loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Imbisibol (BXB RomCom 2016)

Imbisibol (BXB RomCom 2016)

Ai Tenshi · 52 chapters · 120,469 words

Imbisibol Part 1

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Ito ay isang BXB story

Author’s note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.

Thank You AiTenshi for sharing your story. Lol


Imbisibol

AiTenshi

July 13, 2016

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang hawak ko ang lumang sulat na sana ay iaabot ko sa taong labis kong hinangaan. Ibayong lungkot ang aking nararamdaman sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga bagay na hindi ko nagawa noong kasama ko pa siya. At lalo lamang akong binabalot ng pang hihinayang habang pinag mamasdan ko ang aming pinaka huling class picture bago mag tapos sa kolehiyo.

Nakakatuwa ang aking itsura sa larawang iyon dahil naka tingin ako sa kanya samantalang siya naman ay naka tingin sa iba. Ngunit gayon pa man ay unti unting gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga ala-ala noong kami ay mag kasama.

At hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ito sa aking isipan..

Part 1

YEAR 1993

Ako si John Peter Guzman, tawagin nyo na lamang ako sa palayaw na “Jopet” iyon ang bansag sa akin ng aking mga pinsan noong mga bata pa kami kaya’t nakasanayan ko na rin ito. Simple lamang ang aking anyo, hindi ako angat sa nakararami ngunit hindi rin naman ako nahuhuli. Sakto lang kumbaga.

Nag iisa lamang akong anak ng aking mga magulang kaya naman ginagapang nila ang aking pag aaral. Ako ay isang probinsyano ngunit noong ako ay 13 anyos pa lamang ay dinala na ako ng aking ama sa isang malayo at maulad na siyudad upang doon pag aralin..

2nd year high school ako noong mag transfer sa isang malaking campus dito sa siyudad. Ang paaralang ito ay may elementarya hanggang kolehiyo kaya’t hindi mo na kailangan lumipat pa ang paaralan pag katapos mo ng high school. May kamahalan dito dahil nga all boys ang campus ngunit sa tulong ng scholarship na nakuha ko ay kalahati lamang ang aking binabayaran na tuition fee at libre pa ang aking pag tira sa dormitoryo.

Sa murang edad ay nakasanayan ko na rin ang lumayo sa aking magulang upang tapusin ang aking pag aaral kaya naman sa bawat hakbang na aking ginagawa ay sila ang itinuturing kong inspirasyon. Ngunit sa pag lipas ng mga buwan, hindi ko inaasahan na ang “inspirasyong” iyon ay madadagdagan noong makilala ko si Rycen Paul Lacsamana ang taong babago sa takbo ng aking buhay.

Science Class

Biology Laboratory

“Wear the proper safety equipment. The use of latex or rubber gloves, safety glasses, and cleanliness is important. For the most part, dissection specimens are sterilized and safe, but it’s still very important to keep your hands, eyes, and mouth free of the formaldehyde used to preserve the frogs for dissection. Sit up straight while you work, wear the protective materials provided to you in the lab, and wash your hands thoroughly afterward.

Place the frog in the dissection tray on its back. To start the lab, remove the frog from its packaging and place it on its back, belly-up in the tray. Some frogs will be slightly stiff from the preservative solution, meaning that you may need to massage them out slightly, bending the legs and softening the joints until the frog sits comfortably on its back. “ paliwanag ng aming guro nang bigla ito matigilan dahil sa pag pasok ng aking kaklase. “Mr. Rycen Paul Lacsamana, masyado ka yatang maaga para sa 2nd period?” tanong nito

Si Rycen ay halos kasing edad ko lang. Pareho kaming nasa 2nd year high school ngunit nasa ibang section siya. Nag kakasama lang ang aming pangkat kapag may laboratory o school activity. Matangkad ito, 13 anyos palang ay nasa 5’7 na agad ang taas niya. Kaibahan sa akin na nasa 5’5 lang. Bagamat patpatin pa ang kanyang katawan ay bakas na bakas sa kanyang mukhang pagiging gwapo at maappeal. Maganda ang mata, maamo ang mukha, matangos ang ilong, makinis ang balat at mapula ang mga labi.

Hindi naman ako humahanga sa kapwa ko lalaki dati pa. Iyon nga ang ipinag tataka ko dahil ngayon ko lamang ito naramdaman. Naiilang tuloy ako sa aking sarili sa tuwing sumasagi sa aking isipan na baka hindi ito normal o kaya ay yung gumising ako sa umaga na hindi ko na kilala ang aking pag katao. Nakaka baliw lamang kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon.

Napakamot ng ulo si Rycen at sumagot ito “Eh kasi sir tinanghali ako ng gising. Ang lakas kasi mag hilik ng kadorm mate ko.” ang katwiran nito.

Tawanan ang buong klase..

“Sana ay nag salpak ka ng bulak dyan tenga mo. Take your seat. Mabuti pa ay doon ka na lamang maupo sa likod ni John Peter.” wika ng aming guro kaya naman muli napakamot ito ng ulo at agad naupo sa aking likuran.

Ako naman ay deadma lang ngunit naka ngiti, pakiramdam ko ba ay may kung anong bagay ang namumuo sa aking dibdib na parang excited ako o kaya sobrang tuwa na gustong lumukso ng aking puso. Bakit ba kasi doon pa siya pinaupo sa aking likuran, hindi ko tuloy magawang lumingon dahil baka mahalata niyang tinitingnan ko lang siya.

“Okay class get 1 whole sheet of paper. Number it from 1 to 40.” ang wika ng guro dahilan para umangal ang buong klase. “Why? Hindi bat sinabi ko sa inyo last friday na mag aral dahil mag kakaroon tayo ng long quiz? Tama na pag angal at simula na natin.”

“Identify the following”

Number 1: Plants receive their nutrients mainly from?

Number 2: Plants that grow under average temperature and moisture are called?

Tahimik..

Nag simulang mag sagot ang lahat..

Habang abala ako sa pag sulat sa aking papel ay may naramdaman akong kumakalabit sa aking likuran kaya naman pasimple ko itong nilungon. “Classmate, pakopya ng sagot. Hindi ako nag aral eh.” ang wika ni Rycen habang naka ngisi ito.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking ulo upang ibigay sa kanyang ang sagot. Alam kong mali ito ngunit pakiramdam ko ay tama dahil masaya ako. Kaya ayun kada tanong at sagot ay ipinapakopya ko sa kanya ultimo ang tuldok at kuwit kaya naman halos ang lahat ay mag kamukha sa amin, ewan ko lang kung nauunawaan nya ang sulat kong parang kinalahig ng manok. Ayos lang, simula mamayang gabi ay mag ppractice akong sumulat ng maganda upang hindi sumakit ang mata nya kapag kumokopya sya sa akin. Joke lang.

“Okay, ipasa na rito ang lahat ng inyong mga sagot. Habang chinechekan ko ang mga papel ay kopyahin nyo muna ang naka sulat sa manila paper. Iyan ang topic natin bukas. At nga pala, this quiz will be recorded. Kaya pag bumagsak kayo ay pasensyahan nalang.” wika ng guro sabay upo sa kanyang table.

Lahat ay kami ay nag lecture habang si Rycen naman ay pasimpleng nag bubukas ng bubble gum sa kanyang mga kamay. May pag katamad din pala ang lokong ito kaya madalas na napapagalitan ng mga guro sa iba nyang subjects. Sayang lang at dito ko lamang siya kaklase sa biology class, kung maaari ko lang sanang pigilan ang kamay ng oras ay gagawin ko upang mapalapit lamang sa kanya. “Gusto mo tol?” ang tanong nito noong makita niyang naka tingin ako sa kanya.

“Ng alin?” ang tanong ko na parang wala sa sarili.

“Ng bubble gum. Heto oh.” ang wika nito sabay abot ng isang pirasong bazooka sa aking kamay.

“S-salamat bro.” ang nauutal kong sagot sabay tingin sa naturang candy sa aking mga kamay.

(Author’s note: Bazooka Joe ay sikat ng bubble gum dati yun 90’s yata. Mayroon itong comics na cover. mabibili mo ng 50 cents ang isa. Siguro yung mga batanf 90’s ay makakarelate sa kwento ko na to.)

Maya maya ay muling tumayo ang aming guro hawak ang aming mga papel at nag wika ito. “50 ang mag aaral sa klaseng ito ngunit 23 lamang ang pumasa. At dahil dito ang top 5 ay mag kakaroon ng incentives at extrapoint sa aking klase. Narito ang resulta.

39/40 Dan Manuel Dela Cruz

38/40 Dante Dimapawi

35/40 Rex Bustamante

31/40 John Peter Guzman

30/40 Rycen Paul Lacsamana

The rest ay better luck next time nalang. I dont know how you do it Mr. Lacsamana pero mukhang sumipa ang swerte sayo ngayong araw. Very good Job. Class dismissed.“ ang wika ng aming guro kaya naman nag tayuan lahat at isa isang lumabas ng classroom.

Takang taka naman ang lahat sa nakuhang score ni Rycen, lalo na yung mga kabarkada niyang kolokoy na walang ginawa kundi ang mag ingay habang nag didiscuss ang guro.

Ako naman ay agad ding tumayo at mabilis na lumabas, syempre kunwari ay bale wala sa akin ang lahat ngunit ang totoo nun ay gusto kong manatili upang kausapin siya. Kaso nga lang ay baka iba ang isipin nya sa akin. Alam nyo naman ang mga lalaki ay hindi nag papakita ng interest sa isa’t isa dahil aakusahan nila itong bakla o binabae. Ayoko naman ng ganoon.

Habang nasa ganoong pag lakad ako sa hallway ay narinig ko ang boses nito sa aking likuran kaya naman agad akong lumingon. “Classmate, salamat ha.” ang wika nito bagat hindi sya lumapit sa akin.

Ngumiti naman ako sa tumangon. Simpleng salamat lang ay malaking bagay na sa akin. Parang musika na iyon sa aking pandinig at sapat na upang mapalundag ang aking puso. Pinag masdan ko mula dito sa kalayuan ang kanyang pag lakad habang naka akbay sa barkada, ni walang paki alam kung lukot ang kanyang unipormeng suot. Nakakatuwa lamang na isipin sa kaunting salitang sinabi na nya sa akin ay lumutang na ako sa alapaap. Ganyan siguro talagang palihim kang humahanga sa isang tao.

Pinag patuloy ko ang aking pag lalakad pauwi sa aming dormitoryo. Dahil nga malaki ang campus ay halos ilang minuto rin ang aking nilalakad patungo dito. Naka hilaway kasi dorm namin sa bakuran ng paaralan kaya’t maaga rin akong gumigising sa umaga upang hindi malate.

Pag dating sa aming silid ay agad akong humiga at maiging pinag masdan ang bubble gum na ibinigay sa akin ni Rycen. Hanggang ngayon ay buhay pa rin sa aking isipan ang eksena kanina at ang kakaibang pakiramdam ng kaligayahan ay nasa dibdib ko pa rin. Ewan, para akong hibang na naka ngiti sa isang pirasong bubble gum.

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay bigla na lamang bumulaga sa aking harapan ang aking kadormate na si Gabby at inagaw ang candy sa aking kamay na aking ikinagulat. “Awwwww!! Akin na yan!!! Wag mong kainin!!” ang pag pigil ko dito habang tinatakpan ang kanyang bibig.

Si Gabby ay nasa 2nd year high school din. May katabaan ito dahil nga galing sa isang mayamang pamilya, lahat ng gusto nyang pag kain ay nabibili daw nya. Kaya nga kalahati ng aming silid ay tambak din ng pag kain kung minsan ay nadadamay din ako sa katakawan nya. Sabay kaming nag transfer kaya’t siya ang aking naging close friend mula noong simula. “Ummmpppp, ang damot mo naman. Para sa isang pirasong kendi ay sisirain mo ang friendship natin?” ang tanong habang naka nguso.

“Gabby, delikado ang kending ito. May kemikal ito dahil ginamit namin ito sa experiment kanina sa laboratory.” palusot ko dahilan para tumaas ang kilay nito. “Weh, biology class tapos bubble gum? Tigilan mo nga ako Jopet.” ang naiinis sa sagot nito.

“Oo naman, study of microbes.” sagot ko habang umiikot ang mata.

“Study of microbes sa loob ng bubble gum?” ang tanong ulit nito.

“Ah eh oo.” ang sagot ko.

“Weehh walang ganon!!!!” ang sigaw nito sabay lundag sa akin na animo wrestler. “Wag kana mag lihim sa akin. Ang sabihin mo ibinigay yan ni Rycen Paul yung nasa kulelat na section. Nasa canteen ako kanina noong pakyawin nya ang bazookaaa sa garapon. Hindi nya ako tiniran!!” ang galit na salita nito habang inaagaw ang bubble gum.

“Tekaaaa, Gabby hindi ako makahinga. Wag mo na pag diskitahan itong bubble gum. Ibibili nalang kita ng burger sa labas.. Pls lang pigilan mo muna ang gutom moooo!!” ang pag mamaka awa ko

Natigilan si Gabby sabay ngiti na amino baboy. “Talaga?” tanong niya.

“Oo naman.” sagot ko habang hinahabol ang pag hinga.

“Tayo na sa kainan daliii.” ang wika nito sabay hatak sa kamay mo. “Alam ko naman na espesyal iyan dahil galing sa isang espesyal din na tao.” ang wika nito.

“Teka anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko naman.

“Si Rycen yung crush mo diba?” ang seryosong wika nito.

“Crush? Tangna hindi ako bakla ahh.” ang tugon ko naman. “Wala naman akong sinabing ganoon. Naalala mo ba noong hiramin ko ang notebook sa english? Mayroong naka sulat na pangalan niya sa likod nito kaya’t mag buhat noon ay kinutuban na ako na espesyal ang pag tingin mo sa kanya.” naka ngiting paliwanag niya

“Agad agad? Dahil lang sa pangalan niyang naka sulat sa likod ng note book ko ay nabuo ang teorya mong iyan?” tanong ko ulit.

“Oo naman. Tama naman ang teorya ko hindi ba?” ang tanong nito dahilan para balutin ako ng pag hiya.

“Oo, tama ka doon. Espesyal sya sa akin.. At sya ang dahilan kung bakit ako masaya.” ang bulong ko sa aking sarili sabay ngiti, ngunit sa kabilang banda ay iba ang tulak ng akiny bibig “Huwag ka na ngang mag tanong.. Kumain nalang tayo at mag paka busog!!” ang wika ko sabay hatak sa braso nito.

Ito ang araw na niyakap ko ang katotohanan sa aking sarili na si Rycen ay espesyal at siya ang nag bibigay ngiti sa aking mga labi.

itutuloy..

Imbisibol Part 2

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

July 14, 2016

Part 2

Sa pag lipas ng mga linggo ay mas lalo pang nag iigting ang pag hanga ko kay Rycen. Nandyan yung lumalakad ako patungo sa kabilang building upang makita lamang siyang ng patahimik. Basta hindi maaaring matapos ang araw na hindi ko siya nakikita, yung tipong siya ang bumubuo ng mag hapon ko at paki wari ko ay hindi ito kompleto kapag hindi ko nasisilayan ang kanyang mukha. At syempre ang pinaka paborito kong araw ay Martes kung saan ka klase ko siya sa science lab. At katulad ng nakasanayan ay parati ko siyang pinaka kokopya kahit minsan ay mali ang sagot ko pero nakakapasa naman kahit papaano.

“Classmate” iyan lang ang tawag niya sa akin ngunit ayos na iyon. Atleast ay napapansin nya ako kaysa hindi. Sa loob ng 2 oras ay nag kakaroon kami ng interaction sa isa’t isa ngunit pag tumunog na ang bell ay oras na para umuwi at balik nanaman sa normal ang lahat. Mag hihintay nanaman ulit ako ng susunod na linggo upang makausap siya.

Parating ganyan ang aming eksena hanggang sa isang araw ay mag kasalubong kami sa hallway. Pauwi na siya at ako naman ay papaasok palang. “Jopet!!” ang pag tawag niya kaya naman agad akong lumingon.

“Tinawag mo ko?” ang tanong ko na hindi makapaniwala.

“Oo naman, bakit parang nabigla ka? Ayaw mo pang tinatawag kita sa palayaw mo?” ang tanong nito.

“Ah hindi, ayos lang.” ang kaswal kong sagot ngunit sa loob loob ko ay nais kong sumigaw ng malakas. “YES!! ALAM NYA ANG PANGALAN KO!! Kilala nya ako!!” ang pag huhumiyaw ng aking puso na kulang nalang ay mag tatalon ako sa tuwa.

“May kailangan ka ba bro?” ang kaswal kong tanong.

“Ah e hihiram sana ako sayo ng lecture sa lab. Kung ayos lang.” ang wika nito.

“Oo naman. Oh heto.” ang tugon sabay lahad sa kanya ng aking notebook.

Kinuha nya ito at inipit sa kanyang kilili sabay bitiw ng matamis na ngiti. “Salamat classmate. Sige una na ako “ ang wika nito sabay takbo palabas ng gate samantalang ako naman ay halos atakihin sa puso sa sobrang saya. Pakiwari ko ba ay tumama ako sa loto dahil sa pag tawag niya sa akin. Alam kong simpleng bagay lamang ito ngunit ito ang unang pag kakataon na binigkas nya ang aking pangalan kaya’t ibayong kilig ang naramdaman ko.

Alas 9 ng hating gabi noong ako ay maka uwi sa dorm. Pag pasok ko palang dito ay nakita ko na si Rycen, naka suot ng lumang short at maluwang na damit pambahay. Hawak niya ang aking note book at may dalang supot sa kabilang kamay. “Jopet, heto na yung note book mo. Saka heto ang isang supot ng pansit. Pasasalamat ko dahil palagi mo aking isinasalba sa science lab.” ang naka ngiting wika nito.

“Wala iyon tol. Teka bakit nang hiram ka ng lecture e wala naman tayong exam?” pang uusisa ko.

“Ah eh maaga kasi akong mag tatake ng exam sa lahat ng subject. Nakatanggap kasi ang telegrama mula sa pamilya ko doon sa Cebu. Malubha na kasi ang lagay ni papa kaya’t kinakailangan kong umuwi doon. Nag paalam naman ako sa lahat ng ating mga guro pati sa prinsipal at pinayagan naman nila akong umuwi muna.” ang paliwanag nito.

“Eh gaano ka naman katagal mawawala?” ang tanong ko na may kung anong kirot na tumusok sa aking dibdib. Kung anong ikinasaya ko kanina ay siya namang ikinabagsak ng aking emosyon ngayon, ngunit hindi ako nag pahalata.

“Baka sa susunod na pasukan na ako makabalik. Halos 4th grading period naman na. Kaya pinayagan narin akong mag advance ng exam.” ang wika nito.

“Ganoon ba? Mag ingat ka doon.” ang tanging nasabi ko. “Salamat tol. Sige alis na ko.” ang tugon nya

“Goodluck sa exam.. Kaya mo iyan.” ang pahabol ko.

Maya maya ay humarap ito ngumiti. Sabay thumbs up. “Ako pa!” ang mayabang na sagot nya at iyon ang kanyang anyo na tumatak sa aking isipan bago siya tuluyang umuwi sa probinsyang kanyang pinag mulan.

“Nakakainis ka naman!! Kung kailangan malapit na tayong maging close ay saka ka pa umalis.” ang pag mamaktol habang kinakausap ang bubble gum na ibingay ni Rycen

“Yan na ba ang epekto ng pag ibig sayo Jopet. Kausapin ba ang candy, tingnan ko lang kung hindi ka matakot kapag sumagot iyan.” pag aasar naman ni Gabby habang abala sa pag kain..

“Tingnan ko lang kung hindi ka tanghaling lechon ng taon kapag hindi ka tumigil sa pag nguya.” ang pang aasar ko naman.

“Ang hard mo naman.” reklamo nito.

Tawanan..

Sa pag alis ni Rycen ay pinilit kong ibalik sa dati ang aking buhay sa school. Ang pangungulila ko sa kanya ay ibinaling ko sa pag aaral. Ginawa ko siyang inspirasyon upang maging maging mahusay sa klase at sa pag tatapos ng sophomore ay nag kamit ako ng ika 4 na karangalan na siyang ikinatuwa ng aking mga magulang.

GOODBYE SOPHOMORE!!

HELLO JUNIOR!! 3rd year high school na ko!!

Unang araw ng klase, ang lahat ay pinapila para sa flag ceremony at orientation sa mga bagong dating na freshman. Habang naka pila ay pilit hinahanap ng aking mata si Rycen na noon ay ilang buwan ko na ring hindi na sisilayan ngunit gayon pa man, ni minsan ay hindi sya nawala sa aking isipan. Sya ang naging insipirasyon ko upang maging mahusay sa paaralan at makamit yung mga karangalangan pinapangarap ko.

Habang nasa ganoong pag mamasid ako ay napatingin ako sa labas ng gate kung saan nakita kong nakatayo ito kasama ang kanyang mga kaibigan . Ganito kasi ang patakaran sa aming campus, habang nag pinag daraos ang flag ceremony sa ground ay pansamantalang isinasara ang tarangkahan upang hindi maantala ang naturang seremonya.

Noong masilayan ko ang mukha ni Rycen ay may kung anong tuwa ang aking naramdaman. Pakiwari ko ay umaayon sa akin ang pag kakataon na masilayan siyang muli makalipas ang maraming linggo ng kanyang pag kawala. Katulad ng inaasahan ay parang mas lalo pa ito ng pumuti, tumangkad at nag karoon ng laman sa katawan. Kung dati ay patpatin ito, ngayon ay medyo lumobo na siya ng kaunti na siyang nag bigay ng mas magandang dating sa kanyang tindig. Ewan, may kung anong kiliti ang lumukob sa aking katawan. Basta mahirap ipaliwanag.

“Oyy Jopet tinatawag ka ni Sir Kukay, ikaw raw ang mag lead ng Lupang Hinirang.” ang kalabit ng aking kaklase.

“Teka bakit ako? Ayoko!” ang pag tanggi ko. Maya maya ay nag salita sa mic ang aking adviser sa klase. “Oo Ikaw nga Jopet, ikaw ang kumanta ng Lupang Hinirang ngayon. Ikaw na may dalawang malaking pimples sa noo na parang sungay. Halika na dito.” ang wika nito na may halong pamimintas pa.

Tawanan ang buong ground..

“Grabe ka naman sir. Binully mo pa ko.” reklamo ko habang lumalakad palapit sa flag pole. “Alam mo namang favorite student kita. Sige na kumanta kana.” ang wika nito sabay kumpas ng kamay.

Ito ang unang pag kakataon na humarap ako sa maraming tao para kumanta. Nangangatog ang aking baba at pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa matinding kahihiyan. Ano ba naman to, pambansang awit na lang ang kakantahin ko ay para pa akong matatae sa takot. Wala kasi akong self confidence at mababa ang kompiyansa ko sa aking sarili.

Sinumalan ko ang pag kanta, mahina at wala sa tono..

Tagaktak ang aking pawis at noong mabaling ako sa gate ay nakita ko si Rycen na nakatingin sa akin habang ang kanyang kamay ay nakapatong sa kanyang kaliwang dibdib dahilan para mas lalo akong nakaramdam ng matinding pag kahiya, ngunit sa kabilang banda ay ayokong maging katawa tawa sa paningin ng lahat kaya naman huminga akong malalim at doon ay binuhay ko ang aking sarili. “Nakikinig si Rycen sa akin, dapat ay galingan ko at hindi ako mapahiya sa kanya.” bulong ko sa aking sarili at doon ay napagtanto ko na hanggang sa pag awit kong iyon ay siya pa rin ang aking naging lakas ng loob.

Napatapos ang kanta at muli akong bumalik sa aking pwesto. Ang lahat ay nakatingin sa akin “May talent ka pala sa pag kanta Jopet, parang kumanta ka sa laban ni Manny Pakyaw ahh. Hanep.” ang papuri ng mga ito kaya naman ngumiti ako at nag pasalamat sa kanila.

Ang totoo nun ay wala naman talaga sa kanila ang atensyon ko kundi na kay Rycen na noon ay pumapasok sa gate patungo sa amin kaya naman gumuhit ang ngiti sa aking labi noong mapatingin ito sa aking direksyon.

Maya maya ay ngumiti ito ay kumaway, kaya naman mas lalo pa akong natuwa sa kanyang matamis na pag bati.

Tuloy pa rin ito sa pag lalakad at pag kaway sa akin kaya naman kinawayan ko rin siya bilang sukli na may matamis na ngiti sa aking labi.

Sinalubong ko siya sa kanyang pag lalakad palapit sa akin ngunit laking gulat ko noong lumagpas ito at parang hindi ako nakita. “Kumusta na mga bro!!” ang wika nito sabay akbay sa mga lalaking nasa aking likuran.

Napahinto ako at napahiya sa aking sarili. Ang buong akala ako ay ako ang binabati niya, ngunit hindi pala. Siguro masyado lamang akong nadala sa aking emosyon at paniniwala na minsan ay mapapansin din nya ako katulad ng mga tao sa kanyang paligid. Ngunit parang imposible naman yata iyon.

Tila napako ako sa aking kinatatayuan habang binabalot ng matinding pag kalito sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nya akong hindi na kilala. May nag bago ba sa anyo ko? Alam kong pumanget ako dahil sa dami ng taghiyawat sa aking mukha ngunit nakikilala pa rin naman ako ng lahat.

Bakit biglang nag kaganoon na nilagpasan lang nya ako?

Minsan lang akong naging parte ng kanyang mundo at mabilis din akong nabura dito na parang isang bulang nag laho sa hangin.

itutuloy.

Imbisibol Part 3

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

July 15, 2016

Part 3

Nangiti ako at bahagyang na pahiya sa aking sarili. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pila at huwag na lamang isipin ang nangyari. Ngunit ang nakapag tataka ay nasaktan ako at pakiramdam ko ay madudurog ako sa matinding kalungkutan habang pinag mamasdan itong naka ngiti at nakikipag kwentuhan sa kanyang mga kaibigan. Nakakatuwa lamang isipin na mula sa malayo ay pinag mamasdan ko siya nang hindi man lamang niya nalalaman.

Hanggang pag pasok ko sa silid aralan ay damang dama ko pa rin ang kakaibang kirot at paulit ulit itong sumasagi sa aking isipan yung eksena kanina kung saan lumalapit ito ng nakangiti sa akin, sabik na sabik akong kamustahin siya ngunit hindi naman pala ako ang pakay niya kundi ang mga tao sa aking likuran. “Nakakainis talaga!! Nakaka inis!!!” ang sigaw ko sa aking sarili habang tinutuktukan ang aking ulo.

“John Peter may problema ka ba? Bakit binabatukan mo ang iyong sarili?” ang wika ni Sir Kukay na aming adviser.

“Ah eh wala po sir. Kumikirot po kasi yung ulo ko.” palusot ko

“Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?” ang alok nya

“H-hindi na po sir. Ayos lang ako.” ang wika ko naman. “Ang mabuti pa ay mag pahinga ka muna dyan sa iyong desk.” naka ngiting tugon nya at muling ipinag patuloy ang discussion.

Matapos ang klase ay nag desisyon akong umuwi na muna ng dorm. Ewan ko ba, pakiwari ko ay wala ako sa mood, wala akong lakas at ang araw ko ay sirang sira na. Habang nag lalakad sa hallway ay hindi sinasadyang mapadaan ako sa classroom nila Rycen. Doon ay nakita ko itong naka upo sa hulihan at halatang hindi nakikinig sa guro dahil abala ito sa pag papalobo ng bubble gum sa kanyang bibig. Ang pag kakaupo ay tamad na tamad habang ang polo ay naka sampay sa kanyang balikat.

Diretso lang ako bagamat kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa noong nasilayan ko siya ngunit hindi pa rin mabura sa aking isipan ang ginawa nyang pandedeadma sa akin kanina. Hmmmp, ibayong inis lamang ang nararamdaman ko kapag naiisip ko iyon.

Pag dating sa aking silid ay agad kong ibinagsak ang aking katawan sa kama habang hawak ang bubble gum na ibinigay sa akin ni Rycen noong unang beses ko siyang pakopyahin sa laboratory. Talagang itinago ko ito at para hindi langgamin ay ibinalot ko pa sa plastic.

Tahimik..

Noong mga sandaling ito ay wala akong nagawa kundi tingnan ang naturang kendi at kausapin ito. “Nakakainis ka!! Gumwapo ka lang ng bahagya ay para ka nang kung sinong mayabang dyan!! Nakaka inis kaaaa!! Ayoko na sayo!! Yabang moooo!!” ang sigaw ko sabay tapon nito sa labas ng bintana.

Nanatili ako sa ganoong pag higa, nakatitig sa kisame at blanko ang pag iisip. Maya maya ay kusa akong bumikwas ng bangon at mabilis na lumabas ng silid. Agad akong nag tungo sa likod ng dormitory kung saan ko itinapon ang bubble gum na ibinigay ni Rycen. “Itinapon mo pa! Pupulutin mo rin naman!” ang bulong ng isang bahagi ng aking isip habang nag hahanap sa damuhan.

Noong matagpuan ko ito ay agad kong isinilid sa aking bulsa at mabilis na bumalik sa loob ng silid upang mag mukmok. Sabi nila ay hanggang 12 minuto lamang ang totoong emosyon kapag sumobra na ito ay maaaring inarte na lamang ang ating nararamdaman. Ilang oras na rin mag buhat noong ako ay nalungkot at nasaktan, lagpas na ito ng 12 minutos, kung ganyon maaari kayang nag iinarte na lamang ako? Erase erase!! “Ahh basta wala akong gana kaya hihiga na lamang ako buong mag hapon!!” sigaw ko sa aking sarili sabay sa yakap sa aking unan at doon ay ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa dinalaw ako ng antok.

Panandaliang nag karoon ng kapayapaan sa aking isipan..

Alas 4 ng hapon noong ako ay maalimpungatan dahil sa mag kakasunod na katok sa aking pinduan. Mabigat pa rin ang talukap ng aking mata at tila hinihila pa rin ako nito sa pag tulog, ngunit gayon pa man ay pinilit kong bumangon dahil sa makulit na pag “toktok” nito sa pinto. “Gab, may susi ka naman bakit kailangan mo pang kumatok ng malakas?” ang inis kong salita sabay bukas ng pinto.

“Ohh sorry tol, naistorbo ba kita?” ang wika ng lalaki sa pintuan.

Hindi ko akalain na si Rycen ang makikita kong nakatayo sa aking harapan. “Teka, nananiginip ba ako?” ang tanong ko sa aking sarili habang kinukusot ang aking mata.

“Classmate ayos ka lang ba? Ang sabi ni Sir Kukay ay maaga ka raw umuwi dito sa dorm dahil masakit ang ulo mo. Eh nag kataon na ikaw ang kapareha ko sa reporting bukas sa Wikang Filipino kaya heto dinala ko na lahat ng kailangan natin sa activity.” ang wika nito habang hawak ng naka bilot na manila paper, pentel pen, band paper at type writer.

“Sa Filipino? Teka classmate ba kita doon?” ang tanong ko bagamat hindi ko maisalarawan ang kakaibang tuwa na aking nararamdaman.

“Actually, oo. Tatlong sa subject ang merge ng section A at B. Ang Math, Science at Filipino. Lahat kasi na ito ay si Sir Kukay ang may hawak kaya’t pinag halo na lamang niya. Ayaw mo yata eh.” ang paliwanag nito habang naka nguso.

Napaka kamot ako ng ulo at ngumiti “Syempre gusto. Kahit na dineadma mo ko kanina.” hirit ko dahilan para matawa nito.

“Ah iyon ba? Sorry tol. Ang totoo nun ay bibiruin lang talaga kita na kunwari ay imsibol ka. Hindi ko intensyon na hindi ka pansinin. Ang totoo nga nun ay hinahanp kita doon sa ground ngunit hindi na kita naabutan pa. Syempre ay naguilty ako at napaisip na baka magalit ka sa akin.” paliwanag nito.

“Ngek, bakit naman ako magagalit? Okay lang naman sa akin na hindi mo ako pansinin. Marami ka namang mga kaibigan eh.” ang nakangiting tugon ko sabay kuha ng mga gamit na kanyang dala.

“Marami nga akong kaibigan pero ikaw ang pinaka matino at pinaka maganda ang boses kapag kumakanta. Ikaw rin ang pinaka matino at maasahan. Hanep ka tol, 3rd year high school palang tayo pero ang boses mo ay buo na at parang malaking mama kana talaga pag umaawit.” wika nito habang naka ngiti.

“At ikaw naman, gumuwapo ka lang ay di kana namamansin.” biro ko rin.

“Tumaba nga ako, wala kasing ginawa kundi ang kumain ng kumain buong bakasyon.”

“Buti ka pa tumaba lang, ako naman ay tinubuan ng tigidig sa mukha” biro ko rin.

“Ayos lang iyan tol, makinis pa naman yung ibang parte ng mukha mo. Nakikilala pa naman kita” hirit nito

Tawanan..

Niyaya ko si Rycen sa balkunahe ng aming silid. Mahangin kasi dito at naka harap pa sa bukid kaya naman malamig at presko. Isa isa kong inayos ang mga gamit namin mula band paper hanggang sa mga pentel pen upang maging maayos ang trabaho. “Babasahin natin itong kwento at gagawa tayo ng reaction paper tungkol dito. Ang sabi ni Mr. Kukay ay type written daw dapat kaya heto nirentahan ko itong type writer ng kasama ko doon sa dorm. Sampung piso lang naman ang rent kaya pumayag na rin ako.” naka ngiting wika nito habang nag aayos.

“Teka dapat ay share tayo sa gastos. Hindi naman yata patas na ikaw lang.” ang naka ngiti kong tugon sabay abot sa kanya ng barya, limang pirasong 2pesos na buko.

(Author’s Note: Noong 90’s ang 2ph ay buko ang tawag dahil sa logo nito. At ang barya noon ay malayo ang nararating. Sa halagang 5 piso marami ka nang mabibili. At wala pang computer shop noon. Lahat ay type writer lang ang gamit at kanya kanyang research sa mga libro sa library. Naka relate ka ba batang 90’s?)

“Aw, hindi tol.. Sagot ko to. Sa dami ba naman ng naitulong mo sakin. Alam mo ba ang marka ko sa biology noong nakaraang taon ay 92. Salamat sayo, nakatikim din ako ng 90.” ang natatawang wika nito

“Wow, congrats bro. Kung ayaw mong tanggapin ay ilaan nalang natin ito sa miryenda mamaya.” naka ngiti kong tugon.

Noong mga sandaling iyon ay tila idinuduyan ako sa alapaap ng kaligayahan. Totooo man o hindi ang lahat ng ito ay hindi na mahalaga iyon, basta masaya ako at ninanamnam ko ito. Nakakatuwa lamang isipin na kanina kay napaka lungkot ko, ngunit heto ngayon, wala naman akong mapag sidlan ng kaligayahan. Sana ay huwag na matapos ang mga sandaling ito. Sana ay parati nalang mag karoon ng reporting na siyang kapareha ko. Sana ay lahat “sana” sa buhay ko ay matupad.

Bawat segundong dumaraan ay tinitinigan ko ang kanyang mukha. Panakaw lamang ang aking ginagawang pag sulyap ngunit ang lahat ng iyon ay rumerehistro sa aking utak na animo permanenteng larawang hindi mabubura ng panahon. Ganito siguro talaga ang pakiramdam kapag labis mong hinahangaan ang isang tao. Ang bawat sandaling kasama mo sya ay tiyak na hinding hindi mo malilimutan

“Tol, ayos ka lang ba? Narito ang kwento. Ibuod na lamang natin upang masimulan ko na ang pag ttype dito sa makina.” ang pag basag nito sa aking nag tutulog na isipan.

“Ah e, may sinabi ka ba?” ang gulat kong tanong sabay kuha ng aklat sa kanyang kamay. “Wala tol, kasi kanina ka pa naka tulala at naka tingin sa akin. Ang akala ko ay kung napano kana e.” ang naka ngiting wika nito kaya naman tila naka ramdam ako ng pag kahiya.

Pero deadma lang..

Humarap ako sa aklat at binasa ng malakas ang kwento upang kanyang mapakinggan. Ang kwentong ito ay hango sa “The most beautiful picture” na sinulat ni MichealOlitax na nakatala sa iba’t ibang teksto ng mga libro.

Ito ay tungkol sa isang Mahusay na Pintor. Sikat siya at talagang hinahangaan ang kanyang mga obra sa iba’t ibang sulok ng mundo. Dahil dito ay kinilala siya bilang pinaka magaling na talento sa kanyang panahon. Isang araw, nag isip ang matandang pintor na ipinta ang pinaka magandang bagay sa buong mundo, kaya naman lumabas siya upang hanapin ito..

Natagpuan niya ang kanyang sarili sa daungan ng mga bangka kung saan makikita ang magandang pag lubog at pag sikat ng araw. Ipininta nya ito ngunit pag katapos ay hindi siya na siya nasiyahan sa kanyang ginagawa. “Maganda ang pag lubog ng araw sa kalangitan ngunit paano itong masasabi na pinaka magandang bagay sa buong mundo kung araw-araw na itong nakikita ng mga ito? Sa palagay ko ay hindi ito ang bagay na iyon.” ang wika ng pintor kaya naman itinago niya ang kanya ginawa at muling nag lakad patungo kung saan.

Habang nasa ganoong pag hakbang ang matandang pinto. Naka kita siya ng bagong kasal. Kaya naman nilapitan niya ito at tinanong “Para sa inyo, ano ang pinaka magandang bagay sa buong mundo?” tanong ng pintor.

Sumagot naman ang dalawang bagong kasal. “Pag-ibig. Iyan ang pinaka magandang bagay sa buong mundo dahil ang pag ibig ang nag sisilbing simbolo ng aming pag mamahal.”

Napakamot ng ulo ang pintor ay sinabi nya sa kanyang sarili “Pag-ibig? Paano ko ipipinta ang pag ibig? Imposibleng ipinta ito kaya sa tingin ko ay hindi ito ang pinaka magandang bagay sa mundo.” ang wika ng pintor at muli itong lumakad sa kanyang patutunguhan

Maya maya naka salubong niya ang isang sundalo kaya naman itinanong niya kung ano ang pinaka magandang bagay sa mundo. “Kagagaling ko lamang sa madugong labanan, saksi ako sa mga kamatayan at pag kawasak ng mga lugar. Para sa akin ang pinaka magandang bagay sa mundo ay kapayapaan.” wika ng sundalo.

Muli nanamang napaka kamot ng ulo ang matandang pintor “Kapayapaan? Paano ko ipipinta ang kapayapaan? Imposibleng ipinta ito kaya sa tingin ko ay hindi ito ang pinaka magandang bagay sa mundo.” ang muling wika ng matanda at muli nanaman itong lumakad.

Maya maya ay nakasalubong niya ang grupo ng mga atleta. Masaya ang mga ito dala ang kanilang tropeyo. Nilapitan sila ng pinto at muling nag tanong. “Ano ang pinaka magandang bagay sa mundo?”

Sumagot ang mga atleta. “Pag kakaisa at kooperasyon, iyan ang pinaka magandang bagay sa buong mundo dahil iyan ang nag panalo sa amin.” ang wika ng mga ito.

Pag-kakaisa at Kooperasyon? Paano ko ipipinta ang mga iyon? Imposibleng ipinta ito kaya sa tingin ko ay hindi ito ang pinaka magandang bagay sa mundo.“ ang muli nanaman niyang sinabi sa kanyang sarili.

Nag patuloy ito sa pag lalakad hanggang sa maka kita siya ang isang pari kaya naman muli niya tinanong kung ano ang pinaka magandang bagay sa buong mundo. “Pananampalataya. Iyan ang pinaka magandang bagay sa mundo. Iyan ang mag bubukas sa atin ng daan patungo sa Panginoon.” sagot nito.

Pananampalataya? Paano ko ipipinta ang pananampalataya? Imposibleng ipinta ito kaya sa tingin ko ay hindi ito ang pinaka magandang bagay sa mundo.“ ang malungkot na wika ng pinto at iyon ang nag dulot ng kabiguan sa kanyang damdamin.

Malungkot siyang umuwi sa kanyang tahanan at doon ay sinalubong siya ang kanyang asawa at hinalikan sya nito sa labi. Dito sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng bagong kasal ang pag mamahal ang pinaka magandang bagay sa mundo at iyon ang ipinakita ng kanyang asawa noong salubungin siya nito.

Naobserbahan din nya ang pag tutulungan ng kanyang mga anak sa gawaing bahay at doon sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng mga atleta na ang pag kakaisa ay ang pinaka magandang bagay sa mundo.

Pag katapos ng gawaing bahay ay sama samang nag dasal ang buong mag anak at dito ay naalala naman niya ang sinabi ng pari na ang pananampalatay ang pinaka magandang bagay sa mundo.

At noong sila ay matulog na, nag karoon ng kapayapaan sa buong tahanan katulad ng pinaka magandang bagay para sa sundalo.

Napag tanto ng pintor na ang lahat ng magandang bagay na iyon ay nasa kanyang tahanan lamang kaya naman kinabukasan ay ipininta niya ang pinaka magandang larawan sa buong mundo. Wala iba kundi ang kanyang pamilya.“


Pag katapos kong basahin ay muli kong ibinaba ang aklat sa lamesa at doon ay nakita kong nakatitig sa akin si Rycen. Seryoso ang mukha nito at halatang nangungusap ang mga mata..

Tahimik..

Maya maya ay bigla itong tumayo at mabilis na niyakap ang aking katawan, mahigpit at lumingis ang kanyang braso sa aking likuran. Muli itong tumitig sa aking mata sabay halik sa aking labi. “Ikaw ang pinaka magandang bagay sa buhay ko “ ang wika nito.

Nag suspended animation ang nangyari at pati ako ay hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

itutuloy..

Imbisibol Part 4

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

July 18, 2016

Part 4

Maya maya ay bigla itong tumayo at mabilis na niyakap ang aking katawan, mahigpit at lumingis ang kanyang braso sa aking likuran. Muli itong tumitig sa aking mata sabay halik sa aking labi. “Ikaw ang pinaka magandang bagay sa buhay ko “ ang wika nito.

Nag suspended animation ang nangyari at pati ako ay hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla ko na lamang natabig ang mga pentelpen sa lamesa dahilan para mahulog ang mga ito at doon ay muling nag balik sa normal ang lahat. “Tol, ayos ka lang ba? Bakit bigla kang natulala?” ang tanong ni Rycen habang abala ito sa pag gamit ng type writer.

Bigla akong nahiya sa aking sarili. Imahinasyon ko lamang pala iyon, ang akala ko ay totoo na talaga ang pag halik nya sa akin. “Ah e, wala. Mayroon lamang akong naalala.” palusot ko naman habang pinipulot ang mga gamit na nalaglag sa sahig.

“Naalala? Ano naman iyon?” pang uusisa nito. “Yung pamilya ko sa Nueva Ecija. Matagal na rin kasi akong di nakaka uwi” sagot ko naman.

“Ako nga rin e. Pero ganoon talaga. Pag katapos ng high school ay kolehiyo naman kaya’t tiyak na mahaba pa ang ating pag lalakbay.” naka ngiting sagot nito.

“Oo nga eh, ayos lang naman na mahaba ang pag lalakbay basta ba kasama kita.” ang mahina kong sagot.

“Ano yun?” tanong nya.

“Wala, ang sabi ko ay gawin na natin itong report para maaga tayong makapag makatapos” muli kong palusot sabay kuha ng manila paper at nag simula akong sulatan ito.

Tahimik..

“Maganda yung kwento.. Kung ikaw ang pintor, ano sa palagay mo ang pinaka magandang bagay sa mundo?” ang tanong sa akin ni Rycen na syang bumasag sa katahimikan.

“Ako? Hindi ko alam. Simpleng tao lang naman ako bro. Ang lahat ng bagay ay maganda sa paningin ko. Kung mayroon mang isa, siguro ay yung hininga na pinag kaloob sa atin ng may kapal. Iyon ang patunay na buhay tayo at may pag kakataon pa tayong masilay ang pinaka magagandang bagay sa mundo. Habang tayo ay may buhay ay matitikman natin at tamis at pait nito, ngunit gayon pa man, sa bandang huli ay mapag tatanto natin na maswerte tayo na humaharap sa hamon nya. Iyon ang pinaka magandang bagay para sa akin.” ang wika ko habang nakatanaw sa berdeng bukirin. “Ikaw? Ano naman ang pinaka magandang bagay para sa iyo?” pag babalik ko ng tanong sa kanya.

“Marami, halimbawa kapag humaharap ako sa salamin ay nakikita ko ang kagandahang lalaki ko. Iyon ang pinaka magandang bagay sa buong mundo.” seryosong sagot nito dahilan matawa ako.

“Hahahaha, seryoso ka?” tanong ko habang tumatawa.

“Syempre ay biro lang iyon, dahil ang pinaka magandang bagay para sa akin ay ang pag mamahal ni papa. Lumisan siya sa mundong ito na walang ibang hinahangad kundi ang maging maayos ang kalagayan ko. Lahat ng sakripisyo ay ginawa niya para sa akin kaya’t hindi mapapatayan ang pag mamahal ko sa kanya. Si papa at ang pag mamahal niya ang pinaka magandang bagay para sa akin.” ang seryoso ring sagot nito habang naka tanaw sa kawalan.

Natahimik ako at tila nakaramdam ng kaunting awa sa aking puso. “Patawad tol, hindi ko alam na kapiling na pala ng may Kapal ang iyong ama. Sana ay hindi na ako nag tanong pa.” malungkot kong wika.

“Wala iyon, si papa ay laging nandito sa puso ko at hinding hindi sya mawawala.” ang naka ngiting sagot nito at muling ipinag patuloy ang kanyang ginagawa.

Noong mga sandaling iyon ay nais kong yakapin si Rycen, gusto kong ipadama sa kanya na narito lang ako sa kanyang tabi at handa akong damayan siya sa lahat ng oras. Ang hindi ko lamang maunawaan ay kung bakit nalulungkot din ako kapag nalulungkot siya na para bang mag karugtong ang aming mga bituka. Nais ko siyang hawakan o kaya ipadama man lang na hindi siya nag iisa, ngunit natatakot ako.. Hindi ko lang lubos maunawaan kung bakit.

“Sorry tol kung sayo ko ipinaubaya ang summary. Medyo mahina kasi ako pag dating sa story grammar eh.” natatawang wika ni Rycen.

“Wala iyon. Madali lang naman ito. Maliit na bagay lamang kung tutuusin.” naka ngiti ko ring sagot.

6 ng hapon noong makatapos kami sa pag gawa ng report. Halatang napagod si Rycen dahil sa dami ng kanyang itinype na bandpaper. Ako rin naman ay maraming naisulat ngunit katiting ay wala akong pagod na nadarama. Ewan ko ba, sa tuwing tumitingin ako sa kanya ay tila nag huhumiyaw sa saya ang aking puso at isipan, ni katiting ay wala akong hirap na naramdaman. Para siyang isang droga na nag bibigay ng kakaibang lakas at sigla sa aking katawan.

Matapos itabi ang aming mga gamit, agad nya akong inaya sa pinaka malapit na gotohan at doon ay sabay kaming kumain ng hapunan. Hindi ko maikakatwa na ito na yata ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Maaari kong bang sabihin na siya ang pinaka magandang bagay sa mundo? Pangalawa sa buhay ko.

Kung maaari kong lang sanang sambitin sa kanyang ang aking tunay na nararamdaman, ngunit nangangamba ako na baka iwasan nya ako kaya ay hindi nya maunawaan ito. Ayokong pag tampulan ng usap lalo’t nasa all boys school kaming pareho. Hindi ko matitiim na masira ang samahan naming dalawa dahil lamang sa nararamdaman ko para sa kanya. Siguro ay hindi pa ito ang tamang oras para sabihin iyon.

Kinabukasan, naging maganda ang presentasyon ng report namin ni Rycen. Lahat ng tanong sa amin ni Sir Kukay ay maayos naming nasasagot. Kapansin pansin rin daw ang kakaiba kong sigla na parang nag liliwanag ang aking mukha sa tamis ng aking ngiti habang nag papaliwanag. “Ganoon talaga, inspired ako e.” ang bulong ko sa aking sarili habang palihim na sumusulyap kay Rycen na noon ay abala sa pag kuha ng mga manila paper na naka dikit black board.

“Wow! 97 tol! Yan ang grades natin sa reporting. Tayo ang highest!!” ang wika ni Rycen at niyakap ako nito habang nag lululundag sa sobrang tuwa.

Syempre ay natuwa rin ako, hindi ko lang alam kung dahil ba sa score namin o dahil sa yakap niya na binigyan ko naman ng malisya? Medyo bad.. Pasensya na..

“Alam mo habang nag rereport ako kanina ay hindi ako nakaramdam ng kaba, siguro ay dahil kasama kita at pinag hirapan natin ang report na ito. Kung nandito lang si papa ay siguradong matutuwa siya” naka ngiting salita ni Rycen

“Alam ko naman na nandito lang sya sa paligid at binabantayan ka. Alam niya kung gaano ka nag aaral mabuti upang maging mabuting mag aaral. Im sure na proud na sya sa iyo” tugon ko naman.

“Salamat tol, ang galing mo nga kanina, lahat ng tanong ni Mr. Kukay ay maayos mong nasasagot. Ibang klase talaga yang utak mo” papuri nito.

“Madali lang naman yung tanong, saka syempre ayokong mag kamali dahil ikaw ang kapareha ko. Ayokong pareho tayong maging mababa ang score” ang naka ngiti kong sagot bagamat nag papa sikat naman talaga ako sa kanya. Natutuwa naman ako dahil napapansin nya yung effort ko.

Halos hindi maitago ni Rycen ang tuwa habang sabay kaming lumalakad pabalik ng dorm, sa bawat habang na ginagawa kasabay sya ay tila mas nakakaramdam ako ng kakaibang sigla. Iba talaga ang epekto kapag crush mo o hinahangaan mo yung taong kasama mo. Yung tipong nanalangin ka na sana ay mas lumayo pa yung lalakarin nyo o kaya ay umulan nalang para pareho kayong sisilong sa isang lilim ng mag kasama. Ayoko pang umuwi, ayoko pang umalis sa kanyang tabi. Kung maaari ko lang hawakan ang kamay nya at sabihing “dito muna tayo” ay gagawin ko, basta ba hindi lang nya bibigyan ng malisya.

“Alam mo ba tol, may isinusulat akong tula, kaso ay hindi ko na nadugtungan kasi ay tinatamad na ako” ang wika nito habang naka tingin sa kalayuan.

“Tula? Ano naman iyon?” pang uusisa ko.

“Ewan ko ba kung tungkol saan iyon. Puro kasabawan ang naisulat ko eh” natatawang sagot nito kaya naman agad niya pinabasa sa akin ng ilang linya dito.

Hindi naman ako isang super hero

Na nawawala at lumilipad

Ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat.

Hindi rin ako si Batman o si Robin

Si Superman o si Wolverin

Ako ay isang hamak na kulang sa pansin.

Napaka kunot ang noo ko sa isinulat na tula ni Rycen. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipabatid kaya naman pilit kong inunawa ito. “Sabi ko sayo, puro kasabawan ang naka sulat dyan” ang naka ngusong wika nito.

“Maganda tol, hindi ito kasabawan, alam mo ba ang tawag sa style na ginamit mo ay ‘malayang pag sulat’ ang ibig kong sabihin ay wala itong sinusunod na format o kaya rhythm, basta sumulat ka lang at iyon ang nilalaman ng puso ang isipan mo” ang positibo kong puna.

“Wow talaga tol? Ang ibig sabihin ay maganda din itong isinulat ko?” ang tanong naman nito na parang batang lumulundag at nag sshoot ng bola sa ere.

“Oo naman maganda, ituloy mo” sagot ko naman ngunit laking gulat ko ng punitin nya ito at itinupi. “Sayo nalang tol, remembrance” ang wika nito na para bang inaabutan ako ng love letter.

“P-para sa akin? Bakit hindi mo ituloy?” ang tanong ko naman.

“Okay na iyan. Basta nagandahan mo, iyon ang mahalaga. Salamat tol, kita ulit tayo bukas” pag papa alam nito sabay pasok sa tarangkahan ng kanilang dorm. Ako naman ay naiwang nakatayo sa labas hawak ang kapirasong papel na itinupi niya.

“Wala iyon. See you” naka ngiti kong tugon habang kumakaway.

Noong mga sandaling iyon ay mas lalo pa akong naramdam ng ibayong saya. Ewan ko ba, naiisip ko na ginawa niya ang tulang iyon para sa akin kaya naman paulit ulit ko itong binabasa hanggang sa makabisado ko na.

Positibo ang naging resulta ng lahat noong araw na iyon. Bukod sa tulang ibinigay nya ay masaya rin ako dahil ang grupo naming ni Rycen ang naka kuha ng pinaka mataas na score sa reporting at umaasa ako na hanggat nandito siya sa aking tabi ay walang imposible sa akin.

Hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal ang nararamdaman kong ito, ngunit pakiramdam ko ay habang lumilipas ang mga sandali ay mas lalong nag iigting ang aking nararamdaman para sa kanya. Ayoko nang isipin pa, basta masaya ako at iyon ang pinaka mahalaga.. Damahin mo lang.. hanggang nararamdaman mo pa..

itutuloy..

Imbisibol Part 5

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

July 20, 2016

Part 5

Naging makulay ang junior year ko dahil na rin sa pagiging malapit namin ni Rycen sa isa’t isa. Ang bawat activity, school project o mga simpleng assignments ay pinag tutulungan namin para maka kuha ng mataas na grado mula sa aming mga guro. Syempre sa bawat araw at buwan na lumilipas ay mas lalo pang nahuhulog ang loob ko sa kanya, iyon nga lang ay kailangan ko itong itago upang walang mabago sa aming samahan.

Minsan ay naisip ko na sabihin nalang sa kanya dahil may mga oras na parang sasabog ang dibdib ko ngunit natatakot naman ako na bigla siyang lumayo sa akin, mas mahirap iyon at hindi ko kakayanin. “Bakit palaging malalim ang iniisip mo? Kung hindi mo kinakausap yung bubble gum ay tiyak na naka tahimik ka lang. May problema ka ba Jopet?” ang tanong Gabby habang nilalapag ang mga pagkaing binili nya sa mesa.

“Wala naman akong problema, marami lamang akong iniisip tungkol sa mga requirements. Tambak kasi lalo’t mag 4th grading period na.”

“Naku ineechos mo lang ako no. Alam ko namang si Rycen ang iniisip mo. Namimiss mo lang siya dahil busy sya sa pag ttry out doon sa volleyball team.”

“Hindi ahh, bakit ko naman siya iisipin? Sino ba siya?” ang sagot ko naman sabay tungga sa softdrinks.

“Aba e di ko alam kung sino o ano sya sa buhay mo. Basta ang payo ko lang ay mag paka totoo ka sa sarili mo. Oh ayan inumin mo pa tong royal.” ang pang aasar nito.

“Oh ayan din. Kainin mo pa yan dahil baka pumayat ka. Mawawalan ng tapakan doon sa cheering squad nyo.” pang aasar ko rin sabay abot ng isang balot na cupcake sa kanyang tabi. Agad naman niya itong kinuha at mabilis na kinain.

“Dancer ako no, at ni minsan ay hindi tinapakan” depensa nito. “Kasi naman ikaw Jopet ang boring ng buhay mo. Inaalok kang sumali doon sa chorale tapos ay tinanggihan mo pa. Sayang ang boses mo.”

“Wala akong oras sa ganoon, mag aaral nalang muna ako” tugon ko

“Mag f-focus sa pag aaral? O mag f-focus kay Rycen? Tigilan mo nga ako Jopet” pang aasar nito

“Sa pag aaral, kaya mag focus ka nalang dyan sa pag kain. Oh ayan pa yung pancit.”

Tawanan..

Nasa ganoong pag uusap kami ni Gabby noong biglang sumulpot si Rycen sa aming likuran. Naka suot ito ng kulay itim na jersey at basang basa ng pawis ang buhok at katawan. “Painom ha.” ang wika nito sabay tungga sa softdrinks na iniinuman ko na akin namang ikinagulat. Basta namalayan ko na lang na nilalagok nya yung drink habang naka dikit sa nguso niya yung bibig ng bote.

“Ngii kanina ko pa iniinuman yung softdrinks na iyon. Para na niya akong nahalikan kung iyong iisipin!” sigaw ko sa aking sarili habang naka tingin sa kanyang pawisang katawan at isama mo pa yung manipis na buhok sa kanyang kili kili na halatang patubo pa lamang. Amoy na amoy pa rin ang kanyang pabango habang humuhulas ang pawis. Nakaka adik at nakaka akit siyang pag masdan sa ganoong posisyon.

“Kamusta naman ang try out?” tanong ni Gabby habang abala pa rin sa pag kain.

“Nakakapagod pero ginawa ko ang best ko. Kailangan kong makapasok sa varsity upang mag karoon ako ng scholarship hanggang kolehiyo. Yun lang ang pag asa ko para makatulong kay mama. Di naman kasi ako matalino kaya sa sports ko nalang dadaanin.” ang wika nito sabay upo sa aming tabi.

“Kung ganoon ay hindi kana lilipat ng campus sa kolehiyo?” ang tanong ni Gabby.

“Siguro ay hindi na. Maganda naman daw yung kolehiyo doon sa kabilang compound. Mas malaki iyon kesa dito sa high school.” sagot nito. “Bakit kayo ba ay may balak lumipat ng school?” tanong din nito.

“Ako ay wala, ewan ko lang dito kay Jopet.” ang sagot ni Gabby.

“Lilipat ka?” ang tanong sa akin ni Rycen na may halong pangungusap ang mata at panlulumo na hindi mo malaman.

Napatingin din ako sa kanya at doon ay nag tama ang aming mga mata. “Teka bakit ganyan kang makatingin sa akin?” ang naka ngiting tanong ko naman.

“Wala lang, malulungkot kasi ako kapag lumipat ka. Kasi ay wala na kong ka partner sa mga activities at wala na rin akong kokopyahan kapag may exam.” ang seryosong salita nito dahilan para matawa kami ni Gabby.

“Hayan, kasi naman ikaw Jopet masyado mong ini-spoiled itong si Rycen, iyan tuloy ayaw kana nyang mawala.” biro ni Gabby habang si Rycen naman ay parang asong maamo na naka puppy eyes pa.

Hindi ko maipaliwanag ngunit tila may kung anong kiliti ang gumuguhit sa aking kaibuturan sa tuwing titingnan ako ni Rycen. Parang ipinararamdam nya sa akin na mahalaga ako at natatakot siyang mawala ang aming samahan.

“Hala nag aassume nanaman ako.” pag kontra naman ng isa pang parte ng aking isipan.

Nanatili pa ring nakatingin sa akin si Rycen..

Tahimik..

“Eh hindi pa naman sigurado yung desisyon ko na mag aral doon sa probinsya namin pag sapit ng kolehiyo. Iyon ay plano palang naman, maaari pa itong mabago.” paliwanag ko naman.

“Dapat lang. Dito ka lang. Sabay tayong mag tatapos ng kolehiyo.” ang wika ni Rycen sabay kuha ng bote ng softdrinks at itinaas ito. “Sabay sabay tayong ggraduate! Cheers!”

Natawa kami ni Gabby at itinaas namin yung bote ng softdrinks kahit wala itong laman. “Cheers!!”

Tawanan..

Iyon ang araw na tiniyak ko sa aking sarili na hinding hindi lalayo kay Rycen dahil sya ang nag sisilbing inspirasyon ko sa pag aaral. Ang simpleng mga bagay na ginagawa niya para sa akin ay sapat na upang ako ay manatali sa kanyang tabi.

Mabilis na lumipas ang mga araw at unti unting natapos ang 4th grading period. Kasabay nito ang pag kakapasok ni Rycen sa volleyball team ng buong school at syempre ay namayagpag din ako sa academic dahil nakuha ko ang ikatlong pwesto. At malaking improvement din sa bestie kong si Gabby dahil pumasok din ito sa top 10 honor list. Sa makatuwid ay naging makulay at matagumpay ang Junior year namin, at umaasa ako sa susunod na school year ay mas mahihigitan pa namin ang aming performance.

Sa pag sapit ng bakasyon, muling nag hiwalay ang landas namin ni Rycen. Umuwi sya sa Cebu at ako naman ay sa aming probinsya sa Cabanatuan City. Gayon pa man, ang bawat ala-ala na kami ay mag kasama ay dala ko kahit saan man ako dalhin ng aking mga paa. Syempre ay nasa akin pa rin yung bubble gum na ibinigay nya sa akin noong unang beses kaming mag kausap sa science class at yung papel na may lamang tula na isinulat niya. Talagang prineserve ko ang mga ito na siyang nag papa alala sa akin na kasama ko pa rin sya kahit saan ako mag punta.

Sadyang may mga damdamin lang talaga na lalong umuusbong habang tumatagal. At kapag lalo ko itong itinitago sa aking dibdib ay mas lalo itong nag huhumiyaw. At sa tingin ko ay ito ang eksaktong eksplinasyon sa nangyayari sa akin ngayon.

“4th year high school kana pag pasok anak. Nakapag desisyon ka na ba kung saan ka mag aaral ng kolehiyo?” ang tanong ni papa habang kumakain kami ng hapunan.

“Hindi pa po pa, pinag iisipan ko kung doon na lamang ako mag tutuloy ng kolehiyo sa St. Vincent College. Mahirap kasi kung mag ttransfer pa ako sa ibang school. Pero, hindi pa naman final ang desisyon ko. Isang taon pa naman at maaari pa itong mag bago.” ang sagot ko naman.

“Kung sa bagay, kung ako ang tatanungin ay mas makabubuti kung doon ka na lamang sa St. Vincent mag tuloy. All boys school iyon at kampante ako na makakatapos ka sa pag aaral dahil hindi ka makaka buntis ng kaklase mo.” ang wika ni papa sabay tawa ng malakas.

“Pa naman.. hindi ko naman gagawing biguin kayo. Sa ngayon ang target ko ay makapag bigay ng karangalan sa inyo ni mama. Wala sa isip ko ang mga ganoong bagay.” sagot ko ulit.

“Tama nga naman papa, paano may mag kakagusto dyan kay Jopet ay hindi man lang inaayos ang kanyang sarili. Ang pimples mo ay parami ng parami. Mainam pa siguro ay ipa facial na natin iyan.” ang wika ni mama.

“Wag na ma.. Makukuha na to ng sabon. Normal lang naman sa mga teen ager ang nag kakaroon ng pimple sa mukha. At saka ito lang ang loyal sa akin.” tugon ko naman dahilan para matawa sila.

“Aba, dapat ay mag pa gwapo ka kung gusto mong magustuhan ka rin ng natitipuhan mo.” wika ulit ni papa.

“Hindi naman ako panget ma, tinighiwat lang ako kaya ang akala mo ay panget ako. Mawawala rin po ito. At saka kung may mag kakagusto man sakin, dapat ay tanggap niya kung ano at sino ako.” ang pag tatanggol ko naman sa aking sarili.

Tawanan ulit sila samantalang ako naman ay naka nguso nalang..

Alas 9 ng gabi noong mag pasya akong mahiga. At habang nasa ganoong posisyon ay hindi ko maiwasang isipin si Rycen. Tatlong buwan pa ang bakasyon ngunit tila ba gustong gusto ko na ulit siyang masilayan. Hindi na ako makapag hintay na dumating muli ang pasukan.

Ano kaya ang ginagawa niya sa mga sandaling ito? Sumasagi rin kaya ako sa isip niya? Kasi ay wala oras na hindi siya sumagi sa isip ko. Halos matagal tagal ko na rin pala siyang hinahangaan, at kahit wala akong nakukuhang sukli sa aking nararamdaman ay ayos lang, bastat nakikita ko siya at nakaka usap ay okay na sa akin. Iyon ay sapat na upang ako ay maging masaya.

Medyo may pagka martir ang dating ngunit anong magagawa ko kung ito ang isinisigaw ng puso kong humahanga at nag mamahal ng palihim. Hindi madali ang aking sitwasyon lalo ang taong iyon ay kapareho ko ring lalaki. Dalawa lang naman ang maaaring mangyari kapag ipinag tapat ko sa kanya ang aking damdamin, ang una ay tawanan niya ako at sabihang loko loko. At ang ikalawa ay seryosohin niya ito ay iwasan nyan ako ng tuluyan. Lose lose situation sabi nga nila. Sa ano mang pamimilian ay talo ako at sa huli ay lalabas pa rin akong kawawa.

Pero ang malaking tanong sa aking isipan ngayon ay kung bakit nananatili pa rin ako sa ganitong sitwasyon? Bakit nanghihina ang aking tuhod sa tuwing lumalapit sya sa akin? Bakit lumulundag sa tuwa ang aking puso sa tuwing tititigan nya ako o kaya ay ngingitian? Bakit hindi ko magawang patayin at kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya kung alam ko naman pala na simula’t sapol ay lungkot lang ang katapat nito.

Nakaka tuliro ng pag iisip..

Ngunit batid ko na darating ang araw na masasagot ko ang lahat ng ito. Ang kailangan ko lamang gawin ay mag hintay sa tamang pag kakataon.

itutuloy..

Imbisibol Part 6

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

July 22, 2016

Part 6

Hello Senior Year!!!

“Ngayong 4th year na kayo, sana ay mag aral kayong mabuti. Huwag maging tamad dahil baka hindi pa kayo maka graduate. Do your best, at huwag tatanga tanga! Yntiendez?!!” ang malakas na salita ng aming bagong adviser na si Mr. Espanyol

“Yes sir!!!” ang sagot ng buong klase.

“Good, open your text book in Social Study and tell me something about the history of Manchu tribe.” utos pa nito sabay turo sa aking kinalalagyan. “Ikaw na may makapal na salamin na kahawig ni Rizal ang bangs, please read the first page.” pang ookray niya dahilan para matawa ang buong klase. Pati ako ay natawa rin dahil sanay na rin ako sa pag bibiro ng aking mga adviser.

“Call me Jopet sir.” ang naka ngiting pakilala ko naman.

“I know, isa ka sa mga top students. Nice meeting you Mr. John Peter Guzman.” ang seryosong wika nito sabay bitiw ng simpleng ngiti sa akin.

Sinumulan kong basahin ang lesson namin para sa period na iyon. Nakikinig naman ang lahat ang iba seryoso rin nag babasa ng kani-kanilang aklat. Nasa ganoong pag babasa ako ng hindi sinasadyang mapalingon ako sa bintana at doon makita ko si Rycen na nakatayo sa hallway. Makalipas ang ilang buwan ay ngayon ko lamang ulit siya na silayan. Medyo may hubog na ang katawan nito at may hugis na ring ang kanyang braso, kaibahan dati na patpatin ito at mukhang lampayatot. Lalo pa siyang gwumapo. Bagay na bagay sa kanya ang suot na polong puti at itim na pantalon.

Ewan ngunit tulad dati ay mas lalo pa akong nakaramdam ng pag kakilig at para bang gusto ko nang lumabas ng classroom para lamang maka usap siya. “Mr. Guzman, are you alright? Please take your seat.” ang wika ng aming adviser kaya naman biglang bumalik sa normal ang aking ulirat sabay upo sa aking pwesto. Hindi ko na malayan na kanina pa pala ako tapos mag basa at napako lamang ang aking tingin sa labas kung saan naka tayo si Rycen Paul.

“Oras ng tanghalian, habang kumakain kami ni Gabby ay laking gulat ko noong bigla na lamang naupo si Rycen sa aking tabi. Inakbayan pa ako nito at ginulo ang aking buhok. “Mabuti nalang dahil hindi ako kinagalitan kaninang first period. Unang araw ng klase ay late ako. Kaya ayon bad shot nanaman ako sa aming adviser.” bungad nito habang nakangiti.

Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa kanya dahil parang ninamnam ko pa yung pag kaka akbay nya sa aking balikat. “Ahh ayos lang iyan bro. Teka classmate ba kita sa ibang subject?” ang agad kong tanong.

“Oo yata tol, ang alam ko ay naka merge ulit ang section A B C kapag physics, english at math. Kaya nga masaya ako dahil may kokopyahan ulit ako. Sure na gagraduate ako ngayong taon!” ang proud na proud na wika nito sabay tawa.

Tawanan..

“Syempre ay gagraduate tayo. Pangako iyan.” ang wika ko naman sabay bitiw ng matamis na ngiti samantalang si Gabby naman ay walang paki at apura lamang sa pag kain.

“Talaga tol? Mabuti nalang dahil nandyan ka. Kahit papaano ay may tutulong sa akin kapag busy ako sa varsity. Ang sabi kasi ni captain ay mag sisimula na practice namin next week. Tiyak na magiging busy na rin ako.” ang wika niya na may halong lungkot sa mga mata.

“Dont worry. Nandito naman ako para tulungan ka sa mga assignment at projects mo. Basta makaka pasa tayo at March ay taas noo tayong aabot ng diploma.” ang wika ko rin.

“Salamat Jopet. The best ka talaga.” tugon niya at muling ginusot ang aking buhok. Samantalang ako naman ay tuwang tuwa at halos lumabas ang aking puso sa labis na ligaya. Ewan, naisip ko lang na para akong isang aso na pine-pet ng amo. Arf arf!

Matapos ang tanghalian, agad na nag paalam si Rycen sa amin dahil nag karoon sila ng emergency meeting sa team, syempre habang pinag mamasdan ko ito sa pag lalakad palayo sa amin ay hindi na pa rin naalis ang ngiti sa aking labi na para bang lumulutang pa rin ako sa ika pitong palapaap. “Hayy Rycen, sana ay dito ka nalang sa aking tabi palagi.” bulong ko sa aking sarili nang maramdaman ko ang pag tapik ni Gabby sa aking balikat. “Hooyyy, nag iimagine kana naman dyan. Bakit hindi mo pa kasi sabihin kay Rycen ang tunay na nararamdaman mo para sa kanya? Pahirap iyan ng pahirap habang tumatagal.” ang wika nito.

“Ha? Ayoko nga.. Mahirap na. Ayokong mag bago ang pakikitungo nya sa akin.”

“Agad agad? Ano ka ba, maiintindihan nya iyon. Wala na tayo sa panahon ni Maria Clara Jopet. Masyado kang pa virgin.” hirit pa nito.

“Kahit na nga ba. year 1995 palang noh. Talagang lahat ng tao dito sa pinas ay pa virgin pa rin. Tayo na nga doon sa room. Baka malate pa tayo sa klase ni Mr. Espanyol.” hirit ko rin sabay hatak sa braso nito.

“Ah basta Jopet, ang sa akin lang ay dapat ipaalam mo na sa kanya ang damdamin mo bago ka pa tuluyang malunod dito. Bahala ka ikaw rin.” pahabol pa niya.

“Wala ako sa dagat kaya’t tiyak na hindi ako malulunod.” sagot ko naman.

“Loko, ang ibig kong sabihin ay iyang nag uumapaw mong damdamin. Baka isang umaga ay magising ka nalang na nalunod ka na sa pag hanga mo. Sige ka ikaw rin.” ang pang aasar nito.

“Ewan, panira ka naman ng moment eh.”

Nag patuloy ang aming klase, syempre ay inspired ulit akong mag sasagot sa mga lessons. Pakiramdam ko ay full ang energy ko at punong puno ako sigla. Sabi nga nila ay buo na ang araw mo kapag naka silay ka sa crush mo at ito na nga iyon! Palagi rin akong masaya bagamat binubully ng ako ng mga kaibigan kong prof dahil kahawig ko raw sina Jose rizal sa hair style ko at isama mo pa yung malaking acne sa noo ko animo sungay ng unicorn. Laslas pulso na talaga. Pero ayos lang, wala akong paki alam, ang mahalaga ay masaya ako at damang dama ko iyon.

Alas 5 ng hapon, habang nag lalakad ako pauwi ng dorm ay muli kong naka salubong si Rycen, naka suot ito ng short at sando, hawak ang bote ng mineral water. Papasok palang siya pero ako ay pauwi na. “May practice kasi kami ngayon sa gym kaya heto papasok ulit ako.” ang wika nito habang naka ngiti.

“Goodluck bro. Galingan mo sa practice.” sagot ko naman.

“Teka Jopet, kung hindi ka naman busy ay bakit hindi ka muna sumama sa akin doon sa gym? Manonood ka ng practice namin.” mungkahi nito.

“Eh may quiz ako sa first period bukas e, marami akong aaralin.” ang tugon ko sabay bitaw na ngiti. “Quiz lang naman iyan. Ikaw pa ba?! Sa talinong mong iyan kahit hindi ka mag aral ay tiyak na papasa ka. Kaya tayo na.. Sama ka na sa akin.” ang pag yaya nito sabay akbay sa akin.

“Awtsu.. Muli nanamang dumaloy ang kuryente sa aking katawan noong dumikit ang kanyang balat sa akin. Ang kanyang mga tingin sa akin ay tila nakaka hipnotismo at para bang napapasailalim ako sa kanyang mahika. Isama mo pa ang kanyang ngiti na nag papahina ng aking tuhod. “Sige na please. Wala kasi akong kasama doon.” ang hirit pa nya.

Pilit kong nilabanan ang tuksong iyon ngunit tila ba alipin ako ng kanyang mga salita. Hindi ako makatanggi. “Sige na nga. Tayo na.” ang wika ko sabay kuha sa dala niyang towel at bote ng tubig. “Ako ang P.A mo ngayon.” biro ko dahilan para matawa ito. “Salamat tol ha. Buti nalang nandyan ka.” naka ngiti niyang tugon.

Sabay kaming lumakad patungo sa gym. At habang nasa ganoong pag hakbang kami ay pasimple akong tumitingin sa kanyang mukha na talaga namang gumagwapo habang tinititigan ng matagal. Second year high school pa lamang ako noong mag simulang humanga sa kanya, at makalipas ang ilang taon ay hindi pa rin ito nawawala at pakiwari ko ay mas patindi pa ito ng patindi.

Makalipas ang ilang saglit na pag lalakad ay narating namin ang gym, nandoon na lahat ang miyembro ng volley ball team at kapansin pansin na si Rycen lamang ang high school dito. Mukhang sa dami ng mga nag try out ay mag isa lamang siyang nakapasa kaya kahit masyadong baguhan ay isinali pa rin sya sa team.

“Iyan yung 4th year high school na napasok sa volleyball team. First time na may nakapasok na secondary student sa team.” ang wika noong isang college student na naka upo sa taas ng bench.

“Siguro ay magaling kaya’t ipinasok ni Captain. Naka titiyak ako na isa siya sa huhubugin para maging front liner ng kuponan.” sagot naman ng isa.

Noong mga sandaling iyon ay natingin ako kay Rycen na noon ay abala sa pag wawarm up. Kung tutuusin ay hindi naman halatang high school ito dahil sa tangkad niyang daglay at maganda pa ang kanyang pangangatawan. Hindi rin naman siya mag papahuli pag dating sa energy kaya’t masasabi kong deserving sya upang makapasok sa team.

Tahimik akong naupo sa bench hawak ang towel, bag at tubig ni Rycen. Aliw na aliw akong panoorin siya sa pag bangag ng bola at sa pag recieve nito. Maganda ang kanyang postura, ang braso ay kaunting muscle, ang hita ay ganoon din at isama mo pa ang kanyang walang kataba tabang tiyan. Tiyak na isa siya sa hahangaan kapag actual game na. Syempre ay mas lalo pang dadami ang kakompetensya ko pag nag kataon.

Tuwing break time ay bumaba ako sa court upang abutan siya ng tubig at towel na pamunas sa pawis. Instant P.A ang tawag sa ginagawa ko pero okay lang, basta masaya ako dahil kasama ko siya. Yung simpleng pag papasalamat at pag ngiti nya sa akin ay sapat na upang mawala ang pagod ko.

Alas 7 ng gabi noong matapos ang practice. Bago umuwi ay nag pasama pa si Rycen sa shower room upang mag linis ng katawan. Pumasok ito sa cubicle samantalang ako naman ay naka upo lamang sa silya habang hawak ang kanyang mga gamit.

Hindi ko maunawaan ngunit tila kinakabahan ako habang pinag mamasdan ang pag lagaslas ng tubig sa valve ng shower.

Maya maya ay bumubukas ang pinto at tumambad sa akin ang kahubadan niya. May sabon ang buong katawan mula sa leeg pababa sa tuhod. Ngunit ang kapansin pansin ay ang ari niya na naka tirik. Makapal ang buhok sa taas nito at animo saging na naka tayo kanyang harapan. Ang ulo ay parang makopa at talaga may kalakihan.

Napalunok ako sa aking nakita sabay tulo ng malamig na pawis sa aking noo bagamat malamig naman sa buong silid.

“Tol, paabot ng tuwalya at mga gamit ko.” ang wika niya habang nakangiti. Pero ako naman nanatiling naka titig sa kanyang tirik na alaga.

“Malaki ba? Sorry ah, ang lamig kasi ng tubig, nagalit tuloy.” ang wika niya sabay bitiw ng pilyong ngiti at nag simulang laruin ang katawan nito na parang nang aakit.

Ako naman ay mas lalong pinag pawisan at binalot ng pinag halong init at kaba.

Patuloy si Rycen sa kanyang ginagawang pag lalaro sa kanyang kahabaan hanggang sa biglang bumukas ang main door at pumasok ang isa kanyang ka team mate kaya naman naantala ang kanyang kabulastugang ginagawa sabay talikod at mabilis na isinara ang pinto. Samantalang ako naman ay tumayo at mabilis na iniabot sa kanya ang kanyang mga gamit habang natatawa ng palihim.

Syempre, makita mo ba naman ang kahubadan ng taong hinahangaan mo ng lubos, hindi ka kaya atakihin sa nerbyos at pananabik Lol.

Noong gabi rin iyon ay halos hindi maalis sa isip ko yung eksena kanina. Pati na rin yung nang aakit na mukha ni Rycen ay naka ukit rin sa aking isipan kaya naman halos ilang beses din ako nag paraos habang iniimadyin ko sya. Nakaka guilty ngunit natural lamang ito lalo’t nakakapag init naman talaga ang kanyang kahubadan.

itutuloy…

Imbisibol Part 7

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Ito ay kwento nating lahat..

Kwento ng mga nag mamahal, humahanga at nasasaktan ng palihim.

Imbisibol

AiTenshi

July 29, 2016

Part 7

“Mr. Rycen Paul Lacsamana!! Natutulog kana naman sa klase ko! Ano ang sagot sa problem dito sa black board?!!!” ang galit na sigaw ng guro namin sa mathematics noong makita itong naka dukdok sa kanyang desk.

Natahimik si Rycen at napakamot ng ulo. Halatang halata na puyat ito ay namumula pa ang mata. Nakaka lungkot lang dahil ang aga aga ay napagalitan na agad siya.

“Sana ay hindi ka na lamang pumasok sa klase ko kung matutulog ka lang sa pansitan.” ang galit na dagdag pa nito.

Lalong nahiya si Rycen at napayuko kaya naman nag taas ako ng kamay upang isalba ito.

“Sir alam ko po ang sagot. Ako nalang ang sasagot.” ang wika ko dahilan para mapatingin ang guro sa akin. “Of course!!! Alam mo ang sagot John Peter!! Alam na alam mo because this is algebra for elementary!!!” ang galit na sigaw nito kaya natahimik lalo ang lahat.

Halos buong period yatang may regla si sir Espanyol kaya parati itong nag sasalita ng spanish na hindi naman namin maintindihan. “Bakit ba naman kasi mukhang puyat na puyat ka?” tanong ko kay Rycen noong mag kasabay kaming lumalakad sa hallway.

“Eh pano birthday ng ka team mate ko kaya nag happy happy kami. Inom inom lang ng kaunting Gin.” naka ngising wika nito.

“Naku.. buti ay hindi kayo nahuli ng landlord natin? Isa pa ay 16 ka pa lang bakit pinapayagang uminom?” ang tanong ko ulit. “Hindi naman kasi mahahalata dahil mga college na yung kasama ko. Ako nga pinaka bata kaya madalas nila akong kinakantiyawan.” tugon nito.

“Hayy, sa susunod ay huwag kana iinom dahil baka mapagalitan kana naman ni Mr. Espanyol, may pagka terror pa naman iyon.” paalala ko.

“Nakkupp, wala akong paki alam sa Espanyol na yon. Inggit lang siya dahil mas gwapo ako sa kanya.” nakatawa salita nito habang ang kamay ay naka unat sa batok na parang nag iinat pa.

“Oh edi ikaw na talaga.” biro ko rin.

Tawanan..

“Salamat pala sa pag sama mo sa akin sa practice game tuwing hapon. Buti nalang nandyan ka.” naka ngiting wika nito. “Wala iyon, masaya naman ako na kasama ka. Ah eh ang ibig kong sabihin ay masaya ako na panoorin kang nag lalaro. Nag eenjoy ako sa pag sigaw at pag cheer sayo.” sagot ko rin na may halong pag kahiya

“Talaga tol? Ummm, salamat ha. Iyon nga lang next week ay magiging busy na kami sa pag ppractice. Tiyak na matatambakan ako ng projects nito. Hindi ko pa nga naisusubmit yung Physics ay mayroon nanamang isa pa. Pambihira talaga.” pag mamaktol niya na may halong kaunting lungkot.

Ako naman ay napatingin sa kanya at nakaramdam ng awa, alam ko kung gaano niya pinag bubuti ang pag lalaro ng volley ball dahil sa scholarship na makukuha niya dito. Malaking tulong kasi iyon sa kanyang pag aaral lalo’t pumanaw na ang kanyang ama. Kaya naman noong mga sandaling iyon ay nag desisyon na lamang ako na tulungan siya. “Huwag kana malungkot bro. Ako na lamang ang gagawa ng project mo sa Physics at sa English tutal ay nakapag submit naman na ako kanina.” naka ngiti kong wika kaya naman napahinto ito sa pag lalakad at napatingin sa akin ng seryoso.

“Seryoso ka ba tol? Talaga ba?” ang tanong nito na may kisap sa mga mata.

“Oo naman. Ikaw pa. Ang lakas mo yata sa akin.” tugon ko sabay ngiti at laking gulat ko noong bigla akong niyakap nito at hinagkan sa pisngi kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso din. “Sorry tol, nahalikan tuloy kita sa sobrang tuwa ko. Tunay kang mabuti at matulunging kaibigan. kaw talaga ang guardian angel ko. Salamat talaga tol. Kaya mahal na mahal kita e.” ang wika nito habang nakayakap sa akin.

Tuwang tuwa naman ako at tila dinuduyan ako sa musika ng kanyang tinig. At ang kanyang yakap ay nag bibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. “Mahal din kita Rycen.” ang wika ko dahilan para mapatingin ito sa akin. “Ang ibig kong sabihin ay mahal kita bilang kapatid at best friend.” dagdag ko naman na may kaunting hiya bagamat sa loob ko ay talaga namang mahal ko siya.

“Ganoon din ako tol. Sana ay huwag kang mag bago ng pakikitungo sa akin.” ang wika nito habang naka akbay.

Agaw eksena kami sa daan, hindi tuloy namin namamalayan na may mga kaibigan at mata na ang nakatingin sa amin. Ang ilan pa nga sa kanila ay nangantiyaw pa. “Lakas maka bakla ng yakapan niyo ah. Sweet!” wika ng mga ito kaya naman agad kaming nag layo at naki tawa na rin.

Pulang pula ang aking mukha. Samantalang si Rycen naman ay nakatawa lang at sinasakyan ang biro ng mga kabarkada..

Kinahapunan, katulad nga ipinangako ko kay Rycen ay sinimulan ko na nga ang pag gawa ng project niya sa iba’t ibang subject. Pati assignment niya ay ako na rin ang gumawa dahil paniguradong pagod siya sa pag eensayo sa kanilang team. Sa tuwing naiisip ko yung ginagawa niyang pag yakap sa akin ay hindi ko mapigil ang pag ngiti at pag ka kilig. Lalo na noong dumampi ang labi niya sa aking pisngi. Iyon ay ang mga hindi matatawarang segundo ang aking buhay.

Tahimik..

Patuloy pa rin ako sa pag gawa habang pilit na binabalik-balikan ang mga eksenang iyon.

“Hoy Jopet kailangan talaga naka ngiti ka pa habang nag susulat?” pang babasag ni Gabby sa katahimikan. “Eh ano namang masama doon?” asar kong sagot.

“Masama dahil para kang baliw. Kung sa bagay baliw ka nga talaga dyan kay Rycen. Biruin mo ginawa ka pang sekretarya. Naku ha.. Siguro ay alam nyang may gusto ka sa kanya kaya tinetake advantage na iyon.” ang wika nito na hindi malaman kung seryoso ba o nag bibiro.

“So meaning ginagamit lang ako? Ang advance mo naman mag isip. Nasa year 1995 palang tayo ang utak mo ay nasa 2000 na. Hindi ganoon si Rycen. Nag kataon lang na marami syang ginagawa sa varsity.” depensa ko naman.

“Naku, im sure tumotoma lang iyon ngayon kasama yung mga kateam nya sa volleyball”

“Ang judgemental mo naman, nag p-practice sila para makapag bigay ng karangalan dito sa skul. Huwag kana kasing kumontra.”

“Oh siya hindi na ko kokontra dyan sa paniniwala mo pero sana ay maging matalino ka. Dapat alam mo kung inaabuso ka lang.” ang wika naman ni Gabby sabay patay ng lampshade sa kanyang tabi. “Goodnight.”

“Goodnight din Gab, umm salamat sa concern.”

“Wala iyon.”

Halos inabot ako sa ng ala 1 ng umaga sa pag gawa ng project ni Rycen at nag review pa ako sa physics kaya’t alas 3 na rin ako naka pag pahinga. Ang totoo noon ay hindi naman talaga nakaramdam ng antok o pagod. Hindi na nga ako makapag hintay ng umaga para makita ko ulit sya. Paki wari ko ba ay talagang napapasailalim lang ako ng kanyang taglay na mahikang mapang akit kaya’t heto hinahanap hanap ko siya maging sa oras ng pag tulog ko.

Kinabukasan..

“Wow, salamat tol. Hindi ako maka paniwala na may project na ako agad. Tiyak na hindi na ako mapapagalitan ni Mr. Espanyol nito.” ang natutuwang wika ni Rycen noong ihalad ko sa kanyang kamay ang mga requirements. Halos wala itong mapag lagyang ligaya kaya’t niyakap nya ako ng paulit ulit. Ako naman ay tuwang tuwa at ninamnam ang bawat sandaling iyon.

Noong araw din iyon ay naitop ko ang tatlong mag kakasunod na quiz sa iba’t ibang subject. At dahil nga pinakokopya ko si Rycen ay parati rin itong pumapasok sa top 5 na siyang ipinag tataka ng aming mga guro. Mapa math, english o kaya ay Physics ay kami dalawa ang namamayagpag. Alam kong hindi tama na ibigay ko sa kanya ang mga sagot ko ngunit hindi sa kabilang banda ay hindi ko rin naman kayang itiisin na makita syang bumabagsak at ipinapahiya ng aming mga teacher. Alam kong mali ngunit handa naman akong mag paliwanag sa kataas taasang tambol ni mayor kung saan man iyon.

“Wooo pareng Rycen galing mo aah. Galing mong mangopya.” ang wika ng mga barkada niya habang sama sama silang nag lalakad sa hallway. “Makikipag kaibigan din ako dyan kay Jopet para pakopyahin din kami.” ang wika rin ng isa.

“Nakuu mga tol, mahirap yan. Si Rycen lang ang papakopyahin nya dahil sya lang ang gwapo. Parang bakla yata iyang si Jopet eh.” ang wika rin ng isa pa na nag bigay ng kaunting kirot sa aking dibdib.

“Kaso pag bakla dapat malaking titi ang ipapain natin para di makatanggi.” pang iinsulto naman nung isa.

Tawanan..

“Mga gago. Mabait sakin yung tao dahil mabuti ako sa kanya. Wala namang bastusan mga pare.” pag salungat ni Rycen sabay batok sa mga kaibigan. “Matalino si Jopet, ibinabahagi lamang niya sa akin ang kaalaman niya.” dagdag pa nito.

“Bakit sayo lang? Bakit hindi na sa amin?” ang reklamo ng mga ito.

“Dahil hindi kayo mabuti sa kanya. Pinakopya ako nung tao para hindi ako laitin ng mga gurong nang mamata sa akin. Hindi nya deserve na tawagin ninyong bakla dahil sa kabutihang ipinakita niya sa akin.” pag tatanggol ni Rycen dahilan para matahimik ang kanyang mga kaibigan.

Ewan, ngunit ibayong sakit ang naramdaman ko noong mga oras iyon. Hindi ko alam na ganoon pala ang tingin sa akin ng mga kaibigan ni Rycen. Ang akala ko ay mabuti tao sila kapag kaharap ko ngunit kapag wala naman pala ako sa paligid ay katakot takot na pambabastos ang inaabot ko. Halos sumabog ang aking dibdib sa sama ng loob kaya naman wala akong nagawa kundi ang lumabas sa sulok na aking pinag tataguan kung saan naririnig ko sila ng malinaw.

Halos napahinto ang mag kakaibigan sa kanilang ginagawang pag tatawa sa akin noong makita akong sumulpot sa kanilang tabi.

Tahimik.

Ngumiti ako sa kanila at mabilis na lumakad palayo. Nais ko sanang mag bitiw ng masakit na salita upang depensahan ang aking sarili laban sa pang huhusga nila ngunit mas pinili ko nalang na huwag kumibo at hayaan na lamang sila. Ang tao nga naman kapag gumawa ng masama ay huhusgahan ka at kapag naman gumawa ka rin ng mabuti ay huhusgahan ka pa rin. Minsan napapaisip nalang ako kung saan ako lulugar.

Muli ako lumakad palayo sa kanila ng bigla akong habulin ni Rycen na parang boyfriend na nanunuyo. “Jopet, sandali.. Jopppp!!” ang pag tawag nito.

“Bakit?” tanong ko naman.

“Huwag mong pansinin yung sinasabi ng mga tarantado na iyon. Nag bibiro lamang sila.” pag depensa ni Rycen sa mga kaibigan niyang alagad ng kadiliman. “Wala iyon.” sagot ko naman at muli akong lumakad palayo.

“Eyyy tekaa, wala nga pero parang galit ka naman. Sorry tol, ako nang hihingi ng tawad sa ginawa nila. Sandali lang.” ang pag habol nito ngunit hindi ko na siya pinansin kaya naman muli nanaman nya akong hinabol hanggang sa labasan ng gate.

“Sandali Jop.. wag ka na naman magalit.”

“Hindi naman ako galit. May kinakailangan lang akong tapusin pag dating sa dorm kaya ako nag mamadali.” palusot ko.

“Eh mukhang galit ka sa akin e.” ang wika nito na parang tupang inapi ng isang daang beses.

“Hindi ako galit.” sagot ko naman.

“Kung hindi ka galit ay sasama ka sakin mamaya doon sa bayan. Kumain tayo sa labas o kaya ay mag lakad lakad sa mall. Treat ko. Bilang pasasalamat na rin sa paag tulong mo sa akin sa mga projects ko. Ano sige na.” ang naka ngiting salita nito.

“Naku Jopet huwag kang titingin sa mga mata niya dahil baka mapasailalim kana naman sa kanyang sumpa.” ang sigaw ko sa aking sarili habang iniiwas ang mata sa kanyang mukha.

“Oh bakit ayaw mo akong tingnan? Ganito nalang tol, mamayang alas 5 ng hapon pag katapos ng klase ko ay hihintayin kita dito sa gate ng campus kaya tapusin mo na kung ano man yung gagawin mo na iyan.” ang salita pa nito kaya naman hindi na ako naka kibo.

“Mamaya tol, wag mong kakalimutan ha.” ang dagdag pa niya sabay paalam sa akin. Ako naman ay naka tingin lang sa kanya habang pinag mamasdan ang pag takbo nito pabalik sa kanilang classroom.

Kinahapunan, nag tatalo pa rin ang aking isipan kung pupuntahan ko ba si Rycen o iiwasan ko na lamang ito upang hindi na ako husgahan ng kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kabilang parte naman ng aking isipan ay nais kong mag punta upang makita siya. “Arrrggghh nakaka inis ano ba ang dapat kong gawin?!” ang sigaw ko sa aking isip habang pinag mamasdan yung lumang bubble gum na ibinigay sa akin ni Rycen noon pa.

Halos ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon at tila hindi ko na namamalayan ang pag takbo ng oras.

4:50 na pala ng hapon.

“Bahala na nga” ang wika ko sabay balikwas ng bangon at agad kong kinuha ang aking sapatos at mabilis na bumaba sa dorm upang puntahan si Rycen sa labas ng gate ng campus. Ewan, basta nag desisyon lang ako agad na puntahan siya sa hindi malamang kadahilanan. Gusto ko lang talaga siyang makita at makasama ulit.

Tumakbo ako patungo sa gate ng campus at doon nga at nakita si Rycen na nakaupo sa waiting area. Naka suot ito ng uniporme at naka sukbit ang bag sa kanyang likuran habang naka tanaw sa mga jeep na ang dadaan.

“Sorry late ako ng isang minuto.” ang wika habang lumalapit.

Ngumiti ito at ginulo ang aking buhok. “Ayos lang Jop.. Ang totoo noon ay kadarating ko lang din dito” ang wika nito sabay hatak sa akin pasakay ng jeep. “Tayo na para makalibot tayo ng mas matagal.” excited na pag yaya nito.

Agad kaming sumakay ng jeep at doon ay masayang binabay ang daan patungo sa pinaka malapit na mall. Para kay Rycen ay simpleng lakad lamang ito, ngunit para sa akin ay hindi na ito matutumbasan ng kahit ano.

itutuloy..

Imbisibol Part 8

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Aug 3, 2016

Part 8

Makalipas ang ilang minuto ay agad kami nakarating sa mall, halos hindi na mabakbak ang ngiti sa aking labi at pakiwari ko ba ay gusto kong sumigaw ng malakas dahil matinding tuwa. Syempre ay pasimple lang ako at kunwari ay bale wala lang sa akin na kasama ko si Rycen ngunit ang totoo nun ay gusto ko na siyang yakapin o kaya akbayan habang kami nag lalakad patungo sa kainan.

Pumasok kaming dalawa sa isang sikat na fast food at katulad ng ipinangako ni Rycen ay ililibre nya ako bilang pasasalamat sa pag tulong ko sa kanyang mga assignments at projects. Syempre hindi naman ako papayag na siya ang sasagot ng lahat kaya nag pumilit rin ako na hati kami sa bill bagamat ayaw nga niyang pumayag.

Masayang kwentuhan ang naganap sa pagitan naming dalawa habang mag kasabay na kumakain. Kung ano anong topic ang aming pinag usapan na tila walang tiyak na direksyon ngunit masaya naman dahil espesyal siya para sa akin. Kahit hindi ko na ako makarelate sa kanyang mga kwento ay ayos lang, oo nalang ako ng oo habang naka tingin sa kanyang mga anghel na mukha at isama mo ang kanyang nakaka bighaning ngiti. Hayyyy, sana huwag na matapos ang mga sandaling ito. Kung pwede ko nga lang iuwi yung plastic na kutsara at tinidor na ginagamit nya ay gagawin ko talaga bilang remembrance.

“Teka tol, anong kurso ba ang kukunin mo sa kolehiyo?” ang tanong ni Rycen habang abala sa pag subo ng pag kain. “Hmmm hindi ko pa alam pero siguro ay inhinyerong sibil.” ang sagot ko naman. “Ikaw naman? Anong kurso ang nais mo?” pag babalik ko ng tanong.

“Baka arkitekto, iyan kasi ang pangarap sa akin ni papa. Pero gusto ko rin ang inhinyero dahil iyon naman ang gusto ng aking ina. Ang gulo nila no?” natatawang sagot nito.

“Hindi naman. Basta ang payo lang sayo ay sundin mo ang nilalaman ng puso mo. Kung saan ka sasaya ay iyon ang gawin mo. Huwag mong isipin ang ibang tao dahil hindi naman sila ang nag bibigay ng kaligayahan natin.” sagot ko sabay bitiw ng matamis na ngiti.

“Tama ka doon tol. Nga pala, sorry sa mga sinabi ng mga kabarkada ko. Nag bibiro lang naman sila, at isa pa ay mga tarantadong gugong talaga yung mga iyon. Palibhasa ay wala silang maisagot sa exam kaya ayun mga naiinggit dahil i have you.” wika pa nito.

Ngumiti ako ulit at ipinag patuloy ang pag kain. “Wala iyon. Ang mahalaga ay kilala ko ang aking sarili. Masaya akong tulungan ka, at iyon ang mahalaga sa akin.”

“Sana huwag kang mag babago tol. The best ka talaga.” ang tugon ni Rycen at muli nito ginusot ang aking buhok.

“Hindi naman ako mag babago, sana ay ganoon ka din.” tugon ko rin.

Matapos naman kumain ay nag lakad lakad kami ni Rycen, namili ng mga tshirt na sale at nag punta sa mga arcade upang mag libang. Noong mga sandaling iyon ay tila nakalimutan ko ang mundo. Parang kaming dalawa lang ang tao dito at hindi na nag eexist pa ang iba. Kung pwede ko lamang pigilin ang kamay ng orasan para manatili na lamang sa ganito ang lahat ay gagawin ko basta’t maligaya ako at nais kong panatilihin ito.

