loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Irresistible Bachelor Series 5: The Bachelor's Vices [book 1]

Irresistible Bachelor Series 5: The Bachelor's Vices [book 1]

CengCrdva · 22 chapters · 27,554 words

The Bachelor’s Vices

This is the third last installment of the bachelor series. Thank you all for staying with me!

Follow all my social media accounts to be updated.

  ![](https://img.wattpad.com/51f2c35d301e0c20a29691512159f76f832eee86/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f53436861674241386153612d67673d3d2d3438313734373130312e313536343436383333303162363732363838393031383039333334342e6a7067)

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.


The Bachelor Series 3

2019 ©

CengCrdva

All rights reserved

DEDICATION

To those who are breathing but not actually living.

To those who are being a prisoner of life and circumstances.

Remember, someone out there is fighting the hell for a life that most of us are just taking for granted. Life is short and it makes it shorter when you’re not doing the things that you love.

Take a step back. Think about what you deserve. Think about your purpose and always choose to be happy.

Live…

Just live before it’s too late.

;

BLURB

Blurb

KF believes that life must be lived to the fullest . She always believed that you can make your life beautiful no matter what circumstances you are in. Naniniwala siyang tayo ang nagdedesisyon sa mga mangyayari sa ating buhay. Tayo ang may hawak sa ating mga emosyon at kaya nating maging masaya kung gugustohin natin kahit na napakaraming negatibo sa mundo.

With the deaths of the people she loved, she decided to quit medical school to seek her own purpose. For her true happiness… and life let her stumble upon serendipity.

Dahil sa isang masalimuot na aksidente ay mabilis na umikot ang buhay niya. She became an instant celebrity. Instead of operating tables and dying patients, she found herself being an influencer, a vlogger–kasama nang lalaking sumalba sa kanya sa kamatayan.

Sa muli nilang pagsasama ay nabago ang mga pananaw niya at nakita na lang ang sariling unti-unti nang nalululong sa bisyo ng pag-ibig na ni minsan ay hindi sumagi sa utak niya dahil sa maraming dahilan na ayaw niyang ibahagi sa mga taong sumusuporta sa kanya maging sa lalaking ’yon.

Pero ano pa nga bang magagawa niya kung nahumaling na siya?

Kaya nga kayang baguhin ng pagmamahal ang lahat ng plano niya sa buhay?

Kaya nga kaya siyang impluwensiyahan ng lalaking ito na ibahagi ang lahat sa buhay niya maging ang nakaraan niya?

Kaya nga bang baguhin nito hindi lang ang puso’t isip niya kung hindi pati na rin ang tadhana para sa kanilang dalawa?

Will love conquer the vices of life? O tuluyan na lang silang malulunod at hindi na makakaalpas sa guhit ng tadhanang kahit na sino ay hindi makakaligtas?

CHAPTER 1

CHAPTER ONE

KF Rivas Sy

“Are you really sure about quitting med school?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Zydney sa akin habang inaayos ko ang aking mga gamit na ilang taon ko ring iningatan para sa pangarap kong maging isang ganap na surgeon.

I mean, sino nga ba kasing may matinong pag-iisip na tatalikuran ang lahat ng pangarap at pinaghirapan nang basta na lang?

Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan niya pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang kabuuan ng aking desisyon sa paraang matatanggap niya.

Imbes na pahabain ang usapan ay tumango na lang ako bago isilid ang mga librong mga nagamit ko sa ilang taong pag-aaral sa kolehiyo.

“But why? I don’t understand, Karsyn… You’re the brightest in your class. Ikaw ang may pinaka-potential na unang maging surgeon sa batch niyo. Everyone is rooting for you and-”

“Zyd…”

Isinara ko ang kahon pagkatapos ng mga huling librong inilagay ko sa loob bago siya harapin.

Hindi ko naiwasang mapalunok ng mabanaag ang panghihinayang na nakapaloob sa kanyang mga mata.

“I’m okay…”

“Is this because of Katie?” Tukoy niya sa sanggol na anak ng malayo naming kamag-anak.

Umiling ako at pagkatapos ay inangat ang box sa aking kama bago niyakap at dalhin ito sa isang gilid kung saan naroon ang ilan pang mga box na naayos na namin kanina.

“Karsyn, it’s just an accident. Wala namang may gustong mangyari ang sunog-”

Sa muli kong pagharap ay nahinto siya sa pagsasalita. Heto na naman kami. It’s been two weeks since she’s been trying to drag me out of my decision. Isang buwan na rin simula noong sinabi ko sa kanya ang desisyon kong ihinto ang pag-aaral at magpahinga na muna pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang mga plano ko.

Maingat akong bumalik sa kama upang tabihan siya.

“This is not about Katie or the accident. My decision has nothing to do with her death or even with my brother’s death. Maging ang kay Mommy… Zyd, ito lang talaga ang plano ko sa ngayon.”

“A plan to ruin your life?”

Kahit na walang nakakatawa sa sinabi niya ay kumawala ang tawa ko.

“You’re being too negative. I’m not ruining my life.” Binitiwan ko ang pagtitig sa kanya at hinayaan ang katawan kong bumagsak pahiga sa kama.

“I… I just want to live a more meaningful life. I just want it to be simple. Simpleng kasiyahan lang and I know this decision is just the beginning of it.” Makahulugan kong sambit.

“Anong sabi ni Tito Menardo?”

“You know that Dad has been convincing me to change my career since day one and he’s actually happy that I’m not pursuing it anymore.”

“But that just mean one thing, right? So sa corporate world pa rin ang bagsak mo kung gano’n?”

“No. Never.” Nakangisi kong sambit.

I get it. Mahirap nga talagang paniwalaan na susukuan ko ang pinaghirapan ko ng ilang taon pero anong magagawa ko? I want to live a new life. Hindi man literal na mababago ang lahat sa isang iglap pero gusto kong may magbago sa aking mga nakasanayan alinsunod sa kasiyahan ko.

I’m craving for more and I will never find it in the corporate world. Kahit na pakiramdam ko ay nasa akin naman na ang lahat ay kulang na kulang pa rin. Pakiramdam ko ay hindi ko pa rin natatagpuan kung ano ang misyon ko sa buhay na ito. I want to seek for my purpose. I want to be someone who I wanted to be… Kahit na sa puntong ito ay hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa maiksing buhay na ito.

Siguro nga totoong ang oras ay kayang baguhin ang lahat dahil kung hindi ay sana’y hindi ako dumating sa puntong ito.

Umalog ang kama ng gawin niya ang ginawa ko kaya naman nang makaayos siya sa aking tabi ay awtomatikong lumihis ang aking mukha para titigan siya.

“I know you are still thinking about what I’m thinking right now.”

“Zyd, I’m fine. I’m okay.”

Sumusuko siyang bumuntong hinga at nag iwas na lang ng tingin sa akin. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay sa ceiling na ngayon nakatingin habang naroon pa rin ang malalim na pag-iisip.

“Really…” Dagdag kong muling nagpabuntong-hinga sa kanya.

Inangat ko ang aking kamay at seryosong inilapat ang aking hintuturo sa kanyang pisngi bago tinusok tusok iyon.

“Alright… Maybe you are right about Katie. Siguro nga dahil sa kanya kung bakit ako humantong sa ganitong desisyon,” Hindi siya sumagot o gumalaw kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita at pagsundot sa pisngi ng aking pinsan. “Pero hindi lang naman iyon…”

Nakita ko ang pag nguso niya’t pagpikit. Parang gusto ko tuloy ma-guilty dahil kahit na gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat ay hindi ko magawa dahil alam kong sarado na ang utak niya.

Tama siya. Matalino ako. Masipag at lahat ay mataas ang tingin sa akin pero ano nga bang magagawa ko kung ayaw ko ng sundin ang mga unang plano ko?

What if I’ll be happier with just being simple? With just doing the things most people are doing? Paano kung mas sasaya ako sa pagtalikod ko sa mga pinangarap ko noon? Paano kung mas sasaya ako sa mas magaang responsibilidad? Hindi ba iyon naman ang pinaka-impotante? Ang maging masaya?

“You are just scared…” She commented.

Napahinto ako sa pagtusok sa kanyang pisngi ng dumilat siya’t humarap sa aking gawi.

“But I’m telling you that you don’t have to be scared. Hindi naman dahil iyon ang-”

“Zyd…” Nagmamadali akong umahon sa kama para pigilan siya sa mga sunod na sasabihin.

Dahil sa ginawa ko ay napatayo na rin siya.

“Karsyn-”

Pagod kong hinawakan ang kanyang kamay para lang pigilan siya. I don’t want to hear any of it. Sa buong araw kong pagliligpit ay parang sa usapan lang na ito ako napagod. Ang malungkot niyang mga mata ay walang nagawa kung hindi ang titigan ako.

Hinawi niya ang kanyang mahaba’t tuwid na kulay itim niyang buhok patungo sa kanyang likuran para mas maharap akong mabuti.

“I don’t want to talk about it… Sa ngayon ay gusto ko lang sabihin sa’yong ito talaga ang gusto ko. Oo, mahirap paniwalaan pero gusto kong malaman mo na ito na ang desisyon ko. You know how much I value your opinion pero sa pagkakataong ito ay hindi ko ’yon matatanggap. This decision will make me happy. Trust me Zyd, please?”

Bigo siyang napapikit na parang ang desisyon ko ay ikamamatay niya kaya muli kong pinisil ang kanyang kamay.

“I know it’s hard to understand everything but please, just trust me with this one…”

Dumilat siya at hirap akong tinignan pero sa huli ay wala na ring nagawa kung hindi ang sang ayunan ako’t tumango na lang.

“Just be happy, okay? Kung iyon ang gusto mo sa ngayon then so be it,” Pinakawalan niya ang lahat ng bigat sa kanyang dibdib bago ako pilit na nginitian. “Just be happy, Karsyn…”

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya! Pakiramdam ko’y tumalon ng ilang beses ang puso ko dahil sa sobrang kasiyahan ngayon dahil sa pagpayag niya sa akin.

Sa lahat kasi ay alam kong mahihirapan ako sa kanya kaysa kay Daddy kaya naman ngayong alam kong pumapayag na siya’t susuportahan na ako sa gagawin ay wala nang naging pagsidlan ang tuwa sa aking puso!

Ilang linggo matapos ang tagpong iyon ay naging magaan na sa akin ang lahat. Pormal na rin akong nagpaalam sa hospital kung saan ako nagti-training at kahit na gaya ni Zydney noong una ang mga reaksiyon nila ay nagawa rin nila akong pakawalan dahil iyon na ang desisyon ko.

“What do you need again?” Inayos ng pinsan ko ang hawak na listahang ginawa ko kagabi para sa pagsa-shopping ng mga panibagong gamit para sa pina-renovate kong kwarto.

“I need a new bed and stuff for my new room.”

Kumunot ang noo niya habang nakapirmi ang mga mata sa hawak na papel.

“New bed, new pillows…” Nagpatuloy siya sa pagsasalita at pagbabasa kaya naman nadalian akong hilahin siya papasok sa shop na puno ng paintings.

Binitiwan ko ang kanyang kamay matapos lapitan ang pinaka-malaking painting na nakasabit sa gitna ng shop. It was a colorful abstract painting na kahit hindi ko maintindihan ang malalim na kahulugan ay ramdam ko kaagad ang kagustuhang maiuwi ang bagay na iyon!

“Karsyn…” Maingat at pigil na sambit ng pinsan ko sa aking likuran na para akong batang isang hakbang na lang ay malalaglag na sa bangin.

Gaya ng bagay na nasa aking harapan ay tila sumabog ang iba’t-ibang kulay sa aking utak habang nakatitig doon!

“Karsyn… Don’t ever think about-”

“I want this, Zyd.”

“No no no no no!”

Natatawa akong umiwas sa kanya at hindi pa man ako nakakahanap ng empleyadong pwedeng makausap ay kusa nang nagsilapitan sa akin ang ilang mga lalaking hindi ko alam kung saan nanggaling.

“I’ll buy that one,” Nakangiting sabi ko sa naunang lalaki sabay turo sa painting na nasa likuran nang hinahapong si Zydney dahil sa paghabol sa akin.

Sa pagbalik ko ng tingin sa lalaki ay nalaglag na ang kanyang panga pero imbes na bigyan siya ng pagkakataong mag-isip ay inilabas ko na lang ang isang card ko’t iwinagayway iyon sa nalilito niyang mukha.

“Ma’am… Iyon po ba?” Tuliro niya pa ring sabi.

“No! Hindi!” Nagmamadaling kumapit sa akin si Zydney at bahagya akong hinila palayo pero dahil desidido na ako ay hindi niya ako napigilan.

Hinawi ko ang kanyang kamay at muling hinarap ang lalaking ang pangalan ay David ayon sa nakasulat sa name tag na kanyang suot.

Lumawak ang ngisi ko ng lumapit ang isa pa dala ang isang binder na inabot nito kay David.

“Are you sure, ma’am?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa hawak kaya tumango ako kaagad.

Hell yeah! I’ve never been this sure all my life! Hindi rin ako naging ganito ka-reckless and I actually love being one, just for once.

“No!” Muli akong hinila ni Zydney.

“Zyd, stop!” Natatawa ko siyang pinagalitan pero nanatili siyang desidido para pigilan ako sa mga bagay na kabaliwan na naman para sa kanya kaya para kaming mga batang naghihilahan sa loob ng shop sa isang buong minuto.

Kung hindi nga lang tumikhim ang limang lalaki ay baka hindi na kami nahinto.

“It’s eighty-five thousand pesos, ma’am…”

“Eighty fucking what?!”

Nilawakan ko ang ngiti ko at binalewala ang napalakas na hiyaw ni Zyd habang pilit pa ring pumipiglas sa pagkakahawak niya. Nang matanggal ko ang kamay niya sa akin ay tinanguan ko na si David.

“I’ll get it.”

“No, Karsyn! You’re out of your mind!”

Sa huling pagkakataon ay hinarap ko ang pinsan kong gusto nang magwala mailayo lang ako sa kabaliwang naisip ko.

“Zyd! Look!” Inangat ko ang aking kamay at itinuro ang painting. “It’s love at first sight and I don’t think I can go home without it-”

“Shut up! You don’t even know what love is! This is not love at first sight because there’s no such thing as that! Kalokohan iyon dahil hindi gano’n kababaw ang pagmamahal! You need to know the person first before you can actually say that you are in love with them because love is supposed to be emotional and deep-rooted! Hindi iyon basta basta nararamdaman sa isang kita lang at kaunting panahong interaksiyon!” Maagap at mahaba niyang depensang nagpa-atras sa akin kasabay ng paghawak ko sa aking dibdib.

Wow, I can’t believe that her mouth can hurt me real bad!

Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang aura dahil sa naging reaksiyon ko kaya naman naitikom niya kaagad ang kanyang bibig.

“Well… That’s not nice, ZF…” Malungkot kong sabi dahil sa pamemersonal niyang hindi naman sinasadya.

Nakita ko ang paglunok niya dahil sa pagbanggit ko ng kanyang initials. When things get real, alam na niya and now she looks guilty.

“Karsyn… I’m sorry but think about it first-”

“Nag-isip na ako and I want it now,” Tinalikuran ko siya at sa pagharap ko ay naging anim na ang mga taong nanunuod sa aming pagtatalo pero hindi ako nagpaapekto.

“I will buy it.” Muli kong sabi sa pinal na tono kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagmamadali nila.

Hindi ko napigilan ang mapangisi ng marinig ang mahina’t paulit-ulit na pagmumura ni Zydney sa aking likuran.

Who doesn’t love arts? I mean, I’m not an artsy person pero sino ba namang makakatanggi sa isang obrang ito? The colors were vibrant at masarap sa mata. Parang candy na kahit titigan mo palang ay parang nalalasahan mo na. And I want that. Gaya ng painting ay gusto kong maging makulay rin at nakakatakam ang mga susunod na ganap sa buhay ko.

I feel like my life is a canvas. God is my artist and I am his masterpiece. Blangko sa umpisa pero kusang kumukulay at gumaganda sa pagtagal ng panahon. Sa bawat pilantik ng kanyang kamay na nagdudulot ng pagsubok ay tumatatag ako at bawat kulay sa aking buhay ay nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan. And like an abstract, kahit magulo at minsan ay hindi alam ang direksiyon, sa huli’y magiging maganda pa rin at makulay.

Malawak ang ngiti ko habang nakatingala sa bagay na nasa pinakagitna at nasa uluhan ng aking bagong kama.

My room is newly decorated. Parang gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil punong puno ng buhay na kulay ang aking kwarto. Malayo sa purong puti na nakasanayan ko sa ilang taon kong namalagi sa loob nito.

It’s way different. Dagdagan pa ng magandang art na pinagtalunan namin ni Zydney noong nakaraang araw.

Napapitlag ako’t nahinto sa pagsipat ng marinig ko ang sunod sunod na pagkatok ng kung sino sa aking pintuan. Nagmamadali akong tumapat doon.

“Miss Karsyn, nasa baba na po si Miss Zydney.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng aming kasambahay.

“So?” I tried not to sound rude pero gano’ng tono pa rin ang lumabas sa aking bibig kaya madali siyang napayuko.

“I-I mean bakit hindi niya ako puntahan rito?” Maagap kong bawi.

Muli siyang nag-angat ng tingin at tipid akong nginitian.

“Tinatamad na raw po siyang umakyat kaya kayo na lang raw po ang bumaba.”

Umikot ang mga mata ko pero wala na akong nagawa kung hindi ang sundan na lang siya para puntahan ang aking pinsan. Naabutan ko ito sa living room na yakap ang isang throw pillow at nakapikit ang mga mata.

Pasalampak akong naupo sa tabi niya kaya naman nang mapapitlag siya dahil sa gulat ay napahalakhak ako!

“Anong nangyari sa’yo at mukhang pagod na pagod ka?!”

Inis na rumolyo ang kanyang mga mata pagkatapos ay kinuha ang bagay na nasa lamesa bago ibigay sa akin.

“Hindi lang mukha. Totoong pagod ako at iyan na. That’s the camera that you asked me to buy.”

Naudlot ang pagpikit niyang muli dahil sa pagyakap ko!

“Thank you, thank you! You’re the best cousin that I’ve ever had, Zyd!”

“That’s an insult.” Mataray niyang bulong sa akin at madaling nagpumiglas sa yakap ko.

Lalo akong natawa dahil sa pagtataray niya!

“I’m your only cousin here, Karsyn. Nakaka-insulto.”

Humagikhik ako at umayos ng upo para buksan na ang camerang pinabili ko.

“It’s not an insult. Dapat ka pa ngang magpasalamat dahil nag-iisa ka at pinaka the best para sa akin. ’Yung iba nga maraming pinsan pero walang the best!”

“Psh!” Patuloy niyang pagtataray.

Halos lumuwa ang mga mata ko ng mahawakan ko na ang camera.

“Para saan ba kasi ’yan? Ang dami mo namang camera bakit kailangan mo pa ng bago?”

Humilig ako sa upuan at sinimulan nang buksan ang hawak. Ayaw ko mang sabihin sa kanya ang desisyon ko dahil alam kong tatawanan niya lang ako pero ang relasyon namin ni Zydney ay walang filter. Isa sa mga dahilan ng matatag naming relasyon ay ang pagiging bukas namin sa isa’t-isa.

Though we’re not first cousins, nananatili at masasabi kong siya ang karugtong ng buhay ko. Ang Daddy ko at ang daddy ni Zyd ay mag pinsan na parehong may dugong Chinese. Ang mga nanay naman namin ay matalik na magkaibigan kaya ang buong pamilya namin ay hindi na rin nalayo sa bawat isa.

When I’m happy, she’s happy. Kapag nagluluksa naman ako ay gano’n rin siya dahil daig pa namin ang magkakambal na ramdam ang lahat ng emosyong dumaraan sa aming dalawa.

“Do you really wanna know?” Tanong ko habang nakangisi.

I know this idea may sound crazy coming from me but what can I do?!

Tumuwid siya ng upo at lito akong tinitigan.

“Promise me first that you will not laugh.”

“No. You don’t just say such a thing, Karsyn. I will laugh if it’s funny-”

“It’s not funny. It’s ridiculous in every way possible. Nakakatanga at hindi nakakatawa kapag galing sa akin.”

“Then let me be the judge. Come on, spill the beans.”

Pinatunog-tunog niya ang mga daliri niya sa mukha ko para apurahin ako pagkatapos ay naghalukipkip at kumurap kurap sa aking harapan. Sa pagtaas ng kilay niya ay saglit akong napapikit ng mariin.

“Well… I want to vlog.”

“Vlog?”

Tumango tango ako.

Nagsalubong ang makapal at natural niyang kilay na tila hindi kuntento sa naging sagot ko.

“You mean vlog as in vlog? You want to become a vlogger now?!”

“No! I mean yes, but no!” Giit ko.

Ipinilig ni Zydney ang kanyang lukot na mukha para mas suriin ang kabuuan ko maging ang laman ng nababaliw ko nang utak!

“Listen, kung ano man ang nakain mo ngayong araw pwede pa naman nating tabunan para mas makapag-isip ka ng mas matino–”

Inirapan ko siya ng matindi at agad na tumayo.

“Enough, Zyd! Okay fine! I want to be a Vlogger. And yes, it’s a person who vlog things but I don’t know! I don’t want fame. I just want to record things from this day forward. I just want to do things differently! I want to be out of my comfort zone! I want to be out there! Like, ugh!” Nanggigigil kong ikinumo ang mga kamay ko sa kanyang harapan. “It’s hard to explain because I know that you’re being close minded about my ideas!”

Naglakad na lang ako palayo sa kanya at dali-daling pumanhik sa taas. Narinig ko naman ang pagkukumahog niyang sundan ako kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang.

“Are you sure you didn’t eat any panis today?! Baka naman may nakain ka lang kaya kung ano ano na naman ang naiisip mo!”

Napangiwi ako sa narinig pero hindi ako huminto sa paglalakad bagkus ay mas diniinan ko pa ang bawat hakbang ko sa hagdan! Nakakainis talaga!

“Karsyn, listen to me…”

Sa pagtapak ko sa huling baitang ay huminto ako’t hinarap siya kaya natigilan rin siya.

