sa bulsa.
Inilapag niyo iyon. Dumako ang aking tingin doon sandali pero nalipat rin sa kanyang mukha.
“Kung sinabi mo saaking date pala ang magaganap, edi sana hindi ako nagjacket.”
“T-This is not a date…” I smiled sheepishly.
“It looked like we’re having a date. Masyado kang maganda.” Sabay iwas ng tingin sa ibang dako.
Napamulahan ako ng pisngi. He told me I’m pretty… N-Nagagandahan siya sa akin. Masyado bang naging halata na naghahanda ako?
“I-I don’t have any simple dresses.” Rason ko nalang.
“Don’t brag about it. Wala namang hindi nakakaalam sa estado niyo. You’re living a luxurious life.”
Lumunok ako ng laway. Mas nahihirapan tuloy akong magconfess dahil lumiliko na sa kahit saan ang aming pag-uusap.
“Am I still going to be your pretend girlfriend this school year?” I asked.
“Yeah…”
Tumango-tango ako, nag-iwas ng tingin. Iginala ko ang tingin sa paligid. Medyo marami palang tao sa cafe. May iba na kaedad namin at may napapansin rin akong pinagtitinginan kami rito. Dumating ang order ko kaya natuon rin doon ang aking atensyon.
“Thanks,” I smiled to the waiter. Tumango ito sa akin at ngumiti pabalik saka rin nagpaalam. He’s even blushing.
“Ano bang gagawin natin dito?” Tres suddenly asked impatiently.
“Uh…”
Umangat ang kanyang kilay. Lumunok ako ng laway at tiningnan siyang mabuti sa kanyang mga mata. You can do it, Red! Hindi mo naman iyan ikakamatay!
“Sa school ka parin ba mag-aaral?”
“Sa simbahan na ata.” Sarkastiko niyang sagot kaya doon ko lang napansin ang tanong ko.
“I-I mean, sa dati nating school.” Gosh! How can I confess if he’s being like this?
Tumango siya.
Nawalan ako ng ganang magsalita kaya sumubo nalang ako noong order ko. Nagsisimula na akong maging uneasy. Dapat sanay na ako kay Tres dahil madalas naman kaming nag-uusap. Pero iyong magtatapat ako ng nararamdaman ko ngayon, nilalamon na ako ng kaduwagan ko. Saksi ako sa mga babaeng pinaiyak niya at hindi ko masikmurang sumunod ako sa mga babaeng iyon. What if ganoon rin ang kahihinatnan ko?
“Where were you these past few days?” tanong niya bigla.
“Nandoon ako sa bahay nila Hannan. Remember my bestfriend? Magkabati na ulit kami.” I smiled. “I said sorry to her. Ayoko kasing itapon nalang basta basta ang friendship namin eh.”
Inangat niya ang kanyang frappe at sinipsip iyon. Hindi ko siya makitaan ng interes sa pinagsasabi ko. Narinig kong muli ang payo ni Hannan at Mommy sa akin. Para iyong nag-eecho sa aking tenga at tinutulak na ako para umamin.
“T-Tres, the reason I called you here because…” Tiningnan ko siya ng seryoso sa kanyang mga mata. “I… I like you.”
Wala akong nakitang pagkagulat roon. Nanatili siyang nakatitig sa akin, kalmado lamang.
“B-But I know you hate girls so it’s fine with me. G-Gusto ko lang talagang sabihin. I like you, Tres.”
Yumuko agad ako. Hindi ko kayang makita ang kanyang ekspresyon at hindi ko kayang marinig ang kanyang sagot. Mas mabuti sigurong h’wag nalang siyang magsalita.
“I like you too.” Pag-amin niya na ikinagulat ko. Mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya.
“I want you to stop pretending and be my girlfriend officially…” ani Tres.
Napangiti na ako ng malapad kahit na sobrang init na ng aking pisngi. Wala akong masabi at mapagkumparahan ng saya. Ito ang unang pagkakataon na naging ganito siya katamis magsalita.
“I’m inlove with you, Tres! Kinimkim ko lang talaga dahil natatakot ako na baka ireject mo ako.” Natatawa kong sabi, hindi na naman maawat ang pusong pumipintig ng marahas.
Inilapit niya sa akin ang kanyang mukha. I thought he wanted to kiss me or something, pero ngumisi siya at tinanggal ang hoody na suot. His messy hair got reveal. Now he looked like a gorgeous devil. A mysterious devil.
“Is that what you’re expecting I’ll say to you after what you did to me? After playing with me?” Nag-iba ang tono ng kanyang pananalita.
Napawi ang kanyang ngisi at napalitan ng kakaiba ang kanyang ekspresyon. I can sense his anger. He can’t hide those ruthlessness in his eyes.
“Ilang buwan na ba tayong magkasama? You really are simple. You trust way too easily.” Mas lumamig ang tingin sa akin.
Humilig siya sa mesa, hindi mabura-bura ang nakakalokong ngisi. “I’d never say anything so cheesy.”
Nabura ang malapad na ngiti sa aking labi. Naguguluhan ko siyang tiningnan. My hopes were suddenly crushed into pieces. Napalitan ng kirot ang sayang yumakap sa akin kanina.
“W-What?”
“You really need to learn a little from me. You can’t live your life this way. Nagpapauto ka agad sa mga simpleng salita lang. Did you get dress just to confess your stupid feelings for me?” He leered at me. The kind of stare I hate the most.
Sunod sunod na pumatak sa aking mga mata ang malalaking luha. Hindi ko na iyon nakayang kimkimin pa. Marahas akong tumayo, ni wala na akong pakialam kung marami ang nagtitinginan sa amin.
Sumunod ang mga mata niya sa akin. Nanatili siyang nakaupo roon, naninimbang ang tingin.
Humikbi ako at mabilis ang pagkuha ko sa isang basong tubig at walang ano-anoy ibinuhos sa kanyang mukha.
“Jerk!” I cried hard.
Hindi siya natinag sa ginawa ko. Buong mukha niya ang nabasa na kahit ang kanyang buhok ay nasali narin. Umaagos iyong tubig sa kanyang damit at sinasali sa kanyang pagkabasa. Still, his expression remained blank.
“Nagsisisi ako kung ba’t nagustuhan kita eh hindi ka naman kamahal mahal!” sigaw ko sa sobrang pagkadismaya.
Tumalikod na agad ako at hindi hinintay ang magiging sagot niya. Kinuha ko na ang tsansang iyon para talikuran siya at tumakbo palabas saka ako nagmadaling sumakay sa naghihintay naming SUV.
I covered my face with my both hands while crying. Hindi ko na maawat ang maraming luha sa paglabas. Kahibangan talagang magkagusto sa lalakeng iyon! I should have known! Alam ko ng wala siyang puso pero sumugal parin ako. At ano itong napala ko? He’s the ruthless person I know and I hate him so much right now. Hinding hindi na ako magpapauto sa kanya. It’s game over. No more plays. Girlfriend my ass. This is the last time I’m going to see him.
Pag-uwi ko ng bahay, wala pa ang parents ko roon. Umiyak ako sa aking kwarto at hinintay sila. I texted Mom.
Go home now, please.
Ilang sandali lang narinig ko na ang kanilang boses. Lumabas agad ako sa aking kwarto at handa ng sabihin lahat ng ginawa ni Tres kung hindi lang ako nakarinig ng sigawan.
“Believe me, Jessa! They framed me up! Hindi ko magagawang mangorakot!”
“My God, Eduardo! 50 million ang nawawala sa kaban ng gobyerno at sa’yo ibinibintang! Kahit pa itanggi mo, kahit pa paniwalaan kita, matatalsik ka sa iyong pwesto at makukulong ka!” My Mom cried.
Para akong nabuhusan ng tubig sa narinig. He’s what…
“M-Makukulong ka Dad?” tanong ko habang namumutla.
Kapwa sila nag-angat ng tingin rito sa akin. Rumagasa ang sandamakmak na luha palabas sa aking mga mata.
“C-Christienne…” Dad called me in horror.
Natakpan ni Mommy ang kanyang mukha at mas humagulhol. “Oh my God Eduardo! Paano na kami ng anak mo?!”
Chapter 29
Game of Love
This chapter is dedicated to Jhazmine Anne delaCruz. Happy reading!
Ruined
Nagmadali akong bumaba. Hinarap ko ng buo si Daddy.
“Anong sinasabi ni Mommy na makukulong ka, D-Dad?” Nanginginig ang labi ko sa sarili kong tanong.
“Naframe up ako anak. Inosente ako at wala akong itinatagong yaman. Hindi ko magagawang mangorakot!”
“Then tell them Dad! Sabihin mo sa kanila na inosente ka!” I cried hard.
Napangiti ng hilaw si Daddy. “I already told them but they didn’t believe me. May ebidensya sila kahit na hindi naman totoo.”
“N-No! Hindi ka nila pwedeng ikulong! You’re innocent! Daddy! Please! Explain it to them! Please!” Nayakap ko na siya ng mahigpit. Umalingawngaw na ang nakakabingi kong iyak na kahit si Mommy ay nakikipagkompetensya narin sa akin.
“I will honey, don’t worry…” Pinunasan niya ang aking luha at niyakap ako ng mahigpit.
That day, ibinalita nga sa telebisyon ang nangyari. Na si Daddy daw ang nagnakaw noong pera ng gobyerno. Idinidiin siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa.
Ang sabi ay lilitisin pa raw ang kaso at haharap roon sa korte. Naniniwala parin akong hindi guilty si Daddy.
Sa bawat hearing ay nasa bahay lamang ako. Nagmumukmok ako sa aking kwarto at nananalanging sana mali ang ibinibintang sa kanya. Ni hindi ko na nahahawakan ang aking cellphone. Palagi akong aligaga at hindi makalma ang sarili.
Inimbistigahan nila ang mga yaman ni Daddy. Naungkat pa iyong mga mamahalin naming gamit. Mga yate, iilang kotse, resort, mansyon, ang pamumuhay ko ng marangya at mga luho ko. Ang sabi nila, pag napatunayang guilty si Dad ay maaari iyong imbarguhin sa amin. Lahat ng naipundar ng aking mga magulang at meron kami ay iniuungkat nila.
How can they put the blame to my Dad? Eh umamin siyang hindi siya ang nagnakaw noong ganoon kalaking pera! Kahit iyong pagpunta namin sa ibang bansa ay binibigdeal na nila. My parents were working hard! Paano nila nakukwestyon ang mga perang nilulustay ni Daddy eh pinaghirapan niya iyon?
My Mom hired a lawyer to help my Daddy’s case. Ang sabi noon ay maipapanalo niya raw ang kaso ni Dad basta ay magsabi lamang siya ng totoo para wala silang sabit. Iyon ang binitiwan nitong pangako sa magulang ko.
“Huling pera na natin iyon sa bangko, Eduardo. Handa akong magbayad ng malaki sa lawyer na iyon masalba ka lang. Kahit matalsik kana lang sa pwesto mo h’wag ka lang makulong.” Iyon ang narinig ko kay Mommy kinagabihan habang nag-uusap sila.
I cried silently. Wala akong maitulong sa mga magulang ko. Kung pwede ko lang sanang kumbinsihin silang lahat na inosente naman si Daddy. Na lahat ng pera na winawaldas niya ay galing sa kanyang dugo at pawis. May tiwala ako sa aking Daddy at hindi niya magagawa ang bagay na ’yon.
“How about Christienne’s college? Itinabi ko iyon para sa kanya, Jessa. Para makapag-aral siya sa isang prestigious school. Pinangakuan ko siyang magc-college siya sa ibang bansaㄧ”Mahahanapan ko ng solusyon ang pag-aaral ng anak natin, Eduardo. Pero sa ngayon, magfocus muna tayo sa kaso mo, please!“
Hindi ako nakatulog kakaiyak at kakadasal na sana, maabswelto ang isinampang kaso kay Daddy. Ayoko siyang makulong sa salang hindi niya naman ginawa!
Huling hearing na ni Daddy. Sumama na ako dahil ito ang araw na mapapatunayan siyang guilty o hindi. He’s not guilty at alam kong mali ang ibinibintang nila sa kanya.
Napakaintense ng pagpapalitan ng salita noong magkabilang panig. Halatang dinidepensahan talaga noong lawyer si Daddy. Nangininig ang aking mga kamay na kahit ang aking tuhod ay hindi ko narin mapigilan dahil sa tensyong nagaganap. Mom held my hand and smiled at me. Pagod ang kanyang mukha at halatang walang tulog. Ni hindi siya nakakakain ng maayos.
May kung anong sinabi iyong lawyer na nagpatayo kay Daddy sa gulat.
“No! You’re wrong! I didn’t say it! Hindi ko kailanman nanakawan ni piso ang bayan!”
“Well Senador Valerio. Ang sabi mo sa akin, nanakawan mo ng isang beses ang kaban ng bayan at naulit ulit iyon noong nakaraang taon. Pero hindi naman malaki iyong kinupit mo dahil sampong milyon lang naman.”
Napatayo narin si Mommy sa sobrang pagkakagulantang. Para na akong aatakihin sa puso. Binabaliktad siya noong lawyer!
“Objection your honor!” Sigaw ni Daddy, nagmamakaawang patigilin ito.
Pinabalik sa pagkakaupo si Daddy at hinayaan ang lawyer sa pagsasalita.
“Naging honest sa akin ang aking kliyente at umaming nangupit siya ng pera pero itinatangging sampong milyon lamang daw iyonㄧ”Hindi ganyan ang Daddy ko! D’Don’t lie!“ Naiiyak na akong sumigaw. “He’s innocent! Please! That’s our last money! Don’t betray my parents, please!”
Sa aking pagmamakaawa, sa mga bumuhos na luha, hinatulan parin ng bilanggo ang aking inosenteng ama. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano ko siya niyakap ng mahigpit habang pinoposasan siya noong mga pulis at kinakaladkad.
“No please! H-He’s innocent! Please!-Daddy!” Hindi ko binitiwan ang sariling ama at niyakap siya. Natatakot ako na baka pag bumitaw ako ay tuluyan siyang makawala.
“Parang awa niyo na! Wala akong kasalanan!”
“Eduardo!” Umiiyak narin si Mommy at niyayakap si Daddy. Nahihilamos ko na ang sariling luha pero hindi ko iyon batid sa kakaiyak at kakasigaw na sana ay h’wag siyang ikulong.
“Hija. Kailangan na naming ikulong ang ama mo.” Marahas akong hinila noong pulis. Nagngitngit agad ang tingin ni Daddy sa kanya.
“Don’t touch my daughter!”
“Daddy! D-Daddy!”
“It’s okay, Christienne. M-Makakalabas rin kayo. Take care okay? Promise me.” Hinalikan niya ang aking noo. Umiiling ako at humihikbi. Kahit may nakatutok sa aking camera ay wala na akong pakialam sa mukha ko.
Tuluyan siyang nahila. Tinakbo ko ang kinaroroonan noong judge at lumuhod sa mismong harapan niya.
“Please save him! H-He’s innocent! Please! M-Mabait ang Daddy ko a-at kilala ko siya! Hindi niya iyon magagawa! P-Please…”
Bakas ang awa sa mukha noong judge nang makita akong nakaluhod at umiiyak. “Hija, stand up. It’s not your fault.”
“M-My Dad is i-innocent… P-Paano niyo siya nagawang hatulan ng pagkabilanggo sa kasalanang di naman niya g-ginawa?”
“Napagdesisyunan na iyon hija. Bata ka pa at hindi mo pa naiintindihan ang lahat. Pero ang nagkasala ay kailangang parusahan.”
Umiyak ako ng husto. My heart crashed into pieces. Na kahit anong pulot ko, kahit anong ayos ko, hindi ko na iyon maibalik pa sa dati.
I went to my Mom crying. Niyakap ko siya. Nakakabingi ang kanyang iyak na kahit durog na durog na ang aking puso ay mas nadurog pa.
“Pasensya na. Hindi ko nagawang depensahan si Senador Valerio.” Paghingi ng tawad noong Lawyer.
Dumilim ang aking paningin at walang awa itong sinampal ng malakas. Buong buhay ko, ngayon ko lang iyon nagawa sa isang tao. I wanted to make him feel the pain we felt.
“My parents trusted you! P-Paano mo sila nagawang baliktarin! D-Dapat mga katulad niyo ang kinukulong hindi si Dad na inosente!”
Inawat ako ni Mommy. I don’t think I can forget this at hindi ko rin alam kung makakakaya ko pa bang magtiwala pagkatapos ng lahat ng ito.
Malinaw sa akin na hindi lamang ang pagkulong at pagkatalsik ni Dad sa pwesto ang hinaharap namin na problema ni Mommy. Nalulugmok na kami at unti-unti nang nawawala ang ipinundar ng aking mga magulang.
Nalaman kong hindi na nakapangalan sa amin iyong resort, na kahit ang magagarang kotse ay binawi narin. Ang tanging naiwan sa amin ni Mommy ay ang mansyon.
“Mommy? Nasaan ang mga katulong?” Nagising nalang ako kinaumagahan na si Mommy ang nagpapagod sa paglilinis ng buong bahay.
She smiled at me, halata ang pagod sa mukha at pawis na pawis. Ngumiti narin ako ng pilit, hindi pinapakita sa kanya ang luhang nagbabadya na namang tumulo. I can’t cry in front of her right now. Tuwing gabi ko lang iyon ginagawa sa aking kwarto.
“I’ll help you clean the house. Ako na po ang maghuhugas.”
Mahirap mamuhay sa hindi mo nakasanayan. Ilang plato rin ang nabasag ko noong naghugas ako ng plato. Nagkasugat pa ako noong nilinis ko iyon. I cried because of my frustration. Hindi man lang ako nakapaghanda. Bakit ganito naman ata kabilis maningil ang tadhana? Ako narin itong pinaglalaruan niya pagkatapos kong maglaro.
“Ba’t ang init rito sa kwarto mo? You’re sweating!” Nagmamadaling naglakad si Mommy patungo sa aking aircon. “Nasira ba ito? Dapat sinabi mo sa akin para nabilhan kitaㄧ”Mom! No need! Inioff ko talaga iyan.“ sabi ko sa kanya at natigil sa kakapaypay sa aking sarili.
Magkasalubong ang kilay niyang nilingon ako. “Christienne…”
“I don’t mind using a fan. Basta may ibinubugang hangin. At isa pa, kailangan nating magtipid ngayon.”
Namungay ang kanyang mga mata. Mom walked towards me. Umayos ako ng upo sa aking kama. Namumungay ang mga mata ni Mommy at halatang stress.
“Pero hindi ka sanay sa ganito, hija. At ayaw kitang mahirapanㄧ”I’m not going to lose my breath if I don’t use my aircon, Mom.“
She sighed.
“Please, stop worrying. Okay lang talaga sa akin. Di ako magrereklamo.”
“All you need to do is study, Christienne. Promise me.” Hinaplos niya ng bahagya ang aking pisngi.
Tumango ako kay Mommy. Hindi niya man aminin sa akin, alam kong wala na kaming sapat na pera. Inubos nilang lahat doon sa lawyer na binaliktad lamang sila. She has no work at nagbabakasakaling mag-apply sa ibang kompanya pero nagtataka ako kung ba’t palagi siyang umuuwi ng bahay at may lungkot sa mukha.
Kumalat ang balitang iyon. Kahit ang aking sarili ay lumabas sa telebisyon habang umiiyak at niyayakap si Daddy. Palagi iyong laman ng balita kaya hindi na ako magtataka sa susunod na pasukan ay magiging laman ako ng usapan.
Hindi ko na iyon inisip pa. Itinatak ko nalang sa aking utak na kailangan kong magtapos ng pag-aaral ngayon at kunin ang kursong abogasiya. I need to fight for my Dad. Hindi ko hahayaang makulong siya ng matagal sa kulungan kahit hindi niya naman kasalanan.
Sa tuwing busy si Mommy sa paghahanap ng trabaho, binibisita ko naman si Daddy sa kulungan. Dinadalhan ko siya ng masasarap na pagkain na niluluto ni Mommy tuwing umaga.
“Hey, Dad… Are you eating well? Pumayat ka ata?” Sumimangot ako habang pinapanood siyang mabuti. He’s wearing an orange tshirt at halata ang eyebugs sa mga mata. I know he’s already old but he’s more getting older inside this jail. Ang layong-layo niya na sa nakasanayan ko.
“Kumakain ako kaso minsan nagdadiet ako dahil ang sabi nila, may mataba raw akong tiyan,” pagbibiro nito.
“Dad, please don’t starve yourself. Sige ka… H-Hindi talaga kita ilalabas dito pag pumasa ako ng abogasya sa board exam. I’m going to be your lawyer and I promise that I won’t b-betray you…” Pinalis ko agad ang luhang tumakas roon.
Namula ang mga mata ni Daddy. Hinaplos niya ang likod ng aking palad at halatang nagpipigil ng luha.
“I’m glad to hear that, sweetie. But please don’t pressure yourself. Kunin mo ang kursong gusto mo hindi iyong kursong matutulungan ako.”
Umiling ako. “No Daddy. I already made-up my mind. You don’t belong here. Mabait ka. W-Wala ka namang kasalanan. I’m going to fight for you…” Nanginginig ang aking labi habang sinasabi iyon.
Si Daddy na mismo ang nagpunas ng panibagong luha na nangahas na tumakas sa aking mata.
“Thank you for believing in me, sweetie. Everything has a reason hija. Pagsubok lamang ito at alam kong malalagpasan rin natin ito.”
May ganoon ba talagang pagsubok? Iyong parang hindi kana makatayo at tuluyan kanang nilumpo. Iyong ang hirap ng bumangon at parang buong mundo na talaga ang nakadagan sa’yo sa sobrang bigat noong dalhin. I don’t want to question God, pero hindi ko na maiwasang itanong kung dapat bang maghirap si Daddy ng ganito. Dapat ang pinaparusahan ay iyong masasamang tao. Pero bakit napaparusahan si Daddy?
Tinatawagan ako ng mga kaibigan ko araw-araw. Kinukumusta ako kung okay lang ba ako. Sila nalang ang napagsasabihan ko sa lahat at nasasandalan.
Bumili kami ng gamit ni Mommy sa Mall noong malapit na ang pasukan. Kailangan niya rin daw bumili ng panobagong tela para may new uniforms ako.
“Mommy h’wag na. Marami pa naman akong old uniforms and I can still use them,“sabi ko.
“But hija! You’re not comfortable with old things!”
I chuckled. “Mommy, nag-iinarte lang ako noon dahil may pambili naman tayo. Iba na ngayon.”
Nalusaw ang kanyang tingin sa akin, may awa roon at lungkot.
“But I am not sad okay? At least nga may magagamit ako. And I have my old things Mommy. So, notebooks lang ang bibilhin natin dahil hindi pa naman sira iyong mga dati kong gamit.”
“Christienne…” She called in a shaky voice, almost crying. “I’m sorry if we drag you in our mess.”
“Don’t cry Mommy. Baka isipin ng iba diyan masama akong anak.” Pinunasan ko ang kanyang pisngi. “At nangako ako kay Daddy na hindi kita pababayaan. He might scold me!”
Natawa si Mommy at pinunasan narin ang sariling pisngi.
Sa sobrang taas ng pila, naghiwalay nalang kami ni Mommy. Ako iyong nagpacounter habang siya naman ay pumunta sa isang fast food chain para bumili ng aming makakain.
“Diba iyan iyong anak ng magnanakaw na senador?” Narinig ko ang bulung-bulungan sa aking paligid.
“Ang kapal naman ng mukha ng babaeng iyan para lumabas at mamili. Siguro iyang perang ginagastos niya ngayon ay iyong ninakaw ng ama niya sa bayan.”
“Nakakahiya.”
Lumunok ako ng laway at umabante. Sa aking pinag-iisip, aksidente ko pang nabangga iyong babaeng pumipila sa aking harapan dahil sa pagtulak noong isang costumer sa aking likuran.
“Ano ba miss?” Nilingon niya ako, iritang irita.
“I’m sorry…”
Tumitig siya ng maigi sa aking mukha. Kalaunan ay nabahiran na ng iritasyon ang buong ekspresyon.
“Hindi ba at ikaw iyong anak noong magnanakaw na senador?”
“My Dad is not a thiefㄧ” Nagpanic siya sa aking harapan at mabilis na tiningnan ang dalang bag. “Guard! Guard! Ninanakawan ata ako ng batang ito!” Itinuro niya na ako.
“W-What? Hindi ko sinasadyang banggain ka! Wala akong kinukuha sa’yo!” Napaatras na ako sa pagkakabigla. Namumutla ako at hindi alam kung ano nang gagawin lalo na’t mabilis ng tumakbo iyong dalawang gwardya at pinalibutan ako. Someone even grabbed my wrist para lang mapahinto ako sa pag-atras at makasiguradong hindi ako tatakas.
“Guard! Kapkapan niyo nga ang batang iyan at baka may ninakaw sa akin! Binangga ako ng palihim sa aking likod!” pang-aakusa nito.
“I didn’t steal anything from her!” Naiiyak na ako sa pagpapaliwanag. Gumuhit na ang takot sa aking mukha. Kinuha pa noong isang gwardiya ang aking dalang purse.
“Ma’am. Sundin nalang po natin iyong gusto ng customer.”
“B-But I’m innocent!”
“Iyan rin iyong katwiran ng ama mo, hija. Kapkapan niyo yan, guard,” sabi noong nakikiusyoso.
“Kapkapan yan, manang-mana sa amang magnanakaw,” dagdag naman noong isa na matalim narin ang tingin sa akin.
May iba pa na nagvivideo at kinukunan ako ng picture.
“Mukhang tama ang bata, Ma’am. Wala naman itong nakuha sa inyo,” sabi noong gwardya pagkatapos kalkalin ang loob ng aking bag at kapkapan ako.
Umirap iyong ale. She looked embarrased pero nangingibabaw ang pagmamataas. “O baka naman hindi natuloy ang pagnanakaw sa akin.”
Tumakbo nalang ako paalis roon. Ni hindi ko na nagawang bilhin iyong notebook na gusto ko sana. Hinanap ko si Mommy at mabilis ko rin naman itong natagpuan. I even saw her wiping her tears from her eyes. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ito. Kaya ko namang saluin ang lahat ng pang-iinsulto. Pero dapat bang idamay pa si Mommy? She’s very stressed and tired.
“Let’s go home, Mommy…”
“H-Hindi ako nakabili ng pagkain. Mahaba ang pila e,” pagsisinungaling nito sa garalgal niyang boses.
“Ako rin po. Sa sobrang haba ng pila nangalay ako kakatayo. Maybe I’ll just use my old notebooks.”
Umuwi kami ni Mommy ng araw na iyon na walang nadadala. Tinawagan agad ako ni Klint. Bukambibig niya ang nangyari sa Mall. I have no idea kung paano niya nalaman.
“Just avoid from using your social media account, Red. Magdeact ka nalang muna.”
I knew it. Sigurado akong pulutan na ako ngayon ng mga tumatambay sa facebook at nakikitsismis.
Kahit binalaan na ako ni Klint ay lakas loob ko paring binuksan ang aking account. Nagulat nalang ako nang umabot na sa 10thousand plus ang notification ko. Kahit sa wall ay laman iyong nagviral kong video at pinangalanan pa iyong “like father like daughter”
Hati ang simpatya ng mga tao sa akin. May ibang nagmamalasakit, pero karamihan ay inuulan ako ng batikos. Tumutulo ang aking luha kakabasa ng maaanghang nilang salita. Ganito na ba talaga ang mundo ngayon? Kung makapanghusga akala nila alam nila ang buong estorya? Ganoon ba kadali sa kanila ang magbitaw ng masasakit na salita kahit hindi naman nila alam ang sitwasyon?
Bumaba ako ng aking kwarto at nagdesisyong uminom ng tubig. Narinig ko ang paghagulhol ni Mommy sa kanyang kwarto, kung paano siya umiiyak roon at sobrang naaapektuhan sa pangyayari. Kaya ba palagi siyang hindi nakakapasok sa mga trabahong inaaplayan niya? Dahil hinuhusgahan agad ito? Pinagbibintangang asawa ng isang magnanakaw?
Napalingon siya rito sa pintuan at nakita akong sumisilip. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mukha at tumayo.
“A-Are you hungry? Ipagluluto kita.” Nakarating siya sa aking harapan kasabay ng pagkalaglag ng luhang iningat-ingatan kong hindi malaglag. Trinaydor na ako noon.
Nagloosen ang balikat ni Mommy at natakpan ang buong mukha ng dalawa niyang kamay. Napaluhod siya sa aking harapan, malakas ang hikbi.
“I’m sorry, Christienne! We ruined your perfect life! I-I’m so s-sorry!”
Mas lalong bumuhos ang aking luha at lumuhod narin para makapantay ang aking ina.
“Wala kayong kasalanan ni Daddy! Kontento na ako basta buo lang tayo. I don’t mind having all the expensive things as long as we’re just together. M-Mas mahalaga sa akin ngayon ang mabuo tayo… At nangangako akong magsisikap ako sa pag-aaral mabuo ko lang ulit ang pamilyang ito.”
Chapter 30
Game of Love
Gusto kita
That was my worst summer. Kung noon, ang saya-saya ko dahil nakapunta ako sa concert ni Taylor Swift doon sa America noong nakaraang bakasyon, ngayon naman ay kabaliktaran ang emosyong nararamdaman ko. Hindi ako makalabas ng bahay at hindi makapunta sa mga pampublikong lugar. Huhusgahan lamang ako ng mga nakapaligid sa akin. Iiwasan na akala mo may nakakahawa akong sakit at ayaw nilang mahawaan.
“Afford niya pa palang mag-aral rito?”
“Nagfefeeling mayaman parin ba iyan?”
“I’m sure pera ng bayan ang ginagamit niya ngayon para makapag-aral ulit rito.”
“Nakakahiya naman. Magnanakaw pala ang Daddy niya kaya ang yaman yaman nila.”
Bumuntong nalang ako ng hininga habang nakayuko papasok sa eskwelahan. First day of school bilang Grade 10 ko at ineexpect ko na talagang mangyayari ito.
Natigil ako sa paghakbang nang may bumangga sa akin. Sa sobrang lakas, halos mapaupo sa sahig. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng puno ng pang-iinsulto ang mga mata.
“Opse, akala ko basura.” Natawa siya katulad noong mga babaeng nasa likuran niya.
Tumuwid ako at lalagpasan na sana sila kung hindi lang ako hinila noong isa.
“Bastos ka rin talaga!” Inagaw noong isa sa akin ang aking purse habang iyong dalawa naman ay hawak na ako sa braso.
“Wait! Ano ba!” Nagpumiglas ako, nanunubig ang mga mata.
“This is your old bag right? Wala kana bang bagong pambili? Diba paiba-iba ka naman ng ginagamit? Last year, iyong branded mong Luis Vuitton ang brand ng bag mo. Noong first year ka ay Gucci at pinagpapalit palit mo ng Valenciaga. What happened now? Ba’t mukhang ito iyong bag mo?” Natawa siya sa kanyang tanong.
That’s true. Sikat ako rito at pinag-uusapan palagi dahil sa mga mamahalin kong gamit. I am proud to use them at hindi ko naman naalalang pinagyayabang ko iyon sa lahat. Ginagamit ko dahil binibili iyon ni Mommy sa akin. Labas na ako sa mga estudyanteng pinopost nila sa page ng school at ginagawan ako ng article.
Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mata nang ibinuhos niya ang laman. My iPhone fell together with my make-ups and things.
“No! Stop that!” Nagpumiglas ako ngunit hindi sapat ang aking lakas dahil sa dalawang marahas ang pagkakahawak sa akin.
Umabante iyong isa at umaktong pupulutin ang aking gamit kaso ganoon nalang ang panglulumo ko noong tumunog ang screen ng aking cellphone dahil sa pag-apak nito.
“No, please!” Naiiyak kong sabi, hindi na alam kung anong gagawin maawat lang sila. We can’t afford to buy another phone right now sa dami ng inaalalang bayarin.
“Opse…” Yumuko siya at pinulot ang aking cellphone. Ipinakita niya sa akin ang basag na screen.
“Marami namang nanakaw ang Daddy mo sa amin ’di ba? You can still afford to buy another iPhone.” She smirked evilly, showing no mercy.
Napahikbi ako sa kanilang harapan. “My Daddy is not a thief… Inosente siya…”
And they laughed again. Na iyon na ang pinakanakakatawa nilang narinig sa tanang buhay nila.
“Iyan rin ang sinabi mo ’di ba? Nagviral ka pa nga dahil lamang diyan sa linya mo. Liar!” Akma niya sana akong sasampalin nang may humawak bigla sa kanyang pulso. Ang kuminang na earring na suot ni Klint ang agad kong napansin. Seryosong seryoso ang kanyang mukha at may galit ang mga mata.
“K-Klinton…” The girl called his full name in horror. “Bullying is against the school, girls,” ani Klint at kinuha iyong iPhone ko habang hindi parin nabubura ang galit sa mukha sa kabila ng pagiging kalmado lamang.
Nilingon niya ang dalawang babaeng may hawak sa akin. Lumuwag ang kanilang hawak sa akin hanggang sa isa-isa silang nagtatatakbo paalis.
Yumuko si Klint, pinulot ang iba kong gamit. Tumaas-baba ang aking balikat at natakpan ang buong mukha. Napaupo ako sa sahig, hindi tuluyang sumasayad ang aking pwet at humagulhol ng iyak.
“M-My Dad is innocent… B-Bakit ganoon ang tingin ng lahat sa kanya?”
I have no idea why they’re all mad at me now. Dahil lang ba naakusahang magnanakaw ang aking ama? Sapat na ba iyong dahilan para apihin mo ang isang tao eh wala ka naman sa kanyang posisyon? I really don’t understand…
I felt Klint’s hand on my head and pushed me towards him. Ilang sandali lamang ay nasandal ako sa kanyang dibdib. Mas naiyak ako. Ilang araw ko nang hindi nararamdaman na may kakampi ako maliban kay Mommy. Ngayon na nararamdaman ko ang yakap ni Klint, medyo naibsan ang dinadala kong mabigat sa aking loob.
“Yashin,” tawag ni Klint sa aking likuran. Mabilis akong lumingon at nakita ang kaibigan kong seryosong nakatingin.
“A-Anong nangyari?” tanong nito sa nanginginig na labi.
“She got bully. Don’t worry, I rescued her,” sabi ni Klint.
Tumayo agad ako at nagtungo sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa kanyang balikat.
“Inosente si Daddy, Yash… I-I know him…”
Hindi siya umimik. Naramdaman ko lang ang kanyang palad sa aking likuran, marahan niya iyong pinapasadahan at kinakalma ako.
I am still thankful that despite of what happened to me, may natatakbuhan parin akong kaibigan. May naniniwala parin sa akin at hindi ako hinuhusgahan. Tres is wrong about friends. He’s very wrong.
Sa lahat ng nangyari sa akin, natakpan na iyong sakit na naramdaman ko sa kanya. I don’t care about him anymore. Kahit iyong nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko na mahagilap sa ibang parte ng puso kong durog-durog.
Lahat ng estudyante ay pare-parehas ang tinging iginigawad sa akin. Lahat sila ay iisa ang tingin sa akin, na anak ako ng isang magnanakaw.
“Pwede naman sigurong hilingin natin sa head na lumipat ako sa classroom niyo, Red,” sabi ni Klint nang matagpuan namin ang nag-iisa kong pangalan sa isang classroom. Nasa kabilang classroom naman sila ni Yashin. Wala pa iyong tatlo.
“No need, Klint. Okay lang naman ako.” I smiled.
Mas namungay ang kanyang mata. Nasa aking tabi naman si Yashin, tahimik lamang.
“Maraming bubully sa’yo, Red.”
“Di ko sila papatulan at iiwasan nalang sila. I know hihinto rin sila at mapapagod.”
“Peroㄧ”No buts, Martinez. ’Tsaka ayaw mo niyan, classmate kayo ni Yashin. May source ka.“
“Pag may nang-away sa’yo, sabihan mo agad ako ha,” sabi niya, binabalewala ang sinasabi ko.
I nodded.
Nakatingin si Klint sa may pinto habang papasok ako. Isang lukot na papel ang biglang lumipad sa akin at nasapol ako sa mukha. Hindi naman iyon masakit pero nagulat nalang ako sa pagpasok ni Klint sa classroom. Kinwelyuhan niya iyong lalakeng may hawak na panibagong lukot na papel.
“Ano ka, bata?” galit na galit niyang sabi na mabilis kong ikinatakbo para hilain si Klint.
“Stop it, Klint! It doesn’t hurtㄧ”You act like a stupid kindergarten, dude.“ Walang preno niyang sabi roon sa lalake na ngumingisi lang.
“Pinagtatanggol mo ’yan eh magnanakaw iyan. Baka kayo pa ang nakawan niyan.”
Naging madilim ang ekspresyon ni Klint. Lumalabas na ang ugat sa kanyang leeg, halatang kinikimkim ang galit na malapit ng sumabog.
Ngumisi si Klint, nailing siya at mabilis na lumipad sa ere ang kamao. I hurriedly hug his arm to stop him.
“No, please Klint! Maeexpel ka pag sinuntok mo siya!”
Tumaas-baba ang balikat ni Klint, pilit pinapakalma ang nagpupuyos niyang emosyon.
Nilingon ko si Yashin, naroon lamang siya sa may pinto, nagugulat sa bawat nangyayari.
Doon lamang umalis si Klint noong dumating na ang teacher. Umupo ako sa pinakalikod. May iba akong kaklase na nililingon ako at ang sama ng tingin pero binalewala ko nalang. Hindi parin ako makaget-over sa nangyari kanina. Klint almost punched my classmate! I never saw him in his raging anger, ngayon pa lang talaga.
“What happened with the Buenaventura brothers? Kalat ngayon sa school na hindi raw sila nag-enroll dito.”
“That’s weird. Walang nakakaalam kung saan silang school lumipat.”
“Kahit doon sa school noong may elite na magpipinsan, wala rin daw ang magkapatid roon. Hindi kaya nangibang bansa sila? Or worst, naghirap na rin sila?”
“That’s impossible. You know how powerful their parents are.”
“O baka naman nadisgusto na si Tres sa babaeng parang aso kung makasunod sa kanya.” The girl with a straight hair glanced at me, glaring.
“Poor Buenaventura. Siguro siya na mismo ang lumayo dahil ayaw niyang mahuthutan. I’m sure she’s planning to use him but too bad, Tres is smart. Hindi siya mauuto,” sabi naman noong isa.
I just sighed. Mas mabuti siguro iyon. Dahil kung nandito si Tres, madadagdagan lamang ang sakit sa dibdib ko. Baka hindi ko na kayanin ang pang-iinsultong matatanggap ko sa kanya. Siya ang pinakabully pagdating sa akin. At sa kanya rin ako pinakamahina.
“Yow, Red!” Inakbayan agad ako ni Troye nang makita niya ako. “Ba’t mukha kang stress?”
“Nabubully si Red,” medyo galit na sabi ni Klint.
Kunot-noo akong tiningnan ni Troy. “I thought you’re the bully. Ikaw nabubully?” he said innocently.
Ngumuso ako. “I am not a bully.”
“You always bully me,” pang-aakusa niya, nakahalukipkip na sa aking harapan.
“Ikaw rin kaya!”
“Sinong nambully sa’yo nang makampihan ko,” pagbibiro nito, walang ideya sa tunay na nangyayari.
Dumating sina Leeland, Yash at Hannan. I smiled a bit at them. Leeland and Hannan smiled back ganoon rin si Yash na tipid na ngiti ang ibinigay.
“Let’s have our lunch guys, gutom na ako,” reklamo ni Hannan.
Tumayo si Troye, nagawa pang mag-inat. “Maraming mga new students doon sa cafeteria. Lalo na iyong mga freshmen! May nakita akong malaki ang dibdib kanina at freshmen pa ata. Damn!”
I laughed a bit. “Yuck, Troye! Baka iyon ang gusto mong ilunch sige na umalis kana.” I shood him away.
“I’m going to make her my bun for my hotdogㄧ”Tangina labas na! Nakakadiri ka!“ singhal sa kanya ni Klint at nag-akmang tapunan ng napulot nitong gamit. Nagtatatakbo naman agad si Troy palabas, humahalakhak.
Tumayo narin si Klint kaya natuon ang kanilang tingin sa akin.
“Kayo nalang. Nagdala naman ako ng baon,” sabi ko na ikinangisi ni Leeland.
“Gawain mo pa iyon noon ah? Hindi na nag-aaral iyong Buenaventura’ng pinaglalaruan mo rito, Red. Come on,” anyaya ni Leeland.
“I’m fine here alone. Sige na.”
“Ba’t ayaw mong sumabay?” tanong ni Hannan.
“Nasanay na ata akong h’wag kumain sa cafeteria.” Napahalakhak ako.“’Tsaka alam niyo naman ang mga estudyante ngayon, they don’t understand my situation kaya dito nalang ako.” Kinuha ko ang lunchbox sa dala kong paperbag at inilagay iyon sa aking desk.
“Okay, see you later,” sabi ni Hannan na ikinatango ko.
Umalis silang apat sa aking harapan. Napabuntong ako ng hininga at binuksan ang aking lunch box. May naging tulong rin pala iyong pagbuntot-buntot ko kay Tres noon. Nasanay akong kumain sa isang lunchbox at wala ganoong tao. I can feel Tres’ presence beside me. Pakiramdam ko nandiyan lamang siya sa aking tabi katulad noon at hindi lang talaga nagsasalita.
Sumubo ako at tumingin sa labas ng bintana. Nasaan kaya siya? Ba’t bigla silang lumipat ng school? Was it because of me? But Tres is not as shallow as me. Hindi niya naman ipagpapalit ang pag-aaral rito dahil lang gusto niyang iwasan ako. He doesn’t even care at all. Stupid me for thinking about it.
Sumubo akong muli, bumuntong ng hininga.
“Too occupied huh,” Klint suddenly showed up with a food.
“Why are you here?” Halos matawa na ako dahil hinihila niya na iyong isang upuan paharap at umupo sa aking harapan.
“You don’t like being alone, remember? Hindi mo naeenjoy ang pagkain at nalulungkot ka. Gusto mong may kausap palagi,” sabi niya habang pinupwesto ang pagkain sa tatlong putahi at tig dadalaw pa.
Inusog niya iyong carbonara at pineapple juice. “At isa pa, nakakahiya si Troye sa cafeteria. Pinagkakalat ang lahi niya. Kahit sinong freshmen ang hinihingian ng number. Nangingilabot ako sa pakindat-kindat niya roon.”
Natawa na ako. I can imagine Troye right now. Ang unggoy na iyon kahit kailan talaga hindi nagpapaawat sa mga babae.
“Thank you,” I smiled sweetly. He smiled back. “Huhupa rin ang issue. Babalik rin sa dati ang lahat. Don’t worry. We’re here…” sabi niya.
“I don’t mind the attention, Klint. Kahit lumabas lang si Daddy sa kulungan okay na. Kahit h’wag ng bumalik sa dati ang pamumuhay namin, ang nakukuha kong respeto noon sa iba, kahit iyong dating kasiyahan nalang na nakikita ko sa mga magulang ko. Iyong dating ngiti, dating tawa, iyong dating kasiyahan na ang hirap ng matagpuan sa mga mukha nila ngayon.” Napangiti ako ng malungkot, sinisikap na hindi maiyak. “Kahit iyon nalang masaya na ako.”
Naging seryoso ang kanyang mukha at tinitigan nalang ako. Umawang ang kanyang bibig para sana may sabihin nang mabilis rin akong umiling at tumawa.
“No! H’wag kang maawa sakin! I’m gonna use this as my strength. Lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay gagamitin ko para tumatag ako at mas maging malakas para sa aking pamilya, Klint. I’m gonna be a lawyer. Dapat wala akong katakutan. Dapat palaban ako, walang inuurungan. Ito ang magiging practice ko sa future. I’ll use the people around me as my training ground. You know Lawyers, they won’t let the people around them bring them down. At magiging ganoon ako from now on.”
Klint smiled proudly. Nawala iyong awa sa kanyang mga mata at napalitan ng matagumpay na ngiti.
“That’s my babe! You’re a real fighter! Kahit noon pa e, kaya nga hindi manalo-nalo si Troye sa’yo dahil diyan sa angkin mong self-confidence. That’s the spirit!”
I chuckled. “Hindi ako madedepress dahil lang dito. Mag-aaral ako ng mabuti para kay Daddy at para ngumiti na ulit si Mommy. I’m gonna do my best, Klint!”
“Okay! I’ll cheer you, Attorney Valerio!”
We both chuckled.
Ganoon na palagi. Hindi ko nalang pinapansin ang mga nagsasalita sa akin ng masasakit. I need to think like a lawyer. Dapat hindi ako shallow. Dapat minsan heartless rin ako. So what if my Daddy is in jail? I know he’s innocent at patutunayan ko sa kanilang lahat iyon someday. Hahayaan ko munang mag-ingay ang mundo ngayon pero sa susunod, ako naman. Hindi lang ingay ang gagawin ko kundi isang pasabog. Isang pasabog na magpapatahimik sa kanilang lahat.
“Dito muna ako,” inilapag ni Troye ang kanyang pagkain sa aming desk ni Klint. Naantala pa iyong pagtatawanan naming dalawa dahil sa biglaan niyang pagpasok.
“Sinong sumabunot sa’yo?” natatawa kong tanong when I saw his image. Gusot ang uniporme, buhaghag ang buhok, nawawalang dalawang botones ng kanyang polo at nakasimangot niyang mukha.
“Nag-away iyong dalawang freshmen at sinali ako. Ako ang pumagitna para awatin kaso mukhang ako ang napagbuntunan ng dalawa,” dismayado niyang paliwanag.
“You have a scratch on your cheek, Troye!” Malutong akong humalakhak habang itinuturo iyong maliit na kalmot sa kanyang pisngi.
Nailing siya, “Ang lupit ng mundo sa akin ngayon, Red.” pagdadrama niya habang sumusubo. “Baka madepress ako.”
“Kung ako yung babae baka black-eye nailagay ko sa mukha mo.” Nag-apir kami ni Klint at humalakhak.
“Sa susunod babayaran ko iyong mga nilalandi mong freshmen para suntukin ka sa bayag nang hindi mo na maikalat iyang lahi mo,” si Klint.
Humagalpak na talaga kami ng tawa habang siya ay busangot na busangot na.
“Madedepess na nga ako sa kalungkutan ko inaabuso niyo pa.” Nailing siya.
“Ang ao mo!” natatawa kong sabi.
“Ah basta malungkot ako kaya dito na ako kakain. Pagtitiisan ko nalang itong si Red total mas maganda ka pa naman doon sa mga nasa labas.” Ngumisi siya at nilagyan ng maraming pagkain niya ang aking lunchbox. “Kumain ka ng marami Red nang magkalaman ka naman. Ang payat payat mo.”
“Shut up, di ako pumapatol sa dugyot.”
“Hoy pasalamat ka nga isang heartthrob ang nagpapalamon sa’yo. Sikat ako sa mga Grade 7 at Grade 8!”
“Sa juniors at seniors hindi na. Dahil nagiging mature na ang kanilang utak at narerealize na wala namang kamahal-mahal sa’yo. Gwapo ka lang talaga.”
“Ouch,” madrama niyang nasapo ang kanyang dibdib.
“Our girl will going to be a lawyer, Troye. Ano, papasa na?” nagsmirk si Klint.
“Kawawa ang makakalaban niyan. Tustado,” madrama niya paring sapo-sapo ang kanyang dibdib.
Minsan ay sina Hannan, Leeland at Yashin ay humahalo narin dito sa classroom para maglunch. Parang nagiging normal narin sa akin ang lahat. Bumabalik ang sayang nararamdaman ko. Kahit sa ilang oras man lang ay makaramdam ako ng ganito dahil sa kanila.
“Mukhang doon lang sila sa cafeteria ngayon. May practice pa si Hannan mamaya, si Yashin naman mukhang dederitso sa library, si Troy alam mo na kung anong pinagkakaabalahan roon.” sabi sa akin ni Klint nang makapasok siya.
Pumwesto siya sa aking harapan at inilapag ang mga binili niyang pagkain. Iniusog niya sa akin ang mga binili niyang paborito kong kainin roon na ikinangiti ko. I just realized that Klint is very sweet. Sila atang tatlo e. Nasobrahan lang talaga siya.
“You’re sweet.”
Napakurap siya roon. “Napapansin mo?”
Tumango ako. “Maglalawyer ako, Klint. Kailangan kong ianalyze ang bawat detalye dahil baka pwede kong magamit ang maliit na detayle na iyon para maging daan sa isang itinatagong katotohanan.”
Natawa siya. “Mukhang kinacareer mo na talaga ah?”
“Yep! At lahat, lalagyan ko ng meaning. Iaanalyze ko.”
Umangat ang kanyang kilay. “Kahit ito?” Hinawakan niya ang aking kamay at inangat.
Tumawa ako. We’re always like this every lunch time, joking around and end up lauhing.
“Anong pagkakaintindi mo dito?”
“Hmm… you’re holding my hand because I’m special to you and you wanted me to realize you love me kahit na hindi mo siya ivocalize sakin.”
Lumiwanag ang kanyang mukha, tila manghang-mangha. “Kung iyong dating Red iisipin lang noon na friendly lang talaga ako at clingy.”
“I know right. That was me! Masyadong shallow.” I chuckled.
“Eh eto?” Hinalikan niya ang likod ng aking palad.
“That you love me?” natatawa kong sabi.
He smiled. “Red, matagal na kitang gusto. Simula noong elementary pa tayo. Kaso alam kong hindi ka pa handa sa ganoong bagay kaya kinimkim ko nalang muna.”
Tumawa ako. “Iyan naman ay isang mapagmahal na lalakeng nagtatapat.”
“No, I’m serious…”
Naging seryoso na ito na unti-unti naring ikinawala ng aking ngiti.
“Y-You like me?”
He nodded.
“B-But we’re friends, Klint. We’re bestfriends…” Namungay ang aking mga mata kasabay ng paglapit niya sa kanyang mukha at halikan ako sa aking labi.
Nagulat ako roon. It was just a smack pero sapat na iyon para maintindihan ang lahat lahat.
“Normal friends don’t kiss their friend on the lips, Red. Gusto kita.” seryoso niyang sabi.
Kasabay noon ang isang pagkasabag. I thought it was just my heart crashing, pero noong narealize naming nasa may pinto lang iyon ay sabay na kaming napalingon.
I saw the scattered food on the floor and Yashin with her shoulders slowly rocking.
Napatayo ako nang makita ko ang malalaking luhang kumawala sa kanyang mga mata.
“Y-Yash?”
Nailing siya, umatras at nag-iba ang tingin sa akin. Humikbi siya at tumakbo palabas na ikinasunod ko narin.
“Yash!”
Chapter 31
Game of Love
Treasure
“Yashin! Wait!”
Binilisan ko pa ang pagtakbo ko para maabutan ang kaibigan kong hindi tumitigil sa pag-iyak habang nagmamadaling makalayo.
Dumeritso siya sa girl’s cr kaya sumunod rin ako. Nag-akma siyang isarado ang pinto pero mabilis rin akong nakapasok.
May mga estudyanteng nagulat kay Yashin dahil umiiyak ito pero nang makita ako ay nagkasalubong rin ang kanilang mga kilay. Hindi ko na iyon pinansin pa at itinuon ang buong atensyon kay Yashin na panay parin ang iyak.
“W-What’s wrong?” tanong ko sa mahinang boses, nanlulumo dahil may ediya ako kung ba’t siya nagkakaganyan.
“A-Ano ba talagang meron sa’yo Red?! Ba’t sa lahat ng magugustuhan ni Klint ikaw pa! Alam naman nating magkakaibigan na napakaheartless mo! P-Pero hindi ko parin maintindihan…” Nailing siya.
“I didn’t know either! N-Ngayon lang siya nagtapat sa akin Yash! At hindi ko naman alam na g-gusto mo si Klintㄧ”
“Hindi mo talaga iyon malalaman dahil makasarili ka! Sarili mo lang ang iniisip mo at wala kang pakialam sa nakapaligid sa’yo! Wala kang pakialam sa damdamin ng isang tao! Hindi ka marunong makiramdam! Kung alam mo man, wala ka ring pakialam!”
“No! Hindi iyan totoo! Kung alam ko lang na gusto mo pala si Klint then I’m willing to help youㄧ”
“Oh talaga? Eh ayaw mong nalalamangan ka! Gusto mo nasa iyo lahat ng atensyon ng mga lalake!”
Umiling-iling ako, nanunubig na ang mga mata. “T-That’s not true Yash… I value our friendship more than anything elseㄧ”
“Hindi mo alam kung gaano kahirap ang maging kaibigan mo Red! Araw-araw, nagtitiis ako diyan sa kalandian mo! Napakaclingy mo kay Klint pero hindi mo naman mahal! Paano mo nagagawang maging ganyan sa mga lalake?! Sa lahat ng magugustuhan ni Klint ay katulad mo pa na hindi naman masusuklian ang pagmamahal niya at sasaktan lang siya!”
Tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam na matagal niya na pala iyong kinikimkim.
“W-Wala akong alamㄧ”
“Palagi ka namang walang alam e! Palagi kang walang alam sa paligid mo! Lahat dinadaan mo sa pera! Pati Daddy mo binabayaran ang pamilya ko! Dahil ano? Para pakitunguhan kita? Dahil alam nila na hirap pakisamahan ang katulad mong masyadong self-centered at spoiled brat?”
“No! You’re wrong about that Yash! Libre iyong ibinibigay ni Daddy dahil palagi kitang naikukwento sa kanya! N-Na tinutulungan mo ako sa studies ko! Na ang bait mong kaibigan saakin kaya gusto niya lang suklianㄧ”
“Sinungaling! Lahat dinadaan mo sa pera para makuha ang gusto mo! Kaya kahit nasasaktan ako, nakikisama parin ako sa’yo! P-Pero ngayon, hindi ko na kayang magtiis. Nakakasakal kang kaibigan.”
Umagos ang sandamakmak na luha sa aking mga mata. I can’t lose a friend, no!
“Yash… Please, let’s settle this… I don’t like Klint… H’wag nating sirain ang friendship natin d-dahil lang dito.” Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay kaso mabilis niya iyong tinabig.
Suminghap ako, mas tumulo ang malalaking luha sa mga mata.
“Walang friendship na nabuo sa ating dalawa Red. Ginawa mo lang naman akong kasangkapan mo rito para makaahon ka araw-araw sa pag-aaral mo. Ni minsan, hindi ka naging mabuting kaibigan sakin. Puro nalang sarili mo ang iniisip mo.”
Nadurog ang aking puso. Iyong sakit na naramdaman ko noong kinakaladkad si Daddy ng mga pulis ay bumabalik.
“Yash, p-please… T-Tinuring kitang kaibigan at higit pa roon… M-Maniwala ka naman oh?”
Umiling siya. “Hinding hindi na ako magpapagamit sa’yo.”
That was a big blow to me. Tingin niya ay ginagamit ko lang siya? Iyong taon na pinagsamahan namin, akala niya lang ginagamit ko siya rito sa school?
“W-We’re bestfriendㄧ”
“Sino bang gustong mapalapit sa katulad mo Red?”
That made me shut up. Ni ang kanyang paglabas ay hindi ko na magawang sundan dahil sa aking pagkatigil. Nanginig ang aking mga tuhod hanggang sa mapasalampak ako sa tiles. Walang tigil sa paglabas ang malalaking luha sa aking mga mata.
That’s not the Yashin I know. Ganoon nalang ba talaga ako kaself-centered na kahit ang itinuring kong bestfriend ay hindi ko kabisado? Kaya ba nitong mga nakaraang araw napapansin ko na hindi niya na ako gaanong pinapansin? Ibang-iba na siya sa masiyahing Yashin na kilala ko. Was she faking it? Para hindi ko mahalatang may dinadamdam na pala siya?
I value friendship more than love. Na mas gugustuhin kong wala akong boyfriend basta may kaibigan lang ako dahil alam kong mas totoo sila at hinding hindi ka nila iiwan. Pero ba’t ganito? Ba’t parang pinaglalaruan ako ng tadhana at binabaliktad lahat ng pananaw ko? Pinaparusahan ba ako?
Umuwi nalang ako ng bahay. Nadatnan ko si Mommy roon sa may kusina, nagluluto ngunit halata ang pamumugto ng mga mata. She’s even coughing.
“How’s school?” may galak niyang tanong, pilit tinatago ang lungkot.
I smiled. “Okay naman, Mommy. Wait, I’ll help you. Ako nalang ang maghuhugas.” Mabilis kong inilagay ang aking purse sa sofa at nagtungo roon sa sink. Ni hindi ko na nahubad ang aking uniporme.
“Tell me about your day, sweetie,” sabi niya, katulad ng nakasanayan niya tuwing umuuwi ako. Palagi akong excited na magkwento sa kanya tungkol sa mga kabulastugan ni Troy, mga tawanan naming anim at masasaya naming ginagawa sa kabila ng issue.
“W-Well…” Nagsimulang manginig ang aking labi, na kahit ang aking mga mata ay nanlalabo narin dahil sa luha.
“Ganoon parin, Mommy. Nagtatawanan parin kami with small things. S-Si Troye kasi may hinihiritan na naman…”
“That guy is such a playboy!” Natawa si Mommy. “How about Hannan and Yashin? Those two were pretty. Walang nanliligaw?”
“M-Meron naman pero you know them Mommy. They value their studies more than anything.” More than friendship. Gusto ko sana iyong idugtong kaso ayaw kong sirain ang mood ni Mommy. Ito nalang ang nakakapagpangiti sa kanya.
“Ang babait naman ng dalawang iyon. Ang swerte mo at may ganoon kang kaibigan. I’ll bake a cookies for them rapos dalhin mo bukas ha? Ibigay mo.”
Tanging tango nalang ang naisagot ko dahil hindi ko na mapigilang hindi maiyak.
“Ang saya saya ko at nagagawa mo paring tumawa sa kabila ng lahat, Christienne. You’re too young to carry this problem. Dapat sa ganyang edad ay nagsasaya pa. Buti nalang at may mga kaibigan kang nagpapasaya sa’yo.”
Nakagat ko na ang pang-ibaba kong labi. Ayoko namang sirain ang tingin ni Mommy kay Yash. Palagi ko siyang binibida sa kanya. At marami na siyang iniisip. Ayokong makadagdag dahil lang nawalan ako ng kaibigan.
Kinabukasan, panibagong issue na naman ang sumalubong sa akin. Mas lalong nadagdagan ang pang-iinsulto nila at mas lumala ang tingin sa akin.
“Yuck! Pati pala mga friends niya binabayaran ng kanyang Daddy! I can’t believe napagtiisan siya ng mga kaibigan niyang pakitunguhan.”
“Sa dami ng nanakaw ng Daddy niya, pati kaibigan binibili. Ang yaman ko pala pag naging kaibigan ko iyan.”
“Nakakaawa si Yashin. Itinuring pa naman siyang bestfriend pero ginawa niya lang alalay niya rito sa school. Tagagagawa ng homeworks, projects, at libro niya mismo.”
“Yashin is smart kaya ginamit niya dahil bobo siya. Inakit niya lang sa salapi at hindi itinuring na bestfriend. What a shame. Poor Yashin, nagamit.”
Sanay na ako sa kanilang ibinabato sa akin pero ngayon lang ulit ako nakaramdam ng sakit. Nadudurog na naman ako dahil sa binibintang nila. But still, I’m happy because Yashin is safe with the issue. Hindi siya nasisiraan at napupunta lahat sa akin ang paninira. She’s a scholar here. Ayokong masira ang kanyang pag-aaral dahil lang sakin. She’s my bestfriend after all. My former bestfriend.
Ako nalang ang umiwas. Tuwing lunch, sa loob ng girl’s cr ako nagkukulong para kumain. I’m really glad at private school ito kaya minimaintain ang kalinisan. I tried eating in libraries, rooftop, gymnasium, sa lahat ng sulok pero palagi nalang akong nakakagawa ng eksena kaya mas minabuti ko nalang rito sa isang cubicle.
Maybe, I’m really destined to be alone.
Saturday.
Pumunta ako sa subdivision nila Hannan para makausap ito. Iniiwasan ko rin kasi silang anim. Ayoko namang maout of place si Yashin dahil lang sa sagutan namin. At wala pa akong maisasagot kay Klint. Pag nireject ko siya, masisira ang friendship namin. Kailangan ko pang pag-isipan kung paano ko ipapaintindi kay Klint nang hindi siya nasasaktan and for Yashin’s sake.
Hihingi ako ng tulong kay Hannan. I want to fix our friendship. I am not that shallow girl anymore. Malawak na ako mag-isip.
Naglakad lang ako papunta roon. Malapit na ako sa bahay nila Tres nang makita ko ang pamilyar na imahe roon, kakalabas lamang.
I stiffened. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking nakita. What’s happening?
Sa sobrang tagal ng pagkakatayo ko roon, hindi ko na namalayang bumukas na pala ang malaking gate ng bahay nila Tres at lumabas roon ang isang magarang kotse na alam kong madalas sakyan ng kanyang Mommy.
“Red?” She was so shocked to see me. “Get in, let’s talk for awhile hija.”
Bumukas iyong pinto ng kotse sa likod kaya pumasok ako total wala namang tao. At may gusto lang akong klaruhin sa nakita ko.
“How are you? Kakauwi ko lang kahapon galing States eh. Binisita ko ang Mama ko. Naging sobrang busy ko…” Nailing siya, sapo sapo ang noo.
Ibig sabihin, wala pa siyang balita sa nangyayari rito sa Pilipinas?
“Tapos dumagdag pa itong si Dos pag-uwi ko. His Dad told me my son almost killed someone this summer! Ang raming balita ang sumalubong sa akin! Pinatapon niya pa ang tatlo roon sa God know’s where at pinag-aaral niya ng matino. My poor babies. Kinakawawa ng kanilang ama. Eh bukid daw iyon. Dinidisiplina niya total wala raw ako.”
Hindi ko naiwasang hindi mapangiti sa inaasta ni Tita Tracy. She looked like my Mom. Iyong masyadong nag-aalala. Na makikita mo talaga ang emosyon sa kanyang kumikislap na mga mata.
“Wait, dapat ikaw ang topic natin. Look at you, you lose weight! Dahil ba hindi kana napapakain ni Tres? Let’s go, susunduin natin sa bukid nang magkita na ulit kayoㄧ”No Tita. I’m fine naman po. H’wag na. ’Tsaka alam niyo naman po si Tres, ayaw ng abala sa pag-aaral niya. At mas mabuti po ang ganito sa aming dalawa para makatutok kami sa pag-aaral namin,“ paliwanag ko.
“You really are a good girl. Sana mapatino mo dahil hindi ko maintindihan ang ugali noon sa mga babae. Kinakawawa. Lalo na iyong kababata niyang si Hannan. Palagi niyang tinataboy. Kanina nga, pumunta na naman sa bahay, nagtatanong kung nasaan raw si Tres. I don’t understand that girl. Ewan ko ba kung ba’t pinagtitiisan ang anak ko.”
Bumilis ang kalabog ng aking dibdib nang mabanggit nga ni Tita ang nakita ko kanina. What’s this Hannan? May hindi ba ako alam?
“I know her po, Tita. Schoolmate po namin siya ni Tres.” I tried to maintain my cool kahit na nagugulantang na ako sa nalalaman.
“Payuhan mo nga Red. Sabihin mo tigilan na ang anak ko dahil nakakaawa na siya. My son, Tres, is not like my Uno. Hindi gentleman at sweet si Tres. Wala talaga iyong awa at handang mangreject. Buti pa sana kung katulad ni Dos na lalandiin muna bago itataboy pero hindi. Tres is always straightforward. Wala iyang pakialam.”
“G-Ganon nga po si Tres, Tita. Kawawa naman po si Hannan…” sabi ko sa kabila ng kalabog ng aking dibdib.
“Masyadong maeffort ang babaeng iyon. Binigyan niya pa ng aso si Tres pero ibinalik lang ni Tres. Eh dog lover iyon tapos sa unang pagkakataon tinanggihan ang aso. Si Thirdy lang talaga ang pinatira niya sa bahay, iyong aso mo.”
No please heart, don’t be flattered like that. We’re done being shallow. H’wag kang tumitibok tibok diyan na akala mo hindi ka nasaktan ng todo.
“P-Pero diba po Tita nabanggit mo na kababata sila?”
“Yes. She’s the one I’m talking about. Iyong batang babae na close ni Tres at kalaro niya sa park palagi. Di ko nga alam kung anong nangyari sa friendship ng dalawa. Even my son Uno, kahit mabait iyon ay paasa rin. I really don’t understand my children. Mahal ko naman sana pero kung umakto eh parang hindi sila mahal ng nanay nila kaya ganyan nalang kung makapanakit.”
Kaya ba may aso siya? Ba’t hindi man lang ito nabanggit ni Hannan?
Nakaramdam ako ng panibagong takot. Hindi ko na ata kakayanin kung pati kami ni Hannan ay mag-away dahil lamang sa isang lalake. But come to think of it, Red. Pinayuhan ka pa niya noong summer. Siya ang nag-udyok sa’yong sabihin kay Tres ang nararamdaman mo. She’s always there for me, giving advices to stay away from Tres dahil sasaktan lang ako nito. At kung nakinig lang ako sa kanya, hindi ako hahantong sa ganoon.
Sa dami ng katanungang bumara sa aking utak, si Hannan na mismo ang pinuntahan ko noong Monday. Nadatnan ko siya sa girl’s locker room. Pawisan at kakagaling lamang sa practice.
“Long time no see, Red. Ilag ka ata sa amin? Si Troy hinahanap ka sakin ba’t daw di kana sumasabay ng lunchㄧ”Kababata mo pala si Tres?“ putol ko sa kanya na ikinaawang ng kanyang bibig. Naiwan iyong bukas dahil sa biglaan kong pagsingit.
“Well yeah,” she chuckled. “Pero bata pa kami noon e. We’re already grown-ups kaya siguro ilag na sa isa’t isa,” sabi niya.
Hindi nagbago ang aking tingin, naninimbang. Ang rami ng tumatakbo sa aking isipan pero sinikap kong isa-isahin iyon para hindi sumabog.
“Do you missed him? I knew it. I saw this coming kaya pumunta ako noong Saturday sa kanila para tanungin ang Tita niya kung nasaan si Tres. Nasa bukid siya, Red. Kaya maghintay ka nalang siguro munaㄧ”
“Enough with the lies, Hannan! Pagod na pagod na ako!” I got teary-eyed while clenching my fist. Pang-ilang beses ba akong maloloko ng mga nakapaligid sa akin? Pang-ilang beses ba nila akong paiikutin sa kanilang mga salita? Sa lahat ng mga pinagkatiwalaan ko, dalang dala na ako.
Naging seryoso ang kanyang mukha. Nawala roon ang pagiging kalmado lamang.
“You still love him, don’t you? Hindi ka pa nakakamove-on sa kanya hindi ba?”
Ngumisi siya. “Pag sinabi ko sa’yong oo hindi pa at mahal ko siya ay magagalit ka dahil ahas akong kaibigan? Ganoon ba? Magagalit ka dahil inilihim ko sa’yo? Magagalit ka dahil alam kong mahal mo rin si Tres? Magagalit ka sakin dahil nilalandi ko rin ang nilalandi mo?” Matalim ang kanyang tingin sa akin, malayong malayo sa tingin kong namumungay.
Umiling ako. “M-Mali ka Hannan… Hindi galit ang nararamdaman ko ngayon kundi awa sa sarili ko…”
“Liar!”
“Totoo! N-Naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang napansin ang lahat ng ito! N-Naaawa ako sa sarili ko dahil masyado pala talaga akong bobo. Wala akong alam sa mga nakapaligid sakin kaya kahit peke ang pinakapakita, mahalin lang ako ay minamahal ko na pabalik.” Naiyak ako sa sarili kong mga salita. I smiled at her weakly.
“I’m not mad at you because you lied to me. Gusto ko lang malaman kung hindi ka pa ba nakakamove-on kay Tres hindi dahil mahal ko siya at gusto kitang akusahang ahas, o mang-aagaw. Hindi iyon ang dahilan ng galit ko, Hannan. G-Gusto ko lang malaman kung sa mga araw na alam mo lahat ng kahinaan ko, sinasabi ko sa’yo lahat lahat ng nangyayari sa buhay ko, iyong itinuring kitang napagsasabihan ng sekreto ko, i-itinuring mo rin ba akong ganoon katulad ng turing ko sa’yo? O lahat ay palabas lang ng pagpapanggap mo bilang kaibigan ko?”
Namula ang kanyang mga mata, kumuyom ang kamao. Suddenly, she slapped me.
“Ano masakit?”
Hindi ako nagsalita, umiyak lamang ako.
“Triple pa ang sakit ng nararamdaman ko sa t’wing magkasama kayo Red! At ikaw na manhid! Walang alam! Hindi mo alam na palaging umiiyak si Yashin sa akin dahil lang sa panglalandi mo kay Klint! Pero ikaw itong bato ang puso at hindi ata nasasaktan! Kahit si Tres hindi mo nga tinigilan! I told you to stop hitting on himㄧ”But you didn’t told me about your feelings for him, Hannan! K-Kaya nagmumukha akong walang alam dahil pinapalabas niyo rin namang okay lang kayo! P-Paano ko malalaman ang mga nararamdaman niyo kung itinatago niyo sakin? Yes! Let’s just say I’m heartless! Dahil hindi ko nararamdaman iyang mga nararamdaman niyo! P-Pero hindi ba masyado rin kayong best actress dahil napaniwala niyo akong masaya kayo kahit ang totoo ay hindi naman?!“
Nalaglag ang luha sa kanyang mga mata. Humikbi ako. Sa lahat ng nangyari, hindi ko na napigilang sumabog.
“P-Paano ko malalaman eh w-wala akong alam? Araw-araw inuuto niyo akong masaya kayo sa tuwing magkasama tayo! K-Kung heartless ako? B-Bat nasasaktan ako sa inyo? I treated you as my bestfriends Hannan! Na okay lang sa akin ang wala akong boyfriend dahil nandiyan naman kayo! Okay lang sa akin na pekein ako ng buong mundo ngayon dahil nandiyan naman kayo! P-Pero ba’t pati kayo…” Nabasag ang aking boses. Nailing ako at humahalo na ang uhog sa aking luhang walang humpay na tumutulo. Naninikip ang aking dibdib at nasasaktan ng lubusan.
“Para niyo akong ginawang tanga! Ginawa niyong stage play ang pagkakaibigan natin at pinapaniwala niyo ako sa lahat lahat pero ang totoo, alam mo na pala ang kahihinatnan. Scripted lang pala at ako lang itong walang alam!”
Pinalis niya ang luha, nasa ibang direksyon ang tingin. Tikom ang bibig at patuloy na umiiyak ng tahimik.
“I don’t care about love Hannan! Y-You know me too well! P-Pero ba’t kayo ganyan? P-Pakiramdam niyo ginagawa ko kayong kasangkapan! Masyado ba talaga akong uto-uto?” tanong ko sa kanya na halos ibulong ko nalang dahil sa boses kong garalgal na. She remained silent, walang balak sabihin.
“We lost everything Hannan… But you see I’m still thankful because I didn’t lost my treasure. I didn’t lose my f-friends…” Nakagat ko ang pang-ibabang labi, sinisikap siyang tingnan sa nanglalabong mga mata. Ang babaeng umiiyak narin sa aking harapan.
They’re right about us. People were right. Pero dapat hindi si Daddy ang kinulong nila. Dapat ako.
“Pero mukhang malupit nga ang mundo at pati kayo ay gustong kunin sakin. Siguro nalaman nilang may itinatago rin akong kayamanan kaya pati kayo ay hindi ko narin pwedeng ingatan.”
Chapter 32
Game of Love
Umiikot Ang Mundo
Parang isang malaking stage play nga itong buhay ko. A play where you can play with the casts, where you can laughed, where you can do anything you want happily. Pero sa bawat stage play, may script, may director. Iyon ang magdidikta ng mangyayari. May script silang kinakabisado at ako lang ata ang nakalimutang bigyan. Total bobo daw ako at madaling nauuto, kaya ginamit nila iyon para lumabas ang natural na emosyon. Ang isang mapaglaro ay napaglaruan. Hindi lamang ang kanyang damdamin kundi pati ang kanyang buhay.
Is there a happy ending for me? O tragic ang stage play na ito? Na plinano talaga at nasa script na mamumuhay akong mag-isa at malungkot. Na iyong kahinaan ko ay ganoon rin ang kinahinatnan ko. I lost my friends. Sarili ko nalang ang meron ako sa stage play. Maybe the director decided to changed the scene, the setting, the casts. Kaya heto ako, isang panibagong laro ang kinakaharap.
“Iyan iyong transferee? ’Di ba siya iyong nagviral sa facebook na magnanakaw daw ang ama niya?”
“Kaya niya bang mag-aral rito? Diba nasanay iyan sa maluhong pamumuhay?”
“Gaga ang bobo mo. Mahirap na iyan katulad natin kaya hindi na nakakapagtaka kung ba’t dito na iyan nag-aaral sa public school. Eh ang mahal mahal noong tuition sa inaaralan niya! Hindi natin afford kahit na ibenta natin ang buong katawan natin.”
“Pero alam mo, mas maganda siya sa personal. Nakikita ko siya sa tv tapos umiiyak siya. Akala ko nga artista siya e. Tingnan mo ang kinis kinis. Ang ganda ganda ng buhok, at mas pumayat pa. Perfect!”
“Payat na iyan kasi wala ng kinakain. Naparusahan na iyan ni Lord dahil magnanakaw sila. Ayan tuloy, nakarma na.”
I sighed hearing my new classmates rants about me. I decided to transfered in public school. Full payment na sana si Mommy roon since first year pa ako hanggang sa makagraduate ako, kaso mas pinili ko nalang lumipat. Isa sa mga dahilan narin ay ang nasirang inaakala kong tunay na pagkakaibigan namin. Pero ang tunay talagang dahilan dahil kapos na kami sa budget. Oo full payment na ako sa tuition, pero iyong mga projects, mga books na masyadong mahal, mga activities na hindi na ata kaya ng bulsa namin ay hindi kasama roon sa tuition. Maluho ang eskwelahang iyon at kalahati ay pera ang pinapatakbo imbes na pagtuturo. Masyadong magastos. Idagdag pa ang cafeteria nila na may ginto ata ang mga pagkain kaya ganoon nalang kamahal. Baka kahit iyong pineapple juice ko may gold iyon kaya ang mahal mahal.
Yes, I am too shallow to throw away our friendship just because things were getting hard for me, for us. Nang dahil lang doon ay sinira ko. Pero aanhin mo ang kaibigan kung sila pa mismo ang humihila sa’yo? Oo nandiyan sila tuwing masaya ako, pero pag umiiyak ako? Nasaan sila?
Hindi naman masamang magkaroon ng kaibigan. Ang masama diyan, iniasa mo ang lahat sa kanila. Na kaya mong mabuhay basta may kaibigan ka lang. Pero paano kung sila na mismo ang umalis? Ni hindi mo natanong sa sarili mo kung mabubuhay rin ba sila pag nawala ka.
I admit I am really shallow with the things around me. Ang babaw ko para isiping hindi mabubuhay ang isang tao kung walang kaibigan. Wala nga akong kasamang kaibigan doon sa tiyan ni Mommy pero nabuhay naman ako sa loob. Wala rin akong kasamang kaibigan noong lumalaki pero nabuhay naman ako. Friends are just bonus in life, I guess.
I didn’t lose a friend. I just realized that I never had one.
Niligpit ko agad ang aking mga gamit noong inanunsyo ng teacher na lunch na. Marami akong kailangang habulin kaya gagawin ko nalang iyon sa library.
The school is neat and more on trees. Hindi katulad noong nakasanayan ko na gawa lahat sa bloke at isang building talaga, dito ay parang isang park. May forest sila sa loob, mga maliliit na classrooms, silyang may sariling desk, blackboard imbes na white board, mga manila paper bilang report para kopyahin mo imbes na de remote na projector, chalk imbes na pentlepen, mga librong may-ari mismo ng eskwelahan at hindi mo pwedeng sulatan dahil susunod pa iyong next batch imbes na bilhin mo at doon na mismo sagutan, isang paaralan na hindi maluho sa mga bagay at pagtuturo mismo ang pinaprioritize.
Hindi ko naman sinasabing puro pera ang private school, pero kung wala kang pera at nagprivate ka, hindi ka makakaahon sa pag-aaral dahil hindi limang piso ang iaambag mo pag groupings dahil gusto niyo lang bumili ng manila paper para may magamit kayong pangreport at pentlepen kundi libo para bumili ng projector at kumain sa isang cafe dahil doon kayo magb-brainstorming.
“Valerio may limang piso ka naman siguro para sa groupings natin. Kung wala mag-ambag ka nalang ng pentlepen.” Nagkamot ng ulo iyong kaklase kong lalake na kasali sa groupings.
Noong una, samo’t saring pang-iinsulto rin ang natanggap ko. Pero kalaunan, hindi na nila binigdeal dahil sabi nila, mas marami pa raw silang problema kaysa pagtuunan ng pansin ang problema ko.
“Namomroblema pa ako sa natapon kong bigas kahapon eh iyon na ang huling bigas namin sa isang linggo. Lagot ako kay Nanay mapapalo ako ng sandok sa ulo.” Narinig ko iyon sa estudyanteng babae rito noong nagchitsismis sila tungkol sa akin.
“Eh ako nga namomroblema ako sa tambak naming labahin sa bahay mukhang mapapantayan na ang Mt. Apo sa sobrang taas! Wala pa naman kaming washing machine! Hay, ang sarap magbigti kaso naaantala dahil ang raming labahin!” iyon namang kaibigan niya.
Maybe, kaya pakiramdam ko roon sa pinapasukan ko noon ay pinagtutuunan nila ako ng atensyon dahil rin wala silang magawa sa buhay. Walang problema dahil nga mayayaman, at likas na mapanghusga kaya ganoon nalang sila kung ibully ako.
Pero dito sa public, oo pag-uusapan ka, pero hindi ka nila babatuhin ng itlog dahil para sa kanila, pwede na iyong ulam. Hindi ka nila tatapunan ng juice dahil para sa kanila, baon nila iyong ibinili at minsan lang nakakabili ng pagkain. Hindi ka nila haharangan sa gate pagkauwian dahil kailangan nilang umuwi ng maaga para tumulong sa gawaing bahay. Lahat sila ay may inaalalang mas malaking problema sa akin araw araw kaya kahit iyong problema ko, solohin ko nalang daw.
“Can I just give you my pentlepen?” sabi ko roon sa lalakeng nanghihingi ng limang piso.
Nagkamot siya ng ulo at nakabusangot na. “Hoy Amerikanang transferee. Sinabi ng public ito! Public! At hindi lahat ng nag-aaral rito, nakakaintindi agad ng ingles! Kaya magtagalog ka.”
Natawa ako roon na kahit ang mga groupmates ko ay natawa rin.
“Red hindi ka ba pwedeng magtagalog ng straight? Eh iyang si Eman palaging bagsak sa English. Kahit bundulin iyan ng mga english words hindi niya parin maiintindihan.” my classmate explained.
“Oh, I see…” Natawa ako.
“Jusko. Nag-ingles na naman.” Nasapo niya ang kanyang noo kaya nakagat ko ang aking labi lalo na’t humahagalpak na ng tawa ang iba naming kaklase.
“Pentlepen nalang ang akin. Wala akong coins e.”
“May english word parin! Sa susunod dapat straight tagalog na ha.”
Tumango-tango ako, nakikitawa narin sa iilan.
May mga mababait parin naman at hindi binabase sa issue ang pakikipag-usap sa akin ng matino. Lahat sila ay iisa lang ang pinoproblema rito, makagraduate.
Ganoon ba talaga? Na kung sino pa iyong mataas sa lipunan, sila pa iyong nagmamataas? Kung sino ang meron ang lahat, sila pa iyong nang-aapak?
Oo mayaman kami. But my parents taught me to value respect. Na h’wag mang-apak at magmataas. Kung anong meron ka, ipagpasalamat mo iyon at h’wag mo ng ipagmayabang sa mga taong walang ganoon dahil hindi mo alam ang paghihirap nila araw-araw.
Come to think of it more, Red… You used to be a bully. You played with someone’s feeling. Karma has really it’s own way to return what you did, huh?
Malaki ang mundo at hindi ito umiikot katulad ng gusto mo. Umiikot ito na kahit nasa ibaba ka, o nasa itaas ka, magpapatuloy ito. At darating ang araw na sa pag-ikot nito, ang mataas ay mapupunta sa ibaba, at ang ibaba ay mapupunta sa itaas.
My classmates are nice to me. They’re not mad. Naalala ko pa iyong tinanong ko sila kung hindi ba sila galit sa Daddy ko tapos natawa sila saakin.
“Ba’t kami magagalit sa Daddy mo eh mahihirap kami. Kahit ninakawan daw ng Daddy mo ang kaban ng bayan eh mahirap naman talaga kami. Walang nawawalang piso sa amin. Eh minsan ako pa nga itong nangungupit sa bahay.” paliwanag ni Maddy, isa sa mga kaklase ko.
“Di ko nga alam ba’t maraming nagagalit sa Daddy mo e. Tapos iyang politika pa ang gulo. Biruin mo, may nanakaw na ganoon ka laking pera pero marami paring naghihirap? Kung ganoon pala kayaman ang Pilipinas, eh ba’t iyong nanay ko kahit limang piso ipinagdadamot pa sakin.” si Thea naman.
Ganoon sila mag-isip, malalalim. They don’t judge easily.
“Di ko talaga maiintindihan iyang politika kaya di rin ko rin magawang magalit sa Daddy mo. Pag balita nga inililipat ko agad sa ibang channel eh alam ko namang puro problema ang ibabalita niyan. Namomroblema pa nga ako kung paano titipirin ang bente pesos kong baon tapos pati sa balita bibigyan pa ako ng sakit sa ulo at puro bilyong pera ang pinag-uusapan! Ang laki laki noon! Hanggang bente lang ako.” si Eman naman.
Palagi akong natatawa sa kanilang dahilan. Siguro masyadong mababaw iyon pakinggan pero kung iisipin mong mabuti, lahat may pinoproblema. At normal lamang na magkaroon ka ng ganoon. You’re just a human-being. Kung wala kang pinoproblema, magtaka ka kung ano ka.
Or maybe we’re just too young to think about other things. Namulat ang mga nasa edad ko na dapat ang mga kagaya namin ay pag-aaral lamang ang iniisip. My parents were always there for me. Wala silang ibang sinabi sa akin kundi mag-aral ng mabuti.
Ngunit malaki ang mundo. Hindi iikot ang lahat sa ganoon. May mga araw na hindi lang pag-aaral ang kailangan mong isipin at problemahin.
“Hi Daddy!” Hinalikan ko siya sa pisngi pagkatapos kong ilapag ang mga dala kong pagkain para sa kanya.
“How are you, sweetie?”
“I’m fine naman po. Alam niyo po Daddy, doon sa nilipatan kong school, mababait ang mga estudyante. At pinapatanong rin ng iba kong classmates kung paano raw po ginagawa ang pera. Kung hindi raw ba pwede na gumawa nalang ng marami at ipamigay ang iba sa mahihirap.”
My Dad chuckled. “Mukhang interesado rin ata iyang mga kaklase mo sa politika ah?”
Umiling agad ako. “They don’t like it Dad. They even hate news. Curious lang talaga sila. Ang sabi ko nga umuupo ka lang at panay basa ng papers.” Iyon rin ang nakikita ko eh. Debate nang debate then after that balik sa papers na hawak nila.
“Mga bata pa kayo kaya hindi niyo pa maiintindihan.”
Binuksan ko ang iilang pagkain at ibinigay sa kanya ang kubyertos. Hindi naman mabura-bura ang ngiti sa kanyang labi, nakatitig siya sa akin at natutuwa ata sa isang bagay.
“My classmates are very nice to me, Dad. Mababait rin pala iyong sa public school ’no? Hindi uso sa kanila ang bully.” Natawa ako.
Bigla siyang naging seryoso. Ang alam kasi ni Daddy, kaya ako lumipat dahil kapos na kami ni Mommy sa pera. Sabi niya pa nga h’wag nalang dahil full payment na ako roon pero nag-insist parin ako na lumipat para makatipid. Hindi ko sinabi sa kanya na nabubully ako sa school at sa mga public places. Ayoko siyang mag-alala sakin.
“Nabubully ka sa last school mo?”
Umiling agad ako. “Of course not, Daddy! You know me, popular ako roon at mabait ako. Ba’t naman nila ako ibubully eh wala naman akong kasalanan sa kanila?”
Iyon talaga ang ipinagtataka ko. Bakit ba may mga bullies? It’s not right to bully someone pero ba’t ginagawa parin? Mahirap ba talagang maging mabait nalang? O kung hindi ka mabait, mahirap bang h’wag nalang pansinin iyong dapat hindi na pinagtutuunan ng pansin?
I remembered how I played with someone’s heart na napapahiya pa sa maraming tao. Napagtanto kong isa rin pala ako sa mga naging masahol noon. Kaya siguro nangyayari ito sa akin ngayon dahil tinuturuan ako ng langit ng leksyon. But I already regretted my past actions. Inaamin kong mali ako at fifteen lamang. Kung narealize ko lang ng mas maaga edi sana naiwasan kong mapunta sa ganoong posisyon.
Tiningnan ko siyang sumubo, tila nababahala sa isang bagay.
“Daddy, curious ako. Ba’t may mga taong nambubully? O naninira? Ba’t may mga taong kagaya nila?”
Uminom muna siya ng tubig saka muling nagsalita.
“Ikaw Christienne, ba’t hindi ka naninira ng kapwa mo? Ba’t hindi ka nambubully?”
Nanlaki agad ang mga mata ko. “Because it’s bad! And besides, I am happy living my life like this. At what if ako yung nasa posisyon niya tapos binully ko siya edi anong mararamdaman ko?”
Ngumiti si Daddy sa akin, “My daughter is really a nice girl. Ganon lang naman kasimple ang buhay, hija.”
“Huh? I still don’t understand, Dad.”
“May mga naninira dahil naiinggit sila. Masaya ka tapos sila hindi. Eh kung masaya sila at kontento sa buhay nila, tingin mo makukuha nilang pagtuunan ng pansin ang iba? Kaya ka nila hinihila dahil nasa itaas ka anak, kaya ka nila hinihila dahil nalalamangan mo sila. Di ka aapakan kung hindi mo rin sila naaapakan, Christienne.”
“Pero hindi ako nang-aapak.”
“Alam mo anong isang tawag sa mga naaapakan mo kahit hindi mo naman sinasadyang apakan?”
“Ano po?”
“Insecure sila sa’yo.” Ngumisi siya at kinurot ang aking ilong. “Insecure sila dahil nakikita nila lahat sa’yo na hindi nila nakikita sa sarili nila. Nagagalit sila sa’yo dahil pakiramdam nila napakaunfair ng mundo. Kaya h’wag kanang magtaka kung may mga galit sa’yo kahit wala kang ginagawang masama. Ganoon ang pag-iisip ng mga taong hindi kontento sa buhay at namumuhay sa inggit.”
Is that it? Kaya ba maraming galit sakin kahit na sinasabi ko namang inosente si Daddy eh hindi nila ako magawang kampihan dahil sa umpisa palang, ayaw na nila talaga sa akin?
No wonder Hannan and Yashin were like that to me, too. Akala nila inaagaw ko sa kanila ang atensyon ng taong gusto nila. Hindi ko naman iyon inaagaw, eh wala nga akong alam e.
Naintindihan ko rin ang pinupunto ni Tres kung bakit ayaw niyang magkaroon ng kaibigan. Sa lawak at lalim niyang mag-isip, nakakalkula niya agad ang magiging kahihinatnan ng isang bagay kahit hindi niya pa pinapasok. Na ang kaibigan ay panandalian lamang at hindi lang ito ang mahalaga sa mundo.
“Sabay kanang maglunch sa amin, Christienne!” sabi ni Thea. Tapos na ang klase at lahat ay isa isa ng inilalabas ang kanilang lunchbox.
Noong unang araw ko rito, namangha ako dahil halos silang lahat nagbabaon ng lunchbox. Akala ko naiingayan sila sa kalinderya sa school pero ang totoong rason pala ay mas tipid raw kung magbabaon nalang at makaiwas sa mamahaling ulam sa kalinderya nila.
“No, it’s okay. Dito nalang ako sa desk ko.” I smiled at them.
“Introvert ka ba?” tanong ni Meg. Isa rin sa mga kaklase ko.
She’s very smart at president siya rito sa classroom namin. Kung roon sa school ang laking papel ng mga President, ang sabi niya dito daw ay tagasigaw lang naman iyon sa klase para pahintuin sa pagdaldal tapos ang secretary ang tagalista. Kahit iyong Muse nila napagkatuwaan lang daw ng barkada kaya naeelect kahit hindi naman mahitsura.
“I’m not,” sabi ko.
“Oh eh bakit palagi mong gusto na sa armchair ka lang kumakain? Hindi ka humahalo.”
“I just like the feeling of being alone.”
“Edi introvert.” si Thea naman. “Di ka naman namin ibubully kung yan ang pinoproblema mo. Di ka namin ijajudge kung hindi masarap ang ulam mo. Eh si Eman nga isang linggo ng galunggong ang ulam pero di namin kinakantyaw.”
“Iyong galunggong ko pa ang kakantyawin mo eh kamag-anak nga lang ng ulam ko ang madalas mong ulam na bagoong,” si Eman naman na ikinatawa nila. Kahit nga ako ay natawa rin. Though I’m really not familiar with the dishes they mentioned. I just saw Eman’s food and it’s a dried fish. While Thea’s food were small shrimps with spices at di pa ako nakakatikim ng mga ganoong pagkain.
“I’m really fine here.”
Hindi narin naman nila ako kinulit. Palagi namang ganoon araw araw. Kukulitin nila akong sumabay tapos pag tumanggi ako ay titigil rin sila.
Gusto ko lang sanayin ang sarili ko na mabuhay mag-isa. For me, you’re going to understand life if you learn to accept the life you have. Noon, marami akong hindi naiintindihan. Basta masaya ako okay na. Sa sobrang saya ko, ni hindi ko na naiisip ang damdamin ng iba. Ni minsan, natanong ko ba si Hannan at Yashin kung okay lang sila? Maybe the reason why they hated me because I am such a selfish person. Kaibigan nga kami pero sariling nararamdaman ko lang ang may pakialam ako. I am too shallow to think just because they’re smiling they’re already happy.
Bumaliktad ang mundo at napunta ako sa ibaba. Nagiging malawak ang aking pang-unawa dahil sa mga taong nakakasalamuha kong ibang-iba rin mag-isip. Klint, Leeland and Troye were happy-go-lucky and outgoing kaya naging ganoon rin ako mag-isip. Nasanay ako sa nakasanayan ko na. Pero hindi ko man lang narealize na maaari ngang magbago ang takbo ng mundo. Hindi ko napagtantong umiikot ito at darating ang araw na mapupunta rin ako sa ibaba. And without a warning, I lost my balance. Sa sobrang lagapak ko, parang ang hirap ng tumayo.
Kakagaling ko lang ng school nang madatnan ko si Mommy sa bahay, inuubo at linis ng linis. Sa sobrang laki ng aming bahay, aabutin ka ata ng isang araw kakalinis sa kabuuan.
“Ako na niyan, Mommy. Dapat po nilalagyan niyo ng towel ang likod niyo. ’Tsaka sa pagkakaalala ko ang tagal na niyang ubo niyo ah? We need to consult a doctor about it Mom. Nagkakasakit kana po,” I told her, worried about her condition.
“This is just a p-plain cough, Christienne…” She smiled weakly. The wrinkles on her face were very visible. Itim na ang ilalim ng kanyang mga mata at halata ang pagod sa kabuuan ng mukha. Malayong malayo sa nakasanayan ko sa kanya. She’s very haggard.
“At nagtitipid tayo. B-Balak ko na ngang ibenta itong bahay lalo na’t malapit kanang magcollege…” she explained while coughing.
Nagulat ako roon. Ito nalang ang huli naming ari-arian. At paano nalang kung lumabas si Daddy? Napamahal na sa amin ang bahay at marami na kaming nabuong alaala rito.
Nagpatuloy siya sa pag-ubo kaya kumuha muna ako ng isang basong tubig. Inilahad ko iyon sa kanya pero laking gulat ko nalang nang makita ko ang kanyang palad. May dugo iyon at mukhang nakuha niya kakaubo. Na kahit siya, tuluyan ring nawalan ng malay.
Chapter 33
Game of Love
Other
Version
My Mom has a stage 3 lung cancer. Nakuha niya iyon sa sobrang stress, pagod at kapabayaan sa sarili. The doctor told me napabayaan raw iyong ubo niya at lumala, hindi agad naagapan kaya naipon na sa loob tapos palagi pa siyang natutuyun ng pawis. Sa sobra niyang busy sa bahay, sa pag-iyak tuwing gabi, kulang sa tulog, maraming inaalala, hindi na ako magtataka kung ba’t nawalan siya ng oras sa kanyang sarili at nagkasakit.
I was force to sold the house with my Mom’s consent. Ang inaakala kong lugmok na lugmok na kami sa kahirapan ay mas ikalulugmok pa pala.
Total kami lang rin naman dalawa ni Mommy, mas pagtitiisan ko pang manirahan kami sa isang apartment kaysa naman lumala ang kanyang kondisyon. Baon pa kami sa utang kaya ang kalahati rin noong pera ay ibinayad namin.
“How are you, Mommy? Wow! You’re getting prettier! If Dad sees you, sure ako mas maiinlove siya sa’yo,” sabi ko sa kanya pagkapasok ko. She’s losing her hair that’s why she became bald and I want her to know she’s still the beautiful Mom I had.
Mom chuckled weakly. “Come here and tell me about your day. What did your friends ask you again this time?”
Inilagay ko sa mesa ang basket ng prutas na dala at kumuha ng isang apple roon. Sinimulan ko iyong balatan.
“Kinwento sakin ni Thea na sa bahay nila, siksikan raw sila sa iisang kwarto matulog tapos ang likot pa raw noong kapatid niya. One time, her brother was sleeptalking tapos bigla raw siyang sinampal Mommy.”
My Mom started to laugh. Palagi siyang excited sa mga baon kong kwento sa kanya after ng klase ko at feeling ko, lumalakas siya sa tuwing masaya ako. Mas nabubuhayan siya ng loob na lumaban pa. And I don’t want her to see me in pain. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako. I want her to think na I’m strong. I’m a strong person like her. Na isa na naman itong problemang ibinato sa amin at makakaya rin namin itong lampasan.
“Come here, Christienne…” Mom patted the bed.
Nagtungo ako roon, umupo sa kanyang tabi. She lose too much weight. Sobrang payat niya na at natatakot akong hawakan siya dahil baka mabali ko siya.
“Tomorrow is my third operation…”
“Yes Mommy. I know, the doctor told me and I’m sure you’re going to make it!”
She smiled at me, caressing my hair. “But what if I didn’t make it, sweetie?”
“I doubt it Mom. Mahal mo kaya kami ni D-Dad. You’re not going to leave us…”
“Well, you have your friends. Sina Yashin, Hannan, Thea, Megㄧ”Friends are different. Meron rin silang Mommy at gusto ko, ganoon rin ako. Mommy, I know you’re going to make it…“
“Just incase… hija. Mahina na ako. At pagod na pagod na…”
Umiling-iling ako. “Then I can take good care of you! A-Ako ang mag-aalaga sa’yo! I can do the chores! Just rest in our apartment after!” Nararamdaman ko ang panglalabo ng aking mga mata pero sinikap kong hindi maiyak. Sinikap kong kimkimin nalang iyon. I want to be a strong girl at iyon ang gusto kong makita niya.
“Tell your Dad I love h-him okay?”
Umiling ako. Hindi na kinaya. Para na siyang namamaalam.
“Mommy naman… Pinaglalaruan lang tayo ng t-tadhana. H’wag ka namang magpatalo.” sabi ko at mabilis na pinalis ang luhang tumulo.
“And you know how much I love you, Christienne. I know you’re a good girl at alam kong pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral,” sabi niya at tumulo narin ang luha habang ngumingiti sa akin. I can see in her face how weak she is right now. Na nahihirapan na siya sa pabalik-balik na operasyon pero mukhang lumalala lang naman ata ang kanyang kondisyon. Ayaw ko mang paniwalaan na parang imposible na ang hinihingi ko, gusto ko paring manalangin na sana totoo iyong sinasabi nilang himala.
My family is the only person left in my life. Pag pati iyon kinuha pa sa akin ng malupit na tadhana, hindi ko na talaga alam.
She gave me a peck on my forehead. I didn’t kissed her back.
“I’ll kiss you after your operation. Para naman mathrill ka at lumaban pa. Okay, Mommy?” I managed to say, trying to maintain my cool.
Tumango siya, natatawa. “Okay. So be ready, dapat ay maraming halik ha?”
“Yes Mommy! Pupunuin ko ang whole face mo…” Tumutulo ang aking luha at sinisikap na makipag-usap sa kanya ng normal. Na may tiwala ako sa kanya na tutuparin niya iyon.
“Miss Valerio, nakikinig ka ba sa aking klase?” tanong noong teacher nang mahuli akong tulala kinaumagahan.
Mabilis akong bumalik sa aking sarili at humingi ng tawad. Nakita ko pang nilingon ako ni Eman at malungkot ganoon rin ang iba kong kaklase. Puyat na puyat ako kagabi kakabantay kay Mommy sa hospital. Sa tuwing nandoon ako, palagi kong binabantayan iyong linya na tumatakbo at nagsasabing humihinga pa naman siya. Ayokong magising nalang ako na flatline na iyon. I am afraid I might lose someone again this time.
“Hindi pa ba okay ang Mommy mo, Miss Valerio?” tanong ng aking guro na ikinailing.
“But she’s going to be fine, Sir. I know she’ll survive.” I smiled proudly.
“Grabe itong si Red, sa dami ng pinagdaanan nagagawa paring ngumiti,” narinig kong sabi ng kaklase ko.
“Because I am 100 percent sure that my Mom will fight her cancer for me. She’s not going to leave me,” sabi ko, nginitian ito ng mas matamis.
Nagtiwala akong muli, pero ewan ko ba, sa bawat tiwalang ibinibigay ko ay palagi nalang nababali. Palagi nalang akong natatraydor.
Excited akong pumunta ulit sa hospital pagkatapos ng aking klase. May dala pa akong rose at isang basket ng prutas. I am excited to give her my kisses. Hah! Pupugpugin ko talaga ang buo niyang mukha.
Ang kalalabas lang na doctor ang sumalubong sa akin. Nasapo ko pa ang aking dibdib dahil sa ginawa kong pagtakbo.
“How is she po? Can I see her? Nangako kasi ako kay Mommy na hahalikan ko siya ng marami eh. Is this her last operation? Pwede na ba siyang ilabas after nito?” I asked him while I’m catching my breath.
Sa dami dami ng aking tanong, isang malungkot lang na ngiti ang naibigay sa akin ng doctor. His eyes look sad and weary. Kinabahan agad ako.
“Go and see your Mom…”
“She’s already fine, r-right? Nailigtas niyo siya diba? Nagbayad kami ng malaki kaya maililigtas niyo siya. D-Diba?” Tears started to fell on my eyes. Para iyong gripong napabayaan kaya hindi ko na maawat.
“I’m sorry hija but your Mom didn’t make it.”
It was the most painful news I heard in my entire life. Kung paano ako tumakbo sa loob ng kwarto kung nasaan ang katawan ni Mommy at humagulhol roon. Ginising ko siya ng ilang beses ngunit parang napakaimposible na ng gusto ko. Maybe my Mom wanted to rest so bad.
Pagod na pagod na siguro siya sa aming buhay kaya hindi na siya gumising pa. Ni walang gustong magpapasok sa kanya sa trabaho dahil doon sa issue at natatakot na baka nakawan niya rin iyong papasukan niya. Iyon palagi ang kanyang iniiyak. Na nagiging walang silbi na siya. I always tell her that I’m fine living a normal life. Kaya ko naman eh. Pero ba’t ganito? Hindi purket kaya ko ng mag-isa, pati si Mommy ay kukunin narin.
Hinayaan nilang lumabas si Daddy at puntahan si Mommy sa kanyang burol. That’s the longest cry I made while hugging him and staring at my Mom’s coffin. Even my grandparents were crying too, hugging her coffin.
Kung alam ko lang na mamamaalam na pala si Mommy, edi sana pinugpog ko nalang siya ng halik. Hindi rin talaga ako nadala sa mga salita e. Dapat hindi ako nagtiwala sa sinabi niyang babalik siya. Dapat hinalikan ko nalang siya ng araw na iyon.
Si Daddy nalang ang meron ako, at hindi pwedeng mawalan ako ng pag-asa dahil lang hirap na hirap ako.
Iyong mga taong kinakapitan at sinasandalan ko noon ay isa isa nang binabawi sa akin. Maybe God wants me to stand alone. Iyong walang umaalalay sa akin patayo. Walang gumagawa ng desisyon para sa akin. Binibigyan ako ng malaking leksyon ng buhay na hinding-hindi ko makakalimutan at marami akong matututunan.
