loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Signs Of Love (Buenaventura Series #2)

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)

Ineryss · 63 chapters · 169,406 words

Signs Of Love

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.

Prologue.

Signs of Love

My stories tackles sensitive issues like death, anxiety and metal illness that might triggers you. Some of these stories are already completed. Do not expect warnings on every chapters. If you can’t handle it, just don’t read the book. This is also unedited at matagal ko ng sinulat. Maraming grammatically errors at wrong type of words. Read at your own risks. LIKE SUPER CRINGE!!!

Nasa kalangitan ang tingin ko. Kanina ko pa ito tinititigan sa bintana. Gusto kong makita ang senyales na ibibigay nito kung pwede ba akong sumama kay lola ngayon sa gulayan o mananatili nalang ako rito sa loob ng bahay.

“Aly, tama na iyan,” narinig kong sabi ni lola.

“Hindi po la, baka mamamaya maya titigil rin ang ulan,” sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa kalangitang madilim dahil sa binabagsak nitong mga maliliit na tubig.

“Dito ka nalang,” dagdag nito.

Napabuntong ako ng hininga. Mukhang ang senyales na gusto ko ay hindi lalabas. Malungkot kong binalingan si lola, bumaba ako sa kinatatayuan kong upuan at nilapitan siya.

“Sige po lola. Dito nalang po ako.” Napabuntong ulit ako ng hininga.

Ngumiti si lola. Tiningnan nito ang bintanang kanina ko pa tinititigan saka ulit ako nilingon.

“Mukhang titila na ang ulan.” Napakurap ako roon. Nilingon kong muli ang labas at tama nga si lola, humihina na ang ulan at baka tuluyan na itong tumigil.

Nagtatalon ako sa saya. Ibig sabihin, senyales iyon na pwede akong sumama sa gulayan!

Ang sabi kasi ni lola, kung may hihilingin ka sa Langit ay humingi ka lang ng senyales. Doon mo makukuha ang isang sagot kung mapapasayo ba ang isang bagay, o hindi ito para sayo. Lahat ng desisyon ko ay inaasa ko sa senyales. Siguro ay nasanay narin akong humingi ng senyales. Kung titila ang ulan, ibig sabihin ay pwede akong sumama sa gulayan. Pero kung hindi ay mananatili nalang ako sa loob ng bahay.

Ganoon ang mga desisyon ko. Humihingi ako ng gabay sa kalangitan para makasigurado akong hindi ako mapapasama. Kasi sabi ni lola, lahat daw ay may rason.

Suot ang isang bestida at tsinelas, nakangiti akong lumabas ng bahay kasama si lola. May suot rin akong sombrero kagaya niya. Ito iyong madalas suotin ng mga magsasaka rito.

“Lumabas si White Lady! Hoy umaga pa! Sa gabi kana magparamdam!” tukso ng batang lalake sa akin na nasundan agad ng malulutong na tawanan. Si lola naman ay tiningnan ako ng makahulugan kaya nginitian ko nalang.

Naiiba ang kulay ko sa mga tagarito. Lahat sila ay natural na kayumanggi ang balat maliban sa akin na singputi ata ng isang makinis na papel. Lumilitaw ang balat ko rito kaya natutukso ako ng lahat at binansagan akong white lady. Ang sabi sakin ni lola ay may dugong kastila raw ako kaya ganito nalang ang kulay ng balat ko dahil mana ako kay Mama pero may mga tao naman talaga na mapuputi sabi niya pa. Sadyang nahalo lang daw ako sa mga kayumanggi kaya ako itong naiiba.

Nadaanan ko ang malawak na maisan. May isang lalake roon na busy sa pagtatanim ng bagong mais. Gusto ko sanang humingi kaso ang sabi ni lola ay ipinagbibili raw iyan sa bayan.

“Magandang umaga, lola.” Bati ng babaeng nakasalubong namin. Sa tansya ko, kaidad lang nito si Mama.

“Magandang umaga,” bati naman ni lola sa kanya.

Nalipat ang tingin ng babae sa akin kaya pasimple akong yumuko.

“Ito ba ang anak ni Teresa?”

“Oo siya nga, si Alyssa,” si Lola na nangingiti akong tiningnan.

“Aba’y kay gandang bata! Parang tagaibang bansa ang kutis oh! Nako lola, sigurado akong pagkakaguluhan iyan dito pag lumaki ’yan.”

Napakurap ako roon at nag-angat ng tingin sa babae. Hindi naman bago sa pandinig ko ang pinupuri ako ng ganoon. Pero nakakamangha na may nagagandahan sa akin rito kahit na kakaiba ako sa kanila.

Doon kasi sa amin sa kabilang nayon ay madalas rin akong pinupuri na maganda raw ako, na mana raw ako kay mama. Pero simula nang mamatay siya ay hindi ko na narinig ang papuring iyon lalo na’t umalis narin kami ni papa roon dahil ang sabi niya sa akin ay makikipagsapalaran daw siya sa syudad. Inihatid ako ni papa rito at iniwan kay lola. Magdadalawang taon na akong nandito pero hanggang ngayon ay hindi na ako nito binalikan pa.

Mas namangha ang mukha ng babae nang makita ang buong mukha ko. “Ang ganda ganda mong bata ka,” muli niyang sabi.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Hindi ko magawang magsalita dahil narin nalunod ako ng papuri.

Nagpatuloy ang paglalakad namin ni lola. Ngayon ay mas tumamis na ang ngiti ko. Iyon kasi ang unang beses na hindi panglalait ang natanggap ko. Kadalasan kasi sa mga nanglalait sa akin dito ay mga kaedad ko lang. Naiiba daw ako sa kanila. Minsan may tumatawag pa sa aking alien daw ako. Pero mas marami talagang white lady. Hindi naman ako nasasaktan dahil maputi naman talaga ako.

Hindi ko nga lang maisip kung bakit ginagawa nilang katatawanan ang isang bagay na normal lang dapat.

Napatingin ako sa malaking bahay na tanaw na tanaw lang sa nilalakaran namin ni lola. Malaki kasi iyon kaya nakakaagaw talaga ng pansin. Para iyong bahay na nakikita ko sa isang story book kung saan ang mga nakatira ay nakasuot ng magagarang kasuotan. Iyong mga babae naman ay palaging nakagown. Palaging representable.

“Napapansin ko, sa tuwing naglalakad tayo ay tinititigan mo ang bahay na iyan. Maganda ba apo?” tanong ni lola sa akin.

Tumango ako. “Opo lola. Ang laki po ng bahay. Siguro ang raming pera ng nakatira diyan.”

“Oo apo. Hacienda ’yan ng mga Buenaventura. Sila ang may pinakamawalak na lupain rito. Pumapangalawa naman iyong magulang ni Lhuella. Sa pinsan mo.”

May naririnig ako tungkol sa mga Buenaventura. Ang alam ko, sila rin daw ang pinaka makapangyarihan sa buong bayan. Sila iyong pamilya na nabibilang sa itaas dahil angat ang kanilang estado at naiiba sa normal na mga tao rito.

“Talaga po, la? Mababait ba ang nakatira diyan? Pwede ba akong pumunta?”

“Nako apo, walang tao riyan. Puro mga caretaker lang. Nasa syudad si Don Israel at ang mga anak niya. Minsan lang sa isang taon ata kung dumalaw sila riyan.”

Nakaramdam ako ng awa sa bahay. Bakit nagpapatayo pa sila ng bahay kung iiwan lang pala nila ’di ba? Ganoon ba karami ang pera nila at nag-aaksaya silang magpatayo ng ganyan kalaking bahay pero hindi naman pala nila titirhan?

“Pwede ka namang pumunta diyan. Pero wag ka lang pumasok sa hacienda. Doon ka lang sa may lupain nila,” ani lola na ikinaliwanag ng mukha ko.

Pag umulan bukas, hindi ako pupunta. Pero pag mainit, pupunta ako. Sisilipin ko rin ang loob ng bahay.

Chapter 1

Signs Of Love

This chapter is dedicated to Michelle Angela Paga. Wag nang magtampo okay? Hahahah.

Hacienda

Dala ang isang napulot na kahoy, binaybay ko ang pamilyar na daan patungo sa hacienda ng mga Buenaventura. Malaki ang kanilang lupain doon kaya naiinganyo rin akong puntahan. Nakakapaso ang init ng araw. Tumutulo narin ang pawis sa noo ko dala ng paglalakad ko. Pinahiran ko lamang iyon saka muling naglakad.

Malayo ang hacienda sa bahay ni lola. Medyo malayo rin ito sa gulayan. Aabutin ka ata ng kalahating oras sa paglalakad. Sa bata kong edad, hindi naman ako nakakaramdam ng pagod. Medyo hinihingal nga lang ako dahil tumatakbo ako para mas mabilis akong makarating.

Pagdating doon ay namangha ako sa malawak nilang lupain. May mga puno ng mangga akong natatanaw. Iyong lupain nila ay wala masyadong pananim. Ganoon ata siguro kabusy iyong nakatira kaya hindi na naaasikaso pa.

Pumasok ako roon. May alambreng nakapaligid bilang harang ng kabuuan pero dahil maliit ako ay ipinagkasya ko nalang ang sarili papasok nang hindi nasusugatan.

Dala dala ko parin ang kahoy. Isinasayad ko ito sa lupa at parang may ginagawang linya para alam ko ang dadaanan ko. Baka kasi maligaw ako.

Walang katao tao sa paligid. Sobrang tahimik rin ng bahay. Ang sabi ni lola may mga caretaker naman daw. Pero ba’t walang tao?

Nagpalakad lakad ako sa kanilang malawak na lupain. Sayang naman ang pataba ng lupa kung wala silang itatanim rito. Lalo na iyong mga mangga nila. Hindi ba nila iyan ipagbibili? Wala ba silang balak pagkakitaan itong pananim nila?

“Hija.” Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa matandang lalake na biglang nagsalita.

“P-Po. Nandito lang po ako para mamasyal.” sabi ko agad. Baka kasi magalit ito sa akin dahil napadpad ako sa lupain ng mga Buenaventura.

Ngumiti ito sa akin. “Okay lang iyon. Anong ginagawa mo rito? Gusto mo ba ng mangga? May panungkit rito. Pwede kang kumuha…” sabi nito.

Lumapit ako sa kanya. Matanda na ito. Siguro kung hindi namatay ng maaga si lolo ay magkasing-edad lamang sila.

“Lo, anong hitsura ng loob ng hacienda? Ikaw ba ang caretaker?” Pag-iiba ko ng topic sa halip na iyong mangga ang pagtuunan ng atensyon ko.

Nilingon sandali ni Lolo ang malaking gate saka ibinalik ang tingin sa akin. “Abay oo hija! Ako ang caretaker ng hacienda ni Don Israel. Tuwing summer lang sila pumupunta rito e.” paliwanag nito na ikinatango ko. Sinilip ko iyong malaking gate. Natatanaw ko ang loob. Gawa ata sa marmol ang bahay. May mga estatwa rin ako akong naaaninag. Iyong babaeng may nakalagay na malaking jar sa balikat niya tapos may tubig na umaagos.

“Nasa labas po ang cr nila, lo? Ba’t po iyong tubig umaagos?” Itinuro ko ang nakita ko na nagpahalakhak sa kanya. Hindi ba iyon cr?

“Nako, hindi iyan cr. Fish pond iyan. Gusto mo bang pumasok?”

Lumiwanag agad ang mukha ko sa paanyaya nito. Sinisilip ko palang kasi ang loob nito ay mukhang maganda na. Paano pa kaya sa malapitan?

Sumunod ako kay Lolo. Ipinasok niya iyong susi sa nakalock na gate saka ito binuksan. Nalaglag agad ang panga ko sa hitsura nito. Ang ganda ng mga bulaklak na nakapaligid. Nasa gilid iyon ng malaking bahay. Napatakbo agad ako sa fishpond at dinungaw ang naroon. May mga iba’t ibang isda akong nakita na ngayon ko lang natunghayan buong buhay ko. “Hala, starfish ba iyon lolo?!” Itinuro ko ang hugis star na naroon. “Oo hija.” Natatawa nitong sabi sa akin. Mas lalo akong namangha. Ang ganda ng fishpond nila. May mga iba’t ibang kulay ng kumikinang na batong cristal pa sa ilalim. Iyong mga isda naman ay parang may kanya kanyang mga bahay.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalaki ang kyuryusidad ko sa loob mismo ng bahay. Meron kasi silang malaking bakuran na ang sabi ni lolo ay veranda raw ang tawag. Sa bawat gilid naman nito ay may mga estatwa ng malalaking aso na gawa sa isang marmol. Para silang mga gwardya.

“Lo, bawal po ba akong pumasok sa loob? Gusto ko lang sanang masilip.” sabi ko sa kanya.

“Naku hija, gustuhin ko man pero bawal akong magpapasok ng kahit sino sa loob. Ako ang mapapagalitan ni Don Israel. Tuwing summer, pwede ka namang pumunta rito. Makipagkaibigan ka kina Sir, Uno, Dos at Tres. Baka sakaling isa sa tatlo ang pumayag. Anak sila ng may-ari ng haciendang ito.”

Naging malungkot ako. Uno, Dos at Tres. Tunog palang ng mga pangalan mukhang mga masasamang ugali ng lalake na ang naiimagine ko. Parang kagalang-galang pero mukhang imposible namang makakaibigan ko ang mga ganyang klaseng tao. Tapos anak pa ng may-ari ng hacienda, ng may pinakamalaking lupain dito.

Iyon ang naging libangan ko araw araw. Pumupunta ako sa hacienda ng mga Buenaventura para makipagkwentuhan kay Lolo. Minsan ay ako narin ang nagdidilig ng magagandang bulaklak nila. Minsan naman ay ako ang nagpapakain ng mga isda. Para ko narin itong sariling bahay dahil sa dalas ng pagpunta ko. Nangunguha si lolo ng manggang hilaw at isinasawsaw namin iyon sa sukang at asin. Iyon madalas ang kainin namin. Gustuhin ko mang sumilip sa loob ay hindi talaga pwede kaya hanggang bakuran lamang ako.

“Alam mo lolo, pag ako ang anak ng may-ari rito, tataniman ko talaga ng mga prutas ang lupa! Para naman may mapakinabangan.” sabi ko habang sumusubo ako ng isang slice ng mangga. Nakaupo ako sa veranda.

“Nag-aaral pa kasi iyong mga anak ni Don Israel hija kaya wala rin siyang maasahan sa tatlo para alagaan itong lupain nila dito. Kami muna ang nagbabantay.”

“Talaga po? Ako sa susunod na pasukan ang sabi ni lola ipapasok niya na daw ako sa Grade 2. Nag-iipon pa kasi siya e. At mukhang may kinikita na ang gulayan kaya pwede na raw akong mag-aral. Nahinto kasi ako noong namatay si Mama…”

Katulad ng pamumuhay ni lola, ganoon lang rin naman ang pamumuhay namin sa kabilang nayon. Iyon nga lang, ramdam ko ang pag-aaruga ng isang ina. Ni hindi niya hinahayaang pagpawisan ako. Ganoon rin naman si lola sa akin, pero iba parin talaga si Mama. Si Papa kaya? Nakapagtrabaho kaya siya sa syudad? Ba’t kaya hindi na ako nito binalikan?

Kinaumagahan, nagising nalang ako na may tao na sa pamamahay ni lola. May mag-asawa siyang kausap. Hindi ko sila kilala.

Napatingin sila sa akin. Pati iyong lalake na kaedad lang ata ni Papa ay napangiti na.

“Iyan ba ang anak ni Teresa, ma?” Nahimigan ko ang pagkamangha sa tinig nito. Tumango si Lola.

“Halika hija, lumapit ka sa akin. Kapatid ko ang mama mo.” Napakurap ako roon. Kapatid ni Mama?

Sa halip na lumapit ay tumakbo ako sa labas ng bahay. Narinig ko naman sila sa loob na nagtatawanan. Hinahabol ko pa ang hininga ko nang matagpuan ko ang isang babae na nakayuko sa halamanan at may kung anong sinisilip roon.

“Hoy. Ikaw.” tawag ko rito kaya nagulat ito at mabilis na napatingin sa akin. Kahit ako ay nagulat narin. Ba’t ang dumi ng mukha niya?

“Ano yang mga maliliit na bilog sa mukha mo? Hindi ka ba naliligo?” Napangiwi ako.

Napakurap siya at hinawakan ang mukha niya. Hindi iyon natatanggal.

“Ah ito ba, mga tigyawat ito. Ang dumi kasi sa syudad.” paliwanag niya.

Marumi ang syudad kaya siya nagkatigyawat? Ibig sabihin ay mga marurumi ang mukha ng mga tagasyudad?

Pinagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot siya ng isang simpleng bistida at isang flats na may ribbon. Meron rin akong ganyan, regalo sa akin ni mama pero hindi ko sinusuot. Itinago ko para hindi masira.

“Uhm, ikaw ba iyong si Alyssa? Sabi sakin ni lola pinsan daw kita.” Ngumiti siya sa akin. Napakurap ako. Pinsan? Akala ko si Lhuella lang ang pinsan ko. Iyong maarteng babae na nakatira sa magandang bahay. Pero meron pa pala? Siguro siya iyong tinutukoy ni lola na tagasyudad.

Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at nakipagshake-hands sa akin.

“Ako nga pala si Chanelle.” Mahinahon niyang sabi. Ngumiti narin ako pabalik. “Alyssa.” sagot ko.

Tuwing summer lang rin napapadpad ang pinsan ko rito sa amin. Busy kasi siya sa pag-aaral. Gustuhin niya mang tumira rito kasama ko pero hindi raw pwede.

“Anong maganda sa syudad?” tanong ko sa kanya nang bumalik silang muli rito para magbakasyon. Naglalakad kami papuntang maisan.

“Maganda yung paligid? Uhm, mga tao?”

“Mga tao? Akala ko ba marurumi ang mga mukha niyo roon?” Natawa siya sa sinabi ko.

“Hindi naman lahat. May mga crush nga akong pitong lalake. Sobrang gwapo nila. Sobrang kinis! Sana nga paglaki ko, isa sa kanila ang maging asawa ko…” Napatingala siya sa langit na para bang nadadala ito sa imahinasyon niya. Para siyang nagdadasal na nakabukas ang mga mata. Tumingala narin ako sa langit. Puro ulap lang naman ang nakikita ko roon.

“Crush?”

“Oo crush. Iyong mga lalakeng gwapo. Iyong mapapanganga ka kasi sobrang gwapo. Ganon.” Ngumisi siya sa akin. Mas matanda si Channy sa akin ng tatlong taon. Kung ako ay magg-grade 3 na, siya naman ay Grade 6 na.

Pagdating namin sa maisan ay dahan dahan kaming sumulong roon. “Kumuha ka ng maraming mais sa abot ng makakaya mo. Pag sinabi kong takbo, huwag kanang lumingon pa at tumakbo ka nalang.” Bulong ko sa kanya. Kahit hindi niya alam kung bakit ay tumango na lamang siya. Mabilis ang bawat kilos namin, nangunguha kami ng mais at isinisilid iyon sa dala naming tig iisang basket. Masarap kasi itong pakuluan ng tubig.

Nasa di kalayuan ay natanaw ko si Mang Rudy, paparating na ito at may dala pang itak. Nanlalaki na ang mga mata ko nang magtagpo ang mga mata namin. Natataranta kong tinapik si Channy na kampante pang inaabot iyong isang mais.

“T-Takbo!” Sigaw ko kay Channy. Pati siya ay nataranta narin. Sabay kaming sumiksik sa mga maisan lalo na’t naririnig na namin ang sigaw ni Mang Rudy. Halatang galit na galit ito.

Nahulog ang ibang mais na ipinasok ko sa basket dahil sa mabilis kong pagtakbo. Si Channy naman ay nagagawa pa talagang balikan ang mga nahuhulog para pulutin saka ulit siya tatakbo. Tawang tawa kaming dalawa nang mapansin naming naiwala na namin ito.

“Grabe!” sabi nya habang yakap yakap ang tiyan niya. Kapwa kami tumatawa. Habol habol ko pa ang hininga ko dahil sa pagtakbo.

“Pero Aly, tanong ko lang… ba’t tayo tumakbo?” Humagalpak kaming dalawa ng tawa.

“Kasi naroon na ang may-ari ng maisan!” Sagot ko na ikinahagalpak muli ng tawa namin.

“Talaga?!”

“Oo!” Nag-apir kaming dalawa at hindi na magkamayaw sa pagtawa. Kaso pag-uwi namin, tingin palang ni lola ay alam kong nakarating na sa kanya ang ginawa namin. Sigurado akong nagsumbong si Mang Rudy.

“Aly. Ba’t ninakaw niyo iyong maisan ni Rudy?” panimula ni lola na ikinayuko ko.

“La. Hindi naman namin iyon ninakaw. Nasa may daanan lang po kaya ang pananim.” Palusot ko na ikinatawa ni Tito Rolando.

“Hayaan mo na, ma. Nabayaran ko narin naman. Mukhang gusto lang kumain ng mais ng mga bata.” si Tito Rolando. Lumiwanag agad ang mukha naming dalawa. Pero si Channy nakurot sa tagiliran ng mama niya. Ba’t daw kasi nangunguha ng hindi sa kanya. Lumabas nalang kami ng bahay at naglaro sa bakuran habang hinihintay iyong maluto.

“Pero alam mo Channy, may pinupuntahan akong magandang bahay sa dulo. Sayang at mukhang hindi na tayo papayagang pumunta ng malayo dahil sa ginawa natin. Ipapakilala sana kita kay lolo.” Sumimangot ako habang nagdidilig ng halaman. Iyon rin ang ginagawa ni Channy sa kabila.

“Sayang nga at bukas uuwi na kami.” Malungkot nitong sabi na ikinalungkot ko narin.

Masyado talagang mabilis ang panahon. Sa bawat lumilipas na summer ay nadadagdagan rin ang edad ko. Grade 5 na ako. Okay naman iyong pag-aaral ko. Matataas ang kuha kong marka. Iyon nga lang ay wala talaga akong kaibigan. White lady daw kasi ako. Baka daw multuhin ko sila. Iyong mga kaklase ko ang aarte rin.

Pauwi na ako ng bahay galing sa gulayan ni lola nang matanaw ko ang hacienda. Ilang araw narin akong hindi nakakadalaw. Magsasummer na kaya sigurado akong busy na naman si lolo sa paghahanda dahil darating na naman iyong mga may-ari.

Namalayan ko nalang ang sarili kong tinatahak ang daan patungo sa hacienda. Pumasok ako alambre kung saan ang malawak na lupain. Hinawi ko pa ang buhok ko nang tumabon ito sa mukha ko dahil sa hagalpak ng hangin. Suot ang isang puting bestida, isang tsinelas ay naglakad ako patungo roon. Naaninag ko agad si lolo sa veranda.

“Lolo!” Sigaw ko. Lumingon ito sa akin kaya kinawayan ko agad ito.

May kung ano siyang sinesenyas sa akin pero hindi ko marinig kaya ang ginawa ko ay tumakbo ako papalapit sa kanya. Itinulak ko iyong malaking gate katulad ng ginagawa ko tuwing pumupunta ako rito saka ako pumasok. Natampal ni lolo ang kanyang noo. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay natigilan rin ako nang mapansin ko ang isang magarang kotse. Umiilaw iyong harap nito.

Mabilis ang hakbang ni lolo at agad na lumapit sa akin. “Aly–” May kung ano pa sana itong idudugtong nang matutop rin ang kanyang labi dahil sa pagbukas ng pinto ng kotse at lumabas roon ang isang matipunong lalake. Gusto ko nang mapaatras dahil sa takot sa hitsura nito. May suot itong eyeglass at ang gara ng suot na damit. Idagdag pa ang sapatos. Kaedad siya ni papa pero sa imahe nito ay mas kasindak sindak siya. Para siyang isang importanteng tao na tinitingala ng kararamihan.

Natigil sa paghakbang si lolo papalapit sa kinaroroonan ko at napayuko para magbigay galang.

“Don Israel…” sambit ni lolo.

Napakurap ako sa kakatitig sa lalake. Siya si Don Israel? Ang may-ari ng lupain?

Tumango lang ito saka bumaling sa akin. Napalunok agad ako ng laway dahil sa matalim niyang mga mata pero kalmado lang naman ang ekspresyon. Nakakatakot ang makapal na itim niyang kilay. Pati ang matangos nitong ilong ay nakakakuha rin ng pansin. Ang labi niyang perpekto ang pagkakahulma.

“Who’s this little girl?” tanong nito na ikinatingin ko narin kay lolo.

“Ah, si Aly po iyan Don Israel. Tagarito siya. Apo siya ng ina ni Felicita.” Magalang na sagot ni lolo. Si Tita Felicita ay ang ina ni Lhuella.

Tumango ito. Tiningnan akong muli. “Papasukin mo sa bahay nang makapagmeryenda ang batang iyan.”

Tumango si lolo. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Naglakad ako papunta sa direksyon niya at humawak sa kamay niyang inilahad niya sa akin. Ramdam ko ang pagtalbog ng puso ko dahil sa nerbyos pero dahil narin sa excitement. Makakapasok na ako sa bahay na ilang buwan ko naring iniimagine ang loob!

Pagkabukas ng pinto, sumalubong agad ang sala nilang makalaglag panga. Marami silang mga babasaging gamit na nakadesinyo sa loob. Sa gilid naman ay isang mataas na hagdan na kumukonekta sa ikalawang palapag ng bahay. Kulay pula ang carpet na naroroon at may floral prints pa. Sa gitna ay nakasabit ang malaking chandelier. Marami silang mga malalaking frames at puro halaman ang naroroon. May mahaba silang kurtina at malalapad na sofa. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kainggrandeng bahay! Mas maganda pa ito sa bahay nila Lhuella! Lamang na lamang ito!

Gumagala ang tingin ko sa loob habang ginigiya ako papasok ni lolo sa kusina. Ipinaupo niya ako sa upuang gawa sa narra tree pero makintab ito at mukhang mamahalin. Base narin sa desinyo ng likod.

May mga maid na nagkalat sa bawat paligid. May kung ano ano itong pinaggagawa. Si lolo naman ay may sinabi roon sa isang maid na naabutan namin sa loob ng kusina. Tumango lang ito at may pinagkaabalahan na.

“Ba’t po napaaga ang dating nila rito sa bahay nila, lo?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ko nga alam e.”

“Uhm, mag-isa lang po siya?”

Umiling si lolo. “Kasama niya ang panganay niyang anak. Si Sir Uno.”

Chapter 2

Signs Of Love

Sugat

Naglapag ng masasarap ng pagkain iyong katulong. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa tatlong magkaibang klase ng isang slice ng cake na inihain para sa akin.

“Sinong may birthday?” kuryoso kong tanong.

“Wala Aly. Ganyan talaga rito. Normal lang ang may iserve na cake sa bisita,” aniya sabay halakhak.

Normal lang sa kanila ang may cake sa lamesa? Ganoon ba talaga karami ang pera nila? Tapos iba’t ibang klase pa ng cake! Ako nga hanggang tinapay lang ako!

Sinalinan ako ng pineapple juice ng katulong saka ako nito iniwan. Naging komportable ang pagkain ko. Si lolo naman ay nagpaalam muna na lalabas lang siya dahil baka may ipapagawa si Don Israel. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagkain. Hindi ko inubos iyong dalawa para madalhan ko rin si Lola. Pero pwede ba iyon?

Tinawag ko iyong katulong na nilapitan naman ako.

“Marami pa bang cake sa loob ng ref nila?” tanong ko na ikinatango nito.

“Uhm, pwede bang humingi pa ng tatlong slice? Dadalhan ko kasi si lola.”

Napaismid sa akin ang katulong. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Bawal ba?

“Marunong kang mahiya, bata. Wala nang cake.” Umirap ito at tinalikuran ako. Kakasabi niya lang na marami pa ah?

Hindi ko nalang inubos iyong dalawa. Kahit natatakam pa ako ay tiniis ko nalang. Sigurado rin kasi akong matutuwa si lola nito. Minsan lang iyon kumain ng matatamis.

Tumayo ako sa upuan ko. Sinilip ko ang labas. Naroon ang ibang katulong pero wala iyong si Don Israel. Pati ang anak niya ay wala rin.

May mga katulong na papasok sa kusina kaya mabilis akong bumalik sa pwesto ko at nagpanggap na kumain.

“Iyon na ba si Sir Uno?” Kinikilig na bulong ng isa sa kasama niya.

Tumango iyong isa at para na silang mga kiti kiting patalon talon. Sabay pa silang humagikhik.

“Ang gwapo! Highschool palang pero ganoon na kagwapo! Iyong katawan! Nako! Ang gwapo!” bulong nito habang impit ang kanilang mga tili.

Aligaga ang dalawa sa harapan ko. Ubos na iyong pineapple juice ko kaya tinawag ko ang isa sa kanila. Mukhang nadisturbo ko ang hagikhikan nila kaya naiirita nila akong binalingan.

“Ano ’yon bata.”

“Gusto ko po sanang manghingi pa ng pineapple juice,” sabi ko na ikinabusangot ng pagmumukha nila.

“Ikaw na nga ang pinatuloy ikaw pa ang abusado. May kahihiyan ka ba?” Nanggigigil na sabi ng isa sa akin.

Ba’t ganon ang mga katulong rito? Sumimangot ako lalo na’t inirapan na ako ng dalawa. Ang mga nasirang ekspresyon ng mukha nila ay bumalik rin sa dati nang mapag-usapan nila iyong nagngangalang Uno. Nag-uunahan pa ang dalawa kung sino ang magdadala ng meryenda para dito.

Dala ang baso ay lumabas ako ng kusina. Doon ako dumaan sa isang pinto na kumukonekta sa labas nila kung nasaan ang malawak na garden. May parang upuan doon pero kailangan mo pang pumasok sa loob. Para itong kalabasa na sinakyan ni Cinderella noong tumakas siya para pumunta sa isang inggrandeng party. Iyon nga lang, mukha itong swing dahil gumagalaw.

Nagtungo ako roon at pumasok. Iginala ko ang tingin sa paligid. Nasaan kaya si Lolo? Sa kanya nalang siguro ako manghihingi ng pineapple juice.

“Do you like the place son?” Narinig ko ang boses sa likod ng sinasakyan ko. Mukhang si Don Israel iyon kasama ang anak niya.

“Who wouldn’t Dad. Ang presko rito,” ang anak ni Don Israel.

“Hmm…”

“Oh please Dad. Huwag nalang ako. Gusto kong ihandle ang kompanya. Besides, iyon din naman ang gusto mo hindi ba?” natatawa niyang paliwanag.

“Oo naman. Pero maaasahan ko ba si Tres sa lupain dito kung sakali? Lalo na si Dos. You know your brother. Mas matigas pa sa bato ang ulo.”

“Nag-aaral palang naman sila. Siguro pag nasa tamang edad na ay makukumbinsi rin natin sila, Dad. Be patient.”

“Ikaw lang ata ang maaasahan ko kaysa sa dalawa. Tres is too lazy for this while Dos is too busy for causing troubles…”

“Aly! Nandito ka lang pala.”

Sa sobrang gulat ko sa boses ni Lolo ay halos mapatalon ako sa upuan ko. Gumalaw iyon kaya natataranta akong umupo pabalik. Mabilis namang sumaklolo si lolo para sana hawakan iyong sinakyan ko pero hindi palang ito nakakalapit ay natigilan rin ito at napatingin sa gilid. Kasabay nito ang paghinto ng inuupuan ko. Parang may pwersang pumigil noon kaya hindi na ito gumalaw pa.

Nakahinga ako ng maluwag. Hawak hawak ko pa iyong baso habang ang isa kong kamay ay nasa dibdib ko. Ilang sandali lamang ay may mukhang dumungaw na sa harapan ko na nagpatigil sa akin.

Ang anak ni Don Israel na si Uno ay mas nakita ko sa malapit na paraan. Kuhang kuha niya ang bawat detalye ng mukha ni Don. Matangos na ilong, makakapal na kilay, maitim na buhok at ang mga matang singdilim ng gabi.

Medyo mahaba ng kaonti ang kanyang buhok at nakaatras iyon ngunit may iilang hibla pa ring tumatakas at nalalaglag sa noo. Matangkad siya at parang hinila palabas sa libro dahil sa kanyang perpektong kabuuan.

“You okay?” tanong nito sa akin na ikinakurap ko.

Ngumiti siya at inilahad sa akin ang isang kamay.

“Give me your hand.”

Inilahad ko sa kanya ang aking kamay. Sa sobrang lambot ng pagkakahawak niya sa akin ay hindi ko na maiwasang mapatingin doon habang inaalalayan niya akong lumabas.

Nahihiya akong yumuko lalo na’t nakatingin na rin pala si Don sa akin.

“She got scared…” sabi ni Uno na ikinahalakhak ni Don Israel.

“Pasensya na po kung nadisturbo kayo ni Aly,” si Lolo.

“It’s okay. Mukhang nag-eenjoy naman siya…” sabi ni Don Israel.

Hindi ko pa rin magawang mag-angat ng tingin. Iyong nagngangalang Uno naman ay nagpaalam muna na may sasagutin lang daw na tawag kaya lumayo ito sa amin at nagtungo roon sa lupain para ata maghanap ng signal. May kung anong tinik na nabunot sa loob ko. Siguro dala na rin ng kaba at kahihiyan. Pero hindi ko lang talaga mapunto kung ba’t ako nahihiya.

“Why are you holding an empty glass?” tanong ni Don Israel sa akin.

“Hinahanap ko po kasi si Lolo, manghihingi sana ako ng pineapple juice. Busy kasi iyong mga katulong niyo e,” paliwanag ko.

“Ganoon ba. Mang Dancio, pakisabi sa ibang katulong na dalhan kami ng meryenda rito.”

Tumango naman agad si Lolo at nawala rin sa paningin namin.

“Let’s have a sit, hija,” anyaya ni Don.

Nahihiya akong tumango at nagtungo roon sa likod ng sinasakyan ko. May mauupuan pala roon at isang mesa.

Naupo ako sa harap niya. Nililingon ko naman minsan sa lupain nila iyong anak niyang si Uno na nakapameywang pa at sumasayaw ang buhok sa ere dahil sa hampas ng hangin.

“Ang sabi ni Mang Dancio ay madalas ka raw rito. You’re watering our flowers and feeding our fishes. Tama ba?”

Tumango ako. Namangha ang mukha nito. Hindi ko aakalaing mahinahon pala siyang tao sa kabila ng nakakasindak niyang imahe.

“Hmm… anong gustong sweldo ba ang gusto mo?”

“Sweldo? Hindi naman po ako nagtatrabaho sa inyo. Ginawa ko lang po talaga ’yon dahil naaawa ako sa bahay. Wala kasing nakatira.” paliwanag ko.“

Nangingiti niya akong tiningnan.

“Pero sapat na po ang tatlong slice ng cake para iuwi ko kay lola. Yun nalang po ang sweldo niyo sa akin.” Ngumisi na ako na ikinahalakhak nito. Tawang tawa siya sa sweldong gusto ko. Masyado bang marami?

“Uhm, isang slice?” agap ko dahil baka ay masyadong marami ang tatlo.

“No hija. Kahit nga tatlong buong cake ang ibigay ko sayo ay okay lang,” aniya na ikinaliwanag ng mukha ko. Tatlong buong cake?! Parang nagbirthday narin ako ng tatlong beses dahil doon!

Dumating iyong katulong na tinarayan ako kanina. Nagulat pa siya nang makita ako. Napayuko rin naman agad ito para ilapag ang dalang tray na may lamang iba’t ibang klase ng cake.

“Marami pa palang cake?” wala sa sarili kong tanong.

“Of course hija. Marami sa loob ng ref,” si Don Israel.

“Ang sabi niya po kasi kanina noong nanghingi ako ng tatlong slice ng cake para sana sa lola ko ay wala na raw.”

Namula iyong babae sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Iyon ang sinabi niya.

Napatingin si Don Israel sa katulong, magkasalubong ang kilay nito.

“P-Pasensya na po D-Don…”

Sinenyasan niya itong umalis na kaya tumalikod rin ito at naglakad. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paglingon niya sa akin at ang matalim niyang tingin.

Napatitig ako sandali sa mga cake. Ibang klase naman ngayon ang isinerve nila. Mga apat ata iyon ng iba’t ibang klase ng cake. Nang dahil sa kyuryusidad ay hindi ko na napigilan ang bibig ko.

“Ba’t po ang rami niyong pera? Paano niyo iyon ginagawa?”

“Hmm… paano ba? Dahil lang naman sa pagpupursigi ko hija. Ako ang namahala ng lupain rito. Galing pa ito sa lolo ko. Pinalago ko ito noon. Dito ko kinuha ang perang ginamit kong puhunan para makapagpatayo ako ng sariling kompanya sa syudad.”

Namangha ako sa pakikinig. Ibig sabihin ay kailangan lang magpursigi tapos magkakapera kana ng marami?

“Pag nagpursigi ba ako ibig sabihin magkakaroon rin ako ng maraming pera? Makakapagpatayo rin ako ng magandang bahay? Makakabili ng maraming cake?”

Natatawa itong tumango sa akin. Humagikhik ako. Iyon lang naman pala ang paraan para magkaroon ka ng maraming pera!

“Sige po. Simula sa araw na ito ay gagaya na ako sa inyo. Hindi ako magwawaldas ng pera. Magpupursigi ako! Palalaguin ko iyong maliit na gulayan ni lola!”

“That’s good to hear hija.”

Umuwi ako ng bahay baon baon ang magandang pangaral ni Don Israel. May tatlong buong cake rin akong naibaon. Nagtataka pa nga si lola kung saan ko raw iyon kinuha. Ang sabi ko lang ay bigay ni Don Israel. Ang sabi niya naman ay mabait raw talaga iyon.

Tumatak sa utak ko ang sinabi ni Don. Kaya nang Sabado ay bumalik ulit ako sa bahay nila. Dalawang araw kasi akong hindi nakabalik dahil nagpursigi akong tulungan si Lola sa pagtatanim ng panibagong gulay.

“Nako Aly nakaalis na ang mag-ama. Mukhang binisita lang ang lupain. Pero ang sabi ni Don, kung gusto mo raw ng cake ay pwede raw kitang bigyan. Iyong anak niya kasing si Uno nagyaya agad umuwi dahil sa girlfriend nito sa syudad,” ani Lolo nang pumasok ako sa malawak na bakuran ng hacienda.

Parang nahulog sa sahig ang excitement na naramdaman ko. Sayang naman at hindi ko naabutan si Don Israel. Manghihingi pa sana ako ng tips para magkapera ako ng marami kagaya niya. Pero sapat naman iyong mga sinabi niya sa akin.

Kaya nang makagraduate ako sa Elementary ay namulat na ang utak ko sa pagtatrabaho at kumita ng pera. Gusto kong mag-ipon para makapagpatayo ako ng magandang bahay para kay lola.

“La, wala na bang balak bumisita si Channy dito?” tanong ko kay lola habang kapwa kami nagtatanim ng gulay sa lupa.

Tirik na tirik ang araw at naliligo kami ng pawis. Buti nalang talaga at may suot kaming mga sombrero. Iyong balat ko naman ay namumula lang.

“Mukhang busy na iyon sa pag-aaral niya, Aly. Highschool na iyon. Malapit na siyang magcollege,” ani Lola.

Pinanood ko siyang magbungkal ng lupa at inihulog roon ang isang kapiraso ng buto.

Baka hindi na iyon babalik dito dahil sa ginawa ni Lhuella sa amin. Paano ba naman, pumunta kami roon sa bahay nila pero hindi man lang kami pinatuloy. Baka raw marumihan ang sahig. Naalala ko pa iyong araw na ’yon.

“Sige Lhuella, iyang mukha mo nalang ang aapakan namin total mas makintab pa iyang sahig niyo kaysa sa mukha mo,” nanggigigil kong sabi sa pinsan kong nakapameywang sa may pinto. Naramdaman ko agad ang kamay ni Channy sa braso ko para awatin ako.

Nasira ang ekspresyon ni Lhuella. Kulang nalang ay ihagis niya sa akin iyong hawak niyang manika niya na ipinagmamayabang niyang galing pa raw sa ibang bansa.

“You know what Aly, ang dungis mo. Mas malinis pa nga ang katulong namin eh. Ba’t hindi ka mag-apply?” aniya habang nakaangat ang kilay.

“Alam mo Lhue para kang buto. Ang sarap mo ring ibaon sa lupa,” sabi ko at ginaya ang kanyang pagtataray.

Sa sobrang galit nito ay itinapon niya sa akin ang manika niya. Bumaba siya sa veranda nila at hinila ang buhok ko. Gumanti narin ako sa kanya. Inaawat kami ni Channy pero tinulak niya lang ito. Hinugot ko ang buong lakas ko at itinulak narin ito. Napaupo siya sa sahig kasabay ng paglabas ng Mommy niya para tingnan ang kaguluhan.

“What’s happening here?! Oh my God Lhue!” Tili ni Tita nang makita si Lhuella na nakaupo na sa sahig at nadumihan na ang suot na magarang dress.

“Mommy! Si Aly tinulak ako!” sumbong ni Tita.

Sinaklolohan ko naman si Channy para patayuin ito. Ngayon, ang talim na ng tingin ni tita sa amin habang pinapagpagan ang suot ng anak niya.

“Mommy nagkasugat ang siko ko!” Pinagpapadyak ni Lhue ang kanyang isang paa habang ipinapakita kay Tita ang maliit na gasgas sa siko niya.

“Aly! Ikaw talaga! Kahit kailan wala kang nagagawang matino! Walang silbing bata!” nanggagalaiting sigaw ni Tita Felicita kaya kapwa na kami napayuko ni Channy.

Isa lang naman iyon sa mga away namin ng pinsan ko. Hindi kami nagkakasundo sa maraming bagay. Ayoko sa ugali niya dahil pinagmamalaki niya sa akin ang mga meron siya na wala ako. Na kahit si Channy ay ganoon rin ang pinapakita niya. Tahimik lang si Channy at ako lang talaga itong hindi nakakatiis. Nauuwi kami palagi sa pagsasabunutan.

“Ikaw kasi… walang parents na mayaman. Kawawa naman iyong mama mong namatay nang hindi man lang yumayaman. Pati papa mo kailangan ka pang iwan kay lola dahil hindi kana kayang buhayin. Magsasaka ka lang talaga Aly. Hanggang diyan ka lang sa posisyon mo. Magkaiba tayo.” pagmamalaki na naman ni Lhuella nang mapadpad ako rito sa lupain nila.

Gusto ko sanang manghiram ng pera kay Tita para ipangbaon sa eskwelahan dahil wala kaming naharvest na gulay ni lola. Kaso itong babae namang ito ang sumalubong sa akin at pinapamukha na naman iyang estado niya.

Nanubig ang mga mata ko dahil sa sinabi niya pero kinimkim ko iyon. Ayokong ipakita sa kanyang mahina ako.

“Akala mo naman gusto kong mapunta sa posisyon mo. Oo nga mayaman ka, pero aanhin mo ang maraming pera kung hindi mo naman magawang ipaayos ang pangit mong mukha! Akala mo ba maganda ka? Mayaman ka lang Lhuella! Wala kang ganda!” Inis na inis ko nang sabi sa kanya para lang masagad ko ang pasensya niya dahil nasagad niya na iyong akin.

Katulad ng pagbabangayan naming dalawa ay nauwi ulit iyon sa pagsasabunutan. Siya ulit ang napaupo sa sahig. Dala ng sinabi niyang wala akong magulang ay sinakyan ko siya sa tiyan niya at pinahiran ng putik ang buo niyang mukha. Nagtitili siya kaya sinupalpal ko agad ang bibig niya. Mukhang nakakain na ito ng putik pero wala akong pakialam sa bagay na iyon, sinabunutan ko siya lalo. Sagad na sagad ako dahil nagawa niya pa talagang isali ang mga magulang ko.

“Aly!” Boses iyon ni lola kaya natigilan na ako.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ulit ang paglabas ng pamamahay ni Tita Filicita. Mabilis siyang napasugod sa kinaroroonan namin. Si Lhuella ay nagsimula nang humikbi.

Marahas akong hinila ni Tita paalis sa tiyan ni Lhue at pinatayo ang anak niya. Si Lola naman ay nasa gilid ko na. Mukhang sinundan niya ako dahil narin siguro alam niyang mapapaaway na naman ako sa pinsan ko.

“Iuwi niyo na nga iyang si Aly sa bahay kubo niyo, ma! Nakakainis ang batang iyan!” Galit na galit si Tita Felicita.

Mariin akong napapikit. Nanghahapdi ang balikat ko dahil sa pagkakabaon ng kuko ni Tita roon. Alam kong dumudugo ito pero hindi ko nalang iyon pinansin. Mas masakit parin ang sugat na natamo ko sa loob.

Chapter 3

Signs Of Love

Girlfriend

“Magandang umaga po! Idedeliver ko lang ang mga gulay na inorder niyo sa amin,” masigla kong sabi sa tinderang babae rito sa palengke.

Ngumiti ito sa akin at tiningnan ang isang supot na inilabas ko sa sako.

“Ang sipag mo naman hija. Biruin mo… kababae mong tao ikaw ang gumagawa ng ganyan,” sabi niya nang makita niya ang isang sakong nakaya kong dalhin.

Hindi naman iyon gaanong mabigat. Mga iilang gulay lang rin naman ang laman.

Ngumiti ako sa kanya ng matamis habang chinicheck ko sa listahan ang pangalan niya para hindi na ako malito. May lima pang tindera rito ang paghahatidan ko. Medyo nakaharvest kami ng marami ni lola. Sapat na rin iyon para kumita ako ng limang daan sa isang araw. Malaking bagay na iyon lalo na’t nag-iipon ako.

Sila na ang mga suki namin ni lola sa gulayan namin. Oo medyo malawak ang lupain ni lola, pero wala rin naman kaming maitanim doon bukod sa gulay. Iyong fertilizer nga ang mahal mahal na. Siguro pag nakapag-ipon kami ng malaki ay palalawakin ko iyon. Hindi na kailangang si lola ang magbungkal ng lupa, may mga trabahador na kami dapat. Ang tanging gagawin niya nalang ay magbilang ng pera.

Iyon ang nagpapalakas ng loob ko para mas magpursigi pa. Hindi ko alintana ang pagod… ang mainit na panahon na tumatama sa balat ko sa tuwing nakasakay ako sa isang kabayo. Siya si Horsey. Sa amin ito ni Channy. Regalo ni lola sa amin. At dahil medyo malaki na ito ay napapakinabangan ko na siya sa paghahatid ng mga gulay sa bayan.

Suot ang isang puting dress, nakatali ang buhok, medyo pawisan at may suot na sombrerong gawa sa dayami, maingat akong sumakay kay Horsey. Wala nang laman ang sako ko kaya pwede na akong umuwi. Mahaba pa ang araw at marami pa akong gagawin.

“Grabe! Ikaw lang ata ang white lady na nagpaparamdam sa umaga at nakasakay pa sa isang kabayo!” sigaw ng batang lalakeng nadaanan ko rito sa bayan.

Hindi ko na ito pinakinggan pa. Kung noon ay apektado ako lagi sa pangungutya nila, ngayon naman ay hindi kona masyadong pinagtutuunan ng pansin. Highschool na ako at wala na akong panahon sa mga ganyang bagay. Nilamon na ata ng pera ang utak ko.

Mahina lamang ang pagpapatakbo ko kay Horsey. Natatangay rin ang buhok ko sa ere sa bawat galaw nito na kahit ako ang katawan ko ay lumulundag ng kaonti.

“Maganda talaga itong batang ito… Parang may lahing espanyol. Maputi, makinis… mamula mula ang pisngi,” narinig kong sabi ng matandang babae.

Nakakakuha ako ng papuri sa mga matatanda, pero sa mga kaedad ko, o sa mas bata pa sa akin ay iba ang nakikita sa akin. White lady daw ako.

Hinila ko ang tali ni Horsey at marahan itong ipinalo para mas lumakas na ang pagpapatakbo nito. Dumeritso ako sa isang barn. Bukod sa paghahatid ng gulay sa bayan, nagpapaanak rin ako ng baka. Tumutulong ako kay Aling Tecy dahil binabayaran din naman ako.

“Tapos kana sa paghatid ng mga gulay, Aly?” tanong niya saakin nang makita niya akong bumababa na kay Horsey.

Ngumiti ako at tumango.

“Opo. Uhm, ilang baka po ang paaanakin natin ngayon?” Nilingon ko ang loob ng barn.

“Mga dalawa lang naman. ’Tsaka kung pwede ay tulungan mo na rin ako sa ibang baka na kunan sila ng gatas. Tuturuan kita mamaya hija.”

Tumango agad ako.

Naiinis ako sa tuwing humihiyaw ang baka. Ako ang nakakapit sa isa nitong paa. Si Aling Tecy naman ang nasa gitna para paanakin ito. Hiyaw ito nang hiyaw at panay ang pagpupumiglas. Nakagapos naman ito kaya nakakasigurado rin akong hindi ito masyadong makakagalaw.

Pagkatapos nitong manganak ay inilagay namin ito sa stretcher. Sumasakit ang likod ko dahil sa kakapigil sa baka sa pagpupumiglas pero kaya naman. Lalo na’t dalawa rin iyon. Pagkatapos ay tinuruan niya rin akong kumuha ng gatas ng baka. Kailangan mo lang pagpisil-pisilin iyong mga nipples niya, hilain pababa tapos ganoon rin sa isa.

“Salamat ng marami Aly, balik ka ulit dito ha.” Inilahad sa akin ni Aling Tecy ang tatlong isang daan na ikinangiti ko.

“Sige po.”

Sumakay ulit ako kay Horsey. Binaybay ko ang mahabang daan pauwi. Puro mga lupaing may pananim ang nasa gilid ko. Natatanaw ko rin ang malawak na cacao ng pinsan ko. Sa dulo naman ay ang maisan. Nasa kabilang banda naman ang gulayan ni lola.

Nang makarating ako sa maisan ay dumako agad ang tingin ko sa isang malaking bahay na limang taon ko nang hindi nabibisita. Fifteen na ako. At sigurado akong marami nang nagbago roon. Ilang sigundo ko iyong tinitigan hanggang wala sa sarili kong iniliko ang kabayo ko at mas pinatakbo ito ng mabilis. Sisilip nalang siguro ako…

Itinali ko si Horsey sa tabi ng may alambre. Nang masigurado kong ayos na ito ay saka rin ako pumasok. Nagulat ako nang may mga pananim nang tumutubo sa kanilang lupain. May iilang magsasaka na roon. Sa gitna naman ay ang daan patungo sa hacienda. Mukhang mapapakinabangan na ang lupain.

May iilang mga trabahante ang napatingin sa akin pero hindi ko nalang iyon pinansin. Tinahak ko ang daan patungo sa hacienda. Ang malaking bahay na binalot ata ng kalungkutan. Hindi na ata napapadpad si Don Israel dito. Kahit ang mga anak niya ay mukhang busy rin.

Bukas ang gate kaya itinulak ko nalang iyon para mas makapasok ako sa bakuran nila. Ganoon pa rin ang loob. Mukhang nami-maintain nga ni lolo ang paligid. Ni isang damo ay walang napadpad. Kung meron man ay maliliit iyon at mukhang ipinatag na. Mas namukadkad ang mga pamilyar na bulaklak sa paligid. Kahit ang fish pond ay ganoon rin. May mga bagong isda roon. Mas rumami ata ang lahi nila.

Iginala ko ang tingin sa kabuuan. Walang tao. Siguro ay nasa loob si lolo.

“Lolo Dancio?” tawag ko.

Naglakad ako patungong veranda. Makintab ang mga mwebles at halatang nililinis araw araw. Medyo nakabukas iyong pinto kaya sumilip ako sa loob. Kumatok ako.

“Lolo Dancio?” Mas nilakasan ko pa ang boses ko lalo na’t may katandaan na rin iyon kaya siguro hindi narin ako naririnig.

Parang walang katulong sa loob. Nasaan sila kung ganoon?

Handa na akong tumalikod nang biglang bumukas ang pinto. Lumiwanag agad ang mukha ko at mabilis na napalingon. Ang nakangiti kong labi ay unti unti ring nabura nang matagpuan ko ang isang lalakeng walang saplot sa itaas at magkasalubong ang kilay.

Katulad noong una ko siyang makita rito ay ganoon parin ang itsura niya, pero mas nabigyan na iyon ng hustisya, nahubog na iyon ng panahon at masasabi mo talagang may tindig na ito.

Nakakatakot ang mga kagaya niya dahil parang ang rahas tingnan. O sadyang masyado lang akong nipis para ikumpara sa kabuuan nito.

Napatingin siya sa akin sa kuryosong paraan. Napalunok ako ng laway. Nandito ang panganay ni Don Israel?

“May kailangan ka?” tanong niya.

“Uh… si Lolo Dancio. Hinahanap ko…” Hindi ko maipirmi ang tingin ko sa kanya. Bumababa iyon sa tiyan niya pero agad ko ring inililipat sa ibang direksyon.

“Nasa bayan. Babalik rin agad iyon. Pwede kang pumasok,” anyaya nito.

Tumango ako at humakbang papasok. Mas binuksan niya ng malaki ang pinto. Wala ring pinagbago sa loob. Ganoon pa rin. Maliban sa isang malaking picture frame sa may gilid ng hagdan. Naroon siya kasama ang mga magulang niya at dalawa pang lalake na may mga supladong mukha. Siguro ’yan ang mga kapatid niyang si Dos at Tres. Hindi ko lang matukoy kung sino si Dos at sino si Tres lalo na’t kapwa sila magkakatulad, kapwa nakakasindak.

“Anong gusto mong meryenda habang naghihintay?”

Umiling agad ako. “Hindi naman ako magtatagal…”

Namaywang siya sa harapan ko. Napayuko ako. Nasa kandungan ang dalawang kamay. Mukhang hindi niya na ako naalala kaya siguro…

“Babe?” Narinig ko ang isang malambing na boses ng isang babae. Naroon iyon sa hagdan at sumisilip dito.

“Hmm… Christine? I’m here,” si Uno sa malambing na tinig.

Napakurap ako. Napatingin ako sa babaeng bumaba na nakatapis lamang ng tuwalya.

Ipinalupot niya agad ang braso niya kay Uno nang tuluyan siyang makababa. Napatitig ako sa dalawa. Ang kamay ni Uno ay gumapang naman sa baywang nito at isiniksik ang kanyang mukha sa leeg. Mukhang may ibinulong siya rito sanhi para mapahagikhik ang babae.

“Of course I’d love to! Akala ko ba pinagleave mo lahat ng tao sa hacienda niyo para hindi tayo madisturbo…” Napanguso iyong babae at nilingon ako.

“May bisita si Lolo Dancio. Siguro ay apo niya. Ano nga ang pangalan mo?” Binalingan ako ni Uno.

Gustuhin ko mang ipirmi ang tingin ko sa kanya ay natatangay iyon ng kamay niyang humahaplos sa baywang ng babae. Nagkasalubong ang kilay ko at ibinalik ulit sa mga mata niya ang tingin.

Handa na akong sumagot nang may mas mangibabaw na boses.

“Aly?” Napalingon kaming tatlo sa kakarating lang.

Napatayo agad ako nang makita si Lolo Dancio. Hindi ko na inabalang sumagot pa at naglakad nalang patungo sa kanya. Nagmano ako saka muling binalingan ang dalawa lalo na’t naroon rin ang tingin ni lolo.

“Pasensya na po Sir Uno at mukhang nadisturbo kayo ni Aly.”

“No it’s okay. Siya ba iyong bata noon dito sa hacienda? Iyong natakot sa swing na upuan?”

“Opo Sir. Si Aly ang batang iyon.”

“I see…” Tumango si Uno at mukhang unti-unti na akong naalala.

“She’s a gorgeous girl… ilang taon kana ba?” tanong ng babae.

“Fifteen po,” sabi ko.

“Oh… Lamang pala ako ng tatlong taon sayo. Eighteen ako.” Ngumiti siya ng matamis na ikinangiti ko ng tipid.

“Halika Aly. Sa kusina tayo.” Iginiya ako ni Lolo sa kusina.

Nilingon ko ng huling beses ang dalawa. Ngumingisi na si Uno sa babae habang iyong babae ay humahagikhik sa kanyang balikat. Napanguso ako at itinuon ang atensyon sa dinadaanan ko.

“Sino po iyong babae na kasama ni Uno, lolo?” tanong ko nang makaupo ako.

Binuksan niya ang ref at may kung anong pinaglalabas na makakain doon.

“Ah, si Maam Christine. Girlfriend ni Uno. Sobrang ganda ano, Aly?”

Tumango ako lalo na’t totoo iyon. Ang layo layo ng pagkakaalam ko sa mga tagasyudad kumpara sa huling pag-uusap namin ni Chan, ang aking pinsan.

Ang kinis kinis niya at mukhang mayaman. Iyong mabango kahit hindi pa lumalapit sa’yo.

Inilapag ni Lolo sa harapan ko ang tatlong slice ng iba’t ibang klaseng cake. May pitchel rin siyang hawak na naglalaman ng pineapple juice.

“Siya po ’yung inuwi ni Uno noong nandito ako, Lolo?”

Kumunot ang noo ni Lolo at tila nag-isip habang nagsisimula akong sumimsim sa juice.

“Mukhang iba na naman ’yan. Ang alam ko sa magkakapatid, iyong bunso ang hindi mahilig sa babae. Si Sir Uno ang papalit palit ng girlfriend. Iyong si Sir Dos naman ang…”

Nagkatitigan kami ni Lolo dahil mukhang hirap siyang dugtungan ang sasabihin. Kumunot ang aking noo.

“Masyado ka pang bata sa mga ganoong bagay Aly. Kung nasa tamang edad kana ay mamumulat ka rin sa ganoong bagay,” aniya.

“Katulad po ng ano?”

“Hmm… katulad ng paghalik. Mga ganoon.”

Ilang sigundo ko iyong iprinoseso sa utak ko. Sumubo na lamang ako ng cake at pilit na kinalimutan ang mga katanungang nagpapabagabag sa utak ko.

Ba’t siya papalit palit ng girlfriend?

Ang girlfriend lamang ang kasama ni Uno sabi sa akin ni lolo. Dalawang araw lang rin daw ang itatagal nila sa hacienda. Busy kasi si Don Israel kaya ito raw muna ang tumingin sa lupain rito. Bumalik rin naman ito sa syudad. Mukhang mas gusto niya roon kaya hindi niya nagagawang magtagal rito kahit isang linggo man lang.

“Aly, wala ka bang balak sumali sa prom ninyo?” tanong sa akin ni Lola isang umaga. Oo nga pala, prom na namin sa susunod na linggo.

“Gastos lang iyon la. Magtatrabaho nalang ako ng araw na iyan, kikita pa ako ng pera,” sabi ko kay Lola habang nagdidilig ako ng halaman.

“Ano ka bang bata ka! Babae ka Aly baka nakakalimutan mo,” diin niya.

Napanguso ako. “Alam ko po la. Hindi pa naman nagiging matulis ang gitnang parte ng hita-“Aba’y ikaw bata ka!” Napatili ako nang bigla niya akong binasa ng isang tabong tubig.

“La!” Natatawa kong sabi.

“Magtino ka! Sumali ka sa prom. Kahit ako na ang gumastos. Hindi purket mahirap tayo ay lilimitahan mo na ang sarili mo sa mga bagay na makakapagpasaya sa’yo!”

Naipadyak ko ang mga paa ko. Gastos lang ’yon! Sa halip na ipambili ng gown iyong pera ay mas gusto ko nalang na itabi niya iyon. Ang sabi ni Don Israel sa akin ay magpursigi ako! Pero itong si lola naman gumagastos pa sa mga bagay na walang kabuluhan.

“La, walang kwenta iyong prom. Eh hindi rin naman ako nakakasigurado kung may sasayaw sa akin. Alam mo naman, kakaiba kuno ako. Kaya sayang lang ang pera mo. Itabi mo nalang ’yan…”

“Tigil tigilan mo ako Alyssa Gwyneth. Puro pera na iyang nasa utak mo. Anong gagawin mo riyan sa pera kung hindi mo naman gagastuhin? Ibabaon mo hanggang pagkamatay mo?” Umismid si Lola sa akin.

Napabusangot ang mukha ko. Nagtungo ako sa may bintana at tumingala. Tirik na tirik ang araw.

“Pag umulan ng malakas, pupunta ako sa prom,” sabi ko na ikinalaglag ng panga ni lola.

“Nahihibang kana talagang bata ka. Paanong uulan eh tirik na tirik ang araw?”

“La, nanghihingi ako ng senyales sa Langit. Kung anong pasya niya, iyon ang susundin ko.” Humalukipkip ako at umupo ng maayos.

Napabuntong ng hininga si Lola. Lumabas ito ng bahay. Hindi ko alam kung saan pupunta. Kaso nagulat nalang ako nang may mga butil na ng nagraragasang tubig ang bumuhos sa ulo ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang kamay ni lola sa bintanang dinidiligan ako.

“Oh ayan na ang senyales mo. Hala at magbihis kanang bata ka nang makabili na tayo ng gown sa bayan!”

Napatayo ako. Nailing kay lola na tumatawa na. Natawa na rin ako.

Wala akong nagawa kundi sumama kay lola sa bayan. Kung ang mga kaedad ko ay excited sa ganoong okasyon, ako lang ata itong mas nasasayangan sa pera. Kaya lang naman sila pumupunta para irampa ang mga suot nila at magpaganda, idagdag na rin ang iba kong mga kaklaseng may kinababaliwan na lalake sa eskwelahan.

Ayos sana ang gano’n kung hindi nila ako tinitingnang naiiba sa kanila. Kaso alam kong magiging suki lamang ako ng kanilang katuwaan. Ang gabi na dapat ay memorable sa lahat ay madadagdag lamang sa mga panghihinayang ko kung bakit nakihalubilo pa ako.

Umulan ng malakas habang nasa loob kami ng isang botique. Isang makahulugang ngisi ang ibinigay ni Lola sa akin. Napanguso nalang ako.

Chapter 4

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Manliligaw

Suot ang isang kulay itim na gown at pinaresan ng high heel ay pumasok ako sa pagdadausan ng nasabing prom namin. Si Lola ang nagdesisyong ganitong kulay daw ang suotin ko para mas mangibabaw ang pagkaputi ko. Iyong buhok ko ay nakahalf-ponytail at ikinulot ang dulo. Pang-ilang beses akong tumangging huwag nalang akong lagyan ng make-up kaso wala akong nagawa kundi magpaubaya sa gusto ni lola.

“Babae ka, Aly! Itatak mo iyan sa kokote mo.” Naririnig ko ang boses ni lola sa kabilang tenga ko. Kung hindi pa ako natisod ay hindi ako makakabalik sa sarili ko. Hindi rin naman kasi ako sanay sa ganito!

Pasimple akong tumikhim lalo na’t napatingin na sa akin ang iilan. Tumayo ako ng tuwid at hinawakan ang magkabilang gown ko para mas makapaglakad ako ng maayos. Sumimangot ako nang may mahuli akong mga babaeng naghahagikhikan dahil siguro sa nasaksihan nilang pagkakatisod ko.

“Aly?” Napakurap ako sa boses na iyon. Nilingon ko ang boses na pinanggagalingan at nakita ang lalakeng nakatayo sa harapan ko. Suot ang isang tuxido, itim na slacks at ang ngiti sa labi ay hindi ko mapigilang ipagkasalubong ang kilay ko. Kilala ko siya. Hindi dahil isa ako sa mga babaeng may gusto sa kanya kundi dahil siya palagi ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Sikat siya sa eskwelahan. At nakakapagtaka na kilala niya ako.

“Uh… ba’t mo ako kilala?” Panimula ko. Tumawa ito, kumikislap ang mga mata nang pinasadahan niya ako ng tingin. Hindi ko rin tuloy napigilang tingnan ang aking sarili. Wala namang mali sa suot ko. Ito rin kasi ang theme ng prom. Gumastos ng malaki si lola para hindi daw ako ma out of place. Binilhan pa nga ako nito ng hikaw para lang may alahas kuno akong masuot. Mumurahin lang naman…

“Sikat ka sa eskwelahan.” sabi niya na nagpakurap muli sa akin. Ako?

“Sikat ka. Bukod sa tinagurian kang White Lady… ay maganda ka rin. At ngayong naayusan kana…” Hinagod niya muli ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Maganda ka talaga.” Wala sa sarili nitong sabi na para bang nahipnotismo siya ng isang demonyo.

Sikat ako dahil rin naman tinagurian akong White Lady. Wala nang ibang dahilan kundi iyon lang.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o ngingiti. Isang malaking biro ata na pinupuri ako ng lalakeng ni minsan ay hindi naman ako pinansin sa eskwelahan. Ni isa, wala akong kaclose!

Nag-amba akong humakbang na paalis nang hawakan niya ang braso ko. Natigil ako roon. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak na sa akin.

“Hatid na kita Aly.” Ngumiti siya ng matamis sa akin.

“Hindi naman ako nakawheelchair. Kaya ko naman…” sagot ko na ikinagulat niya. Nabitiwan niya ang kamay ko kaya iyon ang kinuha kong pagkakataon para humakbang muli.

Bagot na bagot akong umupo sa bakanteng upuan. May kung anong juice akong iniinom na hindi ko alam kung anong tawag. Kulay red kasi. Strawberry flavor siguro.

Panay ang lingon ng iilang babae sa akin. Napansin ko ang mga matatalim nilang mga matang hindi ako nilulubayan.

“Kinausap lang ni Rence mukhang magfe-feeling maganda na iyan.” Narinig kong sabi ng isa.

“May tinatagong landi rin pala ang multong iyan?”

Hindi ko pinansin ang pinag-uusapan nila. Nilagyan agad nila ng meaning iyong “usapan” na iyon. Kung landian ang tawag doon, ba’t hindi man lang naglapat ang labi namin sa isa’t isa?

Naalala ko kung paano hawakan ni Uno ang girlfriend niya. Kung paano siya makipaglandian sa babae sa harapan ko. Kung paano ko nakita ang pagsiksik ng mukha niya sa leeg nito at bulungan ito ng kung ano. 16 na ako at namulat na ako sa ganoong bagay. Sa tinatawag nilang landian. Iyon yung babae at lalake na masyadong intimate sa isa’t isa. Ang sabi sakin ni lola, noong dalaga siya… ni paghawak sa kamay sa kanya ay hindi magawa ni lolo dahil magkasintahan palang sila. Kailangan pa raw mag-alay ng kalabaw, pagkain at lupa ni lolo sa mga magulang ni lola para mapapayag itong magpakasal silang dalawa. Doon lang daw dapat nangyayari ang ganoong “landian”. Iyong hahawakan ka, hahalikan…

Iyon ang mga turo ni lola sa akin na baon baon ko. At gusto kong matulad ako sa kanya. Ang sabi niya rin kasi, hiniling niya sa langit na bigyan siya ng matinong lalake. Kaya si lolo ang ibinigay sa kanya. Nakita niya ito sa isang malakas na ulan. Nagkatitigan sila. Hanggang naramdaman nalang ni lola ang pagkalaglag ng puso niya sa isang estrangherong inilaan ng langit para sa kanya.

“A-Aly…”

Natigil ako sa kakaisip ng kung ano nang may lumapit sa akin. Hindi na iyong lalake kanina kundi iba naman. Nakahawak ito sa batok niya at namumula ang pisngi.

“Ano iyon?” tanong ko.

“P-Pwede ka bang maisayaw?” Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Napatitig ako roon ng ilang sigundo. May malinis itong gupit ng buhok at katamtaman lang ang tindig hindi gaya ng naunang kumausap sa akin kanina na matangkad. Siguro hanggang leeg niya ako tapos nakaheel pa ako ngayon.

“Hindi ako marunong e,”

Namula ang kanyang pisngi. “Okay lang. Tuturuan kita. Madali lang naman…”

Napansin ko ang mas dumaraming mga matang naninitig na sa akin. Puro iyon mga babae at naiirita. Wala akong makitang mali kung isasayaw ko siya. Pero wala rin akong makitang mali kung tatanggihan ko siya. Mas komportable akong nakaupo ako rito.

“Sorry, iba nalang yayain mo. Mayamaya rin kasi aalis na agad ako. May trabaho pa ako.” Paliwanag ko. Nadismaya ang mukha niya. Tumango siya at nahihiyang tumalikod. Isang buntong hininga ang muli kong pinakawalan. Ba’t ang daming kumakausap sa akin ngayon? Dalawa. Sa araw araw na pagpasok ko, ni isa ay walang kumakausap sa akin. Kung meron man ay sisitsitan lang ako at kukutyain. Kung sino raw ang mumultuhin ko mamayang gabi. Kung pwede bang isali ko ito sa listahan. Ganoon palagi.

“Mana iyan sa pinsan niyang malandi. “ Komento ng isang babae nang mapadaan ako sa mesa nila.

“Kung si Lhuella, bulgar ang kalandian. Itong si Alyssa naman palihim. Nasa loob ang kulo.”

Wala akong sakit na naramdaman sa mga maaanghang na salitang binitiwan nila. Nilingon ko silang dalawa.

“Kinausap ako ng mga gusto niyo kaya tinatawag niyo akong malandi. Pag kayo ang kinausap, ano itatawag ko sa inyo? Friendly?” Sarkastiko kong tanong sa kanila na nagpagulat ng mga mukha nito. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot nila at naglakad nalang papuntang Cr.

“Nagkaconfident agad ang multo purket kinausap lang ng gwapo!” Huling narinig ko sa isa sa kanila. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at tuluyang pumasok sa Cr. Nagulat ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko inaakalang ganito pala ang ayos ko. Ang soft feature ng mukha ko ay mas naging malinaw dahil sa make-up na inilagay. Ang maputla kong labi ay nabigyan rin ng kulay. Lalo na ang maiitim kong mga mata ay mas naging klaro dahil sa smokey-brown na eyeshadow. Ang aking kilay ay mas umitim. Nabibigyan nito ng pansin ang itim na itim ko ring buhok. Wala akong blush on pero mamula mula ang pisngi ko. Ang maliit kong mukha ay halos hindi ko makilala. Ang laki ng pinagbago ng aking hitsura dahil lang sa isang simpleng make-up.

Lumabas akong muli sa cr. Handa na akong umuwi nang matapat sa akin ang isang spotlight at sinalubong ako ng palakpakan. Natigilan ako. Nilapitan ako ng isang guro at sinuotan ng korona. Binigyan rin ako ng boquet ng lalakeng may suot na sash na may nakalagay na “King of the Night” at koronang gaya ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Lalo na nang suotan rin ako ng sash at may nakalagay na “Lady of the night”. Isa na naman bang kutya ito? Dahil binansagan akong White Lady kaya ako ang napiling babae? Ganoon ba iyon?

Ngumiti ako sa gurong kinamayan ako kahit wala akong gaanong naiintindihan.

“Ang ganda mong bata, Aly. Pwede ka talagang ipanglaban sa ibang eskwelahan. Tiyak mananalo ka. May bayad pa naman iyon.”

Kuminang agad ang mga mata ko. Bayad? “Anong klaseng patimpalak po ba iyan, Ma’am?” Natuon na ang buong atensyon ko sa sinabi nito.

“Huwag nating pag-usapan iyan ngayon. Sa susunod na pasukan na.”

Sa unang beses, natunghayan ko kung paano ako pinalakpakan ng mga estudyante habang iginigiya ako ng lalake paakyat sa stage at makaupo roon sa upuang nararapat sa mala-prinsesang babae. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba sila o sinadyang ako talaga ang piliin.

“Ba’t ako ang nandito?” tanong ko nang makaupo kami sa gitna.

Tumawa ito. Para bang tuwang tuwa siya sa naging sagot ko.

“Maraming bomoto sayo para maging lady of the night ka.” paliwanag niya na hindi nawawala ang ngisi sa labi. Kumunot ang noo ko roon. Marami?

“Imposible. May mga babaeng galit sa aki–“Binoto ka lahat ng mga lalakeng nandito.” putol niya na ikinaawang ng bibig ko sa ere. Napasinghap ako. Lahat ng lalake?! I-Ibinoto ako?

“Ba’t naman nila ako iboboto?” Pasimple kong iginala ang tingin sa ibaba kung saan nakaupo ang iilang mga lalake at nasa akin ang tingin. Napangiwi ako.

“Dahil ikaw ang pinakamagandang babae sa gabing ito.”

Naghihintay ako ng idudugtong niya sa sinasabi niyang ako ang pinakamaganda. Na baka nagbibiro lamang siya. Pero ang tanging titig niya sa akin ang tumagal. Kung hindi ako nag-iwas ng tingin ay hindi iyon mapuputol.

Pagkatapos ng nangyari sa gabing iyon ay hindi ko na mapigilan ang sariling titigan ng matagal ang aking mukha sa salamin. Pinipilit kong hanapin doon ang hindi ko makita sa mga pinagsasabi nila. Maganda raw ako.

Nginitian ko ang sarili sa salamin. “Maganda ka raw…” Natawa ako sa sarili.

“Jusmiyo Alyssa Gwyneth! Gabing gabi na! Sino ba ang kausap mo diyan?” Nabigla ako sa pagdungaw sa akin ni lola. Mabilis akong humarap sa kanya at tinakpan ang salamin sa likuran ko.

“M-May naalala lang ako la. Sige po, good night!” Hinalikan ko ito sa pisngi bago ko tuluyang hinawi ang kurtina para matakpan na ang loob. Napabuntong ako ng hininga ag nailing. Hindi ko mabura ang ngiti sa aking labi. Maganda raw ako!

Simula nang araw na iyon ay may mga pumapansin na sa aking lalake sa eskwelahan. Sa tuwing pumapasok ako, may mga lalakeng bumabati sa akin at nginingitian ako. Mukhang may mga magiging kaibigan na ako kaya noong nagfourth year ako ay nagmakaawa ako sa office na payagan akong magtinda ng ulam sa loob.

“Aly, alam mong bawal iyan lalo na’t estudyante ka pa.” giit sa akin ng head.

Ipinagsalikop ko ang mga kamay ko. “Sige na po Ma’am, hindi ako makakaabala sa mga estudyante! Pagkatapos lang ng klase.”

“At paano ang iyong pag-aaral? Mahahati ang atensyon mo.”

“Sige na po Ma’am. Gusto ko lang talagang tustusan ang sarili ko sa pag-aaral. Matanda na po si Lola, ayokong siya ang nagtatrabaho para sa akin.” Pagmamakaawa ko na ikinapungay ng mga mata nito. Siya iyong guro na nagsabit sa akin ng sash. Buti nalang at naalala ko iyon.

“Kapalit po nito ay payag ko akong ipanglaban ng eskwelahan Ma’am. Gagawin ko po ang lahat… pumayag lang po kayo.”

Nakita ko kung paano naging interesado ang mukha niya sa alok ko. Umupo siya sa kanyang kinauupuan na para bang may nabuo na siyang desisyon.

“Bukas na bukas, ihabilin mo nalang sa cafeteria ang mga paninda mo. Ibibigay lang sa inyo ang kinita.” Lumiwanag agad ang mukha ko. “Kapalit nito, ikaw ang magrerepresent ng eskwelahan natin sa darating na patimpalak. Malaking patimpalak ang mangyayari Aly. Lahat ng eskwelahan rito ay sasali. At may mga mahahalaga tayong judge.” Napatango na agad ako kahit hindi ko naman alam kung anong klaseng contest ang sasalihan ko. Ang mahalaga ay naaprobahan na iyong gusto ko!

4th year na ako at ito na ang huling beses ko sa high school. Malapit na akong makagraduate at alam kong malaki laki narin ang naipon ko para makapagcollege ako sa syudad. Nagsimula akong mag-ipon noong Grade 6 ako at ni minsan ay hindi ako gumastos. Ni pagbili ng magagandang damit ay hindi ko ginawa. Wala naman akong pakialam sa suot ko, sa magiging imahe ko, sa magiging tingin ng iba sa akin. Ang importante ay ang gusto kong makamit sa buhay.

“Heto Aly, ito ang mga pag-aaralan mo. Matalino ka naman…” Anang maestra ko at binigyan ako ng isang folder. Binuklat ko iyon. Iilang pahina rin ang tiningnan ko at mukhang makakaya ko naman itong kabisaduhin.

Pagkatapos ng klase, tumutulong muna ako sa gulayan pagkatapos ay doon na ako nag-aaral. Tuwing Sabado naman ay pumupunta ako sa guro ko dahil tuturuan ako nito kung paano dalhin ang sarili ko sa stage.

“Pag nanalo ka rito Aly, malaking premyo ang maiuuwi mo. Sa paaralan ang tropeyo, sayo ang pera.” Sabi ng guro ko habang tinuturuan ako ng tamang pustura.

Iyon ang itinatak ko sa utak ko. May malaking premyong naghihintay sa akin at madadagdag iyon sa ipon ko.

Sa tuwing nadadaanan ko ang hacienda ay tinititigan ko na lamang iyon ng ilang sigundo saka rin ako umaalis. Wala na akong oras para pumunta roon. Ilang buwan na naman akong hindi nakadalaw. Kumusta na kaya si Lolo Dancio. Si Don Israel. Si…

“Aly tulungan na kita!” Salubong ng isang estrangherong estudyanteng lalake sa akin kinaumagahan. Marami kasi akong bitbit, iyong mga ibebenta kong ulam sa cafeteria at ihahatid ko roon. Tuwing hapon naman ay kinukuha ko ang nagiging kita ng ulam ko.

“Ay hindi na, kaya ko na. Salamat.” Bahagya kong inilayo sa kanya ang malaking tupperware na kukunin niya sana sa akin.

Namula ang kanyang pisngi nang nginitian ko siya.

“Pwede bang sumabay nalang sayo?” sabi nito na ikinagulat ko. Hindi ko naman siya kaklase. At hindi ko rin siya kilala. Base sa kulay ng suot niyang ID ay Senior narin ito.

“Nako huwag na… pupunta pa kasi ako sa cafeteria.”

Nakamot niya ang kanyang batok at nahihiyang ngumiti sa akin. “Okay lang… gusto ko lang sumabay sayo. M-May magagalit ba?”

“Oo e,” prangka kong sagot na ikinaputla niya. “Ang sabi kasi ni Lola, huwag daw akong nagdidikit sa mga lalake. Marunong daw dapat akong ilugar ang sarili ko dahil babae ako.” Mabilis na napalitan ng panibagong emosyon ang mukha niya dahil sa pagbanggit ko kay Lola.

“Ay ganoon ba. Kung gusto mo, hihingi ako ng permiso sa lola mo.”

Nagsimula akong maglakad ganoon rin siya. Minsan sa daan ang tingin pero mas matagal itong namamalagi sa akin.

“Mapapagalitan ka lang ni Lola.” Tumawa ako.

“Hmm… sige. K-Kung yan ang gusto mo. P-Pero Aly… Payag ka bang ligawan kita?”

Natigil ako sa paglalakad roon. Masking siya ay natigil rin.

“Alam mo, isa ako sa bumibili ng ulam mo sa cafeteria! Pag naging tayo, hindi lang isa ang bibilhin ko. Magiging dalawa na! Tutulungan rin kita sa m-mga ginagawa mo… S-Saka roon sa gulayan ng lola mo…” Ngumiti siya ng pilit sa kabila ng mukha niyang namumutla na naman.

Nang mapansin niyang hindi ko alam ang isasagot ay umawang muli ang kanyang labi.

“O-Okay lang kung hindi mo pa masasagot. H-Hindi naman kita minamadali. Pwedeng mamayang hapon na…”

“Kung uulan…” natigil ako sandali lalo na’t napatitig na siya sa akin. Sabik sa sasabihin ko. “Kung uulan ay pumapayag akong ligawan ka. Pero kung hindi… alam mo na ang sagot ko.”

Nagulat siya roon. “I-Imposibleng umulan. Kakatapos lang ng summer. J-July palang.”

“Iyon ang senyales na hinihingi ko sa Langit. Kung ikaw talaga ang para sa akin, ibibigay iyon ng Panginoon.”

Chapter 5

Vote. Comment. Be A Fan. Signs of Love -PrfctlyStbbrn

Competition

Naging usap-usapan sa eskwelahan na binasted ko raw iyong nangliligaw sa akin. Hindi ko matandaan ang pangalan niya pero alam kong siya iyong lalakeng humingi sa akin ng permiso kung pwede niya raw ba akong ligawan. Hindi kasi umulan kaya ang naging pasya ko ay huwag itong payagan.

“Palibhasa, mukhang pera kaya siguro binasted dahil alam niyang mahirap lang si Steven.” Komento ng isang estudyanteng pinaparinggan ako tungkol sa issue.

Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Naging busy rin kasi ako sa paghahanda sa contest na sasalihan ko. Ang laki ng prize pag nag first place! 5000 cash! Tapos may scholarship na iyon sa college. Kaya ganoon nalang ako kapursigidong magsanay.

“Kailangan po ba talaga nakaheel, Ma’am?” Reklamo ko nang matisod ako sa hindi ko mabilang kung pang-ilang beses na.

“Nako Aly, kailangan talaga iyan lalo na’t contest! May mga judges doon na kikilatis sayo! Kailangan mong itayo ang pangalan ng eskwelahan natin kaya dapat magsanay ka ng mabuti.”

Napangiwi ako at sinikap na tumayo. Kanina pa nanghahapdi ang gilid ng paa ko dahil panay akong natatapilok. Walang kaso sa akin iyong pinapaaralan nila sa aking magiging parte ng question and answer. Dito lang talaga ako nahihirapan. Tapos rarampa pa!

“Ngumiti ka naman Aly, tamisan mo iyang ngiti mo! Akitin mo ang mga manonood!” Puna ni Ma’am sa akin nang napansin niyang hindi man lang ako ngumingiti habang rumarampa. Hindi ko pa nga nakakabisado ng maayos ang paglalakad ng tuwid tapos ngayon ay may panibago na naman akong problema. Ang mang-akit ng manonood!

“Ma’am naman! Alam niyo namang estrikto si lola, magagalit iyon pag lumandi ako!” Reklamo ko na ikinangiwi nito, napakamot pa siya sa ulo niya.

“Ikaw bata ka hindi landi ang tinutukoy ko sa pang-aakit na sinasabi ko sayo. Sige ganito nalang, isipin mong may nilalako kang paninda at kailangan mong maakit ang mga tao sa paligid mo na bumili ng produktong tinitinda mo.”

Parang nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Ma’am. Napapaisip tuloy ako na malaki ang kikitain ko kung sakaling nagpursigi akong akitin ang mga costumer para bumili sa akin. Kaya pinagbutihan ko ang pagrampa at maayos na binalanse ang sarili.

Kaya noong magsimula ang kompetisyon ay ibinuhos ko na lahat ng meron ako. Tumayo ako ng tuwid, nasa kanang beywang ang isa kong kamay at ngumingiti ng pilit, ngunit matamis. I am wearing a long gown designed by the school. Parte rin kasi ito ng patimpalak bilang creativity.

Mga bente ata kaming lahat. Meron ring mga nanggaling sa private. Nakita ko rin ang pinsan ko na siyang pambato ng eskwelahan nila. Mas magtataka ako kung hindi siya ang pambato lalo na’t gandang ganda siya sa sarili niya.

Our eyes met. Ang kanyang matamis na ngisi ay biglang naglaho. Tumaas ang isa niyang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi nawawala ang pandidiri sa kanyang hitsura. Pasimple ko na lamang iniwas ang tingin at sinikap na hindi na hindi na ito matingnan pa.

Ipinokus ko ang tingin sa harapan. May iilang judges ang naroon, nakaupo at sinusuri kami isa isa sa pamamagitan ng kanilang mga mata. May isang bakante roon at mukhang hindi pa ata dumadating.

Nagsimula ang pagrampa. Kahit kinakabahan ay minabuti kong hindi mawalan ng composture. Nasa pang sampong bilang ako, at nang inanunsyo na ang aking pangalan ay mas tinamisan ko ang aking ngiti at rumampa ng maayos. Itinuon ko ang atensyon sa mga judges, may umuukupa narin sa bakanteng upuan namin kanina. Binalingan ko rin iyon para ngitian pero laking gulat ko nang makita ang mga mata ng lalakeng mariin nang nakatingin sa akin. Nakasandal siya sa kanyang upuan habang ginagalaw galaw ang mga daliri sa mesa, na parang may keyboard siya roon at iyon ang tinitipa niya ng paulit ulit.

Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung ba’t bigla akong kinabahan sa imahe ni Uno. Ba’t nandito siya? Kasama niya rin ba si Don Israel?

Kahit nawiwindang ako ay sinikap ko paring kumalma. Inisip ko iyong limang libong mapapanalunan ko at doon ko naialis ang kabang namumuo sa loob ko. Para ito kay lola. Dagdag ito sa ipon ko kaya kailangan kong pagbutihan. Eh ano naman ngayon kung nandiyan si Uno? Wala akong dapat ikahiya sa kanya! Siya dapat ang mahiya sa akin dahil sa ginawa niya roon sa babae. Hindi niya man lang dinamitan ng maayos!

Sa bawat stages ng kompetisyon ay nalalagasan kami ng dalawa. Sa tuwing natatawag ang numerong nasa gilid ko ay napapabuntong ako ng hininga at mas nagiging malinaw sa paningin ko ang limang libo. Alam kong malapit ko na iyong maabot at mas pag-iigihan ko pa. Walang hindi nakukuha sa pagpupursigi.

Pasimple kong tiningnan si Uno. Wala na sa akin ang tingin niya kundi nasa gilid ko. Para hindi mapansing sinusundan ko ang tingin nito ay tumingin muna ako sa ibang direksyon saka ako lumingon sa gilid ko. Nakita ko ang babaeng mas matangkad sa akin kahit na wala ata itong suot na high heel. Nakayakap sa kanyang katawan ang suot niyang gown at may kung ano anong kumikinang doon. Naiiba kasi iyong gown ko, hindi iyon fit kagaya sa babaeng ito.

Sa last round na ng kompetisyon ay limang estudyante nalang ang natira. Gusto kong mapahiyaw nang tinawag ang numero ko. Akala ko talaga hindi na ako makakapasok lalo na’t ako ang pinakahuling tinawag. Pakiramdam ko tuloy nirerepresenta ko ang bansa dahil sa tuwang nararamdaman ko.

“Huwag kang masyadong magdiwang Aly. Nakapasok rin ako.” Ngising aso na si Lhuella nang binulungan niya ako sa gilid ko. Napangiwi agad ako.

“Question and answer portion na ito. Sigurado akong dito ka malalaglag. Tandaan mo, mayaman ka lang.” Malutong kong sabi sa kanya na ikinasira ng ekspresyon ng mukha niya. Confident akong ngumisi at tumingin sa mga judges, kay Uno na nasa ibang contestant na naman ata ang tingin. Sinundan ko iyon at nakitang muli ang pamilyar na mukha ng babae na ngayon ay kagat kagat ang pang-ilalim na labi. Nilingon kong muli si Uno na ngayon ay sa dibdib na ata ng babae ang tingin. Napanguso ako roon, ang manyakis na ito mukhang iba ang jinajudge.

Nauna muna ang talent portion. Sumayaw ako ng hiphop song. Mabuti nalang talaga at marunong sumayaw kahit papaano. Siguro ito ang talent ko pero hindi ko lang talaga napagtutuunan ng pansin dahil mas busy ako sa pag-iisip ng pagkakakitaan. Alam kong may mga kompetisyon akong masasalihan sa pagsayaw, pero hindi rin naman ako makakasigurado na ako lang ang magaling. Alam kong may mas magaling pa sa akin kaya mas gusto ko nalang magtinda. Sigurado pa akong wala akong kahati sa kikitain ko. Pera agad.

Madrama namang nagballerina si Lhuella. Aaminin ko, magaling siya roon. Pero nang matapilok siya ay hindi ko maiwasang magdiwang. Namula ang kanyang pisngi pero nagpatuloy parin siya. Sunod namang nagperform ay iyong babaeng tinititigan ni Uno. Sumayaw rin ito pero hindi kagaya sa amin ni Lhue, nakakaakit iyong sayaw niyang Hawaiian dance. Panay giling siya at ipinagmamalaking magaling siyang magbooty shake. Napangiwi ako dahil sa pagkakaalog hindi lang ng pwet niya kundi pati narin ng dibdib niya. May mga lalakeng napasipol, pero wala nang mas lalagkit pa sa tingin ni Uno sa kanya. At hindi ko alam kung ba’t ako naiinis sa bagay na iyon. Gusto kong batuhan bigla iyong babae para matigil siya sa kakasayaw niyang kalaswaan lang naman.

Sa huling round ay nakauniporme na kaming lahat. Ako lang ata ang may desenteng palda hindi kagaya sa pinsan kong halos ipakita na ang hita lalo na iyong tinititigan ni Uno na masisilipan na ata pag tumuwad dahil sa sobrang iksi. Iyong dalawa ay desente rin naman kahit papaano pero hindi kagaya sa akin na lagpas tuhod talaga.

Nagsimula ang question and answer portion. Pangatlo akong bilang. Si Lhuella ang pang-apat at panghuli iyong babaeng tinititigan ni Uno.

Mariin akong pumikit bago ako tawagin at nagdasal na sana ay makakaya kong sagutan ang mabubunot kong tanong. Nang marinig ko ang palakpakan hudyat na tapos na iyong isa ay dumilat akong muli. Nagulat ako nang makita ko ang mga mata ni Uno na nasa akin na pala ang tingin. Nagkatitigan kami ng ilang sigundo. At habang tumatagal ay ngumingisi na ito sa akin.

“Your turn.” Nabasa ko sa ibinigkas ng kanyang labi. Napakurap ako at bumalik sa sariling katinuan. Doon ko lang napansin na kanina pa pala tinatawag ang numero ko. Namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Lalo na nang mas lalong lumaki ang ngisi ni Uno at binasa ang pang-ibabang labi. Magfocus ka Aly! Sayang ang limang libo!

Pumunta ako sa harap. Bumunot ako ng nakalukot na papel doon at ibinigay sa emcee.

“Hmm… you got the interesting question Miss number ten!” sabi ng emcee na ipinagsalubong ng kilay ko. Ang sabi ni Ma’am sa akin, either tungkol sa kalikasan o pag-ibig daw. Pero ang sabi ni Ma’am pwede ring tungkol sa pagiging estudyante kaya nagfocus ako sa pag-aaral sa notes ko.

“Kailan mo ba masasabing nahulog kana sa isang tao?” Tanong nito na ikinabingi ko ng ilang sigundo. Nahulog? Gravity? Pero sa pagkakaalam ko, wala namang involve na tao sa pinag-aralan ko. H-Hindi kaya tungkol ito sa pag-ibig?

Ilang sandali akong natahimik. Gumagala ang tingin ko sa ibang direksyon. Naghahanap ako ng pwedeng isagot sa tanong na hindi ko alam kung malulusuta ko ba.

“Uhm, wala bang ano… iyong pang-estudyanteng tanong?” Bulong ko sa emcee.

“Kung anong nabunot mo hija, iyon ang dapat mong sagutan.” bulong niya na ikinaputla ko. Tumingin akong muli sa mga judges. May gumapang na kaba sa tiyan ko nang napansin ko ang mga mata ni Uno na hindi parin ako nilulubayan. Ngumisi siya sa akin at binasang muli ang pang-ibabang labi. Na para bang natutuyo siya kaya kailangan niya iyong gawin.

Lumunok muna ako ng laway bago kinuha ang mikropono.

“Uh, para sakin… malalaman mo iyon sa pamamagitan ng senyales na hiniling mo sa Panginoon. Iyon ang turo sa akin ni lola, para hindi ka mapunta sa maling lalake…” Nagkasalubong ang tingin namin ni Uno. “Humiling ka ng senyales at ibibigay niya sayo ang lalakeng nararapat sayo.”

I heard some claps at doon ako nakahinga ng maluwag. Humiwalay ang tingin ko kay Uno at napangiti ng matagumpay. Tumalikod ako para bumalik sa pwesto ko kanina. Doon ko naman nakita ang pinsan kong may nakakalokong ngisi. Nang tinawag ang numero niya ay nagawa pa akong banggain na kamuntik ko nang ikinawalan ng balanse. Kung wala lang talagang mga manonood ay nasuntok ko na sa tiyan ang babaeng iyan.

“Bilang estudyante, paano ka makakatulong kay Inang Kalikasan?” tanong sa pinsan ko ng emcee.

Hinawi niya muna ang kanyang buhok saka sumagot. “Simple lang. Pupunta ako sa bahay nila at ishishare ang kayamanan namin. Plus, sasabihin ko kay Mommy na bigyan siya ng food para hindi na magastos iyong money.”

Naipagdikit ko ang mga labi ko para hindi pigilang matawa. Sinasabi ko na nga ba walang laman ang utak ng babaeng ito. Pera lang talaga ang meron sa kanya. Pero utak at ganda? Malabo.

“Uhm, Miss… kilala mo ba si Inang Kalikasan?” tanong ng emcee nang matigil siya sa kakasalita.

Proud na tumango ang pinsan ko. “Of course! Si Inang kalikasan ay isang mapagmahal na ina. Sinong hindi makakakilala sa kanya?”

Hindi ko alam kung aware ba ang pinsan ko na pinapahiya niya na ang sarili niya o wala talaga itong kaalam alam. Sumunod naman iyong tinititigan ni Uno na babae. Napakaelegente niyang gumalaw. Kaso kung gaano siya kaganda, ganoon rin naman kabulok ang sagot niya. Masasabi kong mas maayos pa iyong sagot ng pinsan ko.

Natapos ang question and answer na kampanteng kampante akong mananalo ako. I mean hindi naman sa ang papangit ng sagot nila, pero ang pangit talaga. Iyong akin lang ata ang matino at nasagot ko ng maayos.

Namataan ko si Uno na may kung anong ibinulong sa katabi niyang judges. Tumango iyon sa kanya. Binalingan niya ako kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin. Siguro iyon na ang mananalo. Alam ko namang pumupunta ako sa bahay nila at medyo naging malapit ako kay Don Israel. P-Pero, naaalala niya parin kaya ako? Ilang buwan na naman ba ang lumipas simula nang magkita ulit kami? Ni minsan, hindi naman kami nagkakausap. Kung meron man, mga maliliit lamang iyon at puro pa walang kabuluhan.

Ang unang tinawag ay ang may consolation prize. Iyon ay ang pinsan ko at ang isang babae. Ang naging third place ay iyong isa pa. Naiwan naman kaming dalawa sa gitna. Kasama ko iyong kanina pa tinititigan ni Uno.

“And the second place goes to…” Napapikit ako ng mariin. Pinagpapantasyahan ko nang abutin ang limang libo nang biglang… “Miss number ten! Congratulations miss Number three ikaw ang nanalo!”

Nagulat ako roon. Hindi agad ako nakagalaw. S-Second place ako? P-Pero paanong…

Bigo akong bumaba sa stage. Hindi ko matanggap na second place lamang ako at mas lalong hindi ko matanggap na hindi ko nakuha iyong limang libo! Gusto kong kwestyunin ang mga judges. Paano namang iyong babae ang nanalo eh ang pangit ng sagot niya!

“It’s okay Aly. You did great. Malaking pera narin ang isang libo. May trophy karin namang naibigay sa eskwelahan.” Pagpapagaan ng loob ni Ma’am sa akin. Umiling ako. Hindi ko talaga tanggap. Ginawa ko lahat. Pero siguro… hindi talaga para iyon sa akin. Siguro, mas kailangan iyon ng babae.

“Ma’am. Cr lang ako.” Tumango ito sa akin kaya umalis rin agad ako. Wala ako sa sarili ko. Binabagabag ng limang libo ang isipan ko. Sayang naman! Ang sabi ko pa naman kay lola hindi ko siya bibiguin.

Napabuntong ako ng hininga nang pumasok ako sa cr.

“Yep! Uno paid the judges just to let me win, kapalit nito ay maididate niya ako. He’ll treat me on a hotel later. Magdidinner kami and the rest is up to us…” Isang malanding boses ang narinig kong tumatawa na. Parang may nabuhay na demonyo sa loob ko dahil sa narinig. Aba’t ang malanding ito!

Lumabas ako ng cr. Pero bago pa man ako makasiklab sa aking galit ay nakalabas narin ito. Nagmadali narin akong lumabas. Hinanap ko ang imahe ng babaeng narinig kong may kausap sa cellphone kanina. At sigurado akong siya iyong tinititigan ng malagkit ni Uno.

Sa di kalayuan ay nakita ko nga si Uno, nakapulupot ang kamay nito sa beywang ng babaeng nanalo. Kitang kita ko kung paano humagikhik ang babae nang may binulong siya kay Uno at ang pagbaba ng kamay ni Uno sa pwetan nito at pinisil iyon. Nagulat ako roon. Natigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita.

“Aly! Nandito ka lang pala. Halika na, may kaonting pagdidiwang sa eskwelahan para sayo. Halika na.” Hinila ako ni Ma’am. Nang ibalik ko ang tingin sa dalawa ay wala na sila roon. Ibig sabihin, dinaya ang kompeyisyon dahil iyon ang hiling ng babae at kapalit nito ay maididate siya ni Uno! Tapos iyong manyakis naman ay walang paligoy ligoy na nagwaldas ng pera mapagbigyan lang ang sariling gusto.

Galit na galit ako kay Uno. Alam kong may girlfriend siya. Pero anong pinaggagawa niya? Kahit sino sino nalang! Purket maganda iyong babae, magaling sumayaw at igiling ang pwet niya! Makinis, sexy ay papaboran niya na! Hindi niya ba inisip ang mga kagaya ko na ibinigay ang lahat sa kompetisyon pero mawawalan lang rin pala ng saysay dahil sa pagmamanipula niya?! Pumunta lang ba siya dito para mambabae?!

Naaawa ako sa mga babaeng nagpauto sa kanya. At kung hindi dahil sa kanya, naiuwi ko sana ang limang libo! Dear Lord, kung bibigyan niyo po ako ng lalake sa future… sana huwag kagaya ni Uno. At alam ko naman pong hindi niyo ako ibibigay sa lalakeng masasaktan lang ako.

Chapter 6

Vote. Comment. Be A Fan. Signs of Love -PrfctlyStbbrn

Feeling

“La, birthday ko lang naman po iyan. Ba’t kailangan pang maghanda ng marami?” Nakanguso kong mungkahi kay lola habang bumubuntot sa kanya rito sa bayan. Mamimili kami ng ihahanda ko bukas.

“Tigilan mo nga ako sa pagiging kuripot mo, Aly! Hindi lang basta bastang birthday mo. Debut mo!”

Bumusangot ang mukha ko. Ano bang kaibahan niyan sa iba kong birthday eh madadagdagan lang naman ng isang taon ang edad ko. Wala namang espesyal doon. Oo, ganap na akong dalaga pero kailangan ba talagang paghandaan iyon ng bongga? Hindi ko naman siguro ikakamatay kung hindi ako makakapaghanda sa debut ko. Hindi naman siguro nito mahahadlangan ang pagdadalaga ko.

“Kahit na. Sayang iyong pera! Idagdag mo nalang yan sa ipon ko, la!” Suhestyon ko na ikinalingon ni lola sa akin at gusto na ata akong hampasin.

“Pera ko ito Aly. Ang gusto ko ay makapagdebut ka. Parte iyon ng pagiging ganap mong babae. Kahit simple lang. Iyong mga kapitbahay natin, mga kaklase mo ay imbitahan mo narin.”

Napakamot ako ng marahas sa ulo ko. Palalamunin ko silang lahat?! Sayang ang pera! Sisiguraduhin ko talagang may regalo sila sa akin. Tapos iyon ang ibebenta ko nang mapagkitaan ko rin at maibalik sa amin ang perang nagastos ni lola.

Siya itong aligaga sa birthday ko. Bumili pa siya ng dress para may masuot akong bago. Iyong cake ay 2 layers. Tapos mga desserts at ulam. Ako lang ata itong nasasayangan sa pera. Ipon niya iyon sa mga naharvest na gulay. Iyong itinatabi niya ay nagagastos niya rin pala sa akin. Kaya nga mas nagdodoble kayod ako para mas makapag-ipon ako ng malaki. Lalo na sa darating na summer ay may youth-camp na naman. Simula kasi noong naging second place ako sa competisyon ay inalok rin ako ni Ma’am na ako nalang daw ang magcater sa youth camp tuwing summer. Noong nakaraan ay malaki ang kinita ko. Napakinabangan ko ang mga maaarteng mayayaman doon.

Ngumiti ako sa mga bisitang dumating. Iyong iba ay mga kaklase kong babae na alam kong hindi ako gusto dahil nga sa mga issue na wala namang kabuluhan. Na inaakit ko raw ang mga lalake sa eskwelahan tapos peperahan ko lang naman daw. Kung iyon lang naman pala ang gawain ko, ba’t nagpapakahirap pa ako sa pagtatrabaho? Ni minsan ay hindi ako nagpalibre sa mga lalake roon. Sila lang talaga itong kahit ano ano nalang ang iniimbentong kwento sa akin.

Idinaos ang aking kaarawan sa resthouse ni lola. Iyong paligid naman ay may mga lanterns na umiilaw kaya nagmistulang maganda ang paligid. May mga upuan, mesa, mga balloons na nakadesinyo para mas magmukhang kaaya aya ang lugar. Si lola lahat ang may pakana nito. Ayaw niyang maramdaman kong may kulang sa pagdadalaga ko. Gusto niyang baonin ko raw ito hanggang sa pagtanda ko. Na kahit wala akong mga magulang ay nandiyan siya para pasayahin ako.

Iyong kaklase kong lalake ang nagrepresentang kumanta habang isinasayaw ako ng 18th roses ko. Ni isa ay wala naman talaga akong kaclose. Si lola lang talaga itong namimilit na mang-imbita ako.

“Alam mo Aly, ang ganda mo talaga. Kahit hindi ka palaayos, pag naayusan ka, nabibihisan ng maayos, mas lumalabas ang natural mong ganda. Para kang may foreign features na nakakamanghang titigan.” Komplement ng lalakeng kaklase ko sa akin habang sinasayaw ako. Ngumiti ako ng tipid. Nakaponytail ang buhok ko at isang tube dress ang suot ko. Medyo sanay na akong ibalanse kahit papaano ang high heel kaya kahit sa pagsayaw ay nakakaya ko. Light make-up lang naman ang nilagay sa akin at hindi ko alam kung ba’t ganoon nalang namamangha ang iba sa akin. Hindi ko naman masabi sa sarili ko na maganda ako dahil nga alam kong may mga lalakeng katulad ni Uno. Simula ng araw na iyon, tumatak talaga sa utak ko na tama si lola, kung hindi para sa iyo ay huwag kang magkagusto. Sabi niya kasi itong puso natin ay parang tayo rin, tanga sa pag-ibig.

Katulad ng naunang nagcomplement sa aking kaklase ko, ang mga sumunod ay nilunod rin ako ng papuri. Ang tanging nagawa ko lang ay pasalamatan sila, hanggang doon lamang. Ni minsan, hindi ko pa naranasang magkagusto sa isang lalake. Bukod sa busy ako sa pag-aaral ay wala pa rin iyon sa utak ko. Ang hiningi ko kasing edad sa langit ay sana pagtungtong ko na ng 23. Siguro naman nakapagtapos na ako ng pag-aaral sa edad na iyan. Pwede namang magkamabutihan muna kaming dalawa. Si Lola kasi, nakilala niya si Lolo noong 23 siya. Hanggang sa nagtagal na nga silang dalawa. Kaya gusto ko, ganoong edad rin ako makakatagpo ng lalakeng makakasama ko na habang buhay.

“Mabait si Aly, matalino, at higit sa lahat… m-maga–mapagmahal! Oo mapagmahal siyang kaklase!” Paglalarawan sa akin ng babae kong kaklase sa akin dahil isa ito sa 18th candles. Alam ko namang gawa gawa niya lang iyan. Eh isa nga iyan sa nagsasalita sa akin ng kung ano ano.

Kahit alam kong puro lang naman kaplastikan ang pinagsasabi nila sa akin ay nagpasalamat parin ako. Sayang rin ang effort nila sa pagdadrama.

“Sige na Aly, libutin mo ang bawat mesa. Magpasalamat ka ng personal sa pagpunta nila sa birthday mo. May mga regalo pa naman sila sayo.” Marahan akong itinulak ni lola para makahakbang ako lalo na’t alam niyang mukhang wala akong planong gumala at puntahan ang mga mesa isa isa.

“La naman, mamaya nalang pagkatapos kumain. Total magpapasalamat rin naman ako mamaya.”

“Ikaw talagang bata ka, sige na.” Pinandilatan ako ng mga mata ni lola. Napakamot ako at sinunod nalang ito. Ang una kong pinuntahan ay iyong mga lalake. Napangiti agad sila sakin habang ako itong ngumingiti ng pilit pabalik.

“Uh, salamat sa pagpunta. Kumusta ang pagkain? Masarap ba?” tanong ko na ikinatango nilang lahat.

“Dalaga kana Aly. Siguro naman…” Anang isa sa mga kaklase ko na ikinatingin narin ng makahulugan ng iba sa akin.

“Alam niyo, gagraduate na tayo sa highschool. Balak ko kasing sa syudad mag-aral kaya baka ito narin ang huli nating pagkikita.” Sagot ko. Kahit hindi pa naman ako siguradong doon nga ako mag-aaral.

Tumawa iyong isa sa mga lalake. “Tigilan niyo na kasi si Aly. Wala iyan sa bukabularyo niya.

May mga lalakeng nakakaintindi sa gusto ko pero meron ring makukulit na pinipilit talaga ang gusto nila. Siguro kung hindi ako dumalo sa prom noong 3rd year ako edi sana hindi nila ako ginaganito ngayon. Kaya lang naman nag-iba ang pakikitungo nila sa akin dahil maganda raw ako. Pero ako parin naman iyong Aly na hindi nakadamit ng gown, hindi nakamake-up, isang normal na estudyanteng sinasabihang white lady. Ako parin iyon. Pero sa tagal tagal kong nag-aral ay iyong araw lang talaga nagbago ang ihip ng hangin sa akin. Hindi rin naman kasi ako sumasali sa mga event kung saan inaayusan ang isang estudyante. Mas subsob ako sa pag-aaral at uuwi agad para matulungan si lola.

Pagkatapos kong maisa isa ay iyong mga babae naman. Hindi palang ako nakakarating doon sa isang mesa na alam kong kinaiinisan ako ay may narinig na akong pamilyar na pangalan na nagpahinto sa akin saglit para hindi maputol ang usapan nila.

“Oo! Iyong isa sa mga anak ni Don Israel nandito na raw! Mukhang siya ata ang namamahala ng lupain nila rito. Ilang araw na raw kasing nandito e.”

“Oo nga. Noon eh hindi iyan umaabot ng isang linggo. Pero mukhang ngayon ay dito na ata mamamalagi. Mukhang nakapagtapos na iyan ng pag-aaral sa college kaya siguro pinagtutuunan na ng pansin ang lupain nila rito.”

“Ang gwapo pa naman ni Uno! Sayang at mag-isa lang siya. Hindi niya kasama iyong iba niyang dalawa pang kapatid!”

“Mapapadalas na talaga ako sa lupain nila. Gusto ko siyang makitang nangangabayo habang nakatopless!”

Nasundan iyon ng tilian. Lahat sila ay manghang mangha sa pinag-uusapan nilang lalake habang ako ay diring diri. Ang manyakis na iyon ay nandito na naman? Mukhang maghahanap na naman siguro ng panibagong babae niya saka siya uuwi sa syudad pag napagsawaan niya na ito.

Inosente ako sa mga ganitong bagay pero kahit papaano ay may naituturo naman sa amin kaya may alam ako. May mga ginagawa ang babae at lalake kaya nabubuo ang isang bata. Ang tawag doon ay sex intercourse. May iba na kahit hindi pa raw mag-asawa ay ginagawa na iyon. For pleasure lamang at iyong iba naman ay for fun lang talaga. Pero bilang isang desenteng babae, mas mabuti talagang makapagtapos muna ng pag-aaral, makahanap ng stable na trabaho, maging mayaman saka na lumandi at makipagsex-intercourse. Gusto kong yumaman muna bago magkalaman sa tiyan. Mas importante iyon.

Nilapitan ko sila. Ang kanilang tilian kanina ay natigil rin. Ngumiti ako ng matamis kahit na alam kong nagsisikuhan na sila at pilit na ngitian ako.

“Galing nating magdrama ah. Anong trabaho ang kukunin niyo pagkatapos magcollege? Artista ba?” Tanong ko habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Nagtaas ng kilay ang isa. “Alam mo Aly, hindi purket halos sambahin kana ng mga lalake sa eskwelahan ay magmamataas kana. Nakatira ka parin sa isang bahaykubo at umaapak sa putikan.”

Sumang-ayon naman agad ang iba na nagagawa pang tumango.

“Bakit, sinabi ko bang nakatira ako sa isang mansyon at umaapak sa isang red carpet? Alam mo, parehas lang tayong tagabukid kaya huwag kang magmagaling. Dahil kahit anong inilamang mo sa akin, tagabukid ka parin.” Inosente akong ngumisi. “Kumain kayo ng marami ha.” dagdag ko pa bago tuluyang nilisan ang mesa nilang nasiraan na ng mga ekspresyon sa mukha dahil sa sinabi ko.

Kung may gusto man ako sa naganap na birthday party ko, iyon ay ang pagbubukas lamang ng regalo. May mga perfume, alahas na mumurahin, damit at kung ano anong pampaganda. Sa mga lalake nanggaling iyong medyo mahal ata habang sa mga babae naman ay mga damit na parang basahan na ata. Nang-iinsulto talaga. Dapat pala talaga nilagyan ko narin ng lason iyong pagkain.

Malaking bagay sa akin ang paggraduate ko sa highschool, lalo na kay Lola. Pumunta pa kaming dalawa sa bayan para lang icelebrate iyon at kumain sa isang fast food.

“Anong plano mo, Aly? Sa syudad ka ba magkokolehiyo?” tanong ni lola sa akin habang kumakain kami.

“Iyon sana ang plano ko la. Pero kulang pa ang ipon ko. ’Tsaka diba po nabuntis ng maaga si Channy? Edi ibig sabihin ay gipit rin sina Tito Ronaldo ngayon. Ayoko namang makadagdag ako sa gastusin nila doon sa bahay. Gusto kong magboard nalang. Iyong may sarili tayong bahay.” Paliwanag ko na ipinagsalubong ng kilay ni lola. Noong nakaraang taon lang nakarating sa amin ni lola na nabuntis raw si Channy at tinakbuhan ng lalake. Hindi ito pinanindigan kaya ngayon ay sila ang nagpapakahirap para tustusan ang pangangailangan ng bata. Hindi nga ako makapaniwala lalo na’t ang bait ng pinsan ko. Nainlove ba siya? Dapat pala sinabihan ko siyang humingi ng senyales sa langit ayan tuloy napunta siya sa maling kamay. Sa isang gago.

“Anong sinasabi mong tayo? Ikaw lang Aly, dito lang ako sa bukid. Matanda na ako at gusto ko lang ay alagaan ang mga pananim ko. Malaki kana. Kaya mo nang mag-isa roon.”

Napasimangot agad ako. Kaya nga ako nag-iipon dahil gusto kong kaming dalawa ang pumunta sa syudad. Hindi naman pwedeng maiiwan siyang mag-isa rito. Paano kung sumakit ang katawan niya? Sinong magmamasahe sa kanya? Kung makalimutan niyang dalhin ang pagkain niya sa tuwing pupunta siya sa resthouse, sino ang maghahatid?

“La naman…” Malambing kong tawag.

“Naku Aly tigilan mo ako. Sa susunod na linggo ay pupunta ako sa syudad dahil may ihahatid akong mga gulay. Mag-iinquire narin ako roon ng papasukan mong kolehiyo.” Desisyon nito at mukhang hindi ko na mababali pa.

“Ang balak ko sana ay next year nalang mag-aral. Mag-iipon muna ako, la. Tutulungan muna kita sa gulayan, sasideline muna ako. Tapos doon na ako mag-aaral pag may malaking ipon na ako.” sagot ko sa kanya pagkatapos ay sumubo rin.

Nailing si Lola. “May ipon rin naman ako ah. Kasya na iyon. Huwag mong sinasayang ang taon mo. Ba’t mo ipagpapaliban kung pwede namang ngayong taon nalang.”

“Kasi nga po ayokong mag-aral doon nang hindi handa. Sige na la pagbigyan mo na ako. Tapos wala ka pang balak sumama sa akin. Mamimiss kita niyan.” Madamdamin kong sabi. Nagawa ko pang tumayo para pumunta sa likod niya at yakapin siya ng mahigpit.

Narinig ko siyang humalakhak. “Nako itong apo ko naglalambing. O siya, payag akong sa susunod kana mag-aral. Pero siguraduhin mong next year ay mag-aaral kana ha!” Tiningala ako ni lola para matingnan ako ng masinsinan. Tumango agad ako, nakangiti na ng malapad.

Pumunta nga ng syudad si lola habang ako naman ang naiwan sa gulayan. Pagkatapos kong icheck ang mga pananim ay dumideritso rin ako sa barn ni Aling Tecy para tulungan ito sa pagpapaanak at pagpapagatas ng baka.

“Aly, total may kabayo ka namang dala at total madadaanan mo iyong hacienda…” Panimula ni Aling Tecy nang matapos kami sa pagkuha ng gatas sa baka. Hindi palang nito nadudugtungan ang sasabihin ay kinakabahan na agad ako. May kutob ako kung ano ang hihilingin nito pero sana naman ay mali.

“Pakidaan nalang ito roon. Ibigay mo sa panganay na anak ni Don Israel. Araw araw kasi iyong nagpapadeliver ng gatas ng baka. At iyong bayad niya ay idagdag mo nalang sa sweldo ko sayo ha.” Binigyan niya ako ng isang paperbag kung saan naglalaman ng iilang botilya ng gatas. Imbes na tumanggi ay napatango nalang ako. Nakasalalay pa talaga ang sweldo ko.

Nagalit ako kay Uno noon at hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Galit ako dahil isa siyang manyakis. Na kung pwedeng iwasan ko na lamang siya ay mas gugustuhin ko pa kaysa naman makita ang mukha niya at maalala ang pandadaya niya sa sinalihan kong contest para lang maidate iyong babae. Dapat ako iyong nanalo pero ano, naging second place lang ako! Kahit pala ibigay ko ang buo ko kahit na pati kaluluwa ay ialay ko sa kompetisyong iyon ay hindi parin ako mananalo dahil dinaya na ng isang manyakis ang boto. Purket makapangyarihan iyang angkan nila! Mabuti pa si Don Israel mabait!

Sakay kay Horsey, pinatakbo ko ito patungo sa hacienda na ilang araw ko naring hindi nabibisita. Nang dahil sa pagkamuhi ko kay Uno ay mukhang nawalan narin ako ng ganang bumisita pa rito.

Pagdating ko sa kanilang malawak na lupain ay tumambad agad ang maraming magsasaka roong busy sa kakaasikaso sa iilang mga pananim. Bumaba ako kay Horsey. Itinali ko ito sa gilid at pumasok roon sa alambreng madalas kong nilulusutan noon para mas makapasok sa malawak na lupain. Dala ang isang paperbag ay nagtungo ako sa hacienda.

May iilang magsasaka ang napatingin sa akin. Nakashort lamang ako, isang sando at checkered na longsleeve na itinali ko sa beywang ko. Nakaboots ako at may iilang buhok na nalalaglag sa pagkakatali ko dahil narin sa rami ng ginawa ko sa araw na ito.

Itinulak ko ang gate at pumasok sa malawak nilang bakuran. Wala paring pinagbago ang loob. Siguro mas kumintab lamang ang mwebles, dumami na naman ang mga alagang isda, may mga bulaklak na nadagdag at namukadkad pero ito parin iyong hacienda na nilamon ng kalungkutan noon. Ito parin iyong hacienda na madalas kong binibisita noon.

“Tao po! Lolo Dancio?!” tawag ko. Sa halip na ito ang lumabas ay isang katulong ang lumabas para harapin ako.

“Anong sadya mo hija?” tanong nito sa akin. “Si Uno ba?”

Nagtaka ako kung ba’t si Uno agad ang binanggit niya eh si Lolo Dancio naman sana ang hinahanap ko kahit na si Uno talaga ang pakay ko kaya rin pumunta ako dito. Pero mas gusto kong si Lolo Dancio nalang ang magsabi sa kanya at si lolo Dancio narin ang kumuha ng pera sa kanya.

Ang tingin ng babaeng nakatuon sa akin ay biglang nalipat sa likuran ko. Narinig ko narin ang magkasunod na yapak ng isang kabayo.

“Sir, may naghahanap na naman po sa inyong babae.” sabi ng katulong. Sinasabi ko na nga ba hindi parin nagbabago.

Walang hesitasyon akong napalingon. Balak ko na sanang sabihin na nandito lang ako para maghatid ng gatas kaso natutop ng bibig ko dahil sa tumambad sa akin.

Kakababa lang ito sa kabayo kung saan siya nakasakay. Pawisan ang kanyang katawan lalo na’t wala itong suot ang pang-itaas na damit at dumadaloy doon ang iilang butil ng pawis na galing ata sa leeg niya. Napalunok ako ng laway. Kahit na magsusummer palang naman, pakiramdam ko masyado nang mainit si Uno. Mas pinapangunahan niya na ata ito dahil sa imahe niyang nahubog na ng panahon at mas lumala ang nakakaakit na hitsura.

Dumako ang tingin niya sa akin pero hindi man lang nagtagal lalo na’t busy siya sa pagkuha ng kung ano anong gamit na nasa likod ng kabayo. Seryoso pa ang pagmumukha nito hindi gaya noong nakikita ko siya na ngumingiti agad at malalaman mong may masamang binabalak kaya ganoon nalang kung makangiti

. “I am quite busy today. Sorry but I’m not available.” Suplado niyang sabi na ikinalaglag ng panga ko at hindi man lang ako nagawang lingunin. Iyong likod niyang medyo pawisan rin ang bumabalandra sa akin. Pero teka, ano raw? Anong akala niya? Pumunta ako rito para makita siya?! Sadyang inutusan lang talaga ako kaya ako nandito! Manyakis na nga feeling pa!

Chapter 7

Vote. Comment. Be A Fan. Signs of Love -PrfctlyStbbrn

Galit

Gusto kong sigawan si Uno dahil sa pang-aakusa niya sa akin. Nangangati itong mga kamay kong ihagis ang dalang mga bote sa loob ng paperbag para makaganti ako sa ginawa niya noong pagmamanipula. Pero nang may narinig akong pamilyar na boses ay natauhan rin ako.

“Aly?” Tawag ni Lolo Dancio sakin. Hindi sigurado ang boses nito. Kung hindi ko ito nilingon ng buo at tinitigan niya ako ng ilang sigundo ay doon lamang siya nakasiguradong ako nga ito.

“Aly ikaw nga! Halos hindi na kita makilala! Ang laki mo na! Sabi ko na nga ba at mas lalo ka pang gaganda!” Lumiwanag ang mukha ni Lolo Dancio at manghang mangha sa ipinagbago ko. Hindi ko alam kung parte ba ito ng pagdadalaga ko o sadyang matagal lang talaga kaming hindi nagkikita ni lolo kaya pakiramdam niya ay ang laki nang nagbago sa akin kahit na pakiramdam ko ay wala naman, ako parin ito.

Nilapitan ko siya sa veranda. Nagmano ako sa kanya at ngumiti. “Lolo! Namiss ko po kayo! Kumusta na po. Sorry kung hindi na ako nakakabisita. Kasi naman sobrang busy ako.” Pagpapaliwanag ko.

“Okay lang iyon hija. Ang laki ng ipinagbago mo…” Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa saka ibinalik sa mga mata ko. “Aminin mo. May boyfriend kana ano?” Pagbibiro nito na ikinahalakhak ko.

“Mang Dancio.” Boses iyon ni Uno kaya natigil ako. Ramdam ko na ang imahe niya sa likuran ko. Kahit hindi ko siya lingunin, malakas ang kutob kong naroon na siya.

Nalipat ang tingin ni Mang Dancio sa likod ko. “Ay Sir Uno, naaalala mo po ba si Aly? Iyong batang babae noong madalas pumunta rito. Iyong napatili sa swing at nadisturbo kayo ni Ma’am Christine. Siya na po ang batang iyon noon.” Iminuwestra ako ni Lolo Dancio. Hinarap kong muli ang lalakeng wala paring suot na damit sa itaas. Namumula ang kanyang dibdib dahil narin siguro sa pagbubuhat ng kung ano kaya rin pawisan siya. Mas lalo itong tumangkad na kung hindi ako titingala ay hindi ko matitingnan ng buo ang kanyang mukha. Sobrang itim ng kanyang buhok. Matangos ang ilong at misteryoso ang mga matang hindi mo alam kung ilang bituin ang naroon kung ba’t ganoon nalang iyon kumislap kahit na madilim ang kalangitan. Siguro kung may nagbago man sa kanya, mas naging mature siya. Mas naimprove ang katawan at mas naging gwapo.

Tiningnan niya akong mabuti. Mula ulo hanggang paa. Sandali iyong natigil sa dibdib ko pero mabilis ring umakyat sa mukha ko. Bago siya magsalita ay binasa niya muna ang pang-ibabang labi saka ito umawang para bumigkas ng sasabihin.

“You changed. Alot.” Makahulugan nitong sabi. “Still, your face looks the same. Hindi lang talaga kita namukhaan agad dahil abala ako.” Paliwanag niya na ikinanguso ko. Napatitig siya sandali sa labi ko, magkasalubong ang kilay. Pero kalaunan ay umakyat rin itong muli sa mga mata ko.

“Okay lang. Nandito lang naman ako para ihatid itong mga gatas na pinapadeliver ni Aling Tecy sayo. ’Tsaka iyong bayad ay ibigay mo nalang daw sa akin dahin iyon ang bayad niya.” Deritsahan kong paliwanag. Ayoko nang magtagal dito at kung pwede ay umalis na agad ako.

“Mang Dancio, pakipasok nalang ng gatas sa ref.” Utos ni Uno na agad namang ikinatango ni Lolo. Kinuha niya iyon sa akin.

“Mang Dancio samahan na po kita sa kusina.” Sabi ko at nag-akmang sumunod nang magsalitang muli si Uno.

“You stay.” Sabay kaming napalingon sa kanya ni Lolo. Seryoso parin ang pagmumukha nito. Anong problema niya?

“Mang Dancio pakisabi sa katulong na maghatid nalang ng meryenda rito sa sala.”

Tiningnan ako ng makahulugan ni Mang Dancio, kahit nagdadalawang isip akong manatili ay tumango na lamang ako. Iminuwestra ni Uno sa akin iyong sofa, na doon ako maupo. Naglakad ako papunta roon at umupo katulad ng gusto niya. Hindi ko alam kung saan ko itutuon ang atensyon ko. Ayoko siyang tingnan. Ayokong makita ang seryoso niyang mukha.

“So…” Panimula niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nasa may grand piano siya, nakasandal doon at parang modelo ang dating sa imahe. “How’s your school?” Pormal nitong tanong na akala mo naging close kami noon at ganyan nalang siya kung makapangamusta.

“Okay lang naman.” Normal kong sagot nang may bigla akong maalala. “Sayang nga at hindi ako nag first place noong competition. Isa ka sa judges diba?” Ngumisi ako ng hilaw. Nagkasalubong ang kanyang kilay. Halatang inuungkat nito sa kanyang utak ang tinutukoy ko. Siguro sa dami ng babaeng dumaan sa kanya, hindi niya na naalala kung paano niya ito nakilala. Natabunan na iyong ibang alaala ng bago kaya ganyan nalang kung makalimutan niya.

“So, you’re on that competition? Anong numero ka? Imposible namang number 3.” Makahulugan niyang sabi. Gusto ko tuloy matawa.

“Hindi ako iyong 3. Iyong babaeng nanalo na pakiramdam ko ay hindi naman deserving. Nakakapagtaka nga kung ba’t nanalo iyon. Pero hayaan na. Second place naman ako.”

“Second. So ikaw iyong number 10?” Nagulat ako dahil kabisado niya ang numero ko. Lalo na’t naging interesado agad ang mukha niya nang binanggit ang nasabing numero.

“Oo.” Tipid kong sagot habang hindi tinatantanan ang mukha niya. Ayokong may mapalampas na ekspresyon niya.

“Hmm… I didn’t noticed it was you. That’s why she’s so familiar…”

Natawa ako. “Bakit, kung namukhaan mo ba agad na ako iyon ay mananalo ako?” Sarkastiko kong sagot na ikinatingin niya sa akin ng seryoso. Hindi siya nagsalita. Unti unti namang nawala ang ngisi sa aking labi. He’s guilty. Siguro alam niyang may ginawa siya kaya nanalo iyong babae.

Iginala ko ang tingin sa ibang direksyon. May namuong katahimikan sa pagitan namin. Akala ko ba busy siya. Ba’t nakikipagdaldalan na siya sa akin?

Lumabas ang isang katulong sa kusina dala dala ang isang tray. Katulad ng madalas na iserve rito sa tuwing may bisita ay iilang slice ng cake parin iyon at pineapple juice. Pinasalamatan ko ang katulong. Si Uno naman ay nanatili sa pwesto niya. Nakakrus ang mga binti at nakatukod sa bawat gilid ang mga kamay.

“18 kana, diba?” bigla niyang tanong habang kumakain ako. Kahit nacucurious ako kung ba’t niya alam ay tumango nalang ako. Tumango rin naman siya, kagat ang pang-ibabang labi at mukhang kumbinsido ang mukha.

“Where are you planning to take your college?” tanong niya ulit.

“Hindi pa ako magcocollege. Next year pa.” tipid kong sagot at sumubo ng cake. Iyong may cherry na isang slice ang inuna ko. May nakapalibot ritong icing na paborito kong bahagi maliban sa chocolate syrup.

“Why?”

“Kasi gusto ko.” Simple kong sagot sa kanya. Ayokong idetalye ang buhay ko sa lalakeng alam ko kung gaano kamanyakis.

Nagkasalubong siya sa naging sagot ko. Tinitigan niya ako ng malalim na kung hindi ako iiwas ay mahuhulog ako sa itim na butas gawa ng mga mata niyang napakamisteryoso.

Nawalan ako ng gana sa cake. Gusto ko nalang makaalis agad. Kaya kahit hindi ko pa nauubos iyong isa at hindi nagagalaw ang ilang slice ay tumayo na ako. Sumimsim lamang ako ng kaonting pineapple juice saka ko siya binalingan na ngayon ay nakatayo narin ng tuwid.

“Aalis na ako. Yung bayad pala sa mga gatas.” Inilahad ko sa kanya ang palad ko. Napatitig siya ng ilang sandali roon bago niya kinapa ang bulsa ng suot niyang pantalon at inilabas ang pitaka niya. Dumukot siya ng isang kapirasong papel doon na nagpalaglag ng panga ko.

“Wala akong sukli diyan. 200 lang naman iyon.” Nakanguso kong sabi. Sandali siyang napatitig sa labi ko pero nalipat rin naman sa mga mata ko.

“Keep the change then.”

Napakurap ako. Keep the change? Eh ang laki naman ata?! Ba’t niya ibibigay iyong sukli eh 800 pa iyon! Marami pa siyang mabibili sa halagang iyon!

“Ibabalik ko nalang bukas ang sukli kung wala kang mas maliit na halaga.” Kinuha ko iyon. “Sige, alis na ako. Pakisabi kay Mang Dancio babalik ako bukas.” Tumango siya. Tumalikod ako at lumabas.

“Hey!” Tawag niyang muli kaya napalingon ako sa kanyang nakatayo sa kanilang veranda, nakapamulsa.

“Pwede kitang ihatid.”

“Huwag na. May dala akong kabayo. At isa pa, bawal akong makipag-usap sa kahit sinong lalake. Kabilin-bilinan iyon ni lola sa akin dahil marami na daw mga manyakis ngayon.” Tumalikod rin ako at lumabas ng gate. Wala akong pakialam kung naoffend ko siya sa sinabi ko. Totoo naman talaga! Marami nang manyakis ngayon at isa siya sa nangunguna sa listahan!

Kinabukasan ay inihatid ko iyong sukli pagkatapos kong atupagin ang lupain. Si lola naman ay uuwi na ata bukas o kaya mamayang gabi. Hindi ko alam kung magtatagal ba siya roon sa syudad. Basta ang sabi niya lang ay isa o dalawang araw lang daw siya roon, depende iyon sa kanya at uuwi agad.

Suot ang nakasanayan kong sando, isang checkered na polong nakatali sa beywang at short ay pumunta akong muli sa hacienda. Si Mang Dancio agad ang hinanap ko. Gusto kong ibigay sa kanya iyong sukli at umalis agad.

“Aalis kana agad, Aly? Hindi ka lamang ba magmemeryenda?” Tanong ni lolo nang magpaalam agad ako.

“Huwag na po Mang Dancio. Marami pa kasi akong gagawin e,” pagsisinungaling ko para lang makaalis agad.

“Sige, ikaw ang bahala. Sayang at paparating na iyong si Sir Uno…”

“Hayaan niyo na po. Sige, alis na ako.” Nagmadali akong lumabas ng bahay. Mabilis kong binalikan si Horsey at sumampa agad sa likuran nito. Sinimulan ko siyang patakbuhin. Nang makalayo layo na ako sa hacienda ay pinabagal ko ang paglalakad nito saka ako bumuntong ng hininga. Pinagpapawisan pa ako. Tinanggal ko ang nakaponytail kong buhok at sinuklay iyon gamit ng daliri ko para itali iyong muli. Kaso may narinig akong yapak ng mga paa ng kabayong nagmamadaling tumakbo sa likuran ko hanggang sa unti unti na itong bumagal sa harapan ko.

“I said keep the change.” matigas ang boses ni Uno sa likuran ko sanhi para malingon ko siya. Ang magkasalubong niyang kilay ay unti unting kumalma nang makita ako. Dala narin siguro ng buhok kong nakalugay. Sigurado kasi akong ang pangit kong tingnan ngayon.

“Ang sabi mo kahapon ay ako ang bahala. Kaya binabalik ko na.” Paliwanag ko, medyo iritado ang mukha dahil sa inis na nararamdaman sa kanya.

“You said you’re going to come back that’s why I agreed. Pero iyong aalis ka rin naman agad, ano pang saysay ng pagpayag ko?” Malaawtoridad niyang sabi na ipinagsalubong ng aking kilay. Hindi ko siya lubusang mapunto. Ibig sabihin, hindi iyong pera ang tinutukoy niya? Ang gusto niya lang ay bumalik ako?

Napatitig ako ng ilang sigundo sa kanya. Hindi ko lubos mapunto kung para saan iyang tinutukoy niya. Umihip ang malamig na hangin. Natangay ang buhok ko nang dahil roon. Isinabit ko ang iilan sa gilid ng tenga ko na ikinaawang ng labi niya. Suminghap siya at binasa ang pang-ibabang labi.

“You could’ve wait at least…” Mahinahon niyang sabi habang nasa akin parin ang tingin. Unlike yesterday, he’s wearing a white cotton tshirt right now. Kahit ang maitim niyang buhok ay sumasayaw rin sa ere dahil sa hangin.

“Marami pa kasi akong gagawin. Busy ako. At katulad mo, wala akong panahon para mang-entertain. Hindi ako available.” Panggagaya ko sa tono ng pananalita niya kahapon na ikinaigting ng kanyang panga. He looked away, na tila mahahanap niya roon ang isasagot niya sa akin.

Pinatid ko na si Horsey para patakbuhin itong muli. Hindi na ako nag-abala pang itali ang buhok ko. Hinayaan ko nalang itong sumayaw sa ere habang pinapatakbo ko si Horsey. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagsunod ng kabayo ni Uno hanggang sa napantayan niya rin ako.

Nagkasalubong ang kilay ko. Mas pinatakbo ko ng mabilis si Horsey para lang hindi siya lumebel sa akin. Pero sa halip na tantanan ako ay iyon rin ang ginawa niya hanggang sa mapantayan niya akong muli. He keeps looking at me like he can’t help not to take away his gaze at me. Bumabalik talaga iyon sa akin, sa buhok kong sumasabog, sa pagtalbog ko dahil sa pagpapatakbo ko kay Horsey, sa akin mismo. Para siyang may hindi pinapalampas na galaw ko.

Sa sobrang inis ay napatigil ako. Dahan dahan ring bumagal ang kanyang kabayo hanggang sa huminto rin ito.

“Sinusundan mo ba ako?!” Galit ko nang tanong sa kanya.

Tumaas ang kanyang kilay. “Iyong kabayo ko ang tanungin mo.”

Sa sobrang inis ay napairap ako sa kanya. “Kung inaakala mong matutulad ako roon sa mga babaeng nauuto mo, pwes ako hindi! Kahit siguro bayaran mo ako ng malaki, hinding hindi ako magpapauto sayo!” singhal ko sa kanya at ipinatakbo ng mabilis si Horsey. Alam kong nagulat ko siya sa isinigaw ko. Pero totoo naman talaga ang sinasabi ko! Manggagamit siya ng babae! Alam niya kasing may mga nauuto siya kaya mas inuuto niya naman! Ilang taon na itong naipon sa loob ko kaya ganito nalang katindi ang pagsiklab ko mailabas ko lang ang hinanakit ko sa manyakis na si Uno. Kung nalaman ni lola na may kinakausap akong lalakeng kagaya niya ay pagagalitan ako non!

“Aly, wait!”

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo kay Horsey. Ayoko na siyang makausap pa! Ni ang makita siya ay ayoko! Nandidiri ako sa kanya at galit ako sa kagaya niya! Siya iyong mga tipo ng lalake na walang pakialam sa nararamdaman ng isang babae. Basta makuha lang ang gusto ay gagamitin niya. Paano naman iyong mga kagaya kong babae na naloko niya? Edi kawawa sila!

Biglang humarang ang kabayo niya sa daanan na nagpatili sa akin. Mabilis na napahinto si Horsey dahil sa gulat. Mabuti nalang at nahawakan ko iyong tali ng mahigpit kung hindi ay nahulog ako.

“Ano ba?!” sigaw ko sa sobrang inis.

“Look, I’m sorry okay? Kung galit ka dahil sa nangyari years ago then I’m sorry. I was just too immature that time. Nagpapadala ako sa sariling pagnanasa at nakakagawa ng mga desisyon na nakakaapekto sa ibang tao. But that was before Aly! Don’t treat me like I’m still that teenager who easily gets horny. Besides, bata ka rin noon.” Paliwanag niya.

“Eh ano ngayon kung bata pa ako? At ano namang pakialam ko sa paliwanag mo?! Manyak ka! Nakita kitang pinisil ang pwet ng babae! At narinig ko siya sa cr na ihohotel mo raw siya! Tapos kung makapagsorry ka sa akin akala mo naman maibabalik mo iyong kompetisyon at mapapanalunan ko iyong limang libo ’tsaka scholarship! Kung hindi ka lang talaga nagpakamanyak!” Gigil na gigil kong sigaw sa kanya at ramdam ang pamumula ng pisngi ko dahil sa pinagsasabi niya. Hindi ko lubusang matukoy ang ekspresyon ng mukha ni Uno. Para itong ngingiti pero hindi niya lang talaga maituloy.

“I thought you don’t care but why are you overeacting, hmm? Do you even know what we did? Anong ikinakagalit mo?” His lips curved a bit, bragging his unbelievable handsome face.

“D-Dahil manyak ka! Dapat ako iyong first runner up hindi iyong babae mo! Manyak!” Sigaw ko sa kanya na ikinangisi niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi, nailing at humalakhak.

“Hindi ako nagbibiro!” dagdag ko dahil mukhang akala niya ay joke lang ito para sa akin.

“Alright, alright. I’ll give your 5000 back. Iyong scholarship naman, pwede kitang pag-aralin sa mga prestigious university sa syudad Aly. Just name the school. Ngayon, ano pa ba ang ikinakagalit mo sa akin? Iyon bang pagpisil ko sa pwet ng babae?” His smirk grew even wider. Nalaglag ang panga ko. Nailing ako at sa halip na sumagot ay hinila ko ang tali ni Horsey, iniliko ko ito at mabilis na pinatakbo. I heard the footsteps of his horse following again. Na kahit ang pagtawa niya ay naririnig ko rin. Anong nakakatawa sa pinagsasabi ko?! Eh totoo naman talagang nakita ko siyang pinisil ang pwet ng babae na iyon!

“Hey, Alyssa!”

Chapter 8

Vote. Comment. Be A Fan. Signs of Love -PrfctlyStbbrn

Imposible

Hininto ko si Horsey nang mapagtanto kong wala rin namang balak tumigil si Uno kakasunod sa akin. Ano ba talagang problema niya?

Lumebel siyang muli sa akin. Hindi ko ito pinansin. Hinimas ko si Horsey at sinilip ang mukha nito.

“Pagod kana, Horsey? Gusto mong uminom muna, kumain?” tanong ko kahit wala naman akong matatanggap na sagot galing sa kanya. Umungol lamang ito.

“How adorable.” Uno chuckled. Nasira ang ekspresyon ng mukha ko nang nilingon ko siya. Agad niyang sineryoso ang kanyang pagmumukha.

“If you don’t want your horse to get tired then you can have my horse with me.”

“Hindi na. Kaya niya pa naman daw.” Umirap ako at ngumuso.

Dinala ko na lamang si Horsey sa batis para pagpahingahin muna ito. Umiinom siya roon habang ako naman ay nanghihilamos ng mukha. While Uno, ewan ko kung anong ginagawa. Paglingon ko sa likod ko ay nadatnan ko itong naghuhubad na naman ng tshirt. Nagkasalubong ang kilay ko. Nadatnan niya pa akong nakatitig sa kanya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Hinubad ko iyong ipinulupot kong damit sa beywang ko at iyon ang ipinunas sa basa kong mukha. Gustuhin ko mang maligo ngayon dito pero hindi ko lang magawa lalo na’t kasama ko pa itong si Uno.

Nilingon ko siya. Natagpuan ko siyang nakaupo sa isang malaking bato habang nakatukod ang dalawang kamay sa likod at ang mga mata at nakatitig sa beywang ko. Nagkasalubong ang kilay ko saka niya lang iyon inakyat sa mga mata ko.

“Ba’t kailangan mong maghubad ng pang-itaas na damit?” Iritado kong tanong sa kanya.

“Because it’s refreshing. Hindi mo ba naranasang maghubad ng damit?” Bumaba ang tingin niya sa katawan ko pero mabilis ring umakyat sa mga mata ko.

“Bastos!” Umirap agad ako. Gusto kong pumulot ng mga bato at itapon iyon sa kanya, sa bibig niya.

“Anong bastos doon? Hindi ka ba naliligo?”

Ngumiwi lamang ako at hindi na siya nilingon pa. Binasa kong muli ang aking mukha at naghilamos saka ulit iyon pinunasan. Pakiramdam ko kasi namumula ang pisngi ko kaya gusto kong siguraduhing walang bakas doon.

Nang nilingon ko siyang muli ay nasa akin na ang tingin niya. Nakaawang ng kaonti ang kanyang bibig. Para siyang namamangha sa pinapanood niya at hindi niya man lang magawang alisin ang tingin niya. Nang hindi ko iyon makayanan ay iniwas ko agad ang mukha ko. Bakit ba kasi hinayaan ko ang lalaking ito na sundan ako?

“You can sit beside me, if you want…”

Sa halip na sundin siya ay umupo ako sa kinatatayuan ko. Nakaharap ako sa magandang batis. Kumikinang ang tubig dahil sa sobrang linaw nito. Makikita mo ang mga bato sa ibaba. Ang mga maliliit na isdang malayang lumalangoy doon. Kahit ang huni ng ibon ay maririnig mo, ang agos ng tubig sa kung saan at ang paggalaw ng ibang puno dahil sa hampas ng hangin. Maganda ang paligid at masarap magtanggal ng pagod dito.

“Hindi mo ba kasama si Don Israel?” tanong ko nang hindi ito nililingon.

“Nah. He’s very busy.”

“Eh ba’t ikaw nandito ka? Iyong mga kapatid mo?” Nilingon ko siya at naabutan siyang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.

“Ako ang mamamahala ng lupain. My brother will going to take over the company instead of me. Iyon ang pasya ni Dad at iyon narin ang naging pasya ko.”

“Iyong isa mong kapatid?” Dagdag kong tanong.

“He’s busy either.” tanging sagot niya.

“Wala bang balak iyong dalawa mong kapatid na pumunta rito?”

“Wala.”

Tumahimik ako sandali. Pinoproseso ko pa lahat sa utak ko ang mga naging sagot niya. Sabagay, kahit noon pa ay si Uno na talaga itong pabalik balik dito. Maybe he likes it here. Pero kasi, narinig ko siya noon na mas gusto niyang itake over ang kompanya? Ba’t napunta siya sa lupain kung ganoon?

Isinaisip ko nalang ang mga tanong ko. Ayoko namang sabihin niyang masyado akong curious sa buhay niya. Nakakainggit naman at ipinanganak silang mayaman. Pero pagdating sa pagpupursigi, doon pumantay lahat ng tao. Kasi sa nakikita ko kay Uno, kahit mayaman ang angkan nila ay nagpupursigi parin siya. Hindi niya inaasa ang lahat sa kayamanan nila. Siguro iyon ang katangiang namana niya sa ama niya.

Itinali ko ang buhok ko. May nalalaglag na ilang maliliit na hibla pero hinayaan ko nalang. Iyon ang mga curly hair ko na hindi ko na magawa pang disiplinahin. Palagi silang nahuhulog at hindi naman iyon masyadong mahaba kaya ang hirap itali.

Ginaya ko ang posisyon ni Uno. Itinukod ko rin ang magkabila kong kamay sa likod ko at tumingala. Pumikit ako at napangiti dahil sa pagtama ng preskong hangin sa akin. Ang sarap sigurong magtayo ng treehouse rito at gumising sa ganito kagandang paligid. Kung magkakapamilya siguro ako, mas gusto kong dito nalang. Ayoko roon sa syudad. Siguro mag-aaral lamang ako roon pero babalik parin ako rito. Palalaguin ko ang lupain pagkatapos ay dito na maninirahan kasama si lola. Kasi naman, nakakatakot sa syudad dahil narin sa nangyari sa pinsan ko. Biruin mo sobrang bait ni Channy tapos nabuntis ng maaga?!

Tumayo rin naman ako pagkatapos. Nilingon ko ang direksyon ni Uno. Nakapikit na siya at nakatingala. Napakurap ako. Natutulog ba siya? Pero imposible namang makatulog siya sa ganyang posisyon.

Nilapitan ko ito. Itinagilid ko ang ulo ko at tinitigan siya ng mabuti. Kahit noong bata pa ako, gwapong gwapo na ako kay Uno. Nakita ko ang unti unting pagbabago niya sa nagdaan na panahon. Na sa tuwing balik niya rito ay mas kumikisig siya at mas nabibigyan ng hustisya ang hitsura.

Biglang bumukas ang kanyang mga mata. Nagulat ako kaya napaatras ako. Kaso may kung ano akong naapakan kaya halos mawalan ako ng balanse. Ngunit mabilis akong nahawakan ni Uno sa beywang ko. Ilang sandali lamang ay natagpuan ko nalang ang sarili kong nadikit sa kanya. Napalunok ako ng laway. Para siyang isang mainit na bagay na pag nilapitan mo, pakiramdam mo ilang sigundo lamang ay magliliyab kana. Hindi mo makakayanan ang init.

“Careful.” Seryoso niyang sabi sa akin. Tumango ako kagat ang pang-ibabang labi at lumayo sa kanya. Doon rin lumuwag ang pagkakahawak niya sa beywang ko.

“Do you even eat?” Nagkasalubong ang kanyang kilay.

“Mabubuhay ba ako kung hindi?” Umirap ako sa kanya saka ako naglakad patungo kay Horsey. Ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko. Ni minsan, walang sinumang lalake ang nakahawak sa akin nang ganoon kalapit. Dahil ang sabi ni Lola, ang dalagang Pilipina ay hindi basta basta nagpapahawak! Dapat siguro maligo ako mayamaya pagkauwi ko.

Sumakay ako kay Horsey. Hindi ko na hinintay na sumunod siya at mabilis na pinatakbo ang aking kabayo. Ramdam ko ang naghuhuramintado kong puso sa hindi ko malamang dahilan. Mariin akong napapikit at mas pinatakbo ng malakas si Horsey. Dumeritso nalang ako sa malawak na lupa na may mga punong mangga kung saan ko madalas itali si Horsey.

Laking tuwa ko nang hindi na ito sumunod sa akin. Umuwi rin naman ako. Walang tao sa bahay. Tapos na lahat ng gawain ko kaya naligo na lamang ako. Nanatili ako sa loob kakatitig sa mukha ko sa salamin. Natural na pula ang aking nipis na labi. Maliit ang mukha ko at may maitim na kilay na dumidipina ng maayos sa mga mata ko. Nang dahil sa kaputian ko, pag tititigan mo akong mabuti ay makikita mo ng malinaw ang pisngi kong namumula mula. Naalala ko, ang tangos ng ilong ni mama. At ang sabi ni lola ay may lahi raw kaming Espanyol kaya ganito ako kaputi. Na namana ko ang mga magagandang katangian ng mukha sa mama ko.

Napabuntong ako ng hininga. Ano bang depinisyon ng kagandahan? Iyon bang mga nakikita kong kasamang babae ni Uno? Iyong sexy manamit? Iyong magaling dalhin ang sarili, magaling magmake-up… at may tindig ng isang modelo. Pero sabagay, hindi naman ako dapat mangamba na ganito lamang ako. Alam kong may inilaang lalake ang Panginoon sa akin na hindi makikita ang pisikal kong anyo kundi ang nasa loob ko.

Gabi na nang marinig ko ang pagtawag ni Lola sa akin. Paglabas ko ay nagulat ako nang makita ang isang maputing babaeng may inosenteng mukha ngunit matamis ang ngiti sa akin. Parang nahulog sa lupa ang puso ko dahil sa excitement nang malaman kong si Channy pala iyon. Sobrang ganda niya na. Hindi ako makapaniwalang ang kinis na ng mukha niya! Para siyang nabindisyunan sa isang simbahan kaya napalayas ang mga masasamang espirito sa loob niya na nagpapapangit sa kanya noon. Para itong isang anghel sa sobrang ganda.

“Sobrang ganda mo na talaga Channy!” Hindi ko mapigilang komento sa kanya kahit na paulit ulit ko na iyong sinasabi kanina pa. Mahinhin siyang tumawa. Wala naman akong insecurities pero gusto ko tuloy maging katulad ni Channy. Iyong masasabi ko talagang ganap na akong dalaga. Siguro naman sa pagdaan ng panahon ay mahuhubog rin ako.

Tuwing umaga ay sinasama ko ang pinsan ko sa mga lakad ko. Lahat ng pinaggagawa ko ay tinuturo ko rin sa kanya. Lahat ay pinupuntahan namin. Pinapasyal ko siya. Pero maliban lang talaga sa isang lugar. Ayoko siyang dalhin doon sa hacienda. At mukhang busy rin ata si Uno. Pakialam ko ba sa pinaggagawa ng lalakeng iyon. Pagkatapos niyang hawakan ang beywang ko!

“Alam mo Aly may mga damit akong dala. Sinadya ko talagang dalhin ang mga ito para ibigay ko rin sayo.” Sabi sa akin ni Channy habang kinukuha niya ang iilang gamit palabas ng bagahe. Halatang magaganda ang mga iyon. Ang tela palang sobrang lambot na.

“Huwag na Channy! Hindi ko iyan mapapakinabangan. Baka maisipan ko lang iyang ibenta.” Humalakhak ako na ikinangiwi niya.

“Bakit naman ayaw mo? Maganda ka at bagay ito sayo sigurado ako.” Malambing niyang sabi.

“Sino naman ang papagandahan ko rito eh puro nga mga tambay ang nasa labas. ’Tsaka sa ngayon, hindi ko priority ang sarili ko. Dapat makapag-ipon ako ng malaki para may pang-college ako. At pag nakagraduate ako ay palalaguin ko ang lupain.”

Namangha ang pinsan ko sa pakikinig sa akin. Nagtataka nga siya kung ba’t ganito na raw ako mag-isip eh noong mga bata pa kami ay wala naman daw akong ginawa kundi nakawin iyong maisan. Hindi mo naman talaga malalaman ang magiging ikaw sa hinaharap. Walang makakaalam kundi ikaw lamang. Babase iyon sa mga desisyon mo sa buhay. At ako, gusto kong maging mayaman. Para maging ganoon ako sa hinaharap ay magsisikap ako, magpupursigi ako ng lubusan para iyon ang maging resulta. Hindi naman pwedeng nangangarap akong yumaman pero wala naman akong ginagawa. Ano ’yon, magic?

“Ano bang lasa ng halik?” Tanong ko kay Channy kinagabihan. Kapwa hindi pa kami dinadalaw ng antok kaya kahit saan saan nalang lumilipad ang pag-uusap namin.

Humarap ako ng buo sa pinsan ko. Kapwa na kami nakahiga. Nakabukas pa iyong bintana para pumasok ang sariwang hangin.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi ata siya makapaniwalang natanong ko ang bagay na iyon.