Patuloy kami sa pag lalaro, hindi ko alintana kung natatalo ako dahil madalas akong napapatingin sa kanyang mukha at iyon ang bibigay sa akin ng kakaibang tuwa. Wala pa ring kupas ang ganda ng kanyang mata, ang ilong na matangos at ang labing maliit na parang kay sarap hagkan. “Tol, matatalo ka, mamatay na si Luigi!” ang wika nito habang abala sa pag pindot sa larong super mario bros.

“Hindi ako marunog eh. Teka teka..” ang natatawa kong sagot. “Mali ka kasi ng pinipindot. Ganito tol, eto ang panlundag, eto naman ang pan lakad.” pag tuturo nito sabay hawak sa aking mga kamay at sya ang nag manipula ng kontroler. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya na parang na bato balani sa kanyang ginagawa.

Tawa ng tawa si Rycen na parang isang bata habang patuloy sa pag pindot ng mga buton.

Habang nasa ganoong pag lalaro kami ay may isang babaeng lumapit sa amin, nakasuot ito ng uniporme at sa tingin ko ay kasing edad lamang namin. “RP, ikaw ba iyan?” ang tanong nito habang lumalapit sa amin kaya naman natigilan ito sa kanyang ginagawa at tumingin sa babaeng palapit.

“Lyka? Ikaw ba iyan? Teka anong ginagawa mo dito sa siyudad?” ang tanong nito sabay tayo.

“Ano ka ba, dito na ko nag aaral no. Mabuti nalang dahil nakita kita dito. Namimiss ka na nga nila mama e, hindi ka na daw dumadalaw sa kanila.” ang wika ng babae habang naka ngiti.

Napakamot ng ulo si Rycen at napangiti ito. “Matagal na kasi akong umalis doon sa probinsya kaya hindi na ako nakakadalaw sa inyo. Pero mabuti nalang dahil nandito ka na rin nag aral.” ang tugon ni Rycen. “Nga pala si Jopet, kaibigan at ka klase ko.” pakilala sa akin nito.

“Hi Jopet.” ang naka ngiting tugon nito.

“Jop, siya naman si Lyka Rose. Taga doon din siya sa Cebu, pero dito na siya nag aaral.” dagdag pa ni Rycen kaya naman kinamayan ko ito.

“Wow, ayos ang mga pangalan nyo ah, Rycen Paul at Lyka Rose. Parang meant to be lang.” biro ko naman dahilan para matawa ang dalawa.

“Nakuu hindi nga kami meant to be, actually EX boyfriend ko sya. 2 years din kaming mag kasama, kaso medyo loko loko yan.” ang natatawang wika ni Lyka.

Natawa si Rycen..

Nakitawa na rin ako bagamat parang hindi ko nagustuhan ang aking narinig..

Kung sa bagay, perfect match sila. Gwapo si Rycen at maganda naman si Lyka. Mukha itong artista, maamo ang mukha, maganda ang katawan at medyo malusog ang hinaharap. Hindi nakapag tataka na ang isang kagaya ni Rycen ay mag kakagusto sa kanya.

Tahimik..

Noong mga sandaling iyon ay unti unting bumagsak ang metro ng aking kaligayahan. Parang may kung anong kirot ang namayani sa aking dibdib dahil bigla na lamang akong nasaktan. Kanina ay walang kapantay na ligaya ang nararamdaman ko ngayon naman ay nalukuban ito ng hindi maipintang lungkot at pangamba na mag kabilikan sila lalo nasa iisang siyudad nalang kami.

“Ex ko nga si Lyka, dalawang taon kaming mag kasintahan, 2nd year palang ako ay kami na. Nag kahiwalay lang kami dahil nawalan kami ng oras at komunikasyon sa isa’t isa. Pero sa palagay ko ay puppy love lamang iyon bagamat tanggap naman ako ng kanyang mga magulang. Nagulat lamang ako dahil dito na rin pala siya nag aaral sa siyudad, kahit papaano ay nag lapit kami.” wika ni Rycen habang palabas kami ng mall.

Pero hindi ako kumibo..

Nanatili lamang akong naka tuon sa aking nilalaran.

“Eeyyy Jop, nakikinig ka ba sa akin? Bakit di ka nag sasalita? Wala ka man lang reaksyon? Hindi kaba nagandahan o nasexihan man lang kay Lyka?” wika nito sabay akbay sa aking balikat.

“Ah e, syempre nagandahan ako. Ang sexy nga nya. Ang laki ng boobs.” biro ko naman sabay sakay sa jeep.

Natawa ng malakas si Rycen “Haha pansin mo rin pala. Siguro ay lumaki iyon kakalamas ko.” ang wika nito na hindi malaman kung seryoso o nag bibiro lang.

“Gago..hehe” sagot ko sabay batok dito.

Tawanan ulit..

Alas 9 ng gabi noong makarating kami sa dorm. Pag bukas ko palang pinto ng aming silid ay agad nang bumulaga sa akin si Gabby “Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ng landlady natin, kung ano anong pag tatakip na ginagawa ko sayo. Sabi ko nag tatae ka nasa banyo ka naka kulong, sinabi ko pa na masakit ang ulo mo at nirarayuma ka kaya bumili ng gamot.” ang wika nito pero hindi naman ako kumibo iniabot ko nalang sa kanya yung dala kong burger at agad na humiga sa kama.

“Lalo kang tumataba, kapag hindi mo itinigil ang pag kain mo malamang ay magiging hot air balloon ka nalang sa graduation natin.” ang wika ko habang naka dapa.

“Aber aber, bakit napunta sa akin? Anong ka aarte nanaman ba iyan?” ang tanong nito.

“Edi ayun, nag kita si Rycen Paul saka yung ex gf nyang si Lyka Rose doon sa mall kanina. Silang dalawa nalang ang nag usap at na echepwera nalang ako. Buti nalang at nag gabi na kundi ay baka lalo lang akong na out of place.” ang wika ko na may halong lungkot.

“Oh edi sana ay nag paalam kang mauuna kana umuwi o kaya ay bumangka ka upang hindi ka na out of place. Saka okay ang mga pangalan nila ha isang “Risen Fall” at “Like a Rose.” Meant to be nga.“ ang wika nito habang kumakain.

“Kaya nga, saka ramdam ko ay mahal pa ni Rycen iyang si Lyka. Kasi maganda ito at mukhang artista. Malaki pa suso. Sya na talaga.” dagdag ko pa kaya mas lalo akong nalungkot.

“Eh kasi nga ay lalaki iyang si Rycen, natural lang na sa babae sya mapupunta. Una palang dapat ay alam mo na iyan bago mo isugal iyang everlasting feelings mo para sa kanya. Saka wag mo na isipin yung boobs ng ex nya dahil wala tayong magagawa doon.” tugon niya sabay higa rin.

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko na malayan ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Mabuti na lamang ay madilim na kaya’t hindi na ito nahalata pa ni Gabby. Pilit kong nilalakasan ang aking loob ngunit sa tuwing susubukan ko ito ay lalo lang akong binabalot ng kakaibang lungkot at pangamba. Tila yata habang tumatagal ay nagiging komplikado ang lahat para sa akin at para sa nararamdaman ko.

itutuloy..

Imbisibol Part 9

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Aug 4, 2016

Part 9

“Bakit absent si Rycen Paul?” ang tanong ng aming teacher noong nag check ito ng attendance.

“Eh baka napuyat ser!” ang sagot ng mga barkada niya.

“Napuyat? Bakit naman mapupuyat e hindi naman nag aaral ng mabuti ang bata na iyon?” ang pag tataka ng guro.

“Pinuntahan nya kagabi yung ex gf nya dun sa apartment nito. Baka bumayo mag damag ser!” ang sagot ng mga ito

tawanan ang lahat..

“Hindi lang pag bayo ng bola sa volleyball ang alam nun kundi pati pag bayo rin ng balon!!” wika pa ng mga ito habang humahagalpak katatawa.

“Sshhhh, silence.” pag babawal nito kaya agad din tumahimik ang lahat, samantalang ako naman ay natahimik at tila nasaktan sa aking narinig. Ang ibig sabihin ay pag uwi namin ni Rycen kagabi ay tumakas pa ito sa kanilang dorm upang doon matulog sa apartment ng ex nya. Ewan, parang nawalan ako ng gana noong araw na iyon, gusto kong awayin si Rycen o kaya sugurin ito hindi naman maaari dahil patago lang akong nag mamahal kaya’t heto patago rin akong nasasaktan.

Kinahapunan, habang nag lalakad ako sa hallway ay hindi sinasadyang naka salubong ko si Rycen, nakasuot ito ng sando at jersey na short. Katulad dati ay may dala siyang bag at bote ng tubig. Mukha mag tutungo siya sa gym upang mag practice kasama ang buong team.

Iiwasan ko sana siya ngunit tinawag nya ako “Jop, uuwi kana?” ang tanong nito.

“Oo marami akong assignment. Kailangan ko itong tapusin.” ang sagot ko naman na pilit iniiwas ang tingin sa kanyang mga mata.

“Gusto mong manood ng practice game namin?” tanong nito.

“Ah e, pass muna ako bro. Kailangan kong maka bawi sa exam.” naka ngiti kong sagot bagamat nangingibabaw pa rin ang pag kainis ko sa kanya.

“Ganoon ba, sige tol, galingan mo.” wika nito sabay kaway sa akin. Masaya masaya ang mokong, siguro ay naka score nga kagabi at hindi lang iyon dahil halatang puyat na puyat ito at hindi nakatulog dahil sa laki ng kanyang eyebags.

“Mga pare happing happy si Pareng Rycen, siguro naka bayo kagabi. Umaga na nga nung umuwi at walang pasalubong kundi tatlong pirasong gamit na condom.” ang pag paparinig naman ng mga barkada niya na naka upo sa gilid ng hallway na parang nanadya pa.

“Naku wag kayong maingay baka may masaktan sa paligid” dagdag pa nila habang naka tingin sa akin.

Tawanan ang mga ito..

Hindi ko naman sila pinansin. Lumakad ako palabas sa hallway at mabilis na tinungo ang daan pabalik ng dorm. Sa kabuuan ay hindi talaga naging maganda ang araw ko ngayon. Umaga pa lamang ay puro negatibong balita na tungkol kay Rycen ang sumasalubong sa akin lalo lamang sumasama ang loob ko kapag sumasagi sa isipan ko ang salitang “bumayo” at “condom na gamit” na para bang sigurado silang may nangyari nga sa dalawa iyon.

Masisiraan ako ng bait kakaisip kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon at nag pasyang mag lakad lakad muna sa labas ng campus. Marami namang pasyalan sa paligid katulad ng mga parke, malls at mga tambayan doon sa sea wall. Pero ang pinaka paborito ko sa lahat ay ang yung maupo sa lumang gym na campus sa tabing bukid.

Para sa akin ay ito ang pinaka preskong lugar sa buong campus. Ang gymnasium na ito ay matagal nang itinayo, nasira lang ito noong humagupit ang malakas na bagyo kaya’t sa halip na ipa repair ay nag tayo nalang ng bago doon sa gitna ng bawat department. Ang upuan dito ay mga kahoy lamang at walang pader na harang kaya’t pumapasok ang malamig na hangin mula sa bukid. Dito ako madalas tumatabay at nag rereview kapag may exam. Pakiramdam ko kasi ay nasa Nueva Ecija lang ako dahil sa lawak ng bukirin na aking natatanaw.

Umupo ako sa isang lumang silya at maiging pinag masdan ang berdeng kapatagan. Nakapukaw rin sa aking paningin ang makapal na ulap sa kalangitan na animo mga unan at bulak na nag tipon tipon. Kakaiba ang hugis ng mga ito, mayroon hugis puso, hugis bulaklak at ibon. Nakakalibang itong pag masdan lalo kapag nag babago bago ng anyo isama mo pa ang kulay malamlam na asul na kalangitan na siyang nag bibigay kakaibang ganda dito.

Nakangiti kong pinanood ang pag papalit hugis ng mga ulap na nag bigay sa akin ng sandaling dahilan upang makalimutan ang kirot na namumuo sa aking dibdib at isipan ngunit maya maya ay hindi ko namalayan ang pag tulo ng luha sa aking mga mata. Kasabay noon ang pag hikbi at pag yakap sa aking sariling tuhod.

Damang dama ko ang matinding kirot na kanina pa bumubugso sa aking damdamin. Nakakatawa lamang isipin na iniiyakan ko ang isang taong ni minsan ay hindi naman ako iniyakan. Palagi siyang sumasagi sa aking isipan ngunit hindi ko alam kung naiisip ba nya ako kagaya ng aking ginawang pag iisip sa kanya. Ngayon heto ako, halos durugin ng kalungkutan pero hayun siya sa kabilang bahagi ng campus tiyak na masaya at tumatawa kasama ng kanyang mga ka team mate. Mapanuya talaga ang buhay kung iyong iisipin, at sa tingin ko ay hindi ito umayon sa akin.

Hindi ko pa rin matanggap..

At hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nag mamahal ng palihim..

Alas 7 ng gabi, noong mag pasya akong bumalik sa dorm. Hinang hina pa rin ang aking katawan dahil sa matinding emosyon na aking pinakawalan. Halos mamaga na rin ang aking mata sa kakaiyak. Nasa ganoong pag lalakad ako noong makita ko si Rycen at Gabby na tumatakbo patungo sa akin. “Jopet, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ah. Ang akala namin ay kung napano kana.” ang wika ni Gabby samantalang si Rycen naman ay bakas din sa mukha ang pag aalala.

“Tol saan ka ba galing? Ang sabi mo sakin ay mag aaral ka lang. Ngunit noong bisitahin kita sa inyong silid ay wala ka naman doon.” tanong din ni Rycen na may halong pag tataka.

“Ah eh nag review lang ako doon sa lumang gym, tahimik kasi doon at mahangin pa.” palusot ko sabay bitiw ng hilaw na ngiti bagamat sa bakas mukha ko ang labis na pag iyak.

“Parang hindi naman e, umiyak ka ba tol? May problema ka ba? Inasar ka na naman ba ng mga kabarkada ko? Sabihin mo sakin at isa isa ko silang gugulpilhin.” tanong ni Rycen habang pinapa lagutok ang daliri sa kanyang kamao.

Muli akong nag bitaw ng pilit na ngiti “H-hindi bro, nag review lang talaga ako doon. Ganito lang talaga ako minsan kapag nagugutom.” palusot ko naman.

“Sigurado ka ba?” pag lilinaw ni Rycen.

“Oo naman.” tugon ko.

“Ganun naman pala eh, tara na doon sa canteen para maka kain na ng hapunan.” pag yaya naman ni Gabby sabay akbay sa akin. “Jopet ayusin mo yang mukha mo, obvious na obvious na umiyak ka no. Mabuti nalang dahil bopols itong si Rycen hindi madaling maka gets.” bulong nito.

Edi ayun nga ang set up, dahil gutom ako kuno ay nag punta kami sa canteen upang mag hapunan. Sagot daw ni Gabby at Rycen ang lahat kaya’t kumain lang ako ng kumain. As if namang makaka kain nga ako na kaharap ang taong sanhi ng kalungkutan ko. Gusto ko ngang komprontahin ang mokong at itanong kung totoo yung mga balitang ikinakalat ng mga tropa niyang mayayabang na malilibog.

tahimik..

“Pareng Rycen kamusta naman yung pag bayo mo kagabi? Mukhang nangayayat ka ah.” ang tanong ni Gabby. “Pag bayo? Anong ibig mong sabihin?” pag tataka ni Rycen habang kumakain.

“Pag bayo. Pag iyot ang ibig sabihin noon. Ang sabi kasi ang mga kabarkada mo ay hindi ka umuwi kagabi at doon nag palipas ng gabi sa apartment ng ex gf mo. Bumayo ka raw kaya’t mag damag kang wala doon sa dorm. Iyon ang kumakalat na balita.” walang prenong paliwanag ni Gabby sa kaswal na salita.

“Umiyot? Tangina. Puro jakol na nga lang ako. Hindi totoo yon, wag kayo maniniwala sa mga tropa ko dahil mga naka drugs yung mga iyon.” sagot ni Rycen.

“Eh kung ganoon ay nasaan ka kagabi? Bakit di ka daw umuwi?” pang uusisa ng Gabby.

“Pag katapos ng date namin nitong si tol Jopet, dumiretso ako doon sa ospital dahil naaksidente yung captain namin sa volleyball. Ang sabi ni coach ay doon na lamang kami mag palipas ng gabi dahil delikadong umuwi ng dorm sa madaling araw lalo’t nag kalat ng loko loko doon sa labas. Sa madali’t salita ay nandoon lang ako sa ospital ng college department kagabi. Hindi ako umiyot o bumayo.” paliwanag ni Rycen.

Natawa si Gabby “Mainam na yung malinaw hindi ba Jopet? Kumain kana ng marami dyan. Inarte ka pa e.”

Noong marinig ko yon ay tila nabuhayan ako ng loob. Gusto kong makasigurado kung nag sasabi ba ng totoo itong si Rycen o baka naman nag iimbento lang siya dahil nandito ako at ayaw niyang mapahiya sa akin. “Oh bakit tahimik kayong dalawa? Nag sasabi ako ng totoo, narito ang ebedensya na nasa ospital ako kagabi. Sa akin pinatago ni coach yung mga resibo ng gamot ni captain, ang iba dyan ay bibilhin ko pa mamaya.” ang wika ni Rycen sabay pakita ng mga resibo at reseta sa amin. “Good boy yata ito. Huwag kayo naniniwala sa mga tropa kong unggoy. Mga wala lang magawa ang mga iyon.”

“Nag alala lang itong si Jopet na baka maka buntis ka at hindi ka makatapos ng pag aaral.” naka ngising hirit ni Gabby

“Totoo ba yun tol? Nag alala ka sa akin?” tanong naman ni Rycen habang naka tingin sa aking mukha pero ako naman ay abala lang sa pag kain at kunwari’y walang paki alam. “Eyy tol, totoo ba yun? Na nag alala ka sa akin?” pangungulit nito.

Tumingin ako sa kanya at nag bitiw ng isang malalim na buntong hininga. “O-oo, nag alala ako sayo. Baka kasi makadisgrasya tapos ay pahintuin ka sa pag aaral ng magulang mo. Edi sayang naman tong mga pinag paguran natin kung hindi ka makaka graduate.”

Nangiti si Rycen at inakbayan nanaman ako. “Nangako ako sayo na gagraduate tayo ng mag kasabay diba? Hanggang kolehiyo ay sabay tayong aabot ng diploma kaya’t huwag ka nang mag alala. Isa pa ay hindi naman kita iiwan e.” ang wika nito.

“Basta ay iwasan mo muna yung kalibugan mo. Saka kung maaari ay huwag kang titingin sa hinaharap ng ex mo para di ka maakit.” biro ko naman na tila bumalik ang aking sigla.

“Sawa na ko doon.” sagot naman ni Rycen.

Tawanan..

Nag patuloy ang buhay namin sa loob ng campus. Balik normal ulit. Tulad dati habang abala si Rycen sa pag papractice sa varsity ay ako naman ang tumutulong sa pag gawa ng mga requirements niya sa academic. Ni minsan ay hindi ko sya pinabayaan at dumarating pa nga sa punto na mas inuuna ko pang gawin ang term paper nya kesa sa akin.

Minsan nga ay madalas na akong pinag sasabihan ni Gabby na “bulag” at “baliw” na raw ako dahil lahat ay ginagawa ko para sa taong kahit kailan ay hindi naman naging akin. Ngunit gustuhin ko man itigil ito o iwasan nalang siya ay hindi ko naman magawa dahil paniguradong babalik at babalik pa rin ako sa posisyon na susunod sa kanya dahil ang puso kong ito ay lihim na alipin ng isang taong hindi ko matatawag na akin.

Basta masaya ako..

Ayoko nang mag tanong pa kung bakit..

itutuloy..

Imbisibol Part 10

Imbisibol

AiTenshi

Aug 5, 2016

Part 10

“Bago sumapit ang ating Christmas vacation, mag diriwang muna tayo ng ating founding anniversary. Kahapon ay nag bunutan na kaming mga adviser ng bawat year level, layon kasing mag karoon ng presentation kada level at ang nakuha natin ay ang tinatawag na stage play.” ang wika ni Mr. Espanyol.

“Stage play? Ano naman ang alam namin dyan sir.” ang reklamo ng buong klase.

“Iyon ang natapat sa atin kaya’t wala tayong magagawa. Sa Freshman ay mag kakaroon sila ng cultural presentation. Sa Sophomore naman ay sabayang pag bigkas at mga monologo. Sa Junior naman ay chorale at isahang pag awit. Sa atin naman ay isang stage play.” paliwanag nito.

“Ano namang kwento ang gagawin natin sir?” tanong ng ilan.

“Naisip namin na gawin kakaiba ang stage play na ito. Fairytale ang tema at iyon ay ang “Sleeping Beauty.” sagot ng guro.

Tawanan ang lahat.

“Hindi kami sasali dyan sir! Kayo nalang ang mag play.” ang wika ng mga lalaking pasaway.

“Ok sige, ang lahat ng sasali sa stage play na ito ay exempted sa final exam sa mga subject na Physics, Mathematics at English, i guarantee na papasa kayo sa mga subjects ko.” ang offer ng guro kaya naman natahimik ang lahat at napaisip.

“Sir sasali ko. Ako gaganap na prince Charming!” ang wika ng isang kaibigan ni Rycen.

“Actually naka kuha na ako ng main cast at ikaw iyon John Peter. Ikaw ang gaganap na Aurora at ikaw naman Gabby ang gaganap na Maleficent.” ang seryosong wika ng guro dahilan para mag tawanan lahat.

“Si Gabby? Maleficent? Anong costume nya? Hot air balloon? Ang matabang witch na pinabayaan sa kusina” ang wika ng mga ito at muling humagalpak ng tawa.

“Kailangan ni Gabby ang credits dahil siya ay running for honor. Sinisigurado ko lang na aakyat siya ng may karangal sa Marso.” ang wika ni Mr. Espanyol.

“Si John Peter ang pinaka mahusay sa english kaya’t sya ang main character. Ang kapareha niya ay wala iba kundi si Dan Manuel.” ang wika nito kaya naman napakunot aki ng noo.

Tawanan nanaman ang lahat.

“Ayoko Sir. Mag eexam nalang ako.” ang pag kontra ko naman.

“Oo nga sir, bakit si Dan Manuel pa yung partner ni Jopet? Bakit hindi nalang si Papa Rycen? Mas pipiliin nyo pa ba yung payat na kalansay na iyon kesa sa totoong prince charming?” ang kantyaw ng mga lalaki sa likuran kaya naman mas lalo pang nag tawanan..

“Saka bakit ganun ang mga cast, pang “Gabi ng Lagim.” Dapat sir horror nalang yung stage play natin. Tutal ay November pa naman.!“ dagdag pa ng mga ito.

“Sshhhhh wag maingay. Kayong mga lalaki dyan sa likod ang gaganap na Fairy God Mother. Pag isipan nyo na lang kung sino sino kayo sa tatlong iyon. Class dismiss!” ang wika ng guro at agad itong lumabas ng silid. Wala na kaming pag kakataon para umangal.

“Anong gagawin natin Jopet? Paano tayo makakatakas sa sumpa ni Sir Espanyol?” ang mahinang tanong ni Gabby.

“Hindi ko rin alam. Wala akong lakas ng loob para gawin ang bagay na iyon.” ang wika ko rin na tila napako sa aking kinauupuan.

“Anong gagawin natin Jopet? Ayokong maging si Maleficent. Gawin na nila akong puno o malaking snowman. Huwag lang iyan.” reklamo ni Gabby.

“Ako nga e, gawin na nila kong si Maleficent huwag lang si Sleeping Beauty.” pag mamaktol ko rin.

“Hindi lang naman tayo namomoblema e, pati yung mga kolokoy doon sa likuran” bulong ni Gabby.

Hanggang sa canteen ay dala pa rin namin ang pagiging tuliro dahil naka ambang hamon sa aming pag katao. Halos wala kaming ganang kumain at tila hindi kami nakakaramdam ng gutom. Yung tipong gagraduate nalang kami ay mag iiwan pa kami ng kahihiyan sa campus na ito. Nakaka pang hina talaga ang tuhod iyon pag naiisip ko.

“Guys, nag papatawag si Sir Espanyol ng meeting doon sa classroom. Ngayon na daw. ASAP!” ang wika ng aming kaklase kaya naman agad kaming tumayo at nag tungo doon. Ito na kasi ang pag kakataon upang isiwalat ang aming dinidibdib na reklamo.

“Ok Class pinatawag ko kayong lahat upang ibalita na hindi na natin gagawin ang role playing na Sleeping Beauty. Nagawa na pala ito noong nakalipas taon.” ang bungad ng guro kaya naman halos napa palakpak kami at tila nabunot ang malaking tinik naka tusok sa aming lalamunan.

“Yes!! Buti nalang!! Amen!!!” ang sigaw ng mga kolokoy sa likod na barkada ni Rycen. Samantalang kami naman ni Gabby ay nag apir pa at tila nabuhayan ng loob.

“Pasensya na kayo sa aking padalos dalos na pag dedesisyon.“muling pag hingi ng dispensa ng guro.

“Naku wala iyon ser! Okay na okay na nga yan. Wala nang stage play!! Yahoo!!! The best ka ser!! Mabuhay ka!!” ang sigaw pa ng mga ito.

“Salamat sa pang unawa class. Kaya naman noong malaman ko na hindi na pala maaaring iperform ang Sleeping Beauty ay agad ko itong pinalitan ng Snow White and the Seven Dwarfs. At ikaw John Peter ang gaganap na Snow White kahit na maitim ka at hindi ganoon kakinisan. Ikaw naman Gabby ang gaganap na Wicked Step Mother a.k.a Witch. At kayo mga kolokoy sa likod ang gaganap na Seven Dwarfs isama nyo yung leader nyong si Rycen. At last ang gaganap na Prince Charming ay si Dan Manuel ng class 3. Salamat sa kooperasyon. Maaari na kayong umuwi.” ang wika nito.

“Tekaa sir, mas gusto ko nalang ang sleeping beauty. Atleast doon ay matutulog lang ako. Yun nalang sir, maawa na po kayo.” pakiusap ko.

“Matutulog din naman si Snow White kapag nalason siya ng mansanas. Pareho lang din iyon Jopet. Sige mag handa kana.” ang wika nito sabay labas ng pinto.

“Sirrr sandali po!!! Wait langggg!!” pag habol ko pero hindi na ito lumingon pa.

Edi ayun nga, para lang kaming na dejavu, muli naming natagpuan ang aming mga sarili na naka upo sa canteen at maiging pinag iisipan anh tungkol sa malawakang kahihiya na naka amba sa aming hinaharap. Pati ang mga kolokoy na barkada ni Rycen ay halos tahimik ding pinag iisipan ang biglaang pag babago ng kanilang buhay. Medyo oa pero ganoon talaga.

“Ako? Isa sa seven dwarfs? Asteegg yan mga tol. Gusto ko yan!!!” ang malakas na wika ni Rycen. Halatang galing pa ito sa practice game suot ang kanyang jersey uniform. Pawis na pawis ang katawan at umiinom ng softdrinks.

“May topak talaga yang si Rycen, sa lahat yata ng isinumpang cast ay siya lang ang bukod tanging maligaya.” bulong ni Gabby.

“Ewan ko ba sa mokong na iyan.” bulong ko rin. Maya maya ay muli nanamang sumigaw ito. “Wow si Jopet ang gaganap na Snow White? Asteg talaga!!!” ang wika nito sabay lundag sa aming tabi. “Congrats tol. Asteeg mo talaga. Ang saya saya natin diba? At sayo din Gabby mangkukulam kana pala.” bati nito.

“Hay, Mr. Lacsamana, unang una sa lahat ay ikaw lang ang masaya. At ikalawa wala kaming balak maging pambasang kahihiyan sa paaralang ito. Tingnan mo nga si Jopet, mukha bang snow white iyan eh parang black hole sa itim. At saan ka naman naka kita ng mangkukulam na mataba? Wala diba. Paano ko sasabihin ang mga katagang “Mirror mirror on the wall, who is the fairest of them all? Kung wala sa amin ni Jopet ang fairest? Anong isasagot ng mirror? “NO ONE!!” galit na salita ni Gabby sabay lunok ng softdrinks.

“Mga tol, ang kagandahan ay nasa kalooban. Hindi naman sukatan ang pisikal na anyo para hangaan ka ng mga tao sa paligid mo. Sa ugali pa rin ako ng tao humanhanga hindi sa kung ano ang itsura nito.” ang seryosong salita ni Rycen.

“Sa mata mo ay okay kami, ngunit paano naman sa mata ng mga nakararami. Tiyak na forever na sa amin tatatak ang kakahiyang iyon.” reklamo ni Gabby.

“Hmmm, bakit hahayaan nyo ang mga sarili niyong mag mukhang katawa tawa? Ito na ang huling beses natin sa High School, hindi na ito mauulit kaya sulitin na natin. Wala namang masama sa stage play. At magiging memorable pa ito dahil mag kakasama tayo. Tama ako diba? Jopet?” ang naka ngiting tanong ni Rycen.

Noong mga sandaling iyon ay napaisip din ako sa mga salitang binitawan niya, kung tutuusin ay may punto naman siya dahil once lang kaming mag dadaan sa 4th year high kaya’t bawat memorya na aming mabubuo ay mahalaga. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumango at sang ayunan ito.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay eksakto namang pumasok sa canteen si Dan Manuel ang gaganap na prince charming mula sa class 3. Ito ang unang pag kakataon na nakita ko siya. Payat payat ito at parang hindi uso ang nutrition month sa kanyang buhay. Iyon nga lang ay nerd ito at talaga mahusay daw sa pag kakabisa ng english. “Wow! Tangina Dan! Prince Charming kana pala ngayon. Akalain mo yun dati rati ay skeletal system ka lang. Asensado kana pala. Libre ka naman. Pop cola lang!” ang wika ni Rycen sabay akbay dito. Sa laki ng katawan nito ay parang nabigti na si Dan habang lumalakad.

Edi ayun nga inuto uto lang ng mga kolokoy na barkada ni Rycen ang pobreng prince charming kaya naman nag libre na ito. “Hayaan mo na frend, mayaman naman iyang si Dan Manuel. Alam mo ba na sila yung may ari ng sikat na restaurant doon sa kabilang highway. At mayroon pa yang bakery dyan sa tapat ng campus.” wika ni Gabby.

“Ganoon ba? Puro pag kain ang negosyo ng pamilya nya? Hindi halata ah.” ang wika ko naman.

“Hahaha oo nga eh. Mukha naman siyang prince charming talaga. Sya si Prince Frog.” ang wika ni Gabby sabay hatak sa akin patayo. “Tayo na nga, baka maya maya ay bangungutin pa tayo kapag tinitigan natin sya. Kaya goodluck nalang sayo Snow White.” ang dagdag pa nya.

Tawanan..

Edi ayun nga ang set up, sa pag lipas ng mga oras ay unti unti naming tinanggap ni Gabby ang hamon na dumating sa aming high schoo life. Nagawa pa nga naming pag handaan ang naturang stage play sa pamamagitan ng pag rerent ng VHS tape ng Snow White and the Seven Dwarfs doon sa palengke.

Pinag aralan namin ang mga linya nito at pati na rin ang mga kilos. Hindi ko maipaliwanag ngunit malaki ang ginampanang papel ni Rycen upang mapapa payag ako. Bukod pa roon ay ginagawa ko rin siyang insipirasyon upang mas maging matagumpay sa hamon ng aming pagiging buhay estudyante.

itutuloy..

Imbisibol Part 11

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Aug 9, 2016

Part 11

Stage Rehearsal

Cast:

Jopet as Snow White

Gabby as Witch

Rycen as Dwarf 1

Dan as Prince Charming

Kolokoys as the following:

Magic Mirror

Dwarfs 2-7

Classmates as the following

Trees

Plants

Animals

Stage support

Day 1

Magic Mirror: The fairest of them all is still Snow White. She’s living in the small cottage in the woods.

Queen: What…. What… What did you say?!

(Pauses)

Queen: Then I have a good idea.

I will poison an apple.

Magic Mirror: And then?

Queen: I will pretend to be an apple merchant.

Magic Mirror: And then?

Queen: Then I will go to the cottage and feed it to her.

(Cut to Cottage)

(Knock Knock Knock)

Snow White: Who’s there?

Queen: Apple seller.

(Snow White opens the door)

Queen: Ah my pretty, do you want to buy an apple?

Snow White: No thanks.

Queen: Well… Here, this is my gift to you. Try it. It’s delicious.

(The Queen hands her an apple)

Snow White: Yum. It’s very tasty. Whoah, I’m dizzy.

(falls over)

(The Queen removes her costume.)

Queen: Die Snow White Die!!!! From now on, I’m the most beautiful in the world. Ho ho ho!

(Thunder and lightening flashes. The Queen disappears.)

All Dwarves: (appear next to Snow White)

Oh dear, What happened?

Dwarf 1: Look at this. Snow White ate a poison apple.

Dwarf 2: The Evil Queen must have done this.

All Dwarves: Oh Princess, Princess! Woe.

(The sound of horse’s hoofs)

Prince: What’s the matter?

Dwarf 1: Our good Princess ate a poison apple.

Prince: (Kneels over Snow White)

Oh, poor Princess.

Snow White: (Coughs up the piece of poison apple)

Uh-hugh-uuugh!

Dwarf 2: Oh man, the Princess coughed up the poison apple.

Everybody: Hurrah! The Princess woke up.

Snow White: Oh who are you?

Prince: Princess, I’m a Prince from a neighbouring country.

Will you marry me?

All Dwarves: Of course she will!

Everybody: Hah hah hah…!

Narrator: And so Snow White and the Prince lived happily ever after. The Dwarves went back to work at their diamond mine and the Wicked Queen eventually got what she deserved. THE END.


“CUT!!! Bakit ganyan ang script nyo? Hindi ba dapat ay hahalikan ng Prince charming si Snow White para magising ito? Bakit nabilaukan lang sya? Bakit ganoon? Mag si linya kayo dito.” ang galit sigaw ni Sir. Espanyol sabay balibag ng hawak na script.

Isa isa kaming luminya sa kanyang harapan at hinihintay ang komento ng guro ukol sa aming performance.

“Mga kolokoys step forward.” utos nito kaya naman humakbang ang mga kaibigan ni Rycen mula dwarf number 2 to 7. “Mga dwende ba kayo o mga drug addict? Para kayong naka singhot ng katol. Saka palitan nyo nga yang suot nyo. Dwarfs ang character nyo at hindi mga nuno sa punso!!”

Tawanan kami ngunit pigil..

“Step forward Gabby.” utos nito kaya naman lumakad siya sa harap ng aming guro. “Wicked Witch ang character mo diba? Bakit kulay gold ang gown mo? Ang haba haba pa. Isasagala ka ba? Palitan mo nga iyan.”

“Eh ser hiniram ko lang po ito doon sa reyna Elena doon sa bayan.” katwiran ni Gabby.

“Mangkukulam ang role mo at hindi Reyna Elena. Baguhin mo iyan!” bulyaw nito.

Tahimik..

Uminom ng tubig ang guro na parang aatakihin sa puso dahil sa matinding inis.

“Step forward Dan a.k.a Prince Charming.” utos nito kaya naman nag punta sa kanyang harapan ang pobreng payatot. “Hindi ka ba kumain ng almusal? Bakit para kang lantang gulay kung mag salita? Umayos ka bago pa kita isahog sa bulalo!” galit na pintas nito.

“Step forward Rycen Paul. Dwarf ka ba talaga o mongoloid? Kanina ka pa naka ngisi ng naka ngisi, daig mo pa ang suminghot ng rugby. Saka ang damit mo ay masyadong makulay, daig mo pa ang payaso sa peryaan!” sigaw nito.

“Pogi ba ko ser?” ang tanong nito.

“Pogi ka sana kung hindi ka lang loko loko. Balik sa pwesto!” utos nito.

Huminto ulit ito sa pag sasalita at tumingin sa akin ng masama. “John Peter!!! Ano bang yang suot mo? Buhay pa ba ang may ari nyan? Para kang ibuburol sa itsura mo. Damit pa yata ng lola ko yang suot mong saya. Si Snow White ka at hindi si Cinderella na naging tsimay sa gay bar. Hindi ka mukhang si Snow White dahil mukha kang Mama-sang. Palitan mo nga yang wig mong kulay gold. Hmmm saka kapansin pansin din yang mukha mong namumula sa kapal ng blush on. Para kang sinampal ng padakot!” pintas pa nito.

“Ako po ang nag ayos nyan ser para maitago yung pimples ni Jopet. Ayos naman po diba? Maganda naman ang ginawa ko.” katwiran ni Gabby.

“Mr. Gabby San Jose, una sa lahat ay ikaw lang ang nagandahan sa ginawa mo. At ikalawa ang role ni Jopet ay si Snow White at hindi Loti na kaibigan ni Princess Sarah! My God!!! Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Kung ganyan kayo ng ganyan ay mabuti pang huwag na tayo mag play!!” galit na sigaw nito.

“Edi sige po ser. Huwag na tayo mag play.” ang wika namin at isa isa kaming nag babaan sa stage dahilan para biglang mag bago ang mood nito. Syempre pag di kami nag play ay mawawalan ng bilib sa kanya ang head teacher.

“Hooyyy! Biro lang.. Masyado naman kayong maramdamin.” pag pigil nito.

“Ayaw na namin ser. Sayo na tong damit kong pang Reyna Elena.” ang wika ni Gabby sabay hubad ng gown nya na kanina pa hinihilahod sa lupa.

“Oyy mga bata bumalik kayo dito! Exempted na kayo sa lahat ng subject sa finals!! Oyy bumalik kayoooo!” ang pag hahabol nito habang isa isa kaming nag sisilabas sa theatre room.


“Ginawa naman natin ang best natin para maging maayos ang rehearsal. Kung hindi nya nagustuhan ang effort natin eh bahala na sya!” ang pag mamaktol ni Gabby habang inaalis ang wig sa kanyang buhok.

“Hayaan nalang natin. Matandang binata na kasi iyang si Mr. Espanyol kaya mainitin ang ulo nya.” wika ko naman habang nag hihilamos ng mukha

“Feeling ko talaga bakla iyang si Mr. Espanyol. Kasi bumigay siya kanina habang sinesermunan tayo.” wika naman ni Rycen sabay hubad ng damit sa aking tabi. Doon ay muli na namang lumabas ang kanyang makisig na katawan. May laman ang dibdib at bilugan na braso.

Parang magnet na lumingon ang aking tingin sa kanyang kahubadan..

“Maganda ba tol?” tanong niya habang naka tingin sa akin.

“Ah e ang alin?” tanong ko sabay iwas ng tingin. Ngumisi ito at pinatigas ang kanyang braso. “Etong muscles ko.” ang tugon nya.

“M-maganda naman.” sagot ko.

“Nakakainis nga e, hindi ako maka 6 pack ng abs. Tagal ko na nag wowork out pero wala parin.” pag mamaktol nito sabay baba ng kanyang short sa ibabang bewang. Medyo natawa lang ako dahil lumabas ang buhok nya doon na may kakapalan.

“Makakamit mo rin iyan, tiwala lang.” naka ngiti kong sagot sabay tapik sa kanyang balikat.

“Jop, balitaan mo ako kung anong desisyon ng grupo ha. Kailangan ko kasing umatend ng practice game namin doon sa college department.” paalam nito.

“Oo naman. Ikaw pa ba.” sagot ko naman sabay ngiti bagamat pilit ko iniiwas ang aking tingin dahil nag simula na naman itong mag bihis sa harap ko. Ewan ko pero parang sinasadya nya yata talagang ipakita yung kahubaran nya sa akin.

Dalawa lang naman yan e, nanadya siya o komportable lamang siyang kasama ako.

Noong matapos itong mag palit ng pan laro ay agad na tumakbo sa labas ng cr dala ang kanyang bag. Ako naman ay naiwan sa tapat ng lababo at ipinag patuloy ang pag aalis ko ng kolorete mukha. Nakakatuwa lang isipin na habang tumatagal ay pagwapo ng pagwapo si Rycen at kaibihan naman sa akin na papangit ng papangit. Sa kanya ay bibiya sa akin naman ay isang sumpa.

Sa pag lipas ng mga araw ay tuloy tuloy pa rin ang ensayo namin sa play. Syempre ay inofferan kami ng maraming extra credits kaya naman itinuloy na rin namin ang pag arte bagamat may mga pag kakataon na binabalot pa rin kami ng matinding hiya. Lalo na ako na nakakatikim ng pambubully ng ibang mag aaral. Yung iba nga ay binasagan akong “Snow Black” o kaya ay “Blacky Lou”, pero gayon pa man ay hinahayaan ko nalang sila dahil isa ito sa paraan upang makabenta ticket. “Yung mga pang bubully sayo ng tao ay maaari nating gamiting publicity para makabenta ng maraming ticket. Good or bad its still a publicity.” wika ni Mr. Espanyol.

“Oo nga naman Jopet, makakasanayan nyo rin ni Gabboy yan!” hirit ng mga kolokoy.

“Gabboy?” tanong naman ni Gabby. “Bakit?”

“Edi Gabby plus Baboy edi Gabboy.” sagot nila.

Tawanan lahat..

“Mga loko, alam nyo ba na lahat tayo ay binubully ng mga mag aaral. Lalo na kayong mga nuno sa punso! Akala mo naman kung sinong mga gwapo.” galit na sagot ni Gabby samantalang ako naman ay nakatahimik lang at nag kakabisa ng script.

“Huwag na kayo mag kagulo. Dalawang araw nalang naman at matatapos na ang kalbaryo nating ito. Tiwala lang sa inyong mga sarili ang kailangan. Bakit hahayaan ninyong mag mukhang katawa tawa sa harap ng marami? Kaunting, self confidence lang ang kailangan ninyo at magiging maganda ang kalalabasan ng play. Enjoy lang.” ang wika naman ng aming guro.

“Oo nga naman! Tama si Ser!! Galing mo talaga Ser!!” ang hirit ulit ng mga kolokoy na hindi malaman kung nang gagago lang.

Tawanan ulit ang mga mokong..

Noong araw ding iyon ay dalawang beses pa kaming nag ensayo.Sinimulan na naming linisin ang mga dumi sa aming mga performance. Kung baga ay seryosohang practice ang naganap, yung mga halong kalokohan at laro. Puspusan ito hanggang sa abutin na kami ng alas 8 ng gabi.

Matapos ang practice, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa botanical garden malapit sa theatre room. Presko kasi ang hangin dito lalo na kapag gabi. Isama mo pa lagaslas ng tubig sa fountain area, talaga namang nakakarelax. “Tapos na ba ang practice?” boses ni Rycen sa aking likuran.

“Ang aga mo naman dumating. Tapos na ang practice.” ang biro ko naman.

Natawa ito at umupo rin sa tabi ko. “ Ganun ba? Badtrip naman kasi si coach, ayaw akong paalisin hanggang hindi natatapos ang meeting. Kamusta pala ang rehearsal?“

“Ayos naman. Pero mas okay sana kung nandun ka. Para kompleto ang buong cast.” sagot ko sabay ngiti.

“Parang hindi naman okay pag nandoon ako. Kasi ay panay sermon ang napapala ko kay Sir Espanyol. Para bang pinag iinitan ako. May gusto yata sa akin yung mokong na yun eh.” seryosong tugon nito bagamat alam kong nag bibiro lang naman siya.

Natawa ako sabay tapik sa kanyang balikat. “Loko. Sadyang istrikto lang talaga siya dahil nais niyang maging maayos ang ating performance. Alam ko naman na nappressure lang sya dahil mahuhusay yung mga faculty member na kalaban niya. Basta, unawain na lamang natin sya at ibigay natin ang best natin.”

Napa isip ito..

“Kung sa bagay ay tama ka doon tol. Kaya kung minsan kapag pinapagalitan niya ako o kaya ipinahihiya sa buong klase ay hindi ko nalang ito pinapansin. Siguro ay paraan nalang niya iyon ng pag sasabi na tayo ay mahal niya bilang kanyang mga mag aaral.” wika ni Rycen.

“Eksakto tol. Iyan din ang iniisip ko kapag pinagagalitan nya ako. Balang araw ay mamimiss natin ang lahat ng ito. Ang buhay sa high school, ang ating mga guro at mga kaklase. Lahat ng ito ay ala-alang mauukit na lamang sa ating mga isipan at sa pangarap na lamang natin maaaring balikan.” sagot ko habang naka tingin sa kalawan.

Tahimik..

“Ganyan din ang nasa isip ko. Kaya nga lahat ng gusto ko ay ginagawa ko. Ayoko lang pag sisihan ang mga bagay na hindi ko nagawa dahil tiyak na masasaktan lang ako. Parang kahapon lang noon una tayong mag ka kilala, mag buhat noon ay lagi na tayong mag kapareha sa mga report at assignments. Mabilis talaga lumipas ang panahon.” wika rin nito.

“Naalala mo pa iyon?” naka ngiti kong tanong na tila may kakaibang tuwa akong naramdaman.

“Oo naman, at gusto kong sabihin ngayon na namimiss kita tol.” seryosong sagot niya.

“Namimiss mo ko? Ako ba? o yung pagiging Snow White ko?” pabiro kong tanong.

“Syempre ay yung totoong ikaw. Namimiss ko lang yung mga araw na parati tayong mag kapareha sa mga activity. Yung sabay tayong nag lalakad pabalik sa dorm kapag hapon. Everything has changed, dahil ngayon ay iba na ang ating sitwasyon, naging busy ako sa varsity at ikaw naman ay dito sa stage play. Sana maulit natin yung dati. Alam mo naman na mahal kita tol.” ang seryosong wika nito.

Napatingin ako kanya ng tuwid noong mga sandaling iyon. Hindi ko inaasahan ang mga huling katagang lalabas sa kanyang bibig. “M-mahal mo ko?” nauutal kong tanong

“Oo naman. Mahal na mahal tol.” seryosong tugon niya kaya naman mas lalo pa akong nilukuban ng ibayong kaligayahan. “Talaga ba?”

Tumango ito at ngumiti bagamat mabanaag mong seryoso pa rin ang kanyang mukha. Dito na sumagi sa isip ko na ipag tapat sa kanya ang aking nararamdaman. Matagal tagal ko na ring itinago ito ngunit hanggang ngayon ay lalo pa ring nag iibayo. Marahil ay ito na nga ang tamang pag kakataon upang sambitin ang mga bagay na nais kong sabihin bago pa mahuli ang lahat..

Tahimik..

Kumakabog ng malakas ang aking dibdib at nag simulang tumagaktak ang malamig na pawis sa aking noo. Kasabay nito ang pag hinga ko ng malalim. Dito ay iwinaksi ko ang mga katagang pilit kong itinago sa aking puso’t isipan. Ang mga katagang tiyak na mag babago ng lahat..

itutuloy..

Imbisibol Part 12

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Aug 12, 2016

Part 12

Kumakabog ng malakas ang aking dibdib at nag simulang tumagaktak ang malamig na pawis sa aking noo. Kasabay nito ang pag hinga ko ng malalim. Dito ay iwinaksi ko ang mga katagang pilit kong itinago sa aking puso’t isipan. Ang mga katagang tiyak na mag babago ng lahat..

Ngunit noong tangkang sasabihin ko na ito ay bigla na lamang siyang nag salita. “Mahal kita tol, ikaw ang bestfriend ko at parang isang tunay na kapatid na rin ang turing ko sayo. Sana ay huwag kang mag babago.” ang naka ngiting pag singit nito sabay tapik sa aking balikat.

Napatingin ako sa kanya at napangiti bagamat nag sisimula nang bumagsak ang metro ng aking kaligayahan at gayon din ang aking luha na hindi makakatwa ang pagiging dissappointed. “Ahh hehehe. Akala ko kung ano na eh!! Hahaha.. Oo naman. Bestfriend tayo at kapatid ang turingan nating dalawa.” ang pag uulit ko naman na parang isang lorong nawala sa sarili. Hindi ko maunawaan ngunit biglang bumigat ang aking kalooban.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak ng malakas dahil sa aming feelings na hindi mutual. Iba yung pag mamahal ko, hindi pang best friend at lalong lalong hindi pang mag kapatid. Paano ko sasabihin sa kanya na ganoon ang nararamdaman ko kung hindi naman ganoon ang pakiramdam nya? Hindi ko alam, ang gusto ko nalang mang yari ay tumayo at lumakad palayo sa kanya upang hindi mahalatang nag daramdam ako.

“Tol, ayos ka lang ba? Bakit biglang natahimik ka?” ang tanong ni Rycen.

“Ah eh, naalala ko nga pala na may tatapusin akong project doon sa Math. Kailangan ko na palang umalis.” ang wika ko sabay tayo sa aking kinauupuan.

“Sure ka ba? May mali ba akong nasabi?” ang tanong nito na may tonong pag aalala.

“Wala no, alam mo naman yung si Mr. Espanyol mahilig mag pa project. Baka maya maya ay kagalitan tayo noon kapag hindi tayo nakapag submit on time.” sagot ko naman sabay tawang hilaw.

“Teka, ihahatid kita tol.” pag habol nito.

“Ano ka ba, hindi naman ako babae para ihatid no.” kunwaring pag bibiro ko sabay lakad palayo sa kanya.

Binilisan ko ang pag hakbang dala ang aking mabigat na damdamin.

Tahimik..

Maya maya ay hindi ko inaasahan na hahabulin nya ako at hahawakan sa braso na aking ikinabigla. “Tol teka, sandali lang naman.” ang pag pigil nito na tila nangungusap ang mga mata.

“B-bakit? May sasabihin ka pa ba?” tanong ko na bahagyang kumabog ang dibdib.

“Meron tol, kaso nahihiya ako.” ang sagot nito.

“A-ano ba iyon? Wala ka naman dapat ikahiya.” tugon ko naman na parang mas nakaramdaman ng kakaibang kaba.

Huminga ito ng malalim at nag wika “Tol, baka pwedeng gawan mo na rin ako ng project sa Math. Alam mo namang mahina ako doon.”

Basag! Kasi naman hoping pa ako..

“Gago ka talaga Jopet.” bulong ko sa aking sarili. “Ah hehehe, sige ba. Madali lang naman iyon.” naka ngiti kong tugon sabay talikod.

Ang akala ko ay parang pelikula ang eksenang iyon. Kung saan hahabulin ng kapareha ang bidang tauhan, hahawakan ito sa kanyang braso at mag tatapat ng kanyang tunay na nararamdaman. Tila nawala sa isipan ko na sa mga kwento nga lang nangyayari iyon dahil sa reyalidad ay mag papagawa lang ito ng project sa mathematics at sa huli ay iiwan kang naka NGA NGA.

“Itikom mo nga yang bibig mo Jopet. Baka maya maya ay pasukan pa ng langaw iyan. Edi nga-nga ngayon, asa ka kasi ng asa eh. At yung Rycen naman na iyan ay makapal ang mukha, kasing kapal ng buhok nya sa kili kili!” ang galit na sermon ni Gabby.

“Kung kaya ko lang iwasan siya, sana ay ginawa ko na. Kaso ay hindi.. Habang tumatagal ay patindi ng patindi ang pag hanga ko sa kanya at hindi ko inakala na aabot ako sa ganito.” ang katwiran ko na may halong pag iyak.

“Flavor lang sa buhay ang nararanasan mo Jopet. Huwag mong kalimutan ang aim natin sa paaralang ito. Kailangan natin grumaduate ng may karangalan. Hindi naman tayo good looking kagaya nila, hindi rin tayo yung tipong atleta na titingnan kapag lumalakad sa campus. Kung mag papadala ka sa emosyon mo ay wala nang matitira sa atin. Tayong mga tampulan ng tukso ay utak lang ang sandata! Dito sa talino natin sila hahanga at iyan lang mayroon tayo. Kung mag papalamon ka dyan sa nararamdaman mo ay gigising ka nalang na wala kang kahit ano. Wake up Jopet.” ang muling sermon ni Gabby sabay hagis ng isang rolyong tissue sa aking kinalalagyan. “Iiyak mo lang iyan.”

Hindi naman ako broken hearted pero bakit parang ganoon ang pakiramdam ko? Maaayos ako sa labas pero ang loob ay wasak bagamat pilit ko ito itinatago. Hindi rin naman nag bago ang turing ko kay Rycen dahil espesyal pa rin ito at kahit anong mangyari ay hindi ko siya kayang iwasan dahil wala naman siyang kasalanan. Pinilit ko nalang kumilos ng normal sa tuwing mag kasama kami sa rehearsal ng play o kaya ay nag lalakad ng sabay pauwi ng dorm.

Ilang araw pa ang lumipas, sumapit naman ang founding anniversary ng aming campus. Umaga pa lamang ay punong puno ng event mula sa cultural show, singing at dance contest. Katakot takot na pakulo ng mga mag aaral at syempre hindi mawawala ang aming stage play na ipapalabas sa gabi. Tanghali pa lang ay sold out na ang ticket at aminin man namin o sa hindi, ang kalahati ng manonood ay tiyak comedy ang hinihintay at ibu-bully lang kami. Tanggap na namin iyon.

Pero ayos lang, ang mahalaga ay ang mairaos namin ang performance dahil matagal namin itong pinag handaan.

Alas 8 ng gabi nag simula ang stage play. Puno ang theatre hall dahil sa dami ng taong nanonood na bigay sa amin ng ibayong kaba.

Nag bukas ang unang scene noong isilang si Snow White, mula sa pagiging sanggol, nag bata ito hanggang sa maging dalaga at doon nga ay lumabas na ako na kumakanta habang nag susunuran ng mga ibon sa harap ng palasyo.

Tawanan ang mga tao..

“Wooo Black Hole!!! Snow black!!! Tagpi!!!” ang mga sigaw ng ilan sa nang bubully ngunit hindi ko sila pinansin. Tiniis ko nalang at inenjoy ang isang 40 minutos na palabas.

Sa ikalawang scene, lumabas naman si Gabby at mabilis na humarap ito sa magic mirror. Binigkas niya ang popular na linya nito buong lakas at tapang..

Tawanan nanaman ang mga tao.

“Baboy!!! Tabaaaa!!!” ang sigaw ng mga ito..

Halos lahat yata kami ay nakatikim ng pang lalait at pag tatawa. Ayos lang, inisip nalang namin na layon talaga ng grupo ang mag pasaya ng manonood kaya naman nilaro namin ito at sinahaman ng mga spoof na tiyak na bebenta.

Naging masaya ang manonood, ang ilan sa kanila ay napa palakpak pa sa sobrang ligaya hanggang sa dumako nga sa pinaka finale na scene kung saan naka higa ako sa kama ng mga bulaklak, nakapikit at doon ay lumapit sa akin si Dan Manuel a.k.a Prince Charming upang alisin ang sumpa sa akin sa pamamagitan ng halik.

Hiyawan ang mga tao..

“Kiss!! Kiss!!! Kiss!!” ang sigaw ng mga ito samantalang ako naman ay naka pikit lang, kumakabog ang dibdib at napapa kunot ang noo.

“Princess you are so beautiful. I have to kiss you” ang wika ni Charming kaya nag wala ang mga tao.

“Hahalik na si Kalansay!!!!” ang sigaw ng mga ito.

“Ayan ang halik ni bangkay!!”

“Tangina nasusuka ko!!! Kalansay!!”

Patuloy sa kabog ang aking dibdib hanggang sa maramdaman ko na ang hininga ni Charming sa aking ilong. At nag mouth wash pa ang loko. Halos pag pawisan ako ng malamig at mangiwi. Gusto ko na itong sipain at tadyakan para malayo na siya sa akin. Kung sakaling matuloy ang kanyang pag halik, siya ang aking First kiss. Ang isang kalansay at zombie na kagaya niya ay mababasalan ang birhen kong mga labi. “Huwagggg, huwaaaggg po kuyaaaa!” ang sigaw ko sa aking isipan habang naduduwal.

Tahimik..

“Look! The princess is awake!!” sigaw ni Rycen kaya naman ang takbuhan ang 7 dwarfs sa scene dahilan para maantala ang pag halik sa akin ni Charming.

“Wew! Hindi natuloy!” ang sigaw ko sa akin sarili. “Salamat kay Rycen.”

Bumangon ako sa higaan at doon ay nag saya na ang mga cast. Kasabay nito ang huling salita ng narrator. “And they live happily ever after. The End.”

Palakpakan ang mga tao..

Luminya kami at nag pasalamat sa lahat..

Dito na nag tatapos ang masaklap ngunit masayang bangungot na dulot ng stage play..

itutuloy..

Imbisibol Part 13

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Aug 15, 2016

Part 13

“Mabuti nalang sumigaw agad si Rycen, atleast hindi natuloy ang kissing scene nyo ni Charming no. Kahit paano pala ay aasta ring knight in shining armor iyang si mokong, sa ibang paraan nga lang.” natatawang wika ni Gabby habang abala kami sa pag aayos ng gamit sa back stage.

“Oo nga e, ang akala ko ay katapusan ko na. Virgin pa naman itong labi ko.” sagot ko naman sabay tawa.

“Buti nalang pala ay pinigil ko si kalansay na halikan ka. Gagong yon! Ivi-virgin pa yang lips mo.” naka ngising wika ni Rycen na bigla nalang sumulpot sa aming likuran.

Natawa si Gabby at ako naman binalot ng hiya. “Buti nalang talaga ay dumating ang totoong Prince Charming mo.” hirit ni Gabby.

“Oo nga e, kung alam ko lang na virgin pa pala iyang labi mo edi sana ako na nag volunteer na maging Prince Charming mo. Anyway ang mahalaga ay napigil natin si Kalansay sa eksena nya.” tugon ni Rycen na may halong pag yayabang.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay pumasok naman ang isang estudyante, may hawak itong isang kumpol na bulaklak at agad na lumakad sa aking harapan. “Eh kuya Snow White may nag papabigay po nito sa inyo. Yung mga fans nyo po doon sa labas.” ang wika nito sabay abot ng bulaklak sa aking kamay.

“Ayos ah, pag katapos kang ibully ng bongga ay aabutan ka ng flowers. Ang sweet ng mga fans mo.” ang hirit ulit ni Gabby.

“Ayos ahh, may mga fans na labas ang utol ko.” hirit din ni Rycen sabay akbay sa akin.

Tawanan ang mga tao sa dressing room.

“Maganda ang feedback ng mga mag aaral sa play natin. Congratulations everyone. At dahil naging sold out ang ticket, lahat tayo ay busog!!!” ang entrada ni Sir Espanyol.

“Ayos!!! wooo!!” ang sigaw ng lahat.

“Ay hindi lang iyon dahil napag pasyahan namin na iexempt na kayong lahat final exam. Ayos ba?!” ang tanong ng guro.

“Oo ser!! Amen!! Mabuhay ka ser!!” ang sigaw ng mga kolokoy. Tuwang tuwa ang mga ito dahil sure na ang pag graduate nila.

Alas 10 ng gabi, nag tungo kami sa isang resto bar upang kumain at mag saya. Kaibigan ni Sir Espanyol ang may ari kaya’t inireserve ito sa buong klase. Ito ang unang pag kakataon na nakapag bonding ang buong section kaya’t naging mas masaya pa ang bawat sandali. Katabi ko si Gabby, Dan at sir Espanyol sa table. Sina Rycen naman at ang mga kolokoy niya ay naka bukod ng lamesa at nag iingay doon na parang mga naka singhot ng katol.

Pero mas perfect sana kung katabi ko si Rycen, wala tuloy akong magawa kundi ang sumulyap nalang sa sulok kung saan nandoon sila.

“Uyy may video oke, wala namang kumakanta.” wika ni Dan. “Eh bakit hindi natin pakantahin si Jopet?” mungkahi ni Gabby dahilan para mag cheer ang buong klase.

“Sample sample sample!!” ang wika ng mga ito

“Ayoko nahihiya ako.” sagot ko naman. “Tse, kanina ay nag Snow White ka, pinag tawanan ka ng buong campus tapos ngayon ay sasabihin mong nahihiya ka? Pwede ba.. wag kang maarte dyan.” ang hirit ni Gabby sabay abot ng mikropono. “Kanta!”

Wala naman akong nagawa kundi ang pumili ng kanta at umawit sa harap nilang lahat..

Pinili ko ang awitin na mag papahayag ng aking tunay na nararamdaman. Ang aking pag mamahal kay kay Rycen na kasing lalim ng karagatan ngunit nanatakot akong ipakita ito..

Love, can’t you see I’m alone Can’t you give this fool a chance A little love is all I ask A little kindness in the night

Please don’t leave me behind No, don’t tell me love is blind A little love is all I ask And that is all

Ooh love, I’ve been searchin’ so long I’ve been searchin’ high and low And little love is all I ask A little sadness when you go

Maybe you’ll need a friend Only please don’t let’s pretend A little love is all I ask And that is all

I wanna spread my wings But I just can’t fly As a string of pearls The pretty girls go sailin’ by

Ocean deep I’m so afraid to show my feelings I have sailed a million ceilings Solitary room

Ocean deep Will I ever find a lover Maybe she has found another And as I cry myself to sleep I know this love of mine I’ll keep Ocean deep

Palakpakan ang mga classmate ko. Samantalang si Rycen naman ay naka tingin lang sakin at sumasabay ng kanta. May mga linya sa awiting iyon na kapag binibigkas ko ay napapatingin ako sa kanya na para bang sa kanya ko sinasabi ang bawat kataga nito. Ito ay sapat na upang mabawasan ang bigat ng aking damdamin.

And as I cry myself to sleep I know this love of mine I’ll keep Ocean deep

“Maganda yung kantang iyon tol. Para kanino mo naman inaalay iyon?” pang uusisa si Rycen noong tumabi sa amin ni Gabby. “Ah, paboritong kanta ko lang iyon. Madalas kong naririnig na tumutugtog sa radyo tuwing umaga kaya’t iyon ang naisipan kong awitin. Wala naman akong pag aalayan dahil wala namang mag kakagusto sakin kaya kahit kanino nalang. hehe.” ang sagot sabay bitiw ng matamis na ngiti.

“Wooo, may nag bigay nga ng bulaklak sayo kanina. Mga fans mo daw. Edi mayroong nag kakagusto sayo.” wika ni Rycen na parang may halong pag mamaktol.

“Pinag kakatuwaan lang nila ako. Alam mo namang lagi akong laman ng katuwaan nila. Nakasayan ko na rin.” tugon ko.

“Hmmm hindi naman siguro. Maganda ang boses mo kaya’t tiyak hahangaan ka nila. Hindi lang naman pisikal na anyo ang batayan para hangaan ka ng mga tao sa paligid mo, minsan ay nagugustuhan din nila ang ugali at talento mo. Kaya’t iwas iwasan mo na ang pag iisip na isa kang bulaklak sa pader.” nakangiting salita ni Rycen.

“Eh bakit ikaw hindi mo magawang hangaan yung ugali at talento ko?” bulong ko naman

“Ano tol? May sinasabi kaba? Ang lakas kasi ng tugtog di ko naiintindihan.” ang tanong nito. “Wala, ano yung bulaklak sa pader? Literal ba iyon?” ang tanong ko nalang habang napapa kamot ng ulo.

“Hindi literal iyon tol. Ang bulaklak sa pader ay para lamang sa mga taong hindi napapansin, yung parang hindi nag eexist sa mundo. Minsan ay ginagamit din ito sa mga sayawan, kapag walang nakikipag sayaw sa iyo at naka tayo ka lang doon sa isang sulok.” ang paliwanag nito.

“Ahh kung ganoon ay isa pala akong bulaklak sa pader.” ang biro ko naman.

“Hayy naku Rycen, wag mo nang paliwanagan ng ganyan si Jopet dahil hindi naman iyan isang bulaklak kundi isang kuliglig. Kaya dapat sa kanya ay kuliglig sa pader.” ang hirit ni Gabby.

Natawa si Rycen..

“Eh ikaw anong tawag sayo? Baboy sa pader?” ang pang aasar ko.

Tawanan..

Alas 10 ng gabi noong makabalik kami sa dorm. At kagaya kanina ay tungkol pa rin sa “bulaklak sa pader” ang topic naming dalawa ni Gabby.

“Alam mo hindi ko masasabi na isang kang bulaklak sa pader dahil napapansin ka naman ng lahat. Kanina nga ay may nag bigay pa ng bulaklak sayo dahil sa bongga ng performance mo.” wika ni Gabby

“Ang ibig kong sabihin ay nanatili pa rin akong bale wala sa paningin ni Rycen. Lahat naman ay ginawa ko, pati quizes nya ay ako na rin ang sumasagot.” ang pag mamaktol ko sabay lundag sa higaan.

“Kaya hindi naniniwala yung mga guro natin sa score ni Rycen. Biruin mo hindi na nga pumapasok yung tao dahil puro pag lalaro ng bola sa varsity ang inaatupag ay nakaka pasa pa rin at highest pa. Loko ka talaga Jopet! Saka anong klaseng pag pansin ba ang gusto mo? Gusto mong maging jowa yung si mokong? Edi sana nanalangin ka nalang na isang araw ay gumising kang may petchay at papaya sa katawan, baka sakaling mapansin ka nya. Kilala ko yung likaw ng bituka ng mokong na iyon, sya yung tipo ng taong kapag naka kita ng hubad na katawan ng babae ay aasawahin agad.” tugon ni Gabby na may halong pang iinis.

“Uuyy masyado ka namang judgemental. Nag bago na nga si Rycen. Tingnan mo, ilang years na silang break ng ex nya pero hindi pa ito nag jojowa ng iba. At isa pa ay sa gwapo nyang iyon ay wala naman siyang pinopormahang iba ahh.” depensa ko.

“So hoping ka naman na pormahan ka nya? Saka kahit break sila, nag kikita pa rin naman sila noh, you can never tell.” pang aasar nito.

“Wala naman akong sinasabing ganoon. Huwag na lang nating husgahan yung tao.” pag tatanggol ko.

“Eh ano pa nga bang magagawa ko, edi come what may nalang. Daanin mo nalang sa ocean deep yang feelings mong naka kubli sa baul.” ang wika ni Gabby sabay taklop ng kumot sa kanyang mukha at nag hilik agad ito.

“Ganon, tulog agad?” ang bulong ko naman sa aking sarili sabay patay ng ilaw sa lampshade.

Kinabukasan, pag pasok namin sa campus ay usap usapan pa rin yung play kagabi kung saan isinugal namin ang aming kahihiyan para mairaos ang naturang palabas. Edi ayun nga, kahit saan kami mag lakad ni Gabby ay nakakatikim kami ng mga pag tatawa ng mga mag aaral lalo na yung mga freshman na parang mga kiti kiting nag tatakbuhan sa ground.

“Ayan na si Snow Black at si Piggy Witch!” ang wika ng mga ito kaya naman sinasakyan na lamang namin sila bagamat deep inside ay nais na silang dagnan ni Gabby.

“Pag hindi tumigil itong mga kiti kiting ito ay pipiyutin ko tong isa isa.” bulong nito.

“Ano kaba, huwag mo nang patulan iyang mga bata. Hahaluan ko nalang ng pampapurga yung inumin nila sa canteen mamaya para mawala ang mga bulate sa katawan nila.” sagot ko naman.

“Tamo mas malala yang iniisip mo. Pero like ko yan.” pag sang ayon nito

“Joke lang naman iyon. Pag kalipas ng ilang araw ay mawawala rin sa isipan nila yung tungkol sa play. Pabayaan mo nalang yang mga iyan.” wika ko naman sabay hatak kay Gabby sa loob ng classroom. “Oh bakit mukhang santo santo ang itsura ni Rycen?” ang pag bulong nito

“Aba e ewan ko. Siguro ay nakagalitan ng coach nila doon sa varsity.” ang tugon ko habang lumalapit dito.

“Bakit parang pinag sukluban ng langit at lupa iyang mukhang mo pareng Rycen?” tanong ni Gabby.

“Eh paano malapit na ang Christmas vacation. Sa isang linggo ay mag sstart nang mag uwian ang ilang ka dorm ko. Ako nalang ang matitira doon.” pag mamaktol nito.

“Anong problema doon? Talaga namang mag uuwian na kami next week. Ayokong mag bakasyon dito sa campus no.” hirit ni Gabby.

“Iyon na nga ang problema. Ang flight ko pauwi ng Cebu ay sa susunod na linggo pa. Pwera sa linggong ito ha. Ang ibig sabihin ay 7 araw akong tatambay na mag isa doon sa dorm habang nag hihintay ng flight. Ayoko ng ganoon, masisiraan ako ng bait.” ang pag mamaktol ni Rycen sabay hagis ng ticket sa kanyang desk.

“Edi sumama ka muna sa amin sa probinsya habang nag hihintay ka ng flight mo. Tapos ang problema mo.” ang hirit ko naman.

Napatingin sa akin si Rycen na tila nabuhayan ito ng loob. “Talaga? Pwede ba iyon?” tanong nito.

“Oo naman. Doon tayo sa probinsya nila Gabby. Tiyak na mag eenjoy tayo doon!” ang sagot ko.

“Oo nga naman, magandang idea iyan. Doon muna tayo sa probinsya namin sa Baguio City. 5 oras ang biyahe mula dito hanggang doon. At kung sakaling gusto mo naman sa probinsya nila Jopet sa Nueva Ecija ay 3 oras lamang ang layo mula dito.” pag sang ayon ni Gabby.

“Ayos!! Sige kahit saan. Tutal ay hindi pa ako nakakarating doon sa Baguio o kaya sa Nueva Ecija.” ang natutuwang wika nito sabay akbay sa aming dalawa.

“Edi ayun naman pala e, tuloy ang ligaya!” wika ni Gabby.

Tawanan..

Ako naman ay nakaramdam ng kakaibang excitement. Ito ang unang pag kakataon na makakasama ko sa isang bakasyon si Rycen. Ngayon palang ay hindi na ako makapag hintay na dumating ang araw na iyon. Pilit kong itinatago ang tuwa ngunit talagang hindi ko mapigil ang kiligin at mapangiti. Ayos lang kung mapag kamalan akong nababaliw, basta ang mahalaga ay ang sayang nararamdaman ko noong mga sandaling iyon.

itutuloy..

Imbisibol Part 14

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Aug 15, 2016

Part 14

December 14, 1995

Ito ang inukit kong petsa sa puno ng Akasya sa loob ng campus. Isang espesyal na araw kung saan makakasama ko si Rycen sa pag babakasyon doon sa probinsya nila Gabby sa Baguio City. Lahat ay first time, unang beses kong mag punta doon at unang beses ko rin na makakasama sa malayo ang taong espesyal sa aking puso.

Alas 6 ng umaga noong kami ay mag tungo sa central terminal upang sumakay sa bus na mag dadala sa amin sa probinsya. 55 pesos ang pamasahe patungo doon, nag mahal pa raw ito dahil dati ay lang. Hindi tuloy maiwasang mag reklamo ni Gabby doon sa konduktor ng bus. “Pamahal ng pamahal ang pamasahe pauwi ah, noong 1990 ay 25 pesos lang ang pamasahe. Nakuu isusumbong ko kayo kay Pangulong Fidel Ramos!!”

“Edi mag sumbong ka. Dapat ng ay doble ang sisingilin namin sayo dahil pang dalawang tao yang inuupan mo. Taba taba mo.” sagot naman ng konduktor.

“Oa ka naman manong. Hindi ako mataba. Healthy lang ako!!” pag tutol nito.

“Healthy daw oh.” ang pang aasar ng konduktor sabay balik sa kanyang pwesto.

Nag simulang lumakad ang bus mag dadala sa amin sa probinsya. Excited akong makarating doon pero mas nag eenjoy akong katabi si Rycen sa upuan. Bagamat abala ito sa pag tanaw sa aming dinaraanan ay abala rin naman ako sa pag tanaw sa kanyang mukha. At kung nakaka tunaw lang aking tingin ay malamang kanina pa ito nabura sa paligid. Para sa akin ay ito ang pinaka magandang tanawin sa buong mundo.

Habang nasa ganoong pag titig ako ay tumugtog naman ang isang kanta sa loob ng bus na siyang nag silbing back ground music sa aking ginagawang pag sulyap dito.

“Alapaap”

Eraserheads

May isang umaga, na tayo’y magsasama Haya at halina sa alapaap O, anong sarap, haa…

Hanggang sa dulo ng mundo Hanggang maubos ang ubo Hanggang gumulong ang luha Hanggang mahulog ang tala

[Chorus:] Masdan mo ang aking mata ’Di mo ba nakikita Ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na Gusto mo bang sumama?

“Apat na oras na ang byahe Jopet, baka naman mag ka stiff neck ka nyan.” bulong ni Gabby noong makita akong titig na titig kay Rycen.

“Panira ka talaga ng moment. Bumalik ka nga doon sa bangko mo. Heto ang pag kain.” ang wika ko sabay apot ng apat ng plastic ng chiz sum.

Nag patuloy ako sa ganoong pag sulyap sa aking katabi hanggang sa hindi ko na namamalayan na nakatulog na pala ako at bumagsak ang aking ulo sa balikat nito. Dito ko napag tanto na nakakapagod din pala ang mag nakaw ng tingin bagamat nakaka adik talaga ito lalo’t gustong gusto mo ang tanawing nakikita mo.

Tahimik..

“Tol gising, tingnan mo ang lalim ng mga bangin.” ang wika ni Rycen habang inuuga ang aking ulo.

Noong imulat ko ang aking mata ay agad na tumambad sa akin ang nag tataasang batuhan at mga punong nag lalakihan. Dito ko napag tanto na umiikot na pala kami sa mataas na daan patungo sa bayan nila Gabby. “Bakit nandito na tayo agad?” ang tanong ko naman habang naka tingin sa malalim na bangin.

“Halos dalawang oras ka kasing nakatulog. Alam ko naman na pagod ka dahil sa dami ng mga requirements na pinasa natin kaya hinayaan nalang kita mahiga dito sa katawan ko.” naka ngiting wika nito sabay abot ng panyo sa akin. “Tol, medyo malaki yung tulo laway mo sa bibig. Paki alis nalang. Di ko inalis yan kanina baka kasi magising ka.” dagdag pa nito.

Basag nanaman!

Si Gabby naman ay halos himatayin katatawa sa aming likuran. “Ang expectation ni Jopet ay mala sleeping beauty siyang natutulog habang naka unan sa balikat ni Rycen, ang reality ay naka nga nga sya at tumutulo pa ang laway nya.” ang pang aasar nito kaya naman agad ko kinuha ang panyo sa aking bulsa at mabilis na pinunasan ang aking bibig.

“Gago, natural ay hindi ko alam. Tulog nga ako diba?” pag mamaktol ko rin.

Tawanan ng dalawa..

“Huwag mong pansinin iyang si Gabby, hindi ka naman naka nga nga kanina. Kaunti lang ngunit hindi naman ito halata.” ang dagdag pa ni Rycen sabay gulo sa aking buhok na parang dinaanan ng bagyo.

“Oh isuot nyo yang mga sweater nyo dahil habang tumataas tayo ay palamig na palamig. Welcome dito sa Baguio City, ang Summer Capital ng Pilipinas!” ang malakas na sigaw ni Gabby kaya’t nag tinginan lahat sa kanya.

Kanina ko pa nga napapansin na habang tumatagal ay nanunuot ang lamig sa aking balat. Para nasa loob ako ng kwartong aircondition bagamat mabango ang simoy ng hangin na parang amoy talulot ng bulaklak. Maganda pala rito sa bayang sinilangan ni Gabby, presko at talagang maganda ang tanawin. Isama mo pa yung mga bahay sa itaas ng bundok at mga makukulay na desenyo nito. Nakaka akit kung iyong pag mamasdan. Pareho lang din naman sa aming probinsya sa Nueva Ecija iyon nga lang ay puro palayan at patubigan ang makikita mo doon.

Makalipas ang halos limang oras na byahe, nag lakad kami sa patungo sa tahanan nila Gabby. Lakad dito lakad doon ang aking ginawa habang sukbit ang aming mga knapsack. Hindi naman talaga nakakapagod mag lakad dahil malamig at namamasa ang paligid bagamat hindi naman umuulan. Kapansin pansin din habang tumatagal at pataas ng pataas ang kalsada na ang hinahakbangan. “Malayo pa ba? Bakit parang nasa langit na tayo?” ang tanong ko naman.

“Nandito na tayo. Hayun ang bahay namin.” ang wika nito sabay turo sa isang malaking puting bahay na ang desenyo ay para bang sa mga haunted house sa pelikula.

“Teka teka. Iyan ba talaga ang bahay nyo? Bakit parang haunted mansion ang dating?” nag aalangan kong tanong habang lumalapit sa tarangkahan.

“Hahaha, ang bahay na ito ay pinatayo ng lolo kong spanish. Masyado ang fascination nya sa mga haunted house kaya sinadyang ganyan ang desenyo ng aming bahay. Kung hindi nyo naitatanong ay lumabas na rin ito sa ilang horror film sa local at international. Marami ring mga torista ang nag papakuha ng larawan sa harap nito. Pero huwag kayo matakot, walang multo sa loob nito.” ang naka ngiting wika ni Gabby sabay bukas ng tarangkahan.

“Ayos to, awwwooooo.” ang wika ni Rycen sa aking likuran na para nanandya pang manakot.

Pag pasok namin sa loob ng tarangkahan ay agad kami sinalubong ng mama at papa ni Gabby. Kapwa ito naka puti ng damit na parang mga multo. “Maa, paa bakit ganyan ang suot nyo. Lalong matatakot ang mga kaibigan ko nito.” pag mamaktol ni Gabby.

“Kaya kami naka ganito ng papa mo ay dahil guest kami sa isang pelikula. May nag sshooting kasi doon sa kabilang silid. Kinulang sa cast kaya’t kami nalang ng papa mo ang gumanap na multo.” ang wika ng mama nito sabay tayo at hinalikan kami ni Rycen sa pisngi. “Mabuti naman at nag dadala kana ng kaibigan dito anak, ang akala ko ay lalaki kang mag isa at walang friends kundi ang kanin at ulam.” ang dagdag pa nito.

“Maa naman, binubully na nga ako doon sa school tapos binubully mo pa rin ako dito. Nga pala yung mga kaibigan ko, sina Rycen varsity player taga Cebu sya. At si Jopet, kilala mo na sya, ka room mate ko doon sa dorm.” pakilala ni Gabby na halong pag kainis.

“Huwag kana mainis anak, ganito lang talaga kami ng papa mo.” ang wika ng mga ito sabay akay sa amin papasok sa loob ng bahay.

Maganda ang loob nito, malinis at napaka maayos. Ang mga kagamitan ay gawa sa seramiko at marmol, ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ay mataas na pinalilibutan ng gabay na kahoy. Maluwang ang buong sala at napaka aliwalas sa loob.

“Dito na muna kayo matulog sa kabilang silid. Ginagamit kasi sa shooting yung ibang kwarto.” ang wika ng papa ni Gabby sabay bukas ng naturang silid. “Pag pasensya nyo na muna ang silid na ito.” ang dagdag nito

Ang akala ko ay maliit nga ang silid, ngunit noong tumambad ito sa aming paningin ay maluwang ito, kasing laki ng aming classroom. May isang maluwang na kama at mga kagamitang gawa sa kahoy. Ang malaking bintana ay gawa sa kapiz at ang sahig ay marmol na puti. May pintuan patungo sa labas ng balkunahe kung saan makikita mo ang buong paligid.

“Ibang klase, ang yaman mo pala Gabby. Hindi tama na pakainin kita ng isang pirasong curly tops.” ang wika ko dito habang natatawa.

“Ang saya dito!” ang wika naman ni Rycen sabay talon sa kama.

Napuno ng tanawanan ang buong silid. Syempre ay hindi naman maitago ang aking saya kapag naiisip ko na talaga malapit na kami ni Rycen sa isa’t isa. At hindi lang iyon dahil tiyak kong katabi ko pa siyang matutulog mamayang gabi. Sana ay hindi na matapos ang limang araw na pananatili namin dito. Kung maaari kong hawakan ang kamay ng orasan at pahintuin ito sa ganito eksena ay gagawin ko talaga bastat huwag lang mawala ang saya sa aking dibdib.

itutuloy..

Imbisibol Part 15

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Aug 17, 2016

Part 15

“Naka handa na ang hapunan. Bumaba na kayo dyan sa itaas mga boys.” ang pag tawag ng mama ni Gabby mula sa ibaba ng hagdan.

“Nandyan na maaa.” sigaw naman ni Gabby kaya mabilis kaming bumaba ng kusina.

“Mga bata, pag pasensyahan nyo na ang hapunan, hindi kami masyadong nakapag handa. Biglaan kasi ang iyong pag uwi.” naka ngiti wika naman ng papa ni Gabby na sumalubong sa amin sa sala.

Noong makarating kami sa kusina ay halos masinok kami sa dami ng pag kain sa lamesa. May mga gulay, sariwang prutas, at may buong lechon baboy pa sa gitna. Hindi nakapag tataka kung bakit lumobo ng ganito si Gabby. “Ang dami ah, fiesta po ba?” ang tanong ni Rycen.

“Kung tutuusin ay kulang pa nga yan kay Gab hano. Ewan ko ba naman sa anak ko na yan. Ginagawang bestfriend ang kanin.” biro ng mama nya. Nakapag tataka lamang dahil balingkinitan ang katawan nito at ang kanyang asawa naman ay maselan at maganda ang katawan. Anyare sa anak nila? Mukha eksakto nga talaga ang term na “napabayaan sa kusina” itong si Gabby.

“Ikaw iho, gwapo ka. Baka gusto mong mga artista? Marami akong kilalang direktor dito sa probinsya.” ang wika ng papa ni Gabby noong makita si Rycen na umuupo sa kanilang harap.

“Oo nga bro bakit hindi ka mag artista. May K ka naman dahil gwapo. ka.” wika naman ni Gabby habang abala sa pag sasandok ng kanin. “Eh kami ni Jopet papa, pwede ba kami mag artista?” dagdag na tanong nito.

“Mga anak hayaan nyo na si Rycen sa pag aartista. Mag focus na lamang kayo sa inyong pag aaral.” natatawang sagot naman ng papa nya na may nakakalokong ngiti.

“Naku ewan, kapag magandang lalaki ay aalukin nyong mag artista, pag dating naman sa amin ni Jopet ay mag aral nalang mabuti. Nasaan ang hustisya? Nakakainis ka talaga papa.” ang pag mamaktol ni Gabby sabay kurot sa lechon.

Tawanan..

“Salamat nalang po tito, pero sa ngayon ay kailangan ko munang tapusin itong pag aaral ko. Ipinangako ko kasi sa papa ko bago siya pumanaw na gagraduate ng college at mag pupundar ako ng maayos na buhay sa hinaharap. Sa ngayon po ay iyon muna ang priority ko.” ang wika ni Rycen habang naka ngiti.

“Ikalulungkot kong malaman na wala na ang iyong ama. Sa tingin ko ay isa siyang mabuting magulang dahil hinubog ka nya na maging isang mabuting tao. Hanga ako sa sinabi mo iho. Sana lahat ng kabataan ay ganyan sa iyo.” ang wika naman ng papa ni Gabby sabay tapik sa balikat ni Rycen.

Noong mga oras na iyon lihim akong napatingin kay Rycen, naka ngiti ito ngunit bakas sa kanyang mukhang mata ang kalungkutan. Nais ko siyang yakapin o kaya ay iparamdam na hindi ko sya pababayaan. Lalo ko lamang ipinangako sa aking sarili na tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya. Basta ggraduate kami ng sabay mag kasamang hahanap ng trabaho para makatulong sa aming pamilya.

“Mabait yung papa ni Gabby, lalo ko lang tuloy namimiss si papa.” ang wika ni Rycen habang naka upo kami sa balkunahe ng silid.

Malamig ang hangin na humahaplos sa aming mukha. Sinabayan pa ito ng malamlam na pakiramdam at ibayong kalungkutan na siyang nag paigting ng aming mga damdamin.

“Natural lamang iyan tol. Pero alam mo sa tingin ko ay nandito lamang ang papa mo.” ang naka ngiti kong tugon.

“Takte, nandito? Wag kang biro ng ganyan tol” ang wika nito.

“Loko, ang ibig kong sabihin ay nandito lang sya. Nabubuhay sa iyo.. Hindi bat kawangis mo ang iyon ama? Ikaw ang tanging ala-alang naiwan niya sa mundong ito. Im sure na kapag nalulungkot ang iyong ina ay titingin lang siya sayo at mapapawi na ito, dahil ikaw at ang iyong ama ay parang pinag biyak na bunga.” ang tugon ko naman.

Nangiti si Rycen at napatingin sa akin. “Tama ka doon tol. Lagi nga nilang sinasabi sa akin na kahawig ko raw si papa noong kabataan nito. Salamat sa pag papa alala sa akin ng lahat Jopet. The best ka rin pala sa pag aadvice.” ang wika nito sabay akbay sa akin.

“Wala iyon. Masaya akong alisin ang lungkot sa iyong isipan.” sagot ko naman.

Tahimik.

Kapwa kami naka tingin sa kalayuan, walang ibang makikita kundi ang mga ilaw ng mga kabahayan sa kabilang ibayo. Ngunit ang higit na nag papatingkad sa tanawin ay ang mga bituin sa kalangitan, kumpol ito at talaga namang nakakalibang kung pag masdan. Walang ganito sa siyudad kaya’t namamangha kami pag masdan ang bawat kislap nito. “Ang ganda ng bituin.. Parang ang lapit lang nila no?” wika ni Rycen.

“Oo nga, para bang kayang kaya ko silang hawakan. Iyon nga lang ay nalulungkot ako kapag naiisip kong malayo sila at imposibleng madaop ng aking kamay.” ang wika ko naman habang itinataas ang aking kamay sa kalangitan na parang bang pilit ko itong inaabot.

“Mukhang malapit pero malayo.. Masarap lang pag masdan..” tugon ni Rycen habang naka tingala rin sa alapaap.

“Oo nga, para ikaw.. masarap pag masdan ngunit hindi ko malapitan.” ang bulong ko naman dahilan para mapatingin ito sa akin. “A-ano yun tol? May sinabi ka ba?” pag tataka nito.

“Ha? Ah eh.. W-wala.. ang ibig kong sabihin ay masarap pag masdan ang mga butuin, ngunit mahirap itong lapitan. Tama naman diba?” tugon ko sabay ngiti.

“At para rin kayong mga bituin sa langit. Gabing gabi na ay nasa labas pa kayo. Pumasok na nga kayo dito.” ang hirit naman ni Gabby na bigla na lamang sumilip sa pintuan..

Natawa kami ni Rycen at nag pasyang pumasok sa loob.

Alas 10:45 ng gabi, nag pasya na kaming mahiga. Si Gabby ay nag latag ng kutson sa sahig dahil malikot daw siyang matulog at baka ma sapak lang kami ni Rycen kaya naman kami na lamang dalawa ang matutulog doon sa kama. Hindi ko mailarawan ang aking nararamdaman, kinakabahan ako ngunit nananabik.

Ito ang unang pag kakataon na makakatabi ko si Rycen sa pag tulog. Syempre, kunwari ay bale wala sa akin na kami ang mag kasama sa higaan ngunit abot langit na ang tuwa ko sa tuwing sumasagi sa aking isipan na makakasama ko siya sa buong mag damag.

Nahiga kaming pareho, sya ay nakatihaya at ako naman ay nakalikod sa kanya.

Tahimik lang..

Maya maya naramdaman kong bumangon ito at nilagyan ng kumot ang aking katawan. Hindi ko maunawaan ngunit tila lumundag ang puso ko noong mga sandaling iyon kaya naman gumalaw ako at humarap sa kanya. “Sorry tol, nagising ba kita? Masyado kasing malamig kaya kinumutan kita.” bulong nito.

“Salamat..” ang tanging naisagot ko.

Bumalik ito sa pag higa at inilagay ang kamay sa kanyang noo. Siya naman ang walang kumot kaya’t medyo nakonsensya ako. Muli akong bumangon at ibinalik ito sa kanyang katawan dahilan para matawa ang mokong. “Mag sukob nalang tayo sa kumot. Bakit naman kasi ang layo mo tol. Ayaw mo yatang katabi ako e.” salita nito na may halong pag mamaktol.

Natawa naman ako at lumapit ng bahagya sa kanya. Kinuha nito ang kumot at ibinalot sa aming katawan. Samantalang napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Gabby at nakitang nakataas ang isang kamay nito at naka thumbs up ang daliri na para bang sinasabing “Okay ba?”. Marahil ay sinadya nya talagang isa lang kumot ang dito sa kama upang mas magkadikit pa kaming dalawa ni Rycen. “Pilyo talaga tong si Gabby.” bulong ko sa kanyang sarili habang naka higa paharap kay Rycen. Siya naman ay naka tihaya at naka patong ang kamay sa noo.

“Goodnight tol.” bulong nito.

“Goodnight..” sagot ko naman habang inaaninag ang kanyang mukha. Pilit kong ninanamnam itong mga sandaling katabi ko siya hanggang sa kusa akong dalawin ng antok at tuluyang mahulog sa paraiso ng magandang panaginip.

Alas 4 ng madaling noong ako ay maalimpungatan, natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakayakap kay Rycen habang ito naman ay tulog na tulog at nag hihilik pa. Upang hindi sya magising, marahan kong inialis ang aking kamay sa kanya dibdib at ang aking hita na naka patong sa kanyang tiyan ng mapansin ko medyo basa ang gawing pusod nya.

Sa pag aakalang naihi ito, marahan akong bumangon at inalis ang kumot na naka takip sa aming katawan. Agad kong hinahanap ang parteng basa kanyang katawan at doon ay tumambad sa aking mga mata ang kanyang matigas na pag kalalaki, nakalabas ang kalahati nito sa kanyang short at halatang basa ang pinaka ulo. Halatang mas tumaba ito at naging maugat kaysa noong unang beses ko itong makita.

Marahil ay nag wewet dreams ang mokong..

Tahimik..

May kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahilan para mapalunok ako ng walang laway. Malamig ang paligid ngunit ang aking pawis ay tagaktak sa aking noo at patilya. Sumasagi sa aking isipan na hawakan ang matigas na bagay sa aking harap ngunit sa kabilang banda ay natatakot naman akong mahuli..

Ilang minuto ko rin tinitigan ang kanyang pag kalalaki hanggang sa kusang gumalaw ang aking kamay at hawakan nito. Mainit, parang bakal ang katawan sa tigas. Naka pakurba na parang saging at patuloy pa rin sa pag buga ng paunang katas.

Sibukan kong itaas baba ang aking kamay ngunit wala pa rin itong reaksyon. Malakas pa rin ang kanyang hilik. Siguro ay hindi nya nararamdaman ang aking ginagawang pag lalaro sa kanyang pag kalalaki.

Nag simulang kumalat ang init ng pag nanasa sa aking buong katawan, tila nawala ako sa aking sarili. Namalayan ko nalang na nasa bibig ko na pala ang kanyang matigas na alaga at nag tataas baba na ang ulo ko. Damang dama ko ang kanyang katigasan na tumatama sa aking lalamunan, isama mo pa yung maalat at matamis na likidong lumabas sa pinaka puno. Kakaibang sensasyon iyon sa aking bibig.

Habang nasa ganoong pag taas baba ako ay laking gulat ko noong may humablot sa aking ulo. Sinabunutan ang aking buhok at isang malakas na suntok ang lumanding sa aking mukha. “Gago ka, bakla ka pala Jopet! Bakit pinag sasamantalahan mo ako? Gago kaaaaa!” ang galit na sigaw nito dahilan para balutin ako ng matinding takot.

Hinablot ni Rycen ang aking damit at sinakal ang aking leeg. “Huwag please.. Masakit…” ang impit kong daing ngunit hindi ito nakinig sa akin.

“Papatayin kitang bakla kaaaa!” ang sigaw nito kaya naman napasigaw ako sa takot.

“Huwaaagggg!! huwaaggggg!!”

“Tol gising… Eeyyyyyy.. Gumising ka Jop.” ang narinig kong boses ni Rycen na tinatapik ang aking mukha.

Agad na bumalik sa normal ang aking ulirat sabay balikwas sa aking higaan. “Tol nanaginip ka.” ang wika nito na hindi maitago ang pag aalala.

Dito ko na pansin na umaga na pala at may kataasan na ang sikat ng araw. Maaliwalas na sa aming silid kaya agad na bumulaga sa akin ang gwapong mukha ni Rycen. Magulo pa ang buhok nito at halatang kababangon pa lang din. “Nanaginip ka tol. Sumisigaw ka ng huwag at parang takot na takot ka.” ang wika nito.

Noong mga sandaling iyon ay tila naka hinga ako ng maluwag. Mabuti na lamang dahil hindi pala totoo ang lahat. “May napanaginipan lang ako. Sorry kung nagising kita.”

“Actually ay kanina pa ako gising tol, umalis kasi si Gabby para mag jogging kaya’t nagising ako sa ingay ng kaluskos nya. Anong napanaginipan mo?” pang uusisa nito.

“Hindi ko na maalala, basta nakakatakot. Mabuti na lamang dahil hindi iyon totoo.” sagot ko dahilan para bigla itong matawa.

“Hindi ako naniniwalang nakakatakot ang panaginip mo tol. Tingnan mo, basta yung short mo. Mukhang tamod yata iyan. Ibig sabihin ay nag wet dreams ka.” ang natatawang salita nito at doon nga at napansin kong basa ang aking suot na salawal kaya naman agad akong nag takip ng kumot na parang napahiya sa pang yayari.

“Normal lang iyan tol. Mag linis kana doon sa Cr. Huwag kang mag alala dahil secret natin ito.” hirit pa niya sabay kindat. Agad naman akong tumayo at nag tatakbo sa banyo upang mag linis ng sarili. Nakakainis lang isipin na ako pala ang nag wet dreams at hindi si Rycen. Ngunit gayon pa man ay nagagalak ako dahil panaginip lang ang lahat. Ang akala ko ay tuluyang nasira ang samahan namin dahil sa makamundong pag nanasang iyon.

Pilit ko itong winawaglit sa aking isipan kaya naman madalas mamasyal kasama sina Rycen at Gabby. Isang paraan upang libangin ang aming mga sarili.

Ang bawat ala-alang pinag sasaluhan namin sa bawat oras na dumaraan ay katubas ng kayamanan sa akin. Ito na yata ang pinaka masayang Christmas vacation sa buong buhay ko, bukod sa nakarating ako sa isang lugar na bago sa aking paningin ay kasama ko pa ang isang taong napaka espesyal sa akin.

Ang lahat ay perpekto na, na parang isang magandang panaginip bagamat alam kong ilang araw na lamang ang nalalabi at matatapos na ang lahat ng ito. Ang bawat tawanan at ngiti sa aming mukha ay tinitiyak kong hinding hindi ko malilimot.

itutuloy..

Imbisibol Part 16

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

August 18, 2016

Part 16

Sinulit namin ang bakasyon sa probinsya nila Gabby, lahat ng magagandang pook pasyalan ay aming pinuntahan. Tumulong din kami sa pag ani ng mga presa at pag gawa ng mga matatamis na kakanin tulad ng mga jam at peanut brittle. Ang lugar na ito may potensyal na maging toursit spot at sinisigurado ko na pag sumapit ang taong 2000 ay mas dadami pa ang bisitang aakyat dito sa Baguio City.

Marami masasayang activities rin kaming ginawa katulad ng pag babangka, pag bibisikleta pero ang pinaka gusto kong parte sa lahat ay ang pag susuot namin ng tradisyonal na damit ng mga ifugao at sumali kami sa kanilang pag sasayaw. Damang dama ko ang lumang tradisyon ng mga taga rito at isama mo pa yung nakaka tuwang pag indak ni Rycen habang naka bahag na sya namang hinangaan ng lahat. Mapa babae, lalaki o nasa ikatlong kasarian man ay humihinto at pinapanood sya habang hawak ang gangsa.

Mabilis na lumipas ang mga araw, katulad ng isang magandang pelikula ang lahat ay nag tatapos din at sa araw na iyon ay inihatid namin si Rycen sa airport para sa kanyang flight pabalik ng Cebu. Bago ito tuluyang lumisan ay pinabaunan pa namin ito ng mga suvenir items at ilang remembrance sa aming masayang bakasyon. May lungkot sa kanyang mata at syempre ganoon din sa akin dahil tiyak na hahanap hanapin ko ang kasiyahang pinag samahan namin sa probinsya nila Gabby. “Mauulit pa naman ang bakasyon na iyon. Sa susunod ay doon tayo sa amin sa Nueva Ecija.” ang naka ngiti kong salita sabay yakap dito biglang tanda ng pansamantalang pag papa alam.

“Salamat mga tol. See you after ng holidays.” naka ngiting wika nito at kumaway pa bago tuluyang lumakad palayo.