Pinangako kong iyon na ang huli kong iyak. Ang huli kong pagtiwala sa mga salita at taong nakapaligid sakin. Magpapatuloy ako sa aking buhay katulad ng gusto ni Mommy. Sabi ni Dad, kahit wala siya sa aming tabi, naroon lang siya sa itaas at binabantayan kaming dalawa. Masaya parin ako dahil alam kong hindi niya na mararanasan ang malupit na mundo. Wala na siyang poproblemahin roon.
Ang hirap hirap magluksa. Dad was in jail again. Mag-isa na talaga ako pero araw araw ay sinikap kong gumising kahit na ang hirap ipagpatuloy ng araw na puno ng lungkot. But I can’t just give up. Nangako ako kay Daddy na ilalabas ko siya sa kulungan at papatunayan ko na inosente siya. Ayokong pati ako, sirain ang pangakong iyon. Ang hirap na ngang magtiwala tapos pati ba naman ako ay hindi narin mapagkakatiwalaan?
“Red sasama ka sa amin bukas? Maliligo kami ng pool since malapit na tayong grumaduate,” anyaya sa akin ni Maddy.
Halos dalawang taon na ang lumipas at malapit na akong makagraduate. This is my last year in highschool at makukuha ko na ang kursong gusto ko.
Umiling ako. “H’wag na. Bibisitahin ko kasi si Mommy sa puntod niya. Ayokong may mamiss siyang kwento sa araw ko.”
Namungay ang mga mata ng aking kaklase. Kahit si Eman ay lumapit pa sa akin at binigyan ako ng panyo.
“Baka umiyak ka. H’wag kang mag-alala wala iyang sipon at malinis iyan. Nakababad pa iyan sa downy t’wing nilalabhan ko e.” sabi niya.
“Thanks.” Tinanggap ko iyon.
“Pero ibalik mo sakin bukas ha. Iyan lang ang natatangi kong panyo. Simula third year ako ginagamit ko na yan.”
Nang dahil sa kanyang sinabi ay nagtawanan kami. Alam ko namang chinicheer-up niya lang ako. Iyon naman talaga ang palagi niyang ginagawa.
“Itong si Eman kunwari pa pero may crush talaga yan sa’yo Red!” biglang kantyaw ni Meg.
Nalunod kaming dalawa ng kantyaw. Sumimangot si Eman at pinag-aawat ang mga kaklase namin na ikinatawa ko lang.
“Sa dami ng may gusto kay Red eh nakikidagdag ka pa talaga! Halos lahat ata ng lalake rito sa school crush si Red eh,” anunsyo naman ni Thea.
Nahihiyang napatingin sa akin si Eman, namumula ang kanyang mukha. “Ayaw ko rin namang manligaw. Ayaw ko rin namang galunggong iyong ipakain ko sa kanya kung nagdate kami.”
Malutong ng natawa ang iba. Eman is such a funny guy. Si Troye ang nakikita ko sa kanya pero iyong may pagkaloyal. Troye is a playboy. Kumusta na kaya sila? Wala na kaming komunikasyon kaya wala narin akong balita sa kanila.
“And we’re still young, Eman,” sabi ko naman na ikinasira ng ekspresyon ng kanyang mukha.
“Isa pa iyan sa dahilan kung ba’t di talaga kita liligawan. Maghihiwalay lang tayo dahil hindi tayo nagkakaintindihan.” nagkamot siya ng ulo.
Lumakas na talaga ang tawanan. Kahit ako ay hindi narin naawat ang sarili.
“Eman kung nakita mo lang iyong pamumuhay ni Red sa article sa social media mapapanganga ka sa mga kaibigan niyang lalake. Mga rich kid at sobrang gwapo! Kahit ata kuko noon eh wala kang binatbat!”
“Oh eh ano ngayon? May maselang parte rin naman ako katulad nila ah? Lamang lang mga iyon dahil mayaman at gwapo sila.”
Hindi siya tinantanan ng mga kaklase namin. Palaging maingay ang classroom dahil sa kanilang mga biro. At palagi akong natatawa dahil rin sa kanila.
Alam ko namang naging malupit ang mundo sa akin at binigyan ako ng mabibigat na pagsubok. Pero ayokong bawalan ang sarili kong makaramdam ng saya. I don’t want to stop from smiling and laughing just because things are hard. I don’t want to lose myself… Ayokong pati ako ay sukuan rin ang sarili ko. Ito nalang ang meron ako ngayon. It didn’t change me. I just learned things in a hard way.
Pagkatapos ng aking klase ay dumidiretso muna ako sa puntod ni Mommy. Doon na ako nagpapalipas ng aking oras at panay kwento sa kanya. Minsan ay natatawa pa ako sa pagkukwento.
Ilang araw nalang at Graduation na. Wala na kaming klase pero iyong iba ay inaasikaso nalang ang kanilang clearance.
“Sinong pupunta sa Graduation mo, Red?” tanong ni Maddy. “With honors ka pa naman.”
“My grandparents.”
“Eh iyong mga kaibigan mo Red, pupunta ba?” Nangingislap ang mga mata ni Meg habang tinatanong iyon sa akin. Siya kasi iyong madalas na tambay sa facebook at panay stalk sa mga celebrities. Lalo na iyong crush niyang mga gwapo raw na magpipinsan. Kilala niya iyong mga elite kong nakasalamuha narin. Aside doon sa iba na hindi ko na kilala. Pero narinig ko lang ang pangalan nila.
“I don’t know. And they’re busy. ’Tsaka wala na kasi akong communication sa kanila e. Nasira iyong phone ko at hindi na ako nagkainteres bumili dahil wala rin namang enough na pera.”
“Sayang naman! Ang gugwapo pa naman! Binasa ko iyong ginawang article sa’yo sa facebook. Iyong namumuhay ka raw ng marangya, pero imbes mainis sa’yo eh namangha pa ako dahil ang gaganda ng mga pinupuntahan mo. Pati na iyong concert ni Taylor Swift tapos pangingibang bansa ninyo at mga magagarang sasakyan! May yate pa kayo at resort! At higit sa lahat ay iyong mga pictures mo kasama ang mga guwapong kaibigan mo! May iba na nagpaparty kayo, nagtratravel, swimming, at kung ano ano pa. Grabe, ang swerte swerte mong nilalang, Red…” she said dreamily, like she was watching her favorite movie in her mind.
“That was before. H’wag kang mainggit sa buhay ko, Maddy. Ako nga itong naiinggit sa buhay niyo dahil kompleto parin kayo. Life is full of surprises. Sa sobrang pag-aaliw ko sa aking buhay, ako na ata ang napagtuunan ng pansin ng tadhana. Siguro napansin niya na inaaksaya ko ang aking buhay sa walang kabuluhan kaya binigyan ako ng leksyon.”
Namungay ang mga mata ni Maddy. Kahit sina Thea at Meg na lumilingon lang sa amin minsan dahil may ginagawang project para mapirmahan ang kanilang clearance. Ngayon ay nasa akin na ang buo nilang atensyon.
“Alam mo Red, naiinggit ako sa’yo. Pero sa mga pinagdaanan mo, natuto kong pahalagahan ang meron ako at nakontento. Ang hirap rin kasi ng buhay mo. Biruin mo nanggaling ka sa pinakamataas tapos bigla kang nahulog. Ang sakit noon a! Buti nga hindi ka nasiraan ng bait eh! Kung may ikinakamangha man ako sayo eh iyong nakakaya mo paring ngumiti at tumawa. Baka kung iyong iba nasa posisyon mo at namatayan tapos nakulong pa ang Daddy at naghirap, siguro naging bato na ang puso.” si Meg.
“Maybe it was really destined. Ganoon talaga eh. You need to accept your fate.” I smiled.
“Buti talaga kaming mahihirap lumaking mahirap. Kaya kahit malugmok kami sa kahirapan ay sanay na kami. Bale normal na araw na naman na wala kang pera at namomroblema pa ng pangload sa cellphone mo,” dagdag niya pa.
Hinila ni Meg ang kanyang silya at mas lumapit sa amin ni Maddy. Kahit si Thea ay ginaya narin siya kaya ngayon ay silang tatlo na ang nakapalibot sa akin.
“Minsan ka lang nagsasalita ng mahahaba at nagiging madaldal kaya susulitin na namin total ito narin ang huling linggo na magkakasama tayong magkaklase, magdaldalan muna tayo,” sabi ni Meg, ngumingisi na.
Sa dalawang taon kong pag-aaral rito bilang Junior at Senior High, ni minsan ay wala talaga akong tinuring na malapit na kaibigan. Mga kaklase kong mababait lamang iyong tawag ko sa kanila. Kung sino iyong nakikipag-usap, iyon lang rin ang nakakausap ko. Sila rin kasi ang madalas akong pansinin rito habang iyong iba ay nahihiya raw sa akin.
Siguro natakot na akong magtiwala ulit. Natakot na akong magkaroon ng malapit na kaibigan at sa huli ay matutulad na naman sa dati. I am afraid I’m going to lose someone again. Sa dami na ng nang-iiwan sa akin, sinasanay ko nalang ang sarili ko na mag-isa para hindi na ako masaktan pa.
Wala nalang siguro akong papapasukin para wala ring umalis.
“Wala ka bang naging boyfriend? Sa ganda mong iyan imposibleng wala ha!” tanong ni Meg.
Umiling agad ako. “I only have friends. ’Tsaka ang bata ko pa ata sa ganoon e.”
“Bata? Eh 17 kana!” si Maddy
“Wala eh. Doon sa past school ko, merong nangliligaw pero binasted ko kasi hindi pa naman ako ready magcommit.” Not to mention the dare. I played with their feelings. That’s how heartless I became. No wonder Hannan and Yashin hated me for being like that.
“Grabe ka naman Red! Iyong kapatid ko ngang 12 years old may boyfriend na eh! Napalo pa ni Nanay sa pwet kasi nahuli niya sa gilid ng kalye nagdadate ang dalawa!” sabi ni Thea na ikinatawa namin.
Gusto ko sanang ikwento sa kanila iyong past ko kay Tres kaso hindi naman iyon magandang alaala sa akin. Hanggang ngayon, pilit ko parin iyong kinakalimutan.
“Pero alam mo Red, doon sa school niyo diba nag-aaral iyong gwapong magkakapatid? Sikat sila sa facebook eh! Mga guwapo kasi!” Nagtitili na si Meg.
“You mean iyong mga Buenaventura?”
“Oo sila!” Nagtitili na silang tatlo. Ni hindi ko na nakilala ang boses nilang naghahalo at paulit ulit na sinasabing sila raw. I didn’t know those three were really famous. Akala ko lang kasi sa school namin sila maraming fangirls.
“Lalo na iyong pinsan nilang si Kazi at Trever! Iyong captain ng basketball team at nag-aaral na ngayon sa eskwelahan ng mga gwapo ring magpipinsan!” si Meg, hindi na maawat.
“Iyong mga Delafuente!” Now it was Maddy screaming at the top of his lungs.
“Tapos iyong pinsan noong naging girlfriend ng isa sa magpipinsan! Iyong mga Fortalejo! Ang gugwapo rin!”
“Sikat na sikat sila sa social media, Red! Kahit ikaw! Kayo! Kayong magaganda at mayayaman! Hindi mo ba alam iyong page ng mga elites?” tanong ni Thea na ikinailing ko.
“Noon babad ako sa instagram eh and busy ako kakatravel with my friends. Minsan lang ako nagfifacebook and I don’t have any idea about the pages. Lalo na ngayon wala na akong phone.”
“Nako naman! Pero si Addison kilala mo naman ’di ba? Iyong may gang raw? At kamuntik na raw marape! Totoo ba iyon? Last summer lang iyon kumalat e!” si Maddy na hysterical na sa pagkukwento. Dalang-dala na sila sa kanilang emosyon atasyadong naca-carried away sa pinagsasabi.
“I have no idea. Last summer rin iyong case ng Dad ko.”
“Ay oo nga pala. Ang ganda rin noon eh kaso nga lang badgirl daw iyon. Ang taray siguro noon!” panghuhula ni Thea.
“May rankings nga iyong mga elites sa page na iyon tapos ang palagi ko pang binoboto sa page ay si V! Ang gwapo kasi ng Delafuente’ng iyon!” sabi ni Maddy na nangingisay pa sa kanyang upuan.
“Pasok ka rin sa rankings Red! Kung pagandahan lang naman may binatbat ka. Pero iyong Snow ang binoboto ko e. Ang amo kasi ng mukha at ang ganda,” sabi naman ni Thea.
Tanging ngiti ang naibigay ko. Ang rami rami nilang pinagkukwento sakin na nakalap lang nila kakatambay nila sa social media. Kahit ako walang ideya kung sino si Scarlet Gail eh. Pati iyong modelo raw ng bench. Sa dami ng nakakasalamuha kong elites noon ay hindi ko na mapangalanan lahat. Sa ibang schools rin ata sila nag-aaral at ahead ng ilang taon sa akin. Maybe nakasalamuha ko na sila sa mga party at bars sa tuwing pumupuslit ako noon kasama sina Troye pero hindi ko lang talaga alam na iyon pala ang pangalan nila. I’m familiar with the faces, but not with their names. At sa dami ng problemang dumating, nakalimutan ko narin ang social life ko. Kahit nga ang dating ako ay nakalimutan ko narin. Malayong malayo na ako sa babaeng iyon. But for me, this is still me. The other version of myself.
Chapter 34
Game of Love
Happy birthday to Dirk Reizel Espina! Iloveyouu and more birthdays to come. Sana next time makapunta na ako lol. Happy reading.
Old memories
Palagi kong tinitingnan ang positive side ng aking buhay. I moved on from my dark past at pinagpapatuloy ang araw na panibagong oportunidad na naman sa akin para patunayan sa sarili na kaya ko.
My Daddy started to cry when he saw me wearing my toga. Maluha-luha akong tumakbo at mabilis siyang dinamba ng yakap.
“Congrats, honey!” Dad hugged me tightly. Nangingislap ang kanyang mga mata dahil sa luha at malapad ang ngiti sa labi nang humiwalay siya sa akin.
“Graduate na ako ng highschool, Dad! Ilang hakbang nalang!” I said proudly, mangiyak-ngiyak narin.
Hinubad ko ang suot na nakuhang medalya at isinuot sa kanya. “This is for you, Daddy! You’re my inspiration. I achieved this because of you…”
Mas bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. His shoulders were rocking slowly while I’m trying to wipe his tears.
“This is my daughter! Graduate na! All by h-herself…” sabi ni Daddy habang isinisigaw iyon sa loob ng prisinto at iginagala ang tingin sa iilan. He turned to me again and hugged me tightly.
“I’m so proud of you, Christienne. I really knew it! You’re a strong girl…” Umiyak siya sa aking balikat, hindi alam kung paano kokontrolin ang saya.
I started to cry too. Ang rami nang nanonood na mga tao sa amin, idagdag narin iyong mga pulis na nakangiti ng malapad. Someone even clapped kaya ang kinalabasan ay marami narin ang pumalakpak.
“I promise po, pagsisikapan ko pa…” sabi ko kay Daddy.
Tumango-tango si Daddy habang umiiyak at hinalikan ang aking noo.
“I’m such a lucky father to have a daughter like you, Christienne… Daddy is so lucky…” sabi niya at pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi.
I promised to myself I won’t cry anymore. Pero sa mga nagdaan na araw, naiiyak ako hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na tuwa.
Pagkatapos kong bisitahin si Daddy ay si Mommy naman ang pinuntahan ko. Katulad ng aking nakagawian sa kanyang puntod, kinukwento ko ang masasayang bagay na nangyari sa aking araw. I’m sure she’s very happy for me too. I can imagine her wiping her tears while smiling widely.
Alam kong maaapektuhan ang kursong hinahangad ko dahil rin sa mababa kong grades noong highschool. Ni hindi ko naisip na qualified pala ang grades. Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng ito, isinantabi ko sana ang pagsasaya at mas nagfocus sa pag-aaral ko.
But I didn’t lose hope. Naghanap ako ng public school na tatanggapin ang grado ko. Luckily, some of the school doesn’t mind your low grades as long as you pass the entrance exam. Doon ako bumawi. I studied hard. Kailangan ay makakuha ako ng mataas na marka para mahila ang aking maliliit na marka noong highschool.
“Daddy! I passed the entrance examination!” Nagtatalon ako sa presinto noon nang ipinakita ko kay Daddy ang test result ko. He cried again after looking at my results.
Ganoon kaming dalawa palagi. Na sa tuwing may malalaking achievement ako sa buhay, nag-iiyakan kaming dalawa sa presinto tapos papalakpakan ako ng iilan. Palagi niyang pinaparamdam sa akin kung gaano siya kaproud bilang isang ama.
Sina Lolo at Lola ang nagpaaral sa akin sa kolehiyo. Gustuhin ko mang magtrabaho pero hindi pa pwede lalo na’t 17 pa ako.
“Do you know this one, Daddy? Nahihirapan ako sa subject na ’to.” Ipinakita ko sa kanya ang dala dala kong notes. Kung noon ay nabubuhay ako sa pangongopya sa katabi, ngayon ay nagsasariling sikap na akong mag-aral mag-isa. Wala parin akong kaibigan pero mababait naman sila sa akin. Hindi nga lang silang lahat.
“This is easy, sweetie…” sabi niya nang pasadahan niya iyon ng tingin.
Si Daddy ang nagiging tutor ko sa mga lessons na nahihirapan ako. Madali ko rin namang nagegets pag tinuturo niya na sa akin.
“Thanks, Dad! You’re the best.” Hinalikan ko ang kanyang pisngi pagkatapos kong maintindihan iyong itinuro niya.
“Wala ka bang nakakalimutan, Christienne?”
Sandali akong nag-isip sa aking upuan. Ang alam ko, matagal pa ang death anniversarry ni Mommy. Iyon lang naman ang pilit kong hindi kinakalimutan dahil mahalaga iyon sa akin.
“Huh? Meron ba akong nakalimutan Dad? Para sa akin normal lang naman ang araw na ’to.”
Nailing si Daddy. Sinundan ko siya ng tingin nang bigla siyang tumayo at umikot para puntahan ako.
“Can I have this dance, my princess?”
Nagkasalubong ang aking kilay. Luminga-linga pa ako at natatawang ibinalik sa kanya ang tingin.
“Do you miss me that much, Dad?” Tumawa ako at inilagay ang kamay sa kanyang palad. Pinatayo niya ako.
“Ganoon naman ah? Ang ama ang first dance ng babae niyang anak sa kanyang debut.”
Nagulat ako roon hanggang sa naalala ko ang date ngayong araw. Today’s my 18th birthday!
“T-Today’s my birthday!” Naisatinig ko na talaga iyon nang ilapat ni Daddy ang isa niyang kamay sa aking beywang.
Tumango siya, naluluha na naman. “Dalaga kana, Christienne…”
Sa dami ng aking iniisip, pati sarili kong kaarawan ay nakalimutan ko na.
“I’m sorry if I can’t give you a grand birthday celebration, sweetheart.” Namungay ang kanyang mga matang nabalot ng lungkot.
“Dad! I am so sick of grand celebrations! Remember! Since bata ako palagi akong nagcecelebrate ng bongga tuwing birthday ko? Nakakasawa na kaya! Mas maganda rin pala iyong ganito lang, simple. At least ngayon naiiba na. And I’m contented with this, dancing with my loving father….” I smiled sweetly, trying to cheer him up.
Ilang sandali lang ay napangisi narin siya. “Mukhang hindi kami nagkamali ng Mommy mo sa pagpapalaki sa’yo. Lumaki kang masayahin at hindi agad sumusuko.”
I smiled at Dad.
Siguro maraming kaedad ko ang nangangarap ng bonggang debut. Maraming kababaihan ang pinaghahandaan ang ganoong kaarawan. It’s a special day. Pero para sa akin, hindi ko na kailangan ng enggrandeng debut. Hindi ko kailangan ng labingpitong lalakeng pumipila para isayaw ako. Hindi ko kailangan ng maraming regalo. Hindi ko kailangang maging prinsesa sa araw na ito dahil para sa akin, sapat na si Daddy na pinaparamdam saaking espesyal ako at natatanging prinsesa niya.
Noong magsesecond year na ako, inabala ko ang aking summer sa paghahanap ng trabaho para itaguyod ang sarili since I’m already 18. Legal na akong magtrabaho. Nahihiya na kasi ako kay Lolo and Lola dahil matatanda na sila. They need the money. Marami na silang maintainance at palagi nang nagkakasakit kaya mas pinili kong maghanap ng trabaho.
Kahit saan saan ata ako nag-apply. May iba, na pag nakikita ang aking apilyedo, kahit kakasabi na vacant pa raw ay kinacancel agad. Palaging ganoon. Nauuna iyong pang-iinsulto nila kaysa iyong interview sa akin.
“Ayokong malugi ang negosyo ko dahil sa isang anak ng magnanakaw. Layas. Wala kang mahuhuthutan dito.” she even pushed me.
“I’m going to work hard po at may mga CCTV naman po ang store niyo. Kung pagnanakaw po ang ipinunta ko, diba po ang bobo ko naman kung ganito ang nanakawan ko eh sobrang raming CCTV. Tapos monitor pa palagi.” Iginala ko ang tingin sa paligid. “May mga alarms pa nga kayo oh.”
“Aba’t nangangatwiran ka pa! Lumayas ka! Wala na nga akong kita sa araw na ito mamalasin pa ako sa’yo! Layas!” Pinagtutulak niya na ako palabas kaya wala akong nagawa kundi lumabas nalang.
“Sige po, thank you for entertaining me! Goodluck po sa negosyo!” I smiled at her at umalis rin. She was even shocked.
Nagpatuloy ako sa paghahanap. Hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa. Baka may mga trabaho pa diyan na tatanggapin ako.
Pumasok ako sa isang cafe. Sakto mukhang nandito rin iyong may-ari kaya mas tinamisan ko ang aking ngiti lalo na’t dumako ang kanyang tingin sa akin.
“Good Morning! May vacant po kayong trabaho? Gusto ko po sanang mag-apply. I am a highschool graduate pero kaya ko naman po ang mga ipapagawa niyo sa akin.” I smiled merrily while saying it to the owner.
Kitang kita ko ang pagkamangha roon. “How old are you hija?” tanong nito.
“I’m already 18 po.” I smiled cutely.
Wala pa gaanong costumer at mga impleyado pa lamang ang nasa loob. Maaga pa kasi.
Natuon na sa akin ang buong atensyon noong matandang lalake. May mga empleyado naring nakikiusyoso at tinititigan ako.
“What’s your name hija?”
“I am Red po,”
“Red! Aba’y bagay na bagay sa magandang dilag na kagaya mo!” Nginitian niya ako.
“Thank you po. Uhm, heto po ang resume ko. Marami na po akong inaapplayan kaso hindi ako tinatanggap…” paliwanag ko habang binubuksan niya ang aking resume pero nasa akin ang tingin, hindi nawawala ang matamis na ngiti.
“Oh? Bakit naman? Sana dumeritso ka agad rito edi hindi ka narereject.”
“It’s because of my surname. I am the daughter of Eduardo Valerio. I am a Valerio, po.”
Ang ngiting-ngiti niyang labi ay mabilis na naglaho. Nalaglag agad ang kanyang tingin sa hawak na resume at magkasalubong na ang kilay roon.
“Tsk, tsk. Sayang naman.” Isinara niya ang aking resume at ibinalik sa akin.
“Sorry hija pero hindi kita pwedeng tanggapin. Sana hindi mo nalang sinabi ang apelyido mo.”
I smiled. “It’s okay po. Ineexpect ko na talaga ito. And I am proud to carry my Dad’s surname. He’s a good guy and a loving father. He’s proud because I am his daughter kaya dapat proud rin po ako.”
Nagulat siya sa aking sagot. Kahit iyong mga nakikiusyoso niyang empleyado ay nagulat rin. Lumabas ako roon na may ngiti parin sa aking labi pero kalaunan ay napabuntong rin ako ng hininga. Saan ba ako makakahanap ng taong hindi pagbabasehan ang aking apelyido? Gusto ko rin namang magtrabaho sa isang taong alam ko, hindi kukwestyunin ang aking kapasidad at iinsultuhin si Daddy.
I don’t have any connections right now kaya ang hirap ring pumasok sa mga trabahong namimili ng papapasukin.
Masakit na ang pagkakatama ng sinag ng araw sa aking balat, hudyat na ilang oras narin akong palakad lakad at hanggang ngayon ay wala paring nahahanap na matino. Pinunasan ko ang namumuong butil ng pawis sa aking noo at huminto muna. Umupo ako roon sa isang bench malapit sa park. I saw some kids there playing, running while laughing their hearts out. Napangiti ako. I suddenly remember my childhood memories. Iyong paghahabulan namin ni Marco sa park. Damn, I missed the old days.
Tumayo akong muli at nagsimulang maglakad lakad. Malaki ang syudad at imposible namang hindi ako makahanap ng trabaho diba?
Suddenly, a car stop in front of me. Tinted iyon kaya sandali kong nakita ang aking sarili. Namumula ang aking pisngi, nalalaglag ang iilang hibla ng buhok kong nakayapos, pawisan pa. Gosh, I look terrible! But that’s not my concern anymore when the windor was suddenly pulled down.
“Oh great! Ikaw nga!” Nakangisi na ang lalakeng halos dalawang taon ko ng hindi nakikita.
“Troy?” I smiled widely.
Binuksan niya ang pinto sa driver’s seat, “Hop in! Marami tayong pag-uusapan, Red!”
Hindi ako nagdalawang-isip na pumasok. Halos makalimutan ko na ang tunay na pakay dahil sa labis na kasiyahan.
“Oh my gosh, Troye!” Nayakap ko na siya ng mahigpit, ganoon rin siya sa akin. Noong maghiwalay kami, kapwa na kami natatawa. Pero agad siyang bumusangot at pinisil ang aking ilong.
“Where have you been? Padalos-dalos iyong pagtransfer mo. Kung namomroblema ka naman pala sa pera, nandiyan naman kami.”
I know we didn’t talk much on Mom’s funeral. Nabalot kasi ako ng pagluluksa. Ni hindi man lang kami nakapag-usap usap.
“Hayaan mo na. Graduate na kaya ako! And look!” I showed him my resume. “Naghahanap ako ng trabaho!” Pagmamalaki ko sa kanya na ikinangisi niya.
“Ang mature mo na ata ah? Mag sesecond year college ka pa lang. Ba’t ang aga aga mo atang magtatrabaho?”
“Duh, poor na kami Troye. My Mom died and my father was in jail. I am living alone so I need to work. Ang mahal ng college e,”
His eyes suddenly changed. Unti-unti naring nabura ang ngiti kaya ngumiti agad ako ng malapad.
“Hey! H’wag mo nga akong tingnan na parang ako ang pinakanakakaawang tao sa mundong ito? Have you seen the beggar on the streets? May iba pa nga na naputulan ng kamay at paa! Thankful parin ako na hindi malala ang nangyari sa akin ’no.”
Bumalik ang malapad na ngisi sa kanyang labi. Nailing siya.
“Pinagdudahan kita ng ilang minuto pero nakalimutan kong ikaw pala si Red, umaapaw sa self-confidence at walang sinusukuan!”
“Exactly. That’s me, Troye.”
Nailing siya, binasa ang pang-ibabang labi at tumawa. Ngayon ko lang napansin, he got tanned at brownish na ang buhok. What did he do? Ba’t gumwapo ata lalo ang lalakeng ito?
I wonder how’s Leeland and Klint? I really hope they’re okay too.
“Oo nga pala. Marco is looking for you. Iyong nakaraang linggo lang siya umuwi. Hindi ka namin makontak. Goodthing I saw you here on the street. Akala ko talaga namamalimos kaya hinintuan ko ng kotse, bibigyan ko sana ng barya.” He smirked at me, the kind of smirk I missed alot about him.
Kahit alam kong inaasar ako nito, hindi ko parin maiwasang mainis.
“Damn you!” Sinapak ko ang kanyang braso kaya natatawa niya iyong sinangga.
Pero hindi lang iyon ang kumuha ng aking atensyon. Marco’s here?!
“Wait, nakauwi na si Marco?” tanong ko.
Tumango siya. “Ikaw agad ang bukambibig. Put your seatbelt on, dadalhin kita sa kanya.”
Mabilis kong hinila ang seatbelt sa aking gilid at kinabit iyon sa kabila. Nilingon ko siya at natagpuan siyang ngumingisi. What now?
“Anong tingin yan?” tanong ko. “Anong nasa isip mo? Siguro…”
Natawa siya. “Chill, natutuwa lang ako sa’yo. You didn’t change at all. Naging mature ka lang ata mag-isip pero ikaw parin iyong kilala ko.”
Kumalma ang aking ekspresyon. Bumagsak sandali ang tingin ko sa braso niyang hinihila ang clutch saka ko muling ibinalik sa kanya.
“I am not planning to change myself, Troye.”
Nagsimula siyang magmaneho, sinulyapan ako saka ngumiti.
“Good for you.”
I smiled back and stared at the road. Masaya ako at ganoon parin ang tingin ni Troy sa akin, but I’m a bit bothered. Hindi niya ba alam iyong tungkol sa nangyari sa amin ni Hannan at Yash?
“Uh, Troy?” I glanced at him.
“Hmm?”
“S-Si Hannan at Yashin… How are they?” I tried to swallow when I felt something on my throat. May kung anong nakabara doon at hindi ko matanggal tanggal kahit anong lunok ko. I’m nervous…
“Okay lang naman. Bakit? Miss mo narin ’no?” Ngumisi siya sa akin na ikinasimangot ko. Saan ba siya nakatira? Umalis ba siya ng mundo?
“Hindi ka ba talaga updated sa mga kumakalat na issue sa akin roon sa school noon?”
Nagulat pa siya. “May scandal ka?”
Pinaningkitan ko agad siya ng mata. “What the heck, Troy?”
“You know me Red, hindi ako tsismoso sa mga ganyan. Kung porn iyan baka pagtuunan ko pa ng pansin.”
“Bastos!”
Humalakhak siya.
“I mean sa mga babae lang ako interesado hindi sa mga away ng babae o ano ano pa diyan.”
Sumandal ako sa upuan, sumimangot lalo. Edi wala siyang ediya sa nangyari sa amin ni Yash at Hannan? Sabagay, eh busy siya noon kakahingi ng number ng mga freshmen. And now look at him, para na siyang isang notorious playboy in the city at naghahanap ng mabibiktima sa daan kaya hinintuan niya ako.
Huminto kami sa isang hotel. Nakabuntot lamang ako sa kanya habang paakyat kami. He was talking nonsense again just like the old days. Iyong pati aso niyang na food poison niya raw ay ikwinento niya pa. Hindi ko tuloy maiwasang matawa. I just missed this kind of conversation. Si Troy kasi itong walang kwenta kausap pero matatawa ka dahil sa ekspresyon niya.
Nagdoorbell siya sa isang room. My eyes settled on the door, excited to see Marco. It’s been years!
“Marcoㄧ” Naputol ang aking boses sa ere at hindi alam kung buburahin ba ang ngiti o babatiin nalang ang nagbukas noon.
He was shocked to see me, pero kalaunan ay ngumiti rin siya.
“Red…”
I swallowed and composed myself. “K-Klint.” I smiled at him, a bit awkward.
Sandali siyang tumitig sa akin, ako naman, ngumingiti ng tipid at hindi mapanatili ang tingin sa kanya ng matagal.
Katulad ni Troy, nagbago rin ang pisikal na hitsura ni Klint. Hindi ko gaanong mapagtuunan ng pansin ang kanyang kabuuan dahil hindi ko mapanatili ang tingin sa kanya.
“Asan si Marco?” singit agad ni Troy, hinihila na ako papasok. I sighed heavily, nagpapasalamat sa pagiging inosente ni Troy.
Iginala ko ang tingin. Natigil lang iyon sa pinto ng banyo dahil sa paglabas roon ng lalakeng nagkukusot ng basang buhok at nakaroba.
“You’re so loud, Troyㄧ”Medyo inis na sabi niya pero kalaunan ay nahinto rin dahil sa paglipat ng tingin sa akin.
My lips started to stretch widely. Na kahit ang mga mata ay nanlalaki na.
“Marco!” Tumakbo ako sa kanyang kinaroroonan at mabilis siyang niyakap.
Marco’s arms snaked around my waist and hug me back. Sa sobrang higpit noon ay naangat niya na ako sa ere.
“I missed you, Red!”
“I missed you too, sobra sobra Marco!” I buried my face on his shoulder, trying not to cry.
Unti-unti niya akong ibinaba hanggang naramdaman ko ang sahig. Lumuwang rin ang kanyang pagkakayakap sa aking beywang para matingnan ako ng buo. Hindi ko inalis ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg ganoon rin siya.
“Look at you! You’re tall and skinny!” He laughed a bit.
“I hate you! Iyan ba ang pasalubong mo sa’kin?” Sumimangot ako pero hindi rin iyon napanindigan ng buo dahil sa tawang tumakas.
“Sige na, gumanda kana lalo.” We both chuckled.
Doon lamang kami natigil dahil sa pagsisigaw ni Troy habang hinihila ni Troy ang likod ng suot nito, kinakaladkad palabas.
“Bigyan natin sila ng oras para makapag-usap.” sabi ni Klint, desididong makalabas.
“Teka! Gutom ako! Di pa ako kumakain! Marco! Mag-order ka muna ng makakain ko!” ngawa ni Troy, umaabante ngunit walang laban sa lakas ni Klint at nahihila parin ito.
“Ililibre na kita,” pagkarinig noon ni Troy ay lumebel agad siya kay Klint, inakbayan ito. “Tara!”
Nailing si Marco, natawa. Isang ngiti lang ang nagawa ko. Kung hindi ko lang alam na may gusto si Klint sa akin, iisipin kong normal na talaga iyon. Pero ngayong alam ko, pakiramdam ko nagseselos siya. I don’t want to assumed things pero iyon ang namumuong konklusyon sa aking utak. I missed our old us…
Chapter 35
Game of Love
Girlfriend
Nag-order ng pagkain si Marco. Kapwa kami nakaupo malapit sa transparent glass ng kuwarto, nakahawi ang mataas na kurtina at tanaw na tanaw ang labas.
“How are you? Marami akong nabalitaan sa’yo. Akala ko nga bibisitahin na kita sa Mental pagkauwi ko.” Ngumisi siya pero makikita ang awa sa mga matang nangingislap.
“I’m fine, Marco! Don’t exaggerate things.” I laughed hard after drinking a glass of water.
“Red, don’t lie…”
Umiling ako, “I’m serious Marco, okay lang ako. Yes, we lost everything. My Mom died and my father’s in jail, but it doesn’t mean it’s the end of me. Binibigyan parin ako ng pagkakataon ng Diyos na huminga kaya alam ko, may pag-asa parin akong mabuhay. And Im gonna cherish this life. This is not the end, Marco.”
His lips formed into a sweet smile. Kalaunan ay nailing siya, hindi mabura-bura ang ngiti sa labi at napasadahan ang buhok paatras. Mas tumangkad si Marco. He got this bronze color of hair and a bit tanned-skin. He was so manly na magkakapiraso ata ang payat kong pangangatawan kung dinadaganan niya ako. Ito ang ginawa sa kanya ng panahon sa pagtira niya sa States. He look like one of them.
“Tama nga sila Klint, palaban ka parin at walang sinusukuan. And I’m glad to see you like that, Red. Nakakaya mo ng tumayo sa sarili mong paa. Eh noon halos hindi ka makalabas ng bahay niyo kung hindi kita pinupuntahan para lang maglaro sa park. You can’t even hold your own things properly. Ako pa palagi ang nagbibitbit.”
Natawa ako. Oo nga naman. Hindi talaga ako naaasahan mag-isa sa lahat ng bagay. Kung walang aalalay sakin, mali mali talaga ang magagawa ko. Kaya nga lumaki rin akong walang alam sa lahat ng bagay. Ipinamukha sa akin ng mga nakapaligid sa akin na hindi ko na kailangang gawin ang mga bagay na kaya ko dahil may gagawa noon para sa’kin. Kaya nasanay rin akong umasa sa iba.
“Iba na ngayon, Marco. Naghahanap na ako ng trabaho at naninirahan mag-isa sa isang maliit na apartment. I can do the chores alone and luckily, di na ako masyadong nakakabasag ng plato. I can even sweep the floor and wash my own clothes!” Pagmamalaki ko sa kanya na ngiting ngiti narin.
“You sound mature but you still act like the old playful Red I know. You didn’t change at all. Nagmature lang talaga.”
Tumango ako habang sumusubo ng pagkain, hindi parin magawang burahin ang matamis na ngiti.
He’s going to stay here for a month pero babalik rin agad sa States dahil kailangan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral roon. I’m a bit sad but I’m happy for him dahil alam kong para rin iyon sa future niya.
Ikwinento ko lahat lahat sa kanya. Kahit iyong mga achievements ko. Hindi ko na isinali ang malulungkot na nangyari at puro masasaya lang. Kung babalikan ko iyon, mas malulungkot lang ako. Kaya iyong magagandang nangyari nalang sa aking buhay dahil mas magpapasaya iyon sa akin.
Ginabi ako. Ang plano kong umuwi sa aking apartment ay hindi natuloy dahil sa pamimilit ni Marco na gusto niya munang magparty. Total isang buwan lang naman siya rito, pagbibigyan ko na.
“Okay!” sagot ko na ikinangiti niya ng malapad.
“Siguro naman ay alam mo ang 3DBar, doon madalas tumambay sila Klint, Troy at Leeland. I recieved a text from Troy at naroon na raw sila. Sumunod nalang tayo,” sabi niya habang kumukuha na ng susuotin sa malaki niyang bagahe.
Pinanood ko lang siya. Hindi alam kung ano ang sasabihin ko. I can’t avoid Klint just because he confessed his feelings for me. Besides, he’s my close friend. At hindi naman iyon mali sa paningin ko. Hindi na kami bata para palakihin ang issue at gumawa ng pader sa isa’t isa dahil lang sa isang maliit na bagay. I still treasure the people around me who cares for me. Ipinagpapasalamat ko iyon dahil hindi naging iba ang tingin nila sa akin sa lahat ng nangyari.
Napagtanto ko lang pahalagahan ang mga taong naging totoo sa’yo at matutong buksan ang pinto para sa mga taong gustong umalis sa buhay mo.
Suot ko iyong dress na pasalubong sa akin ni Marco nang pumunta kami sa Bar. Marami siyang binili para sa akin, lahat ay mga gusto ko at halatang branded. Nagpapasalamat talaga ako kay Mommy noon na hindi nagsasawang bilhan ako ng maraming damit at mga kung ano ano noon dahil iyon ang ginagamit ko ngayon. Hindi ko na kailangang gumastos para bumili ng kung ano ano sa aking sarili ngayon at ginagamit iyong mga luma na pwede pa namang pakinabangan. They’re branded! Kaya matagal ring masira.
“I missed this!” sigaw ko malapit sa tenga ni Marco nang tuluyan kaming makapasok. Maingay ang loob at marami ang mga kaedad naming natatangay na ng tugtog. Some were holding their drinks, roaming around.
Sa pagiging seryoso ko sa buhay, ngayon na muling na-eexpose sa nakasanayan ko noon ay nakaka-miss din pala. I feel like I’m slowly reconnecting with my old self I lost.
Iginala ko ang tingin, ganoon rin si Marco. Hinawakan niya ang aking pulso at itinuro si Troye na kumakaway, nasa isang VIP couch sila. I even spotted some girls. Their girls. Mga nahila siguro iyan ni Leeland sa dancefloor.
“Guys!” sigaw ko nang tuluyang makalapit. Nanlalaki ang mata ni Leeland, mabilis na tumayo at binigyan ako ng yakap gamit ang isa niyang kamay, ang isa naman ay may hawak na baso ng inumin.
“Where have you been? Di ka namin mahagilap!” malakas niyang sabi sa aking tenga, para marinig ko ito.
“Sa tabi tabi lang!” natatawa kong sabi na ikinailing niya narin. He pulled out, kinuha ko ang pagkakataong iyon para balingan ang iba pa.
Klint’s eyes settled on me. Nagkasalubong ang aming tingin kaya ngumiti ako sa kanya ng matamis.
“Klint!” Inilahad ko sa kanya ang aking kamay. Tinitigan niya iyon sandali saka nag-angat muli ng tingin sa akin. Nginitian ko siya ng makahulugan. Na sana, isantabi nalang iyong nakaraan at magfocus ngayon.
Ngumisi siya, imbes na makipagshakehands sakin ay hinila ako kaya sumubsob ako sa kanyang dibdib. Nakaupo parin siya at niyayakap ako.
“I missed you…” bulong niya sa akin na ikinangiti ko narin.
“I missed you too.” Niyakap ko ang kanyang leeg. “I am thankful because you like me. Kaso may mas malalaking bagay akong kailangang pagtuunan ng pansin, Klint. At ayokong masira ang binuo nating friendship. I’m sorry…” bulong ko sa kanya, sapat lamang para siya ang makarinig.
He chuckled. “Hindi ako mababaw para ipagpalit ang friendship natin dahil lang hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko Red. At isa pa, nasanay na akong maging kaibigan mo.”
Natawa narin ako at mas niyakap siya ng mahigpit. I didn’t abandon my friends. Sadyang gusto ko lang matutong tumayo sa aking mga paa kahit na wala sila sa tabi ko. Gusto ko lang matutong mag-isa para ihanda ang sarili kung iiwan rin nila ako. Pero kung handa silang manatili, then why not!
“Thank you,” sabi ko.
“Hoy! Ano ba iyang bulung-bulungan niyo!” Hinila ako ni Troye paupo sa tabi niya. “Drink this soda. Di purket 18 kana ay pwede kanang maglasing.”
“Noon juice ngayon soda? Kailan ako mag-uupgrade?” Nakanguso ko iyong tinanggap.
“Di ka pwedeng malasing! Baka ako ang utusang buhatin ka at masukahan mo pa ako. Ganoon pa naman kayong mga babae.”
“I thought you care for me! I hate you!” Natatawa ko siyang sinapak sa braso.
“I care for you but I care for myself more, Red. Mas mabuting advance kaysa naman late!”
“Late ka kaya mag-isip. You’re slow!”
“Kung late edi sana ang rami ko ng nabuntis!” Ngumisi ang unggoy at inilipat sandali ang tingin sa dancefloor. “That’s it, baby! Shake your booty like that!” sigaw niya roon sa babaeng namataan niyang gumigiling at nasa kanya ang tingin, nang-aakit.
“Ang landi mo!” Natatawa kong sabi.
Kung kanina, iyong dalawang babae ang nakayapos kay Leeland, ngayon ay lumipat na ang isa kay Marco, nilalandi ito at nilalandi rin naman pabalik ni Marco. He’s liberated. Pero kahit hindi iyan tumira sa ibang bansa, kadugo parin iyan nila Leeland. Normal na playboy.
Napalitan ng panibagong kanta na mas nagpabuhay ng katawan ni Troye. Nandoon na siya sa dancefloor, pinapalibutan ng mga babae at nakakadiri na namang nagmamacho dance!
“Yuck! Buti nalang talaga at hindi ko na kayo gaanong kasama rito. Nakakahiya!” Natatawa kong sabi.
“Hindi parin yan nagbabago. Mas lumala lang ata.” si Klint, nailing narin.
Kung may nagbago man sa kanila, siguro mas naenhance ang kanilang features. Mas naging manly, mas tumangkad at mas gumwapo. Para na talaga silang mature na mga teenager at kaya ng bumuntis ng maraming babae.
Nagkukwentuhan kami ni Klint ng kung ano ano kung hindi ko lang aksidenteng narinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
“Diba crush mo si Addison noong elementary pa tayo, Marco?” tanong ni Leeland. Narinig ko lang kaya bumaling agad ako sa dalawa.
Tumango si Marco. “But that was before. May balita kayo sa kanya?”
Ngumisi ng makahulugan si Leeland at may nilingon sa counter. Nahila rin ang aking tingin papunta roon.
“Madalas rin iyang nandito.” sabi ni Leeland at tumingin sakin. “Kasama niya minsan si Tres na madalas rin dito.”
Hindi ko magawang paniwalaan si Leeland. I know Tres. Ayaw niya sa ganito ka crouded at higit sa lahat, ayaw niya sa babae. Leeland is bluffing. Maybe he’s just joking around.
Eh ano naman ngayon, Red? Oh please! That was long ago! You’re not into him anymore! Nasipa mo na iyong nararamdaman mo para sa kanya years ago! Don’t act as if you’re that teenager who easily gets fooled by someone.
Binalingan ko si Klint at kunwaring natawa sa kanyang kinukwento kahit na iyong tawa niya lang naman ang malinaw sa akin.
Tumayo si Marco, “I’ll buy her a drink, then.”
Humalakhak si Leeland at hinila siya paupo. “H’wag kanang sumunod sa listahan naming nareject rin ang mga inumin. Pag nilalapitan mo iyang babae na yan, parang may mahikang nangyayari at nahihila ka palayo. Parang binabakuran ng kung anong alagad ni Satanas!”
“What kind of sorcery?” Tumatawang tanong ni Marco.
“Masusuntok ka ng kung sino.”
Huh?
“Really?” Hindi makapaniwala si Marco, tila dalang dala narin sa kwentuhan ng dalawa.
Tumango si Leeland. “Tried and tested. Pinaon namin si Troye, ayun nahila nga at nasuntok. Binalaan pa siya na h’wag lapitan kaya natakot rin si Troye. Baka raw mabalian na siya ng leeg noong bodyguard ata ni Addison.”
Naawa ako ng kaonti kay Troye pero mas lalong namuo ang konklusyon sa aking isipan. May mga bodyguards siya na kung tawagin nila Leeland ay alagad ni Satanas na umaaligid kay Addison. Sino ang nasa likod?
But they’re rich. Maimpluwensya ang Daddy niya kaya hindi na nakakapagtaka iyon. Yes, maybe.
“May boyfriend na?” si Marco, natatawa narin sa kwento ni Leeland.
“Mukhang meron na. Eh palagi silang magkasama noong Buenaventura dito. Hindi malabong sila nga.” sagot ni Leeland na ikinasikip ng dibdib ko. Ni hindi ko nga alam kung ba’t nagrereact parin ng ganito ang puso ko. Damn you, heart! Pati ba naman ikaw tatraydurin ako? No! H’wag mo akong paniwalaing hindi kana tumitibok roon tapos ngayon gaganyan ka!
Nabura ang mga haka haka sa aking isipan at napalitan ng panibago. Si Tres ang nagbabakod kay Addison? Iyon ba ’yon?
Lumapit si Troye sa amin kaya nalihis rin ang aking tingin. May kiss mark na ang leeg at magulo ang buhok. Hinila niya si Klint sa aking tabi na halatang tutol sa plano ni Troye.
“Someone has a crush on you! Ibinenta kita kapalit noong number ng hot niyang kaibigan! Go and flirt her!”
“Damn you, Terenz Royi! Napakabugaw mo talaga!” sigaw ni Klint sa buo nitong pangalan pero disidido na talaga si Troy na ibenta siya.
“Thank me later! The chic is hot! Malaki ang dibdib!”
Nailing nalang ako. What’s new about that two? Basta pagdating sa babae nagiging sakim at ibinubugaw ang isa’t isa.
Tumayo si Marco, iniwan iyong babaeng lumalandi sa kanya at tinabihan ako. May stain na ng lipstick noong babae ang labi niya, namumula lalo.
“What happened to you? You seemed off?” tanong niya. Madali akong nababasa ni Marco. Mabilis niyang nalalaman ang nararamdaman ko.
I smiled at him, shook my head. “I’m fine!” Humalakhak ako, ngunit natangay ang tingin sa may entrance.
Kitang kita ko ang pagpasok ng lalakeng may supladong mukha, misteryosong mga mata, nakajacket na itim at nakabulsa ang mga kamay sa suot na pantalon.
My heart pounded harshly. Para na iyong martilyong pinupukpok ang aking ribcage at gusto ng makawala roon. I can’t contain my feelings inside me. Sumasabog na iyon palabas at hindi ko na maiwasang alisin ang aking tingin sa kanya.
Sinundan ko siya ng tingin. Deri-deritso ang kanyang lakad papunta sa counter, tumabi kay Addison na mabilis siyang nilingon lalo na’t inagaw nito ang hawak na shotglass. He cared? Wala naman iyang pakialam sa mga babae ah? S-Sila na ba talaga? But that’s impossible! Tres hates girls! Paanong?
“Red?” Marco snapped his fingers infront of my face. Napalingon ako sa kanya, wala sa sarili at hindi maalis alis sa isipan ang imahe ng dalawang magkatabi sa counter.
“Huh?”
“What’s wrong?” tanong niya, lumingon narin sa counter pero walang ediya kaya nilingon niya akong muli.
Umiling ako, “N-Nothing.” Saka ko ibinalik ang tingin sa counter. My thoat dried when I saw Tres poking her head.
Iniwas ko ang tingin. Masyado iyong masakit sa mata at binalingan ulit si Marco na tila naaasiwa na sa isang bagay.
“Can I have this?” Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang inumin. Kaso hindi ko pa iyon tuluyang naaangat para mainom, inagaw niya na iyon pabalik.
“You’re not allowed to get drunk tonight.” Pagbabanta niya na ikinasimangot ko. I need a drink! Parang may kung anong nangyayari sa loob ko at gusto ko lang banlawan ng alak para matigil.
Napadpad muli ang aking tingin roon. Pinagsasapak na siya ni Addison na parang batang naaasar habang hinuhuli ni Tres ang kanyang kamay, pinipigilan.
Suminghap ako dahil pakiramdam ko nauubusan na ng hininga ang aking loob kaya ganoon nalang iyon kung manikip. Why am I feeling this way? This can’t be! Wala na dapat akong maramdaman!
Addison stood up and pulled Tres away from the counter. Nagtagumpay nga siya at napatayo ito sa kanyang harapan, nakapamulsa at seryoso parin ang ekspresyon. Umikot si Addison, tinulak ito sa likuran na nagpasambit ng kung ano kay Tres.
Iniwas ko ulit ang tingin. Kung hindi ko sila kilalang dalawa, iisipin ko talagang naglalandian silang magsyota at pinipilit siyang pasayawin kaso ayaw niya kaya mas naging makulit ang kanyang girlfriend. I wanted to think that way but my mind is not cooperating! Bumubuo siya ng sarili niyang konklusyon. Na dapat hindi ko iyon lagyan ng ganoong meaning para hindi ako masaktan. Hindi matanggap ng aking isipan na ganoon sila, katulad ng naiisip ko.
“Is that his boyfriend?” si Marco na, nakatingin narin sa dako ni Addison na ngayon ay nakangiti ng matamis habang nakapulupot ang kamay sa braso ni Tres na hinahayaan lamang siya.
I swallowed and try to ignore their presence but I just can’t! Nanatili ang tingin ko roon, nang-uusisa.
“He’s my boyfriend!” I heard Addison’s sweet voice. Sa sobrang lakas noon ay umabot na rito sa gitna ng maingay na paligid. Para bang proud na proud siya kaya pinagsisigawan niya talaga iyon at marinig ng babaeng nangangahas landiin siya.
Napatayo ako. “I-I need to go home now. May gagawin pa pala a-ako…” I said in a shaky voice, ni hindi masalubong ang pag-aangat ng tingin ni Marco sa akin.
Napatingin ako sandali kay Leeland na mukhang kanina pa nakatingin sa akin, naninimbang iyon.
“What?” si Marco, tumayo narin pero mabilis na akong humakbang paalis roon, palabas, palayo sa kanila.
“Red! Wait!” malakas na sigaw ni Marco sa aking likuran.
Hindi ako lumingon at mas binilisan ang paglalakad na nauwi rin sa pagtakbo. Wala sa sarili kong nasapo ang aking dibdib na parang kinukurot ng kung ano sa loob kaya nakakaramdam ako ng sakit. Gusto ko itong pigilan sa pagiging ganoon pero hindi ko rin alam kung paano.
Mabilis akong pumara ng taxi at nagmamadaling sumakay roon. Pinaandar rin naman agad noong driver na ikinapanatag ko ngunit hindi ko mapigilan ang panlalabo ng aking mga mata. Na kahit iyong pagsambit ko ng aking address ay nanginginig ako.
“Tissue po, Ma’am,” sabi noong taxi driver na nasa itaas ng salamin ang tingin.
Umiling ako, ngumiti. “Thank you but I don’t need it. H-Hindi naman ako n-naiiyak…” pagsisinungaling ko kahit halata iyon sa aking mga mata.
“O sige hija, punasan mo nalang nang hindi malaglag,” aniya sa nag-aalalang tinig.
Inabot ko iyon at nagpasalamat. Pinunasan ko agad ang aking mga mata para maalis ang panlalabo roon.
“Bakit ayaw mong umiyak, hija?”
“Nangako po kasi ako sa sarili ko na huling iyak ko na iyong pagkamatay ni Mommy. Baka po malungkot siya pag nakita niya ako sa itaas na umiiyak…” paliwanag ko.
“Ganoon ba. Mukhang matapang ka. Mabuti naman…” sabi niya saakin, mukhang hindi ako kilala bilang anak ng isang senator kundi isang pasahero lamang ang tingin.
Pilit akong ngumiti. Napansin kong may box na tissue siya sa harapan.
“Noong nabuntis kasi ang anak ko, palagi siyang umiiyak kaya nasanay narin akong maglagay ng tissue rito. May mga pasahero rin kasi akong umiiyak,” paliwanag niya. Siguro ay napansin niya ang pagtitig ko sa box ng tissue.
“Lolo kana po?!” I tried to cheer myself up. Pilit kinakalimutan ang nangyari roon.
Tumango siya, may kinuhang picture sa harapan at ibinigay sa akin rito habang nasa harap parin ang tingin.
“Iyan ang anak at apo ko. Ang gwapo ng apo ko diba, hija? Mana sa akin!”
Medyo natawa ako roon, gumaan ang aking pakiramdam at tinitigan ang picture. I saw a young girl smiling happily with his son pouting.
“Your daughter is pretty po, Manong.” Pamumuri ko. “She’s very simple pero ang ganda niya.”
“Syempre hija, nasa genes ko iyon kaya ganyan ang mukha ng anak ko.”
Natawa ulit ako, tuwang-tuwa. “Maybe you married a pretty woman kaya maganda rin siya.”
“Hindi naman kagandahan ang asawa ko. Pero sa mga mata ko, siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ikalawa ’yong anak kong babae.”
Maraming kinwento sa akin si Manong. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang patawanin ako o natutuwa lang talaga ako sa kanya. Nalaman kong mabait daw iyong napangasawa ng anak niya at binibigyan sila ng kung ano-ano. Nahihiya na raw siya kaya hindi siya tumitigil sa pamamasada dahil ayaw niyang isipin ng lahat na pineperahan nila iyong napangasawa ng anak niya. At least man lang daw may pambili siya ng yakult sa apo niya.
Humanga ako sa kanya. Naaalala ko si Daddy na mahal na mahal rin ako. The taxi driver even refused the money I paid. Libre na raw total nakinig ako sa kwento niya.
“Red!” It was Marco who called me. Nagulat pa ako dahil sinundan niya pala iyong sinasakyan kong taxi dala dala ang kotse ni Troy.
“Marco?”
“What’s happening to you? Ba’t bigla bigla ka nalang tumatakbo?” he said, very worried.
“Ba’t ka sumunod? ’Tsaka gabi na Marco. I’m sure Daddy will be worried pag nalaman niyang nasa labas ako ng aking apartment sa ganitong oras.” And I mean it. Isa na roon ang rasong ayaw ko ng manatili roon dahil rin sa narinig ko.
Bumuntong siya ng hininga. Nameywang sa aking harapan at tiningnan ang maliit na building kung saan ako nakatira.
“Diyan ka nakatira?”
Tumango ako. “Don’t worry, my place is clean. It’s the cheapest apartment. Nabili namin ni Mommy sa murang halaga noong binenta namin ang mansyon.”
Tumango siya pero hindi maalis sa mga mata ang pag-aalala. Bago pa man ito makatanong ng kung ano ano ay nilapitan ko na siya at itinulak pabalik sa kotse ni Troy.
“I’m sure Troye is already drunk right now. Balikan mo sila. Matutulog narin ako Marco. It’s late,” sabi ko.
“You’re hiding something from me, Red!” pang-aakusa niya at halatang tutol sa gusto kong paalisin siya pero nagpapatianod naman sa panunulak ko.
“Wala nga! Paranoid!” Tumawa ako.
I know he’s my bestfriend pero gusto kong sanayin ang sarili kong h’wag ipagsabi ang mga bagay na pwedeng itago ko nalang mag-isa. The last time I trusted someone, nabigo lang ako. Mas mabuting wala akong pagsabihan para makampante ako.
Chapter 36
Game of Love
Secretary
Minsan, pinupuntahan ako ni Marco sa apartment at nagdadala ng groceries. Alam niya na kung saan ako nakatira at nangako naman sa akin na hindi sasabihin sa iba pa dahil sigurado akong gagawin nilang tambayan itong lugar ko. Lalo na iyong si Troye na makalat.
“H’wag ka ngang magkalat, Marco! Kakalinis ko lang!” Saway ko sa kanya nang pulutin ko iyong balat ng chichiryang nagkalat sa sahig.
Pumalakpak siya, manghang mangha. “I’m really proud of you, Red!”
Umirap ako at ngumisi lang. Noong una niyang pasok rito, nagrereklamo pa siyang sobrang liit daw ng espasyo at ang hirap gumalaw galaw. Malamang nasanay siya sa malamansyong bahay. Kahit nga ako noong una ay nanibago rin pero kalaunan ay nakasanayan ko na. Nag-iinarte lang talaga siya kaya pakiramdam niya maliit.
May mga araw namang hindi ko siya pinapapunta dahil naghahanap parin ako ng trabaho. Kaso minsan, nadadatnan ko nalang siya rito pag-uwi ko.
“Hindi ka parin nakakahanap?” tanong niya isang araw nang umuwi ako.
Umiling ako. “May iba gusto ng college graduate eh. May iba rin na nagrereklamo dahil wala akong experience.”
Hindi ko na kinwento sa kanya iyong rason kung ba’t may iba ring hindi ako tinatanggap. Mag-aalala lang iyan at baka magdesisyong huwag nalang bumalik sa States. Minsan pa naman padalos dalos iyang magdesisyon pagdating sa akin.
Inakbayan niya ako, “That’s okay. MagBar nalang tayo mamayang gabi.”
Mabilis akong kumalas sa kanyang pagkakaakbay. Nagtungo ako sa maliit na ref at kumuha ng pitsel roon.
“I can’t, Marco. Maaga pa ako bukas. I need to find a job as soon as possible. At bibisitahin ko pa si Daddy sa presinto. And then pupuntahan ko si Mommy sa kanyang puntod after. Marami akong kailangang ikwento sa kanya,” sabi ko habang nagsasalin na ng tubig.
Umupo siya sa sofa, sumimangot. “Malapit na akong umalis Red, come on!”
Nakaramdam tuloy ako ng konsensya. Ang totoong dahilan kung ba’t ayoko ng bumalik roon dahil alam kong nandoon na naman silang dalawa. They’re giving me a strange feeling in my chest. Malapit ng masira ang aking ribcage dahil sa pagwawala ng aking puso. Hindi ko ito makalma!
I turned to him while holding a glass of water. Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at namumungay na ang mga mata.
“Please… Isang buwan lang ako rito. Akin muna ang oras mo, please…”
“You’re not a kid anymore, Marco.” Tumawa ako.
“Just because you’re mature now tatanggihan mo na ang bestfriend mo. Come on, Red.” He pleaded more.
Nakagat ko ang labi. Think positive, Red! Maghanap ka ng positibong dahilan kung ba’t hindi ka umiiwas sa lalaking iyon. Dapat patunayan mong iba kana. You’re already mature! Avoiding him will just worsen the situation. Go and face him. So what kung magkita kayo. Iparamdam mo sa kanya na naging parte lamang siya ng mapait mong nakaraan at ngayon ay gumagawa kana ulit ng panibagong kabanata ng iyong buhay, iyong wala siya.
Kinagabihan ay sa 3DBar nga ulit ang naging destinasyon namin. Naging busy na naman sila kakahanap ng babae sa dancefloor habang ako naman itong panay inom ng juice sa couch. Gusto ko sanang sumayaw kaso nakakahiya si Troye sa dancefloor. He’s bragging his abs again with the girls around him, letting them touch it. Yuck, Troye!
Tumayo ako na ikinatingin agad ni Klint sa akin. Kahit si Marco na hinahalikan noong babaeng kalandian niya rito ay natigil rin sa ginagawa at napatingin sakin. Nandito lang kasi sila sa couch.
“Where are you going?” tanong ni Marco habang hinahalikhalikan na noong babae ang kanyang leeg.
“Cr lang ako.”
“Samahan na kita?” Alok ni Klint na ikinailing.
“Stay here. Babalik din ako.”
Nagpaalam ako sa dalawa. Pumasok ako sa cr at tiningnan ang sarili sa salamin. I sighed seeing my image. I look pale. Kaya ang ginawa ko ay inilugay ko ang buhok kong nakabun. Naglagay ako ng lipstick saka sinuklay ang buhok gamit ang aking mga daliri. I smiled at the mirror and complimented myself in my mind.
Umihi muna ako saka tuluyan ring lumabas. Kaso hindi palang ako nangangalahati ng lakad ay nagulat na ako dahil sa lalakeng nakasandal sa pader. Nakatiklop ang isang paa at nakatukod sa sinasandalan habang ang nakapamulsa.
My lips parted when I figured out who it was. Parang mga blokeng katanungan na sunod sunod na pinagpapatong sa aking isipan ang nabuo. Sa sobrang rami, hindi ko na alam kung ano ang gagawin nang lumingon siya sa akin.
Our eyes met. It was like a slow motion to me and everything went blank after. Ang tanging malinaw lamang sa akin ay siya. Ang kanyang pagtuwid, paghakbang papunta sa akin, ang hindi nagbabagong ekspresyon at tila may kinikimkim na galit sa kabila ng misteryoso niyang mga mata.
“Tres…” I whispered. Hindi ko alam kung narinig niya iyon, na kahit ako ay hindi narinig ang sariling bulong.
Tumigil siya sa aking harapan. Na kahit ang pagpintig ng aking puso ay parang tumigil rin, ang paghinga, ang oras, lahat ay parang tumigil at ilang sandali lamang ay mawawalan narin ako ng ulirat sa ibinibigay niyang tingin.
His physical appearance changed alot. Kung ano ang tingin ko sa kanya noon, naging triple na ata. Ang pinaglalaban kong damdaming tuluyan ko ng sinipa paalis, tila nabubuhay muli. O baka naman hindi ko talaga iyon naalis sa aking sistema. Nanatili lamang iyon sa loob at ngayon na nandito na siya ulit, inuukupa na ulit ng pakiramdam na iyon ang loob ko.
Agaran kong naalala ang huli naming pagkikita. Hindi iyon naging maganda sa totoo lang. I confessed and he reject me in a harsh way. Ngayon na muli kaming magkaharap, unti-unting napupukaw sa akin ang damdaming matagal ko nang nilibing.
“How are you?” he asked in a deep voice as he watched me intensely.
Lumunok ako at tanging hilaw na ngiti ang naibigay. I’m a mess, Tres. But no. Hindi ko ipapakita sa kanya na ganoon ang buhay ko. Ayokong dalhin ang pait ng nakaraan at ipakita sa kanyang apektado pa rin ako.
“Ayos lang naman. How about you?” I smiled.
He tilted his head. Nanunuri na ang mata sa akin. Gumagala iyon sa aking kabuuan at hindi mapirmi. Napalunok ako ng laway, wala sa sarili naring nalaglag ang tingin sa aking katawan.
“You look skinny. Di ka ba kumakain?” Iritado niyang tanong.
“Kumakain…” sagot ko, tila nakakalimutan ang tunay na pangyayari ng aking nakaraan.
Tres licked his lip. “You’re with your friends?”
Sa kanyang sinabi, tila isang bagyong humagupit sa aking alaala ang bumalik sa akin. Gosh Red! Magpapakalunod kana naman ba sa nararamdaman mo?! Magpapauto kana naman ba? Wake up!
“Correction, Tres. Boyfriend. I’m with my boyfriend.” I smiled more, trying to sound happy.
Biglang nag-iba ang timpla ng kanyang misteryosong mga mata. Niyayakap na iyon ng dilim at nagiging matalim na.
“Boyfriend?” ulit niya at tila hindi naging malinaw ang kanyang dinig.
Tumango ako. “Yep! Nasaan ka ba kasi? Tatlong taon rin tayong hindi nagkita kaya marami ng nagbago. Remember the guy named Marco? He’s my boyfriend now!” Pagmamalaki ko.
Umangat ang kanyang kilay. Mas lalong nagiging seryoso.
“I thought you don’t need a boyfriend as long as you have your friends?” May pang-uuyam sa kanyang tinig.
Remembering what I told him years ago, napagtanto ko kung paano niya sinasalungat ang tingin ko sa aking mga kaibigan. Is he trying to tell me about Hannan? Pero sa sobrang misteryoso ni Tres, minsan ay nakakalito rin siya. Hindi mo alam kung nagmamalasakit ba o sadyang ginagawa niya lang ang mga bagay na may benefit sa kanya.
Natawa ako. “I am not that 16 year old playful Red anymore you used to know, Tres. I think it’s time to be in a relationship,” I said, proudly.
He just leered at me. The kind of stare I hate the most. Iyan iyong ibinibigay niyang tingin sa akin sa tuwing may sinasabi akong hindi kapani-paniwala.
“Red?”
Nabuhayan ako ng pag-asa nang marinig ang boses ni Marco. I’m really glad he’s like that! Iyong mawala lang ako ng ilang minuto ay susundan na ako.
“Marco!” Mabilis ang aking paghakbang at nilagpasan si Tres.
“Ang tagal mo ata?” he asked, a bit worried.
“May nakausap lang ako. Uhm, let’s go? Iuwi mo na ako please. Sa apartment nalang tayo.”
“Okay…” pagsang-ayon ni Marco habang hinihila ko siya paalis roon. Nagawa niya pang lumingon sa likod pero ibinalik rin sa akin, walang ediya sa nangyayari.
Hindi ko na nilingon si Tres. Nangangatog ang aking paa at parang naubusan ng lakas nang tuluyan akong makaupo sa driver’s seat ng kotse ni Troye. He was using his car since may dalawa naman iyong kotse.
Sapo-sapo ang aking dibdib, sinikap kong kumalma. Did I just talked to him awhile ago? Nakaya ko talaga iyon? That’s Tres Buenaventura! Oh my gosh!
“You okay? You look pale,” aniya habang nililingon ako.
Tumango ako. Gustuhin mang magsalita pero mukhang naubos na dahil sa pakikipag-usap kay Tres.
“Napansin ko may kausap ka. It was Addison’s boyfriend, right?”
Tumango ako ulit, nakakaramdam ng kirot sa aking puso.
“Iyong lalakeng kasali sa dare? Why is he talking to you?”
“I don’t know…” paos kong sabi.
Umangat ang kanyang kilay sa akin, nag-iwas ako ng tingin. Nakalimutan mo na ba, Red? He’s going to leave soon! At si Marco pa talaga ang ginawa mong dahilan gaga! Dapat si Klint nalang. Uh, I think that’s not a good idea. Leeland? Nah. Troye? Mas lalong hindi!
At bakit ba ako napunta sa ganoong sitwasyon? Dapat sinabi ko nalang na single ako. Na hindi ko kailangan ng lalake sa buhay ko dahil hindi na ako uto-uto. Pero gusto ko lang patunayan at iklaro sa kanya na nakamove-on na ako sa nararamdaman ko sa kanya noon. Na may mahal na akong iba at hindi na siya! Iyon lang…
Gosh, I don’t know if it’s a good idea or not. Besides, he already got a girlfriend. And why the heck I am thinking this way? I need to concentrate with my studies! Nagkausap lang kami ng ilang minuto nawala na ako sa sarili ko. I almost forgot my plans! I really don’t like the idea getting close with him. Binablangko niya ang aking utak at hinuhulog sa sarili niyang patibong. I hate it.
Pagkatapos akong ihatid ni Marco ay pinauwi ko rin naman siya. Laking tuwa ko at hindi na siya nagtanong pa. Siguro naramdaman niyang wala rin naman akong balak magkwento kaya bumalik nalang siya sa Bar.
Hinubad ko ang suot na heel at napahiga agad sa aking kama. Sandali akong tumitig sa kisame kung hindi lang talaga iyon naputol dahil sa katok. What is it again Marco?
Tumayo ako. Pagod na naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon. My hair were a bit disheveled but it doesn’t concern me anymore total nasa bahay na ako.
“Yes, Marco?” I smiled when I opened the door. Kaso mabilis ring napalitan ng pagkagulat ang aking mukha nang makita ko kung sino ang naroon.
Sa sobrang pagkakagulantang, marahas kong naitulak pasara ang pinto. Umawang iyon, hindi tuluyang sumara dahil sa paa niyang iniharang niya.
“What are you doing here, Tres?!” Nagpanic na ako lalo na’t binubuksan niya na ng malaki ang pinto.
“Visiting you,” he said casually, like there’s nothing to bigdeal.
Nanliit ang aking mga mata. Itinagilid niya ang kanyang ulo at nagawa pang sumilip sa nakaawang na pinto. Isinara ko iyon ng kaonti kahit alam kong wala naman siyang masisilip sa loob na kailangan kong itago.
“You’re alone?” tanong niya sa makahulugang boses.
I sighed. “Tres. I don’t know what you’re up to but I already move-on. At kung iniisip mo na gusto pa rin kita hanggang ngayon pwes… hindi na. Maraming nangyari at nawala na rin ang nararamdaman ko para sa’yo.” I clarified.
There! Gusto ko talagang ipamukha ang bagay na iyon para mapatunayan lamang sa kanya na hindi na ako iyong babaeng mauuto niya basta basta. And he’s Addison’s boyfriend, right? Showing up infront of my door will stir up some rumor about us! Baka… Baka ako pa ang maging rason para masira sila.
And thinking about being the third party gives me chill! Ayokong ilagay sa ganoon kababa ang sarili ko.
“Does your so-called boyfriend come here more often?” tanong niya at masyadong malayo sa aking sinabi.
Kumurap kurap ako. Kulang nalang ay magkaroon ng question mark sa aking mukha. Boyfriend?
Wait… Your lie, Red!
“Ah… Yes! Oo naman…” Natawa ako ng peke at medyo iniwas ang tingin habang iniipit ang sarili sa pagitan ng pinto at haligi ng aking apartment.
“Pupunta ba siya ngayon?” he asked curiously.
Seriously… Ano bang gusto niyang iparating sa mga interview niya? Why is he so curious with my lovelife?
“S’yempre. And if I were you I will leave right away. Seloso pa naman ’yon. Baka pag-awayan ka lang namin,” pagsisinungaling ko para lamang mapaalis siya.
Tres licked his lip and nodded slowly. Hindi siya kumbinsido sa aking sinasabi ngunit mukhang nakikinig naman siya.
“Lock your door once I leave,” aniya.
Nagkasalubong ang aking kilay pero kalaunan ay tumango nalang din. Hanggang ngayon ay para pa rin talaga siyang puzzle na kailangan kong buohin at hanapin ang bawat piraso para maintindihan siya ng buo. He’s very vague. He’s very mysterious.
Pagkaalis niya ay isinara ko rin agad ang pinto at napasandal doon sabay hipo sa aking dibdib. Darn heart. Why are you beating so fast like he didn’t crush you into pieces? Dapat ay hindi na ako kinakabahan o nakakaramdam ng ganito sa kanya pero bakit hanggang ngayon ay may epekto pa rin siya sa sistema ko?
Nagtuloy-tuloy ang pagpunta niya sa aking apartment. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya at pinupuntahan niya ako.
“Just go home. I am busy!” sabi ko. Pawisan pa naman ako dahil sa paglilinis ng loob ng bahay. Hindi ko nga pinapunta si Marco tapos siya naman itong nandito!
Imbes na pakinggan ako, nagtuloy-tuloy siyang pumasok. May dala siyang mga grocery packs at inabala ang sarili sa pagkuha ng ibang pagkain sa loob ng aking ref at pinalitan niya noong mga binili niya.
“What are you doing?” Tumagilid ang aking ulo at nakisilip narin.
Hindi siya sumagot, nilingon niya lang ako at umangat ang kilay. Sinasabi noong h’wag akong bobo at h’wag magtanong ng obvious.
“I mean, ba’t mo ito ginagawa? Don’t you know I’m mad at you? Pasalamat ka lang talaga at mabait ako kaya napatawad na kita. Pero may boyfriend na ako!ㄧ”Imbes na dumaldal, ba’t hindi mo ipagpatuloy iyang paglilinis mo?“ Iritado niyang sagot kaya bumalik ako sa paglilinis.
Naging busy ako sa kusina. Naroon lang siya sa sofa, nakaupo at mukhang may kausap sa kanyang cellphone. I’m sure that’s his girlfriend. See, Red? Malandi talaga ang mga Buenaventura.
Tumingala ako at pinunasan ang leeg kong pawisan. Nilingon ko pa si Tres na nasa akin pala ang tingin kaya tumikhim ako at humarap ulit sa sink para ipagpatuloy ang ginagawang paghuhugas.
“Your girlfriend?” tanong ko agad nang ibaba niya ang cellphone niya.
“Nosy.” Umismid siya.
Ngumuso ako. Darn it. Why am I even asking?
“As if I’m interested,” sabi ko at ngumiwi.
“Someone offered me to marry her,” casual niyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko. May mga babae parin pala talagang baliw na baliw sa kanya?
“Oh tapos?”
Umangat ang kanyang kilay. “I thought you’re not interested?”
Lumunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin. “Umuwi kana nga. Maglilinis pa ako,” sabi ko saka tumalikod.
“I didn’t take her offer,” paliwanag niya na palihim kong ikinangiti. “Lock your door and don’t open it unless it’s me knocking.”
Poprotesta na sana ako kung ba’t ko naman siya susundin pero huli na dahil nakalabas na siya. Bakit ko na naman ba pinapasok ang lalakeng iyon sa bahay? Palagi nalang bang ganito? Pagsisisihan ko sa huli pero pag papasok siya ay hindi ko naman pinipigilan? Hindi rin naman kasi iyon nagpapapigil!
Nagpatuloy ako sa pag-aapply ng trabaho. Marami-rami na akong hawak na flyers at naghahanap ng mga maaaring pwede kong pasukan.
Napadpad ako sa isang malaking kompanya. Sa sobrang laki noon ay tumingala na ako. I wonder if there’s a vacant work for me? I need to try it.
Pumasok ako sa loob. Nagtanong ako sa front desk kung may available bang mga position o trabaho at hindi nga naman ako nabigo. Naghahanap ng sekretarya ang isa sa mga may-ari ng kompanya!
“Good Morning, Sir Montiel.”
Napalingon ako sa lalakeng kakapasok lamang. Seryoso ang pagmumukha nito at tumatango lang sa empleyado. Siya ba ang naghahanap ng sekretarya? B-Ba’t ang suplado naman ata?
“Good Morning! Uhm, naghahanap po kayo ng secretary Sir?” tanong ko agad nang dumaan ito sa aking gilid.
Huminto siya sa aking harapan. May mga empleyadong kinakabahan nang dumako sa akin ang tingin nito. Bawal ba iyong ginawa ko?
“Miss, ako na ang kakausap sa’yo… busy iyang si Sir Montielㄧ”It’s okay,“ putol niya sa babaeng nasa front desk saka ako binalingan. “Follow me.”
Lumiwanag ang aking mukha, nabubuhayan ng pag-asa. Mabilis ko itong sinundan. Siguro ay suplado lang talaga siya tingnan pero mabait naman.
“I already have a secretary,” sabi niya na ikinalungkot ko.
“Hindi na po available ang posisyon?”
“It’s still available but I’m saving it for someone… Mag-aapply iyon,” makahulugan niyang sinabi na hindi ko mapunto. May favoritism ata ito?
Huminto kami sa isang pinto. “My cousin is looking for a secretary too. Pwede kang mag-apply sa kanya. Sabihin mo lang na pinapasok kita. I’m Trever.”
Tumango-tango ako. Sinabihan niya iyong babaeng nasa front desk ng office noong pinsan niya daw at siya mismo ang nagpapasok sa akin.
Pagkapasok ko, nakita ko agad ang lalakeng nakaupo sa swivel chair. May kung ano itong tinitingnan sa kanyang cellphone at nagkakasalubong ang kilay. Pero hindi iyon ang kumuha ng atensyon ko kundi ang pamilyar na mukha ni Dos. How can I even forget his intimidating aura?
Bago ko pa maipasok sa kokote ko na nasa teritoryo ako ng mga Buenaventura, nag-angat na siya ng tingin sa akin. I swallowed when I saw his sharp eyes. Sa sobrang kaba, napahinto pa ako at gusto nalang umatras. Iniiwasan ko si Tres pero dito ako napunta, sa isang Buenaventura!
“M-Mag-aapply sana ako ng s-sekretarya mo… V-Vacant pa ba?” And why the heck am I stuttering? Bakit ba kasi nakakasindak siya? Guwapo naman sana ito pero parang napakadelikadong mapalapit sa kanya.
Tumaas ang kanyang kilay, natuon na sa akin ang buong atensyon.
“You’re the daughter of that politician who was in jail, right?”
Tumango ako. “But my Daddy is innocent! At okay lang sa akin kung hindi mo ako tatanggapin dahil isa akong Valerio. Sige!” Tatalikod na sana ako nang magsalita siya.
“I don’t care about the issue. Have a seat.”
Oh shit. I am not expecting he will set aside the issue. Sa dami na ng nangrereject sa akin, hindi na ako magtataka kung pati ang ganito kalaking kompanya ay pagdudahan rin ako. Pero mukhang mali ata ako sa Buenaventura na ito.
Hindi ako mapanatag sa aking upuan habang tinitingnan niya ang aking resume.
“Ikaw iyong babaeng madalas kasama ng kapatid ko sa bahay diba?” tanong niya, mahinahon lang naman ang mukha pero nakakaramdam parin ako ng takot kahit nasa resume ko naman ang kanyang tingin.
“Yes p-po…” He’s a boss! Dapat magbigay galang ako.
“Okay. Just come back tomorrow.” Inilapag niya ang aking resume at parang tinatapos na ang usapan.
“Tanggap na ako?” tanong ko.
“Not yet. You’re going to know the answer tomorrow.” He smirked at me evily. Napalunok ako roon, tumango at mabilis na tumayo para makaalis na.
Inaamin kong may kung ano talaga sa mga Buenaventura na kahit wala naman silang ginagawang bayolente sa’yo ay manginginig ka sa takot. Tingnan ka lang nila mapupugto na ang iyong hininga at parang mahihimatay sa sobrang kaba. Sa nagdaang taon, hindi ko alam kung saan sila galing at kung bakit naging ganyan sila ka perpekto, kasindak sindak at kaguwapo.
Chapter 37
Game of Love
Fell
Bumalik nga ako kinabukasan. Maaga akong pumunta roon para malaman agad ang sagot. Kaso ang buong akala kong magandang balita ay taliwas na naman sa inaasahan ko.
Hindi ko lubos maisip kung anong nangyari sa resume kong nagkapira-piraso. Akala ko ba…
“Ba’t napunit? Sa pagkakaalala ko ay ibinigay ko iyon ng buo. Nag-apply ako ng maayos bilang sekretarya. Ba’t mo pinunit?” Hindi ko na napigilang mainis. Basta pagdating talaga sa mga Buenaventura, kumukulo rin talaga ang dugo ko. Hindi ko naiiwasang hindi magalit.
Dapat ay maging pormal ka, Red! Magiging boss mo siya! At kung aakto kang mataray sa harapan niya ay baka hindi ka pa makapasok.
Kaso nakakairita lang talaga ang ugali ng mga Buenaventura. Feeling nila kaya nilang gawin lahat ng kanilang gusto at hindi iniisip kung may masasaktan ba. Mga selfish at self centered ruthless demonyo!
“Huwag ako ang sisihin mo. Hindi naman ako ang puminit. Leave, now,” aniya nang hindi man lang ako tinitingnan at abala sa dokumento sa mesa.
Tres?! He’s the reason why his brother doesn’t want to accept me? Pinaglalaruan niya na naman ba ako? Ano na naman bang pakulo niya? Hindi parin ba siya tapos sa pagganti sa akin? Kaya ba bumalik siya at nanggugulo ulit? Is that it? Ganoon na ba talaga siya kababaw?
Inis na inis akong naglakad palabas. Ni hindi ko na natingnan iyong babaeng pumasok rin dahil sa galit na nararamdaman ko. Akala ko pa naman ay may tatanggap na sa aking trabaho dahil sa unang pagkakataon, may hindi nagbigdeal noong pagiging Valerio ko. Pero dahil sa pangingialam ni Tres, wala rin. Ngayon ay maghahanap na naman ako ng panibago. Malapit na ang pasukan!
He has a girlfriend already. Pero ba’t may oras pa ata siyang pakialaman ako? Hindi ko alam kung saang parte ako naiinis ngayon.
“Seriously Tres, you’ll be a dead meat after this,” bulong ko sa aking sarili at tuluyang lumabas roon.
Hinintay ko siya sa aking apartment. Marami na akong nakabaong salitang ibabato sa kanya. Gusto kong maramdaman niyang galit ako. Na naiinis ako diyan sa pangingialam niya at pinaggagawa niya. He’s acting like a kid! I can’t believe it!
May kumatok nga. Handa ko na sana itong awayin kung hindi ko lang napagtantong si Marco pala itong nasa harapan ko.
“Chill, Red! What’s with you? Para ka atang papatay ng tao,” he said, laughing.
“Bad mood ako e.” Umirap ako.
“Bad mood? May period ka?” tanong niya nang tuluyang makapasok. Ako na mismo ang nagsara ng pinto. May dala pa itong box ng pizza at mga panibagong groceries.
“Wala ah! Bad mood lang ako sa mga taong hindi ako tinatanggap sa trabaho.” Sumimangot ako.
“Magkano ba iyang kailangan mo?” Ngayon ay naglalabas na siya ng cards sa kanyang pitaka.
“I don’t need your help, Marco. Kaya ko naman. Gusto ko ng trabaho at hindi pera galing sa iba.”
“Ilang araw kanang naghahanap ng trabaho pero hindi ka parin nakakahanap. Just take this. Marami pa iyang laman. Hindi ko naman kailangan.” Inilahad niya sa akin ang isa sa mga card niya.
His offer was tempting. Pero ayoko namang puro tulong nalang ang natatanggap ko.
“I want to work, Marco! I want to have my own money! Nakakafrustrate lang talaga minsan…” lalo na iyong pakialamerong si Tres! May trabaho na sana dapat ako eh.
Binuksan niya iyong pizza at kumuha ng slice roon. Binigyan niya ako ng isa saka ako tinabihan rito sa sofa. He was facing me while his other hand was holding a piece of pizza and the other was on the back of the sofa where I’m leaning.
“Ba’t di ka sumama sakin sa States? My Mom will be happy if she sees you. Pag-aaralin ka pa noon,” sabi niya at kinagatan iyong hawak na pizza.
“I would love to, Marco kaso alam mo naman… my Dad’s in jail at binibisita ko ang puntod ni Mommy. Nandito ang buhay ko…”
Ganoon palagi si Marco sa nagdaan na araw. Palagi niya akong kinukulit sa mga bagay na hindi ko naman pwedeng ibigay nalang. He’s the clingiest among the three. Siguro narin dahil simula pagkabata namin, kasama na namin ang isa’t isa. Kabisado niya ako at ganoon rin ako sa kanya.
Gabi na noong may kumatok sa aking apartment. At first I thought it’s Marco, but when I realized who it was, pumasok na naman ito sa loob sa ayaw ko man o sa hindi. Para siyang isang kaboteng hindi mo mapredikta. Bigla bigla nalang lilitaw.
“Bakit mo pinunit ang resume ko?” Iyon agad ang ibinungad ko sa kanya. Hindi kami nagkita ng ilang araw kaya ngayon ko lang naopen up.
Sinundan ko siya ng tingin sa ref. Binuksan niya iyon at inexamine. And here he goes again, throwing Marco’s food away. Naglabas rin siya ng bottled water roon.
“Is this yours?” Ipinakita niya sa akin ang isang blue na bottled water.
Tumango ako. “Pinagpira-piraso mo ang resume ko, Tres! Nag-apply ako bilang sekretarya ng kapatid mo!” I tried to sound mad kahit hindi ko iyon mapanindigan ng husto.
Ako rin naman kasi iyong klase ng taong hindi nagtatanim ng galit. Kaya kahit nasaktan niya ako noon, heto parin ako ngayon, pinapapasok ulit siya sa buhay ko.
He leaned on the refrigerator while drinking my bottle. Nakabulsa ang isang kamay at wala na namang pakealam sa pinagsasabi ko.
Tiningnan ko ang paggalaw ng kanyang adams apple. Hinihintay itong matapos sa pag-inom para makakuha ng matinong sagot sa kanya.
“Madalas ba dito iyang lalake mo?” tanong niya, naaasiwa.
Tumango ako. Naging matalim ang kanyang tingin.
“Pero babalik na siya sa States.” pahabol ko agad, hindi alam kung ba’t ko pa iyon ipinapaalam sa kanya. Ni hindi ko nga alam ba’t kinakausap ko ito ngayon. Tila isa akong deremote na robot at nakaprogram na ientertain ng maayos si Tres.
Hindi siya sumagot. May dinukot siyang card at ibinigay sa akin.
“Kung gusto mo ng trabaho diyan ka mag-apply.”
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa.
“Paiikutin mo na naman ba ako sa’yo?” direkta kong tanong na ikinaangat ng kanyang kilay.
Nakakapagod na rin kasing makipaglaro sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang tunay niyang motibo sa lahat ng ito kaya gusto kong magdahan dahan at iparamdam sa kanya na hindi niya ako mapapaikot sa ikalawang pagkakataon.
“Try it first. Kung hindi naging maganda ang kinalabasan, diyan mo na ako sumbatan.”
Ngumuso ako. He’s doing me a favor. Ayaw ko ng magtiwala pero sa nangyayari sa buhay ko, pag pinairal ko lang ang aking pride, ako lang rin ang mahihirapan.
Tinanggap ko iyong card at tiningnan. It’s a company.
“Tumatanggap ba sila ng hindi pa college graduate?”
Kaya sa mga cafe rin ako nag-aapply dahil hindi sila gaanong strict sa experience. Pasok ka kung 18 kana at nag-aaral parin, unlike big companies. Pahirapang makapasok sa ganoon. Naghahanap ng experience at kung ano ano pa.
“Mag-apply ka nalang. Ang dami pang tanong.”
Hindi rin naman ako nagsayang ng oras. Kinabukasan ay pinuntahan ko agad ito at nagdala ng panibagong resume. Sa koneksyon ng mga Buenaventura, hindi na ako magtataka kung may kapit rin sila sa malalaking kompanya.
Pagdating ko roon, hindi ko inaasahang ang may-ari mismo ang kakausap sa akin. Na expected na talaga nito ang presensya ko. Isang matandang babae ang kumausap sa akin at may-ari mismo ng kompanya.
“So you’re the daughter of Senator Valerio? Iyong nakakulong ngayon?” tanong niya pagkatapos tingnan ang aking resume.
Kabado akong tumango. Paulit-ulit ko na kasi iyong naririnig sa mga interviews ko pagkatapos noon ay marereject na ako.
“But I believe that my Daddy is innocent, po,” sabi ko.
“I’m a fan of your Daddy. Magaling siyang Senator at palaging nasa bayan ang panig. Nakakalungkot nga at ganoon ang dinanas niya.”
Lumiwanag ang aking mukha. Sa unang pagkakataon ay may nakilala akong humahanga sa aking ama. Sa unang pagkakataon ay hindi insulto ang natanggap ko kundi papuri.
“Ilalabas ko po siya roon. Kaya po ako naghihirap na magtrabaho ngayon para tustusan ang aking sarili at makapagtapos ng pag-aaral. I’m going to be a lawyer soon,” proud kong sabi, ngumiti ng malapad.
Her lips formed a sweet smile. Isinara niya ang aking resume.
“Ang mga ganyang katangian ay hindi dapat pinapalampas, hija. Congrats, you’re hired.”
Isa iyon sa masasayang araw ko. Natanggap ako sa trabaho kaya dali dali akong pumunta sa puntod ni Mama at ibinalita sa kanya ang nangyari. Hindi mabura bura ang ngiti sa aking labi habang nagkukwento sa kanya.
Excited narin akong ibalita ito kay Daddy pag pwede na siyang bisitahin ulit. I’m sure matutuwa na naman iyon. He might cry again.
Nagpapasalamat ako at mabait sa akin iyong mismong may-ari. Pero hindi ko rin naman mapipilit ang iba pa na maging mabait rin sa akin iyong mga makakasalamuha ko araw-araw sa kompanyang iyon.
Naging sekretarya ako noong matandang babae. Palagi siyang wala sa kompanya kaya ako ang pinapalista niya roon sa mga reports na hindi niya matatapos sa isang araw at iyong mga bibisita sa kanya. Magaan lang naman na trabaho.
“Ba’t iyan nakapasok agad? Eh diba hindi pa naman iyan fresh graduate?”
“Diba siya iyong anak noong magnanakaw na senator? Sino ang naloko niya para papasukin siya rito?”
“Ginamit lang ata niyan ang ganda at inakit iyong asawa ng may-ari. Nakakasuka.”
Ako ang pinakabata sa kanilang lahat. Sa mundong alam kong malupit naman talaga sa akin, nasanay na ako. Nginingitian ko nalang sila, hindi na pumapatol.
“Maganda iyong skirt mo,” sabi ko sa babaeng narinig kong pinagsalitaan ako ng masama.
“Ano?” natatawa siya, hindi alam kung maiinsulto o maiinis sa akin.
“Para sa akin compliment iyong sinasabi mong maganda ako kaya gusto rin kitang puriin. Kaso hindi naman kita gaanong kilala kaya iyong skirt mo nalang muna.” Ngumiti ako.
Natanga siya sa aking harapan, tumaas ang kilay at napairap.
Nagtrabaho nalang ako roon. Okay na sa akin na walang makasundo. De bale ng mag-isa sa cafeteria at pinag-uusapan ng lahat. Ang importante, may trabaho na ako! Matutustusan ko na ang araw araw na pangangailangan! Wala rin naman akong tinatapakang tao kaya iyon na ang mahalaga.
“Ang guwapo noong lalakeng nasa front desk! Kanina pa daw iyon roon! Grabe ang hot!”
“Oo nga nakita ko! Umiinom lang ng milktea tapos nakabulsa ang isang kamay sa suot na jacket tapos nakasandal! Suplado pero ang guwapo guwapo!”
“Siguro ay modelo iyon! Sa tindig palang mukhang may lugar iyon sa ganoong larangan!”
Iyon ang naririnig kong usap-usapan sa bawat babaeng napapadaan sa aking station. Humahaba rin ang aking leeg kakatingin sa labas kahit alam ko namang imposible kong makita ang tinutukoy nila dahil nasa lobby raw ito.
Kahit noong nagtungo ako sa cafeteria ay iyon lahat ang kanilang usap-usapan. Para iyong virus na kumakalat sa mga babae at hindi nila maalis alis sa kanilang sistema.
“Uhm, pwedeng makishare ng table?” sabi ko roon sa dalawang babaeng panay ang tsismis. Dala dala ko pa ang tray ng aking pagkain.
Mabilis na nagbago ang kanilang ekspresyon. Sa tingin palang, alam ko na kung saan patungo ang usapan.
“S-Sige, huwag nalang.” Ngumiti ako at umalis roon.
Nagapapasalamat ako at natapos iyong iba sa pagkain kaya binakante ko agad ang lamesa. Mag-isa lang ako roon. Maingay ang cafeteria dahil sa mga babaeng usap-usapan iyong guwapo raw.
“Nako, may feeling maganda pa naman tayong kasama. Baka mamaya niyan akitin niya. Mukhang mayaman pa naman iyon.” pagpaparinig sa akin noong nasa kabilang mesa.
“Kay bata bata pa pero ang harot na. Balita ko diyan marami raw iyang lalake noong highschool pa. Nabasa ko iyon sa facebook! Ang landi landi!”
“Buti at hindi nabuntis sa pangongolekta ng lalake!”
Nagtawanan sila. Nilingon ko sila at nginitian ng pilit.
“They’re my close friends. Gawa gawa lang naman iyong article. Sinisiraan ako,” paliwanag ko na ikinaasim ng kanilang mukha.
“H’wag kang magpaawa sa amin inday! Wala kang maloloko rito.”
“May pangiti ngiti pa. Akala niya naman makakahanap siya ng kakampi rito.”
Nagtawanan silang magkakaibigan. Hindi nalang ako sumagot pa dahil alam kong wala rin iyong saysay. Kung papatulan ko rin, kung ibabalik ko ang hate nila, sa huli ako lang din ang kawawa.
I ate my lunch silently. Ang mga hagikhikan kanina ay napalitan ng singhap. May iba pa na tila gulat na gulat dahil sa mga naririnig kong reaksyon.
“Pogi! Gusto mong kumain! Dito oh! May bakante!” sigaw noong babae sa aking likuran.
Sumubo ako. Siguro may mga guwapo rin ditong empleyado.
Napaangat nalang ako ng tingin sa aking harapan nang may humila ng upuan roon at binakante iyon. Nanlalaki ang mata ko sa lalakeng may hawak na milktea at nakajacket ng itim. Ang isang kamay ay nasa loob noong bulsa ng kanyang jacket at kampanteng sumandal roon, sinisipsip iyong straw.
“Tres?” takang-taka ko siyang tiningnan.
“Magkakilala ba sila?”
“Ba’t siya ang nilapitan? Siguro ay inakit noong babae?”
“Ba’t ka nandito?” tanong ko sa kanya lalo na’t mas marami na ang bulung-bulungan sa paligid.
“I’m your stalker,” aniya na ikinasinghap ng kababaihan rito.
Namula ang aking pisngi, para akong lalagnatin sa sobrang init ng nararamdaman sa aking mukha.
“A-Ano?”
“Iyon ang tawag sa mga taong sunod ng sunod. I am stalking you,” sabi niya, kalmado lang sa kabila ng supladong mukha.
Gusto kong matawa kaso nahulog nalang iyon sa pagkakagat ng pang-ibabang labi para pigilan ang sarili.
“Pinag-uusapan na tuloy ako…”
Nagkibit siya ng balikat at inilahad sa akin ang kanyang milktea. “Oh.”
Marami na namang napasinghap. Nagugulat sa bawat sinasabi at bawat galaw niya. Lahat bigdeal.
Napatitig ako roon sandali. Ang raming nakatingin at ayoko namang mapahiya siya kaya tinanggap ko nalang iyon. Simula noong highschool kami gawain niya naman talaga iyan.
“T-Thanks…”
Ibinulsa niya na ang isang kamay kaya dalawa na ang nakapasok sa suot na jacket. He was just leaning on his seat like a hot model, looking so perfect. Tres is the combination of a cold and a badboy type. Iyong manununtok pero hindi itutuloy dahil masyado siyang tamad para doon. O pwede ring mang-aaway dahil lang bored siya. Sa ganoong katangian niya, marami paring babae sa school ang naaattract sa kanya, nababaliw. At kahit saan ata siya magtungo, maraming maaakit sa kanya.
At sino ba namang hindi? Mukha niya pa lang parang mababali na ang leeg mo kakatingin kung dumaan siya sa harapan mo. He’s tall. Magulo lagi ang buhok ngunit bagay na bagay sa kanya. Matalim at misteryoso pa ang madilim na mga matang singlamig ng yelo kung makatitig. Kahit anong hanap ng kapintasan sa mukha ay wala ka ring maaninag dahil ang perfect niya.
Tahimik lang siyang nakatitig sa akin habang kumakain ako. Para na akong masasamid ano mang oras dahil sa kanyang paninitig. Gumagawa na naman siya ng pagmumulan ng rumor dito. Ano bang magagawa ko sa lalakeng iyan eh hindi naman siya magpapapigil.
“Wala ka bang importanteng lakad?” tanong ko nalang para patayin ang namumuong katahimikan sa pagitan namin.
“Meron.”
“Eh ba’t ka nandito?”
Kinuha niya sandali iyong ibinigay niyang milktea sa akin at sumipsip ulit roon saka rin ibinalik sa aking tabi. Ngumuso ako, hindi na maawat ang kalabog ng dibdib.
“Nandito ang importanteng lakad ko,” aniya.
Napakurap-kurap ako, pinamumulahan na naman ng pisngi. Wow seriously, I am always shallow when it comes to him. Gustuhin ko mang itago, gustuhin ko mang mas pataasin iyong pader sa pagitan namin, kaso tinatraydor ako ng sarili kong nararamdaman. Hindi ko napapanindigan ng husto ang gusto kong h’wag ng mapalapit sa kanya.
Hindi naman ako lumalapit. Siya na ang lumalapit sa akin ngayon. Magkaiba na noon.
Wala sa sarili ko ng nainom ang kanyang milktea. Kitang kita ko kung paano lumandas ang tipid na ngisi sa kanyang labi nang tinitigan niya ang pagsipsip ko sa straw. Nawala rin naman agad iyon at naging seryoso ulit ang mukha kaya parang guni-guni ko lang ata.
“Wala bang magagalit kung nandito ka?” Lalo na ang girlfriend mo? O kung sino man iyang babae sa buhay mo? Gusto ko iyong idugtong pero isinarili ko nalang.
“Are you mad?”
Umiling agad ako. “Hindi nga ako nagtatanim ng galit. Matagal na iyong nangyari sa ating dalawa.”
“Edi walang magagalit,” aniya sabay kibit.
Nanliit agad ang aking mga mata. Umabante siya para kunin ang milktea na binigay at sumipsip doon saka muling ibabalik sa aking tabi, na akin iyon.
Seriously, Tres… Testing ba ’to kung marupok pa rin ako? Kung tatanga pa rin ako? Kung patay na patay pa rin sa’yo katulad ng dati? Ngunit sa kabila ng negatibong naiisip, may mga positibo pa rin akong hinahawakan at tahimik na lamang na hinihiling na sana ay iyon na lamang ang totoo.
Bumalik rin naman ako sa trabaho. Si Tres naman ay mukhang umuwi na.
“Stalker raw siya ng babaeng ’yan?”
“Iyon ang sabi noong lalake diba.”
“Ano namang nakita niya diyan eh anak iyan ng magnanakaw. Sayang si pogi.”
Hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin pa dahil mas tutok ako sa ginagawa. Wala na akong magagawa kung ganoon na talaga ang tingin nila sa akin. At mas mahihirapan lang ako kung didibdibin ko iyon kaya h’wag nalang ibigdeal. I’ve been in worst situations. Maliit lang ito kumpara noon.
Pagkatapos ng aking trabaho ay lumabas rin ako. Nagkakagulo na naman iyong mga babaeng empleyado sa lobby kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin pa. Nagulat nalang ako sa presensya ni Tres, nakahalukipkip siya roon at tila may hinihintay habang nakasandal sa pader, nasa sapatos ang tingin.
Nang mapansin ako, tumuwid siya at ibinulsa ang mga kamay. Nagtungo siya sa akin.
“Akala ko umuwi kana,” sabi ko nang makabawi sa pagkakatigil.
“Hindi pa. Hinintay kita,” aniya at lumebel sa akin.
Nilingon ko ang mga empleyado sa aking likod, matalim na ang tingin at may ikinakagalit.
Nasa labas lamang ng bintana ang aking tingin habang nasa front seat ako ng kotse ni Tres. Naguguluhan ako sa kilos niya. Kung lalagyan ko iyon ng meaning, siguro akong masasaktan na naman ako. Ayaw ko namang isipin niyang nagiging uto-uto na naman ako. Iyon na nga Red, uto-uto kana naman. At mauulit lang din naman ang nangyari sa amin noon kung magpapakatanga ako sa ikalawang pagkakataon.
“Uh, bukas… ganito ka pa rin ba?” tanong ko.
He was leaning on his seat cooly. Nasa daan ang kanyang tingin at nagmamaneho gamit lang ang isang kamay. Tila namumungay ang mga matang misteryoso.
Hindi siya sumagot kaya nagsalita akong muli.
“You don’t have to do this again. Kaya ko namang mag-isa, Tres,” paglilinaw ko.
Hindi parin siya nagsalita. Ni ang lingunin ako ay hindi niya ginawa.
Ngumuso ako at ibinalik nalang ang tingin sa labas. Kahit ngayon, hindi ko parin talaga siya mabasa. Siya parin iyong malalim na dagat na hindi mo mahuhulaan kung gaano kalalim. Kung hindi mo siya kayang intindihin, malulunod ka sa mga akala, malulunod ka sa kanya.
Pagod na pagod ako pag-uwi ko. Tres didn’t bother saying anything. Pinasalamatan ko lang siya pagkatapos ay umuwi na siya agad. Siya parin talaga iyong cold na lalakeng hindi mo mauunawan ang kinikilos.
I need to guard myself. Ayoko ng maulit ang noon at magpabalik-balik sa sakit. At least I need to stop myself from falling even If I already fell.
Chapter 38
Vote. Comment. Be A Fan.