“B-Bat mo naman natanong?” Kahit medyo madilim, malinaw kong nakita ang mukha niyang namumula. Ang buwan lamang ang nagsisilbing ilaw namin.

“Wala lang. Curious ako. Iyong mga kaklase ko kasing babae, naririnig ko silang nag-uusap tungkol sa halik. Masarap daw iyon, nakakalasing ang sarap at nakakaadik. Totoo ba?”

Napalunok ng laway si Channy. Mas lalo atang namula ang kanyang pisngi. Nang hindi niya makayanan ang topic namin ay nagtalukbong nalang siya bigla ng kumot.

“Nahihiya akong pag-usapan.” Narinig kong sabi niya.

Inalog alog ko siya. Nacucurious kasi talaga ako. Alam kong 18 palang ako at may limang taon pang natitira bago ako mag 23. Bago ako sumubok sa mga ganoon. Bago ko makilala ang lalakeng para sa akin. Pero gusto ko lang talagang malaman ang tungkol sa halik kung ba’t maraming nagpapakaalipin sa sensasyong iyon matikman lang ito. Ganoon ba talaga iyon kasarap?

Sa kakatalukbong ni Channy, nahulog rin iyon sa pagtulog. Kinabukasan ay pinilit ko itong huwag nalang umuwi. Magsisimula na ang Youth Camp at kung kasama ko si Channy, pakiramdam ko mas kikita ako ng malaki. Maraming lalake roon na alam kong mahihikayat na bumili dahil maganda ang pinsan ko. Ilang araw ko narin kasing napapakinabangan ang ganda niya simula nang dumating siya rito. Pati iyong mga tambay ay pumapayag na magpautos sa akin kapalit ay irereto ko sila sa pinsan ko. Hindi ko nalang ipinagsabi na may asawa na ito kundi ay tapos talaga ang tinatamasa kong mga libreng tulong.

Pumayag si Channy na manatili kaya naging abala rin kami sa paghahanda ng mga ititinda namin. Gumigising ako ng madaling araw para lamang ihanda ang mga kailangan ko.

“Alyssa. Ang aga aga mo naman atang nagising.” Puna sa akin ni lola nang makita niya ako rito sa kusinang may pinagkakaabalahan na disoras palang ng gabi. Siguro magbabanyo ito.

“Maaga kasi kaming pupunta mamaya sa Youth Camp, la. Sayang naman ang kikitain ko kung konti lang ang mahahanda ko.” Paliwanag ko habang hindi tumitigil sa pagra-wrapper ng saging. Piprituhin ko ito at gagawing turon. Iyong mais naman ay pinapakuluan ko na. Matagal kasi iyang maluto.

Nilapitan ako ni Lola. Napakurap ako nang hinawi niya ang buhok ko at isinabit iyon sa gilid ng tenga ko para mas malinaw niyang makita ang mukha ko.

“Alam mo apo, ang swerte ng magiging asawa mo. At sigurado akong mapupunta ka sa nararapat na lalake.” Ngumiti sa akin ng matamis si Lola. Para bang siguradong sigurado siya sa pinagsasabi niya.

Napanguso ako. “La naman, pag-aasawa agad iyang sinasabi niyo sa akin. Kailangan muna akong magsikap. Hindi naman pwedeng magpakasal ako tapos ganito pa ang estado natin sa buhay. Ayoko namang iwanan kayo!”

“Ikaw talagang bata ka inaalala mo parin ako. Matanda na ako Aly, masaya na ako at kontento na ako sa buhay na tinatamasa ko ngayon. Hindi ko na hinahangad ang karangyaan. Ang gusto ko nalang ay makita kang masaya. Iyon lang ang gusto ko dahil alam kong deserve mo iyon apo…”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ayokong maging emosyonal sa pinagsasabi ni lola pero hindi ko mapigilan.

“La naman…”

Ngitian ako lalo ng matamis ni lola. “Balita ko nandito na iyong isa sa mga anak ni Don Israel. Hindi ka ba bumabalik ulit sa hacienda?”

Nagulat ako sa pag-oopen up ni Lola tungkol kay Uno pero hindi ko nalang pinahalata. Hindi ko rin naman kasi kinukwento sa kanya na nagkakausap kami. Baka kasi…

“Hmm… ganoon ang mga gusto kong lalake na mapangasawa mo.”

Namula ang pisngi ko. Hindi ko alam kung nagbibiro ba si lola o ano.

“La naman!” Napanguso ako.

Humalakhak ito. “Bakit? Nakita mo na ba iyong si Uno? Bali-balita na kay gwapong binatilyo raw ng batang iyon. Namana ang hitsura ng ina. Iyong pangalawa ay mana sa ama habang iyong pangatlo ay mix na daw ng mag-asawa. Kung nakita mo lang ang asawa ni Don Israel mapapanganga ka talaga Alyssa. Kay gandang babae…”

Sa halip na sagutin si lola ay nailing nalang ako. Itinuon ko ang pinaggagawa ko. Siya pa itong nagsasabi sa aking huwag munang lumandi ng maaga tapos ngayon ay parang binubugaw na ako.

“La, hindi naman purket mayaman at gwapo ay ipagkakatiwala mo na agad ako sa kanya para lang maging maganda ang buhay ko. Ayoko namang iasa sa lalake ang kinabukasan ko kung pwedeng ako mismo ang maghirap. ’Tsaka mas maganda iyong minahal ko ang lalake dahil mahal ko, hindi dahil mayaman ito at gwapo.” Paliwanag ko.

“Alam ko naman iyan apo. Iyan ang turo ko sayo. At hindi ko naman binabase sa estado ng buhay ni Uno at sa hitsura niya kung ba’t gusto kong katulad niya ang mapapangasawa mo. Ang akin lang ay baka tipo mo. At mas mapapanatag ang loob ko kung sa isang kagaya ni Uno ka napunta.”

Napabuntong ako ng hininga. Seryoso kong binalingan si lola. “La, imposible iyan. Ang hiningi kong senyales sa Panginoon ay makikilala ko ang para sa akin pag naging 23 na ako. 18 palang naman ako.” Depensa ko agad.

Tumaas ang kilay ni Lola at humalukipkip sa harapan ko. “Aba’t iyan ang edad ko noong nakilala ko ang lolo mo ah?”

Ngumisi ako. “Imposibleng si Uno. Bata palang ako, kilala ko na siya. Imposible…” Bulong ko sa sarili ko.

Chapter 9

Signs Of Love

Rumors

Naging abala kaming dalawa ni Channy sa Youth Camp. Siya ang nagsusukli sa mga namimili habang ako naman ang aligaga sa pagbibigay ng mga binibili nila. Mas marami atang bumibili sa akin ngayon hindi katulad noon. Siguro magiging doble ang kikitain ko nito kumpara noon.

Sa tuwing Youth Camp, ang hindi ko lang talaga nakakayanan ay itong pinsan kong si Lhuella na kasali rin. Nakikita ko ang pagpapasikat niya sa ibang mga campers. Para siyang isang linta na uhaw sa dugo kaya kailangan talagang dumikit. Ilang beses rin kaming nagkakasagutan niyan sa tuwing nagkukrus ang landas naming dalawa.

Palitan kami ng pagligo ni Channy sa batis. Dinadala ko naman si Horsey para mas mabilis akong makarating at makabalik agad sa camp. Nang makaramdam ako ng init ay nagdesisyon nalang akong maligo roon. Total malapit narin namang maubos ang paninda namin at pumayag naman ang pinsan kong si Channy. Mukhang nasasanay na siyang magtinda dahil ilang araw narin namin itong ginagawa.

Binaybay ko ang daan patungong batis habang nakasakay kay Horsey. Walang katao tao roon dahil hindi naman iyon masyadong bulgar. Nakatago lamang iyon at kailangan mo pang pasukin ang kagubatan para makarating sa mumunting paraiso.

Pagdating doon ay itinali ko sa gilid si Horsey. Lumusong agad ako sa malamig na tubig. Hanggang tuhod ko lang iyon kaya kailangan ko pang umupo para mas mabasa ko ang aking sarili.

Pagkatapos kong maligo ay humiga ako sa damuhan para narin mas madali akong matuyo. Ibibilad ko nalang muna sandali ang sarili ko.

Dala narin siguro ng pagod ay ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko naman talaga balak matulog pero mukhang nakaidlip ako. Nagising nalang ako dahil sa isang kamay na parang pinapump malapit sa dibdib ko. Naging mabilis ang pintig ng puso ko at mabilis na napadilat kasabay ng paghawak nito sa bibig ko at tinakpan ng kanya. Gulat na gulat ako dahil may lalakeng humalik sa akin. Sa sobrang taranta ay nangapa na ako ng maipapalo sa kanya at isang bato ang nahawakan kaya pinukpok ko agad ito. Narinig ko itong napaungol sa sakit at napalayo sa akin. Sapo sapo niya ang kanyang noo kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumakbo papalapit kay Horsey. Mabilis ang pagsampa ko roon at pinatakbo agad ito. Para akong nangangarera dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko. Idagdag pa ang nakumpirma ko kung sino iyon. It was Uno molesting me, kissing me! Hindi ako pwedeng magkamali! Sa tindig niya palang! Sinasabi ko na nga ba at napakamanyakis ng animal na ’yon! Natutulog lang ako tapos bigla nalang akong susunggaban?!

Namumutla ako nang bumalik ako sa camp. Kahit si Channy ay napansin iyon. Pasimple ko iyong iwinawala sa utak ko. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtitinda. Kaso itong si Channy nagpumilit talagang maligo roon! Iiwan ko sana ang mga paninda ko para sundan ang pinsan kong lumalayo na nang may mga grupo ng babae ang dumating. Sila iyong bagong dating palang sakay ng van at nakaconvoy doon sa magarang kotse kanina.

“Uhm, bibili kayo?” tanong ko sa kanila. Nililingon rin nila iyong dako kung saan tumakbo si Channy.

“Yes. I would like to have this. Tingnan mo Julie oh.” Ipinakita ng babaeng may foreign features iyong kinuha niyang mais. Manghang mangha ang mga mukha nila sa paninda ko. Hindi gaya ng mga ibang campers na nandidiri, sila itong parang tuwang tuwa sa mga nakikita.

Nahumaling na ako sa pagtitinda at nakalimutan ang pinsan ko lalo na’t pinapakyaw na nito lahat ng paninda ko. Kahit sobra sobra pa sa bayad ang natanggap ko, pag-uwi ko ay hindi parin iyon mawala sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang unang alalahanin, iyon bang wala pa roon si Channy o iyong si Uno na minolestya at hinalikan ako. Anong gagawin ko?! Magsusumbong ba ako kay Lola?! Baka magalit siya at sumugod sa hacienda!

Napailing ako. Hindi ko alam kung ano ang iisipin sa mga nangyari. Hindi purket curious ako sa lasa ng halik ay ipapatikim mo na sa akin Panginoon! Malambot lang ang labi niya! Pero ba’t ganoon, para niya akong binubugahan ng hangin sa loob ko!

Nabura lamang iyon sa utak ko nang dumating si Channy. Mukhang okay lang naman ito. Gusto kong magkwento sa kanya. Na may nakahalik sa akin. Pero pinapangunahan ako ng takot.

Kinabukasan, sa Youth Camp ay laking gulat ko nalang nang makita ko roon si Uno kasama ang pinsan ko. Sa sobrang taranta ko ay nagpaalam agad ako na umuwi nalang ng bahay. Hindi ko makalma ang naghuhuramintado kong sistema. Ba’t niya ba kasi nagawa niya iyon sa akin. Just because I’m like this?! Akala niya okay lang sa akin?!

Hindi ako mapakali sa bahay. Nagpabalik balik pa ako. Gumising ka nga Aly! Iyong paninda mo ang atupagin mo hindi iyang ginawa ni Uno!

Nagdesisyon rin naman akong bumalik nalang ulit. Kaso nasa daan palang ako ay may pamilyar na imahe na akong natanaw. Mabilis akong napatalikod at tatakbo na sana paalis. Hindi palang ako nakakalayo ay may humigit na ng braso ko.

“Not so fast, Aly.” Ang higpit ng pagkakahawak ni Uno sa akin na wala man lang siyang kahirap-hirap na paharapin ako sa kanya.

“Manyakis ka! Bitiwan mo ako! Ang kapal mong halikan ako!” Pinagsasapak ko ang dibdib niya. Kahit na mas matangkad siya sa akin, mas malaki kumpara sa maliit kong imahe ay ginawa ko ang lahat masaktan ko lang ito kahit na sigurado akong wala iyong epekto sa kanya.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. Tila may ikinakagalit. “What? I thought you drowned on that fucking water! Nakahiga ka at parang walang malay! Ang putla putla mo pa!”

“Maputla naman talaga ako! Kailan mo ako nakitang nagmimake-up?!” Pilit kong binabawi sa kanya ang kamay ko pero bigo akong makuha iyon dahil mukhang wala siyang balak na bitiwan ako.

Nakipagsukatan ako sa pagkakatitig niya sa akin.

“CPR ang tawag sa ginawa ko, Aly,” diin niyang sabi na ikinailing ko.

“Pangmamanyak iyon! Minolestya mo ang dibdib ko! Hinalikan mo ako!” sigaw ko na ikinailing niya at natatawang tiningnan ako.

“I didn’t kiss you. Hindi purket dumampi ang labi ko sa labi mo ay halik na iyon. That’s not how I fucking kiss a girl, Aly. At hindi ko minolestya ang dibdib mo.” Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Mabilis ko siyang tinapunan ng matalim na tingin.

“Anong hindi halik? Ako pa talaga ang uutuin mo. Hindi purket wala akong karanasan sa mga ganitong bagay ay hindi ko na alam kung paano iyon ginagawa! Animal ka!” Parang bata kong bintang sa kanya.

“Look what you’ve done to my forehead, you crazy girl.”

Napakurap ako sa sugat sa noo niyang nakaband-aid. “Eh kung hindi mo sana ako hina-“I am trying to save you, okay? I thought you drowned…” naf-frustrate niyang paliwanag dahil hindi agad ako makumbinsi. Inuuto lang talaga ako ng tagasyudad na lalakeng ito.

“Fine, fine. What do you want me to do then? Prove everything? You want me to show what’s the real kiss, Aly?” Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Bago paman siya may magawang kung ano sa akin ay tinulak ko na siya.

“Animal ka! Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin.

I heard him cursed. Dala na rin siguro ng kalikutan ko.

“Bitiwan mo nga ako! Huwag mo akong hinahawakan! Bastos!” Mas hinila ko ng malakas ang kamay ko sa kanya. Pakiramdam ko ay mahihiwalay ang buto ko dahil sa higpit non. Na parang wala siyang balak bitiwan ko.

“Pag hindi ka tumigil ipagkakalat ko rito na nahalikan kita.” Nalaglag ang panga ko. Natigil ako sa kakapumiglas at hindi makapaniwala sa narinig.

Nang mapansin niyang kumalma ako ay medyo lumuwag ang pagkakahawak niya. Kinuha ko agad ang tyansang iyon para bawiing muli sa kanya ang kamay ko at walang ano ano’y pumulot ng bato para sana itapon sa kanya.

“Oh shit, I was just joking!” sigaw niya na ikinatigil ng kamay ko sa ere.

“Sige! Subukan mong ipagkalat! Total manyakis ka naman talaga! Para malaman lahat ng tao rito na may manyakis na anak si Don Israel! Dudumihan mo ang pangalan ng papa mo!”

Napabuntong siya ng hininga. Ibinulsa ang dalawang kamay at itinagilid ang ulo para titigan akong mabuti. Nakaramdam ako ng ilang doon. Pasimple na lamang akong nag-iwas ng tingin at ibinato sa ibang direksyon iyong bato. Pinagpagan ko ang sarili kong kamay at umirap. Nilagpasan ko siya when I heard him chuckled. Ba’t ang hilig niyang tumawa eh wala naman sanang nakakatawa?

“Can’t believe you’ll grow up like this…” Narinig kong sinabi nito kasabay ng yapak ng paa niyang sumusunod na naman sa akin.

“Kung makapagsalita akala mo close tayo ah?” Pabalang kong sagot.

“I think so?”

Marahas ko siyang nilingon. “Close tayo? Mas close pa kami ng mga isda niyo kaysa sayo!”

Humakbang siya lalo ng malaki at tinabihan ako. “Hmm, we used to talk. Pumupunta ka sa hacienda noon kaya close tayo.”

Napangiwi ako. “Hindi nga!”

“We are,” buong kasiguraduhan niyang sagot na ikinabusangot ko.

“Hindi tayo close, Uno! Si Lolo Dancio ang close ko.” Pagtatama ko.

Sa halip na sagutin ako ay tinitigan niya lang ako. Ibinalik niya ang tingin sa daan at bumuntong ng hininga.

“Hanggang kailan ba iyong Youth Camp?” tanong niya sakin. Oo nga pala. Parang kasali siya roon.

“1 week iyon. Bakit? Naghahanap kana naman ng mabibiktimang babae roon?”

Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. “Do I look like a womanizer to you?”

“Bakit, hindi ba? Ang sabi ni lola… ang mga lalakeng matitino ay iyong seryoso sa pagmamahal. Iyong hindi nananakit ng babae. Ikaw papalit palit ka pa nga at namimisil ng pwet. Matino ka ba?”

His lips curved and end up chuckling. Nailing siya at nakagat ang pang-ibabang labi.

“Bigdeal ba talaga sayo iyong nakita mo? I just squeezed it. What’s the matter with that, Aly?”

“Dahil manyakis ka!”

Imbes na mainis sa akin ay ngumisi lamang siya. Titig na titig sa mukha ko at mas lalong tumatamis ang ngiti.

“Hmmm…”

Napanguso ako sa ginawa niyang tunog. Umirap na lamang ako at itinuon ang tingin sa daan. Dapat pala dinala ko nalang si Horsey para mas madali akong nakarating sa Youth Camp.

Naging tahimik kaming dalawa. Bawat batong nadadaanan namin ay sinisipa ni Uno. Pagkatapos niyang yumuko ay susuklayin niya paatras ang kanyang buhok para lingunin lamang ako. At sa tuwing nakikita ko ang sugat sa noo niya ay hindi ko mapigilang makonsensya. Ako kasi ang may gawa niyan. Pero hindi ko naman talaga sinasadya ang bagay na iyon! Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko!

“How many boyfriend did you have?” Biglaan niyang tanong na ikinakurap ko.

“Wala pa syempre!”

Parang lumiwanag ang kanyang mukha pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin kaya hindi ko tuloy mapunto kung totoo ba iyong nakita ko o halusinasyon ko lamang.

“Hmm, so you’re…”

“Birhen!” proud kong sabi na ikinagulat niya.

“Bakit? Mali ba? Ang sabi ni lola birhen ang tawag sa mga babaeng walang karanasan. At iyon rin ang tawag ng mga kaklase ko sa akin. Bakit? Bawal bang maging birhen?” Sinamaan ko siya ng tingin.

“It’s called single, Aly.”

“Gusto ko birhen e.” Umirap ulit ako.

I heard him groaned. Sinuklay muli paatras ang buhok at nailing. Kagat kagat pa nito ang pang-ibabang labi na tila nafufustrate sa isang bagay.

“Diba hindi ka mahilig sa birhen? Iyong mga babae mo, mukhang marami nang karanasa-“Alyssa!” Putol niya sakin na ikinatigil ko sa pagsasalita lalo na’t sa kanyang reaksyon ay para akong may napatay. Hindi ko alam kung galit ba ito o hindi.

“Stop using that word for pete’s sake.”

Bumusangot ang mukha ko. “Totoo naman e, guilty!” Singhal ko at umirap muli.

Doon lamang kami natigil nang makarating ako sa Youth Camp. Siya naman ay namamataan ko sa kabilang dako at kausap iyong lalakeng bumili sa amin ni Channy ng marami. Kaso tinawag niya ang pinsan ko ng baby. Pero sabagay, baby face nga naman ang pinsan ko.

Dala ng mainit na panahon ay mabilis akong pinagpawisan. Tumingala ako at pinagsalikop lahat ng mga buhok ko para maitali ito. Nalalaglag na naman iyong maliliit na curly hairs ko pero hinayaan ko nalang. Saktong pagbaba ng mukha ko ay nagtagpo ang mga mata namin ni Uno. Kahit medyo malayo siya ay kitang kita ko ang imahe niya. Nakaawang ang kanyang bibig. Suminghap siya nang napagtanto niyang nakatingin ako saka rin nag-iwas ng tingin at ibinalik doon sa lalakeng kausap niya. May kung ano siyang sinabi roon kaya tinanguan siya nito. Tinapik niya ang balikat nito at naglakad na patungo rito. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya at inabala ang sarili sa pag-aarange ng ibang paninda. Malapit narin kasi itong maubos.

“Give me some of this.” Itinuro niya iyong mais at naglahad ng papel sa akin.

“Wala ka bang barya?”

“Nah, just keep the change.”

Bumusangot ang pagmumukha ko. Hindi naman kasi purket kumakayod ako para lang magkapera ay tatanggapin ko narin ang mga ganitong paandar ni Uno. Alam ko kung gaano kahirap magkapera. Siguro kung ako ang nasa kinatatayuan niya ay hindi ako basta basta mamimigay.

Nang mapansin niyang wala akong balak tanggapin ay tumikhim siya.

“Bibilhin ko nalang lahat.”

“Sobra parin ang bayad mo,” sabi ko.

“Pwede ulit akong bumili bukas.” Kibit balikat niya at kinagatan iyong mais. Napatitig ako sa labi niyang dumikit sa katawan ng mais hanggang sa nagsimula siyang ngumuya. Dinilaan niya pa iyong pang-ibaba niyang labi at kumagat muli. Napalunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin. Pilit kong binubura sa isipan ko iyong paglapat ng labi niya sa akin.

“Here.” Binigyan niya rin ako ng mais.

“Busog ako.” Nakanguso kong sabi.

Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. “Sa katawan mong iyan, busog ka?”

“Oo. Busog ako.”

Tumango nalang siya at kumagat muli sa mais. Kung hindi lang may mga babaeng dumayo rito para kausapin siya ay hindi mapuputol ang paninitig ko sa kanya. Ewan ko ba kung anong meron sa mukha niya at ang hirap pigilang hindi punain ang bawat parte ng kanyang mukha. Na kahit anong hanap kong kapintasan doon ay parati akong nabibigo dahil masyado iyong perpekto. Siguro kung naging babae siya ay sobrang ganda niya.

“Naging ex mo iyong sikat na model, hindi ba?” tanong ng isa sa mga babaeng parang mga reporter na iniinterview siya.

Nilingon ako ni Uno. Sandaling nagtama ang tingin namin pero pasimple ko nalang iniwas at inabala ang sarili sa pagliligpit ng ibang gamit.

“We’re not,” ani Uno at naramdaman ang muling paglingon sa akin.

“Hindi kaya! Nasa magazine iyon na kung hindi lang si Dos ang nagtake-over ng kompanya ay mauuwi kayong dalawa sa kasalan.”

“Those were just rumors, girls…”

Nilingon ko ang ibang mga babae na parang mga fangirl na gustong mahawakan, mayakap at matingnan ng malapitan ang iniidolo nila. Ibig sabihin marami pala talagang nakakakilala sa lalakeng ito doon sa syudad. Sabagay…

“May pictures pa nga na pumupunta siya sa condo mo.”

Nairita ako sa narinig. Umawang ang bibig ni Uno para sana may sabihin nang inunahan ko na ito.

“Di ito tambayan. Umalis na kayo kung wala kayong balak bumili,” iritado kong sabi na kahit si Uno ay inirapan ko. Hindi naging sila pero nagdidate? Hinotel? Siguro ay pinisil niya na naman ang pwet ng babaeng iyon.

Sa sobrang inis ay nagwalk-out na lamang ako dahil mukhang walang balak magsialisan ang mga babaeng iyon. Pag ako talaga nagkapera ng marami hindi ko pag-aaksayahan ang pera ko sa pakikipagdate! Tapos anong mapapala ko, kukurutin lang iyong pwet ko! Dakilang animal talaga itong si Uno.

Chapter 10

Signs of Love

Compliments

Nakilala ko ang mga kaibigan ni Channy sa syudad. Iyong mga magagandang babaeng bumili pala sa akin ay mga schoolmate niya roon. Sobrang ganda nilang lahat. Puro pa makikinis. Maputi naman ako pero iyong mga balat nila halatang alagang aircon. Mamula mula kasi hindi kagaya kong maputla. Ang gugwapo rin ng magpipinsang Delafuente. Ang sarap siguro sa feeling na ganoong klase ang naging boyfriend mo. Sana pag naging 23 na ako, mga kagaya nila ang makilala ko.

Iginala ko ang tingin sa paligid. Hindi ko namamataan si Uno. Ang sabi niya noong nakaraang araw ay bibili ulit siya saakin pero wala naman siya. Kahapon rin at mukhang pati ngayon ay wala siya.

Kahit saan lumipad ang utak ko lalo na’t noong huli ko siyang nakita ay ang raming kumausap na babae sa kanya. Mga ganoong klase iyong nakikita kong tipo niya. Siguro kaya busy siya. Ewan…

“Lolo Dancio?” Tawag ko. Dala ko ang isang supot kung saan naglalaman ang mga paninda ko. Nagpaalam nalang ako kay Channy na may pupuntahan. Total mabilis ring naubos ang paninda dahil pinakyaw iyon ng magpipinsan.

Lumabas sa loob ng bahay ang isang babaeng katulong. Nang makita ako ay napabusangot agad ang mukha nito.

“Ikaw na naman?” Iritado niyang tanong.

“Si Lolo Dancio?”

“Si Lolo Dancio ba talaga ang sadya mo o si Sir Uno? Wala siya rito.” Inirapan ako nito at muling bumalik sa loob. Napangiwi ako sa pagtataray niya. Nasaan kaya si Lolo? Sa kanya ko nalang sana ibibigay itong mga paninda ko para maibigay niya kay Uno. Total sobra iyong binigay niyang pera at hindi rin siya nakabili sa akin kahapon kaya nakapagdesisyon akong dalhan na lamang siya.

Handa na akong lumabas ng gate nang may narinig akong yapak ng kabayong kakarating lang. Ilang sandali lamang ay bumungad rin ang mukha ni Uno. Wala na namang suot na pang-itaas at pawisan.

Tiningnan ko siyang bumaba ng walang kahirap hirap doon. Nasa akin na ang tingin niya.

“Aly?”

Inilahad ko agad ang supot na dala ko. “Hindi na kita nakikita sa Youth Camp kaya inihatid ko nalang iyong paninda ko. May natitira ka paring pera sa akin kaya bukas, kung busy ka ay ihahatid ko nalang ulit dito,” paliwanag ko. Kinuha niya iyon. Sinilip niya sandali ang loob at binalingan akong muli.

“May mga inasikaso lang ako. I was planning to go there later kaso hindi ko inaasahang nandito ka pala,” aniya.

“Pwede kanang hindi pumunta. Dudumugin ka lang doon ng mga babae,” sabi ko na ikinakurap niya. Ngumisi siya at nagawang basain ang pang-ibabang labi. Namamangha ang kanyang mukha at hindi ko alam kung bakit. May mali ba akong nasabi?

“Hmm, okay. Since you’re here, I can tour you around. May mga bago akong harvest na gulay. Ang sabi sa akin ni Lolo Dancio ay may gulayan rin daw kayo. Baka sakaling interesado ka.”

Sinilip ko ang labas ng gate. May iilang magsasaka sila roong busy ata sa paghaharvest. Kaya siguro hindi niya rin magawang pumunta sa Youth Camp dahil may pinagkakaabalahan rin siya.

“Sige.” Total gusto ko ring matuto kung paano palaguin ang isang lupain. Wala naman sigurong masama kung pumayag ako.

“Come here then.” Nagkasalubong ang kilay ko. Kahit wala akong ideya ay humakbang ako papalapit sa kanya. Kaso laking gulat ko nalang nang bigla niyang inangat ang beywang ko at isinampa ako sa kabayo. Parang umangat rin sa ere ang kaluluwa ko dahil sa paglapat ng kamay niya sa beywang ko. Ganoon siya kalakas para magawa akong iangat nang ganoon kasimple. O sadyang ang gaan ko lang talaga…

“Move a bit.” Utos niya sa akin kaya umabante ako ng kaonti. Ilang sandali lang ay siya naman ang sumakay. Halos mapasinghap ako nang tumama ang likod niya sa akin. Hinila niya iyong tali at sinimulang palakarin iyong kabayo. Napalunok ako ng laway. Para akong walang kawala sa kanya dahil sa magkabila niyang kamay na nakaharang.

“Do you like veggies?” tanong niya.

“Oo naman. Dito na ako lumaki at ang mga gulay ang naging hanapbuhay namin ni lola. Napamahal narin ako sa mga gulay.” paliwanag ko.

“Hmm… that’s why you look healthy. Kaso nga lang, ang payat ng beywang mo. Ang payat mo,” aniya na ikinanguso ko. Hindi kasi talaga ako malaman. Medyo matangkad at payat.

“Eh ano naman ngayon?” Umirap ako sa kawalan. I heard him chuckled.

Tiningnan ko ang iilang mga pananim nila. Siguro kung ganito rin kalawak ang lupain ni Lola ay malaki ang kikitain niya araw araw. Halata rin naman kasing maraming nag-aangkat na malalaking buyer kina Uno hindi katulad sa amin na doon lamang sa bayan at minsan ay dumadayo pa si Lola sa syudad para ipagbili iyon. Kung meron lang talaga kaming malaking buyer… kaso mukhang ang hirap maghanap ng ganoon lalo na’t ang konti lang rin ng nahaharvest namin buwan buwan.

May mga minimaintain sila para maganda ang tubo ng mga pananim nila. Wala kaming ganoon. Dala narin siguro ng pagiging mayaman nila kaya afford nila ang ganoong klase. Kaming dalawa lang naman ni Lola ang nagdidilig ng mga pananim tapos may nalalanta pa kaya kailangan agad namin iyong alisin para hindi mahawaan ang iba.

I felt his chest on my back. Gawa narin ng biglaang pagliko niya sa kabayo kaya napasandal ako sa kanya bigla.

“Easy…” Hinawakan niya ang hita ko para imaintain ang balanse ko. Napalunok akong muli ng laway dahil sa kamay niya roon. Para akong napapaso at namumula ang aking pisngi dahil sa pagkakalapat ng palad niya roon.

“Lumiliko ka kasi agad. Huwag mo akong hinahawakan. Mapapagalitan ako ni Lola.” Ngumuso ako.

“Wala naman akong ginagawang masama kaya wala siyang dapat ikagalit.”

Umismid ako. Nilingon ko siya na tinaasan lang ako ng dalawang kilay na sumang-ayon nalang ako.

“Manyakis!” Umirap akong muli. Narinig ko siyang tumawa at ekspertong pinatakbo ang kabayo.

Gumala ang kabayo sa malawak nilang lupain. Manghang mangha ako sa nakikita ng mga mata ko. Hindi lang gulay ang mayroon sila. May mga prutas rin sila. Sa sobrang lawak ay hindi ko alam na sakop rin pala nila iyong dulo. Hindi na kasi ako nakakarating doon dahil mas namamangha ako sa hacienda kaya hanggang doon lamang ako.

Pagdating namin doon ay nagulat ako dahil puro mga bulaklak ang nakatanim roon. Sa sobrang ganda ay hindi ko na napigilang bumaba sa kabayo. Napagalitan pa ako dahil baka kung napano raw ako pero hindi ko na iyon pinansin.

“Sa inyo ito?!” Napangiti ako ng malapad nang lingunin ko ang nakabusangot niyang mukha. Pero unti unti rin iyong nabura nang makita ako. Dahan dahang siyang napatango. Titig na titig sa labi kong kurbang kurba dahil sa pangngiti ko ng malaki.

“Ang ganda naman! Hindi ko alam may mga pananim pala kayong ganito bukod doon sa bakuran niyo!” sabi ko habang sinusuri ang bawat bulaklak roon.

“My Mom loves flowers. She decided to plant some of it when she married Dad.”

“Ba’t hindi ko man lang alam ang parte ng lupaing ito?! Edi sana nakapamitas ako dito at ibinenta sa bayan!” pagbibiro ko at nagawang tumawa.

Pumitas ako ng iilan. Ang sabi rin naman ni Uno ay pwede raw total sobrang dami naman.

“Tingin mo magkano ang ganitong bundle?” Ipinakita ko sa kanya ang napitas ko. Iyong pagjojoke ko kanina mukhang magiging totoo na. Ang gaganda kasi nilang pagkaperahan. Hindi ko naman ibubulsa ang pera. Ibibigay ko parin sa kanya pero dapat ay hatian niya ako.

Tinitigan ni Uno ang pinagpipitas ko. May kinuha siyang isang bulaklak roon at ipinasok sa gilid ng tenga ko. Unti unting nalusaw ang ngiti ko. Nagsisimula na namang pumintig ng mabilis ang puso ko sa hindi ko matukoy na dahilan. Siguro dahil naninibago lang ako sa mga ganitong kilos. Wala rin naman kasi akong naging kaibigan na lalake kaya siguro ay naiilang ako kay Uno.

“I’ll buy it,” seryoso niyang sabi.

Ngumuso ako. “Eh sa inyo ito.”

“Ikaw ang namitas. Hindi ako,” aniya.

Tumango ako at ibinigay sa kanya ang bulaklak. Pagkatapos ay inilahad ko ang palad ko. “Singkwenta,” sabi ko na ikinangisi niya.

“50 pesos?”

Tumango ako. “Oo! Ang sakit kaya ng kamay ko! Ang hirap mamitas.” Pagdadrama ko na ikinangiti niya lalo.

“Hmm, okay. 50 pesos each of the flowers.”

“Hoy hindi! Ang mahal mo namang magpataw! Intsik ka ba? Paano ka makakabenta niyan kung ganyan kamahal? Akala mo naman lahat ng taong bibili sayo ay singyaman mo.”

Sandali siyang napatitig sa akin. Ibinigay niyang muli iyong mga bulaklak. Tinanggap ko naman kahit na nagtataka ako.

“Para sa’yo ’yan. Magkasing ganda kayo.”

Pinamulahan ako ng pisngi. Tiningnan ko ang bulaklak. Sobrang ganda nga nila na kahit anong insekto ata ay maaakit nila para dapuhan sila.

“Tapos ikaw itong insekto? Mahilig dumapo sa magaganda?” Tumawa ako.

“Pwede namang ako ’yung tagadilig…” makahulugan niyang sabi na ipinagsalubong ng aking kilay lalo na’t wala rin akong ma-gets. Sipag niya kung gano’n.

Naging seryoso rin naman siya at tiningnan ang malawak na lupain lalo na’t pinaglalaruan na ng hangin ang mga bulaklak na tila sumasayaw ng sabay sabay.

“My Mom treasure this flowers. So this is quite expensive for me. And since you like it, I’ll give it to you. Just don’t sell it.”

Napanguso ako. “Edi naging libre nalang iyong singkwenta ko?”

“I’ll pay you later.” He chuckled.

Tingin ko ay medyo close na kami ni Uno. Siya rin naman kasi ang kauna-unahang lalakeng nakakausap ko ng matagal at nakakasama ko pa. May iilang lalake namang lumalapit sa akin noong nag-aaral pa ako pero siguro dahil narin binabasted ko agad dahil gusto nila akong ligawan ay hindi na sila muling dumidikit pa sa akin. Ni ang kausapin ako ay hindi narin nila ginawa. Siguro itong si Uno ay naghahanap lamang ng kausap dito lalo na’t hindi siya madalas dito doon kaya wala siyang close. Kahit na kilala lahat siya ng nakatira rito.

Pagkatapos maubos ng paninda sa Youth Camp ay nakapagdesisyon akong maligong muli sa batis. Salitan na naman kami ni Channy. Ayoko munang pumunta sa hacienda dahil mukhang busy rin naman si Uno.

Gawa ng tirik na tirik na araw ay nagiging maligamgam narin ang tubig na pinagkakababadan ko sa katawan ko. Malamig iyon at nahahalo sa init ng araw. Napakarelaxing nito sa katawan at nakakatanggal talaga ng stress.

“Why do you like being alone, Aly?” Halos mapatalon ako sa seryosong pamilyar na boses ni Uno. Mabilis akong napalingon sa likuran ko at nakita itong nakapamulsa, madilim ang ekspresyon at matalim ang pagkakatitig sa akin. Mukha siyang galit na ewan.

“Di kaya ako nag-iisa. Kasama ko si Horsey!” rason ko. Nagawa ko pang ituro ang kabayo ko na tumalikod agad. Siguro kung tao iyan ay sinabihan ako niyang “Wag mo akong dinadamay beshy.”

Tumaas ang kilay niya. Bumaba ang tingin sa suot ko kaya napababa narin ang mga mata ko roon. Mabilis akong tumalikod nang nakita ko ang pagbakat ng bra ko sa suot kong sando.

“Umalis ka na nga! Kita mong naliligo ako!” inis kong sigaw sa kanya. Nakaupo ako dito sa batis at basang basa na dahil sa kakababad ko kanina pa.

“Hurry up.” Utos niya na ikinalaglag ng panga ko.

“Bakit ba?! Umalis kana nga!”

“I said hurry up, Aly. Hindi ka ba natatakot na mag-isa ka lang dito? Paano kung hindi ako ang nakakita sayo noong mahimbing kang natutulog. Baka napagsamantalahan ka pa.”

“Kaya nga pinagsamantalahan mo ako ’di ba. Minolestya mo kaya ang dibdib ko at hinalikan ako!” Nilingon ko siya. Nakita ko itong nakapameywang at magkasalubong ang kilay dahil sa galit.

“How many times do I have to tell you it’s called CPR? I am trying to save you,” diin niya. Umiigting iyong panga niya sa hindi ko malamang kadahilanan.

“Umalis kana. Sanay akong mag-isa at hindi naman ako napapahamak. Sino naman kayang magkakainteres sa akin dito?” Hilaw akong natawa.

“Hurry up or else I’ll drag your ass out on this place.”

Nalaglag muli ang aking panga. Seryoso ba talaga itong si Uno? Kailangan pa siya naging ganyan kaistrikto sa akin?! Purket nagkakausap na kami ay mang-uutos nalang siya ng kung ano ano sa akin. Kung alam ko lang na magiging ganyan pala siya ay hindi ko nalang ibinigay ng libre sa kanya iyong mga pinitas kong bulaklak! Sayang rin ang singkwenta ko. Hindi ko rin naman kasi iyon maaalagaan sa bahay. Bukod sa walang pinto ang kwarto ko, wala rin akong vase. Tanging folding bed ang naroon para pagkapasok ko deritso higa agad ako.

Ramdam ko ang malamig na tubig pero mas ramdam ko ang titig ni Uno sa aking likod. Nakakapaso iyon at hindi ko mapigilang bilisan ang kilos ko. Kiniskis ko ng mabuti ang balat ko para matanggal iyong dumi sa katawan ko. Nilingon ko sandali si Uno, nakatayo siya roon at nakahalukipkip. Nasa akin ang tingin. Para niya akong inoorasan gamit ang paninitig niya. Ngumuso ako at mas binilisan ang kilos. Bakit nga ba nagpapasindak ako sa lalakeng ito? Pero nakakasindak rin naman kasi!

Tumayo agad ako nang matapos ako. Piniga ko ang suot kong damit at sinuklay ang basa ko pang buhok. Nailing siya habang nag-iiwas ng tingin sa akin.

“Suplado mo.” Umirap ako at naglakad patungo kay Horsey.

“You’re still wet.” Puna niya.

“Matutuyo rin ako mayamaya.” Handa na akong sumampa kay Horsey nang hinigit niya ako palapit sa kanya. Walang ano ano’y hinubad niya ang kanyang suot na damit at isinuot sa akin.

“Bumabakat ang nipples mo. Hide it or else we’ll have a problem.”

Hindi ko alam kung anong klaseng problema ang tinutukoy niya pero hindi ko nalang iyon pinansin. Sanay naman sana akong mag-isa. Sa tagal tagal kong naliligo rito at umuuwing basa sakay si Horsey ay hindi naman ako napahamak. Paranoid lang talaga itong si Uno.

Nagbihis na lamang ako ng dress pagdating ko sa bahay. Itinali ko ang aking buhok dahil babalik pa ako sa Camp. Naiwan lamang si Channy doon. Pero hindi naman ako nababahala dahil kasama niya naman ang mga kaibigan niya. Lalo na’t dumating narin iyong si Sky. Kaibigan ni Channy na sobrang ganda rin. Para siyang isang totoong barbie doll na naging tao lamang. Bagay na bagay siya roon kay Jin.

Malaki ang naging kita ko sa kabuuan ng Youth Camp. Siguro mga triple ata na akala ko ay doble lamang. Pinapakyaw rin kasi iyon ng magpipinsan. Minsan naman iyong mga babae. Sila ata iyong mayayamang walang kaartehan. Kung meron man ay nailulugar nila iyon ng maayos.

“Do you have suitors here, Aly?” tanong sa akin ni EllieKlaire. Kanina ko pa siya napapansing panay ang paninitig sa akin habang abala ako sa pagchecheck ng ibang gulay. Sumusunod ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung anong tinitingnan niya saakin. Siguro dahil sa buhok kong sumasayaw sa ere o ang suot kong puting dress na gumagalaw rin. Ewan ko sa kanya.

“Wala ’no. Hindi naman ako kagaya niyong sobrang ganda.” Natawa ako.

“Anong hindi? Are you kidding me, Aly? Ganda mo kaya! Siguro kung walang mahal iyang pinsan kong si Vlad ay maaattract siya sa’yo. Para kang isang babaeng simple lang pero super pretty naman.” Ngumiti sa akin si Ellie. Silang dalawa ni Julie ang madalas kong nakakausap. Madaldal rin naman kasi silang dalawa. Akala ko nga matataray eh. Kung meron mang ganoon sa kanila iyon ay sina Abbegail, Celina, Cheyenne at Anne. Si Sky kasi hindi ko matukoy kung mataray ba o wala lang talagang pakialam sa paligid niya. Si Snow naman itong sobrang hinhin at ang pinakaclose ni Channy sa kanilang lahat.

“Hindi naman ako palaayos,” sabi ko kay Ellie.

“Hindi ka pa nga nag-aayos maganda kana. Alam mo, pag tinitigan ka ng matagal mas lalo kang gumaganda. Maybe you just need to put a little bit of make-up para maenhance ang beauty mo. Don’t worry, it won’t poison you.”

“Kung naging lalake ako Aly, ikaw ang liligawan ko.” Singit ni Julie na ikinatawa naming dalawa ni Ellie. Pansin ko silang dalawa itong masyadong close.

“You’re super pretty when you laugh Aly. Dalasan mo nga iyan,” sabi ni Ellie. Napanguso ako. Nilulunod nila ako ng compliment simula pa noong una naming magkita. Hindi ko tuloy alam kung anong problema sa mga mata ko at hindi ko makita ang gandang sinasabi nila sa akin. S-Si Uno kaya… nagagandahan kaya siya saakin?

Chapter 11

Signs of Love

This chapter is dedicated to Jhazmine Anne dela Cruz.

Masaya

Dala ang ibinigay na dress ni Lhuella ay umuwi ako ng bahay kasama si Lola. Naroon kasi silang lahat sa Rest house. Ang sabi ni Lola, kung hindi ko daw gusto iyong dress na binigay ng walang utak kong pinsan ay bibili nalang ako sa bayan. Baka may maukay pa akong desenteng damit hindi kagaya ng bigay niyang parang pangkatulong.

Gustuhin ko mang huwag pumunta sa birthday niya pero nagpapakaplastik ito ni Channy sa amin simula noong Youth Camp. Halatang gusto niya lang makaclose ang mga kaibigan ni Channy dahil magaganda ito at galing sa mayayamang angkan. Idagdag pa si EllieKlaire na sikat palang modelo sa ibang bansa.

“Heto. Bumili ka ng dress mo sa bayan.” Binigyan ako ng limang daan ni Lola na ikinabusangot ng mukha ko.

“Kulang ba? Teka dadagdagan ko ng dalawang daa-“La! Kahit nga isang daan malaking halaga na iyon sa akin. Huwag mo ngang kinukupitan ang pera mo para lang naman sa mga walang kwentang bagay.” Napanguso ako.

Akma niya akong hahampasin kaya agad akong napalayo sa kanya.

“Ikaw talagang bata ka! Eh anong gusto mong gawin ko sa pera ko, aber? Ilibing ko sa lupa?”

“Huwag niyong gastusin! Magagamit natin siya sa future malay mo.” Pangangatwiran ko na ikinaismid niya.

“Alam mo iyang pinsan mo, Aly. Gusto kong magmukha kang representable. Gusto kong malaman nilang dinadamitan kita ng maayos at naibibigay ko ang mga bagay na gusto mo,” mariin niyang sabi na ikinanguso ko lalo. Sayang naman kasi iyang pera niya. Paano kung magkaroon siya ng sakit edi may pera kaming pambili ng gamot niya.

Dala ang perang ibinigay ni Lola ay umalis ako ng bahay. Naglakad na lamang ako total malapit lang naman. Hindi ko rin kasi magamit si Horsey dahil pinagpapraktisan iyon ng magpipinsan. Ayoko rin namang magpasama dahil nagkakatuwaan sila roon. ’Tsaka kaya ko namang mag-isa.

May narinig akong yapak ng kabayo kaya tumabi ako sa gilid para hindi ako maalabukan. Kaso bumagal rin ang pagpapatakbo nila. Ilang sandali lamang ay nakita ko na ang imahe ni Uno.

“Going somewhere?”

“Papunta akong bayan,” sabi ko at napatingin sa suot niyang puting cotton shirt, short at isang boots. Halatang tagasyudad ito at pilit na nakikihalubilo sa mga taga rito kahit kapansin pansin siya sa lahat ng ayos.

“Ba’t ka naglalakad?” Nagkasalubong ang kanyang kilay at parang may ikinakagalit na naman.

“Dahil may paa ako?” Inosente kong sagot na ikinangiwi niya. Bumaba siya sa kanyang kabayo. Natigil ako dahil sa kakatitig sa bawat galaw niya.

“Ihahatid na kita.” Lumapit siya saakin. Napaatras agad ako.

“Huwag na! Kaya kong maglakad.”

“Kaya rin kitang ihatid kaya ihahatid na kita.” Lumapit siyang muli. Hinawakan niya ang pulso ng kamay ko at hinila ako papalapit sa kabayo.

“Huwag na kasi! Sa bayan ang punta ko!”

“Libre ito, Aly. Kaysa naman maglakad ka. And you’re alone. Gagabihin ka sa pinaggagawa mo,” iritado niyang sabi hanggang naramdaman ko nalang ang paglapat ng magkabila niyang kamay sa beywang ko. Inangat niya ako sa ere at iginiya paupo sa kabayo niya. Napanguso ako lalo na’t napagmamasdan ko ang paglabas ng ugat sa kamay niya.

Umupo rin siya sa likuran ko. Uusog na sana ako nang hinawakan niya ang beywang ko at ipinirmi ako roon.

“Stay still and stop moving.” Ang isa niyang kamay ay kinuha ang tali ng kabayo at sinimulan itong patakbuhin. Tumatama ako sa likod niya dahil sa pagkakadikit ko sa kanya. I can feel his chest and it’s making me blush. Hindi ko alam kung ba’t pinapamulahan ako ng pisngi.

Hinawakan ko ang buhok ko para hindi iyon sumabog at hindi mapunta sa mukha niya. Para akong hindi makahinga ng maayos. Dapat nasasanay na ako na ganito kalapit sa kanya pero hanggang ngayon ay may kung anong humaharang sa lagusan ng hininga ko at hindi ko iyon mailabas ng maayos. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako pag lumapit siya lalo sa akin.

“Are you with those boys, too?” tanong niya na ikinakurap ko. Sinong mga lalake?

“Sino? Iyong magpipinsang Delafuente?”

“Yeah, maybe…”

“Ah, nasa Rest house sila. Taga syudad iyon. Mga close friends ni Channy.” Paliwanag ko nang hindi man lang ito nililingon. Naramdaman ko nalang ang kamay niyang humaplos sa batok ko para hawakan iyong iba ko pang buhok. Parang nagsitayuan ang balahibo ko. Hindi naman ako nangingilabot pero ganon ang nararamdaman ko.

“Hmm, saan ka natutulog kung gano’n? Doon rin ba?” tanong niya sa malalim na tinig.

“H-Hindi no! Sa bahay ako. Kasama ko si Lola. Sila lang d-doon.” Nauutal kong paliwanag sa kanya.

Kung pwedeng ako nalang ang humawak sa tali at patakbuhin ng mabilis ang kabayo ay ginawa ko na dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Parang naghuhuramintado itong sistema ko at may pinagkakaguluhan sa loob.

Pagdating sa bayan ay bumaba agad ako.

“Careful, Aly!” Saway niya sa akin. Buti nalang talaga at nakashorts ako.

“Sige salamat.” Ngumiti ako sa kanya ng pilit at iwinagayway ang kamay ko. Kaso bumaba rin ito sa kabayo niya.

“Sasamahan kita. Baka maisipan mo na namang maglakad pauwi,” sabi niya habang ginigiya ang kabayo niya sa gilid at itinali iyon doon.

Napanguso ako lalo na’t iyon rin ang plano ko mamaya pagkatapos. Bahala ka nga Uno. Gawin mo ang gusto mong gawin. Alam kong nababagot ang mga lalake sa mga ganitong bagay kaya sigurado akong uuwi rin iyan.

Sumunod siya sa akin hanggang sa nakalebel ko na siya sa paglalakad. Nakapamulsa ito at seryoso ang mukha. Pinagtitinginan siya ng mga taong nadadaanan namin at ilang sigundo iyong nagtatagal. Para silang namamangha at ayaw na nilang ialis ang tingin nila.

“Diba si Uno iyan? Napadpad ata rito sa bayan,” anang isang matandang babae.

“Kaya nga si Lolo Dancio ang madalas nandito sa bayan. Mukhang naliligaw ata si Sir Uno,” sabi naman ng isa pang babae.

Hindi ko pinansin ang usap-usapang iyon at itinuon lang sa harap. Nakalimutan kong may kasama pala akong anak ni Don Israel kaya sigurado akong maraming makakakilala sa kanya. Hindi naman ako nahihiya. Wala naman akong ginawang masama at isa pa siya itong nagpumilit sumama sa akin.

“Close pala sila ni White Lady?” Narinig ko ang isang kaedad kong babae na chinichismis na ako sa mga kasama niya.

“Imposible.” Hindi makapaniwala naman iyong isa.

Pumasok ako sa mga tyangge para maghanap ng dress. Nagsimula akong mangalkal ng iilang mga damit na nasa may isang malaking kahon. Tumabi naman si Uno sa akin. Nanunuri ang mga mata.

“What are you planning to buy?” Namulsa siya.

“Dress. Para sa kaarawan ng pinsan ko,” sabi ko habang busy sa pamimili.

“A dress?” His thick brows furrowed like it’s a big joke for him. Mukha bang hindi isang dress ang hinahanap ko sa lugar na ito?

“Oo. Iyong mura. Nagtitipid ako.” Umirap ako sa kanya at lumiko sa harapan para magkalkal ng iba pang dress.

Uno bit his lower lip. Humalukipkip na lamang siya roon at isinandal ang sarili sa pader. Nasa akin ang tingin. Kahit naaasiwa ako roon ay sinikap ko nalang ikalma ang sarili.

Halos umabot ata ako sa pinakailalim ay wala parin akong nakitang matino. Napabuntong ako ng hininga. Lumabas ako roon, sumunod naman si Uno. Inisa isa ko lahat ng botique para maghanap ng simpleng dress. Iyong kakasya rin sa isang daan. Meron namang ganoon. Ba’t pa ako mag-iinarte eh kaarawan lang naman iyon ng pinsan ko. Dadalo lamang ako, uupo… kakain…

“You can’t find a nice dress on this place, Aly. We can go to a Mall, if you want.” Narinig kong sabi ni Uno sa likuran ko.

“Huwag na. Mas mahal doon ’no.”

“Stop worrying about the prize. You’re with me,” sabi niya na ikinatigil ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Nakapamulsa parin ito at kalmado ang ekspresyon.

“Hindi purket marami kang pera ay gagastos kana ng mga walang kwentang bagay,” paliwanag ko.

“It’s for you so it doesn’t matter.” Kibit balikat niya.

Napangiwi ako. Umirap na lamang at nagpatuloy sa paglalakad. May magarang botique kaming nadaanan. May mga gowns at dress doong magaganda na minomodelo ng isang maniquin. Sandali akong natigil at napatitig doon. Siguro kung marami lang talaga akong pera ay ganito ang bibilhin ko.

Bumuntong na lamang ako ng hininga at naglakad paalis doon nang nagsalita itong si Uno.

“You’re not going to come in?”

Umiling ako. “Sigurado akong triple ang presyo ng mga dress nila diyan. Isang daan lang ang bugjet ko.”

Handa na muli akong tumalikod nang hinawakan bigla ni Uno ang pulso ng kamay ko at hinila ako papasok. Nagpumiglas ako kaso ang higpit non at imposible ko ata iyong mabawi sa kanya.

“Hoy peste! Ba’t tayo pumasok?!”

“We’re going to buy a dress,” aniya.

“Wala nga akong sapat na budget. Ang kulit mo.”

Humarap siya sa akin. Ngayon ay seryoso na ang mukha. “I’ll treat you.”

“Ayoko! Ayoko!”

Napatingin sa akin iyong mga babaeng naroroon. Napanguso ako.

“Stop being stubborn, Aly. I’ll treat you.”

“Ayoko nga. Bitiwan mo nga ako. Lalabas na ako. Maghahanap ako sa iba.” Hinila ko sa kanya ang kamay ko kaso parang imposible niya iyong bitiwan. Gusto ko tuloy siyang tadyakan.

“Fine. Utang. Just pay me kung may pera kana. Gagabihin tayo sa paghahanap Aly,” aniya at halatang frustrated na. Kumalma ako. Ngayon ko lang napansin na nasa akin na lahat ng tingin nila saakin.

Ngumuso ako. Pasimpleng iginala ang tingin sa ibang direksyon. Puro magaganda ang nakadisplay.

“Sir Uno. Napadpad po kayo rito?” anang babae na manghang mangha na ang mukha.

“I need to buy a nice dress. Can I see all of it?”

Parang isang masunuring batang sumunod iyong babae. May pinaglalabas agad na mga magagandang dress na ikinakislap na ng mga mata ko. Para iyong pagmamay-ari ng isang totoong Prinsesa kaya ganoon nalang iyon kaperpekto.

Nanatili akong nakatayo. Para narin akong isang maniquin na naghihintay lamang na bihisan..

“Hmm, this simple white dress will suits her well.” Isang matamis na ngiti ang lumandas sa labi niya. Nilingon niya ako at ilang sigundo lamang tinitigan saka siya tumango na parang sigurado siyang bagay iyon sa akin.

“Girlfriend niyo ho, Sir Uno?” tanong sa kanya ng babaeng inilalabas na sa isang plastik na lalagyang nakabalot rito ang dress.

Masyado akong nagagandahan sa damit kaya hindi ko man lang magawang pagtuunan ng pansin ang pinag-uusapan nila.

“I hope so,” I heard Uno chuckled sexilly. Napakurap ako lalo na’t gulat na ang mga mukha ng iba.

“Ano?” tanong ko. Gusto kong kumpirmahin iyong narinig ko.

“Isukat mo iyong dress,” sabi niya.

Isang simpleng puting dress ito at nakayakap sa buo kong katawan. Below the knee iyon. Inaamin ko gandang ganda ako sa dress at nagpapantasya akong isang Prinsesang babae na susunduin ng Prinsepe kong nakasakay sa isang puting kabayo. Pero alam ko namang dinamitan lamang ako ng magara kaya nagmumukha akong parang Prinsesa. Pero ang totoo, para akong si Cinderella. Nagsisikap magtrabaho para maiahon ang sarili sa hirap ng buhay.

Lumabas ako dala dala iyong dress. Napataas ang kilay ni Uno. “You didn’t like it? Pinakita mo sana sa akin.”

“Okay na. Kasya naman… okay lang.” sagot ko sa kanya. Tumango siya.

“Uuwi na ako,” sabi ko.

Sumakay kaming muli sa kabayo niya. Dala dala ko na iyong dress.

“Babayaran nalang kita pag may extra na ako ha. Teka, magkano ba ito?” Nilingon ko siya sa likod ko. Saktong nagkasalubong agad ang tingin namin. My nape is quite exposed dahil itinali ko rin ang buhok ko. Para hindi na iyon tumakip sa mukha ko.

Nakaawang ng kaonti ang kanyang labi. Namumungay ang mga mata at may kung anong ikinaka frustrate. Kanina pa siya tahimik simula noong sumakay kami rito. Siguro ay inaalala niya iyong pinautang niya sa akin. Baka akala niya ay hindi ko siya babayaran! Sabi ko naman huwag nalang!

Magsasalita na sana ako nang may maramdaman ako sa likod ko. “Ano ’yong tumutusok?” Akma ko na sanang lilingunin iyong sa may pwetan ko nang hinawakan niya bigla ang magkabila kong beywang.

“Don’t fucking look, Aly.” He groaned. Kumunot ang noo ko pero dahil sa lakas ng boses niya ay natataranta rin akong ibinalik ang tingin sa harap.

“H-Ha? Bakit? Merong tumutusok sa pwetan ko Uno!” Mas nataranta ako.

Lumayo siya ng kaonti sa akin. Mas bumangis ata ang pagkakaungol niya at hirap na hirap sa isang bagay. Narinig ko siyang nagmura.

“I have a request… Can I hug you for awhile? I badly need it right now Alyssa…”

Napasinghap ako sa boses niya. Para siyang inaantok na ewan. Masuyo iyon at may hatid na kakaibang sensasyon sa akin.

Nilingon ko ang mukha niya. Kagat nito ang pang-ibabang labi at namumungay ang mga mata. Para siyang may iniindang sakit.

Wala sa sarili akong tumango. Pakiramdam ko kasi pag hindi ako pumayag ay mas mahihirapan siya. Ewan ko ba…

Nagulat nalang ako dahil sa marahas kong pagkakasandal sa dibdib niya. Pumulupot agad ang kanyang kamay sa beywang ko at niyakap ako ng mahigpit. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking balikat habang kinukulong ako sa matitigas niyang mga bisig. Mainit ito at parang napapasa narin sa akin ang init niya.

“You got a small waist Aly…” Bulong niya.

Napanguso ako. Gustuhin ko mang makipagtalo sa kanya pero tumahimik nalang ako. Para kasing may iniinda siyang sakit.

Ako nalang ang humawak sa tali ng kabayo habang parang bata siyang nakayakap sa akin at itinatago ang mukha sa aking balikat.

“Para kang bata. Purket nangutang lang ako. Kung dinadamdam mo iyon huwag kang mag-alala, hindi naman kita tatakasan!” Nakanguso kong sabi.

He chuckled sexily. Naramdaman ko ang mainit na hininga niyang tumama sa balat ng aking leeg. Mas isiniksik niya pa ang mukha niya roon. Naiilang ako sa pinaggagawa niya pero ang sinabi niya ay kailangan niya daw ng yakap kaya hahayaan ko nalang siya. Total sinamahan niya naman ako sa paghahanap ng dress tapos pinautang pa ako.

Nilingon ko ang mukha niya sa may balikat ko. Nakaharap ito ng buo sa leeg ko habang nakapikit ang mga mata at tila mahimbing na natutulog. He looks like an angel. Iyong anghel na maraming kasalanan kaya pinababa sa lupa at ginawang tunay na tao.

Pagdating ko ng bahay ay sinalubong ako ng makahulugang tingin ni Lola. Nagdesisyon akong ibaba nalang ni Uno total malapit narin naman ang bahay namin. At mukhang okay na siya hindi kagaya noong nasa likod niya ako na para bang may iniinda siyang masakit.

“Sinong kasama mo sa bayan?” May pagdududa sa boses nito. Na kahit hindi ko man siya sagutin ay alam niya na ang sagot.

Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng pumasok sa kwarto.

“Kaibigan ko po, la,” sabi ko. Inilapag ko sa higaan ko iyong puting box kung nasaan ang dress.

Bumukas ang kurtina at iniluwa roon ang nakangising si lola.

“Kaibigan? Kailan pa kayo naging close ni Sir Uno. Wala ka man lang kinukwento sa’kin.”

Naramdaman ko ang nang-iinit kong magkabilang pisngi. Tumalikod ako para itago iyon kay Lola dahil alam kong mas aasarin niya lamang ako.

“Ha? Si Uno?” Nagmamaang-maangan kong sagot.

“Oo. Si Sir Uno, iyong panganay na anak ni Don Israel. Kalat na kalat sa bayan na magkasama raw kayong dalawa. Na binilhan ka raw niya ng dress. Kayo na ba, apo?”

Napaharap agad ako kay Lola. “La, hindi po!” Umiling ako.

Nanunuya na ang kanyang ngiti at hindi ako tinatantanan ng mapanuri niyang mga mata.

“Sigurado ka, Alyssa Gwyneth?”

Tumango ako. “Hindi niya naman ako binilhan. Utang po iyon, la.”

“Alam mong boto ako sa binatilyong iyon. Kahit maging kayo ay payag ako, Aly.”

Ngumuso ako. Gustuhin ko mang makipagtalo kay lola ay hinayaan ko nalang itong isipin ang dapat isipin sa amin ni Uno. Biglang sumagi sa utak ko iyong mukha niyang nakapikit ang mga mata. Sa hindi malamang kadahilanan ay parang hinuhukay ang loob ng tiyan ko at may nararamdaman akong kiliti. Hindi ko alam kung para saan iyon pero isa lang ang malinaw sa akin, masaya ako.

Chapter 12

Vote. Comment. Be A Fan. Signs of Love -PrfctlyStbbrn

Greedy

Naikwento ko sa mga babae iyong magandang batis kaya napagdesisyunan rin nilang maligo roon.

Sa tuwing nagagawi ako sa batis na ito ay hindi ko maiwasang isipin iyong paglapat ng labi ni Uno sa akin at ang pagmolestya niya sa dibdib ko. Pinapamulahan ako ng pisngi at naiinis ako kay Uno dahil itinatanggi niya ang paratang ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya nang biglang may narinig kaming yapak ng kabayong papunta rito. Noong una ay wala pa akong ediya kung sino, pero nang napagtanto kong nangangabayo rin minsan si Uno ay siya agad ang naisip ko.

Ilang sandali lamang ay malinaw rin naming nakita ang imahe ng lalakeng nakasakay sa isang kabayo. Para siyang isang maharlikang tao at sinusuyod ang paligid para maghanap ng Prinsesang mapapangasawa niya.

Napabusangot agad ang mukha ko. Hindi kaya ay nandito iyan para singilin ako? Hindi naman ako tatakas!

Nasermonan kami ni Uno na baka matuklaw daw kami ng ahas lalo na’t hindi ito masyadong safe place. Ginatungan naman agad iyon ni Autumn kaso mukhang ang seryoso niya at hindi man lang pumatol sa joke ni Autumn.

“Palusot ka pa talaga! Ang sabihin mo ay sinusundan mo ako rito dahil sa utang ko. Babayaran naman kita!” sigaw ko sa kanya na kumuha ng atensyon ng iba.

Uno’s face remained serious. Masyadong malalim ang pagkakatitig niya sa akin na para bang pati ang nasa loob ko ay gusto niyang makita.

“I’m just checking on you. Akala ko mag-isa kana naman. See you around.” Niliko niya rin ang kabayo niya pagkatapos akong paalahanan.

Minsan, nagiging busy ako sa gulayan pero naroon naman ang mga magpipinsan na tumutulong kaya parang nawalan rin ako ng trabaho. Iyong mga babae naman ay umaalalay rin. Hindi rin naman kalakihan kaya madali lang iyon para sa kanila.

Dinayo ang gulayan ni lola ng mga babae. Nakakabenefits ako dahil inaalok ko agad sila ng gulay. Na dapat sa amin na bumili.

“Kaano-ano mo ba iyang mga gwapong lalake na iyan, White Lady?” tanong sa akin ng babae na kanina pa nakatitig ng malagkit sa magpinsang nagtatawanan.

“Mga kaibigan ng pinsan ko sa syudad. Alam mo, sila ang naghaharvest ng mga gulay ngayon. Kung gusto mong bumili ay libre na iyong fingerprints nila roon.” Pang-eengganyo ko na ikinaliwanag ng mukha nito. May mga babae talaga na pag nagkakagusto ay handang gawin ang lahat. Hindi talaga ako makarelate sa ganoong bagay. Ni minsan, wala pa naman akong naging desisyon sa buhay ko dahil lamang sa isang lalake. Parang imposible rin naman ata iyong mangyari sa akin. At kung mangyayari man, alam kong pagdating pa iyon ng 23 ko. May ilang taon pang natitira sa akin para paghandaan ang bagay na iyon.

Mag-isa akong umuwi. Ayoko kasing natutulog doon sa Rest house. At isa pa, walang makakasama si Lola sa bahay.

Nakasakay ako kay Horsey at pinapatakbo ito ng mabagal lamang. Nakamessy bun ang aking buhok para hindi ito sumabog at walang sagabal sa mukha ko. Suot ang nakasanayan kong sando at short, marahan kong pinatid ang gilid ni Horsey para huminto ito sandali. Hinila ko rin ang tali nito.

Bumaba ako at sinilip ang maisan. Wala rito iyong matanda. Nakakapagtaka naman dahil tuwing ganitong oras ay nandito ako at papaalalahanan akong baka kumuha na naman ako ng mais niya. Manghingi nalang daw ako sa kanya at bibigyan niya naman ako.

“Sinong hinahanap mo, hija?” Napaatras ako sa lalakeng biglang lumabas doon sa maisan. May suot itong sombrero, isang longsleeve na kulay asul at pantalon na medyo marumi na tapos ay nakatsinelas lamang. May hawak itong itak at mukhang siya na ang bantay sa maisang ito.

“Nasaan po si Mang Rudy. May sakit iyon, hija. Isang linggo na atang nakaratay sa kanyang higaan. Wala rin namang kasama iyon sa bahay niya. Alam mo naman, mag-isang namumuhay.”

Wala sa sarili kong pinatakbo ang kabayo at tinahak ang daang itinuro sa akin ng lalake papunta sa bahay nito. Saktong malalagpasan ko ang hacienda kaya may isang imahe rin ng lalake ang natanaw ko. May kausap itong isa sa mga trabahante ng lupain nila at mukhang seryoso.

Naging mabagal ang pagpapalakad ko kay Horsey nang napansin ko ang tingin ni Uno sa akin. Nakapameywang ito. Ang kaninang seryosong ekspresyon niya ay unti unti ring huminahon.

“Aly…” tawag niya sakin. “Where are you planning to go again?” Nahimigan ko ang pag-aalala nito sa akin.

“May pupuntahan lang akong bahay. At iyong utang ko sayo, sa susunod na buwan nalang.” Ngumiti ako ng hilaw at handa nang patakbuhin ng mabilis si Horsey nang biglang nagsalita itong si Uno.

“I’ll go with you.” Sabi nito. Binalingan niya iyong trabahador na mukhang napakurap sa ginawa niyang desisyon. “Bukas nalang natin pag-usapan ang bagay na iyon.” Kahit hindi kumbinsido iyong lalake ay tumango na lamang at nagkamot ng batok habang pinapanood si Uno na kinakalas iyong tali ng kabayo niya saka sumampa roon.

“Si Sir Uno talaga, palaging priority ang babae kaysa sa trabaho.” Nailing iyong trabahador.

“Bakit po? May problema po ba?” tanong ko.

“Konti lang naman hija. Pero pag hindi naagapan agad baka lumaki. Pero huwag mo nang alalahanin iyon. Kaya naman iyon ni Sir Uno.” Dahan dahan nalang akong tumango at nalipat rin ang tingin kay Uno na pinapalapit na ang kabayo sa direksyon ko.

Sinimulan ko naring patakbuhin si Horsey. Nasa tabi ko naman si Uno at pinapantay ang pagpapatakbo ng kabayo sa akin.

Panay lingon ito sa akin at hindi maikalma ang mga mata. Hinayaan ko nalang at itinuon ang buong atensyon sa daan.

“Kaninong bahay ang pupuntahan mo?” tanong niya sakin.

“Si Mang Rudy. Iyong ninanakawan ko ng mais noong bata pa ako.” Medyo natawa ako sa sinabi ko. Naalala ko kasi kung gaano ako kapilya noon. Kung paano ko dinamay ang pinsan ko sa mga naiisip ko. Kahit nga ang pag-akyat sa isang mangga ay itinuro ko rin sa kanya kaso masyado iyong matatakutin, iyakin.

“Hmm, a family friend?”

“Hindi rin. Gusto ko lang puntahan dahil hindi ko na siya nakikita sa maisan niya. May sakit daw.” Napanguso ako. Alam ko namang matanda na si Mang Rudy pero hindi ko lubos maisip na may sakit ito. Sobrang sigla niya pa noong huli naming pagkikita.

Natanaw ko ang sinasabing bahay nito sa di kalayuan. Iyong may nakapaligid daw na niyog at nag-iisang bahay doon.

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo. Narinig ko ang pagmura ni Uno sa likuran ko at binilisan rin ang kanya.

“Slow down, Aly.” Iritado nitong saway sa akin na ikinairap ko lang.

Pagdating roon ay mabilis akong bumaba sa kabayo, ganoon rin si Uno.

“Mang Rudy?!” sigaw ko. Sinilip ko ang loob. Bukas ang bintana kaya pumasok ako sa maliit na bakuran para dumungaw doon. Si Uno naman ay iginagala ang tingin sa paligid. Parang nakabantay. Nagmimistula tuloy kaming mga kawatan.

“Mang Rudy?” tawag ko ulit.

“S-Sino iyan?” Naubo ito. Hinang hina ang boses at halatang may sakit.

“Si Aly po.” sagot ko. “Papasok po ako!”

Bago pa man ito makasagot ay mabilis ko nang naitulak ang pintuan. Makalat ang bahay. May mga pinggan sa lamesang hindi pa nahuhugasan at nilalangaw. Iginala ko ang tingin sa paligid. May isang pinto at mukhang naroon siya. Itinulak ko iyong muli at natagpuan ang imahe ni Mang Rudy na nakaratay doon, hinang hina at namumutla.

“A-Aly.” Nag-amba siyang bumangon kaya mabilis ko itong nilapitan at tinulungan. Si Uno naman ay nasa may pinto, nakamasid lamang.

“Anong ginagawa mo rito?” Nasundan iyon ng pag-ubo niya.

“May sakit daw po kayo sabi noong lalakeng bagong nagbabantay ng maisan niyo. Nasobrahan kasi kayo sa pagbabantay ng maisan mo ayan tuloy!”

Ngumiwi ito. “Pwede kanang makapagnakaw doon ng marami.”

“Balak ko nga pong ubusin iyong mais niyo mamayang gabi. Kaya kung hindi agad kayo magpapagaling, ni isang mais ay wala na kayong madadatnan.” Pagbibiro ko na ikinailing nito.

“Walanghiya ka talagang bata ka. Ilang mais rin ang nakuha mo sa akin.” Umismid ito. Napatingin siya sa likod ko. Napakurap siya ng ilang sigundo hanggang sa nagulat ito.

“S-Sir Uno?”

“Magandang hapon po.” Magalang na bati ni Uno sa kanya.

Dahan dahang tumango si Uno na para bang nagtataka ito kung ba’t kasama ko siya.

“Uminom na po ba kayo ng gamot?” tanong ko kaya nalipat sa akin ang tingin niya.

“May sakit kaya ako kaya hindi ako nakapag-ani ng maisan Aly. Wala pa akong pera. Siguro naman ay gagaling ako–“Haynako Mang Rudy! Para mo naring sinabing kahit umupo ka lang ay magkakapera kana! Hindi ka magkakapera kung hindi ka magpupursigi! At hindi ka gagaling kung hindi ka naman iinom ng gamot!” Napabusangot ang mukha ko.

Sandaling natahimik si Mang Rudy, bumuntong ng hininga. “Wala akong pera Aly. Nagbabasakali nga akong may maibebentang mais iyong lalakeng pinagkatiwalaan ko ng mais ko. Baka sakaling…” Naubo ito ng sunod sunod. Hinimas ko pa ang likod nito para pakalmahin.

“Ako nalang po ang bibili. Total ninanakaw ko naman iyong mais niyo noon. Bibilhan ko po kayo.” Mungkahi ko.

“Ikaw bata ka…” Naubo itong muli. Napanguso ako. Ni minsan, hindi naman nagkakasakit si Lola dahil bukod sa healthy foods ang kinakain niya ay palagi ko rin siyang pinapaalalahanan na huwag iwang basa ang likod niya at huwag masyadong magpagod.

“Uno, maiwan ka muna rito. Bibili lang ako ng gamot.” sabi ko.

“No need. I already called someone to buy for his medicines. Mayamaya nandito na iyon.”

Napakurap ako. Sandali akong napatitig sa kanya hanggang napangiti ako ng malapad.

“Talaga?!”

“Yeah…”

Sa sobrang saya ko ay niyakap ko na ito. Nagtitili ako sa tuwa. “Salamat! Sige na, idagdag mo nalang sa utang ko!” Natatawa ko siyang tiningala. Nagkasalubong ang kilay niya pero may kaonting ngisi sa labi.

“Hmm, okay.” Wala sa sarili niyang sagot at tumawa.

Humiwalay rin naman agad ako. Nasa labas kami ng bahay ni Mang Rudy. Pinagpahinga muna namin.

Umupo ako roon sa duyan na nakatali sa magkabilang matayog na niyog sa gilid ng bahay ni Mang Rudy. Sumalubong agad sa akin ang preskong hangin.

“Alam mo noong bata ako, hinabol pa ako ng itak niyang si Mang Rudy dahil sa sobrang kulit ko. Tuwing dumadaan ako sa maisan, hindi talaga pwedeng wala akong naiuuwing mais.” Tumawa ako sa pinagkukwento ko. Si Uno naman ay nanatiling nakatayo sa harapan ko. Pinapanood ako at hindi na ata kumukurap habang nakasandal sa katawan ng niyog.

“And still, you cared for him…”

Napanguso ako. “Bakit naman hindi? Mabait naman si Mang Rudy! ’Tsaka nakakaawa kasi mag-isa lang siya. Ang hirap kaya ng ganoon! Ako nga nagpapasalamat ako dahil kasama ko si Lola kahit papaano. Wala man akong magulang, iniwan man ako ng ama ko, basta ang mahalaga ngayon ay kasama ko si Lola.”

Natahimik si Uno. Tumitig nalang siya sa akin. Ngumisi ako sa kanya at mas itinulak ang sarili para umatras abante ako ng malakas. Pumikit ako habang dinadama ang hanging sumasalubong sa akin. Napangiti ako dahil sa hatid nitong lamig sa mukha ko hanggang sa naramdaman ko ang unti unting pagkakababa ng buhok kong medyo may curls. Napadilat ako. Saktong nadatnan ko ang pagsinghap ni Uno habang mariing nakatitig sa akin. Humalakhak ako dahil sa pagsabog ng buhok ko. Natatawa ako lalo na’t naputol ata iyong ipinangtali ko.

Dumating ang isa sa mga trabahador sa hacienda nila Uno. Marami itong dala. May mga gamot, pagkain at iba pa. Ginising ko si Mang Rudy para painomin ng gamot. Naging emosyonal pa ito dahil sa tulong at pinasalamatan ng marami si Uno. Nakatulog rin naman agad ito.

Nilinis ko ang kanyang bahay. Hinugasan ang plato, winalisan ang sahig, inarrange ang mga pagkain nito at kahit sa bakuran ay winalisan ko rin. Nakakatuwa ngang isipin na ang katulad ni Uno ay nakikita kong tinutulungan ako. Siya rin iyong nagsibak ng kahoy.

Nag-iwan nalang ako ng note sa mesa ni Mang Rudy para sa gamot niya. Kailangan narin kasi naming umuwi dahil maggagabi na. Iyong langit ay nahahaluan na ng kulay dilaw at orange sa mga madidilim na ulap. Sobrang ganda nitong pagmasdan habang pinapanood ko ang paggalaw ng ulap sa sinasakyan kong si Horsey. Nasa gilid ko naman si Uno.

“Marami bang magagandang lugar sa syudad kumpara rito kaya mas maraming gustong manirahan doon?” Bigla kong tanong habang nasa kalangitan ang tingin.

“For me, it’s not about the place anymore. It’s the person you wanna see everyday and live your life to the fullest, with that person.” Makahulugang sagot ni Uno kaya nilingon ko ito. Nasa kalangitan narin ang tingin niya. Kontentong kontento ito at mukhang walang problemang dinadala. Ganoon ko siya tingnan. Masyadong perpekto at palagi atang pinapaboran ng langit kaya ni minsan ay hindi man lang naghirap.

“Kaya mong ipagpalit ang isang magandang lugar para lamang sa isang tao?” Medyo natawa ako roon. Nilingon niya ako.

“Kaya kong ipagpalit ang lahat para lang sa isang tao, Aly. Lahat lahat ng meron ako. Lahat lahat.” Seryoso niyang sabi na ikinawala ng ngisi ko. Napatitig ako ng seryoso sa kanya, magkasalubong ang kilay at nagtatanong ang mga mata. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay bumilis ang kabog ng dibdib ko, na para bang may malaking epekto ang sinabi ni Uno kaya ganoon nalang iyon kung magwala.

“Even if God forbids, even if there’s no sign, I’ll risk my all just to be with that person.”

Tila isang fireworks ang sumabog sa itaas para mabingi ako. Hindi ko matukoy kung ba’t ganito nalang ang epekto ng pinagsasabi niya. Para akong naglalakad sa hangin at hindi maramdaman ang sarili ko.

Lumunok ako ng laway, nag-iwas ng tingin sa kanya at itinuon sa daanan. Sinubukan kong huminga pero parang ang hirap. Wala sa sarili kong hinila ang tali at hinampas iyon para patakbuhin ng mabilis si Horsey. Kung gaano kabilis ang naririnig kong yapak ng kabayo, ganoon rin kabilis ang tibok ng puso ko. Normal ba ito? Hindi ko magawang ipaliwanag kung ba’t ito nagwawala. Kung ba’t palagi ko itong nararamdaman kay Uno. Hindi ko talaga alam…

Araw araw, bago paman sumapit ang kaarawan ng pinsan ko, bago umuwi sa bahay ay pinupuntahan ko muna ang bahay ni Mang Rudy. At tuwing nadadaanan ko ang Hacienda ay sumasabay narin si Uno sa akin. Siya ang palagi kong kasama roon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong magtanim ng bulaklak sa maliit nilang bakuran. Si Uno pa ang pinadala ko ng mga buto lalo na’t marami naman silang ganoon.

Si Uno ang tagabungkal ng lupa. Ako naman ang naglalagay ng buto. Si Mang Rudy ay nakakatayo na pero pinagpapahinga ko talaga ito pagkatapos ko siyang painumin ng gamot niya. Mahimbing ang tulog niya gawa narin siguro ng niluto kong sinabawan para makahigop ito ng mainit na sabaw. Mas makakatulong iyon para mas gumaling siya.

“Mga ilang araw bang tutubo ito?” tanong ko kay Uno habang pinapanood siyang magbungkal ng lupa. Nasa duyan naman ako, tinutulak ang sarili ko.

“It takes a month. Pero may growth fertilizer naman akong inilagay para mas mabilis at maganda ang tubo kaya hindi rin tatagal ay tutubo na ito. Kung araw araw lang didiligan at masisikatan ng araw.” Paliwanag niya.

“Maganda kasi iyong bahay na may halaman. Doon ba sa syudad, may mga matatayog na punong nakapaligid? May bakuran?” tanong ko

“Matatayog na gusali ang marami roon. But it’s up to you if you want to plant some flowers on your backyard. Some prefer to have a swimming pool instead of gardens.”

“Kung papipiliin ako sa dalawa, mas gusto ko garden! Ayoko namang gumising ang mga anak ko na swimming pool agad ang bubungad.” Napanguso ako

He stared at me. Nagtatanong ang mga mata at may ipinagtataka.

“Nangangarap kana ng anak, pero ng mapapangasawa hindi pa.” sabi niya

“Pag 23 ako, sigurado akong makikilala ko na ang para sa akin.” I smiled dreamily. “Alam ko, sa edad kong iyan, darating na ang para sa akin.” Nagpatuloy ang pananaginip ko ng gising kaso mabilis iyong naputol dahil sa padabog na pagkakalagay niya ng pinangbungkal niya ng lupa.

“Ibig sabihin, para sayo… hindi mo pa siya nakikilala?”

Tumango ako. Takang taka sa boses niyang medyo galit.

Napaawang ang kanyang bibig, suminghap at nailing. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at binasa ang pang-ibabang labi.

“I’m going to make sure you won’t meet another man, aside from me. Until you turn into a lady. Until you’re 23 or until you become old. I’ll make sure of that, Aly… Watch me become greedy.”

Chapter 13

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Selos

Sumapit ang kaarawan ng pinsan ko. Ang mga babae ang nag-ayos sa akin. Nilagyan nila ako ng light make-up at inayos rin ang buhok ko. Halos hindi ko makilala ang sarili ko sa salamin. Naligo ako ng iba’t ibang papuri sa kanila.

Siguro maganda ako, pero iyong aminin talaga na maganda ako ay hindi ko maangkin ng buo. Para kasi sa akin, iyong magaganda ay iyong marunong dalhin ang mga sarili. Iyong maganda manamit at marunong magmake-up. Wala akong alam kahit anong paglalagay ng make-up. Ni isang make-up ay wala rin naman ako. Si EllieKlaire itong binigyan ako ngayon ng maraming make-up para daw makapag-ayos ayos ako. Minsan pag nandoon ako sa Rest house ay tinuturuan nila akong magmake-up kahit na hirap talaga akong matuto. Mas gusto ko nalang atang magbungkal ng lupa, magtanim ng gulay at magpaanak ng baka kaysa ang magmake-up sa sarili kong mukha.

Pagdating namin sa venue ay marami nang bisita. Itong pinsan ko naman ay todo agad sa pagpapasikat sa mga babae. Hindi na iyon bago sa akin dahil simula noon ay ganyan naman talaga siya kasakim sa atensyon. Marami silang bisita. Magagaling rin kasi sa negosyo ang mga magulang niya kaya hindi na ako magtataka kung may iilang naimbitahan na kasosyo nila sa trabaho. Ang bukod tanging kumuha lang talaga ng atensyon ko ay ang imahe ni Uno sa kabilang mesa. Nakaupo siya roon kasama pa ng ibang importanteng bisita ng mga magulang ni Lhuella. Sabagay, anak siya ni Don Israel kaya hindi nakakapagtakang naimbitahan rin siya. Ba’t hindi niya man lang nabanggit sa akin ang bagay na ito?

Sa pagdaan ng oras ay nararamdaman ko ang malalim na titig ni Uno sa akin. Ni minsan, hindi ko siya nakitang itinuon sa iba ang tingin. Para siyang may tinititigang importanteng bagay at natatakot na mawala ito sa paningin niya.

Umalis muna ako sa table para magcr. Naiilang ako sa paninitig ni Uno. Kaya sa halip na bumalik agad sa mesa pagkatapos kong magcr ay dumeritso ako sa likod, kung saan may magandang garden. Ramdam ko ang preskong hanging sumasalubong sa akin. Hindi rin naman kasi ako sanay sa mga party. Mas pipiliin ko nalang sigurong magbenta at manghikayat ng mga costumer kaysa sa mga ganitong selebrasyon. Hindi ko alam kung paano gagalaw at anong gagawin.

“You look beautiful Aly. Tama nga ako at bagay sayo.” Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Nakita ko si Uno, nakatayo ito at nakapamulsa. He looks so manly on his suit. Sanay kasi akong nakikita siyang nakacotton shirt lamang. Pero ngayon, para siyang isang tinitingalang lalake dahil sa tindig niya. I like the fix of his hair. Para itong sinuklay paatras at binibida ang gwapong hitsura. Kung gaano kaaliwalas ang mukha niya ngunit may ilang kumpol ng hibla ng buhok na nahuhulog at nasa gitna ng kanyang noo.

“Salamat.” Namula ang pisngi ko dahil sa komplemento niya sa akin. Ngayon ko lang siya narinig na sinabihan ako ng ganoon. Marami naman akong natatanggap na papuri pero sa pagkakataong ito, gusto ko talagang maniwala na maganda ako… sa paningin niya.

“Why are you here? Don’t you like the party? The food?”

“Hindi ah! Ikaw nga nandito ka rin. At bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin na ininbitahan ka pala?” Ngumuso ako.

Nagkibit lamang siya ng balikat at ngumisi sakin. Umirap ako. Itong lalakeng ito hindi ko rin talaga maintindihan.

May namuong katahimikan sa aming dalawa. Maririnig ko na ata ang huni ng ibon dahil sa katahimikan. Medyo malayo rin kasi ito sa venue kaya hindi gaanong malakas ang umaabot na tugtog dito.

“Uhm, isa ka sa kasosyo ng pamilya ng pinsan ko?” tanong ko para wakasan ang katahimikan. Hindi rin kasi ako komportable sa pagkakatitig niya sa akin.

“Nah, I just got invited. Isa sila sa gustong makipagkasosyo sa amin but my Dad didn’t allow it for some reason.”

Tumango ako. Nakagat ang pang-ibabang labi at nag-iwas ulit ng tingin. Tumingala ako. Nakikita ko na ang mga kumikislap ng mga bituin dahil sa dilim na bumabalot sa langit. Minsan napapaisip ako, ano kayang pakiramdam na nasa itaas ka at tinitingala ka ng kararamihan? Iyong kumikislap ka at angat sa lahat katulad ng isang bituin.

“Noong bata ako, nangangarap akong sana, dumating ang araw na maging katulad ako ng bituin. Iyong kumikislap at tinitingala sa madilim na paligid. Nakakatawang isipin pero ako lang ata ang batang ganoon. Gusto kong mangarap ng mataas kaya iyong bituin ang napili ko dahil iyon ang pinakamataas sa paningin ko. Gusto kong ako mismo ang maging senyales ng lahat na may liwanag pa sa inaakala mong nabalot na ng kadiliman. Isang senyales na nakakapagbigay ng inspirasyon na hindi pa huli ang lahat. Nakakatawa ’no?” Bumaba ang tingin ko kay Uno at napahalakhak ng kaonti. Naabutan ko itong nakatitig parin sa akin ng seryoso, malalim iyon at hindi man lang kumukurap.

“Isa akong bituin.” Mas natawa ako. Kahit walang nakakatawa.

Sa halip na sumagot, malalaki ang hakbang ni Uno at mabilis ang paglalakad papunta sa akin. Dahan dahang napawi ang ngisi ko. Bago pa man ako makapagsalita ng sasabihin ay yumuko na siya. Hinawakan ang baba ko at iginiya iyon para salubungin ang labi niya. Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. His eyes were shut and claiming my lips fully. Ang kabilang kamay ay nasa gilid ko, nakahawak sa sinasandalan kong bench.

Para akong nakalimot sa isang iglap. Ni sarili ko ay hindi ko na makilala, kung nasaan ako, kung anong ginagawa ko rito at kung ano ang nangyayari sa paligid. Ang mas malinaw lamang sa akin. Ang malambot na halik ni Uno na dumampi sa labi ko.

Humiwalay siya. Sa sobrang gulat ko ay nasampal ko siya ng malakas. Kaso, sa halip na magalit at magulat ito sa ginawa ko sa kanya ay hinalikan niya akong muli. Imbes na itulak ay nagawa ko nang kumapit sa braso niya. Tumataas baba ang balikat ko at hindi ko maintindihan ang sarili kung ba’t hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko at sundin ang gusto kong mangyari. Ang itulak siya palayo. Ang pahintuin siya.

Napaawang ang aking labi. Nahulog sa pagpikit ang aking mga mata at nagpaubaya sa nangyayari. Suminghap ako. Kahit wala naman akong ginagawa ay tila nauubusan ako ng hangin. Sinamantala iyon ni Uno para mas makapasok siya. He started nipping my lower lip. His expert tongue make his way in and starts roaming around. Ang tanging nagagawa ko lamang ay suminghap. Nababaliw ako sa sensasyong hindi ko matukoy kung ano. Idagdag pa ang posisyon naming dalawa. Nakayuko siya habang nakatingala naman ako at nakaupo parin.

Ang kamay niyang nasa baba ko lang sana ay nagsimulang gumalaw at hinahaplos ang pisngi ko. Isang kakaibang halik na ang ginagawa niya. Gumagalaw ang kanyang labi at nagpapalipat lipat sa ibaba at itaas. Hindi ko alam kung paano ko iyon sasabayan at hindi ko rin alam kung magugustuhan ko ba kung titigil siya. Nadadala ako sa ginagawa niya sa labi ko at kahit hindi ko man aminin, gusto ko iyon. Gustong gusto ko.

“This is how I kissed Aly. CPR ang tawag doon sa ginawa ko. And this one, this is what they called, french kiss.”

Napasinghap ako nang mas dumiin ang halik niya. Ang kanyang dila ay mas naging mapangahas pa. Napaungol ako. Mas naging marahas ang paghinga. At dahil wala naman akong karanasan, nafufustrate ako dahil hindi ko alam kung paano humalik. Gusto kong may gawin rin ako. Gusto kong matuto rin ako.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Uno. Lumapat ang kamay niya sa magkabilang likod ng hita ko at walang ano-anoy binuhat ako para paupuin sa kandungan niya. Iginiya niya ang aking kamay sa kanyang balikat para doon ako kumapit habang hindi niya pinuputol ang paghalik niya sa akin.

Pumulupot ang kamay niya sa beywang ko bilang suporta, ang isa naman ay nasa pisngi ko na. Humahaplos parin iyon doon.

His lips taste like a sweet candy. Iyong sa sobrang tamis ay gusto mo nalang panatilihin sa bibig mo. Nakakaadik ang lasa at wala kang mapagkumparahan sa sarap na binibigay nito sayo. Ngayon, alam ko na kung ba’t maraming gustong babae ang magpauto sa kanya matikman lang ang ganitong klaseng sensasyon. At katulad ko, nawiwili rin ako. Nagiging sabik rin ako.

Tumigil siya. Nasa gitna pa ako ng sensasyon at hindi ko alam kung paano hihilain pabalik ang katinuan kong hindi ko na mahagilap. Bumababa at tumataas parin ang balikat ko. Namumungay ang kanyang mga mata nang magtama ang tingin namin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nahiya. Ba’t ako pumayag na magpahalik sa kanya?! Anong klaseng demonyo ang sumanib sa akin at hindi ko man lang napigilan si Uno?!

“You don’t know how I badly want to do it everytime you’re with me…” He said almost in a whisper

Sa unang pagkakataon ay naiwala ko ang sarili ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong maisip kundi ang halik na iyon.

Hinawakan niyang muli ang baba ko at hinaplos haplos iyon. Kumikislap ang kanyang mga mata habang tinititigan ako. Lumapit muli ang kanyang labi sa akin at dinampian ako ng maliliit na sunod sunod na halik. Kahit ang pangaral ni Lola ay hindi ko na maalala. Basta, para akong isang sanggol na kakasilang palang sa mundo at ni isa ay walang alam.

Naging tahimik siya ngunit iyong mga mata niya ay hindi parin ako nililisan. Tinititigan niya ako at para bang kinakabisado ang buo kong mukha. He was tracing my face with his finger. Dinadaanan niya ng haplos ang ilong ko, ang aking pisngi, aking labi, tapos ay ibabalik muli sa aking pisngi. Maingat niya iyong ginagawa na ayaw niyang masugatan ako dahil sa sobrang nipis ng balat ko.

“The party is over, I guess. We need to go.” Hinaplos niya ang beywang ko. Napakurap ako at awtomatikong natauhan dahil sa pagpapaalala niya. Mabilis akong napaalis sa kandungan niya at napatayo.

“Anong ginawa mo?!” Nagugulantang kong tanong.

Tumayo narin si Uno. Na para bang wala siyang ginawa at inosente siya.

“I kissed you.” Pormal niyang sagot na ikinalaglag ng panga ko. Namumula ang aking pisngi. Gusto ko sanang bumigkas pero natutop rin iyon dahil wala akong maisip.

“Sumama ka sakin. I know where they’re going.”

Lumapit siyang muli sa akin. Ako naman na nagugulantang ay napaatras agad. Nagugulat parin ako sa nangyayari. Yakap yakap ko ang sarili ko. Nagkasalubong ang kilay ni Uno pero kalaunan ay natawa ng kaonti dahil sa reaksyon ko.

“Come on. May dala akong kotse.” Lumapit siyang muli sa akin at inabit ang pulso ng kamay ko.

Sumakay kami sa dala niyang kotse. Nasa front seat ako habang siya naman ang nagmamaneho.

Nang lumapit siya sa akin ay napasinghap na ako. Para nang nagwawala ang tibok ng puso ko at hindi ko na iyon maikalma.

“Calm down, Aly. Lalagyan lang kita ng seatbelt.” He laughed sexilly. Ako naman itong pinamulahan ng pisngi. Hindi ko naman alam!

Buong byahe ay tahimik ako at nasa bintana ang tingin. Mariin akong napapikit dahil sa nangyari. Ano iyon? Nawala ako sa sarili ko at hindi ko magawang kontrolin ang ibang parte ng katawan ko. Ba’t naging ganoon? Para akong naparalisa at ang malinaw lang sa akin ay ang pinapadama ni Uno sa pamamagitan ng kanyang halik.

Palihim ko siyang nilingon. Nakita ko itong nakangisi at binabasa ang pang-ibabang labi habang nasa daan ang tingin. Napalunok ako ng laway. Ano nalang ang sasabihin ni Lola sa akin? Na kinalimutan ko iyong mga habilin niya?!

Wala sa sarili ako habang nangyayari ang isang mahalagang okasyon para sa pinsan ko. Masaya naman ako para sa kanya kaso binabagabag ako ng nangyari. Hindi ko talaga iyon mabura sa utak ko. Kahit anong sipa ko maalis lamang iyon ay bumabalik parin iyon at mas sinasalakay ako. Walang laman ang utak ko kundi iyon lamang.

Napaliguan ako ng kantyaw ng iilang babae sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Uno sa lamesa. Idagdag pa ang pag-amin ni Lhuella na gusto niya si Uno. Wala naman akong pakialam doon dahil katulad ng sinabi ko, hindi ko gusto ko si Uno. Pero may parte sa akin ang gigil na gigil sa pinsan ko. Normal naman talaga na galit ako sa babaeng iyan.

“Kahit magtuklawan silang dalawa ay wala akong pakialam. Basta lumayo lang sila sa gulayan dahil ayaw kong mapeste ang mga pananim ni Lola.” sagot ko sa mga babae nang napag-usapan nila ang tungkol kay Lhue at Uno lalo na’t magkatabi ang dalawa roon sa mesa kung nasaan ang mga matatanda. Para silang nagpupulong ng isang importanteng bagay tungkol sa isang negosyo.

Galit ako sa sarili ko. Hinayaan ko siyang halikan ako at wala man lang akong nagawa para patigilin ito. Ba’t ba nahulog ako sa patibong niya eh alam ko namang gaano iyon kamanyakis? Alam kong eksperto siya pagdating sa mga babae sa dami ba naman ng naging karanasan niya. At ako na isang baguhan ay nagpauto naman.

Habang busy ang lahat sa gabing iyon ay nasa gilid lamang ako. Madilim naman. Ayokong sumali sa pagsasaya ng iba dahil hindi ako masaya sa nangyari. Magkasalubong ang aking kilay at kanina pa nakikitang panay dikit si Lhuella kay Uno. Sa sobrang inis ko ay pumasok ako sa Rest house.

Ang raming tumatakbo sa isip ko. Uminom ako ng tubig at pinilit ikinalma ang sarili. Imposible namang si Uno ang para sa akin kaya ba’t ako magagalit kung lumapit man si Lhuella sa kanya?! Wala akong gusto sa kanya dahil hindi siya ang para sa akin. Sigurado ako sa bagay na iyon. Noong una kaming nagkita, tirik na tirik ang araw. At ang hiningi kong senyales ay pag naging 23 pa lang naman ako. Kaya imposibleng si Uno. Siguro, isang pagkakamali lang ang nangyari. Iyong halik. Nagpauto lamang ako at nadala sa ginawa niya. Yun lang iyon.

Kung para man siya saakin, gusto ko ay saakin mapupunta iyong bulaklak. Iyon ang senyales na gusto kong hilingin para mapatunayan na baka, siguro… hindi pagkakamali ang halik na iyon at si Uno naman talaga ang para sa akin. Pero kung hindi, isa lang iyong pagkakamali na dapat hindi na maulit pa. Na dapat iwasan.

“Hey…” Napalunok agad ako ng laway sa boses na iyon. Nilingon ko si Uno na nakasandal sa pader ang braso at nakahalukipkip. “May problema ba? You seemed off. Hindi ka nakikisali sa kanila.”

Umirap ako. “Eh ano ngayon? Nag-eenjoy akong mag-isa. Bakit ikaw, hindi ka nag-eenjoy na katabi mo si Lhuella?” Matabang kong sabi sa kanya na ipinagsalubong ng kilay niya hanggang napangisi siya. I don’t know what’s the main reason for that at wala akong pakialam sa bagay na iyon.

Hindi ko na ito hinintay na magsalita pa at humakbang na paalis. Kaso nahila niya ang braso ko at ilang sandali lamang ay nakaharap ko siyang muli. Nanunuya ang ngiti sa labi.

“Easy there Aly, you don’t have to get jealous.” He laughed naughtily na nagpasira ng ekspresyon ng mukha ko.

Hinila ko sa kanya ang kamay ko. Hinampas ko ang braso niya at galit siyang tiningnan. “Hindi ako nagseselos! Hindi kita gusto!”

“Ahuh…” His smirk grew even wider. Sa sobrang gigil ko ay hinampas ko siyang muli pero natawa lamang siya at hinuli ang pulso ng kamay ko.

“Opse…” Napatingin agad ako sa may pinto. Nakita ko si Sky, natigilan ito at nasa amin ang tingin ni Uno. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang nakatayo diyan.

“Magpanggap nalang kayo na wala akong nakitang harutan at wala akong mga narinig. Magpapanggap rin akong hindi ka nga nagseselos Aly.” Ngumisi si Sky sa akin, naglakad muli palabas. Napasinghap ako. Hindi dahil sa ganda niya kundi dahil sa nakakakilabot na ngiti niya.

“That girl is creepy.” Komento ni Uno.

Bumalik ulit ako sa reyalidad at hinila sa kanya ang kamay ko. “Hindi ako nagseselos.” Pag-uulit ko. Hindi para ipamukha sa kanya kundi para narin paalalahanan ang sarili ko dahil salungat sa sinasabi ko ang nararamdaman ko. And I guess, Sky is right. Magpapanggap nalang rin ako.

Chapter 14

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Favorite spot

Panay ang buntong hininga ko kinaumagahan. Nakaalis na silang lahat. Hindi ko alam kung kailan muli babalik si Channy rito. Pati iyong mga babae ay nagawa pa akong yakapin isa isa.

“Basta ha, Aly. Gamitin mo iyong make-ups ko. I’m sure it will make you even more prettier.” Pagpapaalala sa akin ni EllieKlaire.

Noong araw na iyon ay panay iwas ako sa mga mata ni Sky. Alam kong nakita niya kami ni Uno. Hindi naman siya ngumingiti, walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha at hindi mo mapunto kung ano ang iniisip niya. Pero nang dahil doon ay kinakabahan ako. Nagiging guilty ako sa paninitig niya sa akin.

Naging madrama ang pamamaalam ni Channy sa akin. Ang sabi niya, pag gusto kong pumunta sa syudad ay sabihan ko lang daw siya. Iyon rin kasi ang sinabi ni Jhope sa akin. Sila raw ang bahala saakin roon. Pati ang mga babae ay gusto rin na pumunta ako doon para makapagbonding ulit kami at ako naman ang maitour nila sa syudad. Sila naman daw ang magtuturo sa akin ng mga nakasanayan nilang pinaggagawa roon.

Pero hindi ang mga alaalang iyon ang lubos na bumabagabag sa akin. Humingi ako ng senyales. Na kung si Uno man ang para sa akin at hindi pagkakamali iyong nangyaring paghalik niya, masasalo ko iyong bulaklak. Mahuhulog iyon para sa akin. Pero hindi. Napunta iyon kay Sky dahil ang sabi niya ay para daw sa kanya iyong bulaklak dahil siya na ang susunod na ikakasal. At ibig sabihin lamang nito, hindi si Uno ang para sa akin at isang malaking pagkakamali ang halik na iyon.

Balik ulit sa normal ang araw ko. Gigising ako ng maaga para tulungan si Lola sa lupa at inihahatid sa bayan ang ibang naharvest na. Nagiging malayo ang daan ko dahil sa pag-iwas kong mapadaan sa hacienda. Minsan kasi ay nadadaanan ko iyon. Ilang araw na akong umiiwas. Mag-iisang linggo na simula noong nangyari. At mukhang pati si Uno ay ilap narin sa akin. Siguro, napagtanto niyang hindi ako katulad ng mga hinalikan niya. Wala akong karanasan at wala akong alam sa mga bagay na iyon. Wala akong ibang iniisip kundi ang magkapera lang.

Mabuti narin siguro iyong ganito. Ba’t nga ba ako napalapit sa lalakeng iyon?

Nilagay ko ang isang sako ng gulay sa likod ni Horsey. May humahawak naman doon para hindi iyon malaglag. Nang masigurado kong okay na ay sumampa narin ako sa likod nito. Doon ako dumaan sa medyo malayo dahil ayokong dumaan sa hacienda. Pagdating sa bayan ay nagsimula akong ideliver sa iba naming mga suki ang mga gulay.

“Heto na po ang gulay niyo.” Nginitian ko si Aling Tina. Matagal na siyang suki namin at siya ang palaging may pinakamaraming order ng mga gulay. Kaya siya palagi ang inuuna ko.

“Salamat Aly. Oo nga pala, nakarating sa akin iyong balita na kasama mo raw iyong si Sir Uno. Close kayo? O may something sa inyo?” Parang nang-aasar ang boses niyo lalo na sa nanunuyang ngiti sa labi.

Umiling ako habang natatawa. “Hindi po ah! Nagkataon lang talaga na nagkasabay kami ng araw na iyon. Hindi po kami close!” Pagsisinungaling ko.

“Sigurado ka ba diyan Aly? Eh ang swerte mo kung close mo iyon!”

“Ikaw po talaga Aling Tina patawa po kayo. Sige po, aalis na ako!”

Katulad ni Aling Tina, halos lahat ata ng pinagdeliveran ko ng gulay ay iyon ang bukambibig. Ang balitang magkasama raw kami ni Uno dito sa bayan. At katulad ng una kong sagot ay itinanggi ko lang rin ang paratang na iyon.

“Imposible pong maging kami! Eh may girlfriend iyong si Uno sa syudad.” Natatawa kong sabi.

“Really, Alyssa?”

Napatingin si Aling Cora sa likod ko, pangalawa sa panghuli kong pagdedeliveran ng gulay ngayon. Ang ngising nasa labi ko kanina ay dahan dahan nang nabura dahil sa pamilyar na boses ng lalakeng iniiwasan ko.

“Sir Uno.” Bati ni Aling Cora. Parang sa isang iglap ay nagkagulo ang lamangloob ko. Na kahit ang pintig ng puso ko ay naririnig ko na. Narinig lamang nila ang pangalan ng lalaking nasa likuran ko ay ganoon na sila kung magwala.

Sinikap kong ikalma ang sarili ko. Lumunok ako ng laway saka ito nilingon. Nakita ko itong nakapamulsa. Nakacotton white shirt na naman at short. Nakasuot ito ng boots sa bilang sapin sa paa at maayos na naman iyong buhok. Kaso may nalalaglag na isang hibla ng buhok at namamahinga sa gitna ng noo niya. Para siyang anghel na may sungay.

“Hindi kana dumadaan sa hacienda. Where have you been these past few days?” tanong niya.

Lumunok akong muli. Binalingan ko si Aling Cora na nakikinig kay Uno. Sigurado akong may panibagong balita ang kakalat at matatakpan na naman ang pananakip ko kanina. Magmumukha akong nagsisinungaling.

“Sige Aling Cora, aalis na po ako. Sa susunod po ulit.” Nginitian ko ito ng hilaw bago tuluyang naglakad. Awtomatiko namang sumunod si Uno. At kahit anong bilis ng paghakbang ko ay napapantayan niya parin ako.

“Di kana dumadaan sa hacienda.” sabi niya sa gilid ko. Hindi ko siya nilingon. Itinuon ko lang ang buong atensyon sa dinadaan ko.

“Aly, are you even listening?”

Mas binilisan ko ang paglalakad ko. Paliko na ako nang may biglang sumulpot na cart na tinutulak ng lalake. Kung hindi ako mabilis na nahila ni Uno sa aking beywang at idinikit sa kanya ay baka nadaganan na ako ng malaking cart.

Narinig ko ang pagsambit ng iilang mura ni Uno. Kung paano niya ako hinawakan ng mahigpit.

“S-Sir Uno. Sorry po.” Paghingi ng paumanhin ng lalake.

“Sa susunod, mag-ingat ka.” Parang nagpipigil na galit na saad nito. Tiningala ko ang kanyang mukha, nakaigting ang panga at parang sasabog ano mang oras kung hindi niya nakalma ang kanyang sarili.

Bumaba ang tingin niya. Ang kaninang nag-aalab na mga mata ay unti unting huminahon. “You okay?” Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

Pasimple kong inilayo ang sarili sa kanya. Naramdaman niya naman iyon kaya lumuwag rin ang pagkakahawak niya sa beywang ko. Namumutla akong humiwalay sa pagkakadikit sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako mas kinabahan. Iyon bang kamuntik na akong madisgrasya o iyong nadikit ako sa katawan niya.

“Salamat.” sabi ko sa mahinang boses at hindi man lang makatingin sa mga mata niya. Idagdag pa ang maraming pares ng mga matang nakatingin sa amin.

“Are you avoiding me, Aly?” Nagkasalubong na ang kanyang kilay.

“H-Hindi ah!”

“Ba’t hindi kana dumadaan sa hacienda kung pumupunta ka naman sa lupain niyo araw araw, sa bayan. Saan ka dumadaan kung ganoon? Huwag mong sabihin…”

“Eh kasi mas gusto kong dumaan doon! P-Para exercise! Para matagal akong makarating.” Depensa ko sa sarili.

“Sa payat mong iyan? You’re still planning to lose weight?” May pagdududa sa tono ng pananalita niya. Na nahuhuli niya akong nagsisinungaling.

Umirap ako. Sa halip na sagutin ay nagwalk-out na lamang. May huli pa akong paghahatiran ng paninda ko. Dala dala ang huling supot ng gulay ay nagtungo ako sa pwesto ni Aling Tasya. Nagulat pa ang mukha nito nang makita kung sino ang kasama ko. At kung tama ang hinala ko, siguro kung wala si Uno ay mag-uusisa rin ito sa nakalap na balita.

“Heto na po ang gulay niyo Aling Tasya.” Nginitian ko siya kahit na alam kong pilit nalang iyon.

Ngumiti rin siya ng matamis sa akin, inilapit lalo ang sarili at bumulong. “Tama pala iyong nakalap kong balita. Anong meron sainyo, kayo ba?”

Sa halip na sagutin ay awkward lang akong ngumiti. “Sa susunod po. Aalis na po ako.” sagot ko at tumalikod na. Napabuntong ako ng hininga at sinamaan ng tingin si Uno na sumunod na naman sa akin. Nakapamulsa ito at nasa akin na naman ang tingin.

“Stop giving me that look Aly. Ako dapat ang nagagalit dito.”

“At bakit?! Sinabi ko bang sumunod ka dito?” Nanggigigil kong sagot habang naglalakad kami sa gitna kung saan may iba ring nakapwesto. Natatangay namin ang kanilang tingin at ramdam na ramdam ko iyon.

“You’re avoiding me. Was it because of that kiss?” He asked cooly, like theres nothing to bigdeal, na ako lang itong nagpapaka oa at parang nahawaan ng sakit kaya ayoko nang dumikit pa sa kanya.

“Hindi! Ba’t naman kita iiwasan para sa bagay na iyon! N-Normal kaya ang ganoon sa magkaibigan!” Nauutal kong paliwanag. “Ang mga kaklase kong lalake, sabi nila ay normal daw na hinahalikan ng lalake ang babae. Kaya normal lang iyon.” Pagtatakip ko sa sarili.

“Did you have friends? Boy friends?” Nabahiran na ng galit ang kanyang mukha at maririnig mo iyon sa tono ng boses niya. Idagdag pa ang ekspresyon niyang parang langit na nagsisimula nang kumulimlim dahil sa nagbabagyang kidlat.

“Wala ah! Wala akong kaibigan, ni isa.”

Agad namang kumalma ang ekspresyon niya at hinila ako sa tabi niya. “Don’t get too far, baka madisgrasya ka pa.”

Napanguso ako. Itutulak ko na sana siya nang may tumawag sa akin. Napalingon ako sa isang malaking pwesto ng mga gulay. Nakangiti sa akin ang tindera noon.

“Halika nga!” Excited nitong tawag sa akin. Naglakad ako patungo roon. At katulad ng ginagawa ni Uno ay sumunod rin sa akin.

“Bakit po?”

“Sa susunod na maghahatid ka ng gulay, daanan mo rin ako dito ha. Kahit dalawang kilo lang ng kahit anong gulay. Bibili ako.” Ngumiti siya ng matamis sa akin at lumilipat minsan ang tingin kay Uno.

Lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Mabilis akong napatango. “Sige po!”

Tuwang tuwa ako dahil madagdagan ang costumer namin ni Lola. Wala nang masasayang na gulay. Iyong iba kasi, pag hindi naidedeliver ay nalalanta rin. Kulang kasi kami sa costumer. Wala kaming gaanong kliyente.

Sunod sunod ang tumawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero may hinala akong dahil iyon kay Uno. Naging sigurado lamang ako nang tinawag akong muli ng isang babaeng tindera na kaedad ko lang.

“Dalhan mo ako ha. Uhm… magkano ba ang isang talong Aly?” Malambing nitong tanong sa akin at nililingon pa minsan si Uno na hindi ko alam kung nasaan ang tingin.

“Isang kilo ng talong? 150. Kasama na iyong pagdedeliver.” sagot ko na ikinatango nito at parang wala sa sarili.

“Sige, ideliver mo sa akin ang talong.” Parang nagdedeliryo nitong sagot.

“Salamat!” Ngiting ngiti kong sabi. “Kailangan mo talaga ng gulay dito sa butika para naman mas mahikayat mo ang mga maysakit na maggulay nalang!” Dagdag ko pa na ikinabalik nito sa sarili. Alam kong sinadya niya lang magpadeliver sa akin dahil kay Uno. Mabuti naman at napapakinabangan ko na ang lalaking ito. Marami akong naaakit na costumers.

May bago kaming limang costumer!“ Nagtatalon na ako sa tuwa habang pabalik sa pinag-iwanan ko kay Horsey. Halos makalimutan ko nang iniiwasan ko itong si Uno.

“You don’t have to avoid me now.” Sabi niya bigla nang sumampa ako sa kabayo.

“Teka, iniiwasan ba kita?” Inosente kong tanong at ngumisi. Nahulog rin iyon sa pagtawa. Isang matagumpay na tawa.

Nailing si Uno. Nagulat ako nang sumampa siya bigla sa likod ko.

“Hoy teka, nasaan ang kabayo mo? Wala kang dala?” Nilingon ko siya. Binawi niya sa akin ang tali ni Horsey at siya mismo ang komontrol nito para patakbuhin ng mabagal.

“Naglakad lang ako.” paliwanag niya. Hindi ako kumbinsido sa bagay na iyon pero hindi na ako nag-usisa pa dahil mas nangingibabaw ang saya sa akin. Matutuwa talaga nito si Lola!

“Any plans?” tanong niya.

“Wala na. Balak ko sanang maligo sa batis. Kaso sumabay ka pa talaga.”

“Don’t you have a bathroom in your house, Aly?” Iritado niyang tanong

“Wala. Kailangan pang mag-igib ng tubig sa poso. Kaya nga naliligo ako sa batis dahil nakakapagod gamitin iyong poso at medyo malayo pa sa bahay. Kung sana ay hindi umuwi si Channy edi napapakinabangan ko pa iyong mga tambay na may gusto sa kanya.” Sumimangot ako. Pero mas nalungkot nang maalala ang pinsan ko. Namimiss ko na siya.

“Pwede kayong tumira sa hacienda ng Lola mo.” sabi niya saakin na ikinalaglag ng panga ko. Sobra naman ata iyon!

“Ayoko nga! Kaya rin ako nagsisikap nang ganito dahil gusto kong tayuan ng bahay si Lola. At iyong bahay na tinitirhan namin ngayon ang inspirasyon ko.”

Hindi na ito nagsalita pa. Siguro ay napunto niya rin ang ibig kong sabihin.

Nadaanan namin iyong maisan. Laking tuwa ko nang makita ko roon si Mang Rudy, masigla na ito at may matamis na ngiti sa labi nang matanaw kaming dalawa ni Uno.

“Kumusta!” Iwinagayway ni Mang Rudy ang kanyang kamay. Napangisi narin ako at iwinagayway ang kamay ko sa kanya.

“Hi po! Buti naman at nakakapagtrabaho na ulit kayo.”

“Oo nga eh. Salamat sa inyong dalawa. Oh heto,” may kinuhang isang basket na puno ng mais si Mang Rudy at ibinigay sa amin. “Sa inyo na yan. Pasasalamat ko.”

“Salamat po Mang Rudy!” “Salamat Mang Rudy.” Pagpapasalamat naming dalawa ni Uno.

Umalis rin naman kami roon. Nasa likod ni Uno iyong basket kung saan ko madalas nilalagay ang isang sako ng gulay. May nakayakap na tali naman kaya hindi ito nalalaglag.

“I don’t know how to cook this one. Gusto ko sanang kumain.” sabi ni Uno.

“Ako marunong ako. Papakuluan mo lang naman ng tubig tapos ayun na. Maluluto na.”

“Teach me.”

Tiningala ko siya. Ngumisi siya sa akin. “Dumeritso tayo sa Hacienda.” Iniliko niya rin si Horsey. Na hindi niya na kailangan ang opinyon ko dahil iyon ang masusunod. Hindi narin ako tumanggi pa dahil gusto ko ring bisitahin iyong Hacienda nila. Medyo matagal narin akong hindi nakakabalik. Bibigyan ko rin ng mais si Mang Dancio!

Pagdating doon ay saktong nadatnan ko si Mang Dancio na itinatali ang isang kabayo na madalas gamitin ni Uno sa labas ng bahay. Siguro ay kakagaling lang nito sa isang lakad.

“Hi po Mang Dancio! Saan po kayo galing?” tanong ko nang mas makalapit na ako sa tapat ng gate.

“Ah, ikaw pala Aly. Galing ako sa bayan. Pinapakuha ni Sir Uno itong kabayo niya. Iniwan niya kasi roon. Ewan ko ba sa batang iyo–“Let’s get in, Aly. Mang Dancio, magluluto kami ng mais. Bibigyan ka namin mamaya.” Putol agad ni Uno saka ako hinila papasok. Nagtatakang napatango na lamang iyong matanda.

“May kabayo ka naman palang dala. Akala ko ba wala?” Nagtataka kong tanong sa kanya habang naglalakad kami papasok sa loob ng mismong bahay.

“Wala akong dala. Kinuha ni Mang Dancio.”

“Kinuha niya dahil pinakuha mo.” giit ko.

Hindi siya sumagot. Nanatiling kalmado at nginitian lamang ako ng matamis. Napangiwi ako at umirap. Ano bang pumapasok sa kokote niya at hindi ko siya maintindihan?

Ako ang naglagay ng tubig sa malaking kaserola nila. Siya naman ang pinahugas ko sa mga mais. Inilagay namin iyong iilan sa loob at tumambay nalang sa likod ng bahay kung nasaan iyong gumagalaw na upuan nilang mukhang swing.

“This is the place where I first saw you, where we first met…” Makahulugan niyang sabi.

Napanguso ako at pumasok doon sa upuang mukhang swing. Kaya ko namang ibalanse kaya hindi na ako natatakot.

“Siguro para akong tanga. Ba’t ba kasi naisipan niyong gawing parang swing itong upuan?”

“This is my brother, Tres’s idea. Diyan siya madalas umupo dahil nahehele siya at nakakatulog. Pag nandito iyon, sigurado akong magagalit iyon.” Paliwanag niya. Ba’t pakiramdam ko ang sungit ng Tres na iyon? Base narin sa nakita ko sa litrato. Parang hindi alam ang salitang ngiti. Lalo na iyong isa…

Natahimik ako. Lumapit siya lalo rito. Akala ko ay mananatili lamang siya roon pero nang pumasok rin ito ay napasandal na ako ng tuluyan. Doon siya umupo sa harap ko. Malaki rin kasi ito kaya kasya kaming dalawa. Pero pakiramdam ko, sobrang sikip at hindi ako makahinga ng maayos.

Itinukod niya ang kanyang siko sa magkabilang tuhod para mas maging malapit pa sa akin. Kung hindi siguro ako nakasandal ngayon, sigurado akong magbabanggaan ang mukha naming dalawa.

“This is my favorite spot.” His lips curved a bit. Para siyang batang tuwang tuwa dahil first time niyang makaupo sa ganitong klaseng upuan. Iyong kalabasa na naging sasakyan ni Cinderella ang naiimagine ko. At pakiramdam ko, ako si Cinderella sa oras na ito.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya nag-iwas nalang ako ng tingin. Pagala gala ang mga mata ko kahit na wala akong matingnan na ibang bagay sa loob. Bumabalik lang rin iyon sa mukha ni Uno na mariin na namang nakatitig sa akin. Bumababa iyong mga mata niya sa labi ko pero sinisikap niya rin namang ibalik sa mga mata ko. Nasa magkabilang pisngi niya pa ang kanyang palad. Para siyang batang nababagot pero nag-eenjoy sa tinititigan.

Sa ikatlong pagkakataon ay gusto kong huminging muli ng senyales. Na sana, kahit kaonti man lang ay pagbigyan ako ng Langit. Tama ba itong pagdidikit ko kay Uno? Kung nakatadhana talaga itong mangyari, gusto kong bukas na bukas ay magising ako dahil sa isang malakas na ulan.

Chapter 15

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Happy birthday to my beloved man, Min Yoongi! Stay healthy okay? Iloveyouu!

Stay away

“Good Morning, La!” Bati ko kay Lola nang madatnan ko siya rito sa gulayan na nagkakape. Nagulat ito.

“Mukhang ang aga aga mo naman ata, Aly?”

“Maaga naman talaga ako ah?” Hinubad ko ang suot na itim na flannel na tumatakip sa suot kong puting croptop at itinali ito sa beywang. Bigay ito sa akin ni Autumn. Napapansin niya kasing mahilig ako sa mga puting damit.

“Oo, alam kong maaga ka pero sobrang aga mo ata?” Bumagsak ang tingin ni Lola sa tiyan ko. “Ano ba iyang suot mong damit Aly? Parang kinulang sa tela.” Ngumiwi siya.

“La, alam mo namang dumami na ang costumer natin kaya mas inagahan ko na ang pagpunta rito. ’Tsaka itong tawag sa suot ko ay croptop, sayang naman kung hindi ko susuotin. ’Tsaka may nakatali namang longsleeve na flannel sa beywang ko kaya okay na ito.” Ngumisi ako sa kanya. Nailing siya.

Nang dahil kay Uno siguro ay hindi madadagdagan ang costumer namin. Kaya rin sinadya kong mas maging maaga dahil hindi kakayanin ni Horsey ang maraming gulay na ilalagay ko sa likod niya. Kailangan kong magpabalik balik ng dalawang beses.

Abala kaming dalawa ni Lola nang may narinig kaming tunog ng isang sasakyang huminto sa tapat ng Rest house. Napatingin ako roon. Isang pick up truck ang nakita ko. Kumunot ang noo ko at binalingan si Lola na nagkibit ng balikat sa akin. Wala siyang ediya kung sino iyon. Wala rin naman kaming close rito na may ganyan kagarang sasakyan. Baka naman isang mayamang costumer?!

Ilang sandali lamang ay lumabas roon si Uno. Napasinghap agad ako. Ang kaninang nagtatakang mukha ni Lola ay napalitan na ng panibago. Nanunuya ang ngiting nasa kanyang labi. Na alam niya kung ba’t napadpad dito si Uno dahil rin naman sa akin.

Nakanguso ko itong hinintay na naglalakad na palapit sa kinaroroonan namin ni Lola. He’s wearing his usual cotton shirt paired with short and boots. He looks stunning at ang hirap alisin ng tingin ko sa kanya. Alam rin kaya ni Uno na may nakakalaglag panga siyang imahe? Na lahat ata ng babaeng makakakita sa kanya ay papangarapin ang kagaya niya?

Huminto siya sa harap ko. My small frame was suddenly cover by his large frame. Itinagilid niya ang kanyang ulo at dinungaw si Lola roon.

“Magandang umaga po, La.” Magalang niyang pagbati. Nilingon ko si Lola na ngumiti ng matamis kay Uno.

“Magandang umaga hijo. Napadpad ka ata rito? Ang apo ko ba ang sadya mo o ako?” Pagbibiro ni Lola na ikinanguso ko. Marahang natawa si Uno. Nakapamulsa ito at amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango, o ang natural niyang amoy na nakasanayan ko na sa mga nagdaang araw.

“Both Madame.” May accent nitong sagot na ikinakurap ko.

Nilingon kong muli si Lola na humahalakhak na at mukhang nanunukso ang tawang binibigay. Naglakad ito patungo sa dulo ng gulayan at naiwan akong mag-isa rito kasama si Uno na nasa akin na ulit ang atensyon.

“I bought a truck for your veggies. Hindi kakayanin ng kabayo mo ang maraming gulay.” Paliwanag niya.

“Kaya kaya ni Horsey!”

“Hindi niya kaya Aly. Hindi ka ba naaawa sa kabayo mo?” Tumaas ang kilay niya na ikinanguso ko. Sabagay, may benefits rin ito sa akin. Sa aming dalawa ni Horsey. Sa gulayan ni Lola. Malaking benefits ito Aly at tigilan mo na ang kakainarte.

Pinanood ko si Uno na binubuhat ang isang sako para ilagay sa likod ng truck. Si Lola naman ay nasa di kalayuan, malaki ang ngisi at tumataas ang dalawang kilay sa akin. Asan na iyong mga payo niya sa akin? Ba’t pakiramdam ko itinutulak niya na ako kay Uno?

Pagkatapos niyang ilagay ang huling sako ay nagpaalam na kami kay Lola. Aakyat narin sana ako sa likod ng truck kasama ang mga gulayan nang bigla niyang hinawakan ang beywang ko kaya natigil ako.

“The front seat is vacant Aly.” sabi niya.

“Ayoko. Dito nalang ako sa likod. Mas mahangin! Babantayan ko ang mga gulay.” Nag-akma akong umakyat muli nang walang ano-anoy ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking tiyan. Dumausdos na iyong itinali kong flannel kaya naeexpose na sa kanya iyong balat ng tiyan ko. Lalo na’t isang croptop ang suot ko.

“Uno!” nagtitili ako nang walang kahirap hirap niya na akong nabuhat. Pinagsasapak ko ang braso niya sa may tiyan ko kaso wala namang epekto iyon sa kanya.

“You stubborn girl…” Binuksan niya iyong pinto ng front seat. Gamit na ang dalawang kamay ay maingat niya akong ipinasok doon. Sandali siyang nanatili sa labas. Isinandal niya ang kanyang isang kamay sa gilid habang nakatitig sa akin ang malalim niyang mga mata. “Sit still and stop being stubborn.” giit niya saka bumaba ang kanyang tingin sa tiyan ko. Nailing siya. Isinara ang pinto at umikot papuntang driver’s seat.

Hinila ko iyong seatbelt. Tahimik lamang ako sa byahe. Nasa labas ng bintana ang aking tingin. Sinasalubong ko ang preskong hangin kaya sumasayaw sa ere ang kulot kong buhok. Laman ng isip ko ang hiniling na kahilingan. Kaninang umaga, nagising ako dahil sa sobrang init. Ni isang patak ng ulan ay wala akong natanggap mula sa Langit. Ipinagkakait niya ang senyales na hinihingi ko at parang pinapamukha sa akin ang katotohanang hindi talaga si Uno ang nakatakdang ibibigay niya para sa akin. Na nakalaan ito sa ibang babae at ganoon naman ako sa ibang lalake.

Siguro, itong pagtatagpo namin ni Uno ay parang negosyo lamang. Marami kang mamemeet na magiging negosyante. Pero hindi bilang isang business partner kundi bilang katunggali sa larangan ng negosyo. Ganoon ang klaseng relasyon na nakikita ko sa aming dalawa ni Uno. Natutulungan niya ako sa negosyo namin ni Lola kahit hindi ko naman hinihingi ang bagay na iyon. Siguro, iyon ang papel niya sa buhay ko.

Dumating kami sa bayan. Kinalas ko ang seatbelt na nakapulupot sa akin. Akma ko naring bubuksan ang pinto para makalabas na nang hinawakan niya ang braso ko.

“Wear that long sleeve you’re wearing on your waist.” Utos niya.

“Bakit? Design iyan sa beywang ko para hindi gaanong makita ang may pwetan ko.”

“You’re exposing too much skin Aly. Wear that.” Hinila niya iyong isang sleeve ng damit hanggang sa kumalas iyon sa akin.

Sa halip na makipagtalo ay sinunod ko nalang. Baka kasi maisipan niyang singilin ako sa utang ko. Nadagdagan pa naman iyon dahil sa mga gamot ni Mang Rudy. Tapos ngayon ay nagagamit ko pa siya sa negosyo namin ni Lola.

Nauna siyang makababa dahil abala rin ako sa pagsusuot ng flannel. Binuksan niya iyong pinto. Inabot niya ang aking kamay at inalalayan akong makababa.

Nang masigurado niyang maayos na ako ay iyong dalawang sako naman ang kinuha niya. Kitang kita ko ang paglabas ng mga ugat sa kanyang kamay dahil sa pagbuhat niya roon.

“Ako na ang bubuhat sa isa. Kaya ko naman.” Kukunin ko sana iyong isa nang inilayo niya iyon sa akin.

“Ako na. Just stay beside me. Huwag na huwag kang nauunang maglakad.” His deep eyes bore into mine like he’s giving me a warning na kung hindi ko iyon susundin ay mapapahamak ako.

Nagsimula kaming maglakad. Mas dumami ata ang mga nang-uusisang mga mata sa amin. At katulad ng inaasal ko tuwing ganito ay hindi ako nahihiyang salubungin ang kanilang mga mata. Alam kong wala akong ginagawang masama at wala akong dapat ikahiya. Kung huhusgahan man nila ako sa isipin nila, nasa kanila na iyon.

“Grabe ka Aly, ang hot naman ng tagabuhat mo! Wala bang pa abs diyan?” Bulong sa akin ni Manang Cora at humagikhik pa. Kahit ang mga ganitong may edad na ay naaakit pa kay Uno. Kahit siguro batang babae ay mamamangha sa kanya. Basta babae ka, maaakit at maaakit ka sa kanya.

Sa bawat pinagdedeliveran ko ng mga gulay ay hindi talaga pwedeng hindi nila pupunahin kung gaano kakisig, kaperpekto, kagwapo si Uno. Iyon lahat ang bukambibig nila at parang mga kaedad kong pinagpapantasyahan si Uno. Lalo na iyong babae na tindera sa butika. Kulang nalang ay maglaway.

“Ang laki ng kinita ko! Matutuwa nito si Lola!” Halos mapalakpak ako nang matapos naming ideliver lahat ng gulay.

“You’re working hard for your Grandma. How about for yourself?” Tanong niya habang pinapaandar na ang sasakyan.

Ngumuso ako. “Masaya ako sa tuwing napapasaya ko si Lola. ’Tsaka nag-iipon rin naman ako para sa pag-aaral ko e,” mungkahi ko.

“That’s good to hear. Let’s go somewhere else first before going home. Let’s eat.” aniya

“Okay! At since sobra sobra ang kinita ko itetreat kita! Hmm, saan ba? Saan mo gustong kumain?” Maligalig kong tanong sa kanya.

Uno glanced at me with an amused look. Ngumiti ako ng matamis. Pursigido sa desisyon.

“You’re going to treat me?” halos tatawa na ata ito dahil sa ngiti sa kanyang labi na mas lalong lumalaki.

Tumango ako. “Oo. Pero isangdaan lang ang budget ko. Masasarap iyong barbeque. Tag limang piso lang ang isa non. Pero yung sauce, yung pagkakaluto… masarap! At mas gaganahan ka kasi limang piso lang!”

Uno chuckled. Hindi ko alam kung saang parte siya natatawa sa sinabi ko. Siguro ay iyong limang piso? Masyado iyong mura sa kanya.

“I’ll treat you, Aly. Don’t worry.”

“Ako ang nagkapera kaya ako dapat ang manlilibre. Eh ano ngayon kung iyong barbeque lang ang malilibre ko sayo! Masarap ’yon!” giit ko

“I would like to treat you on a fine Restaurant. May hotel dito…”

Nagkasalubong ang kilay ko. Naalala ko bigla iyong babaeng nanalo at narinig ko sa cr. Ihohotel niya ako?!

“H-Hoy ayoko! Sa barbeque nalang ako! Ayoko sa mga mamahaling kainin! Allergic ako! Nasisiraan ako ng tiyan.” Pagsisinungaling ko sa kanya.

Nilingon niya ako ng paulit ulit. Hindi kumbinsido ang hitsura. “You’re unbelievable. I’m going to treat you, okay?”

“Ayoko nga kasi!” Humalukipkip ako sa aking upuan at inirapan siya. Nahubad ko na kanina pa iyong flannel na suot ko at nakatali na muli ito sa beywang ko. I am exposing my stomach. Kaonti lang naman ang nakikita. And I feel comfortable.

I heard him sigh. Hindi ko siya nilingon. Pinakiramdaman ko lang ang pagpapatakbo niya ng kanyang pick-up truck. Hmm, magkano kaya iyong ganitong sasakyan? Perfect kasi siya sa pagdedeliver ng kung ano ano. Siguro pag yumaman ako, ganito ang gagamitin kong pangdeliver sa bayan.

Ipinark niya sa gilid ang sasakyan. Nasa bayan parin kami pero ito iyong pinakadulo. Naamoy ko agad ang usok gawa ng mga barbeque na tinitinda. Lumiwanag agad ang mukha ko at nilingon itong nagkibit balikat lang pero may matamis na ngiti sa labi.

Naunang lumabas si Uno. Katulad ng ginawa niya kanina ay inalalayan niya akong lumabas doon. Marami agad napatingin sa amin. May iba na nagulat, may iba na nakumpirma ang hinala sa amin base ng kanilang ekspresyon, may ibang iritado ang tingin sa akin.

Lumapit ako roon sa nagpapaypay ng barbeque. Mas marami ang mga babaeng costumer nila. At dahil close kami nito ay napapriority agad ako.

“Hi po!” Kinawayan ko ito.

“Oh, Aly! Ikaw pala! Ano, dating gawi? Sampong barbeque? Iyong hindi maaanghang na sauce?” Tumango ako sa pinagsasabi ni Mang Kapre. Iyon ang tawag ko sa kanya kasi sobrang tangkad niya. Total tinatawag niya rin akong White Lady minsan.

“Uhm, dagdagan mo narin po ng sampo pa.” Nilingon ko si Uno sa hindi kalayuan. Nakatayo siya roon at nakapamulsa. Nasa mga babaeng nakapaligid sa kanya ang atensyon at ngumingiti ng tipid. Kinakausap siya ng mga iyon at halatang kinikilig pa ang mga ito. Umirap na lamang ako. Kilala siya ng lahat kaya hindi talaga imposible ang mga ganyan.

Napatingin narin si Mang Kapre sa kanya. Kumurap kurap ito at naibalik sa akin ang tingin.

“Totoo ba talaga iyong kumakalat na balita sa inyong dalawa, Aly?” Medyo pabulong nitong sabi habang kumukuha na ng iilang barbeque.

“Hindi po ah! Magkaibigan lang kami ni Uno.”

Tumango rin naman siya. Hindi na nagtanong pa. Dumating rin kasi iyong anak niya na medyo kaedad ko lang. Palagi niyang tinutukso sa akin si Calvin. Makisig ito at matangkad. May hitsura pero sobrang suplado. Sikat siya rito sa bayan at dahil sa kanya kaya dinadayo itong barbeque nila. Maraming bumibiling babae.

“Oh, Calvin! Nandito si Aly. Ikaw na ang mag-asikaso ng order niya.” Tumango lamang ito at pumwesto sa harapan ko. Nasa barbeque ang tingin at pinapaypayan ito. Minsan ay napupunta sa akin ang tingin niya.

Nag-iwas ako ng tingin at itinuon nalang sa pinapaypayan niyang barbeque. Ni minsan ay hindi ko ito kinausap. Bukod kasi sa napakasuplado niya, nakita ko rin iyong mga babaeng kinakausap niya at hindi niya iniimikan. Ni isa ata ay wala itong kinakausap.

“Umalis ka diyan. Sinasalubong mo ang usok. Dito ka sa gilid ko.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wala iyon sa akin kundi nasa barbeque. Kumilos rin naman ako. Pero bago pa ako makapunta sa gilid nito ay may humawak na sa braso ko. Napalingon ako kay Uno na mukhang kalmado lang naman. Ang isang kamay ay nakabulsa parin.

“Stay in the truck. I’ll wait for it instead.” Bago paman ako makasagot ay hinila na ako nito paalis doon. Nilingon ko si Kalvin. Magkasalubong ang makapal nitong kilay at mukhang may ikinakagalit. Iyong papa niya ay nasa amin rin ang tingin. Halos ata lahat ng nandito ay nakukuha namin ang atensyon.

Binuksan niya ang pinto pagdating namin sa tapat ng truck. Pumwesto siya sa likuran ko at walang ano ano’y inangat ako gamit ang kanyang dalawang kamay na nasa magkabila kong beywang.

Umupo ako roon. Hinila ang seatbelt habang ramdam ko ang paninitig ni Uno sa akin. Nakatayo parin siya sa labas at nakasandal ang kamay sa may pinto.

“Do you know that guy?” tanong niya bigla.

“Uhm, oo. Anak siya ni Mang Kapre, si Kalvin.”

Nagkasalubong ang kanyang kilay, katulad ng ekspresyon ni Calvin na nakita ko kanina. Para rin siyang may ikinakagalit.

“Since when?” Medyo matigas niyang tanong.

“Simula noong bata pa ako?” Nag-aalangan kong sagot dahil pakiramdam ko ay magagalit na ito ano mang oras. Nag-igting ang kanyang panga. Nabasa ang pang-ibabang labi at tumango.

“Since you were a kid. Okay…”

Napanguso ako. “Bakit? May utang rin ba siya sayo?”

“Wala. Siya ba ang madalas na nagluluto ng barbeque mo?” Tumango ulit ako at medyo nagtataka sa mga tanong niya.

“Oo. Inaasar kasi kami palagi ng ama niya. Pero ang suplado kaya non! Palaging nagsusungit sa akin!” Umirap ako.

Si Uno ang kumuha ng barbeque. Pero ang ipinagtataka ko lang…

“Ba’t sunog? Nangingitim oh! Tingnan mo Uno! Hindi naman ganito madalas ang pagkakaluto ni Calvin! Masarap kaya.” Nanglumo ako habang tinititigan ang lahat ng barbeque sa loob ng cellophane na puro sunog. “Sayang ang isang daan ko!” Para akong isang kiti kiti sa inuupuan ko. Hindi ako mapakali. Nanghihinayang ako sa barbeque.

“Let’s just go on a fine Restaurant. I’ll treat you. Itapon mo iyan.” Seryoso niyang sabi.

Nilingon ko si Uno. Nakasandal ito sa kanyang upuan habang nagmamaneho gamit ang isang kamay. He looks pissed o talagang naninibago lamang ako sa nakikita kong ekspresyon ng kanyang mukha ngayon. Hindi humihinahon ang kanyang makapal at maitim na kilay. Magkasalubong iyon. While his deep eyes look so dark. Parang nakakatakot siyang kausapin.

“Pagtitiisan ko nalang siguro ito.” Akma ko nang isusubo iyon nang nagulat ako sa biglaan niyang pagkuha non sa akin at walang ano ano’y itinapon sa labas ng bintana. Pati ang cellophane kung nasaan ang iba pa ay nagawa niya ring ihagis palabas.

“I said I’ll treat you.” Nag-igting ang kanyang panga at galit akong tiningnan. Napaawang ang aking labi. Takot sa kanyang ekspresyon.

Hindi ako nakasagot. Para akong naging isang kuting sa isang iglap. Huminga siya ng malalim. Kinalma ang sarili at muli akong binalingan.

“If you don’t want to see me getting mad Alyssa, then stay away from boys.”

Chapter 16

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Im sorry

My heart is beating harshly for no particular reason. Hindi ako halos makahinga habang nasa labas ang tingin. Kailangan ko pa atang higupin iyong hanging sumasalubong sa akin para lang mabigyan ko ang hangin ang loob kong nangangapos.

Uno remained silent after what he said to me. Hindi parin makalma ang hitsura lalo na ang kanyang kilay na nagkakasalubong parin. Pasimple ko itong nilingon at nadatnan ang mga matang matalim na nakatingin sa daanan. His deep eyes were telling me na galit talaga ito. At bakit naman, aber?

Inihinto niya sa isang hotel ang kanyang pick-up truck. Medyo malayo na ito sa amin dahil hindi pamilyar sa akin ang natatanaw kong isang building na medyo kaliitan pero masasabi mong may kaya lamang ang madalas na pumupunta riyan. Siguro, iyong mga bumibisita ritong mayayaman ay diyan na nagtutungo.

Inalis ko ang seatbelt na nakayapos sa akin. Naunang lumabas si Uno. Umikot ito. Bago ko paman mabuksan ang pinto ay naunahan niya na ako.

Napatitig ako sa kanya ng ilang sigundo. Hindi parin nagbabago ang kanyang ekspresyon.

“Give me your hand.” Inilahad ko sa kanya ang kamay ko. Nag-iwas ako ng tingin habang tinutulungan niya akong makababa.

Tumuwid ako sa pagkakatayo. Mas hinila niya ako palapit sa kanya hanggang naramdaman ko nalang ang kanyang kamay sa aking beywang. Pumulupot iyon doon at hindi ko mapigilang mapasinghap. Naninibago ako sa kanyang kilos. Gusto ko sana iyong alisin doon kaso mas nalalamon ako ng buo sa galit niya. Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso.

Pumasok kami sa hotel. Pinagbuksan kami ng gwardya at binati. Tumango lamang si Uno habang ako naman ay ngumiti ng tipid.

“Here’s your key, Sir Uno.” Binigyan siya ng susi ng babaeng nasa front desk. Nilingon ako nito sandali pero ibinalik rin kay Uno.

“No, I’m not going to check in. We’re just going to eat.” Seryoso niyang sabi sa babae na ikinagulat nito. Nilingon niya ulit ako. Pero sa oras na ito ay gumala na ang kanyang mga mata sa akin.

Inabante ako ni Uno kaya naglakad akong muli. Gumagala ang tingin ko sa paligid. Namamangha ako sa kanilang mga mwebles. Para kang nasa sinaunang panahon pero nahaluan na ng makabagong imbesyon. May malalaking vase na may nakaukit na egyptians at may gintong sticks sa loob. Ang kanilang lobby ay may sofa sa gilid. Itim iyon at may pulang carpet. Marami kang makikitang malalaking frames na parang isang art at hindi mo maipaliwanag ang litrato kung hindi mo tititigang mabuti.

Pumasok kami roon sa isang Restaurant. Iginiya kami ng isang waiter sa aming mesa. Pinaghila ako ni Uno ng upuan bago siya naupo sa harapan ko. Imbes na tingnan siya ay ipinagpatuloy ko ang pagmamasid. Sa likod namin ay isang transparent glass kung saan natatanaw mo ang nasa labas. Isa iyong garden at may nakakamanghang fountain pa. May nakikita rin akong maraming butterfly na malayang lumilipad lipad at pumapatong sa mga magagandang bulaklak na naroroon. Iyong harap naman ay parang isang kahoy na may kung anong ilaw kung saan nagiging kulay orange iyon. Idagdag pa ang pinapatugtog nilang piano verson ng mga kantang malumanay.

Ibinalik ko ang tingin kay Uno nang kinausap siya ng waiter para sa pagkain.

“Iyong order ko narin ang sa kanya.” sabi niya na agad ikinatango ng waiter. Madalas nga talaga siya rito dahil hindi na ito nagtanong pa kung ano ang pagkain na iyon at umalis rin.

“Uhm, may cr ba rito?” tanong ko na ikinatango niya. Tumayo ito kaya agad ko siyang pinigilan.

“Sabihin mo nalang sa akin kung nasaan. Ako na ang pupunta.” Dahan dahan siyang tumango.

“Pag labas mo dumeritso ka sa kanan. Makikita mo ang isang arrow at igigiya ka non sa cr.” Seryoso niyang sabi.

Lumabas ako roon at nagtungo sa cr. Pagdating ko sa loob ay napabuntong agad ako ng malalim na hininga kung saan kanina ko pa hindi nagagawa. Hindi ako komportable sa galit niya. Ano namang nagawa kong kasalanan?! Pasalamat nga siya at ililibre ko pa sana siya ng barbeque pero anong ginawa niya?! Para niya naring itinapon ang isang daan ko!

Naghilamos ako para maikalma ang sarili. May dalawang babaeng pumasok. Ang kanilang damit ay parehas ng suot noong nasa front desk kanina.

“Talaga? Nandito ulit si Sir Uno?” Sabi ng isa. Napatingin ako sa kanila sa salamin. Nasa isa’t isa ang kanilang tingin habang pumepwesto sila sa gilid ko para maghugas ng kamay.

“Oo! May kasama na namang babae. Matagal tagal narin iyong hindi nakakapagcheck-in rito. Mga ilang taon na ata. Pero ang nakakapagtaka, hindi raw kinuha ni Sir Uno ang susi niya sa kwarto. Nandito siya at may kasamang babae pero wala namang balak magcheck-in! Diba nakakapagtaka!”

“Baka naman pangit iyong babae kaya hindi niya magawang ikwarto.” Natatawang sabi ng isa.

“Ang sabi ni Letti, sobrang puti raw ang babae, payat, maganda… kaso iyong suot na damit ay malayo raw sa mga babaeng madalas na kasama ni Sir Uno. Nakashort, croptop na puti at may nakataling flannel sa beywang.”

“Talaga? Nakakapagtaka naman at hindi siya nagcheck-in. Nacucurious tuloy ako sa hitsura.” Ngumiwi iyong isa.

Hindi na ako umimik pa. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang basa kong mukha. Natahimik ang dalawa. Nang binalingan ko sila sa salamin ay nasa akin na ang kanilang tingin. Nakita ko pa kung paano sila nagsikuhan. Siguro napansin nila ang suot ko, ang pagiging maputi ko na pag itinabi silang mapuputi sa akin ay mas lilitaw ako.

Lumabas ako ng cr. Bumalik ako roon. Tumayo naman agad si Uno at pinaghila akong muli ng upuan. May mga pagkain na roon at hindi ako pamilyar sa nakikita ko. Parang ang gaganda nilang tingnan at mabubusog ka kahit titigan mo lang ito.

“Madalas ka pala rito?” Paninimula ko. Gusto kong patayin iyong nararamdaman kong ilang sa kanya dahil galit siya.

Tumango siya. “Eat now.”

“Uhm, may mga babae ka raw na dinadala rito noon tapos nagchecheck-in kayo. Ba’t ako, hindi mo ichineck-in?” Nagkasalubong ang kilay ko sa tanong ko. “Dahil ba, hindi ako katulad manamit noong mga babaeng dinala mo?” Normal ko lamang na tanong. Nagkasalubong narin ang kanyang kilay.

“What are you talking about, Aly?”

“Nacucurious lang ako! Kasi naman, narinig ko iyong dalawang babae sa cr. May mga babae kang dinadala rito at nagchechek-in kayo. Ba’t tayong dalawa hindi tayo nagcheck-in?”

Napasinghap siya. Ang kanyang magkasalubong na kilay ay unti unti nang humihinahon. Binasa niya muna ang kanyang pang-ibabang labi bago niya ito kinagat.

“Bakit?” Tanong kong muli. Nacucurious rin kasi talaga ako kung ba’t dinala niya nga ako rito pero hindi man lang kami nagcheck-in.

“Because I’m not sure if I can hold my sanity if you’re with me inside that room. I’m just being careful not to hurt you.” Nag-iwas siya ng tingin at itinuon iyon sa pagkain. Kinuha niya iyong parang kutsilyo at hiniwa iyong karne.

“Sasaktan mo ako?” Hindi makapaniwala kong tanong. “Ang akala ko ba ikinakama mo iyong mga babaeng dinadala mo sa kwarto?”

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. Gulat ang mukha at matalim na ang tingin sa akin.

“Don’t say that, Aly!” pagalit niyang sabi.

Umirap ako. Kahit wala akong alam sa mga ganoong bagay, hindi naman ako bobo para hindi alam kung ano ang ginagawa ng babae at lalake sa iisang kwarto. Pero nakakagulat lang na iba ang magagawa niya sa akin. Sasaktan niya ako! Ang animal na ito ang sarap ring hampasin.

“I don’t want to treat you like how I treated my girls in my past. You’re different.” He said between greeted teeth.

“Girls. Ibig sabihin, sinasali mo ako sa mga babae mo?” Matalim ko narin siyang tiningnan. Hindi ko pa nagagalaw ang aking pagkain dahil sa pakikipag-usap sa kanya.

“No. It’s not like that…” Nafufustrate niyang paliwanag. “Cut it off Aly. I’m the one whose mad here not you. Huwag mong inuungkat ang mga babae ko dahil ikaw ang pinag-uusapan natin dito.” Ngayon, pagalit na ang kanyang tono.

“Anong ako? May ginawa ba ako? Ikaw iyang nagagalit diyan. Tinapon mo ang barbeque ko!”

Nag-igting ang kanyang panga. Nailing. “Just eat, Aly.”

“Anong problema kung kainin ko ’yon. Masarap ang luto ni Calvin! Yung sauce! At kahit nasubrahan iyon ay masarap parin ’yon dahil masarap ang luto ni Calvin!” giit ko sa kanya. Iyong ibang waiter ay nagtitinginan na sa amin.

“I said eat, Aly! Don’t make me repeat my words again and stop mentioning that fucking guy’s name. Huwag mong sinasagad ang pasensya ko.” He firmly said with his jaw clenching.

Umirap ako. “Mas masarap naman talaga ang luto ni Calvin.”

Ang nagtitimping mukha ni Uno na magalit lalo ay umakyat na sa hangganan. Narinig ko siyang nagmura. Mabilis ang kanyang kilos. Hinihila na ako nito palabas ng Restaurant na iyon. Ang buong akala ko ay lalabas na kami pero nang nagtungo siya sa front desk para kunin iyong susi niya ay nalaman ko ring patungo kami sa kwarto niya. Gulat iyong mga mukha ng dalawang babaeng nalagpasan namin nang nakita ako. Sila iyong nag-uusap kanina sa cr.

Malalaki ang hakbang ni Uno at parang hihiwalay ang buto ko sa katawan dahil sa pagkakadiin ng pagkakahawak niya. Na kahit anong pagpupumiglas ko ay hinding hindi ko mababawi ang kamay ko sa kanya.

Binuksan niya ang isang kwarto. Mabilis ang kanyang kilos. Lalo na nang makapasok kaming dalawa. Marahas niya iyong isinara. Magsasalita na sana ako nang isinandal niya ako roon sa pinto at tinakpan agad ang bibig ko gamit ang kanya. Napasinghap ako. He’s kissing me hungrily like he wants to eat me. Kumpara ng nauna niyang halik sa akin noon ay mas marahas ngayon, mas mabilis, mas malalim, mas grabe. Nanghahapdi ang aking pang-ibabang labi dahil sa pagsipsip at pagkagat niya. Sinusubukan kong hindi buksan ang aking labi para hindi makapasok ang kanyang dila. Itinulak ko siya at pinagsasapak. Kaso dahil mas malakas siya sa akin ay walang kahirap hirap niya iyong hinawakan at inipit ang dalawang kamay ko sa itaas ng pinto gamit ang isa niyang kamay. Para niya akong pinapako.

“U-Uno!–Hmmp…” Naiiyak ako at sinusubukan ko siyang tawagin ngunit kinakain niya ang bibig ko at hindi ko magawang makapagsalita man lang ng maayos. Nagsimula akong mapahikbi. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Gusto ko siyang tadyakan pero sobrang nanghihina na ako.

Nang mapansin niya ang paghikbi ko ay natigilan rin ito. Dahan dahang lumuwag ang kanyang pagkakakapit sa kamay ko hanggang binitiwan niya iyon. Agad ko iyong naitakip sa aking mukha at humagulhol.

