Ganoon Kita Kamahal COMPLETED (Published by PHR)
Marthacecilia Phr · 21 chapters · 25,648 words
Chapter 1
M ALAMIG na ang ihip ng hangin at nakadarama na ng pangangaligkig si Judy. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ang marmol sa paanan. Wala na siyang iiyak sa mga sandaling iyon. Sa loob ng apat na araw ay natuyo nang lahat ang mga luha niya.
Manuel Estrella, died February 20…
Isang buwan na halos ang nakararaan nang atakihin sa puso si Manuel Estrella, ang kanyang lolo. Nagtagal ito sa ICU nang mahigit isang buwan at namatay dm sa bandanghuli.
Nitong huling anim na taon ng buhay niya ay si Manuel ang kanyang kasa-kasama. Sa lungkot at ligaya ay katuwang niya si Manuel. Hindi naging sagabal ang layo ng agwat ng edad nilang dalawa.
Kung tutuusin, hindi lang anim na taon silang magkasama ni Manuel. Nang mamatay ang daddy niya, si Abelardo, noong katorse anyos pa lamang siya ay si Manuel na rin ang tumayong ama maliban pa sa pagiging lolo.
At ngayon nga ay malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala sa pagkamatay nito. Ngayon niya tunay na nadama na nag-iisa na lamang siyang tuluyan.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Judy bago humakbang palayo sa memorial lot, patungo sa segunda mano niyang kotse na nakaparada sa ilalim ng punong akasya. Bago siya pumasok ay malungkot na tinapunan ng huling tanaw ang kinahimlayan ng lolo. Mula sa sandaling iyon ay mag-isa na lamang siya.
Hindi sinasadyang napatingin siya sa kanang bahagi ng park. Kanina pa niya nararamdamang may nagmamasid sa kanya. At hindi siya nagkamali.
Isang lalaking nakasandal sa sasakyan nito ang nakatingin sa kanya. Hindi niya mamukhaan dahil may kalayuan pero alam niyang sa kanya ito nakatingin.
Gaano na ba ito katagal nagmamasid? May dinadalaw ba itong kamag-anak na namatay? Hindi marahil, sagot rin niya sa sarili. Nasa ilalim ng isang puno ang lalaki. Iniwas niya agad ang tingin dito at binilisan ang paghakbang patungo sa sariling sasakyan.
Mabilis niyang binuksan ang pinto at agad na ini-start ang ignition. Dalawa, tatlong ikot ng susi pero ayaw. Muling ini-start pero ayaw pa rin.
Napaungol ang dalaga.
“Huwag mong sabihing ngayon ka pa magloloko,” usal niya. Bukod sa segunda mano niyang nabili ay 1989 model pa ang Toyota niyang iyon. Kung hindi sana malaki ang nagastos niya sa pagpapaospital sa lolo, disin sana’y nakabili siya ng bagong Honda Civic. Ganoon pa man ay hindi niya pinagsisisihan ang malaking halagang nagugol niya sa matanda. Utang niya rito ang kinalalagyan niya ngayon.
Pinag-aral siya ni Manuel sa pamamagitan ng pensiyon nito. Bukod doon ay isinanla nito sa bangko ang malaking solar nila at pinatayuan ng duplex upang paupahan, nang sa ganoon ay makadagdag sa pagkukunan nila at matustusan ang kanyang pag-aaral. Isang alambreng bakod lamang ang nakapagitan sa malaking bahay nilang tinitirhan at sa duplex.
Muli niyang itinuon ang pansin sa pagpapaandar ng kotse pero kahit na anong gawin niya’y talagang ayaw. Ang siste pa nito ay wala siyang alam sa kotse maliban sa mag-drive.
“Umandar ka naman, please. Dumidilim na at ako na lang mag-isa dito sa park.”
Lumabas siya ng kotse upang tingnan ang makina kahit na wala siyang alam. Pag-angat niya ng mukha ay napuna niyang ang lalaking nakasandal sa sasakyan nito ay humakbang papalapit sa kinaroroonan niya.
Sa halip na buksan ang hood ay mabilis na nagbalik sa loob ng kotse si Judy, paano ay gabi na kasi. Ini-lock niya ang mga pinto ng kotse.
“Please, makisama ka naman, pangako, bukas na bukas din ay dadalhin kita sa primera klaseng talyer. At kahit lumabas lang tayo dito sa memorial park hanggang doon sa maraming tao…” maiiyak niyang usal.
Sa sulok ng mga mata ni Judy ay alam niyang palapit na sa kanya ang lalaki. At kahit nang nasa harap na ng kotse ang lalaki ay hindi siya nagbukas ng bintana. Hindi niya ito tinitingnan upang maisip ng lalaki na hindi niya gustong lapitan o kausapin siya nito. Lalo niyang minadali ang pagpihit sa ignition.
Kinatok ng lalaki ang salamin sa harap niya. Wala sa loob na napatingin si Judy. Tumuloy ang lalaki sa may hood at walang sabi-sabing binuksan. Lalong kinabahan si Judy. Ano ang ginagawa ng lalaking ito? Luminga siya sa paligid sa pagbabakasakaling may ibang tao siyang makita ngunit sa malas ay wala
Gusto niyang mag-usisa ngunit hindi niya magawa.
Kung bakit kasi ginabi siya ngayon?
Makalipas ang ilang sandali ay ibinaba ng lalaki ang hood at sinenyasan siya para i-start ang kotse. Bagaman nabigla ay ginawa ng dalaga ang isinenyas nito. Nakahinga siya nang maluwag nang mabuhay ang makina.
Nang makabuwelo at mapuna mula sa rear view mirror na hindi tumitinag ang lalaki sa kinatatayuan nito ay binuksan niya ang salamin at nilingon ito
“Thank you,” aniya at mabilis na pinatakbo ang sasakyan dahil natatakot pa rin siya kahit paano.
“You’re being ungrateful, Judy Estrella,” aniya sa sarili nang makalayo at nasa highway na.
“Perhaps,” sagot din niya. “Pero mabuti na ang nag- iingat. Mahirap ang magtiwala sa kahit na kaninong tao ngayon lalo at estranghero.” Pilit niyang inaaninaw sa isip ang anyo ng lalaki pero hindi iyon marehistro sa kanyang isip Hindi niya kasi gaanong natitigan dahil natatakot siya. Pero malaking lalaki iyon, sa tantiya niya.
Hanggang makarating siya sa kanilang bahay.
“Bakit ngayon ka lang, Judy? Alas sais y media na,” anang matanda nang makababa siya ng sasakyan.
“Nagloko na naman ang kotse ko, Nana Mameng. Mabuti na lang at…” Sasabihin sana niyang may nagmagandang-loob na kalikutin ang makina ng kotse nang magbago ang isip. “… napaandar ko rin naman.”
“Nadadalas yata ang pagtirik ng sasakyan mo?
Patingnan mo na nga sa talyer.“
“Oo nga ho. Bukas din ay idadaan ko iyan sa talyer.” Papasok na sana siya nang isang kotse ang huminto sa gate nila. Napalingon silang pareho ni Nana Mameng.
’May bisita yata tayo, Judy. Baka isang atrasadong nakikiramay.“
Hindi nakuhang sumagot ng dalaga nang bumaba mula sa kotse ang sakay. Bagaman hindi niya namumukhaan ay alam niyang ang lalaki sa park ang dumating. Nagsalubong ang mga kilay niya.
Sinundan ba siya nito? Bakit hindi niya napunang kasunod niya ang lalaki?
“Papapasukin ko ba, Judy?”
“Hindi kailangan, Nana Mameng,” sagot niya sa naiinis na tono. “Kung nakikiramay sa lolo o kaibigan, sabihin ninyong nailibing na. Papasok na ako sa loob, masakit an gulo ko.” Mabilis siyang humakbang papasok.
Kung kaibigan ito ng lolo niya ay dapat na kanina pa siya nilapitan habang maraming tao. Walang dahilan para makipag-usap siya. Napasalamatan na niya ito kanina. Lumang trick na ang ginawa nito para lamang makilala siya. Sanay na siya sa paraan ng mga lalaki makilala lamang siya.
Pagkapasok pa lamang ay gusto nang magtubig ng mga mata niya. Wala na talaga ang Lolo Manuel niya. Wala na ang taong karamay niya sa lahat.
Sinulyapan niya ang malaking larawan nitong nakasabit sa dingding katabi ng larawan niya. Malungkot siyang napangiti. Hindi madaling isiping iniwan na siya nito.
“Judy, pinapasok ko si —”
“Salamat ho, Aling Mameng. Iwan na ninyo kami ni Judy,” utos ng lalaki sa malamig at matigas na tono.
Mabilis na pumasok sa loob ang matanda na bahagyang nailang sa awtorisadong pag-uutos ng lalaki.
Halos magdikit ang mga kilay ng dalaga.
“Ano ang kailangan mo sa akin at sinundan mo ako rito?” tanong niya sa pormal na tono.
“Hindi ko akalaing ang paboritong cover ng mga magazine ay walang modo. O baka naman dahil sikat kang modelo ay namimili ka ng kausap,” pagalit nitong sinabi.
Bahagyang napahiya ang dalaga sa sinabi nito. Sandali niyang nilingon ang lalaki pagkatapos ay muling ibinalik sa portrait ni Manuel Estrella ang mga mata.
“I’m sorry. Karaniwan na’y hindi ako ganito. Pagod ako. Gusto kong magpahinga. Kung ahente ka ng insurance o isa sa mga empleyado ng bangko ay sa ibang araw na tayo mag-usap,” aniya sa mababang tono bilang pagbawi.
Pagod siya, puyat, magulo ang isip, hindi niya kailangan ang makipag-usap sa mga sandaling ito. Natitiyak niyang isa marahil itong taga-bangko at ipaaalam sa kanya na minana niya ang utang ng kanyang lolo.
“Hindi ba mas mabuting itanong mo muna kung sino ako?”
“Hindi ako interesado.” Nilingon niya ang lalaki. Nakita niya ang pagtiim ng mukha nito at ang paniningkit ng mga mata sa kanyang sinabi.
Bigla ay bumangon ang matinding kaba sa dibdib ni Judy. May kung ano’ng ibinabadya ang mukha ng lalaki na nagpipilit sumiksik sa isip niya.
Mga alaala. Mga alaalang matagal na niyang ibinaon sa limot. Sunod-sunod angpagtahip ng dibdib niya.
Kulay-bukayo ang balat ng lalaki. Mataas and defi-nitely attractive. Maraming lalaki ang magpipilit na mapasakanila ang mukha nito na tila nililok sa tanso ng bihasang iskultor. Bahagyang nakataas ang sulok ng mga labi sa inis marahil sa kanya. Ang suot nito mula sa pale yellow poloshirt hanggang sa paa ay nagbabadya ng karangyaan bagaman wala kahit na anong alahas ang lalaki maliban sa relo.
Kung nakatitig siya rito ay ganoon din ito sa kanya. Tila siya hinihipnotismo ng mga mata nito. The handsome face lifted arrogantly.
“I can see that. The mere fact na hindi ka dumarating sa dalawang telegramang ipinadala sa iyo…” matabang nitong sagot.
Lumilinaw na sa isip niya kung sino ang lalaki.
“I can see you have changed a lot, Judy. From a beautiful teenager to a stunning woman…” wika nito sa malamig na tono at tumingala sa poster niya. Ilang segundong hinagod nito ng tingin ang magandang poster ng dalaga at pagkatapos ay bumalik sa kanya ang titig nito. “…but I can recognize you anywhere, anytime…” dugtong ng lalaki kasabay ng bahagyang pagtaas ng isang sulok ng bibig. “But I don’t think I have changed a bit para hindi mo makilala. Although six years is quite a long time…”
Itinulos sa kinatatayuan si Judy kasabay ng panlalaki ng mga mata at paghugot ng hininga.
Jose Luis Esmeralda!
Napapikit ang dalaga. Jose Luis Esmeralda. Jolo sa mga kakilala at kaibigan pero hindi sa kanya. Minsan man ay hindi niya ito tinawag ng Jolo Luis. Iyon ang tawag niya rito.
Si Jose Luis ay panganay na anak ng stepfather niyang si Anselmo. Ang asawang kauli ng mommy niya.
Ganoon na ba katagal ang nakaraan at hindi niya namukhaan ang lalaki? O talaga lang na matindi ang paninimdim niya sa pagkamatay ng lolo at hindi niya ito namukhaan kahit kanina sa park? Anim na taon pero tama ang sinasabi ng lalaki, wala itong gaanong ipinagbago mula nang una niya itong makita noong beinte tres anyos pa lamang ito and she was a starry-eyed sixteen-year old.
The same arrogance was still very obvious sa tono at anyo nito. Ang anim na taong nagdaan ay lalo lamang nagdagdag sa karakter nito. Naging prominente ang spanish features. Ang itim na itim na mga kilay at mga mata na tila tutunawin ang mga buto mo kapag tumitig.
“Sa wakas, nakaalala ka. Salamat naman.” Alam ni Judy na nanunuya ito. Walang bago roon. Six years ago, ganoon din ito kung kausapin siya.
Sa nanginginig na mga tuhod ay humakbang patungo sa chest cabinet ang dalaga at binuksan ang top drawer. Isang nakabukas na kaha ng Marlboro at disposable lighter ang naroon. Kumuha ng isang stick ang dalaga at sinindihan. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa lalaki at hindi nito nahahalata angpanginginig ng mga daliri niya.
’“So, you still smoke,” sinabayan nito ng iling ang banayad na pagpalatak. Naroon ang matindmg disgusto. “Paano mo napanatili ang pino at makinis na kutis gayong mula nang makilala kita ay naninigarilyo ka na?”
“Hindi mo ako kilala, Jose Luis Esmeralda!” aniya sa malamig na tono. “Wala pang apat na buwan tavong nagkasama.” Hindi niya sasabihin ditong isa sa mga bisitang nakiramay ang nakaiwan ng sigarilyo at lighter na iniligpit niya. Hindi rin niya sasabihin ditong hindi naman talaga siya naninigarilyo. Sadya niyang ipinaniwala sa lalaki ang gayon upang makaagapay sa mga kaibigan nitong babae noon na pawang kasingyaman din nito. Sa kabaliwan niyang mapansin ng lalaki.
Nagkaroon siya ng matinding crush dito unang araw pa lamang na ipakilala siya ni Anselmo sa panganay nitong anak.
Tumiim ang mukha ng lalaki. “Siguro nga ay hindi kita kilala. Anyway, tanggapin mo ang pakikiramay ko sa pagkamatay ng lolo mo, Judy. Dumating ako rito kaninang umaga at walang tao. Ang sabi ng kapitbahay ninyo’y kasalukuyang inililibing ang lolo mo. Itinuro nito ang memorial park. I followed you there. Kanina pa ako roon at hinintay kong matapos ang pamimighati mo bago ako lumapit. I scared you, didn’t I?”
“H-hindi ako nakikipag-usap sa mga… estranghero…” pautal niyang sagot. Umiwas ng tingin, humitit ng sigarilyo at marahang nagbuga ng usok.
“I’m glad you have that sense. But I am no stranger, Judy. You are my stepsister…”
“Hindi kita kaano-ano, Jose Luis Esmeralda!”
“Anak ako ng asawa ng ina mo. Ipinaaalala ko kung nalilimutan mo…” Pinagdiinan nito ang sinasabi.
Pinuno ni Judy ng hangin ang dibdib at hinarap ang lalaki. “Bakit ka narito, Luis? Surely, hindi para lang sabihing anak ka ng asawa ni Dorina?”
Sinalubong ng lalaki ang titig niya at ilang sandaling nanatili sa mukha niya ang mga mata nito. Kusa siyang umiwas.
“I’m taking you back home, Judy Estrella,” maawtoridad nitong sabi.
Marahas na napalingon dito si Judy. “Ano?!”
Chapter 2
“A NG unang dahilan ng pagparito ko ay para himukin kang magbakasyon lamang ng ilang linggo,” patuloy nito na binale-wala ang pagkabigla niya. “Pero ngayong nalaman kong patay na ang lolo mo ay napagpasiyahan kong iuwi ka na lang “
“You must be out of your mind, Jose Luis!” bulyaw niya. “Anong iuwi ang pinagsasabi mo? Tagarito ako at hindi taga-Zamboanga!”
“Naroon si Dorina, Judy, ang mommy mo. Hindi mo maaaring kalimutan iyon “
“To tell you frankly, nakalimutan ko na. At huwag mong ipaalala sa akin. Hindi ko gustong maalala. Walang dahilan para alalahanin. As of four days ago, nag-iisa na lamang ako,” matigas niyang tugon. “Matagal nang kinalimutan ng… ng… ni Dorina na may anak siya rito at kinalimutan ko na rin—”
“Sinusulatan ka niya pero hindi mo sinasagot “Sinusu…” Napangangang tumingin siya sa binata. “Sinabi niya sa iyo iyan?”
“Yes,” maagap nitong sagot. “Sinabi rin niyang ni isa sa mga sulat niya’y wala kang sinagot.”
“At naniniwala ka?”
“Bakit hindi ko paniniwalaan iyon? Anak ka ni Dorina. Mahal ka niya at nag-aalala siya sa iyo.”
Sandaling hindi makahuma si Judy, ngunit pagkatapos ay bumunghalit na ng malakas na tawa na nakapagpasalubong sa mga kilay ni Luis,
“Tumigil ka, Judy!”
Umiiyak na siya sa pagitan ng pagtawa. Nilapitan siya ni Luis at hinawakan sa magkabilang balikat.
“Tumigil ka sabi!”
Tinabig niya ang dalawang braso nito. “You’re a bigger fool than I thought, Jose Luis Esmeralda,” aniya na huminto sa pagtawa pero dumadaloy ang luha sa pisngi. “Pinaniwala ka ni Dorina na sinusulatan niya ako at naniwala ka naman? Sa loob ng anim na taon, kinalimutan ni Dorina ang existence ko! Sa loob ng isang taon na pagbalik ko rito ay sinusulatan ko siya pero wala akong tinatanggap na sagot kahit na isa. Binaligtad niya ang pangyayari. At wala akong pakialam kung naniniwala ka o hindi. Umaiis ka na lang!” Napaatras siya sa chest cabinet at sumandal doon. Kung hindi ay bibigay ang mga tuhod niya.
Matagal bago nagsalita si Luis. Tinitigan siya na tila inaarok ang sinabi. Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita
“Patay na ang papa. Judy…” tahimik nitong sinabi pero napatiim-bagang. Ganoon din ang lungkot na iglap ding nawala. “Inilibing siya five weeks ago.”
Patay na si Anselmo Esmeralda!
“At tulad ng sinabi ko sa iyo kanina, dalawang telegrama ang ipinadala ko sa address na ito,” patuloy ni Luis.
Hindi niya alam dahil sadyang hindi niya binubuksan ang anumang komunikasyong maaaring dumating mula sa Hacienda Esmeralda.
“Condolence.” Kahit katiting ay walang sinsendad sa tinig niya. “Pareho na lang pala kami ni Dorina na nawalan.”
“Kalalabas lang ni Dorina sa ospital a week ago She’s in shock…‘’
Nagkibit siya ng mga balikat. “Knowing your financial status, you can afford the best doctors “
Hindi pinansin ni Luis ang sinasabi niya. “Six weeks ago ay may dumating na kaibigan si Papa galingng Ma-laysia. Kasama si Dorina at ang isa pang kaibigan. si Mr. Prado, ay pinuntahan nila ito sa bayan nito sa Cotabato. Business ang sadya ng papa at ni Mr. Prado rito. Ang owner-jeep na sinasakyan ng mag-asawa at ni Mr. Prado ay na-ambush ng dalawang armadong lalaki. Pinatay nila ang papa at si Mr. Prado on the spot.”
“Oh!” Sa kabila ng lahat ay hindi mapigilan ng dalaga ang sarili. “I’m sorry. Si… si… ang mommy, ano ang n-nangyari sa kanya?”
Hindi agad nakasagot si Luis. Ipinasok ang dalawang kamay sa mga bulsa ng pantalon at tumingala sa kisame kasabay ng paghinga nang malalim.
“P-paanong nakaligtas ang mommy, Luis?” ulit ng dalaga na sa pagkakataong iyon ay tuluyang nalimutan ang galit at sama ng loob kay Dorina.
“I really hate to tell this to you, Judy. Pero alam kong malalaman mo rin… Hindi nila binaril si Dorina but she was… raped…‘’ Halos hindi lumabas sa bibig nito ang huling salita. Nakita niya ang pagtiim ng mga bagang nito.
“Oh!” muli niyang sambit kasabay ng paghawak sa ibabaw ng chest cabinet. Pinanginigan siya ng laman. Mabilis siyang nilapitan ni Luis at inalalayan patungo sa sofa.
“Namumutla ka. Sandali lang at ikukuha kita ng tubig.” Tumayo ito at kumuha ng tubig sa kusina.
Nakahilig sa ibabaw ng sandalan ang ulo ni Judy at nakapikit ang mga mata. May luhang umagos sa tagiliran ng mukha ng dalaga.
“Drink this, Judy.” Idinikit ni Luis ang baso sa bibig ng dalaga. Nagmulat ng mga mata si Judy at uminom ng kaunti. Pagkatapos ay muling pumikit at humilig sa sandalan.
“I’m sorry…” patuloy ni Luis nang maramdaman ang panginginig ng dalaga. “Hindi ko gustong ako ang maghatid sa iyo ng balita. At sa panahong kamamatay lang ng lolo mo.” Somehow, nakalma ng mabait na tinig nito ang mga nerbiyos niya.
Gusto niyang sumigaw. Ang lolo niya, ang mommy niya… bagaman anim na taong kinalimutan siya nito ay ina pa rin niya si Dorina. Anuman ang namagitan sa kanilang mag-ina ay hindi pa rin niya maitatangging nasisindak siya sa sinapit nito.
Nagmulat siya ng mga mata at itinuon sa mga palad na banayad na hinahaplos ni Luis upang maalis ang tensiyon niya.
May sumingit na kung anong damdamin sa isang bahagi ng dibdib niya. She was sixteen when she first met him. Matinding crush ang iniukol niya sa supladong panganay ng stepfather niya. Pero minsan man ay hindi siya pinakitaan ng gentleness ng lalaking ito. At ngayon ay naninibago siya sa ginagawa ni Jose Luis.
Pahablot niyang hinila ang mga kamay. “I’m all right, Luis. . . salamat,” matalim niyang sinabi. Isang buntong- hininga ang pinakawalan ng binata at tumayo.
“Bukas ang flight ko pabalik ng Mindanao. Hindi ako maaaring tumagal dito sa Maynila. Kailangan ako sa hacienda. Kailangan din ako ni Dorina. Higit sa lahat, kailangan ako ni Anna,” nakayukong wika nito sa kanya.
Tumingala si Judy sa huling pangalang binanggit nito. Gusto niyang magtanong kung sino si Anna pero nanatilingtikom ang bibig Isa marahil sa mga girlfriend ng lalaking ito.
“Round trip ang ticket na kinuha ko patungo rito. Pagdating ko kanina sa airport ay ikinuha na rin kita ng ticket pauwi,” patuloy ni Luis na ipinagsalubong ng mga kilay ni Judy.