Game of Love
-PrfctlyStbbrn
Shoulder
“Next time, huwag na puro sapatos, kahit babae nalang ang akin”
“Tigilan mo ako Troye,” nailing si Marco, tinatawag ito sa tunay na palayaw. Kami lang naman talaga nila Leeland ang tumatawag ng Troy sa kanya. Pero sa kanilang bahay, it’s Troye pronounced as Chro-yi. He’s Terenz Royi. Pero dahil nahahabaan at masyadong oa ipronounce iyong Chro-yi, ginawa naming Chroy. Noong elementary siya maarte ko pa iyang binibigkas. I am mouthing it in a slow way para magtunog Chu-roy. Lagi siyang pikon eh.
“Mag-ingat ka roon Marco. Sana h’wag kang makabuntis.” sabi ni Klint
“Damn you.” natawa si Marco.
“Kailan ulit ang balik mo?” tanong ni Leeland
“Baka after na ng graduation. Kinumbinsi ko lang ang magulang ko na pauwiin ako rito dahil kay Red. I’m worried…” Makahulugan niya akong tiningnan, namumungay ang mata..
“Sus! Nag-alala ka pa eh alam mo ang babaeng ito!” Inakbayan ako ni Troy at ginulo ang aking buhok. Hinuli ko ang kanyang kamay, kinagat iyon. He groaned painfully kaya nakawala ako.
Binalingan ko si Marco na nakabukas na ang dalawang kamay. Nagtungo agad ako roon at niyakap siya.
“I’m going to miss you!” Tiningala ko ang kanyang katangkaran at ngumuso.
“I’m going to miss you too. I know you’re a good girl pero alam ko ring makulit ka. Stop playing okay?”
Tumango-tango ako. “Big girl na ako ano ka ba. Stop treating me like I’m still that kid you used to know back then.”
“You’re her until now. Nagmature ka lang pero makulit ka parin.” Pinitik niya ang aking noo.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napangiti. “Pakisabi kina Tita miss ko narin sila.”
“Alright.” He smiled and whispered to me. “Hindi parin magbabago ang isip mo? Ayaw mong sumama?”
Umiling ako at natawa.
“Psh, okay. See you again.”
Kumalas ako at umatras. Kinawayan ko siya. Ako lang ang ganoon habang ang mga lalake ay tumango lang sa kanya. Well aside from Troy, he was dramatically wiping his invisible tears.
“Naiiyak ako. Para ko siyang anak na kailangang mangibang bansa at hahanapin ang kasiyahan niya.”
Nakangiwi naming nilingon si Troy. Sinapak ni Klint ang kanyang dibdib.
“Damn you, Martinez. Nakakakilabot kana!”
“Palibhasa baog ka! You don’t know what it feels to look at your small sperm getting old and turning into a big sperm!”
Nalaglag ang aming panga lalo na’t may mga tao ring pinaglilingon kami, matalim ang tingin kay Troy.
“Yuck, Troy! Shut up!” I hissed.
Klint tried to cover his mouth while locking his neck on his arm. Para na silang mga batang nagre-wrestling. Leeland and I were laughing.
“H’wag mo kaming pahiyain!” si Klint
“I make sense! Human beings are big sperm, Klint! Anong tingin mo, galing sila sa itlog at naging tao?”
Oh gosh, I can’t stop laughing. Sa tuwing kasama ko talaga ang mga ito, sumasakit ang tiyan ko kakatawa.
Good thing it’s sunday. Sumama ako sa tatlo na kumain sa Restaurant at nag-usap usap tungkol sa pag-aaral.
“Sa public school ka parin ba magcocollege, Red?” tanong ni Leeland na ikinatango ko.
“I can’t afford private college schools. Besides, it’s not that bad to graduate in a public school. For me mas convenient naman.”
“Gusto ko sanang mag-enroll doon kaso may plano rin ang magulang ko sakin.” si Troy sumusubo ng pagkain at sunod-sunod.
“We can’t stick with each other forever, guys. Ginagawa ko ito para sa future ko at hindi sa future natin kaya gawin niyo rin ang mga bagay na alam niyong makakabuti sa future niyo. Mananatili naman ang friendship natin but let’s not make it as our priority.”
Naubo si Troy, si Klint at Leeland naman ay napangisi.
“Sa sobrang mature mong mag-isip Red, parang ang sunod mong sasabihin ay ‘openminded ka ba?’”
Pinaningkitan ko ng mata si Troy at sinipa siya sa ilalim ng mesa. He growled but just smiled afterwards.
“Easy! Baka pag 20’s kana mukhang lola kana mag-isip ah?”
“Tigilan mo nga ako Troy!” Natatawa kong inabot ang pagkain niya at kumuha roon.
“Hey! Ang takaw mo payatot! Pero Red, tuwing summer magpakita ka naman. Hindi iyong pagtataguan mo kami.” sabi niya, tila naging seryoso na.
“Hindi ko naman kayo kakalimutan. Relax!” Tumawa ako.
“Parang wala na kami sa listahan mo ng paglalaanan mo ng oras. Di pa pwedeng makasingit?” tanong ni Klint.
“Paranoid.” Umirap ako, “relax okay! Basta magkikita pa tayo. I still treasure my friends.” The one who stays…
“Mag-ingat ka palagi, Red.” si Leeland.
Having a boy bestfriend is like having a brother. Iyong may nag-aalala sa’yo, may nagpapasaya, may pumuprotekta at may nasasandalan. I’m glad our friendship didn’t turn into old memories like Yashin and Hannan. Are they doing fine? Galit parin ba sila sa akin?
Binisita ko ulit si Daddy. Kinwento ko sa kanya ang bago kong trabaho at ang mga masasayang araw ko kasama si Marco. Sayang nga at hindi ko siya nadala roon. Isang bisita lang kasi ang pwede. Masyado silang strict.
Ginugol ko ang aking summer sa pagtatrabaho kaya noong nakuha ko ang una kong sweldo sa isang buwan, ibinayad ko agad iyon sa aking tuition fee. Iyong iba naman ay itinabi ko na para may magamit ako sa pasukan.
“Nandiyan na naman iyong stalker noong Valerio…” I heard my officemates.
“Araw araw nang ginagawang tambayan ang lobby para hintayin iyong babae na iyan. Napakaswerte niya naman ata?”
“Siguro ginayuma niya iyan…”
“Maganda siya kaya ginamit niya siguro ang mukha niya para akitin iyong supladong guwapong lalake.”
Isa na naman iyon sa naririnig kong tsismis sa tuwing nandito si Tres. Isang mahabang buntong hininga nalang ang nagawa ko. I can’t stop him from doing things kaya hinahayaan ko nalang. Bahala siya diyan. At kailan ba iyan nagpapapigil sa gagawin niya? May sariling batas ang mga Buenaventura.
Noong nasa cafeteria ako, hindi na ako nagtaka nang umupo siyang muli sa aking harapan. May dala dala na namang inumin at pagkatapos inuman ay ibibigay sa akin ang kalahati. Para iyong naging routine niya araw-araw.
Sumimangot ako at kinuha ang frappe. Uninom ako roon.
“Para kana ring empleyado rito…” sabi ko sa kanya.
“I’m the most loyal employee.” sabi niya.
Ngumuso ako. “Hindi ka naman nagtatrabaho rito.”
“I don’t work here. I work for someone…”
“Huh? May boss ka rito?” nagtataka kong tanong.
Nagkibit siya ng balikat, nakatingin sa akin ng makahulugan. Sa mga araw na nagdaan, tinrato ko nalang siya ng normal. Kung iiwasan ko siya, pakiramdam ko mas lalala lang itong nasa loob ko. Kung mapapalapit naman ako, lalala lang din. Wala akong kawala kaya magpatianod nalang. Pakikisamahan ko nalang siya ng maayos.
Kinuha niya ang frappe at akma iyong sisipsipin. Sa aking kapilyahan, nakangisi ko iyong binawi.
“Binigay mo na ’to. Kaya akin na ’to.” I smiled naughtily while sipping it.
Mas naging bored ang kanyang mukha at humilig sa lamesa. Mataman niya akong tinitigan, ni hindi na ata kumukurap ang malalamyang mata.
“You’re still that girl who easily smiles at small things…” makahulugan niyang sabi, tila may pinupunto..
Kumurap ako at ibinaba ang frappe. “Hindi kaya ako nagbago. Naging mature lang!”
“I don’t think so…”
“Mature kaya ako. Kung hindi, edi dapat nagtanim ako ng galit sa’yo. What you did is very painful. Siguro kung ibang babae ’yon kinasuklaman kana.” Umirap ako at sumubo.
Sa nagdaan na taon, natutunan ko na hindi maganda iyong magtanim ka ng galit sa kapwa mo. Just forgive and forget. Kung babaunin mo ang sakit na iyon sa hinaharap, mas lalo ka lang malulungkot. Pero kung wala kang dadalhin na mabigat, edi wala kang problema.
“Sinabuyan rin naman kita ng tubig kaya kwits na tayo. Pinahiya kita roon…” Napabuntong ako ng hininga, nakakaramdam na naman ng konsensya. Kung nalaman iyon ni Mommy I’m sure mapapangaralan niya ako. What I did is very rude…
Hindi siya nagsalita, tumitig lang. Hindi ko na naman makalma ang sarili ko na kahit ang mga mata ko ay hindi ko alam kung saan ipipirmi. Imbes masanay, mas lalo lang atang gumagrabe ang nararamdaman ko.
Tuwing uwian, hinihintay niya ulit ako at hinahatid tapos uuwi na siya. Hindi na siya pumapasok sa aking apartment at pinaaalahanan lang akong ipadlock ang pinto at magtabi ng kutsilyo sa pagtulog para maging self defense ko. That’s absurd for me. I can’t even hurt a mosquito.
Sunday.
Wala akong trabaho kaya sinubukan kong pumunta sa Mall para bumili ng aking gamit. Gusto kong ako ang bumili ng mga kailangan ko this time unlike noon na si Lola pa. They’re already old at ayoko ng iasa ang mga bagay na kaya ko naman. ’Tsaka hindi rin kasi ako makalabas sa ganito katao noon. Gusto ko lang subukan ngayon.
Iyong pinakamalala ko atang naranasan ay noong fresh pa iyong kaso ni Daddy. Hinahabol kami palagi ni Mommy ng mga media at pilit iniinterview ng kung ano ano. Sabi sakin ni Mommy, huwag nalang daw akong magsalita dahil baka lumala ang sitwasyon at ibigdeal ng lahat ang kaonting sinabi ko.
Noong makulong na talaga si Dad, ang lipunan na mismo ang humabol sa amin. Samo’t saring insulto ang ibinuhos nila dahil lang napatunayan na guilty si Dad kahit inosente naman siya. Public places were very worst at me. Kaya rin siguro nadepress si Mommy noon, nawalan ng gana mabuhay. Idagdag pa ang sakit niya.
Hindi na binabalita ang kaso ni Daddy kaya siguro nakalimutan narin ako ng mga tao. Though pag nakikita ako ng iba, lalo na iyong mga tambay sa facebook, naiinsulto talaga ako.
Kumuha ako ng cart at itinulak iyon. May iilan na nililingon ako at bumubulong agad sa kasama tapos sila ng dalawa ang matalim ang tingin sa akin. Binilisan ko nalang ang pagbili para hindi makagawa ng eksena.
Hindi gaanong mahaba ang pila kaya laking tuwa ko roon. Kaso bigla akong nabangga noong babaeng sumingit. Sa tantya ko, kaedad ko lang ata siya.
“Uh… excuse me, nauna ako.” kinalabit ko siya kaso nilingon niya ako ng matalim.
“Don’t touch me! Baka nakawan mo pa ako.” Umirap siya.
“Pero nauna akoㄧ”Ang hilig mo pala talagang ipaglaban ang mga bagay na hindi naman dapat ipaglaban ’no? Katulad nalang iyong pinaglalaban mong inosente ang ama mo.“ putol niya sakin na nagpatikom ng aking bibig.
Yumuko nalang ako at hindi na sumagot pa. Kung sasagot ako, sasagot siya. Mas sisiklab siya at makakagawa kami ng eksena tapos sa huli sa akin lahat ng insulto kaya hayaan nalang siyang mauna sa pila.
Pumila ako ng maayos. May iilan na matalim na ang tingin sa akin. Napalunok ako ng laway at dinistansya ang sarili sa nasa harap dahil baka paratangan na naman ako nitong magnanakaw.
Noong ako na ang sumunod ay inilagay ko agad ang mga pinamili ko para mapunch na. Panay ang titig sa akin noong saleslady. Bumulong pa iyong katabi niya na mas ikinatalim ng tingin niya sakin.
“May card ka, Ma’am?” tanong nito na ikinailing ko. “Babayaran ko lang po in cash…”
“Sorry Ma’am pero card ang pwede rito.” sabi nito.
Tiningnan ko iyong nakalagay na cash sa gilid. “Cash naman ah?”
Bigla iyong inalis ng isang babae at pinalitan ng credit cards. Lumunok ako.
“But I don’t have cards…”
“Magnanakaw naman ang Daddy mo diba? Eh napakayaman niyo. Asan na ang mga cards mo?” Ngumisi ng nakakaloko iyong saleslady.
“Pera lang ang meron ako… please?”
“Ma’am credit cards po ang tinatanggap namin. Kung hindi niyo mababayaran itong pinamili niyo ay ipapadampot ka namin sa gwardya.” sabi noong isang saleslady na ikinaputla ko.
“Ano ba Miss! Bilisan mo nga! Nakakaabala kana!” sigaw noong isang babaeng nakapila sa likuran ko. Na kahit iyong iba pang pumipila ay nagrereklamo na, sinisigawan ako.
Lumunok ako ng laway, naiiyak pero sinikap na pigilan iyon. I can’t cry! No!
“P-Pwedeng lumipat nalang ako sa kabilang counter? Please…”
Naghagikhikan sila, umiling at nang-iinsulto ang tingin na iginagawad sa akin.
“Tumawag na kayo ng gwardya! Ipadampot na iyan! Total anak naman iyan ng magnanakaw!” sigaw noong nasa likod ko.
Luminga-linga ako. Lahat ng tingin ay nasa akin na.
“Tatawag na ako ng gwardya.” sabi noong saleslady na nagpaguhit ng takot sa aking mukha.
“I can pay in c-cash!” sabi ko, hinahalungkat ang aking purse pero mas lumalakas lamang ang sigawan ng pumipila. May tumulak pa sa akin kaya kamuntik na akong masubsob sa harapan. Kung hindi lang may sumalo sa aking braso, nasubsob na ata ako roon sa counter.
Naluluha akong nag-angat ng tingin sa lalakeng seryosong seryoso na ang mukha. Itinulak niya iyong cart ko sanhi para matamaan iyong nakasunod sa akin. Dumaing ang lalake at nahawakan ang kanyang gitna, namimilipit sa sakit.
“G-Gago ka…” daing noong lalake, hindi na mahitsura ang mukha.
“Napalakas,” kibit balikat ni Tres at inilabas ang kanyang pitaka. Ibinigay niya ang kanyang card sa cashier sa nanghuhusgang tingin kaya halos mahiya ang babae noong tanggapin iyon.
Mabilis ang kilos noong isa sa paglalagay ng mga pinamili ko sa isang paperbag. Gumuguhit ang kahihiyan sa dalawang babae, ni hindi na makatingin ng deritso.
“T-Thank you Sir. C-Come again…” nahihiyang saad noong babae. Iyong isa namang saleslady ay pinagpupulot ang ibang cards ni Tres at ibinigay iyon sa kanya pabalik, nakayuko.
He tsked. “After your behaviors you’re expecting us to come here again? I’ll report this Mall for having a rude saleslady.”
Nabalot lalo ng kahihiyan iyong mga saleslady. Na kahit iyong pumipila, iniiwasang makasalubong ng tingin si Tres.
Kinuha iyong pinamili na kahit ako ay hinila niya rin paalis roon. Mabilis kong pinunasan ang aking mga mata bago pa iyon tumulo. Nayakuyo lamang ako at nagpapahila sa kanya, sinisikap magpigil ng emosyong malapit ng sumabog.
“Ano nalang ang mangyayari sa’yo kung wala kang stalker na kagaya ko?” supladong sabi ni Tres nang makarating kami sa parking lot.
Lumunok ako ng laway, hindi man lang makatingin sa kanya. Ni kahit bumigkas ng salamat ay hindi ko kaya dahil ayokong hagulhol ang kumawala roon.
Binuksan niya ang driver’s seat kaya tahimik akong pumasok. Inilagay niya naman sa likod ng kanyang kotse ang pinamili saka umikot patungong front seat.
Tahimik lang ako sa driver’s seat at ikinabit ang seatbelt sa gilid.
“May bibilhin ka pa?”
Umiling ako.
“Pupuntahan?”
Umiling ulit ako.
“Hungry?”
Umiling ako.
Tumahimik siya at nagmaneho nalang. Nasa kamay kong pinaglalaruan ko lang ang aking tingin. Hindi ko iyon matigil sa kakapisil sa isa’t isa na kahit iyong dress ko ay napaglalaruan ko narin. Nahuhulog ang iilang hibla ng aking buhok at tumatakip na iyon sa bawat gilid ko, itinatago ang aking mukha.
Tumigil si Tres sa pagmamaneho. Nagulat ako nang kinuha niya ang tali sa aking pulso at iniyapos iyon sa aking buhok.
“Cry. You don’t have to hide it. Kung nasasaktan ka ay iiyak mo lang.”
Nalingon ko siya ng wala sa oras. Pinilig niya ang kanyang ulo, tila natutuwa pero nagpipigil lang ng ngiti kaya sinikap na walang emosyon ang mukha.
Tiningnan ko sandali ang aking buhok sa itaas ng salamin at napanguso nalang dahil sa hindi maayos na pagkakayapos niya. Para akong bata na napagtripan ng magulang.
“I-I’m not going to cry…” sinikap kong magtunog maayos.
Umangat naman ang kanyang kilay, nanghahamon.
“Then prove it.”
“Talaga! Hindi na ako iiyak dahil ipinangako ko sa sarili ko na huling iyak ko na noong namatay si Mommy! Wala na akong rason para malungkot kaya hindi ako i-iiyak…” Nanubig ang aking mga mata pero sinikap ko paring magpigil.
Nag-iwas siya ng tingin, na siya nalang ang iiwas na titigan ako sa mata para hindi makita iyong luhang kinukubli ko roon.
“Then don’t. If I see you crying I’ll throw out in my car.” sabi niya, hinila muli ang clutch at nagpatuloy na sa pagmamaneho, seryoso ang tingin sa daan.
Tumango-tango ako. Hindi na napigilan ang luhang pumatak. Ang sikip sikip ng aking dibdib. Pahiyang pahiya ako roon kanina at takot na takot dahil naulit na naman iyong kasama ko si Mommy. Iyon ang rason kung ba’t ayaw niya ng lumabas, kung ba’t nawawalan siya ng pag-asa. At sa tuwing naaalala ko iyon, inaamin ko, naiiyak parin ako. Nalulungkot sa dinanas ni Mommy.
Humikbi ako kaya mabilis kong tinakpan ang aking bibig. Tres hurriedly park the car. Mabilis ang paghablot niya sa kanyang seatbelt paalis sa kanyang katawan at nakaigting na ang panga.
“Lalabas muna ako. You can cry when you’re alone.” Lumagapak ang pagsara niya sa kanyang pinto, parang galit at nagtitimpi.
Nalaglag ang sandamakmak na luha sa aking mga mata at mas napahikbi ako ng malakas nang tuluyan akong mapag-isa. I cried harshly while wiping my tears. Bakit ba ganito? Nangako na ako eh. Na iyon na ang huling kalungkutan ko. Iyon na ang huling iyak ko. I am already happy! P-Pero ang bigat bigat na sa pakiramdam. Hindi ko na kayang magpigil.
Umiyak ako ng malakas. Halos pumaibabaw ang nakakabingi kong iyak sa loob ng kotse ni Tres. Ang pangungulila sa ina, lungkot ng pag-iisa, awa sa ama, lahat lahat ay yumakap sa akin at dinuduyan ako sa labis na hinagpis. Tumataas baba ang aking balikat, parang gripo ang aking pag-iyak at malakas ang pagbuhos, walang tigil.
The front door suddenly opened, Tres pulled me closer and buried my face on his chest.
“Damn it,” mura niya at mas idiniin ako lalo sa kanyang dibdib. Na iyon lang ang naiisip niya para takpan ang aking boses.
Hinawakan ko ang kanyang suot na polo at doon kumapit. Marahas kong naikuyom ang aking kamay roon, halos hilain ang kanyang suot habang humahagulhol sa kanyang dibdib.
“S-Sorry… A-Ang i-ingay ko…” Mas lumakas ang aking boses dahil sa hagulhol na sumunod. Hindi ko na kayang magpanggap. Hindi ko na kayang itago sa aking loob ang sakit. Gusto ko na iyong ilabas lahat para mabawasan ang dinadala ko.
Tres went inside and sit beside me. Ang plano kong pag-usog ay hindi natuloy dahil inangat niya ang aking magkabilang paa at ibinagsak sa kanyang kandungan. Umayos ako roon at niyakap ang kanyang leeg habang ibinabaon sa kanyang balikat ang aking mukha.
I felt his hand on my thigh while the other was snaked around my waist. Para niya akong pinoprotektahan para huwag akong masaktan. Tuluyan na akong nakaupo sa kanyang kandungan, hindi matigil ang sarili sa pag-iyak.
Hindi ko na alintana ang aming posisyon. Hindi ko na naisip na dapat ay h’wag kong ipakita sa kanya na mahina ako dahil baka gamitin niya na naman iyon sa akin at paglaruan ulit ako. Hindi ko na naisip na si Tres na nagpaiyak sa akin noon at kauna-unahang lalakeng dumurog ng puso ko itong binubuhusan ko ngayon ng aking emosyon. Lahat iyon ay nabura at gusto lang na may masandalan. I just want to cry on his shoulder.
He tsked. “Such a baby…” Iritado niyang bulong, naiinis sa kaingayan ko pero mas lalong humigpit ang pagkakayapos ng kamay sa akin.
Chapter 39
Vote. Comment. Be A Fan.
Game of Love
-PrfctlyStbbrn
Stalker
I wanted to run after crying on his shoulder just to save face. Noong mahimasmasan ako, doon lang rumihistro sa aking utak ang aking ginawa, iyong naging posisyon namin.
Halos hindi ako makatingin sa kanya at namumula pa ang aking pisngi habang nasa labas ng bintana ang tingin. Nagmamaneho na siya ngayon, iritado.
“Binasa mo ang suot ko.” reklamo niya na ikinakagat ko sa aking pang-ibabang labi. Imbes na balewalain niya nalang iyon, ngayon ay pinapaalala pa talaga. Na hindi siya ganoon ka gentleman at mabait.
Nilingon ko siya at sinipat ng tingin ang suot. Nagusot ko ang kanyang polo. Supladong suplado lalo ang kanyang mukha at tila naiinis pero kalmado lang naman ang ekspresyon. I can’t understand him.
“Sorry…” daing ko na ikinalingon niya sakin. Umangat ang kanyang kilay.
“Namumulang pisngi, namumulang ilong, kahit ang labi at mga mata mo. Are you a tomato?”
Ngumuso ako at nag-iwas ulit ng tingin. Idagdag pa ang pagkakayapos ng buhok kong naging buhaghag na.
“Ngayon lang ulit ako nakaiyak simula noong namatay si Mommy… sorry kung naparami ang luha ko.” bulong ko.
“Don’t do that again next time.”
Tumango ako. Iyon narin ang gusto kong huling iyak ko. Kaya ko na ulit. Ngingiti na ulit ako.
“Thank you,” I smiled at him pero ang supladong si Tres hindi man lang lumingon kaya hinayaan ko nalang.
Kinalkal ko ang harapan ng kanyang kotse. May mga cd’s siya roon.
“Can I play it?” paghingi ko ng permiso at ipinasok na iyong CD.
“Nagpaalam ka pa eh napasok mo na.” sabi niya na ikinangisi ko.
Tiningnan ko ang playlist. Iyong mga favorite songs niya masyadong makaluma.
“Sad movie… always makes me cry…” kanta noong babae.
“Napakamakaluma mo naman.” Natawa ako sa kanya. “Wala kang modern song?”
Umiling siya. Pati sa music opposite parin pala kami. But old songs were not that bad huh. Ang ganda noong lyrics.
Binuksan ko ang bintana ng kanyang kotse at napangiti nang dumampi sa aking mukha ang malamig na hangin. Napapikit ako at isinandal ang aking ulo roon. The music feels good kahit na hindi ko kabisado ang tono at hindi ako makasabay sa pagkanta. I’m relaxed for at least a couple of hours.
“Jimmy, Jimmy, please don’t cry… You’ll forget me by and by…” Kanta na naman noong babae sa malamyang boses. Iyong mga kanta parang mga babaeng nasasaktan. Iyong kinukwento nila ang naging karanasan sa pamamagitan ng kanta.
Simula noong umiyak ako sa kay Tres, naging komportable na ulit ako sa kanya. Medyo naibsan na iyong ilang na nararamdaman ko. Nakakatawa at nakakangiti na ulit ako sa kanyang harapan. Bumabalik ang dating ako, ang dating pakikitungo, pero sa pagkakataong ito ay may pag-iingat na. Yes, I still love him but it doesn’t mean I’m going to let him hurt me again. Ayokong malunod na naman ako sa sariling nararamdaman ko at hindi na makaahon. Lalo na’t may girlfriend siya.
Gusto kong magtanong kung ano nang nangyayari sa kanilang relasyon. Kung ba’t ako palagi itong pinupuntahan niya. Nag-away ba sila? What if awayin ako ni Addison? I know that girl…
Pero wala naman akong ginagawang masama ah? I can label our relationship as close friend! Ganito naman kami nila Klint noon. So there’s nothing to bigdeal. Yeah…
Umupo siyang muli sa aking harapan. Ngumisi ako at ako na mismo ang umagaw noong iniinom niyang milk tea. Nangangalahati na iyon.
“Your lunch…” Inusog ko sa kanya ang pagkain ko. “Di ko iyan inubos and don’t worry, kumuha ako ng sarili mong spoon and fork.” Inilahad ko sa kanya ang kubyertos kaso huli na dahil iyong akin na ang kanyang ginagamit, sumusubo na siya ng sunod-sunod.
“I really don’t understand why you like sharing foods with me. Kahit noong highschool tayo ganyan ka parin.” nagtataka kong sabi, tinitingnan siyang kumakain.
“Kahit noong highschool tayo, madaldal ka parin.”
Umirap ako at ngumuso. Ininom ko nalang ulit iyong milk tea niya. Pagkatapos kong uminom roon, siya naman ang umagaw sa akin at uminom.
“How’s your work?” tanong niya.
Iginala ko sandali ang tingin at napansin na naman ang mga mata nilang nakamasid sa amin, sa bawat pinaggagawa namin. Binansagan pa ngang gwapong stalker si Tres ng iilan rito.
“Okay lang! Naayos ko na iyong sched ko since klase na next week.”
Tumango siya at ibinigay sa aking muli ang kanyang milk tea. Tinanggap ko iyon at sinipsip ulit ang straw.
Lumapit iyong tagalinis ng mga plato at kinuha iyon. Nilinis niya iyong table at tinatapunan ako ng tingin. I smiled at him sweetly.
“Thank you…” sabi ko na ikinangisi rin noong naglilinis.
“Ang ganda ganda niyo talaga Ma’am. Kaya nakakapagtaka kung ba’t ang raming naiinis sa inyo rito.” sabi niya.
“It’s okay…”
Kung hindi lang binawi ni Tres sa akin ang milktea, hindi ko maiaalis ang tingin roon sa lalake. Inubos niya ang laman saka ibinigay sa lalake na nayupi na ang katawan dahil sa kanyang pagkakahawak.
“Throw this away and leave.” sabi niya roon sa lalake na mabilis tumango at umalis rin kaagad.
“Alam mo, mababait sa’kin ang mga lalake rito…” sabi ko sa kanya na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“They’re friendly to me. Kaso hindi na ako nakikipagkaibigan e. But I am treating them nicely in return.” Katulad ng trato ko kay Tres.
“Yeah, you’re nice…” He tsked.
“What’s wrong about being nice? Whay if parehas ko pala iyong nakausap ko tapos pinakitunguhan ko pa ng masama edi mas lalo siyang nalungkot. Alam ko ang feeling ng ganoon kaya sinisikap kong ngitian ang mga taong nakapaligid sa’kin. It really helps when someone smiles at you when you’re lonely…”
Hindi siya nagsalita, tumitig lamang ng malalim katulad ng nakakagawian niya sa tuwing dumadaldal ako. He’s a good listener. O sadyang ayaw niya lang talagang dumaldal kaya akala ko nakikinig siya.
“Pero kahit na walang ngumingiti sa akin, ako nalang ang ngumingiti. Malungkot na nga ang pinagdaanan ko pati ba naman ako malulungkot? Nakakaawa na ata ang ganoon.” Nailing ako, nanghihinayang sa mga taong nilulunod sa sarili ang kalungkutan dahil lang malungkot ang pinagdadaanan nila sa buhay. Masarap maging masaya and I hope they appreciate their life rather than feeling down.
“That’s the reason why I smile often when I’m with you. You don’t smile, so I’ll smile for you.” I chuckled.
Humilig siya sa mesa, mas inilapit ang sarili sa akin at hindi inalis ang tingin. Mukha siyang interesado sa pinagsasabi ko pero parang nabobored rin at the same time.
“Have you ever tried feeling happy?” tanong ko na ikinatango niya lang.
“Really?”
Tumango siyang muli, namumungay na ang mata habang nakatukod ang baba sa kamay.
“Hindi kita nakita na sobra mong saya.” sabi ko.
That’s true. I’ve never seen him laugh like there’s no tomorrow. Or smile widely. Noon, nakita ko siyang ngumiti at tumawa pero mga tipid lang naman. Ano kayang makakapagpasaya sa kanya ng malaki?
“Magsisimula na ulit ang class, Daddy. Ikaw ulit ang tutor ko ha?” I smiled at my Dad while opening the tupperwares I brought.
Tumango si Daddy, “goodluck okay?”
Tumango rin ako at ibinigay sa kanya ang kubyertos. Naging kilala na ako rito dahil sa bawat yugto ata ng buhay ko, dito ko madalas ilabas. Noong Debut ko, may sumayaw pa sa aking iilang police officer, may nagbigay rin ng cake. Noon namang nakapasa ako sa entrance exam, may nagbigay ng isang rosas sa akin. Lahat sila rito ay namamangha dahil nakaya ko raw mag-isa sa murang edad. Paano raw ako nakapag-adjust eh nasanay ako sa maluhong pamumuhay. Ang sagot ko lang ay kontento ako sa araw-araw na nakakagising ako at nabibigyan ng pag-asang mabuhay para lumaban para kay Daddy.
“Baka may mangligaw na naman sa’yo katulad noong first year college ka.” Nanunukso ang boses ni Daddy, ibinabalik sa akin iyong kwento ko.
I rejected them nicely. Bumabawi ako sa pamamahiya ko noon sa mga lalakeng sinali namin sa aming laro. Malupit nga ang mundo. Kung anong ginawa mo, ibabalik iyon sa’yo ng mas grabe. Pinahiya ko sila at hindi man lang iniisip ang mararamdaman nila kaya heto ako ngayon, pinapahiya narin ng iba at hindi iniisip ang magiging nararamdaman ko. Hihintayin ko nalang siguro na bumaliktad rin ang kanilang mundo. I know there’s a right time for that para marealize nila ang mali nila.
Tres was right back then.I’m the playful girl who gets played. Parang isang laro na palaging gumaganti ang kalaban.
“Hindi pa naman ako magboboyfriend don’t worry. Magiging bachelor degree holder pa ako, maglalaw at magiging lawyer. Nagpromise ako sa’yo diba?”
Tumango-tango si Daddy. “But you see, honey… Pwede namang hintayin mo nalang na makalaya ako. Ilang taon nalang…”
Umiling ako. “No Dad, oo nakalaya ka pero iinsultuhin ka ng buong mundo. Iisipin parin nilang magnanakaw ka. Gusto ko lang namang baguhin ang tingin nila sa’yo dahil deserve mo iyong respeto nila. Sino bang tao ang gustong naiinsulto?”
Namungay ang mata ni Daddy. Pagod siyang napangiti at hinaplos ang aking pisngi. Bumaba iyon sa aking baba at ginalaw galaw niya kaya para na akong umiiling.
“Sa ganyan mong ugali mukhang magkakaroon ako ng palaban na lawyer. Handa akong ipagtanggol hanggang dulo.” He chuckled.
“Of course! I’ll defend you in any ways and get you out of here! Just wait and see, Daddy!”
He chuckled again and gave me a peck on my forehead.
“I love you, Christienne, my precious daughter…”
“I love you too, Daddy.”
First day of school, crowded ang hallway dahil sa mga estudyanteng naghahanap ng kanilang mga classroom. Tahimik kong hinanap ang nakalagay sa aking schedule. Everyone were laughing at talking with their friends. Sabay silang naghahanap at nagkakatuwaan. Naiinggit ako ng kaonti at naalala ang dating mga kaibigan pero sinipa ko rin iyon paalis sa aking isipan. I don’t want to be sad.
Naging okay naman ang first day of school. Pero hindi parin talaga naiiwasang pag-usapan ako. Iyon nga lang hindi na gaanong marami. May iba lang na tumititig sa akin. May iba na pumapansin pero may iba na ilap rin sa akin.
Bumuntong ako ng hininga at naghanap ng lugar na pwede kong kainan. Bawal ako sa mga cafeteria base on my experience last year. Noong binalak kong kumain roon, aksidente akong natapunan ng ulam. Kumain ulit ako sa cafeteria sumunod na araw dahil aksidente lang naman iyon pero nang masabuyan ako ng juice at ang hirap pang maglaba ng puting blusa, ako nalang ang umiiwas.
Akala ko purket nakaiwas ako ng pambubully noong highschool ako sa nilipatang public school ay magtutuloy-tuloy na. Iyon pala hindi. Iba-iba na ang mga ugali ng nasa kolehiyo. May iba na bitchy talaga at naghahanap ng gulo. Iyon ata iyong hindi paggraduate ang pakay kaya ipinatapon sa public dahil sa raming offense sa private.
May humarang sa aking lalake. Ngumisi siya kaya nahihiya akong ngumiti pabalik. He was tall, dark and… well his smile is quite cute.
“Lunch?” alok niya na ikinailing ko.
“H’wag na. Hindi kasi ako kumakain sa cafeteria.”
“Libre ko naman kung wala kang pera. Alam kong naging mahirap na kayo.” sabi niya.
Umiling ulit ako. “H’wag na.”
“H’wag kang pakipot. Sige na.” Humakbang siya papalapit sa akin habang pinapasadahan ng haplos iyong pader sa aming tabi. Na pwedeng-pwede niya akong idikit roon at ikulong sa bisig niya.
“Ayoko talaga e, sorry.” I smiled a bit.
Ngumisi siya ng nakakaloko. “Para lunch lang ipinagdadamot mo.” Humakbang siya lalo palapit, at kung hahakbang pa siya ay makakarating na talaga siya sa aking harapan. Tara naㄧ“
Parang hangin ang pumagitna sa amin dahil rin sa paglipad ng iilan kong buhok sa sobrang bilis ng pangyayari. Nakita ko nalang ang nakaharang na hita ni Tres at nakatukod na sa pader, nakabulsa ang magkabila niyang kamay sa suot na pantalon niyang uniporme at seryoso ang mukha.
Napasinghap ako. Gulat na gulat sa biglaan niyang paglitaw. Nagsilbing harang iyong paa niya sa amin noong lalake. Na hindi na ako nito malalapitan.
“I’m going to punch you if you lay your hands on her.” He glanced at the guy looking so shocked. “Magpasalamat ka at hindi ako bayolente, kundi nasuntok na kita.”
Nanatiling kalmado si Tres habang iyong lalake ay napaatras na. Ibinaba niya ang kanyang isang paa at tumuwid ng tayo.
“Let’s have our lunch,” kalmadong sabi ni Tres na ikinatango ko. Pero bago paman kami humakbang, nagsalitang muli iyong lalake.
“Sumasama ka diyan eh anak iyan ng magnanakaw. Ni kumain sa cafeteria hindi nga afford. Bahala ka, huhuthutan ka niyan, pre. Ang mga ganyan karuming babae, dapat hindi na pinagtutuunanㄧ”Tres!“ Mabilis ang aking paghawak sa kanyang braso. Kahit mabilis ko siyang nahawakan, bumulagta parin ang lalakeng nasuntok na niya. Para siyang hangin kung gumalaw kaya hindi mo siya masundan.
Nanlalaki ang mga mata noong lalake, hawak ang pisngi niyang nasuntok ng malakas at kahit ang kanyang ilong ay dumugo. Nakaupo siya roon sa sahig, umaatras sa takot kay Tres na hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Blangko iyon ngunit madilim ang misteryosong mga mata, nasa lalake ang tingin.
“A-Akala ko ba hindi ka boyolente?!” sigaw noong lalake kay Tres, hindi nawawala ang takot.
“Excempted ka.” Kibit balikat niya saka hinawakan ang aking beywang at marahan akong itinulak paalis roon, nakabulsa ang isang kamay at akala mo walang nangyari.
“Let’s have our lunch on the rooftop.” sabi niya, kalmado at blangko na naman ang ekspresyon.
Palihim kong sinipat ang kanyang kamay at nakita ang kamao niyang namumula. Ganoon niya kalakas sinapak ang lalake pero ni ang galit na eskpresyon ay hindi mahanap sa kanyang mukha. Tanging ang mga mata niya lang ang nagiging madilim.
Sa sobra kong pagkakagulat kanina, ni iyong sinabi ng lalake ay hindi ko na maalala. Ang tanging nararamdaman ko lang ay takot. He’s scary when he’s angry. Nakikita ko sa kanya si Dos. Iyong nakakasindak. Tres doesn’t like violence unlike Dos. Iyong palaging napapasabak sa away dahil nga maldito at idinadaan agad sa karahasan pag nagagalit. Normal ata sa mga Buenaventura ang ganoon. They’re scary and intimidating…
Hindi naman ako natatakot mapalapit sa kanya. Natatakot lang akong galitin siya.
Nagsquat ako sa sahig. Malinis naman at mukhang minimaintain na makintab ang sahig. Nasa aking lap ang lunchbox at kaharap ko si Tres na tahimik ring kinakain ang aking lunchbox. Nagswap na naman kami!
“Oo nga pala! Why are you here? And why are you wearing their uniform?!” I pointed him.
“Estudyante ako rito, hindi ba halata?”
“Pero hindi ka naman dito nag-aaral last year ah?”
“Nagtransfer ako. Hindi masyadong strict ang mga public schools…”
I stared at him for awhile. Is he serious? Eh maiingay sa public school. Ang katulad niyang sanay sa private at gusto ng tahimik ay hindi nababagay sa ganitong lugar.
“Iyon lang ang dahilan?” tanong ko, gusto pang makarinig ng ibang dahilan.
“Don’t make me say cheesy lines, Christienne.” seryoso niya akong tiningnan kaya namumula akong napakurap.
“H-Huh? Gusto ko lang namang malaman kung may iba ka pang dahiㄧ”Just eat.“ Pinasukan niya ng pagkain ang aking bibig kaya natigil ako sa pagsasalita. Ngumuso ako at nginuya iyong pagkaing ipinasok niya.
Sa tuwing sumusubo ako, hindi ko mapigilang tingnan siya, at kung titingin naman siya pabalik ay nginingitian ko agad siya. Binubusangot niya ang kanyang mukha kaya natatawa rin ako.
We always share drinks. Palaging isa ang binibili niya tapos pag kalahati niya ay ibibigay na sa akin, o sa tuwing nauuna siyang uminom. Never akong naunang uminom.
Hindi magkatulad ang aming schedule dahil magkaiba rin ang aming course. Pero may isang subject kami na magkaklase kaya tuwang tuwa ako.
Maraming nagkakacrush kay Tres. Buong babae ata ay may gusto sa kanya, kilala siya. May iba na kilala na talaga siya noong una at nagulat pa dahil dito siya nag-aaral.
May ibang babae na galit sa akin dahil sa issue ni Daddy, pero may iba rin na galit sa akin dahil tanging ako lang ang pinapansin ni Tres rito.
“Ano mo siya?” Biglang tanong noong kaklase naming babae sa harapan sa akin. Paano ba naman, bigla nalang hinila ni Tres ang upuan ko habang nakaupo ako roon at doon lang inihinto noong mailagay niya ako sa kanyang tabi. Late kasi siya kaya sa likod nalang ang available na pwede niyang bakantehin.
“Uh…” Nilingon ko sandali si Tres. Nakahilig siya sa kanyang armchair, nasa labas ng bintana ang tingin at walang pakialam sa paligid.
“He’s my…” Close friend? Pero baka itanggi niya kasi hindi naman siya mahilig sa kaibigan. Alangan naman girlfriend…
Magkasalubong na ang kilay noong babae. Hindi kumukurap at inaabangan ang magiging sagot ko.
“He’s my…”
“Stalker.” si Tres na mismo ang sumagot. Napasinghap iyong babae, nagugulat na. I smiled sheepeshly at her.
Nagpanggap nalang akong nagsusulat na sa notes para hindi niya na ako kausapin pa.
He’s my stalker. Seriously Tres?
Sa iba kong subjects, mga lalake ang katabi ko. Wala rin kasing gustong tumabi sa akin na babae. They always mock me. Sa subject na kaklase lang ata ako ni Tres hindi ako nakakatanggap ng pang-iinsulto. Kumalat rin kasi iyong sinuntok niyang lalake dahil may pinagsasabi na kung ano sa akin.
“Tres Buenaventura claimed that he was his stalker! Ang swerte niya naman ata?” narinig ko ang kaklase kong nasa likuran.
Kinalabit ako noong isa. “Nililigawan ka ni Tres?” tanong nito na ikinailing ko ng mabilis.
“He doesn’t like to have a girlfriend…” paliwanag ko para matapos ang haka haka nila sa amin.
Humalakhak iyong isa. “Kahit kailan talaga sinungaling ka. Baka magviral kana naman dahil lang sinasabi mong hindi mahilig si Tres sa girlfriend. Iyan ba ang strategy mo noon kaya marami kang nabibingwit na lalake? Sinasabi mong hindi mahilig sa girlfriend para hindi lapitan ng iba at masolo mo?”
“No, Tres is diffeㄧNatakpan ng kanilang tawa ang aking sagot kaya itinikom ko nalang ang aking bibig.
“Mga malalandi ngayon kunwari friendly sa boys, kunwari mababait, pero palihim palang umaatake.” sabi noong isa na may maliit na buhok.
“Anong pinagkaiba mo sa pokpok na nangongolekta ng lalake? Siguro kay Tres ka kumakapit dahil mahirap na kayo ’no?”
I swallowed hard and just ignore them. Tatlong taon ko ng tiniis ang mga pang-iinsulto nila kaya nasanay narin ako.
“Baka mamatay nalang iyong Daddy mo sa kulungan, hindi mo pa nailabas. Baka sumunod siya sa Mommy moㄧEnough!” Napatayo ako sa aking silya. Naging kamao ang aking mga kamay at sinisikap na hindi sumabog dahil baka ano pang magawa ko sa kanya.
Nagulat siya sa pagsiklab ko. Maraming esrudyante ang napatingin sa amin, sa akin.
“H-Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng mamatayan. J-Just be thankful you’re not me. J-Just be thankful you have your f-family…” Nanginginig ang aking labi nang umupo ako pabalik. Naging tahimik silang lahat at ang tanging narinig ay ang pagsinghot ko.
Chapter 40
Vote. Comment. Be A Fan.
Game of Love
-PrfctlyStbbrn
Drown
“I-I’m sorry if I shouted at you… nadala lang ako noon sa emosyon.” Paghingi ko ng tawad sa kaklase ko saka ako lumabas clasroom pagkatapos ng klase.
Darn it. Dapat sanay na ako e. Hindi ko lang talaga nakayanan iyong sinabi niyang dapat si Daddy ay namatay narin. Ibang usapan na iyon.
Tuwing hapon ay nasa kompanya na ako, nagtatrabaho. Umuuwi ng alas dyes at deritso tulog na dahil sa pagod. While Tres is still tagging along with me. Siya na itong nagmukhang aso kakabuntot sa akin. Nasasanay na ako sa kanyang presensya at siya madalas ang napaglalabasan ko ng sama ng loob o kaya nakakausap.
Tuwing Sunday lang ako nakakahinga ng maluwag. Sa ganoong araw ko naeenjoy ang katahimikan.
Kung noon gustong gusto ko sa matatao at crowded na lugar, ngayon mas gusto ko ng mapag-isa. Doon ko lang napapahinga ang aking tenga sa pang-iinsulto nila. Ngayon ko lang talaga naappreciate ang katahimikan.
Someone knocked at my door kaya naging malapad agad ang aking ngiti. Mabilis ko na iyong binuksan at nakita ang imahe ni Tres, umaangat ang kilay dahil sa ngiti ko.
“Were you excited to see me?” nanunukso ang tanong na iyon sa kabila ng walang emosyon niyang mukha.
Tumango ako at humalakhak. “Di na ako sanay na di kita kasama.”
Pumasok siya sa loob. Deritso na naman sa ref at tinitingnan ang mga pagkain ko. Ilang junkfoods rin ba ang nadurog niya? Nagtataka nga noon si Marco kung ba’t nawawala sinasabi ko nalang na kinain ko. He’s even shocked dahil alam niyang hindi naman ako masyadong kumakain ng ganoon.
“They’re all healthy. You know I’m into healthy foods. Iyong sinasayang mo kay Marco iyon.”
“Then why are you so skinny?” Pinagmasdan niya ang kabuuan ko. I am just wearing a normal dress. Above the knee iyon at nakaribbons ang laces sa magkabilang gilid. Nakabun ang aking buhok lalo na’t kakatapos ko lang maglinis.
“I am not! Hindi naman ako malnourish ah?” Sinukat ko ang aking beywang. “Some of my classmates were telling me that I have a perfect figure. Naririnig ko iyon tapos nasusundan agad ng pang-iinsulto.” Tumawa ako.
Isinara niya ang ref at sumandal roon saka humalukipkip.
“Classmates? Boys?” Umangat na ang kanyang kilay, naninimbang na ang tingin.
I nodded. “Sa mga lalake ako madalas makakuha ng compliments e,”
I saw how he swallowed hard. Nasundan ko pa ng tingin ang paggalaw ng kanyang adams apple. Oh, that’s hot!
“Maybe nakadestined talaga akong maging one of the boys!” Humalakhak ako at nagtungo sa kanya. Hinawi ko siya at binuksan ko iyong ref.
He remained silent, sinusundan lang ako ng tingin.
Inilabas ko ang aking bottled water roon. Kinuha niya iyon sa akin at binuksan. Lumagok muna siya saka niya ibinigay sakin. Ngumuso ako, nasasanay na.
“Kung ipagpapatuloy mo iyang pagiging friendly mo sa mga lalake, magiging bayolente ako.” sabi niya habang pinapanood akong uminom.
Ipinagsalubong ko ang aking kilay habang tinitingnan siya. Pagkatapos kong uminom ay sumimangot ako.
“That’s not right, Tres! You can’t just punch them just because you’re mad!”
Nalaglag ang kanyang tingin sa aking labi at pinunasan ang gilid ng labi kong basa dahil sa tubig. Ipinunas niya iyon sa kanyang suot na tshirt saka sumandal sa pader, nakapamulsa na.
“I’m not mad.” pagtanggi niya na ikinalaglag na talaga ng panga ko. See? Hindi pa nga siya galit noon. Paano nalang kung nagalit?
“Still, stop hurting them!”
“Then avoid them.” Direkta niyang sabi na ikinatigil ko sandali. May naiisip akong dahilan pero ayoko ng mag-assume na tama ang iniisip ko. I’m done with that. Maybe there’s another good reason…
“I am not close with them.” sabi ko.
“You’re still close with them.” Ngayon ay madilim na ang mga mata niya. Nakikita roon ang galit na hindi na umaabot sa kanyang ekspresyon.
“I’m not!”
He just tsked. Kahit ako eh walang ediya kung iyong mga lalake sa school pa ba ang tinutukoy niya o ibang tao na.
“It’s not right to punch someone, you know?” sabi ko sa kanya at sumandal narin sa isa pang pader. Ngayon ay magkaharap na kami at ang tanging namamagitan ay ang malaking espasyo.
Hindi siya sumagot. Inilagay ko ang aking kamay sa aking likod at tiningnan siya. Minsan ay nagtitiptoe pa ako ng paulit-ulit para maging abala lang hindi kagaya niyang hindi gumagalaw sa kanyang pwesto. Na kahit ang isa niyang paa ay nakapiko na at nakasandal narin sa pader. Natatawa ako minsan dahil sa malalim niyang titig.
“Noon halos itaboy mo ako sa bahay niyo. Tapos ngayon naman ikaw na mismo ang pinupuntahan ako. Nagkapalit ata tayo ng katauhan.” I chuckled.
“Masaya akong mag-isa, pero mas masaya rin kung kasama kita.” sabi niya na ikinainit ng aking pisngi. My eyes wandered around the place. Hindi na naman iyon makalma at nagwawala na naman ang nakakulong kong puso sa aking ribcage. Para iyong gustong lumabas roon kaya ganoon nalang kabilis ang kalabog.
“So… y-you like me?” I asked while laughing.
“Yeah…” sagot niya na ikinalunok ko ng laway. H’wag mong ibigdeal, Red. He likes you for being a friend. Kung hindi man bilang kaibigan, malabo iyon sa iniisip mo. Tigilan mo ang kakabigay ng kahulugan sa sinasabi niya.
Tumawa ako. Imbes na matawa dahil hindi kapani-paniwala ang kanyang sinasabi, natatawa ako dahil sa sayang hindi ko na maikubli.
“I thought you hate girls?”
Nagkibit siya ng balikat, hindi inaalis ang tingin sa akin at nakahalukipkip parin doon. Nagtiptoe ulit ako, marahan kong itinutulak paatras abante ang aking sarili at gumagala pa ang tingin. Nandito parin iyong kakaiba niyang epekto sa akin. Iyong hindi ko makalma ang aking sarili at palagi akong nacoconscious. Hindi ako mapalagay lalo na’t ang hilig niya ring manitig.
“Gusto ko sanang lumabas kaso…”
I heard him breathe deeply. Binalingan ko siya.
“Kaso ano?” dugtong niya.
“Ayoko lang na pagkaguluhan ako.” I chuckled. “You know I’m pretty. Pinagkakaguluhan agad ako nila pag lumalabas ako. Ang hirap maging maganda!” I whined dramatically.
He stared for a long moment. Ngumingiti ako sa kanya hanggang sa wala sa sarili kong naiangat ang isa kong kamay na nakaipit sa aking likuran. Nahipo ko ang aking dibdib at pilit pinapakalma ang kabog ng dibdib ko roon. I tried to smile at him again kahit na nagwawala na talaga iyon.
Nahulog ang kanyang tingin sa aking kamay.
“Want to… go out?” sabi niya na ikinailing ko.
“H’wag na. Dito nalang tayo.” sabi ko. Mas inaalala ang mangyayari kung nasa labas ako at kasama siya. Baka lumabas na naman iyang pagiging bayolente niya.
Tumuwid siya sa pagkakatayo. Napalunok ako nang humakbang at binakante ang natitirang espasyo sa aming dalawa.
My breath hitched when he suddenly put his other hand on my left side, locking me.
Lumapit siya lalo sa akin. Para niya na akong dadaganan sa kanyang ginagawa na kahit ang nakatukod niyang kamay sa aking gilid ay napiko na.
“Want to go out?” Halos ibulong niya na iyon sa aking labi sa sobrang lapit. His eyes were covered with something unusual to me…
Natuyo ang aking lalamunan. Umawang ang aking bibig at suminghap. Hindi ko matagalan ang ganito kalapit. Gusto ko siyang itulak pero may pumipigil sa akin. Na kahit gawin ko iyon alam kong hindi ako magtatagumpay sa kanya.
“H-Hindi pwede… A-Alam mo n-namangㄧ” Umangat ang kanyang isang kamay at dinaanan ng haplos ang aking pisngi. Isang singhap ang naidugtong ko sa aking pinagsasabi. Napapaso sa ginagawa niyang galaw.
“I don’t take no as an answer, say yes…” he said huskily, almost a whisper to me.
My breathe started to become heavy. Na kahit ang aking balikat ay parang bumibigat narin kaya kailangan ko na iyong igalaw pataas pababa para igiya ang aking paghinga ng maayos. Namungay ang aking mga mata at pagod na inangat ang tingin sa kanya. He swallowed.
Tres pulled away. Sa sobrang bilis ng kanyang galaw, wala sa sarili rin akong umabante para abutin ang kanyang braso at hinawakan iyon sanhi para harapin akong muli. Nagulat ako sa aking ginawa pero huli na para bumitaw. Nanlalaki nalang ang aking mga mata sa sumunod na nangyari.
He pushed me on the wall and crushed his lips into mine. Naramdaman ko ang malamig na pader pero hindi ko na iyon alintana dahil nagliyab narin ang aking katawan nang hinagod niya ang aking gitna. Mapupusok na dinadaanan ng magaspang at matigas niyang kamay ang maselang parte ko sanhi para mapaungol ako. Sinamantala niya iyon para ipasok ang kanyang dila sa aking bibig. Iyon ang nagtulak sa akin para manghina at burahin sa aking isipan ang nililista kong mga mali.
Sarado na ang aking isipan at hindi na makapag-isip ng matino. He was nipping and sucking my lower lip while his other hand was caressing my cheek. Nakukuryente ako sa haplos niya at hindi na mahabol habol ang hiningang hinihigop niya.
“Fuck…” He breathe deeply on my mouth and pulled the laces of my dress. Nanlalaki ang mga mata ko nang tuluyan iyong malaglag paalis, binabalandra ang tanging undies na suot ko.
“T-Tresㄧ” I tried to stop him from doing such thing when he suddenly pressed a finger to my hole through the fabric of my panty. He darted his finger in and out but never really going inside that made me lose my sanity.
Imbes na itulak siya ay napakapit na ako sa kanyang braso. Halos dumiin ang aking kuko roon at kulang nalang ay punitin ang kanyang damit para lang kumuha ng lakas dahil sa nakakapanghina niyang ginagawa.
His rough kisses travelled on my cheek down to my jaw and nipped my earlobe sending shivers down my spine.
Naninibago ako sa sensasyon na kahit ang aking bibig ay hindi ko na mapigilan. His other hand molded my other bo*b, while drawing circles around it.
Holy… hell!
He breathe deeply again while kissing my neck. Nararamdaman ko na ang dila niya roong nanunukso at para na akong kakagatin ngunit nag-iiwan lamang ng nakakapanindig balahibong pang-aakin ng mapusok niyang labi.
Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. Pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata pero sa kahihiyan, napapikit nalang ako.
His kisses travel down to my chest at walang ano-anoy inalis ang aking strapless na bra. I felt his warm mouth covered my nipple. His hot tongue played with it, swirling around. I whimpered when he teased my slit by running a finger in between it, stroking it in a familiar rhythm.
Napaawang ang aking bibig, hindi na napigilan ang sumasabog na sensasyon at hindi alam kung ano ang mas pagtutuunan ng atensyon dahil sa sabay-sabay niyang ginagawa. Sa sobrang landi ng boses na iyon, tinakpan ko nalang ang sarili ko para hindi na tumakas ang hindi ko lubusang makilalang boses.
He was nipping and sucking my hard nipple alternately making me lose control from myself.
“T-Tres…” I called deliriously. Hindi na alam kung pahihintuin ba siya o pagmamakaawa na iyon na sana ay higitan niya pa. Na sana ay may gawin pa siyang iba dahil sa nakakabaliw na sensasyong lumalamon sa akin ng buo.
Umangat siyang muli at hinuli ang aking labi. This time, I equalled his kisses with the same heat. I felt his finger down there. Hinahawi na noon ang aking panty at dinadaanan ng haplos ang namimintig kong pagkababae. I moaned inside his mouth, hindi na kinakaya ang nangyayari.
He sucked my tongue when he found it while his other hand was pinching my nipple again.
“H-Hindi ba dapat…” Hinabol ko ang hininga para makapagsalita dahil sa nakakaliyong ginagawa ni Tres.
“What is it?” tanong niya, hinahagod at nanunukso ang daliri roon.
Suminghap ako, tuluyan ng nalulunod. “Sa…” Nasundan iyon ng halinghing. “S-Sa… kama… tayo?” Sa bawat pagbigkas ko ng salita ay nagiging ungol ang kasunod. Nalalasing na ako sa mga mata niyang sumisiklab narin.
“I’m not going to do it don’t worry…” he whispered to me while teasing me with his hot and deep kisses.
Hinabol kong muli ang hininga. “H-Huh? Bakit?” tanong ko nang tumigil rin siya para huminga ng malalalim. Tila may namatay sa akin dahil sa kanyang sinabi.
“You’ll surely regret it…” His kisses travelled on my earlobe, teasing me. “I’ll make you pregnant, Christienne.”
Mas bumilis ang paghagod niya roon. I can feel how wet I am down there. Lumilikha iyon ng kakaibang tunog na nagpapapula ng aking pisngi at mas nakakadagdag ng init sa aking pakiramdam. Ni hindi ko na mapigilan humalinghing ng mahaba.
Hindi ko na nagawang sumagot roon sa kanyang sinabi dahil sa lumalaking sensasyon sa aking loob at kinakain ako ng buo. Parang may sasabog roon kung hindi siya titigil sa kanyang ginagawa.
“M-Maiihi ata a-ako…” I said between my moan. Sinisikap kong hilain ang katinuan ngunit para iyong isang papel na nililipad ng hangin at imposible ko ng maabot pa.
“Let it out. Come,” his finger pinched my sensitive part and triggered me to explode.
Nanginig ang aking tuhod, naubos ang aking lakas at napahalinghing lalo ng mahaba. Sa sobrang pagod at kahihiyan, ang tanging nagawa ko ay ibaon ang aking mukha sa kanyang balikat just to save myself from embarrassment. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat lahat at nasa tamang huwisyo na. Gusto ko nalang mahimatay at huwag ng magpakita ng mukha sa kanya habang-buhay dahil sa kahihiyan.
Para akong naging lantang gulay nang kinarga niya ako at ipinasok sa aking kwarto dala dala ang mga damit kong nahubad niya.
“Gosh…” Mariin akong napapikit, gustong iuntog sa pader ang ulo. Gaga ka Red! You almost let him take you! What the heck?!
“Wear something decent and let’s go out.” sabi niya pero siya itong nangangalkal ng damit sa aparador. Pinapasadahan niya ng tingin iyong mga nakahanger roon.
Mabilis kong hinila ang kumot at nagtalukbong. Oh my gosh! Why is he acting like nothing happened?! Paano naman ang kahihiyan ko?! Paano ko isasalba ang sarili kong nalunod sa pagnanasa kanina! Kulang nalang ako na mismo ang lumuhod sa kanyang harapan at magmakaawang gawin namin iyon!
“Christienne,” sa pagtawag niya sa pangalan ko, para iyong nagbabanta ng kung ano.
“I-I don’t want to go out!”
“We’re going out.” Hinila niya ang kumot na ikinaalarma ko. Nagsisigaw ko iyong hinila ulit para matakpan ang tanging panty na suot ko. Gosh! This is so embarrasing! Wala pang nakakakita sa hubad kong katawan!
“I don’t want to!”
“It turns me on to be with you in this room. I can’t help not to imagine myself thrusting hard and fast…”
Oh. God.
Hinila niyang muli ang kumot. Matagumpay niya iyong nahila dahil rin sa pagkatigil ko. Nasa harapan ko na siya at bigla nalang akong sinuotan ng kung ano.
“Wait! I am not yet wearing my bra!” Oh hell, I snapped.
Imbes na tumigil, hinila niya lang palabas ang mga kamay ko. It’s a sleeveless white dress.
Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata nang binuhat niya ako. Kumuha lang siya ng flats sa shoerack saka na lumabas.
“Wait!” I wiggled my feet, pointing my make-ups. “Wala akong make-up!”
Hindi siya nagpaawat sa paglalakad. Pinagtitinginan kami sa bawat madadaanan namin.
Doon niya lang ako ibinaba noong naipasok niya na ako sa driver’s seat. Goodthing my dress have pads kaya kahit walang bra ay okay lang.
Pumasok siya at inilagay ang aking flats sa paanan. Nagseatbelt siya kaya mabilis rin akong nagseatbelt. Nilingon ko siya, pero sa tuwing lumilingon siya pabalik sa akin ay nahihiya na akong nag-iiwas ng tingin. Pinapaalala noon ang ginawa namin. We almost…
Wala akong ediya kung saan niya gustong pumunta. Pero sa kanyang ginagawa, para siyang walang direksyon. Nagmamaneho lang siya at wala atang balak tumigil.
“Where are you taking me?” tanong ko sa kanya. Kapwa nakabukas ang bintana ng kanyang kotse. Nakasandal roon ang kanyang kamay at nakatukod ang pisngi sa kamao. He was driving using his one hand lazilly.
“It’s a roadtrip.”
Really? Magroroadtrip kami? Wow! That’s cool!
Unti-unting bumukas ang bubong noong kotse niya. Naitaas ko agad ang aking dalawang kamay at sinalubong ang hangin. Sumasabog ang aking buhok at sumigaw ng malakas.
“Wooooah!”
Tres just tsked pero hindi ako sinaway sa kaingayan ko. Did he purposely use this car for a roadtrip?
“Teka,” nilingon ko siya. “Noong una palang ay plano mo na talagang magroadtrip? Hindi naman ganito ang dinadala mong kotse.” sabi ko.
“You almost ruined my plan,” nilingon niya ako, makahulugan na ang tingin sanhi para pamulahan ako ng pisngi.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at itinuon sa labas. Puro pinetrees na ang nadadaanan namin. Mas bumilis ang kanyang pagmamaneho at dinaanan iyong mga dahong nalalaglag sa daan. The leaves were a mixture of red and orange. Lumipad iyon sa ere at nahawi lahat sa daan.
Nilingon ko iyon saglit pero ibinalik rin sa harap. I smiled and closed my eyes, feeling the fresh air.
Ipinasok ko iyong paborito kong CD na nandito at sinabayan ang pagkanta. It was one of my favorite song entitled Don’t talk about it by UO. Medyo nakakarelate kasi ako sa lyrics ng kanta. Sa nangyayari ngayon.
Nadadala ang aking sarili sa beat na chorus ng kanta na halos hindi na ako maawat sa aking upuan, gumagalaw at nagiging malikot.
Nahuli ko si Tres na nasa akin ang tingin, magkasalubong ang kilay at takang taka sa inaasal ko.
“I’m dancing!” I chuckled.
“Para kang nasapian at ine-exorcise.” sabi niya na ikinatawa ko lalo.
“You’re so mean!” Umirap ako pero imbes na mainis ay natawa lalo. Nakakadagdag pa iyong kanta sa sitwasyon at hindi ko na mabura-bura ang ngiti sa aking labi.
Sumasabay ang aking ulo sa beat at nagagawang suklayin paatras ang aking buhok pagkatapos ay ididisarrange na naman, hindi hinihinto ang katawan sa pagsabay sa tono. I glanced at him and found his eyes on me. I chuckled hard while brushing my hair backwards, making it disheveled.
Bumagal ang kanyang pagmamaneho. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.
“I have something to say,” sabi niya kaya wala sa sarili naman akong umabante.
Nagulat nalang ako nang pinatakan niya ng mabilis na halik ang aking labi kasabay noong pagsabog ng chorus ng kanta at pagbilis lalo ng pagmamaneho. He licked his lower lip sexily and smirked at me. My heart went wild and drown into my endless feeling for him.
Chapter 41
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Merrykiss Tagwalo. Happy reading!
Date
“H-How are you, Christenne?” My Dad can’t hardly speak because of coughing too much.
“Daddy? Are you okay?” Gumuhit na ang pag-aalala sa aking mukha. Ang sayang kinukubli ko ay napalitan ng panibago. Ikukwento ko pa naman sa kanya iyong about sa amin ni Tres, but seeing him like this… I think it’s not a good idea.
Tumango-tango si Daddy. “This is just a simple cough, honey…”
It was like a bomb to me. Sumabog ang salitang iyon sa aking loob at naalala ang sinabi sa akin ni Mommy noon. That was her alibi! Akala niya ay simpleng ubo lang!
“Dapat kang magpacheck sa Doctor, Daddy! Wait! I’ll tell the police officerㄧ”H’wag na Christienne. This is just a simple cough, believe me.“ putol niya sa akin at hinawakan pa ang aking pulso para hindi agad ako makatakbo.
Umiling-iling ako. “No, Daddy… you’re sick! I’ll pay the bills if that’s your concern. B-Basta maagapan lang agad iyang sakit mo… Please Daddy?” Namungay ang mga mata kong sinisikap kong hindi manlabo. I am scared! What if… No, Red. Stop exaggerating things…
Bumuntong siya ng hininga, unti-unting lumuluwang ang pagkakahawak sa aking pulso at tumango rin. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumakbo roon sa police officer. I told him my Daddy is sick and he needs a treatment right away. Siguro naawa iyong police sa akin dahil nanginginig ang aking labi habang nagmamakaawang pagalingin si Daddy, agad rin nilang tinutukan ng atensyon ito.
I almost forgot my main reason why I’m studying hard. I can’t believe I lost my balance and forgot about the case. Sa sobrang pagkawili sa ipinapakita sa akin ni Tres, naisasantabi ko na ang tunay na pakay ko.
My feelings for him is not good. Nandito na naman ako sa dulo ng kanyang mga galaw, sa mga paasa niyang salita, umaasa na naman ako at masyado na akong natatakot sa pagkakataong ito. I’m not even sure if he’s not fooling around and just wanted to get even. My actions were not yet clear to me.
“You left early?” tanong ni Tres nang tabihan niya ako sa aking silya.
“Tres that’s not your seat.” sabi ko sa kanya nang nakita ko iyong may-ari ng pwestong inukupa niya, nakatayo sa gilid at natatakot paalisin si Tres.
“I went to your apartment to fetch you. You left early. Ba’t ang aga mong pumasok sa trabaho?” Umangat ang kanyang kilay, hindi pinagtutuunan ng pansin ang sinasabi ko.
Nalipat ang tingin ko sa kakapasok lamang na prof. “Magsisimula na ang klase. Go back to your seat…” I lightly pushed him, hindi gaanong makatingin sa kanya ng buo.
“Was it about what happened last time? Iyong nangyari sa ating dalawa?”
Oh great. I can’t shut him up! Na kahit ang mga kaklase kong tsismosa ay nanlalaki na ang mga mata sa narinig. Just great!
“Tres!” I hissed at him. “Just go back to your seat and let’s talk later, please…” sabi ko, palipat lipat ang tingin sa kanya at sa prof na nasa amin narin ang tingin, naninimbang ito kung pagagalitan ba kaming dalawa o manatili nalang tahimik.
He placed his hand on his face and glanced at the teacher. Ngayon ay nakahilig na siya at akala mo hindi nakipag-usap sa akin.
Lumapit iyong may-ari ng upuan. “U-Uh… Buenaventura diyan ako nakaupo…” Medyo nagdadalawang isip ito sa kanyang sasabihin, kung tama ba iyon o siya nalang ang mag-adjust.
“Inupuan kita?” tanong ni Tres na nagpailing noong kaklase ko. Suminghap ako, tiningnan ang lalake at napangiti ng pilit.
“S-Sige, diyan ka nalang…” sabi ng lalake at nagmamadaling umalis.
Natuon na ang buong atensyon ni Tres sa lesson at ipinagpapasalamat ko iyon ng buo. I’m really glad he’s studious at may pakialam sa grado niya. Pero kahit minsan nasa bintana ang tingin niya, pag tinatanong siya ng prof ay nakakasagot naman siya ng tama.
I want to avoid him, alright. Kung ipagpapatuloy ko ito, mawawala ako sa tunay na landas. Mapapariwala ang pag-iisip ko at mapupunta sa kanya ang buong atensyon ko. How about my studies? I need to focus! Dapat ko munang ipagpaliban itong pagmamahal na wala namang kasiguraduhan.
Noong lunch, nauna akong kumain sa ibang sulok ng school. Halos maging ninja ako kakatago at iwasan lamang si Tres. Bigla bigla pa naman iyong sumusulpot.
Iniwasan ko siya ng halos isang linggo. Araw araw ay maaga akong pumapasok sa trabaho at mabilis ring umuuwi para hindi niya na maihatid pa. Ang nakapagtataka lang noon, simula iyong usapan namin sa classroom, hindi ko na siya nakikitang buntot nang buntot. Kahit iyong subject na magkaklase kami, nauuna na siyang lumabas at hindi narin kami nagkakatabi. Some of my classmates were even mocking me about our situation. Nauntog na raw si Tres sa pader at nagising na sa katotohanan.
Dapat matuwa ako dahil mukhang tumigil na siya kakakulit sa akin, iyon naman talaga ang gusto ko. Pero taliwas ata ng gusto ko ang nararamdaman ko. It hurts me…
Hindi na ako nag-effort na umiwas pa dahil mukhang wala na ulit siyang pakialam sa akin. Is that it? Isang araw ko lang siyang iniwasan noon at tumigil na siya kakakulit hanggang sa nagtuloy tuloy na ang araw na hindi talaga kami nagpapansinan at naging effective ang pag-iwas ko. Dapat masaya ako dahil sa pamamagitan nito makakapagconcentrate na ako sa pag-aaral. Mas matututukan ko na ng pansin ang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa nararamdaman ko. Pero heto na naman ang puso kong nasasaktan, ang utak kong nagiging blangko at tanging siya lang ang laman, ang buong sistema kong ilap rin ata sa akin kaya hindi gumagana ng maayos. How can I even concentrate now?
Did I make a wrong decision?
Umaambon sa labas kaya mabilisan kong niligpit ang aking gamit para makauwi na agad at baka abutan ako ng ulan. Magcocommute pa naman ako at higit sa lahat, wala akong payong! I left it!
“Isang linggo na atang hindi nagpapakita iyong guwapong stalker niya?”
“Baka naman napagod na kakabuntot sa kanya. Baka narealize noong lalake na ginagamit lang naman siya niyan.”
“Balita ko diyan pati mga kaibigan niyan ginamit niya noon. Hindi na nakakapagtaka kung lahat ng lumalapit sa kanya, lumalayo dahil ginagawa niyang laruan niya.”
Ganoon ang nakikita ng lahat. Na masyado akong mapaglaro sa mga bagay bagay na kahit ang nakapaligid sa akin ay pinaglalaruan ko. Masakit pero totoo naman. Lahat ng napapalapit sa akin, nasasaktan ko. And I am not expecting Tres to stay forever by my side, anyway…
Mabilis ang aking paghakbang sa kalye. Umaambon at nasa dulo pa iyong pasadahan ng taxi. Ayokong magjeep dahil baka makagawa lang ako ng gulo sa loob lalo na’t alam ko maraming tao sa ganoong sasakyan.
Kumikirot ang aking dibdib at naguguluhan na sa lahat ng bagay. I just want to be mature. Gusto ko lang namang h’wag ipriority ang pag-ibig. I have my own goal. At hindi nakakatulong kung ipagsasabay ko sa aking pag-aaral ang nararamdaman kay Tres, ngayon pa na kamuntik na akong umabot sa puntong handang isuko ang lahat.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, wala sa sarili at masyadong okyupado. Nahinto lamang ako dahil sa lagapak ng payong sa aking harapan. Nakabukas iyon at para akong hinaharangan. Nanggaling ang pagkakabukas sa likuran at may tao roon. Naging shield ko iyon imbes na ipayong nalang sa akin.
“You might get a cold,” nagsalita ang pamilyar na malamig na boses sa aking likuran. Hindi ko alam kung ba’t bigla bigla nalang akong nagiging emosyonal. Hindi ko alam kung ba’t naiiyak ako dahil nalaman kong nasa likod ko lang siya at narinig ko ang kanyang boses.
Hinawi ko ang kanyang payong sa aking harapan. Nilingon ko siya at nakita ang seryoso niyang ekspresyon at nakauniporme pa. Nakabulsa ang isang kamay at ang isa ay hawak ang payong.
“U-UUwi narin naman ako…” sabi ko, ni hindi siya matingnan ng matagal.
Itinaas niya na ang payong at isinilong kaming dalawa roon.
“I’ll drive you home.” alok niya na agad kong ikinailing.
“H-Hindi na Tres. Masyado na akong nakakaabala sa’yo.” Natawa ako ng pilit at umatras paalis sa pagkakasilong.
His gaze were cold and mysterious. Hindi ko mabasa ang blangko niyang ekspresyon. Wala akong makitang pagmamahal, concern o kung ano ano pa man na magpapakilig sa akin. Lahat ay nakatago.
“Then use this umbrella instead,” ibinigay niya sa akin ang kanyang payong na ikinailing ko rin. Ayokong tumanggap ng mga bagay na alam kong babalikan niya lang sa akin para kunin. Magkikita na naman kami.
“H’wag na. Ambon lang naman ito. S-Sige! Uuwi na ako!” I tried to fake a smile at kinawayan siya. Tumalikod rin ako saka binilisan ang aking paglalakad, sapo-sapo ang dibdib na nagwawala roon, tila nagagalit sa kagagahan ko.
Akala ko hihinto na siya. Iyon naman ang ginawa niya nitong mga nagdaang araw, pero laking gulat ko nalang nang nasa tabi ko na siya, nakapamulsa at sinasabayan ako sa paglalakad, walang dalang payong.
“Tres!” Natigil ako sa paglalakad na ikinatigil niya rin. “What are you doing?!”
“Walking with you.” simple niyang sagot, nagiging basa na ang buhok dahil sa parang nyebeng tumutulo na ulan. Mga maliliit na patak na nakakapuwing.
“Magkakasakit ka! Umaambon! Asan ang payong mo?” Iginala ko ang tingin at nakita iyong payong niya sa di kalayuan, itinapon niya sa kalye at nakabukas parin iyon.
Tumakbo ako papunta roon at pinulot iyon saka ko siya. He was just there…watching me.
“Use your umbrella and go home.” Inilahad ko iyon sa kanya kaso ang kanyang tingin ay nasa akin lang.
“May pakialam ka sa iba pero sa sarili mo wala? Are you stupid?” Iritado niyang sabi, nagagalit na ang madilim na mga mata.
“B-Baka kasi magkasakit ka ako pa ang sisihin mo!”
“I’m already 1week sick. Yet you don’t care.” Nag-iwas siya ng tingin, itinuon iyon sa kabila.
Huh? May sakit siya sa mga araw na iniiwasan ko siya? Kaya ba ang tamlay tamlay niya? Kaya hindi niya na ako nasusundan? Gaga ka Red! Paano mo malalaman eh umiiwas ka!
Hinipo ko ang kanyang leeg, ang lapit lapit ko na sa kanya at hawak ko pa iyong payong kung saan kami nakasilong dalawa.
“Hindi ka naman mainit ah? Kakagaling mo lang ba? Tapos nagpaulan ka pa!” Inis na inis kong sabi sa kanya habang hinihipo ang kanyang noo at pinapakiramdaman kung mainit ba siya o hindi.
Hinawakan niya ang aking pulso kaya natigil ako sa kakahaplos sa kanya. Nalaglag ang aking tingin sa mga mata niyang nakadirekta sa akin. I gulped when I realize how close we are right now.
“You’re avoiding me. It’s making me sick…”
Nakaramdam ako ng konsensya. Akala ko okay lang sa kanya dahil ilang araw narin siyang walang pakialam kung iwasan ko man siya. Pero ngayong sinasabi niya ang tunay na nararamdaman, hindi ko mapigilan ang sarili na magwala sa loob.
“Are you satisfied with the days without me?” tanong niya.
Napakurap ako at nag-angat muli ng tingin sa kanya.
“H-huh?”
“What’s the feeling being away with me? Did you feel sick? Nakakatulog ka ba ng maayos? We’re you holding back just to be with me everyday?” He asked huskily.
Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Natatangay ako ng seryoso niyang paninitig at ang hindi niya parin pagbitaw sa aking pulso. I swallowed and realized how long I took just to stare at him unconsciously.
“B-Ba’t mo naman tinatanong?” nag-iwas ako ng tingin.
“Nagbabakasakali lang na baka parehas tayo ng nararamdaman. Na baka pakiramdam mo rin ay para kang magkakasakit sa twing di tayo magkasama kagaya ko. Kung hindi ka rin ba nakakatulog ng maayos kagaya ko at kung nagpipigil ka rin ng husto kagaya ko.”
Nangilid ang luha sa aking mga mata nang mag-angat ako sa kanya ng tingin. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa buong buhay ko. Takot na baka maulit ang lahat. Is he even aware what happened to me? Matapang man akong tingnan ngayon, pero kaya niya parin akong baliin kung gusto niya.
“Tres… please, u-umiiwas na ako… h-huwag mo naman akong paasahin.” Nakagat ko ang labi kasabay ng panglalabo ng aking mga mata.
Ganito ako kahina pagdating sa kanya. Ganito ako kababaw. Ganito ako kabobo at naisasantabi ko lahat ng aking prinsipyo para lang sa kanya. Na kahit anong sabihin niya, paniniwalaan ko agad.
“So you’re really avoiding me on purpose huh…” He licked his lower lip and smirked evily. Iyong klase ng ngiti na hindi nakakatuwa, iyong galit ang makikita mo na kahit ang mga mata niya ay makikita rin ang galit roon.
“Was it about what happened? But you like it, too! Don’t act as if I forced you! You could have punched me and walk away if you didn’t like it from the first place!” He growled at me. Sa unang pagkakataon ay narinig kong lumakas ang boses niya sa akin.
Iyon ang iniisip niyang dahilan? Na hindi ko iyon nagustuhan?
“Gusto ko ’yon! Gustong gusto ko ang ginawa mo! N-Nabitin pa nga ako!” I snapped.
Nagulat siya sa aking sinabi na kahit ako ay nagulat rin. Nawala rin agad ang ekspresyon na iyon sa kanyang mukha at napalitan ng panibago. His lips parted and breathe deeply.
“Then what’s wrong? Ba’t umiiwas ka?” tanong niya sa namamaos na tono hindi kagaya kanina.
Namula ang aking pisngi sa kahihiyan. Ni ang tingnan siya ng matagal ay hindi ko na kaya. Nanginginig ang buo kong katawan sa klase-klaseng emosyon.
Inagaw niya sa akin ang payong at siya mismo ang humawak. His hand lightly pushed me towards him. Ngayon sa sobrang lapit na, tumingkayad lang ako ay mahahalikan ko na siya.
“Give me a one good enough reason for me to avoid you. Kung iyon ang gusto mo. Pero bigyan mo ako ng mabigat na dahilan, Christienne…” Masuyo at nanunukso ang boses na iyon. Na kahit ako, nanginginig narin ang mga labi, natatakot na magkamali ng sagot at baka pagsisihan ko lang sa huli.
“D-Dahil ayoko lang…”
“That’s too shallow. Sige pa.” sabi niya, binasang muli ang pang-ibabang labi.
“D-Dahil…” Gumala ang tingin ko sa paligid, nag-angat ako ng tingin sa kanya na ikinaangat rin ng isa niyang kilay.
“Dahil?” dugtong niya.
“Dahil gusto kong mapag-isa. N-Nag-aaral ako! A-At ayoko ng distraction! Nakakulong si Daddy… N-Natatakot ako na baka lumagapak ako sa dulo dahil masyado na akong nawiwili sa pagsasaya.”
“Iyan na ang dahilan mo?”
Tumango ako, nanghahamon parin ang tingin niya. Na hindi man lang siya natinag.
“Tss, it didn’t even change my mind a little.”
Ngumuso ako. “Distraction ka!”
“Hindi parin mabigat ang dahilan na yan. May iba pa ba?” He titled his head, staring at me.
I clenched my both fist. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, naiiyak na sa mga dahilang nililista ko sa aking isipan. He’s still heartless. And it’s scaring me…
“D-Dahil ayokong sirain ang pangako ko kay Daddy dahil lang sa landiang hindi ko alam kung seryoso ba o laro lang!” I shouted at the top of my lungs, breathing heavily while stopping my tears from coming out. “Y-You’re the one who told me years ago that you hate sweet things, Tres. Ano ito ngayon? Ba’t bumabalik ka at pinaparamdam sa akin na mahal mo ako! A-Ayoko sanang mag-assume k-kaso… h-hindi ko na mapigilan…” Pinalis ko ang mga luhang nalaglag habang tinitingala ang mukha niyang walang reaksyon. “B-Baka laro na naman… B-Baka parte lang ito ng ganti mo… N-Natatakot akong mag-assume na baka m-mahal mo akoㄧ”I thought it’s already clear. My actions were clear… Why do you push me to say cheesy lines Christienne?“ He leered at me.
Umiling ako, pinalis ang luhang patuloy na umaagos at nagmumukhang batang inosente sa kanyang harapan. Umangat ang isa niyang kamay at tumulong sa pagpupunas na tinabig ko lang. Pinunasan niya ulit ang aking pisngi, ayaw magpaawat.
“P-Paglalaruan mo lang ata ako e… Paiikutin mo lang a-ata ako… You’re just going to fool me just like what you did years ago…” Humikbi ako, hindi binaba ang tingin sa kanya habang patuloy na bumubuhos ang luha at siya na mismo ang nagpupunas.
“G-Gaganti ka lang ata sa akin d-dahil sa ginawa ko s-sayo noon…”
“Silly you. Words can fool you, but not my actions. Edi kung binuntis kita iisipin mo parin na gusto ko lang makipaglaro ng bahay-bahayan sa’yo?”
Suminghot ako. Napaawang ang bibig para sana sumagot kaso nauwi sa pagkatutop. He smirked.
“I hate games. It’s tiring…” sabi niya.
“M-Malay ko ba kung laruan lang ang tingin mo sakin?” Muli kong hinawi ang kanyang kamay. Hindi matigil sa pag-iyak sa kanyang harapan. Natatakot na baka bumaliktad na naman katulad ng dati at mauwi na naman ang lahat sa pagsisisi.
“Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin? Do you think I’ll pursue you like this if I’m not serious with you?” Namulsa siya.
Natutop ang aking bibig. Mas bumuhos lang ang aking luha. Gusto ko ng umamin na mahal ko parin siya at natatakot lang ako sa posibilidad na baka maulit lang iyong dati pero nilamon na ako ng aking emosyon. Nauuna ang pag-iyak ko kaysa sa pagsasabi ng nasa loob ko.
“You can’t push me away. Ang totoo niyan, kahit anong sabihin mong rason, hindi parin ako lalayo sa’yo.” Ngumisi siya.
“N-Nakakainis ka!” Parang bata akong humikbi. Yumuko nalang ako at pinunasan ng paulit-ulit ang aking luha. Inangat niyang muli ang aking baba para ibalandra sa kanya ang mukha kong hindi na mahitsura.
“You’re so cute, you make me want to bully you.” Yumuko siya at pinatakan ng halik ang aking labi. Sandali lamang iyon pero sumabog na ako sa halo-halong emosyon.
Pumantay siya sa akin, tumayo siya ng tuwid at ibinulsa ang kamay.
“Let’s go home.” sabi niya na ikinatango ko nalang, tumigil na sa pag-iyak pero humihingos parin.
Naging tahimik lang ako sa kanyang driver seat. Hindi ko alam kung ano talaga iyong nangyari. Tumatakbo parin sa aking utak ang pinagsasabi niya.
“Makakaabala ba ako sa’yo kung nanakawin muna kita ngayon?”
Kunot noo ko siyang binalingan. Nagmamaneho na naman siya gamit ang isang kamay at malamya na naman ang mga matang nasa daan ang tingin. He’s driving like he’s the laziest person to do it with a little energy.
“H-Huh?”
“You told me I’m a distraction. Were you done with your assignments? Baka bukas lutang ka sa klase at sisihin mo na naman ako dahil masyado kitang pinapasaya at iiwas kana naman.” Umismid siya, tinapunan pa ako ng matalim na tingin.
“T-Tapos na akong magreview. Tapos ko narin mga assignments ko. P-Pati iyong advance daw na quiz napag-aralan ko narin.”
“You’re a slowpoke-person. Sigurado ka bang nagstudy ka ng maayos? Baka pagdating sa quiz maging manok iyang papel mo at mangitlog ng zero.”
Ngumuso ako. “I studied hard! Matataas na kaya ang grades ko! Eh kaya naman ako bumabagsak noong highschool dahil tamad ako mag-aral!”
“How about the chores? Done?”
Tumango ako ulit. “My place is clean!”
“Nagdadahilan ka lang ata para madate talaga kita ngayon.” He glanced at me lazily.
“I-I am not making an e-excuse…” Nag-iwas ako ng tingin at itinago ang pamumula ng pisngi.
“Even if it’s not true, I’m still going to date you anyway…”
Chapter 42
Game of Love
This chapter is dedicated to Katlyn Joy Palma Bulawan. Happy reading!
I hope so
Kung nakakarinig tayo ng date, ang pumapasok agad sa utak natin ay kakain sa mahal na restaurant, gagala sa Mall, manonood ng cine, maglakad lakad sa park at magpakain ng ibon, sumakay ng rides o kung ano ano pang masasayang date na ginagawa ng magcouple. Pero kung si Tres mismo ang nagsabi ng idadate ka niya, burahin mo ang ganoong pag-iisip dahil malayong malayo iyon sa pinaplano niya.
Nagscoop ulit ako ng icecream at isinubo iyon. Nakasandal si Tres gamit ang nakatukod niyang mga kamay sa likod habang nasa harap ang tingin. Kapwa kami nakaupo at nandito sa paborito niyang lugar. Iyong may magandang citylights na tanaw na tanaw mo ang kabuuan ng syudad. Ito na ang date para sa kanya.
Kapwa pinaglalaruan ng hangin ang aming mga buhok. Nagtatalo ang aking atensyon sa isang cup na icecream na binili niya sa akin at ang magandang tanawin sa harapan. I reached for our drink and sipped it. Nangangalahati na iyon dahil sa pag-inom niya kanina. Dalawa naman sana ang binili niya kaso iyong isa ay hindi niya ibinigay sa akin at hindi pa iyon binubuksan.
Naalala ko bigla iyong sinabi niyang rason kaya ko siya iniiwasan. Bakit iyon naman ang naisip niya?
“Akala mo iniiwasan kita dahil lang doon sa ano? Iyong…” hindi ko na nadugtungan nang lumingon siya sa akin. Pinahiran niya ang aking labi gamit ang kanyang hinlalaking kamay saka rin iyon inilipat sa kanyang bibig, dinilaan iyon.
“Iyon lang naman ang huli nating ginawa.”
Namula ang aking pisngi. Alangan naman sabihin ko sa kanya ng araw na iyon na masarap siya sa feeling at nagustuhan ko? That’s awkward! Hiyang hiya na nga ako…
“Love is distraction, Tres. Baka bumagsak ako…”
He tsked. “Kung hindi ka nag-aral ng mabuti at itinuon ang atensyon ng buo sa pagmamahal babagsak ka talaga.”
“K-Kaya nga ako umiiwas! Ang laki mong distraction!”
“Instead of avoiding me, why not let’s study together? Graduate together? Hindi mo ba iyon naisip?”
Umiling ako. Ang tingin ko sa kanya ay naninira ng kinabukasan ng mga babae. Iyong pag nagkagusto ka sa kanya ay mapapariwala kana sa buhay mo dahil mas gusto mo nalang itong sambahin. Na kahit anong iwas mo, huli na dahil nahulog kana sa malalim na karagatan at bigong makaahon pa.
“Baka kasi naglalaro ka lang t-tapos saktan mo ako… edi mabobrokenhearted ako at mabablangko na sa pag-aaral. Pag nablangko ako edi babagsak ako, tapos pag bumagsak ako edi wala na… hindi na ako magiging bachelor degree holder.”
He raised his brow at me. “Damit mo lang ang sisirain ko, hindi ang kinabukasan mo.”
I blushed hard. Sa sobrang pagpipigil ng emosyon, nasapo ko na ang aking dibdib na sobrang lakas ng pintig roon. I can’t contain my feelings again. Paano niya nagagawang magbitaw ng mga salitang parang bomba kung pasabugin ako at kalmado lamang siya?! This is so unfair! Pinapasabog niya ang dibdib ko!
“Y-You’re wrong! Pati ribcage ko sinisira mo! Gosh…” Huminga ako ng malalim, hindi na alam kung papaypayan ba ang sarili at sumubo nalang ng isang scoop ng icecream. Doon lang ako natauhan dahil masyado palang malaki ang naisubo ko.
“Damn it’s cold!” Natataranta akong naghanap ng pwedeng paglagyan noong icecream na iluluwa ko na sana kung hindi lang ako hinila ni Tres palapit sa kanya at inangkin ng buo ang aking labi.
His tongue made its way in and starts to gather some of the icecream. Nanlalaki ang mga mata ko sa kanyang ginagawa. Linilipat niya na ang kalahati sa kanyang bibig saka rin siya lumayo sa akin. Umangat ang kanyang kilay, matalim ang tingin.
“You’re careless.” Iritado niyang sabi pagkatapos iyong kainin.
Ngumuso ako at nahihiyang sumubo ulit ng maliit. He even wiped the side of my lips.
This wasn’t the date I’m dreaming. Pero iyong kasama ko lang siya, nakokontento ako sa ganito lang, nakaupo, kumakain ang ice-cream at nanonood ng citylights kasama siya sa madilim na gabi.
Ang plano kong iwasan siya at huwag nang ipagpatuloy itong nararamdaman ko ay tuluyan ng nabura sa aking listahan. Gumagawa na ulit ako ng panibago at sinusulit ang araw na magkasama kami.
Matataas ang aking grado dahil sa kanya. Siya na ang nagiging tutor ko sa mga subjects na hindi ko maintindihan. Wala akong naging problema sa aking mga subjects at sa pagsasabay namin palagi ni Tres.
He’s right. Hindi siya iyong tipo ng lalake na imbes makasira sa pag-aaral mo, mas makakatulong pa sa subjects mo. He’s very mature at alam kung paano ilalagay sa tama ang mga bagay bagay. Madali niyang nahahandle ang sitwasyon na kahit ako, kayang kaya niya ring ihandle ng maayos nang hindi ako nakakaramdam ng takot na baka nauuna ko na siya kaysa sa aking tunay na pakay.
“Alam mo, tuwang tuwa si Daddy kasi matataas ang grades ko! And I’m glad na healthy pala siya sa loob. Buti nalang may naaawa sa akin na police officer at tinutulungan si Daddy roon para hindi na daw ako malungkot.” Pagkukwento ko kay Tres nang magroadtrip kaming muli. It’s Sunday.
He has his rules before he dates you. Dapat tapos kana sa assignments, gawaing bahay at wala ng gagawin kung hindi, hindi ka niya ilalabas at kahit siya ay hindi magpapakita sa’yo sa araw na iyan pag hindi mo natapos.
Siya pa mismo ang nagchecheck kung tama ba ang assignments ko, at pag tama, doon lamang ako nakakalabas ng apartment para sumama sa kanya.
“Lalake?” tanong niya.
Tumango ako. “Yep! Isa sa mga naisayaw ko noong debut ko sa loob ng presinto. I thought they’re bad lalo na’t noong bata ako ay nakikita ko sila sa tv, nangdadampot ng tao tapos ikukulong. Pero ngayon hindi na ako takot sa kanila. It’s just part of their work.” Ngumiti ako at hinawi ang buhok kong tumakip sa aking mukha dahil sa hangin.
Hindi na siya sumagot pa at nanatili lamang ang madilim na misteryosong mga mata sa daan. Ako naman talaga palagi ang madaldal at siya ang palaging nakikinig.
Naging tahimik ako sandali, pero nang maaalala ko si Addison, nanlalaki rin ang aking mga mata.
“D-Diba may girlfriend ka?! Si Addison!” Iritado siyang napatingin sa akin, nagagalit na ata sa kaingayan ko at sa malakas kong boses, o baka naman sa sinabi ko?
“She’s not.” inis niyang sabi. “Is that the reason why you lied to me? Claiming that guy as your boyfriend?” Now he sound pissed.
“Si Marco?”
Nilingon niya akong muli, mas matalim na ang tinging ibinibigay.
He knew I was lying? At bakit niya naman iyon naisip? Am I too obvious? Oh just great.
“I just said it for you to think that I’m already over you! At ’tsaka narinig ko si Addison na boyfriend ka raw niya eh. And I heard Leeland telling you’re always together! He even said na you’re always on that Bar…”
Kumuyom ang kanyang kamao sa pagkakahawak sa manibela, na kahit ang panga ay umigting. Hindi naman galit ang ekspresyon pero hindi nagbabago ang mga matang akala mo ay sinasapian na ng kung anong demonyo kaya ganoon nalang kadilim iyon. He’s scary…
“Nagpapauto ka parin ba sa mga salitang naririnig mo?” Hindi nawawala ang inis roon.
“O-Of course not! I am mature enough to handle words now! Hindi na kaya ako naniniwala ng mabilis. It’s just my stupid heart overeacting… kumikirot.”
Ngumuso ako at binalingan siyang mukhang may malalim na iniisip. Kung magkakaroon talaga ako ng kapangyarihan, gusto kong makabasa ng isipan ng mga tao. I am always curious what’s on his mind. They say, the silent the person is, the louder they think. Maybe marami siyang mga ikinukubling salita at ayaw lang ilabas.
“Anyway, h-how did you know I was lying?”
“I just know,” sigurado niyang sabi, na hindi siya nagkakamali sa alam niya.
“Siguro pinapasundan mo ako ’no?!” I pointed him while laughing, tuwang-tuwa sa akala.
He just shrugged, walang balak magsalit kaya inabala ko nalang ang aking sarili sa ibang bagay. Nilagyan ko ng cd iyong harap ng kanyang kotse. Iyong mga kanta ni Taylor Swift naman ang pinatugtog ko. I’m a Swiftie! I admire her alot! Gandang ganda ako sa mga sinusulat niyang kanya. Inspirasyon niya iyon sa mga ex niyang walanghiya.
“We! Are never ever! Getting back together! Weeeee! Heeee! Are never ever! Getting back together! You go talk to my friends talk to my friends talk to me!” Pagsasabay ko roon sa kanta sa kabila ng nagkakasalubong na kilay ni Tres at mukhang hindi maappreciate ang boses ko.
“I’m singing!” Natawa ako dahil sa ekspresyon niyang hindi na maipinta.
“Are you heartbroken?”
Umiling ako.
“Eh ba’t puro pangbrokenhearted iyang pinapatugtog mo?”
“Uhm, because the song is nice?”
He tsked and licked his lower lip. Nagpatuloy ako sa pagkanta habang siya naman ay nakapatong na ang kamao sa gilid ng ulo, ang siko naman ay nakatukod sa nakabukas na bintana at magkakasalubong ang kilay habang nagmamaneho. He looks like bothered pero mas pinapaibabaw ang pagsusuplado kaya hindi mo talaga matukoy iyang nararamdaman niya.
Tumigil kami sa isang kawalan. Wala akong nakikitang mga gusali sa paligid at puro lang pine trees. Magaganda ang nakikita kong puno. Parang isang palasyo ang nasa dulo nitong daan kaya ganoon nalang kaganda ang natatanaw ng aking mga mata.
Nagmamadali akong bumaba at tumakbo roon sa halos cliff na. I saw the small buildings. The city looks small in here!
“Oh my gosh! They look small!” Pinagtuturo ko ang mga nakikita kong building at nilingon si Tres na nakahalukipkip habang nakasandal sa kanyang kotse, pinagmamasdan lang ako.
“I’m sure pag gumabi ang ganda ganda na rin dito! Wow! Gusto ko bigla magzipline patungo sa baba!” I chuckled while holding some strands of my hair.
“What do you think, Tres? That’s fun! Magzizipline ako pababa!” Natatawa ko siyang nilingon at nakita siyang hawak ang kanyang cellphone, nakatutok sa’kin. I pouted and ran towards him.
“Hey! Stolen shots yan ’no? Patingin!” I tried to reach his phone pero iniatras niya iyon, nakatutok parin sa’kin.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. “Are you filming me?” I asked him and tilted my head just to see his face.
“Why would I even film you?” sabi niya at isinunod sa aking galaw ang kanyang cellphone.
I chuckled. “You’re filming me!” I pointed his phone.
“I’m not,” he said lazily.
“Oo kaya! Patingin kasi ako! Baka ang weird ko na diyan!” Inabot ko iyon kaso inilayo niya lang iyon sa akin.
“Hindi nga,” sabi niya.
“Eh ba’t nakatutok sakin ang phone mo?”
“I’m texting.”
“Using your one hand?”
“Yeah. Cool isn’t it?” sabi niya, walang gumuhit na ekspresyon sa mukha.
Malutong akong natawa. Pinulot ko iyong mga tuyong dahon at itinapon sa kanya.
“Liar! You’re filming me!”
Isinandal niya ang kanyang pwetan sa ulo ng sasakyan at hindi parin binababa ang cellphone. Ba’t ayaw niya nalang aminin na vinivideohan niya naman ako?
Pumulot ako ng mga tuyong dahon at itinapon iyong lahat sa itaas ko. I turned around repeatedly together with my dress. I smiled sweetly at Tres and laughed afterwards when I realized some of the leaves went to my hair.
Ang mga mata niyang nasa cellphone niya kanina, ngayon ay umangat na at napunta sakin mismo.
“My Mom and I used to do this. Lalo na noong nasa Japan kami! And then Daddy would laughed at us kasi para daw kaming bata ni Mommy.” natatawa kong pinagkukuha ang ilang dahong dumikit sa aking buhok.
“Come here,” sabi niya kaya lumapit ako.
Nagiging kalebel ko na siya dahil sa kanyang pagkakaupo sa kotse. Ang isang hita ay nakapatong sa isa.
Ibinaba niya ang cellphone kaya nahulog rin ang aking tingin roon. .
“I knew it! You’re filming!” Natatawa kong kinuha sa kanya iyon. Binitiwan niya naman at nasa pagkukuha ng dahon sa aking buhok ang atensyon.
Tumatakbo parin ang video kaya itinututok ko sa kanyang mukha. Kahit ata sa camera ay perpektong perpekto siya. Kahit suplado ang mukha, ni hindi man lang ngumiti, ang guwapo parin! Kahit saang angle gwapo!
“Hi Grandpa! Why are you so grumpy?” Interview ko na ikinabusangot ng kanyang mukha. Humalakhak ako at inistretch ang kanyang labi. His thin lips stretched while I’m laughing harshly. Ni hindi man lang ako pinigilan.
“Aww… you’re cute when you smile!” Hinawakan ko ang kanyang panga at mas itinutok pa ang camera sa kanya. I leaned forward while he open his legs widely for a better access.
“Ang perpekto naman ng mukha mo! Ang guwapo mo sana kaso hindi ka palangiti!” I said softly while looking at him on the screen.
I saw how he smirked evily. Kunot noo akong napatingin sa kanya mismo pero laking gulat ko nalang nang umekis ulit ang kanyang mga paa, tuluyan akong kinukulong at nagawa pa akong itulak sa kanya. Tuluyan akong nawalan ng balanse at napahawak ako sa kanyang magkabilang balikat. My eyes widened when his lips met mine. His both hand were now on my waist, holding it.
I was so shocked and pulled away. Kaso nakalimutan kong nakakulong parin ako sa kanyang mga hita kaya itinulak niya akong muli palapit sa kanya. He was now smirking evily at me when I lost my balance again. Sa sobrang lapit, halos magbungguan na sa isa’t isa ang dulo ng aming mga ilong.
Gumala ang kanyang tingin sa kabuuan ng aking mukha. Ipinalupot ni Tres ang isa niyang kamay sa aking baywang habang ang isa naman ay nakahawak na sa aking baba.
Ngumuso ako at hindi makatingin ng deritso sa kanya. Kung titigan lang, alam kong matatalo agad ako.
“Ang kulit siguro lalo kung magiging doble ka,” he whispered while looking intently at me.
“Huh?” Kunot noo kong tanong.
“Your small version… our daughter,” aniya.
My eyes widened. Lalo na nang makita kong ngumisi siya at nanunuyang tumingin sa aking labi habang hinahangin ang aming buhok.
Yumuko siya at pinatakan ng halik ang aking labi. “It’s probably a headache for a man like me to have a daughter who resembled her Mom’s stubbornness…” bulong niya at muling inaatake ng mabagal na halik ang aking labi.
Namumula at hindi makapagsalita, nahulog sa pagpikit ang aking mga mata sa pagpikit. His kisses were sweet and passionate. Naliliyo ako sa kanyang halik, sa kamay niyang nakahawak sa aking pwetan at dinadaanan iyon ng nakakapanindig balahibong haplos.
His tongue flicked inside my mouth. Halos nakawin ko ang hangin sa kanyang bibig dahil sa mga halik niyang lumalalim at nagiging agresibo.
Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Kung hindi lang mahigpit ang pagkakaipit ng kanyang mga hita sa akin, baka napaupo na ako sa sahig.
Tres nibbled my lower lip as his hand travel at my back sending shivers down my spine. Nananayo ang aking balahibo nang humaplos iyon sa aking beywang at mas hinalikan ako ng nakakalasing na paraan.
Kahit gustuhin ko mang mapanatili ang sarili sa huwisyo, natutulak parin ako sa kapusukan at naghahangad pa lalo.