“A-Aly…”

“Palabasin mo ako rito! Manyakis ka!” Humahagulhol kong sigaw sa kanya.

“I’m sorry…” Hinaplos niya ang aking kamay. “Fuck. I said don’t mention his name! Pinapamukha mo sa akin na ang isang bagay na pinakaayaw ko!”

“Hindi ko alam yang sinasabi mo manyakis! Isusumbong kita kay Lola! Manyakis ka!” Sinapak ko ang kanyang dibdib. Hinuli niya ang aking kamay. Namumungay na ang kanyang mata ngayon hindi kagaya kanina at may pagsisisi roon dahil sa pag-iyak ko. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinahiran ang luha ko.

“I’m sorry… Nadala lang ako sa galit. I’m sorry.” Hinalikan niya ang aking mata habang hinahaplos ang aking pisngi. His gentle touch sent shiver down my spine dahilan para kumalma ako ng kaonti.

“I’m sorry.” Bumaba ang kanyang kamay sa aking baba hanggang sa lumapat ang kanyang labi sa akin. Ngayon ay hinahalikan niya na ako ng may pag-iingat, pagsusumamo at marahan. Napapikit ako habang tumutulo parin ang aking luha. Unawang ang aking labi. Katulad na ang halik niya saakin noong nauna.

His free hand travel on my arm. Humahaplos iyon doon pababa hanggang sa mahuli niya ang aking kamay. Hinuli niya ang aking palad at inangat ito para ilagay sa kanyang balikat. Iyon rin ang ginawa niya sa isa habang hindi pinuputol ang paghalik sa akin.

“Just move your lips, Aly. Move it like how I move mine… Kiss me back and take away my jealous face baby…” He whispered on my lips that made me gasp. N-Nagseselos siya?

Nabura lahat ng iniisip ko nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa magkabilang beywang ko. He’s caressing it and making my back tingle in so much pleasure. Sinunod ko ang gusto niya. Ginalaw ko ang aking labi at ginaya siya. Isinuko ko lahat ng prinsipyo ko, lahat ng natutunan ko kay Lola dahil sa nakakadalang halik ni Uno.

He pulled me closer. Napasinghap ako nang magtama ang katawan namin sa isa’t isa. Mas nayakap ko siya.

I felt his tongue inside me again. Gumagala iyon at may kung ano na namang hinahanap. His other hand starts caressing my boob that made me moan. Hindi ko alam kung ba’t pumapayag akong hawakan niya ako roon pero kung patitigilin ko naman siya ay alam kong mafufustrate lamang ako.

“Hmm…” I can hear him while kissing me passionately. Medyo bumibilis na iyon at nagiging malalim. Pero hindi kagaya noong nasasaktan ako, ngayon ay may pag-iingat parin.

Naramdaman ko rin ang isa niyang kamay na nasa gitna ko na. Imbes na isara iyon ay wala sa sarili ko itong naiparte to give him more access. Nawawala ako sa sarili ko at may nasusunod sa loob ko kaysa naman sundin ang gusto kong itigil ang lahat ng ito dahil hindi ito tama. Dala ng pang-iinit, dala ng haplos niya roon ay tumakas ang isang halinghing sa aking bibig. Natigil ako sa paghalik sa kanya at hindi alam kung kakayanin ko ba kung itinigil niya ang ginagawa niya sa gitna ko.

I heard him unzipping my short and slowly rubbing my most sensitive part. Kumawala ang mas mahabang halinghing sa aking bibig. It felt really good and I can’t help myself from moaning.

His other hand continued caressing my boob, pinching my hard nipple. Kahit may damit pa akong suot ay ramdam na ramdam ko iyon.

Kagat ang pang-ibabang labi ay sinubukan ko siyang tingnan. Huminto siya sa paghalik. Pinanood ang mukha ko. I can see the fire in his eyes and it’s burning me either. Ramdam ko ang pang-iinit niya at mukhang ipinapasa niya narin sakin.

Bumilis ang kanyang darili roon. Napaawang ang aking bibig. Hinalikan niya ako sa panga at bumaba iyon sa leeg ko. Napatingala ako at hindi ko alam kung bakit. Sunud-sunuran ako sa isang pagnanasang hindi ko mapunto kung ba’t ko nararamdaman. Maybe because Uno is expert. Kayang kaya niyang baliin ang iyong paninindigan sa buhay at pabigayin ka sa kanya.

He continued rubbing me until I felt an explosion. Nanginginig ang tuhod ko na kung hindi ako kinarga ni Uno siguro ay mapapasalampak ako sa sahig. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang balikat. Ngayon pa ata ako tinutubuan ng kahihiyan kung saan nahimasmasan na ako sa pagnanasang lumamon sa akin ng buo kanina. I can feel my womanhood throbbing because of that touch. Para akong may naabot na mataas at sobrang sarap noon sa pakiramdam.

Naramdaman ko ang malambot na kama. Inilapag niya ako roon. Kinuha ko agad ang unan at itinakip sa mukha ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ang kahihiyang nangingibabaw sa akin.

“Magpapadeliver nalang ako ng pagkain. Hindi ka parin kumakain kanina pa.” Narinig kong sabi niya na parang walang nangyari at normal lang ang lahat. Na ako lang itong nagbibigdeal.

“Aly?” Hinaplos niya ang braso ko.

“Tumahimik ka Uno! Minolestya mo ang pagkababae ko!” sigaw ko sa sobrang kahihiyan. “Ba’t mo minolestya?! Ba’t hindi kita pinigilan?! Pag nalaman ito ni Lola ay mapapagalitan ako!” Para akong kiti kiting inasinan sa higaan. Hiyang hiya talaga ako.

Hindi ito sumagot. Ibinaba ko ang unan para masilip ang ekspresyon niya. Nakatayo siya sa aking gilid at nakangisi habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.

“You don’t know how cute you are right now.” He chuckled that made me frowned. Anong cute rito?!

“Ang sama mo!” Itinapon ko sa kanya ang unan na mas ikinahalakhak niya.

“It’s okay. Thank you for replacing my jealous face Aly.” Kinindatan niya na ikinapula ng pisngi ko. Hindi ko na alam kung para saan itong puso kong nagwawala na naman. Basta sigurado akong dahil iyon kay Uno. May nararamdaman ako para sa kanya na hindi ko lubos na matukoy at gusto ko nalang ulit humiling ng panibagong senyales. Na sana, huwag ipagkait ng Langit ang kasiyahang nararamdaman ko sa loob ko at magtagal pa ito. Gusto kong maging masaya. Kasama niya.

Chapter 17

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Kiss

After what happened on that Hotel ay hindi ko na muling nakita si Uno. Alam ko namang busy rin siya at may inaasikasong iba pero nasasaktan ako sa hindi matukoy na kadahilanan. I asked for a sign, na sana magtuloy tuloy ang sayang nararamdaman ko kasama si Uno. Pero katulad ng napapala ko sa paghingi ng senyales sa Langit ay nabigo na naman ako. Nasasampal na naman ako ng katotohanan. Baka busy na siya dahil nakuha niya ang gusto niya. Pero yun na ba iyon? Hindi naman ganoon ang napag-aaralan ko.

“Mag-iisang linggo na atang hindi kayo nagkikita ni Uno. At mag-iisang linggo ka naring tahimik at malungkot Aly. Nag-away kayo?” Pinamulahan ako ng tanong ni Lola sa akin dito sa Rest House. Napansin niya sigurong tulala ako.

Tumayo ako at nagtungo sa labas para maitago sa kanya ang pisngi ko. “H-Hindi naman, La. Siguro ay busy lang siya.” sabi ko at naglakad na patungo sa pananim. Suot ang isang puting sando at short, isang pulang flannel ang nakatali sa aking beywang ay itinuon ko nalang ang buong atensyon sa gulayan kahit na hindi mawala sa utak ko si Uno.

“Ba’t hindi mo puntahan sa hacienda. Bisitahin mo.” Napalingon ako kay Lola na nasa likod ko na pala. Sinundan niya ako.

“La naman. Wala akong rason para pumunta roon.” Napanguso ako.

“Edi magdala ka ng gulay! May rason kana.”

Napangiwi ako sa determinasyon ni Lola na bisitahin ko si Uno. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba. Iyong makikita ko siya. Sanay naman sana ako noon at makapal pa ang mukhang magpupunta roon kahit hindi siya ang sadya ko. Pero may kakaiba ngayon kaya ganito nalang kung magreact ang sistema ko. Nahihiya parin ako sa nangyari. Alam ko namang mali iyon. Na bilang isang babae ay hindi dapat bumibigay sa mga ganoong sitwasyon na wala namang kasiguraduhan kung kayo ba. Nagpadala ako sa init ng nararamdaman. Iyong sinasabi kong hindi na mauulit na halik ay naulit at mas lumala pa. Lahat ata ng senyales na gusto ko ay hindi ko talaga nakukuha.

Kabado akong pumunta roon. Busy siya Aly kaya hindi na siya nakakapunta sa gulayan para puntahan ka. Hindi na siya nagpapakita sayo. Iyon ang itinatak kong rason sa aking utak.

Dala ang isang basket na gulay ay itinali ko si Horsey sa gilid. Inayos ko ang suot na puting dress. May short naman akong suot kaya okay lang kahit sumakay ako sa kabayo. Naconscious ako bigla sa sarili ko. Kasi naman, pinilit ko pang maglagay ng kaonting lipstick na bigay ni Ellie. Hindi na ako nagpolbo dahil maputi rin naman ako. Ang sabi kasi ni Ellie ay maganda na ako kahit na lipstick lang ang ilagay ko. Maitim na ang aking kilay at may mahabang pilikmata. Natural na namumula ang aking pisngi at medyo curly ang buhok.

“Oh, Aly! Buti naman at napadpad ka rito.” Si Mang Dancio agad ang sumalubong sa akin.

Ngumiti ako kay Mang Dancio. “Uhm, si Uno po?”

Nag-aalangang sumagot ito sa akin. Kitang kita ko ang pagkakatigil niya. Nilingon niya ang loob at ibinalik muli sa akin. Ilang beses na umawang ang bibig niya para makapagsalita ngunit wala namang lumalabas na boses roon.

“Busy po ba siya? Ibibigay ko lang sana itong gulay. Pinabibigay ni Lola.”

“Ay ganoon ba. Sige akin na hija, ako na ang magbibigay sa kanya.” Ibinigay ko iyon kay Lolo. “Uhm, sige Aly. Umuwi kana. Hayaan mo, sasabihin ko kay Sir Uno na nandito ka.”

Tensyonadong sabi ni Lolo sa akin at hindi man lang makatingin sa mga mata ko. Napatingin ako sa may veranda nila. May dollshoes roon katabi ng nakasanayan kong sinusuot na boots ni Uno. May bisita ba sila?

“Sige po Lolo Dancio. Alis na ako.” Ngumiti ako ng pilit kahit na pakiramdam ko ay nabigo ako sa isang bagay. Lumabas ako roon at hindi makampante. Parang may mali kasi.

Imbes na bumalik sa pinagtalian ko kay Horsey ay umikot ako sa Mansyon. Nagtungo ako sa likuran kung saan masisilip mo ang halaman para makita ang loob. Iyong may swing na gusto ko.

Sumilip nga ako roon at nakita ang isang likod ng babaeng nakaupo sa isang bakal na upuan kung saan may magandang desinyo ang likod. Hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin pa dahil mas kinuha ng buhok ang atensyon ko. Pamilyar ito sa akin at kinabahan agad ako. Mali naman siguro ko.

Gusto ko nalang sanang umalis nang may sumulpot na lalake roon. Nakapamulsa ang isang kamay at may hawak na baso ng juice. Inilapag niya iyon sa harap ng babae. Parang sinaksak ng ispada ang aking puso at sobrang lalim ng sugat na natamo. Nasasaktan ako dahil nakita ng mismong dalawa kong mga mata si Uno na naroon lang naman sa bahay nila kasama iyong babae. Ba’t nagsinungaling sa akin si Lolo Dancio? Inutusan ba siya ni Uno na pag pumunta ako rito ay itaboy ako? Na sabihing wala ito sa bahay at busy?

Nanlalabo ang mga paningin ko nang bumalik ako sa kinaroroonan ni Horsey. May mga trabahador pang nakakita sa aking umiiyak ako lalo na’t sa kanilang lupain ako dumaan. Iyon lang rin naman ang tangi kong madadaanan.

Binura ko ang lipstick na nilagay ko sa aking labi at mabilis na pinatakbo si Horsey. Ba’t naman ako masasaktan kung may kasama siyang ibang babae? Alalahanin mo Aly! Hindi siya ang para sa iyo! Kahit ilang daang senyales pa ang hilingin mo ay hindi iyon ibibigay ng Langit sayo!

Humihikbi ako habang nakasakay sa kabayo. Iniiyakan ko ang lalaking hindi para sa akin. Ang lalakeng alam kong hindi magkakagusto sa katulad ko. Alam mo kung anong klaseng tao si Uno, Aly! You’ve seen him flirt with random girls! At ikaw na nagpauto ay bumigay naman! Ngayon, wala na ang first kiss mo! Anong napala mo sa pagsuway sa bilin ng lola mo sayo?

Dumeritso ako sa Barn. Tumulong nalang ako sa pagpapaanak ng baka. Inisip ko nalang na magkapera at makapag-ipon na para lisanin ang lugar na ito at mag-aral sa syudad. Ayoko nang makasalamuha ang lalakeng iyon.

Araw araw ay binubuhos ko ang buong atensyon ko sa pagtatrabaho. Malapit na ulit akong magdeliver ng gulay sa bayan at ayoko nang intindihin iyong makakasama ko pa siya. Na tutulong pa ito. Busy siya sa pakikipaglandian sa iba at wala na akong pakialam sa bagay na iyon.

“Aly, pumarito ka muna. Galing noong isang araw si Uno rito pero hindi ka nadatnan. Palagi kayong nagkakasalisi. Huwag ka munang umalis baka mayamaya ay nandito na naman iyon. Para maabutan niyo naman ang isa’t isa.” Sabi ni Lola pagkatapos kong ilagay sa loob ng sako ang mga naharvest naming gulay. Tumalon ang puso ko sa narinig. Pero agad ko rin iyong isinalo at ibinalik sa pwesto para makalma ang sarili. Busy siya Aly. Baka nabored lamang iyon kaya ka pinuntahan.

“Huwag na po, La. Abala lang ako sa kanya.” Hindi ko na hinintay ang magiging sagot ni Lola at umalis na sa harapan nito. Tinatawag niya ako pero hindi ko na ito pinakinggan.

Inilagay ko ang isang sako sa likod ni Horsey. At sa dating gawi noong iniiwasan ko si Uno ay sa ibang daanan na naman ako dadaan. Magpapabalik balik nalang siguro ako dahil hindi kakayanin ni Horsey ang dalawang sako.

“Hindi mo kasama si Sir Uno, Aly?” tanong ni Aling Cora nang hatdan ko ito ng gulay.

“Hindi po eh. Busy kasi siya.” Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng itinuon sa maliit na notebook na hawak ko para icheck ang pangalan nito.

Sa bawat hahatiran ko ng gulay ay hinahanap ito. Nagtatanong kung ba’t hindi ko raw kasama.

“Siguro napagsawaan na iyan ni Sir Uno. Akala mo kung sinong inosente iyon pala malandi rin. Huling nakita silang dalawa sa hotel. Bumigay rin pala.”

“Eh si Sir Uno na iyon. Syempre, magpapakipot pa ba si Aly.” Nagtawanan ang dalawang babaeng kaedad na nadaanan ko. Sa sobrang inis sa narinig ay huminto ako at hinarap sila na ngayon ay tinataasan na ako ng kilay.

“At least ako, natikman ko siya kahit hindi kaming dalawa. Hindi katulad sa inyong hanggang pantasya lang sa kanya.” Mariin kong sinabi na ikinasira ng ekspresyon nila.

“Malandi ka! Maharot!” Gigil na sabi ng isa at sinugod na ako. Sumali rin iyong isa at pinagtulungan ako. Hinila ng isa ang buhok ko habang iyong isa naman ay ang braso ko. Hindi ako nagpatalo. Tinadyakan ko sa hita iyong isang may pacleavage at iyong isa ay sinuntok ko sa tiyan. Kaso nakabawi rin ang dalawa at mas hinila ang buhok ko. Nanghahapdi ang aking balat sa braso dahil sa kuko nilang bumaon ata roon.

“Tama na!” Hinila ako ng isang lalake. Itinago niya ako sa kanyang likuran.

“Umalis ka sa harapan namin Calvin! Ba’t mo pinagtatanggol ang malanding iyan?!” Galit na sigaw ng isa sa kanila.

“Kung napansin man siya ng lalakeng gusto niyo ay wala siyang kasalanan doon. Kaysa pairalin ang inggit, ba’t hindi kayo magpakamature bilang isang matinong babae?” Galit ang boses ni Calvin. Dala ng nararamdaman ko, ang nagupuyos sa galit kong dibdib ay napahikbi nalang ako. Ang sakit pa ng kalmot na natamo ko at dumudugo ang braso ko dahil sa ginawa nila.

Hinila ako paalis doon ni Calvin. Umiiyak ako habang nakayuko.

“Ano bang pumasok sa kokote mo at pinatulan mo sila, Aly?” Galit nitong tanong sa akin.

“Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko!” Mas humikbi ako. Kinusot ko ang isa kong mata habang yumuyuko. “Ayoko sa lahat iyong pinagsasalitaan ako ng masasakit! Gumanti lang ako!”

“Alam mo sa sarili mong hindi iyon totoo pero pinatulan mo parin. Hindi kana bata.”

“Eh sa nasasaktan ako sa pinagsasabi nila! Sumusobra na kasi!”

Huminto si Calvin. Hinarap ko siya at parang batang umiyak. Nailing siya.

“Tingnan mo nga yang sarili mo damulag.”

“Sila ang nauwang u-umaway sakin! Hindi ako!” Parang bata kong sumbong. Kinusot ko ang dalawa kong mata at umiyak lalo. Nasasaktan ako sa narinig ko. Ganoong babae na ba ang papel ko kay Uno? Na tapos na ito sa akin kaya ngayon ay hindi na ako nito pinapansin? May bago na siyang babae!

“Tahan na.” Ibinaba ni Calvin ang aking kamay at pinahiran ang luha ko. “Gusto mong kumain ng barbeque?”

“Libre?”

“Oo kuripot. Libre.” Suplado nitong sabi na ikinanguso ko. Napatitig ako sandali sa mukha ni Calvin lalo na’t malalim na ang titig nito sa akin. Kaya pala maraming nagkakagusto sa kanya dahil gwapo talaga ito sa malapitan. Sa kabila ng pagiging suplado niya ay marami paring naaattract sa kanya. Hindi ko rin naman kasi siya madalas nakikita dahil nag-aaral ito sa eskwelahan kung saan nag-aaral si Lhuella. Doon ko lang siya nakikita pag bumibili ako ng barbeque dahil tumutulong siya sa kanyang Ama. Malaki ang kanilang negosyong ganoon.

“Aly.” Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil alam ko kung kaninong boses iyon.

Nag-igting ang panga ni Calvin. Nasa likod ko na ang tingin. Hinawakan ako nito sa kamay at itinago sa likod niya. Napasilip ako sa harap at nakita ang nakaigting ring panga ni Uno at titig na titig sa kamay kong hawak ni Calvin.

“Get your fucking hands off her.” Mariing sabi ni Uno na para bang nagpipigil ng galit.

“Alam mo ba kung anong nangyari kay Aly? Nasabunutan at nasaktan siya dahil sa pinaggagawa mo.” Pagtatanggol ni Calvin sakin.

“Stop talking and get your fucking hands off her.” Matalim niyang tiningnan si Calvin. Na pag hindi agad nito sinunod ang gusto ay masasaktan niya ito.

Ako na mismo ang humiwalay sa kamay ni Calvin sa akin. Napalingon ito, magkasalubong ang kilay at hindi gusto ang ginawa ko.

“Aly.” Matigas niyang tawag sa akin.

“Okay lang ako Calvin. Salamat.” Nginitian ko ito ng tipid saka ko binalingan si Uno. Matalim ko siyang tiningnan. Galit ako sa kanya at anong karapatan niyang magpakita sa akin? Ano, nagsawa na naman siya roon sa babae?

Mabilis ang hakbang ko paalis roon. Nang hindi ako nakontento ay tumakbo na ako.

“Aly!” Tawag ni Uno sakin na hindi ko pinakinggan. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at pinapantayan ang pagtakbo ko.

Nang matanaw ko si Horsey kung saan ko siya itinali ay mas nabuhayan ako ng pag-asa na makalayo sa kanya. Handa na akong sumampa roon at patakbuhin ito nang mabilis rin siyang nakasampa. Laglag panga ako nang siya mismo ang humila ng tali ni Horsey at pinatakbo ito ng matulin.

“Umalis ka!” Nilingon ko siya at itinutulak palayo sa akin kaso ipinulupot niya lang ang kanyang isang kamay sa beywang ko at mas hinila ako papalapit sa kanya.

“Why are you with that fucking bastard Aly? Diba sinabi ko sayo ay umiwas ka?” Galit niyang sabi na ikinabuga ko ng hininga sa ere.

“Anong pakialam mo roon Uno? Eh ikaw rin naman ah! Busy ka! Busy ka roon sa babae mo!”

“She’s not my girl!”

“Babae mo siya! Nakita ko kayo sa garden! Hinatdan mo siya ng juice! Ang sabi ni Mang Dancio ay wala ka raw at busy ka! Pero nasa loob ka!” Nilingon ko siya at galit na galit siyang tiningnan. “Bumaba ka ng kabayo at huwag na huwag kanang magpapakita sa akin!”

Imbes na sundin ang gusto ko ay mas pinatakbo niya ng mabilis si Horsey. Napasandal na ako sa kanyang dibdib dahil doon. Mahigpit naman ang pagkakahawak niya sa beywang ko. Sinisiguradong hindi ako mahuhulog kahit na anong bilis ng pagpapatakbo niya.

“You’re jealous. I’m jealous. Let’s fix our jealous face later then.” Makahulugan nitong sinabi na ikinapula ng pisngi ko. Alam ko kasi ang tinutukoy niya.

“H-Hindi ako nagseselos ’no!” Umirap ako at binabalewala ang pang-iinit ng aking pisngi.

“Hmm, but I want you to feel that Aly. I want you to get jealous…” Bulong niya sa aking tainga at nagawa akong halikan roon. Napasinghap ako. Parang naiwan ang aking kaluluwa at natangay ng hangin palayo sa akin.

“I like it when you’re feeling the same way when I’m seeing you with another guy. Nagugustuhan ko ang pagseselos mo pero hindi ko gusto tuwing nagseselos ako. It’s like I want to kill someone just to have you all by myself…” Ang kamay niyang nasa tiyan ko ay humaplos na roon. Nang-aakit ang kanyang malalim na boses at tumitindig ang aking balahibo sa tuwing tumatama ang kanyang hininga sa aking leeg.

“H-Hindi nga ako nagseselos…” Wala sa sarili kong sabi.

“Really?”

“Oo!” giit ko.

“May nakapagsabi sa aking mga trabahante na nakita ka raw nilang umiiyak paalis. Ganoon ba kagrabe ang selos mo at naiyak ka, Aly?” Nanunuya niyang sabi na ikinabusangot ng mukha ko.

“Sinungaling sila!”

“Nah, I don’t think so.” He chuckled.

Mas napanguso ako. Ganoon ba ang pakiramdam ng nagseselos? Iyong makita lamang siyang may kasamang ibang babae ay naninikip na ang dibdib mo? Gusto mo nalang umiyak at magwala?

“Are you still jealous?” Malambing niyang tanong sa akin at isinandal ang baba sa aking balikat. Humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa beywang ko dahil niyayakap na ako nito sa likuran ko. Sobrang lapit na namin sa isa’t isa at nagwawala na ang aking sistema dahil sa pinaggagawa niya.

“H-Hindi nga.” Nag-iwas ako ng tingin. Hinalikan niya ang aking balikat. Nang hindi siya nakontento sa isang halik ay dumami iyon. Nakasuot lamang ako ng sando kaya ramdam na ramdam ko ang bawat paglapat ng kanyang labi.

“You don’t have to get jealous. She means nothing to me.” He said, assuring me. Making me believe that he’s not lying. Na dapat akong makampante dahil nagsasabi ito ng totoo.

“I’m done fixing your jealous face. Your turn Aly. I’m still jealous.” Nilingon ko ang mukha niyang nasa gilid ko at nakita itong nakanguso. Nagkakasalubong ang kanyang itim at makapal na kilay dahil sa pinagsasabi.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at sinikap na hindi humagalpak ng tawa. Ang cute niya kasing tingnan.

“Anong gagawin ko?” Natatawa ko nang tanong sa kanya. Hindi ko na iyon napigilan.

“I want a kiss.”

Chapter 18

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Manggagamit

Dumeritso kami sa kanilang Hacienda. Nang makita ako ni Lolo Dancio ay napalunok agad ito ng laway, nag-iwas ng tingin sa akin. Siguro ay guilty siya sa sinabi niya sa akin. Alam ko namang may rason si Lolo kaya niya iyon nasabi. At naiintindihan ko iyon. Mabait siya sa akin at alam kong ginawa niya iyon dahil nagmamalasakit siya.

“Mang Dancio, pakidala ng medicine kit sa likod.” Utos niya at hinila ako sa likod ng kanilang bahay.

Doon ako pumasok sa nakasanayan kong upuan. Buti nalang talaga at hindi ko nakitang umupo rito iyong babae. Alam ko namang kahit noong dating niya rito ay maraming pumupunta sa kanya. Ang sabi pa ni Lolo Dancio ay kahit siya ay naaalibadbaran sa mga babaeng pumupunta lang daw doon para landiin si Uno.

Pumasok rin si Uno. Nasa harapan ko siya. Hawak niya ang aking braso at tinitingnang mabuti ang sugat ko roon. May nakita akong galit sa kanyang mga mata habang tumatagal ang pagkakatitig sa sugat ko.

“Who did this to you?”

“Hindi ko kilala e,” Kibit balikat ko.

“Malalaman ko rin kung sino iyon.” May pagbabanta sa boses niya at hindi ko iyon gusto. Kahit naman nagawan ako ng mali, alam kong mas grabe ang magagawa ni Uno. Sila ang makapangyarihan dito at isang utos niya lang ay magagawa niya ang lahat.

“Okay lang ako. Kasalanan ko rin naman. Dapat nanahimik narin ako.” Ngumuso ako.

“Sa nakikita ko, ikaw ang nasaktan. At kahit ikaw pa ang may kasalanan, ikaw ang nakapanakit, mali ang saktan ka nila. Mali iyon sa paningin ko Aly.” giit niya na ikinayuko ko. Ayokong makita niya ang namumula kong pisngi.

Lumitaw si Lolo Dancio rito at ibinigay kay Uno ang medicine kit.

“Anong nangyari sa braso mo, Aly? May nakaaway ka ba?” Nag-aalalang tanong nito

“Okay lang po ako Lolo Dancio.” Ngumiti ako sa kanya ng matamis. Sandaling napatitig sa labi ko si Uno pero inilipat niya rin agad sa braso ko.

Nagpaalam rin naman agad si Lolo Dancio sa amin. Pumasok rin ito sa loob kaya naiwan ulit kaming dalawa rito ni Uno. Pumapasok ang preskong hangin sa loob ng inuupuan namin at pinaglalaruan ang aking buhok. Medyo sumasabog iyon kaya kailangan ko pang hawakan para hindi maging sagabal sa mukha ni Uno lalo na’t malapit ito sa akin. Ginagamot niya ang braso ko.

“Why are you with that guy, Aly? Hindi ba malinaw sayo ang huli kong sinabi? Stay away from boys.” Nagkasalubong ang kanyang kilay habang sinasabi niya iyon.

“Edi dapat layuan rin kita?” Inosente kong sagot na ikinaangat agad ng tingin niya sa akin.

“Aside from me.” diin niya.

“Hindi ka lalake?!” Pabiro kong pagkakagulat hanggang sa natawa akk dahil sa talim ng tingin niya. Nang makita niya akong tumatawa ay kumalma rin naman siya at napangisi. Ipinagpatuloy niya ulit ang paggagamot sa braso ko.

“Ipinagtanggol ako ni Calvin sa mga babaeng iyon. Kung hindi dahil sa kanya baka pati mukha ko ay nakalmot narin nila.” Nakanguso kong pagpapaliwanag.

“So you’re saying I need to say thank you for saving you, is that it Aly?”

“Ako ang ipinagtanggol kaya ako dapat ang magpasalamat. Kung hindi ka lang busy doon sa babae mo edi sana ikaw ang kasama ko sa pagdedeliver.” Umirap ako. Sa tuwing naalala ko ang araw na iyon ay naiinis ako kay Uno. Nagseselos ba talaga ako? Pero posible ba iyon? Iyong senyales…

Binasa niya muna ang pang-ibabang labi bago muling nagsalita. “Pumunta akong syudad noong mga araw na hindi ako nakakapunta sayo. May emergency kaya hindi na agad ako nakapagpaalam. Pupuntahan na sana kita kung hindi lang talaga may bisitang dumating rito noong naghatid ka ng gulay.”

“Sabi kasi ni Lolo Dancio wala ka. Busy ka.” Napabuntong ng hininga si Uno. Nilagyan niya ng band-aid ang aking braso at tinitigan akong muli. Namumungay ang kanyang mga mata habang kumikislap.

“I am finding ways to spend my time with you no matter how busy I can get Aly. Kaya hindi rason ang salitang busy ako para hindi kita makita.” Dumako ang kanyang kamay sa aking baba at hinaplos iyon. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. He sounds so sincere at nahuhulog ako sa mga pinagsasabi niya sa akin. Naniniwala ako na hindi niya ako magagawang saktan kahit na hindi ko magawang itanong sa kanya kung ano itong pinaggagawa namin. Natatakot akong linawin ang bagay na ito dahil alam kong hindi naman tumutugma ang senyales na hinihingi ko. Baka pag nilinaw ko lang, mas masasaktan ako dahil alam kong hindi siya ang itinakda ng Langit para sa akin.

Sandali kaming natahimik. Tinititigan nalang namin ang isa’t isa at hinahayaan ang mga mata naming mag-usap. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi at bumalik muli sa aking mga mata.

“Fix my jealous face. Kiss me.” Parang bata niyang bulong na ikinalunok ko ng laway. Kinabahan agad ako. Hindi parin ako masyadong eksperto at natatakot akong baka madismaya ko lamang siya.

Napatingin ako sa kanyang nakaawang na labi. Na naghihintay lamang ito na may gawin ako.

“Ayoko.” sabi ko na ikinadismaya ng mukha niya. He frowned.

“Aly…” Dumako ang kanyang haplos sa aking pisngi.

“Ayoko nga. Noong huling hinalikan k-kita pabalik. M-Minolestya mo yung ano ko!” Nahihiya kong sabi at agad na nag-iwas ng tingin.

Natawa siya katulad ng nangyari noong sinabi ko iyon sa kanya. “Come here. I want to hug you.” Hinila niya ako at ipinaupo sa tabi niya. Pumulupot agad ang kanyang kamay sa aking beywang at isiniksik ako sa dibdib niya. Naamoy ko ang pabango niyang nakasanayan ko. Kumapit ako sa kanyang braso at humiga sa balikat niya.

His free hand claimed my hand and intertwined it with each other. Humahataw nang husto ang puso ko dahil sa nakikita kong mga kamay naming magkahawak sa isa’t isa. Ang isa niyang paa ay inangat ang dalawa kong hita at isinandal iyon sa kanya habang nakaangat narin ang dalawa niyang paa na nakasandal na doon sa kinauupuan ko kanina. Para kaming nasa duyan at gumagalaw iyon gawa ng pagtulak ng bahagya ng paa ni Uno sa dulo. Masyado na kaming malapit sa isa’t isa at pakiramdam ko ay sasabog ako sa labis na kasiyahang nararamdaman.

“Bukas sasama ka ba sakin?” tanong ko

“Where?”

“Sa bayan. Hindi ko kasi naideliver iyong ibang gulay.”

“I forgot to tell you about something. Noong nasa syudad ako ay kinausap ko rin ang kapatid ko. Gusto kong maging kliyente niyo ang kompanya namin. Doon mo na idedeliver lahat ng gulay na mahaharvest niyo. He’s gonna triple the prize since they need some veggies to feed his employees.”

Napabangon ako sa sobrang pagkakagulantang. Isang kompanya ang magiging kliyente ng mga gulay ni Lola?! Pag nalaman niya ito, sigurado akong matutuwa iyon. Simula pa noon ay hinahangad na naming magkabuyer ng kliyenteng mayaman. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko na ng mahigpit si Uno. Gumalaw pa iyong upuan dahil sa ginawa ko pero hindi ko na iyon inintindi pa.

“Thank you! Thank you! Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay iyon sa akin! Kay Lola! Matutuwa iyon!” Madamdamin kong pagpapasalamat.

“As long as it’s for your happiness then I’m willing to give you everything…” Halos pabulong niyang sabi sa akin.

Humiwalay ako kay Uno. Tinitigan ko ito habang may matamis na ngiti sa labi. “Salamat talaga.”

“Use the money for your upcoming studies, okay? Iyong iba naman ay para sa lola mo. You can build a new house if you want…”

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Gaano kalaking pera ba ang ibabayad sa amin para magsustento ng gulay sa kompanya nila eh kumpara ng lupain nila ay hindi naman gaano kalaking lupa ang meron kami.

“Sa syudad ako magkacollege, isasama ko si Lola.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa nabanggit ko. Maiiwan siya rito? Siya rin naman kasi ang namamahala sa lupain nila.

“Ikaw bahala. Pwede namang bumisita tayong dalawa rito every weekends para tingnan ang lupain tapos babalik ulit pagkatapos.”

Namula ang aking pisngi sa sinabi nito. May plano na siya sa future at iyon ang nagbibigay sa akin ng kaba. Simula noong bata pa ako, ni minsan ay hindi pumalya ang Langit sa pagbibigay ng senyales sa akin. Lahat ng gusto kong senyales ay mabilis kong nakukuha, palagi iyong naaayon sa gusto ko. Pero noong makilala ko si Uno, sa unang pagkakataon ay pumalya lahat ng senyales. Para bang, tutol ang Langit sa gusto kong mangyari at ganito nalang siya kakontrabida. Kahit hindi ko man matukoy ang mararamdaman kong kakaiba kay Uno, sigurado ako na masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Napapasaya niya ako.

“Sige…” Wala sa sarili kong sagot sa kanya. Ngumisi si Uno at dinampian ng halik ang aking pisngi.

“I’ll tour you there… bibisitahin natin ang magagandang lugar na naroroon.”

Umayos ako sa pagkakaupo. Sumandal ulit ako sa dibdib niya. Iyong mga daliri niya naman ay sinusuklay ang buhok ko.

“Meron rin bang hotel doon?” Wala sa sarili kong tanong. Nang matauhan ako sa sinabi ko ay agad akong napatingala para tingnan itong ngumingisi na. “I mean, may hotels ba roon? Maganda kasi iyong hotel na pinasukan natin. Namamangha akong pumasok sa mga ganoon.” Pagtatanggol ko sa aking sarili.

“Yes, may mas magagandang hotel doon. Marami. Pwede nating bisitahin isa isa.” Hinawakan niya ang aking baba at dinampian ako ng halik sa aking labi. Mabilis lamang iyon ngunit malalim. Nang humiwalay ang kanyang labi ay namumungay na ang kanyang mga mata. “Pupuntahan natin lahat para kumain.” Makahulugan nitong sinabi na ikinanguso ko.

“Kasama si Lola.” Dugtong ko agad na ikinawala ng ngisi niya. “Kakain tayo kasama si Lola.” Humagikhik ako. At sa tuwing tumatawa ako o ngumingiti ay palagi siyang tumititig sa akin. Nagtataka tuloy ako kung anong meron sa tuwing tumatawa o ngumingiti ako.

Biglang lumitaw si Lolo Dancio. Sa hiya ko ay napaupo ako ng maayos at napasandal sa inuupuan ko. Kahit nadatnan kami ni Lolo sa ganoong posisyon ay wala man lang gulat sa kanyang mukha. Namumula tuloy ang pisngi ko.

“Nandito na naman po siya Sir Uno.” sabi ni Lolo Dancio. Nagkasalubong agad ang kilay ni Uno. Habang ako ay nagtataka sa tinutukoy nito. May ediya ako kung sino iyon. Siguro iyong babaeng nakita ko rito.

“Tell her I’m busy, Mang Dancio.”

Tumango si Lolo Dancio at lumabas rin. Napabuntong agad ng hininga si Uno.

“Sino?” Pang-uusisa ko.

“Don’t mind it.” Dahan dahan nalang akong tumango.

Ilang sandali lamang ay may lumitaw nang imahe rito. Buong akala ko ay Si Lolo Dancio pa iyon pero may kasama na ito.

“Nagpumilit siyang pumasok Sir Uno.”

Sinilip ko ang naroon. Nagulat ako nang makita ko ang pinsan kong si Lhuella. Nakasuot ito ng red na cocktail dress na hanggang hita niya lang at suot rin iyong dollshoes na nakita ko sa labas katabi ng boots ni Uno. Ibig sabihin ay siya iyon?

“Sabi ko naman sayo Lolo Dancio, Aly is my cousin! Couz, ang sabi sakin ni Lolo ay ginagamot ka raw ni Uno. Napano ka?” Lumapit siya lalo sa amin. Nagawa niya pang pumasok kaya naibaba ni Uno ang kanyang paang nakasandal sana roon.

“Oh my God?! What hapened to your arm?” Natakpan niya ang kanyang bibig dahil sa gulat. “Ba’t may band-aid?!”

Nakamot ni Lolo Dancio ang kanyang ulo. “Magdadala nalang ako ng meryenda rito, Sir Uno.”

Binalingan siya sandali ni Lhue. “Thank you Lolo Dancio! Ang bait mo talaga sa tuwing nandito ako!” Tumango lang si Lolo Dancio saka rin nagpaalam.

Ibinalik muli ni Lhue ang tingin sa akin. Hanggang bumaba rin iyon sa kamay ni Uno na namamahinga sa beywang ko. Nagkasalubong lamang ang kanyang kilay pero agad rin namang kumalma.

“Ang bait talaga ni Uno at ginamot ka niya. Diba nagdadala ka rin ng veggies dito sa hacienda nila? Buti nalang at maaawain itong si Uno at willing tunulong sa mahihirap. Kahit may lupain sila at may mga pananim naman na mas triple ata ang laki sa inyo ay nagpapadeliver pari–“Stop it Lhuella.” Putol ni Uno sa kanya. Napanguso ang aking pinsan.

Alam ko na gusto niya si Uno dahil nabanggit na niya iyon noon. Pero hindi ko alam na ganoon pala iyon kalalim para puntahan niya rito.

“Okay. Uhm, Aly. Labas ka nga muna. Mag-uusap muna kami.” Nginitian ako ng makahulugan ng pinsan ko. Na dapat ay sundin ko ito.

“We’re done talking Lhuella.” Mas bumusangot ang mukha ng aking pinsan pero para rin namang nagpapacute lang. Naiirita akong tingnan iyon kaya nilingon ko si Uno.

“Mag-usap nalang muna kayo. Pupuntahan ko lang si Lolo Dancio.” sabi ko.

“Okay. We’re just going to talk, Aly. That’s all.” Paninigurado nito na ikinangiti ko ng tipid at lumabas rin. Napansin ko pa ang pagsasalubong ng tingin ni Lhuella at takang taka sa inaaasal nito sa akin.

Nagtungo ako sa kusina. Nadadatnan ko roon si Lolo Dancio na naghihiwa ng iilang kapiraso ng iba’t ibang cakes. Nang makita ako ay nagulat ito.

“Ba’t mo iniwan ang dalawa, Aly?” tanong nito.

“Mag-uusap po kasi sila. Uhm, tulungan ko nalang po kayo.” Tumango ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin.

“Diba pinsan mo iyan?” Tumango ako kay Lolo. Ako ang naglalagay ng ibang nahihiwa niya ng cake sa plato.

“Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya Aly, ha. Pero pagsabihan mo nga iyan na ilugar ang kanyang sarili. Babae siya at hindi magandang tingnan iyang pagiging desperada niya. Halatang hindi siya gusto ni Sir Uno pero kung isiksik ang sarili niya, akala niya ay sila.”

Nakaramdam ako ng inis sa aking pinsan. Alam ko na pag gusto niya ay nagiging desperada talaga ito. Pero panghahawakan ko ang sinabi ni Uno. Siya ang paniniwalaan ko kaysa sa mga negatibong bagay na pumapasok sa utak ko.

“Ganoon po talaga ’yon.” Nailing ako.

“Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo Aly. Nagsinungaling ako noong araw na iyon hindi dahil pinagtatakpan ko si Sir Uno kundi dahil ayoko lang na makita mo iyong pinsan mong nilalandi iyang si Sir. Hindi naman pinapatulan pero naninigurado lang ako na hindi ka masasaktan. Alam kong gusto ka ni Sir Uno at ganoon rin ang nararamdaman mo para sa kanya. Kayo pa namang mga kabataan ay madaling magselos tapos magdadrama agad.” aniya

Nagulat ako sa naging pahayag ni Lolo. Hindi ko naaamin sa sarili ko ang nararamdaman para kay Uno pero ba’t alam iyon ni Lolo? Paano niya nasabi?

“Po? Ako? G-Gusto si Uno? Hindi po ah.” Natatawa kong pantatakip kahit na halata namang nagsisinungaling lamang ako.

“Huwag mo nang itanggi hija. Matanda na ako at dumaan rin ako sa mga ganyang bagay noong nasa edad niyo pa ako. Kung alam mo lang kung paano kita nirereto kay Sir Uno. Mas bagay ka sa kanya kaysa sa mga babaeng dumaan sa kanya, Aly. Mabait kang bata, maganda, mapagmahal. At alam ko, si Sir Uno rin ang lalakeng nararapat sayo.” Buong kasiguraduhin nitong sabi na ikinataas ng balahibo ko. Napalunok ako ng laway at napayuko. Anong klaseng senyales ba ang kailangan kong hilingin para masabi ko talagang si Uno na ang para sa akin?

Bumalik ulit kami roon. Nasa labas na silang dalawa ni Uno at nag-uusap doon sa may mesa. Inilapag ni Lolo Dancio ang tray, habang ako naman ay bigla nalang hinila ni Uno ang beywang at ipinaupo sa tabi niya. Bumagsak muli ang tingin ni Lhuella sa kamay ni Uno sa beywang ko pero nginitian niya rin ako ng matamis.

Pag-alis ni Lolo Dancio ay doon lang nagsalita si Lhuella.

“So, Aly. Kumusta ang lupain niyo? Kumusta ang pagtatrabaho para lang magkapera?” Para itong may pinupunto sa tanong niya.

“Okay lang naman.” Tipid kong sagot at itinuon ang tingin sa cake. Nagsimula akong sumubo.

“I see. Bilib talaga ako sayo couz. Gagawin ang lahat para lang magkapera. Hanggang saan ba aabot ang pagpupursigi mo makaahon lang sa kahirapan? Para lang yumaman?” Nagtaas siya ng kilay sa akin. Inangat ang isang baso ng juice at sumimsim doon habang nasa akin parin ang tingin.

“Just go home now, Lhuella.” Seryosong sabi ni Uno.

“I heard kliyente niyo na raw ang kompanya nila Uno. Biruin mo ’yon, para kang nakahuli ng malaking isda sa tuyong dagat.” Dagdag pa nito na ikinakuyom ng dalawa kong kamay na namamahinga sa aking hita.

“Lhuella.” May pagbabanta sa pagtawag ni Uno sa kanya.

“Uno naman.” Natawa ito. Uminit ang sulok ng magkabila kong mga mata pero hindi ko hinayaang lumabas iyon. Sa tuwing nagagalit ako sa matinding bagay ay nauuwi talaga iyon sa pag-iyak. Kahit hindi man ako deritsuhin ni Lhuella, napupunto ko ang ibig niyang sabihin. At nagagalit na naman ako sa kanya dahil sa ugaling meron siya.

“Hindi ko kailangang ipaliwanag sayo ang pagpupursigi ko para lang malagay kami sa magandang buhay ni Lola, Lhue. Hindi mo maiintindihan ang kalagayan ko dahil ipinanganak kang mayaman. Lahat ng ginagawa ko ay may kasamang pawis ko. Lahat ay marangal at kung hindi mo iyon makita ay hindi ko na iyon problema.”

Mas lalo siyang napangisi. “Ah, no wonder… may kasamang pawis. Totoo pala. Kapalit agad ay isang malaking kompanyang naging kliyente ng maliit niyong lupain.” Natawa na ito.

“Stop it Lhuella. Huwag mong hintayin na magalit ako sayo.” Nag-igting ang panga ni Uno. Tumayo ang pinsan ko, ngumisi sa akin bago tuluyang lumabas. Pero ang iniwan nitong mensahe ang humiwa ng aking puso.

“Manggagamit.”

Chapter 19

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Heaven

Binalewala ko ang sinasabi ni Lhuella na manggagamit ako. Iyang babaeng iyan may araw talaga sa akin ang bibig niya. Ang mahalaga sa akin ay masayang masaya si Lola nang ibinalita ko sa kanya na hindi na namin kailangang maghanap ng malaking kliyente dahil nag-offer na si Uno na iyong kompanya nila ang magiging kliyente namin.

Kung ang tingin man ng pinsan ko ay ginagamit ko si Uno edi isipin niya ang isipin niya. Alam kong sariling mga pasya iyon ni Uno. Hindi ko siya pinilit.

Nagising nalang ako sa isang umaga na may bisita sa bahay namin. Nagulat ako nang makita ang dalawang inang naroroon sa labas ng bakuran kasama iyong babaeng pinagtulungan ako noong isang araw at gusto akong makausap. Wala rito si Lola dahil nasa Rest House na ito.

“Aly. Nagmamakaawa ako sayo. Patawarin mo na ang anak ko sa nagawa niya sayo.” Anang isang ina sa akin na ipinagsalubong ng kilay ko.

“Aly. Pati ang anak ko patawarin mo na.” Pangungumbinsi naman ng isa pang ina.

Napatingin ako sa dalawang babae na nag-iiwas ng tingin sa akin. Guilty ang mga mukha nito at nakayuko.

“Po? Uhm, maliit na away lang naman po iyon. Nagalit lang talaga ako sa sinabi nila sa akin.” sabi ko

“Sana naman kumbinsihin mo si Sir Uno na huwag na kaming paalisin sa lupang pinagtayuan ng mga bahay namin Aly. Mahirap lang kami at mas maganda ang buhay dito. Wala na kaming mapupuntahan pa.” Halos maiyak na iyong isang ina sa pagpapaliwanag. Nalaglag ang panga ko. Alam kong narinig kong nagbitiw ng salita si Uno pero hindi ako makapaniwalang tinutoo niya iyon. Akala ko kasi binalewala niya na ang bagay na iyon lalo na’t nawala rin naman agad ang galit sa kanyang mukha.

Mabilis ang pagpapatakbo ko sa aking kabayo para pumunta sa hacienda. Umagang umaga pa, tanging bistida pa ang suot ko at gusto ko nang makausap si Uno sa binabalak niyang gawin. Ang sabi ng isa pang ina na pag hindi sila umalis ay ipapademolish niya iyong bahay. Si Uno ba iyon?! I’ve known him for being good. Siya ang kinahahangaan ng mga tao rito na anak ni Don Israel dahil nga mabait. Pero iyong ganito… magagawa niya ba ito?

Mabilis ang aking paglalakad at halos tumakbo ako sa kanilang lupain makarating lang agad sa hacienda pagkatapos kong itali si Horsey. Pagdating ko sa may gate ay itinulak ko agad ito. Bukas naman iyon kaya okay lang na pumasok.

Nasa bakuran si Lolo Dancio. May hawak itong malaking gunting at ginugunting iyong gilid para alisin ang mga damong tumutubo na ata. Nang makita niya ako ay medyo nagulat ito pero nakabawi rin naman agad.

“Ang aga mo naman ata Aly. May usapan ba kayo ni Sir Uno?”

“Uhm, wala po. Si Uno?” Sinilip ko ang loob. Mga katulong na sobrang busy lamang ang nakita ko roon.

“Nasa kwarto niya pa ata Aly. Tulog pa. Akyatin mo nalang, hija.”

Napalunok ako ng laway sa sinabi ni Lolo Dancio. Naiimagine ko si Uno na nakahiga sa kanyang kama at hindi ko alam kung ba’t pakiramdam ko ay delikadong pumasok. Iwinala ko iyon sa utak ko at inisip ang nakakaawang dalawang ina na humingi sa akin ng tawad at sana kumbinsihin ko si Uno. Ang laking bagay naman ata non sa simpleng away lamang!

Umakyat ako sa ikalawang palapag. Ang sabi ni Lolo Dancio ay nasa kanan ang kwarto nito. Mapapansin ko agad iyon dahil ito lang ang kwarto sa lugar na iyon. Carpeted ang daanan at may mga malalaking vase sa gilid. Puro mababasaging bagay ang kadalasan mong makikita sa kanilang bahay. Iyong parang isang museum sa sobrang ganda at lahat ng mga gamit ay may nakalaang malaking halaga.

Pagdating ko roon ay kumatok agad ako. “Uno?” Tawag ko kaso hindi naman ito sumasagot. Baka tulog pa?

Saktong may umakyat na katulong kaya tinawag ko ito.

“Pwede mo ba siyang gisingin? Nahihiya kasi akong pumasok.” sabi ko.

“Hindi po kami nakakapasok sa kwarto ni Sir kung walang pahintulot galing mismo sa kanya.” paliwanag nito sa akin na ikinabigo ng mukha ko. Papasok ka lang naman Aly! Kakausapin mo lang naman siya.

Kumatok akong muli. “Uno?” Tawag ko kahit alam kong imposible akong makatanggap ng sagot sa loob.

Ilang sandali lamang ay narinig ko ang boses nito roon. “Is that you, Aly?”

“Uhm, oo! Ako ito.” Medyo malakas kong sigaw.

“Come in.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi at dahan dahang binuksan iyon. Nadatnan ko itong kakabangon lamang sa kanyang kama. Walang saplot sa itaas at tanging cotton na pajama lamang ang suot. Umabante siya sa dulo ng kanyang kama at doon umupo. Buhaghag ang buhok nito at namumungay pa ang mga mata. Nanatili akong nakatayo sa may pinto nang isinara ko iyon.

“You’re too early. May problema ba?” tanong niya sa isang garalgal na boses.

“May pumunta sa bahay namin. Iyong nanay ng dalawang babaeng nakaaway ko. Binabalak mo raw na paalisin sila sa lupain at kung hindi ay idedemolish mo ang bahay! Nahihibang kana ba Uno? Ano nalang ang sasabihin ni Don Israel pag nalaman niya ito?” Nag-aalala kong sabi sa kanya. Imbes na mag-alala ito ay tiningnan niya lamang ako ng seryoso. Itinukod niya ang dalawang kamay sa likod ng kama at sumandal roon na akala mo ay mahihiga na. Para siyang isang modelong nang-aakit sa posisyon niya. Idagdag pa ang abs niyang bakat na bakat sa kanyang tiyan.

“I am just threating them Aly. Sinadya ko iyon para makaramdam sila ng takot at hindi na maulit ang ginawa sayong pananakit. Your safety is my concern here.”

“Pero hindi naman grabe ang nangyari ah?” giit ko. “Masyado naman atang marahas iyong pagbabanta mo.”

“Dahil ayoko nang maulit ang mga ganoong sitwasyon. Mabuti nang maliwanagan ang lahat sa maaari nilang matatanggap sa oras na sinaktan ka ulit.”

“Pero kawawa sila! Huwag mo nang ituloy iyon dahil okay lang naman ako.” Pangungumbinsi ko.

Napabuntong siya ng hininga. Nahilamos ang mukha at itinukod pumangalumbaba roon. Nakabukaka ito na akala mo ay bagot na bagot sa isang bagay.

“Fine.” Tinapik niya ang gilid niya. “Come here.”

Napanguso ako at umirap. “Pumunta lang ako rito para kausapin ka sa bagay na iyon. Kailangan ko pang pumunta sa gulayan ni Lola ngayon. Tutulong ako sa kanya roon.” sabi ko

“Sasamahan kita mamaya. Just come here first.” Ngumisi na ito. Ngiting hindi ko gusto at parang may pinupunto.

“A-Ayoko nga. Baka ano na naman ang nasa utak mo.” Umirap akong muli.

“Such a stubborn girl. Just give me 5 minutes. Nadisturbo mo ako sa pagtulog ko.”

Napanguso ako. Ngayon ay kinokonsensya na ako!

Naglakad ako patungo sa kanya. Hindi palang ako nakakaupo ay hinila niya na ang beywang ko at ibinagsak ako sa kama kasama siya. Napatili ako roon.

“Ano ba Uno!” Sinapak ko ang kanyang braso. Kaso hinila niya lang ako lalo at isiniksik sa dibdib niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Let’s cuddle first and then we’ll go on your Lola’s Res house, okay?”

“Magtataka si Lola kung ba’t natagalan ako!”

“Hindi na iyon mag-uusisa kung kasama mo ako. Let’s just cuddle…”

Hinayaan ko nalang ito sa gusto niya. Mabango ang kwarto ni Uno. Naaamoy ko ang natural niyang pabango. Napansin ko rin na kadalasan sa mga gamit niya ay kulay puti. Malinis ito at maayos na nakaorganize ang mga gamit.

Katulad ng sinabi niya, hinatid niya nga ako sa lupain ni Lola. Hindi naman nagulat si Lola at nakangiti pang binati kami ng magandang umaga ni Uno.

Tumulong siya sa amin ni lola sa gulayan. Nagdesisyon si Lola na magtabim muli ng bagong gulay at dagdagan ang pananim namin dahil nga hindi na kami mag-aalala na baka malanta lamang dahil wala kaming gaanong buyer. Iyon rin kasi ang suhestyon ni Uno. Na kung pwede ay palawakin na namin ang aming pananim.

“Kumusta pala ang pananim niyo? Iyong kompanya rin ba ang kliyente niyo?” Tanong ko nang magpahinga kami sa rest house. Ramdam ko ang butil ng pawis sa aking noo at umaagos iyon pababa papunta sa aking leeg.

“We have lots of clients Aly. Hindi lang naman ang kompanya.” sabi niya na ikinamangha ko. Knowing Don Israel, hindi na ako magtataka kung marami siyang connections na mayayamang negosyante.

Nang dahil sa init ay nakapagpasya akong maligo sa batis. Ayaw sanang pumayag ni Uno kaya tumakbo na ako papunta roon. Tawang tawa ako nang madatnan ako nito sakay ang kanyang kabayo at nakaigting ang panga.

“You stubborn girl.” Bumaba siya sa kanyang kabayo.

“Ang kj mo eh! Maya maya pupunta akong bayan bibili ako ng brown rice. Masarap ’yon lalo na sa tuyo na may suka.” Natatakam kong sabi. Hinawakan niya ang aking beywang at inangat ako para sumampa sa kanyang kabayo. Pumwesto rin naman siya sa likod ko.

“Brown rice?”

“Oo! Di mo ’yan alam? Ang mahal kasi ng kaning puti kaya iyon nalang masarap naman nakakabusog rin tapos hindi pa gaanong nakakataba. At higit sa lahat, mura.” Ngumisi ako at nilingon siya sa likod.

“Hmm, I’ll try that too.” Hinila niya ang tali. Nakukulong na naman ako sa magkabilang bisig niya.

“Masarap promise! Dapat healthy lifestyle! Huwag puro kaning puti, puro karne. Dapat maggulay rin kayo. Kadalasan pa naman sa mga tagasyudad ayaw sa gulay.” Bumusangot ang mukha ko.

“Lahat ng tao ay may iba-ibang taste Aly.”

“Pero kahit na! Ang pangit ng taste nila kung magkakaroon lang sila ng sakit. Kung ano pa iyong nakakabuti, iyon pa ang inaayawan. Baliktad talaga ang mga utak niyong mga tagasyudad.” Umirap ako sa ere. Uno just chuckled.

Pagdating sa batis ay sumulong agad ako sa tubig. Umupo ako roon at sinimulang maghilamos. Sa tuwing pumupunta ako rito, namamangha talaga ako sa malinaw na tubig. Kung akin lang talaga ang batis na ito ay magtatayo ako ng resort sa tapat at pagkikitaan ko. Kaso mas mabuti sigurong nakatago ito. Iyong hindi masyadong expose sa nakakaramihan. Baka kasi masira. May iba pa naman na hindi marunong mag-alaga ng mga kalikasan.

Pagkatapos itali ni Uno si Horsey ay hinubad niya ang kanyang suot na white cotton shirt, suot na boots at lumusong narin dito. Ilang beses ko na siyang nakitang topless pero sa tuwing napagmamasdan ko ang perpektong hubog ng kanyang katawan ay natutulala parin talaga ako at hindi maiwasang mamangha. Siguro noong nasa syudad siya ay nagg-gym ito o kaya naman nakuha niya ang ganyang klaseng katawan sa pagtatrabaho sa lupain nila.

Nag-iwas agad ako ng tingin nang nahuli niya ako. Pasimple ko nalang itinuon iyon sa daan kung saan ang dulo ng batis. Tumayo ako.

“Where are you going?” tanong niya at nasa likod ko na.

“Doon sa dulo. Iyong pinuntahan namin. Mas masarap kasi ang tubig doon. Mas malamig. At presko ang hangin. At medyo malalim. Hindi gaya rito na ang babaw.” Umabante akong muli. Itong si Uno naman ay bigla nalang akong hinila sa beywang ko at idinikit sa gilid niya.

“Hindi ka nakakasigurado kung anong naghihintay sayo sa dulo Aly. Paano kung may mabangis na hayop doon?” Medyo galit niyang sabi. Ang kanyang malalalim na mata ay nahuhulog sakin at nababalot ng pag-aalala.

Tumawa ako. “Tulad mo? Mabangis?” Panunukso ko na ipinagsalubong lamang ng kilay niya. Tumawa akong muli. Uno’s hand thightened on my waist. Ramdam na ramdam ko kung gaano kaliit ang aking beywang. Ang alam ko, 24 ang pangarap ng mga babae. Kaso iyong akin ay 23. Siguro dahil payat ako.

Pagdating namin doon ay sabay kaming pumunta sa parang gacuzzi na batis. May malaking bato roon at pwedeng sandalan mo. Umaagos ang tubig sa itaas kung saan iyon lang ang maririnig mo. Minsan ay humahalo ang huni ng ibon.

Inilublob ko sandali ang aking mukha sa tubig saka rin ako umangat at pinasadahan ang buhok paatras para hindi tumakip sa aking mukha. Natatawa akong tiningnan si Uno na mariin na namang nakatingin sa akin.

“Are you even real, Aly?” Bigla niyang tanong na ipinagsalubong ng aking kilay.

“Mukha bang hindi? Tao ako! Ano bang tingin mo?” Napanguso ako. Purket hindi ako mahilig magmake-up ay hindi na ako mukhang tao sa paningin niya?

Imbes na sagutin ako ay mas tumitig lamang siya. Sumandal ako sa bato at nakipagtitigan rin sa kanya. Hindi nabubura ang ngisi sa aking labi. Bumaba ang tingin niya sa aking balikat kaya bumaba rin doon ang tingin ko. Naeexpose na ang aking malalim na collarbone at nakababa na ang lace ng suot na dress. Gawa ng tubig, medyo bumabakat narin ang aking dibdib. Ibinalik ko iyon sa aking balikat at nilingong muli si Uno dahil sa paggalaw ng tubig. Napakurap ako nang hindi ko na ito mahanap.

“U-Uno?” Nagpalinga linga ako. Kung tumayo siya ay makikita ko siya agad dahil hindi naman gaanong kalakihan ang paligid. Ibinalik ko ang tingin sa tubig. Malinaw iyon pero wala akong makitang katawan ni Uno. Napalunok na ako ng laway. Tinutubuan na ako ng kaba.

“Uno! H-Huwag ka ngang nagbibiro ng ganito!” sigaw ko at iginala ang tingin sa paligid. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

“B-Bahala ka nga diyan! Uuwi nalang ako!” Nag-akma akong tumayo nang nagulat na lamang ako dahil sa kamay na pumulupot sa beywang ko sa aking likod at hinila ako. Nalublob ako sa tubig. Gulat na gulat at hindi pa nakakakuha ng hangin. Pigil hininga ako hanggang sa umangat ako at natagpuan ang medyo madilim na paligid. Ngumingisi na si Uno nang hinarap ako nito. Agad ko siyang sinapak.

“Peste ka! Akala ko kung nasaan kana!” Pinagsasapak ko siya lalo. Ramdam ko ang panunubig ng aking mga mata tapos siya itong natawa lang! Umalingawngaw ang kanyang boses. Nasa loob pala kami ng malalaking bato at nasa gilid iyong tubig na umaagos pababa at parang nagsisilbing harang. Umiilaw iyong tubig dahil sa sobrang linaw at iyon ang nagbibigay ng kaonting liwanag sa loob para hindi gaanong madilim.

“Tinakot mo ako!” Nakanguso kong sigaw. Sinapak kong muli ang kanyang dibdib. Hinuli niya iyon at hinila ako palapit sa kanya.

“Did I scared you that much?” Hinawakan niya ang aking pisngi at hinaplos haplos.

Suminghot ako. Sinapak ulit ang kanyang dibdib gamit ang isang kamay. “Ikaw na ang may sabing may mababangis dito!”

“Ako lang ang mabangis dito Aly.” He chuckled sexilly.

Napaawang ang aking bibig. Pero nang wala akong masabi ay itinikom ko nalang iyong muli. Ang kanyang kamay na nasa pisngi ko ay bumaba rin sa aking baba. Kahit ang kanyang mga mata ay bumaba narin sa aking labi. Nanginginig ang kalamnan ko at para akong nasasabik sa maaari niyang gawin. Hinaplos haplos niya iyon at napaawang ang labi. Suminghap siya, binasa ang pang-ibabang labi at ibinalik ang mga mata sa akin. Ngayon, namumungay na ang kanyang mga mata. May isang hibla ng buhok na nasa noo niya at iyong iba ay nakasuklay paatras. Napansin ko ang malalim na paghinga ni Uno. Kahit wala namang nangyayari, pakiramdam ko ay sobrang init ng paligid. Gusto kong mag-ingay at basagin ang katahimikan pero hindi ko magawang magsalita. Na kahit ang paglunok ay sobrang hirap narin.

“Can you kiss me, Aly?” Masuyo niyang tanong na nagpahataw ng malakas ng tibok ng aking puso. Napasinghap ako sa kanyang tanong. Hindi agad nakasagot.

Napangiti siya. Ngunit hilaw na iyon. “I’m not going to force you. I’m going to respect it…” Nag-iwas siya ng tingin, bigo ang mukha. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hinawakan ang pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko at naibalik muli sa akin ang tingin. Tiningnan ko nang mabuti ang kanyang mukha gamit ang namumungay kong mga mata. Kinabisado ko iyon at pilit na naghahanap na kapintasan pero ni isa ay wala akong makita. Dahan dahan akong lumapit. Ang aking isang kamay ay nasa balikat niya na habang ang kanya ay mas pumulupot ng mahigpit sa beywang ko.

Tumataas baba ang kanyang balikat ganoon rin siya. Inilapit ko pa lalo ang aking labi sa kanya at huminto nang magtama ang aming mga ilong. Napaawang ang kanyang bibig. Tumatama sa isa’t isa ang aming hininga. Ipinikit ko ang mga mata at tuluyang inilapit ang labi sa kanya hanggang naramdaman ko iyon. Huminga ako ng malalim bago ko siya sinimulang halikan. He let out a deep breathe and kissed me back passionately. Nag-aalab ang aking damdamin at wala akong mapagkumpaahan nito. Hinawakan niya ang aking baba para mas masalubong niya ang marahan at maiinit kong halik.

“I never tasted heaven. Not until I tasted your lips, Aly…”

Chapter 20

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Signs

Kagat kagat ang pang-ibabang labi, hindi ko magawang tingnan ng maayos si Uno. Sa tuwing naalala ko iyong paghalik ko sa kanya roon sa batis ay pinapamulahan ako ng pisngi. Sanay akong siya ang humahalik sa akin at natututo lamang ako sa paghalik pabalik. Pero iyong hilingin niyang halikan ko siya ay nakakatakot pala. Hindi ko alam kung paano iyon sisimulan at kung kaya ko bang tapusin.

“Hey…” Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang kamay sa aking beywang. Napanguso ako. Tiningala siya at natagpuan itong ngumingisi na.

“Ano?” tanong ko at sinikap na ikalma ang sarili.

“You’re blusing hard.” Natawa ito, manghang mangha sa nasaksihan. Umirap ako at hindi na siya nilingon pa. Ganoon kagrabe ang epekto sakin ng nangyari. I kissed him! Nakaya ko! At sa tuwing naalala ko ang paalala ni Lola ay gusto ko nalang pukpukin ang ulo ko dahil parang sobrang tigas na ata.

Nasa bayan kami ngayon. Suot ang ripped jeans na bigay ni Abbey, puting halter back at buhok na nakabun kahit na may nalalaglag ay confident kong sinalubong ang mga tingin ng kahit sino sa akin. Napansin kong may nagbago sa mga mata nila. Kung noon ay pagtitig lamang, ngayon ay nahahaluan na ng disgusto. Naiiling at iritang irita.

Ibinalik ko ang tingin kay Uno. Ngumisi siyang muli sa akin at nasa akin lang ang tingin kaya walang napapansin sa paligid.

“Ba’t ang saya saya mo?” Nakanguso kong tanong.

“Can’t help it. You ki–oww…” Isang mahabang halinghing ang naidugtong niya nang kinurot ko ang kanyang beywang. Natatawa niya akong isiniksik sa kanya kaya sinapak ko agad. Naglalakad kami at gumaganyan siya!

“Tumigil ka nga Uno!” saway ko. Kaso mukhang wala itong naririnig at mas hinigpitan pa ang paghawak sa aking beywang. Mas sumiksik ako sa kanya. Pakiramdam ko ay napapasa niya narin ang pabango niya sa akin. Nilamon na siya ng sayang nararamdman niya.

Bumili ako ng brown rice. Ang plano kong isang isang kilo ay naging isang sako.

“Isang kilo lang ang bibilhin ko!” Pagtatalo namin sa mismong loob ng store ng bigas.

“I insist Aly. Ako naman ang magbabayad. Isang sako na.” sabi niya pa. Nakapamulsa sa harapan ko.

“Hindi nga pwede. Ba’t ang kulit mo?” Umirap ako sa kanya at binalingan iyong babaeng tindera na pabalik balik ang tingin sa amin. “Manang isang kilo–“Isang sako.” Singit ni Uno na ikinatalim ng tingin ko sa kanya. Napatango sa kanya ang tindera. Nang magrereact na sana ako ay hinila na ako nito palabas.

“Ang mahal mahal ng isang sako, Uno!” galit kong sabi sa kanya nang makalabas kami. Sinapak ko pa ang dibdib niya dahil sa katigasan ng ulo niya.

“I’m going to pay it. Stop worrying.” Kampante niyang sabi na ikinasira ng mukha ko.

“Wala kana bang magawa sa pera mo at ginagastos mo?” Mariin ko siyang tiningnan.

“It’s for you anyway.” Kibit balikat niya at pinulupot muli ang kamay sa aking beywang. Nailing ako. Itinulak ko siya at naunang maglakad. Naiinis ako dahil gumagastos siya para sakin. Kaya ako napagkakamalang ginagamit siya dahil siya rin naman itong bigay nang bigay.

Inis na inis ako sa kanya at mas nauang bumalik sa kabayo niya. Handa na akong sumampa roon nang mahuli niya ang aking beywang at niyakap na ako ng mahigpit sa likuran ko. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at ramdam na ramdam ko roon ang mainit niyang hininga.

“Fine. I’m not going to spend my money. Stop getting mad…” Mas humigpit ang kanyang yakap. Napabuntong ako ng hininga at nilingon ang kanyang mukha sa gilid ko. Nakapikit ito at sising sisi dahil nagalit ako. Nang idinilat niya iyon ay nakita ko ang kumikislap niyang mga mata.

“Hindi purket mayaman ka Uno, gagastusin mo na ang pera mo sa kahit anong bagay.” sabi ko.

“I am just trying to help… in the near future, I’m gonna work hard to feed you, our children… this is just a start.” Ngumisi siya ng makahulugan. Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi ako makasagot dahil wala rin akong mahanap na salita.

“Whether you like it or not, you’ll going to have everything I have. And I’m going to have you, just you.” Hinalikan niya ang aking pisngi at masuyong hinaplos ang magkabilang beywang ko. Napasinghap ako sa kiliting nararamdaman, pigil hiningang ipinagpapasok sa utak ang pinagsasabi niya.

Ang unang harvest namin ay ideneliver nga sa syudad. Iyong tauhan lang ng isa sa kompanya ang nagtungo sa lupain namin para kunin lahat iyon. Siya rin mismo ang nagbigay ng sobre kung nasaan ang bayad.

“Teka, sobra ata! Ba’t ganito kakapal? Puro isang libo pa?” Nagtataka kong tanong nang sinilip ko ang bayad. Paalis na sana ang van na sinasakyan nito buti nalang talaga at nahabol ko pa.

“Iyan na po lahat, Ma’am. Ang sabi po sa akin ni Sir Dos ay ibigay iyan lahat. Mahal kasi ang gulay ngayon kaya siguro ganyan kalaking presyo ang ibinayad.” Paliwanag nito na ikinakunot ng noo ko. Sobra sobra naman ata.

Pag-alis nito ay nag-usisa narin si Lola. Kahit siya ay takang taka sa malaking bayad.

“Ibalik mo nalang ang sobra kay Uno, Aly.” si Lola.

“Sige po la. Kakausapin ko si Uno.”

Pagkatapos kong tumulong sa gulayan ay dumeritso na nga ako sa hacienda. Nasa may lupain palang ako, natanaw ko na ang bukas na gate at isang pamilyar na babaeng naroroon. Nakaharap ito kay Uno na nakapameywang at magkasalubong ang kilay.

Mas bumilis ang paglalakad ko. Dumako ang tingin ni Uno sa akin saka huminahon ang kanyang ekspresyon. Pati ang pamilyar na babaeng nasa harapan niya ay nilingon narin ako. Nakita ko ang makapal na mukha ng aking pinsan. Nandito na naman siya.

Napansin siguro ni Uno ang biglang pagbago ng ekspresyon ko kaya umabante na siya para salubungin ako. Hindi nililisan ng mga mata ni Lhuella ang bawat galaw ko. Bumaba pa iyon sa hawak kong sobre na nagpataas ng kanyang kilay at napangisi ng nakakaloko.

“Hindi mo man lang ako hinintay sa inyo. Papunta na sana ako kung hindi lang talaga…” Nilingon niya ang pinsan ko. Ngumiti lang ito ng matamis.

Itinuon ko ang buong atensyon kay Uno. Ipinakita ko sa kanya ang sobre. “Sobra sobra iyong bayad ng kapatid mo.” Pabulong kong sabi.

“Hmm, I don’t have a say on it. Kapatid ko ang nagbayad niyan, Aly. Just accept it. Hindi naman iyan libre. Kabayaran iyan sa gulay niyo.” Dumako ang kanyang kamay sa aking braso. Hinahaplos iyon.

“Pero masyadong malaki, Uno. Sa loon ng isang buwan, dalawang beses kaming naghaharvest, depende pa iyon kung may mga gulay na pwede nang kunin. Tapos palaging ganito ang bayad. Hindi ba masyado naman atang mahal?” Napanguso ako sa aking paliwanag.

Bumuntong ng hininga si Uno. “Just accept it, Aly. Binabayaran lang kayo ng maayos. Ang pagsisikap niyo. Ang pagtatanim, pagbubungkal ng lupa, pagbibilad sa araw, paghaharvest. Kung ako ang masusunod, hindi sapat ang perang iyan.”

Napatingin ako sa sobreng hawak at naibalik kay Uno. Nginitian niya ako at pilit na kinukumbinsi sa pamamagitan noon. Napabuntong na lamang ako ng hininga at tumango.

“Kulang pa ba ang perang ibinayad sayo Aly at nagrereklamo ka?” Anang pinsan ko. Nilingon ko ito. Magsasalita na sana ako nang natabunan rin iyon ng boses ni Uno.

“Just go home, Lhuella.” sabi ni Uno at hinila na ako palabas. Naiwan ang pinsan ko roon, nakahalukipkip habang nasa akin ang tingin, matalim iyon at galit na galit.

“Ililibre nalang kita total sobra sobra naman ito.” Sabi ko nang makasakay narin siya sa likuran ni Horsey.

“Keep it, Aly. Ikaw narin ang maysabi, huwag gumagastos.” sabi niya at hinila ang tali ni Horsey. Para niya na naman akong niyayakap sa likuran ko.

Hindi ko alam kung saan na ako dinala ni Uno. Panay lang ang gala ng kabayo. Nagiging komportable rin naman ako. Nakasandal lamang ako sa kanyang dibdib habang sinasalubong ang preskong hanging tumatama sa mukha ko. Nakabun naman ang aking buhok kaya iyong mga maliliit at curly hairs ko lang ang sumasayaw sa ere.

“Wala ka bang balak makita ang papa mo?” Bigla nitong tanong sa akin na ikinakurap ko. Ilang taon narin ba ang lumipas simula nang iniwan niya ako kay Lola? Wala naman akong hinanakit sa kanya. Nagpapasalamat pa nga ako at iniwan niya ako kay Lola. Pero nagtataka lang talaga ako kung ba’t hindi na ako nito binalikan. Anong naging buhay niya sa syudad? Kumusta na kaya siya?

“Paano mo nalaman ang tungkol kay papa?” Tiningala ko ito. Ang pekpektong panga niya ang naaninag ko. “Pati ang buo kong pangalan ay alam mo.” dagdag ko pa.

“I just know…” Makahulugan niyang sabi.

“Namatay si Mama noong bata pa ako. Iniwan naman ako ni Papa kay Lola. Ang sabi niya, magtatrabaho lang daw siya sa syudad. Pero hindi ko alam kung ba’t hindi niya na ako binalikan pa. Masaya naman ako. Oo, nangungulila ako sa kanya pero ang gusto ko lang, sana masaya rin siya.” Pagkukwento ko kay Uno.

Nanatili siyang tahimik. Mas humigpit lamang ang pagkakayakap sa akin at hinalikan ang ulo ko. Napangiti ako at ipinikit ang mga mata. Gusto kong humiling muli ng senyales pero natatakot akong mabigong muli. Gusto ko tuloy hilingin na sana, kung mamarapatin ng Langit, si Uno nalang ang para sa akin. Siya ang nagmulat sa akin sa mga bagay na hindi ko alam. Natuto akong sumuway sa mga payo ni Lola, naramdaman ko ang pakiramdam na mawala sa iyong katinuan. Natuto akong maging isang babaeng buo. Iyong nagagawa ang mga bagay na ipinagbabawal ko pa sa sarili ko dahil wala pa ako sa tamang edad.

“Ikaw ba Uno, naniniwala ka ba sa senyales?” Tanong ko habang nakapilit parin ang mga mata.

“What kind of signs?”

“Senyales galing sa Langit. Iyong senyales na hinihiling mo pag may gusto kang malaman. Kung para ba sa iyo ang isang bagay, senyales tungkol sa pagmamahal…”

“Signs of love?” Tumango ako sa binanggit niya. Nakakakilabot iyong pakinggan. Parang nasa Langit ang batas at siya lang ang makakapagpapasya kung para ba sa iyo ang isang tao.

“Yeah…”

“Anong mga senyales ba ang hinihingi mo?” tanong ko

“I don’t ask for signs Aly. I just know.” Makahulugan niyang sabi sanhi para matingala ko siya. “Talaga?” Tumango siya.

“Ako, ilang beses akong humiling ng signs pero bigo ako.” Napabuntong ako ng hininga at itinuon ang tingin sa harap. Hindi gaanong mainit simula pa kaninang umaga. Makulimlim ang langit at may pinapahiwatig.

“You don’t ask for it Aly. You just need to feel it. Signs of love is not about expecting something to happen. Kung ramdam mo, yun na ’yon.”

Kumbinsido naman ako sa sinabi ni Uno. Pero kasi, gusto kong matulad kay Lola. Gusto kong ang Langit mismo ang magpasya para sa akin. Ang sabi kasi ni Lola, mapanlinlang ang puso. Oo, tumitibok ito. Pero pwede iyang tumibok sa kahit sinong mapusuan mo. Kaya nga tayo nasasaktan dahil sinusunod agad natin ang gusto ng ating puso. Kaya rin napupunta tayo sa maling tao. Nagpapalinlang tayo sa tibok ng ating puso.

Bumaba kaming dalawa ni Uno sa isang malagarden na paligid. Napansin niya kasing mahilig daw ako sa mga ganito kaya dinala niya ako. Puro sunflowers ang nandito at may mga butterfly pa. Tama rin naman kasi ang klima kaya siguro ganito kaganda ang pagtubo nila sa lugar na ito.

Pumitas ng isa si Uno saka siya lumapit sa akin. Isinabit niya iyon sa tenga ko at tiningnan ako ng malalim. Hindi ko mapigilang titigan siya pabalik. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti narin ako hanggang nahulog iyon sa halakhak. Natigil lamang kami nang bumuhos ang malakas na ulan. Napatili ako pero isang hagalpak na tawa ang sumunod. Nailing si Uno at ngumisi. Iginala niya ang kanyang tingin saka ako hinila paalis doon. Kapwa kami tumatakbo pero hindi ko alam kung ba’t ako natatawa. Masayang masaya.

“Climb up.” Utos niya sa akin nang makahinto kami sa isang malaking puno at may tree house sa itaas. Mabilis akong umakyat roon. Nasa bulsa ko parin kasi iyong sobre at sayang naman kung mababasa lang.

Sumunod rin si Uno. Pagdating namin sa itaas ay nadatnan namin ang isang upuan. Iyon lang ang naroroon. May bintanang nakabukas at tanaw na tanaw ang kabuuan ng malawak na lupa, iyong garden, ang bumubuhos na malakas na ulan.

Paglingon ko kay Uno ay hinuhubad na nito ang kanyang damit na medyo nabasa. Iyong buhok niya ay medyo buhaghag narin gawa ng pagkabasa nito. Ang nipis lang rin naman kasi ng telang suot niya kaya siguro pati ang katawan niya ay basa narin. May sampayan sa itaas kaya doon niya isinabit ang kanyang damit. May maliliit na lanterns sa loob para magsilbing ilaw. Pinaandar niya iyon saka niya ako binalingan. Bumaba ang tingin niya sa aking katawan kaya bumaba narin doon ang tingin ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at mabilis na napatalikod dahil medyo basa rin ako. Iyong suot kong short ay hindi naman gaano. Itong puting halterback ko lang talaga.

“You can, uh… remove your clothes if you want. Baka magkasakit ka pa niyan.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Uno. Nilingon ko siya. “I mean, aside from your short and your bra. Isampay mo nang matuyo at hindi ka magkasakit.” pag-uulit niya.

“Makikita mo ang dibdib ko.” Pinaningkitan ko siya ng mata.

“I’m not going to look if that’s what you want. Just remove it, Aly.”

“Kahit na!”

He took a deep breathe. “Walang mangyayari kung hindi mo gusto. I can control myself…” Paninugurado nito sakin. Napanguso ako at umirap. Tiningnan kong muli ang aking suot. Kedyo basa nga iyon at bumabakat na ang dibdib ko. Nilingon ko siyang muli. Nag-iwas agad siya ng tingin at pasimpleng itinuon sa bintana. Hinila ko ang dulo ng aking suot at hinubad ito ng tuluyan. Hindi pa nakatingin si Uno kaya sinamantala ko na rin iyong isampay. Pagkatapos ay bumalik ako sa harap ng bintana at isinandal ang magkabilang braso roon. Ipinatong ko naman ang aking baba at nasa labas na ang tingin. Sobrang lakas ng buhos ng ulan. Isang senyales na hindi binibigay ng langit sa tuwing hinihiling ko.

Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Uno sa likuran ko. Isinandal niya rin ang kanyang baba sa aking balikat at nasa labas ang tingin. He was crouching because of my small frame. Matangkad rin naman kasi ito kumpara sa akin. Hanggang balikat niya lang ako.

“Huwag na huwag kang titingin sa baba, Uno.” Pagbabanta ko sa kanya lalo na’t alam kong makikita niya talaga ang dibdib ko sa oras na ginawa niya.

“Okay. I’m not going to look.” Niyakap niya ako lalo. Iyon ang nagbigay sa akin ng init sa kabila ng malamig na panahon. Tahimik naming pinagmasdan ang bumubuhos na ulan. Tumatama rin sa balat ng aking leeg ang kanyang hininga dahil sa pagtagilid niya ng kanyang ulo at ngayon ay nakapikit na.

Nilingon ko siya. Medyo basa parin ang buhok nito at buhaghag. Wala sa sarili akong napangiti kasabay ng pagmulat ng kanyang mata. Napatitig siya sakin, hinawakan ang baba ko at idinampi ang labi sa aking labi. Katulad ng yakap niya ay mainit rin iyon. Hindi iyon gumagalaw at nagdidikit lamang. Ninanamnam ang bawat paglapat ng labi nito sa akin. Gamit ang isa niyang kamay ay hinarap niya ako sa kanya. Masuyo niya akong hinalikan. Ang kanyang dalawang kamay ay humawak na sa magkabila kong beywang. Namahinga iyon doon habang gumagalaw ang aming labi sa isa’t isa. Para itong may sariling alam na kilos at may sinusunod na ritmo. Nalalasing ako at nahuhulog na naman sa isang pagnanasang hindi ko mapigilan.

Uno pulled me closer. Umartas siya hanggang sa napaupo siya roon sa silya nang hindi man lang pinuputol ang aming halik. Itinulak niya ako palapit lalo sa kanya hanggang bumagsak ako sa kanyang kandungan. Ramdam ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat at ang hininga niyang nagiging malalim. Lumalalim ang kanyang halik pero nananatili iyong marahan. Nag-iingat at nagpipigil.

Humiwalay siya. Nakaawang ang aking bibig dahil doon. Nabibitin ako at hindi ko mapigilang maghangad pa. Hinahabol ko ang aking hininga at namumungay ang mga matang tiningnan si Uno.

“I love you, Aly. Mahal na mahal kita at mababaliw ata ako kung hindi ko iyon maipaparamdam sayo.” Bigla niyang pag-amin na ikinatigil ng paghinga ko. Sumasayaw ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako ng mariin. Namumula ang labi at namumungay ang mga mata.

“I am giving you my signs. I’m inlove with you and I hope you can feel it.” Kinuha niya ang aking kamay at idinampi sa kanyang dibdib. Nagulat ako nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Para siyang may tinakbong milya-milyang layo kaya ganoon nalang kung magwala iyon.

“Can you feel my signs of love? My heartbeats were going wild everytime you’re with me… I’m deeply, truly, madly inlove with you, Aly.”

Chapter 21

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Inevitable

Nanunubig ang aking mga mata sa kanyang pag-amin. Ngayon ko lang iyon narinig sa kanyang bibig. Na iyon ang nararamdaman niya para sa akin kaya niya ginagawa lahat ng bagay na ito. Dahil gusto niyang iparamdam sa akin ang nararamdaman niya. Hindi ako nakapagsalita. May kung anong pumupulupot sa aking tiyan at pumipiga sa aking dibdib. Katulad ng nararamdaman niya, ganoon rin ang nararamdaman ng puso ko. Pero paano iyong senyales? Gusto kong makumpirma iyon. Gusto kong hindi ito isang panandaliang kaligayahan at hanggang dulo na katulad ng kay Lola.

Hinaplos niya ang aking pisngi, maingat iyon at para bang natatakot siyang masaktan ako.

“I’m going to wait until you say those words to me Aly. We don’t need to rush. Hindi kita minamadali. Sinasabi ko lang sayo para bigyan ka ng kasiguraduhan. Gusto kong malaman mo na pwede mong kontrolin ang buhay ko kung gusto mo. Pwede kang magdesisyon para sakin. I’ll let you baby…” Dinampian niya ng halik ang aking pisngi. Napapikit ako kasabay ng isang butil ng luhang tumakas doon. I never felt this kind of love. Para akong dinuduyan sa himpapawid at hinihele ng isang malamig na hangin. Parang malabong makababa pa ako dahil sa emosyong nagpapalutang sa akin sa saya. Anong nakita sa akin ni Uno at sa dinami daming babaeng nakilala niya, sa dami daming babaeng nagpapapansin sa kanya, ang katulad ko ang napili niya?

“Kahit na limang taon pa ang hintayin mo?” Halos pabulong ko iyong itanong dahil sa pagpipigil ng luha na baka ay mabasag lamang ang aking boses.

Tumango siya. Siguradong sigurado ang mukha nito at nakikita ko sa mga mata na hindi ito nagsisinungaling.

“Until you’re 23.” Ngumisi siya ng matamis. “I’m going to be that man for you Aly. I’m going to fulfill your sign. Kung iyon lang ang gusto mong mapatunayan para sumugal sa pag-iibigang ito, maghihintay ako.”

Nayakap ko ng mahigpit si Uno. Naiiyak ako sa hindi malamang kadahilanan. He’s the kind of guy every girl wants. Kung hindi ko lang talaga alam ang pinaggagawa nito noon, ang pagiging manyakis at pagpapalit palit ng babae, para sakin ay perpekto na siya. No, scratch that. Perpekto talaga siya. Wala kang maipipintas sa kagaya niyang biniyayan ng sobra sobra ng langit.

Tumila ang ulan. Ang tanging bakas na naiwan ay ang basang daan. Medyo maliwanag narin ang langit at mukhang masaya na. Natuyo narin iyong mga damit namin kaya nakapagdesisyon kaming bumalik na.

Sa nagdaan na araw, mas naging malalim ang turingan namin ni Uno sa isa’t isa. Parang hindi ko na nagagawa ang mga bagay kung wala siya sa tabi. Na parte na siya ng mundo ko at mahirap na itong sipain paalis.

Pumunta ako ng barn pagkatapos ko sa lupain. Kakaharvest lang namin kanina at kinuhang muli ng lalakeng empleyado ng kompanya. Sa laki ng bayad sa amin ay pwede ko nang ipagiba ang bahay at magpatayo ng panibago.

“Magandang umaga po, Aling Tecy.” Bati ko nang madatnan ko ito sa labas ng barn. Nagulat siya nang makita ako. Napalingon ako sandali sa loob at narinig ang humihiyaw na baka. May nagpapaanak ata roon.

“Aly, ikaw pala. Akala ko ay wala kanang balak tumulong.” sabi nito na ikinagulat ko narin.

“Bakit naman po?”

“Eh diba mayaman kana. Narinig ko may mayamang kliyente raw ang gulayan niyo at idinideliver sa syudad ang inyong mga gulay.”

Kumunot ang aking noo kung saan niya nakuha ang balitang iyon. Hindi rin naman kasi namin ipinagkakalat ni Lola na may ganoon kaming buyer. Hindi naman ako hambog para ipagsabi-sabi iyon.

“Wala naman pong nagbago. Siguro dagdag kita lang pero hindi ko naman itatapon ang mga dati kong gawi.” paliwanag ko.

“O siya, sige… halika sa loob. May dalawa pang baka na paaanakin natin. ’Tsaka tulungan mo narin ako sa pagkuha ng gatas.” Masaya akong napatango kay Aling Tecy.

Isang halterback na puti at medyo croptop ito na pinaresan ko ng ripped jeans. May flannel na nakatali sa aking beywang at nakabun ang buhok para hindi iyon tumakip sa mukha ko habang nagpapaanak ako.

Pawisan ako pagkatapos. Marami kaming nakuhang gatas at binigyan niya ako ng limang bote para sa amin ni Lola, iyong tatlo naman ay kay Uno. Kapansin pasin ang paninitig ni Aling Tecy sa tiyan ko kanina pa. Hindi ko nga alam kung anong meron.

“Uh, may problema po ba?” Tanong ko nang mahuli ko siyang muli.

“Buntis ka ba, Aly?” Nagulat ako sa tanong niya. “Po? Hindi po!” agaran kong sagot.

Hindi kumbinsido ang mukha ni Aling Tecy. “Ah, ganoon ba. Edi hindi nagbunga.” Wala sa sarili niyang sabi. Ngumiti lang siya ng hilaw sa akin. Gusto ko pa sanang mag-usisa nang kinuha ng isang tunog ng kabayo ang atensyon ko. Napalingon ako kay Uno. Sumasabog ang buhok nito dala ng malakas na hangin at kahit ang suot na white cotton shirt niya ay gumagalaw rin. Bumaba siya roon at naglakad papalapit sa akin.

Naibalik ko ang tingin kay Aling Tecy na parang may nakumpirma. Nakay Uno ang tingin niya hanggang sa makarating ito sa gilid ko.

“M-Magandang umaga po S-Sir.”

“Magandang umaga.” Binalingan ako ni Uno. “Are you done?” Kagat-labi akong napatango. Nagtataka kasi ako sa inaasal ni Aling Tecy. Parang may mali sa kanya.

Kinuha ni Uno ang dala kong box kung nasaan ang mga bote ng gatas ng baka saka siya nagpaalam kay Aling Tecy na aalis na kami. Hindi ako nilulubayan ng makahulugang tingin ni Aling Tecy nang maglakad na kami paalis. Nahuli ko pa siyang umiling. Ano kayang meron at kakaiba ang kinikilos niya?

“Ang weird ni Aling Tecy.” Sumbong ko kay Uno habang pinapatakbo niya iyong kabayo niya. Nakasandal lamang ako sa kanyang dibdib at nasa gitna ko iyong box. Hinahawakan ko iyon para hindi malaglag.

“What are you talking about? Nahuli mong nakikipag-usap siya sa kanyang baka?” Medyo natawa si Uno.

“Hindi sa ganon! Tinanong niya ako kung buntis ba raw ako. Malaki ba ang tiyan ko?” Yumuko ako para kilatisin ang tiyan kong ni bilbil ay wala ata ako. Kaya nakakapagtaka kung ba’t niya iyon natanong sa akin.

Naramdaman ko ang kamay ni Uno roon. Hinaplos haplos niya iyon at pinakiramdaman. “Hmm, that’s weird.”

“Diba sabi ko sayo!”

“Yeah, imposible namang magbunga ang pagpapantasya ko sayo. Mabubuntis ka ba kahit na ginagawa ko lang naman iyon sa isip ko?” Laglag panga ko siyang tiningala. Anong pinagsasabi niya?

“Ano?!”

Uno laughed naughtily. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg para itago sa akin ang pagtawa niya kahit ramdam na ramdam ko roon ang bawat pagtama ng hininga niya. I can even feel his lips.

“Anong ginagawa mo sakin sa utak mo?!”

He laughed even more. Hinuhuli ko ang kanyang mga mata pero tinatago niya talaga iyon sa akin. Para siyang guilty na makita ko roon na hindi siya nagsisinungaling.

“Manyakis ka! Animal!” Natatawa kong bintang sa kanya.

“Hmm… I am.” Hinalikan niya ang balikat ko. “I just can’t resist you.” Umangat siya at hinuli ang labi ko para dampian iyon ng mababaw na halik. Naiwang nakaawang ang aking labi nang inihawalay niya ang kanya. Hindi na ako nakasagot pa at napairap nalang.

Dumeritso kami sa kanilang hacienda. Pumasok kami ng loob. Dala dala ni Uno iyong isang box kung nasaan ang mga bote. Sinalubong naman kami ni Lolo Dancio at may pag-aalala ang mukha.

“Sir Uno, nasa may garden si…” Napatingin si Lolo Dancio sa akin. Napabuntong hininga si Uno bago binasa ang pang-ibabang labi at tumango. “Samahan mo muna si Aly sa kusina Mang Dancio. I’ll talk to that spoiled brat first.” Binalingan ako ni Uno. Hinaplos ang aking siko saka ako tumango bilang pagsang-ayon sa gusto niya.

Gusto ko mang lumabas at prangkahin ang pinsan ko na tigilan na ang kakapunta rito ay nagtimpi nalang ako. May nararamdaman si Uno para sa akin at naiinis ako sa tuwing dumidikit ang pinsan ko sa kanya. Naiinis ako pag naiisip ko na may gustong lumandi sa kanyang babae. Gusto kong ako lang ang kasama niya. Gusto kong ako lang ang makaramdam ng sayang pinaparamdam niya sa akin. Hindi ko matukoy kung saan nanggaling ang ganoong kagustuhan ko but I just want to keep him.

“Simula noong palagi kayong magkasama ni Sir Uno, palagi ko iyang nahuhuling tulala tapos biglang ngingiti. Mukhang napapasaya mo siya ng lubusan Aly.” Pagkukwento sa akin ni Lolo Dancio habang naghahanda siya ng meryenda. Ako naman ay tinitikman iyong inilapag niyang dalawang slice ng cheese cake para sa akin.

“Masaya rin po ako sa tuwing kasama ko si Uno, Lolo Dancio.” Kagat-labi kong pinigilan ang ngiting gustong lumabas sa aking labi. Nahihiya ako sa pag-amin ko pero mas nahihiya ako pag nakita niya sa mukha ko na sobra sobra na ang sayang nararamdaman ko. Na umaapaw iyon.

“Bagay naman talaga kayo.” Namula ang pisngi ko. Itinuon ko ang aking tingin sa cake at ipinagpatuloy ang pagkain. Kaso agad iyong nakuha sa galit na boses ni Uno.

“Just leave, Lhuella.”

“Totoo ang sinasabi ko! Sige, magbulagbulagan ka! Pinsan ko siya at mas kilala ko siya!” sigaw pabalik ng pinsan ko na ikinatayo ko na sa aking inuupuan. Alam kong ako ang tinutukoy niya.

Mabilis ang hakbang ko. Tinatawag ako ni Lolo Dancio pero hindi ko ito pinakinggan at lumabas sa likod kung nasaan ang dalawa. Napalingon agad ang pinsan ko sa akin. Gulat ang mukha dahil nandito ako pero agad ring nawala.

“Kasama mo pala ang manggagamit kong pinsan, Uno?” Ngumisi ito ng nakakaloko. Mariing napapikit si Uno. Nahilot ang sintido niya. Malaki ang naging hakbang ko para lang makarating agad sa direksyon ng pinsan ko at sinampal ito ng malakas. Gulat ang kanyang pagmumukha. Sa sobrang lakas non ay umalingawngaw iyong tunog at nanghahapdi ang aking kamay. Mabilis akong hinawakan ni Uno sa beywang para awatin sa maaari kong sunod na gagawin.

“Huwag mo akong igaya sayo, Lhuella! Hindi ako kagaya mo na didikit sa kahit sino para pakinabangan sila!”

“Talaga! Eh anong ginagawa mo ngayon? Kaya ka dumidikit kay Uno dahil mayaman ito at kaya kang iahon sa kahirapan diba!” sagot nito pabalik na ikinalaglag ng panga ko. Si Lolo Dancio naman ang nasa kanyang gilid.

“Shut up Lhuella!” Si Uno.

“Sabihin mo ang gusto mong sabihin! Kilala ko ang sarili ko at alam kong wala akong ginagawang masama!” sigaw ko rin pabalik.

“Lhuella, tayo na. Ihahatid na kita sa labas.” Pagmamakaawa ni Lolo Dancio sa kanyang boses. Nailing ang pinsan ko. Nakay Uno ang tingin. “Hindi ka mahal ng pinsan ko Uno. Ginagamit ka lang niya. Kung ayaw mong maniwala, ba’t hindi mo tanungin si Lolo Dancio? Pati narin ang lola ni Aly?”

Napalunok ako ng laway sa pinagsasabi ni Lhuella. Para siyang sigurado sa pinagsasabi niya. Alam kong nasabi ko kay Lolo Dancio na hindi ko gusto si Uno pero hindi naman ako sigurado sa pinagsasabi ko.

Umalis ang pinsan ko. Pati si Lolo Dancio ay iniwan muna kami rito ni Uno. Kagat ang pang-ibabang labi ay sinikap kong itago nalang ang mga luha. Naiiyak na naman ako dahil sa galit. Anong karapatan niyang sabihin sakin ang mga bagay na iyon eh wala naman siyang alam!

Dinala ako ni Uno sa loob ng kusina at pinainom ako ng tubig.

“Feeling better?” May pag-aalala sa boses nito. Walang bahid sa kanyang mukha na naniniwala siya sa pinsan ko.

“Naiinis ako sa babaeng iyon. Simula noong bata pa ako ay palagi talaga kaming nag-aaway.” sabi ko.

“Just don’t mind her. Wala akong pakialam sa pinagsasabi niya.”

“Hindi naman kita ginagamit!” Naiiyak kong sumbong. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ayokong baka maniwala siya sa bagay na iyon. “Wala akong hangad na makuha yang kayamanan mo!” Napahikbi ako. “H-Hindi ako dumidikit sayo dahil sa p-pera mo…” Nabasag ang aking boses at nauwi sa paghikbi. Kinusot ko agad ang aking mga mata para pigilan ang luha sa pag-agos pero mukhang malabo ko iyong mapatigil.

“Naniniwala ako sayo. I know you. Walang makakapagpabago ng isip ko Aly. Kahit hindi mo man ako gamitin, magpapagamit parin ako dumikit ka lang sakin.” Hinawi niya ang dalawa kong kamay sa aking mga mata at siya mismo ang pumunas ng aking pisngi. Humihikbi ako at parang batang humahagulhol sa iyak. Natawa si Uno sa panonood sakin.

“Stop crying.” Hinalikan niya ang aking pisngi. Pagkatapos ay ang dalawa kong mata. Napapikit ako sandali at sinisikap na tumahan.

“Hindi ako naniniwala kahit pa buong mundo ang magsasabi ng bagay na iyon sa akin Aly. Ikaw lang ang paniniwalaan ko.” paliwanag niya at niyakap ako. “Stop crying…” Mas humigpit ang kanyang yakap. Ramdam ko ang kalabog ng kanyang dibdib at ang mainit niyang katawang pinapatahan ako.

Tiningnan niya akong muli at natawa na naman. “You’re such a cutie…” Napanguso ako at sinapak ang kanyang dibdib. Umiiyak na nga ako ganyan pa siya. Niyakap niya nalang akong muli.

Nanatili kami sa loob ng swing na upuan. Nakayakap siya sa akin habang nakasandal naman ako sa kanyang dibdib. Tahimik lang ako at hindi alam kung paano iaalis sa isipan ang mga pinag-iisip ko. Natatakot ako, na baka isang araw ay magising nalang ako na galit si Uno sa akin. Na baka maniwala siya sa loka loka kong pinsan at itaboy niya ako. Iniisip ko palang iyon ay naninikip na ang dibdib ko.

Oo, hindi ko pa inaaming mahal ko si Uno. Pero alam kong may nararamdaman ako para sa kanya. At siya mismo ang nagsabi sakin na makakapaghintay siya. Ayoko munang pumasok sa isang relasyon dahil gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral dahil iyon ang gusto ni Lola sa akin. Bukod rin sa gusto niya akong maging masaya. Hindi naman kasi dapat minamadali ang isang bagay, at sa mura kong edad ay parang hindi ko pa kayang pumasok agad sa ganoon. Naiintindihan naman iyon ni Uno pero sa ugaling meron ang pinsan ko, doon ako natatakot.

“Paano kung…” Natigilan ako sandali. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy. “Paano kung totoo iyong sinasabi ni Lhuella, anong gagawin mo?” Kahit nakakaramdam ako ng takot sa maaaring isagot nito ay gusto ko paring malaman.

“Sinabi ko na sayo, magpapagamit ako sayo kung kinakailangan dumikit ka lang sakin. Use me until we get old, until our last breath..” Hinuli niya ang aking kamay at ipinagsalikop iyon sa isa’t isa. Inangat niya ito at hinalikan ang likod.

“Kahit hindi kita mahal?” I tested.

“I’m going to teach you how to love me. You’ll eventually learn that.” Puno ng kasiguraduhan niyang sabi.

“Paano kung hindi ako matuto?”

“I’m still going to push it.” Hindi sumusuko nitong sagot.

Ngumuso ako. Tiningala ang mukha niyang kalmado. “Paano kung si Calvin pala–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mabilis na nasira ang kanyang ekspresyon at matalim akong tinitigan. “What are you saying again, Aly?” Matigas ang boses nito.

“Wala akong maalalang may sinabi akong tungkol kay Calvin. Wala talaga. Sino ba si Calvin?” Panunukso ko sa kanya at humagalpak ng tawa. Napailing siya. Binasa ang pang-ibabang labi at niyakap ako ng mahigpit.

“Stop making me jealous. I hate it…” Nagtanim siya ng maliliit na halik sa aking balikat hanggang sa umakyat iyon sa pisngi ko. “You know I always demand a kiss everytime I’m jealous.” Halos pabulong niyang sabi.

“Di ka naman dapat magselos.” Paninigurado ko sa kanya.

“That’s one of my signs Aly. I’m inlove and that’s inevitable for me.”

Chapter 22

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Calm down Uno

Naging busy si Uno nitong mga nagdaang araw. Naiintindihan ko na hindi naman bawat oras ay masasamahan niya ako. May buhay rin siya parehas ko. Nagpaalam kasi siyang pupunta siya sa syudad dahil may pag-uusapan daw sila ng papa niya. Tatlong araw siyang mawawala at ngayon ang balik niya. Siguro naman, dederitso siya rito?

“La, ano bang pwedeng bilhin? Pupunta ako ng bayan, medyo matagal tagal narin akong hindi nakakapunta roon e,” Wala sa sarili kong sabi pagkatapos naming icheck ang mga gulay. Kapwa na kami nakaupo sa Rest House. Nagkakape siya habang ako naman ay nakaupo lamang, malalim ang iniisip.

“Nagdadahilan ka pa talaga. Gusto mo lang dumaan sa hacienda. Ba’t hindi mo puntahan? Hindi naman pwedeng babae palagi ang sinusuyo. Dapat, give and take!” Payo sa akin ni Lola. Ngayon ko lang napansin, mas lumalabas na ang kanyang kulubot sa mukha. Iyong buhok niya ay nabibilang nalang ang itim. Sa 80 niyang edad, nakakamangha na malakas parin ito. Gawa kasi ng healthy lifestyle niya. Ang ehersisyong ginagawa araw araw sa pagpunta rito at ang pagkain ng masustansyang gulay.

“Busy po siya e, alangan naman kulitin ko! ’Tsaka baka magpapahinga iyon dahil sa pagod galing byahe…”

“Edi puntahan mo lang dahil gusto mong makita.” Inangat ni Lola ang kanyang tasa at sumimsim roon habang nasa akin ang tingin.

Pinasadahan ko ng kamay ang aking mesyo kulot na buhok na sumasabog gawa ng hangin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto kong pumunta roon, pero may parte rin sa akin huwag nalang. Hintayin nalang itong bisitahin ako.

“Alam kong pinayuan kitang huwag maging desperado sa isang lalake, Aly. Simula noong bata ka pa, tinuruan na kita kung paano ang isang desenteng babae. At habang lumalaki ka naman, saksi ako na sinusunod mo naman ang payo ko. Pero apo, hindi napipigilan ang pagtibok ng puso. Huwag mong ibase lahat sa senyales. Huwag mong pigilan ang sarili mong maging masaya.”

“Eh sabi naman po ni Uno ay maghihintay siya!” Biglaan kong pag-amin na ikinangisi na ni Lola. Ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko. Mariin akong napapikit at napatingala hawak hawak ang noo. Parang lalagnatin ako sa mga nangyayari.

“O, edi nagkakamabutihan na pala talaga kayo! Noong nakaraang araw, nag-uusisa pa naman si Lhuella sa inyo. Nagtatanong kung anong meron sa inyo ni Uno. Ang alam ko, hindi mo iyon gusto kaya iyon ang sinagot ko. Mukhang may gusto rin iyong pinsan mo kay Uno.”

Naimulat kong muli ang aking mga mata. Kaya pala nabanggit ni Lhuella na tanungin daw ni Uno si Lola para makumpirma niya na hindi ko naman talaga ito mahal. Hindi ko na iyon pinoproblema pa. Ang mahalaga, nasa akin ang tiwala ni Uno. Wala siyang pakikinggan kundi ako lang.

Iginala ko ang tingin sa lupain. Naiimagine ko na ang magiging kinabukasan nito. Lalawak ang pananim namin ni Lola at may mga trabahador na kami. Itong Rest house ay palalakihin ko rin. Kung pwede, magtatayo narin ako ng bahay dito.

Sa kabila ng pinag-iisip ko, bigla akong may nakitang isang masayang pamilya. Mga batang naghahagikhikan habang naghahabulan. Isang babaeng nakabistida ng kulay puti at sumasayaw sa ere ang buhok gawa ng hampas ng hangin. She’s smiling from ear to ear while her husband is hugging her from her back, laughing with her. Isang pamilya na pinapangarap ko. At sa pagiging ambisyosa ko, nakikita ko ang lalake bilang si Uno. The way he laughs with our children tapos maghahabulan na naman. I can imagine my life, in a simple way, with him.

Hindi ko na binanggit pa kay Lola ang away na naganap sa amin ni Lhuella. Iniiwasan kong bigyan siya ng sakit sa ulo dahil alam kong matanda na siya at hindi narin naman ako bata. Malaki na ako. Gusto ko nang maging mature sa buhay at isipin lamang ang makakabuti sa aming dalawa.

Tirik na tirik ang araw kinaumagahan. Tinanggal ko ang sombrerong suot at pinahiran ang noo dahil sa iilang butil na naroroon. Bukas kasi ay maghahasvest ulit kami kaya kailangan na naming icheck kung gaano karami ang pwedeng iharvest.

Nilingon ko si Lola sa Rest house, nakaupo siya roon at nagpapahinga. Gusto ko sanang akuin lahat ng trabahong ginagawa niya pero ayaw niya naman akong payagan. Kaya nga gusto ko, sa tamang panahon ay pagpapahinga nalang ang gagawin niya at wala nang iba.

Pagkatapos ko sa gulayan ay nakapagdesisyon rin akong umuwi. Nadaanan ko iyong maisan ni Mang Rudy. Natanaw ko agad siya roon, busy na naman sa kanyang pananim.

“Hi po, Mang Rudy!” Masigla kong bati sa kanya sanhi para mapalingon agad ito sa akin.

“Oh, Aly? Mag-isa ka ata. Si Sir Uno?”

“Uh, busy po e,” sagot ko. Nag-iba agad ang timpla ng hitsura nito pero hindi naman iyon nagtagal at nabura rin.

“Pumupunta ka pa ba sa bayan?” tanong nito.

“Hindi na nga e. Hindi na kasi ako nagdedeliver doon ng mga gulay, Mang Dancio. Hindi rin naman ako gastador kaya hindi ko rin magawang pumunta roon.” Paliwanag ko sa kanya na ikinatango tango nito.

“Kilala kita Aly. Simula noong bata ka pa, kahit ninanakaw mo minsan ang aking maisan, alam kong mabuti kang bata. Saksi ako sa paglaki mo. Mabait ka.” Makahulugan nitong sabi sa akin na ipinagtaka ko. Hindi ko matukoy kung ba’t bigla nalang iyong sinasabi sa akin ni Mang Rudy. Matagal narin naman iyong tinulungan namin siya ni Uno. Baka naman ay hindi parin natatapos ang pagpapasalamat niya?

“Mang Rudy naman! Purket tinulungan lang kita noong nagkasakit ka ay magdadrama kana! Sige ka aabusuhin ko yang kabaitan mo. Nanakawin ko na talaga lahat ng mais mo!” Pagbibiro ko na ikinatawa nito.

“Kahit kailan puro ka biro hindi naman tinotototoo. O siya, teka lang at bibigyan kita ng mais para naman may mailuto kayo ni Sir Uno.”

Lumiwanag agad ang mukha ko sa narinig. May rason ako para puntahan si Uno sa hacienda nila!

Nahihiya kasi akong pumunta roon para lamang makita siya. Pakiramdam ko, katulad na ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Pumupunta lamang doon para magpasikat.

Dala ang isang basket ng mais ay nagtungo ako sa hacienda. Napadaan akong muli sa kanilang lupain. Binati ako ng iilang trabahador doon. Binati ko rin sila pabalik ’tsaka ako nagtungo sa hacienda.

Nasa may gate palang ako ay nakita ko na ang iilang babae na nasa loob. Kausap silang lahat ni Uno. Sa pagkakaistima ko ay nasa apat ata iyon.

Nag-alangan akong tumuloy sa paghakbang. Nanatili akong nakatayo at nagdadalawang isip tumuloy. Busy siya sa lupain, at sa mga babae. Iyon agad ang naisip ko.

Dumako ang tingin ni Uno sa akin. Napakurap siya at mabilis na umalis sa harapan ng iilan para puntahan ako. Iyong ibang babae naman ay nilingon na ako at iritang irita ang mga mukha. Hindi ko alam kung bakit pero sanay na ako. Alam kong naiinggit sila dahil mas pinapaboran ako ni Uno. Mas inuuna ako nito at mas binibigyan ng atensyon.

“Aly–“Pinapabigay ni Mang Rudy. Sobra mo atang busy no? Pansin ko talaga. Kakarating mo lang tapos…” Nilingon ko ang iilang babae. Pati siya ay nilingon narin ang mga ito.

“Yes, I am busy.” sagot niya na ikinabusangot ng mukha ko. Marahas kong ibinigay sa kanya iyong basket. Tumama pa iyon sa tiyan niya pero hindi ko na pinansin. Tumalikod na ako pagkatapos niya iyong makuha. Tatlong araw siyang busy pero ba’t nagagawa niya pang mang-entertain? Hindi naman sa nagseselos ako… pero busy siya! Dapat, wala siyang kinausap!

“Aly!” Hinila ako ni Uno patungo sa kanya.

“Uuwi na ako! Busy rin ako! Sadyang naglaan lang ako ng kaonting oras para ihatid yan sayo!” Pagsusuplada ko na ikinangisi niya. Kagat ang pang-ibabang labi, hinuli niya ang aking kamay at ipinagsalikop iyon sa kanya.

“Nagpapakabusy ako para mapuntahan mo rito kaya hindi ka pwedeng umuwi agad.” Humalakhak siya habang hinihila ako papunta sa hacienda. Nalaglag ang aking panga. Ibig sabihin…

“Hoy animal ka! Akala ko sobrang busy mo! Akala ko pagod ka sa byahe! Kailan ka nakauwi?!”

“Kani-kanila lang.” His smirk grew even wider. Nalinlang ako!

Bumusangot ang aking mukha. Iyong apat na babae ay nalagpasan ko na. Nasa may veranda na kami habang sila ay nasa bakuran. Masama ang kanilang tingin sa kamay naming magkahawak, lalo na sa akin.

“Hindi parin ba siya kontento?” Mataray na sabi ng isa sa kanila. Binalingan ko sila. Alam kong ako ang tinutukoy nila pero hindi ko lang alam kung ba’t nasasabi nilang hindi ako kontento?

“Girls, leave now. Hindi naman Mall ang hacienda para madalas kayong pumunta rito. Just focus on your studies.”

Napanguso ang iilan sa kanila at umalis rin. Pansin ko nga ay kaedad ko iyong iba tapos may iba namang mas matanda pa sa akin. Sa pagkakaalam ko, mga tagabayan ang mga iyon. Hindi kasi pamilyar ang kanilang mukha. Hindi ko sila namamataan rito.

Ibinigay ni Uno ang basket sa katulong para malaga ito saka niya ako hinila sa garden nila. Hindi palang kami nakakaupo ay niyakap niya na ako ng mahigpit. Sa sobrang higpit ay mababali ata ako.

“I missed you…”

Napangiti ako palihim. “Namiss rin kita.” bulong ko at inamoy ang kanyang balikat.

“Natagalan ako sa syudad. My Dad got mad…”

“Huh?” Inaninag ko ang kanyang mukha. Bumuntong ng hininga si Uno, kumikislap ang mga mata. “Bakit?”

“May dumating lang na balita sa kanya. I already told him it’s not true. Aside from that, naghahanap rin ako ng pwede niyong tirahan doon ng lola mo pag doon kana mag-aaral. I bought a condominium–“Uno!”

“I am planning to buy a condominium and I know you won’t like that idea so I’m not going to spend my money. Tama ako diba?” Pag-uulit niya. Pinaningkitan ko siya ng mata. He chuckled and pinched my nose.

“Come on, I missed you. Wala man lang bang…” Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi saka siya napanguso.

“Di ka nanghingi roon sa apat na babae?”

Ngumisi siya. Nakagat ang pang-ibabang labi at humalakhak. Tuwang tuwa sa sinabi ko.

“Hmm, so you’re jealous?”

“Hindi ah! Dapat, sa halip na makipagdaldalan sa kanila ay nagpahinga kana lang. At bakit ba palaging nakabukas ang inyong gate? Ayan tuloy, kahit sino sino ang pumapasok.” Deklara ko na mas ikinangisi niya.

“Hmm, okay. I’m going to lock the gate for you to stop getting jealous.”

“Oo dapat lang–Hindi nga ako nagseselos!” Agad kong pagbawi nang mapagtanto ang sinabi niya. Sinapak ko ang kanyang dibdib. Hinuli niya lang iyon saka sinalubong ang labi ko ng kanya. Binigyan niya ako ng isang malalim na halik na nagpabura ng pinag-iisip ko. Ang magkasalubong kong kilay ay unti unti nang huminahon.

Humiwalay siya. “Nagseselos ka parin?” Nagtaas siya ng kilay sa akin. Nanunukso ang tingin at nambibitin pa. Wala sa sarili akong tumango. Lasing na lasing ako sa kanyang halik at hindi ako makontento roon.

Humalakhak siya at hinalikan akong muli. Tumagal iyon ng ilang sigundo. Napangisi ako hanggang kapwa kami natawa.

Umupo kami sa loob ng swing. Nagkukwentuhan kaming dalawa. Kahit saan lang umaabot ang aming pag-uusap. Ilang araw rin kasi kaming hindi nagkita. Parang may butas sa aking puso sa lumipas na tatlong araw at gusto kong punan iyon dahil sa pangungulila ko sa kanya.

“Sigurado ka bang hindi mo talaga binili?” Umiling siya, parang batang tinatanong ng magulang at natatakot na baka maparusahan ito.

“Uhm, anong balitang umabot kay Don Israel? Ba’t nagalit?”

“Tungkol sa lupain. Akala niya pinapabayaan ko. You don’t have to worry. Oo nga pala, kung may bibilhin ka sa bayan ay sabihin mo nalang sa akin. Ipapautos ko na kay Mang Dancio.”

Anong meron sa bayan? Pati si Mang Rudy ay nabanggit rin iyan. Kami lang ata ni Lola ang hindi updated. Paano ba naman, busy kami sa lupain. Tumango nalang ako kahit na nagtataka ako. Hindi naman ako mausisa at hindi nagsasayang ng oras sa mga walang kabuluhang bagay.

“Doon ba sa syudad, nakailang girlfriend ka?” tanong ko. Nacucurious kasi ako.

“Hindi ko matandaan. Why?”

Hindi matandaan o hindi mo mabilang?

“Wala lang. Curious lang ako. May babae ba na hindi mo napasagot sayo?” Alam kong wala siyang babaeng hindi napasagot. Knowing Uno, baka nga siya pa ang nililigawan. Siya ang nangrereject.

“Hmm, there’s this one girl who dumped me because she likes my brother.”

Napakurap ako. Sino sa mga kapatid niya?

“Sino sa mga kapatid mo?” Imbes na sagutin ako ay ngumiti lang siya. Hinalikan ang aking noo at hinaplos ang aking pisngi.

“It doesn’t matter. Kung hindi rin dahil sa pagpaparaya ko, wala ako dito.”

Natahimik ako roon. Alam ko kasing namumula ang aking pisngi kaya isiniksik ko nalang ang aking mukha sa kanyang dibdib. Simula noong palagi kong kasama si Uno ay nagiging clingy na ako. Hindi na ako natatakot na magdikit ang aming balat. Hindi na ako natatakot na hawakan niya ako. Hindi katulad noon na iniisip ko agad ang habilin ni Lola, pero ngayon… ako na mismo ang gumagawa ng mga kilos.

Parte siguro ito ng pagdadalaga ko. Nagbabago ang aking pananaw sa ganitong bagay at natututo na akong magdesisyon para sa sarili ko. Alam kong medyo malayo ang agwat ng edad namin ni Uno. He’s mature unlike me. Nakapagtapos na ng pag-aaral at ngayon ay nagtatrabaho na rito sa kanilang lupain. Tapos ako ay magcocollege palang. Pero alam ko namang wala sa edad ang pagiging mature. Maaga akong nagpakamature pero para imulat ang sarili ko sa estado ng aming buhay. Pagdating naman sa pag-ibig, hindi ko alam kung handa ba ako.

“Diba pag ginagawa iyong ano… ibig sabihin ay malaki na kayong dalawa at handa na?” tanong ko na nagpasalubong ng maitim at makapal niyang mga kilay. Perpekto iyong dumidipina sa kanyang malalim na mga mata.

“What do you mean?”

“Uhm, yung… ano… yung ginagawa ng mag-asawa. Yung… ’tsaka ng nagmamahalan…” Hindi ko mapangalanan ang bagay na iyon. At hindi ko alam kung ba’t natatanong ko sa kanya ang bagay na ito. Alam ko namang marami na siyang naikama. Saksi ako roon at alam kong marami na siyang karanasan. Pero nakakapagtaka parin, ba’t kaya ginagawa niya iyon sa mga kahit sinong babaeng makilala niya? Tapos naghihiwalay naman agad. Sabi pa naman ni Lola, dapat lang iyon sa mag-asawa. Ba’t ganito si Uno?

“Hmm… I get it. What about that thing ?”

“Diba ginagawa mo yun sa mga babae mo? Bakit?”

He sighed heavily. Parang nahihirapan sa isang bagay.

“Parte yun ng pagiging lalake ko Aly.”

“Bakit, pag hindi mo ba ’yon nagawa sa kanila, malaking kawalan ba sa pagkalalaki mo?”

“Hindi naman sa ganon. Plus, they’re game. At lalake ako. Hindi ako umaayaw sa ganoong bagay lalo na’t alam kong gusto ko rin iyon. Nasa babae iyan, kung ayaw niya ay hindi ako mamimilit.”

Napanguso ako. Hindi ko maimagine ang mga ganoong bagay dahil sarado ang utak ko sa ganoon. Naririnig ko iyon minsan sa mga kaklase ko at nababastusan ako. Siguro, sarado lang talava ang pag-iisip ko. Nilamon na ng pera ang aking utak at walang inisip kundi ang kumita. Marami ata akong hindi alam sa mundo.

“Kung game ako, edi game ka rin?”

Nagulat siya sa sinabi ko. Napaawang ang kanyang labi. He look at me unbelievably and starts caressing my waist.

“Drop this convo, please…”

“Bakit? Nagtatanong lang ako. Kung game ang babae, game ka rin? Iyon ang sabi mo e,”

His adam apple moved sexilly because of swallowing hard. Hindi alam ang isasagot sa akin at nanatiling nakaawang ang bibig.

“There’s a right time for that. Maybe, in the near future…”

“Mahal mo ba yung babae kaya mo ginaganon?”

“I can fuck someone without any feelings attach Aly. I’m sorry for being blunt but I don’t want to lie to you.” sagot nito at mukhang hindi na napigilan ang sariling deritsuhin ako.

Para akong kinilabutan sa narinig. Hindi ko masikmura iyong sinabi niya. Paano kung ako iyong babae? Edi kahit game ako, kahit wala naman siyang nararamdaman ay game rin siya?

Natahimik ako sa kanyang sagot. Siguro, masyado pa talagang bata ang aking pag-iisip at hindi pa bukas sa ganoon. Hindi ako komportable pero kasalanan ko rin naman dahil tanong ako nang tanong.

“I never tried making love. And I want it to experience with you.” Namula ang aking pisngi lalo na’t dinampian niya rin ng halik ang aking noo.

“A-Ano bang kaibahan nung sinabi mong ef sa make love? Eh parehas lang naman ’yon. Ikakama mo…” tanong ko sa maliit na boses. Nahihiya sa mga tanong. Nahihiya ako dahil mas namulat ako sa pagpupursigi at hindi man lang nabuksan ang isipan sa ganito.

“You’re doing it in a gentle way–”

“Edi kung mabilis hindi na mahal–“Aly.” Gulat ang mukhang saway niya sa akin. Natawa ako. Napapikit siya. Sumandal sa aking balikat at parang kinakalma ang sarili dahil naririnig ko rin siyang bumubulong ng Calm down Uno.

Chapter 23

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

I sang

lapit

“La, magkano ba ang magagasto pag nagpatayo ka ng isang magandang bahay?” Tanong ko sa aking Lola. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya sinamahan ko muna siya rito sa sala. May kung anong pinagsusulat ito at hindi ko alam kung ano iyon. Mapapagalitan niya lang ako pag nag-usisa ako. Diyan niya nililista ang mga gastusin niya. Ang bibilhin niya. Ang perang naipon niya.

“Bakit, nagsasawa kana sa munti nating bahay?”

“La, kaya nga ako nagpupursigi para makaahon tayo sa kahirapan. Sayang naman ang pera kung hindi gagastusin, ikaw narin ang may sabi!”

Nag-angat ito ng tingin sa akin, naninimbang.

“Malaki laki na ang kinita natin, La. Pwede namang sa Rest house muna tayo tumira–“At paano ang pag-aaral mo?” Putol niya sa akin, halatang hindi sang-ayon sa naiisip kong magtayo ng bahay.

“May sariling ipon po ako!”

Ibinaba ni Lola ang kanyang ballpen at isinara ang notebook. Mariin niya akong tiningnan na para bang may mali akong nagawa at gusto niya akong mahuli.

“Gamitin mo iyong pera para sa pag-aaral mo. Huwag mong alalahanin ang bahay. Nakakasilong pa naman tayo at may natutulugan. Bakit, naghahangad kana ng mas maganda dahil lang may iilang pera kana?”

“La naman! Hindi sa ganoon.” Napanguso ako. Hindi niya nakukuha ang pinupunto ko at akala niya ay gagastusin ko lang ito sa walang kwenta. Pangarap kong maitayo siya ng magandang bahay. Pero ba’t hindi niya gusto?

“Ganoon ang nakikita ko Alyssa. Bago ka muna maghangad ng ganoon, magtapos ka muna sa pag-aaral mo. Diba at pupunta ka pang syudad? Iyon ang gusto ng pinsan mong si Chanelle. At kahit ang asawa nito ay iyon rin ang gusto.” Lumabas ang iilang kulubot sa kanyang noo dahil sa pagkakasalubong ng kanyang kilay. Bakas sa kanyang mukha ang katandaan at ang mga mata nitong matalim ang tingin sa akin.

Hindi ko nagawang kumbinsihin si Lola nang araw na iyon. Hindi ko narin siya kinulit pa.

Paubos na ang aming brown rice kaya nakapagdesisyon akong bumili sa bayan. Nahihiya rin naman kasi akong pumunta sa hacienda at isabay iyon kay Lolo Dancio. Siguro ay bibilisan ko nalang ang pagpunta roon. Alam kong nag-aalala lamang si Uno sa akin dahil sa nangyari noong kasama ko siya sa bayan. Kamuntik na akong maaksidente. Wala akong maisip na rason kundi iyon lang, kung ba’t ayaw niya na akong pumunta roon. O baka naman dahil rin kay…

Suot ang isang puting bistida na may floral prints, nakatali sa bawat gilid ng balikat ko ang lace roon. Nakalugat ang aking buhok habang nakasakay kay Horsey. Maaga pa naman kaya hindi ito mahahalata ni Uno.

Pagdating doon ay napansin ko agad ang tingin ng iilan sa akin. Para silang nandidiri at may disgusto ang mga pagmumukha. Hindi ko alam kung ba’t bigla akong kinabahan. O siguro, imahinasyon ko lang iyon. Alam ko namang marami ang may hindi gusto sa akin. Pero iyong pati ang matatanda ay iba rin makatingin, parang may mali.

Bumili ako ng brown rice. Iyong babaeng saksi sa pagtatalo namin ni Uno ang nagbigay sa akin. Pansin na pansin ko ang paninitig niya sa aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit kaya napayuko rin ako para tingnan iyon. Wala naman akong maling makita…

“Hindi mo kasama si Sir Uno?” Makahuluga nitong sinabi. Bago paman ako makasagot ay may idinugtong agad siya. “Nagsawa na? O baka naman, masyado kanang nagpapapresyo Aly.” Nagkasalubong ang aking kilay. Natutop ang aking labing nakaawang kanina. Hindi ko alam kung anong mararamdaman mo, maiinsulto ba o magtataka sa pinagsasabi niya.

“Po?”

“Nako, Aly. Kahit sinong nasa posisyon mo ay magiging desperada rin, kakapit sa patalim para lang makaahon sa kahirapan.” Tumatawa nitong sabi na ipinagsalubong na ng kilay ko. Hindi ko maalalang may ginawa akong labag sa loob ko para lamang magkapera. Dahil lahat ng iyon ay may kasamang pawis at pagpupursigi.

Umalis ako roon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagagalit at nagtataka. Naiinsulto ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Hindi ko mapunto ang kanyang pinagsasabi at hindi ko alam kung saan niya iyon napulot. Alam ng lahat dito kung gaano ako kapursigidong babae. Kilala nila ako hindi bilang isang White Lady, kundi bilang isang batang nagsisikap matulungan ang aking Lola. Pero ba’t pakiramdam ko, sa isang iglap ay nagbago ang kanilang tingin sa akin?

Napuno ng katanungan ang aking isipan habang wala sa sarili akong naglalakad. Ni hindi ko na napapansin ang dinadaanan ko sa mga pinag-iisip ko. Nagulat nalang ako nang bigla akong nabangga sa isang matigas na bagay. Kung hindi ako nito hinawakan sa aking braso ay natumba na sana ako.

“C-Calvin.” Gulat kong sabi. “Sorry. Wala ako sa sarili ko–“Sinadya kong humarang at halata ngang wala ka sa sarili mo.” Seryoso nitong sabi, nasa isang bulsa ang kamay habang ang isa ay nakahawak parin sa akin. Nakauniporme ito at mukhang papunta na sa kanyang eskwelahan.

Bumaba ang kanyang tingin sa aking tiyan katulad ng ginagawa sa akin ng iilan. Mas nabalot ng kyuryusidad ang aking isipan.

“Anong meron sa tiyan ko?”

“Ano bang meron sa tiyan mo?” Sarkastiko nitong tanong na ikinabusangot ng mukha ko. Wala naman talaga iyang naisasagot na matino. Kung hindi ka sasagutin ay susupladuhan ka. Diyan sa dalawa siya magaling!

“Hindi ko alam kung pang-ilan kana sa tumingin sa tiyan ko.” Paliwanag ko.

“Ba’t ngayon ka lang ulit napadpad dito? Dahil sa pambabakod ng Numerong iyon?” Medyo pagalit ang kanyang pagkakatanong pero kalmado lang naman ang mukha. Umiling ako. “Kasi may bago na kaming buyer ni Lola sa mga gulay namin kaya hindi na ako nagdedeliver ng gulay dito! Nakakatuwa nga kasi mas malaki ang bayad at hindi na ako nahihirapang magdeliver!” Masigla kong anunsyo sa kanya.

“Oo. Bali-balita iyan dito. Kaya umuwi kana. At kung pwede, huwag kanang bumalik.” Binitiwan ni Calvin ang aking braso. Hindi ko maintindihan kung ba’t niya iyon sinabi. Magtatanong pa sana ako kung hindi lang ito naglakad paalis.

“Calvin!” Tawag ko para sana mag-usisa pa pero para lang itong walang narinig. Nang nag-akma akong tawagin itong muli ay nakuha ng isang usap-usapan ang buo kong atensyon.

“Nako kay landing babae pala nitong si Aly! Nagsawa na ba doon sa Buenventura at si Calvin naman ang huhuthutan?” Natigilan ako roon.

“Akala ko talaga inosente iyang si Aly. Diba lahat ng nanligaw sa kanya ay binasted niya?” sabi nito sa isang matigas na boses.

“Yun na nga eh. Hindi siguro kasingyaman ni Uno kaya ayun, hindi pumasa. Alam mo namang iyan, gagawin ang lahat magkapera lang. Hindi ako makapaniwalang nagparaya si Lhuella dahil hindi niya kayang ibigay ang naibibigay ni Aly. Biruin mo, inihotel siya pagkatapos ay isang malaking kompanya na ang naging kliyente?”

“Mukhang hindi naman ata nabuntis. Hindi ata nagbunga ang ginawang kababalaghan sa Hotel.”

“Nang dahil sa pera, napasubo sa ganoong bagay. Nakakahiya naman ang babaeng ito. Nagagawang manggamit para yumaman lang. Hindi na pawis ang punuhan kundi ang kanyang katawan.” Napatingin silang dalawa sa akin. Mas lumalala ang disgusto sa mukha.

Kinilabutan ako sa mga narinig ko. Para akong binuhusan ng isang malamig na tubig, nagugulantang at hindi alam kung ano ang gagawin. Bago paman ako makapagreact ay hinila na ako ni Calvin paalis doon. Nakaigting ang panga nito habang malalaki ang hakbang. Naaaninag ko ang galit sa kanyang mukha sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata.

“Ang sabi ko ay umuwi kana. Ang tigas rin ng ulo.” Galit nitong sabi. Mariin akong napapikit at nagpapatangay lamang sa panghihila ni Calvin. Anong klaseng tsismis ang pinagkakalat ng pinsan ko? Na nagparaya siya dahil hindi niya magawang pantayan ang ginagawa ko?! Ano na naman bang ibinibintang niya sa akin?!

Galit na galit ako at ramdam ang mainit na likidong lumabas sa mga mata ko. Umaagos ang aking luha dahil sa galit na nararamdaman. Gusto kong sugurin ang pinsan ko at prangkahin siya sa pinagkakalat niyang balita. Kaya ba ganoon nalang kadisgusto ang tingin sa akin ng mga tao? Ganoon nalang sila kung mandiri sa akin? Dahil akala nila, pumayag akong magpahotel, na ginamit kong pambayad ang aking katawan kapalit ang yaman ni Uno?!

“If you’re just using your head Aly–” Natigilan si Calvin nang nakita akong humihikbi na. Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyan o dahil sa panggigigil ko sa aking pinsan. Gusto ko siyang saktan sa lahat ng naiisip kong makakapagpamulat sa pagiging kontrabida niya. Ni minsan, hindi ko siya ginanito kahit gaano pa kasama ang kanyang ugali. Hindi ko siya siniraan sa maraming tao! Tanggap ko lahat ng sasabihin niya sa akin, pero iyong ipagkalat niya ang mali maling balita ay isang malaking insulti na sa akin!

Marahas na napabuntong ng hininga si Calvin. Hinila akong muli. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa luha. Nakalabas na kami ng bayan at wala nang gaanong tao. Tumigil siya sa kalagitnaan. May dinukot sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang panyo.

“Kung hindi naman totoo. Ba’t mo iniiyakan?” Inis nitong sabi. Ramdam kong hindi siya naniniwala sa kumakalat na balita, na katulad ni Uno ay kilala niya ako at hindi ako ganoong klaseng babae.

“D-Dahil masakit sa akin ang mahusgahan ng ganoon! P-Para akong isang maruming babae sa tingin nilang l-lahat!” Nabasag ang aking boses. Kailanman, hindi ako nakaramdam ng ganito katinding galit sa pinsan ko, ngayon lang talaga. Kung noon ay away bata lamang, ngayon ay sinusumpa ko na siya na sana ay lamunin siya ng lupa at mahulog siya sa impyerno.

Humalukipkip siya, nasa akin ang tingin. Masyadong misteryoso ang kanyang malalim na mga mata at hindi ko mapunto kung ano ang iniisip nito.

“Anong ginawa niyo sa hotel, kung ganoon? Nagsimba?”

“K-Kumain lang kami!”

“Anong kinain niyo?”

“Sa R-Restaurant! Hindi ko alam ang pangalan basta maganda yung plating! May maliit pa na dahon sa gilid! H-Hindi ko naman kabisado ang ganoong p-pagkain dahil sanay lang ako sa brown rice at tuyo! Sa kamote! K-Kaya ba’t mo ako tinatanong kung anong kinain namin?!” Mas humagulhol ako. Parang bata akong ngumawa sa kalagitnaan ng kalsada kung nasaan kami. Lupa iyon at hindi simentado kaya kung may dadaan ay maaalikabukan talaga kami.

Halata ang pagpipigil ng tawa nito, hindi ko alam kung bakit. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.

“Mahal mo ba?”

Doon ako hindi agad nakasagot. Hindi ko alam kung ba’t nasali iyon sa mga tanong niya.

Nang napansin niyang natagalan ako sa pagsagot ay tiningnan niya akong muli. Pero sa oras na ito ay seryoso na ang pagmumukha. Wala nang bakas roon na natatawa siya sa akin kanina.

“Mahal mo?”

“B-Bat ka nagtatanong ng ganyang kla–“Oo at hindi lang Aly.” Putol niya, suplado na naman ang mukha at nagpipigil ng galit.

Napalunok ako ng laway, suminghot at iginala ang tingin sa ibaba ko. Para akong may hinahanap na hindi ko matagpuan.

“Kaya ka naaakusahang manggagamit dahil kahit ikaw, hindi mo naman nililinaw ang nararamdaman mo. Alam ng lahat kung gaano ka kapihikan sa lalake, Aly. Kung paano ka umiiwas at mas pinapriority ang pagtatrabaho kaysa ang mang-entertain ng lalake. Pero sa isang iglap, dumating lang ang lalakeng iyon, nabali na ang prinsipyo mo. Dapat na ba akong makipagkompetensya kung ganoon?”

Isang malamig na hangin ang umihip sa pagitan namin. Nanuyo ang aking lalamunan at natigil sa paghikbi. Nagtatanong ang aking mga mata dahil sa pinagsasabi ni Calvin.

“Do you even know the word love, little girl?” Matigas ang pagkakasabi ni Calvin. Na sa paningin niya ay masyado pa akong bata sa ganitong bagay sa mura kong pag-iisip. Na wala pa ako sa tamang edad. Na ganoon parin ang tingin niya sa akin sa larangan ng pag-ibig.

Hindi ko na masagot si Calvin. Nawiwindang ako sa lumalabas sa kanyang bibig. Natatamaan ako sa bawat binibigkas niya.

“Burahin mo nalang lahat ng narinig mo at huwag nang bumalik pa rito. Hindi mo mababago lahat ng tingin nila sayo, pero ang mahalaga ay kilala mo ang sarili mo. Na wala ka namang ginawang masama.”

Kagat labi akong napatango. May punto siya. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga pinagsasabi nila. Pero iyong galit ko sa aking pinsan ay nasa hangganan parin. Siya lang ang makakalinis ng aking pangalan, na kung pwede ay pati siya linisin ko. Sasabunan ko ang kanyang maruming utak at mukhang kinakalawang na kaya hindi niya na nagagamit ng maayos.

Pagkatapos kong pumunta sa bayan ay umuwi rin ako. Nakatikim pa ako ng pangaral kay Calvin na late na raw siya sa klase niya. Inihatid ko lang ang binili kong brown rice sa bahay saka rin ako nagtungo sa Rest House. Sinalubong agad ako ng makahulugang tingin ni Lola.

“Hindi kayo magkasama ni Uno?” tanong nito, umiling ako.

“Nandito siya kanina pa. Ang sabi ko ay pumunta ka sa bayan para bumili ng bigas. Sinundan ka niya. Hindi kayo nagkita?”

Nakaramdam ako ng kaba. Napalunok ako ng laway at umiling muli. Bigla kong naalala ang pagbabawal niya sa akin sa bayan. Dahil ba pinagtatakpan niya ang mga balitang kumakalat doon? Alam niyang walang nangyari. Pero, anong tawag doon sa muntikan nang ginawa namin?

Mabilis kong pinatakbo ang kabayo. Pinuntahan ko si Uno sa kanila. Nadatnan ko si Lolo Dancio, namumutla at nag-aalala ang iginawad na tingin sa akin.

“Nasa likod Aly. Pupuntahan mo ba? Mukhang bad mood. Nabasag iyong vase dahil sa marahas niyang pagpasok sa bahay.” Nilingon niya ang pintong nakabukas at napatingin narin ako roon. May mga katulong na may kung anong nililinis sa sahig.

“Kakausapin ko lang po, Lolo Dancio.” Tumango ito.

Pumasok ako. Iniwasan ko pa iyong iilang kapirasong basag. Alam kong antigo ang mga kasangkapan nila at nasasayangan ako dahil malaki ang presyo ng vase na iyon.

Imbes na isipin kung ilang zero ang meron sa vase, hinugot ko ang buong lakas ko at itinulak ang pintong nag-uugnay sa labas. Siguro ay magpapanggap nalang ako na wala akong narinig. Kaya niya ako pinagbabawalan doon dahil baka masaktan ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko nalang iyon ipapahalata sa kanya.

Nadatnan ko siya sa loob ng swing na upuan. Nakahalukipkip siya roon at parang batang nagtatampo. Pero sa kabila nito, naiintimidate ako dahil sa seryoso niyang mukha. Para siyang may nakitang ikinakagalit niya nang lubusan.

“Uno…” Tawag ko rito. Hindi siya lumingon. Nanatili ang ekspresyon sa mukha.

“Where did you go? Wala ka sa Rest House niyo.” Matabang nitong pagkakatanong.

“S-Sa bayan.”

Mabilis siyang napalingon sa akin, ngayon ay nakikita ko na ang galit sa kanyang mga mata.

“Hindi ba malinaw ang sinabi ko sayo, Aly? Sinong kasama mo?”

“M-Mag-isa lang ako…” Napayuko ako. Mariin akong napapikit dahil sa galit niya.

“Mag-isa? Sigurado kang mag-isa ka? Hindi mo kasama iyong tindero ng barbeque?”

Napanguso ako. Ibig sabihin, pumunta nga siya sa bayan?

“Hahalikan na ba kita dahil nagseselos ka?” Tanong ko habang nakayuko, hawak hawak ang tela ng aking bistida at parang pinipisil iyon.

Hindi agad ito nakasagot. Hinihintay ko nalang ang boses niyang galit. Ilang minuto rin ang dumaan saka siya bumuntong ng hininga.

“Get in.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wala sa akin ang kanyang mga mata kaya pumasok nalang ako. Dederitso na sana ako sa tabi niya nang bigla niya akong hinila hanggang sa nahulog ako sa kandungan niya. Nasa gilid ang aking dalawang hita at nakasayad sa sahig ang dalawang paa. Nakaharap ako sa kanya ng buo habang ang kanyang kamay ay nasa likod ko para maging suporta ng likod ko. Iyong isa naman ay nasa daliri ko na. Hinahawak-hawakan niya iyon at nilalaro sa mga daliri niya, nasa akin parin ang pares ng mga mata.

“Ba’t hindi mo man lang sinabing pupunta ka sa bayan? Edi sana nasamahan kita.” sabi niya sa isang mahinahon na boses. Kahit ang kanyang mga mata ay normal na.

“Hindi ka naman papayag. Hindi na ako bata Uno. Kaya kong pumunta sa isang lugar nang hindi napapahamak.” Pagtatakip ko sa aking sarili, para maipamukha ko sa kanyang wala parin akong ediya sa kumakalat na balita roon.

“So you’re telling me you’re already a grown up young lady who doesn’t need a guardian is that it, Aly?”

Dahan dahan akong tumango kahit na hindi naman sigurado.

“Malaki na ako Uno!”

“You’re still a baby for me Aly.” He said in a baritone yet seductive voice. Napasinghap lamang ako. Hindi alam kung paano magrereact sa pagiging cheesy niya.

Binasa niya ang pang-ibabang labi. Nalaglag ang kanyang tingin sa aking kandungan kung nasaan ang mga kamay namin. Ipinagsalikop niya iyon.

“Anong napag-usapan niyo ng lalakeng iyon?” Seryoso niyang tanong sa akin, halatang nagpipigil na naman ito ng galit at gusto munang pakinggan ang paliwanag ko bago magreact.

“Ano, uhm…” Nagkasalubong ang kilay ni Uno dahil sa pag-aalangan ng sagot ko. Hindi ko rin kasi alam kung paano ufifilter iyong pinagsasabi ni Calvin lahat. Lahat kasi iyon, puro direkta at tungkol sa balitang kumakalat. Maliban doon, ang sinabi niyang naiiba lamang ay ang pakikipagkompetensya kay Uno. Hindi ko talaga alam kung bakit.

“What is it, Aly?” Tanong muli ni Uno sakin.

“N-Nagtataka lang siya ba’t daw hindi na ako pumupunta sa bayan.” Nag-iwas ako ng tingin. “Y-Yun lang naman.”

He groaned. Nag-aalab ang tingin at may galit sa mga mata sa kabila ng kalmado niyang ekspresyon.

“Isang lapit pa sa kanya at aangkinin na kita. Mamarkahan kita at sisiguraduhin kong makikita niya ang resulta sa tiyan mo. Ipapamukha ko sa kanya na ako ang nagmamay-ari sayo.”

Chapter 24

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Dumistansya ka

Nasa hacienda parin ako nila Uno. Ang ibinigay niyang isang supot ng kung ano ang kumuha ng atensyon ko.

“Ano ’to?” Binuksan ko ang kulay brown na supot at nakita ang maraming buto sa loob.

“Since you love flowers, you can plant that outside your Rest House. That’s the seed of sunflowers I bought when I was in the City.” paliwanag niya na ikinaliwanag ng mukha ko.

“Sunflowers?! Yung magagandang bulaklak na nakita natin doon sa dulo?!” I can’t help not to overeact. Nawiwindang ako.

Tumango siya kagat ang pang-ibabang labi, namamangha sa naging reaksyon ko.

Napanguso ako. Bago paman ako makapagsalitang muli ay inunahan niya na ako.

“Stop thinking about the money I spent, Aly. Para sa akin, barya lang ang mga iyon katumbas ng sayang naibibigay ko sayo. Mas mahal ’yon.” Malumanay niyang sabi.

Para akong nakahawak ng isang grounded na kuryente at mabilis na kumalat ang nakakakiliting pakiramdam sa akin. Uno’s words were electrifying me at hindi ko alam kung paano itatago ang namumula kong pisngi.

He chuckled and caressed my cheek. Nandito parin kami sa loob ng swing.

“Hmm, I know you’re going to like it. Do you want to plant this now?” masuyo niyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang aking pisngi na para bang may binubura siya doon.

“Sige…”

Pumunta kaming dalawa ni Uno sa Rest House. Nakakapagtaka at wala si Lola roon sa gulayan. Siguro ay umuwi ito ng maaga. Baka nasa bakuran na naman iyon at nagbubungkal ng lupa para may matamnan na naman siyang pananim.

Ginala ko ang tingin sa kabuuan ng lugar. Maliit lang naman ang lupain ni Lola kaya matatanaw mo talaga ang nasasakupan nito.

“Wala nang espasyo e,” Bumusangot ang mukha ko nang napuno na ng gulay ang lupain. Kakatanim lang rin kasi namin ni Lola noong nakaraan.

Iginala narin ni Uno ang kanyang tingin. Kahit ang Rest House ay tinitigan niyang mabuti.

“Anong meron sa likod?”

“Uhm, maraming damo?”

Tumaas ang kanyang kilay, parang may naiisip itong ediya. Hinawakan niya ang pulso ng aking kamay at dinala ako sa loob ng Rest House. May isang pinto na nag-uugnay sa likod. Kaso hindi ko iyon madalas binubuksan. Nabubuksan lamang iyon sa tuwing may mga damo rin kaming naputol sa harapan at doon tinatambak. Kaya masasabi ko talagang hindi patag at para nang isang kagubatan.

Pagdating namin sa likod ay kapwa kami natigilan. Katulad ng sinabi ko, marami ngang damo. Naukupa na nito ang kabuuan. Baka nga ay may ahas na riyan.

Nagkatinginan kaming dalawa. Napangiwi ako. “Hindi patag…”

“That’s not a problem.” Uno smirked at me bragging his handsome face. Hindi ko na alam kung ano ang tinutukoy niya hanggang hinila niya ang bawat magkabilang manggas ng suot niyang damit saka ito hinubad. Napasinghap ako. “I’m going to clean this place.” wika niya.

“Ha?! Seryoso ka?!” Hindi makapaniwala kong sabi. Wala kami noong demakinang panglinis ng damo.

Tumango si Uno. Kampanting tiningnan ang paligid habang nakapameywang. Hindi ko maiwasang ibagsak sa kanyang katawan ang tingin. Pag nililingon niya ako ay doon ko agad ibinabalik ang mga mata ko sa kanyang mukha.

“Do you have a grass cutter?”

“Iyong malaking gunting?” Inosente kong tanong. Kinukumpirma kung iyon ba talaga. Tumango siya at napangisi.

“Wala eh… May gunting ako pero para lang sa papel.”

“Bubunutin ko nalang siguro.” Normal niyang sabi at pumwesto na. Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi ba masusugat ang palad niya?

Pinanood ko siyang bunutin iyong mga damo. Lumalabas ang ugat sa kanyang braso sa tuwing naglalaan siya ng matinding pwersa. Pumwesto rin ako sa gilid at hinawakan iyong damo nang nagulat ako sa pagtawag niya sa akin. Mabilis siyang nakarating sa kinatatayuan ko.

“Show me your hand.” Medyo pagalit niyang utos. Ipinakita ko sa kanya ang palad ko. Anong meron?

Napakurap ako nang pinagpagan niya iyon gamit ang isa niyang kamay na hindi pa gaanong nadudumihan. “Just watch me. Huwag kanang tumulong.”

“Hoy Uno! Tinutulungan ko nga si Lola sa pagtatanim tapos itong pagbubunot pa ng damo ipinagbabawal mo.”

Imbes na pakinggan ako ay nanatili ang kanyang tingin sa palad ko at parang binubura roon.

“Just sit down…”

“Gusto kong tumulong!”

Napabuntong ng hininga si Uno. “Later. Pwede mo akong tuluyan sa pagtatanim ng buto ng bulaklak. Huwag na sa pagbubunot ng damo.” Seryoso niyang sabi na marahan ko nalang ikinatango.

Ilang minuto ko siyang pinanood. Nakaupo lang ako sa tapat ng pinto habang nakapangalumbaba. Nililingon niya ako minsan. Pag nakontento siya sa kakatitig sa akin ay ibabalik muli sa ginagawa niya.

Pinala niya iyong lupa para maalis ang natitirang maliit at maging patag. Binubungkal niya iyon gamit ang hawak niya. Umaagos ang pawis sa kanyang noo. Medyo basa na ang kanyang buhok. Sinundan ko ng tingin ang parang tubig niyang pawis na nasa leeg hanggang dumaloy ito pababa na parang kuryenteng kumakalat. Napakunok ako ng laway nang makita ang namamasa niyang tiyan. Mas lalong nahuhulma ang abs niya.

Nahinto si Uno sa pinaggagawa. Natigilan ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakita kong nakaawang ang kanyang labi at nasa akin na ang tingin. Pinunasan niya ang kanyang noo gamit ang kamay. Napakurap ako at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Baka sabihin niya may marumi akong iniisip habang nakatitig sa kanya.

Itinali ko ang aking buhok para tumulong sa paglalagay ng buto ng sunflower sa lupang nabungkal ni Uno. Magkatabi kaming dalawa at kapwa nakasquat. Naging patag na ang paligid dahil sa ginawa niya. Iyong mga damo naman ay ginawa niyang parang bundok dahil sa pagpapatong patong nito.

“Pagdaan ng panahon, sisibol rin ang mga bulaklak.” sabi niya sa akin.

“Pag nalaman ito ni Lola ay matutuwa iyon. Mahilig rin kasi siya sa bulaklak. May mga ibat ibang bulaklak nga sa maliit niyang bakuran.”

“I can get rid of the veggies in the Hacienda and change it with flowers if you want…”

Nagulat ako. Kaya siya nandito para pamahalaan ang lupain nila tapos sisirain niya?

“Mapapagalitan ka ni Don Israel!”

“Nah… Hindi niya desisyon iyong taniman ng gulay ang lupain. Isang batang babae ang nagsuggest na kung siya ang masusunod ay tataniman niya ng gulay ang lupa para mapakinabangan ito.” Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Uno. Hindi ko alam pero natatamaan ako. Para kasing…

“Alam mo parehas kami ng iniisip ng bata! Kasi naman, sayang iyong lupa niyo! Pero teka, sinong may sabi niyan sayo?”

Ipinagkibit-balikat niya iyon ngunit hindi nawawala ang ngiti niyang may pinupunto.

“Mapagkikitaan parin naman ang bulaklak.” Sabi niya pa. Naisip ko naman iyon pero nasasayangan akong pagkakitaan ang ganoon kagandang pananim. Gusto ko silang alagaan at palakihin pero wala akong balak pitasin. Sadyang naakit lang talaga ako roon sa mga bulaklak nila kaya pinitas ko. Hindi rin naman kasi iyon sa akin! Pero pag akin iyon, ni isa ay walang makakagalaw. Pag may pumitas siya ang ililibing ko sa lupa kapalit noong bulaklak.

