Irresistible Bachelor Series 6: The Bachelor's Vices [book 2]
CengCrdva · 13 chapters · 16,479 words
The Bachelor’s Vices
This is the
second book
of The Bachelor’s Vices and the last installment of the bachelor series. Read the first book before reading this one (If you still want to continue). This is not mandatory. You are free to skip this if you are satisfied with TBV1’s ending. Again, I won’t allow spoilers and rude people in the comment section. Your comments will be deleted and you’ll be muted. Respect other readers dahil ayaw ko sa mga taong bida bida. Thank you all for staying with me!
If you want to know the latest news about my stories, just follow me on all of my social media accounts and be part of our growing family. See you!
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.
It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout. (R-18) Read at your own risk!
The Bachelor Series 3
2019 ©
CengCrdva
All rights reserved
DEDICATION
To those who have lost someone they love and think that it’s the end, This one is for you. ;
Happy Birthday To Me.
09/27/19
FOREWORD
Lovers may come and go. They may hurt and left you broken but you can’t give up because if you do, you’ll never find the one that’s truly meant for you. You’ll never find that half who will make you feel whole again. Hang in there.
;
Synopsis
Synopsis
“Sometimes the only way the good Lord can get into some hearts is to break them.”
- Fulton J. Sheen
Asher experienced downfall when his first love died. He shut everyone out of his life. He became addicted to all his vices and he chase death just so he could be with her.
He hated God and all His ways. Para sa kanya, malupit ang Diyos dahil wala itong ginawa kung hindi ang parusahan siya dahil hindi siya naniniwala rito. He doesn’t have faith and probably will never have, but then came Zydney.
A religious girl who is kind, humble, God fearing and his late girlfriend’s cousin. Dahil sa mga bilin ng huling minahal, sinubukan niyang maging malapit rito para sa ikasasaya ng namayapang kasintahan.
He did everything he could to honor his late girlfriend’s wish, but he ended up falling for her instead.
Nagawa niyang mahalin ito at alagaan hindi para sa pinsan nito ngunit para sa kanya mismo. Akala niya ay magiging madali na ang lahat pero dahil sa isang desisyon ay muling nasira ang mga pilit niyang binuo, lalo na ang kanyang puso.
Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang nasadlak. Muli ay pinarusahan siya ng Diyos sa pamamagitan ng paglayo nito kay Zydney.
Of all the heartaches and miseries he experienced in life, will he still be able to believe that there’s a fair God who has all the right answers to all his questions? Or will he just let himself be drown again with all his vices and finally forget to live?
PROLOGUE
Prologue
Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling masaktan habang nakatitig sa lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang lunurin ang sarili sa mga bisyong alam kong hindi na magagawa pang tigilan.
Hanggang ngayon, kahit ilang buwan na ang lumipas simula ng iwan siya ng babaeng pinaka-mamahal niya ay hindi pa rin talaga siya nagbago.
“Asher… Tama na ’yan.” sinubukan kong kunin ang hawak niyang alak pero mabilis niyang naharang ang kamay ko.
“I’m okay.”
“Asher–”
“I said I’m okay.” may pagbabanta sa tinig niyang sabi dahilan para mahinto ako sandali.
Pinigilan ko ang sarili kong muling maluha habang pinapanuod siyang unti-unting pinapatay ang sarili. I wanted to save him but how can you save someone who doesn’t need saving? Ako, ang mga kaibigan niya, maging ang pamilya niya ay wala nang magawa upang iahon siya sa habang-buhay na pagkakalunod.
Asher’s heart has turned to stone when Karsyn died and no one can even save him from that. Alam kong walang iba kung hindi si Karsyn lang ang may kakayahang bumago no’n pero paano nga kung wala na ito? Wala na si Karsyn.
“Asher, she’s gone…” napalunok ako’t mas nilakasan ang loob sa mga susunod na sasabihin. “Karsyn will not be happy to see you like this–”
“Umuwi ka na.” he harshly cut me off.
“Asher–”
“Umuwi ka na!” mas malakas niyang hiyaw na dumagundong pa sa loob ng mausoleum na kinaroroonan namin.
Bumilis at lumakas ang kalampag ng puso ko dahil sa kanyang mapanganib na tinig pero imbes na hayaan siya ay matapang kong kinuha ang alak na iinumin niya sanang muli pagkatapos ay mabilis iyong itinapon sa sahig dahilan para gumawa ng ingay sa pagkabasag nito.
Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko ay nagawa kong tumayo at lumayo sa kanya lalo na’t iyon ang kailangan kong gawin dahil sa mga mata niyang nag-aalab na ngayon sa galit.
“Get up and fix yourself Asher! Hindi pa tapos ang mundo! Hindi pa tapos ang buhay mo kaya huwag mong sayangin ang lahat ng pagkakataong ibinibigay sa’yo!”
Muli akong napaatras ng tumayo siya’t pinantayan ako.
“Anong alam mo? Putang ina wala kang alam kaya pabayaan mo ako!” galit na galit niyang sigaw na halos mapatid ang mga ugat sa leeg maipasok lang sa tenga ko’t utak ang mga salitang iyon.
Kahit na gustong gusto nang kumawala ng mga luha ko ay hindi ko hinayaan ang sarili kong maging mahina. Hindi ngayon ngunit ang ang mga sumunod niyang sinabi ay talagang tumagos sa puso ko at nanatili doon para isampal sa akin kung gaano kahirap at kasakit ang pinagdaraanan niya.
“Wala kang alam sa kung anong nararamdaman ko at wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko! It’s my life and I will do anything I want with it! Wala kang pakialam kung mamatay ako! Putang ina wala kayong pakialam kaya tigilan niyo ’ko! Just fucking go away! Umalis ka na! I don’t fucking need you!”
Dama ko ang pagsabog ng bomba sa puso ko nang hawakan niya ako ng mahigpit sa braso at marahas na kinaladkad palabas sa lugar na ’yon.
“Wala kang alam! Wala kayong pakialam! Putang ina!” malakas at madiin niyang sigaw habang itinutulak ako.
Doon na tumulo ang mga luha ko. Magkahalong takot, awa at paghihinagpis para sa kanya at kay Karsyn ang nararamdaman ko pero wala akong magawa… Wala na akong magawa.
Hindi ko napigilang mapaupo dahil sa panghihina ng talikuran na ako ni Asher matapos isara ng marahas ang pintuan ng mausoleum dahil parang naupos ang pagkatao ko. Nanginginig ang balikat kong nayakap ang sarili at pagkatapos ay hinaplos ang pumipintig na parteng hinawakan niya ng madiin kanina.
Masakit ’yon pero mas masakit pa rin na makita siyang wala nang pag-asang ipagpatuloy ang buhay. I feel like I am watching someone who are about to get hit by a train but I couldn’t move my feet to save him. Na kahit may oras pa akong isalba siya, wala akong magawa. Asher is a hopeless case and he doesn’t need anyone. Tama siya do’n at iyon ang totoo.
I found myself looking up at the dark sky…
“Karsyn… What should I do?” naghihinagpis at nagmamakaawa kong tanong sa madilim na langit. “Tell me what to do, KF? Please help me… Help him…” buong puso kong pagmamakaawa kasabay ng tuluyang paghagulgol.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva
/
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 1
(As much as possible ayaw kong mag-mute dahil kapag na-mute kayo ay hindi niyo na makikita ang profile ko at mga story kahit kailan. Again, if you don't want to read this one, you're free to leave at huwag ng mag-iwan ng negatibong comment. Iwan natin at respetuhin 'yung mga taong gustong magpatuloy. Salamat po.)
Chapter One
ZF Weiss Jianlin
"I'm sorry... I'm so sorry..." paulit-ulit na sambit at puno ng paghihinagpis na sabi ni Dr. Ramirez nang lumabas ito sa operating room wala pang kalahating oras.
Natanaw ko pa lang siya kanina ay humagulgol na ako dahil alam ko na ang dala niyang balita.
Karsyn didn't make it.
Alam kong maliit na tiyansa lang ang posibilidad na maisalba siya sa kamatayan sa pagkakataong ito pero umasa ako. Buong puso akong umasa na mabubuhay siya but she didn't. Hindi ko alam ang gagawin ko. I remember running towards the operating room and searched for her. Ang mga naroon ay hindi na ako napigilang lapitan ang walang buhay kong pinsan.
I cried, screamed and even beg for her to come back, but it's too late. Karsyn already left us and she chose herself this time. Pinili niyang mamahinga at mamaalam dahil alam kong pagod na pagod na rin siya sa labang ito.
Gusto kong magalit. Gusto kong manumbat o magwala dahil alam kong kahit na pinili niya ang sarili laban sa buhay, hanggang sa dulo ay alam kong ginawa niya pa rin 'yon upang magsalba ng tao. That even in the end, she still chose to save another life. Binitiwan niya pa rin ang sarili para sa taong tingin niya'y mas karapat-dapat sa pusong sana ay tatanggapin niya.
Karsyn died selflessly with so much honor and dignity. Hinahapo kong hinalikan ang kanyang pisngi at paulit-ulit na umusal ng dasal para sa kanya bago ko hayaan ang kanyang ama na mamaalam rito.
Mabigat man sa loob naming lahat na pakawalan siya ay wala na kaming magawa. Ang pagkawasak ng puso ko ay maraming beses na naulit ng makita ang pighati ni Tito William habang yakap ang huling miyembro ng kanyang pamilya at ni Asher na hindi inasahan ang biglaang pamamaalam nito.
Everyone was left heart broken. Hindi lang sa loob ng aming pamilya't mga kakilala kundi pati na rin ang buong mundong nakakakilala kay Karsyn. She was an inspiration to all of us and it's really hard to let her go.
Tumingala ako sa payapang asul na langit na nababalutan ng mangilang ulap. Malungkot akong napangiti. It has been a month since she left us. Simula ng mawala siya ay tila tumahimik ang mundo. Nawalan ng kulay at bumagal ang mga segundo sa sakit. Ninanamnam, sinasariwa at tila ayaw ng umusad...
I never left her side during her wake. Marami ang pumunta upang magbigay ng respeto pero ni isang hibla ng buhok ni Asher ay wala akong nakita. Sa lahat sa amin ay siya ang mas apektado at hindi na 'yon nakapagtataka. Mahal na mahal niya ang pinsan ko at alam kong hinding-hindi 'yon mapapalitan ng kung sino kailanman.
Pumikit ako't hinayaan ang sarili kong yakapin ng pang-hapong hangin. Akala ko kahit paano'y matatanggap ko na pero malabong malabo pa pala. Sa lahat ng taong nawala sa buhay ko, ang kay Karsyn ang hindi ko matanggap.
I am now alone. Wala na akong masasabihan ng mga hinaing ko sa buhay. Wala na akong maiiyakan, makakapitan at magiging kakampi sa lahat.
Tahimik kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Ilang minuto pa akong nanatili roon hanggang sa hindi ko na kayanin ang mga emosyon. Sa pagbalik ko sa aking kwarto ang nahinto ako ng makita ang mga box na nasa ibabaw ng aking kama. Nanghihina akong naupo roon habang nagpatianod sa paghila ng araw ng iyon.
"What's this?" nalilito kong tanong ng makita ang mga box na nasa gilid ng kanyang kama.
Ngumiti siya ng buong tamis sa kabila ng hirap dahil sa mga tubong nakakabit sa kanyang katawan maging sa ilong. Kahit na nahihirapan, pinipilit niya pa ring maging matatag sa harapan naming lahat. Kinakaya niyang itago para hindi kami mag-alala kahit na alam ko ang hirap na muli niyang pinagdaraanan. She's tough. Alam kong kinakaya niya at pilit niyang ipinapakitang kaya niya para sa amin.
"You'll see. This is for you but you are not allowed to open it yet," binalingan niya ang iba pang box at isa-isang itinuro. "This is for Daddy, Asher, the boys and the people I met along my journey. In case I wouldn't make–"
"Karsyn..." I cut her off. Nag-aalala akong umupo sa kanyang tabi. "You will make it, alright? Hindi ko tatanggapin 'to dahil alam kong mabubuhay ka." giit ko.
"We don't know that, Zyd," hinawakan niya ang aking kamay at maingat iyong pinisil. "I am not the one who's in control of my life... We are not... Now I want you to have this just in case I wouldn't make it, okay?"
"Karsyn..."
"Hear me out first, please? Babawiin ko lahat ng 'to kapag naging successful ang operation at nabuhay ako, but if not," napailing ako ng pisilin niyang muli ang aking palad pero kahit na gusto ko siyang ilayo sa isiping 'yon ay mas nanaig ang pag-intindi ko upang pakinggan siya. "I want you to give this to them. Ikaw na ang bahalang magbigay sa kanila ng mga ito."
Binitiwan niya ang kamay ko para kunin ang box na may pangalan ko.