“Nasigurado mo sa sarili mong sasama ako?” pagalit niyang tanong. The arrogance of this man!
“Pinag-isipan ko nang maaanri kang tumanggi, Judy. Pero hindi ako babalik ng Hacienda Esmeralda ng hindi ka kasama, tinitiyak ko sa iyo iyan. Kailangan ka ni Dorina sa mga sandaling ito…‘’
“Huwag mo akong takutin. Luis! Ano ang karapatan mong pilitin akong bumalik doon? Ano rin ang karapatan mong pagpasiyahan ang pagsama ko bago mo pa man narinig ang desisyon ko!” angil niya.
’“Hindi kita tinatakot, Judy, kapatid na rin kita kung tutuusin…”
“Wala tayong kaugnayan!” agap niya sa sinasabi nito.
“Sinisikap kong pairalin ang diplomasya sa iyo. Kung magmamatigas ka’y mapipilitan akong iwala ang kontrol ko sa sarili sa pakikipag-usap na ito sa iyo,” naroon ang banta sa likod ngtinigruto.
Diplomasya? Kontrol? Kailan gumamit ng diplomasya at kontrol ang lalaking ito? He must be out of his mind!
“Ina mo ang nangangailangan sa iyo. Hindi lang iyon, kailangan ka ni Anna ngayong may sakit si Dorina?” patuloy ng lalaki
Muling nagsalubong ang mga kilay niya sa pagkarinig sa pangalang Anna. “Sinong… Anna?” paangil niyang tanong.
“I thought you’d never ask,” patuyang sagot nito. “Anak siya ng papa at ni Dorina. She’s five years old.”
“Oh!” Sa ikatlong pagkakataon ay muling napa ‘oh’ si Judy. Nagkaanak at nagkaanak ang mommy niya at si Anselmo pero hindi man lang ito isinulat ni Dorina. Pait ng dibdib at pananabik sa kapatid ang biglang humalili sa galit niya.
“Alas-onse ng umaga ang flight, Judy I ’ll pick you up at eight in the morning” pag-uutos ang nasa tinig nito. At lalong nagpuyos ang damdamin ni Judy.
“May trabaho ako, Luis. Hindi ako maaaring umalis ng paganoon na lang. Mauna ka at aayusin ko muna ang dapat ayusin sa trabaho ko. At marami akong responsibilidad na…” hindi niya itinuloy ang sasabihin. Hindi kailangang ipangalandakan niya sa lalaking ito na nakasanla ang lupa at bahay nila at ang duplex at sa kanya ngayon maiiwan ang pagbabayad nito sa bangko. Pati na ang ibang pagkakautang sanhi ng pagkakaospital ni Manuel.
“You’re a freelance commercial model, Judy. You can get away from your commitment anytime. Bago ako lumipad patungo rito, pinaimbistigahan ko ang trabaho mo. Ikaw ang pinaka-in-demand na modelo at cover girl sa nakalipas na tatlong taon hanggan ngayon,” sinabayan nito ng ismid ang sinabi na para bang ang trabaho niya’y sa isang prostitute. “Hindi ka pa pumipirma ng kontrata sa isang bagong project dahil nga sa pagkamatay ng lolo mo.”
Napatanga si Judy sa lalaki. “You. . you…!” Buong pagkasuklam niyang tiningnan ito. Gusto na niyang isigaw sa mukha nitong kahit kaladkarin siya’y hindi siya sasama. Pero isang malaking kalokohan iyon. Hindi siya mananalo kay Luis. Maliban pa sa isang sulok ng dibdib niya’y gusto rin niyang makita si Dorina. Well, he didn’t frightened her anymore tulad noon. Pero si Luis pa rin ang uri ng lalaking hindi tumatanggap ng pagtanggi lalo at galing sa kanya.
“At kahit ka pa nakapirma ng kontrata, I can buy it out para lang maiuwi ka.”
“Wala akong masabi, Luis,‘’ halos maglabas ng apoy ang mga mata niya sa galit. “Ngayon ako naniniwalang wala ngang ipinagbago sa iyo. Arogante ka pa rin tulad ng dati. Inaakala mong lahat ay kayang tumbasan ng salapi mo.”
He smiled with satisfaction. “See you tomorrow, Judy,” pagkasabi noo’y tumalikod na ang lalaki patungo sa pinto sa pagngingitngit ng dalaga. Nilingon siya nito bago tuluyang lumabas. “At huwag mong alalahanin ang mga financial responsibilities mong maiiwan. Bahala ang abogado ko roon.”
Wala na ang lalaki’y maang pa ring nakatitig sa pinto si Judy. Hindi siya makapaniwalang sa loob lamang ng ilang saglit ay tila inangkin na ng lalaking iyon ang buong pagkatao niya. Totoong gusto niyang makita ang ina. At lalong higit ang bunsong kapatid. Kinasasabikan niyang malamang may kapatid siya. Pero hindi sa maniobra ni Jose Luis Esmeralda. Hindi dahil ipinag-uutos nito. Wala na siya sa edad na kayang-kaya siyang pasunurin nito sa anumang nais mangyari.
Walang ibang lalaking nagpagalit sa kanya ng ganito maliban kay Luis. Kahit noon ay nagpapabangon ito ng matinding inis mula sa kanya. Ang kaibahan nga lang noon ay nanatili siyang maamo at masunurin dito.
Makalipas ang anim na taon ay dumating muli sa buhay niya ang lalaking ito sa panahon na namimighati siya. Na tila wala siyang damdamin at sunod-sunuran lamang sa nais nito. Hindi na siya ang dise-sais anyos na dalagitang tila luka-lukang lihim na humahanga rito.
Muli siyang sumandal sa sofa at ipinikit ang mga mata upang ibalik sa alaala ang mga unang araw na nagkakilala sila ni Luis…
Chapter 3
ISANG hapong galing siya sa eskuwelahan ay dinatnan niyang may bisita ang Mommy Dorina niya.
“May bisita ka, Mommy?” aniya matapos humalik sa pisngi ng ina. Sinulyapan ang lalaking bisita ng ina na nakaupo sa katapat na sofa.
“Siya si Anselmo, Judy,” ani Dorina sa pormal na tinig. Pagkatapos ay nakangiting binalingan si Anselmo. “Ansel, si Judy Siya ang anak na sinasabi ko sa iyo.”
Tumayo ang lalaki na sa tingin ni Judy ay nasa kuwarenta y nueve ang edad. Mestisuhin at magandang lalaki bagaman may katabaan ng kaunti.
“Muy hermosa,” nakangiting wika nito na inabot ang kamay kay Judy na alanganing tinanggap ng dalagita. Sinulyapan ang ina na nawala ang ngiti. “At mataas sa edad na desi-sais. Parang dalagang-dalaga na.”
Tumikhim si Dorina. Hinila ni Judy ang kamay mula sa pagkakahawak ni Ansel.
“Tutuloy na ako sa itaas, Mommy. Nandiyan ba ang lolo?”
“Ay naku, ’ayun at sinundo ng kumpare niya. Sige na…”
“Hindi mo ba sasabihin sa anak mo ang tungkol sa atin at sa plano natin, Dorina?” Si Anselmo na nagpahinto sa dalagita sa paghakbang patungo sa hagdan.
Tungkol sa atin? Plano?
“Kunsabagay ay malalaman mo rin naman, Judy, kaya mabuting ngayon na nga namin sabihin. Maupo ka.” Itinuro m Dorina sa kanya ang isang bakanteng sofa. Wala sa loob na naupo roon ang dalagita na unti-unting kinakabahan.
“Ano ang malalaman ko rin, Mommy?!’
“Na kami ni Anselmo ay may ugnayan, Judy. At binabalak na naming magpakasal sa katapusan ng buwang ito,” balewalang pahayag ni Dorina.
“Ho?”
“Tama ang mommy mo, Judy. Pakakasal kami sa lalong madaling panahon at pagkatapos ay isasama ko na kayo pauwi ng Mindanao. Sa Hacienda Esmeralda,” nakangiting dugtong ni Anselmo. “At huwag kang mag- alala, hija. Ituturing kitang parang tunay kong anak. Isa akong biyudo, Judy. Limang taon nang namayapa ang una kong asawa at may dalawang anak akong lalaki. Ang panganay ko ay si Jolo, beinte-tres anyos. At ang bunso na matanda lamang sa iyo ng isang taon, si Erwin.”
Hindi makapaniwala sa nannig niya ang dalagita. Totoong bata pa si Dorina, maganda at alaga ang katawan. Parang mayaman kung kumilos at gumayak ang ina. Sa mata nga ng ibang taong hindi nakakakilala sa kanila ay magkapatid sila. May mangilan-ngilan na ring nagpapalipad-hangin sa ina at ibang nagkakalakas-loob na manligaw dito. Pero hindi niya inaasahang mag-aasawa ito agad. Labing isang buwan pa lamang na namamatay ang daddy niya.
Bago pa nakakilos si Dorina ay mabilis siyang tumayo at nagtatakbong pumanhik ng hagdan.
“Judy!”
“Hayaan mo na ang anak mo, Dorina. Sa una lang iyan. Talagang ganoon ang mga kabataan. Natitiyak kong ganoon din ang magiging pagtanggap na gagawin nina Erwin at Jolo. Pero pasasaan ba at mapapalapit din ang loob niya sa akin.”
“Nahihiya ako sa kabastusan ni Judy, Ansel,” wika nito na nakatingala sa itaas.
“Bale-wala iyon. Ang mabuti pa’y babalik na muna ako sa tinutuluyan kong hotel at magkita na lang tayo bukas…”
“Ikaw ang bahala,” nakangiti na nitong sinabi at inihatid sa pinto si Anselmo. Hindi ito umalis ng pinto hangga’t hindi nakasakay sa rented car ang lalaki. Pagkatapos ay mabilis na pumanhik ng itaas at pabalyang binuksan ang pinto ng silid ni Judy. “Anong kabastusan ang ipinakita mo kay Anselmo, Judy?” pasinghal nitong sinabi sa dalagitang nakadapa sa unan at umiiyak.
“Wala pa halos isang taong namamatay ang daddy, Mommy,” pahikbi niyang sagot. “Bakit mag-aasawa ka na uli at dadalhin pa tayo ng Mindanao?”
“Hindi na mabubuhay ang ama mo, Judy. At bata pa ako, treinta y singko pa lamang. Karapatan kong humanap ng taong makapagpapaligaya sa akin. At si Anselmo iyon. Alam mo bang mayayaman ang mga Esmeralda, ha?” singhal nito sa anak. Pagkatapos ay tipid na ngumiti at tumingin sa itaas. “Sa wakas ay mahahango rin ako sa hirap. Ilang panahon ding halos hindi ako makatikim ng ginhawa sa piling ng daddy mo. Ang sabi ng boss ko ay mayayaman ang mga Esmeralda sa Mindanao. At hindi basta mayaman. Sila ang tinatawag na secret millionaire. Hindi inagarbo. hindi halata,” tila nangangarap nitong sinabi.
“Hindi ako interesado sa yaman nila, Mommy. Si Daddy lang ang ama ko,” patuloy siya sa paghikbi. “At ayokong sumama sa inyo.”
“Hindi ko rin gustong sumama ka sa amin, Judy,” matalim nitong baling sa kanya. “Pero si Ansel ang may gustong isama kita sa pag-uwi namin sa kanila. At ayokong sa unang araw ng aming pagsasama ay kontrahin siya. Magpasalamat ka at pinagkaabalahan ka ni Anselmo,” may malisya sa tinig nitong tinitigan ang likod ni Judy. “At tigilan mo ang kayayakap diyan sa litrato ng ama mo. Sawang-sawa na ako diyan sa ginagawa mong lagi. Mula noong araw na buhay pa ang ama mo ay wala ka nang ginawa kundi magdidikit at magyayakap sa ama mo na tila kayo ang mag-asawa!”
“Mommy!” Hindi makapaniwalang bulalas ng dalagita sa sinabi ng ina. At bago pa nadugtungan ang sinabi ’y padabog na lumabas ng silid niya si Dorina.
Nanatiling nakatitig sa pinto si Judy. Diyata at pinagseselosan siya ng ina sa sariling ama. Kaya ba lagi na lang itong nagagalit sa kanya? Kaya ba minsan man ay hindi niya ito kinakitaan ng pagmamahal para sa kanya?
Pero bakit? Dapat bang magselos ang ina sa anak? Iba naman ang closeness nila ng daddy niya noong nabubuhay pa ito. Kung inilalapit lamang sana ni Dorina ang sarili sa kanya, di sana’y sa ina siya naglalambing. Pero hindi nga ganoon. Sa tuwing lalapit at maglalambing siya sa ina’y itinataboy siya nito kundi man inaangilan. Tuloy mas naging malapit silang mag-ama. At siya ang higit na naapektuhan nang mamatay ito.
At ngayon ay mag-aasawang muli ang ina. Paano niya tatanggapin iyon? Bakit agad itong naghanap ng ihahalili sa kanyang ama? Wala siyang kayang isagot sa mga tanong niyang iyon. Bagkus ay isinubsob ang mukha sa unan at nag-iiyak.
Chapter 4
L AHAT ng pagtutol at himutok ay ginawa na ni Judy subalit tuluyang nagpakasal si Dorina kay Anselmo dalawang linggo matapos ang pagsasabi ng mga ito sa kanya at sa lolo niya.
Kaunti man ay hindi tumutol si Manuel, sa sinabi ng manugang na pag-aasawang muli. Kahit kailan ay hindi nito gusto si Dorina para sa anak nito. At hanggang sa mamatay si Abelardo ay hindi pa rin nito matanggap na manugang si Dorina. Para dito ay ambisyosa ang babae at ito ang sinisi ng matanda sa maagang pagkamatay ng anak.
Gusto ni Dorina ng malaking suweldo at malaking kita. Ang nangyari ay halos patayin ni Abelardo ang sarili sa paghahanapbuhay.
Sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nasisiyahan si Dorina. Ang tanging kaligayahan lamang ni Abelardo ay ang anak na si Judy. Overfatigue at sama ng loob sa asawa; ang naging dahilan upang bigla na lamang mabuwal sa daan si Abelardo at hindi na magkamalay pa.
At ngayon nga ay sakay si Judy ng eroplano patungo sa isang lugar na kahit sa panaginip ay hindi niya nararating. Nahinto na siya sa pag-aaral sa huling taon niya sa high school ay masama pa ang loob ng lolo niya. Hindi rin nito gustong sumama siya kay Dorina.
Nasa harapan niya ang mag-asawa. Si Dorina ay wala nang ginawa kundi ang humilig at yumakap sa asawa. Ni hindi siya naalalang lingunin at tanungin kung komportable siya. O kumusta na siya. Sa halip ay si Anselmo ang laging nagtatanong kung okay siya. Masamang-masama ang loob ng dalagitang tumingin sa maliit na bintana ng eroplano.
MAKALIPAS ang mahigit sa isang oras ay lumapag ang eroplano sa airport. Bumaba ang mag-asawa kasunod siya.
“Natatanaw ko na ang Station Wagon ng hacienda, Dorina,” nakangiting wika ni Anselmo at nilingon si Judy. Inakbayan. “Sumabay ka, hija. Huwag kang laging nasa likod. Sandali na lang at makikilala mo ang mga anak ko. Mababait ang mga anak ko, Judy. Tiyak na magkakasundo kayo.”
Hindi sumagot si Judy. Nararamdaman niyang walang malisya sa pag-akbay na iyon ni Anselmo sa kanya. Subalit nahuli niya ang matalim na tingin ng ina pero hindi naman niya magawang alisin ang kamay ng madrasto sa balikat niya nang hindi siya lalabas na sadyang umiiwas at nambabastos.
Ilang dipa na lang ang layo nila mula sa mga sumasalubong. Dalawang lalaki. Nahuhulaan na niyang mga anak ni Anselmo. Nagsasalubong ang mga kilay ng panganay na nakatingin sa kanila. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Dorina.
“Ola, Jolo, Erwin!” Bati ni Anselmo sa nakalahad na kamay. “Mabuti naman at kayong dalawa ang suma- lubong sa amin.”
“Sinadya kong sumama sa pagsalubong, Papa, nang sabihin sa akin nitong si Erwin na darating ka at may mga kasama,” nakakunot ang noo nitong tumingin kay Dorina tapos ay kay Judy at nagtagal doon.
“Erwin, Jolo, I want you to meet the new members of our family,” simula ni Anselmo. “This is Dorina, my wife. At ito naman si Judy, ang anak niya. Dorina, Judy, ang mga binata ko. Si Jose Luis, Jolo sa lahat. At ang bunso ko, si Erwin…”
“Hello, boys. I’m very pleased to meet you,” nakangiting bati ni Dorina na hinawakan sa ulo si Erwin na bahagyang nailang. Matamis na ngiti naman ang ibinigay nito para kay Jolo.
“Hello…” bagaman kinabakasan ng pagkabigla ay palakaibigang ngumiti si Erwin kay Judy, “…Sis,” dugtong nito.
“Hi,” ganting bati ni Judy sa mahinangtinig. Hawig ni Anselmo ang bunsong anak, mestisuhin din bagaman matangkad, payat at medyo mahiyain. Ibinaling niya ang tingin sa panganay nitong si Jolo. Taliwas sa bunsong kapatid ay malaki ang pangangatawan nito. Taller and darker. Maawtoridad kung tumayo at kumilos.
“Your wife!” Si Jolo na hindi itinago ang hindi pagsang-ayon sa mukha at tinig. “Are you kidding?” Nahihimigan ni Judy ang galit sa tinig nito. Bumaling sa kanya ang mga mata nito na naniningkit sa matinding disgusto. Nakadama siya ng pagkailang. Kung welcome sila sa bunsong anak ni Anselmo ay hindi sa panganay nito.
“Alam kong isang sorpresa ito sa inyo ni Erwin, Jolo. Pero ipinahiwatig ko na sa inyo ang bagay na ito noong unang uwi ko galing Maynila two months ago. And I even asked Erwin kung okay lang sa kanyang mag-asawa akong muli.”
“Ang buong akala ko’y nagbibiro ka lang, Papa,” wika nito. Kitang-kita ni Judy ang pagtatagis ng mga bagang ng binata. Iniwas niya ang mga mata nang tumingin itong muli sa kanya. Pagkatapos ay pagalit na tumalikod at binuksan ang pinto sa driver’s seat. “Vamos. Tulad ng bilin mo sa long distance ay nagpa- handa sa hacienda,” wika nito bago pumasok ng sasakyan.
Si Anselmo naman ay binuksan anghulihang upuan a pinapasok si Dorina. Bago pa nakakilos si Judy ay niyakag na siya ni Erwin na maupo sa unahan. Binuksan nito ang passenger’s seat ng Station Wagon.
“Dito ka na, Judy…” anyaya ng binatilyo. Nakita niya ang biglang pagtalim ng mga mata ni Jolo sa sinabi ng kapatid pero walang sinabi.
“Nakita mo na, Dorina? Madaling magkakasundo ang anak mo at ang mga anak ko,” ani Anselmo na isinara ang pinto. Isang ngiti lamang ang isinagot ni Dorina na tumingin kay Jolo.
Si Judy ay napagitnaan ng dalawang lalaki. Si Jolo sa driver’s seat at si Erwin sa kanan. Nararamdaman niya ang matinding disgusto mula kay Jolo para sa kanya o mas angkop kayang sabihing para sa kanilang mag-ina?
Ganoon na lamang ang pagnanais ng dalagitang wala roon sa mga sandaling iyon kundi nasa Maynila sa piling ng lolo. Sa durasyon ng biyahe ay nararamdaman niya ang galit mula sa katawan ng panganay na anak ni Anselmo. Ang gumagawa ng paraan para hindi siya mailang ay si Erwin at si Anselmo. Sa sulok ng mga mata niya’y nakikita niya ang marahan at pigil na pagtaas ng dibdib ni Jolo. Maluwang ang harapan ng Station Wagon pero pakiramdam ni Judy ay nagsisikip ang hininga niya at nasisiksik siya.
Makalipas ang halos isang oras ay isang malaking arko ang natanaw ng dalagita. HACIENDA ESMERALDA. Nilinga niya ng husto ang buong paligid. Mga nagtatayugang hilera ng puno ng niyog.
“Oh!” Hindi mapigil ni Judy ang sariling mapabulalas sa paghanga nang mapunang ang tinatakbo nila ay ilang metro lamang mula sa dagat. Kitang-kita niya ang kulay puting buhangin.
“Gusto mo ang lugar namin?” si Erwin.
“Ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng puting buhangin maliban sa TV!” aniya. Sandaling nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Jolo na bumaling sa kanya.
“Huwag kang ignorante, Judy!” pagalit na saway ni Dorina. “Para kang… ’
“Hayaan mo ang anak mo, Dorina,” agap naman ni Anselmo. “Natural lamang iyon dahil laking-Maynila si Judy. At totoo namang ang puting-buhangin ay hindi mo makikita sa mga beach sa karatig-Maynila.”
Lihim na nagpasalamat si Judy sa madrasto. Nabawasan ang excitement sa mukha at bahagyang nagyuko ng ulo.
“Pagdating natin sa villa ay ipapasyal kita sa buong hacienda,” patuloy ni Erwin.
“M-makakapaligo ba ako sa dagat?” Alanganing tanong ng dalagita na hindi maiwasang hindi silipin ang dinadaanan.
“Of course!” Natatawang sagot ni Erwin. “Kahit pa araw-araw. Alam mo bang hindi naman malayo sa dagat ang bahay namin?”
“Ano ang mga iyon? Karugtong pa ba ng dagat iyon?”
“Oo. Swamp. At mga nipa ang nakikita mong iyan.”
“Nipa?”
Isang tawa ang pinakawalan ni Erwin na nahinto nang pagalit na tumikhim si Jolo.
“Pinapawid ang mga iyan at ginagawang bubong ng bahay,” paliwanag ni Erwin sa kanya. Hindi siya sumagot. Alam niya kung saan ginagamit iyon pero ngayon lang siya nakakita ng talagang puno.
Makalipas ang kalahating oras pa ay sinapit na nila ang tahanan ng mga Esmeralda. Isang malaking villa na nakatayo sa ibabaw ng burol. Tila matayog na palasyo ang tingin niya rito mula sa ibaba. Napaliligiran ng malalaki at matatandang punong hindi naman niya kilala.
Graba ang mahabang driveway paakyat. Ang magkabilang tagiliran ay sarisaring halaman. Maga- ganda at namunuilaklak. Sa dako pa roon ng kanang- bahagi ay may natanawan siyang mababang mga puno na may maliliit na bungang bilog. Ang iba ’y kulay pula at ang iba’y berde.
“Ano ang mga iyon?” tanong niya kay Erwin na inginuso ang mga puno.
“Kape. May pataniman kami ng kape rito,” sagotng binatilyo.
“Kape?” si Dorina. “Ang alam ko’y sa Batangas lamang marami niyan,” hindi rin nito maiwasang manggilalas.
“May sarili kaming plantasyon ng kape dito,” pormal at seryosong sagot ni Jolo bago pa nakapagsalita si Anselmo. “Ang uri ng aming kape ay maihahambing sa mamahaling klase. Ini-export namin iyan.”