“Maliban sa akin, may bata rin palang pumupunta noon sa inyo?” Tanong ko.

“Ikaw lang naman ang batang pumupunta sa Hacienda.” sabi niya na ikinasimangot ko.

“Payatot lang talaga ako kaya nagmumukha akong parang bata! Pero nasa tamang pag-iisip na ako ng mga panahong iyon! Ang bata, iyong limang taong gulang palang.” Giit ko.

“You’re a little girl for me that time.” sabi niya at binasa ang pang-ibabang labi. Mamula mula iyon at parang ang lambot tingnan.

Kumpara kasi sa mga dumaang mga babae sa kanya ay ibang iba ito manamit. Maayos nilang nadadala ang kanilang sarili hindi kagaya kong wala talaga sa utak ang imahe ko. Siguro kahit magmukha akong madungis sa harapan niya ay wala akong pakialam.

“Hindi ah! Ilang taon kana ba? Sa pagkakaalam ko tatlong taon lang naman ang agwat natin.”

“I’m turning 23 this year. Limang taon ang agwat natin.”

“Hindi! Apat lang! Ngayong year rin ako magna-19!” Nakabusangot kong sabi.

“Pinapaliit mo ang agwat ng taon natin. Hmm… does it bother you? Do you think you’re too young for me?” Isang malisyosong ngisi na ang nakaplaster sa kanyang labi.

“H-Hindi no. A-At hindi ka pa naman masyadong matanda! 22 ka palang. 18 ako. Apat na taon lang…”

Malutong siyang natawa. Napanguso ako. “B-Bakit? Iyong kapatid mo ba… ilang taon ang agwat nila ng girlfriend niya?”

“I don’t think if the girl is his girlfriend now. Pero sa pagiging desperado ng kapatid ko ay mapapasakanya parin ’yon. She is already 20 by now. My brother is turning 22. Dalawang taon lang ang agwat nila. She dressed like a mature woman that’s why they look like they’re in the same age.” Napairap ako. Naiinis ako sa katotohanan na may agwat kaming dalawa.

“Bakit, may batas ba na dapat hindi nalalayo ang edad? O dapat magkaedad?”

Uno laughed again, leaned closer and planted a small kiss on my forehead. “Relax Aly, I’m going to marry you anyway…”

My heart suddenly sank into the deepest sea. Hindi ko na iyon masisid dahil sa lalim at wala nang pag-asang maibalik ang sarili ko sa normal. Nahuhulog ako at kahit anong sikap kong umahon ay hindi ko na ito maangat pa. My heart is falling hard…

Nagpatuloy kami sa pagtatanim. Pag naibaon na iyong buto ay tinitirikan agad namin ng kahoy para magsilbing palatandaan na may nakatanim na roon.

Nang matapos kami ay nilinis namin ang kamay naming dalawa. Hawak ko ang hose habang tinatapat ang tubig sa kanyang kamay at hinuhugasan niyang mabuti. Sa aking kapilyahan ay pasimple ko iyong itinapat sa tiyan niya. Napaatras si Uno sa gulat.

“Ay, sorry.” Ibinalik kong muli ang hose sa kanyang kamay. Napaatas ang kilay ni Uno. Nagdududa na baka ay ulitin ko pa. “Madulas!” Pagmamaang-maangan ko.

Nailing siya at hinugasan iyong muli. Ngumisi ako at itinapat ulit sa kanyang tiyan. Humagalpak agad ako ng tawa. “Sorry ulit! Pasmado ata ang kamay ko at nanginginig kaya natatama sa tiyan mo.” Pagsisinungaling ko.

“So you want a fight?” Mabilis niyang naagaw sa akin ang hose. Nalaglag ang panga ko. Bago paman ako tuluyang makalayo ay mabilis niya nang nahigit ang aking beywang at idinikit sa kanyang katawan. Kumurba ang kanyang natural na pulang labi hanggang sa nagtitili na ako dahil sa pagtapat niya ng tubig sa akin.

“Uno!” Sinapak ko ang kanyang dibdib para makawala ngunit mas humihigpit lang ang pagkakapulupot ng kanyang braso sa akin. Mariin akong napapikit dahil sa nabasa kong mukha. Narinig ko ang paghagalpak niya ng tawa. Napahawak ako sa magkabila niyang balikat at isinandal ang aking mukha roon. Natatawa narin ako. Sinusubukan kong bawiin ang hose pero mas itinataas niya lang iyon. Parang may shower sa itaas at nagpapaulan ng tubig sa amin.

Tiningala ko siya. Nagtama ang aming mga mata. Nalaglag sa akin ang tingin niyang nakakalusaw. Basang basa narin siya kagaya ko.

Tumawa ako dahil sa ayos naming dalawa. Para kaming mga batang naglalaro kaya nabasa. Natigil lamang ako nang yumuko siya at inilapat sa akin ang kanyang labi. Napakurap ako. Ang malambot niyang labi ay inaangkin na ng buo ang akin at hinahalikan ako ng marahan.

Nabitiwan niya ang hose at hinawakan ang aking baba para mas itulak iyon sa kanya. Napapikit ako at tinugunan ang halik na iyon. Hindi pa ako gaanong eksperto at sinisikap na pantayan ang ritmo ng kanyang halik. Nawalan ako ng pakialam sa paligid. Ang tanging nasa utak ko lang ay si Uno at ang ginagawa niya.

Mas lalo niyang iniyapos ang kamay sa maliit kong beywang hanggang sa madikit ako sa kanya at ni kaonting espasyo ay wala na atang natira. He deepened the kiss. Napasinghap ako. Kahit na pang-ilang beses niya na itong nagawa sa akin ay naninibago parin ako. Wala parin akong mahanap na salita para ilarawan ang sensasyong yumayakap sa akin.

Humiwalay si Uno. Nang-init ang aking pisngi at hindi makatingin sa kanya. Ramdam ko ang sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko. Para akong aatakihin pag hindi ko ikinalma ang aking sariling naghuhuramintado.

Hinatid rin naman ako ni Uno sa bahay pagkatapos namin doon sa gulayan. Mabagal ang kanyang pagpapatakbo sa kanyang kabayo. Hawak niya ang lubid at nakayakap na naman sa akin. Ang kanyang baba ay nasa balikat ko, namamahinga iyon doon at kontento ang mukha.

“If only this road is endless…” Malumanay niyang bulong sa akin. “Kung pwedeng sa bawat oras, minuto, sigundo, at bawat paghinga ko ay kasama kita.” He sighed heavily. Para bang may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib at may malaking pinoproblema.

Nilingon ko ang mukha nito. Rinig na rinig ko ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa pagsandal ko roon. Para itong hindi mapakali at palaging nagwawala.

“G-Ganoon mo ba ako kamahal?”

“So bad…” Humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa akin, closing our gap. Na kahit espasyo ay ipinagkakait niyang mamagitan sa amin.

Mariin akong napapikit, kagat ang pang-ibabang labi. Nagtataka ako sa lahat ng nangyayari. Anong pinaplano ng langit kung ba’t niya kami pinagtagpong dalawa kung wala namang kasiguraduhan ang lahat? Lahat ng senyales na hinihiling ko ay hindi nito binibigay, anong dahilan kung ganoon? Anong lugar ni Uno sa buhay ko kung ganoon?

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Lola. Nakuha ng isang supot sa may lamesa ang tingin ko. Tiningnan ko iyon at nakita ang iilang gamot. Kasabay naman ng paglabas niya sa kanyang kwarto.

“La, para saan po ito?” tanong ko at tiningnan siyang papalapit na sa akin. Hindi ko maintindihan ang kanyang hitsura. Nagpupuyos siya sa galit at mariin ang tingin sa akin.

“La–” Sa sobrang bilis ng pangyayari, natigilan na lamang ako dahil sa nakakabinging tunog ng sampal sa akin ni Lola. Ang kanyang mga mata ay nanunubig, dala ng panghahadpi ng aking pisngi ay sinikap ko siyang tingnan. Nagtataka dahil sa pagsiklab nito.

“Totoo ba?!” sigaw niya na halos ikatalon ko. Naiiyak ako kahit hindi ko naman alam ang tinutukoy niya.

“La…”

“Galing ako sa bayan Aly! Totoo bang pumayag kang magpahotel kay Uno kapalit ang lahat ng ito?! Kapalit ng pera?!”

Nalaglag ang aking panga. Alam kong bali-balita iyon sa bayan pero hindi ko naisip na pag nakarating ito kay lola ay magagalit siya. Hindi kasi ito madalas pumunta roon. Hanggang lupain lang siya.

“H-Hindi po totoo ’yon…” Rumagasa ang luha sa aking mga mata. “La! Sumama ako kay Uno sa hotel pero–“Diyos ko! Anong kadumihan ang pinasok mo Alyssa Gwyneth?! Nang dahil sa pera ay aabot ka sa ganito?! Mahal mo ba si Uno?!”

Napaawang ang bibig ko para sana sagutin ang iba niyang paratang pero natutop rin ang aking labi sa huling tanong niya. Nailing si Lola, napahagulhol siya ng iyak.

“Ako ang nagpalaki sayo noong iniwan ka ng papa mo rito. Itinuro ko sayo lahat Aly… pero h-hinayaan mong madumihan ang iyong pangalan! Kung hindi mo mahal, para saan ang lahat ng ito kung ganoon?! Hinahayaan mong isipin ng lahat na marumi kang babae! Oo, gusto ko kayong mapalapit sa isa’t isa pero iyong ganito… iyong umabot kayo sa ganito ay mahigpit ko nang ipinagbabawal! Masyado ka pang bata para sa ganitong bagay! Paano ka nila rerespetuhin dito kung kahit ikaw mismo, hindi magawang respetuhin ang sarili mo?!”

“La… lahat ng paalala niyo sa akin ay sinunod ko. M-Mabait lang talaga si Uno!” Nanginginig ang aking labi sa pagpapaliwanag. Natatakot ako sa mukha ni Lola na pinaghalong pagkadismaya at galit sa akin. Nilalamon siya ng mga nalaman niya at hindi niya man lang ako magawang paniwalaan.

“Bakit ka pumayag na ihotel ka niya kung ganoon. Anong kapalit Aly, malaking pera ba apo? Ginagamit mo ba talaga si Uno?” Nanlulumo niyang tanong sa akin.

Nalaglag muli ang aking panga. Namutla ako sa paratang ni Lola. Umiling iling ako. “Hindi ko ginagamit si Uno, lola! Alam mong hindi ako ganoong klaseng babae! Kilala mo ako! Oo, sakim ako sa pera, sakim akong makaahon sa kahirapan, pero ni minsan ay hindi ako nanggamit ng iba makarating lamang sa itaas! H-Hindi ako ganoon…” Nabasag ang aking boses at napahikbi. Pinanood ko ang lalong pagkadismaya ng mukha ni Lola sa akin. Kung paano niya hinawakan ang kanyang dibdib at parang pinipiga ito. Nag-akma ko siyang lapitan pero umiling lamang siya at tumalikod. Parang dinurog ang aking puso. Alam kong dala lang ng kanyang galit kung ba’t niya ako nasampal, alam kong nadadala lang siya sa emosyon niya. Kilala ako ni Lola. Alam ko, naniniwala siya sa sinasabi ko.

“Linisin mo ang pangalan mo at layuan mo si Uno. Kung hindi mo naman pala mahal, dumistansya ka.”

Chapter 25

Vote. Comment, Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Grieve

Dala ng matinding galit ay pinatakbo ko ng mabilis ang aking kabayo. Alam ko kung sino ang makakalinis ng aking pangalan at kung sino ang makakabawi lahat ng kumakalat.

Pagdating ko sa kanilang mansyon ay nakita ko ito sa kanilang veranda. Nakaupo siya roon kasama ang kanyang mga kaibigan at naghahagikhikan sa kung ano. Dahil bukas naman ang gate ay deri-deritso akong pumasok.

“Magkatulad lang talaga iyang si Chanelle at Alyssa. Kaya siguro puro mayayaman ang nabibingwit. Mga pasimpleng malalandi. Palibhasa mga hampaslupa.” Narinig kong komento nito sa amin ni Channy. Dala ng aking galit ay mas binilisan ko ang paglalakad ko roon. Napatingin sa akin ang kanyang mga kaibigan, gulat ang mukha at mabilis na napatayo. Bago paman mapalingon sa akin si Lhuella ay hinila ko na ng marahas ang kanyang braso at kinaladkad siya paalis doon.

“Ouch! Let me go!”

“Linisin mo ang pangalan ko! Linisin mo ang pinagbibintang mo sa aking hindi naman totoo! Alam mo bang galit na galit si Lola sa akin?!”

Hinila niya ng marahas ang kanyang braso sa akin. Nang humarap ako sa kanya ay sinampal niya agad ako.

“You whore! Pagkatapos mong akitin si Uno! Totoo naman talagang manggagamit ka ah? You don’t love him right? Alam ng lahat kung gaano ka kasakim sa pera Aly!–”

Sinampal ko rin siya ng ubod ng lakas na nagpatagilid ng ulo niya. Gulat na gulat ito at nanlilisik ang mga mata nang ibaling muli sa akin ang tingin.

“Oo! Sakim ako sa pera pero hindi sa makamundong pagnanasa! Kaya sino ka para sabihin na ginamit ko ang katawan ko para bumigay at kapalit ang isang malaking pera?! Sinisiraan mo ako dahil hindi mo makuha si Uno?! Pwes, ipapamukha ko sayo na ako ang mahal niya! At kahit pa silawin mo siya sa yamang meron ka, kahit sa panaginip niya, hinding hindi ka niya papatulan!” Dala ng galit ay isinigaw ko iyon ng malakas sa mukha niya. Binalot ng matinding galit ang kanyang mukha at hinila bigla ang aking buhok. Gumanti ako. Siguro dahil sa nagpupuyos kong damdamin ay mas malakas ako. Mas natulak ko siya. Iyong mga kaibigan niya ay nagtakbuhan na sa loob sa halip na tumulong.

Halos lagasin ko ang buhok ni Lhuella. Umiiyak na siya at tumutulo rin sa mukha niya ang pag-iyak ko.

“Aly!” Boses iyon ni Tita Felicita. Bago paman ako makalingon sa kanya ay marahas na akong napaalis sa pagkakadagan ko kay Lhuella dahil sa paghila ni Tita sa buhok ko. Tinulungan siya ng mga kaibigan niyang patayuin ito habang ako naman ay halos kaladkarin ni Tita palabas. Napapaatras ako at pilit na inaabot ang kanyang kamay para lang patigilin ito. Doon niya lang ako binitiwan nang nasa may gate na kami at humihiyaw na ako dahil sa sakit.

“Lapastangan! Lumayas ka sa pamamahay ko Aly at baka ano pa ang magawa ko sayo! Baka makalimutan kong anak ka ng kapatid ko!” Galit na galit na sigaw ni Tita sa akin.

“Kasalanan po ni Lhuella Tita! Pinagkakalat niya sa bayan na ginamit ko raw ang katawan ko kapalit ang yaman ni Uno! Nalaman iyon ni Lola at galit na galit sakin! Ang gusto ko lang naman ay linisin n-niya ang pangalan ko!”

“At bakit?! Totoo naman! Tingnan mo nga ang sarili mo Aly! Nakakapagtaka nga naman at sa katulad mo dumidikit ang katulad ni Uno! Lalake iyon! Syempre, siguro ay inakit mo kaya nalunod sa temptasyon! At ikaw na sakim sa pera ay ginamit iyon para perahan si Uno! Alam mo bang pang-ilang beses niyang tinanggihan ang anak ko dahil lang pala sa pang-aahas mo?!”

Napahiyaw akong muli dahil sa sakit nang hinila niya ang buhok ko. Patuloy niya akong kinaladkad hanggang sa mailabas niya ako sa pamamahay nila. Itinulak niya ako hanggang mapaupo ako sa sahig.

“Maduming babae! Nakakahiya kang bata ka!” Nagulat ako dahil sa marahas nitong pagkakasara ng gate. Mariin akong napapikit at humagulhol lalo. Kung si pa itong kadugo mo, sila pa itong humihila pababa sayo. Sila pa itong nananakit sayo.

Hindi ko alam kung paano haharapin si Lola. Ba’t niya ba pinapaniwalaan ang ganoong sabi-sabi? Hindi ko itataya ang katawan ko para lamang sa pera! Lahat ng natanggap kong galing kay Uno, iyong kompanya nilang kliyente na ng lupain namin, lahat ng iyon ay kusang loob ni Uno! Ni minsan, hindi ko natandaan na humingi ako ng kung ano sa kanya. Pero dahil lang sumama ako sa isang Hotel, dahil lang ganito ako at dumidikit ako kay Uno ay pera agad ang habol ko? Kung kasingyaman ba ako ni Lhue at dumidikit ako sa kanya ay hindi ako matatawag na ganoon, hindi ako matatawag na manggagamit, malandi? Ganoon na ba talaga? Na ang mayaman ay para lang sa mayaman?

Dumiretso ako sa batis. Nanghahapdi ang magkabila kong braso dahil sa away naming dalawa ng pinsan ko. Kahit ang anit ko ay sobrang sakit. Umiiyak ako habang binabasa ang aking katawan at nililinis ang sarili.

Hindi ko alam kung paano sosolusyonan ang problema. Nagtatalo sa aking isipan ang sinabi ni Lola na layuan si Uno at ang pagtututol sa utak ko. Ba’t ko siya lalayuan? Wala akong nakikitang masama sa ginagawa ko? Kung lalayuan ko siya, pinatunayan ko lang sa lahat na totoo nga talagang pera lamang ang habol ko. Pag ipinagpatuloy ko naman, mahuhusgahan parin ako. Alam kong hindi nagpapadala si Uno sa mga sabi sabi at dapat, ganoon rin ang gawin ko. Ipapaintindi ko kay Lola na hindi ko naman ginagamit si Uno, na may nararamdaman ako para sa kanya kahit hindi ko lubos matukoy kung ano iyon. Basta masaya ako sa tuwing kasama ko siya, nagwawala ang puso ko sa tuwing may sinasabi siya sa akin. Gusto ko siya at sigurado ako sa bagay na iyon, pero sapat na ba ang nararamdaman kong ito para pangalanan kong mahal ko si Uno? Sa katulad kong walang karanasan sa pag-ibig at ignorante sa pagmamahal?

Buong akala ko, iyon na ang pinakamasakit na mararamdaman ko noong araw na iyon, pero ang sumalubong sa akin sa bahay ang mas dumurog ng puso kong wasak na wasak na at may ikakawasak pa pala. Isinugod si Lola sa hospital dahil inatake ito sa puso. Nadatnan ko nalang ang mga kapitbahay na nagkakagulo sa aming bahay.

Mabilis ang aking pagtakbo makasingit lang doon at matagpuan ang katawan ni Lola. Wala itong malay at namumutla. Dala ng mga nalaman niya ay inatake siya sa puso. Sa labis labis na pag-aalala, galit, at pagkadismaya sa akin.

Nagpapaligsahang tumulo ang aking luha. Alam ko na lahat ay may hangganan lalo na’t wala namang nagtatagal sa mundong ito. Pero iyong pagkamatay ni Lola, ang pagbawi ng buhay ng Diyos sa kanya ay halos ikamatay ko sa sobrang sakit. I remembered how I cried when my Mom died. Ang nag-iisang babaeng umaruga sa akin at pinalitan ang posisyon ng aking ina, ngayon ay wala narin.

“Aly…”

Nag-angat ako ng tingin gamit ang namumugto kong mata sa aking pinsan. Nakaitim ito at katulad ko, nagluluksa rin ang mukha.

“C-Chan…” Nabasag ang aking boses. Mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit.

“S-Si Lola… d-dahil sa akin… i-inatake siya sa p-puso.” Hindi ako makapagsalita ng maayos. Parang napupugto ang hininga ko sa bawat salitang bibigkasin ko.

Hinaplos ng pinsan ko ang aking likod. “Shh, wala kang kasalanan. Matanda na si Lola. Nasa mapayapang lugar na siya ngayon at alam ko, ayaw niyang sisihin mo ang sarili mo sa nangyari.”

Mas lalo akong humagulhol. Ni hindi man lang kami nakapag-usap ng matino. Hindi ko man lang naiklaro sa kanya na mali iyong mga balita.

Tapos na ba talaga ang papel niya sa mundo kaya binabawi na siya ng Panginoon? Paano naman ako? Siya ang tumayo bilang magulang ko. Ba’t niya kailangang bawiin ang buhay ng Lola ko kung kailan pakiramdam ko ay pinagtakluban na ako ng langit at lupa? Pakiramdam ko ay durog na durog na ako?

“Aly…” Naghiwalay kami ni Channy sa pagkakayakap dahil sa boses ni Tita Felicita. Kung noong huli naming pagkikita ay galit na galit siya sa akin, ngayon ay namumugto ang kanyang mata, nagluluksa ang mukha at awang awa sa akin.

“Come here hija.” Maluha luha niyang sabi. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Naibaon ko sa limot ang pinagsasabi niya sa akin at nakayukong humahagulhol habang inilalapit ang sarili sa kanya. She hug me tightly.

“Sshh, nandito pa kami ano ka ba… Malalampasan mo ito. Nandito pa kaming pamilya mo.” Malambing niyang sabi sa akin habang hinihimas ang aking likod.

Hindi ako iyong tipo ng taong nagtatanim ng galit. Mabilis akong magpatawad, na katulad ni Tita Felicita. Kung may nasabi man siyang mali, alam kong parte lang iyon ng galit niya dahil sa pag-aaway namin ni Lhuella. Lahat ng ina ay magiging ganoon ang reaksyon maipagtanggol lamang ang kanilang anak.

Nilingon ko si Lhuella. Mugto rin ang kanyang mata. May suot itong maitim na sunglass at nakaitim na dress na hapit na hapit sa beywang niya. Nakaputing dress ako na sa bawat galaw ko ay natatangay iyon.

Pinigilan ko ang aking sarili na sumiklab sa galit dahil sa ginawa ng pinsan ko. Gusto kong respetuhin ang pagkamatay ni Lola. Gusto kong kalimutan muna lahat ng galit. Pilit kong iniintindi at pinapasok sa kokote ko na plano niya ito. Lahat ng nangyayari ay kagustuhan ng Langit at may rason. At iyon ang iintindihin ko kahit na nalilito ako. Kahit na ang rami kong katanungan. Kagustuhan parin ba ito ng Langit? Ang kunin sa akin ang dalawang importanteng babae sa buhay ko? Anong rason niya kung ganoon?

Nandito lahat ng kapamilya ni Lola. Ang magulang ni Channy, sina Tita Felicita, ang iilang kapitbahay na nagmamalasakit sa amin, si Mang Rudy, ang magpipinsang Delafuente at iba pa kasama ang mga girlfriend nila. I saw how V wiped his tears, na ramdam niya kung gaano kasakit ang dinaramdam ko sa oras na ito.

Habang tahimik na nagluluksa ang lahat, dumating ang isang lalakeng nakaputing loongsleeve na nilukot nito hanggang sa kanyang siko, pantalon at sapatos naman sa ibaba kasama si Lolo Dancio na may dalang bulaklak. Dumako lahat ng tingin kay Uno, kung paano niya ako nilingon gamit ang mga mata niyang kumikislap at nakikiramay dahil sa sinapit ni Lola.

“Condolence, Aly.” Masuyo niyang sabi. Napayuko ako at tumango habang itinatago ang mukha kong humahagulhol na naman. Wala akong maisip kundi ang mga pangyayari. Kung paano inihabilin sa akin ni Lola na layuan si Uno. Ngayon, paano ko ipapaintindi sa kanya na wala naman kaming kasalanan? Na mali ang panghuhusga ng mga nakapaligid sa amin? Na mali ang binibintang sa akin ni Uno?

Naramdaman ko ang paghila ni Uno sa aking beywang. Sa harap ng maraming tao, isinubsob niya ako sa kanyang dibdib at niyakap ng mahigpit. Ipinarating ng mainit na yakap na iyon na kaya niya akong damayan sa oras na ito. Na nandito lang siya sa tabi ko.

Hindi ko na inalala pa ang sasabihin ng nakapaligid sa amin. Nagpakalunod ako sa sakit na nararamdaman at hinayaang umiyak sa balikat niya. Ayokong pigilan ang sarili ko sa mga bagay na sa paningin ng lahat ay mali kung pakiramdam ko sa oras na ito ay kailangan ko siya. Na sa pamamagitan nito, kahit papaano ay maibsan ang nararamdamang bigat sa aking dibdib.

Mas naging emosyonal kami sa huling pamamaalam kay Lola. Alam kong masaya na siya ngayon sa Langit, at alam ko ay kasama niya na ang Diyos. Pero sana naman, makita niya roon na mali ang iniisip niya sa akin. Na mali ang balita at naging mabuti akong apo. Na sinunod ko lahat ng habilin niya sa akin.

“Aly, sigurado ka ba talagang hindi ka sasama sa amin pauwing syudad?” tanong Channy makalipas ang isang linggo pagkatapos ng libing ni Lola.

Tumango ako habang inaayos ang mga damit ni Lola sa kanyang kwarto. Palagi akong nandito. Hindi ako nasanay na walang nagbubunganga sa akin at nagpapayo sa akin araw araw. Namimiss ko ang presensya ni Lola at pilit na kinikimkim ang luha sa nagdaan na araw. Alam kong ayaw niyang umiiyak ako, nasasaktan.

“Ako ang mamamahala ng lupain na iniwan ni Lola, Channy. ’Tsaka itong bahay. Paano nalang ang bakuran niya? Malulungkot iyon pag napabayaan ang gulayan at ang kanyang bulaklak sa labas.” Malungkot kong sabi sa aking pinsan.

“Malapit na ang pasukan Aly. Akala ko ba mag-aaral kana sa susunod na pasukan?”

“Siguro… pero paano ang lupain ni Lola? Baka dito nalang ako magc-college.” sabi ko naman.

“What? Pero mas mainam kung sa syudad ka mag-aaral Aly. Nandoon kami. We’ll help you. Besides, pwede namang maghire nalang tayo ng trabahador para asikasuhin ang lupain niyo rito.” suhestyon ni Cheyenne na ikinatango agad ng iba.

“Mas gusto ko kasing ako ang mamahala. Ito nalang ang alaala ko kay Lola. Hindi kami nagkaayos sa huling araw niya rito sa lupa at gusto ko, sa pamamagitan nito ay makabawi man lang ako.”

“But Aly, you can’t grieve forever. You have a life to live! I’m sure, iyon rin ang gusto ng Lola mo.” Pagpapaintindi sa akin ni Celina na tinatanguan rin agad ng ibang babae bilang pagsang-ayon.

Ilang beses rin akong kinukumbinsi ni Tito Ronaldo na sumama nalang sa kanila sa syudad. Pati ang mga babae ay ganoon rin. Pero katulad ng sagot ko kay Channy at sa iba pa ay wala nang nakabali sa desisyon ko. Ayokong lisanin ang lugar na ito. Ayokong iwan ang lugar na kinalakihan ko na at ang alaalang nabuo namin ni Lola. Ayokong umalis kung kailan magulo ang lahat. Baka sabihin nila ay guilty ako.

Hindi ko na iyon sinabi pa kay Channy pati na sa mga babae. Ayokong bumuo ng panibagong gulo dahil alam kong sisiklab sila sa galit. Lilinisin ko ang pangalan ko at patutunayan kong mali ang iniisip ng lahat sa akin.

“Stop worrying Ronaldo, nandito naman ako. I’m going to take good care of Aly.” Paninigurado ni Tita Filicita sa kanyang kapatid na nag-aalala sa akin sa huling araw nila rito. Uuwi na kasi silang lahat sa syudad. May mga naiwan pa silang importanteng bagay doon.

Napangiwi ang iilang babae. Nakita ko pa kung paano nagsikuhan si EllieKlaire at Julie. Para silang nag-uusap gamit ang kilos na iyon.

“Kung wala kang mapupuntahan Aly, alam mong maraming naghihintay sayo sa syudad. We have condo units for you.” Si Sky na parang hindi kumbinsido sa sinabi ni Tita Felicita.

Umiling ako. “Okay lang ako. Huwag kayong mag-alala.” Ngumiti ako sa kanila para ipamukhang okay na ako. Na kahit nagluluksa parin ako sa pagkawala ni Lola ay kaya ko naman.

Sa huli ay sumuko rin sila at umuwi na. Pagkaalis ng mga ito ay napatingin agad si Tita sa akin, seryoso ang mukha hindi gaya kanina na malambing.

“Sa bahay kana tumira. Para naman mabantayan kita. Nakita ko kung paano ka nagpaawa kay Uno para lang yakapin ka niya. Pwede ba Aly, tigilan mo na ang kakagamit sa Buenaventura na iyon.” giit nito na ikinalaglag ng panga ko. Akala ko ay okay na. Akala ko ay nakalimutan niya na ang bagay na iyon. Pero ba’t pakiramdam ko, lahat ng sinabi niya ay pagpapanggap lamang?

“H-Hindi ko po ginagamit si Uno, Tita.” Nanunubig muli ang aking mata sa pagpapaliwanag.

Kitang kita ko ang galit na gumuhit sa mga mata ni Tita. “You liar! Simula sa araw na ito, hindi kana pwedeng makipagkita kay Uno! Nang dahil sa konsumisyon ni Mama sayo ay inatake siya sa puso! Hindi ka ba nakokonsensya Aly? Siguro naman hindi mo na paiiralin ang kalandian mo at makokonsensya na sa nangyari sa lola mo.” Matalim niya akong tiningnan. Tuluyan nang nawala ang ipinapakita niya sa aking pagmamalasakit noong nagluluksa kami kay Lola. Para iyong nasama sa paglibing kay Lola kaya ni katiting na bakas ay wala na akong mahanap sa mukha niya. Poot at pagkasuklam ang nangingibabaw roon, ang tanging makikita mo.

“Tita, si Lhuella po ang may kasalanan! Kung hindi niya ipinagkalat ang mga kasinungalingang iyon–” Isang malakas na sampal ang nagpahinto sa akin, natigilan at namumutla dahil sa pagkagulat.

“Stop calling my daughter a liar! Kagagawan mo ang lahat ng ito at huwag na huwag mong idadamay ang anak ko sa kalandian mo! Now, pack your things and come with me! May nag-aantay na mga gawaing-bahay sayo sa mansyon.”

Chapter 26

Vote. Comment. Be A Fan. Signs of Love -PrfctlyStbbrn

Bangis

Alam ko kung bakit nagiging sakim na si Tita Felicita. Kung bakit habang tumatagal ay pakiramdam ko pumapangit ang kanyang pakikitungo sa akin. Dahil iyon sa mga gusto ni Lhuella na hindi na nito makuha, dahil narin siguro sa kagustuhan niyang makipagsosyo kay Don Israel, kay Uno, na hanggang ngayon ay hindi parin pumapayag sa alok niya. Pero pagdating sa akin ay pumapayag agad ito. May mga bagay na binibigay agad nito nang walang kahirap-hirap. At alam ko, isa iyon sa ikinakagalit ni Tita sa akin.

Bata palang ako ay natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Kahit siguro wala ang tulong pinansyal ni Tita, ay maigagapang ko parin ang sarili ko. Tumira ako sa mansyon katulad ng gusto niya. Ayokong tumira sa mansyon katulad ng gusto niya. Nasa tamang edad na ako at pwede na akong magdesisyon para sa sarili ko.

“Nahihibang kana ba talaga?! Ano bang ipinagmamalaki mo, Aly?” Galit na galit na si Tita nang tumanggi akong sumama sa kanya.

“Ayoko pong iwanan ang bahay ni Lola, Tita! Gusto ko pong doon lang ako tumira. Hindi ko naman po hinihinging sustentohan niyo ako. Kaya ko pong igapang ang sarili ko.” Pagpapaliwanag ko sa kanya na mas ikinalukot ata ng ekspresyon nito. Alam ko naman na hindi magiging maganda ang pamumuhay ko sa mansyong iyon. Idagdag pa ang pinsan ko. Hindi kami nagkakasundo sa isang bagay lalo na ngayon. Alam kong kahit anong pagtitimpi ko ay masasagad parin nito ang pasensya ko.

“Patay na si Mama! Ako na ang magsisilbi mong guardian simula sa araw na ito. Kaya kunin mo na lahat ng gamit mo at sumama ka sakin!”

Umiling ako, napaatras sa binabalak niya. “Malaki na po ako Tita. Kaya ko na po ang sarili ko.”

Nalaglag ang kanyang panga. Hindi makapaniwala sa naging desisyon ko.

“Ang tigas ng ulo mo! Para ano Aly, para maipagpatuloy ang naudlot niyo ni Uno, ganoon ba?” Mariin niya akong tiningnan, may pandidiri sa mga mata.

May mga tao talaga na kahit paano mo ipaintindi na hindi ka naman ganoong tao, na nagkakamali ito, ay hindi parin makita ang mga tamang nagagawa mo. Huhusgahan ka parin. Hindi ko alam kung ba’t may mga ganoong tao. Kung sana ay marunong lang silang umunawa.

Tinakbuhan ko si Tita. Nagdesisyon na lamang akong manatili sa batis. Alam kong hindi niya ako matutunton sa lugar na iyon. Yakap ang dalawang tuhod ay isinandal ko roon ang aking baba. Nasa harap ako ng malinaw na tubig at pinapakinggan ang pag-agos nito, ang huni ng ibon at ang paghampas ng hangin sa dahon ng mga puno. Bumuntong ako ng hininga at tiningala ang kalangitan. La, kung nakikinig ka man, huwag kang masyadong mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko. Pinalaki mo akong nakakayang tumayo sa sariling mga paa, na kung nasa tama ay ipaglaban mo ang iyong sarili at iyon ang gagawin ko. Siguro, hindi pa iyon maiintindihan ni Tita Felicita dahil hindi ko pa nalilinis ang aking pangalan. Pero parang malabong magkakasundo pa kami. Alam ko namang palagi siyang nasa panig ng kanyang anak.

“I knew it.” Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likuran. Ilang sandali lamang ay inukupa na ng imahe ni Uno ang bakanteng nasa tabi ko.

Ibinalik ko ang tingin sa batis, inaalala ang sinabi ni Lola sa akin bago ito nawala.

Tahimik lamang si Uno. Ginaya niya ang aking posisyon. Pero wala sa batis ang tingin kundi nasa akin. Isinabit niya ang iilang hibla sa gilid ng aking tenga para mas makita ng malinaw ang gilid ng aking mukha. Ayokong malaman niya na nakarating kay Lola ang balitang kumakalat sa bayan. Ayoko na siyang isali pa sa mga problemang kinakaharap ko. Ang rami niya nang naitulong. Siguro mas mabuting kimkimin ko nalang iyon.

“I know you’re still in pain…” He said smoothly. “Just don’t forget I’m still here Aly. Hindi ka parin nag-iisa.”

Rumagasa ang luha sa aking mga mata. Tahimik akong umiyak. Hindi alam kung paano ipapasok lahat sa aking utak. Kung ano man ang rason ng lahat ng ito, alam kong may mabuti itong patutunguhan. I’m not going to question God’s decision. Pero sana naman, huli na iyon. Sana, wala nang mawala sa akin.

“Are you sure you’re fine?” tanong ni Uno nang ihatid niya ako sa bahay. His gaze never changed, namumungay parin iyon at nag-aalala sa akin.

“Oo. Okay lang ako. Bukas, nasa lupain ako. Uhm, pupunta ka ba?” Pinilit kong ngumiti kahit na hindi ko iyon magawa ng maayos.

Tumango siya. “Can I stay for a little while?”

Nagdadalawang-isip akong tumango. Pero alam ko naman na walang gagawing ikakasama ko si Uno kaya pumayag rin ako. May parte sa akin ang nawawalan ng pakialam sa sasabihin ng iba makasama lang siya. May mga bagay na mas gusto kong isakripisyo makasama lang siya. At hindi ko alam kung ba’t ako nagkakaganito. Na pakiramdam ko, lahat ng hihilingin ni Uno, lahat ng gusto niya ay ibibigay ko agad. Baata siya ang humihingi.

Pumasok siya sa loob. Gumala agad ang tingin niya. Kalmado lamang ang kanyang pagmumukha habang nakabulsa ang kamay. Ang malaki niyang imahe ay hindi bagay sa ganitong klaseng bahay. Nababagay siya sa isang malahacienda kagaya ng kanila.

“This house is too small for you. Wala ka parin bang balak magtayo ng malaki, Aly?” Nilingon niya ako.

Iyon ang pangarap ko noong nabubuhay palang si Lola. Pero ngayon, mukhang wala na akong balak. Nandito ang memorya namin. Gusto ko nalang ay manirahan dito.

“Wala na…”

Nahimigan niya ang lungkot sa aking boses kaya hindi na siya nagtanong kung bakit. Ibinalik niya ang pagmamasid hanggang sa makita niya ang dekurtina kong kwarto.

“Is that your room?” Nag-igting ang kanyang panga. May anong ikinakagalit sa nakikita.

“Oo. Maliit lang pero kasya naman ako.” paliwanag ko sa kanya kaso hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon.

“Mag-isa ka nalang sa bahay na ito at ganyan ang kwarto mo? Are you kidding me, Aly?” Now he sounds upset.

“Sanay na ako.” Hinawi ko ang kurtina at sinilip iyon. Pati siya ay sumilip narin. Napabuntong siya ng hininga.

“Since you don’t have any plans on building a new house, that’s gonna be my plan. Kung nahihirapan ka rito, pwede ka namang tumira sa hacienda.” Pang-aalok niya. Napabuntong narin ako ng hininga. Wala akong gustong tirahan kundi rito lamang. Tinanggihan ko ang mansyon nila Tita kaya ganoon rin ang gagawin ko sa Hacienda nila Uno. Gusto ko munang dito ako. Gusto ko munang sanayin ang sarili ko na wala na si Lola. Gusto ko munang maramdaman ang bahay na ito.

“Huwag na Uno.” sabi ko sa kanya.

“Magiging tirahan mo rin naman iyon sa hinaharap Aly.” Puno ng kasiguraduhan nitong sabi. “Nasa tamang edad kana, pero hihintayin ko iyong itinakda mong edad. And when that time comes, I’m going to make sure I’ll marry you.” He said seriously. Parang may kumalat na gas sa aking sistema at sinindihan iyon bigla kaya nag-aapoy sa init ang aking pisngi. Wala pa naman akong inaamin, wala pa akong kinaklaro sa aming dalawa, sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero ang gusto ko, kapag 23 na ako ay siya parin ang lalakeng makikilala ko. Iyon nalang ang pangkakapitan kong senyales na kahit maraming hadlang sa amin, kahit pakiramdam ko ay ipinagbabawal talaga ng Langit, gusto ko sa araw na iyan ay siya parin.

Nanatili si Uno ng matagal sa bahay. He doesn’t want to go home. Gusto niya akong bantayan. Dahil narin sa ayos ng aking kwarto. Hindi niya iyon gusto.

“Okay nga lang ako. Nasa Langit na si Lola at alam ko babantayan niya ako!” giit ko.

“Pag may pumasok dito, nanloob sayo. Bababa ba siya Aly?” Sarkastiko iyon na ikinabusangot ko na. Matagal na akong nakatira rito. Kilala na ako ng lahat. Imposible namang mapahamak ako!

“If you’re not comfortable then I can guard outside. Matulog kana diyan.”

Habang nasa loob ako ng kwarto, ang raming tanong na bumabagabag sa aking isipan. Siguro kung nasabi ko kay Lola na may nararamdaman ako kay Uno, mapapanatag ba ang loob niya? Makaluma kasi siya. Naniniwala siyang may itinakdang oras ang lahat. Siguro nagalit siya dahil hindi pa naman kasal at ganoon na ang pinaggagawa. Wala naman talagang nangyari. Oo, naghalikan kami, p-pero hanggang doon lang iyon. Wala namang ano…

Pagkagising ko, nadatnan ko sa labas si Uno. Naroon siya sa may hagdan, nakaupo habang nakahalukipkip at nakasandal ang ulo sa may pader. Natutulog ito ng mahimbing. Ang lamig lamig kagabi! Akala ko talaga ay umuwi na siya! Hindi ko naman alam na sineryoso niya iyong sinabi niya.

Ginising ko siya at pinauwi muna. Ang sabi ko nalang ay pupuntahan ko siya mamaya sa hacienda nila pagkatapos ko sa lupain. Pumayag naman ito. Kaya nagmadali akong pumunta sa gulayan ni Lola para madiligan ang mga pananim doon. Kaso, pagdating ko ay ang imahe ni Tita Felicita ang bumungad sa akin. May iilang lalake siyang kasama.

Mabilis akong bumaba kay Horsey at pinuntahan sila. Humahataw ng malakas ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Basta kinakabahan ako.

“T-Tita…”

Nilingon agad ako nito. “Oh Aly, buti at nandito kana. Balak ko sanang magtayo ng Hotel sa lupain ni Mama. Total kaonti lang naman iyong pananim na gulay, mas mainam kung magtayo tayo ng bagong pagkakakitaan. Kung gusto mo ang pagtatrabaho, pwede kang magtrabaho roon sa lupain namin kung gusto mo–“Tita!” Nagulat siya sa pagsigaw ko. Kahit ang mga lalakeng kasama niya ay napatingin narin sa akin.

“Kay Lola po itong lupain na ito! Huwag niyo po itong sirain!”

Gumuhit agad ang galit sa kanyang mukha. “May karapatan ako sa lupain baka nakakalimutan mo Aly! Akin na ito ngayon. Kaya wala kang karapatang kwestyunin ang mga desisyon ko!”

“Tita, mahal na mahal po ni Lola ang lupaing ito! Ang mga pananim! Araw araw po siyang pumupunta rito para alagaan ang mga nandito!” Naiiyak na ako sa pagpapaliwanag. Hindi ko kayang makitang sinisira ang lupain ni Lola. Ang pinaghirapan niya.

“Sa araw araw niya rito ay sobrang liit lang naman ng kinikita! I am planning for a better future Aly! Besides, hindi naman matatagalan ang pagpapatayo ng Hotel. Diba ay buyer niyo na iyong kompanya nila Uno. Pwede natin silang gawing investo–“Hindi po ako pumapayag sa gusto niyo Tita. Huwag po ang lupain ni Lola! P-Pinaghirapan niya po ito.” Napahikbi na ako sa pagpapaliwanag. Hindi ko lubos maisip na kaya itong gawin ni Tita. Wala siya rito araw araw kaya hindi niya nakikita ang paghihirap ni Lola. Kung paano siya nananatili sa Rest house at may ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang lupain. Mahal na mahal niya ang pananim. At ito nalang ang alaalang gusto kong panatilihin. Aalagaan ko ito katulad ng pag-aalagang ginawa ni Lola. Kaya nga hindi ako pumayag na pumunta sa syudad dahil dito. Mawawalan ng saysay lahat ng paghihirap niya kung sisirain lang pala!

“How dare you Aly! Sumusobra kana talaga! Hindi sayo itong lupa kaya wala kang karapatan! Apo ka lang, anak ako Aly! At sa ayaw at sa gusto mo, masusunod ang gusto ko.” May diin niyang sabi na wala nang makakabali sa binitiwan niyang salita.

“Bibilhin ko p-po. Huwag niyo lang itong sirain.”

Natigilan si Tita. Naninimbang ang kanyang paninitig sa akin. Hanggang sa humagalpak siya ng tawa.

“Oo nga pala. Nakalimutan ko, mayaman kana! Sige, bilhin mo ang lupain. Magkano ba ang pera mo diyan, akin na.” Ngumisi si Tita sa akin.

Ibinayad ko kay Tita ang pera na nakukuha naming bayad sa kompanya nila Uno. Alam kong sobra sobra ang perang iyon at ibabalik ko pa sana kay Uno, pero mukhang kailangan ko na namang mag-ipon ulit para mabayaran ito.

“Kalahating milyon?! Nakaipon ka nang ganito kalaking pera, Aly!” Gulat na gulat si Tita. Kumikinang ang kanyang mata sa pera.

“Iyan po ang mga inipon kong pera sa bawat natatanggap na bayad sa gulayan.” paliwanag ko

“Kung ganoon, ganito kalaki ang ibinabayad sayo ng kompanya para lamang sa mga gulay na iyan? Gaano ba kamahal iyang gulay mo at sobrang laki ang ibinabayad ng kompanya sayo?” Hindi siya makapaniwala. Kahit ako, hindi makapaniwala sa bawat bayad na natatanggap. Isa sa rason kung ba’t hindi ko iyon ginagalaw dahil sobra sobra iyong bayad at gusto kong ibalik kay Uno. Kaso tinatanggihan niya ito palagi at hindi tinatanggap ang pera.

“Hindi niyo na po ba gagalawin iyong lupain?” tanong ko

“Hmm, kulang ka ng kalahating milyon Aly.”

Namutla ako sa binitiwan niyang presyo. Hindi pa ba sapat ang perang iyan? Isang milyon para sa lupain ni Lola?! Sobra sobra naman ata!

“Sigurado akong bibilhin ni Uno ang lupain para sayo. At total pang-ilang beses niya nang tinanggihan ang anak ko, ang alok namin sa kanya, sisiguraduhin kong makukuha rin ni Lhuella ang gusto niya. Ibibigay ko sa kanya ang lupa kapalit ang pagpapakasal sa anak ko.”

Napaatras ako sa sinabi ni Tita. Nagugulat. Napaawang ang aking bibig at walang masabi. Alam kong hindi magdadalawang-isip si Uno na magwaldas ng pera pag nalaman niya ang bagay na ito. Pero kapalit non, makukuha ko ang lupa at maipapakasal naman siya kay Lhuella. Iniisip ko palang ang mga posibilidad ay para nang pinagpipira-piraso ang aking puso. Oo alam ko, pagdating sa negosyo ay gagawin lahat ni Tita, lalo na sa mga kapritso ng anak niya. Pero hindi ko lubos maisip na aabot siya sa ganitong punto. Sumusobra na!

“Ako po ang magbabayad ng pera Tita! Bigyan niyo lang po ako ng panahon. Babayaran ko po ang kalahating Milyon!”

Iyon ang binitiwan kong salita sa kanya. Naiiyak ako sa patong patong na problema. Siguro kung nabubuhay lang si Lola ay hindi niya gagalawin iyong Lupa. Kaso ngayong wala na ito, mas naghahangad ito ng malaking pagkakakitaan.

Para akong mababaliw kakaisip ng solusyon. Kahit ang pagpunta sa hacienda nila Uno ay nakalimutan ko na. Bumalik lang iyon sa aking isipan nang nakita ko ang imahe ni Uno sa aking harapan.

“Hinintay kita sa bahay. Mukhang nakalimutan mo ata.” sabi niya.

“May problema lang sa lupain. May binabalak si Tita na magtayo ng Hotel doon. Hindi ako pumayag sa plano niya kaya binili ko yung lupa. Nagamit ko yung sobra sobrang pera na ibinayad ng kompanya. Ibabalik ko pa sana ’yon sayo. Tapos ngayon, kulang ako ng kalahati.” Wala sa sarili kong pagkukwento.

“I’ll buy it then.” Simple niyang sagot sanhi para matauhan ako. Nakaramdam ako ng galit. Ganoon lang kasimple sa kanyang magwaldas ng pera! Hindi niya pa nga alam ang kondisyon ni Tita ay gusto niya na agad bilhin!

“Pwede ba Uno! Tigilan mo ang kakagastos sa akin! Nagamit ko pa iyong sobrang pera at ibabalik ko pa dapat iyon sayo tapos magdadagdag kana naman, gagastos kana naman?!” Pagalit ko na iyong nabitiwan.

“I said stop worrying about the money I spent Aly. Mahal na mahal mo iyong lupain. Saksi ako sa bagay na iyon. Kaya bibilhin ko para sayo. Wala naman akong hinihinging kapali–“Tigilan mo ang kakasilaw sa akin sa pera Uno. Mukha ba talaga akong pera sa paningin mo?” putol ko sa kanya na ikinatigil niya. Namutla siya roon.

“No… hindi sa ganon. I am just trying to help–“Pwes hindi ko kailangan ang tulong mo! Kaya pwede ba! Umalis kana lang! Hindi ko kailangan ang pera mo!” Naiiyak akong itinulak siya. Ayokong itaya ang sarili kong kaligayahan para lamang sa lupaing iyon. Oo, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Uno kung pagmamahal ba ang tawag dito. Pero iyong ikasal siya, hindi ko ata kaya.

“Aly… what’s wrong?” Hinawakan ni Uno ang aking pulso, pilit pinapatigil sa pagtulak sa kanya.

“Naiinis ako sayo! Ang dali dali sayong magwaldas ng pera! Hindi purket mahal mo na ako ay sisilawin mo na ako sa ganoon Uno! Mananatili parin ang tingin ko sayo! Hindi ko parin masusuklian yang nararamdaman mo!” Wala nang preno ang aking bibig at kahit ano na ang nasabi ko.

Natigilan siya, kitang kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Hanggang sa naging madilim ang ekspresyon nito, nakaigting ang panga.

“So you think I’m buying your love? Na sinisilaw kita sa pera ko para mahalin mo rin ako? Ganoon ang tingin mo sa lahat ng ginagawa ko Aly?” His eyes darted on me sharply.

“Oo!”

Ang ekspresyong madilim na kanina ay may mas ikakadilim pa pala.

“I am doing this because I love you! Not because I want you to love me Aly! Ibang estorya na ang bagay na iyon! I told you I can wait!”

“Pero ganoon parin ang lumalabas! Sinisilaw mo ako! Tigilan mo ang kakawaldas ng pera mo para sakin dahil hinding hindi ako nahuhulog sa ganoon Uno! Hindi ikaw ang para sa akin dahil ni isang senyales ay wala naman akong nakuha–”

“Putanginang senyales!” He howled like a mad wolf that made me shut up. Nanginginig ako sa takot. Hindi ko siya nakitang ganito kagalit. Na pag nagsalita akong muli na hindi niya nagustuhan ay matitikman ko ang galit niya. Ang bangis na kinikimkim niya.

Chapter 27

Vote. Comment. Be A Fan. Signs Of Love -PrfctlyStbbrn

Guards

Ilang sigundo akong natigilan dahil sa pagsiklab ng galit ni Uno. Ni ang pagtingin sa kanyang nag-aalab na mga mata ay hirap ako.

“Ako ang bibili ng lupain na iyon at kung pwede lang Uno, tigilan mo na ang kahibangan mo. Ibabalik ko sayo iyong pera huwag kang mag-alala.” Paninigurado ko at pilit na iniiwasang mapatingin sa kanyang mga mata. Sinisikap na kimkimin ang luha na sana ay hindi iyon lumabas.

“Ano bang makakabali ng mga senyales mo?” tanong nito na hindi man lang pinapansin ang sinabi ko. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Na pag may mali akong naisagot ay mas sisiklab pa siya.

Hindi agad ako nakasagot. Gumuhit sa kanyang mukha ang nakakakilabot na ngisi. “Kaya hindi mo nakukuha ang senyales na gusto mo dahil hindi naman iyon totoo. You’re just clouded with your imaginations. But baby, this is reality! Hindi katulad ng napapanood mong mga nakakakilig na pambatang fairytales, walang ihuhulog na senyales ang langit para malamang siya talaga ang para sayo. That’s your choice!” His maliscious eyes darkened.

Umiling ako. “Naniniwala ako sa senyales Uno! May kanya kanya tayong paniniwala! Kung ikaw, nasanay kang nakukuha ng mabilisan ang babae, ikinakama sila tapos maghahanap ng panibago, pwes hindi ako ganoon! Hindi ako nagpapalit-palit ng lalake at hindi agad sumusugal sa pag-ibig kung alam ko namang panandalian lang!”

Uno laughed evilly. “Oh please Aly. I’ve never been so fucking inlove in my entire life. Oo, nagmahal na ako. Pero itong nararamdaman ko sayo, higit pa ’to sa pagmamahal. I’m obsess with you, too obsess that I want to keep you forever. Na kahit magpaalipin at maging sunud-sunuran sa sariling nararamdaman ko ay itataya ko.” Sumeryoso ang kanyang mukha pagkatapos ng nakakakilabot na pagtawa kanina.

Ramdam ko ang panghahapdi ng aking mga mata. His words were too much for me. Sinasakalay ako nito sa kasuluksulukan ko at dahan dahan akong inaatake para lang sumuko ang mga batalyon ko. Para magiba nang husto ang paninindigan ko.

Nag-amba siyang lumapit sa akin at inabot ang pisngi ko pero umiwas agad ako sa kanya na ikinaputla niya. Napaawang ang kanyang labi, nagsimulang mamula ang mga matang kanina pa matalim.

“P-Paano yan Uno, wala akong makuhang senyales. H-Hindi ikaw ang para sakin.”–“Don’t fucking say that! Hindi totoo ang senyales!”–

“Wala akong maramdamang senyales dahil hindi kita mahal! Naiintindihan mo ba ’yon Uno?!” dugtong ko agad sa pamumutol niya sa akin. Napasinghap siya. Gulat sa salitang bigla kong binitiwan.

“Say it again. Aly.” Titig na titig siya sa akin, seryoso ang pagmumukha.

“H-Hindi kita mahal…” Napayuko, humihikbi dahil sa kasinungalingang binitiwan.

“Again…”

Pinagpira-piraso na ata ang puso ko. Hindi ko na maawat ang sakit na bumabalot sa akin. Kahit labag sa loob ay sinikap kong ulitin ulit ang masakit na salitang binitiwan ko.

“Hindi kita mahal.” Deklara ko at napatingin sa mga mata niyang nanunubig. Kitang kita ko ang pag-agos ng luha roon. Kung paano siya napangiti ng hilaw sa akin.

“Say it again Aly. Paniwalain mo ako sa kasinungalingan mo hanggang sa maniwala ako. Kahit masakit…” Nakagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata. Hindi nabubura ang ngiti roon pero puno iyon ng pighati. Hindi ako makapaniwalang may ganoon palang ngiti. Na kahit nakangiti, nagmumukha paring malungkot. Nagmumukhang kaawa-awa.

Napahagulhol ako. Natakpan ko ang aking bibig at tinalikuran siya. I never seen him cry like that. Na kahit ang ngiting walang kabuhay-buhay ay ngayon ko lang nasaksihan. Sanay ako sa ngiti nitong puno ng buhay. Pero iyong nasaksihan ko kanina, nakakapanibago.

Siguro, itinakda kaming magkita ni Uno pero sa maling pagkakataon. Ang katulad kong baguhan sa larangan ng pag-ibig. Ni ang paghalik ay hindi ko alam. Baka wala rin akong makuhang senyales dahil alam ng Langit na hindi pa ako handa sa sakit na makukuha ko sa oras na nagmahal ako. I’m not prepared for this pain. Everything is so foreign… naninibago ako sa bilis ng kalabog ng aking dibdib sa tuwing nandiyan si Uno. Naninibago ako sa pamimilipit ng aking tiyan sa tuwing may sasabihin niyang matatamis na salita. Naninibago ako sa pagdampi ng kanyang labi sa aking labi, at sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng elektrisidad na parang kinukuryente ang buo kong katawan. Naninibago ako sa sensasyong naipaparanas niya sa akin sa tuwing magkasama kami. Pero habang nasa labas ng sinasakyan kong jeep ang aking tingin nang gabing iyon, naninibago ako sa malamig na hangin at hindi ko maramdaman ang mainit na yakap ni Uno sakin. Naninibago ako sa sakit na nararamdaman ng puso ko na ilang beses nang napatalon ni Uno sa tuwa. Naninibago ako sa palihim kong pag-iyak at wala na ang kanyang malambing na haplos mapatahan lamang ako. Naninibago ako sa aking pag-iisa kung kailan napalapit na ako sa kanya. Naninibago ako sa lahat dahil nasanay na ako sa presensya niya.

Masakit para sa akin ang lisanin ang bukid. Doon na ako lumaki, nagkaisip, natutong tumayo sa aking sarili. Pero kailangan ko munang umalis para makipagsapalaran sa syudad, makapag-aral at makaipon ng malaki para mabawi ang lupa. Ito rin ang isa sa hiling ni Lola, ang makapagtapos ako ng pag-aaral. Sisiguraduhin kong hindi lang ito ang matutupad ko, pati narin ang pagpapalago sa lupain. Babawiin ko iyon sa takdang panahon at itataguyod ko katulad ng ginawa namin ni Lola.

Pagkaapak ng aking paa sa sahig ay sumalubong agad ang usok ng hangin gawa ng maraming sasakyan sa paligid. Napakaingay. Ang raming mga taong naglalakad at inuukupa ang bawat espasyo. Na kahit anong gala ng iyong tingin ay wala kang makikitang kagubatan dahil napapalibutan na ito ng mga nagsisilakihang building.

“Hoy miss! Magpapakamatay kaba?!” Isang serbato ng busina ang nagpagulat sa akin. Mabilis akong napaalis sa daanan. Hindi ko namalayang nakatunganga pala ako.

Dala ang malaki kong bag ay wala sa sarili akong naghanap ng masasakyan. Nahihilo ako sa dami dami ng nakikita ng aking mga mata. May tricycle, jeep, taxi, motorsiklo, kotse… hindi ko alam kung ano ang pipiliin kong sakyan para ihatid ako sa patutunguhan ko.

Ang sabi kasi sa akin ni Channy, pag binalak kong pumunta rito sa syudad ay magpahatid lang daw ako sa Delafuente building. Pero hindi naman nasabi ni Channy ang sasakyan ko! ’Tsaka wala akong cellphone! May naghahatid ba rito ng sulat? Pwede bang magpadala ako ng liham kay Channy?

“Miss, saan ang punta mo?” tanong sa akin ng lalakeng nakaputi lahat ang suot.

“Uh, sa Delafuente building po.” sagot ko.

“Delafuente building? Anong klaseng building ba yan hija? Hospital? Condominium? Bar? O baka naman eskwelahan?”

Nagulat ako sa ipinangalan nitong mga establisyemento na nakapangalan sa mga Delafuente. G-Ganoon ba kayaman ang magpipinsang iyon? Oo, alam kong mayaman sila pero hindi ko inaakalang ganito kayaman! Na kahit maligaw ata ako sa syudad ay makakauwi parin ako dahil sa dami ng nakakakilala sa kanila.

“Saan po ba ang mas malapit, doon nalang po ako magpapahatid.”

Dala ang aking malaking bagahe ay sumakay ako sa isang taxi. Ang sabi ni Manong, iyong 3DBar daw ang mas malapit. Mas pabor iyon sa akin dahil makakatipid ako. Ngayon palang, gusto ko nang mag-ipon. Na kahit piso ay ayokong gastusin. Malaki ang perang kailangan ko at hindi dapat ako mag-aksaya ng kahit isang sentemo.

Bumaba ako sa taxi at nakita ang isang hindi gaano kalakihang building na may nakaukit na 3DBar sa labas. Nagtataka ako kung ba’t parang maingay sa loob. Ano kaya ito? Hotel? O baka naman bahay?

Maggagabi na kaya nakapagdesisyon akong pumasok doon. Nagtataka iyong mga taong may malalaking katawan sa entrance sa ayos ko.

“Bakit po Sir? Uhm, bawal po ba ang suot ko?” Inosenteng tanong ko at pinasadahan ang aking sarili na balot na balot. Ang lamig kasi kanina sa byahe kaya nagsuot ako ng makapal na jacket. Tapos may shole pa na nakapalibot sa aking leeg. At iyong flannel na nakatali sa aking beywang. Nakapantalon at flats naman sa pang-ibaba. Hindi ba akma ang ganitong ayos?

“Ah, hindi naman po Ma’am.”

Pinapasok ako nito sa loob. Mas umingay ang paligid. Nauubo pa ako sa usok na matamis sa ilong pag pumasok ito. Ramdam ko ang lamig kahit na balot na balot ako. ’Tsaka ba’t ganito ang ilaw? Parang mapupunder na at nagbabago na ang kulay? Wala ba sila noong kulay puti? Ba’t kulay green na nagiging blue at pula? Ang weird naman.

Iginala ko ang tingin. May mga babaeng parang sinaniban ng kung anong demonyo sa gitna at nagwawala. Nalaglag ang panga ko nang makakita ako ng babae at lalake na naghahalikan roon. Sa sobrang gulat ay napaatras ako. Kaso sa dami ng tao ay may aksidente pa akong nabangga.

“Watch out Miss!” sigaw ng maarteng babae sa akin. Katulad ng ibang nandito ay ganoon rin ang suot niya. Isa iyong dress na fit sa kanyang katawan. Lahat sila ay nagpapaligsahan atang magsuot ng kinulang sa tela. At ako, para akong isang kj na babae na kahit kaonting balat sa aking katawan ay ipinagkakait ko.

Nagtungo ako roon sa harap ng parang kusina. May lalake roon na todo mix ng inumin.

“Fresh!” Napangisi siya sa akin. “Ngayon lang ata kita nakita rito Miss.”

Kinukuha ng hawak niyang baso ang tingin ko. Shinishake niya iyon habang may mga iilang baso ring nakasabit sa itaas. Ang loob ay napapalibutan ng maraming bote. Hindi pamilyar sa akin ang inumin at kahit ang pinaggagawa niya ay wala akong ediya.

“May party ba rito? Sinong may birthday?” tanong ko na ipinagsalubong ng kilay niya. Kalaunan ay nahulog iyon sa isang hagalpak na tawa.

“Miss, Bar itong pinasukan mo. Kaya hindi malabong party talaga ang nasa loob.” sagot niya sa akin. Talaga? Yun pala ang iyon? Kaya ba sobrang lakas ng tugtog at ang raming tao?

“Uh, si Channy nandito ba? Pati si Jhope?” tanong ko.

Napakurap ito. “Nako Miss. Kung ano man iyang binabalak mo ay itigil mo na. Kasal na si Sir Jhope at may anak na.”

“Po? Eh pinsan po ako ng asawa niyang si Chanelle. Dito po kasi ako hinatid ng taxi driver. Pwede po bang pakitawagan. Sabihin niyo si Aly ang naghahanap.”

Napatitig sandali sa akin iyong lalake, para itong hindi kumbinsido o ano.

“Alam mo ang ganda mo. May boyfriend kana?” Natawa siya sa kanyang sariling tanong. Namula ang aking pisngi at naibabang muli ang tingin sa kanyang hinahalong inumin. Inilapag niya iyon sa harap ko.

“O ayan, inumin mo habang hinihintay ang pinsan mo. Libre ko na.” Kinindatan ako nito. Parang isang juice ang inuming inilapag niya. Hindi ako pamilyar sa amoy nitong napakatamis. Para akong naaakit na inumin iyon.

“Hindi ka ba sanay uminom? Teka, saan ka ba galing Miss? Siguro naman alam mong nasa planeta ka diba?” Natatawa niya paring tanong sa akin na mas ikinainit ng pisngi ko. Hindi talaga ako pamilyar. First time kong makapasok sa ganitong bahay. Ang laki, ang raming tao, ang ingay, medyo madilim pa at ang bango!

Habang hinihintay na dumating si Channy ay pasimple ko nalang iginala ang tingin sa paligid. May mga lalake akong nakikita na nakakamangha ang hitsura. Sobrang gwapo nila at parang hindi natatakot na mambuntis ng babae. Ganoon ang nakikita ko sa imahe nila. Parang kayang kaya nilang patumbahin ang babae sa kama tapos magpapalit ulit ng babae bukas pagkatapos sa isa. Nakikita ko si Uno sa kanila. Ang lalakeng iyon…

“Aly?!” Boses iyon ng pinsan ko hindi ako pwedeng magkamali. Paglingon ko ay tama nga ang hinala ko. Nasa likuran niya naman ang mga babae na nakangiti narin sa akin.

Umalis ako sa kinauupuan ko at nilapitan ito. Nagtitili ako sa sobrang saya. Dala narin ng pagkamangha sa aking mukha. Agad kong ibinulalas sa kanya ang lugar, kung paano ako namangha at naninibago sa mga nakikita. Ang sabi ng mga babae ay madalas pala sila rito. Mainam daw ang lugar na ito para magtanggal ng stress sa katawan. Si Jhope ang namamahala nito. Buti nalang pala hindi ko iniinom iyong juice na may kulang dahil nakakalasing raw iyon.

“You look awfully gorgeous Aly! Kahit siguro basahan ang suotin mo ay mangingibabaw ang ganda mo! Though I really hate your outfit. Balot na balot. Ang weird mong manamit.” Kantyaw sa akin ni EllieKlaire at namumuna ang tingin sa aking katawan. Nanghuhusga rin ang tingin nito.

“Buti naman at nagbago ang isip mo! What made you change your mind, anyway?” tanong ni Anne. She’s wearing a tight red dress showing her curve and exposing her cleavage. May coat siyang dala na hinubad niya ata pagkapasok niya rito.

“Gusto ko lang gumala. Nacucurious kasi talaga ako sa syudad! Si Channy kasi panay pagmamalaki na ang ganda raw rito!” Pilit akong tumawa. Kumbinsido naman sila sa sagot ko pero may bukod tanging pares ng mata ang hindi ko magawang tingnan ng matagal. Idagdag pa ang hindi niya pagsali sa tawanan at nanatiling misteryosa.

“Inapi ka ba ng dalawang mapagmataas na tagabukid mong kadugo, Aly?” Nagtaas ng kilay si Sky sa akin, blangko ang ekspresyon ng mukha. Hindi mo mapunto kung ano ang iniisip.

“H-Hindi ah. T-Tsaka dito ko naman talaga binabalak mag-aral. First choice ko talaga rito…” Nag-iwas ako ng tingin kay Sky at ibinaling kay Abbey na ngayon ay galit na ang mukha.

“Are you sure Aly?” tanong nito na ikinatango ko. Kahit ang mukha ni Channy ay nababiran na ng pag-aalala. Nginitian ko na lamang ito para makasigurado.

Ngayong taon sila gagraduate. Hindi nila kasama iyong magpipinsan dahil ang iba sa kanila ay may pinagkakaabalahan na. Si Channy naman ay naghohomeschool lang pero minsan ay isinasabay ang pag-aalaga kay Toshi.

Panandalian akong tumira sa bahay nila Channy. Ako ang nagiging yaya ni Toshi. Ipinapasyal ko ito minsan sa tuwing busy silang dalawa ni Jhope sa paglalampungan.

“Yakultie!” pinagtuturo ni Toshi ang isang box niyang yakult na hawak hawak ko. Pinapasyal ko siya rito sa park. Nakakapaglakad na ito ng matino at nakakapagsalita narin. Magfo-four na ata ang batang ito.

“Mamaya naman Toshi!”

“No! Gimme! Yakultie!” spoiled brat nitong sigaw sa akin na ikinabuntong ko na lamang ng hininga.

Malapit nang magsummer at ramdan ko iyon sa init ng panahon. Nagbabalak ang mga babae na mag-a-aout of town daw sila dahil nga graduate na pero iyong iba ay nabobored na sa kakatravel. Ako pa nga ang pinapasuggest nila sa binabalak nila ngayong summer. Total magna-19 narin naman ako, bale advance birthday gift nalang daw nila sa akin.

Kahit anong tanggi kong huwag nalang sanang gumastos ay hindi ko parin sila maawat. Desperada silang magwaldas ng pera para sa akin. Aanhin daw kung hindi gagastusin. Naaalala ko tuloy bigla si Lola kaya wala akong nagawa sa huli kundi pumayag. Bago man lang daw ako pumasok sa pagkokolehiyo ay magsaya muna ako. Nakakastress daw kasi talaga ang college life. Na pag masyado kang nagseryoso ay mababaliw ka talaga. Enjoy life! Naririnig ko ang boses ni Autumn sa tenga ko. Iyon kasi ang palagi niyang linya.

Sinuggest ko iyong paligid na maraming bulaklak. Gusto kong makapunta sa ganoong klaseng lugar. Iyong mapayapa, mahangin at puro bulaklak ang paligid.

Madaling araw palang ay bumyahe na kami. Nakaidlip silang lahat maliban sa akin na nasa labas lamang ng bintana ang tingin at pinagmamasdan ang nakakamanghang City lights na natatanaw ng mga mata ko. Hindi mawala sa utak ko si Uno. Kumusta na kaya siya? Hindi man lang ako nakapagpaalam, pero iyong huli rin naming pagkikita ay hindi maganda. He cried…

Inukupa ko nalang ang aking utak ng mga bulaklak na nakita ko sa magandang lugar na pinuntahan namin. Marami ring tao roon. Panay sila kuha ng litraso sa mga magagandang bulaklak na nagkalat.

Suot ang isang puting bistida at nakabun na buhok, manghang mangha ako sa paligid. Kumikinanng ang aking mga mata dahil sa nakikita.

“That guy wearing a mint tshirt is staring at you Aly, kanina pa iyan. I think he likes you!” Sumbong sa akin ni EllieKlaire. Napatingin narin ako sa lalakeng tinutukoy nito. Ngumiti ito ng makahulugan sa akin. Napakurap ako nang maglakad na ito at mukhang papunta sa direksyon namin. Ang ibang babae na nakapansin ay tinutukso na ako sa pamamagitan ng pagsundot sa tagiliran ko. Kaso, may biglang humarang sa daanan ng lalake kaya natigil ito. May kung anong sinabi sa kanya sanhi para mamutla iyon at mapabalik sa daan niya.

“Like what was that?” Si Autumn, takang taka.

“Sino iyong mga lalakeng mukhang bouncer? Do you know them Aly?” tanong ni Cheyenne sa akin na ikinailing ko. Now they all look suspiscious. Takang taka sa ikinikilos ng dalawa.

“You got a guards.” Humalakhak si Sky na ikinangiwi ko. The last time she was like that, may pinupunto siya. At ngayon na tumatawa itong muli na nakakakilabot, may mali rito.

Chapter 28

Signs Of Love

Poser

I spent my whole summer being with them. Panay sila lakad. Sila iyong mga babae na pag nabored sa bahay ay aalis agad at maghahanap ng pagkakatuwaan. Unlike me, kung nasa bukid pa lamang siguro ako ay hindi ako mabobored dahil marami naman akong pagkakaabalahan.

“Here comes your unknown guards again, Aly…” puna ni Julie na ikinatigil ko na naman at nilingon ang tinutukoy niya.

Sa bawat lakad namin ay hindi nawawala ang dalawang unknown guards ko. Hindi ko naman alam kung sino sila. Ang tangi lang namang ginagawa nila ay tinataboy ang nangangahas na lumapit sa akin. Akala ko ay nagkataon lamang iyon noong una ko silang makita at pinigilan nila iyong lalake. Pero nang nagtuloy tuloy ito na sa bawat lakad namin at naroon sila ay naghinala na ako.

Napabuntong ako ng hininga at itinuon ang tingin sa magandang beach na nasa harapan ko. Tirik na tirik ang araw. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Suot ang isang puting dress, nakatali ngayon ang aking buhok at expose na expose ang malalim kong collarbone. Nagpapahiwatig kung gaano ako kapayat.

“May manliligaw ka ba Aly?” tanong ni Snow sa akin nang tumabi siya. Her doe eyes were very attractive for me. Sobra niya pang puti. Her name suits her well.

“Wala naman…” sagot ko.

“Pero ba’t may nagbabantay sayo? Feeling ko tuloy may possessive na lalakeng ayaw kang mapunta sa iba.” komento ni Snow.

Napatingin ako sa dulo ng dagat. Kumikislap ang tubig dahil sa pagtama ng araw doon. Kung gaano kalayo ang aking tingin, ganoon rin kalayo ang aking isip. Bumabalik ito sa bukid at naglalakbay, may hinahanap. Maaari kayang si Uno ang may pakana nito? Pero galit siya sa akin. May nasabi akong masasakit na salita sa kanya. Imposible naman na ganito parin siya sa akin. Imposibleng imposible…

Nagtuloy tuloy ang lakad nila sa bawat Summer. Ako iyong nasasayangan sa libo-libong nagagastos nila. Pero sabagay, marami kasi silang pera kaya hindi sila natatakot magwaldas dahil alam nilang hindi naman sila mauubusan. Nanggaling ata silang lahat sa mayayaman na pamilya. Si EllieKlaire na nasa ibang bansa ang magulang, si Julie na may malaking business ang magulang, si Celina na anak ng may-ari ng isang malaking kompanya, si Abbey na may pamilya ring mayaman, si Autumn na anak rin ng isang business man, si Anne na may mga magulang na may-ari ng isang malaking eskwelahan, si Sky na nasa ibang bansa ang mga magulang at anak ng isang Lawyer, si Snow na may mga magulang ring may malaking kompanya, si Cheyenne na nanggaling rin sa marangyang pamilya. Lahat sila ay ipinanganak na ginto agad ang nakagisnang pamumuhay. Ni paglalaba ata ay hindi nila alam. At ang sabi nila, doon daw lamang na lamang si Channy. Kaso iyang pinsan ko minsan may pagkatamad rin yan kaya ako talaga ang pinakalamang. Marunong ako sa lahat at wala akong inaatrasan. Hindi ko alam kung ba’t namamangha sila sa ganoong bagay eh alam ko namang kaya rin nilang gawin iyon. Nakaya ko nga.

“Ipapasok ka ng asawa ko sa isang unibersidad. Libre kana roon Aly! Wala kanang poproblemahin!” Balita sa akin ni Channy nang malapit nang matapos ang summer. Isang linggo nalang at pasukan na.

“Scholar ako roon?” Namamangha kong tanong na ikinailing niya.

“Hindi ka scholar! Libre ka lang talaga. Bale, binayaran na niya–“Nakakahiya Channy!” putol ko sa kanya na ikinagulat niya.

“Kaya ko namang magscholar nalang. Huwag na iyong gumagastos pa para sakin. Sabihin mo nalang na tatanggapin ko yung pagpapaaral nila sa akin sa eskwelahan na iyon pero gusto ko, scholar ako.”

Napabuntong ng hininga ang pinsan ko. Ayoko nang iasa sa ibang tao ang mga bagay na alam kong may solusyon naman. Ayokong maissue na naman akong manggagamit. Siguro natuto na ako sa una kong pagkakamali. Ayokong nang dahil doon ay may maabuso na naman. May magawa na naman akong gulo.

Kahit ang pagtira sa isang condo ay tinanggihan ko. Sobra sobra naman ata iyon! Grabe naman ang magpipinsang ito! Oo sobrang yaman nila at nagiging mabait lang sila sa akin, pero hindi ako sanay na nakukuha ang isang bagay sa mabilisan. Sanay akong pinaghihirapan iyon. Sanay akong tumatayo sa sarili kong mga paa at hindi umaasa sa iba.

Tumira ako sa isang maliit na apartment. Ang sabi ni Snow, noong naglayas siya sa kanila ay dito rin daw siya tumira kaya medyo memorable sa kanya iyong kwarto kung saan na ako umuukupa ngayon. Siguro memorable sa kanya dahil saksi ito sa pagiging matapang niya. Nakaya niya rin palang maging independent kagaya ko. Na kahit mayaman sila ay hindi siya umasa sa kanilang pera. Tapos nagtatrabaho siya roon sa Restaurant na malapit lang rin sa school na papasukan ko.

Nagsimula rin ang pag-aaral ko. Hindi naman bago sa akin iyong pinagtitinginan ako. Hindi dahil namamangha sila dahil maganda ako kundi dahil naweweirduhan sa pananamit ko. May iba na natatawa pa habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako nakabuhad kaya wala akong dapat ikahiya. Problema na nila yan dahil tumititig sila sakin at masyado akong pinagtutuunan ng pansin.

Dala ang mga paninda ko ay nagtungo ako sa office. Hihingi ako ng permiso na magtitinda ako. Para naman may pera akong pangtustos sa aking sarili at dagdag ipon narin kahit papaano.

“I’m sorry to tell you this Miss Calaque but we highly disappoved the students for selling anything inside the University. Nandito kayo para mag-aral hindi para magtinda.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa sinabi ng head. “Sige na po. Hindi naman po iyon magiging sagabal sa pag-aaral ko.” Pangungumbinsi ko.

Tiningnan niya ang student profile ko. “Hmm, you’re a scholar. Alam mo bang maraming tungkulin ang mga scholar sa eskwelahan? May mga extra curricular activities kang gagawin.” Saka niya tiningnan ang pangalan ko ng nakakaiba. “Are you related to Mr. Delafuente’s wife? Si Chanelle?”

“Uh, pinsan ko po. Siya po ang nagbigay ng scholar sakin dito e. Nakalimutan ko po kasing humingi ng permiso sa kanya kung pwede bang magtinda rito. Ayaw ko na po kasing makadisturbo sa mag-asawa dahil masyado na po silang mabait sa akin…” Malungkot kong sabi at pilit itong kinukumbinsi sa mga salitang binibitawan ko.

Nang napakurap ito at may kung anong papel na kinuha ay palihim na akong napangiti.

“Ibigay mo nalang ito sa mga Professor mo. Permission letter ’yan.”

Lumiwanag ang aking mukha at pinaliguan ito ng pasasalamat. Siguro naman hindi magagalit si Channy kung ginamit ko sandali ang apelyido niya. Hindi naman sa inaabuso ko, at hindi naman makakasama itong ginawa ko! Sadyang napasubo lang talaga ako. Hindi rin naman ako gagawa ng bagay na ikakasira ng pangalan ng kanyang asawa.

Sa unang pasok ko palang, napatingin agad ang lahat sa akin. Loose kasi sa akin iyong uniporme tapos sinuotan ko pa ng isang jacket ang blouse ko, idagdag ang palda kong lagpas tuhod at ang buhok kong hindi ko na nasuklay kanina sa kakamadali kaya hindi ko na nadisiplina ng maayos ang medyo curly kong buhok at nagrerebelde na naman sa akin.

Dala ang marami kong paninda, nagtungo ako sa bukod tanging bakanteng upuan kung saan hindi naman pumalag iyong seatmate ko. Sa lahat kasi ng estudyante rito, siya lang ang babaeng walang imik. Nakatitig siya sa akin kanina pero wala naman akong mabasang emosyon sa mukha niya.

Maganda siya, nakukuha ng kanyang pilikmata ang atensyon ko. Tapos iyong pointed niyang ilong na dumidipina sa kanyang maliit na mukha. Ang labi niyang singnipis ng akin at ang buhok niyang maayos niyang nadadala kahit medyo wavy rin iyon. Nakapatong ang isa niyang paa sa isa at parang ang taray taray…

Lahat ata ng kaklase ko ay may komento sa akin maliban sa maganda kong seatmate at tahimik lang. Nasa libro palagi ang kanyang atensyon o kaya sa dala niyang laptop. Iyon lamang ang palagi niyang pinagtutuunan ng pansin at wala rin siyang nakakausap na kaklase namin.

Siguro ganoon siya kataray kaya walang kumakausap sa kanya. Habang iyon ang pinagkakaabalahan niya tuwing break time, ako naman ay abala sa pagtitinda ng aking mga handmade na bracelets. Ang hirap magtinda lalo na’t ang tingin lahat sa akin dito ay weird daw ako.

Di ko nga maintindihan kung saang parte ng mukha ko ang nadislocate o kung may meron ba sa akin na wala sa katawan nila kaya kakaiba ang tingin nila sa akin. Iyong pananamit ko lang naman talaga at estado ko sa buhay.

Sapat na ba iyon para pangalanan mong weird ang isang tao? Dahil para sa akin, lahat ng ginagawa ko ay normal lang naman para sa isang estudyanteng nagsisikap. Sila ata itong weird eh! Daming napapansin!

“Okay class, pass your assignments.” Anang matanda naming prof kinaumagahan na halos ikahimatay ko ata. Assignment?! Nako po! Hindi ko iyon nagawa dahil mas inuna ko ang mga handmade bracelets ko!

Nagiging balisa na ako sa aking upuan lalo na’t sumusuyod iyong prof para kunin isa isa. A-Anong sasabihin ko? Scholar pa naman ako.

“Here.” May ibinigay na papel sa akin iyong seatmate ko. “Take it.”

Kahit naguguluhan ako ay tinanggap ko iyon. Saktong nakarating dito iyong Prof at chineck ang hawak ko.

“Miss Heira, your assignment?” tanong ng prof sa katabi ko.

“I forgot.” Tipid nitong sagot na ikinakurap ng prof. Tinitigan siya sandali at nailing. Kumpara sa lalakeng walang assignment kanina, hindi niya ito gaanong tiningnan ng masama.

“Pass it tomorrow.” Kalmado nitong sabi.

Tumango iyong babae. Nang umalis ang prof ay kinompronta ko agad ito. Kung ba’t niya ibinigay sa akin ang assignment niya.

“You’re a scholar right?” Tumango ako. “Mas kailangan mo ’yan.” sabi niya sa akin.

“S-Salamat.”

Sikat siya dahil maraming lalake ang may gusto sa kanya. Naririnig ko rin kasi ang mga kaklase kong mga lalake na siya ang bukambibig palagi. Lahat ata ay kilala siya pero ni isa, wala akong nakitang inientertain niya. Mas priority niya ata ang pag-aaral niya.

“Diba seatmate mo si Heira?” Tanong ng lalakeng inalukan ko ng bracelet.

Tumango ako.

“Bibilhan kita pero sa isang kondisyon…” Ngumisi na ito sa akin.

“Ano?”

“Get her number for me.” sabi niya at naglabas ng isang libo. “Here. That’s your payment.” Mas tumamis ang kanyang ngisi sa akin.

Napatitig ako sandali sa pera hanggang sa nag-angat ako sa kanya ng tingin.

“Kung gusto mo talaga, ba’t hindi ikaw ang humingi?” Unti unting nalusaw ang kanyang ngiti at nagkasalubong ang kilay.

“I’ll pay you. Hindi ba’t kaya ka nagtatrabaho dahil kailangan mo ng pera? Then take this. Huwag kanang mag-inarte.” Ngayon ay nakakaloko na ang kanyang ngisi pero may kaonting galit ang mga mata.

Hindi nalang ako sumagot pa at tatalikod na sana nang hinila niya akong muli para harapin ito. Nagulat ako sa biglaan niyang galaw.

Ang galit na galit niyang ekspresyon ay unti unting huminahon nang matitigan niya ako ng matagal. Kumurap kurap siya, tila hindi sigurado sa nakikita o baka ay namamalikmata lamang.

“Maganda ka palang titigan, weird girl…”

Napasinghap ako. Mabilis kong binawi sa kanya ang braso ko at napaatras. Mas lumalim ang kanyang titig sa akin.

“Madamitan ka lang siguro ay may mas ikakaganda ka pa. Hmmm…” Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. “Not bad.”

Kunot-noo ko ring pinasadahan ang sarili ko. Wala naman talagang masama sa akin ah?

“Magkano?” Bigla niyang tanong na ikinabalik ng tingin ko sa kanya.

“Magkano ka sa isang gabi. I’ll pay you.”

Kahit hindi niya idetalye ang ibig niyang sabihin ay alam ko na agad ang tinutukoy niya. Nagkasalubong ang aking kilay. Napakabastos rin naman talaga!

“Alam mo, kahit gaano ako kahirap at walang wala na, mas gugustuhin ko nalang sigurong magdildil ng asin kaysa magpagamit sa isang animal na sakim sa kama.” sagot ko at mabilis na tumalikod. Nagawa ko pang tumakbo dahil sa kaba ko. Baka kasi ay suntukin niya ako sa sinabi ko sa kanya. Nang nilingon ko ito ay may gwardya nang humaharang sa kanya at mukhang kinakausap ito. Napabuntong ako ng hininga at naikalma rin ang sarili.

Marami na akong naiingkwentrong lalake simula nang magsimula ako sa pag-aaral dito. Pero ang pinakawalanghiya talaga ay iyong tukmol na pagkatapos mabasted ng maganda kong seatmate ay nagalit! Nadamay pa iyong paninda ko! Ang sarap ring tuhugin ng animal na ’yon.

“Heto Addi, may bago akong gawang bracelets! Mamaya imodel mo ha.” salubong ko sa kanya kinaumagahan.

Simula rin kasi nang araw na iyon ay naging close kami. Tahimik siya at magsasalita lamang kung may importanteng sasabihin. Pumapayag naman siya sa gusto ko kaya noong inalok niya akong tumira sa condo niya ay pumayag narin ako. Pero tutulong naman ako sa gawaing bahay. Naaawa ako sa kanya dahil mag-isa rin pala siya kagaya ko.

“Sabi ko naman ako nalang ang bibili ng mga tinda mo. Tuwing gabi kana nagpupuyat kakagawa ng mga ganyan. You’re putting your health in danger.” Medyo may galit nitong sabi sa akin.

“Hindi ah! Malakas akong kumain ng gulay! Healthy kaya ako.” pagmamalaki ko

Nailing siya. Isinabit niya sa kabilang tenga iyong ilang hibla ng kanyang buhok at itinuon ang tingin sa laptop niya. Ni minsan, hindi naman siya nagrereklamo tuwing ginagawa ko siyang model. Hindi kaya…

“Uh, naoffend ka ba dahil sandwich lang ang nalibre ko sayo noong naging malaki ang kita ko?” Dinungaw ko ang kanyang mukha.

Sobrang ganda ni Addi. Pero ang taray lang talaga. Siya iyong tipo ng babaeng tahimik lang at mukhang walang pakialam sa paligid pero matatakot kang kausapin ito dahil baka bigla kang sampalin. Masyadong misteryosa ang kanyang mga mata na akala mo ay may maraming tinatagong galit sa mundo. I never saw her smile…

Hindi niya pinansin ang pinagsasabi ko at iniharap ang kanyang laptop sa akin.

“This is a group page Aly. Take a photo of your bracelets and post it here. Ang tawag sa ganito ay online selling. Mas convenient ito kaysa ilako mo iyang mga paninda mo sa school.” sabi niya at hinawi ang buhok papunta sa kanyang likuran.

Napatitig ako sa page at naibalik muli sa kanya. “Hindi ako marunong gumamit ng ganyan kalaking cellphone, Addi.”

Napasinghap siya at nakagat ang pang-ibabang labi. Mayamaya ay napangiti na siya at pilit na pinipigilang matawa. Namangha ako dahil may mas ikakaganda pa pala siya.

“This is not a big phone, silly.” sabi nito habang ngumingiti parin at mukhang matatawa na ano mang oras.

“Ay oo nga pala laptop! Pero parang cellphone rin naman iyan. Parehas parin.” Katwiran ko at nag-iwas ng tingin.

“Just sell your products through online, Aly. Just try it.” Pangungumbinsi niya.

Kaya kinagabihan ay iyon nga ang ginawa ko. Pinipicturan ko ang mga gawa kong bracelet tapos pinopost iyon ni Addi. Tuwang tuwa ako at nagtitili sa kanyang gilid nang sinabi niyang may buyer agad. Tapos gusto pang bilhin lahat! May botique raw kasi ito. Tapos nagustuhan niya ang mga gawa ko kaya gusto niyang mas gumawa pa ako ng marami at bibilhin niya.

Ginawan narin ako ng facebook ni Addi. Iyong profile picture ko ay nakatingin lamang ako sa kanya ng simple at nahihiyang ngumiti.

“Ang ganda mo pag tinititigan ka ng matagal Aly. Siguro kung lalagyan ka ng light make-up ay mas gaganda ka.” sabi niya habang titig na titig sa akin. Kapwa kami nakaupo sa kanyang kama at nakaharap sa kanyang laptop.

Nahihiya akong yumuko. Hindi ko rin kasi alam kung paano tatanggapin ang compliment na iyon.

Nawala lang ang tingin niya sa akin nang binalingan niya ang aking facebook dahil sa friend request.

“You have a friend request. Kaso mukhang walang mukha. Baka poser.” sabi ni Addi habang inistalk na ang wall nito. Wala pang post at mukhang kagagawa lang. Pati profile picture ay wala siya.

“What a weird name. Wan Vegetarian?” Lumukot ang mukha ni Addi nang binasa ang pangalan. “This is a poser Aly. Huwag mong iconfirm.” Naiiling na dinelete request iyon ni Addi.

Napatitig akong muli sa pangalan nito. Wan Vegetarian? May ganoon bang pangalan?

Chapter 29

Vote. Comment. Be A Fan. Signs of Love -PrfctlyStbbrn

Wan

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Napapangiwi ako dahil sa inilagay ni Addi na mukhang parang mantikang lipstick sa labi ko. Para akong hindi makapagsalita ng maayos. Hindi ako komportable.

“Here. I have extra uniforms. Wear this.” Ibinigay sa akin ni Addi ang medyo fit na blouse at hanggang tuhod na palda.

“Huwag na Addi. Tinanggihan ko nga iyong mga uniporme na ibinigay ng mga kaibigan sa akin ni Channy. Kontento na ako sa mga damit ko…” sabi ko kahit na medyo nahihirapan akong bumigkas dahil sa labi ko.

Napanguso siya at tiningnan ang aking sarili. “Pag nadamitan at naayusan ka Aly, I’m sure magiging sikat ka sa school. Pero hindi naman sa iyon ang gusto kong mangyari sayo. I am just helping you to look good. Maganda ka.”

“Kontento na kasi talaga ako sa ganito.”

“You’re a girl, Aly. Huwag mo naman sanang kalimutan ang bagay na ’yon.” She raised her brow. Naalala ko bigla ang ginigiit ni lola sa akin. Masaya kaya siya ngayon sa Langit habang pinapanood ako? Alam niya na kaya ang tunay na nangyari? Hindi na ba siya galit sa akin?

Hindi na ako pinilit ni Addi. Wala na akong dalang mga bracelets na ititinda kaya naghahanap naman ako ng bagong pagkakakitaan. May malaki rin kasing cafeteria rito. Sa labas naman ay may Restaurant din. Wala rin naman akong dalang gulay. Kadalasan kasi sa mga tinitinda rito ay hindi masustansya. Mas sanay ang tiyan ko sa kalendirya.

Noong magsummer na ay kami paring dalawa ni Addi ang magkasama. Busy rin kasi ang mga babae. May kanya kanya silang trabaho lalo na’t si Channy ay naghohomeschool rin tapos idagdag pa si Toshi na lumalaki na.

“Sigurado ka ba talaga, Aly?” tanong sa akin ni Channy sa hindi ko mabilang kung pang-ilang beses na.

“Oo nga. ’Tsaka kaysa naman kumuha kayo ng babysitter ni Toshi ako nalang.” Nilingon ko si Toshi na nasa sofa at hawak ang remote. Nakapatong ang isa nitong paa sa isa pa. Nanonood ito ng uod na mga nagsasalita.

Nilingon sandali ni Channy ang anak saka ibinalik sa akin. “Isang linggo lang naman. Emergency lang kasi. At baka hindi ko masyadong matutukan si Toshi roon.”

“Wag kana ngang mag-alala Channy! Ako bahala sa pamangkin ko. Para naman may quality time rin kayo ni Jhope roon!” Bumungisngis ako. Namula agad ang mukha nito at natawa sa akin. Mangingibang bansa kasi si Jhope dahil tutulong sa business ng kanyang magulang doon tapos kasama si Channy. Kaso baka sa sobrang busy nila roon ay hindi matutukan ng maayos si Toshi.

Dinala ko siya sa condo ni Addi. Pati ang ibang laruan nito ay dala dala ko rin. Lalo na ang importante niyang mga yakult.

“Hey, Toshi.” Bati ni Addi nang makapasok kami. Ngumuso lamang si Toshi at iginala ang tingin. “You have a small house.” komento nito sa malamyang boses.

“This is not my house. Condo ito, Toshi.” sagot naman ni Addi. Nakaapron ito at may kung anong pinagkakaabalahan sa kusina. Pinaupo ko si Toshi sa may counter kung nasaan ngayon si Addi at dinidesenyuhan ang kanyang cupcakes.

Nanatili ang mga mata roon ni Toshi. Ang mamula mula nitong pisngi at labi ay nakakaagaw ng atensyon. Kahit ang kilay nitong maitim na dumidipina sa kanyang matangos na ilong ay kapansin pansin rin. Namana niya ang magandang mga mata ng pinsan ko. Habang ang kabuuan naman ay sa angkan na ng Delafuente.

“Toshi wag kang gumalaw ha para hindi ka mahulog.” sabi ko. Hindi ito umimik at nanatili ang tingin sa cupcake. Ni hindi na siya kumukurap.

Napatitig sa kanya sandali si Addi hanggang sa mapangiti ito. Binigyan niya ito ng isa.

“Here.”

Agad iyong tinanggap ni Toshi. “Thank you.”

Kapwa kami napangiti dahil sa boses nito at nagconcentrate na sa pagkain.

“Kaya pala ang saya saya na ni Channy kasi naman perpekto na ang buhay niya. May Toshi na siya, may Jhope pa. Ikaw Addi, wala ka bang balak magkaroon ng boyfriend?”

Ang labi niyang nakangiti kanina ay mabilis na naglaho at naging seryoso na ang mukha. Itinuon niyang muli ang atensyon sa mga cupcakes na nilalagyan niya ng sprinkles at icing.

“Wala.” tipid niyang sagot

“Bakit naman? Dami mo kayang manliligaw pero binabasted mo agad. Siguro kung ganoon karami ang humahanga sa akin ay mabilis akong makakabenta. Benefits ’yon.”

“I’m not inlove with them Aly. Kaya ba’t ko pa patatagalin kung alam ko namang walang patutunguhan ang relasyong iyon? Basted agad.” Deklara niya na ikinanguso ko.

“Di mo man lang bibigyan ng second chance?”

Natigil siya. Unti unting umakyat ang kanyang tingin sa akin at tiningnan ako ng makahulugan. I can’t read her deep eyes. Na kahit wala siguro siyang sabihin ay matatakot ka agad dahil sa mga mata niya.

“I don’t believe in second chances Aly. Binigyan tayo ng Diyos ng isang buhay. Sa tingin mo pag namatay ka ay mabubuhay kang muli dahil lang gusto mo ng second chance?” Ramdam ko ang galit sa binibitiwan niyang salita. Napalunok ako at umiling.

“Sapat nang sagot ’yon kung ba’t hindi ako nagbibigay ng second chance. Ayoko nang mag-aksaya ng oras sa mga bagay na hindi naman talaga para sa akin.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ibinalik sa ginagawa niya. Those painful words hit me really hard. Paano ba talaga masasabi kung para na sa iyo ang isang bagay? Sapat na bang iasa lahat sa senyales? Sapat na ba iyon para makapagdesisyon ka na iyon talaga ay para sayo?

“Ipasyal natin si Toshi sa park, Addi! May magandang park doon sa hindi kalayuan. Baka ay maaliw siya sa mga batang naglalaro roon.” suhestyon ko kay Addi kinaumagahan. Wala na naman itong sigla at nasa isang libro agad ang atensyon. Puro iyon business. Nabanggit niya rin kasi sa akin noon na siya ang mamamahala sa kanilang kompanya pagka graduate niya. Habang ako itong sumasideline pa para lamang magkapera. Medyo kumikita rin kasi ako sa online business. Tapos binigyan rin ako ng pera ni Jhope. Gusto ko sanang tanggihan dahil pamangkin ko naman si Toshi pero nagpumilit ito kaya tinanggap ko nalang.

“I’m not in my mood to go out Aly. Kayo nalang.” Tamad nitong sabi sakin habang nakasandal sa kanyang kama at mesyo buhaghag pa ang buhok.

“Not in my mood too. Ikaw nalang, ate.” Bumaba ang tingin ko sa gilid ko kung nasaan si Toshi. Nakahalukipkip na ito at ngumunguso.

“Hindi pwede. Kailangan kang maarawan, maliit na bata.” giit ko na ipinagsalubong ng kilay niya. Tinuro niya iyong lampshade ni Addi. “Turn the light on.” Naningkit ang mga mata ko. Ang galing rin talagang mangatwiran!

Kinaladkad ko si Toshi palabas ng condo ni Addi. Nakabusangot pa ang mukha nito. Nang sinilip ko iyon para sana pangitiin siya ay itinakip niya ng buo ang kanyang mukha ang suot na bonnet. Ibang klase!

“Sige ka ililigaw kita sa park! Di ka makakauwi. Nasa ibang bansa pa naman ang mga magulang mo.” Pananakot ko sa kanya habang hawak ko ang kamay nito at ginigiya siya sa paglalakad.

“I’ll ride a taxi. My Daddy lolo has a taxi. I’ll call him.” sagot niya sa akin habang nakatakip parin ang mukha.

“Wala kang cellphone!”

“Bibili ako.”

“Wala kang pera.”

“We’re rich.” kampante niyang sagot na akala mo kung sino nang malaking bata. To think na 4 years old palang ang batang ito!

“Magulang mo ang mayaman hindi ikaw.”

“Dad will pay it for me. He loves me. He’ll do everything for me.”

Imbes na sumagot muli para makipagtalo sa kanya ay naitikom kong muli ang aking bibig. Naalala ko si Uno at bigla nalang nagwawala ang aking puso sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha sa aking isipan. Nahipo ko ang aking dibdib dahil sa bilis ng kalabog nito. Kung noon ay simpleng paghuhuramintado lamang ang nararamdaman ko, ngayon ay lumalala na ata. Para akong kukumbolsyunin ano mang oras pag hindi ko napakalma ang aking sarili.

Ipinatong ko si Toshi sa bench. Panay turo rin kasi siya noong ice cream sa hindi kalayuan. Umaabot kasi ang tunog dito kaya naaagaw ang atensyon niya.

“Oo na oo na. Bibilhan na kita! Dito ka lang okay.” pagpapakalma ko rito lalo na’t pinapadyak niya na ang paa niya habang tinuturo iyon. Tumango agad siya at umupo sa bench na parang isang masunuring bata.

“Wag bumaba Toshi, ha?” Kinurot ko ang pisngi niya na ikinabusangot ng mukha nito pero tumango parin. Ngumiti ako sa kanya at tumalikod rin.

Bumili ako ng dalawang ice-cream. Bumalik agad ako baka kasi wala na siya roon. Nang makita ko siyang nandoon parin habang nakaupo ay nakampante ako pero maliban sa isang bagay. May katabi na siya roon. Nakaharap sa kanya ang isang lalakeng may suot na jacket at nakahoody. Ang malapad lamang na likod nito ang nakikita ko. Nakikipag-usap ito kay Toshi.

Binilisan ko ang aking paglalakad para makarating agad sa kinaroroonan nila. Baka kasi bigla nalang nakawin si Toshi tapos humingi ng malaking pera sa mga magulang nito kapalit ang kalayaan ng bata!

“Opo, Kuya Wan.” Narinig kong sabi ni Toshi sa isang maliit na boses.

“Thank you buddy.” sagot naman ng lalake at tinapik ang ulo nito. Biglang nagsitindigan ang balahibo ko. Sobrang pamilyar sa akin ng boses na iyon. Sa sobrang pagkagulantang ko ay nanginig ang tuhod ko.

“U-Uno?” Mahina kong tawag. Nasa likiran na nila ako. Namalayan ng lalake ang presensya ko roon kaya tumayo ito at naglakad na paalis.

“Ice cream!” Napapalakpak si Toshi. Umaagaw ang aking atensyon sa lalakeng nakabulsa ang dalawang kamay sa jacket niya at lumalayo na.

“S-Sandali!” tawag ko rito. Akma ko itong hahabulin pero tumayo na si Toshi na ikinaalarma ko at baka malaglag pa. Nilapitan ko ito at hinawakan. Ibinigay ko sa kanya iyong ice cream para matigil siya sa paggalaw saka ko ibinalik ang atensyon kay Uno ngunit bigo na akong makita ang imahe nito. P-Pero siya ba talaga iyon? Baka naman nagkakamali ka lang Aly. Nasa bukid siya! Siguro ay kaboses niya lang. Oo tama.

“Your ice cream is dripping.” Turo ni Toshi sa isa ko pang ice cream. Tiningnan ko ito at nakita na siyang dinidilaan iyon.

“It’s dripping.” sabi niya ulit saka ibinalik ang pagdidila sa hawak niyang ice cream.

“Sino yung kausap mo rito kanina Toshi? Diba sabi ng mama mo don’t talk to stranger when your mouth is full?!”

“Mali! Don’t talk when your mouth is full.” Nangongorrection niya.

“Hoy yun parin iyon. Sino ’yon? Ba’t mo kinausap? Isusumbong kita sa Mommy mo.” Sinundan ko siya ng tingin na umuupo na sa bench. Ipinatong niya iyong isa niyang paa sa isa pa at nagpatuloy sa pagdila ng kanyang ice cream.

“Kuya Wan is not a stranger.” sabi niya. Wan? Iyong lalakeng poser na makulit sa facebook at panay add sa akin kahit ilang beses ko nang dinelete confirm?

“Bakit, kilala mo ba ’yon?”

“Si Kuya Wan.” simpleng sagot niya na ikinangiwi ko.

“Anong pinag-usapan niyo Toshi?” Naging curious na ako. Iyon rin ba ang tinutukoy na Wan ni Toshi o nagkataon lamang?

“He told me to shoo the boys away from you.”

Nagkasalubong ang aking kilay. Sino iyon? Kilala niya ba ako?

“I’m your guard, ate.” dagdag niya pa habang nasa ice cream parin ang atensyon.

Bumilis muli ang kalabog ng aking dibdib. Malakas ang kutob ko pero may parte rin sa akin ang nagsasabing imposible. Galit siya! Baka nga nasa bukid parin iyon at may pinopormahan nang ibang babae.

Pumunta kami sa dulo ng park. May mga bubbles doon dahil sa dalawang bubble machine. Iyon ang pinagkakaguluhan ng mga bata. Si Toshi lang itong hindi nakikisali sa paglalaro at nagmamasid lamang ang mga mata habang nakahawak sa akin. Iyong isa niya namang kamay ay hawak ang ice cream ko. Ibinigay ko nalang sa kanya.

“Ayaw mong maglaro?” tanong ko na ikinailing niya.

“I’ll guard you.” seryoso nitong sagot na akala mo kung sino nang mas matanda sa akin.

“Toshi hindi na ako bata.” Humalakhak ako.

“Obviously, ate.” suplado niyang sagot na ikinanguso ko. Nakatayo lamang kami rito sa gitna habang iyong mga bubbles ay lumilipad sa ere. Napatingala ako at napangiti sa nakikita ng mga mata ko. Ganito pala ang syudad. Isang taon na akong nandito at namamangha ako sa mga napupuntahan kong lugar. Kaso masyado lang talagang maingay. Pero iyong ganitong lugar, sobrang nakakarelax sa pakiramdam.

“Miss.” Napakurap ako sa lalakeng biglang lumapit sa akin.

Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni Toshi. “Shoo!” Pananaboy niya sa lalake.

“Toshi.” saway ko rito.

“Easy there kiddo.” Halakhak ng lalake at binalingan akong muli. “Anak mo, miss? Ang ganda mo namang Mommy…” Ngumisi siya lalo.

Umawang ang bibig ko para sana sumagot nang natabunan ng boses ni Toshi ang akin. “Shoo or I’ll throw my ice cream in your face!”

“Toshi! Bad yan ha.” Pinaningkitan ko ito ng mata. Kaso itong batang ito ay nanatili ang matalim na tingin sa lalake.

“Ganyan talaga ang mga bata, miss. Hayaan mo na.” Tumawa itong muli. Naaagaw ng kanyang natural na mapulang labi ang aking tingin. May hitsura ito at nang-aakit ang mga mata.

“Pasensya na sa pamangkin ko.” sagot ko rito na ikinaliwanag ng mukha niya.

“Pamangkin? Akala ko talaga anak mo.” Mas naging kabuhay-buhay ang kanyang tawa. Si Toshi naman itong hindi parin siya nilulubayan ng tingin. Masamang masama parin at nagkakasalubong pa ang mga kilay.

“By the way, pwede bang malaman ang pangalan mo?”

Lumapit pa siya lalo. Sasagot narin sana ako kaso nagulat nalang ako dahil sa lalakeng biglang dumaan sa gitna namin at nabangga iyong lalake. Sa sobrang lakas ata ng pagkakabangga sa kanya ay napaupo ito sa sahig.

“Let’s go, ate.” Hinila ni Toshi ang kamay ko habang naroon pa sa lalakeng nakaupo ang tingin ko. Gulat rin ang mukha at galit na galit na napatayo. Sinundan niya ng tingin ang lalakeng bumangga bigla sa kanya.

“Ang laki ng daanan sa gitna ka dadaan!” galit na sigaw ng lalake doon sa lalakeng nakahoody at lumalayo na naman. Siya iyong kausap ni Toshi kanina. At hindi ako pwedeng magkamali sa naamoy kong pabango nang dumaan ito! Kay Uno iyon…

Nagpatangay ako sa panghihila ni Toshi sa akin at umuwi nalang. Kinagabihan ay inatupag ko agad ang laptop ni Addi. Mahimbing nang natutulog si Toshi sa kabilang kwarto. Si Addi naman ay panay scroll lang sa cellphone niya.

Tiningnan ko ang friend request at nakitang muli ang pangalan na pang-ilang beses ko nang dinelete request. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Umaasa akong baka si Uno ito. Pero ang sabi sa akin ni Addi, huwag daw akong basta bastang nangcoconfirm ng hindi ko kilala lalo na itong si Wan dahil halatang poser daw.

Kahit na may nagaganap nang debate sa aking isipan ay may sariling utak parin ang aking kamay at inaccept ito. Nakalutang pa sa ere ang aking isipan nang bigla nalang tumunog ang isang notification dahil sa isang mensahe. Agad ko iyong binuksan at nakita ang pangalan ng lalakeng kakaconfirm ko lang. Pigil hininga ko iyong binuksan.

Wan Thank you for accepting my friend request. :)

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking dibdib. Hindi naman ako siguradong si Uno ito pero parang ang puso ko na mismo ang nangungumpirmang si Uno ito. Na siya rin iyong sa park, iyong kumausap kay Toshi. Na sa kanya lamang tumitibok ng ganito ang puso ko. Pero baka nagkakamali lang rin ako. Siguro, masyado ko lang pinag-iisip ang lalakeng iyon.

Nagtipa ako ng mairereply dito.

Ako: Pabalik balik ka kasing nagf-friend request.

Wan: Palagi mo ring dinidelete.

Ako: Ba’t wala kang mukha? Poser ka raw e. Kaya di kita kinonfirm.

Wan: I’m a nice guy don’t worry. ;)

Napatitig ako sandali sa reply nito. Mabait rin si Uno. Mariin akong napapikit at pilit binubura ang mukha niya sa isip ko saka muling ibinalik ang atensyon sa laptop.

Ako: Naniniwala ako :)

Wan: I have a favor.

Ako: Ano yun?

Wan: Can I see your face right now? Send a photo please…

Ako: Okay

Nilingon ko agad si Addi para sana hiramin ang cellphone niya nang makita ko ang mga mata niyang nasa laptop na pala ang tingin.

“Kachat mo iyong poser?” seryoso niyang tanong na ikinatango ko.

“Oo. Uhm, gusto niyang magsend daw ako ng picture ko.” Nakanguso kong sagot na mas lalong ipinagsalubong ng kilay niya.

“He’s asking your nudes, Aly! Nagpapauto ka. Sinabi ko na sayong huwag kang nang-aaccept ng kung sino sino.”

Nagulat ako sa sinabi ni Addi. Mabilis kong nireplayan iyong si Wan at sinara nalang ang laptop ni Addi.

Ako: Bastos!

You cannot reply on this conversation.

Chapter 30

Signs of Love

Possessive

Noong magsecond year college kami ni Addi ay mas naging mahirap ang mga subjects. Nagpatuloy naman ang online business ko. May iilan sa mga babaeng nanganak na. Nagkakapamilya na silang lahat at mas tutok na sa pag-aalaga ng bata kaya hindi narin gaanong nakakalakwatsya. Naenjoy na daw nila ang kanilang teenage life kaya ready na silang maging isang Mommy.

“Ang cute ng anak ni Snow, no? Sobra ring puti!” Pagpapakita ko ng mga pictures kay Addi sa laptop niya na ginagamit ko. Nagfifacebook na naman ako. Nakikita ko sa newsfeed ko iyong mga anak ng mga babae.

Tumitig sandali si Addi tsaka rin siya tumango. Ni hindi man lang siya ngumiti. Pagkatapos niya iyong tingnan ay ibinalik niya rin ang tingin sa kanyang hawak na libro.

“Sigurado ako Addi pag nagkaanak ka sobrang cute rin. Mamamana niya ang maganda mong mukha!” deklara ko at ngumiti ng matamis. Dinudungaw ko ang kanyang mukha na hindi parin nakikitaan ng ibang ekspresyon maliban sa blangko.

“I am not into kids,” tipid niyang sagot at inilipat ang pahina.

“Eh?” Kumunot ang noo ko. “Paano kung iyong asawa mo gusto ng pamilya? Gusto ng anak-“I don’t need a husband, Aly. Kaya ko namang mahalin ang sarili ko at kaya kong itaguyod ang sarili ko. Hassle lang ang ganyan,” paliwanag niya na parang iyon na ang desisyon niya at wala nang makakabali noon.

“Ang bitter mo, Addi. Ako nga kahit nag-aaral ako at ipinagsasabay ang pagtatrabaho ay hindi parin nawawala sa isip ko na sa future ay magkakapamilya rin ako. Sa future ay may lalake ring naghihintay sa akin at aakuin ako ng buo. Mga ganoong bagay…”

“Ano bang mapapala sa pag-ibig bukod sa sakit?” may pandidiri sa tono ng pananalita niya. Ang mga mata niyang malalim ay may kung anong itinatagong sakit at hindi ko lang talaga matukoy kung ano iyon. Hindi rin naman kasi makwento si Addi. Hindi rin siya masyadong madaldal. Ang tanging ginagawa niya lang ay makinig sa akin. Sasagot kung may tanong. Iyon lang. Ni minsan, hindi siya nag open-up tungkol sa sarili niya. Kahit nga ang mga maliliit na detalye sa kanyang buhay ay wala akong ediya. Masyado siyang misteryosa.

“Masarap ang magmahal, Addi. Kahit may mga panahong nasasaktan ka, pero nangingibabaw parin yung sarap na naidudulot ng pagmamahal. Iyong nagiging kontento ka sa lahat ng bagay.” Ngumisi ako ng hilaw nang maalala ang mga araw kung saan masaya akong kasama si Uno.

Imbes sumang-ayon ay hindi siya kumibo. At sa tuwing nababanggit ang pag-ibig ay ganoon ang inaasal ni Addi. Palagi siyang may nasasabing negatibo. Palagi niyang sinasalungat ang pananaw ko na kahit nasaktan ka ay hindi iyon hadlang para pigilan mo ang sariling magmahal muli. Pakiramdam ko tuloy gusto niyang tumandang dalaga. Sa estado ng kanyang buhay, sa pagiging maganda at mayaman niya, sigurado akong mabubuhay siyang masaya. Pero iyong saya na naibibigay ng pagmamahal ay mas masarap parin. Wala iyong katumbas na ano mang materyal sa mundong ito. Kaya nga marami tayong naisasakripisyo dahil lang mahal natin ang isang tao. Ako, nakaya ko siyang saktan. Nakaya kong sabihin ang lahat ng iyon sa kanya para sakaling mabago ko ang binabalak niya.

Tiningala ko ang langit na nababahiran na ng ibang kulay. Hudyat iyon na malapit nang gumabi. Bihis na bihis si Addi ganoon rin ako. Ang sabi niya, magpapakalma lang daw kami ng utak. Pero uuwi rin agad. Gusto niya lang daw magsaya. Sumang-ayon naman agad ako sa gusto niya dahil simula noong makilala ko siya ay hindi ko siya gaanong nakikitang nagsasaya. Para niyang kinukulong ang kanyang sarili sa isang madilim na bahagi ng isang mundong siya lamang ang nakakaalam. Ganoon siya kalungkot sa kalooblooban niya na hindi niya na nagagawang ngumiti ng matamis minsan.

“Bar? Teka, pagmamay-ari ito ni Jhope, Addi!” Nagf-freak out kong sabi dahil sa excitement nang mabasa ang pinuntahan naming lugar.

“I know. Hindi kita lalasingin don’t worry. Juice ka lang,” sabi niya saka kami pumasok.

Katulad ng una kong punta sa lugar na iyon ay hindi parin nagbabago ang pananaw ko. Namamangha parin ako sa nasasaksihan ng aking mata. Hindi parin nawawala iyong mga kaedad naming sinapian ng kanta at nagwawala na sa dancefloor. Bukas naman ang isipan ko sa mga ganitong bagay. Na may mga tao talagang nagiging walanghiya na at naghahalikan nalang doon.

Sa counter kami dumeritso. Si Addi iyong nag-order ng iinumin namin. Isang citrus juice iyong akin habang ang kanya ay isang hard drink. Nakita ko siyang nilagok iyon ng buo saka napangiwi. May problema ba siya?

Nagpapakalasing si Addi kaya iyon rin ang ginawa ko. Nagpapakalasing rin ako sa aking juice. Kaso sa rami ng nainom ko ay pabalik balik na ako sa cr dahil sa kakaihi.

Pabalik na akong muli sa counter nang may humawak ng braso ko. Nagkasalubong ang aking kilay at nilingon ang isang lalakeng nakaitim na jacket. Seryoso ang pagmumukha nito at hindi ko gaanong maaninag ang kabuuang hitsura gawa narin ng dim na ilaw at ang suot niyang hood.

“Ilang baso na ang nainom ng kaibigan mo?” tanong nito sa baritonong boses na halos ikasindak ko.

“H-Holdap ba ’to?” Nagugulantang kong tanong. Hindi ko rin masyadong narinig ang sinasabi niya. Para niya lang kasi iyong binubulong sa hangin.

Hinila niya ako sa hindi kalayuan. Gusto ko na sanang sumigaw nang hinarap niya akong muli at tinanggal ang suot na hoody. Natutop ang aking labi nang makita ang mukha nito. Nakakasindak nga siya pero dahil iyon sa kagwapuhan niya. Nakakatakot ang talim ng kanyang mga mata pero nakakaakit iyong titigan. May kung ano pang maliit na ekis sa gilid ng kanyang mata. Nakaitim na jacket, itim na panloob, itim na pantalon at isang timberlands na pang-ibaba. Ang buhok niya ay medyo magulo pero maayos niya namang nadadala.

“I am talking about your friend, miss. Don’t let her drink too much,” medyo pagalit niyang sabi sa akin.

Napakurap ako. Nilingon ko si Addi na panay parin ang lagok saka ko ibinalik sa lalake.

“Naglalasing siya kaya hindi ko siya pwedeng pigilan,” sagot ko. “Uhm, kaibigan ka ba niya? Ex? O stalker?”

Nasa likuran ko ang mga mata niya, kung nasaan si Addi. Ibinalik niya lang ito sa akin nang mabanggit ko ang posisyon niya sa buhay ng kaibigan ko.

“None of the above. Bumalik kana sa tabi niya.” Isinuot niyang muli ang hood sa kanyang ulo saka rin tumalikod. Naiwan akong walang ediya kung sino siya.

Bumalik ako sa aking upuan. Nakayuko na si Addi habang ginagawang unan ang kanyang magkabilang braso.

“Addi…” Niyugyog ko siya at mas lalong inilapit ang sarili sa kanya nang marinig ko itong humihikbi.

“I missed him…” Nabasag ang kanyang boses at mas lalong humagulhol ng iyak.

Hindi ko alam kung paano patatahanin si Addi. Huminto lamang siya sa pag-iyak noong nakatulog siya.

“Ako na po ang bubuhat sa kaibigan mo. May dala ba kayong kotse, Ma’am?” tanong ng bartender sa akin. Tumango ako. Pero bago paman makaikot ang bartender ay may lalake nang bumuhat kay Addi. Pamilyar sa akin ang tindig nito. Tanging likod lang kasi ang naaaninag ko. Pero alam kong siya iyong lalakeng kumausap sakin kanina.

“No need. This is my job, not yours.” sabi ng lalake sa bartender na ikinaputla nito at tumango na lamang. Trabaho niyang nambuhat ng babaeng lasing? Meron rin palang ganoong trabaho rito sa syudad? Magkano naman kaya ang bayad?

Nauna akong naglakad. Sinusundan niya naman ako pero nakay Addi ang tingin. Komportableng nakayakap sa kanya ang kaibigan ko at mukhang mahimbing nang natutulog.

Binuksan ko ang backseat. Maayos niyang ipinasok doon si Addi. Ilang sandali niya pang tinitigan para siguro siguraduhing maayos na ito sa loob saka rin siya tumuwid sa pagkakatayo.

“Where’s the key?” tanong nito sa malalim na boses.

Napatingin ako sa hawak kong purse ni Addi saka ibinalik sa lalakeng nakakaintimidate ang imahe.

“Uhm, magkano ba ang trabaho mo?” tanong ko na ipinagsalubong ng kilay niya. Baka kasi hindi kasya ang dala kong pera! “Babase ba iyon sa bigat ng kaibigan ko?” dagdag ko pa.

“Just hand me the key, weird girl.” Parang nawawalan na ng timpi iyong lalake.

Napanguso ako. “Magagalit sa akin si Addi pag ibinigay ko sayo ang susi ng kotse! Ang mahal naman ng pambayad na gusto mo-“I’m going to drive her home. Kayong dalawa.” Gumalaw ang panga niya at nabahiran ng galit ang mukha. Ang dami naman atang trabaho ng lalakeng ito. Driver rin pala.

“Edi magkano na lahat?” tanong kong muli na ikinailing nito. Nasasagad ko ata ang pasensya niya. Ang bilis namang magalit! Nagtatanong lang ako!

“Just. Give. It. To. Me.” Nagpipigil ng galit niyang sabi. Mariin siyang pumikit at parang ikinalma ang sarili na magalit. “Please…”

Nang marinig ko iyon ay hindi na ako nag-usisa pa at ipinagkatiwala nalang ang susi sa kanya. Katabi ko si Addi sa likod. Minsan ay nahuhuli ko iyong lalake na tinititigan ang kaibigan ko sa taas ng salamin. Itinuon ko sa labas naman bintana ang tingin ko. Kinakabisado ko ang mga building na nadadaanan namin baka kasi bigla niya kaming dalhin sa kung saan at least masasabi ko ng maayos sa mga pulis ang kinaroroonan namin. Pero parang kabisado niya ang condo ni Addi.

Kinarga niya itong muli. Ako muli ang nauna at nagbukas ng pinto ng condo ni Addi. Pumasok siya at deri-deritso na ang lakad patungong kwarto nito. Sobra sobra naman ata ang service niya? Magkano kaya ang hihingin niyang bayad? Nag-iipon pa naman ako!

Sinilip ko siya sa kwarto. Nakatayo na siya sa gilid ni Addi na nakakumot na habang tinititigan niya ito ng matagal. Magkakilala kaya sila? Pero mukhang imposible iyon. Eh tutok si Addi sa kanyang pag-aaral at walang panahon sa iba. Base rin sa imahe ng lalake… parang nakakasindak na ewan. Ayoko sa mga kagaya niya. Nakakatakot kausapin! Tapos kanina mabilis pang mawalan ng pasensya. Buti pa si…

Nahinto lamang iyong lalake sa paninitig nang tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya. Sinagot niya ito at nilingon ako rito sa may pinto kaya mabilis akong napatakbo sa sala at umupo agad sa sofa na parang wala akong nakita roong ginawa niya sa loob.

“Yeah, she’s here. Hmmm, beside me. I’m staring at her innocent face right now. We’re a bit close. Come and see it for yourself.” Parang nanghahamon ang boses nito sa likuran ko. Pasimple ko siyang nilingon at ibinulsa na ang cellphone.

“Don’t open the door if someone knocks. Magnanakaw ang lalakeng iyon,” sabi niya sa akin saka rin lumabas. Nanatili akong tulala sa kinauupuan kong sofa. Hindi ko rin kasi alam ang pinagsasabi niya. Pero noong may biglang nagdoorbell ay mabilis na akong napatayo at tumakbo sa kwarto ni Addi. Sino ba iyong lalakeng iyon? Ba’t ang misteryoso tapos nakakatakot pa? At paano niya nahulaang may kakatok?

“Damn…” Malutong na mura ni Addi kinaumagahan. Hawak hawak niya ang kanyang ulo habang nakaupo sa counter. Inilapag ko sa harapan niya mainit na sabaw. Iyon rin kasi ang bilin ng lalake.

“What happened last night? Naiwan ba ang kotse ko roon sa Bar?” Ngumingiwi paring tanong ni Addi. Buhaghag ang kanyang buhok at halatang hang-over.

“May lalakeng tumulong sa atin. Siya ang kumarga at nagmaneho ng kotse mo. Siya rin ang naghatid sa atin pauwi. Trabaho niya raw iyon. Pero mukhang babalik iyon Addi, nakalimutan niya kasi akong singilin kagabi.” Pagkukwento ko.

Nagkasalubong ang kilay niya. Pero nang sumakit muli ang kanyang ulo ay itinuon niya nalang ang atensyon sa paghigop ng sabaw. Habang ako naman ay panay salita tungkol sa ganoong trabaho. Kaso mukhang panglalake lang talaga ang ganoon. Di ko naman kayang bumuhat ng babae at magdrive ng kotse. Sa rami ng mga babaeng ganoon sa Bar sigurado akong malaki ang kinikita ng lalakeng iyon.

“Pero alam mo Addi, ang gwapo noong lalake. Gusto mo ireto kita sa kanya? Kaso nakakasindak eh.”

Napahinto si Addi sa paghigop ng sabaw at nag-angat ng tingin sa akin.

“Marami bang tattoo sa katawan?” Umiling ako. Wala naman akong maalalang may tattoo siya. ’Tsaka nakajacket e. Naging bigo ang kanyang mukha pero mabilis rin namang naging blangko.

“May mga lalake talagang ganoon dito, Aly. They’re willing to help,” tipid niyang sabi.

“Ibig sabihin libre iyon?”

“Pag maganda ka, papaboran ka. Welcome to our society, Aly.”

Napanguso ako. “Grabe naman! Paano iyong mga walang ganda…”

“Ganoon talaga ang buhay. Palaging unfair.” Nagkibit siya ng balikat at humigop muli ng sabaw.

Noong araw na iyon ay nagkulong nalang kami sa kanyang condo. Buti nalang at walang pasok. Ako naman ay inaasikaso ang online business ko. Inatupag ko sandali ang facebook ko at nakita ang bagong notification sa friend request. Napangiwi ako nang mabasa ang pangalan. Wan Vegetarian II? Siya parin ba ito?

Kiconfirm ko nalang ito kaya ilang sigundo rin ay nakatanggap ako ng mensahe sa kanya.

Wan: Stop entertaining strangers.

Huh?

Ako: Ay sorry, dapat ba hindi kita kinonfirm?

Wan: Aside from me. Stop talking with strangers. Kung hindi mo naman kilala, huwag mong kausapin.

Ako: Hoy nakadrugs ka ba?

Wan: Yeah. I’m addicted to you.

Nalaglag ang panga ko. Ang presko naman ata ng lalakeng ito?

Hindi ko nalang iyon nireplayan pa. Nakakapagtaka rin kasi ang inaasal. Ang sabi ni Addi sa akin marami raw talagang poser sa facebook. May iba na magpapanggap pang sila raw iyong nasa picture pero hindi naman pala. Iyong iba ay nagpapanggap pang lalake kahit babae naman pala.

“Basta ikaw talaga ang minomodel ko sa bracelet ko nauubos agad.” Humagikhik ako pagkatapos naming suyurin ang kabuuan ng Unibersidad para magbenta ng gawa kong panibagong bracelets. Doble kayod na ang ginagawa ko para makapag-ipon. Ni hindi ko nagagalaw iyong ipon ko simula noong nakarating ako rito. Medyo malaki laki narin iyon.

“You’re really unbelievable, Aly. Ikaw lang ang babaeng kilala kong ganito.” Nailing siya at umupo na pagkatapos ilapag iyong tray na may mga pagkain niya. Nandito kami ngayon sa cafeteria.

Inilapag ko rin ang tray ko. Sandwich lang naman iyon at juice. Nilibre ko rin si Addi. Pero sandwich lang.

“Kung hindi ako magsisikap, walang mangyayari sakin,” sabi ko.

“After you graduate, may trabaho kana. Sa kompanya namin.”

“Pero matagal pa ’yon e. Gusto ko nang kumita ng pera. Doon nga sa bukid araw araw akong nagtatrabaho. Maganda roon Addi! Gusto mo pag nakagraduate tayo ipasyal kita roon?” Ngumisi ako.

Tumango siya at kinagatan ang sandwich niya. Nakontento rin naman ako sa sagot niya at kumain narin. Kaso nahinto lang nang may babaeng lumapit sa amin.

“Hi po, Ate Aly! Ako po yung madalas na bumibili sayo ng bracelet. Uhm, pwede pong makiupo?” magalang nitong sabi kaya tinanguan ko nalang. Mukhang sang-ayon rin naman si Addi pero wala sa babae ang tingin kundi nasa kinakain niya.

Kulot ang buhok nito at may maliit na mukha. Nakabrace at may salaming suot. Kahit ganoon ang ayos niya ay halatang maganda parin.

“Ate may tanong po ako. Kasi, crush ka po ng kapatid ko e. Kaso ba’t iyong guard sa labas pinagbabawalan niya ang kuya ko na lumapit sa’yo. Hindi ka naman po Delafuente ah? Utos po ba iyon ng mga Delafuente? Kasi po sabi nila pinsan niyo raw po iyong asawa ng isa sa mga Delafuente. Bawal po ba kayong lapitan ng lalake, ate?”

Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi ng babae. May gwardyang nagbabawal na lapitan ako? Nilingon ko si Addi at nagkibit lang ito ng balikat. Wala siyang ideya.

“Ate crush ka po sobra ng kapatid ko. Ang ganda niyo raw po. Ang bait pa.” Nilingon niya sandali si Addi na tinaasan lang siya ng kilay saka namumula ang pisnging ibinalik sa akin ang tingin. “Sobrang bait niyo po!”

“Thank you.” Napahalakhak ako.

“Ate pahingi ako ng number-“No.” putol agad ni Addi sa batang babae.

“Kung matapang yang kuya mo, hindi niya iuutos sa bata niyang kapatid ang paghingi ng number,” sabi ni Addi sa blangkong mukha na ikinairita nitong bata.

“Why not? Mabait si Ate Aly kaya bibigyan niya ng number ang kapatid ko. Gusto ko, siya ang makatuluyan ng kapatid ko. Bagay sila. ’Tsaka kaya natatakot ang kuya ko na lapitan siya kasi may gwardyang nagagalit!”

Mas tumaas lang ang kilay ni Addi sa bata. “Then your brother doesn’t deserve Aly. Now go, disturbo ka sa pagkain namin.”

Mas namula ang pisngi ng batang babae. Tumayo siya at sinamaan ng tingin si Addi bago tuluyang umalis. Ipinagkibit lang iyon ni Addi.

“Kawawa ’yung bata. Inaway mo.” Nakanguso kong sabi.

“Mukhang bantay sarado ka ata.” Pag-iiba niya ng topic.

“Oo nga e. Siguro pakana ni Chany. Baka gusto niyang makapag-aral ako ng maayos.” Hindi sigurado kong sagot. May kutob ako pero masyado nang imposible.

“That’s very possessive. Kung hindi ko lang alam na isang Delafuente ang napangasawa ng pinsan mo at may gwardya ka, iisipin kong may lalakeng nagkakagusto sayo at ipinagdadamot ka sa iba,” makahulugan niyang sabi na ikinatahimik ko. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari.

Chapter 31

Vote. Comment. Be A Fan. Signs of Love -PrfctlyStbbrn

Praktikal

“Ang baba ng grade ko sa Math!” Madrama kong tiningnan ang card ko pagkatapos naming magpaclearance. Summer na naman at heto ako, naiinis dahil iyong Math ko ang may pinakamababang grado.

“You didn’t fail kaya okay lang yan. Besides, 1.75 is not that bad Aly. You’re overeacting.” Nailing siyang sumimsim sa kape na inorder niya. Dumeritso kasi kami sa cafe.

“Pero Addi, iyong Math ko lang ang may 1.75! Gusto ko uno lahat. Scholar pa naman ako. Dapat ganoon lahat.” Ngumangawa kong sabi kahit na wala namang lumalabas na luha.

Nahilot niya ang noo niya at nailing sa akin. Ang taas rin ng grades niya e. Eh wala rin naman iyang inatupag bukod sa pag-aaral.

“Stop worrying about your grades. You didn’t fail, iyon ang mas importante. Hindi naman grado ang basehan ng mga natutunan mo Aly.” pangaral niya.

Sabagay. Marami rin naman akong natutunan.

“Oo nga pala, wala kang plano ngayong summer?” tanong ko. Alam ko namang hindi siya gagala katulad ng mga babae noon na pag summer ay busy sa pagtatravel. Pero gusto ko lang sanang iopen-up ang mga bagay na maaaring makapagpasaya sa kanya.

“Wala. May mga libro pa akong babasahin.” normal niyang sabi at sumimsim muli sa kanyang kape. Pumangalumbaba ako sa kanyang harapan. Hindi ba siya nagkakawrinkles sa pagiging ganyan niya? Masyado siyang seryoso sa buhay!

“Alam mo Addi, kung nakilala mo lang ang lola ko ay papangaralan ka talaga non na dapat hindi mo nililimitahan ang sarili mong maging masaya. Siguro… brokenhearted ka ano?!” Tinuro ko ang kanyang mukha. “Brokenhearted ka ba?!”

Imbes na sagutin ako ay tiningnan niya lang ako ng blangko. Napanguso ako at unti unting ibinaba ang kamay. Edi hindi? Kung ganoon, wala lang talaga siyang interes sa ibang bagay?

Itinuon ko ang tingin sa telebisyon. Balita iyon tungkol sa politika. Wala naman akong gaanong alam sa mga ganoon kaya ibinalik ko nalang ang tingin kay Addi. Nasa telebisyon narin ang kanyang tingin. Napataas pa ito ng kilay.

“Anak ng senador.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya tiningnan kong muli ang telebisyon. May pamilya roon na pinapakita. May isang babae naman roon na maganda at nakangiti ng matamis. Kilala niya siguro.

“Anong meron sa pamilyang iyan, Addi? Ba’t pinapakita sa telebisyon?” tanong ko.

“Napatalsik iyong lalake dahil nangongorakot daw. That was 3 years ago. Mukhang inuungkat lang para may mapag-usapan sila.”

“Eh ba’t kasali ang pamilya niya?”

“Dahil pinagsususpetsyahan na baka kasali rin ang mga ito sa pagwaldas ng pera. Magulo ang politika, Aly. Kaya hindi na nakakapagtaka kung ba’t pati ang pamumuhay ng pamilyang iyan ay kinukwestyon.”

Napatango ako kahit hindi gaanong nadigest ng utak ko ang politika. Ang alam ko lang kasi, sila iyong nagpapatupad ng mga batas. Sila ang humahalili sa Presidente. Bukod pa doon ay wala na.

Pansin na pansin ko ang pagtitig ng matagal ni Addi sa babae. Doon niya lang iyon nilubayan at ibinalik ang tingin sa hawak na libro noong may iba namang ibinalita.

Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa pagkain. Tuwing umaga ay dito tumatambay si Addi hanggang sa nagkasideline ako sa pagiging cashier doon. Noong una ay umangal si Addi pero kalaunan ay pumayag rin siya. Kaya mas napadalas ang pagtambay niya roon at hihintayin akong matapos at sabay kaming uuwi. Panay lang siya basa ng libro o kaya ay may tinitipa sa kanyang laptop.

May mga araw na maraming tao sa cafe pero may mga araw rin na hindi gaanong marami. Ang palaging costumer lamang ay itong si Addi.

“Good morning, may I know your order Sir?” Nakangiti kong bati sa costumer na lumapit. Nakahoody ito at may suot na eyeglass. I can’t hardly see his whole face pero naaaninag ko ang matangos niyang ilong, ang labi niyang mamula mula na akala mo ay may kumagat.

“Decide for me.” sagot niya sa isang mahinang boses na ipinagsalubong ng kilay ko.

“Sir?”

“Decide for me.” Ulit niya na medyo lumalakas na ang boses. Nag-aalangan akong tumango at isinulat nalang ang madalas kong inoorder dito. Masarap kasi iyon kaya magugustuhan niya iyon.

“Name, Sir?” tanong ko at hinagilap ang mga mata niyang alam kong bigo kong makita.

“Just write your name on it.”

Kumunot ang aking noo. Pero nang maalala kong dapat hindi kinukwestyon ang mga costumer dahil palagi silang tama ay sinunod ko nalang iyon.

Pinanood ko siyang maglakad sa gilid at bakantehin iyong katapat na mesa kung nasaan rin si Addi. Iyong kaibigan ko naman ay mukhang walang pakialam at seryoso lamang sa ginagawa sa kanyang laptop.

“Aly.” Pinindot ng isa pang empleyado rito iyong bell hudyat na kunin na dapat ang order. Tumayo iyong lalake. Kahit si Addi ay nagkasalubong rin ang kilay nang marinig ang pangalan ko. P-Paano niya nalamang ako iyon? Nakalimutan kong sabihin sa kanya ang pangalan ko tapos…

Nakatitig ako sa lalaking misteryosong kinuha ang kanyang shake na order saka ulit ako nilapitan. Inilahad niya iyon sa akin.

“That’s for you.” Marahan niyang sabi. “P-Pero Sir…”

“You have your name on it. Pag nakapangalan sayo, pagmamay-ari mo.” Deklara niya na ikinalundag ng puso ko at umabot na ata sa aking talampakan. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Na kahit ang aking kamay ay nanginginig rin nang tinanggap ko iyon. Naamoy ko na naman ang pamilyar na pabangong hinding hindi ko makakalimutan. Sa sobrang pagkagulantang ay nanatili akong walang kibo habang naninigas sa aking kinatatayuan. Is that…

Kung hindi ako tinapik noong katrabaho kong babae rito ay hindi ako babalik sa aking sarili. Iyong misteryosong lalake ay nakaalis na. Tinutukso pa ako nila na may secret admirer daw ako. Kahit ang makahulugang paninitig sa akin ni Addi ay ramdam ko. Nang nilingon ko siya ay isang pagtataas ng kilay ang iginawad niya sa akin. Umiling lamang ako at binigyan siya ng tinging hindi ko alam.

“Malaking tip ang natanggap mo roon sa hoody guy Aly. Sino ba iyon? May mayaman kang secret admirer!” Si Kreisha na panay tili na nang binigay sa akin iyong perang hindi ko mabilang kung ilang libo. Mas nagiging malinaw lamang sa akin kung sino siya. Na nandito siya at sinusundan ako. Paano ang bukid? Iyong pananim nila?

Itinago ko ang pera. Ibabalik ko ito sa kanya pag nagkita kaming muli. Maraming nagdaang araw ngunit hindi na iyon bumalik. Ang sabi sa akin ni Addi, baka nagmamalasakit lang daw talaga. May mga ganoon daw. Pero para sa akin, kilalang kilala ko ang lalakeng iyon. Hindi ako maaaring magkamali sa pabangong naamoy ko. At kilala niya ako!

Sabado. Maraming tao sa cafe. Panay ang tingin ko sa pinto at nagbabakasakaling bumalik siya rito. Kaya noong may tumulak doon at pumasok ang isang lalakeng may katangkaran, nakahoody at ngayon ay may suot na itim na mask ay laking tuwa ko nalang. That’s him! Tindig palang! Siya iyan!

Humahataw ng malakas ang puso ko habang inaantay na lumapit ito sa akin. Nangyari nga ang bagay na iyon. Kahit nakaitim na shades ito ay alam kong nasa taas ang kanyang tingin at naghahanap ng pwedeng iorder.

“Kahit saan nalang diyan.” Garalgal ang kanyang boses nang sinambit niya iyon. Tumatango akong inilagay muli ang order niya saka siya sinundan ng tingin nang inukupa niya na ang bakanteng mesa.

Nagpaalam akong palitan muna ako ni Kreisha para kausapin iyon. Si Addi naman ay nasa akin na naman ang mga mata. Nagmamasid sa bawat galaw ko. Nilapitan ko iyong lalake saka ko inilapag sa mesa ang pera. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin.

“Kahit kalahating oras lang.” sabi ko sa kanya. Kailangan ko siyang makausap. Alam kong hindi naging maganda ang pag-uusap namin noong huli. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa kanya.

Napatayo siya. “Nababaliw kana ba Miss?! Anong akala mo sa akin, lalaking prostitute?!” malakas niyang sigaw na ikinagulat ko. Napaawang ang aking bibig.

“A-Akala ko…”

“Anong akala mo?! Na madadaan mo ako sa malaking salapi na yan para sa kalahating oras?! Napakababoy!” galit niyang sabi na ikinaatras ko na.

“P-Pero nakamask, n-nakajacket… a-akala ko…” nauutal kong paliwanag dahil hindi ko rin alam kung paano sisimulan iyon lalo na’t galit na galit na ito.

“May sakit ako! Gusto mong mahawaan?! Hindi ako makapaniwalang ganito pala ang mga empleyado rito. Mga bastos! Kababaeng tao.” Nilagpasan niya ako at nagawa pa akong banggain. Nahipo ko ang aking noo. Akma ko siyang hahabulin para sana magsorry pero nakalabas na ito. Napabuntong ako ng hininga habang sapo sapo parin ang aking noo. Nang humarap ako para bumalik na sana sa aking trabaho ay laking gulat ko nalang nang nasa akin na lahat ng tingin ng mga costumer. Nahinto sila sa pagkain at titig na titig sa akin. Namula ang aking pisngi sa kahihiyan. Nahuli pa ng mga mata ko ang matalim na tingin ng Manager sa akin at ngayon ay umiiling na.

Naitapon ko ang aking sarili sa kama pagkauwi naming dalawa ni Addi. Nanlulumo ako sa sinapit ko sa trabaho. Nasisante ako! Akala ng Manager ay binabastos ko iyon! Namisinterpret niya lang talaga ang dapat kong sasabihin. Ni hindi niya man lang ako pinatapos at nag-overeact agad.

“Tambay na naman ako…” Ngumangawa kong pinagpapatid ang aking mga paa. “Wala na naman akong silbi sa bansa.”

Nailing si Addi. Isinara niya ang kanyang libro at inilapag ito sa bedside table.

“Just keep the money Aly. Bigay niya iyon sayo. Ba’t mo pa kailangang isauli?”

“Ayokong magkautang!”

Nagkasalubong ang kanyang kilay. “Bigay niya nga sayo. Paano ka magkakautang?”

“Ayokong magkautang na loob, Addi. Baka ang sabihin non mukha akong pera. Gustong gusto kong magkapera kaya nagsisikap ako. Pero iyong tumanggap na hindi ko naman pinaghirapan ay ibang usapan na.” Napasimangot ako. Ni hindi ko man lang magawang alisin si Uno sa isipan ko. If that’s him eh ba’t hindi siya nagpapakita sakin? O baka naman may secret admirer talaga ako?

Pinagpatuloy ko nalang ang pagtitinda ng mga handmade bracelets sa online pati na sa school nang magsimulang muli ang pasukan. Si Addi kasi ayaw rin namang gumala. Nagmumukmok lang kaming dalawa sa condo niya. Nagiging busy ako sa paggawa ng marami kong maititinda habang siya ay inuubos rin ang oras sa pagbabasa. Ganoon siya kaseryoso na kahit summer ay libro parin ang inaatupag.

Huling taon nalang kaya mas naging busy at mas naging pahirap nang pahirap ang mga subject. Kaya noong nakagraduate kami ni Addi ay para kaming nabunutan ng maraming tinik sa katawan. Ang hinihintay kong malaking trabaho sa kompanya nila Addi ay masisimulan ko narin. Mas madadagdagan ko na ang ipon ko.

“You changed alot.” compliment sa akin ni Addi pagkatapos kong magbihis ng isang formal na damit. Nakablouse na pula ako at isang itim na skirt naman sa ibaba. Medyo marunong na akong magbalanse ng high heel kaya hindi na ako natatapilok.

“Talaga?” Pinasadahan ko ang aking sarili. Hindi ko makita ang kaibahan ko noon sa ngayon. Siguro ay marunong na akong magdamit, mag-ayos at mas humaba ang buhok kong medyo curly.

“Yeah. Sobrang ganda mo. No wonder sikat ka sa mga freshmen last year.” Mungkahi niya na ikinakunot ng noo ko. Iyong palagi kong suki sa mga bracelets ko tapos ang sabi nila ay ibibigay daw nila sa mga crush nilang babae.

“Talaga?”

“Of course, Aly. Puro kasi pera ang nasa utak mo. Remember, graduate kana. Pwede kanang tumanggap ng manliligaw. Magtu-23 kana. Ilang buwan nalang ba?”

Oo nga no? Malapit na akong mag 23. Isang buwan at kalahati nalang ata. I’m a bit excited. Iyong senyales na hiningi ko simula noong bata pa ako. Baka this time ay makuha ko na talaga. Baka may makilala na akong lalakeng para sa akin. Sa pagbuhos ng malakas na ulan, magkakatitigan kaming dalawa. Titigil ang mundo ko at maririnig ko ang malakas na pintig ng aking puso.

Pinagpaplanuhan ko ang pag-uwi sa bukid. Malaki narin ang naipon ko. Mababawi ko na ang lupa at mababayaran ko na ang utang ko kay Uno para tuluyan na akong makawala sa kanya. Para malinis ko ang aking pangalan doon. Na hindi naman ako ganoong babae.

“Uuwi ka sa bukid?” tanong sa akin ni Chany na ikinatango ko. Nandito ako sa kanilang bahay. Binisita ko lang sandali si Toshi. Dinalhan ko siya ng maraming yakult total paborito niya iyon.

“Oo. Babalikan ko iyong lupain ni Lola. Baka hindi na iyon natututukan ng pansin.” paliwanag ko.

“Pero si Tita Felicita naman ang namamahala non diba?” Inosente nitong tanong. Hindi alam ni Chany ang nangyari sa lupain ni Lola. Wala rin kasi akong balak na ipaalam sa kanya dahil baka makarating pa sa ibang babae lalo na kay Jhope. Alam kong nagmamalasakit sila kay Lola at hindi sila magdadalawang-isip na tumulong. Gusto kong ako mismo ang bumawi non at maipamukha sa kanila na hindi na ako iyong naaaping si Aly. Na may narating ako at kaya ko nang magmalaki. Na nakaya kong tumayo sa aking mga paa sa kabila ng panghihila nila sa akin pababa.

“You’re leaving?” Biglang sumulpot si Toshi. Matangkad na ito. Mas nagiging malinaw na sa mukha niya ang dugong Delafuente.

Tumango ako. Si Chany naman ay napatayo agad para salubungin ang anak niyang pawisan at may hawak na bola. Nakajersey pa ito at mukhang kalaro si Grey at Trey.

“Oo, Toshi. Pero babalik rin naman ako.” Ngumiti ako sa kanya. Nilingon niya sandali ang inang nasa likuran niya at nilalagyan iyon ng puting towel.

“When are you planning to leave?” tanong niyang muli.

“Ah, siguro next week?”

Tumango siya, blangko ang ekspresyon ng mukha.

“Be careful.”

Bago tuluyang umalis ay iginugol ko nalang muna ang natitira kong oras sa pagtatrabaho sa kompanya nila Addi. Pero iyong katotohanang uuwi ako at makikitang muli si Uno ay nakakaexcite. Aaminin ko, simula noong umalis ako ay napagtanto ko ang isang bagay, iyong nararamdaman ko kay Uno na hanggang ngayon ay hindi parin nawawala at lumalala lamang sa nagdaan na araw. Mahal ko siya. Ang puso kong naiignorante noon sa pagmamahal ay mas lumalala ngayon.

Napapansin kong ilang araw ng tulala si Addi. Para bang may malalim siyang iniisip. Pero pag sa tuwing tinatanong ko siya ay ang isasagot niya lamang ay masyado lang siyang pagod sa trabaho. Noong nag-aaral kami ay sa pag-aaral niya binubuhos ang buong atensyon niya. Ngayon na nakagraduate na kami ay doon niya na ibinubuhos ang buong atensyon niya. I never seen her dated someone else. Pakiramdam ko tuloy nagmamalabis ang kalangitan at pinagkakaitan kami ng ganoong bagay.

“Hindi pa naman siguro huli ang lahat para sa katulad natin diba, Addi? Noon kasi, inasa ko sa mga senyales ang nararamdaman ko. Kaso lahat ng iyon, nabigo ako. Walang senyales ang dumating para masabi kong siya talaga. Pero ba’t ganon… yung puso ko nagwawala sa tuwing naaalala ko siya? Ang labo naman ata…” Naguguluhan kong sabi

Naisara niya ang laptop niya at itinuon sa akin atensyon. Nasa mga folder na inaarrange ko ang buo kong atensyon.

“Iniaasa mo sa mga signs? Really Aly? Pati ba naman sa pag-ibig ay dumidiskarte ka?” Medyo natawa ito.

“Naninigurado lang! Sabi kasi ni lola, kung gusto mong malaman kung siya ba talaga ang para sayo ay humiling ka raw ng mga signs sa kanya. Kaya ayun… hiniling ko na sana umulan pag nakilala ko siya. Iyong bumagyo talaga sa sobrang lakas! Tapos mapapatitig ako sa mga mata niya…” Napatingala ako ng wala sa oras. Naiisip ko ang mga mata ni Uno, ang ngiti niyang nakakahawa. Na kahit wala naman akong binabanggit na pangalan ay siya agad ang pumasok sa isip ko.

“Paano kayo magkakatitigan sa gitna ng bagyo Aly? Hindi mo ba iyon naisip?” Naputol ang aking pagpapantasya dahil sa bigla niyang sinabi.

“Kaya nga signs diba! Basta, marami akong signs. Kaso wala… palpak! Kaya imposibleng siya ang ibinigay sa akin ng Panginoon. Mukhang hindi pa ata dumating.” Nailing ako nang maalala lahat ng pakpak kong senyales. Hanggang ngayon ba ay ipagkakait parin iyon ng langit sa akin? Kung hindi rin naman si Uno, edi sino? Simula noong dumating ako rito ni isang lalake ay wala namang napalapit sa akin. Wala akong nakilala. Kung meron man, iyon lamang sa facebook na si Wan at iyong palaging nakahoody. I’m turninh 23 pero parang ngayon palang ay tatanda na ata akong dalaga.

“Ilang bagyo na ang dumaan Aly. Pero anong ginagawa mo pag umuulan? Nagmumukmok ka lang naman sa loob at bahay at nagbibilang ng pera.” Napangiwing si Addi

“Eh kasi ganoon ang mga payo ni lola sa akin! Kaya nga nahanap niya si Lolo dahil sa mga signs! Praktikal ako Addi. Ayokong sumugal sa pag-ibig kung wala naman palang patutunguhan. Sayang ang pera.”

Chapter 32

Signs of Love

Am I too late?

Nakatanga ako rito sa loob ng condo ni Addi at alalang alala sa aking kaibigan. Ramdam ko ang naghuhuramintado kong sistema, ang pintig ng puso kong hindi mapakali. Malapit kaming makabangga! Tulog lang ako kaya hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari. At wala rin akong ediya roon sa babae. Aaminin ko, marami akong hindi alam sa kaibigan ko. Ang pagiging misteryoso niya, pagiging tahimik, pagiging seryoso sa lahat ng bagay. Para siyang nakakulong sa isang madilim na mundo at hindi hinahayaang may pumasok doon. Hindi rin naman kasi siya nagkukwento kaya wala akong ediya.

Pagkatapos ng araw na iyon ay mukhang okay naman ito. Nagawa niya ng makipagdate pero iyon nga lang ay pure business. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagbibake. Plano ko itong ibenta sa kompanya nila Addi. Para naman dagdag kita narin.

Busy pa ako sa paghahalo ng ingredients sa mixing bowl nang may biglang nagdoorbell. Nakakapagtaka dahil ang alam ko mamaya pa si Addi. Masyado ba siyang maaga? Hindi ba natuloy?

Nagtataka akong naglakad patungo sa pinto. Binuksan ko iyon at napakurap sa imahe ng lalakeng bumungad sa akin. Ang rami niyang tattoo sa katawan! Tapos idagdag pa ang suot niyang damit na kulay itim, faded jeans at isang timberlands sa ibaba. His piercing were very mysterious. He got his strong pointed nose and an angular face. Dumidipina ang kanyang panga sa kanyang seryosong pagmumukha. There’s no humor in his eyes. Na kahit ang natural na mapupula niyang labi ay parang nakakatakot rin.

“Si Addi?” tanong niya na halos ikaatras ko ata. Teka? Kaano-ano ito ni Addi?! Mukha siyang bagong laya sa kulungan! Nagkasala dahil masyadong gwapo kaya naparusahan. Everything about him intimidates me alot. Ngayon lamang ako nakakita ng lalakeng ganito, iyong sobrang nakakasindak at nakakatakot kausapin. Kung ikukumpara sa mga Delafuente, aaminin ko naiintimidate ako kay Suga dahil masyado siyang seryoso at suplado pero itong lalakeng ito? Triple ata.

Nailing siya, parang nawawalan ng pasensya kaya agad akong bumalik sa aking sarili.

“M-May kadate.” agaran kong sagot sa kanya na mas lalong ikinaigting ng panga niya. Ang mukha niyang akala ko ay galit na ay may mas ikakagalit pa pala.