"Open this when I'm gone and when you feel the need to. Kapag nawala ako, alam kong mami-miss mo ako at iiyak ka palagi kaya ginawa ko 'to para hindi ka malungkot. Kahit na hindi mo ako makikita ng pisikal, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo ako, okay?"
Napasinghap ako ng kusang tumulo ang mga luha ko. Siya naman ay ngumiti lang at pinunasan ang mga 'yon sa aking pisngi.
"Sa tuwing iiyak ka, yayakapin kita, pupunasan ko pa rin ang mga luha mo at kahit mahirap kang patahanin, gagawa ako ng paraan. Baka pagalawin ko 'yung mga unan mo tapos ibabatok ko sa'yo para matakot ka na lang imbes na malungkot."
"That is not funny!" I pouted but she just laugh at it.
"I want you to know that I'll be with you
forever
, Zyd. I will help your guardian angels to guide you for the rest of your life because I know that life will always be hard. Alam ko ring matigas ang ulo mo at mahihirapan sila sa 'yo."
"Hey! That's not true!" reklamo kong tuluyan nang nahayaan siya sa gustong gawin.
Humahagikhik niyang tinanggal ang tubong nakakabit sa kanyang ilong bago nagpakawala ng malalim na paghinga. Umiling siya nang akma ko siyang pupunahin.
"Just promise me that you'll be okay when I'm gone. Alam kong magiging mahirap 'yon para sa 'yo pero alam kong kakayanin mo kaya pilitin mo, okay?"
Rumagasa ang mga luhang tumulo sa aking mga mata. Kahit na gusto ko siyang pahintuin sa mga sinasabi ay wala akong magawa.
What if she will not make it? Baka kapag pinigilan ko siya ay hindi ko na rin siya makausap ng ganito. We're running out of time at kahit na bumubuti ang lagay niya, hindi pa rin 'yon sapat upang maging kampante. It's really a matter of life and death.
Pinunasan ko ang muling pagtulo ng mga luha ko nang bumalik ako sa kasalukuyan. Hinaplos ko ang box na may pangalan ko. Ito ang unang beses kong bubuksan ang mga 'yon pagkatapos ng isang buwan niyang pagkawala kaya nang makita ko ang mga nasa loob ay mas lalong bumigat ang mga emosyon.
Maingat kong kinuha ang isa sa mga USB na nakapaloob doon.
'Watch when you are sad.'
nakasulat roon kasama ang nakangiting sulat kamay niyang smiley. Kinuha ko ang iba at lahat nang 'yon ay may kanya-kanyang label. Muli kong hinawi ang mga luhang patuloy sa paglaglag sa aking mga mata. One hundred USB. 'Yon ang bilang ko sa lahat ng para sa akin.
Kahit na pinanghihinaan ng loob ay nagawa kong panuorin ang unang nakuha ko. Sa paglitaw pa lang ng mala-anghel na mukha ni Karsyn sa screen ng aking laptop ay natutop ko na ang aking bibig.
"Hi Zydney! I'm sorry I am away and can't talk to you live, but I've heard you are sad that's why I am here!"
matamis siyang ngumiti sa harap ng camera at inayos ang sarili.
Ito ang mga panahong nasa hospital pa siya. Mga panahong patuloy pa kaming kumakapit sa pag-asang maililigtas siya pero sa pagkakataong ito, mukhang wala siyang sakit. Mukhang pinaghandaan ang lahat dahil ni minsan ay hindi ko naman siyang nahuling nag-film nito.
"Alam ko mahirap pa rin sa 'yong wala ako ng pisikal sa tabi mo pero nagdarasal akong isang araw ay makaya mo ang lahat. Hindi lang ikaw, maging si Daddy, sa mga tao, sa mga kaibigan natin... Si Asher... I will always pray for each and everyone that you'll get through this because I am truly okay. You don't need to be sad because I am in a place where there are no sickness. I am in paradise and with the heavenly King! How cool is that, huh?"
napangiti ako ng marinig ang maliliit niyang hagikhik na kumiliti sa aking tiyan. God, I missed those too.
"Live your life, okay? Huwag mong sayangin ang oras mo sa pagiging malungkot. Don't blame the Lord for what happened because I've lived my life the way I imagined it to be lived and I don't have any regrets. I am happy, Zyd.... I am very happy and you should too,"
pinigilan ko ang aking mga hikbi ng ilagay niya sa camera ang mga daliri at kunwaring pinupunasan ang mga luha ko.
"Ayan ha? Huwag ka nang umiyak, okay? Just go on with your life Zyd... Laugh harder, enjoy and just be free... You remember Psalm 34:17
?
When the righteous cry for help, the Lord hears, and rescues them from all their troubles. Don't ever forget to pray and ask for his guidance because he is always there to listen. Ito lang ang magagawa ko para sa 'yo at siya pa rin ang totoong may kakayahang punan ang lahat ng puwang sa puso mo so don't lose your faith. Don't ever lose that because that's the most powerful weapon you'll need to get through this life. I love you... I love you so much Zydney and please be happy now! Bahala ka, papangit ka!" tila tumigil ang mundo ko ng makita ang matamis na pagtawa niya. She blows a kiss while smiling from ear to ear before she finally ended the video.
Napasandal ako sa aking upuan at tuluyang kinalma ang sarili. Kahit na hindi matapos tapos ang pagluluksa ko ay kaya ko iyong supilin sa pagkakataong ito para sa kanya. Itinigil ko ang mga luha dahil alam kong iyon ang ayaw niyang makita sa ngayon. I don't want her to be sad while looking down on me from heaven. Inayos ko ang aking sarili at ginawa ang sinabi niya.
I found myself at a bar that night.
Malakas ang ingay sa lugar na aking kinaroroonan. Sa bawat dagundong ng beat ng kanta ay kasabay ang pagdiin ng puso ko. Ito ang unang beses na pagliliwaliw ko simula ng mawala si Karsyn at ito rin ang unang beses kong magyaya kaya hindi ko inasahang pupunta ang mga lalaki.
It was just Amos and then followed by everyone except Asher.
"Thank you for coming..." emosyonal kong sabi kay Sergio sa gitna ng yakap niya sa akin.
"Of course, Zyd. We are always here for you, alright?" inilayo niya ako't hinuli ang mga mata. "You okay? What happened?"
Nagkibit ako ng balikat bago tipid na ngumiti at sinulyapan ang box na dala kong para sa kanila. Dala ko rin ang para kay Asher pero dahil wala ito ay mukhang isasama ko pa rin ito pauwi. Binati ko ang lahat at nang makaayos kami sa mahabang couch ay saka ko lang sinabi ang pakay ko maliban sa pag-a-unwind ngayong gabi.
Tulala ang mga ito habang hawak ang kani-kanilang mga USB na siguradong naglalaman rin ng mensahe ni Karsyn para sa bawat isa sa kanila.
Nakita ko ang agarang pagtutop ni Igo sa kanyang bibig habang nakatulala sa hawak.
"This is why she asked me to get thousands of this..." tulala niyang sabi na tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Taliwas ang katahimikan namin sa malakas at mabilis na tugtog sa loob ng club. Ilang minuto ko silang hinayaang manahimik hanggang sa nakakuha ako ng tyempo at ibaling ang tingin kay Jacob.
"Do you know where he is?" inilakad ko ang aking mga mata sa lahat nang wala itong maisagot.
Eros sighed heavily.
"No one knows where he is," he answered. "Ni hindi matawagan."
Malungkot akong napatango-tango.
"Let's give him time to mourn." sabi ko nalang na tinanguan nilang lahat.
Kahit na kasi anong gawin namin ay hindi namin siya mapipilit. Things would just get ugly if we force him to stop what he was doing. Lahat kami ay nakaintindi sa mga nangyayari kahit na hindi madali. Sa pagkakataong ito, mabuti ay mayroong alak na kumalma sa aming lahat habang sinasariwa ang mga naiwang magagandang alaala ni Karsyn.
Sa ngayon ay susugal nalang ako sa kakarampot na kasiyahang ito dahil alam kong hindi ito magtatagal... Because I know life will never be the same without her... My life will never be the same again.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva
/
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 2
Chapter Two
Mary And Bee
Buong puso akong ngumiti habang humihigpit ang hawak sa blueprint ng establisyementong itatayo sa aking harapan. Habang abala ang mga taong bubuo sa isa sa mga pangarap ni Karsyn, ako naman ay muling nilalabanan ang mga emosyon.
“Mary’s Heart foundation,” nalaglag ang mga mata ko sa ipinakitang papel ni Karsyn sa akin. It was a lettering sketch of the foundation she wanted to build.
“Mary?” nalilito kong tanong.
Ngumiti ang maamo niyang mukha habang dinadagdagan pa ng ilang shades ang mga nakalagay sa papel na mukhang buong gabing pinaghirapan.
“Yup,” ganado niyang sagot. “I want to dedicate this to Mary…”
Hindi ko na kailangang magtanong kung sino ang Mary na ’yon. It was the lady who just put to rest last day. Dahil wala pa ring nag-claim rito ay si Karsyn na mismo ang gumawa ng paraan na bigyan ito ng desenteng libing. Pinagawan niya ito ng sariling mausoleum at doon inilagak kasama ang kanyang anghel na siya nalang rin ang nagpangalan, Jesus…
“That will be the name of your foundation? Why don’t you put your name instead?’
Mabilis siyang umiling at nagkibit lang ng balikat.
“I want to name it after the woman who started it all,” muli niyang sambit habang inaabot na sa akin ang papel na ginawa. “I want this foundation to help people who have the same condition as mine and the people who only has limited time here on earth. I want people to talk more openly about dying, death and bereavement because I want death to be seen and accepted as the natural part of everybody’s life cycle. That death isn’t something people should be afraid and put aside. I want the foundation to set a benchmark for openness to the quality of support and care services available to patients and families,”
Wala akong nagawa kung hindi ang makinig sa plantsadong plano ni Karsyn sa lahat. Alam kong parte ito ng kanyang pamamaalam pero hindi ko siya magawang pigilan dahil ang lahat ng ’yon ay naungusan ng pagkamangha ko sa kanya dahil hanggang sa dulo, matibay pa rin ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa lahat ng mga taong nangangailangan.
“You know what we should be afraid of more than death?” hindi ako sumagot.
Dinaluhan ko lang ang kanyang paninging nakadungaw sa bintanang may nakahawing mga kurtina’t ibinabalandra ang kulay kahel na kalangitan sa labas. Nakinig lang ako.
“Regrets,” she gently whispered. “For the things that we did in the past and the things we didn’t do when we still have time,” napapitlag ako ng maramdaman ang kamay niyang humawak sa akin. Sa paglingon niya ay parang gusto kong malungkot lalo na’t iyon ang agad na nabanaag ko sa kanyang mga mata. “I don’t want you to live with regrets, Zyd… I want you to take every chance you get in life because some things will never happen twice.”
Marahan akong tumango at hindi na napigilang yakapin nalang siya. Wala sa sariling inangat ko ang hawak na papel. Nagdikit ang mga kilay ko ng mapansin ang drawing ng isang bee sa ilalim ng kanyang lettering na hindi ko napansin kanina. Bumitiw ako sa kanya.
“Bee?”
Narinig ko kaagad ang kanyang paghagikhik at kinuha sa akin ang papel.
“Isn’t it cute?” proud niyang sabi habang sinisipat ang drawing.
“What’s with th
e
bee?“ nanatiling lito kong tanong.
Nagkibit siya ng balikat habang mayroon pa ring malawak na ngiti sa mga labi.
“This reminds me of Asher Miguel…”
Ako naman ang natawa. Sa laki ng lalaking ’yon, bakit niya naalala rito ang isang bubuyog?
“Why?”
Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata habang inaalala ang kung anong nakakatuwang eksena tungkol sa bubuyog na ’yon. I wonder, nag-date ba sila sa Jollibee or something? Ang mga sa utak ko ay naputol sa pagsagot niya.
“The day of the accident, Asher bought me a sweatshirt with a bee in it. I don’t know why I thought of it last night pero masaya ako nang maisip ’yon
because that’s what he represents in my life
…“ Inilipat niya ang tingin sa akin. “Dahil ang araw na ’yon ang simula ng mas makabuluhang paglalakbay ko rito sa mundo. Asher let me bee happy. Helped me bee great, bee brave, bee bold…” makahulugan niyang sinabi. “At iyon rin ang gusto kong iwan kung sakaling makabitiw ako sa labang ito. I want everyone to just bee alive and continue fighting in this amazing journey. Ikaw,” hinuli niya ulit ang kamay ko’t maingat na pinisil. “Just bee happy for me, Zyd, alright? Above all, just bee you…”
Masaya akong tumango tango. “But that just made me hungry and think about Jollibee, Karsyn. Ngayon ilibre mo ako!”
Lumakas ang tawa niya at tumango kaagad. Buong gabi naming pinag-usapan ang bagay na ’yon na buong puso kong tinanggap. Hindi lang ang posibilidad kung hindi ang malaking responsibilidad na iiwan niya sa akin.