“Oh!” Hindi mapigil ni Dorina ang sarili. “Hindi ko alam na ganito ka kayaman, Anselmo?” Naroon ang matinding galak sa tinig nito.
Narinig ni Judy ang palihim na ismid ni Jolo. Huminga siya nang malalim.
“Minana ko pa sa mga magulang ko ang mga pag- aaring ito, Dorina. Pinagyaman at lumago. At ngayong malalaki na ang dalawang lalaki ko ay pinag-aaralan naman nila ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim. Lalo na si Jolo. Siya halos ang namamahala sa buong hacienda. Architecture ang tinapos ng anak ko na iyan sa ibang bansa pero sa hacienda niya gustong maglagi. Si Erwin naman ay kasalukuyang kumukuha ng agrikultura,” paliwanag ni Anselmo.
“Mapalad ka sa mga anak mo, Ansel…” ani Dorina na lihim na ikinangiwi ni Judy. Kung may laman ang sinabi ng ina ay hindi niya alam. Ang tanging alam niya ’y hindi siya kailanman napuri nito. Kung tutuusin ang ibang mga magulang ay lubos na nagmamalaki kapag napupuri ang anak na maganda. Pero hindi si Dorina.
Sa tuwing may magsasabing napakaganda niya ay umaasim ang mukha nito. At sa tuwing magbibigay siya ng matataas na mga grado rito ay hindi pa rin ito masiyahan. Hindi niya maunawaan kung anong bagay ang maaaring ikatuwa ng ina sa kanya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalagita na ikinalingon ni Jolo sa kanya. Kung anuman ang mangyayari sa kanya sa hindi pamilyar na lugar na ito kapiling ng hindi pamilyar na mga tao na ang isa’y nasusuklam pa yata sa kanya ay hindi niya alam.
“Ito ang magiging silid mo Judy,” ani Anselmo na binuksan ang isang hindi kalakihang silid subalit maganda at maaliwalas. Off-white ang kulay ng mamahaling wallpaper na may mumunting kulay rosas na bulaklak na kung hindi mo lalapitan at susuriin ay hindi mo gaanong mahahalata. May pang-isahang kama na yari sa brass at alon-alon ang ruffles sa laylayan ng bedsheet na kulay pink din ang mga bulaklak. May maliit at pang-teenager na tokador, settee na kulay pink ang velvet upholstery at built-in cabinet na lahat ay yari sa narra.
“This would have been my daughter’s room kung nagkataong nagkaroon ako ng anak na babae. Itinawag ko ito kay Manang Tilde upang ayusin at ihanda para sa iyo. Sana’y magustuhan mo ang bago mong silid at ang bago mong tahanan sa pangkalahatan.”
“Maraming salamat, Tito Ansel. Maganda ho ang silid,” naroon ang sinseridad at pasasalamat sa tinig niyang tumingala at ngumiti sa madrasto.
“Ay naku, Ansel, hindi mo kailangang mag-alala kung magugustuhan ni Judy ang silid. Napakaganda ng silid na ito kumpara sa dati niyang silid sa Maynila na tila lungga ng daga sa liit. Pasalamat siya ng malaki at nagkaroon siya ng ganito kaganda at karangyang silid na kahit sa panaginip ay hindi maibibigay ng nasira niyang ama,” ani Dorina na ikinawit ang mga braso sa bisig ng asawa.
Nakagat ni Judy ng bahagya ang ibabang labi upang huwag makapagsalita ng hindi mabuti sa ina. Okay lang kung anuman ang sabihin ng mommy niya sa kanya pero ang makarinig siya ng salita para sa minamahal na ama ay nag-iinit ang mukha niya.
“Halika na, Ansel,” malambing na wika ni Dorina sa asawa. “Ang sabi mo’y ipapasyal mo ako sa buong villa, ’di ba?” Kinawit at inakay na nito si Anselmo palayo sa silid.
Sumandal sa hamba ng pinto si Judy at itinaas ang ulo at pumikit. Sinikap pigilin ang pagbagsak ng mga luha.
“So you don’t get along well with your own mother, ha?” am Jolo na biglang nagpamulat sa kanya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Nag-e-espiya ba ito sa kanila? “Paano sa palagay mo ikaw makikitungo sa mga taong hindi mo kaano-ano kung ganoong mula kaninang dumating kayo’y napuna ko nang hindi maganda ang trato sa iyo ni Dorina?”
Walang kibong pumasok sa loob ng silid si Judy at naupo sa dulo ng kama. “Mag-ina kami,” mahinahon niyang sagot. Hindi niya gustong sa unang araw pa lamang niya sa Villa Esmeralda ay makabangga na ang panganay na anak ni Anselmo. “Kung anuman ang pagtrato ng mommy sa akin ay problema naming personal.”
“You must be a problem child kaya ganoon magsalita sa iyo si Dorina. Wala akong makitang problema sa asawang kauli ng papa. She’s sweet at sa palagay ko’y magkakasundo kami…” patuloy nito na sumandal sa hamba ng pinto nang nakapamulsa. Hinagod siya ng tingin na nanatiling nakayuko at tumabon sa mukha niya ang mahabang buhok na tuwid.
“Ikatutuwa ko kung makakasundo ng mga anak ng Tito Ansel ang mommy,” and I’m sure you thought of my mother sweet. Lahat ng lalaki ay ganoon ang tingin sa mommy ko , gustong idugtong ng dalagita.
“And what about you? Makakasundo ka ba namin? Well, marahil ay walang problema sa bunso kong kapatid. Likas kay Erwin na palakaibigan kahit na sa mga estranghero,” nanunuya ang tinig nito kasabay ng pagtaas ng sulok ng mga labi.
Tumingala si Judy at sandaling tinitigan ang binata. The man is obviously very attractive with his dark spanish features.
“Sisikapin kong makasundo kayong lahat, Luis,” she said wearily kasabay ng paghugot ng buntong-hininga. Tumayo siya at lumakad patungo sa bintana. Hinawi ang bulaklaking kurtina at tumingin sa labas. “Gagawin ko ang makakaya kong paluguran ang mga taong una pa lang ay hostile na ang pakikitungo sa akin.”
“Jolo ang tawag sa akin, Judy,” ang binata na nagsalubong ang mga kilay. Minsan man ay walang tumawag dito ng ‘Luis’ maliban sa namayapa nitong ina at lola. Lalo na sa mga affectionate moment nito sa dalawang babae.
“It doesn’t fit you,” she whispered softly dahil wala naman sa loob niyang sabihin iyon pero nakarating iyon sa pandinig ng binata na lumalim ang kunot ng noo. May pumasok na alaala sa isip. He was twelve years old.
“Ang papa mo lang, Luis, ang gustong tawagin kang Jolo, dahil iyon ang endearment niya sa iyo noong bagong panganak ka pa lamang, “ anang mama nito. “Pero mas gusto kitang tawaging Luis dahil mas bagay sa iyo. Luis fits a hard man like you.”
“What does ‘hard’ mean, Mama?” Natatawa nitong tanong.
“Masyado kang awtokratiko, arogante, at brusko, hijo. Minana mo iyan sa lolo mo,” masuyong ngumiti si Elena at ginulo ang buhok ng binatilyo. “Mas sumusunod pa nga sa iyo ang mga tauhan sa hacienda kaysa sa papa mo sa edad mong iyan.”
“Dahil masyadong mabait ang papa, Mama…”
“Mabait ka rin, Luis. Ayaw mo lang ng inaabuso ka.‘’
Bahagyang ipinilig ni Luis ang ulo at matiim na tinitigan ang likod ni Judy. “What made you think na hindi bagay sa akin ang pangalan ko?” angil nito.
Lumingon ang dalagita. She smiled tenderly “Hindi ko gustong marinig mo iyon. Sana’y huwag mong gawan ng isyu. Basta Luis ang gusto kong itawag sa iyo.”
Matagal na nakatitig si Luis sa pagngiti niya. Hindi maiwasang humanga. Nakita nito ang transformation ng mukha ni Judy sa bahagyang ngiting iyon. And he was fascinated.
Walang kibong lumayo sa silid na iyon ang binata.
Chapter 5
S A MGA unang araw ni Judy sa Hacienda Esmeralda ay hindi maikakailang nagugustuhan niya ang buong paligid. Halos araw-araw ay nasa dagat siya at sinasa- mahan ni Erwin.
“Wala ka bang bathing suit at laging shorts ang suot mo?” tanong ng binatilyo na nakatingin sa suot niyang short shorts na maong at puting T-shirt.
“Hindi naman kasi ako nagbe-beach noong nasa Maynila kami kaya hindi ako nagkaroon ng tsansang makabili noon,” aniya na naupo sa buhangin at nilalaro ng paa ang alon. Hindi niya gustong sabihing himalang dalhin siya ng mommy niya sa beach lalo na ang pagbili ng bathing suit.
“Alam mo, gusto kita. Mabait ka. Sana nga naging kapatid na lang kitang totoo,” patuloy ni Erwin. “Alam mo bang nagseselos sa iyo ’yong nililigawan ko sa kabilang hacienda minsang makitang nakasakay ka sa likod ko noong nangangabayo tayo?”
Natawa si Judy. “Alam ko iyon. Nakita kong umasim ang mukha noong dalagitang nakasalubong natin. Bakit hindi mo ipinaliwanag?”
“Hayaan mo si Susan. Tinabangan na rin naman ako. Ang paki-pakipot tapos tinarayan ako noong makita ka. Anyway, may bago naman akong crush sa school. Transferee mula sa Cebu. Ikaw nga pala, bakit huminto ka sa taong ito. Sana’y nilakad na lang ni Tita Dorina ang transfer mo dahil puwede naman.”
Nagkibit siya ng mga balikat. Iminungkahi na rin ni Anselmo na maipapasok siya sa high school sa bayan sa impluwensiya nito habang hinihintay ang mga records niya sa dating eskuwelahan. Pero hindi pumayag si Dorina. Saka na lang daw tutal ay isang taon lang naman ang masasayang.
Wala sa loob na itinukod niya ang dalawang kamay sa buhangin nang bigla siyang mapaaray.
“Ouch!” Mabilis niyang itinaas ang kanang kamay na agad dinaluyan ng sariwang dugo.
“Ano ang nangyari?” Nag-aalalang lumapit sa kanya si Erwin. Lumuhod sa buhangin sa tabi niya at tiningnan ang kamay niya. Isang daliri niya ang nasugatan.
Nilingon ni Judy ang pinagtukuran. Naroon pa rin ang basag na shell na nadiinan niya. “Natusok ng basag na shell. Hindi ko nakita.”
“Ang daming dugo. Teka…” dinala ng binatilyo sa bibig ang hintuturo niya at sinipsip ang dugo, pagkatapos ay iniluwa. Inulit nito ang ginawa.
“Tama na, Erwin. Hindi na yata nagdurugo. Maliit lang naman ang sugat…”
“Baka matetano ka. Mabuti na iyong lumabas iyong dugong kaunti,” wika nito, Nakahawak pa rin ito at nakatitig sa kamay niya. “O, ’ayan, wala na…”
Mga yabag ng kabayo ang nagpalingon sa dalawa. Si Luis at patungo sa kanila. Halos magdikit ang mga kilay. Wala sa loob na mabilis na naghiwalay ang dalawa.
“Dalawang oras na kayong narito sa dagat, Erwin. Hindi ba at ipinagbilin ko sa iyong abangan ang pagdating ng mamimili ng palay at i-radyo mo sa akin?” pagalit nitongsinabi. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.
“Nakupo! “ Napakamot ng ulo ang binatilyo kasabay ng pagtayo. “Sorry, Kuya Jolo. Nakalimutan ko…
Paanong hindi mo makakalimutan gayong hindi na kayo naghiwalay. Mula umaga hanggang sa gumabi!“ Sinulyapan nito si Judy na napatayo at nagpagpag ng buhanging nakadikit sa basa niyang shorts. Naningkit pang lalo ang mga mata nito sa pagkakatitig sa blouse ng dalagita.
Binalingan ni Luis ang kapatid. “Mauna ka na, Erwin, at may sasabihin lang ako kay Judy.”
“E, Kuya…”
“Erwin!” matigas nitong sinabi. Sandaling nilingon ng binatilyo si Judy bago walang kibong dinampot ang tuwalya sa tabi at mabilis na lumayo
Si Judy na hindi pa rin makapagsalita ay tumingala sa binatang nasa ibabaw ng kabayo. Hindi mapigilan ni Judy ang paghangang bumukal sa dibdib sa nakikitang anyo ng binata. Kay guwapo ni Luis.
Tingin niya rito’y si Lancelot in all his glory.
“Hindi mo ba nakikita ang sariling hitsura mo?” angil ni Luis sa kanya na hinagod siya ng tingin. Huminto ang mga mata nito sa dibdib niya at may malisyang nagtagal doon.
Niyuko ng nagtatakang dalagita ang sarili. “A-anong problema sa hitsura ko?” Muling tumingala dito sa nagtatanong na mga mata.
“You’re sixteen and almost fully breasted!” walang pakundangang wika nito. “Tingnan mo ang sarili mo. Bakas sa basang T-shirt ang buong dibdib mo!”
Muling niyuko ng dalagita ang sarili at totoo ang sinasabi ni Luis. Halos hubad na siya sa basang T-shirt. Bumakat doon ang murang katawan niya. Pinamulahan siya ng mukha. Kaya ba tinanong ni Erwin kanina kung bakit wala siyang bathing suit? Pero bakit hindi niya kinakitaan ng malisya ang binatilyo?
“I… h-hindi…” hindi siya magkandatuto sa sasabihin. Hindi niya tuloy malaman kung papaano tatakpan ang dibdib na totoong nakabakat nga. Mabilis niyang tinakbo ang tuwalya sa buhangin at itinabing sa dibdib.
“And stop flirting with my brother, Judy. Disi-siyete pa lamang si Erwin. Hindi magugustuhan ng papa na malamang nahuhumaling sa iyo ang kapatid ko. Itinuturing ka ng papa na isa sa pamilya!”
“Flirting!” bulalas niya, “N-nagbibiro ka. Wala akong ginagawang ganoon. Walang malis—”
“Ano sa palagay mo ang ginagawa ninyong dalawa nang dumating ako? Maaaring sixteen ka pa lang pero nakikita kong tulad ng ibang mga taga-siyudad ay sanay na sanay kang makipagharutan sa mga lalaki!”
“Oh!” tanging naibulalas niya sabay takbo palayo sa aplaya at kay Luis.
Sa silid niya ay ibinagsak ng dalagita ang basang katawan sa kama at umiyak nang umiyak. Napahiya siya. Sa insulto at sa pagkakabilad ng murang katawan na bagaman may nakatabing na manipis na T-shirt ay para na ring wala.
Isang banayad na dantay sa mga balikat ang nagpabalikwas kay Judy.
“Bakit ka umiiyak, hija? Nag-away ba kayo ni Erwin?” si Anselmo.
“H-hindi po, Tito Ansel…” napaupo sa gilid ng kama niya ang dalagita.
“Bakit ka umiiyak kung ganoon? Nakasamaan mo na naman ba ng loob ang mommy mo?”
Umiling siya. Paano niya sasabihin ditong ang panganay nitong anak ang sanhi. “Na… nami-miss ko lang po ang lolo, Tito. Opo, nalulungkot ako dahil hindi ko nakikita ang lolo.”
Banayad na ngumiti ang matandang lalaki. Hina- wakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya. “Nauuna- waan ko, Judy. Narito ka sa hindi mo kinasanayang lugar at normal lamang na hanap-hanapin mo ang lolo mo. Bakit hindi mo siya sulatan?”
“Gagawin ko po…”
“Now, dry your tears and yourself. Magkakasakit ka niyan…”
Mula sa pinto ay sumungaw si Dorina. “Bakit ka narito sa silid ni Judy, Anselmo?” matalim nitong tanong.
Nagsalubong ang mga kilay na nilingon ni Anselmo ang asawa. Nagtaka sa tono. “Nadaanan kong umiiyak si Judy, Dorina, Itinanong ko kung bakit…”
Sinulyapan ni Dorina ang anak. “At bakit ka umiiyak, Judy?”
“Natural lang ang reaksiyon ng anak mo, Dorina. Hinahanap-hanap niya ang lolo niya…” agap ni Anselmo bago pa nakasagot ang dalagita. “Kausapin mo ang anak mo. Kung inaasikaso mo na ba ang transfer ng school records niya sa Maynila, di hindi sana naiinip si Judy,” humakbang ito palabas ng silid.
“Anong kalokohan ang ginagawa mong ito, Judy?” pagalit nitong tanong nang mawala sa silid si Anselmo. “At tingnan mo ang sarili mo! Baka ang akala mo ay bata ka pa. Matangkad ka pa sa akin at dalagang-dalaga na sa pangangatawan. Humaharap ka kay Anselmo na nakabakas iyang dibdib mo. At bakit nakaupo ka riyan sa kama na basa?”
“G-galing ako sa dagat, Mommy…”
“Galing sa dagat! Bakit hindi ka nakabihis? Ano ang gusto mong palabasin at humaharap ka sa asawa kong ganyan ang ayos? Inaakit mo rin ba siya tulad ng ginagawa mo sa ama mo, ha?” Dinuduro nito ng daliri ang dalagita sa nanlilisik na mga mata.
“Mommy!” bulalas ni Judy. “H-hindi ho,., ganoon ang… ginagawa ko. At bakit ko po aakitin ang Tito Ansel… at ang daddy?” Naguguluhang napatingala siya sa ina.
“Kuwidaw, Judy,” babala nito. “Huwag na huwag mong gawin kay Anselmo ang ginagawa mong paglalam- bing at kaalembongan sa daddy mo. Binabalaan kita. Totoong gusto ni Anselmo na narito ka sa hacienda pero hindi ako. Isa sa mga araw na ito ay pauuwiin kita ng Maynila,” pagkasabi noo’y padabog na lumabas ng silid niya si Dorina.
Nanatiling nakatanga sa pinto si Judy. Naguguluhang binabalik-balikan sa isip ang sinabi ng ina. Kung ngayon siya ibabalik ng Maynila ni Dorina ay hindi niya ibig. Nagugustuhan na niya rito sa hacienda. At gusto niya ang pakikitungo ni Erwin sa kanya. At si Luis… kahit lagi itong nakasimangot at nakaangil sa kanya ay hindi niya maiwasang humanga rito.
Lagi niya itong lihim na pinagmamasdan at talagang matinding paghanga ang iniukol niya sa panganay na anak ng Tito Anselmo niya. Kaya kahit na nagagalit ito sa kanya ay hindi siya sumasagot. Patuloy siya sa pag-iisip ng paraan para mapalapit sa loob ng binata. Naroong siya ang nagtitimpla ng kape nito sa umaga na totoong iniinom naman pero kahit ngiti ay hindi nito ginagawa
Tulad kahapon, siya ang nagpaligo sa kabayo ni Luis at hindi ang boy sa kuwadra.
“Ano iyang ginagawa mo?“si Luis na nakapa- maywang.
“P-pinapaliguan ko ang kabayo mo…”
“Anak ka ni Dorina. Hindi ka boy. Tigilan mo iyan,” hinatak ni Luis ang renda ng kabayo at ibinalik sa kuwadra. Walang kibong ibinagsak niya ang malaking brush sa timba. Sinundan ng tingin ang binata. Paano ba siya mapapalapit dito?
Chapter 6
PATULOY sa paglipas ang mga araw ni Judy sa hacienda. Si Dorina ay tila reyna ng Villa Esmeralda. Nang mabihisan at masuotan ng mamahaling alahas ay lalong lumutang ang ganda nito.
Si Anselmo ay obvious ang pagkahumaling sa asawa.
Malimit itong mag-imbita ng mga kaibigan upang ipagmayabang ang seksi at magandang asawa. Pero minsan man ay hindi pinagkaabalahang ipakilala ni Dorina si Judy bilang anak. Bukod-tanging si Anselmo ang gumagawa noon kapag hindi sinasadyang nakikita ng ibang tao si Judy. At sa tuwing sinasabi ng mga kakilala at kaibigan ng pamilyang higit na maganda si Judy sa pabirong paraan ay nakikita ng dalagita ang pag-asim ng mukha ng ina.
Si Luis ay malimit niyang mahuling nakatingin sa kanya kung nasa bahay rin lang ito pero sa matalim na paraan. Sila ni Erwin ay lalong naging malapit sa isa’t isa.
“May party mamayang gabi, alam mo ba?” Si Erwin na walang anumang pumasok sa silid niya at naupo sa gilid ng kama.
Umiling si Judy at ipinagpatuloy ang pagtitirintas ng buhok. “Para saan ang party?”
“Birthday ng papa. Ika-limampung taong kaarawan niya. Mga malalapit lang namang kaibigan ang iimbitahin pero semiformal ang party. Kaya magbihis kang mabuti. Iyong pinakamaganda mong damit ang piliin mo.” Ibinagsak nito ang kalahati ng katawan pahiga sa kama. Ang mga binti ay nakabitin.
Malungkot na naupo rin sa gilid ng kama si Judy. Nilaro ng brush ang braso ni Erwin.
“Paano iyan, Erwin, wala naman akong magandang damit. Nakita mo naman siguro ang mga damit ko. Ang pinakapanlakad ko ay ang tatlong pirasong maong at mga T-shirt.”
Nagsalubong ang mga kilay ng binatilyo. “Hindi ka ba ibinibili ng mommy mo?” nagtatakang tanong nito.
“E… hindi naman kasi… nagkaroon ng pagkakataong makagamit ako ng magandang damit,” pagkakaila ng dalagita. Hindi niya magawang sabihin sa binatilyo na kahit ang ipinambili niya sa mga kasalukuyan niyang gamit ay sa Lolo Manuel niya galing.
“Katakataka naman iyon. Hindi ka ba umaalis maliban sa pagpasok sa eskuwelahan sa Maynila?”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Judy at wala sa loob na nahiga sa tabi ni Erwin, at kapareho nito’y nakabitin din ang mga binti.
“Ang mommy lang kasi ang nagtatrabaho at isa pa’y magastos mag-aral sa Maynila,” aniya na nakatingin sa kisame. Hindi na rin kailangang malaman ni Erwin na sa public school lang naman siya pumapasok. Na kahit nag-oopisina si Dorina ay mapalad na ang bigyan siya nito ng pera. Sa lolo niya galing ang baon niya. “Hindi kami mayaman, Erwin.”
“Hindi na ngayon. Anak ka na rin ng papa. Hayaan mo at hihingi ako ng pera sa papa at bibili tayo sa bayan ng mga gamit mo.”
“Naku, hindi na kailangan…” hindi naituloy ni Judy ang sasabihin dahil sa malakas na tikhim mula sa pinto.
Si Luis.
“Ano ang ginagawa ninyong dalawa at nakahiga kayong pareho sa kama!” Malakas nitong sinabi na ikinabalikwas ng bangon pareho nina Erwin at Judy.
“Ano ang ginagawa mo rito, Erwin?” baling ni Luis sa kapatid. “Bakit magkatabi kayo riyan sa higaan?” Halos pasigaw na nitong tanong.
“Nag-uusap lang kami, Kuya Jolo,” katwiran ni Erwin.