“Zyd, you listen! Ilang beses ko na bang sinabing gusto ko naman ng bago? Gusto kong maiba naman ang lahat. Gusto kong baliktarin lahat dahil baka sakaling dito ako mas sumaya and you know what? I am actually happy. Simula nang mag-quit ako sa school. Simula ng mabago ang kwarto ko, simula ng mabili ko ’yung painting and now this… I am happy, Zyd. So far mas ramdam kong masaya ako.”

Lutang niyang inangat ang dalawa niyang kamay matapos mapakinggan ang lahat ng hinanaing ko.

“O-Okay, I’m just asking… I’m sorry.” Pagsuko niyang sambit.

Inirapan ko siya at muling binilisan ang mga hakbang ko patungo sa aking kwarto!

“I’m sorry, okay?! Gusto ko lang makasiguro na masaya ka at sigurado sa mga naiisip mo ngayon at hindi lang ito basta trip mo lang dahil… Wow…”

Ang inis ko’y napalitan ng ngiti ng marinig ang pagkamangha niya nang makapasok na rin sa loob ng aking bagong kwarto.

“Wow, what?” Ako naman ang naghalukipkip at nag taray ng harapin siya.

Madali niyang itinikom ang kanyang bibig habang nagpapatuloy ang pagka-mangha sa aking kwarto.

“This is beautiful… Different.”

“See? This is what I’m talking about. This makes me happy. This is now my happiness.”

Lumapit ako sa kama at naupo doon bago tapikin ang gilid ko. Nahihibang naman siyang sumunod sa gusto kong ipahiwatig.

“I know it’s hard to understand me right now but look at this… Alam kong naiinggit ka na ngayon.”

“True,” Lumingon siya sa aking likuran at pagkatapos ay huminto sa pagsipat sa bagay na nakakabit sa itaas ng aking headboard. “That painting is a gem. Ang ganda pala…” She commented.

“I know,”“ Kinuha ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil kaya bumalik sa akin ang kanyang atensiyon. “Can you just be happy for me, Zyd?”

“Karsyn…”

Pinagdiin ko ang aking labi at tipid siyang nginitian. I want her to understand that this is really what makes me happy now. Na kahit simple lang ang mga ito ay sobrang masaya ako, totoong kasiyahan ang nararamdaman ko.

Sa marahan niyang pagtango ay lumawak na ang aking ngiti. Huminga siya ng malalim at sandaling pumikit ng mariin bago dagdagan ang sinabi.

“Okay, from now on kukunsintihin na lang talaga kita kung ito na nga ang mga kasiyahan mo. And again, I’m sorry… Ayaw ko lang kasing nabibigla ka pero sige. I will trust you more. If this is what really makes you happy then when will I create your vlogging account?”

Lumiwanag ang mukha ko sa mga sinabi niya at muli ay nayakap siya dahil sa sobrang tuwa!

“Fine, I’ll create mine too just to show my support. Ako na ang unang magiging follower at best supporter mo!” Ginantihan niya ang aking yakap.

“Thank you, Zydney! I love you!”

Humagikhik siya at marahan akong inilayo matapos tapikin ang aking balikat.

“Mabuti na lang talaga at kilala kita dahil kung hindi ay baka isipin kong kasali ka na ngayon sa LGBT community!” Aniyang abot hanggang tenga na ang ngiti. “Look at your room! Mas colorful pa ’to sa buhay ng mga baklang kilala ko!”

Natatawa ko siyang inirapan.

“You’re just jealous!” Palatak kong ikinatawa niya.

Pagod niyang ibinagsak ang katawan sa aking kama at agad na pumikit.

“I’ll sleep here tonight. Pagod na akong umuwi.”

Tumango ako kahit na hindi niya naman ako nakikita. Kahit yata utusan niya ako ngayon na paliguan siya’t pagsilbihan ay gagawin ko! I’m happy!

I’m just happy na kahit alam kong hindi pa rin siya hundred percent na kumbinsido sa mga kabaliwan ko ay susuportahan na niya ako at dito palang ay buong puso na akong nagpapasalamat!

CHAPTER 2

CHAPTER TWO

Crosswalk

“Where are you?!” Gulantang na tanong ni Zydney sa kabilang linya na halatang kakagising lamang.

Maaga akong nagising at umalis sa bahay kanina. Gustohin ko man siyang gisingin pero mukha yata talagang pagod na pagod siya kaya nauna nalang ako’t hinayaan siyang magpahinga.

It’s past twelve pm. Tirik na ang araw pero ang daang tinatahak ko ay walang katapusan.

“Talagang gano’n kalakas dapat ang boses kapag nagtatanong?”

“Karsyn, I’m not even joking. Where are you? Bakit mo ako iniwan!”

Natatawa kong inilapag sa dashboard ang aking cellphone at inilagay siya sa speaker.

“I’m sorry. Sobrang himbing kasi ng tulog mo tsaka sabi mo pagod ka kaya hindi na kita ginising. Besides, babalik rin naman ako mamayang gabi. I’m just driving around-”

“You what?!” Mas lalong lumakas ang boses niyang halos ikabingi ko.

Sinasabi ko na nga bang ganito ang magiging reaksiyon niya. Ilang beses ko mang sabihin sa kanya o maging kay daddy na kaya ko ay hirap pa rin talaga silang paniwalaan. Palibhasa kasi ay nasanay silang bantay sarado ako kahit saan man ako magpunta at ni minsan ay hindi ako nawalan ng kasama.

Simula paglabas ko palang kay Mommy noon ay may body guard na ako gano’n na rin ang mga kapatid ko. Mabuti na nga lang at noong nasa kolehiyo na ako ay pinayagan na rin akong kahit driver nalang ang kasama.

I can drive. Bago ako pumasok sa kolehiyo noon ay tinuruan na ako at kaya ko naman pero hindi ko lang talaga magawa dahil wala silang tiwala sa akin. Or maybe they’re just being over protective of me. Naiintindihan ko naman iyon pero gusto ko pa ring subukan, gaya nalang ngayon.

It’s nice to drive around the city alone. Hindi man ako bihasa sa pagmamaneho dahil wala akong matagal na experience pero maingat ako. I’m always on the right side of the road because slow moving vehicles should always be on that side.

Gaya na rin ng mga tao sa escalator, sa mga tamad at hindi nagmamadali ay dapat palaging nasa kanang bahagi para bigyang daan ang mga taong maraming ipinaglalaban sa buhay.

Hindi naman siguro masamang sumunod sa mga simpleng patakaran para sa ikasasaayos ng lahat ’di ba?

“I’m driving, Zyd-”

“Where are you exactly? Oh my God, nag-aalala na ako!”

Natatawa akong napailing na parang kaharap ko siya.

“I’m kinda stuck in the traffic but I’m okay.”

“And why there’s a traffic? Naaksidente ka? What happened?!”

“Zyd, no! Traffic lang talaga kahit saang parte ng Pilipinas at alam mo naman ’yon!”

Of course, every traffic is bad. Hassle at nakakainit ng ulo pero ngayon, I’m actually enjoying it. Kung noon ay isinusumpa ko ang traffic kapag nale-late ako sa klase at sa duty ay ngayon nama’y nagbubunyi ang puso ko.

I realized that there’s so much beauty with getting stuck and moving slow. Sa mabagal mong pag-usad ay mas nakikita at napapanuod mo ang bawat paggalaw ng mga bagay at tao.

Simula sa mga taong naiinitan at nauusukan habang naghihintay ng masasakyan patungo sa trabaho hanggang sa mga nagmamadali at nagtitiis nalang na makipag-siksikan sa punong puno nang bus huwag lang mahuli sa kung saan man patungo.

Sa bawat mabagal na pag-usad ng aking sasakyan habang pinanunuod ang mga taong nasa labas ay naisip kong napakabilis ng buhay.

Halos lahat sa atin ay nagmamadali na tila mauubusan na ng oras but I can’t blame them. Kasi kung tutuusin ay dapat naman gano’n ’di ba? Dapat may oras tayong magmadali dahil maiksi lang ang buhay pero nagiging mali iyon kung pagmamadali nalang ang lahat ng nasa utak natin.

We should also learn how to take things slow. Lahat ng bagay ay may tamang oras at eksaktong pagkakataon.

Gaya ko, kung noon ay nagmamadali akong makatapos at makamit ang mga pangarap ko… Ngayon naman ay mas gusto kong namnamin muna ang lahat ng kung anong meron ako. I want to slowly manuever my life towards my undefined happiness. Nang sa gayon ay wala akong makaligtaan sa mga detalyeng babaunin ko hanggang dulo.

I want to take things slowly but surely and with precaution.

“Just tell me where you are, okay? Pupuntahan kita.”

“Zyd, I’m fine. I’ll meet you later, okay? Hintayin mo ako, Bye!” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makasagot sa akin para hindi na humaba pa ang usapan.

Sa pagkawala niya ay nag text nalang akong huwag nang mag-alala kahit na alam ko namang hindi niya ako susundin.

I know ZF more than she think she know herself. Simula pagkabata ay kami na ang naging malapit sa isa’t-isa dahil bukod sa dikit ang aming mga pamilya ay hindi rin nagkakalayo ang agwat ng aming edad. We are only five months apart at kaming dalawa lang ang tanging babae sa aming pamilya. She’s an only child samantalang ako naman ay nagkaroon ng dalawang kapatid na lalaki ngunit madali ring binawi sa amin and that leads me to being an only child just like her.

Both families labeled us as the miracle babies. Ako, dahil nakahabol pa ako kay Mommy noon bago siya mag-menopause at siya naman dahil limang beses nang nakunan noon si Tita Carmen bago siya nabuo.

Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay iniliko ang sasakyan sa paparating na exit para kumawala na sa traffic. I don’t exacly know where I am going but it doesn’t matter. Ang mahalaga ngayon sa akin ay ang kasiyahan ko sa ginagawa.

Sinulyapan ko ang aking repleksiyon sa rear view mirror at pagkatapos ay buong pusong ngumiti.

Simula sa araw na ito ay pag-aaralan kong tumayo sa sarili kong mga paa. I want to see an independent version of me. Iyon bang gaya ng mga matatatag na babae sa lipunan na walang inasahan kung hindi ang kanilang mga sarili.

I want myself to finally say that behind a successful woman is herself and nothing else because everyone should always learn not to depend on others. Sa huli ay mas kailangan nating pagtiwalaan ang ating mga sarili dahil kahit ano pa man ang sabihin ng iba ay tayo at tayo pa rin ang unang makakatulong sa atin.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. I didn’t stop the car kahit na may nadaanan akong mga mamahaling shop na noon ay paborito naming puntahan ni Zyd.

Patuloy kong sinuyod ang kahabaan ng kalsada at um-order lang ng pagkain sa isang drive through kaya naman nang medyo humupa na ang init ay nagpasya na akong pumunta sa Parissiene para doon naman maglakad-lakad gaya ng mga normal na tao.

Hindi ko maiwasang matawa at mapailing habang naiisip ko ang mga bagay na nasa aking utak.

I am a normal human being. Wala namang mali sa akin pero dahil sa estado ng buhay kong hawak ang lahat at madaling makontrol ang isang bagay dahil sa perang pinaghirapan ng mga magulang ko ay tingin ko’y iba ako sa karamihan.

I’m pretty sure that the country has tons of millionaires and even billionaires pero mas marami pa rin ang mga simple lang at kuntento na sa buhay na ibinigay sa kanila.

Some of the poor people remains poor not because they are being consistent but because they don’t have enough knowledge on how to make their life easier. On the other hand, some rich gets even richer because they know how to play with their wealth.

Kaya kung minsan ay nakakabaliw nalang ang mind set ng iba na ang tingin sa ibang mayayaman ay masama. In my opinion, nagiging masama lang naman ang lahat kung galing sa mali ang pinagkukunan ng kayamanan pero kung dugo’t pawis naman ang naging puhunan ng mga ito ay walang mali.

But then again, I am just hungry. Gutom lang siguro ako kaya marami na naman akong naiisip!

Ipinilig ko ang aking ulo at ipinasada ang tingin sa mga taong masayang nagpaparoo’t-parito patungo sa loob ng pinaka-malaking mall sa lugar.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil kahit na hindi na ako bata ay kinakabahan pa rin akong mag-isa. I’m blaming my father for this.

Kung hindi niya sana ako ginawang prinsesa ay baka hindi ako nahihirapang isipin ang bagay na normal lang naman!

Kumawala ang malalim kong buntong hinga nang mapatitig ako sa crosswalk.

This is one of the things that I truly truly hate. Hindi ako marunong tumawid sa tawiran kahit na may mga kasabay naman ako ngayon. Halos buong buhay ko kasi ay palagi akong pinalilibutan ng mga tauhan ni Daddy kaya ngayong walang magpo-protekta sa akin sa mga sasakyan ay pakiramdam ko’y balewala ang talino ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.

I feel so dumb just by thinking about it! It’s just a freaking crosswalk! Ano bang dapat kong katakutan?! I mean aside sa pwede akong mabangga at mamatay ay wala naman ’di ba? Oh God! I’m overreacting!

Ipinilig ko ang aking ulo at sinimulan nalang ihakbang ang aking mga paa patungo sa crosswalk, sa gitna ng mga tao upang makisabay sa kanilang pagtawid kahit na ilang beses akong pinigilan ng utak ko!

Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang magsihinto sila matapos makatawid sa paunang lane at bigyang daan ang mga sasakyan sa kabila.

Yumuko ako at hinintay silang magpatuloy kaya naman nang tuluyan na kaming tumawid ulit at makatapak na ang mga paa ko sa kabilang banda ay parang gusto kong tawagan kaagad si Zydney at magyabang sa nagawa pero imbes na iyon ang gawin ay binilisan ko nalang ang aking mga hakbang patungo sa loob ng mall.

Ilang oras akong nagpaikot-ikot doon para maghanap ng mura at hindi ko pa nakakainang restaurant kaya nang makahanap ako ay nag take-out na ako kaagad.

Walang tigil ang naging pagpalakpak ng utak ko ng marinig ang salitang one hundred fifty pesos para sa mga pagkaing binili ko dahil murang mura na iyon at marami pa!

Hindi naman sa nagtitipid ako pero gusto ko kasing gumastos ng perang pinaghirapan ko pero dahil wala pa naman akong source of income ngayon ay tinitipid ko ang natirang allowance ko nitong mga nakaraan.

Ang mga credit card ko rin ay iniwan ko na sa bahay dahil wala na talaga akong balak na gamitin ang mga iyon. Kung alam lang ni Daddy ang plano kong maging independent ay sigurado kong matutuwa iyon pero hindi rin ako sasang-ayunan sa desisyon kong tipirin ang sarili.

“Thank you!” Masayang pasalamat ko sa lalaking nag-abot ng aking order pagkatapos ay muli nang lumabas sa mall para maglakad-lakad ng kaunti bago umuwi.

Inilabas ko ang camerang ibinigay ni Zydney sa akin kagabi at wala nang pakialam na binuksan iyon at itinutok sa aking mukha.

“Hi, Zyd!” Inangat ko ang aking hawak na take out at ipinakita ito sa camera, wala nang kiber kung may nag-iisip sa akin ng kung ano dahil sa kabaliwang ginagawa ko ngayon.

“I just bought my first take out and look!” Inalis ko sa aking mukha ang camera at itinutok naman iyon sa harapan ko kung saan nakabalandra ang mga mamahaling shop na palagi naming pinupuntahan noon.

“I’m at the mall. Wala akong kasama. Mag-isa lang ako ngayon. Mag-isa…” Madiin at proud kong sabi at nawi-weirduhan sa sariling ibinalik sa mukha ang camera. “You should be proud of me…”

Nagsimula akong maglakad at hindi na tinanggal ang hawak sa pagtutok sa akin habang nagsasalita ng mga walang ka-kwenta kwentang bagay.

This is what vloggers do right? You talk endless just to entertain your viewers pero dahil para lang naman kay Zyd ito ay kung ano ano na ang mga pagyayabang na sinabi ko. Para akong baliw na natatawa habang nagkukwento at kahit na marami ang napatingin sa akin ay hindi man lang ako natinag.

Pakiramdam ko ay hindi na ako ang sarili ko. I hate talking to someone over the phone at hindi ko akalain ngayon na magagawa kong makipag-usap at magkwento pa sa camerang hawak ko kahit na wala namang kasalukuyang m nakikinig!

“This is the hardest part of this trip,” Muli ay ipinakita ko ang crosswalk na di gaya kanina na maraming tao, ngayon naman ay wala nang tumatawid.

Pababa na rin ang araw at sa parteng ito ay wala masyadong nagagawi kaya naramdam ko ulit ang pamumuo ng kaba sa aking puso.

“Tatawid ako…” Inangat ko ang camera at itinutok naman sa sign kung saan hinihintay ko nalang ang hudyat na pwede na akong tumawid. “Alam kong naiinggit ka na naman sa akin ngayon pero huwag kang mag-alala. I’ll teach you how to do this someday para may ika-proud naman ako sa’yo.”

Napayuko ako at nahihiyang ibinalik sa akin ang focus ng hawak ng makita ko ang isang buntis na nakahinto at naghihintay rin sa tawirang nasa kabilang banda ng kinaroroonan ko. Nahihiya akong napangiti ng tipid niya akong ngitian.

“Now Zyd, hindi pandadaya ’to ha? Wala naman siya sa lane ko kaya ako pa rin ang tatawid para sa sarili ko. Ready ka na ba?”

Sinulyapan ko ang paubos na oras doon at wala nang hiyang itinaas muli ang camera nang maubos ito. Nagsihintuan ang mga sasakyang nasa gawi ko kaya tumawid na ako.

Pakiramdam ko’y bumabagal ang oras sa bawat hakbang ko kaya natatawa akong umikot.

“Zyd, I’m doing it! Tumatawid na ako kahit para akong tanga habang kausap ka kahit na hindi ko naman alam kung kailan mo ’to mapapanuod! I bet you’re now jealous! See? Kaya ko! Kaya ko!”

Marahan at mabagal akong nagpaikot-ikot kahit na sigurado akong pinagtatawanan na ako ng mga taong nasa loob ng mga kotseng nasa aking harapan.

“I can’t wait for you to see this, Zyd!”

Lumawak ang ngiti ko nang maharap ang aking camera sa gawi ng buntis na babaeng tumatawid.

Nahagip ng hawak ko ang pag ngiti niya’t pagkaway rito pero ang lahat ng kasiyahang nararamdaman ko ay mabilis na hinablot sa akin dahil sa pagsulpot ng isang rumaragasang van na mabilis na umararo sa lane ng babaeng nakisama sa aking vlog!

Isang nakakabinging pagsalpok ang dumaloy sa aking tenga kasabay ng pagkawala ng babae at ang pagtalsik ng dugo nito sa akin hanggang sa kabuuan ng kanina’y malinis na kalsada!

CHAPTER 3

CHAPTER THREE

Blood

Na-istatwa ako sa aking kinatatayuan. Nanginginig ang aking mga kamay at mas malakas pa sa ingay ng mga busina, sigawan at karambola ng mga sasakyan ang naging pagkalabog ng aking puso.

The air smells blood and fear. Dama ko ang malagkit na bagay sa aking likuran, buhok, maski sa aking mga kamay at hawak na camera pero ang katawan ko ay hindi makagalaw. Ni hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mabagal ng pagproseso ng aking utak sa nangyari.

I feel like my world is spinning slowly. Ang mga sigawan ay unti-unting nawala sa aking tenga at napalitan ng nakakabinging katahimikan. My heart is pounding inside my chest and my mind is screaming so loud. Nakakabingi!

Gustohin ko mang magtakip ng aking tenga pero hindi ko magawa. Sa nanlalabo kong paningin dahil sa pagkawala ng aking mga luha ay mas lalo akong hindi na nakagalaw. Ramdam ko ang pagdiin at pagbigat ng bawat hugot ko sa aking paghinga na parang mayroong taling nakapulupot sa aking leeg para pigilan ako sa ginagawa.

I can’t breathe but I need to breathe… Breathe Karsyn… Breathe…

Sa nanghihina at tuliro kong pagkatao ay nagawa kong igalaw ang aking kamay para sana takpan ang aking mukha pero bago ko pa tuluyang mailapit iyon sa akin ay sunod ko nalang naramdaman ang pagyakap ng kung sino sa akin at ang paghila ng mabilis palayo sa aking kinatatayuan!

Nanatiling bukas ang aking mga mata habang nasasaksihan ang pag-ikot at dahan-dahan naming pagbagsak sa simentadong kalsada kasabay ng mas malalakas pang ingay ng mga sasakyan sa aking likuran.

Napangiwi ako ng hilahin ako sa kasalukuyang oras dahil sa marahas na paglagapak ng aking tagiliran na hindi na naiwasan ng kung sino mang humila sa akin.

Naramdaman ko ang panginginig ng aking buong pagkatao dahil sa matinding takot at kalituhan sa bilis ng mga pangyayari.

I want to scream but I couldn’t. Maging ang boses ko ay iniwan na rin ako kasabay ng lakas ko. Napakislot ako’t napapikit ng mariin nang muling marinig ang sigawan ng mga tao. Kumawala na ang aking mga hikbi.

Sa pagpikit ko’t pagdilim ng aking paningin ay muling umulit sa aking utak ang mala-anghel na mukha ng babaeng kanina lang ang buhay pa’t nginitian ako… Naramdaman ko ang patuloy na pag-ikot ng aking utak. Ang pag-ikot ng lahat ng aking katinuan kasabay ng dumadagundong na kaguluhan.

Habang lumilipas ang segundong nakasadlak kami ng kalsada ay mas nagiging magulo ang paligid. I’m sure of it. Sigurado rin akong hindi lang iisa ang nasaktan. Marami pa. Maraming marami pa kabilang na ako at ang taong kasama ko.

When I realized that I am with someone, a manly scent invades my sense of smell. Natalo ng kanyang bango ang amoy ng dugo na kumalat sa kabuuan ng lugar pero ang kaguluhan at ingay sa paligid namin ay hindi natigil. The thought of hugging a man aside from my father did not concern me. Sa pagkakataong ito ay wala na akong maisip kung hindi ang mga huling sandali ng babaeng kanina lang ay masaya pa.

Is she… Kumawalang muli ang aking mga hikbi ng maisip iyon dahilan para mas humigpit ang yakap ng lalaki sa akin.

“I’m sorry…” A baritone voice murmured gently as pulls me closer to his chest.