Ang lahat ng kayamanang mayroon si Karsyn bukod sa kita sa milyon milyong views sa Youtube ay inilaan niya para sa lahat ng planong iiwan at buo rin ang suporta ni Tito William doon.
Iginalaw ko ang aking mga kamay at kinuha ang papel na ibinigay niya sa akin nang araw na ’yon. Ang sketch na ginawa niya na siyang magiging sign sa gagawing building ng kanyang foundation. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang malaki ang naging papel ni Mary sa buhay ni Karsyn. Bukod sa isa ito sa naging simula upang tahakin niya ang daang matagal nang laman ng kanyang puso, ito rin ang tila naging dulo ng lahat. Mary, mother of God was born on September 8 and it was the day that Karsyn died. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ’yon o may dahilan.
Ipinilig ko ang aking ulo at tinitigan ang sketch bago wala sa sariling hinaplos ’yon. Napahugot ako ng isang malalim na paghinga. Pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari ang lahat at ngayon, ang mga huling hiling niya ay nangyayari na. Kung hindi pa tumunog ang aking telepono ay hindi pa ako makakabalik sa katinuan.
Kunot noo ko iyong binuksan para tignan ang kaguluhan sa group chat ng mga kaibigan ni Asher.
Eros:
Is he home?
Jacob:
Nope.
Lance:
Someone saw him last night at a bar, as expected.
Amos:
Where? Pupuntahan ko.
Lance:
Bijoux I think.
Wala sa sariling napahugot ako ng isang malalim na paghinga. Hanggang ngayon ay bigo pa rin akong maibigay sa kanya ang bilin ni Karsyn bago ito mawala. Bukod kasi sa hindi ito mahagilap ay talagang wala itong balak na magpakita sa amin. Nakailang texts at tawag na rin ako pero wala akong natanggap na kahit ano rito pabalik.
Hindi ko na napigilang makisali sa usapan ng maisip na baka kapag naibigay ko na ’yon ay makatulong sa kanyang itigil ang ginagawang pag-iwas. Baka sakaling mabawasan ang pagluluksa niya… Baka maibsan kahit paano ang bigat na kanyang nararamdaman.
Ako:
Can I go with you Amos?
Trystan:
You sure about that Zyd?
Amos:
Oo nga?
Ako:
Yes. Kahit na anong mangyari ay kailangan kong ibigay sa kanya ang ibinilin ni Karsyn. Maybe that would help him heal himself and move on.
Eros:
Malabo.
Jacob:
I agree but there’s no harm in trying. I’ll come too.
Davos:
Fine, I’m in.
Ivan:
Me too.
Hindi ko na mapigilang mapangiti ng lahat na sila ay sumang-ayon na rin sa planong paghahanap kay Asher. Hanggang ngayon ay lubos pa rin ang pasasalamat kong hindi lang siya nariyan para suportahan ako, kung hindi para na rin bigyan ng lakas dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay gulong gulo pa rin ako.
Thiago is the one who really look after me. Siya iyong walang tigil sa pangungumusta sa akin araw-araw. Nagtatanong kung ayos lang ako o kung may kailangan akong kaya niyang ibigay para maibsan ang mga kalungkutan ko. I appreciate all of them. Masaya akong ngayon ay parte na sila ng buhay ko. They’re like Karsyn’s gift to me na habang buhay kong ipagpapasalamat.
Kinagabihan ay sinundo ako ng mga ito sa bahay. Lito man si Mommy at ayaw akong payagan ay wala na itong nagawa ng pumuslit ako’t magmadaling sumakay sa sasakyang nakabukas sa harapan ng aming gate.
“Let’s go, Jacob!” hinihingal kong mando sa kanya na agad naman nitong sinunod.
Nilingon ko ang bahay naming nilabasan ng mga kasambahay na humahabol sa akin pero inalis ko rin kaagad ang tingin lalo na’t tumunog ang telepono ko dahil sa tawag ni Mommy. Pinatay ko ’yon.
“You sneaked out?”
Marahan akong tumango.
“I had to. Hindi naman nila ako papayagang umalis ng ganitong oras lalo na’t wala akong kasama at may klase pa bukas.”
Bumagal ang takbo niya dahil sa pag-aalinlangan kaya nagsalita ulit ako.
“I’m fine, Jacob. Pagkatapos kong ibigay ’to kay Asher uuwi na rin naman ako kaagad. Hindi na rin ako magtatagal I promise.” Wala na itong nagawa kung hindi ang tumango nalang.
Humihigpit ang hawak ko sa box na nasa aking kandungan habang palapit kami sa bar kung saan nakita si Asher noong nakaraan. Limang kotse ang nasa likod ng nangungunang sasakyan ni Jacob na sakay ang mga kaibigan niyang nag-abala rin para lang samahan ako. Wala pang kalahating oras ay nakarating na kami. Eros told us to not look like we’re after him. Though alam naman nitong matagal na namin siyang hinahanap ay maging kaswal lang daw kami dahil hindi nila sigurado kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nakita kami, lalo na ako.
Ang kaba ko ay lumakas ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. Agad kong iginala ang mga mata ko sa madilim na lugar na tanging malilikot na ilaw ang bumubuhay. The crowd was wild. Mga lasing na rin ang taong nadaanan namin pero abala ang mga mata ko sa paghahanap sa lalaking matagal nang hindi nakikita.
Nang maramdaman ko ang paghawak ni Igo sa kamay ko ay nagpatianod ako lalo na’t inginuso niya ang isang parte na tila nakita na ito.
Ang dalawang babaeng attendant ng club ay iginiya kami sa isang lamesa, ilang dipa ang layo sa lalaking pakay na mayroon mga kasamang babae. Hindi pa man ako nakakalapit sa aming pwesto ay para na akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng mahinto ang mga mata ko kay Asher na pinatungan ng isang babae upang halikan ng malalim.
Humigpit ang kapit ko kay Igo kaya napalingon ang lalaki rito.
“Shit…” bulalas niya.
Ilang beses akong napalunok. I felt like I was staring at a complete stranger. Pakiramdam ko’y muling binuksan ang ilang sumasarang sugat sa puso ko ng maisip si Karsyn… Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko lalo pa ng makita kung paano bumaba ang mga kamay nito sa pang-upo ng babaeng walang pakialam kung hipuan. My heart bleeds not only for my cousin but also for him. Hindi ako makapaniwalang si Asher ang pinapanuod ng mga mata ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang nakakaya niyang makipaghalikan sa ibang babae bukod sa pinsan ko… Hindi ako makapaniwalang ganitong tagpo ang makikita ko… Wala sa sariling nasapo ko ang aking dibdib.
“Seth, do you see what I see?” nag-aalalang sabi ni Eros sa pinsan.
Sa gitna ng malakas na tugtugin sa loob ng club ay naging malinaw sa utak ko ang pagbuntong hinga ng huli. Ang mga lalaking kauupo lang ay tumayo na rin at gaya ko ay nabigla at natulala nalang sa ginagawa ng dalawang nilalang. We are all shocked to see him act this way. Lahat kami ay nawindang.
Ilang beses pa akong napalunok pero ng umalis si Jacob sa pwesto para puntahan na ang pinsan ay nagsisunuran na ang lahat, pati ako na kini-kwestiyon ang sarili sa desisyong hanapin siya para lang matagpuang sa ganitong sitwasyon.
The last time I saw him was the day Karsyn died. Simula ng araw na ’yon ay hindi na ito nagpakita. Ni sa burol ng pinsan ko ay hindi ito sumipot kaya hindi ko alam kung bakit ganito… Bakit naging ganito na ang lahat.
“Asher.” may lakas na sambit ni Jacob sapat para putulin ang halikan ng dalawa at hagikhikan ng mga babaeng nasa gilid pa nito.
Nang maputol ang kanilang halikan ay naaninag ko kung paano pinilit mag-adjust ni Asher para lang makilala kami. He’s drunk. Nakabukas ang tatlong butones sa kanyang puting button-down shirt na bahagyang nagusot dahil sa babaeng kasama. Namumula ang kanyang magkabilang pisngi, namumungay ang mga mata at kahit wala siya sa harapan ko ay nalalanghap ko ang alak na nasa kanyang sistema. Lumapit pa si Jacob rito pero imbes na mahiya sa naabutan naming tagpo ay lumawak lang ang kanyang ngisi habang tinatapik ang pwet ng babae para paalisin sa kanyang kandungan.
“Jacob, my cousin! What a surprise!” sarkastiko nitong sambit habang itinatayo ang lasing na katinuan. Ang babae namang nasa tabi ay tumayo na rin at inayos ang sarili bago ikawit ang kamay sa braso nito.
Para akong natutuyuan ng lalamunan habang tumatakbo ang oras na nasa ganitong tagpo. Wala akong nagawa kung hindi ang mapalunok ng paulit-ulit. It’s impossible to talk to him right now pero mas lalong imposibleng maibigay ko sa kanya ang kailangan niyang matanggap dahil wala na siya sa sariling huwisyo.
Bumitiw ako kay Igo ng hindi ko makayang lumapit sa kanilang kaibigan. Agad na niyakap ni Asher and pinsan kasunod ng iba pa pagkatapos ay ipinakilala ang babaeng inakbayan pero hindi na ’yon inintindi ni Jacob. Ang mga plano namin kaninang huwag magpahalatang ito talaga ang pakay namin ay agad na niyang pinutol nang makitang lasing na lasing na ito.
“You’re drunk, Asher. Where are you staying? Ihahatid na kita–”
“No, no no,” nakangisi niyang sabi sabay hawi sa kamay ni Jacob. Inayos niya ang akbay sa babaeng wala na yatang ginawa kung hindi ang humagikhik dahil lasing na rin. “Don’t be such a bummer. I’m not drunk, I’ve never been drunk and you know that.” tumatawa nitong dagdag sabay harap sa babae at muling halik rito. Dahil sa kalasingan ay sabay silang nabuwal sa mahabang couch.
Agad kong natutop ang aking bibig at hindi na nagawang ipirmi ang mga mata sa kanila lalo na ng muling lumalim ang kanilang halikan na parang wala kami sa kanilang harapan. Tumalikod ako habang kagat ang aking pang-ibabang labi at hinahayaan ang mga kaibigang pigilan si Asher sa ginagawa nitong kahibangan.
Hindi pa napo-proseso ng utak ko ang nasaksihan nang sunod kong marinig ang pagwawala nito’t pagtanggi sa pinsan.
“I don’t fucking need you, Jacob! Stop bothering me!” gigil nitong sigaw na nakakuha na ng maraming atensiyon.
Akala ko magiging madali ang lahat. Akala ko magagawa ko kaagad ang pakay ko at makakaalis pero hindi ko alam na magiging mahirap pala lalo pa at talagang ayaw nitong magpapigil sa mga gustong gawin.
“You fuckers should mind your own fucking business!” patuloy niyang pagwawala.
“Zyd, let’s go,” nag-aalalang sabi ni Eros na gusto na agad akong ilayo sa kaguluhan.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Ni hindi ko na nagawang lingunin ang gawi ng lahat dahil alam kong magulo na doon.
Asher turned into someone else. Alam ng lahat kung bakit at sino ang dahilan no’n at kahit na sino sa amin ay hindi na ’yon kaya pang pigilan. Hindi ko naiwasang malunod sa lungkot nang makapasok sa sasakyan ni Eros.
I never thought that I’d witness him kiss another girl. Hindi naman sa may karapatan akong makaramdam ng kahit ano pero hindi talaga kayang isipin ng utak ko ang bagay na ’yon. Alam ko kung gaano niya kamahal ang pinsan ko. Saksi ako kung paano niya ito inalagaan, kung paano niya ibinigay at ipinangako ang lahat lahat rito and seeing him not being the Asher that I used to know broke me. Parang naninikip ang dibdib ko habang naiisip iyong Asher na totoong kilala ko. Iyong matino at ni hindi nagsasalita ng mura, may mga plano sa buhay at iniiwasan ang lahat ng bisyo…
Napayuko ako. Ang lahat ng kabutihan sa puso ng Asher na ’yon ay pinalitan ng Asher na nasa loob ng bar. Iyong Asher na ayaw magpa-kontrol, walang pakialam sa lahat at naging makasarili…
“I’m sorry you had to witness that.” maingat at malungkot ring basag ni Eros sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa pero wala akong maisagot sa kanya. Ni hindi ko masabi kung gaano ako nalulungkot at nag-aalala para rito. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman.
“Ihahatid na kita. Sa susunod mo nalang ibigay, Zyd.” aniyang tukoy sa bagay na iniwan ni Karsyn.
Malungkot akong tumango bilang sagot. Kahit anong gawin ko, tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras… At hindi ko na rin alam kung darating pa ba ang oras na ’yon matapos masaksihan kung paano siya binago ng lahat ng sakit sa pagkawala ni KF.