Muli kaming nahiwalay ng landas ni Gabby sa terminal. Sya ay sumakay pabalik ng Baguio City, at ako naman ay sa Nueva Ecija. Habang nakatanaw sa bintana ay hindi mabakbak ang matamis na ngiti sa aking labi, pilit kong binabalikbalikan yung mga gabing mag katabi kami ni Rycen sa higaan. Para bang naka sanayan ko nang inaamoy sya bago matulog. O kaya naman ay mag kukwentuhan kami hanggang sa kapwa kami dalawin ng antok. At sa umaga naman pag sapit ng bukang liwaway ay mukha niya agad ang aking masisilayan pag mulat ng aking mata. Lahat ng iyon ay mga ala-alang babaunin ko pabalik ng aming probinsya.

Masaya kong pinag diwang ang pag sapit ng pasko at bagong taon. 1996 na kaya’t muli akong gumawa ng isang new years resolution at iyon ay maipag tapat kay Rycen ang nararamdaman ko bago kami mag tapos ng high school. Ewan, basta ayoko nang paabutin ng kolehiyo. Kung sakaling iwasan nya ako pag katapos noon ay lilipat nalang akong paaralan at susubukang mamuhay ng masaya. Yung malayo sa kanya, kahit na masakit. Basta, mainam na yung mareject ng maaga kaysa pag tagalin pa.

“Tatlong buwan nalang, malapit ang graduation. May karangalan o wala ay proud na proud kami sa iyo anak.” ang wika ni mama habang inaayos ang aking gamit na dadalhin sa dorm.

“Mas masarap grumaduate ng mayroon karangalan ma.. Kaya nga ginagawa ko ang best ko para makamit ito.” sagot ko naman.

“Tama yan anak, at pag katapos mo ng kolehiyo ay doon ka raw mag wowork sa mga tito at tita mo sa Amerika kasama nila. Hindi ba’t magandang balita iyon?”

“Oo naman ma, at sisiguraduhin kong sa kolehiyo ay mas pag bubutihin ko pa para sa inyo ni papa.”

“Iyan ang anak ko, napaka swerte talaga namin sa iyo.” wika ni mama sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Sadyang napaka bilis lang lumipas ng panahon, parang kailan lang noong unang pumasok sa campus. Kulang nalang ay mag tago ako sa loob ng aking bag dahil sobrang mahiyain ako noon. Hanggang sa makilala ko si Rycen na syang nag bigay ng inspirasyon sa akin para mag aral ng mabuti at gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa noon. May saya at may lungkot ang mga taong lumipas ngunit masasabi ko na ang high school life ang pinaka exciting na yugto ng aking buhay.

“Tatlong buwan nalang.. Ang aking buhay high school ay mag tatapos, sana ay masabi ko na sayo ang aking nararamdaman, sana ay mag karoon ako ng lakas ng loob.” bulong ko sa aking sarili habang tinititigan ko ang bubble gum at tula na bigay ni Rycen

Hindi naman ako isang super hero

Na nawawala at lumilipad

Ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat.

Hindi rin ako si Batman o si Robin

Si Superman o si Wolverin

Ako ay isang hamak na kulang sa pansin.

Ilang araw ang lumipas at balik eskwela na naman kami. Ang lahat ay excited na sa pag tatapos ng senior year. Syempre ako naman ay naka focus lang at nag pplanong i-full power na ang pag aaral dahil nais kong maging class valedictorian.

“HAPPY NEW YEAR sa inyong lahat. Katulad ng pag babago ng taon, sana ay nag bago rin ang pananaw nyo sa buhay. Tatlong buwan na lamang at mag tatapos na kayo dito sa high school. Ang ilan sa inyo ay mag tutuloy ng kolehiyo sa iba’t ibang paaralan, ang iba naman ay mag aasawa nalang at mag bubuo ng sariling pamilya. Pero ang tanong, nakaka sigurado ba kayo na aakyat sa Marso? Oo nga’t wala na kayong final exam dahil sa incentives na nakuha nyo sa pag paparticipate sa stage play noong foundation day. Ngunit sa tingin nyo ay sapat pa ito upang kayo ay pumasok? Maliit na porciento lamang ang exam at tiyak hihitakin rin ito ng mga bagsak nyong quizes at recitation. Bukod pa roon ay may percentage din ang projects na isinusumite nyo sa akin. Kaya umaasa ako na mas pag bubutihan pa ninyo ang inyong pag aaral sa susunod na mga linggo. Hindi pa huli ang lahat. Goodluck sa inyo.” ang wika ni Mr. Espanyol bago mag simula ang klase.

Noong mga sandaling iyon ay lihim akong sumusulyap sa bandang likuran ng klase. Ngunit parang wala pa si Rycen dito. Marahil ay delay nanaman ang flight nya pabalik dito sa siyudad kaya’t absent pa rin siya hanggang ngayon. Ewan, parang wala rin akong ganang pumasok ngayon, parang hindi buo ang araw ko kapag hindi siya nakikita sa paligid. Wala akong energy at napaka boring ng bawat sandaling lumilipas. “Si Rycen nanaman ang tumatakbo sa isip mo no? Akala ko ba ay mag fofocus ka para maging class valedictorian? Eh bakit daig mo pa ginayuma ng sampung beses at tulo laway ka sa pag hahanap dyan kay mokong?” wika ni Gabby habang nag lalakad kami sa hallway.

“Malaki rin naman ang insipirasyon na ibinibigay nya sa akin ah.” sagot ko naman.

“Hindi inspirasyon Jopet, ilusyon, tama ilusyon ang tawag dyan. Saka kung tutuusin ay kaya mo namang maging valedictorian eh, kung ititigil mo na ang pag s-shoulder dyan kay Rycen. Papasa na iyan kahit hindi mo tulungan. Biruin mo lahat ng assignment, project at report ay palaging times 2 ang ginagawa mo. Gawin mo ang task mo at huwag mo syang isipin.” ang sermon ni Gabby.

“Kawawa naman kasi yung tao, parating pagod sa pag eensayo ng volleyball. Syempre kaya ko namang tumulong kaya’t tutulong ako.” depensa ko

“Naku, ewan ko sayo Jopet. Hindi ka lang ilusyunado, bulag ka pa. Awang awa ka sa kanya, pero siya ba ay naaawa rin sayo? Hayy naku.. Sana ay gawin mo ang tama para sa sarili mo. Nilalason ka ng pag ibig e.” dagdag pa nito.

“Kung mag sermon ka naman ay parang tatay kita.”

“Pasalamat ka dahil kung ako ang tatay mo ay inilubog na kita sa isang dram na tubig. At sisiguraduhin kong pag ahon mo ay wala na ang kaliskis ni Dyesebel dyan sa binti mo.”

“Akala ko ba ay namiss mo ko? Bakit parang hindi naman yata.” pag tataka kong tanong.

“Concern lang ako. Ako lang bestfrend mo dito sa campus. Ako lang ang makakaunawa sayo kaya’t huwag mong isiping kinokontra kita. Ginigising ko lang iyang utak mong nilason ng pana ni kupido.” sagot nito sabay akbay sa akin.

Habang nasa ganoong pag lalakad kami ay bigla sumulpot ang editor in chief ng campus new paper. May dala itong camera kasama ang mga kaibigan niya. “Uy Jopet at Tababoy. Kukuhanan namin kayo ng larawan para sa year book natin. Kami kasi ang naka assign gumawa ng cover at memoravilla nito.” ang naka ngiting wika nito sabay hawak sa camera. “Ready? Pose naman kayo dyan.”

Natingin sa akin si Gabby at nag akbay kaming dalawa habang naka ngiti.

“3 2 1 Say cheese!”

Click!

“Ayos, para kayong cast ng adams family. Naka ngiti pero parang horror pa rin ang dating. Nice shot!” ang wika ng editor. Hindi namin alam kung namumuri ba o nang lalait ito. Isama mo pa yung mga kaibigan niyang nag tatawanan habang kinukuhanan kami ng larawan.

Sa halip na magalit ay hindi nalang namin pinatulan ni Gabby ang hirit nya. In fact sanay na kami sa kaliwat kanang pang bubully ng mga estudyante dito sa campus. Dalawang uri lang naman ang tao dito sa paaralang ito, isang umaapi at isang inaapi. Pero wag ka, sigurado ako na sa bandang huli ay kami ang titingalain sa graduation. Tingnan nalang natin.

Alas 9 ng gabi, habang pabalik kami ni Gabby sa dorm ay nakasalubong namin si Rycen sukbit ang kanyang knapsack. Mukhang ka darating palang niya dito sa siyudad dahil halata sa mukha nito ang matinding pagod. Agad akong nag tatakbo patungo sa kanya at iniwan si Gabby sa kanyang kinatatayuan. “Uyy Jop, gabi na ah. Saan ka galing?” bati nito noong makita kong palapit sa kanya.

“Paano itong si Gabby biglang kumalam ang sikmura kaya nag hanap kami ng bukas na kainan. Bakit ginagabi ka yata ng uwi?” tanong ko naman.

“Oo nga tol eh, na delay kasi yung flight pabalik dito siyudad kaya ginabi ako. Tulad ng dati ay absent nanaman ako sa first day ng klase.” natatawang wika nito.

“Ayos lang, wala namang ginawa eh. Nag sermon lang si Sir Espanyol buong mag hapon. Swerte ka pa nga dahil wala ka. Atleast naka ligtas yung tenga mo sa seremonyas nya.” natatawa ko ring tugon

“Nga pala tol, para sa inyo ni Gabby. Heto.” wika ni Rycen sabay abot ng isang paper bag na may lamang mga candy. “Mga durian candy yan, makapuno at pastillas galing doon sa probinsya namin. Sana magustuhan nyo.”

“Wow, salamat bro. Syempre naman basta pag kain ay magugustuhan nitong si Gabby.” tugon ko.

“Sobra ka naman, pero mukhang masarap nga iyan. Akin na ako na mag hahawakan. Mahirap na baka di ko makain ito at ipreserve nanaman nitong si Jopet. Ibabalot ng makapal na plastic at kakausapin mag damag.” ang madaldal na salita nito dahilan para takpan ko ang kanyang bibig sabay batok.

“Arekupp.”

“Ha? preserve? Anong ibig mong sabihin Gab? Saka sinong kinakausap ni Jopet mag damag?” tanong ni Rycen na may halong pag tataka.

Naalala ko tuloy yung bubble gum na bazooka joe na ibinalot ko ng makapal na plastic at buong mag damag ko itong kinakausap.

“Ah e ang ibig sabihin ni Gabby ay mas masarap itong mga candy kapag iprineserve sa loob ng ref. Pero kailangan balutin ng makapal na plastic para hindi lumambot. Tungkol naman doon sa kinakausap buong mag damag ay actually kami ni Gabby iyon, kesa magutom sya at kumain nag kkwentuhan nalang kami para malibang siya.” naka ngiti kong sagot habang si Gabby naman ay napapakunot ang noo.

“Ah ganoon ba tol, akala ko ay gagawin mong ganoon sa bubble gum na bazooka, naka balot ng makapal na plastic at lagi mong kinakausap kapag nag isa ka. Yung nasa pitaka mo parati. Ako pa yata ang nag bigay noong candy na iyon. Bakit di mo kinain?” ang tanong nito na may halong matinding pag tataka.

BASAG!!

Ngii, nakakahiya..

“Ahh eh, ginamit ko kasi iyon sa laboratory natin. Ahh e tiningnan ko kung paano mabubuhay ang microbes sa loob ng bubble gum. At tsaka mataas ang nakuha kong score doon kaya lagi kong kinakausap pampaswerte.” palusot ko na pinag papawisan ng malapot bagamat naka ngiti ako.

Napakamot ng ulo si Rycen at ngumiti ito. “Absent siguro ako nung ginawa iyan. Pero anyway masarap iyang mga kakanin na binigay ko. Sana magustuhan nyo. Paano mga bro papasok na ko sa loob at baka pag saraduhan ako ng landlord namin. Goodnight, see you bukas.” pag papa alam nito.

“Goodnight din. See you.” pag papa alam namin.

Muli kaming lumakad ni Gabby pabalik ng dorm, yakap niya ang paper bag at ako naman ay tila lumulutang sa alapaap dahil biglang nabuo ang gabi ko sa pag kaka kita ko kay Rycen. Mukhang marami raming akong ibabalot mamaya pag dating ko, at marami rin ako kakausapin. Hehe Joke lang..

Basta..

Masaya ako ngayon gabi..

itutuloy..

Imbisibol Part 17

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Aug 19, 2016

Part 17

Sa pag daan ng mga linggo ay naging abala ang lahat sa pag pasa ng mga requirements. Pinaulanan din kami ni Sir Espanyol ng katakot takot na quizes at activities na talaga naman sumubok sa aming mga kakayahan. Syempre ay hindi naman ako nag pasindak sa mga challenges na iyon lalo’t nag doble kayod ako para matulungan din Rycen at Gabby sa iba pang projects.

Para nga daw dumaan sa butas ng karayom ang lahat ng graduating students ngayon taon dahil sa dami ng requirements na pinapasa sa bawat subjects. Pinaka mahirap ang mga report paper dahil ayaw naman nilang tumanggap ng hand written. Kaya ayun naka pila kami sa pag gamit ng type writer yung iba naman ang lalakad sa bayan para maki gamit ng mga personal computer na may kamahalan ang renta at pag papa gawa.

Nakikita ko rin naman ang effort ni Rycen dahil kahit madaling araw na ay nag susulat pa rin ito para mairaos ang kanyang mga task sa ibang subjects. Talagang pursigido rin siya na maipasa ang lahat para maka akyat sa darating na Marso.

“Arekuupp ang sakit sa likod..” wika nito sabay bagsak ng katawan sa kama ko. Dito kami gumagawa ng projects sa silid namin ni Gabby.

“Oo nga e, ewan ko ba naman dyan sa mga teacher natin kung ano anong ka ek ekan ang pinagagawa eh itatambak lang naman nila ito doon sa bodega.” pag mamaktol ni Gabby.

“Ganoon talaga, pinapahirapan nila tayo dahil alam nilang kaya natin. Pebrero na, kaunting tiis nalang at makakaraos din tayo.” sagot ko naman sabay inom ng kape.

“Malapit na rin ang year ender party ng campus. Parang graduation ball ito para sa mga senior.” wika ni Rycen

“Graduation ball? Ano naman ang eksena doon?” tanong ko naman.

“Sayawan, kantahan. Party party.” sagot ni Rycen.

“Sayawan? Eh paano kapag sweet dances? Alangan namang mag sayaw ang dalawang lalaki ng ganoon?” tanong ni Gabby.

“Syempre ay hindi. Ang lahat papayagang mag dala ng kapareha sa ball. Pwede tayong mag dala ng girlfriend o ng kamag anak, kapatid na babae doon. Bubuksan nila ang campus para sa mga girls.” naka ngising wika ni Rycen

“Nakupp. Wala akong paki dyan. Basta ako ay kakain ng maraming marami!” hirit ni Gabby sabay sara ng pinto sa banyo.

“Pipili rin sila ng King of the night, para sa pinaka presentable at gwapong mag aaral doon sa ball.” dagdag pa ni Rycen.

“Hoping pa si Jopet na makuha iyan. Lalong imposible sa amin iyan.” ang muling hirit ni Gabby na nakalawit ang ulo sa banyo.

“Taena, isarado mo nga yan. Ang baho. Amoy tae ng baboy!” ang sigaw ko naman sa bato ng unan dito.

“Ikaw na nga lang nakiki amoy, ikaw pa tong galit”

tawanan..

Pero bigla rin akong sumeryoso..

“Oh bakit bigla kang natahimik Jop?” puna ni Rycen.

“Wala, eh hindi nalang ako aattend dyan sa graduation ball, sino naman ang makikipag sayaw sa akin. Tiyak na magiging bulaklak lang ako sa pader.” sagot ko.

Natawa ito at ngumiti sa akin habang naka higa. “Isasayaw kita kapag walang nag sayaw sa iyo tol. Promise.. Seryoso ako. Kahit mag tawa pa sila.”

“Loko ka talaga.” natatawa kong tugon.

“Seryoso ako tol. Isasayaw kita kapag walang nakipag sayaw sa iyo. Hindi hahayaang maging bulaklak sa pader ang best friend ko.” sagot nya sabay bitiw ng matamis na ngiti. “Pangako iyan!”

“Ewan ko sayo. Puro kalokohan ang nasa isip mo.” kunwaring pag tutol ko bagamat kinikilig ako sa mga sinasabi nya. Ayoko rin namang tutulan eh, kahit alam kong imposible yon. Sakyan nalang sige.

“Pangako nga tol.”

“Sige ha. Promise mo yan. Pag hindi ay mag tatampo talaga ako.” biro ko naman sabay tawa ng malakas.

Tawanan ulit..

Maayos naming natapos ang lahat ng requirements sa ibat ibang subjects. Bagamat na mistulan kaming mga zombie sa tindi ng eyebags ay worth it naman dahil makakahinga na kami ng maluwag. At lalo kaming natuwa noong iaapprove ang aming mga paper works lalong lalo na si Rycen na abot tenga ang ngiti noong makapasa bagamat umuulan ng 80, 81, 79 at 83 ang total grades nya. “Wooo ayos na ayos na yan! Sure na ggraduate ako!!” ang malakas na sigaw nito sa buong hallway.

At tatlong linggo bago sumapit ang graduation ay inilabas naman ni Mr. Espanyol ang “partial list” ng mga mag aaral na naka complete ng requirements at siguradong aakyat sa graduation. Tulad ng inaasahan ay pasok kami nina Rycen at Gabby sa listahan kaya naman abot langit ang tuwa namin noong ibinalita ito sa aming mga magulang sa probinsya.

“Teka asan ba si Rycen? Baka hinimatay na iyon sa matinding tuwa.” ang natatawang hirit ni Gabby habang nag lalakad sa hallway.

“Malamang nasa locker room, nag papalit ng damit, may practice game sila mamaya ng volleyball doon sa gym.” sagot ko.

“Edi tayo na sa gym para makapanood. Icheer natin sya!” pag yaya ni Gabby sabay hatak sa akin patungo sa likod ng campus.

Masaya kaming nag lakad ni Gabby patungo doon. Para bang lumulutang kami sa ika pitong alapaap. Walang stress at walang iniisip na requirements. Goodbye exam, quizes at activities. Ganito pala ang feeling mga graduating student, nakaka proud sa sarili at nakapag bibigay ng self confidence.

Habang nasa ganoong pag lalakad kami ni Gabby at may narinig kaming tawanan sa isang bakanteng kwarto sa pinaka dulo ng eskwelahan. Pamilyar ang mga boses na iyon. “Eh akala ko ba may practice si Rycen? Eh bakit nandoon yung mga kolokoy sa bakanteng silid na ang tatawanan.” ang wika ni Gabby kaya naman marahan kaming nag tungo doon upang silipin ang eksena ng mga loko lokong ka klase namin.

Sumilip kami sa sirang bintana at doon nakita namin na nag iinuman ang mga ito. Naka sampay ang mga polo sa balikat at isa isang tumatagay. Nandoon din si Rycen na namumula na sa kalasingan. “Kainitan Gin ang iniinom? Mga sunog baga pala yang mga kaibigan ni mokong.” bulong ni Gabby.

“Wag kang maingay, baka makita tayo e ibully nanaman tayo ng mga iyan. Mga lasing pa naman.” bulong ko naman.

Patuloy ang kasiyahan ng mag kakaibigan sa loob. Nag tataka lang ako kung paano pa sila nakakapag saya kung si Rycen lang naman ang sure na ggraduate sa kanilang grupo. Lahat kasi ng mga pasaway na kolokoy na ito ay kulang ang requirements kaya’t bilang pambawi ay mag tatake sila exam para mahatak ang points nila sa kota ng passing. Sa halip na mag sunog ng kilay sa pag aaral ay nandito sila at nag susunog ng baga sa bisyo. Tsk tsk very bad.

“Cheers! Para kay Pareng Rycen! Congrats sure na ang pag graduate mo.!” ang wika ng isa sa kaibigan niyang lasing at sabay sabay nanaman silang uminom.

“Oo nga, kahusay ni Pareng Rycen. Mahusay dumiskarte. Ilang timbang tamod ba pina inom mo dyan kay Jopet para tulungan ka? Matyaga ka ring mag pa ikot ng bakla sa kamay eh.” ang salita ng isa na parang masusuka na sa tindi ng kalasingan.

Tawanan ang grupo.

Rycen ay nakikitawa rin.

“Tapatin mo nga kami pare, karelasyon mo ba si Jopet?” tanong pa ng mga ito.

Natawa si Rycen sabay inom. “Kaibigan ko lang yon.” sagot nito.

“Putakte, pipili ka lang ng kaibigan dun pa sa cast ng winnie the pooh. Isang Gabboy at isang Jopkla. Chinupa kana ba ni Jopet? O baka tinira mo na sya?” ang wika ng isa pa dahilan para unti unting mag init ang dugo ko.

“Tarantado. Ni hindi ko papatulan yong si Jopet. Hindi pa ko nababaliw para mag kagusto sa kanya.” sagot ni Rycen na parang karayom na tumusok sa aking dibdib.

Matindi na ang kalasingan nito at halos maging kulay mansanas na ang mukha.

“Eh kung wala ay bakit simula nung 2nd year tayo ay naka sama kana sa kanya? Biruin mo lahat ng quiz, project at requirements ay naipasa mo dahil tinutulungan ka nya. Kung wala yung baklang iyon malamang ay sama sama tayong nasa impyerno ngayon. Ibang klase ka rin pareng Rycen. Ang tindi ng kamandag mo sa bakla.” hirit pa ng isa.

“Alam mo naman tong si Utol ko, matalino to. GANAMIT si Jopet para maka graduate. Habang nakikipag sex kami sa mga babae sa labas si Jopkla naman ay napupuyat kakagawa ng assignment. Hindi nya alam yung crush nyang si Rycen ay naka baon sa tunay na petchay.” hirit din ng isang kaibigan nya habang naka akbay dito.

“GWAPO EH.” ang sagot ni Rycen sabay lagay ng kamay sa baba na ala thats my boy.

Tawanan ang lahat..

Ako naman ay halos atakihin sa puso dahil sa matinding galit, sama ng loob at lungkot dahil sa mga narinig ko. Ayokong isipin na ginamit lang ako ni Rycen dahil buong puso akong tumulong at gumabay sa kanya. Ibang klaseng sakit ang lumukob sa aking pag katao noong mga sandaling iyon. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at tumalikod sa kanila ng biglang sipain ni Gabby ang bintana dahil para masira ito.

Natahimik ang lahat at nagulat noong makitang nakatayo kami sa labas.

“Mga gago! Ang akala nyo ba ay hindi namin naririnig ang mga sinasabi nyo? Ang kapal ng mukha mo Rycen, nag sisisi ako na naging kaibigan kita. Ang pag susunog nyo ng baga nito sa loob ng campus ay makakarating kay Mr. Espanyol at head! Tingnan natin kung maka graduate pa kayo.” galit na sigaw ni Gabby.

Kitang kita ko sa mata ni Rycen ang matinding pag kagulat. Parang nawala ang kalasingan nito noong makitang umiiyak ako habang naka tingin sa kanya. Mabilis itong tumayo upang lapitan kami ni Gabby “Tol, bakit umiiyak ka? May problema ba?” ang tanong nito na parang isang inosente tupa.

“Mas makabubuti kung huwag ka nang lalapit dito. Baka kung ano pang magawa ko sayo. Salamat sa pang gagamit mo sakin. Matalino ka nga katulad ng mga kaibigan mong masahol pa sa hayop kung mag isip laban sa kapwa nila. Ganyan naman talaga kayong makikitid ang utak, kapag ginawan kayo ng mabuti ay tiyak na pag dududahan nyo. Dahil walang laman ang utak nyo kundi puro kasamaan sa kapwa. Mainam pang gawan namin kayo ng masama baka sakaling purihin nyo kami at katuwaan dahil doon kayo nasanay. Mga astig nga kayo at matitikas na parang mga mayayabang na aso pero ang totoo noon ay bahag naman ang inyong mga buntot. Mas nanaisin ko pang maging ganito kaysa maging katulad nyo na pilit isinusuka ng paaralang ito.” ang wika ko sabay talikod at mabilis nag lakad palayo sa kanila

“Subukan nyong lumapit, malilintakan kayo sakin!” galit na sigaw ni Gabby sabay balibag ng hawak na kahoy sa kanilang harapan. “Walang isa man sa inyo ang may karapatang pintasan kami batay sa anyo namin dahil para samin ay mas masahol pa kayo sa mga garapata at linta. Mga parasite! Dumedepende sa iba para mabuhay!”

Bumalik ako sa dorm at doon ay hindi ko naiwasang umiyak. Mabigat na mabigat ang aking kalooban dahil sa mga pamimintas na sinabi ng mga kaibigan ni Rycen. Hindi ko na alam kung anong parte doon ang masakit. Basta lahat ng kataga nila ay parang patalim na humihiwa sa aking dibdib at wala akong nagawa kundi ang saluhin ito isa isa.

Mahal ko si Rycen at mahalaga siya akin. Alam kong may pag kakataon na ginagamit lang niya ako pero pilit kong iwinawaglit iyon sa aking isipan dahil gusto kong makatulong sa kanya. Gusto kong mag kakasabay kami ggraduate nila Gabby kaya’t lahat ay ginawa ko para isalba siya sa kanyang pag aaral sa kabila ng pagiging mahina ng ulo niya.

Hindi ko na alam kung ilang minuto akong umiiyak. Basta ang alam ko ay masakit na aking mata at doon din ang aking dibdib. “Umiiyak ka pa rin? Tama na nga iyan.” pag bawal ni Gabby noong pumasok ito sa silid bitbit ang mga chocolate at snacks.

“Ginamit lang nya ko. Ang tanga tanga ko.” ang pag iyak ko.

“Ang sabi ng mga kabarkada nya ay ginamit ka lang niya. Pero kahit balikan mo yung eksena kanina, walang sinabi si Rycen na ginamit ka lang niya kahit lasing ito. Ang sabi nya GWAPO EH” ang wika ni Gabby.

“Kahit na, masakit din iyon sa akin.” ang pag iyak ko pa.

“Alin? Yung sabihin ginamit ka lang ni Rycen?” ang tanong nito.

“Yung sabihin mga panget tayo! Gabboy at Jopkla? Anong klaseng mga salita iyon. Parang mga hindi nag aral.” galit kong sagot sabay hatak sa mga pag kaing dala nito.

“Nga pala, dinala na sa office yung mga kolokoy na nag inuman doon sa likod ng campus kanina. Pero syempre ay hindi ko isinama si Rycen. Itinago ko nga siya doon sa silid nila Dan Manuel at pinag takpan ko siya.” ang wika ni Gabby.

“Oh bakit mo pinag takpan yung tarantadong iyon? Dapat ay isinama mo na rin sya para mag tanda!”

“Haller, kapag sinama ko siya ay baka bawiin ang desisyon na ggraduate siya edi nabale wala ang tatlong taong pag gamit nya sayo este pag hihirap mo pala. Effort mo iyon kaya isinalba ko sya.” ang wika ni Gabby sabay kain. “Medyo makapal ang mukha ng taong iyon pero kaibigan pa rin natin sya. May pinag samahan tayo kahit paano.”

“Basta bahala na siya sa buhay nya. Nagawa ko na ang parte ko na itapak siya sa graduation. The rest? Its up to him.” ang wika ko.

“Aba, parang magulang na iginapang ang anak para makagraduate ah.” biro nito

“Ang mga magulang niya ang nag taguyod sa kanya pero ako naman ang nag aral para sa kanya. Basta, wala na kong paki alam pa.” sagot ko

“So hindi mo na mapapatawad si papa RP?” tanong nito

“RIP sa kanya!” ang galit kong tugon.

“Rest in peace na talaga? Wala nang ILY?” hirit na tanong nito.

“WALA!! Kung pwede ko lang ulitin ang lahat.. Sana ay mas naging mas matalino ako. Sana ay mas ginamit ko pa ang utak ko at hindi ang puso. Sana ay hindi ako naging boplax edi sana hindi ako naka nga nga ngayon.” pag iyak ko sabay takip ng kumot sa aking mukha.

“At sana hindi mo rin kinain yung mga curly tops at cloud 9 ko. Sa akin yon eh.” ang wika rin nito

Noong mga sandaling iyon ay ibayong galit ang lumukob sa aking pag katao. Hindi pa naman ako yung tipo ng tao na madaling suyuin. Kapag nag tatampo ako kina mama at papa ay hindi ako basta basta napapa amo. Marahil iyon ang katangian ko bilang isang solong anak. May pag ka spoiled at malala kung mag tampo.

Lahat ng subjects sa high school ay napag aralan ko na. Siguro ay pag kakataon naman na pag aralan ko kung paano aalisin si Rycen sa aking buhay..

itutuloy..

Imbisibol Part 18

Imbisibol

AiTenshi

Aug 19, 2016

Part 18

Naging ordinaryo sa akin ang bawat araw na dumaraan. Nag focus nalang ako sa pag aasikaso ng clearance ko para sa darating na graduation. Iniwasan ko na rin si Rycen at ang mga kaibigan niya bagamat labag sa aking kalooban ang bagay na iyon. Siya ang nag papasaya sa akin, siya rin ang bumubuo sa aking araw at siya rin ang aking inspirasyon. Pero ngayon ay iba ang sitwasyon dahil unti unti ko nang pinag aaralan na alisin siya sa aking buhay. Yung mga bagay na nakasanayan ko ay pilit kong binabago at tinatakasan.

May mga oras na nag kaka salubong kami ni Rycen sa classroom, sa hallway at sa canteen ngunit iniiwasan ko ito o kaya hindi kakausapin. Minsan naman ay nakikita ko siyang naka titig sa akin habang nangungusap ang mga mata na para bang isang maamong tuta ngunit hindi ko naman ako nahuhulog sa mga tingin niyang nakaka lusaw. Basta kunwari ay wala akong nakikita.

Kung tutuusin ay wala naman na siyang kailangan sa akin dahil halos tapos na ang school year. Wala nang projects, quiz o requirements kaya’t hindi na nya kailangan pang manuyo para matulungan ko siya. Tapos na rin ako sa mga pang huhusga ng kaibigan nya kaya’t mas mainam pang ganito nalang kami. Mas tahimik at walang sakitan.

“Abah, mukhang seryos ka dyan sa pag iwas mo kay Rycen ha. Biruin mo 1 week mo na siyang dinededma at binabale wala. Talagang kinareer mo pag layo para hindi ka lang masabihin na maagang bumibigay no?” ang pang aasar ni Gabby.

“Wala naman na siyang kailangan sa akin. Ang ibig kong sabihin ay tapos na ang pang gagamit niya. Tapos na ang projects, quizes at exams.” sagot ko naman

“Naku, nag iinarte ka nalang Jopet. At tapos na rin ang pagiging espesyal nya sa mata mo ganoon ba?”

Natingin ako sa kanya at hindi agad nakasagot. Para bunusalan ng kung ano ang aking bibig. “Eh ewan ko. Baka after shock nalang itong nararamdaman ko.”

“After shock? Ano iyan lindol? Naku tigilan mo nga ako Jopet. Pansinin mo na si Rycen dahil balita ko ay madalas itong mag lasing at umaalis pa ng dorm sa hating gabi.”

“Oh anong kinalaman ko doon? Malaki na sya. Alam nya ang ginagawa niya.”

“Oo nga naman. Pero malamang ikaw ang dahilan ng kalungkutan niya. Gusto mo ba siyang nakikitang nag susuffer ng ganoon?”

“Basta bahala na siya. Kung anong pakulo nanaman iyang pag lalasing niya. Wala na siyang makukuha sa akin. Said na said na ko! Wala na kong maibibigay sa kanya.”

“Abah, may ganoong drama? Ano ka rape victim? Kung mag salita ka ay parang na gang bang ka ng mga barkada ni Rycen ah. Tigilan mo nga ako Jopet. Umayos ka. Alalahanin mong dalawang linggo nalang ay Graduation na. Huwag mong bahiran ng sama ng loob ang pag tatapos natin. Alam kong hindi rin siya magiging masaya sa graduation dahil ang taong dahilan ng pag survive nya dito sa campus ay may galit sa kanya. Mabigat sa damdamin iyon Jopet.”

Natahimik ako sa mga sinabi ni Gabby. Pakiramdam ko ba ay hinataw ako ng matigas na bagay sa aking ulo dahilan para hindi ako maka sagot agad. May tampo kay Rycen at hindi naman basta basta mawawala ito. Kahit sino naman ay masasaktan sa mga salitang narinig ko, hindi tamang husgahan nila ang aking pag katao batay sa pag bibigay ko ng kabutihan sa iba. Nakakasama talaga ang loob iyon.

Dalawang linggo nalang at sasapit na ang araw ng aming graduation. Noong mga sandaling iyon hindi ko na nasilayan si Rycen sa campus. Ang sabi ng ibang ka dorm niya parating itong umaalis at umuuwi ng hating gabi. Minsan lasing at minsan ay wala sa sarili. Nais ko sana itong kausapin ngunit halos dalawang araw ko na siyang hindi nakikita.

Tuwing hapon ay tumatambay ako sa Gym, baka sakaling mapadpad sya doon pero wala pa rin kaya naman ibayong lungkot at pag aalala lang ang lumukob sa aking pag katao.

“Mukhang malalim ang iniisip mo John Peter?” ang tanong ni Sir Espanyol noong makitang nag iisa akong naka upo sa bleacher.

“Hindi naman po sir” ang sagot ko sabay bitiw ng hilaw na ngiti.

“Hinahanap mo ba si Rycen?” ang tanong niya na aking ikinagulat. Syempre mag dedeny naman ako kahit bulls eye na sya sa target. “Hindi po sir, bakit ko naman hahanapin yung gagong iyon.”

“Jopet, ako pa ba adviser mo ay pag lilihiman mo? Matagal ko nang alam na may something ka kay Rycen. Kaya pinag palagpas ko yung mga quizes at exam niyong mag kamukha. Alam mo ba na may isang pangyayari pa na nakopya ni Mr. Lacsamana yung pangalan mo? Pero sa halip na magalit ako ay natawa nalang ako. At isa pa ay hindi ako naniniwalang magagawa niya ang mga projects sa math at physics. Alam kong ikaw ang gumawa noon para sa kanya. Rycen cannot survive without you.” wika nito.

Para naman akong sinabuyan ng malamig na tubig sa mukha noong mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa mga sinabi ni Sir Espanyol. “Galit po ba kayo sa akin sir? Sorry po.. Minsan kasi ay nakakalimutan kong pairalin ang utak ko.”

“Hahaha, ayos lang iyon. Ang totoo nun ay nakikita ko sayo ang aking sarili noong kabataan ko. Ganyang ganyan din ako noong unang makaranas ng pag ibig. Lahat ay ginawa ko para sa taong iyon, taga gawa ng assignments, project at pati taga bitbit ng gamit nya ay pinasok ko na rin para lang mapansin nya ako. Pero sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin akong imbisibol sa kanyang mga mata.

Ilang taon din akong naging anino nya hanggang sa nag tapos ang klase at hindi ko na siya nakita pa. Ang pinaka malaking regret ko ay hindi ko nasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay pinag sisihan ko pa rin iyon.“ salaysay ng aking guro.

“Eh nasaan na po siya ngayon sir?” tanong ko naman.

“Ewan ko ba, ang alam ko ay nasa ibang bansa na siya kasama ang kanyang asawa at mga anak.” sagot nito habang naka tanaw sa kalayuan.

“Ikinalulungkot ko po.” tugon ko naman.

“Wala iyon Jopet. Ang mahalaga ay may oras ka pa at panahon upang masabi ang tunay mong damdamin para sa kanya. Huwag kang matakot sa rejection dahil parte ito ng buhay. Alalahanin mong mas mahirap pag sisihan ang mga bagay na hindi mo nagawa habang may pag kakataon ka pa.” naka ngiting wika nito.

“Tama ka doon sir. P-pero paano?” tanong ko ulit.

“Kailangan mo lang ay perfect place at perfect timing. Oh paano babalik na ako sa faculty room.” naka ngiting tugon nito sabay baba sa bleacher. “Goodluck Mr. Guzman.”

“Sir.. Salamat po.” pahabol ko.

“Wala iyon John Peter. Congratulations nga pala.” ang huling wika nito sabay bitiw ng makahulugang ngiti.

“S-salamat po sir.” ang sagot ko sabay kaway dito.

Ilang minuto rin akong nag abang sa pag sulpot ni Rycen sa gym ngunit bigo akong makita ito kaya naman muli akong nag lakad pabalik sa hallway at sa mga lugar na tinatambayan niya ngunit wala pa rin.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapadpad ako sa dorm nila at doon ay pasimple akong nagtanong sa mga kasamahan niya doon. Iyon nga lang dahil wala ni isa sa kanila ang nakapansin dito.

Tila yata habang tumatagal ang mga sandali na hindi ko siya nakikita ay kumikirot ang aking dibdib. May tampo ako sa kanya ngunit aminado naman ako na hindi ko siya kayang tiisin. Ngayon ay daig pa namin ang nag lalaro ng taguan dahil noong nakalipas na araw ang umiiwas sa kanya upang mawala sa kanyang paningin. Ngayon, siya naman ang nawawala sa aking mga mata. Nakaka panuya kung iyong iisipin.

Matagal tagal din akong nag lalakad hanggang sa namalayan ko nalang na nasa labas na ako ng campus. Hindi naman ganoon kaalinsangan ang panahon kaya naman nag pasya akong mag tungo sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.

Marami akong nakakasalubong na tao sa aking dinaraanan. Ngunit sa kabila nito ay nakakaramdam pa rin ako ng matinding pag iisa. Pakiwari ko ba ay ako lamang ang kaisa isang nag lalakad sa gilid ng kalsada. Ewan, nalulungkot lang ako kapag naiisip kong sa bilyon bilyong tao sa mundo, wala ni isa ang sumubok na lumakad kasama ko. Nakaka durog lamang ng puso kung iyong iisipin.

Halos ilang minuto rin akong palakad lakad sa gilid ng kalsada hanggang matagpuan ko sina Rycen at ang kaibigan niya sa isang botika ng damit. Nag tatawanan ang mga ito at mukhang masayang masaya habang isinusukat ang mga polo at pantalon sa kanilang katawan. Si Rycen naman ay naka upo lang sa sofa at ngiti sa kanilang ginagawang kalokohan. Kapansin pansin din ang grupo ng mga babaeng kasing edad namin ang nandoon sa loob at nakikipag kulitan sa mga kolokoy. Iba ang kanilang suot na uniporme. Marahil ay mga kapareha nila ang mga ito sa darating na graduation ball.

Samantala, lumapit kay Rycen yung isang girl at kumandong ito sabay halik sa kanyang pisngi. Yung tipong kukuha lang kapareha para sa isang party ay naka jackpot pa siya ng linta. Lintik kung dumikit..

“Oyy Jopet, kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala.” wika ni Gabby sa aking likuran.

“May kailangan ka ba Gab?” tanong ko naman habang nakatingin pa rin sa loob ng botika ng damit.

“Meron, ikaw.. Halika na doon sa dorm. Huwag mo nang pansinin yang mga kolokoy na iyan. Alam mo ba na grupo nila ay niligawan yang mga babaeng rattle snake na iyan doon sa kabilang campus para lang may masabing kapareha sila sa graduation ball. Nakupp, napasubo na kasi iyang mga kolokoy dahil pinag kakalat nila na dadalhin nila yung mga girlfriends nila sa party.” paliwanag ni Jopet.

“Ganoon ba? Pati si Rycen?” tanong ko habang nakatingin sa kinaroroonan ng binata na may kandong na babaeng malaki ang boobs.

“Syempre ay nakikisama lang yang si Rycen sa mga kaberks nya. Pero infairness ha malaki ang suso ng babae na iyan.” bulong ni Gabby.

“Ganyan din kalaki yung hinaharap ng ex nya.” sagot ko naman.

“Naku mahilig yata iyang si mokong sa mga malalaki ang hinaharap. Naku Jopet, wala kang laban dyan. Umuwi na tayo.” ang wika nito sabay hitak sa akin.

“Teka saan ba tayo pupunta?”

“Edi babalik sa dorm. Nag padala sina mama at papa ng mga damit na maaari natin isuot sa ball. Tara isukat natin.”

“Eh ayoko Gab, hindi na ako aattend sa ball. Ikaw nalang.”

“Jopet ang graduation ball ay para sa atin. Kaya aattend tayo sa ayaw at sa ayaw mo.”

“Eh wala naman tayong kapartner. Tiyak na magiging bulaklak lang tayo sa pader.”

“Hindi mangyayari iyon hangga’t may pagkain sa paligid. Iyon ang makakapag ligtas sa atin sa tiyak na lungkot at kasawian. Sayang din yung food sa menu kaya aattend tayo.” pag pupumilit nito.

Wala naman akong magawa kundi ang mapailing nalang habang binabalikan yung mga sinabi ni Rycen sa akin noon tungkol sa pag sasayaw.

FLASH BACK

“Malapit na rin ang year ender party ng campus. Parang graduation ball ito para sa mga senior.” wika ni Rycen

“Graduation ball? Ano naman ang eksena doon?” tanong ko naman.

“Sayawan, kantahan. Party party.” sagot ni Rycen.

“Sayawan? Eh paano kapag sweet dances? Alangan namang mag sayaw ang dalawang lalaki ng ganoon?” tanong ni Gabby.

“Syempre ay hindi. Ang lahat papayagang mag dala ng kapareha sa ball. Pwede tayong mag dala ng girlfriend o ng kamag anak, kapatid na babae doon. Bubuksan nila ang campus para sa mga girls.” naka ngising wika ni Rycen

“Nakupp. Wala akong paki dyan. Basta ako ay kakain ng maraming marami!” hirit ni Gabby sabay sara ng pinto sa banyo.

“Pipili rin sila ng King of the night, para sa pinaka presentable at gwapong mag aaral doon sa ball.” dagdag pa ni Rycen.

“Hoping pa si Jopet na makuha iyan. Lalong imposible sa amin iyan.” ang muling hirit ni Gabby na nakalawit ang ulo sa banyo.

“Taena, isarado mo nga yan. Ang baho. Amoy tae ng baboy!” ang sigaw ko naman sa bato ng unan dito.

“Ikaw na nga lang nakiki amoy, ikaw pa tong galit”

tawanan..

Pero bigla rin akong sumeryoso..

“Oh bakit bigla kang natahimik Jop?” puna ni Rycen.

“Wala, eh hindi nalang ako aattend dyan sa graduation ball, sino naman ang makikipag sayaw sa akin. Tiyak na magiging bulaklak lang ako sa pader.” sagot ko.

Natawa ito at ngumiti sa akin habang naka higa. “Isasayaw kita kapag walang nag sayaw sa iyo tol. Promise.. Seryoso ako. Kahit mag tawa pa sila.”

“Loko ka talaga.” natatawa kong tugon.

“Seryoso ako tol. Isasayaw kita kapag walang nakipag sayaw sa iyo. Hindi hahayaang maging bulaklak sa pader ang best friend ko.” sagot nya sabay bitiw ng matamis na ngiti. “Pangako iyan!”

“Ewan ko sayo. Puro kalokohan ang nasa isip mo.” kunwaring pag tutol ko bagamat kinikilig ako sa mga sinasabi nya. Ayoko rin namang tutulan eh, kahit alam kong imposible yon. Sakyan nalang sige.

“Pangako nga tol.”

“Sige ha. Promise mo yan. Pag hindi ay mag tatampo talaga ako.” biro ko naman sabay tawa ng malakas.

ERASE ERASE!!

Aasa pa ako. Alam ko namang imposibleng mangyari iyon dahil tunay na lalaki si Rycen. Hindi sya makikipag sayaw sa lalaki din. Alangan naman na tumayo kaming dalawa doon sa bulwagan at mag sayaw ng love song habang mag kayakap. Ni sa bangungot ay hinding hindi mangyayari iyon.

Kaya mas mainam na kalimutan ko na lamang yung mga sinabi niyang iyon. Hindi ko naman deserve masaktan ng taong hindi maaaring maging akin.

itutuloy..

Imbisibol Part 19

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Author’s note: Ang kwento kong ito ay naka base sa karanasan ng nakararami. Maaaring makarelate ka o hindi. Kung nagustuhan mo ay salamat. Kung hindi naman, maaari mong itigil ang pag babasa. Ang pag susulat naman ay libangan ko lang. Kung may mag basa man o wala ng gawa ko ay walang problema sakin. Never akong nag promote ng story, wala akong balak mag pasikat. Basta masaya akong mag sulat..

Ito ang parte ng pag katao na hinding hindi mawawala.


Imbisibol

AiTenshi

Aug 22, 2016

Part 19

“Jopet, mas maganda siguro kung itong pulang long sleeves ang isuot mo mamaya. Para mapansin ka ng mga tao doon sa ball.” mungkahi ni Gabby

“Hindi na. Dalawa lang naman ang maaaring maganap sa atin mamaya. Maging bulaklak sa pader o maging parang isang bato. Nag eexist sa paligid pero hindi napapansin.” tugon ko.

“Ang nega mo naman kasing mag isip. Hanggang ngayon ba ay talunan pa rin ang tingin mo sa iyong sarili?” tanong nito na may halong pag kainis

“Minsan.. pero nakakasanayan ko na rin. Nag eenjoy na nga akong maging loser.” sarcastic kong tugon.

“Malala ka na nga Jopet. Epekto ba iyan ng Rycen Paul Syndrome? Parang dati lang ay inspired na inspired ka. Ngayon naman, kulang nalang ay mag tago ka sa bahay ng suso.”

“May nag bago lang sa akin. Kasama na doon yung nararamdaman ko” sagot ko naman sabay higa sa kama.

“O sya, kung sakaling mag bago ang isip mo ay nandito lang damit sa cabinet. Pupunta lang ako sa campus upang tumulong kila sir Espanyol sa pag aayos ng venue.” pag papa alam nito sabay labas ng silid.

Ako naman ay naiwan lang na nakahiga at malalim ang iniisip..

Halos isang linggo nalang pala at tuluyan ng matatapos ang buhay senior ko. Ito ang pinaka huling sabado ng aming pagiging high school. Lahat ay nag bago, ang damdamin ko nalang ang hindi. Tiniis kong huwag kausapin si Rycen dahil galit ako, “o sige nag tatampo ako.” Pakiwari ko ay niloko nya ako at naging dahilan ito ng aking malalim na kalungkutan.

Bumabalik lamang sa aking isipan yung eksena doon sa lumang classroom kung saan hinusgahan nila ako batay sa kabutihan ko.

FLASH BACK.

“Putakte, pipili ka lang ng kaibigan dun pa sa cast ng winnie the pooh. Isang Gabboy at isang Jopkla. Chinupa kana ba ni Jopet? O baka tinira mo na sya?” ang wika ng isa pa dahilan para unti unting mag init ang dugo ko.

“Tarantado. Ni hindi ko papatulan yong si Jopet. Hindi pa ko nababaliw para mag kagusto sa kanya.” sagot ni Rycen na parang karayom na tumusok sa aking dibdib.

Matindi na ang kalasingan nito at halos maging kulay mansanas na ang mukha.

“Eh kung wala ay bakit simula nung 2nd year tayo ay naka sama kana sa kanya? Biruin mo lahat ng quiz, project at requirements ay naipasa mo dahil tinutulungan ka nya. Kung wala yung baklang iyon malamang ay sama sama tayong nasa impyerno ngayon. Ibang klase ka rin pareng Rycen. Ang tindi ng kamandag mo sa bakla.” hirit pa ng isa.

“Alam mo naman tong si Utol ko, matalino to. GANAMIT si Jopet para maka graduate. Habang nakikipag sex kami sa mga babae sa labas si Jopkla naman ay napupuyat kakagawa ng assignment. Hindi nya alam yung crush nyang si Rycen ay naka baon sa tunay na petchay.” hirit din ng isang kaibigan nya habang naka akbay dito.

“GWAPO EH.” ang sagot ni Rycen sabay lagay ng kamay sa baba na ala thats my boy.

Tawanan ang lahat..

“Gwapo daw siya! ni hindi man lang ako nagawang ipag tanggol sa harap ng mga kaibigan niyang sunog baga.” pag mamaktol ko sa aking sarili habang naka pako ang tingin sa kisame.

Tahimik..

Nag simula nanamang pumatak ang luha sa aking mata. Pakiramdam ko ay kinawawa ako at inapi ng mundo. Bagamat kasalanan ko rin naman dahil tanga ako at patuloy pa rin akong nag papaka tanga dahil lang pag ibig na hindi naman maaaring mag katotoo. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo, nahulog pa ako sa isang taong hindi maaaring maging akin.

Ganyan siguro talaga ang buhay. Masaklap at mapanuya. May mga pag kakataon na hindi talaga aayon sa kagustuhan mo at wala kang magagawa doon.

Alas 6 ng hapon. Sa hinaba haba ng pag iisip ay panilit rin ako ni Gabby na pumunta sa party. Iyon nga lang, okay lang naman sa kanya na walang kapartner dahil naka assign siya sa attendance at pag do-documentary ng bawat kaganapan sa loob ng bulwagan. Kaibahan sa akin na walang kapareha at wala ring ganap.

Suot ko ang kulay pulang long sleeve na ipinahiram sa akin ni Gabby. Tumulak kami sa venue at doon ay sinalubong kami ng masayang musika at mga nag sasayaw na makukulay na ilaw. Punong puno ng palamuti ang paligid at hindi mo na aakalaing nasa loob ka ng gym. Tulad na inaasahan, si Gabby at Sir Espanyol ay naupo sa registration, ako naman ay naiwang naka upo sa gilid habang hawak ang program ng naturang party.

Makalipas ang ilang sandali, unti unti nang dumating ang mga mag aaral sa ibat ibang section. Yung mga lalaking mag aaral na pamilyar lang sa akin ang mukha pero di ko naman kilala ang pangalan. Ayun lumalakad sila dala ang mga kaparehang babae. Lahat ay naka ngiti, lahat ay masaya. Anyare sa akin na nasa isang sulok lang at pinapanood sila.

Makalipas pa ang ilang minuto, dumating naman ang barkada nila Rycen kasama ang mga babaeng nakita ko sa botika ng damit kanina. Lahat sila ay pumorma at talagang pinag kagastusan ang suot na tuxedo.

Nag patuloy ako sa pag mamasid hanggang sa nakita ko na si Rycen sa arko papasok ng bulwagan. Suot nito ang ternong coat and tie na hapit na hapit sa kanyang katawan. Ayos na ayos ang buhok nito at talaga namang lahat ay napapatingin sa kanyang kagwapuhan. Maya maya sumulpot naman sa kanyang tabi ang babaeng kapareha. Wala iba kundi ang kanyang ex gf na si Lyka Rose. Naka suot ito ng kulay pink na gown, naka labas ang cleavage kaya naman bakat na bakat ang malusog na hinaharap nito.

Lahat ay napatingin sa kanilang dalawa habang nag lalakad sa gitna ng bulwagan. Syempre ay proud na proud naman si Rycen dahil ang babaeng kapareha ang pinaka maganda sa lahat. At ang mga kaganapang iyon ang siyang nag bigay ng matinding kirot sa aking dibdib.

“Welcome seniors. Every year ay binubuksan namin ang campus para sa mga babaeng kapareha ng ating mga mag aaral dito sa graduation ball. Isa itong tradisyon simula pa noong 1970’s. Ilang araw na lamang ang nalalabi at kayong lahat ay mag tatapos ng sa high school, sana ay nahubog namin kayo bilang isang mabuti at matalinong mag aaral. Enjoy the night. Congratulations everyone.” ang opening remarks ni Sir Espanyol bago tuluyang buksan ang party.

Muling dumagundong ang malakas na music. Ang lahat ay nag saya habang kumukuha ng pag kain sa buffet table. Ako naman naka sama lang sa mga talunang estudyante na hindi na nga nakabihis ng maaayos ay wala pang kapareha. Para yatang noong nag sabog ng kakaibang kamalas ang Diyos ay kami lang ang nanatiling gising kaya’t parang matamlay sa amin ang gabing iyon. Kami yung tinatawag na bulaklak sa pader, nasa gilid lang at walang pumapansin.

Nag simulang tumugtog ang love song at ang lahat ay nag sayaw ng mag kayakap. Kasama na rito si Rycen at si Lyka na noon ay kulang nalang ay mag halikan sa bulwagan.

Kakaibang kirot ng dibdib ang aking naramdaman at pakiwari ko ba ay may kung bagay ang tumutusok sa aking puso kaya’t mas lalo pa akong nasasaktan. Namalayan ko nalang na tumayo ako at nilisan ang bulwagan sa gitna ng isang magandang kanta.

I Need To Be In Love

Carpenters

The hardest thing I’ve ever done is keep believing There’s someone in this crazy world for me The way that people come and go through temporary lives My chance could come and I might never know

I used to say “No promises, let’s keep it simple” But freedom only helps you say goodbye It took a while for me to learn that nothing comes for free The price I paid is high enough for me

[*] I know I need to be in love I know I’ve wasted too much time I know I ask perfection of a quite imperfect world

And fool enough to think that’s what I’ll find

[**] So here I am with pockets full of good intentions But none of them will comfort me tonight I’m wide awake at 4 a.m. without a friend in sight I’m hanging on a hope but I’m all right

Walang naka pansin na lumakad ako palabas ng venue, maging si Gabby na abala sa pag kuha ng larawan ay hindi rin namalayan na ako ay umalis. Mabigat na mabigat ang aking dibdib at wala akong ibang nagawa kundi ang tumakas sa mga bagay na nag papakirot ng aking dibdib.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakaupo sa botanical garden kung saan ako madalas tumambay. Yakap ko ang aking sariling tuhod habang pilit na pinipigilan ang luha sa aking mata na naka ambang pumatak sa aking pisngi. Dito ko napag tanto kung gaano makapangyarihan ang puso, dahil kahit na gaano kasaya ang buong paligid, basta’t umatake ang lungkot ay tiyak na susunod ang iyong buong katawan at ikaw ay kakainin ng matinding emosyon. Iyan ang eksaktong nang yayari sa akin ngayon.

Tanga nga ako, ngunit anong magagawa ko kung patuloy akong ginagawang tanga ng pag mamahal? Minsan sinabi ko na rin sa aking isipan na itigil na at mag patuloy nalang sa aking buhay ngunit sa tuwing susubukan ko ito ay dumarating si Rycen at makakalimutan ko na naman ang lahat. Totoo nga yata ang kasabihan na kahit gaano katalino ang tao ay nagiging bobo pa rin ito basta puso na umiral.

Kahit alam ko hindi sya sa akin, hindi ko pa rin maitatanggi na siya ang bumubuo ng araw ko. Siya rin ang nag silbing inspirasyon ko upang mag aral mabuti at gawin ang mga bagay hindi ko nagagawa noon. Malaki ang impluwensya nya sa aking buhay, kahit na alam kong mag kaiba kami ng mundong ginagalawan.

Tahimik..

Napa buntong hininga na lamang ako habang naka tingin sa kawalan.

Pasado alas 10 noong mag pasya akong bumalik sa dorm. Pag pasok ko sa silid, agad kong hinubad ang aking long sleeve at ibinagsak ang katawan sa kama. Tuliro at walang laman ang aking isipan, basta naka pako lang aking tingin sa kisame. Tila ba panandalian akong napundi na parang isang bumbilya, walang lakas at pagod na pagod.

Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa mapag pasyahan kong mag tungo sa aking study table at doon ay gumawa ng sulat para kay Rycen. Nakalakip dito ang aking pag bati, pasasalamat, at pag papa alam. Sa pinaka dulo ng aking liham ay ang pag tatapat ko sa kanya ang aking tunay na damdamin.

Habang ginagawa ko ito ay hindi maiwasang pumatak ang aking luha dahil sa pinag halong lungkot at sakit dulot ng pag kabigo. Ngunit gayon pa man ay nag pasya akong ibigay ito sa kanya sa araw ng graduation day upang hindi na nya ako masilayan pa sa mga susunod na panahon. Atleast, nasabi ko nalang ang damdaming kinikimkim kaysa wala.

Tahimik..

Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako habang naka dukdok sa aking lamesa. Nagising na lamang ako sa ihip ng hangin na nag mumula sa balkunahe ng silid. Hinahangin ang kurtina at gayon din ang mga papel sa cabinet.

Isa isa ko itong pinulot at kasabay nito ang isang katok sa pintuan ng aking silid.

“Tok tok.”

Agad ko itong binuksan at doon ay laging gulat ko nang makita si Rycen na naka tayo sa aking harapan. Nakasuot pa rin ito ng itim na coat and tie at talaga namang napaka gwapo niya sa kanyang anyo. “I-ikaw pala, kamusta ang party?” bungad ko.

“Ayos naman. Nakakapagod sumayaw. Ang saya tol.” ang naka ngiting wika nito.

“Mabuti naman at nag enjoy ka. Teka bakit ka pala nandito? Hindi ka ba sasama sa mga kaibigan mo sa labas?” tanong ko naman.

“Susunod nalang ako sa kanila. Ang totoo nun, naparito ako upang tuparin ang ipinangako sa isang tao. Ang sabi ko ay kapag walang nakipag sayaw sa kanya ay irereserba ko ang aking last dance para sa taong iyon.” ang wika nito habang naka tingin sa aking mata.

Ngumiti ako at tumugon. “Siguradong matutuwa ang taong iyon.”

“Sana nga tol.” ang seryosong sagot nito sabay lakad patungo sa aking cassete player at pinindot ang play button. Maya maya ay lumuhod ito sa aking harapan at nag wika. “Maaari ba kita isayaw?” ang tanong nito.

Dito ang tumugtog ang isang kantang nag pag igting ng mga eksena..

Ngumiti ako at Tumango. Inilagay ko aking kamay sa kanyang balikat at ang kamay naman niya ay lumingkis sa aking bewang. Nag dikit ang aking dibdib at amoy na amoy ang kanyang mabangong hininga.

Nag tama ang aming tingin na syang nag bigay ng kakaibang kabog sa aking dibdib.

Nag simula kami sa pag sayaw..

Just Fall In Love again

Dreaming, I must be dreaming Or am I really lying here with you? Baby, you take me in your arms And though I’m wide awake, I know my dream is coming true

And, oh, I just fall in love again Just one touch and then it happens every time There I go, I just fall in love again and when I do I can’t help myself, I fall in love with you

Magic, it must be magic The way I hold you and the night just seems to fly Easy for you to take me to a star Heaven is that moment when I look into your eyes

And, oh, I just fall in love again Just one touch and then it happens every time There I go, I just fall in love again and when I do I can’t help myself, I fall in love with you I can’t help myself, I fall in love with you

Noong mga sandaling ay walang kapantay na tuwa ang aking naramdaman. Kanina lang ay binalot ako ng lungkot ngunit sa bawat haplos ni Rycen sa aking katawan ay unti unting nag lalaho ito na parang bula. Siya ang taong naging dahilan ng aking kalungkutan, siya rin ang may kakayahang pumawi nito. “Masaya ka ba tol?” ang tanong nito habang naka ngiti.

“Oo naman. Everything is perfect.” ang naka ngiti kong sagot habang umiikot kami at nag sasayaw.

Maya maya ay isang malakas na hiyawan ang narinig ko mula sa labas ng balkunahe. Tapos ang party at doon nakita ko si Rycen na kasama ang kanyang mga kabarkada. Suot nito ang korona bilang King of the night at naka hawak sa kanya braso ang dating ex girl friend..

“Wwoooo Congrats pareng Rycen.. Inuman na yan!!”

Huminto ang kanta sa aking silid at muling bumalik sa normal ang lahat. Imahinasyon ko lamang pala ang mga ito ngunit parang totoo. Kasabay noon ang pag tungo ko sa balkunahe ng aming silid at dito ay pinag masdan kong mabuti ang gwapong tindig ni Rycen..

Gumuhit ang ngiti sa aking labi bagamat nag durugo ang aking puso..

“Salamat sa sayaw Rycen.” ang bulong ko habang pinag mamasdan ko itong lumakad palayo sa aking paningin..

itutuloy..

Imbisibol Part 20 (season 1 finale)

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

AiTenshi

Part 20

(season 1 finale)

Valedictorian - Dan Manuel Dela Cruz

Salutatorian - John Peter Guzman

1st Honorable Mention -Rex Bustamante

2nd Honorable Mention - Gabby San Jose

Isang araw bago ang graduation day ay inilabas ang listahan ang mga mag aaral na mag tatapos na may karangalan..

“Woahhh!! Congrats Jopet!!! Ang husay mo talaga!” ang wika ng mga kaklase ko noong makita nila ang listahan ng mag aaral na may karangalan sa bulletin board.

“Congrats Jopet. Sayang .2 lang ang lamang ni Dan Manuel sa iyo. Kung mas pinag igihan mo pa ay tiyak na ikaw ang tatanghaling class valedictorian. Pero ayos lang iyan. 100% scholarship din iyan sa kolehiyo.” ang masayang wika ni Gabby sabay yakap sa akin.

“Congrats din Gabby. Mas mahusay ka dahil mula sa top 8 at naging pag 4th ka. Kitang kita ko naman ang lahat ng sakripisyo mo.” ang tugon ko naman sabay ngiti.

Malaki rin naman itinaas ng karangalan ko. Dati ay nasa ika apat na pwesto ako, ngayon naman ay napunta ng ikalawa. Iba talaga ang nagagawa ng inspirasyon. Ang ibig kong sabihin ay “inspirasyon noon” at hindi na ngayon.

Sadyang ang buhay nga daw ng tao ay parang gulong, minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa ilalim. Tulad ngayon, sinong mag aakala na lahat ng binubully ay titingalain at magiging honor students. Sa huli kami kami lang din pala ang namayagpag at mag kikita - kita sa finals.

Bumuhos ang pag bati at gayon din ang pag hanga ng mga estudyante sa amin. Ito yata ang unang pag kakataon na hindi pang bubully at pang iinis ang mga sinasabi nila sa akin at sa iba pang honors kundi purong pag hanga at papuri na siya namang nag bibigay ng kakaibang sigla at tuwa sa amin.

Ngayon ko lamang napatunayan na totoo palang iba ang highschool life. Dito ay natuto akong maging matatag, matapang at maging palaban. Dito ko rin naranasan ang mabilis at nakakalokong tibok ng aking puso na ang ibig sabihin pala ay humahanga at napapa mahal na ako sa isang tao ng hindi ko namamalayan. Ito ang aking unang pag ibig.. Si Rycen..

Maigi kong pinag masdan ang buong ground ng campus habang naka tayo sa roof top ng isang classroom. Mahangin dito at mapayapa, tamang tama para sa pag babalik tanaw at sa pag papa kalma ng isip.

Tahimik..

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay hindi ko inaasahan ang pag sulpot ni Rycen sa aking likuran. Pag kalipas ng graduation ball noong nakaraan araw ay halos ngayon ko lang ulit ito nasilayan. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko siyang titiisn ng ilang linggo na hindi pinapansin at kinakausap bagamat siya lagi ang laman ng aking diwa.

“Long time no see.” ang bungad ko sabay bitiw ng matamis na ngiti.

Lumakad ito sa aking harapan dala ang dalawang lata ng softdrinks.

Iniabot nya sa akin ang isa at nag wika “Congrats tol. The best ka talaga.” ang wika nito

“S-salamat bro.” sagot ko naman.

Umupo kaming dalawa habang sabay na umiinom.

“Ang totoo nun ay kanina pa kita hinahanap upang batiin. Buti nalang may nakapag turo sa aking kung nasaan ka. Gusto kong malaman mo na proud na proud ako sayo tol. Iyan ang produkto ng pag susunog mo ng kilay. Iyon nga lang ay medyo na nagi-guilty ako dahil naging pabigat ako sa iyo. Siguro ay kung naka focus ka lang sa iyong sariling projects, activity, report at quizes marahil ay ikaw ang may pinaka mataas na parangal. Sorry tol kung nakikisabay ako, palagi tuloy times 2 ang ginagawa mo.” tugon nito na may halong kalungkutan sa mga mata.

“Ang totoo nun ay hindi ko naman iniisip iyon bro. Malaking bagay sa akin ang pagiging honor pero hindi naman ito sobra. Yung huwag lang akong maging forever na talunan sa mata ng ibang tao ay masaya na ako. Huwag kang malungkot dahil ang pag tulong ko sayo ay bukal sa puso ko. Masaya ako sa mga ginagawa ko kaya’t walang dapat ika mukmok. Isa pa ay dapat masaya tayo dahil graduation na bukas isang malaking achievement para sa ating dalawa.” sagot ko naman sabay ngiti.

“Eh alam ko naman ang katotohanan na kaya lang ako nakagraduate ay dahil sayo. Sa pag tulong mo. Lahat ng iyon ay tinatanaw kong isang malaking utang na loob tol.” muli niyang tugon.

“Nag pursige ka naman para makatapos at iyon ang mahalaga. Suporta lang ang ibinigay ko, ikaw pa rin ang gumawa ng lahat Rycen.”

Tahimik ulit..

Kapwa kami natingin sa kawalan..

“Cheers.. Para sa ating dalawa.” ang wika nito habang naka ngiti.

Pinag dikit namin ang lata ng softdrinks at sabay uminom.

“Salamat Rycen.. Isa ka sa nag pasaya sa high school life ko. Hindi ko alam kung anong hamon ang nag hihintay sa atin sa kolehiyo kaya’t kailangan natin maging matatag sa bawat pag kakataon. Ang sabi sa akin ni mama at papa ang college daw ay simula ng tunay na buhay, doon ay ihahanda na tayo para maging propesyonal at makamit ang ating mga ambisyong maging isang tanyag.” naka ngiti kong tugon habang naka tingin pa rin sa di kalayuan.

“Kinakabahan ako ngunit sa tuwing maiisip kong kaunting hakbang nalang ay matutupad ko ka ang pangarap ni papa na makapag tapos ako, ito ang tumutulong sa akin para mag pursige sa pag aaral kahit na alam kong may kahinaan talaga ang ulo ko.” natatawang sagot nito. “Jop, im sorry kung nasaktan kita..”

“Kalimutan na natin iyon. Dapat ay masaya tayo dahil bukas na ang isa sa pinaka masayang yugto ng buhay natin.”

“Tama ka doon. Cheers.”

Noong mga oras na iyon ay pilit kong itinatago ang aking nararamdaman. Masaya ako ngunit mas matimbang ang aking lungkot lalo na kapag naiisip kong ang lahat ay mag tatapos na. Bukas na bukas din ay bibigay ko na kay Rycen ang aking liham at kung sakaling mabasa nya ang tunay na nilalaman ng aking puso ay maaaring iyon na rin ang pinaka huling beses na masisilyan nya ako. Sadyang may mga bagay lang talaga mahirap ipaliwanag lalo’t damdamin mo ang nakataya dito. Maaari kang sumaya o masaktan sa pinaka huli.

“Nga pala tol, may nais akong sabihin sayo. Ngunit sa tingin ko ay bukas nalang pag katapos ng graduation natin. Nahihiya kasi ako.. Baka mag bago ang tingin mo sa akin.” ang naka ngiting wika nito habang naka titig sa aking mga mata.

“Eh ano naman kaya iyon? Ako rin ay masasabihin kaso ay bukas nalang din para patas tayong dalawa.” naka ngiti kong tugon. Kunwari ay biro ngunit seryoso ako.

“Basta tol. See you bukas.” ang wika nito sabay tayo at nag paalam na sa akin. Parang namula pa nga ang loko.

Ano naman kaya yung sasabihin ng mokong na iyon at ginawa pang suspense ang lahat. Anyway kung ano man iyon sana ay magandang bagay ito, kahit papaano ay umaasa pa rin ako na uuwing masaya sa aming probinsya. Hindi ko lubos maunawaan ngunit unti unting napalitan ng excitement ang aking emosyon para bang hindi na ako makapag hintay ng bukas.

“So hoping ka pa rin na “Oo” ang magiging ending ng love story mo kay Rycen?“ ang naka taas na kilay na tanong Gabby.

“Hindi naman. Ewan, basta naexcite lang ako sa bagay na sasabihin niya. Iba kasi ang dating sa akin ng mga titig nya kanina. Para bang nais nya akong halikan.” kinikilig kong tugon na para bang burado na talaga yung sama ng loob ko sa mundo.

“Halikan? At talaga ang umabot kana sa ganyang level? Nako Jopet ha, sa college natin ay hindi na pwedeng ganyan. Sana ay magising kana dyan sa pantasya mo.” wika nito sabay balibag ng unan sa akin.

“Pantasya agad? Parang sinabi mo naman na illusyunado lang ako.” pag mamaktol ko.

“Ganon na nga Jopet. Kaya gumising kaaaa!” ang sagot nito at muli akong binalibag ng unan sa mukha dahilan para bumangon ako at mag pillow fight kami na parang mga bata.

Tawanan..

Kinabukasan, alas 3 ng hapon noong mga simula ang pag mamarcha sa aming graduation day. Ang lahat ay masayang masaya habang hinihintay tawagin ang pangalan nila sa pag abot ng kanya kanyang diploma. Syempre ay hindi ko rin maitago ang kaligayahan noong tawagin ang aking pangalan para sa pag abot ko ng ikalawang karangalan. Tila nawala lahat ng pagod ko noong isabit sa aking leeg ang pilak na medalya na siyang sumisimbolo sa aking tagumpay.

Hindi lang doon nag tatapos ang parangal dahil ginawaran din ako ng pinaka mahusay na mag aaral sa larangan ng mathematics at english. Kaya naman halos maluha ang aking mga magulang habang kasabay ko silang lumalakad paakyat ng stage.

Sa kalagitnaan ng sermonya ay tumayo ang lahat ng mag aaral at doon ay nag alay sila ng kanta para sa isa’t isa. Dito na bumuhos ang emosyon ng pinag halong saya at lungkot sa pag tatapos ng aming pag lalakbay sa high school.

One Friend

I always thought you were the best

I guess I always will. I always felt that we were blessed, And I feel that way, still.

Sometimes we took the hard road, But we always saw it through. If I had only one friend left, I’d want it to be you.

Sometimes the world was on our side; Sometimes it wasn’t fair. Sometimes it gave a helping hand; Sometimes we didn’t care.

’Cause when we were together, It made the dream come true. If I had only one friend left, I’d want it to be you.

Someone who understands me, And knows me inside out. And helps keep me together, And believes without a doubt,

That I could move a mountain: Someone to tell it to. If I had only one friend left, I’d want it to be you.

’Cause when we were together, It made the dream come true. If I had only one friend left, I’d want it to be you.

Habang abala sa pag kanta ay lihim akong napapatingin kay Rycen na naka tayo sa aking likuran. Noong mga sandaling iyon ay nais ko syang lapitan at yakapin. Nais kong mag paalam sa kanya ng pormal ngunit inuuhanan ako ng matinding hiya. Basta ang alam ko lang ay inihanda ko ang aking sarili sa pag aabot ng aking liham mamaya bago kami tuluyang umalis. Hindi na kasi kami maaaring dumaan sa dormitoryo dahil wala na doon ang aming gamit. Isa isa na itong ikinarga pauwi ng aming mga probinsya noong nakalipas na araw. Kaya pag katapos na program ay diretso na kami sa pag uwi sa Cabanatuan.

Habang palapit ng palapit ang oras ng pag tatapos ay tila binabalot ako ng pinag halong kaba at excitement. Gusto ko na malaman kung ano yung bagay na sasabihin sa akin ni Rycen at syempre ay gusto na ring malaman niya ang aking tunay na nararamdaman para sa kanya. Kung tanggapin nya ito o hindi ay ayos lang sa akin. Ang mahalaga ay nasabi ko ang damdaming ikinubli ko sa loob ng halos tatlong taon.

“Congratulations Graduates!!” ang huling katagang sinabi ng aming Prinsipal kaya naman dumagundong ang isang masigabong palakpakan sa buong gym.

Picture taking ang lahat..

Kanya kanyang yakapan, palitan ng remembrance at regalo.

Yung iba naman ay nag iiyakan pa dahil sa pinag halong tuwa at lungkot na dulot ng pamama alam.

Ako naman ay agad hinahanap si Rycen na noon ay nasa gilid ng gym at nag papa picture kasama ang mga barkada. Bago tuluyang lumapit sa kanya ay hawak ko na ang liham na akin sanang iaabot sa kanya.

Kumakabog ang aking dibdib..

Halos mapapatid yata ang aking pag hinga habang humakbang palapit sa kanya.

“Jop, congratulations! Proud na proud ako sayo.” ang wika nito sabay yakap sa akin.

“Congrats din Rycen. Goodluck sa college.” ang naka ngiting wika ko naman habang pilit na tinatansa ang pag kakataon.

Ngumiti ito sa akin at muli akong iniyakap ng mahigpit. “Siguradong mamimiss kita tol. Alam ko naman na mag kikita pa rin tayo sa college diba?” tanong nito.

“Ah e, oo naman. M-Mag kikita pa rin tayo.” naalangan kong tugon.

“Alam ko naman na hindi ko ako iiwan eh.” naka ngiti rin niyang sagot.

“Nga pala Rycen, ang sabi mo sa akin kahapon ay may sasabihin kang mahalagang bagay sa akin? Kaso ay nahihiya ka dahil baka mag bago ang tingin ko sa iyo. Tungkol saan ba ito?” ang lakas loob kong tanong habang binabalot ng kaba at excitement.

“Ahh oo nga pala to.” ang naka ngiting wika nito sabay hinga ng malalim na para bang kumukuha ng bwelo. Samantalang ako naman ay kinakabahan at nanabik sa kanya mga sasanbihin. “Nga pala tol, gusto kong sabihin sa iyo na nag kabalikan na kami ni Lyka noong nakaraang linggo pa. Ang saya ko tol.. Gustong gusto kong sabihin sa iyo ito kaso ay hindi mo naman ako pinapansin. Saka takot din ako na baka mag bago ang tingin mo sa akin kapag sinabi ko sayo na baka maging ninong kana. Delay kasi si Lyka, baka nag bunga na yung mga ginagawa namin.” ang naka ngiting wika nito at muli akong niyakap ng mahigpit.

Tila bumagsak ang mundo ko sa mga katagang sinabi niya. Halos manikip ang aking dibdib dahil sa matinding sakit na dulot ng aking paulit ulit na pag kabigo. Wala tuloy akong nagawa kundi ang lukutin ang sulat sa aking kamay at ibalik ito sa aking bulsa .

Nag simulang pumatak ang aking luha..

“Oh bakit umiiyak ka tol?” ang tanong nito.

Pinilit ko ngumiti at kumilos ng normal bagamat tuloy tuloy sa pag patak ang aking luha. “Ahehehe, masaya ako para sayo bro. Congratulations.” ang wika ko sabay tapik sa balikat nito at doon ay kusang gumalaw ang aking mga paa palayo sa kanya.

Lumalakad ako palabas ng gym, umiiyak at halos masiraan ng bait dahil sa matinding emosyon. “Jopet, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” ang tanong ni Gabby noong makita ako sa ganoong ayos.

“Huwag ngayon Gabby.. Please.” ang sagot ko naman at nag tatakbo ako palayo sa kanya.

“Teka, kung may problema ay pag usapan natin Jopet. Para saan pa at naging bestfriend mo ako?” wika nito habang humahabol sa aking pag lalakad.

“Okay lang ako. Gusto ko lang munang maging mapag isa. Please.” ang muli kong sagot sabay takbo palayo.

Halos tuliro na ang aking isipan at parang dinudurog ng husto ang aking dibdib dahil sa kakaibang sakit nito. Kusang lumalakad palayo ang aking paa hanggang sa matagpuan ko nalang aking sarili na nakatayo sa labas ng gate ng campus. Walang klarong patutunguhan.

Patuloy pa rin ang aking pag luha habang kinukuha ko sa aking bulsa ang liham na sana ay iaabot ko kay Rycen. Sa tinagal tagal ng pag iipon ko ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang lahat ay nabigo pa rin akong gawin ito. At ang masaklap ay nag mahal akong taong kahit na kailan ay hinding hindi maaaring maging akin. Hanggang tanaw nalang ako sa kanya..

“Bakit Rycen?!! Bakit??!!!!” ang sigaw ko sa aking isapan habang hawak sa aking kamay ang papel at doon ay muli ako lumakad patawid sa kabilang ibayo ng kalsada..

Masamang masama ang aking loob noong mga oras na iyon. Paki wari ko ay binulag akong matinding sakit dulot ng pag kabigo. Hindi ko na namalayan ang isang sasakyang parating sa aking harapan..

“SCCRRRREEETTTCCCHHHH!!!” ang tunog ng isang kotseng mabilis na sumulpot sa aking harapan..

“K-BLAAGGG!!” tumama sa unahan ng kotse ang aking katawan..

Nabitawan ko ang liham sa aking kamay at nilipad ito sa ere ng panandalian at kasabay ng pag tama nito sa lupa ang siya namang pag bagsak ng aking katawan sa sementadong kalsada..

Nag dilim ang aking paligid..

Huminto ang lahat..

end of season 1

Imbisibol Part 21

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

(Author’s Note: Makalipas ang isang buwang pag hihintay, narito na ang season 2 ng Imbisibol. Sana ay magustuhan nyo. Godbless Everyone!!)


Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Patuloy ang pag bagsak ng ulan sa bintana ng aking silid. Sa tuwing pinag mamasdan ko ito ay nakakaramdam ako ng kakaibang kalungkutan, hindi ko maipaliwanag ngunit naka titiyak akong nag mumula ito sa aking kaibuturan. Ang maulang panahon ay may dalang kirot na siyang nag papabalik sa akin sa nakaraan, doon sa mga oras na pilit kong kinakalimutan.

Patuloy ako sa panonood sa mga butil ng tubig na pumapatak at dumadaloy sa salamin ng aking bintana. Pilit kong inaabangan ang pag daloy ng oras, minsan ay bumabagal ito at minsan naman ay bumibilis, kung minsan ay humihinto. Hindi tiyak ang pag ikot.

“SSTTRREEECCHHHH” ito ang tunog na paulit ulit nag babalik sa aking isipan. Kasunod nito ang malakas na “wang wang” ng ambulansya at ang iyakan ng mga tao sa aking paligid. Hindi malinaw ang detalye ngunit para itong isang sumpang musika na masakit sa aking pandinig.

Wala akong magawa kundi ang takpan ang aking tenga at hintayin itong lumipas hanggang sa muling bumalik sa normal ang lahat.

Part 21

“Good morning anak, dinalhan kita ng almusal.” bungad ni mama noong pumasok ito sa pinto ng silid.

“Hindi ako nagugutom ma..” mahina kong sagot habang nakatingin pa rin sa labas bintana.

“Anak kumain ka, paanong lalakas ang katawan mo?”

Tumingin ako sa kanya ngunit agad ko rin itong binawi “ma, kailan ako babalik sa eskwela?” tanong ko.

Napabuntong hininga si mama at niyakap ako nito. “anak, kailangan mong mag pahinga. Alam mo naman 5 buwan kang nakaratay sa higaan, comatose at nag aagaw buhay. Dalawang buwan ka palang nakaka recover kaya imposibleng makabalik ka sa paaralan ngayong taon. Alam kong miss na miss mo na ang mga kaibigan mo ngunit kinakailangan mo munang iayos ang kalusugan mo anak.”

Napatingin muli ako kay mama, halos hindi pa rin naaalis ang lungkot sa aking mata. “Yung mga kaibigan ko mama, naalala man lang ba nila ako?”

“Noong araw na naaksidente ka ay halos bumagsak ang mundo namin ng papa mo. Ang lahat ay nag aalala sa kalagayan mo kabilang na rito ang kaibigan mo na sina Gabby at Rycen. Kasama sila noong isugod ka sa ospital at matagal silang nanatili doon upang bantayan ka. Ramdam na ramdam namin ang lungkot nila at halos hindi sila umalis sa iyong tabi habang ikaw ay nasa malalang kondisyon hanggang sa araw na dalhin ka namin ng papa mo sa Amerika upang ipa therapy ay nandoon pa rin sila at naka suporta sa iyo. Tunay silang kaibigan anak. Maswerte ka dahil natagpuan mo sila.” salaysay ni mama.

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko maiwasang mapaluha at payakap kay mama. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. Hindi na malinaw sa aking isipan ang mga pangyayari noong mga oras na naaksidente ako ngunit ang kirot, sakit at kalungkutan ay nanatili pa rin sa aking dibdib at hindi nabubura.

Madalas ding sumasagi sa aking isipan si Rycen at tuwing nangyayari ito ay hindi ko maiwasang hilingin na sana ay nag ka amnesia nalang ako, baka sakaling mawala rin ang pag mamahal ko sa kanya na hindi ko maikubli.

“Anak huwag kana malungkot, ilang buwan nalang naman at mag papasukan na ulit. Naisip mo na ba kung anong kurso ang kukunin mo sa kolehiyo?” naka ngiting tanong ni papa habang pinag babalat ako ng prutas.

“H-hindi ko pa po alam pa. H-hindi pa ako nakakapag desisyon tungkol doon.” mahina kong sagot sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.

“Ganoon ba, gusto ko lang malaman mo na kahit anong desisyon mo sa iyong buhay ay suportado namin ng mama mo. Maituturing na isang milagro ang pag babalik mo mula sa amin kaya’t abot langit ang aming pasasalamat. Ang akala ko ay binawi kana sa amin ng may kapal.” ang mangiyak-ngiyak na wika ni papa sabay yakap sa akin.

Sinuklian ko rin ng mahigpit na yakap si papa, kasabay noon ang isang pangako na iingatan ang aking sarili upang hindi na maulit yung malagim na trahedya sa aking buhay.

“Minsan ay hindi naming maiwasang mag alala sa iyo lalo’t kapag nakikita ka namin na naka kulong lang dito sa iyong silid at naka masid sa bintana na animo bilanggo ka ng kalungkutan. Sana anak ay maging masaya ka at muli naming makita ang ngiti sa iyong labi. Namimiss na namin ito” malungkot ding wika ni mama.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumahimik nalang at ipako ang tingin sa sahig. Ngayon ay nagiging dahilan pa ako ng kalungkutan ng aking mga magulang. Ngunit bakit ganoon? Kahit anong uri ng pag papasaya ang gawin ko sa aking sarili ay natatalo pa rin ako ng matinding lungkot. Kahit gaano ako kabilis tumakbo upang matakasan ito ay nahahabol pa rin ako sa bandang huli at matatagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka tingin sa kawalan, naka tulala at walang matinong pag iisip.

Sa bawat araw na lumilipas ay pilit kong binubuo ang aking sarili. Halos limang buwan ang nawalang sandali sa aking buhay dahil ninakaw ito ng pag kakataon. Sa mahabang panahon na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang lumakad sa kadiliman, sumigaw at umiyak. Humihingi ako ng tulong sa kahit kanino ngunit wala ni isa ang nakakarinig sa akin. Para akong nawala sa kawalan. Halos hindi ko na maalala kung gaano ako katagal sa ganoong sitwasyon hanggang sa dumating ang araw na makita kong muli ang liwanag na mag dadala sa akin palabas sa pag hihirap kong iyon.

Wala namang nabago sa aking anyo. Panget pa rin ako at idagdag mo pa yung sugat at mga tahi sa aking noo dulot ng pag hampas ng aking katawan sa harapan ng sasakyan. Sa tuwing humaharap ako sa salamin ay hindi ko maiwasang madipres lalo’t batid kong mas sumama pa yata ang aking itsura kaysa sa dati. Dito ko napag tanto na loob at labas pala ang dapat kong ayusin sa aking sarili.

Isang umaga, may isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa aming tahanan na nag dulot sa aking ng matinding kasiyahan. “Jop!! Kamusta kanaaaa?” ang bungad nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.

“Teka teka, sino ka naman?” bungad kong tanong bagamat alam ko naman na si Gabby ito. Pumayat lang sya.. As in malaki ang nabawas sa kanyang katawan.

“Tekaa, may amnesia ka na rin?” pag tataka nito habang sinusuri ang aking mata.

“Loko lang naman. Ang totoo nun ay hindi na kita nakikila dahil ang laki ng pinayat mo. Hindi kana si Gabboy!!” ang natutuwa kong salita sabay yakap ng mahigpit dito.

“Salamat, bagay ba?” ang natutuwang tanong nito.

“Oo naman. Pero mas sanay ako na nakikita kang mataba. Hayaan mo makakasanayan ko rin iyan.” biro ko naman. “Teka paano?”

“Iyan din ang tanong ng mga kolokoy sa campus. Ang totoo nun ay nag karoon ako ng sakit at naospital ako. Ang sabi ng doktor ay kinakailangan ko nang mag bawas ng taba dahil maaari akong maging prone sa heart attack at hypertension. Madalas akong nahihilo, hinihingal at nakakaranas ng palpitation. Kaya mag buhat noon ay nag diet na ako at pinilit na mag bawas ng timbang. Mahirap at sakripisyo talaga ang pag papa payat ngunit ito lang ang nakikita kong paraan upang dugtungan pa ang buhay ko. Ayoko namang mamatay na parang isang lechon baboy na nasa loob ng kabaong. Dito ko napatunayan na walang imposible pag ninais mo ang isang bagay, basta hard work lang ang kailangan.” ang masayang salaysay ni Gabby

“Kung ganon ay may pag asa rin pala kong maging gwapo?” biro ko naman.

“Oo naman. Sa takdang panahon!” natatawang sagot nito.

Tawanan..

Pero maya maya ay sumeryoso rin. “Kamusta kana bro?” ang tanong nito habang naka titig sa aking mukha.

“Eto, nag papa galing pa rin. May pag kakataon na sumasakit pa rin ang aking ulo na para bang binibiyak. Ang sabi ng doktor epekto daw ito ng mga therapy at gamot iniinom ko doon sa ospital. Teka, mabuti naman at binisita mo ako? Nakakamiss ka rin e, kamusta ang buhay kolehiyo?” ang tanong ko naman habang naka ngiti pa rin.

“Medyo long weekend kasi kaya uuwi ako ng Baguio. Since dumaan ang bus dito sa Cabanatuan ay nag baka sakali na ako na puntahan ka. Alam mo ba na halos mag lulundag ako sa tuwa noong mabalitaan kong maayos na ang kalagayan mo. Halos lahat yata ng simbahan doon sa siyudad ay napuntahan ko upang ipag dasal ka. Thank You Lord! Hayyy. Teka yung tungkol naman sa college life mas nakaka enjoy pala ito kaysa sa high school. Mas maraming bagong mukha at challenges ang nag hihintay saiyo.” kwento ni Gabby.

“Paano ba iyan, hindi na tayo sabay ggraduate ng college.” ang malungkot kong tugon.

“Oo nga eh, pero huwag kang mag alala Jopet. Hindi man tayo sabay ggraduate ng college, sabay naman tayong hahanap ng trabaho.” naka ngiting wika nito. “Sandali, ano bang kurso ang balak mong kuhanin?”

“Hindi ko pa alam, siguro ay komersyo, pwede rin inhinyero o arkitekto. Bahala na. Ano bang course mo?” tanong ko.

“Inhinyerong Sibil. Ganoon din si Rycen.” ang wika nito ng bigla mapahinto. “Oppss. sorry.”

“Wala na iyon. Kamusta na nga pala siya?” kaswal kong tanong.

“Ayos naman. Ayun sikat na siyang ngayon. Hindi lang buong campus kundi pati na rin sa buong siyudad. Nanalo siyang Ginoong Cebu at kamakailan lang ay lumaban naman siya sa Ginoong Pilipinas. Doon ay nanalo rin siya bilang 1st Runner up. Sayang nga e, panalo na sana sya, hindi lang naka sagot ng maayos doon sa final question. Pero ganoon pa man ay proud na proud pa rin sa kanyang ang buong campus. Nais ko sana siyang isama ngayon kaso nga lang ay madalang na kami mag kita. Busy rin kasi sya sa varsity at ako naman ay sa student council bilang 1st year representative.” salaysay ni Gabby.

“Kung gayon ay marami na palang nag bago no? Parang 5 months lang akong tulog tapos pag gising ko everything has changed.” ang natatawa kong tugon bagamat nag sisimulang balutin ng lungkot ang aking dibdib.

“Oo nga e, marami changes. Pero alam ko naman na makaka catch up ka sa mga pag babagong iyon dahil ikaw ay nananatiling ikaw pa rin. Si Jopet na matulungin, matalino, masayahin at punong puno ng pag mamahal.” ang wika ni Gabby sabay yakap sa akin

“At ikaw pa rin si Gabby, ang bestfriend kong supportive at maalalahanin. Salamat sa pag bantay sa akin noong mga panahong nasa kritikal akong kondisyon. Ipaabot mo na rin kay Rycen ang taos pusong pasasalamat ko” naka ngiti kong tugon.

“Wala iyon bro. Mahal ka namin at pamilya tayong tatlo. Hindi ba?” naka ngiting wika nito sabay tapik sa aking balikat.

Marami pa kaming pinag kwentuhan ni Gabby, halos abutin na ito ng dilim sa pakikipag usap sa akin kaya naman hiniling kong dito na lamang siya manatili ngayon gabi para mas mahaba haba pa ang aming kwentuhan.

Tunay na kaibigan nga talaga itong si Gabby dahil higit sa lahat ay siya lamang ang nakaka intindi sa akin. Sya lang din ang bukod tanging may lakas ng loob na mag sabi katotohanan sa akin kahit na masakit ito basta maka sigurado lamang siya na hindi ako sasablay at magiging maayos ang lahat.

May kaunting kirot kapag naiisip ko na napag iwanan na ako ng mga batchmate ko. Yung tipong natulog lang ako ng kaunti, pag gising ko ang lahat ay nag bago na. Heto si Gabby ay payat na, si Rycen ay sikat na. Ewan, para ba akong nasa loob ng isang mundo ng panaginip, ang lahat ng eksena at tauhan dito ay mistulang nag iba at nag bago sa paraan hindi mo aakalaing mangyayari. Ito ang patunay na lahat ng bagay sa mundo ay iikot at mag babago. Pana-panahon lamang ang pag kakataon.

“Gab, maraming salamat sa pag dalaw sa akin dito.” ang wika ko habang naka higa.

“Wala iyon, naguguilty nga ako dahil ngayon lamang ako naka dalaw. Pero gayon pa man masayang masaya ako dahil nakabalik kana dito sa amin. Sana ay huwag kana aalis ulit.” ang sagot nito.

“Ang totoo nun ay hindi na malinaw sa aking isipan yung mga eksena bago ako maaksidente. Kapag naiisip ko ito ay ibayong sakit ng ulo ng nararamdaman ko. Gusto ko mang balikan ang mga pangyayaring iyon ay hindi ko na magawa.”

“Sshh, Okay lang iyan Jop. Sa tingin ko ay hindi na mahalaga ang nakaraan. Ang importante ay natuto tayo sa mga ito. Sabi nga nila may mga ala-ala na masarap balikan ngunit hanggang doon nalang iyon. Aalalahanin mo ng paulit ulit ngunit mo ito maaaring tambayan. Past is past.. Lalo na kung sinasaktan ka nito.” makabuluhang sagot ni Gabby.

“May mga bagay sa nakaraan ko na ayoko nang balikan pa. Masayado kasi itong masaya, nag dudulot lang ng kirot kapag naiisip ko.” tugon ko.

“Chillax lang bro, ang mahalaga sa ngayon ay mag pagaling ka. Ikondisyon mo ang sarili mo at rumesbak. Iyan ang buhay ng tao, bangon lang ng bangon kapag nadarapa.” pag eenganyo ni Gabby.

“Tama ka doon Gab..”

“Matulog kana, magiging maayos din ang lahat Jop.”

Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na iniwaksi ang mga negatibong bagay na gumugulo sa aking isipan. Umaasa ako na darating ang araw at muling ngingiti sa akin ang pag kakataon. Hindi pa naman huli ang lahat upang mag simula ulit. Ang aking pag galing ay simbolo ng aking ikalawang buhay. Marami akong pag kakamali noon kaya’t umaasa ako na sa pag kakataong ito ay makukuha ko na ito ng tama.

itutuloy..

Imbisibol Part 22

PAUNAWA

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 22

Lumipas pa ang ilang buwan, unti unting naka recover ang aking katawan hanggang sa tuluyan na ngang maging maayos ang aking kondisyon. Madalas akong dinadalaw ni Gabby pati na rin ang mama at papa nya dito sa aming probinsya kaya naman halos napabilis ang aking tuluyang pag galing. Kung gaano nila ako kadalas puntahan ay kaibahan naman kay Rycen na hindi na ako naalala. Ni hindi ko na nakita ang anino nito mag buhat noong graduation day. Ang sabi ni Gab busy daw ito sa pag lalaro sa varsity at sa pag momodelo. Hindi naman ako nalulungkot na wala siyang paki alam. Ang iniisip ko lamang ay baka hindi na nya ako naaalala pa at tuluyan na akong nabura sa kanyang isipan.

“Abril na anak, sa Hunyo ay maaari ka nang bumalik sa pag aaral. Saan ka bang Universidad mag papatuloy ng kolehiyo? Maganda sa Wesleyan University, maganda rin sa Araullo Univerity o kaya ay sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST). Mahuhusay ang kolehiyo dito sa Cabanatuan.” ang wika ni papa.

“Doon ako sa Siyudad mag aaral papa. Babalik ako sa St. Vincent para kumuha ng kursong Civil Engineer katulad ni Gabby at Rycen. Sana po ay pag bigyan nyo ako ulit. Isa pa ay sayang ang scholarship ko doon.”

Napatingin si papa kay mama at tila na uusap sila sa mata. Muling bumakas sa kanilang mukha ang pag aalala.

“Ma, pa.. Hindi na mauulit yung malagim na trahedya sa buhay ko. Paki usap..” saad ko pa habang nangungusap ang mga mata.

Tumango si papa at hinawakan ang kamay ni mama. “Kung saan ka liligaya anak. Bumalik ka sa dating paaralan mo at kunin ang kurso na nais mo. Nasa likod mo lang kami.” wika nito sabay yakap sa akin.

“Mag palakas ng katawan para bumalik ang dati mong sigla. Huwag kang mag alala dahil iyong talino ay hindi lumilipas. Maaaring nag hinto ka ng isang taon pero ang kagalingan ng iyong utak ay nandyan pa rin. Hindi ito nawawala.” wika ni mama habang hinahalikan ang aking noo.

Noong mga sandaling iyon ay halos mapaluha ako sa suportang ibinibigay ng aking mga magulang. Para sa akin, sila ang pinaka the best na parents sa buong mundo. At sila ang inspirasyon ko para tapusin ang kolehiyo. “Salamat po mama, papa. Pangako, iingatan ko ang aking sarili. Ayoko na makitang lumuluha at nasasaktan kayo dahil sa akin. Mahal na mahal ko po kayo, ma.. pa.. Ipinapangako ko pag iigihan ko ang aking pag aaral at magiging rehistradong inhinyero katulad ng pinangarap nyo para sa akin. Para sa inyo ito.” ang wika ko habang napapaluha.

“At mahal ka rin namin anak. Kahit anong maging desisyon mo sa iyong buhay ay nasa likod mo lang kami. Naka suporta.” wika ni mama at habang pinapahiran ang luha sa aking pisngi.

Babalik ako sa aking dating paaralan dahil nais kong tapusin ang aking sinimulan. At isa pa ay nais kong makita ang aking mga kaibigan at makasama muli sila katulad ng dati. Hanggang ngayon ay hinahanap hanap pa rin ng aking puso’t isipan ang saya at lungkot na idinulot sa akin ng pag mamahal. Siguro naman ngayon ay natuto na rin ako sa aking pag kakamali. Isang taon ang ahead nina Rycen at Gabby, paniguradong hindi ko sila magiging kaklase pero ayos lang iyon. Kailangan ko ring gumawa ng pag babago sa sarili ko at ang pag babagong iyon ay magaganap sa oras na tumapak ako sa tarangkahan ng campus para sa kolehiyo.

JUNE 7, 1997

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang papasok sa campus. Ang bawat hakbang na aking ginagawa ay may kalakip na pangakong pag bubutihan ko ang aking pag aaral at mag tatapos ng may karangalan. Gagawa akong pag babago sa aking sarili at magiging mas mabuting tao sa aking paligid. Iyan ang mga pangakong binitiwan ko bago ako mag enrol sa paaralang ito.

Noon ay nakikita ko lamang ang kolehiyo ng St Vincent. Wala akong ideya na ganito pala kalaki ito at talaga namang mas doble pa kaysa sa kanilang highschool sa kabilang compound. Ang dormitoryo ay mas doble rin ang lawak kaysa sa tinutuluyan namin dati. Mukhang tama nga si Gabby dahil iba’t ibang mukha ang makikita mo dito, yung iba ay mga familiar yung iba naman ay ngayon ko lamang nakita.

Sa isang bahagi ng gate ay kapansin pansin ang isang malaking tarpaulin. Naka lagay dito ang gwapong larawan ni Rycen habang naka suot ng kulay pulang barong at may hawak itong trophy sa kamay. Iba na ang kanyang anyo, napaka gwapo at daig pa ang artista sa telebisyon. Nakalagay dito ang mga katagang:

“Congratulations

Mr. Rycen Paul Lacsamana for winning Ginoong Pilipinas 97 1st runner up. We are proud of you.“ from your SVC Family.