Nanatiling pikit ang aking mga mata at wala ng lakas ang aking buong katawan kaya naman hindi na ako nakapag-reklamo sa kanyang ginawa. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib kasabay ng pag-angat ng aking mga kamay patungo sa aking tenga.

“Are you okay?” Bulong niya sa akin pero hindi ako nakahugot ni isang salita para sagutin siya.

“Hey…”

Mas idiniin ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. My head is screaming and I feel like my thoughts already escaped me. Wala na…

“Hey…” Marahan niya akong inilayo pagkatapos ay maingat na niyugyog sa balikat.

Ang mga ingay ay muling lumapit sa akin pero hindi kagaya kaninang marami pa ring mga bakal na nagsasalpukan, ngayong naman ay tanging mga ingay ng ambulansiya ang naririnig ko… pati na rin ang malinaw na boses ng lalaki.

“Hey, you are fine… We are fine. It’s okay…”

Naramdaman ko na ang pag-ahon niya kaya napadilat ako. Nang makita niya ang pagbukas ng aking mga mata ay siya namang paghawak niya sa aking kamay upang ilayo sa aking tenga at alalayan akong makaahon na rin.

“Look at me and tell me that you are fine…” Aniya pagkatapos ay madiing pinisil ang aking mga kamay.

Nakipagtitigan ako sa mga madilim na mga matang iyon na tila isang napakalalim na bangin. His eyes brings no comfort. Parang mas lalo akong nalulunod sa mga iyon. I want to tell him that I am fine but I just couldn’t speak.

Imbes na hintayin akong sumagot ay inangat niya ang aking kamay at tinignan ang mga posibleng galos. Pagkatapos masigurong wala ang mga kamay ko ay ang mukha ko naman ang inusisa niya. Wala sa sariling napalunok ako ng maramdaman ang pagdampi ng kanyang mainit na kamay sa aking pisngi kasabay ng paghawi niya sa iilang hibla nang buhok na dumikit sa aking mukha dahil sa mga luhang patuloy ang pagkawala. Mabilis na umangat ang aking magkabilang balikat nang ikulong niya ang aking mukha gamit ang mga palad.

Kung kanina ay tanging mga galos lang ang sinisipat niya, ngayon naman ay hinahawi na niya ang mga luha sa mukha ko.

I see him open his mouth but before he could speak, a lady interrupted him.

“Sir, Ma’am… I need you to clear the road. Kailangan po muna nating gumilid…” Nagpatuloy sa pagsasalita ang babae pero hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya.

Nanatili akong tulala sa lalaking kaharap ngunit ng alalayan niya akong makatayo ay sumunod naman ako.

Alam ko kung gaano kalala ang nangyari kanina at ang posibleng pagkamatay ng buntis sa kabilang lane pero ang nasa isip ko ay mas malala pa pala ng balingan ko na ang gulo sa lane na tinawiran ko kanina. Sa bilis ng nangyari ay hindi ko na maisip kung ano ang eksaktong naganap ng mga sandaling iyon.

I was just busy filming my first vlog and… And…

Napatingala ako sa lalaking nakaagapay sa akin na iginigiya ako patungo sa isang ambulansiya pero bago pa kami makarating doon ay huminto na ako sa paglalakad.

“I-Is she dead?” Ang pag-aalinlangan sa mga matang bumaba para titigan ako ay naging isang malinaw na sagot sa aking katanungan.

“Let’s go to the-”

“I-I’m fine. I’m fine…” Sinubukan kong bawiin ang aking kamay pero hindi niya ako binitiwan.

“You are still in shock and I need you to sit for a bit-”

Imbes na sagutin siya ay muli kong nilingon ang parte ng lugar na pinaka-abala sa lahat. Napasinghap ako ng makita ang sasakyang iyon na sumalpok mismo sa loob ng isang restaurant. Maraming tao. Maraming sugatan. Naramdaman ko ulit ang pagkasimento sa aking kinatatayuan pero bago pa ako muling mawala sa sarili ay hinila na ulit ako ng lalaki.

“No!” I screamed when I remember my camera.

Hinagilap ng aking mga mata ang bagay pero dahil sa muli niyang paghila sa akin ay hindi ko na nagawa.

“My camera! I-I need my camera!”

“No-”

“Please! I need it!” Nakipaghilahan ako sa kanya kaya naman ng huminto siya at mabilis akong binalingan gamit ang mga matang walang kasing tigas ay dumagundong nang muli ang aking puso.

Ang lahat ng pagpupumilit ko ay kusang nilamon ng presensiya niya at sa mga sumunod na segundo ay tila naging isang dahon nalang akong sumasabay na sa kung saan man siya patungo.

Inalalayan niya ako sa pag-upo at ipinasa sa mga rumesponde sa trahedya. Akmang bibitiwan na niya ang aking mga kamay pero humigpit ang hawak ko rito.

Nagsalubong ang mga mata namin kaya naman madali akong umiling. I’m still shaking and I’m sure that he can feel it.

“D-Don’t leave…” Tuliro kong pagmamakaawa kahit na hindi naman dapat.

I want to curse myself for asking a complete stranger to stay with me but I can’t help myself. Kahit na alam kong shock lang ako dahil sa nangyari ay ramdam kong mas magiging maayos ako kapag sinamahan niya ako.

I need him now. Ang pagpisil niya sa aking kamay. Ang boses niyang hanggang ngayon ay umuulit sa utak ko’t sinasabing maayos lang ako ang nagbibigay sa akin ng katinuan at hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin kapag umalis siya.

“You need your camera, right?” Binitiwan niya ang kamay ko. “I’ll find it, babalik rin ako. You stay here, okay? Don’t go anywhere.”

Naitikom ko ang aking bibig at hindi na siya napigilan dahil sa pagpalit ng babaeng ngayon ay naging abala na sa pagtatanong sa akin.

Ang ilang minutong pananatili ko sa aking kinauupuan habang nakadungaw sa pinanggalingan ko kanina ang tingin ko’y pinakamatagal nang oras sa tanang buhay ko.

I am okay. Nasiguro na rin iyon ng sumuri sa akin kanina pero kahit na gano’n ay hindi ako umalis sa pwesto ko. Nakakatangang isipin ang posibilidad na hindi na siya bumalik pagkatapos makuha ang camera ko pero naghintay pa rin ako. Nag-iwas ako ng tingin sa mga tao at ipinagpatuloy nalang ang pagtanggal sa mga dugong nasa aking mga kamay.

Lumipas ang pa ang ilang minuto na parang gusto ko nang batukan ang sarili ko. I am still waiting for him kahit na ilang ulit na akong pinagalitan ng utak ko. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan ng tumagal pa ang oras na walang estrangherong bumabalik.

Siguro nga umalis na siya pagkatapos mahanap ang camera ko at ang tanga kong sinabi ko pa iyon sa kanya kanina. Sana kung nag-isip lang ako ng matino at hindi nagpadala sa nangyari ay baka nabalikan ko pa iyon.

Napailing ako ng muli kong maalala ang mga huling sandali ng kapayapaan kanina… And then realized that it’s impossible for me to not feel this way. A pregnant woman died right in front of my very eyes. She is healthy. She has a family… A husband and now… Naikumo ko ang aking mga kamay dahil sa muling panginginig ng mga ito.

“Is this the one?”

Napapitlag ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon kasabay ng mabilis niyang pagsulpot sa aking harapan.

Dama ko ang patuloy na pagtalon ng aking puso sa loob ng aking dibdib ng makita ko ang kanyang hawak ngunit imbes na kunin iyon sa kanyang kamay ay nahinto ako ng makitang may mga dugo rin ito sa paligid maliban sa lente.

Binawi niya ang inilahad sa akin at pagkatapos ay inabot ang isang telang Ibinigay sa akin ng babae kanina bago punasan ang hawak.

“It’s still working perfectly,” Pinanuod ko siyang linisin ang camera ko. Pagkatapos suriin at inikot para masigurong nakuha na niya ang lahat ng dumi ay muli niya itong inilahad sa akin. “There’s a little dent but it’s still looks brand new. Mabuti nalang nailayo kaagad kita kanina.” He added.

Tahimik kong kinuha sa kanyang kamay ang camera ko. Naupo naman siya sa aking tabi at hinayaan akong suriin rin iyon. Natigil lang ako ng luminaw sa utak ko ang mga sinabi niya.

I almost forgot about that. This man… Sinulyapan ko ang lalaking ngayon ay prenteng nakaupo sa gilid ko.

He saved me and I should be thanking him right now.

“Thank you… T-Thank you for saving me.”

Pinagdiin niya ang kanyang mga labi bago marahang tumango. Napalunok ako ng maisip ko kung gaano katikas ang lalaking nasa aking harapan. Sa pagbalik ng katinuan ko ay parang gusto kong pamulahan ng mukha lalo na ng dumako ang aking paningin sa kanyang mga matang pinupugay ng mahahabang pilik samahan pa ng makakapal niyang kilay. His deep set of eyes were mysteriously enough to give me the rush of heat. Nahihiya kong ibinaba ang akong titig pabalik sa hawak ko dahil kahit wala sa hulog ang sitwasyon ay hindi ko maiwasang purihin ang kanyang hitsura.

“You are welcome.”

Napalunok ako ng muling marinig ang boses niyang malalim at kay gandang pakinggan.

“So… Did the pregnant woman…” Humina ang paglabas ng huling salita sa aking bibig dahil kahit na alam ko na namang walang pag-asa na mabuhay siya dahil sa lakas ng impact ng aksidente ay gusto ko pa ring kumpirmahin niya iyon.

“She did not make it,” my eyes instantly shuts at that. “I’m sorry…”

“Me too.” Bigo kong bulong . It’s my fault…

“Mabuti naman at hindi ka umalis. The police will be right here any moment.” Aniya kaya napadilat ako.

So kaya niya ako sinagip at sinabihang manatili rito ay dahil sa mga pulis? Dahil alam niya ring kasalanan ko ang mga nangyari at ngayon ay iniligtas niya lang ako para may isuko siya at maging bayani sa lahat?

Nagmamadali akong tumayo sa pagkakaupo sa likod ng sasakyan pero ang mga kamay niya ay maagap na humawak sa akin.

“Where are you going?” His brow furrows when I step back, trying to make him let go of me but his grip tightens around my wrist.

“B-Bitiwan mo ako. Susuko ako, hindi naman ako tatakbo, e!” Singhal ko at muling hinigit ang kamay ko pero hindi niya ako binitiwan.

Napatayo na siya dahil buong lakas kong inulit ang mga unang paghila.

“Hindi nga ako tatakas! Alam kong kasalanan ko at haharapin ko kaya let me call my lawyer!” Nanginig muli ang aking boses dahil sa pagtitig niya sa aking hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip!

I’m not going anywhere! Kung makukulong ako dahil sa pagkamatay ng babaeng iyon ay haharapin ko pero gusto kong tawagan si Daddy at Zyd! I want them to know what happened before I go to jail!

Diniinan ko ang pagkagat sa aking pang-ibabang labi ng hinila niya ako palapit sa kanya.

“Who told you that you are going to jail?”

“Liar! Kaya mo ako sinabihang maghintay dahil isusuko mo ako ’di ba?! Pwes gusto kong sabihin sa’yo na kaya kong sumuko ng mag-isa. It’s my fault and I get it! Kung hindi ko siya na-distract ay baka hindi siya namatay. Sana nakaiwas siya pero dahil sa pagvi-video ko, hindi na namin napansin ang-”

“Can you just calm down?! No one said that you are going to jail because it’s not your fault at kung mayroon mang dapat sisihin,” Lumihis ng tingin niya sa aking likuran dahil sa pag-ingay ng isang dakong kinaroroonan ng mga pulis.

Napalapit ako sa pabalik sa tabi ng lalaki ng makita ang paghawi ng mga tao’t paglabas ng mga pulis kasama ang isang lalaking tuliro na rin dahil sa nagawa.

“He is the one who’s going to jail,” Pinisil niya ang kamay ko para kunin muli ang aking atensiyon. “Gusto ko lang sabihin na kakausapin ka ng mga pulis para hingan ng statement sa huling nasaksihan mo.”

Napakurap-kurap ako’t naitikom ang bibig. Niluwagan niya ang hawak sa aking palapulsuhan bago tumuwid ng tayo sa aking harapan.

“It’s not your fault.” Pag-uulit niya.

Kumawala ang malalim kong paghinga kasabay ng lutang kong pagtango tango. Gusto ko mang patuloy na sisihin ang sarili ko sa mga nangyari pero ang paulit-ulit niyang pagpisil sa kamay ko ang kusang nagtanggal ng aking mga agam-agam.

Hinayaan ko siyang samahan akong kausapin ang mga pulis upang isalaysay ang mga huling nangyari. He is very helpful. Kapag nauutal ako’t hindi na nakakapagsalita ay siya ang nagdurugtong ng kwento ko kaya mabilis rin iyong natapos.

Nang mawala na ang mga kalalakihan ay nakita ko ang paghubad niya sa kanyang suot na coat.

“There’s a blood on the back of your shirt,” Tinanggap ko ang Ibinigay niya at walang sabi na isinuot iyon. “Let’s go back inside the mall. You need to at least wash it before we head home.”

Mabilis akong tumango at wala ng tanong na nagpatianod sa kanya pabalik sa loob. Pumasok kami sa pinaka-unang coffee shop saka dumiretso sa banyo pero dahil iisa lang iyon ay pinauna na niya ako.

Tahimik kong itinabi ang coat ng hindi ko pa nakikilalang lalaki bago hubarin ang suot kong damit matapos masigurong naka-lock na ang pintuan.

Sinimulan kong hugasan ang aking buhok sunod ang damit na hinubad ko. Wala sa sariling napalunok ako ng makitang halos naging kulay pula ang buong likod ng aking puting damit dahil sa dugo. Ang kabuuan ng CR ay nangamoy dugo na rin lalo na ng itapat ko ang aking damit sa gripo. Kinusot ko iyon ng kaunti bago pigain at tumalikod sa harapan ng salamin para abutin naman nag likod kong marami pa ring bakas ng pulang likido.

Nanghihina ang kamay kong pinunasan ang lahat ng aking naaabot at paulit-ulit iyong ginawa hanggang sa makita ko na ang paglitaw ng tunay na kulay ng balat ko. Mas binilisan ko na ang ginagawa pero bago pa ako tuluyang matapos ay nakarinig na ako ng mahihinang pagkatok sa pintuan.

“I’m not finished yet.” Sigaw ko sa kumakatok.

“It’s me. Open the door.”

Awtomatikong nahinto ang mga kamay ko sa pagkusot ng marinig ang parehong lalaking nasa kabilang banda pa rin pala ng pinto.

Kinuha ko ang coat niya sa gilid ng lababo at ibinalot iyon sa aking katawan pagkatapos ay iniawang ng maliit ang pintuan. Nakita ko siyang nakatalikod at bago pa ako makapagtanong ay inangat na niya ang isang paper bag habang iniiwasan pa ring humarap sa akin.

“I don’t know your size but I think this will fit you.” Aniya sabay galaw ng paper bag.

Napaawang ang labi ko ng mapatitig ulit doon.

“B-Binilhan mo ako ng damit?”

“Yeah, you can wear it if you like unless you still want to wear your bloody shirt.”

Marami mang tanong na naglaro sa utak ko pero sa huli ay kinuha ko pa rin ang Ibinigay niya.

“You can look. I’m not naked.”

He nodded and turns around to face me.

“I can’t let you have my coat. Hindi naman sa madamot ako but I think may dugo rin ’yan.” Aniya sabay nguso sa ibabang bahagi ng suot ko.

I swallowed the lump on my throat and nodded at him.

“O-Okay… Thank you. Sandali nalang ako.”

Tumango nalang siya imbes na magsalita pa. Sa paglapat ko ng pintuan sa hamba nito ay parang gusto kong magsisi dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Gustohin ko mang unahin iyon ay mas inuna ko nalang ang sarili.

He is right. He doesn’t know my size but this sweatshirt fits me so well. Parang mas bumagay pa nga ang damit na ito sa suot kong pantalon kaysa sa suot ko kanina. Ang weird nga lang dahil isang malaking bubuyog ang nakaburda sa damit na pinili niya pero sinuot ko pa rin. Ilang segundo kong tinitigan ang sarili ko sa salamin at habang tumatagal ay nagustohan ko na rin iyon.

“Thank you,” Muli kong pasalamat nang makalabas na ako sa banyo. Ibinigay ko sa kanya ang kanyang coat.

“Ikaw na.” Sulyap ko sa bathroom pero imbes na sundin ako ay umiling lang siya at inayos ang coat na ibinalik ko.

“Tapos na ako. Hinintay lang kitang matapos.”

Nagsimula na siyang maglakad palayo sa banyo kaya sumunod naman ako.

Dahil nauuna siya ay hindi ko na naiwasan ang sariling mapatitig sa malapad at matikas niyang tindig.

Ayaw ko mang aminin sa sarili ko dahil naniniwala akong dapat ay sa panloob tumitingin ang isang tao pero hindi ko rin maipagkakailang ang lalaking ito ay parang lumabas sa isang men’s magazine para lang sagipin ako ngayong araw. He’s gorgeous. Sa tangkad niya ay parang gusto kong manliit dahil hanggang balikat lamang ako nito.

I wonder if he is a model. Ngayon kasing wala siyang suot na coat ay kitang kita ko ang katamtaman niyang kulay at katawang nagsusumigaw ng kakisigan. He doesn’t look like a pure blooded Filipino. Sa tingin ko ay may lahi siyang Greek or something…

Holy smokes!

Tumalon ang puso ko ng huminto siya sa aking harapan! Mabuti nalang at mabilis ang naging paggalaw ng aking mga paa kaya napahinto rin ako’t naudlot ang posibilidad ng pagbangga ko sa kanyang mukhang matigas na likod.

“You want something before we leave this place?” He asked while glancing back at forth at me and the register of the Café.

Umiling ako.

“I don’t want anything but can I ask you a favor?”

Pakiramdam ko’y sinilaban ang magkabila kong pisngi ng muling tumuon sa akin ang mga matang iyon.

“What is it?”

Oh God! Ilang beses akong napalunok at natahimik dahil damang dama ko ang kahihiyan sa gusto kong hilingin sa kanya ngayon pero dahil wala na akong choice ay kinapalan ko na ang mukha ko.

“P-Pwede mo ba akong ihatid sa sakayan ng taxi? I don’t think I still can drive so…”

“Where is your place?”

“Buenavidez-”

“Alright, then. Ihahatid nalang kita.” Aniya sabay talikod sa akin at muling paglalakad palayo.

Gusto kong tumanggi dahil alam kong kalabisan na ang gagawin niya at hindi ko pa siya lubusang kilala pero ang puso ko ay iba ang idinidikta!

Parang gusto ko nalang tuloy lumayo sa kanya at kastiguhin ang sarili dahil para akong baliw na tila ngayon lang nakakita ng lalaking katulad niyang alam kong pasok na pasok sa standards ni Zyd! Ang standards na ’yon na papunta na sa langit pero anong magagawa ko? Paano ko nga ba matatanggihan ang mga matang isang titig lang ay napapasunod na ako?

Ilang beses ko pang kinastigo ang aking sarili bago nagkumahog na sundan siya.

“Hindi na! Ihatid mo nalang ako sa sakayan! Sobrang abala na ako sa’yo at isa pa, hindi ko nga alam ni pangalan mo-”

Kusang prumeno ang mga paa ko nang huminto siyang muli para lang harapin ako. Ang kaninang pagpipigil ng pag-iinit ng buo kong mukha ay tuluyang kumawala ng makita ang kanyang pag ngiti.

“Alright. Then let me introduce myself,” Pormal niyang sabi dahilan para mas lalong mawindang ang talipandas na bagay sa aking dibdib!

“I-I… I don’t-”

“Asher… My name is Asher Miguel.”

Nalaglag ang mga mata ko sa kanyang mga kamay na agarang inilahad sa aking harapan. Hindi ako kaagad nakapag-salita. Imbes na sagutin siya at magpakilala ng maayos ay lutang akong napatitig nalang sa kanyang palad.

Tumikhim siya para gisingin ako sa kalutangan.

“This is the time where you will tell me your name because I think that is how introduction works, miss?” Ibinitin niya ang huling salita dahilan para magkumahog akong sumagot.

“K-Karsyn… I-I’m Karsyn…” Tuliro kong sabi at nahihipnotismo nang inabot ang kanyang nakalahad na palad.

“Nice to meet you, Karsyn.”

Pinilit kong ibalik ang tingin sa kanyang mukha kahit na alam kong mali iyon dahil alam kong magwawala na naman ang utak ko sa kakapuri kung gaano siya kagwapo! Nagbaba ako ng tingin.

I can’t. I just can’t. This is not me. Kahit kailan ay hindi ako nagwapuhan sa isang lalaki ng ganito kabilis! God! I feel like I am Zyd right now and I hate it!

“N-Nice to meet you too, Asher… Nice to meet you, Miguel…” Nababaliw kong pag-uulit kahit hindi nakatingin sa kanya.

Nadama ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso ng marinig ang kanyang mahinang pagtawa kasabay ng pagpisil niya sa aking kamay kaya wala sa sariling napapikit ako ng mariin!

 What the heck Karsyn! What the freaking heck!

CHAPTER 4

CHAPTER FOUR

Life Is Short

Tahimik ang bibig ko sa mga sumunod na minuto. Simula sa pagkalutang ko ng sundan siya sa kanyang sasakyan hanggang sa baybayin na namin ang daan patungo sa bahay. Ayaw ko man siyang payagang gawin ang suhestiyon pero wala na akong nagawa. I can’t convince him that I am okay because even when I’m now seated beside him, I can still taste my fears. Hindi lang iyon. Maging ang patuloy na kabang nananalaytay sa aking buong sistema ay damang dama ko pa rin.

Napangiwi ako ng makita ko ang sariling kong wala sa huwisyong nakatitig sa kanyang gawi na abala naman sa pagmamaneho at pagsulyap-sulyap sa teleponong kanyang hawak.

“Y-You know you should not text and drive, right?” Hindi ko na napigilang ibulalas lalo pa’t sinalakay na naman ang utak ko ng mga nangyari kanina.