“Oo nga, Luis. Hindi kailangang magalit ka,” dagdag naman ni Judy.
“Nag-uusap? Dito sa loob ng silid mo at magkatabi pa sa kama?”
“Walang malisya sa ginagawa namin, Kuya.” “Lumabas ka na, Erwin. Kanina ka pa hinahanap ng papa!”
“Huwag mong pagalitan si Judy dahil wala naman kaming ginagawang masama,” panghuling salita nito bago atubiling lumabas ng silid.
Marahas na hinawakan ni Luis ang braso ng dalagita at itinayo. “I’ve warned you already, Judy…”
“A-ano ba naman ang ginagawa namin, Luis?” Pangangatwiran niya sa mahinahong tinig. Hindi niya maintindihan ang nadarama sa tuwing malalapit siya sa lalaking ito. Si Erwin ay halos magkasama silang lagi at tulad nga ng dinatnan ni Luis ay magkatabi at magkadikit sila sa higaan pero hindi lumulukso ang dugo niyang tulad ngayon.
Tumitig siya sa mga mata nito. His eyes very dark in anger.
“May sinabi sa akin si Dorina tungkol sa iyo kaya iniingatan kong mapalapit ng husto sa iyo si Erwin!
“May… may sinabi ang mommy tungkol sa akin?” Nanlalaki ang mga matang lalo siyang napatitig dito. “Tungkol saan?”
Humigpit ang hawak lalo ni Luis sa braso niya. “Tungkol sa pagiging malapit mo sa lahat ng mga lalaki. Alembong ang term na ginamit ng mommy mo sa iyo. At binalaan niya ako na huwag kayong parating paglalapitin ni Erwin dahil para na rin kayong magkapatid!”
Gustong manlumo ng dalagita. Hindi siya makapani- walang sinabi ng mommy niya iyon. Bakit siya sinisiraan nito? Totoong maraming nanliligaw sa kanya sa kabila ng murang edad pero kailanman ay hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend.
“H-hindi ako naniniwalang sinabi ng mommy iyan…” mahinang usal niya.
“Hindi ako sinungaling, Judy. Kaharap ang papa nang sabihin niya iyon. At wala siyang masamang pakahulugan kaya sinabi ng mommy mo iyon. Nag-aalala lang siya sa inyo ni Erwin. Nagiging masyado kayong malapit sa isa’t isa,” nagtatagis ang mga bagang na sinabi.
Kilala ni Judy ang ina. Magagawa nitong palabasing concern ang paninira.
“Gusto ng papa na makatapos ng agrikultura si Erwin, Judy. Huwag sanang mangyaring mahinto siya sa pag-aaral dahil may nangyayari nang misteryo sa inyong dalawa,” halos narinig na niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. “Isa pa, naipagkasundo na ng papa si Erwin sa anak ng matalik nitong kaibigan na ipakakasal sila sa takdang panahon. At mula nang dumating ka ay hindi na napag-uukulan ng pansin ni Erwin si Susan!”
Hindi naririnig ng dalagita ang ibang sinasabi ni Luis. Ang nasa isip niya’y ang ginawa ng mommy niya. Higit kanino man ay ito dapat ang magkaroon ng malasakit sa kanya. Pero bakit mukhang gugustuhin pa nitong mapasama siya sa bagong pamilya nito?
Bakit hindi na lang nito pinangatawanang kontrahin si Anselmo na huwag na siyang isama dito sa Mindanao kung ganito rin lang? Sana’y iniwan na lang siya sa lolo niya. Mas masaya siya roon. Ang tanging konsolasyon sa pagkanaririto niya’y ang mabait na pakikitungo ni Anselmo at Erwin sa kanya.
At ang matinding crush niya kay Luis.
“Naiintindihan mo ba ako, Judy?” mariing wika ni Luis na hinigpitan ang hawak sa braso niya nang mapunang malayo na ang nararating ng isip niya.
“B-bitiwan mo na ako, Luis, na— nasasaktan ako,” samo niya rito. May luha nang namumuo sa mga mata. “S-sisikapin kong huwag na kaming magkalapit ni Erwin…”
Niyuko siya ng binata at tinitigan. Sandaling nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang makita ang namumuong mga luha. Pero iglap lang iyon, pabagsak nitong binitiwan ang kamay niya at napaupo siya sa kama.
“Siguraduhin mong tutuparin mo ang sinasabi mo, Judy. Nauubos na ang pasensiya ko sa iyo. Kung hindi ka susunod ay ako mismo ang magpapabalik sa iyo sa Maynila!” Pagalit itong humakbang patungo sa pinto. Hinawakan ang doorknob at muli siyang nilingon. “At matuto kang magsara ng pinto ng silid mo! “
Ibinagsak nitong pasara ang pintuan paglabas.
Chapter 7
G ABI ng party sa Villa ng mga Esmeralda. Marangya ang buong lawn ng villa na napapaligiran ng mga ilaw. Maraming inihandang pagkain sa kaarawang iyon ni Anselmo Esmeralda. Abala ang maraming katulong sa pag-aasikaso sa paligid.
Si Dorina ay nagniningning sa ganda at mamahaling suot. Bakit kaya hindi man lang siya naalala nitong bilhan ng damit gayong alam na alam nitong kailangan niya iyon. Kaya tuloy naroon lang siya sa bintana ng silid niya at nahihiyang bumaba. Pinatay niya ang ilaw sa silid at tahimik na pinanood ang mga bisitang dumarating.
Naroon si Erwin at kausap si Susan. Simple ang ganda ng dalagita at mukhang maykaya rin ang pamilya na katabi lang ng dalawa.
Sa isang sulok ay naroon din si Luis na kaykisig sa suot na long sleeves at itim na slacks. Napapaligiran ng magagandang dalaga ang binata. Nakita niyang tumayo ang binata kasunod pa rin ang babaeng palaging nakadikit dito at may hawak na sigarilyo at sosyal na sosyal ang dating. Maganda at seksi ang dalaga na sa wari ay girlfriend ng binata. May kung anong kumurot sa isang bahagi ng puso niya at mabilis siyang umalis ng bintana.
Nahiga siya sandali at pagkatapos ay lumabas ng silid at pumasok sa silid nina Dorina at Anselmo. Mula roon ay isang stick ng sigarilyo ang kinuha niya sa tokador at sinindihan. Pagkatapos ay muling nagbalik sa loob ng silid. Humarap siya sa salamin at pilit na ginagaya ang paghawak ng babaeng nakita niyang naninigarilyo.
Halos magkandaubo ang dalagita pero patuloy siya sa ginagawa. Biglang bumukas ang pinto ng silid niya at sumungaw si Luis. Muntik na niyang mabitiwan ang sigarilyong mahigit na sa kalahati ang naupos.
“Ano iyang hawak mo?” tanong nito. “Sigarilyo! Naninigarilyo ka?”
“Ah… eh…” hindi niya malaman ang isasagot.
Napapailing ang binata. Lumapit ito at kinuha mula sa kanya ang natitira, dinala sa banyo at nag-flush.
“Hindi ko alam kung ano ang iisipin at sasabihin ko sa iyo, Judy. Sixteen pa lamang ay naninigarilyo na,” pagalit nitong sinabi.
I’m sorry…
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Luis. “Ano ang ginagawa mo dito at hindi ka bumababa?”
“M-masakit ang ulo ko…”
“Totoo ba ang sinabi ni Erwin na wala kang damit na isusuot?”
“Ah… eh… hindi kasi ako mahilig sa damit,” panga- ngatwiran niya. “Mas komportable ako sa maong…”
“Dapat ay nagpabili ka kay Dorina. Alam mong birthday ng Papa ngayon at hindi magandang tingnan na ang isang miyembro ng pamilya ay narito at nagkukulong sa sariling silid.”
Tumingala ang dalaga rito at tinitigan ang binata. Concern ba ang nakikita niya sa mga mata nito o nag- aalalang mapulaan ng mga katulong o ng ibang tao na isang miembro ng pamilya ang hindi nakihalubilo sa okasyong ito?
“Huwag mo akong titigan ng ganyan, Judy,” ani Luis sa kakaibang tono. Lumakad ito palayo. “Magpalit ka ng damit at bumaba ka kahit na maong ang suot mo,” utos nito.
Umiling ang dalaga. “Huwag mo akong alalahanin, Luis. Hindi ako sanay sa puyatan at sa party. Dito na lang ako. Isa pa ay inaantok na ako.” Huminto sa paghakbang si Luis at tangkang kokontrahin siya. “Please…” dugtong ng dalagita. Her eyes pleading.
“With those eyes, you can melt any man’s heart into submission, Judy. Don’t use it too often…” he said huskily. Pagkatapos ay tahimik na lumabas ng silid. Kahit paano ay nakadama ng galak ang dalagita. Naalala siya nito.
Sa ibaba ay abala si Dorina sa pag-i-entertain sa mga bisitang dumarating. Matabang-mataba ang puso sa mga papuri.
“Hindi yata naipakilala ni Jolo ang babaeng lagi niyang kasama, Ansel,” wika nito.
“Si Sylvia ba ang tinutukoy mo, Dorina? Iyon bang violet ang suot?” Si Anselmo na sinulyapan ang babae na inaabutan ng kopita ng alak ang binatang palabas mula sa kabahayan.
“Siya nga, Ansel,” sagot ni Dorina na hindi inaalis ang mga mata sa dalaga.
“Balita ko’y nililigawan ni Jolo. Hindi ko matiyak kung magkasintahan na ang dalawa. Anak si Sylvia ng isa sa mga kaibigan ko, hija…”
“Diyan ka na muna at lalapitan ko,” bago pa nakasagot ang asawa’y lumakad na si Dorina patungo sa kinaroroonan ng binata. Si Anselmo nama’y hinarap na ang mga bisitang dumating.
“Hello, Jolo,” malambing na bati ni Dorina at ikinawit ang braso sa braso ng binata. “Hindi mo yata naipakilala sa akin ang magandang dalagang ito.”
Natawa si Luis. “Siyanga pala, Sylvia, si Dorina, ang stepmother ko. Dorina, si Sylvia, isang kaibigan…”
Tumaas ang isang kilay ni Sylvia at inabot ang kamay ni Dorina. “Isang kaibigan lang ba ang turing mo sa akin, Jolo?” Lumabi ito sa binata.
“Oo nga naman, Jolo. Ang sabi ng papa mo’y,” “Na magkaibigan kami ni Sylvia,” natatawang agap ng binata na hindi sinasadyang napatingin sa itaas ng villa. Sa dilim ng silid ay alam nitong si Judy ang nakatayo roon na biglang umalis. Sandaling natilihan ang binata at ibinaling ang tingin kay Dorina. “Bakit nga pala, Dorina, wala man lang kahit isang party dress si Judy?”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Dorina. Nagkibit ng balikat. ’
“May sumpong na naman ang batang iyon, Jolo. Isinasama ko nga kahapon sa pamimili sana ng isusuot sa kabisera ay ayaw naman. Huwag mong pansinin si Judy…”
“Balita ko nga ay may dalagita kang anak, Dorina. Tall and pretty ang sabi ng ilang bisita.” si Sylvia. “Hindi ako makapaniwalang nagkaanak ka na,” hinagod nito ng tingin ang kabuuan ni Dorina. “You’re very young at maganda pa rin ang katawan ..”
Matabang na tumawa si Dorina. “Marunong akong magdala, Sylvia “
Ibinaba ni Sylvia ang kopita ng alak sa isang mesa. “Sana’y ganoon din ako sa iyo pagdating ko sa edad mo, Dorina,” matamis nitong sinabi at tumingala kay Jolo. “Let’s dance, darling…”
Nagpahinuhod si Jolo at inakay sa bulwagan si Sylvia. “Bitch!” Nagpupuyos na bulong ni Dorina na lumakad pabalik sa asawa. Halatang gustong idiin ni Sylvia ang pagitan ng edad nito at ng dalaga.
Chapter 8
PABALING-BALING si Judy sa higaan. Naririnig niya ang musika at ang malakas na tawanan sa ibaba. Kung gaano katagal ang party ay hindi na niya namalayan dahil kahit paano’y nakatulog din siya.
Naalimpungatan siya sa anasan malapit sa may ibaba ng bintana niya. Tumayo ang dalagita at nanungaw. Naaninag niya sa dilim sa makapal na halamanan ang tatlong lalaki. Kilala niya ang isa, si Erwin.
Binuksan ni Judy ang closet at kumuha ng pantalon. Bababain niya si Erwin. Alamin niya kung ano ang ginagawa nito sa dilim sa ganitong oras. Malapit na ang alas tres ng madaling araw. Kanina pa siguro natapos ang party.
Maingat niyang binuksan ang pinto ng silid niya. Madilim sa pasilyo subalit memoryado niya ang daan kahit hindi siya magbukas ng ilaw. Sa may likod ng bahay siya nagdaan. At tama ang hinala niya, bukas ang pinto malapit sa guestroom.
Dumampi sa mukha niya ang malamig na simoy ng hangin at bahagya siyang kinilig. Tinalunton niya ang kapirasong daan patungo sa makakapal na halamanan.
Malayo-layo pa siya’y naririnig na niya ang anasan ng mga lalaki. Ganoon din ang amoy ng tila matapang na sigarilyo.
“Umalis na kayo, Mike, baka magising si Kuya.” Si Erwin.
“Pagod sa party iyon. Tiyempo nga ang dating namin dahil tsibugan. Kung sinabi mong may party dito di sana’y kanina pa tayo nagsimula…” sagot ng tinawag na Mike.
“O, di ba masarap ang mag-trip, Erwin? Ikaw lang, eh. Masyado kang good boy…” ang isang tinig pa uli.
Bago pa nakasagot si Erwin ay lumitaw mula sa halamanan si Judy. Gulat na napatingin sa kanya ang tatlong lalaki. Kung hindi medyo madilim ay nakita na sana ni Judy ang pamumutla ni Erwin sa takot.
“Judy! Ano ang ginagawa mo rito?”
“Ako ang dapat magtanong niyan, Erwin? Ano ang ginagawa mong ito?” Inikot niya ang mga mata sa paligid. Pare-parehong may hawak na sigarilyo ang tatlong lalaki at hindi man sabihin ay alam niyang marijuana iyon.
“Wow! Sino ’yan, pare?” anang isang binatilyo na agad na lumapit kay Judy at hinapit siya sa baywang. Nagpapalag ang dalagita.
“Bitiwan mo nga ako!”
“Shh… please, Judy, huwag kang maingay baka magising ang papa at si Kuya Jolo…” babala ni Erwin na halata na ang matinding takot.
“Nagma-marijuana ka, Erwin?” Hindi makapani- walang bulalas ng dalaga. Bahagyang nawala ang pansin sa mga braso ni Mike na nakapulupot sa kanya.
Mabilis na umiling si Erwin. “N-ngayon lang, Judy.
Gusto ko lang subukan. Please, huwag kang magsu- sumbong…“ halos nagmamakaawa na ang tinig ruto.
Ang lalaking isa ay luniapit kay Judy at isinubo sa dalagita ang isang sigarilyo.
“Try this, baby. Tinitiyak ko sa iyong mag-e-enjoy ka,” iniwas ng dalagita ang ulo subalit mapilit ang binatilyo na marahil ay high na sa damo. “Subukan mo and let’s trip to heaven together…”
“Jun, please, huwag na ninyong isali si Judy,” pakiusap ni Erwin.
“Okay lang ito, Erwin. Napaka-KJ mo naman…”
Sa aktong yakap si Judy ni Mike at sinusubuan siya ng sigarilyo ni Jun nang biglang lumitaw si Luis.
“Ano ang ibig sabihin nito!” makapangyarihang wika nito na biglang nagpabitaw sa dalawang lalaki kay Judy. Pagkatapos ay nagpulasan patakbo sa dilim. Akmang hahabol si Luis pero minabuting huwag na. Binalingan nito ang dalawa. Sininghot ang paligid.
“Marijuana!” wika nito na kung nakamamatay ang tinging ipinukol sa dalawang teenager ay natumba na sa lupa ang mga ito.
“E, Kuya…”
“Nagma-marijuana ka, Erwin?” Mapanganib nitong tanong na pinitserahan ang kapatid na gustong himatayin sa takot.
“H-hindi, Kuya…”
“Ako ang may kasalanan, Luis…”
Napabaling kay Judy ang mga mata ng dalawang lalaki. Nang bitiwan ni Luis si Erwin ay agad itong tumakbo papasok ng bahay. Naiwan si Judy na hindi malaman ang gagawin. Ano ba naman ang nakain niya at sinabi niya iyon? Dala marahil ng magandang pakikitungo ni Erwin sa kanya at hindi niya gustong mapahamak ito. Tutal ay masamang lagi ang pagtingin sa kanya ni Luis kaya walang mawawala sa kanya.
“Halika nga ritong babae ka,” hinawakan siya ni Luis sa braso at pakaladkad na ipinasok sa loob ng kabahayan. Madilim pero alam na alam ni Luis kung saan siya dadalhin. Isang pinto ang binuksan nito at ipinasok siya. Isinara ang pinto at ini-lock. Pagkatapos ay ibinalya si Judy sa malaking sofa. Mula sa ilaw sa labas ay alam ng dalagitang sa guestroom siya dinala ni Luis.
“I never thought you’re that loose, Judy,” mariing wika nito sa nagtatagis na mga bagang. “Marijuana sa loob ng solar ko. At hindi lang iyon, dalawang lalaki ang inabutan kong nakapulupot sa iyo!” His face hardened in anger.
“L-Luis…” nahintakutan niyang wika na sinabayan ng bangon mula sa pagkakahiga sa sofa subalit muli siyang itinulak ng binata.
“At sa presensiya pa mismo ni Erwin!” patuloy nito. “Tinanggap kita rito sa villa, Judy. Kayo ng mommy mo dahil wala na akong magagawa at pinakasalan na ng papa si Dorina. Kinupkop ka naming mag-ama pero ano itong ginagawa mo? Idinamay mo pa ang kapatid ko. Isa kang masamang impluwensiya!”
“P-please, Luis… hindi… totoo…” nahinto sa sasabihin ang dalagita. Sasabihin ba niya ang totoo? At sa pangyayari ngayon, maniniwala ba naman ito? Lalo lang itong magagalit sa kanya dahil iisiping idinamay niya si Erwin.
“Hindi ko alam kung saan mo nakilala ang dalawang iyon sa apat na buwang pananatili mo rito sa hacienda…” patuloy nito na naupo sa sofa. Napigil ang dalagita sa pagkilos. “Sixteen… pero maraming lalaki na ang…” hindi nito itinuloy ang sasabihin at dinama ng kamay ang dibdib niya. Napasinghap ang dalagita sa pinagsamang pagkabigla, takot, at bahagyang sakit sa marahas na pagkakahawak na iyon ni Lui s.
Nanlaki ang mga mata niya nang magsimulang maglaro ang kamay ng binata sa dibdib niya. “L-Luis… please…”
“Itutuloy ko ang balak na gawin sa iyo ng dalawang iyon, Judy. At least, sa pagkakataong ito ay nasa pribadong silid tayo at walang audience,” wika nito sa nagtatagis na mga bagang kasabay ng pagbaba ng ulo patungo sa kanya. Isang sigaw ang pinakawalan ng dalagita subalit hindi nakuhang makalabas ng tinig sa lalamunan niya dahil napigil iyon ng mga labi ni Luis. Nauwi sa ungol ang napigil niyang pagsigaw at sinikap niyang magpumiglas.
He was kissing her rough and hard. Halos panga- pusan ng hininga si Judy sa takot. Nanlaban siya ng todo subalit malakas si Luis at nakadagan pa ito sa kanya.
“Please… please… Luis!”
“Hindi ba ito ang gusto mo, Judy? Hindi ba?” wika ng binata sa pinagsamang galit at sensasyon. Hindi nito akalaing makakadama ng ganito sa dalagita. Gusto lang nitong parusahan si Judy. But the young body was almost perfect.
She was petal soft. She was warm and sweet. Natural na natural ang amoy. And it tickled all his senses. Akma nitong bubuksan ang maong ng dalagita nang biglang humagulhol ng iyak ang takot na takot na si Judy.
“Huwag mong gawin ito, Luis, please… oh, please… natatakot ako sa iyo!” Humihikbi niyang sinabi.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Luis. Tumayo ito at binuksan ang ilaw. Tumambad ang bukas na blouse ni Judy exposing one small perfect breast. Nakasabog ang buhok sa luhaang mukha.
Napatiim-bagang ang binata. Naupo ang dalagita at isinubsob ang mukha sa mga palad at umiyak nang umiyak.
Nang mag-angat ng mukha si Judy ay wala na si Luis. Kung gaano siya katagal sa loob ng guestroom ay hindi niya alam. Nang huminto ang mga luha niya ay nahiga siyang muli sa sofa at tumitig sa kisame. Her fingers touching throbbing lips. Binalik-balikan sa alaala ang nangyari.
Hinagkan siya ni Luis. Pero hindi iyon ang uri ng halik na pinapangarap niya gabi-gabi. Malupitang mga halik na iyon.
Chapter 9
SA SUMUNOD na dalawang araw ay sinikap ni Erwin na iwasan si Judy. Bagaman nagkakasama sila sa pagkain ay nanatiling hindi nag-uusap ang mga ito. Alam ni Judy na guilty ang binatilyo at nauunawaan niya ito.
Si Luis ay laging galit. Kung kanino ay hindi niya alam. Kahit ang mga tauhan sa villa at sa hacienda ay nangingilag dito.
Mula nang mangyari ang eksena sa guestroom ay sinikap rin niyang iwasan ito.
Sa ikatlong araw ay nagising si Judy sa malakas na pagbalya ni Dorina sa pinto ng silid niya.
“Hindi ko akalaing nahiyang sa iyo ang buhay- hacienda, Judy,” sarkastikong wika nito. “Aba’y tinalo mo pa ako, ah. Kung hindi pa ako pumasok dito’y hindi ka pa magigising.”
Naalimpungatang bumangon ang dalagita. Tiningnan ang table clock. Alas-otso y media pa lang naman. Bakit nagagalit si Dorina.
“Maaga pa naman, Mommy. Lagi namang ganito ang gising ko, ’di ba?”
“Hindi na maaga ang pasado alas-otso. Bumangon ka na riyan at ipinagigising ka ni Anselmo. Nasa komedor na ang lahat at ikaw na lang ang hinihintay na tila ka reyna ng bahay na ito! “ Pagalit itong lumabas ng silid.
Mabilis na bumangon ang dalagita, pumasok sa banyo at nag-ayos ng sarili.
Nasa komedor ang lahat nang bumaba siya. Naupo siya sa tabi ng ina. Nasa harap niya ang magkapatid na parehong hindi niya tinitingnan.
“Ipinagising kitang sadya, hija,” simula ni Anselmo. “Gusto ko kasing sumama ka sa mommy mo at kay Jolo sa paghahatid kay Erwin sa Cebu para tuloy makabili ka ng mga bagong gamit mo. Dalawang araw sila roon. Noong gabi ng party alam kong kaya hindi ka makababa ay dahil wala kang maisuot. Sinabi sa akin ni Erwin iyon nang hanapin kita. Wala ka raw damit maliban sa tatlong maong…”
Hindi siya nag-angat ng ulo pero sa sulok ng mga mata niya’y alam niyang tumingin sa kanya si Dorina.