He pulled away. Huminga ako at iminulat ang mga matang inaantok. Hinihintay kong lumapat muli ang kanyang labi pero mukhang tapos na siya sa binabalak niya. At ako heto, sinsikap paring hilain ang sariling nalulunod sa makamundong pagnanasa.
“Siguro kung sa umpisa palang sweet kana at mabait sakin, naging crush rin siguro kita noong first day of school.” sabi ko, nahuhulog parin ang tingin sa kanyang labi at sinisikap nalang iakyat ulit sa kanyang mga mata.
“I’m not a playboy,” sabi niya.
“I mean yung sweet sa mga babae! Palangiti! Friendly!”
“Playboys are like that.”
“I mean… siguro kung noon palang ganito kana sakin, baka sa umpisa palang crush na kita.”
“Ayoko rin sa madaldal at makukulit kaya matutulad ka lang doon sa mga babaeng binasted ko.”
“Hey! I didn’t say I’m going to court you!” marahan ko siyang sinapak.
“Basted ka parin.”
Ngumuso ako. Edi laking pasasalamat ko pala dahil hindi ako nagkainteres sa kanya noong una. Ang aga ko sigurong naging brokenhearted.
Minsan lang ganoon si Tres. Iyong sweet at nanghahalik. He’s serious and cold all the time. Pa mood mood lang iyong pagiging touchy niya. Kung gusto niya akong hahalikan, hahalikan niya ako. Kahit saang lugar pa iyan basta gusto niya. Nakakaadik man iyon at gustuhin ko mang araw-arawin, hindi ko rin naman siya napepredikta.
“Hey Dad! How are you po?” tanong ko kay Daddy nang umupo na siya sa aking harapan.
“I’m fine hija, and you? Your studies?”
“I’m doing great Dad! Matataas parin po ang grades ko!” I said proudly.
“Really? Gaano na ba katalino ang prinsesa ko at hindi na siya nagpapatulong sa akin sa iba niyang subjects?” He leaned closer, grinning. “May dapat ba akong malaman?”
Namula ang aking pisngi at tumango.
“Remember Tres, Daddy?”
“Hmm, Tres? Your former crush? What about him hija?” May pagdududa na ang boses na iyon. Na kung makikita ko lang ang kanyang utak, sigurado ako nagpatong patong na ang mga haka haka niya roon.
“He’s helping me with my studies, Dad. We’re schoolmates and… uhm, we…” Gumala ang aking tingin, hindi na mapirmi.
“We?” Paggaya niya sa akin, gusto agad iyong dugtungan.
I leaned closer to him and whispered. “We kissed, Daddy…”
His eyes widened. Natakpan ko agad ang aking mukha.
“Christienne Red Valerio, why didn’t you tell me earlier that you already have a boyfriend!” Dad says as he tried to pulled my hand to stop me from covering my face.
“You know I like him alot Daddy! At ’tsaka we’re not doing it naman.”
Nanliit ang kanyang mga mata sa’kin. Humagalpak agad ako ng tawa na ikinatawa niya rin.
“Just because you’re turning 19 you’re already old enough, sweetie. Di naman kita pagbabawalan, pero maawa ka sa’kin, h’wag ka munang magpabuntis. Nasa loob pa ako. I don’t want my apo to think that I’m a bad person.”
“Daddy! I’m already mature! Alam ko ang limitasyon ko at hindi pa ako handang pumasok sa ganoon. Masaya lang ako dahil ganoon kami ni Tres.”
Tres and I were taking things slowly. Kahit wala munang label, alam ko namang may patutunguhan ito. At alam kong may namamagitan na sa aming dalawa, higit pa sa kaibigan.
My Daddy smiled. “At masaya ako dahil may nagpapasaya sa’yo sa labas. Pero akala ko sa lalakeng iyan hindi ka gusto. What happened?”
“I don’t know either Daddy…”
Hinawakan niya ang aking baba at ginalaw-galaw.
“Sino ba kasing lalake ang matatanggihan ang katulad mo?”
We both laughed. Pero sumeryoso rin ang kanyang mukha.
“But please, Christienne. Don’t be so into it. Baka pag saktan ka niyan hindi mo kayanin. Wala ako sa labas at di ko iyan masusuntok pag pinaiyak ka.”
“Don’t worry Daddy. I know Tres is not like that. He won’t hurt me.” sigurado kong sabi.
“I hope so, sweetie. I hope so…”
Chapter 43
Game of Love
I’m Warning You
“Miss may seatmate kana?” tanong noong lalake sa akin. Unang araw na nama ng pasukan. Third year na ako at isang taon nalang, gagraduate na.
My summer was normal. Trabaho, roadtrip, tapos pagkukulong sa kwarto. Si Tres ang namimili ng aking mga kailangan. Iyon ang nagagawa niya sa akin na hindi ko talaga magawa ng maayos dahil alam kong pagkakaguluhan na naman ako. My father’s issue is not as hot as years ago. Pero ewan ko ba, nakasanayan na talaga ng mga tao na insultuhin at pahiyain ako.
“Uhm, wala naman…” I smiled a bit. May mga subjects pa rin kasi akong hindi ko kaklase si Tres. Ang alam ko mag a-architect iyon eh. Palagi kasing akin iyong topic namin at hindi naman siya mahilig magsalita.
The guy smiled at me sheepishly and sat beside me. Itinuon ko ang tingin sa labas ng bintana, wondering if Tres is thinking about me right now.
Naging okyupado rin naman ang ako sa pagpasok ng prof. Katulad ng first day, pagpapakilala sa sarili at introduction lang ng lessons buong semester ang nangyayari.
After noong klase, excited akong pinagliligpit iyong gamit ko.
“Tulungan na kita.” The guy who sat beside me helped me with my things.
Huli na para tumanggi dahil kinukuha niya na ang iba kong gamit. Kilala niya ba ako?
“Uhm, I am a Valerio. Di ka ba galit sa’kin?” tanong ko sa kanya noong kinuha niya ang aking ballpen at ibinigay sa akin.
Umiling siya at tumawa. “Bakit naman?”
“Dahil sa issue ni Dad?”
“Hindi eh.” His lips formed a smile. Ang two by two cut nitong buhok at balingkinitang katawan ang kumuha noong atensyon ko. Ang buhok ay maayos na nakasuklay at parang isang mabuting anak.
Nakita ko ang pagpasok ni Tres saka ibinalik sa mga gamit ko at mas binilisan ang galaw dahil sa kanyang presensya.
“Thank you,” sabi ko sa lalake na mas ikinangiti niya.
“Walang anuman, ganda,” akmang hahawakan niya ang aking ulo nang masalo na iyon ni Tres sa ere. Kapwa kami napatingin sa kanya. His eyes were settled at me, ang isang kamay ay nakabulsa na naman. The usual Tres I used to.
“A-Ah… m-may problema ba?” tanong noong lalake.
“That’s my girl you’re trying to touch,” sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko. Nahihiya akong tumayo at mabilis siyang hinila paalis roon.
“Tinulungan niya lang ako,” sabi ko sabay simangot.
Namulsa siya at nakatingin na ng buo sa daan.
“Halatang dumidiskarte ’yon sa ’yo,” giit niya sa matabang na boses.
Ngumuso ako. “Bigla niya nalang pinagkukuha ang things ko. Ang bastos ko naman kung aagawin ko sa kanya pabalik.”
His face wrinkled like I said the most stupid thing ever.
“Selos ka lang e!” I pointed his face and chuckled. “Uy, seloso!”
He tsked. “I am.”
Imbes na matuwa, namula ang aking pisngi sa kahihiyan. I can’t get enough of him. Palagi talaga akong pinapamulahan ng pisngi at minsan ay nabablangko pa. His effect on me is getting bigger. Iyong tipong nagkakaroon ng depekto ang buong parte ng aking katawan dahil sa kanya. My feelings were worsening the situation everytime he strikes, halatang halata talaga iyon sa aking mukha at sa pagkakatigil ko.
“May nakasundo ka ba sa iba mong subject?” tanong ko sa kanya noong matapos lahat ng aming klase. Magkatugma kami sa uwian eh. Pati narin sa mga break time.
“Kasundo ko iyong subject,” he said lazily while driving on his car with his one hand and leaning on his seat looking so perfectly hot.
Tumawa lamang ako. As usual wala na naman siyang nagiging kaibigan. Hindi ko na siya pinapayuhang makipagkaibigan sa iba dahil maski ako, hirap narin ngayon. At okay naman ako sa ganitong set-up! Hindi ko lang talaga masabi sabi kay Daddy dahil ayoko siyang bigyan ng poproblemahin sa loob. Ang alam niya lang ay matataas ang grades ko at palaging masaya.
“Sila na ba niyan?”
“Oo mukhang sila na tinatago lang niyang si Valerio. Alam mo naman, baka natatakot maagawan. Eh iyan nalang ang lalakeng nahahawakan niya sa leeg at nauuto niya.”
“Kailan ba mauuntog ang guwapong iyan?”
Those were the normal good afternoon for me. I smiled at them and greeted them my sweetest ‘good afternoon’ too. At as usual, nagsiirapan na naman. I just smiled, tuluyan nang nasasanay sa mundong hindi parin sanay sa akin.
Hindi nagbago ang routine ni Tres. He’s been like that for almost 2years at natatakot ako baka bukas niyan magising nalang akong pagod na siya. Wala naman kaming relasyon dalawa pero malinaw sa akin kung ano ang namamagitan sa amin. It’s more than friendship. Minsan nga boyfriend ko na ang turing sa kanya. Pero nandoon parin iyong pagpipigil dahil baka bumaliktad na naman bigla ang sitwasyon.
Hindi ako naniniwala roon sa iniisip ni Daddy na baka masaktan lang ako. Sa nangyayari ngayon sa amin ni Tres, kontento naman ako at mukhang wala rin siyang planong saktan ako. Alam ko iyon. Ramdam ko.
“I’m so tired!” Bumagsak agad ang aking sarili sa sofa. Si Tres na mismo ang nagsara ng pintuan.
“You have an assignment,” sabi niya nang magtungo siya sa ref para kumuha ng bottled water.
Nakasimangot akong tumayo at nagtungo sa kanya. Kinuha ko ang bottled water pagkatapos niya iyong inuman saka lumagok roon.
“And it’s math! Ugh!” Naf-frustrate kong sabi.
“Do it now, since I’m still here.” sabi niya na agad kong ikinatango.
We sat on the couch while he’s helping me with my assignments. Nakapangbahay na ako habang siya naman ay nakagrey na tshirt lang paired with maong shorts.
“Nagiging matalino ako sa subjects ko pag ikaw ang nagtuturo. I wonder why…” sabi ko sa kalagitnaan ng pagsusulat.
“Your mind is obedient when it comes to me,” sagot niya. Tamad ang mga matang nasa akin ang atensyon habang nakatukod ang siko sa tuhod at nakasandal ang baba ang sa kanyang palad.
I glanced at him and smiled sweetly. “I am really obedient to you, since then!”
“Nah, you’re stubborn. Pag pinapauwi kita umuuwi ka ba agad? Masyado kang makulit at ayaw humiwalay sa akin. Clingy,” umangat ang kanyang kilay, nang-aasar ang tono ng pananalita.
Imbes na sumagot, nahihiya nalang akong ngumiti at ibinalik ang tingin sa notebook ko. I don’t want to talk about it. Baka kasi maungkat iyong rason kung ba’t ko iyon ginagawa. Alam pa naman niya iyong rason. Magiging paranoid lang ako at gagawa na naman ng panibagong listahan sa aking utak.
“Done! Thank you so much!” I immediately kissed his cheek after close my notes. Nasira rin agad ang kanyang ekspresyon at naiiritang pinunasan iyong pisngi niya. He’s always like that pero di naman ako pinipigilan!
“Arte mo! Sabi ko naman sa’yo yan ang reward pag tinuturuan mo ako ’di ba?” pagpapaalala ko sa kanya.
“Kaya ba sinasadya mong walang alam kunwari sa subjects mo para maturuan kita at mahalikan mo ako?”
“Hoy! Of course not! Ikaw nga diyan ang nag-iinsist na turuan ako e,” I laughed.
Itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa gilid ng sofa at halos humiga na roon, tumingala siya at ipinikit ang mga mata.
“Dahil pag bumagsak ka, magdadrama kana naman. You know how I hate it,” he said in a deep voice.
Humalakhak ako. Akmang may sasabihin sana kaso natakpan rin iyon ng malakas na buhos ng ulan sa labas.
My eyes widened. “Tres it’s raining!” Tumayo ako at mabilis na tumakbo sa may bintana, hinawi ko ang kurtina at tama nga ang hinala ko na malakas talaga iyon.
“Paano na yan, edi hindi ka muna makakauwi?” nilingon ko siya na ngayon ay nakaupo na ng maayos sa sofa.
“Parang ganoon na nga,” wala sa sarili niyang sabi at parang may binubuo sa isipan niya.
I went to my room and immediately clean it. Buti nalang may extra pillows ako and comforters.
Malamig ang ihip ng hangin sa bintanang naiwan kong nakabukas kaya laking gulat ko nalang nang may lamok nang umaaligid sa loob, tila naghahanap ng madadapuan.
Napatili ako at nagtatakbo palabas kung hindi lang talaga humarang si Tres sa may pinto ay hindi ako mababangga sa kanyang dibdib at matitigil.
“There’s a mosquito in my room!” Nagmadali akong nagtungo sa kanyang likuran at nagtago roon.
“Ano ka bata?” Iritado niya akong nilingon rito sa kanyang likuran, lalo na’t nakahawak pa ako sa magkabila niyang balikat at sumisilip sa harapan para hanapin iyong lamok.
Tiningala ko siya. “They’re scary! Noong bata ako, nakagat ako ng lamok at nasugod ako sa hospital. I really thought I’m going to die that time! Kaya simula noong lumaki ako, takot na ako sa kanila.”
Nailing siya, umabante kaya nahila ko ang kanyang tshirt. Nilingon niya akong muli.
“W-What are you going to do?” tanong ko.
“I’m going to pet it,” sarkastiko niyang sagot.
Ngumuso ako at tuluyang napabitaw nang dumako ang tingin niya sa dulo ng kanyang suot kung saan ako nakahawak.
“Just shoo it away! Palabasin mo nalang sa bintana!”
“Pag palalabasin ko yan, magtatawag siya ng kagrupo at susulungin ka dito. Gagawin ka nilang ulam.” sabi niya sa baritonong boses at may kung anong tinampal sa kanyang braso na nagpagulat sa akin.
Hindi ko alam kung totoo ba iyong sinabi niya pero nabura rin iyon agad sa aking isipan at tumakbo papalapit sa kanya.
“You killed it! There’s a blood on your arm!” Nanglalake ang mata ko noong hinawakan ko iyon para tingnan ng mabuti.
“Ignorante,” sabi niya.
Sumimangot ako. “Kasalanan ko ba kung takot ako sa kanila?”
“Kasalanan ng lamok at ipinanganak siyang ganoon ang papel sa mundo.”
Natawa ako at iniwan rin siya roon. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aayos ng aking bedsheet. Kung hindi man tumila agad ang ulan, ito ang kaunaunahang beses na matutulog siya sa kwarto ko.
Nasanay na ako sa presensya niya kaya nasasanay narin ako.
“Dito kana matutulog? Umuulan e, di ka makakauwi.” sabi ko.
Hindi siya sumagot. Lumapit lang siya at kinuha iyong hawak kong unan saka naglakad roon sa may sofa. Kunot noo ko siyang tiningnan.
“Diyan ka matutulog?”
“Anong gusto mo, sa kama at katabi ka?” Umangat ang kanyang kilay sa akin pagkatapos niyang ilapag ang unan roon sa dulo.
“Oo,” I blurted. “Malaki ang kama ko at kasya tayo. Magtatabi lang naman.”
“Ayaw kitang katabi,” sabi niya at humiga na roon, itinatakip ang braso sa kanyang mga mata habang ang isang kamay ay nasa may tiyan. Ang mahahaba niyang biyas ay nakatungtong sa dulo noong sofa dahil hindi na siya magkasya roon.
“Ang hirap kayang matulog sa sofa! At hindi ako malikot ’no!” Umupo ako sa aking kama at itinukod ang dalawa kong siko sa magkabilang tuhod na magkakadikit saka ko ipinatong ang baba sa mga palad, nasa kanya ang tingin.
“Malikot ako,” sagot niya.
Kaya ba sobrang laki noong kama niya? Sabagay, nasanay na siya sa ganoon e. At hindi siya sanay sa sofa!
“Gaano kalikot?”
“Sa sobrang likot mapapatungan kita.”
I swallowed hard when I felt my cheeks burned in heat. Alam mo ang kanyang tinutukoy at naimagine ko nalang bigla. Gosh!
Gumapang ako sa aking kama at humiga roon.
“Okay. Diyan ka nalang.”
Hindi na siya sumagot. Nanatili naman akong nakaharap sa kanyang direksyon, hindi halos maisara ang mga mata dahil kahit iyong antok ay walang planong dalawin ako. Ang tanging dumadalaw lamang sa akin ay tuwa.
“Tres?”
“Oh?” sagot niya, nanatili parin sa ganoong posisyon.
“Tulog kana?”
“Oo.”
Ngumuso ako. “Liar!”
“Matulog kana.”
“I can’t sleep…”
Hindi siya sumagot.
“Tres,”
Hindi na siya sumagot pa kaya bumuntong nalang ako ng hininga at tumihaya sa kama. Tinitigan ko ang kisame, nang hindi ako makontento ay nilingon ko siya.
Ngumuso ako. “Makakatulog ka ba diyan ng maayos?”
Hindi siya sumagot kaya mas napanguso ako. Ibinalik ko ang tingin sa kisame at bumuntong ng hininga.
Narinig ko nalang siyang nag “tsk” kaya mabilis ko siyang nilingon na tumatayo na at dala dala iyong kanyang unan. Itinulak niya ang sofa palapit sa aking kama saka idinikit iyon sa aking kama. Doon siya humiga ulit kaya mabilis rin akong umusog sa dulo ng aking kama para makatabi siya. Mabuti at magkalebel lang iyon.
“Di ako makatulog e, kwentuhan muna tayo…”
He covered his both eyes with his arm again. Ang tanging klaro lang sa akin ay ang ilong niya at panga. His lips were a bit parted.
“Di ako nakakatulog ng maayos pag umuulan e. Pag ganoon kasi, palagi akong napapagitnaan ni Mommy at Daddy dahil alam nilang takot ako sa kulog. But I really like the rain! Diba ang weird?” I laughed soflty.
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagkukwento.
“Sure ako namimiss ako ni Daddy ngayon. Alam niya kasi na pag umuulan ng malakas, nasa kwarto na nila ako. I hope he’s not worried about me. Nandito ka naman…”
I moved a bit towards him. Yakap yakap ko iyong teddybear at nakaharap ng buo sa kanya habang siya ay nakatihaya doon, hindi parin inaalis ang kamay sa may tiyan niya. Napansin ko ang tshirt niyang umangat ng bahagya at nakikita ang balat ng kanyang tagiliran. It looks firm and hard. May structure ng muscle akong napupuna roon.
“Tulog kana?” tanong ko.
“Kung matutulog ako, wala nang makikinig sa’yo at magmumukha kang baliw diyan kakasalita.”
“I can’t help not to talk, I’m sorry!” I laughed again.
Hindi na ulit siya sumagot kaya hindi na ako nagpaawat sa pagkukwento sa kanya ng kung ano ano. Kinwento ko sa kanya iyong masasaya kong araw noong kasama ko si Mommy at Daddy. Iyong tawanan, kulitan, at masasayang alaala na iniwan saakin ni Mommy. Hindi na ako nalulungkot dahil alam kong okay na siya ngayon. At sigurado ako na mailalabas ko rin si Daddy roon sa presinto.
Nang wala na akong maisip pang ikwento ay tumahimik rin ako. I feel sleepy now. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata kung hindi lang talaga nagsalita si Tres.
“So, you done talking?”
Tumango ako, “Yup…” halos ibulong ko nalang iyon at antok na antok na.
Sa nanlalabong mga mata, nakita kong inangat niya ang kanyang braso at nilingon ako. I slightly closed my eyes.
“Kung di ka makatulog sa sofa pwede naman sa tabi ko…” wala sa sarili kong sabi sa mahinang boses dahil sa kaantukan.
“I’m a man, you know.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngayon ay nakatagilid narin siya katulad ko at nasa aking ang buong atensyon. Nakatukod ang kanyang braso at nakapatong sa kamao ang gilid ng kanyang ulo. Iyon nalang ang tanging parte ng katawan niya ang hindi nakahiga sa sofa.
Kumurap ako ng dahan dahan, sa inaantok kong mga mata, nakita ko ang malalim niyang titig sa akin. Kung paano niya inangat ang ilang hibla ng mahaba kong buhok at inamoy iyon. I am facing his chest now.
“I wanted to tease you right now but I don’t want to end up being teased by you… Knowing you…”
“Huh? Di naman ako gumaganti sa pang-aasar mo.” sagot ko sa nakasaradong mga mata, gusto nang matulog ngunit gusto ring makipag-usap sa kanya. Kung kailan inaantok na ako diyan pa talaga siya gaganahan sa pakikipag-usap! How unfair…
“You’re a tease to me.”
Hindi na ako sumagot. Ibinalot ko ang sarili lalo ng kumot dahil sa lamig na gawa ng ulan sa labas. Wala sa sarili akong umabante lalo sa kanya para sumiksik sa nakabalandra niyang dibdib sa akin.
“It’s cold…” daing ko.
“How cold?” tanong niya sa malim at garalgal na boses.
“Ang lamig noong bedsheet ko.” reklamo ko at isiniksik na ang mukha sa kanyang dibdib. Tanging teddybear nalang ang pumapagitna sa amin. Naiipit iyon at nasiksik na sa may tiyan ni Tres.
“Is this your way to demand a cuddle?” He whispered huskily.
“Malamig naman talaga.” sagot ko sa pagod na boses.
“I’ll warm you.”
Naimulat ko ang aking mga mata at nag-angat ng tingin sa kanya. He was not yet lying down, nakasandal parin ang kanyang ulo sa kanyang kamao. Tinitingala ko nalang ang guwapo niyang mukha.
“How?” tanong ko.
“Kiss,” simple niyang sagot na ikinainit ng magkabila kong pisngi. I got excited all of a sudden.
Hindi na ako sumagot pa, hinihintay nalang ang pagyuko niya at halikan ako. Kaso habang tumatagal, wala naman siyang ginagawa kaya ngumuso ako.
“You’re not doing it. Was it because you’re holding back?” fustrated kong tanong. Damn, Red! Wake up! Kunwari inaantok ka pala ha! At kunwari dala lang ng kaantukan iyang pinagsasabi mo ha! Umaatake na naman iyang kapilyahan mo!
“I’m fine with doing it, if you kneel down on the ground and say in your sweetest voice… ‘please kiss me Tres’ while smiling.” halos bulong nalang iyon dahil sa mahinang boses ngunit malalim at nang-aakit.
Ang antok na nararamdaman ay tuluyan nang tumakas sa akin. Nasipa na iyon ng kung ano sa loob ko at naghahangad na ng panibagong sensasyon.
“We’re not going to do it naman… just a kiss.” Oh hell. What am I saying? Damn it, Red! Wake up from that lust or else you’re going to regret it again!
That’s what my mind screams. Pero iyong kagustuhan kong mahalikan niya ay hindi nagpapatalo. Kumakalat na ang pagnanasang iyon sa buo kong katawan at gusto kong mahalikan niya ulit ako. I am so addicted and so into it that I’m willing to make a first move for us ko kiss! Ganoon na ako kadisperada! Nawili na ako sa kanyang halik at para iyong gamot na pag hindi ko natikman, hindi ako gagaling sa nararamdaman kong kakaiba ngayon.
“I want a kiss from you, Tres.” I said clearly, making his lips part a bit. Para siyang suminghap ngunit dinilaan iyong pang-ibabang labi saka ulit sisinghap. His eyes were filled with something else… something forbidden, something rough and wild…
“Hindi naman natin gagawin…” dagdag ko, tuluyan nang nawawala sa sariling huwisyo.
I heard him cursed and grabbed the teddybear between us. His hand went to my butt and pushed it towards him. I moaned when I felt his crotch met mine. Sinamantala niya ang pag-awang ng bibig ko para halikan ako ng mapusok at isagad agad ang dila sa loob, sabik at tila may hinahanap.
“Fuck… You’re killing me…” He breathe deeply inside my mouth while kissing me.
A long moan escaped my mouth when he rub his erection on my thigh. Inangat niya ang isa kong paa at isinabit sa kanyang beywang saka mas pinagdiinan ang sarili habang hindi tumitigil ang nakakasabik niyang galaw roon, hinahagod ang kanya sa akin sa pamilyar na ritmo na nagpapawala ng katinuan ko.
Walang natirang matinong pag-iisip sa akin. Lahat ay kinain na ng makamundong pagnanasa at halos punitin ang kanyang damit dahil sa mariin kong pagkakahawak roon, doon humuhugot ng lakas. Ni ang tubuan ng kahihiyan dahil sa posisyon ng isa kong paang nakabukaka ay hindi ko na napagtuunan ng pansin. I just want him to have a better access down there.
His other hand settled on my cheek while the other remained on my butt. Our breaths were deep and heavy as we kissed.
“I’m just…” He breathe deeply between our kisses, “going to… warm you. That’s all.”
Tumango ako, iginalaw ang balakang at hindi na maawat sa pag-ungol dahil sa nararamdaman kong sensasyon.
“Damn it,” I heard him cursed as his hand rub it down there, teasing me with his touch.
A soft moan escaped my mouth. Hindi na masabayan ang halik niya at mas nawiwili sa ginagawa ng kanyang kamay sa ibaba kahit sa labas lang naman iyon ng suot kong pajama.
I tried to look at him in my sleepy eyes. His eyes were covered with lust while his lips were parted a bit. He watched me closely as he run his finger down there in a familiar rhythm causing me to imitate it’s action.
Napaawang lalo ang aking bibig. That pushed him to cover it with his mouth and finally found his way in. My excitement grew even bigger when I felt him rub my folds.
He sucked my tongue as his one finger dig inside me. Masakit iyon pero mas nanalo ang kakaibang sensasyon. Ang nararamdaman kong lamig ay tuluyang napalitan ng pang-iinit. Pawis na pawis na ako kahit hindi na ako nakabalot roon dahil sa marahas na pagkakatanggal ni Tres kanina.
I rocked myself slowly, trying to imitate his rough finger.
“T-Tres…” My eyes shut as I moaned softly. “I’m going to…”
My voice triggered him to do it faster. I heard him breathe deeply. Sunod sunod iyon at malalalim. And for the second time in my life, I felt that explosion inside me again.
Mabilis ang kanyang pagtayo, malalaki ang hakbang papuntang banyo. Hinabol ko ang hininga at namumula ang pisngi sa kahihiyan. Damn you, Red! Para kang nagliliyab na apoy sa iyong kapusukan!
Busy ako sa pagpapangaral sa aking isipan nang narinig ko ang paglabas ni Tres roon. Napalunok ako ng laway at umaktong tulog na. Kaso nakalimutan kong magtalukbong ng kumot kaya hinila ko pa iyon habang hindi binubuksan ang mga mata at gumulong sa aking kama para mapunta ulit sa gitna.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Kung paano ko naramdaman ang kamay niya sa aking tiyan at hinila ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako kahit nakabalot ako ng kumot at isiniksik ulit sa kanya.
“I’ll sleep here in your bed.” sabi niya sa namamaos na boses.
Tumango ako, parang baliw dito sa loob ng kumot kahit hindi niya naman ako makikita.
“You can sleep here…” sagot ko.
“I will, only for today. This is the last time I’m going to hold back, Christienne. So if you’re planning to beg for something again… I’m warning you, you’ll going to have my child inside you.”
Chapter 44
Game of Love
This chapter is dedicated to Louise Angielyn Pallasigui. Happy birthday and wishing you all the best in life! Happy reading.
Because it’s you
Sa pagbabantang ginawa ni Tres sa akin, hindi na ako umulit sa kagagahan ko. I mean, kahit sinong babae naman siguro kung nalagay sa sitwasyon ko ay mawiwili rin sa kanyang halik! That’s his fault anyway, kung hindi niya ako hinahalikan ng ganoon noong umpisa, hindi ako magkakaganito.
“How are you po dito ni lolo, Lola?” tanong ko pagkatapos kong magmano sa kanila. It’s sunday.
Nahahati ang atensyon ni Lola. Nalilingon niya si Tres roon sa veranda na nakasandal sa railing at kausap si Lolo kaya napapalingon narin ako roon. Si Tres tumatango lang, may sasabihing tipid tapos makikinilig ulit sa pinagsasabi sa kanya ni Lolo.
“Okay lang naman kami. Sino iyan apo? Boyfriend mo?” tanong nito na halatang hindi sang-ayon sa ipinangalan sa lalake.
Umiling agad ako pero noong nilingon ko ulit si Tres sa likod at nasa akin ang tingin ay tumango ulit ako kay Lola.
“Opo, hindi po.” Nalilito kong sagot na ikinangiwi ni Lola.
“Christienne!” Nanliit ang kanyang mga mata. “Alam ba ito ni Eduardo? Ito na nga ba ang sinasabi ko dahil naninirahan kang mag-isa!ㄧ” No hindi po Lola!“ Umiling-iling ako. “Minsan, kasama ko po si Tres sa bahay!”
Sa aking sinabi, nanlaki na ang kanyang mga mata at gulat na gulat. Napahawak siya sa kanyang dibdib, akala mo ay aatakihin na.
“Magkasama na kayo sa isang bubong?!” she asked dramatically.
Umiling na naman ako, nagpapanic kung paano ipapaintindi sa kanya.
“H’wag kang oa, Mang! Ang sabi nitong lalake ay kaklase niya itong apo natin at minsan ay hinahatid sa apartment si Christienne. Nagmamagandang loob lang ang tao eh wala nga daw balak manligaw sa apo natin!” sigaw ni Lolo nang mapansin na ang reaksyon ni Lola.
Unti-unting kumalma si Lola. Ako naman ay nalingon na si Tres, sinimangutan ko siya na ikinaangat lang ng isa niyang kilay sa akin. We’re even kissing!
“Kinabahan ako sa’yo, apo…” si Lola.
Lumabas kaming dalawa at nagtungo sa veranda. It’s sunday kaya nagdesisyon akong bisitahin sila rito. We talked about my studies and praised me for having high grades.
“Tres is my tutor po, Lolo!” pagmamalaki ko at nginisihan si Tres sa aking gilid. Nakaupo na kaming apat sa wooden chair at pinapalibutan iyong hugis bilog na mesa. May mga klase-klaseng prutas roon bilang meryenda.
“Hindi kana nangongopya, apo?” bulong sa akin ni Lolo na kahit ang mga mata ni Tres ay napunta sa akin.
Napangiti ako ng hilaw, umiling. “Hindi na po, Lolo… Besides, Tres is a good teacher! May limit po kasi ang pagbibisita kay Daddy sa kulungan kaya may mga lessons akong hindi niya agad napapaintindi sa akin.”
“But you’re smart. Eh diba apo with honors ka pa noong highschool ka?” sabi ni Lola, nagmamayabang ang boses.
Tumango-tango ako. “Yes po, Lola. At magiging bachelor degree holder po ako! I’ll make you proud!”
“We’re already proud, apo. Nakakaproud maging lola mo. Nagabayan at napalaki ka nga ng maayos ng magulang mo.” madamdaming sabi ni Lola. Tumayo ako at umikot para lapitan ito. Niyakap ko siya sa likuran habang niyakap niya naman ang aking mga kamay na iniyapos ko sa kanya.
“I love you, Lola,” Nilingon ko si Lolo. “I love you Lolo.” saka ko nilingon si Tres na mukhang naghihintay rin sa aking sasabihin. I just grinned at him kaya mabilis na nawala ang nakita kong kinang sa mga mata, tila dismayado.
“Apo ko iyan,” sabi ni Lolo kay Tres na nakagat ang labi, may pinipigilan.
“Mahal ka rin namin apo, sobra pa sa inaakala mo.” sabi sa akin ni Lola na ikinangiti ko lalo.
Mga matatanda na sila kaya hangga’t may pagkakataon akong sabihin sa kanila kung gaano ko sila kamahal, sasabihin ko. That’s why I’m always clingy with my parents. Palagi ko silang sinasabihan ng I love you kahit man lang sa isang araw bago ako matulog. Hindi ka naman manghuhula at hindi mo alam kung anong mangyayari bukas. Kaya rin ganito ako kavocal pagdating sa mga iniisip ko. Gusto ko agad sabihin before it’s too late.
Tres was driving silently habang ako ay panay naman ang buntong hininga. Bumabagabag sa akin ang isasagot ko sa tuwing may nagtatanong kung ano ko si Tres.
“Bakit mo sinabi kay Lolo na tutor lang kita at wala kang balak mangligaw?” Imbes na magtunog curious, para tuloy akong dismayado lalo na’t ngumunguso pa ako.
“To stop your grandma from worrying. Diba iyon naman ang gusto mo?”
“Ang alin? Hindi ’no!” Tiningnan ko siya ng makahulugan na ipinagsalubong ng kilay niya.
“Gusto mong nag-aalala ang lola mo?” tanong niyang muli, taliwas sa iniisip ko.
“Ah, iyon pala ang tinutukoy mo…” natawa ako kahit namumula na ang aking pisngi. “Kasi naman, may mga kaklase rin akong nangungulit kung ano daw kita. Ang sabi nila sa’kin paasa daw ako kasi bakit daw hinahayaan kitang bumuntot buntot sa’kin tapos wala naman pala daw tayong relasyon. Ayoko lang na nadadamay ka sa mga issues ko sa buhay. K-Kaya…” suminghap ako, hindi na kayang dugtungan ang sinasabi.
Hindi siya nagsalita. Nasa daan lang ang kanyang tingin at walang balak akong sagutin. Ngumuso ako at nag-iwas nalang ng tingin. Bakit ko ba iniopen-up sa kanya ang ganito? Alam ko naman na ayaw niya sa mga girlfriend…
Mabilis ang pagtakbo ng araw. Parang isang rollercoaster ang aking buhay. Halo-halong emosyon ang mararamdaman mo, may nakakatakot na pakiramdam, nakakaiyak, nakakaexcite, pero sa dulo, alam mong may natutunan ka sa iyong napagdaanan.
“Congratulations, graduates.” tanging sabi ni Tres sa kanyang speech na ikinatawa na namin at pinaliguan rin ng palakpak.
Kanina pa ako umiiyak at hindi matigil ang aking mga luha. Finally Red!
“Apo!” Lola hug me tightly while crying. Kahit si Lolo ay emosyonal rin. Tumutulo rin ang aking luha pero nanaig ang malapad na ngiti sa akin.
“Lola, graduate na po ako! Lolo!” Nagtatalon ako sa saya. Sa sobrang tuwa, galak at labis na kasiyahan ay napahagulhol na ako.
Hindi ko na nasundan ang mga papuring ipinaligo sa akin nila Lolo at Lola. Tuwang tuwa sila at abot abot rin ang sayang nararamdaman dahil sa aking nakamit.
Nang makita ko si Tres sa mga kumpol ng estudyanteng nagkakatuwaan, mabilis akong napatakbo sa kanya at niyakap agad ito. Naipulupot niya ang kanyang braso sa aking beywang at idiniin ako lalo sa kanya.
“Graduate na tayo! Oh my gosh! Graduate na tayong dalawa!” I was so happy that I can’t help not to calm myself.
I felt his breath as he chuckled on my ear. “Yeah… I’m proud.”
Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit at halos ibaon ang aking mukha sa kanyang leeg. Kahit ganoon lang ang sinabi niya ay samo’t saring kiliti na ang naramdaman ko sa aking loob, tuwang-tuwa sa narinig mula kay Tres.
Malaki ang naging papel niya sa aking pag-aaral. Kapwa kami bachelors degree holder pero siya rin ang Cum Laude ng aming eskwelahan. Tres is really smart at hindi ko na ipinagtataka ang bagay na ito.
Masarap sa pakiramdam iyong mapatunayan mo sa iyong sarili na mali ang ibinibintang sa’yo ng mundo, ang pang-iinsultong natanggap ay mistulang naging musika sa aking pandinig na gusto ko nalang humagalpak ng tawa. I’m almost there… reaching for my dream. At sa bawat pag-abot ko ng aking pangarap, mas lalo akong lumalakas para lumaban pa.
Suot ang aking toga, taas noo akong bumisita sa presinto. The police officer were clapping their hands at me while I’m talking inside. Natigil lang ako sa gitna nang makita ko si Daddy sa dulo, taas baba ang balikat at may hawak na tatlong rose. Nagsimula naring manglabo ang aking mga mata hanggang sa itinakbo ko na ang kinaroonan ni Daddy.
“I made it Dad! Your daughter made it!” naluluha kong balita at niyakap siya ng mahigpit.
My Dad cried in front of me. Sa sobrang iyak, ni hindi na ito nakapagsalita pa at nanginginig ang mga kamay nang ibinigay niya sa akin ang hawak na bulaklak.
“Oh, honey…” He kissed me on my forehead and hug me again. “I am so so proud of you!” sabi niya sa garalgal at namamaos na boses.
“See Daddy? They’re wrong about me… and I’m sure, the world will regret soon enough because of judging a man like you…”
Kaya rin siguro ako tumatag dahil sa mga taong nakapalibot sa akin. Sa mga taong ilang beses akong hinila pababa at gusto akong sirain. Pero kahit nagkasugat sugat na ako sa pagkakadapa, kahit dumugo na ang tuhod at sobra ng sakit, tumayo parin ako, lumaban parin ako. And here I am right now, almost at my finish line.
“1, 2, 3, smile!” Niyakap ko agad ang beywang ni Daddy at hinalikan siya sa pisngi habang suot niya iyong sombrero ko, hawak ang diploma at ngiting ngiti sa camera noong police officer.
“Siguro kung nandito ang Mommy mo, mas grabe ang iyak noon.” sabi sa akin ni Daddy habang nagpupunas ng luha na tinatraydor rin naman siya. Tumutulo iyon ng walang humpay na nagpapahahagulhol sa kanya saka ako muling yayakapin.
“I’m going to visit her later, Daddy… iiwan ko iyong pictures natin doon tapos magpipicture rin kami and I’ll give it to you.” sabi ko habang tumutulong sa pagpupunas niya ng luha.
“Sayang at hindi ako ang nandoon sa graduation mo, Christienne. Baka isa ako sa mga proud na Daddy roon at kinukuhanan ng picture ang anak sa bawat sigundo ng pagmamartsa mo.”
“It’s okay Daddy! It’s just a graduation Day. Baon baon ko naman po ang mga pangaral niyo sa akin ni Mommy kaya para ko narin kayong kasama habang nagmamartsa ako.”
“Oh, Christienne… you made your Daddy so happy!” Niyakap niya akong muli kaya natatawa kong hinaplos ang kanyang likod.
Nagkaroon ng kaonting selebrasyon sa loob. Nagbigay ng cake iyong mga nakakakilalang police officer sa akin at panay rin congratulate sa akin.
“Ba’t hindi ka nalang magpolice, Red! Sa ganda mong iyan, baka kusang sumuko ang mga kriminal makita ka lang araw araw rito sa loob ng presinto!” sabi noong isang lalake na ahead sa akin ng 10 years.
Natawa kaming dalawa ni Daddy.
“I’m afraid to use a gun, po! Baka imbes na hulihin ko maawa pa ako at patakasin nalang…” sabi ko.
“Sayang naman, Red. Ayaw mo niyan, araw-araw na kayong magkakasama ng Daddy mo rito sa loob ng presinto.” pagbibiro naman noong isa na ikinahagalpak naming lahat ng tawa.
Umiling-iling ako. “That’s not my plan, I’m sorry to disappoint you…”
“May paninindigan iyang anak ko. H’wag niyo ng ipilit.” Humagalpak ng tawa si Dad.
“Sayang naman at mukhang ilang taon nalang ay hindi na natin makikita itong si Red. Kay ganda pa namang bata…”
“Napakamasayahin pa at palaging nakangiti. Napakaswerte ng Daddy mo sa’yo.”
Sunod-sunod na papuri ang iginawad sa akin sa loob. Sa sobrang rami, halos hindi na ako makahinga at kulang nalang ay malunod. Kahit hindi ganoon karami ang mga nagsabi ng kung ano-anong papuri sa akin, para naring natakpan lahat ng pang-iinsultong natanggap ko.
After celebrating with my Dad, si Mommy naman ang binisita ko sa kanyang puntod.
“Mommy! Can you see me right now? I’m sure you’ro so proud of me!” sigaw ko at tumingala. I smiled widely when I felt a cold air embraced me. Sa sobrang sarap noon sa pakiramdam ay tumakas na naman ang luha sa aking mga mata. Tears of joy iyon.
Tres wiped the tears in my cheek. “Masaya ka sana pero nagsasayang ka naman ng luha.” sabi niya sa aking tabi.
Kasama ko siyang binisita si Mommy. We’re both squatting on the ground. He even bought a basket of flowers for her. Nakakainggit nga tapos ako walang natanggap sa kanya.
“Wala kang flowers na ibibigay sa’kin?” tanong ko.
“Agawin mo sa Mommy mo,” sabi niya na ikinanguso ko.
“You gave that to my Mom. Eh iba naman iyong binili mo sa akin mismo.”
“Aanhin mo naman?” tanong niya.
Ngumuso ako lalo. “Wala lang! Nakakatuwa kaya pag may nagbibigay ng flowers sa’yo!”
Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa likuran, hindi gaanong humihiga at tumingala habang nakapikit na ang mga mata. Dinadama niya ang hangin na pinaglalaruan ang kanyang buhok.
“Malalanta lang yan. Di mo mapapakinabangan.” sabi niya.
“But I want it! It’s sweet!” giit ko.
Tumagilid ang kanyang ulo at bumukas ang isang mata. He lazily watched me.
“Too bad I’m not.” he blurted out.
Ngumuso ako lalo. “It’s okay. I can buy a flower for myself now. Graduate na kaya ako at bachelors degree holder pa. Ilang years nalang at magiging lawyer na ako. Mag pe-prelaw ako at papasa sa Bar exam! You’ll see!” pagmamayabang ko.
“Bulaklak lang ang pinag-uusapan ang layo na ng narating mo.” sabi niya.
Mas ngumuso ako, hindi nalang nakipagtalo dahil alam kong hindi ko naman iyan mapipilit. Kung ayaw niya, ayaw niya talaga.
Nasa labas lang ng bintana ng kanyang kotse ang aking tingin. Nagiging advance na ang aking utak at umaabot na sa puntong ipinapanalo ko ang kaso ni Dad. I can’t help not to grin while thinking about my dream.
Huminto si Tres sa isang shop. Nilingon ko siya lalo na’t deri-deritso na ang pasok niya roon. It’s a flower shop!
Dali-dali kong binuksan ang pinto at sinundan siya. Pagpasok ko roon ay nakita ko iyong babae na nagbabantay nitong flowershop na ang lagkit ng tingin kay Tres. May tatlo pang nagkukumpulan at hindi maawat dahil sa presensya niya rito sa loob.
Nilapitan ko si Tres na kampanteng nakapamulsa at sumusuyod ang tingin.
“Bibili ka ulit ng bulaklak?” tanong ko, hindi na maawat ang pusong nagwawala.
“Hindi,” sagot niya pero patuloy naman ang paggala ng tingin sa mga magagandang bulaklak na nakadisplay.
“Eh ba’t ka pumasok rito?” Ngumuso ako. “Hindi ka talaga bibili?”
“Hindi,” sagot niya na mas ikinanguso ko lalo.
“Talaga?” tanong ko habang sinusundan siya.
“I want to say yes but if I say that again, you’ll just keep on pouting, which is even more annoying. So just pick anything you like, I’ll buy it for you.” sabi niya na ikinapula ng aking pisngi at malaki na ang ngiti sa labi.
I understand him for being like this. He’s not that sweet. Iyong kusa kang ibibili ng bulaklak at sosorpresahin ka. Tres is not like that. He doesn’t like sweet things. He has his own way to flatter your heart.
Pinili ko iyong mga pulang rosas na ipinaboquet niya. Nakontento ako sa ganoong pakiramdam. Tuwang tuwa na ako nang ibigay niya iyon sa akin pagkatapos niyang bayaran.
Bumili siyang muli ng cup ng ice cream at dumeritso roon sa paborito naming tambayan. Magdidilim na kaya maganda nang tambayan roon. Makikita ko na naman ang magagandang citylights.
Sa tuwing pumupunta kami roon, nagdadala na ako ng banig dahil ugali niyang humilata sa malinis na sahig roon kaya minabuti ko nalang na magdala ng sarili niyang mahihigaan.
Nakasquat ako hindi kagaya niyang nakahiga talaga. Nakaunan ang isang kamay habang ang isang kamay ay nasa may tiyan niya at ang hita ay nakapatong sa isa. Minsan talaga nagdududa na ako kung modelo ba talaga ito o mahilig lang talaga sa mga bagay na nakakarelax sa pakiramdam.
“Remember the last time we talked about my dream? Sinabi ko pa sa’yo na hindi ko alam kung ano ang plano ko sa kinabukasan ko? I even answered you na its up to my Mom. You even scold me…” I said softly and giggled after.
“Siguro sinadya ito ng Panginoon para magkaroon ako ng plano sa buhay. Napansin niya kasing wala akong plano kaya ginawan niya ako.”
Sumubo ako ng ice cream at gumalaw-galaw sa aking pagkakaupo. Tumingala pa ako para lang maramdaman lalo ang hangin na pinaglalaruan ang buhok kong nakalugay lamang.
“Thank you for giving me this kind of life!” I shouted. “Kung hindi nangyari lahat ng iyon sa buhay ko siguro wala akong naging papel sa mundo.” sabi ko at humalakhak.
Imbes na tingnan ang negatibong nangyari sa aking buhay, inisip ko nalang ang magandang naidulot nito sa akin. Naging mature ako dahil rito. Natuto akong tumayo sa sarili kong paa at nakagawa ako ng sarili kong desisyon sa buhay. And who would have thought that I can wash the dishes, sweep the floor, clean my room and even wash my clothes alone! Natuto nga rin akong magprito ng itlog tsaka hotdog. Iyong unang subok ko noon natalsikan pa ako ng mantika at nasunog ko ang niluluto ko. Pero sa araw araw na pagpapractice, natuto rin naman ako!
Pinatunayan lang noon na walang imposible sa buhay hangga’t hindi ka nawawalan ng pag-asang tumayo ulit at sumubok. It’s okay to fail. Kung hindi ka magkakamali, paano ka matututo?
“Alam mo excited na akong makalabas si Daddy sa kulungan.” Niyakap ko ang aking tuhod at ipinatong ang aking baba roon, nasa harap ang tingin. “Excited akong bumalik ang dati kong buhay. Nakakamiss magparty eh. Ang saya saya noon. Tapos kasama ko sila Marco… kahit iyong saya nalang ulit ang bumalik huwag na ang marangya kong buhay.”
“I thought you hate friends now?” tanong niya.
“Hindi ah! I love Marco, Leeland, Troy and Klint! I still treasure them…”
Hindi siya sumagot kaya ngumuso nalang ako at nag-isip ng panibagong topic.
“Daddy knew about us. Kinukwento kita sa kanya tapos… uhm, sabi niya paaasahin mo daw ako. He was asking about us so I just told him we’re taking it slow. H-Hindi ko kasi alam ang isasagot…” Itinago ko ang mukha sa aking magkakadikit na tuhod at bumulong. “I know you’re not into girlfriendsㄧ”I’m into you.“ putol niya kaya natigil ako sa pag-iisip ng kung ano.
Nilingon ko siya, nasa kalangitan lang ang tingin.
“So, ano mo ako?” I asked eagerly. Natatakot kasi ako roon sa sinasabi ni Daddy baka paaasahin niya ako at sasaktan lamang kaya hindi niya nilalagyan ng label. Dahil ayaw niyang matali at madali lang sa kanya para umalis sa aking buhay.
“Ikaw bahala. Kung anong gusto mong papel sa buhay ko. Iyon ka.”
Ngumuso ako. “Ba’t ako palagi ang bahala? Ba’t ako dapat ang magdesisyon? Edi magmumukhang ako ang desperada sa’yo?”
“Ikaw ba naghahabol?”
“I am just curious. We’re kissing and such, pero hindi naman tayo couple. Malay ko ba girlfriend mo pala talaga si Addisonㄧ”Why are you accusing me of something I can’t do to you? I’m not a cheater, Christienne.“ Ngayon ay nasa akin na ang kanyang tingin, madilim ang matalim na mga mata.
Lumunok ako. “I am not saying you’re a cheater! Eh hindi mo rin naman ako girlfriend so… you’re not.”
“Then be one.” sabi niya na ipinagsalubong ng kilay ko.
“H-Huh?”
He tsked and licked his lower lip. Iritado na sa kabila ng pagiging kalmado lamang ng ekspresyon. You can see it in his eyes.
“Hayaan mo na nga!” tumawa ako at itinuon muli ang tingin sa harapan kaso mabilis niya akong hinila. Natumba ako at napahiga sa braso niya. Lumunok ako ng laway nang mapagtanto kong malapit na naman kami sa isa’t isa.
Humarap siya sa akin ng buo at hinaplos ang aking pisngi. “Is that how crazy you are to me? You’re still jealous with Addi…” sa sobrang lapit ko sa kanya ay tumatama na sa aking labi ang hininga niya na nagpapawala ng kabog ng aking dibdib.
“I-I am not j-jealous… Wala akong karapatan e,”
His eyes shut for a second. He sighed heavily and look at me again.
“Sinasadya mo bang magbulagbulagan sa ating dalawa?”
“Hindi ah! Everything is clear to me! Pero…” Umangat ang kanyang kilay, “ano tayo?”
“What do you think?”
Napanguso na ako.“ Hindi ko nga alam!“ frustrated kong sagot, nahihiya na lalo na’t sobrang lapit lang ng mga labi namin. Gusto ko ng umusog at umalis sa pagkakahiga sa kanyang braso para lang itago ang mukha kong pulang pula.
“Ano bang makakapagpagaan ng loob mo?” Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking beywang at namahinga roon.
“I am just curious about us. But I’m contented! Okay lang halikan mo ako at gawin mo lahat sa akin kasi ano… gusto ko rin naman.”
Huli na para pigilan ang sarili ko dahil nasabi ko na. Ang hirap talagang kimkimin ng mga salita sa aking loob at palagi ko iyong naibubulalas, unlike Tres. Siguro pati doon ay opposite kami. He just hate saying it.
“I am not begging a kiss or something just because I told you I like it okay?”
Tumango siya ng marahan, nakatitig lang sa akin.
Ngumuso ako at bumuntong ng hininga. “I just want to know… k-kung ano ang tingin mo sa akin? O kung girlfriend? But you hate it so ayoko ng mag-assume. Kung kaibigan rin, ayaw mo naman sa ganoon. K-Kaya nakakalito talaga. Pero kontento ako ha! At hindi ko iniisip na paasa ka! Hindi ko rin iniisip na sasaktan mo lang ako. At hindi ko iniisip na laro lang ito. I am happy with this and I am happy to be your someone… kahit wala munang label, it’s fine!” I smiled at him merrily.
“Hindi mo iniisip na girlfriend kita?” tanong niya.
Sa rami ng aking sinabi, iyon lang talaga ang concern niya. Gosh!
Umiling ako. “Hindi! Pero minsan nagfefeeling ako na boyfriend kita…” I chuckled.
Dinaganan niya ang aking paa ng kanya at hinila lalo ang aking beywang palapit sa kanya. Iyong inuunan kong braso niya ay yumakap narin sa akin at idiniin ako sa kanyang dibdib. Now he’s hugging me tightly. Sa sobrang higpit, hindi ko na alam kung makakahinga pa ba ako. Para niyang inililipat sa akin ang pabango niya.
“’Tsaka sabi mo kasi ayaw mo sa girlfriend di’ba?” dagdag ko parin sa kabila ng ginagawa niya. Hindi ko lang talaga mapigil itong bibig ko.
“I’m doing this just to shut you, still you can’t shut your mouth.”
Napanguso ako at pilit kumawala. “Eh kasi iyon naman ang sabi mo!” I pushed him a bit just to see his face pero mas hinigpitan niya lang ang kanyang yakap kaya wala na talaga akong pag-asa na makawala pa.
“I hate having a girlfriend unless it’s you.”
That made me calm down. Nawala ang pag-iisip ko ng paraan para makawala sa kanyang mahigpit na yakap dahil sa sinabi niya na inukupa na ang buo kong utak.
“Ako?”
I heard him tsked. Naaasiwa na sa mga sagot ko. “You’re my girlfriend, okay?”
Nanlaki ang mga mata ko. Bahagya ko siyang itinulak para lang makita ang mukha niya.
“I am?!”
“Nasabi ko na. H’wag mo ng ipaulit sakin.” Humigpit ulit ang kanyang yakap kaya nadiin akong muli sa kanyang dibdib.
“Ulitin mo!” natatawa kong sabi.
“Bakit ba ang hilig niyong mga babae sa mga nakakabading na linyahan? How about us? Hindi ba pwedeng idaan nalang lahat sa gawa hindi iyong salita nang salita?”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. “Mahalaga rin naman kasi talaga sa amin ang mga salita! What if ayaw naming mag-assume lang dahil sa pinapakita niyo? At ikaw narin ang may sabi na h’wag magtiwala sa mga salita…”
Hindi siya sumagot kaya naging abala rin ako sa pag-amoy sa kanya. Perfume ba ang nililigo nito?
“I don’t kiss girls just because they’re pretty or they’re hot.”
“But I’m both!” singit ko agad kahit na may idudugtong pa siya roon.
He squeezed me harder. “Let me speak woman. Ang daldal mo.”
Tumahimik ako kaya bumuntong siya ng hininga.
“I don’t kiss them just because I find them attractive. I just hate flirting around with the girls I know who likes me.”
“Pero nasa dugo niyo iyon! Si Uno at Dos ganoon kaya!” sagot ko parin.
“Just because my brothers are like that you’re going to include me.”
“But you kissed me years ago! You know I’m attracted with you! You’re always mean to me yet you kissed me! Kahit na pretend as boyfriend girlfriend lang ’yon. You’re lying! “ I pushed him away just to see his face. Nagtagumpay naman ako dahil nahulog nga ang kanyang mga mata sa akin habang nakatingala na ako sa kanya.
“Because it’s you. That’s why I kissed you.”
Slowly, I buried my face on his chest just to save face. Nagsisisi dahil tiningnan ko pa siya. Oh hell. I want to scream!
Chapter 45
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love. -PrfctlyStbbrn
Issues
It’s clearer to me now. I am his girlfriend and we’re dating! Iyon na ’yon. Sapat na ang mga salitang iyon para lagyan lahat ng kahulugan ang mga kilos niya.
Nag-enroll ako ulit para sa Law school na kailangan kong ipasa sa mahigit tatlong taon para makuha ko ang lisensya ng pagiging Lawyer ko. Alam kong magulo ang politika at ang mga kasong hahawakan mo. Kaya kung hindi ko iyon pag-aaralan ng mabuti ay baka mabigo lang ako sa kagustuhan kong ilabas si Daddy.
Tres, as a boyfriend, is very supportive. Iyon nga lang di ako dinidate dahil lang ayaw niyang maging distraction siya sa akin. He’s helping me with my studies at mas strict pa sa mga nagiging prof ko! Minsan nga naiisip ko nalang kung boyfriend ko ba talaga siya o mahigpit na ama.
“It’s summer again! Yehey! Makakapagdate na tayo ng matino! Yehey!” Nagtatalon ako sa tuwa pagkatapos ng first year law school ko. Two more years!
“Ano bang kinakain mo at masyado kang hyper?” Tres pulled me closer to him. Nakalingkis na ang kanyang beywang sa akin habang naglalakad kami palabas sa school. Sinundo niya ako eh since this is the last day of my first year. No more terror Tres! Boyfriend ko na ulit siya!
“Let’s date! Itreat mo ako since nakasurvive ako ng one year sa pagiging strict mo!” Niyakap ko ang kanyang beywang.
“Akala ko ba ayaw mo sa pampublikong mga lugar?”
Umiling ako. “Ang tagal tagal na ng issue! I’m sure nakalimutan na nila iyon.”
“Still, you know I hate crowded places. Let’s just watch a movie in your apartment.”
Ngumuso ako. “No! I want a real date! Sige na… Since wala na akong aatupagin na mga lessons! At matataas grades ko! Please!”
“Fine, fine. Stop pouting. It’s annoying.” Tinakpan niya ang aking mukha kaya umiling-iling ako para matanggal ang kamay niya at humagalpak ng tawa.
“Liar!” I shout at him.
Tiningnan niya ako kaya mas tumawa ako. Nailing siya at nakagat nalang ang pang-ibabang labi, may pinipigilan.
I was so excited. Ang ingay ingay ko sa drivers seat. Panay pa ako video roon at dumadaldal na idadate niya ako. Kinukuhanan ko siya kaso umiismid lang kaya matatawa nalang ako.
Doon lang ako natigil noong nagpop-out ang chathead ni Klint. Medyo active na ulit ako sa social media pero hindi gaano. Since ito palagi ang ikinaiinis ni Tres. Ayaw niyang bumababad ako sa mga social media apps! Namimiss ko sana kaso iniisip ko nalang na kaya niya ako pinagbabawalan dahil alam kong may mga nambabash parin sa akin roon pati na kay Daddy.
Mabilis ang paglingon ni Tres sa akin nang tumunog ang chathead. Kahit ako ay napalingon. Kahit ako ay dahan dahan naring napalingon sa kanya.
“It’s Klint and I just want to see his message. Di ako magrereply.” sabi ko agad lalo na’t umaangat na ang kanyang isang kilay.
“Hindi na siya nagsalita pa at ibinalik nalang sa daan ang tingin kaya tiningnan ko agad ang mensahe nito sa akin. Siguro mamimilit na naman itong magparty. Eh sa pagiging busy ko sa school, natatanggihan ko talaga sila.
Klint H’wag ka munang magfacebook. Magdeact ka muna.
I was about to type a message and ask him why when Tres glanced at me again. Nagpanggap nalang akong walang pakialam doon at hindi na nag-abalang magreply pa kaso sunod sunod na iyong pagpapop out ng mga chatheads nila. Kahit iyong gc ay lumabas narin.
Naging curious ako kaya nagseen ako sa gc.
Klint: Tayo lang magkakaibigan ang nakakaalam noon pero ba’t kumalat?
Leeland: I don’t know. Besides, that was years ago! At panalo na si Red. She’s even dating that Buenaventura.
Klint: That’s not the issue anymore Leeland! Mababash na lalo si Red nito! Kumakalat na iyong article at pag-iinitan na siya lalo ng mga tao!
Leeland: O baka naman galit parin si Yashin? Since tayo tayo lang naman ang nakakaalam ng dare na iyon. Ang mga pinupustang mamahaling bagay ni Red sa laro.
Klint: Ba’t si Yashin pinagbibintangan mo? Baka nakakalimutan mong nag-away rin si Red at Hannan! I’m sure that girl is behind this mess.
Leeland: Baka nga. Let’s just stop the false rumor from spreading. Gumawa rin tayo ng article.
Klint: That’s impossible. Nadidiin na si Red. Tanginang mga tao!
Troy: Daldal niyo ah? Tara, Bar tayo mamayang gabi!
Klint: Not now. We have a problem.
Troy: Huh? May nakabuntis sa inyong dalawa? I told you to use a condom!
Klint: Hindi mo ba alam iyong issue?
Troy: What issue?
Klint: You’re hopeless.
Troy: Wait?! May scandal kayo?!
Klint removed Troye from the group.
What’s happening again? Hindi pa ba sila sanay sa issue?
Pumunta ako sa facebook app just to check the rumor spreading. Hindi ko na iyon kailangang hanapin dahil iyon ang nangunguna sa aking timeline. The article was shared by many pages.
Christienne Red Valerio is after Tres Buenaventura.
Iyon ang nakalagay na title kaya binuksan ko agad iyon. Pumipintig ng husto ang aking dibdib dahil sa kaba. Sanay na ako sa ganitong rumor pero natatakot na naman ako dahil sangkot na ngayon ang pangalan ni Tres. Paano ito nangyari?
One of Don Israel Buenaventura’s son, a powerful businessman, was secretly dating the famous daughter of Eduardo Valerio. It was said in the article that Tres Buenaventura was on the list of men whom Red played when she was in highschool.
Hindi ko na agad binasa ang description noong page at pinagtuunan ng pansin iyong link ng article na nakaattach.
This is about the luxurious living of Christienne Red Valerio.
She’s famous in our school hindi dahil anak siya ng isang senator kundi dahil narin maganda siya at friendly. Her father is spoiling her too much kaya pati sa laro laro nilang dare ng magkakaibigan ay pumupusta siya ng kanilang mga ari-arian. May mga ipinusta siyang kotse, yate, mismong mansyon, mga milyon milyong presyo ng mga bagay na ipinupusta niya para lang sa isang simpleng laro. And now she’s after Tres Buenaventura. The two were secretly dating and I’m just concerned. I’m sure she’s going to use him to provide her needs everyday.
Hindi ko na natapos basahin ang article dahil sa ibaba noon ay puro na pang-iinsulto. What the heck? Yes I played with men years ago but I already regretted it! At isa pa, kaya ko iyon ipinupusta dahil alam ko namang mananalo ako! What’s the bigdeal? Bakit iniuungkat nila ang bagay na matagal na at hindi na importante?
Pinasadahan ko ng tingin ang mga comments. Lahat ng iyon ay galit at puro negative comments tungkol sa akin.
Israel Buenaventura is one of the most powerful businesman in the industry right now kaya itong anak ni Valerio doon na naman kakapit! What a golddigger!
They’re secretly dating?! Grabe, like father like daughter talaga!
Lumunok ako ng laway at hindi na binasa ang marami pang comments. Dalawa palang iyon pero masakit na. Sanay na ako pero itong nadadamit rin sa eskandalo si Tres ay nakakatakot! I’m going to ruin his reputation as Don Israel’s son! At baka pati ang mga Buenaventura ay madamay ko! Ano nalang ang sasabihn ni Tita Tracy sa akin!
“Are you listening?” narinig ko ang iritadong boses ni Tres kaya agad ko siyang binalingan.
“H-Huh?”
Napatingin siya sa hawak kong cellphone saka niya iyon binawi sa akin.
“Sino bang nirereplayan mo at ganyan ka kalutang?” sabi niya, halata ang inis sa boses sa kabila ng blangkong ekspresyon ng kanyang mukha.
“Wala ah! Uhm, ano ba ’yon?” tanong ko.
“I am asking you where are you planning to go?”
“Uhm, doon nalang pala ulit sa dati nating tambayan! Hindi pa ako nakakapunta roon ng ganitong oras. I’m sure maganda rin ang view kahit hindi gabi!” Sinubukan kong maging masigla ang boses.
Kakaiba ang kanyang tingin ngunit tumango rin at ibinalik sa daan.
“Kasi sinanay mo ako sa mga walang tao eh! Ayan tuloy…” tumawa ako.
Hindi na siya sumagot pa at itinuon ang tingin sa pagmamaneho kaya sinubukan ko nalang kumalma. I want to ignore it, pero iyong nadadamay na si Tres ay binabalot na ako ng takot. What if his Dad will push him to leave me? I am dragging him in my mess and I hate it.
Kinalimutan ko sandali ang kumakalat na issue at nagfocus nalang kay Tres. Pag napansin niyang may bumabagabag sa akin mas maiinis iyan.
“Next week na ang kasal ng kapatid ko. I’m going to bring you,” aniya na nagpaputla sa akin.
“Huh? Bakit naman? Hindi naman ako invited e.”
Ayokong makita kami ni Tres sa mga public places dahil baka mapatunayan lang iyong kumakalat na rumor. Mas mabuti talaga itong tago tago nalang.
“I need a date,” simple niyang sagot, nakahilig na railing habang ako itong nakaharap roon sa magandang tanawin. He was facing the opposite.
“H’wag na. Nakakahiya! I’m not invited Tres!” I laughed.
“Eh sinong gusto mong dalhin ko? Sino ba ang girlfriend ko?” Halos magpantay ang kanyang kilay sa pagkakasalubong.
Nag-isip ako sandali. Nang mapansin niya iyon ay mas dumilim lang ang kanyang mga mata, tila nagbabanta na pag may sinabi akong pangalan ay malalagot ako.
“You need to be there for you to stop getting jealous.”
“Ba’t naman ako magseselos?” tanong ko. “It’s just a wedding ceremony and I’m sure maraming tititig sa’yo dahil guwapo ka. Pero I’m not that immature to get jealous at small things naman!” Tumawa ako.
“It’s a special occasion and I’m going to bring you as my girlfriend and as my date.” he said with finality.
Alam kong hindi ko na iyan mababali dahil iyon na ang desisyon niya. Hindi ko alam kung sinong ikakasal. Maybe Dos or Uno. Pero mukhang si Uno ata dahil iyon naman ang panganay. Hindi ko rin kasi maimagine si Dos na may kinababaliwang babae kaya pakakasalan niya na. At isa pa, he’s scary! May makakatagal bang babae sa ganoon ka intimading na tao? Kahit ubod iyon ng gwapo hindi ko nga nagawang gustuhin sa school dahil sa presensya niyang nakakaurong ng dila.
I’m sure it’s Uno. Since ang rami noong naging girlfriend baka may nabuntis. Yeah, maybe.
Iniwasan ko nalang munang mag-online sa aking social media accounts. Hindi ko alam kung alam narin ba ni Tres o talagang wala lang siyang pakialam.
Kaya noong pumunta kami sa kasal ng kanyang kapatid, laking gulat ko nalang dahil sa mga maraming media na sumalubong sa amin. Ba’t ang raming media?! Ipapublic ba nila ang kasal? Oh hell.
I am wearing a long dress and pumps. Sumasayad iyon sa lupa at kailangan ko pang hawakan ito para iangat ng kaonti. Nakapulupot ang kamay ni Tres sa aking beywang. He looks so manly on his suit! Ngayon ko lang nakita ang bagong ayos ng buhok niya! He looks so neat revealing his forehead pero dahil sa mukha niyang suplado, mas nagiging hot siya.
Kakadating palang namin pero sinalubong agad kami ng maraming media. Ako lang ang nagulat hindi kagaya ni Tres na kalmado lang naman.
May iba na ang raming ibinabatong tanong sa akin. I tried to smile at them pero walang balak sumagot since iyon rin ang nakasanayan ko on how to deal with medias.
“Saan ka nagtatago, Miss Valerio? Si Tres Buenaventura ba ang gumagastos ngayon sa’yo?”
“Interview lang Valerio. Anong masasabi mo roon sa issue mo at sa pagkakulong ng Daddy mo?”
“Miss Valerio. Hindi ka ba nakokonsensya dahil ang ama mo ang naghihirap sa loob na dapat ay ikaw rin dahil sa napakaluho mong pamumuhay?”
“Tres Buenaventura. Anong masasabi mo na isa ka sa listahan noong lalake ni Red at pinustahan niya ng mansyon?”
“Ikaw ba ang nagsusustento ngayon kay Red kaya hindi ito naghihirap kahit mag-isa nalang?”
Namutla ako. Halos hindi na makahinga sa dami raming tanong at mga flash ng camera na sumasalubong at mararahas ang pagkakabitaw ng bawat tanong.
Tiningala ko si Tres na nasa akin na pala ang tingin. Yumuko siya at may kung anong ibinulong sa akin.
“I’m here, relax.” sabi niya na ikinawala lahat ng takot ko. Napangiti ako sa kanya at tumango. Of course Red. You don’t have to worry! Tres doesn’t even care! Kaya dapat pati ikaw ay ganoon rin. Halata namang hindi siya affected eh.
I was so shocked when I found out that it was Dos’s wedding. Pero dahil sa mga sumalubong na media sa akin kanina ay hindi ko na naiboses ang tanong sa aking utak. Ba’t si Dos?! Wow. It’s really shocking! Wala kasi sa mukha niya ang nagseseryo ng babae.
Natuon ang aking tingin roon sa bride. I’m really curious kung sino ang mapapangasawa ni Dos. Maybe she’s an angel kaya natulak si Dos na magbago para lang sa babae.
I was so shocked to see who it was! Ni hindi ko nga alam na may relasyon pala iyang dalawa. She’s a badass! No wonder she tamed him.
“Now, are you still jealous?” tanong sa akin ni Tres na ikinanguso ko. Mali ako ng hinala noon damn it! Kasi naman…
Hindi na ako makaimik pa dahil narin sa pamumula ng aking pisngi at natuon ang buong atensyon sa kasal. Naiimagine ko na someday, mamartsa rin ako sa pulang carpet while Tres is waiting patiently. Gusto kong imaginin na nakangiti siya ng malapad habang nakatitig sa akin but that’s too absurd.
After ng reception, Tita Tracy decided to take me with them. Marami daw kaming pag-uusapan and I thought she’s mad at me lalo na’t kumalat iyong dare pero mali ako.
“I missed you so much! Itong si Tres ayaw kang dalhin sa bahay! Kung hindi lang kinasal itong si Dos ay hindi kita makikita.” Niyakap ako ng mahigpit ni Tita. Ni hindi man lang nagtataka kung ba’t magkasama kami ulit.
“Me too, Tita! I’m quite busy po kasi sa studies ko plus nagwowork po ako.”
“Aww, hija… I’m so proud of you! Sabihan mo ako kung may kailangan ka ha…”
Tumango ako, natawa. “Thanks Tita. May work naman po ako kaya hindi ako nahihirapan sa pera ngayon.”
Nakilala ko rin ang ama ng magkapatid. No wonder those three were intimidating… Kung hindi ko lang talaga kasama si Tres ay baka nagdesisyon nalang akong umuwi. Buti pa si Aly mukhang hindi naiintimidate sa Daddy nila unlike me! Para siyang triple ni Dos!
“Tagabukid ka talaga?” tanong ko kay Aly sa loob ng guest room. Dito rin kasi sila sa mansyon ng mga Buenaventura dumeritso ni Uno.
Tumango siya, medyo natawa.
“Really? Even your parents? Mga tagabukid?”
“Uh, patay na yung mama ko at iyong papa ko…” she said trailing.
Nakaramdam ako roon ng lungkot. Patay narin ba ang Dad niya? Edi sino nalang ang kasama niya?
“What’s with your Dad?” tanong ko.
“Iniwan ako noong bata pa ako e,”
“Ah, I’m lucky parin pala.” sabi ko, pilit na ngiti nalang ang naibigay dahil sa awang nangingibabaw para sa kanya. At least I still have my Dad. Kahit nakakulong siya, alam kong hindi niya ako kayang iwanan. Anong klaseng ama iyong ama ni Aly? Ba’t niya nakaya?
I admired her for being independent. Pagkatapos naming mag-open up sa isa’t isa tungkol sa aming buhay ay humanga ako sa kanya ng husto. She’s very practical at ang rami raming kayang gawin sa buhay! Ang girly niya kasi tingnan at ang ganda ganda pa. Iyon nga lang masyado siyang maputi pero bumagay iyon sa kanya. I really thought she’s a city girl at first kasi iyong kutis niya pang mayaman. Pero noong malaman ko ang totoo ay nagulat ako. Akala ko kasi iyong mga tagabukid maiitim. Maybe she’s half.
Nanuyo ang aking lalamunan nang makapasok kaming dalawa ni Tres sa Mall. Kasama namin si Uno at Aly kaso hindi ko alam kung nasaan na ang dalawa.
“You’re going to buy something?” tanong ko sa kanya.
“Ikaw may gusto ka?” tanong niya sa akin pabalik.
Umiling ako, walang maipasok sa utak lalo na’t napapansin ko rin ang disgustong tingin sa aming dalawa. Kahit wala akong marinig, sapat na ang tinginang iyon.
“Umuwi nalang kaya tayo?” suhestyon ko.
“Later,” sabi niya at mas hinila ako papalapit sa kanya. Ang kanyang kamay ay nasa aking beywang na, namamahinga roon.
“I thought you hate crowded places?” I chuckled a bit, trying to calm myself.
Inilapit niya ang mukha sa aking tainga at bumulong.
“I know what you’re thinking. I don’t care about the issue. I don’t care if you stain my name. I’m willing to stay even if they’re saying you will ruin me. Hindi nila alam, handa akong madurog makasama ka lang.”
Shit. Parang nasunog ang aking mukha at hindi na magawang makaimik. Tres smirked at me. Nang-init ng husto ang aking pisngi at natabunan ng panibagong emosyon ang aking nararamdaman. I guess I don’t need to worry. Kahit iyong Daddy niya sinabihan akong welcome ako sa kanilang pamilya at wala silang pakialam sa issue. Iyon lang naman talaga ang inaalala ko. Na baka mabigyan ko sila ng malaking problema. But I guess there’s nothing to worry about.
Wala si Tres kaya malaya kong nagamit ang aking cellphone. Nakisali ako sa gc.
Klint: Kumakalat sa social media ang picture niyo ni Tres sa Mall.
Leeland: Nasa balita rin kayo gabi-gabi. Kahit iyong ama ng magkapatid ay nainterview ng mga media.
I am aware of that news. Nakita ko iyon sa facebook kanina noong nagacroll ako. Ang sabi lang ni Tito na hindi niya pinaakialaman ang desisyon ng mga anak niya pagdating sa pagpipili ng babaeng mamahalin. He told them that’s their right. Kahit iyong issue ay balewala sa kanya. He just said he’s willing to help if I need a money!
Ako: Tito Israel doesn’t care about the issue.
Klint: Halata naman! Gusto ka pa ngang tulungan! Sa kanya ka nalang humingi ng tulong about sa kaso ng Daddy mo Red.
Ako: No, Klint. Sapat na iyong pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya na hindi ako hinuhusgahan. Malaking bagay na iyon sa’kin. At ayokong abusuhin ang kabaitan nila. Ayoko namang patunayan sa mga bashers na ginagamit ko lang ang kapangyarihan ng Buenaventura sa industriyang ito.
Leeland: You’re right Red. We’re happy to hear that. We’re always here if you need a friend.
Ako: Thankyou Leeland.
Klint: Punta ka minsan sa 3DBar nang makapag-usap naman tayo. Tigilan mo ang kakatago sa amin, Red. We missed you.
Ako: I’ll really try Klint.
Leeland: Pinagbabawalan ka ni Tres?
Ako: He’s going to get mad pag pumunta ako diyan e,
Naalis lang ang aking atensyon roon nang magpop-out ang chathead ni Troy.
Troy: Ba’t ako inalis ni Klint sa gc? Ibalik mo nga ako Red! I’m sure may ininvite silang mga chic sa gc at ayaw ipakilala sa’kin.
Ako: Di ka nanonood ng news?
Troy: Di pa ako matanda para mahilig sa problema ng bansa, Red. Hurry up! Ibalik mo ako sa gc.
Natawa nalang ako sa kainosentehan ni Troy sa nangyayari. Well, that’s Troy. Mas magtataka ako kung may alam iyan.
Ang chathead naman ni Marco ang nagpop-out kaya dali dali ko iyong tiningnan.
Marco: Where are you?
Ako: Nasa mansyon ng mga Buenaventura.
Marco: Kaya pala wala ka sa apartment mo.
Magtitipa na sana ako ng mensahe nang binasa kong muli ang reply sa akin ni Marco. Nandito na ulit siya?!
To my excitement, nagpaalam agad ako kay Tres nang nasa bahay na siya.
“Please! Magparty tayong dalawa! Please!” I hugged his arm, trying to convinced him.
“May kikitain ka sa Bar?” Umangat ang kanyang kilay sa akin na mabilis kong ikinailing. Pag sinabi ko sa kanyang nandoon si Marco ay sigurado akong hindi siya papayag lalo! Pakiramdam ko lang galit siya sa mga kaibigan ko.
“Oh wala naman pala,” sabi niya, mukhang nanghahamon ng kung ano.
“But I want to party! Gusto kong sanayin ang sarili ko na lumabas Tres! Para na talaga akong guilty kaya ako nagtatago! They’re spreading false infos at kung magpapaapekto ako edi ako rin ang kawawa! Just please… just this once, magparty tayo!” Nagpabigat ako sa kanyang braso. Nalaglag ang kanyang tingin sa akin pero halatang hindi ako papayagan.
“I’m tired and I want to sleep early,” sabi niya na ikinabusangot ng aking mukha.
“Edi ako nalang mag-isaㄧ”We’ll sleep early.“ putol niya sa akin na ikinatikom nalang ng bibig ko.
Kahit alam kong kasal na iyong pinagseselosan ko, nakaramdam parin ako ng inggit. Sila ngang dalawa madalas doon e! Tapos pag ako nagyayaya ayaw niya!
Sa araw araw kong nandoon, hindi ko rin magawang lumabas dahil nga kay Tres. Kaya noong wala sila sa bahay ay niyaya ko na talaga si Aly.
“Just this once! Try mo maglasing! Believe me masarap iyon sa feeling lalo na pag nakikihalubilo kana sa dancefloor!” pangungumbinsi ko kay Aly para lang mapapayag ito total hindi niya pa nararanasan malasing. Naiinis ako kay Tres e. Since ayaw niyang pumayag na kaming dalawa edi si Aly nalang.
“Papayagan ka ba ni Tres?” tanong niya.
“He won’t allow me that’s why we’re going to sneak out!”
I was desperate to go. Nandito na kasi ulit si Marco! I just want to see them then after uuwi rin ako.
Pagdating namin doon ay umupo muna kami ni Aly sa counter. Tinuruan ko siya kung paano inumin iyong ladies drink. Hindi naman iyon nakakalasing. Ako nga hindi nalalasing sa cocktail.
Dumating rin naman si Marco kaya natuon ang buo kong atensyon sa kanya. Wala silang ediya sa relasyon namin ni Tres dahil wala rin naman akong sinasabi kaya ang buong akala lamang nila ay nanalo na ako sa dare noon total nagdidate na kami ni Tres ngayon.
“I was so worried about you! Kumakalat na naman ang panibagong issue at nauungkat ang kaso ng Daddy mo kaya akala ko ay nagb-breakdown kana sa mga nangyayari sa buhay mo.” sabi niya sa akin nang samahan niya akong magcr.
I chuckled. “I told you I’m fine! Sanay na ako sa ganito, Marco.”
Hinila niya ako at niyakap. “I missed you so much! Saan ka ba kasi nagtatago?”
Niyakap ko narin ito pabalik. “Hindi nga ako nagtatago. Nasa bahay lang ako ng mga Buenaventura lalo na’t ang raming umaaligid na media para mainterview ako.”
“Sumama ka nalang kasi sa’kin. Doon mo na ipagpatuloy sa States ang pag-aaral ng Law.”
I chuckled. “I can’t Marco. Nandito na ang buhay ko e,” at ayokong iwan si Tres rito.
Naghiwalay kami sa pagyayakapan at natawa pero tuluyan ring nabura ang tuwa sa aking mukha nang makita ko ang malamig na pagkakatitig sa akin ng mga mata ni Tres.
Chapter 46
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PrfctlyStbbrn
Full responsibility
“Tres?” I called him in horror. His eyes were dark and sharp. Kahit kalmado lang naman siyang nakatayo at nakapamulsa, nanginginig na ako sa labis na kaba. I know that gaze too well…
Mabilis kong nilayuan si Marco. I went to him and slightly pulled his arm.
“L-Let’s go. Hindi na ako nakapagpaalam sa’yo kasi naman alam kong hindi mo ako papayagan. Kakadating lang ng kababata ko kaya kinumusta ko lang… And since we’re done talking, let’s just go home.” I tried to smile at him kahit na ang kanyang mata ay nanatili kay Marco.
Lumapit si Marco, naglahad ng kamay.
“Nice to meet you, man. I am her childhood friend, Marco.”
I swallowed when Tres just stared at his hand, walang balak makipagkamay.
“Marco, pakisabi nalang sa iba na uuwi na ako ha.”
Ibinaba ni Marco ang kanyang kamay at ibinulsa nalang iyon. Hindi alam kung ngingiti ba sa akin o mananatili nalang sarado ang bibig dahil sa imahe ni Tres.
“Tara…” Hinila ko ang kanyang braso paalis roon. Natatakot akong baka bigla niya nalang suntukin si Marco!
Nagpahila siya sa akin. Medyo nabunutan ako ng tinik roon pero may kaba paring nanatili sa aking sistema. Sanay ako sa pagiging tahimik niya, pero ngayon, para na akong maiihi sa kaba dito sa driver’s seat ng kanyang kotse.
Hindi ko mapanatili sa isang lugar ang aking mga mata. Gumagala iyon sa kahit saan at nauuwi rin sa paglingon kay Tres na matalim parin ang mga mata sa daan.
“A-Are you mad?”
Hindi siya sumagot at marahas na hinila ang clutch. I jerked on my sit and gasped for an air. Nagugulat ako sa mga kilos niyang may pwersa.
“N-Niyaya kita pero hindi ka naman sumama… k-kaya si Aly nalang,” rason ko. Wait, speaking of!
“Si Aly! Naiwan roon!” sigaw ko sa sobrang gulat.
“She’s with my brother. Nilasing mo siya,” matalim niya akong nilingon, ngayon ay nagsasalita na.
“I-It’s just a cocktail drinkㄧ”Tagabukid si Aly. Low tolerance iyon sa mga inumin.“ sagot niya, may galit ang boses.
“I didn’t know na low tolerance pala siya…”
“Dinamay mo pa siya diyan sa katigasan ng ulo mo.” giit niya, ngayon ay mas tumatalim ang mga mata.
“E-Eh kasi ayaw mo namang sumama sa akin!”
Hindi siya sumagot. Napansin ko ang mga ugat sa kanyang kamao dahil sa pagkakahawak niya sa manibela. Lumalabas rin ang ugat sa kanyang braso at nagpipigil lang sumabog.
“They’re still my friends, Tres! Wala naman akong ginagawang masama. I just want to see them. At babalik na ulit si Marco sa States. He’s my childhood friend. Siya talaga ang pinunta ko roon dahil minsan lang kami nagkikita. Kung sumama ka lang sa akin edi sana ikaw ang kasama ko doon at hindi si Aly…” Sinundan ko ang kanyang tingin na suplado niyang iniiwas sa akin.
“Hindi ka nagpaalam. Gabi na kaya sana ay sinabihan mo ako nang nahatid kita,” giit niya sa pagalit na boses.
Huh? I am not sure if he’s going to allow me! Pag nalaman niyang sila Marco ang kikitain ko, baka magbago agad ang isip niya.
Sandali kong naaninag ang pagkakabukas ng gate pero bumalik rin ang tingin kay Tres na iritado pa rin.
“Kakabalik lang k-kasi ni Marco at…”
“Tsss.” Ipinasok niya sandali ang kotse saka ako muling binalingan nang naipark niya na iyon ng maayos.
Nauna akong lumabas ng kanyang kotse at gusto nalang magkulong sa kwarto. Pagkapasok ay nakasalubong ko pa ang kanyang ina.
“May problema ba?” dinaluhan agad ako ni Tita sa nag-alala niyang malambing na boses.
“Si Tres po, inaaway ako,” sumbong ko sa naluluhang paraan.
Noong tiningnan niya ang aking likuran ay mabilis siyang sumimangot sa kanyang anak.
“Ba’t mo siya inaaway? What did you do to my daughter, Tres?” tanog niya, tuluyang nakalimutan kung sino ang tunay niyang anak sa aming dalawa.
“It’s nothing, Ma.” Ani Tres na nasa aking likuran na. “Tara sa kwarto.” He pulled my waist.
Takang taka ang kanyang ina habang sinusundan kami ng tingin na umaakyat na sa ikalawang palapag. Nauna akong pumasok sa kwarto at kulang nalang ay angkinin iyong akin at ayaw siyang papasukin.
“B-Bat ka ba nagagalit eh nag-usap lang naman kami!” Inunahan ko siya ulit. “A-At isa pa, hug lang naman iyong nakita mo ah?”
Hindi siya sumagot at kinalas lang ang botones ng kanyang suot na polo. Nanuyo ang aking lalamunan roon pero pinigilan ko ang mga matang malaglag sa ginagawa niya.
“Niyaya kita pero di ka sumama,” sabi ko habang hinahanap ang kanyang tinging ipinagkakait niya sa akin.
Hinubad niya iyon at naglakad papalapit sa akin. Napapikit ako para sa iniisip niyang gawin pero nang ilang sigundo ang dumaan at hindi ko naman siya nararamdaman ay dumilat rin ako. Nilingon ko siya at nakita ito sa kama. Nakaunan ang dalawang braso habang nakasandal sa headboard.
Sinenyasan niya akong pumunta roon sa kanyang tabi kaya gumapang ako sa kama at umupo sa kanyang gilid. Nakaluhod ako habang nakaupo sa kama at nakaharap sa kanya.
“Pumunta lang naman ako dahil gusto kong makita ang kababata ko…” sabi ko sabay simangot.
Kalmado na ang kanyang mukha hindi kagaya kanina. Humalukipkip siya.
“Ganoon ka ba talaga kaclingy sa mga lalake mong kaibigan?” Medyo iritado niyang tanong.
Tumango ako. “Simula bata ako kasama ko na si Marco. Clingy rin naman ako sa parents ko. Clingy ako sa mga malalapit sa akin…”
Bumuntong siya ng hininga, halatang pinapakalma ang sarili. Nang wala siyang balak magsalita pa ay napanguso nalang ako.
“Galit ka parin?”
Tumango siya.
“E-Eh ba’t ka ngumingiti?!”
Nagkibit siya ng balikat at tila gusto nalang ipanatili ang galit kahit mukhang hindi naman galit.
“Pinagtitripan mo ako!” Mas lalo lang akong sumimangot at tumalikod, nag-akmang bumaba sa kama.
Nagulat ako nang bigla niyang hinila ang aking baywang hanggang sa maramdaman ko siya sa aking likuran. Niyakap niya ako at ipinahinga sa aking balikat ang kanyang baba.
“Ang hirap magalit sa’yo.” He sighed again.
Ngumuso ako at nilingon ang kanyang mukha na nasa aking gilid lamang.
“I’m sorry…” I whispered.
Tumango siya at pumikit.
“I just don’t like the idea when you’re with your friends. Pero kung mas malaki ang tiwala mo sa kanila then I have no choice but to trust you…”
“You don’t trust my friends? Sila Marco?”
Pumikit siya at hindi nagsalita.
Is that his reason why… why he doesn’t like my friends? Noon pa man, marami nang mga payo si Tres sa akin tungkol sa ganitong bagay. Akala ko ay siya pa itong may problema dahil wala siyang kaibigan at mag-isa lang. Pero napagtanto kong hindi lahat ng may mga kaibigan ay magiging masaya. That’s why we should choose our friends wisely. Kailangan nating pag-isipang mabuti kung sino ang papapasukin sa ating buhay dahil ang pagtitiwala ay masyadong mahirap buohin pag nawasak na.
Tres doesn’t need to worry about my friends. Mapagkakawilaan naman sila Marco. Siguro ay may ideya siya sa nangyari sa amin nila Hannan kaya ganyan siya.
Naging busy ulit ako sa pasukan. Balik ulit sa dati lalo na’t umuwi na rin si Marco. Hindi parin tumitigil ang mundo sa kakahusga sa akin pero napapansin siguro nilang wala naman kaming pakialam ni Tres kaya tumigil rin ito. Nakakapunta na ako sa mga Mall pero pag kasama ko si Tres. Pakiramdam ko ay wala na kaming tinatago sa mundo at pinapaalam sa lahat kung ano ang tunay naming relasyon.
Sobrang sakit sa ulo ng Law. Siguro kung wala si Tres para tulungan ako ay baka bumagsak na ako. Sa mga araw na dumaan, maraming nagbabago at maraming nangyayari. Ang dalawa niyang kapatid ay bumubuo na ng pamilya. Si Aly malapit ng manganak habang si Addison naman ay kakaanak lang noong nakaraang buwan. Sa bilis ng panahon, para kaming napag-iiwanan ni Tres.
“Wala ka bang plano sa buhay mo? Graduate kana at pwede kanang maging Architect ah?” tanong ko sa kanya pagkatapos niya akong tulungan roon sa huling assignment ko. Malapit na ulit ang summer kaya tambak na naman ang mga pinapagawa sa amin.
“Meron,” tipid niyang sabi.
“Eh ba’t parang wala naman?”
“Pag nakagraduate kana,” sagot niya na ikinanguso ko.
“Napepressure ka ba? Iyong dalawa mong kapatid may sarili ng pamilya.”
“Ikaw ata itong napepressure sa ating dalawa.” ngumisi siya sa akin kaya umirap agad ako, pinapamulahan ng pisngi.
“Of course not! Isang taon nalang at gagraduate na ako tapos magiging lawyer na. Baka ikaw diyan ang naiinip…”
“Bunso ako kaya tama lang na ako ang huling magpakasal.”
I grinned at him. “Papakasalan mo ako?”
“Hindi,” sagot niya na mas ikinalaki ng ngiti ko.
“I know you! Kabaliktaran ng mga sinasabi mo sa akin ang plano mo! Pakakasalan mo ako e!” Mas inilapit ko ang aking mukha sa kanya at hindi mabura bura ang aking ngisi.
He tsked and cover my face with his hand. “Stop it, it’s annoying.”
Tumawa ako at hinila pababa ang kanyang kamay.
“Wala ka namang ibang mahal kundi ako lang kaya I’m sure ako ang pakakasalan mo.” I said cockily.
Imbes na sumagot ay umismid lang siya at tumayo. Humiga ako sa sofa at pinanood siyang ligpitin ang aking mga gamit sa mesa.
“Ilan ang gusto mong baby?” tanong ko sa kanya.
Nagkasalubong ang kanyang kilay at iritado akong tiningnan. “Isa,”
Akala ko talaga hindi siya sasagot.
“Isa lang? Ayaw mo ng marami? Ang lonely kaya pag only child ka lang. Paano pag magiging busy tayo sa work? Ayaw ko naman na iyong mga maids at driver niya ang makalaro niya. And I don’t want her to have a luxurious life! Dapat wala siyang maid at driver!”
“Wala ka pa ngang anak tapos ganyan kana mag-isip,” tumayo siya at nagtungo sa kwarto.
“Mabilis lang ang panahon! Malay mo bukas buntis na ako,” tumawa ako na ikinasilip niya sa akin rito at matalim ang tingin. “Kidding!”
Sa tagal na namin ni Tres, hindi pa namin iyon nagagawa. He doesn’t like it. Ako gusto ko pero ayaw niya e. He’s just too lazy or he’s really not into it. Lalo na’t nagbitiw siya ng salita sa akin na bubuntisin niya ako. Diba pwede naman iyong gawin kahit na hindi ka nabubuntis?
Summer came running like a mad cheetah. Kasing tulin noon ang bilis ng panahon. Binisita kong muli si Daddy at ipinagmayabang sa kanya ang achievements ko. He’s always proud kaya ginaganahan akong mag-aral ng mabuti dahil sa nakikita kong saya sa kanyang mukha.
“Hindi ba kayo nag-aaway ni Tres?” tanong ni Daddy.
“Hindi naman po, Daddy.”
“He’s not cheating?” tanong niya at dahan dahang sumubo, naninimbang ang tingin sa akin.
Tumawa ako at umiling. “Hindi po Daddy! He’s loyal! Wala iyong mahal na babae kundi ako lang.”
“Siguradong sigurado ka ata? Paano kung may nilalandi iyang iba? I’m warning you sweetie, don’t you dare lie to me. Baka pinagtatakpan mo lang…”
“Daddy! How can you say that? Tres is loyal!”
Uminom siya ng tubig at humilig sa mesa para mas makalapit sa akin.
“I found out that Buenaventura are playboys. Iyong mga kapatid niyan kabi-kabila raw ang mga babae.”
Ngumuso ako. “That was before Daddy. They’re married now. Ang asawa nga ni Uno ay malapit ng manganak habang ang asawa naman ni Dos ay kakaanak lang last week.”
“Kahit na. Nasa dugo na nila iyon. Baka iyang si Tres diyan na magloloko kung ikinasal na kayo. Magigilitan ko talaga iyan ng leeg.”
Malutong akong natawa. I can’t imagine Tres cheating! Ni tamad nga iyong idate ako at gusto lang nagmumukmok kaming dalawa sa apartment tapos mambababae pa siya?
“That’s impossible, Daddy. Tres is lazy!”
“Walang tamad na lalake sa mapang-akit na mga babae. Lahat natutukso.” Makahulugan niyang sabi na ikinasimangot ko.
“Have you try cheating with Mom?”
Nanlaki ang mga mata ni Dad at mabilis na umiling. “Hinding hindi ko iyon magagawa sa Mommy mo dahil mahal na mahal ko siya, Christienne.”
“Then so does Tres, Daddy. Believe me. He’s not what you think okay? He’s not going to hurt me. I’m sure of it.”
Ilang taon na ba kami ni Tres? Ni minsan wala naman kaming naging problema. Ngayon lang ako naging sigurado sa buhay ko at naniniwala akong hinding hindi niya ako sasaktan.
Pero paano kung mangyari nga iyon? I’m not sure if I can survive with the pain this time…
“Hurry up!” Nauuna akong umakyat sa hagdan kaysa sa kanya na nahuhuli.
“Masyado ka lang talagang excited.” sabi niya.
“Eh tuwing summer mo lang naman kasi ako dinidate! Hurry!”
Tumakbo akong muli hanggang makarating na ako sa madalas naming tambayan rito. The place didn’t change at all. Mas dumami lang ata ang mga ilaw na tanaw na tanaw rito.
“I missed this place!” Tumakbo ako sa may railing at sinalubong ang preskong hangin na pinaglaruan agad ang nakalugay kong buhok.
“Welcome back here, Red!” I shouted at the top of my lungs and laughed afterwards.
Nilingon ko si Tres sa aking likod na naiiling nalang habang naglalapag ng banig. Agad siyang humiga roon at inunan naman ang kanyang isang kamay habang ang isa ay nasa may tiyan katulad ng nakasanayan niyang posisyon.
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at tinabihan ito. Inunan ko ang kanyang braso at humarap sa kanya ng buo.
“Alam mo, napag-usapan namin ni Daddy na mambababae ka raw.”
Nilingon niya ako, umaangat na naman ang isang kilay.
“Wala na nga akong panahon sa sarili ko tapos mambababae pa ako,”
Ngumuso ako, medyo naguguilty. Alam kong lahat ng kanyang oras ay nasa akin. Hinahatid niya ako sa school tapos hihintayin akong matapos at sasamahan sa apartment. Minsan ay ginagabi pa siya sa pag-uwi dahil kailangan niya pa akong turuan sa lessons ko. Tapos tuwing linggo naman ay sinasamahan niya ako kina Lola at Lolo at sa puntod ni Mommy tsaka kami nagroroadtrip.
“That’s why I defended you. I know you can’t do that to me,” I smiled at him. “Nagtataka lang si Daddy kasi hindi tayo nag-aaway. ’Tsaka naging paranoid siya kasi nalaman niya iyong pagiging playboy nila Dos at Uno noon.”
Hindi siya sumagot at itinuon muli ang tingin sa kalangitan.
“Maybe my Daddy is just worried. I’m being a burden to you. Dapat nga tinutupad mo na iyong pangarap mo ngayon at successful na pero dahil sakin…”
“My dreams can wait,” sagot niya.
“See? May mga pangarap ka naman pala! You didn’t tell me about it! Palagi nalang ako ang nagkukwento tapos ikaw wala kang sinasabi sa akin…”
“Kasama ka roon kaya hindi ko rin matutupad hangga’t nag-aaral ka pa. I’ll just help you with your dreams first and then help me with mine, soon.”
That melts my heart. Nakakatuwang isipin na kasama ko sa mga pangarap niya. At kung ano man iyon ay wala akong ediya. Kontento na ako na malamang matutulungan ko siya balang araw. Sa dami na ng naitulong niya sa akin ay gusto ko naring ibalik iyong tulong sa kanya balang araw.
Bumangon ako at kinuha iyong frappe. Bumangon rin siya at kinuha iyon sa akin para siya ang maunang uminom. My face wrinkled.
“Why do you like sipping it first?” tanong ko.
“I want to dominate you,” simple niyang sagot.
“Huh?” Medyo natawa ako roon.
“I’m holding back to kiss you that’s why I’m doing this.”
Mas natawa ako sa kanyang rason. Alam ko namang indirect kiss rin ang tawag roon pero hindi lang ako makapaniwala.
“You can kiss me if you want to, pero ba’t dinadaan mo pa sa ganyan?” I eyed him while his sipping it. Palipat lipat ang tingin ko sa kanyang gumagalaw na adam’s apple dahil sa paglunok saka ulit umaakyat sa mga mata niyang nasa akin lang ang tingin.
“Give it to me. I want a drink, too.” Inilahad ko sa kanya ang aking kamay, pero imbes na ibigay sa akin ang frappe ay hinila niya ako at sinalubong ang aking labi.
My eyes widened when I felt his cold lips with mine, pushing some of the frappe inside my mouth. Nalasahan ko ang ipinasa niyang inumin sa akin at ang dila niyang nakapasok narin sa aking bibig. I swallowed it and kissed him back. Taas baba ang aking balikat dahil sa paghinga ko ng marahas.
To my curiousity, I sat on his lap and cup his both face just to equal the kiss with burning desire.
“Fuck, get off…” He breathe deeply as he tried to hold my waist. Pero imbes na buhatin ako paalis sa kanyang harap ay humahaplos iyon roon at humilikha ng klase-klaseng sensasyon sa aking loob. Para nitong binubuhay ang mga maliliit kong balahibong namamahinga.
I moaned softly when I felt his crotch getting bigger. Tumutusok iyon sa aking gitna na nagtutulak sa aking gumalaw sa ritmong madalas niyang ginagawa sa akin.
“Fuck!” His cursed violently on my mouth while his meeting my thrust. He pulled the hem of my dress and crouched a bit just to have a better access with my boob.
Napaliyad ako nang maramdaman ko ang kanyang mainit na bibig roon, naglalaro sa aking naninigas na nipple at halos panggigilan ng isa niyang kamay ang isa kong dibdib.
“Tres…” My breathe became heavy when I tried to grip his hair, trying to control him from doing it but he didn’t even budge.
Bumaliktad siya hanggang sa napahiga ako sa banig. His eyes were covered with lust as he pulled the tshirt at his back and took it off in just a second.
He pulled my legs and locked it on his waist and kissed me again. Nararamdaman ko ang lamig ng paligid dahil sa tanging suot kong pangloob pero mas nanaig ang init na hatid ng halik ni Tres. Ang pagmasahe niya sa aking dibdib habang bumababa ang kanyang halik sa aking panga at sa leeg.
Marahas kong naipikit ang aking mga mata at umawang ang bibig nang lumandas ang kanyang kamay roon.
“Pwede bang…” I breathe deeply as I tried to catch my breath. “g-gawin natin…” Isang mahabang halinghing ang sumunod noon nang naramdaman ko ang kanyang daliri sa gitna ko. Tuluyan na iyong nakapasok at hinahagod iyon sa pamilyar na ritmo na nagpapabaliw sa akin.
“Tres!” I was crying mess while gripping his hair. His tongue swirled around my hard nipple alternately causing me to move.
Bumaba lalo ang kanyang labi papunta sa aking tiyan na ikinabahala ko ng husto. Para iyong may sinusunod na direksyon at alam na alam ang pupuntahan.
When he pulled down my panty, I already know what he’s up to.
Huli na para umatras at ang tanging nagawa nalang ay humalinghing ng mahaba nang maramdaman ko ang kanyang labi roon. Nababaliw ako sa pinaggagawa ng kanyang dila roon at kung paano niya iyon hinahagod gamit ang malikot niyang dila. Nakabukaka ako at kahit anong gawin kong pagsara sa aking hita ay pinipigilan iyon ng husto ng kanyang pagkakahawak.
Nababaliw ako sa sensasyong yumayakap sa akin. Naging sarado ang aking isipan at nakalimutan kung nasaan kami. Ni ang pag-iingay ay hindi ko na nakontrol pa. I just want him. Gusto ko lang na may makamit at maabot ang dulo.
I’m almost there… malapit na ako lalo na’t sinasabayan ng kanyang kamay ang pamimisil sa aking dibdib habang ang isa naman ay naroon rin, tila tinutulungan ang kanyang dila roon.
Hindi ko na maitikom ang aking bibig na kahit anong gawin kong pagpipigil ay tuluyan nang nawawasak ni Tres ang hinahawakan kong kaonting katinuan.
Bigla siyang tumigil. Narinig ko siyang sumambit ng mura kaya sinikap kong buksan ang aking mga mata para tingnan niya. Ganoon nalang ang panlalaki noon nang makita ko siyang marahas ang pagkakababa sa kanyang natitirang saplot at pumaibabaw ulit sa akin.
“Tres! Teka!” I tried to pushed him from doimg something. Tuluyang umatras ang pagnanasa kong gawin iyon nang makita ang kanya. Ikakamatay ko ata pag pumasok iyan sa akin! No way!
“Stay still, Christienne,” wala ng pagpipigil sa kanyang mga mata nang hinila niyang muli ang dalawa kong hita at iniyapos iyon sa kanyang beywang.