The police said earlier that the driver is texting while beating the red light at dahil sa paghagip nito sa buntis kanina’y nawalan na ito ng kontrol at napunta sa lane ko’t diretso sa isang restaurant.

“I’m not. I’m just checking my messages.”

Iniwas ko ang titig sa kanyang gawi at umayos ng upo sa aking upuan.

“Parehas lang ’yon,” Mahina kong bulong. “Delikado pa rin.” Dagdag ko.

Hindi siya nagsalita pero sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtanggal ng atensiyon sa kanyang telepono at agad itong inilapag sa dashboard pero kahit na naroon na ito ay patuloy pa rin siya sa pagsulyap, tila may hinihintay na mensaheng sobrang importante.

I should just thank him and mind my own business but I can’t. Using phone while driving is dangerous. Mamalikmata ka lang ay marami ka ng masasaktan. Hindi lang ang taong maaaksidente mo kung hindi pati na rin ang mga pamilya ng mga ito. 

Ipinilig ko nalang ang aking ulo sa direksiyon ng bintana. Nagsimula ng umilaw ang mga poste sa kalsada habang padilim naman ng padilim ang paligid.

Nanahimik ako ulit. Tahimik lang rin siya kaya hindi na ako nagsalita. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng makaramdam ako ng pagod pero imbes na ’yon ang gawin ay mas lumaki ang pagkakadilat ko ng makita ang pagliko niya sa isang kalsadang hindi pamilyar sa akin.

Mabilis ang naging paglingon ko sa kanya pero bago pa ako nakapag-reklamo at pagbintangan siya ng kung ano-anong masasama ay agad na siyang nagpaliwanag na tila nabasa na ang gusto kong sabihin.

“Shortcut.” Tipid niyang sabi pagkatapos akong sulyapan ng mabilis.

“Alam mo ba talaga kung saan ako ihahatid? Kasi baka maligaw lang tayo.” Napahinto ako ng makita ang paglipad ng tingin niya pabalik sa kanyang telepono imbes na pakinggan ako.

I cleared my throat and that forces him to look at me again.

“Alam ko ang daan.”

Kinunutan ko siya ng noo.

“Paano? Doon ka rin ba nakatira kaya alam mo?”

Mabilis ang naging pag-iling niya at pagkatapos ay pinag-igi ulit ang ginagawa.

“I know some people who live in that place.”

Napakurap-kurap ako ng maisip na hindi malabong doon rin siya nakatira. Hindi rin malabong totoo ang mga sinasabi niya dahil mukha naman siyang disenteng tao at walang gagawing masama… I mean, kung may gagawin man… Sayang naman.

It’s rare to find a good looking man who’s genuinely good inside. Sa panahon kasi ngayon kahit ’yung mga hindi kagwapuhan ay mas masama pa ang ugali kaysa sa mga taong may ibubuga. Kumbaga, kahit na hindi ko pa siya kilala at pagbabasehan lang ang hitsura, ang kanyang ayos, at ang ginawa niyang pagliligtas sa buhay ko kanina ay masasabi kong pwede na siyang humigit pa sa sinasabing perfect man ni Zydney.

Pero seryoso? Seryosong iyon pa ang naiisip ko ngayon sa dami ng nangyari? Nakuha ko pang purihin siya at ang kabuuan niya gayong wala naman akong ideya sa totoo niyang pagkatao maliban sa kanyang pangalan na tunog palang pwede mo nang iulam sa kanin?

Asher Miguel… 

Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng kanyang sasakyan. Hindi naman ito mukhang bago pero malinis. Walang masyadong kalat hindi gaya ng personal na sasakyan ni Daddy na minsan ay mas makalat pa sa kanyang opisina dahil sa mga gamit lalo na’t ayaw niya ring pinapalinis iyon sa iba.

Napukol ng tingin ko sa likuran ng sasakyan ni Asher kung saan prenteng nakapatong ang dalawang rim ng sigarilyong mukhang ang isa ay kalahati nalang ang natira.

He’s a smoker. 

Binalik ko ang tingin sa kanya and for some reason, pakiramdam ko ay may ilang maliliit na langgam ang kumagat sa loob ng sikmura ko sa isiping naninigarilyo siya.

I’m not a fan of someone who smokes. Kung tutuusin nga ay lahat ng bisyo ay ayaw na ayaw ko. Palibhasa ay isa rin iyon sa bilin ni Daddy sa akin at maging sa mga kapatid ko noon. Gano’n rin ang pamilya ni Zydney kaya kami na siguro ang pinaka-huling nakatikim ng alak sa buong angkan namin.

Naalala kong noong nalaman ni Daddy na nagpa-tattoo ang kuya ko noon sa kamay ay galit na galit ito. Bilang isang business man raw ay dapat maayos ka at malinis sa katawan lalo pa’t negosyo ang mga hahawakan mo. He said na paano ka pagkakatiwalaan ng isang tao kung gano’n na ang hitsura mo. No one will take you seriously, he said. Maybe Dad is just too old to accept the modern culture pero kahit na gano’n ay naiintindihan ko naman ang kanyang punto.

Para sa akin ay ayos lang naman ang magkaroon ng tattoo pero kung nasa poder ka pa rin ng mga magulang mo’t sila pa rin ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan mo ay kailangan mo pa ring magbigay ng respeto. Kahit iyon nalang.

Napakurap ako ng makita ang pagbaba’t taas ng kanyang adams apple gawa ng paglunok. Siya kaya… May tattoo rin kaya siya gaya ni Kuya? And if he really smoking… Bakit naiintriga ako? It’s just smoking for Christ sake! And I see people who smokes everyday, kahit sa daan marami pero hindi naman ako naintriga ng ganito. 

Ni minsan hindi ako natulala sa isang taong naninigarilyo pero bakit ngayon parang gusto kong sabihin sa kanyang manigarilyo siya sa harap ko para lang matapos na ang pagiging kuryoso ng utak ko!

“Y-You smoke?” Buong tapang kong tanong ko ng hindi ko na mapigilan ang sarili kong isipin na ginagawa niya nga ’yon.

Oh my God Karsyn! What the heck are you doing?!

Napalunok ako ng sumulyap siya sa akin at pagkatapos ay sinulyapan niya rin ang nasa likod. Gumuhit ang arko sa gilid ng kanyang labi bago tumango.

“Yeah.”

“Sa’yo ’yan?”

He nodded.

“Lahat?” 

Muli siyang tumango.

“Why? Do you want some?” Tanong niyang hindi naman ako sinulyapan.

“N-No. I don’t smoke.”

“Good for you.”

“Kung good para sa’kin, eh ’di bad para sa’yo? Can I ask anong benefits ang nakukuha sa paninigarilyo?”

I swear… Gusto kong pagsisihan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko pero hindi ko na magawa. Napasubo na ako sa usapan at hindi ko na alam kung paano pa hihinto.

Nagkibit siya ng balikat.

“Anong benefits kapag sinagot ko ’yang tanong mo?” Tanong niya pabalik imbes na sagutin ako ng matino.

Napalunok ako’t napahugot ng isang mabilis na paghinga. Mabuti nalang at abala siya sa daan at madilim na kaya hindi niya nakita iyon.

“W-Wala.” Nahihiya kong sagot.

“Then my answer is the same.”

Oh. Okay. Okay. I understand. Gusto ko sanang idagdag pero natigil na ako ng pumasok na ang sasakyan sa village. 

He is right. Alam niya nga ang daan at ang pasikot-sikot patungo sa lugar na ’to na parang siya mismo ay nakatira sa lugar. Oo nga at hindi naman ako nagda-drive pero ni minsan yata ay hindi ko nadaanan ang mga dinaan ng sasakyan niya. 

I shut my mouth. Wala ng gusto pang sabihin ang bibig ko at kahit na alam kong dapat kong ipagpasalamat na makakarating na ako sa bahay at maisasalba ko na ang sarili ko sa kahihiyan dahil sa pang-uusisa ay parang sa bawat galaw ng sasakyan niya ay mas dama ko pa ang panghihinayang na hindi ko maintindihan.

Kapag naihatid na niya ako ay makakapagpahinga na ako at iyon ang mas dapat kong pagtuonan ng pansin ngunit sa kabilang banda ay mas lumamang ang pag-iisip kong kapag naihatid na niya ako ay hindi ko na siya makikita. Alam kong hindi ko na siya makikilala pa at hindi ko na maitatanong pa kung ano ang totoong alam niyang makukuha niya sa paninigarilyo.

“D-Diyan nalang ako.” Turo ko sa gate namin. 

Hindi na siya nagsalita at ginawa nalang ang dapat gawin.

Bago pa kami umalis kanina sa Parissiene ay tinawagan ko na si Zydney kaya hindi na ako magtataka kung naghihintay na ito sa akin sa loob.

“Thank you.” Buong puso kong pasasalamat ng huminto na ito sa harapan ng bahay namin.

“You’re welcome.”

Tinanggal ko na ang aking seat belt at muli siyang hinarap.

“D-Do you want to have some coffee or something?” Tanong ko para naman sana makabawi sa ginawa niyang pagliligtas sa akin kanina kahit na alam kong ang malinis kong intensiyong pasalamatan siya ay nabahiran na ng kagustuhan kong mas makilala pa siya.

I mean who wouldn’t want to know the person who saves them from death? Right?

Isa pa, pakiramdam ko rin kasi ay hindi sapat ang pasasalamat lang para magantihan siya sa ginawa. I feel like I need to introduce him to Zyd or even to my father. 

“Nah, I’m good. I need to go home now. Thanks for the invite though.”

Tuliro akong napatango.

“Malapit lang ba dito ang bahay mo?”

Narinig ko ang mga boses ng mga pagalit sa loob ng aking utak dahil kahit na dapat ay umalis na ako’t magpahinga ay narito pa rin ako ngayon sa harapan niya at hindi man lang makakilos. God, I don’t even know how to get out of his car!

Umiling siya.

“Batangas.”

“B-Batangas?!” Laglag panga kong bulalas dahil sa narinig.

Sinulyapan niya ang kanyang telepono at kinuha na ito. Actually kanina pa iyon tumutunog dahil sa mga texts pero dahil nahiya siguro siya sa paninita ko kanina ay hindi niya tinangkang basahin kahit isa.

“Yeah.”

“O-Okay,” Inilakad ko ang aking mga kamay patungo sa pintuan at binuksan na iyon. “Thank you, Asher…”

He smiled and nodded.

“Don’t worry about it.”

“No… I mean, you saved my life and thanking you is not enough…” Napayuko ako ng hindi ko na makayanan ang titigan ang kanyang mga matang nagsusumigaw ng iba’t-ibang emosyon.

“Babawi ako,” Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay tinanggal na ang lahat ng kabang nararamdaman bago muling salubungin ng tingin ang kanyang mga matang madiing nakatitig pa rin sa akin.

Buong giliw ko siyang nginitian bago sabihin ang mga huling salita ng pamamaalam.

“I’ll pray for you… Kung ayaw ng coffee, ipagpi-pray nalang kita.”

Tumango tango siya pero hindi pa rin ako nakuntento.

“Tapos kapag nagkita ulit tayo… Ililibre kita para makabawi ako sa’yo.”

“Kung magkikita pa tayo,” Maagap niyang sagot.

“Then I’ll pray for that too,” Nilawakan ko pa ang ngiti ko dahil ramdam ko na naman ang unti-unting paglamon sa akin ng kahihiyan. 

Bago pa siya makasagot ay nagsalita na ulit ako para kahit paano ay maisalba pa ang sarili sa lahat ng mga salitang lumabas sa aking labi ngayong araw.

“Thank you ulit, Asher.” Binuksan ko na ang pintuan at mabilis na lumabas doon.

Ang lahat ng panghihinayang ko sa sitwasyon ay nadagdagan pa ng harapin ko siya ulit.

“See you around, Karsyn.”

I nodded and smiled at him.

“And be careful next time you’ll pass a crosswalk.”

Pinagdiin ko na ang aking labi.

“Salamat sa paghatid at sa lahat. Mag-iingat ka.” Isinara ko na ang pintuan at kahit na hindi ko na siya natanaw sa loob ay kumaway pa rin ako bilang huling pamamaalam.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Umalis na rin siya kaagad at kahit na bakanteng kalsada nalang ang tinatanaw ko sa pagkawala ng kanyang sasakyan ay hindi pa rin ako natinag sa aking kinatatayuan.

Sa pagkawala niya ay parang muli kong naramdaman ang lahat ng pagod, takot at trauma sa lahat ng nangyari kanina. Diniinan ko ang pagkagat sa aking labi ng maalala ko ulit iyong buntis. Ang pagkamatay niya. Ang paggulo ng paligid. Ang lahat… Lahat.

Napapikit ako ng mariin at ilang beses na nagpakawala ng ilang malalalim na paghinga upang mapigilan ang muling pagbigat ng aking dibdib. Nang maramdaman kong kaya ko ng maglakad ulit ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

“What the hell happened Karsyn!” Pakiramdam ko ay muling nanginig ang buo kong pagkatao ng maramdaman ko na ang mabilis na pagyakap sa akin ni Zydney ng makapasok ako sa bahay.

“Are you okay? Bakit ngayon ka lang? Nag drive ka ba? Bakit ngayon ka lang?” Sunod sunod niyang tanong pero imbes na sumagot pa ako ay inilagay ko nalang sa kamay niya ang camera ko.

“I’m tired, Zyd… But I am okay. Si Daddy ba nandito na?”

Malungkot niya akong tinignan bago umiling. Bumagsak ang aking balikat at naglakad para lagpasan siya’t pumanhik na sa itaas. Totoong pagod na ako pero mas lalo yata akong napagod dahil sa isiping hindi man lang umuwi si Daddy kahit na may nangyari na sa akin. 

Naiintindihan ko naman. He is a business man at hindi madaling pagsabayin ang pamilya at ang negosyo. He is still grieving. Naiintindihan ko. Kahit ako rin naman ay minsan ayaw na ring umuwi dahil parang wala na rin naman akong uuwian. Our home is now empty. Kung hindi nga lang dahil kay Zyd ay baka matagal na rin akong umalis sa bahay na ito.

Hinayaan ko si Zyd na sundan ako hanggang sa makarating na kami sa aking kwarto. Hindi naubos ang mga katanungan niya at kahit na hawak niya naman ang sagot sa mga iyon ay gusto niya pa ring sa bibig ko manggaling ang lahat.

I didn’t answer her questions. Imbes na ’yon ang gawin ay inuna kong ayusin ang sarili. I want to sleep now. Gusto ko ring matapos na ang araw na ito at magsimula nalang ulit bukas kahit na mahirap simulan iyon pagkatapos ng trahedyang ito.

“Karsyn…” Nakita ko ang pamumutla niya’t maluha-luhang mga mata dahil sa nasaksihan sa camerang kanyang hawak.

Tahimik akong naupo sa kanyang tabi.

“Do you think it’s my fault, Zyd?”

“No. Of course not!”

Napabuntong hinga ako’t napayuko.

“Because I feel like it’s my fault. She is perfectly fine and then…” Napapikit ako ng mariin at hindi na maituloy ang sasabihin.

Sunod kong naramdaman ang pagyakap ng aking pinsan.

“It’s not your fault… Hindi, okay?” Napatingin ako sa kanya ng marinig ang kanyang pagbuntong hinga na tila nabunutan ng isang malalim na tinik sa dibdib. “I’m relieved to know that you are fine,” Inilayo niya ako.

Ang kanina’y pag-aalala sa kanya ay nabahiran na ngayon ng pagalit.

“Sa susunod huwag mo na akong iti-text ng bitin! Sana sa susunod sabihin mo ring maayos ka, okay? Tuloy tuloy at nasa iisang message lang dapat! You don’t know how scared I am reading that text.”

Tumango tango ako.

“I’m sorry…”

“And be careful next time, okay?”

Muli akong tumango. Marami pang sinabi si Zydney pero ang utak ko ay tinatangay na naman patungo sa isang malalim na pag-iisip.

“Ang iksi ng buhay ’no?” Wala sa sariling sabi ko dahilan para mahinto siya sa kanyang mga litanya.

Ilang beses siyang napalunok ng mapatitig ako ulit ng mataman sa kanya.

“Karsyn-”

“Sobrang iksi…” Lutang kong pagpapatuloy. Pakiramdam ko’y hindi siya ang kausap ko kung hindi ang aking sarili. “One moment you are happy and perfectly fine, the next you are fighting for your life… It’s too short, Zyd. Too short…”

CHAPTER 5

CHAPTER FIVE

Life Changing Event

“Are you sure you don’t want to go out with me today?” Tanong ni Zyd sa akin pero imbes na sagutin siya ay muli kong binalot ng kumot ang aking katawan.

Sunod ko nalang naramdaman ang pagyugyog ng kama dahil sa pag-upo niya.

“Karsyn, it’s been five days. Sigurado ka bang gusto mo nalang magmukmok dito?”

“I’m tired.”

“Hanggang ngayon?!”

“Uh-hmm.” Ungot ko.

“Karsyn naman!”

“Umuwi na ba si Dad?”

Natigil siya sa pagyugyog.

“K-Kahapon yata umuwi.”

“Okay.” I heard her sigh.

“Come on, KF… Labas naman tayo.” Aniya sa boses na punong puno na ngayon ng pagmamakaawa.

Ang plano kong buong araw manatili sa kwarto ko gaya ng mga nagdaang araw ay hindi ko hahayaang mapurnada niya kaya umahon na ako sa pagkakahiga para harapin siya.

“I’m tired, Zyd. Isa pa, hindi ko alam kung handa na ba ako ulit na lumabas sa bahay. Alam kong sinabi ko namang susubukan ko pero hindi ko pa kaya. I’m still being haunted by the accident. Naiisip ko palang na lalabas ako sa bahay ay naiisip ko na ’yung nangyari. What if mangyari ulit? I couldn’t handle another death, Zyd.”

“You are thinking too much, Karsyn,” Umayos siya ng upo paharap sa akin at hinuli ang aking kamay.

“What if today is going to be a good day? What if today is the day where your life is going to change for the better but you’re missing the opportunity because you are still letting your thoughts be stuck on the accident? Karsyn, it’s just one accident. It happens. People die but that doesn’t mean that it’s the end of the world for you. You see, someone saved you. Ibig sabihin hindi mo pa oras dahil buhay ka pa. You are lucky.”

“Zyd…”

“Kung may dapat kang isipin sa pagkakataong ito na galing sa aksidente ay kung ano ang dahilan at bakit hanggang ngayon ay narito ka pa rin. You should thank God for that.”

“I am thanking him every single day-”

“Alam ko pero hindi mo naman ginagawa ang mga dapat mong gawin sa bagong buhay mo. Hindi ba gusto mong mahanap kung ano ang kasiyahan mo? Kung ano ang gusto mo pang gawin? You said it yourself, life is too short. Tama ka do’n at bagong buhay mo na ito! Not all are given another chance to live.”

Napalunok ako lalo na ng makita ang nag-uumapaw na determinasyon sa kanyang mga matang gusto akong gisingin sa lahat ng pagkalunod ko sa aksidente.

“I know and you’re right.”

Nakahinga siya ng maluwag. “Saan banda do’n?”

“The last part. Not everyone are given another chance to live. Sila Kuya… Si Mommy, si Katie, ang buntis at ang anak niya…”

Ang lahat ng kaluwagan sa kanyang mukha ay madaling napawi dahil sa sinabi ko.

“Karsyn, that’s not what I mean-”

Pinagdiin ko ang aking labi at saka siya nginitian.

“It’s okay, Zyd. Nakuha ko naman ang gusto mong sabihin.”

Naitikom niya ang kanyang bibig at ang pagpisil sa aking kamay ay tuluyan na ring nahinto. Gaya ko ay hindi ko na ulit alam ang dapat ko pang sabihin sa kanya. Hindi ko rin kasi akalaing mas lalalim ang usapan naming ito. Naiintindihan ko namang nag-aalala lang siya sa akin at tama naman ang mga sinabi niya pero sadyang wala pa talaga ako sa normal kong sarili. I think that I still need to rest and contemplate about life.

“Na sa’yo pa rin ba ang camera ko?” Pagbabago ko nalang ng topic para maputol ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Oo.”

“Napanuod mo na lahat?”

“N-No…”

“So ibig sabihin hindi mo pa rin nabubura?”

Umiling siya. “Gusto kong panuorin but I can’t stop thinking about you.”

“Just watch everything and delete it.” Sabi kong hindi nakikiusap kung hindi nag-uutos.

Tumango siya. Sa huli ay siya na itong hindi umalis para lang samahan ako’t masigurong ayos lang ako. Ilang beses ko mang sabihin sa kanyang pwede niya na akong iwan ay hindi niya pa rin ginawa.

“Ano bang dapat kong gawin para lang bumalik ka na sa pagiging masigla?”

Nagkibit ako ng balikat at nagpatuloy sa pagkain ng mansanas na hawak ko.

“Masigla naman ako. I’m eating fruits too kaya mas healthy ako ngayon kumpara last week.”

“That’s not what I’m talking about,” She pouted and then grabs the bowl of fruits from the table.

Ngumata rin siya ng prutas galing doon. Ipinilig ko ang aking ulo patungo sa kanyang gawi.

“What if I’m destined in saving lives? Paano kung mali pala ako ng pinili?”

“But you said that you’ll be happier outside the hospital.”

“I know but how can I be sure that I made the right decision?”

“Karsyn, that’s why I’m trying to convince you to go out with me. Paano mo malalaman kung wala ka namang ginagawa para simulan ’yung mga bagay na hindi mo nakasanayan? Paano mo malalaman kung ano ang mas makapagpapasaya sa’yo kung nandito ka lang sa bahay at nanunuod?”

Dumiin ang titig ko sa kanya at pinagtaasan niya naman ako ng kilay.

“K, fine. You won.”

“So lalabas na tayo?”

“Nope.” Iniwas ko ang titig sa kanya at ibinalik ito sa TV. Narinig ko ang ilang mga palatak niya. “I’m not ready yet pero malay mo may himala. Malay mo isang araw ayos na ulit ako.”

“At hanggang kailan naman ako maghihintay sa mga malay mo’t himala?”

Napahagikhik ako’t napailing nalang. Hindi ko na siya sinagot bagkus ay nagpatuloy nalang sa panunuod.