Ibinaling ko ang mga mata ko sa labas ng bintana. Napasinghap ako ng makita ang mga lalaking lumabas doon bitbit si Asher na patuloy sa pagpupumiglas. Wala sa sariling napayuko nalang ako, pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Sa pagkakataong ’yon ay parang gusto kong sigawan ang kamatayan. Gusto kong magalit at kalabanin siya mabawi ko lang ang pinsan kong tanging daan para bumalik ang lahat… Para maging maayos ang lahat pero kahit anong gawin ko, huli na. Huling huli na at wala na akong magagawa pa.
WATTPAD EXCLUSIVE.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva
/
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 3
Chapter Three
Someone's Worth
Eros:
He's home. He's okay and you don't have to worry about him.
Iyon ang mensaheng nagbigay sa akin ng gaan sa paghinga kahit na buong gabing umulit sa utak ko ang tagpong 'yon.
Kung paano niya pilit na nilulunod ang sarili sa mga bisyo. Kung paano siya nakipaghalikan sa babaeng 'yon at kung paano niya itaboy ang lahat ng mga kaibigang nagmamalasakit sa kanya. I never thought that I'd witnessed him being his worst. Ni minsan ay hindi dumaan sa utak kong kaya niyang maging asshole triple sa noong tingin ni Karsyn sa kanya sa pangalawa nilang pagkikita.
I've seen the best version of Asher. Iyong Asher na walang katapusan ang saya at mayroong magaang puso pero matapos ko siyang makita kagabi sa ganoong sitwasyon ay hindi ko na maisip na makikita ko pa siya gaya ng nakasanayan ko. I felt like he became a hopeless case, a total wrecked.
"Zydney, kumain ka. Your father and I are worried about you." pukaw ni Mommy kinaumagahan sa harap ng hapag kainan. Muli kasi akong nilulunod ng maraming pag-iisip.
"Sorry..."
"Anak, alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo sa pagkawala ni Karsyn but please, I don't want you to get sick. Tama na ang pagluluksa at tama na ang pag-iisip. Your cousin is in much better place right now and I'm sure that she doesn't want any of us to worry about her anymore." mahabang litanya ni Daddy.
Tama naman siya sa lahat ng mga sinabi pero maling ito lang ang dahilan ng pagkatulala ko. It's way more than that. Akala ko noon, ang pagkamatay ang pinaka-mahirap tanggapin pero mali pala. Ang pinaka-mahirap pala sa lahat ay ang pag-usad na hindi mo alam kung saan sisimulan. I'm a lost sheep, we all are.
"Dad, I'm full."
"Zydney, ang payat payat mo na at hindi magandang kakaunti lang ang kinakain mo. Huwag mo na kaming pag-alalahanin ng Mommy mo Hija, please."
Napalunok ako't tinanggap nalang ang mga pagkaing muli niyang inilagay sa aking plato. Hindi naman sa ayaw kong kumain, sadyang wala lang talaga akong gana. Gano'n talaga siguro kapag nagmo-move on, 'no? Iyon bang para kang may sakit na hindi mo alam ang gamot o kung may lunas pa. It's like something inside you was broken and can't never be fix. It's an awful feeling, it's endless...
Tahimik akong nagpatuloy imbes na mangatwiran pa. Sinunod ko ang lahat ng gusto nila pero nang maalala ko ang mga plano kong pag-alis upang punan ang lahat ng mga ibinilin ni Karsyn ay hindi na ako nagdalawang-isip na magpaalam, o magsinungaling.
"I'll be at Camie's tomorrow. Baka hindi rin po ako makauwi kaya huwag niyo na akong hintayin."
Bumagal ang pag nguya ni Mommy, tinatantiya ang mga sinabi ko. She knows me. Alam niya kung kailan ako nagsisinungaling at hindi pero sa pagkakataong ito ay nanindigan ako. I need to, for Karsyn, for everyone. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong tungkol kay Camie dahil kung hindi ay madaragdagan pa ang mga pagsisinungaling ko. Camie doesn't exist. It was just my other phone para mai-text ko sila't mapalagay kapag nag-aalala sa akin.
Ang alam nila ay best friend ko ito at anak ng isang fashion designer. It was my escape when things get messy at home at hindi kami pinapayagang umalis ni Karsyn noon. Hindi rin naman mahirap isabuhay si Camie dahil madali nalang gumawa ng bagong tao sa mundo ng social media. It's not that hard to stole someone's photos, create new identity and easily get away with it. I know the rules. I know everything. Hindi naman ako nahirapan dahil noon pa man ay hindi na gusto ng mga magulang kong magdala ako ng kaibigan sa bahay. They hate visitors and that made my lying puzzle complete.
Pinilit kong ubusin ang pagkain ko pero pagdating sa kwarto ay isinuka ko lang ang lahat. My body can't take it. Pati ang katawan ko ay gusto nang sumuko pero patuloy ang paglaban ng utak ko laman ang alaala ng namayapa kong pinsan.
I texted Eros that night. I told him about my plan but I did not ask him to go with me. He told me that Asher left after they argued again. Wala naman na kasing ibang ginawa ang lalaki kung hindi takasan kami at ang realidad.
Eros:
Are you sure you don't want anyone to accompany you?
Ako:
No. I'm okay. Kaya ko na 'yon tsaka madali lang naman silang hanapin. Karsyn gave me everything that I need.
Eros:
Alright but please keep me posted. Ayaw ko sa lahat ang nag-aalala.
Ako:
Oo naman. I can handle it. Thank you.
Eros:
Ingat ka. Just call any of us if something happens.
Ako:
Sure. Do you know where he is now?
Eros:
I don't and I don't think he will be at the club tonight. For sure iiwas 'yon. Walang may alam kung nasaan na naman siya.
Ako:
What happened this time?
Eros:
The usual. Wala eh. Maybe what we really need for now is to let him do what he wants. Mahirap isalba ang taong ayaw magpasalba.
Mabigat ang puso kong nagtipa ng panibagong reply.
Ako:
I'm sorry...
Eros:
You don't have to. Walang may kasalanan ng lahat ng nangyayari, alright? He'll be okay. We're all going to be okay.
Ako:
We will be, Eros.
Buong puso at positibo kong sagot sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay inayos ko na ang mga gamit ko. Nang matiyak kong tulog na ang mga magulang ko ay ibinaba ko na ang mga 'yon sa sasakyan. Ayaw ko naman talagang maglihim sa kanila pero wala nang ibang paraan dahil alam kong hindi naman nila ako papayagang gawin 'to ng mag-isa.
"Aalis na po kayo?" napapitlag ako sa pagsulpot ni Donda sa harapan ko, isa sa aming kasambahay na naabutan akong pasakay na sa aking sasakyan hindi pa man sumisikat ang araw.
I intended to leave before my parents wake up. Ayaw kong maabutan pa nila ako dahil ayaw ko nang magpaliwanag. Ayaw ko nang pahabain pa ang lahat at mas lalong ayaw kong makarinig ng sermon.
"Yes, Donda," umalis ako sa sasakyan para harapin siya. "Just tell them that I needed to leave early because of Camie. Maiintindihan na nila 'yon."
May pag-aalinlangan siyang tumango. Alam kong hindi sapat 'yon pero hindi ko na pinahaba dahil kailangan ko nang umalis. Nagpaalam ako kaagad at wala nang pagdadalawang-isip na sumakay at tinakasan ang lahat.
Isang araw lang ang paalam at plano ko para gawin ang lahat ng mga unang utos na iniwan ni Karsyn pero dahil alam kong hindi 'yon magiging madali ay pang isang linggo ang dinala kong gamit. Bukod kasi sa alam ko nang hindi ko matatapos ang lahat ay umaasa rin akong mahanap at makausap rin si Asher.
Mapait akong napangiti at napailing sabay bulong ulit sa sarili ng mga salitang,
'Bahala na'.
I was praying while driving. I asked for endless guidance and strength lalo na ng muli ko na namang makapa ang matinding lungkot sa aking puso.
Totoo nga iyong kasabihan na hangga't nasa tabi mo ang isang tao ay hindi mo lubos makikita kung gaano talaga sila kahalaga sa'yo. We can only realize someone's worth once we've lost them. When we cannot reach them for a hug. When we cannot tell them how much we love them. When all we can do is to grasp their memory, hold it firmly in our hands so that it wouldn't slip away just like they did.
Karsyn's death left a huge void in my heart. Habang nasa daan ay wala akong inisip kung hindi siya. Inalala ko kung gaano kasaya ang buhay ko noong nariyan siya... Because my life is so much better with her na sa bawat pagpikit ko ngayong wala na siya ay humihigpit ang kadenang sumasakal at nagpapasakit sa puso ko. It hurts... Sobrang sakit pa rin.
I found myself crying again. Ang pait ng mga luhang nalasahan kong umagos pababa sa aking mga labi ay walang wala sa pait ng nararamdaman ng puso ko.
I parked in a gasoline station when I can't hold my tears anymore. Doon na rin ako nagpalipas ng oras upang kalmahin ang sarili. I'm not even halfway to where I am going but I don't feel like moving at all... Not now.
Hinayaan ko ang sarili kong sumandal sa upuan ng coffee shop na pinasukan ko. Maging ang pait ng aroma ng barakong kape ay tinalo ng pait sa puso ko. I sipped on my coffee, pinipilit na pantayan ang nararamdaman but the bitterness of my emotions were incomparable.
Hindi ko ininda ang init ng kape kahit na dama ko na ang pagkapaso ng aking dila. I didn't care. All I can think of was the feeling of being numb. Paano nga kaya kung kaya ng kapeng gawing manhid ang lahat sa akin ngayon? Nang sa gayon ay makapagpatuloy ako? Nang sa gayon ay kahit paano makalimutan ko ang lahat ng pait? Lahat lahat ng sakit?
Ipinilig ko ang aking ulo. Pinilit kong manatiling nakapikit kahit na ilang beses umingay ang nakasabit na wind chime sa ibabaw ng pintuan ng shop. Kahit na patuloy na napapaso ang mga kamay ko sa mainit na tasang aking hawak ay hindi ako dumilat. Wala akong planong buksan ang mga mata ko ngunit ng marinig ko ang isang pamilyar na boses ay awtomatikong sinalubong ng paningin ko ang liwanag. Agad na hinanap ang baritonong boses na ngayon ay kausap nang nakangiting cashier.
Natataranta kong naibaba ang tasang aking hawak pabalik sa platito pero dahil do'n ko lang naramdaman ang sakit ng mga kamay ko dahil sa pagkakapaso ay nabitiwan ko 'yon at agad na nakagawa ng ingay!
Ang kaba sa aking dibdib ay mabilis na sumiklab lalo pa nang lingunin ako ng pares ng mga matang iyon! Agad akong napatayo!
Asher Miguel... He's here... He's here KF!
"Ma'am are you okay?" nag-aalalang tanong ng waiter na hindi ko na namalayan kung paano nakalapit sa akin at nahawakan ang namumula kong mga palad.
"I-I'm okay... I-I'm okay..." nauutal kong sabi sa kanya pero ang mga mata ay nanatiling nakatutok kay Asher, takot na mawala itong muli sa aking paningin.
He was just staring back at me. Hindi alam ang gagawin kahit pa nagkukumahog na ang mga staff ng coffee shop na tulungan ako. Para siyang nakakita ng isang multong pilit na iniiwasan. I'm sure he's like this to everyone. Hindi na ako nagtaka pero imbes na matakot ay kumawala sa mga labi ko ang pangalan niya.
"A-Asher..."
I see him stiffened at that. Kumurap-kurap at bago pa ako makapagsalita ng iba upang pigilan siya sa posibleng pagtakas ay napasinghap na ako ng makita ang paglalakad niya patungo sa aking direksiyon.
The next few minutes became hazy. Pinanuod ko siyang utusan ang mga tao kung anong gagawin sa kamay ko. It's not that burned actually. Hindi rin masakit. Maybe coffee helps people to get numb sometimes... or it's just me convincing myself that I am numb because that's what I wanted to be.
"What were you thinking?" hinila ako pabalik sa kasalukuyan nang matapos ang kumosyon at mawala ang mga tao sa paligid namin.
He's sitting in front of me now. The guy we've been chasing for months is comfortably sitting right in front of me. Walang bakas na gusto niyang tumakas. He's so chill unlike what I've witnessed the other night and the days before that.
"It was an accident."
"It wasn't—"
"Totoo," maagap kong putol sa kanya. "Nakita na kita sa malayo at sinundan ng tingin hanggang sa makapasok ka rito. I didn't realized that I was holding the cup for too long. I'm just surprised to see you here..." may pagsisinungaling ngunit may halong katotohanan kong sabi.
Sarkastikong ngiti ang sunod na lumabas sa kanyang mga labi bago abutin ang kapeng in-order sa pagpasok kanina. Sinuri ko ang kanyang kabuuan.