“’Ay naku, Anselmo. Hindi nga ba at kontra-gusto sa batang iyan ang pagsama dito sa hacienda? Kaya ’ayun, iniwan ang mga gamit sa Maynila,” si Dorina. “Pero sige, ipamimili pa rin namin siya ni Jolo ng mga gamit sa Cebu kung iyon ang gusto mo. At dapat kang magpasalamat sa Tito Ansel mo, Judy,” makahulugang tinitigan nito ang anak.
“Salamat, Tito Ansel, pero bakit ho pupunta ng Cebu si Erwin? Gaano ho siya katagal doon?” Sa kauna- unahang pagkakataon ay nag-angat siya ng mukha patungo kay Erwin. Apologetic ang ipinahihiwatig ng mga mata ng binatilyo.
“Sa Cebu na magpapatuloy ng pag-aaral si Erwin,” si Luis ang sumagot sa pormal at malamig na tono. Umabot ng ulam at naglagay sa sariling plato.
“Oo nga, hija. At ewan ko ba rito kay Jolo at napakabilis ng desisyon. Kung hindi marahil sa mga kakilala ko roon at dito rin sa bayan natin ay hindi magiging madali para kay Erwin ang pagta-transfer ng paganoon lang…”
Nagyuko uli ng ulo si Judy. Alam niya kung bakit. Dahil sa nangyari pagkatapos ng party. Gusto ni Luis na ilayo sa kanya si Erwin sa pag-aakalang masama siyang impluwensiya. At nakapagtatakang ganoon na lang ang impluwensiya ni Jolo sa ama at hindi man lamang nito kinuwestiyon ang desisyon ng binata.
“Ala-una ang schedule ng alis ng eroplano, hija. Kaya pagkakain ay gumayak ka na,” patuloy ng matandang lalaki.
Tumingin sa ina si Judy at kabisado na niya ang warning look sa mga mata nito.
“H-hindi na lang.po ako sasama, Tito Ansel. Masama ang katawan ko. Lalagnatin ho yata ako…” Hindi sinasadyang napasulyap siya kay Luis. Nakatitig ito sa kanya. Agad siyang nagyuko ng ulo.
“Sigurado ka?”
“Opo.”
Napapailing si Anselmo. “Siya sige at bahala na ang mommy mo na ibili ka ng damit sa Cebu.”
Hanggang sa makaalis ang tatlo ay hindi nagkaroon ng pagkakataong kausapin ni Judy si Erwin. Magkatabi ang silid nito at ni Luis. Maliban pa sa abala ito sa pag- aayos ng mga gamit dahil sa biglaang pag-alis.
Chapter 10
SA UNANG araw na wala ang ina at si Luis ay si Anselmo ang nangasiwa sa buong hacienda. Maghapon itong wala at halos dumidilim na kung ito ay umuwi.
Nang ikalawang araw na galing sa plantasyon ay maagang umuwi si Anselmo nang hapon iyon.
“Nasaan si Nana Tilde, Judy?” tanong nito.
“Nagpaalam pong sasaglit lang sandali sa bayan at may bibilhin daw po yata. May kailangan po ba kayo sa kanya?”
“Hihingi lang sana ako noong pamahid niyang langis at medyo sumumpong na naman itong rayuma ko. Epektibo sa akin iyong mga damo ni Nana Tilde kaysa tabletas. Pagkatapos ay sumakit pa ang ulo ko. Sa init marahil.” Nahahapong naupo sa rocking chair ang matandanglalaki.
“Ikukuha ko na lang ho kayo ng gamot sa sakit ng ulo. May paracetamol ho ako sa kuwarto ko.”
“Salamat, hija. Magdala ka na rin tuloy ng baso ng tubig.” Tumayo ito at iika-ikang lumakad patungo sa malaking hagdan. “Ihatid mo na sa silid ko.”
“Opo.” Sa kusina nagtuloy ang dalagita upang kumuha ng tubig at pagkatapos ay sa sariling silid upang kuhanin ang tableta para sa sakit ng ulo at dinala sa silid ng mag-asawa. Dinatnan niyang nakahiga na si Anselmo at nakapikit.
“Eto na ho ang tableta, Tito Ansel. “
Nagmulat ng mga mata si Anselmo at bahagyang bumangon. “Akina, Judy.” Inalis nito ang foil at ininom ang gamot saka muling nahiga. “Salamat, hija. Magpapahinga muna ako at sabihin mo sa akin kung dumating na si Tilde,” nagsasalubong ang mga kilay nitong hinila ng kamay ang kanang binti dahil sa sakit.
“Gusto ba ninyong hilutin ko na lang ang paa ninyo, Tito Ansel?” alok ng dalagita nang makitang nahihirapan ang madrasto. Naalala ang ama noong nabubuhay pa ito. May arthritis din si Abelardo at gawi na niyang imasahe ang paa nito.
“Kung wala kang ginagawa, Judy, sige nga.”
Naupo sa duluhang kama si Judy at itinupi ang laylayan ng pantalon ng matanda hanggang sa kalahati ng binti nito. Pagkatapos ay banayad na minasahe. Maka- lipas ang ilang sandali ay nakadama ng bahagyang ginhawa si Anselmo sa banayad na haplos ng dalagita. “Medyo nabawasan ang sakit, hija…”
“Mabuti naman po kung ganoon,” natutuwa niyang sagot.
“Gusto mo ba, hija, na sa Cebu na rin mag-aral sa pasukan o dito na rin sa atin?”
“Kahit po saan, Tito Ansel…” aniya na patuloy sa paghaplos sa binti nito.
“Natutuwa ako at nagugustuhan mo na rito, hija. Hayaan mo at sa susunod na pasukan ay ii-enroll kita sa kolehiyo na dating pinapasukan ni Erwin at ni Jolo rito. At pagka-graduate mo ay pareho ko kayong ipadadala ni Erwin sa Amerika. Doon ka mag-aaral ng kolehiyo, hija.”
“Totoo po?” Hindi makapaniwalang bulalas ng dalagita. “Ipadadala ninyo ako sa Amerika ’pag college na ako?” Ga-graduate Sana siya ngayong taong ito. Nanghihinayang niya.
Nangiti si Anselmo sa kasiyahang nakita sa mukha niya. Bumangon ito nang paupo. “Bakit hindi, Judy. Anak na rin kita at makakasama mo naman si Erwin doon…”
Nabitiwan ng dalagita ang binting minamasahe, lumapit sa matanda at yumakap dito sa matinding kasiyahan. Makakarating siya ng Amerika!
“Salamat, Tito Ansel! Marami pong salamat sa lahat ng kabutihang loob…”
Marahang natawa si Anselmo sa ginawa niya. Gumanti ito ng yakap at banayad na tinapik-tapik ang likod ni Judy. “Para na rin kitang anak, Judy, tandaan mo iyan,” hinagkan nito sa buhok ang dalagita.
Sa puntong iyon bumukas ang pinto ng silid at sumungaw si Dorina na napaaga ang dating. Walang kaabog-abog na tumili ito sa nabungaran.
Chapter 11
“W ALANGHIYA KA!” hiyaw ni Dorina na sinugod ang nabiglang anak at pasabunot na hinila mula kay Anselmo.
“Dorina!” Si Anselmo na nabigla rin.
Napalapit si Luis. “Ano ang nangyari, Dorina? Bakit ka sumigaw?” nagtatakang tanong ng binata na inawat ang babae nang makitang sinasabunutan nito si Judy. “Bakit mo sinasaktan si Judy?” Inilipat nito ang tingin sa ama na hindi malaman ang gagawin.
“Inabutan ko ang kiring ito na nakayakap sa asawa ko!”
“Mommy!” protesta ni Judy kasabay ng pagsulyap kay Luis. Parang hiniwa ang dibdib niya sagalit na nakita niya sa mga mata nito. Higit na masakit indahin ang tinging ipinukol nito sa kanya kaysa sakit na galing kay Dorina.
“Dorina, mali ka ng—” si Anselmo.
“Huwag mong ipagtanggol si Judy, Anselmo. Ginawa niya iyan sa una kong asawa!” galit na galit nitong sinabi.
Kumawala si Judy at nagtatakbong pumasok sa silid niya. Si Luis ay nakatiim ang mga bagang at hindi malaman ang sasabihin at gagawin.
“Dorina, hija. Nagkakamali ka ng sinasabi…”
“Shut up, Anselmo! Ora mismo ay ipahatid mo sa pier si Judy kung ayaw mong ako ang umalis sa bahay na ito. Magpasalamat ka at patatawarin kita. Pero hindi ako papayag na masira ng batang iyon ang pagsasama natin tulad ng ginawa niya sa amin ni Abelardo!”
“You can’t do that to your own daughter!” “Magagawa ko! Sisirain ng batang iyon ang pamilyang ito. Sa palagay ba ninyo’y hindi ko nahihiwatigan na kaya ipinadala ni Jolo si Erwin sa Cebu ay upang ilayo kay Judy? Ngayon naman ay ikaw! Ipahatid mo siya ngayon din, Anselmo, kung gusto mong manatili ako sa bahay na ito.”
“Pero, hija…”
“Nagpatingin ako sa Cebu tulad ng utos mo, Anselmo. At totoo ang hinala nating pareho. Huwag mo sanang hayaang may mangyari sa akin at sa dinadala ko!” mariing sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ni Anselmo. May bumakas na katuwaan doon. At pagkatapos ay nagbuntong-hininga at tiningnan ang anak.
“Ikaw na ang bahalang umayos ng lahat, Jolo…” Isang tango lang ang isinagot ni Luis na nagtiim-bagang at lumabas ng silid. Sa silid ni Judy ito nagtuloy. Inabutan nitong nakadapa sa unan ang dalagita at umiiyak.
“Hindi ko mapaniwalaang nagawa mo iyon!” Bumalikwas ng bangon si Judy. Pinahid ng kamay ang mga luha. Nagpatuloy sa paghakbang papalapit sa kanya si Luis. Pagkasuklam ang nasa mga mata.
“ Madre de dios! Desi-sais anyos ka pa lamang at sa asawa ng mommy mo!“
“Iwan mo ako, Luis,” walang emosyong wika niya.
“Ihanda mo ang mga gamit mo ngayon din. Ihahatid kita sa pier pa-Maynila,” nagngangalit ang mga bagang nitong nakatitig sa kanya. “Murder has been committed for less. At kung papatayin kita ngayon, it is only justified…”
Napapikit ang dalagita. Ano ang sasabihin niya?
“Pero huwag kang mag-alala. You’re safe with me hanggang sa maihatid kita sa loob ng barko.” Pagkasabi noo’y lumabas na uli ito ng silid.
Sa sasakyan ay parehong hindi nag-uusap ang dalawa. Tahimik lang ang dalagita sa loob ng sasakyan pero bahagyang nakataas ang ulo. Nararamdaman niya ang galit na inilalabas ng katawan ni Luis. Pero hindi siya yuyuko na tila kawawa.
Pribadong cabin ang kinuha ni Luis para sa dalagita. Walang kibo pa ring naupo si Judy sa gilid ng kama habang kiplap ang dala-dalahan. Inaasahang iiwanan na siya ng binata roon. Pero nanatiling nakatayo ito at tinititigan siya.
“Wala ka bang sasabihin?” wika nito. Hindi siya kumibo at nanatiling nakatitig sa porthole.
Isang buntong-hinmga ang pinakawalan ni Luis. Dumukot ito ng pera sa wallet at inabot sa dalagita. Ni hindi nag-angat ng mukha si Judy. Hindi rin inaabot ang pera.
“Tanggapin mo ito. Alam kong wala kang pera. Paano ka kikilos dito sa barko sa tatlong araw na biyahe kung wala kang pera? At papaano ka makakauwi sa lolo mo?”
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Judy.
“Salamat, Luis. Pero itago mo ang pera mo. Hindi ko pa nagagalaw ang perang ipinabaon sa akin ng lolo nang magpunta ako rito.”
“Gusto ko pa ring ibigay sa iyo ito…” giit nito. Umiling si Judy. “Huwag mong ipilit. ’Pag iniwan mo’y itatapon ko lang iyan ngayon din sa dagat. Ayoko ng perang magmumula sa inyo…”
Matagal na hindi kumikilos sa pagkakatayo ang binata. Tumingala sa kisame at pinuno ng hangin ang dibdib. Sa pakiwari ng dalagita’y naghihirap ang loob nito. At napasinghap siya nang walang ano-ano’y bigla siyang hinawakan nito sa magkabilang balikat at itinaas. Pagkatapos ay siniil ng halik.
Una’y marahas na sa kabiglaanan ay hindi siya nakakilos. Then he was kissing her softly and tenderly na gustong pumatak ng mga luha niya.
Sa kabila noon, may pinukaw na damdamin ang halik na iyon sa katawan niyang hindi niya kayang ipaliwanag. At bago pa niya naisip kung ano iyon ay iglap din siyang pinakawalan ni Luis. Hinabol nito ang paghinga and stared at her with pain in his eyes.
“Kung gusto mong itapon ay bahala ka. Pero iniiwan ko sa iyo iyan. Adios , Judy,” at nagmamadalinglumabas ng cabin ang binata.
Saka pinakawalan ni Judy ang mga luha. “Paalam, Luis…”
Chapter 12
AT MAKALIPAS ang anim na taon ay heto at muli silangnagtagpo ni Luis.
“Nakaalis na ba ang bisita mo, Judy?” Si Nana Mameng na nagpaputol sa daloy ng alaala kay Judy at nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Isang tango ang isinagot niya. Naupo sa harapan niya ang matandang babae. Tumikhim.
“Matagal ko na sanang gustong umuwi sa amin sa probinsiya, Judy. Ang dahilan kaya nananatili ako ay dahil sa lolo mo. Pinakiusapan niya akong manatili dahil nga maysakit na siya noon. Pero ngayong wala na siya’y gusto ko nang umuwi, hija. Kailangan ako ng anak ko at mga apo,” ani Nana Mameng na nakikiusap ang tinig.
Huminga ng malalim ang dalaga. At least, isang problema niya ang nawala kapag umalis si Nana Mameng. Isasara niya ang buong bahay.
“Kayo ho ang bahala, Nana Mameng. Mabuti nga ho at nasabi ninyo iyan. Ako man ho ay aalis bukas ng umaga p atungo ng Mindanao…”
“Iyon ba ang sadya ng lalaking naparito, hija?” “Opo.”
“Kung ganoon ay igagayak ko na ang mga gamit ko at sasabay na ako sa iyong umalis bukas. Doon na muna ako sa pinsan ko sa San Andres habang kumukuha pa ako ng ticket at namimili ng pasalubong.”
Isang tango ang isinagot ni Judy at tinungo ang telepono. Tinawagan ang manager, si Tim.
“I’m leaving, Tim…”
“Leaving?” Nagtaas ng boses ang kabilang linya. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“May… nangyaring hindi maganda sa mother ko sa Mindanao. She needs me.” Lumunok ang dalaga. Hindi pa rin niya matiyak kung kailangan nga siya ni Dorina.
Pero at least, walang masasabi sa kanya. Gagawin niya ang nararapat bilang anak.
“Mindanao! Are you out of your mind, Judy? Papaano ang tatlong nakabitin mong contract signing dahil nga hinayaan muna kitang matapos ang vigil mo sa lolo mo. Hija, those are all money… big money!”
“Listen, Tim. Hindi ko gustong umalis. But my… my stepbrother…” Ipinaliwanag niya rito ang tungkol kay Luis. Ang gagawin nito kung sakaling hindi siya sumama ngayon.
’ “So the stepbrother is rich, huh?”
“Right. Kaya kahit na nakakontrata ako ngayon palagay ko ay hindi ko iyon maidadahilan…” aniya sa isang walang pag-asang tono.
“I’ll be there first hour in the morning, Judy, Anyway, ang apartment ninyo’y nadadaanan ko naman. Kakausapin ko kung sinuman ang stepbrother mo na iyan. Hindi ka siguro kilala niyan na bigtime model, poster girl, calendar girl, cover girl, etc., etc.!” Litanya ni Tim na naiirita. Hindi magandang pakinggan na ang star talent nito’y mawawalang hindi nito alam kung hanggang kailan at kung saang lupalop ng mundo paparoon.
And another thing, may gusto ito kay Judy. At kung papayag lang ang dalaga ay gusto nitong pakasalan si Judy.
Nagbuntong-hininga si Judy. “You are just wasting your breath, Tim. Matitinag mo ang China Wall pero hindi si Luis. Anyway, kung maunang dumating si Luis sa iyo then goodbye, Tim, darling.” Ibinaba niya ang telepono sa receiver.
Chapter 13
ALAS-SIYETE y media ng umaga ay naroon na si Tim sa apartment ni Judy.
“Anong oras ang dating ng stepbrother mo na ito?”
“ Ang sabi niya’y alas-otso,“ aniya na inilapag ang tasa ng kape sa harap ng manager. “You still have fifteen minutes para praktisin ang sasabihin mo sa kanya,” matabang niyang sinabi na naupo sa tabi ni Tim. Sinamantala ni Tim iyon at ginagap ang kamay ng dalaga “Why don’t you marry me instead, Judy? Alam mong iniibig kita,” madamdaming wika ni Tim.
“C’mon, Tim, magkaibigan tayo. Ikaw ang confidante, manager, kaibigan, at lahat-lahat na sa akin. Huwag mong idagdag doon ang salitang asawa. I cannot imagine myself being married to you…”
“Whyever not?” Nakataas ang kilay nitong tanong.
“Isang linggo pa lang tayong magkasama ay pagsasa- waan na natin ang isa’t isa. I know you, Tim. Ang dahilan kaya patuloy kang nakaalalay sa akin ay dahil pera ang dinadala ko sa iyo,” matabang niyang sinabi.
“That is a cruel thing to say, Judy. I really love you,” bumalatay sa mukha nito ang sakit sa sinabi ng dalaga.
“Maybe. Pero hindi ko gusto ang uri ng pag-ibig mo, Tim. You’re more in love with yourself kaysa sa alinmang babaeng maaaring dumating sa buhay mo. Let us remain friends, okay?”
Hinagkan ng lalaki ang kamay ng dalaga. “Magba- bago rin ang pasya mo, Judy. Kailangan mo ako, I know that. You don’t want me out of your life hindi lang dahil sa financial na dahilan. Somehow, nararamdaman kong mahal mo rin ako.. .”
Kinabig into ang dalaga upang yakapin nang isang malakas na tikhim ang nagpalingon sa dalawa sa pinto.
“Time to go, Judy,” walang emosyong wika nito na sinabayan ng sulyap sa relo sa braso.
Si Tim ay tumayo at lumapit dito. Inilahad ang kanang kamay. I’m Tim Velasquez. Ako ang manager ni Judy…“
“I have heard of you from my lawyer, Mr. Velasquez,” pormal na sagot ni Luis na hindi inabot ang kamay ni Tim. Nagkibit ng balikat si Tim na ibinaba ito sa tagiliran.
“You see, Mr…” nilingon nito si Judy. “Esmeralda ba ’ika mo, Judy?” Tumango nang wala sa loob si Judy. “Mr. Esmeralda, gusto kong ipakipag-usap sa iyo ang trabaho ni Judy… as her agent and manager…”
“I don’t want to be rude, Mr. Velasquez, but if you have something to say about your talent, my lawyer will see you next week. Mahuhuli kami sa flight,” may pagkaaroganteng wika ni Luis na binalingan si Judy. “Nasaan ang mga bagahe mo?
Tumayo ang dalaga na tinitigan si Tim na nagtaas ng mga balikat. “Well, mauuna na ako sa inyo. Write me, darling. O, di kaya ay mag-long distance ka. Charge it to my office,” tuluyang lumabas na ang binata.
“Have you packed? Nasaan ang mga maleta mo?” Naiinip na muling tanong ni Luis sa kanya na hindi man lamang nilingon ang paalis na si Tim. Sinuyod siya nito ng tingin sa suot niyang hapit na maong at midriff na puting blouse. Sa pakiramdam ng dalaga ay hinihipnotismo siya ng maiitim na mga matang iyon.
Marahang huminga si Judy. Sa uri ng trabaho niya ay nakatagpo na niya ang ilang guwapong celebrity at mga lalaking nabibilang sa kilalang angkan. But nothing can ever compare to this man.
“Kukunin ko sa itaas,” mabigat niyang sagot kasabay ng pagtungo sa hagdan.
“Kaya mo ba?”
“Isang maleta lang ang dadalhin ko, Mr. Esmeralda. Walang dahilan para dalhin ko lahat ng mga gamit ko, I might be sent back nang wala sa oras tulad noon,” sarkastiko niyang sinabi na ikinatiim ng mga bagang ng lalaki.
Sa itaas ay isang drawer ang binuksan ng dalaga. Isang nakaselyo pang brown envelope ang naroon. Nanatiling hindi niya binubuksan sa loob ng kulang anim na taon.
Dalawang buwan na siyang nakakabalik nang matanggap niya ang envelope na iyon mula kay Anselmo. Hindi niya binalak buksan iyon. Nagkamali siya ng akala sa taong iyon. Ni hindi siya nagawang ipagtanggol sa ina. Ni hindi ito nagpaliwanag ng tungkol sa inabutan ng mommy niya noon.
Ipinasok niya sa shoulder bag ang envelope at hinila ang de gulong na maleta at bumaba. Nasa bungad siya ng hagdan nang salubungin siya ni Luis at kuhanin sa kanya ang maleta.
Chapter 14
SA LOOB ng eroplano ay magkatabing naupo ang dalawa subalit sinisikap ng dalagang huwag magsalita. Ang binata ay nakasandal at nakapikit. Ang maupo lang sa tabi ni Jose Luis Esmeralda sa susunod na mahigit isang oras ay naiilang na siya. Si Luis ang uri ng lalaking hindi magiging mabuting kaaway. Walang gentleness sa lalaking ito.
Ni hindi ito nag-atubiling ihatid siya sa barko sa gulang niyang desi-sais anyos at bumiyaheng mag-isa. Ni hindi siya nito binigyan ng pagkakataong marinig ang panig niya. Tulad din ni Anselmo na hindi man lamang nagpaliwanag sa asawa at anak.
Sinulyapan niya ang brasong nakalagay sa armrest sa pagitan nilang dalawa. Lean and rough hand sa kabila ng yaman. Hindi nag-aatubili si Luis na gawin ang gawain ng mga tauhan kung kinakailangan. Sa isang sandali ay naisip ng dalaga kung ano kaya ang mararamdaman niya kung hahawakan siya nito in a sweet caress. Bahagya siyang napahiya sa naisip niya at tumingin sa labas ng munting bintana ng eroplano.
Lumilipas ang oras at alam niyang ilang sandali na lang at nasa Hacienda Esmeralda na sila. Hindi mapa- lagay si Judy. Iniisip kung ano ang sasabihin ng naroong daratnan niya.
Maaaring pampamilya ang nangyaring iskandalo sa kanila ni Anselmo pero paano ang mga katulong na nakarinig sa tili at pinagsasabi ni Dorina?