“Manliligaw ka sa kaibigan ko?” biglaan kong tanong. Hindi ko lang maimagine na sa ganitong lalake mapupunta ang kaibigan ko! Hindi ito mabait at mukhang napariwala sa buhay! Sayang ang pinaghirapan ni Addi! Baka batugan ito at palamunin. Pero maganda ang kanyang tindig. Para siyang isang modelo. Iyong makinis niyang balat…

“Anong oras siya umalis? What’s her outfit? Nasabi niya ba sa iyo kung saan sila magdidate? Ba’t hindi mo sinamahan?” Habang tumatagal at dumadami ang kanyang tanong ay mas lalong umuukit sa kanyang mukha ang galit. Mas lalo siyang nawawalan ng pasensya at mas lalong umiigting ang panga. Ang pintong nakaawang ng buo kanina ay unti unti ko nang isinisirado at sapat nalang ang espasyo para makita ko siya. Sumisilip nalang ako roon dahil sa takot na baka ay sumabog ito.

“W-Walang nabanggit si Addi sa akin na may b-bisita pala siyang dadating. Kakalaya mo lang ba sa kulungan?” tanong ko ngunit wala na sa akin ang atensyon. Tiningnan niya ang kanyang suot na mamahaling relo at muli akong tiningnan. Iyong kaonting x na tattoo sa gilid ng kanyang mata ay nakakakuha ng atensyon at nakakapagtaka kung ba’t medyo pamilyar siya sa akin.

“I’ll just wait her.” sabi niya na ikinatango ko. Bubuksan ko na sana ang pinto para patuluyin ito nang maalala ko ang sinabi ni Addi na huwag magpapapasok ng kung sino sino.

“Papapasukin sana kita kaso baka magalit rin si Addi dahil hindi naman kita kilala.” sabi ko.

“It’s okay. Malalagot rin ako kung pumasok ako. Someone will surely punch me.”

Hindi ko maintindihan iyong sinabi niya at ipinagkibit na lamang ng balikat.

Inusisa ko si Addi tungkol doon sa lalake pero mukhang kahit siya ay hindi iyon kilala. Pero nakakapagtaka kung ba’t kilala siya noong lalake. At nakakapagtaka rin kung ba’t may naaninag akong galit sa kanyang mga mata nang mapag-usapan namin iyon. Kaso parang imposible rin naman kasing makipagclose si Addi sa mga ganoong lalake. Para talagang takas sa kulungan! Iyong pag makakasama mo ay puro lang kayo takbo dahil hinahabol kayo ng pulis sa salang dapat pagbayaran. Iyon ang naiimagine ko sa lalakeng iyon. Pero may parte rin sa kanyang tindig ang pamilyar sa akin. At hindi ko alam kung ba’t naalala ko si Uno sa kanya. Siguro dahil lamang ito sa labis kong pag-iisip sa lalakeng iyon kaya kahit kanino ko na siya nakikita.

Nagpaalam rin ako kay Addi. Pinahupa ko muna iyong nangyaring aksidente pagkatapos ay doon ko na siya iniwan. Dala ang dalawa kong bagahe, nasa labas ng bintana ng van ang aking tingin. Bumabalik lahat ng alaala noong nilisan ko ang kinagisnan kong lugar. Nakakapanibago ang ganda ng tanawing hindi ko nakita makalipas ang mahigit limang taon. Napangiti ako nang may makita akong puting mga ibon na lumilipad sa himpapawid at parang bumubuo ng grupo. Ang berdeng mga puno at ang preskong hangin. Ano na kayang nangyari sa bukid? Nagbago narin ba ito? Ang lupain namin? Naalagaan kaya iyon ng mabuti o baka huli na ako. Baka pinatayuan na iyon ni Tita ng gusto niyang hotel at sinira ang lupain ni Lola.

Nakaidlip ako sa byahe. Nagising lamang ako nang umulan ng malakas. Hindi ko narin gaanong maaninag ang paligid sa labas. Pero ang sabi ng driver ay malapit na raw kami.

Malakas ang pintig ng aking puso nang marating namin ang malaking bahay na naging rason ng lahat ng hinanakit ko noon. Nakita ko ang aking sarili kung paano ako kinaladkad palabas ni Tita, ang pag-aaway namin ni Lhuella na nauuwi sa pagsasabunutin. I am not holding any grudge from them. Ang gusto ko lamang ay ipamukha sa kanila na ang babaeng hinila nila pababa ay nakakatayo parin hanggang ngayon at nakayang mamuhay mag-isa.

Nagdoorbell ako sa kanilang malaking gate. Hawak hawak ko ang isang payong habang naghihintay naman ang van kung nasaan ang aking mga kagamitan.

Ang katulong ang bumukas ng gate para sa akin.

“Magandang tanghali po, Manang.” Magalang kong bati sa kanya na ikinakurap ng mga mata nito. Ilang sigundo siyang tulala sa akin. Nangangawit na ang aking labi sa kakangiti ngunit mukhang hindi parin ako nito nakikilala.

“Si Aly po ito, Manang.” sabi ko na ikinakurap niya at nalaglag ang panga.

“Aly?! Diyos ko! Ikaw pala iyan hija!” Nagmamadali niyang binuksan ang gate. “Halika, pasok! Pasok! Nasa loob ang iyong Tita.”

Pumasok ako sa loob. Wala paring pinagbago rito, lahat ng naaalala ko ay nandito parin. Ang kanilang malawak na bakuran, ang veranda, ang magandang bahay na ngayon ay medyo may kalumaan na sa pagdaan ng panahon. Mukhang hindi napipinturahan kaya nagiging maputla na ang kulay.

“Kailan ka bumalik hija? Sobrang ganda mo na! Akala ko nga kung sinong artista, aba’y mas gumanda kang bata ka!” Walang humpay na pagbibigay puri sa akin ni Manang na mas ikinangiti ko ng matamis habang naglalakad kami patungo sa veranda.

“Salamat po, Manang. Nag-aral po kasi ako sa syudad.” sagot ko sa kanya.

“O siya, dito ka lang. Dadalhan kita ng meryenda at ibabalita ko kay Madame Felicita ang iyong presensya. Matutuwa iyon!”

Nagmamadaling pumasok si Manang. Siguro ay naibaon niya na sa limot iyong alitan namin noon ni Tita kaya ang akala niya ay okay lang kami, na hindi galit sa akin si Tita. Nandito lang naman ako para magbayad at para mabawi sa kanya ang lupa. Nagbabakasakali akong hindi niya iyon pinatayuan ng kung ano.

Nakatitig ako sa malakas na buhos ng ulan sa labas nang marinig ko ang yapak na kumuha ng atensyon ko. Napalingon ako sa imahe ni Tita na kakalabas lamang. Isang mahabang dress ang suot nito na sumasayad sa sahig habang nakatali sa kanyang leeg ang lace. Pinaghalong kulay pula at orange iyon, parang isang langit na papalubog at nagsisimula ng gumabi.

Napatayo ako nang mapatingin sa akin si Tita mula ulo hanggang paa. Magkasalubong ang kanyang kilay, pero kalmado naman ang tingin.

“Magandang tanghali, Tita.” Pagbati ko kahit na kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin sa akin.

Tumango si Tita. “Akala ko ay hindi kana babalik.” sabi nito.

“Bumalik po ako para sa lupa. May pambayad na po ako.” sabi ko. Sandali siyang tumitig sa akin, may kung ano sa mga mata niya ang hindi ko matukoy. Wala namang galit roon.

“Maupo ka muna Aly. Kakadating mo lang. Hintayin muna natin iyong meryenda.” sabi niya at umupo sa harapan ko. Sinenyasan niya akong umupo kaya umupo narin ako, kagat ang pang-ibabang labi.

“You’ve been away for almost 5 years. Ang tagal mong nawala. Nabalitaan kong nag-aral ka sa syudad. Kumusta naman ang kapatid ko roon?”

“Ah, okay lang naman po si Tito Ronaldo. Lumalaki na po ang apo niyang si Toshi.” Nakangiti kong pagkukwento. Tumango-tango si Tita, may ngiti sa labi.

Natutop muli ang aking bibig, ramdam ang kakaibang hangin sa pagitan namin.

“Hindi ka ba dumeritso sa lupain?” Tanong niya, kinakabahan ang mga matang nangingislap.

“Hindi pa po e. Dumeritso po ako rito para po sana magbayad sa inyo at para matubos ang lupa ni Lola.”

Lumiwanag ang kanyang mukha, parang may ikinakatuwa. “I’m glad at mukhang may narating ka hija. Mayaman kana ba ngayon?”

“Hindi po tita. Sapat lang po iyong naipon kong pera para tubusin ang lupa.”

Tumango siyang muli, wala akong makitang galit doon. Na nakaraan na iyon at ngayon ang mahalaga.

“Just keep the money Aly. Pumunta ka nalang doon. May matutuluyan ka ba? Pwede kang manatili rito.”

Umiling ako. “Salamat nalang po Tita. Sa bahay nalang po siguro ako tutuloy ni Lola. Namimiss ko rin po iyon, e.”

“Pwede ka rin naman sa Resthouse kung gusto mo.”

Nabuhayan ako ng loob sa inaasal sa akin ni Tita. May parte sa akin ang nagdidiwang dahil parang okay na kaming dalawa. Na may mga bagay lang talaga kaming hindi napagkasunduan noon.

“Uh, si Lhuella po?” tanong ko.

“Wala rito ang pinsan mo. I’ll tell her pag nakauwi na siya.”

Tumango tango ako, masayang masaya sa pagtatrato sa akin ni Tita. Lumabas iyong katulong na may dalang meryenda kaya doon natuon ang atensyon namin ni Tita.

Tahimik lamang akong kumakain. Si Tita naman ay nasa akin ang tingin. Para itong may importanteng sasabihin sa akin pero ang nakaawang na bibig ay nauuwi lamang sa pagsara.

“May problema po ba, Tita?” Tanong ko.

Napabuntong siya ng hininga, ngumiti sa akin. “I just want to say s-sorry. Alam mong naging malupit ako sa’yo noon. I really didn’t mean to hurt you that way, Aly. I’m sorry…” Namungay ang mga mata niya, nahahalata ang katandaan sa noo at sa gilid ng mga matang kumukunot na. Ngayon ko lang napansin kung gaano kalaki ang ibinago ng mukha ni Tita. She looks very old. Bata pa naman siya, pero parang namuhay siya na may maraming pinapasan sa kanyang balikat kaya ganoon nalang ang pagbabago ng kanyang hitsura.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa mahigit limang taon kung ba’t bigla nalang nagbago ang pakikitungo ni Tita sa akin. Maybe because she’s getting old now at ayaw niya na ng masyadong madrama. O baka naman ay narealize niya na wala naman talaga akong hangad na masama, ang gusto ko lang naman ay mapalago ang lupain ni Lola, matupad ang mga pangarap naming dalawa para sa lupain.

Napangiti ako. Nakikita ko ang sinseridad sa mukha ni Tita. “Nakaraan na po iyon, Tita. Tanggap ko naman po ang lahat. Nagsumikap po ako para mapatunayan sa inyo na kaya kong tumayo sa aking mga paa. Na kaya ko pong bawiin iyong lupa. Gusto ko pong bumalik dito na may maipagmamalaki sa inyo.”

May ngiti sa aking labi nang nilisan ko ang kanilang mansyon. Hindi ko inaakalang ganito ang bubungad sa akin pagbalik ko rito. Na bigla siyang magbabago. Ang sarap sa pakiramdam na nagkabati na kami ni Tita, nagkapatawaran.

Ang sabi niya ay naroon daw ang caretaker. Sa sobrang excited kong bisitahin ang lupain ay doon agad ako dumeritso hindi sa munting bahaykubo ni Lola.

Paglabas ko sa van ay gumala agad ang aking mga mata sa lupain. Medyo maulan kaya hindi ko pa gaanong naaninag ng mabuti ang kabuuan. Ang mahalaga ngayon ay hindi naman nasira ang lupain ni Lola. Wala roong itinayong building at may mga pananim parin.

Suot ang isang puting dress, nakalugay kong buhok, bumaba ako ng van na habang hawak ang isang payong. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Hindi parin humuhupa ang ulan at makulimlim parin ang kalangitan. Para bang may pinagluluksaan itong isang bagay.

“Ma’am, saan ko po ilalagay iyong mga bagahe niyo?” tanong sa akin ng driver na nakalabas narin at may hawak na payong.

Nilingon ko ang resthouse. “Diyan nalang siguro sa veranda. Baka nasa loob ang caretaker.” sabi ko.

Nagbago ang Resthouse. May mga nakapaligid ng magagandang bulaklak doon, mas lalong lumaki, mas tumingkad ang kulay at mas kabuhay-buhay na iyong tingnan. My Tita did a great job I must admit. Hindi lang ang lupain ang hindi niya pinabayaan niya kundi pati narin ang Resthouse. Siguro ay napagtanto niyang mahalaga talaga ito sa kanyang ina.

Pinanood kong ilagay ng driver ang mga bagahe ko roon hanggang sa may kumuha ng atensyon ko. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng tunog ng kabayong tumatakbo. Nagkasalubong ang aking kilay lalo na’t umuulan ng malakas tapos may nangangabayo? Sino naman ang makakaisip noon?

Hindi pa ito tuluyang nakakarating sa direksyon ko ay napatitig na ako sa lalakeng pamilyar sa akin ang imahe. He’s topless while riding the horse expertly. Tumatalbog ang kanyang katawan at parang sumasabay rin ang pagpatak ng tubig sa kanya para mas mabigyan ng pansin ang basang basa niyang kabuuan.

Napalunok ako. Isang singhap ang aking napakawalan nang maaninag ko ang mukha ni Uno. Nakasuklay paatras ang kanyang basang buhok, ang malalim nitong mga mata ay bumabagay sa kulay ng langit na nagluluksa sa isang bagay. Isang naparusahang anghel kaya bumaba ng nakahubad sa langit at ngayon ay ipinagmamalaki ang kanyang imahe.

Lumundag siya pababa sa kanyang kabayo pagkatapos niya itong pahintuin sa pagtakbo. Medyo tumalsik ang putik gawa ng itim na boots at napunta iyon sa suot niyang basang pantalon. He was looking at me, like I’m a sinner. At ngayon ay mapaparusahan na dahil sa maling nagawa ko.

Nakatunganga ako sa kanya ng ilang sigundo. His massive body changed alot. I can even see the vline on his pants. Na kaonting baba lang noon ay may mas madidiskubrihan akong kamangha-mangha.

His eyes darted on me intensely. Para akong naging isang kuting kumpara sa isang leyon na nasa harapan ko. I’m the total opposite. Parang ang lambot lambot ko kumpara sa kanya. Na mababali agad ako kumpara sa kanya. He’s towering my small frame and making my heart ache in so much pain. He was so manly…

“U-Uh, iyong c-caretaker? Ba’t ikaw ang nandito?” Kumalabog nang husto ang aking dibdib sa sarili kong tanong. Gusto ko sanang mangumusta muna pero ipinagkakait iyon ng aking bibig. Na wala akong karapatang kumustahin ito dahil sa nagawa ko noon.

Mas lalong dumilim ang kanyang ekspresyon, mas lalong bumuhos ang malakas na ulan pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sagot niya. Am I too late?

Chapter 33

Signs of Love

Blame

Ano ulit iyon?“ I laughed bitterly. Na biro lang iyong narinig ko. Na hindi iyon totoo. Na gawa lamang iyon ng malakas na ulan kaya hindi ko siya gaanong marinig.

“I am the owner of this place, lahat ng natatanaw ng iyong mga mata ay pagmamay-ari ko na Aly. Kahit ang lupain, ang resthouse. Ang tinatayuan mo. Akin,” mariin niyang sabi.

“I am the owner,” ulit niya sa mas malinaw na boses.

Namutla ako. Ang lamig na gawa ng buhos ng malakas na ulan ay mas naramdaman ko sa aking loob. Para iyong pumasok sa aking sistema at sinasalakay ako. Ba’t hindi man lang ito nabanggit ni Tita sa akin? Hindi niya sinabi sa aking binili pala ni Uno ang lupain? Kaya ba ayaw niyang tanggapin ang pera ko?

I stared at him with hatred. Namumuo ang galit sa akin at gusto ko nalang siyang sampalin dahil sa pagdedesisyon niya habang wala ako.

“Binili mo ang lupain? Ang lupain ni Lola?!” I said with so much anger.

Hindi siya sumagot. Tanging pagtitig lamang ang nakuha ko sa kanya. Ang mga mata nitong walang kislap at ang madilim niyang ekspresyon. Ang kabuuan niyang sumisigaw sa katikasan. Na hindi lamang ako ang hinubog ng nagdaang taon kundi pati siya. He was a pure ruthless man now. Kung noon ay namamangha ako sa kanya, ngayon ay mas trumiple pa ata. Pero iyong galit sa puso ko, iyong ginawa niyang pagtraydor sa akin!

“Sinabi ko na sayo na ako ang bibili!” sigaw ko. Nabitiwan ko na ang aking dalang payong para mas matitigan siya. Mas matingala ito at mas maipamukha sa kanya ang galit ko.

Napunta sandali ang tingin niya sa payong na nalaglag. Pinulot niya iyon at nag-akmang payungan ako pero itinulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay. Para akong nakahawak sa isang mainit na mantika kaya ngayon ay may dinaramdam na akong masakit na pagkapaso ko. May masakit sa akin at hindi ko lubos mapunto kung ba’t sobrang nasasaktan ako.

“I bought it for myself. Not for you. Huwag mong lagyan ng malisya ang pinaggagawa ko,” seryoso niyang sagot, wala paring emosyon sa loob.

Tiningnan ko siya na may pagkadisgusto. Ngayon ay nakuha na ni Tita Felicita ang gusto niya. Sa loob ng mahigit limang taon, maraming nangyari. Hindi lang sa pisikal niyang itsura kundi sa buhay niya. Apat na taon ang agwat niyo sa isa’t isa, Aly! Lalake siya. May pangagailangan. At siguro ay nababagot na siya sa kanyang buhay kaya mas pinili niyang maitali nalang.

“Gumaganti ka ba? Dahil sa ginawa ko sa ’yo noon?” Halos pabulong ko nalang. Na sana ay mali ako ng iniisip ko. Na sana ay siya parin iyong Uno na kilala ko. But seeing his dark expression burned me to death. Para itong nakatayo sa harapan ko ngunit hindi ko na makilala ng husto. Na iyong itsura nalang ang pamilyar sa akin, iyon nalang ang kilala ko sa kanya. Na kahit iyon ay nagbago narin.

“Gumaganti ka dahil sa ginawa ko sa’yo kaya ngayon itong lupain ni Lola ang ipinagkakait mo sa akin dahil sa pinagkait ko sayo noon!”

He chuckled evilly but there’s no humor on it. “That was before, Aly. Do you think I’m too shallow? Nasa murang edad ka palang noon. You don’t even know the word love. Wala akong mapaggastuhan ng aking pera kaya binili ko nalang total inaalok rin sa akin ng iyong Tita. What’s wrong with that?”

I look at him unbelievably. Nagugulantang ako sa lumalabas sa kanyang bibig. Nasasaktan sa pinagsasabi niya.

“Bibilhin ko sa ’yo ito. Sa amin ito, Uno! Kay Lola!”

His brow raised with so much hate. “Gaano na ba kataas ang narating mo at mukhang may maipagmamalaki kana ngayon?”

“Magkano? Bibilhin ko.” Deklara ko, binabalewala ang sinasabi niya.

“Really, Aly?” He leered.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa sobrang galit at sa luhang namumuo sa aking mga mata. He changed. Hindi na ito ang Uno na nakilala ko. Well maybe, he changed because he’s married now. Binili niya ang lupain para sa kanyang sarili at para mapakasalan ang pinsan ko. You really deserved my clap right now Uno. Ang sarap mong palakpakan sa mukha.

“Magkano?” Mas matigas kong deklara.

“Sampong milyon.”

Napaawang ang aking bibig. Ang luhang namumuo sa aking mga mata ay mas lalong rumarami. Lumalabo iyon. Anong nangyari sa dating Uno? Dahil ba sa pananakit ko sa kanya? Dahil sa pagpapamukha ko na wala akong nararamdaman para sa kanya?

“How can you be so cruel? Kalahating milyon lang iyong ipinangako ko kay Tita!” I cried with so much anger. Hindi na nagiging halata ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata dahil sa ulang bumubuhos sa akin.

“Mahigit limang taon ang lumipas Aly. Inalagaan ko ang lupain, pinalago. Hindi naman pwedeng ibigay ko nalang iyon basta basta. Bakit, kaano ano ba kita?” He said with so much cruelty.

Naiwang nakaawang ang aking bibig sa ere. Gusto ko siyang sampalin sa sobrang galit. Gusto ko siyang saktan. Oo nga naman, kaano ano ka ba niya Aly? Katulad ng nangyari noon, naging parte ka lang ng mga babaeng nagawa niyang paglaruan. Nagawa niyang paikutin sa kanyang mga palad at nagawang paniwalain na totoo lahat ng pinapakita niya. Pero ngayon, lahat ng iyon ay nagiging malabo na sa akin. Lahat ng iyon ay parang isang kathang isip lamang sa isang libro. Na wala naman talagang ganoong lalake.

“Wala akong sampong milyon, Uno!” diin kong sabi nang mapunto ko siya.

“Umalis ka para may mapatunayan. Ngayon, bumalik na pero para ano? Ipamukha na hanggang ngayon ay wala ka rin namang napala?”

His words were like bullets. Tumama iyon ng malalim sa akin. Pinapamukha niyang mas mataas parin ang kanyang narating. Na walang wala ako sa kanya at kaya niyang manipulahin ang isang bagay dahil mas marami siyang pera kumpara sa akin. Mas makapangyarihan kumpara sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto kong magsalita pero wala rin naman akong masabi. Naiyak nalang ako. Tinititigan ko ang mukha niyang walang kaemo-emosyon. Ang lalaking nakilala ko noon, nakukuhang ngumiti ng maliwanag, nakukuha akong halikan. Ang lalaking pinangakuan ako ng marami, pero ba’t parang lahat ng iyon ay parte lamang ng isang maganda kong panaginip? Na ngayon ay gising na gising na ako at sinasampal na ako ng katotohanan na reyalidad ito at hindi siya iyong Uno na nakilala ko.

“Wala kang pera?” tanong niyang muli pagkatapos ng ilang sigundong katahimikan.

“Kulang ang p-pera ko.” Sinubukan kong hindi mabasag ang aking boses at mahalata niyang umiiyak ako.

“Then work for it. Work for me.”

Nagkasalubong ang aking kilay sa naging desisyon ni Uno. Nilingon niya iyong driver na nasa veranda parin at mukhang nanonood lamang sa amin. Sa malakas na buhos ng ulan, malabong narinig niya ang pinag-uusapan namin.

Nagpaalam itong umalis na. Ngumiti ako ng pilit lalo na’t bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Kung ba’t ako nagpapakabasa sa gitna ng ulan. Pinakiusapan ko nalang ito na sana ay hindi na makarating kay Addi ang mga nakita niya.

Pinanood ko ang van na umaalis. Hindi na gaanong bumubuhos ang ulan pero wala paring tigil sa pagbuhos ang aking mga luha. Ngayon, paano ko babawiin ang lupain kung nakay Uno na ito? Siguro ay pinlano na nila itong dalawa ng pinsan ko.

“Let’s get inside,” sabi niya. Pasimple kong pinunasan ang aking pisngi lalo na nang naramdaman ko ang kanyang imahe sa aking likuran. Nakatutok na ulit sa akin ang payong.

Hindi ako sumagot sa kanya at naunang maglakad sa Resthouse. Deri-deritso akong pumasok pero natigil rin ako nang makita ko ang hindi pamilyar sa akin na loob. Marami nang nagbago. Para na iyong isang bahay kung saan may nakatirang isang masayang pamilya. May mga pinto akong naaninag sa gilid na mukhang kwarto ata. Sa gitna ay may dalawang malaking sofa at redcarpet.

“Nasan ang mga gamit ko?” Nilingon ko ito sa aking likuran. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nag-angat siya ng tingin, nakaigting ang kanyang panga at parang may ikinakagalit.

“Nasa magiging kwarto. That second door beside my room.” Nilingon niya iyong kwartong tinutukoy niya at nilingon akong muli.

Pinuntahan ko ang sinasabi niyang kwarto. Namamangha ako sa loob pero wala na akong panahong pagtuunan iyon ng pansin. Deri-deritso kong kinuha ang dalawa kong bagahe at hinila iyon palabas. Tuloy tuloy ang lakad ko. Ramdam ko ang titig sa akin ni Uno. Pero nang makarating ako sa pinto palabas ay nagulat nalang ako nang isinara niya iyon ng marahas.

“Where do you think you’re going?” pagalit niyang tanong.

“Malamang, uuwi. Hindi na ito sa amin. Pagmamay-ari mo na ito.” Sila ng asawa niya. Gusto ko iyong isaboses pero ayokong makaisip siya ng kung ano roon pag binanggit ko iyon. Hindi ko hinayaang traydurin ako ng mga luha ko at makita niyang nasasaktan ako sa katotohanan na may asawa na siya. Na kasal na siya.

Tumaas ang kilay niya. Mas nagiging malisyoso ang tingin niya sa akin.

“Kasama yan sa gusto ko. Magtatrabaho ka sa lupain, dito ka titira.” deklara niya na parang may nakakalimutan.

Hindi ba magagalit ang pinsan ko?

“That’s what I want. Kayang kaya kong sirain ang lupain Aly. Lalo na’t nauumay na ako sa pagtatanim. Baka pag nagbago ang isip ko ay patayuan ko iyan ng mas mapapakinabangang business,” dagdag niya at humalukipkip sa harapan ko. Nagawa pang sumandal sa pinto.

Nalaglag ang aking panga. Bumabalik sa akin ang sakit kung paano ipinamukha ni Tita sa akin na wala akong magagawa dahil hawak niya ang desisyon. Na anak siya at apo lamang ako. Pero sa oras na ito ay may halong galit akong nararamdaman para kay Uno. Nagpapasalamat ako ng malaki at hindi ako nagpauto sa mga binibitiwan niyang salita sa akin noon. Lahat iyon ay kasinungalingan lamang. Nachallenge lang talaga siya. Pero ngayon na wala na siyang nararamdaman sa akin ay ganyan na siya makitungo. Nagiging mas animal na.

Matalim ko siyang tiningnan. Nakipagsukatan ako sa mga mata niyang malalim. Pero nang unti unti iyong bumaba sa katawan ko ay napatingin narin ako sa aking sarili. Pinamulahan ako ng pisngi nang makita ang bra kong bakat na bakat sa puti kong suot na bistida. Magulo pa ang aking buhok at medyo basa parin.

Umirap ako sa kanya at tinalikuran siya pabalik sa aking kwarto. Halos itapon ko ang mga bagahe ko kung hindi lang talaga ito mabigat. Hinubad ko ang aking suot pagkatapos isara ng marahas ang pinto. Kulang nalang ay tawagin ko lahat ng demonyong kilala ko dahil sa galit na nararamdaman kay Uno. Kung alam ko lang na magiging ganito pala ay sana noong una palang ay hindi ko na hinayaan ang sarili ko na mapalapit sa kanya. Siguro ay naiwasan ring atakihin sa puso si Lola at hindi nasira ang pangalan ko.

Isang puting bestida parin ang aking suot. Pagkatapos kong patuyuin ang aking buhok gamit ang blower ay lumabas rin ako. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang mga gamit ko. Wala rin akong balak manatili rito ng matagal. Para pag naisipan kong umalis ay hindi na ako mahirapan sa pag-iimpake.

Nadatnan ko si Uno sa may pinto. Nakapagbihis na ito habang nakasandal sa nakabukas na pinto at nasa labas ang tingin. Hindi parin humuhupa ang ulan pero hindi na iyon gaanong malakas. Kalmado na itong tingnan.

Ilang sigundo akong nakatitig sa malapad na likod ni Uno. Bumabakat sa suot niyang puting damit ang biceps niya. May hawak siyang tasa at umiinom ata ng kape. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

“Do you want some coffee?” tanong niya nang hindi man lang ako nililingin.

“Parte parin ba iyan ng trabaho ko?” sarkastiko kong tanong.

Hindi siya umimik pero naramdaman ko ang pagbuntong niya ng hininga.

“Kung gusto mo. Pero kung ayaw mo, hindi kita pipilitin,” aniya, kalmado ang boses.

Napanguso ako at pumasok nalang ulit sa aking kwarto. Hinawi ko ang malaking kurtinang nakatakip sa bintana. Laking gulat ko na lamang nang bumungad sa akin ang maraming sunflower. Basa ang mga ito dahil sa ulan pero kahit hindi gaano maaraw ay naaaninag ko sila ng mabuti. Malalaki ang mga ito at sobrang ganda. Parang tinangay ng hangin ang galit na nararamdaman ko at napalitan ng panibagong emosyon.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Naroon parin ang pintong kumukonekta sa likod. Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan ko nang kasama ko si Uno at hindi na namin ito Resthouse. Sa kanya na ito.

Natigilan ako nang hawakan ko ang doorknob at akma na sana itong pipihitin. Dahan dahan kong nilingon si Uno. Ngayon ay nasa akin na siya nakaharap.

“Sa’yo pa rin ba ang likod?” tanong ko.

“Yeah…”

Napabusangot ako.

“But if you want to see it then go. May upuan diyan sa labas at pwede kang sumilong. Maulan parin,” mungkahi niya na ikinatango ko nalang. Binuksan ko ito hanggang sa humampas sa akin ang malamig na hangin, singlamig ng pakikitungo ni Uno sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi napigilang hindi mapangiti nang bumungad sa akin ang kabuuan. Para akong nasa isang magandang paraiso na tanging sunflower lamang ang naroroon. Tuluyan akong lumabas. Sa gilid ay may upuan nga at medyo nakakasilong parin. Napasinghap ako nang iginala ko na ang aking tingin. Kung hindi lang talaga maulan ay tumakbo na ako at isiniksik ang aking sarili sa naggagandahang sunflower.

“Ito ang naging bunga ng ginawa natin noon.” Halos mapatalon ako sa boses ni Uno. Nilingon ko siya. Nakatayo siya sa may pinto at nakapamulsa. Naalala ko ang araw na iyon. Ang ngiti niya, ang pagtawa ko. Lahat ng magagandang alaala na akala ko ay naibaon niya na sa limot.

Hindi ako sumagot at umupo nalang. Lumaki sila ng maganda. Kung paano namin sila itinanim. Pero ba’t ganoon? Nasaan na iyong sayang itinanim namin ni Uno? Alam kong kasalanan ko naman sa umpisa palang. Pero iyong bilhin niya ang lupa para sa kanyang sarili dahil lang gusto niyang pakasalan ang pinsan ko ay hindi ko tanggap. Nagsumikap ako. Ginawa ko ang lahat huwag niya lang iyong bilhin. Pero nawalan rin ng silbi ang pagsisikap ko. Ngayon ay huli na ang lahat. Nakatali na siya. Siguro ay hindi talaga si Uno ang para sa akin.

“How’s the experience living in the City?” kaswal niyang tanong na para bang nakalimutan niya na ang nangyaring alitan namin kanina.

“Sobrang dami palang mga gwapo sa syudad ’no?” Tiningala ko siya na ngayon ay nakataas na ang kilay. Napatitig siya sa akin, hindi parin mabasa ang ekspresyon ng mukha.

“Yung mga kaklase ko mga gwapo. Kahit saan ako magpunta, maraming gwapo,” dagdag ko pa, hindi alam kung anong ipinaglalaban pero gustong iangat ang sarili sa ibang bagay. I don’t make sense. Alam ko iyon. Pero baka sakali lang naman…

“Maraming gwapo pero ba’t bumalik ka parin dito?” May tabang sa tono ng pananalita niya.

“Dahil sa lupa. Kung hindi ko lang masyadong mahal ang lupain ni Lola ay wala na akong rasong mahanap para balikan ang lugar na hindi naman naging maganda ang karanasan ko.”

His eyes were still deep, filled with darkness. Para siyang isang painting na hindi mo mailarawan kahit anong titig mo. Nakakamanghang isang larawan ng perpektong lalake.

“Boyfriend?” he asked flatly.

Sandali akong nag-isip. Oo nga pala. Ba’t nga ba hindi ako nakapagboyfriend doon? Sa dami ng gwapo at bumibili sa akin, ni isa ay wala naman akong inientertain. Ni isa, wala akong nagustuhan. Para akong pumunta sa syudad dala lahat ang gamit ko pero may naiwan ata akong parte ng katawan ko. Nanatili ito rito kaya ganoon nalang ako kamanhid pagdating sa ganoong bagay.

“N-Nakalima ako. Uhm, si U-Ully… si C-Chad, uh, Cristoff, Blake at V-Vernon.” Pag-iimbento ko ng pangalan. Iyon yung mga kaklase kong mga arogante. Pero meron rin namang mababait at palaging napupuwing sa tuwing nakatingin sa akin, palaging kumikindat.

His expression remained undefined. Di ko alam kung naniniwala ba siya o sadyang wala siyang pakialam. At hindi ko rin alam kung ba’t gusto kong magmalaki sa kanya na hindi lang siya ang lalakeng nakilala ko. Na may karanasan na ako. Na hindi na ako iyong Aly na nakakaya niyang utuin noon. Nakakaya niyang pahulugin sa mga matatamis niyang salita. Ayokong isipin niya na hanggang ngayon ay wala pa ring nagbago. Everything was a lie. And sadly, I fell on it.

“Really, huh?”

“Oo naman.” Pagmamalaki ko.

“Was it fun?” Ngayon ay may pang-uuyam na ang tono niya. Napatanga ako ng ilang sigundo. Iniisip kung gagawin ko bang masaya ang mga nakarelasyon ko o miserable nalang.

“Hindi rin. Wala akong napala, natuto lang.”

“What about your signs?” Mas naging matabang ang pananalita niya. Ramdam ko iyon lalo na’t umiigting na ang kanyang panga.

Hindi agad ako nakapagsalita. Para akong bumubuo ng isang puzzle sa aking utak at hinahanap ang ilang pirasong nawawala ata.

“Sa limang naging lalake mo, hindi naman pwedeng lahat sila ay tumugma sa senyales mo Alyssa.” Now he sounds pissed.

“Syempre, mapagbigay ang Langit dahil alam niyang mabait ako kaya pinapaulanan niya ako ng grasya.” Napatayo ako. “At hindi ako nagsisisi na sinunod ko ang mga senyales ko. Dahil alam ko na mas alam ng nasa itaas ang makakabuti para sa akin,” diin ko na ikinadilim lalo ng kanyang ekspresyon.

Hindi ko na makayanan ang mga tanong niya kaya pumasok nalang akong muli. At dahil nandoon siya ay malalagpasan ko siya. Nanginginig ang aking tuhod, dala ng takot na magkadikit kami, na masyadong masikip ang lugar para sa aming dalawa.

Nakakatawa na naghangad pa ako ng iba. Na akala ko, hindi lang ang lupa ang mababalikan ko, na hindi lang ang naiwan naming alaala ni Uno ang mababalikan ko, pero huli na pala. Siguro ay pinaparusahan ako dahil sa pananakit sa isang lalakeng walang ginawa noon kundi mahalin ako at iparamdam sa akin na wala akong katulad. Pero kung siya talaga ang para sa akin, makakapaghintay siya! Tama nga talaga siguro ako na pinaikot niya lang ako dahil wala naman akong experience sa ganoong bagay. Who am I going to blame now?

Chapter 34

Signs Of Love

Pagkatapos

Iwanan

Nagugulat ang buo kong sistema sa lahat ng nalaman. Ang biglang pagbait sa akin ni Tita, ang rason na si Uno na ang may-ari ng lupain. Kaya siguro nagoon na siya makitungo sa akin dahil nakuha niya na lahat ng gusto niya. Napangasawa na ng anak niya ang lalakeng naging dahilan ng pag-aaway namin ni Lhuella noon kaya ganoon narin ang galit sa akin ni Tita dahil mas kampi siya sa anak niya.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat. Kung paano ipapasok sa kokote ko isa-isa. Para akong mababaliw at gusto nalang bumalik sa syudad at kalimutan lahat ng nadatnan rito.

Nanatili ako sa loob ng aking kwarto. Umiiyak dahil sa mga nangyayari. Sobrang layo ng imahinasyon ko sa pagbalik ko kaysa sa nangyayari ngayon. Pinunasan ko ang panibagong luhang tumulo nang makarinig ako ng katok.

“Dinner.” Narinig kong malamig na sambit nito sa labas.

“W-Wala akong gana,” sambit ko sa namamaos na boses. Medyo nilakasan ko pa iyon para lang marinig niya.

Humiga ako sa aking kama at niyakap ang unan. Sumisinghot ako at parang isang teenager na hindi pinansin ng kanyang crush sa eskwelahan kanina kaya ngayon ay nagdadrama na. Pero nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto ay mabilis rin akong napaupo. Pumasok si Uno dala dala iyong mga susi. May duplicate pala siya.

“Pati ba naman privacy ko ay sa’yo rin?” matabang kong tanong. Napatitig siya sandali sa aking mga mata pero kalaunan ay nag-iwas rin ng tingin.

“Lumabas ka at kumain,” tanging sinabi niya.

“W-Wala akong gana, Uno,” paliwanag ko, hindi maiwasang manginig ang boses dahil sa ikinukubling luha.

“Inuutusan kitang kumain, hindi magreklamo,” aniya.

Napabuntong ako ng hininga. Naubos na ang aking lakas sa pakikipagtalo sa kanya kanina kaya mas pipiliin ko nalang sundin ito kaysa naman mas humaba pa ang pagdedebatehan naming dalawa.

Lumabas ako ng kwarto at sinundan siya sa kusina. Ang tanging naririnig lamang na tunog doon ay ang mga kubyertos naming nagsasalpukan sa isa’t isa. May steak at gulay sa lamesa. May ibang dish rin na hindi pamilyar sa akin. Na sa bawat pagkuha ko ng pagkain ay nakasunod ang tingin niya. Pati sa pagsubo ay napapanguya siya ng dahan dahan para tingnan ang aking ekspresyon. Masarap pero hindi na iyon umabot sa aking mukha. Naninibago ako dahil ibang Uno na ang kasama ko.

M-May anak na kaya sila ng pinsan ko? Gusto ko sana iyong itanong kaso may parte rin sa akin ang ayaw marinig ang kanyang sagot, ang totoo.

Nasa pagkain nalang ang aking tingin. Napansin ko sa kanyang kamay na wala namang singsing roon. Nabuhayan ako ng loob pero may parte parin sa akin ang nasasaktan.

Napunta ang aking mga mata sa kanyang kamay at tinunton ang kanyang daliri. Walang singsing doon. Ba’t hindi niya suot?

Tahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Kaya siguro hindi ko rin makuha ang mga senyales na iyon dahil alam ng Langit na masasaktan lamang ako pag umasa ako sa isang bagay na hindi rin naman para sa akin. Hindi na ako makikialam kung masaya rin naman silang dalawa. Ililibing ko nalang sa limot ang nararamdaman ko para kay Uno. Ibabaon ko iyon kasama ng magaganda naming alaala.

Lumabas ako ng bahay. Malamig pero nakakaya naman. Kausap ko si Addi sa kabilang linya. Kanina pa kasi ako naghahanap ng signal hanggang sa umabot ako rito sa pinakadulo ng lupain. Sobrang layo ko na sa Rest house.

“How are you? Nabawi mo na ang lupa niyo?” tanong ni Addi sa kabilang linya.

“Malapit na. Iyong Tita ko kasi may inaasikaso pa kaya hindi ko rin agad mabawi ang lupa.” Pagsisinungaling ko kay Addi. Ayokong makadisturbo sa kanya. Dahil sa oras na nalaman niyang may malaki akong problema ay hindi iyon magdadalawang isip na pumunta rito.

“Kailan ka uuwi niyan? Ang sabi mo ay mga dalawang linggo lang, Aly…”

Napabuntong ako ng hininga, nag-aalala na baka hindi lang dalawang linggo ang aabutin ko rito kundi isang taon, o baka higit pa.

“Siguro pagkatapos ng isang buwan. Pag nabawi ko na ang lupain. Pagkatapos ay babalik ako diyan sa syudad. Miss na kita. A-Ayoko na rito e.” Natawa ako kahit na may kasama iyong pait.

“May nangyari ba? Pwede kitang ipasundo. Hindi ka naman mamumulubi sa akin, Aly. May trabaho ka rito. Pwede namang iyong mga trabahador nalang ang umasikaso ng lupain niyo ng lola mo.”

Sasagot pa sana ako kung hindi lang talaga nawala ang signal. Bumalik nalang ako sa Resthouse at laking gulat nang madatnan ko roon si Uno. Nakahalukipkip sa may pinto at nakasandal doon na akala mo ay isang ama na nag-aalala sa anak niyang ngayon lang nakauwi pagkatapos maglakwatsya.

Dumako agad ang tingin niya sa hawak kong cellphone kaya pasimple ko iyong itinago sa likuran ko.

“Sinong kausap mo? Boyfriend?”

Nagkasalubong ang aking kilay. Pero sa halip na tumanggi, ay tumango nalang ako. Ayokong maiwang mukhang miserable. Na hindi ako naging masaya. Ayokong magmukhang kaawa awa.

Gumalaw ang kanyang panga. Nag-iwas ako ng tingin at pumasok sa loob. Naninindig ang aking balahibo dahil sa pabango niyang naamoy ko nang nilagpasan ko ito.

“Sampong milyon ang pagtatrabahuan mo sa akin, Aly. Do you think you can work for it in a month?”

Napalingon ako sa kanya. Ang malapad nitong likod ang tanging naaninag ko.

“You’ll spend your life with me, working. Not just a month. A year.” Nilingon niya ako. “You’re not going to leave this place Aly without my permission. I demand years.”

Nakakatakot ang mga binitiwang salita ni Uno. Na magiging isa akong bilanggo rito. Isang makasalanang kailangang pagbayaran ang isang bagay habang-buhay at wala ng pag-asang makalaya pa. Ganoon ang pinapamukha sa akin ni Uno, na mabubulok ako sa lugar na ito, kasama siya. Habangbuhay.

Nagising ako ng maaga. Suot ang isang puting dress na nakasanayan ko ay lumabas ako ng aking kwarto. Sarado ang kwarto ni Uno nang lagpasan ko iyon. Baka ay tulog pa.

Lumabas ako ng Resthouse.Bumungad agad sa akin ang lupaing hindi ko masyadong natingnan ng maayos kahapon gawa ng masamang panahon at ang galit na nararamdaman kay Uno. Ngayong malinaw na sa akin ang kabuuan, hindi ko makakailang malaki talaga ang ipinagbago ng lupain. Mas lumawak ito, mas naging marami ang pananim, mas naging maganda. May mga nagsisidatingan ring trabahador. Parang lumundag ang puso ko sa tuwa, ang pinapangarap ko sa lupain namin ni Lola ay nangyayari na. Iyon nga lang ay hindi ko na ito pagmamay-ari. Sampong milyon. Hanggang kailan ko iyon pagtatrabahuan kay Uno? Sa sobrang laki ng presyo na kahit hindi ata ako matulog ay hindi ko parin mapapantayan ang presyong iyon.

“Magandang umaga po, Ma’am!” Bati ng iilan na ikinangiti ko.

“Magandang umaga rin po.” Maligalig kong pagbati. Nasa akin lahat ang kanilang tingin, namamangha at nakangiti sa akin.

“Akala ko ay si Lhuella ang madadatnan namin ngayong umaga, pero mukhang sinuswerte kami at isang magandang babae ang bumubungad sa amin ngayon,” sabi ng isa na ikinatawa ko sa kabila ng pait na naramdaman ko nang binanggit ang pangalan ng pinsan ko.

Isang tunog ng kabayo ang narinig namin. Napalingon ako sa pinanggagalingan at nakita ang imahe ni Uno na wala na namang suot na damit habang nakasakay roon. He was looking at me intently. Nang inihinto niya iyon at mabilis ang pagbaba ay nasa mga trabahador agad ang kanyang tingin. Akala ko ay tulog parin siya.

“Magandang umaga ho, Sir.” Bati ng iilan na tinanguan niya.

“Good morning.” Nilingon niya ako, gumalaw ang kanyang panga na ipinagsalubong ng aking kilay. Umirap ako at kinuha sa gilid ang isang sombrero na nakasabit para gamitin iyon. Lumabas ako ng tuluyan sa veranda at lumapit sa mga trabahador. May mga may edad na lalake pero may mga kaedad ko lang ata.

“Ano po ba ang pwede kong itulong sa lupain?” tanong ko na ikinagulat nila. Uno’s eyes remained on me, nananantya at wala atang planong tumingin sa ibang bahagi.

“Ma’am?” Hindi makapaniwalang taong ng lalakeng pinakamatanda ata sa kanilang lahat.

“Magta-trabaho na rin siya sa lupain. Mauna na kayo. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya sa mga gagawin niya.”

Sumunod naman agad ang mga trabahador sa kanya. Ngayon ay naiwan akong nakabusangot rito. Anong akala niya sa akin, na wala akong karanasan sa ganito kaya kailangang turuan ng mabuti? Tingin niya ba talaga ay nagbago na ako ng husto?

“Now, listen.” Paninimula niya, may kaonting pagkadisgusto sa kung ano.

Hinarap ko siya, nakabusangot at matalim ang tingin sa lalaking wala na namang damit sa itaas at ibinabalandra sa akin ang perpektong katawan. Ba’t ba ang hilig niyang mangabayo na walang suot na pang-itaas na damit?

“Ilista mo lang ang mga gulay at prutas na mahaharvest nila, iyong bagong itatanim at mga nalantang gulay,” aniya.

“Ano pa?” tanong ko, hindi nagbabago ang ekspresyon.

“May gusto ka pa bang trabaho?” Tumaas ang kanyang kilay.

“Sampong milyon ang pagtatrabahuan ko sa’yo Uno. Kaya kung pwedeng akuin ko lahat ng responsibilidad sa lupaing ito mabawi lang ito sayo ay gagawin ko. Ayokong mabulok dito ng ilang taon kasama mo,” diin ko na ikinagalaw muli ng kanyang panga. Galit na naman siya kahit na nanatiling kalmado ang kanyang ekspresyon, ang malalim at misteryoso niyang mga mata…

“Then feed the horses. Paliguan mo, linisin ang rancho. Pagkatapos ay diligan mo ang mga halaman,” matabang niyang sambit.

“Yun lang?” tanong ko, nanghahamon.

Nagkasalubong ang kanyang kilay, matalim ang tingin sa akin.

“Yun lang, Alyssa.” He gritted his teeth.

Umirap ako at tinalikuran na ang supladong si Uno. Noong una, akala ko ay mabilis kong matatapos ang paglilista lalo na’t gawain ko naman ito noon sa aming lupain, pero nang mapagtanto kong malawak na ito ngayon ay ay nagsisisi na akong nagreklamo akong masyado iyong magaan na trabaho para sa akin. Kailangan ko iyong bilisan kung hindi ay aabutin ako ng tanghali. Baka malipasan ng gutom ang mga kabayo at malanta ang mga bulaklak dahil sa kabagalan ko.

Pakiramdam ko ay pinapahirapan ako ni Uno. Para siyang naniningil ng isang utang na hindi ko kayang bayaran kaya ganito nalang ang galit niya sa akin.

Nilingon ko siya sa di kalayuan. Kasama siya ng mga trabahador at tumutulong rin sa lupain. Hawak ko ang isang papel kung saan nakalista ang mga nahaharvest nila araw araw. Nakakagulantang na ganito na karami ang pananim rito. Nahigitan pa ata nito ang malawak na lupain nila Tita Felicita.

Napansin ko ang paglingon rito ni Uno kaya pasimple kong iniwas ang aking tingin at ibinalik sa mga prutas.

“Madalas bang tumutulong si Uno sa inyo?” Hindi ko na napigilang magtanong pa.

Tiningala ako ng trabahador na kaedad lang ata ng ama ko.

“Ay oo, hija! Masipag iyang si Sir Uno. Araw araw ay wala atang inaatupag kundi itong lupain. Kahit na kaya naman namin ay tumutulong parin. Mahal na mahal niya itong mga pananim,” aniya.

Napangiti ako kahit papaano. Kahit papaano ay masaya ako na napunta sa mabuting kamay ang lupain ni Lola. Na hindi ito napabayaan at mas lalo pang lumawak, mas lalong gumanda. Siguro kung nabubuhay lang siya ay matutuwa siya sa kinalabasan ng lupain sa nagdaan na mga taon. Baka nga ay isa rin siya sa tumutulong ngayon. Na kahit hindi na sa kanya ay handa parin siyang magbungkal ng lupa at magtanim.

Sinuyod ko ang malawak na lupain para icheck ang bilang ng naharvest nila. Pinagpapawisan na ang aking noo dahil sa araw na nagsisimula ng lumabas.

“Ang ganda niyo po, Ma’am.” Puri sa akin ng trabahador na kaedad ko lang ata nang magawi ako sa kanyang lugar. Napangiti ako.

“Salamat.”

“Mas maganda pa kayo kay Ma’am Lhuella. Dapat kayo ang naging-“Baste.” Biglang tawag sa kanya ni Uno kaya nahinto ito. Kahit ako ay napalingon na rin sa kanya.

“Po, Sir Uno?” Tumayo naman agad ang masunuring trabahador.

“Kailangan ka doon sa gulayan. Ako na rito,” sabi ni Uno na ikinatango naman agad nito. Nilingon ako nito at nagpaalam. Ngumiti ako pero agad ring nabura nang mapansin ko ang malisyosong tingin sa akin ni Uno.

“Hindi kasama sa trabaho mo ang pakikipagdaldalan sa mga trabahador,” mariin niyang sabi na iknairap ko. Napatingin ako sandali sa tiyan niya saka rin inilipat sa mga prutas.

Pinanood ko siyang bilangin lahat ang naharvest na pinya.

“300,” aniya na isinulat ko agad. Handa na akong lumipat sa gulayan nang magsalita ito.

“Where do you think you’re going?”

Itinuro ko ang gulayan. Nagkasalubong ang kanyang kilay.

“Speak, Aly.” Nawawalan ng pasensya niyang saway sa pinaggagawa ko.

Tinakpan ko ang aking bibig at umiling. Nabahiran ng pagkairita ang kanyang mukha.

“Hindi kana bata.”

Napabusangot ako. “Ang sabi mo ay hindi kasama sa trabaho ko ang pakikipagdaldalan.”

“Sa mga trabahador. Maliban sakin,” giit niya, tila napuputol na ang pasensya sa akin.

“Binibilisan ko ang trabaho ko para makalipat na ako sa rancho. Iyon ang gusto ko. Kaya kung hindi mo ako pahihintulutan na pumunta sa gulayan ay hindi ako matatapos agad, Uno,” pagalit kong sabi. Kapwa magkasalubong ang aming kilay. Para kaming may binubuong kuryente sa gitna namin at nagsusukatan ng tingin.

“Nagmamadali ka naman pala pero nakukuha mo pang makipagdaldalan.”

Sa sobrang inis ko ay tinalikuran ko nalang ito bago ko pa maisipang ibato sa kanya iyang mga pinya. How dare him! Nagiging maldito ang Uno na akala ko ay walang kasing bait! Alam ko namang may pagkasuplado iyan lalo na pag seryoso pero hindi ko alam na may tinatago palang sungay.

Mabilis ang paglista ko sa mga gulay. Noong kumain sila at niyaya ako, sa sobrang galit ay dumeritso ako sa rancho. Laking gulat ko nalang nang naroon si Horsey. Mas lumaki ata ito. Mas naging maganda ang kulay at naging makisig.

“Horsey!” Tuwang tuwa kong hinawakan ang kanyang ulo. Hinaplos haplos ko ito habang may galak sa aking mukha. Muntikan ko ng makalimutan ang kabayong ito.

“Pinapakain ka ba ng maayos dito o inaalipin karin ng masamang Uno na iyon?” marahan kong tanong, pilit hinuhuli ang mga mata nitong hindi mapakali. Gumagalaw ang kanyang buntot at mukhang excited rin na makita ako.

Binigyan ko siya ng dayami. Mga nasa sampo ata ang kabayo rito. Pero kapansin pansin na sa lahat ng kabayo ay si Horsey itong may pinakamalaking kwarto. May special treatment ang kabayo ko.

“You want to ride my horse?” Biglang sulpot ng boses ni Uno sa may pinto. Nilingon ko ito, nakaputing damit na siya habang nakahalukipkip roon.

“Sa’yo?” Naging matabang na ang boses ko. Pati ba naman kabayo ko ay aangkinin niya?!

Tumango siya. “Yeah, that’s my horse.”

Nagtaas ako ng kilay. “Akin ito, Uno.”

“After leaving him? Tapos ngayon ay babalik ka at aangkinin nalang ang isang bagay na iniwan mo nalang at inalagaan na ng iba?”

Natigilan ako. He’s holding a grudge on me. May itinanim siyang galit sa akin kaya ngayon ay ganyan nalang siya kung manumbat. Na akala niya ay sobrang laki na ng naging kasalanan ko sa kanya.

“Ba’t mo inalagaan kung ganoon?”

“Kung hindi ko siya inalagaan, tingin mo may dadatnan ka pa ngayon?”

Habang tumatagal ay mas lalong umaanghang ang binibitiwan niyang salita. Na sa bawat pagtapon niya noon sa akin ay napapatanga ako, napapagtantong may kasalanan ako, na ako rin dapat ang sisihin sa lahat ng ito.

“May pera ako. Bibilhin ko siya sa’yo.” Alok ko.

“I don’t need your money, Aly. Hindi ko ipinagbibili ang mga bagay na pinaghirapan kong alagaan pagkatapos iwanan.”

Chapter 35

Signs Of Love

Cruel

Natanga akong muli. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko nang napapahiya ang sarili ko sa kanya. Fine, I lost. Siya naman palagi.

“Sige, sayo na. Sakyan mo,” matabang kong sabi at lumipat sa kabilang kabayo para simulan na itong paliguan. Pinaandar ko iyong hose. Ang animal na si Uno ay nasa may pinto parin. Ang sarap ring bugahan ng tubig.

Sa sampong kabayo, ang hirap palang paliguan nito isa-isa. Nakakangalay ng kamay. Sanay naman sana ako sa trabaho, pero iyong dumadagdag pa ang panonood ni Uno sa akin ay hindi ko na makayanan. Ang sarap nalang kumapiras ng takbo. Ang sarap nakawin ni Horsey at mangabayo, umalis sa lugar na ito kung saan pagmamay-ari na ng animal na si Uno.

“You didn’t have your breakfast. Tama na muna yan.”

Hindi ako sumagot sa kanya. Inabala ko ang sarili sa pagtali ng buhok ko para paliguan muli ang ikalimang kabayo.

“Aly.” Pagalit niyang tawag sa akin. Hindi ako nakinig. Hinawakan ko ang hose at itinapat sa katawan ng kabayo para mabanlawan na ito. Kanina pa kumakalam ang aking tiyan, pero dahil sa galit sa kanya ay mas gugustuhin kong malipasan ng gutom kaysa ang kumain.

“You stubborn girl.” Narinig ko na ang yabag ng paa niyang marahas ang hakbang papalapit sa akin. Nakikita ko narin siya sa gilid ng mga mata ko.

Hinila niya ako ng marahas. Sa sobrang lakas ay napaharap ako sa kanya na kahit ang hose na hawak ko ay naitapat ko rin sa kanyang katawan. Sa galit ko ay pasimple ko pang nilakasan ang pagpihit ng hose para mas lumabas ang tubig nito. Uno groaned in anger. Nabasa ang suot nitong damit na kahit ang mukha niya ay hindi nakaligtas. Gusto kong pumalakpak sa tuwa pero iyong makita ang galit na galit niyang mukha ay hindi ko rin magawang magdiwang ng lubusan.

“Sorry,” matabang kong sabi nang hinila niya sa akin ang hose at itinapon ito sa gilid.

Pinatay niya ang tubig pagkatapos ay humarap muli sa akin, ngayon ay galit na habang tumutulo pa sa kanyang buhok ang tubig. Sinuklay niya iyon paatras at hinilamos ang mukha para maalis doon ang tubig. Naging sunud-sunuran ang tingin ko sa maliliit niyang galaw. Kung paano niya hinila ang tshirt na suot sa kanyang likuran habang nasa akin ang tingin at walang ano-ano’y hinubad ito sa mismo kong harapan! Napansin ko rin ang mga ugat sa kanyang braso dahil sa galaw na iyon. This is how rude he can get when he’s triggered. Mapapatanga ka talaga sa kanya. Na kahit ang utak ko ay nahahaluan na ng kung ano ano. Na gusto ko ring makita ang ugat sa leeg niya. Na sana ay may gawin siyang isang marahas na bagay para lumabas iyon.

“Eat. Now,” matigas niyang wika na ikinakurap-kurap ko.

“Anong kakainin ko?” Wala sa sarili kong tanong dahil sa paninitig sa kanya.

Tumaas ang kanyang kilay, nameywang sa aking harapan at malisyoso na naman ang tingin sa akin.

“What do you want to eat right now, Aly?” tanong niya na parang may pinupunto.

Bumalik ako sa aking sarili at hinarang ang natitirang katinuan sa akin para hindi na ako layasan pa. Nag-iwas ako ng tingin at gumala iyon sa kahit saan. Huminga ako ng malalim, umawang ang aking labi para sana magsalita pero nahulog rin iyon sa pagtikom. Tumalikod na lamang ako.

Nasa lupain na ang mga trabahador. Dala ng galit ko kay Uno ay nakapagdesisyon akong dumeritso na lamang sa bayan para doon kumain. Namiss ko rin kasi ang barbeque nila Manong Kapre.

Hindi namalayan ni Uno ang pag-alis ko ng palihim. Busy narin kasi siya sa lupain pati ang iba pang mga trabahador kaya walang nakapansin sa pag-alis ko. Pagbalik ko nalang siguro itutuloy ang pagpapaligo sa mga kabayo, pagdidilig ng halaman at iyong paglilista ng mga naharvest.

Sumakay ako ng tricycle. Napansin ko ang paglingon sa akin ng paulit-ulit ng driver. Pasimple kong sinilip ang aking mukha sa salamin at wala namang natagpuan na dumi.

“Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw ba ’yan White Lady?” Anang driver na ikinakurap ko.

“Ah, o-opo.” Ngumiti ako ng hilaw. Maraming nakakakilala sa akin dito noon dahil nga naiiba ang kulay ko sa kayumanggi nilang balat. May iba na kilala ako kahit hindi ko naman kilala.

Manghang mangha ang kanyang mukha nang mas tinitigan niya pa ako. “Aba’t hindi agad kita nakilala! Balita ko ay nag-aral ka raw sa syudad! Nako, sobrang ganda mo na.”

Namula ang aking pisngi sa compliment nito. Hindi ko naiwasang mapangiti ng malapad.

“Salamat po.”

Nakalibre ako sa tricycle dahil hindi na ako nito pinagbayad. Nagsimula akong maglakad sa bayan. Mas dumami ata ang mga botique sa gilid at mga paninda. Malinis na ang paligid at mas dumami ang tao pero naroroon parin naman ang mga kilala kong mga tindera.

Katulad ng nangyari sa pagsakay ko sa tricycle ay naging ganoon rin ang resulta sa bayan. Nahuhuli ko lahat ng pares ng kanilang mga mata na nasa akin ang tingin. May iba na magkasalubong ang kilay, may iba na namamangha, may iba na pilit akong inaalala at may iba na tumititig lang talaga. Hanggang ngayon kaya ay buhay parin iyong issue tungkol sa akin?

“Si White Lady ba iyan?”

“Anong nangyari sa kanya? Ba’t sobrang ganda niya na?”

“Alam niya na kaya ang nangyari sa pinsan niya at kay Uno?”

Iyon ang mga naririnig ko. Kadalasan ay compliment at mukhang nawala na iyong issue sa akin ngayon. Siguro ay naibaon narin nila sa limot dahil sa nagdaang ilang taon. Hindi na ako nagtataka kung kalat na rito ang nangyari sa pinsan ko at kay Uno. Kahit alam ko naman, iyong naririnig ko ay may iba paring hatid sa akin. Masakit tanggapin pero wala na akong magagawa. Nangyari na.

Dumeritso ako sa barbeque ni Mang Kapre. Nagbabakasakali akong naroon parin siya at nagtitinda parin. Hindi naman ako nabigo dahil hindi palang ako nakakarating sa mismong pinagtitindahan nito ay naaamoy ko na ang usok ng malinamnam nilang mga barbeque.

“Mang Kapre!” sigaw ko ng malakas kaya lahat ng atensyon ay napunta sa akin. Nahihiya kong itinikom ang aking bibig pero nang matagpuan ko ang pares ng mga mata ni Mang Kapre na gulat na gulat ay natawa rin ako.

“A-Aly?” Hindi makapaniwala nitong sambit.

“Ako nga po! Mang Kapre!” Napatakbo ako sa kanyang deriksyon at nayakap ito ng mahigpit. Hindi ko na naisip ang mga nanonood sa amin. Namiss ko rin kasi talaga ito lalo na iyong mga barbeque niya.

“Nako, matutuwa ang anak ko pag nalaman niyang nakabalik kana!” Masaya nitong balita sa akin na ikinatigil ko. Humiwalay ako kay Mang Kapre.

“Oo nga po pala, nasan po si Calvin?” Iginala ko ang tingin. Wala nga rito ang anak niya. Isang matagumpay na ngiti ang ibinigay sa akin ni Mang Kapre, ngiti ng amang tuwang tuwa sa kinaroroonan ngayon ng kanyang anak.

Nalaglag ang panga ko habang tinitingala ang isang napakalaki at napakataas na kompanya nang puntahan ko ang sinasabing mataas na building ni Mang Kapre sa akin. Dala dala ko pa ang isang supot ng sampong barbeque na binigay nito. Isa nang tanyag na Engineer si Calvin dito. Nakapagtayo siya ng ganito kalaking kompanya sa isang bukid at ngayon ay may marami naring empleyadong pinapasweldo. Iyon lang ang alam ko tungkol sa buhay niya.

Pumasok ako sa loob. Nagtungo agad ako sa front desk para magtanong kung nasaan ang opisina ni Calvin. Kung ikukumpara sa kompanyang meron sila Addi, mas malaki iyon. Siguro nasobrahan lamang ng iilang palapag. Pero iyong malamang si Clavin mismo ang nagpatayo nito sa sarili niyang sikap ay ang lubos kong ikinakamangha.

“Do you have an appointment, Ma’am?” magalang na tanong sa akin ng babae.

“Uh, wala eh. Kaibigan niya lamang ako,” sabi ko na ikitango nito ng bahagya at nasa hawak na ng telepono ang atensyon.

Naglibot libot ang aking mga mata habang may kinakausap iyong babae sa telepono. May mga kaedad akong mga babae natatanaw na palakad lakad dito sa lobby at sobrang desente manamit. May iilan rin namang lalake. Isa itong magandang opportunity sa mga tagarito lalo na’t wala masyadong trabaho ang maaapplayan sa lugar na ito.

“May I know your name, Ma’am?” tanong sa akin ng babae.

“Ah, Aly. Alyssa Gwyneth.” Tumango siya at kinausap muli ang nasa telepono.

Ilang sandali lamang ay may isang babaeng bumaba para sunduin ako. Secretary daw siya ni Calvin. Tahimik ko lamang siyang sinundan. Siya mismo ang nagbukas ng pinto sa opisina nito saka ako iniwan.

Pagkapasok ko ay natanaw ko agad sa dulo ang isang pamilyar na lalakeng may napakaseryosong mukha. Nakaclean cut ang buhok nito at nagmumukhang makapangyarihang tao sa suot na tuxido. Hawak niya ang isang ballpen at pinaglalaruan iyon na parang drumstick. Nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti agad ako. Ang paggalaw ng ballpen ay natigil. Napaawang ng kaonti ang kanyang labi. Ang mga matang malalim ay mas lumalalim habang tinititigan akong naglalakad patungo sa kanya. Kung noon ay gwapong suplado si Calvin, ngayon ay nahigitan niya na ata lahat ng inaakala ko sa kanya. He’s more powerful now, more attractive, more intimidating.

“Calvin.” Ngumiti ako. Ang kanyang mga mata ay nanatili sa akin ng ilang sigundo. Tumatagal ang katahimikan kaya napanguso ako at naghalungkat agad ng magiging topic sa kanya. Napunta ang tingin ko sa barbeque kaya doon ako nakahugot ng mga salita.

“Uh, dumaan ako sa inyo. Bumili ako ng barbeque sa papa mo tapos nabanggit niyang may naitayo kanang kompanya. Sobrang nakakamangha ka alam mo ba ’yon?” Humalakhak ako at iginala ang tingin sa opisina niya. Malaki iyon. May itim na sofa pa sa gilid at sobrang laki ng espasyo. Nasa pinakamataas na floor ang kanyang opisina at may transparent wall kung saan tanaw na tanaw mo ang kabuuan.

“How are you?” tanong niya, na kahit kaonting saya sa mukha ay hindi mahagilap. His strong expression remained.

“Uhm, okay lang. Nag-aral ako sa syudad… at bumalik din dito.”

Tumitig siyang muli sa akin, na parang may malalim na iniisip, na may isang puzzle na binubuo sa kanyang utak at hindi niya iyon agad mahanapan ng solusyon kaya mas napapatagal ang paninitig sa akin. Napakurap kurap ako at nakagat ang labi dahil nawawalan ako ng sasabihin sa kanya. Kung hindi lang talaga tumunog ang aking tiyan ay hindi ko maaalalang hindi pa pala ako kumakain simula kanina.

“Uh, Calvin. Pwede bang kumain ako rito? May kanin ka? May dala naman akong barbeque. Bigay ng papa mo.” Inangat ko ang supot na kanina ko pa dala dala. Dinampot niya agad ang telepono sa aking gilid at may sinabi roon.

Umupo ako sa harap ng kanyang mesa. Naging busy ako sa pagtingin doon sa files kung nasaan ang impormasyon tungkol sa kompanya. Siya ang nagdesinyo nito at may limang daang empleyadong pinapasweldo! Grabe! Paano ito nagawa ni Calvin? Ako nga eh hirap na mabawi iyong lupa kahit na nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Na kahit anong trabaho ko ata ay hindi ko agad makukuha iyong sampong milyon.

Dumating ang pagkain. Kumain ako sa mesa ni Calvin. Inaalok ko siya pero sinabi niyang busog pa raw siya kaya kumain nalang ako kahit panay ang paninitig niya sa akin. Di ko tuloy alam kung may dumi ba ako sa mukha o ano.

“Do you have a work?” tanong niya.

Tumango ako, sumubo ng pagkain. “Oo. Meron naman. Sa isang kompanya rin doon sa syudad. Umuwi lamang ako para bawiin iyong lupa ni Lola. Nakay Uno na pala iyon. Ngayon ay sa kanya ako nagtatrabaho kapalit ng lupa.”

Parang nagsiklab sa galit ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa gutom ko kaya ang rami kong naiisip. Tumayo si Calvin at umikot sa aking harapan. Tumayo siya sa gilid at sumandal sa mesa niya. Mas lalo kong nakita ang kabuuan niya. Tumangkad ata siya lalo.

“Magkano ba ang presyo ng lupaing pinagtatrabahuan mo?” tanong niya sa akin, mas naging seryoso ang mukha.

“Sampong milyon.” Mapait kong sagot at napasubong muli. That ruthless man…

“I’ll pay it.”

Halos mabulunan ako sa sinabi ni Calvin. Nauubo akong napatigil sa pagsubo. Kinuha niya iyong baso at ibinigay sa akin kaya tinanggap ko agad iyon at nilagok. Nang makabawi ako ay tiningala ko siya, gulat ang mukha.

“Ano ulit Calvin?”

“I’ll pay it. Ten Million, in cash.”

Nalaglag ang aking panga kasabay ng pagkinang ng aking mga mata. Naaakit ako sa alok ni Calvin pero ayoko namang makabayad sa isang utang at may panibagong utang muli ang aalahanin. Kahit nagmamaldito sa akin si Uno, at kahit hindi ko na iyon gaanong kilala ay mas gusto ko paring sa kanya magtrabaho. Ayoko rin namang tumanggap ng tulong ng basta basta nalang. Hindi ko maalala sa aking nakaraan iyong malalim na pagsasama namin ni Calvin. Kilala ko lamang siya bilang isang supladong lalakeng walang kinakausap at tagaluto ng barbeque ko sa tuwing bumibili ako.

“Kaso ayoko namang sa’yo na ako magkautang.” Pumangalumbaba ako, dismayado dahil napagtantong wala akong takas kundi ang magtrabaho kay Uno.

“Bawiin mo ang lupain. Ikaw ang mamahala noon. Kumikita na iyon at doon mo na ako bayaran kung nakaluwag kana.” Suhestyon niya na ikinatigil ko saglit. Wala akong nakikitang mali pero ayoko lang talagang tumanggap ng tulong sa kahit kanino ngayon.

“Huwag nalang Calvin. Salamat sa alok mo pero ipinangako ko kasi sa sarili ko na ako ang magsisikap mabawi lamang iyong lupa ni Lola.” Pagod akong napangiti sa kanyang mukhang nabahiran ng galit, umigting ang kanyang panga.

“Are you still into that man, Aly?” diin niyang tanong sa akin na ikinagulat ko. Napaawang ang aking bibig para sana sagutin siya pero natikom ko rin iyon. Isang pag-iiwas ng tingin nalang ang nagawa ko.

“Paano kita iaalis sa teritoryo niya kung ikaw naman pala mismo ay walang balak umalis? You still like him,” matabang niyang sabi. Umiling agad ako kay Calvin, pilit binubura sa kanyang isipan ang iniisip niya, na mali siya.

“Gusto ko lang talagang ako ang magsikap para sa lupain ni Lola, Cal…” Namungay ang aking mga mata.

“Pag-isipan mo ang desisyon ko Aly. Ayoko namang sumugal kung talo pala agad ako.” Makahulugan niyang sinabi na nagpatanga sa akin ng ilang sigundo.

May mga sinasabi rin talaga si Calvin na hindi ko mapunto kung ano ang ibig sabihin. Katulad noon, napakamisteryoso niya parin. Ang mga mata niyang hindi mo makikitaan ng kislap at parang nalunod sa isang madilim na bahagi ng mundo. Para siyang isang bituing walang kislap sa madilim na parte ng kalangitan. Isang bituing hindi mo alam kung bakit hindi magawang kumislap.

Maggagabi na nang nakapagdesisyon akong umuwi. Nadatnan ko ang mga trabahor na lumalabas na sa aming lupain. Nang makita nila ako ay nanlumo agad sila, dismayado ang mga mukha. Nagkasalubong ang aking kilay.

“Uuwi na po kayo?” tanong ko.

“Oo eh. Si Sir Uno mukhang wala sa mood. Bigla nalang kaming pinatigil. May gagawa raw lahat ng trabaho ngayon,” aniya na ikinakunot ng noo ko. Ang bilis niya ng nagagalit. At ano naman kaya ang problema niya?

Naalala kong hindi ko pala natapos ang aking trabaho kaya napatakbo na ako patungo sa Resthouse. Nadatnan ko si Uno sa veranda, nakahalukipkip at madilim pa ata sa kalangitan ang ekspresyon. Galit na galit ang kanyang mukha kahit na kalmado lang naman itong tingnan.

“Uh, tatapusin ko muna ang pagpapaligo sa mga k-kabayo sa rancho,” sabi ko, hindi magawang tingnan siya sa mga mata niyang sobrang lalim ang pagkakatitig sa akin.

“You have so many work to do, Aly. Total may panahon kang maglakwatsya, trabahuin mo narin ang mga naiwan ng iilang trabahador. I want it done today,” matigas niyang sabi na ikinaputla ko. Ibig sabihin ay pinaalis niya iyong mga trabahador para lang ibigay sa akin lahat ng trabahong iyon? How cruel, Uno.

Chapter 36

Signs of Love

Macaroons

Naningkit ang aking mata sa kakatitig sa walang pusong animal na nasa harapan ko. This is how cruel Uno can get now. Wala na siyang puso. Anong tingin niya sa akin, kaya ang lahat ng ito ngayon?!

“Pinaparusahan mo ba ako?”

“Just finish your work,” blangko niyang sabi. Nailing ako at galit na tinalikuran siya. Nagpupuyos ang aking damdamin. Kung hindi lang talaga importante sa akin ang lupain ay hindi ko ito paghihirapan ng ganito. Pero naiinis rin ako sa sarili ko dahil may parte sa akin ang gustong manatili sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. May pagmamahal bang ganito?

Kahit anong bilis ko sa paghaharvest ay imposible ko itong matapos ngayon. Gumagabi na at hindi pa ako nangangalahati sa lupain. Idagdag pa ang mga braso kong nanghahapdi na. Mag-isa kong ginagawa ang lahat habang ang walang pusong si Uno ay nasa veranda, kampanteng nakahilig sa pader at pinapanood akong naghihirap. Ang sarap niyang ibaon dito sa lupa.

Hingal na hingal ako. Taas baba ang aking balikat dahil sa pagod. Ang ilang hibla ng buhok kong nakabun ay nalalaglag na. Napaupo ako sa sahig hawak ang huling gulay na naharvest ko. Nanginginig na ang aking tuhod. Wala naman akong inaayawan na trabaho pero sobra sobra na ito! Anong akala niya sa akin? Octopus na walo ang kamay at kayang magharvest mag-isa?!

Hinahabol ko pa ang hininga ko nang bigla nalang akong umangat sa ere. Natigilan ako, tiningala ang madilim na ekspresyon ni Uno. Gusto ko sanang magalit kaso nawawalan ako ng lakas ng loob dahil sa inaasal niya.

Inilapag niya ako sa railing ng veranda. Makapal naman iyon at pwede kang maupo roon. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bawat gilid nito habang sinusundan ng tingin si Uno na ngayon ay pinapagpag na ang tuhod kong nadumihan dahil sa biglaan kong pagkakasalampak kanina.

“Nasa kompanya ka ni Calvin?” mahinang tanong niya ngunit may diin.

“O-Oo. Binisita ko s-siya. Doon ako kumain.” Paliwanag ko.

Gumalaw ang kanyang panga, ang madilim na ekspresyon ay mas lalong dumilim. Binalot ako ng takot dahil doon, pero may nangingibabaw sa aking kakaibang saya. Bumabalik sa aking alaala kung paano siya nagagalit noon sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Calvin. Hindi kaya…

“Nandoon ka ba para humingi ng tulong sa kanya? Is that how desperate you can get just to get away from me, Aly?” Matalim ang kanyang tingin sa akin habang ako naman ay nagugulat na sa kanyang paratang. Nabura ang iniisip ko kanina na kahit ang mga alaalang iyon ay nilipad na ng hangin palayo.

“Oo. Gustong gusto kong mabawi sayo ang lupa, Uno. Pero hindi ako katulad ng iniisip mo na manggagamit ng iba para lamang makuha ang gusto ko.”

Tumaas ang kanyang kilay. “Anong pinunta mo roon kung ganoon? Dahil may kompanya na siya? At nagbabasakali kang gusto ka pa rin niya ganoon ba? Na maisasalba ka niya?”

Laglag panga ako. Naitulak ko paalis si Uno sa harapan ko. Bumaba ako roon at galit na galit na pumasok sa Resthouse. Kaso hindi palang ako nakakarating sa aking kwarto ay hinila niya na ako.

“We’re still talking!”

Binawi ko sa kanya ang aking kamay. “Kung babastusin mo lang naman pala ako, Uno! Huwag nalang tayong mag-usap! Ganyan na ba ako kadesperada sa paningin mo?!”

His jaw clenched. Tumataas baba naman ang aking balikat dahil sa nagpupuyos kong damdamin.

“I thought you learned from your past relationships, Aly? Pero hanggang ngayon ay inosente ka pa rin pala. Hindi mo ba alam na may gusto sa’yo ang lalaking iyon?”

Napaawang ang aking labi. Gumagala ang aking mga mata sa kanyang mga matang walang kislap.

“Eh ano ngayon sa’yo?” mariin kong tanong.

Hindi nagbabago ang apoy sa kanyang mga mata. Nilabanan ko iyon at hindi umiwas ng tingin.

“At hindi ko alam yang sinasabi moㄧ”Hinanap kita tapos malalaman kong nasa kompanya ka ng lalaking iyon?!“ putol niya sa akin.

Napaatras ako sa galit ni Uno, sa biglaang pagsiklab niya. Nakakapanindig balahibo na masaksihan ang lalaking nagiging halimaw sa harapan ko dahil sa matinding pagpupuyos ng kanyang damdamin.

“From now on, you’re not allowed to leave this place Aly. Wala kang pupuntahang ibang lugar kundi dito lang,” deklara niya na ikinaguhit ng galit sa aking mukha.

“Lupain lang ang pinagtatrabahuan ko sa’yo hindi ang buhay ko, Uno! Wala kang karapatang pagbawalan ako sa mga bagay na gagawin ko! Hindi mo ako pwedeng ikulong sa lugar na ito!”

Nilingon niya ako sa mas nag-aapoy na mga mata. Naging kamao ang aking mga kamay at kung pwedeng suntukin ko siya sa pagiging gago niya ay gagawin ko.

“Alam mong hawak ko ngayon ang lupain, Aly. Hindi ako magdadalawang isip ano mang oras kung nasagad mo ang pasensya ko. If you want this so bad then do your best,” He said brutally.

Nanlumo ako, nanunubig ang aking mga mata. Ang lalakeng inakala kong singbait ng isang anghel ay singbangis na ngayon ng demonyo. Para siyang natubuan ng sungay at ngayon ay ipinagmamalaki sa akin ang kasamaang taglay.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Nanginginig ang aking mga labi. Sinikap kong hindi maiyak ngunit tumulo iyon.

“Hindi na ikaw ang Uno na kilala ko.”

He stiffened. Napatitig siya sa akin. Ang walang pusong mga mata ay namungay bigla. Napangiti ako ng hilaw bago siya tinalikuran. Mabilis ang aking pagpasok sa kwarto at agad iyong inilock.

Napahagulhol ako sa iyak. Yakap yakap ko ang aking tuhod habang nakaupo sa aking kama. Maraming pumapasok sa aking isipan. Sukuan nalang ang lupain at bumalik sa syudad, magtatrabaho nalang ako panghabang-buhay doon kay Addi kaysa naman makasama si Uno rito na puro pagmamaldito lamang ang pinapakita sa akin.

Isang katok ang narinig ko. Ayaw ko siyang buksan ng pinto ngunit naalala kong may duplicate key pala siya kaya useless rin. Hindi ko iyan mapipigilang pumasok rito.

Bumukas nga iyon. Nakikita ko siya sa periphiral vision ko pero hindi ko na ito nilingon pa. Pinunasan ko nalang ang luhang lumandas sa aking pisngi.

“Wala akong gana,” agaran kong sabi sa kanya. Alam kong aalukin niya lang ako ng pagkain. At sa pagkakataong ito, gusto kong magmatigas.

Napabuntong siya ng hininga. “I’m sorry.”

Parang tumalon ang puso ko sa narinig na salita. Nagsosorry siya?

“I’ve been harsh to you, I’m sorry.” Ulit niya na ikinalingon ko sa kanya. Unlike before, his eyes were filled with sparks now. Kahit ang kanyang mukha ay makikitaan mo ng ekspresyon. Halatang nagiguilty ito.

Hindi ako umimik. Bumuntong siyang muli ng hininga.

“If you’re hungry then you can eat later. Goodnight, Aly.”

Ang pagsara ng pinto ang naging hudyat na lumabas na siya. Nangilid muli sa aking mga mata ang luha. Ano pa bang saysay ng lahat ng ito kung pagmamay-ari na siya ng iba? Wala ng saysay itong nararamdaman ko para sa kanya.

Panay ang pag-iiwas ko kay Uno sa resthouse. Hindi kami nagkikibuan. Na kahit sa lupain pag nagtatrabaho ako ay doon ko itinutuon ang tingin ko. I never tried to look at him. Sasakit lamang ang aking dibdib pag pinagmamasdan ko ang lalaking hindi ko na lubusang kilala.

Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng tanghaling iyon kaya ang plano kong pumuntang muli sa bayan ay hindi natuloy. Nagmukmok lamang ako sa aking kwarto habang nasa bintana ang tingin. Sumasayaw ang mga sunflower dahil sa marahas na pagbuhos ng ulan at paghampas ng hangin doon. Kahit tag-ulan, mukha silang naaaliw at masaya, mukha silang kontento. Hindi ko na alam kung ba’t ang hirap na atang maging masaya. Ang hirap ng pagbigyan ang sarili kong maging masaya, may palaging hadlang.

Lumabas ako ng kwarto nang mabagot ako. Nagtungo ako sa kusina at nagdesisyon na lamang na magbake. Hindi ko alam kung nasaan si Uno pero umuulan ng malakas kaya sigurado akong nasa loob lamang iyan ng kwarto, nagmumukmok. Naiinis parin ako sa kanya sa pinagsasabi niya sa amin ni Calvin. May karapatan ba siya? He’s already married! Single ako. Ba’t niya ako pinagbabawalang makipagkita sa mga gusto ko?

Napag-isip isip kong gumawa ng macaroons. Gagawan ko si Calvin. Pupunta ako ulit doon sa kanyang kompanya bukas.

Inihahanda ko na ang mixtures nang biglang pumasok si Uno. He was wearing his bored expression together with his simple cotton white tshirt paired with a cotton pajama. Dala narin siguro ng panahon.

Nilagpasan niya ako at nagtungo sa ref. Naglabas siya ng maiinom doon habang ako ay sinisikap na panatilihin ang tingin sa ginagawa at huwag itong tingnan. But my mouth won’t let me. Nagpapapansin talaga ito.

“Noong pumunta ako sa bayan, kalat pala ang nangyari sa inyo ng pinsan ko,” pormal kong sabi, na wala lang iyon sa akin kahit na pakiramdam ko ay parang binubuhusan ng mainit na tubig ang aking loob kaya ganoon nalang iyon kasakit.

Uno did not even bother answering me but I saw how his jaw clenched. Binuksan niya ang kinuhang bottled water at tinungga iyon saka sumandal sa gilid, nakaharap sa akin.

“What’s that?” Pag-ibaba niya ng tanong. Binabalewala ang sinabi ko.

“Macaroons.” Simpleng sagot ko sa kanya.

“For?”

“For Calvin.”

Natahimik siya roon. Gustuhin ko mang lingunin ang kanyang ekspresyon ay ayoko rin. Kumakalabog lamang ng husto ang aking dibdib na baka magalit na naman siya dahil dito ako sa kusina niya gumagawa ng macaroons tapos ay ibibigay ko lang pala kay Calvin. Pwede ko naman siyang bigyan kung hindi lang talaga siya nagsusuplado sa akin.

Nilingon ko siya, nasa akin ang tingin at mukhang malalim ang iniisip. Nang mahuli ko ang kanyang mga mata ay napakurap siya, nag-iwas rin.

“Magagalit ang boyfriend mo pag nalaman niyang gumagawa ka ng macaroons para sa ibang lalake,” pagalit niyang bigkas.

“Eh ba’t parang mas galit ka pa? Ikaw ba ang boyfriend ko?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Binasa niya ang pang-ibabang labi saka nailing.

“At isa pa, single na ako dahil hiniwalayan ko na ’yon,” sabi ko at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.

“Bilis ah,” aniya. Dapat ba ay magabal? Wala naman akong karanasan sa pakikipagrelasyon. Wala akong ideya sa ganitong bagay.

“Hindi ba nagrereklamo ang pinsan ko na palagi kang nandito?” tanong ko para malihis sa kanya ang aming usapan.

“Napag-usapan na namin iyon,” matabang niyang sabi, tila walang gana na pag-usapan ang aking pinsan.

“May anak kana?” tanong kong muli. Walang tigil sa paglalabas ng salita ang aking bibig, pinapahamak ako.

His brows furrowed. May ikinakagalit sa tanong ko. Anong masama roon? Eh total mag-asawa naman sila.

Imposible naman na hindi nagbunga ang pagtatalik niyong mag-asawa ’di ba. At sa mukha pa lang ni Uno parang hayok na hayok sa kama. Namula ako sa aking iniisip ngunit hindi ko nalang masyadong pinagtuunan ng pansin.

“Why are you interested with my sex life?” he asked firmly.

Ngayon ay ako na ang pinamulahan ng pisngi. Ngayon lang tinubuan ng kahihiyan sa kanyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik sa aking ginagawa. Hindi ko makayanan ang tinging iyon, ang nakakapaso niyang mga mata.

“N-Nagtatanong lang naman ako.”

“You’re curious. ’Yan ba ang mga natutunan mo sa syudad? Ang makialam ng sex life ng iba?”

Natigilan ako. Na kahit ang aking utak ay parang naging isang internet na naghahang, walang maisip na isasagot sa kanya.

Natanga ako ng ilang sigundo, iniisip kung dadagdagan ba ang kasinungalingan o dadagdagan nalang. Magsabi man ako ng totoo, wala namang mababago.

“S-Syempre normal lang naman na macurious ako. Hindi na ako iyong Aly na walang karanasan at ignorante sa ganitong bagay. Naranasan ko na lahat,” pagmamayabang ko.

Ayos lang na magsinungaling total di niya naman malalaman na birhen pa ako. At isa pa, wala siyang alam sa mga nangyayari sa buhay ko sa syudad kaya kampante akong magsabi ng hindi totoo.

“How’s the experience?” tanong niya, matigas ang boses at parang may kinikimkim na galit kahit na kalmado lang naman ang ekspresyon.

“Masarap,” wala sa sariling sagot ko, walang ibang maisip. Doon ko lang napagtanto ang aking sagot at napatingin sa kanya. Mas lalong naging malinaw ang nakaguhit na galit sa kanyang mukha. It was like he was going to explode any minute. Ba’t siya nagagalit?

“Really? Were they good in bed?” His words were like fire. Habang sinasambit niya iyon ay may kasamang pag-aalab ng tingin sa akin. Na pag hindi ko itinigil ang aking bibig ay matutusta talaga ako sa kanya.

“Uhm…” Tila nag-isip ako. Hindi naman ako nanonood ng porns. Puro pera ang nasa isip ko. Sige nga Aly, imaginin mo ang mga perang nagpapatungan at gumagawa ng panibagong pera.

“Oo… Nagmumultiply sila. Rumarami,” sabi ko, wala sa aking sarili dahil sa mga perang iniisip ko na patuloy na nagpapatong-patong at mas lalong rumarami.

“Rumarami?”

Natauhan ako. Hinanap ang mga mata ni Uno na hindi parin humuhupa ang sunog doon, mas lalo atang lumalaki.

“A-Ang ibig kong sabihin ay marami na k-kasi akong nakaexperience kaya hindi ko na rin alam kung magagaling ba. L-Lahat naman ata.” Nag-iwas agad ako ng tingin.

Uno’s face darkened. His eyes were clouded with anger now. Napalunok ako ng laway at mas binilisan ang aking ginagawa.

Lumapit siya sa akin. Laking gulat ko nalang nang bigla niyang tinusok ang aking tagiliran na nagpaigtad sa akin. B-Ba’t niya iyon ginawa?

“You’re still virgin.” Deklara niya na ikinalaglag ng panga ko.

“H-Ha?”

Tiningnan niya ang aking pwetan saka ibinalik sa akin ang tingin. “Still virgin. Nakiliti ka noong tinusok ko ang tagiliran mo, and your butt…” Gulat na gulat ako nang bumalik ang kanyang tingin roon. “It looks firm.”

“B-Bastos!” sigaw ko.

Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay, siguradong sigurado sa natuklasan. Ba’t hindi ko iyon natanong kay Addi?! Palpak ka Aly! Hindi ko naman alam na may ganoon pala. Na para malaman kung birhin o hindi na ay tutusukin lamang ang tagiliran! Ba’t walang nakabanggit ng bagay na iyon sa akin?!

“Hindi na ako virgin! Dami kong naging karanasan sa syudad! B-Bakit? Hindi ba magaling ang babae mo sa pagpapaligaya sa’yo?” I fired back, gustong sagarin ang pasensya niya katulad ng ginagawa sa akin.

Umangat ang kanyang kilay. Biglang tumakas ang pilyong ngisi sa kanyang labi at nanunuya ang kanyang tingin sa akin.

“Stop judging me. May karanasan ka ba sa akin Aly para sabihin iyan?” He raised his brow.

Napaawang ang bibig ko para sana sumagot ng oo nang napagtanto kong puro lang naman iyon halik, puro pagmomolestya, walang pasok pasok.

“Ba’t naman ako papatol sa animal?” Umirap ako.

Hinintay ko sa kusina ang pagkaluto ng macaroons. Si Uno naman ay wala na dito. Mukhang bumalik sa kanyang kwarto pagkatapos ng pag-aalitan naming dalawa.

Saktong naluto ang mga macaroons ko nang pumasok siyang muli. Walang suot na pang-itaas habang kinukusot ang kanyang buhok. Naligo siya sa ganito kalamig na panahon?

“You done?” kalmado niyang tanong.

Tumango ako. “Hindi ito para sa’yo, para ito kay Calvin.” Umirap akong muli at itinuon sa macaroons ang atensyon.

“I’m not going to taste it,” sabi niya, kalmado pa rin. Nakakapagtaka at hindi siya sumasabog sa galit. Nakailang sambit na ako ng Calvin.

Tumabi siya sa akin, sinuri ang macaroons. Unti unting lumandas sa kanyang medyo basang tiyan ang tingin ko. Nakikita ko na naman ang vline roon na nagpapalunok sa akin ng laway. Tiningnan ko ng mabuti ang abs niya, nagtataka kung ba’t ganoon iyon katigas, kung anong pinaggagawa niya para makuha iyon.

Para akong sinapian ng kung ano at naisipang tusukin ang kanyang abs sa pamamagitan ng aking hintuturong daliri. Natigilan si Uno at napunta sa kamay ko ang tingin saka iyon dahan dahang umangat sa akin. Naroon parin sa kanyang abs ang aking tingin. Para akong nahipnotismo at hindi matanggal ang tingin doon. Nawawala ako sa aking katinuan at nalulunod sa mga pinag-iisip ko.

“What are you doing?” Nagtataka ngunit nanunuya ang boses na iyon.

Doon lamang ako bumalik sa aking sarili. Mabilis kong inalis ang aking kamay doon at namumula ang pisnging nag-iwas. Maghunus-dili ka Aly! Ano bang pumapasok sa utak mo at ginawa mo iyon?!

“I-Ikaw narin ang nagsabi na dapat tinutusok. Hindi ka na nga virgin.” Umirap ako, tinatago ang parang kamatis kong mga pisngi.

“Mukha bang tagiliran ang abs ko?” Ngayon ay nanunukso na ang boses na iyon, na kulang nalang ay lumagapak siya sa pagtawa.

“E-Eh g-gusto ko doon ka tusukin! Di kana virgin.” Umirap akong muli, ipinasok sa ref ang aking mga macaroons at mabilisang lumabas sa kusina.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay napasandal agad ako sa pinto, sapo sapo ang pusong hindi ko na maawat sa pagtibok. Ang tigas! Sobra sobra! Hindi iyon basta bastang pandesal! Bato iyon! Hindi naman malambot! Isang batong pandesal!

Hindi ko alam kung ba’t ako natatawa at nahihiya at the same time. Ano ba iyan Aly! Baka isipin ni Uno na pinagnanasaan mo siya! Pero sabagay, mapapatunayan ko sa kanya na may karanasan na ako, na hindi ako naiilang sa ganoon dahil pang-ilang beses ko narin naman iyong nagawa. Ang galing mo Aly! Di ka talaga inosente!

Chapter 37

Signs Of Love

Date

Nang tumila ang ulan kinabukasan ay nagtungo nga ako sa kompanya nila Calvin, dala iyong macaroons na ginawa ko kahapon. Nakakapagtaka nga at hinayaan ako ni Uno na umalis. Siguro ay narealize niya na may asawa siya at karapatan ko ito, ngayon ay mukhang wala na siyang pakialam.

“You’re here.” Bungad sa akin ni Calvin, nakaupo siya sa kanyang swivel chair, pinaglalaruan na naman ang isang ballpen.

Tumango ako. Inilapag sa kanyang harapan ang box na dala.

“Macaroons, ako mismo ang nagbake niyan,” sabi ko at ngumiti.

Calvin’s eyes settled on it. Nananantya at mukhang may malalim na iniisip.

“Are you courting me, Aly?” biglaan niyang tanong.

“Oo.” Agaran ko namang sagot na may matamis na ngiti pero nang mapagtanto ang sinabi ay umiling rin ako. “N-Nako hindi Calvin! Pasasalamat lang iyan. Sa mga masasarap mong pagluluto ng barbeque ko noon.” Natatawa kong sabi.

Nagkasalubong ang kanyang kilay, ni hindi man lang nagawang ngumiti. Ipinagkakait na naman sa akin iyon.

“Thank you,” sabi niya, may sigla ang boses pero hindi na iyon umabot sa kanyang labi.

Pinanood ko siyang buksan iyon. Kung paano siya kumuha ng isa at kinagatan. Pinanood kong mabuti ang kanyang ekspresyon. Kung paano niya iyon dahan dahang namuya at nagkasalubong ang kilay. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang mukha.

“Masarap? Anong lasa? Nagustuhan mo ba?” Sunod sunod kong tanong.

“It’s…” Ngumiwi siya. “It’s very salty…”

“Talaga? Nakakasigurado akong masarap ’yan. Hindi naman ako nagkamali sa ingredients,” sigurado kong sabi, inaalala ang pinaggagawa ko kahapon. Masarap ang pagkakatimpla ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

“Taste it yourself.” Kumuha siya ng isa roon at ibinigay sa akin. Tinanggap ko iyon. Mabilis na kumagat pero agad ring naubo dahil sa sobrang alat. Agad na napatayo si Calvin. Mabilis ang kanyang mga kilos. Ilang sandali lamang ay nasa tabi ko na siya, binibigyan ako ng tubig.

“Ang alat!” Reklamo ko habang ngumingiwi. Paano niya nakayang kainin iyon?

“Told you.” Kibit balikat niya, ngayon ay ngumingisi. Natanga ako sandali sa kanyang labi pero nang maalala kung gaano kasama ang aking macaroon ay napasimangot rin.

“Ba’t sobrang alat?” Hindi makapaniwala kong tanong pagkatapos kong uminom ng tubig.

“Hindi ata asukal ang nailagay mo kundi asin,” sabi niya ngunit duda ako na nagkamali ako. Matamis ang timpla ko! Ba’t ngayon ay sobrang alat na! Iniref ko lang naman iyon pagkatapos kong iwanan si Uno sa kusiㄧJusko! Makakapatay talaga ako! Ang animal na ’yon! Anong ginawa niya sa macaroons ko?!

Kinuha ko iyon at itatapon na sana kung hindi lang inagaw sa akin ni Calvin. “Ibinigay mo na sa’kin. Nasa akin ang desisyon.”

“Pero ang sama ng lasa! Makakain mo ba yan, ang alat.” Ngumuso ako.

“I don’t mind,” sabi niya at naglakad patungo roon sa kanyang maliit na ref. Inilagay niya iyon sa loob.

May tinawagan siya saglit habang ang utak ko naman ay naglalakbay pauwi sa lupain at hinahagilap ang salaring minanipula ang aking mga gawang macaroons. Humanda sa akin ang Uno na iyon pag-uwi ko.

Calvin loosened his tie, inagaw iyon ang atensyon ko. He looks tired pero mukhang may baon pang iilang lakas. Hanggang ngayon ga ay wala siyang girlfriend?

“Let’s have a seat, Aly.” Iginiya niya ako sa sofa.

Umupo kami roon. Nasa kandungan ko ang aking mga kamay. Isang rip jeans at puting croptop ang suot ko ngayon, ang akong buhok ay nakabun habang may iilang hiblang nalalaglag para magsilbing bangs ko.

“Tanong ko lang… wala ka bang girlfriend?” Panimula ko.

Nasa likod ng sinasandalan ko ang kamay ni Uno habang nasa akin ang buo niyang tingin. Para niya akong inaakbayan pero hindi naman iyon humahawak sa likod ko kundi sa sofa mismo. His eyes were very mysterious. Singdilim iyon ng langit na walang mga bituin, singlalim ng karagatan, hindi mapunto kung ano ang nasa loob.

“Wala.”

“Bakit?”

His sharp eyes darted on my lips. Pero agaran rin iyong umakyat sa aking mga mata.

“Busy ako sa trabaho. Wala akong panahong maghanap ng girlfriend,” aniya na dahan dahan kong ikinatango. Ganoon pala. Iyong si Uno kahit ano ano ang pinagsasabi sa akin.

“Marami namang nagkakagusto sayo ah? Di mo na kailangang maghanap,” sabi ko.

“I already found her Aly.”

“Talaga?” Hindi makapaniwala kong tanong at iniimagine na ang mukha ng babaeng gusto niya.

“Yeah…” Hinuli niya ang isa kong kamay sa aking kandungan. Napakurap ako at nahulog ang aking tungin doon. He was caressing the back of my hand while staring at me intensely.

“Kailangan ko bang isa-isahin ang mga nagustuhan ko sayo?”

Natulala ako. Kumalabog nang husto ang puso dahil sa ginawang pagtatapat ni Uno. Was he serious? P-Pero…

“Simula noong una palang Aly, may gusto na ako sayo. Hindi kita niligawan dahil ayokong maging hadlang sayong pagsusumikap. You’re still very young. Ganoon rin ako na wala pang maipagmamalaki dahil nag-aaral palang. I promise to myself I’ll court you once I reached this level.”

Namungay ang aking mga mata. Hindi alam kung paano ipapasok sa utak ang lahat ng itinapat ni Calvin sa akin. May nararamdaman siya para sa akin?

Nahulog ang aking tingin sa kanyang kamay nang hindi ko makayanan ang paninitig niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na ang kilala kong lalake noon na pinagpapantasyanan ng nakakaramihan, ang lalakeng pagsusuplado lamang ang ginawa sa akin, ang lalakeng hindi ko naman lubusang kilala, ang lalakeng nagtagumpay na ngayon, ay nagtatapat sa mismong harapan ko.

“Di kita minamadali, Aly. I can wait,” mataman niyang sabi.

Laking tuwa ko nang may kumatok at pumasok ang isang lalakeng nagtutulak ng cart. May iilang mga pagkain doon. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para pasimpleng bawiin kay Calvin ang aking kamay.

Nakaramdam ako ng ilang sa kanya. Hindi mawala sa aking utak ang kanyang pagtatapat at sinikap nalang na umaktong okay lamang ako kahit na nahihiya na ako sa kanya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam rin akong umuwi. Nagyaya siyang ihatid ako pero tumanggi ako kaya nagyayaya na itong lumabas daw kami bukas. Hindi ko ipagkakait ang senyales ko kay Calvin, kung umulan ng malakas mamaya ay bibigyan ko siya ng tsansa. Baka ay siya talaga ang para sa akin. Besides, Uno is married now. Wala rin akong mapapala kung ikinulong ko ang sarili ko sa kanya. Dapat ay isipin ko nalang ang pagtatrabaho sa kanya para mabawi ang lupa.

Pagdating ko sa Resthouse ay nadatnan ko siya sa veranda. May hawak na kape at nakatayo habang ang isang kamay ay nakatukod sa railings. Para siyang may hinihintay ja kung ano.

Nabahiran agad ng galit ang aking mukha. Naalala ko ang ginawa niya sa macaroons ko. Wala man akong ebidensya, malakas ang kutob ko na si Uno ang salarin. Walang ibang gagawa noon kundi siya lamang.

“Kumusta ang lakad mo?” matabang niyang tanong, walang emosyong makikita sa mukha pero singdilim ng kalangitan ang mga matang wala ring makikitaang kislap hindi kagaya ng langit.

“Anong ginawa mo sa macaroons ko?” Iritado ko siyang tiningnan.

“Kumain kana?” tanong niya, iniiba ang usapan.

“Anong ginawa mo sa macaroons ko, Uno! Napahiya ako kay Calvin!” Galit ko siyang hinarap. Nasa lupain parin ang kanyang tingin habang nasa gilid niya ako.

Bumuntong siya ng hininga. “Nagrereklamo kang kinukulong kita rito kaya binigay ko sa’yo ang kalayaan mo. And now you want more? Isn’t that too much? You want me to spoil you?”

Nalaglag ang aking panga.

“Ang akin lang ay huwag mong pinapakialaman ang mga ginagawa ko! Karapatan ko iyon! Hindi ka pwedeng gumawa ng mga bagay na hindi ko naman gusto!”

“Ano bang gusto mo?” matabang niyang tanong. Natigilan ako, walang masagot sa biglaan niyang tanong.

“Anong gusto mo, Aly?” Nilingon niya ako. Kitang kita ko ang pagluluksa sa kanyang mga mata pero mabilis ring natatakpan ng kadiliman at napapalitan ng panibago.

“Si Calvin?” Nanghahamon ang boses na iyon.

“Wala ba talagang laman ang utak mo kundi ang bilhin lahat ng kaya mong bilhin?” I said bitterly.

“Do you want him, Aly?” Seryoso niyang tanong sa akin na ikinatulala ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na gusto ko si Calvin pero tinatraydor ako ng bibig ko. Tinatakasan ako ng mga salita at walang planong lumabas. Hindi sila sang-ayon sa gusto ko.

“Then yes! At wala kana roon! Ako ang magdedesisyon kung sino ang para sa akin at hindi ikaw!” mariin kong sabi na ikinatalim ng tingin niya sa akin.

He laughed evilly. Na para sa kanya ay kabaliwan ang pinagsasabi ko kaya natatawa siya kahit walang tuwa ang bumahid sa kanyang mukha.

“Or you’re just using him to get over me?” he smirked.

Nagtagis ang aking bagang. Ang kapal naman ng animal na ito! Tingin niya siguro ay siya nalang ang natitirang lalake na pwedeng kabaliwan lahat ng babae. O baka naman ay natapakan ko ang ego niya kaya sinasalba niya sa pamamagitan ng pag-aangat sa kanyang sarili?

Nailing ako. Sinasalungat ang pananaw niya roon.

“Hindi ko na kailangang manggamit ng iba para makalimutan kita. Ano bang tingin mo, na patay na patay ako sa’yo, Uno?” Ang animal na ito!

Umangat ang kanyang kilay.

“We have so many chances back then, Aly. But you’re so blinded with your signs that you can’t see the real me!” galit niyang sabi na nagpaatras sa akin.

“Kung mahal mo talaga ako… bakit nakahanap ka agad ng iba habang wala ako?” Kusang tumakas iyon sa aking labi.

Nagloosen ang balikat ni Uno.

“Binili mo ang lupain na dapat ako ang gumagawa! At ano pa bang ikinakagalit mo Uno? Aren’t you happy? Kayo na ng pinsan koㄧ”Putangina!“ Sinuntok niya ang pader at marahas na sinuklay ang buhok paatras habang nagtatagis ang kanyang bagang.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan at hindi nagpatinag. Totoo naman ah? Kalat nga iyon sa bayan! May namamagitan sa kanilang dalawa at ngayon na nasa kanya na ang lupain, ibig sabihin lamang noon na nakatali na siya sa pinsan ko! Iyon ang kondisyon ni Tita kaya hindi niya ako mabibilog!

“I waited… I waited so hard…” Binasa niya ang labi at namaywang habang nakatitig na sa itaas. “Why don’t you ask your cousin, then? Ask her, Aly. Ayokong sa akin manggaling lahat ng ito,” aniya at tiningnan ako sa namumulang mga mata.

Lumunok ako at dahan dahang iniwas ang tingin sa kanyang mga mata. Nakita ko ang dugo sa kanyang kamao. Pakiramdam ko ay ang dibdib ko ang kanyang nasuntok lalo na’t sumasakit iyon.

Ano pa ba ang itatanong ko? Bakit kailangan ko pang linawin ang lahat ng ito? Para ano? Para umasa ako?

Nangilid sa aking mga mata ang luha. Hindi maamin sa sarili na nagagalit ako dahil isa sa rason ko kung ba’t ako nagsusumikap na bawiin ang lupain kay Tita at kumita ng pera sa syudad para hindi niya iyon bilhin at hindi siya maipakasal sa pinsan ko. Pero hindi. Gumawa siya ng sarili niyang desisyon. Ngayon, ano pa bang saysay ng pagbalik ko rito kung wala na pala akong babalikan? Nasa mabuting kamay ang lupain ni Lola…

Humakbang siya papalapit sa akin.

“Ask her… I dare you…”

Mas lalong may umahon na kaba sa akin. Gusto ko mang umatras ngunit huli na dahil nahawakan niya agad ang aking baywang at hinapit na iyon palapit sa kanya. Iniwas ko ang aking tingin ngunit inangat niya ang aking baba para salubungin ang kanyang mga mata.

“I will take everything. Your wrath… Your hatred, all of it. Tatanggapin ko lahat kahit ang sakit na dinadala mo ay aakuin ko, Aly. Free yourself from this pain if it means that you will free yourself from me…” he whispered and smiled weakly.

Kusang nanlabo ang aking mga mata at pakiramdam ko ay nahulog ako sa isang bangin. Ang harang na namamagitan sa amin ni Uno ay biglang naalis at kusa kong naitulak ang sarili ko para muling mahulog at mabasag lamang.

Ano ang kailangan ko pang malaman na ikakagalit ko sa kanya ng husto? Ano pa? Iniisip ko pa lang lalo, pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Tama na ang lahat ng alam ko. Ayoko nang saksakin lalo ang puso ko.

Napaawang ang aking bibig para sana sumagot ngunit natakpan rin iyon ng napakalakas na ulan. Isang senyales na nagmumula sa langit at pinapamukhang muli sa akin na mali na naman ako sa gusto ko. Na hindi pwedeng masunod ang binabalak ko dahil nagdesisyon na ang langit.

Isang ngiting may halong sakit ang naibigay ko kay Uno.

“Tumutugma kay Calvin ang mga senyales na hinihingi ko, Uno,” sabi ko na ikinaputla ng kanyang buong mukha. Bumagsak ang kanyang kamay na nakahawak sa aking baba, napaawang ang labi at nawalan ng kislap ang mga matang nakikitaan ko kanina.

“H-Humingi ako ng senyales sa langit at ibinigay niya. P-Pumapayag na akong ligawan ako ni Calvin.” Bumuhos ang aking mga luha, na dapat ay taliwas ang ipinapakita kong emosyon. Dapat ay masaya ako dahil sa wakas, alam ko na kung sino ang para sa akin. Na si Calvin ang itinakda ng langit para sa akin. Pero ang pagsasaya ay hindi ko makuha sa loob ko. Para akong nagluluksa sa isang bagay na ipinagkait sa akin ng kalangitan. Nasasaktan ako.

Nag-iwas ng tingin sa akin si Uno, tumatango siya pero gumagalaw ang kanyang panga, namumula lalo ang mga mata.

“Is that the signs you want for someone you love, Aly?” May tabang roon, hindi makatingin sa akin ng deritso.

Tumango ako. “Si Calvin ang para sa akin. Tugma siya sa s-senyales na hiniling ko.”

Nailing siya, nakangisi ngunit walang saya roon. “Ano bang laban ko sa senyales mo? Kung saan ka masaya, sige.” Tinalikuran niya ako.

Napahagulhol ako ng iyak habang pinapanood ang likod niyang pumapasok na. Bakit ganito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat ay nagdidiwang ako ngayon. Dapat ay masaya ako. Dapat nagpapasalamat ako ng buo sa langit dahil sa wakas ay ibinigay niya na ang hinihintay kong lalake. Pero taliwas lahat ang nararamdaman ko. Taliwas lahat sa pinapahiwatig ng langit. Ang pinapaniwalaan kong senyales ay gusto ko ng itakwil. Na sana, nagkamali lamang siya katulad ng pagkakamaling nagagawa niya sa tuwing humihiling ako ng senyales para kay Uno.

Buong gabi akong umiyak. Hindi ko matahan ang aking sarili. Kaya noong paggising ko ay ramdam ko ang pamumugto nito. Singlamig ng panahon ang pakikitungo sa akin ni Uno. Kung paano niya ako nilalagpasan sa Resthouse, na kahit sa lupain ay hindi ko siya nakikita. Ang alam ko lang ay nangangabayo siya. Hindi ko alam kung nasaan. Siguro ay umuwi sa hacienda o kaya ay pinuntahan ang asawa.

“Mukhang wala ata si Sir Uno.” Puna ng isang trabahador na nasa gilid ko.

“Baka kasama si Ma’am Lhuella,” sabi ng isa na ikinaingay ng iilan dahil sa kantyaw. Para silang nagkakaintindihan at alam ang nangyayari kaya ganoon nalang ang reaksyon nila.

Sinikap kong ituon ang buo kong atensyon sa hawak kong listahan ng mga nahaharvest, tinatanim at nalalantang gulay kahit na hindi ko maalis sa utak ko ang pag-iisip kung nasaan si Uno. Kasama niya nga ba si Lhuella?

May lakad kami mamaya ni Calvin pero iyong utak ko ay nakay Uno. Huwag nalang kaya akong tumuloy? Ayoko munang galitin ang lalakeng iyon. Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo Aly! Eh ano ngayon kung nagalit si Uno? Tugma kay Calvin ang senyales mo! Dapat ay tumuloy ka.

Hapon na nang makabalik si Uno. Nagmamadali akong lumabas ng kusina at pasimpleng tiningnan siya sa may veranda. Kasama niya ang mga trabahador. Kinakausap siya ng mga ito at tinatanong kung saan nanggaling.

“Hinatid ko lang si Lhuella sa bahay,” ani Uno, walang gaanong emosyon ngunit hindi naman masyadong seryoso ang mukha.

“May naganap bang kalmutan, Sir?” Nanunuyang sabi ng isa sa mga trabahador na nasundan ng maraming sipol. Uno just chuckled, nailing pa ito kasabay ng pagtatagpo ng mga mata namin. Ang ngiti niya ay unti unti ring naglaho. Ang pagiging sabik ko ay tuluyang nawala dahil sa mga narinig.

Minadali ko ang aking trabaho para makaalis agad sa Resthouse. Nagsuot ako ng isang simpleng puting dress. Tanging kwintas ang suot kong alahas sa aking katawan. Ang aking buhok ay nakahalfpontytail at naglagay ng simpleng make-up sa aking mukha. Isang heel ang aking suot na nakakaya ko ng balansehin dahil sa pagsasanay ni Addi sa akin. Ganito rin kasi ang suot kong sapin sa paa roon sa kanyang kompanya. Kumusta na kaya ang babaeng iyon?

Paglabas ko ng Resthouse ay nagsipulan agad lahat ng mga trabahador. Si Uno na busy sa paghaharvest, topless na naman, ay dumako ang tingin sa akin.

“Ang ganda mo ata Ma’am. May date?”

Natatawa akong tumango roon sa nagtanong. Ngayon ay mas naging maingay sila maliban sa lalakeng nagiging madilim ang ekspresyon katulad ng kalangitang nagbabadyang dumilim.

Nagtagis ang bagang ni Uno nang tumayo siya ng tuwid at tinahak ang espasyong namamagitan sa amin. Nanatili akong nakatayo at sinikap na hindi mangatog ang tuhod dahil sa nakikita kong galit sa kanyang mga mata. Na baka ay ipagpilitan niya naman ang isang bagay na hindi ko gusto.

“Uuwi rin ako pagkatapos. Tapos ko na rin naman lahat ng mga trabaho ko, Uno.” Salubong ko sa kanya nang huminto siya sa aking harapan para wala siyang masabing iba sa akin. Iyon lang rin ang tangi kong naiisip na sasabihin niya.

“Date?” matabang niyang tanong na ikinatango ko, nasa sahig ang tingin at hindi magawang tingnan ang mga mata niya.

“Anong oras ka uuwi?” seryoso niyang tanong na ikinataas ng tingin ko sa kanya.

“S-Siguro pagkatapos.”

“Give me the exact time, Aly,” sabi niya na ikinataranta ko.

“Siguro pagkalipas ng tatlong oras,” sabi ko. His eyes settled on my face, walang nakikitaang kislap sa mga mata niyang madilim na naman.

“I’ll expect you after 3 hours then.”

Napangiti ako habang sunod sunod ang tango sa kanyang pagpayag. Para akong isang batang pinayagan ng amang gumala kasama ang mga kaibigan at binibigyan ng curfew. Mas mabuti sigurong ganito kami ni Uno.

Chapter 38

Signs of Love

Free

Habang hinihintay si Calvin, tumingala ako sa langit at mariing pumikit. Baka kasi nagkamali lang ito sa pagbigay ng senyales at nagkataon lamang iyong noong isang araw. Taimtim kong hiniling na sana iyong kulay ng kanyang damit ay ang paborito kong kulay. Napakaposible namang magsuot ng ganoon si Calvin. Nasanay akong kulay itim ang madalas niyang suotin kaya iyon ang hiningi kong senyales.

May humintong kotse sa aking harapan. Tatak palang nito ay alam kong isang mayaman agad ang nasa loob. Lumabas ng kotse si Calvin, nagulat pa ako nang suot nito ang paborito kong kulay na damit. Katulad noong unang nakuha kong senyales, wala akong maramdamang saya sa aking loob. Na kahit ang aking sistema ay hindi magawang magdiwang. Lahat ay parang walang pakialam sa aking senyales at nagluluksa dahil sa mga desisyong pinapairal ko. Na ako lamang itong nagpupumilit. Hindi lahat ng parte ng katawan ko ay sang-ayon. May mga tumututol.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Calvin. “You look stunning, Aly,” aniya na ikinangiti ko ng tipid. Isang salamat ang binulong ko bago tuluyang pumasok sa loob. Ang air freshener nito ang agad na sumalubong sa akin. Humahalo ang kanyang pabango sa loob ng kanyang kotse.

Pinanood ko ang pagpasok ni Calvin sa driver’s seat pagkatapos kong ipulupot sa aking katawan ang seatbelt. Napatitig ako sa suot niyang polo.

“Am I weird?” tanong niya, nakatingin na rin sa polong suot.

Umiling ako, ngumiti. “Hindi ah! Maganda kaya ang kulay puti sa mga lalake. Hindi lang ako makapaniwala na iyan ang suot mong kulay lalo na’t lagi kang nakaitim. Favorite ko kasi yan.”

His face lightened. Hindi man ngumingiti pero alam kong masaya siya, kontento sa naging sagot ko.

“Really?” Tumango ako.

“Binili ito ng ina ko. Mother knows best,” sabi niya na ikinangiti ko lalo. Namamangha dahil sa natuklasan na close pala siya sa kanyang ina. Para kasing napakaimposible lalo na’t masyado siyang suplado.

Gentleman si Calvin. Siya iyong tipo ng lalakeng sisiguraduhing okay ka talaga, iyong marunong mag-alaga ng babae. Hindi naman siya nagiging chansing, pero iyong pagkakahawak niya sa aking siko, paggiya sa paglalakad sa pamamagitan ng aking beywang, lahat iyon ay may pag-iingat. Para akong isang mamahaling kasangkapang iniingat-ingatan niyang hindi mabasag. I felt so special.

Nagtungo kami sa isang pamilyar na hotel sa akin. Bumalik agad sa aking alaala ang una kong pagpasok dito. Kung paano kamuntik nang may mangyari sa amin ni Uno, iyong pangmomolestya niya sa dibdib at sa pagkababae ko!

Namumula ang aking pisngi dahil sa bumabalik na alaala. Kapansin-pansin pa ang pagtitig ng matagal sa akin ng babaeng nasa front desk. Siguro naman ay hindi niya ako namumukhaan lalo na’t matagal na iyon. Ang iba nga ay hindi na ako halos makilala.

Laking tuwa ko nang dumeritso kami sa Restaurant. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko nagawang harapan iyong babaeng nasa front desk na may malagkit na tingin sa akin.

Pinaghila ako ng upuan ni Calvin. Nginitian ko siya at sumambit ng salamat. Dumating naman iyong waiter at inasikaso ang order namin. Si Calvin nalang iyong pinagdesisyon ko sa kakainin ko. Wala rin kasi akong gana.

Kahit nakapunta na ako rito ay hindi ko parin magawang ipahinga ang mga mata ko kay Calvin. Gumagala iyon sa kahit saan, naghahanap ng kung ano na makakakuha ng interes sa akin at iyon ang pagtuunan ng pansin. Ayokong tingnan si Calvin. Nahihiya ako sa kanya, hindi ako komportable.

“You okay?” tanong nito, may pag-aalala sa boses.

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Tumango ako at pilit na ngumiti. “Oo naman… ’Tsaka hindi ito ang first time na nakapasok ako rito…”

Naninimbang na ang kanyang tingin sa akin.

“A-Ang ibig kong sabihin ay maganda kasi iyong kwarto nila. K-Kasi nakapunta na kami rito ni U-Uno…” sabi ko.

Nag-iba agad ang kanyang tingin. Mabilis akong umiling.

“Walang nangyari sa amin, Calvin!” Depensa ko, ramdam ang mabilis na pintig ng dibdib dahil sa hindi ko mapigilang lumalabas sa aking bibig.

Kinuha ni Calvin ang tubig sa harapan. Ininom niya iyon na para bang pinapakalma ang sarili. Ganoon narin ang ginawa ko. Ininom ko iyong isang baso ng tubig at walang itinira sa loob. Gusto kong buhusan ang aking loob para magising at matigil sa inilalabas kong mga salita. Sobrang kahihiyan na ang nagagawa ko. Namumula ang aking pisngi at kinakabahan sa maaaring isipin nito sa akin.

“I believe in you, Aly,” sabi niya na ikinagaan ng pakiramdam ko.

“Kung alam ko lang na may alaala ka pala sa kanya rito ay sa iba nalang kita dinala,” aniya.

Umiling ako. “Okay lang naman, Calvin. Kahit nga sa bayan nalang ay okay lang sa akin.”

“I want to impress you. Gusto ko lang makita mo na kaya ko ring ibigay ang mga kayang ibigay sa’yo ni Uno,” aniya na ikinakurap ko. Naibaba ko ang aking tingin sa mesa para itago ang pisnging namumula.

“Hindi naman kailangan, Cal…”

“I just want to,” seryoso niyang sabi.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi, nahihiya dahil sa pinagsasabi ni Calvin.

Tahimik lamang ako habang kumakain. Masarap naman ang mga putaheng inihain sa hapag ngunit hindi ko lubusang maintindihan kung ba’t wala akong gana at nasa lupain ang aking utak. Parang mas nauna na itong umuwi kaysa sa akin, na kahit ako ay sabik naring umuwi.

“Don’t you like the food, Aly? We can order another diㄧ”Huwag na Calvin. Busog lang talaga ako. Kumain kasi ako ng marami kanina e,“ sabi ko na ikinatitig niya sa akin, naninimbang ang tingin. Ngumiti ako ng tipid at ibinalik rin sa pagkain ang tingin.

Pasimple kong sinilip ang suot niyang relo. Nakikita ko roon na isang oras at kalahati palang ang nakalipas. Pakiramdam ko ay sobrang bagal ng takbo ng oras. Gusto ko nang umabot iyon sa itinakda kong oras kay Uno para makauwi na ako.

“Nabobored ka ba? Di mo ba gusto rito? Naiilang ka?” sunod sunod na tanong sa akin ni Calvin. Ngayon ay nakadirekta nang muli sa akin ang mga mata niyang malalim. He looks very serious. Hindi nawawala sa kanyang imahe ang pagiging intimidating. Na kahit mahigit limang taon na ang dumaan ay mas naging suplado lamang ito.

“Okay lang ako Calvin. Huwag kang mag-alala.” I smiled sweetly. Pilit pinaparating sa kanya na wala namang problema kahit na may pagdududa na sa kanyang mga mata.

Wala akong ginawa kundi igala ang tingin. Na pag nagsawa ako ay ibabalik sa pagkaing hindi pa nangangalahati, pagkatapos ay pasimpleng sisilipin ang suot na relo ni Calvin at mapapabuntong ng hininga dahil masyado pang mahaba ang oras.

Hindi madaldal si Calvin kaya nahihirapan rin akong magbukas ng pag-uusapan dahil masking ako ay hindi alam kung ano ang bubuksan na topic. Hindi ko mapatay ang ilang na nararamdaman ko. Ang mga pagtutol sa isipan ko. Nalilito ako kung ba’t ganito. Ang sabi ni Lola, walang pinipili ang langit na hindi makakabuti para sa atin, na hindi makakasaya para sa atin. Pero ba’t wala akong maramdamang kasiyahan? Oo, nakukuha ko na iyong mga senyales, napatunayan kong si Uno nga ang gusto ng langit para sa akin. Pero parang hindi parin ako masaya. Hindi parin ako makontento.

O baka naman distracted lang ako lalo na’t ang huli naming usapan ni Uno ay hindi naging maganda? Nagtalo kami. Baka dahil doon ay nababagabag ako.

“Are you sure you’re okay, Aly?” Si Calvin.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Ang tanging nagawa ay ang pagtango lamang.

“Gusto mo bang ihatid na kita? Mukhang wala ka ata sa mood,” aniya na ikinalundag ng puso ko. Nabuhayan agad ang aking sistema.

“Okay lang ba? P-Pakiramdam ko kasi masama ang pakiramdam ko,” sabi ko. Tumayo agad si Calvin, nilapitan ako at inalalayang tumayo.

“You didn’t tell me. Pwede namang sa susunod na araw nalang, Aly,” aniya, pagalit na ang boses.

Napanguso ako. “Nahihiya ako sa’yo.”

He tsked. Nag-iwan siya ng pera sa table at iginiya ako palabas. Nasa beywang ko ang kanyang kamay. Kahit naiilang ako ay hindi ko nalang pinapansin.

Naramdaman kong muli ang malalagkit na tingin ng iilan.

“Kaya pala pamilyar! Diba iyan yung babaeng inihotel ni Uno rito noon? Ba’t si Calvin na ang kasama?”

“Totoo pala talaga iyong bali-balita sa White Lady na iyan na manggagamit daw. Pagkatapos perahan si Uno, ngayon ay lumilipat naman kay Calvin dahil may narating na ito.”

“Grabe, ang landi naman.”

Iyon ang maaanghang na salitang narinig ko. Ang matatalim na tinging natanggap ko. Hindi ako nagpaapekto. Wala namang totoo sa lahat ng iyon. Hindi nila ako kilala. Ni ang pangalan ko ay wala silang ediya. May masasabi naman talaga ang lahat ng nakapaligid sayo. Na kahit iyong aso ay tumatahol pag hindi niya lubusang kilala iyong tao.

Tahimik ako sa kotse ni Calvin. Hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi iyong mga pag-uusap ng iilang impleyado lalo na’t panay lingon si Calvin sa akin at hindi maipanatili ang tingin sa daan.

“May masakit sa’yo?” masuyo niyang tanong na ikinailing ko lang, nasa labas ng bintana ang tingin. Wala akong makita roon dahil sa dilim ng paligid.

“Nabored kang kasama ako?”

Mabilis akong umiling. “Wala lang talaga ako sa mood, Cal. Meron kasi ako ngayon. Parang wala akong lakas,” paliwanag ko na ikinakumbinsi ng mukha niya kahit na alam kong may pagdududa parin doon.

“Nakalimutan kong ikaw pa rin iyong Aly na kilala ko. Hayaan mo sa susunod, hindi na kita dadalhin sa ganoong lugar.”

Nakulungkot ako dahil sa sinapit ng unang date namin ni Calvin. Dapat ay memorable iyon, dapat ay parehas kaming masaya, pero taliwas lahat sa inaakala ko ang nangyari. Mas excited pa akong umuwi, mas excited akong nagpaalam kay Calvin, pinangakuan ito na sa susunod nalang ulit. Pumayag naman ito at nangakong hindi na ako mabobored.

Pagdating ko sa Resthouse, katulad ng nakagawian ni Uno sa tuwing hinihintay ako ay natanaw ko na siya sa veranda. Nakaupo ito sa railings at nasa lupain ang tingin, malayo ang tanaw ng mga matang malalim. Humigop ako ng malalim na hininga at ipinagpatuloy ang paglalakad. Lumingon siya sa akin, parang napugto ang aking hininga nang magkatitigan kami. Ang buhok niyang pinaglalauran ng hangin ay sumasabay sa ritmo. Ang mukha niyang biglang lumiwanag at agaran ang pagbaba roon. Nagawa pa nitong humakbang para lang salubungin ako.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman sa aking puso, iyong nakikita ko siyang hinihintay ako sa labas ng veranda ay nakakapugto ng hininga. Na pakiramdam ko, isa akong babaeng espesyal para sa kanya kaya pinaglalaanan niya ng oras.

Huminto ako sa kanyang harapan, kagat ang pang-ibabang labi. “S-Sorry, uh… natagalan ako.”

Tumaas ang kanyang kilay. Tiningnan ang kanyang relo. “You’re not late, Aly. Masyado ka ngang maaga. May isang oras pa,” aniya na ikinagulat ko.

Sa sobrang pagmamadali kong makauwi ay dalawang oras lang ata ang itinagal ng date namin ni Calvin. Pakiramdam ko nga ay masyado na iyong matagal.

Napanguso ako at nag-iwas na lamang ng tingin. Ayoko siyang tingnan sa mga mata dahil ramdam ko ang paninitig niya, may pinupunto iyon.

“You look awful. Di ka nag-enjoy sa date niyo ni Calvin?” tanong niya, hindi pa rin nawawala ang tabang sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Calvin.

“Nag-enjoy kaya ako! Sa sobrang bilis ng oras akala ko talaga lagpas tatlong oras na,” pagsisinungaling ko na ikinataas ng kilay niya.

“Where did he take you?” tanong nito, ngayon ay nakapamaywang na sa aking harapan.

“Uh, s-sa Restaurant?”

Binasa niya ang pang-ibabang labi, tinitigan akong mabuti, tinitimbang ang ekspresyon ko. “Did you have fun?”

“Oo naman! Masaya kayang kasama si Calvin!” sabi ko.

May nagpipigil sa akin na aminin sa kanya ang kinahinatnan ng date namin nito, ang pagiging excited kong umuwi sa hindi ko malamang kadahilanan.

Wala akong nabasang ekspresyon sa kanyang mukha, blangko lamang iyon. Pumasok rin naman kami at dumeritso sa kusina. Sumalubong agad sa akin ang lamesang punong puno ng pagkain. Kunot noo ko siyang binalingan na ngayon ay halatang may pinagtatakpan na.

“Marami ang naluto ko. Nakalimutan kong mag-isa lang pala ako,” sabi niya at nag-akmang liligpitin ang mga iyon nang pinigilan ko ito.

“Sayang ’yung pagkain.”

“Wala rin namang kakain niyan,” dismayado niyang sabi.

“Ako!” sabi ko na ikinataas ng kilay niya. “I thought you’re not hungry? Nag-enjoy ka sa Restaurant kasama si Calvin. Di ka nabusog?” Makahulugan niya akong tiningnan.

“N-Nabusog pero sayang rin kasi ang pagkain,” sabi ko, nag-iiwas ng tingin dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagkagutom.

Nakatayo pa rin si Uno kaya nauna nalang akong umupo. Mabilis ang aking pagkilos. Kinuha ko agad ang isang plato at naglagay ng pagkain doon. Nang kukunin ko na ang kanin ay si Uno na mismo ang kumuha noon at nilagyan ang plato ko. Palihim akong napangiti. Naririnig ko ang mga palakpakan sa aking loob at tuwang tuwa sa nangyayari sa amin ni Uno. Alam kong maling makaramdam ng ganito, nakatali na siya sa iba habang ako naman ay alam na kung sino ang lalakeng ibinigay sa akin ng langit. Pero kahit mali, kahit alam kong bawal, hindi ko parin mabakuran ang sarili ko sa kaligayahang nararamdaman ko. Parang gusto kong tawirin ang pader na humahadlang sa amin at suwayin lahat ng iyon.

Ganado akong kumain. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Uno, ang pagkakasalubong ng kanyang kilay at pagkunot ng kanyang noo, takang taka dahil sa inaasal ko. Gutom na gutom ako at gusto ko nalang ubusin lahat ng niluto niya. Lahat rin naman masasarap.

“Eat slowly, Aly.” Para na siyang matatawa nang sinabi iyon.

“Sayang ang pagkain.” Katwiran ko at sumubo ng malaki na hindi niya napigilang ikangiti. Para ata akong mabubulunan kaya uminom agad ako ng tubig.

“Kung makaasta ka parang hindi ka ata kumain,” sabi niya.

“Sayang nga ang pagkain kung itatapon lang. Concern ako sa mga pagkain, Uno.” Sumubo akong muli.

“Hmmm, concern… Sige, kunwari naniniwala ako.” Nakangisi niyang sabi at nagawa pang basain ang pang-ibabang labi. He was so amused.

Matalim kong tiningnan si Uno. “Alam mong isinusulong ko ang pagiging healthy Uno, kawawa naman ang mga pagkain kung hindi sila makakain.” Walang kabuluhan ko paring katwiran para lang mapagtakpan ang sarili.

He chuckled. Napakurap ako roon. Para kasing sobrang saya niya.

“Okay. Need a help?”

Tumango ako. Nilagyan ng plato ang harap niya at tinambakan siya ng maraming pagkain.

“Ubusin mo ’yan. Sayang ang pagkain.” Kagat ang pang-ibabang labi, hindi mapigil na ngiti, tumango siya. “Okay. Sayang ang pagkain.” Panggagaya niya sa sinabi ko na ikinatawa ko ng marahan.

“Sayang nga kasi!”

“’Yun na nga. Sayang,” sabi niya at sumubo, nasa akin ang tingin.

“Mukha kang nang-aasar!” Napanguso ako, sumubo.

“Mukha ba? Sayang ang pagkain,” sabi niya at sumubo narin ng malaki.

Natawa ako ng malutong. Kahit si Uno ay nakangiti narin, pinipigilang hindi humalakhak.

“Tigilan mo nga!”

“Ano?” Inosente niyang tanong.

“Anong ano? Alam kong alam mo,” aniya, hindi mapigilan ang sayang umaabot hanggang dulo.

“Alam kong… Sayang ang pagkain?”

Natawa akong muli. Hindi na ako makakain ng maayos dahil sa hindi mapigilang tawa. Kahit hindi naman talaga iyon masyadong nakakatawa, pakiramdam ko ay sobrang nakakatawa pag sinasabi ni Uno. Nalulunod ako sa kasiyahang hindi ko na gustong matapos.

“Alright, alright. I give up. Hindi kana nakakakain ng maayos dahil sa kakatawa mo.”

“Eh kasi ikaw!” sabi ko habang pinupunasan ang luhang lumandas sa gilid ng aking mga mata dahil sa walang humpay na pagtawa.

Nagtaas siya ng kilay, seryoso sa banta na tumigil na kaya sumubo nalang ako, nasa kanya ang mga mata at nakangiti parin. Nailing si Uno, binasa ang pang-ibabang labi at hindi nakaligtas ang pagngiti nitong muli.

“Ganito ka ba kasaya kanina? Noong kasama mo siya?” tanong niya, unti unting nabubura ang ngiti sa labi.

Nabura rin ang ngiti ko. Sumubo ako ng iilan. Pilit inaalala ang nangyari kanina. Kung nagawa ko bang ngumiti at tumawa ng ganito kalutong, iyong hindi pilit. Doon ko lang napagtanto na kahit wala namang kabuluhan iyong pag-uusap namin ni Uno kanina, masaya kaming dalawa. Ngayon ay mas lalo lamang akong nahihirapan.

“Oo naman…” pagsisinungaling ko. “Mauulit pa nga ang date namin.” Pagmamalaki ko sa kanya.

Nagbabakasakali akong magagalit siya, na pagbawalan ako katulad ng ginagawa niya noon, pero naging bigo ako. Taliwas sa inaasahan ko ang ginawa ni Uno.

“You’re free, Aly. I am allowing you to date him or whoever you want.”

Chapter 39

Signs Of Love

Walang

Karapatan

“Morning.” Halos mapaatras ako sa pagbati ni Uno sa akin. Mukhang good mood ito lalo na’t ito ang kauna-unahang beses na binati niya ako sa umaga simula nang dumating ako rito.

Tumango ako, tipid na ngumiti sa kanya. “G-Good morning,” sagot ko, hindi makatingin ng deritso sa mga mata niya. Nakakapagtaka at wala siya sa labas. Maaga kasi itong nangangabayo katulad ng nakagawian ko sa tuwing gumigising ako tuwing umaga.

“Di ka nangabayo?” tanong ko.

“Nah… I cooked some breakfast kaya hindi muna ako nangabayo. Maybe later.”

Iyong malamang nagluto ng agahan sa umaga ay nakakalusaw ng puso. Ito rin kasi ang kauna-unahang beses na magkakasabay kaming kumain sa umaga. Palagi kasi akong nahuhuling gumising habang siya ay busy na sa lupain at pagsusuplado sa akin.

Nagtungo kaming dalawa sa kusina. Palihim akong napangiti nang maalala ko ang nangyari dito kami. We’re both laughing last night. Iyong pagngiti ko…

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Kung hindi ko lang talaga ito nahuling sinisilip ang ekspresyon ng mukha ko ay hindi ako mapapatikhim para ayusin ang ekspresyon ng mukha ko.

Hinila niya ang isang upuan kaya doon ako umupo. Tumabi naman siya sa akin. Imbes na pagsilbihan ang aking sarili ay mas nauuna pang lagyan ni Uno ng pagkain ang aking plato. Nanatili ang aking mga kamay sa aking kadungan, rinig na rinig ang kumakalabog kong puso at hindi magkamayaw sa pagwawala. Simpleng galaw lang ni Uno ganito na kalala ang nangyayari sa loob ko. Bakit hindi ko ito magawang maramdaman kay Calvin? Sweet rin naman iyon, suplado oo, pero gentleman! Hindi ko lang talaga mapunto ang kaibahan ng dalawa.

“Salamat,” sabi ko pagkatapos niyang lagyan ng pagkain ang aking plato.

Pakiramdam ko ay magiging maganda ang araw namin ngayong dalawa. Mukha kasing wala siya sa mood magsuplado. Umagang umaga pa nga ay medyo mabait na siya.

“Anong oras ka aalis mamaya?” tanong niya, binubuksan ang topic tungkol sa date namin ni Calvin.

Balak ko sanang icancel iyon at manatili nalang sa Resthouse pero kailangan ko ring makausap si Calvin ng masinsinan. Gusto ko siyang bigyan ng tsansa, hindi lang siya kundi pati ang sarili ko para maging masaya ngunit hindi naman pwedeng ganito. Iyong hindi ako sigurado. Wala akong ibang maramdaman kay Calvin. At ayokong patagalin iyon. Na baka sa huli ay sisihin niya rin ako dahil hindi ko ito kinlaro. Ayokong maisip niyang baka ay ginagamit ko lamang siya para may mapatunayan sa aking sarili at ayoko rin ng ganoon.

Mas gugustuhin ko atang manatiling single kaysa naman dinadamay ko pa si Calvin sa pagiging miserable ko. Magsisikap nalang ako rito sa lupain, magtatrabaho ako ng maigi total masaya rin naman akong may naitutulong sa lupain ni Lola. Kahit hindi na ito sa amin, ramdam ko parin ang presensya niya. Kung paano niya itinaguyod itong lupain noon.

“Anong oras ka aalis mamaya?” tanong niya.

“Ah, ganoong oras parin siguro,” sagot ko.

“Dinner date?”

Umiling ako. “May iba atang plano si Calvin.”

Marahan siyang tumango, walang gaanong kareareaksyon.

Ilang sigundong katahimikan ang naubo. Ang tanging tumutunog lamang ay ang mga kubyertos na ginagamit namin. Hanggang sa maalala ko iyong napagkakamalan kong siya sa syudad, iyong lalakeng biglang sumusulpot bigla at palaging nakahoody.

“Oo nga pala…”

Napatingin siya sa akin.

“Uh, pumunta ka ba sa syudad? Kasi… parang may ano… parang nakita kita,” sabi ko, hindi gaanong sigurado dahil inaasa ko lang naman iyon sa kutob ko, sa pamilyar na pabango ni Uno.

“Hindi naman. Nandito lang ako, busy sa lupain,” aniya, nasa pagkain ang tingin.

Kumunot ang noo ko. “Talaga? Sino iyong nakahoody? Parehas pa kayo ng pabango, tsaka ang weird noong lalakeng nag-aadd sa akin sa facebook. Wan Vegetarian.”

Sinilip ko ang mukha ni Uno. Para itong nakangiti na hindi at pinipigilan lamang, gustong ipanatili ang blangkong ekspresyon.

“Were you thinking about me while you’re away?” nanunuyang tanong niya, na kahit ang mga mata nito ay parang tinutukso ako na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Namula ang aking pisngi, umirap. “Hindi ah!”

“Ni minsan?”

“Ba’t naman kita iisipin?” Napanguso ako.

Hindi na siya sumagot pa kaya itinuon ko nalang rin ang atensyon ko sa pagkain.

Naging abala rin naman kaming dalawa ni Uno. Mas nagiging marami kasi ang demand sa mga gulay. Hindi ko alam kung iyong kompanya parin ba nila ang umaangkat sa amin o may iba pa. Masyado na kasing lumalago ang lupain, maraming pera ang pumapasok araw araw.

“Wala ka pa bang asawa, horsey?” tanong ko sa kabayo ko habang pinapaliguan ito. Nandito na ako sa rancho. Kakatapos ko lang kasing magdilig ng halaman kaya dito na ako dumeritso. Ewan ko ba kay Uno kung ba’t hindi niya ako pinapatrabaho sa lupain.

Napabuntong ako ng hininga nang mapagtantong may asawa na si Uno. Tama ba itong nararamdaman ko para sa kanya? Nagkakagusto ako sa lalakeng nakatali na. Hindi ba ako nito makukulong? Baka kasi pag nalaman ni Lhuella itong nararamdaman ko ay magwala iyon. Iyong babaeng iyon ang hilig pa namang gumawa ng away.

“Sayang no, taken na si Uno.” Pabiro akong natawa. “Ano kayang pakiramdam na may asawa ka? May nag-aalaga sayo? Nag-aalala? Anong pakiramdam ng nakatali?”

Humingos si Horsey. Para nitong sinasabi sakin na ramdam niya ang pakiramdam ng nakatali kaya marahan akong natawa.

“Hindi literal horsey!” Humagikhik ako. Para akong batang nakikipag-usap sa isang hayop na naiintindihan ako. Kahit noon, alam kong naiintindihan na ako ni Horsey. Ramdam ko iyon.

Nagiging makulimlim ang langit. Para itong nagpapahiwatig na may nagbabadyang malakas na ulan mamaya. Hindi naman kami magtatagal ni Calvin. Mag-uusap lang naman kami. Pagkatapos ay uuwi rin ako.

“Aalis ka pa rin?” tanong ni Uno nang mapansin niya ako rito sa veranda na nakadungaw sa langit. Tumango ako, nilingon siya sa aking gilid. Nakabulsa ang mga kamay at nasa langit ang tingin.

Hindi na siya sumagot pa. Na kahit pag-alis ko ay tanging “Ingat ka” lang iyong sinabi ko. Hindi ko alam kung ba’t ako nalulungkot. Magpapapigil naman sana ako. I’ll let him rule me this time. Hahayaan ko siyang manghimasok sa desisyon ko. Pero bakit parang ang luwag niya na? Of course Aly, ito rin naman ang gusto mo diba? You badly want this kind of treatment from him.

Hindi ko napansin ang pagdating bigla ni Calvin sa aking harapan. Napakurap nalang ako nang makarinig ako ng hingos ng kabayo. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Calvin doon, hawak niya ang tali at nakasuot ng itim, nakashort jeans at simpleng tsinelas.

Bumaba siya sa kanyang kabayo, humarap sa akin habang nakapamulsa. Ang kanyang pabango ay umabot sa aking ilong, manghang mangha ang aking mukha dahil sa lalakeng nasa harapan ko ngayon.

“Ba’t ka…” Hindi ko madugtungan ang aking sasabihin. Nahahati ang aking atensyon dahil sa kanyang imahe.

“Ayokong mabored ka kaya nag-isip nalang ako ng pwedeng gawin. Besides, you like riding horses,” sabi niya na ikinangiti ko. Kaso nga lang…

Napatingin ako sa aking suot na kahit siya ay napatingin narin. Hindi ko naman alam na mangangabayo pala kami!

“Uhm, babalik nalang ako sa resthouse. Magpapalit ako ’tsaka kukunin ko si Horsey.” Nag-amba na akong umalis nang hawakan niya ang aking braso.

“No need, Aly. Kasya tayo sa isang kabayo at pwede namang gawan ng paraan yang suot mo,” sabi niya.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong kinarga na parang bagong kasal kami at ipinaupo roon sa kanyang kabayo ng ganoon parin ang aking ayos. Sumampa siya, nakaharap siya sa akin ng buo habang ako ay nakatagilid.

Kinulong niya ako sa kanyang mga bisig at sinimulan niyang patakbuhin ang kabayo. Sobrang lapit ko sa kanyang dibdib. Ramdam na ramdam ko rin ang paninitig niya sa akin.

“San tayo pupunta?” Tiningala ko ito at nakita ang mga mata niyang nasa akin nga.

“Somewhere,” sabi niya.

Napatango ako, wala nang iba pang masabi at bumagsak ang tingin sa aking kandungan kung nasaan ang mga kamay ko, namamahinga. Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ang balak ko kaso may pumipigil sakin. Natatakot ako na baka masaktan ko siya, na baka masira ang nabuo naming friendship. Baka kung ano ang sabihin sa akin ni Mang Kapre.

“Are you okay?” tanong niya. Nataranta ang aking mga mata dahil sa pagkagulat.

“U-Uh…”

Dinungaw niya ang aking mukha. “Aly.”

“K-Kasi…” Nag-angat ako ng tingin, seryoso ang kanyang ekspresyon pero kalmado naman.

“What is it?”

“Uhm, alam mo Calvin… ang gwapo mo.” panimula ko na ipinagsalubong ng kilay niya.

“Sobrang swerte ng babaeng mapapangasawa mo. Uhm, gentleman… ’tsaka… caring…. Uh…” Gumala gala ang aking mga mata sa kahit saan makahanap lang ng sasabihin sa kanya. Naalala ko kasi iyong mga nareject ko noong college kami ni Addi. Ito ang ginagawa ko para hindi sila masaktan. Ayoko namang sundin iyong kay Addi na sabihin agad na “Hindi kita gusto. Huwag mong ipilit sakin ang sarili mo.” Sobrang sakit naman ata ng ganoon. Ang sabi niya kasi, kahit ireject ko ito sa magandang paraan ay masasaktan parin siya. Pero ayokong mas saktan ito. Gusto kong kahit papaano ay mapagaan ko ang kanyang kalooban.

“’Tsaka maraming nagkakagusto sayong babaeㄧ”Ayaw mo sa akin.“ Deritsahan niyang sabi na ikinabigla ko.

“H-Hindi sa ganon Calvin! Pero…“Pero may mahal kang iba kaya gusto mo nang ihinto ito,” dagdag niyang muli na ikinalungkot ng mukha ko. Ayoko sa ganito. Pero anong magagawa ko, kahit anong bakod ko kay Calvin na huwag ko itong masaktan ay ganoon parin ang lumalabas.

“Sorry…” Napayuko ako, nagsisisi dahil pakiramdam ko ay sobrang sama kong babae. Bakit ba kasi sa akin pa nagkagusto ang isang Calvin Sariego? Eh sobrang rami naman sana ng nagkakandarapa sa kanya.

“It’s okay. Pwede bang ituloy pa rin natin ang date na ito?” sabi niya, kalmado parin.

Tumango ako, malungkot.

“Tanggap ko Aly. Alam ko ang pinasok ko. Na imposibleng mangyari ang gusto ko. Pero sinubukan ko pa rin. Ayoko lang na sayangin ang tsansang ito. Di ko naman pinagsisihan kaya nagbaka sakali pa rin ako…”

“Sorry talaga Calvin.”

“Mamaya pauwi, maglakad kana. Total binasted mo ako di kana pwedeng sumakay sa kabayo ko.”

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya, napanguso. “K-Kung iyon lang ang paraan para mapagaan ko ang loob mo maglalakad ako. Kaya ko naman.”

Napangisi siya, nailing at mas binilisan ang pagpapatakbo sa kabayo.

“Just kidding.”

Dinala ako ni Calvin sa isang lugar kung saan makikita mo ang syudad. Maggagabi na kaya sobrang gandang tingnan ng mga kumikinang na citylights doon.

“Ayaw mo bang manirahan sa syudad?” tanong ko habang kapwa kami nakaupo sa damuhan. Nakatupi ang mga binti at nasa harap ang tingin. Pinaglalaruan ko naman ang damo sa aking harapan, binubunot ko iyon.

“I want to stay here. Dito na ako lumaki, Aly. Nandito ang buhay ko,” marahan niyang sabi na ikinamangha ko. Calvin is really something. Kaya hindi rin ako magtataka kung ba’t marami ang nagkakagusto sa kanya kahit na suplado siya.

“Don’t avoid me,” sabi niya nang nakasakay na akong muli sa kanyang kabayo. Pauwi na kaming dalawa.

“Oo naman. Pero parang di na ako makakadiscount sa barbeque ng papa mo. Inaway kita.” Napabuntong ako ng hininga. Ano kayang magiging reaksyon ni Mang Kapre kung nalaman niya ito?

“I won’t tell him. Hindi na tayo mga bata Aly. May mga bagay talaga na hindi natin pwedeng ipilit. Maiintindihan iyon ng papa ko.”

Napanguso ako. Mabait naman pala talaga itong si Calvin. Pero minsan iyong sagot niya may kagaspangan. Lalo na noon! Sobrang suplado! Kahit ngayon naman.

Sandaling kaming naging tahimik. Lumilipad na ang aking isip sa lupain kung hindi lang talaga nagsalita si Calvin.

“Alam mo na ang nangyari kay Uno at sa pinsan mo?” tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at tumango, iniinda ang dibdib kong biglang sumikip.

“Tanggap mo?” tanong niya.

“Nangyari na eh,” sabi ko.

“Nabuntis niya ang pinsan mo. Hindi ka nasasaktan?”

Nagkasalubong ang aking kilay. Para akong nahulog sa isang bangin sa narinig ko. N-Nabuntis ni Uno si Lhuella?

Hindi agad ako nakasagot. Gulat na gulat ako. Hindi ko alam kung saan ako mas masasaktan. Iyong nakatali siya sa pinsan ko o iyong magkakaanak silang dalawa.

“Sigurado kang okay ka lang, Aly?” tanong ni Calvin nang alalayan niya akong bumaba sa kabayo niya.

Tumango ako, tinatago sa kanya ang kinikimkim kong mga luha. “S-Sige, Cal… u-uwi na ako. Goodnight.” Ngumiti ako ng tipid, mabilis na tumalikod dahil sa nanginginig kong labi.

Buntis ang pinsan ko? Ba’t hindi man lang ito nabanggit sa akin ni Uno. Ito ba iyong tinutukoy niya? Na kailangan kong tanungin ang aking pinsan tungkol sa bagay na ito at kumpirmahin sa kanya ang lahat? Na tatanggapin niya ang galit ko? Animal talaga si Uno!

Sa sobrang kagustuhan kong linawin ang nalaman ay halos tumakbo na ako makarating lang agad sa resthouse. Nasa lupain palang ako nang may matanaw akong pamilyar na imahe sa labas. Natigil ako. Na kahit ang paghinga ay natigil rin.

Kahit nanlalabo ang aking paningin gawa ng luha kong tinatraydor ako, alam kong si Uno iyon at ang pinsan ko. Kitang kita ko ang pagyakap niya rito. Kung paano niya kinarga katulad ng pagkarga ni Calvin sa akin at ipinasok sa kanyang kotse. Nanginig ang aking tuhod. Para akong mapapaluhod ano mang oras dahil sa nakikita ko. Kaya ba hindi mo ako magawang pigilan sa lakad ko Uno? Ito ba ang dahilan?

Tama bang umiyak ako? Tama bang pagluksaan ko ang lalakeng alam kong hindi na ako mahal? Tama bang manghinayang ako dahil kasalanan ko rin naman ang lahat ng ito? Walang tigil ang aking mga luha na kahit ang paghagulhol ay hindi ko na napigilan nang pumasok ako sa resthouse. Nakaalis na ang dalawa, mag-isa nalang ako. The way he carried her… para siyang isang lalakeng sobrang nag-aalala sa kalagayan ng kanyang asawa. Na kahit paglakarin ito ay hindi niya gusto dahil gusto niya itong pagsilbihan. K-Kung hindi ba ako umalis, ako ba iyon?

Dahil sa nararamdaman kong labis na sakit ay hindi na ako nakapasok pa sa loob mismo. Nandito lang ako sa Resthouse, umiiyak.

Narinig ko ang kanyang kotse. Mabilis kong pinunasan ang aking luha kaso nadatnan niya iyong ginagawa ko. Pasimple akong nag-iwas ng tingin sa kanya lalo na’t nagkasalubong ang kanyang kilay at parang may galit. Ibinulsa niya ang kanyang hawak na susi at humakbang na sa kinaroroonan ko.