He's looking fresh today. White polo shirt, plain jeans and a topsider. His hair is still wet. Medyo mahaba na ang kanyang buhok gaya ng bahagyang pagtubo ng balbas at bigote palibot sa kanyang mukha pero imbes na nagmukhang napabayaan ay bumagay 'yon sa kanya.
His eyes were still intense but not as intense noong mag-amok siya ng away. He also smells fresh. Like mint, dark chocolate and lemon combined. He's good and sober now, too.
"And what are you doing here?" he asked instead of feeding my curiosity about his whereabouts.
"I'm going to Batangas," maingat kong sagot.
I know this would lead to a lot of questions but I am ready. Talk now and get it over with, right?
Nagsalubong ang mga kilay niya. Gustong magtanong ng kanyang mga mata pero imbes na 'yon ang gawin ay tinapos niya ang kapeng hawak at agad na tumayo.
"A-Asher—"
"Good luck with that," he cut me off. Ibinalik niya sa mga mata ang suot na aviator. "I'll get going." aniya saka ako tinalikuran.
Nagmamadali naman akong tumayo at sinundan siya. Dahil sa laki ng kanyang mga hakbang ay halos tumakbo ako maabutan lang siya.
"Where are you going this time, Asher?" I almost shouted just to get his attention.
Napalunok ako nang huminto siya. Kusang prumeno ang mga paa ko lalo na ng pumihit siya paharap sa akin. His walls became visible at that. Ang matayog, makapal at walang makakatibag na dingding na kanyang binuo para hindi masilayan ng kung sino ang lahat ng kanyang mga emosyon ay klarong-klaro ngayon.
"It's none of your business."
"I know but—"
"None." giit niya saka muling nagpatuloy sa paglayo.
Kung sa ibang pagkakataon ay hinayaan ko na siya gaya ng sinabi ni Eros na dapat naming gawin pero hindi ko 'yon ginawa. If KF was here, she will ask me to follow him at huwag pakawalan. Iyon ang ginawa ko. Hinabol ko siya at wala nang pagdadalawang-isip na pinigilan sa braso.
Naramdaman ko ang nakakawindang na kabang yumugyog sa aking pagkatao lalo na ng mapapitlag siya't agad na hinawi ang kamay na hawak ko, like he's afraid of me... of everything I don't know.
"Asher, I really need your help," I asked, almost begging. Not because I'm desperate to get this done but because I want him to stay on my sight for much longer. "Help me fulfill Karsyn's last wish please? Alam kong matutulungan mo ako... I know it's too soon to ask you for anything but can you please just help me?"
Sa ilalim ng kanyang salamin ay alam kong sa aking mga mata siya nakatitig. Hindi ko man alam kung ano ang nasa isip niya pero umaasa akong sana ay pumayag siya.
Say yes Asher Miguel... Just help me please?
"No." he said. Nalaglag ang panga ko sa tono niyang pinal at mabilis na nakapag-desisyon. "You're right. It's too soon and I can't help you. You should ask the boys instead," akmang tatalikod na siya pero muling humarap para dagdagan pa ang mga sinabi. "Oh, and don't forget to tell them to just stay the fuck away from me," ibinaba niya ang salamin at muling nakipagtitigan sa aking nanghihinang mga mata. "And that includes you, Zydney. Just please stay away from me." he said before finally leaving.
WATTPAD EXCLUSIVE.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva
/
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 4
Chapter Four
Miracles Do Exist
The thing about desperate people is that they don’t give up easily. No matter what the circumstances are, they still find a way to do what they think they need to do.
Just like what Suzanne Collins said, “That if desperate times call for desperate measures, then I’m free to act as desperately as I wish.”
Wala na akong naisip na iba habang sinusundan ang sasakyan ni Asher kung hindi ang pagiging desperada ko. Imbes kasi na bitiwan siya gaya ng payo ng kanyang pinsan ay mas lalo ko siyang gustong sundan.
Hindi na bale kung taliwas ’yon sa mga plano ko. Hindi na bale kung saan ako abutin ng pagsunod sa kanya. Hindi na bale kung ipagtabuyan niya ako. I just can’t let him go. Lalo na pagkatapos ng nasaksihan kong paglalasing, pakikipag-away niya’t pagwawala sa club na ’yon.
No, I won’t stay away from you, Asher. You can never get rid of me because if KF was still alive, iyon rin ang gusto niyang gawin ko.
It was a long drive. Halos limang oras akong bumuntot sa kanya kasama na ang traffic. Bumaba na rin ang araw pero wala yata siyang balak na huminto. He just kept on driving. Kinabahan ako nang mapansing paikot-ikot nalang kami, tila gusto niya lang magpalipas ng oras at hintayin ang pagdating ng gabi bago huminto at ipagpatuloy ang buhay. Mabilis siyang magpatakbo kaya naiiwan ako pero hindi ako bumitiw. Sapat lang ang naging distansiya ko para hindi niya ako mapansin. I continued following him, mabuti at full tank ang gamit ko dahil kung hindi ay mawawala ko siya.
I ended up in a small pub. Malayo sa kabihasnan ngunit alam kong parte pa rin ’yon ng Batangas. Sa layo no’n ay hindi ko inasahang puno ang lugar at marami ring tao, mostly ay mga turistang nag stop over lang at napasarap na sa inuman. Some were even glamorous enough to be in this place.
Sinadya kong sa isang sulok umupo, tama lang upang hindi niya ako mapansin.. Um-order ng sariling inumin habang hindi inaalis ang tingin kay Asher. My parents kept calling me. Hanggang sa maubos nalang ang baterya ng aking telepono ay hindi ko sila sinagot.
Tahimik kong tinikman ang alak na inilapag sa aking harapan. Pinalipas ang oras. Kumuha ng tiyempo ngunit nakatatlong baso na ako ng ladies drink ay hindi pa rin ako nagkaroon ng lakas na lapitan si Asher.
Paano ko nga naman gagawin ’yon? Paano ko siya kakausapin at mapipilit na pakinggan ako kung iba’t-ibang babaeng nakakunyapit sa kanyang mga braso? Kung wala itong ibang ginawa kung hindi ang makipagtawanan at makipaghalikan sa kanila?
Naramdaman ko ang mabilis na pagbundol nang matigas na bagay sa aking dibdib, causing me to beg for air when I heard his laugh across the room, tinatalo ang ingay ng mabilis na beat ng tugtog sa kabuuan ng lugar. Hindi ko na mapigilang mapapikit at mag-iwas sandali ng tingin ng muli niyang hatakin ang babaeng katabi at halikan sa mas uhaw na paraan.
Hindi ko kaya. Watching him making out with someone other than Karsyn hurts me, hindi para sa akin kung hindi para sa namayapa kong pinsan. If Karsyn was here, I know she’ll be broken, shattered even. But then if she’s still alive, Asher Miguel wouldn’t be here kissing random girls.
Humigpit ang kapit ko sa aking malamig na basong may alak, nanalangin akong tapos na ang halikan sa aking pagdilat kaya nang matupad ’yon ay nakahinga ako ng maluwag. Tinungga ko ang hawak na inumin at um-order ulit. Hindi ko alam kung tama bang ako ang unang malasing kaysa sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Unlike the coffee, I’m certain now that alcohol will help me numb all these uninvited emotions.
I waited for a couple more hours kahit na hindi ko na rin alam ang hinihintay ko bago siya lapitang muli. Kung ang pagtatapos ba ng mga kahibangan niya o ang pagiging handa ng puso ko sa lahat ng ito?
Sa paglalim ng gabi ay mas napuno pa ang maliit na pub. Nagkaroon na rin ako ng mga ka-table. Nakatulong ’yon para malibang ako at mapigil ang pag-inom ng alak kahit papaano. Nang mapuno ang pantog ko ay nagpaalam na muna ako sa kanila.
“Are you okay?!” natatawa akong inalalayan nang babaeng nauna pang malasing sa akin. Ngumiti ako at agad na tumango
“Gusto mong samahan kita?”
Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila na siya ng isa pang babaeng kasama. I forgot their names. Is it Amanda, Loida? Amara, Lora? Does it matter? Holy hell, no.
Mabilis akong umiling. Lumiwanag ang mukha ng babaeng humila sa kanya at sapilitan siyang ibinalik sa upuan.
“Dito ka nalang. Let her go to the bathroom alone,” bumalik ang tingin niya sa akin. “Sige na, babe! Go! We’ll wait for you!” napakapit ako sa couch dahil sa bahagyang paglakas ng pagtulak niya sa akin.
Kung siguro matino pa ako ay mao-offend ako sa ginawa niya pero dahil tinamaan na rin ako ng alak ay namamanhid na ako, wala na ring pakialam. Inayos ko ang sarili at pilit na tinahak ang daan patungo sa banyo. Napanatag ako ng masulyapan si Asher na nananatili sa pwesto niya at tuloy lang sa pakikipag-landian… Ngayon ay sa ibang babae ulit.
Napakapit ako sa lababo at napayuko ng tuluyan akong makapasok sa banyo. My world is spinning slowly now. Kung kanina ay lungkot ang nararamdaman ko, ngayon ay pagsisisi na ’yon dahil sa kawalan ko ng kontrol.
Pilit kong inabot ang gripo at hinayaan itong umagos. I decided to wash my face. Bahagya pa akong kinilig sa malamig na tubig na dumampi sa aking balat. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa maramdaman kong nahihimasmasan ako kahit paano. Nang matapos ay pumasok ako sa cubicle at doon nanatili ng matagal. I’m a bit sleepy too. Bumibigat na ang talukap sa aking mga mata pero binalikan ako ng kaunting lakas nang masulyapan ang aking suot na relo.
It’s almost midnight! Oh my God where’s my phone?! Madali akong napatayo at kahit na bahagyang umiikot ang paningin ay pinilit na lumabas para balikan ang mga gamit ko’t ang lalaking pakay ko. ’Yon nga lang, bukod sa wala na si Asher sa pwesto nito ay wala na rin ang mga babaeng kasama ko kanina.
“Holy hell…” dismayado kong bulalas nang mapatakbo pabalik sa aming pwesto at mapansing pati ang bag ko ay nawawala na rin!
“Ma’am, here’s your bill.” nakangiting pukaw sa akin ng lalaking waiter!
I’m not an aggressive person pero sa pagkakataong ’yon ay parang gusto ko siyang sampalin lalo na ng makita ang sampung libong bill! I’ve been robbed! Ninakawan ako at ngayon ay pagbabayarin pa! What the heck! Isang waiter ba ang in-order nila at ganito kalaki ang bill sa sandaling pagkawala ko?!
“Nasaan ang mga babaeng ka-table ko kanina?” mahinahon ngunit kabado ko nang tanong.
“Lumabas na po. Ang sabi ay kayo ang magbabayad at hintayin ko kayong lumabas. Hanggang alas dose lang po kami at kailangan nang magsara kaya kung may order pa kayo ay kukunin ko nalang rin po–”
“Nasaan ang lalaking nakaupo sa couch na ’yon kanina? Where is he?!” natataranta ko nang tanong ng maisip si Asher!
“Po?”
“Doon!” itinuro ko ang couch. “Doon siya nakaupo kanina! May kasamang mga babae!”
Bigo siyang umiling. “Hindi ko po alam, Miss. Anyway kung may order pa po kayo–”
“I’m not paying that! I’ve been robbed! Hindi ko kilala ang mga babaeng sinasabi mo at ninakaw nila ang mga gamit ko!”
He looked surprised but not sympathetic as I expected. Napakamot siya sa kanyang ulo. Doon na ako tuluyang nawindang ng maisip na hindi siya naniniwala sa akin!
“Lumang style na po ’yan, Ma’am. Ang mabuti pa ay sumama nalang kayo sa akin.” mabilis akong umatras at lumayo sa kanya ng akma niya akong hahawakan!
“Kung ayaw niyo pong bayaran ang lahat ng nainom niya ay–”
“Where is that guy?! Nakita mo ba siyang umalis? Sinong kasama niya?!” pagpuputol kong umubos sa kanyang pasensiya.
“Kailangan niyo pong bayaran ang lahat ng mga na-order niyo dahil kung hindi ay–”
“Ninakawan ako! Ako ang nawalan! Hindi mo ba ako tutulungang habulin ang mga magnanakaw na ’yon?!” naghuhuramentado ko nang bulyaw sa kanya.
Ang mga taong naroon ay nasa amin na ang atensiyon pero wala akong pakialam. Wala akong pambayad dahil nawalan rin ako at kahit siguro meron ay hindi ko pa rin babayaran dahil hindi naman ako ang nakinabang!
“Security!”
“Teka anong security?!” bago pa ako makalingon para tignan ang tinawag niya ay naramdaman ko na ang maagap na paghawak ng dalawang pares ng kamay sa aking magkabilang braso!
“No, wait! I’m a victim too! Check your CCTV! Biktima ako at kailangan niyo akong tulungan!”