“Your thing will going to kill me, Tres!” I tried to lower down my eyes and abruptly went back to his eyes when I saw it’s hardness. Oh gosh. Mahihimatay ata ako.
“I’ll try to slow down…”
He’ll try?! Oh my gosh! I cannot!
Huli na para magreklamo nang tinakpan niya na ang aking bibig ng kanya at marahas na ang pagkakahalik sa akin. His fingers were back on their job between my thigh that made me lost my sanity again. Nabura ang binabalak kong pag-atras at nalunod ulit sa pagnanasa dahil sa nakakahibang niyang ginagawa sa aking katawan.
He pushed his one finger inside me and began to move in and out. Umawang ang aking bibig at hindi na nagawang tugunan ang halik niyang gumagala na sa aking panga. Nagdagdag siya ng panibagong daliri na mas ikinasigaw ko.
“Fuck, it feels good hearing your soft moans Christienne…”
Bumilis ang kanyang darili. Hindi na ako mapakali at nawawala na sa sarili. Kung kailan malapit na ay doon naman siya tumigil. Ganoon nalang ang pagsigaw ko hindi dahil sa sarap kundi dahil sa kirot na naramdaman ko nang ipinasok niya ang kanya. It’s not his finger anymore!
“I-I’m going to faint…” daing ko at mariin nang napapikit. “Masakit!”
“Stay still. Mabilis lang ’to,” hinawakan niya ang aking balakang at itinulak ulit ang kanyang sarili.
“Mamamatay na ata ako, T-Tres!” Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido sa gilid ng aking mata.
“Shh, this is going to be fast, trust me.” He said as he moved inside me.
Ngumiwi ako sa labis na sakit. Namatay ang pagnanasang kinababaliwan ko at hindi na maiwasang umiyak. Sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, ito na ata ang pinakasakit!
He pushed. I cried. He pulled, I cried harder.
His lip claimed mine and kissed me torridly. His finger rub my folds as he move while his other hand was pinching my hard nipple.
Sa bawat pagdiin niya ay may humahalo ng sensasyon. Nandoon parin iyong sakit pero humahalo na hanggang kahit ang aking balakang ay sinasalubong na iyon. Nang naramdaman niyang nakakaadjust na ako, mas bumilis ang kanyang paggalaw, na kahit ako ay hindi ko na mapantayan ang bilis na iyon.
Tuluyan na akong napunta sa itaas ng banig at nasa may pwetan ko nalang iyon dahil sa hindi maawat niyang marahas na galaw.
Ang tanging nagawa ko nalang ay humalinghing ng mahaba nang makaramdam ako ng pagsabog at nginig sa aking mga hita. Tres was still moving inside me. I tried to look at him in my sleepy eyes and saw him licking his lower lip. Umawang ang kanyang bibig at naliligo sa sariling pawis. Dahan dahang bumagal ang kanyang galaw at mas sumagad ang pagdiin sa akin hanggang may maramdaman ako sa aking loob na sumabog.
Bumagsak siya sa aking balikat, hingal na hingal at naramdaman ang malakas ang pintig ng puso dahil sa kanyang pagkakadikit sa akin.
“Whatever happens, I’ll take a full responsibility of it.” bulong niya sakin.
Chapter 47
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PrfcltyStbbrn
This chapter is dedicated to Chloe Denise. Happy reading!
Ruined
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang sinag ng araw agad ang sumalubong kaya mariin akong napapikit ulit. I tried to move when I felt a pang of pain down there.
Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at mabilis na napabagon. Oh my gosh! We’re still here! At umaga na!
Ang kamay ni Tres na nakadagan sa aking beywang ay nalaglag sa aking hita. Mabilis ang pagsuyod ng aking mga mata at hinanap ang aking damit. Nang makita ko ang aking dress ay inabot ko iyon. I was about to wear it when Tres pulled me back, hugging me.
“W-Wait! I am naked!”
“So do I,” he whispered hoarsely that made my cheeks burned in heat.
“It’s morning! Baka may makakita sa atin dito! Tres!” Pinagsasapak ko ang kanyang braso. This is so embarassing!
“Let’s get dress later,” he said lazily. Isinisiksik niya na ang kanyang mukha sa aking leeg at mukhang wala pang balak bumangon.
“Tres! Someone might see us!”
“I bought this property so stop worrying,”
What?
“K-Kahit na! I am not wearing anything! I want to get dress!” Nagpumiglas ako sa kanyang pagkakayakap.
He groaned. “Ngayon ka pa nahiya e nakarami nga tayo kagabi,” he said bluntly.
Namutla ako sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay inabandona na ako sa sarili kong kaluluwa at sinalba ang sarili.
“Gusto kong magbihis! Bahala ka diyan total proud ka sa sarili mong katawan.” Bumangon akong muli nang naramdaman ko ang pagkalas ng kanyang kamay. Dali dali akong nagbihis, hindi nililingon ang lalakeng nakahiga parin doon at walang balak magdamit. I can’t believe him!
“I’m hungry! Get dress now, Tres!” sabi ko habang nakatalikod at pilit inaabot ang zipper.
I suddenly felt him at my back. Siya mismo ang nagzipper noon ng dahan dahan saka niya pinagpupulot ang kanyang damit.
Hindi ko alam kung paano ipapasok sa kokote ang nangyari kagabi. Para iyong nagrereplay at pinapamulahan ako ng mukha sa tuwing naririnig ko ang sarili kong daing na akala mo nagtatawag ng costumer sa kalye para mapansin ng parokyano. Gosh! Marupok kang babae ka!
Kagat kagat ko ang aking labi habang nakaupo ako sa driver’s seat. Naniningkit ang kanyang mata at buhaghag ang kanyang buhok. Katulad ng nakasanayan, isang kamay lamang ang kanyang ginagamit sa pagmamaneho habang ang isa ay nakasandal sa bintana. He glanced at me kaya mabilis ko ring binawi ang aking tingin.
May iniabot siyang kung ano sa aking buhok saka iyon itinapon.
“There’s a grass on your hair,” sabi niya na ikinakagat ko ng malakas sa aking pang-ibabang labi.
“Eh kasi napunta ako sa itaas noong banig…” bulong ko, yumuyuko.
“Masakit parin?” tanong niya na akala ay sakit ng tiyan lang ang tinatanong.
Tumango ako, hindi makasagot dahil sa kahihiyan. I am sore down there! At hindi lang iyon ang masakit kundi pati na ang buo kong katawan! Para akong dinaganan ng 10 wheeler truck at nilanta ako!
“Let me touch it,” sabi niya na ikinalaki ng aking mata.
“What?!” I glanced at him unbelievably.
“I’ll touch it,” simple niyang sagot.
Namula ang aking pisngi, hindi na alam kung paano pakakalmahin ang sistemang nagwawala.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi hanggang sa nauwi iyon sa isang halakhak. Oh look, he’s laughing!
“Kaya ang sarap mong inisin dahil rin sa ekspresyon ng mukha mo,” nailing siya at pinisil pisil ang pang-ibabang labi habang nakatukod ang siko sa nakabukas na bintana.
“You laughed!” I pointed him, “you know how to laugh!”
Mabilis na naglaho ang emosyong iyon at bumalik sa normal niya.
“Even kids know how to laugh. H’wag mong ibigdeal,” sabi niya.
“Pero minsan ka lang ganyan! Oh my gosh! You’re a human! Congrats!” natatawa akong pumalakpak.
He just tsked.
Nagdrive-thru kami ng makakain. Ipinark niya ang kanyang kotse at doon na nagbreakfast sa loob ng kanyang kotse.
After noon ay umuwi rin naman ako sa apartment. Nagdesisyon akong maligo para matanggal iyong lagkit sa aking katawan.
“Mabilis lang ako,” sabi ko nang kinuha ko ang aking tuwalya sa aking kwarto.
Tumayo si Tres, ang akala koy maghihintay siya ay hindi pala. He just strip in front of me!
“Tres! No way!” Nagmamadali akong tumakbo sa banyo pero bago ko pa iyon maisara ay napigilan niya na iyon.
“No! Just wait!” sabi ko habang itinutulak iyon kahit na mas bumubukas iyon dahil sa pagtulak niya rin sa labas.
“I don’t want to wait. Aksaya sa oras.” sabi niya.
“Ayoko na! It’s painful!”
“Sasabay lang ako,” nang-iinis na ang boses na iyon, pinapaalalang assuming ako.
Sumimangot ako nang tuluyan siyang nakapasok. Hinilamos niya sa akin ang kanyang palad.
“Stop acting like I didn’t see everything, Christienne. Lahat iyan, nadaanan ng labi ko.” Umangat ang kanyang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Namula ang buo kong mukha at ramdam ang paninindig ng balahibo sa aking balok dahil sa binitiwan niyang salita.
Wala akong nagawa kundi hayaan siyang sumabay sa akin. Imbes na siya itong magsabon sa akin, ako pa ang inutusan niyang magsabon sa kanyang likod. Really Tres Buenaventura?
The bathroom were filled with laughter. Ang saya saya ko sa araw na iyon. Feeling ko mag-asawa na talaga kaming dalawa at bumubuo na ng malaking pamilya.
“May bibilhin ka?” tanong ko nang magtungo kami sa Mall. I am wearing a sleeveless floral dress. Nakikita ang kalahati ng aking hita at nakabun at nakalugay ang aking buhok.
Hindi pumupunta si Tres sa Mall kung wala siyang importanteng sadya o bibilhin. Hindi niya ugaling manood ng sine, kumain o ipasyal ako rito.
“Wala,” sagot niya kaya napunto kong may bibilhin nga siya.
Namamahinga ang kanyang kamay sa aking beywang habang naglalakad kami. Maraming napapatingin pero binalewala ko nalang iyon. Naging parte na ata iyon ng buhay ko at sanay na sanay na ako. Feeling ko tuloy artista ako kaya ganoon nalang sila kung makasubaybay sa aking buhay.
May pinasukan kaming botique. Ang raming tumakbong katanungan sa aking isip pero isinantabi ko iyon. It’s too early!
Sumuyod ang mga mata ni Tres sa loob ng transparent glass. Ang raming singsing ang naroon at may presyong nakalagay sa ibaba. Napapalunok ako ng laway sa bawat bilang ko ng zero noong bawat singsing. Kung noon, mura lang sa akin ang ganoong halaga at kayang bilhin ng parents ko sakin, ngayon ay nahihilo ako kakabilang sa limang zero roon.
“What’s the size of your ring finger?”
Binalingan ko si Tres dahil sa kanyang tanong. Seryoso ang kanyang tingin habang iniisa isa ang mga singsing sa loob ng kanyang mga mata.
“Huh?” nalilito kong sagot.
“Bibilhan kita,”
Nanlaki ang aking mga mata. “Bakit?”
“Since you don’t have any accessories on your finger so I’ll buy you one,” sagot niya.
“Are you proposing?” hindi ko na naiwasang itanong iyon.
May itinuro siyang singsing sa loob kaya awtomatiko naman iyong kinuha ng saleslady na may matamis na ngiti sa kanya.
“Give me your hand,” sabi ni Tres nang binalingan niya ako.
“Nagpopropose ka ba?!” I can’t help not to lower down my voice.
He tsked and grab my hand impatiently. Kinuha niya iyong singsing na binili at isinuot sa aking ring finger. Nang makontento siya sa kakatitig roon ay binalingan niya ulit ang saleslady.
“I’ll buy it,” sabi niya at dinudukot na ang pitaka niya.
Natingnan ko ang aking kamay. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Naiiyak ako na natutuwa na ewan. Parang mga sandamakmak na labahing emosyon at umiikot ikot na sa aking loob, hindi alam kung anong mararamdaman.
“Did you like it?” tanong niya na mabilis kong ikinatango at dinamba na siya ng yakap.
“I love it! Kahit hindi ka lumuhod, kahit hindi ka magtanong, oo ang sagot ko Tres!” I cried on his shoulder.
“I’m not expecting you to say no either.” he said as his hand snaked around my waist, pushing me closer to him.
“Let’s just plan it after you graduate.” sabi niya na ikinatango-tango ko, naiintindihan ang pinupunto niya.
It was the happiest day for me. Kahit hindi ko man naranasan iyong mga magarbong proposal, iyong sosorpresahin ka at luluhod ang lalake sa iyong harapan, tuwang-tuwa parin ako dahil alam kong pakakasalan ako ni Tres at ako ang napili niyang makasama hanggang pagtanda niya. Iyon palang ay masayang masaya na ako.
Hindi ko maialis ang tingin roon sa singsing na may makintab na bato. Tumigil na ako sa pag-iyak at hindi mabura ang malapad na ngiti sa aking labi.
“That’s your second chain.” sabi niya nang mapansin akong nakatitig roon. Nakaupo na ako sa driver’s seat ng kanyang kotse.
I suddenly remember the necklace he gave to me. Nandoon iyon sa maliit na box at hindi ko na isinuot pa simula noong araw na sinaktan niya ako. Itinago ko nalang kaysa naman itapon.
“Aso mo parin ako?” Nilingon ko siya.
“Ganoon na nga. Binigyan kita ng tali mo total nabundol kita.” ngumisi siya na ikinainit ng pisngi ko.
Naalala ko iyong ipinangalan ko sa bagay na iyon. Iyong salitang “binubundol” ng kanyang aso ang akin.
“Stop it,” nag-iwas ako ng tingin.
“You’re not wearing your chain that’s why I decided to buy another chain for you.”
Ngumuso ako. “Kunwari ka pa eh proposal ang tawag rito at hindi tali.”
“It looks like a chain to me,” kibit balikat niya, nasa daan lang ang tingin.
“You’re such a sly,” I chuckled. “At iyong kwintas na bigay mo sa akin ay nasa kwarto ko. Hindi ko na sinusuot dahil sinaktan mo ako noon…”
“At least you didn’t lost it.” sabi niya.
“Mahalaga iyon sa akin e,”
Hinatid niya ulit ako pauwi. Kumain kami at nanood ng dvd’s saka rin siya nagdesisyong umuwi.
“Ayaw mong matulog rito?” tanong ko sa kanya nang tumayo na siya at handa ng lumabas.
“Saka na pag may sarili na tayong bahay.”
Hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad. Nang hindi ako makontento ay tumawa na talaga ako.
“Alright! Be careful okay! Bye!” I kissed his cheek and pulled away after.
“H’wag kang lalabas.” sabi niya at tumalim agad ang mga mata sa akin.
Tumango ako. “I won’t. See you tomorrow morning!”
Tumango siya at hinawakan ang doorknob. “Lock the door after.”
“I will,”
Lumapit ako sa pinto at humawak narin sa doorknob sa loob. Nang umalis siya ay isinara ko narin iyon. Kaso hindi pa ako nakakaalis roon sa harap ng pinto at kakalock lang ng loob ay may kumatok na naman.
Binuksan ko iyon. I was about to say something when Tres kissed me.
“I forgot to give you my kiss, goodnight.” he said and close the door again leaving me in shock.
Napangiti ako ng malapad at nagtatalon sa saya. I can’t believe may ganitong pakiramdam pala. Iyong masayang masaya kana pero mas lumalala pa iyon at halos pasabugin kana sa klase klaseng emosyon.
Nasa aking kama na ako at inaatupag ang aking cellphone. Nag-iingay ang gc at ibinabalita nila sa akin na kalat na kalat raw sa social media iyong pagpasok namin ni Tres sa isang botque.
Leeland: Ikakasal kana talaga Red?
Klint: Seryoso na ba iyan?
Ako: Uhm, yes?
Leeland: Parang hindi ka ata seryoso ah?
Klint: Babe! Magpapatali kana! :’(((
Natawa ako sa reaksyon ni Klint.
Ako: Parang ganon na nga.
I sent them the photo of my ring finger.
Halos pagkaguluhan iyon ng dalawa. Hindi sila makapaniwalang may singsing na nga akong suot.
Klint: Hindi kana namin niyan makakasama.
Leeland: Kahit sa huling araw nalang Red, sumama ka sa amin. Last summer pa iyong nakita ka namin.
Ako: Pag-uwi nalang ni Marco. Malapit na ulit iyon e,
Klint: May favoritism ka talaga! Akala ko ba pantay pantay kaming apat?
Troy: Ganda ng singsing mo Red. Mayaman kana ulit?
Naparolled eyes talaga ako sa biglang pagsulpot ng mensahe ni Troy sa gc. Nakikisali ang walang alam.
Klint: Magiging Mrs. Buenaventura na si Red pero hanggang ngayon huli ka parin sa balita.
Troy: Talaga Red?! Halika dito sa 3DBar! Dapat sinicelebrate iyan!
Klint: Hangga’t hindi ka pa nakatali paglaanan mo muna kami ng oras.
Leeland: Troy is right. Let’s celebrate, Red.
Sa kanilang pamimilit ay hindi na ako nakatanggi pa. Dali dali akong nagbihis ng isang dress at high heel, nilagyan ng kaonting make-up ang aking mukha saka nagtungo roon.
Imbes na itext si Tres para sana magpaalam ay hindi ko na nasabi sa kanya dahil sa pagkamatay ng aking cellphone.
“Red!” Tuwang tuwa si Troy at mabilis ang pagtayo at sinalubong ako ng yakap nang makita akong papalapit sa inuupuan nilang couch.
Humalakhak ako at yumakap pabalik sa kanya.
“Let me go, Troy. Nagagalit si Tres pag masyado akong clingy sa inyo e,” rason ko kaya mabilis rin siyang bumitaw.
“Iba na talaga pag nakatali na,” nailing siya.
Ganoon rin ang reaksyon ni Klint sa akin. Sa sobrang higpit ng kanyang yakap ay halos hindi na ako nakahinga. Inawat ko agad siya katulad noong rason ko kay Troy. Si Leeland hindi na yumakap nang marinig ang aking rason kung ba’t hindi na pwedeng masyadong clingy sa kanila.
“Dapat maintindihan ni Tres na mga kaibigan mo kami at normal sa atin ang mga ganoon, Red.” si Klint.
Naglahad ng inumin sa akin si Leeland kaya tinanggap ko iyon.
“If I’m not going to stop myself from being clingy, masusuntok niya kayo. Nagiging bayolente pa naman iyon sa tuwing nagseselos siya.” paliwanag ko na ikinaurong ng ilang pulgada ni Troy palayo sa akin.
“Puhunan ko ang aking mukha sa mga babae kaya iniingat-ingatan ko ito kaysa sa pagkakaibigan natin, Red. I’m sorry,” sabi ni Troye sa akin na ikinahalakhak ko.
Natawa ako ng malutong. “I hate you Troy!”
“Graduate na tayo kaya nga dapat nagpapakasal narin tayo. Pero mukhang mauuna pa itong si Red eh mas bunso ito sa ating lahat.” sabi ni Leeland.
“Ayokong matali! I am still enjoying the freedom of being single! Marami pang putahi ang gusto kong matikman sa kama.” sabi ni Troye na ikinasira ng aking ekspresyon.
“Yuck! Parang awa niyo na! Magpakasal na kayo sa ikakatahimik ng mga babaeng nabibiktima niyo!” I said to them.
Klint and Troye just chuckled while Leeland was smirking. Walang balak magtino ng tatlong ito. Naaawa tuloy ako sa mga babaeng nahuhulog sa kanilang bitag. How I wish makahanap sila ng mga katapat nila nang matigil iyang kalandian nila.
Panay ang lagok ko ng shot. Ihahatid naman ako ni Troy kaya okay lang. If Tres find this out, he’s going to be mad at me. Baka nga mamaya nandito na iyon. Pero mas mabuti narin para mas maipakilala ko sila sa tatlo ng masinsinan nang matigil na iyang kapraningan niya.
Sumulong si Troy sa dancefloor. Si Klint ay hinila narin ako.
“For the last time, let’s dance!” bulong niya sa akin nang mas maging wild ang tugtog.
Humahagalpak kami ng tawa ni Klint habang sumasayaw. Hindi katulad noon na dikit na dikit siya sa akin, ngayon ay may espasyo na sa aming pagitan. I’m really glad he respects my decision at naiintindihan kung ba’t hindi na pwede ang dating pakikitungo namin sa isa’t isa. Kahit nga si Troy ay dumidistansya narin na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Mas natatakot siyang masuntok kaysa masira ang friendship namin. Damn him!
Pagbalik namin sa upuan ni Klint ay kabi-kabila na naman ang babae ni Leeland. Binigyan niya ako ng inumin saka ko iyon nilagok at tumawang muli dahil kay Troy. Itinago ko ang kanyang polo na hinubad niya at inihagis sa ere. Kung sino daw ang babaeng makakakuha noon, iyon ang iuuwi niya. My ass, playboy!
Sa daming nangyari kagabi, hindi ko na iyon matandaan. Nagkaroon nalang ako ng malay sa aking kwarto at may katabi na.
“Good morning…” I hug his back.
Kumikirot ang aking ulo at naalala ang paglabas ng walang pahintulot sa kanya kagabi. Opse, I’m sure he’s going to get mad!
“H-Hindi na ako nakapagpaalam kasi n-nalowbat ako… I-I’m sorry…” Ngumuso ako sa kanyang likod. I’m sure he’s mad. But how did he know that I’m at the Bar last night? Hindi kaya ay may koneksyon siya roon?
Bago pa man maisip ang dahilan, humarap na ito sa akin.
“Sorry for what, Red?” Inaantok na tanong sa akin ng kaibigan ko na ikinalaki ng aking mga mata.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Napatingin ako roon at nakita ang gulat na mukha ni Tres.
Mabilis akong napabalikwas sa aking kama sa kabila ng ulo kong kumikirot.
“This is not what you think, Tres!”
Mabilis na nabalot ng dilim ang kanyang mga mata nang malaglag sa aking katawan ang kanyang tingin. Nalaglag narin ang aking tingin roon at nagulat sa aking nakita. I am just wearing my undies oh my God Red!
Kitang kita ko kung paano niyakap ng matinding galit ang kanyang mukha. Kung paano niya sinuntok ng malakas ang pinto ng aking kwarto at nagmartsa paalis.
“Tres! Wait!” Mabilis ang aking paggalaw. Dinampot ko nalang ang aking dress sa sahig at mabilis na tumakbo palabas habang sinusuot iyon.
Nakita ko siyang naglalakad ng malalaki kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Nang maabutan ko ito ay agad kong niyakap ang kanyang likuran.
“It’s not what you think! Please! Let’s talk!”
He stop midway. Pumapatak na ang malalaking luha sa aking mata at natatakot sa posibilidad na maaari niyang isagot sa akin. Natatakot sa kanyang galit na imahe.
“Nothing happened! I am still wearing my undiesㄧ”Marahas ang kanyang pagkakatanggal sa aking kamay at hinarap ako ng buo. Nakita ko ang pulang pula niyang mga mata, nagpipigil at nilalamon ng galit ang mukha.
“Dont make a fool out of me, Christienne! I can fuck you with your clothes on!”
Napaatras ako, nailing at kinain ng takot.
“Alam ko! W-Walang nangyari… please…” Kinain ng aking iyak ang aking boses. Umiling siya, tumitingala at may pinipigilan.
“I think you’re not yet ready for thisㄧ”No! This is a mistake… M-Mali ang iniisip mo!“ Sinubukan ko siyang lapitan nang marahas niya akong isinandal sa pader, mas lalong dumidilim ang tingin sa akin.
Halos mawalan ako ng kulay nang sinuntok niya ang gilid ko. Sa sobrang lakas noon ay umagos ang dugo galing sa kanyang kamao, nakukulayan ng pula ang puting pader.
Napahikbi ako ng malakas, hindi kayang tagalan ang mga mata niyang hindi umaalis sa akin. Kahit hindi naman ako natamaan, pakiramdam ko ay nasuntok ang aking dibdib dahil sa sakit at paninikip noon. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit na makakapatay siya ng tao kung hindi niya mapipigilan ang sarili.
“Anong nagawa ko sa’yo para paglaruan mo ako ng ganito?!” He growled at me, pulang pula ang mga mata at walang maaninag na liwanag roon.
“H-Hindi kita niloloko Tres! Maniwala ka n-naman! Ni wala akong maalala kagabi! At hindi kita pinaglalaruan!”
“Red?”
Kapwa kami napalingon kay Leeland na walang suot na pang-itaas at tanging pantalon lang ang ibinbalandra. May mga marka ito ng halik sa kanyang leeg na labis kong ikinatakot.
“Are you harrasing her, man?!” Sumugod siya kay Tres, imbes na alisin ako sa pagkakakulong sa pagitan ni Tres ay nagulat nalang ako nang mabilis siyang bumulagta dahil sa malakas na pagkakasuntok sa kanya.
Napatakbo ako sa kaibigan kong humandusay sa sahig. Dumugo ang kanyang labi at halata sa mukha ang iniindang sakit. “Leeland!” sigaw ko.
“You’re the one who’s no different from before. You’re still that playgirl who just want to play at dating. Hindi marunong magseryoso at puro paglalaro,” sabi ni Tres sa akin.
Tumayo akong muli, hinabol ang kanyang pag-alis.
“H’wag mo naman itong gawin sa akin Tres! Hayaan mo akong ipaliwanag sa’yo ang lahatㄧ”Anong ipapaliwanag mo ha?! Na hindi ka nakontento sa ibinibigay ko sa’yo sa kama kaya maghahanap ka ng iba?! Was he good?! Did he licked you good enough?! Fuck you good enough?!ㄧ sa sobrang sakit ng kanyang sinabi ay nasampal ko na siya. Bumuhos ang sandamakmak na luha sa aking mga mata.
Kitang kita ko ang pagpilig ng kanyang ulo, nang nilingon niya akong muli ay may umaagos ng luha sa kanyang mga mata. Luhang hindi galing sa sakit ng aking pagkakasampal kundi sa sakit na kinikimkim nito. Para akong nilatigo nang makita iyon. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang umiyak sa aking harapan. Nakita ko ang dismayado at nasasaktan niyang tingin sa akin.
“Halos paluhurin mo ako sa’yo. Kung alam ko lang na hindi ka pa handa sa ganito, kung hindi mo pa kayang magseryoso, kung laro lang pala ang tingin mo sa relasyong ito, sana kinlaro mo.” Hinila niya ang aking kamay at walang ano-anoy hinubad ang singsing roon. Itinapon niya iyon sa kung saan na mas ikinahulog ko sa paghagulhol.
I tried to hug him again and stop him from leaving. Hangga’t may natitira pang lakas sa akin para pigilan siya sa kanyang binabalak ay gagawin ko!
“T-Tres! P-Please… h’wag ganito! I-I’m sorry… I’m sorry! I’m begging you! Don’t do this! Ang mga pangarap natin! Tutuparin pa natin iyon! We’re going to marry soon! I-Iyong pangarap mo… t-tutulungan pa kita…” Halos ibulong ko nalang iyon sa kanyang likuran. I felt as his chest heaved up and down. His shoulder were rocking slowly as he tried to clench his fist. I heard him breathe deeply, trying to stop his sobs from coming out.
“You just ruined my dream, Christienne. You ruined us… You ruined me.” sabi niya sa namamaos at garalgal na boses na ikinawala ng aking lakas para yakapin siya sa likuran. Dumaosdos ako hanggang sa ang kanyang binti na ang yakap ko, pinipigilan siya sa maaari niyang gawin. Na baka pag hinayaan ko siyang makaalis ay huli na ang lahat para sa amin.
“M-Mahal kita…” halos bulong nalang iyon sa aking isipan at hindi ko na alam kung naisatinig ko ba dahil sa nakakabingi kong iyak.
“You’re disgusting,” mariin at marahas ang pagkakabitaw niya sa salitang iyon na may pangdidiri sanhi para manghina ako. Naiwan akong nakaluhod roon, umiiyak ng husto at hindi na ito mapigilan pa sa pag-alis.
Napahagulhol ako sa sobrang sakit na nararamdaman at naiyak sa sahig. Wala na akong pakialam kung halos halikan ko na iyon habang marahas na tumataas baba ang aking balikat. Ibinabaon ko ang mga mata sa aking brasong iniharang ko at sapo ang dibdib dahil sa labis na dinadamdam na sakit. Parang bumabalik lahat ng sakit noong namatay si Mommy, nakulong si Daddy, pagkasira ng pagkakaibigan namin ni Yashin at Hannan. Lahat ng sakit na iyon ay humalo halo na kaya ganoon nalang kagrabe ang nararamdaman ko. Para akong papatayin sa sakit…
We’re almost there! Magpapakasal na dapat kami! Magtutulungan dapat kaming tuparin ang mga pangarap namin! P-Pero ba’t nangyari ang lahat ng ito? Bakit parang pinaglalaruan rin kaming dalawa ng tadhana?
Chapter 48
Vote. Comment. Be A Fan.
Game of Love
-PrfctlyStbbrn
I’m ready
Kahit anong plano mo ng maganda, kung hindi mo naman hawak ang script ng iyong buhay ay hindi mo parin iyon makokontrol at masusunod sa gusto. This stage play has gone too far. Pati ata lovelife ko ay isang laro na.
I thought it’s enough if you beg for your forgiveness. Nagkamali ako. Inaamin ko iyon. I’m willing to lower down my pride and admit how stubborn I am that day. Kung hindi ko siguro sinunod ang kagustuhan kong lumabas, baka nasalba ko pa ang salitang “kami.”
Pero katulad nga ng kanyang sinabi, sinira ko ang salitang iyon. Sinira ko hindi lang siya kundi pati ang pangarap niya.
“Please, I just want to talk to Tres…” Tumutulo ang aking luha ng paulit ulit habang bumabalik sa kanilang bahay. Ang sabi ng katulong ay hindi niya alam kung nasaan ang amo. Wala rin roon ang mag-asawa dahil may business trip. Ang dalawa namang magkapatid ay nasa kani-kanilang bahay na kasama ang pamilya.
I was so devastated. Hindi ko alam kung anong iisipin at kung saan siya hahagilapin. Kung gusto niyang lumuhod ako sa kanyang harapan ay gagawin ko!
“Red?” Addison was so shocked to see me outside their gate.
“Nandito ba si Tres? Please… I just want to talk to him…” sabi ko, umiiyak at nagmamakaawa ang boses.
Umiling siya, litong-lito. “Hintayin mo muna si Dos. Nasa kompanya pa kasi siya baka alam niya.” sabi niya na ikinailing ko nalang at nagpaalam. She called me pero hindi na ako bumalik pa.
I even called Aly dahil baka nandoon si Tres sa kanilang bukid pero nang bigo ako sa pagbabakasakali ay isang hagulhol nalang ang napakawalan ko. I ended the call kahit na litong lito siya.
Hindi ko na alam kung saan pa siya hahanapin. Nakapatay ang kanyang cellphone at hindi nagpapakita sa akin sa bawat araw na lumilipas at nauuwi lang sa aking malakas na iyak.
1week after, nakauwi rin si Marco. Nalaman niya ang lahat. Kinwento ko lahat lahat sa kanyang harapan. I was crying like a little kid while covering my face as I tried to catch my breath.
He was so mad that he ran away on my apartment and hurriedly went to the Bar. Sa sobra kong taranta na baka anong gawin niya ay sumunod narin ako. Tres was not there! Hindi kaya ay hahanapin niya si Klint at Troy? That was I thought…
Pero nang nakarating ako sa Bar at hindi palang ako nakakapasok ay nakita ko na ang apat sa labas, nagkakagulo na. Klint and Troye were trying to stop Marco from punching Leeland again. Nasa sahig na ito, dumugo ang labi at pinupunasan nalang iyon ng kanyang kamay, mukhang walang balak manlaban.
“Tarantado ka! Isa ka sa pinagkatiwalaan ko kay Red tapos malalaman ko nalang ang kagaguhan mo!”
“Marco! H-He has no fault! We’re both wrong! A-At walang nangyari s-sa araw na ’yon… d-diba Leeland…” sabi ko nang daluhan ito para patayuin.
Hindi umimik si Leeland. Lumapit si Klint sa akin at hinila ako paalis roon.
“No Klint! T-Tama na yang pag-aaway niyo! Marco!” Nagpumiglas ako.
“H’wag kang makialam Red.” seryoso at madilim ang ekspresyon ni Troy sanhi para mahinto ako sa pagsasalita. Hindi ko ito nakitang ganyan kaya ganoon nalang ang nararamdaman kong takot.
“We do things when we’re inlove…” Ngumisi si Leeland sanhi para magtulak kay Marco na pumalag. Halos yakapin na siya ni Troy para lang pigilan.
“Inlove?! Fuck you! Kaya mong gamitin si Red para lang sulsulan iyang pagmamahal na alam mong hindi mapapasa’yo!”
Sa nakakabinging sigaw ni Marco, hindi ko alam kung paano ko iyon irerehistro sa utak ko.
“Marco?” tanong ni Klint, naguguluhan rin katulad ng mukha ni Troy na mukhang wala ring ediya.
“Hindi niyo alam na baliw na baliw iyan kay Hannan?!” Marco pointed Leeland. “Nagpalaki kayo ng ahas sa inyong tabi at inaakalang hindi tayo tutuklawin isa-isa!”
I was so shock. Dapat kaya ko ng tumanggap ng isa pang pananraydor pero iyong malamang nasa mga kaibigan ko na naman, at nagamit ako, parang mahihimatay na ako.
Yumuko si Leeland. Nanatili nalang siyang nakaupo roon, tila nag-iisip ng idadahilan kaya tahimik. Nakapiko ang isang paa at nakapatong ang kamay.
“Tangina mo Leeland! Paano mo ito nagawa?!” Now it was Klint bursting into his outrage anger. Sinugod niya si Leeland at kinwelyuhan. Leeland didn’t move kaya malaya siyang nasuntok ni Klint. Humandusay ito sa sahig. Pinatayo niyang muli at sinuntok.
“K-Klint! Tama na!” Humagulhol ako ng iyak sanhi para bumitin sa ere ang kamao ni Klint na handa niya na naman sanang isuntok kay Leeland. Hindi na mahitsura ang mukha nitong napupuno ng pasa. Ang labi niyang pumutok na.
Nanghina ako at napaluhod sa sahig. Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak ng husto.
“W-Why did you do this to me… Leeland? H-Hindi pa ba sapat ang paghihirap ko para dagdagan mo? Walang nangyari sa a-atin!”
“We’re both drunk Red. Wala akong maalala…” sagot ni Leeland na ikinarinig ko ulit ng suntok. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Troye mismo. Nakakuyom na ang kamay at nakatayo sa harapan ni Leeland na lumuwa na ng dugo. Halos umagos na iyon palabas ng kanyang bibig at ngumingiwi sa sakit. Na kahit ang polo, nadungisan na ng dugo.
“You planned this don’t you? Ikaw itong panay ang bigay ng inumin kay Red! At alam mong malalasing ako kaya hindi ka gaanong naglasing para maihatid siya pauwi ganoon ba Leeland?!” galit na galit na tanong ni Troye, kumukuyom ang kamao at lumalabas na roon ang ugat.
Hindi sumagot si Leeland. Nanatili siyang tahimik.
“Kailan mo pa kami ginagago?” tanong naman ni Klint.
Hindi siya umimik.
“Kaya ba ganoon ka nalang kadesperado sa dare noon Leeland? Anong pinagtatakpan mo?” Nanindig ang aking balahibo sa tanong ni Troye sa kanya.
“Wala kayong alam kaya hindi niyo maiintindihan.” simpleng sabi niya.
“Ano bubugbugin pa kita para lang sabihin mo?!” Susugod na sana ulit si Marco nang hinawakan na ni Troy ang kanyang braso.
Tumayo si Leeland, namulsa. “Sapat na itong kabayaran sa kagaguhan ko.” sabi niya. “Hintayin niyo nalang na matauhan ako saka ko na sasabihin ang lahat.” Makahulugan niya akong tiningnan, dismayado ang mga mata pero wala ng sinabi.
After that he walked out. We didn’t get the whole information. Nalaman ko lang kay Marco na alam niyang simula pa noon ay may gusto na si Leeland kay Hannan. He accidentally saw it on Leeland’s phone, maraming mensahe kay Hannan. Akala niya ay nawala na iyon hanggang ngayon dahil noong highschool pa iyon, pero sa mga kinwento ko, sa paggising ko na si Leeland na ang kasama sa kwarto, doon niya lang nakumpirma na gustong gusto parin nito si Hannan.
Parang isang bulaklak ang aming pagkakaibigan. Nalalagasan iyon ng petals sa tuwing hinahangin. Ang naiiwan ay iyong kumakapit ng husto at ayaw mahulog. Ang nahuhulog ay iyong mahihina at walang balak manatili ng matagal sa grupo.
Masakit. Akala ko sapat na sina Hannan at Yashin. Akala ko hindi na ako masasaktan. Pero heto parin ako, umiiyak sa paulit ulit na rason.
Pumunta akong muli sa bahay ng mga Buenaventura, si Tita Tracy ang nadatnan ko roon. Nang makita niya ako ay binalot ng pag-aalala ang kanyang mukha at nangingilid ang mga luha.
“T-Tita… si Tres po?” I asked as I tried to hide the tears in my eyes.
“What happened Red? Bakit nagdesisyon siyang mangibang bansa mag-isa? Bakit hindi ka niya sinama? Hinding hindi ka niya magagawang iwanan pero bakit padalos dalos?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman. Nanginig ang aking tuhod at napasalampak nalang sa sahig. I covered my face with my hand and started to cry.
“I-I’m sorry po, it was my fault Tita!”
Humagulhol narin si Tita at niyakap ako. “K-Kakausapin ko ang anak ko Red. I’m going to help you settle this…”
Umiling-iling ako. “Hwag na po, Tita… He doesn’t want me anymore. K-Kaya siguro siya lumayo dahil ayaw niya na akong makita. Kinasusuklaman na ako ni Tres…”
Daddy was right about this pain. Halos patayin ako sa sakit na kahit sobrang sakit na, nadadagdagan parin hanggang gusto mo nalang mamatay. Nakaya ko lahat lahat, pero itong ganito? Ito ata ang sakit na gumawa ng matinding sugat sa aking puso na kahit anong gamot ko, mas lalo lang iyong lumalala at walang lunas para humupa.
Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko na kayang magpigil at palaging sumisikip ang aking dibdib sa tuwing naaalala ang masasaya naming araw. Ganito ba talaga ako kalupit noon kaya pinaparusahan na ako ngayon? Mabigat na ba talaga iyong paglalaro sa damdamin ng iba para ako naman ang mapaglaruan ngayon?
Para akong isang player na naisahan ng isa pa. Hindi ko alam na iyong kasabwat ko sa laro ay pinaglalaruan rin pala ako.
Palagi akong nagmumukmok sa apartment. Ni hindi ako umaalis sa sofa at yakap yakap ang sariling tuhod habang nakalagay ang baba roon at lutang. I don’t want to eat. Ni ang paggalaw galaw ay ayaw ko. Tinatamad na akong mabuhay. Tinatamad akong gawin ang mga bagay na magpapahagulhol lang sa akin sa iyak dahil alam kong mag-isa nalang ako.
Akala ko ang pinakamasakit sa mundong ito ay ang pagiging mag-isa at binabalot ng kalungkutan. Pero mas masakit parin pala iyong nakalimutan kana ng taong hindi mo lubusang makalimutan.
“So this is your apartment? Grabe nakakahinga ka pa dito Red?! Sa mga dwende ata ’to.” reklamo ni Troy nang makapasok ng tuluyan, kasama ang iba pa.
“Shut it Troy.” saway agad ni Klint sa kanya pagkatapos maglapag ng mga groceries.
Si Marco naman ang sunod na pumasok. Marami siyang dala at mukhang may plano na ang tatlo at sinasama ako.
“I bought some dvd’s.” sabi ni Marco at tinabihan ako rito sa sofa. “Here you go…”
Inilahad sa akin ni Marco ang carbonara.
“At least eat…”
Tiningnan ko iyon, umiling. “Wala akong gana.”
Sumimangot si Troye at lumapit narin. Inilahad niya sa akin iyong kinakain niyang ice cream.
“Your favorite flavor. Sa’yo na total busog ako.”
Napatingin ako roon hanggang sa masira ang aking ekspresyon at natakpan ang bibig dahil sa tiyan kong parang nagtutulak ng kung ano at gusto iyong ilabas.
“Teka ba’t ka nasusuka?” pahabol na tanong ni Troye nang mabilis na akong tumakbo sa kusina at sumuka roon sa lababo.
“Mabaho ba? Klint amuyin mo nga.” nilingon ko silang tatlo. Takip takip ko ang aking bibig.
Si Troye lamang ang nag-iingay habang ang dalawa ay madidilim na ang ekspresyon, makahulugan na ang tingin sa akin.
“When is your last period, Red?” tanong ni Marco na ikinausbong ng panibagong kaba sa aking dibdib.
I hurriedly check the calendar on my phone. “I-I’m 1week delayed…”
Nagtaas baba ang balikat ni Klint hanggang sa nasuntok niya iyong pader na nagpatalon sa akin sa gulat. Nayakap ko ang sarili kong flat na tiyan. This isn’t happening… M-Mali ito…
“Makakapatay ako ng tao. Mapapatay ko talaga si Leeland! Binuntis ka niya!” Napatayo na si Marco, galit na galit at halos lalabas na.
“Walang nangyari sa kanila, Marco! Iyon ang sabi ni Red!” sabi ni Troy nang hawakan niya ang balikat nito. “Diba, Red?”
Napatingin silang tatlo sa akin. Tumulo ang sandamakmak na luha sa aking mga mata.
“W-Wala akong maalala ng gabing iyon… N-Nagising nalang ako na nasa sahig na ang mga damit ko…”
“I’m going to kill him,” pinatunog ni Klint ang kanyang mga daliri at handa ng lumabas nang humagulhol ako ng iyak sanhi para matigil silang tatlo.
“M-May nangyari sa amin ni Tres!” natakpan ko ang aking mukha at napaupo sa sahig. “And now he’s gone… Hinding hindi niya ako pananagutan dahil sa galit niya sakin…”
Natahimik sila sandali. Tanging iyak ko lang ang pumaibabaw sa loob. Para na akong mahihimatay sa pinag-iisip ko.
“Kung siya man ang ama. Si Leeland lang ang makakapagpatunay ng lahat ng ito. Ang tarantadong iyon…” si Troye
Litong lito na ako. Sa tuwing naiisip ko ang galit ni Tres, kung paano niya binitiwan ang kanyang mga salita, mas lalo lang akong nasasaktan.
Nadatnan ulit ako ng tatlo sa sofa na yakap ang sarili at humahagulhol ng iyak. Araw araw lang nila akong binibisita rito, nag-iiwan ng maraming pagkain at uuwi rin pag gabi na. Napapagod na ako sa ibinabato sa akin ng mundo at sinukuan ko narin ang aking sarili. Hindi ko na talaga kaya…
“Hindi ka parin kumakain?” tanong ni Marco sa akin na tanging iyak lang ang isinagot ko.
“Sayang ang ibang pagkain dito sa ref,” narinig kong sabi ni Troye.
“Sumama ka nalang kaya sa States, Red? I’m sure my Mom will take good care of you. Doon nalang natin palakihin ang bata. Sa mga nangyayaring issue ngayon, palalalain mo lang ang sitwasyon.”
Umiling ako. “H-Hindi ko iiwan si Daddy… a-at bibisitahin ko pa ang puntod ni Mommy…” Iyon ang nagtulak sa akin para maiyak lalo ng husto. Anong sumpa ba ang meron ako at iyong mga napapalapit sa akin ay kusang umaalis? Ganoon ba ako kahirap mahalin? Ganoon ba ako kapabigat?
“U-Umalis na kayong tatlo! A-Alam ko naman na darating rin ang araw na i-iiwan niyo rin ako e! P-Para hindi na ako masaktan… J-Just leave me alone…” sabi ko sa gitna ng pag-iyak.
Imbes na malungkot, narinig ko ang pagtawa ng tatlo. Sobrang hagalpak iyon na akala mo may nakakatawa talaga sa sinabi ko.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila. “Seryoso ako!”
“Buntis ka nga! Ang kilala naming Red hindi naman dinadramahan ang mga problema niya. Eh noon nga ang lala noong mga nangyari sa’yo tapos ito lang iiyakan mo ng husto?” natatawang si Klint.
Nailing si Marco at hinila ako papalapit sa kanya, niyakap niya ako.
“Our little girl is pregnant… sakit ka na nga sa ulo tapos madadagdagan ka pa ng isa. Sakit rin iyan sa ulo sigurado ako.”
Umiyak ako sa dibdib ni Marco, “a-ang rami ko pang gustong gawin, Marco! P-Pero buntis ako at walang amaㄧ”Bastos kang babae ka! Eh anong tawag mo sa aming tatlo?“ si Troye na overeacting, sapo sapo pa ang dibdib.
“Ngayon ka pa ba susuko Red?” Makahulugang tanong sa akin ni Marco na ikinabuhos lalo ng luha ko.
“Lalake lang iyang iniiyak-iyakan mo Red. May papa ka naman.” si Klint.
Gustong gusto kong lumaban pero nananaig ang sakit sa aking loob. Pakiramdam ko ay hindi ko na talaga kayang tumayo pa kung hindi lang talaga ako literal na tinutulungan noong tatlo. I’m such a mess. Ngayon lang ako natalo ng isang problemang halos lunurin ako.
It hurts. Dalang dala na ako sa mga salita ni Tres. Na pakakasalan niya ako at tutulungan niya akong abutin ang pangarap ko. Ni hindi niya rin ba iyon naisip? Hindi lang pangarap niya ang nasira dahil pati ang akin, nasira narin.
“What happened to you? Pumayat ka ata lalo, Christienne? Ans what’s with your eyes? Umiiyak ka ba palagi?” sunod sunod ang tanong ni Daddy sa akin.
Imbes na sumagot, ang tangi ko lang nagawa ay ilagay sa kanyang harapan ang pregnancy test na may dalawang linya.
Nagkasalubong ang kanyang kilay at bumagsak ang tingin roon. He stared at it for awhile.
My shoulder started to rock slowly as I put my head on the table and cried there.
“B-Buntis ako… I failed you, Daddy… H-Hindi na kita mailalabas d-dito…” I cried harshly.
Iyon ang pangarap ko. Iyon ang nangunguna sa listahan ko. Pero sa mga nangyari, hindi ko na alam.
“K-Kung alam ko lang… S-Sana hindi nalang ako nagyabang… S-Sana hindi nalang kita p-pinaasa… K-Katulad lang rin ako ng lahat e, Hanggang s-salita lang…”
I heard my Daddy’s cry until I felt him hug me.
“Christienne… may sarili ka rin namang buhay, anak. H’wag mong iikot ang mundo mo sa akin… May sarili ka ring buhay…” sabi niya sa garalgal na boses habang hinahagod ang aking likod.
Mas umiyak ako doon sa mesa. Hindi ko maipakita sa kanya ang aking mukha dahil sa kahihiyan. I failed him. I failed my Daddy…
“I failed you Daddy…” mas lumakas ang aking hikbi, halos hindi na makontrol ang emosyon.
“No, no sweetie! I’m fine here, you know? Ang sabi ko naman makakalabas rin ako di’ba? Pero sa ngayon, kailangan pa nating maghintay ng ilan pang taon… b-baka paglabas ko dalaga na ang apo ko,”
Why is it so unfair? Nagsumikap naman ako ah? Bakit ganito parin? Bakit hinihila parin ako ng kung ano at pilit nilulugmok? Am I really destined to fail in my desicions? Wala na talaga akong nagawang tama sa buhay. Lahat puro palpak.
Naging marahas ang aking pag-iyak na kahit si Daddy ay binuhat na ako at pinaupo ako sa kanya. I cried harder when I wrapped my arms on his neck as I buried my face on his shoulder.
“My poor little girl… the last time you cried harder like this was when you’re a kid. Iyong kinagat ka ng aso remember?”
Tumango ako, patuloy na umiyak.
“Ang sabi mo pa noon magiging aso ka narin paglaki mo,” he chuckled.
I can’t remember it but it made me calm down for a second.
“Iyon ang paniniwala mo dahil iyon ang nagagawa ng rabies sa tao. We even went to the veterenarian just to make sure you’re not going to be a dog dahil hindi kana matigil sa kakaiyak at sobrang paranoid na. Ni ayaw mong matulog at natatakot ka na baka bukas aso kana.”
Humingos ako, tiningala ang ama na maluha-luha sa pagkukwento.
“T-That’s absurd D-Daddy…”
“Well that’s true. Kahit tanungin mo pa ang Mommy mo…” sabi niya nang mahulog ang tingin sa akin.
Umagos muli ang panibagong luha sa akin. Humikbi ako nang mapagtantong wala na si Mommy. Para akong nagluluksa ulit.
“But look at you, sweetie… lumaki kang mabait, maganda, at masayahin. Eh hindi ka naman tumatahol at ang kinis mo nga. Wala ka noong balahibo ng aso…”
No Dad, you’re wrong. Someone treated me like a dog.
Sa aking naisip, naiyak ulit ako ng husto dahil sa mga bumabalik na alaala namin ni Tres. He treated me like a dog! He even gave me a chain! Nakatali na dapat ako sa kanya. Pero bakit parang isa lamang iyong stage play na may wakas at nakaayon sa script ang lahat? Na dapat ay tragic at maiwan ulit akong mag-isa.
“Gusto ko lang patunayan sa’yo na hindi lahat ng akala mo ay totoo. You think you failed me, sweetheart? I doubt it! I am a proud father not because of your achievements but because you’re my daughter Christienne… You don’t have to be successful in life just to make me proud hija, you just need to be my daughter. Iyon palang, proud na ako bilang ama mo.”
Sumabog ng husto ang emosyon sa aking damdamin at sunod sunod nang pumatak ang malalaking luha sa aking mata. I hug him tightly, pinagsisisihan dahil sinabi ko iyon. He’s my father after all. Traydorin man ako ng buong mundo, alam kong hinding hindi ako tatraydorin ng ama ko. Hinding hindi niya ako tatalikuran kahit na talikuran ako ng mga taong akala ko ay mananatili sa tabi ko.
Klint was right. May Daddy nga naman ako. I just lost a man in my life, but I didn’t lose the real man, my Daddy.
“Bibisitahin ka namin roon pero umuwi ka ha,” sabi ni Klint pagkatapos akong yakapin ng mahigpit.
I smiled at him. “I will, Klint. Mag-ingat kayo ni Troye, and please! Gabayan mo iyan tuwing nagbaBar kayo. Alam mo naman iyan, kung makaparty at makahubad doon akala mo mapapariwala na.” sabi ko na ikinatawa naming dalawa.
Sumimangot si Troye. “Aalis kana pero nang-aasar ka parin.”
“Coz I’m sure you’re going to miss it.” I smiled.
Nailing si Troy at walang ano-anoy hinila ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Mag-ingat ka, huwag nang magpapaloko.” bulong niya sa akin.
“Tingin mo maloloko parin ako?” bulong ko pabalik, natatawa.
“Ikaw si Red, hindi malabong maloko ka dahil sa puso mong singlambot ng unan.”
We both chuckled when we pulled away. Kahit si Klint, nailing nalang.
“Let’s go, Red. Baka maiwan pa tayo sa flight natin.” sabi sa akin ni Marco, hila hila ang iilan kong bagahe.
“Ikaw nang bahala sa prinsesa natin, Marco. Gabayan mo ng maayos doon.” sabi ni Klint at ibinulsa ang kamay.
Tumango si Marco, “bumisita kayo tuwing summer o kaya Christmas at New Year.”
“Oo naman, hindi ko palalampasin ang magiging little Red. Doon ako babawi sa lahat ng pang-aasar sa akin ni Red! Aawayin ko!” si Troye.
Tumawa kaming tatlo pero kalaunan ay niyakap ko ulit ng huling beses ang dalawa saka nagpaalam.
Marco talked to my Dad about his plans. Hindi daw kasi maganda sa pagbubuntis ko ang mga natatanggap kong issue rito lalo na’t masyado na akong emosyonal at lahat ay iniiyakan ko, lahat na maliliit na bagay pinapalaki at pinoproblema ko. Normal daw iyon dahil buntis ako kaya pakiramdam ko ay nakakadepress na ang mundo.
I already talked to my Mom, too! Nagpaalam ako sa kanya ng maayos at sinabi kong hindi ko muna siya mabibisita ng ilang taon. After ng pagpapaliwanag ko ay si Daddy rin ang binisita ko. Siya rin kasi ang pumilit sa akin na sumama ako kay Marco dahil wala rin naman siya sa aking tabi palagi. Baka raw mapano si baby sa ibinibigay na stress sa akin dito sa Pilipinas.
“You ready to leave?” tanong ni Marco nang lingunin kong muli ang dalawa. Klint was smiling widely at me tapos nagthumbs up unlike kay Troye na parang batang kumakaway.
Ngumiti ako sa kanila at kumaway rin saka ko binalingan si Marco, mas nginitian ito ng matamis
“I’m ready, Marco.”
Chapter 49
Vote. Comment. Be A Fan.
Game of Love
-PrfctlyStbbrn
Damage
Sobrang hirap pag buntis ka. Nandiyan iyong pakiramdam mo lahat ng bagay ay nakakaiyak. Iyong mga masasarap na pagkain pero para sa’yo ay nakakadiri kaya naduduwal ka. Iyong pagsusuka na akala mo pati ang iyong lamangloob ay halos mailabas mo na. Iyong damdamin mong palaging sumasabog at minsan ay naiirita ka pa sa ibang bagay. Mga normal na bagay sa isang buntis na kagaya ko.
Tita Macy, Marco’s Mom, was there to guide me. Akala niya pa noong una kong pagdating roon ay nabuntis ako ni Marco lalo na’t sobrang malapit kami sa isa’t isa. They really think na kami raw magkakatuluyan in the end. Sinabi niya lang na kahit mahal na mahal niya ako ay hindi niya kayang maging asawa ko lalo na’t hindi niya raw kayang ihandle ang kakulitan ko.
Malapit na magkakaibigan ang parents namin. Wala kami gaanong relatives lalo na’t mga nag-iisang anak lang si Mommy at Daddy. Kung meron man, hindi ko rin alam kung nasaan. Noong umusbong ang kaso ni Dad, isa isa rin silang lumayo, natatakot atang masali.
Si Marco ang nanatili sa aking tabi sa bawat yugto ng pagbubuntis ko. Minsan nga ay napagkakamalan na siyang daddy ng malaki kong tiyan pag pumupunta kami roon sa mga pampublikong lugar. Ni isa ata ay walang nakakakilala sa akin at walang pakialam sa presensya ko. Kung titingin man sa akin, kadalasan lalake at malagkit pa. Nakakamiss pala iyong panghuhsga ’no? Naging parte na pala talaga iyon ng buhay ko.
“I don’t like the smell of your perfume Marco!” I wrinkled my nose as I covered it.
“What? Ikaw lang ang babaeng nagreklamo sa pabango ko,” he went closer enough na halos ikaduwal ko na. Mabilis siyang nagulat at umatras dahil sa reaksyon ko.
“H-Hey… don’t tell me the baby hates it?”
Tumango ako, naduduwal parin.
“Alright, alright. I’ll take a bath!” Nailing siya at pumunta rin sa banyo.
Wala akong balita sa Pilipinas. Hindi ako active sa social media at tutok na tutok lang sa aking pagbubuntis.
“Tara, Red! Maligo tayo! Nagdala ako ng swimsuit!” excited na sabi sa akin ni Troye nang bumisita sila rito noong New Year. Nagyayang magbeach si Tita Macy since iyon ang hilig niya.
“Kung pahihiyain mo lang naman ang sarili mo Troye, huwag mo na akong isali.”
Bumusangot ang kanyang mukha at napatingin sa malaki kong tiyan. Tanging mahabang dress na nakaribbons ang laces sa bawat gilid ng aking balikat ang aking suot. Bawal na ako sa mga masisikip dahil sa tiyan ko.
“Baby… maligo tayo gusto mo?” tanong niya, ngumingiti pa na akala mo naman sasagot.
“Ang sabi ni baby lubayan mo daw siya. Ayaw niya daw sa’yo,” sabi ko naman na mas ikinabusangot ng kanyang mukha.
“Just wait and see, Red! I’m going to train him! Isasama ko iyan sa pagbaBar ko at magiging katulad ko iyan!” pagmamalaki niya kahit hindi pa talaga alam kung ano ang kasarian nito.
Binato ko siya ng kung ano at natatawa sa kanyang pag-ilag.
“Ngayon palang Troy lumayo-layo kana sa amin ng anak ko!”
Ngumisi lang siya at nagtatakbo na papunta sa beach. He was topless while holding a surfing board. Nagpanggap pa itong nadapa sa harapan ng mga nakabikining mga babae at tumingala siya roon. Humagalpak agad ako ng tawa nang sinampal siya noong isa sa mga babae.
“Buti nga!” sigaw ko at halos hindi na matigil sa kakatawa. Kung hindi lang lumapit si Klint dito sa inuupuan ko ay hindi ko maiaalis kay Troy ang atensyon ko.
“Lumalala ang pagiging bully mo, Red. Kawawa na si Troy sa’yo.” humalakhak siya at sinuklay ang basa niyang buhok. Basa siya at topless lang rin dahil kakaahon lang sa dagat. Namumula ang kanyang dibdib dahil sa init pero gwapo parin.
Kinuha niya iyong towel sa gilid saka isinabit sa kanyang balikat, dinampot rin ang cellphone sa tabi.
Ngumuso ako. “Alam mo naman kami ni Troy,” kinuha iyong pinaglilihian kong pagkain na nagpasira agad sa kanyang mukha.
“What? Spicy foods taste good, Klint!” sabi ko nang sumubo ako ng pulang hotdog at pinaliguan ko ng hot sauce.
“Pero hindi iyong sobrang anghang. Kulang nalang pati apoy ay kainin mo ata. Pati sa pulang sili takam na takam ka…” reklamo niya, halata ang pangdidiri sa mukha.
Ngumuso ako at umirap. “Di niyo kasi naaappreciate ang mga spicy foods.”
“Buntis ka lang. Eh noong hindi ka naman buntis halos itapon mo iyong pagkain ni Troy dahil sa kakakuha mo noong pagkain niya ay nilagyan niya ng kaonting maanghang na sauce. Konti nga lang iyon diring diri kana at halos umiyak kana…” ngumisi siya sa akin, pinapaalala ang elementary days namin noon.
Kung hindi lang talaga natuon ang kanyang buong atensyon sa hawak niyang cellphone ay sasagot pa ako kaso nandoon na siya nakatutok sa cellphone niya.
Tumayo ako at lumebel sa kanya habang nakapameywang at hindi na inaalis ang tingin sa kanyang cellphone. Nagkakasalubong ang kilay niya roon habang kinakagat-kagat ang pang-ibabang labi. Sinilip ko iyong screen at nabasa ang nakaphonebook na “baby” tapos tinatawagan niya.
“Who’s that?” tanong ko na kanyang ikinagulat. See? Wala siya sa kanyang sarili.
“Girlfriend,” ngumisi rin siya nang makabawi.
Humarap ako sa kanya ng buo, nagkasalubong na ang aking kilay. He’s a playboy!
“O baka naman one of your girlfriends!” turo ko sa kanya sabay hagalpak. Mabilis na nasira ng kanyang mukha lalo na’t sinagot na pala noong babae. Opse…
Nailing siya at nasuklay muli ang basang buhok nang pinatay bigla iyong tawag.
“Pasaway ka, Red… I’ll just call her.” Lumayo siya sa akin at nailing. Tumawa lamang ako. Grabe naman!
Umuwi rin naman sila Klint at Troy. Si Klint itong gusto ng kaladkarin si Troy pasakay sa eroplano para lang makauwi sila dahil namomroblema doon sa babaeng pinapatayan na siya ng tawag. Ayaw pa kasi ni Troy umuwi dahil naeenganyo siyang magbeach rito at ang rami niyang nakikilalang babae.
“Fuck!” Marco cursed loudly early in the morning. Para kasi itong natutulog pa kaya binuhusan ko ng spicy sauce ang kanyang omelet na hindi niya nahalata.
Tawang tawa ako nang sinundan ko siya sa cr at sumusuka na, diring diri at halos alisin ang kanyang dila dahil sa pagpagpag niya roon habang umiinom.
“Good morning Marco!” bati ko sa kanya, hinihimas ang malaki kong tiyan at hindi matigil sa kakatawa.
Marco’s face just wrinkled at me saka siya tumakbo ulit sa kusina para makainom ng kung anong matamis.
“You’re the worst, Red!” sabi niya nang mahimasmasan. Buhaghag ang kanyang buhok at tanging shorts lang ang suot.
Binelatan ko siya at umupo rin ako ulit sa upuan para makapagbreakfast na.
“I heard you kagabi and you’re talking to someone on your phone. You’re saying please… let’s fix this… baby…” pag-iiba ko ng boses para asarin ito na ikinasimangot niya.
Dali dali siyang pumunta sa akin kaya nagtitili na ako.
“Bully!” pinagkukurot ni Marco ang aking pisngi. Ni hindi ko siya maawat kaya umiyak nalang ako ng kunwari para matigil lamang siya.
“You’re such a troublemaker and a pain in the ass.”
Iyon palagi ang linyahan ng tatlo sa tuwing pinagkakatuwaan ko sila. I don’t know why, I just like it. Ganoon naman talaga ako naninibago pa sila.
Nabigyan akong muli ng pag-asa dahil sa panibagong yugto ng aking buhay. Sa aking anak ako kumakapit ng lakas at sinikap na magmove-on sa nangyari sa akin roon sa Pilipinas. Kamuntik na akong maanod dahil sa pagkakalunod ko, pero may mga kamay paring tumulong sa akin at ipinamukha sa akin na hindi pa tapos ang buhay ko.
Noong nanganak ako, naalala ko iyong unang araw namin ni Tres. When he pushed himself inside me. Sa sobrang sakit, halos magsisigaw ako sa ospital. I clenched Marco’s hand at halos hilain ko siya at gustong kagatin dahil sa matinding pagkapunit ng kung ano sa aking ibaba. Wala akong magamit na angkop na salita.
Nang matagumpay na lumabas ang aking baby at narinig ko ang aking iyak, doon lang ako nakahinga nang maluwag na kahit si Marco ay hinang hina ring napaupo sa sahig. Naliligo ako sa sarili kong pawis at naiyak nalang nang makita ang panibagong liwanag sa buhay ko. She’s my angel…
At first, nagdududa si Marco kung sino ang ama noong bata. Pero nang lumaki ito, marunong ng maglaro at magsalita, doon niya lang napatunayan na hindi raw si Leeland ang ama. Lalo na’t sa ugali ni Irah, halos maging salamin na siya ng kanyang ama, his girl version.
“Irah!” nagsisigaw na si Marco pag-uwi ko sa kanilang bahay. Kakagaling ko lang sa trabaho at nag-iipon rito pero sa tuwing umuuwi ako, ganito palagi ang aking nauuwian.
Nagkalat sa sahig ang mga pambabaeng laruan at magulo ang sala. Parang may makulit na sampong bata ang naglaro roon kaya ganoon nalang iyong hitsura ng paligid.
“Marco, what’s happening?” nataranta narin ako at naihulog ang aking mga groceries.
“She’s missing, Red! Kanina ko pa siya hinahanap! And I forgot to lock the gate!” nasabunot niya ang sariling buhok, alalang alala na.
“What?!” kahit ako ay nagpanic narin. Nagtatakbo na si Marco palabas ng bahay na kahit ako ay ganoon rin. Natapilok ako at dumaing nang sumalampak ako sa sahig. Naapakan ko iyong isa sa laruan ng anak ko!
Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang aking pagkakahagalpak sa sahig. Nang iminulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang aking anak sa ilalim ng sofa, nakahiga roon at humahagikhik habang tinatakpan ang kanyang bibig.
Nagkatinginan kami. Mabilis siyang naggesture na h’wag maingay kaya nailing ako. Sumimangot rin agad ito at dahan dahang lumabas roon.
“We’re just playing…” sabi niya at pinagpagan ang kanyang dress. “You look like a frog Mommy!” tawang tawa siya at nagtatakbo na palabas.
Napabuntong ako ng hininga, napangiti narin at tumayo para sundan ito.
Sinilip ko siya sa may pinto at nakita itong dahan dahan na nagtitiptoe papunta sa likod ni Marco na mabilis ng binubuksan ang gate.
“Boo!” panggugulat ni Irah na ikinauntog ng aking kababata sa gate. My daughter laughed even more.
“You scared me!” sabi ni Marco at mabilis na kinarga si Irah at kiniliti ito. She just giggled while wiggling her feet.
Napangiti na ako at sumandal nalang sa pinto. She’s very playful. Ang sabi nga ni Marco sa akin, triple ko raw iyan sa pagiging makulit. Pero may ugali parin talaga siyang nakakasindak. Lalo na pag hindi ko binibigay sa kanya ang gusto niya. Kasalanan ata ng tatlo niyang Dada kung ba’t sobrang spoil rin ng batang iyan.
“Are you sure you’re my Mommy?” tanong niya sa akin habang nilalagyan ko ng ham ang kanyang pinggan.
It’s early in the morning. Bago ako pumapasok sa aking trabaho, sinisigurado ko muna na naaasikaso ko siya. Mas nauuna rin kasi akong magising kaysa kay Marco at ayoko namang iasa si Irah sa mga katulong nila. Baka masanay ito.
“Of course!” kinurot ko ang kanyang pisngi.
“Dada Marco says I’m prettier than you. So, I guess you’re not my Mommy.” sabi niya habang pinaglalaruan ang dulo ng hibla ng kanyang buhok, inosente ang binibigay sa akin. May sarili iyong curls na madalas niyang iniikot ikot sa kanyang daliri. Hobby niya iyan sa tuwing nakikipag-usap sa isang tao.
Sumimangot ako. “Edi sino ang Mommy mo?” tanong ko pagkatapos kong lumebel sa kanyang inuupuan.
“Maybe…” tumingala siya at nag-isip isip. “Someone prettier than you!” itinuro niya ang aking mukha at humagalpak na ng tawa. Tumawa narin ako at humalakhak. Kung hindi niya lang narinig ang boses ni Marco ay hindi siya matitigil sa pakikipagkulitan sa akin.
Mabilis ang kanyang pagbaba sa kanyang upuan. Sinundan ko siya ng tingin at nakita itong nagtago sa gilid noong pinto. Naggesture pa siyang huwag akong maingay kaya tumango ako at ngumiti.
“Where’s your naughty daughter?” tanong ni Marco na ikinakagat ko sa aking labi. Alam ko na kung ba’t ang ingay niya na eh umagang umaga pa.
Sumimangot siya. “I know Red. I look like a panda with a mixture of a rabbit.” reklamo niya dahil sa ginawa noong bata sa kanyang mukha. Ginawang drawing book.
“You look like a rat to me, Marco.” sabi ko na mas ikinabusangot ng mukha niya.
“Mag-ina nga kayo,”
Biglang lumabas si Irah sa may pinto kung saan tumigil si Marco.
“Boo!” sigaw niya sa ubod na tinis na boses na halos ikinatalon sa gulat ni Marco. We both laughed when Marco almost lost his balance.
“Grabe… mamamatay ata ako ng maaga sa batang ito…” nailing si Marco, sapo sapo na ang dibdib.
Walang bata rito sa bahay kaya si Marco ang nagiging playmate ni Irah. She’s just 4! She’s very witty and creative. Top 1 siya roon sa pinapasukan niyang kinder school rito. Kahit noong sa Nursery pa siya pumapasok, palagi siyang nangunguna sa klase kaso iyon nga lang madalas mapaaway.
“Why did you do that to your classmate Irah?” I remembered that day asking my little daughter about her action. Napatawag ako sa guidance.
She was frowning while showing the bondpaper to me. Nakita ko ang kanyang magandang drawing na family niya pero may tatlong lalake sa kanyang gilid. It was Marco, Troy and Klint. Si Troy ay mukhang daga sa kanyang drawing.
“It looks pretty baby… why did you pull her hair?” sabi ko, “I told you hurting someone is bad, Irah…” marahan kong sabi at hinaplos ang kanyang pisngi.
Mas lalo siyang yumuko, hindi nabubura ang nakabusangot na mukha.
“She said, you’re flirt… That’s a bad word, right… Mommy?”
Napabuntong ako ng hininga. Nagalit siya dahil tingin ng kanyang mga kaklase ay tatlo ang asawa ko. Doon ko lang napatunayan na nagiging bayolente ito at marahas lalo na pag nagagalit. Ang hirap magpalaki ng bata kung pati ikaw, hindi alam kung paano siya kokontrolin! Iyong tatlo rin kasi kinukonsente at binibigay lahat ng gusto ng anak ko. Ni minsan, hindi ata iyan napagalitan.
Summer na kaya expected talaga ang pagsugod noong tinuturing niyang dalawang Dada.
Irah hurriedly went to Troye. Sinalubong niya naman ito at kinarga agad. May baon talaga itong pasalubong dahil noong huli niyang punta rito at walang dala, halos hindi siya papasukin ni Irah sa bahay. Ayan kasi, masyadong inispoil kaya rin lumalaking ganyan!
“Nakakapagtaka eh hindi ka naman maldita noong bata ka, diba Red?” tanong sa akin ni Marco habang pinapanood namin si Irah na tumatawa at sinasakyan si Troye sa likod nito habang nakahawak ang buhok noon.
“I’m not. Hindi ko naman dinadaan ang paglalaro ko sa ginagawa ni Irah… kinakawawa niya ang kanyang playmate…” sabi ko, nasa anak ang tingin.
“Play dead!” Itinuro ni Irah si Troye na parang asong ulol sa kanyang harapan at nakalabas pa ang dila.
Umiling-iling si Troye na ikinabusangot ng mukha ni Irah at kulang nalang ay magtantrums.
“Play dead! Dada!” Para na siyang nagmamartsa sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagpadyak padyak niya sa harapan ni Troy na hindi sumusunod.
Mabilis ang pagpatay-patayan nito na ikinahagikhik agad ng aking anak at sinakyan ulit ito.
Nailing si Klint sa aking tabi pero hindi maalis alis ang ngiti.
“Eh bully ka naman talaga,” si Klint nang nilingon ako.
“Pero hindi kasing lala ng batang iyan! At hindi ako maldita!”
“Hindi ka rin matalino.” si Marco na ikinabusangot na talaga ng mukha ko.
“At hindi nakakatakot magalit,” si Klint naman. “Lalo na pag siniseryoso ang mukha. Have you seen Irah’s dagger look? Doon palang halatang gusto niya talagang masunod ang gusto niya, dahil kung hindi ay malalagot ka.”
I sighed. Fine, fine.
“Oo na. May dugo siyang Buenaventura. I know…”
Nailing si Marco habang si Klint naman ay ngumisi.
“Are you planning to hide her, Red? Pati si Irah inaakalang patay na ang Daddy niya. If your daughter found out na nagsisinungaling ka sa kanya, magagalit iyan ng husto sa’yo.” pagbabanta ni Klint sa akin na ikinausbong ng kaba sa aking dibdib.
“I-I just said his Dad is gone! Nawala naman talaga iyon na parang bula ah?” sabi ko sa kanilang dalawa.
“Galit kami sa lalakeng iyon dahil sa pang-iiwan sa’yo. Ni hindi ka binigyan ng tsansa at umalis nalang. Pero matalino ang anak mo, Red. H’wag mong itulad sa’yo na nauuto. Balang araw, magtatanong na iyan kung ano ang tunay na nangyari sa ama niya.” sabi ni Marco kaya ngumuso na talaga ako.
Alam ko namang ang anak ko ang nang-uuto kaysa siya ang mauto. Alam ko ring siya ang nasusunod imbes na siya ang sumunod.
“Kamukha mo lang si Irah, medyo playful, pero the rest, mukhang hindi na nagmana sa’yo. And you have a puppy eyes! Iyong mga mata ni Irah…” Klint said trailing and glanced at my daughter laughing with Troye.
“Her stare can kill, man…” nailing si Marco lalo na’t isa rin ito sa ginaganon ni Irah.
“She’s not like that to me,” sabi ko agad. I’ve never seen those glares. Pati iyong dagger look niya raw at nakakanginig ng kalamnan.
“Of course, she loves you. And you’re her mother. Eh paano naman kami?” si Klint.
Nagtatakbo na si Irah papunta sa amin at hinila si Klint kaya doon lang kami natigil sa pag-uusap.
“I need a donkey! Hurry Dada!” sabi ni Irah at pinapadyak ang mga paa, tinuturo si Troye na hindi na mahitsura ang magulong buhok. “Fight that bad dog! Hurry!”
Nagpatianod naman agad si Klint sa gusto ng anak ko. Kahit ayaw niyan, mapipilitan parin iyan.
“Ano nang plano, Red?” tanong sa akin ni Marco pagkatapos niyang sundan ng tingin si Klint na para naring hayop kung umasta. Inaalipin ng anak ko ang dalawa.
“Pag malaki na ang naipon ko ay uuwi na siguro kami sa Pilipinas. Namimiss ko narin si Daddy e, ’tsaka iyong puntod ni Mommy namimiss ko narin…”
“Iyon lang?” umangat ang kanyang kilay, naninimbang ang tingin sa akin.
“Marco… Irah is happy now. Ayokong saktan ang anak ko. Ano nalang ang mararamdaman niya kung nalaman niyang inabandona kami ng ama niya?” namungay ang aking mga mata. “Nakatiis ako sa lahat lahat ng masasakit na pinagdaanan ko Marco, pero kung madadagdagan na naman at sa aking anak na mismo, baka ikamatay ko na…”
He sighed again and nodded. “I understand you. Total mukhang masaya nga ang anak mo sa tatlong Dada niya.”
Iyon ang labis kong kinakatakot. Na baka balang araw ay macurious nga si Irah katulad ng sinabi ni Marco at maghanap ng tunay na ama. Anong isasagot ko? Na nahuli ako ng ama niya sa isang kwarto kasama ang lalake at tanging undies lang ang suot dahil sa kalasingan kagabi kaya ito nagalit ng husto sa akin? Will my daughter understand that?
Habang hinahanda ko pa ang sarili sa araw na iyon, sa ngayon ay susulitin ko nalang muna ang pagiging ganyan niya. ’Tsaka mukhang nawiwili pa naman siya sa tatlo niyang Dada.
Gustuhin ko mang mag-aral ulit at ipagpatuloy ang naantala kong law school, kaso ayaw ko namang mawalan ng oras sa aking anak. Kalahating oras lang ako nagtatrabaho dahil nga kay Irah lalo na’t may buhay rin si Marco. Nang dahil sa aming dalawa, pati ata iyong sarili niyang buhay ay naaantala na.
“Sinukuan mo na iyong kaso ng Daddy mo at hinihintay nalang itong makalabas ganoon ba, Red?” tanong sa akin ni Marco pagkatapos kong isara ang kwarto ni Irah. Mahimbing na itong natutulog.
I sighed. “Tanggap ko na ang pagkatalo ko, Marco. Tanggap ko na na may mga bagay talagang kailangan mong isuko hindi dahil hindi ka matapang, kundi dahil alam mong hindi talaga iyon nakatakdang umayon sa gusto mo.”
Ang pagkakasalubong ng kilay niya ay unti-unting huminahon. Humalukipkip siya sa aking harapan.
“Tanggap mo ng husgahan panghabang buhay ang Daddy mo sa kasalanang hindi niya ginawa?”
Umiling ako. “Hindi mo naman mababago ang pagtingin ng isang tao sa madaling paraan, Marco. Alam ko na inosente si Daddy at alam niya rin sa sariling inosente siya. Ganoon naman talaga ang mundo e, mapanghusga.”
He smiled and tap my head. “Mukhang mature na mature kana talaga ah? Kaya ba ganoon nalang kakulit iyong anak mo dahil nasa kanya iyong ugali mo noon? Ilang taon narin ba ang lumipas? You changed and matured alot.”
Natawa ako at hinawi ang kanyang kamay sa aking ulo.
“We mature with the damage Marco, not with the years.” sabi ko sa kanya at ngumiti.
Tanggap ko na. Kahit ang pagkawala ni Tres sa buhay ko ay tanggap ko narin. I’m happy now and doing fine without him in my life. I thought I’m not going to survive but look at me right now! Nakaya ko namang huminga ng mabuhay kahit wala siya. Masaya naman ako, kahit papaano…
Sumandal si Marco sa pader, naninimbang parin sa akin ang tingin.
“So you already moved on? Di mo na mahal ang lalakeng iyon? Hindi kana masasaktan pag nagkita kayo ulit?” he fired back to me.
Alam kong dadating rin ang araw na magkikita kami ulit ni Tres lalo na pag umuwi na ako sa Pilipinas. Ang alam ko lang kasi ay nangibang bansa siya. Iyon ang huli kong balita sa kanya dahil hindi ko naman siya sinisearch sa social media at wala akong panahon sa cellphone ko dahil narin kay Irah. Gusto ko lang talagang maging tahimik na at h’wag nang balikan ang kahapon.
“Isn’t it sad when you get hurt so much, you can finally say ‘I’m used to it’?” kibit balikat ko na ikinapungay ng mga mata niya.
Hindi naman naging bato ang puso ko. Napatawad ko na ang aking sarili at natanggap ko na ang nangyari. Kung hindi man ako mapatawad ni Tres, siguro kahit maging masaya nalang siya sa buhay niya ay tanggap ko na iyon. Gusto ko lang maging masaya kaming dalawa kahit hindi kami ang para sa isa’t isa.
Chapter 50
Vote. Comment. Be A Fan.
Game of Love
-PrfctlyStbbrn
Loyalty
“This place is hot, Dada!” Irah dramatically wiped her invisible sweats on her forehead.
Nagkatinginan kami ni Marco at tumawa dahil sa kaartehan nito.
She’s sitting on Marco’s arm while he’s carrying her.
“Welcome to the Philippines, little girl!” Marco kissed her cheek that made her frowned even more. Ngayon palang ay kinakabahan na ako dahil sa inaasta niya.
“I want to go back! Mommy! Let’s go back!” nagpumiglas na siya sa braso ni Marco. Akala ko talaga nakumbinsi ko na ang batang iyan pero heto na naman! Mahaba-habang pag-uusap rin ang ginawa namin pero mukhang may nabuo na naman itong sariling desisyon sa kanyang utak at iyon na ang gustong sundin.
“I thought you already agreed with this, Irah?” tanong ko sa namumungay kong mga mata. Kakababa lang namin sa iroplano at naglalakad na palabas ng airport pero mukhang desidido na itong bumalik sa States!
“It’s hot! Argh! Dada! Let’s go back!” mas nagpumiglas siya, halos punitin na ang suot ni Marco dahil sa kakahila niya roon.
“That hurts, Irah… calm down.” awat sa kanya nito pero mukhang wala itong balak tumigil.
Mabilis akong pumara ng taxi at agad namang pumasok roon ang dalawa. She’s whining dramatically kahit na pinapaypayan na siya ni Marco. Gosh! Itong batang ito ang lala!
“I want to go home!” halos magwala na ito sa loob ng taxi. Just because the city is hot! Of course it’s summer! Alangan naman mag adjust sa kanya?
“Irah! Stop being stubborn!” hindi ko na talaga nakontrol ang boses ko at tumaas na ito dahil kahit ang taxi driver ay ngumingiwi na sa kalikutan niya rito sa likod.
Doon lang siya natigil na kahit si Marco ay nanlaki ang mga mata dahil sa gulat sa akin. I never raised my voice on her, ngayon lang talaga…
Napabuntong ako ng hininga, nagsisi rin agad sa ginawa.
“Mainit anak, mainit ulo ko.” sabi ko sa kalmadong boses na ikinanguso niya.
“That’s why let’s go home, Mommy…” now she’s talking to me in a softer voice too. Unbelievable! And she’s even combing my hair just to convinced me. Baka pag umiling ako ay hilain niya nalang bigla ang buhok ko. Si Marco napapangisi nalang.
“We can’t baby… don’t you want to see your lolo? Diba we talked last night? We’ll pay him a visit di’ba?”
Ngumuso siya. “But I changed my mind…” sabi niya sa malambot at maliit na boses.
“Nandito na tayo oh. Iyong plane hindi pa iyon babalik. Matagal pa.” sabi ko at nilingon ang labas ng bintana, puro malalaking building na ang nadadaanan namin.
Tiningala niya si Marco na mabilis iseryoso ang mukhang natutuwa saka tumango. Maghahanap lang iyan ng kakampi.
“But it’s hot! Dada it’s hot…” reklamo niya na akala mo ikakamatay na ang bagay na iyon.
Mas pinaypayan siya ni Marco. Iyong taxi driver umiismid na at pinapalakasan iyong aircon dahil sa kaartehan nitong anak ko. Ang sama na makatingin sa amin kaya nginitian ko nalang ng pilit.
“Aren’t you excited to meet your new playmate?” pag-iiba ng topic ni Marco na ikinailing nito. Matigas iyan e. Bakit ba namana niya ang ibang katangian ng kanyang ama?
Nakarating rin naman kami roon sa bahay. Si Irah itong nakahalukipkip at sobrang busangot ng mukha dahil lang naiinitan siya sa syudad. Buti nga at hindi na nagwawala e.
“Irah!” sigaw agad ni Klint nang makapasok kami ng tuluyan.
“Dada Klint!” Nagtatakbo agad si Irah papunta sa kanya at kinarga ito.
“How are you spoiled brat? Hmm?” Klint asked her as we went inside. Inilagay naman ni Marco ang mga gamit sa gilid habang gumagala ang aking mga mata. Malaki iyon at 3storey. May swimming pool sa likod at may malaki ring garahe sa labas. Klint is now an Architect kaya hindi na ako magtataka kung nakapundar siya ng sarili niya.
“It’s hot Dada Klint…” she whined again kaya itong si Klint diniretso siya sa kusina.
“What do you want? Ice cream or cold chocolates?” Narinig kong tanong nito roon.
“Both Dada!”
“Alright, both!” Humalakhak lang si Klint, sinusunod na naman ang gusto ng anak ko.
“Red!” ang tumatakbo papasok na si Troye agad ang kumuha ng atensyon ko. Tumawa ako nang halos madapa siya sa pagtakbo pero naibalanse rin naman agad ng maayos ang katawan.
“Calm down, Troy! Akala mo naman hindi ka pumupunta sa States!” natatawa kong sabi.
“Iba parin kung nasa Pilipinas kana! Welcome back!” sabi niya at niyakap ako.
“Asan ang girlfriend mo, Troy?” tanong ni Marco.
Humiwalay siya sa akin at sumimangot. “Nakipaghiwalay e, ayun… magbaBar ulit para makahanap ng panibago.”
“Tarantado ka!” Humalakhak si Marco. “Isama mo ako mamaya. Baka may mabiktima rin ako.”
Ako nalang ang nailing sa dalawa. Troye is now an Engineer pero mukhang hirap makahanap ng babae. Si Marco mukhang puro rin laro sa mga nakakarelasyon at mas siniseryoso pa ang pag-aalaga kay Irah. Hindi ko na talaga maintindihan ang dalawang iyan. Buti pa si Klint…
Pumasok ako sa kusina at nadatnan si Klint na inispoil na ang anak ko sa mga matatamis na pagkain.
“Don’t give her too much sweets, Klint. Magiging hyper na naman iyan,” sabi ko.
“Don’t listen to Mommy…” bulong ni Irah sa kanya na hindi nakatakas sa pandinig ko.
Natawa lang si Klint at kinurot ang kanyang pisngi.
“You know we can’t say no to our spoiled brat little girl!”
Nailing nalang ako sa paghagikhik ng aking anak.
“Irah, don’t eat too much sweets okay?” ako na mismo ang nagpaalala na ikinatango niya naman pero ang lalaking subo noong ice cream.
Nagkatinginan kami ni Klint at natawa nalang. She’s too stubborn!
“Anyway, where’s your wife?” makahulugan kong tanong.
“She’s upstaires. Tulog pa sila ni Ysha…” sabi niya.
“Pinagod mo ’no?” Umangat ang aking kilay na ikinangisi niya.
“Si Ysha napagod kakalaro…”
“And your wife?”
Klint chuckled. Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil sa narinig kong boses ng babaeng tumatawag sa akin. I immediately went to the living room and saw her looking for me.
“Red!” tawag niya sa akin at nagmamadaling tumakbo.
“Yash!” Humagikhik ako at sinalubong ang kanyang pagkakayakap sa akin!
“Akala ko ba next year pa ang uwi niyo ni Irah? Ba’t napaaga? Was it about the news?” sunod sunod niyang tanong sa excited niyang boses.
Tumango ako. “Oo eh.” sabi ko at hindi matanggal ang ngisi sa kabila ng masamang balita kaya napauwi nalang kami bigla ni Irah rito.
Dinala siya ni Klint two years ago sa States. Doon kami nagkapatawaran. She even cried while saying sorry multiple times to me. Hindi palang sila nakakahingi ng tawad ni Hannan, napatawad ko na sila.
’Tsaka isa pa, masarap parin talaga iyong may nakakakwentuhan kang babae. Kinwento ko sa kanya lahat lahat tungkol sa amin ni Tres at iyong nangyari. Katulad ng konklusyon ni Marco kay Leeland, pati si Yashin ay ganoon rin ang tingin. Alam niya raw kasi na mahal na ni Leeland si Hannan noon habang si Hannan naman ay si Tres ang gusto. They’re both close kaya hindi na ako magtataka kung ba’t alam niya ang bagay na iyon. ’Tsaka matagal na eh kaya hindi ko na binigdeal. Kung ano man ang mga nagawa ni Hannan sa akin at Leeland, napatawad ko na.
Sumama ako sa kanya sa kwarto. Natutulog parin ang babae nilang anak na si Ysha, 2 years old na. Sayang nga at hindi ako nakapunta noong kasal nila dito e. Biglaan ang dalawang ito at doon ko nalang nalaman na kasal na pala sila noong dinala siya ni Klint. She’s even 2months pregnant that time.
“Akala ko umuwi ka dahil sa ama ni Irah. Eh wala parin sa Pilipinas iyong lalakeng ’yon…” sabi niya na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.
“Hindi ah. Nakamove-on na ako sa lalakeng iyon. Wala nga akong balita e. Ang concern ko lang ngayon ay ang kaso ni Dad na nauungkat na naman at mukhang pinagdedebatehan.” Maingat akong umupo sa kama para hindi magising iyong anak nila ni Klint.
“Oo nga e. Maaaring masintensyahan ng panghabang pagkabilanggo ang Daddy mo dahil sa mga panibagong lumutang na ebidensya at idinidiin sa kanya di’ba?” Tumango ako, base sa napanood kong balita.
Idinidiin kay Daddy iyong mga ilegal na transaksyon at nasa likod ng isang malaking sindikato sa politika. Imbes ang 25years niyang pagkakabilanggo ay malapit ng matapos, ngayon pa ulit naungkat at mukhang natatakot iyong tunay na may sala na makalaya si Daddy at tumistigo. Iyon lang ang haka haka ko. Baka may nasususpetsyahan si Daddy na tunay na may kasalanan kaya siya na ang dinidiin sa loob ng kulungan para hindi na makapagsalita pa.
“Paano na iyan Red? Kagabi sa balita ang sabi ay mukhang totoo daw.” nag-aalalang sabi niya.
Umiling ako. “That’s not true, Yash. I know my Dad…”
“Pero hindi iyon ang alam ng lahat. Lalo na’t may dumidiin sa kanya. Pag nagkataon kailangan mo ng magaling na abogado.”
My heart aches so bad. Iyon ang plano ko na hindi ko na naipagpatuloy. Akala ko lang kasi ay makakalabas na ito ng walang ganitong umaahon na issue. Pero sa nangyayari, mukhang kailangan ko ng milyon milyon para sa isang abogado.
“You know I don’t trust lawyers, Yash. The last time we trusted them… binaliktad lang lalo si Dad kaya mas nadiin siya.” sabi ko.
Natuon sandali ang tingin ni Yashin sa anak na gumalaw sa kama pero hindi naman gumigising saka niya ibinaling ang tingin sa akin. Ngayon ay makahulugan na at may pinupunto.
“Wala ka ba talagang balita kay Tres?” Umiling ako, at nagegets ko ang pinupunto niya.
“Ayokong humingi ng tulong sa lalakeng iyon dahil lang mayaman sila at kailangan ko ng milyon milyong pera ngayon, Yash. Matagal na naming kinalimutan ang isa’t isa. Baka kung nagpakita ako para lang sa isang pera eh mapagkamalan na talaga ako noong golddiggerㄧ”No, hindi iyan ang tinutukoy ko.“ putol niya agad at may kinuhang magazine sa drawer niya.
“Hindi mo ba nabalitaan na gumagawa ng ingay ang pangalan ni Tres sa ibang bansa, Red?” umiling ako sa kanyang tanong.
“Hindi,”
Nang tuluyan siyang makalapit ay ibinigay niya sa akin ang magazine.
“He’s a well payed Attorney, Red! Attorney! Isa ng magaling na lawyer ang Tres mo! Nasa ibang bansa parin siya! Kaso mahal daw iyan maningil e.”
My jaw dropped when I saw him on the front page. Na kahit ang puso ko ay nagwawala narin. Is this really him?!
“I thought he’s an Architect?! Iyon ang plano niya noong kami pa, Yash!” nagugulantang kong sabi, hindi maalis ang tingin sa lalakeng hindi ko na halos makilala.
Nakasuit ito at nakapamulsa habang nasa ibang direksyon ang tingin, pinagmamayabang ang nakadepina niyang panga, matangos na ilong at bagong ayos ng buhok. Ang laki ng pinagbago ng kanyang katawan and he looks so manly! Kung may hindi man nagbago, iyon ay ang mga mata niyang matalim parin at ang ekspresyon ng mukha niyang mas malamig na. Para kong nakita ang mga mata ng aking anak nang makita ko iyong kanya.
He’s so hot at mukhang successful na nga! Na kahit anong titig ko sa kanyang litrato at maghanap ng pwedeng ipintas sa kanya ay bigo akong makakita dahil kahit saang anggulo, perpekto iyon.
Nabasa ko pa sa gilid na marami na itong naipanalong mabibigat na kaso at indemand sa larangan ng abogasiya! At hindi lang iyon, nasa listahan rin siya ng mga magagaling na lawyer! Oh my gosh… ito na ba ang lalakeng nakabuntis sa akin years ago? Ang lalakeng kumuha ng pagkababae ko? Sa hitsura niya ngayon parang ang rami niya ng nabundol na babae…
“Maraming namamatay sa maling akala, Red. Kung wala lang iyang girlfriend ay iisipin ko talagang baliw na baliw parin siya sa’yo kaya ipinagpatuloy iyong pangarap mo. Kaso… taken na eh.”
May kung anong namatay sa aking loob at mabilis na nabura ang pinag-iisip ko. Iyong pagbilis ng tibok ng puso ko ay nahinto rin na akala mo dismayadong dismayado sa sinabi ni Yash.
My throat ran dry. Lumunok ako ng laway at sinikap na iangat ang tingin kay Yash na nakatayo sa aking harapan kahit na ang hirap alisin ng tingin sa kanya.
“Since highschool pa tayo marami ng nagkakandarapang babae sa kanya,” sabi ko nalang sa namamaos na boses.
“Gwapo ng ex mo di’ba? Kung hindi lang talaga ako may asawa at baliw kay Klint, baka nagkacrush ako sa kanya, Red. Ang sarap gumawa ng krimen sa mundo para lang makita siyang nakatayo at seryoso kang ipinaglalaban sa lahat!” tumawa siya ng malandi na ikinasimangot ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong manghinayang o maging masaya sa pagiging successful nito.
“Well, I’m happy for him. Buti naman at masaya narin siya.” sabi ko at ibinigay sa kanya ang magazine.
Tumitig ng matagal si Yashin sa akin. Ngumuso ako at iginalaw-galaw ang magazine. “Take it,”
“Don’t you want to flip the page?” tanong niya na ikinailing ko.
“Lovelife ng Tres mo ang nandoon sa sunod na pahina, Red. Ayaw mong tingnan kung anong klaseng babae ang dinidate niya ngayon at ipinalit sa’yo ng ex mo?”
Mas ngumuso ako. Mas lalo niya akong nacucurious kaya wala sa sarili kong naibaba ulit ang magazine. Alam ko namang gusto niya ring tingnan ko iyon.
“I’m sure maganda at sopistikadong babae ang girlfriend niya.” komento ko.
“At sikat rin na modelo,” dagdag niya, parang nang-aasar.
Nagkatinginan kami sandali pero sinenyasan niya agad ako na buklatin iyong magazine.
“Diba nakamove-on kana? Di kana siguro masasaktan,” humagikhik siya.
“Of course…” I said trailing as I opened the next page. Sandali akong napatitig sa litrato. Matangkad iyong babaeng nakared dress at nakalingkis ang kamay kay Tres na seryoso lang ang tingin sa kanya. Para silang hot couple at nagliliyab sa init.
“Bagay sila…” wala sa sarili kong sabi, titig na titig na naman kay Tres. Para akong tinatraydor ng sarili kong mga mata. Damn, mas naging hot ata siya ngayon. Para tuloy iyong dinidate ko noon ay nagmukhang teenage version niya unlike now…
“At ang girlfriend?” tanong ni Yashin na ikinasimangot ko. “Oo na. Maganda, long legged, sikat na model sa ibang bansa, sexy, maganda. Maganda. Bagay sila. Oh ayan, itago mo na.” sabi ko at ibinigay ulit iyon sa kanya.
“Di mo nagegets e. Si Tres lang naman kasi ang tinititigan mo.” Kinuha niya sa akin ang magazine at binuklat ulit.
Itinuro niya iyong babaeng modelo. “Di siya familiar sa’yo? Nagmature lang siya at nalagyan ng makapal na make-up saka kinulot ang brownish niyang buhok Red. Titigan mong mabuti.”
Kunot-noo kong tiningnan ang babae hanggang sa unti-unting naging malinaw sa akin ang mukha niya.
“She looks like…” Nagkatinginan kami. “Hannan,” I blurted out.
“Hindi sila magkamukha dahil siya talaga iyan, Red! See!” Itinuro niya iyong pangalan ng modelo sa gilid ng page kaya mas nakumpirma ko ngang si Hannan nga iyon.
“Sabi ko naman sa’yo magfacebook ka para hindi ka mahuli sa balita e.”
Napatitig lang ako sa kanilang picture. Hindi alam kung makakaramdam ng sakit o ano. Naging manhid na nga ata ako sa dami ng napagdaanan kong masasakit. Kaya kahit masaktan man ako, hindi ko na iyon mararamdaman pa dahil nga sanay na.
“Good for him. May girlfriend siya at successful na siyang lawyer. I’m glad at masaya siya at tama lang talaga ang desisyon kong hindi sabihin kay Irah ang totoo. Mas mabuting akala nalang noong bata ay patay na siya.” matabang kong sabi at tumayo sa pagkakaupo sa kama.
“Alam mo ba ang rason ng anak mo kung tinatanong siya na kung ano ang ikinamatay ng kanyang ama?” natawa siya na ikinailing ko.
“Hindi e,”
“Tanungin mo ang anak mo matatawa ka sa pinagtuturo ni Troy sa kanya.” Humagalpak siya ng tawa na ikinailing ko nalang. Alam ko namang puro kalokohan ang itinuturo ni Troy sa kanya.
I don’t know if it was a bad news or a good news to me. Basta masaya siya edi masaya. And Hannan, hindi pa kami nakakapag-usap simula noong nangyari sa amin years ago. Kami kasi ni Yashin lang itong nagkapatawaran. Kahit si Leeland, hindi pa.
I have no one to blame. Kagagahan ko rin naman iyon. Kung hindi ako lumabas ay hindi ako ihahatid ni Leeland at hindi mangyayari ang bagay na iyon. It’s my fault, alright. And I already accepted it. Matagal ko ng natanggap iyon, ngayon pa ba ako ulit magsisisi?
Nanood kami ng news dahil ibinabalita roon ang kaso ni Daddy. It was said na mahahatulan talaga siya ng pagkabilanggo habangbuhay. Damn it!
“Tutulong kami sa pagbabayad ng malaki sa kukunin mong lawyer, Red.” sabi sa akin ni Klint nang pinatay ni Marco ang tv at naghihilot na ng sintido.
Hindi ko alam kung ano na ang iisipin. Nababahala na ako ng lubusan sa aking ama!
“Maraming magagaling na lawyer ngayon Red. Bayaran lang natin ng malaki,” si Troy.
“Yeah, I agreed.” si Marco
“Hindi naman pera ang problema niyo rito e,” sabi ni Yashin na kumuha ng atensyon ng tatlo. Ang mga mata kong nasa aking kandungan ay umangat narin sa kanya.
“Eh ano?” si Troye, nagkakamot ng ulo.
“Loyalty.” simpleng sabi ni Yashin na nagpalunok sa akin ng laway.
“Huh?” si Marco hindi na talaga napigilang magtanong para lang lawakan pa ni Yashin ang paliwanag.
“Eh kung lawyer lang naman pala ang problema edi sana noon palang ay sarado na ang kaso. Remember? Naghire si Tita ng pinakamagaling na lawyer noon at binayaran ng malaki pero anong nangyari? Nabaliktad lang. Sinabutahi at binayaran ng mas malaki ang lawyer para lang ipalabas na kasalanan nga ni Tito Eduardo ang lahat. At mauulit lang ulit iyon ngayon. Gagawin lahat noong nagdidiin sa ama ni Red h’wag lang itong makalabas. Sige, let’s just say naghire kayo ng magaling na lawyer. Pero ang tanong… loyal ba sa atin? Na ilalaban ang kaso hanggang dulo? O maaakit lang rin iyan sa salapi noong dumidiin kay Tito sa loob. Baka itriple lang ang bayad niyo handa na kayong baliktarin. At pag nagkamali kayo ng pagpili this time, sarado na ang kaso. Makukulong na si Tito habang buhay.”
That made them shut up. Si Klint lang itong ngumisi at hinila ang asawa kaya nauwi ito sa kanyang kandungan. He kissed her cheek at may ibinulong na kung ano sa asawa sanhi para mamula ang pisngi.
Sang-ayon ako sa pinagsasabi ni Yashin. Pero ang hindi ko matanggap dito, parang sinasadya talaga ng tadhana na paglapitin kami sa isa’t isa. Na kahit anong tago ako, anong iwas, darating ang araw na kusa kaming magkakabanggaan.
“Edi sino ang lawyer na iniisip mo, Yash?” nagtanong pa talaga itong si Troye kaya binatukan agad ni Marco.
“Sino bang lawyer ngayon na naging loyal kay Red noon?”
“Noon, past tense na.” singit agad ni Klint. Isa rin iyan na may galit kay Tres. “And he’s not here. Matagal narin iyong nawawala dito sa Pilipinas. Baka nga doon na sila manirahan noong girlfriend niya,” matabang niyang sabi.
“’Tsaka hindi naman pwedeng lumapit ng ganon ganon nalang si Red sa kanya dahil lang isa na siyang Lawyer. Baka nakalimutan niyo ang dinanas ni Red?” iritadong sabi ni Marco, mukhang may galit parin kay Tres hanggang ngayon.
“Oo nga naman… baka may iba pa diyan na mas magaling sa kanya.” pagsang-ayon ni Troye.
“Kung mas magaling meron naman, pero kung loyal… ewan.” kibit balikat ni Yashin na halatang nakay Tres ang buong boto.
It made me sighed heavily. Tila may bato sa aking balikat kaya ganoon nalang ako makahinga. Alam nilang Attorney na si Tres at hindi man lang talaga nabanggit ni Marco sa akin. Ang akala lang nila wala na akong pakialam kaya hindi na nila kinukwento pa. They make sense anyway. Pwede nga naman akong magresearch kay Tres tungkol sa buhay niya pero di ko lang talaga ginawa.
“Kalat kana naman sa social media Red. Kumakalat iyong pictures niyo ni Marco sa airport…” sabi sa akin ni Yash na mas nagpabuntong ng hininga sa akin.
“Di na ako magtataka kung pinapaulanan na naman ako ng panibagong insulto. Eh matagal akong nawala… lalo na’t fresh na naman ang kaso ni Daddy.” sabi ko at napahilig sa aking hita, halos hilutin ang sariling ulo.
“Merong nang-iinsulto pero karamihan, namumuri sa’yo Red!” sabi ni Yash kaya nilingon ko siya. Itinuwid ko ang aking pagkakaupo at tiningnan ang kanyang screen lalo na’t nandoon narin ang tingin ng lahat.
“Base sa kumakalat na pictures mo gumanda ka raw! Para kang isang modelong rumarampa sa airport! Para daw kayong perfect family ni Marco!” sabi ni Yash na ipinagsalubong na talaga ng aking kilay.
Nagbasa ako ng iilang comments at puro nga iyon pamumuri.
Siya na ba iyong nagviral na anak ni Valerio? Grabe ang ganda na niya!
May pamilya na pala siya? Sayang naman! Akala ko talaga sila ni Tres! Nagbreak pala talaga sila?
Anak niya ba iyang nakasimangot? Ang ganda naman! Manang mana sa kanya oh! Ang gandang bata!
She looks like a goddess! Iyan ba ang ginawa ng pang-iinsulto ng buong mundo sa kanya? Mas gumanda siya!
Kung ako iyong nasa sitwasyon niya at ganoon ang mga problema ko baka nalosyang na ako kahit walang anak! But look at her! Hot mama!
Natawa silang lahat habang ako naman ay pinapamulahan na ng pisngi.
“Hot mama ka raw Red! Malamang sili iyong pinaglilihi mo noon kay Irah!” tawang tawa na sabi ni Troye.