“Aly,” tawag niya, halos inuukupa ang distansyang namamagitan sa aming dalawa.

“Ba’t nasa labas ka pa? Kakauwi mo lang?” tanong niya. Nakayuko lamang ako. Hindi makatingin sa kanyang mga mata at natatakot na baka mahulog ako sa pag-iyak.

“Hey… Anong ginawa ni Calvin?”

Gusto ko siyang sapakin sa tanong niya. Ang animal na ito nagbabaitbaitan na naman. Ano, magpapadala ka Aly?

“Wala.” Tumayo ako, tumalikod agad ako hindi palang nakakahakbang ay nahawakan niya na ang aking braso.

“Aly.”

Marahas kong tinabig ang kanyang kamay, matalim siyang tiningnan. “Wala nga sabi!” Nagsilabasan lahat ng luha sa aking mga mata. Para iyong gripong napabayaang bukas kaya hindi maawat sa paglabas.

Nagulat si Uno nang makita akong umiiyak. “Anong ginawa sayo ni Calvin?” Galit na galit niyang tanong. Umiling ako, pinunasan ang mga luhang hindi ako tinatantanan.

“Aly!” Hinawakan niya ang aking balikat, ramdam ko ang nagpupuyos niyang galit. Marahas kong hinawing muli ang kanyang mga kamay at humagulhol sa kanyang harapan.

“Ayoko na dito! Ayoko nang tumira dito kasama ka! H-Hindi ko matiis na nasa iisang lugar tayo! Ayoko na dito kasama ka!” sigaw ko sa kanya na ikinaputla niya.

“Ayokong tumira dito kasama ka!” ulit ko sa mas malakas na tinig.

Napaawang ang kanyang bibig, namumutla sa aking pinagsasabi. Gumuguhit sa kanyang mukha ang takot. Na baka pag hinawakan niya ako ay tabigin ko lang ulit iyon.

“Ayoko na ng ganito…” sabi ko, humahagulhol bago tuluyang tumalikod. Sising sisi kung ba’t hindi masabi sa kanya ang galit ko sa kanila ng pinsan ko. Bakit Aly? May karapatan ka bang magalit? May karapatan ka bang magreklamo? May karapatan ka bang manghimasok? Ikaw ang nang-iwan. Kaya dinadaan mo sa ganito ang galit mo dahil alam mong wala kang karapatan.

Chapter 40

Signs of Love

Warning: Rated SPG.

Happy Birthday

Nagising ako kinaumagahan na ni isang trabahador ay wala man lang akong namataan sa lupain. Kahit iyong nagbabantay na lalake sa rancho ay wala rin. Walang katao tao sa paligid na kahit si Uno ay wala.

Napabuntong na lamang ako ng hininga. Mukhang ako ata ang gagawa sa lahat ng trabaho ngayon dahil sa inasta ko kagabi sa kanya. Sigurado akong nagalit iyon.

Suot ang bistidang puti ay itinali ko ang lace sa magkabilang balikat ko. Kanina pa wala si Uno at takang taka na ako kung ba’t hindi pa ito dumadating. Sinimulan ko ang trabaho ko. Nilista ko ang mga naharvest ko kagabi. May narinig akong paparating na kotse kaya natigil ako sa paglilista at tiningnan ang itim na wrangler. Nakita ko si Uno roon sa loob. Ipinark niya sa gilid ng Resthouse ang kanyang sasakyan saka bumaba roon. Marami siyang pinamili. Anong meron? Hindi kaya ay may bisita kami?

Nanatili akong nakatingin dito. Kahit ang paglilista ay naitigil ko dahil sa kakapanood kay Uno na mabilis ang mga kilos at para bang may pinaghahandaang bagay.

Nagtagal siya sa loob ng resthouse kaya ibinalik ko nalang ang aking buong atensyon sa ginagawa. Hanggang sa nagmamadali siyang lumabas. Kitang kita ko ang pagkataranta niya ngunit nang matagpuan ang aking mukha rito ay kumalma rin.

“Akala ko umuwi ka.” Narinig kong sabi niya, parang nabunutan ng tinik.

“Marami pa akong trabaho. Tatapusin ko muna lahat para makaalis na ako rito,” sabi ko at nag-iwas na sa kanya ng tingin. Siguro ay galing siya sa bayan. Bihis na bihis siya at mukha pang aligaga.

“Bukas nalang ’yan,” sabi niya.

“Bakit ko pa ipagpapabukas kung pwede namang ngayon?” matabang kong sabi na ikinabuntong ng hininga niya.

“Huwag ka lang magpapagod.”

Nagkasalubong ang aking kilay. Takang taka sa inaasal niya. Ba’t mukhang mabait ata siya ngayon? Hindi ba dapat ay galit siya sa akin? Iyong paninigaw ko sa kanya kagabi…

Tirik na tirik ang araw. Hindi sapat iyong suot kong sombrero para hindi tumagos sa akin ang init. Nararamdaman ko iyon sa balat kong namumula na. Lumabas muli si Uno sa Resthouse, ngayon ay nakaputing tshirt na ito at isang short sa pang-ibaba.

“Mainit. Pumasok ka muna rito.” Alok niya.

“Hindi ah.” Pagkukunwari ko at pumunta sa ibang bahagi ng lupain para icheck ang iba pang mga gulay.

Naramdaman ko nalang ang imahe ni Uno sa likuran ko. May hawak siyang payong at itinatapat iyon sa akin. Nilingon ko siya, ang ekspresyon niyang kalmado.

“Mainit. Namumula kana.” Puna niya.

“Ayos lang ako.” Lumayo ako sa kanya para makaalis ako roon sa payong niya kaso nagiging makulit ito at sinusundan ako. Naiirita kong nilingon si Uno na ngayon ay nagkikibit lamang ng balikat habang nasa bulsa ang isang kamay.

Ipinagkibit balikat ko nalang ang inaasta niya. Hindi kaya ay natablan siya sa pinagsasabi ko kagabi? Kaya ganyan na iyan kabait ngayon. Nadala lang naman ako sa emosyon ko kagabi kaya ko iyon nasabi. May pagsisisi dahil sa mga nasabi ko.

Sinuyod ko ang buong lupain at nag-aakalang mapapagod si Uno sa pagpapayong sa akin ngunit nagkamali ako dahil mukhang wala rin siyang balak huminto sa ginagawa niya. Tahimik lamang siyang nakasunod, parang batang isang masunuring gagawin ang lahat mabigyan lamang ng pera ng isang magulang. Ganoon siya ngayon.

May dinukot siya sa bulsa ng kanyang short. Napakurap ako nang makita ko ang inilahad niyang bottled water sa akin.

“Ba’t ang bait mo ata?” Hindi ko na napigilan iyong itanong sa kanya.

“I am just concern…” sabi niya, hindi nawawala ang kislap sa mga mata, na kahit anong oras ay mapapangiti na. Why is he so happy? At iyong mga pinamili niya?

Napatitig ako ng ilang sigundo kay Uno, tinitimbang ko ang ekspresyon ng mukha nito. Nahulog sa hawak niyang bottled water ang tingin ko saka ko ibinalik sa kanya ang tingin.

“Gusto ko ng malamig.” I tested. Baka kasi nagpapanggap lang iyang mabait tapos mapupugto rin ang pasensya.

“Hmm, cold water. Okay. Hold this for me first.” Ibinigay niya sa akin ang payong. “Dito ka lang.”

Pinanood ko ang pag-alis ni Uno at nagawa pang tumakbo makarating lang agad sa Resthouse. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa ngiting hindi ko mapigilan. Nasisiyahan ako sa nangyayari. Gusto ko man itong ipagkait sa aking sarili dahil alam kong mali ito ngunit nagiging maramot ako. Gusto kong kahit ngayon man lang, kahit mali, gusto kong hayaan ang sarili kong maging masaya.

Isang yabag ng mga paa ng kabayo ang nagpawala ng aking ngisi. Napatingin agad ako sa kararating na bisita at mabilis na sumilay ang galit sa aking loob nang mapagtanto kung sino iyon.

Bumaba ang pinsan ko sa kanyang kabayo. She was wearing a croptop red tube paired with short shorts. Sobrang nakakaakit ang kanyang suot na kahit ang collarbone niya ay litaw na litaw dahil sa pagbabun niya ng kanyang buhok. Kaya ba aligaga si Uno dahil dadating iyang babae niya? May buntis bang ganyan manamit? Tinitipid ang telang suot?

Nabahiran ng inis ang aking mukha. Naalala ko ang pagiging mabait niya sa akin kanina. Sinasadya niya ba iyong gawin para ipamukha rin sa akin ang katotohanang panandalian lang naman iyon?

Pumasok si Lhuella sa may veranda. Ni hindi man lang napansin ang presensya ko dito dahil sa kasabikan niyang makita si Uno. Papasok na sana ito kung hindi lang iyon bumukas at iniluwa si Uno na ngayon ay nabura na ang ekspresyon sa mukha. I saw how Lhuella hug her. Magkasalubong ang kanyang kilay nang humiwalay ang pinsan ko sa kanya. Katulad ng nasaksihan ko kagabi, ganoon parin sila kasweet iyon.

May sinabi si Uno sa kanya na ikinanguso ng pinsan ko. Nagawa niya pang kunin iyong bottled water na hawak ni Uno at ininom iyon. Nanatili ang tingin ko sa kanila hanggang sa magkasalubong rin ang tingin namin ni Uno na kahit si Lhuella ay nilingon narin ako. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata, kung paano niya ako tiningnan ng matalim. Ngunit nang nilingon niya si Uno ay mabilis iyong napalitan ng saya.

“Nalaman ko rin kasing nandito na si Aly!” she said cheerfully. Gusto kong matawa ng sarkastiko ngayon.

Bumaling siyang muli sa akin. “Hey, cousin!” Kinawayan niya ako at naglakad papalapit sa akin hila hila si Uno sa braso na nagpapatangay lamang sa kanya.

“Huwag kang pumunta rito, mainit,” sabi ko.

Tumawa siya. “Aw, you’re so sweet.”

“Baka kasi masunog ka at mangamoy plastic.” Dugtong ko na unti unting ikinawala ng ngisi niya. Napalitan iyong muli ng galit pero dahil sa presensya ni Uno ay natawa lamang siya ng peke.

“You’re so funny, couz!” Maarte siyang tumawa saka binalingan si Uno na nasa akin ang tingin, naninimbang. Nag-iwas nalang ako at itinuon sa mga gulay ang tingin kahit na nakalimutan ko na kung ano dapat ang gagawin ko.

“Uno I’m hungry.” Narinig kong reklamo ng pinsan ko.

“May pagkain sa loob. Aly, let’s get in. Kumain muna tayo, mamaya na yan,” sabi niya nang tingnan ako.

“Oo nga couz, mamaya na iyan. Kahit kailan talaga napakahardworking mo.”

Sinikap kong magpigil ng emosyon. Sumunod ako sa loob. Hindi na ako nagulat kung ba’t sobrang puno ang lamesa ng iba’t ibang klaseng pagkain. Parang may espesyal na okasyon dahil sa mga nakahain doon. Ganito niya pinaghandaan ang pagpunta ni Lhuella rito.

“You prepared all of these for me?!” Nagugulat na sabi ni Lhuella, hindi makapaniwala.

Hindi sumagot si Uno, uminom lamang siya ng tubig. Na kahit ako ay nasa cake lang ang tingin. Nangangati ang aking kamay na itakip iyon sa mukha ng pinsan ko. Mas namayat siya, mas humubog ang katawan. Pero iyong ganda ay hindi ko talaga makita. Ilang buwan na ba iyang tiyan niya?

Kahit gaano kasarap ang mga pagkain ay nawalan rin ako ng ganang tikman ang kahit isa roon. Para naman itong lahat kay Lhuella kaya ba’t ako makikisalo?

“Mamaya nalang ako kakain,” sabi ko at nagtungo agad sa pinto kung saan kumukonekta sa likod.

“Okay, couz!” Ang pinsan kong inggrata.

Isinara ko iyon at napaupo mismo sa may pintuan. May dalawang hagdan kasi na semento rito bago tuluyang makababa sa sahig. Isinandal ko ang aking sarili sa pinto at tinitigan ang naggagandahang mga sunflowers. Nanunubig ang aking mga mata. Ang raming tumatakbo sa aking isipan. Pinagsisisihan ko ang pag-alis noon, ang pananakit kay Uno. Aly, hindi rin naman siya ang tinutukoy ng mga senyales mo kaya kahit siguro naging kayo noon, baka naging sawi karin ngayon.

Nakita ko ang dahan dahang pagbabago ng kulay ng langit at napapalitan na ng kaonting dilim. Nagiging kulay pula iyon na pinaghalong orange, hudyat na malapit ng gumabi. Heto parin ako, nakaupo at walang planong lumabas.

Naramdaman ko ang pagpihit ng doorknob kaya mabilis akong napatayo at dinampot iyong hose saka nagpanggap na dinidiligan ang sunflower. Sinikap kong aliwin ang aking sarili, na nag-eenjoy akong mag-isa rito.

“Gabi na pero nagdidilig ka pa rin.” Narinig ko ang tinig ni Uno. Hindi ko siya magawang lingunin sa may pinto. Nandoon siya, nakasandal sa may gilid at nakahalukipkip na naman.

“Mabait ako e,” tanging nasabi ko at mas sumiksik pa para diligan ang ibang parte.

Narinig ko ang pagsara ng pinto, buong akala ko ay pumasok na siya ngunit nang marinig ko ang kanyang yapak na patungo sa akin ay halos lumundag ang puso ko. Nararamdaman ko siya sa aking likod.

“Di ka pa kumakain. Let’s get inside, Aly.” Kalmado niyang pagyayaya.

“Huwag na. Hindi naman ako gutom. Bumalik kana roon. Asikasuhin mo ang babae mo,” mariin kong sabi.

“You didn’t talk to her,” aniya.

Hindi agad ako nakaimik lalo na’t malinaw na rin naman ang lahat sa akin. Ano pa ang pag-uusapan kung ganoon?

Halos mapapitlag ako nang dumikit siya sa aking likod at hinuli ang aking kamay para kunin iyong hose. Tumigil iyon sa paglabas ng tubig.

“Let’s get inside. Nakauwi na siya. Kumain ka,” he whispered.

Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung ba’t naninindig ang buhok sa aking batok dahil sa pagtama ng hininga ni Uno roon.

“Sa bayan nalang ako kakain,” galit kong sagot.

“Why? Maraming pagkain dito.”

Napaharap ako ng wala sa oras kay Uno. Ang lapit niya na pala sa akin. Tiningala ko siya.

“Gagamitin ko si Horsey. Ayokong kumain dito. Bibili ako ng barbeque-“At dederitso ka sa kompanya ni Calvin?” May tabang niyang dugtong. Kung alam mo lang Uno. Nireject ko ang lalakeng iyon para sayo!

“Oo!” Naluluha kong sigaw sa kanya, hindi masabi ang nasa loob ko. Gumalaw panga ni Uno. Ang kalmadong mukha kanina ay nababahiran na naman ng galit.

“Hayaan mo nga akong magsaya total nagsasaya ka rin naman dito! Hayaan mo akong puntahan si Calvin total kasama mo naman si Lhuella-“Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat nang marahas niyang itinulak ang aking batok at tinakpan ang bibig ko ng kanya. Nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay habang mariin ang kanyang pikit.

Gumalaw ang kanyang labi. Lumalalim agad iyon at hinihigop ang natitirang lakas ko. Nanatili akong gulantang. Hindi alam kung gagantihan ba ang halik niya o itutulak ito.

“Hush it, Alyssa…” Kinagat niya ang pang-ibaba kong labi sanhi para mapaawang iyon dahil sa isang singhap na kumawala. Kinuha ni Uno ang pagkakataong iyon para mas halikan ako ng mapusok.

“You don’t even know what you’re saying.” halos ibulong niya iyon sa aking bibig sa gitna ng kanyang mapangahas na halik. I can feel his hot tongue inside me exploring. Ang mga mata kong pinapanatili kong nakabukas ay unti unti niya ng natutulak sa pagsara. Lalo na nang mahuli niya ang aking dila at paglaruan iyon gamit ng kanya. I lost myself in so much pleasure. Para kong binakuran ang sarili ko sa kanya ngunit ako rin mismo ang sumira ng harang at tumawid sa ipinagbabawal kong lugar.

Hinalikan ko siya pabalik sa paraang gusto ko. Naipulupot ko na sa kanyang leeg ang aking kamay. Ang kanyang braso naman ay pumulupot sa maliit kong beywang at mas lalo akong idiniin sa kanya.

Habang tumatagal ang halikang iyon ay mas lalo siyang nagiging mapangahas. He’s kissing me savagely, sucking my tongue harshly, biting my lower lip brutally. Para siyang isang leyong hindi pinakain ng ilang taon kaya ganito nalang kaagresibo.

Inangat niya ang aking binti kaya naging instinct ko na iyon para ipulupot iyon sa kanyang beywang. His arm was still supporting my back habang hindi tinitigil ang paghalik sa akin. Sumampa siya sa unang hagdan at pinihit ang pinto ngunit nakailang kalampag siya ng doorknob ay hindi parin iyon bumubukas.

May dinukot siya sa kanyang bulsa at natigil sa paghalik sa akin. Nahihiya ko siyang tiningnan sa mga mata kong inaantok at nakukulangan sa halik niya. I don’t want him to stop kissing me. Hinuli ko ang kanyang labi at hinalikan siyang muli. Tuluyang nawala ang pagbabawal sa aking sarili na mali itong nangyayari. Ang tanging nasa utak ko lamang ay masuklian ang pagnanasang ito.

“Shit, we’re locked!” he said and equalled my kisses again. Bumaba siya sa ikalawang baitang ng hagdan at inilapag ako sa una kung saan ako nakaupo kanina.

Hinihingal pa ako nang umupo ako roon. Nakabukaka ang aking hita at nahihiya sa nagawang paghalik sa kanya. Nag-akma akong isarado iyon ngunit mas ipinarte niya iyon gamit ang isa niyang paa at inatake akong muli ng halik. Ngayon ay nasa gitna ko na siya. Nakaluhod siya sa ikalawang baitang ng hagdan habang nasa itaas naman ako. Pantay lang kaming dalawa pero nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay hindi ko na nakayang hindi mapahawak sa braso niya.

Uno pulled my laces to reveal my chest and cupped my breast. Isang ungol ang hindi ko nakayang itago sa aking bibig nang inikot ikot niya ang kanyang kamay doon. Marahas ko iyong napakawalan lalo na nang hinila niya pababa ang aking suot at malantad sa kanya ng tuluyan ang aking dibdib. Napalunok ako. Natatakot sa maaari niyang gagawin. Ngunit ang paglapat ng mainit niyang bibig doon, ang dila niyang nagsisimulang maglaro sa bawat gilid ay nagbigay sa akin ng labis na sensasyon.

“Uno!” I exclaimed harshly. His other hand found its way on the other side of my breast and began pinching my hard nipples.

Nahihibang ako sa sunod sunod na sensasyong nararamdaman ko. His free hand starts caressing my folds through the fabric of my panty, poking it without going inside directly. Nahihiya kong naisandal ang aking mukha sa kanyang balikat nang maramdaman ko kung gaano ako kahanda sa kanya, na naririnig ko ang ebidensya ng pagiging sakim sa sensasyong binibigay niya sa akin kahit hindi niya pa naaalis ang tanging saplot na nagiging sagabal.

“Wet…” he said while tracing my boob with hot kisses.

Inangat niya ang aking suot hanggang sa mapunta iyon sa balakang ko. Walang hiya niyang hinila paalis ang suot kong panty hanggang sa maalis niya iyon. Nag-apoy ang aking pisngi sa hiya. Lalo na nang ipinarte niya lalo ang aking mga hita at inilebel ang mukha niya roon ay sumabog ako sa kahihiyan.

“Watch me how I fuck you using my tongue, Aly.” Uno said brutally. His eyes were filled with lust, hindi inaalis ang tinging nakakaakit sa akin habang inilelebel ang sarili sa gitna ko.

Gusto ko siyang sipain lalo na sa nakakahiya kong posisyon ngayon. Para akong palakang nataob at walang mapagkapitan.

Sunod sunod na ungol ang kumawala sa aking bibig nang maramdaman ko siya roon. He’s rubbing the tip of his tongue while his two fingers were rubbing my folds. Napasandal ako sa pinto at napakapit roon habang walang humpay na gumagawa ng isang nakakakilabot na ungol na ngayon ko lang nagagawa sa tanang buhay ko. I was panting real hard, trying to escape from his evil tongue pero sobrang higpit ng pagkakahawak ng isa niyang kamay sa aking isang binti habang ang isa ay pinipigilan ng kanyang isang paa, iniipit iyon para manatili akong nakabukaka ng malaki.

“U-Uno…” Hindi ko na halos makilala ang sarili kong boses na umiiyak.

I felt his tongue delved inside me. Naiarko ko ang aking likod, lalo na nang maramdaman ko ang kanyang daliri roon. He pushed it harshly that made me shout with both pain and pleasure. He was nipping my clit while thrusting his finger deeply. Oh, God!

I was about to burst out when he suddenly stop. Tumayo siya. I was so sleepy to look at him and tired at the same time. Pero nang lumuhod siya sa akin at may naramdamang kakaibang bagay ay tuluyan na naman akong nahulog sa kapusukan. He was rubbing his proud thing between my thigh I already know it. Mangyayari ang isang bagay dito na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba o hindi. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay matugunan ang pagnanasang nararamdaman ko.

He pushed himself inside me, slowly, trying to fill me. Pero hindi niya palang nasasagad ay napangiwi na ako. Ang nakaparte kong hita ay naisara ko dahil sa sobrang sakit.

“I knew it. You never had anyone in your life. Wala kang naging karanasan sa kahit sinong lalake. You didn’t have a boyfriend.”

Hindi ko halos marinig ang kanyang binubulong lalo na’t nabubulag ako sa sakit.

“H-Hindi ko ata kaya…” I said, crying.

Hinaplos niya ang aking pisngi. “Sa umpisa lang ’yan, Aly. Trust me.” Hinawakan niyang muli ang aking hita at ipinarte iyon, mas malaki pa kanina.

I let him ruled me. Kumapit ako sa kanyang braso. Hinuli niya ang aking labi at hinalikan ako. Dumako iyon sa gilid ng aking labi hanggang napunta sa gilid ng aking tenga. His other hand started to pinch my exposed nipple again, while his free hand were rubbing my folds. Nasa rurok na naman ako ng kaligayahan nang bigla niya iyong ipinasok ng buo na nagpadilim ng aking tinatamasang kalangitan. Nawala ang mga bituin at napalitan ng isang kadiliman. Napahiyaw ako sa sobrang sakit. Para akong nahulog sa pinakamataas na lugar at lumagapak ng husto sa lupa kaya nahahati na ang aking katawan.

Gumalaw si Uno ng dahan dahan. Ang kanyang mga kamay ay nasa itaas parin ng aking pagkababae at may ginagawa roon para makadagdag sa sensasyon habang ako ay hindi matigil sa paghagulhol. Sinisikap tanggapin ang bawat pagpasok at pagdiin niya.

“A-Ang sakit…” Hagulhol ko ngunit tinakpan niya lang iyon ng kanyang bunganga at hinalikan ako ng buo. Kahit hindi pa ako nakakaadjust sa sakit ay inugoy niya na ang katawan ko ng mabilis. I was moaning with pain. Pero sa bawat pagsagad at sa bawat paggalaw niya ng mabilis ay napapalitan na iyon ng panibago. Hinawakan niya ang aking balakang at mas binilisan ang paggalaw. Napaawang ang aking bibig, hindi nakayanan.

Napatingala si Uno, na kahit ang paghalik sa akin ay nakalimutan niya na. He was pounding harshly and violently. Sumasakit ang aking balakang dahil sa pagkakadiin ng kanyang pagkakahawak. Lumuhod siya sa aking harapan at mas hinila ako at naging triple ang bilis hanggang sa sumabog ang klase klaseng sensasyong naramdaman ko. Uno licked his lips and open his mouth, he was still moving violently until one more push and he already lost it. Bumagsak siya sa aking balikat, pagod na pagod at pawis na pawis.

Hinalikan niya ang aking balikat. “Happy birthday, Alyssa…”

Chapter 41

Signs Of Love

Heartless

Masakit ang buo kong katawan nang magising ako. Para akong dinaganan ng isang 10wheeler truck kaya pakiramdam ko ay bugbog sarado ang aking katawan. Nagising akong nasa aking kwarto na. Suot ang isang pamilyar na puting tshirt sa akin at tanging panty sa ibaba. Naaamoy ko rin ang pamilyar na pabango ni Uno na kumapit na ata sa buo kong katawan. Bumalik sa akin lahat ng alaala sa nangyari sa amin sanhi para sumabog ako sa kahihiyan. H-Hindi na ako isang birhin! At ang nakakalungkot pa rito, naisuko sa isang taong hindi ko alam kung mapapasaakin ba.

Nakalimutan ko na birthday ko pala kahapon. Kaya ba may handa? Pero akala ko ay para iyon sa pinsan kong naglilihi? Huh?

Bumangon ako sa aking kama at umupo roon. Nahilamos ko ang aking mukha. Paano na ito ngayon Aly! Paano ka haharap ngayon kay Uno nang hindi namumula iyang pisngi mo! Hindi niya ako ikinama! Doon niya ba talaga winakasan ang unang karanasan ko sa isang hagdanan?! Sa harapan ng magagandang sunflowers?!

Bumukas ang pinto kaya mabilis akong napahigang muli at umaktong mahimbing paring natutulog. Sobrang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Ramdam ko parin ang nanghahapdi kong gitna. Anong ginawa niya sa pagkababae ko?! Ba’t ganito parin kakirot?

Umalog ang aking kama. Namamawis ang aking noo, hindi alam kung ididilat ba ang mga mata o magpapanggap na tulog buong araw.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi, ang pagsabit niya sa iilang hibla ng aking buhok at isinabit iyon sa gilid ng aking tenga. Nanatili siyang tahimik, ramdam ang pagtitig sa akin ng matagal hanggang sa umalog muli ang kama. Narinig ko ang yapak ng kanyang paa paalis at ang pagkasara muli ng pinto. Mabilis kong naimulat ang aking mga mata at napahinga ng malalim. Kinakapos ako ng hininga dahil sa pagpipigil kanina. Iyong puso kong sobrang lakas ng pintig at sasabog na ata ano mang oras.

Napansin ko ang isang tray sa bedside table ko. Ganito ba talaga pag first timer? Nagiging alipin mo iyong lalake? Bumabait? Kaya ba ang bait ni Uno kahapon?! D-Dahil ito ang pinapahiwatig niya? Dapat na siguro akong madala pag mabait iyang animal na iyan. Baka sa susunod ay kahit nasa gulayan kami, uuguyin niya ako.

Hindi ko parin magawang itago ang pamumula ng aking pisngi sa tuwing naiisip ko iyon. Ang sakit kumilos! Napapangiwi ako sa tuwing humahakbang ako hanggang sa nasanay rin akong gumalaw. Iyong una ay napasalampak pa ako sa sahig. I’m still throbbing down there! Ano bang masarap dito? Para akong pinilayan at ginawang baldado pagkatapos.

Lumabas ako ng aking kwarto suot ang isang puting dress na may laces parin sa bawat gilid pero sa pagkakataong ito ay mas mataas na. Kulang nalang ay matakpan ang aking paa. Gusto kong balutin ang buo kong katawan maliban nga lang sa aking dalawang kamay. Pakiramdam ko kasi ay parang namarkahan ni Uno lahat ng katawan ko. Na pag hindi ko iyon itatago ay malalaman talaga ng lahat na di na ako…

Nadatnan ko sila sa lupain. Uno’s voice filled my ear. Nakikipagtawan siya sa mga trabahador na kanyang kausap. Nang dumako ang kanyang tingin dito sa veranda ay agad akong nag-iwas ng tingin. Bumaba ako kahit na nakikita ko sa gilid ng aking mata ang kanyang paghalf-jog para makarating agad dito. Iyong puso ko ay nagsisimula na namang mag-ingay na akala mo may sinasalihang karera kaya ganoon nalang ito kabilis.

“Hey, are you okay?” tanong ng animal na akala mo hindi niya ako niyugyog ng marahas kahapon! Tingin niya nagkaamnesia ako?!

Matalim ko siyang tiningnan. Gusto ko siyang sumbatan sa ginawa niya sa akin, sa pananakit ng katawan ko, sa gitna ko, pero nanatiling tikom ang aking bibig at tanging mga mata ko lamang ang nagsasalita para sa akin, ang pananatili nitong matalim.

Uno supressed his smile, trying to act cool. “Hmm, what is it? Ba’t ganyan ka makatitig?” Nagtaas siya ng kilay, nagpapakainosenteng animal.

“Wala.” Umirap ako, nilagpasan siya ngunit natigil rin dahil sa paglapat ng marahan niyang haplos sa aking siko.

“Stay inside the resthouse, Aly. Magpapautos nalang ako ng iba para gawin iyang trabaho mo,” he said, mukhang concern?

Nilingon ko ang mga mata niyang namumungay. He looks so soft now unlike these past few days. Iyong tipong pag binangga mo ay ikaw rin ang masasaktan. Masyado siyang marahas, ang kanyang galaw, ekspresyon, imahe. Pero ngayon…

“Just stay inside,” ulit niya nang mapansing pagtitig lang naman ang nagawa ko.

Pinilig ko ang aking ulo para maialis ang mga pinag-iisip ko roon at makaconcentrate kay Uno.

“Ako dapat ang gumagawa nito Uno. Trabaho ko ito. Babawiin ko sayo ang lupain, at ito ang kapalit.” Pagpapaalala ko sa kanya dahil mukhang nakalimutan niya.

He licked his lower lip, mukhang handang sumuko.

“Fine.” Umakyat ang tingin niya sa ulo ko, bumalik sa veranda. Nilingon ko ito at nakita siyang kinukuha iyong sombrero. Bumalik rin siya sa aking harapan, dala iyon.

“Wear this.” Isinuot niya iyon sa akin ng maingat. Nagawa pang hawiin ang iilang hibla ng buhok na nagiging sagabal sa mukha ko at isinabit iyon sa gilid ng aking tenga. Napanguso ako, kinakabahan dahil masyado na naman siyang mabait.

“May pinapahiwatig ba ang kabaitan mo?” Hindi ko na nakayanang itanong iyon.

Tumaas ang kanyang kilay, hindi napupunto ang tinutukoy ko.

“Kahapon, sobrang bait mo. Tapos…” Nagkatitigan kaming dalawa, nagsusukatan ng tingin. Namula ang aking pisngi nang napagtanto kong inuungkat ko sa kanya ang nangyari kahapon. Baka isipin niya ako lang itong nagbibigdeal! Eh kasi masakit ang katawan ko! Bigdeal talaga! Ayoko ng maulit iyon!

“Tapos?” He licked his lower lip, revealing his sweet smile.

“Tapos… niyugyog mo ako doon sa likod! Sa hagdan! Sa harap ng sunflowers!” Namumula kong sumbong. Nakakahiya talaga! Iyong dangal ko! I let him take me! At iyong masakit pa dito, sa hagdan talaga! Hindi sa malambot na kama! Sa kwarto niya! Hindi man lang gumawa ng paraan mabuksan iyong pintuan.

Humalakhak si Uno. Ang tanging pula lang sa kanyang mukha ay ang kanyang labi. Hindi siya pinapamulahan ng pisngi kagaya ko na hinihiling nalang na lamunin ako ng lupa.

“Sobrang nakakatawa ’no?” Inirapan ko siya, nilagpasan at nagtungo sa lupain lalo na’t pinagtitinginan na kami ng iilang trabahador dito. Malayo naman sila kaya alam kong hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin.

Humabol sa akin si Uno, ngayon ay kalebel ko na siya sa paglalakad. Nagiging makulit na naman! Mas gusto ko ata iyong sobrang suplado niya sa akin.

“Di mo nagustuhan?” he asked bluntly. Jusko, makakapatay ata ako! Ba’t niya pa tinatanong sa akin ang bagay na iyon?!

Nilingon ko siya, matalim na tiningnan ang mga matang nangingislap.

“Tigilan mo nga ako Uno. Hindi nakakatuwa.” galit kong sabi.

Ngumisi lamang siya, nagkibit balikat at tumahimik sa aking gilid ngunit hindi nabubura ang malisyosong ngiti. Gusto ko ng pumasok sa aking isipan at pagsisipain iyong nangyari kahapon para hindi ko na maalala pa, pero paano ko iyon maiiwasan kung nakikita ko araw araw itong lalakeng ito?

“That’s my birthday gift for you,” hirit niyang muli na ikinalaglag ng panga ko at ikinatigil sa paglalakad. Birthday gift?!

Pinaningkitan ko siya ng mata, hindi makapaniwala sa lumalabas sa bibig niya.

“Akala mo nagustuhan ko, hindi!”

He chuckled, like he caught me lying. “Really woman? You came hard-“Makakapatay talaga ako Uno!” putol ko sa kanya na mas ikinahalakhak niya. Pulang pula ang aking pisngi. Mas binilisan ko nalang ang aking paglalakad at agad nagsuot sa gulayan. Sobrang pasasalamat ko at hindi na siya sumunod pa. Napabuntong nalang ako ng hininga at sinimulan rin ang aking trabaho.

Naging busy rin naman si Uno. Tumutulong siya sa paghaharvest at paglalagay nito sa likod ng truck para ideliver ng trabahador. Tatlong truck ang naroroon at napupuno nila iyon.

Habang nasa veranda silang lahat, kumakain at nagkakatuwaan, nanatili naman ako sa loob ng kusina dala dala iyong dalawang pinya na kinuha ko kanina. Nasa mood akong gumawa ng pineapple jam. Magbenta rin kaya ako nito?

Napuno ng kantyawan sa labas. Ewan ko kung anong meron pero si Uno itong pinapaliguan nila ng kantyaw na kahit pati ito ay tumatawa narin.

“Nako Sir Uno, balita ko pumunta rito si Lhuella kahapon. Siya ba ang may gawa niyan sa’yo, Sir?” Narinig kong tanong sa kanya. Kumuha iyon ng atensyon ko. Gusto ko sana silang silipin kaso ayoko namang makiusyoso.

Hindi iyon sinagot ni Uno pero tumawa lamang. Ilang minuto silang ganoon hanggang sa bumalik rin sa trabaho. Doon ako natauhan. Parang isang pitik lamang at bumalik ang lahat sa akin.

“What are you doing?” Biglang sulpot ni Uno na kamuntik ko pang ikatalon sa gulat.

Nilingon ko siya, nakatopless na naman ito pero kapansin pansin iyong kalmot sa kanyang braso. Nanatili ang tingin ko roon. Iyan ba yung pinag-uusapan ng mga trabahador niya? Na akala nila ay si Lhuella ang may gawa niyan? Sa pagkakaalala ko, akin ang kalmot na iyan!

Kumurap-kurap ako, pilit iwinala sa aking utak ang pinag-iisip kahit na may namumuo ng pagkairita sa akin.

“Pineapple jam,” tipid kong sagot, itinuon ang tingin sa pinya kong binabalatan.

Lumapit lalo si Uno, kinuha sa akin ang hawak kong kutsilyo na hinayaan ko naman. Kahit ang pinya ay kinuha niya rin at sinimulan iyong balatan.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa braso niyang nagfe-flex dahil sa ginagawa niya. Kahit ang mga ugat ay lumalabas rin.

“Craving?” Makahulugan niyang tanong na ikinanguso ko.

“Gusto ko lang. Bakit ba?” Naiirita kong sagot.

Tiningnan ako ni Uno, kalmado ang ekspresyon pero ibinalik rin sa ginagawa. Tahimik ko siyang pinanood kahit na nag-iingay na naman ang puso ko. Ewan ko ba bakit nagwawala na naman ito.

“Magkano ba ang isang pinya?” tanong ko para patayin ang katahimikang nagpapailang sa akin.

“Why?”

“Kumuha ako ng dalawa. Babayaran nalang kita,” sabi ko na ikinakunot ng noo niya. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

“Hindi naman ako nagpapabayad, Aly. Besides, ikaw ang kakain.”

“Hindi naman iyan sa akin. Sa’yo yan.”

“Dalawa lang ito. Hindi ito ikakalugi ng lupain,” giit niya na ikinailing ko.

“Babayaran pa rin kita, baka sabihin mo abusado ako.”

He sighed. “You don’t have to. Hindi ko naman iyan iniisip.”

“Wala ng libre sa panahon ngayon,” dagdag ko.

“I’m willing to give this to you.” He said sincerely.

“Ayokong magkautang na loob sayo. ’Yun iyon Uno.” may diin kong sagot. “At iyong nangyari sa atin kahapon, kung akala mo ay may magbabago sa ating dalawa pwes mali ka. What we did is wrong!”

Para akong may nasabing nakakapaso sa naging reaksyon niya. Nag-iwas siya ng tingin.

“I’ll talk to her if I can tell you-”

“Hindi na iyon kailangan,” putol ko.

Hindi na siya umimik pa. Isinantabi niya iyong isa at binalatan rin ang isa. Naging tahimik na siya. Kahit ang kanyang mukha ay naging seryoso na rin. Nafrustrate ako lalo. Really, Aly? You’re willing to go low just for this love? Nasaan na ang matayog mong paninindigan? Nasaan na lahat ng pangaral ng Lola mo? Where did you put your brain?

Tanghaling tapat nang matapos kaming lahat. Dumeritso naman ako sa rancho. Nakapagpalit na ako ng damit. Isang rip jeans at puting croptop ang aking suot habang may nakataling flannel sa aking beywang. Gusto kong gamitin si Horsey para mamasyal ngayon. Ayokong manatili sa Resthouse kasama si Uno. Parang naiilang ako.

Iginiya ko palabas si Horsey. Nakita ko agad si Uno na palapit sa akin. Seryoso ang mukha at galit ang mga mata. Napatigil ako sa panghihila kay Horsey nang makarating siya sa harapan ko.

“Where do you think you’re going?” tanong niya, nakaigting ang panga.

“Mamamasyal,” tipid kong sagot, iniiwasan ang mga mata niyang walang kislap.

“Where?”

“Kahit saan. Malayo rito.”

Nagkasalubong ang kanyang kilay na kahit iyon ay galit rin. Nagiging marahas na naman ang kanyang ekspresyon.

“Sasamahan kita.” Deklara niya na ikinalaglag ng panga ko. Kaya ako aalis dahil ayoko siyang makasama tapos ngayon ay sasama pa siya? Nahihibang na ba talaga ang lalakeng ito?

“Gusto kong mamasyal mag-isa, Uno,” diin kong sabi.

“Sasama ako,” pilit niya.

Naningkit ang aking mga mata. Naiinis dahil pinapairal niya na naman ang kanyang kagustuhan. Walang pakialam sa desisyon ko.

“Mahirap bang intindihin na gusto kong mag-isa?”

“Mahirap rin bang intindihin na gusto kitang samahan?”

Nagliyab ang aking mga mata sa galit. Idagdag pa iyong hindi niya pagsagot kanina sa mga trabahador na hindi naman si Lhuella ang may gawa noon sa braso niya. Itinatago niya iyon! He cheated! Ginagawa niya akong kabit niya! At akala niya naman ay gusto ko rin iyong nangyari?

“Gusto kong mamasyal mag-isa dahil ayaw kitang kasama rito! Iyon ang gusto ko Uno! Kahit iyon ba, ipagkakait mo sa akin? Wala na ba akong kalayaan dito? Sa lupain lang ako may utang sa’yo! Pero palagi mo akong pinapangunahan sa mga desisyon ko! Just stop, please!”

Napasinghap siya, gulat sa binitiwan kong salita. Nang itinikom niyang muli ang kanyang labi ay kasabay rin ng pagdilim ng kanyang ekspresyon, ang pagtagis ng kanyang bagang.

“Do what you want,” galit niyang sabi at tinalikuran rin ako.

Naluluha ang aking mga mata nang sumampa ako kay Horsey. Sinipa ko agad ang gilid nito at sinimulang hilain ang tali para patakbuhin ito ng mabilis. Tumulo ang aking luha, nasasaktan sa maraming bagay. Nasasaktan dahil naisuko na ang sarili sa lalaking hindi naman sa akin. Sinuway ko na naman ang habilin ni Lola sa akin na ilalaan lamang ang sarili sa mapapangasawa. Nagpadala ako sa sarili kong pagnanasa. Nagpadala ako init ng katawan at hindi pinairal ang utak. Ngayon ay heto ang napala ko. Sakit sa katawan, sakit sa puso. Sakit sa gitna.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ni Horsey. Kung hindi ko lang nakita ang isang pamilyar na lalake ay hindi ako mapapahinto. Nasa bayan na pala ako.

“Aly,” tawag sa akin ni Calvin nang huminto ako sa kanyang harapan.

“Calvin,” sambit ko sa pangalan nito. Nakasuot ito ng itim na tshirt at isang short habang nakatsinelas lamang bilang sapin sa paa. Tapos naglalakad pa dito sa bayan. Sobrang simple niya lang pero nangingibabaw ang tindig niyang nakakaintimidating.

“Where are you going?” tanong niya, wala paring pinagbago sa ekspresyon. Nanatiling misteryoso ang kanyang mga mata.

“Uh,” Nagpalinga-linga ako, walang ediya kung saan talaga ang destinasyon.

“Namamasyal?” Hindi sigurado kong sagot na ikinataas ng kanyang kilay.

“You’re not even sure.” Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay. Sinuri akong mabuti na kahit ako ay nasuri rin ang aking sarili. Kinabahan ako bigla baka kasi may makita siya sa akin na makapagpasabing hindi na ako isang…

“May alam ka bang magandang puntahan?” tanong ko na ikinataas ng kilay niya. Napanguso ako.

“I don’t have a horse.” Kibit balikat niya.

Napatingin ako kay Horsey saka ibinalik sa kanya na nakatingin rin sa kabayo ko.

“Gusto mong sumakay?”

“If that’s okay with you…”

Napangiti ako. “Oo naman!” Umusog agad ako sa harapan. Walang hesitasyon namang sumampa si Calvin sa likuran. Kinuha sa magkabila kong kamay ang tali at para akong niyayakap sa likuran.

Sinimulan niyang patakbuhin ng katamtaman si Horsey. Wala akong ediya kung saan kami pupunta.

“Napapadalas ang pag-alis mo sa Resthouse. He’s letting you?” tanong ni Calvin

“Ba’t niya naman ako pakikialaman?” matabang kong sagot na hindi na pinagtuunan ng atensyon ni Calvin.

“Hindi na ba magbabago ang isip mo sa alok ko?” tanong niya.

“Hindi na, Calvin.”

“Tinanggihan mo na nga akong manligaw, pati rin ba ang pagtulong sa’yo? What a heartless young girl.”

Tiningala ko siya. Seryoso ang mukha pero hindi naman galit. Ganoon ba talaga ako kawalang puso?

“May puso kaya ako.” Halos ibulong ko nalang iyon, nakokonsensya sa pinagsasabi niya.

“May puso pero naibigay na sa iba.”

Chapter 42

Signs Of Love

Wrong

Bumaba kaming dalawa ni Calvin sa pinuntahan naming lugar. This place is familiar to me. Kahit mas rumami ang mga sunflower rito, mas naging magubat ang ilang parte, ang treehouse na nandito parin, alam kong ito ang lugar na pinuntahan namin ni Uno noon. Lugar kung saan may magaganda kaming alaala.

“Ba’t dito mo ako dinala?” tanong ko kay Calvin.

“Ayaw mo rito? ’Di ba mahilig ka sa bulaklak?”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napatango.

“Mahilig ka rin sa bulaklak?”

“Hindi masyado. Dinala kita rito dahil alam kong magugustuhan mo ang lugar na ito,” sagot niya, ibinulsa ang mga kamay at itinuon ang tingin sa harapan.

Hindi na ako nagsalita pa at tinitigan nalang ang mga sunflower. Ang bulaklak na may pinapaalala sakin. Iyong mga pinaggagawa ni Uno na nakakapanindig balahibo. Naririnig ko ang kanyang nakakalasing na boses sa aking tenga at may pinagbubulong na kung ano roon para mapasinghap ako. Para niya akong inoorasyunan ng kung ano ano kaya ganoon nalang ang epekto ng bawat salitang binibitawan niya.

Napalingon si Calvin sa akin, nagtataka sa kinikilos ko. Lalo na’t nadatnan niya pa akong umiiling.

“You okay?”

Tumango ako.

“M-May naisip lang.”

Tumaas ang kilay niya, tinitigan ako saka rin itinuon ang tingin sa mga bulaklak. Laking tuwa ko talaga at si Calvin ang klase ng tao na hindi masyadong pakialamero. Iyong maghihintay lamang siya na sasabihin niya sa’yo ang isang bagay.

Umupo siya sa damuhan na kinatatayuan niya. Tiningala niya ako, tinapik ng dalawang beses ang espasyong nasa tabi niya para doon ako paupuin. Umupo rin ako doon. Yakap ang binti at nakasandal ang baba sa gitna ng nakadikit kong tuhod. Masarap ang hampas ng preskong hangin. Nauuwi ang aking mga mata sa pagpikit at gusto nalang na matulog. Na halos makalimutan kong si Calvin pala ang aking kasama dahil iyong utak ko ay gumagawa na naman ng kanyang sariling imahinasyon at palaging si Uno ang paborito.

“Kung ako ba ang una mong nakilala at hindi si Uno, mababago kaya ang ikot ng mundo at sa akin ka mahuhulog?” biglaan niyang tanong.

Napadilat ako. Itinagilid ang ulo para makaharap siya habang hindi inaalis ang pagkakasandal doon. Perpektong nakadepina ang panga ni Calvin. Tan skin ito, biceps na bumabakat sa suot niya, mga ugat na makikita mo sa kanyang braso, ang pagiging makisig niya bilang isang lalake, mga katangiang hinahangad ng bawat kababaihan at nagawa kong ireject.

“Una kong nakilala si Uno pero hindi naman agad kami naging ganoon ka close. Nakita ko lang siya sa hacienda nila. Noong nakilala kita, hindi rin naman tayo close. Ang suplado mo kaya.”

Nilingon niya ako. Napatitig siya sa aking mukha. Nandiyan na naman iyong mga misteryoso niyang mga mata at walang kahit anong emosyon ang nababasa.

Akala ko ay may sasabihin siya. Pero habang tumatagal ay mas lalong lumalalim lamang ang kanyang paninitig sa akin. Na kahit ako, nakakaramdam na ng ilang. Kung hindi kami nakarinig ng yapak ng kabayo ay hindi kami mag-iiwas ng tingin sa isa’t isa.

Kapwa kami napalingon ni Calvin sa kabayong kararating lang. Napadilat ang mga mata ko sa gulat na kahit ang bibig ko ay napaawang nang makita ko si Uno, maharas ang pagkakababa sa kabayo at pinapantayan ang karahasang nakikita sa mukha niyang galit na galit.

Mabilis akong napatayo. Na kahit si Calvin ay tumayo rin ngunit kalmado lang naman.

Nasusunog ako sa nag-aalab na apoy gawa ng titig sa akin ni Uno. Ngayon lang ako kinabahan buong buhay ko na para bang nahuli niya ako sa isang kasalanang guilty ako. Na dapat wala akong ipangamba dahil wala namang kami pero iyong pawis na namumuo sa aking noo ay hindi ko na mapigilan. Natatakot na baka sumiklab siya sa galit, natatakot na baka kung ano ang gagawin niya.

Hinila ako ni Calvin kaya mas nadikit ako sa kanyang tabi. Nahulog ang tingin ni Uno sa kamay ni Calvin. Napangisi at nailing hanggang sa nasundan ng konting mapang-uyam na tawa. Na kahit ganoon ang emosyong pinapakita ay mas nangingibabaw ang galit na nakaguhit sa buong mukha.

“Handa kang makipagpatayan sa’kin, Calvin?” nakakalokong tanong ni Uno sa seryosong lalake na walang balak na bitiwan ang pulso ko.

“Uno!” Saway ko agad. Na sana ay mapigilan ko ang away sa pagitan ng dalawa.

“Take your hands off her.” Naging seryoso ang tingin ni Uno. Napalunok ako. Lalo na’t nagiging madilim na ang kanyang ekspresyon.

Napalingon ako kay Calvin, seryoso pero walang planong bumitaw.

“Cal…” tawag ko. Lumuwag ang kanyang pagkakahawak hanggang sa tuluyan niya akong binitiwan.

“Walang kompetisyon. Rerespetuhin ko ang desisyon mo ,Aly, pero kung sinaktan ka niya… makikipagpatayan ako,” seryoso niyang sabi na ikinalungkot ko. “Alis na ako.”

Tiningnan ko ang likod ni Calvin. Ni hindi nilingon si Uno. Kalmado siyang naglalakad habang umaalis at nakabulsa ang mga kamay. Sana, makita niya ang babaeng mamahalin rin siya. Alam ko namang may nakalaan rin sa kanya.

Pagkatapos kong tingnan si Calvin ay ibinalik ko agad ang tingin kay Uno. Matalim ang mga mata ko nang matagpuan ko ang kanya na hanggang ngayon ay malalim parin. Hindi humuhupa ang galit.

“Ano bang ginagawa mo rito, Uno?” tanong ko.

“Umuwi na tayo,” kalmado niyang sabi sa akin sa kabila ng galit sa kanyang mukha.

“Bakit ba sa halip na iyong pinsan ko ang pakialaman mo, bakit ako?” I fired back, mas galit kaysa sa pagiging kalmado niya.

“Aly, umuwi nalang tayo.”

Imbes na sagutin niya iyon, mas nakukuha niyang maging kalmado at hilingin sa akin ang isang bagay na ayoko pa.

“Ayokong umuwi!” Galit akong tumalikod, nagmartsa paalis.

“Sige, kung ’yan ang gusto mo. Dito muna tayo,” sabi niya, sinundan rin ako.

Mas binilisan ko ang aking paglalakad. Sa sobrang galit ay tumakbo ako para lang hindi kami magkaabutan. Nang makarating ako sa harap ng treehouse ay mabilis akong umakyat kaso laking gulat ko nalang nang pumulupot ang kanyang matigas na braso sa aking beywang at kinuha ako paalis doon.

Nagpumiglas ako. Pinagsasapak ang kanyang kamay sa aking tiyan.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako, Uno!” Pagpupumiglas ko dahil nadidikit na ako sa kanyang matigas na dibdib.

“Calm down…” Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Na kahit ang kanyang labi ay nararamdaman ko na sa kanyang tenga.

“I am not mad. Kampante ako, Aly. Oo galit ako dahil kasama mo si Calvin. Pero kampanteng kampante na ako.” His hand starts caressing my tummy. Napasinghap ako. Parang may kung anong kuryenteng nararamdaman.

“I-Ibaba mo ako.” Nangangapos ang aking hininga at hindi na magawang magpumiglas pa.

“Hmmm?” Ang pilyong si Uno, imbes na sundin ako ay umakyat pa ang kamay sa aking dibdib hanggang naramdaman ko ang nakakapaso niyang kamay roon, ekspertong gumagalaw at may ginagawang kababalaghan sa aking dibdib na nagpasinghap sa akin.

“Uno…” Napapikit ako. Gustong manlaban, gustong pigilan ang binabalak niya pero nauwi iyon sa aking pagtingala para maisandal ang aking ulo sa kanyang balikat at pagkapit sa kanyang braso.

This is wrong! Aly, igapos mo ang huwisyo mo sa’yo at huwag kang magpadala sa tukso! This is wrong!

“You like this, too. Don’t you?” bulong niya, walang tigil na minamasahe ang aking dibdib na nagpapatakas ng kung anong ungol sa aking bibig.

Ibinaba niya ako ng tuluyan. Nangangatog ang aking binti pero sinikap na tumayo. Hinawakan niya ang aking beywang at ipinaharap ako ng buo sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin. Pinapamulahan ng mukha dahil hindi ko man lang siya magawang pigilan.

“Hanggang kailan ka ba magmamatigas sa’kin?” tanong niya, namumungay na ang mga mata.

“Alam mo kung ano ang gusto ko, Uno.”

He chuckled. “Bitin ka?”

Matalim ko siyang tiningala. Mas humalakhak siya hanggang sa yumuko at pinatakan ng halik ang aking labi na nagpakurap sa akin. Nang dahil lang doon, hindi ko na alam kung paano siya titingnan ng may galit sa aking mga mata kung kahit iyon ay parang napapasunod niya sa kanya.

“Patience baby. We’re still talking,” masuyo niyang sabi na ikinalaglag ng panga ko.

“A-Ang lupain ang tinutukoy ko! Paano mo iyon nagawang bilhin kay Tita?! Iyon ang ikinakagalit ko sa’yo, Uno!” sigaw ko ng buong galit kahit na hindi iyon ang nangingibabaw sa akin ngayon.

Dumako ang kanyang kamay sa aking dibdib. Parang gumuguhit ng bilog roon. Sa kabila ng pagiging galit ko ay nakukuha niya akong molestyahin ng ganito! Isang animal na hindi ko naman maawat.

“Sa’yo na. Kung gusto mo. Basta, sa’kin ka.”

Nagkasalubong ang aking mga kilay. Gustong magalit pero nangingibabaw ang kakaibang sensasyon dahil sa ginagawa niya.

“Your nipples are hard, turn on?” Ngumisi siya.

Lumunok ako ng laway. “H-Hindi! Tigilan mo nga ako, Uno!”

“Uhuh…” Mas naging nakakaloko ang kanyang ngisi. Ang isang kamay ay lumapat sa aking pisngi, nanhahaplos habang ang isa ay patuloy parin sa pagiging sakim.

“Beg.” Utos niya. Inilapat ang labi sa aking labi at hinalikan ako ng marahan. Nagiging mabigat ang aking paghinga, tumataas baba ang balikat dahil sa binibigay niyang sensasyon sa akin.

Masyadong matamis ang halik ni Uno na halos ibyahe ako sa makamundong pagnanasa at nahuhulog sa sarili niyang bitag. “Beg… come on, Aly,” sabi niya, binubulong sa aking labi at hinahalikan ako ng nakakabitin.

Nawala sa utak ko ang pagtutol. Na dapat akong magmakaawa sa kanya para may mas matindi siyang gawin sa akin.

Nang hindi ako nagsalita ay mas naging mapangahas ang isa niyang kamay. Dahan dahan nang humahaplos pababa hanggang sa narinig ko nalang ang zipper kong binaba niya.

“Come on. Ano bang gusto mo?” Pinatakan niya ako ng halik sa gilid ng aking labi hanggang sa napadpad ito sa aking panga. Mga halik na nakakawala ng katinuan. Halik na hindi ko gustong tigilan niya.

“What is it, baby?” I let out a soft moan when I felt his hand on the fabric of my panty, slowly rubbing my inbetween, making me lost control.

“A-Animal ka…” Halinghing ko. Hindi na napigilan ang bibig.

He chuckled. “Oo naman. Alam mong kayang kaya kitang sakmalin sa kahit anong paraan Aly, kahit saan.”

Ang mapangahas na dila ni Uno ay naramdaman ko sa gilid ng aking tenga, hinahalikan niya ako roon. Ang isang kamay ay itinataas ang suot kong croptop at ang isang kamay ay nasa gitna ko, may kung anong ginagawang ritmo na nagpapabaliw sa akin.

Uno’s kisses travelled down on my neck, until he reached my peak, swirling his tongue on my hard nipple, making me whimper in so much pleasure.

“This is how wet you are to me.”

I can hear how wet I am down there. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, hindi magawang buksan ang mga mata dahil dalang dala na sa sitwasyon. Naramdaman ko nalang ang tuluyang pagbaba ng aking suot na pantalon. Kung paano niya inalis iyon at walang iniwan sa aking ibaba.

Wala akong maramdaman na hiya. Na baka may biglang mapadpad dito at makita kami. Mas pinapaibabaw ni Uno ang pagnanasa sa aking katawan. Na walang mali rito.

Iniwan niya ang aking dibdib at hinalikan ako ng mapusok. Mas malalim, mas nakakapugto ng hininga. Nakarinig ako ng zipper na bumaba pero masyado akong nawiwili sa kanyang dila na pinaglalaruan ang akin.

Inangat niya ang isa kong hita at walang ano-anoy itinulak ang kanyang sarili sa akin. Kapwa kami napahalinghing sa aming mga bibig, na kahit ako ay napaawang nalang.

Sinimulan niya akong uguyin. Dahan dahan, nambibitin.

Hinalikan niya akong muli, pero sa pagkakataong ito, pati iyon ay nambibitin. Na sa tuwing humahalik ako pabalik ay lumalayo siya, hahalikan akong muli, at lalayo na naman pag sinubukan kong gumanti. Sa sobrang inis ay ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at itinulak lalo ang sarili sa kanya na nagpakawala ng ungol sa kanyang labi. I started moving my hips, making my own rhythm, kissing him.

“Fuck, Aly.” He groaned and equalled my kisses.

“Panindigan mo ang pangbabaliw mo sakin, sagarin mo.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong bibig at may sarili naring utak.

Hindi ko na inisip ang posisyon namin. Nakatayo lamang kaming dalawa habang nakasandal ako sa puno, nakaangat ang isang binti at tinitira ni Uno. Sa pagiging ignorante ko, siya rin mismo ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na nagpapapusok sa akin.

Sa sobrang pagod, nakasandal nalang ako sa kanyang balikat at nakasara ang mga mata. Nakasakay kaming dalawa kay Horsey, iyong isang kabayo niya ay naiwan doon. Ipapakuha nalang sa kanyang trabahador.

“Aly?” tawag niya. Sa sobrang kahihiyan ko, hindi ko na magawang sumagot, ni ang buksan ang aking mga mata ay ayaw ko kahit na gabi na.

Ipinulupot niya nalang ang kanyang kamay sa aking tiyan, niyayakap ako at nagagawa pang isandal ang kanyang baba sa aking balikat.

“Are you still awake?” tanong niya, malambing ang boses.

“Tulog na,” sabi ko naman na ikinahalakhak niya.

“Okay. Uh, so you’re just sleep talking?”

“Oo.”

He chuckled again. “Okay. Tired?”

“Ba’t naman ako mapapagod? Tinira mo lang naman ako sa puno, nakatayo. Matatanggap ko sana iyong isang beses lang, pero yung pangatlong beses? Na halos gabihin tayo, tingin mo hindi nakakapagod?”

Malutong siyang humagalpak. Mas naging mahigpit ang pagyakap sa akin at nagawa pa akong halikan sa balikat.

“Tinira? That’s not the term Aly…”

“Ewan ko sa’yo. ’Yun na ’yon.”

Humalakhak siyang muli. Sabi ko na nga ba. Dapat noong galit na galit ako sa kanya kanina at kalmado lang naman siya, mabait, dapat nagduda na ako. Na iyon ang gagawin niya. Ang animal na ito masyadong mapanglinlang.

“Sa dami ng naging karanasan mo doon sa syudad, pati ba ang pagisisnungaling ng maayos ay hindi mo napag-aralan?” sabi niya na nagpasalubong ng aking kilay.

Iminulat ko ang aking mga mata. Nasa gilid ko ang kanyang mukha. Para itong kampante sa isang bagay kaya ganito nalang siya kakalmado.

“Ha?”

“Ikwento mo nga ulit sa akin iyong mga naging karanasan mo sa mga naging boyfriend mo doon sa syudad?” tanong niya, tiningnan narin ako.

Napalunok ako ng laway, nag-iwas ng tingin at isinarang muli ang mga mata.

“Ah, ’yung mga naging boyfriend ko? Okay lang naman sila. Magaling. Okay lang… Uh, marunong naman.”

Natawa siya na ikinakunot ng noo ko. Anong nakakatawa roon?

“Really?”

“Oo naman!”

“Hmm, kwento ka pa.” Naaaliw niyang sabi.

Napanguso ako. Ano pa ba ang dapat kong ikwento sa kanya eh puro lang naman iyon gawa gawa. Bakit niya gustong malaman?

“Tsismoso ka.”

“I just want to know,” malambing niyang sabi.

“’Yun na lahat. Parehas lang naman ’yon. Pinapasok.” Walang preno kong sabi, pinapamulahan ng mukha dahil sa pagsisinungaling.

Uno’s laugh echoed my ears. Malutong iyon at tuwang tuwa. Ewan ko diyan.

Pagdating sa Resthouse ay derideritso ang pasok ko. Handa na akong pumasok sa aking kwarto kung hindi lang talaga sinapian ang animal na si Uno at hinawakan ako sa braso. Nilingon ko ito.

“Let’s have dinner first, Aly.” Alok niya.

“Bait mo ah?” Sita ko na ikinataas ng kilay niya.

“Hindi naman pwedeng matulog ka tapos walang laman ang tiyan mo,” aniya.

Pinihit ko ang doorknob. “Pagod ako. ’Tsaka busog. Good night.” Nginitian ko siya ng tipid at pumasok sa aking kwarto.

Buong akala ko ay tatantanan na ako ni Uno. Kakapalit ko pa lang ng pantulog at kakatapos maghilamos nang kumatok siya. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang imahe niyang may dalang tray.

“Dinalhan na kita. You can eat inside your room.”

Napabusangot ang mukha ko. Sobrang bait! Natatakot na talaga ako pag ganyan na siya umasta. Pakiramdam ko kahit maglakad lang ako rito sa Resthouse ay bigla niya nalang akong titirahin sa aking likod! Jusko naman, Uno!

Sandali ko siyang tinitigan, nagdadalawang isip tanggapin iyong tray dahil baka bukas pagkagising ko ay kailangan ko na ng donation dahil lanta na yung pagkababae ko.

He sighed. “Just eat. Libre ito. Ayokong magkasakit ka.” Nag-aalala niyang sabi sa akin.

“Libre? Walang kapalit?” Paninigurado ko.

“Wala.”

“Talaga?” Tumango siya.

Kinuha ko iyon na ikinakurba ng kanyang labi. Pinasalamatan ko ito saka ko rin isinara ang pinto. Natatakot na baka maisipan niyang pumasok at masapian na naman ng kung anong animal.

Dahan dahan akong napasubo, malalim na ang pag-iisip. This is very wrong, Alyssa. Wake up!

Chapter 43

Signs Of Love

Mababang Posisyon

Nagising ako sa isang umaga na ngiting ngiti na si Uno at may hawak na isang invitation. Nang mapansin niya ang presensya kong kakalabas lamang ng aking kwarto ay mas lalong tumamis ang kanyang ngiti.

“Morning.” Bati niya na ikinatango ko, namumula ang mukha at hindi makabati sa kanya pabalik dahil hindi mawala sa aking utak iyong kahihiyan ko sa puno.

Ibinalik niya ang tingin sa hawak na invitation saka ulit ako binalingan. Itinaas niya iyon para ipakita sa akin kahit kanina ko pa iyon napapansin.

“I got an invitation. A wedding invitation.” He declared with an amusement on his face.

“Talaga?” Namamangha ko ring tanong.

“Yup. Ikakasal na ang kapatid kong si Dos. He’s inviting us.”

Dos? Iyong pangalawa? Iyong bunso sa kanila, may asawa narin ba iyon?

Hindi ako makaimik dahil alam kong katulad ng kapatid niya, kasal narin siya. Anong klaseng kasal kaya ang sa kanila ng pinsan ko? Kailan?

Napakurap ako nang unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi, naninimbang na naman ang tingin sa akin.

“U-Uh, ba’t ako ang iimbitahan mo? Di mo isasama ang pinsan ko?” tanong ko, nag-iiwas ng tingin sa kanya.

“Ikaw ang inimbitahan. Dad wants to see you again,” sabi niya, nameywang na.

Mabilis ko siyang nilingon, napangiti ako ng malapad nang mabanggit niya ang lalakeng nagmulat sa akin sa pagiging praktikal. Si Don Israel!

“Talaga?!”

Tumango siya, magkasalubong ang kilay. Nawala sa aking utak ang katotohanang dapat si Lhuella ang kasama niya at hindi ako dahil lamang doon. Ilang taon ko narin kasi siyang hindi nakikita.

At isa pa, magdadalawang buwan narin akong nandito pero nakakapagtaka kung ba’t hindi na tumatawag si Addi sa akin. Alam ko namang busy siya. Pero nakakapagtaka lang dahil pagkatapos niya akong tawagan noong unang dating ko rito ay iyon na ang panghuli. Okay lang kaya ang babaeng iyon? Pupuntahan ko nalang rin siguro siya pagkatapos ng kasal na pupuntahan namin. Sosorpresahin ko siya!

Tirik na tirik ang araw nang biglang sumulpot ang pinsan ko sa Resthouse. Kulang kulang na naman ang tela at halos ipagmalaki ang dibdib niyang kulang nalang ay iyong nipple nalang ang takpan. She’s exposing her cleavage too much. Na kahit ang mga trabahador rito ay halos mabali ang mga leeg kakatingin sa kanya. They’re drooling. Pero para sa akin, ito na siguro ang pinakanakakadiring imahe na nakita ko sa araw na ito.

“Couz!” Kumaway kaway sa akin si Lhuella, tumakbo pa siya kaya halos tumalbog talbog rin ang kanyang malulusog na dibdib. Sinasadya niya ba iyan para mas malantad ang dibdib niya at bumaba iyong tube na suot niya?

Hindi ako umimik. Walang ekspresyon sa aking mukha habang pinapanood ang pinsan kong tuwang tuwang puntahan ako na akala mo sobrang close naming dalawa. Oo nga pala, sa pagkakaalam ko, nasa likod ko lang si Uno. Pasimple ko siyang nilingon, nakita ko itong nakatitig sa… teka, nakatingin ba siya sa pwet ko?

“Couz!” Niyakap ako ng mahigpit ni Lhuella. Sa sobrang higpit ay halos itulak ko na siya palayo sa akin.

“Namiss kasi kita.” Tumawa siya ng malutong. “Iyong punta ko kasi rito, hindi tayo masyadong nagkausap!”

Hindi ko magawang ngitian ang pinsan ko. Na kahit ang magsalita ay hindi ko kaya. Lasang lasa ko ang ampalaya sa buo kong sistema. Kasingpait ng nararamdaman ko ngayon.

Nang hindi siya nakakuha ng sagot sa akin ay lumipat ang pares ng kanyang mga mata sa aking likod. Iniwan niya ako at pumunta roon.

“Uno!” Excited nitong tawag na kahit ang aking leeg ay gumalaw narin matingnan lamang sila.

Nagkasalubong ang kilay ni Uno, parang may ikinakagalit ngunit kalmado lang naman. He looks… concern?

“What are you doing here, Lhuella? Hindi makakabuti sayo ang pagpunta rito,” aniya sa medyo matigas na boses.

“Eh kasi gusto kitang makita!” Ngumuso ang aking pinsan kasabay ng pagsisipolan ng mga trabahador na kaedad ko lamang, kinakantyaw ang dalawa.

Napatingin sa akin si Uno, nag-iwas agad ako at ibinalik nalang ang tingin sa hawak kong folder. Gusto ko nang ituon ang buo kong atensyon sa aking ginagawa ngunit mas naagaw ang atensyon ko sa pakikinig sa dalawa.

“Hindi pa ako naglalunch,” malambing na sabi ni Lhuella.

“You stubborn girl. Gusto mo ba talagang magkasakit?”

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag-iling ng aking pinsan, nakanguso parin.

Bumaling muli si Uno sa akin. Nagpanggap akong walang napapansin at pasimpleng nagsulat ng kung ano sa folder.

“Aly.” Tawag nito sa akin. Nilingon ko si Uno, ngumiti. “Hmm?” Malambing kong sagot na ipinagsalubong ng kilay ni Lhuella, ngayon ay bakas na ang gumuguhit na pagkairita roon dahil sa inaasta ko.

“Come with us. Kumain ka na rin. Sabayan mo anf pinsan mo,” sabi niya, hindi maalis ang pares ng mata sa akin at tila may pinapahiwatig.

“Sige!” Ngumiti ako lalo na ikinabusangot niya.

Siguro nga ay oras na para kausapin ko siya. Kung iyon ang gusto ni Uno at para mas malinawan ako at mapalaya ang sarili ko sa guilt ay kailangan ko siyang makausap ng masinsinan. Wala akong alam sa mga nangyayari rito at sigurado akong si Lhuella ang makakasagot ng lahat ng iyon.

“Sa akin couz hindi ka ngumingiti,” reklamo niya, halatang nagpapaawa.

“Hindi tayo magkauri Lhuella. Kilala mo ako, hindi ako magaling mamplastik ng tao,” sabi ko na mas ikinairita ng kanyang mukha.

“Enough, Aly,” saway ni Uno, pinagtatanggol ang aking pinsan.

Nauna akong pumasok sa Resthouse dala ng namumuong galit sa aking pinsan. Oo alam kong matagal na ang pangyayaring iyon, na dapat ay hindi ako magtanim ng sama ng loob dahil pinsan ko siya. Pero hindi ako makontento hangga’t hindi ko nakikita sa kanyang mukha ang pagsisisi. Ni paghingi sa akin ng tawad ay hindi niya magawa! Puro kaplastikan lahat.

Pagpasok ng dalawa sa kusina ay nakaupo na ako, may pagkain na sa aking plato at nagsasalin na ng tubig sa aking baso. Kung sakaling magmaldita si Lhuella ay handa akong sabuyan ito ng isang pitsel na tubig.

“Gusto ko talagang mamasyal doon e, samahan mo ako please…” Pumulupot ang kamay niya sa braso ni Uno, niyuyugyog ito para pumayag sa hiling niya.

“Busy ako rito, Lhuella.”

Busy? Eh may panahon ka ngang yugyugin ako! Ba’t hindi mo sabihin iyon sa pinsan mo? Bigla akong may napagtanto. Wala rin akong singsing na nakita sa kamay ni Lhuella. Nagpakasal ba talaga sila?

“Edi pagkatapos ng trabaho mo. I can wait…” Nagmamakaawa ang boses ng pinsan ko. Parang nanglilimos ng oras sa asawa niyang may kinaaabalahang ibang bagay.

Uno sighed. “Okay. I’ll try.”

“Okay! Aasahan ko yan!” My cousin giggled sweetly.

Kung hindi ko lang marahas na pinatulog ang kubyertos ko para sumubo ay hindi matatapos ang dalawa sa paglalampungan. Binakante ni Lhuella ang upuan sa gilid ko. Si Uno naman ay pinagsilbihan ito. Nagawa pang lagyan ng pagkain ang plato ng pinsan kong parang isang asong nakangisi.

“May gagawin pa ako. May hinahabol kami na deadline ngayon, Lhuella, dito nalang kayo ni Aly.”

“Okay,” marahan niyang sabi.

Hindi ko magawang tingnan si Uno nang bumaling ito sa akin. Marahas ko lang na naisubo sa aking bibig ang kubyertos at halos durugin ang malambot na kanin sa loob. Paano niya ito nagagawa? Ano ba talagang gustong mangyari ni Uno sa aming dalawa?

Umalis rin naman ito, iniwan kaming dalawa. Ang nakangiting mukha ni Lhuella, ngayon ay naging blangko na, madilim ang ekspresyon.

“Ba’t ka pa bumalik?” panimula niya at mabilis agad nag-iba ang ekspresyon.

“Iniwan mo siya, Aly. Tapos ngayon, babalik-balik ka kung saan maayos na ang lahat?” Mariin niya akong tiningnan.

Padarag kong nabitiwan ang magkabilang kubyertos na hawak ko. Nilingon ko siya, halos pantayan ang talim ng mga matang ibinibigay sa akin.

“Bakit? Natatakot kang maagawan? Natatakot kang baka kunin ko sa’yo ang inagaw mo?”

Nalaglag ang kanyang panga, namutla pero mas humigit ang galit sa mga matang mas tumalim ang pagkakatitig sa akin.

“How dare you…” sambit niya. “Anong pinagmamalaki mo, Aly? Itong lupain? Si Uno na nagtatrabaho rito?”

Nanggigil ako sa kanyang sinabi. Itong lupain na inagaw nila at inipit si Uno para bilhin ito at pakasalan siya! Kung hindi dahil sa kanya, siguro ay naiwasan ang nangyari kay Lola!

Pilit akong kumalma, itinatak sa isipan na kailangan ko siyang kausapin ng matino.

“Lupain ito ni Lola, Lhuella. At ipinaglalaban ko lang ang alam kong akin naman.”

Wala nang bahid na liwanag sa kanyang mukha. Ngayon ay kinakain na ng dilim dala ng kanyang galit, ang namumuong luha sa kanyang mga mata na hindi niya hinahayaang traydorin siya.

“Lupain lang ba talaga ang ibinalik mo rito?” May hinala niyang tanong

“Oo. Bakit? Takot ka bang balikan ko rin ang alam mong pagmamay-ari ko?” matabang kong tanong na ikinaputla niya lalo, dismayado ang mukha.

“Alam kong masakit kang magsalita, Aly, pero alam kong hindi mo kayang gumanti. Hindi mo kayang manakit ng kapwa mo. Can you just please move-on? Hindi na tayo mga bata,” she said firmly.

Gusto kong matawa ng mapait. Ba’t noon hindi niya iyan naisip?

“Masasayang ang pinag-aralan ko sa syudad kung papatulan kita. Pero hindi ako katulad mong nakakayang magpanggap sa harapan ni Uno. Hanggang ngayon, Lhuella, galit parin ako sa’yo. Hinusgahan mo ako noon. Sarili mong pinsan, nakaya mong saktan. Ngayon hihilingin mo sa aking magmove-on nalang? Bakit? Takot kang gumanti ako? Dahil alam mong walang maiiwan sa’yo?” galit kong sabi.

Hindi nawawala ang takot sa kanyang mga mata kahit na pinapanatili niyang galit ang kanyang mukha. Na alam niyang hindi ko naman iyon kaya dahil hindi ako kasingsama niya pero natatakot parin siya.

“Oo balak kong gumanti, pero katulad ng sinabi mo, hindi na tayo mga bata. At ayoko ring makasira ng pamilya. Buntis ka diba?” tanong ko na ikinagulat niya. Kung kanina ay namumutla siya, mas naging kulay papel ang kanyang mukha.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang tiyan. Ilang buwan na ba iyan? O baka ay linggo palang? Pero magdadalawang-buwan na ako rito. Kailan siya binuntis ni Uno kung ganoon?

“Buntis ka ba talaga? O baka naman isa lang ’yan sa pagpapanggap mo para hindi ka iwan ni Uno?”

Tumaas-baba ang kanyang balikat. Parang nasagad ko ang pasensya nito dahilan para maging ganyan karahas ang kanyang ekspresyon.

“S-Sinong may sabi sa’yong buntis ako?” Nanginginig ang kanyang labi, may namumuong takot sa kanyang mukha.

“Kalat iyon sa bayan na nabuntis ka ni Uno. Baka nga ikaw rin ang nagpakalat. ’Di ba gawain mo iyon?” Matabang kong sabi na ikinatayo niya. Takot na takot ang kanyang mukha at hindi ko alam kung bakit. Natatakot siyang malaman ko?

“Huwag mo nang sirain ang buhay ko, Aly!” Nanginginig ang labi niya nang isigaw niya iyon sa akin.

“Ikaw ang unang sumira ng buhay ko, Lhuella! Baka nakakalimutan mo! Ikaw itong hinadlangan ako sa kasiyahan ko noon!” sumbat ko, tumayo rin para mapantayan siya.

Humagulhol siya ng iyak, yakap ang sarili niyang tiyan. Na parang may pinoprotektahan siyang napakahalagang bagay roon. Mas bumuhos ang kanyang mga luha at umiyak ng husto. Ganito siya kagaling magdrama na kahit ang kasinungalingan ay halos nagiging katotohanan na.

“Bubuo kami ng masayang pamilya ni Uno! Huwag kanang humadlang!”

Nanubig na rin ang aking mga mata. Hinila ko ang kanyang kamay na ikinagulat niya. Tiningnan ko ang bawat daliri para makasigurado kung may singsing ba roon ngunit wala. Binawi niya ang kamay habang namumutla, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

“Hindi kayo ikinasal ni Uno,” pinal kong sabi na ikinalaki ng kanyang mga mata.

Tiningnan ko ang kanyang tiyan. Sa sobra niyang kapayatan, masasabi ko agad na walang laman iyon lalo na’t sobra ring flat. Naging sigurado agad ako sa aking hinala.

“Hindi ka buntis,” mariin kong sabi na ikinanginig niya, umiiling at nanginginig habang hindi makatingin ng deritso sa akin.

“Ngayon, Lhuella. Sino ang mas desperada sa ating dalawa? Iyong babaeng sinasabihan mong ginagamit si Uno dahil mayaman ito, o iyong babaeng inaangking nabuntis ni Uno kahit hindi naman pala totoo?”

Bumuhos lalo ang kanyang luha. Walang isang sigundo ay tumagilid na ang aking mukha dahil sa kanyang malakas na sampal. Nakakabingi ang kanyang iyak na naging dahilan kung bakit may nagmamadaling yabag ng mga paa akong narinig na patungo rito.

“Anong karapatan mo para sabihing nagpapanggap ako?!” Inabot niya ang aking braso pero bago niya pa ako masaktan ay may umawat na sa kanya.

“Lhuella,” matigas ang boses ni Uno.

Mas humagulhol ang pinsan ko. “Pinaparatangan ng babaeng iyan na hindi ako buntis, Uno! Y-Yung baby ko! N-Nasa loob siya ng tiyan ko! M-Mahal ko siya!” Tumaas-baba ang balikat ni Lhuella, hindi maawat sa pag-iyak.

Sa hindi ko malamang kadahilanan ay naiyak na rin ako. Nararamdaman ko ang paghihinagpis niya. Kung gaano niya kamahal ang batang nagkakabuhay sa loob ng kanyang tiyan.

“Calm down, Lhuella.” Hinawakan ni Uno ang pisngi niya, hinuhuli ang mga mata nitong nanlalabo na dahil sa iyak.

“Ang walanghiyang babaeng y-yan! B-Bumalik siya rito p-para gantihan ako! T-Tayo! At ngayon… iyong baby ko ang pinupuntirya niya, Uno! T-Tinatanong niya k-kung buntis ba raw ako!” Tinuro ako ni Lhuella, napaatras ako, gustong umiling at itanggi ang binibintang ni Lhuella ngunit hindi ko magawa dahil sa galit na nakita ko sa mga mata ni Uno.

“Lupain lang ang habol niya!” dagdag ng pinsan ko, yakap yakap ng isang kamay ang kanyang tiyan habang ang isa ay nakakapit sa braso ni Uno para doon kumuha ng lakas.

“She’s pregnant, Aly. Your cousin is pregnant,” diing sabi ni Uno, madilim ang ekspresyon.

Iginigiit kong hindi buntis si Lhuella dahil ayokong manira ng pamilyang may bata nang madadamay! Na baka mali lahat ng aking iniisip. Ngunit ngayon na talagang naisampal na sa akin ang totoo, nakokonsensya ako dahil hinayaan kong mahulog ako sa kapusukan ni Uno, sa kapusukan ko. Kaya ba ng konsensya kong agawan ng ama ang isang bata?

Titig na titig si Uno sa mga mata kong umiiyak na. Hinihintay nitong may sasabihin ako, pero bago ko pa mabuksan ang aking bibig ay natakpan na iyon ng boses ni Lhuella.

Yumakap siya sa baywang ni Uno, ibinaon ang mukha sa dibdib nito. “Y-Yung baby ko, Uno…”

Naibaling niya ang tingin sa pinsan ko. Hinaplos ng paulit-ulit ang likod nito para pakalmahin at patahanin.

“I’ll take you home now, Lhuella. Sinabi ko na sa’yong hindi makakabuti sa kalagayan mo ang pagpunta rito,” nag-aalalang sabi ni Uno sa pinsan ko. Malayong malayo sa pagbigkas niya ng mga salitang ibinato sa akin kanina.

Tumakbo ako pabalik sa aking kwarto. Hindi ko na alam kung paano iririhestro ang lahat sa utak ko. Buntis nga ang aking pinsan at nakumpirma ko iyon mismo sa bibig ni Uno. Ang tanga tanga mo rin talaga Aly! Ang tanga tanga mo!

Umalis silang dalawa kaya inabala ko ang aking sarili sa pagliligpit ng aking mga gamit. Hila hila ko ang aking bagahe nang lumabas ako sa Resthouse, namumugto ang mga mata dahil sa pag-iyak. Na kahit ang mga trabahador ay napatingin sa akin.

Kinuha ko si Horsey sa rancho. Itinali ko sa kanyang likod ang aking bagahe at nag-akmang sumampa rin nang mapagtanto kong baka mabigatan siya lalo kaya hinila ko nalang ang tali nito at iginiya siya sa paglalakad. Marami ang napatingin sa akin. Lahat sila ay natigil sa pagtatrabaho para lang panoorin ako. Nag-aalala ang mga mukha nito at nagtataka kung bakit ako umiiyak.

“Ma’am Aly? Saan po kayo pupunta?”

“Uuwi na ako. S-Sabihin niyo riyan sa amo niyo na lumayas ako! Huwag niya akong susundan! Uuwi ako sa bahay ni Lola!” Hinila kong muli ang tali ni Horsey at nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit ayaw nilang umalis ako ay hindi ako nagpapigil. Hindi ko na kayang manatili sa loob ng Resthouse pagkatapos ng lahat ng ito!

Pakiramdam ko ay ang dumi dumi kong babae. Ito ba ang gustong ipamukha ni Uno sa akin kaya gusto niya akong makipag-usap sa pinsan ko ng masinsininan? Ano pang kailangang linawin dito? Paano niya nakayang hilain ako sa tukso? P-Paano ko nalunok na ilagay ang sarili ko sa ganito ka nakakadiri at mababang posisyon?

Si Uno lamang ang pinangarap kong lalake buong buhay ko pero hindi ko kayang lunukin na mapunta sa isang sitwasyon na magmumukha akong mababang uri ng isang babae para lamang sa pag-ibig na hindi naman para sa akin! Kung talagang mahal niya ang aking pinsan, kung talagang may anak silang dalawa, kung totoo mang kasal sila, bakit… bakit nasikmura niyang gawin iyon sa akin? Ganoon na ba kaliit ang tingin niya sa akin? Ganito ba ako ka liit sa paningin nilang lahat na kayang kaya kong magpakababa alang alang lamang sa isang lalake?

Chapter 44

Signs Of Love

Mas

Masarap

Papalubog na ang araw at heto parin ako sa daan, hinihila ang tali ni horsey habang binabaybay ang pamilyar na daan pauwi. Gaga ka rin talaga Aly! Bakit ka ba nagpapaapekto sa dalawang iyon?! Baka sabihin ni Uno sa’yo na masyado kanang nababaliw sa kanya. Halatang pinaglalaruan ka tapos siniseryoso mo naman!

Pinunasan ko ang luhang tumulo na naman sa aking pisngi. Simula noong dumating ako rito hindi ko pa napupuntahan ang munting bahay ni Lola. Ano na kaya ang hitsura noon? Siguro ay napuno na iyon ng alikabok.

Nasa gitna pa ako ng pag-iisip sa dadatnan kong bahay nang makarinig ako ng mabilis na yapak ng kabayo. Before I knew, Uno maneuvered his horse infront of me, blocking my way. Ganoon ako kalutang na napatitig muna ako sa kanya bago sumagi sa aking utak ang kabuuan niyang imahe.

Matalim ko siyang tiningnan ngunit hindi mapanindigan ng buo ang galit na gusto kong ilabas dahil mas gusto kong ipamukha sa kanya na wala lang iyon sa akin. Na hindi niya iyon kailangan lagyan ng ibang dahilan!

Bumaba siya sa kanyang kabayo sanhi para gumawa ng ingay sa sahig ang suot niyang boots. He towered my small frame, making me realize how petite I am. Na ang makisig na lalaking ito ang una kong karanasan sa lahat ng bagay.

Nang hindi ko na siya kayang tingalain ay ibinaba ko ang aking tingin, hindi alam kung saan itutuon ang buong atensyon. I really want to get mad! Gustong gusto ko siyang itaboy at pauwiin nalang doon sa asawa niya pero ayoko namang lagyan niya iyon ng kahulugan. I won’t give him the satisfaction to label this as jealousy!

““You left,” marahan niyang sabi, namumungay ang mga matang akala mo ay isang bituin ang tinitingnan.

“Pinasyal ko lang si Horsey,” matabang kong sabi.

“With your things?”

Tiningnan ko siya ng mariin, bakas parin sa aking mga mata ang pag-iyak ko ng lubusan kanina at alam kong nakikita niya iyon doon ngayon. Still, he remained calm, na ako lang ang nagbibigdeal ng lahat dito! Na hindi dapat ako umalis dahil isa ako sa nagtatrabaho sa lupain!

“Hindi ba malinaw sa’yo na ayoko nang tumira sa Resthouse na iyon, Uno?” paglilinaw ko sa nagtatagis na bagang. Bakit ko ba minahal ang lalakeng ito?

Hindi iniwan ng kanyang mga mata ang akin. Para siyang nakatingin sa isang mamahaling bagay at gusto niyang sa kanya lamang. Na walang makakabili nito dahil namarkahan niya na iyong kanya.

Uno sighed. Hindi nawawala ang kalmadong ekspresyon sa mukha. Hindi pinapantayan ang aking galit. Siya ito noon. Iyong Uno na hindi agad nagagalit. Iyong Uno na pagbibigyan nalang ako para matapos na iyong away. Sinusunod lahat ng aking kapritso, lahat ng makakapagpasaya sa akin. Bumabalik ba siya sa dati o ako lang talaga ang nagbago? Ewan ko.

Kinuha niya ang tali ni Horsey sa akin. Inagaw ko agad iyon. Nakakalimutang pati ang kabayo ko ay inangkin niya narin pala.

“I’ll take you home, okay?” he said calmly, assuring me.

“Kaya kong umuwi mag-isa!”

He sighed again. “My horse is with you Aly.”

Naningkit ang aking mata. Iyong kabayo talaga ang inaalala niya! Malamang Aly, kauri niya e. Alam mo namang animal iyan.

Nakagat ko ang aking labi, hindi nakakayang tingnan ang mukha niyang nasisinagan na ng sinag ng kulay ng langit na mas pinapatingkad ang hitsura niya. This guy is just too perfect, Aly. Paano mo nakayang mangarap ng ganito kataas? Hindi mapapasayo ang ganitong lalake.

“Hahayaan kitang hiramin siya pero ibalik mo rin sa’kin. Lahat ng pagmamay-ari ko, babawiin at babawiin ko. Sa kahit anong paraan, Aly,” aniya pero alam mong may pinupunto at seryoso.

I can’t equal Uno’s deep eyes burying into mine. Masyado iyong malalim at nahuhulog na naman ako sa pagiging misteryoso ng mga mata niya. Imbes na umangal, tikom ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Wala akong nagawa kundi hayaan nalang ito.

“Sumakay ka sa kabayo ko.” Utos niya, nag-ambang hawakan ako sa aking baywang para tulungan akong sumampa nang mabilis kong hinawi ang kanyang kamay. Gumuhit ang gulat sa kanyang mukha. Hindi inaasahan ang ginawa ko.

“Kaya kong sumampa,” diin ko, matalim siyang tiningnan saka rin ibinaling ang buong atensyon sa kabayo niya para sumakay doon. Ang mga mata niya lamang ang nagsisilbi kong gabay, hindi kumukurap na baka may mangyari sa akin at mabilis siyang makaalalay.

Lumapit siya sa akin, nag-akmang sumampa sa aking likod kaya mabilis kong sinipa ang kabayo para makaabante agad ito.

“What the fuck, Alyssa?” Uno cursed harshly. Sa sobrang lutong ay nakaramdam ako ng takot pero hindi na iyon pinahalata pa. Gusto kong panindigan ang desisyon kong huwag masyadong dumikit sa kanya, huwag masyadong malapit.

Nilingon ko ito, medyo iritado ang kanyang mukha, nasa batok ang isang kamay habang ang isa ay nakapameywang, halatang nagtitimpi.

“Kawawa ang kabayo pag tayong dalawa ang sumakay,” rason ko, kahit nonsense.

Nailing siya, nabasa ang pang-ibabang labi at pumunta kay horsey.

“Huwag mo ring sasakyan si Horsey! Mabigat na ’yang bagahe ko!” Reklamo ko ulit na dahan dahan niyang ikinalingon sakin, hindi makapaniwala sa pag-iinarte ko. Napanguso ako, dahan dahang itinuon ang tingin sa harapan.

Isang mahabang buntong hininga ni Uno ang muli kong narinig. Sinimulan kong palakarin ang kabayo habang humahabol naman si Horsey na naglalakad rin, si Uno na naglalakad at hawak hawak ang tali ng kabayo. Gusto kong humagalpak ng tawa lalo na sa mukha niyang hindi mailarawan pero mas pinanindigan ko ang emosyong galit, kahit halatang pilit iyon.

Kapwa kami tahimik, tanging yabag lamang ng mga kabayo ang naririnig. Na kahit ako, gustong gumawa ng ingay, gustong magtaray, gustong magpapansin sa kanya pero iyong mga salitang hinahanap ko sa aking loob ay hindi ko mahagilap.

Pasimple kong binagalan lalo ang paglalakad ng kabayo para makita ito sa gilid ng aking mga mata. Kalmado lamang ang kanyang mukha, hindi naman galit pero hindi ako makontento. Naiinis ako dahil tahimik siya. Naiinis ako dahil pakiramdam ko, ako lang ang nagagalit rito. Wala talaga itong pakialam. Edi wala! Mas wala akong pakialam!

Sa sobrang rami ng pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na hila hila niya narin pala ang kabayo, siya na mismo ang gumigiya nito sa paglalakad habang si Horsey ay nakasunod nalang. Nasa tabi ko na si Uno, parang isang prinsepeng pinagsisilbihan ang prinsesang nakasakay sa kanyang kabayo.

Hindi halos marehistro sa aking utak na mali na pala ang dinadaanan namin. Gusto kong pumalag pero nang maaninag ko ang pamilyar na malaking bahay, napagtantong doon ang destinasyon namin ay natutop ang aking bibig. Kumusta na ang hacienda nila? Doon rin ba tumitira si Lhuella? Doon ba nila balak gumawa ng isang pamilya?

Nang makarating kami roon ay isang patag ang sumalubong sa amin. Wala na iyong mga gulay roon. Nagbago na ang paligid. Malayong malayo sa naaalala ko noon. Anong nangyari at naging ganito na ang paligid?

Gustuhin ko mang magtanong ay sinikap ko nalang iyong isarili. I dont want to talk to him like everything is normal! Walanghiya rin talaga ang animal na ’to.

Iginala ko ang tingin sa kabuuan. Napakapayapa ng lugar. Para akong nasa isang paraisong walang ingay na maririnig kundi ang mga huni ng ibon sa himpapawid, ang hagalpak ng hangin, ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Uno moved a bit towards me. Nagkasalubong agad ang aking kilay doon. Pasimple akong naunang maglakad para hindi madikit sa kanya. I heard him sighed.

Nang dumating ako sa malaking gate ay pumasok nalang ako total bukas naman. He was carrying my things. Iyong mga kabayo namin ay nasa labas, nakatali at mukhang nag-uusap ang dalawa. Panay kasi sila titigan. Ano kaya ang lenggwahe nila?

Kinuha ng isang bungisngis sa may hardin ang aking buong atensyon. Nagkakatuwaan ata ang kanilang maid kaya ganoon nalang kung makatawa.

“Get in, Aly,” sabi ni Uno, nasa harapan ko na at hawak hawak ang aking mga gamit. Inilagay niya iyon sa gilid. Nalihis sandali ang aking atensyon at napunta sa katulong na kakalabas lamang. Lumapit siya kay Uno at kinuha ang mga bagahe ko.

“Put that in my room.” Utos niya, ni hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang sa kwarto niya iyon ilagay. At bakit naman sa kwarto niya? At sinong may sabi na mananatili ako rito?! Uuwi ako!

“Ano bang ginagawa natin dito? Bahay mo ’to,” sabi ko, hindi mapigilang italim ang tingin sa kanya.

Imbes na sagutin ako ay tinitigan niya lang ako gamit ang namumungay niyang mga mata. His hair swayed a bit dahil sa hanging pinaglalaruan iyon. Nameywang siya, itinaas ang isang kilay sa akin, may pinupunto pero hindi ko matukoy kung ano.

“Uuwi ako.” Nakanguso akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko pa ang pamumula ng aking pisngi dahil sa paninitig niya sa akin. Ganito niya rin ba tingnan si Lhuella? Iyong pakiramdam mo ay napakaespesyal mong babae dahil sa nakikita mo sa kislap sa mga mata niya?

“Aly!” Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin, lalo na ang nagmamadaling yapak ng mga paa na papunta na sa kinatatayuan ko.

Nilingon ko kung sino iyon at nanlaki ang mga mata. “Lolo Dancio!” Nakangiti kong sigaw.

Malaki ang aking mga hakbang hanggang tuluyang makasalubong ang matanda at mahigpit akong niyakap na sinuklian ko rin ng ganoon. Para akong nakahanap ng kakampi sa isang mapanganib na kagubatan. Iyong matandang halos ituring ko nang tunay na kamag-anak ko.

“Lolo Dancio…” Halos ibulong ko iyon sa kanyang balikat. Halo halo ang aking emosyon. Para akong isang musmos na gustong magsumbong sa kanya dahil sa pang-aapi sa akin ni Uno.

“Namiss kitang bata ka! Balita ko ay nagtapos ka raw ng pag-aaral sa syudad! Masaya ako para sa’yo, Aly. Masaya ako sa narating mo…” Madamdamin niyang tugon.

“Akala ko nga po hindi ko na kayo maaabutang buhay,” pagbibiro ko sa kabila ng namumuong luha sa aking mga mata.

Mabilis na humiwalay si Lolo sa akin. Umasim ang mukha. “Iyang bibig mo talaga kahit kailan!” Napangiwi ako hanggang sa kapwa kami natawa.

“Biro lang, Lolo. Syempre, alam ko naman pong mahaba pa ang magiging buhay niyo eh puro gulay kinakain niyo.” Humalakhak ako.

Napatitig si Lolo sa akin, hindi nawawala ang kakaibang ngisi. Parang may kung anong nakikita sa aking mukha na hindi ko nakikita.

“Masaya ako at mukhang masaya ka,” sabi niya, nilingon ang lalakeng nasa aking likuran kaya napalingon narin ako doon at nakita si Uno, nakangiti habang nakapameywang, naaaliw sa panonood sa aming dalawa.

“Mas sasaya siya kung ipapakilala mo siya kay Lola Teresse,” aniya na ikinaliwanag ng mukha ni Lolo Dancio. Lola Teresse?

Kumunot ang aking noo. Hindi pamilyar sa akin ang pangalang iyon.

“Halika, Aly, sumunod ka sa akin. May ipapakilala ako sa’yo.”

Tumango ako sa naging tugon ni Lolo Dancio. Sandali ko pang nilingon si Uno na kagat ang pang-ibabang labi at hindi nawawala ang matamis na ngiti. Ngumuso ako at pasimpleng umirap. Anong meron?

Naunang pumasok si Lolo sa kusina. Sunod naman ay ako. Pagkapasok ko doon ay ang imahe ng matandang babae agad ang kumuha ng aking atensyon. Suot ang isang apron, nakataling buhok at medyo nalalaglag ang ilang puting hibla, may katandaan narin dahil sa kulubot ng balat sa gilid ng mga mata ganoon rin ang kanyang braso ngunit nangingibabaw ang kanyang porselanang kutis. Masasabi mong maganda ito noong kabataan niya pa dahil sa hugis ng kanyang mukha, sa tangos ng kanyang ilong at sa magaganda niyang mga mata. Naalala ko tuloy si Lola.

Dumako ang aking tingin sa kamay ni Lolo Dancio na pumulupot sa beywang nito. Mas tumamis ang ngisi ng matandang babae. Puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata na kahit ang hawak ay isinantabi niya muna para lamang maiyapos rin sa braso ni Lola ang kanyang kamay. Natulala ako sa aking kinatatayuan. Hindi halos maproseso sa aking utak ang nakikita.

“Teresse, siya ang sinasabi ko sa’yo. Si Aly.” Pagpapakilala ni Lolo sa akin. Ang kanyang baba ay nasa balikat na ng matandang babae, nakayapos ang mga braso sa likuran nito, nakayakap ng mahigpit.

Mas lumiwanag ang mukha nito. Galak na galak sa narinig na pangalan at nasa akin na ang kanyang tingin. Humiwalay siya sa pagkakayapos sa kanya ni Lolo Dancio at nilapitan ako. Ako naman ay nagugulantang parin.

“Aly?” Humagikhik siya, hinaplos ang aking buhok hanggang sa bumaba ito sa aking kamay at hinawakan iyon.

“Alam mo bang ang raming kwento sa akin ni Dancio tungkol sa’yo?” Pagmamalaki niya.

Napakurap ako. “P-Po?”

“Ang sabi niya ay madalas ka raw dito noon sa hacienda noong bata ka pa. Napakabait mo raw na bata, napakapraktikal at napakasipag!”

Namula ako sa pinagsasabi nito. “Salamat po.” Ngumiti ako ng malapad, medyo naiilang pero nangingibabaw ang saya dahil pinapaalala nito sa akin si Lola. Ang pinakamamahal kong lola na pumanaw na.

“At walang duda, napakaganda mong bata!” Manghang mangha niyang tinitigan ang aking mukha.

Namula lalo ang aking pisngi. Gustong magsalita pero nauwi nalang iyon sa malapad na ngiti.

“Pagpasensyahan mo na ang aking asawa, Aly. Excited kasi iyang makilala ka,” wika ni Lolo Dancio na ikinalaki ng mga mata ko.

“Asawa?!” Halos isigaw ko iyon. Humalakhak silang dalawa. Lumapit muli si Lolo Dancio kay Lola Teresse, niyakap ito sa likuran at isinandal muli ang baba sa balikat ni Lola.

“Sinong mag-aakala na sa ganitong edad ko ay makakahanap parin ako ng babaeng makakasama ko habang-buhay?” sabi ni Lolo Dancio habang nangingislap ang mga mata. Nanindig ang aking balahibo roon. Sa ganyang edad ay nabigyan parin si Lolo ng tsansang maging masaya. Nahanap niya parin ang para sa kanya. Sa tinagal tagal ng panahong nabuhay siya, may babae parin pala talagang nakalaan para sa kanya kahit na matanda na siya.

Ako kaya?

Nanatili kami sa likod para maghapunan. Si Lola Teresse ang aligaga sa paghahanda ng makakain namin habang umaalalay naman sa kanya si Lolo. Nakaupo lamang ako sa aking silya, pinapanood sa glass door ang dalawang naghaharutan. Kung paano tumawa si Lola Teresse sa tuwing hahalikan siya ni Lolo sa balikat at yayakapin ito. Hindi ko alam kung naiinggit ba ako o ano.

“Gusto ko pagtanda ko ganyan ako.” Napabuntong ako ng hininga sa naibulong ko sa aking sarili. Ni hindi ko na naipasok sa utak ko na katabi ko pala si Uno.

“Naiinggit ka?” tanong niya na ikinalingon ko sa kanya. Nakangisi ang animal na akala mo ay okay kaming dalawa.

“Sino bang hindi maiinggit sa ganyan?” Umasim ang aking mukha. Naiinis dahil nakakaya kong kausapin ang hinayupak na ito.

“Hmm…” Dumako ang kanyang kamay sa mesa, pinaglalaruan ang kanyang mga daliri na akala mo ay may keyboard doon. “The best thing about being old, is being with the person you love. The person you want to spend your life with. Forever. Till death…”

Heto na naman. Ang nakakapasong titig ni Uno. Ang makahulugan niyang mga sinasabi sa akin na palaging may pinupunto pero hindi niya naman kinaklaro. Is that for me? Oh nagpapakaassuming na naman ako sa taong may asawa na kaya nasasaktan ako?

“Oo nga…” Wala sa sarili kong sagot. “Lalo na pag hindi ikaw ang kasama ko sa pagtanda ko. Ang sarap siguro sa pakiramdam ng ganon.” Ngumiti ako ng peke, tinitimbang ang titig niyang hindi naman nagbabago.

“Pero mas masarap kung ako ang kasama mo, Aly.”

Chapter 45

Signs Of Love

This chapter is dedicated to my twin stubborn readers Ayeen and Aynah Layo. Belated happy birthday iloveyouu.

Babae Ko

Hindi nawala ang pagiging matamis ni Lolo Dancio at Lola Teresse kahit nasa hapag na kami. Ako itong naiilang lalo na’t katabi ko pa si Uno. Hindi ko na nalang pinapatulan iyong mga matatamis niyang salita. Ganoon naman talaga ang lalakeng ito. Hindi niya lang ba naisip ang asawa niya? Ang magiging anak nila?

“Kainin mo ito Aly. Ito ang specialty ko.” Nilagyan ni Lola ng shrimp ang plato ko. May puting sabaw pa iyon.

Ngumiti ako. “Salamat po.”

Kahit ramdam ko ang paninitig sa akin ni Uno ay hindi ko na siya nilingon pa. Hindi ko alam kung ano nang tumatakbo sa utak ng lalakeng iyan. At wala rin akong balak malaman.

Kinuha ko iyong isang hipon at sinimulang balatan. Napasimangot agad ako nang maalala ko ang pagkaing ito. Bukod kasi sa binabalatan pa, naiinis ako dahil takam na takam na ako pero kailangan ko pang magbalat bago ito makain. Si Addi ang madalas bumabalat ng hipon pag kumakain kaming dalawa. Pag hindi siya tinatamad. Isa rin kasi ang babaeng iyon, mabilis mag-init ang ulo.

“Let me help you.” Inagaw niya sa akin iyong hawak ko. Tumalim agad ang tingin ko at nag-akmang aagawin iyon nang pumaibabaw ang boses nila lolo Dancio at Lola Teresse na kinakantyawan na kaming dalawa. Dahan dahan ko nalang ibinaba ang aking kamay at iniinda ang namumula kong pisngi.

“Kaya ko naman.” Palihim kong bulong kay Uno.

Nagkibit siya ng balikat. Nilingon ako saka itinapat sa aking bibig ang nabalatan niya. Kukunin ko na sana iyon kaso inilayo niyang muli.

“Open your mouth.” Utos niya na mas ikinakantyaw nila sa amin. Pinaningkitan ko siya ng mata kaso ang animal tinaasan lang ako ng kilay! Ano ba itong pinaggagawa ni Uno sa akin?

“Susubuan ka daw, Aly!” Si Lola Teresse, ngiting ngiti na habang nanonood sa aming dalawa.

Napangiti ako ng hilaw sa kanya saka ibinalik ang tingin kay Uno na nakangisi na. Iniawang ko nalang ang aking bibig para matapos na. Isinubo niya naman iyon sa akin. Sumunod agad ang kantyaw sa aming dalawa. Naiilang ko iyong nginuya. Nagawa pang pahiran ni Uno ang pang-ibaba kong labi na akala mo ay may binubura siya roon. The way he stares at me…

Napalunok ako ng laway at mabilis na nag-iwas ng tingin. Itinuon ko iyon sa pagkain at sumubo pa ng marami habang panay ngisi ng hilaw. Hindi ko na alam kung paano papanatilihing kalmado ang sistema kong naghuhuramintado. Naguguluhan na ako. Why do boys cheat? Hindi ba sapat iyong pagmamahal nila sa babae kaya nagagawa nilang mangaliwa?

Nilamon ako ng pag-iisip ko. Naging tahimik ako habang kumakain kami. Hindi rin naman napansin nila Lolo Dancio at Lola Teresse ang pagiging tahimik ko dahil minsan ay nakikitawa narin ako kahit halatang pilit.

Tinulungan ko si Lola sa kusina kahit ayaw niya na sana ay nagpumilit ako. Sina Lolo Dancio at Uno naman ay nandoon sa labas.

“Sa pagkakaalam ko, patay na ang lola mo. Kahit ang ina mo ay maaga ring pumanaw. At iniwan ka raw ng ama mo. Paano mo iyon nakaya, Aly?” tanong sa akin ni Lola Teresse na sandali kong ikinatigil. Ganoon pala kagulo ang mundo ko. Pero heto ako, nakakayang ngumiti, nakakayang tumayo sa sariling mga paa.

“Hindi ko na po iniisip ang mga nawala sa akin La. Ang iniisip ko po ay iyong mga taong natitira na nandiyan parin po sa tabi ko, na kahit nawalan ako ng minamahal, may mga tao paring nagmamahal sa akin.” Ngumiti ako ng matamis. “May mga bagay pa pong natitira sa akin na dapat kong ipagpasalamat.” Dagdag ko.

Naguhitan ng pagkamangha ang kanyang mukha.

“Tama nga si Dancio… napakapositibo mong bata.”

“Ganoon po kasi ako pinalaki ni Lola. Na lahat ay may solusyon. Na hindi lahat ng sakit, nagtatagal. Huhupa iyon. Mawawala rin.”

Napangiti sa akin si Lola. Hinaplos niya ang aking pisngi. “Ang swerte ng lalakeng magmamahal sayo, Aly.”

Tipid akong napangiti. Hindi ko alam kung ba’t naisip ko agad ang mukha ni Uno.

Maggagabi na pero nandito parin ako sa hacienda. Hindi ko alam kung ba’t dito ako dinala ni Uno.

Nanatili ako sa loob ng swing dito sa hardin. Malamig ang ihip ng hangin. Lumilipad ang sarili kong pag-iisip sa kahit saan.

“You okay?”

Ang animal.

Imbes na sumagot ay hindi ako lumingon. Binalewala ko ang kanyang presensya sa labas. Nagawa ko pang isampa ang dalawa kong paa sa harapan para hindi siya makapasok rito.

I heard him sighed. Namomroblema ito kung paano ako kakausapin ng matino.

“Aly. Tell me what’s wrong?” masuyo niyang sagot. Na kahit hindi ko siya lingunin, bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Ang buhok niyang nagiging messy dahil sa ihip ng hangin. Ang pagbulsa niya sa kanyang mga kamay, ang nangingislap niyang mga mata na sana ay sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko.

“Is this about your cousin?” Nagkasalubong agad ang aking kilay dahil sa galit. Gusto ko siyang sikmuraan sa oras na ito dahil pinaalala niya lang sa akin ang kinagagalit ko sa kanya.

“How far did you two talk? Nasabi niya na ba sa’yo ang lahat? May gusto ka bang linawin? Talk please…”

Animal ka! Nagpayugyog ako sa’yo sa hagdan at sa puno dahil mahal kita! Tapos malalaman ko ang lahat? Na totoo pala talaga? Pakiramdam ko ay ang baba kong uri ng babae, Uno!

Gusto ko iyong isigaw sa kanya pero sinikap ko nalang na panatilihin iyon sa aking sarili. Napapagod na ako sa paulit ulit na pakikipagtalo. Napapagod na ako sa lahat.

Nanubig ang aking mga mata sa mga pinag-iisip ko. Kailan ba matatapos ang koneksyon ko kay Uno? Kailan ba siya mawawala sa buhay ko?

“Aly-“Gago ka ba, Uno? Kung makipag-usap ka sa akin akala mo hindi mo nabuntis ang pinsan ko!” sigaw ko sa kanya na ikinatutop ng bibig niya. Bumuntong siya ng hininga.

“We’re not having a child, Aly.” Pag-amin niya na ipinagsalubong ng kilay ko. Akala ko ba…

“Buntis ang pinsan ko. Ikaw na mismo ang nagsabi, Uno,” giit ko.

Hilaw siyang ngumisi. “I think it’s my fault. Well it’s really my fault why the baby died.”

Nanindig ang aking balahibo. Para akong tinakasan ng katinuan. P-Patay na ang bata? Paanong?

“Nakunan ang pinsan mo, Aly,” he said with so much pain in his eyes.

Napaawang ang aking bibig, walang salitang gustong lumabas dahil sa gulat. N-Nakunan si Lhuella?

Napayuko siya. Bumuntong ulit ng hininga. Para siyang may pinoproblemang malaki ngunit hindi naman iyon kayang ilabas. Na mag-isa niya lang kinikimkim.

“Your cousin is still in pain, Aly. I want you to understand her this time. Let’s understand her. Let give her more time to grieve until she can finally let go from the past. Tulungan natin siyang matanggap na wala na ang kanyang anak…” pagsusumamo niya na ikinalaki ng aking mga mata.

Nanikip ang aking dibdib at para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Ramdam ang nararamdaman niyang sakit. Unti unting nalulusaw ang nararamdaman kong galit sa aking pinsan. Nakokonsensya ako dahil sa pinagsasabi ko kanina. Kaya ba naiyak siya? Pinipilit niya nalang ba sa sarili niya na nandoon parin sa sinapupunan ang batang wala na pala?

Ano pa ba ang hindi ko alam, Uno? Ba’t pakiramdam ko, ang rami mong tinatago sa akin?

Ilang minutong namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nandoon lang siya sa labas, nakatayo habang nasa langit ang tingin. Ako naman ay hindi maipirmi ang tingin. Nililingon ko siya minsan pero binabawi ko rin.

Bumuntong siyang muli ng malalim na hininga. Tila nahihirapan siya sa isang bagay. May pinoproblema.

Tumikhim ako. Hinuli ang kanyang mga matang dumerikta agad sa akin dahil sa ginawa kong ingay.

“K-Kaya ba ganoon nalang rin ka stress si Tita?” tanong ko.

“I don’t know…” Makahulugan niyang sagot. “Pero baka ay isa rin iyon sa dahilan.”

Ngumuso ako. Sobrang close na ba nila? Sabagay Aly, sino bang hindi makakasundo ang isang Uno Buenaventura kung ganyang lalake ang ipinakilala ng anak sa magulang niya?

“I don’t like asking signs from heaven. Pero kung may hihingin man ako, hindi senyales.” Nilingon ako ni Uno. “Chances.”

Napalunok ako ng laway. Inaawat sa loob ang puso kong nagwawala at ilang minuto ay lalabas na ata. Muli siyang tumingala sa langit.

“A chance to hope more… A chance to put all the things on the right places. A chance to be with someone you truly love… A chance to give more chances…” Bumuntong siya ulit ng hininga.

Nagtagal ang titig ko sa kanya. “Huli na ba ang lahat para iwasto ang mga mali?”

Mapakla ang ngiting sumilay sa kanyang labi.

“We can’t correct the things that’s already gone wrong, Aly. All we can do is learn from it.”

Parang kinurot ang aking dibdib. Ano ba talagang nangyari sa inyo ng pinsan ko, Uno? Gusto kong maintindihan ang lahat. Ngunit paano ako malilinawan kung ganoon ang aking pinsan? Paano ko siya iintindihin kung pati mismo ay hindi ko maintindihan?

“Magandang umaga, Aly.” Bati sa akin ni Lolo Dancio kinaumagahan. Siya ang nadatnan ko paglabas ko ng kwarto.

Ngumiti ako ng matamis. Inayos ang magulo kong buhok. “Magandang umaga rin po, Lolo Dancio!” Bati ko rin saka dumako ang tingin ko sa hawak niyang mga bulaklak.

“Kay Lola Teresse ba iyan? Uy! Lolo!” Kantyaw ko habang tumatawa.

“Ikaw bata ka kakagising mo lang pero ganyan kana kasigla. Tinanghali ka pa.” Saway niya sakin, medyo natatawa.

Napanguso ako. Paanong hindi ako tatanghaliin eh hindi ako halos makatulog kagabi kakaisip sa mga pinagsasabi ni Uno. Wala silang anak! At mukhang may mas malalim pang pinanggagalingan ang pagiging malapit nila. Gusto kong unti-untiin ang lahat hanggang kusa kong maintindihan ang aking pinsan. Hindi niya ako kaaway ngayon.

“Dahil ba iyan kay Sir Uno?” Isang matagumpay na na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Napanguso ako, umiling pero hindi magawang magsalita. Hindi magawang panindigan ang pagsisinungaling.

“Huwag mong itanggi, Aly. Kilala kitang bata ka.”

“Hindi nga Lolo.” Giit ko.

Mas lumawak ang kanyang ngisi. “Eh ba’t pinamumulahan ka ng pisngi?”

“Lolo naman!” Tinakpan ko ang magkabila kong pisngi na ikinahalakhak niya. Halatang inaasar ako.

“O siya siya, hindi na. Pero sana Aly, matuto kang lumaban sa kagustuhan mo. Walang mangyayari kung ikaw rin mismo ay kinukulong ang sarili mo sa desisyong hindi mo naman gusto.” Makahulugan niyang sabi na ikinatigil ko.

“Lo, paano ako lalaban kung sa simula palang ay talo na ako?” sagot ko naman, dismayado na ang mukhang nakukuha paring ngumiti kahit hilaw.

Napabuntong siya ng hininga. Sinenyasan akong sumunod sa kanya kaya iyon ang ginawa ko. Nagtungo kami sa kusina. Nandoon na ang magiging tanghalian ko. Umupo ako sa harap habang pinagmamasdan si Lolo sa pag-aarange ng bulaklak sa vase.

“Mahal mo ba?” tanong niya, kahit wala sa akin ang tingin, kahit walang pangalang banggitin, alam kong si Uno ang tinutukoy niya.

Hindi ako nakasagot. Kinuha ko iyong kubyertos na nakalapag sa table napkin saka ginalaw ang aking pagkain, pinaglalaruan iyon dahil baka doon ako makahanap ng sagot sa tanong ni Lolo.

“O takot ka lang talagang aminin sa kanya dahil alam mong may hadlang na?”

Natamaan ako roon. Iyon ba, Aly?

Tumawa ako ng pilit. “Lolo naman! Bata pa ako noon. Marami nang nagbago sa aming dalawa ni Uno. Kontento na ako sa ganito, ’no.” Pagsisinungaling ko.

Umismid si Lolo sa akin, umaasim ang kanyang mukha at halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.

“Kontento ka, pero yung puso mo, kontento ba?”

Napalunok ako ng laway, natigil sa paggalaw sa pagkain dahil sa binitiwang tanong ni Lolo. Sige Aly! Lusutan mo iyan! Total ang hilig mong magsinungaling!

Nang napansin ni Lolo na wala akong balak magsalita ay napabuntong siya ng hininga.

“Noong nawala ka Aly, para ring nawala sa sarili si Sir Uno. Sa dami dami ng babaeng dinala niya rito, ipinakilalang girlfriend niya, nakakapagtaka at sa’yo ko lang siya nakitang nasaktan nang lubusan. Hindi naman sa pinapangunahan kita, pero kung ako sa’yo ipaglaban mo ang taong alam mong makakapagpasaya sa’yo.”

Nanlambot ako sa sinabi ni Lolo. Taliwas lahat sa gusto nila ang ipinaglalaban ko. Na hayaan nalang itong nararamdaman ko kay Uno kaysa makasira ako ng relasyon. Sila na ng pinsan ko. Iyon ang pinili ni Uno. Kung mahal niya talaga ako, ba’t hindi siya naghintay?

“Lo, may mga pagmamahal na hindi na dapat ipaglaban pa. Dahil kung mahal niya talaga ako, hindi niya ako ilalagay sa isang posisyon na kailangan niyang mamili sa dalawa.”

Nailing si Lolo. Naguguhitan na ng pagkadismaya ang mukha.

“Kahit ang pangit ng ugali ng pinsan mo, kahit papaano ay naaawa ako. Hindi niya pa rin matanggap na nalaglag ang bata. Pinapaintindi ko iyon kay Sir Uno pero sinisisi niya pa rin ang sarili niya. Kung hindi lang talaga sana nagpaka-desperada iyang pinsan mo,” paliwanag nito, may nahihimigang galit sa boses.

Sino bang hindi magiging desperada sa katulad ni Uno? Kasalanan ko ito. Kung hindi ako nang-iwan, edi sana walang dapat balikan. Dahil hindi naman lahat ng nang-iiwan, may babalikan. At hindi lahat ng iniiwan, nakakayang maghintay. Yeah maybe, this is all my fault. I deserve this.

Pagkatapos kong kumain ay ako nalang ang nagrepresintang diligan ang mga halaman. Hindi rin naman kasi ako sanay nang walang ginagawa, iyong walang pinagkakaabalahan. Mukhang nasa resthouse si Uno, inaasikaso na naman iyong pananim.

Naghahum ako habang inaaliw ang sarili sa pagdidilig ng bulaklak. Suot ang nakasanayan kong puting dress na hanggang tuhod ko lang at nakatali sa bawat gilid ang lace. Nakabun ang aking buhok at may mga kaonting hibla pang nalalaglag.

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa likuran. And there I saw Uno, nakasandal sa may gate at nakatingin sa akin habang nakahalukipkip. He looks so serious.

Nagkasalubong ang aking kilay. Sandaling tiningnan ang imahe niya.

“Ang aga mo ata?” tanong ko.

“It’s already lunch.”

“’Di ba doon ka naglalunch?” kunot noo kong tanong.

Nagkibit siya ng balikat. Tumayo ng tuwid at matamang tumitig sa akin. Napanguso ako at ibinalik ang tingin sa mga bulaklak.

“Masarap umuwi sa bahay lalo na kung may naghihintay sa’yo,” bigla niyang sabi sa likuran ko. Nilingon ko siya.

“Hindi kita hinihintay.” Depensa ko agad.

“I am talking about Mang Dancio and his wife, Manang Teresse.” He smirks.

Napangiwi ako, namumula ang pisngi dahil sa pagiging assuming ko.

“Inunahan lang kita! Baka isipin mo hinihintay kita.” Umirap ako at ibinalik sa mga halaman ang tingin.

Sandali siyang natahimik pero maya maya ay tumikhim rin.

“You done having your breakfast? O kakagising mo lang?”

“Tapos na akong kumain,” tipid kong sagot, hindi ito nililingon.

He sighed. “May pupunta dito mamaya. Susukatan ka para sa susuotin mo sa kasal ng kapatid ko.”

Tumango na lamang ako. Ayoko nang magsalita pa. Bakit ba nagagalit ako sa mga maliliit na bagay?! Eh ano ngayon kung hindi pala ako ang rason kaya siya umuwi dito ng maaga? Aly, may asawa na iyan!

Hindi na bumalik si Uno sa resthouse. Siguro dahil sa mga dumating na bisita. Susukatan rin kasi siya.

“Ang ganda mo naman! Nakakalalake ka ha!” Tili ng bading nang lumapit ako sa kanya. Nasa isang kwarto kami. Kakapasok lang rin ni Uno pero hindi ko na ito nalingon pa dahil sa reaksyon ng bading sa akin.

“Salamat.” Ngumiti ako habang natatawa.

“Nako! Bumabalik ata ang pagiging adones ko dahil sa ganda mo!” Tili niya ulit.

Natawa narin iyong babaeng kasama niya. Dalawa kasi silang dumating dito. Itong bading naman ang magsusukat sa akin habang iyong babae naman ay kay Uno.

“Sukatan na kita, girl!” Sinimulan niyang iyakap sa akin iyong tape measure.

“Wait.” Biglang salita ni Uno kaya natigil ito. Na kahit ako ay napalingon narin. Nasa kamay ng bakla ang kanyang tingin, ang mga mata niyang medyo tumatalim at parang may ikinakagalit.

“Yes pogi?” Sagot ng bading.

“Ako nalang ang sukatan mo. I’m not comfortable with girls touching me.” Reklamo niya na ikinasimangot ng babae. Na kahit ako ay nagtataka. Ang dakilang animal na si Uno Buenaventura ay hindi komportable sa mga babae? Sinong niloloko mo?

“Ay. Allergic ka sa babae, Sir?” tanong ng babae, nagiging interesado.

Tiningnan ako ni Uno. “Ayoko lang at baka magselos ang babae ko…”

Chapter 46

Signs Of Love

This chapter is dedicated to Abegail Jayne Carranza. Advance happy birthday, iloveyouu!

Marry

Enggrande. Iyon agad ang pumasok na salita sa aking utak nang marating namin ng tuluyan sa venue ng kasal. It was a garden wedding. Suot ang isang kulay skyblue na dress at may pagka revealing, inihakbang ko ang aking mga paa papasok. Nasa likuran ang kamay ni Uno, ginigiya ako.

“You look good with your straight hair right now, mas lalo kang gumanda.” Pamumuri niya.

I smiled slightly. Hindi makatingin ng deritso sa kanya dahil narin sa agaw atensyon niyang hitsura. Binabalandra niya ang perpekto niyang noo dahil sa pagkakasuklay paatras ng buhok niya. His face defined how powerful his looks can get, he can melt you down just any second! Iyong ikaw nalang ang hindi tititig para hindi ka mahulog sa kanya.

“Hindi ba magagalit ang pinsan ko dahil ako ang kasama mo rito? Tapos hinahawakan mo pa ang likod ko.” Puna ko sa kamay niyang hindi parin ako tinatantanan.

Umiling siya. “Stop worrying about it, Aly. Iwanan mo muna sa bukid ang mga pinag-iisip mo. Can we just enjoy this moment? You being with me?”

Natutop ko ang aking labi, marahang tumango. Ngumiti sa akin si Uno, isinabit ang ilang hibla sa gilid ng aking tenga. “Good.”

Napapapikit ako dahil sa flash ng camera na sumalubong sa amin nang pumasok kami sa bukana ng venue. Maraming bisita ang naroroon. Halatang puro mararangya ang mga imbitado base narin sa mga ayos nila. Wala ata akong nakikitang kauri ko. Iyong simple lang, iyong masasabi mong hirap sa buhay.

“Ang nagtatagong si Uno Buenaventura!” Tawag ng baklang nasa harapan na namin. “Where have you been? And who’s this gorgeous younglady?” Nagsimulang gumala ang mapanuri niyang mga mata sa akin. Kinakabisado ang bawat detalyeng meron ako.

“She’s Alyssa.” Uno smiled genuinely.

Tumaas ang kilay nito. “Umamin ka nga? May tinatago ka rin ba? Katulad ka rin ba ng kapatid mong sangkot sa malaking issue?” Tiningnan ako nito ng makahulugan. “Is she…”

“Nah.” tipid na sagot ni Uno na ikinatango rin agad ng bakla. “Please excuse us,” sambit ni Uno sa kanya. Awtomatiko naman akong gumalaw nang maramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko na marahan na akong tinutulak palayo roon.

Gusto kong magtanong kung anong klaseng issue ang kinakasangkutan ng kapatid niya pero ayoko rin namang manghimasok. Labas na ako roon. At ayoko ring maging nosy.

“Sinong kapatid mo ang tinutukoy niya?” tanong ko.

“Tres,” aniya.

Tumango nalang ako. Oo nga pala, nandito lahat ng pamilya niya! Ibig sabihin ay makikita ko rin iyon sa personal! Pati siguro Mommy niya!

Nakarating kami sa harapan. May iilan nang naroon. Nakaupo ang iba habang ang iba naman ay nag-uusap ng kung ano. Hindi pa nagsisimula ang kasal. Pero may kumuha ng atensyon ko lalo na’t nasa amin na ang tingin nito. Tumaas ang kilay nito, masyadong nakakatakot ang matalim nitong mata, ang imahe niyang nakakaintimidate.

“She’s going to freak out if she find this out.” Nailing ang lalakeng pamilyar sa akin nang makalapit kami sa kinaroroonan nito. Gusto ko tuloy umatras bigla. Bakit ba may tattoo ang lalakeng ito?! T-Teka…

“Yeah, probably.” Uno chuckled. “Aly, this is my brother, Dos.” Pagpapakilala niya na ikinabigla ko. Pamilyar talaga siya sa akin! Siya iyong lalake na nasa Bar! Iyong ekis na tattoo malapit sa kanyang mata! Hindi ako pwedeng magkamali! At iyong pumunta sa condo ni Addi!

“Nice to see you again,” casual niyang sabi, walang emosyon ang mukha pero makikitaan mo ng galit. Na ako lamang itong nagbibigdeal sa pagkikita naming muli.

Natanga ako ng ilang sigundo.

“You scared her, man.” Nailing si Uno, napunta sa baywang ko ang kanyang palad at marahan iyong hinaplos. “He won’t eat you. Relax…” Pagpapakalma niya sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Masyado bang halata na takot ako? Eh kasi naman iyang hitsura niya! Nasobrahan sa pagiging gwapo pero parang umaapaw rin ang kasamaan! Iyong pag pinakilala mo siya sa mga magulang mo ay mahuhusgahan ka agad dahil nagiging pariwala na ang buhay mo! Sinong babae kaya ang nakaya siyang pakasalan? Grabe naman!

“Pamilyar siya sa akin. Siya iyong tumulong sa kaibigan ko,” bulong ko kay Uno. “Kapatid mo pala iyan?”

“Yeah. He’s not nice. Stay away from him,” sabi niya na ikinaangat ng kilay noong si Dos.

Nakita ko na siya sa frame doon sa hacienda pero ang bata niya pa roon! Kaya hindi ko agad ito nakilala. Grabe! Anong klaseng lahi ba ang meron sila? Bukod sa Delafuente, may kung ano rin talaga sa dugo nila na nakakamangha.

Lumipat ang tingin ni Dos sa aking gilid. “Tres is here,” sabi niya na sabay na rin naming ikinalingon ni Uno.

“You’re crazy. Sigurado akong pagpepyestahan ito ng mga media.” Nailing si Uno, medyo nag-aalala.

“Pwede niya namang hindi dalhin ang babae,” si Dos na nakangisi ng nakakaloko.

“Pwede rin namang hindi ka mag-imbita ng media,” si Uno.

“Sinadya kong mag-imbita dahil alam kong dadalhin niya,” Dos said cooly.

Ngumiwi si Uno. “Damn you, devil.”

Literal na nalaglag ang aking panga at hindi marehistri sa utak ang pinag-uusapan ng magkapatid dahil sa nakikita ko. Jusko! Anong klaseng gene ang meron sa kanila?! Masyadong perpekto ang kanilang mga imahe! Iyong pag ibebenta mo siguro ay bilyon agad ang kikitain mo dahil hindi basta basta iyong produkto!

Isa lang ang masasabi ko. Alagad ni Adones itong si Tres! Masasabi mo talagang may dugo itong Buenaventura dahil hindi rin nalalayo ang kanyang hitsura sa mga kapatid niya. Iyon nga lang, para siyang pinaghalong Dos at Uno. Iyong pwedeng maging masama at pwede ring walang pakialam.

Masyado akong namangha sa kapatid nila na hindi ko napansin iyong kasama niyang babae. Kung si Uno ay may pagkasuplado minsan, si Dos na nakakaintimidate, si Tres naman ang literal na suplado ang mukha. Iyong sarili niya lang ata ang inaalala niya at walang pakialam sa iba. Na kahit ang kaonting ngiti ay ipagdadamot.

Napansin ko rin iyong mga media na nagkakagulo at marahas silang kinukunan ng litrato. May mga nagugulat. Halatang hindi sila makapaniwala. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ganoon kaganda iyong babae. Sa akin hindi naman ganyan ang reaksyon eh.

Panay ang kanyang lingon sa babaeng kasama niya. May sinabi siya roon na nagpakomportable sa babae, tumango ito at ngumiti na ikinaganda nito lalo. Bakit ang raming pamilyar sa akin ngayon? Sigurado akong nakita ko narin iyang babae. Pero hindi ko lang matandaan kung kailan.

“May nabuhay,” sabi agad ni Tres nang tuluyan silang makalapit sa amin, nakay Uno ang tingin.

Meron palang mga babae na sobrang ganda sa malayo pero mas gaganda pa sa malapitan? Gusto nang malaglag ng panga ko dahil sa kasamang babae ni Tres. Oo gwapong gwapo ako kay Tres, pero iyong mata ko ay hindi ko maalis doon sa babae.

“I heard about the issue…” si Uno.

“Everything’s under control,” ani Tres, nakakapit pa rin sa baywang ng babae.

“May mga media rito. I want to public this wedding that’s why I invited some of them,” ani Dos at tila may ipinapahiwatig pa.

“Balak mo lang gumanti dahil sa ginawa ko.” Nailing si Tres, hindi nagbabago ang supladong ekspresyon ng mukha.

“Gusto kong dagdagan ang sakit sa ulo mo,” si Dos na tinapik ng dalawang beses ang balikat ni Tres.

Nagkibit lang ng balikat si Tres, halatang hindi naman natatablaan sa nangyayari.

Nilingon ako ni Uno kaya napakurap agad ako at itinigil ang paninitig sa dalawa. “Anyway, he’s my brother, Tres.”

Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Tinanguan naman ako nito. Parang hindi interesado sa pangalan ko. Na kahit ang mga mata niya ay hindi man lang nagtagal sa akin at nalipat agad sa babae. May sinabi siya roon.

“Di mo man lang ipapakilala?” si Dos, nanunuya ang boses.

Umangat lamang ang kilay ni Tres, walang balak sumagot at nanghuhusga ang mga mata sa kapatid nito. Na iyon na ang pinakabobong tanong na narinig niya.

“The jerk is too possessive,” sabi ni Dos na at nang-iinsulto ang ngiti.

Nagsimula rin naman ang seremonya. Nasa dulo lahat ng aming tingin, hinihintay ang pagdating ng bride. Nacucurious tuloy ako sa napangasawa ni Dos. Ugali palang kasi nito parang kailangan talaga ng babaeng kayang paamuhin ang isang demonyo. Ganoon ang naiisip ko.

Nagsimula ang kantang malumanay hanggang sa may babaeng dumating roon. Mag-isa, walang kasamang pamilya. Pero ang nakakagulat rito ay kamukha siya ni Addi! Napasinghap ako.

“Kamukha siya ng kaibigan ko!” Halos ibulong ko iyon kay Uno. Ngumisi lamang siya. Ibinalik ko ang tingin sa babaeng nag-uumpisa nang maglakad. Namamalikmata lang ba ako o si Addi talaga ang nakikita ko?

“Now, are you still jealous?” narinig kong sabi ni Tres doon sa babae na ngumunguso na nang lingunin ko ito.

Doon ko lang iniwas ang tingin ko sa kanila nang nakarating iyong bride sa tapat ko. And there I saw my bestfriend Addi! Siya nga! Gumanda siya lalo dahil sa ayos niya pero hindi ako pwedeng magkamali! Si Addi iyan!

Gulat na gulat ako sa buong seremonya. Hindi ako makapaniwala na si Addi ang magiging asawa ng lalakeng masyadong nakakaintimidate. Kaya ba tinulungan niya rin kami ng araw na iyon dahil sa kaibigan ko?

Nang sinabi ng pari ang buong pangalan ng kaibigan ko ay mas nakumbinsi akong si Addi talaga ito. Ganoon ba talaga ako kaabala sa paghahanap ng mapagkikitaan at wala akong alam sa paligid ko?

“Kilala mo si Addi?” tanong ko kay Uno pagkatapos ng seremonya. Ngayon ay nakaupo na kaming dalawa rito sa magiging reception ng kasal.

“Yeah…” sagot ni Uno. “Uhm, her Dad told me to look after her while she’s studying.”

“Naging bodyguard ka ng kaibigan ko?” gulat kong tanong.

“More than that,” he chuckled.

Natigil lamang ako sa kakatanong nang hinila ni Tres iyong upuan at inalalayang umupo iyong babae. I even smelled her scent. Anak mayaman! Pero bakit ganoon? Parang paborito siya ng media kanina? Artista ba siya? Hindi rin naman imposible dahil sobrang ganda niya, sobrang sopistikado, na kahit siguro pagsuklay ng kanyang buhok ay may katulong na gumagawa.

“Hey.” She smiled at me. Napansin niya siguro ang paninitig ko sa kanya. Napakurap ako. Hindi inaasahang papansinin niya ako.

“Hi.” Nahihiya akong ngumiti.

“Oh my God you’re so pretty,” she giggled. Eh? Kumpara sa kanya mas maganda ata siya eh.

“S-Salamat. Ikaw nga diyan eh. Ang ganda mo sobra. Para kang artista,” sabi ko.

Napakurap kurap ang maganda niyang mga mata. Nagkasalubong ang perpektong kilay at kahit ang maliit niyang perpektong labi ay napanguso.

“Don’t you know me? Tagabukid ka?” pabiro niyang tanong.

Tumango naman ako. “Oo, tagabukid ako.”

Napalitan ng pagkamangha ang kanyang mukha.

“I was just kidding but seriously?!” Tumango akong muli, napapahagikhik dahil sa hindi makapaniwala niyang mukha.

“You look like a city girl! I thought nga half ka eh. Plus, you have a nice skin!”

Napangiwi ako. Napakajudgemental naman ng babaeng ito. Purket maganda lang ang kutis ko…

“Ewan ko nga rin eh. Pero doon na ako lumaki sa bukid. Nagpapaanak nga ako ng baka, nagtatanim ng gulay tapos ibebenta sa bayan, nangunguha rin ako ng mais ng kapitbahay namin para dagdag kita. Lahat ng pwedeng trabaho sa bukid pinapasukan ko,” paliwanag ko na ikinagulat niya.

“Woah! Hindi ko ata iyan kaya.”

Tumawa ako. “Halata naman sa’yo.”

“So you mean, you don’t know about the issue?”

Umiling ako na ikinangiti niya. “Thank God. I found someone who won’t judge me.”

“Hindi rin naman ako judgemental. Minsan matabil ang dila ko pero hindi naman agad ako nanghuhusga. Iyon kasi ang turo sa akin ni Lola.”

Her eyes twinkled with amusement.

“Ang bait mo naman. No wonder nakasungkit ka ng isang Buenaventura.m,” aniya.

Ngumiti nalang ako ng tipid. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman kami ni Uno kaso nagsimula narin ang reception kaya naagaw na ang aming atensyon doon.

Nagsimula silang magbigay ng speech. Lalo na noong si Uno ang nagsalita. Ang rami kong nalaman. Hindi lang pala siya bodyguard ni Addi! She fell inlove with my bestfriend! Grabe rin talaga ang animal na ito, purket maganda lang nainlove agad! Pero sabagay, sino bang hindi masusungkit ni Addi? Kahit nga siguro ako pag lalake ako ay maiinlove rin ako.

“Nainlove ka sa kanya?” salubong ko agad kay Uno nang makaupo siya sa tabi ko.

“That was before you came into my life, Aly.” Depensa niya.

Sa pagkakaalam ko, bata palang ako ay nagkita na kami. Hindi ba talaga ako headturner?

“Bata palang ako nagkita na tayo,” sabi ko.

“You were 13 that time. I know…”

“Hindi. Iyong hindi pa ako dalaga. Iyong kamuntik akong malaglag sa upuan niyo. 10 pa ako noon,” sabi ko.

“I’m not interested with you that time. Batang paslit ang naaalala ko sa’yo noong araw na iyon. Ignoranteng batang paslit,” he chuckled.

Napabusangot ang mukha ko. Ignoranteng batang paslit!

“Hah! Eh ikaw naman, ang tingin ko sa’yo animal! Isang dakilang animal!” Marahas kong sabi. “Bata ka palang noon pero may girlfriend kana! Tapos kung sino sino pa ang dinadala mo sa hacienda niyo! Tapos ikinakwarto mo pa! Pag lumalabas nakatapis nalang ng tuwalya.” Gigil kong sabi sa kanya na ikinangisi niya.

“Were you jealous that time?” he asked, licking his red lower lip.

Ang feeling nito! Kahit crush nga ay hindi. Mas interesado pa ako sa fishbond nilang pinagkamalan ko ng cr.

“Hindi rin! Akala mo naman.” Umirap ako. Nakakainis. Malay ko ba may pagkaswing pala iyong upuan nila! Pasensya na ha, wala kasi iyon sa bukid namin! Ako na ang ignorante!

Nang matapos ang reception ay pumuslit agad ako para makita si Addi.

“Buti naman at nakarating ka. Si Dos na kasi ang nag-asikaso ng mga invitations,” sabi niya, walang ideya sa amin ni Uno. Kahit nga ako ay walang ideya na may kung ano pala sila noong Dos! Itong tadhana nga naman.

“Wala akong alam! Sinama lamang ako ni Uno,” sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

“You know him?”

Tumango ako na ikinaiba ng tingin niya sa akin. May kung ano roon, nanghihinala.

Hindi kami masyadong nakapag-usap ni Addi dahil rin nagmamadali silang umalis. Sigurado akong ang rami niyang tanong.

“Hija.” Boses palang ni Don Israel, napatayo na agad ako. Kasama niya ang kanyang asawa, nakangiti ito at hindi matanggal ang tingin sa akin.

“Siya ba ’yong tinutukoy mo, Es?” tanong niya kay Don na tinanguan siya. Namangha agad ang kanyang itsura, kinalas ang pagkakayakap ng kanyang braso sa braso ni Don at nilapitan ako.

“Ang ganda mong bata, hija. Let me hug you.”

Naramdaman ko nalang ang mainit niyang pagyakap sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti. Amoy na amoy ko pa ang kanyang mamahaling pabango.

“Kaya pala halos ayaw nang umuwi ng panganay ko rito.” Humiwalay siya sa akin. “May kinalolokohang babae.” Napangisi siya.

“Mom.” Nailing si Uno.

“Settle na ba iyong problema mo roon, Uno?” Biglang tanong sa kanya ni Don Israel, pumapaibabaw ang puno ng awtoridad nitong boses sa paligid.

“Not yet, Dad,” ani Uno na ikinadismaya ng mukha ni Don Israel.

“Settle it right away so I can have another speech for your wedding.” Nilingon ako ni Don Israel. “So you can marry this girl.”

Chapter 47

Signs Of Love

Nakalimutan ko na naman yung nagpapadedicate hays.

Amazin

g Girl

Hindi ko alam kung anong issue ang kumakalat at ganoon nalang kung pagkaguluhan iyong girlfriend ni Tres. Kung hindi siya artista, bakit nasasangkot siya sa ganito? May hindi ba artista pero sikat? Baka naman model?

Sa dami rami ng inaalala ko ay dumagdag pa talaga iyon sa utak ko. Gusto ko lang alisin iyong sinabi ni Don Israel na papakasalan daw ako ni Uno. Hindi kaya ay ako talaga ang gusto niyang mapangasawa ng anak niya dahil praktikal ako mag-isip katulad ng itinuro niya sa akin at hindi ang pinsan ko? Anong mangyayari? Ipapaannul iyong kasal nila? Pero wala namang singsing ah? Hindi kaya ay hindi talaga sila kasal? Nabuntis lang ba siya ni Uno? At iyon lang ang kailangang ayusin niya para maging malaya na siya?

Pero Aly, mahal siya ng pinsan mo! Namatayan na nga iyon ng anak pati ba si Uno kukunin mo pa? Ayokong makisawsaw sa kanilang dalawa. Kasalanan iyon ni Uno kung ba’t niya binuntis ang pinsan ko. Kusa akong kakalas kaysa manatili sa isang sitwasyon na hindi nararapat para sa akin.

Iwinala ko ang lahat ng iyon sa utak ko. Gabi na at gusto ko nalang matulog. Ang ikinababahala ko lang dito, isang linggo pala kami dito sa syudad! Wala akong dalang gamit! Anong panty ang susuotin ko?!

“Uuwi tayo, Uno. Wala akong dalang gamit!” sigaw ko.

“Chill, we’ll buy tomorrow,” sabi niya.

“Wala akong pera! Ang mahal mahal ng mga bilihin dito,” reklamo ko, naiimbyerna dahil pagwawaldas na naman ng pera ang pinag-uusapan.

“Ako ang bibili. Hindi ikaw,” marahan niyang sabi, nililingon ako paminsan minsan dito sa front seat. Sa pagkakaalam ko kotse niya ito. Pinakuha niya sa driver nila para may magamit siya.

“Madadagdagan na naman ang utang ko sa’yo?”

“I said stop thinking about it, Aly.”

“Patong patong na ang utang ko sa’yo! Paanong hindi ko maiisip!” Baka lumobo na iyon at manganak! Ayokong dumami!

He sighed. “Hindi kita sinisingil.”

“Kahit na!”

Natahimik ito. Nasa daan nalang ang tingin. Itinuon ko nalang rin ang tingin ko sa labas ng bintana.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Sa sobrang tahimik rin kasi ay nakatulog ako sa byahe. Umaga nang magising ako. Hindi pamilyar sa kwarto at sa lugar.

Iginala ko ang tingin. Pamilyar sa akin ang pabango. Pinaghalong gray at puti ang nakikita kong kulay sa loob. Kwarto ba ito ni Uno? Hindi kaya ay nasa hotel kami?

Nagulat ako dahil pati ang suot ko ay puting bestida na. Lagpas pa iyon sa paa ko kaya sumasayad siya sa sahig. Kahit ang mga daliri ko ay natatakpan narin. Para akong isang maharlikang prinsesa. Iyong mga mahahaba nilang pantulog na may mga eleganteng dyamante pang nakadesinyo.

Lumabas ako roon sa silid. Inaangat ng kaonti ang suot para makapaglakad ng maayos. Bumulaga agad sa akin ang enggrandeng hagdan. Kapansin-pansin naman ang malaking chandelier sa itaas. Ang mahahabang kurtina na tinatakpan ang malalaki nilang bintana. Panaginip ba ito? Para akong nasa isang modernong palasyo.

Saktong may napadaan na katulong. Yumuko pa ito sa akin.

“Magandang umaga po, Miss,” magalang niyang bati.

“Magandang umaga rin. Uh, nasaan ako?” tanong ko.

“Nasa mansyon po kayo ng mga Buenaventura.”

“Sa bukid?”

“Hindi po, Miss. Dito po sa syudad. Nasa ibaba po sila. Hinihintay ka po ni Senyora. Ihahatid ko na po kayo.”

Tanging tango nalang ang naibigay ko. Sinundan ko ito pababa. Bawat detalye ng bahay ay hindi ko mapigilang mapasinghap. Magkano kaya ang bawat kasangkapan dito? Siguro magnakaw lang ako ng isang vase dito ay sobrang yaman ko na!

Pagbaba ko, napansin ko agad ang malaking aquarium. Pwede na ata akong pumasok diyan para magswimming! Grabe naman. Magkano kaya ang nagastos nila sa ganito karangyang bahay?

Nalipat ang aking atensyon sa sliding door na kumukonekta sa labas. Ang nagliliparang mga paru-paro agad ang aking napansin. Sa rami rin kasi ng bulaklak sa paligid, walang duda na dadayuhin talaga iyon ng mga paru-paro.

“Sabi na at bagay sa’yo, hija.” Anang Mommy ni Uno, tumayo na at manghang mangha ang mukha habang nakatingin sa akin.

Tipid akong napangiti. “S-Salamat po, u-uh magandang umaga po pala sainyo,” sabi ko, iginala ang tingin. Nandito pala ang girlfriend ni Tres. Katabi niya naman ang boyfriend niya, suplado ang pagmumukha at walang ibang iniintindi kundi ang katabi.

“Good morning!” masiglang bati sa akin ng girlfriend ni Tres. Malinaw kong nakikita ang maliit na hugis ng kanyang mukha, walang ni isang make-up roon at tanging natural na mapupulang pisngi at labi lamang ang ipinapanlaban. Singkit ang mata nito at agaw-pansin ang matangos na ilong. Mahaba ang kanyang buhok, petite at sa pagkakaistima ko kagabi, mas matangkad ata ako sa kanya ng kaonti. Mga nasa 5’4 ata ang height nito.

“Take a seat, Aly,” si Don Israel.

Tumango ako, nahihiyang naglakad papunta sa bakanteng upuan at inukupa iyon. Katabi ko naman ang Mommy ni Uno.

“Hindi pa ba nagigising si Uno?” tanong ni Senyora sa katulong.

“Hindi pa po, Senyora.”

Dumako ang tingin ko sa girlfriend ni Tres, ngumiti ito sa akin kaya ngumiti narin ako.

“Sayang at nasa ibang bansa si Dos at iyong asawa niya. Kompleto sana tayong lahat ngayon.” Nahimigan ko ang lungkot sa tono ng pananalita ni Senyora.

“Marami pang araw. You know your son… Lahat nalang ipagdadamot,” sabi ni Don Israel, inangat ang hawak na tasa at sumimsim roon.

Nilagyan ni Senyora ng bacon at hotdog ang plato ko. Naglagay rin siya roon ng maliit na pancake at binuhusan niya ng syrup.

“Well I’m still glad he found someone who will tame him. Halatang napapaluhod siya ng babaeng iyon,” sabi niya. “Iyan ba iyong babaeng nilandi mo roon sa school Tres? Kaya ka sinuntok ng kuya mo?” Inosenteng tanong ni Senyora pero parang may pinupunto.

“Ma, magkano ang ibinayad sa’yo ni Dos para ibulgar iyan dito sa harap ng girlfriend ko?” tanong ni Tres habang nilalagyan rin ng panibagong pagkain ang plato ng girlfriend niya na ngayon ay ngumunguso na.

Tumawa ng malutong si Senyora. “I am just kidding. Total alam kong pagpepyestahan na naman tayo ng media, why not let’s enjoy the moment?”

“You’re very welcome in our family hija. Hindi naman kami apektado sa issue. Money can cover anything, don’t worry,” si Don Israel, walang pag-aalala sa mukha at hawak na ang dyaryo.

“Thank you po, Tito,” marahang sabi ng girlfriend ni Tres.

Wala akong ideya sa issue. Ang alam ko lang ay dito nagpalipas ng gabi iyong girlfriend ni Tres dahil baka sundan sila ng media. Nagtatago ba ito? May utang ba siya? Ganoon pa naman ang mayayaman. Malalaki ang utang.

Si Senyora ang kausap ko roon. Napagdesisyunan niyang Tita nalang daw ang itawag ko sa kanya.

Napapansin ko rin ang pagiging close ni Tita sa girlfriend ni Tres. Para bang matagal narin silang magkakilala. O ganoon lang talaga kafriendly iyong babae.

“I think I overslept.” Ang pamilyar na boses ni Uno ang narinig ko sa aking likuran. Sila lamang ang napalingon sa dako niya habang ako ay hindi man lang magawang ikilos ang ulo.

“Don’t worry son, inientertain ko naman si Aly,” si Tita. Nagawa pang kindatan ang anak.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Natatameme ako dahil nakakaharap ko ngayon ang pamilya ni Uno. Idagdag pa ang kapatid nito na sobrang suplado.

“Good morning ma.” Hinalikan ni Uno sa ulo si Tita saka niya inukupa ang silya sa tabi ko. He was fresh from the bath. Medyo basa pa ang buhok na kinukusot niya ng tuwalya na kahit ang shower gel na ginamit niya ay amoy na amoy ko rin.

Nilingon niya ako. “Morning.” Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi.

Sandali akong napatingin kay Tita na malapad na ang ngisi. Para siyang nanonood ng paborito niyang palabas at ganito nalang ang reaksyon niya.

“M-Magandang umaga, Uno.” Bati ko.

“Bagay na bagay kayong dalawa!” Napapalakpak si Tita. Kitang kita ang saya sa mukha.

Uno chuckled. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa sinabi ng kanyang ina o natatawa siya dahil isa lamang iyong biro?

“Sa pagkakaalam ko bata pa itong si Aly. Limang taon ata ang agwat niyo sa isa’t isa. You’re a pedophile, son,” ani Don Israel, nasa dyaryo parin ang tingin at nililipat ang pahina.

Nagkibit ng balikat si Uno. Hindi nawawala ang ngisi sa labi habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

“Aly is not a minor anymore, Dad. Hindi na pedo ang tawag kay Uno. Animal na.” hirit naman ni Tres, seryoso ang mukha.

Humalakhak ang girlfriend nito na kahit si Tita ay sinabayan rin ang pagtawa. Nakagat ko ang aking labi, pinipigilan ang paghalakhak lalo na’t natigil si Uno sa kakakuha ng pagkain at ngayon ay nakataas na ang kilay sa kapatid.

“Si Aly ang may sabi. Ginaya ko lang.” Hugas-kamay agad nitong sabi nang makitang nasa kanya na ang atensyon ni Uno.

“I agree with Aly,” si Don Israel na tiningnan pa ako at tumango.

Nailing si Uno. Binasa ang pang-ibabang labi at napangisi nalang.

Pagkatapos ng nakakatuwang agahan ay kasama ko na iyong girlfriend ni Tres sa kwarto. Pinahiram ulit ako ni Tita ng damit para may maisuot ako pagkatapos kong maligo. Nakakahiya namang tumanggi.

“Tagabukid ka talaga?” Hindi makapaniwala niyang tanong nang umupo siya sa kama habang pinapanood akong magsuklay ng basa kong buhok.

Tumango ako, medyo natatawa.

“Really? Even your parents? Mga tagabukid?”

“Uh, patay na ang mama ko at yung papa ko…” Napakurap siya. “What’s with your Dad?” Medyo naging malungkot ang tono ng pananalita niya.

“Iniwan ako noong bata pa ako e.”

“Ah, I’m lucky parin pala.” Ngumiti siya pero halatang pilit na.

Sigurado akong highprofile rin itong girlfriend ni Tres. Halata naman sa kutis, kilos at pananamit. Lalo na iyong pagsasalita niya. Pero iyong ugali ay sobrang masayahin. Nakikita ko iyon sa pagtawa niya sa maliliit na bagay. Iyong pakikipag-usap niya sa akin. Halatang hindi matapobre. Friendly. Hindi mapagmataas katulad ng iba na nakakaangat sa buhay.

Natigil lang kami sa pagkukwentuhan nang may kumatok sa pinto.

“Pasok,” sabi ng girlfriend ni Tres.