Talaga palang sikat na sikat ang mokong. Parang kailan lang ay patpatin pa ito at hindi marunong mag damit ng maayos. Ngayon ay talaga namang lilingunin sya kahit mapa lalaki man o babae. Ang kanyang ngiti ay nakaka silaw at napaka sarap pag masdan. Medyo nag mature lang ng bahagya ang kanyang anyo ngunit masasabi kong 100x syang mas gwapo kaysa dati. “Jopet!!! Oyyy!!” ang sigaw ni Gabby noong makita akong nakatingin sa larawan ni Rycen.

“Gabby, kamusta na? Kadarating ko lang kanina mula sa Cabanatuan. Nandoon pa sa guard house sa labas yung mga gamit ko” ang wika ko naman sabay yakap dito.

“Nakuupp eh halika na kuhanin natin. Inayos ko na nga yung silid natin doon dorm. Mabuti nalang dahil kumpare ni papa yung landlord at binigyan tayo ng malaking silid.” ang wika ni Gabby sabay hatak sa akin pabalik sa gate.

“Salamat Gabby, buti nalang dahil nandyan ka.”

“Wala yun no. Saka ibinilin ka sakin ng mama at papa mo. Ang sabi ay bantayan kita dahil baka kung ano anong kalokohan nanaman ang gawin mo.” sagot nito habang hinahatak ang aking mga gamit.

“Nakaka panibago pa rin ang anyo mo. Halos mag kasing payat na tayo. Paano ka ba nabawasan ng ganyan? Tapatin mo nga ako, nag ddrugs ka ba?” pag tataka ko

“Loko, mas payat ka pa nga sakin no. Parang ikaw nga ang nag ddrugs at hindi ako. Stress lang ito dahil sa summer classes. Alam mo na kailangan natin iyon upang hindi tayo mabulok ng limang taon dito sa paaralang ito.”

“Oo nga e, iyan din ang bilin sa akin ni papa. Kailangan kong mag summer class dahil limang taon ang kursong inhinyero.”

“Korek, kaya’t pag butihin natin. May mga dati akong lecture doon. Inipon ko talaga iyon para sayo. Para makapag advance reading ka. Ipakita mo sa kanila na ang matalinong si Jopet ay nag balik na.” ang malakas na wika nito habang papasok kami sa dormitoryo

“Eh parang kinalawang na nga itong utak ko. Isang taong mahigit kaya akong nastop.”

“Ano ka ba, hindi kinakalawang ang utak. Kapag nalamanan iyan ng mga lesson tiyak na para ka nang isang rocket na sisibat pataas! Nandito na tayo sa ating silid, tatluhan ito ngunit pumayag ang landlord na tayong dalawa lang ang tumira.” ang paliwanag nito at doon ay agad kong napansin ang maluwang na silid. May mga cabinet, study table, kamang higaan at ref na imbakan ng pag kain. Halos doble rin ang laki nito sa dati namin silid kaya’t tiyak na mas komportable dito.

Humiga ako sa kama at ipinahinga ang aking katawan..

Tahimik..

“Ang laki na ng pinag bago ni Rycen no?” ang pag basag ko sa katahimikan.

“Oo nga e, ibang level na talaga siya. Madalang ko na rin siyang nakakasama dahil nakatagpo na siya ng mga bagong set of friends. Yung mga kagaya rin niyang gwapo at head turner.” ang sagot ni Gabby.

“Oo nga.. Sino lang ba naman tayo diba?” tugon ko na may halong lungkot.

“Aba e bakit ganyan ang reaksyon mo? Hanggang ngayon ba ay siya pa rin ang tinitibok ng puso mo?” ang tanong nito.

Para naman akong binusalan noong mga sandling iyon, hindi agad ako nakasagot kaya naman muli nya akong hinirit ng tanong. “Bakit hindi pa rin nawawala ang feelings mo sa kanya? Mukha yatang sineryoso mo ang sinabi kong everlasting ang pag mamahal mo kaya’t kahit hindi mawala wala ito. Na-comatose ka na at lahat ay siya pa rin pala. 2nd life mo na ito. Hindi ka naman pusa na pag kakalooban ng siyam na buhay para siyam na beses mo rin maitama ang pag kakamali mo. Kung mayroon nga.”

“Wala naman akong sinabi na mahal ko pa rin siya. Malabong mapansin pa nya ko dahil sikat na siya.”

“Kaya nga, humanap ka nalang iba. Nakikita mo ba yung malaking tarpaulin ni Rycen doon sa gate? Ang tawag sa mga taong katulad niya ay kayamanan, isang bituin sa langit. Ang tawag naman katulad ko ay pangkaraniwan at ikaw naman ay yung tipo ng tao na nirereject. Mag ayos ka kasi ng sarili mo. College na tayo, malaking value na ang itsura kaya dapat lang na ayusin natin ang bulok na style mo.” ang wika nito.

“Ang sakit mo naman mag salita. Akala ko ba ay best friend tayo? Bakit ang hard ng mga word selection mo?” pag mamaktol ko.

“Oo nga, ang tunay na kaibigan ay nag sasabi ng katotohanan sa paraang masasaktan ka, para matuto ka. In the end hindi naman kita pababayaan e.” nakangiting tugon nito.

“Kung sa bagay, hard din naman ako sayo noong mataba ka pa.” biro ko naman dahilan para matawa ito.

Noong araw ding iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag ayos ng aking mga gamit sa silid. Pag katapos ay inilibot naman ako ni Gabby sa buong campus upang maging pamilyar ako dito. Nag tataka lamang ako dahil sa halos kalahating araw ng aming pag lalakad ay hindi ko man lang nakita ang mukha ni Rycen. At kung makita ko man siya ay paano naman ako makapag rereact? Lalo’t malinaw na sa aking isipan ang katotohanang malayo na ang agwat namin sa isa’t isa.

itutuloy..

Imbisibol Part 23

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 23

Kinaumagahan, nag karoon ng orientation sa buong campus. Syempre sama sama sa linya ang bawat year. Nakakatuwa lang isipin na nandito ako at naka siksik sa mga freshman pero ang aking mata ay nasa mga second year kung saan naroon ang aking mga classmate noong 4th year high school. Ayoko namang isiping napag iwanan na nila ako pero ganoon na rin iyon.

Habang hindi pa nag sisimula ang programa ay naisipan kong pag obserba at dito ay napag tanto ko na tama nga naman si papa, hindi mahalaga ang edad sa kolehiyo dahil may kaklase akong mas matanda pa sa akin. Ang ilan naman ay mayroon ng asawa at anak ngunit gayon pa man ay narito sila upang tuparin ang kanilang pangarap. Isa sila sa nag sisilbing inspirasyon para sa akin.

Napangiti ako at pakiramdam ko ay hindi ako nag iisa..

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay bigla ko na lamang narinig ang palakpakan ng mga estudyante noong umentrada ang varsity team ng volleyball kung saan naroroon si Rycen. Nakasuot ito varsity jacket ngunit hindi naka sara. Mas lalo pa siyang naging gwapo keysa sa dati. Nawala na ang pagiging totoy nya. Maputi ito, mas makinis, mas mapula ang labi, mas tumangos ang ilong. Para siyang isang artista kung tutuusin. Ang kanyang dibdib ay putok na putok at ang tiyan ay flat na flat na parang nililok sa kahoy. Kahit ilang beses kong kusutin ang aking mata ay talaga ganoon pa rin sya kagwapo sa aking paningin. At nakapag tataka din na biglang tumangkad ito, sa tingin ko ay nasa 6ft na sya. Kaibahan sa akin na nasa 5’7 pa rin.

Sa aking paningin ay para siyang isang gwapong anghel na lumalakad patungo sa entablado, ang kanya pag kilos ay may ritmo, may angas at may dating. Para siyang lumalakad sa catwalk ngunit napaka kaswal lamang ng kanyang ngiti. Angat na angat din ang kanyang itsura sa lahat kaya naman halos hindi ko maiwasang sundan sya ng tingin habang patuloy na pumapalakpak.

Ibang iba na si Rycen, tama nga si Gabby ang mga katulad niya ay kayamanan, bituin sa langit. At ang mga katulad ko naman ay yung tipo ng tao na nirereject na parang isang batong sinisipa sa daan.

Noong mga sandaling iyon ay lalo lamang akong nang liit sa aking sarili, dito ko napag tanto na malayong malayo na pala talaga ang agwat niya sa akin. Kumbaga ay ibang level na siya at hindi na bagay na makasama ang isang ugly duckling na katulad ko.

Masaya akong makita siya, ngunit hindi ko na hinihiling na makasama ko ulit sya katulad dati. Ayos na sa akin na minsan ay nag kasama kaming tumawa, malungkot, mapagod at matulog sa gabi. Masyado na siyang malayo sa akin, milya milya ang layo niya..

Parang bituin sa langit.. Masarap titigan ngunit hindi maaaring lapitan.

Matapos pumarada ang varsity team ng volleyball, sinundan naman ito ng basket ball team. Kung gaano kalakas ang hiyawan sa grupo ni Rycen ay halos ganoon din ang hiyawan nila sa mga ito. Talaga pa lang iba dito sa kolehiyo dahil hindi lang patalinuhan ang labanan kundi pasikatan din. “Oyy Jopet. Ayos ka lang ba dyan?” pag kalabit ni Gabby sa aking likuran.

“Eyy anong ginagawa mo dito? Linya ng freshman ito.” bulong ko naman.

“Wala akong paki. Teka nakita mo ba si Rycen? Gwapo no? Naging mga bakla na nga yung kaklase kong maton doon.” ang bulong ni Gabby na pinipigil ang pag tawa

“Nakita ko, ibang iba na nga siya.” sagot ko naman habang pumapalakpak din. Pakikisama lang sa palakpakan sa paligid bagamat wala naman sa programa ang atensyon ko.

“Ayun si Kerby Tuazon, yung point guard ng basketball team. Siya yung karibal ni Rycen dito sa campus. Mag kalaban sila pag dating sa popularidad.” ang wika ni Gabby sabay turo sa isang lalaking halos kasing tangkad din ni Rycen. Gwapo rin ito, maganda ang katawan at hindi rin mag papa huli pag dating sa mukha. Sa mga lalaking nakatayo sa taas ng entablado ay silang dalawa ni Rycen ang nangingibabaw ang anyo.

“Gwapo rin sya. Halos parang si Rycen din. Iyon nga lang ay singkit lang mata nito si Kerby at medyo suplado ang dating.” ang wika ko naman.

“Suplado naman talaga iyan. Kaya nga mas sikat si Rycen dito. At lumaban din iyan ng Ginoong Pilipinas, nag laban sila ni Rycen doon.. Iyon nga lang ay pang 4th runner up sya kaya hindi nirecognized ng campus. Unfair no.” salaysay ni Gabby.

“Karangalan din naman yung ika apat na pwesto. Siguro ay hindi palang para sa kanya ang titulo.” sagot ko naman ng bigla akong hitakin ni Gabby palabas sa pila.

“Halika puntahan natin si Rycen doon sa gilid.” pag yaya nito.

“Ayoko..” pag tanggi ko.

“Anong ka artehan naman iyan?” ang tanong nito.

“Sinabi mo ba kay Rycen na bumalik na ako ng pag aaral?”

“Hindi no, hindi pa kami nag uusap. Ano bang problema ha Jopet?” tanong nito habang nag lalakad kami sa hallway.

“Basta, huwag mong sasabihin sa kanya na nandito ako. Malayo na ang agwat nya sa akin. Hindi na kami bagay maging mag kaibigan” ang mga salitang lumabas sa aking bibig na hindi ko naman kontrolado.

“May ganon? Anong pag iinarte nanaman ba iyan. Mag kakaibigan tayo ni Rycen at isa pa ay hindi ko maitatago sa kanya na nandito kana dahil mag kaklase lang kami.”

“Basta.. Huwag mong sasabihin.” ang wika ko naman habang naka tingin sa isang malaking bulletin board sa hallway. Dito ay nakita ko ang iba’t ibang announcement sa campus at kabilang gilid naman ay nakalagay na “Most Popular Student”. Number 1 si Rycen dito at number 2 naman si Kerby. Ang iba ay hindi ko na binigyan ng pansin dahil hindi naman talaga ako interesado. Plus.. Nakikita ko pa yung mukha kong tadtad ng pimples sa salamin kaya mas lalo lang ako binabalot ng insecurities.

“Ah basta Jopet, mahirap iyang gusto mong mangyari. Hindi mo maaaring pag taguan si Rycen no. At isa pa ay mag kakaisang department lang tayo.”

“Basta huwag mong sasabihin sa kanya. Hayaan mong makalimutan ko na siya ng tuluyan.” sagot ko naman sabay lakad palayo.

Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naramdaman panget ako at mababa. Ngayon lang. Ewan ngunit tila binabalot ako ng insecurity ko lalo na kapag naiisip ko si Rycen na mas lumayo ang agwat sa akin. Siguro ngayon ay hahanga nalang ako ng palihim at gagawin ang lahat upang pigilin ang nararamdaman ko para sa kanya. Bale wala lang naman ito at walang patutunguhan kundi muling kabiguan. Ang nakapag tataka lang ay kung bakit unti unting nabubuhay ang nararamdaman ko para sa kanya noong mga sandaling makita ko ang kanyang mukha.

“Are you okay Mister?” ang tanong ng aming guro noong makita akong nakatulala at nag iisip ng malalim.

Narinig ko nalang na nag tatawanan ang lahat..

“Y-yes sir. Sorry po.” nahihiya kong sagot.

“Okay lang. Pay attention ka nalang sa susunod. Kindly introduce yourself.”

Edi ayun nga, tumayo ako at nag pakikilala sa kanila. Nag bigay ako ng kaunting background sa sarili ko at syempre yung mga bagay hilig kong gawin. Seryoso namang nakikinig ang guro sa akin na para bang inoobservahan niya ako mula ulo hanggang paa. Yung tipong para bang may scanner ang mata niya at nagagawa niyang silipin ang kaloob looban ko. “Impressive Mr. Guzman. Please take your seat.”

Ang unang subject namin ay mathematics. Ang akala ko ay mahihirapan akong makasunod dahil halos isang taon akong natigil sa pag aaral, pero tama nga pala si papa at Gabby sa mga sinabi nila na ang talino ay hindi kumukupas. Noong oras na iyon ay isa ako sa nakaka sunod sa aking guro. At hindi lang iyon dahil nag volunteer pa akong mag solve sa black board. Tila ba nasabik ang aking isipan na lamanan ng mga bagong idea ang aking utak kaya’t sinagad ko ang pag papasiklab sa buong klase.

Noong mga hapong iyon ay nag pakilala ako sa aking mga guro sa pamamagitan ng pag sagot at pag papa impress sa kanila. “Ako si John Peter ay hindi lang basta panget.. Matalino ako kaya dapat ay irespeto nyo ako bilang ako.” ang bulong ko sa aking sarili.

Ayun nga nirespeto naman ako ng mga kaklase ko. Ang tawag nga nila sakin ay “Halimaw”. Hindi daw dahil sa mukhang akong halimaw na kalaban ni Darna kundi sa pagiging “halimaw” ko sa klase. “Halimaw means Mahusay” DAW kasi. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito ng positibo o isa nanamang pambubully ng mga tao sa paligid ko.

“Oh ayan dito na kita inaya sa canteen ng ibang department para makaiwas tayo doon kila Rycen. Anong kaartehan ba kasi yang pumasok sa isip mo para iwasan yung tanong mahalaga sayo.” tanong ni Gabby.

“Basta, ayokong makita niya ako. Mainam na yung ganito. Ayoko nang mapa sailalim sa hipnotismo nya katulad noong high school. At isa pa ay baka mapag kalamanan lang akong alalay nya pag tumabi ako sa kanya. Kaya Gab gusto kong sumampa ka sa harap ng cheese cake na yan na hindi mo sasabihin kay Rycen na bumalik na ako dito.” seryoso kong salita.

“Kailangan ba talaga ay dito ako susumpa sa harap ng cheese cake na to?” ang takam na takam na tanong ni Gabby.

“Oo naman! Kaya sumumpa ka! Sumumpa ka!! Kundi ay isasampal ko sayo ang cheese cake na yan. Sumumpa kaaa!” ang inis kong utos.

“Nakkuu oh sige na! Oo na! Susumpa na. Sumusumpa ako sa harap ng cheese cake na to na hindi ko sasabihin kay Rycen na nandito ka. Oh ayan okay na? Pwede ko na bang kainin ang cheese cake ko?” ang naiinis na wika nito

“Wag mo na kainin yang cheese cake dahil nag didiet ka. Akin na yan.” pag agaw ko naman. “Mag tubig ka nalang.”

Edi ayun nga set up, lumipas ang ilang araw. Madalas kong nasisilayan si Rycen na papasok ng department. Pero ako ay hindi nya napapansin, mukhang tinutupad naman ni Gabby yung mga sinupaan niya tungkol sa pag iwas ko kay Rycen. Kung sa bagay ay ayos lang naman na wala siya, atleast ay sarili ko nalang ang iniisip ko. Wala na akong ginagawan ng project o kaya isinasalba sa quizes. Hindi na rin ako nag aalala na baka bumaba ito sa kanyang mga activity.

“Wag kana mag worry Jopet!! Basta malaya kana!! Malayang malaya!!!” ang sigaw ko sa aking isipan habang lumalakad ng mabilis patungo sa aming classroom.

Ngunit sa pag aakalang malaya na nga ako sa mga ganoong bagay ay mayroon namang hindi inaasahang pang yayaring dumating sa buhay ko.

Araw ng Biyernes. Sa Last period, alas 4 ng hapon sa subject na Engineering Chemistry 1. Habang nag didiscuss ang aming guro ay napahinto ito dahil sa pag pasok ng isang estudyante. “Mr. Kerby Tuazon! Mabuti naman at naisipan mo nang pumasok sa subject ko. Mukhang taon taon yata ay makikita kita rito.”

Napakamot din ng ulo ang estudyante at nag salita ito. “Eh miss na miss kita ser. Alam mo namang ikaw ang favorite prof ko kaya binabalikan kita.” ang naka ngising sagot nito

Tawanan ang buong klase.

“Huwag kang mag aalala Mr. Tuazon, sisiguraduhin kong taon taon mo akong babalikan. Take your seat at the back.” wika nito.

Edi ayun nga, lumakad si Kerby patungo sa likod malayo sa akin. Gwapo talaga siya ngunit halatang may kayabangan ang loko. Hindi katulad ni Rycen na humble at laging naka tawa kahit pinapagalitan na sya ng guro.

“Hala, bakit ba puro si Rycen ang iniisip ko? Erase erase.” ang bulong ko sa aking sarili.

“Ok class, kumuha kayo ng papel at isolve nyo ang problem sa black board. That is considered your 1st quiz. 30 items ito at kalahati ang pass. Yung babagsak ay sorry nalang.”

Hindi naman umangal ang mga mag aaral, basta lahat sila ay kumuha ng papel at nag sulat..

Nag simula kaming mag sagot ng biglang akong mapalingon kay Kerby na noon ay nasa likod lang at umiikot ang mata sa katabi. Halos ganitong ganito rin si Rycen noong unang beses ko siyang makita.

Maya maya ay bigla itong natingin sa akin at bumuka ang bibig. “Pa-kop-ya” sabay pakita ng blanko nyang papel.

Binawi ko ang tingin ko sa kanya bagamat medyo nakaramdam ako ng kaunting awa.

Tahimik ulit..

Ipinag patuloy ko ang pag sagot ng biglang gumapang ito palapit sa akin at pinaalis ng patahimik ang aking katabi. “Palit muna kalansay. Doon ka likod.” ang bulong nito sabay upo sa aking tabi.

Malakas ang loob ng mokong, hindi na ito natakot sa aming prof. Basta sulat lang siya ng sulat. Kopya dito at kopya doon ang kanyang ginawa. Kahit mukhang kinalahig ng manok ang kanyang penmanship ay wala itong paki alam. Eh halos mas garapal pa pala ito kung kumopya kaysa kay Rycen.

Noong makatapos ito agad na bumalik sa upuan at umastang walang alam habang inilalagay ang ballpen sa nguso.

Maya maya ay tumayo naman ang aming prof mula sa pag sulat ng kung ano sa kanyang class record at isa isang pina pass ang aming mga papel.

Tahimik ang buong klase habang chinecheckan nito ang aming mga papel.

“Okay class, the highest is 28/30 Mr. John Peter Guzman. Followed by 25/30 Mr. Kerby Tuazon.” ang wika nito na parang hindi makapaniwala. “I dont have any idea kung paano ka naka kuha ng sagot Mr. Tuazon. Milagro ba ito? O baka naman nangopya ka lang?”

“Naku hindi ser. Sino naman kokopyahan ko dito. Etong dalawang katabi ko ay wala rin maisagot. Nag aral lang talaga ako ng mabuti kagabi.” ang naka ngising wika nito.

Ako naman ay binalot ng kaba dahil baka kumanta ang loko. Baka maya maya ay sabihin niyang sa akin sya nangopya edi napahamak pa ako. “Mr. Guzman” ang wika ng aming prof habang naka tayo sa aking harap. Seryoso ang mukha nito at halatang galit.

“S-sir b-bakit po?” nauuntal kong sagot na hindi makatingin sa kanya ng tuwid.

“Congratulations. Good job. Mukhang tama nga ang mga faculty doon sa high school, matalino ka at matiyaga.” ang wika nito sabay abot ng papel sa akin.

“Wew! akala ko kung ano na.” ang bulong ko sa aking sarili na noon ay naka hinga akong maluwag.

“S-salamat po sir.” wika ko naman.

Pag katapos ng klase agad akong lumabas ng silid. Samantalang si Kerby naman ay naiwan sa kanyang silya hawak ang kanya papel na may score na 25/30. Parang hindi ito makapaniwala sa kanyang nakuha. Ewan, pero deadma lang ako, naalala ko lamang si Rycen sa kanya at yung una beses kaming mag kausap. Parang naging dejavu lang ang lahat ng pangyayari sa buhay ko dahil tila naulit lang din ang lahat sa mag kaibang tao nga lang.

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay bigla akong napalingon kay Kerby na noon ay naka upo pa rin sa kanyang silya, naka bukas ang polo at naka bukaka na parang relax na relax sa pag kaka upo. Nakatingin ito sa akin ng tuwid at maya maya ay biglang nag bitaw ng nakaka lokong ngiti.

Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip nya ngunit batid kong hindi ito kanais nais. Kaya naman noong mga sandaling iyon ay pinangako sa aking sarili na hindi ako gagawa ng isa pang pag kakamali, katulad sa aking nakaraan.

itutuloy..

Imbisibol Part 24

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 24

“So ayun ang issue, pinaka kopya mo yung si Kerby Tuazon kaya ito naka kuha ng mataas na score kahapon?” ang pag lilinaw ni Gabby habang kumakain kami sa canteen ng ibang department.

“Sya naman ang tumabi sa akin para kumopya.” depensa ko sa aking sarili.

“Kaya naman pala e. Alam mo ba iyang si Kerby kanina, pinag mamalaki yung score nya doon sa Engineering Chemistry, siya daw kasi ang highest. Mayabang talaga ang mokong na iyon.” ang tugon ni Gabby.

“Ako ang highest doon at hindi sya.” ang wika ko habang kumakain ng pansit ng biglang akong batukan ni Gabby. “Arekupp. Bakit ba?” galit kong tanong.

“Mag tago ka sa ilalim ng lamesa. Hayan sila Rycen palapit na dito. Dali naaaa.” ang wika nito kaya naman agad akong sumuot sa ilalim nito. Mabuti nalang dahil mahaba ang mantel kaya’t di ako makikita agad.

Edi ayun nga pumasok sa canteen si Rycen kasama yung mga new found friends nya sa varsity. “Oi bro bakit nandito ka?” tanong ni Gabby noong tumapat ito sa kanya.

“Tol ikaw pala. Puno kasi doon sa canteen natin kaya lumipat kami dito. Teka sinong kasama mo? Gusto mo sabay tayo kumain?” ang tanong nito.

“Ah eh, wala akong kasama.” wika ni Gabby tila yata nakalimutan niya na sasabay sa kanya si Rycen para kumain kaya naman kinurot ko ang paa nito. “Arekuppp! Ahh wala akong kasabay pero sa akin pa rin yang pansit na yan. Palit palit lang ako. Pag katapos ko dito ay uupo naman ako dyan para kainin ang pansit na yan. Palipat lipat lang ganon.” ang magulong sagot nito kaya naman napakamot ng ulo si Rycen.

“Ah teka, kamusta pala si Jopet?” ang tanong nito.

“Okay naman siya.” sagot ni Gabby sabay kain ng puto.

“Eh nasaan sya ngayon? Nag aaral ba sya?” tanong nito.

“Um ummm dont talk when your mouth is full.” ang sagot naman ni Gabby at muling kumain ng tinapay para mapuno ang kanyang bibig.

Napakamot ng ulo si Rycen at aktong uupo sa ito sa aking silya noong biglang dumating ang si Kerby sa canteen kasabay ang ilang player ng basketball. Hawak hawak pa rin nya yung quiz namin kahapon at ipinag mamalaki sa mga nakaka salubong. “Oyy pareng Rycen kamusta? Nga pala highest ako sa Engineering Chemistry kahapon. 25/30, galing ko no?” pag yayabang nito.

“Ayos pala. Kanino ka ba nangopya?” tanong ni Rycen.

“Wala naman. Pero mayroon akong angel na kaklase. Sya ang tumulong sa akin.” wika ni Kerby habang naka ngiting aso.

“Anghel? Sino naman iyon?” tanong ni Rycen.

“Eh hindi ko alam ang pangalan nya basta anghel ang tawag ko sa kanya kahit hindi naman sya mukhang anghel.” ang wika nito.

“Itago mo nalang iyan pare. Saka mo nalang ako yabangan ng mataas na score kapag ikaw na ang gumawa. Yung walang tulong ng iba.” wika ni Rycen.

“Aba, yabang mo ah. Kung mag salita ka ay parang kung sino kang matalino! Eh bobo ka rin naman. Ang balita ko kaya ka lang nakapasa ng high school dahil mayroong baklang tumulong sayo!” ang galit na salita ni Kerby kaya naman nagalit si Rycen at hinablot ang kohelyo ang kausap. “Gago ka! Huwag na huwag mong idadamay dito ang nakaraan ko!” ang galit na sagot nito.

Halos mag kasagupaan na ang dalawa kaya naman agad tumayo si Gabby at ang mga barkada ni Rycen upang awatin ito. Nag karoon ng mainit na tensyon sa loob ng canteen bago tuluyang ilabas ang dalawang partido. Noong makatiyak na wala nang natitirang tao sa loob nito ay saka naman kami patahimik na umalis.

“Hoy Jopet lumabas kana dyan. Alam mo mas lalong gugulo ang sitwasyon kapag hindi mo pa sinabi kay Rycen na nandito ka. Umiwas ka nga sa kanya pero hayan naman si Kerby na syang pumalit sa pwesto nya bilang mangongopya sayo. Hay naku Jopet!” ang sermon ni Gabby.

“Eh bakit ba kasi ganoon yung dalawa na yon? Maaari naman silang mag usap ng mahinahon e. Suntukan agad?”

“Alam mo naman na mag karibal yung dalawa na iyon pag dating sa popularity. Nakita mo ba yung bulletin board? Most popular si Rycen at ikalawa lang sa kanya si Kerby. Eh malamang umabot na sa sukdulan ang inggitan nila kaya hayun para siyang aso at pusa. Saka baka hindi matanggap ni Kerby na pang 2nd runner up lang nag beauty nya at ang beauty ni Rycen ang bet ng madlang people. POLLING kasi ang labanan sa pag boto.” sagot ni Gabby

“Iyan ang hirap sa mga gwapo. Buti nalang at hindi ako isa sa kanila.” biro ko naman.

“Ah basta. Iwasan mo si Kerby Tuazon na iyon. At ipag tapat na natin kay Rycen na nandito ka rin sa campus. Huwag mo na siyang pag taguan.” wika ni Gabby.

“Bakit kailangan pang sabihin kay Rycen eh wala naman syang paki alam sa akin. Isa pa ay masaya na siya doon sa mga NFF nya.”

“NFF? Ano naman iyon? Marahil ay may rason si Rycen kung bakit hindi ka nya nadalaw noong nakaraang taon. Mag kakaibigan tayong tatlo, alam kong namimiss ka rin niya.” wika ni Gabby.

“NFF means new found friends! Masaya na sya doon sa mga ka varsity nya. Asa ka pa” pag mamaktol ko sabay pasok sa aming silid.

“Talagang may pinag huhugutan ka ha. Hayaan mo lilipas din iyang tampong pururot mo kay Rycen. After all, alam ko nandyan pa rin sya sa puso mo.” naka ngiting tugon ni Gab.

“Matagal ko na syang inalis. Mas matalino na ko ngayon. Mas wais! Mas malakas at mas matibay. Jopet version 97. Hindi na ko tanga!”

“Oh siya, wala namang nag sabing tanga ka. Basta ihanda mo ang sarili mo kapag nalaman ni Rycen na pinag tataguan mo sya.”

“Wala akong paki sa kanya.” ang sagot ko sabay suklob ng kumot sa aking mukha.

Sa pag lipas ng mga araw, pilit ko pa ring iniiwasan si Rycen at syempre ay ganoon din si Kerby na walang ginawa kundi ang mangopya sa akin tuwing may exam. Kung tutuusin ay masaya naman ako sa buhay ko dito sa campus, nakakasabay naman ako sa mga pinag aaralan at hindi lang iyon dahil napag adjust na rin ako, ang ibig kong sabihin ay nahasa na ang utak ko na dati ay natigil dulot ng trahedyang aking kinasangkutan.

Sa nakikita ko ay masaya naman si Rycen sa kanyang buhay dito sa campus. Ni minsan ay hindi nya ako naaalala dahil parati syang busy sa mga pictorials, guesting sa mga events at syempre ay sa pag lalaro ng volleyball. Nakakatuwa lamang isipin na dati sa kanya umikot ang aking mundo. Ngunit hindi naman sya ganoon sa akin, maswerte kung naging parte nga ako kahit kaunti lang.

Paulit ulit lang din ang buhay ko, papasok sa umaga, uuwi sa hapon. Magtatago, iiwas at sisiguraduhin hindi masisilayan ni Rycen ang hibla ng buhok ko. Minsan nga ay nakikita ko siyang palapit sa aking nilalakaran kaya naman sa sobrang pagkabigla ay napapalundag na lamang ako sa basurahan o kaya ay halamanan basta huwag lang mag krus ang aming landas.

“Aba e mag iisang buwan ka nang nandito Jopet, wala ka bang balak mag pakita kay Rycen?” tanong ni Gabby.

“Wag na natin guluhin yung tao. Masaya na sya sa bagong buhay nya.” sagot ko naman habang lumalakad sa hallway ng dormitoryo.

“Hala, ilang sakong ampalaya ba ang kinain mo at napaka bitter mo yata?” tanong nito

“Ano naman ang kinalaban ng ampalaya dito?” tanong ko naman

“Malaki Jopet! Dahil bitter ka! Mapait ka! Ampalaya ka!” ang pang aasar ni Gabby.

“Do you know that Bitter melon is very low in calories. It is an excellent source of folates and vitamin C. At alam mo rin ba na nakakapag stimulates ito ng easy digestion. In addition, it is a moderate source of B-complex vitamins such as niacin, pantothenic acid, pyridoxine and minerals such as zinc, potassuim, manganese and manesium. Kaya kumain ka rin ng ampalaya!” galit kong sagot.

“Aba lecturan ba ko tungkol sa ampalaya. Bitter much na to.”

“Kaya nga huwag mo nang idamay ang ampalaya dahil gulay iyon! Wala siyang kinalaman dito! Masustansya ang ampalaya alam mo ba iyon!!?” dagdag ko pa sabay pasok sa kwarto.

“Over ahh. Laki ng hugot mo boy” ang narinig kong sagot nito.

Mag kaiba na ang mundong ginagalawan namin ngayon. Siya ay isang kayamanan at ang katulad ko naman ay tipo lang na nirereject at walang karapatang suklian ng pag mamahal. Kung muling papasok si Rycen sa aking buhay ay mahuhulog nanaman ako. Pag nag kataon ay daig ko pa ang tumalon sa mataas na building at hinataying saluhin ng lupa ang aking katawan hanggang sa mag ka gutay gutay ito at ang pinaka masakit ay buhay pa ako.

Sa literal na buhay ay nacomatose ako dahil sa katangahan ko. Ayoko nang mamatay ulit..

Sapat na ang isang beses na lumakad ako sa daan patungo sa kalungkutan.

Itutuloy..

Imbisibol Part 25

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 25

“Doon na tayo mag daan sa harapan. Wala naman nakaka kita sayo doon.” pag yaya ni Gabby

“Paano naman nasabi na hindi natin makakasalubog si Rycen doon sa main gate aber?” tanong ko naman

“Dahil wala si Rycen dito sa campus ng tatlong araw. Nasa Baler ito at umatend ng fashion show. Alam mo namang nag karoon sya ng modeling contract galing doon sa contest na sinalihan niya.”

“Paano ka naman nakaka sigurado dyan?” tanong ko ulit

“Dahil sinamahan ko siyang mag papirma ng permit kahapon doon kila dean. Huwag ka na nga maraming tanong. Basta malaya ka ngayong tatlong araw. Dapat mag laro ang daga habang wala ang pusa.” wika ni Gabby

“Para namang pag tataksil iyang pag lalarawan mo.” reklamo ko naman.

“Teka pwera nalang kung mayroon aso.” dagdag pa nito sabay turo kay Kerby na nooy ay papasok sa gate. Nakasampay ang polo sa balikat at tinatawag ang aking pangalan. “John! Tol, may quiz tayo diba? Tatabi ako sayo!” ang bungad nito sabay akbay sa akin at mabilis ako hinatak palayo kay Gabby.

“Hindi ka ba nag review?” tanong ko naman habang nasasakal sa kanyang pag kaka akbay.

“Nag review. Kaso walang pumapasok sa utak ko. Kaya kokopya nalang ako sayo. Sure na papasa pa ko.” naka ngiting asong salita nito.

“Namimihasa ka pala kaka kopya dyan kay Jopet eh.” wika ni Gabby kaya naman napatingin sa kanya si Kerby. “Eh sino ka naman?” ang tanong nito.

“Gago, classmate mo rin ako tapos di mo ko kilala?” ang sagot ni Gabby.

“Alam kong classmate kita, ang ibig kong sabihin ay sino ka buhay nitong si John?” ang tanong nito.

“Ako lang naman ang bestfriend nya since high school. Saka bakit ka pa kokopya ng quiz kay Jopet eh minor subject lang naman yung binabalikan mo sa klase nila diba?” ang tanong ulit ni Gabby.

“Wala ka nang paki doon. Hmmm bestfriend ba kamo? Simula ngayon ako na ang best friend nya.” ang wika nito sabay hatak sa akin papasok sa classroom.

“Ako na bahala dito Gab, balik kana doon sa class nyo.” ang habol ko naman habang kumakaway sa kanya.

Ang pag kakaiba ni Rycen at Kerby? Si Kerby ay magulo, presko, mayabang, mataas ang bilib sa sarili at ma PR sa mga tao. Si Rycen naman ay may pagkatahimik, hindi nag papakita ng emosyon sa ibang tao at hindi malikot kagaya niya. Pero kung pisikal na anyo naman ang pag babasehan wala kang itulak kabigin sa kanilang dalawa. Parehong matangkad, maganda ang katawan at tindig. Parehong head turner. Ang ibig kong sabihin ay makalaglag panty at brief para sa mga kababaihan at kakalakihan.

“Kumuha kayo ng papel at isolve nyo ang problem sa black board. At katulad ng ipinangako ko sa inyo ang nag top 5 sa nakaraang exam ay exempted. Mr. John Peter Guzman at Mr. Kerby Tuazon huwag na kayo mag sagot.” ang wika ng prof dahilan para mapa “YES!” si Kerby na animo nanalo sa lotto.

Edi ayun nga, buong period lang kaming naka upo sa silya hanggang sa mangawit ang aming mga pwet. Makalipas ang ilang oras inanunsyo naman ng aming prof na wala siya mamayang tanghali kaya wala rin kaming klase. Kung alam ko lang sana ay hindi na ako pumasok ngayong araw, masarap pa namang matulog o kaya ay manood ng Peter Pan at Princess Sarah sa hapon.

“Wala tayong pasok mamaya. Mas mainam siguro kung mag bonding muna tayo!” ang wika ni Kerby.

“Bonding? Hindi ba may klase ka mamayang hapon? Classmate mo pa nga si Gabby doon sa English.” tanong ko naman.

“Hayaan mo na yan. Mas mahalaga masaya tayo. Ano tara na! Isama natin yang mga nerds na yan.” pag yaya nito sabay hatak sa iba ko pang kaklaseng payat at walang confidence sa sarili.

“Ayaw namin. Mag aaral pa kami e.” pag tanggi naman ng iba.

“Taena naman. Puro aral naman kayo. Mag saya naman tayo. Saka isa pa ay mahigit 1 month ko na kayong kaklase ni hindi ko man lang kayo kilala. Tara na!” ang pag yaya nito at dahil nga sa kakulitan nya at sa husay mag kumbisi ay napapayag ang halos kalahati ng klase.

Lahat kami ay nag lakad sa hallway na animo may alay lakad ang mga nerds. Syempre lalong nag stand out ang tangkad at itsura ni Kerby na mukang isang artista. Parang sa grupo ng mga itlog na pula ay may isang puti na nasama. Hindi tuloy makapaniwala yung mga kabarkada niya sa “hottie group”.

“Pareng Kerby, ano naman yan? Nakikipag kaibigan ka na rin sa mga nerds ngayon? Matalino ka na nga talaga.” biro ng mga ito.

“Bagong buhay na ko mga tol, iba na ko ngayon. Matataas na ang marka ko sa mga quiz at exam. Mainam na yung marami kang kaibigan, marami kang kabonding dito sa campus at isa pa ay dapat friendly tayo sa lahat. Hindi naman porket gwapo ako, malakas ang dating at pinag kakaguluhan ng mga babae ay hindi na ako maaaring makipag friends sa mga nerdy nerds.” mayabang na sagot nito na punong puno ng hangin sa ulo.

“Gago ka, ang sabihin mo may balak ka lang lumaban ng posisyon doon sa Supreme Student Council kaya nag papa charming kana naman.” hirit pa ng mga ito.

Tawanan sila..

“Huwag nyong pansinin ang mga iyon. Wala lang silang magawa. Panay bagsak kasi ang mga grado nila.” hirit din ni Kerby.

Edi ayun nga ang set up, dahil walang pasok ay dinala kami nito sa isang kainan na parang kubo kubo ang style. Umorder kami ng mga sisig, kare kare, lechon paksiw at iba pang specialty ng naturang eatery. Base sa aking obserbasyon, masaya naman ang lahat. Lalo kapag bumabangka si Kerby ay napapatawa nya ang mga kaklase kong tahimik. Lahat ng hirit nya ay punong puno ng sense of humor kaya naman bentang benta ito sa lahat.

Makalipas ang kainan, umorder naman siya ng isang case ng alak. “Inom tayo, sagot ko to dahil exempted tayo lahat!” ang masayang salita nito.

“Teka bro, hindi naman kami umiinom ng alak.” wika ko naman.

“Naku dapat ay masanay kayo. Sa mga social gatherings ay laging may inuman. Paano kayo makikisama sa mga kumpare ng tatay nyo kung hindi kayo marunong uminom. Tama na muna ang aral mga utol, panahon naman para kalimutan ang note book at mag saya. Cheers!!” ang wika nito.

Itinaas namin ang mga bote at sabay sabay kaming tumungga. Malakas talaga ang impluwensya ng mokong na ito. Ang nakakatawa ay parating masama ang dala nya. “Pwe.. sama ng lasa.!” ang reklamo ng iba

“Sa una lang iyan. Oh heto kumain kayo ng pulutan at uminom kayo nitong orang juice para mawala ang mapait na lasa. Masasanay din kayo.” ang wika nito. Ibang klase talaga itong si Kerby, halos kalahati ng klase namin ay napainom nya at nag sunod sunod pa ito hanggang sa pati ako ay tamaan na rin ng kalasingan.

“Cheers pa ulit!!” ang wika nito sabay taas ng bote pero wala na sa amin ang nag taas. Lahat ng mga nerds ay lupaypay na.

Ngayon lamang din ako nakaranas ng ganito. Tila bumibigat ang talukap ng aking mga mata at ganoon din ang aking ulo na parang panay hangin ang laman. Umiikot ang aking paligid at parang wala ako sa aking sarili. “Nalasing ka bro. Halika ihahatid na kita doon sa dorm mo.” ang wika ni Kerby sabay alalay sa aking katawan.

“Salamat naman.” bulong ko.

“Alam mo ba kanina ko pa napapansin na gwapo ka. Payat ka lang, maitim at maraming pinag bakatan ng natuyong pimples. Subukan mong gumamit ng mga ointment para mawala iyan. Alam mo naman sa paaaralan natin, kapag gwapo ka katulad ko ay talagang sisikat ka. Biruin mo ilang maton na estudyante ang naging bakla sa akin. Lahat sila ay nag papadala ng mga cards at letter. Tangina.. Hirap maging gwapo. Pogi problems talaga.” ang seryosong salita nito.

(Author’s note: ang history pala ng salitang “Pogi problem” na sumikat noong 2014 at 2015 ay nag mula kay Kerby Tuazon noong taong 1997. Lol)

“Gwapo ka naman talaga. Kayo ni Rycen Paul.” ang sagot ko.

“Huwag mo nga binabanggit sa akin ang pangalan ng gagong iyon. Pag tayong dalawa ay tayong dalawa lang. Okay?” ang medyo inis na salita nito na animo boyfriend na nag seselos.

“Mag bati na kayo ni Rycen, wala naman dapat na kainisan sa isa’t isa “ ang wika ko.

“Saka na.. kapag mas sikat na ko sa kanya.” ang sagot nito habang naka ngisi

Patuloy kami sa pag lalakad patungo sa dorm. Halos ganoon pa rin ang aking pakiramdam kaya naman mas pinag higihan pa ni Kerby ang pag alalay paakayat ng hagdan hanggang sa marating namin ang hallway patungo sa aming silid. “Sorry kung nalasing kita bro.” ang bulong nito

Hindi naman ako umimik at tinatagan ko nalang yung aking tuhod na noon ay nang hihina na dahil sa matinding pag kahilo. “Pero masarap naman sa pakiramdam ang nalalasing diba? Heaven ang feeling!” ang dagdag pa nito.

Hindi ako kumibo, ipinikit ko nalang ang aking mata..

Tahimik..

Habang palapit kami sa aming silid ay bigla nalang sumigaw si Kerby ng malakas na aking kinagulat. “Pareng Rycen!! Bakit nandyan ka?”

Noong narinig ko yun ay halos huminto ang tibok ng aking puso. Pinag pawisan ako ng malamig at doon ay nag simula akong kumawala sa pag kakahawak ni Kerby. Ayokong mahuli ni Rycen at ayokong makita nyang ganito ang aking lagay. Ang sabi sakin ni Gabby at tatlong araw mawawala ang loko bakit nandito na sya?

Tahimik ulit..

Binalot ako ng matinding kaba..

Unti unti kong iniangat ang aking ulo at doon ay nakita ko nga si Rycen at Gabby na nag uusap sa tapat pinto ng aming silid. Maya maya ay humarap si Rycen dito at lumakad patungo sa aming kinalalagyan.

“Pareng Rycen, siya yung angel ko. Si John Peter. Kaso medyo lasing lang. Nag happy happy kame eh. Alam mo na kaunting inom lang.” ang wika nito dahilan para mahinto ito ng pag lalakad.

“Jopet? Ikaw ba iyan?” ang tanong nito na parang nauutal at naka kita ng multo.

“Huh? Mag kakilala kayo?” nag tatakang tanong ni Kerby.

Hindi ako sumagot.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Parang nawala nga yung kalasingan ko pero mas mainam pag panggap nalang akong wala sarili.

“Oo mag kakilala kami.” sagot ni Rycen habang nakatingin pa rin sa akin. Bakas sa kanyang mukhang ang galit at pag kabigla.

“Sige ako na mag hahatid dito sa angel ko. Mahirap na baka kung ano pang gawin nyo.” ang wika nito sabay lakad papunta sa akin silid.

Maya maya ay bigla nalang pinigil ni Rycen si Kerby habang hawak ito sa balikat at seryosong nag wika. “Pare, ibalato mo na sakin iyan. Ako na mag hahatid sa kanya sa kwarto.”

Tumingin sa kanya ang binata at tumango “Sige bahala ka.” sagot ni Kerby at pinasa nya ako kay Rycen na noon ay nararamdaman ko ang panginginig ng kalamnan.

“Huwag kang umiinom kung hindi mo naman kaya.” ang bulong nito habang patuloy kami sa pag lakad.

Binuksan ni Gabby ang silid at doon ay maigi akong inalalayan ni Rycen pahiga sa aking higaan.

Wala pa ring imikan.

Kahit si Gabby ay walang kibo kaya naman napuno ng isang nakakabinging katahimikan ang buong silid.

Kahit kamay ng orasan ay malinaw mong maririnig noong mga sandaling iyon..

Tahimik..

Nanatiling naka titig sa akin si Rycen habang patuloy sa pag hinga ng malalim. Tila ba pinipigil niyang sumabog ang kanyang matinding galit.

Maya maya ay nag salita ito. “Hanggang kailan mo ako pag tataguan Jopet?” seryosong tanong nito.

Wala akong kibo..

Naka tingin lamang ako sa kisame.

“Akala mo ba ay hindi ko alam na nandito kana? Ang akala mo ba ay isa akong tanga para hindi maramdaman iyon? Noong orientation nakita na kita doon sa pila ngunit nag patay malisya lang ako dahil hindi ko alam kung paano ka lalapitan lalo’t naguguilty ako sa nangyari sayo. Ni hindi man lang kita nagawang dalawin sa inyo o alagaan katulad ng ginawa ni Gabby. Noong nasa canteen tayo, nakita doon sa ilalim ng lamesa na nag tago ngunit nag panggap akong walang nakita. Gaano kasakit sa akin yung iwasan mo ako? Bakit mo ako ginaganito? Araw araw ay mabigat ang loob ko dahil lagi kitang nakikitang nag lalakad sa hallway ng mag isa at pag katapos ay bigla ka nalang iiwas at mag tatago kapag alam mong palapit ako sa iyong dereksyon. Halos ilang linggo ko ring tiniis na huwag kang pansinin habang hinihiling ko na sana ay ako ang kasama mo doon, sana ako yung may hawak ng mga gamit mo. Sana ako yung kasabay mo umuwi at pumasok sa eskwela. Durog na durog ako Jopet!” ang umiiyak na salita ni Rycen sabay tayo at bago lumabas ng silid ay sinuntok pa nya ang pader.

Ito ang unang pag kakataon na nakita kong umiyak ang isang Rycen Paul Lacsama. Ilang taon din kaming nag sama sa high school nakita ko siyang nalungkot ngunit kahit kailan ay hindi ko pa nakitang pumatak ang kanyang luha. Ngayon lang..

Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon noong mga sandaling iyon. Pakiwari ko ba ay nakagawa ako ng isang malaking krimen na saktan si Rycen at paiyakin ito sa aking harapan. Mag kahalong pag kainis at hiya sa aking sarili ang nangibabaw sa aking pag katao.

Alam kong isang malaking kamalian ang iwasan siya ngunit pinili ko lamang na kalimutan ang aking nararamdaman para sa kanya. Ang akala ko ay kapag hindi na kami close o nag kikita ay unti unti itong nawawala ngunit mali pala. Dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng dibdib ko sa kabila ng tampo, hinanakit at sakit dinulot nya sa aking pag katao.

itutuloy..

Imbisibol Part 26

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 26

“Akala mo ba ay hindi ko alam na nandito kana? Ang akala mo ba ay isa akong tanga para hindi maramdaman iyon? Noong orientation nakita na kita doon sa pila ngunit nag patay malisya lang ako dahil hindi ko alam kung paano ka lalapitan lalo’t naguguilty ako sa nangyari sayo. Ni hindi man lang kita nagawang dalawin sa inyo o alagaan katulad ng ginawa ni Gabby. Noong nasa canteen tayo, nakita doon sa ilalim ng lamesa na nag tago ngunit nag panggap akong walang nakita. Gaano kasakit sa akin yung iwasan mo ako? Bakit mo ako ginaganito? Araw araw ay mabigat ang loob ko dahil lagi kitang nakikitang nag lalakad sa hallway ng mag isa at pag katapos ay bigla ka nalang iiwas at mag tatago kapag alam mong palapit ako sa iyong dereksyon. Halos ilang linggo ko ring tiniis na huwag kang pansinin habang hinihiling ko na sana ay ako ang kasama mo doon, sana ako yung may hawak ng mga gamit mo. Sana ako yung kasabay mo umuwi at pumasok sa eskwela. Durog na durog ako Jopet!”

Kapag sumasagi sa aking isipan ang mga salitang iyon na binitiwan ni Rycen kahapon ay ibayong sakit at lungkot ang aking nararamdaman. Puro kalokohan kasi ang nasa isip ko, ang nais ko lang naman makawala sa pag kaka tali ng aking puso’t isipan sa kanya sa mabilisang paraan. Ang akala ko ay pag iwas at pag tatago ang sagot, ngunit mali pala ako.

Inakala ko rin na ang pag babalik sa paaralang ito ang magiging daan sa aking katapangan upang kalimutan ang nakalipas. Ang akala ko ay may magbabago kung sakaling babangon ako at itama ang dapat itama.. Kaya pala maraming namamatay sa maling akala. Marahil ay isa na ako doon.

“Ha? Ano ka ba naman anak, bakit padalos dalos ang desisyon mong lumipat ng paaralan?” ang boses ni mama sa telepono.

“Magulo lang po talaga ang sitwasyon dito ma. Gusto ko na lumipat ng school.”

“Anak naman, huwag ka munang pang hinaan ng loob. Lilipas din iyan at magiging maayos rin ang lahat. Kayang kaya mo iyan, ikaw ang tipo ng tao na hindi basta basta sumusuko diba?”

“Pero ma, kasi nahihirapan ako sa…” hindi natapos ang pag uusap namin ni mama dahil naputol ito at si Gabby ang may kagagawan noon. “Gabby bakit mo pinindot?” ang tanong ko

“Dahil binibigyan mo lang ng problema yang mama mo. Pinapakita mo sa kanila na hindi ka maayos dito, sa palagay mo ba ay matutuwa sila? Syempre ay hindi dahil tiyak na mag aalala sila sa iyo. At isa pa ay isang kabaliwan ang kagustuhan mong lumipat ng school dahil wala naman dito sa problema kundi nasa iyo mismo.” ang wika nito.

“Lalo lang gugulo ang sitwasyon kung mananatili ako dito. Bumalik ako dito sa campus dahil ang akala ko ay may babago pero wala naman. Naging miserable pa ang lahat.” sagot ko.

“Hindi kita sinisisi pero ikaw mismo ang gumawa ng problema Jopet. Para matapos na ito ay pumunta kana kay Rycen at kausapin ito.” tugon ni Gabby

“Bakit ako ang pupunta sa kanya para manghingi ng tawad? Sya ang naka limot sa akin, ginaya ko lang kung ano ang ginawa niya. Kung mahalaga ako sa kanya sana ay gumawa siya ng paraan para iparamdam man lang sa akin mahalaga rin ako. Kahit papaano lalo’t siya ang dahilan ng pinaka malaking sakit sa pag katao ko. Ginusto ko lang na umiwas sa kanya baka sakaling makumbinsi ko ang sarili ko hindi ko na siya hanap hanapin pa. Pero mali ako dahil sa tuwing hahakbang ako palayo ay hinihitak pabalik sa lugar na ayoko nang balikan.” sagot ko naman at doon ay hindi ko na pigil pa ang aking emosyon. Lumakad ako palayo ay Gabby hanggang sa makalayo sa kanya.

“Jopet! Saan ka naman pupunta?” ang narinig kong tanong nito

Hindi naman ako kumibo at itinuloy ko lang ang pag lalakad.

“Kailangan talaga may ganoong eksena? Walk out kung walk out?” narinig ko pang reklamo nito.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking paa, basta tumakbo ako, lumiko sa kung saan at lumiko ulit, para bang may humahabol sa akin pero wala naman talaga. At habang nasa ganoong pag lalakad ako ay bigla nalang sumulpot sa aking harapan si Kerby at hinarang ako nito. Naka suot ng jersey sa basketball team at halatang galing game dahil sa pawis nito. “Oh John Peter saan ka pupunta? Saka bakit ganyan ang mukha mo? Umiyak ka ba?” ang tanong nito.

“Hindi, masakit lang ako ulo ko.” sagot sabay iwas dito. “Teka teka, alam kong may mali, mag usap muna tayo doon sa canteen. Saka nagugutom na rin ako e. Tara.”

“Pass muna ko bro. Gusto kong maging mapag isa.” ang sagot ko.

“Nakuu masama na yan. Kung ganoon ay sasama ko. Baka maya maya ay mag pakamatay ka pa dahil sa kung ano man iyang nasa isip mo.”

“Hindi naman ako aabot sa ganoon lebel no.”

“Alam ko na John Peter meron akong alam na tambayan, tahimik doon at mayapa. Bili tayo ng pag kain at pumunta tayo doon.” naka ngiting wika nito sabay hatak sa akin palabas ng gate.

At dahil nag pumilit itong si Kerby ay agad kaming bumili ng pag kain at sumakay sa jeep patungo sa parke doon sa gitnang bayan. Ilang minuto lang naman ang byahe papunta dito kaya’t hinding naging hustle. Pag hinto namin ay agad kaming nag tungo sa seawall kung saan may ilang tao ang naka upo at mukhang lahat ng ito ay malalim ang iniisip.

Mahangin dito, masarap pakinggan ang alon ng karagatan at panoorin ang mga bangka na lalayag dito. Niyaya akong umupo ni Kerby sa kanyang tabi at doon ay sabay kaming kumain ng tsitsirya at tinapay.

Kapwa kami naka tingin sa kalayuan..

“Bakit malungkot ka?” ang tanong nito.

“Ah e, nag karoon lang kami ng hindi pag kakaintindihan ni Gabby kanina.” sagot ko bagamat hindi iyon ang totoong rason.

“Ganoon ba. Gusto mo upakan ko na mamaya?” ang tanong nito

“Sira.. Hindi naman kami umabot sa ganoon. Mamaya lang ay maaayos na ang lahat. Sana.” ang sagot ko sabay inom ng softdrinks.

Tahimik ulit..

“Biro lang naman iyon. Teka matagal na ba kayong mag kaka kilala?” tanong nito.

“Since highschool ay mag kakaibigan na kami nila Rycen. Nag stop lang ako sa pag aaral dahil sa pag kakaroon ng karamdaman kaya’t ayon napag iwanan nila ako ng year level.” seryoso kong sagot.

“Matagal na pala kayong mag kakaibigan. Kaya naman pala noong gabing inihatid kita sa dorm mo ay nandoon sila. At noong kinuha ka ni Rycen para alalayan ay may kakaiba sa mata nito, para bang papatayin ako o kaya ay mananakit ng basta basta. Eh lasing ako non, tiyak na wala akong laban kaya ibinigay na kita.” natatawang sagot nito sabay hagis ng bato sa dagat.

“Eh ikaw bakit napunta ka doon sa campus? Bakit mas pinili mo ang all boys school kesa sa normal na kolehiyo?” tanong ko rin.

“Teka, bakit napunta sa akin ang usapan. Akala ko ba ay nandito ka para mag isip?” naka ngiting tanong nito.

“Gusto ko lang malaman, wala naman sigurong masama.” sagot ko naman.

Natawa ito at nag bitiw ng isang malalim na buntong hininga. “Gusto ni papa na doon na lamang ako sa St. Vincent mag aral dahil parati akong nasasangkot sa mga gulo na kabilang ang mga babae.”

“Babae? Bakit naman? Parang komplikado naman yata iyon.” pag tataka ko naman.

“Noong 4th year high school kasi ako ay tatlo sa mga naging gf ko ang nabuntis ko. Yung una ay nag palaglag. Yung ikalawa naman ay ganoon din at yung ikatlo ay nakunan dahil sa pag sali nya sa cheering squad. Malaking galit sa akin nina mama at papa kasi nga ay hindi lang ako bobo, uto pa at walang inatupag kundi mga babae kaya naman doon nila ko pinag aral sa all boys school para wala na daw akong mabuntis pa. Mas nanaisin pa daw nila na lalaki ang patulan ko kaysa babae na masisira ang pag aaral ko.” ang salaysay nito sabay tingin sa akin na parang matatawa.

“Kung ganoon ay dapat tatlo na ang anak mo? At puro panganay ito?” gulat kong tanong.

“Oo at kung nag kataon malamang ay kargador nalang ako doon sa palengke dahil tiyak na itatakwil ako ng mga magulang ako. Mataas pa naman ang pangarap nila para sa akin.” tugon niya.

“Halos lahat naman ng magulang ay matayog ang pangarap para sa kanilang mga anak. Nakakatuwa lamang na ang ibang tao ay hindi nakikita iyon.” wika ko naman habang patuloy sa pag mamasid sa paligid.

Napabuntong hininga si Kerby, marahil ay tinamaan ito sa mga sinabi ko. “Tama ka doon bro. Isa ako sa mga taong iyon.”

“Hindi naman siguro, ang kailangan mo lang gawin ay ipakita sa kanila na nag susumikap ka sa pag aaral mo. Teka, hindi ba’t sumali ka rin daw ng Ginoong Pilipinas?” pag babago ko sa usapan.

“Ah iyon ba? Nag simulang sa katuwaan iyon. Gusto ko kasi bumili ng discman kaya sumali ako. Bago ako makarating sa Ginoong Pilipinas ay lumaban muna ako at nanalo sa siyudad na ito.” ang sagot nito.

“Wow, meaning ikaw ang nanalo dito sa buong siyudad? At pag katapos ay nirepresent mo ito sa national?” ang namamangha kong tanong.

“Oo at dito ko nga nakilala ang mayabang na si Rycen na noon ay representative ng Cebu. Ayun ang ending 4th lang ako. Di kasi ako nakasagot. Ano naman ang malay ko sa ekonomiya ng bansa kung yung lupang hinirang nga ay hindi ko kabisado iyon pa kaya. Saka bakit ipapa problema nila sa akin ang status ng ekonomiya, anong kinalaman ko doon? Tangina talaga.” ang bulong nito.

“Pero mahusay ka pa rin. Ang makasali lang doon ay malaking karangalan na. Congratulations Mr. Tuazon.” ang wika ko sabay ngiti.

“Buti ka pa binati ako. Eh yung gagong eskwelahan natin ay si Rycen lang binati e pareho naman kaming talo! Nagsisisi nga ako dahil doon pa ako pumasok.” pag hihimutok nito.

“Sana pala ay hindi ko na binuksan ang usapan tungkol dito.” bulong ko sa aking sarili.

“Teka bakit ba kasi nag kakainitan kayo ni Rycen? Ano bang mali?” pang uusisa ko naman.

“Dahil masyadong masikip sa amin ang campus. Parati akong nagiging second choice over sa kanya. Parati sya ang pipiliin bago ako. At madalas pa kaming pinag kukumpara ng mga guro. Hindi naman ako insecure dahil alam kong mas gwapo ako doon. Ayoko lang talaga na inihahalintulad ako sa iba.” ang naiinis na sagot nito sabay hagis ng bato sa kalayuan.

“Pero alam mo, swerte kayo dahil kahit yung mga brusko lalaki doon sa campus ay napapa nga-nga kapag dumadaan kayo. Eh ako? Parating busog sa pambubully at pamimintas ng iba.O sige nga mamili ka, hangaan ka o ibully?” natatawa kong tanong.

Tumingin ito sa akin at maya maya ay inakbayan ako. “Hindi ko alam tol. Sana ay ganyan ako katalino sayo.”

“At sana ay ganyan din ako kagwapo sayo.” biro ko rin.

“Mas masarap maging matalino, magiging proud ang magulang mo sa iyo” saad nito

“Mas masarap maging gwapo, iyon kasi ang unang napapansin kaysa sa talino. Pero mas masarap kung mayroon kang pareho. Ikaw Kerby, kaya mong mag karoon ng dalawang ito basta mag sumikap ka lang. Wala naming imposible basta maniwala ka lang” naka ngiti kong salita.

Tumingin ito sa akin at ngumiti. “Salamat tol.. Ikaw ang the best.”

tawanan..

Alas 6 ng hapon noong makabalik ako sa dorm. Katulad ng dati ay muli akong inihatid ni Kerby dito bago sya umuwi sa kanilang subdivision. Noong mga sadaling iyon ay mas nakilala ko pa si Kerby, ibang iba pala ito sa nakikita ng mga ibang tao. Iyon nga lang ay kahit naging mas malapit kami sa isa’t isa ay si Rycen pa rin ang hinahanap ng aking mga mata.

Iyon ang katotohanan na hindi ko maaaring itanggi sa aking sarili.

itutuloy..

Imbisibol Part 27

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sept 1, 2016

Part 27

“Kamusta naman kayo ng nfbf mo?” ang tanong ni Gabby habang abala ito sa pag aayos ng kanyang mga gamit.

“Nfbf? ano naman iyon?” pag tataka kong tanong.

“New found best friend. Si Kerby diba? Close na close na kayo at mukhang hindi na kayo mapag hiwalay. Kahapon ay hanggang gabi kayong mag kasama.” paninita ni Gabby.

“Sinamahan lang niya ako kahapon dahil nalulungkot ako. Wala namang masama doon.” depensa ko.

“May masama dahil gagamitin ka lang niya. Kaya lang naman dumidikit sayo iyon ay para kopyahan ka at mag pagawa ng kung ano ano.” sagot nito.

“Ganon ba? Wala namang bago doon dahil dati pa naman akong ginagamit ni Rycen hindi ba? Anong pinag kaiba nilang dalawa? Wala!” ang may kataasang boses kong sagot.

“May bago dahil gagawa kana naman ng pag kakamali.” tugon nito.

Napailing nalang ako at napatingin sa kanya ng seryoso. “Ang pinaka malaking pag kakamali ko ay si Rycen. At hindi ko na uulitin iyon kay Kerby dala wala ako ni katiting na nararamdaman sa kanya. Dinamayan lang niya ako, walang masama doon.”

Hindi na ito sumagot pa at naupo na lamang sa harap ng kanyang study table. Samantalang ako naman ay napaupo nalang sa kama habang naka pako ang tingin sa sahig.

Tahimik..

“Gusto ko lang na mag kaayos tayong tatlo ni Rycen, dahil mag kakaibigan tayo. Mayroon tayong pinag samahan. Kung mamasamain mo iyon ay wala na akong magagawa.” ang pag basag ni Gabby sa katahimikan sabay labas ng aming silid.

Inaamin ko na may kasalanan ako dahil sa pag tatago ko kay Rycen, ngunit paano ko ba ipa iintindi sa kanila na kaya ko lang ito ginawa ay dahil takot na akong masaktan ulit ng sobra. Wala namang masama sa pag iwas ko sa bagay na nakakasakit sa akin, gusto ko lang naman matutunang mabuhay ng wala siya sa aking paningin. Bakit ako ang mag papakumbaba kung ganoong si Rycen mismo ang naka limot sa akin. Ano ang kasalanan ng isang pusong humanga at nag mahal ng lubos sa isang taong walang pakiramdam? Para akong gumawa ng isang magandang larawan at ipinakita ko sa isang taong bulag.

Sa pag lipas ng mga araw ay tila naging malala ang tensyon sa pagitang naming tatlo nila Rycen. Kami ni Gabby ay hindi nag uusap kahit mag kasama sa loob ng silid, yung tipong parang hindi nag eexist ang isa’t isa. Pag dating naman sa school ay nakaka salubong ko si Rycen at ang kanyang mga kolokoy na barkada ngunit hindi rin ako pinapansin nito. May isang pag kakataon naman na nakita ko sina Gabby at si Rycen na nag iiwasan rin marahil ay dahil sa ginawa ring pag tatago ni Gabby ng tungkol sa aking pa babalik.

Ayun nga, galit galit kaming tatlo..

Kesa naman damdamin ko ay nag focus nalang ako sa aking pag aaral lalo’t palapit ang prelim. Unang exam ko ito sa kolehiyo kaya’t nais kong maging maayos at maganda ang resulta.

Tungkol naman kay Kerby, madalang kaming mag kita dahil naging busy ito sa pag lalaro ng basketball. Kaya’t madalas ay ako lamang mag isa ang lumalakad sa hallway at maging sa pag uwi. Mabigat sa damdamin ang mga pangyayari iyon ngunit malakas ang paniniwala kong lilipas din ito at magiging maayos din ang lahat.

Isang linggo pa ang lumipas, nakaraan na rin ang prelim exam at ganoon din kabilis ang pag papaskil ng mga resulta nito sa mga bulletin board. Pang 8 ako sa ranking ng may pinaka matataas na score sa lahat ng subjects. Ayos na iyon atleast hindi ako nawala sa top 10. Aminado naman ako na hindi masyadong naka focus sa pag rereview dahil lumilipad ang isipan sa mga taong bumubuo ng araw ko. Sina Rycen at Gabby lamang kasi ang may paniniwalang magaling ako at kapag wala sila ay masasabi kong hindi ako kompleto.

“Uyy Jopet, si Gabby ay naaksidente doon sa oval. Bilis!!” ang malakas na salita ng aking kaklase na labis kong kinabigla.

“Anong nangyari? Sino ang mga kasama nya?” ang tanong ko naman habang tumatakbo patungo doon.

Malayo layong pag takbo rin ang aking ginawa. Hingal kabayo at halos tumulo na ang mga pawis sa aking katawan noong mga sandaling iyon ngunit hindi ko na ito pinansin dahil mas nangingibabaw ang pag alala ko kay Gabby.

Makalipas ang ilang saglit ay nakasalubong ko nalang ang isang stretcher na buhat buhat ng ilang mag aaral, naka higa dito si Gabby at namamalipit sa sakit. “Ano bang nangyari? Bilisan nyo!! Tayo na sa clinic!!” ang natataranta kong sigaw at nakibuhat na rin ako rito.

“Di namin alam kuya, basta nakita naming itong naka subsob doon sa oval” sagot ng mga bumubuhat.

“Hay Gabby, bakit naman kasi pati oval ay hinahilikan mo?!!” ang taranta kong tugon habang buhat pa rin ito.

Mabilis na dinala sa clinic si Gabby habang namamalipit ito sa sakit. Samantalang ako naman ay pinag halong kaba at awa ang nararamdaman sa tuwing nakikita ko itong nahihirapan. “Nurse ano po ang nangyari?” tanong ko habang hinahawakan ito at pinipigil sa pamamalipit.

“Ankle Sprain lang ito iho. Natapilok lamang siya at naipitan ng ugat sa bukong bukong. Kaunting masahe lang kailangan dito. Nangyayari ito kapag hindi tayo nag wawarm up bago tumakbo sa field o kaya naman ay bago tumalon ng malakas.” paliwanag ng nurse habang iniikot ang paa ni Gabby.

“Hayy akala ko naman ay delikado na. Kinabahan ako doon ah.” tugon ko at naupo nalang ako dahil sa pang hihina ng tuhod. “Teka, kalian pa naging runner itong si Gabby? Eh nung high school nga kami ay parating failed ito sa physical fitness?” tanong ko sa aking sarili habang pinapanood ang nurse na gamutin ang paa nito.

“Masakit talaga ang sprain, lalo na kung hindi ito agad mabibigyan ng paunang lunas. Ayan okay na siya. Kailangan lamang niyang mag pahinga dahil tumaas din ang kanyang blood pressure.” dadag pa ng nurse at iniwan nito si Gabby na nakahiga sa clinic.

Ako naman ay naupo nalang sa labas at hinintay na maging maayos ito. Halos natuliro ako habang hawak ang bote ng tubig sa aking mga kamay. Ibang klase kasi ang nerbyos ko kanina.

Tahimik..

Nasa ganoong posisyon ako ng biglang dumating si Rycen at bakas din sa mukha nito ang pag aalala. Naka suot pa ito ng jersey at basang basa ng pawis ang katawan. “Galing pa ako ng game, kamusta si Gabby?” agad na bungad nito habang hindi rin mapakali.

“Ayos na sya. Na sprain lang daw ang paa. Ang sabi ng mga kaklase nya ay nag try out daw ito doon sa track and field.” ang wika ko naman.

“Mabuti naman kung ganoon, ang akala ko ay malalang malala ang nangayari sa kanya. Ang kumalat na balita kasi sa gym ay nabagok ito habang nag ttry out sa long jump.” ang sagot nya sabay upo sa aking tabi bagamat may kaunting distansya sa pagitan namin.

“Oo nga eh, wala akong ideya na mahilig pala itong si Gabby sa mga outdoor sports” tugon habnag napapakamot ng ulo.

Tahimik ulit..

Tila nawalan ako ng sasabihin..

Ganoon din sya na naka tingin lang sa kalayuan. Ilang minuto rin kaming walang kibuan hanggang sa maisipan kong iabot sa kanya ang bote ng tubig na aking hawak dahil pansin kong pagod na pagod ito. Wala akong imik, basta inabot ko lang sa kanya yung mineral water at kinuha naman nya ito saka ininom.

“Salamat.” ang wika niya sabay ngiti sa akin.

“Wala iyon.” sagot ko naman sabay bitaw rin ng matamis na ngiti.

Tumingin ito sa akin at nag wika “Galit ka pa ba sa akin? Alam kong nag tatampo ka dahil hindi man lang kita dinalaw noong mga oras na nag papagaling ka sa inyo.”

Hindi agad ako sumagot. Tumingin ako sa kanya ngunit agad ko rin itong binawi. Wala na rin naman ako choice kundi sagutin ang tanong niya.

“Nag tampo ako, dahil ang akala ko ay kinalimutan mo na ako ng tuluyan. Sino lang ba naman ako para maalala mo.”

“At iyon ba ang dahilan kung bakit hindi nyo ipina alam sa akin na nandito kana ulit?”

“Oo. Dahil alam kong masaya kana sa bago mong buhay bilang isang celebrity, masaya ka na rin sa mga bagong kaibigan mo. Sa palagay ko ay hindi mo na ako kailangan pa.”

Ako naman ay napako nalang tingin sa di kalayuan. Parang may hinahanap ngunit wala naman talaga.

Saglit na binalot na nakakabinging katahimikan ang buong paligid..

Napayuko si Rycen at napatitig ito sa sahig. Tila nag iisip kung ano ang kanyang isasagot. “Hindi ako masaya tol. Dahil araw araw akong inuusig ng aking konsensya dahil pinabayaan kita. Sana ay hindi kita hinayaang lumayo noong araw na iyon. Sana ay hinawakan kita ng mahigpit.” ang salita niya at doon ay nag simula nang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. “Patawarin mo ko.. Im sorry.” ang dagdag pa nito sabay kabig sa aking katawan at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit..

“Alam kong may pag kukulang ako sa iyo, ngunit paano ko makakabawi kung iiwasan mo ako?” bulong pa niya habang patuloy na nakayakap sa akin.

“Ang akala ko ay kinalimutan mo na ako.” ang malungkot kong salita.

“Hindi tol, sa tuwing nakikita kong nag tatago ka kapag parating ako ay nasasaktan ako. Pakiramdam ko ba ay isang malaking krimen ang nagawa ko kaya’t pilit mo akong inaalis sa buhay mo.” patuloy nyang pag iyak

“Sinubukan ko lang na huwag kang hanapin. Baka sakaling ako naman ang makita mo.” tugon ko.

“Marami akong nais sabihin sayo ngunit hindi ko alam kung paano at saan ako mag sisimula.”

“Ito ang ikalawang beses na nakita kitang umiyak.. Parang hindi naman ako deserving na iyakan mo.” natatawa kong biro bagamat damang dama ko ang maigting emosyon noong mga sandaling iyon. Alam kong malayo ang sagot ko ngunit gusto ko lang pagaanin ang sitwasyon sa simpleng pag bibitaw ng punch line.

“Marami beses na akong umiyak. Kung alam mo lang.” ang bulong niya habang naka yakap pa rin.

“Huwag ka na ngang umiyak. Naiinis lang ako kasi kapag ikaw gwapo ka pa rin kahit lukot ang iyong mukha. Ako naman ay mukhang napkin na nilamukos kapag umiiyak. Im sorry din Rycen.”

Natawa ito at mas lalong humigpit ang kanyang pag kakayakap sa akin. “Gago.. huwag mo na ulit akong iiwasan dahil nasasaktan ako tol.”

Hindi ako madaling mag patawad o bumigay sa isang bagay, ngunit ang puso ko na ang nag desisyon nito. Bakit nga ba papairalin ko pa ang pride kung mas mahalaga naman sa akin ang maging masaya? Hindi naman ako kagaya ng mga tauhan sa mga kwentong nababasa ko na pinapahirapan ang mga sarili pero sakit sakit na sila.

Kahit pag bali-baligtarin pa ang mundo, si Rycen ay mananatiling espesyal sa puso ko. At sa pag kakataong ito ay alam kong magiging maayos na ang lahat para sa amin.

“Oh edi peace na lahat? Tara na dito mga bestie group hug na tayo!” ang pag basag ni Gabby sa moment kaya naman natawa nalang kami at lumapit sa kanya.

“Pinag alala mo ko Gabby. Sino ba naman kasi ang nag sabi sayo na mag try ka doon sa track and field? Sana ay sumali ka nalang sa ibang sports. You scared me to death gago ka.” ang sermon ko sabay kutos sa ulo nito.

“Gusto ko lang ng healthy lifestyle kaya ako sumubok mag sports.” katuwiran nya.

“Kung gusto mo ng healthy living edi sana ay bawas bawasan mo ang pag kain ng taba at chicharon. Cholesterol yon Gabby, alam mo ba ang cholesterol? Masama sa katawan iyon. Kahit na nga ba pumayat ng kaunti, maaari ka pa rin mapahamak.” dagdag ko pa.

“Hindi ako pumayat ng kaunti. Pumayat talaga ako ng bongga. Saka wala namang ibang sports na naka open kundi iyong track and field at squad.” pag mamaktol nito.

“Oh edi sana doon ka nalang sa cheering squad sumali. Tutal naman noong high school tayo ay dati ka nang sumasali doon. Hindi ba’t lagi ka pa ngang tinatapakan noon habang sumisigaw ng “Go Fight Win!” tugon ko naman.

“Hindi totoo yan..” pag kontra ni Gabby.

“Alin yung hindi totoo? Yung tinatapakan ka sa likod?” tanong ko.

“Yung pag sigaw ng “Go Fight Win!” walang ganon.“ pag mamaktol nito.

Samantalang si Rycen naman ay tawa lang ng tawa habang pinapanood kami sa ganoong pag tatalo.

Noong mga sandaling iyon ay hindi namin namamalayan na unti unti bumabalik sa ayos ang aming relasyon. Nawawala ang sama ng loob at tampo sa aming mga dibdib. Ngayon ay gumagaan na rin ng pakiramdam ko hindi katulad noong mga nakakaraang buwan na sobrang bigat nito.

Dito ko napagtanto na mas masarap ang maging masaya kaysa sa maging tama..

itutuloy..

Imbisibol Part 28

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sept 2, 2016

Part 28

“Congrats Jopet, ang husay mo talaga. Dean’s Lister 1.40 GPA at ikaw lang ang nakapasok sa engineering department. Hanep. Halimaw ka talaga!” ang natutuwang wika ni Kerby habang naka akbay sa akin.

“Tsamba lang iyan. Alam mo naman na dumaan tayo sa maraming pag subok noong nakaraan dalawang sem.” ang wika ko naman habang naka ngiti.

“At salamat din sayo dahil hindi na ako babalik doon kay Mr. Kulapu! Wala na akong back subject sa first year! Ayos!!” tugon nya na hindi maitago ang labis na saya.

Kasabay ng tag ulan ang siya namang pag bubukas pasukan para sa panibagong school year. Ngayon ay 2nd year college na ako, sina Gabby, Rycen at Kerby naman ay nasa 3rd year na. Sadyang mabilis lang ang panahon, hindi ko na mamalayan ang pag daloy nito. Ang pinaka mahirap lang na parte sa pag kuha ng kurso inhinyero ay ang mga summer class na inaabot ng hating gabi upang maka bawas sa limang taong pag aaral mo.

Sa lumipas na mga buwan ay naging matibay pa ang samahan naming mag kakaibigan. Syempre hindi pa rin mawawala yung pasiklabang Rycen at Kerby na pati p.e subject ay nag lalaban at nakaka pikunan. Minsan nag sisimula sila sa payabangan tungkol sa mga babaeng naikama nila tapos maya maya ay mag aaway na ang dalawang ito. Parang aso at pusa. Mabuti na lamang daw dahil nandoon si Gabby upang awatin sila.

“Sasakbak nanaman sa collegiate meet ang volleyball at basketball team natin. Tiyak na magiging busy nanaman niyan si Rycen at si Kerby.” wika ni Gabby habang naka tanaw sa bulletin board ng mga announcement.

“Sa central gym ang venue? Bakit doon? Bakit hindi dito sa atin?” ang pag tataka ko.

“Syempre doon lahat magaganap ang sagupaan ng iba’t ibang school dito sa siyudad. Iyon ang pinaka sikat at pinaka malaking gym dito.” paliwanag ni Gabby.

“Kaya pala laging pass si Rycen sa mga lakad natin nitong mga nakakaraang araw. Naka focus pala siya doon sa laro.” puna ko naman.

“Syempre. Malaking tulong kay Rycen ang varsity dahil halos 75% scholarship din ito. Alam mo naman na wala na siyang tatay kaya’t kumakayod ito ng doble. Mabuti na lang dahil may kinikita siya sa pag momodelo kaya kahit papaano ay naging maayos ang buhay niya.” tugon ni Gabby

“Kung ganoon ay suportahan natin si Rycen sa mga laban nya.” mungkahi ko naman.

“Syempre naman. Mas matutuwa si Rycen kung nandoon tayo. Eh teka paano pag nag kasabay ang game nina Rycen at Kerby? Saan ka manonood?” tanong nito na may halong pangamba.

“Nakup oo, paano iyan?” tanong ko rin na tila nakaramdam ng kung ano.

Tumingin sa akin si Gabby at ngumisi ito. “Edi sabay natin panonoorin. Mag kaisa lang kaya ang gym nila. Syempre kung saan lamang doon tayo sisigaw.”

“Loko, nag tanong ka pa e alam mo naman pala ang sagot.” pag mamaktol ko.

“Binigyan lang kita ng kaunting confusion. Baka kasi masyado kang lumulutang sa cloud 9.” pang aasar nito.

Tawanan..

Dalawang linggo ang lumipas, nag simula na ang collegiate meet. Sa opening ceremony ay umatend lahat ng mga mag aaral ng St. Vincent para suportahan ang aming kuponan. At katulad ng napag usapan sa central gymnasuim ginanap ito. 16 na paaralan ang deligates at kami lamang ang all boys kaya naman noong naka upo kami sa bleacher ay halos mamangha kami sa dami ng mga babae nanonood. Talaga namang hindi ito mahulugang karayom.

Malakas ang sound..

Masigla ang host at tumatakbo pa ito sa buong court..

Maya maya nag simula nang tawagin ang bawat manlalaro ng mga paaralan. Noong una ay tahimik lang buong gym, palakpak lang ang ginagawad sa bawat player na lumalakad sa court dala ang kanilang banner.

Maya maya ay nag simula nang mag kagulo ang babae at mga binabae noong tawagin ang St. Vincent School. Nangunguna rito sina Rycen at Kerby na naka ngiti at kumakaway sa mga nanonood. Lalo pang nayanig ang buong lugar noong iflash sa big screen ang kanilang mga mukha. Syempre nakihiyaw na rin kami hanggang sa halos hindi na mapigil ang mga tao.

Talaga namang stand out at mukhang artista ang dalawa. Bukod sa matangkad ay nag gagandahan pa ang kanilang mga katawan. Minsan ay nanadya pa ang camera dahil parati silang pino-focus kaya naman panay din ang hiyaw ang mga babaeng nanonood.

Matapos ang opening ceremony ay dinagsa naman ng media ang dalawa at walang humpay na interview sa tv at radyo ang aming nasasaksihan. Hindi na rin kami makalapit sa dalawa dahil sa dami ng tao sa kanilang paligid. Ni hindi namin nagawang maiabot yung bote ng energy drink na binili namin ni Gabby dahil hindi kami makasingit.

“Uwi nalang tayo. Parang fans day nila to e.” ang pag mamaktol ni Gabby hatak sa akin palabas ng gym.

“Wala tayong magagawa doon, gwapo sila eh. Tiyak na dudumugin pa sila ng maraming babae mamaya.” tugon ko naman.

“Kaya dapat patunayan nilang dalawa na hindi lang sila gwapo. Dapat ay magaling din silang mag laro. Huwag na huwag silang uuwi na ang dala ay isang latang biskwit.” inis na wika ni Gabby sabay sakay ng jeep.

“Ang sakit sa tenga, hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin yung sigaw ng katabi kong babae kanina. Ibig ibig ko na ngang bigwasan eh” tugon ko habang inaalog ang aking ulo.

“Kung ako ang naka tabi ng babaeng iyon, malamang ay inihagis ko sya sa kubeta” hirit ni Gab.

Tawanan..

Sa pag daan ng mga araw ay mas lalo pang naging busy si Rycen, madalang na namin itong makasama. Nakikita lang namin sya kapag nanonood kami ng kanilang laro na noon ay may tig iisang talo na ang dalawang kuponan ng basketball at volleyball. May isang pag kakataon kasi na natambakan sina Rycen at hindi naka bawi pa ang mga ito kaya naman katakot takot na sermon ang pinakain sa kanila ng coach. Walang pinag kaiba sa grupo nila Kerby na masyadong naging kampante sa sarili kaya hayun umuwi ring luhaan.

Syempre ay libangan lang namin ang panonood ng game, focus pa rin kami sa pag aaral lalot habang tumatagal ay pahirap ito ng pahirap. “John Peter halatang nag sunog ka ng kilay sa Calculus. You have passed my exam.” ang wika ng aming guro sabay abot ng aking papel. 25/50 kalahati lang ito. Dalawa lang kaming pumasa at ang pinaka mataas ay 30pts.

“Nga pala Mr. Guzman, kung interesado kang maging part ng Math Club ay hanapin mo lang ako. Mahusay ka at talagang matiyaga sa pag aaral. Mag handa ka lamang ng 50pesos sa registration.” dagdag pa ng guro.

“Pag iisipan ko po sir. Salamat.” sagot ko habang nakatingin pa rin sa aking papel na namumula sa ekis.

Matapos ang klase, agad ko namang inaya si Gabby sa malapit ma mall upang bumili ng supply. Ubos na kasi ang gamit namin doon sa dorm. Halos dalawang araw na rin kaming hindi nakakapag shampoo ng buhok. Pakiramdam ko tuloy ay puro kuto na ako. “Naku wag na wag kang sasali sa math club na iyan. Sisingilin ka ng pera para sa membership kuno pero wala naman silang klarong mission at vision. Navictim na ko niyan noong 1st year ako. Mag focus nalang tayo sa aim na atin na maka pasa.” wika ni Gabby habang tulak ng stroller ng grocery.

“Wala naman talaga akong balak sumali sa mga club na yan. Basta masaya na ko sa ganito.” sagot ko naman.

Patuloy kami sa pag lakad..

“Mga iho, baka gusto nyo mag pahula? Libre lang ito.” pag harang ng isang matandang lalaki na nakapwesto sa gilid ng mall.

“Libre? Talaga ba?” ang tanong ni Gabby sabay hatak sa akin palapit sa naturang mang huhula kuno.

Kapansin pansin ang paninda ng mamang ito, puro gamot, pamahid na langis, kung ano ano pang herbal na ointment na may iba’t ibang desenyo. Tahimik akong umupo sa kanyang tabi at maya maya ay hinawakan nito ang aking sabay sabing. “Magiging popular ka sa paaralan. G-gwapo ka at hahabulin ng lahat.” ang wika nito dahilan para humagalpak kami ni Gabby ng tawa.

“Ikaw talaga manong mapagbiro ka. Ayusin mo nga. Paanong magiging gwapo iyang si Jopet e wala nang space ang pimples sa mukha nya. Tigilan mo nga kami manong.” ang wika ni Gabby at muli akong hinatak patayo.

“Sandali. Mayroon akong gamot na epektibong pampa alis ng taghiyawat. Kahuli hulihan na ito, mula pa sa bansang Thailand. Eto ang nakapag pagaling sa anak ko at iba pang kamag anak namin. Hindi ko talaga ito binebenta ngunit para maniwala kayong magiging popular ka ay gamitin mo ito. Heto tingnan mo ang anak ko, marami rin syang pimples sa mukha pero pag katapos nya itong gamitin ay naging makinis at flawless ang kanyang balat. Ang anak ko ngayon ay nag ttrabaho bilang flight steward sa ibang bansa.” ang salaysay nya sabay pakita ng dalawang larawan ng kanyang lalaking anak, before at after.

“Naku mahirap iyan manong, paano kung may side effect iyan? O kaya ay masama pala sa balat? Ayaw namin niyan.” pag tanggi ni Gabby.

“Hindi mang yayari iyon dahil ito ay isang natural cream lamang na gawa sa papaya extract. Purong puro ito at epektibo sa pag papa puti at pag papa kinis ng balat. Wala namang mawawala kung susubukan nyo.” sagot nito.

Ilang minuto rin kaming sinesales talk ni manong, ibang klase ang kanyang marketing strategy talagang hahanga ka. Lalo lamang akong napapa isip kung kukunin ko ba ito o hindi. “Teka manong ano ba yung mga nasa bote na iyan? Mga gayuma ba iyan?” pang uusisa ni Gabby

“Oo iho, may gayuma para pag hatak ng swerte, mayroon din naman sa pag ibig at sa negosyo. Ikaw anong gayuma ba ang hanap mo?” tanong ng tindero.

“Mayroon ka bang gayuma na kapag ininom ko ay magiging ka look alike ako ni Rico yan o kaya ay ni Bobby Andrews? Pwede na rin si Bojo Molina.” seryosong tanong ni Gabby.

“Aba e iho tindero lang ako at hindi magikero. Ang kaya ko lang ibigay sayo ay isang gayuma na aalisin ang pilat dyan sa sugatan mong pagkatao.” sagot ng tindero.

“Bad trip ka naman pala manong.” pag mamaktol ni Gabby. “Ano Jopet, uwi na tayo.” pag yaya nito.

“Teka wala naman sigurong mawawala yung susubukan ko yung papaya extract na cream diba? Saka para mawala na rin tong tigidig ko sa mukha.” ang naka ngiti kong sagot.

“Oo nga naman. Bilin mo na ito. 250 lang, tiyak na mag liliwanag ang buhay mo.” masiglang salita ng tindero.

“250 pesos? Kamahal naman. Aba e manong estudyante lang kami at hindi drug dealer. 150 lang ang budget namin.” tugon ni Gabby.

“Oh sya, sige deal 150. Mag sasara na rin naman ako. Kayo talagang mga kabataan maraming reklamo.” ang wika ng tindero sabay abot ng gamot.

Edi ayun nga, ang ending ay binili ko rin yung cream na papaya extract ni manong. Ayos naman ang itsura nito, para lamang lotion ng nevea na pina pahid sa mukha. Pati ang lalagyan ay lata rin iba nga lang kulay. Minsan ko lang naisipan na asikasuhin itong mukha ko, kadalasan kasi ay wala akong paki alam. Hanep lang sa marketing strategy itong si manong dahil hinulaan pa nya ako para lang sabihin na ggwapo ako at sisikat. Masarap pakinggan ngunit ito ay isang suntok sa buwan.

“Ang liit naman ng cream na iyan, as if namang eepekto yan basta basta.” hirit ni Gabby noong makitang hawak ko ito.

“Eh susubukan nga lang. Kung sakaling effective edi papakyawin natin yung tinda nya.”

“Paano naman mangyayari iyon, ang sabi nya sa atin ay huling cream na iyan mula sa Thailand. Basta unti unti lang ang gamit at baka may side effect. Ang lagyan mo lang ay yung spot na may pimples.” mungkahi nya.

“Ang hirap naman. Eh lahat meron! Edi ilalagay ko lahat?” pag mamaktol ko.

Natawa si Gabby. “Hayaan mo na, atleast may isang bagay na loyal sa iyo. Yang pimples mo.” pang aasar nito.

Tawanan ulit..

Alas 8 ng gabi, pag katapos maligo ay nag pasya akong gamitin ang magic cream na papaya extract. Una ko itong ipinahid sa noo ko at sa ilang parte ng pisngi na may pimples. Sinunod ko lang naman ang instruction kaya’t maliliit na amount lang ang kinuha ko pero sinigurado kong malalagyan ang buong mukha para mag pantay ang puti. Hindi ko tuloy maitago ang labis na excitement, paki wari ko ba ay ito ang simula ng pag babago sa akin buhay. Ang kagaya kong isang ugly duckling ay magiging isang magandang swan na lilipad sa kalangitan at titingalain ng lahat.

“Kailangan talaga naka ngiti pa habang nag aapply ng magic cream sa mukha?” pag basag ni Gabby sa eksena.

“At ikaw naman ang isa sa three little pigs.” ang wika ko sabay balibag ng unan dito.

“Siguro ay iniisip mo na isa kang ugly duckling na magiging swan hano?”

“Paano nya nabasa ang nasa isip ko?” bulong ko sa aking sarili. “Hindi ah, natutuwa lang ako dahil mag kakaroon na rin ng changes sa buhay ko.” naka ngiti kong sagot sabay higa sa kama.

“Ahh basta binalaan kita, kung ano mang changes iyan ay sana good ito” ang tugon nito sabay patay ng kanyang lampshade.

Makalipas ang ilang minutong kwentuhan ay kapwa kami nakatulog ni Gabby. Noong una ay banayad at mahimbing ang aking pag tulog hanggang sa unti unti ako nakaramdam ng matindi hapdi at init sa aking mukha na siyang naging dahilan ng aking pag balikwas sa higaan.

“Gabby!! Gabbb!!! Ang hapdi ng mukha ko!!! Parang sinusunog!” ang sigaw ko na sya naman kinagulantang nito.

“Shit!! Namumula ang mukha mo Jopet! Para kang lechon!!” ang natatarantang salita nito sabay tawag sa aming landlord upang dalhin ako sa clinic.

Alas 5 palang ng umaga ay nag kagulo na kami. Agad akong inilabas sa silid at mabilis na dinala sa clinic malapit sa aming dorm. Ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding kirot at sakit sa aking mukha. Hindi ko mapigilan ang mapa sigaw at mapaluha habang unti unting namumuo sa aking dibdib ang matinding pag sisisi. Gusto ko lang naman na iayos ang aking pisikal na anyo, hindi ko alam na mas lalala pa pala ito.

Sana ay nananaginip lang ako..

itutuloy..

Imbisibol Part 29

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sep 3, 2016

Part 29

“Nakup!! Mukhang malala ang pamumula ng mukha ng pasyente. Kumbaga sa basketball ay pang PBA lang ako, eh pang NBA na to! Ibang level na! Ang mabuti pa ay isugod na natin si ateng sa ospital. Fly na! Aura na don!!” ang wika ng beking nurse sa clinic habang sinusuri ang aking lagay.

Agad akong isinakay sa ambulansya at isinugod sa isang pribadong ospital. Wala naman kasing ibang choice dahil ito ang pinaka malapit. Pag dating sa emergency room agad akong sinuri ng doktor at binigyan ng paunang lunas ang aking namamagang mukha. Basta iyon na ang naalala ko bago ako tuluyang dalawin ng antok at makatulog.

Pag mula’t ng aking mata, agad kong nakita si Gabby at si Rycen na naka upo sa aking tabi. Nandoon si mama at papa na hindi maikubli ang pag aalala. Ramdam ko pa rin ang matinding kirot ng aking mukha, pakiramdam ko ba ay para itong tinutuhog ng libong karayom, mahapdi at mainit sa pakiramdam. “Anak ano bang pinag gagagawa mo? Halos atakihin kami sa puso ng mama mo noong tumawag si Gabby at sabihing nandito ka raw sa ospital. Alam mo naman na malayo ang Cabanatuan dito sa siyudad, hindi ka namin basta basta mababantayan.” ang bungad ni papa noong makita nilang nakatingin ako sa kanila.

“Naimpeksyon ang mukha ng pasyente dahil sa pamahid na binili sa isang hindi lisensyadong tindero. Hindi dapat tayo gumagamit ng mga produkto na walang preskripsyon ng doctor o kaya ay ng dermatologist dahil delikado ito at maaari nating ika pahamak. Yung cream na ginamit mo ay isang pekeng produkto na mula ibang bansa, hindi ito otorisado dito sa Pilipinas. Hindi naman ikaw ang unang pasyente ko dito na nag kaganyan ang kondisyon, marami kayo kaya’t alam na namin kung paano ito gagamutin. Maswerte ka pa nga dahil ganyan lang ang inabot mo, yung iba nga ay halos mabura na ang mukha o madeform dahil sa matinding side effect ng mga kemikal. Mabuti nalang at hindi ka ganoong tinablan kaya’t parang nag tagpi tagpi lang yung kulay sa mukha mo iho.” ang paliwanag ng doktor habang sinusuri ang aking pisngi.

“Nag tagpi tagpi? Parang aso lang.. Ang ibig mo bang sabihin doc ay masyadong makapal ang mukha ko kaya’t hindi ako tinablan ng grabeng side effect?” tanong ko naman.

Natawa ang doctor “hindi naman sa ganoon iho, ang ibig kong sabihin ay kaunting amount lamang ang iyong inilagay kaya’t hindi ito naging masyadong grabe. Sa susunod ay mag iingat kana.”

“Bakit ba kasi kung ano anong binibili mo anak? Pwede naman tayong mag patingin sa espesyalista kung gusto mong ipagamot ang pimples mo. Hindi yung ganito, lalo lamang kami nag aalala ng papa mo.” pag iyak naman ni mama.

“Ma, wag kana nga umiyak. Okay lang ako. Malayo naman ito sa bituka.” pag pigil ko naman.

“Nga pala tol, para sayo itong prutas. Sana gumaling ka kaagad. Noong nabalitan ko sa dorm nyo na isinugod ka raw sa ospital dahil na sunog ang mukha mo dahil doon sa sumabog na gas ay nag alala talaga ako ng husto.” wika ni Rycen sabay upo sa aking tabi at pinag balat ako ng mansanas.

“Ha? Anong sumabog na gas? Teka hindi naman ako nasabugan ng gas ah. Bakit naman ganoon ang balitang kumalat sa buong dorm?”

“Iyon ang balitang kumalat sa buong dorm. Paano naman kasi itong si Gabby sobrang nataranta ang isiniigaw raw nito ay nasabugan at nasunog ang mukha mo.” salaysay ni Rycen. “Oh para sayo, kain mo para lumakas ka.” dagdag pa nito sabay bitiw ng matamis na ngiti.

“Salamat bro. Tekaaaa..Pambihira ka naman Gabby bakit iyon ang isinigaw mo?” inis kong tanong

“Sobrang nataranta ko. Pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay okay kana. Medyo naging batik batik nga lang yung mukha mo pero okay na rin iyan kesa sa nadeform.” sagot ni Gabby na parang pinipigil ang pag tawa.

“Anong batik batik ba? Bakit parang pinag tatawanan nyo ko? Rycen? Bakit ba?” galit kong tanong.

“Tol good news at bad news kasi tol.. Ang good news ay nawala na talaga yung mga pimples mo sa mukha. Ang bad news naman ay nabakbak ito at naging kulay pula. Kaya kung pag mamasdan ka ng mabuti ay parang may ano… may batik sa mukha mo. Parang mukha ng mundo.” ang wika ni Rycen. “PERO hindi naman grabe tol, mawawala rin iyan pag kalipas ng ilang araw. Hindi ba Gabby?”

“Oo naman! Kapag gumaling ka ay mag lalahong parang bula iyang mga mapa sa mukha mo.” pag sang ayon naman ni Gabby.

Noong mga oras na iyon ay natingin din ako kina mama at papa na noon ay para pinipigil ang pag tawa. Kaya naman agad akong kumuha ng salamin at tiningnan ang aking sarili. Dito nga ay nakita ko ang karumaldumal na ginawa sa akin ng magic cream na binili ko kay mamang tindero. Ang aking mga pimples ay nasunog ngunit namula ito na parang mapa ng pilipinas. Kaya ang resulta ay para akong isang asong may tagpi sa mukha. “Maaaa.. bakit nag kaganito? Lalo akong pumanget!” ang sigaw ko.

“Anak huminahanon ka, gagaling din iyan. Basta lagi mo lang susundin ang bilin ng doktor tungkol sa mga gamot na ipapahid at iinumin mo. Nangyayari talaga ang bagay na iyan kaya’t huwag kang mag panic.” ang wika ni mama habang niyayakap ako.

“Ayoko nito maaaaa, mukha akong panda… mukha akong asong may tagpi!” ang pag iyak ko naman na tila niyurakan ng kung sino ang aking pag katao.