Hindi sila nakinig kaya nagpumiglas na ako habang dinadala patungo sa kung saan! No way! No freaking way na papayag akong dalhin nila ako kung saan at mas lalong hindi kung sa prisinto! Oh my God! Please help me!
“Let me go! Please let me go!”
“Marami na ring nagtangkang tumakas sa amin Miss at hindi mo na kami maloloko. Taga Manila ka siguro pero mas matalino na kami ngayon kaya pasensiya ka na at nahuli ka.”
“What?! Bitiwan niyo ako!” nang may madaanan kaming poste ay mabilis ko iyong niyakap at hindi binitiwan!
Sinadya ko nang mag-eskandalo dahil totoong natatakot na ako. Hindi lang dahil wala akong pambayad kung hindi dahil wala na ring linaw ang utak ko! I’m drunk! Walang teleponong matatawagan at mahihingan ng tulong at kahit may sasakyan akong nasa labas ay wala na rin ang susi ko! Wala na akong kahit ano maski piso!
“What is going on here?!” kumurap-kurap ako at nakita ang lalaking unipormado ngunit iba sa kanilang lahat.
“Manager! You’re their manager!” hindi naitago sa boses ko ang pag-asa. “Help me! I’m innocent! Wala akong ginagawang masama at totoong nanakawan rin ako! Wala akong pambayad!” maluha-luha ko nang pagmamakaawa habang pilit na hinihila ng mga lalaking gusto akong tangayin at pagbayarin.
Ang mga taong nakapalibot sa amin ay gusto nang makialam pero hindi hinayaan ng mga waiter na nakapalibot sa amin. People are cheering up for my freedom but they refused.
“I’m sorry pero kailangan natin itong pag-usapan sa opisina,” nalaglag ang panga ko sa narinig. “Hindi namin kayo sasaktan as long as you cooperate with us.” aniya sa nangangakong tinig ngunit ang utak ko ay wala nang gusto pang paniwalaan.
“No! Wala akong kasalanan bakit ba ayaw niyong maniwala?! I didn’t know them! Mag-isa lang ako! Ako lang!”
I am shouting the next minutes. Talagang nag-eeskandalo na dahil iyon nalang ang kaya kong gawin. Sa bawat sigaw ko ay ang paliwanag at pag-asang pakinggan nila ako but they are stupid enough to not listen. Sila yata ang lasing!
“No! No! You’ll regret this! Hindi niyo ako gustong saktan dahil malalagot kayo!” I screamed louder.
Nanghihina ang mga kamay kong napabitiw sa posteng aking yakap nang maubusan na ako ng pag-asa. Mas lalo akong nahilo at nanghina kaya para na akong lantang gulay na nagpatangay sa kanila habang ang mga luha ay nagsilaglagan na sa aking mga mata.
Sa paghina ng tugtog ay agad na umalingawngaw ang sigaw ng aking puso nang bago pa kami makaibis patungo sa sinasabing opisina ay sakto naman ang paglabas ng lalaking buong araw kong sinundan, galing sa restroom!
“Asher!” malakas at puno ng pag-asa kong sigaw sapat para makuha ko ang kanyang atensiyon.
“Asher please help me!” nahinto siya sa paglalakad, nag-angat ng tingin at sandaling natulala sa akin, nalilito kung sino ako at kung bakit ako narito.
“Z-Zydney?” bulalas niya ilang sandali ang nakalipas habang magkarugtong na ang kilay.
Nagpumiglas ako sa mga lalaking nakahawak at nang pakawalan nila’y agad na tumakbo palapit sa kanya’t wala nang malinaw na pag-iisip na niyakap siya! Napaatras ito dahil sa matinding pagkabigla!
“Asher! Tulungan mo ako! Wala akong kasalanan! Hindi ako tatakbo because I’m innocent, I swear to God…” sabi ko sa gitna nang paglalim ng aking mga hikbi.
He didn’t move. Tila isa siyang malamig na posteng walang buhay. Kung siguro’y hindi ako nakainom ay binitiwan ko na siya pero dahil puno ng alak ang sistema ko ay mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.
“Asher, I’m begging you… I’m begging you, please…” paulit-ulit at hindi ko na mabilang na sabi.
The thing about drunk people is that they are not aware of their actions, aware man siguro pero wala nang pakialam. Gaya ko, wala na akong pakialam dahil ang nasisigurong tanging susi ko sa lahat ng problemang ito ay siya.
Napapikit ako ng mariin nang sa wakas ay gumalaw siya. Hindi man para aluin ako at yakapin pabalik ngunit sapat na iyon para kahit paano ay mawala ang takot ko.
“What happened?” tanong niya habang hawak na ako sa magkabilang balikat. “What are you doing here and why are you crying?”
Umiling ako. Kinagat ang labi dahil tiyak na kapag nagsalita pa ako ay hahagulgol na ako. This is a huge mess. Ni minsan ay hindi ako nasangkot sa kahit na anong gulo at natatakot ako sa kung anong sunod na mangyayari lalo na’t hindi ako sigurado kung kilala ko ba talaga ang Asher na nasa harapan ko.
Una, he is drunk and he doesn’t care about me or other people now. Pangalawa ay hindi niya ako kargo at pangatlo ay alam kong ayaw niyang magkaroon ng ugnayan sa akin o kahit kanino kaya bakit niya ako tutulungan?
I heard the manager’s voice, maging ang sa waiter pero hindi ko maintindihan. Ang tanging nasa utak ko ay kung paano ako makakalabas sa gulong ito. Kung paano ko malilinis ang pangalan ko.
I always believe in a higher power. I am a religious person at hindi ko alam kung saan nagsimula ang paniniwala kong ’yon. My parents barely attend church. Ang huli siguro ay ang kasal pa nila dahil pagkatapos no’n ay negosyo na at kayamanan ang naging buhay nila. Me, on the other hand never skipped attending mass. Pakiramdam ko kasi ay hindi buo ang linggo ko kapag hindi ako nakakapagsimba.
Father Rivera, my favorite priest taught me the importance of faith as well as Sunday mass. He said that to be able to have a never ending strength and faith is to have a deeper relationship with God. Sunday mass is one way to achieve that. Noon pa man ay naniniwala na ako sa milagro at kabutihang dulot ng mga pinaniniwalaan ko pero mas lalong luminaw sa akin ang kapangyarihan ng tiwala at pagdarasal sa sunod na narinig mula sa kanyang mga labi.
“Give me the bill and I’ll pay for it.” aniya na tuluyang sagot sa mga dasal ko at isang napakalaking milagro.
WATTPAD EXCLUSIVE.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva
/
Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 5
Chapter Five
Be Gentle
Wala akong ginawa kung hindi ang panuorin siyang titigan ako, mukhang gaya kong pinipilit ring labanan ang alcohol na sandaling namahay sa sistema.
Mga kalampag ng kutsara, tinidor at plato ang naririnig ko. Mumunting usapan, bulungan pero mas nakakabingi doon ang pananahimik niya.
Kasalukuyan kaming nasa simpleng lomihan pero halatang dinarayo talaga ito dahil dagsa ang tao kahit na madaling araw na.
Huminga ako ng malalim saka matapang na pinutol ang katahimikan sa aming pagitan.
"T-Thank you for helping me. I'll pay you when I get back—"
"Sinusundan mo ba ako?" he cut me off.
Ang boses niyang malalim ay sapat para mapatuwid ako ng upo at maramdaman ang pagbayo ng puso ko. Parang hindi ko na kailangan ng mainit na lomi para maibalik ang lahat ng katinuan dahil boses niya palang at matalim na titig ay kusang bumabalik ang huwisyo ko.
"N-No," I lied again, I don't have a choice. Iyon ang dapat kong gawin para hindi niya ako kasuklaman. "I'm lost. Napadpad ako sa pub na 'yon dahil dinarayo raw ang lugar kaya sinubukan ko—"
"Kailan ka pa natutong pumunta sa gano'ng klaseng lugar nang mag-isa? You don't know how dangerous it is for you to be in that place without companion."
Agad ako nga umiling.
"Paano mo naman nasigurong hindi ako pumupunta sa gano'ng klaseng lugar ng mag-isa?" tanong kong wala namang ibig ipahiwatig pero nang bahagyang nag-igting ang kanyang panga ay para akong natauhan. "I-I mean, you don't know me that well, Asher. Gaya nang hindi ko rin lubusang pagkakakilala sa'yo. Kung sabagay, madaldal si Karsyn at—"
"Shut up." he said dangerously.
Dama ko ang bahagyang pagsisitayuan ng mga balahibo ko sa braso dahil sa nakakangilong tono niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin, tinawag ang waiter at kinausap ito kaya natahimik ako.
I wanted to say how sorry I am for saying my cousin's name pero may pumigil sa akin. Why would I be sorry? Hindi kasalanan ang pangalan ng pinsan ko at hindi rin iyon bawal sabihin. Ang tanging mali ay ang sitwasyon. He doesn't want to talk about her because it's still painful, I get it.
"M-Masarap ba ang lomi sa lugar na 'to?" magana kong pagsasalita ulit, trying to lighten up the mood by changing the subject.
Tumango siya. Hindi ako nakasagot dahil sa pagdating ng waiter dala ang in-order niyang mga lomi para sa amin. Napangiti ako ng maamoy ang pagkain at makitang umuusok pa ito. Bigla akong nagutom.
Hinayaan ko munang pagkain ang pareho naming intindihin. I don't want to ruin his silence. Iyon na marahil ang pinaka-maayos kong makukuhang atensiyon sa kanya.
Napangiti ako ng matikman ang malasang lomi. My taste buds were rejoicing because of how balance the ingredients was. Now I understand why it's best to eat lomi in Batangas. Alam ko na rin kung bakit hindi lang sa tag-ulan ito mabenta. It's really delicious! Pwedeng araw-arawin umaga, tanghali at gabi.
"Paborito mo 'to?" I asked him again.
Muli siyang tumango at nagpatuloy lang sa pagkain. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis, nawala na ang pait ng alak sa sistema.
"First time kong makakain nito rito. Hindi naman kasi ako madalas nagagawi sa Batangas. Noon lang..." bumagal ang pag nguya niya kaya nilaktawan ko ang pagbanggit sa pangalan ni Karsyn. "Nang mapunta ako rito. Busy naman kaya hindi rin nakapaglibot at nakatikim."
Hindi siya nagsalita. Hindi naman ako nagpaawat.
"Dito ka ba ipinanganak?"
"Yeah."
"Dito ka rin lumaki? Alam mo noon pang bata ako, maswerte na ang tingin ko sa mga taong lumaki sa probinsiya. I think they're the healthiest people. Fresh ang mga pagkain, may sariwang hanging nalalanghap, tahimik ang paligid at napapalibutan ng kalikasan. Unlike sa Manila, magulo, mausok at bibihira na ang makakita ka ng malalaki at lumang puno."
Nang makita kong paubos na ang kanyang pagkain dahil sa pag-concentrate doon habang ako ay daldal ng daldal ay binilisan ko na ang pagkain ko. He's in a hurry, mukhang gusto nang tapusin ang kinakain para iwanan ako!
"Aw!" reklamo ko nang mapaso ang aking dila.
Natigil sandali ang pagkain niya pero umiling lang at hindi ako inintindi. Oh God! He's almost finished! Binilisan ko pa ang pagsubo, wala nang pakialam kung mapaso ang dila maabutan ko lang siya! Ilang beses kong ininda 'yon na nagpairita sa kanya.
"Slow the fuck down. Walang humahabol sa'yo."
"No!" nabubulunan kong agap at agad na nilunok ang mainit na lomi sa lalamunan. "I need to finish my food too! Hindi ako sanay na natitirahan ng pagkain pero ayaw ko rin namang maiwan mo! I'll finish as much as I can kaya sana hintayin mo naman ako."
He clicked his tongue. Nawalan ng ganang binitiwan ang hawak na kutsara at saka tumayo.
"Asher—"
"Finish your food. Hindi ako tanga para iwan ka dito at pwede ba? Sa susunod na magsisinungaling ka mas galingan mo. I know you are following me, Zydney. Hindi ka iwawala ng mapa sa telepono mo at imposibleng mapadpad ka sa pub na 'yon kung hindi dahil sa'kin."
Laglag ang pangang natigilan ako dahil sa rebelasyon niya. Muli siyang umiling nang hindi ako nakasagot.
"Mag yoyosi lang ako. Tapusin mo na 'yan para maihatid na kita kung saan mo gusto."
Bagsak ang balikat kong pinanuod siyang tumalikod at lumabas sa loob ng lomihan. Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagsisinungaling. Can this day get any worst?
Pinilit kong tapusin ang pagkain ko. Kinabahan pa ako dahil nasimot ko na rin ang tubig ko pero hindi pa rin bumabalik si Asher. Mukhang siya ang nagsinungaling na hihintayin ako.