Hindi naman ako emosyonal na tao noon pero dahil sa nangyari ay pakiramdam ko ay napaka-sensitibo ko na. Natapos ang palabas na iyon na umiiyak ako habang si Zyd naman ay nakatulala lang sa akin.

“Zydney, the dog died! He died!”

“I know. I watched the whole thing with you, remember?” Pinagtaasan niya ako ng isang kilay.

Pupungas pungas kong inayos ang aking sarili sa kanyang harapan. Binalewala ko ang mga mata niyang puno ng awa at nalilito habang pinapanuod akong humagulgol.

Ilang minuto kaming gano’n. Hinayaan niya akong umiyak at ibuhos ang lungkot sa aking unan. Tahimik lang siyang nakikinig. Nang medyo nahimasmasan na ako ay hinarap ko siya ulit.

“The guy moved on and look at things differently. Imbes na isipin ang pagkamatay ng aso niya, inisip niya nalang ’yung mga bagay na meron siya. Kung ano ang dapat niyang ipagpasalamat kahit na malaking bagay ang nawala sa kanya. Some events are going to change your life. Minsan sa masama pero minsan sa mas mabuti rin. Please be that guy, Karsyn.” Makahulugan niyang sambit.

Napakurap-kurap ako.

“Sa tingin mo magkakaroon ulit ng life changing event ang buhay ko ngayon? Iyong para sa mas mabuti?”

Marahan siyang tumango.

“Oo naman.”

“How can you be so sure? Nangyari na ba sa’yo ang gano’n? Like you just wake up and everything is different?”

Sandali siyang nag-isip pero kalaunan ay umiling rin.

“But I’m always praying for better things to come.”

Huminga ako ng malalim. Zyd is very positive. Ganito ko siya nakilala noon pa man. Siya nga ang cheerleader ng buhay ko and that’s what I admire the most from her. Walang espasyo ang ka-negahan sa kanya at kung nagkakaroon man ay mas lamang pa rin ang kanyang pagiging positibo.

“Thank you for everything, Zyd…”

Her lips curved a smile.

“Ikaw pa ba? It’s okay kahit na hindi ako naka-attend sa birthday ng crush ko. It’s okay kung hindi ako nakasama sa Singapore para sana magpahinga ng ilang araw pagkatapos ng nakakapagod na buwan sa pag-aaral. Okay lang, Karsyn. Okay lang talaga. Wala ’yon.”

Napahagikhik ako’t napanguso.

“I’m sorry.”

“Wala ’yon! Okay lang ako. Wala ’to.”

“Zydney naman… Babawi ako sa’yo.”

Huminto siya at tinitigan ako ng mabuti.

“So ibig sabihin lalabas na ulit tayo?”

“Hmm, depende.”

Umikot ang mga mata niya. Pinigilan kong matawa dahil ang kaninang pasaya na niyang aura ay napawi muli.

“Depende saan?!”

“I don’t know. Sa life changing events?” Napangisi ako ng marinig ang pagalit niya.

Nasanay na ako sa routine kong bahay, Zydney, movie, kain at tulog lang. Wala rin namang sumisita sa akin maliban kay Zydney na kayang kaya ko namang kontrahin kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa pero nang dumating ang panibagong linggo ay doon na nagbago ang lahat ng routine ko.

“Ano nga kasi ’yon? You’re making me confused. Nag-aalala na rin ako!” Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa aking kaliwang dibdib. “Look, hindi na normal ang tibok ng puso ko at baka kapag hindi mo pa sinabi ang ginawa mo ay baka atakihin na ako sa puso-”

“Shh!” Nagmamadali niyang tinanggal ang kanyang kamay sa aking dibdib pagkatapos ay tumayo sa kama at wala sa sariling nagpabalik-balik ng lakad sa aking harapan.

Ang pagkalukot ng mukha ko ay tiyak akong hindi na maipipinta ngayon habang pinapanuod siya.

“Zyd, ano ba kasi? Tell me. I promise hindi ako magagalit.” She stops pacing.

Ilang beses ang naging paglunok niya at maingat na bumalik sa aking tabi.

“So?”

Huminga siya ng malalim.

“Promise hindi ka magagalit?”

Nagsalubong ang kilay ko dahil ramdam ko at kitang kita ko ngayon ang takot niyang parang may nagawang mortal na kasalanan.

“Why do you have to say that? Gusto ko tuloy magdalawang-isip-”

“No. You don’t have to! Isa pa, wala ka ng magagawa kung hindi ang patawarin nalang ako kasi wala na rin naman. Nangyari na. Tapos na.”

Kumawala ang tawa kong may halong kaba at pagkatapos ay inangat ang mga kamay para hawakan ang magkabila niyang balikat.

“Zydney, come on? Sabihin mo na.”

“Okay….” She said while looking at me with unsure eyes. “I have your camera, right?” I nodded. “And you ask me to watch the whole thing, right?”

Again, I nodded at her.

“So, listen. The video…”

“The video?”

“Okay, you know what? I’m telling you now. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Sasabihin ko na-”

“Zyd!”

“I uploaded the video on the youtube account that I made for you and it’s now viral!” Hiningal siya pagkatapos ng huling salita.

Hindi ako nakapag-react kaagad dahil kung ano ang bilis ng paglabas ng mga iyon sa kanyang bibig ay siya namang bagal ng pagpasok ng mga ito sa aking utak.

Pinisil niya ang kamay ko.

“I’m sorry! I didn’t know that it will gone viral! Hindi ko naman ini-expect na gusto ng mga taong makakita ng pagtatapos ng buhay at pagsibol ng magandang bagay dulot trahedya-”

“W-What?!” Ang malakas kong hiyaw ang nagpa-putla sa kanya’t nagpalayo ng kaunti sa akin.

Ang utak ko ay mabilis na naging buhol-buhol! Unang una, hindi ko alam na ginawan na niya ako ng account. Pangalawa, ang sinabi ko ay burahin niya iyon pagkatapos mapanuod! Pangatlo at panghuli, anong pagtatapos ng buhay at pagsibol ng isang magandang bagay?!

“Karsyn, I’m sorry! Okay, I maybe hope that it will be viral but I don’t have any idea that it’s gonna be this big! It’s freaking big and I don’t know what to say to you anymore besides I’m sorry!”

Natataranta akong tumayo para puntahan ang aking lamesa kung saan naroon ang aking laptop.

“Come on!” Ilang beses kong pinindot ang pagbukas no’n kahit na hindi naman kailangan.

“Karsyn, I’m sorry… You are not mad, right? I mean, you promised me at bawal ng bawiin ’yon!”

I ignored her. Umupo ako sa harap ng laptop at nagmamadaling pinuntahan ang site. Hindi ko na kailangan pang hanapin ang video dahil pagpunta ko palang doon ay iyon na ang bumugad sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang title at nalaglag naman ang panga ko ng makitang sa loob pa lamang ng ilang oras ay halos nasa tatlong milyon na ang views nito.

“An unfortunate death that leads a girl to Mr. Right?! Seriously, Zydney?!”

“People digs everything that involves Mr. Right.” Depensa niya.

Nasapo ko ang aking noo at sinimulan nang panuorin ang ginawa niya.

“This is not right, Zyd.” I commented.

“I blurred the girl’s face and I edited the part where it was hard to watch but look,” lumapit siya sa akin at sinamahan akong manuod.

Pakiramdam ko’y nanlamig ang buong katawan ko ng makita ang pagtilapon ng aking camera sa ere at ang pagtalbog nito ng dalawang beses sa kalsada kasabay ng pagpirmi nito’t pagtutok sa gawi namin at sa lalaking nakayakap sa akin.

Pinigilan kong mapapikit ng makitang muli ang mukha ng lalaking iyon! I didn’t have any idea that my camera is still recording! Wala sa sariling napalunok ako ng makita ang pagkalma nito sa akin habang tuliro sa aksidenteng nangyari.

Parang gusto ko nang pagalitan ang pinsan ko dahil talagang ginawa niyang romantiko ang scene kahit na ang totoo ay tanging takot lang ang naramdaman ko ng mga panahong iyon. Ni hindi ko naisip na pwedeng maging ganito ang kalalabasan ng trahedyang kumitil sa isang buhay.

“I’m sorry, Karsyn but I can’t delete it now. At kahit siguro burahin ko ay kalat na ’yan ngayon sa mundo ng social media. People can even download it and re-upload it without getting my permission.”

Nagpatuloy sa pagsasalita si Zydney pero ang utak ko ay huminto na sa pag-iisip sa tagpong iyon. Kung noon ay mas tumatatak sa isip ko ang babae, ngayon naman ay parang natabunan na  ang lahat dahil sa presensiya ng lalaking tinawag niya pang Mr. Right.

Parang gusto kong matawa sa inis. Hindi ko naisip na gagawin ito ni Zydney pero mas hindi ko maisip na nagawang panuorin ito ng mga tao.

“Uy…”

Napakurap-kurap ako sa harapan ng screen. Tapos na ang mga pinapanuod ko at sa kada refresh ko ng site ay mas parami naman ng parami ang views, likes at maging ang subscribers ko.

“Karsyn, I’m really really sorry,” Dahan dahan niyang sambit.

Sa pagtitig ko sa kanya ay nakita ko ang purong kaseryosohan sa kanyang mga mata ngunit wala akong nakitang pagsisisi doon.

“Ano pa nga bang magagawa ko?” Bigo kong sambit. “I think people really digs finding Mr. Right.” Pinigilan kong mapangiwi sa naisip at tumayo nalang para bumalik sa aking kama. Sumunod naman siya sa akin.

I’m lost. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

“I stopped myself from watching it the first time after the girl was hit and you didn’t even tell me about the guy.”

“I told you to just watch the whole thing.”

Natahimik siya na tila may malalim na iniisip.

“Do you even know his name?”

Umiling ako para magsinungaling sa kanya dahil ngayon palang ay parang nakikita ko na ang laman ng utak niya.

“He just saved me and that’s just it. Hindi ko na natanong ang pangalan niya.”

Nasapo niya ang kanyang noo at dinaluhan na rin ako sa pagkakahiga sa kama.

“Do you believe in destiny?”

Her question made me chuckled.

“Are you really asking me that?”

“Just answer it.”

“I believe in life and death but fate and destiny? Nah. We’re the one who’s responsible for our destiny. That’s why God gave us the gift of free will. Tayo ang mamimili. Tayo ang magdedesisyon and I think that by making decisions, we are molding our own destiny and fate just follows through it. Sa kagustuhan natin at kung saan tayo mas komportable’t magiging masaya.”

“I can’t argue with that but don’t you think it’s kind of romantic when someone saves you from death? I mean it’s a work of fate and destiny.”

“It’s just a part of life and events… Unfortunate ones.”

She heave a sigh. “Can you at least admit that Mr. Right is handsome?”

Naisara ko ang aking bibig at agad siyang nilingon. Nakita ko kaagad sa mga mata ni Karsyn ang namumuong paghanga at tuwa sa kabila ng masalimuot na pangyayari.

“Okay ka lang ba? Ilang romantic movies ba ang pinanuod mo bago ginawa ang video?”

“Just one and we should watch it right now!” Umahon siya at madaling binuksan ang TV. “Baka sakaling mabahiran ka ng pag-ibig ngayong araw.”

“I’m still mad at you.”

Natatawa siyang bumalik sa tabi ko.

“Kailan ka ba nagalit sa akin? Isa pa, hindi ba life changing na ito para sa’yo? You’re still trending kahit na wala pang isang araw at sigurado akong-”

“Zyd, please,” I cut her off. “Ayaw ko na munang isipin ’yan.” Pinigilan ko ang sarili kong lingunin ang lamesang kinalalagyan ng aking laptop.

Sa totoo lang ay hindi naman ako galit kay Zydney, ang sa akin lang ngayon ay ayaw ko na munang isipin ang lahat. It’s too overwhelming. It’s like Zydney is turning my misery into something that I should be more worried about. Ang ginagawa niya ngayon ay isa rin sa mga bagay na napag-usapan na naming kahit kailan ay hindi ko na papasukin.

“Fine,” Kinuha niya ang comforter at pagkatapos ay ibinaon ang kalahati ng katawan rito. “But I think you should at least say hi to your seventy thousand plus followers…”

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag bagkus ay ngumisi pa.

“And counting.” She added.

CHAPTER 6

CHAPTER SIX

Life Is Not Perfect

“We’re still doing it together, right?” Tanong ni Zydney sa akin pagkatapos niya akong daanan para bigyan ng prutas bago siya bumalik sa university.

Tumango ako.

“Next week?” She asked.

Kinuha ko sa kanya ang mga prutas at muli siyang tinanguan.

Dahil nasa medical field ako noon ay nakagawian na naming sabay kami palagi sa annual physical exam na sinimulan kong iimplimenta kahit sa mga kasama namin sa bahay. Kapag nga naman nasa medical field ka ay health conscious ka pero kahit na wala na ako doon ay gusto ko pa ring ipagpatuloy ang mga nakasanayan namin ni Zydney.

“Good! Hindi mo ba nami-miss ang med school?” Tanong niya pagkatapos ay sabay na kaming naupo sa couch, siya sa harapan ko.

“Sakto lang.” Balewalang sagot ko.

“Hmm, okay.” Anito at pagkatapos ay agad na nanahimik pero nanatili pa rin ang tingin sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil alam kong pinag-iisipan na naman niya ako ng kung ano.

“What?” Hindi ko na napigilang itanong.

Nagkibit siya ng balikat at kinuha ang kanyang bag na nasa gilid pagkatapos ay inilabas doon ang aking camera.

“Your camera.”

Napatitig ako sa bagay ng ilang segundo at tumagal pa. Kung hindi niya pa iyon iginalaw ay baka muli na naman akong malunod sa masalimuot na nangyari.

“Binura mo na?”

She nodded slowly.

“Tinignan mo na ba ulit ang vlogging account mo?”

Kinuha ko sa kamay niya ang camera.

“Hindi pa.”

“Bakit?! Do you have any idea kung ilang views na at ilan na ang subscribers mo?!”

“Hindi ko nga tinignan ’di ba? Kaya wala.” Walang amor kong sabi sabay bukas ng camerang hawak ko. Wala na ngang laman iyon at bagong bago na naman.

Ibinaba ko ang hawak ng marinig ang kanyang malalim na pagbuntong hinga. Sa pag-angat ko ng tingin pabalik sa kanya ay hawak na niya ang kanyang telepono.

“One hundred five thousand subscribers, almost five million views and three hundred thousand plus comments asking about Mr. Right!” She exclaimed.

Pinatay ko ang aking camera at binalewala siya pero hindi nagpaawat si Zydney. Hindi naman talaga siya magpapaawat kaya wala na rin akong nagawa nang magsimula na siyang magbasa ng ilang mga comments doon.

“Ang gwapo ni Mr. Right.” Aniya sa mataas na tonong tila ginagaya ang boses ng nag comment sabay kumpas ng hintuturo para isulat sa ere ang maraming exclamation point.

“This is sad but exciting! Mahahanap pa nga kaya ni KF si Mr. Right?” Sabi niya naman ngayon sa ibang boses at tono gawa ng ibang komento.

Pinagtaasan ko siya ng kilay nang sulyapan niya ako. Alam kong inaatat niya lang ako dahil alam niyang kahit na ayaw ko pa ring intindihin ang malaking kabaliwang ito ay nagiging curious na rin ako kung paano naging ganito kabilis ang lahat.

Napailing ako ng tumawa siya.

“Now this one is funny,” Aniya tukoy sa comment na sunod na babasahin pero imbes na basahin nalang iyon ay tumayo siya at lumipat sa aking tabi pagkatapos ay ibinalandra sa aking mukha ang kanyang telepono para ibahagi sa akin ang gagawin.

“Mr. Right saves Ms. Right and they are both gorgeous! Bagay na bagay!Wala pa bang update KF?!” Napatakip ako ng aking tenga ng marinig ang boses niyang malandi habang sinasabi ang lahat ng iyon!

“Stop it, Zyd!”

“RIP sa buntis pero ako lang ba ’yung nakapansin na sobrang ganda ni Ate? Bagay na bagay talaga kay Mr. Right!”

Napanguso ako dahil imbes na huminto siya ay mas nagpatuloy lang siya sa pagbabasa.

“Ate, sana may next vlog ka pa. Nag-create pa talaga ako ng account para lang masubaybayan ang pangalawang buhay mo kaya sana ipagpatuloy mo pa rin kahit na alam kong trauma rin para sa’yo ang nangyari. I wish you well ate KF. Sana may bagong vlog kaming papanuorin!”

Napabuntong hinga ako. Nang makita ni Zydney ang reaksiyon ko ay doon na siya tumigil sa pagbabasa at inilahad na mismo sa harapan ko ang kanyang telepono.

“These comments are all positive, KF. May mga ilan lang na nangbabash pero normal na ’yun sa mundo ng social media at kapag nabasa mo ’wag kang magpapaapekto, okay? You don’t need to please everybody. Alam mo naman siguro ang rule of life natin, kill them with kindness.”

Tipid ko siyang nginitian. Alam ko naman na iyon kahit hindi pa nangyayari ang lahat ng ito. You can’t really please everyone at kung may mga tao mang hindi ka talaga gusto ay hindi ibig sabihing may mali na sa’yo. May mga tao lang talaga na kahit ano pang gawin mo ay hindi ka gugustohin pero ayos lang ’yon.

Sa buhay kailangan mo nang maging handa sa lahat ng mga posibilidad. Dapat marami kang baong pasensiya, tatag at sandata para sa lahat ng mga bagay na posibleng makasakit sa’yo dahil darating at darating ang araw na masasaktan ka.

Life is not perfect and it will never be. Kung minsan ay mas marami pa ang mga pagsubok kaysa sa kasiyahan pero kahit na gano’n ay dapat maging positibo ka pa rin, at imbes na isipin ang mga kalungkutan ay mas pagtuonan nalang ng pansin ang mga natitirang kasiyahan. Life should be lived with positivity. Mawala na ang lahat huwag lang iyon. Zyd is right, people don’t have to like me and I don’t have to care.

Tipid ko siyang nginitian. Hindi ko na siya nasagot dahil naging abala na ang mga mata ko sa pagbabasa ng mga comments.

Sa kabila ng pagtutol ng isang parte ng aking utak ay taliwas naman ang isinigaw ng aking puso. Parang sa lahat ng nangyari sa akin nitong nakaraan ay ngayon lang ako nakaramdam ng kaluwagan dulot ng saya dahil sa mga nabasa ko.

Zydney is right, people really digs everything that involves romance. Lalo na iyong mga bagay na may kinalaman sa destiny at fate. Ayaw ko mang mabali ang paniniwala ko pero dahil sa ginawa ni Zydney sa videong iyon ay parang gusto kong magdalawang-isip.

Siguro nga kahit paano ay mayroon rin namang fate at destiny, hindi pa man malinaw sa akin dahil talo pa rin ng paniniwala ko ang mga iyon pero sana balang araw ay malaman ko rin. Sana balang araw ay mas luminaw sa akin ang lahat.

Alam kong kalat na sa social media o kahit sa telebisyon ang lahat kaya hindi na rin ako nagtaka nang isang araw ay ungkatin iyon ni Daddy sa hapag.

Dahil sa pagiging abala niya sa negosyo namin ay hindi na rin niya iyon naharap noong unang beses kong sabihin sa kanya ang aksidente kaya ngayong siya na mismo ang nakapanuod ay gano’n nalang ang pag-aalala niya sa akin.

“Karsyn?” Napapitlag ako ng marinig ang baritono niyang boses na pumukaw sa akin sa malalim na pag-iisip.

Pagod ko siyang sinulyapan. Literal nga akong pagod dahil napuyat ako kagabi sa kakabasa ng mga comments sa youtube. Maging iyong mga negatibo ay binasa ko na rin pero hindi ako naapektuhan kahit na isa. Isa pa, mas marami nga roon ang mga mensaheng positibo kaya dinaig ko pa ang nagbasa ng napaka-habang nobela kagabi dahil sa tagal kong nagbabad doon.

“Dad?” Tumuwid ako ng upo at nagpatuloy sa pagkain.

Magana naman akong kumain at umiinom naman ako ng vitamins araw-raw para sumigla pero dahil siguro sa antok kaya wala akong masyadong gana.

“I’m asking if you know the guy. Maybe I can send him a thank you gift for saving you.”

Nginitian ko si Daddy kaya naman napangiti rin siya. Mas lalong nawala ang kanyang mga matang singkit dahil sa ginawa at kung siguro’y nakikita ko lang ang sarili ko ay ganito rin ako ngayon. They say I look like him. Maliban sa kanyang singkit na mata, matangos na ilong at pinkish na labi ay nakuha ko rin ang kutis niya. Gano’n na rin ang kanyang tangkad maging ang petite na pangangatawan. Bilang isang half Chinese ay natural na hindi rin kalakihan ang hinaharap ko pero kuntento naman ako. Hindi ko alam pero ang laking big deal kasi no’n sa panahon ngayon.

My mom has big boobs and she always complain about back pain because of it. Kaya napapailing nalang ako sa tuwing nakakabasa ako ng mga komento tungkol sa pagiging big deal ng dalawang bundok sa dibdib.

Ipinilig ko ang aking ulo para sagutin si Daddy.

“I don’t know him, Dad. Isa pa, okay lang ’yon. Matagal na rin naman.”

“I’m sorry, Hija… I’m sorry kung masyado akong nagiging pabaya ngayon sa’yo. Alam mo naman siguro ang dahilan.” Napawi ang ngiti niya kanina.

Kahit na singkit ang kanyang mga mata ay naaninag ko doon ang matinding lungkot. Naiintindihan ko naman si Daddy at hindi ko rin siya masisisi.

Ang nangyari sa pamilya namin ay parang sumpa dahil sa sunod-sunod na pagkawala nila Mommy at ayaw kong maging makitid sa sitwasyon dahil alam kong hindi iyon madaling tanggapin. Tanging ang trabaho niya lang ang nakakapagbigay sa kanya ng kaluwagan sa isip pagkatapos ng nangyari at ayos lang iyon sa akin. Maayos pa rin naman ako dahil nariyan naman si Zyd na hindi ako iniwan at hindi ako iiwan kahit na ano pa man ang mangyari.

“It’s okay, Dad. I’m okay.” Pinagdiin ko ang aking labi.