Ngayon niya pinagsisisihang napilit siya ng lalaking itong sumama uli dito. Ano ang naghihintay sa kanya sa hacienda? Nararamdaman at naaalala pa niya ang mga matang nakatitig sa kanya habang inaakay siya ni Luis patungo sa sasakyan upang dalhin sa pier at isakay sa barko.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Judy. Sa pakiramdam niya’y namaniobra na naman siya sa ikalawang pagkakataon ng buhay niya.
Nagmulat ng mga mata si Luis. “Relaks, Judy…” banayad nitong sabi.
“ Alam ba ng… mommy na darating ako?“
Umiling si Luis. “Hindi ko sinabi sa kanya dahil gusto ko siyang sorpresahin. ’Pag nakikita niya ako’y umiiyak at yumayakap sa akin. Pero alam ni Nana Tilde na darating ka.”
“Hindi kaya makasamang lalo ’pag nakita niya ako?” Naroon ang insekyuridad sa tinig niya.
Nagsalubong ang mga kilay ng binata na nilingon siya. “Anak ka niya, Judy. Higit kailanman ay ngayon ka niya kailangan anuman ang namagitan sa inyo.. .”
Sana nga. Bulong ng dalaga na sinabayan ng paghinga nang malalim. “Si… Erwin?”
Tumiim ang mga bagang ng lalaki. “Nag-overseas ako sa kanya isang linggo pagkamatay ng papa. Wala siya sa apartment sa LA at nasa New York ayon sa landlady. Hindi nito alam kung paano mako-contact ang kapatid ko. Nag-iwan ako ng mensahe na umuwi agad ng Pilipinas…”
“Hindi ka ba kinakabahang magkita kaming muli ni Erwin, Luis?” patuya niyang tanong. Tumaas ang mga kilay ng lalaki sa tanong niya. “Remember, isa akong masamang impluwensiya?”
“Erwin is twenty three now at hindi na teenager tulad noon. At nakatapos na ng pag-aaral. Sa dami ng magagandang babae sa ibang bansa, natitiyak kong hindi na siya tulad ng dati.
“Hindi teenager si Anselmo, Luis…” hindi niya gustong sabihin pero lumabas sa bibig niya. Hindi siya nagkamali dahil halos naririnig na niya ang pagtatagis ng mga ngipin ng lalaki.
“Hanggan ngayon ay pinagtatakhan ko pa rin iyon, Judy,” pagalit nitong sinabi. “Bakit gusto mong patulan ang papa gayong may edad na ito? Hindi ba at handa naman akong ibigay sa iyo ang gusto mo noon sa guestroom had you not cried rape?”
Ngumiti siya ng patuya. Pilit itinatago ang sakit ng damdamin. “I might have some father image, Luis. Don’t you think so?”
Nakikita niya ang paniningkit ng mga mata ng lalaki. “Perhaps, considering na nasa kuwarenta na ang lover mong dinatnan ko kanina sa apartment mo.”
“Boss ko si Tim, hindi lover,” ewan niya kung bakit sa puntong iyon ng pang-iinis ay nag-backout siya. Hindi niya gustong isipin ni Luis na may relasyon sila ni Tim.
“What difference does it make? Boss and lover.” Nanunuyang baling nito sa kanya.
Walang kuwentang mangatwiran. Nagkibit siya ng balikat. “Hindi ka sanay kumatok ng pinto, Luis, tulad din noon. Kaya tuloy kung ano na lang ang nabubungaran mo,” tuya niya.
Ngumiti ang binata. “You surprised me, Judy, you were a submissive little girl six years ago. Ano ang nangyari sa nakalipas na anim na taon at para kang pusang laging gustong mangalmot?”
“Hindi na ako sixteen, Luis.”
“I can see that. Pero tulad noon hanggan ngayon, nakikita ko pa rin kung paano mahaling sa iyo ang mga lalaki. Nakikita ko kung paano nanlalaki ang mga mata nila sa mga poster mo…” Puno ng malisya ang mga mata nito.
“Hindi porno photographs ang mga poster ko, Jose Luis Esmeralda! “ Halos mabasag ang mga ngipin niya sa galit.
“May sinabi ba akong ganoon?” nang-iinis nitong sagot.
Nagpupuyos na sumandal ang dalaga. Hindi niya gustong pahabain pa ang banggaan nila ng mga salita. Siguro nga ay pagod siya. At wala pang beinte-kuwatro oras mula nang mailibing si Manuel. Hindi pa siya nakakabawi physically. Higit sa lahat, sa emosyon. Tapos heto at panibagong digmaan na naman ang haharapin niya.
Tumikhim si Luis sa pananahimik niya. “Sana’y sa harap ng bunsong kapatid ko’y iwasan natin ang palaging nagtatalo, Judy,” ani Luis makalipas ang ilang saglit. “Nawalan na ng ama ang bata at salamat sa kawalang malay at hindi gaanong nauunawaan ni Anna ang pagkawala ng papa. Hindi rin siya makatakbo sa ina. Hayaan mong magkaroon ng katahimikan sa pagitan ni Anna pagdating sa ating dalawa. Maipapangako mo ba iyon?”
“Itanong mo iyan sa sarili mo, Luis. Maipapangako mo bang hindi ka magsasalita ng mga bagay na ibabalik ko rin sa iyo sa tuwing nagpapanagpo tayo?” hamon niya.
“Kaya kong gawin iyon, Judy. Isa pa, sa buong maghapon ay nasa plantasyon ako halos.”
“Kung ganoon ay kaya ko rin.”
Chapter 15
I LANG sandali pa at nasa gitna na sila ng hacienda. Una siyang dinala ni Luis sa plantasyon ng kape na halos hinog na lahat ang mga bunga. Pagkatapos ay sa taniman ng mangosteen at suha.
“You’ve never been here, have you?”
Tumango siya. Gusto niyang isagot na hindi naman siya binigyan nito ng pagkakataon noon na maikot ang buong hacienda dahil nagagalit ito kay Erwin kapag lumalayo sila.
“Napakaganda rito, Luis. At ang gubat na iyon…” Itinuro niya ang makapal nakakahuyan. “Sakop pa bang lupa ninyo iyon?”
“Taliwas sa inaakala ng iba, virgin forest pa iyan, Judy. Pag-aari ng mga Esmeralda ang gubat na iyan. Maraming magaganda at maliliit na waterfalls sa loob. niyan. Sa ibang pagkakataon ay dadalhin kita riyan. Ngayon ay gusto kong ipakita sa iyo ang mga pinagkakakitaan ng buong hacienda.”
“Napakalawak ng haciendang ito, Luis. May palagay akong hindi ko magagawang ikutin ito sa buong maghapon.”
Natawa ang binata. “Kung lalakarin mo lang.” Nilingon siya nito at tinitigan. Umiwas siya ng tingin. Nag-o-overdrive ang puso niya sa palaging pagsulyap sa kanya ni Luis.
Nitong nakaraang mga sandali ay ibang Luis ang nakikita niya. Kasabay ng paninibago ay ang galak.
“Nakatapos ba ng agriculture si Erwin, Luis?” pag- iba niya ng mapag-uusapan.
Umiling ang binata. “Hindi gusto ni Erwin ang buhay-hacienda. Nag-shift siya sa architecture tulad ng tinapos ko. At kasalukuyang may magandang posisyon sa isang malaking construction company sa L.A. Nakatanggap ako ng overseas sa kanya kagabi, darating siya sa susunod na araw.”
“Paano niya tinanggap ang pagkamatay ng… Tito Ansel…?”
Pinuno ni Luis ng hangin ang dibdib. “Natural lang na maghinagpis si Erwin. Malapit siya sa papa. But he will, get over it. Tara doon sa ilalim ng punong suha. Gutom ka na siguro dahil malapit nang mag-alas dose.”
Naunang bumaba ng kabayo ang binata at pagkatapos ay muling inabot si Judy pababa. Inalis nito ang dalawang picnic basket na nakasabit sa kabayo sa tig-isang tagiliran. Inilatagni Luis sa damo ang picnic cloth at inilagay sa ibabaw ang mga basket.
“Chow time,” nakangiting wika nito sa dalagang nakamasid lang at naninibago sa ikinikilos ni Luis. “Maupo ka na.”
“Ano ang lunch natin?” aniya kasabay ng pagsalampak sa picnic cloth at pagbubukas ng basket, “Iyong madaling baunin. Pritong manok, sandwiches at mga prutas.” Naupo si Luis sa tabi niya, Hindi sinasadyang nasagi ng braso nito ang braso ni Judy. Hindi malaman ng dalaga kung uusog o hindi.
Sa pagitan ng gutom at pagkailang ay nagsimulang kumain si Judy. Ganoon din si Luis.
“Tell me about yourself…” ani Luis na itinaas ang isang tuhod at ipinatong doon ang isang braso na may hawak na hita ng pritong manok.
“There is nothing to tell that you do not know,” aniya na nakatitig sa pagkain.
“Ano ang ginawa mo pag-uwi mo ng Maynila six years ago?”
Nagkibit ng balikat si Judy. “This and that ..
“How did you end up modelling?”
“Sa university. Nakita ako ni Tim.”
“You’re very good at your job, I can see it. Nakikita kong malimit ang poster mo sa department stores. You even pose for that liquor company bilang calendar girl. You’ve grown into a very beautiful woman, Judy. But I hated that poster. Halos nakita na roon ang dibdib mo,” anitong may halong disgusto.
Tumaas ang kilay ng dalaga at nangiti. Sinusundan ba ng binata ang career niya sa nakalipas na mga taon? “That was tame kumpara sa mga poster ng ibang artista, Luis. That shot was decent.”
“And you called that decent?” Naiiritang tumingin ito sa kanya. “Is it decent to expose part of your breasts?” “C’mon, Luis… you have branded me a flirt at halos lumabas na sa bibig mo ang salitang ‘whore’. Surely, sa mga iniisip at itinawag mo sa akin noon ay bale-wala ang poster na iyon?” Hindi niya gustong haluan ng panunuya ang sinabi pero iyon ang tonong lumabas sa bibig niya.
Hindi sumagot si Luis at nagbuntong-hininga. Pagkatapos ay ibinaba ang fried chicken sa plastic ware, umabot ng tubig at uminom.
“Bigyan mo ako ng ten minutes to rest at pagkatapos ay dadaihin kita sa taniman ng cacao,” anito na umusog malapit sa puno, sumandal pahilig at pumikit. Hindi nito gustong magsalita at sagutin si Judy dahil baka mauwi na naman sa away.
Si Judy ay nagkibit ng balikat at itinuloy ang pagkain. Once in a while ay sinusulyapan niya si Luis. She was fascinated by him. Kung maaari lang sana niyang hawakan ang mukhang iyon. And how would it feel now kung ngayon siya hahalikan nito tulad ng ginawa nito sa barko anim na taon na ang nakalipas.
The dark brows and eyelashes. Ang matangos na ilong and the sensual lips. The dark skin na dala marahil sa malimit na pagbibilad sa araw. All added to the good looks. Bumaba ang mga mata niya sa broad shoulders ng binata pagkatapos sa nakabukas na poloshirt na kinakakitaan niya ng muscled chest na may mga pinong balahibo. At bumaba pa uli ang paningin niya sa flat stomach to his muscled thighs and legs na ang maong ay halos nakayakap na sa mga binti sa higpit.
Luis is a classic example of male perfection.
How would you look without those clothes, Jose Luis Esmeralda? Whoever invented the word sexy he must have you on his mind.
Marahang huminga ng malalim ang dalaga at inalis ang mga mata mula sa nakapikit na lalaki. Inabot ang tubig nagsalin sa baso at uminom. Inikot ang mga mata para sa napkin cloth. Naroon ito sa kabilang tagiliran ni Luis at nakaharang ang mga binti nito. Maingat niyang inabot ito subalit medyo kapos ng kaunti ang dating ng kamay niya. Bahagya siyang tumaas upang abutin nang mawalan siya ng panimbang at babagsak sana sa binata ng on instinct ay ang kaliwang kamay niya ang tinukod at doon iyon naitukod sa mismong harapan ni Luis.
“Ouch!” He squirmed gently.
Bigla ang balak niyang pag-alis ng kamay subalit dahil nakatukod doon ang lakas niya’y lalo pang napadiin.
“Hrmp… please be gentle with it, darling” amused na wika ni Luis.
Hindi malaman ng dalaga ang gagawin na namumula na ang mukha sa kahihiyan. “I… K-kukunin ko sana… iyong napkin…”
“Sure…” natatawang sabi ni Luis. Pagkatapos ay pumormal. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at inalalayan. Kinuha ang napkin at iniabot sa kanya. “Here…”
Inabot niya ang napkin subalit hinawakan siya ng binata sa braso at hinila payakap.
“L-Luis…” she whispered when she landed on his chest. Itinukod niya ang isang kamay sa dibdib nito. Hawak ng binata ang isa pa niyang kamay. Then his left arm wait around her and kissed her softly.
“Judy…” ani Luis sa pagitan ngpaghalik sa sulok ng mga labi niya. Then his mouth traced her face kissing every line. Pagkatapos ay bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya urging her to open her mouth. He was kissing her expertly and she moaned.
Nararamdaman ng dalaga ang kamay ng binata sa likod niya na gumagawa ng masarap na landas. Then his hand closed on her breast gently that she gave a soft cried. Gusto nang magpatangay ni Judy sa sensasyon nang may pumasok sa isip.
“How many men have you had in the past six years, Judy? “
Hindi siya papayag na mapaglaruan ni Lius. Itinukod niya ang dalawang palad sa dibdib nito at marahang itinulak palayo ang binata.
“I… thought you were immune to the likes of me, Luis…” aniya na sinabayan ng tayo.
Si Luis ay bahagyang iniumpog ang ulo sa puno at pumikit. His lips compressed into thin line. Si Judy ay pilit itinatago ang panginginig ng mga tuhod at lumuhod upang iligpit ang mga pinagkainan at ibalik sa basket.
May ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Walang marinnig kundi ang kaluskos ng mga insekto sa paligid at ang tunog ng mga damo at dahon na hinihipan ng hangin.
“Tell me, Judy, what made you do it with my father?” tanong ni Luis makalipas ang ilang sandali sa nagngangalit na mga bagang. “At gaano na ninyo katagal na ginagawa? Si Erwin? May nangyari rin ba sa inyo?”
Halos maglabas ng apoy ang mga mata ni Judy nang tumingin kay Luis. Kasabay noon ay gusto ring maglabasan ng luha sa mga mata niya. Did this man really believe na pinatulan niya si Anselmo? At si Erwin din?
“Bakit kailangan mo pang malaman, Luis? I was condemned and judged six years ago without proper trial. Hindi na kailangang ungkatin pa ang kaso,” pagalit niyang sinabi. Ibinagsak lahat sa basket angnatitira pa sa picnic cloth.
“Ngayon ko gustong marinig sa iyo ang totoo. Sabihin mo sa akin at ngayon din mismo ay patatawarin kita. Maiintindihan ko. Bata ka at kahit papaano ay nakikita kong hindi naman kayo malapit ni Dorina sa isa’t isa at maaga ka pang nawalan ng ama. Madali kang marahuyo.”
Huminga nang malalim si Judy. Nabawasan ang galit. “Bakit ganoon na lamang katindi ang paniniwala mong may nangyari sa amin ng papa mo, Luis?”
“Inabutan kayo ni Dorina sa isang uncompromising situation, Judy. My father never said a thing to contradict her. Nang umalis ka ’y isang close topic na iyon sa pagitan ng mag-asawa. Maliban sa pagdating ko pagkahatid sa iyo ay nilapitan ako ni Dorina explaining why she had to send you back to Manila…”
“Ano ang sinabi ng mommy, Luis?” she asked wearily. Hindi na kailangang pagtakhan pa niya ang mga paninira ni Dorina.
Tumayo ang binata. “Kalimutan na natin ang subject na ito. Hindi magandangpag-usapan.”
“You started it. At gusto kong malaman,” matigas niyang sinabi.
Tinitigan siya ng binata, “All right… May sinabi siya tungkol sa inyo ng daddy mo. Na nahuli niya kayong magkayakap. Sa ibabaw ng kama sa maraming pagkakataon, That you and your father could have committed incest although hindi niya iyon nahuli sa akto. And that somehow, you might be sick…”
Kitang-kita ng dalaga ang paggalawan ng muscles sa mukha ng binata sa galit. Pero hindi na niya pinansin iyon sa matinding galit na bumangon sa dibdib niya.
“My… my… mother told you that!” Hindi malaman ni Judy kung ano ang dapat maramdaman sa sandaling iyon. Nag-iinit ang buong katawan niya sa matinding galit sa ina.
“My father was… a good man, Luis..halos bulong na lang iyon sa matinding emosyon. Hindi niya akalaing magagawa ni Dorina na dungisan ang pangalan ng ama. Her father did everything para ibigay dito ang financial na pangangailangan.
Paano niya mapoprotektahan at maipagtanggol ang ama gayong pamilya na ni Dorina ang mga ito. Ang anumang sabihin niya bukod sa duda pa siya kung paniniwalaan ay magiging kasiraan ng sariling ina.
Lumong-lumong humakbang ang dalaga patungo sa pinagtalian ng mga kabayo.
“T-tayo nang umuwi, Luis…” Akma siyang sasampa sa kabayo nang hawakan siya sa magkabilang balikat ng binata.
“Kalimutan natin ang lahat ng mga ito, Judy. Kung totoo man ang sinabi ni Dorina na may sakit ka…”
“That I am some kind of nymphomaniac, ganoon ba, Luis? Ganoon ba?” Namumuo na ang luha niya sa mga matang humarap dito.
“Listen, Judy.. marry me and we will go to the States at magpatingin ka sa mahuhusay na doktor. Tutulungan kitang mapagtagumpayan anuman ang sakit mo…” Naroon ang intensidad sa tinig nito. Nakahawak pa rin sa mga balikat niya.
“A-anong sinabi mo?” Nanlalaki ang mga matang wika niya. Hindi mapaniwalaan ang narinig mula sa binata.
“Marry me, Judy. Be my wife…” pag-uulit ni Luis.
“W-why?”
Bumitaw si Luis at tumalikod. “May sarili akong dahilan kung bakit.”
“Then you are crazier than I thought, Jose Luis Esmeralda. You accused me a lot of things. Tapos pinaniwalaan mo ang mommy na maysakit ako. Then here you are offerring me your name. Paano kung totoong isa nga akong nymphomaniac at sa panahon ng pagsasama natin ay maghanap ako ng ibang lalaki? Ano ang gagawin mo, Luis Esmeralda?” Naghahamon ang tinigniya.
His dark eyes intent on her. Nanunuot sa mga buto niya. “Hindi ka magkakaroon ng pagkakataong gawin iyon. You will never be out of my sight, Judy. I will satisfy your every need… your every desire. You will have so much of me until you beg for mercy that 1 stop…” Magkahalong passion at galit ang nasa tinig nito.
Napamaang ang dalaga. Nakatitig sa binata. May dumaloy na kung anong init sa katawan niya pababa sa sinasabi nito. Nananayo ang mumunting balahibo niya sa katawan. And Lord, he wasn’t even touching her.
“You’re… mad…” bulong niya.
Humakbang papalapit si Luis at hinapit siya sa baywang. “Marry me, Judy,” at siniil siya nito ng halik. Hard and rough.
Kumawala ang dalaga. Iniwas ang mukha at hinabol ang paghinga. “No. Hindi ko alam kung sino sa atin ang maysakit. Do not marry me just to have sex with me, Luis…” nahinto sa sinasabi niya si Judy. Napatitig sa binata. Sex. Yes, kung magtatalik sila ay mapapatu- nayan ni Luis na mali ang sinasabi ni Dorina. Pero ganoon ba kadali iyon?
Pakakasalan siya ng binata tulad ng ibang lalaking nag-aalok sa kanya noon para lang may pases na madala siya sa kama. At sa kaso m Luis, a verile man, to satisfy his lust with her.
At siya, dahilan ba ang makipag-sex dito para mapatunayan lang na mali ang mga akusasyon sa kanya?
Malungkot siyang kumawala mula rito. Kung ibibigay niya ang sarili sa unang pagkakataon sa isang lalaki ay sapagkat mahal niya ito. Iyon lamang ang tanging dahilan.
“Kalimutan mo ang sinasabi mo, Luis. Tayo nang umuwi.”
Hinayaan siya nitong makasampa sa kabayo.
“Pag-isipan mo ang sinabi ko, Judy,” sumakay na rin ito sa kabayo at walang imikang umuwi sila.
Pagdating nila sa villa ay may bisitang naghihintay kay Luis. Si Sylvia.
“Hello, Jolo,” salubong ng babae na agad umabri- siyete sa binata. “Ang sabi ng mga katulong ay naglilibot ka raw sa buong hacienda kasama ang anak ni Dorina. Gusto ko nang magselos, a. Ilang beses na kitang niyayang samahan mo akong mamasyal pero lagi kang busy. Kailan pa dumating dito ang anak ng stepmother mo?”
“Kahapon, Sylvia. Sinundo ko siya sa Maynila…”
“Sinundo?” bulalas nito sa pagsasalubong ng mga kilay. “That is strange, Jolo. Abalang-abala ka sa hacienda upang makuhang magpunta ng Maynila para lang sunduin ang anak ng stepmother mo. Can’t she come on her own accord considering na miyembro na rin siya ng pamilya ninyo? At bakit hindi siya nagpunta dito noong lamay? Bakit ngayon lang?”
“Kasalanan ko rin, Sylvia. Hindi ko naipaalam agad kay Judy ang nangyari sa mommy niya. I was consumed with grief at nasa ospital pa si Dorina,” pagtatanggol ng binata.
“Pero bakit kailangang sun.. .’’hindi naituloy ng babae ang sasabihin nang sumungaw sa pinto si Judy Hinagod siya ng tingin ni Sylvia mula ulo hanggang paa. “Siya ba ang anak ni Dorina?”
Si Judy ay nakatitig sa babae. Namumukhaan niya ito bilang ang kasama ni Luis sa birthday party ni Anselmo. Nasa late twenties na nito marahil ang babae and still very beautiful. Sa nakikita niyang pagkaka- pulupot ng mga braso ng babae sa baywang ni Luis ay may nadama siyang kirot. Hanggan ngayon ay sila pa rin. Pero bakit inalok siya ng binata ng kasal?
“Siya nga. And I don’t think you’ve met kahit noong narito siya. Judy si Sylvia Prado.
“Prado?” ulit ni Judy na nagsasalubong ang mga kilay.
Tumango si Luis. “Si Sylvia ang anak ni Luigi Prado, ang kasama ng papa at ni Dorina on that fateful day.”
“N-nakikiramay ako,” aniya na iniabot ang kamay kay Sylvia na alanganing tinanggap nito.
“Salamat,” pormal nitong sinabi na agad binawi ang kamay. “Nakakalimot na ako nang unti-unti sa tulong ni Luis,”’malambing nitong tiningala ang binata. Mariin ang pagbigkas ni Sylvia sa bawat kataga upang iparating kay Judy ang kahulugan ng bawat salita. Na gusto nitong sabihing pag-aari na nito si Luis. “Ano na nga ba ang pangalan niya, Jolo?”