“Stop it, di naman nakakatuwa…” Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti sa kabila ng issue.
“Namimiss mo na iyong pang-iinsulto?” si Klint ngumingisi pero may paamoy amoy sa buhok ng asawa.
Umiling ako. “Wala narin naman akong pakialam sa sasabihin ng lahat ng tao sa pagbabalik ko. Si Irah at ang kaso lang ni Daddy ang concern ko ngayon…”
“Speaking of…” May kung anong iniscan si Yashin sa kanyang cellphone na kahit si Klint ay nagkakasalubong na ang kilay habang nakatingin roon.
“Luck is on your side, Red…” tumawa si Yash at ipinakitang muli sa akin ng cellphone.
Nakita ko ang stolen shots ni Tres roon, kasama ang girlfriend niya.
“The well payed Attorney Tres Buenaventura is now here. Mukhang umuwi narin. Coincidence di’ba? Kung kailan ka umuwi, umuwi rin?” sabi niya, nanunuya na ang boses.
Napairap ako sa ere. “Di naman siguro siya umuwi dahil lang nalaman niyang umuwi ako,” I said dreamily.
“Ang sabi ko coincidence, Red!” tumawa si Yashin na ikinanguso ko lalo.
“Assuming parin pala…” si Troye na ikinasimangot ko.
“Hindi ah! As if naman papayag iyang maging lawyer ko!”
“Kung pumayag man, ang tanong… nasa sa’yo parin kaya ang loyalty niya?” si Marco, may ipinaparating.
“Loyalty na ang pinag-uusapan dito. Baka iniisip ng Tres na iyan eh nagcheat ka sa kanya years ago lalo na’t itong si Leeland hindi man lang nagsasalita. Baka pag kinuha natin iyang lawyer ay gumanti lang kay Red.” sabi ni Klint.
“Kung alam ko lang na indemand pala talaga ang lawyer ngayon eh naglawyer nalang ako. Ibibilanggo ko lahat ng magagandang babae sa kwarto!” nonsense na sabi ni Troy at tinaliman na nila ng tingin.
Bumuntong ako ng hininga. “Sigurado akong hindi rin naman iyan papayag na maging lawyer ko. Kinasusuklaman na ako ng lalakeng iyan.” Tumayo ako at nagwalk-out nalang para puntahan si Irah na mahimbing na natutulog sa guest room.
Kahit anong hanap ko ng rason kung bakit nagbago ang kanyang landas at pinasok ang abogasiya, wala akong mahanap na matinong sagot. Lahat iyon ay kumukonekta sa akin. That’s not his dream… that’s mine!
Alam kong hindi kami pwede-pwedeng sumugal ngayon sa mga lawyer na nagkalat rito sa Pilipinas. Pag binaliktad kami, wala na talagang pag-asa na maisalba si Daddy. Itanggi ko man, alam kong si Tres nalang ang huli kong pag-asa ngayon. Pero sa kanyang galit sa akin, baka kahit siya ay baliktarin rin ako, baka kahit siya ay traydorin narin ako.
Chapter 51
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PfctlyStbbrn
Jail
“Mommy, Dada told me he looks like my Daddy. Is that true?” tanong sa akin ni Irah umagang umaga at may itinuturo na sa isang telebisyon.
Naningkit ang mata ko kay Troye na katabi niya lang at patay malisya na. She’s pointing Tres!
“Gusto mo ang ganyang daddy, baby?” tanong ko para ibahin ang topic nang tabihan ko ito. Pasimple kong iginapang ang aking kamay sa kanyang likuran at kinurot si Troye na ngumingiwi na pero walang tunog ng daing na lumalabas. He just mouthed the word “ouch”.
Binalikan ni Irah ang tv at tinitigan iyon sandali. She’s still wearing her long sleeve white dress. Ang buhok ay napunta na sa kabila at may hawak ng malaking box ng cookies. Nakapantulog pa ang anak ko pero mukhang ninakaw na ni Troye sa kwarto at hindi man lang binihisan.
“Yeah… gwapo!” sigaw ni Irah sanhi para magkatinginan kami ni Troye.
“Mas gwapo pa sa Dada mo, Irah?” nagpanggap siyang nalulungkot, iyong para nang tuta.
Imbes maawa ang anak ko ay hindi man lang ito nagdalawang isip tumango. “He’s gwapo than you, Dada. He’s gwapo than my Dada’s Mommy…” sabi ng anak ko sakin at kumagat sa hawak na cookies. Nakapatong pa ang isang paa sa isa.
“Napakatraydor ng batang ’to,” umiling iling si Troye at sapo sapo ang dibdib na akala mo labis na nasasaktan. “ako nagpapakain at halos ibigay ko ang gusto pero iba parin ang hanap!”
Natawa ako sa kanya nang magpunas na naman siya ng invisible tears niya.
“Ayan, total tinuturuan mo ng kalokohan ang anak ko.” natatawa kong sabi habang si Irah naman ay tutok na tutok na sa balita.
“Irah! Sinong mas mahal mo sa amin?” Iniharang bigla ni Troye ang kanyang mukha. My daughter just wrinkled her face and pushed his face away.
“Sshhh! Dada! I can’t hear him…” she tilted her head just to see him clearer. Wow, my daughter is now into him. Ganoon niya kadaling nabihag! Pati bata!
Sinamaan ko na talaga ng tingin si Troye na sumipol lang at gumala ang tingin sa paligid. Bumuntong ako ng hininga at ibinaling ang tingin sa tv. Mukhang interview iyon sa ibang bansa. Iyong naipanalo niyang mabigat na kaso. He was just nodding and saying some few words tapos aalis na. Ganoon naman talaga siya, kahit noon pa.
Pumunta nalang ako sa kusina at naghanda ng breakfast sa anak ko. Kahit kailan talaga itong si Troye hindi iniisip ang kalusugan ng anak ko. Mas inuuna ang matatamis kaysa sa healthy foods. Kaya rin sobrang hyper ng batang iyan.
I cooked her favorite breakfast. She loves to eat ham and egg without the white early in the morning and she hates milk kaya hot chocolate nalang ang pinapainom ko.
“Morning,” napalingon ako sa may pinto kung saan nakahilig si Marco, magulo ang buhok at walang damit pang-itaas. Umangat ang aking kilay nang may makita akong mga hickeys sa kanyang leeg.
“Late na kayo nakauwi ni Troye kagabi?” tanong ko.
Tumango siya at nilagpasan ako. Nagtungo siya sa ref at kumuha ng malamig na tubig roon.
“How’s Irah? Hindi ba ako hinanap kagabi?” Binalingan niya ako sandali saka rin ibinalik sa loob ng ref.
Umiling ako, “she fell asleep early last night. Napagod ata sa pakikipaglaro kay Ysha na pinaiyak niya lang naman.” nailing ako.
Marco chuckled. “You know that brat. Hindi iyan sanay na mga halos kaedad niya ang kalaro. Nasanay iyan na malalaki ang playmates at palagi siyang susundin.”
Ysha cried because she touched her favorite doll! Ang pinakaayaw niya iyong hinahawakan ng iba iyong alam niyang kanya. Hinila niya ng marahas kaya ang ending natangay rin si Ysha at namudmod sa sahig. Goodthing hindi nagkasugat ang bata. Klint even told me she’s glaring at his daughter! Nako…
“Possessive ng anak mo.” Natawa si Marco at lumapit sa akin. Kumuha siya noong isang ham at kinagatan. Ngumiwi ako nang maamoy ko ang pabango ng babae sa kanya.
“You know Irah is very nosy Marco! Lahat pinupuna! Baka magtanong siya diyan sa tampal na nasa leeg mo.”
“Oo nga e, sasabihin ko sanang kagat ng lamok pero alam kong hindi iyon maniniwala.”
4 palang siya pero grabe na iyong ugali niya. She’s turning 5 next month pero masyado nang advance ang utak niya. Hindi siya naniniwala hangga’t hindi siya kumbinsido sa sagot mo. Madali niyang nalalaman kung nagsisinungaling ka lang ba. Ang bilis niya ring makacope-up sa mga sasabihin mo at napapasok niya agad sa utak. Gusto ko na talagang akuin na sa akin nagmana ang katalinuhan kaso mukhang mapapahiya ako pag tiningnan ang cards ko noong elementary ako.
Ako mismo ang nagpaligo sa kanya. Never siyang napaliguan ng mga Dada niya. Nagtitili nga iyan pag sumisilip noon si Marco sa bathroom. Ganoon na siya kasensitibo sa mga bagay.
“We’ll pay your lolo a visit, okay?” tanong ko sa kanya habang sinasabunan ko ang kanyang likod. Nasa tub ito at iniipon ang mga bola saka niya ilalagay sa kanyang sarili.
Tumango siya, nasa bula ang atensyon at sa hawak niyang bubble. Bigay iyan ni Marco sa kanya.
“I’ll give him my cookies since I can’t eat some of it,” sabi niya na ikinagulat ko. I tilted my head just to see her expression. She’s talking nonchalantly.
“You’ll share your cookies?” namamangha kong tanong. She hates sharing kaya nakakagulat talaga!
“I can’t eat all of it Mommy. I’ll give him some,” sabi niya, iniiwasan ang aking mga mata at nasa bubble toy parin ang tingin.
“Ysha loves cookies, too. Can you give her some, baby?” I tested.
Umiling agad. “No,”
“Why? How about Dada Troye?”
“No,”
Nakagat ko ang aking labi. She’s being a sly! Iyon ang isa sa mga katangian ni Tres. Iyong pasimpleng sweet at idinadaan sa ibang bagay at ayaw nalang aminin.
Wala sa sarili ko nalang na nayakap ang aking anak. Para akong maiiyak na ewan. She’s sweet! In her own way…
“How do I look Dada?” tanong niya agad pagkatapos ko siyang bihisan. Kakapaalam lang namin sa loob at aalis na para pumunta sa presinto.
Marco titled his head and stared at her. She’s wearing a cute white dress paired with black boots. May bracelet siyang suot na bigay sa kanya ni Klint. Nakalugay lamang ang kanyang buhok.
“You’re always gorgeous you know that, Irah.” he pinched her cheeks that made my daughter smirked. She likes smirking! Lalo na sa mga bagay na alam niyang tama ang hinala niya.
Napatingin si Marco sa box na dala dala ng aking anak saka siya napatingin sa akin.
“She’s going to give it to her lolo since she can’t eat all her cookies. Iyon ang sabi niya Marco. Hindi niya sinabing kusa niyang ibibigay dahil gusto niya, dahil lang hindi niya maubos.” sabi ko agad nang nauunang maglakad si Irah patungo sa kotse.
“What a sly. I thought she hates sharing!” hindi rin makapaniwala nitong sabi.
“Ako nga rin e.”
Napatingin siya ng makahulugan sa akin bago namin tingnan si Irah na nakatayo na sa tapat ng kotse at hinihintay kaming dalawa at hawak hawak iyong box. She looks excited.
“Huwag mo ng itanong. Ganoon rin ang ama, Oo.” Agaran kong sabi kay Marco na ikinabuntong niya nalang ng hininga.
“Magpasalamat ka at hindi naging lalake si Irah.”
“Diba mas matakot ako dahil babae si Irah at ganyan ang ugali?”
Nailing nalang kaming dalawa. Akala ko talaga noong una mas madaling magpalaki ang mga babae since sweet sila at masunurin. Ganoon naman kasi ako sabi ni Daddy noong bata ako, pero si Irah… napapa facepalm nalang ako.
Her eyes were settled outside the window while Marco is driving. Nasa kanya naman ang aking tingin, hindi sanay dahil hindi siya dumadaldal. Palagi kong kinukwento sa kanya si Daddy kaya may alam siya roon. Sinasabi kong mahal na mahal ko ang aking ama at mabait iyon. Minsan pag nagkukwento ako may pinagkakaabalahan siya, o kaya ay naglalaro siya ng kung ano kaya hindi ko rin alam kung nakikinig ba talaga o walang pake.
Mainit ang salubong ng araw sa amin pagkalabas ng kotse. Nababahala ako na baka magreklamo siya pero nanatili siyang tahimik sa braso ni Marco. I can’t read her, alright! She’s acting… like his father.
Pumasok kami sa presinto. Maraming police officer agad ang dumako sa akin ang tingin. Palipat lipat iyon at mas nagtatagal sa akin. I smiled and greeted them.
“Ikaw na ba iyan Red?” Nanlalaki ang mata noong police officer nang hinead to foot niya ako. Tumango ako at tumawa ng marahan.
“Yes po, I’m back po.” sabi ko.
“Ang ganda ganda mo doon sa kumakalat na pictures pero mas nakakalaglag panga ka pala sa personal! Naging model ka ba sa victoria’s secret sa ibang bansa?”
Umiling agad ako, “hindi po ako nagmodel e. Naging busy kasi ako sa anak ko.” Nilingon ko si Irah na humahaba ang leeg kakalingon sa paligid. Para itong may hinahanap.
“Bibisitahin po sana namin si Daddy,” sabi ko na ikinatango agad nito at iginiya ako papasok.
They were looking at Marco. He’s wearing a long sleeve polo rolled til his arms. May isa siyang earring sa tenga at matangkad kaya kapansin pansin talaga ang gaya niya. Ngumuso nalang ako dahil napagtanto kong gwapo nga ito, napagkakamalang ama ni Irah. I don’t have a say on it anyway.
Kumalabog ng husto ang aking dibdib nang makita ko si Daddy. He looks old now kumpara sa huli naming pagkikita. Lumalabas na iyong wrinkles sa gilid ng kanyang mata at mukhang pumayat pa!
“Daddy!” Hindi ko na napigilan ang sariling takbuhin ang pulgadang namamagitan sa amin at niyakap ito ng mahigpit.
Niyakap niya ako pabalik na nagpapikit sa akin ng mariin at pasimpleng pinunasan ang luha. I missed his warmth hugs! I missed him so much!
“Ba’t mukhang napaaga ang pag-uwi?” bulong niya sa garalgal na boses.
“Dad naman, namiss k-kita!”
“Namiss rin kita anak…”
It was a long hug. I buried my face on his shoulder just to stop myself from crying. Nagiging emosyonal ako sa nangyayari sa kanya. Masyado na siyang nahihirapan.
“Is that my apo, sweetie?” medyo lumuwag ang kanyang pagkakahawak kaya dali dali kong pinunasan ang aking mga mata. I pulled away and glanced at her. She’s staring at us seriously. Ibinaba siya ni Marco kaya naglakad agad siya papunta sa amin.
“For you, lolo…” she said softly. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil inangat niya talaga iyong box at gustong gustong ibigay kay Daddy ang pinagdadamot niya sa iba.
Lumebel si Daddy, maluha luha iyong tinanggap pero nakangiti ng malapad.
“Thank y-you,” sabi niya sa garalgal na boses. “You l-look like your M-Mom when s-she was l-little… sweetie…”
Ipinagsalikop ni Irah ang kanyang kamay sa kanyang likuran at ngumiti ng tipid. Hindi makatingin ng deritso.
“Can I hug you po?” tanong ng aking anak na ikinalaglag na talaga ng aking luha. I never seen her so gentle like this…
Nagpunas ako ng luha at natawa ng marahan nang mag-angat ng tingin sa akin si Daddy, malalaki na ang patak ng luha.
“Of c-course…”
Hindi makatingin ang aking anak sa kanya. She immediately wrap her arms around her neck.
“I don’t want to see you crying that’s why I want to hug you…” bulong nito sa aking ama na ikinahagulhol ko na talaga. Kahit si Marco, napapangiti narin.
Dad buried his face on her shoulder and cried harder. His shoulder were rocking slowly.
“I thought you’re going to be happy to see me?” Humiwalay si Irah sa kanya at inangat ang kanyang dress saka niya ipinunas sa luha ng aking ama. Natawa kaming tatlo. Ni ayaw niyang nadudumihan o nalulukot ang dress but look at my daughter!
“Ang sweet ng batang ’to, Christienne…” sabi ni Daddy nang tiningala ako at may panibagong luha na naman ang umagos.
I wanted to say that it’s my first time seeing her like that pero dahil sa aking pag-iyak ay hindi ko na maisatinig iyon. I don’t know what gotten into her mind to be like that…
“I can’t eat them all so I’m giving you my cookies. Eat them okay?”
Tumango si Daddy na ikinatango niya rin. Iginala niya ang tingin.
“Do you live here lolo? It’s…”
Nagkatinginan kami ni Marco. Alam ko kung gaano katabil ang dila ni Irah.
Hindi niya iyon isinatinig at bumulong nalang kay Daddy na nagpahalakhak sa aking ama.
“You’re adorable!”
Nag-iwas ng tingin si Irah. Hindi na gaanong nagsasalita.
Tumayo si Daddy at binuhat ito. Naglakad kami roon sa may upuan. Magkatabi kaming dalawa ni Marco habang nakaharap sa kanilang dalawa ni Irah. She’s sitting on his lap while playing with her curls.
“Nabasa ko iyong mga sulat na ipinapadala mo kay Troye. Pati iyong mga pictures ni Irah nakita ko. Iyon ang binabasa ko gabi-gabi.” sabi niya.
Iyon lang kasi ang naisip ko para makapagkwento ako sa kanya at iparating na okay lang naman ako. Kaya rin gusto kong bumibisita ang dalawa roon dahil nadadala nila ang mga sulat at pictures ko para kay Daddy.
“Alam kong kamukha mo ang anak mo pero iyong nakita ko si Irah… naalala ko ang pagkabata mo, Christienne.” sabi niya at nahulog na naman ang malalaking luha sa kanyang mga mata. “She l-looks like you… p-para akong bumalik sa mga masasayang alaala mo noong bata ka pa anak…”
Nagpunas ako ng luha na kahit si Marco ay binigyan na ako ng panyo dahil hindi na ako maawat sa kakaiyak. Ang saya saya ko at nalulusaw ang aking puso sa inaasta ng aking ama.
“Kung nakita s-siya ng Mommy mo… baka pati iyon humagulhol sa tuwa.”
Mariin akong napapikit at idiniin ang panyo sa aking mukha. My shoulders started to rock as I cried. Hindi man lang nakita ni Mommy si Irah.
My daughter remained silent as we talked. Pilit ko nalang iniiba ang topic para hindi na maiyak sa harapan ni Irah dahil sa marahang pagsiko ni Marco sa akin. My daughter was biting her lower lip, nanginginig iyon at parang may pinipigilan. Ni hindi nag-aangat ng tingin sa akin at masyadong busy sa kanyang buhok. Ni minsan, hindi niya ako nakitang umiyak. Palagi akong nakangiti sa kanya. Ngayon lang talaga dahil sa pagiging emosyonal ko kay Daddy.
Nalihis rin ang aming topic at napunta sa kaso ni Daddy.
“Binibigyan ako ng isang buwan para makahanap ng abogado. Lilitisin ako at doon pagdedesisyunan kung lifetime na ba ang sintensya ko rito sa loob.” paliwanag ni Daddy.
Mabilis na nasira ang aking ekspresyon. Yumakap ang galit sa aking mukha.
“Dinidiin ka nila sa kaso na hindi ikaw ang may gawa, Daddy.” giit ko.
“Mas makapangyarihan iyong nasa likod nito, hija. Kaya hindi na ako magtataka kung patong patong na kaso na ang isinampa sa akin at maraming panibagong ebidensya ang lumulutang.”
“Tutulong po kami sa paghahanap ng abogado para depensahan ka, Tito. We’ll pay big.” si Marco.
Ngumiti lang ng tipid si Dad. “Sana nga ay may abogado pang hindi nasisilaw ng pera at sulsol, Marco.”
Hindi ko alam kung ba’t biglang lumabas sa aking utak ang seryosong mukha ni Tres. Siya agad ang naisip ko. But I’m not sure yet kung siya parin ang kilala kong Tres. It’s been years… baka ay may galit parin iyon sa akin. Iyong katulad niya ay nagtatanim ng galit at hinding hindi ka mapapatawad hangga’t hindi ka nakikitang nagdudusa sa kasalanan mo sa kanya. Kung gaano ako kabilis magpatawad ganoon naman siya katigas. Alam kong salungat kami sa lahat ng bagay at iyon ang labis na ikinakatakot ko.
“Don’t lose hope, Daddy. We can find a loyal lawyer.” buong kasiguraduhan kong sabi sa kanya. My Dad nodded.
Nagiguilty na naman ako. Kung hindi ko lang siguro pinairal ang kapusukan noon, baka hindi kami nahihirapan ng husto ngayon. I’ll never betray him! Nagsisisi ako na hindi ko naipagpatuloy ang law school pero hindi ako nagsisisi na dumating si Irah sa buhay ko. Siya lang ang magandang bagay na nangyari sa akin sa kabila ng masasakit na napagdaanan ko.
“Ano nang plano mo, Red?” tanong sa akin ni Marco nang pauwi na kami. Nasa driver’s seat ako dahil nakatulog na si Irah sa likod.
“I’m going to find a lawyer for my Daddy, Marco. Iyon ang planong naiisip ko.” sabi ko sa kanya sa kabila ng naninimbang niyang tingin.
Umangat ang kanyang kilay, “who?”
Umawang ang aking bibig, nang napagtanto kong wala akong mapangalanan bukod kay Tres ay itinikom ko nalang iyon. He sighed.
“Galit ako sa lalakeng iyon, Red. Damn him for being so shallow! Eh di’ba matalino iyan? Pero ba’t mukhang hindi? Imbes na pakinggan ka, mas pinairal ang selos at galit.” Nag-igting ang kanyang panga habang ako naman ay nangangamba na baka hindi mahimbing ang tulog ni Irah at marinig kami.
“Pero para sa bata, kaya kong isantabi ang galit na ’yon. Have you seen your daughter? She was so soft and sweet…” sabi niya sa malambing na boses hindi kagaya kanina na may galit. “Irah loves his lolo, Red. Halatang halata sa bata na gusto niyang makasama ng matagal ang Daddy mo. Ni hindi siya nagreklamo kahit na pawisan na siya kanina sa presinto. Alam natin kung ano ang ugali niyan… and she even wiped her dress on your Dad’s tears!”
Mariin akong napapikit, nagiging emosyonal na naman. Naalala ko iyong sumbong sa akin ni Troye na nadumihan niya iyong dress na pambahay ng aking anak. Irah glared at him at hindi ito pinansin buong araw. Kaya si Troye halos bilhin na lahat ng mamahaling bagay para lang sa kanya, para lang pansinin ulit ito.
Pero iyong kanina… ang layo layo niya sa ganoon. Ang amo amo niya at hindi pa nagsasalita. Panay lang ang kanyang tingala kay Daddy na pag ngingitian siya ay yumuyuko agad siya habang nilalaro ang kanyang buhok.
“Alam ko namang hindi ka mapride, Red…”
Dumilat ako at ipinagsalubong ang aking kilay habang nakatingin sa kanya. Panay ang kanyang lingon sa akin.
“Just ask for his help. Hindi tayo pwedeng sumugal ngayon sa kahit sinong abogado lalo na’t hindi naman natin kilala…”
“Hindi niyo rin naman kilala si Tres. Remember? Ayaw niyang makipagkaibigan sa inyo na kahit magsalita ay hindi niya maibigay sa inyo?” pagpapaalala ko.
“Lalake e, di namin binibigdeal ang ganoon, Red.” sabi niya na ikinanguso ko. “Ang punto ko rito, kilala mo siya. Hindi lang basta basta kilala, he’s your ex and Irah’sㄧ
“Marco!” I hissed. Mabilis kong nilingon si Irah na mukhang himbing na himbing.
Bumuntong siya ng hininga.
“But he’s mad at me…” sabi ko sa maliit na boses.
“You never know. Matagal na iyon, Red. Nakamove-on kana nga…”
I don’t know… I really don’t know. Napasandal nalang ako sa aking upuan at napapikit muli. .
“What if gumanti siya Marco…”
“Ganyan na ba talaga siya kasama sa isipan mo?”
“He punched the wall, Marco! At nasa gilid ko iyon! Umagos pa nga ang dugo!” Nanlalaki ang aking mga mata sa pagpapaliwanag. Hinding-hindi ko makakalimutan ang eksenang iyon dahil takot na takot ako.
Nagkasalubong ang kanyang kilay, “Kung masama siya, ikaw dapat ang sinuntok niya. Ikaw ang may kasalanan e,”
Nalaglag ang aking panga. Pinagtatanggol niya na ang lalakeng kinakamuhian niya!
“Ang aking lang Red, para sa’yo at para sa bata. Your Dad is getting old. At alam ko na pangarap mo iyon.”
Iyon naman talaga ang plano ko. Ang humingi ng tulong sa kanya. Pero may nagpipigil sa akin na lumapit. May nagpipigil sa akin na humingi ng tulong. Baka sa galit niya sa akin noon, iyon ang gagamitin niya para gantihan ako.
“I-I’ll try to talk to him…” Iyon ang nagpatikom ng kanyang bibig habang ako naman itong kinakabahan.
Iyon na ang plano ko, ang kausapin siya. Pero hindi ko naisip kung paano. Akala ko ganoon lang iyon kadali, pero hindi pala. I don’t even have his number! At hindi raw iyon active sa social media!
“Kay Hannan kaya?” suhestyon ko kay Yashin nang mag-usap kaming dalawa.
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na umiling.
“H’wag kang humingi ng tulong sa babaeng iyon, Red.” pagbabanta niya sa akin na ikinanguso ko.
“Hindi naman ako nagtatanim ng galit, Yashㄧ”
Umiling-iling siya. “Dumeritso ka kay Tres total siya ang tunay na pakay mo.”
Naibagsak ko ang aking sarili sa kama. Natakpan ko ang aking mukha at napabuntong nalang ng hininga. I really have no choice huh?
“Ako mamimili ng damit mo pag magkikita kayo ha. Teka may cleavage kana ba?”
“Yash!” Nanlalaki ang aking mga mata sa kanya at nahuli pa talaga itong dumudungaw sa aking dibdib.
“Of c-course meron!” Tinakpan ko iyon.
Umangat ang kanyang kilay sa akin. “Dapat magsleeveless ka, at dapat kita ang legs! Dapat nakabun ang buhok mo para maexpose ang collarbone mo!”
Naningkit ang aking mata kay Yashin. “Binubugaw mo ba ako?”
“Hot ng ex mo, akitin mo! Di iyon makakapagpigil,” humalakhak siya.
Natampal ko nalang ang aking noo. “Magaling siyang magpigil Yashㄧ
“Tigang na ’yon! Ilang taon narin ang huli niyongㄧ
“Yashin!” Natakpan ko na talaga ang aking buong mukha sa sobrang kahihiyan. Humagalpak siya ng tawa.
Kung hindi lang namin napag-usapan ni Yashin ang bagay na ito ay hindi ko talaga maiisip na iyong kakausapin kong tao ay ang kumuha ng pagkababae ko. Ngayon palang pinapamulahan na ako ng mukha.
May girlfriend na siya at masaya na sila. Iyon ang itinatak ko sa aking utak para hindi sundin ang kagagahang payo ni Yashin sa akin.
Binisita naming muli si Daddy sa kulungan. Kagabi pa kasi nagbubunganga ang batang iyan na hindi niya na naman daw maubos ang mga pagkain niya kaya ibibigay niya kay Daddy.
“She’s Bun-bun, Lolo.” Pagpapakilala ni Irah sa kanyang rabbit na stufftoy.
Hinawakan ni Lolo ang kamay noong Bun-bun niya at nakipagshake hands. Nagkatinginan kaming muli ni Marco nang hindi man lang tumili dahil hinawakan ng iba ang kanyang gamit.
“Hi, Bun-bun…” pagpapabata ni Lolo sa kanyang boses.
Hindi mabura-bura ang malalapad na ngiti namin ni Marco habang pinapanood si Irah na kalmado lang at humahagikhik sa pakikipagkulitan kay Daddy. She’s very obedient and tamed! Dito lang ata iyan nagiging maamo.
Ilang oras rin silang nagkukwentuhan ni Daddy. Matamis siyang ngumingiti pag tinatanong siya ng kung ano ano nito. Napakasincere ng kanyang sagot at ang iba ay binubulong nalang.
“I forgot my Bun-bun, Mommy…” sabi sa akin ni Irah nang makapasok na kami ng kotse. Hindi siya nakakatulog pag wala iyon.
“Teka, babalikan ko.” sabi ni Marco at akmang bababa nang ako nalang ang lumabas.
“Ako na, Marco.” sabi ko saka bumalik sa aking daanan.
Nagmamadali akong bumalik at saktong nasa police officer iyon kaya kinuha ko nalang. Palabas na sana ako kung hindi lang ako may nakasalubong.
Sa sobrang gulat, napaatras ako. B-Ba’t siya nandito?
Chapter 52
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PrfctlyStbbrn
Suffer
Kapwa mga gulat ang aming mukha. Na kahit ako, hindi na alam kung paano pa gumalaw sa kinatatayuan.
He was wearing a black polo rolled till his arms at nakabukas ang dalawang botones paired with jeans and black shoes. His hair were perfectly in places pero magulo paring tingnan na nakakadagdag sa kasupladuhan ng kanyang misteryosong mga mata. Tumangkad siya lalo at mas nahubog ang pangangatawan. Kahit iyong ugat sa kanyang braso ay hindi nakaligtas sa aking tingin. The guy I met years ago is very far from now. He was three times hotter than his old self…
Kung hindi lang nalaglag ang kanyang tingin sa hawak kong laruan ni Irah ay hindi ako mahihimasmasan kaya itinago ko agad iyon sa aking likuran at pilit hinila ang sariling katinuan pabalik sa akin. Tres eyes darkened even more. Tila nagalit ang mga mata dahil sa ginawa ko sa laruan sa kabila ng pagiging seryoso ng ekspresyon. Ni hindi ko alam kung ba’t ko iyon itinago.
“R-Red…”
Naibaling ko sa kasama niya ang aking tingin dahil sa pagtawag nito sa akin. Dahan dahan niyang iginapang ang kamay sa braso ni Tres at kumapit roon ng mahigpit. Iyong tipong gusto niyang hawakan iyon ng ganoon dahil baka maagaw sa kanya pag hindi niya iyon ginawa.
“Hannan…” I lightly smiled. Napangiti rin siya sa akin pero halatang pilit na. She changed alot, too. Mas naging slim ang kanyang figure at may pacleavage na dahil sa suot niyang sleeveless dress. Iyong sinasabi sa akin ni Yashin kung paano maaakit si Tres ay naging imahe niya na.
“My boyfriend and I are here toㄧ
“You’re with your daughter?” putol ni Tres sa boses ni Hannan sanhi para lingunin siya nito sa namumutlang mukha. Nabitin sa ere ang bibig niyang nakabukas kaya itinikom nalang iyon dahil sa pagsasalita ni Tres.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang nabanggit niya ang anak ko. Alam kong kalat sa social media ang litrato ko kasama si Irah sa airport pero hindi naman ako nagpopost ng mga pictures niya roon kaya sigurado akong doon niya nakuha ang impormasyong iyon.
“B-Ba’t kayo nandito?” tanong ko, binabalewala ang nauna niyang tanong.
“I’m looking for big cases,” sabi niya na ikinasinghap ko. He’s here for cases?!
Gustong gusto kong isuggest ang kaso ng aking ama pero parang naputol ang aking dila at hindi ko na iyon masabi. Pinapangunahan ako ng panibagong pakiramdam.
“G-Ganon ba… sige.” Alright, I chickened out! Damn it.
Nilagpasan ko sila. Halos pilitin ko ang nanginginig kong mga paa sa paghakbang dahil pakiramdam ko ay bibigay na iyon ano mang oras.
“I’m here for your Dad’s case,” narinig kong sabi nito sa malamig na boses sanhi para mahinto ako sa paghakbang. He got my full attention.
Hindi ko na maawat ang sariling pintig ng puso ko na mas lumalala lang ata. Para akong nahihilo sa sobrang lakas at bilis noon sa pagpintig. Sapo ang aking dibdib, huminga ako ng malalim at nilingon siya.
His eyes were dark and cold at the same time. Ang mukha naman ni Hannan ay binabalot ng takot sa hindi ko malamang dahilan. Nag-iiwas siya ng tingin sa akin at mas hinihigpitan lang ang pagkakahawak sa braso ni Tres.
“Are you free to talk about it?” tanong muli ni Tres, hindi inaalis ang malalim at madilim na paninitig sa akin.
“T-Tres, you still have an appointment later babyㄧ
“I’ll cancel it.” putol ni Tres sa malambing na boses ni Hannan na napasinghap na. Iyon ang nagpatikom ng kanyang bibig at nilingon ako, kakaiba ang titig sa akin.
Umawang ang aking bibig para sana tumanggi pero nag-echo bigla ang boses ni Marco sa akin. Iyong mga pangaral niya, na kahit ang imahe ni Irah noong unang pagkikita nila ni Daddy ay bumalik.
Itinikom ko iyon at nauwi sa paglunok. I nodded slowly that made his lips part a bit.
“Sasama ako,” singit agad ni Hannan dahil sa pagsang-ayon.
“Just wait me on the car.” sabi ni Tres pero nasa akin ang tingin. Tinitingala siya ni Hannan at pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
“But babyㄧ Nilingon siya ni Tres na ikinatikom ng kanyang bibig. Si Tres mismo ang nagkalas ng kanyang kamay sa braso nito.
“Okay. I’ll wait for you… huwag kang magtagal ha?” she lightly tiptoed and kissed him on his cheek.
Ang tingin ni Tres ay dumako agad sa akin kaya mabilis akong nag-iwas roon. Ba’t may pakiss kiss pa? Di ba pwedeng pag sila nalang dalawa? Hindi ko alam sobrang sweet pala ni Hannan?
I don’t want to sound bitter kaya hindi ko na iyon isinatinig. Naunang umalis si Hannan. She even smiled at me kaya ngumiti nalang rin ako. Akala ko pa naman magiging madrama ang aming unang pagkikita katulad ni Yashin at magyayakapan habang humihingi ng tawad sa isa’t isa pero mukhang mali ako. She’s smiling at me like nothing happened at hindi ko iyon nagugustuhan. Parang ano… plastic.
Tumikhim si Tres kaya naagaw niya ang aking atensyon. Naglakad siya patungo sa akin, nakabulsa na naman ang mga kamay.
“Let’s go somewhere… may malapit ritong restaurant.”
Tumango ako, hindi na pumalag pa. Be professional Red! Isantabi mo muna iyang mga alalahanin mo years ago at isipin na blessings in disguise ito ng Panginoon sa’yo. Think about the consequence of your action. Baka kung ioopen-up mo iyong noon, maaalala niya lang ang galit niya sa’yo at baka umurong iyan sa paghawak sa kaso ng Daddy mo.
Pumunta kami sa isang five star Restaurant. Bakit ganon? Kung kailan hindi na kami diyan pa kami lumalabas at kumakain sa mamahaling Restaurant. What the heck Red! Kaso ang pag-uusapan niyo!
Inilapag ko si Bun-bun sa mesa nang tuluyan kaming makaupo sa 2seated rectangular table. May lumapit na waiter at binigyan kami ng menu kaya umiling ako roon.
“Mag-uusap lang kami, hindi date.” Kusang tumakas iyon sa aking bibig at huli na para mapagtanto ang aking sinabi.
“Tingin mo makakapasok ka rito nang hindi kumakain?” Nag-angat ng kilay sa akin si Tres nang kinuha niya iyong menu sa waiter. Halata ang pagpipigil ng tawa noong lalake na yumuko ng marahan para magpaalam.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. “I’m not hungry, anyway…” Kahiya! Nakakahiya! Sobra! Hindi ganito ang iniisip ko sa una naming pagkikita! I’m prepared! Pero dahil biglaan, heto ako, nabibigla rin!
Siya na mismo ang nag-order ng makakain. Ako naman itong hindi makalma ang mga mata at nasusulyapan talaga siya minsan. Bakit ba nakabukas ang dalawang botones niya? Walang silbi iyong girlfriend, pati pagbobotones di ata alam.
Nahuli niya akong nakatingin roon kaya bumagsak rin ang kanyang tingin. Pasimple akong nag-iwas at kinuha iyong baso ng tubig saka uminom. Gosh Red! Napaghahalataan kang marupok! Hindi kana ganyan! Nakamove-on kana so please…
“About your Dad’s case…” sabi niya kaya naibaling ko muli sa kanya ang tingin pero nalaglag rin sa kamay niyang tinatanggal ang isa pang botones ng kanyang polo. Nagkasalubong ang aking kilay, hindi na makalma ang sarili. Anong ginagawa niya? Maghuhubad ba siya?
Imbes na ako iyong mang-akit, mukhang ako ata ang inaakit. Akala niya naman naaakit ako.
“Yeah?” namamaos kong tanong.
“Nabalitaan kong mabigat ang kaso ng Daddy mo kaya iyon ang napili kong hawakan. Since mabibigat na kaso talaga ang hinahawakan ko,” paliwanag niya. Ipinapamukhang hindi iyon dahil sa akin.
Tumango ako. “Mabigat ang kaso ni Daddy. A-At pinagdedebatehan kung mahahatulan ba siya ng lifetime imprisonment sa loob…” marahan kong sabi na ikinasandal niya sa kanyang upuan. Ang isang kamay ay nasa mesa habang ang isa ay nasa hita niya.
“I watched it on the news,” sabi niya, nagiging tamad na ang mga mata sa kakatitig sa akin ng matagal. Siya parin pala iyong lalakeng akala mo ay palaging pagod.
Uminom ulit ako ng tubig nang hindi ko makayanan ang kanyang paninitig. Ibinaba ko iyon at ibinalik ulit sa kanya ang tingin na hindi umaalis sa akin. Kung hindi tumunog ang aking cellphone na nasa gilid ng mesa, hindi malilihis ang kanyang tingin.
Mabilis ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Marco. Oo nga pala! Nasa parking lot parin sila ni Irah!
“Marco?” tawag ko nang sagutin iyon.
Nag-igting ang panga ni Tres, kumuyom ang kamao sa may mesa at ibinaba iyon para lang itago.
“Where are you?”
“Uh, saglit lang naman ito, mauna nalang kayo sa bahay. May kausap lang ako.” sabi ko at nag-angat kay Tres ng tingin na ngayon ay nag-iiwas na, nasa ibang direksyon.
“Alright,”
Namatay ang tawag kaya ibinaba ko iyon at tumikhim. Ilang sigundo ang dumaan bago siya bumaling sa akin, balik na sa dati niyang ekspresyon.
“So… magkano ba? M-Mahal ka raw maningil e, Attorney…”
Nagkasalubong ang kanyang kilay at dumako ang tingin sa aking labi. Alangan naman tawagin ko siyang ex?
“It’s free.” he said nonchalantly.
Nagulantang ako, hindi agad naiproseso sa aking utak ang salitang binitiwan niya?
“Free? As in libre? Walang bayad?” pag-uulit ko na ikinatango niya, tila natutuwa sa aking reaksyon pero hindi na umaabot sa kanyang ekspresyon. Mababasa mo lang iyon sa kanyang mga mata.
“Bakit libre?” nagtataka kong tanong. “Dahil ex mo ako?” Now I snap again. Hindi ko na talaga kayang kontrolin ang sarili kong bibig kaya pinagsisihan ko rin iyon nang makita ko ang mabilis na pagdilim ng kanyang tingin, halatang nagagalit.
“Nakamove-on na tayong dalawa kaya hayaan mong bayaran ka namin sa serbisyo mo. Baka traydurin mo pa kamiㄧ”
“I’m loyal,” putol niya agad sa akin.
Suminghap ako, natutop ang bibig at tumango-tango. “K-Kaya nga gusto kong magbayad dahil doon.”
“It’s free but I have one condition,”
Mabilis ang pagbalik ng aking mga mata sa kanya. His eyes were now dark and mysterious. Tila isang bangin na malalim na kahit anong silip mo ay wala kang makikita kung ano ang nasa dulo. Na kung hindi ka mahuhulog, hinding hindi mo malalaman ang lalim nito.
“Ano?” tanong ko, kinakabahan.
Dumako ang kanyang tingin sa laruan ni Irah kaya mabilis ko iyong kinuha at itinago sa aking kandungan. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga, nagagalit ng husto dahil sa aking ginagawa.
“Anong kondisyon?” klaro at malinaw kong bigkas.
He stared at me intently. Iyong tingin na nakakapaso.
“I want to meet your daughter.” mariin niyang sabi na ikinasinghap ko at napatayo na ng biglaan sa pagkakaupo.
His sharp eyes bore into mine. Nakasunod ang tinging iyon at hindi hinahayaang maligaw ng direksyon.
“Bakit ka magkakainteres sa anak ko Tres?!” My voice raised. Laking pasasalamat ko at mayaman siya para kumain kami sa isang Restaurant at sa isang exclusive place na kami lang dalawa kaya kahit magsisigaw ako, walang makikiusyoso.
“May pinagtatakpan ka?” galit at nagpipigil ang kanyang boses. Nanatili siyang nakaupo roon.
“Wala!” Tumaas-baba ang aking balikat, hindi na makalma ang sarili sa pagsiklab.
“Then let me meet her!” mas klaro niyang sabi na ikinakuyom ng aking mga kamay. May panibagong emosyon ang umusbong sa aking puso. Halo halo iyon at hindi ko na alam kung anong angkop na pakiramdam ang sasabihin ko.
“Magbabayad ako ng malaki!” sabi ko na ikinatayo niya na talaga.
“I don’t want your money, Christienne,” may diin iyon at sobrang talas na ng tingin sa akin. Umakyat pa ang aking tingin para lang hindi maputol ang aming titigan.
“Hindi pwede i-iyang kondisyon mo T-Tres… She’s my daughter!ㄧ” Isang kalabog ang nagpatigil sa akin nang hinampas niya ang lamesa. Na kahit ako, sa sobrang gulat ay halos mapatalon.
“Kung gusto mong ako ang humawak ng kaso ng iyong ama, pagbigyan mo ang kondisyon ko. Kung hindi, humanap ka ng ibang lawyer mo.”
Nanginig ang aking labi sa kanyang pagbabanta. Ni ang paglabas niya ng calling card sa kanyang pitaka at paglahad noon sa akin ay hindi ko na nasundan pa. Pagkatapos ko iyong makuha ay deri-deritso na ang aking lakad paalis. He’s still that heartless man I know! He didn’t change! Mas lumala lang siya!
Wala akong maisip na ibang dahilan kung ba’t ganoon nalang ang pagnanasa niyang makita ang aking anak. Does he know? Akala ko ay iinsultuhin niya iyon pag nalaman niyang may anak ako! Inakusahan niya ako ng kung ano ano tapos ngayon…
Parang sasabog ang aking utak. Dapat nga ay natutuwa ako na libre iyong serbisyo niya, pero iyong makita si Irah! Hindi ko siya nababasa kaya natatakot ako na baka ano ang sabihin niya sa bata! I don’t want my daughter to hate me!
Doon lang nabura ang aking pag-iisip nang madatnan ko sa harap ng pinto ang aking anak. Nakahalukipkip at nakapambahay na. Nakatali ang dalawang buhok sa bawat gilid at hindi pantay.
“Si Dada Troye ba ang may gawa niyan sa buhok mo?” tanong ko sa kanya.
“You’re late, Mommy. Do you have a boyfriend?” seryoso niyang tanong sa akin na ikinalaglag ng aking panga.
“Boyfriend? Do you even know that word, baby?” Lumebel ako sa kanya at hinawi ang side bangs nito saka ko isinabit sa gilid ng kanyang tenga.
Tumango siya. “A friend. Boy. Friend.” putol putol niyang sabi. Ano na naman bang pinagsasabi ni Troye sa kanya?
“I don’t have a boyfriend. Here’s your Bun-bun oh!” I showed it to her. Kuminang agad ang kanyang mata at niyakap iyon. Laking tuwa ko at nadistract ko siya.
“Bun-bun!” Nagtatakbo siyang dala dala iyon kaya doon lang rin ako nakahinga ng maluwag. Ginala ko agad ang tingin at hinanap si Troye sa kabuuan ng bahay.
“Irah! Let’s play na!” sigaw ni Troye.
Umakyat ang aking tingin roon sa enggrandeng staicase kung saan siya bumababa kaya tinaliman ko agad siya ng tingin. Nagulat siya at mabilis ang pag-atras pabalik sa kanyang daan.
“Troye!”
“Hindi ko naman ipinaliwanag kung ano ang tunay na boyfriend, Red!” sigaw nito, halos humihina na ang boses dahil sa paglayo.
Hinayaan ko nalang itong magtago at dumeritso nalang sa kwarto nila Yashin. Kumatok ako roon. Ilang sigundo ata akong nakatayo sa labas bago binuksan ni Klint ang pinto. He’s topless at buhaghag ang buhok.
“Red?” tanong niya, medyo hinihingal.
Sinilip ko si Yashin sa loob at nakita itong mabilis ang galaw sa pagbibihis. Ngumuso ako.
“Uh, nakakadisturbi ata ako… sige mamaya nalang.” Aalis na sana ako kung hindi ko lang namataan ang pagtakbo ni Yashin palapit rito.
“Red!” tawag ni Yashin at tinulak palabas si Klint.
“Teka!” Huli na para tumutol si Klint dahil naisara niya na ang pinto. Si Ysha tulog mantika na naman.
Ngumuso ako at nakaramdam ng hiya dahil mukhang naantala ko ang ginagawa nilang dalawa.
“Ano, alam mo na paano siya kokontakin?” Excited agad niyang tanong sa akin. She’s just wearing a satin dress. Hindi na ata siya nakapagsuot ng bra dahil nakita ko nalang iyon sa sahig. Kahit ang buhok ay buhaghag.
Natuon sandali ang tingin niya roon at nahihiyang ngumiti.
“Hayaan mo na nga yan. Mag-asawa kami at normal na ang ganon…” tumawa siya kaya natawa narin ako. Kinaladkad niya ako sa may sofa at umupo kaming dalawa roon.
“Makikipagkita kana?”
Bumuntong ako ng hininga at ipinakita ang calling card sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis iyong kinuha.
“Call him! Dali!” Mas naging excited ang kanyang boses.
“We already met, Yash. Sa kanya ko iyan nakuha…”
Ang kanyang pagkakagulat kanina ay may mas ikakagulat pa pala. Pinaypayan niya ang kanyang sarili at pilit kumakalma.
“My gosh! tapos? Teka yan ba ang suot mo?!” She pointed my dress. Tumango ako. “Red ang cleavage!”
“Kumalma ka nga, Yash! Di ka kami babalik sa dati okay? He’s happy now at ayokong makasira ng relasyon.” sabi ko na nagpakalma sa kanya.
“Di ka maninira. Babawiin mo lang naman.” mataman niyang sabi na akala niya ay ganoon iyon kadali.
“Wala na kami. At masaya na ako. Ayoko na siya sa buhay ko…” nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
“Bakit?” tanong niya, litong-lito.
“Kinwento ko na sa’yo lahat diba? He ranaway, Yash! Kung mahal niya ako… diba dapat inintindi niya? And besides… may girlfriend na siya.”
Iyon ang pinapasok ko sa aking kokote. Na hindi na pwede ang iniisip niya at hindi na talaga pwedeng ibalik sa dati ang nasira na. Para ka lang bumubuo ng basag basag na plato kahit na alam mong hindi na magiging matibay gaya ng dati at masusugatan ka pa sa pagbuo noon. Hindi iyon ganon ganon nalang. Oo, nakamove-on na ako at tanggap ko na. Pero iyong papasukin ulit siya sa buhay ko dahil lang masaya na ako, kalabisan na ata.
“Ayaw mo bang bigyan ng buong pamilya si Irah?” tanong niya.
“Masaya na si Irah sa meron siya, Yash. Nandiyan naman si Marco, Klint at Troye.”
“Pero magkakapamilya rin si Troye at Marco, Red. Dadating ang araw na magkakaanak sila at bubuo ng sariling pamilya. Lalaki si Irah at magiging curious siya sa bagay bagay. Baka mabully pa iyang anak mo dahil walang Daddy…”
Yashin makes sense. Alam ko naman iyon. Alam ko kung gaano kalupit ng mundo. Pero hindi naman iyon ganito kadali.
“He wants to meet my daughter, Yash. Iyon ang kondisyon niya sa paghawak ng kaso ni Daddy! I don’t know what gotten into his mind to think like that! Imposible namang alam niya!” Natampal ko ang sariling noo.
“What?!”
“Natatakot ako sa mga posibilidad na maaaring mangyari pag nagkita silang dalawa! Paano kung alam nga ni Tres?! I kept it to him pero alam kong marami siyang connections!ㄧ
“Kung alam niyang may anak kayo, ba’t pa siya nagkagirlfriend, di’ba Red? Nakakapagtaka iyon.”
“Iyon na nga eh! Iyon ang ikinakabalahala ko. Bakit siya nagkakainteres sa aking anak ko eh may girlfriend na siya?”
“Because he’s the father, Red! Alam niya na ata…”
“At pag sinabi niya iyon kay Irah, magagalit ng husto sa akin ang anak ko! Ang sabi ko wala na ang Daddy niya! At masasaktan lamang siya kung nalaman niyang may girlfriend na iyon! Masaya na!”
I was so drained on our speculations. Wala akong matinong maisip na magandang bagay para hayaang magkita sila ng anak ko. Pag ipagkakait ko naman iyon sa kanya, uurong siya sa paghawak ng kaso ni Daddy! He’s our last hope now! Pero sa kanyang kondisyon ay binabalot ako ng takot. Hindi ko ata kayang magalit sa akin ang anak ko.
Iyon ang pinag-isipan ko ng husto sa nagdaan na araw. Panay ako titig sa kanyang calling card at nagdadalawang isip kung tatawagan ba ito para sabihing nakapagdesisyon na ako o h’wag nalang.
“Kung magkikita lang naman pala, wala naman iyong kaso ah?” sabi ni Marco sa akin rito sa kusina. Lutang ako sa paghahanda ng breakfast ni Irah at kung hindi inagaw sa akin ni Marco ang hawak kong spatula, hindi ako babalik sa sarili ko.
“Alam mong maarte ang anak mo sa pagkain. Balak mo pang sunugin,” sabi niya at binaliktad iyong ham.
Bumuntong ako ng hininga at umupo sa upuan. Nahawakan ko ang aking ulo. Nakwento ko rin sa kanya kagabi ang pagkikita namin ni Tres, pero dahil sa kaingayan ni Irah ay di kami nakapag-usap ng maayos.
“I’m scared Marco… Natatakot ako sa sasabihin niya sa anak ko.”
“Paano kung hindi niya alam na anak niya naman si Irah, Red? Paano kung gusto niya lang talagang makita?”
“Hindi ganoon kababaw si Tres, Marco.” giit ko na ikinaangat ng kanyang kilay.
Inilapag niya sa aking harapan ang mga ham na kinuha niya saka ako pinitik sa noo.
“Oo nga naman, hindi ganoon kababaw para iwanan ka at pairalin ang galit niya. Lalim!” mapang-asar niyang sabi na ikinabusangot ng aking mukha.
Magsasalita pa sana ako kung hindi lang nangibabaw ang boses ni Irah at mukhang papasok na rito, tumatakbo.
“Morning Dada! Morning Mommy!” sabi niya nang tuluyang makapasok. Good mood ata?
“Ano na naman bang ginawa ng Dada Troye mo sa buhok mo, Irah?” Nasira ang aking ekspresyon dahil sa kanyang buhok na nakaponytail pero nasa tuktok ng mismong ulo at parang bulaklak na namukadkad ng maraming petals na tumatalbog pa sa bawat paggalaw niya. Nagmistula siyang pinyang may korona.
Nakakapagtaka at hindi siya nagrereklamo sa pangit na ayos ng kanyang buhok. Ano na naman kayang isinulsol ni Troye sa kanya eh maarte iyan. Ginagawa niyang katawa-tawa ang buhok ng anak ko.
Kinarga siya ni Marco at pinaupo sa upuan. Hinawi niya ang side bangs at natuon ang buong atensyon sa kanya.
“You cooked my breakfast, Dada?” tanong niya kay Marco na nagtitimpla na ng hot chocolate sa baso.
“Yes, Irah. Your Mommy is not in her senses…” Makahulugan akong tiningnan ni Marco na ikinanguso ko.
“Why?” tanong niya at sumusubo na ng pagkain.
“Tinatanong ka ng anak mo, bakit daw.” sabi ni Marco at inilapag ang baso sa tabi ni Irah. Siya itong nag-oopen up tapos ako ang pasasagutin sa bata!
“Nothing, baby… Eat your breakfast.” I smiled at her, trying to change the topic.
Sumubo siya pero nasa akin ang tingin, halatang nagtataka.
“Dada Troye gave me lots of chocolates, and I can’t eat all of it so… I’ll give it to my lolo, instead.”
Namungay ang aking mata nang mapagtantong hindi niya pa mabibisita ang lolo niya dahil may limit naman iyon. Gustuhin ko mang dalhin siya araw araw roon, hindi pwede.
“We can’t pay him a visit right now, baby. Bawal pa e…” sabi ko na mabilis na ikinatigil niya.
“Why?”
Nagkatinginan kami ni Marco. Nailing siya at tikom ang bibig. Walang balak magsalita.
“Well… the police officer won’t allow us to see himㄧ
“But how about my chocolates?!”
Napalunok ako nang makita ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
“We’ll just give it to the police officerㄧ
“No!” Umalis siya sa kanyang upuan at nagmartsa na palabas.
Napatayo ako at sinundan siya. Kahit si Marco ay nakasunod narin.
“Irah!”
Sinundan ko ang tingin nitong naglalakad sa hagdan at hinihila ang pagkakatali ng kanyang buhok. Nakasalubong niya si Troye pero sa gulat sa inaasta ng anak ko, mabilis ang kanyang pagtabi para lang makadaan ito, nanlalaki ang mga mata at takot na takot.
“Ba’t galit na galit iyon?” tanong ni Troye, sapo sapo ang dibdib sa gulat.
“Sinabihan kong hindi niya muna pwedeng dalawin si Daddy…” malungkot kong sagot. Sinenyasan ako ni Marco na siya na muna ang kakausap kaya tumango nalang ako at tiningnan ang likod nitong umaakyat na.
“Excited pa naman sana iyon. Nagpatali pa nga ng buhok sa akin. Eh hindi niya kinakain iyong mga paborito niyang chocolate dahil ibibigay niya daw sa lolo niya. Ayaw niya daw masira ang ngipin niya pero hingi nang hingi ng mga matatamis sa akin.” nagkamot siya ng batok na ikinaramdam ko ng awa.
So that’s the reason why she’s not complaining?
Nakita ko si Marco na dismayadong bumalik sa kanyang daan, umiling sa akin.
“Ayaw akong papasukin sa kwarto. Nagkukulong.” sabi niya.
Nagloosen ang aking balikat at napasandal sa railings ng hagdan. Nahilamos ko nalang ang sariling mukha.
“Paano nalang kung nakulong ng panghabang buhay ang Daddy mo Red? Sigurado akong malulungkot rin ng husto si Irah.” sabi sakin ni Troye.
Nagpigil ako ng luha. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nag-isip ng paraan paano pakakalmahin ang anak.
“Kahit tutol ako sa kondisyon ng ex mo, kung sa ikakabuti rin naman ng iyong ama, sa ikakasaya mo at sa ikakatuwa ni Irah, bakit hindi? Ipinagkait mo na sa kanya ang tunay niyang ama kaya kahit iyong lolo niya nalang Red…” dagdag ni Troye na nagtulak sa akin para magdesisyon na. I can’t let her suffer like me…
Chapter 53
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PrfctlyStbbrn
Emotions
Hindi nagbabago ang nakabusangot niyang mukha. Nakahalukipkip lang siya sa upuan at nasa kandungan iyong box na puro chocolates ang laman. I told her we’ll meet my friend tapos sinulsulan pa ni Marco na iyon daw ang tutulong sa kanyang lolo para makita niya na kaya kahit pilit, naligo at nagbihis siya. Nakalugay ang kanyang buhok at nakasuot ng puting bouncing dress.
I texted Tres to informed him that I already made up my mind at pumapayag na sa kanyang kondisyon. Susugal ako at nagbabakasakaling hindi pumalpak ulit.
Panay ang lingon ko sa likuran. Ni hindi niya ako tinitingnan at nasa labas lang ng bintana ang tingin. Kahit si Marco ay napapatingin narin sa ibabaw ng salamin.
“I want to be there when she meets him but…” bulong sa akin ni Marco sanhi para mapunta sa kanya ang aking tingin.
“What?”
Ngumisi siya. “Baka mapagkamalan tayong mag-asawa.”
Ngumuso ako at napagtantong iyon naman talaga ang tingin ng lahat sa amin.
“Everyone’s thinking that you’re her biological father, Marco.” sabi ko sa mahinang boses. Medyo nilakasan ko nalang iyong stereo para matabunan ang pag-uusap naming dalawa.
“Gusto kong ipamukha iyon sa kanya Red. Gusto kong malaman niyang masaya ka naman sa akin pagkatapos ng pag-iwan niya sa’yo. Pero kahit gustuhin ko man, baka palalalain ko lang ang sitwasyon. Baka magbago ang isip at hindi na hawakan ang kaso ng Daddy mo.” seryoso niyang sabi.
Sa lahat ng tatraydor sa akin, si Marco ata ang hinding hindi ko makakayang traydorin ako. Simula pagkabata ko, magkasama na kaming dalawa. Para nang magkapatid ang turingan namin. Nakakatuwa nga at napanatili naming ganoon hanggang sa pagtanda naming dalawa. Na hindi siya nagkaroon ng feelings sa akin ganoon rin ako sa kanya kaya wala ring rason para masira ang pagkakaibigan namin.
“Nakapagpasalamat na ba ako sa’yo Marco?” Namungay ang aking mga mata. Siya ang naging sandalan ko nitong nagdaan na taon. Sa kanya ako humawak nang hindi ko na kayang ibalanse ang aking sarili dahil sa mga hampas ng problema sa akin. Kahit sarili niyang buhay ay naisasantabi niya na dahil sa amin ni Irah.
“You’re not pregnant anymore, Red. Stop the drama,” he chuckled and wet his lower lip.
“Narealize ko lang kasi iyong buhay ko noong buntis ako kung hindi ka sumaklolo. Baka tuluyan na akong nalumpo at hindi na makatayo dahil sa pinagdadaanan ko ng araw na ’yon.” I chuckled.
Umangat ang kanyang isang kamay at kinurot ang aking pisngi.
“You don’t have to thank me. Para na tayong magkapatid, Red. Halos bunsong kapatid na ang tingin ko sa’yo. Kung hindi rin naman dahil sa’yo, baka hindi ako nakasurvive sa depression ko noon…”
I remember that day. His baby sister died. Gustong gusto niya pa namang magkaroon ng kapatid noon kaso pagkatapos ipanganak ay namatay iyong baby. Marco was so devastated. Palagi siyang nasa swing pero tulala lang. At dahil makulit ako, palagi kong dinudungaw ang kanyang mukha at takang taka kung ba’t malungkot siya. Araw araw kong sinisilip ang mukha niya at napapahagikhik pag dumadako ang kanyang tingin sa akin. Until I just saw him smiled too! And the rest was history. Naging close na kami at palagi ng naglalaro sa park.
“Makulit ako e,”
“Sobra…” pinanggigilan niya ang aking pisngi kaya parehas kaming natawa.
Maswerte ang babaeng mamahalin ni Marco. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ng babae e.
Ipinark niya ang kotse sa Restaurant kung saan kami magkikita ni Tres. Binuksan niya ang pinto ng backseat at kinarga si Irah palabas roon na hanggang ngayon ay nakabusangot parin ang mukha. She’s holding the box tightly.
“See you later, Irah.” pagpapaalam ni Marco na ikinatango lang nito pero hindi naman siya tinitingala.
“Where’s my kiss?” Lumebel si Marco sa kanya kaya hinalikan nito ang pisngi niya pero busangot ulit ang mukha. Marco just chuckled and patted her head.
Tumuwid siyang muli at bumaling sakin. Ngumiti ako sa kanya.
“I’ll just call you later, Marco.”
“Alright. I’ll wait for it.” sabi niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay ni Irah at iginiya na siya sa paglalakad pagkatapos naming magpaalam kay Marco. She was just silent. Mas mabuti iyang ganyan nang hindi na magtanong ng kung ano ano sa akin.
Pumasok kami sa Restaurant. May lumapit sa akin na waiter at tinanong kung may reservation ba kami kaya sinabi ko ang apelyido ni Tres. Iginiya niya kami sa isang exclusive na lugar roon.
Sa bawat hakbang ko ay hindi ko maiwasang kabahan ng husto. How will he react? Pero kamukha ko si Irah. Ugali niya lang naman ang namana ng bata at katalinuhan. ’Tsaka iyong mga mata pala. And his thick brows. Irah’s brows were perfectly defined. Nabibigyan noon ng ganda ang mahahaba niyang pilikmata sa kabila ng misteryoso niyang mga mata. Pero ang kabuuan ng kanyang mukha ay para ng naging salamin ko. As what Daddy said.
Bigla itong lumingon na ikinalunok ko ng laway. Sandaling namalagi ang tingin niya sa akin, sinusuri lang ako pero agad ring nalaglag sa aking gilid kung saan nakahawak sa akin si Irah, dala dala iyong lunchbox niya.
He stared at my daughter intently. His lips parted a bit as he stood up on his seat. Nanginginig ang aking kamay na kahit ang aking paghakbang ay parang mapuputol na. Ang aking anak ay nanatili ang tingin sa daan, walang balak igala ang tingin sa paligid.
I squeezed her hand just to caught her attention, dala narin ng puso kong hindi ko na maawat sa pagtalbog.
Nag-angat siya ng tingin at dumako agad iyon sa harap kung nasaan si Tres, nakatayo at titig na titig sa aking anak.
Irah suddenly stop midway from walking. Kahit ako ay natigil sa paghakbang dahil sa kanyang pagkabigla. Nabitiwan niya ang kanyang lunchbox at napatitig narin kay Tres.
Natigil kami sa gitna. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi narin alam ang gagawin. Ang malalaking hakbang ni Tres ang kumuha ng aking atensyon. Nakabulsa ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakakuyom.
Huminto siya sa aming harapan at lumebel kay Irah. Nakaluhod ang isa niyang tuhod habang pinupulot iyong chocolates ng anak ko na natapon sa lunchbox.
Titig na titig siya rito. Na kahit ako, naluluha na sa kakatingin sa magiging reaksyon niya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya ngumiti agad ako ng pilit.
“Mommy, I saw him on tv!” Anang anak ko, nagningning na ang mga mata. Kaya ba gulat na gulat siya?
“Y-Yes… that’s him, baby.” sabi ko, sinisikap na klaruhin ang boses kong namamaos.
Napatitig ako kay Tres na ngayon ay nakay Irah na ulit ang tingin. Ibinigay niya pabalik ang lunchbox nito. Bumitaw ang aking anak sa akin at kinuha iyon. She was so stunned that she even forgot to say thank you.
“What’s your name?” tanong ni Tres, namamaos ang boses at namumula ang mga mata. Nagpipigil ito ng kung ano roon.
“I’m Irah. Mommy told me you’re going to help my lolo. Is that true?” tanong ni Irah sa mahinahon at maliit na boses.
Tumango-tango si Tres. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at hinaplos haplos ng hinlalaking daliri ang likod. He was so gentle that it made my heart flattered.
“Yeah… It’s true…” malambing at masuyong sagot ni Tres.
Napangiti si Irah at tiningala ako. I can see how happy she was.
“I wanted to give this to my lolo but Mommy told me the police officer wouldn’t let me.” sumbong niya, halata ang lungkot sa boses.
“I’ll get your lolo out on that jail. Do you want that?”
Tumango naman si Irah, nginingitian ang lalakeng sa tv niya lang madalas mapanood.
Nag-igting ang panga ni Tres, tumayo siya at nagpaalam munang pupunta sa restroom.
Mabilis kong inihatid si Irah sa may upuan at pinaupo siya roon.
“Stay here, okay? I’ll just follow him.” Tumango-tango siya.
Nang masigurado kong okay na siya roon ay sinundan ko rin si Tres. Nakita ko siya sa hindi kalayuan, nakaharap sa pader at tumitingala. Ang isang kamay ay nakatukod roon.
Naglakad ako patungo sa kanya.
“Tres?”
May kung ano siyang pinunasan at nilingon ako. His eyes were red as he stared at me intently.
“Who’s the father, Christienne?” tanong niya, may diin iyon at may galit.
Napaawang ang aking bibig, halos himatayin sa kanyang tanong.
“S-Si Marco…” sagot ko na ikinahakbang niya papalapit sa akin.
“Don’t lie to me!”
“K-Klint at Troye,” mabilis kong dugtong dahil sa takot sa kanyang boses at sa galit na nakikita ko sa kanyang mukha.
Sandali siyang natigil sa paghakbang, nagkakasalubong ang kilay.
“Silang tatlo ang tinuturing niyang ama!” depensa ko agad.
“Where’s her father then?” tanong niya ulit, ngayon ay mas maanghang na ang pananalita.
Sandaling nahulog ang aking tingin sa sahig. “H-He’s gone…” sagot ko sa maliit na boses.
I heard him cursed loudly kaya mariin akong napapikit sa takot. Dapat ay nagagalit rin ako pero sa kanyang inaasta, ang hirap magalit.
“I-Iyon ang alam ni Irah!” sagot ko agad.
“You made her think that I’m already dead?!”
Mabilis akong napamulat at tiningnan siya.
“Eh anong sasabihin ko?! You ranaway!” sigaw ko na nagpagulat sa kanya. Hindi dahil sa malakas kong boses kundi dahil sa nasabi ko. I snapped. Shit!
His face darkened as he step towards me.
“So I’m really the father?” he growled in his deep voice with his sharp eyes. Pulang pula na iyon at may nagbabadyang tumulo.
I know his capability as a lawyer. Kayang kaya niyang paaminin ang mga sinungaling na tao at hulihin ito sa salita. At ngayon, nahuli niya na ako.
I swallowed hard as I tried to control my tears.
“H-H’wag kanang makigulo sa buhay namin Tres… m-masaya na tayo,” nabasag ang aking boses na kahit siya ay natigil sa paghakbang papalapit sa akin.
Nailing siya, binasa ang pang-ibabang labi at tumingala sa ere habang nakapameywang.
Mabilis kong pinunasan ang luhang nalaglag roon.
“Ikaw lang ang masaya sa ating dalawa.” matigas niyang sabi, nasa itaas ang tingin at may pinipigilan sa mga mata.
“A-Ako?” namamaos kong tanong. “But you’re the one who left!” My voice cracked.
“Pero binalikan kita! Ikaw ang umalis!”
Nagulat ako roon. B-Bumalik siya?
“K-Kung kailan huli na?” tanong ko.
“Huli na?! Dahil nakahanap ka agad ng iba di’ba?! Ganoon ka kadaling nakamove-on sa ating dalawa! And you’re even happy! Buntis ka at nakikipagtawanan sa lalake mo!” He fired back.
Naiyak ako sa ibinintang niya. Kung alam niya lang ang pinagdaanan ko. Kung alam niya lang lahat ng paghihirap ko! Eh baka nga iyang sakit na naramdaman niya ay kulang pa!
“Dahil siya ang nandoon sa akin noon inabandona mo ako! N-Noong iniwan mo ako!” Mas tumakas ang maraming luha sa aking mga mata, sunod-sunod na iyon at ayaw magpaawat. Nanginginig ang aking labi na kahit ang aking balikat ay ganoon rin. Hindi ko na mapigilan ang emosyon kong sumasabog.
“H-Hindi mo ako pinakinggan. N-Naniwala ka agad sa nakita mo… A-And now you’re going to claim my daughter like he’s really yours? Oo Tres! Oo ikaw ang nakabuntis sa akin! Pero kailanman, hindi ka naging ama sa kanya! Y-Youre not even there with me…” Naging mahina ang aking boses sa huling binitiwang salita. Bumalik lahat ng alaala sa akin. Iyong mga araw na wala siya sa tabi ko na dapat siya ang kasama ko. Mga araw na si Marco ang gumagabay sa akin imbes na tungkulin niya.
Kumuyom ang kanyang kamao, tahimik lamang siyang nakatitig sa akin habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata.
“But it doesn’t mean you’re going to keep it to her, Christienne. Hindi mo pwedeng ipagkait sa akin ang maging ama ng bata at paniwalain siyang wala na ako!”
“We’re already happy! I’m happy! She’s happy! And you’re even happy with your girlfriend!” bulalas ko.
His lips parted a bit. Humingos siya at tumingala ulit. Nang ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin, may pinupunto na iyon.
“I’ll tell her the truth.” Nag-akma siyang humakbang kaya mabilis akong humarang roon.
“N-No! Don’t you dare Tres! She’s going to hate me for lying about you!”
“Anong gusto mo? Lumaki siyang walang ama?” mariin niyang tanong sa akin.
“N-Nagmamakaawa ako… k-kahit bigyan mo ako ng araw para ipaintindi sa bata, Tres. You don’t know her! Kakamuhian niya ako! Magagalit siya ng husto sa akin at ayokong mangyari iyon! S-Siya nalang ang nagpapalakas sa akin ngayon…” Humagulhol ako lalo sa kanyang harapan. Napayuko ako at natakpan nalang ang mukha.
“K-Kung gaganti ka lang dahil sa galit mo sa akin noon… k-kahit sa akin nalang Tres. H-H’wag mo nang idamay ang bata…”
Natahimik siya. Ang tanging narinig ko lang ay ang kanyang paghingos.
“Ma’am, Sir… kayo ba iyong magulang ng bata roon sa table niyo? Kanina pa kasi umiiyak.” sabi ng waiter na mabilis na kumuha ng aking atensyon.
Kapwa na kami napatakbo ni Tres pero dahil mas mabilis siya ay nauna siyang puntahan iyon.
Nadatnan ko si Tres sa harapan ng aking anak na grabe kung makaiyak. She was trying to wiped her tears as her shoulder rocked repeatedly.
“I just thought… M-Mommy left me…” Narinig kong hagulhol niya roon.
Iniluhod ni Tres ang isang paa para lumebel sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito sa pagpupunas ng luha at siya ang nagpatuloy sa pagpupunas noon. My daughter was crying harshly. Sa kadahilanang akala niya iniwan ko siya rito.
“Were you afraid?” tanong ni Tres sa namamaos na boses.
Tumango-tango ang aking anak habang umiiyak ng husto. I’ve never seen her cry like that harshly!
“C-Can I hide my f-face on your c-chest po?” Halos hindi na ito makapagsalita pa dahil sa boses niyang kinakain narin ng kanyang iyak. Tinatakpan niya ng sarili niyang mga palad ang kanyang mukha na basang basa na.
Tumango-tango si Tres, gumagalaw na ang balikat nang niyakap niya ito at idiniin ang mukha ng aking anak sa kanyang dibdib. I heard my daughter’s cry. Mas grumabi iyon at iniyapos ang kamay sa leeg ni Tres para doon kumapit. Natakpan ko ang sariling bibig dahil sa hagulhol na kumawala narin sa aking bibig.
“Ssshhh. Your Mommy won’t leave you… she just checked on me…” sabi ni Tres sa kanyang garalgal na boses habang hinihimas ang likod nito.
Hindi sumagot si Irah. Mas humigpit lang ang kanyang yakap kay Tres at mas umiyak lalo. Kung hindi ko lang alam ang rason niya, aakalain ko na nagkita na silang mag-ama at alam niya na ang totoo. Paano nalang kung nalaman niyang tunay niyang ama si Tres?
Tres stood up and carried her. Hindi bumitaw si Irah sa pagkakayakap, umiiyak parin siya at ibinabaon ang mukha sa balikat. Nang nilingon ako ni Tres, naghalo na ang uhog at luha ko, hindi ko narin alam kung paano aawatin ang sarili sa pag-iyak.
His eyes were still red. Umupo sila roon kaya lumapit narin ako. My daughter was hugging her, hiding her face. Sinubukan namang talian ni Tres ang kanyang buhok na nasasama na sa kanyang pag-iyak at nababasa na ang iba.
Napatingin siya sa akin kaya nakuha ko agad ang gusto niyang ipahiwatig at mabilis na kinalkal sa aking purse ang tali ni Irah. I gave it to him.
Pinagmasdan ko siyang marahan at maingat na pinoponytail ang buhok ng aking anak. Tinitipon-tipon niya iyon saka niya lang tinalian nang wala ng natira pang nakalugay.
Humihingos si Irah at gumagalaw ang kanyang balikat sa bawat paghingos niya. Tumigil na siya sa kakaiyak pero may kaonting mga hikbi paring naiiwan.
“I don’t want to go home…” narinig kong sabi niya na ikinakurap ko dahil sa panlalabo ng aking mga mata.
“Baby… why?” tanong ko sa namamaos na boses.
“I d-don’t want to…” Yumakap siyang muli kay Tres, umiyak na naman ng husto roon. Nalaglag ang panibagong batalyon ng luha sa aking mga mata, litong lito na sa inaasal ng aking anak.
Napatingin sa akin si Tres saka siya yumuko para silipin ang mukha ng aking anak.
“Where do you want to go then?” tanong ni Tres sa kanya sa malambing na boses.
Hindi agad nakasagot ang aking anak. Na kahit ako, kinakabahan sa magiging sagot niya.
“W-Why do you have a girlfriend?” tanong ni Irah sa maliit na boses na hindi nakaligtas sa akin. Natakpan ko ang aking bibig, na kahit si Tres ay natigilan at nagsimula na namang mamula ang mga mata.
“M-My Mommy d-doesn’t have a boyfriend… w-why do you have a girlfriend?” Halos habulin ni Irah ang kanyang hininga habang yumuyuko sa kandungan ni Tres. Bakit ganyan ang mga tanong niya?
Wala kaming naisagot ni Tres. Umiyak ng husto si Irah.
Nagkatinginan kami ni Tres. Natakpan ko lang ang aking bibig dahil sa aking hagulhol na mas lumalala na. Ba’t niya naitatanong ang mga bagay na iyon kay Tres?
“Do you want me to break-up with her?” tanong ni Tres sa bata na tumango agad. Seriously?
“And then after?” dagdag niyang tanong na ikinatahimik saglit ni Irah, tila nag-iisip sa kabila ng paghinga niyang hindi na maayos.
Nagsalin ng tubig si Tres sa baso saka ibinaba ang kanyang kamay.
“Drink this,”
Kinuha iyon ni Irah at uminom roon. Ang malinaw lamang sa akin ay ang kanyang likod.
“I-I saw it on the tv…” sambit ng aking anak, humihingos parin.
“It’s not that serious…” sagot ni Tres at tiningnan ako. “I never had a serious relationship since the day I left the city.” pag-amin niya.
Nakampante naman ang anak ko sa kanyang sagot. At itong sistema ko naman ay nagwawala sa hindi ko malamang kadahilanan. Hindi iyan pwede! He’s just bluffing! Marahil ay sinasakyan lang ang aking anak. Siguro…
Tumunog ang aking cellphone sa tawag ni Marco kaya sinagot ko iyon.
“M-Marco?”
Akala ko ay mag-iiwas ng tingin sa akin si Tres. Pero mas lalo lang iyong lumalalim at mas dumidilim. Ako nalang ang nag-iwas at itinuon iyon sa aking kandungan.
“You done? Can I fetch you now? Si Irah?”
“Uh… I’ll just call you Marco. Kakausapin ko muna si Irah…”
“Okay.”
Namatay ang tawag kaya tumayo ako at nagtungo sa upuan nila.
“Baby…” tawag ko na imbes si Irah ang lumingon, si Tres itong tumingin sa akin.
“W-We need to go now. Your Dada Marco is looking for you.” sabi ko.
Umiling lang si Irah, niyakap muli ang leeg ni Tres.
“I don’t want to go home yet…”
“Pero anakㄧ”
“A-Ayoko,” Naiyak siya ulit ng husto at niyakap si Tres. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa panginginig nito. Tiningnan ko ng makahulugan si Tres, umiling siya. Na nababasa siya ang nasa utak ko at wala siyang sinasabi sa bata.
“Do you want to go home with me?” tanong ni Tres na mabilis na ikinatango ng anak ko.
“B-But you don’t know him, Irahㄧ”
“Please… Mommy!” Pagmamakaawa niya sa humahagulhol niyang boses. Kailanman, hindi iyan nagmakaawa sa akin. Ngayon lang… pero bakit? Anong nangyayari?!
Hindi ako makaalis alis roon at hinihintay na humupa at bumalik sa normal si Irah. Marahil ay natakot lang siya dahil masyado kaming natagalan at naiwan siyang mag-isa! Pero bakit ganoon nalang kung lumingkis siya kay Tres? Kanina ay okay pa naman iyong pakikitungo niya ah? Na kahit iyong mga tanong niya ay parang may alam talaga siya. Sigurado akong walang sinasabi sa kanya ang mga Dada niya dahil kung meron man, baka nagwala na iyan sa bahay.
Dumaan ang ilang oras at tumahan narin siya pero hindi parin ito umaalis sa kandungan ni Tres. Nakaupo siya roon at nakaharap sa kanyang ama habang nasa kanyang kandungan ang lunchbox.
“Do you eat chocolates?” tanong niya nang isinubo niya iyon kay Tres. Umiling si Tres pero kinain niya parin.
“That’s for my lolo but I’ll share my chocolates to you!”
Nagkasalubong na talaga ang aking kilay. Hindi iyan basta basta namimigay ng kanyang mga gamit o pagkain kung walang mabigat na rason, kung hindi naman gaanong kaclose niya. Kahit nga si Troye ay hirap niyang bigyan ng kanyang mga pagkain.
“Tell me what you like,” sabi Tres sa bata habang hinahawi ang side bangs nito at isinabit sa gilid ng tenga ng aking anak.
Umiling si Irah at nagbukas ng panibagong chocolate. Isinubo niya iyon sa kanya. Iyan ang unang beses na wala siyang hiniling sa tuwing tatanungin siya kung anong gusto niya! Eh kina Troye ang mamahal ng hinihingi niya eh. What’s with my daughter?
“Irah,” tawag kong muli, nagbabakasakaling baka pansinin na ako nito.
“Yes, Mommy?” sagot niya sa mahinang boses at nakayuko na.
“We need to go home now, baby. Nag-aalala na ang Dada Marco mo.”
Yumuko ulit si Irah, walang planong lingunin ako rito.
“Kayo lang ba sa iisang bahay?” tanong ni Tres sa akin na ikinailing ko.
“Kasama ko roon sina Klint at Yashin. Pati narin ang Dada Troye niya.”
“Eh sa kwarto?”
“Sa guestroom kaming dalawa ni Irah,” sagot ko na mukhang ikinahinahon niya rin.
“Ikaw po. Do you share room with your girlfriend?” tanong ni Irah na labis ko ng ikinakabahala. Gusto kong takpan ang aking tenga at patigilan si Irah sa pagtanong ng kung ano ano rito dahil lang iyon ang nakikita niya sa tv dahil baka magalit na iyang si Tres.
“My room is big and I’m alone there… We never sleep in bed together.” sagot niya sa anak ko na tumatango-tango naman.
Hindi ko maiwasang mapalunok ng laway lalo na’t tinatapunan niya ako ng tingin sa tuwing may itinatanong si Irah sa kanya.
I don’t know if he’s just lying or telling the truth. Sa inaasta ni Hannan, ang clingy niya nga kay Tres. Hindi ako naniniwalang hindi sila nagsasama sa isang kwarto! Eh kami nga noon…
Namula ang aking pisngi sa aking pinag-iisip. Kung hindi ko lang nahuli ang kilay ni Tres na umaangat ay hindi ko iyon mabubura.
“Do you know where’s your father?” tanong sa kanya ni Tres na ikinatango ni Irah.
“Dada Troye told me he’s in hell. Not because he’s bad but because he’s hot.”
Matalim agad ang naging tingin ni Tres sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Iyon ba ang sinasabi ni Yashin sa akin? Iyong nakakatawang pinagsasabi ni Troye sa kanya? That monkey!
Nag-order si Tres ng maraming pagkain kaya nalihis rin ang atensyon ni Irah roon. Hindi ako halos makasubo at naguguluhan sa inaasal ni Irah. Maybe she’s a fan just because she saw it on tv? Iyon ba? Pero hindi naman iyan mahilig sa mga artista.
Doon lang sila natigil nang makatulog na si Irah ng mahimbing. Sigurado akong napagod iyan kakaiyak.
Nasa driver’s seat ako ng kanyang kotse habang nasa likod naman si Irah. Nakakumot sa kanya iyong leaher jacket ni Tres.
“Ilang taon na nga siya?” tanong ni Tres sa akin habang sinisipat ang anak sa itaas ng salamin.
“She’s turning five next month.” sabi ko.
“She’s smart and sly.” komento niya, ngumisi at proud na proud.
Ngumuso ako. “Syempre mana sa akin.” pagmamalaki ko sa kanya na ikinaangat ng aking kilay.
“Baka nga wala kang alam sa inaasal ng anak mo,” makahulugan niyang sabi na hindi ko lubusang napunto pero sobrang ikinabahala ko.
Chapter 54
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PrfctlyStbbrn
Mag-ama
Sabay kaming lumabas ng kotse. Nauna niyang binuksan iyong backseat kung nasaan mahimbing na natutulog si Irah. Bumukas ang gate ng bahay nila Klint at nauunang lumabas roon si Troye. Sumisigaw ito at masyadong excited.
“Nasaan si Irah?” tanong niya at iginala agad ang tingin. Nang makita niya ang pagtayo ng tuwid ni Tres pagkatapos nitong kunin sa loob, karga karga ang anak na natutulog at yumakap na sa kanyang leeg ay nanlaki agad ang kanyang mga mata. Nabalot ng takot ang mukha at mabilis ng pumasok sa loob ng gate.
Lumabas narin si Marco at Klint roon. Dahil siguro sa pagsigaw sigaw ni Troye sa loob.
Nilapitan ko si Tres. “A-Ako na…”
“Just show me her room.” sabi niya at mukhang ayaw ng pati iyon ay pagtalunan pa namin kaya tumango nalang ako. Baka pag nagising iyang si Irah ay kung ano na naman ang maisipan.
Seryoso ang mukha ni Klint at Marco habang tinitingnan si Tres karga karga ang anak. Naglakad siya papunta sa gate kung nasaan ang tatlo. Si Troye itong nagtatago sa likod ni Klint, ewan ko sa lalakeng iyan.
“M-Marco,” tawag ko, na sana ay walang mangyaring gulo sa pagitan ng apat dahil nakaharang sila roon.
Mukhang wala naman silang balak gumawa ng eksena dahil tumabi sila roon para mas bigyan pa ng espasyo ang pagdaan ni Tres. Nauna agad akong pumasok, nakasunod naman ito at sa likuran niya, nakasunod ang tingin ng tatlo.
Nakita ko ang mabilis na pagbaba ni Yashin sa hagdanan at mukhang may isisigaw na namang kagagahan kaya pinandilatan ko agad ito ng mata. Natigil siya sa gitna at napunta ang tingin sa aking likod, nanlaki ang kanyang mga mata at dahan dahan ring bumalik sa kanyang daanan.
Napabuntong ako ng hininga at nilingon si Tres na tila may ikinakagalit ang mga mata. Ngumuso ako ipinagpatuloy ang paglalakad.
Ako ang nagbukas ng guestroom. Pumasok siya roon at sinundan ko ng tingin kung paano niya maingat na inilapag si Irah sa kama nito. She made some movements pero hindi naman nagising dahil kinuha ni Tres iyong Bun-bun sa gilid at iyon ang ibinigay nang maghanap ito ng mayayakap. Kinumutan niya ito at tinitigan sandali. He sighed heavily and crouched a bit just to kiss my daughters forehead. Sandali niyang hinawi ang sidebangs nito, tinitingnan ang mukha nitong mahimbing na natutulog saka rin siya tumayo ng tuwid.
My heart flattered seeing him like a real father to my daughter. Siya naman talaga ang tunay na ama, pero iyong mga galaw niya, iyong mga inaasal niya, para siyang isang mapagmahal na ama at handang ipagtanggol ito sa ano man.
Naglakad na siya patungo sa akin kaya lumabas narin ako. Siya mismo ang nagsara ng pinto saka muling bumuntong ng hininga. When our eyes met, I saw his cold and mysterious gaze again.
“Do you sleep beside her?” tanong niya na ikinatango ko.
“Who else?”
Umiling ako. Tila may pagbabanta na roon. “K-Kami lang dalawa sinabi ko na sa’yo…”
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon iyon sa ibaba. I heard him sighed heavily again. Tila may mabigat na bagay sa kanyang balikat na pag hindi niya iyon ginawa ay mahihirapan siyang huminga.
“Kung hinanap niya ako tumawag ka agad. I’ll fetch her,” ang sinabi niya ang mabilis na nagpaangat ng aking tingin sa kanya.
“P-Pero ang sabi mo sa kondisyon mo ay gusto mo lang siyang m-makita… You already saw her, b-bat magkikita pa kayo ulit?” naguguluhan kong tanong na ikinaangat ng kanyang kilay, nanghuhusga ang tingin.
“Kusa niya akong hahanapin, Christienne. At h’wag mong ipagkait iyon sa bata, sa akin.” sagot niya, siguradong sigurado.
Napalunok ako ng laway. Ngayon na may alas siya sa akin, ginagamit niya na iyon para sundin ko lahat ng gusto niya. Na pag hindi ako sumunod, pag nagpatuloy ako sa kadramahan ko, mapapahamak ang kaso ni Daddy.
“I-Ihahatid na kita sa baba,” sabi ko nalang nang wala na akong masabi pa. His jaw cleanched as he nodded slowly.
Mabagal ang aking paghakbang. Hindi lang ang mga paa ko ang mabigat kundi pati narin ang aking dibdib. Nag-aalala na ako dahil nakapasok na ulit ito sa buhay ko, sa buhay ng anak namin. Kailanman, hindi ko siya nababasa. Nagugulat nalang ako sa kanyang mga galaw nang hindi iyon nahuhulaan. He’s always mysterious to me. Hanggang ngayon, at natatakot ako baka may binabalak siyang masama.
Tres went outside silently. Ilang sigundo ata ang dumaan, nang marinig ni Troye ang tunog noong kotse nito na pinapaandar na, doon lang siya nakahinga ng maluwag at napahiga sa sofa na akala mo nakaligtas sa isang bagay.
“Alam niya na, Red?” tanong agad ni Marco. Lahat sila ay nasa akin ang tingin. Kapwa kami nakatayo at naghihintay lang ng kwento.
Marahan akong tumango, napayuko.
“Alam niya sa umpisa palang?” Naging marahas ang boses ni Marco na ikinailing ko agad.
“H-He provoked me, Marco. Hinuli niya ako sa mga salita niya para magsabi ako ng totoo k-kasi akala ko alam niya na. P-Pero hindi pala kaya ayon… I snapped.” I sighed heavily.
“Teka, teka! Edi alam narin ni Irah?!” si Troye na halos sumigaw na sa kabuuan ng bahay.
“Hindi pa. Pero nagkausap sila,” I’ve seen how Troye’s face turned into a white paper. Pinaningkitan ko siya. “And she told him about what you said about his father, Troye!”
“H-Ha?!” Nabalot lalo ng takot ang kanyang mukha na kahit si Klint ay nailing nalang.
Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang madrama niyang mukha at huminga ng malalim.
“Nagkasagutan kami at sinabi kong masaya na kami ni Irah kahit wala siya… at doon siya umamin na binalikan niya ako pero ako raw ang umalis.” natampal ko ang noo, hindi alam kung nanghihinayang ba o naiinis sa nangyayari.
Natahimik silang lahat. Kahit si Yashin ay naninimbang ang tingin sa asawa habang nakaupo siya roon sa ikawalang hagdan.
“Oo, Red. Hinanap ka niya sa amin. Galit na galit siya at kung hindi kami nagsabi ng totoo, papaliguan niya kami ng suntok! Syempre ako tikom ang bibig dahil nasayo ang loyalty ko!ㄧ
“Tangina ka Troye akala ko ba magkamatayan man hindi natin sasabihin ito kay Red?!” putol ni Klint sa bibig ni Troye na wala ng preno. “Kaya ka naman tahimik ng araw na iyon dahil sa takot! Eh ikaw itong kumaripas agad ng takbo!”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. H-He really did that? H-Hinanap niya ako?
“Ayokong matulad sa’yo na nasuntok, Martinez! Mapapatay na ako ng Buenaventura na iyon dahil sa katabilan ng dila ni Irah! Bakit niya kinwento sa ama niya iyong sinabi kong napatapon sa impyerno ang kanyang ama dahil masama ito?!” nahawakan niya ang kanyang ulo, si Yashin naman ay tawang tawa habang ang dalawa ay nailing nalang.
“Iba ang sinabi ng anak ko sa lalakeng iyon, Troye! Ang sabi niya napatapon sa impyerno dahil hot daw ang ama niya!” pagtatama ko na ikinagulat nila. Si Yashin lang ang mas tumawa.
“Lagot ka Troye, mababarbeque ka talaga ni Tres.” tawang tawa na sabi niya.
“Irah is smart. Di na nakakapagtaka kung bumubuo siya ng sarili niyang mga salita.” komento ni Marco.
Nakahinga ng maluwag si Troye pero hindi parin nawawala ang takot. Ako naman itong parang binubundol ng sabay sabay noong mga nalaman ko na kahit anong hanap ko ng magandang rason ay sumasampal lang ang katotohanang pinaglaruan kami ng tadhana.
“We didn’t tell you about it because he needs to learn, Red.” si Klint. “Iniwan ka niya ng kusa, kaya hanapin ka rin niya ng kusa. At buntis ka. Stress lang iyong ganoong balita. Pinoprotektahan ka lang namin kaya namin inilihim sa’yo. Kahit doon man lang makaganti kami sa kanya dahil sa pagdudusa mo noong iniwan ka niya.” paliwanag niya.
Ayoko namang sisihin sila. Ayokong may sisihin ako sa lahat ng bagay na ito. Sobra sobra na iyong paghihirap ko noong hinanap ko si Tres na halos pabayaan ko ang aking sarili dahil sa pang-iiwan niya. They’re right. Kamuntik ko ng sinukuan ang buhay ko. Siguro kung wala silang tatlo noong araw na iyon, hindi ako matatauhan.
“Oh Marco, tahimik ka? Wala kang sasabihin?” tanong ni Yashin.
Napunta sa kanya lahat ng tingin namin. Bumuntong siya ng hininga at yumuko.
“Nakita ko siya sa States, mukhang inistalk ka. Kaya mas pinamukha ko sa kanya na ang babaeng iniwan niya ay nakakatawa na at nakatayo parin ng mag-isa kahit wala siya. You’re laughing that time with me, Red. Kakalabas lang natin ng bahay noon at medyo malaki na ang tiyan mo.”
Nanindig ang mga balahibo sa aking katawan. H-He followed me?
“Siguro inakala ni Tres na nabuntis mo si Red, Marco.” si Yashin.
“Parang ganon na nga. Mukhang di niya nga alam na nabuntis niya si Red.” sagot ni Marco.
Namutla ako sa lahat lahat. A-Akala ko wala na siyang pakialam sa akin noong umalis siya. A-Akala ko…
“Lahat pala tayo masusuntok,” tumatawang si Troye.
“Pero mas grabe sa’yo. Sa mga pinagtuturo mo kay Irah, pag nalaman ng Buenaventura na iyon na ikaw ang pasimuno, makakatay kana talaga.” pagbabanta ni Klint sa kanya na ikinaputla niya ulit.
Huminga ako, hindi halos makasali sa pag-uusap. Napaupo nalang ako sa sofa dahil sa panginginig ng aking tuhod.
“I’m sorry if I keep it to you, Red.” paghingi ng tawad sa akin ni Marco, nakatayo na sa aking harapan.
Umiling-iling ako. “Wala kayong kasalanan. Wala akong masisisi dito kundi ang sarili ko. Ako naman ang puno’t dulo ng lahat ng ito e. ’Tsaka masaya naman ang kinalabasan ng ginawa niyo. Ayoko naring magpakatanga sa pag-ibig na alam ko namang hindi talaga para sa akin.”
Natahimik sila. Si Yashin lang itong bumubuntong ng hininga. Tila nasasayangan.
Hindi naman purket nalaman kong hinanap at hinabol niya ako ay babalik na sa dati ang lahat. Siguro, magiging masaya si Irah pag nalaman niyang may Daddy siya pero hanggang doon nalang. Tapos na ako sa kakasugal sa pag-ibig na mukhang pinaglalaruan lang ako. Isang laro na palagi akong talo. If he wants to be a father to my child then I’ll let him. Pero hanggang doon nalang. Karapatan iyon ni Irah at hindi ko ipagkakait ang bagay na iyon.
Natutunan ko namang maging masaya noong wala siya, kaya dapat masanay na ako. Sanay na ako.
It was early in the morning when I heard them playing with my daughter. Kakalabas ko lang ng kwarto at ang hagikhik agad ni Irah ang pumapaibabaw.
Nang makita akong pababa sa hagdan, ngumiti agad siya.
“Morning Mommy!” she smiled merrily like it’s the most beautiful morning for her aside from her ugly hair.
I smiled too, “Good morning, baby!”
Humalakhak siya at mas sinabunot ang buhok ni Troye na ginagawa niyang kabayo. Ang tunay niyang alipin.
Nagtungo ako sa kusina at nadatnan roon si Marco na nagluluto, matamis ang ngiti.
“What’s happening? Bakit masaya kayong lahat?” tanong ko at sumandal sa gilid ng pinto.
“Si Irah good mood e. She even kissed me on my cheek when I told him I’ll cook her breakfast! Nagpasalamat pa ng matamis. She’s up to something Red and you know you can’t say no this time. Masisira ang buong araw nating lahat pag nagwala iyan.”
May ideya ako pero sana naman mali! Ano si Tres, manghuhula? Na hihilingin iyon sa akin ng anak ko? Pero sa inaasta niya ngayong araw, mukhang may hihilingin nga iyan dahil masyadong good mood. Ganyan siya e pag excited siya sa isang bagay.
“Here,” binigay sa akin ni Marco ang isang mug ng coffee kaya nginitian ko siya.
“Thanks Marco,” I sipped on it and smiled again.
“H’wag kang tumanggi sa pabor ng anak mo ha. Para magtuloy tuloy ang pagiging good mood. Baka magkulong na naman sa kwarto at hindi tayo pansinin lahat.” nag-aalala niyang sabi na ikinanguso ko.
“Alipin ka rin talaga ng anak ko. Kaya napakaspoiled dahil kinakampihan niyong lahat,”
Binaliktad niya iyong ham na niluluto at ngumisi sa akin.
“Tapos kana naming ispoil. Si Irah naman. Plus, she doesn’t take no as an answer. Dapat palaging “yes”.“
That’s my daughter. And her father…
Sinundan ko ng tingin si Irah habang naglalaro. She’s very happy na kahit si Troye ay humahalakhak narin. Nang magising ang mag-asawa ay mabilis na napunta ang tingin niya roon. Klint was carrying her daughter Ysha, naghihikab ito habang nasa gilid naman si Yashin, naghahagikhikan ang dalawa. Umagang-umaga ang katamisan na ng mag-asawa ang nakikita ko.
I sipped on my coffee as I watched them. Tsk, itong kape na nga lang ang iniinom ko, hindi pa ganoong matamis.
“Morning Dada, Morning Tita, Morning Ysha!” bati ni Irah na ikinatigil ng mag-asawa at napunta sa akin ang tingin. Nagkibit ako ng balikat, hinahanda ang sarili sa malaking hihilingin ng anak dahil masyado na itong good mood.
“Let’s have our breakfast together! Mommy! Dada!” nagsisigaw na siya nang tumakbo siya papasok sa kusina. Tumuwid ng tayo si Troye, buhaghag ang buhok.
“Ang saya saya niya, Red. Pakiramdam ko tuloy ako ang ama…” madrama niya na namang komento at sapo sapo na naman ang dibdib. Nailing ako.
“Sobrang hyper? Pinakain mo na naman ng matamis, Troye?” tanong ni Yashin na ikinailing agad nito.
“Di pa kayo nasanay kay Irah. May hihilingin iyan kaya nilulunod tayo sa pagiging masayahin niya.” sabi ni Klint na sana anak nito ang tingin at hinalikan ang pisngi. Ysha giggled a bit pero inaantok pa ang mga mata.
Dumungaw si Marco sa may pinto ng kusina.
“Ang tagal niyo. Hinihintay kayo ni Irah,”
Nagsitungo rin naman kami roon. Ito ang unang beses na magkakasabay kami sa mesa. Eh minsan kasi hindi kami sabay sabay gumising kaya si Irah itong palaging nauunang magbreakfast. Pero nakakapagtaka at gusto niyang sabay sabay kami.
Nakaupo kaming lahat sa parihabang mesa. Katabi ko si Irah habang nasa gilid niya naman si Marco at nasa gilid ko si Troye. Ang mag-asawa ay nasa aming harapan.
Nag-akma kaming sumubo na nang tumili itong anak ko.
“Wait!” sigaw niya kaya lahat ng pagsubo namin ay nabitin sa ere.
Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at mariin na pumikit. Ang weird pa ng buhok niyang parang stick sa tuktok ng kanyang ulo dahil sa pagtali ni Troye. Nasasanay nalang tuloy ako.
Nasa kanya lahat ng aming tingin na mukhang nagdadasal. Kahit si Troye nanlalaki ang mga mata.
“Kung hindi lang iyan nagdadasal iisipin ko talagang sinaniban iyan ng demonyo,” bulong nito sa akin na ikinatalim ng tingin ko sa kanya.
“Thank you for our food, Lord God, Amen!” masaya siyang dumilat at nginitian kaming lahat. “Okay eat now.” sabi niya saka siya sumubo.
Kumain kami, minsan ay sinusulyapan si Irah na gumagalaw ang mga paa sa ilalim ng lamesa. She’s very jolly at akala mo hindi marunong magmaldita!
“Uhm, Mommy…” sabi niya nang mangalahati na ang kanyang plato. Lahat sila ay natigil sa pagsubo at nasa amin na ang tingin. Umiling pa si Klint sa akin na h’wag kong sirain ang mood nito. Kahit si Yashin ay nababahala lalo na’t nasa iisang mesa kami. Baka magsitalon ang mga plato pag tumanggi ako.
“Yes, baby?” I smiled at her sweetly.
“Can we see your boy. Friend. today?” putol putol niyang sabi sa sinasabi niyang kaibigan kong lalake. Nagkatinginan kaming lahat, napalunok ako ng laway.
“Uh…”
“I’ll ask him about lolo! You told me he’s going to help us! And I have chocolates! Lolo can’t eat all of it so I’ll give him some,” sabi niya na ikinaiwas ng tingin ng lahat at kanya kanyang sumubo. Nagdadahilan siya para lang makita iyong lalakeng iyon?
“Irah, di’ba bigay ko ’yon sa’yo. Ba’t mo ipapamigay?” malungkot na tanong ni Troye.
“I’ll share it, Dada.” sabi niya.
“Okay share it to meㄧ
“No,” mariin niyang putol kay Troye saka muling tumingin sa akin at ngumingiti na. “Mommy, let’s see him today okay?”
Nag-abang silang lahat sa magiging sagot ko maliban lang kay Troye na nagdadrama na naman.
“Uh… he’s busy kasi right now anak e,” sabi ko na hindi naman ikinasira ng ekspresyon niya.
“Text him, tell him stop being busy.” utos niya na akala mo ganoon iyon kadali.
Nailing si Marco, sumubo nalang nang hindi makayanang abangan ang magiging sagot ko. Kahit si Klint ay umiinom na ng tubig at naninimbang narin ang tingin ni Yashin.
“Well… we can’t disturb him babyㄧ”
“We can!” sigurado niyang sabi.
Bumigat ang aking paghinga, hindi na halos makahanap ng dahilan para lang pigilan siyang makita iyon ngayon. I’m sure he’s busy with his girlfriend! Yeah right.
“Irah, he has a girlfriend and they’re busyㄧ
Mabilis na bumusangot ang kanyang mukha. “He broke up with her.”
“Irah, fan ka ba ng lawyer na ’yon?” tanong ni Troye na hindi ikinaalis ng tingin ng anak ko sa akin.
“He didn’tㄧ
“He told me!” she spat angrily. Halos mapatalon kaming lahat sa gulat. Na kahit ang inaantok na si Ysha ay naibuka ng malaki ang mga mata.
“Red,” makahulugang tawag sa akin ni Marco bago pa lumala ang pagwawala ni Irah.
Bumuntong ako ng hininga saka nginitian ang bata na hindi maalis alis ang tingin sa akin.
“Okay, I’ll text him.” sabi ko na ikinalaki ng kanyang mga mata at ikinangiti niya ng malapad.
Excited siyang sumubo na mas nauna siyang matapos sa amin at sinabihan pa kaming ubusin ang aming mga pagkain dahil maliligo lang daw siya. Gosh, she’s really into it!
“Red, nagayuma ata ang anak mo noong Buenaventura na iyon.” sabi sa akin ni Troye.
“Shut it Troye,” natampal ko ang noo, kinakabahan dahil inuutusan ako ng anak kong itext ang lalakeng iyon.
“Mukha siyang fan na fan! Nakita niya lang na mas gwapo sa akin, ipinagpalit agad ako!” Nasapo niya na ulit ang kanyang dibdib at umiiling.
“Wala naman siyang alam di’ba?” tanong ni Yash na ikinatango ko.