"K-Kuya..." nahihiya kong sabi ng lapitan ang lalaki sa cashier. "B-Bayad na ba ito? Kasi kung hindi pa ngayon palang sinasabi ko nang babawi nalang ako sa susunod at babayaran kayo dahil ngayon ay walang wala ako. I've been robbed and I don't have any money with me—"
"Bayad na po, Ma'am!" aniya para pigilan ako.
Nahihiya akong napangiwi. Tumango nalang at hindi na nag-aksaya ng oras, hinanap ko na si Asher.
Kabado man ako dahil baka pati siya ay takasan ako't iwan pero mayroong maliit na porsiyento sa puso kong nagtiwala sa kanya.
My lips automatically curved when I saw him still puffing a cigarette. Walang ingay akong lumapit sa kanya sa gilid ng lomihan na mayroong mga halaman.
"Hindi ka pa rin tapos?"
Kunot-noo niyang hinithit ng dalawang beses ang sigarilyo sa kamay at pagkatapos ay pinitik na sa kung saan.
"You done?"
"Oo, saan tayo pupunta?" I asked. Napaatras ako sa pagtayo niya at pagpantay sa akin.
"You tell me," he replied. "You can't use your car, you don't have a phone, even cash. You basically have nothing aside from your clothes and confidence to follow me even if I told you hundred times not to do so."
Naipagdiin ko ang aking mga labi. Alright, ako na ang walang wala at huli na sa pagsisinungaling.
"Kaya nga ikaw ang magdedesisyon kung saan ako dadalhin dahil wala akong dalang kahit ano."
Isang multo ng ngiting may halong pagkabaliw ang namutawi sa kanyang bibig.
"Ano ba kasing pumasok sa utak mo't iniwan mo ang mga gamit mo? Hindi mo ba alam 'yung mga salitang, 'do not leave your valuables unattended?' Hindi ba 'yon uso sa Manila?"
Pinigilan ko ang sariling mapairap sa kanya.
He is moving on, be gentle.
Bulong ng utak ko.
"Hindi ko na naisip. Tinamaan ako sa mga alak na nainom ko kaya napatagal ako sa banyo. Hindi ko naman alam na nanakawin nila ang gamit ko."
"Kilala mo ba ang mga 'yon?"
Tahimik akong umiling.
"Then why did you fucking trust them? Wala rin ba sa Manila no'n? Hindi ba itinuro ng mga magulang mo na hindi ka dapat magtiwala at makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala? Kasi dito sa probinsiya, iyon ang unang-unang itinuturo."
"Oo na, okay? Kasalanan ko na, inaamin ko. Hindi ko naman akalaing malalasing ako sa ilang baso ng alak para lang hindi maburyo sa kahihintay sa'yo..." napalunok ako't nahinto nang maisip ang mga sinabi.
Napatuwid siya ng tayo. Mukhang kahit na alam nang totoong sinundan ko siya ay hindi pa rin inasahang mahuhuli ako mismo sa bibig! Oh, jeez! What now?!
He scoffs and walk past me. Natataranta naman ako ng napasunod sa kanya!
"Asher, I'm sorry okay?! Oo na kasalanan ko na at may karapatan kang magalit sa pagsunod ko sa'yo pero hindi ko intensiyong guluhin ka!" nagkukumahog kong binilisan ang mga hakbang at nang makalapit ay agad na hinaklit ang kanyang kamay!
"Huy! Sorry na sabi—"
"You already disturb my peace, Zydney!"
Tila napapaso akong napabitiw sa kanya. Mabilis na naglagablab ang init sa kanyang mga mata, it became more dangerous, like a wooden house on fire at tanging galit ang nababanaag ko.
"Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan, huh?! Kung wala kang baong natutunan sa Manila ay hindi ko na 'yon problema pero sana kahit paano ay natutunan mo man lang ang rumespeto sa hiling ng ibang tao! I don't want to see you, you understand? Kahit sino sainyo!"
He's moving on, be gentle
. I reminded myself again.
"Sorry," malungkot at nagpapakumbaba kong sabi para hindi na lumala ang lahat. "Kung nasa akin lang naman ang mga gamit ko ay kanina pa ako wala sa paningin mo pero wala na akong ibang pag-asa kung hindi ikaw kaya pwede bang next time ka nalang magalit? I really need your help now, Asher... I still need your help."
His jaw tightened and was about to spit more hurtful statements but he was cut off by a phone call. Iritado niyang dinukot 'yon sa kanyang bulsa at sinagot.
"Hello?!" galit ang boses niyang bungad sa kawawang nasa kabilang linya.
Nanahimik ako dahil ngayon ay kasalanan ko na ring pati ang tumawag ay mapagbubuntunan niya ng galit. No, this day is the second worst day of my life.
"What?! Anong nangyari?!" napabalik ang mga mata ko sa kanya.
Kung kanina kasi ay galit ang kanyang boses, ngayon naman ay punong puno ito ng pag-aalala.
"Alright! I'll be there in a second. Huwag ka nang umiyak, okay? Papunta na ako."
Sa pagbaba niya't pagbaling sa akin ay napapitlag ako. Hindi ko alam kung magtatanong ba ako o aaktong estatwa nalang para lang mabawasan ang tindi ng halo-halo niyang emosyon, pinili ko ang huli. I saw the rise and fall of his chest, mukhang pinag-iisipan ang gagawin sa akin. Maybe kung saang palayan ako itatapon dahil sa pagiging mapangahas ko.
"I'll let you follow me now," may pagbabanta at mariin niya pa ring paliwanag. "But say a word and I'll kick you out of my car." aniya bago ako talikuran at tuntunin ang kanyang sasakyan.
I didn't say a word. Binilisan ko rin ang mga hakbang para makahabol sa kanya. Nang patunugin niya't buksan ang sasakyan ay agad na akong pumasok at naupo sa tabi niya.
Hindi ako nagtanong, hindi nagsalita kahit isa at bilang lang rin ang hingang ginawa para lang huwag niya akong palabasin sa kanyang sasakyan.
Kahit na pagod na ang utak ko sa buong araw na biyahe ay aktibo pa rin ito. Madilim na mahabang daan ang tinahak namin. May iilan namang poste pero ang ibang lugar ay wala talaga. Kahit hinahalukay ang utak ko sa mga gustong itanong sa kanya ay hindi ako nagtangka.
Nasagot lang paunti-unti ang mga ito matapos ang halos isang oras na biyahe't mapunta kami sa kabihasnan. Sa isang hospital.
Naghahanap palang siya ng parking ay nanginginig na ang mga tuhod ko. Ewan ko ba. Since Karsyn died, parang nagka-trauma na ako sa hospital. I choose to avoid it. Hindi ako sumasama kay Mommy sa mga check up niya at hindi rin ako nagpa-confine noong atakihin ako ng ulcer ilang araw pagkatapos ng libing. I just don't want to be there.
"Are you coming? Matatagalan ako sa loob kaya kung gusto mong sumama, sumunod ka nalang."
"Asher..." agap ko nang akma na siyang lalabas. "I-I...I think I can't go inside." mabilis akong yumuko ng muling maisip ang pinaka-mabigat na huling sandali sa buhay ni Karsyn dahilan para agad na manlabo ang mga mata ko.
Am I still drunk? Is this still because of the alcohol?
"Then stay here."
Suminghap ako't agad na ibinaling sa kabilang direksiyon ang mukha ng maramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa aking mga mata.
"I'll stay here... I'll stay..." bahagyang gumaralgal ang boses ko.
Pasimple kong pinunasan ang aking mga luha ngunit ng hindi bumukas ang pinto gaya nang gusto niyang gawin kanina pa ay napabalik ang tingin ko sa kanya.
"Are you okay? Umiiyak ka ba?"
I bit my lower lip. Umiling ako para muling magsinungaling kahit na huli na dahil kitang kita na niyang umiiyak ako.
This is silly. Why can't it stop? Why the heck I'm crying?! Oh, stupid alcohol!
"Nasa emergency room ang Mommy ko at umiiyak rin ang kapatid ko. Now I'm asking you again so that I know who to attend first. Bakit ka umiiyak?"
His thoughtfulness gave me strength to continue wiping my tears.
"Wala, Asher. Sige na puntahan mo na ang kapatid mo. Ayos na ako dito. Naiiyak lang ako dahil nawalan ako ng gamit, iyon lang."
Tumagal ang mapanuring titig niya sa akin.
"Kailan ka ba titigil sa pagsisinungaling, Zydney?"
"Sige na, Asher," pilit ko. "Hindi ako aalis dahil wala rin naman akong pupuntahan. Abala lang ako sa'yo at kailangan ka na ng kapatid at Mommy mo kaya sige na."
Tumagal pa ang tingin niyang mapanuri pero sa huli ay nakumbinsi ko rin. Mapait akong napangiti habang sinusundan siya ng tingin papasok sa loob ng hospital. Napapikit ako ng mariin ng mawala na siya sa paningin ko't tumahimik nang muli ang mundo kong magulo.
Pinanatili ko ang mga mata kong nakapikit. Bumalik ang antok ko kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong magpadala rito.
Naalimpungatan ako sa pagbuhay ng makina ng sasakyan. Kinusot ko ang aking mga mata at pilit siyang inaninag. Madilim pa rin ang paligid.
"Asher? Is everything's okay? How's your Mom? Gaano ako katagal nakatulog?" sunod-sunod kong tanong habang inaayos ang sarili pero hindi siya sumagot hangga't hindi napapaandar ang sasakyan.
"She lost another child," I almost tasted the bitterness and sorrow in his tone. "Another
fucking
life." bawat diin ng salita niya ay humiwa rin sa aking dibdib na parang iisa lamang ang pakiramdam namin.
Hinanda ko ang aking sarili para aluin siya kahit na hindi ko sigurado kung paano pero bago pa bumuka ang bibig ko ay pinutol niya ako kaagad.
"I don't want your sympathy so don't even think about it," he said like he heard all my thoughts. "Iuuwi kita ngayon sa resort para makapagpahinga ka. I'll deal with you when the sun rises." matigas niyang pagpapatuloy dahilan para tuluyan ko nalang maitikom ang aking bibig.
Completed version of this story is now available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.
✨
CHAPTER 6
Chapter Six
Where To Start
They said airports had the most sincere hugs and goodbye’s, but I beg to disagree. Because I think the place who beats the record for most profound emotions are hospitals… Because sometimes, it leads to permanent goodbye.
Na sa bawat pagpasok sa kahit na anong kwarto ay kasama na doon ang katotohanan at posibilidad na iyon na ang huling beses niyong makikita ng buhay ang isa’t-isa… Just like what happened to Karsyn, I didn’t have said goodbye to her properly… Na kung alam ko lang iyon na ang huli, sana ay mas nanatili ako sa tabi niya. Sana mas sinabi ko kung gaano ko siya kailangan nang sa gayon ay mas lumaban siya.
But I know, no matter what I do, it’s all in God’s hands. That it’s the time he called her and she answered it with all her heart.
I find it ironic, really. Akala ko noon ang hospital ang magbibigay sa’yo ng malaking pag-asa para mabuhay. Sa kaso ng pinsan ko, para iyong naging kulungan niya hanggang sa kanyang mga huling sandali. I want to convince that it’s all alright but as day pass by, my emotions were just getting heavier and heavier. It gets harder everyday… Ayaw ko lang aminin sa sarili ko.
Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina at ang sliding door na nasa aking harapan. A gasp escaped my mouth when my eyes was greeted by an astonishing sunlight that made the ocean spark like diamonds. Walang humpay sa pagkinang ng kulay asul na tubig habang naglalakad ako patungo sa dulo ng balkonahe.
Muli akong napasinghap ng mahawakan ko ang malamig na barandilya. It’s the first time that I’ve been in a place like this since Karsyn left us.
Ang totoo, siya lang naman talaga ang dahilan kaya ako nakakapunta sa mga lugar na ganito. My parents were too strict pero kapag si Karsyn ang kasama ko ay hinahayaan nila ako. Ngayong wala na siya, ramdam ko ulit ang paghihigpit nila at I couldn’t do something about it. Ngayon nga lang, alam kong nag-aalala na sila sa akin pero iyong pakiramdam na gusto ko munang makahinga ang mas nananaig sa akin ngayon.
Maybe this is all what I need. An escape from my emotions, from my own grief and from everything.
Napatingala ako sa langit, iniiwasan ang direksiyon ng araw at wala sa sariling napangiti nalang ng mapait.
Did you ever get lost in life that you didn’t even realize it until it hits you? That’s where I’m at right now. I don’t really know where to start. All I know is that I need to move forward even if I don’t how. I don’t even know if I could do it sa tuwing napapalalim ang pag-iisip ko.
I was distracted by a soft knock on my door. Naputol ang pagtingin ko sa langit at agad na napayuko. Nang masundan pa iyon ay agad ko na akong bumalik sa loob para pagbuksan ang nasa kabilang banda.