Bumukas iyon at iniluwa ang katulong.

“Inaantay na po kayo ni Sir Uno at Sir Tres sa ibaba. Handa na po ang sasakyan.”

Nagkatinginan kaming dalawa.

“Lalabas tayo?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Nagkibit ako ng balikat dahil kahit ako ay walang ediya.

Kapansin pansin ang hindi maipintang mukha ng girlfriend ni Tres. Para siyang may kinababahala lalo na’t namumutla rin ito.

Pumasok kami sa isang van. Naroon si Tres at Uno. Kitang kita ko ang pagdirekta ng mga mata ni Tres sa kasintahang nag-aalanganin ang mukha.

“Where are we going?” tanong nito kay Tres.

“Mall.”

Napasinghap ito, napaatras.

“Tres,” si Uno, makahulugan nang tinitingnan ang kapatid na hindi rin mabasa ang ekspresyon, blangko pero nangingibabaw ang pagiging suplado.

“I want this public.” Kibit-balikat niya.

“Well, that issue was years ago, s-siguro naman…” Medyo natawa ang girlfriend ni Tres pero halatang kabado.

“Nah, mainit parin ang mata sayo ng mga media. Mukhang mauungkat iyong muli,” si Uno.

“Hayaan mo silang sumunod sa atin. Mas mabuti nga iyan, makukunan ka ng litrato habang kasama ako. Ipagkakalat nila sa lahat na Buenaventura ang may hawak sa’yo,” sabi ni Tres, sumisilay ang tagumpay sa mukha.

Pinamulahan ng mukha iyong babae. At heto ako, wala na namang ediya sa usapan nilang tatlo.

Nasa likod kaming dalawa ni Uno, nasa harapan naman sila Tres. Para kaming magcouple na nagbabalak magdate pero kailangan ay magkasama dahil iyon ang utos ng magulang.

“Come closer.” Biglang hinatak ni Uno ang baywang ko palapit sa kanya. Unti unti ko nang nauukupa ang espasyong inilaan ko sa gitna naming dalawa.

Napangiwi ako. “Bakit naman?”

“Coz I want you closer with me?” inosente niyang sabi, na parang hindi ito mali.

“Chansing ka alam mo ’yon?” Pinaningkitan ko siya ng mata.

“Alam mong chansing ako pagdating sa’yo.” Ngumisi siya.

“Kung makapagsalita akala mo walang-“Don’t.” Biglaan niyang putol sa akin.

“Totoo naman ah?” Pilit kong pagtataray.

“We talked about this, Aly. Iwanan mo na muna ang mga pinoproblema mo roon sa bukid,” sabi niya.

“Ba’t ko iiwan eh nasa utak ko naman?”

Nailing siya. “You’re the most stubborn girl I met. Damn.”

Umirap ako. Alangan naman sundin ko ang gusto niya? Kung makademand rin ang animal na ito.

“Kasalanan ko ba kung hindi matanggal sa utak ko?” bulong ko.

“Hmm, so it’s bugging your mind huh.” he smirked.

Parehas ba kami ng iniisip? Masyado siyang assuming eh.

“Hindi ako affected ’no? Busy ako sa pag-iisip kung paano magkakapera para mabayaran ko ang utang ko sa’yo. Tinatamad na akong magtrabaho sa Resthouse,” alibi ko, pilit nililiko ang topic.

“What a liar.” His smirk grew even wider.

Napanguso ako. “Hindi no!”

“Talaga?” Unti unti, hinila niya ang aking braso, palapit lamang sa kanya.

“Talaga! Bitiw nga!” Humaba lalo ang aking nguso, tinakwil ang kamay nitong hinihila ako sa kanya.

“Kung si Pinocchio humahaba ang ilong pag nagsisinungaling, ikaw naman humahaba ang nguso,” he chuckled.

Natigil ko ang kakanguso at nalaglag ang panga. Pinagtitripan ba ako ng lalakeng ito?!

“Hoy animal ka! Akala mo natutuwa ako?” Hinampas ko ang kanyang braso ngunit hinuli niya lang ito at hinila akong muli.

“Kung magsisinungaling ka, huwag ngunguso Alyssa. Pinapatunayan mo lang sa akin na may pinagtatakpan ka,” sabi niya na ikinapula ng pisngi ko.

“Ano naman pagtatakpan ko?” Pagmamaang-maangan ko.

“Paano ko malalaman kung pinagtatakpan mo nga?” Tumaas ang kanyang kilay.

Ang animal na ito!

“Wala akong pinagtatakpan!” Napanguso ako.

“O sige, wala.” Pag-amin niya pero ngumingisi naman.

“Kasi nga, wala!” Mas lalo akong napanguso.

“Yun na nga. Wala nga.” Ngayon ay humalalakhak na siya.

Nakuha ng paglingon sa amin ni Tres ang atensyon ko.

“Di ba pwedeng itext niyo nalang iyang landian niyong dalawa?” reklamo nito, sinasalampak na ang headset sa isa niyang tenga habang iyong isa ay isinaksak niya narin sa tenga ng girlfriend niya.

“KJ si Tres. Ayaw niya sa maiingay,” medyo natatawang sabi ng girlfriend niya na nililingon narin kami rito.

Pagdating sa Mall ay humiwalay na ang dalawa sa amin. Wala rin naman akong ideya kung ba’t kailangan pa naming pumunta rito.

“May bibilhin ka?” tanong ko.

“Yes. Mga utos ni Mommy.”

Napakurap ako. Sa edad niyang iyan nauutusan pa pala siya? Iba rin talaga pag panganay.

“Close kayo ’no?”

“Yeah. She’s like a bestfriend to me.”

Sandali akong natahimik. Siguro kung nabubuhay ang aking ina ay ganoon rin ang samahan naming dalawa. Siguro ay may mapaglalabasan ako ng mga hinanakit ko. May mapagkukwentuhan ako ng tungkol sa amin ni Uno. May mahihingan ako ng advice.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Uno sa aking beywang. Ang mga matay kumikislap at nakikitaan ng pag-aalala.

“You okay?”

Tumango ako, ngumiti.

“Oo naman! Namimiss ko lang si mama. Naiinggit lang ako sa inyo. Ang sarap pa naman sa pakiramdam ng may ina.” Humalakhak ako.

“Well I’m sure my daughter will surely have an amazing Mom.” Ngumiti siya ng makahulugan na nagpakunot ng noo ko.

“Ha?”

Naging seryoso ang mukha niya. Wala nang makitang ano roon maliban sa mga mata niyang nangingislap parin.

Slowly, his hand found my own hand.

“You know how amazing you are to me, Aly,” aniya, unti unting pinagsalikop ang aming mga palad. “That’s the only thing I want in my life right now. Giving my child the most amazing girl I know.”

Lumunok ako at walang maintindihan sa lahat ng nangyayari. Ano ba talaga ang totoo?

Chapter 48

Signs of Love

Date

“Bakit ka namimili ng damit pambabae?” tanong ko habang pinapanood si Uno na namimili ng mga damit dito sa pinasukan naming botique. Halatang puro mahal iyong mga nakadisplay dito. Kumikinang sila sa ganda sa paningin ko. Ganitong klaseng mga damit rin kasi ang binibili ni Addi eh kaya pamilyar sa akin ang mamahaling brand.

“Mom told me to buy you clothes, Aly,” aniya, nasa mga damit parin ang tingin.

Nalaglag ang aking panga. Iyon ang utos ng mama niya? Ang bilhan ako ng damit?

Mabilis akong lumapit sa kanya. “Nakakahiya kay Tita, Uno! Ano nalang iisipin niya sa akin? Na tumatanggap ako ng mamahaling bagay mula sa kanya? Baka sabihin niyang abusado ako!” Pinigilan ko ang kamay niya sa pamimili habang naniningkit ang aking mga mata. “Ayoko.”

Uno grunted. Hindi makapaniwala sa pagdadrama ko.

“Stop thinking absurd things, baby. My mom is not like that.”

That endearment made me cringe. Imbes na handa na akong tumanggi pa ay natanga na ako sa itinawag niya sa akin.

May kinuha siyang hanger at itinapat sa akin. Sinasamantala ang pagkatigil ko.

“Hmm, this white dress looks nice. Hindi masyadong sexy at bagay sa’yo,” seryoso niyang sabi habang kinikilatis ako ng mabuti sa mga mata niya.

Kinuha ko ang hanger sa kanya nang matauhan ako ngunit hindi ako nagtagumpay.

“Mom told me to buy this for you. Hindi pera ang gagamitin ko kundi kanya. So chill. Hindi ka pwedeng masunod ngayon babae. This is mom’s rule. I’m not going to spoil my stubborn girl right now.”

Laglag panga ako sa pinagsasabi ni Uno. Kung makasabi niyang inispoil niya ako!

Umabante siya para tingnan ang iba pang damit habang hawak iyong hanger kaya bumuntot rin ako.

“Hoy animal na lalake, kung makapagsalita kang spoiled ako sa’yo akala mo naman inaabuso kita.”

Humarap siyang muli sa akin. Hindi binibigyan ng masyadong atensyon ang pinagsasabi ko at may hawak na namang panibagong hanger. Itinapat niyang muli iyong sa akin. Naroon ang kanyang tingin at sinusuri akong mabuti habang tinitingala ko naman ang seryoso niyang mukha.

“I’m spoiling you too much, Aly. Kaya ganyan na katigas ang ulo mo,” sabi niya.

Aba!

“Hindi matigas ang ulo ko! Sadyang ayoko lang sa mga bagay na gusto mo.”

“At sinusunod ko naman kahit na nakakabuti iyong mga gusto ko para sa’yo. You’re just too stubborn, little girl.” Nailing siya.

Little girl?!

Handa na akong magbitiw ng mga salita nang itinapat niya ang hintuturo niyang daliri sa aking labi.

“Hush now. Your lips is distracting me. Gusto kong mamili ng magagandang damit para sa’yo pero ang ingay mo. Let me concentrate.” Yumuko siya at pinatakan ng halik ang aking noo. Natigilan ako at natangang muli sa kanyang mukha na ngayon ay nakangisi na sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi.

“There…” Ngumisi siya sa akin.

Napalunok ako ng laway. Hindi matagalan ang titig niyang nakakalusaw at ang ngiti niyang nakakasilaw kaya iniwas ko agad ang tingin. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mas paglaki ng kanyang ngisi at pagdila niya ng kanyang pang-ibabang labi. Jusko! Anong klaseng animal ba itong si Uno?

May lumapit sa aming saleslady at iyon ang nagreprisenteng dalhin ang mga pinamili ni Uno. Panay buntot rin ito sa amin at pasimpleng napapangiti dahil sa kakatitig sa kanya. Wala bang babae ang hindi nabibihag ni Uno sa kanyang imahe?

Sumusuyod ang mga mata ni Uno sa paligid habang ako ay nasa saleslady ang tingin. Wala rin naman kasi akong taste sa mga ganito. Di k sq no No alam kung ano iyong nababagay sa akin. Nakakapagtaka nga at parang mas may alam pa si Uno sa mga damit na gusto ko eh lalake siya.

Umabante siyang muli. Nanatili ako sa aking pwesto dahil wala ako sa aking sarili, lutang ang aking isip sa pinag-iisip. Doon lamang ako bumalik nang hilain niya ako.

“Hindi ako makapaniwalang may babae palang walang interes sa pagsh-shopping.” Nailing siya.

“Di ko naman pera,” giit ko.

Kahit pera mo hindi mo parin iyon gagastusin sa mga ganitong bagay,“ marahan niyang sabi, panay ang panghihila sa akin habang umaabante kaming dalawa at pinagpapatuloy ang pamimili ng damit gamit ang kanyang mga mata.

“Hindi ako materialistic, Uno. Praktikal ako. Bawat piso, mahalaga.”

“I know. Alam kong magkasalungat ang paniniwala nating dalawa.”

“Oo! Dahil gastador ka!”

Tumigil siya sa paglalakad at may kinuhang panibagong hanger. Binitiwan niya ang aking kamay saka humarap sa akin. Seryoso na naman ang mukha.

Itinapat niya iyong muli sa akin. Isa iyong panibagong puting dress.

“Hindi mahalaga sa akin ang pera, Aly. Kung sa’yo ko lang naman uubusin ay handa akong mamulubi maibigay lang lahat ng gusto mo.”

Sa sobrang pagkalunod sa kanyang sinabi ay hindi ko na naitago ang mukha kong nang-iinit. Tinitingala ko ang lalakeng walang kasiguraduhan kung magiging akin ba ng buo. Ang lalakeng hindi nililinaw sa akin ang lahat pero pinapabaliw ako sa mga salitang binibitiwan niya.

Doon lamang ako bumalik sa aking sarili nang mapansin ko ang pag-irap ng saleslady. Umaasim na ang mukha at parang may ikinakagalit.

“I’ll take this too.” Ibinigay ni Uno sa babae iyong panibagong hanger kaya mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon. Naging matamis ang ngiti at kumikislap ang mga mata. Pero parang useless lahat ng iyon dahil hindi man lang ito nagawang tingnan ni Uno.

Kinuhang muli ni Uno ang aking kamay at hinila ako.

“Ang simple naman ng mga pinamili mo Sir? Kasingsimple ng kasama niyo,” sabi ng babae na nakabuntot narin sa amin. Nagawa pa nitong matawa.

“I like simple things,” sagot ni Uno, wala sa babae ang tingin dahil may panibago na namang tinitingnang damit.

“Halata nga po Sir, eh. Tinitipid niyo po ang girlfriend niyo.” Humalakhak ito. Halatang pabiro lang naman iyon pero ba’t nakakainsulto?

“She doesn’t want expensive things,” sagot ni Uno, humarap na naman sa akin dahil sa panibagong nakalkal na dress.

Ngumuso ako. Nililingon ang babaeng titig na titig sa pinaggagawa ni Uno sa akin.

“Pero Sir ang mamahal nga nitong pinamili mo. Simple nga lang, Sir,” sabi niya, hinuhuli ang mata ni Uno na imposible niyang matingnan dahil nasa damit na tinatapat sa akin ang tingin.

Unti-unting umakyat ang mga mata ni Uno sa akin kaya natingnan ko narin siya. Kumukurba na ang kanyang labi at binibigyan ako ng matamis na ngiti.

“Well yeah, I admit… I like simple things, yet valuable. Simple lang pero mahal,” makahulugang sabi ni Uno nang tiningnan ako.

Natutop ang bibig ng babae. Napasinghap ako sa gulat. Hindi ko naman naririnig ang aking pangalan sa simpleng sinasabi niya pero pakiramdam ko, ako iyong simple na iyon. Pakiramdam ko, ako iyong tinutukoy niya sa simpleng bagay ngunit mahal niya. Ganoon kaabusado ang aking utak para isipin iyon at mag-assume na ako iyon.

Pinanood ko ang pagbigay ni Uno ng isang card sa harap ng cashier. Ang pagsulyap sa kanya ng babae ngunit ako itong nililingon niya. Ang pagkuha niya sa mga paperbags at binakante parin ang isang kamay para hawakan akong muli. Habang tumatagal, nasisira na naman ang pader na binubuo ko sa pagitan namin. Tinitibag ko na naman iyon para tuluyang makapasok itong lalaking ito sa buhay ko.

“Let’s eat first before going home,” sabi niya.

“Paano iyong kapatid mo?” tanong ko. Tinitingalang muli ang mukha niyang hindi nakakasawang tingnan.

“He’s not a kid anymore, Aly,” aniya, wala masyadong pakialam sa kapatid.

“Panganay ka at responsibilidad mo parin siya,” giit ko.

“Malaki na ’yon para alagaan, Aly. If he needs me then I’m willing to help. Pero ngayon, iba na ang priority ko.”

Natutop ang aking bibig. Wala nang masabi dahil mukhang hindi ko narin matitibag ang sagot niya.

Hindi ko masyadong kabisado ang malaking Mall kaya wala akong alam sa paligid. Ang alam ko lang, mahal na naman ang pinasukan naming kainan o isang Restaurant.

Si Uno ang nag-order ng para sa akin. Ang tanging kilala ko lang ata sa menu nila ay iyong cold water. Iyong iba ay hindi ko na alam kung ano ang hitsura.

“Do you have plans after this?” tanong niya sa akin habang naghihintay kami ng order namin.

“Ha?”

“I mean, do you want to watch a movie?” casual niyang tanong na nagpainit ng aking pisngi.

“Date ito?” Wala sa sarili kong tanong, medyo nagugulantang sa pinagsasabi niya.

Sumandal siya sa kanyang upuan, malalim na naman ang tingin sa akin habang ang kanyang isang kamay ay nasa table, parang may tinatap na naman roon.

“Well, if you want to consider this as a date then yes, we’re dating.”

Napasimangot ako. “Anong consider? Ako itong nag-iinsist na date ito ganoon ba?”

“Kung iyon ang gusto mo.”

Mas lalo akong napabusangot. Ang animal na ito minsan nakakakilig pero minsan rin ang sarap sakalin!

“Hindi ’no! Ang sabi mo lang naman ay may iniutos sa’yo ang Mommy mo tapos ngayon tinatanong mo na ako kung may plano ba ako.” Pagpapaliwanag ko na ikinabuntong niya ng hininga.

“Why do girls love to argue?” Nasuklay niya ang kanyang buhok paatras at binasa ang pang-ibabang labi. Nanatiling nakaawang sandali ang kanyang bibig, tila gustong may sabihin pero hindi muna inilalabas.

Binasa niya iyong muli saka lamang nagsalita lalo na’t napapansin niya na ang pagkakasalubong ng aking kilay.

“This is not how I will date you, Aly, but if you want to label this as dating then so be it. Ang akin lang, gusto kong wakasan agad ang argumento at sundin nalang ang gusto mo para matapos na ang pagtatalo.”

Unti-unting huminahon ang kilay ko na kahit ang aking balikat ay nagloosen na. His eyes were pleading. Na tigilan ko na sana itong pakikipag-argumento sa kanya.

“Ganoon ba ang tingin mo sa akin sa tuwing nakikipag-argumento ako sa’yo? Na nagsisimula ako ng away?” Naningkit ang aking mata. Napasinghap siya, mariing napapikit at napatingala. Nahilot niya ang kanyang sintido, tila problemado.

Hindi nagbago ang aking ekspresyon hanggang sa bumabang muli ang kanyang tingin.

“Hindi sa ganoon, Aly. Ayoko lang nag-aaway tayong dalawa. Ayokong may pinagtatalunan tayo at ayokong nagagalit ka.” Mas lumalim ang kanyang tingin sa akin. “You’re giving me the urge to claim you when you’re mad. You have no idea how turned on I am when you’re mad, Alyssa.”

I’ve seen how the heat in his eyes grew even wider. Na pag ipinagpatuloy ko pa itong pakikipagtalo sa kanya ay may kalalagyan talaga itong galit ko.

Namula ang aking pisngi. Hindi ko na magawang tingnan siya sa kanyang mga mata. Hindi na ako mapakali kaya kinuha ko nalang iyong malamig na tubig at ininom.

Kumurap-kurap ako. Nagdadasal sa aking isipan na sana ay dumating na iyong pagkain para madistract at maiwala ang usapang ito. Kaya ba sa tuwing galit ako… jusko naman! Ba’t may sumisigaw sa utak ko na magalit nalang sa kanya araw araw?! Anong klaseng kalandian ba itong sumanib sa akin?! Para akong uhaw palagi pagdating sa animal na ito.

Laking tuwa ko nang matanaw ko ang waiter tulak ang isang cart kung saan nakahilera ang mga pagkain namin. Pero hindi iyon naging distraction kay Uno para tigilan ang paninitig sa akin.

Naglakad lakad nalang muna kami sa Mall pagkatapos naming kumain. Wala rin akong alam kung nasaan na iyong dalawa. Siguro ay nandito lamang sila sa Mall, o baka naman ay nauna nang umuwi.

Huminto kaming dalawa ni Uno sa tapat ng sinehan. Nanunuri ang kanyang mata sa mga now showing habang ako naman ay takang taka kung ba’t kami nandito.

“Inutusan ka rin ng Mommy mo na tingnan kung anong magandang palabas?” tanong ko sa kanya.

“This is a date right?” Tumaas ang kanyang kilay na ipinagsalubong naman ng akin dahil sa tanong niya.

“Pinapalabas mo ba talaga na ako ang may gustong date ito?”

“The feeling is mutual, Aly. Gusto ko ring date ito. Calm down and stop getting mad.” Ngumisi siya, malisyoso na ang tingin sa akin at may pinapaalala sa katagang binibitiwan niya.

Pilit kong ipinasok saaking utak iyong sinasabi niyang kalimutan ko muna iyong mga alalahanin ko tungkol sa aming dalawa. Kung ako ang papipiliin, tanggihan itong alok niya at umuwi nalang dahil masasaktan rin naman ako pagkatapos o sasang-ayon sa gusto niya at masasaktan pagkatapos. Masasaktan at masasaktan ako kaya doon nalang siguro ako sa desisyong alam kong sasaya ako. Kahit panandalian lang.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi, naninimbang ang tingin ni Uno sa akin. Kumurap ako at ibinaling ang tingin sa mga palabas na showing.

“Uh, mukhang masayang panoorin iyang the incredibles 2,” sambit ko na ikinahalakhak nito ng bahagya.

“Pero kung hindi mo gusto dahil pambata okay lang nama-“Nah, I want to watch it too, actually.” Pagsang-ayon niya. “I’ll just buy our food.”

Tumango ako, mas nakagat ang pang-ibabang labi at hindi mapigilan ang sayang lumulukob sa aking puso. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na manonood kami ng cine!

Hindi pa nagsisimula ang palabas nang nang pumasok kaming dalawa ni Uno. Hawak niya ang aking kamay para igiya narin ako sa paglalakad. Kapansin-pansin ang paglingon ng mga babae kay Uno. Kung paano sila napasinghap at halos maglaway na sa kakatitig sa kanya. Sa reaksyon nila, parang mas gusto nilang panoorin ang bawat kilos ni Uno kaysa sa palabas.

“Watch your step, Aly.” Saway sa akin ni Uno nang mapansin niyang wala sa daan ang aking tingin.

Itinigil ko ang kakapuna sa mga babaeng tinitingnan siya at nilingon ito, seryoso ang mukha at nasa akin ang buong atensyon. Dala niya pa iyong drinks namin habang popcorn naman ang hawak ko. Iyong isa niyang kamay ay ako ang pinagkakaabalahan.

“Kahit saan ata ay may tititig sa’yong babae,” sabi ko.

“You’ll get use to it,” aniya, hindi masyadong binibigdeal.

“Katulad mo na sanay na rin?”

Huminto kami sa linya kung saan kami uupo. Siya na mismo ang nag-ayos ng upuan ko. Umupo ako doon at ibinalik sa kanya ang tingin na ngayon ay umuupo narin at inilalagay ang inumin sa loob ng bilog sa gitna naming dalawa.

“Nakatitig lang naman sila.”

“Gusto niyo naman iyon diba? Iyong pinagtitinginan kayo ng mga babae?”

Kinuha niya sa akin ang popcorn. Sandaling natuon ang tingin ko roon nang binuksan niya iyon.

“What are you talking about?” Inosente niyang tanong.

“Sus kunwari ka pa. Alam kong gusto mong tinititigan ka ng mga babae,” mariin kong sabi.

“It’s not that important to me.” Kibit balikat niya at inalok sa akin ang popcorn.

Dumukot ako roon saka ibinalik ang tingin sa mga mata niyang hindi nilulubayan ang akin.

“Hindi importante pero nag-eenjoy,” mapakla kong sabi.

Isinubo ko ang popcorn at iniwas ang tingin sa kanya dahil mukhang may iniisip na ito na kung ano para magpangiti sa kanya ng ganyan katamis.

“Hindi importante ang nakatitig sa akin. Ang importante ay kung sino ang kumukuha ng buong atensyon ko at tinititigan ko. ’Yun ang mas mahalaga, Aly.”

Chapter 49

Signs Of Love

Drunk

“I miss partying!” Nakabusangot na reklamo ng girlfriend ni Tres dito sa kwarto kung saan ako natutulog. Medyo may alam narin ako tungkol sa buhay niya pati na roon sa issue. Siya rin kasi ang palagi kong kasama dito sa bahay. Siya ang nakakakwentuhan ko. Mabait naman siya pero kung ikukumpara kay Chany masyado atang mabait ang babaeng iyon. Basta marunong siyang maging mabait.

“Pati ba pagparty hindi mo na nagagawa simula noong issue?” tanong ko.

Umupo siya sa kama at inayos ang nagulo niyang buhok lalo na iyong bangs niya, inilagay niya iyon sa gilid na mas nagpaganda sa kanya.

“Yep. Pinapaliguan ako ng bashers. Alam mo naman iyong naging past ko sa school. Dahil sa panlalalake ko.” Tumawa siya.

Umupo narin ako sa kama at itinigil ang pagbuklat sa magazines. May isang article kasi roon na nafeature silang dalawa ni Tres lalo na’t main topic rin iyong kasal ni Dos at ni Addi.

“Ang hirap nga ng sitwasyon mo. Kahit siguro ako ay mababaliw kung ako ang nasa posisyon mo.”

Sumimangot siya. “I’m already crazy. Kaya siguro hindi na ako natablan.”

Malamang! Sa mga nalaman ko sa kanya masasabi ko talagang nababaliw na siya! Siya ata ang pinakabaliw na babaeng kilala ko!

“Desperada rin,” sabi ko.

Naningkit lalo ang mga mata niyang singkit. “Ouch! Ikaw Aly ang bait bait mo pero ang tabas ng dila mo ha!”

Natawa ako na ikinatawa niya narin.

“But seriously, Aly, gusto kong magparty. Total brokenhearted ka naman, tara labas tayo!”

Natigilan ako sandali sa plano niya. Alam niya kasi iyong tungkol sa amin ni Uno. Sinabi ko sa kanya lahat at ipinangako niya naman na sa amin lang iyong dalawa. May tiwala rin naman ako sa kanya na hindi niya iyon ipagsasabi maskin kay Tres.

“Hindi nga ako mahilig sa party.”

“Just this once! Try mo maglasing! Believe me masarap yun sa feeling lalo na pag nakikihalubilo kana sa dancefloor!” Excited niyang sabi. Kumikislap pa ang mga mata niya habang nagkukwento.

Ni minsan, hindi ko pa naranasang malasing. Hindi ko pa naranasang uminom. Noong dinala ako ni Addi ay hanggang juice lang naman ako. At wala rin naman sa isip ko ang maglasing pag may problema ako eh sakit sa ulo lang naman ang maibibigay niyan.

“Papayagan ka ba ni Tres?” tanong ko.

Unti-unting sumilay ang makahulugang ngiti sa kanyang labi. Umiling siya.

“He won’t allow me that’s why we’re going to sneak out!”

“Ayoko! Nako, wala pa naman akong pera-“May pera ako!” putol niya sakin. Napatitig ako sandali sa kanya. Hindi kumbinsido sa plano niya ngayon.

Nagpout siya bigla. Ang singkit niyang mga mata ay unti unti nang nagiging parang tuta. Makikita mo ang lungkot roon. Lalo na’t ipinagsalikop niya na ang mga daliri niya sa isa’t isa.

“Please? Kailangan ko lang talagang pumunta sa Bar…” Pinagkukurap niya ang kanyang mga mata habang pinapaliit ang boses. Akala ko pa naman gusto niya nang magmature. Siguro ay hindi niya talaga maaalis sa sistema ang ganitong ugali niya. Natural na lumalabas iyon sa kanya.

Napabuntong ako ng hininga. Total wala rin naman ang magkapatid dito. Sumama kasi sila kay Tita. Mukhang may emergency sa kompanya nila kaya kailangang tumulong ng dalawa.

Maggagabi na nang lumabas kami ng mansyon. Medyo nag-aalala ako dahil baka pagkaguluhan na naman siya.

“Chill! That Bar is exclusive! Bawal ang mga media. Plus, may mga friends pa naman ako doon. They’re going to be my back-up kung may nangyaring gulo. Trust me Aly!” Niyakap niya ako, para siyang bata na nangungumbinsing payagan nalang ito.

“Oo na! Basta ayokong malasing ah.”

Lumiwanag ang mukha niya at tumango tango. Sa suot niyang black dress ay mas lalong lumitaw ang kaputian niya, masasabi mo talagang magaling siyang magdala sa sarili niya. Nakasimpleng white dress lang naman ako na kapit na kapit sa katawan ko at hanggang hita ko lang habang siya naman ay nakaexpose ang likod. Para iyong cocktail dress na may nakapaligid na kumikinang na dyamante.

“Mapapagalitan ka talaga ni Tres,” sabi ko sa kanya pagkababa namin ng taxi. Pamilyar sa akin ang lugar lalo na’t malinaw kong nakikita ang malaking pangalan ng Bar. Umiilaw ito at lumalabas ang nangyayaring ingay sa loob. Hindi naman gaanong malakas pero masasabi mong may nangyayaring party sa loob.

“Alam ko. Total mamaya pa naman kaya mamaya ko nalang aalahanin.” Kumindat siya sa akin at hinila na ako papasok.

She likes having fun. Isa iyon sa alam ko sa kanya. Mahilig siyang sumugal sa mga bagay na alam niyang mananalo siya. Handa niyang itaya ang lahat.

Ang nakakabinging tugtog agad ang sumalubong sa amin. Pamilyar na ako sa loob dahil dito ako dinala ni Addi at dahil narin Bar ito ng magpipinsang Delafuente. Hindi na ako magtataka kung nakita ko rito ang isa sa kanila o ang mga asawa nila. Pero wala na silang panahon sa mga ganito dahil busy na sila sa mga anak nila.

“Woooooh!” Itinaas niya ang dalawa niyang kamay. Nagsisimula nang gumalaw ang kanyang katawan dahil sa ritmo ng tugtog.

“Let’s go Aly! Sa counter tayo!” Hinila niya ako roon. Hindi nabubura ang natamis na ngiti sa kanyang labi.

Napansin ko agad ang pagkatigil ng iba dahil sa kakatitig sa kanya. May iba na nagbubulung-bulungan pa pero may iba naman na namanangha lang talaga sa kanya. Kaya rin siguro pinagtitinginan ako ng ibang lalake.

“Nakatingin narin yung iba sa akin. Masasali ba ako sa issue?” tanong ko sa kanya nang inukupa namin ang dalawang bakanteng stool sa harap ng counter.

“No silly! Maganda ka kaya ka pinagtitinginan. Walang media dito Aly.” Natatawa niyang sabi saka itinuon ang atensyon sa harapan. May kung ano siyang sinabing inumin roon.

Ilang sandali lang ay naglapag na ng lemon at maliliit na baso iyong bartender. Eh? Anong klaseng inumin ito at kailangang may lemon?

Ibinigay niya sa akin iyong maliit na basong may laman na.

“Ganito. Sipsipin mo iyong lemon saka mo ito inumin. If you dont like the taste then sumipsip ka lang ulit ng lemon. It will make you feel better.” Pagbibigay niya ng instruction sa akin na hindi ko naman gaanong nagegets.

Naging wild ang tugtog dahil sa isang trance music. Ako naman ay nakatitig sa hawak kong shotglass at dinadasalan muna na sana hindi ako malason nito pag ininom ko ng isang lagukan. Mariin akong pumikit at nilagok iyon. Mabilis na nasira ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa hapding dumaloy sa aking lalamunan. Kahit hindi ko maintindihan ang lasa ay inubos ko nalang ito saka ko sinipsip iyong lemon para maalis iyong masamang lasa sa bibig ko.

“How was it?” Natatawa niyang tanong.

“Parang nasunog ang lalamunan ko! Ang hapdi!” Reklamo ko na ikinahagikhik niya lang.

“Congrats, Aly! You have a life now.”

Nailing ako sa kanya pero natawa narin. Halos maubos ko iyong ibang lemon sa kakasipsip ko dahil sa pait ng lasa. Ito ba ang gusto nilang inumin! Para akong uminom ng sabon panlaba!

“Red!” Kapwa kami napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Lalake iyon. Mestiso, matangos ang ilong, matangkad at may magagandang mata.

Napatayo si Red sa kanyang upuan at laglag panga doon sa tumawag sa kanya.

“Oh my gosh, Marco!” Dinamba niya agad iyon ng yakap. Halos iangat pa siya ng lalake dahil sa pagyakap rin nito pabalik sa kanya. Ako naman itong nasisira parin ang ekspresyon ng mukha dahil sa ininom ko. Para akong nahihilo na ewan. Jusko Aly! Nalason ka nga yata!

“I didn’t expect you’re going to be here after the issue! Sikat na sikat ang apelyido mo.” Narinig kong sabi ng lalake.

Narinig ko ang hagikhik ni Red. “Oo nga eh! Don’t mind it. Tapos na ako sa pagtatago ko. I just want my old life back! Kahit parang imposible na.”

“Come on, Red. Balita ko nakikipagdate kana ulit doon sa isa sa mga lalakeng pinaglaruan mo-” Sinapak niya ito ng mahina sa braso. “You bastard. Huwag mo nang ipaalala. Kung alam ko lang na magiging ganito ay hindi ko na ginawa lahat ng iyon. I’m such a pain in the ass.” Nailing si Red.

“You’re always a pain in the ass, playgirl.” Kinurot nito ang ilong ni Red at isiniksik sa kanyang balikat para yakaping muli.

“I miss you. Buti at naisipan mong umuwi.”

“I miss you too.”

Humiwalay si Red sa kanya at doon lang ako nilingon. “Anyway, she’s my friend, Aly. And Aly, this is Marco my childhood friend.”

Ngumiti ako sa kanya. “H-Hi!” Awkward kong pagbati. Inilahad niya naman sa akin ang kamay niya at nakipagshakehands.

“Hey gorgeous.” Ngumiti siya sa akin. Si Red naman ganoon rin ang ngiti.

Nakakadalawang baso na ako doon sa ininom ko at hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nakakaya ko nang sabayan ang mga trip ni Red. Hinila niya ako kanina sa dancefloor at sumayaw kaming dalawa. Natatawa ako dahil palagi akong nakakaapak dahil narin sa mali mali kong pagsayaw.

“Maganda ka lang talaga Aly pero wala kang talent sa pagsayaw!” Kantyaw ni Red sa akin.

“May iba diyan magaling sumayaw pero walang ganda. Kaya kwits!” sigaw ko na ikinalingon ng babae sa akin. Matalim ang tingin at halata ang pagkainsulto. Kanina pa kasi siya twerk ng twerk. Nasasagi ng pwet niya ang pwet ko!

“Oops. Hindi ako magaling sa away, Aly! Better shut your mouth.” Natatawa akong hinila ni Red paalis sa dancefloor. Gusto ko pa sana kaso hindi ko na makontrol ang sarili ko.

Dinala niya ako doon sa sofa kung nasaan rin iyong iba niya pang mga kaibigan. Kadalasan ay mga lalake. Siguro may dalawang babae pero mas maraming lalake. Pinakilala ako ni Red sa kanila kanina pero nakalimutan ko na ang pangalan nila. Mas close siya sa mga lalake. Iyong dalawang babae ay girlfriend lang ata ng mga kaibigan niya.

“You really lose the game, Red! You’re even dating him! Ano, nahulog na ang dakilang heartbreaker? Natuto kana?”

“Shut it, Leeland! I changed!” Natatawang si Red.

Inakbayan siya ni Marco. “This playgirl is trying to be mature now I guess.”

“Hell yeah! Mature na ako! Thank God. Cheers guys!”

Kahit hindi ako makarelate sa pag-uusap nila ay nakisali narin ako. Bibigyan rin kasi ako ng bote ng beer. Halo halo na iyong ininom ko. Medyo mapait ito pero hindi kagaya doon sa nauna na para akong nilalason! Sobrang sama ng lasa.

“Red, single pa ba itong si Aly. She’s damn gorgeous! Kanina ko pa siya tinititigan!” sabi noong isa na hindi ko na alam kung anong pangalan.

Hindi agad nakasagot si Red. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Kahit ako ay hindi alam kung anong isasagot.

“Uhhhh, oo? Single ako.” Humalakhak ako sa sarili kong sagot.

Nagsipulan sila.

“Cheers for that!” Inangat noong nagtanong sa akin kung single pa ba ako ang kanyang bote kaya nakipagcheers narin ako. Kapwa kami natawa.

Nawalan ako ng hiya at nakikipagtawanan narin sa kanila. Pinagkukwento nila ako tungkol sa buhay ko kaya nagkwento ako sa mga pinaggagawa ko sa bukid. Hindi nga sila makapaniwala.

“So you’re a farmer?” tanong ni Klint.

“She’s not just a farmer, man! She’s a hot farmer!” Sabi naman ni Leeland na ikinatawa ko.

“Hot talaga ako! Kayo pa naman magtanim sa tirik na araw hindi ba kayo magiging hot! Buti na nga lang at hindi ako nasusunog!” Natatawa kong sabi na ikinatawa narin nila.

Hindi ko na halos nakuha ang sinabi sa akin ni Red nang tumayo siya at alalayan ni Marco. Basta ay itinuturo niya lang iyong sa may cr. Tumango nalang ako at nakipagdaldalan ulit sa mga kaibigan niya.

“Meron bang cheater dito sa inyo?” biglaan kong tanong na ikinatigil nila.

“We’re all loyal, Aly. Loyal kami sa mga babae,” Troye.

“Yep, loyal siya sa lahat ng kanyang babae.” Pagsiwalat ni Leeland na ikinatawa ulit namin.

“Ah, cheater pala itong si Troye. Isa ka rin palang animal katulad noong kilala ko! Nakatali na nga pumapatol pa sa akin!”

“Aba’t sino yan, Aly! I’ll punch and kick his balls!” matapang na sabi ni Troye. Sinuntok niya pa ang palad niya.

Sa gumugulong kong paningin ay may bigla akong naaninag na pamilyar na mukha ni Uno. Bigla nalang itong lumitaw.

Itinuro ko siya. “Kamukha niya oh! Kamukha niya iyong animal na cheater!”

Napatingala sila sa lalakeng seryosong nakatayo sa kanilang harapan.

“You’re kidding me, Aly. That’s Uno.” Halos pabulong na sabi sa akin ni Klint.

“Oo si Uno! Kilala mo iyong dakilang animal na iyon, Klint?” Tumawa ako at pumalakpak. Ang talim sa mga mata ng kamukha ni Uno ay hindi nagbabago. Para siyang galit ngunit kalmado lang. Pero nakakapilipit ng tiyan iyong madilim niyang ekspresyon.

“Man… I don’t wanna die yet,” bulong ni Troye na hindi nakaligtas sa aming pandinig habang nagugulat sa imahe ni Uno.

“You want to kick my balls?” Seryosong tanong ni Uno kay Troye na mabilis na umiling habang namumutla.

“I-I was just joking-“Sabi mo sisipain mo ang mga bola niya! Sige na go! Ishoot mo ishoot mo na ang balls! Go!” Sigaw ko at pumalakpak.

Nahilot ni Klint ang kanyang sintido habang ang iilan ay naiiling at si Troye naman ay pinandidilatan ako at sinisenyasang tumahimik. Hindi ko iyon magets kaya ngumiwi ako.

“We didn’t touch her man. We’re just talking with her. Plus, she said she’s single-” Si Leeland na natigil dahil nangibabaw agad ang boses ni Uno.

“She’s my girl,” he said with finality kaya natutop ang kanilang mga bibig.

Napanguso ako. Kinuha ang bote at inangat sa ere kasabay ng pagtayo ko. Halos mawalan pa ako ng balanse pero naitukod ko ang aking kamay sa sofa at tumayong muli.

“Cheers sa dakilang animal na si Uno!”

Imbes na makipagcheers sila sa akin ay hindi na sila umiimik at iniiwas na ang tingin sa akin. Kinuha ni Uno iyong bote saka ako hinila paalis doon sa sofa.

“H-Hoy! Teka! Iinom pa ako!” Nagpumiglas ako kaso sa sobrang higpit at lakas ng pagkakahawak niya sa akin ay hindi ko man lang makalas ang kamay ko. Hindi ko iyon mabawi.

“Who told you to drink in this fucking Bar, Alyssa? With those bastards?” Galit niyang tanong.

“Bitiw nga!” Hindi ko pinakinggan ang kanyang tanong at hinila ang kamay ko. Naduduwal rin ako sa kanyang panghihila. Umiikot ang aking paningin at pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid.

“Nasusuka ako!” sigaw ko na ikinatigil niya at nilingon ako. Galit ang mukha pero nangingibabaw ang pag-aalala.

Nailing siya. Hinila ako sa ibang direksyon imbes na lalabas na kami.

Takip takip ko ang aking bibig at pinipigilang maduwal. Nang matanaw ko ang girl’s cr ay mabilis akong tumakbo papasok at sumuka sa sink.

“Shit! N-Nalason ata ako!” mangiyak-ngiyak kong sabi. “Dahil iyon sa masamang lasang ininom ko! Grabe ang sakit sa lalamunan!” reklamo ko pagkatapos kong sumuka ng marami. Nasa likuran ko naman si Uno. Hinihimas ang aking likod.

“Lasing ka hindi nalason,” sabi niya, kalmado ang mukha pero hindi nawawala ang galit sa mga mata.

“Nalason ako animal!” sigaw ko sa kanya, tinitingnan ang ekspresyon niya sa salamin. Hawak niya ang buhok ko para hindi iyon maging sabagal sa pagsuka ko.

“Don’t act like you’re the one who’s mad here, Aly. Hindi ako natutuwa.”

Napakurap ako roon. Sa mukha niya nga, para siyang nagtitimping magalit ng matindi.

“Stay here. I’ll get you a bottle of water.”

Pinunasan ko ang aking labi at tumango. Medyo kinakabahan dahil sa inaasal niya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Kahit na pinainom ako ni Uno ng tubig at nasa loob na ng kanyang sasakyan ay hindi parin nawawala iyong weirdong pakiramdam ko. Para akong lalagnatin na ewan.

“Nalason ata ako…” reklamo ko habang hawak ang ulo kong parang mabibiak na. Tahimik si Uno sa pagmamaneho hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari.

Nagising nalang ako na inilalapag niya na ako sa isang malambot na kama. Siya mismo ang nag-alis ng suot kong heel.

“I can’t believe you’d be like this, Aly. You’re not into this stuff. Since when did you learn partying and drinking, stubborn girl?” tanong niya. Sa sobrang lapit ng kanyang mukha ay naamoy ko na ang mint na nanggagaling sa kanyang bibig. Tumatama narin sa aking pisngi ang kanyang hininga.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nakita ko siyang nakayuko habang ang isang kamay ay nakatukod sa headboard ng kama.

Imbes na magsalita ay tanging titig lamang ang naibigay ko. Ang mga mata ng lalakeng hindi ko kailanman maiaalis sa sistema ko. Parang may kung anong bumubutas sa aking puso habang patagal nang patagal ang paninitig ko sa kanya.

“Let’s talk about this tomorrow. Just rest.” Tumayo siya ng tuwid. “Sa labas lang ako.”

Aalis na sana ito kung hindi lang may lumabas na kung ano sa bibig ko. Mga salitang hindi ko na napigilan pa.

“Di mo kayang manatili dito dahil magkakasala ka sa asawa mo?” Pekeng tawa ang naidugtong ko sa aking tanong.

Bumalik muli si Uno. Mabilis ang paghakbang makarating lang muli sa aking direksyon. Yumuko siya hanggang sa naramdaman ko nalang ang nahuhulog niyang labi sa akin at ginagawaran ako ng malalim na halik. Sa sobrang lalim ay halos mapapikit ako.

“I’m not married yet unless you say yes to me.”

Wala na akong maalala pa bago ako tuluyang mahulog sa mahimbing na pagtulog. Basta ang malinaw lang sa akin ay hinalikan ako ni Uno. Dala ng kalasingan ay hindi ko na matandaan iyong sinabi niya.

Chapter 50

Signs Of Love

Love

Tirik na tirik ang araw sa bukid. Busy na naman ang lahat sa pag-aasikaso ng mga pananim. Tapos na ang pagsasantabi ko ng mga problema at ngayon ay haharapin ko nang muli ang katotohanang nandito sa lugar na ito ang kanyang asawa at nagtatrabaho lamang ako sa lupain para makabayad ng utang sa kanya na imposible kong mabayaran.

Aaminin ko, naging masaya ako sa hacienda ng mga Buenaventura sa nagdaang isang linggo. Sa pamamalagi ko doon, mas nakilala ko ang kanilang pamilya. Don Israel and Tita Tracy were very kind. Ni minsan, hindi nila pinaramdam sa akin na naiiba ako. Kung ituring ako ni Tita ay parang anak niya narin. Wala kasi itong babaeng anak kaya ganoon nalang ang pagtrato niya sa akin ganoon narin sa girlfriend ni Tres.

Pagbalik namin dito ni Uno sa bukid ay balik na ulit sa dati. Hindi ko na ulit ito pinapansin. Iyong mga gamit ko ay nalipat na naman sa Resthouse. Hindi na ako nagreklamo pa dahil iniiwasan kong magalit sa kanya. Naninindig ang balahibo ko sa tuwing naalala ko ang epekto ng galit ko sa kanya. Ang animal na iyon ay masyadong sakim sa ganoong bagay.

Hindi inaasahan ang pagdating ni Addi sa bukid kasama ang kapatid ni Uno. Hindi pa kami nakakapagkwentuhan simula noong umalis sila at nangibang bansa. Naging busy rin kasi ako rito sa bukid habang sila naman ni Dos ay busy narin narin doon sa syudad pagkauwi nila lalo na’t buntis si Addi. Ang kaibigan kong akala ko ay hindi na iibig pa ay masaya na.

Busy ako sa paglilista ng mga naharvest dito sa mga prutas. Nandoon naman si Addi sa veranda kasama ang kanyang asawa.

Bigla nalang lumitaw si Uno rito. Hindi ko nalang ito nilingon at nagpanggap na nasa hawak kong papel ang buo kong atensyon kahit na ang totoo ay naaagaw niya na ito.

“Simula noong dumating tayo rito ay hindi na kita masyadong nakakausap. I thought we’re already okay, Aly,” sabi niya.

“Okay naman tayo ah?” wala sa sarili kong sabi. Nagpapanggap na nasa papel parin ang tingin at busy sa paglilista.

“You’re avoiding me.”

“Di lang talaga tayo nagkakakitaan. Malaki ang lupain, Uno.” Katwiran ko.

I heard him chuckle. Hindi dahil masaya siya kundi dahil alam kong napugto na ang pasensya niya sa mga nonsense kong sagot.

“Ano bang ipinaglalaban mo rito? Anong gusto mong makuhang senyales, Aly? Ang umulan ng nyebe sa tirik na tirik na araw? Ang paghati ng lupa? Mga imposibleng bagay na alam mo namang hindi mangyayari ganoon ba?” matabang niyang sabi.

“Oo mga ganoong senyales. Iyong mga imposible dahil alam kong imposible rin namang maging tayo,” matabang kong sabi na nagpangisi sa kanya. Iyong ngising walang tamis at pait lang. Nakakalokong ngisi.

“Fine,” sabi niya. Binasa ang pang-ibabang labi. Unti unting nawawala ang ngisi at napapalitan ng pagiging seryoso. “Ako mismo ang magbibigay sa’yo ng senyales na gusto mo.” Umabante siya na nagpaatras sa akin. Dala ng takot na nakikita ko sa mga mata niya.

Sa kakaatras ko ay hindi ko na namalayang wala na pala akong maatrasan dahil sa mga pananim sa likuran. Sa mabilis niyang galaw, nagulat nalang ako nang bigla akong nadikit sa kanya. Nabitiwan ko na ang aking hawak.

“I’ll give you my sign Aly.” Humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa aking beywang. Seryoso ang mukha at nakaigting ang panga.

Napalunok ako ng laway. Wala akong ideya kung ano ang tinutukoy niya pero naninindig ang aking balahibo dahil sa mga salitang binitiwan niya. Na hindi siya nagbibiro at mangyayari ang gusto niya.

Naligaw na naman si Lhuella sa lupain. Nagkasagutan pa silang dalawa ni Addi dahil lang tinakpan nito ng putik ang dibdib niyang expose na expose.

“Ganoong mga babae ba ang kinakaibigan mo Aly? Walang modo!” Nanggagalaiting reklamo ni Lhuella habang tinitingnan ang sariling dibdib na nadumihan ng putik.

Imbes na tulungan ito ay tumalikod nalang ako. Ayoko nang magsalita pa dahil baka kami naman ang mag-away. Ako nalang ang iiwas.

Natigilan pa ako nang makita ang paglapit ni Uno sa direksyon namin. Alam ko namang si Lhuella ang dahilan ng paglapit niya kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad lalo na’t naririnig ko na ang pagdadrama ni Lhuella sa aking likuran.

Umalis ang mag-asawa. Sa pagkakakalam ko magpipicnic silang dalawa. Naiwan akong mag-isa dahil wala narin dito si Uno. Siguro ay kasama na iyong asawa niya. Tsss

“Ba’t po kayo nakabusangot Miss Aly?” biglang tanong sa akin noong trabahador na hindi nalalayo ang edad sa akin.

Kumurap-kurap ako. Hindi ko namamalayang napapatulala na pala ako rito kakaisip sa dalawang iyon.

“Uh, may iniisip lang.”

“Lalake po iyan ’no?”

Natawa ako lalo na’t halatang gusto na nitong mang-asar sa tono palang ng pananalita niya.

“Hindi ah! Wala akong panahon sa mga lalake. Siguro pag sobrang yaman ko na ay diyan na ako maghahanap ng mapapangasawa.” Natatawa kong sabi.

“Bakit kayo namomroblema sa pera. Eh halata namang may gusto sa’yo iyong mayamang Engineer na may-ari ng malaking kompanya rito.”

“Ah si Calvin.” Tumawa akong muli. “Ang swerte nga ng babaeng magiging asawa niya. Gwapo, mayaman, gentleman, kahit suplado ay mabait naman-“Sir Uno.” Putol sa akin ng trabahador na nasa likuran ko na ang tingin kaya natigil rin ako sa kakasalita. Nilingon ko ang seryosong mukha ni Uno. Nakapamulsa at madilim na naman ang ekspresyon sa kabila ng pagiging kalmado niya.

Sumenyas sa akin iyong lalake na babalik na ito sa trabaho kaya tinanguan ko nalang siya. Nilingon ko saglit si Uno na hindi nagbabago ang ekspresyon saka ko ibinalik ang aking tingin sa hawak kong papel. Nawawala na naman ako sa konsentrasyon dahil sa imahe niya.

“Ba’t bumalik ka agad? Baka mayamya nandito na naman si Lhuella,” matabang kong sabi.

“Bukambibig mo pala ang lalakeng iyon sa mga trabahador rito?” Pag-iiba niya ng topic. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang iliko ang topic o mas gusto niya lang talagang pag-usapan ang narinig niya.

“May nasabi ba akong mali sa kanya?” Tiningnan ko siya ng direkta. Nakapamulsa lamang ito at hindi mabasa ang ekspresyon.

“You’re still into that man?” Tumaas ang kanyang kilay, halos umigting ang panga at hindi nagbabago ang tingin sa akin.

Lumunok ako. Hindi makayanan ang tensyong binibigay ng mga mata niya. Imbes na sumagot ay nag-iwas nalang ako ng tingin.

“Come on. May gusto ka sa lalakeng iyon?” Narinig ko ang paghakbang niya palapit lalo sa akin. Mariin akong napapikit. Napapagod sa paulit-ulit na pakikipagtalo sa kanya.

“Anong mali roon? Single ako, Uno. May karapatan akong magkagusto sa ibang lalake dahil hindi naman tayo.” Direkta kong sabi, hindi nililingon ang ekspresyon nito.

“And what about those things we did? Wala lang iyon sa’yo? Goddamn it, Alyssa. Isinuko mo ang sarili sa akin nang parang wala lang?” Mariin niya akong tiningnan.

Namilog ang aking mga mata. Ang tanga, Aly! Oo nga naman… Alam niyang wala kang karanasan sa mga lalake noong isinuko mo na sa kanya ang iyong sarili! Ngayon ay iniisip niya nang patay na patay ka sa kanya dahil doon!

“Bakit ba gusto mong ipilit na merong tayo?” naguguluhan kong tanong.

Natigilan siya sandali. Wala siyang imik sa aking likuran ng ilang minuto. Palihim ko siyang nilingon at nakita itong nakatitig lang sa likod ko.

“Then go and date someone if that’s what you really want,” aniya sa galit na boses.

Imbes na maging masaya ako sa sinasabi niya ay mas naiinis ako. Mas nagagalit ako.

“Talaga! Gagawin ko talaga ’yon!” sigaw ko sa sobrang galit at frustration na naghahalo na sa aking sistema.

Umiling si Uno at hindi na umimik. Tumalikod naman ako lalo na’t hindi ko na magawang hawakan ang luha sa aking mga mata na gustong kumawala. Tama na siguro ang lahat. Baka mas mabuting ipaubaya ko na rin sa kanya ang lupain ni Lola at umalis dito kaysa iyong ganito kami palagi. At isa pa, ayoko nang nasasangkot ako sa kanilang dalawa ng aking pinsan. Kung ano man ang totoo, pagod na akong kumbinsihin ang sarili ko na ayos lamang ang lahat.

Wala kaming imikan sa hapag kinagabihan. Kahit ang mag-angat ng tingin sa mag-asawa ay hindi ko magawa. Tinatago ko ang namumugto kong mga mata kahit alam ko namang mahahalata iyon ni Addi, lalong lalo na’t napapatingin din sa akin si Uno.

“We’re going to leave tomorrow morning.” Pag-oopen up ni Dos. “We need to go home tomorrow. Is that fine with you? I have things to do Addi.” Pangungumbinsi nito sa asawa niya na ikinatango nalang ni Addi.

“Sige. Magdala ka na rin ng maraming pinya.” Alok ni Uno.

Uminom ako ng tubig saka ko binalingan si Addi na titig na titig na sa akin.

“Sasama ako sa inyo bukas pauwi, Addi. ’Di ba bakante pa naman iyong posisyon ko sa kompanya niyo? Babalik na ako,” sabi ko na kumuha ng buong atensyon ni Uno.

“So you’re leaving again?” matabang na tanong ni Uno.

“Eh ano ngayon sa’yo?” Nagtaas ako ng kilay. Sa paulit ulit na sakit, nakakamanhid na. Gusto ko nalang itigil ang lahat. Magsimula ng panibago. Malayo kay Uno.

“Why are you making this hard for the both of us, Aly?” Uno said in a low yet firm voice.

“Bakit ba? Anong pakialam mo sa mga desisyon ko? Hindi tayo mag-asawa Uno. At mas lalong hindi tayo. Ba’t hindi yung babaeng pinakasalan mo ang pakialaman mo?” mas matabang kong wika.

Hindi ko na binigyan ng atensyon ang pagkagulat ni Addi at ang sinabi ni Dos. Tumayo na agad ako.

“Mag-iimpake lang ako.” Tumalikod ako at nagmartsa paalis. Mabilis ang aking pagpasok sa kwarto at kinuha agad ang mga gamit. Pinagpapasok ko nalang agad ito.

Narinig ko ang pagsara ng pinto at ang mga yabag ng paang papalapit sa akin.

“Why are you pushing that I am already married? I said I am not,” matigas niyang sabi sa aking likod.

Hindi ako nagpaawat. Tumutulo ang aking luha. Pinupunasan ko iyon at ipinagpapatuloy ang paglalagay ng gamit sa loob.

“Edi mas masaya! Pakasalan mo na nang matali kana sa iba!” sigaw ko, hindi na makontrol ang sumasabog na emosyon.

Hinila ni Uno ang aking braso ang pinatigil. Tinabig ko iyon at muling nagpatuloy.

“Alyssa, just for a moment. Listen to me.” Hinawakan niyang muli ang aking siko. Pinaharap niya ako sa kanya ng buo.

“Ano pa bang pag-uusapan natin, Uno! Tanggap ko na! Ganito lang talaga tayo! Sa’yo na ang lupain! Mas gugustuhin kong isuko ang lahat kaysa makasama ka rito dahil hindi ko na kaya! P-Pinapatay mo ako sa sakit alam mo ba y-yon… M-Mas mabuti sigurong malayo tayo sa isa’t isa-” Nabasag ang aking boses. Humagulhol ako. Gustuhin ko mang magsalita at sabihin sa kanya lahat ng hinanakit ko, hindi ko na iyon magawa dahil nagtatalo ang paninikip ng dibdib ko at ang mga luhang hindi na nagpapaawat.

“Tingin mo papayag ako na ganito lang tayo? Damn it Aly! Hindi ako magsasakripisyo kung sa huli ay susuko lang pala ako! I am fucking inlove with you!”

“Sinasabi mo yan p-pero nakatali ka naman pala sa iba-“I said I am not yet married. Damn it!” Nagulo niya ang buhok at binasa ang pang-ibabang labi habang namumungay ang kanyang mga mata sa akin.

“Hindi mo pwedeng itanggi sa akin dahil iyon ang kondisyon ni Tita para mapa-sa’yo ang lupain! Alam ko na gusto ka niya para sa aking pinsan!”

“I didn’t marry her, Aly! Kinuha ko lang ang lupang hindi naman kanila! And damn it. I said I am not inlove with anyone else aside from you!”

“P-Pero nabuntis mo pa rin siya, ’di ba? Ano ’yon, Uno? Tinira mo lang ang pinsan ko dahil gusto ka niya? Ganoon ba ang gusto mong iparating sa akin kaya may batang nabuo at nalaglag-”

“I am not the father of his child! And to hell with all of this. I will never fuck anyone while you’re away. Naging tapat ako sa’yo kahit iniwan mo ako!”

Iyon ang nagpatutop ang aking bibig. Nailing siya at nahilamos ang mukha.

“I only care because I was the reason why she lost her child, Alyssa! Ako ang rason kaya parang nasisiraan na ng bait ang pinsan mo!” His voice broke into pieces as his eyes turned into red.

“Hindi ko magawang sabihin sa’yo dahil nakokonsensya ako. P-Pinsan mo siya. At hindi ko kayang kamuhian mo ako. Pag nalaman mo ang lahat ng ito ay kusa kang lalayo! I have no idea that she’s pregnant, Aly! Baliw na baliw ako sa’yo at ang gusto ko lang ay bumalik ka sakin. She was chasing me, begging…” Nanlumo siya habang gumagalw ang kanyang balikat. “If only I listen to her… If only I gave her a chance… If only I knew…” Huminga siya ng malalim at nakita ko ang pag-agos ng kanyang mga luha.

“I saw the blood on her legs… I saw how she cried with so much pain while shouting for her baby’s life… I… I killed the baby-

Mabilis ko siyang niyakap at umiling.

“She lost the child because I was so harsh to her!” he cried.

Napahikbi ako sa kanyang balikat. Humiwalay ako habang umiiling na tinitingnan ang basa niyang mga matang sinasalamin ang kanyang pagkabigo saka ko hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

“Ssshhh. Wala kang kasalanan.” Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa kanyang pisngi.

“I killed the baby…” Huminga siya ng malalim na ikinadurog ng aking puso.

Umiling ako ulit at niyakap siyang muli. Ito ba… Ito ba ang hindi niya masabi sabi sa’kin? Kaya ba ganoon nalang siya kung magmalasakit sa aking pinsan? Kaya niya hindi magawang itaboy ito at talikuran dahil pakiramdam niya ay may mabigat siyang kasalanan sa aking pinsan?

“I was so scared you’re gonna hate me for this. Kakamuhian mo ako, Aly. You’re going to hate every bits of me…” he whispered and buried his face on my neck.

“Walang may gusto sa nangyari, Uno. Sigurado kong hindi mo gustong mangyari ’yon. Wala kang alam at hindi mo ’yon kasalanan.”

Muli siyang huminga ng malalim. Tila ba matagal niya na iyong kinikimkim at ngayon niya lang nailabas.

Humiwalay ako at hinarap siyang muli. Nagkatinginan kaming dalawa. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Tumingkayad ako para maabot ang kanyang labi at hinagkan ito sa paraang makukunan ko man lang ang dinadala niyang bigat. Humalik siya pabali sa masuyong paraan.

Habang tumatagal ang halikang iyon ay mas lalo akong nagiging sakim kay Uno. Mas lalo akong naghahangad ng higit pa. Nabura lahat ng pinag-iisip ko at ang tanging nasa utak ko lang ay ang pinaparamdam niya sa akin.

Inangat niya ako at kinarga. Hindi napuputol ang aming halikan na mas lalong lumalalim at mas lalong nagiging mapusok.

Naglakad si Uno papunta sa kama at inilapag ako roon. Napakapit ako sa kanyang braso. Halos hilain ko siya palapit lalo sa akin. Ang kanyang kamay ay umaabot na sa aking dibdib at gumagawa ng kung anong ritmo roon. Sa suot kong manipis na dress ay madali niya lang iyong naibaba.

Malalim ang kanyang pagtitig sa aking mga mata. Nangingislap iyon.

“Wala akong naging iba simula noong iniwan mo ako, Aly,” halos pabulong niyang sabi sa aking tainga nang halik-halikan niya ako roon.

Pumikit ako at dinama ang bawat haplos ng kanyang kamay sa aking katawan at nanunuya niyang halik.

“Narinig ko sa bayan na ikaw ang nakabuntis at-Ah…” Isang ungol ang kumawala nang haplusin niya ang aking gitna.

“Let’s talk about it after this…” Unti unting bumaba ang halik niya. Nagsimula sa aking panga hanggang bumaba sa aking leeg at nakarating sa aking dibdib. I moaned when I felt his hot tongue covering my mound. Ang isang kamay ay nasa kabila naman at hindi tinatantan ang isa kong dibdib.

Binaba ko ang aking tingin, sinikap tingnan ang ginagawa niya. Hinila niya ang aking bestida pababa na kahit ang natitira kong saplot sa ibaba ay isinama niya na.

“Part your knees,” he ordered.

Sinunod ko ang kanyang gusto. Nang hindi siya nakontento sa aking ginawa ay siya na mismo ang nagparte noon.

Halos mapaawang ang aking bibig nang maramdaman ko ang mapangahas niyang dila roon. I almost lost myself from the sensation. Lahat ay nagiging malabo sa akin at ang tanging malinaw lamang ay ang pagnanasang nararmdaman ko.

Umakyat siyang muli at hinalikan ako. Napabangon ako sa pagkakahiga para lang tumbasan ang kanyang halik. Na kung pwede ay higitan pa gagawin ko maiparamdam lang sa kanya na magkatulad ang nararamdaman namin para sa isa’t isa.

Sandali siyang tumigil, tiningnan ang mga mata kong inaantok. Lutang na ako sa sensasyon at ang gusto ko nalang ay ipagpatuloy niya iyong pambabaliw niya sa akin ngunit heto siya, nagagawa pa akong titigan.

“I love you Alyssa.” Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi, namumungay ang mga mata habang masuyo iyong sinasabi sa akin. “You don’t know how I’m madly inlove with you, baby…”

Napasinghap ako. Nanunubig ang mga mata dahil sa kanyang pag-amin. Handa na akong sumagot, ngunit kasabay noon ang biglaan niyang pagdiin sa kanyang sarili na nagpaawang sa aking bibig at nagpakawala ng matinding halinghing roon.

Napasandal ako sa headboard ng kama. Ang kanyang magkabilang kamay ay naitukod niya sa bawat gilid ko. Bumilis ang kanyang galaw, hindi inaalis ang nag-aalab na tingin sa akin.

“Mahal rin kita…” halos pabulong ko nang sabihin na nasundan muli ng halinghing dahil sa klase-klaseng sensasyong sumabog sa akin.

Chapter 51

Signs Of Love

Trabahador

“Good morning, sunshine.” Bati sa akin ni Uno nang magising ako kinaumagahan. Nandito na silang lahat sa veranda. Naririnig ko pa kanina na parang may pinagtatalunan silang tatlo.

Namula ang aking pisngi nang makita ko ang nakangising mukha ni Uno sa umaga. Pinapaalala nito ang nangyari kagabi.

Binalingan ko si Addi pagkatapos kong tumango sa kanya. Nahihiya man lang akong batiin ito sa umaga.

“Ba’t hindi pa kayo umuuwi? Akala ko maaga kayo?” tanong ko kay Addi na nag-iikot na ng mga mata.

“Tinanggalan ni Uno ng gulong lahat ng mga kotse rito. Pati kay Dos. At alam mo ba, pinakawalan niya lahat ng kabayo sa rancho. May saltik sa utak ’no?”

Mabilis kong tinapunan ng matalim na tingin si Uno na ngayon ay pasimple ng pumapasok sa loob.

“I’ll make some coffee for you,” sabi niya habang nasa likod na ng kanyang ulo ang dalawang kamay.

Mabilis ko itong sinundan. “Pati si Horsey?! Uno ibalik mo sa akin ang kabayo ko!”

Natagpuan ko siya sa kusina na kumukuha na ng panibagong tasa para sa gagawin niyang kape. Nilapitan ko ito.

“Hindi ko siya pinakawalan. Pinagbuksan ko lang naman ng tarangkahan. Maybe your horse misses your cousin that’s why he decided to leave. Baka nasa syudad na iyon-Oww…” Nasundan ng mahabang daing ang kanyang pinagsasabi dahil sa pagkurot ko sa kanyang tagiliran.

“Animal ka talaga kahit kailan! Pati kabayo ko dinamay mo!” Napabusangot ako.

Humarap siya sa akin. Hinila ako papalapit lalo sa kanya.

“Baka kasi magbago ang isip mo at kinabukasan ay magising nalang akong wala kana sa tabi ko.” Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. “Di ko pa naman mabasa iyang utak mo minsan.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Pagkatapos kong makumpirma kagabi ang lahat, na wala namang namamagitan na kung ano sa kanila ng pinsan ko, sigurado na ako sa desisyon kong hindi ako aalis dito. Gusto kong manirahan dito kasama siya at tulungan din ang aking pinsan na si Lhuella para unti-unti niyang matanggap ang lahat.

“Kung sinabi mo lang sa akin sa umpisa, edi sana hindi tayo palaging nag-aaway!” Hinampas ko ang kanyang braso.

“You know the reason why I’m hesitant, Aly. Nagmamatigas ka. Ni hindi ako sigurado kung mahal mo ba ako. Tapos malalaman mo pa iyong tungkol sa pinsan mo. Natatakot lang akong baka mas maging matigas ka sa akin.” Napabuntong siya ng hininga. Yumuko siya at idinikit ang noo sa akin. “I really don’t know how to pin you down, stubborn girl. Kaya gusto ko munang siguraduhin ang nararamdaman mo sa’kin bago ulit gumawa ng hakbang.”

May parte sa akin ang nasasaktan. Pero may parte rin sa akin ang natutuwa. Nasasaktan ako dahil kailangan naming umabot sa ganoong punto dahil lang sa pagmamatigas ko. Pero natutuwa parin ako dahil kahit ganoon ako katigas sa kanya, hindi siya sumusukong suyuin ako.

Kumaway ako sa kotseng umaalis na. Nakasakay roon si Dos at Addi. Uuwi na sila sa syudad. Nalagyan na ng panibagong gulong ang kanilang kotse na pinatanggalan ni Uno.

“Tayo nalang ulit.” Hinila ako ni Uno hanggang sa madikit ako sa kanyang likod. Pumulupot agad ang kanyang dalawang braso sa maliit kong beywang at isinandal ang kanyang baba sa aking balikat.

Nilingon ko ang kanyang gwapong mukha. “Ha?”

“I want to have a quality time with you. Puro tayo away. Pwede bang lambing naman ngayon?” Isiniksik niya ang mukha niya sa aking leeg. “Stop getting mad, baby. It’s tiring.” Parang bata niyang bulong roon na ikinangiti ko. Hindi ko iyon halos matanggal sa labi ko.

Tumikhim ako. Pilit binubura ang matamis na ngiti sa labi. “Eh ikaw naman kasi! Napaka-animal mo sa akin! Di naman ako magagalit ng walang dahilan! Kung nakinig ka lang sa akin na ako ang bibili ng lupain edi sana hindi ako naging matigas sa’yo!”

“So what if I bought it? Para rin naman iyon sa’yo,” sabi niya sa isang nagtatampong boses, tinatago parin ang mukha sa aking leeg.

“Bago ako umalis, nagbitiw ng salita si Tita Felicita sa akin! Alam niyang bibilhin mo talaga ang lupain para sa akin. At ibibigay niya lang ang lupain kung pinakasalan mo ang pinsan ko. Sino bang hindi magagalit kung pinaghirapan kong pag-ipunan iyon sa syudad tapos pagdating ko rito malalaman ko nalang ikaw na pala ang may-ari. Hindi mo ako masisisi kung iyon agad ang aking naisip.” Napairap ako.

“Hmm, that’s the reason why you’re so mad at me huh.” he chuckles. Tumama pa sa balat ng leeg ko ang hininga niya na nagpatindig roon ng balahibo ko.

“E-Eh ikaw rin naman! Sobrang maldito mo na pag-uwi ko rito!”

“May maldito bang pinatira ka sa Resthouse? Pinakain?-“Tapos hinuhubaran?” Putol ko sa kanya na nagpahalakhak sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Well, that’s your fault. If you weren’t too attractive…” Hinawakan niya ang aking baba at pinatakan ako ng mababaw na halik sa aking labi.

Napanguso ako, namumula ang pisngi.

“I want to pin you down. Masyado na akong makasarili. Kung pwedeng gamitin ko ang lupain para lang makasama kita ay gagawin ko. I want to pursue you so bad, Aly. But seeing you in pain with me hurts me… Handa akong kumalas kung ako ang dahilan ng paghihirap mo.” Saka siya bumuntong ng hininga.

Hinampas ko ang kanyang braso. “Mali ko rin na masyado akong nagpadala sa mga iniisip ko at hindi muna nilinaw ang lahat sa’yo. Nabulag na rin ako lalo na’t tumutugma lahat ng aking naiisip sa mga nababalitaan ko sa bayan!”

Iniharap niya ako sa kanya. Nakapulupot parin sa akin ang kanyang mga braso habang nangingislap ang mga matang naglalakbay ang tingin sa buo kong mukha.

“That’s why I’m telling you to talk to your cousin seriously.”

Malay ko ba na iba ang takbo ng isip ng aking pinsan at nasagad ko pa? Hindi ko naman alam na gano’n na siya ka sensitibo. Kung alam ko lang ay nagdahan dahan din sana ako sa aking mga salita. Hindi naman ako gano’n ka sama sa kanya para apihin siya habang ganoon siya ka wasak.

“Kung nilinaw mo lang na mahal mo pala ako. Animal ka rin…” Sinamaan ko siya ng tingin.

“So you’re really jealous because you taught I marry your cousin, huh… Sabi na at isa ako sa babalikan mo rito.” Ngumisi siya ng pilyo.

“Ang kapal mo! Animal ka!” Pinagsasapak ko siya. Natatawa niyang hinuli ang aking kamay at ipinagsalikop iyon sa isa’t isa.

“Matigas ka rin naman. Ni hindi mo maamin na may gusto ka sa akin.”

“Hindi mo ako masisisi! Alangan naman sabihin ko sa’yong mahal kita kung kailan kayo na ng pinsan ko.” Umirap ako, sinisikap magtaray kahit na nangingibabaw ang tuwa sa aking mukha.

“That’s why I got scared. You’re willing to sacrifice your happiness for the sake of others. Natakot ako na baka pag nalaman mo ang tungkol sa bata, baka layuan mo ako.”

Napalitan ng lungkot ang kanyang mga mata nang ibalik ko sa kanya ang aking tingin. Wala akong alam sa eksaktong istorya, pero sa nakikita ko ngayon, alam kong nagsisisi pa rin siya.

Natahimik ako. Imbes na magsalita ay niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Hinaplos ko ang kanyang likod, pilit kong pinapagaan ang kanyang loob.

Kung ano man ang nangyari noon, alam kong wala dapat akong ipangamba tungkol sa kanila ni Lhuella dahil alam ko na ang totoo. Naniniwala ako sa kanya dahil kailanman, hindi nagawang magsinungaling sa akin ni Uno. May parte rin sa akin ang naniniwalang nagsasabi siya ng totoo.

“Ano ’to?” Tiningnan ko ang folder na inilapag niya sa mesa. Nandito kaming dalawa sa sala.

“Open it.”

Nagkasalubong ang aking kilay. Tinitigan ko muna ang folder ng maigi bago ko binuksan.

Napakurap ako nang mapagtantong titulo ito ng lupa. Ang lupain ni Lola na nakapangalan sa akin.

“Hindi ko binili ang lupain ng lola mo sa Tita mo, Aly. Binawi ko lang iyon sa kanya.”

Nagulantang ako. “Binawi mo? Binigay agad ni Tita sa’yo?” Naguguluhan kong tanong.

“It was yours from the first place. Alam ng tita mo na sa’yo nakapangalan ang lupain. Pinaimbistigahan ko at nalamang binayaran ng Tita mo ng malaki iyong may hawak ng titulo para manahimik.”

Kumalabog ng husto ang aking dibdib. Paano ito nagagawa sa akin ni Tita. Halos mabaliw ako kakahanap ng pera tapos malalaman kong sa akin naman pala ang lupain?!

“Anong ginawa mo? Ba’t mo nabawi ang titulo? Wala ba kayong kasunduan ni Tita?” Nalilito ko paring tanong. Para kasing may hindi siya sinasabi.

Nag-iwas siya sakin ng tingin. “Yun na iyon. Just be thankful Aly-“Gusto kong malaman ang lahat,” putol ko sa kanya, matalim siyang tiningnan na ngayon ay bumubuntong na ng hininga.

“Well…” Tumabi siya sa akin. Kinuha ang aking kamay at hinaplos haplos. “I threatened them. Ibinalik ko lang sa kanila ang ginawa nila sa’yo.”

“Anong ginawa mo, Uno?” Diin kong tanong. Hinuhuli ang mga mata niyang ipinagkakait niya sa akin.

Bumuntong siyang muli. Tila hirap sa pagpapaliwanag. “Promise me you won’t get mad.” Inangat niya ang aking kamay, hinalikan iyon.

Dahan-dahan akong tumango. Bumibilis lalo ang kalabog ng aking dibdib.

“Inipit ko sila sa negosyo. Nagpull-out lahat ng investors nila. Nawalan sila ng kliyente hanggang sa nalugmok sila sa utang. Binili ko ang lupain at palalayasin na sana sila roon. Kaso wala na silang mapupuntahan. Kapalit noon, hindi kana nila guguluhin kaya pumayag akong doon muna sila. Mas mabuti iyong hawak ko sila sa leeg kaysa sila ang may hawak sa’yo Aly. Ayoko nang maulit ang lahat.”

Nalaglag ang aking panga. Halos hindi ko maipasok lahat sa utak ko. K-Kaya ba ganoon ka stress ang mukha ni Tita?

“Hindi mo dapat iyon ginawa Uno!”

Naging seryoso ang kanyang mukha. “Pagdating sa’yo, marahas ako.”

Naiwang nakaawang ang aking bibig. Tanging singhap nalang ang lumabas roon sa halip na salita.

Nanunubig ang aking mga mata. Naaawa ako kina Tita pero nangingibabaw rin ang aking saya dahil nagawa iyon ni Uno para sa kapakanan ko. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon dahil lang sa akin.

“Alam kong hindi mo kayang gumanti kaya ako nalang ang gumawa. Di ako magdadalawang isip gumawa ng masama kung ikaw na ang sangkot.”

Napasinghot ako. Naiiyak dahil sa pinagsasabi sa akin ni Uno. Ang lalakeng nakasanayan kong mabait sa iba ay nakakagawa ng masama dahil lamang sa akin.

“H-Hey…” Hinaplos niya ang aking pisngi nang napansin niya ang nanunubig kong mga mata. “Doon parin naman sila nakatira. Maayos parin sila Aly pero hindi na kagaya ng dati. I know you still care for them kaya hindi ako naging masyadong marahas-” Natigil siya sa pagsasalita dahil sa biglaan kong pagyakap sa kanya. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Ang kanyang kamay naman ay lumapat sa aking beywang, natigilan dahil sa inaasal ko.

“Salamat Uno. Sobrang mahalaga sa akin ang lupain. I-Ito nalang ang naiwan ko kay Lola.” Humikbi ako. “N-Nandito lahat ng alaala ko sa kanya.”

Kinarga niya ang aking magkabilang hita at inilapag ako sa kanyang kandungan. Yumapos naman sa aking beywang ang kanyang braso.

“I know… I know Aly. Kaya nga inalagaan ko ito dahil alam kong mahalaga sa’yo ang lupain na ito. Isa lang naman ako sa trabahador mo.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi pero tumakas parin ang marahan kong tawa roon.

“Ibig sabihin nito pinatulan ko iyong trabahador ng lupain namin ni Lola?”

“Parang ganoon na nga. Hindi niyo po ako masisisi, Ma’am. Mas nakakaakit pa kayo sa bulaklak na dinidiligan ko tuwing umaga.”

Humagalpak ako ng tawa. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Tumutulo pa iyong luha ko na pinunasan niya habang may ngiti sa labi.

“Umiiyak ako tapos patatawanin mo ako! Binabaliw mo ako sa’yo!” Sinapak ko ang kanyang braso.

“Hayaan mo na. Baliw rin naman ako sa’yo.”

Natawa kaming pareho. Tuluyan nang nawala ang bigat sa aking dibdib at napalitan na ng panibagong pakiramdam. Isang pakiramdam na si Uno lang ang nakapagbibigay sa akin.

“Magandang umaga, Ma’am! Ang ganda naman ng umaga ko at ikaw agad ang nakita ko!” Anang trabahador paglabas ko ng Rest house.

Ngumiti ako ng matamis. “H’wag mo akong bolahin Ernesto!”

“Totoo naman po talaga Ma’am! Sobrang ganda niyo po! Mas maganda pa kayo sa bulaklak rito!” sigaw naman ng isa pang trabahador na hindi nalalayo ang edad sa akin.

Natawa ako sa kanila. Kung hindi ko lang nahuli ang kabayong papalapit ay hindi ako matitigil sa pakikipag-usap sa kanila. Nakatopless na naman ito, umaalog ang katawan dahil sa pagpapatakbo ng kabayo, tagaktak ang pawis at namamasa na ang katawan dahil roon. Parang naging slowmo ang kanyang paggalaw, ang kanyang paghawak ng marahas sa tali para pahintuin si Horsey at ang pagtalon niya paalis roon.

Napaawang ang aking labi habang pinapanood ang bawat galaw niya. Nasa akin ang kanyang tingin. Misteryoso na naman ang mga mata na akala mo ay may ikinakagalit. Binasa niya ang pang-ibabang labi. Kitang kita ko ang dila niyang lumabas roon. Kung paano siya nailing hanggang sa tuluyan siyang huminto sa aking harapan.

“Ang ganda po ni Ma’am Aly, diba po, Sir Uno?” Hirit ng isa na nilingon niya lamang. Ni hindi man lang sumagot saka muling ibinalik ang tingin sa akin. Nilingon ko ang trabahador na nagkatinginan. Nagtataka sa inaasal ng lalakeng ito.

“Good Morning.”

Bago pa ako makasagot sa kanyang pagbati ay pinatakan niya na ng mababaw na halik ang aking labi. Napakurap ako. Hindi makapaniwalang nagawa niya iyon sa harap ng mga trabahador.

“Let’s have our breakfast.” Hinaplos niya ang aking braso hanggang sa lumapat iyon sa aking beywang, ginigiya na ako papasok.

“Sungit mo ata.” Natatawa kong puna sa kanyang mukha pagkapasok naming dalawa.

“Pinag-iisipan kong magpalit ng mga trabahador.”

“Ha? Bakit naman?”

“Nagseselos ako,” aniya na ikinakurap ko.

“Anong nakakaselos roon? Sa kanila mo ba nakuha iyong sinabi mo sa aking mas maganda pa ako sa bulaklak?” Humagikhik ako, inaasar ang mukha nitong hindi parin nagbabago ang ekspresyon.

“I’m dead serious. Papalitan ko ng mga babae ang trabahador.” Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayan akong umupo roon. Sinapak ko naman ito.

“Edi ako naman ang namatay sa selos!”

“Di ako papatol sa kanila,” sabi niya habang inaasikaso ang plato sa aking harapan. May mga pagkain na rito. Binuksan niya nalang iyong takip. Halatang siya ang nagluto nito.

“Ako ang may-ari ng lupain. Trabahador lang kita kaya wala kang karapatang magreklamo.” Ngumisi ako. “Ako ang amo rito,” mayabang kong sabi na nagpabusangot ng kanyang mukha.

“Kung alam ko lang na magiging ganito ka ay inilihim ko nalang sa’yo. Dapat pinaniwala nalang kitang ako parin ang amo.” Umupo siya sa aking tabi. Matalim ko naman siyang tiningnan.

“Matitiis mong makita akong nagtatrabaho sa lupain sa tirik na tirik na araw ng ilang taon ganoon ba iyon?”

“Sinuswelduhan naman kita ng maayos ah?” Tumaas ang kanyang kilay.

“At kailan mo ako sinwelduhan?”

“You already receive your payment. Sa hardin, doon sa puno. At sa kwarto. Kulang ba?”

Namula ang aking pisngi nang mapagtanto ko ang tinutukoy niya.

“H-Hoy animal! Anong tingin mo sakin… i-iyon ang gusto ko?!” Pinanood ko ang paggalaw niya sa aking pagkain. Ang pag-angat niya sa kubyertos at sinubuan ako. Nakabusangot akong ngumuya, hindi inaalis ang matalim na tingin sa kanya.

“I satisfied you. Sapat na iyong kabayaran. ’Tsaka gusto mo rin naman iyong pagtatrabaho sa lupain. At gusto mo rin iyong nangyayari sa atin.” Ngumisi siya, dinilaan ang pang-ibabang labi at pinatakan ako ng halik.

“Ang kapal mo ha.” Kinuha ko sa kanya ang kubyertos at sinubuan rin ito. Hindi nawawala ang ngisi sa kanyang labi, na kahit ang kanyang tingin ay hindi nilulubayan ang mga mata ko.

“Kailan ba kita binitin?-“Uno!” Pulang pula ang aking pisngi at sinapak ang kanyang braso na ikinahalakhak niya. “Animal ka!”

Chapter 52

Signs Of Love

I’m sorry

Masaya kaming dalawa ni Uno sa nagdaan na araw. Nawala na sa utak ko na baliw na baliw parin sa kanya ang pinsan ko hanggang ngayon. Kaya noong nadatnan ko siya sa veranda, hinahanap na naman si Uno rito, nakaramdam ako ng galit sa kanya sa kabila ng mga nalaman ko. Nagagalit ako dahil bakit niya kailangang isiksik ang sarili niya sa lalakeng nagsisisi sa isang bagay na hindi naman nito sinasadya.

“Si Uno?” She lightly smiled, pero nakakaloko ang tingin na ibinibigay sa akin.

“Ba’t mo siya hinahanap?” Tanong ko, nakaharang sa pinto, walang balak itong papasukin.

Tumaas ang kanyang kilay. “Alam mo naman siguro kung bakit, Aly.” Humalakhak siya.

“Alam ang alin? Na hindi naman si Uno ang ama ng pinagbubuntis mo? O ang lupaing inangkin niyo pero akin naman pala sa umpisa?” Direkta kong sabi na ikinawala ng ngiti sa kanyang labi. Mabilis siyang namutla. Hindi na maguhit ang ekspresyon.

“Nasan si Uno?” Ngayon ay seryoso na ang kanyang mukha, nagiging marahas narin ang kanyang boses.

“Tulog parin siya sa kwarto ko.” Pagsisinungaling ko.

Nalaglag ang kanyang panga. Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa aking harapan. Hinawi niya ako ng malakas at deri-deritso ang pasok.

“Uno!” Nagsisigaw niyang tawag. Sinundan ko siya.

“Ano ba, Lhuella! Nababaliw kana ba?” Hinila ko ang braso niya ngunit tinabig niya iyon. Galit ang mukhang hinarap ako.

“Nangako siya sa aking mananatili siya sa tabi ko, Aly! Noong wala ka, maayos kaming dalawa! Natutunan akong mahalin ni Uno noong mga panahong iyon! Tapos babalik ka! Nasa iyo na ang lupain! Ano pa bang gusto mo?! Hindi ka pa ba kontento?”

Sa sobrang galit ko, hindi na ako nakapagpigil. Kahit naririnig ko ang yapak ng nagmamadaling si Uno galing sa banyo ay sumabog na ako.

“Ba’t hindi mo nalang tanggapin sa sarili mo na nakunan ka! Ginagamit mo ang nangyari sa’yo para kaawaan ka ni Uno!”

Mabilis na rumagasa ang luha sa kanyang mga mata. Sumigaw siya. Nag-akmang lapitan ako ngunit mabilis na siyang nahawakan ni Uno sa kanyang beywang.

“Hayop ka Aly! Manang mana ka sa pinsan mo! Mga mang-aagaw!”

“Stop it, Lhuella!” Umalingawngaw ang boses ni Uno sa kabuuan ng paligid. Na kahit ang pinsan ko ay kamuntik nang mapatalon sa gulat.

Hinarap niya ito. Niyakap ng mahigpit. Mabilis na nagbago ang ekspresyon nito.

“Uno! Sinabi ko na sa’yo, p-pag nalaman niyang sa kanya naman ang lupain, magbabago na ang kanyang isip! Gagamitin ka lang niya! Makinig ka naman, please!” Nagmakakaawa nitong sabi. Pilit hinihigpitan ang pagkakayakap nito sa leeg nito dahil kinakalas ito ni Uno paalis sa kanya.

“Enough Lhuella.” Seryoso nitong sabi, ngunit hindi nakikinig sa kanya ang pinsan ko.

Humiwalay siya. Hinawakan ang magkabila nitong pisngi.

“Sabi mo sa akin mananatili ka sa tabi ko. Diba… sinabi mo iyon… that girl will just going to use you Uno believe me! Maniwala ka sakin!”

Mariing pumikit si Uno. Halatang kinokontrol ang sariling huwag sumabog sa galit.

“She doesn’t love you!–“I said enough!” Marahas niyang hinawakan ang pulso nito sanhi para mabitiwan siya nito. Kahit ako ay napaatras rin sa gulat, nakaramdam ng takot sa inaasal ni Uno.

Nanlalaki ang mga mata ng pinsan ko, gulat na gulat.

“Tigilan mo na ito, Lhuella! Alam mong si Aly ang mahal ko sa simula pa lang. Mananatili ako sa tabi mo pero dahil nagmamalasakit lang ako. Dahil pinsan ka ng babaeng mahal ko. Pero kung ipipilit mo parin ito, baka mawalan ako ng awa sa’yo. Now, leave.” Itinuro ni Uno ang pinto. Humikbi ang aking pinsan. Natakpan ang kanyang bibig.

Nakaramdam ako ng awa sa aking pinsan. Nakokonsensya ako dahil hindi ko na naawat ang bibig ko. Hindi ko inisip na nawalan siya ng anak. Lumugmok sila sa kahirapan at hindi man lang siya magawang panindigan ng lalakeng nakabuntis sa kanya.

“Lhuella…” Tawag ko rito. Marahas ang kanyang paglingon sa akin. “You killed my child! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Hinding hindi kita mapapatawad Aly!” Galit na galit siyang tumakbo palabas. Humahagulhol.

Tumulo ang aking luha habang sinusundan ng tingin ang pinsan kong tuluyan nang nawala sa aking paningin. Naging malupit sa kanya ang langit at pinapahirapan siya ngayon ng lubusan. Pero kahit ganoon ay nakakaramdam parin ako ng awa sa kanya sa kabila ng ginawa niya sa akin.

I felt Uno’s arm wrap around me. Naramdaman ko rin ang kanyang katawan sa likuran ko. Nilingon ko siya. Hinalikan niya ang aking balikat.

“She’s going to be okay.”

“Hindi ako sigurado, Uno. Nasasaktan ang p-pinsan ko. Sinisisi niya ako sa lahat ng nangyari sa k-kanya.” Nabasag ang aking boses, mas nagpaligsahang tumulo ang luha sa aking mga mata.

“Sshhh. I’m here. Wala siyang magagawa sa’yo.”

“Hindi iyon ang ikinakabahala ko Uno. Naaawa ako sa kanya.” Mariin akong pumikit, gustong patigasin ang aking puso ngunit hindi ko magawa.

Natahimik siya. Dahil alam kong katulad ko, naaawa rin siya. Pero hindi napipilit si Uno. Kung ano ang gusto niya, iyon ang masusunod. Kung ano ang desisyon niya, wala ng makakabali noon.

“Gusto kong hanapin ang lalakeng nakabuntis sa pinsan ko, Uno. Gusto ko siyang kausapin. Baka sakaling panindigan niya ang pinsan ko.”

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin sa aking likuran. Ramdam ko ang marahas niyang hininga.

“Wag kang tumutol please. Para ito sa pinsan ko.”

“It won’t work Aly.” Sigurado niyang sagot, na alam niya ang magiging kinalabasan ng plano ko.

“Gusto ko lang matulungan ang pinsan ko! Oo galit ako sa kanya pero masakit sa parte ko iyong nakikita siyang nasasaktan ng ganoon! Gusto ko lang makausap ang lalake! Nawalan rin siya ng anak—“No. I won’t let you.” putol niya.

“Uno naman!” Humarap ako sa kanya. Humiwalay sa kanyang pagkakayakap.

“Gusto ko lang namang tigilan kana niya! Kaya ka niya ginugulo dahil hindi siya magawang panindigan ng lalake! Naghahanap lang siya ng pagmamahal–Uno!” Sinundan ko siya sa kusina dahil sa kanyang pagwawalk-out. Binuksan niya ang ref at kumuha ng bottled water roon.

“Baka sa ganoong paraan ay kumalma na siya.”

Marahas na inilapag ni Uno ang hawak na bottled water at tiningnan ako. “Natrauma siya, Aly. It’s not going to work. Just stay out of the way. Magiging maayos rin ang pinsan mo.”

“Pero kung nasa tabi niya ang lalakeng iyon ay baka tuluyan niyang matanggap na wala na talaga iyong baby. Baka makarecover siya sa trauma–“Pinakulong ko ang lalaking nakabuntis sa pinsan mo. She got raped, Aly!”

Napaawang ang aking bibig. Na halos hindi ko na naalala ang pinagsasabi ko at natulala nalang sa narinig.

Nanghina ako. Napakapit ako sa may lababo, kung hindi pa ako dinaluhan ni Uno ay baka napasalampak ako.

“A-Ano? P-Paanong…”

“She got raped. Sa takot niyang kumalat iyon, gusto niyang maging kami para pagtakpan ang kahihiyan. I didn’t know that she’s pregnant that time. Dahil sa pananaboy ko sa kanya, nalaglag ang bata.”

Tumulo ang aking luha sa nalaman. Halos punitin ang puso ko dahil sa awa sa pinsan ko. Simula noong bata pa kami, hindi na kami magkasundo. Palagi siyang nagmamataas, palagi niyang pinapamukha sa akin ang mga bagay na wala ako at meron siya, palagi akong nag-aaway, palagi siyang may nasasabi sa aking masasakit na salita. Pero iyong nangyari sa kanya ngayon, parang sobra sobra naman ata.

“Hey, stop crying.” Panay ang punas ni Uno sa aking luha. Kanina ko pa hindi matahan ang aking sarili.

“N-Nakakainis lang. Kahit ang sama sa akin ng babaeng iyon sa akin nakakaramdam parin ako ng awa sa k-kanya.” Humihikbi kong sabi.

“Because you’re nice.” Pinatakan niya ng halik ang aking noo.

“H-Hindi ko naman kasi alam! Ganoon pala kalala ang nangyari sa kanya! Edi sana nakontrol ko ang bibig ko!”

“She doesn’t want you to know either. I was calming her from her depression Aly. Kumukuha ako ng tyempo. Gusto kong maging maayos muna ang pinsan mo saka ko sana aayusin iyong sa atin. Kaso sa mga pinaggagawa mo, tinutulak mo akong padaliin ang lahat.”

Humikbi akong muli. “Kasalanan ko pala talaga ang lahat! Kung sinabi mo lang edi sana hindi na ako nagseselos sa tuwing pumupunta siya rito! Kasalanan mo rin animal ka!” Sinapak ko ang kanyang braso, pumapatak muli ang luhang hindi ko mapigilan.

Natawa ito. Pinunasan ang aking pisngi. “I’m sorry if I took advantage. Sinamantala ko ang pagseselos mo kaya natutuwa rin ako sa tuwing bumibisita si Lhuella rito.”

“Ang sama mo rin! Ginamit mo kaming dalawa ng pinsan ko!” Pinagsasapak ko siya na mas humalakhak na. Hinawakan niya ang aking beywang at walang ano ano’y isinampa ako sa kanyang balikat na parang isang sakong bigas.

“H-Hoy! Ibaba mo nga ako!” Nagpupumiglas ako. Pinagsasapak ko ang kanyang likod kaso hindi ko man lang ito matinag. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad hanggang makapasok kami sa kanyang kwarto.

Isinara niya iyon at bigla akong ibinaba sa kama. Halos humiwalay ang aking kaluluwa dahil sa biglaan niyang paghulog sa akin roon. Nag-akma akong bumangon kaso huli na dahil dinaganan na ako ni Uno. Umalog ang kama dahil sa marahas niyang pagkakahiga roon.

“Uno!”

“Hmm?”

“Hoy yung hita mo n-nasa gitna ng ano ko!” Nagpupumiglas ako sa kanyang pagkakadagan. Kaso itong animal na ito nagawa pang magpanggap na natutulog.

“We’re just going to cuddle. Wala akong gagawin.”

“Imposible! Eh bakit nasa dibdib ko ang kamay mo!” reklamo ko at inalis iyon. He chuckled.

“I just want a cuddle from you, come on!” Niyakap niya ako lalo. Halos pumaibabaw na siya sa akin.

“A-Ang bigat mo!”

“Ngayon ka pa magrereklamo eh pang-ilang beses na akong pumaibabaw sa’yo–“Animal ka!” Nagpumiglas agad ako na ikinahalakhak niya. Inangat niya ang kanyang katawan para makita ang ekspresyon ko. Ang isa niya namang braso ay itinukod niya sa gilid ko.

Tumitig siya sa akin. Hinawi niya ang buhok na sumabog sa aking mukha at inayos iyon. His eyes suddenly changed. Na kahit ang ngiti sa kanyang labi ay nawala. Napalunok ako, kinakabahan sa inaasal niya.

“What did you do to me?” He almost said in a whisper.

“Para akong nababaliw sa’yo kahit na alam ko namang baliw talaga ako sa’yo. How do you do that?” tanong niya at unti unting ibinaba ang haplos sa aking baba. Parang may binubura siya roon. Mariing tinitigan ang aking labi.

“Is this even normal? Kahit alam ko namang mahal kita, sa tuwing nakikita kita at pinapaingay mo ang puso ko, mas lalo akong nahuhulog sa’yo.”

Namula ang aking pisngi. Naikurap ko ang aking mga mata at nag-iwas ng tingin. Natameme ako sa pinagsasabi niya. Hinihigop ako ng kanyang titig na kahit ang mga salita ay hindi ko na kayang bigkasin.

“Hawak mo na ulit ako Aly. Pero sana sa pagkakataong ito, huwag mo na akong bitiwan. Hold me tight and never let me go, coz I’m not going to let you go either.”

Unti unting lumapat ang malambot na labi ni Uno sa akin. Maingat niya akong hinalikan. Biglang bumigat ang talukap ng aking mga mata at walang ano ano’y napapikit narin. Ninanamnam ang matamis na halik na ipinapadama niya.

“I love you. I love you so much, Alyssa.” Halos ibulong niya iyon sa bawat pag-angkin niya sa aking labi. He was kissing me with all his heart. Nalulusaw ang aking puso sa bawat salitang binibitiwan niya at hindi mapigilan ang sariling gumanti rin sa kanyang masuyong halik.

I felt his hand cupped my bo*b. Marahan niya iyong minasahe. Humalinghing ako. Sinisikap labanan ang pagnanasang nabubuhay sa aking loob.

Napayakap ako sa kanyang leeg, mas nilaliman ang halik at halos idiin siya sa aking sarili. Ang sinabi kong pagpipigil ay tuluyan nang kumawala sa bintana at umalis. Ang tanging naiwan ay ang kapusukan ko. Ang pagmamahal ko kay Uno.

Bumaba ang aking kamay sa kanyang polo. Isa isa kong kinalas ang botones habang ang kanyang kamay ay nakarating na sa aking likuran at tinatanggal ang lock ng aking suot na bra.

Sandali akong tumigil sa paghalik. Inalis ang kanyang polo kaya tinulungan niya narin ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang magtama ang aming tingin. Nakita ko roon ang pananabik niya. Ang nakakapaso niyang titig sa akin at kung paano kumurba ang nakakaloko niyang ngisi.

“You ready?”

Imbes na sumagot ako ay inatake ko siyang muli ng halik. “I’ll take that as a yes.” sabi niya at tuluyang nakarating ang haplos sa aking gitna.

I let out a soft moan when I felt him between me. Sa pagiging baliw ko sa sensasyong pumapaibabaw sa akin ay hindi ko na siya magawang halikan pabalik dahil sa umaawang kong labi.

Naisandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. He was pinching my cl*t while slowly stroking my wet folds. Para akong naliliyo sa pinaggagawa niya na hindi ko na maipirmi ang aking balakang. Nakaupo ako sa kanyang hita habang kaharap ko siya at pilit tinatago ang mukha kong nagugustuhan ang pinaggawa niya.

“Damn it, you’re so fucking wet.” Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg habang ipinagpapatuloy ang ginagawa sa aking gitna. Itinumba niya ako hanggang sa makahiga akong muli. Sinimulan niya akong halikan sa aking dibdib na halos magpahiyaw sa akin.

Marahan ngunit sagad. Iyon ang ginagawa ni Uno. Sa bawat pagdiin niya sa kanyang sarili ay napapaawang ang aking bibig. Ang lalakeng tagaktak ang pawis sa aking ibabaw at walang pagod na gumagalaw. Nagliliyab ako dahil sa init at sa kakatitig sa kanya. Nalalamon na ako ng makamundong pagnanasa at halos ayoko nang tumigil.

“Sige pa…” Wala sa sarili kong sabi pagkatapos niyang bumagsak sa aking balikat dahil sa pagod.

Gulat ang kanyang mukha. Tiningnan ako. “It was our third round Aly.” He chukled. Heat run through my cheek. Oo nga pala! P-Pero kasi…

“Nawiwili kana…” Hinalikan niya ang aking leeg, halos sipsipin iyon. Nang kumawala ako ng halinghing ay tumigil siya, natawa na naman. Kaya imbes na sumiklab ako sa init ay sumiklab ako sa kahihiyan.

“Tinatawanan mo ako! E-Eh normal lang naman iyong u-umungol k-kasi nasasarapan ako!” Mas lumakas ang kanyang pagtawa na ikinainit lalo ng aking pisngi.

“Alis nga!” Tinulak ko siya. Kaso wala na akong natitirang lakas kaya hindi ko rin siya natinag.

“I am just happy! I just can’t believe that you would act this way…”

“Ewan ko sa’yo. Alis!” Itinulak ko siyang muli kahit alam ko namang imposible ko siyang mapaalis.

“I’m sorry okay.” Hinalikan niya ang aking labi. Nag-akma akong gumanti kaso mababaw lang pala. Hay, kainis!

“Alis nga!” Napabusangot ako lalo. Naiinis ako dahil halatang binibitin niya ako!

“I’m sorry…” Imbes na paalisin siya, isang halinghing nalang ang naisagot ko nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking gitna, nanunukso ang haplos.

Unti unti na namang bumigat ang aking talukap. Inaantok ako sa kakatitig sa kanya habang dinadama ang sensasyong binubuhay niya sa aking gitna.

“Hmmm, I’m sorry.” He started poking my entrance in a fast phase without going directly inside, teasing me.

Napasinghap ako. Hindi nakayanan ang namumuo sa akin.

“I’m sorry.” Ulit niya na halos ikagulat ko dahil sa pagyuko niya roon. I felt his mouth slowly worshipping my sensitive bud. Kumawala ako ng halinghing. He was inserting his two fingers while sucking my cl*t. Halos mapamura na ako, hindi makayanan ang matinding sensasyon. Uno really knew how to pin me down when it comes in bed. Dahil sa oras na ito, hindi lang siya ang baliw na baliw kundi parin narin ako.

Chapter 53

Signs Of Love

Changes

Hawak hawak ni Uno ang aking kamay habang naglalakad kami sa bayan. Halos wala na kasing laman ang ref. Nahihiya naman akong iutos pa iyon kay Lolo Dancio eh matanda na iyon! At ayoko rin na iasa pa sa katulong ang mga bagay na pwede naman naming gawin.

Kapansin-pansin ang pagtitig ng mga tao sa amin sa tuwing nakikita kaming dalawa ni Uno na magkahawak-kamay. May iilang nagugulat at nagbubulung-bulungan, nasasangkot pa ang pangalan ng aking pinsan pero hindi ko na iyon pinansin. Alam ko naman ang totoo.

Nilingon ko sa aking gilid si Uno. Ngumingisi at nakabulsa ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakasalikop sa akin. Akala ko nga ay hindi ito sasama sa akin sa bayan dahil iniuutos niya pa sa mga katulong nila.

“Ba’t ka sumama?” tanong ko.

Sa simple niyang suot na cotton white shirt at maong na short, nadadala niya iyon ng maayos. Naiiba talaga ito at mabilis mong mapapansin.

“I can’t let you walk alone. Baka mamaya niyan hindi kana naman umuwi at dumeritso ka pa sa kompanya.”

Kahit hindi siya magbanggit ng pangalan, alam kong kompanya ni Calvin ang tinutukoy niya. Oo nga pala, kumusta na kaya ang lalakeng iyon?

“Dumaan kaya tayo roon? Gusto ko lang kumustahin si Cal.” sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

“Why do you want to visit him? Nahospital ba siya?” Halata ang tabang sa tono ng pananalita niya roon.

“Gusto ko lang kumustahin!”

“Diyan mo na kumustahin kung malala na ang kalagayan niya.”

Napabusangot ang mukha ko. This Buenaventura is too possessive! Kukumustahin lang iyong tao ayaw pa.

Pagdating namin sa palengke, marami agad ang nagulantang na mga nakakakilala sa aking tindera. Iyong mga binibentahan ko ng gulay ko.

“Jusko Aly! Ang ganda ganda mo na!” Si Aling Tina na gulat na gulat sa aking imahe. Simpleng puting dress lang naman sana ang aking suot ngayon at nakatali ang buhok ko habang may nalalaglag na baby curls sa bawat gilid, pero iyong reaksyon niya sa akin pakiramdam ko ay sobra ko talagang ganda ngayon. Eh tanging liptint lang ang aking inilagay sa aking labi para hindi ako magmukhang namumutla lalo na sa kaputian ko. Iyon lang ang tanging make-up na suot ko.

Lumapit ako sa kanya. Imbes na bibitiwan ko ang kamay ni Uno, hindi ko na iyon magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak niya roon. Lalo na’t napapansin ko pa ang pares ng mata ni Aling Tina na napapatingin sa kamay naming magkahawak.

“Magandang umaga po, Sir Uno.” Pagbibigay galang niya na ikinatango ni Uno at ngumiti. “Good morning.”

Halata sa mukha ni Aling Tina ang pagkakaasiwa dahil sa imahe ni Uno.

“Kumusta na po kayo Aling Tina?” tanong ko, para maibsan ang hiya nito sa kasama kong ginagalang ng lahat rito.

“Ah okay naman! Heto at nagtitinda parin ng gulay sa palengke! Nako, buti ka pa Aly, malago na iyong lupain ninyo. Siguro kung nabubuhay ang iyong Lola ay proud na proud iyon sa’yo. Biruin mo nakapagtapos ka pa ng pag-aaral sa syudad! At higit sa lahat…” Nilingon niya si Uno. Hindi niya man dugtungan ang pinupunto niya ay nagegets ko na agad iyon.

“Alam ko pong masaya na ngayon si Lola sa kinalalagyan niya, at alam ko pong natutuwa siya para sa akin.” May lungkot sa aking boses pero nanatili ang matamis na ngiti sa aking labi. Tumango naman si Aling Tina, kumbinsido sa pinagsasabi ko.

Sa bawat madadaanan naming nagtitinda, palagi nila akong binabati. Halos lahat ay maganda ang pakikitungo sa akin, katulad noon. Pare-parehas sila ng reaksyon sa akin. Ang laki raw ng pinagbago ko.

“Gaano ba ako kapangit noon?” Tanong ko kay Uno pagkatapos naming magpaalam kay Aling Tasya na pinaliguan rin ako ng papuri.

Uno tilted his head, sinuri akong mabuti. “Hmmm…” Napisil niya ang kanyang pang-ibabang labi, matagal akong tinitigan.

Napabusangot ako. “Oo na. Alam ko kung gaano kasagwa ang mukha ko noon.” Ngumiwi ako.

“I can’t see the difference. Kung ano ang tingin ko sa’yo noon, ganoon parin naman ngayon. They’re blind. Wala namang pinagbago sa’yo.”

Mabilis ko siyang nilingon, kalmado ang ekspresyon ng mukha at kampante sa sagot. Hindi ko alam kung compliment ba iyon o ano. Ano bang tingin niya sa akin? Maganda? Pangit? Tapos walang pinagbago?

“Talaga?”

Tumango siya. “Yeah. Siguro ay marunong kanang mag-ayos kaya parang naninibago sila. Para sa akin, wala namang pinagbago.”

“Dapat ba akong matuwa sa compliment mo?”

“You’re already pretty from the very beginning Aly. Even without any make-up. Just your smile…” His lips curved, licking his lower lip.

Napairap ako. Namumula ang aking pisngi at gustong itago iyon sa kanya.

“Iyong mga kaibigan lang naman talaga ni Chany ang nagmulat sa akin sa ganoong bagay. Ang raming pinagbibigay na make-up sa akin ni EllieKlaire, tapos si Addi naman ay sa pananamit.” paliwanag ko.

“Ganoon talaga si Addi. Kahit noong nag-aaral pa iyan. Pati ang kanyang sariling uniporme ay pinapacostumize.” he said nonchalantly.

Napatitig ako sa kanya sandali. Naninimbang ang tingin iyon na kahit siya ay nagkasalubong na ang kilay.

“Gentleman lang talaga ako. Mabait ako sa mga babae.” Bigla niyang depensa kahit wala naman akong sinasabi.

“Wala akong sinasabi ah.”

“The way you look at me. Halatang nagseselos.” Mapang-uyam niyang sabi, ngumingisi pa.

“Ang kapal mo! Alam ko naman na ganoon kana talaga sa mga babae. Simula bata pa ako, alam ko kung gaano ka kabait. Sa sobra mong bait ikaw pa mismo ang nanghuhubad sa kanila.” Umirap ako kasabay ng malutong niyang halakhak. Totoo naman talaga!

“Ano kayang kaibahan ko sa mga babaeng iyon.” Halos ibulong ko nalang iyon sa sarili ko. Nagkakasalubong na ang aking kilay habang naglalakad kami rito sa bayan, hawak niya sa isa niyang kamay iyong pinamili kong karne.

“They’re my past. You’re my last.” Bigla niyang sabi na ikinasinghap ko. Tiningala ko ito, hindi nawawala roon ang ngiti niya. Na totoo iyong sinabi niya at sigurado siya.

“Ang unfair mo.” sabi ko.

“Why?”

“May past ka, tapos ako wala!”

“May past tayo.” He said cooly.

Napangiwi ako. “Ikaw parin naman. Tapos ikaw halos hindi ko mabilang sa daliri ko iyong mga naging past mo.”

Mas humigpit ang pagkakasalikop niya sa aking kamay. “Wala iyon sa mga babaeng dumaan sa akin. Ang mahalaga ay ang babaeng dumaan at ayoko ng pakawalan.” Ipinakita niya sa akin ang kamay kong hawak hawak niya. “I never hold someone like this in my entire life the way I hold you right now Alyssa.” Inangat niya iyon at hinalikan ang likod ng aking kamay.

Namumula ang aking pisngi. Nawawala ako sa sarili ko dahil sa mga binibitiwang salita ni Uno. Nababaliw ako at hindi ko alam kung babalik pa ba ako sa normal kong sarili.

I was smiling the whole time. Huli naming pinuntahan ay ang prutasan. Balak kong mamili ng marami para narin sa pinsan ko. Bibisitahin ko siguro sila Tita Felicita. Kukumustahin ko ang aking pinsan.

Kapansin pansin ang pagtitig ng tindera sa akin. Minsan lang ako magawi dito noon kaya hindi ko ito masyadong kilala.

“Ikaw iyong white lady na pinsan ni Lhuella diba?” tanong nito sa akin, nang-uusisa ang tingin.

Tumango ako. Nilingon niya si Uno sa aking likuran kaya napalingon narin ako, hindi ito gaanong malayo sa akin, nakatayo at hinihintay akong matapos mamili ng prutas.

“Bakit magkasama kayo ni Sir Uno? Diba iyong pinsan ang girlfriend niyan?”

Kitang kita ko ang pagkadisgusto niya sa akin. Halatang may binubuo ng mga konklusyon sa kanyang isipan.

“Hindi po sila.” Sabi ko lang at ngumiti. Itinuon ko ang aking atensyon sa paglagay ng prutas doon sa basket na mga bibilhin ko.

“Paanong hindi sila? Eh napapabalita noon na palagi silang magkasama. Totoo ba iyong balita na inagaw mo siya sa pinsan mo? Para maiahon ka sa kahirapan?”

“Grabe naman po iyon.” Tumawa ako ng peke kahit na nasasaktan na ako sa pinagsasabi nito. May mga tao parin talagang ganoon ang iniisip sa akin.

“Diba balita ko, nalugi na iyong lupain ng iyong pinsan at lumaki na iyong sa inyo ng lola mo? Si Sir Uno ang may gawa no?” Atake parin nito sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, umiling.

“Hindi ko po siya ginagamit. Pero kung gagamitin ko naman po siya, diba po ay malaki narin si Uno? Alam niya naman siguro ang tama at mali. At hindi naman siguro siya papayag na gamitin siya ng kung sino.” sabi ko na nagpatikom ng bibig nito. Ibinigay ko sa kanya ang bayad. “Iyan lang po lahat ang bibilhin ko.” Nahihiya siyang tumango at inasikaso ang pinamili ko.

Si Uno ang nagdala ng mga pinamili namin. Naging tahimik naman ako. Hindi mawala sa aking isipan iyong sinabi ng babae.

“You okay?” Tanong ni Uno, sinisilip ang aking mukha.

Nilingon ko siya at ngumiti. “Oo naman. May iniisip lang.”

“What is it?” Tumaas ang kanyang kilay, halatang interesado.

“Ano ka ba, ang chismoso mo.” Tumawa ako. “’Tsaka nonsense naman iyon.”

“Kahit ano pa iyan ka nonsense, makikinig ako. Now tell me.” Seryoso niyang sabi.

Bumuntong ako ng hininga. Ibinalik ko ang aking tingin sa nilalakaran namin. Mabagal lamang ang aming paghakbang, sinusulat ang oras, ang kamay naming magkahawak.

“Uh, naisip ko lang na ano,” nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ramdam ko ang kanyang titig sa akin, naghihintay sa sasabihin ko. “Ni minsan, sumagi ba sa utak mo na ginagamit lang kita?” Nahihiya ko siyang tiningala. Nagkasalubong naman ang kanyang kilay.

“Hmm,”

Doon palang, kinakabahan na ako dahil parang nag-iisip ito. Lumunok ako ng laway, hindi nililisan ang mukha niya.

“You’re using me to pleasure yourself. I know I’m the one being used when it comes in bed.” Ngumisi siya, ang animal na pinaparatangan akong mas sakim sa ganoong bagay.

Naningkit agad ang aking mga mata. Mabilis siyang sinapak sa braso. “Aba’t ako pa talaga!”

He chuckled and pulled me closer to him. Halos madikit ako sa kanyang katawan, nakakalimutang nasa bayan pa kami at naglalakad palabas.

“Siguro, kahit gamitin mo ako, wala rin naman akong pakialam. It’s okay to be used Aly. As long as it’s you.” Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking ulo, sinisigurado sa aking iyon lang ang mahalaga sa kanya.

“Pero hindi naman kita ginagamit ah.” Pangungumbinsi ko.

“I know baby. You’re not like that.” He said, assuring me.

Naging kampante rin naman ako. Hindi mahalaga sa akin ang iisipin ng ibang tao, ang mahalaga lamang ay iyong iniisip sa akin ni Uno. Dahil sa oras na ito, siya lang ang nakakapagpasaya sa akin ng ganito.

“Are you sure about this, Aly?” Paninigurado sa akin ni Uno nang makarating kami sa pamilyar na lugar. Bumuntong ako ng malalim na hininga, nilingon si Uno at nginitian ako. “Oo. Gusto ko siyang kumustahin. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita, Uno.”

Nilakad namin ang daanang patungo sa gate ng bahay ng pinsan ko. Hindi palang kami tuluyang nakakarating roon, natanaw ko na sa veranda ang aking pinsan kasama si Tita Felicita. Sinusuklay nito ang buhok ng kanyang anak na tulala sa kawalan. Nadurog ang puso ko nang makitang namamaga ang mga mata nito at nangingitim ang ilalim, ganoon rin si Tita Felicita na stress na stress ang mukha.

Napalunok akong muli. Nagpatuloy sa paglalakad kasama si Uno dala dala iyong basket ng mga prutas na pinamili namin.

Nasa may gate na kami nang mapatingin si Tita Felicita sa amin. Napasinghap ito, na kahit si Lhuella na tulala kanina sa kawalan ay napatayo na, naging excited ang mukha nang makita si Uno sa aking tabi.

Mabilis ang pagtakbo ng aking pinsan, nakaguhit ang saya sa mukha at binuksan mismo ang gate.

“Uno! You came back I knew it!” Nilapitan niya agad si Uno, niyakap ito ng mahigpit. Hindi ako naglagay ng malisya roon, itinatak ko sa aking utak na ako ang mahal ni Uno at wala ng magagawa ang pinsan ko roon.

Napatingin ako kay Tita. Malungkot siyang nakangiti ngunit may tumutulong luha sa kanyang mga mata.

“Halika! Mom is waiting for you!” Hinila niya si Uno papasok, binabalewala ang aking presensya. Napatingin si Uno sa akin, tumango ako at ngumiti para sabihin sa kanyang okay lang.

“Mom! He came back! Sabi ko naman sa’yo!” Tuwang tuwa na balita nito sa ina na tumatango at pilit kinokontrol ang luha. “Yes sweetie. Uno is h-here.” Halos mabasag ang kanyang boses pero sinikap na kontrolin.

Hinila ni Lhuella si Uno doon sa may hardin, halatang tuwang tuwa ang aking pinsan dahil sa maliwanag nitong mukha. Pero may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Parang wala siya sa kanyang sarili. Ang layo niya na sa dati niyang sarili. Mapupuna mo talaga na may problema sa kanya.

Nandito ako sa veranda, nakaupo kasama si Tita. Pinapanood namin ang dalawa. Minsan ay nililingon ako ni Uno kaya agad akong ngumingiti. Baka kasi nag-aalala ito na nagseselos ako.

“This is the first time I saw her smile like that again since the day she told me Uno confronted him to leave. Because of you.” Dumako ang tingin ko kay Tita, nasa anak ang tingin, nahahabag.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at kung saan ako magsisimula. Bilang ina, alam kong naaawa siya sa anak niya. Kahit gaano pa ito kasama sa tingin ng lahat, anak niya parin ito at ipagtatanggol niya ito kahit anong mangyari.

“You know Aly, I’m aware that my daughter is not as nice as you. Alam kong lumaki siyang spoiled brat, lumaki siyang binibigay sa kanya ang lahat at nakukuha niya agad ang gusto niya. Wala akong bagay na hindi naibigay sa kanya kung pagdating lang sa mga materyal na bagay. Maluho siyang bata.” Mapait siyang ngumiti. “I guess Lhuella didn’t fail as my daughter, but I failed as her Mother. Inisip ko ang makakabuti sa kanya kahit alam kong sobra na. Pinabayaan ko siya sa gusto niyang gawin at sinusuportahan siya kahit na nakakaapak na siya ng iba. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, wala akong inisip kundi ang ikakasaya niya kahit na alam kong kalabisan na iyong gusto niya.” Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kanyang mata.

“Pinaparusahan na ata ako ng Panginoon sa kasalanan ko. Iyong nakikita ko ang anak ko rito sa veranda, tulala sa kawalan at hinihintay ang taong alam kong hinding hindi mapapasakanya, sobra akong d-dinudurog.” Nabasag ang kanyang boses na kahit ang luha sa aking mga mata ay mabilis naring tumakas.

“My daugther has been harrased! And worst, she lost the c-child–” Tuluyan siyang napahikbi. Mabilis akong tumayo, naiyak narin at niyakap ito. “Sobra naman ata ang parusang ito sa kanya! Ako ang nagkamali bilang ina niya pero bakit siya itong higit na pinaparusahan! Tanggap ko iyong pagkalugmok ng lupain, ang pagiging baliktad ng estado namin, pero iyong makita ko iyong anak kong labis na nahihirapan, p-parang di ko ata kaya…” Humagulhol si Tita sa aking braso na kahit ako ay humagulhol narin.

“Tita, wala naman pong binibigay na problema ang Panginoon na hindi natin nakakaya. Ako nga po, nawalan po ako ng mapag-arugang lola. Ang natitirang taong minahal ko at kinalakihan ko ng magulang ko, pero kinuha parin po siya sa akin. Noon halos kwistyunin ko ang Panginoon kung bakit niya iyon ginawa, pero sa pagdaan ng panahon, napagtanto kong may rason ang lahat. Sinadya niya iyon para mas patatagin ako. Nagsikap ako lalo. Ipinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko ang tingin sa akin ng lahat, na kaya kong mag-isa. Na hindi pa naman huli ang lahat dahil alam kong masaya narin si Lola kung nasaan man siya. Nakaya ko po kahit iniwan na ako, kayo pa po ba na hanggang ngayon ay kasama niyo parin ang anak niyo, buo parin ang pamilya niyo.”

“Sa sobra mong bait Aly, hindi na ako magtataka kung bakit ganito rin kabait ang Panginoon sa’yo, hindi ka pinapabayaan.” sabi niya.

“Hindi naman po namimili ang Panginoon ng tutulungan. Sa mata niya, lahat tayo pantay pantay. Siguro ay tinuturuan niya lang tayo ng leksyon pero kailanman, hindi niya tayo tinalikuran. Alam ko pong makakaya niyo ito, alam kong babalik si Lhuella sa dati.”

Tumango si Tita, tumango at niyakap ako ng mahigpit. “Sa kabila ng ginawa ng pinsan mo sa’yo, nagpapasalamat ako at hindi ka nagtanim ng galit sa kanya Aly. Maraming salamat.”

Chapter 54

Signs Of Love

Bisita

“Magmeryenda muna kayo ni Uno bago kayo umalis,” Alok ni Tita Felicita na naglalapag na ng pagkain sa mesa. Nilingon ko ang dalawang bumabalik na rito. Hindi mabura ang ngiti sa labi ni Lhuella habang tinitingnan si Uno na halatang pinapagaan rin ang kanyang loob, nginingitian ito.

Ibinigay ni Uno kay Tita iyong basket ng mga prutas. “Maraming salamat, Uno.” Ngumiti si Tita, tinanggap iyong basket.

“Si Aly ang nakaisip na bumisita rito at binilhan kayo ng prutas.” Sabi niya.

Napatingin sa akin si Lhuella, halata ang paninitig pero kinakalma ang sarili.

“Maraming salamat, Aly.” sabi ni Tita.

“Walang anuman po.”

Inilapag niya iyon sa gitna ng mesa. Natuon naman ang tingin ko nang hilain ni Lhuella si Uno para paupuin sa harap.

Hindi naman mapalagay ang mga mata ni Uno na nililingon ako bawat sigundo. Pasimple nalang akong ngumingiti sa kanya. Kung sa ikakakalma rin naman ng pinsan ko, bakit hindi?

“O siya, kumain na kayo! Aly!” Pagpapatay ni Tita sa awkward na sitwasyon. Tumango ako, ngumiti at kinuha iyong plato.

Si Lhuella mismo ang nagserve ng pagkain para kay Uno. Nilalagyan niya iyon ng sandamakmak.

“I can do it, Lhuella.” Kinuha sa kanya iyon ni Uno. “Okay lang ano ka ba!” Natatawa nitong sabi. Nagkatinginan kami ni Tita, nababahala ang mukha nito.

Hinayaan nalang siya ni Uno. Palihim ko nalang itong sinisipa sa ilalim ng lamesa na pakitunguhan ito.

Nang mag-akmang susubuan siya ni Lhuella ay inagaw niya iyong kubyertos. Natigilan roon si Lhuella, na kahit kami ni Tita ay natigilan rin.

“A-Ah, kaya naman ni Uno ang sumubo, anak. Just let him.” Pagpapakalma ni Tita sa anak.

Napatingin sa akin si Lhuella, matalim ang mga matang nakasentro na sa akin. “Bakit ka nandito? Sinong may sabi sa’yong imbitado ka sa bahay namin ni Uno?”

Nagulat ako. Halatang nawawala na ito sa sarili niyang katinuan, epekto ng mga nangyayari sa kanya.

“I invited her, Lhue. She even bought fruits for you.” Si Tita Felicita na halatang pinapahupa ang galit nito.

Tumango ako. “Uh, b-binisita lang kita. Nangungumusta lang naman ako.”

“Binisita!” Halos mapatalon ako sa sobrang gulat lalo na’t tumayo na ito. Dinampot niya iyong tinidor at itinutok sa akin habang nanglilisik ang kanyang mga mata.

“Lhuella!” Napatili ang kanyang ina, hinawakan agad ang kamay nito. Mabilis narin ang aking pagtayo, paalis sa harapan na kahit si Uno ay mabilis ang pagpunta sa aking tabi.

“Lhuella, calm down…” Si Uno.

“Mom! Nandito ang babaeng iyan para agawin sa akin si Uno! Ba’t mo siya pinapasok?!” Halos magwala siya, hindi inaalis ang pagkakatutok ng tinidor sa akin.

“Lhuella, hand it to me.” Si Uno, kabado ngunit kalmadong kinakausap ang aking pinsan habang hawak ang aking kamay at inilalagay ako sa kanyang likod. Inilahad niya sa pinsan ko ang kamay nito, “Give it to me.”

Ang mga matang nagwawala kanina, nang mapatitig kay Uno ay unti unti nang kumakalma. Para itong isang mabangis na hayop na unti unti nang nagiging maamong tuta.

Pigil ang hininga namin ni Tita nang pinanood namin ang dahan dahang pagbigay ni Lhuella sa tinidor. Kung paano ito humagulhol na agad na niyakap ng kanyang ina.

“Mawawalan ng ama ang anak ko! Lahat nalang kinukuha sa akin ng babaeng iyan!”

Nalaglag ang luha sa aking mga mata. Hindi na matino mag-isip ang aking pinsan at nagkakaroon na siya ng deperensya sa kanyang utak. Nakakagawa na siya ng mga bagay na hindi ko inaakalang magagawa niya. Kahit gaano kamaldita sa akin ang pinsan ko, naniniwala parin ako na hindi niya ako kayang saktan ng pisikal. Pero dahil nawawala na siya sa kanyang katinuan ay hindi niya na alam ang pinaggagawa niya. Nadadala siya sa kanyang emosyon.

Ang sabi ni Tita, noong nawala ang kanyang anak ay pinacouncilling ito. Kaso parang bumabalik ang trauma nito kaya hindi na nagiging stable ang pag-iisip ni Lhuella.

Umalis lamang kami ng bahay nang makatulog ito. Wala akong maitutulong sa aking pinsan ngayon dahil sa tuwing nakikita niya ako ay pinapaalala ko lang sa kanya ang lahat.

“Baliw na ba talaga ang pinsan ko?” Tanong ko kay Uno nang makauwi kami. Kapwa na kami nakahilata sa sofa, nakasandal ako sa kanyang balikat.

“The way she acts… yes.”

Malungkot ko siyang tiningnan. “Gagaling naman siya diba?”

“Kung makakarecover siya sa trauma, siguro. Hindi niya pa tanggap ang nangyari sa kanya kaya siguro nawawala siya sa katinuan.”

“Baka kung sa akin rin nangyari ang mga iyon ay mabaliw rin ako.” Pag-amin ko sa kanya.

“Baka makapatay rin ako. Hindi ko tatantanan iyong lalakeng gumahasa sa’yo. Pero paninindigan ko ang bata. Aalagaan kita. Hindi kita pababayaan.” Seryoso nitong sabi. Alam ko kung anong klaseng lahi ang meron sila. Sakim sila sa pagmamahal. Nakakaya nilang gawin ang lahat. Base narin sa mga kwento sa akin ni Addi.

“Hindi ba masakit iyon? Hindi mo anak pero pananagutan mo?”

“Mas masakit sa akin kung mapupunta ka sa iba. That’s your child anyway. At wala namang kasalanan ang bata.” Sigurado niyang sabi.

Palihim akong napangiti. Sigurado akong magiging mabuting ama itong si Uno. Mabait siya, kumpara sa kanilang magkakapatid, siya lang ata itong marunong maging gentleman sa mga babae. Iyong mabait sa lahat. Medyo may pagkafriendly.

Napansin niya ang pagtitig ko sa kanya ng matagal. Tumaas ang kanyang kilay.

“What are you thinking?”

“Literal pala talagang may nababaliw sa inyong mga babae no? Anong lahi ba ang meron kayo?” Wala sa sarili kong tanong, titig na titig sa gwapo niyang mukha.

Nagkibit siya ng balikat. “It’s a Buenaventura’s thing you wouldn’t understand,” mayabang niyang sabi, nagawa pang kumindat.

Marahan akong natawa, naiiling nalang dahil kahit ako ay mababaliw rin ata sa lalakeng ito.

“Para sakin, mas gwapo pa naman iyong mga Delafuente.” Ngumuso ako, nagsisinungaling sa katotohanang hindi ko rin naman alam kung sinong mas matimbang sa dalawang angkan.

Napatitig siya sa akin. Seryoso ang mukha.

“Kahit alam kong nagsisinungaling ka lang naman, nagseselos parin ako.”

Humagalpak ako ng tawa. Inilapit ang aking mukha sa kanya. “Hindi ako nagsisinungaling! Mas gwapo talaga ang mga Delafuente. Nakita mo na ba iyong si Tito Rico? Ang gwapo niya.” Mapang-asar kong sabi.

Pinatakan niya ako ng mabilis na halik sa aking labi. Kampante ang kanyang ekspresyon pero makikita mo ang pagkaasar sa mukha.

“Iyong ama ng magkapatid na Delafuente? Ilang taon na ba iyon at nagkakacrush ka parin sa matatanda?”

Nagkibit ako ng balikat. “Ganoon talaga ang mga type ko e. Matatanda.” Mas inimphasize ko ang huling sinabi na nagpataas ng kilay niya. Uno is 5 years older than me. 23 na ako at turning 28 na siya.

“I’m not yet old, Aly.” Pagtatama niya.

Umiling ako. “Mas matanda ka sa akin ng limang taon. Ang bata ko pa kaya!”

“Pero nasa 20’s parin naman ako katulad mo.” Giit niya.

“Pero malapit kanang maging 30’s. Matanda kana talaga eh.” Umiling ako, aalis na sana sa sofa nang bigla niya akong hatakin at itumba. Napatili ako sa sobrang pagkagulat. Pumaibabaw naman agad si Uno sa akin.

“Age doesn’t matter anyway.” Pinatakan niya ako ng halik sa aking labi. Natawa ako at ipinulupot ang aking kamay sa kanyang leeg. Tumama ang ilong namin sa isa’t isa.

Sa araw-araw kong kasama si Uno sa Resthouse, nasasanay na ako na palagi kaming magkasama. Halos lahat ng bagay ay sabay na naming ginagawa. Iyong mga hindi namin nagagawa noon ay nagagawa na namin. Hindi kami gaanong nag-aaway. Wala rin naman kasing nakakagalit kay Uno. Pero maliban lang talaga dito.

“Akin na nga! Sabi ko ako na sa mga ganito!” Inagaw ko sa kanya ang panty ko na natanggal ang lace. Ang kawawa kong pangloob ay dumanas ng kalupitan sa kamay ni Uno!

“I can do it. I’ll be gentle this time.” Inagaw niya iyong muli sa akin pero binawi ko agad. Ito nalang ang natitirang panloob ko na hindi niya gaanong nasira. “Hindi ka marunong kumusot! Tingnan mo nga iyong ibang panty ko!” Itinuro ko iyong iba na napunit niya.

“Nanggigigil ako eh.” Ngumisi siya ng nakakaloko. Nang-init ang aking pisngi. Sinasabi ko na nga ba, dapat talaga hindi ko nalang isinasama ang mga panloob ko!

Walang katulong sa Resthouse kaya ako mismo ang naglaba ng mga damit ko. Gusto sana iyong ipalaundry nalang ni Uno o bumili nalang daw kami ng bago pero hindi ako pumayag. Kaya heto siya ngayon, tinutulungan ako sa paglalaba. Kaso parang kabaliktaran ang nangyayari. Maayos niya namang nalalabhan ang mga dress ko pero iyong mga panty ko…

“Sinasadya mo bang punitin ang mga panty ko? Sinasadya mong kusutin ng malakas para masira!” Pinaningkitan ko siya ng mata.

“You don’t need them anyway. I’m allowing you to get naked inside the Resthouse, Aly.” Mapang-uyam niyang sabi, nang-aakit ang boses.

Hinampas ko ang balde kung saan may mga bulang naroon kaya tumalsik iyon sa kanyang mukha at ang iba ay kumalat sa katawan.

“Manyakis kang animal ka!” Sigaw ko habang siya naman ay natatawa lang. Nababasa na siya kanina pa. Lalo na’t cotton white shirt lang naman ang suot niya.

Hinubad niya ang pang-itaas. Nakakaloko pa akong tiningnan kaya umirap agad ako.

“Akala mo naman maaakit ako eh pang-ilang beses ko na iyang nakita.” Pagmamaang-maangan ko kahit ang totoo ay naglalaway ako sa kanya ngayon. Ang hot niya! Paglalaba lang naman sana ang ginagawa namin pero pakiramdam ko para niya nang iminomodel ang mga labahin ko.

Nagsimula siyang magkusot muli. Halos maubos niya na sa kakakusot iyong mga pambahay kong dress. Ang dali niya ngang natuto eh. Mas magaling pa ata itong maglaba kumpara sa ibang babae.

Sandali siyang natigilan. Napatingin narin ako sa kanya lalo na’t may pinupunto na ang kanyang tingin. Ilang sandali lamang, may inangat siya galing sa bula hanggang lumantad sa akin ang bra ko.

“Akin na yan! Ako ang maglalaba niyan!” Namumula ang aking pisngi nang inabot ko iyon pero mabilis niya ring inilayo. Laglag panga ako lalo na’t nakangiting aso na ang animal!

“Hindi ko sisirain.” Depensa niya agad, na alam niyang iyon ang iniisip ko.

“Kahit na! Akin na!” Inabot ko iyon kaso wala talaga itong balak ibigay sa akin.

“It’s very soft just like your boob.” Normal niyang sabi at nagawa pang pisil pisilin iyong cup. Jusko makakapatay talaga ako!

“Uno!” Hinila ko sa kanya ang strap kaso hinila niya rin iyon hanggang sa makarinig nalang kami ng pagkapunit. Mabilis niya iyong nabitiwan lalo na’t laglag panga narin ako.

“You see Aly, you don’t have to wear that. Anong silbi ng kamay ko?” Ipinakita niya sa akin ang kanyang palad. “I’ll cup them for you instead.” Ngumisi siya na ikinatalim ko ng tingin.

“Animal ka talaga!” Tumayo ako, kumuha ng tabo at kumuha ng tubig na may bula roon sa balde saka ko iniligo sa kanya. Kitang kita ko ang pag-agos noon sa kanyang katawan. Na kahit ang kanyang short na suot ay nabasa narin. Natatawa akong lumayo roon, pero bago paman ako tuluyang makatakas ay nahigit niya na ako.

“Come here.” Napatili ako sa biglaan kong pagbagsak sa kanyang kandungan. Binuhat niya akong muli at walang ano-anoy ipinasok sa balde kaya ang kinalabasan ay tuluyan narin akong nabasa.

“Uno!” Natatawa ko siyang hinila. Kaso hindi ko man lang ito matinag.

“Lalabhan narin kita. Hubarin mo na iyang suot mo.” Ngumingisi siya habang pinaliliguan ako ng tubig na may bula.

“Bastos ka!” Sinabuyan ko siya ng tubig roon. Hindi naman ako gaanong kasya sa balde. Nakaupo lang ako roon habang nakasandal ang aking likod. Iyong binti ko nga ay nasa labas.

Pumaibabaw rito sa likod ang tawanan naming dalawa. Nandito kami sa harap ng maraming sunflower. Meron rin kasing hose rito kaya napag-isipan kong dito nalang maglaba. Para deritso narin sampay mamaya. Mas mainit kasi sa parteng ito.

Pinanood ko ang pagpiga ni Uno sa aking mga damit pagkatapos naming banlawan. Lumalabas ang ugat roon sa kanyang braso. Seryoso niya iyong ginagawa pero pag napapatingin sa akin ay agad na ngingisi.

Tinulungan niya rin akong magsampay, pero parang siya na halos ang nagsampay noon lalo na’t mas matangkad siya sa akin. Napapangiti nalang ako habang nanonood sa kanya.

“I enjoyed washing your clothes. It’s not that bad huh.” Sabi niya nang pumasok na kami sa loob para makaligo na.

“Mas maganda naman talagang maglaba kaysa magpalaundry.” Sabi ko. “Di ka na gumastos, naigalaw mo pa ang muscle mo.”

Bigla niya akong kinarga. “Yeah, I saw you watching me. And you’re even drooling.” sabi niya, inilalapit ang ilong sa aking ilong at kinikiskis iyon. Napayakap ako sa kanyang leeg, hindi na mapigil ang labing kumukurba. “Eh kasi ang hot mo sa pagpipiga. Pero hindi ako tulo laway ha!” Halakhak ko.

Doon namin ipinagpatuloy sa banyo ang pagkukulitan. Halos dalawang oras ata ang itinagal namin sa loob dahil sa sobra naming tagal maligo.

Nanood kami ng movie pagkatapos. Nasa loob kami ng kanyang kwarto. Tinutuyo niya ang aking buhok gamit ang tuwalya habang pumapapak naman ako ng popcorn.

Nang matapos siya ay tumabi rin siya sa akin, walang suot na pang-itaas habang ako ay nakadress na.

“May suot kang panty?” Tanong niya bigla.

“Oo naman! May natitira pang hindi mo nasisira.”

“We’ll find out later.” Ngising animal na naman si Uno. Sa tuwing ganyan siya ay gusto ko nalang talaga siyang bigwasan.

Nakasandal ako sa kanyang balikat habang nanonood kami. Hindi ko maiwasang mapaluha sa mga nakakaiyak na scene na pinapanood naming Midnight Sun. Lalo na’t sinasabi na ng anak sa kanyang ama na mawawala narin siya katulad ng pagkawala ng kanyang ina.

Lalo na noong mas pinili na ng babae na makasama iyong lalake sa dagat. Hindi ko na maawat ang luha ko at panay iyak na ako. Si Uno na itong nagpupunas ng luha ko at nagagawa pa akong tawanan.

“Bakit kasi nagdate pa sila ayan tuloy!” Naluluha kong pinunasan ang aking pisngi.

“It’s her choice.” Kibit niya ng balikat, parang walang emosyon at ako lang itong nagbibigdeal sa scene.

“Pero alam niya namang ikakamatay niya iyon!”

“Ganoon talaga Aly. May mga bagay na kailangan nating isakripisyo makasama lang ang taong mahal natin.” sabi niya. Pinunasan niyang muli ang aking pisngi. “Stop crying.”

“Ang saklap naman ng ganoon.” Komento ko, sinisikap na hindi na maiyak dahil ramdam ko na ang mga mata kong namumugto.

“Kunwari may ganoon akong sakit, iyong bawal akong maarawan. Anong gagawin mo?”

“Then I’m willing to spend the rest of my life with you in the darkness.” Seryoso niyang sagot.

“Parang ang unfair naman.”

“Losing you is like a darkness without a hope of light. But being with you in the dark, that’s my light.” Inangat niya ang aking baba at hinalikan ako ng marahan.

Sa sobrang kilig, hindi ko na napigilang hawakan ang aking dibdib mapakalma lang ang paghuhuramintado nito. Nalulunod na ako sa labis na kasiyahan pero heto siya, mas hinuhulog pa sa kanya hanggang sa hindi na ako makaahon.

Sobrang saya ng araw ko, wala na akong maisip na makakapagpasaya pa sa akin ng lubusan bukod sa pinaparamdaman sa akin ni Uno. Pero posible pa palang madagdagan ang sayang nararamdaman ko.

Natigil kami ni Uno sa kakapanood ng movie nang may bisitang dumating. Paglabas naming dalawa, isang lalakeng may katandaan na ang maagap na naghihintay sa veranda. Natigilan ako nang makita ito. Sa mura kong edad noon, sa mga alaalang bumabalik sa akin noong kabataan ko, kahit sobrang tagal na ng panahon, hinding hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalakeng nangako sa aking babalikan niya ako.

Nagtama ang aming mga mata. Kumalabog ng husto ang aking dibdib. Natakpan ko ang aking bibig sa sobrang pagkakagulantang.

“P-Papa?” Nauutal kong sabi. Nanginginig ang aking labi, hindi makapaniwala sa lalakeng nakatayo sa aking harapan.

“Aly. Anak ko.” Tawag niya sa akin na ikinabuhos ng aking luha.

Chapter 55

Signs of Love

Magsasaka

Naglapag ako ng mga makakakain sa lamesa kung saan nakaupo si Papa. Nandito parin kaming dalawa sa veranda. Si Uno naman ay binigyan muna kami ng oras para makapag-usap. Paminsan-minsan ko itong nahuhuling sumusulyap sa amin rito habang tinutulungan niya ang ibang trabahador sa lupain.

Nakatitig si Papa sa lupain. Tahimik lamang ito at parang may malalim na iniisip.

“Pa, kain po kayo.” Alok ko, hindi mawala ang malaking ngiti sa aking labi.

Napakurap siya, bumalik sa sarili at nginitian ako.

“Ang laki mo na, Alyssa. Kamukhang kamukha mo ang iyong mama.”

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Pumipintig ng husto ang aking dibdib dahil sa labis na kasiyahan. Nanunubig parin ang aking mata. Hindi ako makontento sa pagyakap ko sa kanya kanina ng mahigpit at pakiramdam ko ay kulang parin ang lahat ng iyon. Ang rami kong tanong sa kanya pero lahat ng iyon ay nabura nalang. Ang mahalaga, nandito na ang aking Papa.

“K-Kumusta na po kayo?” Tanong ko.

“H’wag mo akong alalahanin. Okay lang naman ako. Ikaw, kumusta ka.” Lumingon siya sa lupain, dumirekta agad ang tingin kay Uno. “Iyon ba ang napangasawa mong mayaman kaya ganito na kalago ang lupain?”

“Nako papa!” Umiling-iling ako. “Hindi po. Eh trabahador po iyan rito sa lupain! Di pa po ako kasal.” Pagsisinungaling ko. Pero trabahador naman talaga si Uno sa lupaing ito. Siya mismo ang may sabi.

Natawa si Papa. “Akala ko ay mayaman. Masyadong makisig. Siya itong naiiba sa lahat ng magsasaka mo. Di na ako magtataka kung may namamagitan sa inyo.” Mapang-asar niyang sabi na ikinapula ng aking pisngi.

Naging tahimik ulit kaming dalawa. Pinanood ko siyang kumuha ng pagkaing inihanda ko sa kanya at kumain.

“Ah, papa. A-Alam niyo po ba ang nangyari kay Lola?” Pagbubukas ko ng panibagong pag-uusapan. Gusto kong malaman kung nakarating ba sa kanya ang balitang iyon.

Natigilan siya sa pagsubo. Bumuntong ng hininga at dahan-dahang tumango.

“Last week ko lang nalaman. Sayang at sobrang huli na ako. Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Mama sa pag-aalaga niya sa’yo.” Malungkot niyang sabi. Halos makita mo rin sa kanyang mga mata ang pagdadalamhati.

“S-Sa syudad po ba kayo nakatira ngayon? Bakit po natagalan kayo sa pag-uwi rito? Ano pong trabaho niyo roon?” Sunod-sunod kong tanong. Gusto ko lang talagang malaman. Hindi naman ako magagalit kahit ano pa ang dahilan niya. Ang importante ay masigla siya at mukhang masaya naman.

Hindi siya agad nakasagot. Nag-iwas lamang ng tingin sa akin at sumubo ng pagkain. Kinakabisado ko ang bawat galaw niya, naghihintay sa maaari niyang sabihin.

“M-May pamilya na po ba kayo roon?” Tanong kong muli na nagpatigil sa kanya, na kahit ang pagmuya ay bumagal.

“Hindi naman po ako magtatampo papa. Alam ko naman pong may rason kayo kaya ngayon niyo lang ako napuntahan. Ang mahalaga po sa akin ay okay kayo.” Ngumiti ako sa kanya, pilit pinapagaan ang loob nito.

Uminom siya ng tubig. Pinanood ko siya. Doon niya lang ako binalingan nang mailapag niya na ulit iyon. Naging seryoso na ang kanyang mukha.

“Sa pangungulila ko sa iyong ina ay may nakilala akong babae. Kinasal kaming dalawa at n-nagkaanak.”

Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib. Nagbabadya ang luha sa aking mga mata pero sinikap kong ngumiti. Ni minsan ba, hindi niya ako naalala? Ang oa mo naman Aly! Ang mahalaga ay okay ang papa mo! Binalikan ka niya! Sapat na iyon! ’Tsaka sanay ka namang mag-isa!

Pinalis ko ang nalaglag na luha at mas nilakihan ang ngiti. “T-Talaga po? May kapatid na pala ako!” Natawa ako. “Pwede ko po ba siyang makilala Papa?”

Tumango ang aking ama. Nababahiran na ng saya ang mukhang seryoso kanina.

“Oo naman! Naghahanap nga ng ate ang batang iyon. Matutuwa si Kaycee pag-uwi nating dalawa roon. Alam nila ang tungkol sa’yo. At kahit ang asawa ko ay gusto kang makilala. Iyon na ang bago mong pamilya anak. May Mama kana ulit.”

Unti-unting nabura ang ngiti sa aking labi. “P-Po?”

“Hindi naman sa sinasabi kong kalimutan mo na ang ina mo, pero pwede mo rin siyang ituring na Mama mo, Alyssa. Mabait si Isabel.”

Tumango ako. “Sige po Papa! Gusto ko rin pong makilala ang asawa at anak niyo po.” Excited kong sabi sa kanya na mas ikinangiti nito ng malaki.

Tumayo si Papa. “Pwede bang ipasyal mo muna ako sa lupain anak?”

“Sure po!”

Natanaw ko ang mga pares ng matang napatingin sa amin nang lumabas kami ng veranda ni Papa. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtayo ng tuwid ni Uno at nasa akin na ang tingin. Putikan na ang kanyang maong habang walang pang-itaas na damit. Mas pumapaibabaw sa lahat ng nandito ang kanyang imahe na hindi lang siya isang pangkaraniwang trabahador rito. Iyong iba kasi payatot naman kahit may abs. Pero si Uno, nangingibabaw siya sa lahat.

Palihim akong napangiti dahil sa kakatitig ko sa kanya. Nahuli ko pa kasi itong kumindat sa akin. Loko loko rin talaga ang animal na ito ang hilig magpakilig.

Pinakilala ko si Papa sa mga trabahador. Magalang naman nila itong binati. Hindi mawala sa aking labi ang matamis na ngiti. Pakiramdam ko, may nabuo sa aking pagkatao. Na wala na akong mahihiling pa dahil lahat ay nasa akin na. Kontentong kontento na ako.

“Ikaw iyong kasama ng anak ko sa loob ng Resthouse diba?” Tanong ni Papa kay Uno na kaharap na namin ngayon. Nagkatinginan kami sandali. Napalunok ako ng laway. Ewan ko ba kung bakit ako nakakaramdam ng kaba samantalang itong si Uno ay kalmado lang naman.

“Opo. Tinulungan ko pong maglaba ang anak niyo, Sir.” Magalang na sabi ni Uno. Gusto ko pa itong sapakin dahil sa lahat ng sasabihin niya ay iyon pa talaga.

Napatingin sa akin si Papa, naninimbang ang tingin. “Ginagawa mo bang kasambahay ang trabahador mo Alyssa?”

Nalaglag ang aking panga. Si Uno naman ay kagat ang pang-ibabang labi, nasa sahig ang tingin at pinipigilang mapangiti ng malapad.

Umiling-iling ako. “Hindi po sa ganoon Papa–“Ang laki laki mo na pero nagpapatulong ka paring maglaba. At sa trabahador mo pa talaga.” Putol niya sa akin na mas ikinangisi ng animal. Mas umiling ako. Lagot talaga sa akin ang lalakeng ito mamaya!

“K-Kasi naman po ang rami. ’Tsaka hindi naman po iyon labag sa kanyang loob–“Ako rin po ang nagluluto sa Resthouse, Sir.” Dagdag ni Uno na mas ipinagsalubong ng kilay ng aking Papa. Hindi ko na maipaliwanag ang ibinibigay niya sa aking tingin.

“Ginagawa mong alipin ang iyong trabahador Alyssa. Anong klase kang amo?” Si Papa, hindi na mapigil ang kakasermon sa akin at itong si Uno naman ay parang naaaliw pa!

“Hindi po sa ganon Papa!–“Paborito ata ako ng anak niyo Sir. Sa lahat ng trabahador rito ako po ang inuutusan.” Dagdag ni Uno, nagpapakainosente.

“Aba’t itong batang ito purket gwapo ang iyong trabahador ay aabusuhin mo na!” Nailing si Papa at binalingan muli si Uno na mabilis nang iblinangko ang mukha na panay ang ngisi kanina. “Magkano naman ang sinusweldo sa’yo ng anak ko hijo?”

Napatingin ng makahulugan si Uno. Nanlisik ang aking mga mata, pinipigilan siya sa maaari niyang sabihin. Baka kasi ay umatake iyang pagiging manyakis niya! Nako naman Uno mabibitay talaga kita!

“Uh, hindi pa po ako siniswelduhan ni Ma’am Aly. Pero sapat na po iyong nakakapagtrabaho ako rito sa lupain nila. Hilig ko po kasi ang magtanim.” Si Uno na nagpapakaanghel sa harapan ng aking ama.

Napatitig sa kanya sandali si Papa. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kinikilatis ng mabuti.

“Sa hitsura mo hijo, hindi bagay sa’yo ang maging magsasaka. Para ka ngang modelo.” Napahalakhak si Uno sa sinabi ng aking ama. Tuwang tuwa.

“Salamat ho, Sir. Makita ko lang po iyong anak niyong masaya, sapat na po iyon bilang sweldo. Handa po akong maging magsasaka ng kanyang lupain habang buhay.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Namumula ang aking pisngi at hindi narin napigilan ang ngiti. Nang nilingon ako ni Papa ay mabilis kong iblinangko ang mukha. Si Uno ay pasimple pa akong kinindatan habang ngumingisi. Jusko naman!

“Anak, ginagamit mo ba ang alindog mo para magtrabaho sila ng libre sa’yo?” Si Papa, takang taka na sa inaasal ni Uno.

Umiling ako. “Hindi naman po Papa. Siniswelduhan po sila ng maayos. Iyong kinikita po ng lupain, may nakukuha po silang sweldo roon.”

Tumango-tumango si Papa. Hindi nawawala ang kakaibang tingin kay Uno.

“Alam mo hijo, pasado ka naman sa akin.” Tinapik niya ang balikat nito. “Pero gusto ko parin iyong lalakeng mabubuhay iyong anak ko.”

Napanguso ako. Ang pangungulila ko sa aking ama, ngayon ay nararamdaman ko na ang presensya niya. Iyong kinikilatis ng mabuti ang lalakeng dadaan sa buhay ko. Sinisiguradong nasa tama akong kamay.

“Magsisikap po ako, Sir.” Si Uno, todo sakay parin sa pinagsasabi ng Papa ko. Tiningnan ako ng makahulugan ni Papa. Yumuko lang ako. Kung alam mo lang kung gaano kayaman ang lalakeng iyan Papa. Pero ayoko namang ipagmayabang iyon sa kanya para magustuhan niya si Uno. At mukhang ayaw ring ipamukha ni Uno ang estado niya sa buhay. Ibang klase rin ang animal na ito.

Nagpatuloy si Papa sa kakagala sa lupain. Hindi niya na ako pinasama dahil mukhang hindi naman daw siya maliligaw. Mabilis kong kinurot ang tagiliran ni Uno nang tuluyang makalayo ang aking ama.

“Anong pinagsasabi mo sa papa ko animal ka talaga!” Diin kong sabi sa kanya na nakapikit na ang isang mata at iniinda ang pangungurot ko pero may ngiti sa labi. Hinuli niya ang aking kamay, hinila ako papalapit lalo sa kanya.