“Kung alam niya, magwawala iyan dahil nagsinungaling tayong lahat sa kanya.” sagot ni Klint.
Kinabahan ako roon. Alam naming pinakaayaw iyon ni Irah. Ayaw niyang nagsisinungaling ang isang tao sa kanya.
“Matalino si Irah, misteryosa at may sariling desisyon. H’wag na tayong magtaka kung ba’t may mga inaasal siya na hindi natin mapunto.” sabi ni Marco.
Ang bilis niyang naligo at siya pa mismo ang namili ng kanyang isusuot. Pinaligo niya rin ako at hinintay na matapos. Nang makita niyang tapos na ako ay kinukulit niya na akong itext si Tres. Sumisilip pa siya sa aking cellphone para lang makasiguradong itetext ko nga.
Nagtipa ako ng mensahe. Simple lang.
Irah wants to see you right now.
“No Mommy! Kulang! Tell him stop being busy, we want to see you! Type it!” excited niyang sabi na ikinalaki ng mata ko.
“Baby ikaw lang naman ang may gustong makita siyaㄧ”
“Mommy hurry!” excited niyang sabi kaya huminga ako ng malalim, tinipa ang gusto niya at siya pa mismo ang nagsend dahil tinitigan ko iyon ng matagal. Humagikhik siya at nagtatakbo na palabas ng kwarto kaya mabilis rin akong nagtipa ng panibagong mensahe.
That’s Irah. She told me to type it.
Baka kasi sabihin niya na excited rin akong makita siya! Hindi ’no!
Kaya nagbihis ako, nagpaganda, at nagpabango.
“Aba… hindi ka naman siguro mas excited kay Irah ’no?” tanong ni Marco nang tiningnan akong bumababa sa hagdan.
“Hindi ah! Maganda na talaga ako, Marco. You need to get used to it,” nailing ako.
Narinig ko agad ang mabibilis na hakbang ni Yashin sa aking likod kaya tumigil ako at nilingon ito. Nang makita ako, nanlalaki ang mga mata at napapalakpak agad.
“Hot Mama!”
Ngumuso ako, naasiwa. “M-Masyado bang… m-maganda? Baka sabihin noon excited ako! Magpapalit nga ako,” akma na akong babalik kung hindi lang humarang si Yashin.
“Tama na ’yan, di niya naman yan papansinin dahil si Irah ang sadya niya.” Humagalpak siya ng tawa na ikinabusangot ng aking mukha. Right. Tama nga naman!
“H’wag pagabi ah? Parehas pa naman kayo ni Irah na matitigas ang ulo at nauuto ng lalakeng iyon. Magtext agad.” paalala ni Marco sa akin nang marinig namin ang doorbell sa labas.
Huminga ako ng malalim, tumatango kahit hindi ko masyadong napupunto ang pinagsasabi niya dahil sa kalabog ng aking dibdib. Si Irah lang naman ang excited.
“Bye everyone!” Excited na nagpaalam si Irah sa lahat na kinawayan rin siya. Si Troye parang baliw na nagpupuas ng invisible tears at nanatili lang sa loob ng bahay hindi katulad sa iba na nasa veranda.
Si Marco mismo ang nagbukas ng gate. Nakita ko agad ang imahe ni Tres sa labas, nakapamulsa at gwapong gwapo sa suot niyang corporate attire. May ginagawa ba siya? Sabi na eh. Baka nakadisturbo talaga kami.
Nagkatinginan sila ni Marco pero saglit lang dahil nagtitili na sa saya si Irah at tumakbo agad papalapit kay Tres. I saw him smiled genuinely and welcomed my daughter. Inangat niya agad ito sa ere at kinarga.
“I have cookies for you, po.” malambing na sabi ni Irah at ipinakita ang hawak na lunchbox.
“I’ll eat it later,” may ngiti ang kanyang labi at makikita mo ang saya sa mga mata. Irah nodded. Kung hindi lang nagsalita si Marco ay hindi ako matatauhan at hindi malilipat ang tingin ni Tres sa amin.
“Text me if you want me to fetch you,” sabi ni Marco sa nag-aalalang boses na ikinangiti ko agad sa kanya.
“I will, Marco…”
“Mommy let’s go! Dada Marco, bye bye!” sigaw ni Irah kasama ang ama niyang nakatalikod na at may balak ng umalis.
Ngumuso ako at naglakad narin. Kumaway si Marco sa anak ko. Tres opened the back seat. Ipinasok niya si Irah roon kaya handa narin sana akong pumasok nang sinara niya iyon saka binuksan ang driver’s seat.
“Get in,” sabi niya sa akin.
Sandali akong natanga. Kung hindi lang sumilip si Irah roon sa bintana at sinisenyasan rin akong pumasok ay hindi ako kikilos. Bakit pakiramdam ko, pinagkakaisahan ako ng mag-ama?
Chapter 55
Game of Love
Everything that falls
Tahimik lang ako sa driver’t seat. Si Irah itong daldal nang daldal na sinasabayan rin ng pagsagot-sagot ni Tres kaya silang dalawa lang ang maingay. Tapos ako itong madaldal rin naman sana ay nagmumukhang introvert dahil sa kanilang dalawa.
“Mommy said you’re busy with your girlfriend. Is that true?” tanong niya na ikinalakas ng pintig ng dibdib ko. Sinisilip niya pa ang mukha ni Tres at hindi nagpapaawat sa kakatanong ng kung ano ano. Mukhang kailangan ko na talagang mag-ingat sa pakikipag-usap sa batang iyan. Lahat nalang ata ay itatanong niya!
“I’m not.” sagot naman ni Tres, nasa labas lang ng bintana ang aking tingin. Ayoko silang tingnan dalawa! Para akong pinagkakaisahan! Wala akong kakampi! Pati anak ko nasa kanya ata ang buong loyalty at kaya akong traydurin! Sinisiwalat halos lahat ng pag-uusap namin! At alam na alam niya talaga kung ano ang ibubuking.
“She told me you didn’t break up with your girlfriend.”
Napalunok na talaga ako ng laway. Grabe ka Irah! Nagsisisi ako kung ba’t namana mo sa akin ang katabilan ng dila ko!
“I haven’t talk to her yet. I’ll do it later.” sagot naman ni Tres na akala mo normal na bagay ang sinasabi! Kawawa naman ang kaibigan ko! Paasa! Eh ba’t ngumingiti ngiti ka ng palihim Red?! Marupok ka!
“Why did you have a girlfriend?” tanong na naman ng anak ko, nasa gitna lang namin siya, nakatayo siya roon sa likuran at nakahawak sa upuan namin para ibalanse ang kanyang sarili. Mabagal lang naman ang pagpapatakbo ni Tres.
“It wasn’t a true girlfriend, baby.” sabi ni Tres sa aking anak na ikinalingon ko na talaga. Nagtama ang aming tingin. “It’s a fake love,” dagdag niya pa na ikinapula ng aking pisngi. Liar!
“I bet my Mommy is ten times hotter than her!” pagmamalaki ng aking anak na ikinapula lalo ng aking mukha.
Tumango naman si Tres, nasa akin ang tingin.
“I agree…”
Lumunok ako ng laway at ibinaling ang tingin kay Irah na ngumingisi!
“Irah, you’ll distract him from driving…” masuyo kong sabi na ikinangisi niya lalo.
“You’re the one who’s distracting him Mommy.”
“I’m distracted by you.”
Sabay sabay nilang sinabi iyon kaya nagkabuhol buhol ang kanilang salita at wala akong gaanong nakuha. Irah giggled while Tres chuckled. Gosh… I can’t breathe in this car… Para silang nagkakaintidihan dalawa kahit hindi nila planuhin iyon.
Pinigilan ko nalang ang sarili sa pagsali sa kanilang usapan. Itinuon ko nalang ulit ang tingin sa bintana at palihim na ngumingiti. I’m happy because Irah is happy. That’s all…
“Where do you want to go right now?” tanong ni Tres sa bata.
“Hmm, can we see your house?”
Nanlalaki ang aking mga mata. Bago pa man ako makalingon at pigilan ang aking anak ay nakasagot na agad si Tres.
“Alright,”
Ni hindi man lang siya tumanggi! Ano bang meron sa batang iyan at lahat ata ay kaya niyang alipinin?! Napapasunod niya sa kanyang gusto?!
Gustuhin ko mang tumutol, wala narin akong nagawa dahil mukhang gusto rin ni Tres ang bagay na iyon. Irah was so loud at the back. She’s singing something creepy like one big happy family and I don’t even know that song! Para siyang gumagawa ng sarili niyang lyrics at tono! I wanted to stop her pero pati si Tres, sumisipol! Para silang nagbeblend ng kung anong music video na sila lang ang nagkakaintindihan.
I wanted to scream help. Gusto kong may kakampi rin ako dahil inaabandona na ako ng sarili kong anak at para pa akong tinutulak palapit sa lalakeng iyan. I wonder if she’s thinking about Tres being her father? Kaya ba gusto niyang magkamabutihan kaming dalawa para mabigyan ko siya ng sarili niyang Daddy? Di na ba siya kontento kay Marco, Troye at Klint? Dahil lang gwapong gwapo siya gusto niya ng maging Daddy ito? Oh hell, Red. You’re getting smarter!
Nakarating kami sa isang napakalaking bahay. Awtomatikong bumukas ang gate kaya ipinasok niya ang kotse niya. Hindi ko mapigilan ang sariling mamangha. Napakalaki naman para sa isang taong kagaya niya. Para na itong pampamilya e. Pero sabagay, well payed Attorney at indemand e. Maluho talaga.
“Is this your house?!” gulat na gulat na tanong ni Irah nang makalabas na kaming tatlo. Karga karga na ulit siya ni Tres.
“Yeah, do you like it?” tanong niya na ikinatango-tango agad ni Irah.
“I want to live here! It looks like a castle! Wow! Mommy! I want to live here!”
Natampal ko nalang ang noo ko dahil masyado na talaga siyang spoiled. Lahat ng magustuhan niya, nagdedesiyon agad siya. Dahil lang mukhang palasyo dahil sa ganda para sa kanya ang bahay ni Tres kaya gusto niya ng tumira rito?! Anak naman… isipin mo ang marupok mong ina.
“You can live here, with or without your Mom’s permission,” sabi naman ni Tres na mas ikinangisi ng bata.
Nang nilingon ko ang dalawa, kapwa na nakatingin sa akin ang mga mata nilang magkakatulad. Para akong tinitingnan ng dalawang Tres. I can’t take this anymore… this is such a torture to me!
Sumunod lang ako nang pumasok ang dalawa. Iyong maid ang nagbukas at may iba ring yumuko. Marami siyang maids at mukhang iyon ang nagpapanatili ng magandang ayos sa loob. He’s filthy rich. Hindi na nakakapagtaka ang maraming bilang ng kasambahay.
Ibinaba niya si Irah. Ako naman itong gumagala ang tingin at nalulula sa sobrang laki. Ang layo layo nito sa mansyon namin noon. Lahat ng nakikita kong kasangkapan at mwebles ay mamahalin. Parang kumikinang ang lahat ng bagay at may lagpas limang bilog ang presyo.
“Kayo lang ni Hannan ang nakatira rito?” tanong ko sa kanya nang lumayo layo na si Irah at nagtatakbo sa paligid. I even heard her say “swimming pool!” na hindi ko na masyadong tinutukan pa.
“I lived here alone. Nasabi ko na iyan ah?” umangat na naman ang kilay sa akin at mukhang nanghuhusga kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.
“Baka mawili si Irah rito. Madali pa naman iyang maakit sa mga bagay na nagugustuhan niya. Baka hindi na iyan umuwi…”
Nagkibit siya ng balikat. “Slowpoke. Pati anak mo nauuto ka.” narinig kong sabi nito habang naglalakad paalis sa harapan ko. Napanguso ako roon. Anong slow sa sinabi ko? Totoo naman talaga! Hindi niya kasi kilala ang anak niya! At hindi ako nauuto ni Irah! Sadyang pinagbibigyan ko lang ang bata sa gusto niya at naggo-go with the flow!
Nandoon siya sa kusina at mukhang naghahanda ng makakain. May katulong naman sana… oo nga naman.
“Mommy, do you like the house?” tanong niya sa akin pagkatapos niyang maglibot-libot.
Ngumiti ako at tumango, ayokong sirain ang maganda niyang mood e.
“You can lived her too! I’ll tell your boy. Friend.” nagmadali na siyang tumakbo.
“Irah!” Tumakbo rin ako para sana pigilan ito kaso nang makapunta ako sa counter kung nasaan sila, nadatnan ko na si Tres na tumatango na.
“If your Mommy likes the house then she can stay,” sabi pa ni Tres. May nakayakap na apron sa kanyang katawan at abala sa ginagawa pero nililingon pa talaga ang anak kong nakatayo sa kanyang gilid.
Humagikhik si Irah na ikinangisi narin ng aking anak. Nagtatakbo ulit siya paalis kaya naiwan ako roon.
“You’re spoiling my daughter too much, Tres.” sabi ko na ikinaangat lang ng kanyang kilay.
“Our daughter, Christienne.” pagtatama niya sa akin.
Ngumuso ako. “She doesn’t know it yet. Kumukuha pa ako ng tyempo para sabihin at ipaintindi iyon sa kanya.” Nalaglag ang aking tingin sa maugat niyang braso at mabilis ang galaw dahil sa hinihiwa. His long sleeve were rolled till his arm para hindi maging sagabal sa kanyang galaw.
“No need,” sagot niya.
“Huh? Ayaw mo ng malaman niyang ikaw ang ama niya?” tanong ko at sinikap na iakyat ang tingin sa kanya.
He tsked. “Mukha mo lang at kakulitan ang namana niya sa’yo. Mas matalino pa ata ang anak mo sa’yo.” sabi niya na ikinasimangot ko. Kanina pa siya ah!
“I’m smart! Sadyang nagloko lang talaga ako noong elementary at highschool!” depensa ko agad.
“Ako ang tutor mo sa lahat.”
“But it doesn’t mean sobrang talino mo na,” alright. Ano bang pinaglalaban ko rito?
“Mas matalino ako sa’yo,” sabi niya na ikinanguso ko nalang. Oo na, oo na. Edi sa kanya na nagmana!
Kung hindi lang namin narinig ang matinis na boses ni Irah ay hindi kami madidistract. She was shouting “no”.
Nagkatinginan kami ni Tres at mabilis ang pag-alis roon para puntahan ito. Ang mabilis na galaw ni Tres ay natigil rin nang makita ang anak naming nakaharang sa may pinto, nakabukas ang dalawang kamay sa harapan ni Hannan at ayaw ata itong papasukin ng tuluyan. Lagot.
Nagkatinginan kami ni Hannan. She was so schocked to see me. Si Tres naman nakalma ang mukhang nag-aalala kanina. Ni wala siyang pakialam kung bastusin ni Irah ang girlfriend niya!
“You’re here,” sabi ni Tres sa malamig na boses.
Hannan smiled sweetly at nag-akmang dumaan sa gilid ni Irah kaso mabilis ang galaw ng aking anak at humarang ulit doon. Hannan stop immediately and chuckled. “She’s playful like you, Red.”
I lightly smiled at hindi na sumagot pa dahil nakay Tres na ulit ang kanyang buong atensyon.
“Nalaman kong umalis ka raw sa mismong meeting. What happened? May emergency ba?” nag-aalala niyang tanong na ikinanguso ko.
“That little girl infront of you texted me,” sagot ni Tres na ikinalunok ng laway ni Hannan at nagsisimulang maging kulay papel ang mukha.
“I see,” lumebel siya kay Irah na wala paring balak ibaba ang mga kamay.
“Ito na ba ang anak niyo ni Leeland, Red?” tanong niya.
Imbes sumagot, hindi ko alam kung tatanggi ba o tatahimik nalang dahil kahit ako, hindi alam ang isasagot sa tanong niya.
Nilingon ko si Tres na walang ekspresyon ang mukha. Kung hindi lang nagsalita si Irah ay hindi mapuputol ang katahimikan.
“My Mommy can make you far happier than this gorilla-like girl!” she pointed Hannan as she glanced at Tres.
Kapwa kami nagulat ni Hannan. Seriously Irah! Your mouth!
“Irah!” Awat ko sa anak kong hindi nagpaawat at humarap ulit kay Hannan at sinisikap na ngumiti ng matamis sa kanya.
“I am his girlfriend, babygirlㄧ
“Ex-girlfriend.” pagtatama ni Irah at itinaas ulit ang dalawang kamay bilang harang kay Hannan.
Nagulat roon si Hannan.
“My Mommy’s boy. Friend. told me that he’s going to break up with you. I told him to break up with you and he said yes.” sabi niya pa na mas ikinaputla ata ni Hannan.
“Literal na lalakeng kaibigan ang tinutukoy niya, Hannan.” sabi ko. She just laughed awkwardly. Kapwa pa nadala ni Tres ang aming tingin nang umalis na ito at bumalik sa countertop na akala mo walang nangyayaring eksena rito. What the heck.
“Manang mana siya kay Leeland. Literal rin,” she chuckled and tried to touch Irah’s face when my daughter step backward. Bakit naman iyon ang pinaniniwalaan niya?
“Irah, stop being rude baby…” awat ko sa anak na sana ay pakinggan man lang ako kahit na mukhang ayaw magpaawat.
“Stop talking nonsense and leave. We’re busy.” may diing sabi ni Irah.
Tumayo ng tuwid si Hannan, tila nawawalan na ng pasensya pero ngumingiti parin.
“Nandito ba kayo para sa kaso noong Daddy mo na hahawakan ni Tres?” tanong niya sa akin na ikinatango ko agad.
“Aalis rin naman agad kamiㄧ
“Mommy’s boy. Friend. told us that if we like the house then we can stay. And I don’t like you so can’t stay here. Leave.” Irah’s voice were like thunder as she fired back to Hannan. Para iyong batas na pag hindi mo sinunod ay malalagot ka.
Hannan laughed again. “She’s adorable, Red…”
I smiled. “Thank you,”
Nilingon ko si Tres sa countertop na nasa ginagawa niya ang buong atensyon. Napansin niya siguro ang tingin ko kaya nag-angat rin siya.
I mouthed the word help kaya natigil siya sa ginagawa at naglakad mismo sa direksyon ng dalawa. Hannan’s face lightened as he saw Tres walking towards them.
Pumunta si Tres sa likod ni Irah na walang kamalay malay at ayaw parin ibaba ang kamay dahil gustong harangan si Hannan. Kinarga niya ang nakatalikod niyang anak na sandaling nagulat pero hindi naman pumalag. Irah whispered something to him that made him nodded. My daughter smirked and crossed her both arms as she face Hannan again.
“I’ll just accompany you outside, Hannan.” sabi ni Tres na ikinalaglag ng panga niya. Napalingon siya sa akin, kumurap ako at nag-iwas ng tingin lalo na’t wala rin naman akong magagawa dahil nagbitaw na ng salita si Tres.
“O-Okay. B-But how about our date…” she said softly that made my daughter frowned.
May kung ano na naman siyang binulong kay Tres na ikinatango ulit nito. Kailan pa sila naging ganyan ka close? Hindi ko talaga maalala…
“Let’s just talk outside.” Ibinaba niya si Irah na ngumisi ulit kay Hannan, iyong nakakaloko at alam niyang masusunod ang gusto niya.
“Okay…” masunuring sabi ni Hannan saka binalingan si Irah. “Goodbye,”
“Shoo!” she even gestured as her face wrinkled.
Natampal ko ang noo ko. Hindi naman sana ako nagkulang ng pangaral sa batang iyan, at maayos ko naman sanang pinalaki! I can’t believe her!
Tumawa lang si Hannan. “She’s so cute,”
Nang lumabas ang dalawa at mukhang nag-uusap sa may gate, pinuntahan ko agad ang anak kong nakasilip sa malalaking curtains at humahagikhik.
“Irah, you need to respect her baby. She’s older than you.” pagpapangaral ko sa kanya.
“I’m prettier than her Mommy.” sagot niya sa akin at humagikhik ulit habang nakatingin sa labas.
“Older Irah. Older.” pagtatama ko na ikinalingon niya na talaga sa akin. Sa sagot niya parang sinasabi niya na rin na kung hindi naman mas maganda sa kanya, hindi niya rerespetuhin.
“Yeah, she’s really old Mommy. She looks like a grandma to me.” she wrinkled her face.
Bumuntong ako ng hininga. “Baby, it’s bad when you judge someone…”
“But I am not judging her, I am describing her!”
Grabe, ang galing magpalusot! Kahit gaano kasikip ata na butas malulusutan niya parin!
Nakisilip narin ako sa labas at nakita si Hannan na niyayakap ito. Hindi ko na ipinagpatuloy ang panonood sa dalawa at nagtungo nalang roon sa sofa. Nahipo ko ang aking dibdib at sinikap na huminga ng maayos. Calm down, Red. That was years ago! Bakit ka naman masasaktan kung sweet sila? So what diba? You moved-on! Iyang ginagawa lang ni Tres ay dahil kay Irah. Gusto niya lang maging ama.
Pagpasok niya ay nag-abala agad akong gamitin ang aking cellphone. Tinext ko nalang si Marco para kunwari busy at walang pakialam diyan sa pinaggagawa niya.
Ako:
Marco?
Ilang sandali lang ay nagreply ito. Nakita ko si Tres na may kung anong binulong sa aking anak pero di ko na pinagtuunan ng pansin.
Marco:
Red?
Magtitipa na sana ulit ako nang biglang lumapit sa akin si Irah.
“Mommy can I play games on your phone?”
Huh?
Bago pa man ako makasagot ay kinuha niya na sa’kin.
“Thank you!” saka siya tumakbo. Bumuntong ako ng hininga at napansin ang pagngisi ni Tres. Nang nilingon ko siya ng tuluyan ay balik seryoso na ang mukha.
“She’s too playful.” komento niya.
“Kasi nga bata,” sagot ko naman.
Nagkibit siya ng balikat at pumunta ulit sa countertop.
Si Irah lang naman ang nag-eenjoy! Silang dalawa lang ni Tres! Ako iyong naa-out of place at gusto nalang umuwi.
“Let’s eat, Mommy!” Hinila ako ni Irah papunta sa may countertop. Wala akong nagawa kundi magpatianod sa anak ko.
Kinarga ko siya at pinaupo sa isang stool at umupo narin. Nasa harap naman namin si Tres at mukhang tapos na nga sa pagluluto roon.
“This is my Mom’s favorite food!” komento ni Irah nang inilapag ni Tres ang inihanda niyang pagkain.
Alam kasi ng anak ko na mahilig ako sa mga healthy foods kaya kung walang mamantikang pagkain, para sa kanya ay paborito ko na.
Nagkatinginan kami ni Tres. He just wet his lower lip. Nag-iwas ako ng tingin. Leche.
“You need to eat veggies, too.” sabi ni Tres sa anak ko.
“But I don’t eat veggies…” naging maliit ang kanyang boses at parang nangangambang mapapagalitan. Wow? She’s scared? Wow Irah! Nakakatuwa naman anak at mas takot ka pa ata sa lalakeng iyan kaysa sa sarili mong Mommy?
“Too much sweets is not good for a little girl like you,” sabi ni Tres sa baritonong boses na ikinanguso ng aking anak at yumuko habang pinaglalaruan ang kanyang magkabilang kuko.
“Hindi ’yan makikinig sa’yo. She’s very stubborn andㄧ
“Fine.”
Natahimik ako at nabitin sa ere ang nakabukas kong bibig dahil sa pagsagot bigla ni Irah. Did she just… obeyed Tres?
Nag-angat ng kilay si Tres sa akin, inilapit ang kanyang mukha para makalebel ko ito.
“You saying again?” tanong niya at itinulak ang aking baba para masara ang bibig ko. Kahit na alam ko namang may counter na namamagitan sa aming dalawa, labis labis parin ang pangamba ko dahil baka ididikit niya nalang bigla iyang labi niya sakin!
Napalunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin. My heart pounded harshly as I tried to swallow. Tumuwid naman siya sa pagkakatayo at ibinaling sa anak kong sumusubo na ng pagkain. She’s eating healthy foods wow!
“It tastes good po,” komento ni Irah.
Humilig si Tres sa harap ng counter palapit sa kanya. Ang lapit lapit niya na sa anak niyang panay subo at tila nagugustuhan ang luto niya.
“Really?” he asked amused.
Tumango si Irah kaya ngumiti si Tres at hinalikan ang noo nito. Oh shit.
“That’s my girl,” I heard him says. Hindi ko alam kung narinig ba iyon ni Irah dahil nasa pagkain ang buo niyang tingin.
Pinanood siya ni Tres habang sumusubo. Ni hindi siya umaalis roon sa kanyang pwesto at naeengganyo kakapanood kay Irah.
“My Dada Troye said veggies are foods for animals. And it’s look like a grass to me,” paliwanag niya.
Nilingon ako ni Tres at matalim ang tingin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at sumubo. Sa akin pa siya magagalit eh si Troye ang nagsabi!
Naging mabagal ang pagnguya ko dahil sa masarap ngang lasa noong salad. Para iyong may melted cheese na unti-unting natutunaw sa iyong dila. He’s a great cook too? And it’s familiar. Parang kasing lasa noong mga baon niya noong highschool palang kami. Siguro tinuruan siya ng Mommy niya sa pagluluto.
Pagkatapos kumain ay nawili ulit si Irah sa panonood ng cartoons. Ako naman itong nasa sofa at napapangiti narin habang pinapanood ang anak na humahagikhik roon sa carpet. Nakasquat siya habang nakatingala sa malaking tv sa pader.
Umupo si Tres sa aking tabi at hindi gaanong malapit. Inalis niya ang nakabulsang kamay at itinukod ang mga braso sa magkabilang hita niyang nakabuka ng maliit. Ipinagsalikop niya ang mga kamay at nakay Irah ang tingin.
“Uuwi na kami mamaya. B-Baka bumalik ang girlfriend mo at makadisturbo pa kami. Naging bastos pa naman si Irah…”
“She’s not going to come back here.” sagot niya sakin, unti unti nang nagiging seryoso ang mukha.
“Huh?”
“We’re done,” sabi niya at nilingon ako.
I swallowed. “J-Just because my daugther told you to break up with her it doesn’t mean you’re going to get serious about it,”
“I am doing it because she told me to do so and because I’m done with her.”
Natutop ang aking bibig sandali. Nilingon ko ang likod ni Irah na mas humahagalpak na ng tawa saka ko ulit siya tiningnan na hindi inaalis sa akin ang nakakapasong titig.
“You don’t have to do that. Maiintindihan niya rin balang araw na may sarili kanang buhay. Na hindi pwedeng ipilit ang kanyang gustong buong pamilyaㄧ
“Paano kung ipilit ko?” putol niya sa akin na ikinatigil ko.
Ipipilit niya? Bakit? Dahil lang naaawa siya sa bata at gusto niyang pagbigyan ang bawat hiling nito? Dahil lang gusto iyon ng anak ko?
“She’s going to understand it, Tres.” I hissed.
His eyes darkened as his jaw clenched.
“Mahal mo ba iyong Marco?” he spat angrily.
Napalunok ako at nilingon sandali si Irah na nakatutok lang naman ng buo sa telebisyon kaya ibinalik ko ulit sa kanya.
“Bakit? Hindi na ba ako pwedeng magmahal? Single naman ako ah? Ikaw nga nagkagirlfriendㄧ
“May anak tayo, Christienne.” He moved towards me, sa sobra kong gulat ay napasandal ako sa sofa.
Sa galit ng kanyang boses ay parang natakot akong sumagot ng kung ano. Kahit pilit, sa kabila ng panginginig, sumagot ako.
“Anak lang ang meron ka sa akin, Tres. Iyon lang.” matapang kong sagot.
His breathe became heavy. Mas gumuhit ang galit sa kanyang mukha.
“Gusto kong bigyan ng buong pamilya ang bata pero ayaw mo?” tanong niya sa matigas ngunit mahinang boses.
“Ba’t mo siya bibigyan ng buong pamilya na matagal nang nadurog?” tanong ko ulit, sinisikap labanan ang takot sa kabila ng kanyang galit.
“Then let’s fix it,”
“Matagal ko ng naayos ang sarili ko, Tres. It’s been what? 6 years?”
“Sinaktan mo rin ako, Christienneㄧ
“Sinaktan mo rin ako!” pabulong kong sabi pero may galit na. Nilingon ko sandali ang anak kong niyakap ang sarili niyang tuhod at hindi na tumatawa pero mukhang nasa pinapanood ang buong atensyon.
Nang makita rin ni Tres ang posisyon ng kanyang anak, lumunok siya ng laway at sinikap na kontrolin ang galit.
“Nakamove-on na ako Tres. At alam ko, ikaw rin. Naguguilty ka lang dahil may responsibilidad ka sa akin. Kung hindi mo rin naman siguro nalamang may anak ka sa akin ay hindi mo hihiwalayan si Hannan. Hindi na ako ang dating babaeng magpapauto ulit sa’yo sa pangatlong beses.” I said bravely.
He stared at me for awhile. Nagiging malalim iyon at hindi ko mabasa. He licked his lower lip and stood up.
Wala na itong sinabi pa at nilapitan ang anak na tahimik na. Umupo si Tres sa likod nito at niyakap ang bata. Para siyang may sinabi roon na hindi ko na narinig pa dahil sa panlalabo ng aking mga mata. Ba’t ba ako nasasaktan? Eh ano ngayon kung gusto kong h’wag buohin ang isang bagay na alam ko namang hindi pwede. Irah will understand it soon. Ipapaintindi ko sa bata na hindi ko siya mabibigyan ng buong pamilya.
I fell inlove with him years ago and I don’t want that feeling anymore. I don’t want to fall anymore. What happened to us made me realized that everything that falls, gets broken.
Chapter 56
Game of Love
This chapter is dedicated to Noemi Aying Dequito. Oh heto na wag kanang magtampo hahahah. Happy reading!
Missing
It was Sunday. Sa susunod na linggo na ang magiging hatol kay Daddy. I’m nervous. Ang raming tumatakbo sa isip ko. Pero nabubura ang pag-iisip na iyon dahil sa kaingayan ni Irah.
“Mommy! Hurry!” Kumalabog ng husto ang pinto ng banyo dahil sa sunod sunod niyang paghampas roon. She’s always excited to see that guy anyway. Ang pinapangalan niyang “boyfriend” ko daw. Ang sarap sabihing “exboyfriend” Irah. Ex.
“Alright, alright.” sabi ko at nagmamadaling lumabas sa banyo na nakatapis na ng tuwalya. She’s already wearing a white dress at nakabun ang buhok. Nalalaglag ang curls sa gilid pero mas ikinadagdag lang iyon ng ganda sa maliit niyang mukha. Pupurihin ko na sana si Troye dahil mukhang perpekto na kaso parang binagyo ang nakabun niyang buhok na nagkumpol-kumpol na ata. It looks messy na akala mo hindi sinadyang maging magulo pero dahil sa palpak na kamay ni Troye ay nagulo parin.
“Hurry, Mommy! Argh!” she lightly pushed my back just to make me move faster.
“Teka! It’s still 8!” sabi ko.
“It’s already 8! Hurry!” Tumakbo siya sa loob ng walk-in closet at halos hilain lahat ng nakahanger kong damit. Oh God.
Lumapit ako sa kanyang likod at ako mismo ang kumuha noong dress na hinihila niya na.
“Make it faster Mommy.” sabi niya saka niya ako iniwan rito sa loob. Pero humabol pa talaga siya ng huling salita. “5 minutes! No make-up!”
“Fine, fine!” Natatawa kong sabi.
Sobra siyang nagmamadali ngayon at ewan ko kung bakit. Araw araw na ata silang nagkikita ni Tres. I mean, sumasama ako pero bilang guardian lang. Sila madalas ang nag-uusap, nagkukulitan, at ako… palaging tahimik! Introvert na ata talaga ako.
Pagbaba ko ay nandoon na si Tres sa labas. Kahit si Irah ay nauna na raw lumabas at nagpaalam na sa kanilang lahat. Nagmamadali siya kaya iyon narin ang ginawa ko. Ang talim pa ng tingin ni Yash sa suot ko at sumisenyas sa aking dibdib. Nailing lamang ako. Walang cleavage.
Paglabas ko ay naroon pa si Tres sa kanyang kotse. He was leaning on his car while his both hands were on his pocket. Nasa sapatos ang kanyang tingin at tila naroon ang buong atensyon. He was wearing a white polo, sleeves were rolled till his arms, nakabukas ang dalawang botones, jeans and of course, his handsome face in the morning.
Nasa loob na si Irah at nakaupo na ng maayos. Kung hindi ako humakbang ng ilang pulgada ay hindi ko makukuha ang kanyang atensyon. When he saw me, his lips parted a bit and stared for awhile. Nagkakasalubong ang kilay at kulang nalang ay isaksak sa akin iyang mga mata niyang misteryoso.
“I-I look like a mess, I know. Minamadali niya ako…” singit ko agad dahil sa paninitig niya. Di man lang ako nakapagsuklay at hindi nakapagmake-up! Darn it…
Lumunok siya at binuksan ang driver’s seat nang matauhan.
“Okay na yan. Mukha ka parin namang tao,” sabi niya na ikinasimangot ko. See? He doesn’t care at all! Kaya useless ang pagdadamit ko araw-araw. Dapat talaga di nalang…
And why am I thinking about it anyway? Di naman ako nagpapaimpress sa kanya. Mainit sa akin ang mata ng mga media at baka magkastolen shots ako kaya dapat ay presentable ako tingnan. Yun iyon.
I have no idea where we’re going. Palagi naman eh. Kailan ba ako may alam? Sila palagi ang nagkakaintindihan at hindi ako sinasali. Nagmumukha akong kahoy.
Tahimik lang ako at nasa labas ang tingin. Irah was loud again. Kumakanta siya sa likod at sinasabayan iyong stereo. Para siyang baliw roon na akala mo kiti-kiti. She’s very hyper! At hindi lang iyon, pati si Tres ay nagtatap rin ang kamay sa manibela, gumagalaw ng marahan ang ulo dahil sa tugtog, nakikisama diyan sa anak niya. Fine, fine. Ako ang nagmumukhang kj.
Huminto kami sa isang lugar na nagpagulat sa akin. Naging behave naman agad si Irah na akala mo hindi siya nagpakabaliw kanina sa likod.
“Why are we here?” tanong ko na sabay na ikinalingon ng dalawa sa akin. Tres is already carrying her. Kahit walang sabihin, nanghuhusga na ang mga misteryosong mata nila sa akin at hindi lang maisatinig na ang bobo ko para tanungin ang bagay na iyon.
Ngumuso nalang ako at tumahimik. Pumasok kami sa loob. Irah looks really tamed at ang amo na ang mukha.
Ang choir na nasa harap ay may kung anong kinakantang nakakapanindig balahibo. Pumwesto kami sa likod kung saan may bakante sa mahahaba nilang upuan rito. Binaba ni Tres si Irah sa may upuan at doon ito tumayo, tahimik lang.
Tres looks like Irah too. Silang dalawa ay parang mga maaamong tigre na kalmadong kalmado at akala mo hindi nakakatakot magalit! Nakagat ko ang pang-ibabang labi at sinikap na itago ang tumatakas na matamis na ngiti doon. This is so weird for me…
Doon lang kami umupo nang matapos ang choir. The Father went in front with his bible. Huling punta ko sa simbahan ay noong buhay pa si Mommy at hindi pa nakakulong si Daddy. Hindi ko inakalang mauulit pa pala at ngayon ay ang anak ko na ang kasama ko, kasama ang ama niya. Para akong maiiyak dahil ngayon ko lang napagtantong nakaputi kaming lahat at akala mo masayang pamilyang nagsisimba.
Noong dasal na ay taimtim na nanalangin si Irah. Nakasalikop ang dalawa niyang kamay at mariing nakapikit habang may binubulong bulong sa kanyang sarili na siya lang ang nakakarinig. Dahil sa ginawa ng aking anak ay pumikit narin ako, ipinagpapasalamat ang nangyayaring magandang bagay sa akin sa kabila ng dilubyong dumating sa aking buhay.
“Kung may galit ka sa iyong katabi… o kung may kasalanan ka… lingunin mo at humingi ng tawad anak.” sabi noong Father na ikinalunok ko na talaga. Oh right! Palaging may ganito sa simbahan but I am not expecting this to happen! Parang pinlano talaga ng langit ang bagay na ito.
Tres glanced at me. Kahit si Irah na nasa gitna naming dalawa ay napalingon rin sa akin. Ang mga mata ng dalawa ay naninimbang na naman. Ako pa talaga?!
“What?” inosente kong tanong sa dalawa na sabay ring umiling. Hah! Akala niyo ha! Di niyo ako maiisahan! At wala namang alam iyang si Irah. Sadyang nosy lang iyan kaya lumilingon rin.
“Don’t you want to say sorry to me, Mommy?” tanong ng aking anak, kalmado.
Napakurap ako roon. “Huh?”
“You ate my chocolates last night and you didn’t tell me. Dada Marco told me you ate them.” sabi niya sa akin na ikinakagat ko ng aking labi. Akala ko kung ano na…
Yumuko ako at hinalikan ang kanyang pisngi. “I’m sorry…” I said sincerely.
Tumango siya. “I understand. Next time don’t lie to me. It hurts…” sabi niya at nasa harap na ang tingin. Kinabahan ako roon. Para kasing may pinupunto.
Nagkatinginan kami ni Tres. Umangat ang kanyang kilay sa akin. Pati rin ba siya? Pero matagal na akong nakahingi ng tawad sa kanya!
Sinenyasan ko siyang nandito sa gitna ang bata gamit ang mga mata ko kaya sinenyasan niya rin akong lumapit gamit ang hintuturo niyang daliri.
Lumunok ako ng laway, nag-aalangang lumapit. Iyong huling ginawa ko iyon, hinalikan niya ako sa kotse! B-Baka…
He tilted his head, waiting for me to come closer. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Irah doesn’t look bothered so hindi ko iyon ikinabahala. Baka kasi bigla iyang tumingala at makita kaming nagbubulungan!
“Ano?” bulong ko.
Dumako ang kanyang labi sa aking tenga at bumulong roon. Naghintay ako sa kanyang sasabihin pero bumuntong lang siya ng hininga roon na nagpatayo ng maliliit na hibla sa aking leeg. Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa reaksyon ng aking katawan sa kanya.
I was about to pulled away when he grab my arm and hold it to stay me still.
“I’m sorry… fucㄧhe stop himself from cursing. Napalunok ako. His deep voice was like a dagger to me. Nasaksak ang aking puso at nararamdaman ko roon ang sinasabi niya.
“If it’s not sincere then just don’t. Matagal na iyon at napatawad ko na ang sarili ko.” sabi ko pa, pabulong rin.
He eyed me. Namungay iyon sa kabila ng pagiging misteryoso ng mga mata.
“I mean it,” he said and licked his red lip.
“Hindi. You even cursed…” sabi ko. At siguro dahil nasa simbahan kaya hindi niya nabanggit ng buo.
“I smelled your perfume.” sagot niya na hindi ko masyadong nakuha.
Hindi ako sumagot kaya bumuntong siya ng hininga. “I’m sorry,” ulit niya at umigting pa ang panga. Para siyang isang tao na hindi sanay na nagsasabi ng ganoon kaya ganyan nalang ang paghihirap niya.
Naging tahimik ang buong paligid. Akala ko ay dahil lang nagbubulungbulungan ang lahat dahil sa paghingi ng kapatawaran sa isa’t isa pero dahil pala sa amin ni Tres. Nasa amin lahat ng kanilang tingin at kami nalang ang naiwang nakatayo! Even the Father was looking at us!
“Mukhang may problema kayong dalawa. Sige mga anak, humingi kayo ng kapatawaran sa isa’t isa para maging malinis ang inyong mga puso… Hindi maganda sa mag-asawa ang nag-aaway. Kasalanan iyon sa mata ng Diyos.” sabi noong Father na ikinalaglag na talaga ng panga ko.
Umiling-iling ako at handa na sanang sabihin na hindi naman kami mag-asawa kung hindi lang talaga ako hinila ni Tres palapit sa kanya lalo. Naksandal na si Irah sa upuan para hindi siya matamaan dahil sa pagkakahila ni Tres sa akin.
Sa sobra kong gulat, niyakap niya ako ng mahigpit.
“I’m a jerk, I know… I’m always shallow when it comes to you and I regretted those days, Christienne… Masyado akong seloso at nagpapadala agad sa galit…” He squeezed me even more and buried his face on my neck. “I’m sorry…” he said sincerely.
My heart pounded harshly as I tried to catch my breath. Ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil mas nangunguna ang luha sa aking mga mata. My mind wandered somewhere… para iyong naghahanap ng rason na makakagaan sa aking loob at yakapin siya pabalik. Pero may sumisigaw rin sa aking isipan na h’wag nalang.
Naging tahimik na ako pagkatapos noon. Irah was so loud again eating her cotton candy at the back seat. Binilhan siya ni Tres noong lumabas kami.
“Let’s go on a park please?” Irah pleaded.
“Okay,” sagot naman ni Tres.
“Thank you!” sigaw ni Irah sa likod.
I sighed heavily. Nasa labas lamang ng bintana ang aking tingin at hindi siya malingon. Bumabagabag sa aking utak iyong sinabi niya roon sa simbahan. Napatawad ko na siya. Matagal na. Kasalan ko naman iyong lahat eh.
Pagdating namin sa isang park ay dumeritso kami sa playground dahil iyon na ang pinagtuturo ni Irah. Tumakbo takbo agad siya kasama ng iba pang mga bata roon.
Umupo ako sa bench, sinundan ng tingin ang anak na nasa slide na at humahagikhik tapos aakyat ulit.
Tres sat beside me. Napalunok ako ng laway at gustong umusog sa pinakadulo kahit na may espasyo pa namang namamagitan sa aming gitna. Masyado na akong sensitibo at ayaw na ulit na madikit sa kanya dahil para akong natutunaw. Parang bumibigay ang aking sistema at nagiging marupok ulit sa aking mga desisyon.
“Your father’s hearing will be on Thursday,” sabi niya na ikinalingon ko sa kanya. His eyes were fixed in front. Nakay Irah na nangingibabaw ang tawa dahil sa paglalaro.
“M-Maipapanalo mo ba ang kaso?” tanong ko, nagdududa kahit na alam ko ang kapasidad niya bilang magaling na abogado.
“I’m gonna win it. Isa iyon sa mga dasal ni Irah.” sabi niya kaya nilingon ko si Irah na tumatakbo roon, nakalugay na ang buhok na natanggal sa pagkakayapos at sumasabay sa kanyang galaw.
“I’ll win it for our daughter. I’ll win it for you. Since it’s your dream…”
Naging malabo agad ang aking mga mata. Parang hinaplos ng kung anong anghel ang aking puso at ganoon nalang ako kaemosyonal dahil sa kanyang sinasabi.
“Ipanalo mo d-dahil magaling kang abogado at para sa ikakabango lalo ng pangalan mo. I-Iyon nalang ang ibigay mong rason sa akin para iyon ang isipin ko…”
He glanced at me, kahit hindi ko siya lingunin ay kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga roon.
“I don’t want you to think like that. Gusto kong isipin mo na ginagawa ko ito para sa’yo dahil iyon ang pangarap mo. I wanted you to show that I can reach your dreams if you can’t reach them and give it to you.” may diin niyang sabi.
I tried to maintain my cool. Humangin at nilipad ang ilan kong buhok sanhi para pumunta iyon sa aking likod. His lips parted a bit and licked his lower lip as he breathe deeply.
Ang aking kamay na nakatukod sa bawat gilid ay kumuyom. I swallowed harder.
“Matagal na ’yon. Sumuko kana. Sinukuan mo na ang pangarap nating dalawa…” sabi ko sa kabila ng mas nanglalabo kong mga mata.
Mariin siyang napapikit at napasandal sa upuan. Nahilamos niya ang sarili niyang mukha at mas napahinga ng malalim. Tila nahihirapan itong huminga bagay kaya ganoon nalang ang pagbuga niya ng hangin.
“Paano ko ba makukuha ang kapatawan mo?” tanong niya, nakaigting ang panga at madilim na naman ang mga mata.
Nilingon ko siya sa namumungay kong mga mata.
“Matagal na kitang napatawad, Tres…” marahan kong sabi na ikinatitig niya sa akin.
“Then let me fix thisㄧ
Umiling agad ako na ikinabitin sa ere ng nakaawang niyang bibig.
“H’wag na… h’wag mo ng buohin ang bagay na alam kong masisira lang ulit.” Tumakas ang malaking butil ng luha sa aking mga mata na agad kong pinunsan. Pagod akong napangiti sa kanya. His jaw clenched.
“D-Diba masyado na ulit akong uto-uto kung pinapasok ulit kita sa buhay ko?”
“Christienne,” masuyo niyang tawag sa akin na ikinailing ko lang ulit.
“Maging masaya nalang tayong dalawa, Tres.”
His eyes darkened. Nag-iwas siya ng tingin at suminghap. Umawang ng kaonti ang kanyang bibig at mabilisang binasa ang pang-ibabang labi. His face looks fustrated with something…
“Paano ako magiging masaya kung hindi naman kita kasama?”
“Nagkagirlfriend ka namanㄧ
“Bullshit!” matigas niyang sabi at matalim akong tiningnan sanhi para maisara ko ang aking bibig.
“T-Totoo naman,” sabi ko at nag-iwas ng tingin.
“Malaya mo namang mabibisita si Irah. Pero Tres, h’wag mo na sanang hilingin ang isang bagay na hindi ko na kayang ibigay pa.”
Hindi na siya sumagot pa. Natuon muli ang kanyang tingin kay Irah na nasa swing lang. Hindi na ito tumatawa pa at seryosong tinutulak ang sarili, nasa sahig ang tingin.
Tres sighed and stood up. “I’ll just check on her.”
Tiningnan ko ang likuran niyang naglakad na papunta sa bata. Lumuhod siya sa harapan nito kaya hindi ko nakita ang imahe ng aking anak pero mukhang may sinasabi siya roon. Lumapit siya lalo at mukhang hinalikan ang noo nito. He never did that to me. Pero sa kanyang anak, mukhang iyon ang hilig niya.
Hindi ko alam kung saan itong pagmamatigas ko. Hindi naman bato ang puso ko at binalot ng galit. Takot na ang nakabalot roon kaya kahit anong bukas ko para hayaan ang sariling mahulog ulit, hindi ko na magawa dahil natatakot akong baka masaktan lang ulit ako. Nadala na ako sa mga desisyon kong mali naman. Dalang dala na ako sa paulit ulit kong kamalian na desisyon sa buhay.
Naging matamlay si Irah sa likod. Hindi ko alam kung bakit pero nakatingin nalang ito sa labas ng kotse. Kahit si Tres ganoon rin. Magkatulad ang mag-ama na akala mo ay mabigat akong nagawa sa dalawa para maputol ang pagsasaya nila.
Nilingon ko siya, ngumiti ako ng pilit at tinawag ito.
“What did you pray for, baby?” malambing kong tanong sa kanya.
“Nothing,” sagot niya, nasa labas ang tingin.
“Nothing? But you’re whispering something…”
“That’s impossible,” sagot niya at halatang dismayado at malamig na ang boses.
Nagkatinginan kami saglit ni Tres. Umangat ang kanyang tingin sa itaas ng salamin at sinuri ang anak sa likuran.
“Pwede ko bang malaman, Irah?” tanong ko ulit.
“I want a birthday gift since my birthday is on Thursday…”
Oo nga pala, malapit na ang birthday niya at sabay pa iyon sa hearing ni Daddy.
“What do you want then? Tell me para mabili ko na siya ng advance.”
She doesn’t like surprises. Gusto niya kung anong gusto niyang matanggap ay iyon rin ang makuha niya. Useless kasi kung bibilhan mo ng isang bagay na hindi niya naman gusto dahil lang gusto mo siyang sorpresahin. Mauuwi iyon sa basurahan.
Umiling lang siya, matamlay ang mukha hanggang sa makauwi kami. Ni wala akong ediya ba’t bigla siyang nagkakaganyan. Kaya kinagabihan ay nakipagkwentuhan ako sa kanya. She was busy playing with her Bun-bun. Minsan ay pinapaliit niya lalo ang kanyang boses para lang sumagot ito sa kanya.
“Can I join?” tanong ko na ikinatango niya, nakay Bun-bun ang tingin. Her legs were both folded while sitting on the bed wearing her longsleeve dress till her toes.
“Hey, Bun-bun. Do you love my daughter?” I asked softly.
“Of course!” sagot niya naman sa mas maliit na boses at ginalaw-galaw ang ulo ng kanyang stufftoy.
Tumawa ako at kinurot ang kanyang pisngi.
“Who wouldn’t love my daughter? You’re pretty, smart and sweet!” sabi ko na ikinahagikhik niya. H’wag na nating isali iyong pagiging spoiled brat at maldita niya.
“I’m sure my father loves me too!” sabi niya na dahan dahang ikinaliit ng aking ngisi. Tumango ako ng marahan, sumasang-ayon.
“Of course…”
“Tell me Mommy,” Naging seryoso ang kanyang paninitig sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba.
“W-What is it?”
“Do you love my father, Mommy?” direkta niyang tanong na ikinatindig lahat ng balahibo sa aking katawan. Sa sobrang misteryoso ng kanyang tingin, hindi ko mahulaan kung ba’t bigla bigla niya nalang itong pinag-uusapan.
I swallowed and smiled at her.
“You’re still a baby, Irah. You wont understand it for nowㄧ
“Was it fake love?” tanong niya sa akin na ikinalaglag na talaga ng aking bibig. Why is she bringing this up all of a sudden?
“It w-wasn’t Irah…” nahihirapan kong sagot. I wanted to tell her how much I love her father. Na nabuo siya dahil roon. Pero masyado pa siyang bata at anong alam niya sa pag-ibig? She was just curious about her father.
“Then how come it fades if it wasn’t fake? If it’s real love, it won’t end. It won’t fade…” seryoso niyang sagot na akala mo ay alam na alam niya ang kanyang sinasabi sa akin. Her eyes were covered with something strange… masyadong malalim ang paninitig niya na kahit tunay niya akong ina ay wala talaga akong makuhang sagot roon.
Hindi ako nakasagot. Nanatiling nakasara ang aking bibig. Umawang iyon at sasagot na sana nang itinikom ko rin dahil napagtanto kong wala akong masabi.
Bumuntong siya ng hininga at gumapang patungo sa may headboard hawak hawak ang kanyang Bun-bun.
“I’ll sleep now! Good night, Mommy…” she said in her cheerful voice and covered herself with a blanket. Nagkasalubong ang aking kilay at tiningnan ito ng mabuti dahil ibinalot niya talaga lahat ng kanyang sarili ng kumot na kahit ang kanyang mukha ay hindi ko makita. She even forgot to kiss my cheek…
Something’s off with my daughter. Simula noong pumunta kami sa simbahan, may ediya na ako kung ba’t matamlay siya at nagtatanong tungkol sa kanyang ama. Siguro iyon ang birthday wish niya na alam niya namang hindi ko maibibigay sa kanya. She wants a father. Pero alam niyang imposible dahil wala na kaya siguro ganoon nalang ang pagiging close niya kay Tres dahil iyon ang gusto niyang maging Daddy.
Kung sasabihin ko sa kanya, maghahangad siyang mabuo kami. Mas mahirap iyon. Para ko siyang binibilog at pinapaniwala sa isang kasinungalingan. Mas lalo lang madadagdagan ang kasalanan ko sa kanya. She might hate me this time. Mas lalo lang siyang macucurious kung ba’t di buo ang pamilya niya kung buhay naman pala ang Daddy niya. For a little kid like her, she won’t understand it yet. Kaya doon ko na sasabihin ang lahat sa kanya kung naayos ko na ang sa amin ni Tres.
I woke up early in the morning without her presence by my side on the bed. Akala ko nasa baba lang ito kasama ni Troye, pero nang hindi ko marinig ang kanyang tawa ay kinabahan na ako.
“Where’s Irah, Marco?” tanong ko rito na naghihikab pa.
“I don’t know. Baka ninakaw na naman ni Troye.” sabi niya at nagkamot ng batok.
Mabilis ang aking pag-akyat sa ikalawang palapag ng bahay. Sumunod naman si Marco kahit na walang ediya.
“What’s happening, Red?” tanong niya sa akin nang mapansin medyo nagpapanic ang aking galaw.
Sunod sunod na katok ang aking ginawa sa pinagtutulugang guestroom ni Troye. Hindi na pinagtuunan ng pansin si Marco na nag-aabang ng sagot galing sakin.
“Troye! Open the door! Nandiyan ba si Irah?” tanong ko na ilang sandali ay ikinabukas rin nito pero ang bumungad sa akin ay kagigising niya lang na imahe.
Humikab siya at nagkusot ng kanyang mata. Iginala ko ang tingin sa kwarto at nakumpirmang wala nga ito roon kaya mas nagpanic ako.
“Nawawala si Irah! Nawawala ang anak ko Marco!” I shouted that made them confused. Tumakbo ako pabalik ng aming kwarto.
“Huh? Paanong nawawala Red? Wala sa kwarto mo?” narinig kong tanong ni Troye na sumusunod narin sa akin.
Pagpasok ko, ang Bun-bun niya agad ang hindi ko napansin sa higaan. Nagsitindigan roon ang mga balahibo sa aking katawan at nagsimulang bumilis ang kabog ng aking dibdib.
“Baka nasa kwarto lang nila Klint, nakikipaglaro kay Ysha. I’ll check it.” sabi ni Marco at tumakbo rin palabas.
Tumakbo ako sa walk in at hinagilap ang mga damit nito. Meron pa namang natitira pero nawawala ang pares ng paborito niyang damit at may mga hanger na nagkalat sa sahig! Her favorite backpack was missing too! Even her favorite shoes!
Mabilis kong hinagilap ang aking cellphone. Nanginginig na ang buo kong katawan habang si Troye naman ay tumakbo narin palabas ng kwarto.
I called Tres. Laking tuwa ko nang agad niya iyong sinagot.
“Heyㄧ
“Our daughter is missing Tres! Wala siya rito! Wala rin ang paborito niyang laruan! Wala ang mga paborito niyang damit! Wala rito ang anak ko, T-Tres!” Nabasag ang aking boses at nauwi sa paghagulhol, nanginginig akong humakbang palabas, binabalot na ng matinding takot ang aking kabuuan.
I heard him cursed loudly. “I’ll find her,” sabi niya at pinatay agad ang tawag.
Nagkakagulo na sila sa labas. Gising na si Klint at mukhang chinicheck na ang footage ng CCTV ng bahay.
“Fuck. She went out alone!” Nasabunutan ni Marco ang sariling buhok at nagpapaligsahan na sila ni Troye na tumakbo pababa ng hagdan. Lahat sila ay nagpapanic na.
Tiningnan ko rin ang CCTV at nakita nga ang anak na hawak hawak ang isang tenga ni Bun-bun, nakajacket at suot ang kanyang itim na backpack.
“Ba’t siya naglayas, Red?” Nag-aalala naring tanong ni Klint na ikinahagulhol ko. Umiling-iling ako,binalot ng husto ng takot ang mukha.
“I don’t have an i-idea, Klint!” Nanginig ako at napahagulhol lalo sa kamay kong itinakip ko sa buo kong mukha.
“Bakit niya naman iyon gagawin, Red? Ano bang huli niyong pinag-usapan?” tanong niya.
“She w-was asking about her father! T-Tapos may kung ano ano siyang tinatanong sakin! Hindi naman kami nag-away! She’s just acting w-weird!”
May narinig akong panibagong yapak at ang boses ni Yashin sa aking likuran.
“Anong nangyayari?” Dinaluhan ako ni Yashin at niyakap.
“Nilayasan ako ng anak ko, Yash!”
“Si Irah naglayas?!” gulat niyang tanong.
Hindi ko lubusang maisip kung anong tunay na dahilan kung ba’t niya iyon ginawa. Hindi naman kami nag-away! Bakit aalis siya ng walang pasabi?! Nababaliw ako kakaisip ng dahilan at hindi na ako nakakapag-isip ng matino pa.
“Nahanap na si Irah, Red!” sigaw ni Troye na mabilis naming ikinababang tatlo. Pumaibabaw ang nakakabinging hagulhol ng aking anak.
Troye and Marco went inside. Wala silang kasama. Pero may sumunod pang pumasok. Nakasuot ng plain black tshirt, cotton pajama at walang sapin sa paa, magulong parin ang buhok ngunit karga karga na ang anak kong nayakap sa kanyang leeg. He found her!
Chapter 57
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love. -PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Andrea Olaes. Happy reading!
Birthday party
“Irah!” I immediately ran towards them. Ibinaba siya ni Tres at tumayo naman ito, kinukusot ang dalawang mga mata habang humihingos, ang isang kamay ay mahigpit parin ang hawak sa isang mahabang tenga ng kanyang laruan na rabbit.
“You made me worried!” Lumuhod ako at niyakap ito ng mahigpit. Umiyak ako sa kanyang balikat.
“B-Bat mo naman ’yon ginawa?” Hinarap ko siya, hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. “Why did you left, baby? Halos mabaliw ako…” naramdaman ko ang panibagong luha na umagos sa aking mga mata.
Umangat baba ang kanyang mga balikat, humihingos na ito at hindi maawat ang pag-iyak ng husto.
“I… w-want to go to my D-Daddy…” nahihirapan niyang bigkas pero malinaw iyong lahat sa aming pandinig.
“Sa sementeryo?!” marahas na sigaw ni Troye na ikinatalim ng tingin ni Tres sa kanya. Troye swallowed.
“Pinagmumukha niyong bobo ang bata.” sabi niya, may galit ang mukha na nagpaputla kay Troye. Siguro kung walang bata rito ay nakwelyuhan niya na iyan dahil sa talim ng kanyang pagkakatitig.
“Itikom mo ang bibig mo Troye.” seryosong sabi ni Marco.
“My Daddy is not d-dead!” sigaw naman ni Irah, mas grumabe ang hagulhol.
Hindi ko magawang sumagot. Nag-angat ako ng tingin kay Tres na naninimbang lang ang tingin sa akin.
“You told her?” I accused him.
“Why don’t you ask your daughter?” matabang niyang sagot.
Ibinalik ko ang tingin kay Irah na wala paring balak ipakita sa akin ang kinukusot niyang mga mata at hindi matigil ang sandamakmak na luha sa pag-agos.
“Y-You lied to me… and I understand y-you Mommy… b-but why don’t you want me to have a D-Daddy?” tanong niya sa maliit na boses na ikinabuhos lalo ng aking mga luha. Naaawa ako ng husto dahil sa tono ng kanyang boses.
“T-That’s not true… Irahㄧ
“That’s true! Y-You don’t even want to f-fix it… D-Daddy was begging you b-but you d-dont want to fix it… You d-dont want me to have a D-Daddy…”
Hindi ko na nakaya ang aking luha. Kinain ng iyak ang aking boses na kahit gustuhin ko mang magpaliwanag ay hindi ko na iyon magawa ng maayos dahil mas nilalamon ako ng buo ng aking emosyon.
Bago pa man ako makabuo ng salita ay tumakbo na siya paakyat ng hagdan. Tanging mga mata lang namin ang sumunod sa kanya. Lahat ay tahimik at ang aking iyak ang nangingibabaw rito habang ako naman ay nanghihina dahil sa kanyang galit.
Isang marahas na pagkakasara ng pinto sa taas ang aming narinig saka nagsalita si Tres.
“Naririnig niya lahat ng pag-uusap natin. Matagal niya ng alam. Simula noong sa Restaurant.” sagot ni Tres na ikinatindig ng aking balahibo.
Tumayo ako, matalim siyang tiningnan.
“And you didn’t tell me?” I hissed. “Pinagmukha mo akong masama sa anak ko?! N-Na ako itong matigas at ipinagkakait sa kanya ang bagay na gustong gusto niya?! Kung sinabi mo sa akin sa umpisa ay hindi maglalayas ang anak ko!” I pushed him. Sa sobra kong galit, sa galit ng aking anak sa akin, kahit na wala akong gaanong lakas ay napaatras ko ito.
“She doesn’t want to tell you yet because she wants you to tell it to her, Christienne.” sabi niya sa akin na ikinailing ko, kalmado lang sa kabila ng aking pagwawala.
“Pinlano mo ito ’no? Is this your way to get on me, Tres? Ito na ba ang ganti mo sa akin dahil sa pananakit ko sa’yoㄧ
“Don’t you dare accused me! Hindi ako bobo para gamitin ang sarili kong anak sa galit ko sa’yo noon!” he fire back in his raging anger. Nagulat ako roon at halos mapatalon hindi katulad ni Troye na napaatras talaga sa kanyang kinatatayuan.
“Oh edi ano?! Ba’t ka bumabalik ngayon sa buhay ko na akala mo walang nangyari noon?! Ba’t nawala iyang galit mo sa akin ng ganon ganon nalang?!”
“Because I want to fix what I broke! Because I want to be a father to her and a husband to you!”
Napaawang sa ere ang aking bibig. Madilim na ang kanyang mga matang mariing nakatingin sa akin. Na kahit sila Marco, nanatiling tahimik habang nanonood sa pagsisigawan naming dalawa.
“You’re a liar.” sabi ko sa nangingig kong labi.
“I’m notㄧ
“You are! Isa na naman iyan sa mga salita mong hindi mo papanindigan! Hindi lang ako ang mapapaasa mo ngayon T-Tres… D-Dalawa na kami ng anak ko…”
His jaw clenched. Namumula na ang kanyang mga mata pero labis labi ang pagpipigil sa isang bagay.
“Why don’t you trust me this time?” he said in his deep voice. Namamaos iyon at puno ng pagsusumamo.
Umiling ako. “Hinding hindi na ako aasa. Lahat nalang ng a-aking desisyon ay palpakㄧ
“At least try it! Give me chance to prove it,” matigas niyang sabi.
Umiling ako, nabalot ng takot ang mukha. “I never choose somehing right!ㄧ
“Then choose me!” sigaw niya na ikinaawang ng aking bibig sa ere. Namungay ang mga mata niya na kahit ang kanyang balikat ay nagloosen.
“Choose me and I’ll make everything right for you, Christienne…” masuyo at mahinahon niyang sabi na ikinabagsak lalo ng luha sa aking mga mata.
“Hindi ko ito ginagawa dahil may anak tayo kung iyan ang iniisip mo. Ginagawa ko ito dahil may nararamdaman ako sa’yo.” pag-amin niya na ikinatindig ng balahibo sa aking katawan.
I remained silent while staring at him. Pinalis ko ang luha na hindi naman tumitigil sa kakaagos.
“I-I already moved-on…” tanging nasagot ko sa matagal na titigang iyon.
I saw him swallowed. “I’m asking for a chance. Not your love,”
“Bakit pa?” tanong ko.
“For me to make you fall in love with me again.”
My heart pounded harshly. Para siyang nagbitaw ng isang salita na sigurado siyang maisasakatuparan niya sa oras na ibinigay ko ang hinihingi niyang tsansa.
“But what if I won’t?” I tested.
He shrugged. “You will,” he said surely.
Sandali ko siyang tinitigan. Nanghahamon ang kanyang mga mata at hindi man lang gustong putulin ang mga tinginan naming nakadirekta sa isa’t isa.
I stared at him unbelievably. Siya parin iyong lalakeng malaki ang kumpyansa sa sarili at siguradong sigurado sa mga bagay bagay. Siya itong mananakit, babalik, magpapaasa at aalis. Iyon ang palagi niyang cycle na paulit ulit lang naman at natatakot akong simulan sa umpisa dahil alam ko na ang kahahantungan.
“Then try me.” sabi ko at tumalikod na saka umakyat sa hagdan.
Fine, if he wants a chance then I’ll give it to him. Para narin to sa aking anak na nagiging iba ang tingin sa akin. I’ll give him a chance not because I want it so bad to happen but because I want my daughter to change her mind about me. Iyon lang naman.
I tried talking to her but she’s avoiding me. Minsan sumasagot, madalas ay tahimik na at nagmumukmok sa kwarto.
Nakakafustrate iyong pakiramdam ko, naging pabaya kang ina. Iyong parang hindi ka naging mabuting ina kaya ganoon nalang ang pagkasuklam niya sa’yo. I don’t even know how to make her feel better. Masyado siyang matigas at may sariling desisyon.
“She didn’t eat her breakfast again?” tanong ni Marco nang takpan ko ang niluto kong hindi niya man lang ginalaw.
Umiling ako, pagod na napangiti. “Mukhang tingin niya parin ay ako itong humahadlang sa gusto niyang buong pamilya.”
Bumuntong ng hininga si Marco. Kinuha niya iyong plato na tinakpan ko.
“Ako nalang ang magpapakain. Baka magkasakit na iyon at malagot pa kami sa ama.”
Tres was busy for Dad’s case. Hindi kami makakadalo dahil iyon rin ang araw na birthday ni Irah. Napag-usapan na namin ito noon at gusto niyang h’wag nalang akong dumalo. Siya na raw ang bahala.
Nagtagumpay siyang pakainin ni Marco. Pero hindi rin daw ito gaanong nagsasalita sa kanya. Siguro pag si Tres ang nag-utos ng kung ano diyan ay susunod siya agad. Iyon lang naman ata ang kinakatakutan niya. But he’s still busy kaya hindi rin makabisita rito.
“Namimiss ko na ang kakulitan ni Irah. Ang tahi-tahimik na ng bahay.” sabi ni Klint nang hindi man lang lumabas ng kwarto si Irah at si Bun-bun ang gustong kalaro sa halip na sila.
“Di ko nga maakit-akit ng matatamis. Pag pumapasok palang ako ng kwarto naisasara ko agad dahil ang talim talim makatingin.“sabi ni Troye na nakaupo sa sofa at problemadong problemado ang mukha.
“Let’s just give her space. Sa mga namalaman niya, maaaring nagulat nga siya.” si Marco
“Pero kung matagal ng alam ni Irah, dapat matagal narin siyang nagalit sa ating lahat. Pero matalino ang bata at kinimkim niya. Kaya siguro gusto niyang palagi kayong nagkakasama ni Tres dahil iyong anak mo mismo ang gustong magkaayos kayo.” sabi ni Yashin sa akin na ikinalunok ko ng laway.
That’s why she’s acting weird that day. At ang mga sumunod na araw ay halos ayaw niya ng lumayo kay Tres. Kahit parin pala ngayon ay napakaabsentminded ko sa aking paligid. Akala ko noon lang iyong wala akong napapansin. Hanggang ngayon parin pala. Naging normal ko na ata ang pagiging slow at manhid.
“Pero dahil sa naririnig niya at mukhang wala ka namang balak makipag-ayos sa kanyang Daddy, di na nakayanan ng bata. Alam mo si Irah, gusto agad agad nakukuha.” si Klint.
Palaging ganoon sa sala, nagmemeeting kami ng seryoso tungkol sa nangyayari. Imbes kami iyong nagsisinungaling, kami na ang kanyang inuuto at pinapaniwalang wala siyang alam. Sa sobrang talino niya, nakakatakot nang maglihim.
Mainit kaya nagdesisyong maligo si Troye noong tanghali ng Miyerkules. May dala-dala siyang salbabida na hugis swan at kulay pink pa. May suot rin siyang sarili niyang ganoon sa kanyang beywang.
“Ipapakita ko kay Irah baka maisipan niyang maligo kasama ko sa pool.”
I nodded, “goodluck.”
Everyone was trying to make her feel better. Naninibago kami sa bahay na sobrang tahimik at hindi umaalingawngaw ang boses niyang tumatawa. Manang mana ito sa angkan ng Daddy niya na masyadong matitigas. Eh hindi naman ako ganoon kaya sigurado akong doon niya nga namana ang ugali niyang ganyan.
Ganoon nalang ang aking pagkagulat nang bumaba si Troye karga karga si Irah na nag-iiwas ng tingin sa akin. She whispered something to Troye kaya si Troye naman ay tumango rin.
“Kumain kana, Red?” tanong sa akin ni Troye na ikinailing ko. Sa sobrang pag-aalala ko sa batang iyan ay hindi ko man lang magawang lumunok ng pagkain.
Ngumuso si Irah at may binulong ulit kay Troye.
“May mga cookies si Irah na hindi niya daw maubos. Baka gusto mong kainin.”
Nakagat ko ang aking labi at napatango. Sinisikap kong hindi maiyak dahil sa inaasal ng aking anak. I know she loves me. Kahit ganyan siya. Alam kong nag-aalala parin siya sa akin at hindi lang iyon maipakita ng buo.
Pinanood ko sila ni Troye na mukhang nagkakatuwaan na. Pinapakasay niya si Irah roon at iginigiya niya iyon para gumalaw. Sinabuyan niya ang mukha ni Troy ng tubig at napahagikhik nang nakita niyang nagulat si Troye roon. Napangiti narin ako nang makita ko ang ngiting dalawang araw niya ng ipinagkakait sa amin.
Tinabihan ako ni Marco na nasa dalawa narin pala ang tingin. Nandito lamang kami sa may veranda. Nakaupo ako sa pabilog na couch at may katabing isa pa na binakante rin ni Marco.
“Ang hirap maging single mom ’no?” tanong niya sa akin na ikinanguso ko.
Mahirap nga. Lalo na’t wala naman akong gaanong alam sa pagiging Mommy talaga. Para lang akong nagiging bestfriend ng aking anak at tinuturuan siya sa mga mabubuting asal. Pero iyong pagdidisiplina ng maayos sa kanya, doon ata ako bumagsak.
“Sobra, Marco…” daing ko na ikinangisi niya. Itinulak niya ang aking ulo at inihiga iyon sa kanyang balikat. Nanatiling nakahawak ang ulo niya roon habang natuon naman ulit ang aking tingin sa harap.
“Alam kong natatakot kanang masaktan ulit, Red. Sa pinagdaanan mo noon, sino bang may gustong maulit ang sakit na halos patayin kana?”
Sumimangot ako dahil alam ko kung saan patungo ang pag-uusap na ito.
“Pero sa inaasta ng Buenaventura na iyon, mukhang seryoso naman siya. Hindi ko sinasabing magpauto ka ulit, pero sinasabi ko lang na nagsasabi siya ng totoo. Lalake ako kaya alam ko iyon. Bigyan mo rin ng tsansa ang sarili mong mahulog ulit sa kanya.”
Tiningala ko ang mukha ni Marco at inangatan ako ng kilay. Ngumuso ako at bumuntong ng hininga. Binigyan ko na naman siya ng tsansa… pero kilala ko ang sarili ko. Hindi ko siya natitiis ng matagal at bumibigay agad ang marupok kong sarili sa kanya. Iyon ang nakakatakot dahil ang dali dali niya akong pahulugin sa kanya pero ang bilis bilis niya rin akong bitawan ng ganon ganon nalang.
Maybe my love for him didn’t gone. Nandoon parin iyon sa loob pero tanggap ko na na ganito talaga ng kahihinatnan ng aming pagmamahalan.
Noong birthday na ni Irah ay nagpahouse party kami sa bahay. Bukas iyon sa lahat ng bata sa kanilang subdivision since wala pang gaanong kakilala si Irah. His father was so busy pero laking gulat ko nalang nang maraming nagsidatingan na mascot at ginawang parang festival ang labas ng bahay. Ang katamlayan ni Irah ay unti-unti ring nabura nang makita niya iyong malalaking mascot na sumasayaw sa kanyang harapan.
“Mukhang mas marami ang pupunta dahil sa paandar ng lalake mo,” sabi ni Marco sa akin nang tiningnan niya ang grupo ng mga magician na nagtatayo ng kanilang pwesto sa openspace.
“Hindi ko siya lalake, Marco. Ama siya ng anak ko.” pagtatama ko na ikinatango-tango niya. “Daming balloons oh,” sabi niya roon sa sumunod na pumasok na clown at ang rami ng hawak na balloons.
Pinuntahan ko ang aking anak na humahaba na ang leeg sa gate, mukhang may inaantay suot ang kanyang malaprinsesang gown. She’s wearing a blue gown with laces on her back. Nakasuot rin ito ng korona at nakabun ang buhok ngunit may nalalaglag na iilang hibla. She doesn’t need to put a make-up on her face. Sa natural niyang pulang maliit na labi, natural na rosy cheek, maiitim na kilay at mahabang pilikmata, doon palang ay sobrang ganda niya na. Siya iyong parang may sariling make-up sa mukha at naeenhance ang bawat features noon.
Lumebel ako sa kanya at ngumiti. Her eyes were trying to avoid mine at nagpatuloy sa kakalingon sa aking likuran.
“Daddy told me he’s going to come on my birthday and bring a gift for me. Is he going to be late, Mommy?” tanong niya at puno ng pag-asa ang mukha.
“Busy pa iyon pero alam kong gagawin niya ang lahat para makapunta sa birthday party mo.”
“I know… he’s not the kind of person who breaks promises.” she said surely.
Bumuntong ako ng hininga. Ayokong tapusin sa tanong at sagot ang usapan namin dahil iyon na ang palaging nangyayari sa aming dalawa nitong mga nagdaan na araw. Ayokong lumayo ang kanyang loob sa akin.
“Are you still mad at me?” malambing kong tanong na ikinakurap niya.
“I am avoiding you for you to think I’m mad… but I’m really not, Mommy.” yumuko siya at napunta ang tingin sa mga daliri niyang naglalaro roon sa kanyang kandungan.
Nakagat ko ang aking labi at napangiti.
“Why, sweetie? I thought you’re really mad?” Isinisiksik ko ang aking daliri sa kanyang kamay at inangat iyon. Ngumuso siya.
“If I get mad at you then Daddy will get mad at me, too…”
Napalunok ako roon. Iyong takot niya sa kanyang ama ay mas malaki pa ata kaysa sa takot niya sa lahat ng bagay sa mundong ito. Si Tres lang ata iyong may kakayahang paamuhin siya nang walang sinasabi. Dahil lang sa takot niyang baka magalit iyon sa kanya.
“I’m sorry for lying, Irah. D-Di ko agad sinabi sa’yo kasi ayoko namang umasa ka sa bagay na hindi ko pa kayang ibigay… W-Were not yet in good terms. Pero wala akong galit sa Daddy mo, anak. Ako ang may kasalanan. May kasalanan kaming dalawa at kailangan muna naming ayusin ang mga bagay bagay ng hindi nagmamadali. We both hurt each other…”
Bumuntong siya ng hininga at binasa ang pang-ibabang labi. Naasiwa ako sandali sa galaw na iyon pero hindi ko na masyadong pinansin.
“Daddy told me he loves you and it wasn’t fake… he told me it’s endless and won’t fade since it’s not a fake love. So I thought…” mas naging maliit ang kanyang boses na halos hindi ko na madinig ang iba pa. Irah is a good listener. Mabilis siyang natututo sa mga naririnig niya at nakikita niya. Kaya hindi na ako magtataka kung sa mura niyang edad, ang rami rami niya ng alam.
“Mine is not either, baby… I just want to take this slow because I don’t want to get hurt and hurt youㄧ
“But my Daddy won’t hurt us. He loves us. Why would someone hurt a person if he loves her? If it’s a fake love then you get hurt…”
God. I don’t know what to say anymore. She’s very…
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil mukhang lahat ata ng sasabihin ko ay may palusot siya at ako itong nagmumukhang walang alam. She’s still a baby. Someday, maiintindihan niya rin ang lahat lahat. Ngayon ay bata pa siya at malikot pa ang pag-iisip kaya hahayaan ko nalang muna siyang maging curious sa mga bagay bagay.
After that talk, naging masigla na ito at nakikihalubilo sa mga bisita niya. I really hope wala siyang tarayan at wala siyang mapaiyak. May ibang mga bata na nakacostume rin at mukhang natanggap ang ginawang invitation namin ni Yashin. It was a Disney theme party. Para na kaming gumagawa ng sarili naming Disneyland sa loob ng malaki nilang bahay.
“Marco, iyong crush mo noon oh!” Pumaibabaw ang malakas na sigaw ni Troye sa mga bagong bisitang dumating. Nanlalaki ang aking mga mata nang makitang si Addi iyon at Dos dala dala ang kanilang anak na babae. Oh hell. I guess the Buenaventura family are invited too.
Kitang kita ko ang matalim na tingin ni Dos at hinanap agad ang boses ni Troye. Halos balian na ata ng buto ni Marco si Troye na sumisigaw dahil sa katabilan ng dila nito.
“I might get killed this day, you asshole!” inis na sabi ni Marco kay Troye na namimilipit na sa sakit. Kahit alam kong biro lang naman iyon, base narin sa nakakatakot na tingin ni Dos, nakakamatay nga.
Nilapitan ko silang mag-asawa. Niyakap ko si Addi na nginitian agad ako ng matamis. Ang maamong mukha ng kanilang anak ay nahihiya ring ngumiti.
“Greet your Tita Red,” malambing na sabi ni Dos sa anak na ikinatango agad nito.
“Hi po. Uhm, you’re so pretty…” magalang nitong pagbati. “Thank you for inviting us…” she said shyly while she’s blushing hard. Ba’t pakiramdam ko ang bait bait ng batang ito? Ang layo layo niya sa kanyang mga magulang. Akala ko rin kasi mana sa mga tatay iyong anak ng magkakapatid since ganoon si Irah. Pero mukhang nagkamali ata ako.
“You’re welcome.” I smiled at her sweetly.
“Siya na ba si Franca?” Nakangiti kong sabi kay Addison na tumango at binalingan ang anak niyang nahihiya ang mukha.
“She looks like you, Addi. Napakaganda rin.” sabi ko kaya nagtinginan ang mag-asawa at napangiti. Si Dos ay parang isang tao na nanggaling sa kulungan at nagbagong buhay na. And he looks hot to be honest. Isang natural na karisma sa kanilang angkan na mababali ata ang iyong leeg kakalingon sa kanila.
“Where’s your daugther?” tanong ni Dos at iginala ang tingin. Iginala ko rin ang akin at natagpuan si Irah na humahagikhik sa harapan noong magician. She’s with the kids watching the acts.
“That girl over there wearing a blue gown.” Itinuro ko ang anak na biglang bumusangot at tinaliman ng tingin iyong bata na mukhang naoffend ata siya. May kung ano siyang sinabi rito at itinuro ang mukha nito na ikinagulat noong batang babae saka niya ginulungan ng mata. The little girl stood up and walked-out almost teary-eyed. Oh, God.
Dos chuckled. “She looks like you but she acts like her father.”
“Kamukhang kamukha mo nga Red. But her eyes were a bit scary… how come she knows how to glare like that? And she even rolled her eyes…” nagugulat na tanong sa akin ni Addison na ikinailing ko lang.
“Hindi ko nga alam. Mukhang natural iyon sa kanya na kahit hindi ko siya turuan, matututo siya.”
The party went well. Lahat ng mga bata ay nag-eenjoy sa paligid. Lahat ata ng gusto nila ay nandito na. May magicians, bubbles, clowns, balloons, at mga mascots.
Ilang sandali pa ay may panibagong angkan ng mga Buenaventura naman ang dumating. I was so shocked to see who it was! Kasama nito ang kambal niyang anak na hindi naman magkakamukha pero hindi nalalayo ang mga matang misteryoso. It look like Irah’s eyes!
Nagyayakapan kaming dalawa ni Aly nang magkitang muli. We’re both screaming and giggling. Nagkukumustahan kaming dalawa saka niya rin ipinakilala iyong mga anak niyang hindi lang ang mukha ang hindi magkakatulad kundi pati rin ang ugali.
“Thank you for inviting us, Madame…” marahang yumuko si North ganoon rin ang katabi niyang kambal na hindi na nagsalita pa at ginaya lang ang pagyuko noong kambal habang nasa tiyan ang isang braso. They’re even wearing a prince charming costume kaya nagmumukha talaga silang totoong prinsepe at may maharlikang dugo.
I giggled while watching them. Napakagwapo nilang dalawa at hindi nalalayo ang features sa ama. Uno just smiled at me cockily. Mukhang nakikita niya ata ang aking pagkamangha sa mukha ng kambal. Mga maliliit na Uno ang nakikita ko sa dalawa.
“Let me give the gift, Dad.” sabi ni North sa ama na ibinigay rin sa kanya ang dalang box.
Nilingon ko sandali ang imahe ng anak nilang naglalakad na roon sa may clown kung nasaan ang aking anak at tinuturo iyong magagandang balloons na nagustuhan niya.
“Ang ganda ganda naman ng anak mo, Red. Kamukhang kamukha mo.” komplimento ni Aly na nasa aking anak narin pala ang tingin.
“Thank you,” I smiled at her and glanced at Irah again. Ngayon ay naroon na si North at nakaharap na sa anak ko na nasa kanya ang tingin.
North handed the gift to my daughter. Akmang kukunin iyon ni Irah nang biglang itinago iyon ni North sa kanyang likod at inilahad sa kanya ang palad na parang may hinihingi sa aking anak na kaagad na bumusangot ang mukha.
Uno chuckled while Aly just pouted. Anong meron?
“He inherited my wife’s attitude. Masyadong praktikal.” sabi ni Uno at humalakhak lalo. Aly glared at him pero hinila lang ni Uno ang kanyang beywang at hinalikan ang balikat nito nang madiin niya ito sa kanya. Okay? Uno is really… nevermind.
Kinuha ni Irah ang aming atensyon nang nagtatakbo na ito patungo sa akin, iritang irita ang mukha.
“Mommy! That ugly skank was asking me to pay the gift! Sent him out Mommy!” Pinagtuturo niya si North na tawang tawa na. Mukhang hindi natatablan sa ugaling meron si Irah.
Gulat na gulat ang mukha ng mag-asawa dahil sa tabil na dila ng aking anak. Napangiti ako sa kanila ng hilaw.
“She’s really blunt when she’s mad.” sabi ko.
Uno whistled. “No doubt. She’s my brother’s daughter.”
Irah frowned even more. Ngayon ko lang ata siya nakitang ganyan kainis sa isang bata na mukhang siya ang naiisahan. Mukhang nakahanap siya ng katapat kaya ganito siya kung magalit ng husto roon kay North.
Lumuhod si Uno at lumebel sa aking anak saka ibinigay iyong dalawang libo na hawak.
“Give it to him so that you can have your gift.”
Napakurap si Irah at napatitig sandali kay Uno.
“You look like my Daddy…” Hindi magawang tumingala sa akin ni Irah at titig na titig sa mukha ni Uno nang hinila niya ang aking dress para kunin ang atensyon ko. “Mommy he looks like Daddy…”
“I’m your Daddy’s brother, babygirl. And that kid who asked for a money is my son. Your cousin…”
Nalaglag ang panga ni Irah na kahit ang kanyang mga mata ay lumaki. Halata ang pagtutol sa kanyang ekspresyon na pinsan niya iyong kinaiinisan niyang bata.
Hindi niya na isinaboses ang kanyang iniisip at bumusangot nalang.
Sunod naman na dumating ay iyong isa pang pinsan nila na si Trever. He’s with his wife and son. Mukhang kaibigan ata ni Addison iyong asawa nito dahil sila agad ang nag-usap usap. I wonder where’s Kazi? What happened to that playboy?
“Grabe…” Maluha-luhang lumapit si Troye sa akin at may suot na party hat. He’s wiping his invisible tears again while looking dramatically at the visitors.
“Oh? Napano kana naman?” I asked and chuckled.
Nailing siya. “Di ko alam na ganito pala kalaki ang mundo ni Irah. Akala ko ako lang ang mundo niya…” Nasapo niya na naman ang dibdib, mas lalong nagdrama.
I laughed and slap his chest. Doon lang rin siya natawa pero pag titingnan si Irah na kasama na iyong mga pinsan niya ay magpupunas na naman ng invisible tears niya.
Wala akong balita sa nangyayari sa kaso ni Daddy. Ayokong manood ng balita lalo na’t ilang oras na ang dumaan noong paglilitis ng kaso. I wonder what happened…
“Daddy!” Irah’s voice filled my ear. Bago pa man ako makalingon kung nasaan ang kanyang boses, nakasalubong ko na ang mga mata ng lalakeng nagiging emosyonal na.
“Dad?!”
Chapter 58
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love. -PrfctlyStbbrn
Sleep
Mabilis ang aking pagtakbo makarating lang agad sa harapan ng amang nakalaya na. Kasama kong napatakbo si Irah na dumeritso sa kanyang Daddy at kinarga agad ito.
“Dad!” I hugged him tightly when I went to him.
“Honey…” Mahigpit niya rin akong niyakap. Bumuhos agad ang luha sa aking mga mata at humagulhol sa kanyang balikat.
“What’s the meaning of this?! M-Malaya kana?! Daddy! You’re innocent?! I knew it! I knew it!” Halos magtatalon ako sa sobrang tuwa kasabay ng malalaking luhang nalalaglag sa aking mga mata.
Tumango-tango si Daddy. “Magaling ang pinili mong abogado, Christienne. Ipinaglaban ako hanggang dulo…”
Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang aking luha. It’s been years! Ang aking ama na naakusahan ay nahatulan ng inosente! Para na akong lumulutang sa ere sa sobrang tuwa at gusto ng magsisigaw sa langit at magpasalamat sa nangyayari sa aking buhay.
“Thank you for believing in me, Christienne…” Daddy kissed my forehead and hug me back again.
Isa iyong madramang pagtatagpo ng mag-amang akala mo ilang taong hindi nagkita. Wala akong mapagsidlan ng iba kong umaapaw na pakiramdam. Para akong nilulunod ng tuwa at natatangay sa masayang sandali ng aking buhay.
“Lolo!” Inilapit ni Tres ang anak kong sumisigaw kaya kinarga rin iyon ni Daddy. My daughter was smiling from ear to ear.
“My Daddy is so brave right lolo?!” she said proudly. Tumango-tango si Daddy, hindi nagtataka sa pinagsasabi ni Irah.
Binalingan ko si Tres na bakas sa mukha ang saya, kagat kagat ang pang-ibabang labi habang nakapamulsa. He’s wearing a tuxedo looking so manly in his suit.
“T-Thank you…” naluluha kong sambit sa kanya na ikinatango niya at sinenyasan akong lumapit.
I ran towards him and hugged his waist immediately. Sa labis na kasiyahan, parang nakalimutan ko lahat lahat ng aking alalahanin sa buhay at hinihile nalang ako ng magandang pakiramdam.
“Thank you so m-much Tres! A-Akala ko talaga…” I buried my face on his chest while sobbing.
Naging mahigpit ang pagkakayakap niya sa aking beywang. He buried his face on my neck as he whispered his words to me.
“I told you I’m loyal…”
Tumindig ang aking balahibo sa batok dahil sa malalim niyang boses. Sa kabila ng maingay na paligid, nag-iingay rin ang aking puso sa sobrang saya.
“Thank you. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa’yo Tres. Kung gusto mong magbayad ako, magbabayad ako ng mahal…”
“Just give me a second chance. Iyon lang ang hinihiling ko, Christienne…”
Tumango-tango ako. Hindi na agad nakapag-isip at kusa na iyong ibinibigay sa kanya. Nasa punto ako ngayon ng buhay ko na kahit anong hilingin niya, ibibigay ko na ng kusa. Pinatunayan niya sa akin ang kanyang loyalty at pinaglaban si Daddy sa dulo.
May mga media sa labas ng gate pero dahil may nangyayaring party sa loob, hindi na iyon pinapasok pa. Ayokong madagdagan ng panibagong issue ang aking buhay. Sa katabilan ng bibig ni Irah, baka mang-agaw siya ng mic at ibroadcast na Daddy niya si Tres. Hula lang naman…
“They’re my cousins, Lolo. Except from that ugly skankㄧ guy po.” putol agad ni Irah sa sarili nang itinuro si North na tinaasan lang siya ng kilay. She’s careful with her words when my Daddy is around.
“Hi po. I am Franca…” Addison’s daughter waved her hand politely to my Dad while smiling sheepishly.
“Ang ganda mong bata, hija…” komento ni Daddy kay Franca na ikinanguso ni Irah.
“And I’m prettier.” singit agad ng aking anak na ikinatawa ni Dad. Kahit ako ay natawa sa narinig na pag-uusap ng mga bata.
“Franca is way pretty than you. She’s an angel.” si North na ginatungan agad.
Bumusangot ng husto ang mukha ni Irah. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at mukhang nagsumbong roon. Ngumuso ako nang napagtantong imbes ang mga bata rito ang lingunin ni Tres, dumako pa sa akin ang tingin.
Nakihalo ako kina Addison, Aly, Yashin at Shy, Trever’s wife. Pinakilala siya sa akin ni Addison. Kung perpekto lang ang pag-uusapan, pasok na pasok ang kanyang mukha. Napakaamo noon at masyadong perpekto lahat ng features.
“Anong feeling maging asawa ng mga Buenaventura? Schoolmate namin noon ni Red ang magkakapatid sa highschool eh kaso lumipat sila.” tanong ni Yash sa dalawa.
Aly blushed while Addison bit her lowerlip and glanced at Dos. Naroon sa dulo ang mga lalake at may kung ano anong pinag-uusapang importante. Si Troye lang itong nakikipaglaro sa bata at hindi nakikihalubilo sa mga Buenaventura. He’s scared…
“Palaging pagod ’no?” si Shy ang sumagot at nginisihan ang dalawa.
Yashin eyed me. May kung anong ipinaparating ang tingin na iyon at nakakaloko pa ang ngisi sa akin. Ewan ko diyan.
“It’s normal.” kibit balikat ni Addison hindi katulad ni Aly na naging kamatis na ata ang buong mukha.
“You’re blushing hard…” I laughed at her. Ngumuso siya at sinikap pakalmahin ang sarili. Binalingan niya si Addison.
“Addi, kaya pala pamilyar si Red sa akin noon kasi siya iyong napanood natin sa telebisyon sa cafe na pinagtatrabahuan ko. Iyong anak ng senador na sinabi mong magulo ang pulitika.” pagpapaalala ni Aly kay Addi.
“Yeah. I am not really aware about your issue that time, Red. Since I really don’t care at all dahil marami rin akong problemang iniisip at tutok na ako noon sa pag-aaral ko.” sabi ni Addi sa akin at hinawi pa ang kanyang buhok.
“Akala ko pa naman kilala mo ako. Madalas tayong nagkikita sa mga party. At schoolmate tayo noong Elementary…” sabi ko sa kanya na ikinakurap niya.
“Really? So you know me?”
Tumango ako at tumawa.
“Masyado akong wild noong kabataan ko kaya hindi na nakakapagtaka kung hindi kita maalala. I am not friendly and I don’t care about the girls I met on parties.” kibit balikat niya. Kahit na mukhang tamed na siya tingnan, parang makikita mo parin sa kanyang awra na may attitude talaga ito noong kabataan niya.
“You’re just familiar to me when I saw you on Dos’s office. Pinunit ni Tres ang resume mo?”
Tumango ako. Hindi ko alam na siya pala iyong nakasalubong ko nang araw na iyon. Sa sobrang inis ko kay Tres noon, hindi ko na siya nagawang tingnan.
“Edi posible sanang naging sekretarya ka rin. Baka nakaclose ka rin namin noon palang…” mahinhing sabi ni Shy. Doon raw kasi sila nagkakilala ni Addison since naging sekretarya siya ni Trever. Kaya pala napakabias ng Montiel na iyon nang araw na ’yon. Sa sobrang bias niya naging asawa niya pa.
Doon lang kami natigil sa pag-uusap nang tumakbo si Franca palapit sa amin. Tumigil siya sa aming tapat at nakayuko.
“Can I disturb my Mom for awhile?” pagpapaalam niya sa aming lahat na ikinagulat namin ni Yashin. Ang bait bait! Ang hinhin magsalita!
“Kung si Irah iyan baka hinila kana paalis at nagsisigaw na. Walang pakialam sa kasama mo.” bulong ni Yash sa akin na ikinasang-ayon ko.
“Oo naman, Franca.” si Shy.
“What is it, baby?” sagot ni Addison sa anak na nagtungo narin sa kanya.
“Mommy… Irah doesn’t want to share her lolo… she told me I need to find my own lolo.” malungkot niyang sumbong. “But how can I introduce my lolo to her if he’s already in heaven?” malungkot niyang sabi na ikinaloosen ng balikat ni Addison.
“Pasensya na sa anak ko, Addi. She’s really possessive.” nakokonsensya kong paghingi ng tawad dahil sa narinig na sumbong sa kanyang anak. “Pagsasabihan ko iyon mamaya.” dagdag ko na ikinatango niya. She smiled at me and talked to her daughter.
“Irah is still coping up with her new environment, baby. She thought her Daddy was already gone. Just understand her, ’kay?”
Nagulat si Franca sa nalaman pero tumango rin kalaunan. Siya ata iyong bata na batas ang sasabihin ng magulang niya sa kanya. Unlike Irah… kay Tres lang takot.
“Okay po, Mommy. She’s nakakaawa pala…” mahinhing sagot ni Franca at nilingon ang anak kong humahagikhik na naman sa kalayuan kasama si Trey.
“Go and play with her again.”
Tumango naman si Franca at naglakad ng mabilis papunta sa kinaroroonan ni Irah. Iginala ko ang tingin kung nasaan ang kambal. Si South ay nandoon sa grupo ng kanyang ama at tahimik lang na nakaupo roon habang kumakain. Napakalayo niya kay North na kahit sino nalang ata ang kinakausap na bisitang mga bata.
Gabi na ata nang tuluyang matapos ang party. Nagsialisan na ang mga bisita pero naiwan pa ang mga mag-asawa kasama ang mga pinsan ni Irah. Nag-iinumin rin kasi veranda malapit sa pool ang mga lalake with my Dad at patuloy na nag-uusap ng kung ano ano. Si Troye kasali na roon pero mukhang tahimik lang at patango tango. Kung anong sinasabi ng mga Buenaventura tumatango agad siya na akala mo napakasupportive na kaibigan ng magkakapatid.
Nasa loob naman ng bahay ang mga bata. Kapwa nakaupo sa carpet sina Irah at Franca at mukhang magkasundo na dahil naroon si Trey na tumatayong kuya nila. They’re helping my daugther unwrap her gifts. Even North was helping too. Pero minsan ay nagbabangayan talaga sila ni Irah. I guess they’re already close huh.
“South, want to sleep?” tanong ko sa bata na nasa tabi lang ni Ysha sa sofa at kapwa pa inaantok ang mga mata ng dalawa. Ysha was eating something sweet while South was watching her silently.
Umiling si South saka iniakyat ang magkabilang paa sa sofa, nakaindian squat roon habang nakahilig sa kanyang hita, ibinalik ang mapang-usisang mata kay Ysha.
Inilapag ni Addison ang niluto niyang homemade pizza kaya iyon rin ang kinain namin. Nakaupo kami sa isang rectangular table. Gumagawa rin ng sariling mundo.
“Akala ko pa naman nagkabalikan na kayo ni Tres.” komento ni Addi na ikinanguso ko at sumubo nalang ng pizza.
“Di mo na mahal si Tres, Red?” tanong sa akin ni Aly.
Dahan dahan kong nginuya ang aking kinakain at iginala sa kanila ang tingin at nasa akin ang buong atensyon, naninimbang.
Wala akong maisagot sa tanong na iyon.
“Silence means yes.” si Yashin naman.
“H-Hindi ’no.” pigil ko agad sa kaibigan na ikinataas ng kilay ni Addison. Her resting bitch face is quite intimidating…
“So you don’t love him?” tanong niya.
“Hindi rin sa ganoon…” sagot ko, nahihirapang lumunok kaya uminom ako sandali noong pineapple juice.
“Edi nasa gitna ka? Ng alin? Nag pagmomove-on?” si Aly naman.
Bumuntong ako ng hininga. “I’m just scared…”
“If you don’t love him anymore, then you won’t get scared. Patunay lang iyan na mahal mo pa talaga. Natatakot kang masaktan ulit eh. Baka di mo na kayanin pag naulit ulit.” sabi ni Addison sa seryoso niyang mukha.
Tumango-tango naman si Shy. Balak sumagot pero hindi magawa dahil nalulunod sa pagkain. Naroon ang kanyang buong atensyon. May mga friend chicken rin kasi sa harapan at iyon ang inuuna niya.
“Nakakaawa naman si Irah kung hindi kayo magkakabalikan.” sabi ni Aly.
“But I’m willing to fix this… I gave him a chance naman… Maybe we’ll take it slow…” sabi ko.
Ngumisi si Addison, “di marunong magdahan dahan ang mga Buenaventura Red. Gusto nila palaging mabilis at sagad.”
Humagalpak ng tawa si Yashin na kahit si Shy ay nasamid at nauubong uminom ng juice. Namula ang aking pisngi, si Aly naman kagat-kagat ang labi at nagpipigil rin.
“N-Not the love making thingy…” namumula kong sabi na ikinahagalpak na talaga ng tawa lalo ni Yash. Even Shy was smiling too. Si Aly ngumunguso na.
“I’m not talking about sex, Red. Hindi naman iyon ang pinag-uusapan natin.” sabi ni Addi na ikinasimangot ko.
“Sabi na eh, may pagnanasa ka parin sa ex mo. Hottie ni Tres eh imposibleng makamove-on ka agad.” si Yashin.
“Shut it Airylle Yashin Sanchez.” pang-aawat ko sa kanya na ikinailing niya lang.
“Martinez na ako, Red.”
Sumimamangot ako at sumubo nalang ng pizza. Gusto ko ng ichange topic ito pero mukhang ayaw nila at ako ang gustong pag-usapan. They’re curious about us. Lalo na noong nangyari years ago. Akala talaga nila noon ay hindi na ako uuwi.
“It’s been what, 6 years?” si Addison.
Tumango ako. Hindi na gaanong nagsalita pa.
“Alam mo ba na nilandi ako ni Tres noon? Naging boyfriend ko pa nga…” she smiled at me playfully.
“Naging kayo pala ni Tres? Akala ko iyong animal lang ang nagkagusto sa’yo. Pati pala si Tres?” si Aly naman na pinapangalanang “animal” si Uno. Siya lang ata ang babaeng nakakagawa noon.
“Silang tatlo actually. But the demon is too possessive and inlove with me kaya sa kanya rin ako nahulog. Tres’s feeling for me that time was fake I guess. Wala ngang pakialam sa akin. Iniiwan ako.” Ngumuso si Addi.
Naging tahimik naman ako. Akala ko ba hindi siya mahilig maggirlfriend? Eh hindi lang pala si Hannan ang naging girlfriend niya. Pati pala si Addi nilalandi niya. Psh. Paasa rin talaga eh. Naniwala naman akong hindi niya kayang mambabae eh nasa dugo talaga nila iyon.
“Hay nako. Buti nalang at Montiel ang napangasawa ko.” reklamo ni Shy at mas sumubo ng panibagong slice ng pizza. Sa kakadaldal namin, siya na ata ang nakakaubos.
“Hindi naging playboy iyong asawa mo?” gulat na tanong ni Yash.
“Naging playboy naman. Noong college raw sabi ni Channy kaliwa’t kanan daw babae ni Trev. Mali mali kasi pinagsasabi ng babaeng iyon. Ang slow rin.” nailing siya at hindi man lang nag-aangat ng tingin. She was busy putting some ketchup on her pizza.
“So nasa dugo pala talaga ng angkan nila ang pagiging babaero…” komento ni Yashin na ikinatango rin talaga ni Aly.
“Si Uno nga noong bata pa ako kaliwa’t kanan rin ang hinohotel ng animal na ’yon. Inuubos lahat ng babae sa mundo basta may butas handa atang patulan.” marahas namang sabi ni Aly na akala mo nagtatanim ng galit sa mga naging babae ng asawa.
“Even Dos… I caught him many times. Sa school, Bar at sa office.” Napaismid si Addi.
“Pero mukhang mga loyal naman ang Buenaventura ah?” si Yashin.
“Oo loyal sila. Babaero lang talaga.” si Aly.
I am aware how womanizer they were back then. Sa school ay nagpapaligsahan ata si Uno at Dos sa mga babae roon. Buti nalang talaga at hindi ako naattract sa kanila. It’s because they’re too intimidating for me. At ayoko rin naman sa mga badboy type. But look at me, I end up with Tres. The most heartless and cold Buenaventura. Just because of that play I end up falling inlove with him…
Doon lang kami natigil sa pagkukwentuhan nang magreklamo na ang mga bata na inaantok na. Kahit si Irah na gusto pang maglaro ay humihikab narin. Hinatid ko nalang ito sa kwarto at mabilis ring nakatulog habang bumubulong ng ‘Daddy’.
Umuwi rin naman sila pagkatapos. Hindi naman gaanong nalasing ang mga lalake at si Troye lang ang masyadong tinamaan na kinarga pa talaga ni Marco at Klint saka itinapon sa swimming pool. He drifted to sleep that’s why Marco decided to rescue him on the pool dahil hindi talaga nagising at napunta pa sa ilalim. Mukhang siya lang ata itong mamamatay na nga wala paring kaalam-alam.
“Daddy, sa guestroom ka nalang with us. Malaki naman ang kama eh.” sabi ko sa kanya kaso nilingon niya ang lalakeng nakaupo sa sofa at sapo sapo ang ulo. Ngumuso ako at napagtantong lasing na lasing rin ata ito.
“Di na makakapagmaneho iyang ama ni Irah. Sabi ni Marco malaki naman daw ang kama niya.”
Tatlo lang ang guestroom nila Klint. Ang isa ay kay Troye, kay Marco ’tsaka sa amin ni Irah. Nasa ikalawang palapag lahat ng kwarto at nangangamba akong hindi kayang maglakad ng Buenaventura na iyan.