I was greeted by a lady wearing a blue uniform. Her smile made my day a little bit better.
“Miss Zydney, pasensiya na po sa istorbo pero pinapatawag na po kayo para sa umagahan.”
“Ni Asher?” hindi ko mapigilang lawakan ang ngiti ngunit nang umiling siya ay agad iyong napawi.
“Ni Mr. William Tan, ang Daddy po ni Sir Asher.”
That made me swallowed hard.
“W-Where is Asher?” sabi ko habang lumalabas ng kwarto.
Ang isiping makikilala ko ang Daddy ni Asher ay sapat na para magwala ang puso ko pero mas lalo yata akong kinabahan sa pag-iling ng babaeng kasama ko.
“Wala pong may alam. Hindi na po kasi umuuwi rito si Sir Asher,” panimula niya. “Simula ng mawala si Miss Karsyn ay hindi na iyon nagpakita rito kaya nga po lahat kami ay nagulat sa pagdating niyo kagabi. Ito ang unang beses na umuwi siya.”
Napaiwas ako ng tingin, hindi malaman kung ano ang isasagot sa kanya.
“Pero huwag po kayong mag-alala, marami naman po kaming mag-aasikaso sa inyo rito kaya hindi niyo kailangang umalis kaagad. Oo nga po pala,” nagmamadali siyang umalis sa tabi ko kaya nagmadali rin ako para sundan siya.
Hinintay ko siyang lumabas sa isang kwartong pinasukan. Sa paglabas niya ay kumunot ang noo ko ng makita ang hawak niyang isang itim na box.
“Ipinabibigay nga po pala ito ni Sir Asher,” Tulala ko iyong tinanggap. “Ang sabi niya po ay tatawag na lang siya diyan at huwag raw po kayong aalis dahil may aasikasuhin lang siya.”
Tuluyan na akong natulala sa latest na iphone na naka-sealed pa at sa asul na sim card na aking hawak.
“Is he coming back soon?” tuliro ko pa ring tanong na ipinagkibit niya ng balikat.
“Wala po talagang nakakaalam kung kailan siya babalik,” sinundan ko siya pababa sa grand staircase. “Sabi ko nga po, hindi na pumupunta ’yon rito. Noon pa naman ay madaling na siyang narito pero nang pumanaw ang girlfriend niya ay hindi na talaga bumalik.”
Marami pa sana akong gustong itanong ngunit nawalan na ako ng pagkakataon dahil sa pag-ibis namin patungong kusina.
“This way po.” she said politely guiding me to the dining area.
I was greeted by two other maids before a man stood up from sitting comfortably at the center of a long marble dining table.
Mabilis akong nagpaskil ng ngiti at nahihiyang binati ang matangkad at matikas na lalaking nakasuot ng magarang suit, like he was about to go to the office. Mas lalong kumabog ang puso ko.
“Good morning, Mr. Tan…” lumapit ako sa kanyang gawi at tinanggap ang kamay niyang agad na inilahad.
“It’s nice to meet you, Hija…”
“Zydney, my name is Zydney Jianlin, Mr. Tan.”
Nakita ko ang agarang paghinto niya ng marinig ang sinabi ko.
“Of Shunde Conglomerate?” namamangha niyang tanong na agad kong tinanguan.
“Yes, Mr. Tan.” I answered hesitantly.
Hindi dahil ayaw kong pag-usapan ang malaking negosyo ng pamilyang pinanggalingan ko kung hindi dahil noon pa man ay wala na talaga akong amor sa business world.
Kuminang ang mga mata niya at hindi naitago ang excitement at tuwa sa pagkakilala sa akin. Of he knew me because he is in the business world. My family is something public too. Isang click lang sa internet ang history ng pamilya ko ay naroon na ang lahat ng lehitimong detalye kung saan kami nagsimula.
The family’s business started when my great grandfather invest in a small courier service with only nine employees. It started in Guangdong China, nagta-trabaho pa ito noon sa isang dyeing manufacturing company when they had problems with long shipping delays kaya naisipang pasukin ang shipping service. With only just two years of the business, my great grand father employed over half a million people. Hindi doon nagtapos ang paglago ng negosyo at yaman ng pamilya ko, being swamped with riches became their only goal. My grandfather, my great grand father’s only son, invested in real estate, e-commerce and much more leading my father to be in charge of the Jianlin’s legacy… that soon, will be passed to me.
“It’s a pleasure to meet you, Zydney,” aniya nang makaupo na kami. “It’s uncommon for me to meet someone who came from an unreachable clan but I’m more surprised that Asher came home yesterday with someone… With a girl.”
Nahihiya akong napayuko.
“We’re just friends, Mr. Tan,” mabilis kong sagot kahit na wala namang masyadong judgement sa tono niya. He was just laying facts but I’m too defensive. “I’m his deceased girlfriend’s cousin.”
Sa pagbalik ko ng tingin sa kanya ay natigilan ito, ilang beses na napalunok at natahimik kaya muli akong nagsalita.
“I was in a bad situation and Asher was kind enough to help me… If it isn’t too much, may I ask how is your wife doing, Mr. Tan?” I shifted the subject.
Masyado pang maaga para sa wine pero walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang basong may lamang pulang likido na mukhang wala naman talagang balak inumin ngunit dahil sa tanong ko ay nagawang iangat at tikman.
“She’s doing good…” He answered. “We’re not good in coping with loss especially if it’s the second time within only twelve months but we’re hanging on.”
“I’m so sorry to hear that.”
Isang tango ang isinagot niya sa akin. He heave another sigh, hirap na iahon ang sarili sa lungkot na dala ng tanong ko kaya hindi na ako nag-atubiling tulungan siya.
“Malayo po ba rito ang Santa Teresita?”
Sandaling kumunot ang kanyang noo, maybe because he was not expecting me to know some of the place here.
“May kailangan ka roon?”
Tumango ako. “Kung hindi po nakakahiya, pwede po ba akong manghingi ng pabor sa inyo?”
Ibinaba niya ang hawak na alak at saka ako tinitigan.
“What is it, Hija? Anything I can do to help.”
“I need a car,” wala nang pag-aalinlangan kong hiling. “Pwede po ba akong makahiram ng sasakyan patungong Santa Teresita?”
“Kailangan mo ba ng driver at mga bodyguard?”
“No,” maagap kong tutol. “I am fine without one, Mr. Tan. I just a need a car and I promise to bring it back.”
“Alam ba ito ng anak ko?”
Bumagal ang pagnguya ko, not that I’m into eating anyway but the thought of his son knowing that I’ll left this place somehow terrifies me.
“H-He doesn’t need to know,” I put up a smile to calm my nerves. “Welcoming me into your home and showing me great kindness is something I could never repay but I need to move forward. Ipinapangako ko pong ibabalik ko ang sasakyang gagamitin ko kapag nakahanap na ako ng bagong magagamit. Hindi rin naman po ako magtatagal rito. Kailangan ko pong umalis para gawin ang mga pakay ko sa pagpunta rito and Asher doesn’t really need to know. Abala lang po ako sa kanya.”
“That’s not true,” he purses his lips and drink some water before he speaks again. “Even when everything thinks that what happened to him somehow turned him into stone, I still believe that he wouldn’t help you if that’s the case. Hindi niya gagawin ang lahat ng ito kung abala ka sa kanya. You are his girlfriend’s cousin, at dahil nasa teritoryo ka niya ay hindi maaaring mawalan siya ng pakialam sa’yo… But because I respect your father, a colleague of mine, I will let you use one of the car outside.”
“P-Po?” hindi ko na maitago ang kasiyahan at kalituhan sa boses ko.
“In one condition.”
Wala sa sariling napatango nalang ako.
“You will bring one person from this house to accompany you. Sa gayon, mapapanatag ako at ang anak ko at mapapabilis ang gagawin mo sa Santa Teresita.”
Agad na lumipad ang mga mata ko sa babaeng muling pumasok sa dining area, ang babaeng sumundo sa akin kanina sa kwarto.
“Siya po,”
Agad na namutla ang babae sa sinabi kong hindi alam kung para saan.
“P-Po? Sir?” nagpalipat-lipat ang seryosong tingin ni Mr. Tan sa aming dalawa.
“Alright.” he said.
“S-Sir? Teka, bakit po? Wala po akong ginagawang masama, Sir–”
“Don’t be silly, Fatima,”
“S-Sili Sir? Kailangan niyo po ng sili?”
Hindi ko na mapigilang mapahagikhik sa tanong niya pero mas lalo siyang kinabahan dahil doon na parang gusto nang lumuhod sa harapan ng lalaki dahil sa kung anong tingin niya’y magpapatanggal sa kanya sa trabaho. Holy hell, I feel bad!
“No, listen,” mangiyak-ngiyak itong tumango na hindi na alam kung ano ang gagawin. “I need you to accompany Zydney to Santa Teresita.”
“S-Sir?” tanong niya habang binabalikan ng kulay ang mukha, napapalunok pa rin sa kaba.
Nilingon niya ako gamit ang nalilitong mga mata.
“I’m sorry,” I said. “Alam kong hindi mo trabaho ang hihilingin ko pero mas komportable akong babae ang kasama kaysa sa lalaking bodyguard. Pwede mo ba akong samahan?”
Doon na siya tuluyang nakahinga ng maluwag. She eventually agreed to my plans pero dahil wala sa akin ang lisensiya ko ay nag-ipon pa ako ng ilang libong lakas ng loob para ipagpatuloy ang lahat ng plano kahit alam kong malaking aberya ito kapag nagkataon.
“Do you think he will come home later?”
Fatima glances at me and then pinches her nose.
“Akala ko ngayong wala sa bahay si Miss Navaeh ay mapapahinga ang ilong ko sa kakaintindi ng English Miss Zydney, hindi pala.” natatawa niya iyong binitiwan kaya natawa na rin ako. “Pero ang totoo, hindi ko po masasagot ’yan. Pwedeng oo dahil nasa bahay kayo pero pwede rin namang hindi. Mas malaki ang posibilidad na hindi siya uuwi sa tingin ko.”
Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras.
“P-Pero huwag kayong mag-alala! Tingin ko lang naman ’yon!” tumawa siya para mawala ang bigat sa dibdib ko.
Muli ko nalang siyang nginitian at sinabi ang lahat ng gagawin namin sa Santa Teresita. At first she looks at me emotionally after I told her everything, naglaro ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
“Isa talaga siyang anghel…” wala sa sariling bulong niya dahilan para may kung anong mainit na bagay ang lumukob sa puso ko.
Alam kong kilala niya si Karsyn at kung ano ang nagawa nito but hearing someone’s testimony of her being God sent gave me strength.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga at mas pinag-igi ang pagmamaneho.
“So kaya lang po kayo narito dahil sa mga huling bilin niya? Kaya tayo dadayo sa Santa Teresita para lang puntahan iyong si Tatay Tensio na siyang unang nakilala ni Karsyn rito sa Batangas?”
Marahan akong tumango habang nagre-replay sa utak ko ang araw na ibinigay ng pinsan ko sa akin ang mga USB. I shake my head so the thoughts would go away.
“It’s part of the last wish I needed to fulfill. Salamat ulit sa pagsama sa akin, ha.”
Buong puso siyang tumango at saka sinabi ang direksiyon ng daan patungo sa pakay namin. I’m glad that I have her beside me. Kung ako lang talaga ay baka naligaw na ako. Malaki ang Batangas at hindi ko rin alam kung saan magsisimula but with her, naging malinaw ang mga dapat kong unahin.
It’s just the first thing of all things I needed to accomplish here in Batangas. Bukod kay Tatay Tensio, marami pa akong taong kailangang hanapin para maibigay ang lahat ng huling bilin ni Karsyn sa mga ito. That even in her dying hours, wala siyang ibang inisip kung hindi ang mga taong nakasalamuha niya. I know this may never be enough compared if she is still alive but I am here, kahit hindi niya hiniling ay narito ako para buhayin ang lahat ng mga alaalang iniwan niya sa aming lahat.
I am here to fulfill everything because I love her with all my heart and maybe, this is where I’m supposed to be… Maybe I’m not really that lost and maybe, this is where I should start.
Completed version of this story is only available on Patreon and VIP group.
M
essage
our FB page Ceng Crdva
for
full
details.
Gcash
payment
is available.
✨
# NOTE
Thank you for staying with me since the beginning of this series. Thank you for loving Jacob, Eros and Asher. Thank you for all the votes, comments and love you've given me. I read and appreciate all your messages.
Keep safe loves!
See you on another journey!
– CENGCRDVA
# Matthew 21:22
In order for you to have great foresight, you should always have greater faith. 💕

—
CengCrdva
©️
2021
![Cover of Irresistible Bachelor Series 6: The Bachelor's Vices [book 2]](/story-covers/irresistible-bachelor-series-6-the-bachelors-vices-book-2_127379558.webp)