Sa pag lipas ng mga araw ay unti unting nawala ang pamamaga ng aking mukha. Iyon nga lang ay naging kulay puti ito na animo an-an na nag kalat sa aking mukha. Imagine, itim ang kulay ng mukha ko tapos ang batik batik ay puti. Mukha akong isang asong ipinanganak na may tagpi sa katawan. Mabuti nalang sa halip na ibully ako ng mga tao ay kinaawaan pa nila ako dahil sa balitang kumalat tungkol sa aking pag kaka aksidente. “Oh anong nangyari sa mukha mo tol? Nasa probinsya kasi ako noong nabalitaan kong nasabugan ka raw ng kwitis sa mukha. Hindi ka kasi nag iingat e. Tingnan mo muka ka tuloy tela na namantsahan.” ang wika ni Kerby sabay akbay sa akin.

“Kwitis naman ngayon.” ang bulong ko sa aking sarili na hindi maitago ang pag kainis.

“Ayos ka lang ba talaga? Kasi tol pag nag papa putok ka ng kwitis kailangan ay iaayos mong mabuti yung mitsa bago mo ito sindihan. Saka huwag kang gagamit ng posporo o kaya ay lighter para hindi agad masunog ang mitsa. Mas maganda kung baga ang gagamitin mo para mabagal ang pag akyat ng sindi. Ayan nasabugan ka tuloy. Mabuti nalang at hindi ka nabulag.” ang advice pa nito kaya naman napakamot nalang ako ng ulo.

Isang matamis na ngiti naman ang isinukli ko habang inuusisa nito ang mga natuyong sugat sa mukha ko. “Teka bakit ba kasi nandito tayo sa AVR room?” ang tanong ko naman.

“Ahhh, may general meeting ang Engineering Department dito mula first year to fifth year. At nga classmate ko ngayon ngayong mga oras na ito ay sa inyo ako naka sama.” paliwanag nito at doon nga ay isa isa nang nag datingan ang mga mag aaral sa aming department kabilang na dito sina Rycen na kasama ang kanyang mga kaibigan sa varsity at si Gabby naman na nakatabi sa mga classmate nya sa 3rd year.

Matindi ang ingay sa loob ng silid at dahil nga panay barako ang nasa loob nito ay nangingibabaw ang amoy ng pawis at sigarilyo. Buti na lamang dahil matapang ang gamit na pabango ni Kerby, kahit papaano ay kaaya aya ang amoy sa aming pwesto.

Habang nasa ganoong pag mamasid ako ay napapadako ang tingin ko kay Rycen na noon ay abala sa pakikipag tawanan sa mga kabarkada. Ang kanyang ngiti ay masarap pag masdan lalo na kapag lumalabas ang maputi at pantay niyang ngipin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sana ay nakatabi ako sa kanya, sana ay kasama nya akong tumatawa at sana ay ako ang dahilan kung bakit sya masaya.

Habang nasa ganoon ding pag tanaw ako kay Rycen ay bigla nalang umakbay sa akin si Kerby at ipinaling ang aking mukha paharap sa kanya. “Worried lang ako na baka mabali ang leeg mo kaka lingon doon kay Rycen. May gusto ka ba sa kanya?” ang diretsong tanong nito.

Mistulan naman akong sinabuyan ng malamig na tubig noong marinig ko ang tanong nyang iyon. “N-ngek, a-ano bang sinasabi mo dyan. Hindi ako bakla no. Imposible yang itinatanong mo.” nauutal kong sagot na parang pinag papawisan ng malapot.

“Hahaha, nag bibiro lang naman ako. Alam ko namang hindi ka bakla. At imposibleng mag kagusto ka dyan kay Rycen dahil di naman siya ganoon ka gwapo. Sa akin ka nalang mag ka gusto kesa sa kanya ha.” ang natatawang biro nito bagamat pakiwari ko ba ay may laman ang kanyang mga sinasabi.

“Hindi mang yayari iyan. Sa panget kong to, ang kagaya ko ay yung tipong itinatago lang sa baul, yung mga tipong nirereject at gagamitin lang kapag kailangan. Walang espesyal sa akin kaya isang malaking suntok sa buwan iyang isasabi mo.” biro ko rin sabay tawa ng malakas.

Nakitawa na rin Kerby bagamat ramdam kong nag aalangan ito..

Nanatili pa rin siyang naka akbay sa akin.

Makalipas ang ilang minuto. Pumasok naman ang lahat ng guro sa aming department sa pangunguna ng aming dean kaya naman ang lahat ay tumahimik na parang may nag daang anghel sa silid.

Agad na lumakad ang dean sa aming harapan at nag salita ito. “Good morning students. Salamat sa pag dalo dito sa ating meeting. Siguro ay aware kayo sa ginaganap na colligiate sports meet doon sa central gymnasuim, kung hindi nyo naitatanong ang ating kuponan ng basketball at volleyball team ay namayagpag sa ikalawang pwesto sa pang kalahatan kaya naman kaming mga guro ay taos pusong nag papasalamat sa dedikasyon ng ating mga atleta.

Palakpakan ang lahat..

At kalakip nito, ang ating paaaralan ang napili bilang venue sa awarding ceremony na gaganapin sa darating na Biryernes. 14 na paaaralan ang bibista sa atin kaya’t sana ay maging mabuti kayo sa kanila. Sa ating department naka assign ang security ng mga bisita, katandem natin dito ang mag aaral ng criminology. Ang ilan sa inyo ay maaasign na mag bantay sa loob at labas ng ating gym, sa bawat sulok ng paaaralan at pati na rin sa mga palikuran.

At para sa ilang pinaka mahalagang role. Ang bawat mag aaral ay pinili namin para gampanan ang mga ito.

Una: Para dalhin ang watawat ng ating paaralan, ang napili namin ay si Rycen Paul Lacsamana.

Ikalawa: Para dalhin ang watawat ng Pilipinas, ang napili namin ay si Kerby Tuazon.

At para awitin ang pambasang awit ng Pilipinas ang napili namin ay si Mr. John Peter Guzman. Nasaan na siya?“ ang tanong ni Dean.

“Teka ayoko nga.. Bakit ako?” ang bulong sabay tago sa ilalim ng bangko.

“Tol, ikaw ang kakanta. Ayos!!” ang wika ni Kerby habang tinatapik ang likod ko.

“Ayoko talaga!! Ayokooo!!”

Ilang sandali rin akong naka tago sa ilalim ng bangko noong biglang lumakad ang aming class adviser sa harap at kuhanin nito ang mic kay dean. “Mr. Guzman, bakit nag tatago ka dyan? Ano bang problema? Mr. Guzman lumabas ka dyan sa ilalim ngayon din!” ang tanong ni Mr. Kulapu na aming adviser.

“Sir ayoko.” pag tanggi ko naman.

“Huwag kana umarte dyan Mr. Guzman, mag pakita ka rito bago pa kita gawing si Bantay! Gusto mo bang dagdagan ko iyang mapa ng Luzon sa mukha mo? Pumarine ka dire!!” galit na wika ng guro.

tawanan..

“Eh sir may sugat po sa mukha si Jopet. Baka po mahirapan siyang kumanta.” ang saad ni Kerby na halatang pinag tatakpan ako.

“Wala akong paki. Hindi naman mukha niya ang kakanta no. Basta gawin nya ang naka assign sa kanya. Saka ikaw John Peter huwag kana mag inarte dyan.

Arte arte nito..

Boy Batik!!!“

Tawanan ang lahat..

itutuloy..

Imbisibol Part 30

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 30

“Pag nakita ko talaga iyang tindero iyan, susunugin ko yung tindahan nya Manloloko! Nag mukha na nga akong Dalmatian pinag tatampulan pa ko ng tuwa ng mga tao.” ang galit kong salita habang lumalakad sa mall kung saan kami naka bili ng pekeng cream.

“Wala namang sinabing Dalmatian Jopet, ang sabi ni sir Kulapu ay “Boy Batik”. Masyado mong pinapainit ang ulo mo.“ wika ni Gabby sabay hatak sa akin sa tindahan kung saan kami mag rereklamo.

“Humanda talaga sakin yan. Idedemanda ko siya!!” ang galit kong tugon.

Paikot ikot kami sa mall, pabalik balik mula sa ground floor hanggang 4th floor pero bigo kaming mahanap yung tindahan. “Jopet mag pahinga muna tayo 8hrs na tayong nag lalakad. Pudpod na yung sapatos ko.” reklamo ni Gabby habang gumagapang pababa ng hagdan.

“1 hour palang tayong nag lalakad, wag kang OA. Bakit wala na yung tindahan ng mga gayuma? Saan natin hahanapin iyon?” ang tanong ko habang abala sa pag mamasid sa aking paligid.

“Ser, noong isang araw pa po umalis yung tindero ng gayuma dyan sa ground floor. Wala sya dito sa mall.” ang paliwanag naman ng guard noong nag tanong kami dito.

“Bakit naman daw umalis?” pang uusisa ni Gabby.

“Puro peke daw kasi ang ibinebenta kaya maraming nag rereklamo sa kanya. Siguro ser isa ka sa nabiktima nya hano?” ang pang uusisa rin ng gwardya sabay turo sa aking mukha.

“Hindi pa ba obvious?” ang tanong ko naman na may halong pag kainis.

“Kaya pala sir mukha kayong dalmatian. Naku marami nga pong mga nag rereklamo noong mga nakaraang linggo lahat ng mukha nila mga naging panget. Buti nga po ser iyan lang ang inabot mo, may isa nga doon nabulag pa.” ang wika ng gwardya

“Tinawag nya kong Dalmatian..” ang bulong ko kay Gabby. “Uupakan ko na to.”

“Oh huwag mo na patulan. Huwag kang gumawa ng scene dito. Ang mabuti pa ay kumain nalang tayo doon. At saka para mawala iyang init ng ulo mo.” bulong din ni Gabby sabay hatak sa akin papunta sa kainan.

Edi ayun ang set up, lakad kami patungo sa kainan pero hindi pa rin nawawala ang init ng ulo ko. Pakiwari ko ba ay kaunting kaunti nalang ay magiging cast na ako ng 101 and Dalmatian lalo’t yung mga batik sa mukha ko ay naging kulay puti na mas lalong lumutang sa maitim kong balat. Nag sisisi tuloy ako, bakit ba kasi naisipan ko pang gamitin ang bagay na iyon, kung alam ko lang na magiging ganito kamasa ang resulta edi sana ay nag tiyaga nalang ako sa sabong perla.

“Hindi ba’t si Rycen iyon?” ang bulong ni Gabby habang kinakalabit ako kaya naman agad din akong tumingin sa dereksyon kung saan sya naka turo.

“Si Rycen nga, at may kasamang babae. Malamang may ka date ang mokong. Teka, bakit hindi si Lyka Rose ang kasama niya hindi ba’t malapit na syang mag ka anak doon?” ang bulong ko.

“Ahh eh false alarm lang naman yun ni Lyka. Kinabagan lang daw, saka matagal na silang hiwalay ni Rycen, bago pa manalo ng Mr. Cebu itong mokong ay split na sila.” ang sagot ni Gabby habang patahimik naming sinusundan si Rycen at ang babaeng kasama.

“Ang lusog naman ng yata ng suso ng babaeng iyan. Kumakaldag kapag nag lalakad, sa boobs ba tumitingin si Rycen kapag namimili ito ng babaeng ide-date?.” ang puna ko habang pinag mamasdan ang babaeng mala-lintang naka kapit kay Rycen. Naka suot ito ng bodyfit na blouse at maigsing short.

“Yan ang mga babae sa buhay ni mokong. Malalaki ang hinaharap. Wala iniwan doon sa ex nyang mala bundok ng tralala ang harapan. May breast fetishism yata iyang si Rycen kaya lahat ng babaeng nakakasama ay malalaki talaga ang suso.” tugon ni Gabby.

Pinag patuloy namin ang pag mamasid kay Rycen at doon sa babaeng kasama niya. Pumasok silang dalawa sa isang kainan, kapwa naka ngiti at masayang masaya. Bukod sa malaking boobs ay may taglay na ganda naman yung babae. Matangkad pa ito at mahaba ang buhok. Bagay na bagay sila kung tutuusin. Ewan ngunit parang may kung anong inis ang nararamdaman ko sa tuwing pinag mamasdan ko silang nag hahawak ng kamay, para bang gusto ko silang balibagin sa kanilang kinalalagyan.

“Oyy Jopet binatawan mo nga iyang laruan. May balak ka bang balibagin sila?” ang tanong ni Gabby habang inaalis ang bagay sa aking kamay. Hindi ko namalayan na hawak ko na pala ito dahil sa sobrang pang gigigil.

“Ah eh, bakit ba kasi dito tayo nag tago sa tindahan ng mga barbie. Umuwi na nga tayo. Hayaan mo iyang si Rycen.” ang tugon ko.

“Kung sa bagay. Hayaan na lang natin sya. Sumusob sya sa susong malaki hanggang gusto nya.” ang sagot ni Gabby at nag simula kaming gumapang palabas ng store kung saan kami nag tatago.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lang naming narinig ang boses ni Rycen sa aming likuran na siyang aming kinabigla. “Jop, Gab? Saan kayo pupunta? Saka bakit kanina pa kayo nakatago dito sa tindahan ng barbie. Bibili ba kayo ng manika?” pag tatakang tanong nito.

Napatingin ako kay Gabby na noon ay tila nag iisip ng isasagot. Syempre alangan namang sabihin naming nag sspy kami sa date nya. “Ahhh ehhh namimili ako ng magandang manika, birthday kasi ng inaanak kong batang babae sa susunod na araw.” palusot nito.

“Ah ganoon ba? Ang akala ko ay nag sspy kayo sa akin.” ang pabirong hirit nito dahilan naman para mas lalo kaming balutin ng matinding kaba. “Anyway tara muna doon sa loob, papakilala ko kayo kay Ina.”

“Ina? Nanay mo?” ang tanong ni Gabby.

“Tado, si Ina yung kadate ko. Miss University sya doon sa campus nila. Ganda no?” pang iinggit ni Rycen.

“Siya ba yun? Oo nga maganda.. Bagay na bagay kayo pareng Rycen” sahot ni Gabby na kunwari ay namamangha.

“Halika pasok tayo doon sa loob. Papakilala ko rin kayo kay Ina at kapag sinuwerte ay papa puntahin nya yung mga kaibigan niyang babae dito para may kadate din kayong dalawa. Ano ayos ba?” masiglang tanong ni Rycen.

“Next time nalang. Isa pa ay date niyo iyan kaya’t ayaw namin maki gulo. Diba Gabby?” tugon ko naman.

“Oo naman, saka isa pa ay baka hindi pa naka handa si Ina na makakita ng isang living mutant sa katauhan ni Jopet kaya sa susunod nalang. Sige na pareng Rycen bumalik kana doon sa table nyo at baka magutom na yung boobs niya este yung kadate mo pala.” pag sang-ayon naman ni Gabby.

“Oh sige mga tol, kita kits nalang bukas ha.” naka ngiti naman niyang tugon.

“Bakit bukas? Bakit hindi mamaya?” ang pag tataka ko.

“Eh alam mo na baka mapa ganon ako. Alam mo na yon. “Ummpp” ang sagot ni Rycen sabay kintod ng malakas.

Natawa si Gabby. “Libog mo talaga”

Tawanan ang dalawa, samantalang ako naman ay lalong nakaramdam ng kakaibang sakit. Pakiwari ko ba ay unti unting dinudurog ang aking puso ng isang matigas na bagay. Lalo na sa tuwing tumitingin ako kay Rycen na noon ay naka ngiti at sumasagi sa aking isipan na ang ngiting iyon ay hindi para sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag panggap din na masaya bagamat wala naman talagang dahilan para maramdaman ito. Basta pinilit ko lang hanggang sa kusang pumihit ang aking katawan patalikod at doon ay mag simulang lumakad palayo sa kanila.

Kakaibang lungkot ang lumukob sa aking pag katao noong mga sandaling iyon. Pilit ko itong iwinawaksi sa aking isipan at damdamin ngunit paulit ulit ko lamang din itong nararamdaman sa tuwing sumasagi sa aking isipan si Rycen at yung mukha ng ka date nya na may malaking suso. “Hanggang ngayon ba ay si Rycen pa rin ang nandyan sa puso mo?” seryosong tanong ni Gabby noong makita akong tahimik sa isang sulok.

Natingin ako sa kanya at muling niyakap ang aking sariling tuhod..

“Pilit ko siyang iniwasan at inialis sa aking isipan. Ang akala ko ay mawawala yung nararamdaman ko para sa kanya ngunit mali pala ako dahil sa tuwing lumalapit siya sa akin ay muli na naman akong nag babalik sa dati, sa mga panahon na ako ay lihim na humahanga at nasasaktan. Pinigilan ko ang aking sarili, lagi ko itong kinukumbinsi na kalimutan nalang ang nararamdaman ko dahil alam kong walang mangyayari dito ngunit kapag nandyan na siya ay biglang nag babago ang lahat kabilang na ang aking pakiramdam. Pag katapos noon ay muli akong malulugmok sa walang hanggang katangahan.

Para akong naka gapos sa isang magandang sumpa na sya ang may gawa. Ang nakakatuwa lamang ay parating umaaraw sa kanya at umuulan naman sa akin.“ ang malungkot kong sagot, nag simula nang pumatak ang luha sa aking mga mata.

Napa buntong hininga si Gabby at wala itong nagawa kundi ang tumabi sa akin. “Hindi naman kita masisisi tungkol dyan sa nararamdaman mo. Tao lang naman tayo na nag mamahal at nasasaktan ang pinaka mahalagang bagay lang na dapat tandaan ay kung masasaktan lang rin tayo sana ay doon nalang sa taong worth the pain. Balang araw lahat ng iyan ay mag lalahong parang bula hanggang sa tuluyan ka nang makalaya sa nararamdaman mo para sa kanya.”

“Umaasa ako na balang ay makakatingin rin ng tuwid sa kanyang mga mata. At kapag dumating ang mga sandaling iyon ay tinitiyak kong nag laho na rin ang pag mamahal ko na walang ibang nakaka alam kundi ang hangin sa aking paligid. Darating din ang oras na hindi ko na siya hahanapin pa. Magiging maayos rin ang lahat para sa akin.” tugon ko habang naka yakap kay Gabby.

Sa pag daan ng mga araw ay pinilit kong ibalik sa normal ang aking sarili. Binawasan ko na rin ang madalas na pag sama kina Rycen at Gabby ayon na rin sa napag usapan namin (ni Gab) na iwasan muna ito upang makapag focus ako sa aking ensayo sa pag kuha ng tamang beat ng national anthem. Dalawang araw na lamang kasi at magaganap ang closing ceremony ng collegiate meet at sa pag kakataong ito ay ayoko nang pag tawanan ng mga tao sa aking paligid.

“John Peter, pakinggan mong mabuti yung banda upang hindi ka namamali ng pasok. Parang nag mamarcha ang beat kaya kambilis ito. Pay attention, ano bang iniisip mo?” ang puna ni Mr. Kulapu habang pinapanood ako sa pag eensayo.

“Wala po sir, pasensya na.” sagot ko naman at sinimulan ko ulit sa una ang pag awit.

Sa Dagat at bundok sa simoy At sa langit mo’y bughaw May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning Ang bituin at araw niya’y kailanpama’y di magdidilim

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta Buhay ay langit sa piling mo Aming ligaya nang pag May mang-aapi Ang mamatay ng dahil sayo

Isang palakpak ang narinig ko sa pinto sa AVR room at doon ay nakita ko si Kerby na may dalang isang box na pizza at bote ng tubig. “Ang galing mo palang kumanta tol. Sabi na nga ba boses mo yung naririnig doon sa labas.” ang natutuwang salita nito habang lumalapit patungo sa akin.

“Salamat, medyo nahihirapan lang akong sumabay doon sa banda.” ang sagot ko naman sabay bitiw ng matamis na ngiti.

“Parang hindi naman e, ang galing mo nga. Yung boses mo parang pang malaking mama na. Ibang iba talaga. Ang husay mo!” papuri pa nito sabay gusot sa aking buhok.

“S-salamat ulit.”

“Halika kumain muna tayo at mukhang pagod na pagod ka. Parang ang laki yata ang eyebags mo, may pinag daraanan ka ba?” pang uusisa nito.

“Ayos lang ako, nag kataon lang kasi na nag kasabay sabay yung mga quizes at tambak ng requirements sa iba’t ibang subjects kaya’t napupuyat ako sa pag gawa ng mga ito.” paliwanag ko naman.

“Atleast sa pag aaral ka napupuyat. Kesa naman doon kay Rycen na kung saan saan napupuyat.” ang tugon nito.

“Ha? Si Rycen? Ano ang ibig mong sabihin?” pag tataka ko.

“Oo nga pala, nakalimutan kong ikwento sayo tol. Alam mo ba si Rycen ay tatlong gabi ko nang nakikitang nag lalabas masok doon sa motel malapit sa subdivision namin. At iba ibang babae lagi ang kasama niya. Ang lalaking ng mga suso. Lintik siguro dumaib ang gagong iyon!! Nakuupp delikado! Paktay siya don! Maaari siyang mag kasakit o kaya ay maka buntis.” ang bulong ni Kervy habang pinipigil ang pag tawa.

Para naman akong hinatawa ng matigas na tubo sa kanyang sinabi.

“Totoo ba iyang sinasabi mo?”

“Oo naman tol, kailan ba ko nag sinungaling sa iyo? Basta payong kaibigan lang, iwasan mo yang si Rycen dahil may pag ka manyakis yan sa gabi. Hindi ko ito sinasabi dahil galit ako sa kanya or anything, baka lang kasi idrag ka nya sa masamang bisyo. Ayokong masira ang pag aaral mo at ang image mo bilang magaling na estudyante.” sagot niya.

“Lalaki naman si Rycen, walang mawawala sa kanya.” ang naisagot ko nalang.

“Kung sa bagay ay tama ka doon tol, mga lalaki naman tayo, walang mawawala sa atin. Aminado ako na nag lalabas din ako ng babae pero hindi ganoon kadalas. Pero si Rycen? Tangina.. ibang klase!” ang sagot nito sabay tawa ng malakas.

Nakita tawa rin ako bagamat halatang peke ang sa akin. Pakikisama lang baga.

Dito ko tuloy naalala yung mga sinabi nya noong isang kung bakit hindi sya makakauwi agad galing sa kanyang date.

“Oh sige mga tol, kita kits nalang bukas ha.” naka ngiti naman niyang tugon.

“Bakit bukas? Bakit hindi mamaya?” ang pag tataka ko.

“Eh alam mo na baka mapa ganon ako. Alam mo na yon. “Ummpp” ang sagot ni Rycen sabay kintod ng malakas.

Lalo lamang akong naiinis sa kanya, parang sasabog ang aking dibdib dahil sa sobrang galit kaso lang wala rin naman ako magagawa kundi kimkimin ang lahat. Kasabay ng mga kirot at sakit na lumulukob sa aking pag katao ay ang desisyon na iwasan na talaga si Rycen, sa mga oras na ito ay pipilitin kong ialis na siya sa aking buhay, hindi ko na kayang mag invest ng emosyon sa isang taong hindi magiging akin, kailanman.

itutuloy..

Imbisibol Part 31

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sep 7, 2016

Part 31

Dumagsa ang daan daang mag aaral galing sa iba’t ibang campus dito sa siyudad. Walang humpay din ang pag sabog ng mga kwitis at fire crackers sa langit bilang pag salubong sa kanila. Bukod pa rito ay nag sasayaw rin ang cultural club sa bulwagan upang salubungin ang mga espesyal na panaunhing parating. Ngayon ang araw ng Closing Ceremony at Awarding para sa Sports meet na ginanap tatlong buwan na ang nakakaraan. At katulad ng napag pasyahan, ang aming paaralan ang host para sa nasabing pag diriwang.

Ito ang unang pag kakataon na nakita kong umaapaw sa dami ng tao ang buong gymnasium, bukod pa rito ay marami rin ang mga babaeng lumalakad sa bawat sulok sa paaaralan kaya naman ilan sa mga mag aaral ng aming campus ay tulo laway na parang ngayon lamang naka kita ng babaeng estudyante.

Nag simulang tumugtog ang banda bilang pag salubong sa bawat kuponan mula sa ibat ibang paaralan. Syempre hiyawan ang mga mag aaral lalo na kapag pumapasok ang kanilang mga kateam. Sa pinaka huli ay pumasok naman sina Rycen at Kerby hawak ang national flag at watawat ng paaralan. Kapwa sila naka suot ng Varsity Jacket at bawat hakbang na ginagawa nila ay halos mayanig ang buong venue dahil sa lakas ng tilian ng mga kababaihan.

Host: Please remain standing for the singing of the Philippine National Anthem to be led by Mr. John Peter Guzman.

Noong marinig ko ang aking pangalan ay bigla kumabog ang aking dibdib. Pakiwari ko ba ay maiihi ako o matatae sa pantalon dahil sa sobrang kaba. Lalo lamang tuloy humulas ang pawis sa aking suot na barong tagalog habang lumalakad palapit sa entabldo kung saan ako kakanta. Pakiwari ko ba ay bibitayin ako noong mga sandaling iyon, ito ang unang pag kakataon na aawit ako sa ganito karaming tao.

Nag simulang tumugtog ang banda.. Katulad sa rehearsal ay mabilis ang beat nito at pang marcha ang dating..

Nag simula akong umawit at pilit na inalis ang panginginig ng aking tuhod. Paminsan minsan ay tumitingin nalang ako sa sahig o kaya ay ipinipikit ko ang aking mga mata at iniisip na ako lamang ang nag iisang tao sa entabladong ito. Pinilit kong huwag tumingin kay Rycen katulad ng dati kong ginagawa upang hindi ako mawala sa konsentrasyon.

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta Buhay ay langit sa piling mo Aming ligaya nang pag May mang-aapi Ang mamatay ng dahil sayo

Palakpakan ang mga tao..

Sumipol pa si Kerby na nooy ay halatang halata ang tuwa dahil naitawid ko ng maayos ang pag awit. Ito ang unang pag kakataon na ang boses ko ang napansin at hindi ang aking mukha na parang isang taong dalmatian o mutant na umaawit sa etablado.

Matapos ang aking pag awit ay dumiretso agad ako sa backstage para mag bihis. Tuloy tuloy pa rin ang daloy ng seremonya, basta wala na akong paki alam doon kaya lumabas nalang ako sa gym at nag pasyang bumalik sa dorm para makapag pahinga. Basta ang alam ko lang ay tinawag ang pangalan nina Rycen at Kerby bilang best player sa mag kaibang kategorya.

Basta nakakabinging sigawan ang lumukob sa buong gym noong tawagin sila.

Pag dating sa loob ng dorm ay agad akong nahiga sa kama at doon ay muling kinuha ang halos bulok ng bubble gum na ibinigay sa akin ni Rycen noong 2nd year high school kami. Nandito pa rin iyon sa akin kasama ang tula niya naka sulat sa isang kapirasong lumang papel.

Hindi naman ako isang super hero

Na nawawala at lumilipad

Ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat.

Hindi rin ako si Batman o si Robin

Si Superman o si Wolverin

Ako ay isang hamak na kulang sa pansin.

Puro kasabawan ang naka sulat ngunit napapasaya naman ako nito. Hindi ko alam kung bakit naka sulat dito ang pangalan nila Batman, Robin at Wolverine, may kahulugan ba ito o talagang trip lang ng taong iyon na isulat ang mga pangalan ng super hero dito. Ewan, bakit nga ba iisipin ko pa e wala naman akong makukuhang sagot. Paunti unti ko na ring puputulin kung ano mang mayroon kami. Hanggang sa maging ordinaryo na lamang siya sa aking paningin.

Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan na nga akong dalawin ng matinding antok.

Alas 4 ng hapon, naalimpungatan ako dahil sa mga ingay at kaluskos sa loob ng silid. Noong imulat ko ang aking mata ay nakita ko nga itong si Gabby palakad lakad habang hawak ang isang malaking plastic ng varisty jacket sa kanyang mga kamay. “Nakuu nandito ka lang pala Jopet, kanina ka pa hinahanap ni Mr. Kulapu. Hindi mo daw kinuha yung miryenda mo doon at bigla ka nalang nawala ng parang bula.” ang bungad nito noong makita kong nakahiga sa aking kama.

“Sumakit kasi ang ulo ko kanina kaya umuwi na muna ako dito. Eh ano ba iyang hawak mo? Bakit nag nakaw ng ganyang karaming varsity jacket?” ang tanong ko agad.

“Ninakaw? Agad agad? Alam mo ba lahat ng ito ay bigay lang ng mga bagong kaibigan ko sa iba’t ibang campus dito sa siyudad. Remembrance daw para hindi ko sila makalimutan. Wala naman akong idea na ganito pala ako ka friendly.” ang wika ni Gabby habang isa isang inihihilera lahat ng jersey at jacket sa sahig.

“Ang dami naman niyan? Aanhin mo naman iyan?” ang tanong ko naman.

“Edi ibebenta.” ang sagot nito.

“Gago.. sino naman bibili nyan amoy natuyong pawis. Saka ang papanget pa ng mga apeliyido.” puna ko habang iniisa isang basahin ang mga naka sulat sa likod ng naturang jersey. At habang nasa ganoong posisyon ako ay naka pukaw ng aking pansin ang isang kulay pulang jersey na may manggas, ang pangalan sa likod ni to. “RP LACSAMANA”

“Eh yung RP Lacsamana na iyan? Sinong may ari?” pang uusisa ko.

“Hindi pa ba obvious, edi si Rycen Paul Lacsamana. May short pa nga iyan e, eto oh.” ang wika ni Gabby sabay pakita ng kaparehang short. Ewan ngunit may kung anong nag bubulong sa aking isipan na agawin ito kay Gabby ng sapilitan. Masira na ang pag kakaibigan namin ay ayos lang basta mapasa akin lang ang jersey uniform ni Rycen kaya naman agad ko itong nilundag at inagaw sa kanyang kamay.

“Oyyy, pinatago lang ni Rycen sa akin iyan. Hindi iyan kasama sa mga ibebenta!” ang wika ni Gabby sabay agaw ng damit sa aking mga kamay.

“Akin nalang to!!! Please!!!” ang pag pupumilit ko at doon ay niyakap ko ng mahigpit ang damit na amoy pawis.

“Hindi pwede, baka magalit sa akin si Rycen. Iba nalang yung kuhanin mo.” sagot din ni Gabby at doon ay nag buno kaming dalawa. Halos patayin nya ako sa kiliti para lang mabitiwan ko ang uniporme ngunit talagang tiniis ko ang lahat at nanatiling naka yakap dito ng mahigpit.

Tumagal kami sa ganoong pag bubuno hanggang sa kapwa kami mapagod at sumuko ito sa pag agaw sa akin ng jersey ni Rycen.

Hingal..

“Kalandi mo naman pala e, akala ko ba ay iiwasan mo na for good iyang si mokong. Bakit pati uniform niyang amoy pawis ay kinukuha mo?” tanong ni Gabby na may halong pag kainis.

“Wala namang kinalaman itong uniporme ni Rycen sa pag iwas ko sa kanya. Gusto ko lamang mag karoon ng remembrance, saka maganda kasi talaga logo ng jersey nila kaya gusto ko rin mag karoon. Ano aagawin mo pa ba? Para mo na rin akong inalisan ng pangarap at kaligayahan sa gagawin mo.” pangungunsensiya ko naman.

“Alisan ng pangarap at kaligayahan? Ano ka rape victim? Tigilan mo nga ako Jopet! Ah basta kapag hinanap sa akin iyan ni Rycen ay sasabihin kong nasa iyo.” pananakot naman niya.

“At doon na rin nag tatapos ang pag kakaibigan natin.” ang dugtong ko naman.

“Grabe ka naman, dahil lang sa jersey na amoy kili kili ay mag wawakas ang pag kakaibigan natin. Oh sya itago mo nalang, di na nya maaalala iyan.” ang tugon naman niya at muling isinupot ang ibang damit na galing sa iba’t ibang mag aaral na dumalo kanina habang ako naman ay tuwang tuwang isinisilid sa aking taguan ang gamit ni Rycen.

“Nga pala Jopet, may set ang engineering mamayang alas 6 ng hapon. Celebration daw dahil sa pag kakapasok nina Rycen at Kerby bilang best player. Tara?” pag yaya ni Gabby.

“Ayoko nga, baka gawin nanaman akong sentro ng katuwaan doon. Alam mo naman iyang mga classmate nyo sa 3rd year, walang ibang nakikita kundi ako. Saka nalang kapag nawala na itong tagpi sa mukha ko.” pag tanggi ko naman.

“Ano kaba, classmate mo rin sila dati. Mag kaka batch tayong grumaduate ng high school diba? Huwag kana mag inarte dahil tayo tayo lang naman doon. Pakikisama lang.” tugon ni Gabby.

“Pag iisipan ko iyan. Saka iiwasan ko na si Rycen diba? Bakit kailangan ko pang mag punta? Edi mag kkwento naman iyon tungkol sa mga sexcapades nya sa motel nitong nakakaraang araw. Tiyak na maririndi lang ang pandinig ko.” katwiran ko naman.

“Edi huwag mong pansinin. Kunwari ay wala kang naririnig na kahit ano. Saka nandoon naman si Kerby, tiyak na magyayabang din iyon at hindi papayag na masapawan siya ni Rycen. Ano game?” ang tanong nito habang naka ngiting aso.

“Oh sige, pero sandali lang tayo ha. Bawal malasing. Ang malalasing ay mag f-fine ng 50 pesos!” ang wika ko naman

“Kol ako dyan. Ge, mamaya!” ang excited din na tugon nito sabay lundag sa kama.

Alas 6 ng hapon, agad kaming nag bihis ni Gabby para umattend nga doon sa thanks giving party para sa tagumpay nina Rycen at Kerby sa sports meet. Ang venue ng party ay sa isang bar malapit sa campus. Nag pareserve na raw ang grupo kanina kaya’t tiyak na solo namin ito.

Ilang minutong lakaran lamang ang layo nito mula sa dorm kaya naman may oras pa kami para bumili ng cake para kina Rycen at Kerby. Naka sulat dito ang salitang “Congratutions”. Syempre ay hindi pwedeng mag kasama kaya’t dalawang ang aming inorder, dalawa rin ang kandila at dalawang mag kaibang design din ang ending.

Pag dating namin doon ay agad naming binati ang dalawa na noon ay kapwa naka upo sa harap ng iisang lamesa iyon nga lang ay mag layo ang mga ito at hindi nag uusap. “Mabuti naman dumating kayo Jop at Gab, kanina ko pa kayo hinihintay ah.” ang natutuwang wika ni Rycen sabay kuha ng dalawang bangko at inilagay ito sa kanyang tabi.

“Ang daming alak at pulutan niyan ah. Sinong taya?” ang tanong naman ni Gabby.

“Ah, iyan ang cash prize namin ni Kerby sa pag kakapanalo bilang best player kanina. Napag pasyahan kasi ng buong klase na mag happy happy nalang kaya heto..” ang paliwanag ni Rycen.

Hindi naman ako kumikibo basta naka upo lang ako noong bigla akong lapitan ni Kerby at akbayan. “Pareng Rycen, sa akin muna tatabi si Jopet ngayon.” ang naka ngiti salita nito sabay hatak sa akin papunta sa kanyang tabi sa kabilang parte ng lamesa. Hindi nga kami mag katabi ni Rycen, mag kaharap naman kami kaya’t mas lalong nakaka ilang.

Si Rycen naman ay sinundan lang kami ng tingin habang hawak ang baso na may lamang yelo at alak. “Ah, nga pala Gabby nakita mo ba yung Jersey ko? Naiabot ko ba ito sayo kanina?” ang tanong niya noong maalala ang nawawalang uniporme.

“Yung kulay pula? Yung may manggas at may katernong short? Yung amoy pawis at kili kili mo?” ang tanong ni Gabby.

“Oo tol, iyon nga. Kanina ko pa kasi hinahanap. Hindi ko maalala kung kanino ko inabot doon sa loob ng gym.”

“Ah eh hindi ko alam. Baka kinuha na noong mga babaeng outsider na BALIW NA BALIW sa iyo kanina. Alam mo naman sila, kulang nalang ay isilid ka sa mga bag nila para iuwi.” ang sagot ni Gabby at talagang inemphasize pa nito ang salitang baliw na baliw habang naka tingin sa akin.

“Ganoon ba? Sayang naman iyon. Pero anyway blue naman talaga yung parati naming gamit. Mabuti nalang at naitabi ko iyon sa dorm.” tugon ni Rycen sabay inom ng alak.

“Naku Ry, wag mong ilalabas yung kulay blue na iyon, baka kunin nanaman ng mga BALIW NA BALIW sa iyo dyan sa tabi tabi” ang muling hirit ni Gabby habang naka tingin sa akin kaya naman palihim ko itong inambaan para tumahimik.

Tuloy ang inuman at kasiyahan sa harap ng lamesa. Syempre ay inenjoy ko nalang yung moment na kaharap si Rycen bagamat paminsan minsan lang ako sumusulyap sa kanya kapag hindi sya naka tingin sa aming direksyon. Si Kerby naman ay tumayo sa aking tabi at abala sa pag pili ng kanta sa videoke machine. Maya maya lumapit ito sa akin at iniabot ang mikropono. “Tol, sample naman dyan.” ang naka ngiting wika nito

Pumalakpak ang lahat pati na rin si Rycen na noon ay naka tingin sa akin. Hindi tuloy maiwasang mag tama ang aming mga mata na parang nangungusap sa isa’t isa. At habang nasa ganoong posisyon kami ay naramdaman ko nalang na umakbay si Kerby sa aking balikat at siya mismo ang nag ayos ng mic sa aking kamay. Ewan ngunit sa tingin ko ay nakaka halata ito na tumitingin ako kay Rycen kanina pa.

Nag simula ang kanta..

Huling El bimbo

Eraserheads

Kamukha mo si Paraluman Nung tayo ay bata pa At ang galing galing mong sumayaw Mapa boogie man o cha cha Ngunit ang paborito Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo Nakakaindak, nakakaaliw Nakakatindig balahibo Pagkaggaling sa eskwela Ay dideretso na sa inyo At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Magkahawak ang ating kamay At walang kamalaymalay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig ng tunay

Naninigas ang aking katawan Kapag umikot na ang plaka Patay sa kembot ng beywang mo At pungay ng yong mga mata Lumiliwanag ang buhay Habang tayo’y magkaakbay At dahang dahang dumudulas Ang kamay ko sa makinis mong braso

Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo At kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

Magkahawak ang ating kamay At walang kamalaymalay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig ng tunay

La la la la la…

Ang lahat ay kumakanta rin kasabay ko. Ito na yata ang pinaka sikat na kanta ngayong taon bagamat hindi ko naman kilala si Paraluman na siyang bida sa awitin. Basta ang alam ko lang ay may sakit at kirot ang lyrics nito na siyang nag bibigay ng kakaibang emosyon sa mga nakikinig. Ewan, ngunit sa palagay ko, kahit paano ay nakaka relate din ako dahil minsan na kaming nag sayaw ni Rycen sa aking panaginip at hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ito.

“Ang husay mo tol, grabe nakaka inlove yung pag awit mo. I wonder kung ilang babae ang mapapa sagot mo kapag kumanta kana sa harapan nila. Hanep..” ang papuri ni Kerby sabay itaas ng baso na may alak.

“Paano naman mang yayari iyon e wala namang nililigawang babae iyang si Jopet. 100% virgin pa nga iyan e.” ang kantyaw naman ng mga kolokoy na kaibigan ni Rycen.

Tawanan..

“Hindi lang talaga siya malibog na kagaya ninyo. Mataas ang pangarap ni Jopet para sa sarili nya, wala siyang time sa love life!” pag tatanggol naman ni Gabby.

“Nag salita naman si Gabboy. Pati ikaw virgin ka rin e!” ang kantyaw din ng mga ito at muling nag tawanan..

Hindi na lang namin sila pinansin..

Patuloy lang kami sa pag inom hanggang sa unti unting lumalim ang gabi at doon ay tinamaan na nga ako ng espiritu ng kalasingan. Hindi lang ako kundi pati si Kerby na noon ay halatang wala na rin sa kanyang sarili. “Ubusin nalang natin ito at ng maka uwi na tayo.” wika ni Rycen habang isinasalin ang dalawang nalalabing bote sa pitsel.

“Uuwi na ba agad mga pare? May gusto pa kong itanong kay Jopet e.” ang malakas na salita ni Kerby na nauutal pa sa kalasingan.

“Ano bang gusto mong malaman?” ang tanong ko naman.

“Bakit nga pala hindi ka nanliligaw ng babae ha? Bakla ka ba? Saka bakit virgin ka pa rin hanggang ngayon?” ang makulit na tanong nito dahilan para mag tawanan ang mga kolokoy.

Para naman akong binuhusan ng isang basong malamig na tubig sa mukha dahil sa kanyang katanungan. “Wala namang masama doon diba? Tao pa rin naman ako at hindi naiiba sa inyo.” ang sagot ko naman.

“Hindi tol, yung kiss! Hik! Yung halik ang importante! Hindi ka pa ba nahahalikan ha? Virgin pa ba iyang labi mo?” ang muling tanong nito.

Tawanan ulit ang lahat..

“Pare dati muntik nang halikan iyan ni Dan Manuel sa lips. Hindi lang natuloy dahil play lang iyon. 100% virgin pa yang lips ni Tagpi!” ang pang aasar ng mga kaklase nya samantalang ako naman ay nag sisumula nang mapikon.

“Ganoon ba? Virgin pa pala! Ayos! Ako na! Mga pare ako mag aalis ng virgin neto. Manonood kayo! Hik!” ang wika nito sabay hawak sa aking pisngi at mabilis na sinunggaban ang aking labi na siyang ikinagulat ng lahat..

Namalayan ko nalang na magkasugpong na ang aming mga nguso at nalalasahan ko ang pait ng kanyang laway.

itutuloy..

Imbisibol Part 32

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Author’s note: Kung nakaka kita man kayo ng mga error at maling spelling sa mga ginawa kong kwento ay hayaan nyo nalang dahil hindi naman ito nakaka apekto sa daloy ng kwento. Wala namang perpektong manunulat. Ang mahalaga ay nauunawaan ng lahat ang nais ipabatid ng tauhan sa akda. Basta huwag na kayong maarte hehehe.. salamat J

Thank you AiTenshi for sharing your stories!!


Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 32

Ibayong sakit ng ulo ang aking naramdaman noong mga sandaling imulat ko ang aking mga mata. Nakaka silaw ang sinag ng araw na nag mumula sa labas ng bintana kaya naman wala akong nagawa kundi ang muling pumikit at takpan ng kumot ng aking mukha. Masyadong makirot ang aking ulo kaya’t hindi ko napag tuunan ng pansin ang mga bagay na gumugulo sa akin isipan. Basta nahihilo ako, period. “Hoy Jopet, tanghali na! Bumangon kana dyan.” ang wika ni Gabby sabay balibag ng unan sa aking kinalalagyan.

“Ummm anong oras na ba?” ang tanong ko naman.

“Alas 10 na, bangon na!” sagot nito.

“Nakuuup late na tayo sa klase. Bakit di mo ko ginising kanina?” pag mamaktol ko sabay balikwas ng bangon mula sa higaan.

“Sabado ngayon gago! Natatandaan mo ba yung nangyari kagabi doon sa inuman?” ang tanong ni Gabby at doon nga ay biglang sumagi sa aking isipan ang eksenang pag halik ni Kerby sa akin.

FLASH BACK

“Ganoon ba? Virgin pa pala! Ayos! Ako na! Mga pare ako mag aalis ng virgin neto. Manonood kayo! Hik!” ang wika nito sabay hawak sa aking pisngi at mabilis na sinunggaban ang aking labi na siyang ikinagulat ng lahat..

Namalayan ko nalang na magkasugpong na ang aming mga nguso at nalalasahan ko ang pait ng kanyang laway.

Pinilit kong ialis ang kanyang mukha sa aking harapan ngunit malakas ito at talagang matindi ang kanyang ginagawang pag kagat sa aking labi. Ramdam na ramdam ko rin ang kanyang dila na ginagalugad ang aking bibig.

Nag hihiyawan ang lahat at yung iba naman ay nag tatawanan..

Tumagal ng ilang minuto ang halikan namin ni Kerby bago ito bumitaw at uminom ng alak.

“HA? Anong nangyari kagabi? Wala akong maalala.” ang pag dedeny ko bagamat malinaw na malinaw sa aking isipan ang lahat.

“Hinalikan ka ni Kerby kagabi. At hindi lang basta halik dahil torrid talaga ang ginawa nya sayo. Daig pa namin ang nanonood ng porn sa tindi ng pag supsop nya sa bibig mo. Sa maka tuwid ay hindi na virgin yang labi mo! At si Tuazon ang naka una sayo.” ang wika ni Gabby

“Ganoon ba? Pinag katuwaan nila yung first kiss ko. Binaboy nila yung unang halik na sana ay romantiko at para sa taong mahal ko. Pinag samantahalan ni Kerby yung kalasingan ko.” ang tugon ko naman na may halong inis.

“Gaga, ano ka rape victim? Hayaan mo na iyon. Pag katapos ng eksenang halikan nyo ay tumumba ka nalang na parang hinimatay sa kalasingan. Mabuti nalang nandoon si Rycen, binuhat ka nya para iuwi sa dorm pero pinigil sya ni Kerby.

FLASH BACK

“Pare mamaya mo na iuwi yang si Bantay, knock out yan sa halikan namin! Hik! Tiyak na hindi na makakabangon iyang si Tagpi! Sayang yung alak ubusin na natin.” ang wika ni Kerby habang gumagapang sa kalasingan.

“Lasing na tayo, umuwi na tayo tol.” ang sagot ni Rycen.

“Mamaya na, kung gusto mo inuna mo nalang si Tagpi at bumalik dito. One on one tayo!” hamon nito.

“Next time nalang tol. Malalim na rin ang gabi at isa pa ay baka makasama kay Jopet ang labis na pag inom.” Pag tanggi ni Rycen

“Paanong makakasama kay Tagpi iyang pag inom e lasing na nga ang mokong, saka di babangon iyan dahil napagod sa torrid kiss namin. Nanaginip na ngayon iyan na nag roromansahan kame. Hik” ang wika nito sabay inom pa ng alak.

“Walang bastusan tol, nandito tayo para mag saya at hindi para pag laruan ang isa’t isa” ang seryosong salita ni Rycen

“Oh baka naman inggit ka lang dahil ako naka virgin sa labi ni Jopet at hindi ikaw?” pang aasar nito ngunit hindi na pumatol si Rycen.

Pero matigas talaga ang ulo ni Tuazon, at iba talaga ang ugali nito kapag nalalasing. Sukat ba namang kuhanin yung pitsel na may lamang alak at isinaboy ito sa aming kinalalagyan. Mabuti nalang at nakapag timpi yung mga kolokoy na ka barkada ni Rycen kaya’t hindi na ito pinatulan. “Ayaw nyong uminom e, kaya maligo nalang kayo! Hik!”

At dahil nga nag dudulot na ng gulo yung lasing na si Tuazon ay iniuwi na rin ito sa kanila. Ikaw naman ay binuhat ni Rycen pabalik dito sa dorm. Mabuti nalang dahil hindi pa ito ganoon kalasing kaya’t nagawa pa nyang umakyat ng hagdan para ihatid ka rito sa kwarto.

“Eh ano naman ang reaksyon ni Rycen noong hinalikan ako ni Kerby?” tanong ko naman.

“Edi wala. Nakikitawa lang sya. Saka ano naman ang ineexpect mong magiging reaksyon nya? Alangan namang magalit sya at upakan nya si Tuazon. Ano ka girlfriend? Asa ka pa no, saka itigil mo na nga iyang ilusyon mo.” sagot naman ni Gabby sabay lapit sa aking kinalalagayan. “Asan na yung singkuwenta pesos ko? Ang usapan bawal malasing diba? Multa ka ngayon!” ang dagdag pa nito.

Hindi na ako naka angal, iniabot ko nalang yung 50 pesos at saka ako bumalik sa pag higa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa aking isipan yung eksenang pag halik ni Kerby sa akin, mapusok ito at marahas, malayo sa pinapangarap kong romantikong scene na sana ay si Rycen ang kasama ko at hindi sya. At sino ba naman ang may gustong halikan sa harap ng mga kainuman habang ang lahat ay nanonood at pinag tatampulan kayo ng kantiyaw, hanggang sa dulo ay pinag katuwaan pa rin nila ako, hindi lang ako kundi pati na rin ang unang halik ko.

“Bakit kaya hinayaan lang ako ni Rycen na bastusin ng ganoon? Wala ba talaga akong halaga sa kanya? Wala ba talaga akong halaga sa paningin nya kahit kaunti lang? Ni hindi man lang niya ako ipinagtanggol o pinigilan man lang si Kerby sa kanyang ginagawa.” ang bulong ko sa aking sarili at doon ay hindi ko na naiwsan ang mapaluha.

Halos wala akong ganang kumilos kaya naman nanatili na lang akong naka higa at nilunod ang aking sarili sa pag iisip ng kung ano anong bagay na wala namang larong patutunguhan. Hindi rin maalis sa aking isipan si Rycen at ang eksenang pag halik sa akin ni Kerby. Pakiwari ko ba ay nag mistulan akong laruan kagabi, nilasing at pinag katuwaan lang. Sa huli? Talo na naman ako.

Alas 5 ng hapon noong nag pasya akong bumangon. Hindi ko alam kung saan nag suot si Gabby dahil wala ito sa loob ng aming silid kaya naman nag pasya nalang ako na itiklop at isinop ang aming mga damit na kalalaba palang. Pag katapos noon ay agad akong naligo upang mahimasmasan ang aking katawan dahil sa matinding hang over. Todo sipilyo rin ako dahil hanggang ngayon ay nalalasahan ko pa rin ang pait ng alak na nanunuot sa aking laway.

Madilim dilim na noong lumabas ako ng dorm, nag lakad lakad ako sa kalsada upang humanap ng makakainan. Hindi ako makapaniwala na naka kayanan kong hindi kumain mula kaninang umaga. Aminado naman ako na epekto ito ng pag mumukmok ko at pag seself pity habang naka kulubong ng kumot sa higaan.

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay nakita ko naman si Rycen naka upo sa waiting shed sa harap ng campus. Naka suot ito ng sirang pantalon, tsinelas at kulay puting damit na gunupit ang manggas. Nakapako ang tingin sa mga nag daraang jeep sa kalsada at mukhang malalim pa sa balon ang iniisip.

Lalayo sana ako para iwasan siya ng bigla itong lumingon sa aking kinalalagyan at mabilis na nag tatakbo patungo sa akin. “Tol, kamusta na pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?” ang tanong nito.

“Ayos na ako, salamat pala sa pag tulong mo para iuwi ako kagabi. Nga pala, anong ginagawa mo doon sa waiting shed? Bakit mag isa ka?” pang uusisa ko naman.

“Ang totoo nun ay tatawid sana ako para kumain doon sa gotohan kaso ay punong puno sila kaya hinihintay kong mag karoon ng bakanteng bangko. Ikaw anong ginagawa mo dito?” tanong rin nya.

“Nag hahanap din ako ng kakainan kaya heto nag lalakad ako.” naka ngiti kong sagot.

“Ayos! Gusto mo doon nalang tayo kumain sa ibang lugar? May bagong bukas na kainan malapit doon sa sea wall ng parke. Tara?” pag yaya niya.

“Parang date? este ang ibig kong sabihin ay anong date na ba ngayon?”

“September 8 ngayon, bakit tol?”

“Ahh oo nga pala September 8 ngayon, muntik ko na makalimutan aha ahahaha.”

Naku naman, paano ko maiiwasan itong si Rycen e parati kaming pinag sasalubong ng kapalaran. Mapanuya talaga ang pag kakataon, kapag gusto ko siyang makita ay wala siya kapag naman ayaw ko siyang makita ay bigla nalang siyang sumusulpot na parang kabute sa paligid ko. “Nga pala tol, pasensya kana kagabi kung hindi ko nagawang pigilan si Tuazon, hindi ko rin kasi inexpect na hahalikan ka nya ng ganoon.” wika ni Rycen habang naka sakay kami sa taxi patungo sa kainan sa parke.

“Ayos lang, pumapalakpak ka pa nga daw at tuwang tuwa eh.” bulong ko naman.

“Ha? Ano yun tol? Di ko narinig yung sinabi mo.”

“Ahh e ang sabi ko ay ayos lang iyon. Halik lang naman iyon, walang nawala sa akin. Iningatan ko lang naman yung unang halik ko para sa taong mahal ko. Pero wala iyon!” sagot ko naman.

“Nasira tuloy yung first kiss mo. Sorry tol.” ang malungkot na salita nito.

“Oo yung first kiss ko na inilaan ko para sayo.” bulong ko naman.

“Ha? Ano tol? Bakit ba kasi ang lakas ng radyo mo manong, di na kami mag karinigan dito sa likod. Ano ulit iyon?” ang tanong nito sabay kamot sa kanyang ulo.

“Sabi ko ay kalimutan na natin yung tungkol sa first kiss na yon. Ang mahalaga ay kasama kita ngayon at masaya tayong dalawa, ang ibig kong sabihin ay bonding ng ano.. ng mag bestfriend.” ang palusot ko para hindi nya mahalata ang mga salitang kusang lumalabas sa aking bibig.

Pag dating namin sa kainan, agad kaming naupo sa table na malapit sa sea wall, mas malamig dito at mas kaaya aya ang tanawin lalo sunset. Nakaka dagdag sa ganda ng view ang malamlam na kalangitan na pinag halong dilaw at lila. Ganoon din ang alon sa karagatan na wariy sumasayaw sa tuwing humahampas ito sa dalampasigan.

“Paborito ko ang sisig dito tol. Heto tikman mo.” ang naka ngiting alok ni Rycen habang inilalapit sa akin ang mga pag kain inorder nya.

“Salamat, first time ko dito. Ang ganda pala talaga..” ang tugon ko naman

Patuloy kami sa pag kain, masarap ang mga ito at talagang pinawi ang gutom ko sa mag hapon. Pero ang pinaka magandang parte ay ang pag silay ko sa mukha ni Rycen na nag bibigay sa akin ng ibayong saya. Yung tipong nakalimutan ko na yung tungkol sa plano kong iwasan siya for good. Kapag tinatangka kong lumakad palayo sa kanya ay bigla na lamang nya akong hihitakin pabalik. At heto nanaman ako..

Habang nasa ganoong pag titig ako sa kanyang mukha ay nagulat na lamang ako noong kalabitin ako nito sa balikat. “Tol ayos ka lang ba? May pabor sana akong hihingin sayo. Ayos lang ba?” ang seryosong salita nito.

“Okay, may pabor na. Ano naman kaya ito? Kaya ba niya ako inaya rito ay para sa pabor?” tanong ko sa aking sarili. Ang totoo nun ay ayoko na ng ganitong mga eksena dahil bumabalik lang sa aking alala yung trahedyang nangyari sa aking noong graduation kung saan nakipag patintero ako kay kamatayan.

“Jopet, huwag mo sanang isipin na kaya kita dinala dito ay para sa pabor na ito. Ang totoo nun ay ngayon ko lamang ito naisip.” ang pag lilinaw nya.

“Eh tungkol saan ba ito?” seryoso ko ring sagot.

Tumingin ng diretso si Rycen sa aking mga mata at nag wika ito. “Iwasan mo si Kerby. Alam ko ang likaw ng bituka ng taong iyon, wala siyang maidudulot na maganda sa iyo. Please Jop, iwasan mo siya.”

Iyon ang mga katagang pinakawalan ni Rycen habang seryosong naka titig sa aking mga mata. Ang nakakalito lang ay kapwa sila nag sasabi na iwasan ko ang isa’t isa.

Ang sabi ni Kerby ay iwasan ko si Rycen dahil masamang impluwensya ito. Ang sabi naman ni Rycen ay iwasan ko si Kerby dahil wala itong maidudulot na maganda.

Nakakalito..

Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumango at mag bitiw ng isang ngiting mag kukubli sa aking tunay na nararamdaman.

itutuloy..

Imbisibol Part 33

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 33

Noong matapos kaming kumain ay nag yaya naman si Rycen na maupo sa sea wall paharap sa karagatan, hawak namin ang tig iisang bote ng beer at doon pinag masdan namin ang ganda ng paligid.

Mahangin..

Masarap din sa pandinig ang pag salpok ng alon sa dalampasigan..

“Narealize ko sobrang laki na pala ng pinag bago mo. Dati ay patpatin ka lang at parating nasesermunan ng teacher pero ngayon ay isang modelo kana at Ginoong Pilipinas pa. Nakatulog lang ako ng ilang buwan pag gising ko ay nag bago na pala ang lahat. Nakakapang hinayang nga lang dahil hindi ako naging parte ng pag grow nyo ni Gabby.” ang wika ko habang naka tanaw sa kalayuan.

“Lahat naman ng bagay sa mundo ay nag babago tol. Darating talaga sa buhay ng tao na kailangan ay mamili ka sa landas na gusto mong tahakin. Siguro ay maaga lamang dumating ang sa akin.” sagot naman niya.

“Siguro kaya hindi agad agad dumating ang sa akin ay dahil naka tulog ako. hehe” biro ko naman.

Natawa ito at inakbayan ako. “Huwag kana ulit matutulog ha, ayoko nang malungkot tol.” ang seryosong salita nito.

“Alam mo ba, may isang parte sa panaginip ko na kasama raw kitang nag lalakad sa isang maluwang na kalsada. Pag katapos ay ngumiti ka sa akin at sinabing papasanin mo nalang ako para hindi ako mapagod sa pag lalakad. Natuwa naman ako at agad na nag punta sa likuran mo ngunit noong akmang yayakap na ako sayo ay unti unti kang nawala at doon ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nag iisa at tinatawag ang iyong pangalan. Takot na takot ako noon, iyak ako ng iyak habang hinahanap ka sa paligid pero wala ka doon. Wala akong nagawa kundi ang lumakad muli na mag isa at umaasa ako na sa pag lalakad ko ay makita kitang muli. Dito ko napag tanto na kahit tulog pala ako ay namimiss pa rin kita.” ang salaysay ko habang nakatanaw sa kawalan.

“Alam mo, may nakapag sabi sa akin na ang panaginip ay hindi lang basta panaginip. Minsan ay representasyon ito ng mga bagay na maaaring maganap sa hinaharap o sa kasalukuyang panahon. Minsan naman ay nag papakita ito ng mahalagang kahulugan, kung ano man iyon ay walang nakaka alam.” ang sagot ni Rycen sabay tungga alak sa bote.

“Ang makita kita sa panaginip ko ay nag bibigay sa akin ng kakaibang saya. Sa kabilang banda ay nagiging bangungot naman ito kapag nawawala ka.” ang seryoso kong tugon.

“Sa susunod na managinip ka ng masama, tawagin mo lang ako at darating ako tol. Gugulpihin ko yung mga bagay na kinatatakutan mo. Kahit ano pa iyon! Lagot sakin iyan!” ang mayabang na sagot nito.

“Marami akong masasamang panaginip, lahat ng iyon ay nakakatakot talaga. Pero ang mawala ka sa akin ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat. Mahal kasi kita.” ang bulong ko.

“Ano yun tol? Di ko na rinig yung sinabi mo. Yung barko kasi pina andar yung horn nya. Natapat pa sa pag sasalita mo.” ang naiinis na tanong nito.

“Ah e ang sabi ko ay madalang naman ako managinip ng masama dahil nag dadasal ako bago matulog.”

“Parang hindi naman iyon ang sinabi mo tol. May MAHAL akong narinig eh.”

“Ahh iyon ba, sabi ko ay may ano, may kamahalan yun pag kain doon sa kabilang restaurant. Buti nalang at hindi tayo doon kumain. ahehehe.” palusot ko.

“Ahh mahal nga doon tol, at isa pa ay panay sea foods lang ang specialty nila.” sagot naman nito.

Tahimik..

Panandalian kaming tumanaw sa kawalan.

Walang kibuan..

“Huwag mong sabihin sa akin na iniisip mo pa rin yung first kiss mo?” ang pabirong tanong nito.

“Medyo.” sagot ko sabay tawa.

“Huwag mo na isipin, ang ingatan mo ay ito..” ang tugon niya sabay turo sa akin kaliwang dibdib. “Yung utong ko? B-bakit naman?” pag tataka ko.

“Tado, ang ibig kong sabihin ay ang puso mo. Iyan ang pinaka mahalaga sa lahat. Piliing mong mabuti yung taong pag bibigyan mo niyan para maingatan nya ito at hindi nya ibalik saiyo ng wasak. Ang puso ng tao ay parang isang babasaging regalo, ihahandog mo ito sa isang espesyal na tao, ipag kakatiwala mo ito sa kanya ng buong buo PERO kapag hindi nya ito iningatan ay ibabalik nya ito sayo ng wasak at puro lamat. Iyan ang pag ibig.. komplikado kung iyong iisipin.” paliwanag ni Rycen.

“Kaya nga nag aalangan akong ibigay sayo ang puso ko, baka kasi wasakin mo lang ito katulad ng mga ex mo” bulong ko naman at mulang umugong ang horn ng barko sa karagatan.

“Ha? Ano tol? Sorry hindi ko nanaman narinig e, loko kasing barkong iyon tuwing mag sasalita ka ay parating umuugong!” ang asar na pag mamaktol nito

“Ang sabi ko ay iingatan ko, saka wala naming kukuha nito. Adik na nga yata ang mag kakagusto sakin eh.” ang natatawa kong salita

“Loko, sumeryoso ka nga tol. Basta ang nais ko lang ay ingatan mo yang puso mo. Babasagin iyan at mahirap buuin kung kasaling masira.” ang seryoso pa ring tugon nito.

Hindi ako makapaniwala na kay Rycen nag mumula ang lahat ng ito. Nag mature na nga siguro talaga ang loko, sa dami ba naman ng babaeng dumaan sa buhay. Marahil ay talagang hinubog na ito ng experience kaya kung mag salita ay parang kung sinong love expert.

“Saka iyon nga ang sakit e, wala pa akong pinag bibigyan pero nawawasak na.” ang seryoso kong salita dahilan para mapatingin ito sa akin.

“Anong ibig mong sabihin tol?” tanong nito

“Ah e wala, hehehe.. Teka mukhang love expert kana ahhh. Kamusta nga pala yung mga girl friends mo?” ang biro ko naman, basta mailihis ko lang yung topic.

“Ang dami naman non. Ang totoo nun, sa maniwala ka o sa hindi ay wala naman akong gf. Karaniwan kasi ay puro fling lang ang nangyayari sa akin. Yung ibang babae kasi na dinedate ko ay nakikipag date din sa iba, yung iba naman ay hindi seryoso kaya’t hindi ko rin sila sineseryoso. Basta ganoon lang palagi ang eksena.” paliwanag ni Rycen.

“Ang sabi sa akin ni Gabby ay kaka date nyo lang ni Ina last day. Kamusta naman kayo?” pang uusisa ko.

“Ayos naman kami, pag may oras ay lumalabas kaming dalawa. Hindi kami mag on, pero nag sesex kami.” ang sagot nito habang naka ngiting aso.

“Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo? Yang kasing ngiti mo ay parang nakaka loko.”

“Syempre ay biro lang iyon. May respeto ako sa mga babae kaya’t hindi ko magagawa iyon. Bakit ganyan ang reaksyon mo?”

“Nabigla lamang ako, hindi kasi iyon ang Rycen na kilala ko.”

Ngumiti ito at tumingin sa akin “talaga?”

“Oo naman..” ang sagot ko.

Inakbayan nya ako at nakipag cheers pa sa akin. Sabay kaming uminom ng beer habang naka tanaw sa mga makukulay na ilaw ng barkong nag lalayag sa karagatan. Makalipas ang ilang taon ay ngayon lamang kami nakapag usap ng ganito ni Rycen, ito yung mga sandaling ayokong matapos, gusto ko ay manatili nalang sa ganito ang lahat. Kung maaari kong hilingin na ganito nalang kami forever ay gagawin ko talaga. Iba ang saya kapag kasama ko sya, pakiramdam ko ba ay idinuduyan ako sa isang malambot na ulap na lumilipad patungo sa kalangitan.

Alas 8 ng gabi noong kami ay maka balik ng dorm. Katulad ng dati ay inihatid ako ni Rycen papasok ng gate. Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang babae na binabantayan hanggang sa pag uwi upang makasiguradong ligtas. Hindi pa rin naalis ang ngiti sa aking labi noong mga sandaling iyon, para akong nanaginip ng gising. Basta ganoon ang pakiramdam.

At dahil nga sa sobrang saya ko ay panandalian kong nakalimutan ang buong paligid, hindi ko agad nakita si Kerby na naka upo sa guard house hawak ang isang kahon ng cake. Naka suot ng body fit na polong asul at makipot na pantalon.

“Ikaw pala pareng Kerby, saan ang lakad natin?” bati ni Rycen noong makita itong palapit sa amin.

“Dito lang pare. Ang totoo nun ay kanina ko pa hinihintay itong si Jopet.” ang sagot ni Kerby habang nakatingin ng tuwid sa akin.

“Ganoon ba, mukha seryoso ang pag uusapan nyo ah. Sige mauna na ko para hindi ako maka istorbo mga bro.” ang naka ngiting salita ni Rycen sabay tapik sa aking balikat bago ito tuluyang lumakad palayo.

“Teka Rycen, kape? Gusto mo ba ng kape?” ang tanging nasabi ko. Ewan, gusto ko lang siyang manatili sa aking tabi. “Huwag ka munang umalis please naman.” ang bulong ko sa aking sarili na nakaramdam ng kakaibang lungkot.

Tuloy tuloy lang sa pag lakad ang mokong at itinaas lang ang kanyang kamay sabay senyas ng “Ok lang”. Samantalang ako naman ay hinahabol lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan itong makalabas ng gate at hindi ko na maaaninag pa.

“Ah e, bakit ginagabi ka yata?” ang bungad ko kay Kerby. “Saka gayak na gayak ka ah.” dagdag ko pa.

“Nais ko lang ibigay sa iyo itong cake. Gusto ko lang din mang hingi ng tawad kung hinalikan kita kagabi. Alam kong nasira ko ang first kiss mo at hindi ko dapat ginawa iyon.” ang malungkot na wika nito habang naka titig sa aking mga mata.

“Ayos lang iyon, alam ko naman na lasing ka at wala sa iyong sarili. Kalimutan mo na iyon.” ang sagot ko naman.

“Salamat tol, nga pala bakit kasama mo si Rycen?” pang uusisa nito.

“Sabay lang kaming kumain ng hapunan doon sa labas. Wala kasi si Gabby e.”

“Ah oo, si Gabby ay nakita ko kanina sa mall nanonood ng concert ng eraserheads. Marahil ay nakapila pa rin iyon sa cassette tape signing nila.” salaysay ni Kerby.

“Paborito nga nya yung banda na iyon. Bumili nga sya ng blank tape kahapon doon sa mall at inirerecord niya doon sa cassette yung mga kanta sa radyo.” tugon ko naman.

Natawa si Kerby..

Pero maya maya ay nanahimik din ito agad na parang may gumugulo sa kanyang isipan. Maliwanag naman ang ilaw dito sa guard house kung saan kami naka upo kaya’t malinaw kong nakikita yung reaksyon ng kanyang mukha.

“May problema ba?” ang tanong ko.

Tumingin ito sa akin at biglang ngumiti. “W-wala tol, bakit mo naitanong?”

“Eh kasi bigla kang naging seryoso. Anong iniisip mo?” pang uusisa.

“Ikaw at si Rycen. Baka maya maya ay maging masamang impluwensiya siya sa iyo. Kilalang kilala ko ang likaw ng bituka ng lokong iyon e.” ang asar na salita ni Kerby.

Napa kamot nalang ako ng ulo, parang kanina ay iyon din ang sinabi ni Rycen sa akin. Halatang may galit sila sa isa’t isa kaya heto para akong naka ipit sa dalawang nag uumpugang bato.

“Mabait naman si Rycen, isa pa ay parati nya akong ipinag tatanggol kapag may nang bubully sa akin noong high school. Hanggang ngayon ay mabuting kaibigan pa rin siya para sa akin.” pag dedepensa ko kay Rycen.

“Hanep, sweet ah. Eh ako pinag tatanggol mo rin ba ako kay Rycen ng ganyan kapag sinasabi nyang masamang impluwensya ako sa iyo?” ang seryosong tanong nito.

“Kanina lang kami ulit nag sama ni Rycen, hindi naman kami nag usap ng tungkol sa ibang tao. Pero sigurado akong ipag tatanggol rin kita, kahit na makipag away pa ako ay okay lang.” ang naka ngiti kong sagot.

Natawa ito at ginusot ang buhok. “Hindi naman bagay sayo ang pagiging war freak. Daig mo pa ang isang maamong tupa doon sa farm.” biro nito sabay tayo sa aking tabi. “Uuwi na ko tol. Mag pahinga ka na.” ang dagdag niya.

“Mag ingat ka, salamat pala dito sa cake. Im sure busog nanaman si Gabby nito.” naka ngiti kong tugon at doon ay isang matamis na ngiti ang isinukli nya sa akin bago sumakay sa kanyang motor.

Pag kaalis ni Kerby ay agad akong umakyat sa aming silid at doon ay naabutan si Gabby na naka upo sa study table at nakikinig ng kanta ng paborito nyang banda. Ako naman ay tahimik lumakad patungo sa kanya at inilapag ang cake sa kanyang harapan. “Galing kay Kerby, peace offering daw nya dahil sa ginawa niyang pag halik sa akin kagabi doon sa inuman.” paliwanag ko.

“Tamang tama nagugutom na ko. Naku sumakit ang paa ko kaka pila doon sa bilihan ng cassette tape ng eraserheads. Teka, saan ka ba galing at ginagabi ka? Ang akala ko ay wala kang lakas lumabas dahil ginahasa ni Kerby iyang labi mo?” tanong nito

“Kumain kami ni Rycen sa labas.” ang wika ko sabay lundag sa aking kama.

“Ang sabi ko sa akin ay iiwasan mo na sya? May kalandian ka talagang taglay no?”

“Kumain lang tapos malandi na? Agad agad? Aksidente lang yung pag kaka kita namin nung tao tapos inaya nya ko doon sa kainan sa parke. Pag katapos kumain ay nag usap kaming dalawa.”

“So ano naman ang mga sinasabi nya na nag kilig ng pwet mo?”

“Nag asked sya sa akin ng pabor. Ang sabi nya ay iwasan ko raw si Kerby dahil hindi ito magandang impluwensya sa akin. Eh hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya tumango nalang ako. Tapos pag uwi ko dito ay wala akong kamalay malay na naka abang si Kerby doon sa gate. Parang nairita nga si Rycen kaya umuwi ito agad.

Ewan ko ba, pakiramdam ko ay nasa gitna ako dalawang nag uumpugang bato. Biruin mo ang sabi ni Rycen ay iwasan ko si Kerby dahil masamang tao ito. Ang sabi naman ni Kerby ay iwasan ko si Rycen dahil masamang impluwensya ito. Hindi ko tuloy alam kung kanino ako makikinig.“ ang wika ko naman na hindi maitago ang pag kalito.

“Parang pinag aagawan ka nila? Ganoon ba? Ang dalawang pinaka popular at pinaka gwapong mag aaral sa St. Vincent All boys ay pinag aagawan ang isang John Peter Guzman. Ginayuma mo ba sila Jopet? Umamin ka nga sa akin?!” ang tanong ni Gabby habang nakatingin sa akin ng tuwid.

“Ano ka ba, hindi no. Saka wala naman silang pinaparamdam sa akin na gusto nila ako dahil imposibleng mangyari ito. Siguro ay overprotective lang silang kaibigan.” ang depensa ko naman.

“Siguro nga, kasi imposible talaga na mag kagusto sila sayo. Mahuhurt lang ang feelings mo kapag umasa ka pa. Eto ang larawan nina Rycen at Kerby.” ang wika ni Gabby sabay pakita ng close up picture ng dalawa.

“Oh ano naman ang balak mo dyan?” tanong ko

“Ganito iyan. Una muna ay si Kerby Tuazon Jr, itatabi ko ito sa face mo.” ang wika nito at itinabi nga sa mukha ko ang gwapong larawan ni Kerby. “Oh ayan, nakita mo na. Napaka gwapo ni Kerby kaya’t imposibleng gusto ka nito. Marahil ay may balak lang iyan na gamitin ka.”

Maya may ay larawan naman ni Rycen ang idinikit nya sa aking mukha. “Oh diba, gwapo talaga itong si Rycen Paul Lacsamana. Kaso nga lang ay maraming babae sa buhay nya at malalaki pa ang suso. Kaya malabo rin iyang mag kagusto sayo.”

Maya maya ay dalawang larawan naman ang itanabi nya sa aking mukha. Sa kaliwa ko ay larawan ni Kerby at sa kanan naman ay larawan ni Rycen. Natawa ito at humirit nanaman “alam mo frend kaya mo pa sanang humabol sa kanilang dalawa kung hindi ka lang naging dalmatian. Okay na yung dati e. All black ka. Pero ngayon naging komplikado na ang lahat dahil dalawa na ang kulay mo. Naging black and white kana. Parang yinyang lang ang dating. Para kang negro na nalagyan na an-an. Parang panda na natutulog doon sa zoo. Pero anyway sinabi ko ito dahil totoong kaibigan mo ako. Masyadong suspicious ang dating nilang dalawa kaya ang payo ko ang sundin mo. Dalawa silang iwasan mo.” ang dagdag pa ni Gabby sabay kain ng cake.

“Eh paano ko namang gagawin iyon kung sila mismo ang dumidikit sa akin?”

“Oh edi mag panggap kang busy o kaya ay hindi maka ugaga sa dami ng report at projects. Mag paka nerd ka boy. Isa pa ay finals naman na, may dahilan kana para sumubsob sa pag aaral.” ang naka ngising mungkahi ni Gabby.

“Sige susubukan kong iwasan silang dalawa. Pero tutulungan mo ko ha.” ang wika ko naman.

“Oo naman. Para saan pa at naging mag bestfriend tayo. Kung gusto mo ay isasama ko pa si Dan Manuel sa grupo natin para nerd na nerd talaga ang dating natin.”

“Ano naman ang magagawa ni Dan Manuel para sa atin?”

“Alam mo ba na si Dan Manuel lang ang tanging mag aaral sa campus na ito na tumatagal ng mula 8 ng umaga hanggang 8 ng gabi sa loob ng library? Alam mo ba na ayaw na ayaw pumapasok ng mga hotties sa library dahil ayaw nilang mag mukhang geeks? Sa madalit salita, hindi ka masusundan nina Rycen at Kerby sa loob ng library dahil takot sila sa maraming libro. Trust me, ang mga mag aaral na hindi mahilig mag basa ng aklat ay naduduling sa loob ng silid aklatan.” ang salita ni Gabby na punong puno ng pag asa.

“Paano mo naman nalaman yung ganyang teyorya?” ang tanong ko.

“Ako mismo ang nakatuklas nyan. Naalala mo ba noong 4th year high school tayo? 4th grading period, isinama ko si Rycen sa loob ng library para mag research sa paper works nya ng bigla nalang dito maduling at mahilo doon sa loob noong makita yung maraming libro sa cabinet. At last week lang ha, yang si Kerby ay isinama ko rin sa library upang gumawa ng report, hindi ito tumagal sa loob, nag suka sya at nadala pa sa clinic.” ang naka ngiting asong salaysay ni Gabby.

“Baka naman nag kataon lang iyon?”

“Hindi no, walang kidlat na tumatama sa parehong lugar ng dalawang beses. Basta! Takot yang mga gwapo na yan sa libro!” ang matatag na salita ni Gabby.

“So gagawin natin iyang naisip mo? Sure ka ba dyan sa plano mo?” pag aalangan ko.

“Sure na sure!! Game na!!” ang sigaw ni Gabby sabay tawa ng malakas.

itutuloy..

Imbisibol Part 34

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 34

Araw ng Lunes, umaga palang ay naka sama na kami ni Gabby kay Dan Manuel na noon ay abala sa pag gawa ng katakot takot ng term paper sa finals. Hindi naman ganito ka nerd no, kailangan ko lang talagang mag tago dito sa library parte ng pag iwas ko sa batong nag uumpugan sa mag bilang gilid ko. Dito ko rin mapapatunayan kung totoo ba yung teorya ni Gabby tungkol sa mga “hotties” na takot pumasok sa library dahil nahihilo ang mga ito.

Kaunti lang ang tao dito sa silid aklatan, karaniwan sa makikita mo ay yung mga freshman na tinambakan ng research paper ng kanilang guro. Yung iba naman ay naka tambay lang kunwaring nag babasa pero nakiki aircon lang naman.

“Mabuti naman at narealize nyo na ako talaga ang best buddy para sa inyong dalawa. Infact, wala naman talaga kayong totoong friends dito sa campus. Alam mo naman na ang mga katulad nating biniyayaan ng sobrang galing ay hindi maaaring makipag friends sa mga mere mortals. Ginagamit lang tayo dahil alam nila na mas superior tayo kaysa sa kanila.” ang wika ni Dan habang abala sa pag babasa ng aklat.

Si Gabby naman ay naka ngiwi lang habang ginagaya ang pag buka ng bibig ni Dan sa pag sasalita. “Mabait naman sila, hindi naman nananakit.” ang depensa ko naman

“Yeah, mabait sila kapag may kailangan sayo. Kapag kailangan nila ng sagot sa quizes at exam. Pero kapag nasa labas na? Hindi kana kilala ng mga iyan. Kaya nga naisip ko na mag tayo ng isang organization na mag lalayong protektahan ang mga kagaya nating ginagamit ng mga kaklase nila. At syempre ay hindi ko naman ito magagawa ng wala ang tulong nyo. Lalo kana Jopet, ikaw pa naman ang gagawin kong speaker, ishare mo sa kanila kung paano ka ginamit ni Rycen at ni Kerby para makapasa sa mga subjects nila. Dual purpose, magiging aware sila kung kailan sila ginagamit o hindi at makapag bibigay ka pa ng aral at inspirasyon sa listeners mo.” ang walang prenong salita nito.

“Pigilan mo ko, sasapalin ko na lamesa ang isang ito.” ang bulong ko kay Gabby. “Shhh wag kang maingay, hayaan mo lang siyang dumaldal ng dumaldal dyan. Alam mo namang may pag ka out of this world ang utak nyan. Wag mo nalang pansinin.” ang bulong naman ni Gabby.

“Sige pag iisipan namin iyang sinasabi mo Charming.” ang pag aasar ni Gabby.

“Dapat lang pag isipan mo. Lalo na ikaw Jopet. Lagi ka pa namang ginagamit ng mga gwapo sa paligid mo. Saka isa pa ay itigil mo na ang pag tawag sa akin ng Charming, matagal ko nang ibinaon sa hukay ang ala-alang iyan.” sagot nito.

“Masyado ka namang hard Charming, parang insecurity na yang galit mo kina Rycen ah.” naka ngising salita ni Gabby

“Insecure? Ako? Imposible iyang sinasabi mo dahil mas superior ang utak ko sa kanila. Infact, real self confidence and esteem is based in emotion, not a self image kaya wala akong time para mainsecure sa mga katulad nilang utak manok . “ sagot ni Dan

“Aba, sumosobra na ang isang ito ah, uupakan ko na talaga to.” ang bulong ko kay Gabby sabay hawak na lapis para isaksak sa ngala-ngala ni Charming.

“Masyado ka namang hard charming. Baka naman mabahiran lang ng bitterness ang org na itatayo mo?” ang pang aasar ni Gab

“Never, kung may bitter dito ay kayo iyon na nag ttry maki join sa mga hotties pero hindi naman kayo hot. Duh! Mutant!” ang pang aasar ni Charming.

“Mutant ka rin. Combination ng butiki at salamander!” ang pang aasar ko rin.

Habang nasa ganoong pag uusap kaming tatlo ay laking gulat ko noong makita si Kerby sa loob din ng library. May dala itong notebook at ballpen. Kumaway pa ito at ngumiti ng ubod ng tamis noong makita ako. Ngayon malalaman ko kung totoo nga yung teorya ni Gabby tungkol sa kanila. “Bro, kanina pa kita hinahanap. Gawa na tayo ng assignment.” ang wika nito.

Ngumiti ako at umusog ng upuan. “Tamang tama, gagawin ko na nga rin itong sa akin. Humiram lang ako ng libro dito kay Dan Manuel. Halika tabi ka sakin.”

“Eh tol, sobrang init dito e. Ang layo ng aircon. Doon nalang tayo sa canteen gumawa o kaya sa seawall.” ang pag yaya nito.

“Gusto ko nga sana kaso ay wala naman akong library card na dala. Hindi ko maaaring ilabas itong aklat. Kaya wala akong choice kundi dito gumawa ng assignment.” ang paliwanag ko.

Kapansin pansin na pinag papawisan na si Kerby at parang hindi ito maka hinga ng maayos. “Tol okay ka lang ba?” tanong ko.

“Ah e oo, ayos lang ako. Medyo mainit lang kaunti. Ganito nalang, tapusin mo na lang yung assignment at turuan mo nalang ako sa labas. Sige una na ko.” ang salita nito habang niluluwagan ang butones ng kanyang suot na polo.

Lumabas si Kerby ng library..

Tawanan naman kami ni Gabby. “Sabi sayo eh. Kung ang dracula ay takot sa simbahan, ang mga kagaya nila Rycen at Kerby ay takot sa silid aklatan. Kaya dito muna tayo hanggang mamaya para maka tiyak na hindi ka maiipit dyan sa banggaan nilang dalawa.

Edi ayun nga ang set, mag hapon kaming nag titiis na kasama si Dan Manuel sa loob ng library na walang ginawa kundi ang dumaldal ng dumaldal. Lahat yata ng buhay ng scientist at ancient philosopher ay naikwento na nya. Buti nalang dahil nandito si Gabby na walang ring ginawa kundi barahin sya at pag katuwaan habang nag aaral.

“Kung tatagal pa ako ng isang araw na kasama doon sa library si Dan Manuel ay tiyak na masisiraan na ako ng bait. Mas mabuti pang mag tago ako sa loob ng kubeta kaysa sa makita sya.” pag mamaktol ko habang hinang hinang lumalakad paakyaat sa dorm.

“Naku pasalamat sya dahil nasa wastong katinuan pa ako kanina. Malapit ko na talaga isalaksak sa lalamunan niya yung ballpen eh.” galit na salita ni Gabby.

“Pero okay lang din naman dahil naka tapos tayo ng term paper. Ibang klase lang talaga ang pag iisip ng taong iyon. Masyado syang matalino.” ang wika ko naman.

“Hayaan mo na nga sya. Mabuti pa ay kumain nalang tayo para mawala ang stress natin sa kanya.

“Pakiramdam ko ba ay inabsorb lahat ni Charming yung lakas ng utak ko, e nakikinig lang naman ako sa kanya. Ibang klase talaga yung tarantadong iyon.”

Tawanan..

Sa kabuuan, naging productive ang araw na ito, at naka iwas pa ako kina Rycen at Kerby katulad ng plano. Pero hindi naman maaaring panay iwas nalang ang gagawin ko. Alam kong darating din ang oras na mag kakaroon ako ng lakas ng loob upang sabihin ang aking tunay damdamin. Pero sa ngayon, hayaan ko munang maging maaayos ang lahat.

Sa pag lipas ng mga araw, tuloy tuloy lang yung pagiging busy ko sa pag susubmit ng kung ano anong requirements. Minsan naman ay hindi ko natitiis si Kerby lalo na kapag alam kong nangangamote siya kaya nilalapitan ko pa rin ito upang icheck ang kanyang mga trabaho. Naki usap rin ako kay Gabby na kung maaari ay tulungan si Rycen sa mga requirements nya since mag kaklase sila. Gusto ko silang iwasan ngunit hindi ko naman kayang pabayaan dahil kaibigan ko sila. Ginagawa ko lang din kung ano sa palagay ko ang tama.

Ilang linggo matapos ang finals ay inilabas naman ang resulta ng dean’s list at nandoon pa rin ako na nasa ikalawang pwesto sa average na 1.30 GPA. Magandang balita rin kina Rycen at Kerby dahil pasado lahat ng subjects nila. Lahat kami halos ay survivor kaya naman sa susunod na pasukan ay 3rd year na ako at sila Gabby naman ay nasa 4th year na.

Kaunting taon nalang ang bibilangin at tiyak na matatapos na namin ang kolehiyo. Pero sa ngayon, ieenjoy ko muna ang aking bakasyon na malayo sa kahit na anong stress na idinudot ng pag aaral. At sa huli, lahat kami ay umuwi sa aming kanya kanyang probinsya na may ngiti sa aming labi.

itutuloy..

Imbisibol Part 35

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 35

Isa sa pinaka masayang kulay ng panahon ang tag araw at ito ang pinaka paborito ko sa lahat. At dahil nga bakasyon ay wala kaming ibang ginagawa nila mama kundi ang mga swimming o kaya ay mag libot sa mga kamag anak namin sa ibang bayan. Pero kahit puro lakad at pag lilibot ang aking summer ay hindi pa rin nawawala sa akin ang aaral lalo na kapag may bakanteng oras. Bago kasi ako umalis ng campus ay ibinigay lahat sa akin ni Gabby ang kanyang mga notes upang makapag advance reading ako sa mahihirap na topics since ahead naman sila sa akin.

Pero sa kabila ng kaliwat kanang saya ay may lungkot pa rin akong nadarama lalo na kapag sumasagi sa aking isipan si Rycen na palagi kong namimiss. Last week nga lang ay nakita ko ito sa local news sa t.v kung sana inilunsad ang mga bagong modelo ng sikat na clothing line dito sa bansa at isa sya sa nandoon. Hindi rin naman mag papa huli itong si Kerby dahil kinuha itong endorzer ng isang chinese noodles na pasikat pa lamang sa mga merkado.

Syempre proud na proud naman buong school sa kanila at ganoon din yung mga taong kakilala nila ng personal at kasama na ako doon. Ang hindi lang magandang parte ng lahat ng ito ay ang ibinalita sa akin ni Gabby na itong si Rycen ay may bagong gf na model din at halos two weeks silang mag kasama sa beach. At ang hindi ko kinaya ay may picture pa ang dalawang na parehong naka underwear lang.

“Ayoko na talagang isipin iyon dahil nasasaktan lang ako. Bakit ba kasi kailangan mo pa sa akin ipakita iyon?” ang pag mamaktol ko.

“Natural naman, para sa pasukan ay hindi kana mabigla kung sakaling may ibang babae nanaman iyang si Rycen. Sumuko kana kasi, sayang lang ang pag mamahal mo sa kanya.” sagot naman ni Gabby sa kabilang linya.

“Alam ko naman na sayang lang ang pag tingin ko sa kanya. Aware naman ako na hindi pa nag sisimula ang laban ay talo na ako agad. Pero anong gagawin ko kung yung nag iisang taong nag papasaya sa akin ay mawawala pa? Dapat bang maging kontento nalang ako sa kalungkutan ko? O magiging masaya pa ako kahit alam kong ito rin ang dahilan para ako ay malungkot?” ang tanong ko.

“Parehong talo yang sinasabi mo. Mas mainam pa kung maging kontento ka nalang na wala si Rycen sa paningin mo. My God Jopet kung may award ang loyalty sa pagiging secret admirer sa isang kaibigan malamang ay grand slam kana! Kahit si Jolina Magdangal ay kinabog mo sa galing mong mag dala, biruin mo high school pala ay si Rycen na, ngayong 3rd year college kana ay siya pa rin. May balak ka bang ilaban iyan ng guinness book of record para sa pinaka mahabang taon ng pag papakatanga?” sagot ni Gabby.

“Hindi ko alam kung bakit humaba ng ganoon. Basta masaya ako kapag mag kasama kami, humihinto ang oras at paligid ko kapag nag uusap kami. Sa tuwing nag sasalita sya sa aking harapan ay parang idinuduyan ako sa alapaap. Alam kong napakaliit lang pag kakataon ngunit para bang lumalaki ang pag asa ko sa tuwing nag papakita siya ng pag papahalaga at pag kalinga sa akin.” tugon ko naman.

“Pag kalinga at pag papahalaga? Sure ka ba dyan? O baka naman kaya ganoon lang sya ay dahil nagagamit ka niya. Hay naku ang tawag dyan ay pinaka malaking “assuming” sagad sa buto at to the maximum level!!. Gwapo si Rycen, lalaking lalaki, mahilig sa babaeng malaki ang suso. Sana hiniling mo na lang na gumising ka isang araw na mag karoon ka na rin ng boobs na kasing laki ng papaya o buko para magustuhan ka nya. Sana alam mo kung kailan ka gigive up at hindi. Saka sana ay nag pagwapo ka nalang din para mapansin ka ng ibang tao doon sa campus. Kung di ka man gwapo atleast sana ay hindi ka nalang ganyan kapanget.“ ang diretsong sagot nito na walang preno at pasintabi.

“Bestfriend ba talaga kita o national enemy? Tangina ang sakit mong mag salita ah.” ang sagot ko naman.

“Ang tunay na kaibigan ay nag sasabi ng totoo kahit masakit. Pag puro papuri ang sinasabi sayo ng isang tao malamang ay plastic iyon. Basta hindi ko babawiin ang sinabi ko Jopet! Kung gusto mong mapansin ay mag pagwapo ka! Bye!!!” ang galit din na sagot nito sabay bagsak ng telepono.

“Arekuppp ang sakit sa tenga.” ang bulong ko naman sabay higa at ipinag patuloy ko ang aking pag babasa. “Lokong Gab na yon, ang sakit sakit mag salita. Para siya ang kaaway ko eh.” pag mamaktol ko pa sa aking sarili.

tahimik.

Nasa ganoong posisyon ako ng biglang pumasok si mama sa kwarto at hindi ko inaasahan ang susunod ang eksena. Nag hihiyaw ito na parang nag hihisterical noong makita ang aking mukha. “Anakk anong nangyari sa mukha mo? Bakit parang naging tuyong lupa na dinaanan ng el niño?” ang tanong ni mama habang lumalapit sa akin.

“Maaa wag kang oa, nag babalat lang ang mukha ko. Hindi ito masakit.” ang sagot ko naman habang patuloy sa pag babasa.

Natural na kay mama ang maging oa pag dating sa akin, mag buhat noong maaksidente nga ako ay naging praning na sya na parating may mangyayaring masamang bagay sa akin, kaya naman ganoon nalang sya kung mag alala. “Iyan na nga ang sinasabi ko sayo, sana ay hindi ka nalang sumama doon sa swimming noong nakaraang araw.” ang patuloy na pag aalala ni mama at dahil nga ingay na nililikha nya ay napaakyat na rin si papa sa aking silid.

“John, ano bang problema ng mama mo?” tanong nito.

“Papa tingnan mo ang mukha ng anak mo. Nasunog yata lalo sa pag bibilad sa beach!” ang tugon ni mama.

“Nag babalat lang iyan, malayo sa bituka. Saka isa pa ay negro na iyang si John kaya hindi na iyan masusunog pa, lulutong nalang ang balat nyan na parang tenga ng baboy na gagawing chicharon.” ang wika naman ni papa.

“Kailangan talaga ibully pa ko ni papa?” galit kong tanong sa aking sarili sabay paling ng mukha ko sa salamin. Kaya naman pala kagabi pa ito makati ay dahil nag babalat nito na parang tuyong lupa na nag bibitak dahil sa init. “Maaa tama na po. Hindi ito malala.”

“No Jopet!!! Dadalhin natin iyan sa doctor ngayon din. Tayo na!” ang pag pupumilit nito kaya naman napaka kamot na lamang kami ng ulo ni papa. Ang totoo noon ay hindi naman talaga titigil si mama hanggang hindi napapanatag ang loob nya.

Edi ayun nga ang setup, nag drive si papa patungo doon sa kaibigan niyang dermatogolist upang ipasuri ang aking mukha na parang niligwak ng el niño. Si mama naman ay apura ang sermon sa akin habang nasa daan kami. Kulang nalang ay tumalon ako sa bintana upang hindi na marinig ang mga hinanakit niya tungkol sa kawalan ko ng pag iingat.

Pag dating naman sa clinic ay agad na sinuri ng doctor ang aking mukha. Silip dito, salat doon ang kanyang ginawa bago ibigay ang kanyang findings. “Hindi naman malala ang lagay ni Jopet, ang totoo nito ay ngayon palang umaapekto yung pekeng cream na inilagay niya noong nakaraang taon. Ang cream na iyon ay ginagamit sa ibang bansa upang sunugin ang balat upang mapalitan ito ng bago na parang isang ahas na nag hunos.

Nasunog ang lumang skin ni Jopet at ngayon ay maaari na itong bakbakin. Sa madali’t salita ang mga patay na balat na iyan sa kanyang mukha ay unti unting maaalis kasama na rito ang mga itim at puting dry skin. Maaari na natin ito alisin kung inyong gugustuhin.“ ang wika paliwanag ng doctor habang isa isang inaalis ang tuyong langib at balat sa aking mukha na parang nag babakbak lang sticker sa pader.

“Kung ganon ay may pag asang maaalis ang dalmatian look sa mukha ng anak ko?” ang tanong ni papa.

“Oo naman, ang totoo nun ay nag babalat ang mukha niya kaya maaari na natin simula ang pag aalis ng mga ito ngayon.” tugon ng doktor.

“Doc gaano naman katagal ang proseso nyan?” tanong ni mama.

“Mga 12 hours lang. May ilang parte sa kanyang mukha na may langib kaya magiging masakit ito.” dagdag ng doktor.

“Masakit pala e, wag nalang. Ako nalang ang mag pabakbak” ang sagot ko naman sabay bangon sa higaan.

“Hep hep. Eto na tayo eh, huwag ka ngang pasaway!” ang wika naman ni mama at muli akong ibinalik sa kama.

Edi ayon nga, wala akong nagawa kundi ang humiga at hintayin ang susunod na pang yayari. Basta ang nakita ko nalang ay tinurukan ako ng injection sa braso at sa pisngi. Pinabilang ako ng 10 pababa at wala na akong natandaan pa.

Noong bumalik ang aking ulirat ay isang magandang musika ang aking narinig. Kasabay nito ang pag mulat ng aking mga mata..

Music Playing

When I dream about you

Stevie B.

There was a time in my life When I opened my eyes and there you are, You were more than a dream, I could reach out a touch you, Girl that was long ago. There are something’s that I guess I’ll never know, When you love someone You got to learn to let them go.

When I dream about you, That’s when everything’s all right, You’re in my arms Here next to me, forever. When I dream about you, Boy you never go away, Just close my eyes Wait for my dreams Cause I still love, loving you.

How can I get you to see That I’m falling apart Since you’ve been gone, I can never be sure I could ever let go Your love is much too strong, There are something’s that I guess I’ll never know, When you love someone You got to learn to let them go.

Sinalubong ng ngiti nina mama at papa ang aking pag gising kaya naman mas lalo pa akong natuwa. Bukod pa rito ay excited na rin akong makita ang pag babago sa aking anyo, sana naman ay nawala yung mga itim at puting kulay sa aking mukha. Sana ay natuldukan na ni doc ang sumpang dalmatian at mutation sa akin pag katao.

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay lumapit naman sa akin si Doc hawak ang malaking salamin at saka itinapat sa aking mukha. Dito ay nakita kong bawasan na nga yung mga tagpi sa aking balat kaya naman halos mapangiti ako sa sobrang kaligayahan ngunit sa kabila nito ay kapansin pansin na may bukol sa aking pisngi kaliwang pisngi na animo pigsa. “Ano po ito bakit may bukol yung pisngi ko?” pag tataka ko naman.

“Ah side effect yan ng anesthesia na itinurok sayo kanina. Mawawala rin iyan iho.” ang wika ng doktor

Ibayong kaba naman at pag kainis ang lumukob sa aking pag katao, nabawasan nga yung pagiging dalmatian ko napalitan naman ng bukol. Hay, sige lang.. Patuloy ako sa pag tingin sa aking mukha hanggang sa maya maya ay may isa nanaman bukol ang tumubo sa aking noo, hanggang sa dumami na ito ng dumami na animo bulutong na malalaki.

Tuloy tuloy ito sa pag tubo ng naturang bukol hanggang sa parang nadeform na ang mukha ko, dito ay hindi ko na napigil ang aking sarili sa pag papanic.

“Maaaa bakit nag kaganito ang mukha ko? Bakit lalo pang nasiraa?!! Tulungan mo ko maaaaa!!” ang sigaw ko habang nanginginig ang katawan sa matinding takot..

“Bakit nag kaganito!!!! Niloko nyo kooooo!!! Peke kaaaaa!! Peke!!” ang galit kong sigaw sa doktor habang nag wawala sa higaan.

Pinigil ako ni papa at mama, pinilit nilang pakalmahin ako ngunit bigo silang gawin ito dahil daig ko pa ang na exorcist noong mga oras na iyon. Kulang nalang ay pumihit pa ikot ang aking ulo hanggang sa tuluyan na itong matanggal sa aking leeg. “Jopet tama naaaa!! Huminahon kaaaaa!” ang sigaw ni papa

“Manlolokoo!! Sinira nyo yung mukha kooo!!!” ang galit kong sigaw habang patuloy sa pag pupumiglas mula sa kanilang pag kaka hawak.