Nagkwento nalang ako sa kanya ng mga bagay-bagay. Ikinwento ko na rin kung paano naibalita sa lahat ang videong iyon para lang hindi na siya mag-alala sa akin at sa relasyon namin. I don’t want him to think that he is not a good father to me because of his absence. Kung tutuusin ay malawak ang pang unawa ko at dapat ko pang ipagpasalamat na nagta-trabaho pa rin siya ngayon para sa aming dalawa.

Kung noon ay si Kuya na ang namamahala sa lahat at nagpapahinga nalang sila ni Mommy, ngayon naman ay balik na siya ng trabaho. I understand. Mabuti na ring may pinagkakaabalahan siya kaysa ang magmukmok sa pagkawala nila Kuya.

Nang sumapit ang araw ng schedule namin para sa physical examination ay maaga akong nag-ayos kahit na puyat pa rin ako sa araw-araw na pagbabasa ng mga komento ng mga nakapanuod ng video.

Zyd:

You ready?

Basa ko sa text niya.

Ako:

Oo, saan ka na?

Zyd:

Malapit na. See you!

Ako:

Ingat ka. Baba na ako.

Zyd:

Okay.

Ako:

Nagda-drive ka? O kasama mo si Mang Apeng?

Zyd:

Driving.

Humigpit ang aking kapit sa aking hawak.

Ako:

Zyd, don’t freaking text and drive! Sinabihan na kita!

Inis akong napabalik sa pagkakaupo sa kama dahil sa pag-iisip sa kanya. Kahit naman noon ay ayaw ko na ang gano’ng set-up kaya kung minsan ay napapagalitan ko talaga ang mga driver namin kapag nakikita kong nagpipipindot habang nagda-drive!

Zyd:

Don’t reply if you don’t want me to text back.

Napanguso ako sa nabasa. Gusto ko pa sana siyang pagalitan pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Sa pagdating niya nalang ako babawi.

Hindi naman tumagal ang paghihintay ko dahil mabilis naman siyang nakarating. Sermon ang bungad ko sa kanya at hindi ang nakagawiang yakap.

“Oo na, oo na. Tama ka naman palagi.” Kumunot ang noo ko dahil may tono niya pang sinabi iyon.

“Did you just Salbakuta our conversation?”

Humagikhik si Zydney at niyakap nalang ako.

“Mga inutos mo sa akin di ko sinuway mas sinusunod na nga kita kaysa sa aking nanay.” Seryoso niyang bulong sa akin.

Natatawa akong lumayo sa kanya at mabilis siyang inilingan.

“LSS ka na naman?”

Ngumisi siya at pinagbuksan ako ng pinto bago tumango tango.

“May game kami kagabi na mga malalalim at tagalog tongue twister. Ayun, nauwi ako sa mga rap.”

Sumakay ako sa sasakyan niya at hinintay naman siyang makapasok. Ibinaba niya ang sun visor para sulyapan ang sarili. Ngumiti-ngiti pa siya sa kanyang repleksiyon bago simulan ang pagmamaneho.

Napailing ako ng buksan niya ang stereo kasabay ng paglukob ng rap song sa kabuuan ng kanyang sasakyan. Hindi nawala ang ngiti ko habang pinapakinggan siyang sinasabayan ang bawat kanta habang nasa biyahe kami. Dahil maaga pa ay hindi kami naipit sa traffic. Madali rin kaming natapos sa hospital. Habang palabas doon ay hindi ko napigilan ang mapangiti ng mapait.

Nakaka-miss rin pala ang ganito. Nakasalubong ko pa ang ibang mga kakilala ko at hinintuan pa ako pero hindi para kumustahin at tanungin kung bakit hindi ko na talaga ipagpapatuloy ang mga pangarap ko noon kung hindi para tanungin tungkol sa video na hanggang ngayon ay pinagkakaguluhan pa rin ng lahat.

“In fairness, Karsyn! Napaka-gwapo nga ng lalaking ’yon ano!”

Sabay kaming tumawa ng pilit ni Zyd dahil sa sinabi ng isang doctor na nakiusisa na rin.

“Kayo talaga, Doc!”

“Oo nga, gwapo nga ’yun Karsyn!” Segunda naman ng isang intern.

Dahil naramdaman ni Zydney ang hindi ko pagiging komportable sa sitwasyon ay siya na ang tumapos ng usapan.

Ilang araw lang ang hinintay namin bago balikan ang resulta. Mabilis kong pinasadahan ang lahat ng mga nakasulat doon.

“All normal.” Sabi ko’t nginitian niya.

“Same.” She replied.

Pagkatapos naming makita ang resulta ng lahat ay dumiretso kami sa mall para kumain at mamili pero hindi naman kami inabot ng gabi sa labas. Hinatid niya lang rin ako sa bahay at umalis na rin dahil maaga pa ang klase niya kinabukasan.

Kung minsan ay naiisip ko pa rin naman ang pag-aaral pero kusang nabubura iyon sa utak ko at napapalitan ng isipin kung paano ako napunta sa desisyong huminto. Sa tuwing naiisip ko rin sila Mommy ay nauubos ang pagkainggit ko sa mga patuloy na nag-aaral ngayon.

Tamad kong inilapat ang aking hinlalaki sa screen ng aking cellphone at inangat ang mga komentong tapos ko nang basahin. Tinakpan ko rin ang aking bibig ng mapahikab ako.

This is silly. I’ve been reading comments for the past week. Iyon ang naging pampalipas oras ko. Kung minsan nga ay parang gusto ko nalang ulit kunin ang camera ko at buksan iyon para gawin ang mga request ng iba.

I scrolled through the comments again. Halos pare-parehas naman ang bukambibig ng mga tao at hindi ko na sana bubuksan ang isang comment doon na maraming reply pero kusang umangat ang daliri ko’t pinindot ang mga nakapaloob na reply sa isang comment.

Naputol ang paghinga ko ng mabasa ang unang comment na nakasulat.

FindingMrRight:

Mr. Right’s name is Asher Miguel Vergara Tan! Schoolmate siya ng kapatid ko dati sa CIU!

Wala sa sariling napaahon ako dahil sa nabasa! Daig ko pang tumakbo ng mabilis dahil kahit na hindi ako siguradong iyon nga ang buong pangalan ni Asher pero posible rin naman iyon dahil alam niya ang first two names nito!

Marami ang mga comments tungkol sa pagkakakilanlan ni Asher. Doon na nabuhos ang lahat kuryosidad ko.

Jyrhte:

Totoo ba te? Sa Campbell rin nag-aral si Mr. Right?!

KaLaRaKaRlA:

Lahat talaga ng mga gwapo nasa Campbell! OMG!

FindingMrRight:

Yes. Add me on Facebook, may pinost akong picture niya!

Isinama niya pa sa comment niya ang kanyang personal account. Ilang beses akong napalunok habang pinagmamasdan ang Facebook application ko.

Don’t do it Karsyn! Don’t you dare search for the girl’s profile and look for Asher’s picture! Don’t you dare! Paulit-ulit na pagalit ng utak ko.

Ramdam ko ang pakikipagtalo ng kaluluwa ko sa aking katinuan pero sa huli…

Ilang beses akong napakurap-kurap habang tinititigan ang litrato ng kumpirmadong si Asher Miguel…

Pakiramdam ko ay bumibilis ang pagpintig ng puso ko habang nakikipagtitigan sa kanyang mga matang nakatitig rin pabalik sa akin. This is not an old photo. Hindi ko man alam kung ilang taon na siya pero sigurado akong halos magkasingtanda lang kami. I’m pretty sure we’re both on our twenties.

Inilipat ko ang litrato sa isa pang litratong naka-post at doon na napaawang ang aking bibig. Isa itong litratong wala siyang pang itaas na damit at kitang kita ang kanyang nagmumurang mga abs habang kumikinang pa sa pawis dahil katatapos lamang maglaro ng basketball.

“This is really him,” I murmured. “Asher Miguel Vergara Tan… It’s you.” Lutang kong sambit.

CHAPTER 7

CHAPTER SEVEN

His Purpose Prevails

“What’s your plan na ba, Hija?” Tanong ni Tita Rosel sa akin, ang mama ni Zydney habang nasa hapag kainan kami.

Hindi na ako nakaiwas dahil sila na mismo ang bumisita sa akin dahil ang sabi ni Zyd ay nag-aalala rin ito dahil sa pananahimik ko at sa pagpiling huwag nang ipagpatuloy ang pangarap na maging doctor.

Tinapos ko ang laman ng aking bibig bago siya sagutin.

“Magpapahinga lang po muna Tita tapos bahala na.”

Nagkatinginan si Tita Rosel at ang asawa nitong si Tito Lucio dahil sa naging sagot ko. Wala sa sariling napatingin ako kay Zydney na inilingan ako.

“Mom, nagpapahinga lang si Karsyn. Hindi biro ang trauma pagkatapos ng aksidente. Hayaan na muna natin siyang magpahinga hanggang sa kaya na niyang isipin ulit kung ano talaga ang gusto niyang gawin.” Mahabang pagsalba sa akin ni Zyd.

Nakita ko ang pagtaas baba ng paghinga ni Daddy na mukhang naintindihan at sinang-ayunan kaagad ang pinsan ko.

“Just let her figure herself out, Rosel.” Si Daddy.

“Menardo, this is your daughter’s future. Hindi naman pupwedeng ganyan-”

“Dad!” Maagap na suway ni Zydney sa kanyang ama.

Napapikit ako dahil sa naging takbo ng sana’y masayang pagkakataong ito. Naiintindihan ko naman kung saan sila nanggaling. Noon kasing ginusto kong maging doctor ay sila ang unang sumuporta sa akin dahil naniniwala silang kahit na taliwas iyon sa dapat kong pasukin gawa ng mga negosyo namin ay maganda rin iyon para sa kinabukasan ko kaya ngayong wala na akong plano ay hindi lang si Daddy ang na-disappoint ko, maging ang mga magulang rin ni Zyd.

“Karsyn-”

“Dad, enough already please! Tama na. Can we just talk about something else? Huwag niyo nang pilitin si Karsyn kung anong plano niya dahil hindi niya pa alam, okay? Huwag tayong magmadali at makialam.”

Pinagdiin ko ang aking labi ng sulyapan niya ako gamit ang mga matang punong puno ng pagpapaumanhin.

“It’s okay, Zyd.”

Tinanggal niya ang tingin sa akin at binalingang muli ang mga magulang. I thank God for giving me Zydney. Siya ang dahilan kung bakit malakas pa rin ang loob ko at malawak ang pang-unawa ko sa mga bagay. Alam kong kung hindi rin dahil sa kanya ay baka tuluyan na rin akong nagpakain sa depresyon gawa ng sunod-sunod na pagkaubos ng pamilya ko. Kung wala si Zydney ay hindi ko na alam kung paano pa haharapin ang mga bukas na dumaraan sa akin. I thank God everyday…

Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na nasundan ang pang-uusisa nila dahil sa pinsan ko. Dumiretso naman kami ni Zyd sa aking kwarto at hindi na sila pinakialaman sa pagpunta sa opisina ni Daddy.

Ilang beses humingi ng tawad sa akin si Zyd dahil sa pangingialam ng kanyang mga magulang pero wala akong masabi kung hindi ‘ayos lang at naiintindihan ko’.

Seven million views and unending comments…

Wala sa sariling napatingin ako sa bagay na kinuha namin ni Zydney sa hospital noong isang linggo.

Muling pumasok sa isip ko sila Mama. Umulit sa utak ko ang mga katagang ‘Life is short’ at ang mga katanungang ano ba talaga ang gusto kong ma-achieve sa maiksing buhay na ito.

Tama si Zyd. Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na plano ko nang gawin bago pa ang aksidente, paano ko pa malalaman kung ano talaga ang purpose ko sa mundo? Hindi ko na rin madidiskubre kung ano ang mga bagay na tunay na magpapasaya sa akin.

Paano ko nga naman malalaman kung mananatili ako rito sa kwarto ko’t magmumukmok nalang at hintayin ang himala na isang araw magiging okay ako?

Huminga ako ng malalim at binitiwan ang aking telepono bago puntahan ang aking laptop. Ilang minuto akong natulala doon at hindi na alam ang gagawin. Lumipad ang aking mga mata sa camerang nasa gilid nito.

Nang mahawakan ko iyon ay wala sa sariling napapikit ako. Sa ilang linggong pagbabasa ko ay tila umulit sa aking utak ang mga komento ng taong nakapanuod sa video na pinost ni Zydney sa aking youtube account. Ang mga positibo nilang mensahe at mga encouraging words na tuluyan nang nagpadilat sa akin kasabay ng pagbukas ng aking camera.

Kinuha ko ang maliit na tripod sa aking drawer at inayos doon ang bagay saka in-on. Ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa aking camerang ngayon ay alam kong nagri-record na.

Pinagdiin ko ang aking labi. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan at ang panlalamig ng aking mga kamay pero wala na akong inisip kung hindi ang gawin ang dapat noon ko pa inumpisahan.

“H-Hi… It’s KF…” Umayos ako ng upo at inayos rin ang aking buhok bago ngumiti sa camera.

“Honestly, I don’t know what to say to you guys…” I paused.

Iginalaw ko ang akin mga kamay pagkatapos ay muling nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Sa muling pag-angat ko ng tingin ay nasipat kong muli ang bagay na nasa ibabaw ng aking bedside table gamit ang lente at doon na ako tuluyang nagkaroon ng sapat na lakas upang muling magpatuloy.

“I’m sorry if I went MIA after the accident. Tama kayo, na-trauma ako at hindi magandang experience iyon lalo na’t bago sa akin ang lahat… I’m not really good at this. Ang video na napanuod niyo ay para lang sa pinsan ko at hindi ko akalaing malalagay rito but anyway…” Huminto akong muli para kumuha pa ng tamang mga salita sa aking utak.

I don’t know how to do this properly o kung may guidelines man para sa tamang pagba-vlog. Unang una ay hindi ako mahilig mag-video o kahit na kunan ng litrato ang aking sarili ngunit sa kabila ng mga balakid ay nakita ko nalang ang sarili kong nagpapatuloy sa pagku-kwento kung paano at kung gaano kabilis binago ng aksidente ang buhay ko.

Ilang beses akong nagpaumanhin at nanghingi ng tawad sa mga pamilya ng nasaktan kahit na malinaw na sa aking wala akong kasalanan. I still want to say sorry for what happened.

“And about Mr. Right…” Hindi ko mapigilan ang mabaliw nang maisip ang parteng ’yon.

Kung hindi naman talaga sa ginawa ni Zydney ay hindi magiging ganito ka-romantiko ang magiging kalabasan ng trahedya pero ano pang magagawa ko? It’s all in my face now. Narito na ang lahat at nasa sa akin na kung paano iha-handle ang lahat.

“I don’t know him at hindi ko na alam kung nasaang lupalop na siya ng mundo sa mga oras na ito. Hindi ko rin alam kung mahahanap ko pa siya para man lang pasalamatan ulit kaya dito nalang ako magpapasalamat,” I swallows the lump on my throat and smiles at the camera. “Thank you Asher Miguel… Thank you for saving my life.” Buong puso kong sambit.

I ended my message with a thank you. Iyon lang. Para lang akong may in-announce sa harapan ng madla na sanay naman akong gawin dahil ilang beses akong naging presidente noon sa school.

I don’t know what to expect. Honestly, kahit na ang tingin ng lahat ay vlogger na nga ako, parang malabo pa rin iyon sa aking utak.

Hindi ko na hinintay pa si Zydney para i-edit ang ginawa kong video. Napaka-plain man no’n pero wala na akong ginawang touch-up. Gusto kong raw ang lahat dahil ang mensahe ko ay totoong galing mismo sa kaibuturan ng aking puso. No filter at walang matamis na dagdag na salita.

Sa pag-click ko ng upload button ay naputol ang aking paghinga. Hindi ko man naiisip ang mga sasabihin ng tao pero wala na akong pakialam dahil pagkatapos ng lahat ng mga sinabi ko ay naramdaman ko kaagad ang pagluwag ng aking dibdib.

Pakiramdam ko ay malaking bigat ang natanggal sa akin. Hindi ko na hinintay na matapos ang pag-upload no’n. Tinulungan ko nalang ang lahat dahil parang ito na ang pinaka-makabuluhang araw ko sa loob ng ilang linggong pananahimik.

Kinabukasan ay inasahan ko nang marami ang manunuod no’n pero hindi ko inasahang sa pagdilat ng aking mga mata ay naroon na si Zydney at nakatunganga sa harapan ng aking laptop.

“Zyd…” Pupungas-pungas akong umupo sa kama at kinusot ang aking mga mata para maaninag siya ng mas mabuti.

Sa pagtanggal ko ng aking kamay ay palapit na siya sa akin habang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi!

“You’re making me proud, Karsyn!” Inangat niya sa akin ang kanyang telepono at ipinakitang sa kada-refresh niya no’n ay dumaragdag ang mga views ng bago kong video na lumagpas na rin sa isang milyon.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Alam mo bang sa sobrang sikat mo at sa suporta ng lahat sa’yo ay pwede mo nang gawin ang lahat ng plano mong libutin ang buong Pilipinas maging ang buong mundo gamit ang sarili mong pera? You can now travel and earn money because of this, Karsyn!”

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

“Ano?”

Ipinakita niya sa akin ang lahat ng ginawa niyang paraan para ma-monetize ang mga videos ko nang sa gayon ay kumita ako ng pera.

“You can spend your own money, Karsyn. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho o manghingi ng pera kay Tito Menardo! Ito na ang trabaho mo ngayon! You’re officially a vlogger!”

“Hey wait! What?!”

Inulit-ulit niya simula sa umpisa ang mga sinabi habang ako ay nagsimula naman sa pagbabasa nga mga comments na halos lahat ay positibo pa rin at hindi kuntento sa mga sinabi kong pasalamat lang kay Mr. Right.

Parang gusto kong batukan ang sarili ko para magising sa kabaliwan nang makita ang thread na nagmistulang petisyon upang hanapin ko si Mr. Right!

“Have you read this?”

Sinulyapan ni Zyd ang hawak ko pero imbes na sumagot ay ipinatong niya ang kanyang telepono sa aking hawak. Nakita ko doon ang isang Facebook page na may pamagat na ‘Help KF finds Mr. Right’.

“What the hell, Zyd!”

“Yeah, just what I thought!

Natataranta akong napatayo at agad na tinungo ang aking laptop para siguraduhin ang mga ipinakita niya pero mas lalo akong nagulat dahil hindi lang iisang page iyon. Marami at iba-iba pa!

Lutang akong napaharap ulit kay Zyd.

“Anong gagawin ko?! Zyd, this is a mistake-”

“No!” Tumayo siya at hinila ako pabalik sa kama. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pagkatapos ay sinabayang kalmahin ang sarili. “Karsyn, this is what fate wants you to do-”

“Zyd-”

“Shut up and let me finish!” Ang lahat ng pagtutol ko ay muling nalunod sa aking lalamunan dahil sa determinasyon niyang patahimikin ako. “This is your life now. Alam mo ba kung ilang tao ang gustong maging sikat gaya mo na halos gawin na ang lahat pero hindi pa rin binibigyan ng chance?!”

“Pero ayaw kong sumikat-”

“You already are! Look, sana maisip mo naman ’yung mga taong pangarap ang kung anong mayroon ka ngayon. Don’t take things for granted. Ito na ang buhay mo. You are now destined to share your happiness with the world. Hayaan mo ang sarili mong dumiskubre ng mga bagay na siyang totoong magpapasaya sa’yo! Ngayon hindi mo na kailangang matakot,” Inangat niya pabalik sa mukha ko ang kanyang telepono.

“Hindi lang ako ngayon ang kasama mo, marami na kaming susubaybay at gagabay sa’yo. People loves you, Karsyn. Let them help you find your peace and joy. Hindi ka na nag-iisa ngayon.” Pag-uulit niya sa huling kataga sa mas makahulugang tono.

Nagpatuloy ang pangungumbinsi sa akin ni Zydney at ang pagpapaintindi niya sa akin simula sa umpisa ng nangyari.

She said that it’s what was written in my book of life. Iyon ang sinasabi ng tadhanang gawin ko.

“Jerimiah 29:11, For I know the plans I have for you, declares the Lord. Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” Aniyang nagpatayo sa lahat ng aking balahibo sa katawan!

“Zyd…”

“Proverbs 19:21, Many are the plans in a person’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails.”

Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib kasabay ng pagkawala ng isang malalim kong paghinga. Mabilis ang naging pagkalampag ng aking puso dahil sa mga sinabi ngayon ni Zydney. Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pangingilid ng aking mga luha sa hindi malamang dahilan.

Sa pag ngiti ni Zydney sa akin ay siyang pagtulo ng mga luha ko sa hindi ko malamang dahilan. Her words hit me. Ramdam ko, tagos sa akin ang lahat ng iyon at hindi ko maipaliwanag.

Lumapit siya sa akin at madali akong niyakap.

“You’re now making people happy Karsyn, so please don’t stop… This is your purpose, you are destined to make people happy and even believe in love. Kahit iyong mga malabong mangyari. You’re giving them hope,” Lumayo siya sa akin at pinunasan ang aking mga luha. “Please continue making people happy… Pati ikaw, alam kong simula palang ito kaya huwag kang huminto. Siguro hindi pa malinaw sa ngayon pero balang araw malalaman mo rin ang lahat ng rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Kung bakit biglaan ang naging pagbabago ng buhay mo… This is your second chance in life so please don’t waste it.”

Now I’m convinced. Hindi ko rin maintindihan pero isang bagay ang pinaka-malinaw sa akin ngayon, nakakapagbigay na ako ng saya sa ibang tao. Isn’t that enough? I’m making people happy…

Pinagdiin ko ang aking mga labi at emosyonal siyang tinanguan.  

“P-Pwede mo ba akong turuan kung paano magsimulang magpasaya?”

Lumawak ang ngiti niya at muli akong niyakap ng mas mahigpit kumpara kanina! Sa paglayo niya ay excited niyang kinuha ang kanyang planner at ball pen, hinayaan ko siya.

“First, you need to ask yourself kung anong klaseng influencer ang gusto mong ma-achieve? Anong gusto mong ibahagi sa mga tao? Anong gusto mong matutunan nila galing sa’yo?”

Nablangko ako ng ilang segundo dahil sa lalim ng tanong niya.