“Siya si Judy, Sylvia. At gusto ko na ring samantalahin ang pagkakataong ito upang unang maipaalam sa iyo ang tungkol sa aming dalawa.”
“S-sa inyong dalawa?” Mabilis na ulit ni Sylvia. Si Judy man ay nagsalubong bigla ang mga kilay.
“Yes, Sylvia. Judy is my fiancée at balak na naming magpakasal pagkatapos maiayos ang lahat…”
Kung may bombang binitiwan si Luis sa harap ng dalawang babae sa sandaling iyon ay bale-wala kumpara sa sinabi nito.
“Luis!” si Judy. “Bakit sinasabi mo kay—”
“I’m sorry, darling. Sylvia is a very close friend and I cannot afford to lie to her. Siya ang dapat na makaalam tungkol sa atin maliban sa ating immediate families,” suwabeng-suwabeng binitiwan ni Luis. Hinapit sa baywang ang dalaga upang ipahiwatig ang babala.
“Y-you can’t do this, Jolo…” si Sylvia na hindi makapaniwala at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Contempt and malice ang para kay Judy. “P-papaano ako? Tayo? Throughout these years I believed that…”
“Naniwala kang hindi ako mag-aasawa,” agap ng binata, smoothly. Pagkatapos ay ngumiti. “Iyon ay dahil hindi ko pa napapayag si Judy na magpakasal kami, Sylvia. I really have waited for her to come to the right age. At huwag kang mag-alala, Sylvia, walang mababago sa pagkakaibigan natin…”
Nawalan na ng kulay ang mukha ng babae. “But you can’t marry her, Jolo. Kung natatandaan ko’y may kumalat na balita among the servants tungkol sa… sa…”
“Nakikinig ka sa mga tsismis ng mga katulong, Sylvia!” May panganib na dala ang tono nito. “Walang katotohanan ang mga iyon. At pakakasal kami ni Judy. You will be invited.” Kilala ni Sylvia ang tonong iyon ng binata.
Tuluyan nang nawalan ng kulay ang mukha ng babae. “But… you made me believe na… oh!” at nagtatakbong palabas ng villa si Sylvia.
Chapter 16
“B AKIT mo sinabi iyon?” pagalit na hinarap ni Judy ang binata.
Sa halip na sumagot ay tumingin sa itaas si Luis. Sa may barandilya ng hagdan. Naroon si Dorina at nakapanungaw.
“Ano ang sinasabi mo, Jolo?” hiyaw nito sa stepson. “Sinabi mo ba iyon upang itaboy lamang si Sylvia? Well, that woman has become a pest na laging nakabuntot sa iyo…” nag-echo ang tinig ni Dorina sa palibot ng sala grande.
Muling mahigpit na hinapit ni Luis ang baywang ni Judy at inakay patungo sa malaking hagdan. Alanganing sumunod si Judy papanhik.
“Hindi mo ako sinasagot, Jolo…” salubong nito na ang mga mata ay nanlilisik sa pagkakatingin sa nakapulupot na braso ng binata sa baywang ni Judy.
“Totoo ang narinig mo, Dorina. Magkasintahan kami ni Judy at nagpaplanong pakasal,” sagot ni Luis na nilingon ang dalagang napasinghap at makahulugang tinitigan.
“Hindi totoo ang sinasabi mo!” Humakbang paatras si Dorina. “Hindi mo maaaring pakasalan ang babaeng iyan…”
“C’mon, Dorina, hindi ka ba natutuwa at magiging asawa ko ang anak mo?”
“H-hindi! Sabihin mong nagbibiro ka lang, Luis. Nangako kang hindi ako pababayaan, hindi iiwanan ngayong wala na si Anselmo…” wika nito.
“Totoo ang sinasabi mo, Dorina. Nasa ilalim kayo ng aking pangangalaga. Kayo ni Anna. Mananatili kayo sa bahay na ito. Ang ika-limang bahagi ng mga ari-arian ng mga Esmeralda ay pag-aari mo kaya may karapatan ka rin sa hacienda,” paliwanag ni Luis na hindi bumibitaw sa pagkakayakap sa baywang ni Judy.
“Hindi… hindi…” mabilis itong tumakbo papasok sa sariling silid at pabagsak na isinara ang pinto.
Muling hinarap ni Judy ang binata. Marahas na tinabig ang braso nito sa baywang niya. “Ano ang lbig sabihin ng ginawa mo?”
Hinawakan siya ni Luis sa kamay at hinila patungo sa silid niya. Ipinasok sa loob at isinara ang pinto.
“Dito ka magsisigaw hangga’t gusto mo,” amused mtong sinabi.
“And you have the grace to smile like that pagkatapos mo akong gamitin!” hiyaw niya.
“Kung gusto mong gamitin ang salitang iyan ay nasa sa iyo. It might be partly true dahil nakita mo naman ang epekto kay Sylvia. Pero hindi mo marahil masasabi iyan sa harap m Dorina. Hindi panggagamit iyong ipaalam ko sa ina mong gusto kitang pakasalan.”
“Ayokong magpakasal sa iyo, Jose Luis Esmeralda!” Parang batang hiyaw niya.
Nagbuntong-hininga ang binata. “Be sensible, Judy. Kailangan mo ako, aminin mo man o hindi. Nakausap ko na ang abogado kong iniwan sa Maynila thru long distance. Hindi biro ang halagang utang ng lolo mo sa banko at sa malaon at sa madali ay maiilit ang lupang kinatitirikan ng tatlong pintong apartment. Pati na ang utang mo sa agency mo dahil sa pagkakaratay ng lolo mo nang mahigit isang buwan sa ospital. At alam ko ring bago pa tuluyang naratay at mamatay si Manuel ay labas-masok na ito ng ospital. Gaano man kalaki ang kinikita at kinita mo ay naubos rin sa kanya. Kaya patayin mo man ang katawan mo sa katatrabaho ay hindi mo pa rin kayang bayaran ang utang mo sa susunod na mga buwan.”
Nanlulumong napaupo sa kama si Judy. Totoo ang sinasabi ng binata. Nakabaon siya sa utang. At napakabigat sa loob niyang tuluyang mawala ang bahay sa Maynila. Iyon na lang ang maituturing niyang kanya at nagsisilbing alaala sa dalawang lalaking siya lamang tunay na nagmahal sa kanya. Si Abelardo at si Manuel.
Naguguluhang tumingala siya rito. “Then let me go back, Luis, Nagtatrabaho ako dapat sa mga sandaling ito. Hindi ako kailangan ni Dorina. Nakita mo naman siguro ang pagtanggap niya sa akin. At si Anna, may yaya siya at nariyan ka…”
“Huwag kang magmatigas, Judy. Ano ang gagawin mo sa pagkakautang mo? Magtatrabaho ng patay ang katawan sa araw at ibenta ang sarili sa mga DOM sa gabi?”
Mabilis na tumayo ang dalaga at itinaas ang kamay upang sampalin ang lalaki subalit naagapan ni Luis ang braso niya at pinigilan iyon.
“Don’t be such a fool! I’m doing you a favor. Marry me and everything will be all right.”
“I hate you, Jose Luis!” sigaw niya rito nabinawi ang kamay. “Hindi mo magagawang mapasailalim ako sa kapangyarihan mo!”
“Magagawa ko at kaya kong gawin, Judy. Tandaan mo iyan. Prepare yourself to be the Mistress of this house…”
“Hindi mangyayari iyon dahil kay Dorina ang titulong iyon!”
“Then you’re wrong. Akin ang Villa Esmeralda. Tanging ang panganay na anak na lalaki lamang ang magmamana ng villa. And should I die, mapupunta ito kay Erwin. Nang mamatay ang papa, this has become automatically and legally mine,” he smiled in tight satisfaction. “At alam ni Dorina iyon. Isa iyon sa dahilan kaya hindi niya ikinatuwang babae ang naging anak nila ng papa.”
Napatanga si Judy. Iyon ba ang dahilan kaya nagagalit si Dorina kay Anna? Dahil lang hindi ito naging lalaki at napawalang bisa ni Anna ang pagiging maybahay nito sa villa?
Hinawakan ni Luis ang baba niya at itinaas. “Hindi ako bulag sa mga kapintasan ni Dorina, Judy,” marahang sabi nito. “I tolerated her because she has made my father happy sa mga panahong nagsasama sila or so I thought. At dahil na rin kay Anna. I adored that child. Alam ko ring ambisyosa siya. My only regret ay ang neglect niya kay Anna bilang ina,” may galit ang tinig nito sa huling sinabi.
“B-bakit mo ako gustong pakasalan?”
“Kailangan ka ng bunso kong kapatid. She needs love and affection at hindi maibibigay ni Dorina iyon. So you see, kapatid mo ang tinutukoy ko. Kapatid nating dalawa. Natitiyak kong sa bahaging iyon ay concern ka kay Anna.”
Muling naupo sa dulo ng kama ang dalaga. Gulong- gulo ang isip.
“Sa isang linggo ay pupunta tayo ng Maynila upang mamili ng mga gamit na kakailanganin mo sa araw ng ating kasal,” awtorisadong wika ni Luis na humakbang patungo sa pinto.
“I haven’t said yes yet,” pahabol niya sa pagalit na tono. Isang ngiti lang ang isinagot ng binata at tuluyang lumabas.
Chapter 17
KINABUKASAN ng tanghali ay dumating si Erwin, May kung ilang oras itong naglagi sa family mausoleum at hindi nila makausap..
“I-ikinalulungkot ko rin ang nangyari sa Tito Ansel, Erwin,” lakas-loob na nilapitan ito ng dalaga sa hardin nang hindi ito dumulog sa hapunan.
Isang tango ang isinagot ng binata. “Sa L.A. pa lang ay natanggap ko na ang lahat, Judy, nang ibalita ni Kuya Jolo, I just can’t believed it really happened, Malakas ang papa. Nagkausap pa kami sa phone a month bago ang pangyayari,” naiiyak nitong sinabi.
Ipinatong ng dalaga ang palad sa balikat nito. Ginagap iyon ng binata at mahigpit na hinawakan. Pagkatapos ay niyakap siya.
“I’m sorry, too. Kasama nga pala si Dorina sa napinsala. What happened to her was worst than death…”
“Yeah…” bulong niya. Marahang kumawala at naupo sa tabi nito. Hawak pa rin ni Erwin ang kamay niya at pinipisil-pisil
“How are you?” tanong ng binata na sinuyod siya ng tingin. May sumilay na ngiti sa mga labi nito. “I thought about you often times. Pero ang pumapasok sa isip ko ay ang batang laging nakatago ang mukha sa mahabang buhok at may magagandang ngiti. Hindi ko akalaing lalaki kang ganyan. You’re very beautiful.”
Nangiti rin siya. “Ikaw rin, Erwin. Kasingtaas mo na si Luis. At mas magandang lalaki kaysa kanya…”
Natawa ang binata. “Huwag mong iparinig sa kuya iyan,” biro nito. Pagkatapos ay pumormal. “I’m sorry, Judy. May kasalanan ako sa iyo. Bukod sa hindi ako nakapagpasalamat sa pagtatanggol mo sa akin. Ni hindi ko naitanong sa iyo kung ano ang nangyari sa inyo ng kuya nang iwan ko kayong dalawa rito mismo sa hardin na ito. Takot ako noon kay kuya kaysa sa papa, alam mo ba iyon?”
“I know,” banayad niyang sagot.
“Sinaktan ka ba ng Kuya Jolo noon?”
Umiling siya. “Pinagalitan lang niya ako, Erwin. But let us forget it. Matagal na iyon at nalimutan ko na at naunawaan naman kita.”
“Pagkatapos ng semester na iyon ay umuwi ako rito at wala ka na. Sabi ng Tita Dorina ay ikaw ang nagdesisyong bumalik ng Maynila. Tinanong ko rin kung natanggap mo ang mga sulat ko noong nasa Cebu ako at ang sabi ng Tita ay oo raw. Bakit hindi mo sinagot?” “Oh,., well…” hindi malaman ng dalaga ang sasabihin. “I’m not really fond of writing, Erwin. Ipagpaumanhin mo…”
Nagkibit ng mga balikat ang binata. “Okay lang. Akala ko tuloy ay galit ka sa akin, I have always liked you, Judy. Ngayon ay may dalawa na akong kapatid na babae. The last time na umuwi ako ay tatlong taon si Anna. And she’s getting prettier like her Ate…”
Patuloy sa pagkukuwentuhan ang dalawa. Si Luis na nasa madilim na bahagi ng veranda ay kanina pa nakamasid sa kanila nang hindi nila alam. Kung apoy ang inilalabas ng mga mata nito ay kanina pa nagsiklab ang dalawa.
HINDI pa sumisikat ang araw kinabukasan ay gising na si Judy. Usapan nila ni Erwin na mangangabayo sa loob ng hacienda.
“Ang buong akala ko’y hindi ka magigising ng maaga. Gigisingin na nga sana kita, e. Alas singko y media na. Hindi natin aabutan ang rising sun. Magandang tingnan iyon pagtama sa lake malapit sa taniman ng kape.” Salubong ni Erwin na tinulungan si Judy na sumampa sa kabayo.
“Na-miss mo ba ito noong nasa L. A. ka?”
“Of course. Gusto sana kitang hamunin ng race kaya lang alam kong hindi ka pa mahusay mangabayo. Let’s go,” pinatakbo na nito ang kabayo kasabay si Judy.
Chapter 18
“YOU must be crazy kung pakakasalan mo si Judy, Luis,” si Dorina na lumapit sa binata na nakatayo sa may veranda at sinusundan ng tingin ang dalawa. “Sinabi ko na sa iyo ang tungkol sa kanya.”
“Maaga pang masyado para sa gising mo, Dorina,” sagot nito na umalis sa pagkakatayo sa veranda at pumasok sa silid nito. Sumunod si Dorina.
“Hindi ko akalaing pati ikaw ay maaakit kay Judy, Luis. You have always been very sensible…” patuloy ng babae. Ni hindi pinagkaabalahang takpan ang sarili sa manipis na pantulog at nakabakat na ang buong katawan. “Nasaan na ang delikadesa mo? Alam mong pinakialaman siya ni Anselmo at marahil ay ni Erwin din.” “Tumigil ka, Dorina…!” May babala sa tinig nito na sandaling ikinatigil ng babae.
“Alam na ba ni Erwin na pakakasalan mo si Judy?” marahang tanong nito.
“Sasabihin ko sa kanya. Maaaring mamaya o sa ibang pagkakataon.”
“Huwag kang hibang, Luis. Nakaiwas ka kay Sylvia pagkatapos ay kay Judy ka naman babagsak…”
“Hindi kita maintindihan kung bakit ganiyan na lamang ang galit mo sa sarili mong anak…” pagalit nitong baling sa madrasta.
“Alam mo kung bakit… “
“Kung ako’y kinakalimutan ang nangyari bakit hindi ikaw?”
“Dahil hindi ako kasinghibang mo!” hiyaw nito. Pagkatapos ay yumakap sa binata mula sa likod. “Huwag mong gawin ito, Luis. Maligaya tayong wala rito si Judy. Hindi pa ako malakas at magaling. Hindi ko kayang magkasama kami sa iisang bubong. Hintayin mong tuluyan akong magbalik sa dati, Luis.”
Huminga ng malalim ang binata. “Alam kong hindi madaling makabangon mula sa nangyari sa iyo, Dorina. Ginagawa ko ang lahat ng paraan upang tulungan ka. At kung pahihintulutan mo lang na makalapit sa iyo si Judy ay maiibsan ang dinadala mo. Nariyan din si Anna na nangangailangan ng kalinga mo.”
Humikbi ang babae. Humigpit ang pagkakayakap kay Luis. Idinikit ang pisngi sa likod ng binata. “Hindi madaling tanggaping wala na si Anselmo, Luis. At lalong hindi madaling tanggaping pinagsamantalahan ako ng mga walanghiyang lalaking iyon! “
Kumawala si Luis at inakay ang madrasta palabas ng silid upang dalhin sa sariling kuwarto nito. Inihiga nito si Dorina sa kama nito.
“Matulog kang muli, Dorina. Maaga pa. Tatawagin ko ang nurse upang samahan ka dito…”
“Ikaw ang kailangan ko, Luis. Sa tuwing nasa tabi kita’y naiibsan ang pamimighati ko. Sa pakiramdam ko’y nasa tabi ko si Anselmo at dinadamayan ako…” halos hindi nito gustong bitiwan ang kamay ng binata.
“Hihingin ko ang gamot mo sa nurse, Dorina…” wika nito na lumabas ng silid. Kung lumingon si Luis ay nakita sana nito ang pagbabago ng anyo ni Dorina. Naningkit ang mga mata nito sa matinding galit.
Si Luis ay nagtuloy sa sariling silid at tuluyang nagbihis. Pagkaalmusal ay nagtuloy na sa kamalig upang maagang asikasuhin ang mga gawain. Nagulat pa ang mga katiwala sa aga nito.
Halos makasabay lang ni Luis sina Judy at Erwin pauwi sa bahay nang bandang tanghalian.
“Ngayon lang kayo umuwi mula kaninang umagang umalis kayo?” mapanganib nitong tanong sa dalawa.
“I have missed the place, Kuya Jolo. Isa pa, hindi pa pala nararating ni Judy ang gubat kaya ipinasyal ko siya roon.” katwiran ni Erwin.
Si Judy ay tuloy-tuloy na pumanhik sa itaas. Alam niyang nagagalit si Luis at hindi niya gustong harapin ito.
Chapter 19
NANG gabing iyon ay ilang oras na nanatili sa library si Luis upang asikasuhin ang pinansiyal na kuwenta ng buong hacienda mula sa statement na ibinigay ng bayarang accountant. Mag-a-alas diyes na ng gabi nang lumabas ito at pumanhik sa sariling silid sa itaas.
Nahinto ito sa pagpasok sa silid nang matanawan sa dulo ng pasilyo si Judy na lumabas mula sa silid ni Erwin pabalik sa sariling silid. Biglang naningkit ang mga mata ng binata at sinundan si Judy sa silid.
Kasalukuyang inilalagay ng dalaga ang hinubad na damit sa hanger upang palitan ng pantulog nang pumasok si Luis at pabalyang muling isinara ang pinto.
“Luis!” aniya na ang hinubad na damit ay itinakip sa katawan. “Ano ang ginagawa mo rito?”
Sa halip na sumagot ay hinablot ng binata ang damit at inihagis sa lapag. Hindi malaman ni Judy ang gagawin. Panties na lang niya ang natitira sa katawan.
“Ano ka ba? Talaga bang hindi mo natutuhang kumatok ’pag pumapasok ka sa silid ng iba!” pagalit niyang sinabi at dadamputin sanang muli ang damit na nasa sahig nang marahas siyang kabigin ni Luis at yakapin.
“Ano ang ginagawa mo sa silid ng kapatid ko, ha?” Halos naririnig na ng dalaga ang pagtatagis ng mga ngipin nito. “Sinusumpong ka na naman ba? Ikakasal ka sa akin tapos ayon at sa dis-oras ng gabi ay nasa silid ka ni Erwin!”
“Ano ba ang pinagsasabi mo? Bit—tiwan mo ako,” aniya na nagpipiglas. Kinakabahan siya sa nakikita niya sa mukha ng binata. Humihingal ito sa galit. Ibinalya siya nito sa kama. Hindi niya malaman kung paano ipagkurus ang mga braso at itakip sa nakabilad na katawan. “Luis!”
“Ibibigay ko sa iyo ang gusto mo, Judy, nang hindi ka na tumatakbo pa sa ibang lalaki. Nang hindi mo ako bibigyan ng kahihiyan! “ Galit na galit nitong sinabi habang nag-aalis ng kasuotan
“L-Luis… ano ang ginagawa mo? W-wala kaming… ginagawang masama ni Erwin,” totoong natatakot na siya. Sa mismong harap niya’y naghubad si Luis.
Sa kabila ng pagkabigla at kaba ay hindi niya maialis ang mga mata sa katawan ng binata. She was torn between fascination and fear of this man.
Naked or dressed, Luis is one hell of a hunk.
“Pagkatapos ng gabing ito, Judy, you will never turn to another man because I will kill you if you do that!” He said harshly and joined her in the bed. He was on top totally covering her.
“Luis, please… mali ka nang iniisip…” sinikap ng dalagang mangatwiran. Bumabangon na ang sindak sa dibdib niya. She could feel the growing maleness.
“Hindi mo ako mapipigil ngayon sa pag-iyak mo, Judy. Tatapusin natin ngayong gabi ang mga kalokohang pinaggagagawa mo!”
At siniil siya nito ng halik. Mariin. Marahas. Napaiyak ang dalaga, Nagpipilit makaalpas mula rito subalit hindi siya pinakakawalan ng binata.
She moaned in pain when his hand cupped her breast roughly. Sinasaktan siya nito.
“Oh, please… Luis… I never had… I never had…” sinikap niyang iparating ditong wala pang lalaking umangkin sa katawan niya. Pero hindi niya maituloy ang sinasabi dahil nasa mga labi na niya uli ang mga labi ng binata. Kissing her hard… kissing her rough… kissing her thoroughly… and kissing her expertly sa kabila ng lahat.
At kahit siya ay nagtataka sa sarili. Hindi siya dapat makadama ng sensasyon dahil natatakot siya sa ginagawa nito pero iyon ang nadarama niya.
She hated him for doing this to her and wanted him at the same time. His callous hand on her body is torture and ecstacy. His mouth found her nipple and gave it a-not-so- gentle bite. Napasigaw siya sa bahagyang sakit that he changed his ways at once by suckling it gently. His hand softly caressing the other breast. And she gasped.
Gusto niyang mabaliw sa ginagawa ng binata sa kanya. From pain to pleasure to ecstacy. Nang ibaba ng binata ang kamay nito upang alisin ang huling nakatakip sa katawan niya ’y biglang natigilan si Judy.
“Luis, no!”
“Yes, Judy, yes!” Then his hand on the most sensitive part of her body that she almost lost her breath. “I can see you’re now ready for me, querida mia …” nakangiting wika nito. She cried softly when he started playing and loving her.
“Oh, please, no…!” aniya nang maramdaman ang katawan ng binata sa katawan niya. His maleness on her thighs.
She tried to wriggle free sa huling katinuan ng isip. Pero habang ginagawa niya iyon ay lalo lamang nagdadagdag sa sensasyong nararamdaman ni Luis.
He settled on top of her holding both her hands over her head. “Look at me, Judy,” he commanded in a thick voice. “I want you to look at me when I take you and make you mine.” He said harshly.
Unequalled passion, intense desire, and anger. Iyon ang sama-samang nakikita ng dalaga sa mga mata nito
And savagely, he pushed hard na halos magpawala ng malay sa dalaga.
Chapter 20
G USTONG panawan ng malay ni Judy. Nothing and no one had ever prepared her for this kind of pain.
“Judy…?” si Luis na hindi makapaniwala at hindi malaman ang gagawin. Hindi nito inaasahan iyon. Kitang-kita sa mukha ng dalaga ang matinding sakit and he stopped moving. “Judy… bakit… anong…?” Saka una- unahang pagkakataon sa buhay ng binata ay nawalan ito ng sasabihin.