“Jopet!!! Tamaaa naaaa!! Gumising kaaaaa!! Nanaginip ka anak! Gising!!!” ang boses ni papa habang pinatapik ang aking mukha at kasabay noon ang aking pag balikwas sa higaan.

Panaginip lang pala ang lahat ngunit nakaka takot pa rin. “Maaa umalis na tayo dito! Baka lalong masira ang mukha ko. Hindi pa ko handang maging si kulugo man.” ang wika ko mama sabay alis sa higaan.

“Iho ano pang sasasabi mo? Nanaginip ka lang kanina. Saka paanong masisira ang mukha mo e napaka gwapo mo pala.” ang wika ng doktor sabay tapat salamin sa aking mukha.

Hihirit pa sana ako ng sagot ngunit natigilan na rin ako noong makita ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Nawala na ang mga tuyong balat sa aking mukha, pantay na ang kulay nito at makinis pa, wala ni isang pimple ang naligaw. Halos ilang minuto ko rin pinag mamasdan ang aking mukha at sa unang pag kakataon sa aking buhay ay ngayon ko lamang talaga naramdaman na gwapo ako at maayos ang itsura.

Hindi ko tuloy maiwasang umiyak habang nakatitig sa aking mukha..

Pumatak ang luha sa aking pisngi “arekup ang hapdi.” ang bulong ko dahilan para matawa ang doktor.

“Iho huwag ka munang umiyak. Hindi pa masyadong magaling yung ibang parte ng mukha mo na inalisan natin ng dead skin. Maalat ang luha kaya’t natural na masasaktan ka. At nais ko lang iclear sa iyo na hindi kita niretoke. Pinalabas lang natin ang tunay na ikaw. Ang totoo nun ay malaking tulong yung magic cream na inaapply mo noong nakaraang taon, inalis at binakbak nito yung balat mo na may pimples at sinunog din nito yung mga dry skin hanggang sa mapalitan ng bago. Kung baga sa ahas ay nag hunos ka ng balat at napalitan ito ng mas maganda. Sa makatuwid ay tinulungan lang kita upang mas mabilis na maalis yung hindi magandang tuyong balat sa iyong pisngi.” ang paliwanag ng doktor.

“Ganyang ganyan ang itsura ko noong kabataan ko Jopet kaya naman niligawan ako ng iyong ina. Wala iyang ginawa kundi habulin ako sa campus at hindi lang iyon dahil 1st year high school palang pala kami ay crush na nya ako hanggang sa college ay hindi pa rin nawawala ang pag tingin nya sa akin.” hirit naman ni papa.

“Ngek, may pinag manahan pala ako kaya’t di na nakapag tataka.” bulong ko sa aking sarili habang napapakunot noo.

“Ang kapal mo papa, baka ikaw iyon. Para kang asong nakasunod ng naka sunod sa akin. Ginagawan mo pa ko ng projects at report para lang mapansin kita.” ang galit na sagot ni mama sabay batok dito.

“Hala, may pinag manahan nga pala ako talaga.” bulong ko pa na hindi malaman kung tatawa o kikilabutan.

Tawanan sila..

Sa pag lipas ng mga araw ay unti unting nag bago ang takbo ng aking buhay, ang ibig kong sabihin ay nag karoon ako ng self confidence at hindi na ako lumalakad ng naka yuko. Mahiyain pa rin ako na parang isang damong makahiya ngunit kahit papaano ay nagagawa ko nang mag lakad ng tuwid na walang iniisip na ibubully ako o kaya ay pag tatawanan ng tao sa aking paligid.

Sa unang pag kakataon ay nagagawa ko nang tumingin sa salamin ng hindi nagugulat sa aking mukha o kaya ay naiinis dahil sa aking itsura. Alam kong maliit na pag babago lamang ito ngunit ibayong saya na ang dulot sa aking pag katao.

itutuloy..

Imbisibol Part 36

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sept 13, 2016

Part 36

Kasabay ng pag tatapos ng summer ang siyang pag bubukas ng bagong school year sa aming campus. Katulad ng dati ang lahat ay abala sa pag eenrol o kaya ay sa pag aayos ng mga requirments. Ako naman ay excited dahil sa magiging reaksyon ni Gabby kapag nakita niyang isa na akong normal na tao at isang mutant na human dalmatian. Kanina nga pag pasok ko sa gate ng dorm ay agad akong pinuri ng landlord at sinabing umaliwalas ang aking mukha. Syempre abot tenga naman ang aking ngiti dahil napansin nila ito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay pihit ng doorknob. Pag pasok ko dito ay isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang si Gabby naman ay napahinto sa kanyang ginagawang pag bubuhat sa mga libro.

Panandalian itong napatitig sa akin na animo naka kita ng multo tapos maya maya ay bigla na lamang itong bumulagta sa kama.

“Oyyy Gabby, gumising ka nga dyan! Anong kaartehan ba iyan?” ang tanong ko habang tinatapik ang pisngi nito.

Maya maya natauhan ito at muling iminulat ang mga mata nya. Ganon pa rin ang kanyang reaksyon na parang naka kita ng multo na noong aktong hihimatayin nanaman ito ay hinampas ko ng unang ang kanya mukha. “Oa kana Gab ha. Noong pumayat ka at nabawasan ng timbang ay hindi naman ganyan ang reaksyon ko.” pag mamaktol ko. “Oh uminom ka muna ng tubig.”

“Tangina ka Jopet, 3 months lang tayong di nag kita. Tapos bigla kang gumwapo. Saan ka nag paretoke ng mukha ha? Plastic surgery ba iyan? Mag kano iyan?” ang nang hihinang salita nito.

“Gago, kung nag paretoke ako ng mukha sana ay hindi pa ako magaling ngayon. Naalala mo ba yung cream na binili natin sa mall last year? Sinunog non ang balat sa aking mukha tapos ay napalitan ito ng bago. Nang hingi lang ako ng tulong doon sa dermatologist na kaibigan ni papa upang mapabilis yung pag bakbak sa mga natuyong balat sa aking pisngi. Sa maka tuwid ay para lang akong ahas na nag hunos.” ang paliwanag ko.

“Gwapo kana Jopet, hindi kana mukhang si Tagpi.” ang wika ni Gabby sabay pindot sa pisngi ko. “Ibang klase, para kang nag metamorphosis nyan.”

“Masaya ako dahil kahit papa ano ay nakakalakad na ako ng tuwid ngayon ay hindi na ako nag aalala na baka kutyain o pag tawanan ako ng mga tao sa paligid ko. Ayoko namang itanggi ang katotohanan na kaya pinipilit kong ayusin ang aking sarili ay dahil kay Rycen, upang mapansin nya ako kahit paano.” tugon ko.

Napabuntong hininga si Gabby. “Sadyang dumarating talaga sa punto na kailangan mong baguhin ang sarili mo, hindi dahil sa gusto mo lang kundi dahil iyon ang kinakailangan. Iyan din ang naramdaman ko noong mga oras na nag babawas ako ng timbang, minsan nangarap din akong mag lakad ng naka taas noo at hindi nakakarinig ng pang lalait mula sa iba. Minsan marerealize mo na binata na pala tayo, at kapag nasa ganoong stage kana ay kailangan mo nang mag ayos ng iyong sarili batay sa pisikal na anyo. Kung hindi ka gwapo atleast sana ay hindi ka nalang masyadong panget.” ang wika ni Gabby habang naka tanaw kami sa labas ng bintana.

“Tama ka doon Gab, kaya isinusumpa ko, bukas ay luluhod ang mga tala.” ang tugon ko naman.

“Gago, walang tala ngayon dahil tanghaling tapat. Maka hiram ka lang ng line kay shawi eh.” ang hirit ni Gabby.

Tawanan kami..

Ramdam ko naman na masayang masaya si Gabby na makitang maayos na ang aking itsura dahil niyakap pa ako nito at nag tatalon kami na parang nanalo sa lotto. Sa buong linya yata ng kwarto sa second floor ay bukod tanging ang silid lang namin ang pinaka maingay sa lahat pero wala kaming paki alam doon.

“Teka nasaan si Rycen?” ang tanong ko habang kumakain ng tanghalian.

“Syempre sa isang linggo pa ang dating non. Ang huling tawag niya sa akin ay nag bakasyon daw sila ng gf nya sa Palawan. Gusto pa ngang dalhin sa Baguio yung babae, hindi nalang ako kumibo.” ang kwento ni Gabby.

“Sa palagay mo may nangyayari na sa dalawang iyon?” ang tanong ko naman.

“Natural mayroon. Mag kasama sila sa hotel, isang kama ang higaan nila. Anong gagawin nila doon? Mag lalaro ng Jack Stone? Syempre ay mag aano doon yon! Sa libog ni Rycen na iyon hindi iyon papayag ng hindi maka score!” ang diretsong hirit ni Gabby.

“Bakit ba kasi nag tanong pa ako.” pag mamaktol ko sa aking sarili habang kinakatukan ang aking ulo.

“Ang pinaka magandang gawin mo ay lumakad doon sa campus, tumambay at mag hanap ng panibagong crush yung papatulan ka. Kalimutan mo si Rycen dahil may petchay nang kinakain iyon!” dagdag pa niya.

Hindi naman ako nakapalag kay Gabby, wala akong nagawa kundi ang ibagsak ang aking katawan sa kama at titigan ang kisame. Lumilipad patungo kung saan ang aking isipan ngunit ang nakakatawa ay wala itong eksaktong dereksyon na patutunguhan. Basta nag iisip lang ako, magulo at wala sa ayos.

Alas 6 ng hapon, lumakad kami ni Gabby sa labas upang kumain ng hapunan. Sa hallway palang ng dorm ay pinag titinginan at pinag bubulungan na ako ng mga tao dito. Nakaka praning at nakaka pikon ang kanilang mga reaksyon ngunit gayon pa man ay hinayaan ko nalang dahil wala rin namang mangyayari kung papatulan ko ang kanilang mapanghusgang mata.

“Naku dapat ay masanay kana sa reaksyon ng lahat. Mga na shock lang sila, paano ba naman kasi ay isang summer vacation ka lang nawala tapos pag balik mo ay hindi kana mutant. Ang ibig kong sabihin ay flawless na yang pez mo at hindi mukhang dalmatian na may itim at puti.” ang wika ni Gabby habang lumalakad kami sa canteen. “At im sure lahat sa school bukas ay malalaglag ang panga kapag nakita kana nila.”

“Eh parang ayaw naman yata nila na makitang maayos ang itsura ko.” pag mamaktol nila.

“Wag ka naman ganyan mag isip, syempre halos 1 year ka rin nilang tinatawag na “tagpi” , “bantay” at “snowblack”. Tapos all of a sudden biglang KAABOOOM!! Nag bago ang itsura mo. Daig mo pa si Cinderella na minagic ni fairy God Mother. Kaya ayun sad sila dahil wala na silang malait.“ paliwanag ni Gabby

“Hindi ko naman maramdaman na may nag bago nga sa akin. Basta ang alam ko lang ay mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon.” ang naka ngiting tugon ko.

“Maging ako nga ay naninibago pa rin sayo. Parang mas maganda pa ring kasama yung human dalmatian na version mo. Ang lakas maka out of this world eh.” biro nito.

“Tado.. Pati ikaw bully rin eh.” sagot ko sabay batok dito.

Tawanan..

“Sa tingin mo ba ay magugulat si Rycen kapag nakita nya ako?” naka ngisi kong tanong.

“Oo naman. Baka himatayin pa iyon. Pero kahit na sumabay ka sa teorya ng ebolusyon ay hindi pa rin mababago ang katotohanang lalaki pa rin si Rycen at hanggang friends lang kayo. Kay Kerby ka nalang tutal siya naman ang 1st kiss mo.” pang aasar nito.

“Panira ka naman talaga no? Saka huwag na natin idamay si Kerby dito dahil sikat na siya doon sa komersyal nya.”

“Sino? Si Kerby? Anong kinaganda ng commercial niya? Naka hubad habang kumakain ng chinese noodles at pag tapos ay sisipa na animo martial artist? Naku eh mas marami pa nga yung buhok nya sa kili kili kesa doon sa laman ng noodles sa plastic. Tigilan mo nga ako Jopet.” ang naiinis na sagot ni Gabby sabay subo ng pansit. “Huwag mo na nga kainin yang mani, titigyawatin ka pa nya eh.” dagdag pa nito.

“Panira ka talaga Gab. Kumain ka na nga lang dyan.” sagot ko at iniabot ko pa rito ang kanin.

Hanggang ngayon ay pintasero pa rin ang kaibigan kong ito, pero huwag ka dahil ang lahat ng sinasabi ay may katotohanan naman. Prangka lang talaga siyang mag salita sa mga kaibigang mahal niya at isa ako doon.

Kung tutuusin ay mas malaki ang pag babagong naganap sa kanya (Gabby). Nakita ko naman na ginawa nya ang lahat para mabawasan ang kanyang timbang. Dito ko napag tanto na kapag gusto mo pala talaga ang isang bagay ay mangyayari ito basta pag sikapan mo. Kung gusto mong baguhin ang isang aspeto ng buhay mo ay malaya kang gawin ito basta ang kailangan mo lang ay mag sikap at huwag matakot na subukan ang mga bagay sa iyong paligid.

Ang totoo non, hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin kung mag papasalamat ba ako dahil nag apply ako ng magic cream na siyang naging dahilan ng pag kasunog ng aking balat. O mag papasalamat nalang ako sa tadhana dahil alam kong ang lahat ay naka takdang mag bago mula ngayon..

itutuloy..

Imbisibol Part 37

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sep 13, 2016

Part 37

Araw ng Lunes, first day ng bagong school year. Tulad ng dati ang lahat ay nakapila sa gym para sa orientation kung saan muling ipapakilala ang mga bagong guro, mga team sa varsity at mga clubs na maaaring salihan ng mga bagong mag aaral.

At syempre katulad nga ng inaasahan, pag pasok ko pa lamang sa gate ay naka tingin na ang mga mag aaral lalo na yung mga nambubully sa akin na animo naka kita ng isang patay na bumangon mula sa hukay. Halos lahat yata sila ay ganoon ang reaksyon pati yung mga guard doon sa gate. At katulad nga ng bilin sa akin ni Gabby, lumakad lang daw ako ng taas noo at may karapatan na akong mag malaki. Alam ko namang biro lamang nya ito pero iyon talaga ang ginawa ko. Buong yabang akong lumakad sa kanilang harapan hinayaan silang mag isip ng mag isip ng kung ano ano.

“Maligayang pag dating dito sa St. Vincent All Boys Academy. Alam kong lahat kayo ay naka handa na sa pag bubukas ng bagong taong punong puno ng saya at excitement. Kaya’t huwag na natin itong patagalin pa!!”

Tumugtog ang banda..

Kasabay nito ang pag pasok ng mga guro, varsity players at ilang higher year na estudyanteng may dalang watawat. Hindi na bago sa amin ang ganitong pag sisimula kaya’t karaniwan sa mga kaklase ko ay taga palakpak nalang, kaibihan sa mga freshman na naka nga-nga at hangang hanga sa parada.

Maya maya ay nakita ko na nga itong si Rycen suot ang varsity jacket, lumalakad kasama ng kanyang mga kateam. Wala namang pinag bago sa kanyang itsura, gwapo pa rin siya, maliban lang sa pag kakaroon ng sunburn at pag itim ng kaunti. Dala siguro iyon ng madalas na pag b-beach nila ng bagong gf nya.

Habang nasa ganoong pag tanaw ako ay hinanap ko naman sa pila ng basketball team si Kerby ngunit wala ito doon. Kataka taka naman talaga dahil pasikat ang taong iyon at ayaw na ayaw natatalbugan ni Rycen sa mga activities dito sa school. “Syempre si Kerby dahil feeling sikat na ito. Akala naman niya ay pag kakaguluhan siya rito sa campus dahil sa commercial niyang puro buhok sa kili kili nya ang nakikita!” ang bulong ni Gabby sa aking likuran.

“Ngek, anong ginagawa mo dito sa pila namin? Bumalik kana doon sa line nyo.” ang sagot ko naman.

“Ayoko nga, mas maganda ang view dito. Mas makikita natin ng malapitan si Rycen” ang nang aasar na sagot ni Gabby habang naka tingin kay Rycen na noon ay naka tayo sa stage at nakangiti ng ubod ng tamis.

Pinalinya na ang lahat ng team sa entablado upang isa isang ipakilala ang mga ito. Syempre proud na proud naman ang lahat ng members dahil sa kaliwa’t kanang papuri sa kanila. “Nasa inyong harapan ang mga bayaning atleta ng paaralang ito. At natutuwang akong i-announce na ang ating Basketball team at Volleyball team ay nanalong 2nd placer sa katatapos lang na Collegiate Sports Meet noong nakaraang semester. Kaya naman malugod kong ipinakilala sa inyo ang mga Captain ball ng bawat team.

Para sa Basketball Team ay Mr. Francis Ledesma Jr. At para naman sa Volleyball Team ay ang bagong Captainn ball na si Mr. Rycen Paul Lacsamana.“ ang malakas na salita ng kanilang coach.

Lumakad si Rycen sa harap at kumaway pa ito..

Palakpakan ang lahat.

Yung iba ay naka nga nga lang. Marahil ay na starstruck sa kagwapuhan nito. Kahit sino naman talaga ay hahanga. Sa pag kaka alam ko nga maraming lalaki rito ang may lihim din na pag tingin sa kanya. Kung sa bagay posible namang mangyari iyon dahil naganap nga sa akin eh.

“At para sa mga gustong maging part ng varsity team, may mga try out schedule tayo na ipapaskil sa mga bulletin board. See you!” ang pinaka huling announcement ng coach bago tuluyang matapos ang orientation.

Alas 10 ng umaga noong mag simula ang klase namin sa 1st period. Habang hinihintay namin ang bagong guro ay siya namang pag pasok nina Kerby at Rycen sa aming classroom. Halos mapatingin ang lahat noong makitang nakatayo ang dalawa sa harapan na tila may hinahanap. Ibayong kaba naman at excitement ang aking naramdaman noong makita ko si Rycen. Halos lumabas yung puso ko sa sobrang kabog nito habang lumalapit patungo sa akin.

“Jopet? Ikaw ba iyan?” ang tanong ni Kerby na parang naka kita ng multo.

Tumango at ngumiti..

“Putang ina! Ikaw nga Jopet! Puchaaa, paano ka naging ganyan? Nawala na yung mga tagpi tagping kulay sa mukha mo. Tangina nag paretoke ka ba?” ang tanong ni Kerby na hindi makapaniwala.

Natawa lang ako at hindi nag bigay ng kahit anong komento. Ang totoo nun ay wala naman talaga sa kanya ang yung atensyon ko kundi na kay Rycen na naka tingin din sa akin noong mga sandaling iyon. Naka upo ito sa isang bakanteng bangkuan sa gilid malapit sa bintana. Nais ko sana siyang lapitan o kaya ay ayain nalang na dito maupo sa aking tabi ngunit nahihiya ako. Para bang may kung anong bagay ang nakaharang sa pagitan naming dalawa. Ewan, pakiwari ko ba ay magnet kaming dalawa na parehong negative ang sign.

“Wala ka naman palang katabi kaya dito na ako mauupo. Ang gwapo mo tol. Tangina, ilang buwan lang tayong di nag kita ay nag bago na agad ang itsura mo.” natutuwang salita pa rin nito sabay akbay sa akin dahilan para bawiin ko yung tingin ko kay Rycen at ituon ito sa kanya.

“Congratulations nga pala doon sa commercial mo. Ang husay mo.” ang pag bati ko.

“Wala iyon. Ang totoo nun ay kaibigan ni papa yung may ari ng kompanyang chinese noodles. Sila ang kumuha sa akin para iendorso sa merkado yung produkto nito nila. Alam mo na marketing strategy para makahatak ng bibili.” sagot ni Kerby.

“Ang galing mo nga doon sa commercial. Para ka talagang isang chinese na mahusay mangarate” biro ko dahilan para matawa ito.

“Salamat tol.” sagot niya.

“Teka bakit ba nandito kayo ni Rycen? May back subject ba kayo?” ang tanong ko.

“Ah wala tol, hindi namin ito nakuha last sem dahil naging busy kami sa pag lalaro doon sa varsity. Para makapag practice kami ng maayos ay kinailangan naming idrop yung subject namin dito sa Engineering tuwing sabado. Kaya heto kaklase ka namin.” naka ngiting paliwanag ni Kerb at habang nasa ganoong kwentuhan kami ay muli nanamang bumukas ang pinto ng aming silid at doon ay pumasok nga ang aming bagong guro.

“Good morning class. My name is Francisco Espanyol, ako ang kapalit ni Mr. Renato Kulapu para mag turo ng subjects na Transportation Engineering at Project Management Lec at Lab. Sa ayaw at sa gusto ninyo ay ako ang makakasama nyo sa loob ng isang taon. Nice meeting you everyone.” ang entrada nito.

Nagkatinginan kami ni Rycen at parehong natawa dahil ang bagong guro ay walang iba kundi si Sir Espanyol, ang adviser namin noong high school.

“Mag submit kayo sa akin ng papel, write your name and age. Pwera lang sina Mr. John Peter Guzman at Mr. Rycen Paul Lacsamana. Mga estudyante ko sila noong high school kaya’t i know them very well.” ang wika ng guro sabay kindat sa akin. “You look good Mr. Guzman.” dagdag pa nito dahilan para mapangiti ako. Iyon nga lang ay may mga pag kakataon na hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil alam nya yung mga kalokohang ginawa ko noong highschool, kung paano ko pinakopya at tinulungan si Rycen. At alam din niya yung tungkol sa tunay na nararamdaman ko para sa taong iyon.

Nakaka praning tuloy..

Pero masaya ako dahil magiging guro ko siya muli.

Matapos mag pakilala ang lahat sa harap ng klase at kaunting interview mula sa aming guro ay nag simula naman siyang ibigay ang kanyang paraan ng pag mamarka at syempre kaunting background din mula sa kanyang way of teaching. “Nag bibigay ako ng 100 na grades kung deserving ka. At hindi ako nag babagsak hanggang nakikita kong nag sisikap ang estudyante. Okay lang gumamit ng kodigo basta huwag lang kayong mag papahuli sa akin. Okay lang din kumopya sa katabi basta ba aaminin nyo sa akin na boyfriend nyo ang kinokopyahan nyo.”

Tawanan ang buong klase..

“Bakit kayo natatawa? Mayroon bang mag boyfriend dito?” biro ng guro.

Nag taas ng kamay si Kerby. “Meron sir!!” ang salita nito.

“And you are?” tanong ng guro.

“Kerby Tuazon sir.” ang sagot nito habang naka ngiti.

“Kerby Tuazon, the commercial model.” ang tugon nito. “Sino naman yung mag boyfriend na iyon Mr. Tuazon?”

“Ako po saka si Jopet!” ang naka ngising asong salita nito sabay akbay sa akin.

Tawanan ang buong klase.

Pati ang guro ay natawa rin “alam ba ni Mr. Guzman na boyfriend mo sya Mr. Tuazon?” pabirong tanong nito na talagang sinakyan ang hirit ng mokong.

“Ngayon lang nya nalaman sir pero ako naka virgin sa lips nito kaya kami na noon pa.” ang hirit nito dahilan para humagalpak ng tawanan ang lahat. “Pwede ko na ba syang kopyahan sir?”

“Itanong mo iyan sa boyfriend mo Mr. Tuazon. Baka naman may iba nang nagugustuhan iyan at hindi ikaw iyon.” hirit naman ni Sir sabay tingin sa akin.

“Wala sir. Ako naka virgin dito e. Akin lang to.” hirit naman ni Kerby kaya naman mas lalo pang napuno ng ingay at tawanan ang buong klase.

Halos natapos ang buong period sa tawanan at biruan. Anyway first day palang naman kaya’t wala pang masyadong ginagawa. Hindi ko lang maitago ang tuwa dahil makalipas ang ilang taon ay ngayon ko lamang ulit na naka klase si Rycen kahit na isang subject lang sa loob ng tatlong oras ay sapat na upang mag ukit ito ng ngiti sa aking labi.

“Iyon nga lang ay kapansin pansin din ang pagiging malayo nya sa akin. Kahit noong matapos ang aming subject ay kabod nalang itong tumayo at lumakad palabas ng classroom. Wala man lang ni “Ha” o “Ho” na sinabi sa akin. Ni hand gesture ay wala rin. Mabuti pa si Kerby na kulang nalang ay baliin ang leeg ko sa tindi ng pag kaka akbay sa akin.“ pag mamaktol ko habang kumakain kami ni Gabby sa canteen.

“Eh may dalawang teorya ako dyan sa problema mo. UNA: Baka umiiwas lang si Rycen sa iyo dahil kasama mo si Kerby. Marahil ay naimbiyerna ang lolo mo dahil pinag kakalat ni Tuazon sa buong klase na navirgin nya ang lips mo. IKALAWA: Wala lang siyang time dahil busy sya, kasi diba bukod sa may gf siyang malaki ang suso na model rin kagaya nya ay naging captain pa siya ng volleyball team. Talagang magiging abala yung tao dahil start na ng pa try out nila bukas.” paliwanag ni Gabby.

“May IKATLONG teorya pa. Baka naman talaga wala nalang siyang paki alam sa akin at hindi na ako ganoon ka espesyal sa mata nya. Kasi yung mahalaga pa ako o tayo sa kanya, edi sana ay nandito sa ngayon kasama natin katulad noong mga high school tayo.” ang malungkot kong sagot.

Napabuntong hininga si Gabby at napatingin ng tuwid sa akin. “Actually may IKA-APAT na teorya pa.”

“Aba, ano naman iyan?”

“Ayon sa ika-apat na teorya, maaari kang humanap ng isang taong susuklian ang walang kamatayang pag mamahal mo.”

“Huwag kang mag alala at wala naman talagang mag kakagusto sakin, kung mayroon man ay baka drug addict nalang iyon.” sagot ko

“At saka paalala ko lang Jopet, huwag kang ma f-fall sa mga ginagawa ni Kerby sayo. Loko loko ang taong iyon, at dumidikit lang siya saiyo dahil may kailangan sya. Narinig ko nga yung kwentuhan nung mga kabarkada niya kanina doon sa classroom, kaya pala wala si Kerby kanina sa parade ay dahil kasama nito yung gf nya doon sa hotel kung saan sila naka check in kagabi. Kaya huwag kang naniniwala sa mokong na iyon, sadyang mabulaklak lang talaga ang dila niya kaya’t madali itong nakaka kuha ng atensyon.” salaysay ni Gabby.

“Alam ko naman iyon, maraming beses na akong ginamit kaya’t kabisado ko na ang pasikot sikot dito. Mastery na nga itong tawag sa ginagawa ko kaya’t sa tingin ko ay hindi na ako maliligaw. At isa pa ay sinasakyan ko lang naman yung mga hirit ni Kerby kanina doon sa classroom, hindi ko ito siniseryoso.”

“Aba e dapat lang na hindi mo seryosohin Jopet. Dahil kapag nag kataon ay ikaw rin ang kawawa.”

Napabuntong hininga nalang ako doon sa mga sinabi ni Gabby. Totoo naman talaga ang lahat ng iyon dahil sa tuwing maalala ko kung paano ako iwasan ni Rycen kanina doon sa classroom ay ibayong kirot sa aking dibdib ang nararamdaman ko. Parang habang tumatagal ay nawawala ang pag papahalaga niya sa akin, pakiwari ko ba ay ordinaryong kakilala na lamang ako kanina dahil sa mga kaswal na ngiti niya na nag papabatid na ibang tao ako at iyon ang masakit. Marahil ay hindi na nya ako kailangan kaya’ t tapos na rin ang role ko sa buhay nya.

itutuloy..

Imbisibol Part 38

Author’s note: Wala akong fb account, yung dati ay matagal nang deactivated. Wala rin akong Page sa FB. Ito ang account ko at dito nyo lamang ako makaka usap. Yung mga nag lipana sa FB na nag papakilalang ako ay ipag bigay alam nyo muna sa akin bago patulan.


Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 38

“Jopet gising!! May dinala ako para sayo!” ang excited na wika ni Gabby sabay lundag sa kama kung saan ako naka higa.

“Si Rycen ba iyan dala mo?” ang tanong ko habang naka pikit.

“Gago! Syempre ay hindi. Nandoon si Rycen sa gym at nag papa try out. Iba itong dala ko.” ang kinikilig na boses nito.

“Ayoko nyan.. Hindi naman pala si Rycen iyan e.” ang sagot ko sabay dapa.

“Hala, hinang hina ka naman. Parang nawalan ka nang ganang mabuhay dahil lang sa dinedeadma ka ni Rycen nitong nakakaraang linggo.” hirit niya habang pilit akong pinapaharap. “Huwag kana mag inarte dyan Jopet. Tingnan mo itong dinala ko.”

“Si Rycen ba yan?” ang muli kong tanong.

“Ano kaba wala nga si Rycen dito nandoon sa gym si mokong. Bumangon kana dyan.” ang pangungulit nito.

Pinilit akong ibangon ni Gabby, nariyan yung pinagulong nya ako sa kama, hinila, pinagulong ulit at inikot ikot hanggang sa mapaharap ako sa kanya. “Ano bang nangyayari sayo Jopet? Mamatay ka na ba?” ang tanong nito.

“Wala lang akong gana. Tinatamad ako, gusto ko lang mahiga at matulog dito sa kama buong araw.” sagot ko naman.

“Mamaya kana matulog, tingnan mo itong dala ko. Taaddaaa!!” ang wika nito sabay pakita ng isang flyer.

“Ano naman iyan?” tanong ko ulit.

“Ito lang naman ay isang contest na sasalihan mo. “Musikahan 1999! Singing and Song writing competetion!” ang malakas na hirit nito.

“Eh ano naman ang mayroon dyan? Ayoko nyan..” ang sagot ko sabay dapa.

“Sayang kasi ang Cash Prize bro, tingnan mo. 12,000 pesos sa 3rd place, 16,000 pesos naman sa 2nd place at tumaginting 20,000 pesos para sa 1st place. Plus kung maganda talaga yung kanta mo ay maaari pa itong sumikat sa radyo.” ang pang eenganyo ni Gabby.

“Matatalo lang ako dyan. Hindi naman pang contest yung boses ko.” ang sagot ko.

“Wala naman sa taas o baba ng boses ito. Nasa pag kanta iyan bro. Saka maganda yung boses mo, mayroon itong angkop na laki at kapal kaya pipili lang tayo ng piyesa na nababagay sa uri ng instrumento na mayroon ka.” paliwanag nito.

“Kahit na, ayoko pa rin.” tugon ko habang naka subsob ang mukha sa unan.

“Ganoon ba? Hay sayang naman. Birthday pa naman ni Rycen sa susunod na buwan. Kung mananalo kahit anong place ay maaari natin siyang bigyan ng birthday party. Hindi pa naman nakakatikim ng matinong birthday celebration yung mokong na iyon dahil tuwing mag bibirthday siya ay walang pasok o kaya ay natataong examination day. Hayy sige kung ayaw mo ay ayos lang..” ang malungkot na salita ni Gabby sabay tayo at umalis sa aking tabi.

“Tekaaaa, bakit di mo sinabi sa akin agad na birthday ni Rycen next month. Akin na nga iyang flyers.” ang pag babago ng aking isip.

“Ayos, sabi na nga ba e mag babago ang isip mo kapag sinabi ko iyon.”

“Paano bang sumali dito?” ang tanong ko.

“Dont worry bro dahil nairegistered na kita kanina pa. Ang kailangan nating gawin ay mag pakita sa araw ng contest at mag entry ng performance. Napirmahan ko na rin yung form mo kaya okay na!”

“Langya ka, sinasali mo ko ng wala akong pahintulot. Teka, ano bang klaseng labanan iyan?” tanong ko naman.

“Madali lang bro, binasa ko na ang mechanics kanina. Ang sabi dito ay bubuksan daw ang contest para sa lahat ng singer at may talentong mag aaral dito sa buong siyudad. Iyon nga lang ay may twist kaya’t malaki ang premyong ipamimigay nila.”

“Twist? Eh ano naman daw iyon?”.

“Simple lang naman yung twist, ikaw ang gagawa ng sarili mong kanta. Dapat ay may sarili kang lyrics at may sariling ka ring minus one. Original song ang hinahanap nila kaya sa makatuwid ay sariling komposisyon mo ang kakantahin mo. Nasa iyo kung tagalog o ingles ang gagawinn mo as long as malalapatan ito ng music.”. ang paliwanag ni Gabby.

“Medyo komplikado pala ito, kung sakaling makagawa tayo ng lyrics ay saan naman tayo lalapit para gumawa ng sariling minus one?” ang tanong ko.

“Naka usap ko na si papa tungkol dyan. Ang sabi nya sa akin ay mayroon siyang kaibigan na nag babanda. Maaari doon tayo kumuha ng ideya dyan sa kantang gagawin mo. Ang isipin mo muna sa ngayon ay ang pag gawa ng lyrics. Iyon ang mahalaga.” mungkahi nito.

Ang totoo nun ay wala naman akong ideya kung paano gagawa ng lyrics kanta lalo’t hindi naman ako ganoong kahusay pag dating sa pag susulat. Hindi ko rin alam kung tungkol saan ang temang gagawin ko basta ang gusto ko lang ay makarelate ang lahat sa mensahe ng awitin ko.

Halos apat na linggong pag hahanda nalang ang natitira. Ang unang linggo ay gugugulin ko sa pag gawa ng lyrics, ang ikalawang linggo naman ay sa pag gawa ng musika at ang natitirang mga weeks ay para sa pag eensayo. Isang kanta lang naman iyon na mayroong minimum time limit na 2:30 minutes.

“Mukhang malalim ang iniisip mo Mr. Guzman?” ang tanong ni Sir Espanyol noong makita akong naka upo sa bleacher habang nanonood ng practice game nila Kerby sa basket ball.

“Ah e, hindi naman po sir. Ano po ang ginagawa nyo rito?” tanong ko.

“Nag bigay lang ako ng memo sa coach ng basketball team, paalis na sana ako noong makita kitang nag iisa dito sa itaas at mukhang malalim ang iniisip. Nga pala nabalitaan kong ikaw ang entry ng school natin sa Musikahan 99, galingan mo ha. Dito sa ating gym gaganapin ang contest na iyon kaya’t tiyak manonood kami sa iyo.” naka ngiting tugon ng guro.

“Ang totoo nga po nun ay wala pa akong naisusulat na lyrics. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.” ang tugon ko naman.

Natawa si Sir Espanyol at tinapik nito ang aking balikat. “Bakit kasi si Kerby ang pinapanood mo? Anong nangyari kay Rycen?” biro nito sabay tawa.

“Nag taon lang po na sila Tuazon ang nag lalaro noong tumambay ako dito. Wala po akong balita kay Rycen, ilang araw ko na itong hindi nakikita dito sa loob ng campus. Marahil ay busy doon sa girlfriend nya.” sagot ko naman

“Oh huwag kana malungkot. Si Mr. Lacsamana ay nasa kabilang bayan ngayon, kasama ng iba pang team mates nya dahil mayroon silang seminar. Saka nag bibiro lang naman ako noong banggitin ko si Rycen.” ang natatawang paliwanag ng guro samantalang ako naman ay nakatahimik lang at naka tingin sa kalawan.

Tahimik..

“Kung gagawa ng isang lyrics kailangan ay alamin mo muna kung anong klaseng tema ba ang gusto mong gawin. Maaaring patungkol ito sa kalikasan, sa buhay ng tao, sa nangyayari sa lipunan o sa sariling karanasan mo. Maaaring tungkol sa isang okasyon, tungkol sa tagumpay, pag kabigo, pag sisikap o pwede ring tungkol sa pag ibig. Ang tema ay depende sa nararamdaman mo bilang manunulat. Sundin mo lang ang nilalaman ng iyong puso at isulat mo ito sa isang papel. Kayang kaya mo iyan Mr. Guzman. May tiwala ako sa talino at kakayahan mo.” ang naka ngiting wika nito sabay tapik sa aking balikat. “Nag hihintay na ang susunod na klase ko. See you around.”

“Salamat po sir.” ang pahabol kong sagot.

Ipinag patuloy ko ang pag tanaw sa kalawan. Nag babaka sakali akong may maisulat ngunit wala talaga kaya naman kahit hindi pa tapos ang practice game nila Kerby ay umalis na rin ako sa gym para mag hanap ng maaaring gawing idea. Kung nandito lang sana si Rycen, kahit paano ay may inspirasyon ako. Kaso ay wala nga kaya heto nauwi sa ilusyon ang lahat.

Ilang minuto rin ako sa ganoong pag lalakad hanggang sa matagpuan ko nalang ang aking sarili na naka upo sa sea wall kung saan ako madalas tumambay. Nakatanaw na naman ako sa malayo ngunit walang malinaw na patutunguhan ang aking iniisip. Basta ang alam ko lang ay matagal na akong “fan” ni Rycen. Nag bago na ang lahat ngunit ako ay nandito pa rin at nanatiling “wala lang” sa mga mata niya.

Tahimik..

Habang nasa ganoong pag iisip ako ay binuksan ko ang aking notebook at sinimulang isulat ang lahat ng bagay na naiisip ko ng biglang liparin ang isang piraso ng papel na naka ipit sa aking notebook.

Agad akong tumayo upang pulutin ito. Ang lumang papel na ito pala ay ang tulang ginawa ni Rycen noong highschool kami. Napangiti tuloy ako noong sumagi sa aking isipan ang mga eksenang iyon.

FLASH BACK

“Alam mo ba tol, may isinusulat akong tula, kaso ay hindi ko na nadugtungan kasi ay tinatamad na ako” ang wika nito habang naka tingin sa kalayuan.

“Tula? Ano naman iyon?” pang uusisa ko.

“Ewan ko ba kung tungkol saan iyon. Puro kasabawan ang naisulat ko eh” natatawang sagot nito kaya naman agad niya pinabasa sa akin ng ilang linya dito.

“Hindi naman ako isang super hero

Na nawawala at lumilipad

Ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat.

Hindi rin ako si Batman o si Robin

Si Superman o si Wolverin

Ako ay isang hamak na kulang sa pansin.“ (Scene from Imbisibol Season 1 Part 4)

Nakakapang hinayang lamang dahil hindi na nya ito dinugtungan. Hindi ko tuloy alam kung ano ang koneksyon ng mga superherong ito sa kanyang tula..

Tahimik ulit..

Maigi kong binasa ang maiksing tula ni Rycen at doon ay pumasok sa isipan ko na dugtungan ito at gawing komposisyon.

“Hindi naman ako isang super hero

Na nawawala at lumilipad

Ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat.

Hindi rin ako si Batman o si Robin

Si Superman o si Wolverin

Ako ay isang hamak na kulang sa pansin.

Imbisibol ako sa iyong paningin

Imbisibol at hindi mo napapansin

Halos mag mukhang tanga ang puso ko

Mapansin mo lamang na ako’y naririto.“

Noong mga sandaling iyon ay natapos ang lyrics ng kanta. At ang pinaka chorus nito ay ang tulang ginawa ni Rycen. Ang lahat ng naka sulat dito ay batay lamang sa naramdaman at naranasan ko. Kung gaano ba kahirap mag mahal ng isang taong bulag at walang pakiramdam. Hindi ko maipapa alam sa kanya ang nararamdaman ko ngunit kung dadaanin ko ito sa kanta ay alam kong maririnig niya ako.

Ito na ang pag kakataon ko upang isiwalat ang tunay kong nararamdaman. Kung madama man nya ito o hindi ay ayos lang..

Ang mahalaga ay nasabi ko ang mga bagay na gusto kong sabihin kahit sa ganitong paraan lang.

itutuloy..

Imbisibol Part 39

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 39

Dalawang linggo bago sumapit ang contest, nag tungo naman kami ni Gabby sa kaibigang banda ng kanyang ama upang lapatan ng musika ang lyrics na aking ginawa. May ideya naman ako sa gusto kong tono kaya’t madali nila ito nabigyan ng tamang tunog at tiyempo. Hindi ito ballad at hindi rin naman rock, yung eksaktong kombinasyon ng dalawa. Basta ang mahalaga ay masarap itong pakinggan sa tenga.

2:49 minuto ang aking awitin, pasok naman ito sa criteria ng contest na mininum of 2:30 minutes at maximum naman ng 3:30 minutes. Si Gabby pa lamang ang nakakarinig ng kanta at swak na swak naman ito sa panlasa nya. Iyon nga lang ay nahalata niya agad na ito ay base sa aking karanasan at nararamdaman.

“Malaking tulong yung tula ni Rycen sa pag buo ko ng awiting iyon. Sana ay magustuhan niya.” ang wika ko habang pauwi ng dorm.

“Syempre ay magugustuhan niya ito pero ewan ko lang kung mahuli niyang siya talaga ang pinatatamaan ng kanta. May pagka lula rin kasi yung mokong na iyon eh.” sagot ni Gabby.

“Hindi sya lula, ang tawag sa kanya ay manhid. Buti pa si Kerby napansin na nag bago ang itsura ko, pero sya? Wala reaksyon! Ang akala ko pa naman ay magiging masaya sya pero hindi. Ayun ang ending ay lalo pa kaming naging malayo sa isa’t isa. Simula noong pasukan ay hindi na kami nag kakausap.” ang reklamo ko.

“Siguro ay busy lang o kaya ay maraming iniisip. Mag buhat noong maging captain ito ng volleyball team ay doon na siya lagi naka focus. Marahil ay pressure sya na makapwesto ulit ngayong taon. Tekaa, tama na nga ang usapang Rycen. Mag focus ka nalang dyan sa laban mo.” ang tugon ni Gabby. “Saka huwag kana malungkot dyan, para sa kanya ang kantang iyan diba? Ibigay mo puso mo sa pag awit.. Siguradong madadama nya ito.”

Ngumiti ako at tumango. “Salamat Gab.”

Sa pag daan ng mga araw ay puspusang pag eensayo ang ginagawa ko. Pag kagaling sa eskwela ay diretso agad ako pabalik ng dorm para umawit o kaya ay pag aralan ang minus one ng kanta. Minsan ay nakakasalubong ko si Rycen sa gate, habang palabas ako ay papasok naman sya dala ang jersey at ang bote ng tubig. Pero parang hindi nya ako nakikita bagamat pasimple akong ngumingiti sa kanya. Tapos noong maka labas ako ng tarangkahan ay nakatayo doon yung gf nya sa waiting shed, kumakaway pa at nag sasabi ng “goodluck”.

Ayos din tong si Rycen de hatid pa ng shota. Ang ending, wala akong magagawa kundi ang mapa yuko nalang, damhin ang kakaibang kirot at pag sisihan na dumaan pa ako sa gate ng ganitong oras. Sana ay tumalon nalang ako doon sa kabilang bakod. Naka iwas na ako sa sakit, naka short cut pa ako.

Patuloy ako sa pag lalakad pauwi damang dama ko pa rin ang bigat ng aking pakiramdam. Wala tuloy akong magawa kundi ang manahimik at kimkimin ang lungkot na aking nadarama. Iyan ang hirap sa pag hanga sa isang taong milya milya ang layo sa iyo. Hanggang tingin ka nalang, at wala kang magagawa doon.

Isang linggo naman ang lumipas at dumating na ang araw ng kompetisyon. Katulad dati ay dagsa ang mga bisitang pumapasok sa loob ng aming campus patungo sa gym. Ako naman ay naka upo lang sa backstage kasama si Gabby at Sir Espanyol na syang tumayong coach ko at adviser noong preparation.

Suot ko ang barong na gawa sa abaka na ipinahiram sa akin ng papa ni Gabby ayon na rin sa protocol na ang mga kalahok ay kailangang naka suot ng pormal na kasuotan. “Ang buong klase ay nakasuporta sa iyo doon sa labas. Lahat sila ay inaabangan ang pag kanta mo. Nandoon din si Rycen kaya pag husayan mo.” ang bulong ni Gabby kaya naman mas lalo pa akong kinabahan.

“Lagyan mo ng puso ang pag awit. Tiyak na mananalo ka Mr. Guzman. Maganda ang kanta mo, malaki ang tiyansa mong pumasok sa tatlo.” positibong salita naman ni sir.

“Salamat po sir. Maraming salamat sa inyo ni Gabby dahil naniwala kayo sa kakayahan ko.” ang mangiyakngiyak ko tugon sabay yakap sa kanilang dalawa.

“Galingan bro. Nga pala bago mo kantahin ang awitin mo ay ipapaliwanag mo muna sa mga tao kung tungkol saan ito katulad din nung ginawa noong mga naunang mag perform. Entry number 19 ka pa naman kaya mag relax ka muna dyan. Number 11 palang yung kumakanta sa stage. Paano babalik na kami doon sa audience. Goodluck.” paalala ni Gabby bago sila lumabas ng backstage.

Kabado talaga ako at pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa sobrang takot. Ngunit sa tuwing naiisip ko na sapat naman ang pag hahandang ginawa ko ay lumalakas ang loob ko kahit papaano.

Gagawin ko ito para sa aking sarili, para sa mga taong nag mamahal na naniniwala sa aking talento. At para kay Rycen, alam kong nandyan lang siya at nanonood sa akin. Ang aking awitin ay nag lalaman ng mga damdaming kahit na kailan ay hindi ko nagawang sabihin sa kanya. Sana ay dalhin ng kanta ang puso ko sa taong pinaka mamahal ko. Iyon lang ang tanging hiling ko sa ngayon.

Tahimik..

“Entry number 19, susunod kana.” ang wika ng backstage coordinator kaya naman tumayo ako at inabot nya sa akin ang mikropono.

EMCEE: Ang susunod nating mapapakinggan ay ang entry ng St. Vincent All Boys Academy. Please welcome Mr. John Peter Guzman.“

Palakpakan ang mga tao..

Hiyawan naman yung mga kaklase ko.

Lumakad ako patungo sa harap ng entablado. Halos wala akong makita kundi ang purong liwanag na tumatama sa aking mukha. Madilim ang paligid at tanging hiyawan lamang ang aking naririnig. Tama nga ang sinasabi nila na ang apat na sulok na stage ang pinaka nakakatakot na lugar sa buong mundo. Nangangatog ang aking tuhod at parang hindi ko ito kayang gawin ngunit kung matatakot ako ngayon ay habang buhay nalang matatakot at tatakbo. Wala na akong napatunayan sa sarili ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinaka walan ko at kasabay noon ang pag kawala ang aking kaba.

“Ang awitin kong ito ay inihahandog ko sa lahat ng taong umiibig at nanasaktan ng patahimik. Para ito sa mga taong humahanga at nag mamahal ng lubos sa isang taong bulag at walang pakiramdam. Minsan ibinibigay natin ang lahat para sa kanila kahit wala nang matira para sa atin, lahat ng bagay ay ginagawa natin ng walang kapalit basta masaya tayo at pilit tayong humahawak sa kaunting kaligayahang iyon. Minsan ay masakit at minsan naman ay masaya, iyan ang uri ng pag mamahal na mayroon tayo. Hayaan ninyong ang awitin ko ang mag silbing instrumento upang ipaalam sa inyong mga hinahangaan ang inyong tunay na nararamdaman, na tayo ay mga hamak na kulang sa pansin.. Tayo ay mga Imbisibol..”

(Full Credits: Imbisibol by StageCrew. Ito na rin ang ginamit kong boses ni Jopet.)

Imbisibol lyrics

imbisibol ako sa’yong paningin imbisibol, hindi mo napapansin halos magmukhang tanga ang puso ko mapansin mo lamang, ako’y naririto imbisibol ako sa ’yong mata

hindi naman ako isang superhero na nawawala’t lumilipad ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat wooh at lalong di ako si batman o robin superman o wolverine ako’y isang hamak na kulang sa pansin wooh

imbisibol ako sa’yong paningin wooh imbisibol, hindi mo napapansin halos magmukhang tanga ang puso ko mapansin mo lamang, ako’y naririto imbisibol ako sa ’yong mata ahahhahh

imbisibol ako sa’yong mata

Noong sandaling iyon ay damang dama ko ang bawat kagatang binibitiwan ko. Punong puno ng emosyon ang aking pag awit dahil lahat ng nangyari sa akin sa nakalipas ng taon ay parang pelikula na nag balik sa aking alala, mula noong unang nakita ko si Rycen hanggang sa mga oras na ako ay naaksidente noong graduation. Halos nakalimutan kong ako ay nasa harap ng maraming tao at ang pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang silid na ang tanging nanonood ay si Rycen na nanoon ay nakikinig sa aking pag awit.

Noong matapos ko ang pag awit at iminulat ko ang aking mata ay nakitang maliwanag na sa loob ng buong gym. Ang lahat ay naka tayo at pumapalakpak. Yung mga judges sa harap ay nakatayo at yung iba ay nag pupunas ng luha. Yung mga mag aaral ay nag hihiyawan at natutuwa kahit galing sila sa ibang paaralan.

Halos ayaw nang huminto ng hiwayan kaya naman natawa na lamang ang emcee dahil hindi na siyang nakapag salita.

EMCEE: Thank you so much entry #19. Napaka gandang awitin. Sana ay nakikinig yung crush ko.. Pansinin mo na ako dahil pagod na pagod na akong maging Imbisibol!! Parang awa mo na! Ayoko nang maging imbisibol!!“

Tawanan ang lahat..

“Again thank you very Mr. John Peter Guzman. Ang gwapong bata nito.” dagdag pa ng emcee.

Palakpakan pa rin..

Pag baba ko sa stage ay sinalubong agad ako ng aking mga kaklase. Lahat sila ang tuwang tuwa na niyayakap ako at binabati. Syempre ay isa sa pinaka magulo ay Kerby na noon ay may dala pang tambol at nag iingay sa gym. “Congrats tol. Huwag kang mag alala dahil hindi ka naman imbisibol sa paningin ko. Gusto mo halikan pa kita dito e.” hirit nito.

Tawanan lahat..

“Very good Job Mr. Guzman. Sabi ko naman sayo, maganda ang awitin basta may puso. Alam kong nadama nya iyon. At maraming salamat sa pag sasalita para sa aming mga nakaranas maging imbisibol at hindi pansinin ng mga taong hinahangaan namin. Isa kang tunay na talentadong tao.” ang wika ni Sir Espanyol sabay yakap sa akin.

“Woooo bestfriend ko to!!! Ang husay diba?!” ang pag mamalaki ni Gabby habang nag lulundag ito sa sobrang tuwa sa loob ng backstage.

At habang nasa ganoong kasiyahan kami ay pumasok naman si Rycen dala ang kumpol na pulang rosas at agad itong inabot sa akin.

Hindi ako naka imik. Parang mas kinabahan pa ako ngayon kaysa kanina. Pakiwari ko ay hihimatayin ako habang tinatanggap ang bulaklak na ibinibigay nya sa akin. “Grabe! Totoo ba ito? Baka naman nanaginip lang ako.” ang tanong ko sa aking isipan at pasimple kong tinatapakan ang aking isang kaliwang paa. Para naman akong babae na binibigyan ng rosas at si Rycen pa mismo ang nag bigay nito sa akin.

“Congrats tol.” ang naka ngiting wika nito.

“S-salamat. Nag abala ka pa ng bulaklak. Salamat talaga.” ang nauutal kong sagot.

“Ah e, yung bulaklak, hindi sa akin nang galing iyan. Mula yan sa mga guro natin na nanood sayo kanina. Napag utusan lamang ako.” ang wika ni Rycen.

BASAG!

Parang bumagsak naman yung metro ng kaligayahan ko. Bakit ba kasi nag assume pa ako na galing kay Rycen itong mga bulaklak. Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapakamot nalang ng ulo.

“Congrats ulit tol. Sana manalo ka.” ang muli pag bati nito bago tuluyang lumabas ng back stage.

Natahimik ako at inilapag nalang ang bulaklak sa aking tabi. Parang hindi naman siya tinamaan sa kanta ko. Parang wala pa rin.. Walang epekto. Pati nga yung lyrics na ginawa ko na hango sa tula niya ay hindi rin yata niya napansin. Napag tanto ko na hindi lang siya bulag at walang pakiramdam, bingi rin siya hindi makarinig.

Kung ganito lang ang magiging resulta ng lahat ng ito, mas mabuti pang sumuko nalang ako sa pag habol sa kanya. Dapat ay noon ko pa ito ginawa. Dati ay maliit na pag kakataon lang pag pinang hahawakan ko ngayon ay tila wala nang natira dito. Sa paniniwalang ang maliit na pag asang iyon ay lalaki at mag kakaroon ng magandang resulta. Ang lahat ng iyon ay ilusyon lang pala at walang katotohanan.

itutuloy..

Imbisibol Part 40

PAUNAWA

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 40

Kinabukasan, pag pasok ko pa lamang sa gate ng campus ay naka display na dito ang isang malaking tarpaulin na pinag kakaguluhan ng lahat ng mag aaral.

Ito ay ang larawan kong naka suot ng barong habang hawak ng tropeyo at checke ng cash prize kahapon. “Congratulations Mr. John Peter Guzman. Musikahan 1999 Grand Champion.”

Nangiti ako sa aking nakita, ganito pala ang feeling na mayroon kang na accomplish na isang bagay. Nakakaproud at masarap sa pakiramdam. Sa isang iglap ay nag bago ang buhay ko sa loob ng campus. Ang lahat ay kilala na ako, kahit saan ako mag punta ay may bumabati sa akin na mga mag aaral mula sa 1st year hanggang 4th year. “Instant celebrity kana Jopet, biruin mo ay ang daming nag papadala ng cards at mga sulat na naka lagay sa stationary doon sa dorm natin. At heto mga lalaking secret admirer mo daw sila. Syempre pag mga pag kain ay sa akin ha.” ang natatawang wika ni Gabby.

Tawanan..

Hindi ko akalain na ang pag sali ko sa contest na iyon ay mag bubukas sa akin ng katakot takot na opportunidad. At makalipas nga ang ilang araw ay nag recording naman ako bilang isang freelance artist. Layon nga “musikahan 1999” na patugtugin sa radyo ang aking awitin dahil tiyak na makakarelate daw ang mga kabataang pinoy sa lyrics ng naturang kanta.

Natural lamang ang pag kakaroon ng taong hinahangaan at kung minsan nga ay hindi tayo nabibigyan ng atensyon ng mga ito sa kabila ng limpak limpak na effort na ginagawa natin sa kanila. Iyan ang naging konsepto ng kantang “Imbisibol.” Ang awitin ang siyang nag sasalita para sa mga taong nag mamahal at nasasaktan ng patahimik. Nag bibigay ng pag mamahal sa isang mahalagang tao ngunit wala silang nakukuhang sukli sa mga ito.

Si Gabby naman ang tumayong manager ko, lahat ng transaksyon ay siya ang gumagawa kabilang na rito ang talent fee at ilang guestings para sa akin. “Grabe tol, isang recording lang ay 30,000 pesos na agad ang kinita mo. Hanep.. Yayaman ka nito.” ang bulong nito habang nag bibilang ng pera sa loob ng aming silid.

“Ano ka ba, hindi lang naman sa akin iyan. Hati tayo dahil ikaw ang nag pakahirap para makipag usap sa mga taga musikahan. Para saan pa at naging mag bestfriend tayo at naging manager kita?.” ang wika ko naman sabay abot sa kanya ng sobre na nag lalaman ng kalahati ng kinita ko.

“Wow, ayoko talagang kunin pero business is business kaya sige na nga. Mawawalan ng bisa ang pagiging manager ko kung hindi ko ito kukunin.” ang wika nito at nag tawanan kami.

“Parang gusto ko na nga maniwala na totoo yung hula noong mamang nag benta sa atin ng magic cream. Ang sabi nya ay g-gwapo ako at magiging popular. Nag kataon lang kaya iyon? O gawa gawa lamang niya upang makabenta?” ang natatawa kong tanong.

“Naku ewan ko doon sa mamang iyon. Hindi ako naniniwala sa mga hula dahil ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong kapalaran. Kung ano ka ngayon ay dahil sa husay at talento mo, walang nagagawa ng hula dito.” ang sagot niya.

“Kung sa bagay ay tama ka doon tol. Basta ang next na aayusin natin ay ang party ni Rycen sa susunod na linggo. Kahit naman malaki ang tampo ko sa mokong na iyon ay nais ko pa rin siyang makitang masaya.” ang wika ko naman.

“Martir lang Jopet. Pero sige, kaya ka naman talaga sumali dyan sa pa contest na iyan ay para mabigyan ng birthday celebration iyang si Rycen eh. Sige suportahan taka.” sagot naman ni Gab.

Sa pag lipas ng mga araw, ang kantang Imbisibol ay ini-ere sa lahat ng radio station sa bansa. Hindi nga ako makapaniwala na boses ko ang naririnig sa ibat ibang lugar dito sa siyudad. Ganoon din sila mama at papa na hindi makapaniwala na ang kanilang anak ay naging isang ganap na singer. Hindi naman ako sikat at ganoon ka kilala ngunit masaya ako kapag naririnig kong kinakanta ng lahat ang aking awitin.

Sabi nga nila ay naging “National Anthem” na ito ng mga taong nag mamahal at humahanga ng palihim. Hindi ko lang lubos akalain na hindi lang pala ako ang nag iisang imbisibol dahil marami kami, mapa babae, lalaki, bakla, tomboy o kahit na may asawa pa ay nakakaranas ng ganitong pakiramdam kaya naman ang lahat ay relate na relate sa magandang beat at tono awitin.

“Most popular Student! Tinalo mo na sina Rycen at Kerby ah.” ang wika ni Sir Espanyol habang tumabi sa akin sa bonatical garden kung saan ako naka upo.

“Hindi ko naman maramdaman iyon sir.” ang sagot ko naman habang pinag mamasdan yung mga isdang koi na lumalangoy sa sa batuhan.

“Malayo layo na rin ang narating mo John Peter. Mula sa pagiging patpatin, mahiyain at walang tiwala sarili, ngayon ay heto kana, gwapo, popular at hinahangaan ng lahat. Nakakatuwang isipin na mula sa pagiging snow white ay isa ka nang ganap na prince charming ngayon. Nakaka proud diba?” naka ngiting tanong ng guro.

“Ako pa rin naman si Snow White, wala namang nag bago sa akin sir. Ganoon pa rin ako, hanggang ngayon.” seryoso kong tugon.

“Anong ibig mong sabihin doon?” tanong nya

“Walang nag bago sa akin, dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso’t isipan ko. Ewan ko ba sir, siguro po ay masukista ako, dahil nag eenjoy akong nasasaktan ng paulit ulit. Minsan ay para akong isang tanga na umaasang mayroon pero wala naman talaga. Pinilit ko naman na kalimutan sya, sinubukan ko rin na layuan na siya ngunit sa gabi bago ako matulog ay siya pa rin ang naiisip ko. Malaking katangahan ito pero ito ang bumubuhay sa pag katao ko.” ang tugon ko habang nakapako ang tingin sa batuhan.

Tinapik ng guro ang aking balikat at ngumiti ito. “Ang pag mamahal mo kay Rycen ay puro at walang halong pag dadamot. Basta’t nag mahal ka lang, kahit na wala itong kapalit o hindi masuklian ang nararamdaman mo ay ayos lang. Ang mahalaga ay masaya ka sa kabila ng sakit at lungkot na dulot sa iyo ng tagong pag mamahal. Ang pag mamahal ay hindi pag angkin ng isang tao, hindi rin ito nangangahulugan na aariin mo ang tanong mahal mo. Nag mahal ka lang at walang masama doon. Isang kang matapang na tao Jopet.” ang wika ng guro.

“Salamat po sir. Kayo lang ni Gabby ang talagang nakaka intindi sa nararamdaman ko.”

“Iyon ay dahil alam namin ni Gabby na espesyal ka. Isa kang mabuting tao. Sa loob at sa labas.” ang tugon ni sir Espanyol at habang nasa ganoong pag uusap kami ay nakita ko si Gabby na tumatakbo patungo sa amin, humahangos ito at halos malagutan ng hininga.

“Jopet!! Sir!! Tulong!! Si Rycen binubugbog ng mga lalaking outsider doon sa gilid ng campus!!!” ang sigaw nito.

“Ha? Paanong may nakapasok na outsider dito sa campus?” ang tanong ko naman

“Eh hindi ko alam bro, basta tayo na doon sa gilid at baka ma yatap na si mokong doon!!” ang natatarantang salita ni Gab.

Halos mabigla naman ako sa aking narinig. Para bang umakyat ang kaba at takot sa aking ulo kaya naman mabilis akong tumayo at nag tatakbo patungo paalis sa botanical garden. “Sige na puntahan nyo na si Rycen! Pupunta ako ng guard house upang mang hingi ng tulong!” sigaw ng aming Guro.

Takbong walang humpay ang ginawa namin ni Gabby. Halos malagutan ako dahil sa pinag halong kaba at takot. “Bilisan mo Gab!! Baka kung mapaano si Rycen!!” ang sigaw ko naman.

“Eto na nga, binibilisan ko na talaga. Teka pangalawang balik ko na ito e, pagod na ko!!” ang reklamo nito habang hinahabol ang hininga.

“Bilis Gab!! Baka pumanget si Rycen kapag nabugbog ang mukha nya.”

“Grabe ka naman, talaga yung kagwapuhan pa rin nya ang concern mo ha..”

Makalipas ang ilang sandali ay narating namin ang pinaka gilid ng campus. Hindi na ito pinupuntahan ng mga estudyante dahil masyado ng malayo at walang bakod kaya malayang nakaka labas masok ang mga outsider. May dalawang guard na nag babantay dito ngunit naka off yata ang mga ito kaya hindi nahadlangan ang naturang rayot.

Dito nga ay nakita ko si Rycen naka handusay sa lupa, dugo ang mukha at ang labi. Namamalipit sa sakit habang sinisipa ng apat na lalaking medyo may edad na. “Tama na!!! Tamaaaa naaaa!!” ang sigaw ko sabay tulak sa mga ito.

Nagulat ang mga lalaki at tila ako naman ang pinag balingan. Isang malakas na suntok sipa ang lumanding sa aking likuran dahilan para sumadsad din ako sa lupa. Maya maya ay sumugod naman si Gabby hawak ang isang malaking tabla at iwinasiwas nya ito sa mga kalaban upang hindi makalapit sa amin. “Umalis na kayo!!” ang banta ni Gab

“Hindi kami aalis hanggang hindi nalulumpo ang putaragis na lalaking iyan!!” ang galit na salita ng isa at muli nanaman itong sumugod palapit sa amin na animo asong nauulol.

Dahil sa matinding takot, wala akong nagawa kundi ang dakutin ang isang bato at mabilis ko itong ipinukol sa lalaking palapit sa amin. Tinamaan ito sa mukha dahilan para mapahinto siya sa pag takbo. Si Gab naman ay pinag hahampas ang mga ito upang lumayo ng kaunti ang kanilang distansya.

“Umalis na kayo!!” ang muling utos ni Gab

“Ano bang kasalanan ni Rycen? Bakit nang gugulo kayo dito?” ang galit na tanong ko.

Hindi naman sumagot ang lalaking binato ko sa mukha at noong humarap ito sa amin ay may bahid na ng dugo sa kanyang noo. Sa sobrang galit nito ay dinukot nya ang isang patalim at mabilis na umamba patungo sa aming kinalalagyan. “Pag katapos naming iligpit ang lalaking iyan ay susunod na kayo!” sigaw nito

Ibayong takot naman ang aking naramdaman at pilit kong tinakpan si Rycen gamit ang aking sariling katawan upang kahit paano ay maprotekthan sya mula sa mga masasamang loob na ito. Nasa ganoong pang gagalaiti ang lalaki ng biglang isang bato nanaman ang tumama sa kanyang mukha dahilan para matumba na ito.

Nag mula ang bato sa ibang dereksyon. “Mga gago!!! Umalis na kayo dito!!” ang sigaw ni Kerby. Naka suot pa ito ng Jersey at halatang kakagaling sa practice game. Nasa likod nya si Sir Espanyol at tatlong guard na nag paputok ng baril upang sindakin ang mga outsiders.

Dahil sa pag kadehado, walang nagawa ang mga taong labas kundi ang mag tatakbo at lumayo sa aming kinalalagyan.

Noong mga sandaling iyon ay hindi na ako nag aksaya ng sandali, agad naming isinugod ang walang malay na si Rycen sa ospital. Duguan ito, at may saksak sa tagiliran. Tulirong tuliro ako at halos mangatog ang aking tuhod dahil sa pinag halong takot at pag aalala. Wala akong nagawa kundi ang mapaluha habang pinag mamasdan ang taong mahalaga sa akin na nasasaktan at nahihirapan sa loob ng emergency room.

itutuloy..

Imbisibol Part 41

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sep 16, 2016

Part 41

“Mag kape ka muna tol.” ang wika ni Kerby noong tumabi ito sa akin sa waiting area ng ospital.

“S-salamat.” ang tugon ko.

“Huwag kana umiyak, magiging maaayos rin si Rycen. Kanina lang kita nakitang humagulgol ng sobra sobra. Ganun pala kahalaga yung gagong iyon sa iyo.” ang salita nito sabay akbay sa akin.

Hindi naman ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya at binawi ko rin ito kaagad. “Maayos rin ang lahat tol. Tiwala lang.” bulong niya.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman si Gabby dala ang isang supot ng gasa at band aid. May dala rin itong tsinelas na naka plastic pa. “Stable na ang lagay ni Rycen. Natahi na rin yung saksak sa tagiliran nya. Maliit lang naman iyon kaya’t hindi siya napurohan. Ang nakapag pahina sa kanya ng todo ay yung mga suntok sa sikmura niya dahilan para mawalan ito ng malay.” paliwanag nito sabay abot ng subot ng first aid kit sa akin. “Para sayo naman ito Jopet, gamutin mo na iyang paa mo bago pa pasukin ng bulate ang talampakan mo.” ang dagdag pa nito at doon nga ay nakaramdam na ako ng matinding kirot sa aking paa.

Dito ko napansin na may malaking hiwa ako sa aking talampakan. Sa sobrang pag mamadali ko kanina ay nakalag ang sintas ng sapatos ko at nahubad ito sa aking paa kaya nawalan ng sapin ang aking talampakan sa pag takbo. At dahil sa pag katuliro ko ay hindi ko na ito binigyan ng pansin. Marahil ay nahiwa ito ng matulis na bato kanina habang kumakaripas ako sa pag takbo.

“Talaga palang wala kang sapatos na suot? Ang akala ko ay iniwan mo lang ito doon sa gilid ng emergency area.” ang pag tataka ni Kerby habang inuusisa ang aking mga paa na panay galos.

Napabuntong hininga ito at kinuha ang first aid kit sa aking kamay. “Ako na ang gagamot nito ng paa mo tol. Relax ka lang.” ang naka ngiti salita nito.

“Ako nalang tol. Salamat nalang.” pag tanggi ko naman.

“Shhh, chilax lang kaya ko na to. Para saan pa at naging boyfriend mo ako kung hindi ko ito gagawin.” ang naka ngising asong hirit nito.

“Naku Tuazon, tigilan mo na nga iyang si Jopet. Noong panget iyan ay tagpi ang tawag mo, ngayong gwapo na ay boyfriend mo na? As in? Agad agad? Tigilan mo nga ako.” ang tugon ni Gabby sabay batok dito.

“Arekup.. Kaibigang lalaki! Iyon ang ibig sabihin ng boyfriend! Bayolente na to!” depensa nito.

Tawanan..

“Bakit ba naman kasi nabugbog ng ganoon si Rycen? Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit may edad na lalaki yung bumira sa kanya. Nasa 40 na yata iyon eh!” pag tataka ni Kerby.

“Tumawag sa akin si Sir Espanyol kanina. Nahuli na raw yung mga lalaking nambugbog kay Rycen at binakuran na rin yung awang doon sa gilid ng campus. Ang dahilan daw noong lalaki ay nangabit itong si Rycen. Sa madali’t salita yung model na babaeng girlfriend niya ay may orihinal na lalaking kinakasama at iyon ay yung sugar daddy nya. Matagal nang mag karelasyon yung dalawang ito bago pa dumating at nang gulo itong si Rycen sa eksena. Galit na galit daw yung lalaking iyon at talagang balak nitong lumpuhin si Rycen at hindi lang iyon dahil puputulan pa raw niya ito ng ari hanggang sa maging inutil.” ang salaysay ni Gab.

“Tangina, nangabit nga pala si Rycen. Basta yata may puke at may susong malake ay papatusin ng gagong iyon eh! Loko talaga!” ang salita ni Kerby. Samantalang ako naman ay naka tahimik lang at naka pako ang tingin sa pag lalagay niya ng gasa sa aking paa.

“Lalaki naman si Rycen at walang nawala sa kanya. Kahit na nga ba maraming beses nyang ginalaw yung babae ay walang kaso iyon. Huwag nalang sanang mag bago ang tingin ninyo sa kanya. Kaya nga ang sabi ni Mr. Espanyol ay ilihim nalang ng grupo natin ang totoong dahilan upang hindi pag tampulan ng tukso ito si mokong doon sa campus.” saad pa ni Gab.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay lumapit naman sa amin ang nurse. “Nailipat na po si Mr. Lacsamana sa silid. Maaari na po siyang bisitahin.” ang wika nito.

“Mainam pa ay si Jopet nalang muna ang mag bantay kay Rycen. Uuwi muna ako sa dorm namin at kukuha ako ng mga gamit. Bibili na rin tuloy ako ng pag kain sa labas.” wika ni Gab

“Ako naman ay pupunta doon sa coach nila Rycen at ipag bibigay alam ko na nandito sya sa ospital. Malaki ang maitutulong ng pondo ng varsity at health insurance ni Rycen upang hindi na tayo mag bayad dito sa ospital.” mungkahi rin ni Kerby.

At iyon nga ang set up, pareho silang umalis samantalang ako naman ay umakyat sa second floor upang bisitihan ang kalagayan nito. Marami akong gustong itanong sa kanya ngunit sa palagay ko ay hindi naman makatutulong ito. Sa ngayon ay wala akong magagawa kundi ang unawain na lamang sitwasyon at ang kalagayan niya.

Pag pasok ko sa silid ay nakita kong gising na ito. May bundahe sa ulo, pasa sa bibig at ganoon din sa iba pang parte ng kanyang katawan. Kaswal lang ang pag bati ko sa kanya at dinaan ko lang ito sa ngiti. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ko lang.

Tumingin ito sa akin bahagyang ngumiti “ayos na ko tol, salamat sa pag tulong mo sa akin.”

“Wala iyon, ang mahalaga ay maayos na ang kalagayan mo. Nag aalala ako sayo. Sobra.. Ang akala ko ay mauuna pa kong mamatay e.” biro ko naman.

“Sorry kung pinag alala kita. Alam kong naroon ka para protektahan ako kanina. Nakita ko kung paano mo iniharang ang katawan mo para lang hindi ako masaktan. Hindi ka pa rin nag babago tol, kahit sikat kana ay mahalaga pa rin ako sa iyo.” ang tugon ni Rycen.

“Wala iyon, mahalaga ka sa akin. Higit sa pa alam mo Rycen. Handa akong masaktan para sa iyo. Ang totoo nun ay wala naman sa akin yung mga sipa at suntok nila sa katawan ko. May mas masakit pa doon at iyon ay ang pag iwas mo sa akin ng hindi ko alam ang dahilan.” pag seryosong ko tugon na may halong lungkot

Ewan ko ba, ang pakiramdam ko ay gusto ko siya gerahin dahil sa pangangabit nito sa isang babaeng may sabit na. Kasarap batukan ng mokong!

Natahimik si Rycen napatingin ito sa sahig “sorry tol, naging busy lang ako sa varsity kaya’t hindi kita madalas nabibigyan ng atensyon.” ang sagot nito na siyang nag bigay ng kakaibang kirot sa aking dibdib. Sana ay nag isip pa siya ng mas malalim pang dahilan para man lang mapalubag ang loob ko pero wala talaga.

Natawa ako at pilit na ikinubli ang tunay kong nararamdaman. “Hahaha. Ayos lang iyon bro. Sino ba naman ako para mabigyan ng espesyal na atensyon. Teka alam mo ba na yung mga linyang ginamit ko doon sa kanta ko ay ang tulang ginawa mo noong 2nd year highschool tayo? Kung sa bagay, baka nakalimutan mo na rin iyon dahil malaki na ang kaibahan mo sa Rycen kakilala ko.”

“Alam ko iyon tol. Iyon ang tulang ibinigay ko saiyo noong highschool tayo at gusto kong malaman mo na tutuwa ako dahil itinago mo pa rin ito. At tungkol naman sa sinasabi mong hindi ka espesyal ay nag kakamali ka kung iyon ang iniisip mo. Marami akong bagay na nais sabihin sa iyo ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan.” ang sagot ni Rycen habang nakatingin ng tuwid sa akin.

“The last time na may ipinag tapat ka sa akin ay noon graduation day natin kung saan muntik na akong mamatay. Ngayon kung ano man iyang mga sasabihin mo ay makabubuting huwag mo nang ituloy dahil baka ikamatay ko na talaga ito ng tuluyan.” ang seryoso ko ring sagot dahilan para mapayuko ito. “Hindi namin alam kung paano ka humantong ganitong sitwasyon ng kapahamakan, pero nais kong malaman mo na kami ni Gabby ay nandito lang palagi sa tabi mo. Handa kaming makipag laban para sayo.” dagdag ko pa na hindi maitago ang labis na emosyon.

Tahimik..

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay dumating naman sina Gab, Kerby, Sir Espanyol at ang coach ni Rycen sa volleyball team. Bitbit nila ang pag kain at plastic ng gamot para sa pasyente. Syempre alam namin na kakausapin ng mga guro si Rycen kaya naman bilang respeto ay lumabas muna kami ng silid at nag hintay sa hallway hanggang sa matapos ang pag uusap nila. Basta ang narinig ko lang ay pinag sasabihin ng coach ang binata na umiwas muna sa mga babae upang hindi sya mapahamak.

“Mahirap umiwas sa babae lalo na kapag malaki ang suso. Parang ang sarap lamasin at pag laruan.” ang hirit ni Kerby habang kunwari may dinadakot na kung ano sa kamay.

“Bastos! Irespeto nyo ang mga babae katulad ng pag respeto nyo sa inyong mga ina. Iyan ang problema sa inyo ni Rycen eh, porket mga gwapo kayo ay tinetake advantage nyo ang mga babae na nag kakagusto sa inyo. Sa una ay date muna, pag tapos ay ikakama nyo na at tutuhugin. Very bad iyon Kerby! Very bad!!” ang tugon ni Gabby.

“Teka bakit napunta sa akin? Si Rycen ang usapan dito eh. Dapat pag sabihan nyo yung kaibigan nyong iyan na mag aral mag kamay! Sabihin mo sa kanya na mag salsal nalang sya para hindi na sya nakaka perwisyo ng iba! Ako kasi bilang lalaki kinikilatis ko munang mabuti yung mga babae na yan. Dapat inaalam nya kung may karelasyon o may sabit yung chick nya para di sya naiiputan sa ulo. Kahit sa pag tatalik ay malalaman nya yun pag maluwag na yung pinasok nya ibig sabihin ay may gumamit na.” ang pangaral ni Kerby na panay kautuan ang laman.

Hindi ko tuloy alam kung sasang-ayon ba ako o tatawa sa kanyang mga hirit. Wala tuloy nagawa si Gabby kundi ang takpan ang tenga at mapa iling. “Malala na to” ang bulong nito sabay senyas na parang may sira ito sa tuktok.

Natawa ako ng tuluyan ngunit hindi ko ito pinahalata. Baka kasi kung anong isipin ni Kerby at magalit pa ito. Halos ilang minuto rin ang itinagal ng pag uusap nila Rycen sa loob ng silid bago kami senyasan ni Sir Espanyol na pumasok na at kumain. Ako naman ay umastang normal na parang walang nangyari pag uusap sa amin ni Rycen ngunit sa tuwing napapalingon ako sa kanya ay nagugulat ako dahil naka titig sya sa akin. Kung ilang beses akong tumingin sa kanya ay ganoon ko rin kadalas ang pag kaka kita ko sa kanya na nakatitig sa akin.

Matapos ang hapunan ay nag paalam naman sina Kerby, Sir Espanyol at ang coach ni Rycen. Ngunit bago sila umuwi ay inayos muna nila ang bill ni Rycen dito sa opital.Syempre ay nag pasya na kami ni Gabby na mag bantay nalang sa loob silid upang may kasama si mokong na noon ay nakahiga at nanonood ng telebisyon. Samantalang ako naman ay nag liligpit ng mga kalat galing sa fastfood.

Habang nasa ganoong pag lilinis ako ay bumukas naman ang pinto ng silid at pumasok ang nurse na susuri sa lagay ni Rycen. Nginitian ko ito at ngumiti rin sya. “Good evening po sir. Checking lang po ng vitals.” ang wika nito habang lumalapit sa pasente.

Maya maya ay nag salita muli ang nurse. “Kilala ko po kayo sir. Paborito ko yung kanta mong Imbisibol. Lagi ko nga po itong pinapakinggan sa walkman ko. Saka kilala ko rin po sir Rycen, napanood ko po siya sa contest.” ang natutuwang wika nito.

Ngumiti naman ako at kinamayan siya. Samantalang si Rycen naman ay walang paki alam, naka tingin lang ito sa tv na parang may sariling mundo.

“Eh ako di mo ako nakikilala?” ang hirit ni Gabby habang namumuwalan sa pag kain.

Natawa ang nurse at umiling “Hindi po sir. Pasensya na po.”

“Nakuu, nakapag tatakang hindi mo ako kilala, pwes ako lang naman ang manager nyang dalawang iyan.” ang sagot nito.

“Ganoon po ba, sorry po hindi ko kayo na mukhaan kagaad.” magalang na tugon ng nurse.

“Biro lang naman. Masyado kang seryoso nurse. Salamat sa pag dalaw. Oh ayan sayo na iyan para di ka antukin sa duty.” ang makulit na wika ni Gabby sabay abot ng isang supot na ubas at mansanas bago ito umalis.

Nag pasalamat naman ang nurse at masayang masaya itong lumabas sa aming silid.

Nag patuloy ako sa pag gawa sa loob ng silid. Busy busihan lang para hindi matuon ang atensyon ko kay Rycen. Ewan, halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon mga sandaling ito, nariyan yung nagagalit ako sa kanya pero natutuwa naman ako na parang kinilig kapag naiisip kong mag kasama kami buong mag damag at may pag kakataon pa akong alagaan siya. Pero naiinis naman ako sa inaasal niyang may pagka suplado ang dating. Biruin mo ang tagal na namin ni Gabby sa loob ng silid ay hindi man lang kami kinakausap nito na parang wala siyang kasama.

“Pag pasensyahan mo na si Rycen. Marahil ay ngayon palang nag sisink in sa kanya yung pangyayari kanina.” ang bulong ni Gabby habang pinag mamasdan ito na naka tulala at nakapako ang tingin sa kung saan.

“Okay lang naman sa akin. Sana ay maappreciate man lang niya na nandito tayo at nag eexist.” ang bulong ko rin

“Huwag na kayong mabulungan, naririnig ko rin naman yung pinag uusapan nyo. Nais kong malaman nyo na masaya akong nandito kayong dalawa. Huwag nyo sanang isipin na hindi ko kayo naaappreciate. Sadyang punong puno lamang ang aking isipan sa ngayon.” depensa ni Rycen.

“Paanong luluwag ang nasa isip mo kung ayaw mong sabihin sa amin kung ano iyan. Hindi naman siguro kami ibang tao para pag lihiman mo.” ang tugon na may kataasang boses.

“Paano ko ba sasabihin sa inyo yung malaking kahihiyan ko at pag kakamali na pumatol ako sa babaeng may asawa na? Paano nyo ako maiintindihan? Hiyang hiya ako sa sarili ko at sa mga tao sa paligid ko.” ang salita ni Rycen na may tinig na nagagalit at nangangamba.

“Pag kakamali na ba iyan? Kahihiyan na ba ang tawag mo dyan Rycen? Eh ano naman ang paki alam ng ibang tao kung pumatol ka sa ganoong relasyon? May magagawa ba sila? Mababago ba nila ang sitwasyon at maitatama ang pag kakamali ng nakaraan? Wala silang magagawa kundi ng patayin ang mga sarili ni sa pag iisip ng mga bagay na wala namang kinalaman sa kanila. Marami pang mas mahirap na pakiramdam sa mundo at iyang nararamdaman mo ay parte lamang ng isang pag kakamali na maaari mong itama habang may oras ka pa.” ang may kataasang boses kong tugon.

Natahimik si Rycen at ako naman ay pinigil ni Gabby..

Pansalamantalang binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong silid.

Tumingin sa akin si Rycen at syempre at tumingin din ako sa kanyang hanggang sa kusang mag bangga ang aming paningin. Walang kurapan at tila nag uusap kami sa pamamagitan nito. Mga ilang minuto rin kami sa ganoong titigan hanggang sa binawi nito ang tingin niya at muling humarap sa telebisyon. “Pag pasensyahan mo nalang si Rycen. Na hurt lang ang pag kalalaki nya dahil nakita natin siyang bugbog sarado kanina. Iyon lang iyon kaya ganyan ang ugali nya. Kasi diba sa ating tatlo, sya ang dapat na malakas at astig na astig. Ayaw lamang niya yung eksenang nasaksihan natin ang pag bagsak nya. Tapos nandoon pa si Kerby na katunggali nya. Nasaktan lang ang inner ego nya kaya’t huwag mo nalang patulan” paliwanag ni Gabby noong naka higa kami sa extra bed ng silid.

“Kahit naman ang pinaka mahusay na mandirigma o super hero ay nabubugbog din paminsan minsan. Si Rycen lang sya, hindi sya si superman o si batman o si wolverine para hindi sya masaktan.” ang tugon ko naman.

“Kaya nga intindihan nalang natin iyang mokong na yan. Saan saan pa at makakarecover din ang dignidad nya.” ang biro ni Gabby.

Dalawang araw ang nakalipas, nakalabas na si Rycen sa ospital pero hindi pa sya pinayagang makabalik sa pag lalaro ng basketball dahil sa kanyang tahi sa tagiliran. Back to normal na rin ang lahat, walang nakaka alam ng tunay na dahilan pag kakabugbog kay Rycen, basta ang alam lang nung mga taga hanga niya ay napag tripan sya dahil sa kgwapuhan na syang ikinainis naman ni Kerby ngunit ang nakakatuwa ay itinago rin niya ang totoo ayon na rin na kahiligan ko sa kanya. “Tol matagal ba iyang number 10? May practice game pa kasi ako. Baka pwedeng paligo na habang nag cocompute ka.” ang paki usap ni Kerby noong mag kasama kami sa silid namin ni Gabby upang gumawa ng report sa math.

“Oo naman. Maligo kana muna habang tinatapos ko ito.” ang tugon ko naman.

Medyo tricky kasi ang problem number 10 kaya’t medyo natagalan ako sa pag solve dito. Nakaka kulta ng utak at nakaka pagod sa mata ang pag cocompute ng mga numero kaya naman halos pag pawisan ako sa sobrang hirap.

Nasa ganoong posisyon ako noong bumukas ang pinto ng silid at dito ay pumasok si Gabby. Naka uniform pa ito at halatang galing sa library dahil sa daming librong dala. “Ang aga mo namang umuwi?” tanong ko naman.

“Mag reresearch lang ako kaya hindi na ako tumambay doon sa Gym. Teka bakit pawis na pawis ka?” ang tanong nito at habang nasa ganoong posisyon kami ay siyang pag bukas ng pinto sa Cr. Lumabas dito si Kerby naka suot ng jersy at bagong paligo pa.

Gulat na gulat si Gabby. Hindi ko alam kung ano nasa isip nya ngunit sa tingin ko ay hindi maganda ito.

“Hi Gab. Jopet tapos mo na ba?” ang tanong nito habang nag pupunas ng towel sa buhok na basa.

“Oo kanina pa.” sagot ko.

“Ayos sige una na ko bro. Galing mo talaga. Ang husay mo, pinagod mo roon ah.” ang naka ngiting salita nito sabay labas sa aming silid.

Si Gab naman ay nanatiling nakatingin sa akin at napapakunot ang noo. “Magaling ka daw, at mahusay dahil pinagod mo sya.” ang pag uulit nito.

“Ha? Mali ang iniisip mo Gab.”

“Tumayo ka nga, tapos lumakad ka.” ang utos nito kaya naman tumayo nga ako at lumakad.

“Bakit ba kasi? Ano bang problema?” pag tataka ko.

“Tinitingnan ko lang kung nakakalakad ka pa ng mabuti.” ang tugon niya at maya maya ay lumapit sa akin at sinuri ang pwet ko. “Chinecheck ko lang kung dinugo ka.”

“Tado, ano ba iyang iniisip mo? Puro ka kalokohan dyan eh. Gumawa kami ni Kerby ng report sa math dahil mag kasama kami doon. Pinag sulat ko siya dito sa manila paper kaya napagod sya ng husto. Naki ligo naman siya dahil may laro pa daw sila doon sa gym ngayon hapon. Walang nangyaring ganoon sa iniisip mo loko ka.” ang inis kong salita. Ang akala niya siguro ay nakipag sex ako kay Kerby.

“Ganoon ba? Ang akala ko naman kasi ay nag wrestling na kayo dito sa kama at tinuhog ka nya ng patuwad.” natatawang tugon ni Gab.

“Tado!” salita ko rin.

“Anyway, huwag kana magalit sa akin. Naayos ko na yung birthday party ni Rycen next week. Doon natin ito gaganapin sa clubhouse malapit sa subdivision nila Mr. Espanyol. Malapit lang naman iyon dito sa campus at walking distance lang halos. Yung catering service ay naka usap ko na rin. Ang kailangan nalang gawin ay ang daloy ng program at kaunting interview para sa birthday celebrant. Nag prinsita na nga si Mr. Espanyol na maging Emcee.” pag babalita ni Gabby.

“Wow mabuti naman at matutuloy na rin sa wakas iyang party ni Rycen. Excited na ako.” ang wika ko naman.

“Oo nga, at sana ay masabi mo na rin sa kanya ang feelings mo doon” hirit niya.

“Huh? Wala naman sa usapan iyan. Saka isa pa ay parang lumipas na rin eh. I mean napagod na rin ako kaya im sure na hindi na kailangan ipag tapat pa.” naka ngiti kong tugon.

“So iyan na ba yung sinasabi mong “let love dies a natural death?” Yun tipong para utot lang na lumipas?“ ang tanong nito.

“Utot na hindi mo nailabas. Para ganoon lang.” sagot ko.

“Naku ayan kana naman, pero kapag nag gf ulit yung tao ay nag eemote ka.”

“Hindi na mang yayari iyon. Dahil ako na si Jopet version 99! Mas pina talino at mas pina tatag.”

“Eh anong nangyari sa Jopet version 1997 at 98? Epic failed?” hirit ni Gab sabay tawa ng malakas.

Noong mga sandali iyon ay sumagi nga sa akin isipan yung feelings ko kay Rycen. Ewan, hindi ko maipaliwanag ngunit tila yata napagod na rin ako ng kakahabol at kaiisip sa kanya. Iba na kasi ang sitwasyon ngayon, dahil paki wari ko ba habang tumatagal ay para nagiging alak ang samahan naming dalawa. Hindi nga lang sumasarap kundi lalong pumapait. At wala na akong magagawa tungkol doon..

itutuloy..

Imbisibol Part 42

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 42

Araw ng Sabado,espesyal na araw ito ni Rycen kaya naman umaga palang ay nasa club house na kami upang mag ayos para sa kanyang birthday party celebration. May pondo naman para dito dahil yun napanalunan ko sa contest ay nakalaan talaga para sa kanya. Matagal na kami mag kakaibigan nila Gabby since 2nd year high school pa ngunit ni minsan ay hindi namin naipag handa ang kanyang kaarawan dahil kadalasan ay walang pasok o bakasyon at kung minsan naman ay wala kaming pera kaya nag ttyaga lang kami sa cupcake o kaya ay maliit na cake sa tindahan.

At para siguradong makaka dalo si Rycen mamaya ay kinausap ko na rin ang buong team nila pati ang coach at ipina alam na may birthday celebration para sa kanya.

“Jopet! May klase ka ba?” ang tanong ni Rycen noong makita akong palabas ng classroom.

“Wala bro, bakit?” tanong ko naman. “Pwede ba ko mag pasama doon sa cathedral para mag simba?” ang tanong nito.

“Oo naman, umm, bakit naman naisipan mong mag simba ngayong araw?” ang pang uusisa ko bagamat alam kong birthday niya. Kunwari lang ay hindi ko alam o naalala.

“Wala lang. Saka gusto ko naman makasama ang pinaka bagong most popular student ng St. Vincent.” naka ngiting wika nito dahilan para matawa ako. “Loko ka talaga. Tayo na nga.” pag yaya ko naman sabay hawak sa kamay nito.

Maya maya ay napatingin siya sa aming kamay kaya naman agad ko rin itong binitiwan. Ewan, nakaramdam ako ng kaunting hiya, ngayon ko lang naisip na di nga pala maganda sa dalawang lalaki ang nag hahawak ng kamay. Lakas daw kasing maka bakla.

Saka isa pa, ay nag sisimula nanamang mag traydor ang damdamin ko. Ang akala ko ay habang tumatagal ay palabo ng palabo ang nararamdaman ko para sa kanya, pero iyon pala ay kapag wala lamang siya sa paligid. At kapag nandito sya sa aking tabi ay ibang usapan na dahil mabilis na nag babago ang lahat. Muli ako nahuhulog sa kanyang tingin at heto nanaman ang malakas na tibok ng aking dibdib.

“Tol, ayos ka lang ba? Bigla ka yatang natulala?” ang tanong nito habang ginugulo ang aking buhok.

“S-sorry, may sinasabi ka ba?” tanong ko noong ako ay matauhan. “Ang sabi ko ay tayo na, bago pa tayo abutan ng dilim. Ang sabi kasi ni coach ay may meeting kami sa clubhouse mamayang alas 6.” ang wika nito sabay hawak sa aking kamay at hinila ako palabas ng gate.

Ilang classroom at department aming dinadaanan, ang lahat ng mag aaral sa hallway ay naka tingin habang hila hila ako ni Rycen at naka hawak ito sa aking kamay. Para bang mag kasintahan lang na nag aapura sa pag lalakad yung lalaki at yung kapareha naman niya ay sinusubukan humabol sa kanya habang mag ka holding hands.

Yung tipong bumitiw ako sa pag kakahawak sa kanyang kamay kanina pero heto naman ngayon at siya mismo ang naka hawak sa akin. Ewan, kakaiba sa pakiramdam lalo na kapag hinahabol kami ng tingin ng mga mas bata sa aming estudyante.

“Wow si kuya Jopet saka si Kuya Rycen oh!! Dali!!” ang sigaw nung isang batang fresh man na iniidolo yata kaming dalawa.

“Kuya pa picture po!! Kuya!!!” ang sigaw noong mga bata habang ikinakabit yung film sa kanilang camera.

“Tol, sandali, tinatawag ka nung mga bata sa IT department. Ngayon ka lang daw kasi dumaan dito sa hallway nila kaya paunlakan mo na sila.” pag pigil ko naman kay Rycen.

“Anong ako? Baka ikaw ang hinaharang nila. Ikaw ang mainit sa mata ngayon saka yung kanta mong imbisibol.” ang wika ni Rycen kaya naman huminto kami at kinawayan yung mga batang freshman.

Nag kagulo yung mga batang payatot at nerds na kagaya ko. Nag mistulang fans day namin ni Rycen yung hallway. Yung mga bata ay may hawak na notebook, yung iba naman ay may walkman at cassette tape na pinapa pirmahan sa akin. Yung mga aspiring na atleta naman na umiidolo kay Rycen ay may hawak na jersey o kaya ay bola na ginagamit nila sa PE at pinapa pirmahan iyon sa binata.

“Kuya Rycen bagay po kayong mag kasama ni Kuya Jopet. Sana po madalas kayong dumaan dito ng magkasama.” ang wika nung isang bata

“Oo naman. Hayaan nyo minsan ay lilibot ako dito sa department nyo at mag laro tayo ng volleyball. Ayos ba? Apir!!” ang tugon naman ni Rycen at isa isang inapiran ang mga bata.

Ako naman ay naka ngiti habang pinag mamasdan ko sila. Ang totoo nun ay masyadong malaki ang aming campus para mag kita kita kami sa araw araw. Malayo kasi ang department ng engineering sa ibang gusali kaya’t kami kami lang din ang nag kikita. Nag kataon lamang na dito ako hinatak ni Rycen dahil pag labas ng gate ay sakayan na agad patungo sa cathedral.

Nag patuloy kami sa pag lalakad at pag labas ng gate ay agad kami sumakay ng Jeep papuntang simbahan. Ilang minuto lang naman ang byahe patungo rito kaya’t hindi ganoong nakakainip. Isa pa ay malamig na rin dahil pahapon na.

Pag dating sa simbahan, sa gate palang ay bumili na kami ng kandila para itulos. Syempre ay hinayaan kong mag dasal si Rycen at mag pasalamat para sa kanyang kaarawan. Alam kong espesyal sa kanya ang araw na ito, siguro na nag tataka siya kung bakit hindi ko man lang siya binabati. “Salamat sa pag sama sa akin dito tol.” wika nito sabay bitiw ng matamis na ngiti.

“Wala iyon, masaya ako na makasama ka ulit Rycen.” tugon ko naman sabay abot ng panyo sa kanyang kamay. Napansin ko kasing medyo umiyak ito sa kanyang pag darasal.

Kinuha nya yung panyo at pinahid ito sa kanya mukha, maya maya muli itong dumukdok at yumuko. Sa pag kakataong ito ay alam kong umiiyak na talaga siya. Iba talaga ang emosyon ng taong nag diriwang ng kaarawan na nasasaktan at nalulungkot dahil mag isa sya at wala pang nakaka alala ng espesyal na araw niya. Nauunawaan ko si Rycen sa mga sandaling iyon kaya naman wala akong nagawa kundi ang idantay ang aking kamay sa kanyang balikat.

Ilang minuto rin siya sa ganoong posisyon bago ito tumayo at mag tulos ng kandila. Ako naman ay hinintay lamang siyang makatapos sa kanyang ginagawang pag ninilay.

Tahimik.

Maya maya ay humarap ito sa akin at ngumiti. “Tayo na tol, alas 6 na pala, tiyak na nag sisimula na ang meeting ng team.” ang wika nito sabay akbay sa akin.

Malungkot ang kanyang mukha at halatang umiyak dahil sa pamumula ng kanyang mata at ilong. Ako naman ay naeexcite dahil sa naka handang surpresa para sa kanya..

Sakay ulit kami ng jeep patungo sa club house. At noong marating namin ito ay laking pag tataka niya dahil madilim dito at parang wala ni isang tao. “Tol sure kaba na dito ang meeting nyo? Bakit parang walang tao?” ang tanong ko bagamat alam kong nag hihintay na ang lahat doon sa loob.

“Oo nga tol, baka sa campus nalang sila nag meeting. Ang mabuti pa ay bumalik nalang doon sa department.” pag yaya nito sabay lakad palayo.

“Nakupp, aalis pa yata ang mokong.” bulong ko sa aking sarili sabay pigil dito. “Nakapost sa bulletin board kanina ang meeting nyo at tama naman ang venue na pinuntahan natin. Marahil ay nauna lang tayo ng ilang minuto. Ang mabuti pa ay icheck natin sa loob.” pag yayako sabay hatak sa braso nito.

Napakamot ito ng ulo, pero sumang ayon naman siya.

Pumasok kami sa gate at lumakad papasok sa club house. Noong makatungtong kami sa terrace ay isa isang bumukas ang ilaw at kasabay nito ang pag ladlad ng banner sa harap nito. “Happy Birthday Rycen!”

Gulat na gulat si Rycen sa kanyang nakita. Natahimik ito at parang natulala. Ako naman ay naka ngiti at bumati sa kanya. “happy birthday tol, hindi tayo nag karoon ng pag kakataong ipag diwang ang kaarawan mo noong mga nakalipas na taon. Sana ay makabawi kami sa iyo.” ang wika ko at doon ay nag labasan na nga yung mga classmate, ka team mate at ilang guro sa bawat sulok ng lugar, kasabay nito ang pag tutog ng malakas na speaker sa paligid.

Music playing

Ghost in you

Psychedelic Furs

A man in my shoes runs a light And all the papers lied tonight But falling over you Is the news of the day Angels fall like rain And love is all of heaven away Inside you the time moves

And she don’t fade The ghost in you She don’t fade Inside you the time moves And she don’t fade.

Naluha si Rycen at niyakap ako nito. “Loko ka talaga.. Ikaw ang may pakana nito no?” ang wika nito habang nakayakap sa akin.

Nangiti ako at niyakap din sya. “Pakana ito ng lahat.. Pakana namin na nag mamahal sayo.” ang bulong ko naman.

Palakpakan ang lahat..

“HAPPY BIRTHDAY Captain Rycen Paul Lacsamana! Woooo!” ang wika naman ni Sir Espanyol na tumayong emcee para sa pag diriwang.