“Because not everyone is a good vlogger. Mayroong kasikatan lang ang gusto o pera. Maraming content na wala namang substance, walang aral, walang kwenta in short. So do you want to be that kind of influencer? Iyong walang kwenta?”

“Of course not!”

Ngumisi siya at nagsulat ng kung ano.

“Okay, so tell me what is going on your mind when you hear the word influencer?”

Inayos ko ang aking sarili sa kanyang harapan.

“Good things. You’re like a role model to this generation and honestly, wala man akong alam kung paano magwo-work ’to at kung paano sila matututo sa akin pero susubukan kong bigyan sila ng kasiyahan sa ngayon. Kahit iyon nalang muna. I’m still learning, I have so much to learn…”

Sinulat ni Zyd ang lahat ng sinabi ko, or baka iyong mga highlights lang.

“This is a good start. Be a source of happiness and positivity, I like it.”

Napangiti na rin ako dahil kahit paano ay marami nang nabubuo sa aking utak. Nagpatuloy ang mga plano naming panimula. Marami siyang ideya sa mga content na dapat kong gawin pero unang una roon ang paghahanap kay Mr. Right. Hindi man iyon ang unang plano ko pero ipinaliwanag niya namang iyon ang gustong makita ng tao sa ngayon at pagkakataon ko na ring magpasalamat sa kanya kaya hindi na ako tumutol.

Zydney created another twitter account na madali namang nasundan ng mga tao. Lahat ng social media account ko ay ginawa na rin niya para sa akin.

“KarsynFSy, same lang lahat ng username kahit sa twitter. We can create polls there para sa mga content na gusto nilang makita sa’yo.”

Tumango tango lang ako at pinakinggang muli ang mga idea ni Zydney hanggang sa maalala ko kung bakit ako umalis sa Med-school, kung ano ang gusto kong matagpuan at asahan sa mga susunod na bukas sa buhay ko.

“Actually…”

“Hmm?” Itinigil ni Zyd ang pagsusulat pagkatapos ay buong atensiyon akong binigyan ng pansin.

“Aside from making people happy, I also want them to realize how short life is,” Tulala kong sambit pagkatapos ay inangat na ang tingin sa kanya. “I want them to realize how fast the clock ticks. How fast life happens in front of us… I want them to change their mind set about doing the things that should matter the most. Their joy, their peace and contentment. Gusto kong ipaintindi sa abot ng aking makakaya kung paano gawing mas makabuluhan ang maiksing buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos at huwag itong i-take for granted.”

Nakita ko ang paglunok ni Zyd at ang tuluyan niyang pagtabi sa kanyang hawak para pakinggan ako.

“Changing your career or even your lifestyle is hard. Sa buhay hindi natin magagawa lahat lalo na kung marami tayong responsibilidad. May mga taong ipinagpapalit nalang ang totoong kasiyahan dahil sa kakulangan ng pera. Some people stop pursuing their ambitions and dreams not because they are losers but because they choose the most practical way in the eyes of our society. May mga taong ginagawa nalang ang pagta-trabaho kahit na labag iyon sa kanilang mga kalooban dahil sa maraming dahilan. Some people are lucky to have the opportunity to do the things that they really want to do in life pero kadalasan hindi gano’n. Mahirap ang buhay pero marami pa ring paraan para makamit iyon. Marami pa ring paraan upang hindi sukuan ang mga bagay na alam nating totoong magpapasaya sa atin.”

“I know…” Malungkot na sambit ni Zydney.

“I want that, Zyd. Gusto kong maintindihan nila kung gaano kaiksi ang buhay para gawin ang mga bagay na napipilitan lang silang gawin at hindi nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan. I want them to realize that they deserve to do things that will make them truly happy, or maybe help them find their joy. Because life is being a business partner of God. You pray and ask for things that you want in life and he’ll give you fifty percent of that at ang kalahati ay nasa sa’yo na para isakatuparan ang lahat ng mga kahilingan mo.”

“Hard work and faith.” Pagsang-ayon niya.

Ganado niyang kinuha ang kanyang planner para muling magsulat. Napangiti ako dahil alam kong marami na kaming nabubuo sa pag-uusap na ito.

Hard work and faith… No, Hard work and faith to God. Muling bulong ng aking utak.

CHAPTER 8

CHAPTER EIGHT

Habang Buhay May Pag-asa

Pagkatapos ng lahat ng plano namin ni Zydney ay nagsimula na ako sa pag-upload ng aking mga video kung saan unti-unti kong ipinapakilala ang aking sarili at sinasagot ang mga katanungan ng ilan sa comment section.

“I’ve decided…” Sandali akong natigil para huminga ng malalim. “The day after tomorrow will be the start of my vlogging career. I know. It’s weird because I’m already into this pero hindi pa kasi siya totally na nagsi-sink in sa utak ko. I don’t know if my next videos will still entertain you guys but I will try.”

Umayos ako ng upo. Inayos ko rin ang aking buhok bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

“It’s official. Dahil sa mga requests ninyo, sa mga susunod na bukas ay sisimulan ko na ang paghahanap kay Asher,” Itinaas ko ang aking magkabilang kamay upang kumumpas ng quotation marks. “Or Mr. Right. But you guys… I don’t want to romanticized everything because I personally don’t know the guy and his life so let’s don’t expect for anything, okay? Isa pa, Oh God I hate to say this but to be honest, I’m not really after any relationship right now. Yes I may have been single since forever but I don’t think that I want to be in that position because there’s so much going on in my life right now. Marami rin akong gustong gawin at wala sa listahan ko ang pagkakaroon ng boyfriend at ayaw ko rin kayong paasahin. Gagawin ko lang ito dahil unang una, request ninyo at pangalawa ay gusto ko siyang pasalamatan ulit.”

Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita na hindi ko na naiisip na weird ang ginagawa ko. Pakiramdam ko kasi sa tuwing ginagawa ko ito ay para na akong mayroong kaibigang mahihingahan ko sa lahat ng problema ko sa buhay.

Pagkatapos kong mag film ay in-upload ko rin iyon kaagad at gaya ng mga nauna, marami pa ring tumangkilik doon. Nakakamangha man na ganito kabilis pero gaya nga ng sabi ni Zydney, dapat ay ipagpasalamat ko nalang ito dahil totoong biyaya ito para sa akin.

Pagkatapos kong mag film ay pinuntahan ko naman si Daddy sa kanyang opisina para sabihin na ang mga plano ko.

“Karsyn…”

Napalunok ako ng marinig ang bagsak niyang boses nang matapos ako. I know this is hard for him but what can I do?

“Daddy, this is what I want to do right now.”

Nakita ko ang marahas na pagbuntong hinga niya habang ang kanyang mga mata ay nakitaan ko na rin ng pagkabigo.

“What have I done, Karsyn? Alam kong marami akong pagkukulang-” Mabilis akong tumayo para tumabi sa kanya kaya natigil siya sa pagsasalita.

“This has nothing to do with you, Dad. Ito lang talaga ang gusto kong gawin sa ngayon. I know hindi madaling tanggapin sa ngayon na ito lang ang gusto ko. Na road-trip at liwaliw lang sa ngayon ang plano ko sa buhay ko but this is what I really want.”

Nakipagtitigan ako sa kanyang mga matang puno pa rin ng lungkot.

“I’m sorry if I failed to be your father, Karsyn.”

“Dad, hindi!” Maagap kong sagot. Pinilit kong ngumiti kahit na sa totoo lang ay bigla akong nalungkot dahil sa pagtingin niya ngayon sa kanyang sarili. “Daddy, you are an amazing father to me and I wouldn’t trade that for anything. Huwag mong isipin na kaya ako ganito ngayon dahil nawalan ka ng oras sa akin at hindi ako natutukan. Hindi, Dad. It’s just that there’s so much going on in my life right now and I won’t get answers if I just stay here. I need to be out there, Dad. I need to explore things on my own and discover myself more. Walang kinalaman ang pagiging busy mo sa desisyon ko, okay?”

“Hija…” Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ng marahan ang aking buhok.

“I’m not asking your permission, Dad. Narito ako para magpaalam sa’yo but we’ll still get in touch, okay? You can call me if you miss me at ako rin. Tatawagan kita palagi kasi palagi naman kitang nami-miss.”

Naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha ng yakapin niya ako at halikan sa aking buhok.

“Patawarin mo pa rin ako dahil sa mga pagkukulang ko. Marami akong pagkukulang lalo na sa’yo, Karsyn.”

“I’m fine, Dad… You raised me well. Kaming lahat.”

Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap kaya imbes na dagdagan pa ang sasabihin tungkol sa pamilya namin ay niyakap ko na lamang siya.

“Ayos na?” Nakangiting tanong ni Zydney sa akin tungkol sa aking mga gamit pagkatapos ng pinal kong desisyon.

Ngumiti ako at tumango.

“I’m all set.”

“Are you sure you don’t want me to come with you?”

Umiling ako kaagad. Ngayong araw ang araw na tuluyan ko nang babaguhin ang aking sarili. Change may be difficult pero alam kong doon tayo mas matututo.

“Sure?”

“Sure na sure. Kaya ko, Zyd.” Tinapik ko ang kanyang balikat pero imbes na mawala ang pag-aalala sa kanyang mukha ay mas lalo ko lang iyong naaninag.

Napangiti ako ng bigla niya akong yakapin. Hinaplos ko ang kanyang likod.

“Para naman ’tong sira. Hindi naman ako lalabas ng bansa. Tsaka araw-araw pa rin naman tayong mag-uusap. Isipin mo nalang na nasa school ako or something kaya hindi na muna tayo magkikita, okay?”

Kumawala siya sa akin. Gustohin man niyang samahan ako pero may natitira pa siyang klase ngayon kaya hindi pa pwede. Tinalikuran ko siya saglit para isara ang likuran ng aking sasakyan. I’ll be driving today and probably for the rest of my life. Iyon ang plano sa ngayon.

Hindi na nagtagal ang pagpapaalaman namin ni Zyd. Umalis na rin ako. Si Daddy naman at tinawagan ko nalang bago tuluyang magmaneho. Itinaas ko ang volume ng kanta sa loob ng aking sasakyan pero nang may maalala ako ay sandali kong itinabi ang aking sasakyan sa gilid bago lumabas sa village. Kinuha ko ang aking camera at masaya iyong binuksan.

“Hi it’s KF and it’s day one of our operation find Mr. Right! Katatapos kong lang magpaalam sa mga mahal kong nasa bahay and now I’m on my way to Batangas because someone message me about Asher’s possible location…” Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

Hindi na ako nagduda sa mga nagsabing naroon siya ngayon dahil alam ko namang nasa Batangas lang ito gaya nang sabi niya nang gabing inihatid niya ako. Madali rin akong nakakuha ng idea sa kanyang pagkakakilanlan gawa ng internet.

I ended the video after I told them that I’m now driving. Habang nasa daan ay hindi nawala ang ngiti ko. Sa bawat pagtapak ko sa gas ay ramdam ko ang paglakas ng tibok ng aking puso dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumibilis ako sa kalsada ng ganito. Ang lahat ng pag-iisip kong negatibo ay isinantabi ko nalang para magawa ng maayos ang pagmamaneho.

I shot some videos on the car. Mga clips lang para maidagdag sa kabuuan ng vlog at para na rin hindi ako ma bored sa daan. Sa haba ng biyahe ay naka-ilang stop over ako hindi para mag bathroom break kung hindi para ipagpatuloy ang pagva-vlog.

Imbes na mag take-out ay pinili ko ring um-order at kumain ng mag-isa na ni minsan sa dalawampung taon ko sa mundo ay hindi ko nagawa. I can’t help but to feel proud of myself. Siguro kung narito si Mommy at sila Kuya ay matutuwa rin ang mga ’yon sa mga nagagawa ko para sa sarili ko.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ang pagsasalita ng app na malapit na ako sa aking destinasyon. Pasimple kong sinulyapan ang aking telepono pero bago ko pa iyon makuha ay namatay na iyon.

Inis kong tinampal ang manibela dahil ngayong tuluyan na iyong nawalan ng baterya ay wala na akong guide papunta sa resort na ’yon! Minabuti kong hintuan ang isang matandang naglalakad sa gilid ng kalsada habang buhat ang isang sako ng kopra.

Ibinaba ko ang salamin sa kanyang gawi.

“Hello po tatay! Magtatanong lang po sana…” Panimula kong hindi ko alam kung tama ba dahil mukha na siyang hirap na hirap tapos iistorbohin ko pa ngayon!

Hirap niyang ibinaba ang kanyang hawak at nag-inat bago ako bigyan ng atensiyon.

“Pwede po bang magtanong kung saan ang Paraiso De Vergara Tan? Malapit na po ba ako?” Kumurap kurap siya sandali habang mukhang inaanalisa ang sinabi ko pero hindi naman iyon nagtagal.

Agad siyang tumango.

“Aba’y oo! Medyo malapit ka na nga, hija. Pagliko mo diyan sa kurba ey dire-diretso ka na laang! Makikita mo roon iyong resort ng mga Tan. May mga paskil doon at hindi ka na maliligaw.” Magiliw niyang sabi.

“Salamat po!”

“Walang anuman!”

Nginitian ko siya pagkatapos ay inangat na ulit ang bintana para magpatuloy na. Nagsimula na ulit akong mag-driver pero ang aking mga mata ay imbes na sa daan na tumitig ay naiwan iyon sa matandang ngayon ay nahihirapan nang buhatin ang kanyang sakong dala kanina. Imbes na magpatuloy ay inilagay ko iyon sa reverse at ibinabang muli ang salamin para balikan si Tatay.

Nang makita niya ulit ako ay muli niyang ibinaba ang kanyang sakong hirap na binuhat kanina.

“May katanungan ka pa?” Sa pag-inat ng kanyang katawan ay naramdaman ko na ang pagka-guilty.

Isa akong malaking istorbo sa buhay niya.

“Sorry ho, ha? Pero itatanong ko nalang rin ho kung saan ba kayo papunta? Sabay na po kayo sa akin.”

Agad siyang umiling.

“Hindi na. Kaya ko na ito-”

“Sige na po! O kaya ituro niyo nalang po sa akin ang resort tapos ihahatid ko kayo. Malabo na po kasi ang paningin ko, baka malagpasan ko.” Nagmamadali akong bumaba sa kabila ng mga pagtutol niya.

“Sige na po!” Binuksan ko ang likod ng aking sasakyan pero nanatili siyang nakatayo at hindi sigurado sa gagawin.

“Sigurado ka ba? Madudumihan ang sasakyan mo. Aba’y mukhang bagong bago pa are.”

“Okay lang po!” Lumapit ako sa sako at akmang hahawakan na iyon pero mabilis niya akong sinaway at pagkatapos ay wala nang nagawa kung hindi ang pagbigyan nalang ako.

Nang maayos na niya sa likuran ang sako ay pinasakay ko na rin siya sa aking tabi. Halata man sa kanya ang hiya dahil siguro sa kanyang ayos at hitsurang pawis na pawis pa pero hindi ko siya hinayaang maramdaman iyon. Simple man ang gagawin ko ngunit ramdam ko ang tuwa sa aking puso kaya alam kong tama lang ito. Isa pa, Tatay is definitely too old to do such work like this.

“Araw-araw niyo po bang ginagawa ito?” Tanong ko pagkatapos niyang ibigay ang kanyang direksiyon at maibalik ko ang aking sarili sa pagmamaneho.

“Oo.”

“Buti ho kaya niyo pa?” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa daan.

Payak siyang natawa sa tanong ko na parang palagi na niyang naririnig.

“Wala naman akong pagpipilian. Kailangan pa ring magtrabaho kahit matanda na dahil kung hindi ay wala kaming kakainin ng asawa ko.” Aniyang parang may agad na humaplos sa aking puso pero mas lalo akong naapektuhan sa sunod niyang sinabi.

“Wala rin akong naging anak kaya kaming dalawa nalang ng asawa ko ngayon ang magkasama sa buhay,” Napalunok ako ng marinig ang lungkot sa kanyang boses. “Kailangang magtrabaho lalo na’t kailangan ng pambili ng gamot namin ni Misis.”

“P-Po? May sakit po kayo?”

Marahan siyang tumango.

“Mga sakit dahil sa katandaan lang itong sa akin pero iyong sa Misis ko ang malala. Matagal na siyang nasa higaan nalang. Hindi na makatayo at makakilos. Wala namang pang pagamot kaya tumagal nalang nang gay’on,” Sinulyapan niya ang koprang nasa likuran ng aking sasakyan. “Are ang ikinabubuhay naming dalawa kaya pag tumigil ako, ano nalang ang mangyayari sa amin? Mamamatay kaming parehas sa gutom.”

Napahugot ako ng malalim na paghinga.

“K-Kaya niyo pa po ba? Wala po ba kayong malapit na kamag-anak o sinong pwede kayong matulungan?”

Ngumiti siya at pagkatapos ay umiling.

“Ganire ang buhay na ibinigay sa akin hija at wala akong dapat gawin kung hindi ang tanggapin are. Kayang kaya ko pa naman. Sabi nga hindi ba? Habang buhay ay may pag-asa? Kailangan ring kayanin dahil kung susuko ako, ano pang mangyayari?”

Tumango tango nalang ako. Sa bagal ng pagmamaneho ko ay ang ilang minuto lang sanang paghatid kay Tatay ay umabot ng ilan pang minuto. Sa lahat ng mga sinabi niya tungkol sa hirap ay marami akong naisip. Maliban sa maiksing buhay, naisip ko rin kung gaano ito ka-unfair kung minsan at totoong may mga sirkumstansiyang hindi kailanman malalagpasan.

“Iyan ang resort hija at doon lamang ako sa kanto.” Aniya nang malagpasan namin ang pakay ko.

Hinatid ko si Tatay na walang humpay ang naging pasasalamat sa akin bago ko balikan ang resort. This is just my first day pero parang ang dami ko nang natututunan sa pakikipag-usap sa ilang taong malayo sa buhay na nakagisnan ko.

Huminga ako ng malalim ng makita ang ngayo’y malaking pangalan ng resort. Muli kong kinunan ang lugar para maisali sa video bago magpatuloy.

Lumiko ako papasok doon pero wala pa man ako sa bukana ay agad na akong naalarma ng makita ang dalawang security guard na nagkukumahog para lang pigilan ako.

Ibinaba ko ang salamin sa aking gawi ng matapat ako sa isa.

“Saan ho kayo Ma’am?”

“Dito ho, Kuya.” Pakiramdam ko ay nagtutumalon ang aking puso lalo na’t umibis na rin ang isa sa gawi ko.

“Ano hong kailangan ninyo rito?”

Dalawang beses akong napalunok dahil hindi ko alam kung paano sasabihin kung ano ba talaga ang pakay ko.

Should I say that I’m looking for Mr. Right? Baka batutain nila ako! Oh my God, hindi ko napaghandaan ito! Nang mahagip kong muli ang sign ay nakaisip ako ng kasinungalingan.

Taas noo akong ngumiti at confident na nagpatuloy sa pagsasalita.

“May booking ako rito ngayong araw. Paraiso De Vergara Tan,” Tinuro ko pa ang sign ng resort pero agad na napahigpit ang kapit ko sa manibela dahil imbes na papasukin nalang nila ako ay mas lalo lang nila akong sinamaan ng tingin!

Tumikhim ako at ipinagpatuloy pa rin ang kasinungalingan kahit na sobrang lakas na ng kaba ko’t nanlalamig na rin ang mga kamay ko! Oo nga at wala naman akong booking pero bahala na mamaya sa reception! Hindi naman siguro peak season ngayon kaya sigurado akong may kwarto pa rin sila. I just need to find Asher so that people can move on. Ako rin!

“Late check in po ako. Na-traffic kasi pero wala naman sa booking confirmation na bawal na ang late check-in ’di po ba?”

Nagkatinginan ang dalawa. I swear, this is the worst conversation I had. Ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makipag-usap sa mga security guard, ano pa kaya ang magpaliwanag sa kanila ng ganito?

“Kuya, sige na. Pagod na kasi ako at kailangan ko nang magpahinga-”

“Private property po ito Miss. Wala pong early o late check in rito.”

Ang lahat ng tapang at tatag ko kanina ay mabilis na napawi at napalitan ng matinding kahihiyan dahil sa sinabi ng isa! Parang gusto ko nang maglaho agad agad pero ang natitirang tapang sa akin ay kusa akong inudyukan para magsalita ulit ng kabaliwan!

“But this is Asher Tan’s property, right? Dito ko siya mahahanap?”

Natawa ang isa dahil sa sinabi ko.

“Sabi ko na nga ba, e! Isa ka rin sa kanila! Miss, kung ako sa’yo tigilan mo na ang paghahanap kay Sir Asher dahil imposibleng makita mo ’yon rito.”

“Oo nga. Hindi niyo ’yon makikita rito.”

“Bakit hindi? Hindi na ba siya nakatira dito?” Pilit kong tanong sa kabila ng mga sinasabi nila’t malakas na kalampag ng puso ko.

I need to find Asher kahit na mukha akong desperada ngayon sa harapan ng dalawang ito! Para sa mga tao! Para sa mga umaasang makikita ulit si Asher!

“Dito pa rin naman pero-”

“Pare!” Mabilis na naitikom ng isa ang kanyang bibig.

“Hindi na dito! Sige na Miss at nakaharang kayo sa daan! Baka masibak pa kami rito. Alam naming taga-hanga niya kayo pero ang utos sa amin ay walang papapasukin kahit isang maghahanap kay Sir Asher.”

Nanlaki ang mga mata ko at dahil sa narinig ay parang nabigyan ako ng pag-asa. Tama! Hindi lang ako ang naghahanap kay Asher! Sa pagsikat ng video ay alam kong marami na ring naghahanap sa kanya at hindi malabong napanuod na rin nitong dalawa iyon!

“Napanuod niyo ’yung video?!”

“Oo. Sige na ma’am. Alis na kayo.”

Kinatok niya ang sasakyan ko.

Inayos ko ang aking upo para humarap sa kanila ng mas maayos. Kahit na wala sa personalidad kong nagpapa-cute ay ginawa ko pa rin, baka sakaling makilala nila ako.

“Kuya! Hindi niyo ba talaga ako kilala?” Ipinilig-pilig ko ang aking mukha sa kanilang harapan at patuloy na ipinaskil ang matamis na ngiti pero parang mas lalo lang yata silang nairita sa akin.