“Your father likes me, I guess.” Pabulong niyang sabi, humahalakhak sa aking tenga.

“Paanong hindi ka magugustuhan eh sinasabi mong libre ang pagtatrabaho mo at tinutulungan mo pa ako sa Resthouse. Kung makapagsumbong ka akala mo naman kinakawawa kita.” Umirap ako sa kanya.

“Trabahador mo naman talaga ako ah? At ni minsan, hindi ako nakatanggap ng sweldo sa’yo.” Inosente nitong sabi na ikinangiwi ko.

“Ang kapal mo rin! Ako pa itong binabaliktad mo.”

“Alangan naman sabihin ko sa Papa mo na mahilig akong magtanim at pati ang anak niya ay balak kong taniman–“Naningkit ang aking mga mata at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig. Kung hindi niya lang dinilaan iyong palad ko ay hindi ko talaga ibababa ang aking kamay. Walanghiyang animal na ito.

“Kaya ba paborito mo ako sa lahat ng trabahador mo dahil masyado akong talented sa pagtatanim?” Humalakhak siya. Napakalandi mo Uno jusko!

“Tumahimik ka nga!” Pinagsasapak ko siya na mas tinawanan lamang ako.

Maggagabi na kaya nagsiuwian narin lahat ng trabahador. Si Uno nalang itong naiiwan. Kamuntik ko nang makalimutan na dito pala nakatira ang lalakeng ito! Gusto ko sanang sabihin nalang kay Papa na kaming dalawa ni Uno ang nakatira rito at mahal ko siya kaso pinapangunahan naman ako ng lalakeng ito.

“Uuwi na po ako, Sir.” Binalingan ako ni Uno pagkatapos. “Ma’am Aly.” Makahulugan niyang tawag sa akin.

“Saan ka pa ba uuwi, hijo?” Tanong ni Papa.

“Ah, medyo malapit lang naman po rito.”

“Ganoon ba? Sige, mag-ingat ka.”

Nagkatinginan kami ng makahulugan ni Uno.

“Ah, papa. Uhm, ihahatid ko nalang siya palabas ng lupain.” Sabi ko, kinakabahan dahil baka hindi ako payagan.

“O sige. Umuwi ka agad. Gabi na.” Sabi ni Papa na agad kong ikinatango.

Tinatanaw kami ni Papa sa veranda habang naglalakad kami sa lupain. Panay lingon rin ako at kinakawayan ko. Tumango ito sa akin.

Nang tuluyan na kaming makalayo at hindi na kami natatanaw ni Papa, mabilis nalang akong hinila ni Uno at binigyan ng malalim na halik. Pumulupot agad sa aking beywang ang kanyang braso. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakaganti.

“Ang hirap rin magpigil sa harapan ng Papa mo. Gustong gusto na kitang halikan kanina.” Ngumisi siya, idinikit ang kanyang noo sa akin.

“Sasabihin ko naman sana sa kanya kanina kaso ikaw itong may sarili ring plano.” Bumusangot ako at ipinulupot sa kanyang leeg ang magkabila kong braso.

“I want to introduce myself formally to your Father Aly. Liligawan muna kita. Baka sabihin niya purket paborito akong trabahador ng anak niya dahil gwapo ako at malamodelo ang katawan ay magti-take advantage na ako sa’yo.” Ngumisi siya, masyado ring nilulunod ang sarili sa papuri.

Tumawa ako, nasisiyahan rin sa sinabi niyang liligawan niya ako. “Ang hangin mo rin ha. Purket pinuri ka lang ni Papa ang laki na ng kumpyansa mo sa sarili mo.”

“At isa pa, siguro kung ako ang iyong ama. Pag nalaman kong nakatira na kayo sa isang bubong pero hindi pa naman kasal ay magagalit rin ako. Kaya magtiis ka muna. Uuwi na muna ako.” Humigpit ang pagkakayapos niya sa aking beywang. Itinulak ako lalo sa kanya at hinalikan ako sa aking labi.

“Masyado ka atang nawiwili sa pagpapanggap mo.” Humagikhik ako. “Mukha namang gusto ka ni Papa e.”

“I like his taste.” He said cockily. Parehas kaming natawa pero sumimangot rin ako.

“Pumanhik ka nalang kaya mamaya sa kwarto? Total may susi ka naman. Gusto kitang katabi.”

Lumaki ang ngisi ni Uno. “Nasasanay kana ata ah? Are you planning something romantic later?” He squeezes my butt, pushing me.

“H-Hoy! Ang dumi ng utak mo! Cuddle ang tinutukoy ko ’no!” Umirap ako na ikinahalakhak niya.

“Alright. But I’m sorry to disappoint you Ma’am Aly, I can’t do that. Baka maitak ako ng ama mo pag ginapang kita sa kwarto mo.” Nakakaakit niyang sabi, nagawa pa akong patakan ng halik sa tuktok ng aking ilong.

“Ikaw lang ata itong magsasaka na may accent.” Nailing ako.

“Kaya nga mahal ang bayad sa akin, espesyal ako.” Sabi niya

“Kaya nga mahal kita.” Sagot ko naman na ikinalaki ng kanyang ngisi.

“Sige na. Uuwi na ako at baka magbago pa ang isip ko at iuwi kana rin kasama ko.”

Ngumuso ako. Mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang leeg. “Itanan mo nalang kaya ako?”

Humagalpak ng tawa si Uno. Bakit ba! Eh kasi naman nasanay na ako na palagi kaming magkasama.

“Maaga nalang akong pupunta bukas.” Sabi niya, lumuluwag na ang pagkakayakap sa aking beywang hanggang tuluyan niya na akong binitawan. Malungkot ko siyang tiningnan, ayoko ko sanang bumitaw kaso siya na mismo ang kumalas.

“Go home now. H’wag mo na akong ihatid sa dulo. Madilim na roon baka mapano ka pa pag-uwi mo.” Sabi niya, ibinubulsa na ang dalawang kamay.

Sumimangot ako lalo. Walang magawa kundi sundin siya. “Sige, alis na ako.” Sabi ko sa isang malungkot na tinig sa dahan dahang tumalikod.

Nakakadalawang hakbang palang ako ay mabilis niya na ulit akong hinila. Pagharap ko ay hinawakan niya agad ang aking pisngi saka ako binigyan ng malalim na halik. Sa pagkakataong ito ay gumanti narin ako. I can feel his tongue inside me, kissing me savagely.

Halos habulin ko ang aking hininga nang humiwalay siya.

“I forgot to give you my goodbye kiss. Now, you can go home.” Ngumisi siya sa akin, namumula tuloy ang aking pisngi habang tumatango at deritso na ang lakad paalis.

Hindi mabura ang ngiti sa aking labi pagkauwi ko. Pagpasok ko sa Resthouse, si Papa agad ang hinanap ko. Natagpuan ko naman siya sa kusina. Nangangapi.

“Papa.” Tawag ko na ikinalingon niya sa akin.

“Umupo ka Aly.” Utos niya. Kinabahan agad ako lalo na’t ang seryoso ng kanyang tingin. H-Hindi kaya ay nakita niya kami ni Uno roon habang naghahalikan? P-Pagagalitan niya ba ako?

“Bukas aalis na ako.” Panimula niya na ikinabura ng pinag-iisip ko.

“Po? Ba’t naman po ang bilis? Hindi po ba pwedeng manatili muna kayo ng ilang araw rito?”

“May aasikasuhin pa kasi ako sa syudad. Kaya ngayon palang mag-impake kana.” sabi niya na halos ipagsalubong ng aking kilay.

“Sasama po ako?” Tanong ko na ikinatango niya.

“Oo naman. Anak kita kaya isasama kita. Pwede ka namang bumisita rito. ’Tsaka may ipapakilala rin ako roon sa’yo sa syudad. Anak iyon ng isang mayamang business man. Sigurado akong magugustuhan mo iyon, mayaman at may hitsura.” Sunod sunod na kwento ni Papa sa akin na mas ipinagsalubong ng aking kilay.

“P-Po?” tanong ko. Pakiramdam ko ay nabibingi lang ako at hindi maipasok ang lahat ng sinasabi niya sa aking utak.

Sumimsim siya sa kanyang kape saka ulit ako binalingan. “Pero bago tayo umalis, ibenta muna natin ang lupain ng sampong milyon.”

Nalaglag ang aking panga. Gulat na gulat sa pinagsasabi ni Papa.

Chapter 56

Signs Of Love

Dedicated to Hannan Usman, happu reading!

Only one

Napatayo na ako sa sobrang pagkagulat. Hindi ko inaasahan ang plano ni Papa. At bakit niya naman naisipang ibenta ang lupain?

“Pa! Hindi po pwede! Ito nalang po ang natitirang alaala ko kay Lola! Mahalaga po sa kanya itong lupain!” sabi ko, tutol sa kanyang binabalik.

Nabahiran ng gulat ang kanyang mukha, hindi inaasahan ang pagtanggi ko.

“Ano ka ba Aly! Patay na si Mama! At maiintindihan niya rin naman kung bakit natin ibebenta ang lupain!”

Umiling ako. “Ayoko po Papa. Marami naring trabahador ang umaasa rito.”

Ngumisi ito ng nakakaloko. Para bang may mali sa sinabi ko.

“Dahil ba doon sa lalakeng paborito mong magsasaka? Dahil itong lupain ang bumubuhay sa kanya? At naaawa ka dahil mahal mo?” May galit na sa tono ng pananalita niya. Umiling ako.

“Hindi po sa ganoon Papa. Hindi lang po si Uno ang inaalala ko rito kundi ang iba ko pang mga trabahador na dito na kumukuha ng pera para ipakain sa kanilang pamilya! Hindi niyo nalang po pwedeng ibenta itong lupain!”

Nabahiran ng galit ang kanyang mukha, tumayo na siya at pinantayan ako. Natingala ko ito dahil mas matangkad ito sa akin.

“Mas tutulungan mo pa ang iba kaysa sa sarili mong ama! Makukulong ako kung hindi natin ibebenta ang lupaing ito Alyssa! May malaki akong utang! Sampong milyon!”

Natigilan ako, na kahit ang pagpintig ng aking puso, pakiramdam ko ay tumigil narin dahil sa narinig.

“Kung hindi agad ako makakabayad sa susunod na araw, sa presinto ang bagsak ko! Ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga magulang ni Isabel! Maliit pa si Kaycee at ayoko siyang mawalan ng ama!”

Nanginig ang aking labi. Naramdaman ko nalang ang sunod sunod na pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Nasasaktan ako sa mga narinig ko mula sa bibig niya.

“N-Noong iniwan mo ako kay Lola noong bata pa ako, iyong sinasabi mong maghahanap ka ng trabaho sa syudad… ni minsan ba sumagi sa utak mo ang balikan ako dahil namimiss mo na ako? N-Ni minsan ba naalala mo ako bilang anak mo? O bumalik ka lang ngayon d-dahil…” Nabasag na ang aking boses at hindi na madugtungan ang gusto kong sabihin. Hindi ko na napigilang ilabas ang saloobin ko.

“Kaya nga isasama kita sa pag-uwi ko. Dahil gusto narin kitang kasama.” Sabi niya, nilapitan ako at hinawakan ang aking magkabilang braso. “Kung ayaw mong ibenta ang lupain, sige hindi natin ibebenta. Pero sa isang kondisyon.”

Pinalis ko ang aking luha. Tinititigan ang ama kong mas nagiging seryoso na.

“May anak iyong negosyanteng napagkautangan ko. Kung hindi ako makakabayad sa kanya, sinabi ko naman na may anak akong babae na hindi nalalayo sa edad ng anak niya. Total nasa tamang edad kana, mas mabuting ganoong lalake ang pakasalan mo. Mayaman, maiaahon ka sa kahirapan–“Papa! Hindi po ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal!” Umatras ako sa kanyang pagkakahawak na ikinagulat niya. Umiling-iling ako, mas naiyak sa kanyang pinagsasabi. “Hindi po ako papayag!”

“Gusto mo ba talagang makulong ang ama mo?!” Galit na galit niyang sabi.

“Dahil ba sa magsasaka na iyon, Alyssa?! Anong maipapakain niya sa’yo eh nagtatanim at naghaharvest lamang iyon ng gulay rito sa lupain! Dapat nga ay pasalamatan mo pa ako dahil isang desenteng lalake ang nahanap ko hindi katulad noong isa na gwapo lang pero wala namang yaman! Maging praktikal ka!”

“Hindi po ako naghahanap ng ganoong lalake, Pa! Mahal ko si Uno at iyon ang mahalaga sa a-akin…” Humahagulhol kong sabi.

“Anak, isipin mo naman ang ama mo! Makukulong ako pag hindi ako nakabayad! Buti sana kung mayaman iyang napili mong mamahalin! Kaya niya bang bayaran ang sampong milyon kong utang?”

Natigilan ako. Pag nalaman ni Papa ang tunay na pagkatao ni Uno, natatakot ako na baka gamitin niya ito. Ano nalang ang sasabihin sa akin ni Uno! Papatunayan ko lang sa lahat na manggagamit pala talaga ako! Hindi ako papayag.

“Diba hindi? Anong maitutulong ng isang magsasaka sa problema ko? Wala!” Nasabunot niya ang sarili niyang buhok, problemadong problemado ang mukha. “Ayokong makulong anak. Ayoko…”

Nakaramdam ako ng awa sa aking ama. Lalo na nang makita ko itong nagpunas ng luha. Bumuhos narin ang akin.

“I-Ibebenta ko nalang po iyong lupain.” Sabi ko na ikinatingin niya sa akin.

“May kakilala ka bang mapagbebentahan ng lupain, anak?”

Tumango ako. “Opo. Mapagkakatiwalaan naman po iyon. Ayoko pong magpakasal Papa. Si Uno po ang mahal ko.”

“Kung iyan ang gusto mo. Pero anak, walang maibibigay na magandang buhay sa’yo ang lalakeng iyon. Bigyan mo naman sana ng tsansa iyong ipapakilala ko sa’yo. Anak iyon ng negosyante Aly. Gaganda ang buhay mo sa kanya.”

Umiling ako, sigurado na sa binitiwang desisyon. “Mahal ko po si Uno, Pa. Hindi ko po kailangan ng yaman.”

Nailing si Papa. Halatang hindi sang-ayon sa aking desisyon.

“Kahit isang linggo lang. Sumama ka sa akin pauwi. Pagkatapos ay pwede kanang umuwi rito. Ipapakilala lang kita kay Isabel at kay Kaycee.” Matabang niyang sabi na ikinatango ko.

“Sige po, Papa. Sana po hindi na ito makarating kay Uno. H’wag niyo nalang pong banggitin sa kanya na ibebenta ko ang lupa.”

“Kahit malaman niya, wala rin namang magagawa ang magsasaka na iyon.” Nailing siya. “Pinapalampas mo ang magandang oportunidad Alyssa. Pag-isipan mo ang sinabi ko sa’yo. Matutulog na ako.”

Pagkalabas ni Papa sa kusina ay kumawala agad ang hikbi sa aking bibig. Pag nalaman ito ni Uno, alam kong hindi siya magdadalawang-isip na tulungan si Papa. Pero masyado na akong abusado kung pati iyon ay iaasa ko pa sa kanya. Siya na nga itong nag-asikaso ng lupain tapos ngayon ay siya pa ang magbabayad ng utang ni Papa na sampong milyon!

Halos ipagdasal ko kinaumagahan na sana ay hindi mapansin ni Uno ang namamaga kong mata dahil sa pag-iyak ko kagabi. Labag sa aking loob ang pagbenta ng lupain pero wala akong magagawa. Hindi rin naman pwedeng hayaan ko si Papa na makulong nalang! Siguro kung nabubuhay si Lola ay ibebenta niya rin ang lupain.

Paglabas ko ng Resthouse, nakita ko agad si Uno doon sa lupain, kasama ang ibang trabahador na busy rin sa pagtatanim.

Tumayo ito ng tuwid nang makita ako. Nagkaputik na ang kanyang suot na short at kahit ang kanyang puting cotton short ay ganoon narin. Magulo pa ang buhok at pawisan na sa umaga. Imbes na mandiri, halos maglaway ako dahil ang hot niya paring tingnan.

“Tingnan mo nga, ang dungis. Gwapo lang iyan Aly.” Si Papa, binubulungan na ako rito sa likuran ko, naiiling dahil nahuhuli akong tulala.

Kumurap ako at hindi nalang pinansin ang sinabi ni Papa. Mas mabuti na sigurong ganito ang tingin niya kay Uno.

Bumaba ako sa Resthouse. May iilang bumati sa akin ng magandang umaga na nginitian ko narin. Malakas ang hagalpak ng hangin. Sumasayaw ang aking buhok kasabay ng suot kong puting dress na nakikisabay narin sa hangin, tila pinaglalaruan ito.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Uno. Titig na titig ito sa akin, nakaawang ang bibig at walang balak alisin sa akin ang tingin.

“Good Morning!” Bati ko sa kanya, nginitian agad ito para lang matakpan ang mga mata kong umiyak kagabi.

“Good morning sunshine.” Nag-akma siyang lalapitan sana ako nang lumihis ang tingin niya at napunta sa veranda kaya natigilan siya sa kanyang plano. “Your father is watching.”

Nilingon ko si Papa, magkasalubong ang kilay at dismayado ang mukha. Ibinalik ko agad ang tingin ko kay Uno.

“Mga strikto talaga ang ama pagdating sa anak na babae.” Komento niya pa. “Mukhang masama ang gising ng Papa mo dahil hindi man lang ako kinibuan kanina nang binati ko ito.”

Nalungkot ako sa sinabi ni Uno. Ngayon ay ayaw na ni Papa sa kanya dahil sa mga sinabi ko kagabi.

“He’s probably testing me. I’m not going to back down anyway.” Kibit balikat ni Uno, mataas ang kumpyansa sa sarili.

Napangiti ako sa kanya. Natutuwa ako dahil ganoon ang tingin niya sa pangdededma ni Papa sa kanya. At gusto kong ganoon nalang ang isipin niya sa aking ama. Ayokong malaman niyang hinuhusgahan siya nito dahil lang isa siyang magsasaka dito sa lupain, isang gwapong magsasaka na may malamodelong katawan.

Nanatili ako sa harapan ni Uno habang busy siya sa paghaharvest ng mga gulay. Kahit tirik na tirik ang araw, buntot lang ako ng buntot sa kanya.

“Go need to go back inside the Resthouse baby.” nag-aalala niyang sabi at itinaas ang kanyang kamay para matabunan ng anino nito ang mukha kong natatamaan ng araw.

Umiling ako. “Gusto kitang panoorin.”

“Stop being stubborn Aly. Nagpapa goodshot ako sa ama mo pero kung bubuntot ka sa akin buong araw. Baka sabihin niyan na ikaw itong patay na patay sa akin at hinahabol ako.”

Natawa ako lalo na’t bakas sa mukha niya ang kagustuhang magpaimpress sa aking ama. Kung sana ay ito ang nakikita sa kanya ni Papa, iyong pagsisikap niya, pero hindi. Mas maiimpress ata si Papa sa kanya kung malalaman nito ang tunay niyang estado. Na nabibilang siya sa isa sa pinakamayamang angkan sa bansang ito.

“Gusto ko ngang makita ni Papa na inlove ako sa isang trabahador. Sa isang gwapong magsasaka na may malamodelong katawan.” Ngumisi ako na kahit siya ay napangisi narin, naiiling.

“What a stubborn younglady.”

“I love you.” Ngiting ngiti kong sabi na ikinahalakhak niya.

“Damn it Aly. Don’t push me to kiss you right now. Coz I’d seriously claim your lips if you don’t stop acting cute baby.” Pagbabanta niya sa akin.

Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at mabilis na lumayo sa kanya. Tawang tawa ako habang bumabalik sa Resthouse. Namataan ko pa siyang umiling nalang habang hindi mabura ang matamis na ngiti sa labi.

Pagtapak ko sa veranda ng Resthouse, ang seryosong mukha agad ni Papa ang bumulaga sa akin kaya natigil ako sa kakatawa.

“Alalahanin mo Alyssa. Mamayang gabi ay aalis na tayo pero hindi mo parin nabebenta ang lupain.” Paalala niya na ikinaseryoso narin ng mukha ko. Tuluyang tinangay ng hangin ang sayang nararamdaman ko kanina at napalitan ng panibago dahil sa sinabi ni Papa.

Nagbihis ako. Isang skinnyjeans at puting longsleeve polo ang aking suot. Nakabotones ito hanggang dulo habang ang aking buhok naman ay nakabun. Inayos ko muna ang kwelyo at tiningnan ang sarili sa salamin. Nagpulbo ako ng kaonti at lipstick saka lumabas ng Resthouse suot ang isang puting sandal.

Nagpaalam ako kay Papa na pupunta ako sa bayan saka ako dumeritso sa rancho. Hinila ko ang tali ni Horsey pero hindi ko palang iyon nailalabas roon ay may mga braso nang pumulupot sa aking beywang. Ang pamilyar na pabango agad ni Uno ang nanuot sa aking ilong.

“Going anywhere?” Hinalikan niya ang aking leeg. Nilingon ko siya.

“Ah, sa bayan lang. May pinapautos sa akin si Papa.” Sabi ko.

“Okay. Sasamahan kita–“H’wag na Uno. Baka magtaka si Papa kung nawala ka rito. Diba nagpapaimpress ka sa kanya?” sabi ko, itinutuon ang tingin kay Horsey dahil ayokong mabasa niyang nagsisinungaling ako sa kanya.

“I hate it when I’m not with you. Baka mapano ka pa doon sa bayan.” Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Marahan akong tumawa. “Hindi na ako bata ano ka ba. ’Tsaka mabilis lang ako. Promise, uuwi agad ako.”

Inikot niya ang aking beywang paharap sa kanya. “You sure?”

Tumango ako, hinalikan ang kanyang pisngi. “Yep! Wag kang mag-alala.”

Napabuntong siya ng hininga. Hinawakan ang aking beywang at inangat ako para makasakay sa likod ni Horsey. Siya mismo ang humila ng tali, iginigiya ito palabas.

“I’ll wait you.” sabi niya, nangingislap ang mga matang tinitingala ako.

Tumango ako at mabilis na pinatakbo si Horsey. Hindi ko matagalan ang pagkakatitig sa akin ni Uno, pakiramdam ko ay bibigay ako ano mang oras at maiiyak nalang.

Bumuntong ako ng hininga. Ang lalakeng iyon lang ang naiisip kong makakatulong sa akin. At ayoko namang mapunta ang lupain sa kamay ng kung sino sino lang.

Pumasok agad ako sa pamilyar na building. Mas dumami ata ang empleyado sa loob. Walang pinagbago ang lugar, sobrang aliwalas parin at nakaorganize ang lahat.

Nagtungo ako sa front desk kung nasaan iyong babae na incharge rito. “Nandiyan ba si Calvin?”

“May appointment po kayo kay Sir Sariego Ma’am?”

Umiling ako. “Pwede bang pakisabi nalang na nandito ako? Uh, sabihin mo si Aly.”

Tumango ito sa akin saka siya may tinawagan. Ilang sandali lang ay binaba niya rin iyon.

“Ihahatid ko na po kayo roon, Ma’am.”

Kabado ako habang papunta sa opisina ni Calvin. Hindi rin kasi ako sigurado kung papayag siya sa alok ko. ’Tsaka wala na akong malapitan bukod sa kanya. Ayokong isali si Uno sa problema ko. Ang rami niya ng natutulong sa akin.

Pagkapasok ko pa lang sa office nito, ang imahe ni Calvin agad ang nakita ko, nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakasalikop ang kamay sa isa’t isa. He looks so manly on his suit. Walang pinagbago sa kanyang hitsura, gwapo parin at suplado ang mukha.

“Cal…” Tawag ko, ngumiti sa kanya.

“Alam mong di parin ako nakakamove-on sa’yo pero magpapakita ka sakin. Do you really want me to lose my sanity, Aly?” Tumaas ang kanyang kilay, seryoso ang mukha.

Natawa ako. “Bumibisita lang.” sabi ko, umupo roon sa upuang hinila niya para paupuin ako. “Salamat.”

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi kay Calvin ang sadya ko. Balak kong ibenta sa kanya ang lupain at sana ay hindi niya nalang paalisin iyong mga trabahador dahil ayaw kong mawalan sila ng trabaho.

Humilig siya sa kanyang upuan, malalim ang tingin sa akin habang ginagalaw galaw ang hawak na ballpen. Para niya itong ginagawang drumstick sa kanyang mesa.

“Alam ba ni Uno ang tungkol rito?”

Napalunok ako, umiling. “Hindi. At sana huwag mo nalang banggitin sa kanya. Pwede ba iyon, Cal?”

“Kailan ko idedeposito ang pera?” Agaran niyang sagot, walang paligoy-ligoy.

Napakurap ako. Hindi inaasahang bibilhin ang lupain sa ganoong presyo at papayag sa gusto ko.

“Payag ka?” Tanong ko.

Tumango siya. “You know you’re a spoiled brat when it comes to me. ’Tsaka gusto ko ring makatulong. Masaya ako at sa akin mo naisipang lumapit. Ibig sabihin lang niyan, naiisip mo parin ako. Kahit papaano.” Sabi niya, hindi nagbabago ang ekspresyon.

Sa sobra kong saya, napatayo na ako at niyakap si Calvin sa kanyang likuran. Nahuli ko pa itong nakangiti ng kaonti pero agad ring tumikhim.

“Not so close, Aly. Baka mabitay ako ng Buenaventurang iyon.” Sabi niya, kinakalas ang aking braso.

“Ang bait mo Cal! Salamat talaga. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa pagpayag mo. ’Tsaka ikaw lang rin ang naiisip kong humawak ng lupain. Importante kasi sa akin ang lupain ni Lola kaya gusto ko ay mapunta ito sa mabuting kamay.”

“I’ll take good care of it, don’t worry.” Paninigurado niya sa akin.

Umuwi ako ng may ngiti sa labi. Sa sobra kong saya di ko na namalayan ang oras kaya maggagabi nang makarating ako sa Resthouse.

Isang nakapamulsang lalake, may seryosong mukha ang agad na bumungad sa akin roon sa rancho. Nakasandal siya roon at mukhang may hinihintay.

Nang makita niya ako, sinalubong niya agad ang kabayo na pinapatakbo ko na ng mahina. Hinawakan niya ang tali saka ako inalalayang makababa.

“Uno…” Tawag ko. Hindi halos makatingin sa kanya dahil hindi man lang nagbabago ang kanyang ekspresyon.

“Ginabi ka.” Sabi niya sa baritonong boses.

Tumingala ako. “Oo nga eh. Pansin ko rin gabi na.” Awkward kong sagot. “Hindi ko namalayan.”

“Napasarap ang kwentuhan niyo ni Calvin?” Tumaas ang kanyang kilay, mas nagiging misteryoso ang mga mata at nagiging blangko lalo ang ekspresyon ng mukha.

Napasinghap ako. Mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. “P-Paano mo nalaman na galing ako sa kanilang kompanya?” Kabado kong tanong. Baka kasi nagsumbong si Cal sa kanya.

“I followed you.”

Naningkit ang aking mga mata. Ang sabi ko sa kanya manatili lang rito hindi lang rin talaga nakikinig.

“Binisita ko lang naman si Cal eh. Iyon lang naman.” Sabi ko, nag-iiwas ng tingin.

“Because you’re leaving?” Sabi niya na ikinalunok ko. Tiningala ko ito. “Sinabi sa akin ng Papa mo na isasama ka niya sa syudad para mameet mo iyong bago niyang pamilya. Why didn’t you tell me earlier?” Ngayon, may pag-aalala na sa tono ng pananalita niya.

Kabado kong sinalubong ang kanyang tingin. “A-Ang alin?” Pagkukumpirma ko. Baka kasi kung ano nang sinabi sa kanya ni Papa kaya ganyan rin ang inaasal niya.

“That you’re leaving…” Nakahinga ako ng maluwag roon. “Alam mo namang makakahintay ako rito. Besides, you need a quality time with your Dad. Matagal rin kayong hindi nagkita. At isa pa, isang linggo lang naman.” Sabi niya, kampante.

Hindi ko alam kung ba’t nanunubig ang aking mga mata. Paano nagagawang husgahan ni Papa ang katulad ni Uno? Dahil lang ba trabahador ito? Pero kahit wala itong yamang maipagmamalaki, sapat na iyong pagiging siya para piliin ko parin siya. Nasa kanya lahat ng pinapangarap ng mga babae.

Bumuntong siya ng hininga. “I’m a bit mad because you lied to me and because I’m jealous. Pero hindi naman pwedeng galit ako sa’yo kung kailan magkakalayo tayo pansamantala. Isasantabi ko nalang muna ang pagseselos ko.” sabi niya, hinahaplos ang aking pisngi, namumungay ang mga matang nakatitig sa akin.

“Kaibigan lang naman kami ni Calvin eh…” Maluha-luha kong sabi, nadadala sa emosyon kong sumasabog.

Niyakap niya ako. “I believe you.”

Niyakap ko narin siya. Itinatago sa kanyang balikat ang mukha kong umiiyak na. “M-Mamimiss kita. Ang sabi ko naman sa’yo kagabi itanan mo na ako!”

He chuckles a bit. “Silly. I’m going to miss you too.”

“Babalik ako, pangako. Babalik ako sa’yo.” Sigurado kong sabi. “Sa’yo lang ako Uno.”

“Yeah, I’m your only one. Your Uno.”

Chapter 57

Signs Of Love

Marry

Pinalis ko ang luhang tumakas na naman sa aking mata. Kanina pa ako emosyonal sa byahe at hindi ko mapigilan ang madamdamin kong pag-iyak. Naninikip ang aking dibdib sa kadahilanang wala si Uno sa tabi at hindi na sa akin ang lupain. Idagdag pa itong nangyayari kay Papa.

“Kanina ka pa umiiyak, anak.” sabi ni Papa, naglahad sa akin ng panyo. “Hindi ko sinasadyang ipitin ka sa ganitong sitwasyon.” sabi niya, dismayado ang mukha.

Tinanggap ko iyon at ipinunas sa aking pisngi. “Okay lang po, Papa.” Ngumiti ako kahit na may panibagong luha na naman ang nagbabadyang lumabas.

Hindi ko alam kung anong kaibahan sa pag-alis ko noon sa bukid kaysa sa ngayon. Dapat nga ay maging masaya ako dahil alam ko, sigurado ako na may babalikan ako. Pero paano kung maulit na naman ang dati? Kung kailan naisuko ko na ang lahat?

Hindi ko mapigilan ang sarili sa pag-iisip ng negatibong bagay. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging ganito kanegatibo. Hindi ko mapigil ang aking sarili sa pag-iisip ng mga bagay na nakakapagpasikip lalo ng aking dibdib. Maganda naman sana ang pamamaalam namin ni Uno sa isa’t isa pero kung magdrama ako ngayon, para akong isang babaeng nahiwalayan ng kasintahan.

Maggagabi na nang makarating kami sa aming destinasyon. Ang ingay ng syudad, ang mga transportasyong nagkalat sa kalsada, ang traffic light, mga naglalakihang gusali, magagarang kotse na dumadaan, ang mga bagay na nagpapaalala sa akin na nandito na muli ako sa syudad.

Ngayon ko lang napuna na mas gusto ko iyong tahimik at tanging hampas lamang ng hangin ang naririnig ko, mas gusto ko ang isang hardin ng sunflower kaysa sa naglalakihang gusali at mga kotse na dumadaan. Mas gusto ko ang hangin roon kaysa rito. Mas gusto ko ang lugar na nakasanayan ko na kaysa sa lugar na minsan ko lang napupuntahan. Mas gusto kong manatili roon kasama si Uno.

Sumakay kami ng taxi. Nasa bintana lamang ang aking tingin. Lumilipad na naman ang aking utak na kapag napapaisip ako kay Uno ay awtomatikong bumubuhos ang aking luha.

“Ito ang bahay ko rito, anak.” Diklara ni Papa nang makarating kami sa malaking bahay. Mukhang may magandang buhay ang aking ama rito sa syudad. Kaya rin siguro nakalimutan niya nang balikan ako. Nalulunod na naman ako sa aking emosyon. Gusto ko na namang umiyak dahil lang sa kadahilanang nagsikap ako sa bukid ng mag-isa. Napakababaw ng pinag-iisip ko na nagpapalabo ng aking mata.

Nagdoorbell siya roon. Isang kasambahay ang nagbukas. Iginiya ako ni Papa papasok. Gumala agad ang aking tingin. Hindi ko maikakailang mayaman nga ang nakatira roon. Mula sa enggrande nilang veranda, bumukas ang pinto roon at lumabas ang isang matangkad na babae, payat ang pangangatawan, medyo maputla pero nadadala narin ng maamo niyang mukha, nakasuot ng puting roba at malapad agad ang ngiti nang sinalubong kami.

“Damian.” tawag niya sa aking ama, mabilis itong niyakap na ginantihan rin naman ng mahigpit na yakap ng aking ama. Naestatwa ako sandali sa kanilang tabi, nangingilid na naman ang luha sa mga mata habang nanonood sa madrama nilang tagpo.

“Namiss kita.” Bulong ng aking ama, nakapikit at hindi mawala ang ngiti sa labi.

Nag-iwas nalang ako ng tingin, inabala ang sarili sa pagpuna sa paligid. Mukhang may fish pond doon sa hindi kalayuan. Isang bermuda grass ang nasa kanilang bakuran, sa mga gilid ay mga magagandang bulaklak kaso ngumingiwi ako dahil kumpara sa sunflower na nakahiligan ko, iyong kanila ay bonsai.

“Eto si Alyssa, Isabel.” Iminuwestra ako ni Papa sa harap ng babae. “Ang aking anak.”

Napakurap siya. Sinuri akong mabuti. “Kamukhang kamukha mo nga ang iyong ina. Ang ganda mong bata.” Compliment niya sa akin, nginitian ako.

Napangiti narin ako. Nahihiya. Siguro ay madalas akong maikwento ni Papa. Siguro lang naman.

“Kamukhang kamukha niya nga iyong nasa litrato. Iyong nasa pitaka mo noon.” Dagdag pa nito.

Sa pagod sa byahe, sa bumabahang emosyon sa akin, hindi na ako halos makapagsalita at tanging ngiti nalang ang naibigay. Natatakot akong baka ilang minuto lang ay maiyak na naman ako.

Pumasok kami sa loob. Ang nakakaakit agad na chandelier ang napuna ko sa taas, ang mahahabang puting kurtina, enggrandeng staircase, mga malalaking painting, at isang nakakabinging sigaw ng batang nagmamadaling bumaba.

“Daddy!” sigaw nito, dala ang isang stufftoy na bunny, mabilis ang kanyang paghakbang makarating lang agad sa ama ko.

Lumuhod si Papa, malapad ang ngiti at sinalubong ang anak ng mahigpit na yakap saka inangat ito sa ere.

“I miss you, Dad!” Humagulhol iyon sa kanyang balikat, nabitiwan na ang stufftoy.

Humalakhak ang aking ama, hinaplos ang likod nito. “Namiss ko rin ang iyaking spoiled brat na si Kaycee.”

Sa hindi malamang kadahilanan, nanginig ang aking labi. Hindi ko matagalan ang kakatitig sa kanila kaya pasimple ko nalang iniwas ang aking mata roon. Mabilis kong pinalis ang luhang tumakas na naman sa aking mata. Bumabalik sa aking alaala iyong mga panahong nakatingin ako sa labas ng bintana, malungkot at nag-aabang sa kanyang imahe na baka babalik agad siya. Na kahit inaabot ako ng gabi ay naghihintay parin ako. Magigising nalang ako sa aking kwarto kinaumagahan, wala na roon sa bintana.

“Who’s that pale girl, Dad?” narinig kong tanong nito sa isang malambing na boses.

Nilingon ko siya. Ang inosente niyang mukha, mga matang namumungay na akala mo ay inaantok, ang nakanguso niyang pulang labi, nakikita ko roon ang mukha ng kanyang ina.

Ibinaba siya ni Papa. “Siya ang ate Alyssa mo, Kaycee. Yung kinukwento ko sa’yo…”

Kumurap-kurap siya. Tiningala ako habang pisil-pisil niya ang kanyang pang-ibabang labi.

“H-Hi…” Pagbati ko. Ngumiti sa kanya ngunit nakakaramdam ng kaba. Baka kasi ay bigla nalang itong magsungit.

Pero taliwas sa inaasahan ko ang ginawa niya. Bigla niya nalang niyakap ang aking hita, nakatingala sa akin.

“Hi ate! Dito kana titira sa house namin?” Inosente niyang tanong na nagpalambot ng puso ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, hindi mapigilan ang ngiti.

Umiling ako, lumuhod para makapantay ito. “Hindi e. Pero isang linggo naman akong nandito.”

“I thought dito kana titira? Ayaw mo sa house namin? Mas gusto mo sa farm niyo?” tanong niya, titig na titig sa akin.

Napalingon ako kay Papa, nakangiti ito. Na kahit iyong asawa niya ay may ngiti sa labi.

Ibinalik ko ang tingin kay Kaycee. “Gusto ko naman pero may naghihintay kasi sa akin sa farm. ’Tsaka nandoon ang magandang alaala ko kay Lola.”

Nang dahil sa pakikipag-usap kay Kaycee ng ilang oras, nakalimutan kong malungkot pala ako. Sobra nitong inosente magsalita, mahinhin pa at palatanong. Siguro kung nasa bukid ito, siya lang ang batang makakasundo ko dahil iyong iba, kung hindi ako kinukutya, takot ring makipag-usap sa akin.

Nakatulog si Kaycee sa aking tabi. Kahit pagod sa byahe, hindi ko rin alam kung ba’t hanggang ngayon ay hindi ako dinadalaw ng antok. Hindi mawala sa aking isip si Uno. Naiiyak nalang ako. Kahit ang kumain ay wala akong gana.

“Naideposito na ba sa’yo ang pera, Alyssa?” Tanong ni Papa sa akin kinaumagahan.

Tumango ako. “Opo Papa.”

Lumiwanag ang mukha ng aking ama. Kahit iyong asawa niya ay napangiti narin.

“Magkakasundo kayo noong anak ni Philip. Mayaman iyon, hija.” Sabi niya sa akin, kumikinang ang mga mata nang binanggit ang salitang ‘yaman’.

Umiling agad ako. “Uh, may mahal po kasi ako… k-kaya, hindi po ako magpapakasal sa kung sino.” Agaran kong depensa para hindi na mapunta sa kung saan ang usapan.

Kitang kita ko ang pagkakasalubong ng kilay nito. Kung paano unti-unting nabura ang kanyang ngiti.

“Tagabukid?” tanong niya, na parang nandidiri sa salitang iyon.

“Nakatira po siya s-sa bukid.” Sagot ko.

Umismid ito, tila may kinaiinis. “Iyon na nga, tagabukid. Anong trabaho?”

“Uh…”

“Mukhang mababaw lang naman ang pagtingin ng anak ko sa lalakeng iyon, Isabel. Gwapo at may malamodelong katawan kaya siguro nahumaling itong anak ko. Pero pag nakilala niya iyong anak ni Philip, sigurado akong magbabago ang isip niyan.” Si Papa.

“Mahal ko po si Uno, Papa. Nangako po akong babalik ako. Ayoko pong magpakasal sa hindi ko naman…” Unti unting humina ang aking boses na halos hindi ko na iyon madugtungan dahil sa pag-iiba ng tingin ng asawa ni Papa. Halos husgahan na ako sa titig palang.

“Sa umpisa lang naman iyan masarap, hija. Pero pag tumagal kayo, mas marerealize mo na mahalaga pala talaga ang pera.” paliwanag niya.

Ngumiti ako. “Pag mahal niyo po ang isang tao, hindi po mahalaga ang kayamanan.” sabi ko, tuluyan ng nabura sa aking utak ang pagiging praktikal. Pero hindi naman sa kampante ako kay Uno dahil alam kong mayaman siya, kampante ako dahil alam kong si Uno ang lalakeng gusto kong makasama habangbuhay, kahit walang yaman.

Nailing ito at hindi na nagsalita pa. Tila dismayado sa naging sagot ko.

Noong una, akala ko ay magiging maayos ang pakikitungo sa akin ng asawa ni Papa. Pero isang araw palang akong naroon, halos hindi na ito umiimik sa akin pagkatapos ng pag-uusap namin noong umaga.

“Kausapin mo nga iyang bobong anak mo! Ba’t mas pipiliin niya iyong magsasaka kaysa sa isang lalakeng mayaman?!” Narinig ko ito, sinisigawan ang aking ama.

“Magbabago ang isip ni Alyssa, Isabel. Hintayin mo lang. Ipapakilala ko siya roon sa anak ni Philip.” Si Papa, masuyo itong kinakausap.

“Siguraduhin mo lang Damian. Halos pabankrupt na ang negosyo natin dahil diyan sa pagsusugal mo! Masyado kang naiignorante sa ating yaman noon kaya kung makapagwaldas ka akala mo naman sa’yo!”

“Hindi ko naman alam na matatalo pala ako. ’Tsaka nahanapan ko naman ng paraan…”

“Kumbinsihin mo iyang anak mo para makasosyo natin si Philip sa negosyo. Masasalba tayo ng pamilyang iyon sa pagkabankrupt. At isa pa, gusto ni Kaycee si Aly. Kailangan nating magtipid ngayon. Wala na tayong pera pangsweldo roon sa yaya ni Kaycee, mas mabuting iyang anak mo nalang. Huwag mo ng pabalikin sa bukid, matutulad lang iyan sa ina niya, mamamatay ng mahirap.”

It was too much for me. Sa sobrang dami ng bumuhos na luha sa akin, hindi ko na pinakinggan ang maaaring isasagot ni Papa sa kanya. Pinipilipit ang aking dibdib dahil sa mga salitang parang asido na isinaboy sa akin. Nanghahapdi ang aking puso sa sobrang sakit.

Bakit ba may mga taong ganito mag-isip? Pinapaalala niya sa akin ang naging karanasan ko noon kay Tita Felicita. Paano nagawang pakasalan ni Papa ang babaeng katulad niya? Halatang tinatapakan ang kanyang pagkatao na kahit si Mama ay napagsasalitaan ng masama.

Gusto ko nalang umiyak buong araw. Idagdag pa ang nararamdaman kong pangungulila kay Uno, pakiramdam ko ay nabubugbog na ang aking puso. Kung hindi lang dumidikit sa akin si Kaycee para makipagkwentuhan at makipaglaro ay hindi ako matitigil sa kakaiyak.

“Your eyes were red again. You look like a vampire. Tapos ang white mo pa.” Puna ni Kaycee, kumukurap ang mga matang mapupungay.

“Kinusot ko kasi, ayan pumula.” Pagsisinungaling ko nalang, nginingitian ang apat na taong gulay na masyadong curious sa mga bagay bagay.

Si Kaycee ang madalas kong napagkukwentuhan ng mga saloobin ko kay Uno. Kahit hindi niya naman nagegets, tumatango lang siya, nakikinig sa pinagsasabi ko.

“Sweet pala ang mga farmer?” Tanong ni Kaycee sa akin na tinanguan ko agad.

Iyon ang tingin niya kay Uno. Sweet, mabait, at farmer. Kaso hindi ko alam na pati iyon ay kukwestyunin pala ng kanyang ina.

“Aly, alam kong nasanay kang makisalamuha sa mga magsasaka dahil tagabukid ka. Pero please naman, huwag mo ng turuan ang anak ko ng kahit ano roon. It scares me when she asked me if she could date a farmer too! My poor baby…”

Iyon ang bungad ng asawa ni Papa sa akin kinaumagahan. Kaya sa sobra kong inis, sa naghahalo kong emosyon ay lumabas nalang ako ng bahay. Ginamit ko iyong natitira kong pera sa atm at kumain ng streetfoods. Nawili ako sa kakakain ng chicken skin at kwek kwek kaya hindi ko na namalayan ang oras.

“Aly naman! Anong oras na? Kanina ka pa hinahanap ni Kaycee!” Salubong sa akin ng asawa ni Papa.

“Uh, pasensya na po. Hindi ko namalayan ang oras–“Wala ka bang relo? Di ka marunong tumingin ng orasan?” Matalim niya akong tiningnan.

Sasagot pa sana ako kung hindi lang mabilis na tumakbo si Kaycee at niyakap ako. Ibibigay ko na sana sa kanya iyong dala kong kwek kwek kung hindi lang ako pinigilan ng ina niya.

“Hindi kumakain si Kaycee ng streetfoods. Kainin mo nalang iyan.” Diring diri na sabi nito.

“But Mom, kumakain ako ng egg.” Si Kaycee.

“It’s dirty Kaycee. Masisira ang tiyan mo.”

Nagiging malinaw na sa akin ang ugali ng asawa ni Papa. At hindi ko kayang magtagal sa ganitong bahay. Parang ang tagal ng isang linggo sa akin. Ang gusto ko lang naman sana ay makasama kahit saglit ang aking ama. Gusto ko lang punan ang pangungulila ko. At isa pa, natutuwa ako kay Kaycee. Pero parang ang bagal ng oras at parang isang taon ang isang linggo dahil sa sobrang tagal nitong matapos. Gusto ko nalang umuwi sa bukid at yakapin ng mahigpit si Uno.

“Papa…” Tawag ko sa ama ko, kakarating lang at mukhang pagod galing sa trabaho.

“Alyssa. Ba’t hindi ka pa natutulog?” Tanong niya sa akin habang nakaupo sa sofa at naghuhubad ng sapatos.

“Uh, gusto ko na po sanang umuwi sa bu–“Oo nga pala. Nagkita kami kanina ni Philip, natutuwa siya dahil nakabayad na ako ng utang. Bukas, inimbitahan niya ang pamilya natin sa isang enggrandeng pagsasalo.” Putol niya sa akin, humilig siya sa sofa, pumipikit na habang kinakalas ang necktie na suot dala ng pagod.

“Papa, ayoko pong magpakasal. Sana po maintindihan niyo ’yon…”

Dala ng pagod ni Papa, hindi na ito nakasagot dahil sa sobrang pagod. Bumuntong ako ng hininga, nilapitan ito at ipinagpatuloy ang paghuhubad sa isang sapatos na naiwan sa kanyang paa. Iniakyat ko ang kanyang binti roon sa sofa para maayos siyang makahiga bago iniwan roon.

Di ko alam kung ilang balde na naman ng luha ang naiyak ko ng gabing iyon kaya hindi na ako magtataka kung bat maga iyong mata ko pagkagising ko.

“Maglagay ka ng cream sa mata mo, Aly. You look super stress. Baka pag nakita ko noong anak ni Philip matakot sa’yo.” Si Tita Isabel, pinapayuhan ako.

Tumango lamang ako. Sasama ako roon sa sinasabi nilang dinner pero buo na ang desisyon ko, hinding hindi ako magpapakasal.

Suot ang isang puting dress na nakayakap sa aking beywang, nakabun na buhok, 3inch high heel, walang gana akong naglakad papasok sa isang five star Restaurant kasama si Papa at ang asawa nitong nakalong dress. Matalilok ka sana, tsss.

“Philip…” Maligayang tawag ni Tita Isabel roon sa lalakeng may katandaan na, nakasuit at katabi ang lalakeng titig na titig sa akin. Napapagitnaan ito ng kanyang magulang.

“Isabel, Damian. Good to see you.” Sabi nito, tumayo at nakipagbatian.

Hindi ko magawang ngumiti. Gusto ko nalang magtaray para masira ang impresyon nila sa akin pero ayoko namang masira rin ang imahe ni Papa dahil nga anak niya ako. At hindi naman ako lumaking bastos.

“Siya iyong sinasabi kong anak ko. Si Alyssa Gwyneth.” Pagpapakilala sa akin ni Papa. Tipid ko silang nginitian. Halos hindi nagtagal ang aking tingin roon sa lalakeng nakanganga kakatitig sa akin.

“You have a gorgeous daughter, Sir.” Anang anak ng kasosyo ni Papa, hindi halos kumukurap at namamalagi ang tingin sa akin. Base sa estema ko, hindi nalalayo ang edad nito sa akin.

“Ngayon ko lang narinig ang anak kong pumuri ng babae. This is new.” Proud na deklara ng babaeng kaedad lang ata ni Tita Isabel.

Tipid na ngiti lang ang naibibigay ko. Nag-uusap sila sa mga bagay bagay na wala naman akong ediya.

“May malaking party bukas. Bring your family with you Damian. It’s going to be a grand party. May auction at dadalo ang mga naglalakihang kompanya sa party na iyon.” Narinig kong sabi noong Philip.

“Talaga Philip?” Si Tita Isabel, excited na excited.

“Yes Isabel. Damian, bring your daughter okay? Para di naman mabored sa bahay. Sasama rin naman si Jackson. Para naman magkakilala ng mabuti iyang dalawa…” sabi noong Philip.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila nang marinig iyon. Ginagalaw ko lang ang aking pagkain pero hindi naman iyon isinusubo.

Nakita ko ang malagkit na titig noong Jackson sa akin. Kumpara kay Uno, walang wala ang tukmol na ito. Sige, malinis na pagkakasuklay ang kanyang buhok paatras, pero mas nakakakuha parin ng pansin iyong kay Uno! May pagkaboyish ang buhok noon na kahit nakasuklay paatras ay may nalalaglag na iilang hibla sa gitna ng noo. Oo may hitsura siya, pero si Uno, kahit pagsuotin mo ng maruming damit, kahit siguro humikab lang iyon ay gwapo parin. At higit sa lahat, may dating! Hindi katulad nitong lalakeng ito, may hitsura pero mukhang lasing.

Pasimple akong napangiti dahil sa pinag-iisip ko. Iyong Jackson naman ngumisi rin. Akala mo naman nagkakaintindihan kaming dalawa.

Nagsukatan kami ng tingin, nang hindi ko matagalan ang kanyang titig na akala mo natatablan ako, pasimple ko nalang ibinaba ang tingin sa pagkain.

“I want to marry her right away, damn it.” Narinig kong sabi niya na halos ikaduwal ko.

Chapter 58

Signs Of Love


Property

Aligaga si Tita Isabel doon sa sinasabing party. Excited siya dahil isa daw iyong malaking oportunidad sa mga negosyanteng gustong makasalamuha ang mga bigating businessman sa bansang ito. Lumaki akong madiskarte pero hindi naman ako katulad niya na mukhang kumakapit sa iba para lang iangat ang sarili.

Balita ko, iyong auction daw ay para sa lahat ng mga businessman na may gustong ibenta na property o mga real estate. Narinig ko rin kasi na gustong sumali ni Tita sa auction, baka raw ay kumita siya kahit papaano, o kung may interesado man.

Wala akong ginawa ng araw na iyon kundi kumain lang ng kumain. Ako itong nakakaubos ng jelly candy ni Kaycee. Papak lang ako ng papak at hindi namamalayang nauubos ko na pala iyong isang garapon.

“You’re so matakaw pero ang payat mo.” komento niya sakin. Nanunuri na naman ang mapupungay na mga mata sa akin.

“Masarap yung candy. Malambot na medyo maasim.” sabi ko naman, nagbubukas ng panibagong garapon. Sa sobrang bored ko sa bahay na ’to, sa pangungulila ko kay Uno, idinadaan ko nalang sa pagkain.

Ang sabi ni Tita ay maghanda raw ako mamaya. Alam ko namang gusto niya lang na magmukha akong representable sa paningin noong Jackson pero hindi naman ako interesado sa tukmol na iyon.

“Di mo na namimiss si Farmer? You don’t look sad.” tanong niya, kumukuha narin ng iilang jelly candy sa garapon at isinusubo.

“Uuwi narin naman ako sa susunod na araw.” Maligaya kong sabi nang napagtanto kong malapit ng matapos ang isang linggo. Kaso nang makita ko ang lungkot sa mga mata ni Kaycee, napawi rin ang aking ngiti.

Itinabi ko iyong garapon at hinila ito. Pinaupo ko siya sa aking kandungan.

“Bibisitahin kita rito h’wag kang mag-alala.” Niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko. Sa buong buhay ko, hindi ko naranasan ang magkaroon ng kapatid. Iyong may makakakwentuhan ka, masusumbungan mo ng mga problema at masasabihan ng sekreto. Sa murang edad ni Kaycee, nakagaanan ko agad ito ng loob kahit na magkaiba naman ang ina namin. Para ko narin itong tunay na kapatid, hindi lang sa ama.

“Promise?” Tiningala niya ako, nakanguso.

Tumango ako. Pinisil ang kanyang pisngi. “Promise ni ate.”

“With Farmer?”

“Oo, isasama ko iyon.” Natawa ako.

“Okay! Para hindi kana rin ma sad dito sa house.”

Nang makatulog si Kaycee, lumabas rin ako ng bahay. Pumuslit lang ako para kumain ng streetfoods. Kung pwede ngang dito nalang ako hanggang gabi ay gagawin ko hindi lang makasama roon sa party na sinasabi nila. Ewan ko ba, kakaiba ang kutob ko. At ayoko roon sa Jackson.

“Magandang hapon po!” Bati ko roon sa matandang madalas kong binibilhan ng kinakain kong kwek kwek.

Lumiwanag agad ang mukha nito. “Oh hija, ikaw pala.”

“Bibili po ulit ako ng kwek kwek!” sabi ko, binubuksan na ang aking pitakang dala.

“Total napapansin ko palagi kang bumibili rito, ililibre nalang kita.” Anang matanda na nagpagulat sa akin. Nagningning agad ang aking mga mata sa narinig.

“Talaga po?!” Nawiwindang kong tanong.

“Oo naman.” Ngumiti ito. “Kahit ilan. Kain lang ng kain, hija. Walang bayad.”

“Eh lolo, baka malugi po kayo!” Napanguso ako, napapatitig sa kwek kwek at sobrang natatakam.

Humalakhak ito. “Nako! Hindi ako malulugi. Swerte nga eh. O siya, kain na.”

Dahil sa alok ng matanda sa akin, halos hindi na ako umuwi. Kain lang ako ng kain roon, ni hindi ko na namalayan ang oras. Pag-uwi ko, galit na galit na si Tita sa akin lalo na’t halata iyon sa talim ng tingin niya sa akin. Si Papa nalang itong pinagsabihan ako.

“Pinapahamak tayo niyang anak mo. Palibhasa walang alam sa negosyo.” Pagpaparinig nito sa akin.

Napasimangot agad ako. Kating kati na akong sagutin ang babaeng iyan simula noong tumuntong ako rito pero nagtitimpi lang talaga ako dahil nga, ina siya ng kapatid ko at asawa ni Papa. Pero kung tutuusin, halatang pinanganak lang naman siyang mayaman kaya may pera. Baka nga mas hardworking pa ako sa babaeng iyan. Nakakapanggigil rin. Mauuna rin iyang mamamatay sayo Aly. Pagtiisan mo na.

Mabilis akong naligo kahit na inaantok ako sa mainit na tubig na lumalabas sa shower. Panay ang aking hikab at halos bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata. Kung hindi lang ako nakarinig ng sunod sunod na katok ay hindi magigising ang diwa ko.

Isang silver na longdress ang aking suot. Backless iyon at may laces. Nakalugay ang straight kong buhok. Pinasuot pa ako ni Tita Isabel ng pearls na kwintas at earring para daw magmukha akong elegante at bumagay sa okasyon.

“Total maganda kana, kokote naman ang gamitin mo mamaya. Pakisamahan mo si Jackson. He’s nice.” Si Tita, pinagsasabihan na ako habang nasa kotse kami.

“Oo nga naman, Alyssa. Ang gwapo ng batang iyon. Hindi madungis.” Si Papa naman, nililingon ako minsan rito sa backseat. Siya ang nagmamaneho.

“See? Even your Dad agreed. At sang-ayon rin ako. Mother knows best.” Ngumisi siya.

“Hindi naman po kita ina.” Sabi ko, di na napigilan ang bibig na agad na ikinasira ng ekspresyon niya.

Matalim ang naging tingin sa akin ni Papa sa salamin. “Alyssa.”

Peke na ngumiti si Tita. “It’s okay Damian. Naiintindihan ko ang ugali ng anak mong tagabukid.” Pag-eemphasize niya sa huling sinabi.

“Iyang asawa niyo rin po, tagabukid.” sagot ko sa kanya.

Nabahiran ng inis ang kanyang mukha. Halatang halata iyon sa ekspresyon niyang hindi na mailarawan. Umismid siya sa akin, nailing at ibinaling nalang sa harap ang tingin. Kahit papaano, napangisi ako. Hah!

Dumating rin kami sa venue. First time kong makadalo sa mga ganitong party. Pakiramdam ko, ang liit ko kumpara doon sa mga babaeng nagpapatalbugan ng suot. Halos ipagmayabang nila na mayaman sila at kaya nilang magsuot ng mamahaling damit. Puro may class.

Kadalasan roon, mga businessman na nakatuxido, may katandaan na ang iba pero mukhang malakas parin tingnan. Na kahit iyong mga asawa nilang babae ay parang teenager rin.

Nahilo ako sa kakamasid sa kanila kaya hininto ko rin. At nakahandang redcarpet at panay ang kuha ng picture ng mga media sa bawat dumadaang may pangalan ata sa industriya.

“Oh my God, Damian! Look at these people around us! Parang isa narin tayo sa kanila. Mga sosyal!” Si Tita, hindi na maitago ang excitement.

Humikab ako. Nasa likuran ako ng dalawa, bumubuntot dala dala itong maliit na purse ko at nagniningning kagaya ng suot ko. Pag nagbrownout, siguradong liliwanag ako.

Umupo kami kung nasaan rin iyong kasosyo nilang si Philip, ang asawa nito at ang anak nilang si Jackson na malagkit na naman ang titig sa akin. Mas grabe ata iyong tingin niya sa akin ngayon kaysa noong una naming pagkikita.

“You look stunning, Alyssa.” sabi nito, tumayo at pinaghila ako ng upuan. Kitang kita ko ang pagtinginan ni Papa at ni Philip, nakangiti ito ng makahulugan.

“Salamat.” sabi ko, tipid na ngumiti at umupo doon sa pinaghila niyang upuan sa akin.

Nagsimula iyong party. Wala rin naman akong alam sa mga nagaganap kaya nanatili akong tahimik sa aking upuan, humihikab at hindi nagagalaw ang pagkain. Kanina pa masama ang pakiramdam ko. Siguro dala ng ilang araw na pagiging walang gana, idagdag pa ang pangungulila kay Uno.

“Wine?” Alok ni Jackson sa akin na agad kong tinanggihan.

“Di ako umiinom e,”

“Just try…” Sabi niya, sinisilip ang ekspresyon ng aking mukha. Napaismid ako. Naiinis ako sa mukha niya sa totoo lang.

Umiling akong muli. Pilit inilalayo ang baso na nilalapit niya sa akin.

Doon lang siya natigil nang may dumaan sa kanyang likuran at nasagi iyong upuan niya.

“Oh shit.” Mura niya nang tumapon iyon sa kanyang suot. Imbes na maawa, napahagalpak ako ng tawa. Sa sobrang lakas ng boses ko, marami ang napatingin sa akin.

“Alyssa.” Saway sa akin ni Papa, napanguso ako, nakagat ang pang-ibabang labi para hindi na matawa pa. Buti nga!

“You okay son?” Tanong ng ama niya sa anak na nagpupuyos na sa galit. Tsk. Ayoko ng lalakeng ganyan.

“I’ll just fix myself.” Inis niyang sabi, tumayo at nilisan ang mesa.

Kitang kita ko ang matalim na tingin sa akin ni Tita Isabel lalo na’t nagkasalubong ang kilay noong ina ni Jackson dahil sa pagtawa ko ng malakas kanina.

Iginala ko sandali ang tingin hanggang sa napansin ko sa isang mesa ang pamilyar na mukha ni Tito Dwight! Sa sobra kong excitement, natawag ko na ito.

“Tito Dwight!” Kumaway-kaway ako.

Marami na naman ang napatingin sa akin, nagtataka sa inaasal ko. Lalo na si Tita Isabel na napapangiwi.

Lumingon si Tito sa akin, kumaway rin at tumango, tipid ang ngiti.

Napaisip tuloy ako. Hindi kaya nandito rin ang pamilya ni Uno?

“Jusko, Damian. Pagsabihan mo nga iyang anak mo, nakakahiya!” Narinig kong bulong ni Tita Isabel kay Papa.

“Alyssa. Maghunusdili ka nga.” Si Papa, pinapagalitan narin ako.

“Kilala ko po iyon.” Sabi ko naman.

“How did you know him, hija?” Mapang-usisang tanong noong mama ni Jackson.

“Uh–” Hindi palang ako nakakapagsalita ay pinutol na ako ni Tita Isabel.

“Who wouldn’t know Dwight? Sikat siya sa larangan ng business. Siguro ay nakita iyan ni Alyssa sa isang magazine. ’Tsaka imposibleng makisalamuha ang taong iyan sa mga mabababa, mga highclass ang sinasamahan niyan” Tiningnan ako ng mariin ni Tita. “Just so you know, isa siya sa pinakapangyarihang businessman sa bansang ito at nanggaling sa mayamang angkan.” Proud na sabi ni Tita Isabel, na mas may alam siya rito kaysa sa akin at mas kilala niya ito.

“They’re very powerful. Katulad lang rin ang angkan nila sa Boss ko.” Sabi naman noong Philip.

Hindi ako nakapagsalita. Lalo na’t wala rin naman akong gaanong alam kay Tito Dwight. Alangan naman sabihin ko Papa iyan ng lalakeng nakabuntis ng maaga sa pinsan ko. ’Tsaka negosyo ang pinag-uusapan nila e.

Bumalik si Jackson kaya nalihis na iyong pag-uusap. Hindi nawawala ang galit sa kanyang mukha at mas inis na inis na ata ito ngayon.

“Dad, can I join the auction?” Si Jackson.

Nagtaka ang ama nito pero wala namang balak humindi sa anak. “Of course son. May gusto kang bilhing property?”

“Parang ganoon na nga,” Napatingin sa akin si Jackson, ngumisi ng nakakaloko at ininom iyong wine. “I’m going to have you this night, I’m sure of it.” makahulugan niyang sabi, malaki ang kompyansa sa sarili.

Hindi ko nalang pinansin ang tukmol. May pagkamolongoid rin ata ang lalakeng ito. Kahit ano nalang ang pinagsasabi.

Hindi ako mapakali sa aking upuan. Masama ang aking pakiramdam at hindi pa makarelate sa mga kasama ko na puro negosyo ang pinag-uusapan. Gusto ko sanang lumabas nalang, umuwi at matulog na kaso halatang hindi payag si Tita at Papa sa desisyon ko.

Nagsimula iyong auction. Tungkol nga iyon sa mga property na gustong ibenta ng mga businessman na nandito. Medyo naaaliw ako sa panonood dahil nagbibidding ang mga negosyante at palakihan ng pera.

“50 million.” Sabi ni Tito Dwight, itinaas ang hawak.

“50 million. Going some one, two three…?” Tanong ng mc. Iginagala ang tingin at mukhang wala nang makakaoffer ng mas mataas pa sa binitiwan nitong presyo.

“Sold from Mr. Delafuente!” Deklara nito na ikinapalakpak ng kararamihan.

“What a filthy man.” Si Tita Isabel, proud na proud na pumapalakpak.

“Mukhang barya lang sa kanya ang ganoong pera. Unang property palang ganoong presyo agad ang ibinigay niya.” Komento naman noong mama ni Jackson.

“He’s spending too much money for that property. Mukhang natipuhan niya ata.” Dagdag naman noong Philip.

“Or maybe, he just want to have it. Sa dami ng kanilang pera, kahit ano ano nalang ang pinagbibili.” Nailing si Tita Isabel. “Sana nga iyong property natin ay magustuhan niya rin. Sigurado akong malaki ang perang makukuha natin.” Dagdag niya pa.

Alam ko namang mayaman ang angkan ng mga Delafuente. Pero hindi ko inaasahang ganito pala kayaman! Ang rami ko nang magagawa doon sa 50 million! Pwede na akong hindi magtrabaho buong buhay ko at humilata nalang sa kama kasama ang napakaraming salapi na iyon. Baka nga hindi ko na kailangang ibenta kay Calvin iyong lupain.

Nagpatuloy ang bidding. Marami ng mga property ang nabebenta. May ibang nagbibid ng kalahating milyon, may iba rin namang hindi bumababa sa one hundred thousand.

“Sayang at three hundred thousand lang iyong property natin.” Malungkot na sabi ni Tita Isabel.

“Okay lang iyan.” Si Papa, chinicheer-up ito. “Malaking pera narin iyon.”

Umismid si Tita. “Palibhasa nakokontento ka sa barya. Tapos ikaw pa itong malakas magsugal.” Reklamo nito.

Nag-iwas nalang ako ng tingin. Naaawa ako sa aking papa. Kaya rin siguro naging sakim siya sa pera dahil rin naman diyan sa napapangasawa niya. Pinapamukha sa kanya ang mga bagay na alam kong hinding hindi mabibigay ng aking ama sa kanya. Nag-aaway sila ng dahil lang sa pera, tsk tsk.

“I’m going to spend my money to teach that jerk a lesson. Akala mo kung sino. Ngayon niya makikita ang kinakalaban niya.” Maangas nitong sabi.

Tuluyan na ata itong nawala sa kanyang sarili kaya nagsasalita mag-isa. Ano ba itong nakakahalubilo ko rito? Nahihilo tuloy ako.

Uminom ako ng tubig. Pagkababa ko, napatingin ako roon sa host kanina sa auction. Nandito na siya sa aming mesa.

“Kayo po ba si Alyssa, Ma’am?” Tanong nito.

Napakurap ako. Kahit sila ay nagkatinginan.

“Ako nga po.” Sagot ko, nagtataka bakit kilala ako nito.

“Gusto niyo po bang sumali sa auction?”

Nagkasalubong ang kilay ni Papa. Kahit si Tita Isabel ay halata rin ang pagtataka.

“Paano sasali iyan eh wala naman iyang property. She’s still young, miss.” Sabi ni Tita Isabel.

“Kahit ano pong maisipan niyong ibenta ngayon, Ma’am.” Sabi nito sa akin.

“Go on, Alyssa.” Si Jackson, malakas ang loob.

“Pero wala naman akong maibebenta na mamahalin.” Sabi ko.

“Kahit ano po, Ma’am. ’Tsaka sabihin niyo lang po sa akin ang presyo ng sisimulang bidding.”

“What’s this?” Sarcastic na natawa si Tita. Parang nakikitang biro itong pinagsasabi ng babae sa akin.

“Sige na anak. Baka may magbid ng malaking pera.” Si Papa.

“Try it, hija. Just for fun.” Iyong Philip naman.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. At wala akong ediya kung bakit naging sangkot ako sa ganitong auction. Iyong binibenta nga ng iba ay mga real estate, mga property nila. Tapos ako sasali na hindi ganoon ang ibebenta?

Dahil sa pangungulit, at dahil medyo interesado rin ako sa pera, pumayag nalang ako sa gusto nila. Gusto ko tuloy mahiya sa ibinigay kong bagay.

“Anong kahihiyan ba ito.” Si Tita Isabel, naiiling. Kahit ako ay nahihiya rin.

“Okay, let’s start the bidding for this pair of stilleto, 1,000.” Sabi noong host, pati ang iprenesyo ko.

May mga businessman ang nagtaka, may mga babae ang natawa. Dapat pala limang daan nalang ang ibinigay ko. At sino ba kasing may sabi na ibebenta ko iyang pares ng stilleto ko! Sadyang makulit lang iyong host! Tsk.

“100 thousand.” sabi ni Jackson. Itinaas na iyong bid niya. Nalaglag ang panga ko, hindi makapaniwala sa binitiwang presyo.

Humalakhak iyong ama niya. “Did you plan this son?” Hindi makapaniwalang tanong sa anak na ngumingisi ng kakaiba.

“Mukhang nagpapapansin ang anak ko sa’yo, Alyssa. You’re one of a lucky girl, hija!” Natatawa naring sabi noong ina niya.

Hindi ko magawang makisali sa kanilang pagsasaya. Si Jackson ang may plano! Para lang ano? Para ipamukha sa akin iyang pera niya at kaya niyang bilhin ang heel ko ng ganoong presyo?!

“100 thousand! Going one, two three…” Sabi noong host, may itinuro sa kabilang mesa nang may mag-angat ng bidding.

“1 million.” Sabi nito sa baritonong boses. Sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko alam kung ba’t tumindig ang balahibo ko. Pamilyar sa akin iyon.

Napasinghap ang mga nasa mesa namin. Hindi inaasahan ang presyong ibinid ng kung sino.

“1 million! Going one, two, three…”

“5 million!” Si Jackson, itinaas ang hawak na bidding.

Tumango-tango naman ang Papa nito, suportado ang anak. Dahil narin siguro sa mukha nitong naiinis.

“10 million.” Sabi noong isa, habang tumatagal, mas lumilinaw sa akin ang boses na iyon.

Halos mabali ang aking leeg sa kakatingin sa mesang iyon kaso ang likod lang nito ang nakikita ko. Suot ang isang tuxido, ang pamilyar na ayos ng buhok, ang likod na malapad, alam kong kilala ko ang lalakeng iyan!

“10 million! Going one, two, three…” Sabi noong host.

“20 million!” Si Jackson, nanggigigil na. Ewan ko kung bakit nakikipagkompetensya siya. At bakit naiinis siya.

“Anak…” Nag-aalalang tawag noong mama niya.

“20 million is too much for a pair of stilleto.” Laglag panga na sabi ni Tita Isabel.

“I’m going to have it.” Si Jackson, “Ako ang mananalo sa gabing ito. Sinisigurado ko.” Galit at malinaw na sabi ni Jackson.

“30 million.” Sabi naman noong isa, kumpara kay Jackson na nanggigigil sa galit, siya itong kalmado lamang roon. Nakaupo at cool na cool sa pagtataas ng presyo. Ang ganoong ugali, ang pagiging kalma sa mga sitwasyon, siguradong siya iyan!

“30 million!” Gulat na sabi ng host, kahit ang ibang nandito ay nagiging interesado narin sa nangyayari. Jusko naman! Hindi ako makapaniwalang ganoon pala kamahal ang isang pares ng highheel ko. Edi ang yaman ko pala talaga kung ibenento ko iyan.

“Going one, two, three…”

“50 million!” Si Jackson na ikinalaglag na ng panga namin rito.

“What’s happening?” Si Tita Isabel. Nagniningning na ang mga mata sa presyong sinabi ni Jackson pero nagugulantang rin.

Natahimik iyong sa kabilang mesa. Tumayo naman si Jackson, proud na proud na humalakhak.

“You lose, man! A deal is a deal!” Sigaw niya roon.

“50 million, going one, two three…”

Natahimik ang lahat. Si Jackson ay ngiting tagumpay naman.

“Sol–“1 Billion.” Putol noong pamilyar na boses sa kabilang mesa na ikinagulat na ng lahat. Kahit ako ay halos mapatalon sa binitiwang presyo. Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung gaano iyon karaming pera. Para na akong naliligo ng pera, natutulog sa kama na puno ng pera, bahay na puno ng pera. Iyon na ang pinag-iisip ko.

Napawi ang ngisi ni Jackson. Unti unting namutla at nalaglag ang panga.

“Wow! 1 billion!” Iyong host, hindi narin makapaniwala.

“Going one, two, three…”

Hindi nakapagsalita si Jackson. Hindi mahitsura ang mukha. Walang masabi.

“Sold to Mr. Buenaventura!” Sabi ng host na ikinabigla ko. Kahit may ediya naman ako, hindi parin magsink-in sa aking utak na siya nga iyon.

“Buenaventura? That’s our big boss!” Anang ama ni Philip, nagugulat narin.

Laglag panga ang tingin sa akin ni Tita Isabel. Kahit si Papa ay takang taka na.

Tumayo ang pamilyar na imahe ni Uno, nakapamulsa at nandito ang tingin. Kumalabog ng husto ang aking dibdib nang magsalubong ang aming tingin. Kalmado ang mukha nito ngunit makikita ang pagiging seryoso.

“No one can have my property. What’s mine is mine. She’s my property.” Deklara ni Uno kay Jackson na ngayon ay putlang putla na dala ng kahihiyang natamo.

Chapter 59

Signs of Love

Kasal

Sinundan ko ng tingin si Uno. Umakyat siya sa stage, kinuha iyong pares ng stilleto ko at bumaba rin. Para siyang isang model sa sikat na brand at inirarampa ang suot para makuha lahat ng atensyon ng mga nandito, at hindi nga naman siya nagkamali. Nadadala niya lahat ng tingin, halos hindi na kumukurap ang iilan.

Halos hipuin ko ang pusi kong hindi maawat sa pagtibok. Nawiwindang ako sa mga nangyayari at sangkot pa si Uno.

May aftershock parin ang lahat sa nangyari. Na kahit dito sa aming mesa ay hindi parin makapaniwala.

“Do you know that man, hija?” Hindi na napigilang magtanong noong papa ni Jackson sa akin. Bakas rin sa mukha ang gulat nito at pagtataka, kung bakit ganoon nalang ang itinaya nitong pera mabili lang iyong stilleto ko.

Imbes na sumagot, kinuha ng imahe ni Uno ang atensyon nilang lahat. Nasa mesa na namin ito.

Nagulat si Papa nang makita niya ng malinaw ang mukha nito. “I-Ikaw iyong magsasaka sa lupain ni Aly diba?”

Tumango si Uno. “Yes, Sir.” Magalang niyang sabi. “Ako nga po iyon.”

Nalaglag ang panga ni Papa, namutla.

“Siya iyong magsasaka na sinasabi mong mahal mo, Alyssa?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Tita Isabel.

Tumango ako. Nag-init ang pisngi dahil nasa akin na lahat ang tingin nila.

“Ikaw ang anak ng boss ko, diba? Kung hindi ako nagkakamali, ikaw iyong panganay sa tatlong magkakapatid.” Si Tito Philip, namamangha na.

“Yes Sir.” Magalang paring sagot ni Uno sa kabila ng ginawa niyang pangwiwindang kanina. “I am Uno Buenaventura.”

“He doesn’t look like a farmer to me. Anong pinagsasabi niyo?” Anang mama ni Jackson na marahang nagpatawa kay Uno.

“Nagtatanim po ako sa lupain nila Aly roon sa bukid, Madame.”

Namangha sila sa naging sagot nito. Na ang katulad niya ay marunong pala sa ganoon.

“Really? Eh ang yaman niyo na pero nagsasaka ka sa bukid, wow…” Si Tita Isabel.

Nilingon ako ni Uno, ngumingiti. “I just want to see her everyday that’s why.”

Napanguso ako, nahihiya dahil mabilis rin ang paglipat ng kanilang mga mata sa akin.

“Oh! She’s your…” Iyong Philip.

“I’m inlove with her. That’s enough as an explaination.”

Napayuko na ako. Parang may sumabog na bulkan sa aking loob kaya ganito nalang kainit ang aking pisngi, at sigurado ako, pulang pula iyon.

“Tsk. What a dirty player. Kung alam ko lang na matagal na pala kayong magkakilala at mukhang may namamagitan pa sa inyong dalawa, hindi na sana ako mapapasubo.” Reklamo ni Jackson na sa wakas ay nagsalita narin.

“Ganoon talaga. Hindi ako patas. Pagdating sa kanya, kaya kong maging marahas.” He said with finalty.

Gusto ko nalang lamunin ng sahig ngayon. O kung pwede ay tumakbo nalang paalis rito dahil sa nararamdaman kong sumasabog na sa aking dibdib. Papatayin ata ako sa kilig nitong lalakeng ito!

Natutop ni Jackson ang kanyang bibig. Bakas sa mukha ang inis dahil naisahan siya ni Uno.

“Can I have a moment with your daughter, Sir?” Pagpapaalam niya sa aking ama.

Mabilis naman ang pagtango ni Papa, titig na titig kay Uno at hindi nabubura ang ekspresyon sa mukha.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang lumuhod si Uno sa aking harapan. Kinuha niya iyong paa kong walang suot na stilleto at isinuot iyon doon. Maingat niya iyong ginagawa, nandoon ang buong atensyon.

Titig na titig ako sa lalakeng nakaluhod sa aking harapan. Nang-uusisa na ang iba at nililigon kami rito ngunit parang walang pakialam si Uno. Paanong nandito siya? Akala ko ba nasa lupain siya?

Nang masigurado niyang maayos niya iyong naisuot sa akin ay tumayo rin siya. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

“Let’s go somewhere…” bulong niya sakin, nagtitimpi ang boses at mukhang nagpipigil parin ng galit. Buti nalang talaga at kalmado itong si Uno. Para kasing gusto niya ng sapakin itong si Jackson, kung paano niya ito tingnan.

Napatingin ako kay Papa, tumango siya. Si Jackson naman ay halos hindi na makagalaw sa kanyang upuan, namumula ang buong mukha dahil sa inis pero wala namang sinasabi.

I held Uno’s hand. Tinulungan niya akong iangat ang sarili sa pagkakaupo hanggang sa dumako ang kanyang kamay sa aking beywang. I saw how he smirked, tinatapunan ng tingin si Jackson.

“No one can have her except me.” Sabi niya na ikinayuko ni Jackson, itinatago ang mukha.

Wala akong ediya kung bakit ganoon nalang ang turingan nila sa isa’t isa. At mukhang hindi naman sila magkakilala.

Naramdaman ko ang palad ni Uno sa aking likuran, marahan akong itinulak paabante at iginiya ako palabas ng venue. Doon niya lang binitiwan ang aking beywang nang makarating kami sa garden, hindi gaanong nalalayo sa venue.

“Kanina ka pa doon sa loob?” Tanong ko agad. Nakasandal siya roon sa railing, medyo hinahangin ang buhok.

Tumango siya, nagkakasalubong ang kilay at may kung anong ikinakagalit, hindi maipirmi ang tingin sa akin. “You were so loud awhile ago, giggling and greeting someone…” May panunukso ang boses na iyon na hindi na umabot sa kanyang ekspresyon dahil may ikinakairita.

Uminit ang aking pisngi sa kahihiyan. “Eh bakit ba? Kakilala ko naman talaga si Tito Dwight at isa pa, nakakatawa iyong nangyari kay Jackson, papansin kasi.” Sabi ko.

Binasa niya iyong pang-ibaba, nasa akin ang tingin habang nangingislap ang mga mata. Tinagilid niya ang kanyang ulo, may kung anong sinisilip sa akin.

“You’re exposing too much skin. I hate it.” He tsked.

“Ano ka ba, 23 na ako! ’Tsaka bigay ito ni Addi sa akin. Ang sabi niya gamitin ko raw ito sa mga ganitong okasyon.”

Tumaas ang kanyang kilay, hindi man lang nagbabago ang ekspresyon.

Hindi ako halos makatingin sa kanya. Pakiramdam ko, mas gumwapo ito. Halos isang linggo ko lang siyang hindi nakita ganito na ang reaksyon ko sa kanya. His hair were perfectly fixed, pero katulad ng nakasanayan ko ay may nalaglag paring kumpol ng buhok roon sa gitna ng kanyang noo, matangos na ilong, nakadepinang panga, labing mas pumupula sa tuwing binabasa niya at ang mga mata niyang misteryoso.

Napalunok ako ng laway nang mahuli ko ang sariling nakatitig sa kanya ng ilang sigundo. Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng ibinaling sa ibang direksyon ang mga matang ang hirap tanggalin sa mukha niya.

“Uh, akala ko nasa lupain ka. Ang sabi ko maghintay ka roon.”

“I don’t wait, I follow.” Kibit-balikat niya, na gawain niya na talaga iyon.

Umikot siya sa aking likuran. Hinubad ang suot na tuxido at ipinatong sa aking balikat. Niyakap niya ako roon, nakasandal na ang baba sa aking balikat habang nakapikit ang mga mata.

“At last… How I want to do this everytime I’m following you.” Bulong niya roon. Tumatama ang kanyang hininga sa aking leeg na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa akin. Nakakaramdam ako ng kung ano.

Pilit ko iyong binura sa aking isipan at nagfocus sa sinabi niya.

“Sinusundan mo ako?” Tanong ko na ikinatango niya lang. Hindi parin dinidilat ang mga mata. “Eh ba’t hindi ka man lang nagpapakita sa akin? Alam mo bang miss na miss na kita?” Parang bata kong sumbong.

He chuckled. “I don’t want to steal your quality time with your father. Ilang taon rin kayong hindi nagkita. I know you missed him badly.” Paliwanag niya.

Bumusangot ang aking mukha. Kung alam niya lang ang pag-iyak ko dahil sa labis na pangungulila sa kanya. Pero ayoko nang sabihin iyon dahil baka maflattered itong animal na ’to.

“Oo nga pala, kilala mo ba iyong si Jackson? May kinalaman ka ba sa auction?” Tanong ko.

“Mayabang e, akala mo kung sino. That’ why we made a deal.”

“Anong deal?”

“Kung nanalo siya sa auction, hindi ako mangingialam sa sinasabi niyang ikakasal raw kayong dalawa.”

Kumulo agad ang aking dugo. Sinasabi ko na nga ba at iyon talaga ang plano nila!

“Akala mo naman papayag akong magpakasal sa iba!” Depensa ko.

Mas humigpit ang kanyang pagkakayakap. “Kahit pumayag ka man, hindi parin matutuloy ang kasal dahil susugod ako sa simbahan at nanakawin kita.”

Natawa ako, nakakaramdam ng kiliti sa aking tiyan dahil sa pinagsasabi niya.

Sandali kaming tumahimik. Itinuon ko ang aking tingin sa citylights na makikita rito sa aming kinatatayuan. Humahampas ang malamig na hangin gawa ng gabi pero dahil sa yakap ni Uno, sa mainit niyang hiningang tumatama sa aking leeg, tanging init ang nararamdaman ko.

“I missed you…” Hinalikan niya ang aking leeg, inaakyat iyon sa gilid ng aking tenga na halos nagpatindig lahat ng balahibo ko. “I missed you alot.”

Nilingon ko siya, saktong tumapat ang kanyang labi sa akin gaya ng iniisip ko st hinalikan ako. It was a passionate kiss. A sweet passionate kiss. Sa sobrang tamis noon sa pakiramdam ay naipikit ko na ang aking mga mata at sinabayan ang ritmo ng kanyang labi.

Napakapit ako sa kanyang braso, halos punitin iyon dahil sa panggigigil ko. Ang pangungulila ko ay naipon ata at ayoko nalang na putulin iyong halik.

“Next time Aly, tell everything to me.” Sabi niya nang bumitiw siya sa halik.

Inaantok ang aking mga mata nang mag-angat ako ng tingin. Nakukulangan at nabibitin dahil sa pagtigil niya. Tumango ako, nilapit muli ang aking mukha sa kanya at handa na siyang halikan kung hindi lang talaga siya lumingon. Nahulog ang aking halik sa gilid ng kanyang labi na ikinasimangot ko.

“You lied to me. Hindi mo binanggit sa akin iyong utang ng Papa mo.”

“Dahil alam kong makikialam ka lang.” Sabi ko, hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ang kanyang nirereklamo dahil nakukuha ng kanyang labi ang aking atensyon. I never felt this kind of desperation to kiss him. Uhaw na uhaw ako sa kanyang halik at naiinis ako dahil daldal pa siya ng daldal, binabalewala ang aking labi.

“Talagang makikialam ako.” Puno ng kasiguraduhan niyang sabi. Bumaba ang tingin sa akin, nahuli akong titig na titig sa kanyang labi. Namungay ang aking mata nang mag-angat ako ng tingin sa kanya.

Nagkasalubong ang kanyang kilay, pero agad rin naman iyong huminahon.

“Please…” Bulong ko, hindi alam ang hinihingi pero alam kong napupunto niya.

Marahan siyang natawa. Dinapuan ako ng hiya. Halos apuyin ng lagnat ang aking mga pisngi dahil sa napagtantong bagay. D-Did I just beg?

“Nah, you lied to me. Kahit ngayon man lang ay maparusahan kita.”

“Sige ka! Babalikan ko iyong Jackson! Sa kanya nalang ako manghihingi–He groaned. Mabilis na natakpan ang aking bibig ng kanyang halik, inaangkin na iyon ng buo.

Umusbong muli ang nararamdaman kong init at humalik pabalik. Sa hindi malamang kadahilanan, gusto ko nalang mauwi ito sa mas malalim. Gusto kong hindi na siya tumigil. Gusto kong higitan pa namin ang paghahalikan.

“Gosh, Uno…” I said between our kisses. Halos idiin ang aking sarili sa kanya.

“Damn it, not here Alyssa. Don’t turn me on…” Niyakap niya ako, pinigilan ang kanyang sarili. Dahil sa oras na ito, ramdam na ramdam ko ang tumutusok niyang alaga sa aking gitna. I swallowed hard, wanting him even more.

“Dapat ikaw itong pinaparusahan ko pero ako itong pinaparusahan mo. Unfair.” He tsked.

“Edi umuwi!” Handa na akong kumalas sa kanyang pagkakayakap kung hindi niya lang talaga ako hinawakan sa magkabila kong balikat, pinapaharap sa kanya ng buo at may pagtataka sa kanyang mukha.

“You’re a bit weird. What’s with you younglady?” Tumaas ang kanyang kilay.

“H-Huh?” Natigilan ako, nahimasmasan sa pinaggagawa. Oo nga no? Hindi naman ako ganito!

“H-Hindi ko alam. Namiss k-kasi kita!” Umirap ako, itinago ang mukhang kasingpula na ng kamatis.

Mas tumaas ang kanyang kilay, parang may pinapahiwatig ang mga matang titig na titig sa akin. Na nagsisinungaling ako.

“Ako o…” He asked taunting.

“Ikaw nga! Namiss lang talaga kita!” Depensa ko sa aking sarili, mas namumula dahil nagegets ko ang kadugtong noon.

“Isang linggo lang tapos ganito kana. Mas nagiging agresibo ka ata kaysa sa akin.” Now he said it!

Nasapak ko ang kanyang braso. “H’wag mo nga akong ipahiya sa sarili ko! Hiyang hiya na nga ako.”

Natawa siya. Tiningnan niya ako ng kabuuan. Nagawa pang basain ang pang-ibabang labi.

“You look stunning.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi makatingin sa kanya ng deritso.

Ilang oras rin kaming nanatili roon ni Uno, kaso bumalik rin kami sa loob dahil baka hinahanap na raw ako. Kahit na gusto ko pa siyang makausap at huwag ng bumalik sa loob, napilitan nalang ako.

Nagkalat na ang sila sa loob. Wala na sa kani-kanilang mesa at nakikipag-usap na sa kung sino sino. Mukhang papatapos na ata ang party.

“There you are, son. Aly!” Si Tita Tracy, mommy ni Uno na sumalubong sa amin pagpasok. Imbes na lumapit sa kinaroroonan nila Papa, naiba ang aking destinasyon at napunta sa mga Buenaventura.

“I missed you!” Niyakap ako nito ng mahigpit. Bumitiw naman ang kamay ni Uno na nakayapos sa aking beywang.

“Namiss rin po kita Tita!” Puno ng galak kong sabi.

Humiwalay siya sa akin. “You’re so gorgeous right now hija. Hindi na ako magtataka kung ba’t hindi mapanatag si Uno dahil nandito ka raw.” Nilingon niya ang anak na ngumisi na.

Nanatili ako sandali roon sa kanila. Nakausap ko pa si Don Israel. Napapansin ko rin ang paglingon ni Tita Isabel rito, hindi mailarawan ang mukha.

Hindi ko narin makita ang imahe ni Jackson, siguro nandiyan lang sa tabi tabi. Busy naman iyong mga magulang niya sa pakikipag-usap sa iba.

“Who’s with you, Aly? I am not expecting you in this place.” Si Tito Israel,

Doon ko naalala ang aking ama. Nag-excuse ako sandali at hinanap ang aking papa. Nahihiya pa siya noong una, dahil narin siguro sa mga sinabi niya kay Uno, pero buti nalang tinulungan ako ni Tita Isabel sa pangungumbinsi.

“Siya po ang Papa ko, Tito at si Tita Isabel, asawa niya.” Pagpapakilala ko. “Papa, si Tito Israel. Ama po ni Uno.”

Magalang na yumuko ng bahagya ang aking ama. “Ikinakagalak ko po kayong makilala, Sir.” Si Papa.

“Nice meeting you, Mr. Buenaventura.” Nakipagkamayan si Tita kay Tito, ganoon narin si Papa.

“Don’t give too much respect. Magkaedad lang naman ata tayo. At isa pa, magiging isa rin naman ang pamilya natin.” Makahulugang sabi ni Tito, nililingon kami ni Uno. “My son is going to marry your daughter anytime soon. Ewan ko nga sa dalawang iyan kung ba’t pa pinapatatagal. Kung pwede ay bukas na agad.”

Nalaglag ang panga ni Tita Isabel. Para bang hindi marehistro sa utak niya ang pinagsasabi kaya kahit ang kanyang ekspresyon ay masyadong halata.

“Oo nga naman, Aly! Gusto ko rin ng apo sa inyo ni Uno total mabibigyan na ako ni Dos.” Si Tita Tracy, ngiting ngiti na.

Namula ang aking pisngi. Si Uno naman ay marahang natawa. Gumagapang muli ang kamay sa aking beywang at idinidikit sa kanyang tabi.

“Stop pressuring my baby, please.” Si Uno, nang-aakit ang boses. “At isa pa, liligawan ko muna si Aly. Nakakahiya naman sa kanyang ama. Baka sabihin na bastos ako at minamadali ang lahat.”

Umiling agad ang aking Papa. Bakas parin sa mukha ang hiya. “Malaki na si Aly. Nasa tamang edad naman siya.”

“As her second mother, nasa inyo rin ang boto ko.” Sabi ni Tita Isabel na ngumingiti na sa akin ngayon.

“See, Uno?” Si Don Israel, halatang tinatapos ang mga alalahanin ni Uno mapakasalan lang agad ako.

“I’m going to marry her, Dad. Stop worrying.” Tumawa si Uno.

“Make it rush. Bahala ka, pag narealize ni Aly na wala namang espesyal sa’yo ay magising ka nalang na wala na siya sa tabi mo.” Tito Uno said, taunting.

Natawa kami roon, Uno gulped.

Nahinto lang ang nakakatuwa naming pag-uusap nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Tita Blaire.

“Hindi kana bumibisita sa bahay. Namiss kitang bata ka.” Sabi niya pagkatapos humiwalay sa pagkakayakap namin sa isa’t isa.

“Sorry po Tita. Umuwi po kasi ako sa bukid.” Nilingon ko sandali si Tito Dwight at Don Israel, nagkakamayan ang dalawa. May kung anong pinag-uusapan.

Makahulugan ang titig ni Tita kay Uno, nang ibinalik niya ang tingin sa akin ay ngumingisi na siya, sinusundot ako sa tagiliran.

“Oy! May lovelife na siya! Sabi rin sa akin ni Chany na may namamagitan raw sa inyo ni Uno. Ikaw ha!” Panunukso niya.

Natawa ako sa inaasta ni Tita. Para talaga siyang bata.

Pinakilala ko rin sa kanya si Papa at si Tita Isabel. Hindi na naman ito makapaniwala dahil kakilala ko pala talaga ang mga Delafuente. Lalo na’t nakita niyang nakikipag-usap sa akin ang mga ito, kinukumusta ako.

“Kailan ang kasal niyo ni Uno?” Deritsahang tanong ni Tito Dwight.

“We’re still planning, Tito.” Si Uno na mismo ang sumagot.

Tita Isabel remained stunned. Hindi makapaniwalang napapalibutan siya ng mga naglalakihang businessman.

“I thought you’re just being friendly.” Halos pabulong na sabi ni Tita Isabel sa akin. “You have a bright future in this industry, Alyssa. Lalo na’t may kapit ka pa pala sa dalawang naglalakihan at pinakamayamang angkan rito.”

“Praktikal lang po ako pero hindi po manggagamit ng ibang tao.” Sabi ko sa kanya na ngayon ay unti-unti nang nabubura ang ngiti. “Hindi po ako interesado sa mga ganitong bagay.”

“Nako naman, sayang.” Dismayado niyang sabi. “Pero Alyssa, iyong Papa mo interesado sa ganito, lalo na ako. Baka naman pwede mo kaming maireto sa kanila diba.” Sabi niya, nagniningning ang mga mata.

Ngumiti ako. “Kayo narin po ang may sabi, mga highclass po sila. Hindi po sila nakikihalubilo sa kahit sino. Baka po mapahiya ako pag pinakilala ko kayo.” I smiled innocently.

Namutla siya, naalala ang binitiwan niyang salita sa akin kanina na ngayon ay ibinabalik ko na sa kanya. Magalang ko naman iyong sinabi kaya hindi ko siya binabastos.

Hindi na ako gaanong makasali sa kanilang pinag-uusapan. Lalo na’t parang bumabaliktad ang sikmura ko.

“You okay?” Tanong sa akin ni Uno, sinisilip ang aking mukha.

Tumango ako. Ewan ko ba kung ba’t nahihilo ako. Siguro dala narin ng maraming tao, ang mga pabango nilang humahalo na at nagpapabaliktad ng sikmura ko.

“You look pale, Aly.” Hinawakan ni Uno ng mahigpit ang aking beywang, umikot ang aking paningin at napahawak narin sa kanyang braso.

“What’s wrong, baby?” Nag-aalalang tanong niya sa akin. “Are you sick? Anong masakit?” Sinuri niya ng mabuti ang aking sarili.

Umiling ako. Bumibigat ang talukap ng aking mga mata. “Hindi ko…” Bago pa man madugtungan ang sasabihin,nawalan na ako ng lakas. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa braso ni Uno kasabay ng pagkawala ng aking malay.

Chapter 60

Signs of Love

Promise

Nagising ako sa isang kakaibang pakiramdam. Pagdilat ko ng aking mga mata, ang inaantok na mukha agad ni Uno ang bumungad sa akin, halos pumipikit-pikit na ang mga mata. Nasa kabilang pisngi ang isang kamay para magsilbing suporta sa kanyang ulo. Sa tingin ko, wala pa itong tulog dahil sa kakabantay sa akin.

Kaonting galaw ko lang, kumurap agad siya. Unti-unti nang nagising ang buong diwa hanggang sa nalaglag ang tingin sa akin.

“Uno.” Namamaos ang boses kong tawag. Sa sobra niyang gulat ay napatayo siya. Mabilis ang pagtakbo palabas habang sumisigaw, tinatawag ang doktor.

Nagkasalubong ang aking kilay. T-Teka? Anong sakit ko? Sa reaksyon ni Uno, para siyang may ikinakatakot o kung ano man. H-Hindi kaya…

Dumating iyong doktor, natatawa.

“Calm down Mr. Buenaventura. I already told you, she’s already fine. Kailangan lang talaga ng pahinga.” Paliwanag sa kanya ng doktor.

Hindi mailarawan ang mukha ni Uno. Nakapameywang ito sa harapan ng doktor, alalang alala ang mukha at nakaawang ng kaonti ang labi. Binasa niya iyon saka ako binalingan.

“I’m afraid I might break her. Is it okay if I hug her tight?” Paghingi nito ng permiso sa doktor na ipinagtaka ko. Anong nangyayari? M-May malala ba akong sakit?!

The doctor chuckled again, tuwang-tuwa sa inaasal nito.

“Of course, hijo. H’wag mo lang talagang pagurin. Iwasan mo siyang mastress.” Paliwanag nito.

Bumuntong ng hininga si Uno. Bakas parin sa mukha ang pag-aalala.

“Uh, ano pong sakit ko?” Tanong ko sa doktor na kumuha ng atensyon niya.

“Well hija, mas mabuti sigurong si Uno nalang ang magpaliwanag sa’yo.” Nginitian niya ako ng makahulugan. “Congratulations. Maiwan ko muna kayong dalawa.”

Takang taka ako sa inaasal ng doktor. At kailan pa cinongratulate ang may sakit?

“A-Anong nangyari?” tanong ko sa isang garalgal na boses, nag-ambang bumangon na agad ikinaalarma ni Uno. Ilang sandali lang ay nasa tabi niya na ako, inaalalayan ako sa pagbangon.

“Don’t move too much, Aly.”

“May sakit ba ako Uno?” Tanong ko sa kanya, tinitingala ang mukha nitong hindi nagbabago ang ekspresyon.

“Wala kang sakit pero ako ata itong magkakasakit sa puso dahil sa pag-aalala sa’yo. You almost killed me to death!”

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakita ang ganyan niyang ekspresyon. Iyong takot sa kanyang mga mata, ang pag-alala sa kanyang mukha. Na kahit ang paghawak sa akin ay masyadong maingat.

Yumuko si Uno, hinalikan ang aking noo saka niya isinandal roon ang kanya. Nang hindi siya makontento sa iginawad na halik roon, hinawakan niya ang isa ko pang kamay. Inangat iyon ng mabuti at hinalikhalikan ang likod nito.

“I’m going to stay beside you from now on.” He said, caressing my hand.

Hindi ko alam kung ba’t mabilis na humapdi ang aking mga mata. Naninibago ako sa kinikilos niya.

“Uno, sabihin mo nga…” Nangilid sa aking mga mata ang luha. “M-May sakit ba ako? Kaya ka ganyan?” Sabi ko sa isang garalgal na boses, halos malalaglag na iyong luha na nagpapalabo ng aking mga mata.

He panicked.“No baby. No, you’re not sick.” Niyakap niya ako, hinaplos ang aking likod. “Damn…”

“Eh bakit ka ganyan? T-Takot ka pang yakapin ako!” Madamdamin kong sabi. Hindi alam kung saan hinuhugot itong kadramahan ko.

Lately, napapansin ko talaga nagiging iyakin ako. Masyado akong nadadala sa aking emosyon na kahit iyong mga luha ko ay parang gripo agad na bumubuhos.

“Because my baby is having a baby.” Hinawakan niya ang aking dalawang pisngi, nangingislap ang mga matang tiningnan ako. “You’re pregnant Aly. We’re having a baby!”

Sa sobrang gulat, halos manlaki ang aking mga mata kasabay ng pagkalaglag ng aking panga. Nabingi ako ng ilang sigundo, hindi lubusang maipasok sa kokote ang sinabi nito.

“And I’m scared I might break you. You’re so fragile to me right now, Aly…”

Naramdaman ko ang mainit na likidong umagos sa magkabila kong pisngi. My sanity flew outside the window, leaving me in shock.

Takot ako at natutuwa at the same time. Knowing na may kinakarga na akong maliit na may buhay sa aking sinapupunan. Iyong sayang nakikita ko sa mga mukha nila dahil buntis ako ay nakakataba ng puso. Even Tita Tracy was crying too.

Sa nangyayari sa aking buhay ngayon, simula noong magkaayos na kami ni Uno, tanggap ko na ang patutunguhan naming dalawa. Na kung mabubuntis ako ay handa na ako, o kung makasal man kaming dalawa, bumuo ng pamilya, handang handa na ako dahil alam ko, siya na ang lalakeng makakasama ko habangbuhay.

“Iyong isa pa oh! Iyong pinakamalaki!” Itinuro ko ang mangga na nasa pinakamataas. Tinitingala ko rito si Uno sa ibaba.

Kumalam kasi itong sikmura ko at naghahanap na ng maasim kaya niyaya ko rito si Uno sa puno ng mga mangga. Umagang-umaga, heto na siya, inaakyat ang pinakamataas na puno rito.

I saw how his arm flexed when he tried to climbed up more. Wala itong suot na pang-itaas at mahigpit ang pagkakahawak sa mga sanga roon, maingat na nangunguha ng mga manggang pinagtuturo ko.

“May gusto ka pa?” Tanong niya sa akin rito sa baba.

“Tama na yan. Baba kana rito. Mag-ingat ka ha!”

I saw how he went down smoothly. Na hindi naman iyon mahirap para sa kanya.

Pagkatapos kasi noong mahospital ako, iniuwi agad ako ni Uno rito. Mas refreshing raw ang hangin at mas magiging mabuti iyon sa pagbubuntis ko. I even remembered how hesitant I was to go back lalo na’t wala na akong babalikan. Naibenta ko na ang lupa.

“Promise me you won’t get mad.” Sabi niya. Doon palang nakutuban na agad ako.

“Na binili mo na naman ang lupain kay Calvin?” Hula ko.

“I’m the one who bought the land. Pera ko iyong idineposito.” Pag-amin niya na ikinalaglag ng panga ko.

“Sa’yo parin ang lupain. Alam ko naman kung gaano mo iyon kamahal at hinding hindi ko hahayaan na mapunta nalang iyon sa kung sino sino lang.”

My heart sank into the deepest sea. Sunod sunod na luha ang pumatak, niyakap siya ng mahigpit kahit na naiinis ako sa kanya dahil nakikialam na naman siya pero natutuwa narin at the same time.

Ganoon ang pinaggagawa namin sa Resthouse. Nangunguha siya ng mangga, namimitas ng sunflower para ibigay sa akin pag umiiyak ako dahil iyon ang nagpapakalma sa emosyon kong umaapaw.

“Sige na please, gusto ko maghiking e!” Pangungumbinsi ko sa kanya.

“At this kind of hour, Aly?” Hindi makapaniwala niyang tanong pagkatapos ko siyang gisingin sa mahimbing niyang pagkakatulog.

“Oo! Gusto kong makita iyong citylights doon sa bundok. Akyat tayo roon.”

Isa lang iyon sa mga kahilingan ko na hindi niya kayang tanggihan. Wala siyang nagagawa kundi samahan ako, pagbigyan sa lahat ng gusto ko.

“Ang sarap palang maging buntis. Naaalipin kita!” Humalakhak ako nang makarating kami sa pinakataas. Tanaw na tanaw ko na ang magandang citylights. Umiilaw iyon sa aking mga mata.

Taas-baba ang balikat ni Uno, hingal na hingal dahil sa pag-akyat namin rito habang nakasampa ako sa kanyang likuran. Baka raw kasi may maapakan ako o kaya ay madulas ako.

“Naaalipin mo naman talaga ako kahit noong hindi ka pa buntis.” Tumaas ang kanyang kilay, sinuklay paatas ang buhok na basa ng pawis at tumutulo sa kanyang mukha.

Napalunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin sa kanya. Jusko naman! Umaandar na naman ang pagiging manyakis ko!

I felt his warm hug behind me. Nakasandal na ngayon ang kanyang baba sa aking balikat.

“Kahit alam kong pwede naman nating gawin iyon, natatakot parin ako dahil baka masaktan kita. Ngayon pa na nanggigigil ako sa’yo.” Mapang-uyam niyang sabi.

Bumusangot ang mukha ko, nilingon ang gilid ng mukha nitong nasa harap ang tingin.

“Pinaparinggan mo ba ako? Dahil alam mong nagwawala ngayon ang hormones ko dahil sa pagbubuntis ko?” Pinaningkitan ko siya ng mata.

“I am not saying anything. Baka lang kasi…” Humaplos ang kanyang mata sa aking tiyan. 1month and 2weeks pregnant na ako kaya medyo may namumuo na roon sa maliit kong tiyan.

“Kasi ilang araw na akong tigang kaya ganyan ka kung magparinig sa akin. Iniinggit mo ako.”

Now he’s laughing hard. Ang animal na si Uno ay pinagtatawanan ako. Tama naman talaga! Matagal na iyong huling ano namin! At nangungulila ako! May kung anong mga malalanding hormones na sumapi sa akin at sa tuwing lumilipas ang ilang araw na walang nangyayari ay nagluluksa ako! Jusko!

“Kung alam ko lang na ganito pala ang aastahin mo, noong una palang ay binuntis na sana kita.” Natatawa niyang sabi, idinidikit na ang mukha sa aking leeg at pinapatindig ang aking balahibo roon dahil sa pagkakatama ng kanyang hininga.

Minsan, hindi ko narin naiintindihan ang aking sarili. Ang bilis magbago ng mood ko at ang bilis ko pang maiyak! Hindi naman talaga ako ganito! Pero dahil nga sa pagbubuntis ko, para na akong baliw.

“Hey, stop crying…” Hinaplos ni Uno ang aking pisngi, pinapatahan ako. “Ayan na oh? Hindi ka ba napapakalma ng mga bulaklak na ’to?” Tanong niya habang iminumuwestra sa harapan ko ang mga sunflower na pinitas niya sa likod.

“Nanaginip ako, m-may babae ka raw! Ipinagpalit mo raw ako sa iba!” Mas humagulhol ako, hindi na maintindihan ang sarili.

Uno chuckled. Imbes na malungkot dahil umiiyak ako, tumatawa pa!

“T-Tapos pinagtatawanan mo pa ako! Siguro totoo talaga?!”

“Nah, I just find it very funny. Ngayon pa ako mambababae eh halos lumuhod na ako sa’yo.” Hinalikan niya ang aking ilong, hinaplos ang aking baba. “May kambal ka?”

Umiling ako.

“Then there’s no way in hell I’m going to fall inlove with someone, unless it’s you.”

Isa iyon sa mga paborito kong araw. Iyong pinapagaan niya ang aking loob sa tuwing pakiramdam ko ay nalulunod na ako sa aking emosyon. Na wala na dapat akong ikabahala.

Minsan ay tumutulong parin siya sa lupain. Gawain kong kumain sa veranda ng kwek kwek habang pinapanood siyang nagbubungkal ng lupa, naghaharvest, at higit sa lahat… pinagpapawisan sa tirik na tirik na araw. Napapasinghap ako sa tuwing nakikita siyang tumatayo sa di kalayuan sa akin, nakapameywang, nakaawang ang bibig habang nakatinga at inililigo sa pawisang katawan ang isang mineral water. Iyon ang pinakapaborito kong tingnan. Ang nakikita siyang ganoon, walang saplot sa ibaba at nakikipagkompetensya sa pagiging hot sa araw.

“Any plans later?” Tanong niya sa akin nang lumapit siya sa veranda. Isang mababaw pa na halik ang iginawad sa akin.

“Hmmm, punta tayo sa bayan?” Tanong ko. Pinasadahan ko ng aking kamay ang kanyang buhok. Nakaupo ako rito sa railing ng veranda habang ikinukulong niya naman ako sa magkabila niyang bisig.

“Okay. May bibilhin kang pagkain?”

“Wala naman. Gusto ko lang mamasyal.”

“Mamili narin tayo ng pagkain.” Suhestyon niya na ikinatango ko nalang.

Sandali siyang napatingin sa aking lace, tumayo siya ng tuwid at inayos ang pagkakatali nito. Nakasuot lang kasi ako ng puting bestida habang nakabun ang aking buhok. May iilan pang curly hairs na nalalaglag sa bawat gilid na hinahayaan ko nalang.

Lumunok ako ng laway nang masanggi niya ang dibdib ko. I felt my nipples hardened. Napapatitig na ako sa kanyang labi at napapasinghap dahil sa init na nararamdaman ko.

“Pero alam mo Uno, mas gusto ko nalang magbabad sa kwarto mamaya. Ang init! Ayoko munang gumala.” Pagbabago ko ng isip na dahan dahang ikinakurba ng kanyang labi.

Tumikhim siya, mabilis na nawala iyong malisyosong tingin at inosente akong tinitigan.

“Talaga? Ayaw mong gumala ngayon?” Tanong niya. Nakasanayan niya narin kasi iyon. Madalas ko siyang yayain sa kahit saan. Minsan binibisita namin ang kanilang hacienda, minsan naman napapadpad kami sa maisan ni Mang Rudy, o kaya doon sa treehouse, halos libutin namin ang buong bukid. Na kung pwede ay magdala nalang ako ng compass para lang matunton ang ibang destinasyon.

“Ayoko. “ Humikab ako ng peke. “Tingnan mo oh, inaantok pa nga ako.” Sabi ko na marahan niyang ikinatawa.

“Nice strategy.” Hinalikan niya ako sa aking balikat, hinaplos ang aking braso. “Okay, we’ll just stay in my room later.”

Sa tuwing tinititigan ko si Uno, napapaisip ako kung may babae bang hindi mahuhulog sa kanya eh sobra niyang perpekto. Nasa kanya na lahat. Kaya nga pakiramdam ko, ang swerte ko. Hindi ko alam kung ano itong nagawa kong mabuti at ganito nalang ako kung biyayaan ng Panginoon.

I can’t help not to moan loudly. Hindi na ako magtataka kung umabot man sa lupain ang boses ko, pero wala akong pakialam. I just can’t help not to react! Pinapatay ako sa sensasyon na ibinibigay ng dila sa akin ni Uno. He was nipping and sucking my cl*t while his rubbing my folds at the same time. Para akong mababaliw sa sarap. Tumakas na ang natitirang katinuan sa akin. Naliligo ako sa sariling pawis at idinidiin siya roon. Halos hawakan niya ang aking mga hita para lang pumirmi ako sa kakagalaw. Tanging pagsambot sa kanyang buhok nalang ang nagagawa ko at ang hindi ko makilalang boses ko.

Ang sabi niya, okay naman daw ang ganito kahit na buntis ako. Iyon rin daw ang sabi ng doktor. Noong una, ayaw niya nga dahil sa takot niyang sumobra siya at masaktan ako dahil buntis ako. Kahit na magdahan dahan man siya, may ganoon parin siyang takot. Pero nang dahil rin sa kapusukan ko ay nawala ang takot na iyon. Sabihin na nating ako ang nagfirst move.

“Uno!” I shouted with so much pleasure when he thrust deeply. Baon na baon ang aking kuko sa kanyang likod. Umaangat ang aking balakang para salubungin ang nagsisimula niyang paggalaw. Kapwa kami naliligo ng pawis. Nakaawang ang aking labi habang inaantok ang mga matang nakatitig sa kanyang gwapong mukha.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at suminghap, mas binilisan ang paggalaw. Malalim ang kanyang tingin sa akin, namumula ang dibdib at lumalabas ang ugat sa kanyang leeg dahil sa paggalaw.

“Do you like it?” Tanong niya sa isang namamaos na boses. Tumango ako, hindi na magawang ibalik sa pagkakasara ang bibig na nakaawang.

Inangat niya ang isa kong binti at mas idiniin ang sarili sanhi para mas mapadaing ako. Napatingala ako lalo, ang kamay naman ni Uno ang naging suporta sa aking likuran, hinahalikhakan niya ang aking leeg at halos panggigilan iyon, nag-iiwan ng marka.

I’m always satisfied. Sobra sobra pa nga. Kaya siguro hinahanap hanap ko iyong sensasyon na naibibigay niya sa akin. Kasalanan niya rin naman dahil masyado siyang magaling magpabaliw sa ganoong bagay kaya ayan tuloy, tsk. At sino bang hindi matuturn-on sa kanya! Dilaan niya nga lang iyong pang-ibaba niyang labi nang-iinit na ako.

Palagi niya akong sinasamahan tuwing nagpapa OB ako. Umaattend rin kami ng seminars para makapaghanda kami ng mga gagawin pag nanganak na ako. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko, pero itong si Uno, todo practice na. Siya itong mas excited sa akin sa mga ganitong bagay.

“I shouldn’t panic. Dapat kalmado lang ako pag dumating iyong araw na mangangak kana para mas matutukan kita ng pansin at hindi ako mawala sa sarili.” Sabi niya sa akin pagkatapos ng seminar.

“Mukhang kaya mo namang maging kalmado. Ganoon ka naman palagi.” Sabi ko.

“Yeah. I’m sure of it. Ganoon nga ako. Kalmado lang.” Buong kasiguraduhan niyang sabi. Pero ewan ko ba, may parte sa akin ang hindi naniniwala.

Pagdating namin sa Resthouse, nagpalit agad siya ng damit para tumulong sa lupain. Tirik na tirik pa naman ang araw kaya heto ako, dala dala ang payong habang bumubuntot sa kanya.

“Just stay inside the Resthouse, Aly. Sobrang init oh.” Tumingala siya, halos mapapikit dahil sa sinag ng araw.

“Kaya nga may payong akong hawak.”

Nailing siya. Tinitigan ako kaya ngumiti agad ako ng matamis para lang makumbinsi itong dito nalang ako sa harap niya. I just want to see him clearly! Gusto kong maenjoy ang view niyang pinagpapawisan. Ang hot kasi.

Bumuntong siya ng hininga. “Fine.”

“Sir! Sir Uno!” Biglaang sigaw noong isa sa mga trabahador kaya napatingin narin ako doon.

“What is it?” Si Uno, nilapitan na iyong lalake na nagsisisigaw. Kahit ako ay sumunod narin.

“May nahukay po kami! Tingnan niyo po!” Sabik na sabik nitong balita.

Tiningnan ni Uno iyong lupang binungkal nila. Si Uno na mismo ang nagpatuloy sa pagbubungkal roon.

“Anong meron?” Tanong ko.

“Mukhang nakahukay po kami ng kayamanan, Ma’am!” Anang trabahador.

“Wala po bang ibinaon ang Lola niyo rito sa lupain? O ang mga ninuno niyo?” Tanong naman noong isa sa akin na inilingan ko lang.

“Hindi ko alam e,”

“Naku Ma’am. Baka kaya sinuswerte itong lupain niyo, dahil may nakatago talaga ritong kayamanan!” Sabi pa noong isa.

Nakikiusyuso narin kasi lahat ng mga trabahador. Pinapalibutan na nila si Uno na nagbubungkal parin. Lahat ay excited na baka kayamanan nga.

“O baka naman may ibinaon iyong Lola mo para sa’yo Ma’am Aly.”

Kumalabog ng husto ang aking dibdib nang mahukay na iyon ng buo ni Uno. Kinuha niya roon ang parisukat na box. Pinagpagan niya pa ito dahil sa lupang dumikit na.

“Kayamanan ba ang laman niyan, Uno?” Kabado kong tanong. Hawak parin ang payong at sinisilip iyong kinuha niya.

“I guess so. Mukhang luma na itong box.” Sabi niya.

“Kayamanan iyan Sir! Buksan niyo na po!”

Humiyaw narin ang iba. Pinapabuksan iyong laman. Hindi kaya ay mga gold bars ang nasa loob? Lalo na’t inalog pa ito ni Uno at may laman. Pero hindi rin kaya ay kay Lola iyan?

Binuksan nga iyon ni Uno. Lahat ay kabado. Kahit ako, hindi ko maawat ang puso kong parang tambol na nag-iingay dahil sa sobrang excitement.

Napakurap si Uno nang makita ang laman.

“Anong laman? Patingin!”

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Magkasalubong ang kilay, hindi mahitsura ang ekspresyon.

“Yes, it’s a treasure, Aly.” Sabi niya na nagpasinghap sa akin.

Ipinakita niya iyon, habang nakaluhod, inangat ang kinuha niyang bagay para makita ko ng buo.

“It’s a treasure. Marry me. Marry me so I can have my treasure too.”

Nabitiwan ko ang hawak na payong kasabay ng mga luhang naglaglagan sa aking mga mata. Natakpan ko ang aking bibig. Gulat na gulat sa pagpopropose ni Uno sa aking harapan.

Tumili ang mga trabahador. Humihiyaw at kinikilig sa aming dalawa. Para akong nananaginip sa tirk na tirik na araw. Hindi alam kung gising ba talaga ako o isa lamang ito sa maganda kong imahinasyon dahil sa sobrang perpekto ng pangyayari.

“Ang galing natin sa pagdadrama kanina! Napaniwala natin si Ma’am!” Hiyaw noong isang trabahador na mas ikinaingay nilang lahat.

P-Planado ba ang lahat ng ito?!

“N-Nakakainis ka!” Humahagulhol kong sigaw sa kanya. Tumindig na lahat ng namamahinga kong balahibo, nagugulantang sa kanyang ginawa.

“B-Bakit ka ganito?! Nakakainis ka!” Hindi ko maawat ang mga luha sa aking mata. Pinalis ko iyon pero para na iyong falls na patuloy lang sa pagbagsak.

With teary eyes, Uno chuckled. “You’re the only treasure I want to keep in this world for the rest of my life. Will you marry me, baby?”

Tumango ako, paulit-ulit. Habang humahagulhol, panay ang pagpunas sa mga luhang hindi ako tinatantanan, sinambit ko ang isang salitang hindi ko pagsisisihan.

“Yes!”

Tumayo si Uno, niyakap ang aking beywang at kinarga ako sa ere. Naghiwayan ang mga trabahador habang sinasabuyan kami ng petals ng mga sinflower na pinagdudukot nila sa kanilang bulsa.

Nayakap ko ang leeg ni Uno, nakaangat ako sa ere at lumulutang sa sayang abot hanggang langit.

Ibinaba niya ako. Natatawang idinikit ang kanyang noo habang nangingislap ang mga mata hindi kagaya ko na sobra sobra ang pag-iyak. Basang basa ang aking mukha at kahit nanlalabo ang aking mga mata, sinikap kong tingnan kung paano niya inangat ang aking kamay, dahan dahang isinuot roon ang singsing.

“I promise to be always by your side. Or under you, or on top… forever.” Sabi niya. Sa nalalaglag niyang mga luha, sa matang nangingislap sa saya, hinalikan niya ako ng buong puso. Isang alaalang hinding hindi ko makakalimutan at babaunin ko hanggang pagtanda, kasama siya.

Epilogue

Signs Of Love

I, myself, never believed love would be worth fighting for. Ni minsan, hindi ko nasubukang humingi ng senyales sa Langit. Inaasa ko iyon sa kagustuhan ko. If the girl likes me, then I am willing to open myself for her dahil alam kong lahat naman ng babae, karapat dapat mahalin. If it works then I’ll give it a shot. Kung hindi then just give up. Easy.

“I just want to focus with my studies,” sabi ko kay Alessa, unang girlfriend ko noong elementary ako.

“Pero Uno, we’re okay naman as a couple ah. Am I being too clingy? Ni hindi ako nagdedemand ng oras sa’yo. I’m contented. Nakakahadlang na ba ako sa mga pangarap mo?” she pouted.

“I am not the one for you,” pinal na desisyon ko.

She’s tall, petite, and hot. Iyon na ’yon. Maganda, malaki ang dibdib at kasali sa dance troupe. She leads her team well at sikat rin siya sa eskwelahan nila. Pero ewan ko ba, I am not attracted. Naattract ako pero parang tapos na ang kabanata namin kaya sinasara ko na ang libro.

“Iyong girlfriend mong clingy hintay nang hintay sa’yo kanina,” balita sa akin ni Tres nang makauwi ako galing Bar.

It was already late. Nadatnan ko lang siya rito sa veranda, may hawak na libro at binabasa habang nakaupo sa railings.

I groaned. That’s Angela. She was a good catch as a girlfriend pero minsan, sa sobrang pagiging clingy ay nasasakal na ako.

“Did you entertain her well?” tanong ko habang sumasandal sa railing. I’m a bit tipsy damn it.

“Sinabi ko bumalik siya bukas dahil wala ka.”

“You didn’t let her in?”

“Mabobored siya rito sa loob,” aniya, inilipat sa kabilang pahina ang libro.

Tumingala ako, ipinikit ang mga mata at nakakaramdam ng kakaonting hilo.

“Nandito ka naman.”

“Di purket palagi akong nasa bahay gagawin mo na akong babysitter sa mga babae mong patay na patay sa’yo.”

Iyon ang hindi ko talaga mautos sa kanya. Ang kumausap ng maayos sa mga babae at pakitunguhan ito ng normal. He’s the type of guy who would ignore a pretty girl because of his laziness to talk.

Siya rin naman kasi itong nasa bahay lang. Iyong isa ko pa kasing kapatid, si Dos, ay busy rin sa paggala.

“Are you escaping?” Dad raised his brow. Nagdesisyon kasi akong sumama sa kanya rito sa bukid.

“My girlfriend is being clingy.” sabi ko.

He tsked. “Girls are clingy, son. Normal nila iyon.”

“I hate clingy girls.”

“Then what’s the purpose of having a girlfriend?”

“Just for fun. Pampalipas oras.” I smirked.

Iyon ang pananaw ko sa pakikipagrelasyon. Na nabibilang ko lang sa aking daliri ang itinatagal ng aming relasyon at pinuputol ko agad.

Naging topic namin ang lupain pagkarating sa bukid. Malawak iyon. Mom and Dad used to live here when they were young. Nakilala niya rito ang aking ina. Kaso dahil nga nasa syudad naman ang negosyo ni Dad, kinailangan nilang iwanan ang lugar na ito. I am not fund of nature anyway. Mas gusto ko parin ang syudad. Parang nakakabingi ang katahimikan rito.

“Aly! Nandito ka lang pala!” Sigaw ni Manong Dancio sanhi para tumigil kami sa pag-uusap ni Papa.

Napalingon ako roon sa upuan na gumalaw. Nakita ko rin ang batang babaeng natataranta sa loob at takot na takot na malaglag kaya mabilis kong hinawakan ang upuan para matigil sa paggalaw.

Dinungaw ko ito roon. Nilingon ako ng isang batang babae na may napakaamong mukha. Sa tanang buhay ko, hindi kailanman ako namangha sa hitsura ng isang babae. Iyong tipong ang sarap nalang nitong titigan. Para sa akin, maganda lahat ng babae. But there’s something about her innocent face that I can’t describe.

“You okay?” Tanong ko sa kanya na ikinakurap ng magaganda niyang mga mata. She has a small face. Her skin was pale, like a white paper. Perpekto ang pagkakahulma ng kanyang labi na akala mo ay ipinaglihi sa bow ni kupido.

Damn…

“Give me your hand.”

She politely held my hand. Malambot ang kanyang kamay na ang sarap hawak-hawakan at h’wag nalang bitawan.

Ang sabi sa akin ni Manong Dancio, madalas raw ang batang iyon sa hacienda. Nagboboluntaryo itong diligan ang mga bulaklak sa bakuran at pakainin ang mga isda. How adorable.

Umuwi rin naman agad ako dahil sa pagtawag sa akin ni Tres.

“Mom is mad. She told me to settle your problem with your girl.” sabi nito sa kabilang linya.

“Why? What happened?”

“Lumagpas na sa utak ang sayad ng girlfriend mo. Halos tumira na rito at hihintayin ka raw. Ang sabi ni Mommy, wala ka raw kwentang boyfriend.”

Nahilot ko ang aking sintido. Dapat pala hiniwalayan ko muna ito bago pumunta rito. I thought escaping was a good idea. Tss.

“Anong sabi mo kay Mommy?”

“I told her she’s right about you.”

I tsked. “Uuwi na kami bukas.”

Iyon nga ang ginawa ko pagkauwi. Plus, highschool na ako. I am growing up and I don’t want a relationship like that.

“Iyong tuko mong ex-girlfriend nagtatanong tungkol sa’yo.” Balita na naman sa akin ni Tres kinaumagahan pagkagising ko. Nadatnan ko siya rito sa kusina, tamad na nakasandal sa upuan at hindi pa nagagalaw ang pagkain.

Maybe it was Dana. Para rin kasi iyong tuko kung makakapit sa akin. Halos idikit sa akin ang kanyang katawan.

“And?” tanong ko. Nasa ref ang atensyon, naglalabas ng bottled water.

“Ang sabi ko buhay ka pa naman.” He lazily replied. This guy is such a jerk. Siguro noong nagbubuntis si Mommy sa kanya, puro sama ng loob ang pinagdadaanan kaya naging ganyan ang mindset niya.

“You should have said better than that, man.” Sabi ko, umupo narin doon.

Sumubo siya, tiningnan ako gamit ang mga mata niyang blangko.

“Like what? Na h’wag ng maghabol sa kagaya mo para hindi mawalan ng direksyon ang buhay niya?”

Napangiwi ako. Hindi talaga ito marunong magcomfort ng babae.

“Dapat pinagaan mo ang loob niya. She’s brokenhearted. You could have at least say something nice.” Maagap kong sabi.

Sumubo siyang muli. Hindi makikita sa mukha ang pagiging interesado sa babae.

“She’s lucky. Hiwalay na kayo. That’s a relief. Kaya ba’t ko pa pagagaanin ang loob niya?” Kibit balikat niya na ikinailing ko nalang. He’s hopeless.

“Heartless.” Sambit ko nalang.

Naging normal sa akin ang pagkakaroon ng girlfriend. At normal narin sa akin iyong break-ups. Wala naman talaga akong standards. Kung gusto ko ang babae at gusto naman ako, yun na iyon. I never dreamed of someone I know I can’t have. At lahat rin naman, nagugustuhan ako.

Well I admit I like Addi. Siguro, nasanay ako sa pinapakita niya. Iyong pagiging clingy niya sa akin. Naattached ako lalo na’t pinapamukha niya sa akin na gusto niya ako. Maybe that’s the reason why I fell. For the first time, I got brokenhearted.

Noong nagcollege ako, si Christine ang naging pinakamatagal kong naging karelasyon sa lahat ng dumaang babae sa akin. We’re on our way celebrating our first monthsarry. Dinala ko pa ito sa bukid.

Nakita kong muli ang batang madalas sa hacienda simula noong huling tatlong taon naming pagkikita. She changed a bit. Matangkad na ito, medyo nahuhubog na ang katawan at mas gumanda pa. She’s 15 now I guess.

“May kailangan ka?” I asked. Pumapaibabaw na naman ang maamo nitong mukha. Sa ilang sigundo, nakalimutan ko ang girlfriend kong nakahubad roon sa taas. I just want to stay here and talk to her about random stuff.

“Uh, si Lolo Dancio. Hinahanap ko…” she said as her eyes wandered from place to place, hindi iyon maipirmi. I even caught her looking at my abs. I smirked slyly.

“Nasa bayan. Uuwi agad iyon. Pwede kang pumasok.” Pag-anyaya ko sa kanya sa loob.

Kung hindi lang dahil sa pag-iinarte nitong si Christine ay hindi agad ako mapapauwi sa bukid. Gusto ko pa sanang manatili roon ng ilang araw pa. Mukhang nagugustuhan ko ang tanawin…

Pagkauwi namin, hiniwalayan ko rin naman agad ito. At simula ng araw na iyon ay hindi na ako nagkagirlfriend pa. Naging busy rin ako sa kinuha kong kurso.

Ganoon rin naman ang mga nagiging girlfriend ko. Iyong mga nagkakagusto sa akin. At pag nakita kong okay naman, then I’m game. Kami na agad.

Ganoon ang pananaw ko. Na kung gaano kadali makuha ang mga babae, ganoon rin sila kadaling bitawan. Siguro, naging hobby ko na ang lumandi at tapusin agad. I hate long term relationship. Nagiging clingy na kasi ito at masyado ng madrama.

Pagkatapos kong makapag-aral, nagdesisyon akong imanage nalang ang lupain namin sa bukid. I need to sacrifice for my brother Dos. Total, mukhang may patutunguhan na ang buhay nitong inaaksaya niya sa kawalanghiyaan niya. Bukod kasi sa dalawang kapatid ko na walang interes roon, ako lang rin itong responsable. Ang dalawa sakit sa ulo lang at hindi ko alam kung may mga direksyon ba ang buhay.

Kahit na ayoko talaga sa lugar na iyon. Masyadong boring. I am a city boy. Lumaki na ako roon. Naexpose sa mga modernong bagay na wala rito sa bukid. And I don’t like veggies at all.

Namulaklak ng maganda ang mga halaman sa bakuran dahil narin siguro sa pagdidilig noong batang babae na nagngangalang Aly. Sa tuwing nandito ako, pag nakikita ko ang ganda ng bulaklak ay iyong maamo niyang mukha agad ang sumasagi sa aking utak. At hindi ko nalang namamalayan, napapangiti na pala ako.

“Naliligaw pa ba rito iyong batang babaeng mahilig magdilig ng ating halaman, Manong Dancio?” Tanong ko. Nagpapanggap na wala sa kanya ang buong atensyon at nasa kabayo ang tingin. Hinihila ko ito palabas ng rancho. Mangangabayo ulit ako para matakasan ang mga babaeng panay ang pagpunta rito.

“Ah, si Alyssa. Hindi na gaano e. Kumusta na kaya ang batang iyon?”

“Maybe she’s busy with her studies.” sabi ko, hindi kayang putulin ang topic at gustong makakuha ng impormasyon tungkol rito.

“Masyado rin kasing masipag ang batang iyon, Sir. Ang raming sideline. Nakakabilib nga dahil naiiba ito sa lahat ng babae rito. Hindi nahihiya at ginagawa ang lahat makatulong lang sa Lola nito.”

I can’t help not to smile. Maliit lang iyon na detalye sa buhay niya pero nakukuha na nito ang buo kong atensyon.

“Really?”

“Oho Sir! Wala iyong interes sa lalake. Parang walang panahong lumandi.”

I have so much time for that. Hmmm…

It was like watching a beautiful flower bloomed perfectly when I saw her again after how many years early that morning. Akala ko, isa na naman ito sa mga babae, pero nang makita ko ito, nakalimutan ko ang pagtataboy ng bisita sa hacienda. I want her to feel welcomed.

Staring at her image, her body changed alot compared last time when she was still 15. Para itong isang bulaklak. Namukadkad na ng maganda sa paglipas ng panahon at mukhang maraming nabibighaning insekto.

Kaya pala pamilyar sa akin iyong kandidatang may numerong dyes. Kung hindi lang talaga ako nalunod sa pagnanasa ng araw na iyon, siguro… siya ang pagtutuunan ko ng buong pansin. Though she already caught my attention from the first place. But there’s something about her innocent face that I don’t want to ruin. Ayokong masali ko siya sa makamundo kong pagnanasa dahil hindi naman siya nababagay sa mga ganoong bagay.

I never saw the beauty of this place not until I saw her. Ang lugar na hindi ko naman gaanong gusto ay tinuturing ko ng paraiso. And I am getting interested with her lalo na’t nasa tamang edad narin ito.

“Kung inaakala mong matutulad ako roon sa mga babaeng nauuto mo, pwes ako hindi! Kahit siguro bayaran mo ako ng malaki, hinding hindi ako magpapauto sayo!” Singhal niya sa akin. Ang maputlang mukha ay nakukulayan ng pula dahil sa kanyang emosyon.

I badly want to calm her that moment. Gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi naman siya matutulad sa mga babaeng naging nakaraan ko.

She was very sure with her thoughts. Hindi siya nagdadalawang-isip sabihin ang tumatakbo sa kanyang utak. She’s very honest to the point that it fustrates me whenever she thinks that I am just fooling around. I pursued her nonstop. Kung pwedeng bumuntot ako sa kanya araw araw ay gagawin ko. I never been this so fucking clingy towards a girl. Iyong kinaiinisan ko sa mga babae ay hinahangad ko na, na sana ay ganoon siya. Na sana, katulad nila, mabaliw rin ito sa akin at maghabol. I’m badly smitten and it’s making me crazy!

“What did you do to that little girl, Uno?!” Dad scowled at me when I got home. He was a bit angry. Ito ang kauna-unahang magalit siya sa akin ng ganito katindi.

“I heard about the rumor. Hindi ako pumapalag diyan sa mga babaeng hinohotel mo roon. Pero iyong masali si Aly, aba’y labag na iyan sa loob ko. You’re corrupting that little girl’s innocent mind–“Dad. Aly is not a little girl anymore. Please stop calling her like that.” Putol ko sa ama ko ng mahinahon.

“Bakit? Ayaw mong isampal ko sa’yo ang katotohanang bata pa iyang ikinakama mo–“Those were just fucking rumor, Dad. Naghotel kami pero para kumain lang. Nothing happened.” Well… we just made out. At ayoko nang sabihin pa iyon kay Dad.

Kumalma rin naman siya. Naninimbang agad ang mga mata sa akin. Tumikhim ako, nag-iwas ng tingin. I know she likes that girl. Not in a romantic way.

“I’ll fix the issue as soon as I get there.” Paninigurado ko.

“Do you like that girl, Uno?” tanong niya dinidedma ang sinasabi ko.

Umiling ako. “I don’t like her Dad.” Nagkasalubong ang kanyang kilay. “I’m obsessed.” Humalakhak ako.

I am very certain with my feelings towards her. Kahit siguro hindi niya muna suklian dahil alam ko pang bata pa ito at gusto munang makapagtapos ng pag-aaral. Of course, that’s my plan too. I want to see her reach her dreams while I’m guiding her.

“Uno! Good morning!”

If I’m not mistaken, she was Aly’s cousin. Tumango ako, hindi masuklian ang pagkaway niya sa akin, tipid lang na ngiti.

“Uhm,” Isinabit niya ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga habang ngumingiti ng matamis. “Sabi ni Mommy puntahan raw kita at pakiusapan ka na sana ay makipagmerge kayo sa amin. Come to think of it Uno, pumapangalawa kami rito sa may pinakamalaking lupain. At kung magsasanib pwersa ang pamilya natin, hindi ba ay mas maganda iyon?”

I am not interested at all. Kaya noong unang punta niya palang sa hacienda ay kinlaro ko na ang lahat para wala na itong balik-balikan pa rito.

But I was wrong. Palagi siyang bumabalik at inoopen-up iyong merging. Minsan, nalilihis na ang kanyang topic at napupunta sa kanyang pinsan.

“H’wag ka ngang nagpapauto roon sa pinsan ko. Balita ko pa naman dikit nang dikit iyon sa’yo–“I am the one whose clingy. And I hope she’s like that too.” Pagtatama ko sa kanya na ikinagulat nito.

“Huh? Hindi kaya ay nagayuma ka?” She asked like it was a big joke for her.

“Kung ano mang tawag sa kahibangang ito, magpapaalipin ako.” Tumayo ako, tuluyang winawakasan ang diskusyon. “Now, kindly leave. I have so many things to do.”

I am aware about her feelings towards me. Na kaya niya kinamumuhian ang kanyang pinsan dahil rin naman sa namamagitan sa aming dalawa.

I don’t care about being used, damn it! Kung iyon lang rin ang paraan para mas dumikit pa sa akin si Aly, then I’m willing to use all my treasure as a bait. Kahit na alam ko namang hindi siya ganoong klaseng babae. I just want her so bad…

Literal atang nabasag ang aking puso noong nagdesisyon siyang lisanin ang lugar. I never felt this kind of pain towards a girl. Sanay ako sa mga normal na break-ups, pero tangina lang! Hindi pa nga kami pero ganito na kasakit. Feels like I lost all the pieces of my broken heart.

Maybe, because of what happened, I became heartless. Pagdating kay Aly, naisasantabi ko talaga ang awa sa iba maipagtanggol lang ito.

“Uno! I am expecting your presence. But I’m glad you’re here so we can takle about something important. May offer ako.” Bungad sa akin ng ina ni Lhuella nang napagdesisyunan kong pumunta sa bahay nila.

“Was it about the land you keep from her? Itinatago mo sa kanya ang totoo.” Seryoso kong sabi na ikinaputla nito.

“Aly is still young to handle the land, Uno. She’s very immature. At isa pa, wala siyang sapat na kaalaman pagdating sa negosyo. Baka malugi lang ang lupain ni Mama.” paliwanag nito, may namumuong pawis sa noo na mabilis niyang pinupunasan.

“That’s why I’m guiding her.”

“Anak ako Uno. Apo lamang siya. At may mas karapatan ako.” Giit nito, nababahiran na ng galit ang mukha.

Sumandal ako roon sa railing ng kanilang veranda at ipinag-ekis ang mga hita. Mapapansin ang pagiging uneasy niya dahil sa ekspresyon ng mukha kong hindi nagbabago.

“But if you really want that land so bad, then marry my daughter first. At bilang kapalit, sa’yo na ang lupa.” She said proudly.

Nailing narin ako. Napangisi. Iyong ngisi na walang natural na tuwa. Isang nakakalokong ngisi.

“I have my own way to get what I want for my girl.” Tumayo ako, ibinulsa ang mga kamay. “I’ll give you a battle then.”

Napaatras ito sa pagkagulat. Hindi na lubusang mailarawan ang gumuguhit na takot sa mukha.

“A-Are you kidding me? You can’t do that.” Sa namumutlang mukha, mga matang kumikislap sa takot, nanginginig na labi, hindi makapaniwala sa binitiwan kong salita.

“I am always at my worst just to give what’s best for her. I’ll have it in any ways I know.”

Nasettle ko iyong lupain bago tuluyang nagdesisyong sundan ito sa syudad. Mabait pa naman ako lalo na’t nakatira parin sila doon sa lupaing hindi na kanila. I left them with nothing. Ngayon ay namamasukan na ang kanyang asawa sa isang kompanyang itinayo noong tindero lang noon ng barbeque.

“Nabagot kana sa pagiging vegetarian mo?” Salubong sa akin ni Tres nang magdesisyon akong umuwi sa syudad. Wala bang kinabi-busyhan ang lalakeng ito?

“May importante lang akong aasikasuhin.”

I hired a secret bodyguards for her. Gusto kong palagi akong updated sa pinaggagawa nito at walang makakaligtaan sa buhay niya.

“NagBar sila noong mga kaibigan niya noong isang araw, Sir. At kahapon naman, nasa cafe sila.” Balita sa akin ng bodyguard ni Aly at inilapag ang mga pictures nito na akma sa pinagsasabi niya sa akin.

“Walang nagtangkang lumapit na lalake?”

“Meron Sir. Pero mabilis naman naming naharang.”

Fuck. I want to break their neck seriously.

She’s having a great time while studying. Nagiging negosyante ang prinsesa ko at walang panahon para sa ibang lalakeng nagkakagusto sa kanya. Hindi narin nabibigyan ng tsansa ang mga ito dahil kahit sa loob, binayaran ko iyong isang gwardya para bantayan ito.

“Iyong account na iniutos mo sa akin nagawa ko na. I already sent the email and password.” Sabi sa akin ni Tres habang busy ako sa kakatingin ng mga stolen pictures ni Aly.

Binuksan ko ang kanyang mensahe at napangiwi. “Wan? At Vegetarian?” Napalingon ako sa kanya, hindi mahitsura ang aking mukha.

“Ang sabi mo, iyong hindi ka niya makikilala. Sinunod ko lang ang utos mo.” sagot niya, nasa libro ang buong atensyon.

Nailing ako at ginamit nalang iyong account.

Bumabalik rin naman ako sa bukid. Pinapalago ko iyong lupain habang busy siya sa kanyang pag-aaral.

“Uno. Can we talk?” Nadatnan ko na naman si Lhuella rito sa Resthouse kinaumagahan. She’s been very persistent this past few days when I came back.

Katulad ng ginagawa ko, pinapauwi ko ito sa kanila. Kaya iyong makita ko siya sa madilim na bahagi ng lupain, yakap ang sarili at halatang giniginaw, bumaba ako sa kabayo. Gabi na at nandito parin ito. Plus, the weather is not good. Mukhang nagbabadya ito ng malakas na ulan kaya ganito nalang kalamig ang ihip ng hangin.

Nabuhayan agad ng loob ang mga mata niya nang makita ako. Mabilis ang kanyang hakbang palapit sa akin.

“Uno! Please! Give me a chance! I can be like her! No, pwede ko siyang higitan! Just please…” She said pleading while following me.

“Umuwi kana Lhuella. Walang magbabago sa desisyon ko. Wala kang puso noong siniraan mo siya sa iba. Ngayon, tingin mo magiging mabait ako para lang pagbigyan ka?”

Her tears started to fell like a waterfall.

“Umuwi kana ngayong may katiting pang awa sa loob ko para sa’yo. You’re her cousin after all.”

Tinalikuran ko ito at nagsimulang humakbang. Ang gusto ko nalang ngayon ay makapasok sa Resthouse.

Lhuella chased me. She was crying mess until I heard her loud voice screaming about something.

“Uno!”

Nilingon ko ito at nakita itong takot na takot ang mukha habang nakatingin sa mga hita niyang may dumadaloy na dugo.

Dala ng stress, nalaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan. I felt her pain while crying with her. If only I knew that she was pregnant.

Dala ng nangyari, tinulungan ko itong makarecover sa depresyon. She became dependent with me. Iyon narin ang parusa ko sa aking sarili dahil sa pagiging makasarili ko. Nagpapacouncilling rin ito para mas mamonitor siya. I blamed myself. What if I entertained her that day? Buhay pa ba ang anak niya hanggang ngayon?

Natakot akong umabot ang balitang iyon kay Aly. Will she still love me? Ni hindi nga ako sigurado sa nararamdaman ng babaeng iyon sa akin tapos kakamuhian niya pa ako.

Pain will leave you, when you let go. But I’d rather suffer in pain than let her go.

Naging makasarili ako. Ginamit ko ang lupain para lang mapanatili siya sa tabi ko at makumpirma ang nararamdaman nito para sa akin. Siguro naman, kalaunan ay matututunan niya rin akong mahalin.

And I guess, the pain is worth it.

“Papakyawin ko na itong paninda niyo at ipakain niyo po roon sa babaeng sobrang puti na madalas bumili rito.” Sabi ko sa matandang vendor na kinakainan ni Aly.

“Iyong matakaw sa kwek-kwek ko? Iyong sobrang puti, madaldal, maganda at mabait hijo?”

Tumango ako, napapangiti sa paglalarawan niya sa mahal ko.

“Madalas iyong magkwento habang kumakain. Mukhang ayaw ata sa kanya noong asawa ng ama niya. Bilib nga ako sa batang iyon. Kahit mukhang galing ito sa kakaiyak, nagagawa paring ngumiti kahit mugto ang mga mata. Malungkot ata ang girlfriend mo, hijo.”

Ano bang meron sa mga taong nadidikit sa kanya at palaging pinapakitunguhan ito ng hindi maganda?

Lately, napapansin ko nga na may mali sa babaeng iyon. Simula noong dumating siya rito kasama ang Papa niya, palagi nalang namumugto ang kanyang mga mata na para bang magdamag itong umiiyak. Hindi kaya ay inaapi siya noong asawa ng kanyang Papa? Hindi naman umiiyak ang babaeng iyon kung hindi mabigat ang dinaramdam. She can handle her emotions too well. She’s a bit weird last time. What’s happening?

“Did your suit enjoy the wine?” Tanong ko sa lalakeng nangahas pumorma kay Aly sa party.

“Ikaw iyong bumangga sa akin kanina?” Galit nitong tanong.

“Namimilit ka ng babaeng ayaw naman sa’yo.” Deklara ko na mas ikinaguhit ng matinding galit sa mukha.

“Sino ka ba? ’Tsaka anong pakialam mo? We’re going to get married anyway. Napagkasunduan na iyon ng mga magulang namin.” Maangas nitong sabi na ikinaigting ng panga ko. Ipinagmamalaki niya sa akin ang isang bagay na alam kong ako dapat.

“Really? Mukhang hindi naman inlove sa’yo iyong babae.” Kalmado kong sabi, pinipilit magtimpi kahit na gusto ko na itong kwelyuhan at paduguin ang labi. He’s saying nonsense.

“She’s eventually going to love me. Mayaman ako. Gwapo. Alam ko namang pakipot lang iyon sa umpisa. Pero sa huli, hindi ako noon aayawan.” Pagmamalaki nito.

I sighed. “I want to marry her too. Mayaman rin naman ako kahit papaano. At may hitsura rin.”

“Nauna ako sa kanya. I’m sorry dude. That hot chick is mine.” He said cockily.

I can’t let this slip. Ang mayabang na ito masyadong malaki ang kumpyansa sa sarili.

“Why not let’s settle this through bidding?” Panghahamon ko. “How much money are you willing to spend for that girl?”

“Seryoso ka ba?” Humalakhak ito. “Baka mapahiya ka.” dagdag niya.

Nagkibit ako ng balikat.

“Let’s have a deal. Kung nanalo ka, hindi na ako makikipagkompetensya sa’yo. Pero kung nanalo ako, dumistansya ka para di kita mabalian ng buto.”

Alam ko namang hindi na ito kailangan dahil ako ang pakakasalan ni Aly. Pero mukhang desperado ang mayabang na iyon kaya tatapatan ko narin ng kayabangan.

“What happened to her, son?!” Mom asked me while crying.

“I don’t know Mom. She just… fainted.” Namumutla kong paliwanag, hinihintay ang sasabihing resulta ng doktor.

I coudn’t think straight. Nawawala ako sa aking sarili kakaisip kung okay na ba ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding takot sa buong buhay ko.

Lumabas ang doktor. Lahat kami ay nag-aabang sa sasabihin nito. Alalang-alala ang Papa niya at kanina pa tulala. Ni hindi ito umiimik at nasa emergency room lamang ang tingin.

Agad ko itong nilapitan. Hindi na makapaghintay. “How is she? Tell me she’s already okay.”

“Calm down Mr. Buenaventura. The patient is okay now. Dala ng matinding stress kaya ito nahimatay…”

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ibinalita nito pero may naiiwan paring pag-aalala.

“The baby is safe too. Just be extra careful next time. Avoid making her stress. Baka mapano ang batang nasa sinapupunan niya.”

I stiffened for a moment. She’s pregnant?

“Oh my gosh! Oh my gosh!” My mom said dramatically, shaking her both hands.

“Buntis ang anak ko?” Halos hindi rin makapaniwala iyong Papa niya.

Kaya ba may kakaiba sa kanya nitong mga nagdaang-araw? Nagiging emosyonal ito at mas nagiging clingy sa akin. Dapat, iyong niyaya niya akong itanan ko siya ay naghinala na ako. She’s not like that. Di naman iyon masyadong demanding sa akin. Kung alam ko lang na mangyayari ito, tinanan ko na siya. Baka sakaling hindi siya nastress ng ganito.

“Son.” Tawag sa akin ni Dad pero parang wala akong naririnig dahil sa pinag-iisip ko.

I felt happy and scared at the same time. Did we almost lost the child? Paano kung hindi ko agad siya naisugod sa hospital?

Memories flashed through my mind like a wind. Lhuella lost her child because of so much stress. Nakaramdam ako ng takot bigla.

“She was carrying my child and you were giving her a hard time.” I clenched my fist, glaring at her father. Maputla na ito dahil narin siguro may ediya siya kung ba’t nastress iyang anak niya.

“H-Hindi ko alam–“Maybe fate was on your side. Pasalamat nalang kayo at nasa mabuting kalagayan na ang mag-ina ko. Dahil kung may nangyaring masama sa kanya, siguradong sa prisinto ang bagsak ko dahil sa magagawa ko sa inyong dalawa.”

His wife trembled after hearing my words. Kapwa namumutla ang dalawa. Na kahit ang ama nito ay halatang guilty.

That’s my sign. Na bununtisin ko talaga ito para lang maipamukha sa kanya ang pagmamahal ko.

Remembering all our past were all worth it while I’m watching her walked the aisle. Ang lahat ng mga sakit, lahat ng nangyari ay pinatatag lang ako. Na isa iyong hamon sa akin kung hanggang saan itong nararamdaman ko sa kanya. At hinding hindi ko iyon pagsisisihan. Na kung babalik man ako sa nakaraan ay mauulit lang ang lahat.

“Hindi ka ba talaga magsisisi na ako ang pakakasalan mo? May chance ka pang magback-out.” She whispered to me, teary eyed as I opened the belo of her wedding gown.

Marahan akong natawa. Siguro ay nagmomoodswing na naman ito na kahit nandito na kami sa harap ng altar ay gusto paring makasiguro.

“Why would I even back-out?”

“Baka dahil sa huli, m-marealize mo rin na may mas better pa pala sa akin…” She said innocently, naluluha na naman. My pregnant baby is such a moody.

Hinaplos ko ang kanyang baba, nilalapit lalo ang mukha sa kanya. “But baby, you’re the best. And I love being inlove with you. This is my happiness.” Buong kasiguraduhan kong sabi, pilit binubura sa kanyang utak ang kanyang mga alalahanin.

“You may now kiss the bride.” Anunsyo ni Father.

Marahan kong inilapat sa kanya ang aking labi at binigyan ito ng halik. Naging maingay dahil sa palakpakan. Pero bukod doon, gumagawa rin ng ingay ang kalabog ng aking puso dahil sa wakas, asawa ko na ang babaeng hinangad kong makasama habang-buhay.

Tuluyang bumuhos ang kanyang luha. Natatawa ko iyong pinalis dahil hindi na naman ito maawat sa kakaiyak.

After the wedding ceremony,dumeritso rin kami sa aming honeymoon. I am carrying her in a bridal style while kissing her hanggang sa maibaba ko ito sa kama.

“Siguro, plinano mo rin na pakasalan ako sa edad na 23 no?” Tanong niya.

Napangisi ako roon. “I want to fulfill your signs. Ang rami mong hinihinging senyales.” Nailing ako habang niluluwagan ang neck tie na suot at nakadagan sa kanya.

“Eh kasi naman, gusto ko talagang makasiguro. Di ko naman alam sa umpisa na ikaw pala talaga…” Namumula ang kanyang pisngi at nag-iwas ng tingin.

“Buti pa ako tatlo lang. At iyong isa palang ang tutuparin ko.”

Napakurap siya. “Huh? A-Akala ko ba hindi ka mahilig sa senyales?!”

“I am not asking signs like you. Iyong akin, binibigay ko sa’yo ang mga senyales ko na mahal kita.”

“Katulad ng?”

“You’re already pregnant…” I caresses her tummy making her moan. This is how I affect her.

“Eh yung pangalawa?” Tanong niya, nawiwili sa paghaplos ko.

I held her hand, caressing it. “I married you…”

“Eh iyong huli?”

“Loving you forever.” Hinalikan ko ito. “Keep my signs. So you better keep me. Just like how I want to keep you forever.”

With so much love, I gave her the sweetest kiss I can ever give. The only sign of love my lips can give.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.