Opisyal na binuksan ang party sa pag d-dinner habang tumutugtog ng malakas ang mobile disco. Masayang masaya ang lahat, kabilang na ang buong team ni Rycen. Ako naman ay kasama si Gabby sa table pinag mamasdan ang lahat na nag sasaya. “Napasaya mo si Rycen bro. At ang ang lahat..” ang wika ni Gab. “Wala iyon. Hindi ko naman ito magagawa kung wala ka. Ideya mo ito kaya’t ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng credits.” ang naka ngiti kong sagot.

“Sayang wala si Kerby hano?” ang tugon nito.

“Oo nga e, wrong timing naman kasi yung laban ng basketball team sa kabilang bayan.”

“Okay lang din naman na wala siya. Baka kasi maya maya ay mag lasing ka na naman at halikan kana naman niya sa labi. Edi para kana namang nabiktima ng rape.” ang pang aasar ni Gab dahilan para matawa ako.

“Gago ka talaga.”

Tawanan..

EMCEE: Bago tayo mag patuloy sa ating kasiyahan. Nais kong imbitahin ang ating birthday celebrant dito sa stage.

Palakpakan ang lahat..

Masayang masaya si Rycen na lumakad sa itaas ng stage at naupo ito sa silya na inihanda ni Sir Espanyol. “Happy Birthday Rycen, anong nararamdaman mo ngayon?” tanong ng host.

“Masaya pero kinakabahan ako sir, baka kasi may recitation kaya ako nandito sa silya. Hindi pa naman ako nakapag review.” ang sagot nito habang nag kakamot ng ulo kaya naman nag tawanan lahat.

“May recitation tayo, pero tungkol lamang sa iyo ang tanong. Request ito ng mga classmate, ka team mate mo at ng ilang taga hanga na nandito ngayon at nakikisaya sa atin. Ano ready ka na ba?” ang tanong ng host.

“Wooo, nakaka kaba naman.” ang hirit Rycen.

Palakpakan ulit..

Emcee: Unang tanong, sino ba si Rycen Paul Lacsamana? Kasi ang alam lamang namin ay gwapo ka at magaling sa sports. Anong side pa ba ng pag katao mo ang hindi namin nakikilala?“

Natawa si Rycen at maya maya ay napa buntong hininga ito. “Maraming nag sasabi sa akin na kawangis daw ako ng aking ama. Noong una ay nagagalit ako dahil ang akala ko ay niloloko lamang ako ng mga nag sasabi nito hanggang sa dumating sa puntong lumisan ang aking ama at nag tungo sa langit, ngayon ay iba ang pananaw ko dahil mas gusto ko nang sinasabihan ako na kawangis ko ang aking ama dahil sa ganitong paraan ay alam kong nabubuhay pa rin sya sa aking sarili. Ito yung isa sa mga side ko na hindi nalalaman ng nakararami, na madalas ako umiyak ng patahimik kapag si papa na ang pinag uusapan.

Simple lang naman akong tao, sa simpleng bagay ay masaya na ako. Makita ko lang na nakangiti ang mga taong mahal ko ay sapat na upang mag dulot ito ng ibayong ligaya sa aking puso at isipan. Maaari ko ring sabihin ang isa sa other side ko ay napaka babaw kong tao.“

Palakpakan ang lahat sa sagot ni Rycen..

Emcee: Ikaw ang most popular student na palaging ibinoboto ng mga mag aaral ng St. Vincent academy. Ngunit sa iglap ay napatalsik ka ni John Peter sa iyong pwesto. Anong nararadaman mo tungkol dito?“

Natawa si Rycen sa tanong ng emcee. “Ang matalo ng isang taong mabait, matalino at punong puno ng talento kagaya ni Jopet ay isang malaking karangalan sa akin. Hindi ko naman kailangan makipag kompetensya sa kanya dahil naka handa akong bumaba ng kusa at ibigay lahat dahil ang katulad nya ay napaka espesyal. Nakita ko ang pag babago niya mula noong una hanggang ngayon kaya’t masasabi ko na isa ako sa umiidolo sa kanya.”

Napangiti ako sa sagot ni Rycen. Alam kong mula ito sa puso niya dahil napapasulyap sya sa akin sa tuwing nag bibitaw siya ng kataga kaya naman ibayong saya ang aking nararamdaman habang nakikinig sa kanyang pag sagot..

EMCEE: Alam kong puro lalaki ang nag aaral sa St. Vincent Academy. Pero mayroon ka bang hinahangaan sa mga ito? Walang malisya ang tanong ko Mr. Lacsamana. Huwag kang mag alala, hindi ito nakaka bakla.

Tawanan ang lahat..

Pati si Rycen na hinahagikgik ng katatawa.

“Malaki ang pag hanga ko kay Jopet. Minsan ay hinihiling ko na sana ay ganyan ako katalino o katalentado sa kanya. Isa pa ay parati ko syang kinokopyahan sa mga quizes at exam noong high school kami. At aminado naman ako na kaya ako naka pasa ay dahil sa kanya. Minsan pa nga ay nakokopya ako ang kanyang pangalan sa test paper kaya’t palagi akong napapagalitan ng aming guro.” natatawang sagot ni Rycen..

Tawanan ang lahat..

Yung iba ay napa palakpak pa sa napaka honest na sagot nito.

EMCEE: Last question. Nasayo na ang lahat Mr. Lacsaman, gwapo, popular, magaling sa sports. Ang tanong ko, ano pa ba ang birthday wish mo?

Tumugon si Rycen. “Sa ngayon ay wala na. Matagal nang dininig ng Panginoon ang hiling ko kaya’t wala na akong nanaisin pa.” ang wika nito sabay bitiw ng matamis na ngiti.

EMCEE: Thank you very much Mr. Rycen Paul Lacsamana. Palakpakan naman dyan!!“

Bumaba si Rycen ng stage at bumalik ito sa tabi ng kanyang mga ka teammate. Hindi ko na alam kung anong pinag uusapan nila pero lahat sila ay nag tatawanan habang patuloy sa pag kain.

Matapos ang hapunan, binuksan na ang dance floor para sa mga gustong mag sayaw. Nag labas na rin ng alak at mga pulutan ang mga waiter ng catering. Masaya masaya ang lahat lalo na si Rycen na siyang nag diriwang ng kaarawan.

Maya maya ay muli nanamang humirit si Sir Espanyol at nag salita ito sa mic. “Hindi kompleto ang ating gabi kung hindi natin maririnig ang tinig ng musikan 1999 grand champion. Mr. John Peter Guzman. Kakantahin niya para sa atin ang awiting nag panalo sa kanya sa kompetisyon.”

Natawa nalang ako dahil wala naman ito sa program na naka sulat sa papel.

Palakpakan ang lahat lalo na noong tumugtog ang background ng kanta..

Imbisibol

StageCrew

(Voice of Jopet)

imbisibol ako sa’yong paningin imbisibol, hindi mo napapansin halos magmukhang tanga ang puso ko mapansin mo lamang, ako’y naririto imbisibol ako sa ’yong mata

hindi naman ako isang superhero na nawawala’t lumilipad ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat wooh at lalong di ako si batman o robin superman o wolverine ako’y isang hamak na kulang sa pansin wooh

imbisibol ako sa’yong paningin wooh imbisibol, hindi mo napapansin halos magmukhang tanga ang puso ko mapansin mo lamang, ako’y naririto imbisibol ako sa ’yong mata ahahhahh

imbisibol ako sa’yong mata

Katulad ng dati ay dinama ko ang kanta at hiniling na maramdaman ito ni Rycen. Parati akong tumitigin sa kanyang kinalalagyan na para bang kaming dalawa lamang sa lugar na ito. Halo halong emosyon tuloy ang aking nararamdaman noong mga sandaling iyon. Tuwa, pag ka kilig, excitement at kung ano ano pa na siyang nag bibigay ng kakaibang ngiti sa aking labi. Noong matapos ang aking kanta ay isang masigabong palakpakan ang isinukli sa akin ng mga nanonood. Yung ibang mga kateam ni Rycen ay sumisigaw pa ng “I love you Jopet.” Nang aasar lang siguro ang mga iyon pero atleast ay hindi na ako binubully.

Ala 1 ng umaga noong matapos ang party. Katulad ng magagandang palabas ang lahat ay nag tatapos at ang mga tao ay nag uuwian. Ngunit gayon pa man, ang ngiti sa labi ni Rycen ay hindi nawawala hanggang sa patayin ang pinaka huling ilaw ng club house.

“Nakakapagod no?” ang wika ko noong sabay kaming lumalakad palabas ng gate. Kaming dalawang nalang ang natira sa lugar dahil si Gabby ay tumulong sa pag sisinop ng mga ginamit na palamuti at kasangkapan kanina.

“Oo nga e, pero sobrang saya tol. Ito na ang pinaka masayang araw sa buhay ko.” ang sagot nya.

Ngumiti ako at ipinag patuloy ang aking pag lalakad ng bigla akong hawakan nito at biglang yakapin ng mahigpit. “Sinabi sa akin ni Gabby na yung premyo mo sa kontest ang ginamit mo para dito sa party ko. Salamat tol, pinasaya mo ako ng sobra sobra. At hindi hinding ko ito malilimutan.. Pangako..” ang wika niya habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Pinikit ko nalang aking mga mata at ninamnam ang pag kakakulong ko sa kanyang matipunong katawan. Hindi ko na alam kung ilang minuto kaming mag kayakap ngunit wala na akong paki alam dito. Ang mahalaga ay umaapaw ang kaligayahan ko at walang ibang saksi dito kundi ang liwanag ng buwan na tumatanglaw sa aming kinatatayuan.

itutuloy..

Imbisibol Part 43

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 43

Mabilis na lumipas ang mga araw, katakot takot na pag subok ang pinag daanan namin sa mga subjects para makapasa sa finals. Naalala ko tuloy ang sabi ni papa na hindi biro ang makatapos ng kolehiyo sa ganito panahon dahil tiyak na sasakit ang ulo mo sa dami ng research paper at projects. Halos pabalik balik rin kami sa mga shop upang makigamit ng personal computer at makiresearch ng mga data na hindi naka tala sa mga libro sa library.

(Author’s note: Noong kasi ay hindi naka depende ang mga tao lalo na ang mga mag aaral sa internet. Madalas ay sa libro lamang din sila kumukuha ng mga impormasyon sa mga research at karaniwan sa mga ito ay pinapasa ng hand written)

Sila Rycen naman ay naging abala sa varsity at ganoon din si Kerby sa basketball team. At bago matapos ang finals ay dumaan din sila sa butas ng karayom upang makapasa. Ayos nga lang daw sa kanila na umuulan ng 3 ang grade nila atleast ay pasa kaysa sa umulit nanaman.

At sa huli, matapos ang katakot takot na exam ay nag plano naman ang aming department na mag karoon ng outing sa beach. Parang pinaka summer vacation narin namin ito bago uwi ng kanya kanyang probinsya. “Eh asan ba kasi si Rycen? Naka ayos na ba sya ng gamit para bukas?” ang tanong ko kay Gab habang abala sa pag sisilid ng damit na dadalhin sa outing.

“Baka nandon sa silid nila, nanood nanaman iyon ng Ghost fighter at paborito nya iyon. Umaastang si Eugene! Bang!” ang sagot naman ni Gabby.

“Ayy e ayoko si Eugene. Kasi si Vincent ako at ikaw naman si Alfred diba?” ang pang aasar ko.

“Yuck! Si Dennis ako no!” ang inis na sagot nito.

“Si Kerby na yon! Si Taguro ka nalang.” ang pang aasar ko ulit kaya naman binalibag na nya ako ng unan.

“Bakit lagi nyo akong kinakawawa? Akala ko ba ay frend tayo! Bad kayo ah!” pag mamaktol nito habang naka nguso.

Tawanan..

“Nga pala, pansin mo ba mag buhat noong mabugbog iyang si Rycen ay hindi na ulit nag gf? Ilang buwan na rin ahh.” ang puna ni Gab. “Oo nga eh baka natrauma na sya, mainam nga yon atleast..” ang naka ngisi kong sagot.

“Atleast wala kang karibal? Iyon na nga ang hirap, wala ka ngang karibal ay hindi ka pa napapansin.” ang pang aasar nito sabay tawa ng pigil. “Wala na ngang karibal deadma pa rin haha”

“Loko! Mang inis ba? Ewan ko ba naman dyan kay mokong. Nakikita mo ba yung picture nya na iyan?” tanong ko sabay turo sa larawan niyang naka ngiti ng ubod ng tamis.

“Oo naman. Isabit mo ba naman dyan sa dingding natin iyang larawan ni Rycen, minu-minuto mo pa itong dinadasalan natural ay nakikita ko nga.” hirit nya.

“Ang tawag sa kanya ay kayamanan, star! Iniidolo ng lahat. Ang tawag naman sayo ay pang karinawan. At ako naman yung tipo ng nirereject, pero dati iyon. Dahil ngayon si Jopet ay isa nang magandang swan. Ang nakaka inis lang ay ginawa ko naman lahat para mapansin nya, nag paka singer ako, nag paka mutant ako, gumulong, nag padapa sa harap nya pero bale wala pa rin.” pag mamaktol ko.

“Eh itry mo kaya mag pa kabit ng boobs? Baka sakaling mapansin ka nya. Naku yung mga tipo ni Rycen na iyan ay mahilig talaga sa pechay at sa legs.. Legs ng babae ha.”

“The last time na naka usap ko ng seryoso si Rycen ay noong kaarawan niya at niyakap pa nya ako dahil sa sobrang tuwa. Pag kalipas ng ilang araw ay balik nanaman sya sa pag lalaro ng volleyball at nawala nanaman ako sa kanyang paningin. Sana ay araw araw nalang niyang birthday para araw araw niya akong niyayakap.”

“Loko, saan ka naman kukuha ng budget para sa araw araw na party nya? Tigilan mo nga ako Jopet. Ituloy mo nalang iyang singing career mo at mag tayo ng samahan para sa mga taong imbisibol.”

“Hay hindi ko na alam gagawin ko. Habang tumatagal ay palala ng palala itong nararamdaman ko. Hanggang tingin nalang talaga ako sa kanya.” bulong ko sa aking sarili habang naka higa sa kama at naka titig sa kisame. “Huwag kana mag emote dyan Jopet. Ayusin mo na itong gamit mo at bibili pa tayo ng pag kain pambaon.” hirit naman ni Gabby.

“Wala akong ganang lumakad sa mall. Ikaw nalang mag isa ang bumili.” ang tugon ko sabay suklob ng kumot sa mukha.

“Bakit ako lang mag isa? Ang akala ko ba ay gusto mong mag luto ng inihaw na pusit? Sumama kana para mabili mo ang lahat ng gusto mo.” pamimilit ni Gab.

“Wala talaga akong gana. Saka isa pa ay tinatamad ako.” pag tanggi ko naman.

Habang nasa ganoon pag uusap kami ay bumukas naman ang pinto ng aming silid at doon ay narinig ko ang boses ni Rycen. “Hanep, galing ni Taguro! Bang!! O akala ko ba ay bibili tayo ng pag kain sa mall? Bakit hindi pa kayo naka gayak?” ang tanong nito dahilan para mag bago ang mood ko.

Agad ako bumalikwas sa pag kakahiga at mabilis na tumayo. “Oo nga! Ewan ko ba naman dyan kay Gabby. Kanina pa nga ako nag aaya e. Tayo na Gabby ang bagal mo naman!” pag yaya ko habang naka ngising aso.

Napakamot nalang ito ng ulo at napailing. “Malala ka nga Jopet. Biglang sigla mo ah.” hirit nito habang tumatayo.

Edi ayun nga ang set up, agad kaming nag punta sa mall at sa department store upang bumili ng mga gagamitin sa outing bukas. Ang usapan kasi ay contribution nalang sa pag kain kaya’t marami rami rin ang aming binili. Masayang masaya ako lalo kasabay kong lumalakad si Rycen, paminsan minsan ay inaakbayan pa ako nito o kaya ay hinahawakan sa kamay. Siguro sa kanya ay bale wala lang ito pero para sa akin naman ay heaven na ang katumbas.

“Nga pala Jopet, tumawag yung morning show sa local station. Bukas raw ay nandoon din sila sa resort kung saan tayo mag a-outing. Pinapatanong kung maaari kang mag guest bukas. Ang topic kasi nila ay tungkol sa mga “power students” o yung mga nakilala sa buong campus dahil sa pinag samang talino at talento. Huwag kang mag alala dahil kaibigan naman ni papa ang host ng programang iyon kaya’t magiging maayos ang lahat.“ wika ni Gabby habang kumakain kami.

“Ayos lang naman sa akin, basta ba kasama kayong dalawa eh.” tugon ko.

“Oo naman. Ako ang tatayong body guard mo bro.” naka ngiting wika naman ni Rycen habang patuloy sa pag subo ng pag kain.

“Wow salamat tol. Pero mas mukha akong body guard kaysa sayo.” biro ko naman dahil para mag tawanan ang mga ito.

Kinabukasan, alas 3 palang ng madaling araw ay tumulak na kami sa resort sakay ng dalawang coaster. Tatlong oras ang biyahe patungo dito at kukuha pa kami ng cottage pag dating doon kaya’t maaga pa lang ay tumulak na kami. Excited ang lahat habang naka upo sa loob ng sasakyan.

Samantalang ako naman ay hinahanap si Rycen sa paligid. Ewan nag woworry kasi ako na baka naiwan ito dahil para siyang mantika kung matulog. “Mahihilo ka lang kahahanap dyan kay Rycen, hindi mo talaga siya makikita dahil nasa kabilang coaster sya kasama ng mga kateam nya.” ang wika ni Gabby sabay pihit sa aking ulo paharap sa bintana. Wala naman akong nagawa kundi ang lumingon nalang sa mga tanawin sa labas hanggang sa muli akong dalawin ng antok at makatulog sa aking upuan.

Mahimbing ang aking tulog, maya maya ay may naramdaman ako tumatapik sa aking pisngi. “Snow white gising na.. Snow… gising na, nandito na tayo.” ang wika ng boses kaya naman agad kong imulat ang aking mata. “Nasaan si Rycen?” ang agad kong tanong.

“Aba, malandi na to. Kakagising palang si Rycen agad ang hinahanap” asar na salita ni Gab.

“Eh wala naman pala si Rycen, matutulog muna ako.”

“Nandoon sya sa baba, hinihintay ka. Hindi ba nga may guesting ka ngayon?”

“Ganoon naman pala bakit di mo agad sakin sinabi. Tabi ka nga dyan” pag aapura ko naman dahilan para mapakamot nalang ito ng ulo.

Pag baba ko ng coaster ay eksaktong nasa resort na. Naririnig ko ang malakas na hampas ng alon sa karagatan at ang mabangong ihip ng hangin sa paligid. Agad akong hinitak ni Gabby sa labas at doon ay sinalubong kami ng mga staff ng naturang morning show kung saan ako mag guguest. Dahil nga late na ay bihisihan nalang ako ng polo at kaunting face power sa mukha ay ayos na. At katulad nga ng ipinangako ni Rycen ay kasama ko siyang lumakad sa set at doon nag bantay lang siya sa akin.

Pag dating sa loob ay binati kami ng iba pang staff, at hindi lang iyon dahil sa susunod linggo raw ay si Rycen naman ang iguguest nila dahil halos lahat sila ay nagwapuhan dito. Bago mag air ang programa ay nag usap pa kami ng host at sinabing mag relax lang ako, huwag kakabahan dahil para lang kaming nag kkwentuhan.

Sumindi na ang mga spot light..

In 3 2 1..

Live!!

Nag simulang bumati ang host ng magandang umaga sa buong siyudad. Syempre mataas na mataas nag energy nito at talaga namang madadala ka sa kanyang mga punch line na nakakatawa talaga. “At ngayon mga kaibigan ay makakasama natin ang isa sa pinaka talentadong mag aaral ng St. Vincent All boys Academy. Siya rin ang Grand Champion ng katatapos lang na Musikahan 1999 singing contest. Palakpakan natin si Mr. John Peter Guzmaaaan!!”

Ngumiti ako noong ifocus sa akin ang camera. “Maganda umaga po sa inyong lahat. Goodmorning din po tito Marc.” ang bati ko naman habang naka ngiti.

“Talaga palang hindi lang talentado ang batang ito. Napaka gwapo pa.” ang papuri ng host dahilan para matawa rin ako.

“Salamat po tito” tugon ko naman.

“Mga kaibigan si Jopet ay tubong Cabanatuan City sa Nueva Ecija. Tell me, paano ka nakarating dito sa malayong Siyudad?” ang unang tanong ng host.

“2nd year high school po ako noong nag decide si papa na pag aralin ako dito sa siyudad. Bata pa lang kasi ay tinuturan na nya ako kung paano mamuhay ng mag isa, parte ito ng pag sasanay kung kaya ko bang tumayo ng mag isa, pero gayon pa man ay palaging naka suporta ang mama at papa ko sa akin at sa lahat ng bagay na ginagawa ko.” sagot ko naman habang naka ngiti pa rin

“Wow, ganyan din ako noong bata ako, high school pa lang ay lumayo na ako sa aking pamilya dito sa siyudad dahil nais kong mag aral doon sa probinsya. Anyway, pag usapan natin yung pag kapanalo mo sa Musikahan 1999, nag expect ka ba na ikaw ang mananalo?” tanong ulit ng host.

“28 entries ang nag laban laban that time. Never po akong nag expect na mananalo ako dahil ang lahat ay talagang mahuhusay. Siguro ay marami lang ang nakarelate sa lyrics ng kantang ginamit ko.” sagot ko ulit.

“Wow, speaking of lyrics. Ang kantang “imbisibol” paano ka nag come up sa ganitong idea? Kasi napansin namin na tungkol ito sa isang taong hindi napapansin ng kanyang hinahangaan. Ang tanong ko lang sa iyo Jopet, sa gwapo mong iyan, naranasan mo na ba ang maging isang “imbisibol?”“ pang uusisa ng host.

Natawa ako sa kanyang katanungan. “Ang totoo noon, hindi naman ganito ang itsura ko dati. Parati nga akong laman ng panunukso at katuwaan ng mga ka klase ko noong highschool at nitong kolehiyo ako. Basta pinag sikapan ko lamang na baguhin ang sarili ko upang mas maging epektibo ako sa paningin ng nakararami. Tungkol naman sa kantang “imbisibol”, ang chorus nito ay hango sa isang tula na ibinigay ng isang espesyal na kaibigan. Naalala ko ay mayroon akong isang taong hinahangaan simula pa noon ngunit hindi ko ito masabi sa kanya hanggang sa naging kontento na lang ako sa pag nanakaw ng tingin at pag sulyap sa kanya ng palihim

kapag mag kasama kami. Ang nakakatuwa lang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ako napapansin. Iyon ang dahilan kung bakit nabuo ang kantang imbisibol.“ ang pag sasalaysay ko.

Natawa ang host at gayon din ang ilang staff. “Huwag kang mag alala dahil tiyak na napapansin kana nya ngayon. Anyway Mr. John Peter, mayroon ka bang mensahe para sa mga mag aaral na nag nanais na sumunod sa yapak po bilang isang matalino at talentadong estudyante? Pag kakataon na upang makapag bigay ka advice sa kanila.”

“Opo, para sa mga katulad kong mag aaral na nag sisikap upang abutin ang pangarap, ang mensahe ko lang sa iyo ay sundin ninyo ang nilalaman ng puso ninyo, maging matapang at maingat sa bawat desisyon na inyong gagawin dahil iyan ang mag dadala sa inyo sa tamang daan patungo sa tagumpay. Basta walang imposible sa taong nangangarap kaya’t idilat mo lang ang iyong mata at gawing posible ang mga bagay na inaakala mong imposible. Salamat po.” ang wika ko at nag palakpakan ang mga tao studio.

“Idilat nyo ang inyong mga mata at gawing posible ang mga bagay na imposible!! WOW! Napaka gandang mensahe Mr. John Peter. At bago tayo mag paalam sa ating bisita ngayong umaga ay kakatahin niya sa atin ang kantang kinabaliwan ng lahat ng mga imbisibol pag dating sa pag mamahal. Please welcome Mr. John Peter Guzman singing “Imbisibol.”

palakpakan ang lahat.

Imbisibol lyrics

imbisibol ako sa’yong paningin imbisibol, hindi mo napapansin halos magmukhang tanga ang puso ko mapansin mo lamang, ako’y naririto imbisibol ako sa ’yong mata

hindi naman ako isang superhero na nawawala’t lumilipad ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat wooh at lalong di ako si batman o robin superman o wolverine ako’y isang hamak na kulang sa pansin wooh

imbisibol ako sa’yong paningin wooh imbisibol, hindi mo napapansin halos magmukhang tanga ang puso ko mapansin mo lamang, ako’y naririto imbisibol ako sa ’yong mata ahahhahh

Cut!! Commercial!!

Hindi na natapos ang aking kanta dahil sa pag pasok ng commercial. Agad akong kinamayan ng host at ng mga staff. Muli silang nag pasalamat sila sa pag guguest ko sa kanilang programa sa umagang iyon. Siyempre ay tuwang tuwa naman ako dahil nabigyan ako ng pag kakataon na makita sa telebisyon at ganoon din si Rycen na palaging pino focus sa camera lalo’t naka ngiti ito.

Patuloy ang aming outing, pag balik namin ng cottage ang lahat ay abala sa pag luluto sa pamumuno ni Gabby. Sina Kerby naman ay nag lalaro ng volleyball sa harap ng cottage. Yung iba naman ay nag sisimula nang mag swimming sa dagat.

Maya maya ay nag hubad na rin si Rycen, short lamang ang suot nito at walang pang itaas na damit. Muling tumambad sa aking mata ang kanyang magandang katawan. Bilugan ang braso at tyan na walang kataba taba. “Hoy, kumurap ka naman. Nakatitig ka na naman sa katawan ni Rycen.” bulong ni Gabby sabay abot ng inihaw na pusit.

“Hindi ah, hindi ko naman siya tinitingnan.” ang pag tanggi ko naman sabay kagat ng pag kain sa aking harapan.

“Eh gigil na gigil ka sa pag kain ng pusit. Siguro iniisip mo na si Rycen iyan hano?” ang aasar nito.

“Hindi no. Wala akong iniisip na ganoon. Teka wala ka bang balak maligo?” tanong ko.

“Mayroon kaso ay mamaya pa. Alam mo naman walang bantay dito sa cottage. Saka isa pa ay mainit pa, ayokong mag ka sunburn.” tugon nito.

“Ganoon ba, sige ako nalang ang maliligo.” ang naka ngisi kong sagot sabay palit ng pampaligong damit. Short lang din ang suot ko at sandong puti. Hindi pa ako handang mag hubad sa public e. Joke lang.

Agad akong lumabas at nag tatakbo patungo sa dalampasigan kung saan naroroon si Rycen at naka upo. Para lang akong anino na sumusunod sa kanya pero hindi ko na masyadong pinag tuunan ng pansin iyon dahil ang mahalaga ay makasama ko sya ngayong araw. Malapit nanaman kasi ang bakasyon kaya’t ilang buwan nanaman kaming di mag kikita. “Mukhang malalim ang iniisip mo ah.” ang bungad ko sabay upo sa kanyang tabi.

“Nag papahangin lang tol. Maganda pala dito, nakakarelax at nakakapag pakalma ng iniisip.” ang wika niya habang naka tingin sa kaluyuan.

“Kaya nga palagi akong nakatambay doon sa seawall sa siyudad natin. Nakaka hanap ako ng kapayapaan doon at nakaka pawi rin ito ng lungkot.” ang sagot ko habang nakatingin sa kanyang mukha.

“Kasali ba ako sa mga nag bibigay ng kalungkutan sa iyo tol?” ang seryosong tanong nito na aking ikinabigla.

Hindi agad ako naka imik, aminado naman ako na siya ang nag papasaya sa akin at siya rin ang dahilan ng aking matinding kalungkutan. Ngunit, hindi ko naman ito maaaring sabihin sa kanya dahil tiyak na hindi nya mauunawaan ang dahilan. “Minsan ay nagiging dahilan ka ng kalungkutan ko, lalo na kapag alam kong hindi maaayos ang kalagayan mo. Kapag malungkot ka ay nalulungkot din ako. Syempre natural lamang iyon dahil mag kaibigan tayo diba?” ang naka ngiti kong sagot.

“Oo naman tol, mag kaibigan tayo. At higit pa sa kapatid ang turingan natin. Kaya nga masaya ako na nakilala kita.” ang tugon niya sabay ngiti sa akin.

Ngumiti rin ako at muling ibinaling ang aking tingin sa kalayuan.

Tahimik..

“Noong bata ako ay naligo kami ng mga kaibigan ko sa ilog, katuwaan lamang iyon ngunit nauwi sa trahedya ang lahat noong biglang lumakas ang tubig at inanod palayo ang aking mga kalaro. 8 taong gulang palang ako noon at naging saksi na ko sa ganoong kasakit na pang yayari sa buhay. Mag buhat noon ay takot na akong maligo o mag punta sa mga dagat o swimming pool dahil natatakot akong maulit ang pang yayaring iyon.

Ngunit sa kabila ng takot at pangamba ay ginabayan ako ni papa at tinuruan nya akong harapin ang takot na namumuo sa aking pag katao. Ang akala kong pag suko ay pinalitan niya ng tapang at pag asa noong tinuruan nya ako kung paano lumangoy at harapin ang bagay na kinatatakutan ko.

Mag buhat noon ay muling nakompleto ang aking pag katao, ang bakas ng takot at pangamba ay pinawi ni papa at muli nya akong binalik sa pagiging isang matapang na mandirigmang humaharap sa hamon ng buhay. Ang pang yayari iyon sa aking buhay ay nag turo sa akin ng dalawang mahalagang bagay. UNA: Matutong humarap sa mga bagay na iyong kinatatakutan. Kung patuloy kang mag papadaig sa takot ay habang buhay ka na lang matatakot at tatakbo hanggang sa wala ka nang mapag lagyan sa mundong ito. IKALAWA: Napag tanto ko na masyadong maigsi ang buhay na ibinigay sa atin ng may kapal kaya’t dapat ay sulitin natin ito dahil limitado lamang ang lahat. Ang ibig kong sabihin ay gawin mo ang bagay na nakapag papasaya sa iyo, tumakbo ka hanggang sa mapagod ka, uminom ka ng alak hanggang sa malasing ka at tumawa ka ng tuwa hanggang sa sumasakit ang tiyan mo. Sa bandang huli ng buhay ay mapapag tanto mo na sana ay nagawa mo ang mga bagay nais mong gawin at nasabi mo ang bagay na dapat mong sabihin.“ ang wika ni Rycen habang nakatanaw sa kalayuan.

Ngayon ko lamang narinig na nag salita ng ganito si Rycen. Ang akala ko noon ay puro kalokohan lang ang laman ang utak nya ngunit kapag pala sumeryoso na ang isang ito ay talagang makabuluhan ang mga salitang binibigkas niya. Kung sa bagay ay tama naman ang lahat ng sinabi nya. We should live life to the fullest para hindi tayo mag sisisi sa huli.

Tahimik..

Maya maya humarap sa akin si Rycen, seryoso ang kanyang mukha at nag salita ito. “Ikaw tol, may gusto ka bang sabihin sa akin?” ang tanong nito na aking kinabigla.

Tila na nabigla ako sa kanyang katanungan, hindi agad ako naka imik at paki wari ko ba ay binusalan ng kung ano ang aking bibig.

“Ano tol, may nais ka bang ipag tapat sa akin?” ang muling tanong nito na siyang nag bigay sa akin ng ibayong kaba.

itutuloy..

Imbisibol Part 44

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 44

Maya maya humarap sa akin si Rycen, seryoso ang kanyang mukha at nag salita ito. “Ikaw tol, may gusto ka bang sabihin sa akin?” ang tanong nito na aking kinabigla.

Tila na nabigla ako sa kanyang katanungan, hindi agad ako naka imik at paki wari ko ba ay binusalan ng kung ano ang aking bibig.

“Ano tol, may nais ka bang ipag tapat sa akin?” ang muling tanong nito na siyang nag bigay sa akin ng ibayong kaba.

“Teka paano ba ang gagawin ko? Para naman nya akong kinokorner nalang basta basta. Paano naman niya nakutuban yung mga bagay na nais kong sabihin sa kanya tungkol sa nararamdaman ko? Maaari kayang nag kaka ideya na sya dahil sa pag sagot ko kanina doon sa interview sa akin tungkol sa taong hinahangaan ko?” ang tanong ko sa aking sarili habang binabalot ng kaba.

“Ah e, ano.. Lahat naman ng bagay sa buhay ko ay madalas kong sinasabi sa inyo ni Gabby kaya sa tingin ko ay wala naman.” ang naka ngiti kong sagot.

Ngumiti rin si Rycen at ipinatong ang kanyang braso sa aking balikat. “Mabuti naman kung ganoon. Mhirap mabuhay kung may pag sisisi.”

“Wala naman bro hehe. Sa ngayon gusto kong sabihin ay maligo na tayo. May balak ka bang palutungin ako sa sikat ng araw? Alam mo namang artipisyal lang itong kulay ng balat ko.” ang biro ko kaya naman natawa ito at tumayo para hatakin ako sa tubig.

Tawanan..

Noong mga oras na iyon para kaming mga bata na nag tatampisaw sa dalampasigan. Tila ba nakalimutan namin yung mga tao sa aming paligid. Masayang masaya ako ngunit para bang may namumuong pag kaguilty sa aking kaibuturan dahil nag panggap akong walang nais iparating sa kanya bagamat sa loob loob ko ay pangarap kong sabihin ito. Iyon nga lang ay hindi sa ganitong paraan at pag kakataon. “Teka tol, pumasan ka sa akin para hindi ka lumubog.” ang wika ni Rycen noong makitang hanggang dibdib ko na ang tubig.

Agad akong pumasan sa kanya at yumakap sa kanyang katawan. “Sorry naman kasi maliit ako. 5’7 lang ang height ko kumpara naman sa iyo na 6’1. Talagang lulubog ako dito. Doon na tayo sa mas mababaw.” ang pag mamaktol ko bagamat kilig na kilig ako at ninanamnam ko ang pag yakap sa kanya.

Natawa ito at lumakad patungo sa parte na hindi ako ilulubog ng alon. “Tingnan mo yung mga tao, naka tingin sila sa atin.” ang bulong ni Rycen. “Nagwapuhan lang sila sa iyo. Machong macho ka raw kasi.” ang hirit ko naman dahilan para matawa nanaman ito.

Patuloy kami sa paliligo at pag tatampisaw sa tubig noong makita ko si Gabby na sumesenyas na kakain na kaya naman hinatak ko agad si Rycen sa bath room para mag banlaw.

Dala namin ang tuwalya, shampoo at sabon. Agad kaming nag tungo sa palikuran para mag linis ng katawan. Kakagulong ko sa dalampasigan ay halos nag puro buhangin na ang ulo ko at pati na rin ang aking buong katawan.

Pag dating sa loob ay agad akong nag tapis ng tuwalya at ganoon din si Rycen. Pumasok ako sa cubicle at sya naman ay sa kabila. Nag simula akong mag linis ng katawan ng bigla akong may narinig na kalabog sa labas. Hindi ko alam kung ano nang yayari kaya naman muli akong nag tapis ng tuwalya sa bewang at binuksan ang pinto ng cubicle.

Dito ay nagulat ako noong tumambad sa aking mata si Rycen habang hawak sa damit ang isang hindi kilalang lalaki. Bakas sa mukha niya (Rycen) ang galit habang hinahablot ang camera sa kamay nito. “Ry, anong nangyayari dito?” pag tataka ko sabay awat sa kanilang dalawa.

“Jopet, lumayo ka sa kanya! Ang lalaking ito ay isang manyak! Tangina mo!” ang sigaw nito habang pilit ako nilalayo ni Rycen gamit ang kanyang braso.

“Teka muna tol, bitawan mo muna sya! Ano bang nangyayari?” ang muli kong tanong na hindi maitago takot na nararamdaman.

Maya maya ay mabilis na lumanding ang kamao ni Rycen sa mukha ng di kilalang lalaki dahilan para matumba ito. “Gago ka! Hindi tama na kunan mo ng larawan si Jopet ng hindi nya nalalaman. Para kang stalker sa ginagawa mo! Pati paliligo nya ay kukuhanan mo pa gago kaaaa!” ang sigaw nito.

“Boss, sorry. Fan lang talaga ako ni Sir Jopet. Gustong gusto ko talaga siya. Ang mga larawan ito ay personal ko lamang na koleksyon sa mga taong hinahangaan ko. Hindi ko ito inilalabas sa publiko.” ang depensa ng lalaki.

“Kahit na! Sana ay alam mo ang mararamdaman niya kapag kinukuhanan mo sya ng larawan ng hindi nya nalalaman! Gago kaaa!” ang galit na sagot ni Rycen at akmang susuntukin nanaman niya yung lalaki kaya naman pinigil ko na siya. “Teka tol, tama na.. Bitiwan mo na sya! Please!”

Binitiwan ni Rycen ang pag kakahablot nya sa lalaki at tinulak nalang ito sa pader. “Ano bang problema tol? Bakit parang lumalabas na pinag tatanggol mo pa ang lalaking manyak na iyan!”

“Wala namang masama sa ginagawa nya. Humahanga lang naman siya at nag babaka sakali na kahit papaano ay mag karoon siya ng puwang sa taong hinahangaan niya. Hindi mo naman kasi alam ang pakiramdam ng isang taong hindi masabi ang kanyang tunay nararamdaman sa taong hinahangaan nya. Hindi mo rin alam ang pakiramdam ng taong walang magawa kundi ang panoorin ang kanyang hinahangaan mula sa malayo. Wala naman siyang kasalanan kundi ang mag mahal at humanga lang ng patahimik. Hindi mo alam yung pakiramdam noon tol, hindi!” ang mangiyak ngiyak kong salita sa harapan ni Rycen dahilan para matahimik ito. Noong mga sandaling iyon ay halos hindi ko na naitago ang aking emosyon.

Napakamot nalang ng ulo si Rycen habang naka tingin sa akin na animo nag tataka, sa halip kasi na magalit ako ay para siya yung naging kontrabida sa eksena. Ewan, basta nadala lang ako ng emosyon ko noong mga sandaling iyon kaya’t nasabi ko ang ganoong mga bagay.

“Teka Sir Jopet, paano nyo po nalaman ang nararamdaman ko?” ang tanong ng lalaki.

“Iyon naman kasi yung gusto mong sabihin diba? Sige na umalis kana. Akin nalang tong mga pictures ko souvenir.” ang wika ko sabay abot sa kanya ng camera.

“Salamat po sir Jopet. Hindi lang po pala kayo gwapo, mabait pa kayo. Saka sorry po sir Rycen. Hindi ko sinasadyang mag stalk sa kasintahan mo. Bagay bagay po kayong dalawa.” ang wika ng lalaki at mabilis itong nag tatakbo palabas ng palikuran.

Ako naman ay nag pahid ng luha at muling pumasok sa cubicle para ipag patuloy ang aking pag babanlaw ng biglang bumakas ang pinto at doon ay pumasok si Rycen. Bakas sa mukha niya ang galit at wala itong paki alam kung naka hubot hubad ako sa loob nito. Hinawakan niya ang aking dalawang braso at nag wika. “Alam mo ba na maaari pa niyang ulitin yung ginagawa niyang pang sstalk sa mga taong nagugustuhan niya? Paano kung may masamang mangyari sayo? Sa tingin mo ba ay mapapatawad ko ang sarili ko?” ang seryosong salita nito habang pinipiga ang aking braso.

“Alam niyang nag kamali siya kaya’t hindi na niya uulitin pa iyon. Bitawan mo na ako dahil nasasaktan ako. Please.” ang sagot ko naman habang nag pupumiglas sa kanyang pag kakahawak.

Nasa ganoong posisyon kami ng bigla ito matahimik at tumingin sa aking buong kahubadan. Nakita na nya ang lahat, pati ang aking ari na patay at umurong sa takot. “Sorry tol.” ang wika nito sabay talikod sa akin.

Pinihit niya muli ang valve ng shower at mabilis na inalis ang tuwalya sa kanyang bewang. Ngayon ay hindi lang ang kanyang matipunong katawan ang tumambad sa akin paningin kundi pati na rin ang ari niyang mas lumaki pa kesa noong huli beses ko itong makita noong high school. Parang nabato balani naman ako sa kanyang kahubadan. Kakaiba ang pakiramdam ko para bang aatakihin ako sa puso sa sobrang kaba ngunit sa parte naman niya ay bale wala lang. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siyang naliligo dito sa isang maliit na cubicle.

Ewan ngunit naramdaman ko na unti unting nabubuhay ang aking pag kalalaki habang naka titig sa kanyang kahubadan kaya naman sa sobrang hiya ay tumalikod ako sa kanya at mabilis na nag sabon ng katawan. “Sasabunin ko ang likod mo. Hindi naalis yung mga buhangin e.” ang wika nito sabay dampi ng kamay sa aking likuran na nag bigay ng kakaibang sensasyon sa akin.

“Kaya ko na to, ako nalang ang gagawa.” ang wika ko naman at muli akong dumistansya sa kanya. Napakamot nalang ito ng ulo habang nag sasabon ng katawan.

Binilisan ko ang paliligo at mabilis na nag tapis ng tuwalya. Ewan mukhang napansin nya ang aking tigas tigas na pag kakalaki kaya naman natawa ito at hinayaan nalang ako na makatapos ng mas mabilis. Marahil ay alam niyang hindi ako komportableng may kasabay kaya’t naka ngisi lang ito habang nag kukuskos ng kanyang katawan. “Hintayin mo ako tol, mahirap na baka nandyan nanaman yung tarantadong manyak na iyon.” ang wika nito sabay bukas ng pinto ng cubicle. Dito ay nakita ko na naman ang kanyang pag kalalaki na nakatirik at punong puno ng sabong nakapaligid dito. Mukha yatang nanadya ang loko kaya naka ngising aso habang naka tingin sa akin.

Binale wala ko naman ito kunwari at hindi na sya pinag tutuunan ng pansin bagamat may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan noong mga sandaling iyon, pinilit ko lang ikalma ang aking sarili at umastang normal sa kanyang harapan.

Matapos ang paliligo, agad kaming bumalik ni Rycen sa cottage kung saan nag hahanda na ang lahat para kumain ng tanghalian. Marahil ay ngayon palang nakatapos sila Gabby sa pag luluto kaya inabot ng alas 2 ng hapon ang aming pag kain. “Bro saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah.” ang entrada ni Kerby noong makita akong papasok sa cottage.

“Nag tampisaw lang doon sa pampang. Busy ka naman kasi sa pag lalaro kaya hindi na inaya.” palusot ko naman.

“Basta mamaya maligo tayo doon at mag laro. Kain muna tayo tol, dito ka maupo sa tabi ko.” ang pag yaya nito sabay hatak sa akin sa kanyang tabi.

“Sweet ahh, ilang minuto lang nawala itong si Jopet ay hinahanap mo na agad.” biro ng mga ka team ni Kerby. “Syempre naman, mahirap na baka ahasin ng iba itong boyfriend ko.” ang naka ngising sagot nito sabay tingin kay Rycen.

Tapos maya maya ay nag tawanan sila..

“Naku, si Jopet nanaman ang napag tripan nyo. Hindi ganyan ang pag trato sa pinaka popular na estudyante sa paaralan natin.” ang pag saway naman ni Gabby.

“Namiss lang namin itong si Jopet kaya namin sya binibiro. Ikaw talaga masyado kang overprotective.” hirit naman ni Kerby

“Syempre, ako ang bestfriend slash manager nyan. Kaya dapat lang na maging over protective ako” sagot ni Gab.

“At ako naman ang boyfriend kaya dapat ay lumugar ka rin” ang hirit din ni Kerby.

Tawanan lahat, samantalang ako naman ay nakatingin lang sa kabilang lamesa kung saan naroroon si Rycen na abala sa pag kain katabi ang coach nila. Ewan, parang wala naman siyang paki alam sa akin. Ni hindi nga niya ako inaya sa kanyang tabi para kumain.

Nasa ganoong pag iisip ako noong maramdaman ko ang kamay ni Kerby sa aking labi. May hawak itong kanin at pusit habang naka tapat sa aking harapan. “Kumain ka tol. Naka tulala ka na naman eh.” ang wika nito.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti naman ito sa akin habang naka tapat pa rin ang kamay sa aking labi. “Say ahhh, wag mo naman ako ipahiya sa mga ka team ko.” ang naka ngiting salita nito. Tatangihan ko sana ang kanya gagawin pag subo ng pag kain sa akin ngunit baka mapahiya sya kaya naman ibinukas ko ang aking bibig at kinain ang pag kain na naka umang sa aking harapan.

“Wow, subuan.. Sweet ah.” ang biro ng mga kasamahan niya.

Natawa lang ako..

Bagamat wala naman talaga sa kanila ang atensyon ko kundi nasa ibang lamesa.

Matapos ang pag kain, ipinag patuloy muli nila ang paliligo sa dagat. Ang grupo naman ni Rycen ay nag laro ng volleyball. Kami naman ni Gabby ay nag linis ng mga pinggan katulong si Sir Espanyol. Natatawa nga kami dahil matapos kumain ng mga barako ay nag puslitan na ito sa kanya kanyang ruta. Yung iba ay nakikipag kilala sa mga babaeng nag daraan, yung iba naman ay naka higa lang sa buhanginan na parang mga dugong sa dalampasigan.

Naikwento ko naman kay Gabby at kay sir yung pang yayari kanina kung saan pinag tanggol ako ni Rycen doon sa di kilalang lalaki na kumukuha ng larawan sa mga hinahangaan niya ng patahimik. Para akong batang nag sasalaysay na mayroon pang action at sound effect dahil dalang dala ako sa magandang daloy ng istorya naming dalawa doon sa palikuran kung saan nag mistulang knight in shining armor si Rycen upang protektahan ako.

Taas kilay naman si Gabby. “Asang asa kana naman Jopet. Nakuup pakitaan ka lang ng kaunting ka sweetan ni mokong ay bumibigay kana agad.”

“Hindi natin masisisi iyang si Jopet dahil abot langit ang pag hanga nya kay Rycen. Minsan ay isa sa apat na tao ang nakakaranas ng matinding pag hanga at hindi ito basta basta nawawala. Tingnan mo si Jopet, ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nag babago ang nararamdaman nito. May scientific basis yan e, hindi ko lang maalala kung saan libro ko ito nabasa.” ang natatawang wika ng aming guro.

“May scientifc basis man o kung ano pang teorya iyan, dapat ay matuto siyang mag tira ng pag mamahal para sa sarili nya. Dapat ay alam nya kung kailan susuko at lalaban. Maraming tao ang humahanga kay Jopet sayang naman kung naka focus lang siya sa isang taong bulag at walang pakiramdam.” wika ni Gab

“Eh ginagawa ko lang namang inspirasyon si Rycen para mas maging magaling sa lahat ng bagay na gagawin.” depensa ko naman.

“Hindi inspirasyon kundi ilusyon Jopet. Sayang naman yung mga taong nag kakagusto sa iyo sa campus. Bigyan mo sila ng pag kakataon.” tugon ni Gab.

“Sa palagay mo ba ay may gusto sa akin si Kerby?” naka ngisi kong tanong.

“Si Kerby? Wala no! Natural lang talaga ang loko loko iyon at mahilig mag trip. Ang kwento nga noong mga kabarkada niya ay noong high school daw ito ay pinag tripan din yung 1st honor ng klase nila. Yung mga bagay na ginawa niya doon katulad ng pag lalambing, pag papakita ng ka sweetan ay ginagawa rin niya saiyo ngayon. Kaya kung ako sa iyo ay wag kang papa isa dyan sa hinayupak na iyan.”

“Kung ganoon ay wala ni isa sa pinapakita niya ang totoo? Ang lahat ba ng iyon ay plano lang niya at trip lang niya?” ang tanong ko naman.

“Hindi ko alam, basta narinig ko lang na pinag kkwentuhan iyon ng mga kabarkada niya. Kung totoo man iyon o hindi ay dapat kang mag ingat. Pag nahulog ka ay talo ka. Para kang tumalon sa 14th floor ng building at pag tama mo sa lupa ay hindi ka namatay. Bali bali lang buto mo at nag aagaw buhay.” ang paliwanag niya dahilan para matahimik ako.

Noong mga oras na iyon ay pilit kong binabalikan ang lahat ng masasayang pinag samahan namin ni Kerby. Hindi ko tuloy malaman kung alin sa mga iyon ang totoo at kung alin ang hindi. Nakakalungkot lamang isipin na ang buhay ko sa campus ay napapaligiran ng mga taong peke at mang gagamit bagamat sana’y naman ako palaging ginaganito ay nag bibigay pa rin ito ng kakaibang kirot sa aking dibdib.

itutuloy..

Imbisibol Part 45

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 45

Kinagabihan, matapos ang hapunan ay niyaya ako ni Kerby na maupo sa tabing dagat upang mag pahangin. Hindi naman ako tumanggi sa kanyang pag anyaya dahil naisip ko na ito na rin ang pag kakataon upang makausap ko siya ng seryoso. Umupo ito buhanginan paharap sa alon humahalik sa pampang ng karagatan.

Malamig ang hangin..

Walang ibang maririnig kundi ang alon ng tubig sa aming harapan.

At kapansin pansin din yung tatlong bote ng alak sa kanyang tabi.

“Mukhang seryoso tayo ah.” biro ko kay Kerby habang umuupo sa kanyang tabi.

Ginusot niya ang aking buhok at tumawa. “Ito ang pinaka paborito kong parte ng outing natin. Yung mag pahangin habang naka tanaw sa kalawakan.” ang sagot nito.

“Maganda.. at napaka romantiko. Sayang no, hindi mo kasama ang gf mo.” ang tugon ko habang naka tanaw din sa maaliwalas na kalangitang napapa libutan ng butuin. “Bakit mag hahanap pa ako ng gf eh nandito ka naman sa tabi ko.” sagot nya.

“Eh hindi naman ako babae.” pag mamaktol ko naman dahilan para matawa muli ito. “Wala naman akong sinabing babae ka tol. Ang ibig kong sabihin ay masaya ako na kasama ka ngayong gabi. Kaya hindi na ako nag hahanap pa ng kahit na sino.”

“Ahh, hehe akala ko naman kung ano na.” tugon ko bagamat mayroon talaga akong nais itanong sa kanya. Hindi ko lang alam kung paano at saan ko sisimulan.

Walang imikan..

Pareho kaming naka tanaw sa kawalan..

“Salamat pala sa pag tulog mo sa akin sa iskul. Ang akala nga ni papa ay hindi ako tatagal ng 2nd year at mag hihinto na agad ako dahil tiyak daw na hindi na kakayanin ng utak ko. Bakit daw ba kasi inhinyero pa ang kinuha ko e pang matalino lang iyon. Hanggang ngayon ay wala pa ring tiwala sa akin si papa.” ang wika nito habang naka tanaw sa kawalan.

“Wala iyon, ang mahalaga ay nakaka survive ka. Huwag mong isipin yung sinasabi ng papa mo dahil china-challenge ka lamang niya pero deep inside ay ipinag mamalaki ka nya. Lahat ng magulang ay proud sa kanilang mga anak, kahit na ano pang ginagawa ng mga ito, pwera lang ang drugs ha. Ang kailangan mo lang gawin patunayan sa sarili mo na kaya mo itong tapusin.” ang tugon ko naman.

“Pero hindi naman ako makaka survive kung wala ka. Alam naman ng lahat na kumokopya lang ako sayo. Ikaw ang dahilan ng pag pasa ko.” ang salita nito sabay tungga ng alak.

“Nag sisikap ka tol, alam ko yun. Alam kong ginagawa mo ang best mo para makapasa.” ang sagot ko naman.

Tahimik..

Kapwa kami nawalan ng kibo. Ako ay naka tingin sa kawalan at siya naman ay patuloy sa pag lagok ng alak. Halos ilang minuto rin kami sa ganoon posisyon.

Hindi pa rin siya umiimik. Itinuloy lang niya ang pag inom alak hanggang sa maubos na nya yung dalawang bote. “Buong buhay ko ay laging nalang ako kumakapit kung kani-kanino para makasurvive. Naalala ko tuloy nung high school ako, may niligawan akong baklang matalino para lang makapasa at maka graduate. Syempre noong nalaman kong crush nya ako ay hindi na ako nag patumpik tumpik pa agad kong inakit at siniguradong maadik siya sa akin. Wala namang nawala e, chupa chupa lang ang labanan. Nung naka pasa na ako ay hindi ko na siya pinansin pa. Wasak na wasak ang loko. Ayun nagalit sya sa akin at sinabihan akong isang mangagamit. Natawa lang ako, parehas lang naman kaming nag gamitan. Iyon naman talaga ang laro sa mundong ito, gamitan lang.” ang salaysay ni Kerby at muli nanaman itong tumungga ng alak. Alam kong may tama na ito kaya’t kung ano ano na ang sinasabi.

“Tama na Kerby, siguro mas mainam kung bumalik na tayo doon sa cottage. Medyo may tama kana ng alak.” ang tugon ko naman ngunit hindi ito natinag sa kanyang pag kakaupo.

“Hanggang ngayon ay naguguilty pa rin ako sa ginawa kong panggamit sa kanya. Tuwing sumasagi siya sa aking isipan ay ibayong hiya sa aking sarili ang nararamdam ko. Isa akong mang gagamit hindi ba? Sagutin mo ko Jopet, sabihin mong mang gagamit ako!” ang may kalakasang boses nito na hindi ko mawari kung nagagalit ba o iiyak.

“Hindi ko alam ang sagot.. Basta ang alam ko lang ay mahal ka ng taong iyon dahil tinulungan ka nya sa abot ng kanyang makakaya. Bakit kailangan mong maguilty sa mga bagay na tapos na? Ang mata ay inilagay sa harap upang ang hinaharap lamang ang makita mo. Kung ano man yung sa palagay mo ang pag kakamali mo noong nakaraan ay maaari itong mag silbing aral sa iyo. Nandito ka upang patunayan na kaya mong mag tapos ng pag aaral at tuparin ang pangarap mo, ang nakaraan ay walang kinalaman dito.” ang sagot ko naman habang kinukuha ang alak sa kanyang kamay.

“Huwag mo sanang isipin na yung ginagawa kong ka sweetan at pag lalambing sa iyo ay parte ng plano kong gamitin ka. Ginagawa ko iyon dahil nais kong mag pasalamat sa lahat ng mga naitulong mo sa akin. Ikaw ang inspirasyon ko kaya sinisipag akong mag aral at ikaw rin ang naging gabay ko kaya’t tumagal ako sa daan na alam kong hindi para sa akin. Humahanga ako sa iyo tol, at ito ang unang pag kakataon na nakaramdam ako ng ganito sa kapwa ko lalaki. Pero wala akong pinag sisihan doon dahil isa kang mabuting tao at saksi ako doon. Iyon nga lang ay pilit kong pinipigil ang nararamdaman ko dahil alam kong ang mata mo ay para kay Rycen at hindi para sa akin, alam kong may gusto ka sa kanya at wala akong magagawa kundi tanggapin nalang ito.” ang wika nito na may crack na boses.

Uminom nanaman siya ng alak..

Tahimik kaming pareho.

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung paano mag rereact sa mga bagay na sinasabi nya sa akin. “Ito ba talaga ang tunay na nararamdaman niya o dala lamang ito ng kalasingan?” tanong ko sa aking sarili.

“Bakit natahimik ka? May mali ba sa mga sinabi ko? Mayroon ka bang hindi nagustuhan Jopet?” ang tanong nito.

“Lasing na lasing kana tol, mainam pa ay ihahatid na kita doon sa cottage.” ang wika ko naman sabay hawak sa braso nya ng bigla akong hablutin at hawakan ang aking mukha. Laging gulat ko ng muli nanaman niya akong hinalikan at sa pag kakataong ito ay mapusok ito at nararamdaman ko ang kanyang mapait na laway sa aking bibig pati na rin yung pag kagat niya sa aking nguso na parang isang hayop na gigil na gigil.

Nag pumiglas ako at pilit na inilalayo ang kanya mukha. “Tama na Kerby, lasing na lasing ka na. Tama na. please.” ang paki usap ko ngunit muli nya aking hinablot dahilan para madulas ako at mapaluhod sa buhanginan.

Nasa ganoong posisyon ako ng biglang tumilapon nalang ang katawan ni Kerby sa lupa, nakasubsob ito ng padapa at parang nawalan ng malay. Laking gulat ko noong makita si Rycen na tumakbo patungo dito at muli itong nag paulan ng suntok. Si Kerby naman ay naka bulagta lang at pilit na sinasangga ang pag tama ng kamao ni Rycen sa kanya katawan.

Ganoon kabilis ang pangyayari at kasabay nito ay ang pag kawala ko rin sa aking sarili.

Ilang sandali rin akong naka tulala at noong ako ay matauhan agad ko silang inawat. “Ry tama na!! Tama na!!! Huwag! Lasing lamang siya!” ang pag pigil ko dito.

“Ke lasing o hindi ay bastos talaga ang gagong iyan! Salahula at manyak!” ang galit na salita nito at aktong kakawala siya sa aking pag kakayakap noong biglang dumating si Gabby at sir Espanyol upang pigilin ito.

“Rycen stop it! Baka maiskandalo tayo dito, nakakahiya.” ang sermon ng guro habang inaalalayan ang lupaypay na si Kerby palayo sa amin.

Si Rycen naman ay galit nag alit at para itong isang asong nag aamok.

Ako naman ay napa upo na lamang sa buhanginan at doon ay hindi ko na pigil ang pag iyak. Pinag halong takot at lungkot ang lumukob sa aking pag katao noong mga sandaling iyon. Sina Rycen at Gabby naman ay nanatili lang sa aking tabi hanggang sa unti unting humupa ang tensyon sa paligid. Dito ay ipinaliwanag ko sa kanila na nalasing nga si Kerby at may itinatago itong dipresyon sa kanyang sarili, na hindi nya kontrolado ang kanyang kilos kaya’t nagawa niya ang bagay na iyon. Pilit kong ipina intindi sa kanilang dalawa ang sitwasyon hanggang sa maunawaan nila ito.

“Kahit saang angulo mo tingnan ay pambabastos pa rin ang halikan ka ng basta basta. Huwag mo na siyang ipag tanggol dahil mali ang ginawa niya. Pwera nalang kung nasarapan ka at nag enjoy sa halik nya.” ang wika ni Rycen sabay tayo at mabilis na bumalik patungo sa cottage.

Para naman akong hinataw ng matigas na tubo sa ulo dahil sa kanyang sinabi. Ni hindi ko nagawang sumagot o depensahan ang aking sarili laban sa maling iniisip nya. “Hayaan mo na si Rycen, mainit lamang ang ulo non kaya’t hindi nya lubos maunawaan ang sitwasyon. Basta ang alam lang niya at inapi ka o kaya ay inabuso at hindi nya nagustuhan iyon. Naalala ko tuloy noong araw na makita ka niyang nag aagaw buhay sa loob ng ospital. Iyak ito ng iyak habang kinakausap ka.

FLASH BACK

Galing ako sa fastfood noon at bumili ako ng pag kain namin ni Rycen. Pabalik na sana ako sa iyong silid noong makita siyang naka upo sa iyong tabi at kinakausap ka. Syempre ay hindi ako pumasok upang hindi sya maabala ngunit malinaw ko namang naririnig ang lahat.

“Tol, alam kong naririnig mo ako ngayon. Gusto kong mang hingi ng tawad dahil pinabayaan kita, kung alam ko lang na mangyayari ito, sana ay hindi na kita hinayaang umalis sa tabi ko. Sana ay hinawakan kita ng mahigpit at hindi pinayagang lumakad ng mag isa. Pasensya kana kung umiiyak ako ngayon, nasasaktan kasi ako kapag nakikita kitang nasa ganyang kalagayan at ang masakit ay wala akong magawa para tulungan ka. Tol please.. sana ay gumising kana.. Pangako ko sayo na aalagaan kita at palagi poprotektahan. Hindi ko hahayaan na mayroon mang aapi o mananakit saiyo. Sana ay naririnig mo ako, bigyan mo akong isa pang pag kakataon para makabawi sa lahat ng pag kakamali at pag kukulang ko. Gumising ka na tol, paki usap naman..” wika ni Rycen habang patuloy sa pag iyak.

Noong mga sandaling iyon ay binayaan ko lang siya na kausapin ka. Hanggang sa tuluyan itong mahimasmasan at doon ay pumasok ako iyong silid at umastang walang narinig. Ngunit batid ko na nasasaktan ito sa tuwing nakikita niya ang mga aparatong naka kabit sa iyong katawan. At take note, hindi sya umalis sa iyong tabi, nanatili siya hanggang sa dalhin ka sa ibang bansa para gamutin.“ ang pag babalik tanaw ni Gabby habang pareho kaming naka upo sa buhanginan.

Napa buntong hininga ako sa kwentong iyon ni Gabby. Hindi agad ako naka sagot dahil pilit kong iniimadyin yung mga eksenang iyon sa akin isipan. “Iyon ang dahilan kung bakit naging overprotective sayo si Rycen. Buti nalang dahil walang umaaway sayo sa campus kung nag kataon ay makikipag rayot doon iyon.” ang natatawang wika ni Gab. “Si Kerby naman kasi ay apura ang halik sa iyo. Baka nag selos si Rycen. Waaaa haha erase erase.” pang aasar pa niya sabay tawa ng malakas.

“Sana ay hindi mo na binitiwan yung punch line mo na nag seselos si Rycen. Baka iyan ang paniwalaan ko sige ka.” pag mamaktol ko naman.

Natawa si Gab “kapag naniwala ka ay siguradong talo ka.”

“Kaya nga ayokong maniwala eh. Saka infairness dyan kay Rycen nakakarami na yang kamao nya. Parang kaninang maga pa siya may inuupakan. Hindi kaya may pagka war freak iyang mokong na iyan? Nakaka kota hano?” pabiro kong tanong.

“Malamang. Hindi marunong sa mabuting usapan eh. Sapak kung sapak. Kawawa naman si Kerby. Pero malamang kundi lasing iyong si Tuazon ay parang sina Taguro at Eugene iyan na nag bakbakan!” saad ni Gabby sabay hitak sa akin sa cottage.

Isang mahabang araw ito para sa akin lalo’t kaliwat kanang gulo ang kinasangkutan ko. Kung alam ko lang na magiging disaster ang outing para sa akin ay nag pasya nalang akong umuwi doon sa Cabanatuan. Atleast ay mayroon pa akong peace of mind. Hindi kagaya dito na binabalot ako ng lungkot, takot at pag kaguilty dahil parating napapa away si Rycen ng dahil sa akin.

At habang nasa ganoong pag iisip ako ay natagpuan ko nalang aking sarili na naka upo sa papag kung saan natutulog si Rycen. Nawala sa isipan ko na kaming dalawa ang magkatabi dahil pareho kaming wala kaninang umaga noong nag guest ako sa local tv show. Kaming dalawa lang kasi ang hindi nakapag pa reserve ng higaan kaya’t pinag sama nalang kami.

Tahimik..

Tulog na si Rycen, habang naka dapa ito. Walang pang itaas na damit at ang mukha ay naka subsob sa unan. Pinag masdan ko ang kanyang katawan na pawisan bagamat mahangin naman. Maya maya ay napadako ang aking tingin sa kanya kanang kamao na may sugat at namumula. Natural, ilang suntok yung ginawa nya doon sa katawan noong di kilalang tao sa palikuran tapos ay kumota pa siya ngayong gabi kay Kerby.

Hihiga na sana ako noong biglang dumilat ito at mapatingin sa akin na animo isang maamong tupa. Nangungusap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa aking mukha. Ewan, parang natutula ako at pansamantalang na blanko. Hindi ko alam kung paano ko ba siya babatiin o kakausapin dahil baka nga mainit pa rin ang kanyang ulo at isa ako sa maging punching bag niya ngayong gabi.

Wala akong ibang naisip gawin kundi ang kunin ang first aid kit sa aking bag at hinawakan ang kanyang kanang kamay na may galos at sugat. Nilagyan ko ito ng betadine, bulak at gasa upang hindi madumihan.

Habang nasa ganoong pag gagamot ako ay nakatitig lang siya sa aking mukha na tila may nais ipabatid. “Huwag kana ulit manununtok ha. Iwas iwas mo na nga yung panonood ng ghost fighter dahil nagiging basag ulo kana rin kagaya ni Eugene.” ang sermon ko sabay ngiti. Ngumiti rin siya at umusog sa pag kakahiga upang mabigyan ako ng pwesto sa kanyang tabi. At dahil nga wala naman akong choice ay humiga na rin ako at ninamnam ang bawat minuto na kami ay literal na mag kalapit sa isa’t isa.

itutuloy..

Imbisibol Part 46

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 46

Matapos ang tag araw ay muli nanamang nag bukas ang panibagong school year sa St. Vincent Academy. Sa pag kakataong ito ay 4th year college na ako. Sina Gabby, Rycen at Kerby naman ay nasa 5th year na o graduating students sa kursong civil engineer. Katulad ng dati ay muli nanaman akong nakasama sa listahan ng top student sa buong campus iyon nga lang mula sa pang 3 last year ay lumagapak ako sa pang 7. Hindi naman nakapag tataka iyon dahil habang tumatagal ay pahirap talaga ang pahirap ang aming kurso. Yung mga kaklase ko nga ay mga nag shift na o kaya ay lumipat ng paaralan. Mula sa bilang na 46 ay naging 25 nalang kami at inaasahang mababawasan pa ito pag dating ng araw. Salamat nalang sa mga lecture ni Gabby na ipinapamana sa akin tuwing bakasyon at nakakapag advance reading ako sa mga mahihirap na subjects.

Tuloy pa rin ang buhay sa campus. Ako pa rin ang ibinoto ng tao bilang most popular student ng mga mag aaral dahil na rin siguro sa madalas kong pag kanta tuwing may programa o okasyon sa paaralan. Syempre ay hindi ko naman napapabayaan yung pag aaral ko bagamat paminsan minsan ay talaga sumasablay din ako sa mga exam.

At tungkol naman sa pakikitungo sa akin ni Rycen ay dati pa rin ito. Roller coaster kumbaga dahil minsan ay espesyal ako at kung minsan naman ay hindi. Paminsan minsan ay caring at minsan naman ay walang paki alam. Si Kerby naman ay naging iwas na sa akin mag buhat noong gabing nag kausap kami sa tabing dagat. Ang sabi sa akin ng mga kaibigan niya ay abala daw ito sa pag kakaroon ng bagong girlfriend, ngunit batid kong talaga iniiwasan lang ako nito dahil na rin sa mga personal n bagay na ipinag tapat nya sa akin.

FLASH BACK

“Huwag mo sanang isipin na yung ginagawa kong ka sweetan at pag lalambing sa iyo ay parte ng plano kong gamitin ka. Ginagawa ko iyon dahil nais kong mag pasalamat sa lahat ng mga naitulong mo sa akin. Ikaw ang inspirasyon ko kaya sinisipag akong mag aral at ikaw rin ang naging gabay ko kaya’t tumagal ako sa daan na alam kong hindi para sa akin. Humahanga ako sa iyo tol, at ito ang unang pag kakataon na nakaramdam ako ng ganito sa kapwa ko lalaki. Pero wala akong pinag sisihan doon dahil isa kang mabuting tao at saksi ako doon. Iyon nga lang ay pilit kong pinipigil ang nararamdaman ko dahil alam kong ang mata mo ay para kay Rycen at hindi para sa akin, alam kong may gusto ka sa kanya at wala akong magagawa kundi tanggapin nalang ito.” ang wika nito na may crack na boses.

Uminom nanaman siya ng alak..

Tahimik kaming pareho.

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung paano mag rereact sa mga bagay na sinasabi nya sa akin. “Ito ba talaga ang tunay na nararamdaman niya o dala lamang ito ng kalasingan?” tanong ko sa aking sarili.

“Bakit natahimik ka? May mali ba sa mga sinabi ko? Mayroon ka bang hindi nagustuhan Jopet?” ang tanong nito.

“Lasing na lasing kana tol, mainam pa ay ihahatid na kita doon sa cottage.” ang wika ko naman sabay hawak sa braso nya ng bigla akong hablutin at hawakan ang aking mukha. Laging gulat ko ng muli nanaman niya akong hinalikan at sa pag kakataong ito ay mapusok ito at nararamdaman ko ang kanyang mapait na laway sa aking bibig pati na rin yung pag kagat niya sa aking nguso na parang isang hayop na gigil na gigil.

Batid kong may kinalaman ang lahat ng iyon kung bakit naging malayo ang loob nya sa akin ngunit gayon pa man masaya ako dahil muling nag tagumpay ang kanilang team na makapwesto sa sports meet at nadepensahan nila ang ikalawang pwesto kagaya ng performance nila noong nakaraan taon.

Binigyan din ng recognition si Rycen bilang captain ng volleyball team dahil nagawa niyang ichampion ang buong kuponan sa katatapos lamang din collegiate meet. Mas mataas ang nakuha nila ngayon taon kumpara last year na nasa ikalawang pwesto lang sila.

Masayang masaya naman ang buong campus at pinag diwang pa ang kanilang tagumpay. Syempre ay masaya rin ako sa tagumpay na naabot ni Rycen, sa wakas ay nag bunga rin ang ilang taong pag ttraining niya sa team at ngayon ay nakapag iwan pa siya ng karangalan na hinding hindi malilimot ng nakararami.

Nais ko sanang mag celebrate kasama sina Rycen, Gabby at Kerby kaso nga lang ay wala ni isa ang sumupot sa aking paanyaya maliban kay Gabby kaya naman kaming dalawa na lamang ang kumain at nag diwang para sa kanilang tagumpay bagamat ibayong lungkot ang aking nararamdaman. “Talagang kinareer na ni Kerby ang pag iwas sa akin. At ganoon din si Rycen na abala sa career nya bilang manlalaro ng taon.” ang wika ko kay Gabby habang kumakain.

“Siguro, ngunit hindi ko pa rin maaaring suportahan ang mga sinasabi mo. Alam mo naman na may pag ka abnormal ang dalawang iyon. Pabago bago ng isip at mood. Daig pa ang mga babae kung mag si asta.” tugon ni Gab.

“Marahil ay nalulunod pa sila sa tagumpay na tinatamasa nila kaya hindi na tayo naaalala. Kailan nga ang huling beses na nakasama natin si Rycen? Noong nakaraan tatlong buwan pa bago mag simula ang sports meet. At ngayon tapos na ito ay mas lalo pa silang napalayo sa atin. Iyon lang ang pakiramdam ko.” wika ko naman.

“Hinahanap mo si Rycen, nag aalala ka sa kanya, namimiss mo sya. Pero ikaw? Hindi ka man lang niya naalala, ni hindi nga ka niya namimiss. Kasi kung namimiss ka nya sana ay nandito sya ngayon kasama natin. Iyan ang hirap kapag hindi mutual ang feelings.” ang seryosong salita ni Gabby.

“Kahit naman kailan ay hindi naman talaga naging mutual yung feelings namin. Wala ganon dahil ang lahat ng magagandang bagay sa buhay ko ay sa panaginip lang nangyayari at ang magagandang bagay na iyon ay naka laan lamang kapag ako ay nakapikit. Ang nakakalungkot na parte nga lang, pag gising ko ay limot ko na ang lahat.” ang seryoso ko ring tanong.

“May magagandang bagay rin naman na nakalaan sa mga mata natin kapag tayo ay nakadilat diba? Pikit ka kasi ng pikit eh. Ayan tuloy nakakaraan ang mga ito.” tugon ni Gab.

“Hayaan mo sa susunod ay hinding hindi na ako kukurap para hindi makaraan ang magagandang bagay na ito.” ang biro ko naman. “Kainin natin lahat ng pag kain na to, ang dami kong inorder wala naman palang sisipot!” ang pag mamaktol ko naman.

Edi ayun nga, inubos namin lahat ni Gabby yung mga pag kain sa lamesa. Wala kaming paki kung maempatcho kami sa kabusugan. Yung pag kainis ko kay Rycen ay ibinuhos ko nalang sa pag kain ng inihaw na manok hanggang buto buto nalang ang matira dito. Edi ang ending ay busog kaming dalawa.

Lumipas ang mga linggo, ang lahat naman ay nag handa para sa nalalapit examination. Si Gabby ay halos hindi na natutulog dahil naka subsob ito sa pag aaral. Paminsan minsan naman ay tinutulungan ko siya sa mga term paper sa mga minor subjects kaya laking pasasalamat nito. Sa kabilang banda ay wala na akong balita kila Rycen, basta ang alam ko lang ay labas sila ng labas kasama ng mga barkada at mga babae sa labas ng campus. Ni madalang ko na itong makausap at ganoon din si Kerby na kung hindi nag lalaro ng basketball sa gym, malamang ay nasa galaan ito kasama ng gf nya.

Yung tipong parang ako nalang yata ang may care, yung parang ako nalang lagi ang nag hahanap sa kanila, nag iisip at nag w-worry. Pero sila ay wala namang paki alam sa akin. Basta nakikita ko lang sa mga ngiti nila na masaya sila kasama ang taong sa tingin ko ay mas mahalaga di hamak kaysa sa akin.

“Huwag mo na silang isipin Jopet. Focus ka sa pag aaral mo. Heller sayang ang karangalan, pang 7 ka nalang sa ranking at pag nagkataon ay mawawalan na ng representative ang engineering department doon sa top student. Puro criminology, education at i.t student ang nandoon. Itayo mo ang bandera natin.” ang wika ni Gabby habang inuuga ako para kunwari ay magising.

“Alam ko naman iyon, may pag katraydor lang talaga itong isip ko dahil hindi ito umaayon sa kagustuhan ko. Pero dont worry nag aaral naman akong mabuti.” sagot ko naman at muli kong ipinag patuloy ang pag babasa.

“Huwag mo nang isipin si Rycen dahil habang naka subsob tayo sa pag aaral siya naman ay siguradong naka subsob din sa boobs ng babae nya.”

“Ano pa nga ba, wala namang bago doon. Mas matatakot ako kung sasabihin mong naka subsob din sya sa pag aaral.”

“Kaya nga, hayaan nalang natin siya sa gusto nya. Focus lang..”

Sa pag daan ng examination ay talagang sineryoso ko ang pag susunog ng kilay. Nandyan yung hindi na ako natutulog o kaya lumalabas ng dorm basta lang maging maganda ang resulta ng ng final exam sa akin. Okay lang naman dahil hindi bumubukol ang hirap at ang pag titiyaga naming ito ay aanihin din namin pag dating ng takdang araw.

Isang linggo matapos ang finals ay inilabas naman ang resulta nito..

Habang abala ako sa pag lilinis ng aming silid ay siya namang pag pasok ni Gabby dito. Masayang masaya siya at talagang bakas sa mukha ang excitement. “Jop!! Jopet!! Nagawa mo!! Top 5 ka sa ranking ng dean’s list! At ako naman ay g-graduate na!! G-graduate na ko!!” ang masayang pag babalita nito sabay yakap sa akin.

Niyakap ko si Gab at doon ay nag lulundag kaming dalawa na animo nanalo sa lotto. Kung tutuusin ay mas mahalaga pa nga ito dahil nag bunga na lahat ng pag hihirap nya-namin sa pag aaral. Hindi tuloy namin maiwasan ang mapaluha habang ninanamnam ang tamis ng tagumpay. “Parang panaginip, hindi ko inaasahan na ngayon ilalabas ang listahan ng mga graduates.” ang masayang salita ni Gab.

“Congrats Gab, nakupp iiwan mo na akong mag isa dito sa silid natin.” ang biro ko naman.

“Ano kaba, hindi pa naman dito nagtatapos ang lahat dahil pag naka graduate ako ay mag rereview pa ako para makapasa sa examination ng pagiging rehistradong inhinyero. Isang hakbang nalang tol, maaabot ko na yung pangarap namin ni papa.” ang masayang sagot nito.

“Masaya ako para sa iyo Gab, teka kamusta sila Rycen? si Kerby?” ang tanong ko naman.

Natahimik si Gab at gumihit sa mukha nito ang kakaibang emosyon.

“Oh bakit? May problema ba?” pag tataka ko.

Nag bitaw ng isang malalim na buntong hininga si Gab at nag wika ito. “Hindi sila kasama sa listahan ng mga g-graduate ngayong taon. Bumagsak daw sila sa dalawang major subject at hindi nila inayos ito.”

itutuloy..

Imbisibol Part 47

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 47

Nag bitaw ng isang malalim na buntong hininga si Gab at nag wika ito. “Hindi sila kasama sa listahan ng mga g-graduate ngayong taon. Bumagsak daw sila sa dalawang major subject at hindi nila inayos ito.”

“Bakit hindi nila inayos? Importante pa naman ang major subject.” ang nanlulumo kong tanong.

“Masyado kasi silang nalulong sa barkada kaya’t hindi nila naayos ito. Isa pa ay parati kong pinaalalahanan ni Rycen na ayusin ito ngunit tango lang ang isinusukli niya sa akin. Para na nga akong sirang plaka kaka ulit.” paliwanag ni Gab.

Napa upo na lamang ako sa kama at doon ay binalot ng matinding pang hihinayang. “Hindi man lang inisip ni Rycen at ni Kerby yung mga magulang nila na umaasang ggraduate sila ngayong taon. Sinayang nila ang pag kakataon, sinayang din nila ang panahon!” ang naiinis kong salita sabay tayo at mabilis na tinubok ang daan palabas ng silid.

“Jopet saan ka pupunta?” ang narinig kong tanong ni Gab. “May titingnan lang ako sa labas. Babalik ako agad!” ang sagot naman habang tumatakbo bagamat ang plano ko talaga ay puntahan si Rycen at kausapin ito. Baka sakaling magising ko ang natutulog niyang kaluluwa na may pangarap at layunin sa buhay.

Mabilis ako nag tatakbo pabalik sa campus upang hanapin nga itong si mokong. Dalawa lang naman ang tambayan niya, ang gym at department namin kaya iyon agad ang una kong pinuntahan. Takbo dito at takbo doon ang aking ginawa. Hindi ko na rin masyadong napapansin yung mga mag aaral na bumabati sa aking pag daan, basta kaway o ngiti nalang ang sinusukli ko sa pag tawag nila.

“Nakita nyo ba si Rycen?” ang tanong ko sa mga kaibigan niyang kolokoy na palabad ng department.

“Hindi tol, baka nandoon sa lumang gym sa tabing bukid. Bad trip iyon panigurado.” ang wika ng mga ito.

“Kung wala sa lumang gym, malamang nasa ilalim ng palda ng babae at kumakain ng tahong” ang pilyong wika pa iba sabay tawanan.

Hindi ko naman sila pinatulan, bagkus seryoso akong nag pasalamat.

“Ganoon ba, sige salamat.” tugon ko naman at wala na akong inaksayang sandali. Mabilis akong nag tatakbo patungo sa lumang gym kung saan ako madalas tumatambay para mag review o mag isip. Ilang minutong lakaran lang naman iyon sa mula sa building ng engineering. Basta hindi ako nakakaramdam ng pagod, mas iniisip ko kasi kung paano ko pagagaanin ang loob ni Rycen kung sakali mang maabutan ko itong nalulungkot.

Pag dating ko doon ay agad ko itong hinanap sa paligid noong may marinig ako dalawang boses na nag uusap sa bandang gilid ng lumang gym. Palihim ko itong sinilip at doon ay nakita kong nag uusap sina Rycen at Kerby, seryoso ang kanilang mga mukha at batid kong importante rin ang kanilang agenda kaya naman itinago ko ang aking sarili para makinig sa kanilang dalawa.

“Deserving naman tayong bumagsak dahil nag pabaya tayong dalawa. Isa pa ay naniniwala ako sa karma.” ang wika ni Kerby.

“Karma? Anong ibig mong sabihin doon? Hindi ko itinuturing na karma ang pag bagsak ko.” sagot naman ni Rycen.

“Wala namang kinalaman ang karma sa pag bagsak nating dalawa. Naisip ko lang na ito na yung karma natin dahil sa pang gagamit natin pareho kay Jopet.” ang seryosong tugon ni Kerby.

“Pang gagamit? Hindi ko siya ginamit tol. Baka ikaw ang gumamit sa kanya. Inisahan mo sya at pinasakay sa lahat ng kalokohan mo.” depensa ni Rycen.

Natawa si Kerby at napailing nalang ito. “huwag na tayo mag hugas ng kamay tol, alam nating dalawa na parehas natin ginamit si Jopet para maka pasa. At ngayon ito na yung tinatawag na ultimate karma natin. Hindi tayo g-graduate at mabubulok na tayong dalawa dito.”

“Hindi ako nag huhugas ng kamay pare, pilit kong iniwasan si Jopet dahil ayoko siyang abusuhin, katulad ng ginagawa mo.” tugon ni Rycen

“So nag huhugas ka ng kamay ngayon? Ang paniniwala mo ba talaga ay ako lang ang gumamit kay Jopet? Akala mo ba ay hindi ko alam na simula high school ay naka depende ka na sa kanya? Ginamit mo rin sya tol. At mas malala pa yung sayo dahil hindi mo siya pinahalagahan. Tanggapin mo na lamang ang katotohanan na kapwa tayo mang gagamit” salita ni Kerby na may halong pang gigil.

Natahimik si Rycen at napako ang tingin nito sa lupa. “Maaaring ginamit ko nga si Jopet noong high school kami ngunit pinag sisisihan ko iyon. Hanggang ngayon ay pinag babayaran ko pa rin yung mga pag kukulang ko sa kanya. Huwag mo akong husgahan batay sa mga kwentong narinig mo dahil kawalan ng bait iyon para sa iyong sarili.“wika naman ni Rycen.

“Tapatin mo nga ako pare, mahalaga ba sayo si Jopet? O baka naman mahalaga lang siya sayo dahil sa benepisyong nakukuha mo?” ang tanong ni Kerby na may halong pang iinsulto.

Napailing si Rycen at halatang nagagalit na ito. “Ano bang ibig mong palabasin Tuazon? Bakit ba pinipilit mong ungkatin ang mga nakaraan sa buhay ko? Bakit hindi mo ayusin ang buhay mong patapon?” ang gigil na salita ni Rycen sabay hablot sa kohelyo nito.

“Patapon? Putang ina tol, parehas lang tayong patapon. Parehas lang tayong linta na sumisipsip sa dugo ng iba para mabuhay. Sa maka tuwid ay pareho lang tayong MANG GAGAMIT!! Daig pa natin ang bambira kung manipsip at si Jopet ang palaging biktima natin!” ang salita ni Kerby habang ine emphasize ang salitang mang gagamit kaya naman lalong nagalit si Rycen at itinulak ito ng malakas. “Gago ka! Tumayo ka dyan!! Tapusin na natin to!!” galit na sigaw nito.

“Haha, nagagalit ka? Tinatamaan ka na ba? Kung sa bagay parang isang bato ang katotohanan, tatama ito sa iyo at masasaktan ng todo. Kaya nga masakit tanggapin ang katotohanan diba? Ano Lacsamana? Nagising ka na ba sa katotohanan na ikaw ang SANTO ng mga mangagamit? Ikaw ang original at ikaw ang HARI!” pang aasar pa ni Kerby kaya naman nagalit si Rycen at hinablot na ito sa kuhelyo.

“Putang ina mo Tuazon! Bawiin mo lahat ng sinabi mo dahil wawasakin ko mukhang mong BAKLA!” ang galit na sigaw ni Rycen.

Noong mga sandaling iyon ay hindi na ako nakatiis, wala akong nagawa kundi ang lumabas sa aking pinag tataguan at pigilan sila sa kanilang ginagawang pag tatalo. Ngayon ay kaming tatlo na ang naka tayo sa abandunadong gym at maiging sinusuri ang sitwasyon. Gulat na gulat silang dalawa noong lumabas ako mula sa gilid ng pader at kapwa sila napatingin sa aking kinalalagyan. “Tama na kayong dalawa” ang bungad ko.

“Mainam at nandito kana Jopet. Marahil ay narinig mo na rin kung paano ka namin ginamit. Nabigla ka ba?” ang tanong ni Kerby habang tumayo sa kanyang pag kakasaldak.

Tahimik akong lumakad patungo sa kanilang kinalalagyan.

“Hindi ako nabigla sa mga narinig ko dahil hindi naman ako tanga para hindi malaman na ginagamit nyo lang ako. Alam ko iyon una palang, hinayaan ko lang kayo dahil gusto kong makatulong, gusto kong matupad nyo ang mga pangarap nyo at gusto kong maging parte ng tagumpay nyo. Wala akong ibang gusto kundi ang maging masaya kayo kapag nakaka kuha kayo ng mataas na score, ni minsan ay hindi ko inisip na ginagamit nyo ako dahil mahalaga kayo sakin bilang kaibigan ko na napag huhugutan ko ng lakas at inspirasyon para mag patuloy sa kabila ng kaliwa’t kanang pang huhusga sa akin ng mga tao sa paligid ko. Nakakatuwa lamang isipin na abalang abala ako sa pag salba sa inyong dalawa ngunit yung sarili ko ay nakalimutan ko na.

Malaki rin ang pag kakamali ko dahil naging mapag bigay ako, lahat ay inilaan ko para sa mga taong mahalaga sa akin hanggang sa mamalayan kong wala na palang natira para sa sarili ko. Animin na kasi natin na lahat tayo ay maliit na bahagi lamang ng mundong ito na pilit bumabagay sa ating paligid para lang masabi na kabilang tayo sa pag ikot nito. Bakit hindi natin maaamin sa sarili natin na lahat tayo ay duwag at nag papakatapang lang pero sa loob ay nangangatog ang tuhod natin sa takot? Bakit hindi natin maaamin sa sarili natin na nasasaktan tayo dahil sa isang taong walang paki alam sa nararamdaman natin? At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maaamin sa sarili ko na ako ay isang taong duwag, takot at pinipilit lang makibagay sa mundo para lang masabi na nandito ako.

Ginawa ko lang naman yung sa palagay ko ay tama at ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na inaabuso o ginagamit nyo ako. Yung ginawa ko ay isang hakbang lamang para maging malapit sa inyo kaya please lang tama na ang sisihan at paratangan kung sino ang masama dahil lahat tayo ay nag kamali at kabilang na ako doon. Nais kong malaman niyo na ang ginawa ko ay bukal sa aking loob at wala akong pinag sisisihan. Kayong dalawa at si Gabby, kayo lang ang natatanging tao na nag bibigay ng lakas, pang unawa at inspirasyon sa akin. Nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong ganito. Maaaring nag kamali kayo ngayon ngunit marami pang pag kakataon para bumawi at ipakita sa lahat na kayo niyong tuparin ang pangarap nyo.

Nabigo man kayo ngayon ngunit hindi ito sapat na rason para guluhin at wasakin ninyo ang isa’t isa. Bakit hindi nyo isipin na ang lahat ng ito ay isang aral lamang upang mabago ang papanaw nyo sa buhay? Na ang buhay ay hindi lang pag lundag, pag talon o pag lalaro dahil kailangan nyo ring mag seryoso at ipakitang kadapat dapat kayong pumakat sa mundong ginalawan ninyo. Minsan kailangan ituro sa inyo ng mundo ang tama sa paraang masasaktan kayo upang matuto.

Kung sabagay, hindi nyo mapapagtanto ang kahalagahan ng buhay hanggang hindi ito binabawi sa inyo. Ang lahat ng ito ay natutunan ko noong minsang makatulog ako at mag lakbay sa dilim, walang kasama at walang masasandalan. Dalawang option lang ang maaari ninyong gawin, UNA: Ayusin ang buhay nyo, lumaban at abutin ang inyong pangarap. IKALAWA: Tumakas at maging talunan habang buhay. Nasa inyo ang desisyon“ ang wika ko at doon hindi ko na napigil ang aking emosyon. Agad akong lumakad palayo sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, basta ang mahalaga ay makahinga ako ng maluwag at malayo sa sakit na dulot ng kanilang pag kakamali.

Natagpuan ko nalang ang aking sarili na naka upo sa sea wall kung saan ako madalas nag papalipas ng oras. Naka titig sa kawalan at walang eksaktong patutunguhan ang isip. Basta ang alam ko lang ay palabulog na ang araw sa kalangitan dahil sa malamlam nitong kulay na asul at dilaw. May mangilan ngilang taong nag lalakad sa paligid, yung iba naman naka upo rin sa seawall ang kaibihan nga lang ay may kasama sila at ako naman ay nag iisa. Wala tuloy akong magawa kundi ang yakapin ang aking sariling tuhod at pilit na pawiin ang lungkot na namamayani sa aking pag katao.

Nasa ganoong emosyon ako noong tumugtog ang isang kanta na nag mumula sa isang tindahan sa di kalayuan.

Tanging Mahal

Regine Velasquez

Sabihin ko kaya sa iyo Damdamin ay tinatago Paano aking kaibigan Lihim na katotohanan Tanging mahal Sa puso ko’y ikaw lamang Sabihin mong pag-ibig ko Minimithi Inaasam Kailan pa ba Maririnig ito sinta Kung sana’y makapiling ka Habang buhay Aking sinta Pagtingin sa iyo’y nagbago Pagtibok ng aking puso Sana’y iyong malaman Ikaw at ikaw lamang Tanging mahal Sa puso ko’y ikaw lamang Sabihin mong pagibig kong Minimithi o inaasam Kailan pa ba Maririnig ito sinta Kung sana’y makapiling ka Habang buhay aking sinta

Wala akong nagawa kundi ang umiyak at doon ay ibuhos ang aking emosyon habang yakap aking sariling tuhod. Halos sumabog ang aking dibdib dahil sa matinding kalungkutan at kasabay nito ang pag ihip ng malamig na hangin na syang humahaplos sa aking balat na wari’y nakikidalamhati sa lungkot na aking nararamdaman.

Habang nasa ganoong pag iyak ako ay naramdaman kong may nag lagay ng jacket sa aking likuran dahilan para mas lalo pa akong balutin ng matinding emosyon. Humarap ako sa kanya at niyakap ko ito ng mahigpit, doon ay ipinag patuloy ko ang pag iyak habang naka subsob sa kanyang matipunong dibdib. Naramdaman ko nalang na ikinulong nya ako sa kanya mainit na bisig at hinayaang ilabas ang aking emosyon. “Sabi na nga ba ay dito lang kita matatagpuan.” ang wika ni Rycen habang patuloy na nakayakap sa akin.

Hindi naman ako sumagot at dinama ko lang ang pag pintig ng kanyang puso. Noong mga sandaling iyon ay para bang may humila sa akin palabas sa isang madilim na lugar kung saan ako lumalakad mag isa. Pilit niya akong ibinalik sa liwanag hanggang sa maramdaman kong ligtas na ako sa tiyak na kalungkutan.

“Patawarin mo ako tol, alam kong nadissapoint kita dahil ko pag graduate ngunit hayaan mong patunayan ko saiyo na kaya kong tapusin ang labang nasimulan ko. Kayong dalawa ni papa ang nag sisilbing liwanag ko patungo sa tamang daan. Wala man si papa sa aking tabi ay nandito ka naman para gisingin ako at itama ang maling direksyon kung saan lumalakad. Salamat Jopet.” ang bulong ni Rycen habang nakayakap pa rin sa akin.

“Galingan mo, nasa likod mo lang ako palagi.” ang tugon ko naman at mas lalo ko pa itong niyakap ng mahigpit.

“Salamat tol. Tuloy lang laban at hindi ako susuko. Gusto kong maging proud ka rin sa akin.”

“Parati akong proud sayo. Kung alam mo lang.” ang bulong ko naman.

Noong hapon ding iyon ay mag kasama naming pinanood ni Rycen ang pag lubog ng araw sa kalangitan. Kasabay nito ang pangakong aabutin namin ang aming mga pangarap kahit gaanong kabigat na pag subok pa ang dumating sa amin ay mananatili kaming matatag sa lahat ng pag kakataon.

At bilang tanda ng aming mga pangako ay iniukit namin sa seawall ang aming mga pangalan. “Kung sakaling maliligaw ka ng landas o kaya ay pang hihinaan ka ng loob ay hanapin mo lang ito at alalahanin ang mga simpleng pangarap na binuo natin simula noong tayo ay mag kakilala.” ang wika ko sabay bitiw ng matamis na ngiti.

“Jopet X Rycen”

Itutuloy..

Imbisibol Part 48

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 48

Sa pag daan ng mga araw ay unti unting nag bago ang pananaw ni Rycen sa buhay. Ngayon ay mas naka tuon na ang atensyon niya sa pag aaral at makapag tapos upang maging isang ganap na inhinyero. Nag silbilng inspirasyon din sa amin ang pag graduate ni Gabby habang suot ang itim na toga at umaabot ng diploma sa entablado, iyon ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat.

Kahit naka graduate na ay kasama ko pa rin si Gab sa silid dahil nag pumapasok pa rin ito sa isang review center para sa pag hahanda sa pag kuha niya ng lisensya bilang isang registered na civil engineer kaya naman tuloy tuloy pa rin ang aming kulitan.

“So kailangan mo balak sabihin dyan kay Rycen ang feelings mo?” ang tanong ni Gab habang umiinom ng kape.

“Siguro ay sa graduation nalang ulit. Para mas masaya.” sagot ko naman habang naka ngiti. “Nakup, malas iyan eh, baka maaksidente kana naman at macomatose. Please lang Jopet, ibahin mo nalang ang plano okay.” ang pag aalala nito.

“Pag nangyari ulit iyon ay siguradong patay na ko. Sabi nga nila ay one is enough, two is too much at walang salitang “too much” sa aksidente. Paniguradong tigbak ang aabutin ko pag nagkataon.“ tugon ko naman habang natatawa.

“Kaya nga, sana ay itiming mo naman sa magandang araw.”

“Basta bahala na. Kung masabi ko ay salamat, kung hindi naman ay salamat din. Wala rin naman akong makukuhang sagot kaya siguro ay ayos lang na malaman niya o hindi. Saka isa pa ay gumawa ako ng isang liham noong nakaraang buwan baka ito nalang ang iabot ko sa kanya. Sabay pakita ng isang band paper na naka tupi.”

“At talagang inihanda mo na yung confession letter mo ha. Ah basta Jopet ha, kung may gagawin kang kalokohan ay sabihin mo sa akin agad para masuportahan kita. Ayoko na yung makikita kitang naka handusay sa kalsada at iniiyakan ng lahat.”

Natawa ako at binalibag ito ng unan sa kanyang kinalalagyan. “Hindi na mangyayari iyon dahil ako na si Jopet version 20’s, bagong milenyo na kaya’t mas pinaka bagong ako na rin ang makikita ng lahat.” sagot ko naman.

“Nakupp ayan nanaman iyang year 20’s, sabi sa balita ay magugunaw na raw ang mundo dahil masyado nang matanda ito. At hindi lang iyon dahil nabasa ko sa isang artikulo na mag tatapos na daw ang kalendaryo ng mga mayan sa year 2012 ang ibig sabihin ay iyon na daw ang katapusan ng mundo. Kakilabot no?” saad ni Gabby.

“Nabasa ko rin iyan pero sa tingin ko ay mas naniniwala ako na ang katapusan ng mundo ay depende pa rin sa tao. Tayo kasi ang nangangalaga at sumisira nito kaya’t sa tingin ko ay ang tao pa rin ang may kagagawan ng lahat.”

“Kaya nga ipag tapat mo na kay Rycen ang lahat bago pa magunaw ang mundo. Kung inilaban mo ng Guinnes book of record iyan ay tiyak na mananalo ka Jopet, sa pinaka mahabang feelings sa buong mundo. Biruin mo ang daming babae at lalaking nag kakandarapa sayo at nag kalat din ang love letter dyan sa ilalim ng kama mo pero ang mata mo ay kay Rycen lang naka tingin. Ibang klase ka talaga. Ikaw na ikaw na.” pang aasar nito.

“Alangan namang gustuhin ko rin sila dahil lang sa gusto nila ako. Ang pag mamahal ay hindi naman exchange gift na kapag ibinigay sayo ay mag bibigay ka rin ng kapalit.” depensa ko naman.

“Kung sabagay ay tama ka doon. Pero may kilala akong ganyan. Yung dating kaklase ko, nalaman niya na mahal siya ng kaibigan niya kaya minahal na rin niya ito agad agad. Palitan sila ng pag mamahal. Ayun sex lang sila ng sex tapos nung mag kasawaan ay goodbye na.” ang natatawang kwento niya.

“Naku baka naman ikaw iyan. Nag sisilent confession ka pa sakin.” ang biro dahilan para lundagin ako nito sa kama. “Loko ka hindi ako iyon!” depensa nito.

“Nakoo ikaw yon! Alam ko yon!!” ang pang aasar ko naman.

Tawanan..

Sa pag lipas ng mga araw ay tuloy tuloy pa rin ang pakikipag sapalaran namin sa pag aaral. Naging kaklase ko si Rycen sa dalawang major subject na kayang naibagsak noong nakaraang semester dahilan para hindi sya makagraduate. Sa pag kakataon ito ay nakikita kong ng susumikap siya para maitawid ito. Hindi na siya nangongopya sa akin bagkus ay nag papaturo nalang sya sa hapon kapag hindi nya naintindihan ang lesson. Tungkol naman kay Kerby, nasa ibang section sya ayon na rin sa schedule nya na conflict ngunit gayon pa man ay hindi namin ito pinapabayaan. Basta focus lang kami sa aming layunin na makatapos.