“Aalalayan ko lang.” sabi ni Daddy at lalapitan na sana si Tres kaya ako na mismo ang nagrepresenta.
“Ako na ang bahala sa kanya Daddy. Just rest. I know you’re tired…” sabi ko.
“You sure? Eh ang payat payat mo…”
Tumango ako. “Yes po, Dad.”
Nilingon niya sandali si Tres saka ako ulit binalingan. Hinalikan niya ang aking noo. “Good night, sweetie.”
“Good night, Daddy… I love you.”
“Love you too…”
Pinanood ko ang amang umaakyat sa hagdan saka ako napabuntong ng hininga at nilapitan ito so sofa na nakasandal na roon. Nakapikit ang mga mata at tanging panloob nalang na puting polo ang suot. Nahubad niya na iyong itim na panglabas.
I stared at him for awhile. Nakabukas na naman ang tatlong botones ng suot at nakaawang ang mapupulang labi, na kahit ang mukha ay namumula dahil sa kalasingan. Kung hindi lang talaga siguro ito natutulog at wala sa sarili dahil sa kalasingan, aakusahan ko siyang inaakit ako.
Bumuntong ako ulit ng hininga at kinuha ang kanyang braso. Iyon palang mabigat na! Darn him.
“Sa guestroom kana namin ni Irah matulog. You can’t drive in your condition…” medyo naiirita kong sabi pero mas naiirita dahil sa kabanguhan niya. His manly scent is such a tease. Nabubuhay ang pagiging marupok ko. Oh shut up Red!
I snaked my arm around his waist and hold him there. Shit matigas! Lumunok ako ng laway saka iniakbay ang isa niyang braso sa akin at sinubukan itong iangat. Imbes mapatayo ko, kahit ako ay hindi narin makatayo. Oh darn. Sana pala si Daddy nalang ang pinagawa ko. His muscles are heavy!
Nilingon ko ang kanyang mukha at tinapik tapik ang pisngi.
“Tres!” I hissed.
“Hmmm…” he muffled with his eyes close.
“I can’t carry you… ang bigat mo!”
Kahit nahihirapan ay tumayo siya kaya mabilis ko siyang inalalayan lalo na’t nawawalan siya ng balanse dahil sa kalasingan.
“You’re heavy…” daing ko habang humahakbang kaming dalawa. He just groaned at nakapikit parin ang mga mata.
Nang makapasok kami sa kwarto ay sa sofa ko na talaga siya naibagsak dahil sa nangangalay kong kamay. Para ata akong nabalian ng buto dahil sa kanyang kabigatan. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at napabuga ng malalim na hininga. Parang bumalik sa aking alaala iyong araw na dinaganan niya ako. Oh please Red!
“It’s hot…” he blurted out as he unbotton some buttons of his polo. Mariin siyang nakapikit at hirap na hirap sa ginagawa dahil napapadaing pa talaga ito, nafufustrate.
Oh God. Guide me…
“Ako na nga!” naiinis kong inalis ang kanyang kamay at pinagtatanggal ang botones. Nanuyo ang aking lalamunan nang mapagtanto kong bumabalandra na sa akin ang matigas at may umbok niyang tiyan. Napaawang ang aking bibig at halos hindi makahinga. Wake up Red! H’wag mo namang pagsamantalahan ang tulog! Maghunus-dili ka gaga!
Mariin akong pumikit at tuluyan iyong hinubad sa kanya. Nang nagtagumpay akong kunin iyon ay tumalikod agad ako. Mas napahinga ng maluwag.
“It’s still hot…” Narinig ko ang tunog ng zipper na bumababa sanhi para mabilis akong mapaharap ulit sa kanya at dali-daling hinawakan ang kanyang kamay. Oh my gosh no! There’s no way in hell I’ll let him strip! No way! No way!
“H’wag kang maghubad rito Tres. Irah is here!” I hissed angrily. Nilingon ko pa ang anak kong nasa kama lang naman, yakap yakap ang kanyang Bun-bun at mahimbing na natutulog.
Siguro ay nakuha niya ang aking sinabi kaya natigil siya sa binabalak. Nilakasan ko nalang ang aircon para matigil siya sa kakareklamo.
“Fuck it’s hot…” ge growled.
Ngumiwi ako. “You’re just drunk.”
Hinilot niya ang ulo roon. He was lying down there like an effing hot model. Hindi magkasya ang mahahabang biyas at nakatungtong lang iyong paa sa dulo ng sofa habang nakaunan naman ang ulo sa kabilang dulo. Ni hindi ko maalis ang titig ko sa topless niyang katawan. How come he manage to look so perfectly hot even when he’s not in his senses?
“Can you manage to stand?” Nilapitan ko siyang muli. Kinuha ko ang kanyang braso at akmang tutulungan siyang makatayo para ilipat sa kama nang hinila niya ako.
Bumagsak ako sa kanyang dibdib. Para nga itong inaapoy sa lagnat dahil sa init. Bacardi pa naman iyong ininom nila kaya hindi na nakakapagtaka. Mukhang sila itong uminom ng grabe ni Troye dahil alam nilang wala naman silang kasamang pamilya. Teka… siya rin naman ah? Alam niyang magmamaneho siya pauwi pero uminom parin ng marami.
Tatayo na sana ako nang nagulat nalang ako dahil hinawakan niya ang aking beywang at walang ano-anoy hinila lalo. Umangat ako ng ilang sandali pero nalaglag rin sa gilid ng sofa.
“T-Tres…” Akma akong babangon sana nang idinagan niya sa akin ang kanyang hita at isiniksik naman sa aking leeg ang kanyang mukha. Oh hell.
“I don’t know if it’s the alcohol causing me to lose my mind or it’s just you…” he breathe deeply on my neck as he whispered those things to me that made me swallowed hard.
“L-Lasing ka lang…” I tried to say it.
“Alam kong lasing ako kanina… Pero mas nakakalasing ka.” he said as he gently sucked the skin of my neck making me to arched a bit. It was a little bit of pain and heaven. Nakakalasing ang ginagawa niyang iyon at halos pigilan ko ang aking sarili sa pagdaing.
“We n-need to take things slow… T-Tres… K-Kakabigay ko palang ng second chance s-sa’yo…”
I bit my lip when I felt his tongue on the skin of my neck. Taliwas sa aking sinasabi ang sinisigaw ng aking katawan. Gosh… I missed this…
He stop midway. Kahit ako ay natigilan rin. Niyakap niya ako at humingang muli ng malalim sa aking leeg.
“I know… I’m holding back don’t worry…” he said in a hoarse voice.
May kung anong nadismaya sa akin. Pero kahit papaano ay kumalma ako sa kanyang tabi. He was just hugging me silently. Nakatagilid siya at nakaharap sa akin ng buo. I can feel his warmth. I can smell his manly scent. Even his breath on my neck is such a tease… tila isang panibagong pagsubok ang ibinigay sa akin na kailangang kong malampasan.
“Nag-usap kami ng lalake mo,” panimula niya na ikinasimangot ko.
“Hindi ko lalake si Marco, Tres. He’s a brother to me…” Parehas lang talaga sila ni Marco ng tawag sa isa’t isa!
He just tsked and sniffled my neck. “We talked and he told me you were happy.”
“I am,” nilingon ko siya. I can’t see his face clearly. Ibinabaon niya iyon sa aking mukha. Ngumuso ako. Ba’t ba kami nahulog sa ganitong posisyon?
Tumahimik siya. Akala ko ay nakatulog na pero mukhang hindi pa pala dahil sa kanyang malalim na buntong hininga.
“Did you love someone else aside from me?” Mahina lang iyon pero malalim ang boses.
“Yeah…” sagot ko na ikinaigting ng kanyang panga at mas isiniksik ang mukha sa aking leeg. Tumutusok roon ang matangos niyang ilong na kahit ang kanyang labi ay nararamdaman ko na. He groaned. Tila galit na galit sa aking sagot. Medyo nakiliti ako at nakagat ang pang-ibabang labi, nagpipigil ng ngiti.
“Mahal na mahal ko si Irah higit pa sa sarili ko.” sabi ko sa kanya na unti-unti niyang ikinakalma hindi kagaya kanina.
“Alam mong seloso ako binibitin mo pa. Nagiging kriminal na ako sa utak ko at kung sino sino na ang napapatay kong mga lalakeng nakapaligid sa’yo.” pag-amin niya.
Di ko alam kung gawa iyon ng alak kaya umaamin na siya sa tunay niyang nararamdaman o malakas na talaga ang loob niyang h’wag ng itanggi ang mga bagay na madalas niyang itanggi noon.
I blushed hard and can’t help not to smile slyly. Dapat naiinis ako di’ba? Dapat wala na. Pero paano ako magpipigil kung hindi naman ganoon katibay ang pader na binuo kong harang sa kanya. Kayang kaya niya iyong gibain at pumasok ulit. Si Tres na ito…
“If you’re just my wife right now…” his hand went to my tummy, slowly caressing it.
I gulped. “H-Huh?” namamaos kong sabi.
“I won’t let you sleep tonight.” he said huskily and planted small kisses on my neck making me shiver. Nang-aakit ang kanyang mga galaw at binubuhay lahat ng namamahingang maliliit na hibla sa buo kong katawan. Katulad ng nagagawa niya sa akin noon, ganoon parin ang kanyang epekto sa akin ngayon.
Sinikap na magpigil ng nararamdaman. Ako ang nasa tamang huwisyo at siya ang hindi. Pero sa ginagawa niya, nawawala narin ako na akala mo ay lasing rin katulad niya.
“But too bad you’re not.” he stop from doing something on my neck and from caressing my tummy. Literal akong napasimangot. Di ko alam kung natutuwa ba ako o nalulungkot. Hindi na naman ito ako. Iyong marupok na Red na naman ito.
“Yeah, too bad.” I blurted out that made him chuckled. Doon ko lang napagtanto na sinang-ayunan ko pala iyong panghihinayang niya. What the hell.
“I mean, it’s a bad news for you and a g-good news for me. Hindi ako nadidismaya ’no. Natutuwa pa nga ako kasi naman kakabigay ko lang ng tsansa tapos bibigay agad ako purket ang hot mo ngayon at purket matagal na iyong huli natingㄧhis hand stop me from saying things. Doon ko lang rin napagtantong nakakahiya ang pinagsasabi ko.
He tsked. “You’re still that talkative girl huh…”
Napakurap-kurap ako. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko na magawa dahil sa nakatakip niyang kamay sa aking bibig.
Niyakap niya ako ulit ng mahigpit. Sa kabila ng masikip kong kalagayan, hindi ko magawang magreklamo dahil narin gusto iyon ng aking katawan. Gusto iyon ng nagwawala kong sistema na malapit ang kanyang katawan sa akin. Ang marupok na isa kong katauhan ang may gusto noon.
“Since you’re not my wife yet, let’s just sleep. Sa susunod, magpupuyat na tayong dalawa.”
Chapter 59
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love. -PrfctlyStbbrn
I’m willing
Paggising ko, mag-isa nalang ako sa kwarto at nasa kama na. Naalala ko na nakatulog ako sa sofa!
Nahilamos ko ang aking mukha at bumuntong ng hininga. Pero nang makita kong wala narin si Irah sa aking tabi na kahit ang Bun-bun niya ay wala, nagpanic na ako.
Mabilis ang aking paglabas sa kwarto at nagtatakbo na palabas.
“Irah?!” Nasa hagdan palang ako ay nagsisigaw na ako. Ang bilis pa ng kalabog ng aking dibdib.
I saw Marco on the sofa. Minamasahe ang sariling ulo pero nang makita ang aking pagpapanic ay natigil.
“What’s happening to you?” tanong niya at nalaglag ang tingin sa aking leeg. Nagkasalubong ang kanyang kilay. He’s even topless early in the morning. What’s new anyway?
“Where’s Irah?” agaran kong tanong. Imbes sumagot, itinuro niya nalang ang kusina at hindi matanggal tanggal ang tingin roon sa akin.
“Mommy I’m here!” sigaw rin ng aking anak sanhi para huminahon ako. Natampal ko nalang ang aking noo at natawa. I thought nilayasan na naman ako ng batang iyon.
“Hangover, Marco?” tanong ko sa kanya na ikinatango niya lang. I laughed at him. Buti nga sa kanila. Nagpapasobra eh.
Pumasok ako sa kusina at nadatnan roon ang mag-ama. Kapwa pa napalingon ang dalawa sa akin at nasa leeg agad ang tingin. Okay? What’s with my neck?
“Morning,” they both greeted me. Sa pagkakasabay, di ko na alam kung sino ang uunahing tingnan dahil sa nakakalito nilang mga mata.
“G-Good morning,” I tried to smile.
Irah was hugging her Bun-bun using her other hand while the other was holding the spoon. She’s eating something healthy. Wow.
Hindi ko magawang tingnan ng matagal si Tres dahil sa kanyang imahe. He’s topless with a messy hair and his serious looking face. May kung ano siyang niluluto at nagkakasalubong pa minsan ang kilay habang kinakagat kagat ang pang-ibabang labi. I swallowed and went to my daughter. Gandang bungad sa umaga ah?
“Wow, you’re eating veggies early in the morning!” natutuwa kong sabi nang tabihan ko siya. I combed her hair using my fingers while watching her eat. Minsan, tinatapunan ko ng tingin ang ama niyang tinatapunan rin ako ng tingin. Para kaming may lihim na relasyon sa ginagawa naming nakaw tingin damn it.
“Daddy cooked it for me and it’s delicious, Mommy.” sabi niya, walang pagtutol sa mukha at sumubo ulit. Ganadong ganado siyang kumakain.
I smelled Tres’s scent at my back. Ang kanyang braso ay nasa aking gilid na at naglapag ng mug sa aking harapan. It’s a coffee latte. Nang lumingon ako ay nagsisi lang ako dahil ang tiyan niya agad ang bumalandra sa akin. It looks hard…
“S-Sana ginising mo ako. Ako sana ang nagluto…” Nakanguso ko siyang tiningala na ngayon ay nahulog narin ang tingin sa akin.
“You look tired,” kibit-balikat niya at may pinaparating roon.
Inisip ko ng mabuti ang nangyari kagabi. Wala naman ah?!
“I’m talking about Irah’s birthday party. H’wag kanang magsalita kung ayaw mong mapahiya pati sa anak mo.” sabi niya sa akin nang umawang na ang bibig ko.
Natutop agad iyon at inirapan siya. “Iyon rin sana ang sasabihin ko.” sabi ko at sumimsim roon sa gawa niyang kape. It tastes good! Ang sarap sarap na atang gumising kung ganito kasarap na kape ang bubungad sa’yo.
“Daddy, did you claim Mommy last night?” tanong ng aking anak na ikinalaki ng aking mga mata. Where did she get that word oh my gosh!
She pointed my neck. “I’ve seen that mark on Dada Marco’s neck. He told me it’s a mark to claim someone yours…” she said innocently. Really Marco? Iyon pa talaga ang rason mo ha. But wait?! M-May pantal ako sa aking leeg? Minarkahan niya ako kagabi?!
Tiningala ko si Tres at mariing tiningnan.
“Minarkahan mo ako?” halos pabulong kong tanong sa kanya na ikinakibit niya ng balikat.
“Gusto rin naman kitang mapasaakin kaya tama lang na minarkahan kita.”
Oh shit. Now I’m blusing hard.
Irah shut her mouth up at balik na sa pagsubo subo ng pagkain na akala mo wala siyang ganoon na tanong. Ako lang itong nagbibigdeal sa sitwasyon at hindi mapalagay sa aking upuan dahil sa labis na nararamdaman habang si Tres ay nagpatuloy na sa pagluluto. These two are really bestfriends! Lahat ata ng bagay ay magkakatulad sila!
Pumasok naman ang aking Daddy kaya napatayo na ako sa aking upuan at nagtungo sa kanya. I hugged him tightly and kissed his cheek after.
“Good morning, Daddy…” I smiled sweetly.
“Good morning, sweetie.” bati niya at may matamis ring ngiti.
“Morning Lolo!” pagbati rin ni Irah na ikinatawa ni Daddy sa tuwa.
“Good morning, apo.”
Tinabihan niya ang aking anak. Naglapag naman ng panibagong kape si Tres na pinasalamatan rin ni Daddy. Nag-uusap na sila ni Irah ng kung ano ano at kinukwento sa kanya ng bata iyong mga natanggap niyang mga regalo. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nanonood kay Daddy na ngumingiti at kausap si Irah. I can’t still believe na malaya na siya.
Napansin ko ang paninitig ni Tres sa akin, bumaba pa ang tingin sa aking leeg at nakagat ang labi, nagpipigil ng kung ano. Itinabon ko nalang ang aking buhok roon para hindi na mahalata pa ng iba.
Umupo ako roon sa dulo. Natapos naman si Tres roon sa kanyang niluluto at inilapag iyon sa aking harapan. Kahit si Daddy ay meron narin. Sa plating palang sarap na sarap na ako.
Katabi ko siya habang kumakain. Silang dalawa na ni Daddy ang nag-uusap tungkol roon sa mga properties namin na isasauli na raw ng gobyerno. And they’ll pay for the damages! Pwede narin daw itong bumalik sa kanyang pwesto. Lahat ay balik na sa dati. Maliban nalang sa isang bagay.
“I’m sure tuwang tuwa si Mommy pag nalaman niya ang lahat ng ito, Dad.” sabi ko na ikinangiti niya sa akin.
“I’m sure she will…”
Sumubo nalang ako at hindi na ipinahalata ang panibagong emosyong nararamdaman lalo na’t nasa akin ang tingin ni Tres, naninimbang. Sure ako masaya rin si Mommy roon sa heaven. Baka nga ngumingiti rin siya habang pinapanood kami rito at binabantayan always.
Laking pasalamat ko talaga sa kaingayan ni Troye sa umaga at nalihis lahat ng atensyon namin. Nawala iyong naninimbang na tingin sa akin ni Tres.
“Why am I so wet?! Even my bed! May naikama ba ako at naligo ako sa pawis?!”
Natampal ko nalang talaga ang aking noo dahil sa kanyang bunganga.
“Irah’s father did that to you.” narinig kong sabi ni Marco. Si Tres sumubo lang. Walang pakialam kung ipinasa sa kanya iyong kalokohan nila kagabi.
“Si Tres?! Ikinama ako?! Sinasabi ko na nga ba’t nababakla iyon sa katawan ko.” He was even proud to say it loudly at mukhang naglalakad na papunta rito.
“Irah yung Daddy moㄧnatigil siya sa kakadaldal na kahit ang kanyang paghakbang ay naantala pa nang makita kami rito. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang matagpuan si Tres sa tabi ko na nasa kanya narin ang tingin. Namumutla na siya at napalunok pa ng laway.
“I’m what?” tanong ni Tres sa baritono niyang boses na ikinailing-iling ni Troye.
“Tinapon ka nila Klint at Marco sa swimming pool last night. Kamuntik kanang mamatay sa pagkalunod kagabi Troye.” sabi ko at tinawanan siya.
“Nakaligtas ka ngayon Troye pero mukhang mahahatulan ka rin ng pagkabitay ngayon!” sabi naman ni Marco at tawang tawa na roon.
Mabilis na tumakbo si Troye at mukhang hinabol si Marco. He was cursing loudly habang si Daddy naman ang nagtakip ng tenga ni Irah. We both chuckled maliban sa mag-ama na walang kareareaksyon ang mukha. Mga blangko.
Pinanood namin ng araw na iyon sa news na puro si Daddy ang laman. Napatunayan na talaga ito na inosente at pinagbabayad na ng malaki ang may sala. Sa galing ni Tres, napunta iyong hatol sa kalaban na life imprisonment. Naaawa ako sa pamilya nito but he’s at fault! He needs to pay. Lahat ng utang, dapat bayaran.
My days went well. Naging busy si Daddy kakaasiko sa mga properties namin na nabawi na. Nabili na ulit namin ang mansyon dahil iyon nalang ang memorya namin kay Mommy. May mga media paring humahabol sa amin para kunan kami ng pahayag but I just remained silent. Hindi naman ako naging open sa public kahit na anak ako ng senador. Gusto ko ng maging tahimik nalang pero mukhang malabo dahil kilala na ako ng buong mundo. Wala ng pang-iinsulto at lahat nalang ay pamumuri. Hanga sila sa aking katatagan.
“H’wag mo namang gawin ito sa akin, Irah…” maluha-luhang sabi ni Troye habang tinutulungan ang aking anak sa pag-iimpake.
“Dada Troye you’re oa.” sabi ng aking anak sa kanya habang tinitingnan itong nagpupunas ng kanyang invisible tears.
“Lalayasan mo na ako…” sabi ni Troye.
“This is not your house anyway. Nakikitira ka lang rin like us.” sabi ni Irah na ikinatawa ko. Ayan! Dramahan mo pa Troye!
“Grabe ang batang ito. Siya lang ata ang babaeng kaya akong saktan ng ganito Red!” Nasapo niya ang dibdib nang nilingon ako.
“She’s right, Troye. Nakakaabala na tayo sa mag-asawa. Ikaw kung gusto mong tumira sa mansyon pwede naman.”
Nagdesisyon kasi kami na lumipat na sa dati naming mansyon since sa amin na ulit iyon. Kahit si Marco ay sasama sa amin. Si Troye lang talaga itong mahilig magdrama.
“Eh nagkabalikan na kayo noong ex mo. Pag nagkataon titira narin kayo sa iisang bahay.” sabi niya pa. Gusto ko sanang sabihin na we’re taking it slow kaso sumingit agad si Irah.
“Just get married Dada Troye and stop spreading fake love.” sabi niya pa. Napapansin ko sa batang iyan simula noong narinig niya iyong salita na iyon sa kanyang ama ay paborito niya naring gamitin. Naging motto niya na ata sa buhay.
“I am not spreading fake love Irah!”
“You’re spreading fake love with different girls.” sabi pa ni Irah na akala mo kaedad lang namin.
“I don’t spread fake love with them. I only spread legs.” Humalakhak si Troye na natigil rin dahil sa pagsampal ko sa kanyang mukha. Nanglalaki ang kanyang mga mata at nahawakan ang pisngi. Di naman malakas! Ang oa!
“Tigilan mo nga ang kakasabi ng mga kalokohan mo kay Irah, Troye! You know she easily cope up with the words she hears! Gagamitin niya iyan!”
“Grabe kayong mag-ina. Kayo lang ata itong malaya akong sinasaktan. Iyong iba kaya kong paluhurin sa akin pero kayo…” Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Irah. Nailing ako at hindi na nag-usisa roon sa sinasabi niyang napapaluhod niyang mga babae. Kailan ba iyan naging banal?
“Ako sa’yo Troye magpakasal kana. You’re a well payed engineer at pwede kanang mag-asawa! Tigilan mo na nga iyang pambababae mo. Stop playing with them.” sabi ko sa kanya nang lumabas si Irah dahil tinatawag ni Marco.
Humiga siya sa kama at inangat sa ere iyong Bun-bun ni Irah. Ang sarap talagang ibugaw ang lalakeng ito sa babaeng mapapatino siya.
“Babae ba itong si Bun-bun?” tanong niya sa akin dahil sa kakatitig roon sa laruan. Nailing ako. He doesn’t really care at all! Siguro kahit pamisahan ko iyan at padasalan ay hindi parin siya matatablan. Para siyang nadedemonyo diyan sa pambababae niya.
“You’re hopeless! Pati laruan ng anak ko di mo pinapalampas!” Kinuha ko sa kanya iyong rabbit at isinilid rin sa bagahe ko. Pati ang iba kong damit na hindi ko pa natutupi ay hinigaan niya.
He chuckled. Bumangon siya pero hindi gaanong tuwid. Nakatukod ang magkabilang kamay sa kanyang likuran at halos humiga na. His legs were even spread apart. Troye is charming seriously. Gwapo ito at umaapaw sa karisma! He got this playful smile and beautiful tantalizing eyes! Siya iyong lalakeng gwapo pero alam mong manloloko? Iyong aakitin ka lang sa kanyang kagwapuhan, sa ngisi at boom, wawasakin ka lang saka ka iiwan. Sila namang magkakaibigan ang ganoon. Pero mas malala ata itong si Troye dahil siya pa minsan ang nambubugaw sa mga kaibigan niya. Ewan ko ba diyan. Makahanap sana ng katapat!
Nagpaalam rin kami sa mag-asawa. Lilipat lang naman kami ng bahay pero may mga araw na magkakasama parin kami. Pwede naman silang bumisita roon. Si Troye lang talaga itong nagbibigdeal na akala mo naman sa ibang bansa kami lilipat.
“Mommy, why am I on the news?” tanong ni Irah sa akin kinaumagahan. She’s sitting on the sofa while crossing her legs and eating some cookies again. I saw her stolen shots and her different angles on the tv. Pinagpepyestahan siya dahil sa maganda niyang mukha at nadidiscover na.
“They’re praising you for being pretty, baby.” kinuha ko ang remote at pinatay iyon.
“Edi pwede na akong magmodel someday?” sabi niya na ikinakurap ko. Is she planning to enter showbiz? Sa kabanguhan ng kanyang pangalan ngayon, pagkakaguluhan siya ng kabi-kabilang agencies.
“If that’s what you want…”
“I want to be like Daddy. He’s in magazines, tvs, news…”
“Because he’s a great lawyer Irah. He’s not a model.” I chuckled. Well, he got the image to be one anyway.
“I want to be on magazines too, Mommy. I want it like Daddy.” pag-uulit niya.
She’s just 5 and maybe magbabago pa ang isip niya paglaki niya. Gusto kong ilayo siya sa magulong mundo ng showbiz. Mahirap maging isang public figure. Ayoko lang na matulad siya kay Daddy na hinusgahan ng buong mundo dahil lang sa isang maling akusasyon.
Kahit noong bata ako, maraming nag-ooffer sa akin na maging modelo o kaya ay pasukin ang mundo ng showbiz pero tumatanggi palagi si Mommy. Nakikita niya rin kasing mas mahilig akong maglaro at mag-adventure. She wanted me to enjoy my life.
“Mommy! Your suitor is here!” sigaw ni Irah nang dumating na ang kanyang Daddy. We’re dating… ilang araw narin. At palaging kasama si Irah.
I hurriedly went downstairs. I just wore a loose croptop and highwaist pants paired with sandals. Nasa grand staircase palang ako ay nasa akin na ang dalawang pares ng kanilang mga mata. Tres’s lips were parted a bit as he watched my moves. Wala siyang pinapalampas at malalim ang titig sa akin.
“She’s seducing you, Daddy.” narinig kong sabi ni Irah, nakahalukipkip.
Tumango-tango si Tres. Dinilaan ang pang-ibabang labi at nilingon ang anak.
“And I’m seduced. She’s good at it back then.”
Namumula ang aking pisngi at itinuon sa hagdan ang aking tingin. Natatakot akong malaglag dahil nanginginig na naman ang aking tuhod at hindi na makapaglakad ng maayos.
“Ba’t niyo ba ako palaging pinagkakaisahan?” nakanguso kong tanong sa dalawa nang makarating ako sa kanilang harapan.
“Same feathers flock together Mommy.” sabi niya habang pinaglalaruan sa kanyang daliri ang dulo ng kanyang buhok. She’s wearing a cute dress with ribbons.
“But you look like me, baby! Ako dapat ang kakampi mo!” Ngumuso ako na ikinatitig lang ni Tres sa aking mukha.
“Don’t worry, if Daddy hurts you then my full support is on you.” she said surely.
Nalusaw ang puso ko, napangiti na ng matamis.
“But you know it’s never going to happen. He’ll never hurt you so just forget it.” Irah giggled while Tres chuckled. Napasimangot ako nang mapagtantong kampi talaga siya sa kanyang Daddy.
“Wala akong kakampi…”
He snaked his hand around my waist and pulled me closer to him. Nitong mga nagdaang araw ay ang clingy clingy niya na. Just because we’re okay now ay balik narin siya sa dating pakikitungo sa akin.
“Kakampi mo ako. Sa lahat ng bagay.” bulong niya sa akin na ikinapula ng aking pisngi.
“Aside from our daugther. I’m the one who’s going to discipline her.” sabi niya agad na ikinanguso ko.
“Edi ano nalang ako?” tanong ko sa kanya.
“Asawa ko,” kibit-balikat niya at kampanteng-kampante pa sa sinabi.
I blushed hard. Bumibilis na naman ang kabog ng aking dibdib at hindi mapigil ang sarili.
“Don’t get too excited. Manliligaw palang ako.” he chuckled.
Umirap ako. Akala niya naman!
Our days were perfectly fine. Palagi kaming masaya kahit na pinagkakaisahan ako ng dalawa ay natatawa nalang ako. Ang nawasak kong puso ay unti-unti ng nabubuo. Bumabalik ang dati kong nararamdaman sa kanya na araw araw ring lumalala. Ibang iba na siya kumpara noon na halos magmakaawa pa akong idate niya ako at lumabas kaming dalawa. Ngayon ay madalas na kaming kumain sa mga Restaurants at nauuwi sa pagroroadtrip naming tatlo. I guess I never abandoned the love I have for him. Itinago ko lang iyon sa aking loob. Para iyong itinago ng sarili kong puso at naghihintay lang na si Tres mismo ang pumukaw ulit noon.
Maingat na inilapag ni Tres ang anak na mahimbing na natutulog sa sarili nitong kama. Napagod ito sa kakakanta ng malakas sa likod ng kotse ni Tres habang nagroroadtrip ulit kami kanina. Sa sobrang pagsasaya, pauwi palang kami ay nakatulog na ito sa likuran.
Hinalikan niya ito sa noo at binulungan ng kung ano. Nang matapos siya ay ginawa ko rin iyon at binulungan ng goodnight si Irah. She was peacefully sleeping while hugging her Bun-bun.
Lumabas rin kaming dalawa sa kwarto nito. Sandali kaming nahinto sa tapat lalo na’t sumandal pa siya sa pinto at humalukipkip roon. His eyes were watching me closely as I tried to smile at him.
“Thank you for driving us home.” sabi ko.
“It’s my duty as your suitor and a father to drive you and Irah home safely.” sabi niya na ikinapula agad ng aking mga pisngi. Pinaninindigan niya talaga ang pagiging manliligaw niya sakin.
Hindi ko alam kung saan itutuon ang buo kong atensyon. Gumagala iyon sa kahit saan maliban sa kanya na nakasentro ang malalalim na paninitig sa akin.
“So… uuwi kana?” tanong ko.
“Yeah,” medyo namamaos ang boses na iyon.
“Kung gusto mong matulog rito… uh, p-pwede ka naman sa kwarto ko…” Now I’m really back. Nagiging marupok na naman ako sa kanya at hindi nag-iisip ng matino. Gaga ka talaga Red.
Umangat ang kanyang kamay sa kanyang pang-ibabang labi at pinisil-pisil iyon. Tila nag-iisip ng mabuti sa alok ko.
“Well, as long as you promise not to watch me sleep with a grin on your face.”
Nalaglag ang aking panga. Pulang pula ang aking pisngi at napasimangot na.
“I’m not like that!”
Ngumisi siya at tumuwid ng pagkakatayo. Ibinulsa niya ang kamay at nagsimula ng maglakad kaya sinundan ko siya.
“My room is over there…” I pointed it while I’m walking with him.
“I’m not going to sleep here tonight.” Nginisihan niya ako na ikinapula na lalo ng aking mukha. Lumebel siya sa akin, sinuri ng mabuti ang aking mukha at nakapamulsa parin.
“Stop seducing your suitor, Christienne…” he said in his deep voice.
Ngumuso ako. “A-Akala ko kasi dito ka matutulog. ’Tsaka gabi na… nag-aalala lang ako b-baka may mangyaring masama sa’yo…” Hindi ko siya halos matingnan sa mga mata. Ang lapit lapit pa ng kanyang mukha.
“You’re really not good at reasoning out.” he said and licked his lowerlip.
“E-Edi ikaw bahala!” Lumayo ako sa kanya at naunang maglakad pababa. Nasapo ko ang sariling dibdib kong hindi ko na makalma at nailing nalang. Gosh heart, calm down…
Bumaba rin naman siya. Nasa harap na kami ng pinto nang humarap akong muli sa kanya.
“Mag-ingat ka ha? And uh… g-good night.” I lean closer to him and tiptoed to kiss his cheek. Ngumiti ako sa kanya ay nahihiyang lumayo ulit.
I tried to smile merilly. Masyado nang malalim ang kanyang paninitig. It’s look like he was shock because I kissed his cheek.
“It’s a goodbye kiss.” ngumuso ako at handa nang hilain ang sliding door na kumukonekta sa labas kung hindi niya lang ako iniharap sa kanyang muli.
He slammed me on the door and pushed himself closer to me as he kissed me deeply. Tumakas ang daing sa aking bibig nang maramdaman ko ang init ng katawan niya sa akin. Kumalabog ng husto ang aking dibdib habang tinutugunan ko ang mapangahas niyang mga halik.
Marahas ang kanyang galaw at mabilis na halos hindi ko na masabayan. Yumapos ang aking kamay sa kanyang leeg at tinugunan ang halik niyang malalalim at may pinupunto.
“Fuck…” he breathe deeply inside my mouth and touched me down there. Humalinghing ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa suot kong pants. He was rubbing me there while his tongue found it’s way in inside. Gumagala na iyon at nakipaglaro sa aking dila.
Nahawakan ko ang kanyang buhok at halos sabunutan ito dahil sa sensasyong binubuhay niya sa aking katawan. I pulled him even more closer kahit na sobrang dikit na dikit na kami sa isa’t isa. Ang tanging maririnig lamang ay ang mararahas naming paghinga at ang ungol na tumatakas sa aking bibig.
Narinig ko ang pagkakabukas ng aking zipper at halos mabaliw sa hinihintay kong sunod niyang gagawin. Kaso biglang bumukas ang pinto na halos ikagulat naming dalawa. Kung hindi naipulupot agad ni Tres sa aking beywang ang kanyang braso at idinikit ako lalo sa kanya ay bumagsak siguro ako.
Tres immediately buried his face on my neck as he hug me tightly. Ang isang kamay ay pasimple ng isinasara ang aking zipper.
I’m sure it was my Daddy! I tried to catched my breath as I composed myself from being drown in lust. What the hell, Red!
“See you tomorrow, Christienne.” kalmado niyang sabi na ipinagsalubong ng aking kilay. Okay?
He pulled away and acted like nothing happened. Pasimple akong lumingon sa likuran at nakita ang ngiti ni Daddy.
“Oh… Nakadisturbo ba ako?” ani Dad at mukhang nagsisi sa pagsulpot.
Umiling ako at hinanap agad ang mga ni Daddy. Nakapamulsa na ni Tres, tila naayos na ang sarili habang ako itong abot abot parin ang kaba sa dibdib. Feeling ko teenager ako na nahuling nakikipagmake-out sa boyfriend ko!
“Where’s Irah?” tanong niya.
“Nasa kwarto niya na po, Daddy. Maagang nakatulog.” Tumango tango siya at binalingan si Tres.
“If you want to sleep here then you can. May anak na kayo at hindi mo na kailangang umuwi pa sa bahay mo. Bahay mo narin ito, hijo.” sabi ni Daddy na ikinalunok ko, pasimple paring hinahabol ang hininga dahil sa nangyari kanina. Gosh…
“It’s okay Tito.” sabi ni Tres sa kalmadong boses, walang makikita sa ekspresyon na may ginawa kami. Well, aside from his messy hair… I bit my lowerlip just to stop myself from giggling.
“Sa higpit ng yakap mo dahil sa pamamaalam sa aking anak kanina mukhang mamimiss mo siya ng husto.” Humalakhak si Daddy kaya tumawa narin ako ng pilit. Kung alam mo lang Daddy…
“P-Pinipilit ko nga siyang magstay nalang Dad kaso gusto niyang umuwi…” Ngumuso ako at tiningala siyang nagtataas ng kilay sakin.
“Wala kanang magagawa roon, Christienne.” sabi ni Dad.
“Ihahatid ko lang po siya sa labas, Daddy…”
Tumango si Daddy. Tres bid his goodbye to him kaya pinayuhan siya ni Dad na mag-ingat sa pagmamaneho. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan kaming makalabas.
“Akala ko talaga mahuhuli na ako ni Dad…” nahawakan ko ang dibdib kong sobra sobra kung makapintig kanina. Para akong aatakihin sa puso!
“Buti nalang talaga at nakaisip ka agad ng paraan! Nalusutan mo.” humagikhik ako at tiningnan siyang nakabusangot. Doon ko lang rin napagtantong hindi kami natuloy.
“I badly want to take you home. Doon walang disturbo.” suplado niyang sabi. Halata ang inis roon.
Nahihiya akong yumuko. Gusto kong sumama sa kanya kaso ayoko namang isipin niyang napakapusok ko! Red alam niya na. Sa kilos mo kanina doon palang sobrang marupok kana!
“Nagbago na sana ang isip ko at dito na matutulog,” he even tsked. Di ko alam kung galit siya kay Daddy o galit siya dahil naputol iyong ginagawa namin.
“Edi dito,” I blurted out.
Imbes matuwa sa sagot ko ay mas napabuga siya ng marahas na hangin. Akala mo problemadong problemado.
“Kung hindi lang talaga ako marunong magpigil, naanakan na siguro kita ng marami.”
Ngumuso ako at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Para tuloy lumalabas na ako itong palaging game… It wasn’t my fault! K-Kung hindi niya lang ako sinusunggaban edi walang mangyayari!
Nasa labas na kami ng gate. Tiningnan ko sandali ang nakapark niyang kotse saka siya tiningnan ulit. Nalulungkot ako dahil kailangan ko pang matulog ng walong oras para makita ulit siya.
“Pupunta ka dito bukas?” tanong ko na ikinatango niya, namumula ang labi at basa iyon dahil sa kanyang kakadila.
“Ididate mo ako?” Tumango ulit siya, nakagat na talaga ang pang-ibabang labi habang nakapameywang. He looks frigging hot! Model.
“I’ll call you when I get home. I know you’re going to miss me.”
Ngumuso ako. “Dapat lang tumawag ka. Di talaga kita sasagutin.”
Umangat agad ang kanyang kilay. “Hindi purket nanliligaw ako nanghihingi na ako ng sagot sa’yo. Nililigawan kita dahil gusto ko.”
Okay?
“Ayaw mo ng sagot?”
Umiling siya. “I am not asking anything.”
Suminghap ako. Eh anong klaseng pangliligaw ang ginagawa niya? Edi hindi talaga kami magiging official?
“Paano kita sasagutin?” nalilito kong tanong.
Sinenyasan niya akong lumapit lalo sa kanya. Humakbang rin naman agad ako at inukupa ang namamagitang espasyo sa amin.
His hand wrapped around my waist while the other was holding my chin. Inaangat niya iyon para hindi ako makapag-iwas ng tingin sa kanya.
“Do you love me?” tanong niya na ikinalunok ko. Namumungay ang kanyang mga misteryosong mga mata at ibang iba sa nakasanayan kong titig. Tila isang madilim na kalangitan, katulad ng nasa itaas, ngunit kumikinang ang maraming bituin roon at sobrang nakakaakit titigan.
Wala sa sarili akong napatango. Nahuhulog sa malalalim niyang paninitig, malalim na boses at sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.
“Yes,” sagot ko. “Yes…” inulit ko pa.
His lips parted a bit and licked his lower lip.
“Iyon lang ang tanong ko na sasagutin mo Christienne. I’m not going to ask you as my girlfriend but I’m willing to court you. I’m not going to ask you to be my wife but I’m willing to marry you. I don’t need your damn answers. All I need is your love then I’m willing to spend the rest of my life with you forever.”
Sa sobrang sincere ng kanyang pagkakasabi, kusang umagos ang luha sa aking mga mata. I am not expecting this coming. Akala ko talaga nililigawan niya ako dahil gusto niya kaming magsimula sa umpisa. Gusto niyang sagutin ko siya. Pero iyong narinig ko ang kanyang mga rason, nagbago ang pananaw ko sa lahat ng bagay. Na akala ko, kaya nililigawan ng isang lalake ang babae dahil iyon ang gusto ng babae bago ito maging girlfriend niya. Pero si Tres, sapat na iyong isang tanong at isang sagot. He’s not going to ask anything from you but he’s willing to do everything without asking anything in return.
“N-Nakakainis ka… p-pinaiyak mo ako.” reklamo ko habang panay ang punas niya sa luhang tumatakas sa aking mga mata.
He planted a kiss on my lips and hug me tightly as he whispered something to me that made me cry harder.
“I will make you happy for your whole life.”
Chapter 60
Vote. Comment. Be A Fan. Game of Love -PrfctlyStbbrn
Game over
“Why are you so early?” humikab ako pagkababa ko ng hagdan at nadatnan si Tres at Irah sa may sofa.
“For you not to miss me,” sagot ni Tres na ikinahagikhik ni Irah.
“Mommy you’re blushing early in the morning!” kantyaw ng aking anak at itinuro pa ako.
Ngumuso ako at nagtungo sa may counter. Sumunod naman agad si Tres at si Irah ay bumuntot rin. What’s with these two?
Nasa may pool ang ibang katulong at mukhang naglilinis roon. Walang cook sa kusina kaya ibinaling ko ang tingin kay Irah na tumango agad.
“I ate early. Daddy cooked my breakfast.” sabi niya agad. Ganoon ba kadaling magets ang tingin ko? Eh ba’t sila… ang hirap!
Tumango ako at akmang kukunin iyong mug nang may ibinigay sa akin si Tres.
“Coffee,” sabi niya at nag-angat pa ng dalawang kilay.
Sumipol sipol si Irah na akala mo marunong at nauuwi lang sa tunog “wiwiwiw”.
“Ang weird niyong dalawa.” sabi ko at sumimsim ng kape.
Kinarga ni Tres si Irah at ipinaupo sa counter.
“Daddy and I are planning for your weddingㄧ
Sa sobrang gulat, halos kamuntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape, kaso mas nagulat nalang ako nang tumakip agad ang labi ni Tres sa akin kaya sa kanya napunta iyon. Nanginig ang pagkakahawak ko sa mug na si Irah na mismo ang kumuha.
“And Daddy told me if I want another brother or sister but I said no. I don’t want to have a sibling. I want your full attention and I don’t want to share you both…”
Nagpatuloy sa kakadaldal si Irah sa aming gilid habang ako naman ay nanlalaki ang mata kay Tres na nakahawak sa dalawa kong pisngi at gumagalaw ang labi sa akin, parang sinisipsip ng marahan iyong coffee na mas nagiging matamis sa aking panglasa.
He pulled away and wiped the side of my lips and licked his thumb. Oh… Christ.
“I don’t want to spill it from your mouth,” kibit balikat niya at nagawa ng mamulsa sa aking harapan.
“Dad and I agreed so you need to agree too.” narinig kong sabi ni Irah na walang pakialam sa nangyari. What is she talking about? Kinukuha noong paghalik ni Tres ang buo kong atensyon.
Sa sobrang gulantang, magkakasalubong ang kilay kong tinitigan si Tres sa aking harapan na ngumisi lang ng nakakaloko. Paano nalang kaya kung nakasama ko na ang pilyong ito sa isang bahay? P-Pakiramdam ko mararanasan ko na iyong ‘pagod’ na tinutukoy ni Shy sa oras na asawa ka ng isang Buenaventura.
“Argh, Daddy! You’re distracting her!” sa inis ni Irah ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya. My cheeks got squeezed as I tried to maintain my sight on her.
“Mommy don’t get pregnant okay? I don’t want a baby brother or sister. I want to be the only child…” malambing niyang sabi na dapat iyon ang masunod.
“But isn’t it too lonely?” sagot ko.
“No! It’s not.” sabi niya pa.
“I’ll buy you a dog, baby.” si Tres naman na nakahalukipkip na at nakasandal roon sa pader. Nakakrus pa ang mga paa. Nakasimppeng itim na tshirt lamang siya ngayon and short.
“I don’t want a dog, Daddy!”
“Mana ka pala sa ina mong matatakutin rin sa aso,” makahulugan akong tiningnan ni Tres.
Napakurap-kurap ako. “H-Hoy, I’m a doglover!”
Umangat lamang ang kilay ni Tres, “hanggang ngayon ba ipipilit mo parin iyan?”
Ngumuso ako at dahan dahang nag-iwas ng tingin dahil sa namumula kong mga pisngi. Alam niya palang ayaw ko sa aso? But I already conquered my fear! Besides, naalagaan ko nga ng husto si Thirdy kaso dahil doon sa nangyari kay Daddy, ibinigay ko nalang roon sa katulong. Di ko na kasi maaalagaan iyon ng maayos at baka mapabayaan lang.
“I’ll buy some K9 dogs,” sabi pa ni Tres at makahulugan ang tingin sa anak na ngumunguso.
“But Daddy, I hate dogs…”
“For future purposes. Guards.” sabi ni Tres. Sabagay, malaki bahay niya at baka may umakyat na mga kawatan.
Umalis si Irah sa counter at mabilis na natuon ang atensyon sa paborito niyang cartoons. She was dancing and singing on the sala. Gusto ko sanang mag-assume na magiging singer siya sa future kaso sa boses niyang matinis, di na ako mangangarap.
“Breakfast?” tanong niya at lumapit na lalo sa akin. Tumango tango naman ako. He’s prepared huh?
Sumilay ang ngisi sa kanyang labi at walang ano anoy hinila ako sa beywang at isinandal roon sa pader. He’s fully blocking my small frame as he put his other hand at the top of my head for his support not to put his weight on me. Walang natirang espasyo sa aming gitna sa sobrang lapit niya. Ang kanyang kamay ay hindi niya inalis sa pagkakayapos sa aking beywang.
“A-Akala ko ba b-breakfast…” halos ibulong ko nalang iyon dahil sa mukha niyang unti-unti nang lumalapit sa akin.
“I want a hot morning with you first,” he said deeply as he leaned closer enough and slowly claimed my lips. Sa sobrang rahan, unti-unting nahulog ang aking mga mata sa pagpikit, ang isa kong kamay ay humawak sa kanyang braso habang ang isa ay nasa kanyang dibdib.
His soft lips nibbled my lower lip gently. Para siyang pumapapak ng isang marshmallow na pinaglalaruan muna ito sa kanyang labi bago niya tuluyang sinusubo.
I soft moan escaped my mouth as I immitate his hot actions. Walang kasamang dila roon pero sa bawat paghalik niya, sa bawat pagdaan ng kanyang labi sa akin, nahuhulog ako sa makamundong pagnanasa at ayaw ng tumigil pa.
“Irah might… see us…” I whispered between our kisses.
“Let’s just say our lips are talking closer…” he said.
“I don’t want a sibling!” narinig naming sigaw nito. No, she’s singing! Tila nagpaparinig.
Huminto ako, ngunit si Tres ay iginapang lang ang halik sa aking panga. He’s leaving small kisses while tracing my jaw up to my earlobe. I whimpered when I felt his lips slowly kissed the back of my ear. Lahat na ata ang balahibo sa aking katawan ay tumindig. Nakikita ko na ang imahe ni Irah na sumasayaw sa sofa at sinasabayan iyong nakikita niya sa tv.
“T-Tres…” Dapat ay patitigilin ko siya, pero sa boses na iyon, parang naghahangad pa ng kung ano.
He breathe deeply and stop midway. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin. His eyes were sleepy and deep.
“Hmm?”
“B-Baka ano… maturn on ka…”
“I’m always turned on,” kibit balikat niya at tumayo na ng tuwid. Inalis niya ang kanyang kamay na nakahilig sa itaas ko at ang kamay niyang nakayapos sa akin saka iyon ibinulsa.
Tuluyan akong sumandal sa pader at humalukipkip roon. Ayokong dumaosdos ng tuluyan dahil sa panginginig ng aking tuhod.
“How about me? Marupok ako,” pag-amin ko na ikinaangat ng kanyang kilay, nanghuhusga.
“When we get married, we need to schedule our hot making love session.”
What the heck?
“Ano?” natatawa kong tanong.
“Twice a day is enough. Before going to sleep and early in the morning.” sabi niya sa seryosong baritono niyang boses na akala mo ay nagpaplano ng mahalagang bagay.
Humagalpak ako ng tawa. Is he even serious?!
“Minimum of 5 rounds,” dagdag niya na ikinalaglag ng panga ko. What?!
“Kailangan nating habulin iyong anim na taon.” sagot niya dahil sa naging reaksyon ko.
Umiling-iling ako at natatawa. “No! Bahala ka! Mag-isa ka.”
“I am not asking for your approval.”
“Pero grabe naman iyon!”
“Ayaw mo?ㄧ
“Gusto!” nauuna kong sagot na ikinakagat niya sa kanyang pang-ibabang labi.
“Pag di ka pumayag, no choice ako kundi itali ka sa kama. I’ll dominate you in any ways…” he said seductively that made me swallowed. Oh hell.
He crouched a bit and leveled hisself to me. Maiging tinitingnan ng misteryoso niyang mga mata ang aking mukha habang nakabulsa parin. I can smell his manly perfume…
“Let’s be creative sometimes, Christienne. Since you’re the kind of girl who hates boring stuff, then I won’t let my wife get bored in bed…” he said huskily.
Napasinghap na talaga ako. Nanginig ang aking tuhod at unti-unting napadaosdos sa kinasasandalan kong pader hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Imbes tulungan ako at lubayan, lumebel lang ulit siya sa akin, mas nanunukso!
“Don’t be too excited. We’re not married yet…” sabi niya habang inaalis ang ilang hibla sa aking mukha at inaayos iyon ng mabuti, ang isang kamay ay nanatiling nakabulsa at hindi lang iyon, nakabukaka siya sa aking harapan! This Buenaventura si too much! Papatayin niya ba ako sa imahe niya?!
Hindi na ako nakasagot, ngumisi lang siya at hinawakan ang aking baba, hinahaplos iyon.
“I need to train my future wife to be fluent in silent when I’m making orders. All you have to do is nod and agree.” he leaned closer and kissed me on my lips and stood up after. Nakapamulsa sa aking harapan at nakayuko para tingnan ako ng maigi na wala paring kibo, nagugulat sa lahat lahat.
“Para kang takot na tutang inabandona sa kalsada,”
Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. Inosente siyang nag-iwas saka sumipol sipol pa. Kaya ginagaya rin siya ng anak niya sa pasipol sipol dahil gawain niya iyon!
“I’ll prepare your breakfast,”
Palagi ng nasa bahay si Tres. Minsan ay naiiwan kaming mag-isa kaya mas nagkakaquality time kami. Pinapasyal kasi ni Marco si Irah at minsan ay si Troye na talaga ang sumusundo. Walang mga girlfriend kaya itong anak ko ang dinidate nila. Pag umuwi ito ay samo’t saring paperbags na ang dala at puro pa branded. They’re spoiling her too much. Si Tres lang talaga ang magaling kumontrol sa kanyang pasaway na anak.
Umaga iyon nang makatanggap ako ng isang cryptic message sa unknown number.
Let’s meet today.
Nandoon rin nakalagay ang cafe na pagkikitaan namin. Sumunod naman ang text ni Yashin.
Binigay ko kay Hannan ang number mo, hinihingi niya eh.
Di ko sana ibibigay pero sabi niya gusto ka niyang makausap bago siya bumalik sa ibang bansa dahil sa modelling career niya.
Baka magsosorry, Red. Pero para makasigurado magdala ka ng kutsilyo at ilagay mo sa bag para mahiwa mo ang leeg pag may ginawang masama.
Natawa ako sa huling mensahe ni Yashin. That girl is really crazy. Pati kasi siya ay may galit na kay Hannan dahil fan siya ng loveteam kuno namin ni Tres.
Aaminin ko, may parte sa akin ang nagagalit pero may parte rin sa akin ang natutuwa dahil mukhang mapag-uusapan na namin ang nangyari sa aming dalawa. We can’t live like this forever. Mas mabuti parin iyong wala kanang mabigat na bagaheng dala araw araw. I am willing to accept my mistakes and say sorry to her if needed. Wala naman kasi ako noong pataasan ng pride eh. Mabilis malusaw ang aking puso at mabilis ring magpatawad. Ganoon ako ipinalaki ng magulang ko at nadala ko na hanggang pagtanda ko.
Naalala ko kasi iyong sabi ni Mommy. If you’re at fault then say sorry. If you’re not, still accept the fact that you’re not perfect and just say sorry. H’wag kang mabuhay sa mundo na nagtatanim ng galit dahil hindi ka naman perpekto. Walang hindi nagkakamali pero maraming hindi kayang aminin ang kanilang mali. Just forgive. It won’t kill you.
Pumunta nga ako roon sa cafe na pagkikitaan naming dalawa. I am wearing a dress paired with flats. Ni hindi ko na nasabi kay Tres itong lakad ko.
I saw her sipping her frappe with a slice of cake in front of her. Nang magkatinginan kami, tipid siyang napangiti at inilapag iyong frappe niya.
“Hey, thank you for coming.”
Tumango ako at umupo sa kanyang harapan, tipid na ngiti lang rin ang naibigay. I don’t want to fake this.
“Do you want something? Uh cake? Coffee?” tanong niya na ikinailing ko lang.
“Baka kasi hanapin ako ni Irah. Pinasabi ko lang sa katulong na may nilakad ako since tulog pa siya.” sabi ko sa kanya na maraham niyang ikinatango.
I eyed her. Iniwas niya sandali ang tingin at isinabit ang ilang hibla ng nakalugay niyang buhok sa likod ng tenga niya.
“I’m leaving so… I want to settle our friendship first, Red.” seryoso niyang sabi na ikinatango ko.
She sighed. “Aaminin ko, kasalanan ko. Di ko naman sinabi sa’yo na may gusto ako kay Tres simula pagkabata ko. I’m inlove with him more than anything else… na kahit ang pagkakaibigan natin ay kaya kong baliin para sa kanya.”
I maintained my eye contact on her. Seryoso siyang nagsasalita kaya minabuti ko munang pakinggan siya at intindihin ang sitwasyon. Kung dapat ba akong magalit o dapat malungkot.
“Leeland is inlove with me too but I don’t love him. But he’s willing to please me. Na kahit iyong dare ay ginamit niya. Hindi lang naman ikaw ang naglalaro ng araw na iyon, Red. Ako rin. Pinaglaruan kita pero pinaglaruan rin ako ni Leeland. I told him to seduced you para matigil na ang paglapit lapit mo kay Tres kaso si Leeland, gusto niyang may alas siya sa akin. Kaya mas tinutulak ka niyang h’wag sukuan si Tres kung ayaw mong maging girlfriend niya. Sinadya niya iyon para mapamukha rin sa akin na mas pipiliin ka ni Tres kaysa sakin.” she sighed deeply.
So kaya pala ang weird ni Leeland noon? Minsan hinahawakan ang kamay ko? Is that it? Because he tried to seduce me? At kaya ganoon ang kapalit pag natalo ako? Dahil alam niyang magtutulak iyon sa akin para mas landiin si Tres dahil alam niyang hindi ako payag na maging seryoso niyang girlfriend? Oh hell. Napaglaruan nga ako ng pag-ibig ni Leeland para kay Hannan.
“But I’m too desperate to have Tres. Noong time na sinabihan mo akong itext ang parents mo para sabihing nasa bahay ka namin kahit nasa kwarto ka ni Tres, nainggit ako kaya di ko sinunod ang gusto mong pagtakpan ka. I thought your parents will get angry at you at pagbabawalan kanang dumikit kay Tres dahil baka kung anong mangyari lalo na’t nasa isang kwarto kayo pero mali ako. Iyong Mommy ko lang pala ang ganoon at nakalimutan kong magkaibang magkaiba tayo.” Pagod siyang ngumiti sa akin, namumungay ang mata.
“I am envious about how lucky you are to your parents. Iyong masyado silang maluwag sa’yo. Iyong lahat ay kaya nilang ibigay at masyado kang iniispoil. Sa kainggitan ko sa’yo, mas lumala ang galit ko. Lahat ng sinasabi mo sakin, sinasabi ko kay Tres. Hindi ko na iisaisahin lahat dahil okay na kayo eh. I just want to apologize for being so manipulative. Pinaglaruan kita dahil sa pagmamahal ko kay Tres pero mukhang kinarma ako kay Tres…”
Halata ang takot at pagsisisi sa kanyang mga mata. Kung paano niya binanggit ang katagang iyon.
“I should have known better. I know he’s heartless… but I didn’t expect him to trick me that way. Pinaglaruan niya rin ako dahil sa pagmamahal niya sa’yo. Akala ko ginirlfriend niya ako dahil mahal niya ako, and that he wants to get over you… pero mali ako. He was after you Red. Sinabi niya sa akin noong araw na pumunta ako sa bahay nila na ginamit niya ako para gantihan ka. Kaya noong malapit na kayo ulit, tinapon niya na ako dahil hindi niya na ako mapapakinabangan. Sa matindi niyang galit sa’yo noon, natatakot ako dahil baka pati ikaw ay maloko…”
What? Wait? What is she talking about?
“We’re okay now Hannan. Hindi niya gagawinㄧ
Umiling-iling siya. “Just ask him. I am not saying this to you to ruined you and Tres or to fix our friendship. Sinasabi ko ito dahil naaawa ako sa bata. Baka umasa siyang mabubuo ang kanyang pamilya…”
Kumuyom ang aking kamao habang nanlalabo ang aking mga mata. What’s this Tres? Pinaglalaruan mo lang ba ako?! Just to get even?!
“You’re lying…” tangi kong nasambit sa nanginginig kong labi.
Umiling siya. “Ako ang nakasama niya ng halos limang taon Red. Alam ko ang galit niya sa’yo. Hindi ka ba nagtataka kung ba’t mabilis iyong nawala sa kabila ng mabigat mong kasalanan?”
Nalaglag ang malalaki kong luha. Gusto kong hindi maniwala pero sa sakit na nararamdaman ko, parang ang hirap hirap ng baliwalain.
Tumayo ako. “G-Goodluck nalang sa p-pag-alis mo.” sabi ko bago ako tuluyang umalis roon. Hindi ko na kayang makinig. Ni ang paghakbang ay hirap na ako pero sinikap ko parin.
Humahagulhol ako ng iyak habang pauwi ako. I can’t think straight! Kinakain ako ng aking emosyon at nilalamon ng buo ng sakit ng aking nararamdaman. Gusto kong kay Tres iyon mismo lumabas. I badly want to know everything! May hindi siya sinasabi sa akin! Was he faking it?! Just to get even?!
Padarag ang pagkakabukas ko ng pinto ng mansyon at halos magpapadyak ako. I am crying harshly and I don’t really know how to stop. Kahit alam kong nandito ang aking anak, hindi ko na mapigilan ang sarili.
“Mommy! Daddy bought a boquet of roses for youㄧ”
Natigil si Irah na karga karga ni Tres nang makita niya ang aking mukha. Nagtama ang tingin namin ni Tres na ikinabuhos lalo ng aking mga luha sa kabila ng galit kong tingin sa kanya.
“Heyㄧ
“Did you just used Hannan to get on me?!” putol ko agad habang nakakuyom ang aking mga kamay.
Kitang kita ko ang yumakap na takot sa mukha ni Irah. Binaba siya ni Tres na seryoso na ang mukha.
“Get on your room and lock your door, Irah.” utos niya sa bata na tumatango at nangingilid ang luha sa mga mata nang nilingon ako nito.
“Answer me Tres!” sigaw ko sa sobrang pagkakafustrate at sa naninikip kong dibdib. Humikbi ang aking anak at tumakbo na paakyat sa hagdan habang pinupunasan ang mga luha.
“Calm down, Christienne. Tinatakot mo ang bata.”
“Ayaw mong marinig niyang hindi naman totoo iyang pagmamahal na pinapakita mo dahil gusto mo ulit akong paglaruan! You even used Hannan!”
His face darkened as his eyes sharped at me.
“Di’ba totoo?! Ha?!”
“Yes.” umigting ang kanyang panga habang bumuhos naman ang aking luha dahil sa kanyang sagot.
“Yes I used her. Oo, dahil gusto kitang gantihan at gusto kong iparamdam sa’yo ang sakit na may iba kang lalake bukod sa akin!ㄧ
“See! You liar! Get out in my house, Tres! Don’t you ever comebackㄧ
“But that was before! I told you I’m shallow when it comes to you! Pero noong nalaman kong ako ang ama ng bata, nawala ang plano ko!” he spat angrily.
Umiling ako. “H-Hindi mo na ako mauuto! Tama na! T-Tigilan na natin ang kakalaro dahil pagod na pagod na ako sa pagmamahal na hindi naman seryoso!”
“Fuck!” he cursed loudly and grip his hair in fustration.
“You need to listen to meㄧ
“I let my walls down for you but you only made me remember why I built them so high.” putol ko sa kanya na ikinasinghap niya. Pinalis ko ang luhang walang tigil sa pag-agos. Halos habulin ko ang hininga dahil sa aking pag-iyak.
“I admit I am not expressive with my words, Christienne. Pero tangina, mahal kita!”
“Liar! Tama na! M-Maging ama ka nalang s-sa anak ko…”
His shoulder loosened. Unti-unting kumalma ang kanyang mukhang galit na galit at naging dismayado ang tingin sa akin dahil sa aking sinabi. Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako.
“Tama na! A-Ayoko na… p-pagod na pagod na ako sa larong ’to. Kailan ba naging seryoso ang laro, Tres?” Humikbi ako. Umatras lalo at tinakpan ang mukha. “Kung gusto mong g-gumanti… nakaganti kana. Nasasaktan narin ako k-katulad ng gusto mo…”
I heard him breathe deeply. Nang ibinaba ko ang aking mga kamay dahil mukhang hindi ito tuluyang nakalapit sa akin, tiningnan ko siyang muli. Natigilan ako nang lumuhod siya sa aking harapan, namumula ang mga mata at nasa akin ang tingin. Mas nanlabo ang aking mga mata dahil sa panibagong mga luhang gustong kumawala roon.
“Fine. If that’s what you think about me then fine. But at least believe my words this time… I’m guilty. Yes. I am very guilty. But because I’m guilty for loving you so much, Christienne.” Gumalaw ang kanyang mga balikat, nakagat niya ang pang-ibabang labi nang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. He deep breathely and licked his lower lip. “I am not playing. You’re not a game to be played Christienne. My love for you is not a game for me to be a player…” His tears fell even more as his jaw clenched. Lumunok siya at yumuko. Marahas na ang kanyang paghinga na tila nagpipigil ng hikbi. “I beg you…”
That made me cry even more. Natakpan ko ang aking bibig. Nanikip lalo ang aking dibdib at halos hindi na maawat ang luhang sinasalakay iyon. Sa nanlalabo kong mga mata, sa nakakabingi kong paghikbi, ni hindi ko na alam kung anong iisipin at sasabihin ko. Ang inaakala kong lalakeng matapang at walang puso, ngayon ay nakaluhod sa aking harapan para sa kanyang kapatawaran.
“But if you think this is a game then lets end this.” sabi niya sa dismayong boses na ikinatakot ko ng lubusan. Nag-angat siya ng tingin sa akin sa kabila ng bumubuhos niyang mga luha at may pagsuko na ang tingin sa akin. “Let’s end this game. I want this game over, I’m already knock out by you, Christienne. You win,” may dinukot siyang box sa kanyang bulsa at binuksan iyon. “Marry me and be my wife.”
Natakpan ko ang aking bibig nang makita ang kuminang na dyamante noong singsing. Humagulhol ako lalo at hindi na halos maisatinig ang gusto ko. Tumango-tango ako, hirap na hirap sa paghabol ng aking hininga.
Nakagat ni Tres ang kanyang labi at mas lalong bumuhos ang mga luha nang tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Humgulhol ako sa kanyang balikat, mas naging malakas iyon.
“Fuck this game of love… I’m the worst player ever for getting serious. I just can’t win over you.” he whispered to me.
“Sorry… S-Sorry sa m-mga n-nasabi k-ko. I d-didn’t meant t-to start a w-war, nadala lang ako sa e-emosyon ko kaya k-kung ano ano na ang nasabi ko… S-Sorry.” pag-amin ko sa marahas na pagtaas baba ng aking balikat nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at isinuot roon ang singsing. Umiyak ako lalo.
He cupped my face and wiped my tears. “I understand and I’m willing to understand you for the rest of my life, my playful wife.” Hinalikan niya ang aking noo.
Ang walang katapusan kong mga luha ay nalaglag ulit. Paano ko naman pakakawalan ang lalakeng ito kung pinapabaliw niya ako sa kanya? If this is a game then I’m willing to get serious. Di ko na kayang sumuko sa kanya. Di ko na kayang bitiwan ang pag-ibig na parang isang laro.
Umakyat kami sa kwarto ni Irah. Nang bumukas iyon ay marahas ng umaakyat baba ang kanyang balikat at namumula ang mga mata niya habang humihingos.
Tres carried her immediately and wiped her tears. “I already proposed to your Mom. I’m not going to let her get away without being my wife, baby.”
Kinusot ni Irah ang kanyang mga mata at mas humikbi. Naluluha akong tiningnan ang anak kong sinisikap na may sabihin pero hindi na magawa dahil sa iyak niyang nangingibabaw.
“Stop crying, Irah…” Hinaplos haplos ko ang kanyang likod.
“Y-You’re f-fighting… I-I’m scared.” sabi niya sa maliit na boses na ikinalaglag na naman ng aking luha.
“It’s normal, Irah. Parte iyon sa mag-asawa. Your Mom can’t shut her mouth so I need to shut her in any ways…” Makahulugan niya akong tiningnan na ikinaiwas ko ng tingin.
“I hate it w-when you’re f-fighting…” sagot ng aking anak.
“No, that’s the last time we’re going to fight, sweetie. It’s my fault…” sabi ko. “I’m sorry.” I kissed her shoulder. Palihim pang sumenyas si Tres sa akin na halikan rin ito kaya inilingan ko siya at sinenyasang pakalmahin muna si Irah.
He mouthed ‘later’ at tiningnan ang kwarto ko na ikinanguso ko. Namumula ang pisngi kong tumango.
If this is a game or a stage play, then I’m willing to accept my fate. The most beautiful part in this game, I wasn’t even looking a player when I found him. What a plot twist he was… for in the middle of my chaos, there was him. We both win because no one ever loses the game we played. I’m not going to lose him and he won’t going to lose me. Just game over.
Epilogue
Game Of Love
Maze
I watched her walked the aisle without even blinking. I can see how her shoulders rocked slowly as her hand wrapped around her Dad’s arm. He was guiding her to walk towards me, her dead end.
They say, at the age of 16, 80% of all people have already met the person they will marry. That’s a bluff.
“Where are you going, Tres?” Sumunod sa akin ang kapitbahay namin. This girl is just so annoying. Sa tuwing lumalabas ako at pinapasyal si Three ay tumatakbo rin siya at humahabol sa akin para sumabay sa park.
Hindi ako sumagot, karga karga ang aking aso na panay lingon sa kanya at tinatahulan ito. She just giggled pero halata ang takot sa mukha.
“Do you still remember me? I am Hannan. Ako rin iyong kalaro mo last week sa park…” she said, nasa gilid ko at hindi nabubura ang ngiti sa labi.
Hindi ko siya binigyan ng atensyon. Ba’t ba ang feeling close nito? Can’t she feel I don’t even like her being around?
Pagdating sa park ay pinakawalan ko agad ang aso ko na nagsimula ring tumakbo sa paligid. Umupo ako sa bench at isinalampak ang headset sa aking tainga para hindi marinig iyong maingay kong kapitbhay.
Humilig ako sa upuan at ipinikit ang mga mata habang ninanamnam ang kantang naririnig ko. At the age of 8, I already admired the words I hear. Na kahit ang libro ay nakahiligan ko dahil sa mga salitang nagbibigay sa akin ng pagkalito at natututunan ko.
Binuksan ko ang aking mga mata at saktong nakita ang batang babae na naglalaro rin. She’s not familiar at ang hula ko ay baka taga ibang subdivision ito, iyong sa kabila.
She was running while her soft hair were floating as she moved. It was like a fucking slowmo to me. Matamis at napakaganda ng kanyang pagtawa na kahit ang kanyang dress ay sumasabay rin sa kanyang galaw. Nakikipaghabulan siya sa kung kaninong batang lalake na ikinabusangot ng aking mukha.
I watched her played and giggled and it’s fucking annoying because I can’t even take my eyes off her. My dog Three went to her and barked at her dahil narin sa paboritong kulay ng aking aso na suot niya. Sa sobrang gulat at takot ng babae ay nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig. My dog went to her and licked her face that made her scream for help.
Iyon ang tumulak sa akin para tumayo sa aking kinauupuan, ibinulsa ang mga kamay at mabilis ang hakbang sa kanya na umiiyak na sa takot.
“Three,” tawag ko sa aso kong tumakbo rin sa akin palapit.
Nilapitan ko ang babae na hindi makatayo, ang mga mata ay nakasunod sa aking aso. Maluha luha ang nakakaakit niyang mga mata na kahit ang pwrpektong pagkakahubog ng kanyang kilay ay hindi ko iwasang hindi punahin. Her long eyelashes were very atrractive too lalo na’t kumikinang iyon dahil sa luha.
Her natural red lips quiver, takot na takot sa ginawa ng aking aso. Inilahad ko ang aking kamay sa kanya para tulungan itong makatayo kaso may biglang lumapit sa akin ang kasama niyang lalake at itinulak ako. I cursed.
“Red?! Anong nangyari?! Why are you crying?” Nag-aalalang tanong niya habang inaalalayan itong tumayo.
Ang mga kamay ko ay dahan dahan kong naikuyom habang pinapanood siyang nag-aala Prinsepe na to the rescue agad. Dapat ako iyong tutulong tapos umepal pa! Tss
She pointed me. “His dog bit me M-Marco! K-Kinagat ako s-sa f-face ko!” sabi niya habang tumutulo ang luha at nanginginig sa takot.
Bumaling siya sa akin at agarang yumakap ang galit sa mukha niya. Wala pang ilang sigundo ay tumakbo na siya papalapit sa akin, nakakuyom ang mga kamao.
“Your dog made her cry!” sigaw niya kasabay ng pag-angat ng kamao para sana suntukin ako pero mabilis rin akong nakailag.
Sa pagharap niya sa aking muli ay ako na mismo ang sumalubong ng suntok sa kanyang mukha. There. Kabayaran iyan sa pagiging epal mo.
Bumulagta ito sa sahig at napaupo. May mga bodyguards na lumapit para daluhan iyong nagngangalang ‘Red’ na hindi matigil sa kakaiyak at tinuturo na ang aking aso. Tss ang arte. Ang isa naman ay tinulungang makatayo iyong lalake na ngayon ay sobrang talim na ng tingin sa akin.
“Tres… Huwag kang makipag-away,” ang marahang boses noong babaeng kapitbahay namin ay hindi ko namalayang kanina pa pala sa gilid at nanonood lamang.
Hindi na ako umimik pa at kinarga nalang ang aking aso paalis doon sa park.
Umuwi ako dala-dala si Three. Ngumisi pa ako. Sa sobra siguro naming close ng asong ito, napupunto niya ang nararamdaman ko.
“Yeah, she’s pretty. Thank you for licking her face for me,” and my dog barked.
Simula ng araw na iyon ay hindi ko na ito nakita sa park. Just her name Red and her playful moves I can’t get rid in my mind. How her hair moved with her. Damn, she’s beautiful.
“Tres. Nandito ang playmate mo!” Narinig kong sigaw ni Mommy sa pinto ng aking kwarto.
“She’s not my playmate, Mom.” sagot ko nang sumungaw na ang ulo niya sa pinto.
“Huh? Eh naglalaro raw kayo palagi sa park ah?” she said innocently.
Tss. She’s just a nosy girl who always tag along with me. Ang sarap itulak.
Noong lumaki ako at magha-highschool na, namulat ako sa aking mga kapatid na madaling makuha ang mga babae. Kusa silang maglalakad sa’yo at pwede mo silang hawakan sa leeg kung gusto mo. Iyon ang sabi ng mga gago kong kapatid na mahilig mangoleksyon ng babae. Hindi ako mahilig roon at nawalan ng gana sa lahat ng nakapaligid na babae sa akin dahil sa alaalang hindi ko lubusang mabura sa aking isipan. Years had past. Dapat nga ay nakalimutan ko na iyong babaeng iyon na kahit si Three ay iniwan na ako pero maliban sa alaalang nanatili sa aking utak at sa aking panaginip.
Lagi ko siyang nakikitang tumatakbo sa isang park at parang nagiging deja-vu sa akin ang unang araw naming pagkikita. Oh when will I get over it?
“I’ll get you a hot chic, Tres.” Inakbayan ako ng kapatid kong lulong hindi sa droga kundi sa pambabae.
“Di na kuya,” sabi ko sa nakakatanda kong kapatid habang naglalakad kami papasok. Nanatili akong nakabulsa at nasa harap ang tingin habang ang kanyang mga mata ay nadadala ng mga babaeng dumadaan. He even whistled.
“Ba’t ayaw mo? Look at them? And that one got a big boobs!” May itinuro siya.
Umiling ako, hindi na tiningnan ang babaeng tinutukoy niya. Grade 7 palang ako pero binubugaw niya na ako sa mga babaeng may malaking hinaharap at sa unang pagpasok ko pa talaga.
Sa pinakalikod ako umupo, malayo sa iba at malapit sa bintana. I want to be an Architect someday. I want to build my own walls away from people. They’re toxic.
“Ganda, pre oh!”
Isa iyon narinig kong boses ng mga lalake. Hindi na ako lumingon pa dahil hindi naman ako interesado sa mga babae.
Kaya noong pagpapakilala sa isa’t isa, di na ako pumunta sa harap at tumayo lang sa aking upuan saka sinambit ang aking pangalan. Natahimik sila kaya umupo rin ako.
Sumunod ang pagpapakilala ng mga babae. Nagsiingayan ulit ang mga lalake kong kaklase at mukhang may kinababaliwan ng kaklase ko.
“Hey everyone! I am Christienne Red Valerio and I am 13 years old!”
Red?
Nilingon ko ito at nadatnan ang imahe sa harapan. Medyo mahaba ang buhok na kulot sa dulo, ngumingiti ng matamis at panay ang pagtitip-toe habang nasa likod ang mga kamay.
“What’s your hobby, Red?” tanong noong lalake naming guro na natutuwa narin sa kanya. At halos ang mga mata ng kaklase kong lalake ay nasa kanya. Even me…
“Well, I love playing!” she giggled and bowed down. “That’s all.” Pinalakpakan siya lahat ng mga lalake kong kaklase na ikinatawa niya at marahan pang tumakbo sa upuan niya. Parang alaalang nagbabalik sa akin nang naging slowmo siya sa aking paningin, na kahit ang buhok niya ay umaalon sa ere kasabay ng suot niyang uniporme at marahang tumatawa.
Oh shit.
Araw-araw, maaga ako. Minsan nakakasabay ko si Uno na ngumingisi sa panibago niyang girlfriend at katext ito rito sa backseat. Iyong isa ko namang kapatid ay tulog pa. Walang balak pumasok ng maaga at palagi nalang napapagalitan ng ama dahil may panibagong sinuntok sa kaklase niya.
“Good morning,” bati sa akin noong babae na hindi ko na pinansin pa.
“Tres, nakalimutan mo na ba ako? Uh, ako iyong childhood friend mo…” sabi nito nang umupo ako.
“My childhood friend is dead.” sabi ko lang na ikinaawang ng bibig niya. “Don’t claim yourself as my dog. Three is dead.” sabi ko saka isinalampak sa aking tenga ang headset.
“Hannan, for you oh! Mommy baked it. Since we’re friends na.” I heard her loud voice giving some box to my neighbor. Mukhang naging close ang dalawa.
I pursed my lips to hide my smile. Pasimple akong nag-iwas ng tingin. That’s what I like about her. She’s playful, and very thoughtful. Mabait ito sa mga nakapaligid sa kanya at friendly. Sa sobrang friendly, halos sambahin na ata siya lahat ng mga lalakeng nakapaligid sa kanya. Hindi ko alam na hindi lang pala iyong mga kaklase ko ang nahihibang sa kanya kundi ang buong eskwelahan. Even my brothers…
“May maganda kang kaklase. Iyong anak noong senator,” sabi sa akin ng kuya kong si Dos nang sumabay ito sa amin papuntang eskwelahan. Nasa front seat si Uno, busy sa kanyang cellphone.
“Who?” patay malisya kong tanong, kunwari ay hindi gaanong interesado.
“That girl named Red?” He’s not sure but I’m sure he’s interested. Damn him!
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa librong binabasa ko.
“Ah…” tipid kong sagot.
“You know her? Himala at may naalala kang pangalan ng mga kaklase mong babae.” Ngumisi ang kapatid kong mukha ng demonyo dahil sa tattoo sa gilid ng kanyang mata. Dad was so mad he warned him to pilled his skin off if he didn’t take his study seriously. Kaya rin maaga ng gumising pero alam kong pambababae niya lang ang seseryosohin niya sa paaralan.
“Narinig ko lang sa kaklase kong lalake na binugbog noong bodyguard niya. Di iyon nalalapitan ng basta basta.” I said nonchalantly.
Gawa gawa ko lang naman iyon. Nakakainis lang na maraming lalakeng naaakit sa kanya. Nakakainis dahil lahat at kalahati ata ng populasyon ng mga lalake sa mundo ay naaakit niya. Iyong hindi naaakit ay mga bakla lang siguro.
Akala ko isa lang ang malapit sa kanyang lalake. Iyong nasuntok ko noon sa park. Pero nakakagulat at naging triple na. Inaakbayan at masyado pang clingy sa kanya. Klint, Leeland, at putanginang Troye na halos niyayakap siya sa aking harapan. Isa lang ang mga pangalang iyon sa listahan na itutulak ko rin palayo sa kanya balang araw.
Ako lang ang hindi pumapansin sa kanya at wala rin akong balak magpapansin. I’m just watching her silently.
“Crush mo ba iyong si Red? Napapansin ko kasi palagi kang nakatitig sa kanya.” kinakabahan na tanong noong kapitbahay ko. What’s her name again?
“Hindi,” sagot ko lang at nauna ng lumabas ng classroom.
Nakakabanas lang na siya palagi ang bukambibig ng mga nadadaanan kong estudyante. Maraming gustong manligaw sa kanya at ang sarap tanggalan ng mga ulo dahil sa kakapantasya doon sa babaeng iyon.
Noong second year na ako, laking tuwa ko at hindi ko na siya kaklase. Sasakit lang ang aking leeg kakasunod sa kalikutan niya at mahahighblood lang ako sa mga kaklase kong binabati agad ito at pinupuri pag nasa classroom na.
Kahit iyong mga babaeng lumalapit sa akin, napagbubuntunan ko palagi ng inis at tinataboy agad ito dahil hindi naman siya iyon. Ni minsan, hindi ata ako napansin ng babaeng iyon. Kilala niya lang ako bilang kaklase niya.
“Bakit mo sinusungitan iyong mga babae sa school, Tres?” pangaral agad ng magaling kong matandang kapatid nang madatnan niya ako sa kusina.
“Sinisira nila ang araw ko.” sagot ko lang.
“At least treat them nicely,” lumapit siya at kumuha ng ham sa aking plato.
Natahimik lang kaming dalawa nang marinig namin ang malakas na boses ng ama sa may sala. Pinapagalitan si Dos na nagpadagdag ng tattoo sa katawan. Ang hilig hilig suwayin ang mga ikinakagalit ni Dad. Hindi pa siya nadala sa maliit na tattoo sa gilid ng kanyang mata.
Palagi akong nasa bahay, tagataboy ng mga babae ng dalawa kong kapatid. Maybe I’m mad with the girls who chase love just to have it because my girl is not like that. Mahilig naman sanang tumakbo ang babaeng iyon, pero parang walang balak tumakbo papalapit sa akin.
Nasa labas ng bintana ang aking tingin at nag-iimagine ng kung ano anong eksena naming dalawa nang maputol iyon dahil sa babaeng kapitbahay ko. I can’t even remember the first letter of her name.
“Sinali ka ng kaibigan kong si Red sa laro naming dare. Kaya sure ako maghahabol habol siya sa’yo para manalo sa dare namin pag bumigay ka sa kanya.” balita niya sa akin. Fuck that playful side of her!
Nabalitaan ko ngang may mga nabasted na ito. Friendly lang naman siya pero hindi siya mahilig sa lalake kaya nakakapagtaka nga at may mga nababalitaan akong lalake na kalandian nito. Iyong basketball player, nerd, at kung sino sino pa na kitang kita ng aking mga mata kung paano niya pinapahulog sa kanya sa pamamagitan ng kanyang ngiti.
Gabi na noong madatnan ko sa kusina ang kapatid kong si Dos at naghahalungkat ng makakain. Amoy usok ng sigarilyo at mukhang medyo nakainom.
“Oh, di ka pa tulog?” tanong niya sa akin nang humarap ng buo at walang suot sa pang-itaas. Bumabalandra sa akin ang ibang tattoo niya.
Hindi ako sumagot at nagtungo sa ref. Kumuha ako ng malamig na tubig.
“Your classmate, the daughter of a politician, was smoking. She’s with her boyfriends and they’re playing billiards.” sabi nito. Hindi ko alam kung ba’t niya iyon sinasabi sa akin pero nakuha noon ang buong atensyon ko. She’s smoking?
“Kinuha ko pa nga ang stick niya.” I can feel his evil smirk. Kahit hindi ko siya tingnan, alam ko na ngumingisi ang gagong iyan.
Kaya noong nagkabanggaan kami sa hallway dahil sa pagmamadali niya at mukhang nagcutting classes pa ito, sa sobrang inis ko sa kanya ay hindi ko siya tinulungang tumayo. Imbes matutuwa na ako dahil sa unang beses ay nagkadikit kami, nagkasalubong pa ang aming mga mata pero nilamon rin ako ng pagsusuplado nang maalala ko ang sinabi ng aking kapatid. Damn her for smoking and for being with those three assholes!
Lahat ata ng kanyang galaw alam ko. Lahat ay mabilis kong nakikita at nalalaman kung nasa paligid lang siya. Kaya noong makita ko siyang pumasok sa locker room ng mga lalake, mas umusbong ang panibagong galit sa akin. This is a boy’s locker room! Paano kung may ibang lalakeng nakita siya rito!
Mabilis kong binasted iyong babaeng tumakbo na palabas at nilapitan agad ito sa kanyang pinagtataguan.
Nagkasagutan kami. I hate having long conversations with the girls who confessed their feelings to me. Pero sa tuwing itong babaeng ito ang dumaldal, kahit nonsense ay kaya ko siyang pakinggan buong araw at sumasagot pa ako para mas pahabain ang pag-uusap namin at inisin ito lalo. Kaso nga lang tumakbo rin palayo.
“You’re heartless. Why would I even like someone like you?” sabi niya sa akin. Oh yeah? I’m heartless because you pushed me to do so. Kung ikaw ang mga babae na iyon, tingin mo magsusuplado at magagalit ako?
Ayaw ko mang paniwalaan iyong kapitbahay kong sinasabing ako na ang nasa huling listahan ay napatunayan ko ring totoo dahil nagsisimula na nga itong dumikit sa akin. Kung hindi ko lang talaga alam na dahil lang naman ito sa laro nilang magkakaibigan kaya siya nagkakaganyan, baka sobrang bait ko na sa kanya at luhuran narin siya. Pero tanginang laro yan!
“Hindi lahat ng lalake rito, mapapaluhod mo sa’yo.” sabi ko sa kanya pagkatapos niyang magwalk-out.
Pumasok rin naman iyong kapitbahay ko na hanggang ngayon, di ko parin matandaan ang pangalan. But I know it starts with H. Di lang talaga interesado sa kanya. Di ako interesado sa lahat ng babae maliban sa babaeng iyon na nagagawa pang paglaruan ako.
“Tinaboy mo siya?” namamangha niyang tanong sa akin. Ni hindi ko na ito nilingon. I am aware her love for me. Tanga ako kung di ko iyon alam. Sadyang wala lang talaga akong pakialam.
“Just ignore her, Tres. Titigil rin siya sa kakakulit sa’yo. Pagsasabihan ko siya don’t worry.”
The problem is that she’s not someone I can ignore. Masyado iyong mahirap gawin.
Ganoon palagi ang aming usapan ni Christienne. Tinataboy ko siya. Iniinis ko pa ito lalo para mas dumaldal siya at hindi na matigil sa kakasalita. Pinaparamdam kong hindi ako mahuhulog sa kanya hindi dahil naiinis ako sa kakalapit niya sa akin kundi dahil gusto kong maghabol siya lalo sa akin. That’s one of my fantasies! I want to see her chasing me like she’s madly inlove with me! That she’s crazy over me.
I know her too well. Sa kakamasid ko sa kanya, alam kong hindi siya iyong taong may sinusukuan hangga’t hindi niya nakukuha. Nasasanay iyang nakukuha lahat ng gusto niya kaya gusto kong iparamdam sa kanya na hinding hindi niya makukuha ang gusto niya sa akin para mas machallenge ito at habulin ako lalo.
I stared at her innocent face when she slept inside my room. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok niyang tumakip sa kanyang mukha at napangisi. She looks tamed. How I wish I’ll find her on my bed next to me someday…
Kung hindi lang tumunog ang kanyang cellphone ng paulit-ulit ay hindi ako matitigil. Sinagot ko iyon nang mabasa ko ang pangalan na ‘Daddy.’
“I’ll ride her home, Sir. Your daughter slept in my room. I didn’t touch her.” Just her hair. Iyon ang sinabi ko sa kanyang ama para hindi na ito mag-alala pa.
She’s nosy. Kahit iyong pagtatago niya sa halaman ay hindi nakaligtas sa akin. Wala siyang galaw na hindi nakakaligtas sa akin. Lahat, alam ko. Magaling ako sa kakasunod ng tingin sa’yo babae simula pa noon kaya hinding hindi ka makakawala sa akin. Kabisado kita.
Noong birthday niya, hindi ako pumunta. Pero hindi ko rin talaga matiis ang babaeng iyon kaya noong pumunta ang aking pinsan na si Kazi para sumabay sa mga kapatid ko, ipinabigay ko na sa kanya iyong regalo.
“What’s this?” natatawang tanong.
“Regalo,” sagot ko na mas ikinahalakhak niya.
“Don’t tell me…” makahulugan niyang tanong na ikinatalim ng tingin ko sa kanya.
“Okay, okay. Sige kunwari akin nalang ito at ako ang magbibigay.” mas humalakhak siya, naiiling.
I celebrated my birthday with her. Dahil rin naman sa pagseselos ko kaya nasupladuhan ko na naman. Nakita ko siya kanina sa eskwelahan at nakikipagtawanan sa mga lalake niya! I can’t control my jealousy. Di niya ako masisisi kung ba’t nagsusuplado ako dahil rin naman iyon sa kanya.
I admit I enjoyed being alone. But I’ll enjoy it more when I’m alone with her…
Sa araw araw naming pagsasama, halos lahat ata ng maliliit niyang galaw ay binabantayan ko. I like it when she’s pouting. I like it when she’s talking nonsense but I’m still willing to listen to her. I like it when her eyes twinkled as she laughs softly. I like everything about her and I hate it when I badly want to own her mine. Just mine.
“Do you like her?” tanong ng kanyang kaibigan na pinapangalanan niyang Hannan at kapitbahay ko rito sa classroom. Kami lamang dalawa noon.
“Pero hindi mo siya pwedeng gustuhin Tres. She’s just playing at sasaktan ka lang niyaㄧ
“You’re not the one to talk. It’s none of your business.” matalim ko siyang tiningnan na ikinabuhos ng luha sa kanyang mga mata. She ruined my imaginations about Christienne. Pinapaniwala ko ang sarili kong naghahabol ito sa akin dahil mahal ako pero sinisira niya naman. Tss.
Minsan pa ay pinapayuhan ko ito na sanayin ang sariling maging mag-isa. Lalo na’t namamataan ko iyong Leeland sa subdivision at nakikitang palaging nandoon sa kapitbahay kong timataboy naman ito. Christienne is just too pure that she can’t even tell if the person is true to her or not. Hindi niya alam may handang trumaydor sa kanya para lang sa isang pag-ibig.
“Di ba ka mag a-outing Tres?” tanong sa akin ng pinsan kong si Kazi. Malapit na ang pasko kaya wala ng pasok. That girl is even planning to hang-out with her fucking boyfriends. Alangan naman pagbawalan ko eh hindi naman iyon magpapapigil.
“Saan ang destinasyon niyo?” tanong ko agad sa kanya.
“Depende. Pero plano namin sa beach. Iyong maraming mga nakabikini,” humalakhak ang malandi.
Binigyan ko siya ng pera at kung ano ano pa para suhulan lamang siyang doon na sila sa Seven Seas pumunta since isa iyon sa pupuntahan nila. Nalaman ko iyon kay Hannan na ibinibigay ang password sa akin ng kanyang messenger at pinapabasa niya sa akin ang mga pinagsasabi ng babaeng iyon sa gc. Na hindi ito titigil sa kakalaro sa akin at mapapaluhod ako sa kanya. Dream on woman. Ikaw ang mapapaluhod ko sa akin balang araw. Hinding hindi ako mahuhulog sa laro mo. Ikaw ang mahuhulog.
“Oh heto souvenir,” binigay sa akin ni Kazi ang mga litrato ni Christienne na kahit silang dalawa ay may litrato pa. Madalas iyong Klint at tanginang Troye na kinarga siya.
“Ganda ng babaeng iyan.” makahulugan niyang sabi at tumatawa na palabas. Sa sobrang inis sa mga litrato kung saan niya kasama iyong iba, pinagpupunit ko. Iniwan ko lang iyong solo siya. That’s better…
It was summer when Hannan confessed to me that Christienne found out I turned her down. Gaganti raw sa akin si Christienne at aaming mahal na ako nito para siya naman ang bumasted sa akin dahil sa ginawa ko sa kanyang kaibigan. I am aware how she value her friends. Sa sobrang pagpapahalaga niya roon, kaya niyang mabuhay na walang boyfriend basta may kaibigan lang.
Kaya noong nangyari nga ang sinasabi ni Hannan at nagtapat ito sa akin, nagalit ako ng husto sa aking loob. She’s really good at faking her love just to get what she wants. I turned her down of course. Ayokong matapos dito ang laro niya. Ayokong mahulog sa laro niya at ayokong umasa sa salitang laro laro niya lang.
Kaya noong ipinatapon kami ng aming ama sa isang malayong paaralan, hindi na ako tumutol pa. At wala narin akong magagawa dahil hindi ko naman ugaling suwayin ang ama at nakakatanda kong kapatid. Since that girl was mad at me. Tinapunan ako ng tubig. Why is she even mad? Galit siya dahil hindi siya makakaganti sa akin dahil sa ginawa ko sa kanyang kaibigan? Bullshit.
I met Addi. Pinapaalala niya sa akin ang babaeng iyon. Iyong pagiging mapaglaro niya na kahit hindi niya naman gusto ay lumalapit lapit siya. Sa sobrang desperado kong lumabas dahil nabalitaan ko rin iyong mga nangyayari kay Christienne ay ginamit ko na ito para patinuin ang kapatid ko. I flirted her to get what I want. At dahil narin naaalala ko sa kanya ang kakulitan ng babaeng iyon. Kaso nasuntok lang ako ni Dos kaya tumigil narin ako. Lalo na’t makahulugan niya na akong sinabihan na baka may namimiss ako sa labas kaya desperado rin akong lumabas. I know him well. Gaganti iyan.
Naging tambay ako sa Bar. Paglabas ko, wala na akong balita sa kanya. Ang alam ko lang ay nag-aaral parin ito. That’s good for her. Kaya nagbabasakali nalang akong mapadpad siya sa madalas kong puntahan na Bar dahil nandoon rin naman iyong tatlong lalake niya. Kahit ata ang mga ito ay walang alam.
Kaya noong makita ko siya roon, halos habulin ko siya nang bigla itong lumabas. Pero itong si Addi ay nagpupumilit pumasok ulit sa Bar kaya sa sobrang inis ay inihatid ko nalang ito sa kanilang mansyon kung saan rin siya gustong magpahatid.
“Oh? It’s early in the morning. Let me sleep.” Ibababa ko na sana ang tawag ng aking demonyong kapatid kung hindi lang ito may binanggit na pangalan na lubos na kumuha ng buo kong atensyon.
“Remember that daughter of a politician named Red? Pumunta sa aking kompanya at nag-aapply bilang sekretarya ko.”
Fuck.
“Imagine her obeying me… making a hot coffee and massaging my shoulderㄧ
I groaned in frustration. “What do you want?”
I heard the devil chuckled. Damn him.
“Convince my Addi to be my secretary or else I’ll hire her.”
Totoo nga iyong iniisip ko na gaganti rin ito sa akin balang araw at gagamitin si Christienne para mapasunod ako diyan sa mga gusto niya. Kahit iyong kasal nila, nag-imbita ng media dahil alam niyang dadalhin ko ito. Binibigyan niya ako ng sakit na ulo at mukhang nag-eenjoy siya sa kanyang ginagawa.
Doon lang ako bumalik sa sarili ko nang tuluyan nang makalapit sa akin ang imahe ng aking pinakamamahal, nakasuot ng puting gown, may belo na nakatakip sa mukha at umiiyak ng husto. I can’t help but to smiled as I bit my lowerlip. Ilang beses ko na ba siyang nakitang umiiyak sa harapan ko?
Naalala ko tuloy iyong mga sagutan namin. Kung paano siya umiiyak sa aking harapan at kung paano niya ako napapaiyak sa kanya. Sa sobrang pagseselos ng araw na iyon, nadala ako sa aking galit. Iniwan ko siya. Nagpakalayo layo ako at nangibang bansa agad. Hindi ata ako makakampante sa lugar na ito dahil sa nasaksihan ko. Kaya bago pa ako makapatay ng lalakeng nahuli ko sa kanyang kama, ako na mismo ang lumayo. I’ll end up on a jail if I stay here.
Noong mahimasmasan sa galit at sa sama ng loob, doon lang ako umuwi. Kaso nga lang, huli na. I was so mad when I found out she ranaway with that stupid bestfriend of her! Nasuntok ko ng malakas iyong Klint dahil sa kanyang sagot na ikinakaripas rin ng takbo noong isa pa. Tanginang Marco iyan! Kahit ngayon talaga umiepal.
Naghintay ako sa Pilipinas. I stayed there for a fucking month waiting for her to comeback. Baka magbago rin ang isip nito at bumalik rito. I am willing to lower down my pride! I am willing to admit I’m at fault that night!
“She’s not going to comeback, Tres. Nalaman ko na masaya na raw siya roon kasama si Marco.” balita sa akin ni Hannan na labis kong ikinagalit. Para mapatunayan iyon, ako mismo ang sumunod. And there I saw her laughing with him. Ni hindi ko na nakita ang kabuuan niya dahil sa nagdidilim kong galit.
Nangibang bansa narin ako at kumuha ng law. Kahit takbuhan mo ako, sisiguraduhin kong lalapit ka sa akin, magmamakaawa.
That’s my plan. Kahit si Hannan ay ginamit ko para lang makaganti sa kanya. I made her think that she’s my girlfriend. Kaya noong nalaman kong bumalik na siya sa Pilipinas, doon rin ako nagdesisyong bumalik.
“P-Pero ba’t tayo uuwi? Nandoon ang career ko at ang career mo Tres…” Hannan said softly as she touched my jaw. Iniwas ko agad ang mukha ko.
“Kung ayaw mong sumama, maiwan ka dito.” sabi ko na ikinatutop ng kanyang bibig at hindi na nagsalita pa.
Ang tunay kong pakay nang umuwi ako ay saktan siya sa pamamagitan ni Hannan. Na masaya narin ako katulad niya na masaya na sa iba. Gusto kong patunayan sa kanya na hindi lang sa kanya umiikot ang aking mundo at hindi lang siya ang babaeng kaya kong mahalin ng ganito.
“Tingnan mo oh, nagkaanak pala sila ni Leeland! Ang cute ng baby nila!” Ipinakita sa akin ni Hannan ang kumakalat nilang litrato.
May anak siya?
Hindi ko iyon matanggap ng husto. Bakit si Marco ang kasama niya kung may anak naman pala sila ni Leeland. I’ll seriously kill that bastard this time!
“May nangyari sa inyo ng araw na iyon?” sa sobrang galit ko, nang makipagkita itong si Leeland sa akin ay nakwelyuhan ko na siya.
“C-Chill, man. Nothing happened. We just slept and Red was complaining it’s hot so she took her clothes off. But nothing happened.”
Unti-unti akong kumalma. Kahit iyong pangmamanipula ni Hannan sa akin ay sinabi niya. Na ginagawa niya iyon dahil rin naman sa babaeng iyon. Naibsan na sana ang galit ko pero nang maalala ko iyong araw na iyon ay nasuntok ko parin ito.
“Damn, my jaw…” he groaned painfully as he sat down on the ground.
That was my last hope. May anak siya at malakas ang kutob kong akin iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.
Kaya hinawakan ko agad iyong kaso ng kanyang ama para mapalapit na ako lalo sa kanya. Iyon nalang ang tangi kong alam para magkalapit ulit kami. Ni ang pinaplano kong paghihiganti ay tuluyan kong ibinasura nang makita ko ang aming anak. Bumalik sa aking alaala noong una ko siyang makita sa park. Kamukhang kamukha niya ito noong bata pa siya!
Para mapaamin ito ay hinuli ko siya sa pamamagitan ng kanyang dilang madaling madulas. Nang dahil doon ay nalaman ko rin na ako talaga ang ama. Damn…
“W-What’s happening, Tres. Bakit nandito sila sa bahay mo?” tanong ni Hannan nang inihatid ko siya palabas.
“We’re done, Hannan. You heard my daughter.”
Nanlalaki ang kanyang mga mata na kahit ang kanyang bibig ay napaawang sa labis na pagkakagulat.
“W-What? B-But she’s Leelandㄧ
“Don’t you dare say something stupid.” naging matalim ang aking tingin sa kanya sanhi para mapaatras ito sa takot.
She started to cry in front of me.
“Alam ko na ang lahat. Sinabi sa akin lahat lahat ng lalake mo.”
“What? W-Wala akong lalakeㄧ
“Wala rin akong pakialam kung lalake mo o hindi si Leeland. You want to know the truth? I just used you to get my revenge. Ginamit at pinaglaruan lang kita. Now taste your own medicine, Hannan.”
Napailing siya, nakayakap ako. “No! P-Please… G-Ginawa ko lang naman lahat ng iyon d-dahil mahal kita…”
Nag-igting ang aking panga. I badly want to pull her away pero alam kong nanonood sa akin ang anak ko, ayokong makagawa ng bagay na ikakatakot niya.
“Get your hands off me before I get them off and pushed you. Do it while my daughter is still watching us.”
Sa tuwing nagkakasagutan kami, umiiyak rin ang aming anak ng palihim kaya pinupuntahan ko agad ito at niyayakap. She’s very smart at sa murang edad ay naiintindihan niya agad ang mga bagay bagay na dapat hindi pa prinoproblema ng katulad niyang maglilimang taong gulang pa lang.
“Don’t cry or else your Mom will saw you.” bulong ko sa kanya at niyakap siya. Ikinulong ko ito sa dalawa kong binti at hinalikan ang ulo para pakalmahin ito sa pag-iyak. I checked the cctv on the Restaurant. Tama nga ang hinala kong narinig niya kami.
“Y-You’re fighting…”
“Don’t worry, I’ll fix this baby. I’ll win your Mom’s trust again. I promise,”
“B-But I heard her. S-She doesn’t want to fix it Daddy…”
“I’ll fix it. I’m inlove with your Mom and I won’t let her get away with me.” I squeezed her tighter. “You see Irah, real love doesn’t fade. It’s endless. I am not faking my feelings for your Mom. I am not playing.”
She nodded. “I want Mommy to be happy. I hate it when she’s crying…”
Just like her Mom, she cares alot with the people she loves. She’s the mixture of me and her Mom.
Iyon ang naging pangako ko sa kanya. Na magkakaayos kami ni Christienne at bubuohin ko ang aming pamilya. Kaya noong makita ko ang aking anak sa playground, tumatakbo at naglalaro habang humahalakhak, naalala ko ang kabataan ng babaeng unang nagparamdam sa akin kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. It’s when you can’t take her eyes off her while watching her move in slowmotion. Iyon ang nagbigay sa akin ng lakas para hindi sukuan ang pag-ibig na alam kong akin sa umpisa palang.
“You may now kiss the bride,” sabi noong Father na ikinahila ko agad ng kanyang beywang papalapit sa akin at hinalikan ito ng buong puso. Nalunod kami sa palakpakan ng lahat. Ang hinihintay kong sandali ng aming buhay ay dumating narin sa wakas.
“Congrats! Congrats!” I heard my daughter scream. Karga karga siya ng aking ama na tuwang tuwa rin.
“You are now husband and wife.” anunsyo noong Father na mas ikinapalakpak ng lahat. My brothers even whistled.
Idinikit ko ang aking noo sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. I can’t help not to smile as I kissed her again.
“I love you,” sambit ko. Sa sobrang tuwa, naipahayag ko na iyon.
“I love you, Tres.” tumulo ang kanyang luha at napangiti ng matamis sa akin.
Damn her for saying I’m playing. But if she thinks this is a game of love, then I’m her maze with no escape. No matter how she ranaway, she has no choice but to end up with me, being locked.