“Sige na ho!”

Parang gusto kong batukan ang sarili ko ng mapakindat pa ako sa isa! What the hell!

“No offense Miss ganda pero taken na ho kaming dalawa. Pasensiya na talaga kayo ma’am pero mahal ko ang asawa ko.”

Nalaglag ang panga ko sa narinig pero dahil mukhang naubos ko na ang pasensiya nila sa akin ay wala na akong nagawa kung hindi ang iangat ang bintana at umalis gaya ng utos nila pero hindi ako lumayo sa lugar.

Nag-park ako sa hindi kalayuan, umaasang makita ko si Asher doon! I’m sure na kilala niya pa rin naman ako! Ilang buwan pa lang naman ang nakalipas!

Mabuti nalang at marami akong nabiling pagkain dahil kung hindi ay gutom ang inabot ko. Namatay nalang rin ang camera sa paghihintay ko sa lalaking ’yon at dumilim nalang rin ang paligid pero bigo ako. Ni hibla ng buhok nito ay hindi ko nasilayan. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga at nagpasya nang umalis nalang. Gabi na rin at kailangan ko pang maghanap ng resort na malapit lang rin rito para tuluyan.

Ikinabit ko ulit ang aking seat belt bago maniobrahin ang sasakyan palayo. Nang matapat ako sa lugar ay naroon pa rin ang dalawang lalaki na bantay sarado ang lugar. Napabuntong hinga ako.

“Ang dadamot naman kasi!” Bagsak ang balikat kong itinuon sa daan ang mga mata pero bago pa ako tuluyang makalayo ay nahagip na nito ang isang itim na SUV na umibis papasok sa loob pero dahil sa bilis ng takbo ko ay madali rin iyong nawala sa aking paningin!

Is that him?! Pinapasok ang sasakyan na ’yon at ibig sabihin lang no’n ay Tan o Vergara ang sakay!

Gigil kong tinapakan ang gas. Nakakainis! Akala ko kapag nandito na ako magiging madali lang lahat! Ngayong bantay sarado pala ang resort na at gano’n na rin siguro si Asher, paano pa ako makakalapit sa kanya?!

Walang humpay ang pagkawala ng malalalim kong buntong hinga. Habang lumiliko sa isang resort na malapit lang rin sa inalisan ko ay naisip kong muli ang mga sinabi ni Tatay Tensio kanina, ‘Habang buhay ay may pag-asa .’ Narito na rin ako at hindi ako titigil sa paghahanap kay Asher!

Hindi bale, may bukas pa. Maraming marami pa!

CHAPTER 9

CHAPTER NINE

Santong Paspasan At Santong Dasalan

Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda kung paano malulusutan ang mga lalaking iyon at kung paano magtatagpong muli ang landas namin ni Asher Miguel.

Suot ang isang puti’t simpleng t-shirt, itim na pantalon at puting sneakers ay tumulak na ako. Ang aking mga gamit ay iniwan ko nalang sa resort kung saan ako naka check in. Tanging telepono lang ang dala ko at ang aking camera.

Hindi na ako kumain ng breakfast dahil baka magkasalisihan kami ni Asher. Isa pa, mamaya ay may energy na ang dalawang lalaking ’yon para harangan ang landas ko patungo sa kanya kaya tumulak na ako pabalik sa Paraiso De Vergara Tan.

Binagalan ko ang aking sasakyan ng mapalapit na ako. Maaga pa at halos pasikat palang ang araw pero nakita ko na ang dalawang gwardiya na naglalakad-lakad at alerto na.

“Hay! Ang aga naman ng mga ’to!” Nang mapalapit na ako ay huminto sila sa ginagawa pagkatapos makilala ang aking sasakyan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang hintuan sila.

Ililiko na sana ulit ang sasakyan ko pero gaya kahapon ay para silang mga sundalong mabilis ulit akong hinarangan!

Inis kong ibinaba ang aking salamin pero imbes na ipakita ang pagkairita sa nangyayari ay matamis ko silang nginitian. Sabi nga ni Zyd, kill them with kindness!

“Good morning sainyo! Magandang magandang umaga!” Masigla kong bati pero imbes na batiin ako pabalik ay nakita ko ang pagkakamot ng ulo ng isa.

“Ikaw na naman?”

Tumango tango ako.

“Gising na ba si Asher? Diyan ba siya natulog kagabi? Sa kanya ba ’yung sasakyang itim?”

Napailing naman ang isa habang palapit sa aking sasakyan. Dalawang beses akong napalunok pero wala na akong dapat ikahiya ngayon! Life is short at hanggat hindi naman nila ako mapapatay ay ayos lang! I’ll do everything just to see Asher! God, I really hate to think that I’m becoming this person who is so desperate for something! Kahit kailan hindi ako naging ganito! Is this change?

“Miss, pasensiya na talaga. Gustohin ka man naming tulungan pero baka mawalan kami ng trabaho-”

“Kuya, sige na. Kahit sabihin niyo nalang na may naghahanap sa kanya? Sabihin niyo ang pangalan ko. I’m Karsyn-”

“Kahit pa Miss, Karsyn. Malinaw ang bilin sa amin na walang papapasukin o kakausaping kahit na sino pwera nalang sa pamilya ng mga Tan.”

Sasagot pa sana ako pero nawala ang atensiyon nila sa akin nang may umibis na isang pulang kotse patungo sa loob ng resort. Gaya ng pagkukumahog nila sa akin ay mas doble ang ginawa nila sa bagong dating.

Kung hindi lang talaga ako pinalaki ng tama ni Daddy ay baka pinasok ko na ang resort na ’yon lalo na’t binuksan na ang malaking gate! Kung hindi lang talaga ay baka pinaharurot ko na ang sasakyan ko hanggang sa kinaroroonan ni Asher Miguel!

Pinanuod ko ang dalawang makipag-usap sa bagong dating. Humilig ako sa sa nakabukas na salamin at hinintay silang matapos kaya naman nang bumukas ang nasa harapan kong bintana ng kotseng iyon kasabay nang agarang pagdungaw ng isang lalaking fresh na fresh at nakasuot pa ng aviator ay para na akong pinaglaruan ng kung ano dahil sa pagkataranta!

“Who is she?” The guy asked, napatuwid ako sa pagkakaupo ng tanggalin niya ang kanyang salamin pagkatapos sagutin ng guard.

Nahihiya akong napakaway ng balingan niya ako at ngitian! Ang makakapal na kilay na iyon at ang parehong ayos ng buhok na gaya nang kay Asher maging ang mga matang kung tumitig ay tumatagos sa buong pagkatao ay natiyak kong kalahi ito ni Asher.

“You’re his fan too?” Nakangisi niyang tanong.

Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling para makuha ang loob niya’t maawang isama nalang akong makapasok sa loob para makita si Asher pero sa huli ay hindi naman na iyon mahalaga dahil ibinalik na niya ang tingin sa mga gwardiya at may sinabi lang.

Magsasalita na sana ako para magtanong rito pero nalunod na ang aking mga salita sa aking lalamunan sa muling pagbaling niya sa akin.

“Good luck with what you’re doing, Miss.” Muli siyang ngumiti pero imbes na sumagot ay natulala nalang ako sa kanya.

Tuluyan na akong nawalan ng pagkakataon dahil sa pag-angat ng salamin ng kanyang sasakyan at ang pag-andar nito papasok sa loob ng resort! Lutang kong sinundan ng tingin ang kotse ng lalaki. Kung hindi pa ako nilapitan ng mga gwardiya ay baka nabaliw nalang ako.

Wala na. Hindi ko na alam kung paano pa magiging posible ang chance na magkita kami ulit.

“Ma’am, natulala ka na yata kay Sir Eros?” Tumatawang sabi ng naunang gwardiya. “Pinsan ’yon ni Sir Asher-”

“Maning! Ano ka ba, puro ka tsismis!”

Tamad na nilingon nito ang papalapit sa gawi namin.

“Nagkukwento lang naman, Lito! Ito naman!”

“Totoo ba Kuya Maning?! Pinsan iyon ni Asher?!” Tinaasan ko ang tono ng boses ko para mas lalo akong magmukhang excited, baka sakaling dito ko mahuli ang loob niya at pagbigyan ako.

Kahit kaunting tyansa ay papatusin ko na ngayon. Wala namang mawawala kung susubukan ko.

“Oo!”

“So ibig sabihin nandiyan si Asher sa loob?!”

Ang malaking ngiti niya ay mas lumawak pa.

“Oo,” Aniya pagkatapos ay mabilis na sumimangot. “Pero hindi mo pa rin siya makikita.” Aniyang nagpanguso sa akin.

Bigla kong na-miss si Zyd. Kung siguro’y narito lang siya ay baka kahapon pa namin nakita si Asher! Susuko na sana ako pero dahil sa hindi pagkawala ni Zyd sa aking utak ay muli akong nagsalita.

“James 3:16, for where you have envy and selfish ambition, there you find disorder and every evil practice.”

Tinabihan noong si Kuya Lito ang kausap kong si Kuya Maning. Sabay na kumunot ang mga noo nila dahil sa sinabi ko. Kung hindi sila madaan sa santong paspasan, baka makuha ko sila sa santong dasalan!

“Kuya, kahit sa bible sinasabing huwag maging madamot. Sige na naman please? Sabihin niyo nalang kay Asher ang pangalan ko, kilala ako no’n!”

“Miss Karsyn-”

“Romans 15:2,” I cut them off. “Each of us should please our neighbors for their good, to build them up. So please help me meet him? Kahit ngayon lang? Please?”

Sabay silang napabuntong hinga dahil sa pamimilit ko. Dahil sa bigo nilang mukha ay wala na rin akong nagawa. Siguro nga hindi pa ito ang oras na magkita kami. Siguro nga wala sa tadhanang magkita ulit kami…

Umalis ako sa resort hindi dahil sumusuko na ako kung hindi dahil kumakalam na ang sikmura ko. Sa isang simpleng kainan ako kumain. Doon ko na rin sinimulan ang unang vlog ko ngayong araw.

“Hola, it’s KF!” Ibinahagi ko sa kanila ang aking kabiguan sa tangkang paghahanap kay Asher pero sinabi kong hindi naman ako susuko kahit na bigong bigo pa rin ako at wala nang pag-asa sa ngayon.

“This is not the end. I will still find him, sasamahan niyo pa rin ako kaya alam kong kakayanin ko ’to.” Pagdating ng pagkain ay ipinakita ko rin sa kanila ang in-order ko.

This looks yummy. Hindi gaya sa restaurant na mukhang mga ininit lang. Nilingon ko ang paligid. Simple lang ito at ma-presko dahil gawa sa mga kahoy at ang bubong ay gawa naman sa nipa. Malamig rin ang simoy ng hangin at maraming kumakain na parang isa na ito sa mga dinadayo sa lugar.

“Thank you!” Nakangiti kong sabi sa babaeng naghatid sa akin ng bottled water.

Nahihiya siyang ngumiti pabalik sa akin na parang maraming gustong sabihin pero hindi naman ginawa.

Hindi nga ako nagkamali. Kung ano ang bango ng pagkain ay gano’n naman kasarap ang lasa nito na dahilan para makaramdam ako ng lungkot. Their food taste like home. Na miss ko si Mommy na hilig ang pagluluto kahit na may mga taga-luto naman kami sa bahay. Sinabi niyang gusto niyang siya mismo ang magpapakain sa amin.

Nahinto ako sa pagkain nang maramdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Being alone and away from home is difficult. Lalo na para sa akin na nasanay na isinusubo nalang ang lahat ng mga pangangailangan sa buhay.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang nag-iisip ng mga dahilan para makumbinsi ko silang papasukin ako.

“Sige na mag-break ka na muna. Ako na dine.” Narinig kong sabi ng isang waiter sa kasama nito sabay kuha ng hawak na tray.

Tama! Kung sila ay may break, sigurado akong may pahinga rin ang mga gwardiyang iyon! Binilisan ko ang pagkain sa abot ng aking makakaya dahil baka mapalampas ko ang tyansang ito!

Kumunot ang noo ko, pero kung makakapasok nga ako at makakasalubong naman ang ibang trabahador sa resort, ano naman ang sasabihin ko kapag nahuli nila akong nag-trespass?

Napabuga ako ng hangin sa ere at mabagal na nginuya ang pagkain. Maaga pa naman. Siguro ay babalik nalang ako doon bago ang tanghalian. Mag-iisip nalang ako ng mga paraan ngayon. I need to think…

Pinagmasdan ko ang mga taong naroon, baka sakaling may maisip ako pero wala. Bukod sa matatakaw sila at enjoy na enjoy nila ang pagkain ay wala na akong maisip. Natapos na akong kumain at nalinis na rin ang aking lamesa pero hindi ako umalis. Alam kong makakaisip ako. Makakaisip pa…

Pakiramdam ko’y nagliwanag ang lahat ng bumbilya sa aking utak ng makita ang mag-asawang pumasok sa kainan! Right! Ito ang tama! Alam kong hindi makakatanggi ang lahat kapag ito ang ginawa kong dahilan!

Hindi ko napigilang batiin ang mag-asawa sa sobrang tuwa habang palabas na ako doon. Na-weirduhan man sila sa akin pero ginantihan rin nila ang ngiti ko.

Bumalik na ako sa resort pero gaya kagabi ay hindi ako doon mismo pumarada. Tumabi lang ako sa gilid kung saan natatanaw ko sila. Sinulyapan ko ang aking orasan, pasado alas dose na pero naroon pa rin sila at tutok kung magbantay.

Napatuwid ako ng upo ng makita ang parehong pulang sasakyan na lumabas sa resort pagkalipas ng dalawang oras na paghihintay. Naalarma ako ng bumagal ang kanyang takbo habang palapit sa akin. Ibinaba ko ang aking salamin matapos niyang ibaba ang sa kanya.

Huminto siya ng matapat sa akin. Naiiling ngunit nakangiti niya akong hinarap.

“H-Hi.” Nakangiwi kong bati.

“You’re still waiting for him, huh?”

Nahihiya man pero tumango nalang rin ako. He chuckled, parang hindi makapaniwala sa lakas ng loob ko.

“I can’t help you with that but he is inside the resort and he’s not going anywhere today, I think.”

Lumawak ang aking ngiti.

“Thank you!” Nilakasan ko ang boses ko.

Tumango siya at ngumiti nalang ulit bago iangat ang kanyang bintana at iwan na ako.

Ang maliit na pag-asa sa aking puso ay nadagdagan dahil sa sinabi ng pinsan ni Asher! Sa pagbalik ng mga mata ko sa resort ay nakita kong iisa nalang ang gwardiya doon pero imbes na mag-drive papunta ay nagmamadali akong lumabas ng aking sasakyan para pumuslit papasok!

Walang humpay ang naging pagwawala ng aking puso sa loob ng aking dibdib habang palapit ako ng palapit. Binuksan ko ang aking camera nang makatawid ako at makagilid sa kabila ng kalsada.

“I’m running guys!” Itinutok ko ang camera sa resort na ngayon ay wala nang gwardiya kahit isa! Nanlalamig ang aking buong katawan gawa ng kaba pero hindi ko iyon ininda. This is my chance at hindi ko na alam ang gagawin kapag nabitiwan ko pa ang pagkakataong ito!

“Susubukan nating pumuslit doon kaya bahala na! So help me God!” Isinukbit ko ang aking camera sa aking leeg at hinayaan lang iyong i-record ang lahat ng kabaliwang ito!

Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko at kusa nalang akong magse-self destruct habang pigil ang paghingang pumasok sa gate na bahagyang nakabukas!

“We’re in. We’re officially inside the Tan’s property.” Bulong ko habang walang humpay ang pagkalampag ng aking puso.

Ramdam ko rin ang mabilis na pagdaloy ng aking dugo sa aking katawan. Nilakad takbo ko ang pababa ng resort at kahit na pilit akong inaakit ng kumikinang na dagat at magandang tanawin sa lugar na iyon ay lumaban ako para hindi ako mahinto!

“Hoy!”

Napapikit ako ng mariin ng marinig ang boses na iyon!

“Miss?! Bawal nga sabi rito eh!”

Kumaripas na ako ng takbo at hindi na inintindi ang sasabihin niya! Ilang libong dasal ang paulit-ulit na sinambit ng aking utak na sana ay makasalubong ko nalang bigla si Asher para matapos na ang lahat ng ito!

Hinawakan ko ang aking camera dahil nasasaktan na ako sa kada bundol nito sa ibaba ng aking dibdib. Maging ang aking puso ay nasapo ko na rin!

“Daddy, ikaw na ang bahala kapag nakulong ako!”

“Miss!”

Lumiko ako kaagad ng makita ang reception area. Nakita ko ang pagkalito at pagkaalarma ng isang babaeng naka-duty doon pero hindi ako tumigil!

Pakiramdam ko kasi ay siya na ang finish line pero bago pa ako makalapit sa kanya ay mabilis na akong nahuli ng lalaking kanina pa ako hinahabol!

“Kuya, please?! Isa lang! Sandali lang!” Hinihingal kong pagmamakaawa sa kanya pero kung gaano kataas ang determinasyon ko ay doble naman ang sa kanya.

“Miss! Hindi nga pupwede kasi-”

“Kuya! Nandito na ako kaya sige na!” Sinubukan kong humakbang palayo sa kanya pero hinigit niya lang ako palayo sa reception area.

Nilingon ko ulit ang babae pero wala na ito doon! Oh my God! Tumawag na nga kaya ito ng pulis para hulihin ako?!

Napabalik ang tingin ko kay Kuya Lito nang muli niya akong hilahin!

Sa paglalakad niya ay gumaganti rin ako kaya para kaming naglalaro ngayon ng hatakan lubid!

“Wala kang awa, Kuya! You’re too cruel!”

“Ikaw ang walang awa, Miss! Baka mawalan na ako ng trabaho ngayon dahil sa ginagawa mo. Kailangan ako ng pamilya ko at kapag natanggal ako dito ay wala kaming makakain. Mamamatay sa gutom ang mga anak ko at maliliit pa ang mga iyon.” Dinig ko sa boses niya ang purong pagmamakaawa kaya para akong nahimasmasan kahit paano.

Ang pagtanggi ko ay nabawasan pero nang maisip kong ito nalang ang natitira kong tyansa ay muli akong pumiglas sa kanya!

Nakita ko ang ilan pang mga lalaking palapit na sa akin at sa pagkakataong iyon ay para na akong sinasampal ng malalakas sa katotohanang malaking gulo na ang ginagawa ko!

Oh my God! Anong kabaliwan ba ang nasa isip ko! I’m going to jail! No! I can’t go to jail at hindi ito dapat malaman ni Daddy!

“Kuya please! Sandali lang talaga promise na promise!”

“Hindi pwede ang kulit mo!”

“At ang damot mo! Ang dadamot niyo!”

Isa, dalawa, hanggang sa tatlo o marami na ang nagpupumilit sa aking lumabas sa property. Medyo rumarahas na rin ang paghawak nila sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang ilabas ang huling baraha ko.

Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay sumigaw ng malakas!

“Buntis ako! Buntis ako kay Asher Miguel Vergara Tan at kapag namatay ang anak namin ay malalagot kayo!”

Naramdaman ko kaagad ang sabay sabay nilang pagtigil at pagtitig sa akin upang kilatisin ako kung nagsisinungaling ba o hindi. Imbes na magpahalata ay madiin kong kinurot ang sarili ko dahilan para agad na tumulo ang aking mga luha.

Pakiramdam ko ay ilang malalakas ang loob na kaluluwa ang sumapi sa akin para gawin ang lahat ng ito.

“Buntis ako! Parang awa niyo na! nasasaktan na ako!” Nanginig pa ang balikat ko hindi dahil sa totoong pag-iyak kung hindi dahil natatawa nalang ako sa aking sarili.

Doon na nila ako tuluyang binitiwan pero ni isa sa kanila ay walang nagsalita.

Maarte kong pinunasan ang aking mga luha at pagkatapos ay hinaplos ang aking tiyan.

“Buntis ako…. Buntis ako kaya parang awa niyo na! Ipakita niyo na sa akin si Asher! Karapatan ng anak kong malaman na may tatay siya habang maaga pa!” Humagulgol na ako.

Again, hindi dahil sa arte ko lang ito kung hindi dahil totoong masakit ang ginawa kong pagkurot sa aking sarili.

Magsasalita pa sana ako pero ang lahat ng kabaliwan ko ay mabilis na naputol ng sabay sabay silang humanay habang nakatutok sa kung anong nasa aking likuran. Pupungas pungas kong hinawi ang patuloy na pagdaloy ng mga luha sa aking mukha.

“Baby… Oh my God, kumapit ka ha? Malapit na. Malapit na nating makita si Daddy…”

Okay, now this is too much! Pang award winning ang arte ko pero hindi ko pa sana iyon ititigil kung hindi ko lang narinig ang pagsasalita ng dalawang lalaking nasa harapan kong agad namutla dahil sa tinawag nilang ma’am na siguro’y may mataas na posisyon sa resort.

Ihahanda ko na sana ang muling pang-award winning na iyak habang papihit paharap sa babae para makumbinsi rin siyang ilabas si Asher pero ang mga paa ko ay parang bigla na akong iniwan ng marinig ang mariing pagsasalita niya galing sa aking likuran.

“Ano ito?! Sinong buntis? Sinong nabuntis ng anak ko?!”

CHAPTER 10

THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. HEAD OVER TO THE APP TO READ IT FOR FREE.

SEE YOU!

CHAPTER 11

THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. HEAD OVER TO THE APP TO READ IT FOR FREE.

SEE YOU!

CHAPTER 12

THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.

SEE YOU!

CHAPTER 13

THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.

SEE YOU!

CHAPTER 14

THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.

SEE YOU!

CHAPTER 15

THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.

THE BACHELOR’S VICES AUDIOBOOK IS ALSO NOW OUT ON SPOTIFY! JUST SEARCH THE BACHELOR VICES TO LISTEN TO THE FULL STORY. :))

SEE YOU!

CHAPTER 16

THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.

SEE YOU!

CHAPTER 17

THIS STORY HAS BEEN MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.

SEE YOU!

CHAPTER 18

THIS STORY HAS BEEN MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.

SEE YOU!

CHAPTER 19

THIS STORY HAS BEEN MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.

SEE YOU!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.