This is not the first time that he had taken a virgin. Pero hindi sa ganitong paraan, hindi sa marahas na paraan. Higit sa lahat, hindi nito inaasahan sa dalaga iyon.
Ni hindi gustong kumilos ng dalaga, kahit ang magmulat ng mga mata ay hindi niya gustong gawin sa pagbabaka-sakaling mabawasan ang sakit. May sumungaw na isang butil na luha sa sulok ng mata niya.
“Oh, Judy… I’m so sorry…” wika ni Luis and tenderly kissed the solitary tear away.
“G-go… away. Just… roll off…” bulong niya.
“ No, chiquita, no . The worst part is over. It is going to get better… I promised.“ his voice gentle. His hand caressing her face
“Hindi! Ayoko na, ayoko na…” pa-hysteria niyang sigaw at tuluyang napaiyak. “Please, just go away…!”
Napilitang tumayo si Luis, marahan. Hindi malaman kung paano aaluin ang dalaga na dumapa at inabot ang kumot at itinakip sa katawan sa papaano na lang na paraan. Nanatili siya sa ganoong ayos nang may kung ilang sandali hanggang sa pakiramdam niya’y unti-unting nabawasan ang sakit.
“Judy…”
“Iwan mo ako, Luis, please.. .”
“Hindi ko magagawa iyon. Hindi kita intensiyong saktan. Pinaniwala mo akong—”
“Hindi kita pinaniwala! Pinaniwala mo ang sarili mo!” aniya. Ang mukha ay nakabaon pa rin sa unan Nagtiim-bagang ang binata. Pagkatapos ay muling nilinga ang dalaga. Hindi malaman kung hahawakan o hindi. “Gusto mo bang tumawag ako ng doktor?”
Hindi malaman ng dalaga kung matatawa o maiiyak. Physically, she will heal. Perhaps in a few hours. But the pain in her heart ay hindi niya matiyak.
“Nakikiusap ako, Luis, iwan mo ako…”
“Ayokong gawin, Judy. I want to stay beside you, with you. Kung gusto mo akong saktan para lang makabawi sa guilt na nadarama ko ngayon ay nakahanda ako. Just don’t send me away. At kailangan ko ng paliwanag…”
“Iwan mo ako, Luis. Gusto kong mag-isip, matulog magpahinga nang nag-iisa. Hindi kita sinisisi. Basta iwan mo lang ako ngayon, please…” Hindi niya gustong umiyak sa harap nito at gusto nang sumabog ng dibdib niya. “Judy…”
“Please…”
Mabigat ang katawang muling isinuot ni Luis ang nagkalat na mga kasuotan sa sahig. Hindi nito gustong iwan si Judy pero kailangan marahil na pareho silang mag-isip. Lalong higit ay ito.
Sa loob ng maraming taon ay ikabaliw nito halos ang mga sinabi ni Dorina tungkol kay Judy. Tahimik itong lumabas ng silid at maingat na isinarang muli ang pinto.
All right, napatunayan ni Luis na maling lahat ang mga akusasyon nito sa kanya. Pero paano ngayon?
Gusto siyang pakasalan nito dahil kay Anna. At ngayon ay lalo pang nagkaroon ng dahilan ang binata para tuluyan na nga siyang pakasalan — dahil sa guilt. Dahil napatunayan nitong maling lahat ang mga akala at bintang sa kanya.
At higit kailanman ay ngayon siya hindi makata- tangging pakasal dito. Hindi bayolenteng tao si Luis at iisipin nitong ang ginawa sa kanya ay para na ring rape. At hindi matatanggap ng pride ng binata iyon.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang muling bumukas ang pinto. Inisip niyangnagbalik si Luis.
“Go away, Luis!”
“Hmp… at tama ang hinala ko. May milagro kayong ginagawa,” si Dorina na may malisyang hinagod ng tingin ang katawan niyang hubad. “Makiri kang babae, Judy!”
Napabangon si Judy. “M-mommy!”
“Hindi ko alam kung bakit ka pa nagbalik. Hindi ka namin kailangan. Muli mong ginulo ang buhay ko sa pagbabalik mo. Unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Jolo sa akin. Pero pilit mo siyang inaakit…”
Napailing ang dalaga sa sinasabi ng ina. “A-anong ibig ninyong sabihing nahuhulog ang loob sa inyo ni Luis?”
“Sa malaon at madali ay pakakasalan ako ni Luis dahil kay Anna! Dahil hindi niya gustong manatili akong maysakit! Dahil sa pagmamahal niya kay Anselmo ay pakakasalan niya ako,” tila baliw nitong sinasabi. “Kai- langang manatiling ako ang reyna sa villa na ito..
Napailing ang dalaga. “P-pero halos ina na lang kayo ni Luis, Mommy…”
“Tumahimik ka!” sigaw«mto. “Labing-tatlong taon lang ang tanda ko kay Jolo at bale-wala iyon kung hindi ka bumalik dito. Kahit kailan ay inaagaw mo ang atensiyon ng mga lalaking nagkakagusto sa akin. Mula kay Abelardo hanggang kay Anselmo at ngayon ay si Jolo!” Litong-litong hindi malaman ni Judy ang sasabihin. Nasisiraan na ba ng bait ang ina?
“Alam mo bang kinasusuklaman ko sa tuwing inihahambing ka nila sa akin? Sa tuwing sinasabi nilang higit kang maganda?”
“Mommy…”
“Huwag mo akong tawaging mommy dahil hindi mo ako ina!” hiyaw ni Dorina sa panggigilalas ni Judy. “Hindi mo ako ina, naintindihan mo…!”
“H-hindi ninyo alam ang sinasabi ninyo. Maysakit pa kayo. Hindi pa kayo magaling…”
Malakas na tumawa ang babae. “Alam mo bang hindi maaaring magkaanak si Abelardo? Baog ang kinikilala mong ama, naintindihan mo?”
Nanlaki ang mga mata ni Judy. Alin ba ang mas masakit? Ang pisikal na dulot ng ginawa ni Luis o ang malamang hindi siya anak ng minamahal na ama?
“S-sino… ang… mga magulang ko?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. Unti-unting lumilinaw ang dahilan ng pagkamuhi ng babae sa kanya.
“Anak ka ni Manuel! Anak ka ng matandang iyon sa kasamahan kong hostess sa club. At namatay si Lyn nang ipanganak ka. Inampon ka ni Manuel subalit hindi nito gustong lumaki kang bastarda kaya pinalabas na si Abelardo ang may anak sa iyo nang magpakasal kami. Ipinaangkin ka ng matandang iyon sa amin bilang anak!”
Nanlumo si Judy sa narinig na lihim ng pagkatao niya.
“B-bakit hindi ninyo sinabi sa akin nang mamatay ang daddy?” aniya sa nanginginig na tinig.
“Dahil hindi papayag si Manuel. Sasabihin niya sa lahat na isa lamang akong hostess sa club. Sisirain niya ako. May mga iniingatan siyang larawan na gagawing ebidensiya sa akin,” buong pagkasuklam nitong sinabi. “At sa nakikita ko sa iyo ay hindi sinabi ng matandang iyon ang katotohanan sa akin. At marahil ay matagal na nitong sinunog ang mga larawan at natakot ako nang walang dahilan kahit nitong nagsasama na kami ni Anselmo,” parang baliw itong ngumiti. Luminga-linga sa loob ng silid. Natanawan nito ang isang letter opener sa ibabaw ng chest of drawers at dinampot.
Nahintakutang tumayo mula sa kama si Judy nang itaas ni Dorina ang letter opener at humakbang nang marahan papalapit sa kanya.
“M-mommy… ano ang ginagawa ninyo?”
“Hindi ka kuntento sa mga lalaki mo sa Maynila at pati si Jolo ay gusto mong biktimahin, Judy. Naging problema ko si Sylvia na mula nang mamatay ang ama’y lalo nang laging nakadikit kay Jolo bagaman alam kong walang pagtingin si Jolo sa kanya. Naidispatsa siya pero heto naman ikaw.. At pakakasalan ka pa. Hindi ako papayag, Judy. Papatayin na muna kita…”
“’P-pag… pinatay… ninyo ako ay makukulong kayo…” Napaatras ang dalaga sa may pinto ng veranda. “Mali, Judy. lisipin nilang wala ako sa sarili kong kati- nuan dahil sa trahedyang nangyari sa akin. Kaya malaya kong magagawa ang gusto kong gawin sa iyo. Isa pa, hindi papayag si Jolo na makaladkad ang pangalan ng paniilya. Bukod pa sa nariyan si Anna. Gagamitin nito ang pera upangmanatili akong malaya…”
Sa pag-atras patungo sa veranda ay natabig ni Judy ang lampshade sa night table at bumagsak ito sa sahig at gumawa ng ingay.
Magagawa ba niyang labanan ito? Kapag ganitong wala na sa katinuan ang isip ng babae ay may lakas itong higit sa karaniwan. Makakatakbo siya pagdating sa veranda at makakahingi ng tulong.
“Papatayin kita, Judy! “ susugod sana si Dorina nang bumukas ang pinto at sumungaw ang nagulat na si Luis.
“Dorina!”
Sa paglingon ni Dorina sa pinto ay inihagis ni Judy dito ang kumot na itinatakip niya sa katawan. Tumabing ito sa ulo at katawan ng babae at sa pagpipilit na makalabas ay natabig ng paa ang kumot at bumagsak ito sa sahig kasabay ng malakas na sigaw.
Chapter 21
NAGPAIWAN si Judy sa villa sa araw ng libing ni Dorina. Nagdahilang masama ang katawan. Gusto niyang umalis nang hindi kailangan ng komprontasyon mula kay Luis.
Kahit papaano ay ikinalulungkot niya ang sinapit ng kinikilalang ina. Kung hindi sana sa matinding paninibugho nito sa kanya at sa kasakiman ay hindi marahil sasapitin ni Dorina ang ganitong wakas.
Iniligpit niya ang mga gamit sa maletang pinaglagyan niya patungo rito. Nagbihis. Binuksan ang drawer ng tokador at inilagay sa bag ang mga naroong gamit. Napagtuunan niya ng pansin ang brown envelope na galmg kay Anselmo para sa kanya may anim na taon na ang lumipas.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Hindi na niya kailangang malaman ang nilalaman niyon. Pareho na itong wala at si Dorina. Iniwan niya ang enve-lope sa ibabaw ng tokador at lumabas ng silid.
Sa ibaba ay kinausap niya ang family driver.
“Mang Pancho, maaari po bang ihatid ninyo ako sa pier?”
“Aba, oo, Judy. Ang lumang jeep na lang ang gamitin natin dahil dala ni Luis, ang Land Cruiser at ang L200 naman ay siyang gamit ni Erwin.”
“Kayo po ang bahala,” aniya na inabot sa matanda ang maleta. Sumunod siya rito patungo sa pinagpara- dahan ng owner-jeep.
“Bakit hindi mo na lang hinintay si Senior Luis, Judy, para siyang maghatid sa iyo sa pier? Hindi kaya magalit sa akin iyon?”
“Hindi po, Mang Pancho. Pagod at puyat ang magkapatid dahil sa pagkamatay ni… ng… mommy. Ayokong makaabala pa…”
Gusto pa sanang itanong ng matanda kung bakit siya ang anak ay siya pa ang wala sa libing pero minabuting huwag na lamang kumibo.
Malapit na sila sa labas ng hacienda nang huminto ang jeep. “Bakit po tayo huminto, Mang Pancho?”
“Aba, teka at titingnan ko. Sumumpong na naman siguro ang dating sakit nito. Mahinang baterya. Hindi kasi napag-uukulan ng pansin dahil dala-dalawa ang pick- up na ginagamit sa hacienda.”
“’Ku, ayaw.! Baterya gyod ang problema ani,” wika nito sa local dialect nang buksan ang hood..
Napailing ang dalaga. Bakit ba natatapat siya sa nasisiraang sasakyan? Ang kotse niya sa Maynila at itong jeep ay puro dispalinghado.
“Ilang kilometro pa ho tayo hanggang sa boundary ng asyenda?”
“Mga kalahating kilometro pa, ’day. At pagdating mo naman sa kalsada ay bibihira rin ang nagdaraang sasakyan patungong bayan. Madalang pa sa patak ng ulan ang biyahe.”
“Subukan ho ninyong i-start at ayusin at baka hindi naman baterya ang diperensiya,” utos niya.
“Aber nga at titingnan ko uli,” muli itong lumipat sa harapan at kung ano-ano ang ginawa.
Hindi malaman ni Judy kung may alam sa sasakyan ang matanda o wala. Bumaba siya ng jeep at umikot sa mismong harap. Tiningnan ang ginagawa ni Mang Pancho pero wala naman siyang maintindihan. Lumakad siya patungo sa nakahandusay na puno ng niyog at naupo roon at nangalumbaba.
“Paano ho kung hindi umandar iyan?”
“Maglalakad tayo pabalik ng hacienda, Judy. Mapalad kung makakasalubong tayo ng karomata at makakasakay tayo. Kung hindi ay mahabang oras na lakaran iyon. Hindi bale ako, sanay. Ikaw ang inaalala ko.”
Bumuntong-hininga ang dalaga. Sa nakalipas na beinte minutos ay walang ginawa si Mang Pancho kundi ang pumaroon at pumarito sa hood at sa manibela.
Marahil ay talagang wala itong magagawa at hindi lang gustong ipakita sa dalagang hindi nito sinusubukang paandarin ang jeep.
Ugong ng sasakyan ang nagpabaling sa dalawa sa daang pinanggalingan. Kinabahan si Judy. Malayo pa’y natatanaw na niya ang unahan ng Land Cruiser. Napatayo siyang bigla sa kinauupuang puno. Pinuno ng hangin ang dibdib.
Ilang sandali pa’y pumarada na sa likuran ng jeep ang Land Cruiser at lumabas mula rito si Luis na madilim ang mukha. Walang sabi-sabing nilapitan si Judy at hinawakan sa braso at pakaladkad na inakay patungo sa sasakyan.
“Bitiwan mo ako, ano ba!”
“Sakay!” Napilitang sumakay ang dalaga, dahil ayaw gumawa ng iskandalo sa harap ng katulong.
Umikot sa driver’s seat si Luis at pabagsak na isinara ang pinto ng Land Cruiser. Pagkatapos ay nagmaniobra pabalik.
“Ayokong bumalik sa hacienda, Luis. Uuwi ako ng Maynila ngayon,” angil niya.
“Saan sa palagay mo ikaw pupunta na hindi kita masusundan? I can always chase you anywhere in the world, Judy,” paniniyaknito.
“Hindi ko sinabi sa iyong habulin mo ako. Gusto ko na lang umuwi, tapos! “
“Pauwi tayo ngayon,” tudyo nito.
“Taga-Maynila ako, Luis. Ngayong patay na si Dorina ay walang dahilan para manatili pa ako rito. Nasabi ko na siguro sa iyo ang mga bagay na ipinagtapat niya sa akin.”
“You belonged to the Hacienda Esmeralda, querida mia … as my wife.”
“Hindi kailangang pakasalan mo ako upang magkaroon lamang ng ina si Anna, Luis. Sooner or later ay makakatagpo ka ng babaeng mamahalin mo. At natitiyak kong mamahalin din nito si Anna.
“Matagal ko na siyang natagpuan, Judy. I met her six years ago when she was very young. I chased her when I thought she was matured enough to accept me. Nakakalungkot isipin pero naging dahilan ko ang trahedya ng pamilya upang magkalakas-loob na dalhin siya pabalik ng hacienda..,” napabuntong-hininga ito.
“A-anong pinagsasabi mo?”
Ginagap ni Luis ang palad niya at dinala sa bibig nito. “Una muna, gusto kong ihingi ng tawad ang lahat ng mga kasalanang ginawa ko. Ang hindi makatwirang akusasyon. Ang mga maling akala. Nabasa ko sa silid mo ang sulat ng papa sa iyo na hindi mo binuksan. Inihihingi niya roon ng tawad ang kawalang magawa sa pagpapabalik sa iyo ni Dorina pauwi ng Maynila. Nagdadalantao noon si Dorina, Judy. Hindi gusto ng papa na makaapekto sa bata ang galit nito sa iyo. Sinabi rin niya sa sulat ang tungkol sa pagtatakip mo kay Erwin noong mahuli ko kayong nagda-drugs. Ipinagtapat ni Erwin sa kanya ito kinabukasan. Nagpapasalamat din doon ang papa…”
“Tapos na iyon, Luis. Nakalimutan ko na…” At least, hindi nasira ang pagtinging iniuukol niya kay Anselmo.
“Alam mo ba kung bakit lubos akong naniniwalang may relasyon ka sa papa, Judy? Dahil noong mga panahong iyon ay nag-withdraw mula sa family account ang papa ng one fourth of a million. Nang itanong ko kung saan niya dinala ay sinabi niyang ipinagbukas ka niya ng trust fund thru bank arrangement na makukuha mo pagdating sa edad na beinte dos. At hindi ko na dapat pang usisam siya tungkol doon…”
“Hindi totoo iyon!” mariing tanggi ng dalaga.
“Hindi mo alam dahil hindi mo binuksan ang sulat niya sa iyo. Naroon lahat ang mga necessary paper. And very ironic, na ang taong ito ang maturity ng trust fund mo. Hindi ko na siguro magagawang i-black mail sa iyo ang tungkol sa mga pagkakautang mo,” biro ng binata. “Two hundred fifty thousand plus six years interest, you’re a rich, woman, chiquita .”
“B-bakit ginawa ng Tito Ansel iyon?”
“Nakalagay rin sa sulat na noong araw na datnan kayo ni Dorina sa silid nila ay naipangako niya sa iyong pag-aaralin ka niya sa ibang bansa at dahil hindi na niya magagawa iyon, he compensated it sa ibang paraan. Alam din ng papa na hindi ka anak ni Dorina dahil sinabi sa kanya ni Dorina iyon bilang justification sa inaasal niya sa iyo. Pero hindi alam ng papa ang totoong istorya. Ganoon pa man ay hindi naging dahilan iyon upang hindi tuparin ng papa ang pangako niya sa iyo. Higit siyang nakadama na mas kailangan mo ng tulong niya.”
“Oh!”
“Mahal ka ng papa, Judy. Kalahati ng sinabi ni Dorina sa kanya ay hindi niya pinaniwalaan. Hindi lang niya kaya si Dorina. He loved her. Mahal ka rin ni Erwin bilang kapatid mula noon hanggan ngayon. At lalong higit kitang mahal.”
Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa binata si Judy.
Walang salitang namutawi sa mga labi.
“I love you, Judy. Sinikap kong sikilin ang damdaming iyan dahil sa murang edad mo. I was angry with you dahil nagseselos ako sa pagiging malapit mo sa kapatid ko and at the same time sa mga sinasabi ni Dorina. Nagkataong ang mga sirkumstansiya ay umaayon sa mga sinasabi nito tungkol sa iyo. I hated it when I said you back that day. Kung nakiusap ka lang sa akin ay baka hindi kita pinayagang umalis…”
“A-ano’ ng sinabi mo?”
“Ang sabi ko’y kung nakiusap ka lang ay hindi kita papayagang umalis…”
“Before that…”
“Na nagseselos ako kay Erwin?” amused nitong pagliligaw sa gustong tukuyin.
“Oh, well, never mind that. Bakit gusto mo akong pakasalan?”
He smiled wickedly. “Because I love you…” Nag-uumapaw ang galak sa puso ng dalaga. “Kahit. na pinaniwala ka ni Dorina na baka isa akong nymphoma-niac?”
“Hindi ka maghahanap ng iba sa piling ko, querida … Even if it were true, I can get you the best doctors and psychologist..
“Paano mong nasasabi iyon gayong anim na taon tayong hindi nagkita?”
“Sa loob ng anim na taon ay sinikap kong alisin ka sa isip ko pero hindi ko magawa. Walang kuwenta ang ibang babae. I video-taped all your TV commercials and watch it every night and collected all your posters and calendars… all magazines na ikaw ang cover. Para akong teenager on his first crush.”
“Kahit na inakala mong maraming lalaking nagdaan sa buhay ko kabilang na ang papa mo?”
“I can forgive you anything. Judy I died a million times sa tuwing naiisip ko ang mga lalaking kapiling mo sa Maynila. Pilit kong ipinapasok sa isip ko ang mga hindi magagandang bagay tungkol sa iyo. That you’re a cheap and a whore and that you aren’t worthy of my love at lalong higit ang pag-alayan ko ng pangalan ko. Pero tinatalo ang mga iyon ng pag-ibig ko sa iyo,” masuyong nilingon ni Luis ang dalaga na tila namamalikmata. “Ganoon kita kamahal, Judy.
“K-kahit na hindi mo alam kung sino ang… tunay kong ina?”
“ Yo te amo , have always loved you. And nothing else matters,“ paniniyakng binata.
Naubo ang dalaga nang akmang magsasalita sa pagsisikap na huwag ipahalata ang masidhing kaligayahan.
“Damn you, Judy. I never thought that when I get to telling my woman that I love her she will cough to death!”
Natawa ang dalaga at nilinga ang labas ng sasakyan. “Bakit ba sa tingin ko’y namulaklak lahat ang mga kugon at kulay rosas ang mga ito? Bakit ba kaytatamis pakinggan ang awit ng mga ibon at kayganda ng sikat ng araw?”
“Stop being poetic, tell me you love me, too!” Nilingon ng dalaga si Luis. “Napakaarogante mo para i-assumed na mahal din kita…” tukso niya.
“I know you do, chiquita. Hindi ko nga lang matiyak kung kapantay ng pag-ibig ko sa iyo. Now, damn you. gusto kong marinig sa mga labi mong mahal mo ako. Say it!
“Oh, I love you, Jose Luis Esmeralda. I love you… love you… love you… lov—”
“ Judy, amor de mi vida… “
Siniil siya nitong halik. Stopping her love declarations. Kung gaano katagal ay hindi na mahalaga kay Judy. Her heart stood still.
To my readers,
Marami ang sumusulat at nagtatanong sa akin kung totoong kasaysayan ang mga isinusulat ko. Some were even asking for my characters’ address. Gusto ko lang pong linawin na ang mga kuwentong aking isinusulat ay hinango sa mga tunay na kasaysayan ng pag-ibig. May mga eksenang totoong nangyari subalit ang kabuuan ay nanggaling sa imahinasyon ng may-akda. Some love stories are really very inspiring at madali kong naiaayon sa aking style ng pagsusulat. I am an incurable romantic and the dialogues are all mine. At tulad ng isinusulat ninyo sa akin, I also do fall in love with all my male characters.
To Lilia Luzuriaga, maganda ang ipinadala mong buod sa akin. I might make a love story out of it.
••WAKAS•••
Sorry mga bes, nawalan ng internet at ngayon lang nagkaroon ulit super bagal nga lang…. bawi na lang ako sa inyo sa mga susunod na araw. Abangan n’yo na lang ang mga susunod na stories. Thanks and keep supporting sa lahat ng mga gawa ni Ms. MC mga bessshh…Mag - ingat tayong lahat lalo na ngayon sa panahon ng sakuna, always pray mga beshhh. Thanks again. - Admin A :)