Malaking tulong din ang ginawa nilang pag li-lilo sa sports at barkada, mas malaking oras ang inilalaan nila sa pag aral at pag papatunay na hindi lang sila basta gwapo na hinahangaan at iniidolo ng mga kapwa nila estudyante sa paaralan, kundi may ibubuga rin sila pag dating sa pag aaral. Ako naman ay naka suporta lang sa kanila bagamat paminsan minsan ay nag kakainitan talaga sila na parang aso at pusa.

Overprotective pa rin si Rycen sa akin, nagagalit ito kapag may nag aabot ng love letter sa akin o kaya ay may lalaking lalapit para ayain akong kumain sa labas. Minsan nga ay pinaunlakan ko yung bagong team leader ng high jump club para mag hapunan, hindi ko lang inaasahan ang pag sulpot ni Rycen doon sa restaurant at nakabantay lang sa amin na amino guwardya. Ang sabi nya ay huwag akong mag titiwala sa mga lalaki dahil baka hindi halik ang nakawin sa akin kundi pati virginity ko. Sabay tapik sa aking pwet at saka tatawa ng malakas.

Patuloy pa rin ang pag susunog namin ng kilay may mga pag kakataon mababa ang nakukuha naming score sa mga quizes at exams pero ang nakakatuwa ay hindi naman kami bumabagsak at nalalagyan ng pulang asterisk. Dumarating pa nga sa punto na nakakatulugan namin ang pag rereview at pag gawa ng katakot takot na term paper, paki wari ko tuloy ay nalalagas na ang buhok ko sa sobrang pressure at hirap. Kaya naman pala itong si Gabby ay nangayayat ng husto.

“Finals na bukas tol, kinakabahan nanaman ako. Ang pag kakaiba nga lang ay dati prelim palang ay bagsak na ako. Ginawa ko naman ang best ko para makasabay.” ang wika ni Rycen habang nakaupo kami sa lumang gym paharap sa bukid.

“May mga mag aaral na bumabagsak sa klase ngunit ipinapasa pa rin ng guro dahil alam niyang nag sisikap ang mga ito para matuto. Hindi ko naman sinasabi na ipapasa ka dahil lang doon dahil nakikita ko naman ang effort mo para maka survive. At malaki ang pag kakaiba mo noon kaysa ngayon. Noon ay panay barkada at babae ang inaatupag mo pero ngayon ay libro at notebook na ang naging kasintahan mo.” natatawa kong tugon.

Natawa ito at ginulo ang buhok ko. “Dahil nangako ako sa iyo at sa puntod ni papa na pag bubutihan ko ang aking pag aaral. Saka ayoko na muna ng babae, nakaka sira iyon ng career.” ang naka ngiting salita nito.

Natawa ako at bilang tugon ay tinapik ko ang kanyang balikat. Muli akong tumingin sa kalayuan at pinag masdang mabuti ang bukirin. Napansin kong naka ani pala ang mga mag sasaka dahil wala nang naiwan sa palay dito. Hindi na rin ganoon kataas at kainit ang sikat ng araw hudyat na patapos na rin ang tag araw. “Kung sakaling makaka graduate na tayo ngayon semester, ang lugar na ito ay tiyak na mamimiss ko.” ang naka ngiti kong salita habang naka tanaw sa kalayuan.

“Mamimiss ko rin ito tol, pero sa tingin ko ay mas mamimiss kita. Lahat ng sermon mo, pag susungit mo kapag ginagabi ako ng uwi. Para kang nanay ko eh, parehong pareho kayong dalawa. “Rycen mag aral kana! Huwag kang lalabas at mag bubulakbol para maka graduate ka.” haha kasabido ko na halos yung linya mo tuwing magiging pasaway ako. Iyon ang mamimiss ko ng husto.“ natatawang pang gagaya niya.

“Para sa iyo naman iyon. Balang araw ay sasabihin mo rin iyan sa magiging anak mo lalo na kung ganyan siya ka pasaway sa iyo.” biro ko naman.

Tawanan..

“Nga pala tol, advance birthday gift ko para sa iyo. Sa susunod na buwan na ang birthday mo at pag nag kataon ay kasabay din iyon ng araw ng graduation. Heto inadvance ko na dahil kung sakali man na hindi ako pumasa at maka akyat ay maaga akong uuwi sa Cebu para mag trabaho nalang. Kung hihintayin ko pa ang susunod na buwan ay baka makalimutan ko na ito.” ang natatawang wika nito sabay abot ng isang maliit kahon na animo treasure chest na may kandado.

“Wow, salamat. Ang ganda ah. Teka bakit naka lock?” ang pag tataka ko.

“Syempre sa next month pa ang birthday mo kaya sa next month mo pa ito dapat buksan. Naka tago sa akin ang susi, bago ko umalis ay ibibigay ko sa iyo. At paki usap lang huwag mong aalugin dahil babasagin iyan. Huwag mo rin sanang ibagsak para hindi masira. Baka pag binuksan mo ay wala nang matira.” ang seryosong salita nito.

Kinuha ko naman ang kahon at maingat itong inilagay sa bag. Ibayong saya at kilig ang naramdaman ko noong mga oras na iyon. Pakiwari ko ba ay napaka espesyal ko at sa unang pag kakataon ay naka tanggap ako ng regalo kay Rycen at hindi lang iyon ay dahil advance pa ito. Sobrang advance actually.

Pag uwi sa dorm ay agad inilagay ang naturang kahon sa aking aparador. Sinigurado kong hindi ito maaalog o magagalaw upang hindi mabagsak ang nasa loob kung ano man iyon. Basta masaya ako at sa sobrang ligaya ko ay nakangiti nalang ako at naka tulala habang naka tingin sa kisame ng aming silid.

Kinabukasan, dumating ang pinaka mahalaga parte ng aming pag aaral, ang final exam. Make or break ang labanan para sa mga estudyante nag dedelikado. At ang sama pa nito ay tatlong set ang inihandang exam ng mga guro. Set A B at C, upang makatiyak na hindi mag kokopyahan ang mga mag aaral. Basta ang napunta sa akin ay set B at nakita ko naman ang papel ni Rycen na set C ito kaya walang way para matulungan ko siya. Sa pag kakataong ito ay siya na talaga ang mag sasalba sa kanyang sarili.

Halos inabot ng mag hapon ang examination. Halos lahat ay set A to C ang estilo maliban kay sir Espanyol na ginawang mas madali ang exam para siguradong makakapasa kaming lahat sa dalawang major subject na hawak niya. Ilang oras kaming naka dukdok at nag cocompute sa papel hanggang sa tuluyang maubos ang oras at ipasubmit ang lahat ng exam.

“Okay class, next week ay malalaman kung nakapasa kayo sa exam. Pag sasama samahin namin ang total score ninyo sa lahat ng subjects. Ang maka kuha ng 75% pataas ay pasado at ang 74% pababa naman ay kukuha ulit ng exam sa ikalawang pag kakataon. Goodluck sa inyo.” ang wika ni Mr. Espanyol habang hawak ang lahat ng test paper.

“Okay ka lang ba?” ang tanong ko kay Rycen.

“Hindi ko alam tol, nahirapan ako sa exam. Hindi tuloy ako mapalagay.” ang sagot nito na hindi maitago ang pangamba.

“Magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang.” ang sagot ko naman at niyaya ko itong kumain ng hapunan.

Halos putla pa rin ito at talagang pawis na pawis, basa na rin ang suot niyang polo kaya naman pinahubad ko na ito at sando nalang ang natira. Marahil ay sadyang nahirap siya sa exam kaya’t hanggang ngayon ay ganito pa rin ang kanyang reaksyon. Mahirap naman talaga dahil pati ako ay dinugo rin ang utak. Ngunit hindi ko sa kanya ipinahahalata ito dahil tiyak na lalo lamang siyang mangangamba at ayoko nang dagdagan ang iniisip niya.

Kinabukasan, nag kagulo ang buong engineering department noong biglang ilabas ang resulta ng examination. Kaya naman agad kaming gumayak ni Rycen upang tingnan ito, nasa gate palang ay umuugong na ang usap usapan na 30% lamang naka pasa sa pag susulit at ang iba ay bumagsak kabilang na rito yung mangilan-ngilang estudyante sa ibang section na nakakasalubong naming umiiyak o nalulungkot.

Alam kong papasa ako, ang ikinakakaba ko ay para kay Rycen bagamat alam kong ginagawa niya ang best nya para sa exam na ito. Alam kong nag puyat siya, nag pagod at nag sunog ng kilay para lang matupad ang pangako niya sa akin at sa kanyang ama na makakagraduate sya at tutuparin ang kanyang pangarap.

Tahimik.

Lumakad ako patungo sa bulletin board..

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumingin sa resulta ng examination. Halos lumukob ang pinag halong kaba at pangamba sa aking dibdib habang hinahanap ang aming pangalan.

Ilang minuto rin ako sa ganoong pag hahanap hanggang sa tumambad sa aking mata ang katotohanan..

BSE Final Examination Result.

Guzman, John Peter 96/100

Lacsamana, Rycen Paul 81/100

Tuazon, Kerby 76/100

“Tol, halika dito bilis!!” ang pag tawag ko kay Rycen habang napapaluha ako sa kaligayan.

Lumakad si Rycen sa aking tabi at doon ay itinuro ko sa kanya ang resulta ng kanyang susumikap.

Natahimik ito at nawalan ng kibo. Basta naka titig lang siya sa kanyang nakuha score at maya maya ay napayuko. Kasabay nito ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata.

“Congratulations Mr. Lacsaman. Graduate kana.” ang wika ko at doon ay walang ano ano’y niyakap nya ako ng mahigpit. Ni wala siyang paki alam kung maraming estudyante ang nakaka kita sa amin basta damang dama ko ang ibayong sayang lumulukob sa kanyang kaibuturan at iyon ang pinaka mahalaga.

Batid kong ito na ang simula ng katuparan ng aming mga pangarap..

Itutuloy..

Imbisibol Part 49

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sept 23, 2016

Part 49

Masayang masaya si Rycen na tumawag sa kanyang mama sa Cebu at ibinalita na siya ay g-graduate na. Syempre ay natuwa rin sila mama noong malaman ang magandang balita at halos mapaiyak pa ang mga ito sa labis na kaligayahan. Bukod pa roon ay bumuhos rin ang pag bati sa amin ng mga mag aaral sa lower year lalo na yung mga ka department namin na itinuturing kaming mga tunay na kuya.

Iba talaga ang pakiramdam, para kaming lumulutang sa cloud 9 at nakakapanibago rin dahil wala nang quizes, walang exam o term paper na gagawin. Basta ang lahat ay smooth sailing at nakaka gaan sa pakiramdam.

“So paano? Celebration na? Im sure sa taas ng average mo ay baka mahigitan mo pa si Dan Manuel sa nakuha nya last year noong graduation namin.” ang wika ni Gabby.

“Naku, hindi siguro bro. Magna Cum laude si Charming, tiyak na hindi ako aabot sa ganoong level. Isa pa ay maraming matatalino sa isang course kaya malamang ay sa kanila na ang trono. Ang mahalaga ay naka graduate ako at pipilitin kong maipasa ang licensure examination.” ang tugon ko habang naka higa sa kama.

“Kung sa bagay, mas mahalaga nga ang maka graduate at maka alis sa paaralan ito ng mga barako. Iyon nga lang ay kapag natapos na ang lahat ay babalik na si Rycen sa Cebu at tuluyan na siyang lalayo sa iyo.”

“Iyan nga ang iniisip ko. Kung maaari ko lang pigilan ang oras para hindi na ito lumakad pa. Masaya ako na ggraduate sa susunod na buwan ngunit kasabay naman noon ang pag hihiwalay ng mga landas natin. Nakakalungkot lang kapag naiisip ko ang ganoong mga bagay.” ang sagot ko habang naka tingin sa kisame.

“Mag kikita kita naman tayo ulit. Hindi naman iyon ang katapusan kaya’t walang dahilan para malungkot.” ang sagot ni Gab.

“Salamat Gab, masaya akong tapusin ang pag lalakbay ko dito sa skul na kasama ka. Kasama kayo ni Rycen.. Malaki ang naging parte niyo sa aking pag katao.”

“Ganoon din ako, pamilya tayong tatlo at kahit anong mangyari ay hinding hindi mag babago iyon.”

Sa pag lipas ng mga araw ay nag simula na rin ang pag hahanda sa graduation day. Ibat ibang activity ang inilunsad ng paaralan para sa aming pag tatapos. Nandyan yung mga fund raising activity para makalikom ng pondong gagamitin sa amin para mabawasan ang gastusin sa graduation.

Malaking tulong ito para sa mga graduating students na kinakapos. Sa naturang fund raising na iyon ay nag perform sina Rycen at Kerby ng sayaw na siyang tinilian ng mga babaeng bisita. Kinanta ko rin yung Imbisibol na syang naging national anthem ng mga kagaya kong kulang sa pansin. Sa huli ay malaki ang nalikom naming pondo kaya naman nabawasan ang gastos namin sa graduation.

Pasaya ng pasaya habang tumatagal ngunit sa kabila nito ay tila may kung anong lungkot ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip kong malapit na rin ang aming pag tatapos. Wala tuloy akong magawa kundi ang maupo sa isang tabi at sariwain ang masasayang ala-alang pinag samahan namin nila Rycen sa mahabang panahon.

Masyadong masaya, hindi ko na napapansin ang daloy ang panahon at bago ko pa malaman ay nauubos na rin pala ang oras.

“Mukhang malalim ang iniisip natin ah.” boses ni Kerby sa aking likuran.

“Hindi naman.” ang sagot ko sabay bati dito “Hi, kamusta kana?”

“Mabuti naman tol, congrats pala sa ating dalawa. Sa wakas ay naka graduate na rin ako.” ang wika nito na hindi maitago ang saya.

Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “Masaya ako para sayo. Sabi ko naman sa iyo na walang imposible basta maniwala ka lang.”

“Noong binalita ko kay mama at papa na g-graduate na ako bilang inhinyero ay hindi ito naniwala, inamoy pa niya ang hininga ko dahil baka raw lasing ako o kaya ay nakasinghot ng katol, ngunit noong ipakita ko sa kanila ang resulta ng aking exam ay halos hindi sila makapaniwala. Basta niyakap lang ako ni papa at ipinag malaki ako sa mga kapit bahay. Napaka saya ng pakiramdam tol, tama ka nga sa sinabi mo na ang kailangan ko lang gawin ay patunayan sa mga tao na kaya kong gawing posible ang imposible at ang lahat ay susunod sa nais mo.

Alam mo ba noong unang beses na bumagsak ako ay nawalan na ako ng pag asa, ang pakiramdam ko ay hanggang doon nalang ako at hindi na ako makakabangon pa. Ngunit noong nag salita ka aming harapan ay nag bigay ka ng dalawang pamimilian ay doon ako nagising.

FLASH BACK

Nabigo man kayo ngayon ngunit hindi ito sapat na rason para guluhin at wasakin ninyo ang isa’t isa. Bakit hindi nyo isipin na ang lahat ng ito ay isang aral lamang upang mabago ang papanaw nyo sa buhay? Na ang buhay ay hindi lang pag lundag, pag talon o pag lalaro dahil kailangan nyo ring mag seryoso at ipakitang kadapat dapat kayong pumakat sa mundong ginalawan ninyo. Minsan kailangan ituro sa inyo ng mundo ang tama sa paraang masasaktan kayo upang matuto.

Kung sabagay, hindi nyo mapapagtanto ang kahalagahan ng buhay hanggang hindi ito binabawi sa inyo. Ang lahat ng ito ay natutunan ko noong minsang makatulog ako at mag lakbay sa dilim, walang kasama at walang masasandalan. Dalawang option lang ang maaari ninyong gawin, UNA: Ayusin ang buhay nyo, lumaban at abutin ang inyong pangarap. IKALAWA: Tumakas at maging talunan habang buhay. Nasa inyo ang desisyon“ ang wika ko at doon hindi ko na napigil ang aking emosyon. Agad akong lumakad palayo sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, basta ang mahalaga ay makahinga ako ng maluwag at malayo sa sakit na dulot ng kanilang pag kakamali.

Noong marinig ko ito ay tila may kung anong bagay ang humampas sa aking ulo dahilan upang muling bumalik ang aking kompiyansa sa sarili. At ngayon ay alam kong magiging proud na ako sa aking sarili dahil ang final examination ay sariling pag hihirap ko at hindi ako umasa sa iba. Ngunit gayon pa man ay hindi ko ito magagawa kung wala ang tulong mo. Malaki ang utang ko sayo tol. Kulang ang salitang pasasalamat para mapantayan lahat ng sakripisyo at pagod mo para siguraduhing makaka graduate kami ni Rycen. Isa kang biyaya.“ ang wika ni Kerby at isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin nito.

“Simula pa lang ito ng panibagong pag lalakbay para sa atin. Kailangan ay mas maging matatag, at matalino ka sa pag pili ng desisyon at sa pag pili ng mga taong sasamahan mo. Dahil sa bandang huli ay mapapagtanto mo na ikaw lamang ang maaaring tumulong at gumabay sa iyong sarili kung sakaling dumating man ang araw na iwan ka ng lahat. Ang edukasyon ay sandata, ito lang tanging bagay na hindi mananakaw o mawawala sa atin. Binabati kita bro,

congratulations..“ ang tugon ko habang naka yakap din sa kanya.

Ilang minuto rin kami sa ganoong pag yayakapan hanggang sa kusa itong bumitaw at nag bitaw pa ng isang biro. “Kapag sinaktan ka ni Rycen ay makakatikim talaga ang tarantadong iyon sa akin. Maswerte sya dahil may isang John Peter na nag mamahal sa kanya. Huwag ko lang malalamang luluha ka ng dahil sa kanya dahil susugurin ko siya kahit nasa Cebu pa sya. Hindi mo deserve ang umiyak tol, hindi mo rin deserve ang masaktan..”

Natawa naman ako sa biro nya bagamat alam kong seryoso siya kahit papaano. “Salamat Kerby, isa kang tunay na kaibigan at kapatid.”

“Salamat din tol, paano kita nalang tayo sa graduation ball.” ang naka ngiting salita nito sabay tayo at bumalik muling lumakad palayo sa akin. Isang matamis na ngiti naman ang isinukli ko habang kinakawayan ito.

Parang naulit lang yung eksena noong 4th year high school ako. Ang totoo nun ay ayokong nakakarinig ng tungkol sa graduation ball, JS prom o kahit student night dahil pare parehas lang ang eksenang nagaganap sa akin, nag mumukha lang akong bulaklak sa pader o kaya ay bato na hindi nag eexist. Basta ayoko ng mga ganyang party, lalo ko lamang nararamdaman na mag isa ako at wala ni isang tao ang may nais makipag sayaw sa akin.

“Dahil lang doon kaya hindi kana naman aattend ng Graduation Ball? Parang naulit lang yung eksena noong 4th year high school tayo ah.” ang salita ni Gabby.

“Oo at parang naulit lang din yung damit ko. Bakit ba inilabas mo nanaman iyang pulang longsleeve na iyan?” ang tanong ko sabay turo sa long sleeve na ginamit ko noon sa graduation ball. Lumang luma na ito at medyo kupas na.

“Nag halungkat kasi ako ng gamit kanina tapos ay nakita ko ang long sleeve na iyan. Nakakatuwang pag masdan no, parang ang daming memories na nag fflash back.” ang wika nito habang naka titig sa lumang damit at doon nga ay nag balik sa akin yung eksena noong high school.

FLASH BACK

Muling dumagundong ang malakas na music. Ang lahat ay nag saya habang kumukuha ng pag kain sa buffet table. Ako naman naka sama lang sa mga talunang estudyante na hindi na nga nakabihis ng maaayos ay wala pang kapareha. Para yatang noong nag sabog ng kakaibang kamalas ang Diyos ay kami lang ang nanatiling gising kaya’t parang matamlay sa amin ang gabing iyon. Kami yung tinatawag na bulaklak sa pader, nasa gilid lang at walang pumapansin.

Nag simulang tumugtog ang love song at ang lahat ay nag sayaw ng mag kayakap. Kasama na rito si Rycen at si Lyka na noon ay kulang nalang ay mag halikan sa bulwagan.

Kakaibang kirot ng dibdib ang aking naramdaman at pakiwari ko ba ay may kung bagay ang tumutusok sa aking puso kaya’t mas lalo pa akong nasasaktan. Namalayan ko nalang na tumayo ako at nilisan ang bulwagan sa gitna ng isang magandang kanta.

Basta walang espesyal na pang yayari doon. Lahat ay may kapareha ako lamang ang wala tapos ay ako pa ang pinaka panget. Kung mayroon mang magandang pang yayari doon ay noong isayaw ako ni Rycen sa aking panaginip. Hindi ito totoo ngunit hanggang ngayon ay naka tatak pa rin ito sa aking isipan.

Ilang araw ang lumipas, dumating naman ang oras na pinaka hihintay ng lahat. Ang graduation ball nga na muling ginanap sa gymnasium. Wala namang nabago sa eksena maliban sa kulay ng long sleeve ko na suot. Ngayon ay kulay itim na ito at medyo pakat sa aking katawan. Katulad ng dati ay umentrada ang mga mag aaral suot ang kanilang mga tuxedo at sa kanilang tabi ay ang mga bisitang babae na kanilang kapareha.

Naupo nalang ako sa sulok habang hawak ang baso ng tubig na siyang magiging karamay ko sa pagiging bulaklak sa pader. At habang nasa ganoong posisyon ako ay dumating naman si Rycen na nakasuot ng coat and tie. Ang lahat ay nag tinginan sa kanyang pag pasok iyon nga lang ay wala itong kaparehang babae hindi katulad ni Kerby na kasama ang kanyang girlfriend na parang isasagala sa haba ng suot na gown.

“Hi” ang bati sa akin ni Rycen habang umuupo ito sa aking tabi.

“Oh bakit nag iisa ka? Nasaan yung babaeng date mo?” pag tataka ko naman.

“Wala tol, ako lang mag isa ngayong gabi. Hindi ko naman kailangan ng date eh.” sagot nito.

“Kailangan mo iyon dahil kapag nandito ka lang sa sulok at tiyak na magiging bulaklak sa pader ang labas mo.” ang wika ko naman dahilan para matawa ito. “Ayos lang tol, atleast ay parehas na tayo ngayon diba?” ang biro nito.

Natawa nalang ako at tinapik ang kanyang balikat..

Nag simula ang party, ang lahat ay nag sasaya sa dance floor maliban sa amin ni Rycen na walang ginawa kundi ang kumain nalang ng kumain. Masaya naman ako na kasama ko siya kaya’t sa palagay ko ay mas higit pa yung nararamdaman kong tuwa kaysa sa kanila. Iyon nga lang ay sayang talaga ang kagwapuhan niya ngayong gabi, mas malaki sana ang tiyansa niyang maging king of the night kung may kapareha lamang siya.

Kwentuhan lang kami habang nanonood ng mga sumasayaw..

Maya maya ay laking gulat ko noong biglang tawagin sa mikropono ang aking pangalan at ang lahat ay nag palakpakan. Wala akong ideya sa nangyayari dahil wala naman akong kopya ng program basta ang alam ko ay nirerequest ako para kumanta sa entablado. “Please welcome, one of the most saught after bachelor of St. Vincent Academy. Musikahan Grand Champion Mr. John Peter Guzman.”

Palakpakan ulit..

“Galingan mo tol..” ang wika ni Rycen sabay tapik sa aking balikat.

Tumugtog ang isang kanta sa paligid kaya naman sinabayan ko na lamang ito.

“If”

If a picture paints a thousand words Then why can’t I paint you? The words will never show The you I’ve come to know

If a face could launch a thousand ships Then where am I to go? There’s no one home but you You’re all that’s left me too And when my love for life is running dry You come and pour yourself on me

If a man could be two places at one time I’d be with you Tomorrow and today Beside you all the way

If the world should stop revolving Spinning slowly down to die I’d spend the end with you And when the world was through Then one by one the stars would all go out Then you and I would simply fly away

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin matapos ang aking pag awit. At dahil nga wala kasama si Rycen sa gilid ng gym ay agad akong bumaba sa stage para puntahan ito ngunit noong makita ko siya ay nag lalakad na ito palabas ng venue. Hindi ko alam kung ano ang problema at kung bakit sya umalis sa aming pwesto kaya naman agad ko ito hinabol sa kanyang pag lalakad.

“Rycen, bakit ka umalis doon sa loob?” tanong ko habang hinihingal sa pag takbo.

“Mainit kasi doon tol, kaya lumabas muna ako para mag pahangin.” sagot nito.

“Kung ganoon ay sasamahan nalang kita.” naka ngiti kong tugon sabay upo sa kanyang tabi. Mas masarap nga dito kung tutuusin dahil bukod sa mahangin ay nakaka relax pa sa pakiramdam. Isama mo pa yung mga nakasabit na lampara sa puno na siyang nag bibigay ng liwanag sa aming kinalalagyan.

Payapa ang buong paligid..

Maliban sa tugtog ng musika sa loob ng gymnasium. Kumakalabog ito at rinig na rinig sa aming kinalalagyan.

Habang patuloy kami sa pag tunghay sa mayapang gabi ay may kung anong ilaw ang sumasayaw sa aming paligid. Maliliit ito at kumikisap na animo christmas light. “Alitaptap iyan tol, marami niyan sa aming probinsya. Kadalasan ay dito sila naninirahan sa puno ng akasya at lumalabas sila sa dilim upang humanap ng makakasama sa pag lipad. Pag masdan mo, parami sila ng parami.” ang wika ni Rycen habang pinag mamasdan ang maliliit na liwanag na lumilipad sa aming paligid.

Ako naman ay naka tahimik lang at manghang mangha sa aking nasasaksihan.

Habang nasa ganoong pag kamangha ako ay biglang nag bago ang tugtog sa loob ng gym at kasabay nito ang hiyawan ng mga kalalakihan hudyat ng pag sasayaw ng mag kakapareha.

Music Playing

Love is all that matters

Lost in a dance Waiting for the chance All I really needed was to love you Night after night Searchin’ for the light You saved me You gave me something I could feel

Love is all that matters Faithful and forever Keepin’ us together Love is all we need Prisoner of illusion Sentence is suspended Loneliness is ended Love has set me free

Dreams from the past Comin’ true at last Never noticed how my life was changing Now I can see All that love can be You saved me You gave me Something that was real

Love is all that matters Faithful and forever Keepin’ us together Love is all we need Prisoner of illusion Sentence is suspended Loneliness is ended Love has set me free

Nakikinig ako ng kanta habang pinapanood ang mga alitaptap na nag liliparan sa aming paligid. Maya maya ay humarap sa akin si Rycen at nag wika ito. “Jop, naalala mo ba yung sinabi ko sa iyo noong high school tayo na kapag walang nag sayaw sayo ay ako ang gagawa noon?” ang tanong nito at doon nga ay nag balik sa aking isipan yung eksena noong sabihin iyong ni Rycen.

FLASH BACK

“Wala, eh hindi nalang ako aattend dyan sa graduation ball, sino naman ang makikipag sayaw sa akin. Tiyak na magiging bulaklak lang ako sa pader.” sagot ko.

Natawa ito at ngumiti sa akin habang naka higa. “Isasayaw kita kapag walang nag sayaw sa iyo tol. Promise.. Seryoso ako. Kahit mag tawa pa sila.”

“Loko ka talaga.” natatawa kong tugon.

“Seryoso ako tol. Isasayaw kita kapag walang nakipag sayaw sa iyo. Hindi hahayaang maging bulaklak sa pader ang best friend ko.” sagot nya sabay bitiw ng matamis na ngiti. “Pangako iyan!”

“Ewan ko sayo. Puro kalokohan ang nasa isip mo.” kunwaring pag tutol ko bagamat kinikilig ako sa mga sinasabi nya. Ayoko rin namang tutulan eh, kahit alam kong imposible yon. Sakyan nalang sige.

“Pangako nga tol.”

“Sige ha. Promise mo yan. Pag hindi ay mag tatampo talaga ako.” biro ko naman sabay tawa ng malakas.

Natahimik naman ako at tila binalot ng matinding kaba at excitement. Tila hinihintay ko ang susunod na eksenang mangyayari ng biglang lumuhod si Rycen at hawakan nito ang aking kamay. “Jop, maaari ba kitang isayaw?” ang tanong nito.

Natawa naman ako bagamat may kung anong emosyon ang namayani sa aking dibdib. Masaya ako ngunit gusto kong umiyak habang inilalagay ang aking kamay sa balikat ng taong aking pinaka mamahal. Gumapang naman ang kamay ni Rycen sa aking bewang at nag tapat ang aming mga mukha. Amoy na amoy ko rin ang kanyang mabangong hininga.

Noong mga sandaling iyon ay nais ko nang sabihin sa kanya ang aking tunay na nararamdaman ngunit tila ayaw makisama ng aking bibig dahil nanatili lamang itong nakatikom habang ang aking mata ay nakatitig sa kanyang gwapong mukha.

Kasabay ng aming pag indak ang siya namang pag lipad ng mga alitaptap sa aming paligid na tila sumasayaw rin sa saliw ng musikang nag mumula sa loob ng gymnasium.

Ibayong saya ang namayani sa aking pag katao noong mga sandaling iyon. Bagamat alam ko na ang kaligayahang ito ay pansamantala lamang dahil sa susunod na araw na ang aming pag tatapos. Napipinto na rin ang nanalapit na pag hihiwalay namin ni Rycen at gayon din ang alalang naipon namin sa maraming taon dito campus.

May dahilan para maging masaya at sa kabilang banda naman ay may dahilan din para malungkot. Sa mag kaparehong sitwasyon ay luha naman ang dulot nito sa aking emosyon.

itutuloy..

Imbisibol Part 50

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sept 25, 2016

Part 50

“Congrats John Peter. Cum laude! I know you can do it. Hindi ako nag kamali sayo.” ang wika ni Sir Espanyol noong ibigay nya sa akin ang program para sa graduation na gaganapin bukas.

“Salamat po sir. Sa wakas malapit ko na rin maabot ang pangarap kong maging ganap na inhinyero.” ang naka ngiting sagot ko naman.

“You really deserved it Mr. Guzman. Sayang nga lang dahil hindi sa ating department nag mula ang Magna Cum laude ngayong taon kundi sa Criminology. Gusto ko pa naman marinig ang speech mo. Pero anyway maririnig ko naman ang boses mo sa pag awit ng farewell song para sa batch nyo.” ang wika nito sabay tapik sa aking balikat.

Bukod pa roon ay inabot rin nya sa akin ang aming pinaka huling class picture namin kung saan bigla akong napalingon kay Rycen noong kinukuhanan ito. Kaya ayun, ang resulta ay naka tingin ako sa kanya habang siya naman naka harap sa camera at naka ngiti.

Natawa tuloy ako bagamat tila may kirot sa aking dibdib..

Noong mga oras na iyon ay hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat mangibabaw sa aking pag katao. Gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa ngunit sa kabilang banda ay gusto ko ring umiyak sa sobrang lungkot. Masaya ako na mag tatapos na ang lahat bukas pero anong masaya doon kung mag tatapos na nga lahat?

“Minsan nga ay naguguluhan ako sa mga tao, ang lahat ay nag nanais ng “happy ending” ngunit bakit magiging masaya sila kung tapos na ang lahat?“ ang tanong ko sa aking sarili habang naka upo sa botanical garden na madalas ko ring tambayan. Hindi ko napapansin na lumilipas ang oras, paunti unting nag babago paligid ko. Katulad nalang nitong garden, dati ay maayos ito ngayon ay kupas na ang mga pintura at ganoon din ang mga bakod at tarangkahang may kalawang. Isang patunay lang na niluluma ng panahon ang bawat bagay dito sa mundo. Eh yung nararamdam ko kaya para sa isang espeyal na tao? Kaya rin kaya itong lumain ng oras?

Tahimik..

Wala tuloy akong magawa kundi ang mapa buntong hininga.

Noong araw na iyon ay hindi ko na rin nakita si Rycen, marahil ay abala na ito sa pag hahanda para sa graduation. Nasabi nya kasi sa akin kahapon na ngayon ang dating ng kanyang mama galing sa Cebu at doon lamang daw sila sa hotel mananatili hanggang sa dumating oras ng pag tatapos.

Marami akong masalimuot at magandang ala-ala sa paaralang ito. Dito ako natuto ng iba’t ibang aral sa buhay, may pag kakataon na lumuha ako at may pag kakataon rin naman na ngumingiti ako. Dito ko napag tanto na ang pag aaral pala ay hindi lang basta pagiging honor student, popular o mahusay sa klase, dahil ang pag aaral ay pag harap din sa iyong takot, pakikipag kapwa at pag gawa ng kabutihan para sa iba. Dahil sa huli ang mga bagay na ito ang siyang mag iiwan saiyo ng ibayong saya at ganoon din sa ibang tao na naka aalala sa iyo.

“Maagang emote iyan ah.” boses ni Gab.

“Hindi naman, namamahinga lang ako. Ang layo kasi ng inalakad ko.” palusot ko naman.

“Naku, maaari mong lokohin ang lahat ng tao, pero ako? Hindi no.. Bestfriend tayo kaya’t ramdam ko rin kapag nalulungkot ka.”

Natahimik naman ako at nag bitiw lang ng simpleng ngiti sa kanyang harapan. Muli ko rin itong binawi at itinuon sa kalayuan ang aking tingin.

“Oh para sa iyo. Happy Birthday at Congratulations sa pagiging Cum laude. Nasayo na ang lahat Jopet.. Gwapo, popular. Eh sa history yata ng school na to, kayong tatlo lang nina Rycen at Kerby ang nag akyat ng sunod sunod na pag kilala eh. Ang lakas ng hatak nyo sa merkado. Kaya tiyak na malaking kawalan kayo sa skul na to.” ang wika ni Gabby sabay abot ng kanyang regalo na isang rolyong tissue paper at isang helmet na pang protekta sa ulo.

“Hindi ko naman napansin na ganoon ang hatak ko sa paaralang ito. Basta naka focus lang ako sa pag aaral diba? Saka ano bang regalo mo? Pero salamat na rin.” ang wika ko naman.

“Welcome naman. Ang isang rolyong tissue ay para sa luha mong bubuhos bukas kung sakaling mag tapat ka kay Rycen at hindi maging mutual ang feelings nyo kahit hindi naman talaga. At iyang helmet kung sakaling mag dilim nanaman ang paningin mo at bigla kang tumawid sa kalsada, isuot mo iyan para hindi mag kadeperensya ang ulo mo. For protection lang baga. Natatakot ako na pag naaksidente ka ulit ay ma yatap kana.” ang natatawang salita niya.

“Hindi ko na gagawin iyon. Hindi naman ako umaasa, ayos na sa akin yung masabi ko sa kanya ang damdaming itinago ko sa loob ng mahabang panahon. Ayoko nalang pag sisihan yung mga bagay na hindi ko nagawa.” ang tugon ko sabay bitiw ng malalim na buntong hininga.

“Basta, nasa likod mo ako. Saka biro lang naman iyang gift ko. Ang tissue na iyan ay para doon sa cr natin. Yung totoong regalo ko sayo ay nandoon sa ibabaw ng kama mo. Huwag kana malungkot dahil kung tutuusin ay ikaw dapat ang pinaka celebrated na tao ngayon dahil bihira sa isang inhinyero ang nag c-cumlaude sa ganitong ka high standard na paaralan. Proud na proud kami sayo Jopet.” ang masayang salita ni Gab habang naka akbay sa akin.

“Salamat Gab, kundi dahil sa mga lectures mo ay hindi rin ako makaka abot sa ganito. Parte ka ng aking tagumpay. At kahit na kailan ay hinding hindi ko lilimutin iyon.” tugon ko naman.

“Wala iyon bro. Ikaw pa.. Oh paano goodluck bukas.” sagot ni Gab sabay tayo at lumakad ito palabas ng garden. Maya maya ay huminto ito at muling humarap sa akin. “Jopet!” pag tawag nito kaya naman humarap ako. “Bakit?” tanong ko.

Ngumiti ito at nag wika “ang pinaka masayang parte ng mga kwento ay matatagpuan sa pinaka huling pahina. Kaya’t huwag kana malungkot kung mag tatapos man ang lahat.” salita ito sabay senyas ng thumbs up.

Isang matamis na ngiti naman ang isinukli ko sa kanya sabay senyas din ng thumbs up.

Kinabukasan..

Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin nina mama at papa at noong bumaba ako dorm suot ang aking toga. Maluha-luha pa ang mga ito habang inaabot ko sa kanilang program ng graduation. Wala silang ideya na naka kuha ako ng cumlaude dahil hindi ko naman ito ibinalita sa kanila. Baligtad nga raw dahil sa halip na sila ang mag surpresa sa akin dahil birthday ko rin ay sila pa ang ginulat ko. Syempre ay abot langit rin ang aking pasasalamat sa kanila dahil sa suportang ipinag kaloob nila sa akin.

Alas 9 ng umaga, ang lahat ng graduate ay naka pila na para sa processional march. Ang lahat ay masayang masayang habang nag papakuha ng larawan at yung iba naman ay nag papalitan ng regalo. Ako naman ay nakatayo lang katabi ang aking mga magulang habang naka tingin sa kinatatayuan ni Rycen na noon ay abala sa pag papakuha ng larawan sa kanyang mga ka team mates.

Ilang sandali pa ay tumugtog na ang graduation march hudyat para mag lakaran na ang lahat. Proud na proud ang aking mga magulang kapag tinatawag ang aking pangalan lalo noong iginawad sa akin ang medalya ng pagiging cumlaude. Palakpakan ang lahat habang ako naman ay taas noong umakyat sa entablado upang tanggapin ang aking karangalan.

Para akong lumulutang sa alapaap noong mga sandaling iyon. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang ibayong saya habang ninamnam ang bunga ng aking pag pupunyagi. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang pag aaral kong mabuti ang siyang mag dadala sa akin sa tagumpay. Tama nga naman si Gabby, ang talino lang ang mayroon kami kaya’t ito ang dapat naming pag yabungin. Hindi kami gwapo, hindi rin kami tinitingnan ng lahat dahil wala naman talagang espesyal sa amin, madalas kaming binubully at nilalait ng aming mga nakakasalubong pero ang lahat ng iyon ay nag bago dahil sa aming pag aaral ng mabuti. Ngayon ko lang napag tanto na daig pa rin ng matalino ang pinaka popular na estudyante sa isang paaralan.

“At ngayon naman ay tinatawagan si Mr. John Peter Guzman, Cumlaude. Para sa pag awit ng batch 2001 theme song”

palakpakan ang lahat..

Ako naman ay huminga ng malalim sa gitna ng entablado. Ang lahat ng mga graduates ay nag tayuan para sumabay sa aking pag awit.

Noong mga sandaling iyon ay unti unting nag balik sa aking ala-ala ang lahat ng pinag daanan ko sa pag aaral, ang lahat ng saya, lungkot at takot. Lahat na yata ng emosyon ay naramdaman ko habang nakikipag sapalaran sa hamon ng buhay. Ang lahat ng ito ay parang pelikulang nag balik sa aking isipan.

Bridge Over Troubled Water

Paul Simon & Garfunkel

When you’re weary, feeling small, When tears are in your eyes I will dry them all I’m on your side When times get rough And friends just can’t be found Like a bridge over troubled water I will lay me down Like a bridge over troubled water I will lay me down

When you’re down and out When you’re on the street When evening falls so hard I will comfort you I’ll take your part When darkness comes And pain is all around Like a bridge over troubled water I will lay me down Like a bridge over troubled water I will lay me down

Sail on, silver girl Sail on by Your time has come to shine All your dreams are on their way See how they shine If you need a friend I’m sailing right behind Like a bridge over troubled water I will ease your mind Like a bridge over troubled water I will ease your mind

Pag katapos ng aking pag awit ay halos mapaluha ang lahat habang nag papasalamat sa kanilang mga kaibigan at magulang. Kasabay noon ang isang masigabong palakpakan noong i-announce na kaming lahat ay graduate na.

Pag baba ko ng entablado ay unang yumakap sa akin si Kerby na mangiyak ngiyak habang nag papasalamat sa akin. At hindi lang iyon dahil ipinakilala pa nya ako sa kanyang mga magulang. Pag bati naman ang ipina abot ko sa kanila habang magalang na nag mamano at nag bibigay pugay.

Matapos noon ay lumakad ako patungo kay Rycen na noon ay abala sa pag papakuha ng larawan kasama ang kanyang mama at kanyang ka team. Noong nakita ako nito ay agad akong niyakap at ipinakilala sa kanyang mama. “Nice to meet you Jopet. Madalas kang ikinukwento sa akin ni Rycen, maraming salamat sa pag tulong mo sa kanya hijo.” ang wika nito sabay yakap sa akin.

Si Rycen naman ay naka ngiti at muli akong niyakap ng mahigpit. “Happy Birthday tol. At congrats sayo. Ang husay mo.” ang wika nito.

“Congrats din Rycen. Proud ako sayo” tugon ko naman. Noong mga sandaling iyon ay nais kong iabot sa kanya ang aking sulat ngunit tila nag dadalawang isip ako dahil baka maulit nanaman ang nangyari noong 4th year high school kami. Ngunit wala namang ibang pag kakataon, ang kailangan ko lang gawin ay ibigay sa kanyang sulat, ngumiti at lumakad palayo. Hindi na ako mag hihintay ng sagot, alam ko namang wala. Basta ang mahalaga ay maiwaksi ko ang aking tunay na nararamdam para sa kanya.

Nanatili akong nakatingin sa kanya at siya naman ay naka ngiti sa akin. Wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at dukutin ang sulat sa aking bulsa. “Ah… ano.. Ry, may..” hindi ko naituloy dahil biglang hinila si Rycen ng kanyang mga barkadang kolokoy dahilan para mapurnada ang aking moment. “Tol, wait lang.. ang kulit ng mga ito.” ang wika nito habang hinahatak palayo sa akin.

Wala naman akong nagawa kundi ang isauli nalang sa aking bulsa ang sulat na ginawa ko pa noong nakaraang buwan para ipag tapat sa kanya ang aking ikinukubling damdamin. Ngunit tila yata ayaw ng pag kakataon dahil kung kailangan nakapag ipon ng lakas ng loob para sabihin ito ay siya naman pag alis ni Rycen sa akin harapan.

At habang nasa ganoong pag iisip ako ay siya namang pag hatak sa akin ng aking mga kaklase para mag pakuha ng larawan. Lalo lamang tuloy lumayo ang distansya namin ni Rycen sa isat isa. At bago ko pa malaman ay palayo na palayo ang tiyansa na masabi ko sa kanya ang lahat. Wala akong magawa kundi ang tanawin sya sa kabilang sulok ng venue habang nag lalakaran ang mga tao sa aming gitna.

itutuloy..

Imbisibol Part 51

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sept 25, 2016

Part 51

Kinahapunan, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa harap ng aking study table habang napupuno ng pang hihinayang ang aking dibdib. Sumagi tuloy sa aking isipan yung mga eksena kanina noong muntik ko nang sabihin sa kanya ang lahat..

FLASH BACK

Nanatili akong nakatingin sa kanya at siya naman ay naka ngiti sa akin. Wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at dukutin ang sulat sa aking bulsa. “Ah… ano.. Ry, may..” hindi ko naituloy dahil biglang hinila si Rycen ng kanyang mga barkadang kolokoy dahilan para mapurnada ang aking moment. “Tol, wait lang.. ang kulit ng mga ito.” ang wika nito habang hinahatak palayo sa akin.

Wala naman akong nagawa kundi ang isauli nalang sa aking bulsa ang sulat na ginawa ko pa noong nakaraang buwan para ipag tapat sa kanya ang aking ikinukubling damdamin. Ngunit tila yata ayaw ng pag kakataon dahil kung kailangan nakapag ipon ng lakas ng loob para sabihin ito ay siya naman pag alis ni Rycen sa akin harapan.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang hawak ko ang lumang sulat na sana ay iaabot ko sa taong labis kong hinahangaan. Ibayong lungkot ang aking nararamdaman sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga bagay na hindi ko nagawa noong kasama ko pa siya. At lalo lamang akong binabalot ng pang hihinayang habang pinag mamasdan ko ang aming pinaka huling class picture bago mag tapos sa kolehiyo. (Scene from Imbisibol season 1 Part 1)

Nakakatuwa ang aking itsura sa larawang iyon dahil naka tingin ako sa kanya samantalang siya naman ay naka tingin sa iba. Ngunit gayon pa man ay unti unting gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi sa tuwing sumasagi sa aking isapan ang mga ala-ala noong kami ay mag kasama pa.

Habang nasa ganoong pag titig ako sa aming larawan ay isang lumilipad na unan ang tumama sa aking mukha dahilan para mapasubsob ako. “Tana para saan iyon?” ang tanong ko naman kay Gabby.

“Para ka kasing baliw. Naka titig ka sa picture at pag katapos ay nakangiti ka. Eh kung hanapin mo na kaya si Rycen at ibigay sa kanya iyang sulat na kanina mo pa dinadasalan edi sana solve ang problema mo. Edi tapos na! Dali naaaaa!! May oras ka pa. Bahala ka dahil kapag umuwi iyon sa Cebu ay mas lalo tayong mahihirapan.” ang pag pupursige ni Gabby.

“Teka akala ko ba ay hindi ka pabor na mag tuon pa ko ng pansin kay Rycen? Bakit ngayon naman ay pinupush mo ako?” tanong ko naman. “Eh hindi naman talaga ako pabor no. Ang layunin ko lang ay mawala iyang dinadala mo. Saka suportive akong kaibigan alam ko naman iyan.” naka ngising sagot nito.

“Alam mo minsan di kita magets, kontrabida ka pero push ka naman ng push.” pag mamaktol ko naman sabay tayo.

“Nag reklamo ka pa e tatayo ka rin naman pala.” pang aasar naman nito.

Ayun nga ang set up, dahil sa ginawang pangungumbinsi ni Gabby ay nag pasya akong hanapin si Rycen at doon ay ibigay ang aking sulat. Basta kusang gumalaw ang aking paa at mabilis na tinumbok ang daan palabas ng pinto. “Teka Joppp!! Manonood ako ng concert sa mall mamaya, ilolock ko nalang ang pinto!!” ang sigaw nito pero hindi ko naman pinansin dahil dire-diretso lamang ako sa pag takbo.

Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya naman nag pasya akong pumunta muna sa aming dating classroom. Baka sakaling nag soli ito ng toga at nandoon pa rin siya hanggang ngayon. Ngunit hindi naman lingid sa aking kaalaman na ang pag babaka sakaling ito ay maliit lamang ang posibilidad at porsiento.

Kahit mabilis ang aking pag takbo, pakiwari ko ay hindi ako nawawalan ng enerhiya. Masigla ang aking katawan na parang may namumuong kakaiba kaba at excitement habang tinatahak ang daan sa ground patungo sa aming department.

Pag dating ko sa department ay may mangilan ngilan nalang yung mga estudyanteng nag lalakad. Karaniwan sa kanila ay lower year at nag aayos ng requirements para sa kanilang summer classes. May ilan namang nakatambay kasama ang mga kaibigan nila ngunit mabibilang mo nalang sa daliri kung gaano sila karami.

Agad akong umakyat sa 2 floor ng gusali para mag tungo sa classroom namin. Tahimik dito at walang maririnig na ingay. Parang kailan lang ay tumatakbo pa ako dito sa hallway kapag na lalate o kaya ay kapag nag aagawan kami ni Gab sa mga bagong sa mga librong ginagamit sa pag reresearch. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang iniisip ko iyon. Ito ang mga ala-ala na hinding hindi mabubura sa aking puso at isipan kahit lumipas pa ang mahabang panahon.

Patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa aming classroom. Hindi naman ako nabigo dahil may tao nga sa loob nito kaya naman agad kong pinihit ang door knob ng pintuan.

Tahimik..

Pag pasok ko dito ay laking tuwa ko dahil naabutan ko nga si Rycen na nag aayos ng gamit, at abala rin ito sa pag sisinop ng kanyang mga jersey, medyas at rubber shoes na naiwan sa locker. Hindi ko maunawaan ngunit tila binalot nanaman ako ng matinding kaba habang lumalakad palapit sa kanya. Ngunit kailangan ko nang sabihin sa kanya ang lahat dahil nauubos na ang oras sa pagitan naming dalawa. Bukas na ang balik niya sa Cebu at ayokong pag sisihan ang mga bagay na hindi ko nasabi o nagawa dahil mabigat ito sa loob. Alam ko namang hindi mutual ang feelings namin pero ang mahalaga ay malaman niya. Atleast ay nasabi ko kaysa habang panahong mag sisi.

“Tol, anong ginagawa mo dito? Mag sasauli ka rin ba ng toga?” ang tanong nito habang naka ngiti.

“Ah e, tapos na kanina pa. Ang totoo nun ay ano.. Ano..” ang nauutal kong sagot

Nakangiti pa rin ito at lumapit sa akin. “Ano iyon tol?”

Huminga ako ng malalim at saka nag salita ng ubod ng tapang. “Nais ko lang ibigay saiyo ang sulat na ito. Sana tanggapin mo.. Please.” ang nanginginig kong sagot sabay abot sa kanya ng sulat na aking ginawa noong nakaraang buwan pa. Advance ko nga itong ginawa dahil ang akala ko ay maibibigay ko sa kanya ng mas maaga ngunit hindi rin pala.

“Wow, salamat tol. Iingatan ko ito.” ang sagot nito ngunit pakiramdam ko ay hindi pa ako kontento sa ganoon lang. Kailangan ko maging matapang upang ipag tapat ang aking tunay na nararamdaman. Kailangan ko itong mailabas sa aking dibdib, iyon lang ang tanging paraan upang gumaan ito at mawala ang kakaibang kirot o sakit. Ayoko nang mag kubli dahil sawang sawa na ako dito. Habang panahon na akong nag tatago sa aking sariling anino at kahit na kailan ay hindi ako naging totoo sa aking tunay na nararamdaman. Kung aatras ako ngayon ay habang buhay nalang akong aatras at wala nang mangyayari sa akin. Hindi na ako naging matapang sa aking sariling mata.

Nanatiling nakatingin si Rycen sa akin na tila hinihintay ang aking sasabihin kaya naman muli akong huminga ng malalim at binitiwan ang mga katagang. “Ang nais ko ay parati kang nasisilayan ng mga mata ko. Ibayong lungkot ang nararamdaman ko kapag hindi kita nakikita o nakakasama. Ginawa kitang inspirasyon para maging mahusay sa pag aaral, nag pakatalino ako, nag play ng snow white, lumaban sa singing contest, lahat ng ito ay ginawa ko para lang mapansin mo. Kapag umuuwi tayo ay sinasadya kong dumaan sa ibang ruta at direksyon para lamang mas matagal pa kitang makausap at makasama.”

Gumuhit na ang luha sa aking mata habang patuloy sa pag tatapat kanya..

“Rycen, gustong gusto talaga kita at sa ngayon ay ayoko pang mag paalam sa iyo, ayoko pang matapos ang lahat ito dahil baka bukas ay hindi na kita makita pa. Ayokong ma stuck sa pagiging kaibigan mo lang.. Ayokong ng kaibigan lang.. Gusto kong malaman mo na simula pa noong una ay MAHAL NA KITA.. Mahal kita Rycen at palagi kitang mamahalin kahit nasaan ka o nasaan man ako.” ang wika ko habang umiiyak.

Tahimik..

“SA WAKAS NASABI KO RIN!!!” ang sigaw ko sa aking isipan na parang hihimatayin sa kaba.

Nanatiling nakatayo si Rycen sa aking harapan. At nasa ganoon posisyon kami noong biglang bumukas ang pinto ng silid dahilan para mapalingon ako dito. “Iho ayos ka lang ba dyan?” ang tanong ng maintenance.

“O-opo kuya. Ayos lang kami.” ang sagot ko naman habang pinupunasan ang aking luha sabay bitiw ng pilit na ngiti.

At noong humarap ako muli kay Rycen ay wala ito sa aking mata. Ang sulat na iniabot ko ay nakahulog lang sa sahig at kasabay nito ang pag babalik sa normal ng lahat. Dito ko napag tanto na wala naman talaga si Rycen dito sa silid at tanging imahinasyon ko lamang na kausap ko siya. “Iho, isasara na ang department maya maya, ang mabuti pa ay iayos mo na ang iyong mga gamit ay lumabas kana dyan.” ang muling silip ng maintenance kaya naman muli akong lumakad palabas ng silid.

“Imahinasyon lang lahat ngunit pakiwari ko ay totoo ito. Marahil ay dahil sa pag nanais kong ipagtapat sa kanya ang lahat kaya’t ang isipan ko na ang gumagawa ng paraan upang mailabas ito. Dapat ba akong matuwa dahil nasabi ko na ito? O dapat akong umiyak dahil pader ko lamang pala ito isinawalat?” tanong ko sa aking sarili habang malungkot na nag lalakad sa hallway.

Patuloy ako sa pag lalakad sa hallway ng paaralan patungo sa gate. Ibayong lungkot ang aking naramdaman noong sandaling iyon. Mabigat na mabigat ang aking dibdib bagamat nailabas ko naman ang aking saloobin doon sa aming classroom kanina. Ngunit, ang pakiramdaman at sakit ay ganoon pa rin. Walang pag babago.

Lalo lamang akong nalungkot noong muli tugtugin sa radyo ang aking kanta na siyang nag mistulang background music sa aking malungkot na pag lalakad.

Imbisibol

Stage Crew

imbisibol ako sa’yong paningin imbisibol, hindi mo napapansin halos magmukhang tanga ang puso ko mapansin mo lamang, ako’y naririto imbisibol ako sa ’yong mata

hindi naman ako isang superhero na nawawala’t lumilipad ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat wooh at lalong di ako si batman o robin superman o wolverine ako’y isang hamak na kulang sa pansin wooh

imbisibol ako sa’yong paningin wooh imbisibol, hindi mo napapansin halos magmukhang tanga ang puso ko mapansin mo lamang, ako’y naririto imbisibol ako sa ’yong mata ahahhahh

imbisibol ako sa’yong mata

Patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili sa harap ng dorm nila Rycen naka tanaw at nag aabang sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Naka upo ako sa ilalim ng isang matandang puno ng mangga at doon ay pilit tinatanaw ang silid sa itaas kung saan naka kwarto sina Rycen at ang mga kaibigan niya ngunit sa palagay ko ay bakante na ito dahil sarado ang bintana at ganoon din ang pinto sa balkunahe.

“Jopet, ikaw pala. Gabi na ah.” ang bati ng landlord ng dorm ni Rycen.

“Kayo po pala manong Ted, nga pala nandyan pa po ba si Rycen sa loob?” tanong ko naman.

“Ah si Rycen ba? Kanina pa sila umalis ng mama niya patungo sa Cebu. Baka naka alis na iyon ngayon. Mga alas 3 yata ay nag paalam na siya sa akin. At iniwan nya itong isang maliit na susi. Ang bilin niya ay ibigay ko daw ito sa iyo kung sakaling mapa bisita ka rito.” ang wika nito sabay abot ng susi sa aking kamay.

Noong una ay nag taka ako kung para saan ang naturang susi hanggang sa maalala ko yung regalong ibinigay nya sa akin noon nakaraang buwan habang naka tambay sa garden.

FLASH BACK

“Nga pala tol, advance birthday gift ko para sa iyo. Sa susunod na buwan na ang birthday mo at pag nag kataon ay kasabay din iyon ng araw ng graduation. Heto inadvance ko na dahil kung sakali man na hindi ako pumasa at maka akyat ay maaga akong uuwi sa Cebu para mag trabaho nalang. Kung hihintayin ko pa ang susunod na buwan ay baka makalimutan ko na ito.” ang natatawang wika nito sabay abot ng isang maliit kahon na animo treasure chest na may kandado.

“Wow, salamat. Ang ganda ah. Teka bakit naka lock?” ang pag tataka ko.

“Syempre sa next month pa ang birthday mo kaya sa next month mo pa ito dapat buksan. Naka tago sa akin ang susi, bago ko umalis ay ibibigay ko sa iyo. At paki usap lang huwag mong aalugin dahil babasagin iyan. Huwag mo rin sanang ibagsak para hindi masira. Baka pag binuksan mo ay wala nang matira.” ang seryosong salita nito.

Kinuha ko naman ang kahon at maingat itong inilagay sa bag. Ibayong saya at kilig ang naramdaman ko noong mga oras na iyon. Pakiwari ko ba ay napaka espesyal ko at sa unang pag kakataon ay naka tanggap ako ng regalo kay Rycen at hindi lang iyon ay dahil advance pa ito. Sobrang advance actually. (Scene from Imbisibol S2 Part 48)

Noong mag balik ang aking ulirat ay agad akong nag tatakbo palabik sa aming dorm. Halos nakalimutan ko na ang tungkol sa regalong iyon ni Rycen na itago ko sa pinaka sulok ng aking cabinet dahil nga raw sa babasagin ang laman nito at madaling masira. Hindi ko lubos na maisaralawan ang dapat kong maramdaman noong mga sandaling iyon dahil halos masiraan na ako ng bait sa katakot takot na emosyong lumulukob sa aking pag katao.

Pag dating sa dorm ay nag mamadali akong umakyat sa aming silid at doon ay agad hinanap sa aking cabinet ang regalo ni Rycen. Yung treasure chest na kulay pilak at may kandado hinding hindi maaaring buksan dahil pinalibutan ito ng maliit din silver na kadena.

Tahimik..

Agad ko itong kinuha at inilapag sa aking study table. Nanginginig ang aking kamay dahil pinag halong kaba at excitement habang binubuksan ang kandado gamit ang susi na ibinigay ni Manong Ted ang land dorm sa dorm nila Rycen.

“Click” ang tunog ng kandado noong mabuksan ito.

Inalis ko rin ang naka paikot na kadena at marahan itong binuksan sa pag aakalang babasagin nga ang nasa loob.

Pag bukas ko ng box, agad na bumulaga sa akin ang aking larawan noong kumakanta sa entablado, suot ko dito ang barong , naka pikit at naka hawak ang kamay ng padakot sa dibdib. Ito yata ang larawan ko noong lumaban ako sa musikahan 1999 noong nakaraan dalawang taon. Pinag masdan kong mabuti ang mga larawan at doon ay napansin kong may nakasulat sa likod nito kaya naman agad kong binaligtad para basahin. “Ito ang parte na pinaka gusto ko sa lahat. Damang dama mo ang iyong kanta kaya naman halos maiyak ako habang pinapanood kita dahil ang lyrics na gamit mo ay ang tula ko na iniaalay para sayo. Proud na proud ako sa iyo tol habang pinapanood kita sa iyong pag awit. Pakiramdam ko ay para talaga sa akin ang awitin mong iyon.”

May kung anong tuwa at kabog sa dibdib ang aking naramdaman noong sandaling iyon. Kaya naman ipinag patuloy ko pa ang pag buklat sa ibang larawan na nasa baul.

Ang ikalawang larawan naman ay noong nakasuot ako ng costume ni Snow White at siya naman ay naka suot ng pang dwarf. May caption nanaman sa likod. “Ginawa mo ang best mo at nakita ko iyon. Hindi mo na kailangan ng prince charming dahil handa naman akong tumayong prinsipe mo sa lahat ng oras.”

Ang pinaka huling larawan ay ang picture namin noong graduation day noong 4th year. Mag ka akbay kami habang naka ngiti ng ubod ng tamis. Binasa ko ulit ang caption sa likod nito. “Congrats tol, proud na proud ako sa tagumpay mo. Sana ay proud ka rin sa akin. Dahil sa iyo kaya ako naka graduate ng high school. Ikaw ang totoong superman, wolverin at batman ng buhay ko.”

Tahimik ulit..

Unti unting gumuhit ang luha sa aking mga mata at kasabay noon ang matinding emosyon na lumukob sa aking buong pag katao. Lalo ko lamang pinag sisisihan na hindi ko sinabi kay Rycen ang katotohanan sa aking tunay na nararamdaman. Sanay sinabi ko na ito kanina pa. Sana ay nalaman niya agad..

Habang nasa ganoong pag iyak ako ay napansin kong may isang papel na naka tupi sa loob ng kahon. Batid ko sulat kamay ito ni Rycen kaya naman agad ko ito kinuha at binasa.

Narito ang nilalaman ng kanyang liham..

Dear Jopet,

Tol, una sa lahat ay nais kong iparating sa iyo ang taos pusong pag bati ko ng Maligayang kaarawan. Marami akong nais ipag pasalamat sayo ngunit sa tingin ko ay hindi sapat ang sabihin kong “salamat” dito sa lumang papel na ito. Ngunit gayon pa man ay masayang masaya ako dahil naging parte ka ng buhay ko simula noong 2nd year high school tayo hanggang makapag tapos tayo ng kolehiyo.

Marami akong hindi nasabi at nagawa noong kasama kita kaya’t nang hihingi ako ng tawad dahil hindi ako naging matapang para ipakita ang lahat ng ito. Naalala mo ba noong unang beses na maging mag kaklase tayo? Nangopya ako sa iyo ng sagot dahil hindi ako nakapag aral. Hiyang hiya ako saiyo noon dahil bubble gum lang ang naibigay ko bilang pasasalamat. Sana ay mas nag handa pa ako ng espesyal para sa iyo dahil deserve mo iyon.

Hindi ako pumapasok sa lahat ng subjects ko pero kapag kaklase kita ay natutuwa ako dahil may nag lalaan ng oras para tulungan ako at ipaalala na ang pag aaral ay isang mahalagang bagay. Kaya naman noong umabsent ka ay nag prinsita agad ako na ikaw ang maging kapareha ko sa activity at sa mga report dahil pakiramdam ay safe ako at gumagaling kapag nasa paligid ka. Walang akong paki alam kung pag tawanan ako ng buong klase dahil pilit kong piniprinsita ang sarili ko sa iyo.

Naalala mo rin ba noong niyaya kita mag tungo sa gym para sa pag ppractice ko ng volleyball? Ang totoo noon ay gusto ko lamang mag pasikat sa iyo. Hinuhusayan ko ang pag hampas ng bola dahil alam kong nandoon ka at nanood sa akin. Nais kong malaman mo na ikaw ang inspirasyon ko sa pag lalaro ng sports. Hindi naman kasi ako matalino at tanging pag lalaro lang volleyball ang kaya kong ipag malaki sayo.

At hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa aking sarili kapag naalala ko yung tungkol sa mga bulaklak na hindi ko nagawang iabot sa iyo ng personal. Noong matapos ang ating play ay ipinabot ko na lamang sa batang freshman ang mga ito dahil nahihiya ako sa iisipin mo. At noong araw naman na ikaw ay kumanta sa isang singing contest ay matagumpay kong nailahad sayo ang mga bulaklak ngunit hindi ko naman maamin na sa akin ito galing. Noong mga oras na iyon ay napakamot nalang ako sa aking ulo habang lumalakad palabas sa back stage.

Marami rin akong bagay na nais aminin sa iyo ngunit hindi ko ito masabi ng personal kaya’t sana ay mapatawad mo ako kung parati akong inuunahan ng takot at kaba. Nais kong malaman mo na parati kang hinahanap ng aking mga mata at nalulungkot ako kapag hindi ka nakakasama. Na lihim akong nakikipag away kapag nakakarinig ako ng masakit pananalitang ibinabato sa iyo. Na sinasadyang kong mag iba ng ruta o daan kapag pauwi tayo upang makasama ka lang ng mas matagal. Na naririnig kong lahat ng mga bulong at nag papanggap lamang ako na hindi ko naiintindihan.

Ang iyong ugaling busilak, mapag mahal, mapag aruga at punong puno ng pangarap sa buhay. Hindi na kapag tataka na lahat ng tao ay hahangaan ka at isa na ako roon. Saksi ako sa pag babago mo at ganoon din sa pag unlad mo bilang isang mabuting tao na walang ibang inisip kundi ang mapabuti ang kalagayan ko sa kabila ng pagiging tarantado ko, pagiging gago at matigas ang ulo.

Patawarin mo rin ako kung may mga oras na iniiwasan kita dahil ang gusto ay hanapin mo rin ako katulad ng pag hahanap ko saiyo.

Alam kong ako ang naging dahilan ng pag kaka aksidente mo kaya’t ibayong sakit at lungkot ang nararamdaman ko kapag sumasagi ito sa aking isipan. Patawad kung isa akong palpak na sira ulong padalos dalos at puro kasabawan ang alam. Patawad tol kung hindi ako naging si Superman, si Batman, si Robin o Wolverin sa buhay mo dahil isa ako na nanakit sa iyo.

Sa ang pinaka huling nais kong ihingi ng kapatawaran..

Tol..

patawad kung hindi ko nasabing..

MAHAL KITA.

P.S

Gusto kong malaman mo na hindi naman talaga si Kerby ang first kiss mo kundi ako. Dahil noong mga panahon na comatose ka ay madalas kitang halikan sa labi bago ako matulog sa gabi at kasabay noon ang panalangin na sana ay ibalik ka sa akin ng may kapal.

At ngayon ay masaya ako dahil natupad ko ang aking pangako na sabay tayong g-graduate ng kolehiyo at tutuparin ang ating mga pangarap.

Nag mamahal.

Rycen

Tahimik..

Natutulala ako sa aking nabasa. Hindi pa halos nag sisink in sa utak ko ang lahat ngunit patuloy pa rin ang pag daloy ng luha sa aking mga mata. At makalipas ang ilang minuto ay tuluyan na akong nilamon ng matinding emosyon at kasabay nito ang pag papakawala ko ng isang malakas na hagulgol na tila nababaliw ako sa pinag halo halong pakiramdam sa aking kaibuturan.

Ilang minuto rin ako sa ganoong pag iyak hanggang sa muli sumagi sa aking isipan ang pag alis ni Rycen pabalik sa kanilang probinsya. Sa pag kakataong ito ay hindi ko na hahayaang umalis pa siya sa aking tabi kaya naman agad akong nag tatakbo palabas ng dorm at nag abang ng sasakyan papunta sa paliparan. Malakas ang kutob ko na hindi pa nakaka alis ang taong nag bibigay ng saya sa aking buhay.

“Sakay?!” ang wika ng isang lalaking naka motor na biglang huminto sa aking harapan. Nag alis ito ng helmet at doon ay nakita ko si Kerby na naka ngiti sa akin. Bagamat ako naman ay mugto ang mga mata dahil sa matinding pag iyak.

“Tol, buti dumating ka. Kailangan kong makapunta sa paliparan ngayon. Kailangan kong habulin si Rycen. Please lang.” paki usap ko.

Natawa naman ito. “Oh e ano pang itinatayo mo dyan? Sakay na tol!” ang nag aapurang salita nito at doon ay mabilis kaming nag tungo sa paliparan.

“Huwag kang mag alala dahil aabot tayo doon. Ang sabi sa akin ni Rycen kanina ay 8pm pa ang flight nila kaya’t relax ka lang.” ang wika nito habang mabilis na pinapatakbo ang kanyang motor.

Noong mga sandaling iyon ay pilit kong ikinalma ang aking sarili habang binabalot ng matinding kaba hanggang sa makarating nga namin ang paliparan kung saan nakatakdang umalis si Rycen.

Agad akong bumaba at pumasok sa loob. Halos malagutan ako ng hininga habang pilit na hinahanap ang impormasyon patungkol sa mga flights na umalis na. At habang nasa ganoong posisyon ako ay napa dako naman ang aking paningin sa orasan kung saan nakita ko ang kamay ng relo na naka tama sa 8:45pm. At ang local flight patungo sa Cebu at kanina pa naka alis.

Nang hina aking tuhod at napaupo na lamang ako sa sahig. Tila yata pinag lalaruan ako ng tadhana dahil

hindi ko pa rin nasabi kay Rycen ang aking tunay na damdamin para sa kanya at hanggang ngayon ay nanatili pa rin itong naka tago sa aking dibdib na balot ng sakit at pag dadalamhati.

Tatapusin..

Imbisibol Part 52 (END)

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”


Author’s note: Lahat naman tayo halos ay nakaranas maging isang imbisibol. Ang konseptong ng akdang ito ay nabuo batay sa karanasan ng mga malalapit kaibigan at sa sarili ko na rin. Sana ang kwentong ito ay maging aral at inspirasyon para sa lahat ng mga taong palihim na humahanga at nag mamahal.

Si Jopet ay larawan ng isang ordinaryong tao na pilit binago ang kanyang sarili para sa taong labis hinahangaan. Hindi siya perpekto katulad ng ibang tauhan sa mga kwentong nabasa niyo. Ngunit siya ay isang tauhan na sumasalamin sa buhay ng nakararami sa atin. Isa lamang siyang tauhan sa aking akda ngunit masasabi ko na siya pinaka malapit sa realidad dahil siya ay ikaw at ang kwento kong ito ay kwento mo rin.

Maraming salamat sa mga walang sawang nag babasa ng mga gawa ko. Ang iba rito ay hindi pulido pero ang layon ko naman talaga ay makapag bigay aliw sa mga mambabasa. Hindi ako maingay na writer. Hindi ako nag popromote at hindi rin ako nang hihingi ng boto o komento sa mambabasa. Wala akong benepisyong nakukuha sa pag susulat dahil ito ay libangan ko lamang.

Umasa kayo na marami pa akong isusulat hangga’t nandyan kayo na nag mamahal at sumusuporta sa akin.

P.S idownload nyo ang kantang Imbisibol ng Stagecrew at sana ay maalala nyo sina Jopet at Rycen sa tuwing maririnig niyo ito.

Salamat po..


Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 52

Ibayong lungkot ang lumukob sa aking buong pag katao habang tinatahak ko ang daan palabas sa lobby ng paliparan. Wala akong nagawa kundi ang maupo na lamang isang sulok habang pilit na iniisip kung paano ko hahanapin si Rycen sa Cebu. Malapit lang naman ito ngunit ang problema ay hindi ko alam kung saang lupalop ko siya matatagpuan. Kung sana ay kasi lamang iyon ng Cabanatuan na kahit isa isahin ko ang mga bahay ay ayos lang basta matapuan ko ang aking hinahanap.

Alas 9 ng gabi, bagamat tuliro ay nag pasya na rin akong bumalik sa dorm sakay ng taxi. Marahil ay may lakad pa si Kerby kaya nawala na ito na parang bula sa aking paningin. Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa aking isipan ang tungkol sa liham ni Rycen at kanyang ginawang pag tatapat. Dapat ay maging masaya ako ngunit kabaligtaran ang nangyayari dahil binabalot ako ng matinding kalungkutan at pag kabigo.

Noong huminto ang taxi sa tarangkahan ng aming dorm ay mabigat na mabigat ang aking loob na tila ayaw humakbang ng aking mga paa. Muli nanamang nang gilid ang luha sa aking mga mata at kasabay nito ang pag hakbang ko na may dinadalang kirot sa aking dibdib.

Tahimik..

Nasa ganoong pag lakad ako noong may marinig akong boses sa aking likuran. “Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?” ang tanong nito kaya naman agad akong humarap dito at doon ay nakita ko ang isang lalaking naka tayo sa tarangkahan, naka suot ng jacket na itim at maong na pantalon. “R-Rycen? A-anong ginagawa mo dito? A-ang akala ko ay umalis kana?” ang tanong ko naman habang nauutal. Ewan ayokong maniwala dahil baka niloloko nanaman ako ng aking mata kaya naman kinusot ko ito at tinapakan ko pa ang aking sarili.

“Ano kaba tol, bakit kinukusot mo ang iyong mga mata? Lalong mamumula iyan. Paalis na sana ako ngayon kaso ng lang may nakalimutan akong ibigay sa iyo.” ang naka ngiting sagot nito sabay lakad palapit sa akin.

“Nakalimutan? Ibigay? Sa akin?” pag tataka kong tanong.

“Oo tol, heto oh.” ang wika nito sabay dukot sa isang lumang papel sa kanyang bulsa at iniabot sa akin.

Kinuha ko naman ito at pinag masdang mabuti. Lumang lumang na papel na ito at doon ay malinaw kong nakikita ang aking sulat kamay. Ibayong pag tataka ang aking naramdaman kaya naman agad ko itong binuklat. At noong mga sandaling iyon ay unti unting nag balik sa aking isipan ang eksena noong maaksidente ako pag katapos ng aming graduation day.

FLASH BACK

“SCCRRRREEETTTCCCHHHH!!!” ang tunog ng isang kotseng mabilis na sumulpot sa aking harapan..

“K-BLAAGGG!!” tumama sa unahan ng kotse ang aking katawan..

Nabitawan ko ang liham sa aking kamay at nilipad ito sa ere ng panandalian at kasabay ng pag tama nito sa lupa ang siya namang pag bagsak ng aking katawan sa sementadong kalsada..

Nag dilim ang aking paligid..

Huminto ang lahat.. (Scene from Imbisibol S1 Part 20)

At hindi lang iyon dahil nag balik din sa aking ala-ala ang nilalaman ng aking pinaka unang sulat na sana ay iaabot ko sa kanya.

Dear Rycen,

Maligayang araw ng pag tatapos para sa ating dalawa. Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang noong unang beses tayong maging mag kaklase sa science lab. Iyon ang pinaka magandang araw sa buhay ko dahil nag karoon ako ng pag kakataon na makapasok sa buhay mo.

Masaya ako dahil tapos na tayo sa high school, ngunit nalulungkot naman ako dahil baka dito na rin mag tapos ang lahat. Ngunit gayon pa man ay nais kong malaman mo na napaka saya ko dahil naging parte ka ng aking buhay at pag katao. Ikaw ang naging inspirasyon ko upang maging mas magaling at mas mabuting tao.

Ayoko pang matapos ang lahat ng ito dahil gusto pa kitang makasama ng mas matagal pa. Natatakot ako kapag naiisip kong mawawala kana paningin ko at iyon ang pinaka ayokong kong mangyari. Kaya bago ka umalis, nais kong ipag tapat sayo ang tunay kong nararamdaman. Alam kong bawal ito at hindi maaari dahil lalaki rin ako at lalaki ka. Ngunit anong magagawa ko kung habang tumatagal ay lalong naiibayo ang pakiramdam ko? Hindi ko na kaya ikubli pa tol, kaya naman lakas kong isinisiwalat sayo ang katotohanang MAHAL KITA.. Mahal na mahal.

Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako. Ayos na sa akin na nasabi ko ang nilalaman ng aking puso at damdamin. Ingatan mo ang sarili mo..

Nag mamahal,

Jopet

Natahimik ako..

“Ito yung sulat na dapat ay ibibigay ko kay Rycen noong 4th year high school kami. Hindi ko nga lang nagawa dahil naaksidente ako.” ang sigaw ko sa aking isipan na hindi maitago ang pag kabigla.

“Nakuha ko iyan noong araw na maaksidente ka tol. Ang sulat na iyan ay tinago ko ng ilang taon bago ako nag karoon ng lakas ng loob na muling ibigay sa iyo.” ang wika nito.

Napakamot ako ng ulo at nakaramdaman ng pag kahiya. “B-binasa mo na ba ito?” ang tanong ko naman.

“Oo tol, maraming beses na. Kabisado ko na nga ang nakalagay dyan. Patawad kung naging duwag ako. Ayokong mawala ang apoy ng pag sisikap mo kaya’t hindi ko agad sinabi sa iyo ang lahat. Alam kong ginawa mo akong inspirasyon at sa kaprehong dahilan ay ikaw rin ang inspirasyon ko. Hindi ako tumingin sa panlabas na anyo dahil mas nakikita ko ang tunay na ikaw sa iyong kalooban. Ang pag tityaga mong tulungan ako at isalba sa araw araw na gawain simula pa noong una ang siyang dahilan kung bakit ako unti unting nahulog sa iyo. Kung tutuusin ay hindi naman ikaw ang tunay na “imbisibol” kundi ako. Dahil pinilit kong itago ang tunay kong nararamdaman para sa iyo hanggang hindi mo na ito mahalata pa at dito ko napag tanto na naging imbisibol rin pala ako sa aking sarili. Ang feelings ko ay ginawa kong imbisibol upang hindi mo ito makita at habang tumatagal ay nagiging imbisibol na rin ito sa aking sarili.“ ang seryosong salita ni Rycen habang naka titig sa aking mukha.

“Hindi siguro mahalaga kung sino ang nag tago at kung sino ang nag paramdam. Ewan, hindi talaga ako makapaniwala kung totoo bang nangyayari ang lahat ng ito ngunit sa ngayon ay ayoko nang mag tanong pa. Sadyang may mga bagay lang kasi na masyadong maganda at sa bandang huli ay parang mahirap na itong paniwalaan. Pakiwari ko ba ay naka kulong ako sa isang magandang panaginip na nangyayari ang mga bagay na ang akala ko ay imposible. Ngunit kung panaginip ito ay ayoko nang magising pa.” ang wika ko naman.

“Hindi ito panaginip tol, totoong nangyayari ang lahat ito. Tapos na tayo ng kolehiyo. Wala nang activity, wala nang projects at mga requirements. Wala na ring most popular student na pinag lalabanan natin. Ngayon ay tayo na lamang dalawa.” ang naka ngiting tugon niya sabay yakap sa akin.

“Naku ewan, ang sabi mo sa akin ay babasagin yung regalo mo. Puro larawan ko lang naman pala.” pag mamaktol ko habang naka kulong sa kanyang bisig. “Pero salamat.. napasaya mo ako. Sobra.” ang dugtong ko pa dahilan para matawa ito. “Ang sinasabi ko sa iyong babasagin ay ang puso mo. Ngunit hayaan mo dahil iingatan ko ito.” ang hirit nito dahilan para matawa rin ako.

“Huwag kang ganyan.. baka maya maya ay paniwalaan ko iyang trip mo.”

“Paniwalaan mo, hindi naman ako nag bibiro eh.”

Tawanan..

Habang nasa ganoong pag sasaya kami ay agad akong hinawakan nito at mabilis na hinila sa loob ng dorm. Nag mamadali ito habang hinihila ako paakyat sa hagdan. “Teka saan ba tayo pupunta?” ang tanong ko.

“Doon sa kwarto.” ang wika nito sabay bitiw ng matamis na ngiti.

“Eh bakit sa kwarto? Wala naman si Gabby doon dahil nanonood ito ng concert.”

“Iyon nga ang maganda. Tayo lang dalawa para walang istorbo sa gagawin natin.”

“Ha? Teka, di kaya masyado pang maaga para doon? Hindi pa yata ako handang para sa ganoong bagay.”

“Shhh, ako bahala sayo.” ang sagot nito sabay pihit ng doorknob papasok sa aming silid.

Noong mga oras na iyon ay ibayong kaba at pananabik ang aking naramdaman. Wala akong ideya na ganito pala kainit si Rycen sa mga nagiging kasintahan niya. Parang hindi pa tuloy ako handang gawin ito.

Pag pasok namin sa loob ng silid ay agad nitong isinara ang pinto kaya naman mas lalo pa akong binalot ng kaba, halos hindi ko na malaman kung yayakapin ko ba siya o hahalikan nalang basta.

“Buksan mo yung ilaw tol.” ang bulong nito.

“Ha? Lights on tayo? Bakit?” ang tanong ko naman at wala akong nagawa kundi kapain ang switch at pindutin ito.

Bumukas ang ilaw sa loob ng silid.

“SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY JOPET!!!” sigaw ng lahat noong bumulaga sa aking mata sina mama, papa, Gab, Kerby at maging ang ilang kaklase ko at guro. Hawak nila ang isang malaking cake at mga lobo.

Sa kabilang gilid naman ay ang mga lamesang punong puno ng pag kain. Talagang inayos ang buong kwarto at inilabas ang mga kagamitan dito. Sa likod nila mama ay may isang malaking Banner. “Congratulations John Peter Guzman. Cumlaude. BS Civil Engineering”

Palakpakan ang lahat.

Ako naman ay natawa nalang dahil sa kalokohang iniisip ko kanina bagamat gumuguhit ang luha sa aking mata dahil sa doble dobleng kaligayahan. Hindi ko tuloy maiwasang tumingin kay Rycen na nanoon ay naka tawa nag kakabit ng birthday hat sa kanyang ulo. Ito na yata ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Halos umaapaw ito at wala akong mapag sidlan. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa kanila kung panaginip lang ba ito o talagang totoo na.

Kung sa bagay, ang mahalaga ngayon ay kasama ko ang mga taong mahahalaga sa akin. Iyon ang nakapag pasaya sa akin ng lubos.

Matapos ang party ay nakausap ko naman si Gabby at syempre ay naikwento ko sa kanya lahat ng pangyayari sa akin kanina. Yung mga sulat ni Rycen at yung mga katagang sinabi niya na siyang nag bigay ng ibayong saya sa aking kaibuturan. Halos hanggang ngayon ay lumulutang pa rin ako sa alapaap ng kaligayahan habang isinasalaysay ko ang lahat lahat.

Tawa naman ang isinagot nito. “Naalala mo ba noong pinaka huling beses na nag usap tayo sa botanical garden? Kung di mo maalala ay ipapa alala ko sa iyo. Roll VTR!” ang wika nito habang natatawa.

FLASH BACK

“Salamat Gab, kundi dahil sa mga lectures mo ay hindi rin ako makaka abot sa ganito. Parte ka ng aking tagumpay. At kahit na kailan ay hinding hindi ko lilimutin iyon.” tugon ko naman.

“Wala iyon bro. Ikaw pa.. Oh paano goodluck bukas.” sagot ni Gab sabay tayo at lumakad ito palabas ng garden. Maya maya ay huminto ito at muling humarap sa akin. “Jopet!” pag tawag nito kaya naman humarap ako. “Bakit?” tanong ko.

Ngumiti ito at nag wika “ang pinaka masayang parte ng mga kwento ay matatagpuan sa pinaka huling pahina. Kaya’t huwag kana malungkot kung mag tatapos man ang lahat.” salita ito sabay senyas ng thumbs up. (Scene from Imbisibol S2 Part 50)

“Ah oo yung pahina? So ang ibig mong sabihin ay alam mong mangyayari ang lahat ng ito?” ang pag tataka ko.

“Oo naman. Ang totoo nun ay si Rycen mismo ang nag plano ng lahat ng ito. Mula sa pag bibigay ng advance birthday gift sayo. Pag papalabas na aalis na siya patungo sa Cebu at pati ang pag sundo ni Kerby para dalhin ka sa paliparan ay planado rin. Ang lahat ng iyon ay para mag karoon kami ng sapat na oras sa pag hahanda para sa birthday mo at sa pag diriwang ng tagumpay mo sa pag aaral.” paliwanag ni Gab

“Ang ibig mo bang sabihin ay matagal mo nang alam na espesyal din ako sa mata ni Rycen?” tanong ko.

“Oo naman. Since comatose ka pa. Alam mo ba na marami beses ko siyang nakikitang hinahilikan ka bago matulog at noong dalhin ka papuntang amerika upang ipa gamot ay kinausap pa niya ang iyong mga magulang at doon ay nang hingi siya ng kapatawaran sa mga ito. At hindi lang iyon dahil ang pinaka malaking pasabog ay ipinabasa niya sa mama at papa mo ang malanding letter of confession kay Rycen mo bago ka maaksidente.” salaysay ni Gab

FLASH BACK

“Kasalanan ko po ang lahat dahil hindi ko siya pinakinggan. Ako ang may kasalanan kung bakit napahamak si Jopet.” ang pag iyak ni Rycen.

“Shh iho, huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan dahil ang lahat ng nangyayaring ito ay kagustuhan ng may Kapal. Siguro ay binibigyan lamang niya tayo ng isang mahalagang aral kung saan ay matututo tayong maging matatag at malakas sa bawat pag kakataon. Babalik si Jopet sa atin at muli mo siyang makakasama.” ang wika ni mama mo sabay yakap dito.

“Ipangako nyo po na gagaling si Jopet sa Amerika. Mahal ko siya.” patuloy na pag iyak nito.

“Pangako iho. Magiging maayos rin ang lahat.” sagot naman ng papa mo sabay yakap dito.

Iyakan silang lahat..

“Syempre ay wala ako sa eksenang iyon dahil naka tago lang ako sa labas.” ang pag kkwento ni Gab.

“Kung ganon ay alam nila mama at papa ang lahat?” gulat kong tanong.

“Tumpak. Natumbok mo bro.” proud na sagot ni Gab

“Kaya pala madalas na sinasabi nila mama at papa na suportado nila ang kahit na anong desisyon ko basta’t makita lang nila akong masya.”

“Oo bro, at sila ang dapat mong pasalamatan dahil suportado nila ang lahat ng kalokohang ginagawa mo.” natatawang sagot nito.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat ng ito dati pa? Natiis mo iyon? Natiis mong lahat ng ito?” ang pag mamaktol ko.

“Aba e, kasunduan naming ni Ry iyon bilang mag kaibigan. Saka ayokong pangunahan ang lahat ng bagay sa buhay niyo no.” sagot naman ni Gabby habang natatawa sabay tulak sa akin kaya naman nalaglag ako sa kama.

Tawanan..

Lumipas ang mga araw at muling bumalik sa normal ang lahat. Si Rycen ay sandaling nag paalam para umuwi sa Cebu pero nangako ito na sabay kami mag rereview para sa nalalapit na licensure examination. Isang magandang balita naman para kay Gabby ang pag pasa niya bilang isang Rehistradong Ihinyero dalawang araw matapos ang aking graduation at kaarawan. Samantalang ako naman ay bumalik sa aming probinsya sa Cabantuan upang makasama sina mama at papa na nooy nag pahayag na suportado nila ang relasyon namin ni Rycen basta daw sabay namin tutuparin ang aming mga pangarap.

Tulad ng kinagawian ko, muli akong nag babasa at nagrereview ng mga lessons sa mga luma kong note book bilang pa hahanda sa nanalapit na pag susulit.

Ilang linggo pa ang lumipas at muli namang bumalik si Rycen sa siyudad para mag review rin. Kaya naman doon ay sinamahan ko siya at sa pag kakataong ito ay nakatira na kami sa iisang silid. Punong puno ng saya at pag mamahal ang bawat oras naming mag kasama. Walang oras na hindi ko ipinaramdam sa kanya ang aking pag mamahal at syempre ay ganoon din sya. Ginagawa naming inspirasyon ang bawat isa upang matupad ang aming pangarap.

“Aba, akalain mo yun. Talagang sineryoso na ni Kerby ang pagiging commercial model no?” ang wika ko noong mapanood namin ang mokong na nag eendorso ng isang brand deodorant sa tv.

Natawa naman si Rycen habang nakayakap sa akin. “Gagong iyan. Muntik ka pang sulutin sa akin.”

“Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko naman.

“Naganap ito noong nakita mo kaming nag uusap sa lumang gym doon sa campus. Halos sumabog galit nito sa akin na siyang dahilan para muli akong magising katotohanan.” tugon ni Rycen.

FLASH BACK

Nabigo man kayo ngayon ngunit hindi ito sapat na rason para guluhin at wasakin ninyo ang isa’t isa. Bakit hindi nyo isipin na ang lahat ng ito ay isang aral lamang upang mabago ang papanaw nyo sa buhay? Na ang buhay ay hindi lang pag lundag, pag talon o pag lalaro dahil kailangan nyo ring mag seryoso at ipakitang kadapat dapat kayong pumakat sa mundong ginalawan ninyo. Minsan kailangan ituro sa inyo ng mundo ang tama sa paraang masasaktan kayo upang matuto.

Kung sabagay, hindi nyo mapapagtanto ang kahalagahan ng buhay hanggang hindi ito binabawi sa inyo. Ang lahat ng ito ay natutunan ko noong minsang makatulog ako at mag lakbay sa dilim, walang kasama at walang masasandalan. Dalawang option lang ang maaari ninyong gawin, UNA: Ayusin ang buhay nyo, lumaban at abutin ang inyong pangarap. IKALAWA: Tumakas at maging talunan habang buhay. Nasa inyo ang desisyon“ ang wika ko at doon hindi ko na napigil ang aking emosyon. Agad akong lumakad palayo sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, basta ang mahalaga ay makahinga ako ng maluwag at malayo sa sakit na dulot ng kanilang pag kakamali. (Scene from Imbisibol S2 Part 47)

“Nakita mo na ang ginawa mo? Sa halip na makatulong ka sa pag ayos sa ating sitwasyon ay wala kang ginawa kundi dalhin sa usapang karma ang lahat. Anong klaseng tao ka?” ang galit kong tanong.

“Ikaw ang anong klase tao! Duwag ka Rycen! Dahil hanggang ngayon ay hindi mo maamin kay Jopet iyang nararamdaman mo! Napaka tanga mo!!! Mahal ka ni Jopet kaya nasasaktan siya sa ginagawa mo! Kung hindi mo kayang ipakita sa kanya na mahal mo siya dahil umuurong iyang bayag mo, pwes ako, ako gagawa non! Duwag kaa!” ang galit na sigaw ni Kerby sabay hawak sa aking kohelyo.

“Wala kang alam sa nararamdaman ko tol. Huwag mo akong husgahan!” sagot ko naman.

“Hindi kita hinuhusgahan tol, pinapaintindi ko lang sa iyo na mag paka lalaki ka para aminin ang tunay mong nararamdaman. Putangina tol!! Naduduwag ka ba? Hindi ako tanga na sa bawat oras na lumalapit ako kay Jopet ay lihim mong tinitingnan ng masama na para bang palagi mong sinasabi na dumistansya ako sa kanya dahil papatayin mo ko! Anong nangyari sa mga ganong pa epek mo? Wala diba? Dahil hanggang ngayon ay Imbisibol ka pa rin!!

Pinilit kong mapalapit kay Jopet dahil napaka espesyal niya. Mabait, matalino, sensitibo sa kapa kanan ng iba. Lahat ng pag papa pansin ay ginawa ko na ngunit sa bandang huli ay wala pa rin dahil mata niya ay nakalaan lamang para saiyo. Wala akong magawa kundi ang bumitaw at kalimutan ang damdamin ko. Tangina tol, anong laban ko sa iyo? Marami taon kayong nag kasama, samatalang ako ay maigsing panahon pa lamang. Kung tutuusin tatlo tayong imbisibol sa mundong ito. Ikaw na pilit na itinatago ang nararamdaman, ako na pilit nag papansin at si Jopet na nanatiling balewala sa paningin mo.

Putang ina ka tol, duwag kaaaaa. Napaka duwag mo!!“ ang galit na sigaw nito sabay suntok ng malakas sa mukha ko.

Hindi ako lumaban, tinanggap ko lahat ng mga sinabi niya dahil totoo ang lahat ng iyon. Ang isang katulad na nakikipag paligsahan ng pag ka astig sa akin ay umiyak sa aking harapan at hindi sya natakot na ipakita ang kanyang tunay na nararamdaman. Noong mga sandaling iyon ay napag tanto ko na ako pala talaga ay isang malaking duwag.

Nanatili akong naka saldak sa lupa at hindi agad naka imik..

“Kung hindi mo sasabihin kay Jopet ang nararamdaman ako. Ako ang mag tatapat sa kanya at gagawin ko lahat para mapa sa akin sya.” ang huling salita nito bago tuluyang lumakad palayo sa aking kinalalagyan.

Noong mga sandaling iyon ay tila sinapak ako ng maraming beses sa mga salita binitiwan niya at sa aminin ko man o hindi, si Kerby ang gumising sa akin para lumakad ng tuwid patungo sayo. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang isang taong kakompetensya ko ay ibabalik ako sa katotohanan na pilit kong ikinukubli sa akin sarili.

Napa buntong hininga na lamang ako sa aking narinig. Hindi ko alam ganoon pala kalala yung nangyaring eksena sa pagitan ni Kerby at Rycen.

“Ang totoo nun ay nakapa espesyal ni Kerby sa akin. Ngunit nanatili lamang siyang kaibigan at wala nang hihigit pa doon. Mabait na tao rin siya at talaga napaka sweet.” ang salita ko naman.

“Napaka sweet? Nakup patay dun! Baka naman namimiss mo lang yung halik nya.” ang pag mamaktol ni Rycen na animo nag seselos.

“Hindi no, mas masarap kaya ang halik mo. Teka nag seselos ka ba?” tanong ko naman.

“Oo, may karapatan naman ako diba?” ang sagot niya sabay yakap sa akin at doon ay ginawaran niya ako ng isang matamis na halik kasabay ang katagang “mahal kita”.

Lumipas pa ang ilang buwan sa aming mga buhay. Maraming nag bago sa kapalaran ng bawat isa katulad na lamang ni Sir Espanyol na nag tungo sa ibang bansa upang doon mag turo at mag bigay ng inspirasyon. Si Kerby naman ay ipinag patuloy ang pag pasok sa showbiz at kasabay din nito ang pag rereview nya para sa board exam. Nag karoon na rin siya ng seryosong relasyon katulad ng kanyang pinapangarap.

Si Gabby naman ay nag tatrabaho bilang isang municipality engineer ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang ama. Madalas pa rin kaming mag kita at wala pag kakataon na hindi kaming naging masaya. Sya ay mananatiling best friend ko kahit sa aking pag tanda.

At tungkol naman sa amin ni Rycen? Wala pa ring pag babago sa aming samahan bilang mag kasintahan. Patibay ito ng patibay habang tumatagal kaya naman mas lalo pang bumubuhos ang walang kapantay na ligaya sa aming dalawa. At mas lalo pang itong bumugso noong kapwa kami makapasa bilang rehistradong inhinyero sa katatapos pa lamang na Engineering Licensure Examination. Hindi ako umabot sa top 10 ngunit gayon pa man ay masayang masaya ang aming magulang sa aming naging tagumpay.

“Engr. Rycen Paul Lacsamana. Sarap pakinggan no? So ano naman ang plano ng isang gwapong engineer pag katapos ng summer?” pangungulit ko kay Rycen habang lumalakad kami sa mall.

“Plano kong mag bakasyon sa Cebu. Kasama ka. Mga isang buwan lang tayo doon tapos ay uuwi tayo para mag tayo ng business kasama si Gabby. Hindi bat iyon naman ang plano mo Engr. Guzman?” ang tugon nito sabay akbay sa akin.

At habang nasa ganoong pag lalakad kami ay napadaan ako sa isang pamilyar na tindahan sa gilid ng mall. Ito yung tindahan na nag bebenta ng mga gayuma, langis at mga pamahid sa katawan. Nandoon pa rin si manong kausap ang isang lalaking maitim at panay pimples sa mukha. “Iho, magiging popular ka, g-gwapo at sisikat sa inyong campus. Pero bago mangyari iyon ay bumili kana sa akin ng magic cream na ito. Gawa ito sa papaya extract na galing Thailand. Wala side effect at napaka epektib pa.” ang wika ni manong sabay tingin sa akin at kumindat pa ito.

Natawa naman ako at bitiw ng isang matamis na ngiti, naalala ko tuloy yung mga eksena na kami ni Gabby ang hinulaan niya at binentahan ng magic cream na iyon.

“Oh bakit naka ngiti ka?” ang tanong ni Rycen.

“Wala naman, may naalala lang ako” sagot ko sabay akbay dito.

Muli kaming lumakad ni Rycen palabas ng mall na mayroong saya at nag uumapaw na pag mamahal.

Ang lahat tao sa mundo ay binigyan ng kakayahang mangarap at tuparin ito sa paraang gusto natin. Tungkulin ng bawat isa na pag butihin ang kanyang pag katao at maging isang inspirasyon sa nakakarami. Ang buhay ay tuturuan ka kung paano maging malakas, mahina, matalino o kahit na ano pang gusto mong maging sa buhay mo. Ikaw ang masusunod at ikaw ang gagawa ng iyong sariling kapalaran batay sa nais mong maganap sa hinaharap.

Napag alaman ko na ang pag aaral ay hindi lang basta pag eexam, hindi ito multiple choice, true or false, identification o enumeration. Dahil ang pag aaral ay tuturuan tayo kung paano gumawa ng isang magandang salaysay o talata patungkol sa ating mga buhay dahil tayo mismo ang susulat nito sa araw araw.

Aminado naman ako na maraming kakulangan sa aking sarili, hindi ako gwapo, hindi ako popular at lalong hindi ako naging pansinin sa nakakarami. Ngunit hindi ako pumayag na hanggang dito nalang ang lahat. Gumawa ako ng paraan upang iangat ang aking sarili. Ginamit ko ang pag ibig upang mag silbing inspirasyon sa pag babagong nais kong gawin para sa aking sarili hanggang sa dumating ang takdang araw na makamit ko pag babagong iyon.

Walang madali sa buhay, ang lahat ay pinag hihirapan kaya ang kailangan mo lang ay matibay na paninindigan at ibayong tiwala sa iyong sarili kakayanan. At sa bandang huli ng iyong pag lalakbay ay tiyak na mapapagtanto mo na ang buhay ay isang magandang akda na iyong isusulat at ibabahagi mo upang mag silbing inspirasyon sa iba.

Kung minsan ay napapadaan ako aming campus at doon ay gumuguhit ang isang matamis ngiti sa aking labi dahil muli nag babalik sa aking isipan ang mga panahon na nakilala ko ang taong bumago sa takbo ng aking buhay. Ang taong nag bigay ng saya, lungkot at inspirasyon sa aking pag katao..

Siya si Rycen..

At habang nandito sya sa aking tabi ay hinding hindi ako magiging isang “imbisibol.”

WAKAS.